CHAPTER ONE
26 YEARS old na si Ava ngunit malinaw na malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga taong lumipas. Isang nakalipas na masalimuot at nakakalungkot. Naroon pa rin sa kanyang isipan ang mga pang-iinsulto, pangmamaliit, at masasakit na mga salita na binitiwan sa kanya dahil lamang sa kanyang hitsura.
Hindi niya maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ang pagtrato sa kanya ng mga tao, na para bang may nakakahawa siyang sakit na iniiwasan ng mga ito. Mabuti na lamang at nakatagpo siya ng mabubuti at tunay na mga kaibigan sa katauhan nila Alyssa at Sophia.
Sila Sophia at Alyssa ay magkababata at parehong sikat sa paaralan dahil sa taglay na maaamong mukha, katalinuhan, at angking talento. Noong una ay akala niya katulad lang ang mga ito sa iba na masusungit, mapanghusga at masasama ang ugali na kadalasang nakikita niya sa may mga magagandang mukha pero nagkamali siya dahil naging kabaliktaran iyon sa kanyang inaakala at napatunayan niya iyon sa isang pangyayari...
"Hey, here comes the ugly duckling--- oh sorry! What I mean is the beast" madiin na sabi ng isang babae na seninyasan pa ang isa pang babae. Halatang may gagawin na hindi kaaya aya.
Nakayukong naglalakad ang labing-limang taong si Ava sa hallway. Katulad ng dati sa tuwing napapadaan siya ay naririnig niya ang mga ma-aanghang na salita tungkol sa kanyang hitsura.
"Ouch!" daing niya nang madapa siya mula sa pagkakapatid.
Tinawanan siya ng mga tao na naroon dahil sa naging ekspresyon ng kanyang mukha. Lumapit ang dalawang magagandang babaeng may kagagawan ng kanyang pagkakapatid. They're laughing evily while intently looking at here helpless position on the floor. Sa paningin niya ay tila nagkaroon ng sungay ang mga mala-anghel na mukha ng dalawa.
"Oops!" sabay takip sa bibig. "Sorry, I thought I saw a walking rug eh" wika ng isa na nagngangalang Camille.
Tumawa pa ng mas malakas si Aaliyah. "Your right nga sis e, she's like a walking rug--- a fatty, ugly, dirty one" tinignan siya nito mula sa pagkakaupo sa sahig. "Just look at that fats and that ugly oily face, full of pimples and with a thick glasses pa that look like from decades ago" marahan ngunit madiin na sabi nito. Iniyuko nalang ni Ava ang ulo dahil in any minute iiyak na siya at ayaw niyang makita ng mga ito ang kanyang umiiyak na mukha dahil baka lalo lamang siyang insultuhin ng mga ito.
"Yeah" pinameywangan siya ni Camille at inalapit ang mukha "Way, way disgusting!" "Eew!" sabay na wika ng dalawa na nag-appear pa at nagtawanan.
"You don't belong in this school ‘cause you’re so ugly! You know, your just ruining the name of this---" naputol ang sasabihin ni Aaliyah nang may magsalita mula sa kanilang likuran.
"If there's any ugly here, its you two! Can you two please have at least some manners!"
Pagkarinig nila nun ay sabay silang napalingon sa bagong dating. "Sophia!" sabay na wika ng dalawang babae.
"Oh, so it’s the Jimenez siblings. I was wondering who are making a big fuss here and turned out the two of you whom by any means are heartless unmannered beings.” she paused and did a quoting sign "bullying and saying harsh words. I should have known its you two because both of you have bad stinky attitudes!" sita ni Sophia sa dalawa.
"Stay out of this Sop---"naputol na naman ang sasabihin ni Aaliyah nang dumating si Alyssa, ang president ng Student Council.
"What's happening here?" aniya. "Well, this two here Al is bullying Ms. Hernandez" sumbong ni Sophia dito.
"Ahh, I see" binalingan nito ng tingin ang dalawa. "You know Ms. Camille and Ms. Aaliyah Jimenez that this school prohibits bullying right? Do you want me to report this incidents to the guidance office huh?" mahinahong sabi ni Alyssa pero ang tono ay may halong pagbabanta.
"N-no, please Ms. President--- it will not happen again we promise!" sabay na wika nila Aaliyah at Camille at itinaas pa ang mga kanang kamay para mangako kung pwede nga itataas din nila ang kanilang mga paa para lang hindi ituloy ni Alyssa ang banta, gagawin nila. Ayaw kasi nilang masuspende.
"Okay, madali akong kausap now go! Before I change my mind" pagbabanta na naman ni Alyssa.
Mabilis namang kumilos ang dalawa. Mabilis pa sa kidlat na nilisan ng mga ito ang lugar pero bago tuluyang umalis ay humingi muna ang mga ito ng sorry kay Ava.
"Are you okay, Ms. Hernandez?" nag-aalalang tanong nila Sophia at Alyssa habang inaaalayan siyang tumayo.
"Yes, I'm okay---" napatigil siya sa pagtayo nang kumirot ang kanyang paa. Mukhang na-sprain yata ng mapatid siya. Napaupo siya ulit sa sahig dahil sa sobrang sakit ng kanyang paa. Naalarma naman sina Sophia at Alyssa kaya tinulungan siya ng mga ito na pumunta sa School Infirmary.
Simula ng makilala niya sina Sophia at Alyssa ay nagbago na ang buhay niya. Pagkatapos ng insidenteng iyon naging kaibigan niya ang dalawa at naging sobrang malapit sa isa’t isa hanggang naging mag-bestfriends na ang turingan nila.
Tuwing naaalala niya 'yon ay hindi niya maiwasang ngumiti dahil hindi lamang puro sakit ang naranasan niya noon at salamat iyon sa dalawang mabubuting kaibigan. Ang mga panahon na pinagsamahan nilang tatlo ang isa sa mga iniingatan niyang mga mahahalagang alaala.
Napabuntong-hininga siya ng maalala ang mga kaibigan. Na mimiss niya na ang mga ito. Ilang taon na din siyang hindi nakakauwi sa Pilipinas dahil naging busy siya sa Europa kung saan siya nagtapos ng kolehiyo at dito na rin nagtatrabaho. Ngayon, isa na siya sa mga sikat na Pattisier sa buong mundo. May naitayo na rin siyang eskwelahan para sa mga taong gustong maging pastry chief katulad niya.
Naputol ang ang kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan nang marinig niya ang kanyang cellphone na tumutunog. Speaking of the devil este angel! Naibulaslas niya ng makita sa screen ang pangalan ni Sophia at sigurado siyang tatawag din mamaya si Alyssa.
"HELLO?"
"Hello dude! It's me Rex."
Napasimangot ang binata at napangunot ang noo. What does this man want now? reklamong anas niya sa sarili.
"Napatawag ka yata,Rex? Is there any problem? Love problem perhaps?" walang gana niyang tanong. There would only two possible things why Rex would call him, it is either about work or it is about Sophia---Rex's girlfriend whom he courted since high school. At alam niya kung bakit ito tumawag at iyon ay ang huli.
Ilang sandali pa at narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya. "Sira! Its not about Sophia... okay na kami. Grabe! I have done so many things that I thought I wouldn’t ever do just to please her, I dare to and thank god I received her forgiveness at last. Ang hirap talaga paamuhin ang isang ‘yon but my sacrifices were all worth it. Well, back to real reason why I
called up. I just wanted to remind you about our school reunion this coming Saturday.”
Marahas siyang napabuntong-hininga "Rex, I have told you a lot of times that I can't come. I'm a busy man, you know that and I still need to finish all these paper works." angal niya.
"Yeah, yeah, yeah I know, but I’ve also told you a lot of times that you must come. Don’t you dare refuse me, man. Just set that works of yours aside, okay?"
Ang kulit talaga ng kumag. Muli ay bulong niya sa sarili.
"But---" bago pa siya makapalag ulit ay inunahan na siya ng kaibigan.
"For pete's sake Steven! You can work on that paper works some other time. This reunion is just for one night. Makakapaghintay yang trabaho mo, tutal naman you’re the boss. Also, everyone is expecting for the appearance of the former basketball captain. So---"
"Okay! I'll come. So stop nagging already." pagsuko niya dahil kung pagpipilitan pa rin niya ang hindi pagdalo sa reunion ay tiyak na hindi siya tatantanan ni Rex. Kukulitin at kukulitin siya nito hanggang sa pumayag siya sa gusto nito.
"I'll mark your word Steven. Bye, gotta go now. I still need to fetch Sophia. Dahil baka iba ang sumundo nun." may halong inis ang huling katagang sinabi nito. "Make sure you'll come this saturday or else, you'll miss something important" at pagkasabi nun ay pinutol na nito ang linya.
Naguguluhan siya sa huling katagang sinabi ng kaibigan, “…you’ll miss something important!”
Ano kaya yon? Ay ewan! Ang lalaking yon talaga. He heave a sigh and shrugged bago muling itinuon ang atensiyon sa tinatapos na mga papeles sa kanyang mesa.
CHAPTER TWO
Dalawang araw na ang nakakaraan simula nang makausap ni Ava ang mga kaibigan. Ngayon ay papauwi na siya sa bansang Pilipinas. Hindi alam ng mga kaibigan na ngayon ang kanyang balik dahil hindi niya naman sinabi, gusto niya kasing sopresahin ang mga ito sa malaking pagbabagong nangyari sa kanya. Naalala niya ang dalawang araw na nakaraan, nakakatawa ang mga naging reaksyon ng dalawa nang hindi niya sinabi kung kailan siya babalik. Parang nakikinita niya ang pagsimangot at pagnguso nila Sophia at Alyssa sa kabilang linya nang kausap niya ang mga ito.
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid, nakalapag na rin ang eroplanong sinasakyan ni Ava. When she set her foot on the ground, wind gently touch her face. Oh, how she miss this country! How long it has been since the last time she stepped on the Philippines? It has been almost 10 years.
Paglabas niya sa pinto ng airport ay nakita niya agad ang kanilang mayordoma na si Aling Lucia. Ito lang ang sinabihan niya na darating siya ngayong araw sa Pilipinas. Nang makita siya nito ay patakbong tinungo siya nito at mahigpit na niyakap. Close na close siya dito, simula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging sandalan niya nung mga panahong iniinsulto siya ng mga taong kung makapaghusga ay animo'y walang kapintasan at mga perpekto.
Ilang minuto rin silang nagyakapan. "Kamusta na ang alaga ko?" panimula nito. "I'm doing good Aling Lucia" aniya, pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Correction, Lucy hindi Lucia" pinameywangan pa siya nito nang sabihin ito.
Bahagyang natawa siya sa inasal ni Aling 'Lucy'. Walang mintis talaga ang kanyang pag tawa sa tuwing magkasama sila ng matanda. Nang umalis siya papuntang Europa noon, nagkadramahan pa sila ngunit ilang minutong matapos ang pag-iiyakan nila ay natawa siya sa naging banat nito. Dapat daw pag-uwi niya may foreigner daw siyang pasalubong dito.
"O, bakit mag-isa ka lang yatang bumalik dito?"
"Uhmm, ako lang po talaga ang bumalik dito. Sina mama kasi at papa ay nagpaiwan doon dahil magsesecond honeymoon raw ho sila. Natuwa pa nga eh dahil sa wakas makakapagsolo na silang dalawa. Biniro pa nga ako na pagbalik ko raw doon sa Europa baka nasundan na ako." patawa-tawa niyang pahayag dito.
"Hindi naman sila senyor at senyora ang tinutukoy ko." napangunot ang noo ni Ava. Ano ang tinutukoy ni Aling Lucy kung ganun? "Nasaan na yung foreigner na pasalubong ko? ‘Di ba sabi ko dapat pag-uwi mo may kasama kang foreigner para sa akin?" turan nito. Lihim siyang natawa, kung ganoon naalala pa rin nito ang naging banat sampung taon na ang nakalipas.
"Naku, pasensiya na po nakalimutan ko kasing ilagay sa box eh. Hayaan niyo po't ipapapackage ko yon agad bukas" pagsakay niya sa biro nito.
Sa puntong iyon ay humalagpak na sila ng tawa. "Siya, tayo na't magpapahinga ka pa. Matagal rin ang naging biyahe mo at siguradong may jet lag ka pa. Pedro, Juan kunin niyo na ang mga maleta ni senyorita Ava." utos nito sa mga kasama nito.
"Pasensya na po Aling Lucy. Mauna na lang po kayo doon sa bahay. Pupuntahan ko pa po kasi sila Sophia at Alyssa eh. Dala niyo po ba yung kotse ko?"
"Oo, nadala ko tulad na rin ng bilin mo sa akin pero sigurado ka ba talagang kaya mong magmaneho? Baka kasi kung mapano ka, may jet lag ka pa naman."
"Opo, kaya ko po. Ako pa!"
"Ay sus, itong batang ire. O siya, kung yan ang gusto mo. Lumakad ka na bago magbago ang isip ko't hindi pa kita patuluyin sa pagpunta mo sa mga kaibigan."
"Salamat po Aling Lucy" aniya saka halik sa pisngi nito.
SAKAY ng BMW niya ay tinungo niya ang kinaroroonan ng dalawang kaibigan. Narinig niya minsan sa mga kaibigan niya noon na balak ng mga ito na magtayo ng isang eleganteng high class hotel and restaurant. Ngayon nga'y isa na ang SOAVAL hotel and restaurant sa mga sikat, pinaka-tanyag, at mamahaling hotel and restaurant sa buong mundo. Dito rin natutulog at pansamantalang namamalagi ang mga dayuhan na hindi lamang basta-basta dahil mga kilala ang mga ito sa buong mundo--- mga business tycoons, political members, celebrities at iba pa.
Pagtambad pa lang sa kanya ng malaking gate na patungo mismo sa nasabing hotel and restaurant ay namangha na siya. The gate was so fabulous. It's like a palace's gate. No wonder it's one of the most prestigious and famous hotel and restaurant in the world. When she was driving her way to the said hotel, she can't avoid but be amaze at the place. The pathway was surrounded by Indian trees and by exotic ornamentals coming from the different parts of the world.
Pagkatapos ng apat na kilometrong distansya sa hotel at ng gate, narating na rin niya ang establishment ng hotel. Kung humanga siya sa gate at sa pathway papunta sa establishment ng hotel ay mas higit ang naging paghanga niya nang makita mismo ang istraktura ng hotel. Parang hindi mo masasabing isang hotel iyon dahil mas nagmukha itong palasyo. Makikita rin sa likod ng hotel ang isang matayog na bundok. Nagsilbi itong magandang background na nagbigay ng mala-enchanted feeling sa bawat kliyente ng hotel.
Nang makarating sa tapat ng hotel ay pina-ubaya na niya ang kotse sa isang staff doon. Pagpasok pa lang niya sa hotel ay sinalubong na agad siya ng mainit na pagtanggap ng mga staff. Tumambad sa kanyang paningin ang isang malaking water fountain sa gitna mismo ng hotel structured with three beautiful goddess made of glass.
Napahanga siya sa lugar. Bagaman kasusyo siya ng dalawang kaibigan ay wala siyang gaanong alam sa internal design ng hotel.
Agad siyang tumungo sa reception para matanong na niya kung nasaan ang mga kaibigan--- kung nandun ba ang mga ito sa office nila. Nang makumpirma na niya na nandun nga
ang mga kaibigan ay agad siyang nag-isip ng isang alibi para makausap ang mga kaibigan na hindi man lang niya masasabi ang pangalan kung sakaling tanungin siya ng receptionist.
Sinabihan niya ang receptionist na binastos 'daw' siya ng isang staff ng hotel. Kaya gusto niyang personal na makausap ang mga may-ari upang magreklamo. Agad namang tumalima ang receptionist at agad tinawagan ang mga kaibigan niya. Makaraan ng ilang minutong pakikipag usap ng receptionist sa may-ari ay binaba na nito ang telepono at pinahatid siya sa isang staff sa opisina ng mga kaibigan.
