A Night With Him

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

A Night With Him

A Night With HimSNEAK PEEK
 "Anong ginagawa mo sa kuwartong 'yan?" takang tanong ni Martha sa kanya nang makasalubong siya nito sa labas. "Ano bang tanong 'yan? Tapos na ang pinagagawa mo. May nangyari na sa 'min ng ex-boyfriend mo." Inabot niya dito 
ang video camera.
 "What are you saying Reeze? Hindi naman 'yan ang kuwarto ni Arthur."
 "Ano?"
 Napabuga ito ng hangin. "Room 309, not 306."
 "What?! So sino 'yong lalaking-" Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan ng 
kuwartong pinanggalingan niya kanina. At iniluwa doon ang isang gwapong lalaki-ang lalaking inakit niya kagabi.
 Makahulugan itong ngumiti sa kanya. "Thank you for crashing into my room last night. I really enjoyed it." No way! 
INABOT ni Reeze ang cellphone na nakapatong sa center table. Tinignan niya iyon. Twelve missed calls. Sixteen unread messages. All came from James-ang lalaking nakilala lang niya sa bar last week na ngayon ay feeling boyfriend na niya. 
Inisnab lang niya ito sabay hagis ng telepono sa sofa. Talagang sinigurado niya kaninang i-silent mode ito dahil inasahan na niyang mangungulit sa kanya ang lalaking iyon. Isang beses lang naman siyang nakipagdate dito noon. Pero
 hayun at naging obsessed na sa kanya. Asa lang naman ito 'no? Kahit minsan, wala pa siyang sineryosong lalaki. Tama na sa kanyang makita ang mga babae sa pamilya nilang palaging niloloko ng iba. 
Uminom siya nang kaunti sa baso ng juice na nasa lamesa. Itinaas niya ang dalawang paa saka muling ipinatong ang isang bucket ng popcorn sa mga tuhod niya. Then she looked back at the television. Wala siyang ibang ginawa maghapon kung hindi tumawa nang mag-isa habang nanonood ng Spongebob. Ito lang kasi ang pantanggal boredom niya kapag wala siyang magawa sa apartment niya. 
Napapitlag siya nang marinig ang doorbell. Pero hindi siya tumayo, hindi rin siya nagpatinag. Hindi naman kasi naka lock ang pintuan niya. Kung magdo-doorbell pa ito ng maraming beses, sigurado siyang isa sa mga lalaking nabaliw sa kanya ang naghihintay sa kanya sa labas. At siyempre, hindi niya iyon iwe-welcome sa pamamahay niya. 
But then, she only heard one. Ibig sabihin, kamag-anak niya ang dumadalaw sa kanya ngayon. 
"Buti naman at wala kang lakad ngayon," bungad sa kanya ng pinsang si Martha. Gaya nang dati, todo postura pa rin ito. Maiksi lang ang buhok nito pero iba-iba ang style nito linggo-linggo. Kung ikaw ba naman ang may sariling salon, hindi ka ba magpapaka-OA sa ayos? Mayaman kasi ang pamilya ng papa nito. Hindi tulad nang sa side nila na nasa middle-class lang. 
Sandali lang niya itong sinulyapan sabay balik ng tingin sa TV. "Anong ginagawa mo dito?" 
"Kailangan ko ng tulong mo." Dumeretso ito ng upo sa isang couch. 
"At kelan pa nangyaring kinailangan mo ang tulong ko?" sarkastikong balik-tanong niya. Well, hindi niya masasabing close sila ni Martha. Actually, minsan na rin silang naging magkaaway. But somehow, they still talk to each other casually. 
Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa kasal ko hindi ba?" 
"Alin, 'yong hindi ka sinipot ng fiancée mo?" kaswal niyang tugon. 
Naningkit ang mga mata nito. "Kung masabi mo 'yan, parang simpleng bagay lang ang pinagdaanan ko ah." 
"Anong gusto mo, magpakita pa 'ko ng simpatya sayo?" Napatingin siya dito. "Ilang beses na bang may nangyaring ganyan sa pamilya natin? Para namang hindi ka na nasanay. Nasa lahi na kaya natin 'yan." 
Hindi ito agad nakasagot. "Pero mas grabe naman ang nangyari sa 'kin. Sa araw mismo ng kasal ko, nahuli ko angfiancée ko na nakikipagtalik sa bestfriend ko. Nilimas pa ni Arthur ang laman ng joint account namin." 
Napaangat ang kilay niya. "Eh gaga ka naman kasi! Bakit ka naman nag-open ng account kasama siya? Ikaw lang naman yata ang naglalagay ng laman d'on." 
Martha rolled her eyes. "Eh sa ikakasal na nga kami. Natural lang naman 'yon." 
Hindi siya tumugon. Muli, tinapunan lang niya ito ng sulyap saka ibinaling ang pansin sa pinapanood. Sa totoo lang, hindi naman siya apektado. Sanay na siyang nakakarinig ng mga katangahan mula sa mga pinsan at tiyahin niyang pare parehong nagpaloko sa mga lalaki. Kaya nga ba hindi siya pumapasok sa seryosong relasyon. Ayaw niyang magaya sa mga kamag-anak niya. Ayaw niyang matulad sa ate niya. 
"Sobrang sakit kaya n'on." 
"Sus, hindi ka naman mukhang apektado." 
"Apektado ako 'no. Naubos na lang talaga ang luha ko kaya hindi ako makaiyak sa harapan mo." 
Nagkibit-balikat na lang siya. Kinuha niya ang baso ng juice saka muling uminom. "So, anong tulong ang kailangan 

mo?" 
"I want you to have sex with my ex-boyfriend!" 
Nasamid siya bigla pagkarinig doon. Awtomatiko pa niyang inilayo ang baso sa kanya saka gulat na napatingin kay 

Martha. "What?" 
"Hindi ba malinaw ang sinabi ko? I said I want you-" 
"Luka-luka, siyempre narinig ko. Hindi ako bingi 'no! Pero ano namang kahangalan 'yang gusto mong ipagawa sa 'kin?" 
Napahinga ito nang malalim. "Sinadya akong lokohin ng dalawang 'yon. Pwes, gagantihan ko sila." 
She smiled sarcastically. "At ako ang gagamitin mo?" 
"Oo. Ikaw lang naman kasi ang pwede eh." 
"Anong ako lang ang pwede?" 
Pinatirik nito ang mga mata. "Come on Reezelda Anne, alam ko naman na hindi ka na virgin 'no!" 
"Pero hindi ibig sabihin n'on na babaeng pakawala na 'ko." 
"Sige na, pagbigyan mo na 'ko. Alam ko naman na hindi ito magiging mahirap sayo. Sanay ka na rin namang mang-akit 

ng lalaki eh." 

"Ayos ka rin ha?! Kung maka-request ka nang ganyan, parang nagpapabili ka lang ng suka sa tindahan. Anong tingin mo sa 'kin, whore-for-hire?" "Hoy babae! Baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sa 'kin noong college tayo. Hindi ba inagaw mo ang 
boyfriend ko?" 
"Hindi ko siya inagaw. Kasalanan ko ba na hindi ka nakinig sa sinabi ko? Binalaan na kita noon na huwag mo siyang 
ipapakilala sa 'kin. Ayun tuloy, iniwan kang nakatunganga." 
Tumaas ang isang kilay nito. "Oo na, ikaw na ang maganda." 
Tipid siyang ngumiti saka muling ngumuya ng popcorn. 
"Pero gawin mo na 'yong request ko. Kahit man lang sa paraang 'yan makabawi ka sa ginawa mo sa 'kin." 
"Para namang ang bigat ng kasalanan ko sayo." Inirapan niya ito. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa 'kin dahil maaga pa
 lang, nakita mo na ang tunay na kulay n'ong college ex mo." 
"Fine, fine! Pero pagbigyan mo na ko dito." Nakikiusap na ang tingin nito sa kanya. "All you need to do is sleep with 
him. Just a one night stand." 
"So kapag ibinalandra ko ang katawan ko sa kanya, nakaganti ka na n'on?" 
"Siyempre hindi lang 'yon gano'n. Gusto kong i-record mo sa video ang gagawin n'yo." 
Napanganga siya. Talaga yatang may sira na sa utak ang pinsan niya. Ganoon ba katindi ang naging trauma nito? 
Pagkuwa'y matapang itong tumingin sa malayo. "Pagkatapos, ipapapanood ko sa walanghiya kong kaibigan. Tignan ko 

lang kung anong magiging reaksyon niya." 
"You're crazy Martha! Gusto mo bang sugurin ako ng babaeng 'yon?" 
"Hellooo? Siyempre siguraduhin mong hindi makikita ang mukha mo. Importante lang namang makilala sa video si 

Arthur eh." 
"Wow! Kung makamando ka ng dapat kong gawin parang magpo-pose lang ako sa pictorial ah." 
"Reeze please!" 
"No!" matigas niyang tugon. 
"Hindi ka ba naaawa sa nangyari sa 'kin?" 
Sandali siyang umaktong sumipat-sipat dito. "Hindi." 
"Bruhang 'to! Reeze naman!" Napabuga ito ng hangin. "Okay, ganito na lang. May ibibigay akong kapalit, basta 

pumayag ka lang sa request ko." 
"Like what?" 
"How much do you want?" 
Tinignan niya ito nang masama. "Pwede ba Martha, kahit pinsan kita, palalayasin talaga kita sa apartment ko. Ano ako, 

bayaran?" 
"Eh ano nga ang gusto mo? New car? Bags?" 
"Niloloko mo ba 'ko? Gano'n din 'yon eh." Napairap na lang siyang muli dito. 
Sandali itong napaisip. Maya-maya'y inabante nito ang mukha sa kanya. "How about I talk to your boss? Ihihingi kita 

ng one month leave-with pay. At baka bigyan pa kita ng bonus trip kahit saan mo gustong pumunta." 

Napalingon siya kay Martha. Marinig pa lang niya ang salitang 'leave', nagdidiwang na ang puso niya. Iyon kasi ang 

matagal na niyang gusto-ang makapahinga sa trabaho niya bilang marketing assistant sa kumpanyang pagmamay-ari ng 

pamilya nila Martha. Hindi naman talaga 'yon ang gusto niya. Pinilit lang siyang ipasok ng mama niya doon para naman daw may mangyaring matino sa buhay niya at hindi puro pagkuha ng litrato ang inaatupag niya. 
Makailang-beses na siyang nagtangkang mag-resign pero hindi siya pinapayagan ng kanyang ina. Kahit ang mga leaves 
niya'y sadyang kontrolado nito. 
"So ano na, payag ka na ba? I know this is what you want." 
Sandali siyang nag-isip. Hindi na nga masama ang offer na 'yon. At alam naman niyang kapag si Martha na ang 
kumilos, walang magagawa ang mama niya kahit pa general manager ang posisyon nito sa kumpanya. "Alright, make it 
two." 
Napaupo ito nang tuwid. "What?! Mapapagalitan na ako ni Tita Emily n'on." 

Tumayo siya tangay-tangay ang baso saka tinungo ang kusina. "Sorry pero sa two months lang ako mapapapayag." 
Tumayo na rin ito at lumapit sa kanya. "Fine, it's a deal. Pero siguraduhin mong magagawa mo 'to nang hindi ka 
papalpak ha?" 

"Just tell me when I could meet him, at ako na ang bahala." Humarap siya dito matapos uminom ulit ng juice. 
"Bukas ng gabi. Nasa hotel namin siya ngayon actually. Sa isang araw pa siya aalis." 
Natawa siya. "Seryoso? At talagang nagcheck-in pa siya sa hotel n'yo?" 
Ipinagkrus nito ang mga braso. "Wala naman akong magagawa sa kapal ng pagmumukha ng lalaking 'yon eh. Pero okay

 na rin 'yon, para mas mapadali ang gagawin natin. Tomorrow night, I'll tell you his room number. Pumunta ka sa hotel. Doon ko na din ibibigay sayo ang master key." 
"Tapos?" 
"Para siguradong may mangyayari sa inyo, magpapadala ako ng wine sa kuwarto niya. Mas mabuti nang lasing siya 
para hindi siya aware na kinukunan siya ng video. Then after that, umexit ka na." 

Napakagat-labi siya. Kung para naman sa dalawang buwang kalayaan, gagawin na niya. After all, isang gabi lang 
naman 'yon eh. 
*** 

NAGIKUT-IKOT si Reeze sa shop. She was checking for some latest models on DSLR cameras. Kailangan na talaga niyang bumili ng bago. Nasira kasi 'yong dati niya n'ong mag-away sila ng mama niya. It was the time na umabsent siya sa work nang walang paalam. Ayun at nagsurprise-visit ang kanyang ina, and found out that she was organizing a photoshoot in her own apartment.
 Matapos nitong paalisin ang mga kaibigan na inimbita niya para maging modelo, kinompronta siya nito at sinermonan. Inabandona daw niya ang isang disenteng trabaho para gumawa ng ganoong 'kalokohan'. At sa kalagitnaan ng sagutan nila, nagalit nang husto ang kanyang ina at ibinato ang pinag-ipunan niyang camera. 
And she was totally upset that time. Iniling-iling na lang niya ang kanyang ulo para kalimutan ang nangyaring iyon. Kinuha niya ang isang camera na naka display sa harap niya. Ilang saglit din niyang sinipat-sipat iyon saka ibinalik muli sa shelf. Then she ran her eyes over 
the items and stopped at the white-colored one. She extended her arm and tried to get it, but she pulled back when she saw another hand. Napalingon siya sa babaeng nasa gilid niya. Maganda ito at sa unang tingin pa lang ay masasabing may lahi itong 
French. 
Ngumiti ito sa kanya. "Kukunin mo din?" 
"Actually, titignan ko lang. But it's okay if you want it." 
"Are you sure? Well, I guess may stock pa naman sila nito." 
"Siguro nga." Ngumiti na rin siya dito. Hindi naman siya suplada para isnabin ang nice personality na ipinapakita nito. 
"Sige mauna na 'ko. Thank you." 
Tumango na rin siya. Ibabalik na sana niya ang tingin sa shelf nang mahagip ng paningin niya si James sa labas ng 

shop-at nakatingin sa kanya. 

Napakagat-labi siya. Geez! Bakit sa dinami-dami ng pwede niyang makita eh ito pang lalaking 'to?
 Dali-dali siyang lumabas ng shop at inisnab ito. Pero agad itong humarang sa daraanan niya.
 "Let's talk," seryosong sambit nito sabay hila sa isa niyang kamay. 

'Wow! Talagang over na ang lalaking ito.' 
Sa isang coffee shop sila dumeretso. But they didn't order anything. 
"I've been calling you a lot of times. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" 
"Excuse me? Obligasyon ko bang gawin 'yon?" 
"Don't tell me, babalewalain mo lang ako nang gano'n?" 
Napaangat ang kilay niya sa narinig. Ano 'to eksena sa drama? 
"I'm waiting for your answer Reeze," seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Gusto niyang matawa sa itsura 

nito. Sa lahat siguro ng mga naka-date niya, ito na ang pinaka-weirdo sa lahat. 

Kumunot ang noo nito. "Reeze?" 
She leaned forward. "First of all James, wala tayong relasyon. Isang beses nga lang tayo nag-date eh. Kaya pwede ba, 
huwag kang mag-assume na girlfriend mo 'ko." 
"After we kissed?" 
Naniningkit ang mga mata niya. "But it was just a smack." 
"But to me, it's different." 
Naloko na! 
Tumikhim siya. "Naalala mo ba n'ong nagkakilala tayo noon sa bar? Natatandaan mo ba 'yong sinabi ko sayo?" 
"Alin? Iyong wala ka pang sineryosong lalaki kahit kailan?" 
Tumango siya. 
"Pero hindi ba sinabi mo rin na iba ako sa lahat ng mga nakilala mo?" 
"Ah... Yeah. Because I think you're nice and responsible man." 
"Kaya nga." 

"Anong kaya nga?" 
"Kaya wala ka pang sineseryosong lalaki kasi hindi mo pa nakita ang mga ugaling 'yon sa kanila. Pero siyempre, nag iba 'yon nang makilala mo 'ko." 

Oh my God! 

"Reeze, una pa lang kitang nakilala, alam ko nang ikaw ang babae para sa 'kin." 

Pabagsak siyang napasandal sa upuan saka napahinga nang malalim. Ano bang ginawa niya sa lalaking 'to at 

nagkaganito bigla ang paniniwala nito? 
"Wala akong pakialam kung noon naglalaro ka lang. But I promise you that I will take care of you forever." 
Muli siyang tumikhim. "Alam mo James, sa tingin ko nagkakamali ka lang eh. Ako 'yong tipo ng babaeng walang balak 

magseryoso sa kahit na sino." 
"Maybe before. Pero ngayong nandito na 'ko, alam kong magbabago ka rin." 
Napakagat-labi siya saka pinakatitigan ang mukha ni James. Aaminin niya, may itsura naman ito. Maganda din ang 

buhay nito at may stable na trabaho bilang bank manager. Pero hindi talaga niya maiisip na magkagusto dito. 
"I like you Reeze. And I'm falling in love with you." 
Okay, tama na ang kalokohang ito. Kapag nagtagal pa siya ng upo doon, siguradong marriage proposal na ang kasunod 

nito. 
"Ahm pupunta lang ako sa restroom, okay lang?" 

"Sige. Hihintayin kita dito." Seryoso pa rin ang mukha at boses nito. 
Napabuntong-hininga na lang siya sabay tayo. Saglit pa niya itong sinulyapan. Nakatingin ito sa malayo, kaya naman dali-dali siyang lumabas ng coffee shop. Hindi naman sa masama ang ugali niya. Sa totoo lang, napakabait pa nga niya. Tinutulungan niya itong mauntog sa katotohanang hindi pwedeng maging sila kahit kailan.
 ********
 "MARCUS? Marcus!" Napakislot siya sa swivel chair nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Hihikab-hikab siyang ipinihit ang upuan paharap sa Ninang Felize niya. Napabuga ng hangin ang ginang na nasa singkuwenta anyos na. Pero kahit gano'n, mukha itong nasa forties lang. 
"Pambihira ka naman. Paano mo nagagawang matulog habang nakikipag-usap sa kliyente mo?" 
"Ikaw lang naman 'yan Ninang eh." Kinindatan niya ito. 
Napaangat ang kilay ng babae. "Hay ikaw talagang bata ka! Pasalamat ka at ako ang kliyente mo ngayon. Kung 

nagkataong iba, baka nawalan ka na agad ng project." 
He just smiled at her. 
"Alam kong medyo mahirap pa ngayon ang sitwasyon mo dahil kahihiwalay niyo lang ni Heidi. Pero hindi nama yata 

tama na pabayaan mo ang sarili mo." 

Napaihip lang siya ng hangin. Bakit ba lahat na lang ng tao sa paligid niya'y iniisip na apektado siya sa naging break up 
nila ng ex niya? Oh well, sino nga lang ba ang nakakaalam ng totoong dahilan? 
"So pa'no, naibigay ko na naman sayo ang ibang detalye ng design na gusto ko sa ipapagawa naming bahay ng asawa 

ko. Ikaw na ang bahala d'on ha. Tatawagan na lang kita kung sakaling may maisip akong ipadagdag." Tumayo na ito. 
"Mauuna na 'ko at may date pa kami ng Tito Leo mo." 
Natawa na lang siya sa inakto ng ninang niya. Para itong teenager na kinikilig-kilig pa. "Ihahatid ko na kayo sa labas." 
"Huwag na, I can manage. Just stay here." 
"Okay. Ingat Ninang." 