Nang marating na nila ang pinto ng opisina ay magalang na umalis ang staff na naghatid sa kanya. Pagpasok niya sa opisina ay agad tumambad sa kanya ang mga maaamong mukha ng mga kaibigan. Nakayuko ang mga ito habang busy sa pagpipirma ng mga documento. Kinatok niya ang pinto ng ika-tatlong beses upang makuha ang atensyon ng dalawa. At pagkatapos ay isinara ang pinto.
"Good noon, miss. Please have a sit." paanyaya ni Alyssa, itinuro pa nito ang isang bakanteng upuan. Pero hindi siya tumugon bagkus nanatili pa rin siyang nakatayo doon sa may pinto.
"Okay, if that's what you want you can remain there standing." mataray na wika ni Sophia sa kanya. "So, let's get straight to business. Ano po ba yung tinutukoy ninyong problema, miss?" dugtong nito.
"Ms. Ava Hernandez" aniya.
Nang marinig ang pagpapakilala niya ay agad napatayo sina Sophia at Alyssa. Kumunot ang noo ni Alyysa at nakataas naman ang isang kilay ni Sophia. Napatawa siya sa mga reaksyon ng mga ito. Alam niyang hindi naniniwala ang mga ito na siya si Ava. Oo nga pala hindi pa nakikita ng dalawa ang bagong niyang hitsura. Puro tawag at chat lang kasi silang tatlo at ni minsan hindi pinakita ni Ava ang kanyang hitsura sa tuwing nagchachat sila.
Kinuha niya ang dalawang cellphone sa bag at tinawagan ang number ng mga kaharap. Nagring ang cellphone ng mga ito at agad pinindot ang accept call button.
"Hello? Mga bruhang ‘to hindi man lang ako nakilala. It’s me Ava. In flesh alive and breathing."
Dahan-dahang inilapag nila Sophia at Alyssa ang mga cellphone sa mesa. "Oh my God, Ava!" sabay na tili ng mga ito at patakbong tinungo siya. Tulad ni Aling Lucy ay niyakap din siya ng mga ito ng mahigpit.
"Kamusta ka na Av? Gosh, napakaganda mo na ngayon ah at ang seksing seksi." Excited na wika ni Sophia, napangiwi ito nang sikuhin ito ni Alyssa.
"Welcome back Ava. We're so happy that you’re finally back. Pero ikaw na ba talaga yan?" parang batang wika ni Alyssa. Sa pagkakataong ito ay si Sophia naman ang sumiko dito.
"Yeah, the one and only." pagkatapos sabihin iyon ay parang mga sirang pinalibutan siya ng dalawa at hinanap ang nunal niya sa may batok. Nang makita ito ay nakumpirma na nga ng mga ito na siya talaga si Ava.
"Ikaw nga si Ava. We missed you so much friend." sabi ng dalawa sabay yakap sa kanya sa may likuran.
"Kids behave" natatawa niyang saway.
"Loka! Naglunch ka na ba?" ani Sophia.
"Hindi pa. Kararating ko pa kasi galing sa biyahe eh."
"Halika sa restaurant Ava. Kain tayo at magkwentuhan na rin tayo habang kumakain." ani naman Alyssa.
"Sure. Common, let's go! Gagow." banat niya.
"Tse" sabay na sabi naman ng dalawa.
Pagbukas ni Ava sa pintuan ay natigilan siya nang may makabangga siya. Napasubsob siya sa malapad na dibdib nito. May katangkaran ito na parang sa isang basketball player at sa tansya niya ay sobra sa 6'2 feet ang tangkad nito. Feeling niya nanliit siya kahit na matangkad din siya sa height na 5'8. Sandaling nawala siya sa planet earth she felt secured, napakagaan ng
pakiramdam niya sa dibdib nito na animo'y nakalutang siya sa kalawakan. Somehow, she knew that she had felt this feeling from before. Nanumbalik lang siya sa katinuan nang marinig ang pagsinghap ng dalawang kaibigan na parang nakakita ng isang multo. Akmang hihingi sana siya ng tawad dito pero nang itaas niya ang kanyang mukha para harapin ito ay natigilan siya.
My god it’s him! He is the man who had hurt her almost ten years ago. The only reason why she has to go to Europe and heal her broken heart, Steven Sandoval!
"Oh, I'm sorry." anito.
Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili lalong-lalo na kanyang puso na parang nagwawala sa loob. Kahit na gusto niyang pagsasampalin ito.
Sampalin? Or you want to kiss those red kissable lips? Common, Ava. I know there's still a part of you, who is still in love with him tudya ng isang parte ng utak niya. No! It can't be. I don't love him anymore! As a matter of fact, I hate him, kontra naman ng isa pang parte ng utak niya. Sus, denial. May proweba na nga eh. Kumakabog si heart oh. So that means, you’re still in love with him.
"Shut up!" naibulaslas niya.
"Huh? I beg your pardon?" nakakunot-noong tanong ni Steven sa kanya. Patay! Kahit kailan talaga oh, pahamak si mind. "Huh? W-what I said is, I-Im sorry too." nagkabulol-bulol niyang sagot.
"Uhm, Steven! Napadaan ka yata dito? May kailangan ka ba?" salo ni Sophia sa kanya. Lihim siyang nagpasalamat sa kaibigan dahil sinagip siya nito mula kay Steven. Kanina pa niya nararamdaman ang kanyang mga tuhod na nangangatog. Alam niyang kung matatagalan pa ang pag-uusap nilang dalawa ni Steven ay mahihimatay na siya dahil sa sobrang niyerbiyos.
"Well, I'm here because I have a lunch meeting with an important person," tinignan nito ang pambisig na relo, binalingan na naman siya nito kaya naramdaman na naman niya ang pagwawala ng kanyang puso. "I'm sorry again, miss. Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Tumango na lamang siya dahil hindi niya maapuhap ang kanyang sariling boses.
"Okay then. Got to go." anito, pagkatapos ay madali na itong lumakad. Doon na siya nakahinga ng maluwag. Damn! Why does he still have a great impact in her even it has been almost a decade since the last time she saw him? The wall she created over those years away from him, had collapsed in an instant she had seen him! Does this mean that she's still in love
with him even though he had caused her so much pain? She shook her head hard. She’s stubborn enough not to admit this realization. She hate him remember? But still some part of her is against of that idea. Argh! Love is really a complicated thing!
"Friend, are you okay? Hello?! Please come back to planet earth!" usisa ni Sophia. Naku naman, napalalim na yata ang pag-iisip niya at hindi niya napapansin ang mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan.
"Yeah, I'm okay. Don't worry Sophia. Let's go na nga. Baka mangayayat yang si baby Sophia tayo pa ang sisihin ni daddy Rex niya" buska niya sa kaibigan.
Humalakhak si Alyssa at si Sophia naman ay marahan siyang hinampas sa balikat. "Hoy bruha, don't forget na niligtas kita mula sa kamay ng tukso kanina ah!"
"Anong tukso?" ngunot-noo niyang tanong dito.
"Tukso. Kanina kasi parang gusto mong halikan ang lips ni Steven eh." binigyan pa siya nito ng isang nakakalokang ngiti.
Ganun ba talaga siya ka transparent? "Kumain na nga tayo, baka kainin pa kita diyan Sophia ng buo eh" biro niya dito.
"Ay naku, change topic ang loka." pahabol na buska na naman nito.
"Ewan ko sayo. Tayo na,” at iniwan na ang mga kaibigan. Nagkangisihan na lang ang kanyang mga kaibigan habang umiiling.
Kahit kailan talaga pikon wika ng mga ito sa mga sarili. Lumakad na ang dalawa para sabayan si Ava papuntang restaurant.
CHAPTER THREE
NAKATINGIN si Steven sa kausap pero ang isip naman niya ay hindi nakatuon sa mga sinsabi nito. Iniisip niya ang babaeng nakabangga kanina. There was something about that girl that reminds him of someone, even though the looks and the body physiques were so different. Her voice and eyes are so much alike of Ava--- his first love na kahit pangit ay nahulog pa rin ang kanyang puso dahil sa taglay nitong kabaitan.
Steven your imagining things again! You’re paranoid and obsessed with your first love. Ilang beses mo na bang napagkamalan ang mga ibang babae na si Ava huh? litanya ng isip niya.
Naalala pa rin niya ang mga pagkakataong magkasama silang dalawa noon at ang una nilang pakikita…
NAGMAMADALI ang labing-limang taong gulang na si Steven noon dahil late na siya sa kanilang praktis. Nang may makita siyang isang babae na may ginagamot na isang pusa na sa tingin niya ay nasagasaan marahil ng bike.
Simula noon ay ilang beses niya ng nakita ito. Sa tuwing nakikita niya ito ay tinutukso ito ng mga kapwa estudyante tungkol sa hitsura nito, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito lumalaban, nananatili itong tahimik. Humanga siya sa taglay nitong katatagan. Until one day, nakita niya itong inaapi muli ng mga kamag-aral.
"Do you think we'll stop after what happened the other day huh?" boses ito ni Aaliyah.
"Yeah and because of you we got into trouble! And you'll pay for it" segunda ni Camille at pagkatapos sinugod ang kawawang babae- si Ava Hernandez. Tinulungan naman ito ng nakakabatang kapatid. Walang nagawa si Ava kundi yakapin ang sarili.
"Camille, Aaliyah, please stop," hindi nito sinasadyang maitulak si Aaliyah na dahilan upang matumba ito. Nangangalaiti sa galit si Camille sa nangyari sa kapatid, itinaas nito ang kamay para sampalin ito.
"Stop already Camille and Aaliyah!" maawtoridad na utos niya. Tumingin ang tatlong babae sa kanya. Sina Camille at Aaliyah ay tinakasan ng kulay ang mukha. Kinuha ni Camille ang kamay mula sa kanya at tumakbo papunta sa kapatid upang tulungan itong tumayo. Tumakbo na ang dalawa palayo doon.
"Hey, you two come back here!" akmang hahabulin niya ang dalawa ngunit hindi nangyari dahil pinigilan siya ni Ava.
"Let them pass."
"But-" hindi na siya nakatapos ng unahan na siya nito ng mahinang 'please'. "Are you alright?"
"Yeah, thanks to you," ngumiti ito.
Mula noon ay naging magkaibigan silang dalawa. Bawat oras na magkasama sila ay masaya, mas nakilala niya ang pagkatao nito. Hanggang sa ma inlove siya dito, hindi niya alam kung paano, kung kailan nangyari 'yon. Basta nagising nalang siya isang araw na mahal niya na ito. He fell in love with her, like no beautiful girls did.
"Steven, are you with me? Aba'y kanina pa ako nagsasalita dito ah." wika ng kanyang nakakatandang kapatid na si Simon. Dalawa lang silang magkakapatid, si Simon na dalawang taon ang agwat sa kanya at siya. Ito ang tagapagmana ng mga negosyo ng ina nila at siya naman sa mga negosyo ng kanilang ama.
"Sorry kuya Simon. May naalala lang kasi ako" hinging paumanhin niya rito.
"Steven, It’s not good to think of other things, when you’re in a middle of a meeting. Kung ibang tao lang ako at importanteng kliyente pa, you won't close the deal and it might put your company at edge." litanya nito. Hay, kahit kailan talaga napakadictador ng kanyang kuya Simon bukod sa pagiging perfectionist nito. Hindi na siya nagtataka kung bakit hinihiwalayan ito
ng mga nagiging girlfriends dahil kahit ang pananamit, pagsasalita at pagkilos ng mga ito ay pinupuna ng kanyang kapatid.
"I'm really sorry bro. I promise it won't happen again."
"That should be." bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "I guess I have to repeat it again, but please Steven listen carefully and focus."
"Okay bro."
KASALUKUYANG nasa restaurang sina Ava, Sophia at Alyssa. Nagkwentuhan sila sa mga pangyayari sa kanilang mga buhay simula nang umalis si Ava sa Pilipinas.
"So, Av... How's Europe?" panimula ni Alyssa, sa pormal na paraan.
"Come on, Al. Stop the formality. It’s just Ava you know. She's not a client or something." saway ni Sophia kay Alyssa. Kahit kailan talaga, PRATAKRAY ‘tong babaeng to as in prangka, taklesa, mataray.
Hay, good luck nalang talaga kay Rex natatawa niyang sabi sa sarili.
"Sorry" ang tanging nasambit ni Alyssa.
Ngumiti siya. "You don't have to Al. Hmm, my stay in Europe? It’s great! I manage to grow and develop my career. And--------" I finally moved on from the heartaches that Steven cause? pero mas naging tanong to kaysa pahayag sa kanyang sarili
Tila nabasa naman ni Sophia ang nilalaman ng kanyang isip. "And what? That you've already move on from Steven?"
"Sophia! Stop it. Ano ka ba?!" saway ni Alyssa. Isang malakas at malutong na halakhak lang ang naisagot ni Sophia. Paano kaya naging mag-childhood best friends ang dalawang to? Sobrang magkaiba ang dalawa. Si Sophia ay madaldal, si Alyssa naman ay hindi. Si Sophia ay
isip-bata, si Alyssa naman ay napakamatured mag-isip. Si Sophia ay napakaseksi manamit, si Alyssa naman ay simple lang.
"Yeah" pagsang-ayon niya.
"I don't think so my dear. As far as I observed from your reaction earlier, you haven't moved on yet. You still love him. You’re still head over heels in love with him." buska nito. Dinaig pa talaga nito si Kris Aquino sa pag-usisa at pagiging prangka.
ANG hindi nila alam naririnig ni Steven ang pinag-uusapan nilang tatlo. Kanina ng papaalis na sana siya ng restaurant ay narinig niya ang malutong na halakhak ni Sophia kaya naalala niya na may kailangan pa pala siya rito. Papalapit na sana siya sa kinaroroonan ng table nila Sophia nang mapahinto siya nang marinig ang pangalang Ava. Nagtago siya sa isang sulok na hindi siya makikita ng tatlo. Nang marinig na niya ang tinig ng kanyang first love ay sumilip agad siya at napanganga siya. His right after all! That woman he bumped into earlier is really Ava. Oh how he missed this girl so much! How he want to embrace her so tightly, but he have to control his self because he still want to hear what Ava will say. He wants to know if she really feels that way towards him.
"My god Sop! Do you think I'll still love him after all the heartaches and pains he had caused me? I hate him! I hate him from the deepest core of my heart! Loving that judgmental guy, almost a decade ago was the biggest mistake I have ever done!" asik na pahayag ng dalaga na kinontra naman ng sobra ng kanyang puso.
Akmang hihirit pa sana si Sophia nang matigilan ito nang tinapunan ito ni Ava ng isang masamang tingin. Nagkibit-balikat na lang ito at iniba na lang ang topic ng kanilang pinag uusapan. Samantala, si Steven naman ay bagsak ang balikat na lumabas ng restaurant at pumunta sa kanyang kotse para umalis na ng lugar.
Habang lulan ng kotse niya ay paulit-ulit na nag-rerewind sa kanyang isip ang mga ma aanghang na mga salita na binitiwan ng babaeng minamahal. Masakit sa kanya ang narinig mula
rito. Nagsisimulang mamasa ang kanyang mga mata ngunit pinigilan niya ang sariling tuluyang ma-iyak. May isang bagay lang siyang ipinagtataka, bakit ganun na lang ang galit nito sa kanya? Wala talaga siyang maalalang ginawa niya noon upang ikagalit nito, napakabuti ng pakikitungo niya noon dito. Pero isa lang ang malinaw sa kanya kahit kinamumuhian siya nito ay hindi pa rin niya isusuko ang pagmamahal dito.
Nahawa na yata siya sa kakulitan at mapagpursige ni Rex na makuha ang gusto by all means. Ito pa kayang kaibigan niya na hindi sumuko sa pagsungkit noon kay Sophia kahit sa kabila ng pagiging prangka, taklesa at mataray ng babae---siya pa kaya?
Woohoo! That's the spirit dude! What Steven Sandoval wants, he gets! mayabang na wika niya sa kanyang isip.
"AV, YOU'LL come to the school reunion tomorrow night,right?" tanong ni Alyssa sa kanya.
"Of course!"
"Good! So, bukas ng umaga sabay tayong mamili ng damit at sapatos, okay?" ani Sophia.
"Okay. At sa kaibigan ko na lang na designer tayo mamili. She has a boutique at ayala," tugon niya sa excited na paraan. Matagal na rin niyang hindi na kikita ang kaibigan niyang iyon, mga 3 months na rin nang huli silang magkita. Umuwi kasi ito ng Pilipinas 3 months ago dahil pinauwi ito ng mga magulang nito. Noon ngang huli nilang pag-uusap sa telepono, ikwinento nito na nagbukas ito ng isang boutique sa ayala.
KINABUKASAN pumunta nga ang tatlo sa boutique ng kaibigan ni Ava na si Nicole. Si Nicole ay nakilala niya noon sa Europe sa isang party ng kaklase niya na nagkataon naman na kaibigan din nito. She can tell that Nicole's personality is quite unique. Palaban, mataray at prangka ito kapag inaway at inaagrabyado mo. Pero kung magiging kaibigan mo naman, ito ay napakamapagbigay, napakamatulungin at napakabait.
Pagpasok pa lang nila ng boutique ay sinalubong sila agad ni Nicole. Ipinakilala niya sina Sophia, Alyssa at Nicole sa isa't isa at tulad ng inaasahan niya ay nagkasundo at nagkapalagayan agad ng loob ang mga ito. Nagdaldalan na nga tungkol sa balat ni Nicole, kung ano daw ginagamit nito na sabon at kung anu-ano pa at siyempre si Sophia ang pasimuno. Nang tapos na sa pagtatanong ni Sophia ng kung anu-anong mga bagay kay Nicole ay inaya na sila nito sa lugar ng mga pang-formal attire.
"Wow. Bonggang-bongga naman ng mga designs mo Nicole" hangang-hangang wika ni Sophia dito.
"Oo nga. At ang gaganda pa ng mga gawa mo." tugon naman ni Alyssa. Hindi niya masisisi ang dalawang kaibigan sa paghangang ipinupukol sa mga gawa ni Nicole. Bawat isang damit kasi ay may iba't ibang ganda at unique din dahil hindi mo talaga makikita ang gawa nito sa gawa ng ibang mga designers. Hindi na talaga siya nagtataka kung bakit isa ito sa mga famous designers sa buong mundo.
"Thank you. Pili lang kayo diyan. And you don't have to pay. Libre na." nakangiting wika ni Nicole sa kanila.
"Nicole naman, we'll pay na lang. Malugi ka pa niyan eh." angal ni Ava sa alok ng kaibigan.
"Ava, no worries hindi ako malulugi. Let’s just say it’s a gift from a friend"
Umiling siya. "Baka kasi---" hindi niya na natuloy ang sasabihin pa niya sana ng magdrama na ito.
"Please, just let me do this okay? Huwag ka ng tumanggi okay? Nakakasakit kasi ng ego eh," maktol nito.
"Sige na nga, but as payment ipagbebake na lang kita ng chocolate cake. Di'ba its your favorite?"
"Wow! Okay, namimiss ko na rin yung cakes mo eh"
Pagkatapos nilang namili ng damit ay nagpaalam na sila kay Nicole at nagpasalamat at pumunta na sa tindahan ng mga sapatos. Umuwi naman sila agad pagkatapos, para makapaghanda na.
CHAPTER FOUR
"TAPOS na po ma'am" wika ng nag-aayos kay Ava. "Ang ganda-ganda niyo po talaga, sigurado akong maraming lalaki sa party mamaya ang maiinlove sa inyo," hindi maiwasang komento nito. Light make-up lang ang ginawa sa kanya pero magkagayunman ay mas ikinalitaw pa ito ng likas niyang ganda. Ang kanyang buhok ay ini-french twist na nilugayan pa ng ilang hibla ng buhok at pinukulot kaya mas lalo siyang naging sophistikadang tignan.
"Thanks" tugon ni Ava dito at ngumiti.
"Your welcome po ma'am. O sige po, alis na po ako." paalam nito. Tinanguan lang niya ito bilang sagot.
Nang tuluyan ng umalis ang nagmake-up sa kanya ay pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa malaking salamin sa kanyang kwarto. Ibang-iba na talaga ang kanyang hitsura kaysa noon. Sino ba ang mag-aakala na ang dating mataba at puno ng pimples ang mukha ay isa na ngayong napakaseksi at napakakinis na ang mukha. Biglang naalala niya ang eksena nila ni Steven doon sa SOAVAL hotel and restaurant, hindi talaga siya nakilala nito. May sumilay na ngiti sa kanyang likas na mga mapupulang labi. Naisip niya na panahon na para sa paghihiganti niya dito. Paiibigin niya ito at sa huli ay iiwan ng luhaan. 'Weh? Hindi kaya maging palpak yang plano mo at imbis na sa kanya mangyari yon ay maging kabaliktaran pa?' tudyo ng utak niya.
Napahinto siya sa pagmumuni-muni nang kumatok si Aling Lucy sa pinto. "Hija, nandun na sa baba sina Sophia at Alyssa. Lumabas ka na diyan para makaalis na kayo." aniya.
"Opo." sagot niya at lumabas na ng kanyang kwarto.
Pagkababa niya ay nakita niya ang kanyang mga kapwa naggagandahang kaibigan na matiyagang naghihintay sa kanya. Si Sophia ay tinitignan ang sarili sa salamin samantalang si Alyssa naman ay nagbabasa ng magazine. Tumikhim siya upang maagaw ang atensiyon ng mga ito. Tumigil naman agad ang dalawa sa mga ginagawa.
"Wow, ang ganda natin ah... siguradong maraming lalaki ang maglalaway mamaya." nakakalokang biro ni Sophia na ikinatawa nilang tatlo.
"Oo, lalong-lalo na si Rex" mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya sa pagkasabi nito.
"Ano ka ba Ava, ginagawa mo namang aso ang boyfriend ko" nakangusong angal ni Sophia.
"Totoo naman eh, ginagawa mong aso ang boyfriend mo-- noon at sa hanggang ngayon. Mas hinigitan pa nga ang aso sa kabubuntot sa'yo e," birong totoo ni Alyssa sa kababata. Noong high school pa kasi sila ay lage na lang nakabuntot si Rex kahit noong nanliligaw pa ito kay Sophia, mas lumala pa nga ng maging magkasintahan ang dalawa noong 1st year college sila. Tagabuhat ng mga gamit ni Sophia, tagalibre ng meryenda at kung anu-ano pa.
"Well, kung ganyan kasi kaganda ang girlfriend dapat binubuntutan talaga." sabi ni Ava at pinisil pa ang baba ni Sophia. "Tayo na nga, baka abutin pa tayo ng tomorrow eh"
Sumakay na sila sa Mercedes Benz ng pamilya ni Ava. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin nila ang destinasyon ng kanilang school reunion.
"Ready Ava?" tanong ng dalawa sa kanya.
"Ready," kabadong sagot niya. Pero kahit ganun, ay excited pa rin siya sa mga magiging reaksiyon ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na ang Ava na kilala ng mga ito noon ay nagbago na ng tuluyan.
Unang pumasok muna sina Sophia at Alyssa at huminto sa may pinto. Inalahad ang mga kamay sa kanya, na kanya namang tinanggap at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok pa lang niya ay narinig niya na ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.
"Hey, whose that woman with Sophia and Alyssa?" tanong ng isang lalaki sa katabi nito.
"I don't know, pare, I don't remember, ever seeing that girl before," tugon naman ng katabi nito.
"She's so dazzling and gorgeous," sabay pang sambit ng dalawa.
SI Steven naman ay kanina pa gustong dukutin ang mga mata ng mga lalaking titig na titig sa kanyang Ava. Anong iyo? Bakit pagmamay-ari mo na ba siya huh?, sita ng isip niya. Not yet, but soon I will. I won't stop until she’s mine. Kahit languyin ko ang buong pacific ocean at tumalon sa deep sea, gagawin ko... if it means I can have her and be with her, determinadong sagot ng isang bahagi ng kanyang isip. Kung gagawin mo ‘yan hindi mo pa siya makuha, namatay ka na!
KANINA pa naaasiwa si Ava sa mga titig na pinupukol sa kanya ng mga tao. Mula ng pumasok sila hanggang sa pag-upo nila sa kanilang table ay ramdam na ramdam niya ang mga mapanuring mga mata na nakatingin sa kanila, lalong-lalo na sa kanya. Rinig niyang may napasinghap.
"Oh my God! I-Its Ava Hernandez," sabi ng isang di kilalang babae. Mas lalo pang lumakas ang mga bulung-bulongan, may narinig pa nga siya na nagsasabi ng Beauty is the Beast?
Lihim siyang napangiti sa mga reaksiyon ng mga ito. Mga naguguluhang mga mukha na hindi makapaniwala na siya si Ava at batid niyang isa si Steven sa mga taong iyon. Speaking of Steven, nasaan na ba 'yon? tanong niya sa kanyang sarili. Pasimple niyang tinignan ang paligid para hanapin ito. Pero laking dismaya niya nang hindi niya ito nakita. 'Ano ka ba naman Ava!
Parang bumabalik ka na sa dating gawain mo eh' reklamong sita ng isip niya.
Dati-rati noong hindi pa niya ito kinamumuhian ay palaging hinahanap ng kanyang mga mata si Steven. Bawat segundo, minuto at oras ay nais niyang masilayan ang gwapong mukha nito. Hindi kumpleto ang araw niya noon kung hindi niya ito nakikita.
Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya pero kahit mahina ito ay rinig na rinig pa rin ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Tatanungin sana siya ng mga ito kung anong problema niya nang biglang mawalan ng ilaw ang buong lugar na pinagdadausan ng party.
Naramdaman niyang may tumakip sa kanyang mukha. Nanlaban siya pero dahil sa nalanghap na gamot na nilagay sa pinangtakip sa kanya ay nawalan siya ng malay.
KANINA pa pinagmamasdan ni Steven ang magandang mukha ng kanyang pinakamamahal na si Ava. Titig na titig siya rito na animo'y ito ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Malaki na talaga ang pinagbago ng hitsura nito pero ang pagmamahal niya dito ay hindi pa rin kumukupas, bagkus, lalo pa yatang lumalalim sa paglipas ng panahon.
"I love you so much Ava. Matagal rin akong nangulila sa'yo. Kaytagal kong hinintay ang panahon na ito na makasama't makita ka. Kahit ano gagawin ko, mapaibig lang kita, mahal ko." senserong wika niya sa natutulog na babae. Dumapo ang kanyang titig sa mapupulang labi nito at pagkatapos ay buong pagmamahal niyang dinampian ng banayad na halik.
NAPAKAGANDA ng panaginip ni Ava. Sinabihan daw siya ni Steven na mahal siya nito at dinampian pa siya ng halik sa kanyang mga labi. Bigla siyang napadilat kahit ayaw pa niyang magising, nahihirapan kasi siyang huminga na hindi niya mawari.
Laking gulat niya nang mabungaran niya ang mukha ng pinakagwapong nilalang na nakita niya sa buong buhay niya. Napangunot ang noo niya, possible kayang totoo yung panaginip ko? tanong niya sa kanyang sarili. Pero nang mapansin niyang nasa isang kwarto siya ay iwinaksi niya muna ang tanong at saka inis na napabangon sa kama.
"Where the hell am I?" asik niya dito.
"Hmm, as you can see your in a room sitting up on a bed and talking to me." pamimilosopo nito. Naningkit naman ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito.
"Huwag mo nga akong pilosopohin Steven. Who gave you the right to bring me here! I can sue you of Kidnapping! Now answer me, where the hell am I?"
"Okay okay okay.." sabi nito. Nabigla siya nang itulak siya nito pahiga sa kama at kinubabawan siya nito at inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. "Your here in my villa, in an isolated island. And---"
"And what?" naghihimagsik ang kalooban niya. Naroon ang magkahalong inis at hindi maipaliwanag na pakiramdam na pilit niyang kinakalimutan all those years.
Inilapit nito ang mukha sa kanya na dahilan upang mag-alburoto ang kanyang puso. "And your going to be with me here for say a couple of weeks or better yet…forever." may panunuksong sabi nito sa kanya.
"Get off of me, you brute!" pautos na sigaw niya dito. Dahil kung hindi sila aalis sa ganitong posisyon, ewan lang niya kung ano ang magagawa niya dito. Baka mahalikan niya ang mapag-imbitang labi nito. Umalis naman ito sa ibabaw niya pero bago nito iyon ay hinalikan siya nito sa kanyang noo na ikinatulala niya. Tumatawa ito nang iwan siya nitong nakatulala pa ring nakahiga sa kama. Oh boy, this would be very tough for her.
CHAPTER FIVE
"O HUWAG mong sabihin na namiss mo agad ako. Ilang minuto lang naman tayong naghiwalay ah." panimula ni Steven nang makita si Ava mula sa likuran niya. Kakatapos lang ng pag-uusap nila kanyang ama tungkol sa pansamantalang pamamalakad ng kompanyang itinayo niya. Pumayag naman ito kahit na matagal na itong nagretiro.Inirapan siya nito.
"Huwag ka ngang feeling diyan ang kapal ng mukha nito. Sipain kita diyan eh"
"Hindi ko alam na kabayo ka na pala ngayon, Ava?" pang-iinis niya dito. Kahit dapat niyang tratuhin ito ng puro magaganda dahil gusto niyang magustuhan siya nito. 'Yun bang mag ka-pogi points siya dito. Pero hindi mapigil ni Steven ang sariling hindi matuwa sa pang-iinis sa dalaga. Sa paningin niya’y lalo itong gumaganda sa tuwing nagagalit ito.
Tinignan siya nito ng masama. Kitang-kita niya sa mga mata nito na gusto talaga siyang sipain. Hindi lang iyon kitang-kita niya din ang pagnanais nito na sampalin at tadyakan din siya. Nang akmang lalapitan siya nito ay tumakbo agad siya palayo.
"Hoy! Higanteng tipaklong, bumalik ka rito!" narinig niyang sigaw nito. Pumihit siya paharap dito.
"Bleeh. Ayaw ko nga, alam ko na ang plano mo nuh."
"Steven! Pagnahuli kita, lagot ka talaga!"
At ang dalawang matanda, bumalik sa pagkabata. Halos malibot na nga ang buong bahay. Takbo dito, takbo doon ang drama ng dalawa.
Inis na inis na talaga si Ava. Kanina pa siya habol ng habol sa higanteng tipaklong na 'yon pero hindi pa rin niya ito mahuli-huli. Sa tuwing malapit na siya dito, doon naman ito pumipihit ng takbo. Ang bilis talagang nitong tumakbo. Nasapo niya ang kanyang noo. "Abay oo! Basketball player pala ang ungas!" naibulong niya sa kanyang sarili.
"O ano na? Bakit ang kupad yata ng kabayo? Ano ba naman yan!" pang-iinis na naman nito sa kanya. Nag-pantig ang kanyang pandinig. At ramdam niya na tila tumaas ang blood pressure niya sa sinabi nito. Hinubad niya ang kanyang heels at pinunit ang kanyang damit hanggang tuhod. Masyado kasi itong sagabal sa kanyang pagtakbo. Pagkatapos ay agad niyang hinabol ulit ang binata.
Laking tuwa niya nang sa wakas ay nahuli na rin niya ito. Nahawakan niya ang dulo ng manggas ng pulo nito at buong lakas na pinaharap ito. Ngunit nang dahil sa ginawa niya ay na out balanced tuloy silang dalawa na sanhi ng pagbagsak nila pareho sa sahig at di sinasadyang naglapat ang mga labi nila. Nanlaki ang mga mata ni Ava samantalang ang loko-loko mukhang nasisiyahan pa yata sa nangyayari. Naramdaman ni Ava ang tila kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa.