Nginitian lang siya nito sabay alis. 
Nang maisara niya ang pintuan ay napabuntong-hininga siya. Medyo pagod nga talaga siya these past few days. 
Dumami rin kasi ang mga nakapilang projects nila. Iyong ibang kliyente nga'y siya pa mismo ang inire-request na mag-
design ng bahay at buildings kahit pa may inire-recommend na siyang ibang architects na hawak ng firm niya. 

He then stretched his arms. Mukhang kailangan niya munang mag-relax. Napasulyap siya sa ibabaw ng mesa niya. Ang 
dami pa pala niyang kailangang gawin. Pero saka na. Malapit na ring gumabi kaya uuwi muna siya at magpapahinga. 
Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa mesa. He dialed a number and called it. 
"Hello my dear," malambing na bati nang nasa kabilang-linya. 
"Pauwi na 'ko. May dinner na ba?" 
"Ay para sayo, meron na. Paborito mo pa!" 

He smiled. "Sige. Just wait for me."
 ******** 
AFTER he parked the car, agad siyang dumeretso sa unit niya. Agad naman niyang nabungaran si Sam sa loob na 
nakasuot pa ng apron.

 "Ang bilis mo ha." Kumindat pa ang bading niyang kaibigan. "Ayan na Papa Marcus, ready na ang dinner mo. Gusto 
mo ba ng masahe after?" Pumungay-pungay pa ang mga mata nitong lumapit sa kanya. 
He chuckled. "Palayasin kita, gusto mo?" 
"Para namang hindi ka mabiro o? Ayan na, kumain ka na." Lumayo na ito sa kanya. 
Dumeretso siya nang upo sa dining. "Sumabay ka na." 
Agad naman itong tumalima at umupo na rin sa kanyang harapan. Kung tutuusin, parang pamilya na ang turing niya kay

 Sam. They were close friends since college. And ever since, he's a gay. Pero kahit kailan naman ay hindi siya nito 
pinagnasaan. Madalas lang talaga itong magbiro ng mga kung anu-anong kalokohan. 
"Siyanga pala, narinig kong kababalik lang daw ni Heidi from Italy. Nagkita na ba kayo?" 
Napatigil siya sa pagsubo. "At para saan pa kung magkikita kami?" 
Napaiwas ito ng tingin. "Wala naman. Baka lang kasi-" 
Napatigil ito nang biglang nag-ring ang cellphone niya. He grabbed it from his pocket. Tumatawag ang mommy niya. 
"Huhulaan ko, si Madam 'yan 'no?" 
Napabuga siya nang hangin. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ito tumatawag. He answered it. 

"Marcus, ano itong nabalitaan ko na wala na kayo ni Heidi?" 
Napatingala siya. Kahit yata anong tago niya, siguradong malalaman at malalaman nito ang nangyari. Hay, ang dami 
talagang tsismosa sa paligid. 

"Mag-usap nga tayo." 
"Mom, nag-uusap na tayo." 
"Diyan sa condo mo." 
"When?" 
"Ngayon din. I'm on my way." 
"W-what?-" At naputol na ang linya. 
"Oh shit!" Dali-dali siyang tumayo. 
"Bakit?" tanong ni Sam na ngumunguya-nguya pa. 
"Papunta na si Mommy dito ngayon." 

Napabuga ito ng kinain. "Ano? Pupunta si Madam sungit ngayon?" 
"Pakisabi kay Mommy, umalis ako at hindi mo alam kung nasaan ako." 
"Ako ang iiwan mo ditong haharap sa mader mo?" sigaw nito. 
"Parang gano'n na nga." 
"Marcus, gusto mo ba 'kong tusukin ng mga dragon eyes n'on? Siguradong ako ang tatalakan n'on kapag nakitang wala 

ka dito." 
"Close naman kayo eh." 
"Nagpapatawa ka ba? Maramdaman ko pa lang ang presensya niya, nanginginig na ang brain cells ko. Hindi ko alam 

kung paano makikipag-usap sa kanya nang hindi niya ako susungitan." 
Hindi niya ito tinugon. 
"Marcus naman!" 
Lumabas siya ng kuwarto bitbit ang maliit na bag at ang laptop niya. 
"Saan ka pupunta?" 
"I'm staying in a hotel tonight." 

*** 

SEXY cowl neck dress ang suot niya ngayon. Hot red ang kulay niyon at backless pa. She also paired it up with a red stiletto. 
Lumapit siya sa dresser at kinuha ang red lipstick. Bahagya lang siyang yumukod sa harap ng salamin. She started to apply some onto her lips. She pressed them, and she's all done! Hindi na siya naglagay pa ng kung anu-ano sa mukha. Natural naman ang ganda niya na kahit walang make up ay kaya pa ring magpalingon ng kahit na sinong lalaki. 
Lumakad siya paharap sa malaking salamin na nasa gilid ng cabinet at pumihit-pihit para sipatin ang kabuuan niya. All perfect. At hindi niya kailangang magpakita ng cleavage para lang ma-seduce ang isang guy. Her brain is what she needs the most-simply because, it can never get dumped. 
Kinuha niya ang handbag na nakapatong sa kama saka lumabas ng apartment niya. Kukunin sana niya ang susi nang maalalang wala na nga pala siyang kotse. Her mom confiscated it. Ang gusto nito, pag-ipunan niya ang ipambibili niya ng sariling sasakyan. Sigurista ang mama niya. Para daw hindi siya mapabili ulit ng camera. 
Pero sorry na lang ito dahil mas kaya niyang mabuhay ng walang kotse kaysa mawala ang tanging bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Kahit papaano rin kasi ay naaalala niya ang papa niya doon. Pero alam niyang iyon din ang dahilan kung bakit siya pinipigilan ng kanyang ina na maging isang photographer. 
Lumakad siya sa may kalsada at nag-abang ng taxi na palabas ng subdivision. Suwerte namang may napadaan agad na isa. Pinara niya iyon saka siya nagpahatid sa hotel nina Martha. 
******** 
"WALA pa siya dito?" paglilinaw niya sa sinabi ng receptionist. Kararating lang niya sa hotel at agad niyang hinanap ang pinsang si Martha. 
"Yes Ma'am. Pero binilin niya po na mag-stay daw muna kayo sa room na 'to." Inabot nito sa kanya ang susi ng room 
275. Napaihip siya ng hangin. Kahit kailan talaga'y old school ang style ng papa ni Martha. This hotel still uses mechanical keys instead of key cards. 
Dumeretso na siya sa tapat ng elevator. Then she called Martha. 
"Where are you? Akala ko ba nandito ka na?" tanong niya sa pinsan. 
"May tinapos pa 'ko sa office. Pero papunta na rin ako. Magrelax ka na muna sa room na pinareserve ko sayo. Wait me there." 
"Okay." She pressed the end button. 
Nang makarating sa kuwarto'y pabagsak siyang napaupo sa kama. Saka siya napaisip sa mangyayari mamaya. Just a one
 night stand. Well, kahit naman may pagka-liberated siya kung minsan, hindi naman siya katulad ng ibang babae na basta-basta ipinapahain ang sarili kung kani-kaninong lalaki. Kung hindi lang talaga siya sabik na makapahinga sa trabaho, hindi naman siya papayag sa gustong ipagawa ng pinsan niya. 
She stretched her neck and looked at the wall clock. It's already ten o'clock. Napatingin siya sa phone na nakapatong sa bedside table. Magpapadala muna siya ng wine. Kailangang may tama siya kapag sinimulan na niya ang evil plan ni Martha. 
She grabbed the phone and called for a room service. 
Ilang saglit lang ay dumating na agad ang wine na inorder niya. It's actually a new brand that she hasn't tried yet. Pero malakas naman ang alcohol tolerance niya kaya siguradong madadala pa rin niya ang sarili niya. Then she started to drink. 
An hour has passed when Martha came. Gaya nang dati, sinadya lang niyang buksan nang bahagya ang pintuan. Ayaw na ayaw niya kasi 'yong tipong tumatayo siya para lang pagbuksan ang kung sino mang gustong pumasok sa kuwarto niya. 
"Why are you drinking?" tanong nito sa kanya. 
"Nandiyan ka na pala. I just drank a bit. Kailangan ko 'to 'no. Paano kung mukhang kuhol pala 'yong ex mo?" banat 

niya. Hindi pa naman kasi niya nakikita ang ex-fiancee ni Martha. Ni hindi nga siya pumunta sa mismong kasal ng 
pinsan niya. 
Tumaas ang kilay nito. "Excuse me lang ha? Anong akala mo sa standards ko? Siyempre guwapo 'yon." 
Nagkibit-balikat lang siya. 
"Here's the video cam. Pinili ko talaga 'yong medyo maliit para hindi ka mahirapan sa pagtago niyan. Pero may plano ka

 na ba kung paano at saan mo ipupuwesto 'yan?" 
Kinuha niya ang video camera saka sinipat-sipat iyon. "Ako na ang bahala dito." 
"Kanina pa din approved ang two-month leave mo with pay, kaya wala ka nang aalalahanin. And here's the key." 
Kinuha na rin niya iyon. 
"Ingatan mo 'yan ha. Master key 'yan and it could open all the guestrooms here in the hotel. Siguradong malaking gulo 

kapag na-misplace mo 'yan, lalo na't ninakaw ko lang 'yan sa matandang manager namin." 

Isang tipid na ngiti lang ang itinugon niya dito, saka niya inubos ang laman ng baso at tumayo. Iyon nga lang, medyo 
na-out-of-balance siya. 
"Hey Reeze, sigurado ka bang kaya mo?" 
"Oo naman," she answered casually. 
Napadilat si Martha nang masilip ang wine. "Pambihira! Iyan pa talagang pinakamatapang na wine namin ang inorder 

mo?!" 

"I just tried it. And besides, kaya ko pa 'no." Tumayo siya nang tuwid para ipakita dito na matino pa rin ang utak at 
katawan niya. 
"Oh well, sabi mo eh. Basta ha, make sure na malinis mong magagawa ang plano. Just call me when you're done. And 

by the way, Arthur's room is 309." 
Tumango lang siya dito. She grabbed the video cam and placed it inside a pouch na inabot din ni Martha. Then she went
 out. 

Nang makarating sa upper floor ay agad niyang sinipat ang mga room numbers. Napapapikit siya dahil mukhang 
tinatamaan na siya sa alak na ininom. Hindi naman kasi niya akalaing ganoon katapang 'yon. 
"302...303..." Hindi na niya halos mabasa nang malinaw ang mga numbers. Hanggang sa halos mahilo na siya sa 

kakatitig sa mga 'yon. She just manually counted the doors. Saka niya nakalimutang iba nga pala ang set up ng mga numero sa hotel na iyon. 
Tumigil siya sa harap ng isang kuwarto. Tumingala siya. Pero sobrang labo na talaga ng paningin niya. 
"Ito na siguro 'yon." Inilabas niya ang susi saka maingat na binuksan ang kuwarto. It was dark, except for the little light coming from a lampshade. Then she heard someone's taking a shower. Napangiti siya. Mas napadali sa kanya ang binabalak na pagtatago sa video cam. Inilabas niya iyon mula sa pouch saka isiningit sa
 mga kumpol ng figurines na nakapatong sa gilid ng TV. She switched it on. She flipped her hair and took a deep breath. 
Just a night with him Reeze, and everything is over! anang isip niya. 
Nilinga-linga niya ang paligid. "Akala ko ba nagpadala ng wine si Martha?" bulong niya. "Ah, di bale na." 
Umupo siya sa kama para doon hintayin ang paglabas ni Arthur. Then the door opened. 
Napatingin siya doon. Napaangat ang kilay niya nang tumambad sa harapan niya ang mala-hunk na katawan nito. Well, 

taas pa lang 'yon. May tapis pa kasi ng tuwalya ang ibabang bahagi nito. 
Bakit hindi sinabi sa 'kin ni Martha na beefcake pala ang lalaking nang-iwan sa kanya? She thought. 
Pasimple niyang iniling-iling ang ulo. Whatever! Basta, kailangan na niyang tapusin ang lahat. Tumayo siya saka 

humakbang palapit sa lalaki. 

"Who are you?" kunot-noong tanong nito. Tumingin siya dito. Pero dahil sa medyo madilim at dala na rin ng konting tama, hindi niya masyadong maaninag ang hitsura nito. Pero wala na siyang pakialam d'on. Lumapit pa siya nang kaunti saka ipinagsalikop ang mga braso sa batok ng binata. Infairness, mabango ito. Buti na lang 
din at bagong ligo ito. At least, hindi siya magdudusa sa gagawin niyang pagtsa-charity ng dangal. She smiled a bit and started to kiss him. Siyempre, konting kapa lang muna sa mga labi nito. She wanted to know his reaction. 
Naramdaman niyang napahawak ito sa baywang niya at marahan siyang inilayo. "What are you doing?" 
Sandali siyang nakipagtitigan dito. Pero hindi siya umimik. She was just trying to seduce him using her eyes. Then she 
kissed him again. 

But this time, hindi na ito tumanggi. He kissed her back. At mas lalo pang lumalim iyon. Napahigpit ang kapit niya sa batok nito. Nararamdaman din niya ang paghagod ng mga palad nito sa kanyang likod. At hindi niya alam kung dahil ba sa may tama siya kaya unti-unti siyang nadadala sa mga halik nito...Siya dapat ang mang-aakit pero bakit parang nababaliktad ang nangyayari? Oh my God! I can't believe I'm playing with a damn good kisser! *** 
"WHO the hell is this woman?" tanong ni Marcus sa isip niya habang nakikipaghalikan sa babaeng hindi malaman kung saan nagmula. He really got surprised when he saw a racy-looking woman sitting on his bed.
 He knew the door was locked, kaya't paano ito nakapasok sa kuwarto niya? Maliban na nga lang kung binuksan nito ang pintuan gamit ang isang master key. But for what reason? 
At talaga namang nasorpresa siya nang walang sabi-sabing lumapit ito sa kanya at hinalikan siya. 
But the most surprising thing is that he caught himself drowning into her charm. He's totally aware that she's trying to seduce him. Pero iyon nga lang, tumalab sa kanya. Ibang-iba kasi ang halik nito. Talagang nagising ang buong katawan niya sa ginagawa nito.
 But then, he knew she was just playing around-not to mention na nakainom pa ito. Pero kahit lasing ito, alam niyang nasa katinuan pa rin ang utak ng babaeng ito. At kung gano'n rin lang, he'll just play on her game.
 ********
 HE caressed her back. She felt his body pressing onto hers. Nararamdaman din niya ang init na nagmumula dito. He kissed her more. Naglakbay na rin ang mga palad nito sa buong katawan niya. His right hand cupped her breast...and so the other one. Saka nito pinagapang ang mga daliri sa strap ng damit na suot niya. Hinila nito iyon pababa mula sa balikat... at inulit gawin sa kabila.
 Then his lips went down to her neck. Napasinghap siya. Alam niya ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Pero kahit anong pangungumbinsi ang gawin niya sa sariling ito ang lalaking dapat paghigantihan ni Martha, hindi niya mapigilang madala sa sensasyong nararamdaman sa mga oras na 'yon.
 He kissed her again. Mas malalim. Mas mapusok. Saka niya tuluyang hinubad ang suot na damit. Madali na rin niyang tinanggal ang stiletto. Humarap siya sa binata na tanging maliit na saplot na lang sa baba ang natira sa kanya.
 She knew he froze for a second. Napako ang tingin nito sa nakahantad niyang katawan. Hanggang sa dahan-dahan na siya nitong pinangko at inihiga sa kama. Inalis na rin niya ang tuwalyang nakatapis dito. Muli nilang pinagsawa ang mga labi nila sa isang mainit na halik. He also showered her with tickling kisses onto her neck, descending to her shoulder...and then down to her breast. Napakagat-labi siya. Tuluyan na rin nitong tinanggal ang natitirang saplot sa kanyang katawan at pumatong sa ibabaw niya. 
And now the evil plan is working...
 ******** 
PUPUNGAS-PUNGAS pa siya nang magising. Napatingin siya sa may glass window. Mag-uumaga na. 
Shit! Nakatulog pala ako?
 Lumingon siya sa kanyang katabi. Nakatagilid ito. Sinubukan niya itong kalabitin ng ilang beses, pero mukhang tulog pa nga ito.
 Marahan siyang bumangon sa kama at isa-isang dinampot ang mga damit niya. She also checked the video cam and turned it off. Hinanap niya ang pouch na pinaglagyan nito. Naalala niyang isinilid doon ni Martha ang cellphone niya nang iabot nito iyon sa kanya kagabi. She texted her cousin, telling her everything's already done.
 Saka niya iniwan muna ang mga ito at dumeretso sa banyo. Doon na din siya nagbihis. She looked herself through the mirror. 
 "It's already done Reeze," she whispered.
 She went out. Muli niyang sinulyapan ang binata. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napabuntong-hininga siya. If you have only loved my cousin...Napailing na lang siya at dali-daling kinuha ang video cam pati na rin ang susi. Saka niya maingat na binuksan ang pintuan.
 Nagulat pa siya nang makita ang pinsan niya sa labas. Aba't excited pa yata ang bruha na makuha agad ang object of 
revenge nito. Sunduin ba naman siya nito?
 "Anong ginagawa mo sa kuwartong 'yan?" takang tanong ni Martha sa kanya.
 "Ano bang tanong 'yan? Tapos na ang pinagagawa mo. May nangyari na sa 'min ng ex-boyfriend mo." Inabot niya dito 
ang video camera.
 Napakunot-noo ito. "What are you saying Reeze? Hindi naman 'yan ang kuwarto ni Arthur."
 "Ano?" 
Napabuga ito ng hangin. "Room 309, not 306."
 "What?! So sino 'yong lalaking-" Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan ng 
kuwartong pinanggalingan niya kanina. At iniluwa doon ang isang guwapong lalaki-ang lalaking inakit niya kagabi. Ngayon ay nakasuot na ito ng robe. 
Nagitla siya. Hindi ba kanina lang ay natutulog pa ito?
 Makahulugan itong ngumiti sa kanya. "Thank you for crashing into my room last night. I really enjoyed it." No way!
 "Reeze, sinong lalaking 'yan?" bulong sa kanya ni Martha. 
"H-hindi ko kilala." Halos matulala na siya. Pagkuwa'y napatingin siya sa room number na nakalagay sa taas ng pintuan. 306. Napanganga siya sa gulat. Shit! Wrong room?
 Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaki. Nakangiti pa rin ito sa kanya. At doon lang niya tuluyang napagmasdan ang mukha nito. Saka niya na-realize na complete package pala ang lalaking nakasiping niya kagabi. Magmula sa abs hanggang sa mukha, talagang nganga ka na! 
Pero ngayon, gustong umakyat ng dugo sa utak niya. Grabe kasi kung makangisi ang lalaking 'to. Para bang naka jackpot ito ng kung ano. Pero kung iisipin ay gano'n naman talaga ang nangyari. Siya itong gaga na nag-donate ng isang gabing aliw-sa isang total stranger.
 Naramdaman niyang niyugyog ni Martha ang braso niya. "Reeze, umalis na tayo."
 "Bakit?"
 "Anong bakit? Palabas si Arthrur ng kuwarto oh! Hindi kami pwedeng magkita." 
Napatingin siya sa may unahan nila. Naroon nga ang lalaking tinawag ng pinsan niyang si Arthur. Nakatalikod ito at 
may kausap sa telepono. 
 "Let's go bago pa maging war zone 'tong hotel naming." At hinila na siya palayo ni Martha. Pero bago siya tuluyang makatalikod ay muli siyang napasulyap sa lalaki. He gave her a twisted smile-a smile she badly wanted to curse. ******** "TANGA lang? Nagkamali ng kuwartong pinasukan?" singhal sa kanya ni Martha nang makabalik sila sa kuwarto nila. Hindi siya tumugon. Nakaupo lang siya sa kama habang nakatampal ang kanang palad sa kanyang noo. Napabuntong hininga siya. Ano nga bang katangahan ang nagawa niya kagabi? "Pambihira! Matatanggap ko pa kung sa room 308 ka nagkamaling pumasok. Pero for God's sake Reeze! Room 306? Dalawang pintuan pa ang pagitan. Hindi ka ba marunong magbasa o magbilang man lang?" Lumingon siya dito. "Eh sa nalasing nga ako. Nakaramdam na 'ko ng hilo kagabi kaya hindi ko na nabasa nang malinaw ang mga room numbers." "Nalasing?" Tumaas ang kilay nito. "Eh kung hindi ka naman kasi gaga, uminom ka pa ng sobrang tapang na wine kagabi!" She just rolled her eyes. Humalukipkip ito saka siya tinapunan ng iritableng tingin. "Nasira na tuloy ang plano nang dahil sa kagagahan mo." Tumalim ang tingin niya dito. "Kung makapagsalita ka, parang ang laki ng nawala sayo ah? Paano naman ako?" "Kasalanan mo naman kasi 'yan!" Pabagsak itong umupong nakatalikod sa kanya sa kama. Pagkuwa'y lumingon ito sa kanya. "But tell me, did something really happen between you and that...stranger?" Napangiwi siya ng ngiti saka itinuro ang sariling mukha. "Sa tingin mo ba magiging ganito ang itsura ko kung wala?" Biglang nawala ang inis sa mukha nito saka ito tumikhim. "Pero infairness, guwapo siya ha."
 Nagsalubong ang kilay niya sa reaksyon ng pinsan. Parang kanina lang ay gusto na siya nitong sakmalin, but all of a sudden, nagliwanag bigla ang mukha nito! "At pinuri mo pa talaga siya ha? Nakita mo ba kung paano niya ako ngitian kanina nang nakakaloko?" Naningkit na naman ang mga mata niya. Naiirita talaga siya sa tuwing maaalala kung paano ito tumingin sa kanya. She knew he's been thinking something nasty about her.
 "Eh kahit naman sinong lalaking makatikim ng hulog ng langit, eh talagang ngingiti nang gano'n." Martha sighed. "Pero
 talagang guwapo siya."
 "Hoy Martha, don't tell me nang dahil sa lalaking 'yon nakalimutan mo na ang talaga pakay natin dito?"
 "Of course not. At buti na lang pinaalala mo." Kinuha nito ang cellphone saka nagsimulang mag-dial ng number.
 "Sinong tatawagan mo, pulis?"
 "Gaga! Tatawagan ko ang boss mo. Ipapa-cancel ko ang two months na leave mo!"
 Dali-dali niyang inagaw dito ang cellphone. "No way!"
 "Anong no way? Eh hindi mo nga nagawa ang pinagagawa ko sayo eh."
 "So gano'n na lang 'yon? Ako na nga itong na-dehado-" 