Ava! What the heck happened to you! sita ng isip niya. Parang napapasong dali-dali siyang tumayo. Inilahad niya ang kamay dito at muli na namang tila may kuryente siyang naramdaman.
"Oy! Natulala ka yata. Alam ko, alam ko... gwapo ako, kaya---" ang kapal talaga ng mukha! Ang kanyang pagkatulala ay napalitan ng inis dahil sa tinuran ng higanteng tipaklong.
"Ouch! Ouch! Ouch! Ava, tama na." daing nito. Pinagkukurot niya kasi ito.
"Tama lang yan sa'yo ang hangin mo kasi!" aniya na patuloy pa rin sa pagkukurot dito. Nang may naalala siya ay tumigil na siya sa pagkukurot. "Ah nga pala ano susuotin ko habang nandito ako?"
"Uhm nasa aparador ng kwartong tinulugan mo kanina. Nandoon na lahat yung damit pambahay, pangtulog mo at---" isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Bigla siyang namula, alam na niya kung ano ang idudugtong nito.
"Alam ko na. Huwag mo nang sabihin kundi makakatikim ka talaga." pagbabanta niya dito. "Hindi naman halata na masiyado kang prepared nuh? Wait! How come may mga damit pampalit na ako? Don't tell me you plan this all along!"
Napakamot ito habang ngiting-ngiti. Ang cute nitong tignan. Hmm, sarap halikan Av? "Uhm, uhm.. well let's just say na may mga kakuntsaba ako," pagpapacute nito.
Kahit hindi na nito sabihin kung sinu-sino ang mga kakuntsaba nito ay may hinala na siya kung sino ang mga salarin.
KANINA pa, pasikot-sikot ng bahay si Ava. Naghahanap siya ng maaaring maging daan upang makatakas siya. Pero ang problema ang laki-laki ng bahay kaya natatagalan siya sa paghahanap. Lahat ng mga bintana ay nakalock pati ang main door at back door. "Kainis naman oh! Hindi ako gumising ng madaling araw para lang sa wala!" nakangusong maktol niya.
May nakita siyang isang glass door. Nilapitan niya ito at nagbabakasakaling pinihit ang door latch. Nagliwanag naman ang kanyang mukha dahil sa wakas makakatakas na rin siya mula sa pagkakakidnap sa kanya. Ang tanging problema na lang niya ay kung paano makakaalis sa isolated island na iyon, kung! Nasa isolated island nga sila.
Dahan dahan siya sa paglalakad para hindi makatunog si Steven sa tangkang pagtakas niya. Pero laking dismaya niya nang makita ang mga pader, ang taas kasi nito para maakyat niya. Napabuntong-hininga siya, luminga-linga siya, sa pagbabakasakaling mahanap ng solusyon sa paligid. Hindi naman siya nagkamali dahil may nakita siya ng isang puno ng isang mangga. Wooh! Thank you lord! Your so kind talaga.
Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng puno. Inakyat niya ito at nang paakyat na sana siya sa ikatlong sanga ay nagulat nalang siya na may bumuhat sa kanya pataas. Nang linguin niya ito ay mas nagulat siya nang makita ang seryosong mukha ni Steven.
"Where do you think your going?"
"Put me down will you!" sabi niya dito na nagpupumiglas.
"Akala mo siguro makakatakas ka nuh? Huh! Well you're wrong about that," at pinasan siya nito sa balikat na para lang siyang isang sako ng bigas. Saka naglakad ito papunta sa loob ng bahay. Habang siya ay patuloy pa rin sa pagpupumiglas at pinag-iibayo pa niya ito sa likod. Pero tila bakal ang likod nito hindi man lang nasaktan sa kanyang ginagawa.
Maingat na paupong binaba siya nito sa one-seater na sofa. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang dulo. "Again, let me ask you, where do you think you're going?" pag-uulit nito.
"To a safe place! I don't know where I can find it basta sa lugar na hindi mo mararating!"
"The safest place for you is right here with me, honey," pahayag nito. Tumalikod ito at naglakad papunta sa glass door. "I'm warning you; don't try to run away again. If you don't want me to guard you every now and then. Kasama na ang pagbabantay ko sayo hanggang sa pagtulog which means I’ll be sharing a room with you. So, if you want that to happen you're very much welcome to run away again. Oh! You can do it right now if you really wanted to be with me that much," inilahad nito ang mga bisig papunta sa labas. "The door is widely open" dugtong nito at ngumiti ng makatamis-tamis.
"N-no way! I d-don't wanna share a room with you nuh! I can't e-even stand being close to you even for a second. What's more pa kaya kung buong magdamag. Over my dead gorgeous sizzling hot, sweet and spicy body!"
Hindi nito pinansin ang kanyang mga sinabi bagkus ay isinara nito ang glass door.
CHAPTER SIX
NAGISING si Ava kinabukasan nang maramdaman niyang may tumapik-tapik sa kanyang braso. Tinatamad na napabalikwas siya ng bangon.
"Good morning YAM," nakangising panimula ni Steven. Dahil wala pa yata ito sa sariling wisyo ay sinuklian siya nito ng ngiti. Ang ganda talaga ng honey, my loves, so sweet ko! Sana palagi nalang siyang bagong gising para palagi niya akong ningingitian at hindi tinatarayan, bulong ni Steven sa sarili
"Good morning din, yam!" humikab ang dalaga. Nabitin sa ere ang kamay nitong itatakip sana sa bibig nang may ma-realize itong bigla, “Y-YAM!” tanong nito na nakakunot ang noo.
"Yup! YAM... meaning you are mine," sabi niya na ini-emphasize ang huli. Nakita niyang tumaas ang kilay nito. Uh-oh, nandito na. Tatarayan na naman siya nito.
"You are mine? Who gave you the right to call me that stupid endearment? At kelan mo pa ako naging pagmamay-ari aber? Hoy, Mr. Steven Sandoval, you don't own me okay? and you’ll never will!" pagtataray nga nito.
Ouch! Ang sakit nun ah, parang sinagasaan yata ng isang libong dump truck ang puso ko, hinanakit na sabi niya sa kanyang isip. O ano Steven, susuko ka na ba? Rinig na rinig mo naman siguro yung sinabi nya sa'yo hindi ba? It will never will... nangangahulugang hinding hindi ka niya magugustuhan! pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya. Hindi ako susuko ng dahil lang doon nuh! At saka natututuhan namang mahalin ang isang tao ah. Mamahalin niya ako, makikita mo. Habang may buhay, may pag-asa!
"Hey! May kausap ba ako? Tama bang tulugan ako ng gising. Wake up!" sita nito sa kanya , na nakagising sa kanyang natutulog na diwa.
Agad naman niyang nahamig ang sarili at sinagot ang pagtataray nito- "I gave permission to myself. Since when you ask, since the day you were born in this world. We are meant for each other, YAM... tayo ang itinakda para sa isa't isa."
"Abat talagang---" hindi na nito natapos ang sasabihin nang subuan niya ito ng pagkain sa bibig. Bunga ng kagandahang asal ay hindi muna ito nagsalita. Ninguya nito ang pagkain at nilunok. "Who cook this? Ang sarap ah."
"Ako ang nagluto niyan tayong dalawa lang naman ang narito e. Salamat naman at nagustuhan mo. Di'ba paborito mo yan? If my memory serves me right," anito at ngumiti.
"Oo paborito ko nga ang chicken curry. How did you know? Sinabi ba sa'yo ni Aling Lucy o kaya naman nila Sophia at Alyssa? Marunong ka palang magluto? Dati rati hindi naman ah." sunod-sunod na tanong nito.
"Okay ang sagot ko sa first question ay... ikaw mismo ang nagsabi nun. Sa ikalawang tanong naman, oo marunong akong magluto dahil noong pumunta ka sa Europe na-isip kong magpaturo kung paano magluto sa kaibigan kong chef. Para pag naging mag-asawa na tayo, ako na lang ang magluluto. Nag-aral na rin akong mamalantsa, maglaba, magwalis, magsibak ng kahoy at kung anu-ano pang gawaing bahay para hindi ka mahirapan kapag naging Mrs. Steven Sandoval ka," mahabang paliwanag nito na pangiti-ngiti pa.
Na-touch si Ava sa naging pahayag ni Steven. Imagine! Pinag-aralan pa talaga nito ang lahat ng iyon, para lang sa kanya.? Ayieh! Kalurkey itech! May magiging houseboy/husband na ako. At ang gwapo-gwapo pa! 'Wag ka namang ganyan Steven. Humahaba pa lalo hair ko eh, baka hindi ko na matali... ang init-init pa naman ng world ngayon. Wehehe, pwede ka na rin bang taga-gupit?
"Huh? Taga-gupit?" kunot-noong tanong nito. Oops! 'Di niya pala namalayan na naisatinig ang huling sinabi niyang pangungusap.
"Wala. Ang sabi ko mag-gupit ka nalang dun ng papel o kaya ng mga halaman dun sa ibaba para may magawa ka naman. Hindi itong ako ang kinukulit mo," pagmamaang-maangan niya.
"Ahh okay. Ui! Ano yon?" itinuro nito ang bandang kaliwa. Takang sinundan niya ang itinuro nito. Nagulat nalang siya nang may humalik sa kanyang pisngi. 'Aba, loko-loko to ah. Pwedeng makahirit ng isa pa? Hahaha!' tila nabasa naman nito ang iniisip niya. Ang binalingan naman nito ng halik ay ang kanang pisngi niya.
"Pwede sa lips?" hirit pa nito.
Hinampas niya ito ng unan, sabay sabi- "Tse! Umalis ka nga! Ang aga-aga bwenubwesit mo ako," singhal niya dito.
"I'VE got to let you know I feel so weak without your touch... I never thought that I could ever love a man so much... I've gotta let you know I think that we are destiny... For you I'd cross the world for you...I'd do anything." kasalukuyang nasa kusina si Ava. Kinakanta niya ang kanta na isa sa mga paborito niya ang ‘Goin Crazy’ by Natalie.
"Naks! Ang sweet-sweet naman ng kanta mo para sa akin yam. I feel the same way too,'” napapitlag siya ng marinig niya ang ang boses ni Steven mula sa likuran niya at walang sabi sabing niyapos siya mula sa likod. At ayun na naman, nagiging etchuserang palaka at umeepal na naman ang walang hiyang puso niya. Kumakabog na naman ng bongga.
"Ang bango mo naman yam. Parang fried chicken ng Jollibee, ang sarap kagatin. Nakakagigil!"
Sa wakas nakahuma na rin siya mula sa pagkakagulat. "Kung ibuhos ko kaya tong mainit na tinola sa'yo? Bitawan mo nga ako, naaalibadbaran ako sa'yo. Ang baho-baho mo! Ewwiness! Maligo ka nga, ang pawis-pawis mo," talak niya dito. Nilukot pa niya ang kanyang ilong para
maging kapani-paniwala. She didn't really mind if he smells. Nagpapacute lang naman siya dito. Kahit maligo ito sa pawis, kailanman ay hindi ito nag-aamoy pawis. He always smelled nice.
"Anong ang baho? Oy, ang bango-bango kaya ng pawis ko, parang perfume," tumatawang binitawan siya nito. Strange... dahil sa tuwing nakakarinig siya ng tawa na may halong pang-iinis na katulad nito ay naiinis na siya. Pero iba ang kay Steven dahil ang tawa nito ay tila isang napakagandang musika sa kanyang pandinig... isang musika na gusto niyang marinig ng paulit-ulit.
"Luto na ba ito, yam?" pang-iiba nito sa usapan. Tumango lamang siya bilang tugon. "Tamang-tama gutom na ako. Kakapagod mag-ehersisyo. Pawis na pawis tuloy ako."
Napatanga siya ng hubarin nito ang suot na T-shirt sa harapan niya mismo! Napalunok siya, nakakapugto ng hininga ang dibdib nito na kay kisig, mga muscles na nasa mga tamang lugar, at ang six pack pandesal este abs nito ay parang kaysarap hawakan. Olala~ 'Ang swerte naman ng makaka-ano nito... makakayakap, yun! Pwede kayang mag-apply? Ako nalang, available ako, pati siya ay napapatawa sa nagiging takbo ng iniisip niya.
"Hey, what's with that wicked smile? May iniisip kang hindi maganda nuh? Yay! Nakakahiya ka Ava"
"Ang laki mo talagang ewan! Baliktarin ba naman, ikaw nga tong may iniisip na hindi maganda eh. May pa hubad-hubad ka pang nalalaman diyan. Are you seducing me?" balik bintang niya dito kahit na sa kaibuturan ng puso niya ay gusting-gusto na niya itong lapain.
CHAPTER SEVEN
"Parang ganun na nga. Effective ba?" nakakamot sa batok na sabi nito. "Ay! No need to ask, obvious na obvious naman sa reaksiyon mo kanina," habol nito at ngumiti pa ng nakakaloko.
"Di ah! 'Wag ka ngang feelingero diyan," asik niya.
"Talaga lang huh? Let’s see…" he said and started dancing like a macho dancer. Napangiwi si Ava ng magsimula na siyang gumiling sa harapan nito. Gusto niyang matawa pero kailangan niyang panindigan ang trabaho--- and that is seducing this lady in front of him. Better yet, he'll use this chance to bring back their friendship the way it used to be... bwahaha what a brilliant idea!
Lalo siyang ginanahang gumiling. Nilapitan niya ito at pina-upo sa silya. And there, he continues dancing maliciously while sexily eying her.
Ava can't believe what she is seeing right now. Steven is dancing like a macho dancer! Her eyes widened when he started twirling his shirt in the air, then threw it on the ground. Hindi niya lubos maisip na ginagawa nito iyon ngayon. And oh my God, this is torture! Forbid her, for it seems like she can’t resist this irresistible temptation in front of her. The only word she can describe of what his doing right at that very moment is smoking HOT. He looks so damn sexy with that charming face and those adorable eyes that she can't help herself from gasping.
She wanted to faint right there and then when he suddenly untied the ribbon of his walking shorts.
She covered her face with her hands. Her body’s shaking nervously. "Waahh! Hold it right there young man! S-stop it!" she snapped at him.
He laughed sexily, still teasing her, "What did I do wrong? I'm just dancing. Common yam, look at me. Aren’t you enjoying this sexy scene in front of you?"
"Y-your way of dancing, i-it’s so malicious for my innocent-beautiful-charming expressive-exceptional eyes," she said, still gasping for air.
"Do you really want me to stop?" tanong nito. Para namang matatanggal ang ulo niya sa sunod-sunod na pagtango. Tinungo nito ang likuran niya, niyakap siya and rested his chin on her shoulder. "I’ll stop in one condition, let's be friends again just like before," he reach her left hand covering her face and kissed it. What bliss! It feels so... so heavenly. She closed her eyes, letting herself feel this wonderful sensation.
"Ava?" untag nito. Dahan-dahan niyang inimulat ang mga matang nakapikit. Pumihit siya paharap dito at saka tumango. "O-okay, Friends!" naka-ngiting tugon niya.
She saw his face lightened up. "God! Thank you, Ava. You don't know how much this means to me," he said upon kissing her forehead.
TIME flew so fast. It was now their 12th day together in the island. Every single day were filled with so much fun since they became friends again. They're always laughing, always joking and always playing around.
Ava decided to forget about getting her revenge. She realized that there isn’t anything good on doing it. It’s time for her to forget the hurtful past and move on. But she still doubts about letting herself falling in love again with Steven. She's scared to be hurt again. Nadala na siya sa nangyari noon.
"Hey there! Thinking of me?" nagulat siya ng magsalita si Steven. Kahit kailan talaga, loko-loko to. Parati nalang siyang ginugulat.
"Ay! Minekaniko nang mekaniko ni Monico ang makina nang Minica ni Monica."
Tumawa ito ng pagak. Hay, how she loves to hear his laugh. "Sira ka talaga yam. Loka loka at kung anu-ano pa diyan. Ang sobrang O.A ng reaksiyon mo. Para kang timang! Akalain ba namang mag tongue twister," sabi nito na patuloy pa rin sa pagtawa.