 "Yes my dear! And thanks for your stupidity." Muli nitong binawi ang telepono mula sa kanya.
 "You bitch! Hindi ka man lang ba maaawa sa nangyari sa 'kin?"
 Napahinga ito nang malalim. "Fine! Para hindi ka naman masyadong magmukhang kawawa kahit talagang naiinis ako 

sa kapalpakan mo, I'll consider it. One month."
 "Martha?"
 "Well, ipanalangin mo na makarma na lang agad si Arthur para makabawi ka sa 'kin. Pero one month lang talaga 

Reeze," At nagsimula na itong tumawag sa boss niya.

 Hind na lang siya humirit pa. Napabaling siya sa video cam na nakapatong sa kama. Kinuha niya iyon at binuksan. Pero
 napakunot-noo siya sa nakita sa screen: 'No Card'. 
Napatingin siya kay Martha. "Wala bang memory card 'to?"
 "Huh? Siyempre meron. Ano namang akala mo sa 'kin, kasing-shunga mo?"
 "Eh bakit no card?" Dagli pa niyang sinilip ang memory card slot. Pero wala siyang nakita doon. Imposible! Pinilit 

niyang alalahanin ang ginawa niya kagabi. Kahit medyo lasing siya'y natatandaan pa naman niyang gumana ito nang may memory card. "Hindi ba natanggal, nalaglag or something?" "Of course not! Hindi ko naman binuksan ang slot nito kagabi eh." Saan naman napunta 'yon? 
******** 
PAGKAUWING-PAGKAUWI sa apartment ay padapa niyang ibinagsak ang katawan sa sofa. Pagod na pagod siya hindi lang ang katawan at utak niya, kung hindi pati ang moral niya. Grabeng pagkapahiya sa sarili ang nararamdaman 
niya ngayon.

 Hindi pa dapat siya uuwi mula sa hotel dahil kailangan niyang mahanap ang memory card, pero pinilit na lang siya ni Martha. Ipapahanap na lang daw nito iyon sa mga chambermaid. Ipapa-check na rin niya ang kuwartong inokupa ng lalaking nakatalik niya kagabi.
 Maya-maya'y nag-ring ang cellphone niya. Walang kalakas-lakas na kinuha niya iyon mula sa bag. Unknown number. Napakunot-noo siya. Naisip niyang baka isa na naman ito sa mga lalaking naka-date niya noon. But she still decided to answer it.
 "Hello?"
 "Hi room-crasher!" Napaangat ang kilay niya pagkarinig sa tinig na iyon. Pamilyar ang boses na 'yon.
 "Still remember me?"
 Napabalikwas siya ng bangon. "S-sino 'to?"
 She heard him laughed. "Don't tell me, nakalimutan mo na kung sino ako...after what we did last night." 

 Nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano mo nalaman ang number ko?"
 "Hmm...I just did a little chat with a female hotel staff, Ms. Reeze," may himig-panunudyong tugon nito.
 "Anong kailangan mo sa 'kin, asshole?"
 He chuckled. "Well, I think ikaw ang may kailangan sa 'kin?"
 "Anong ibig mong sabihin?"
 "May hinahanap ka hindi ba?"
 Sandali siyang napaisip. Anong sinasabi ng lokong 'to? Pagkuwa'y bigla siyang napatayo. "Na sayo 'yong memory 

card?"
 "Parang gano'n na nga."
 "Teka, paanong-"
 "If you want it, let's meet up. Tatawagan ulit kita." Sabay putol nito sa linya.
 Pabagsak siyang napaupo. "Who the hell is he?" 

*** 

NGINGITI-NGITI si Marcus habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Aaminin niyang medyo nahirapan siyang kunin ang personal info ng babaeng 'yon mula sa hotel staff na nakausap niya. Buti na lang talaga at malakas ang karisma niya kaya't napilit niya itong magsalita sa bandang huli.
 Napatingin siya sa hawak niya sa kabilang kamay. It was a memory card. Ang akala siguro ng Reeze na 'yon ay maiisahan siya nito. Noong una, talagang inakala niyang trip lang ng babaeng iyon ang basta na lang mamasok ng kuwarto ng may kuwarto at mang-akit ng lalaki. 
Pero hindi siya ganoong katanga para hindi mapansing may hidden agenda ito.
 Nang makatulog si Reeze, doon niya napansin ang video camera na nakatago sa likod ng mga figurines. Sa unang tingin, iisipin na kapareho lang ito ng mga display na naroon. Halos kakulay kasi nito ang mga iyon. Isa pa'y medyo maliit lang din ang video cam. But thanks to his keen observation skills, nakita niya agad ito. Pati ang master key na nasa tabi nito'y agad din niyang napansin.
 Hindi siya sigurado sa kung ano man ang binabalak ng babaeng 'yon. But obviously, she was trying to record what they have done. He then thought of stealing the memory card.
 Kahit anong mangyari, kailangan niyang malaman ang pinaplano nito. 
And just to tell you Reeze, I'm not the right guy to mess up with. 
********
 "HAY naku Marcus, hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko kagabi nang dumating ang mommy mo," salubong sa kanya ni Sam nang makauwi siya sa condo. Dumeretso na siya dito at hindi na tinawagan ang kaibigan. Kilala naman kasi niya ang kanyang ina. Kapag nakitang wala siya sa condo, hindi na rin ito nagtatagal. Iyon nga lang, tiyak na 
katakut-takot na sermon na naman ang aabutin niya sa susunod na pagkikita nila.
 Nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng kape.
 "Nakakaloka ka talaga! Sa tuwing tatakasan mo si Madam, ako ang palagi mong pinangsasalo ng galit niya. Kulang na 
lang lamunin ako sa kinauupuan ko kagabi hanggang basement ng building na 'to." Maarte pa itong nagpamaywang. "Para pa namang whirlpool ang bibig ng mommy mo-nanghihigop ng pagkatao."
 Hindi niya ito tinugon. Dumeretso siya ng upo sa harap ng mesa saka dumampot ng isang piraso ng loaf bread.
 "At bilin niya na kapag umuwi ka na daw, tawagan mo agad siya."
 Hindi pa rin siya umiimik. Muli na naman kasi niyang naalala ang nangyari kagabi. Napangiti siya. Kahit papaano, aaminin niyang nag-enjoy siya sa nangyaring iyon.
 "Hoy Marcus, anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
 Nag-angat siya ng tingin kay Sam. "Nothing. I just had fun last night."
 "Fun?" Makahulugang napaangat ang kilay ni bakla. "Ano 'yan, nakahanap ka ng playmate kagabi at niyaya mo sa playground?"
 He chuckled. "Sorta. A playmate slash room-crasher." 
 "Room-crasher?" Napaupo na rin ito sa harap niya.
 "Well, may isang lasing na babaeng bigla na lang pumasok sa kuwarto ko."
 "At pinagsamantalahan mo naman?"
 "She seduced me...intentionally," he answered confidently saka humigop ng kape.
 Dumampot na rin ng tinapay si Sam sabay pasak nito sa bibig. "Malamang lasing eh."
 Umiling siya. "Matino pa siya. Kaya nga nagawa pa niyang ipuwesto ang camcorder eh."
 "Camcorder? Bakit, balak niyang gumawa ng scandal? With you?"
 Napakibit-balikat siya. "I don't know yet."
 "So anong nangyari? Hinayaan mo siyang magfly-away tangay-tangay ang kasiraan ng reputasyon mo?"
 "I have the memory card."
 "Inabot lang niya sayo? Ano 'yon, souvenir? Ang galing din ng trip ng girlaloo na 'yan ha," hirit nito.
 Natawa lang siya sa narinig. "Of course not, I stole it."
 "Tapos, sisirain mo na lang?" Nakatingin lang ito sa kanya habang sige pa rin sa paglamon ng tinapay.
 "Nope. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit niya 'yon ginawa, at kung ano talagang binabalak niya sa 

video."
 "Eh kung ang goal ng bitch na 'yon ay sirain ka, well don't expect na aamin 'yon sayo 'no."
 Sumandal siya sa upuan. "Malalaman natin. Dahil kung ayaw niyang masira din siya, siguradong gagawa siya ng 

paraan para makuha 'to sa 'kin."
 "Anong binabalak mo?"
 He smiled naughtily. "Makikipaglaro ulit ako sa kanya. But this time, I will be the one to set up the game." 

******** 

"WALA bang magandang palabas ngayon?" Reeze switched the T.V. off, sabay bato ng remote sa kabilang couch.

 Napabuga siya ng hangin sabay sandal sa sofa. Kanina pa siya hindi mapalagay. Kahit anong gawin niya, hindi talaga maalis sa isip niya ang kaestupidahan na nangyari sa kanya sa hotel. She feels like she's now close to hell.
 At mas lalo pang nadagdagan ang pag-aalala niya nang tawagan siya ng lalaki kanina para sabihing hawak nito ang memory card. Paano kung may gawing kalokohan 'yon sa video nila? Paano kung bigla na lang nitong ikalat iyon sa internet? Napahinga siya nang malalim. Iniisip pa lang niya ang bagay na 'yon, nababaliw na siya. Marami pa siyang pangarap. Isa pa'y siguradong ibibitin na siya patiwarik ng mama niya kapag nalaman nito ang ganoong bagay. At hindi lang 'yon. Baka pati sina Martha ay madamay na rin.
 Nagusot niya ang buhok niya. "Kung hindi ka naman kasi nagpakatanga Reeze!" 
 Napabaling siya sa cup noodles na nakapatong sa mesa. Kinuha niya iyon at inangat ang lid. Wala siya sa mood magluto kaya pagtitiyagaan niya muna ito. Pero habang kumakain, bigla na namang nag-flash sa isip niya ang mukha ng
 lalaking nakasiping niya kagabi. The way he smiled and looked at her-Argh! Talagang nakakakulo ng dugo!
 "Subukan lang talaga ng lalaking 'yon na gumawa ng kalokohan at malilintikan siya sa 'kin!" matapang niyang banta.
 Pagkuwa'y nag-ring muli ang cellphone niya. Napatingin siya sa screen ng phone niya. 'Asshole is Calling'. Sa sobrang inis niya kanina, agad niyang na-save ang number ng lalaking iyon. And the name really suits him-Asshole! 
Agad niyang dinampot ang phone at sinagot iyon.
 "Ibalik mo sa 'kin ang memory card kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda sayo!" bulyaw niya agad dito.
 Tumawa lang ito. "Relax ka lang Ms. Reeze! Hindi kita tinawagan para makipag-away sayo sa phone. Kung may gusto 
kang gawin, then makipagkita ka sa 'kin...Hmm, I can reserve a room for the two of us."
 "You son-of-a-"
 Humalakhak na naman ito. "Let's meet up in a coffee shop today. I'll just text you the place."
 "Anong- Hello? Hello?" Binabaan na siya nito ng telepono. 
"Argh! Nakakainis talaga!" At ibinato na rin niya ang cellphone sa tabi ng remote.
 She then heard a beep. Mukhang nag-text na ang lalaki. Tumayo siya para basahin ang message, saka dali-daling 
naghanda sa pag-alis. 
******** 
SA FIGARO sila nagkita. At pinili pa talaga ng lalaki iyong malapit sa hotel nina Martha. Bwisit talaga! Pagpasok sa loob ay agad niya itong namataan sa 'di kalayuan. Nakatalikod ito pero alam na alam niyang ito ang lalaking nakasama niya nang buong gabi. 
Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang lumapit dito. Mataray siyang umupo sa harap nito.
 But he only gave her a tight-lipped smile.
 Nakakrus ang mga braso niyang sa malayo nakatingin. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya makatingin dito ng 
diretso. There's something about his stare which gives her the creeps.
 "Nice seeing you again Reeze."
 Hindi niya ito pinansin.
 He chuckled. "Ibang-iba ka ngayon. Parang kagabi lang, sobrang lagkit mong makatingin sa 'kin." Ang walanghiya! Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Huwag mo ngang maipaalala ang nangyari kagabi!" 
 "Why not? Ikaw nga 'tong basta na lang pumasok sa kuwarto ko at umakit sa 'kin."
 Napaurong ang dila niya sa sana'y ihihirit dito. Pagkuwa'y muli siyang nagsalita. "Paano mo nga pala nalaman?
 "Alin, 'yong tungkol sa patago mong pagkuha ng video?"
 Hindi siya sumagot.
 "I'm not stupid Reeze. Siguro ang pagkakamali mo lang ay 'yong nauna kang matulog sa 'kin." Isang pilyong ngiti ang 
sumilay sa mga labi nito. "Masyado ka yatang napagod." Lokong 'to!
 "Nakita ko ang cam na nakatago sa mga figurines. It was indeed a smart move. But you're wrong if you think that you 
can fool me."
 "So n'ong morning..."
 "Gising ako n'on." He paused. "Tell me, why did you do that?"
 "Nasan ang memory card?" Hindi niya pinansin ang tanong nito.
 "Nasa 'kin."
 "Then show it."
 Inilabas nito ang isang maliit na case mula sa bulsa ng pantalon. He slightly lifted its top and showed it to her.
 Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Naroon nga iyon. Kukunin sana niya iyon nang mabilis nitong inilayo sa kanya 
ang case.
 "Sorry, pero hindi mo pwedeng basta na lang makuha ito." Ngumiti pa ito nang nakakaloko.
 "At bakit hindi?"
 "Dahil hindi ko alam kung saan mo balak gamitin ang video. Kung may balak kang sirain ako, siguradong kilala mo 
kung sino ako. And what's your goal?"
 "Una sa lahat, hindi kita kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo eh."
 "Talaga lang ha?" He cackled.
 Hindi siya muling tumugon. 
Sandali siyang tinitigan nito saka sumagot. "I'm Marcus. Marcus Santillez."
 "Well, hindi ako interesadong malaman kung sino ka. Ang importante sa 'kin, makuha ko yang memory card. Malay ko 
ba kung ano pang gawin mo diyan?"
 "At ako pa ang pinag-iisipan mong gagawa ng hindi tama sa video natin?"
 "Oo. Dahil hindi ka mukhang katiwa-tiwala."
 He smiled. "Sino kaya sa 'tin ang mas mukhang hindi katiwa-tiwala?" 
 Hindi siya muling nakasagot. Sa totoo lang para silang ewan dalawa. They're both doubting at each other. Pero hindi naman niya ito masisisi. Wala itong alam sa nangyari. Hindi nga lang talaga niya alam kung paano magpapaliwanag dito. Alangan namang sabihin niya dito na natanga lang siya kagabi kaya't nagkamali siya ng pasok sa kuwarto nito? Ano naman ang iisipin sa kanya nito? 
Sorry pero hindi pa niya kayang lunukin ang pride niya ngayon.
 Pagkuwa'y naglakas-loob siyang muling magsalita. "Kung gusto mo, babayaran na lang kita, kahit magkano-makuha ko lang 'yang memory card."
 "At sa tingin mo, madadala mo ako sa pera? I already have much of that."
 "Then what do you want?"
 "Until you tell me your goal for doing this, I won't consider giving this back to you." Seryoso na ang mukha nito. 
Napalunok siya. Habang tumatagal, lalo siyang hindi nagiging kumportable sa paraan nito ng pagtitig sa kanya. Nakakatunaw. Hindi nga lang niya alam kung dahil sa takot o sa kilig. Why does he have to be so good looking anyway? 
Napaiwas na lang siya ng tingin. Trauma lang ito. Tama. Just a crazy trauma. Dahil kahit minsan, hindi pa siya nakaramdam ng sobrang atraksyon sa kahit na sinong lalaki, gaano man kaguwapo ang mga 'yon. Siya pa? She can make any man fall for her beauty, but never will she feel the same. 
Lalo na siyempre, sa lalaking 'to.
 Pagkuwa'y tumikhim siya. "Kapag sinabi ko sayo ang totoo, ibabalik mo na ba sa 'kin 'yan?"
 Sumandal ito sa upuan. "Depende. Kapag katanggap-tanggap ang paliwanag mo, baka. But if not, I might be forced to 
play a game with you."
 Napakunot ang noo niya. "What do you mean?"
 "Gaano kaimportante sayo ang memory card na 'to?"
 "Kailangan pa bang tanungin 'yan? Ibigay mo na lang sa 'kin 'yan para tapos na ang usapan."
 "Sa tingin mo gano'n lang kasimple 'yon?" He leaned forward. "Pareho nating ayaw masira nang dahil sa video na 
naka-save dito. Kaya nakasalalay ang lahat sa isasagot mo." 
Sinusubukan ba talaga ako ng lalaking 'to 
*** 