Sumimangot siya. "Wow! Grabe ang ganda-ganda ng pagkakadescribe mo sa akin. Nakakatouch ng sobra. Keber mo ba sa reaksiyon ko," aniya sa pa-sarkastikong paraan at umirap pa rito
Nakatayo sila sa lanai ng bahay. Kapwa nakatunghay sa malawak na kalangitan na puno ng mga kumikislap na mga bituin at sa buwan na kay liwanag.
"Teka, saan ka ba galing? Ang tagal mong nawala ah," tanong niya kinalaonan.
"It’s a secret. It’s for you to find out later, but before that put this on," inabutan siya nito ng isang blindfold. Takang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa blindfold at sa gwapong mukha nito. Pero kahit nagtataka ay sinunod niya ang sinabi nito.
"MAGLALARO ba tayo ng takip-silim?" pagkasabi niya noon ay narinig niyang tumawa ito.
"You really know how to make me laugh. Pwede rin pero sa susunod na lang natin gawin ‘yon. Halika na nga," hinawakan nito ang kanyang braso at iginaya na siya sa kinaroroonan ng sopresa nito.
"Here we are," pahayag nito. Tinanggal na nito ang piring sa kanyang mga mata. Napanganga siya matapos matunghayan ang sinasabi nitong sorpresa. Ang.. ang ganda ng lugar. Hindi niya maiwasan ang kiligin nang makita ang napaka-romantic na lugar, na halatang pinagpaguran talaga.
Nasa harap sila ng pool. Ang tubig ay nilagyan ng kanyang mga paboritong bulaklak--- sampaguita, pink gumamela at calla lily. Ang pool naman ay pinalilibutan ng rainbow star led and diwali lamps na napakagandang tignan dahil nag-rereflect ito sa tubig.
Naputol ang kanyang pagtingin-tingin sa lugar ng pumailanglang sa lugar ang malamyos na tunog ng violin. Napabaling agad siya sa lugar ng pinagmulan ng musika. Mas lalo pa siyang kinilig ng mapag-tantong si Steven ang tumutugtog. Nakatayo ito malapit sa isang table na may nakasindi na mga scented candles na kulay puti, pink at green na pinagigitnaan ng tatlong artificial na bulaklak na gawa sa papel na binalutan ng water cellophane. Ang takip ng table ay telang kulay puti at pula. Sa sahig naman ay nagkalat ang talulot ng mag red and white roses.
He stopped playing the violin and looked at her with so much love, care and tenderness. Naantig ang puso niya sa nakikitang mga pagmamahal sa mga mata nito.
"I-it’s so beautiful here," ang tanging nasabi niya.
"A beautiful place for a very beautiful and important woman in my life," may pinahihiwatig na tugon nito. He walked where she's standing and lead her to table.
Pinag-hila siya nito ng upuan. "Thanks," nakangiting sabi niya. Sinuklian naman siya nito ng isang napakatamis na ngiti.
"Anything for you, my lady" then he bowed just like a prince. He went back to where he was standing earlier and played the violin again without leaving his eyes from her.
Napatakip ng bibig si Ava. Nais niyang maiyak sa nararanasang kaligayahan ngayon. And gosh, she knew this song so well. It’s a song that every woman dreams off being played for them by the man of their dreams.
Steven played the song 'Cherish you' by 98 degrees in the violin with so much passion. The lyrics of this song, even though his not singing it, are exactly what he feels towards her.
She is his first love, the only woman he would love in his entire life. The woman he cherished and treasures. When she walked away, out of his life years ago, there's an important part of him that had gone lost. Since she left, every day had been hell for him---it’s a torture. He didn't let any woman enter his life because he believed that she will come back. Kaya nga ng makita niya ito sa restaurant, he grabbed the chance and planned the abduction.
After playing the piece, he took a sampaguita from the pool and gave it to her. The color of this flower symbolizes his love for her--- purity.
"Do you know why I chose sampaguita, calla lily and pink gumamela to be decorated in the water?" tanong niya dito.
"Because all of them are my favorite flowers?"
"Partly yes." kumunot ang noo nito. Naguguluhan siguro sa naging sagot niya. So that's why he explained further. "The gumamela's color is pink that means love. While the calla lily and sampaguita's color is white that means purity. And then the color green of that scented candle means life. There's also an explanation why I put it on the water," he smiled sweetly.
"And that is?" sabat nito.
"Water is very essential, without it we cannot survive. In the river... the water flows continuously, it can be frozen in the season of winter and when summer comes the water that froze will be back to its original form, it becomes water again and flows again. Puting it all together, that is how I feel for you"
He knelt down in front of her and gapped her hands. "You’re the water of my life. Without you I’ll be thirsty--- thirsty for your presence, eventually I would die because of loneliness. My love for you is so pure that it continues to flow, enduring forever," puno ng emosyong pahayag niya. Hinalikan niya ang kamay nito pagkatapos.
Nanlamig bigla si Ava. This is got to stop! Parang napapasong binawi niya ang mga kamay mula rito. Nakita niya ang kalungkutan at disappointment na nasasalamin sa mga mata nito nang gawin niya iyon. Hindi niya matagalan ang mga nakikita niya sa mga mata nito kaya tumayo siya at umatras palayo. Sapo ang noo at mangiyak-ngiyak na sinabi niya, "I'm sorry, Steven. This is... all wrong. I'm afraid that we'll just both be hurt in the end if we continue this."
"Ava, look at my eyes, please," pilit siya nitong pinaharap. Nang magtagumpay ay hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "I did everything, for you to love me. Why can't you love me back? Oh! Is this because of your hatred? But Ava, I can’t remember anything that I did wrong for you to hate me this much," naluluha na rin ito.
"You're really asking me why, huh! Then, I'll tell you why I hate you to the point that I can't love you back!" medyo napataas na ang kanyang tono. Ito pa ang may ganang manumbat sa kanya? Damn him! At nagmamaang-maangan pa ito at nag-papainosente na walang ginawa sa kanya na masama? Nanumbalik tuloy ang nararamdaman niyang galit dito. "Listen carefully you despicable judgmental brute!"
CHAPTER EIGHT
Huminga muna siya ng malalim upang humugot ng sapat na lakas ng loob upang masabi rito ang sakit na naramdaman niya noon. Ang dahilan kung bakit galit na galit siya rito."March 25, two days before graduation at exactly 5:15 pm. I heard everything you and your friends were talking about..."
Bigla’y parang rolyo ng isang lumang pelikula ang pag-flash back ng alaala sa utak niya. Mga ala-alang pilit na niya sanang kinakalimutan.
Ten Years Ago…
Naglalakad sila Ava, Sophia, at Alyssa papuntang tambayan nila nang biglang may marinig silang boses ng mga lalaki na nag-uusap. Plano sana nilang balewalain ito pero may sinambit na isa sa kanila ang isang lalaki.
"Si Ava? What's wrong about her?" sabi ng boses ng lalaki na kilalang-kilala niya.
Huminto sila sa paglalakad. Nagtago sila sa isang sulok at nakinig sa usapan. Alam nilang mali ang makinig sa usapan ng ibang tao ngunit hindi nila maiwasang ma-intriga sa kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
"We just notice lang kasi Steven that your, maybe..." huminto sa pagsasalita ang isang pang lalaking halatang binibitin ang usapan.
"Maybe what?" nagtatakang tanong ni Steven sa kaibigan.
"…that maybe your developing some feelings for that ugly girl" natatawang wika nito.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Rex. Imagine si Steven Sandoval ang napaka-guwapo, napaka-talented, isa sa pinakamatalino sa kanilang school, ang captain ng basketball team nila at ang tagapagmana ng isang kilalang kompanya ay may gusto sa isang pangit na si Ava
Hernandez? Oo nga't magkasingyaman lang ang pamilyang Hernandez at Sandoval pero napakapangit ni Ava at hindi ito bagay kay Steven. Isang napakalaking kalokohan!
Nasaktan si Ava sa narinig, alam niyang siya ang tinutukoy at iniinsulto ni Rex. Gusto niyang tumakbo para makalayo doon pero hindi niya magawa dahil hinihintay niya ang sasabihin ni Steven.
Ilang minuto ring hindi nakasagot si Steven. Nag-iisip muna ito ng isasagot sa kaibigan. Nang may maisip marahan itong tumawa.
"My God pare, what made you think that I like her? Sa'yo na nga nanggaling na pangit siya, even in my dreams hindi ako magkakagusto sa kanya, sa gwapo kong to? Itatambal niyo ako sa isang ugly duckling? woah! woah! woah! Nasisiraan ka na ba ng ulo Rex?" pagtangi nito.
"OO nga pala,” tumawa ng malakas si Rex habang kinakamot ang ulo at nagtawanan din ang mga kaibigan niya pati siya.
"Ano ba pareng Rex, we're talking about Steven Sandoval here!" sabi ng isa niyang kaibigan.
"Yeah, I totatally agree about that.. But I object about the nasisiraan thingy, I can assure you all I'm mentally fit!" pahabol pa nito…
Naiintindihan na ni Steven kung bakit galit na galit si Ava sa kanya. Masakit sa loob niya noon ang mga sinabi tungkol sa dalaga, pero kailangan niyang gawin upang maprotektahan ang reputasyon niya, makasarili mang maituturing.
"Ava, I can-" sinubukan niyang magpaliwanag rito pero agad nitong pinutol ang anumang sasabihin niya.
"Don't try to explain dahil hindi naman kita papakinggan at paniniwalaan," sabat nito. Nakita niyang tumulo ang mga luha mula sa mga abuhing mata nito. "Alam mo ba kung ano ang nangyari nang pumunta ako sa Europe, huh? I was caught in a tremendous traumatic state, Steven! Halos isang buwan rin akong nagkulong sa kwarto... laging umiiyak at takot lumabas. I'm scared that people who would see my face will just judge me the way you did. Dahil alam kung walang lugar sa mundong ito ang isang beast na katulad ko! Kahit sina mama at papa ayaw kong makita dahil batid kong isa rin sila sa mga taong iyon."
Naiiyak na rin si Steven. Gusto niyang suntukin ang kanyang sarili. Hindi niya inakala na nasaktan niya ito ng sobra, na hindi lang pala siya ang nagdurusa sa mga panahong nawala ito sa piling niya. Nagkaroon ito ng isang malaking sugat sa puso dahil sa kanya. If only he could turn back time, he wouldn't have said those awful things... if only.
"I'm sorry if I have caused you so much pain. Believe me Ava, what I said at that time were all lies. I have loved you ever since. Your looks didn't matter to me," itinuro niya ang puso nito, "You have a good heart, that's why I fell in love with you and good looks weren’t important for someone who is truly in love."
Pero sadyang sarado na ang isip nito, dahil tuluyan nang naghari ang poot at galit nito sa kanya. Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad papunta sa loob ng bahay.
"Ava!" tawag niya dito. Kailangan niyang sumugal alam niyang dahil sa gagawin niyang ito ay may posibilidad na tuluyan na siyang kasusuklaman nito o kaya naman ay malaman niya mismo dito kung ano talaga ang nararamdaman nito sa kanya.
Huminto naman ito at lumingon. "What?" galit na sagot nito.
Paglingon ni Ava ay nakita niyang nasa may gilid ng pool si Steven. "Marunong ka bang lumangoy?" seryosong tanong nito sa kanya.
Nagdikit ang kanyang mga kilay sa tinuran nito. Kahit naman siguro bata ay marunong lumangoy, siya pa kaya? "Oo, Why?" sabi niya sa galit na boses pa rin.
"Ako, hindi eh" sabi nito at parang tangang nagpatihulog sa pool. Sino naman ang inuuto nito? Naging member kaya ito ng swimming club noong elementary ito. Pinagsaklop niya ang mga braso at pumunta malapit sa pool.
Lumipas ang isang oras, hindi pa rin umaahon ito sa tubig. Ang malaking katawan nito ay nakalutang pa rin. Nagsimula na siyang mangamba. Nagpapanic na siya at ang galit na mukha kanina ay napalitan ng pag-aalala.
"Hoy, Steven! 'Wag ka namang magbiro ng ganyan oh!" hysterical na sabi niya. Nang hindi pa rin ito gumagalaw ay nagpasya siyang lumusong na upang sagapin ito.
"Steven!" sigaw niya, nang maahon na niya ito sa tubig at naihiga sa gilid ng pool. Hindi ito sumagot kaya wala na siyang magawa kundi i-mouth-to-mouth-recitation ito.
Kumuyom ang kaliwang kamao niya ng gumalaw ang mga labi nito. Ang walang hiya, hinahalikan na siya. Agad siyang tumayo nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryenteng unti-unting gumagapang sa kanyang katawan.
"You don't really hate me, Ava. You're just avoiding me because you're scared. Natatakot kang baka ginagawa ko ito dahil maganda ka na ngayon. But Av, tulad ng sinabi ko, minahal na kita noon pa kahit ganun ang hitsura mo."
"What are you talking about?" pagmamaang-maangan niya. Hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng mga pisngi sa mga sinabi nito.
"Huwag ka ng magkaila, yam, or else I'll shut you up with a kiss. You don't know how much I yearn to taste your lips again."
"It is not!" malakas na tanggi niya.
"It is." Humakbang ito palapit sa kanya. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa dalawang palad nito pagkatapos. Bago pa niya maitulak ito ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. Matamis at mapusok iyon--- dahilan upang mawalan siya sa kanyang katinuan at tinugon ang mag halik nito.
Hindi na niya namalayan ang mga sumunod pang pangyayari. Natagpuan nalamang niyang nasa ilalim siya ng matipunong katawan ng hubad baro na si Steven habang yakap-yakap siya at sinisiil ng halik.
DALAWANG araw na ang nakalipas mula nang may mangyari sa kanila. Simula noon ay iniiwasan na niya si Steven. Sa tuwing nilalapitan siya nito ay agad naman siyang lumalayo. Pag kinakausap o kaya ay tinatanong siya nito ng bagay-bagay ay tipid lang ang sagot niya. Hindi lingid sa kaalaman niya na nasasaktan ito sa mga ginagawa niya.
Ngayon nga ay nasa kanyang silid siya dahil ayaw niyang makita ito.
"Steven, darling!" sabi ng isang boses babae. Kumunot ang noo niya, di kaya ay namamaligno siya? Pero ng may kumatok sa kanyang pinto at tinawag ulit ang pangalan ni Steven ay nakumpirma niyang hindi lang silang dalawa ng loko ang nasa villa.
Tumayo siya at pinuntahan ang pinto upang buksan. Pagbukas niya ay agad tumambad sa kanya ang isang matangkad na babae na may napakaamong mukha. Mas mataas ito ng isang dangkal sa kanya, pero sa hula niya ay magkasing-edad lang sila nito. Ang gaganda ng mga mata nito na maitim na maitim. Malalantik ang mga pilik-mata nito na mas lalo pang nagpapagandang tignan sa mga mata nito. Nang mapadako ang tingin niya sa katawan nito ay parang nanliit siya-- - mas sexy ito sa kanya at mas malusog ang mga dibdib.
"Who are you?" nakakunot-noong tanong nito. Sasagot pa sana siya nang may magsalita sa kanilang likuran na agad nagpabaling sa kanilang mga tingin.
"Mariz! What are you doing here?" nagtatakang sabi ni Steven.
"Steven!" sigaw ng babaeng nagngangalang 'Mariz' at mabilis na sinugod ng yakap ang lalaki.
"Kamusta ka na?" kapag-kuwan ay tanong nito.
"I'm fine," nakangiting sagot ng lalaki. Tumikhim siya dahil ayaw niya ang eksenang nakikita niya ngayon. Masakit sa mata. Agad namang humiwalay ang lalaki mula sa pagkakayap dito ni Mariz. "Oh, by the way Mariz, meet my best friend Ava. Ava, ito naman si Mariz, a special friend." pagpapakilala nito sa kanila. Parang may naramdaman siya na kumukurot sa kanyang puso. Best friend lang? 'Ano ka ba Ava! Eh best friend ka lang naman niyan eh. Kahit may nangyari sa inyo, hindi iyon nangangahulugan na mag-on na kayo. Naniwala ka kaagad na mahal ka ni Steven. Ang gagz mo! Ito na nga oh, yung special friend niya.' sumbat ng utak niya.