"I'M waiting..." Nanunubok pa rin ang tingin nito sa kanya. Ilang beses pa ring nagtalo ang isip niya bago nakumbinsi ang sariling umamin na dito.
 "Fine. Sasabihin ko na sayo ang totoong nangyari."
 Muling sumandal sa upuan ang binata saka tahimik na naghintay sa sasabihin niya.
 Pasimple siyang napahinga nang malalim bago nagsalita. "The truth is, nagkamali lang talaga ako ng pasok sa kuwarto mo." Alangang hinintay niya ang magiging reaksyon ng lalaki, pero nanatiling blangko ang mukha nito.
 "Ahm...H-hindi naman talaga dapat ikaw ang..." Napayuko siya. Kahit minsan, hindi pa siya nautal sa pakikipag-usap sa mga lalaki. Hay, talagang masasabunutan niya ang sarili pagkauwi niya mamaya.
 "Are you telling me na ibang lalaki dapat ang plano mong akitin? But the thing is, dahil nalasing ka, nagkamali ka ng pasok ng kuwarto at inakalang ako 'yon?"
 Napaangat siya ng tingin dito saka sunud-sunod na tumango. "O-oo. Exactly!"
 Umabante itong muli sa lamesa saka tumitig sa kanya nang buong pagsuyo. Nakahinga siya nang maluwag. Madali naman palang kausap ang isang ito eh.
 "At sa tingin mo, maniniwala ako?"
 Napangiwi siya. "Ha?"
 He grinned. "You're expecting me to believe your story?"
 "Pero...'yon talaga ang nangyari."
 "If you're really that stupid, then it might be possible!" Ouch! Sakit n'on ah! Gano'n ba talaga kataas ang lebel ng katangahang nagawa niya?
 Saka siya matapang na sumagot. "Gusto mo ng paliwanag 'di ba? Ibinibigay ko na sayo."
 "Sorry, pero hindi convincing."
 "What?" Nagsalubong ang mga kilay niya. At sa sobrang inis ay dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya. 
"Calling someone?"
 "Tatawagan ko ang pinsan ko at ipapakausap ko sayo. And let me tell you this, kakainin mo 'yang sinasabi mong hindi convincing!"
 He chuckled. "At magtatawag ka pa ng witness ha."
 Inirapan lang niya ito. "Hello Martha?"
 "Busy ako ngayon Reeze, saka na tayo mag-usap."
 "Wait. Sandali lang- Hello?" Oh that witch! Babaan ba siya ng telepono? 
 "Ano na?" Nang-aasar pa itong tumingin sa kanya-while stroking his thin goatee.
 Okay, fine. Sa pagkakataong ito, talagang isasantabi muna niya ang kanyang pride.
 "Look...Marcus." Napalabi siya. "Nagsasabi ako sayo ng totoo. That night, nakainom lang ako. Ni hindi ko na 
nagawang basahin nang malinaw ang room numbers kaya ang kuwarto mo ang napasok ko. "
 "Hmm..."
 "Ano pa bang paliwanag ang gusto mo?" She paused. "Okay, I'll tell you everything."
 At nagsimula na siyang magkuwento dito nang tungkol sa naging plano nila ni Martha.
 "Siguro naman, maniniwala ka na?"
 Hindi ito sumagot. Nakakrus lang ang mga braso nitong nakatingin sa kanya. 
"Hoy, sinabi ko na ang lahat sayo. Kaya pwede ba, ibalik mo na sa 'kin ang memory card at kalimutan na lang ang 
nangyari?"
 "Paano kung sabihin ko sayong hindi ko kayang kalimutan 'yon?"
 "At bakit?"
 Ngumiti na naman ito nang nakakaloko. "Because I enjoyed it."
 "You, asshole!" 
Pero tinawanan lang siya nito. Nakuyom na niya ang mga palad niya sa sobrang inis. Pero pilit pa rin niyang pinakalma
 ang sarili. "Kung hindi ka naniniwala sa 'kin, anong gusto mong gawin ko para lang ibalik mo ang memory card na 'yan?"
 "Let's play a game."
 Naningkit ang mga mata niya. "What?"
 "Be mine. I'll be yours."
 Napabuga siya ng hangin. "Ano bang kalokohan 'yan?"
 "We'll be together. Non-serious. Pero kung sinong ma-in love, talo. At siyempre kung sino ang panalo, sa kanya mapupunta ang memory card...and do whatever he or she wants with that video."
 Naisuklay niya ang mga daliri sa mahaba niyang buhok. Grabe, kakaiba yata talaga ang utak ng lalaking 'to! 
"Psycho ka ba? Mukhang nasisiraan ka na eh."
 Ngumiti ito. "Bakit, takot ka?"
 "A-ako takot? Saan?"
 "Na ma-in love sa 'kin? Tell me, aren't you attracted to me?" 
 "Ang kapal ng mukha mo ha! Wala akong pakialam kung guwapo ka at..." Napatigil siya sa pagsasalita. Maalala ba naman niya ang abs nito sa gitna ng pagtataray niya?
 She cleared her throat. "Para sabihin ko sayo, kahit anong mangyari, hinding-hindi kita magugustuhan."
 "Then prove it."
 Napaurong ang dila niya. Pambihira! Ano bang klaseng lalaki 'to?
 "Kung hindi ka talaga magkakagusto sa kin, then kahit magsama tayo, hinding-hindi mahuhulog ang loob mo sa kin."
 "You're crazy!"
 "No I'm not. Pinapakita ko lang sayo na mali ang taong binangga mo."
 "Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta hindi ako papayag sa gusto mo."
 "No problem. Tapos ang usapan. Sa akin ang memory card."
 "Mas lalong hindi pwede."
 "Then agree with me."
 Alright, she's speechless. Mas malala pa yata ang topak nito kay James eh. Bakit ba sa dinami-dami ng mga lalaki sa mundo, dito pa siya nagkamali?
 "So, what's your answer Reeze?"
 "Never!" Sabay tayo and walked out. Imbyernang-imbyerna siya habang naglalakad sa labas. Ano daw? A game? Maluwag na yata ang turnilyo sa utak ng lalaking iyon. 
Pero maya-maya lang ay napahinto siya sa paglalakad. "Teka lang, 'yong memory card." Nagmamadali siyang bumalik sa coffee shop, pero wala na si Marcus doon. Nilinga-linga niya ang paligid, ngunit hindi na niya makita ni anino nito. Then her phone rang.
 "Looking for me?" Narinig niyang sagot nito sa kabilang-linya.
 "Nasa'n ka?"
 "Hmm, just somewhere, pinapanood ka."
 "Well, lumapit ka sa 'kin kung nasa'n ka mang lalaki ka. Ibigay mo sa 'kin ang memory card!"
 "I already gave your last chance earlier. Pero nag-walk-out ka."
 Hindi siya nakatugon.
 "But don't worry, bibigyan kita ng time para makapag-isip. Pero inaasahan kong may sagot ka na mamayang gabi. If 
your answer is no, abangan mo na lang bukas ang pagsikat mo online."
 "You monster!"
 "Pero kapag oo ang isinagot mo, I'll promise na mage-enjoy ka sa piling ko."At binabaan na siya nito ng telepono. 
Nanggigil siya sa galit. Kamuntikan pa niyang mabatong muli ang cellphone niya. 
Damn him! 
******** 
SHE scowled at Martha. Kanina pa ito walang tigil sa paghalakhak matapos niyang ikuwento dito ang naging pag-uusap

 nila ng Marcus Santillez na 'yon. Sa sobrang inis niya dito sa ginawang pag-isnab nito sa tawag niya kanina, kaagad 
siyang dumeretso sa bahay nito.

 At heto nga't kulang na lang ay itulak niya ito sa kinauupuan sa kama.

 "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

 "Wala naman. Natutuwa lang ako. Finally, ang malditang Reezelda Anne, nakahanap na rin ng katapat."

 Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Pinsan ba talaga kita o ano?"

 "Pinsan. Pero hindi tayo close my dear. At isa pa, gigil pa rin ako sa ginawa mong pananabotahe sa plano ko!"

 "Nangyari na 'yon. Wala na kong magagawa."

 She giggled again. "Alam mo, ang tawag diyan, karma! Binabawian ka na sa mga kalokohang ginawa mo."

 "Walang'yang 'to!"

 "Pero alam mo masuwerte ka pa nga eh. Biruin mo, kahit tanga ka, pangrampa ang natisod mong papa."

 Umismid lang siya dito.

 "Ibigay mo na lang kaya siya sa 'kin. At siya talaga ang ipapalit ko kay Arthur."

 "Malanding 'to!"

 "Whatever! So anong balak mo ngayon?"

 "Hindi ko pa alam. Talagang naiinis ako sa lalaking 'yon."

 "Hmm...not a bad game. Kung sinong ma-in love, talo? Hay, kung sa kanya rin lang, eh talagang umpisa pa lang 
magpapaka-loser na ko 'no."

 "Nasasabi mo lang yan kasi hindi ikaw ang nakipag-sex sa psychotic na 'yon. And to think na recorded pa sa video ang 
nangyaring 'yon..."

 Nginusuan lang siya nito. "Pero hindi naman mahirap sayo 'yon ah. Sanay ka na namang makipaglaro sa mga lalaki. 
What's hard on making him fall in love with you?"

 Hindi siya sumagot.

 "Maliban na nga lang siguro kung mas malaki ang chance na ikaw ang maunang mahulog sa kanya."

 "Never will that happen." 

"Eh 'yon naman pala eh. Kung mas ayaw mong masira ang pangalan mo, tanggapin mo na ang inaalok niya sayo. 
Patunayan mo rin sa 'kin na talagang magaling ka. Kapag nagawa mong manalo, baka tuluyan ko nang kalimutan ang 

ginawa mong bruha ka."
 Mataman siyang nag-isip. Ano nga bang kinakatakot niya? Bato ang puso niya sa mga lalaki at kahit kelan hindi pa siya
 na-in love. Kaya bakit niya uurungan ang isang 'yon?
 At kung iyon ang gusto ng Marcus Santillez na 'yon, then she'll play with him. Mas patutunayan niya sa lalaking 'yon na ito ang nagkamaling banggain siya.
 Agad niyang kinuha ang phone at tinawagan ang lalaki.
 "Hello?"
 "May sagot ka na?"
 "Yeah. And it's a deal."
 "Okay. I wanna see you tonight."
 Napakunot-noo siya. "Tonight?"
 "Yeah. Wear any casual dress. I'm bringing you to someplace."
 "Hey, if you're thinking of doing something-"
 "Masyado namang madumi ang isip mo. Huwag kang mag-alala. Hindi tayo sa langit pupunta ngayon. We're attending a party."
 "Anong party?"
 "Huwag ka nang maraming tanong. I'll bring you as my date."
 "But-" At binabaan na naman siya nito ng telepono. Shit lang talaga?! Bakit ba lahat na lang ng tao hilig siyang babaan ng phone?
 "Anong sabi?" tanong ng usisera niyang pinsan.
 "May pupuntahan daw kaming party."
 "Wow. So maghanda ka na pala dapat ngayon."
 "Dapat lang. I'll show him what kind of woman he's trying to play with!"
 *** 
"MALAY mo naman, nagsasabi ng totoo ang girlabitch na 'yon." 

Napakibit-balikat na lang si Marcus sa sinabi ni Sam. They were in a supermarket. Libre siya ngayon kaya't naisipan 
niyang samahan ang kaibigan na mag-grocery. 
Maraming tao ang napapatingin sa kanila, pero balewala lang sa kanya ang bagay na 'yon. Sanay na rin siyang 

nakakarinig ng mga bulong na: 'Sayang ang guwapo pa naman niya'-with matching buntong-hininga pa. Pero deadma 

lang. Ano nga lang ba ang paminsan-minsang may maturn-off sa kanya? 
"Kung totoo naman talagang hindi ikaw ang pakay niya, bakit kailangan mo pang itago ang chu-chu video n'yo? 
Pwedeng-pwede mo namang i-delete na lang 'yon ah." 

"Totoo man o hindi ang sinabi niya, it doesn't matter to me." 

Napahinto si Sam sa paglalagay ng mga snacks sa cart na itinutulak niya. "Don't tell me, gusto mo lang talaga siyang 
paglaruan?" 
"Parang gano'n na nga." Ngumiti siya dito nang makahulugan. Sa totoo lang, noong una'y gusto lang naman niyang 

alamin kung may pinaplano ang babaeng 'yon laban sa kanya. But apparently, naging kapani-paniwala naman ang 

paliwanag nito. He can still remember her reaction the morning she saw his room number. Gayundin ang sa pinsan nito. 
Pero ewan ba niya, all of a sudden, nakaisip siya ng kalokohan. Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga, 
naisip niyang subukan kung mapapa-in love niya ito. There's really something about her which bothers him. He feels 
like he wanted to own her, yet he doesn't want to keep her. 

"Ano 'yan Marcus, tamang trip lang?" 
"You can call it that way. Pero gusto ko lang talagang makipaglaro sa kanya ngayon." 
Napailing na lang ang bakla at nagsimulang dumampot ng mga goods na nakabandera sa istanteng dinaraanan nila. 

"Baka naman ginagawa mo lang 'to para makalimot sa nangyari sa past mo." 
"Pag-uusapan na naman ba natin si Heidi?" patay-malisya siyang sumagot. 
"Echoserong 'to! Alam mo naman kung anong sinasabi ko eh. I'm not talking about Heidi, or the girl before her... or the 

other before that girl!" Nagpamaywang pa ito sa harap niya. "Marcus, I'm referring to the woman na nauna sa mga 

'yon." 
Napatigil siya. Biglang ring sumeryoso ang mukha niya. Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Sam. Pero ayaw na niya 
iyong maalala. Maya-maya nga lang ay bigla rin siyang nag-alangan sa sarili niya. Iyon nga ba ang dahilan? 

"Oh well, alam kong hindi na natin siya dapat pag-usapan. Pero hanggang kelan mo naman gagawin 'to?" untag nito sa 
kanya. 
"Hanggang sa may matalo o sumuko." Ngumiti siyang muli nang kaswal. 
"Eh paano kung ikaw ang ma-in love?" 
Tumawa lang siya dito. 
"Ay may gano'n? Tinawanan lang ang tanong ko?" Inirapan siya ni Sam. 
"Tignan natin...Kung magagawa nga niya 'yon, then I'll make her mine forever." 

******** KANINA pa tinititigan ni Reeze ang mga laman ng cabinet niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapiling isuot para sa sinasabi ni Marcus na pupuntahan nilang party. Napakagat-labi siya habang nag-iisip. Siyempre kailangan niyang pumostura nang bongga-iyong tipong lalaglag ang 
panga ng baliw na lalaking 'yon kapag nakita siya. Saka niya naisipang hablutin ang isang damit na naka-hang sa dulo. 
It was a black sheath casual dress. 
"Perfect!" she whispered. Hapit kasi iyon at siguradong lilitaw doon nang husto ang kurba ng katawan niya. 
She then started to dress up. Gaya nang dati, lipstick lang ang ginamit niya sa kanyang mukha. Hindi na rin niya 

masyadong inayos ang buhok niya. Konting brush lang at lalarga na ang irarampa niyang mukha. 
Huli niyang dinampot ang botelya ng mamahalin niyang cologne. She actually prefers it over heavy perfumes. 
Saka siya humarap sa malaking salamin. "Tignan ko lang kung hindi maglaway ang Marcus na 'yon sa 'kin." 
Pagkuwa'y nag-ring ang cellphone niya. Marcus is calling. "Ready ka na ba?" 
"Yeah I'm done. Saan nga pala tayo magkikita?" 
"Sa labas ng apartment mo." 
"Ha?" 
"Nasa labas na 'ko." 
Dali-dali siyang lumapit sa bintana at sumilip sa labas. Nasa harap nga ng apartment niya si Marcus-nakatayong 

nakasandal sa kotse nito. 
Grabe, pati ang tinutuluyan ko, nalaman niya? naisaloob niya. 
"Hintayin mo 'ko pababa na 'ko," sagot niya dito. 
Muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin. Whatever happens, she needs to appear alluring in front of him. "Just wait 

there, Marcus Santillez. " 
She turned off the lights and locked her apartment. Pagkalabas ay naabutan niyang nakatitig sa kanya si Marcus. Sandali

 niya itong pinagmasdan. Very casual ang dating nito sa suot na jeans at white shirt na napapatungan ng olive blazer. 
And there's only one word to best describe him. Hot. 
Pasimpleng napaangat ang kilay niya pero hanggang d'on lang yon. Kung meron mang dapat matameme sa kanilang 

dalawa, si Marcus 'yon at hindi siya. 
"Talagang naghanda ka ha?" Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. 
Sige lang Marcus, look at me passionately. And you'll later tell me how attractive I am. 
Pero iba ang isinagot nito."Not bad." 
Napamaang siya sa narinig. Not bad? Gano'n lang? 

Dumeretso ito sa may passenger's seat at binuksan ang pintuan niyon. "Let's go?" 

Kahit gusto niya itong tingnan ng masama ay pinilit niyang pigilan ang sarili. Well, nag-uumpisa pa lang naman siya. 
Mamaya, mahuhulog din ito sa kanya. 
Lumapit na siya dito at sumakay ng kotse. Hinintay lang niyang isara ng binata ang pintuan, pero hindi pa rin ito umalis 

doon, bagkus ay yumukod ito sa harapan niya at inabot ang seatbelt sa may tabi niya. 

Oh God, he smells so good! Hindi gaanong matapang ang pabango nito, but it's still masculine-and it's different. Ibang 
iba sa scent nito ang natatandaan niya sa mga lalaking naka-date na niya. 

After he fastened her seatbelt, he looked at her and smiled. "Iyon pa lang ang ginagawa ko, natutulala ka na." 

Naramdaman niyang umakyat na naman ang dugo niya sa ulo. This bastard! 

Saka ito lumabas at sumakay na sa driver's seat. 

"Ready?" Binalingan siya nito. 

Gusto niya itong tarayan pero alam niyang hindi pwede. Masisira ang plano niya. Pagkuwa'y humarap siya dito at pilit 

na ngumiti nang matamis. "Yes, I am." 
******** 
"I THOUGHT we're going to a party?" maang niyang tanong kay Marcus nang huminto ang kotse sa tapat ng isang bar. 
"Yeah. It's my friend's birthday and the party will be here-sa bar na pagmamay-ari niya mismo." 
"I see." 
Umibis na sila ng sasakyan. Humarap si Marcus sa kanya sabay angat sa braso nito. Hindi naman siya nagdalawang-isip

 at kumapit na rin siya dito. Then he smiled at her sweetly. 

Okay, you already got two points. Pero mamaya, ako naman, sambit niya sa isip. 

Marami ng tao sa bar. The guests all wear casual dresses, of course. The whole place was also prepared in a laid-back 

setting. 
"Marcus!" 
Napatingin siya sa isang lalaking palapit sa kanila. Halos kasing-tangkad lang ito ni Marcus. He's not handsome pero 

mukhang magaling naman itong magdala ng sarili. 
"Happy birthday," tugon naman ng binatang katabi niya. 
"Thank you pare. Ang akala ko nga hindi ka darating eh." Napabaling ito sa kanya. "Hmm, new girl?" 
Napatango ito. 
"Hi, I'm Rico..." Sabay lahad ng palad nito na agad naman niyang tinanggap. 
"I'm Reeze." 

"She's...pretty huh?" Muli nitong nilingonan si Marcus. "Ibang-iba ang dating niya kumpara kay Heidi." 
Heidi? Napakunot-noo siya. Sino naman 'yon? Girlfriend, o ex ni Marcus? 
Tipid lang na ngumiti ang binata. 
Nagtaas ng mga kamay si Rico. "Oh, I'm sorry. I know past is past. I hope I didn't offend you Reeze?" 
"Don't worry. Gaya nga ng sabi mo, past is past." Masuyo niyang binalingan si Marcus. "What's important is that he's 

mine now. Right, baby?" 

Sinalubong naman ni Marcus ang tingin niya. Ngumiti din ito nang matamis. Pero natitiyak niyang palabas lang din 
'yon. 
"Wow! You too really look good together. Anyway, please enjoy yourselves." At iniwan na sila nito. 
Yumuko si Marcus para bulungan siya. "Doing your first move...baby?" 
Nakaramdam siya ng kaunting kiliti nang bahagyang mapadampi ang labi nito sa tenga niya. Pero siyempre, hindi siya 

nagpaapekto, lalo pa't alam niyang iniinis na naman siya ng lalaking 'to. "Maghintay ka lang, may susunod pa diyan." 
He smirked. "I'd love to see that." Tumayo ito nang tuwid at hinila ang kamay niya. Pumwesto sila sa isang bakanteng 

bar stool table. Si Marcus na rin ang kumuha ng pagkain para sa kanya. And since it was just a casual party, very light 
meal lang ang kinain nila. Maraming guests din ang lumalapit sa kanila. 
Infairness, talagang kina-career ni Marcus ang pagpapakilala sa kanya bilang bagong girlfriend nito. As usual, puro puri 

ang naririnig niya sa mga 'yon-lalo na siyempre, mula sa mga lalaki. At may mga babaeng kahit banat ang mukha sa 
pagkakangiti'y hindi maitatagong minamaldita na siya ng mga ito sa kanilang isipan. 
Basta ang sa kanya, confident siyang walang ibang bitch na kayang tumalbog sa alindog niya. 
"Sino nga pala si Heidi?" tanong niya kay Marcus nang masolo silang dalawa. 
"She's my ex," tipid nitong sagot. 
"Oh... Serious girlfriend?" 

"Hmm... You can say that. Nagtagal din naman kami ng three years." 
"Three years?" Napanganga siya. Kahit six months lang bumibilib na siya sa mga magnobyo na tumatagal nang gano'n. 
Never naman kasi siyang napasok sa isang relasyon. Kung meron man, hindi matatawag na tunay. Hanggang pakikipag date lang ang ginagawa niya. Minsan lang talaga, hindi maiwasang may mga lalaking nabubuwang sa kanya at 
makailang-beses nagtangkang ipakilala siya sa pamilya ng mga ito. 

And that's one thing she would never want to happen. Marinig pa lang niya ang statement na: 'Ipapakilala kita sa parents
 ko,' eh talaga naman nangingilabot na siya. Kung bakit, simple lang. Wala sa isip niya ang posibilidad na magpapakasal
 siya balang-araw. At kailanman, ayaw niyang may tatawag sa kanyang manugang. 

She knew that committing herself to a man will only leave her a piteous woman in the end-luhaan, bigo, at kawawa na 
katulad ng mga babaeng malapit sa kanya. 
"Three years naging kayo? So anong nangyari? Nagsawa na kayo sa isa't isa?" usisa niyang muli dito. 
"Sa totoo lang, hindi ko rin masabi." 

"So broken-hearted ka?" 
"Nope." 
Tumahimik na siya. Masyado naman yata siyang nawiwili sa paghalungkat ng past relationship nito. In the first place, 

ano nga bang pakialam niya? Napansin lang talaga niyang napakatipid nitong sumagot na halata namang ayaw na nitong
 pag-usapan ang tungkol d'on. 

Nagkibit-balikat na lang siya. Then she spotted a couple walking towards them. 
"Hey, Marcus. I just heard na nandito ka with your new girl," bati ng binatang may kapayatan. Napasulyap din siya sa 
babaeng kasama nito. Mukha namang mabait ito at hindi binabad sa insecurity ang itsura-hindi katulad ng mga nauna 
niyang nakilala. 

"Yeah, she's Reeze," pakilala naman ni Marcus sa kanya. Nagpakilala din ang dalawa sa kanya pero hindi siya 
interesadong tandaan ang mga pangalan nila. May pinag-usapan ang mga ito na hindi na lang niya pinakinggan. Inubos 
na lang niya ang pagkaing natira sa plato niya habang ine-enjoy ang music na naririnig. 

Then she heard the girl spoke. "We just need to borrow Marcus for a while. Will that be okay with you Reeze?" 
Napatingin siya kay Marcus pero hindi naman ito nagsalita. He was waiting for her answer. "Sure." 
Pagkuwa'y lumapit ang binata sa kanya at hinawakan ang kamay niya. 
Ano naman kayang palabas nito? 
"May kailangan lang akong kausaping kaibigan in private. Pero sandali lang, I'll be back." 
Pasimple siyang sumulyap sa dalawa na alam niyang nanonood sa kanila. "Hindi mo naman kailangang magpaalam sa 

'kin. Go wherever you want baby." 
He smiled. "Nag-aalala lang ako. Baka kasi ma-miss mo 'ko." He then winked at her and walked away. 
Pagkatalikod na pagkatalikod nito'y agad siyang napasimangot. Kay sarap tusukin ng mga mata ng lokong 'yon! 

Nakakailan na siya ha! 

Naisipan niyang lumapit sa bar counter. Humingi siya ng isang cocktail drink sa bartender. Hindi na siya nagsabi ng 
kung anong klase. Basta kahit ano na lang. 
Nang makuha ang inabot nitong Tequila Sunrise ay pumihit siya paharap sa mga guests. She was checking if she knew 

someone. Nakahinga lang siya nang maluwag nang wala siyang nakitang kakilala. 

But suddenly, someone called her name. Napalingon siya sa may gilid niya. A man wearing a casual button-down shirt 
was coming near her. At pamilyar ang mukha nito sa kanya. 
"Don't tell me, hindi mo na ako natatandaan?" 
Pilit niyang inalala kung sino itong kumag na 'to. Saka siya napatingin dito ng diretso. Isa ito sa mga naging feeling ex 

niya dati. "Mark?" 
"What a coincidence? I didn't expect na makikita kita dito Reeze." 
Napaangat ang kilay niya. Kung makatingin ito sa kanya'y para ba siya nitong hinuhubaran. Nakaramdam siya ng inis. 

Alam niyang sexy siya pero hindi naman siya malaswa kung magdala ng damit. Kaya talagang naiirita siya kapag may mga lalaking sobra kung makapag-scan ng katawan niya. 
"I guess Mark, it would better if you leave me alone now." 
"Why? Ngayong nagkita tayo ulit, wala naman sigurong masama kung kumustahin kita ah." Hinawakan siya nito sa 
balikat. 

Nagsalubong ang mga kilay niya saka tinabig ang kamay nito. "Don't ever do that again. We might have dated before. 

Pero hanggang d'on lang 'yon." 
He grinned. "Pero pwede pa naman nating ulitin 'yon eh." Muli na naman itong nagtangkang hawakan siya. Iiwas sana 
siyang muli nang may ibang kamay nang tumabig sa braso ni Mark. 

"Sorry, but I guess you're flirting with a wrong girl." Seryoso itong tinitigan ni Marcus. 
"Well, she's the right one. Because this girl was mine before." Maangas na ngumisi si Mark. 
"Not if I tell you that she's mine now." 
Napatingin siya kay Marcus. Iba ang dating nito ngayon. She can sense displeasure through his expression. Ang galing 

naman nitong umarte! 
Humalakhak si Mark habang sinisipat-sipat ang kabuuan ni Marcus. Para bang nangmamaliit pa ito. "She's yours? Come

 on dude, nauna ako sa kanya. And I'm sure, she'll prefer me over you. 'Di hamak naman na mas may dating ako sayo, right Reeze?" Marcus gave him a confident smile. "Well let's see." Walang sabi-sabing kinabig siya nito sa baywang at hinagkan ang 
kanyang mga labi. Napapikit siya sa ginawa nito-hindi sa gulat, kung hindi sa init na hatid nito sa kanya. 
Pagkuwa'y kumalas ito at tumitig sa mga mata niya. "Now baby, hindi mo ba sasagutin ang lalaking 'yan?" 
What was that? Sandali ding huminto ang mundo niya d'on ha. Pero nang matauhan ay kaagad siyang humarap kay 

Mark. "Kung sa porma, mukha ngang mas may dating ka. Pero sorry Mark, mas magaling siyang humalik kaysa sayo eh." 
Sumama ang timpla ng mukha nito. He cackled and just walked away. 
She felt Marcus' hand touched her chin. Ipinihit nito paharap ang mukha niya. "That was a good one. But did you mean 
it?" 

"Ang alin?" 
"My kiss?" 
"W-what? I-I..." Nauutal na siya. Hindi niya alam kung paano sasagot. 
Pagkuwa'y ngumiti nang nakakaloko si Marcus. "Ano Reeze, lumalamang na ba 'ko?" 
Napaurong ang dila niya. 
Shit Reeze! Why are you letting him dominate the game? 
*** 


"DON'T tell me apektado ka na agad sa halik ko?"
 Sandali siyang nag-isip ng isasagot. Kailangang maging maingat siya sa bawat salitang bibitawan niya. Mahirap na 'no!
 Pagkuwa'y ngumiti siya. She was regaining her confidence. "Well, I admit. Your kiss was good. Pero... parang may 

kulang pa eh."
 Kumunot ang noo ni Marcus. "Kulang?"
 Pinagapang niya ang mga daliri sa kanang braso ng binata. Then she looked at him in an alluring way. "I'm still looking

 for something. Hindi ko lang masabi kung ano."
 "Gusto mo bang ulitin natin para malaman kung anong kulang?" He tittered.
 Hindi niya ito agad na tinugon, bagkus ay inihaplos niya ang kanyang palad sa dibdib nito....paakyat sa balikat. Alam 

niyang bahagyang napakislot si Marcus sa ginawa niyang iyon. Pasimple siyang napangiti.

 Tumingkayad siya. Her hand gently reached his nape and whispered to his ears. "Next time na lang. And it'll be my turn
 to give you a kiss-a damn kiss you'll never forget."
 Dahan-dahan siyang lumayo dito. "Pupunta lang ako sa restroom. I'll be back." She gave him a seductive smile.
 Marcus was left speechless. Hinabol lang nito ng tingin ang dalaga. Saka ito napangiti at bumulong sa sarili. "Nakuha 

mo rin ako d'on ha." 
******** 
PANAY ang ngiti ni Reeze nang makapasok sa isang bakanteng cubicle. Naalala niya ang mukha ni Marcus kanina. For

 a second, napako ang tingin nito sa kanya. Naramdaman din niyang nagreact ang katawan nito sa paghaplos na ginawa niya dito. "At least alam ko na kung saan ako magsisimula." She giggled. Narinig niyang may pumasok sa loob. "Nakita mo na ba 'yong bagong girlfriend daw ni Marcus?" hirit ng isang babaeng matinis ang boses. "Oh yeah. That bitch-looking girl?" tugon naman ng isa. Napaangat ang kilay niya. Bitch-looking girl? Siya ba ang sinasabihan ng mga ito? Oh well, sino pa nga ba? "Alam mo, walang-wala siya kumpara kay Heidi," dugtong ng huling babae. "Heidi is more gorgeous than her. At mas edukada naman ang itsura niya kaysa sa babaeng 'yon." Nagsalubong na ang mga kilay niya. Nakatayo na siya pero nagpasya siyang huwag munang lumabas. Makikinig pa siya nang kaunti sa usapan nila. "Sayang at nag-break pa sila. Mas bagay pa naman sila." "Correct friend! Pero siguro 'yong babaeng kasama niya ngayon ang dahilan ng break up nila. Hindi na 'ko magtataka kung inakit lang niyan si Marcus." 
Inakit? Whoa, ang kapal din ng mga mukha nito ah!
 "For sure, gano'n ang nangyari. Mukha kayang cheap ang babaeng 'yon."
 Napabuga siya ng hangin sa sobrang inis. Hindi na siya nakapagpigil at lumabas na siya ng cubicle. Pero siyempre, 
with poise pa rin.
 She went straightly to the sink, at ipinatong sa counter top ang handbag niya. Kunwaring deadma lang siya sa mga ito. Hindi muna siya basta tatalak. Hihintayin muna niya na maunang mag-react ang mga ito. 
Pasimple niyang sinulyapan ang mga ito sa salamin. Apparently, they were both surprised when they saw her. 
Naulinigan pa niyang bumulong ang isa pero hindi na lang niya iyon inintindi. Tipid lang siyang ngumiti saka tumalikod
 para kumuha ng tissue. Then she heard one of them spoke.
 "Ahm excuse me? Y-you heard us?"
 "Oo naman. Hindi naman ako bingi eh."
 "Oh...I hope you don't mind what we just said. Nagsasabi lang naman kami ng totoo."
 Humarap siya sa mga ito. "Don't worry, sanay na akong nakakarainig namg gano'n sa mga babaeng insecure lang sa 
'kin."
 Napaangat ang kilay ng isa. "At sinong insecure? Kami?"
 "Well, obviously."
 "Nakakatawa naman 'yon. Bakit kami mai-insecure sa cheap na babaeng katulad mo? Mukha ngang nilandi mo lang si 
Marcus eh. At sa itsura mo, para ka lang namang nabihisan ng mamahaling damit," segunda naman ng isa. 
Saglit niyang pinagmasdan ang mga ito. Kung sa sense of fashion, walang problema. Iyon nga lang, sablay na pagdating sa mukha. Kahit saang anggulo niya tignan, parang naglaro lang ng watercolor ang mga babaeng ito. Hindi siya nagmemake-up pero alam na alam naman niya kung anong katanggap-tanggap na itsura.
 Saka siya bumanat. "You know what's cheap my dear? Iyang mukha n'yong parang pinilit lang kulayan. If you don't know how to apply make-up onto your faces, well I suggest na itago niyo na lang 'yan sa dilim. Try niyo, para naman 
may magawa kayong tama sa mga pagmumukha n'yo."
 "You bitch!"
 Hindi siya umimik. Napatingin siya sa labi ng mga ito. Unang tingin pa lang, alam na niyang low-class ang brand ng 
lipstick na ginagamit ng mga ito. Then she grabbed her handbag. Inilabas niya doon ang lipstick niya saka tuminging 
muli sa dal'wa. 
"Napansin ko ring gumagamit kayo ng cheap na lipstick." Ipinatong niya ang lipstick sa countertop, malapit sa gamit ng
 mga ito. "Here, use this. Para kahit sa labi man lang, maambunan kayo ng ganda ko."
 She squinted and walked away.
 Napabuga siya ng hangin pagkalabas ng restroom. Ngayon lang siya nakatanggap ng gano'ng insulto-all because of the jerk who brought her here. Kahit minsan, hindi pa niya naranasan ang maikompara nang ganoon sa ibang babae. Lalo't sa isang ex-girlfriend. 
Nakakaasar! Pati ang lipstick ko, naibigay ko ng libre nang dahil sa kanya. Ang mahal pa naman n'on.
 "Bwisit talaga ang Marcus na 'yon! Masisingil talaga kita," bulong niya saka nagpatuloy sa paglakad. Dali-dali niyang hinagilap ang binata. Saka niya ito napansin sa 'di kalayuan na may kausap na babae. Hindi ito maganda, pero may sinasabi ang katawan. Wala siyang ideya kung anong pinag-uusapan nila. But they seemed to be flirting with each other. Okay, flirting while his girlfriend is around? Pero deadma lang, fake lang naman siya eh. Pasimple lang siyang umupo 
sa may bar counter. Muli siyang humingi ng isa pang baso ng Tequila Sunrise.
 She was busy drinking when she felt a pair of hands caressing her bare shoulders.
 "Bakit hindi mo ako nilapitan?" Umupo na ang binata sa tabi niya.
 He glanced at Marcus. "You were busy with that woman. Ayoko namang istorbohin kayo."
 "She's a distant friend," kaswal na sagot nito.
 "Distant friend? Pero sobra kayo kung maglampungan?"
 He chuckled. "Are you jealous?"
 "Of course not." Inirapan niya ito. Hinintay niyang muling magsalita si Marcus. Pero natahimik na ito. Lumingon siya 

dito. But she caught him staring at her."Bakit ganyan ka makatingin?"
 "Wala naman. Masama bang titigan ka?"
 "Baka kasi nai-in love ka na sa 'kin. Pwede kang umamin."
 Natawa ang binata saka hinawakang muli ang baba niya. "Bago mangyari 'yon, sisiguraduhin kong mauuna ka."
 Ngimi siyang napangiti saka marahang inalis ang kamay nito. Pero hindi niya iyon binitawan. "Well let me tell you this

 Marcus, hinding-hindi mangyayari 'yon."
 "Tignan natin," Hinila siya nito, dahilan para bahagya siyang mapasubsob sa braso nito. "Whatever happens, I'll make 

you fall for me." He then kissed the bridge of her nose.
 Nang ibalik siya nito sa pagkakaupo'y, muli siya nitong tinignan. "Let's go na?"
 Tahimik lang siyang napatango. 

Naman! Bakit hindi na naman ako nakadiskarte? 
******** 
"ANO nga palang work mo?" tanong niya kay Marcus. They were on their way back to her apartment.

 "I'm an architect. I own the Sanz Architectures. Hindi naman siya kasing-prominente ng ibang firms, pero hindi rin naman basta-basta ang mga kliyenteng hawak namin." "Ah..." 
 Saglit siya nitong binalingan. "How about you?"
 "Hindi ba dapat alam mo na 'yan? Address ko nga nagawa mong kunin eh."
 "Address, name at contact number lang ang nakuha ko sayo. Alam ko rin na ikaw ang pinsan n'ong anak ng may-ari ng 

hotel na 'yon. But other than that, wala na akong ibang alam tungkol sayo."
 Napahinga siya nang malalim saka sumagot. "Marketing assistant ako sa El-U Products. They handle cosmetics and 

other beauty products. Actually, pagmamay-ari din iyon nina Martha-my cousin."

 "The way you say it, para bang ayaw mo sa trabaho mo."

 "Tama ka." She snorted.

 "Why? Hindi ka ba nage-enjoy?"

 Napatingin siya sa labas ng bintana ng kotse. "Sort of. Pinilit lang naman ako ng mama ko na pumasok d'on eh."

 Napakunot-noo ang binata. "What do you mean?"

 "She forced me to work there, para daw hindi kung anu-ano ang inaatupag ko. Sabihin na lang natin na she was almost 

controlling my life." May pait sa himig niyang iyon.

 "Pero ano talagang gusto mo?"

 Napasandal siya sa head rest. "I want to become a photographer. Professional photographer, of course."

 Muli siyang nilingonan ni Marcus. "Really?"

 "Bakit, wala bang kapani-paniwala sa sinabi ko?" Naningkit ang mga mata niya dito.

 "Hmm... Hindi naman sa gano'n. Wala lang kasi sa itsura mo na gano'n ang gusto mo."

 She just smiled a bit.

 "Pero bakit, ayaw ba ng mama mo na gano'ng career ang kunin mo?"

 Napabuntong-hininga siya. "She hates it-so much."

 "Bakit naman? Wala naman akong nakikitang masama sa pagiging photographer."

 "Photographer din kasi ang papa ko."

 "So?"