"Hello! Nice meeting you, Ava. Salamat sa pag-aalaga mo dito kay Steven, habang wala ako ah? Alam mo kasi this guy can’t live alone without a single help from me. Ako nga pala si Mariz Anne Torres" nakangiting sabi ni Mariz at inalahad ang kamay sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at tinanggap ang kamay nito. "N-nice to meet you too, I'm Ava Hernandez. Sige na ah, may gagawin pa kasi ako." pagkakaila niya. Sa totoo ay wala naman talaga siyang gagawin, ayaw lang niyang makita si Steven kasama ang ibang babae. Pumasok na ulit siya sa loob ng kwarto niya. Narinig niya ang tawanan ng dalawa mula sa labas. Hindi niya napigilang umiyak, parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon.
CHAPTER NINE
MAGHAPON na nagkulong ng kwarto si Ava. Ayaw niya sanang lumabas ng kwarto niya. Paninindigan niya ang emotera mode niya. Masyado siyang nasasaktan. Ano ba siya talaga sa buhay ni Steven? Noong nakaraang araw sinabi nitong mahal siya nito pero kaninang ipinakilala sa special friend daw, ay best friend lang ang sinabi. Naglolokohan lang yata sila. Tama yata ang naging desisyon niyang huwag tumugon sa hinuhulog nitong pag-ibig 'kuno' sa kanya.
Bandang alas-sais ng kumalam ang sikmura niya. Bakit ba hindi marunong makisama ang tiyan niya?
Tumayo siya ng kama at dahan-dahan lumabas ng pinto. Nadaanan niya ang pinto ng kwarto ni Steven. Medyo naka-awang ang pinto at nang sumilip siya ay nakita niyang magkatapat na naka-upo sa kama si Steven at Mariz. Masin-sinang nag-uusap ang dalawa. Ayaw man niyang mag-eavesdrop ngunit 'di niya mapigilan ang sarili.
"Hindi ko alam na sineryoso mo ang biro kong pumanta ka rito sa Island." natatawang wika ni Steven
"Of course, anything for you my dear. Alam mong malakas ka sa puso ko, Steven." sinundan ito ni Mariz ng malakas na tawa.
Parang pinipiga ang puso ni Ava. Daig pa ang pinana ng isang daang kutsilyo ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Gusto niya ng umalis sa pinto pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa.
"Seriously, bakit mo ba ako tinawagan ng dis-oras ng gabi to make me come here? Sabi mo'y dito mo na ipapaliwanag. So now, Steven would you kindly explain!" ma-awtoridad na muling wika ni Mariz. Sumeryoso ang mukha ni Steven.
"It's about the wedding. The wedding we've been planning for so long."
Sa narinig ay parang pinagsakluban ng langit at lupa si Ava. Dahan-dahan siyang umatras ng pinto at hindi na pinakinggan pa ang mga sumunod na usapan ng dalawa. Naglandas ang luha sa kanyang pisngi. Nakalimutan na ang gutom na nararamdaman kanina. Sobrang sakit. Ikakasal na ang dalawa.
"Bakit, Steven? Bakit mo nagawa sakin ito?" luhaang himutok niya ng makapasok sa kwarto.
HINDI mapakali si Steven. Kanina pa hindi lumalabas ng kwarto nito si Ava. Gusto sana niyang puntahan ang dalaga sa kwarto nito pero pinigil siya ni Mariz. Sinabi nitong hayaan muna ang dalaga dahil baka gusto nitong mapag-isa. Nagpa-ubaya siya sa gusto nito.
Tutal naman ay abala sila sa pag-uusap tungkol sa kasal. Perfectionist si Mariz at kapag gusto nitong magplano kailangan ay tuloy-tuloy with no interruptions kaya ipagpapabukas na muna niya ang pag-amo kay Ava. Si Mariz na muna ang haharapin niya ngayon.
PATINGIN-TINGIN sa orasan si Ava. Humupa na ang kanyang emosyon. Namumugto ang kanyang mga mata sanhi ng halos walang patid din na pag-iyak. Pero ngayon ay tapos na siyang maghimutok. Nakakapagod masaktan. Tanging galit ang tinira niya sa puso niya ng mga sandaling iyon. Ang gusto niya'y maka-alis na sa Islang ito.
Nang dumating sa Mariz sa Isla isang maliit na lantsa ang namataan niya sa pampang. Nang muli siyang sumilip sa bintana ay naroon pa rin iyon. Namataan pa niya ang isang matandang lalaking tila nagpatakbo ng lantsa. Ang hinihintay nalamang niya ay tamang timing kung paano makakatakas.
Ilang sandali pa'y pumatak ang kamay ng orasan ng ala-una. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kama at tinungo ang pintuan. Pa-tip toe siyang naglakad sa hallway. Nang tumapat siya sa kwarto ni Steven ay patay na ang ilaw roon. Parang mapupugto ang hininga niya sa isipang magkatabi ngayon sa kama si Steven at Mariz. Who knows kung anong milagro ang ginagawa nila? Umiling siya sa sarili saka muling naglakad.
Malaya siyang nakalabas ng bahay ng walang sagabal. Simula ng hindi niya tangkaing tumakas ay naging maluwang na si Steven sa kanya. Nakalabas siya sa bakod ng villa na pa ring humaharang sa kanya. Ngayo'y palapit na siya sa lantsa. Naroon ang matandang lalaking nakita niya kanina. Gising pa rin ito at nagbabasa ng libro habang nagkakape.
Nagulat ito ng makita siya. "Ineng, dis-oras na ng gabi ano pang ginagawa mo dito sa labas?" gulat na gulat na tanong nito
"Manong, pwede po bang ihatid niyo ako sa bayan?"
"Nakow, hindi pwede Ineng baka magalit sa akin si senyorita Mariz at senyorito Steven" kakamot-kamot sa ulong turan nito.
"Hindi naman po nila malalaman. Babalik po tayo agad. May kailangan lang po akong tawagan. Importante lang po." muli niyang paki-usap rito. "babayaran ko na lang po kayo" dagdag pa niya. Baka sakaling kumagat ito.
"May telepono naman sa loob hindi ba?" maang na tanong nito. Tila nagdududa. "Sira po kasi e. Importante po talaga itong tawag na ito."
Sandaling nag-isip ang matanda. Maya-maya pa'y pumayag na rin ito.
Halos kalahating oras silang bumiyahe. Sori manong pero kailangan ko po talagang maka-alis. Nang makarating sa pamapang ay dali-dali siyang bumaba ng lantsa saka walang lingon likod na kumaripas ng takbo. Hindi niya pinansin ang sigaw ng matanda. Ni hindi na niya nagawang magpa-salamat dito. Ang tanging nasa isip niya ay makatakas.
Dahil matanda na ay hinihingal na hinabol na lamang siya nito ng tanaw.
PAGDATING sa Hi-way ay may nakita siyang naka-park na mini van. Lakas loob na lumapit siya sa babaeng natayo malapit dito.
“Excuse me po” magalang niyang pukaw sa atensyon nito.
“Yes?” mukha naman itong mabait kaya okay lang sigurong maki sakay. “Papunta ho ba kayo ng Maynila?” Tumaas ang kilay nito at hinagod siya ng tingin bago sumagot sa tanong niya, “OO, makikisabay ka ba?” diretsahang tanong nito. “Nakakahiya man po pero oho sana” ngumiti ito sa kanya saka tumango kaya napangiti na rin siya.
“Mukha ka namang mabait kaya okay lang,” sabi nito. “hintayin na lang natin ang asawa ko. May binili lang siya sandali. Ako nga pala si Laila” tinanggap niya ang nakalahad na kamay nito.
Magaan na ang loob niya. Makakahinga na siya ng maluwang kapag nakarating na sila ng Maynila. Sa ngayon ay kailangan niya munang magtiwala kay Laila.
Buo na ang plano niyang bumalik sa Europa. The moment na maka-uwi siya ng bahay ay magpapabook agad siya ng flight. ‘Kailangan kong muling lumayo sayo, Steven’ bulong niya sa utak.
Boses ni Laila ang nagpabalik sa himbing niyang utak. “Ava, this is my husband, Lloyd. Lloyd si Ava, makikisabay sana sa atin papuntang Maynila. Okay lang ba?” matamis itong ngumiti sa asawa.
“Sure. No problem about that. So, let’s go?” mukhang mabait din ito tulad ni Laila. Bagay na bagay sila. Nakaramdam siya ng konting inggit pero dagli niya ring winaksi sa utak niya.
“Shall we?” muling tanong ni Lloyd. Tumango nalamang siya at lumulan sa sasakyan.
CHAPTER TEN
"Anong sabi niyo po? N-nakatakas si Ava?" pag-uulit ni Steven sa sinabi sa kanya ni Mang Agustin na nakatakas raw umano si Ava sa pamamagitan nito. Paano niya gagawin yung binabalak niya?
"Mang Agustin naman eh! Bakit naman po kayo pumayag? 'Di niyo man lang ba naisip na may balak na tumakas si Ava?" may halong inis na sumbat ni Mariz sa matanda.
"Pasensiya na po, senyorita, senyorito. Ang sabi kasi niya may importante raw siyang tatawagan kaya pumayag po ako. Hindi ko naman po inakala na tatakas siya," nakayukong sabi ng matanda.
"At nagpauto ka naman!"
"Mariz, stop it. Wala na naman tayong magagawa eh, nangyari na. Hindi makakatulong sa atin iyang init ng ulo mo at kakasermon kay Mang Agustin," sabat niya.
"Ay ewan!" inis na itinaas ng babae ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Bahala kayo diyan basta ako matutulog na ulit!" pagkasabi nito ay nagwalk-out na ito at bumalik sa kwarto nito. Pailing-iling lamang siya habang hinahatid ng tingin ang papalayong dalaga.
"Sorry po talaga senyorito Steven."
Binalingan niya ang matanda at nginitian. "Okay na po iyon. Nangyari na eh, wala ng magagawa kung papagalitan ko pa po kayo. Matulog na po kayo, maaga pa tayo aalis bukas. Pagpasensiyahan niyo na lang po si Mariz, may dalaw siguro kaya ganoon ka taray at kainit ang ulo."
SAMANTALA, si Ava naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mag-asawang Laila at Lloyd.
"Talaga? Since bata pa kayo magkakilala? Ilang taon kayong naging mag-on at saka ilang taon na kayong kasal?" manghang tanong ni Ava.
"Ang dami mong tanong ah" sabay na wika ng mag-asawa habang patawa-tawa.
"Isa-isa lang," sabay na namang sabi ng dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at sabay ding tumawa. Nakakahawa ang tawa ng dalawa kaya natawa na din siya.
"Oo, magkababata kami. Mga 4 years rin kaming mag-on at 6 years ng kasal," sagot ni Lloyd sa mga tanong niya.
"10 years na kaming nagsasama. My 10 years of torture and suffering," natatawang sabat ni Laila.
"Ah ganun pala ah. Mamaya ka lang, makikita mo kung ano talaga ang torture," tugon ng lalaki na may nakaplaster pang nakakalokong ngiti. Tumahimik naman ang katabi nito at namumula ang mga pisngi na ibinaling ang tingin sa bintana.
-PATLANG
Nakatulog si Ava sa sobrang kapaguran. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa kakaiyak kanina at doon sa ginawa niyang pagtakas.
Kinabukasan...
"Ava, wake up! We're here already at Manila. Saan ang bahay niyo ? Ihahatid ka na namin doon," bungad sa kanya ni Laila. Sinabi niya dito ang address ng kanilang tirahan sa Quezon city.
"Maraming salamat sa paghatid ninyo sa akin, Lloyd at Laila. Sigurado ba kayong ayaw niyong pumasok sa loob ng bahay para mag-agahan?" tanong niya nang makababa mula sa mini van ng mga to. Ngayon nga ay nasa harapan na siya sa main door ng kanilang bahay.
"Oo, Ava. Doon na lang kami mag-aagahan sa bahay. Baka hinahanap na kasi kami ng mga anak namin. Salamat nalang sa paanyaya," nakangiting sagot ni Lloyd. Nagpaalam na sila sa isa't isa, pagkatapos ay pumasok na sa loob.
"O, Ava. Napaaga ka yata ng balik? Di'ba next week pa raw ang balik mo sabi ni Sophia at Alyssa?" agad na bungad sa kanya ni Aling Lucy pagkapasok pa lang sa loob ng bahay.
"Kailangan ko na po kasing bumalik sa Europe, may problema raw po sa eskwelahan eh," pagsisinungaling niya. "Tawagan niyo na po ang airport at ipa-book ako ng flight papuntang Europe na ngayong umaga ang alis," dugtong niya.
"Sige. Mag-agahan ka muna, ipapahanda kita ng almusal kay Doling," sabi nito na ang tinutukoy ay ang head chef nila.
TANGHALI ng nagising si Steven dahil matagal siyang nakatulog kagabi sa kakaisip kay Ava. Pagkatayo ay agad siyang naligo at nag-agahan.
Paglabas niya ng main door ay agad niyang nakita ang isang chopper. Sa may pinto nito ay nakasandig ang nakangiting si Mariz. "Hey there sleeping head! Pinapunta ko na dito ang chopper ko para mas madali tayong makaabot sa Manila. Ang tagal mo kasing magising eh, bilisan mo na diyan at 'wag ng tumanganga para mahabol na natin si Ava," sabi nito.
Tumakbo siya tungo sa naghihintay na chopper. "Thank you Mariz. Your a life saver," wika niya dito at saka nakangiting niyakap ito.
"Walang anuman, anything for you. Let's go na po," baling nito sa piloto ng chopper.
Nagring ang cellphone niya. Nang makita ang pangalan ni Sophia sa screen ay bigla siyang kinabahan ng hindi niya mawari. "Hello?"
"Hello Steven? Nasaan ka?" panimula nito na may pag-aalala at pagpapanic sa boses.
"I'm almost there at Manila. Is there something wrong Sop? Bakit ka nagpapanic?" sunod-sunod na tanong niya.
"Si... si" kapos ang hininga na sabi nito. Narinig na lang niya ang mga boses ng mga tao na nagsasabing tumawag ng ambulansiya. Naghung-up na ito sa kabilang linya.
Nang makatapak na ang chopper sa lupa ay mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng mga kaibigan. Tinawagan niya kanina si Rex ng maghung-up ang nobya nito sa telepono at sinabi naman nito ang kinaroroonan ng mga ito.
"Rex," tawag niya sa nakatalikod na kaibigan. Lumingon ito at nakita niya ang malungkot nitong mukha. Ang naramdamang kaba at takot kanina ay mas lalong lumaki sa nakitang ekspresyon sa mukha nito.
"Come, follow me" paos na sabi nito sa kanya. Malungkot na naglakad na ito papunta sa karagatan at siya ay takang sumunod lang dito.
"We're here" mahinang wika nito. Pagtingin niya sa paligid ay may sunog na mga bangkay at mga taong nag-iiyakan siyang nakita. Nag-aalalang lumingon siya sa kaibigan at walang kabuhay-buhay na itinuro nito ang bandang kaliwa.
Sinundan ng kanyang tingin ang itinuro nito at napasinghap siya sa nakita. Nakita niya si Alyssa na umiiyak sa isang katabing bangkay. "Best! Bakit mo kami iniwan? Bakit!" hindik na sigaw nito. Humagulhol na ito ng iyak. Nagpupumiglas ito ng pilit itong pinatatayo ng isang lalaking pamilyar sa kanya. He shook his head hard, hindi maaari 'tong iniisip niya. It can't be!