 "Galit ang mama ko sa kanya, dahil sa pang-iiwan na ginawa niya sa 'min noon. Ipinagpalit niya kami sa babae. Teenager pa lang ako n'ong maghiwalay sila." Bumakas ang matinding lungkot sa mga mata niya. Kung pwede lang, ayaw na niyang alalahanin ang bagay na iyon. "Iyon ang dahilan kung bakit ako pinipigilan ng mama ko na sundan ang yapak niya. Ayaw na niyang maalala pa si Papa."
 "Pero ikaw, hindi ka ba galit sa kanya?"
 "Sa totoo lang, kahit ganoon kasama ang nagawa sa 'min ni Papa, hindi ko magawang magalit sa kanya. Mas close kasi ako sa kanya. At noon pa man, sobrang hinahangaan ko na siya pagdating sa pagkuha ng mga larawan." 
 "And that's the same reason why your Mom stops you from following your dream?"
 Tumango siya.
 "Nagkikita pa rin ba kayo ng papa mo?"
 "Hindi na. Nine years ko na din siyang hindi nakikita. Sigurado din naman akong may bago na siyang pamilya."
 "But you still want to see him?"
 "Of course. Kung may pagkakataon sana. Pero siyempre, magwawala lang sa galit ang mama ko kapag nalaman niya 
iyon."
 Napapalatak ang binata. "Pareho din pala tayong may issue sa ina."
 "Bakit, kinokontrol din ba ng mama mo ang buhay mo?"
 "My lovelife, to be exact. Matagal na kasi niya akong gustong magpakasal."
 "Ayaw mo pa ba?"
 Hindi ito agad nakasagot. Sumeryoso din bigla ang mukha nito. Naisip niyang ayaw na lang siguro nitong pag-usapan 
ang tungkol d'on. Napadungaw na lang siyang muli sa labas ng bintana.
 "Actually, I was about to marry someone before."
 Napalingon siya dito nang muli itong nagsalita. "Anong nangyari?"
 Ngumiti lang ito nang tipid. Magtatanong pa sana siya nang mapansing nasa tapat na sila ng apartment niya. Inihimpil 
na nito ang sasakyan saka siya bumaba.
 "I hope you enjoyed the night." Lumabas na din ito ng kotse.
 Humalukipkip siya. Nag-enjoy nga ba siya? Matapos siyang mainsulto at mapahiya sa sarili niya nang dahil sa lalaking 
ito? 
But she stayed cool in front of him. "Nag-enjoy naman ako kahit papaano. But thanks anyway."
 "You're welcome." Lumapit ito sa kanya para sana'y halikan siya, pero mabilis siyang umatras.
 He frowned. "Hindi ba ako pwedeng magbigay ng goodnight kiss?"
 She bit her lip. "Mamaya na. Bakit hindi mo muna ako samahan sa apartment ko ngayon?" Makahulugan siyang 
tumingin sa mga mata nito.
 "May pinaplano ka bang gawin baby?" He smiled naughtily.
 "Wala namang masama kung iimbitahin ko sa loob ang boyfriend ko hindi ba?" She stroked his hair with affection.
 "Mukhang gusto ko nga 'yan."
 Napangiti siya. Pero sa isip niya'y nagdidiwang na ang malditang katauhan niya. I'm setting a trap for you Marcus. So 
beware! 
*** 

"IKAW lang mag-isa ang nakatira dito?" Nilibot ni Marcus ang kanyang tingin sa paligid. Medyo malaki din ang apartment ni Reeze. Very relaxing ang dating. May kaluwangan kasi ang mga espasyong inilaan para sa kitchen at sala. Sa isang bahagi'y makikita ang hagdanang paikot. At kahit hindi niya silipin ang taas, natitiyak niyang diretso agad sa kuwarto ng dalaga ang dulo niyon. 
Ordinaryo lang ang istilo ng apartment na 'yon, pero sadyang naiba ang dating dahil sa ayos ng mga furnitures. He's not an expert when it comes to interior designing, pero base sa nakikita niya, sigurado siyang si Reeze ang personal na nag ayos ng loob nito. 
"Oo. Eighteen pa lang ako, dito na 'ko nakatira." Dumeretso ang dalaga sa kusina. 
"Gano'ng kaaga ka bumukod sa pamilya mo?" Pumwesto siya ng upo sa sofa. 
"Yeah. Palagi lang kasi kaming nag-aaway ni Mama sa bahay noon. Kaya para makaiwas sa araw-araw na 

pakikipagbangayan, nag-decide na lang akong umalis sa 'min. Pero siyempre, sustentado pa rin naman niya ako 
hanggang sa grumadweyt ako ng college." 
"Solong anak ka ba?' 
"Nope. May ate ako. Nasa Las Vegas siya ngayon. Doon siya nagwo-work." 
"Las Vegas?" Tila ba nagulat pa siya nang marinig ang lugar na iyon. 
"Oo." Napalingon ito sa kanya. "Bakit?" 
"Wala naman. Nag-stay din ako d'on noon for one year." 

"For work?" 
Napayuko siya saka sumeryoso ang mukha. Alam niyang may iba siyang naalala doon. Saka siya tipid na sumagot. 
"Yeah." 

Lumapit si Reeze sa kanya bitbit ang dalawang baso at isang bote ng champagne. 
"Balak mo ba akong lasingin?" Pabiro niyang tanong dito. 
"Champagne lang naman 'to 'no. Bakit natatakot ka?" Umupo na rin ito sa tabi niya. 
"May dapat nga ba akong ikatakot?" Lumapit siya dito. He stared at her eyes, as if he was trying to read her mind. Pero 

mukhang gano'n din ang ginagawa sa kanya ng dalaga. 
"Wala naman." Inilapat ni Reeze ang isang daliri sa mga labi niya at pinakatitigan iyon. Nakaramdam siya ng 

kakatwang init habang tinitignan ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi pa siya umiinom pero gano'n na ang nararamdaman niya. He then looked at her lips-those luscious red lips. Kanina pa niya iyon gustong sunggaban ng halik. Saka ito ngumiti ng makahulugan at lumayo sa kanya. "Uminom muna tayo. Mind doing it?" Inabot nito sa kanya ang 
bote. 
Napangiti siya. Talagang nakuha pa siyang bitinin nito ha. But he still answered casually. "Not at all." He started to 

twist its wire ring and removed the cage. He tilted the bottle and twisted it. Nang tuluyang maalis ang cork ay saka siya 
nagsalin ng Champagne sa dal'wang baso. Then he handed a glass over to Reeze. "Cheers!" 
Pagkuwa'y tumikhim siya. "Tell me, have you ever been into a serious relationship?" 

Kaswal itong ngumiti. "Hindi pa." 
"Why?" 
"Dahil hindi ako ang tipo ng babaeng nagseseryoso sa relasyon." 
"So never ka pang na-in love?" 
"Parang gano'n na nga. " 
Lumapad ang kanyang ngiti. 
She frowned. "Why are you smiling like that?" 
"Kasi alam ko nang ako pala ang mauuna." 
"Masyado ka naman yatang confident sa sarili mo." She sneered. 
Humarap siya dito. "Bakit naman hindi? Don't tell me hindi ka naa-attract sa 'kin kahit konti?" 
She gave him a tight-lipped smile, and stayed quiet. Hinaplos nito ang pisngi niya. Mainit ang kamay nito. Her pretty 

index finger started to run over his face. Nagsimula sa kilay niya, pababa sa talukap ng kanyang mga mata....sa ilong 
hanggang sa dumapo na naman iyon sa mga labi niya. 
Napalunok siya. Naroon na naman ang malagkit na pagtitig nito sa kanya. He knew what she's trying to do. He knew 
that this is just a trick-a part of her strategy to awaken his inner desires. Pero bakit parang nadadala siya? 

Ganitong-ganito ang naramdaman niya noong gabing pumasok ito sa kuwarto niya. But this time is different. Para 

kasing mas tumindi ang pagnanasang gumapang sa bawat sulok ng katawan niya. 
He's yearning for her kiss. Kung pwede lang ay kanina pa niya ito hinagkan. But he wanted to wait for more. Ine-enjoy 
pa niya ang panunuksong ginagawa nito sa kanya. Alam niya kasing lumalaban na ito sa larong sinimulan niya. She was

 trying to break his resistance-resistance from falling in love. Pero magpapatalo ba siya? He swore to himself that he'll 

make her love him first no matter what. Kaya lang, mukhang mauuna siyang bumigay ngayon. 
Napatitig siya sa magandang mukha nito. Oh yeah, she's indeed beautiful. At aaminin niya, he was drawn by her strong 
appeal-not to mention na nakakatunaw din itong humalik. 

Inilapag nito ang baso ng champagne sa mesa. Kinuha na rin nito ang hawak niya. Then she moved forward. Una nitong
 hinalikan ang sentido niya. She brushed her lips towards the side of his nose. And now, down to his lips. 
Nakapikit ito. At kay sarap nitong panoorin habang nanunudyo-nudyong hinahagkan ang mga labi niya. Padampi-dampi

 lang kasi ang ginagawa nito. Hanggang sa nagiging banayad na. 
Hindi na rin niya napigilang mapapikit. Sinabayan na niya ang ginagawa nito. Napahawak siya sa buhok nito at 
masuyong hinaplos iyon. Nang bahagyang umawang ang mga labi ng dalaga'y sinamantala na niya ang pagkakataon. He

 pushed his tongue inside her mouth and played with it inside her. He can taste the sweetness of the champagne that she just drank. 
At gumaya na rin si Reeze sa ginagawa niya. 
Sa una'y marahan lang ang ginagawa nilang paghalik. Pero habang tumatagal, mas nagiging mapusok na iyon. They 
played with their tongues passionately. Intensely. 

Muli na naman niyang naramdaman ang paggapang ng palad ni Reeze sa kanyang dibdib. Humagod iyon doon paakyat sa balikat, hanggang sa batok niya. Naramdaman niyang dumiin ang kamay nito doon. 
Pinagapang din niya ang kamay niya sa may batok nito. From there, his fingers brushed her hair up. Then he started to touch her back. He caressed it. 
Paulit-ulit lang nilang ginagawa iyon. Ilang saglit pa'y sabay silang kumalas. They were both panting. Tinitigan nilang muli ang isa't isa saka inulit ang paghalik. Mas mainit. Mas matagal. 
He's enjoying it badly. Sa dinami-dami ng mga babaeng nakahalikan niya, ito ang tanging nakapagbigay sa kanya ng ganoong klase ng excitement. But then, muli niyang naalala ang dahilan kung bakit nila ginagawa ito-kung bakit ginagawa ito ni Reeze. Apektado man siya nang husto sa panunuksong ginagawa nito, he knew that she's only doing it to defeat him. 
At hindi siya papayag na matalo nito nang basta. Alam niyang sa oras na siya ang unang bumigay, basta na lang itong mawawala at kailanma'y hindi na mapapasakanya. He's not yet in love. But there's really something inside him which tells him to have her. At iyon ang isang bagay na hindi niya maintindihan. Kaya naman hangga't hindi pa niya nalalaman ang dahilan, he would do everything just to make her stay with him. 
******** 
NARAMDAMAN ni Reeze na dahan-dahang ibinababa ni Marcus ang katawan niya sa sofa. And now, he was over her!
 Alam niyang sa mga oras na ito'y nag-iinit na ang binata. At iyon lang ang kailangan niyang mangyari. Pero bakit habang tumatagal ay nagbabago na ang paraan nito ng paghalik sa kanya? She has missed it-that same feeling when she first had an intense kiss with him. 
Just a while ago, she was the one leading it. Pero ngayon, si Marcus na ang siyang nagmamando sa bawat galaw ng mga labi nila. 
Gusto niyang mainis. Nauulit na naman ba ang nangyari noon? Imbes na siya ang kokontrol sa lahat, siya itong napapasunod na lang sa mga ginagawa ni Marcus. But she can't help it. Parang bagyo kung humalik ang lalaking ito. Kahit anong higpit ng kapit niya, natatangay at natatangay siya. 
Stop him Reeze! Hindi pwedeng masira ang plano mo! hiyaw ng isip niya. 
Pero huli na ang lahat. Nalulunod na siya sa kakaibang sensasyong iyon. Naramdaman niyang gumapang ang mga labi nito sa kanyang tenga. Napakislot siya. 
"Mas malakas pala talaga ang kiliti mo dito," he whispered. 
This jerk! 
Gusto niyang ibuka ang bibig niya pero hindi niya magawa. Ano ba 'yan? Bakit ba pagdating kay Marcus, natatameme ang buong katawan niya? May hindi yata tama sa nangyayari. 
Gusto niya itong itulak, pero hindi sumusunod ang katawan niya. Awtomatiko pa siyang napapikit. Matagal-tagal din siyang nasa ganoong anyo. Saka siya nagtaka. Bakit parang hindi na niya maramdaman ang mga labi nito sa kanya? She
 can no longer feel anything. 
Then she decided to open her right eye para sumilip. Pero napamulat na siya nang makitang nakatitig na lang si Marcus sa kanya. And he was grinning. 
"Nag-enjoy ka ba?" 
Oh damn this guy! Naramdaman niyang namula ng sobra ang mga pisngi niya. So pinapanood na lang pala siya nito 
habang para siyang ewan na naghihintay sa susunod nitong gagawin! 
Sa sobrang inis ay itinulak niya ito saka dali-daling lumayo dito. Galit siyang tumayo at humarap dito. 
"You crazy asshole! How dare you do that?" 
Bumunghalit ng tawa si Marcus na mas lalong nakapanggalaiti sa kanya. 
Naku, masasakal ko talaga ang lalaking 'to! 

"Ang cute mong panoorin kanina." 
Naningkit ang mga mata niya. Wala sa loob na nadampot niya ang throw pillow na nakapatong sa isang upuan at 
inihagis iyon sa binata. Pero sinalo lang iyon ni Marcus. 

"Umalis ka na nga!" 

Tumayo ito. "O, bakit pinapaalis mo na 'ko agad?" 

"Just go away at huwag ka nang magpapakita sa 'kin!" singhal niya dito. 

"Hindi naman pwede 'yon. Sigurado akong mami-miss mo ako ng sobra." Tumingin na naman ito sa kanya nang 

nakakaloko. "Most especially my kiss." 
"Damn you!" Hahampasin niya sana ito nang bigla siya nitong kinabig. 
"Say that to me after I kiss you again." Nang aktong hahalik ito sa kanya'y nagpumiglas siya at madaling lumayo sa 

binata. 
"Umalis ka na bago tuluyang magdilim ang paningin ko sayo." 
"Bakit ba sobra kang magalit ng ganyan?" 
"Tinatanong mo pa?" 
"Dahil ba na-embarrass ka masyado, o dahil sa nabitin ka lang?" 
Tinitigan niya ito ng masama. "Antipatikong 'to!" 
He chuckled. "Sige na. Masyado na ring late, aalis na' ko. I'll just call you tomorrow. Magpahinga ka na...baby!" Sabay 

kindat nito sa kanya. 
Hindi siya nakahirit. Wala siyang nagawa kung hindi sundan lang ito ng tingin habang lumalabas ng apartment niya. 
"Ang gagong 'yon!" 
******** 
"TALAGA bang wala kang balak na makipag-usap sa 'kin Marcus?" singhal sa kanya ng inang si Mildred. Sinadya 

niyang hindi ito tawagan dahil alam na niya ang kahihinatnan ng pag-uusap nila. Iyon nga lang, nakalimutan niyang 

pwedeng-pwede nga pala siya nitong basta na lang dalawin sa opisina niya. 
At heto nga't nakatayo ito sa harap niya na nakapamaywang pa. 
"Wala naman kasi tayong dapat pag-usapan Mom." 
"Anong wala?!" Napapikit siya sa bulyaw na iyon ng kanyang ina. Ang tinis pa naman ng boses nito. "Tatlong taon ang 
naging relasyon n'yo ni Heidi, tapos gano'n-gano'n mo na lang itatapon?" Nagpalakad-lakad pa ito sa opisina niya. 
"Bakit ba mas mukha pa kayong apektado?" 
"Aba't ikaw bata ka!" Halata na ang pagkapikon nito sa kanya. 
"Mom, 'yong wrinkles n'yo." He smirked. 
"Hoy Marcus, hindi ako nakikipagbiruan sayo ha." 
"Same goes for me." 
Napahinga nang malalim ang kanyang ina. "Ay Diyos ko, ano bang ginawa kong mali at naging ganito ang anak ko? 

Hindi ka naman dating ganyan ah. Dati naman sinusunod mo lahat ng gusto ko." 
"Kelan, when I was eight years old?" He chuckled. 
"Ginagalit mo ba talaga ako ha?" 
"Relax Mom, binibiro lang kita eh." Natatawa na siya sa reaksyon ng mommy niya. Ever since naman, ganito na sila 

magtalo. Pero kahit ganyan siya sermonan ng kanyang ina, alam naman niyang mahal na mahal siya nito. At siyempre, 

gano'n din siya dito. 
"Ano bang hindi mo nakita kay Heidi. She's pretty, well-educated, thoughtful, galing sa magandang pamilya. 
Napakabait n'ong batang 'yon. And I know how much she loves you." 

"But I'm not in love with her." 

"Sa tagal n'yong nagsama, hindi ka man lang nakaramdam ng kahit ano sa kanya?" 

"Mom, you can't fall in love that easy just because you've been together for a long time." 

Mildred rolled her eyes. Nangalay na rin ito sa paglakad-lakad kay naisipan na nitong umupo. "Anak, you're already 

twenty-eight, wala ka pa bang balak magpakasal?" 
"Huwag niyo na kasi akong pilitin. Let me do it my way." 
"The last time na hinayaan kita, puro pakikipaglaro lang sa mga babae ang ginawa mo. Nakailang girlfriend ka na pero 

ni isa sa mga 'yon wala kang sineryoso." 
"Naging seryoso ako kay Heidi." 
"Pero hindi kasing-seryoso ng binalak mong pagpapakasal noon sa babaeng 'yon." 
Hindi siya nakaimik. 
"Marcus, ilang babae pa ba ang kailangang dumaan sa buhay mo para lang makalimutan siya?" 

Tahimik pa rin siya. 
Napabuntong-hininga ito. "I'm setting you a date tomorrow." 
"Na naman?" 
"Anong na naman? Hangga't wala kang ipinapakita sa 'king matinong relasyon, hindi ako titigil sa kakahanap ng 

babaeng magugustuhan mo." 
"Ayoko." 
"Wala akong pakialam. Basta sisiputin mo ang date mo bukas kahit anong mangyari." Kinuha nito ang cellphone sa bag.

 Heto na naman ang pagiging trying hard na matchmaker ng kanyang ina. 

"You don't have to do this Mom." 

"At bakit hindi?" 

Napahinga siya nang malalim. "I'm already dating someone." 

Napatigil ang ginang saka napalingon sa kanya. Bahagya pang tumaas ang kilay nito at para bang naninimbang pa kung 

nagsasabi siya ng totoo. 
"Totoo ang sinasabi ko. I have a new girl." 
"Then let me meet her." 
*** 

HINDI naging maganda ang gising ni Reeze. Mapahiya ba naman siya ng sobra kagabi? 
Dumeretso siya sa kusina at binuksan ang refrigerator. Tinitigan niya isa-isa ang mga laman niyon. Kahit pumili ng 

aalmusalin ay hindi niya magawang pag-isipan ng matino. Napahinga na lang siya ng malalim saka kinuha ang isang bote ng fresh milk. Hihikab-hikab pa siyang binuksan ang kitchen cabinet. Walang kalakas-lakas na dinampot niya ang isang box ng cereal 
saka kumuha ng bowl. Natigilan siya nang maalalang muli ang nangyari kagabi. Halos pabagsak niyang inilapag ang bowl sa mesa. Nanggigigil talaga siya kay Marcus. Una sa lahat, sinira nito ang plano niya. Siya dapat ang gagawa nang bagay na 'yon ang pambibitin. Papunta na siya dapat d'on. Konting hagod na lang at iiwanan na niya itong lutang sa pananabik. Pero in the end, siya itong naiwang nakatunganga sa kakahintay ng halik. "Aargh! Nakakainis talaga!" Sa sobrang inis ay nagusot niya ang kanyang buhok. Kulang na nga lang ay sabunutan na 
niya ang sarili. Ngayon lang nangyari sa kanya ang bagay na 'yon. Ngayon lang may namahiya sa kanya nang gano'n. It 
was totally embarrassing-sucks a lot! 
Padabog siyang nagsalin ng cereals at gatas sa bowl. "May araw talaga ang lalaking 'yon sa 'kin. Makikita niya!" 
Umupo na siya pero hindi siya agad nakasubo. Muli na naman kasing nag-flashback ang lahat-magmula sa gabing inakit

 niya ito sa hotel, hanggang sa gabing pinagtripan siya ng binata. Napasimangot siya saka isinubsob ang mukha sa lamesa. 
"Nakakaasar! Nakakainis! Bwisit talaga!" 
Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwede niyang makilalang lalaki, ang Marcus Santillez na 'yon pa? Kung 
kinakarma nga siya, hindi na talaga siya natutuwa. 