"No, David! Dito lang ako... dito lang ako sa tabi ni A-ava," pagpupumiglas pa rin nito. Nang marinig ang pangalan ng pinakamamahal ay agad nangiligid ang kanyang mga luha. Mabigat ang mga paa na binagtas niya ang distansiyang pumapagitan sa kanila. Nang marating ang kinaroroonan ng bangkay ay nanghihina na napaluhod siya.
Ilang secondo din siyang tulalang nakatitig sa bangkay. Napahagulhol siya ng iyak at niyakap ang bangkay. "A-ava!"
Ang sigaw na iyon ni Steven ay napakalakas tulad ng pagkawasak at pagkasira ng kanyang puso. Ava was dead, the girl that he loves. He won’t accept this---never!
Naramdaman niya ang isang kamay sa kanyang kanang balikat. "No! H-hindi ito si Ava. Paano kayo nakakasiguro na si Ava nga to?" mangiyak-ngiyak na sambit niya.
"Kahit a-ako ay hindi makapaniwala noong una. Pero nang makita ko ang necklace na nasa kamay umano nito, na binigay pa ng kanyang mga magulang sa kanya ay doon ko nakumpirma na siya nga si Ava," pahikbi-hikbing sabi ni Alyssa. "N-nagcrash ang p-plane na sinakyan niya, sabi nila technical problem daw. N-nagulat na lang k-kami nila Sophia at Rex nang tawagan kami ni Aling Lucy kanina, umiiyak at sabi na patay na raw si Ava." pa putol putol na dugtong nito sa paraan na parang nahihirapang huminga. Ilang secondo lang ay nahimatay ito, mabuti na lang at nasalo niya ito agad.
SA bahay ng mga Hernandez nilamay ang mga labi ni Ava. Puno ng mga kaibigan, at kamag-anak ang bahay. Maraming tao ang dumating, lahat ay mahal ito. Dumating ang ina't ama nito kanina mula Europe. Nagwawala ang ina nito, hindi matanggap na patay na ang nag-iisang anak nito. (Please listen to when the last teardrop falls by Blaque)
Nakaupo lang siya sa lanai ng bahay ng mga ito, tulala. Hindi pa rin matanggap ang pagkamatay ng babae na kanyang minahal buong buhay niya.
"Steven, hijo. Ito nga pala yong sulat na pinabibigay sayo ng alaga ko," malungkot na sabi sa kanya ni Aling Lucy, mapula-pula ang mga mata nito bunsod ng buong gabing pag-iyak. Wala sa sariling tinanggap niya ang sulat... umalis na ito pagkatanggap niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang sulat.
Dear Steven,
Kung nababasa mo ito, malamang ay wala na ako. Sinulat ko ito sapagkat nais kong malaman mo ang nilalaman nitong aking puso. Alam mo ba, inis na inis ako sa sarili ko 'cause even how much pains that you have caused me ay hindi ko magawang tuluyang magalit sa iyo. My heart is such a fool, it kept throbbing for you and I still loved you.
Ang panahong magkasama tayo sa isla ay isa sa mga masasayang alaala na dadalhin at pakaiingatan ko hanggang sa aking pagtanda o hanggang sa pagpanaw ko. And I'll be happily sharing this to my child and to my grandchildren. As a bitter-sweet memories I'll remember that days and I don't think I can stop crying if I do so.
Patawarin mo ako kung duwag ako at hindi ko kayang sabihin sa'yo ang mga ito sa personal... pero mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko buong buhay ko at ikaw lang din ang nakasakit sa akin ng ganito. And you'll always be. The only one that I will love forever.
Sana maging maligaya ka sa piling ni Mariz. Best wishes sa kasal niyo. Masakit man sa aking malamang ikakasal ka sa ibang babae pero kailangan kong tanggapin. And tears kept rushing to me just thinking of it. Kailangan kong tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa't isa. I don't know kung kailan ako makakamove-on pero kakayanin ko. Dahil ang tanging alam ko lang ay... time can only heal a broken heart. Nakaya kong gawin iyon noon at makakaya kong gawin ulit yon.
All your lies of how much you love me, of how much love, tenderness I can see to your eyes whenever you looked at me... I believed it all. I love you so much but I have to save my heart
to be broken totally. I have to make a way to make it easier for me to move on. Because if I stayed there while seeing you happy with another woman, I'm afraid that I won't have the strength to continue living anymore.
You will remain in my heart forever. You're the reason that I lived, the you that I always wanted. And I need to forbid myself to only looked at you. I'll go away so you can live better. Goodbye and I love you.
Yours Truly,
Ava
Nang mabasa niya ito ay naglandas na naman ang kanyang masaganang luha. Mabigat ang mga paa na nagpunta siya sa kabaong ni Ava. Patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha at ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan at pighati. Niyakap niya ang kabaong and there, he weeped like a child.
"Ava!" he shouted with all the misery and his heart was shattering like a glass that have turned into pieces. Life and fate are so cruelly to him, he have waited for her for 10 years. Yes, he have been with her these past few weeks but its so short to fill that 10 years of longing and hell that he have spent those years. And now, Ava's already dead. He raise his head bitterly at the heavens and asked why? He knew that its wrong to asked his decision... but he can't helped it. He heart is full of misery and bitterness, and he can't think between what's right or wrong.
SA ARAW ng libing ni Ava... mas lalong namayani ang kalungkutan lalong-lalo na sa pamamaalam ng mga mahal sa buhay nito. Simula nang malaman niyang patay na si Ava ay walang mga gabi na hindi siya umiiyak. The sadness of the night bring back the days they had. The kisses, embraces, their fooling arounds and half-meant jokes.
Si Steven ang huling namaalam and it was a very emotional one. As he said his last farewell, he can't help himself to remember the time where they were still in the island, those happy moments that he treasured and cherished.
"This is my farewell message to the woman whom I considered my soul mate. Ava really did a great impact in our lives... especially to me. She taught me how to love someone so deeply and care for someone more than my life. The moments that we've shared were the happiest moments of my life and it will remain always in my heart as a bitter-sweet memory of our love. She's not just my bestfriend, but also my love... the water of my life---my everything," hindi na naman niyang mapigilang bumuhos ang kanyang masaganang luha. Ang totoo'y ayaw niya pang magpaalam... hindi niya pa rin matanggap ang pagkawala nito sa buhay niya.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. Kailangan niya ito dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang magbreakdown doon. Nang makahugot na ng sapat na hininga ay nagpaputuloy siya-
"Yam, I know wherever you are--- you are happy together with our child. Hindi ko parating sinasabi sayo 'to but I love you so much, I really do. You're the best thing that ever happened in my life. Moving on and forgetting you would be impossible for me to do because you'll always be in my heart...forever. I don't know if I'll survive without you and it will take a lifetime for me to move on. I love you now, till the very last breath of mine. This song is for you, yam..." sa tuwing naririnig niya ang kantang ito sa radio ay para siyang unti-unting pinapatay. Bawat mga lyrico ay tugma sa kanyang nararamdaman... sa kanyang paghihinagpis sa pagkawala ng babaeng naging silbing buhay niya.
"It's so hard to lose the one you love...To finally have to say goodbye...You try to be strong but the pain keeps holdin' on...And all that you can do is cry...Deep within your heart you know it's time to move on...When the fairy tale that you once knew is gone"
Goodbye is really hard for him to say to the one he truly loved. He’s trying to be strong, not to breakdown, to forbid his self for this heartache but he can't... he really loved Ava... the fairytale he knew all that was now already gone.
"When the last tear drop falls...I'll still be holdin' on to all of our memories...And all of what used to be...When the last tear drop falls...I will stand tall...And know that you're here with me in my heart...When the last tear drop falls"
To his very last tear drop, he will hold on to the memories they spent together. Even silence reminds him of all the sorrow... the pain and his hopelessness. He wants to suffer in silence till he’s over her. Slowly, even though it’s impossible for him, he can let her go... and he will be his self once again.
"So now I'm alone and life keeps movin' on...But my destination still unknown, oh yeah...Will there be a time when I'll fall in love again? When I was meant to walk these streets alone...If there was just one wish I could be granted here tonight...It would be to have you right back by my side..."
She's now already dead but life keeps going on. He doesn’t know if he'll ever love again the way he loved Ava. He knew that wherever she is right now, she's happy. And here he is, hurting... suffering... miserable. How can he forget her? How can he start over once again without her? He knows that she will never be back again... that he wont be seeing her for the rest of his life... and that is killing him slowly.
"Now it's time for me to find my happiness again...And the emptiness from missin' you...Will never ever end, baby"
Honestly, he can't move on... it’s hard for him to be happy, because she is his happiness... his life. And the emptiness from missing her will never end, and he'll feel it for as long as he lives.
Sa pakiramdam niya ay hindi na niya makakayang magpatuloy. Pero pilit niya paring nilalabanan ang sakit. Alam niya na ayaw ni Ava na nakikita siyang ganito, pero ano ang magagawa niya... mahal na mahal na mahal na mahal niya talaga ito. Na hindi niya maiwasang maging ganito ka miserable sa pagkawala nito sa buhay niya.
"Goodbye, my love, my bestfriend... I will miss you forever and I love you. This is the hardest thing I will do because I love you and this love... this is all I have."
Ang mga linyang ito at mga salita ay napakasakit para sa kanya. Lahat ay katutuhanan...walang kasinungalingan. Mas lalo pang nag-iyakan ang mga taong nasa loob ng simbahan nang marinig ang kanyang huling pamamaalam. Bawat isa'y ramdam na ramdam ang kanyang paghihinagpis. Ang ilan ay naging saksi sa kanyang inalay na pagmamahal sa dalaga kaya alam nila kung gaano siya nasasaktan ngayon.
Dinala ang labi ni Ava sa North Cemetery at doon inilibing kasama ng iba nitong mga kamag-anak na pumanaw na.
Napakahirap na sandali na iyon sa kanya, ang makita ang kanyang mahal na inalalagay sa huling hantungan nito. She will always be a part of him and it will always be.
Nakisabay ang langit sa paghihinagpis niya. Ang ibang mga bisita ay nagsiuwian na, siya na lang ang nakatayo roon sa may puntod ni Ava. Inilibing na ito at kasamang nabaon ang kanyang puso sa hantungan nito.
Napakislot siya ng may magsalita sa likuran niya. "She won't be happy when she'll see you like this." turan ng isang babae sa kanya. Paglingon niya ay parang nakakita siya ng isang anghel na bumaba sa langit. The woman is extravagantly gorgeous with angelic seducing face.
But he don't mind the beautiful face infront of him, for him Ava is still the most beautiful woman for him. "Do you perhaps a friend of her?" malungkot niyang sabi at muli'y tinignan ang puntod ni Ava.
"Yes," the woman said sadly. "She's such a good friend and its so sad thinking that she's already dead. But life must go on, Steven. I know living without her is such hell to you but I know you can surpass it. She'll be always there at your side, guiding and protecting you,"
hinawakan nito ang balikat niya. May naramdaman siyang init na nagmula sa mga kamay nito, tila nawalan ng konti ang hinanakit niya.
"I really.. don't know if I can miss. Her death is so sudden to me and I regret not following her right away. If only I did, buhay pa sana siya,"mahina niyang sagot.
"Everything happens for a reason. Be strong Steven not just for Ava but for yourself and to all of the people whose caring and loving you. I must go now, I think you should too. Its raining hard and I'm afraid that you'll catch a fever if you'll keep sitting there," and she walked away.
"Wait. What's your name?" agap niya.
Lumingun ito sa kanya at sinabing, "Nicolette Jaime Jimenez but you can call me Nicole to make it short." At tuluyan na itong naglakad palayo.
Hindi pa rin siya umalis doon. But in a few minutes he was not feeling well anymore. He touched his neck and found out that his burning hot with fever. His vision got blurry and the next thing he knew he was already out of his senses.
"My god, Steven!" his cousin, Mariz exclaimed horrifyingly.
CHAPTER ELEVEN
NAKATINGIN siya sa bintana... nakatunganga. Gulong-gulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata, tanda ng ilang gabing pagkapuyat at pagod. Ang gwapong mukha nito ay hindi na nagawang ahitan ang maliliit na tumutubong balbas. At ang damit nito ay noong isang araw pa yata suot at hindi na nakuhang magpalit pa. Sa may sahig ay nagkalat ang mga bote ng alak at mga pictures ni Ava. Napakamiserable nito.
"Steven?" untag ni Mariz dito, sanay ito na nakikita siyang malinis at hindi ganoong haggard na haggard ang anyo. Pero hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa bintana na parang may hinihintay.
"You know, Ma-an. I was really hoping that she will be back," pumiyok siya, basag ang tinig. At kailangan niya ang ibayong pagpipigil sa sarili kung hindi ay baka umiyak siya sa harap nito.
Pero yatang pasaway ang kanyang mga luha, kahit anong pagpipigil niya ay hindi niya pa rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa tuwing naaalala si Ava. Kaya nga palagi siyang umiinom ng alak dahil akala niya makakalimutan niya ang sakit pero hindi pa rin, kahit anong gawin niya hindi niya ito malimot-limot.
"I was telling myself that this is just a nightmare... that Ava is still alive and one day, things will be back where it used to be, where me and her always laughing, playing and fighting. Na magigising na lang ako isang araw, na kasama ko siya at naglalampungan kasama ang anak namin. But its all lies, she's no longer here and she will never come back!" sabi nito, itinukod ang mga kamay sa bintana at tumaas-baba ang mga balikat.
Napapaiyak na rin ang babae, she can see how miserable he is.
"Everywhere I go, I always see her beautiful face and I always remember our memories when we're still together. I really, really love her," pamiyok siya. Lumingon siya dito at parang pinipiga ang puso niya sa nakita.
"Kahit ngayon nakikita ko ang mukha niya sa'yo."
"Steven" usal nito.
"Kahit boses niya, naririnig ko rin," hysterical na sinabunutan niya ang sariling buhok.
Tila naiinis na ito sa kadramahan niya, para bang gusto siya nitong batukan ng pagkalakas-lakas. "Steven, ano ba! Si Ava ito!" naiinis na sigaw nito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita pa rin niya ang mukha ni Ava sa katauhan ni Mariz. Pero hindi siya pwedeng magkamali, sigurado siyang ang tinig ni Mariz ang narinig niyang tumawag sa kanya kanina. Napangunot-noo siya, hindi kaya minumulto siya nito? Nabakasan ang kanyang mukha ng takot sa realisasyong ito, wag naman sana! Matatakutin pa naman siya sa multo. Nang ngumiti ito sa kanya ay agad siyang tumakbo sa kama at itinabon ang comforter sa buo niyang katawan.
Parang tanga na inulit-ulit niya ang pagbigkas sa Our Father. Nang mawala na ang takot ay dahan-dahan niyang ibinaba ang comforter sa mukha para masilip kung nandoon pa rin ang multo. At nandoon pa nga! Nakatayo ito sa paanan at nakasaklop ang dalawang braso!
Nang makita ni Ava ang naging reaksiyon ni Steven nang makita siya ay nagtaka siya sa kinilos nito. Doon niya naalala na takot pala ito sa multo. At hindi niya ito masisisi kung napagkamalan siya bilang isang multo...nakawhole white kasi siya.
Naikwento nito sa kanya noon na ang puno't dulo ng pagiging matatakutin nito sa multo ay ang ina nito. Dahil noong bata ito ay sinasabihan ito ng ina na pag nagpasaway ay mumultuhin ito ng namayapang lola upang turuan ng leksyon. Nang nagpasaway daw ito minsan
ay nakakita ito ng isang babae na nakaputi lahat sa bintana nito. Simula nun ay hindi na ito umulit. Hindi na nito binigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang at naging isang maamong tupa. Nakakatawang isipin na sa laki ng katawan nito ay takot ito sa multo.
Umandar na naman ang pagiging pilya niya. May misyon siya ngayon at ito ay ang... takutin ito ng bonggang-bongga. 'Bwahaha! Ang galing mo talaga Ava! You're a genius!' nasambit niya sa isip.