Pagkuwa'y nag-angat siya ng ulo. "Ayoko na talaga!" 
Dali-dali siyang umakyat sa kuwarto at hinablot ang cellphone. She called Marcus. 
Ilang saglit ding nag-ring iyon bago ito sinagot. "Hello?" Garalgal pa ang boses ng binata na halatang nagising lang sa 

pagtawag niya. 
"Tapusin na natin 'to!" bulyaw niya dito. 
"Ano?" 
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, tapusin na natin ang kalokohang laro na 'to!" 
"Bakit ba ang aga-aga, ang init ng ulo mo?" Humikab pa si Marcus. "Ang panget siguro ng gising mo." 
"Oo. At lahat nang 'yon, dahil sayo!" 
He chuckled. "Don't tell me, dahil pa rin ito sa nangyari kagabi. Nagagalit ka ba sa 'kin dahil binitin kita?" 
"Walang'ya ka talaga!" 
"Relax ka lang kasi. Bakit naman bigla-bigla gusto mo nang tapusin ang laro? Sumusuko ka na ba? Are you falling in 

love with me baby?" panunudyo nito. 

"In your dreams! Na-realize ko lang na para tayong mga bata. And this game is too immature." 
"Oh, so you want a more mature game? No problem. Pwede naman nating i-upgrade ito eh-fun in bed!" 
Nabanat ang mga ugat niya sa narinig. "Pinaninindigan mo na talaga ang pagiging asshole mo ha?" 
"Then what do you want?" 
"My memory card-and you, out of my life!" 
Tinawanan lang siya nito. 
"I'm serious Marcus!" 
Sandali itong natahimk sa kabilang linya. Pagkuwa'y tumikhim ito. "Okay, magkita tayo." 
"Kelan?" 
"Ngayon din. Same place." 
"Sure." At siya naman ngayon ang naunang nag-end ng call. As usual, ibinato na naman niya ang phone sa kama. 

Nagpamaywang siya at humugot ng malalim na hininga. Talagang gusto na niyang maglaho nang tuluyan sa paningin 

niya ang lalaking iyon. Kung pwede lang, ngayon na din mismo. 

******** 

NAPAPAILING na lang si Marcus habang nakatitig sa phone niya. 

"Nakakatawa talaga ang babaeng 'yon." Nakangiting bumalik siya ng ayos sa pagkakahiga. 

"Hmm...Ano na naman 'yan Marcus? Baliw lang?" Lumapit si Sam sa kanya at umupo sa gilid ng kama. 

"Ano yang nginigiti-ngiti mo? Napanaginipan mo siguro ako 'no." Sinadya pa nitong lambingan ang tono ng boses. Pero

 hindi niya ito pinansin. 

"Hoy," tinapik siya nito sa braso. "Deadmahin daw ba ang ganda ko? Ano bang nangyari?" 

He looked at Sam. "Nothing. I just had a funny call." 

"Funny call? From your playmate?" Napaangat ang kilay nito. 

Tumango siya. 

"Bakit, ano naman ang sabi niya? Inamin na ba niyang in love na siya sayo?" 

"Nope. Gusto niyang tapusin na ang ginagawa namin." 

"Sumuko na siya?" 

"I don't know. Pero siyempre, hindi ako papayag. Ano siya sinuswerte? Ngayon pa lang ako nage-enjoy eh." 

"Anong balak mo?" 

Hindi siya umimik. Maya-maya'y dali-dali siyang bumangon. "I'll change the rules." 
"Change the rules? At ano na naman ang pinaplano mo ngayon?" 
Humarap siya kay Sam saka ngumiti nang makahulugan. "Patitirahin ko siya dito." 
"Huwaaatt?" Halos malaglag ang panga ni bakla sa narinig. Pero isang kindat lang ang itinugon niya dito sabay talikod. 
"Nasisiraan ka na ba Marcus? Bakit mo siya patitirahin dito? Paano kapag nalaman ng mommy mo ang tungkol d'on?" 

Tumayo na rin ito at sumunod sa kanya paglabas ng kuwarto. 
Humarap siya sa kaibigan. "Mas okay nga 'yon eh." 
"Anong okay d'on?" 
"While Reeze is around, hindi ako mapupwersa ni Mommy na makipag-date sa mga babaeng inirereto niya. Lalo pa't 

nasabi ko na sa kanyang I have a new girl." 
"So si Reeze ang ipapakilala mong new girl?" 
"Exactly!" 
"Oh well, base sa pagkakadescribe mo sa babaeng 'yon, I don't think magugustuhan siya ni Madam." 
Napakibit-balikat lang siya. "I don't really care." 
Naningkit ang mga mata ni Sam. "Nakakaloka ka na talaga Marcus ha! Ano ba talagang nasa isip mo?" 
Muli lang niyang binalewala ang sinabi nito saka dumeretso sa banyo upang maligo. He smiled. Excited na siya sa 

binabalak niyang part two ng game. 
******** 
"ANG AGA namang dumating ng baby ko," bati ni Marcus sa kanya nang makaupo ito sa harapan niya. They've 

decided to meet up in the same place. 
"Huwag mo na akong matawag-tawag na baby!" mataray niyang tugon. 
"Kung alam ko lang na magiging masama ang gising mo ngayon, hindi na sana kita iniwan kagabi." Kumindat na 

naman ito sa kanya. "Itinuloy ko na lang pala sana ang ginawa ko." 
Pinandilatan niya ito sabay sipa sa paa nito sa ilalim ng lamesa. 
Tumawa ito. "Gusto mo bang i-relax kita ngayon. Nandiyan lang ang hotel oh." 
"Gusto mo pa ng isang sipa?" 
"Depende kung paanong sipa ang gagawin mo." Makahulugan na naman itong ngumiti sa kanya. 
"You're really one hell of a pervert!" 
"Pervert? Why? Sino bang nag-iisp ng masama sa 'tin?" 

Talagang inuubos ng lalaking ito ang pasensya niya! 
"Okay, let's be serious. Anong gusto mong mangyari?" 
"Give me the card then get out of my life-forever!" 
"Hindi pwede," matigas nitong tugon. 
"At bakit hindi?" 
"We have a deal, remember? Ano 'yon, basta-basta ko na lang kakalimutan iyon at ibibigay sayo ang memory card?" 
Hindi siya nakasagot. 
"I can't simply give what you want." 
"Ayoko na ng larong 'to." 
"Bakit?" 
Napakagat-labi lang siya. Gusto na talaga niyang tapusin ang kalokohang ito. Sa tuwing maaalala niya at makikita ang 

mukha ni Marcus, pakiramdam niya'y binabangungot siya. Ilang porsyento din ang nawala sa self-esteem niya nang 

dahil sa lalaking 'to. 

"Sige. Baguhin natin ang rules." 

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Let's make it more exciting. Live with me." 

"What?" She frowned. 

"Stay in my condo for quite some time. Hindi ba mas okay 'yon?" 

"Ano na namang pakulo 'to?" 
"Ginagawa ko lang mas exciting ang laro. Kung mas palagi tayong nagkikita at nagkakasama, mas mapapabilis ang 
progress ng game." 

Grabe na 'to! Hindi siya makapaniwalang nakikipag-usap siya sa isang lunatic na kagaya nito. 

"Hindi mo kaya?" 

Hindi siya sumagot. Mataman siyang nag-isip. She obviously doesn't want to stay anywhere near him. Kung hindi lang 

naman talaga dahil sa hawak nito ang video, hindi niya pupuwersahin ang sariling makipagkita dito. Para sa kanya, ito 
na ang worst guy na nakilala niya sa buong buhay niya. 
"Ayoko. Paano namang may nabago sa rules? Dinagdagan mo lang eh." 
"Meron. Because from now on, I won't force you to make me love you." 
"Then what?" 
"I'll be the one to do it. I'll make you fall in love with me in few days." 
She sneered. "Talagang malaki ang bilib mo sa sarili mo ano?" 

"Three weeks, I'll do it. Kapag hindi ko nagawang mapahulog ang loob mo sa 'kin sa loob ng panahong 'yon, I'll give 

you the video. Do whatever you want. And after that, mawawala na 'ko sa buhay mo." 
Napahinga siya nang malalim. Sige lang, sasakyan niya kung anong gusto nito. Tutal, nakaisip na rin siya ng plano. 
Kukunin na lang niya ang memory card. Mabuti nga siguro kung magi-istay siya sa condo nito. Mas mapapadali ang 
paghanap niya doon. Sa oras na makuha na niya iyon, tapos na ang kalokohang ito. 

"Kelan mo gustong tumira ako d'on?" She looked straightly into his eyes. 
"Bukas na bukas din." 
******** 
MATAGAL-TAGAL din siyang nakatitig lang sa maletang nakapatong sa kama. Gagawin ba talaga niya ito? For three 

weeks, makakasama niya ang walanghiyang iyon! Pero ano bang inaalala niya? Ang kailangan lang naman ay malaman niya kung nasaan ang memory card. Sa oras na makita niya iyon, tatakasan na niya si Marcus. Kulitin man siya nito pagkatapos, deadma na lang. 
Bumuga siya ng hangin at binuksan ang cabinet. Isa-isa na niyang inayos ang mga damit at gamit na dadalhin. 
"Within three weeks, pai-in love-in niya 'ko?" She snorted. "Asa lang siya! Dahil hindi ako basta-basta bumibigay." 
******** 
HAPON na nang makarating siya sa condominium na tinutuluyan ng binata. Susunduin daw dapat siya ni Marcus pero 

nagkaroon ito ng emergency meeting sa opisina kaya't ibinigay na lang nito sa kanya ang address. 
"Nandiyan ka na?" tanong ng binata mula sa kabilang linya. 
"Yeah. I'm at the lobby. So ano 'yon, basta na lang ako aakyat at pupuwesto sa harap ng unit mo?" 
"Just wait there, susunduin ka ni Sam." 
"Sam? Sino naman 'yon?" Pero wala na siyang narinig sa kabilang linya. 
"Ang bastos talaga ng lalaking 'yon!" 
Ilang saglit pa siyang naghintay. Hanggang sa may isang taong lumapit sa kanya. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang 

paa. Nakasuot ito ng puting leggings at shirt na fitting. Naka-headband pa ito na kulay pink at sadyang itinerno sa flip 

flops na suot. 
Nairita siya nang mapansing nakaangat ang kilay nito sa kanya at nakakrus pa ang mga braso. At grabe din itong 
makasuri sa kanya. Para bang hinihimay-himay ang buong pagkatao niya. Tinatarayan ba siya ng baklang 'to? Huwag 
lang siya nitong subukan at talagang papatulan niya ito. Mainit pa naman ang dugo niya sa mga beki na kagaya nito. 

"Are you the bitchy-room-crasher?" 
"I'm sorry?" Tumaas na din ang kilay niya. 
"Oh well, mukhang ikaw na nga 'yon. Sumunod ka sa 'kin," pagkasabi'y inismiran siya nito sabay talikod. 
"Excuse me, you frog?!" sigaw niya dito. 

Tila naman nabanant bigla ang mukha nitong napahinto sa paglakad at humarap sa kanya. "Anong sabi mo, frog?" 
"Yeah! Basta ka na lang lumapit sa 'kin at inismiran ako na akala mo kung sino ka!" 
"Haliparotang babaeng 'to!" Nagpamaywang ito. "Sinasabi ko na nga bang masangsang ang amoy ng ugali ng babaeng 

ginawang playmate ni Marcus eh." 
Natigilan siya. "Marcus? Ah, so ikaw 'yong Sam?" 
Taas-noo itong tinitigan siya. "Oo at wala ng iba! Kaya huwag kang magmataray diyan!" 
"Kaanu-ano ka ba ni Marcus?" 
"His special someone. At kasama niya akong nakatira sa condong ito. Kaya paurungin mo 'yang matalas mong dila at 

matuto kang makisama." 
Kumunot ang noo niya. "What? Kasama sa condo? Special Someone?" 
Don't tell me, Marcus is...a gay? naisaloob niya. 
"Halika na sa taas at ide-devil tour pa kita!" Sabay talikod na naman nito sa kanya. 
Napanganga na lang siya. Oh my God! Ano ba 'tong napasok ko?

 *** 

NAPATINGIN si Marcus sa wristwatch na suot niya. Alas-kuwatro na ng hapon. Pero buti na lang at maagang natapos ang meeting nila. Nagkaroon kasi ng issue sa isang nilang kliyente at kinailangan pa niyang magpa-conference call para lang maayos ang gulo. Fortunately, everything went well.
 Palabas na siya ng building nang makasalubong niya sa labas ang isang pamilyar na babae. Napahinto siya. It was Heidi.
 Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "Free ka ba?"
 He casually nodded. Ilang linggo din niya itong hindi nakita. Noong magbreak sila'y lumipad kaagad ito sa Italy para sa
 isang business trip. Ni hindi na nga sila nagkakausap kahit sa phone.

 Sa isang snack bar na nasa ground floor ng building na lang nila napiling mag-usap. 
"How are you?" nakangiting tanong nito sa kanya. 
"I'm fine. How about you?"
 "Same. But still moving on."
 Napayuko siya.
 "Hey, hindi mo kailangang ma-guilty. After all, ako lang naman ang nagpilit sayo na patagalin ang relasyon natin eh."
 Hindi siya nakaimik.
 Kung tutuusin, wala halos ipinagbago si Heidi. She's still the same pretty girl. Half-Filipina, Half-French ito. Pero mas 

malakas ang dugo ng huling lahi nito. Her soft and wavy hair is still there. At naroon pa rin ang malaanghel nitong mukha. Aaminin niyang he's totally attracted to her. Wala naman sigurong lalaki ang hindi mahuhumaling ditto, idagdag pa na napakabait nito. Totoong naging seryoso siya dito. Heaven knows how much he tried to love her. Pero hindi niya rin pala nagawa. Ang buong akala niya'y maiiba ito sa mga babaeng nakarelasyon niya noon. Ang akala niya'y magagawa nitong ipakalimot ang babaeng una niyang minahal. Pero sa bandang huli, wala ring nangyari. "Huwag kang mag-alala. Wala akong ibang intensyon sa pakikipagkita sayo ngayon. Gusto lang talaga kitang kamustahin, pati na rin si Auntie. Hindi lang ako makadalaw sa kanya dahil nahihiya ako." "Don't worry, alam na ni Mommy ang tungkol sa nangyari sa 'tin." "I see. So anong sabi niya?" "Siyempre nagalit siya. Para namang hindi mo siya kilala." "Hindi na 'ko magtataka kung ipu-pursue pa rin niya ang paghahanap ng magiging nobya mo." Napangiti lang siya. Sandali din silang natahimik dalawa. Pagkuwa'y si Heidi na ang muling nagsalita. "Kung mahal mo pa rin siya, bakit hindi mo siya balikan?" "It's not that simple," wala sa loob na naisagot niya. Dahil sa totoo lang, hanggang ngayon ay tinatanong pa niya ang sarili niya kung mahal pa rin niya ang babaeng 'yon. 
 "Kung hindi man kayo magkabalikan ulit, sana makahanap ka na ng babaeng mamahalin mo. Iyong makakahigit sa kanya." Napatingin lang siya sa malayo. ********
 "GAANO na kayo katagal nagsasama ni Marcus?" pasimpleng tanong ni Reeze kay Sam. Nasa elevator na silang dalawa. Pero talaga namang may gap sa pagitan nila-iyong tipong parang allergic sila sa isa't isa. Basta, hindi niya feel ang aura ng baklang 'to. Talagang nag-iinit ang ulo niya.
 "Since college, magkasama na kami," mataray nitong sagot na hindi man lang siya nililingon. Since college? Naningkit ang mga mata niya. Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwalang ang lalaking nakasiping niya ay isang...gano'n! Hindi tuloy niya alam kung mandidiri siya o ano. Isipin pa lang niyang nakipagpitikan siya dito sa kama'y nangingilabot na siya. Muli niyang sinipat ang kabuuan ni bakla. Infairness, makinis at maputi ang balat nito. Hindi rin makikitaan ng kahit 
anong butas ang mukha nito. Mukhang maalaga naman ito sa katawan. Iyon nga lang, para itong kawayan. Matangkad 
ito pero sadyang pinagsadlakan ng malupit na mundo sa sobrang kapayatan. Walang kalaman-laman. 
Ganito ba talaga ang taste ni Marcus?

 Ah, no wonder kung bakit nag-enjoy ito sa alindog niya noong gabing inakit niya ito sa hotel. But still, learning that Marcus has a gay partner really gives her the creeps. "Anong tinitingin-tingin mo? Insecure ka?" Pag-irap sa kanya ni Sam. "At bakit ako mai-insecure sa katulad mo?" Pagtataray niya. Ang kapal din ng mukha ng baklang 'to ah! Hindi na siya nito sinagot. Nang tumigil sa eleventh floor ay lumabas na rin sila ng elevator. Huminto sila sa tapat ng isang unit at kaagad na binuksan iyon ni Sam.
 Pagpasok sa loob ay sinalubong agad siya ng kakaibang ambience. Persian blue ang motif niyon. Kakaiba din ang disenyo ng sofa at couches. Mayroon itong maliit na veranda. Makabago din ang lahat ng appliances na naroon magmula sa sixty-inch LED television, hanggang sa refrigerator na may ice maker.
 Mukha ngang big time si Marcus.
 "Ito ang unit namin ni Marcus. Feel at home ka kahit hindi kita feel," hirit na naman ni Sam.
 Hindi niya ito pinansin. Abala lang siya sa paglibot ng kanyang tingin sa paligid.
 Pinasunod naman siya nito sa bahagi kung nasaan ang mga kuwarto. May tatlong pintuan d'on.
 "Iyong nasa gitna, banyo. Itong pintuang nasa kaliwa, kuwarto ko." Taas-kilay itong humarap sa kanya. "Huwag ka 

lang magkakamaling pumasok sa room ko at siguradong tsutsugihin ko 'yang malandi mong face."
 "Ooh, as if I'm scared!" She sarcastically rolled her eyes.
 Pero muli lang siya nitong inirapan. "Ito namang nasa kanan ang room ni Marcus."
 "Saan ang room ko?" 