Dahan-dahan niya itong nilapitan. Nang marating ang kama nito ay umupo siya sa gilid at pang slow motion na hinawakan niya ang pisngi nito.
"Bumalik ako rito dahil hindi ako matahimik at mapanatag. Nakikita kita mula sa itaas parating umiiyak, na nagiging miserable ang buhay mo simula ng mawala ako," sabi niya sa tinig na parang sa isang anghel talaga. Lihim siyang humingi sa itaas ng tawad sa kapilyuhang ginagawa.
"Waaah! Gusto kitang makita ulit pero hindi sa ganitong paraan! Pwede naman sa panaginip ah... bakit ito pa ang napili mo. Ava naman eh, alam mo namang matatakutin ako sa multo. Sorry na, naging pasaway ako... pero ano magagawa ko eh sa nasaktan talaga ako sa pagkamatay mo eh," parang batang maktol nito, at nakalabi pa! Halatang nagpapacute para tantanan niya at maawa dito. Kaloka!
Tama na yan, Ava. Maawa ka naman diyan sa gwapong cute na yan oh. Pag inatake yan sa puso dahil sa kapilyahan mo, magiging kargo de konsensiya mo pa, pangungunsensiya ng isang bahagi ng utak niya, na sinan-ayunan naman ng kerengkeng niyang puso.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, okay, okay. Sorry din tinakot kita. Nagpanggap pa ako ng isang multo. Buhay ako Steven, buhay na buhay." sabi niya.
"Weh?"
Binatukan niya ito. "Aray!" daing nito.
"O ano? Naniniwala ka ng buhay ako?" tanong niya.
"Paano ka nabuhay? Humiling ka ba sa diyos na mabuhay ka para makabalik ka sa piling ko?"
"Sira ka ba? Possible ba yun? Hindi kaya!" asik niya.
"P-pero.. nakita sa bangkay na yun ang necklace na binigay sa'yo ng mga magulang mo" hindi pa rin makapaniwalang sambit nito.
Isinaysay niya ang nangyari. Noong lulan na siya ng eroplano ay bigla na lang siyang nahilo at hindi sinasadyang nabitawan ang necklace na hawak-hawak niya, malamang may nakapulot at ito nga yung babaeng bangkay. Dahil doon sa pagkahilo niya ay hindi siya nakasakay papuntang Europe... pero napagpasyahan niya pa rin ang lumayo sa Maynila para makalimutan ang sakit nang malaman niyang ikakasal na si Steven sa ibang babae at lahat ng pinakita nito sa isla ay pawang kasinungalingan lamang. Nagreroute siya, sa halip na sa Europe ay pumunta siya sa Palawan na walang nakakaalam kahit si Aling Lucy. Nagulat na lang siya nang makita ang pangalan sa news paper na patay na siya. Kahit hindi pa siya tuluyang nakakamove-on sa pagiging broken hearted ay napagpasyahan niyang umuwi na sa Manila para liwanagin ang lahat.
Si Aling Lucy ang una niyang pinuntahan at tulad ng reaksiyon ni Steven ay ganoon din ang naging reaksiyon nito. Sinabihan niya na huwag munang ipagsabi sa iba na buhay pa siya lalong-lalo na kay Steven. Nagtaka ito kung bakit, at i-kwenento naman niya ang mga hinanakit sa matanda. At doon, kinumpirma nito na magpinsang buo daw si Steven at Mariz kaya hindi pwedeng ikasal. At para mas makumpirma ito ay pumunta siya sa bahay ni Steven para liwanagin ang lahat.
"Peace yo!" sabi nito at nagpeace sign. "Eh kasi naman desperado na talaga ako eh. Pinagselos kita para malaman ko kung mahal mo rin ako," paliwanag nito. Hinila siya nito papuntang higaan at pinakubabawan siya. At walang sabi-sabing inangkin ang kanyang mga labi, mapusok iyon at napakainit puno ng pangungulila at mapagparusa na kanya namang tinugon. Hindi niya namalayan na unti-unti na pala nitong tinatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang kilid ng kama.
Nang matigil ang kanilang paghahalikan ay kapwa na sila kapos ng hininga. Agad naman nitong binalingan ng tali ang kanyang mga paa noong una ay nagpumiglas siya pero sinabi nito na pag patuloy nitong ginagawa iyon ay baka maapektuhan ang baby kaya tinigil na lang niya..
"Ano ang ginagawa mo Steven? Bakit mo ako tinali?" tanong niya kapagkuwan.
"Hindi ba obvious? Re-rape-in kita," sagot nito na may naglalarong kapilyuhan sa ngiti nito. Nang tinignan niya ito ng masama ay agad itong tumawa. "Joke lang... actually, parusa mo ito. Aba'y muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mong kapilyuhan kanina ah.. its my turn now. At para hindi ka na rin makatakas muli," bawi nito sa sinagot kanina. At tulad noong nasa isla sila ay sinayawan na naman siya nito ng ala macho dancer. Nakakaloka!
"Wahhhh! Steven itigil mo yan, nakabuo na tayo kaya itigil mo yan. Baka mademonyo ako't ikaw ang ma-rape ko," sigaw niya. Tumawa ito sa sinabi niya.
Natigilan ito. Kapagkuwan ay tumingin sa kanya. Makikita sa mukha nito ang pagkagulat. “M-magiging ama na ako?”
“Oo. Two actually,” ngumiti siya. Tuwang-tuwa ito na niyakap siya. Nagsisigaw. Ilang ulit na tumalon.
"Talaga? As in, kambal ang anak natin diyan sa maliit mong tiyan?"
"Loko-loko! One month pa kaya ito kaya maliit pa."
"Oh my God, this is such a wonderful news! Thank you Ava, I love you so much!" tuwang-tuwang sabi nito.
"I love you too," tugon niya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Pero tila ayaw lang nito ng smack lang, kinabig siya nito at muling inangkin ang kanyang mga mapag-imbitang labi. At muli, dinala siya ng lalaki sa isang lugar na ito lamang ang nakadadala sa kanya roon. Sumabay na siya sa saliw ng musika na sila lamang ang nakakarinig, kasabay ng malalakas na tibok ng kanilang mga puso.
“ABA, iba na talaga pag masamang damo. Ang tagal mamatay," sabi ni Sophia ng ikwento niya ang tunay na nangyari sa kanya. Binatukan ito ni Alyssa sa sinabi nito.
"Ikaw talagang matakray ka, pasalamat nga tayo at buhay si Ava. Yan pa ang sasabihin mo, ano kang klaseng kaibigan?" litanya ni Alyssa dito.
"Ikaw ding buntis ka, nabuntis ka lang ginaganito mo na ang beauty ko. Binabatukan mo na ako, sino nagturo nun sa'yo para maturuan ko na ng leksyon," sagot nito. Tatlong linggo ng buntis si Alyssa sa asawa nitong si David at si Sophia ang kawawang nalihian nito. Nagtawanan sila sa kakulitan ng dalawa.
"STEVEN! Ano na naman to? Sopresa na naman nuh?" nakatawang sambit ni Ava sa kasintahan. Isang linggo na silang mag-on at ang bawat araw na magkasama sila ay napakasaya sa kanya. Puno ng kulitan at pagmamahal.
"Huwag ka ngang excited diyan. Parating na tayo doon, maghintay ka lang ng konti," sagot nito. Ilang minuto rin silang lulan ng chopper ni Steven nang marating na nila ang lugar ng sopresa ni Steven ay inalayan siya nito pababa. "Nandito na tayo. Diyan ka lang ah, 'wag kang aalis," sabi nito.
Ilang sandali pa ay pumailanglang sa paligid ang isang musika. Tinanggal niya ang piring at nakita niya si Steven nasa intablado may kasamang isang sikat na banda na paborito niya. At ito ang kumakanta! Ang sweet talaga, sobra!
I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you...
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,....
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.
Pagkatapos ng kanta ay maluha-luha na siya. Ito na ba ang pinakahihintay niya? Kung ganoon nga, siya na yata ang pinakaswerteng babae sa mundo sa oras na ito.
"Please look above the sky yam," sabi nito habang ang titig ay puno ng pagmamahal. O kay saya niya sa tuwing tinitignan siya nito ng ganoon... feeling niya siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Sinunod niya ang sinabi nito, tinignan niya ang kalangitan at nakita niya ang
isang banner na may nakataling kalapati sa magkabilang gilid. Ang nakasulat ay... "I wanna grow old with you yam. Will you.. carry me?" nadismaya siya dahil hindi marry you ang nakalagay.
Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Binigyan siya nito ng three red roses na ikinaparty ng kanyang puso. "Will you carry my heart forever and replace C with M in that word?" tanong nito, lumuhod ito at may kinuhang maliit na pulang kahon mula sa bulsa nito. Binuksan nito ang nasabing kahon at tumambad sa kanya ang isang singsing.
"Sinadya ko pang pinagawa to para maging isa lang to sa mundo tulad mo na nag-iisa lang sa puso ko," pinaghiwalay nito ang singsing, tatlo pala iyon na pinagsama lang para makabuo ng isang singsing at isang unique na design. "This is us two," sabi nito at itinuro ang dalawang singsing na may disenyong kamay. "And this is the love that we'll be holding on, forever" at itinuro ang singsing na nasa gitna na may hugis puso. Pinagsama nito ang singsing at muli siyang tinanong.
"So, will you marry me Ms. Ava Hernandez? I can't promise you a perfect life with me and I can't promise you a perfect marriage either... there is only one thing I promise you and that is, I will love you till my last breath."
"No," mahinang tanggi niya sa proposal nito pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito nakaligtas sa pandinig nito. Kita niya ang pagrehistro ng pagkadismaya sa gwapong mukha nito at ang mata nito ay malungkot na nagsasabing 'bakit?'
"Joke lang, eh kasi naman kanina eh, sinabi mo sa banner na carry you, aba'y bonggang bongga ang pagkadismaya ko nang mabasa ko 'yon nuh," agad niyang bawi sa sinabi kanina.
"Ang dami mong satsat, isang tanong, isang sagot... pakakasalan mo ba ako? Dahil kung hindi nandiyan naman sila NItz, Agatha, Joydhie, Joy Kayla, Meica, Merly, Brook, Leezy, Myrrh, Clay at Glo," sabi nito sa boses na parang naiinis pero alam niyang nagbibiro lang ito.
"Sino naman 'yon?" pagsakay niya sa biro nito.
"Chicks 'yon, ang gaganda at ang se-sexy. So ano na?"
"Kahit naman hindi ang isasagot ko, hindi mo pa rin ako tatantanan hanggang sa hindi ako umu-oo. Kaya oo na, pasasakal este pakakasal na ako sa'yo," nakangiting sagot niya.
"Napipilitan ka lang naman siguro eh," pagmamaang-maangan nito at tumayo na mula sa pagkakaluhod.
"Sabi ng oo eh!" kinuha niya ang singsing sa kamay nito at isinuot sa palasingsingan niya. " Hindi na ako magpapakipot nuh! Mga bigatin kaya ang mga kalaban ko,."
Tumawa ito ng pagak. "Ganyan dapat, kung ganyan ka parati, di walang gulo," sabi nito sa pagitan ng pagtawa.
"Tse! O ano, kailan ang kasal?"
"Bukas"
Napamulagat siya ng mata. "B-bukas? Ang bilis naman yata, kakaengage lang natin ngayon ah. Paano ang mga preparations and everything?"
"Ayaw mo nun, wala ka nang magiging kaagaw sa pwesto bilang asawa ko," tumawa pa ito. "Okay serious na'to, ayaw ko kasing may makaagaw pa sa yam ko kaya sasakalin este pakakasalan na kita. At huwag na po kayong mag-alala sa mga preparations and everything dahil nakahanda na ang lahat. Si Mariz mismo ang nagplano," paliwanag nito.
"Ibig sabihin yong narinig kong kasal na pinag-uusapan ninyong dalawa noong nasa isla tayo, ay kasal pala natin?" amuse na tanong niya.
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Opo, kaya nga umalis ka noon at muntik ng mapalagay sa kapahamakan."
"Sorry na nga."
"Halika nga dito," at niyakap siya. "Okay na 'yon ang mahalaga ay ligtas kayo ng mga anak natin at buhay na buhay." at hinalikan siya nito sa noo.
GINANAP ang kanilang engrandeng kasal sa Isla Steva Hersan. Ang isla na puno ng kanilang mga masasayang alaala, sa lugar na kung saan sila muling naging magkaibigan at nabuo ang kanilang magiging supling. Sa may baybayin sila... naroon ang kanilang mga kaibigan, kapamilya, at kapuso... lahat nakaputi.
Ang saya-saya niya habang naglalakad sa kulay puti na de-carpeted na buhanginan. Kitang-kita niya si Steven, ang kanyang groom na naghihintay sa may altar. Gwapong-gwapo ito sa suot na kulay puti na polo, nakabukas ang dalawang butones dahilan upang malantad ang dibdib nito. Hunk na hunk, yummy! 'Mag hunos dili ka Ava! Hindi pa nga natatapos ang kasal, honeymoon na agad ang iniisip mo." sita ng isip niya.
Narinig sa paligid ang malamyos na mga tinig ng mga singer na sina Nicole at Mariz... dinuduet ang kantang Sayo Lamang ng MYMP. Nang malapit na siya sa altar ay di-sinasadyang natapilok siya na sanhi ng pagkatumba niya, syempre came to the rescue naman ang kanyang prince charming. Patakbong nilapitan siya nito at inalayan patayo. Imbes na mahiya dahil sa nangyari ay kinilig pa ang loka. Sabay silang dalawa na nagpunta sa altar. From there, hindi na niya matandaan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Namalayan na lang niya na nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigawan ng: "Kiss! Kiss!"
"Well, I just pronounced you man and wife. You may now kiss your beautiful bride, Steven. What are you waiting for?" nakangiting wika ng paring nagkasal sa kanila.
Binulungan muna siya nito. "You look very beautiful, my dear wife. I LOVE YOU." wika nito, sinabi din niya ang three magical words at hinalikan na siya nito.
LIMANG taon na ang nakalipas pagkatapos ng naging kasal nila. Masayang-masaya siya habang binabaliktanaw ang nangyari sa kanilang dalawa ni Steven. Ngayon nga ay nasa isla sila ni Steven kasama ay kanyang kambal na babae at lalaki na pinangalanan nilang Steva Laurice at Hersan James na alinsunod nila sa pangalan ng isla.
"Mommy! Mommy! Aunt Nicole and Uncle Simon are fighting again," sabay na sumbong ng kambal. Napailing na lang siya, simula ng magkita ang dalawang iyon ay palagi na lang nagbabangayan. Parang aso't pusa, kahit maliliit na bagay pinag-aawayan.
"Just let them be, babies. Don't mind them, you know naman that they're like dog and cat," nakatawang sabi niya sa mga anak. "Where's your daddy?" dugtong niya.
"Uy, mommy... She's missing daddy," tukso sa kanya ni Steva, mukhang namana yata ang pagiging pala-tukso ng kaibigang si Sophia. Malaking problema kung ganoon.
"I'm here, sorry pinaghiwalay ko lang yong dalawa. Baka magkapatayan na," bungad sa kanya ng butihing asawa habang patawa-tawa.
Napabuntong-hininga siya. "Hay naku, yang dalawa talaga ang sarap pag-untugin ang ulo. Aba'y malapit ng magkaanak nag-aaway pa rin," litanya niya.
"Pabayaan mo na, ganun lang talaga magmahalan ang dalawang ‘yon," pagbara nito sa kanya. "Oh! Who wants to hop in on the chopper? The weather is nice and we can easily see the whole island above the sky," sabi nito. Nagsabay na nagsabi ang dalawang makukulit ng: "Me!" Nakisali siya sa kakulitan ng mga anak at nagsabi rin ng me habang pinalilibutan ang nakangiting si Steven.
"Okay, lets go." anito at masaya silang apat na pinuntahan ang kinaroroonan ng chopper at sumakay dito. At katulad ng nasa mga fairytale... They Live happily ever after.
THE END