 "Ay kapal ng mukha! Demanding? Ayun 'te ang room mo oh, sa sala." Ngumuso pa ito sa direksyon niyon. 
"What? Sa sala?"
 "Anong gusto mo, roommate tayo? O baka naman gusto mong magcrash-in na naman sa kuwarto ng Marcus ko? 
Mangarap ka lang dahil hindi ako papayag."
 Tinignan niya ng masama si Sam. Napipikon na siya dito. Pero hindi na lang siya nagsalita. Gusto niya munang magpahinga. Tumalikod na siya dito at inilapag ang mga gamit sa gilid ng mahabang sofa. Saka siya umupo. Pero hindi siya kumportable. Honestly, kahit naman soothing ang feeling ng paligid, naroon pa rin ang paninibago. Matagal din kaya ang tatlong linggo na titira siya doon-na kasama ang baliw na si Marcus Santillez, at may sabit pang bakla na may makating dila.
 Pero ayos lang, baka nga isang gabi lang siya manatili doon eh. Mamaya rin ay hahanapin na niya ang memory card. Buti na lang at hindi masyadong marami ang gamit na dala niya. At least, hindi siya mahihirapan sa pagtakas.
 Nilapitan siya ni Sam at umupo ito sa kabilang couch.Tinitigan na naman siya nito ng nakakainis. "Reeze ang pangalan 
mo hindi ba?"
 Kaswal lang siyang tumango.
 "Marami nang nasabi sa 'kin si Marcus tungkol sayo. At alam ko din ang tungkol sa deal n'yong dalawa."
 "So alam mo din ang tungkol sa video?"
 "Oo naman."
 Sandali siyang napaisip. Parang gusto niyang asarin nang konti ang baklang ito. "Okay lang sayo na may nangyari sa 
'min ng Marcus mo?"
 "Inakit mo lang naman siya noong gabing 'yon eh."
 "Pero nag-enjoy siya."
 Napanganga si Sam. Maarte pa itong napatutop sa bibig. Pero siya, pangiti-ngiti lang.
 "Nakakaloka ka. Ngayon lang ako nakakita ng isang babaeng proud pa sa katangahang nagawa."
 Kumunot ang noo niya. "Katangahan?"
 "Oo. Ano pang tawag mo d'on? Dakilang pagkakawang-gawa ng laman?"
 "Gusto mo bang matagpi ko 'yang nguso mo?"
 "Ooh, as if I'm scared!" Nang-aasar pa itong ginaya ang sinabi niya kanina.
 Napapikit siya nang mariin. Konting-konti na lang talaga ang pasensya niya dito.
 "Para sabihin ko sayo, si Marcus, lalaki lang. Talagang may kahinaan 'yan."
 Pilit niyang pinakalma ang sarili at muling humarap dito. "Tama ka. Lalo kung naghahanap siya ng isang bagay na 
hindi kayang ibigay ng partner niya." Makahulugan niyang pinasadahan ng tingin ang buong katawan nito. 
 Lumipad na naman ang kilay ni Sam na sinadyang kinulayan ng brown. "At ano naman ang ibig mong sabihin?"
 "Bakit, may maibibigay ka bang harap at baba?"
 "Malditang 'to! Akala mo kung sinong kagandahan."
 "Oo. Dahil talagang maganda ako-at may katawan na pinag-aagawan ng mga lalaki. Eh ikaw, ano bang ipinagmamalaki

 mo? 'Yang mukha mong tinapalan lang ng concealer?"
 Naningkit na ang mga mata nito. Nagpamaywang na rin ito sa kanya. "Hoy babae, para sabihin ko sayo, kahit wala 

'tong concealer, mas makinis pa 'to sa mukha mo 'no."

 "Talaga lang ha?"

 "Ang kapal nito! Kapag ako nainis sayo, ihuhulog kita sa may swimming pool!"

 Hihirit pa sana siya nang may biglang dumating. Sabay pa silang napatingin kay Marcus.

 "Ano bang nangyayari dito? Ang ingay naman!" bungad ng binatang kay Sam agad napatingin.

 Napatayo naman ang bakla at tumingin kay Marcus na para bang nagpapaawa. "Ito kasing babaeng 'to eh. Laitin ba 

naman ang pretty face ko?"

 She sneered. "At sino kayang unang nanlait sa 'tin? Ako pa talaga ang tinawag mong bitchy-room-crasher?"

 "O bakit, totoo na-"

 "Stop it! Ngayon pa lang kayo nagkakilala, para na kayong mga bata kung mag-away." Napabuntong-hininga si 

Marcus.

 "Pagsabihan mo 'yang Sam mo! At hindi niya kilala kung sinong binabangga niya."

 Tinignan siya ng matalim ni bakla. Pero hindi siya nagpatalo sa pakikipagtitigan dito.

 Saka siya tinignan ng binata. Makahulugan itong ngumisi sa kanya. Nang makahalata'y binalingan niya agad ito. 

"Anong tingin na naman 'yan?"

 "Wala lang. I'm just happy because you're finally here."

 Inirapan niya ito.

 "Bakit nandito ang mga gamit mo?" tanong ni Marcus.

 "Eh saan ko pa ilalagay, kung dito rin naman ako matutulog?"

 "Sinong may sabing diyan ka matutulog?" Dali-dali nitong dinampot ang maleta niya at ipinasok sa kuwarto nito. 

Napasunod naman siya kaagad dito.

 "W-wait, bakit dito mo pinasok ang mga gamit ko?"

 Hindi siya nito tinugon. 

Sandali siyang napaisip. "Ah, alam ko na. Dito mo ako patutulugin, at sa kuwarto na lang ni Sam ikaw magii-stay?"  He smirked. "Sinong may sabi sayong sa kuwarto ako ni Sam matutulog?"
 "H-ha? Huwag mong sabihing magkasama tayo sa iisang kuwarto?"
 "Exactly!"
 "What?" Napataas ang boses niya. "Hindi pwede!"
 "At bakit naman hindi pwede?"
 "I can't sleep with you in one room."
 Ngumiti ito nang makahulugan. "Why? Baka nakakalimutan mong minsan na nga tayong natulog magkasama." 

Humakbang ito palapit sa kanya.
 Naumid niya ang dila niya saka siya napaatras. Kakaiba ang tinging iyon ni Marcus. Nakakatakot.
 "So I don't see anything wrong from sleeping together in one room."
 "Basta hindi pwede!" Bahagya siyang napaigtad nang maramdamang napasandal siya sa pader.
 "Natatakot ka ba na may gawin ako sayo." He stepped closer to her. Hanggang sa isang dangkal na lang ang layo nito 

sa kanya. Isinandig pa nito ang isang braso sa pader na pinagsasandalan niya. Shit! Lumayo ka ngang Marcus ka sa 'kin! "Nasa bahay na kita ngayon. Kaya pwedeng-pwede ko nang gawin sayo ang kahit anong gusto ko." Damn him! Hindi siya makapagsalita. Sobrang nakakatunaw ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Napalunok siya nang mapadako na naman ang tingin ni Marcus sa mga labi niya. Ano na naman ang binabalak nitong gawin sa kanya? Nagtataasan ang mga balahibo niya. Hindi niya alam kung sa anong dahilan. Hanggang sa hindi niya namalayang 
napapikit siya. "Inaabangan mo na naman ang halik ko?" At nakarinig na naman siya nang nakakalokong tawa mula dito. Napamulat siya saka tinitigan ito nang masama. "Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko?" Lumayo na ito sa kanya, pero naroon pa rin ang nakakainis nitong ngiti. "Don't worry. Hindi naman tayo magtatabi sa 
kama eh. Diyan sa sofa bed ka matutulog." Sabay turo nito sa nasa gilid niya.
 Napatda lang siya sa kinatatayuan. Then Marcus smiled at her again-but this time, a different smile. Saka ito lumabas ng kuwarto. Nakuha pa talaga nitong magpa-cute ha! *** 
"IKAW ang nagluto?" Parang hindi pa makapaniwala si Reeze habang pinapanood si Sam na nagtatanggal ng suot na 
apron. 

"Oo. Bakit may angal?" mataray nitong tugon. 
Inisnab lang niya ito saka isa-isang tinignan ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Infairness, mukhang masarap. May 
dalawang klase ng chicken dishes doon na hindi niya alam ang tawag. Pero wala na siyang balak alamin 'yon. Ang 
importante'y katanggap-tanggap naman sa tiyan ang itsura ng mga iyon. 

Napatingin siya kay Marcus na palapit sa dining. "Huwag kang mag-alala. Masarap magluto si Sam. He studied 
Culinary arts." 

"Oo nga 'te. Kaya kahit alam ko kung paano manglason ng tao, hindi ko gagawin sayo." 
Saglit lang niya itong tinapunan ng masamang tingin pero hindi na siya nakaipagsagutan dito. Ayaw niyang magsimula 
na naman ng away sa baklang 'to. Not worth her time. 

"Let's eat." Nang makaupo na si Marcus ay nagpasya na din siyang umupo sa harap nito. 

"Sige na kumain na kayo diyan at gogora muna ako." 

"Saan ka pupunta?" maang na tanong niya kay Sam. Noon lang niya napansing nakaporma pala ito. Naka-off shouldered

 top ito na tinernuhan ng tight jeans. 
"Concern ka?" Tinaasan na naman siya nito ng kilay. "Huwag kang mag-alala babalik pa naman ako dito at kailangan pa

 kitang bantayang lokaret ka." 

"Bantayan naman saan?" 

"Saan pa?" Makahulugan pa itong sumulyap kay Marcus na hindi naman napansin ng binata. 

Hindi na lang niya tinugon ang bakla. Gutom siya ngayon kaya't wala siya sa mood makipagtarayan dito. 

"Sige na Papa Marcus, mauuna na ako at late na ako sa usapan namin ng mga amiga ko. Mag-ingat ka diyan ha!" At 

nakuha pa siya nitong irapan bago tuluyang tumalikod at lumabas ng condo. 
Iiling-iling lang na napatingin sa kanya si Marcus. 
Tumikhim siya. "Teka lang, wala ka pang nililinaw tungkol sa agreement natin." 
"Hindi pa ba malinaw sayo na tatlong linggo kang titira dito kasama ko?" 
"So gano'n lang? After three weeks, pwede na akong umalis at makuha ang memory card?" 
Tumawa ito. "If you can win the game, then it's a yes." 
"Of course I will." Naningkit ang mga mata niya. 
"Tignan natin. Baka nga mamayang gabi lang eh bumigay ka na." 
"Kapal nito!" Inismiran lang niya ito saka niya naalala si Sam. Nagtaka siya. Ayos lang ba talaga dito na nagpapatira ng 

babae sa condo ang lalaking kinakasama nito? Sa totoo lang wala siyang masyadong alam sa lifestyle ng mga binabaeng kagaya nito. Hindi naman kasi siya madaling maging close sa mga iyon. Mas madalas pa nga, nakakaaway lang niya 
ang mga ito. At iyon ang dahilan kung bakit wala siyang masyadong ideya patungkol sa kung paano makipagrelasyon 

ang mga ito-sa kapwa lalaki. 
Pero sa kaso ni Sam, hindi ba dapat umpisa pa lang ay hindi na ito sumang-ayon sa kalokohan ni Marcus? Kung 
talagang mahal nito ang lalaki'y hindi ito basta-basta papayag na may ibang babae itong makakasama. 

Napasulyap siya kay Marcus. Hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin siyang isipin na may karelasyon itong bading. Pero mas hindi niya kinakaya ang katotohanan na may nangyari sa kanila nito. Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit sa tuwing magkakaharap sila o magkakausap ay nakakalimutan din niya ang bagay na iyon. All she can see through him is a real man-a real asshole! Basta maghintay ka lang Marcus, dahil sinisigurado kong wala pang three weeks, magdi-disappear na ako tangay-tangay
 ang memory card! Matalim niya itong tinignan habang isinisigaw ang bagay na 'yon sa kanyang isipan. Pero saan nga ba niya hahanapin ang memory card? Kailangan niya munang malaman kung saan nakatago 'yon. Ah, mamaya na lang niya ito tatanungin. Pero dapat pasimple lang at maingat. Mahirap nang mahalata nito ang binabalak niya. 
Agad siyang yumuko nang mapansing mapapatingin na ito sa kanya. Poker face lang siya. Pero hindi niya naiwasang 
mag-angat muli ng ulo nang maramdamang nakatitig ito sa kanya. 
"May problem ba? Bakit ganyan ka makatingin?" 
He smirked. "Wala naman," pagkasabi'y ibinalik nito ang tingin sa pagkain. 
Ang weirdo talaga! 
Pagkuwa'y narinig niyang tumikhim ito. "By the way, free ka ba sa Saturday?" 
"Oo," kaswal siyang sumagot. "One month akong naka-leave sa work ngayon. Bakit?" 
"That's good. May pupuntahan tayo." 
"Saan naman?" 
"You'll know." 

"Teka, hindi naman kasama sa deal 'yan ah?" 
He smiled-impishly. "Of course it is. Nakalimutan mo na ba? We just changed the phase of the game, pero ang 
mechanics, gano'n pa rin." 

Napahinga na lang siya ng malalim. Malapit na talaga siyang mabaliw sa taong ito. 

Pagkuwa'y hindi na siya nakatiis na magsalita. "Paano mo ba nagagawa ang bagay na ito? I mean, Sam is just around. 
Hindi ka man lang ba naaawa sa kanya?" 
Kunot-noong napatingin ang binata sa kanya. 
"Alam kong lalaki ka lang kaya madali kang matukso sa babae. Sa ganoong bagay siguro, matatanggap niya ang 

nangyari. Pero ang ipagpatuloy ang laro nang ganito, hindi ba sobra na 'to para sa kanya?" 
"I don't get you?" 

"Look, now I understand kung bakit ka nakipaghiwalay sa ex mo. Obvious naman na dahil iyon sa pinili mo si Sam. 
Pero-" 
"Ano bang sinasabi mo Reeze?" Nagtataka na talaga si Marcus. 
"Ang sinasabi ko, i-consider mo naman ang feelings ni Sam. Hindi mo ba naisip na pwedeng nasasaktan siya ngayon?" 
"What?" Hindi alam ni Marcus kung matatawa ba sa mga naririnig mula sa kanya o ano. 
"Alam kong may relasyon kayong dalawa at-" 
"Relasyon? Kami ni Sam?" 
"O-oo. Kayo ni Sam 'di ba? I mean, kaya nga kayo nagsasama ngayon?" 
Napanganga ang binata. Maya-maya'y napatawa ito ng malakas. 
"Anong nakakatawa?" 
"So iniisip mong may relasyon kami ni Sam?" 
"Pero 'yon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya." 
Hindi siya nito tinugon. Wala pa rin itong tigil sa pagtawa. 
"Marcus?" Nagsalubong na ang mga kilay niya. 
"It's funny...really funny." 
"Teka nga. W-wala ba kayong relasyon?" 

"Come on Reeze, Sam is just my close friend-since college." 
"Pero ang sabi niya-" Napaawang ang mga labi niya. Saka siya napapikit nang mariin. Ang baklang 'yon! 
Masasabunutan talaga niya ang Sam na 'yon mamaya kapag nagkita sila. 

"Look at me Reeze, do I look like a gay or someone na pumapatol sa katulad ni Sam?" He leaned forward. Pero halos 
hindi siya makatingin dito. Nahihiya siya. 
"Matapos kitang mapaligaya nang gano'n, maiisip mo ang bagay na 'yan?" 
Pinandilatan niya ito. "Mapaligaya? Ang kapal talaga ng mukha mo ano?" Then she stood up. 

"O, saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain ah." 
"Nawalan na 'ko ng gana!" Padabog siyang humakbang palayo. Pero agad siyang sinundan ni Marcus at hinila ang 
kamay niya. Awtomatiko naman siyang napapihit paharap dito. 

"Hey, hindi ko alam kung anong sinabi sayo ni Sam. But like what I've said, wala kaming relasyon." Makahulugan itong
 tumitig sa kanya. "Why? Nag-alala ka ba nang malaman mo 'yon?" 

"Kinilabutan hindi nag-alala," sarkastikong tugon niya. 

Pagkuwa'y marahan siya nitong hinila payakap sa katawan nito. Bumangga pa ang mukha niya sa dibdib ni Marcus. At 

naroon na naman ang nakaliliyong bango nito. Nainis na naman siya. 
Then he whispered near her ear. "Don't worry, 'coz you'll definitely fall in love with a real man." 
Nag-angat siya ng ulo. Pero iyon ang isang malaking pagkakamaling nagawa niya. Masyado nga palang malapit ang 

mukha nito. Marcus is now seeing an opportunity to kiss her again. 
Pero hindi na siya papayag na maloko ulit nito. Kaya naman halos sampalin niya ang sarili sa isipan niya huwag lang 

siyang mapapikit. But then, mukhang iba ang nangyayari. Biglang naging seryoso ang mukha ni Marcus. Nakapako ang 
tingin nito sa mga labi niya. His eyes were full of desire. At ngayon lang niya napansin ang mga tinging iyon ng binata. 
Oh well, mukhang pagkakataon na niya ito. Alam niyang nabago na ang rules ng game. Pero wala namang masama 

kung magagawa pa rin niya itong mapa-in love sa kanya. Kahit man lang d'on, makaganti siya sa walang hiyang ito. 
Nauna itong pumikit. Dahan-dahan nitong ibinaba ang mapupulang labi nito sa kanya. Hinintay niyang lumapit pa ito ng
 konti. Saka niya mabilis na iniharang ang kanyang daliri sa mga labi nito. 

She smiled and whispered. "Hinay-hinay ka lang baby. Baka naman ikaw na pala ang in love sa 'kin, hindi mo lang 
namamalayan..." 
Napamulat ito saka tumayo ng tuwid. Bahagya pang napaawang ang mga labi nito. Tila ba nagulat ito sa nangyari. 
"O, anong reaksyon 'yan? Huwag mong sabihing nilamon ka lang ng mga sinabi mo kanina?" Nginitian niya ito nang 

makahulugan saka niya ito tinalikuran. 

Naiwan si Marcus na halos matulala sa nangyari. Naihilamos pa niya ang palad sa kanyang mukha. Then he whispered. 
"What the hell was that Marcus?" 
*** 

TODO pihit si Marcus sa shower valve. Kailangan niya ng matinding tama ng tubig sa katawan para tuluyang magising.
 Ano ba talagang nangyari kanina? Ang totoo'y wala naman siyang balak na halikan si Reeze. In fact, he was about to trick her again. Pero mukhang siya ang naloko. 
Hindi niya alam kung bakit habang tinititigan niya ito'y bigla siyang nawala sa katinuan. All he wanted is to kiss those lips again. Saka nga lang siya natauhan nang maramdaman ang pagdampi ng daliri ni Reeze sa mga labi niya. 
He gently stroked his hair while recalling what happened earlier. Napangiti siya. Naisahan din siya ng babaeng 'yon ah. 
And it looks like he's enjoying the game more. 
******** 
"ANONG akala niya, maiisahan na naman niya ako ngayon? Asa lang siya!" mataray na bulong niya sa sarili habang tinatapos mag-ayos sa kusina. Siya na ang nagkusang magligpit ng kinainan nila. Buti na lang din at may dishwasher doon, at least napadali na ang lahat sa kanya. Muli na naman niyang nailibot ng tingin ang paligid. Sa itsura ng mga appliances doon, natitiyak niyang maganda talaga ang buhay ni Marcus. 
Napahinga siya nang malalim. Bigla kasi niyang na-miss ang apartment niya. Ni hindi nga siya sigurado kung makakatulog siya ng maayos mamayang gabi-isipin pang makakasama niya sa iisang kuwarto ang lalaking 'yon. Then she remembered something.
 Ang memory card! 
Nang masigurong maayos na ang lahat sa kusina'y dali-dali siyang nagtungo sa kuwarto. Pero bago tuluyang pumasok ay pinakiramdaman niya muna si Marcus sa loob ng banyo. Mukha namang hindi pa ito tapos mag-shower. 
Pumasok agad siyas sa loob. Inuna niyang silipin ang drawers ng bedside table. Binuksan niya ang una. Sticky note pad,
 ballpen at phonebook lang ang nakita niya doon. Sunod naman niyang tinignan ang nasa ilalim. Pero PSP, Nintendo DS
 at kung anu-ano pang gadgets lang ang tumambad sa kanya doon. Ilang saglit din niyang hinalungkat ang mga iyon pero bigo siyang makita ang memory card. 
Then she went to the other side. 
Napadako ang tingin niya sa drawing table na naroon. Oo nga pala't isang architect si Marcus. Sa ibabaw niyon ay may malaking tracing paper. Napatingin siya sa naka-sketch na bahay doon. Sa biglang tingin, iisiping tapos na iyon. Pero kapag sinuri iyong mabuti, mare-realize na may kulang pa sa drawing na iyon. Hindi nga lang niya matukoy kung ano. 
Then she frowned. Para kasing pamilyar ang disenyo. Pakiramdam niya'y nakita na niya ito pero hindi lang niya maalala kung saan. 
"That's my dream house." 
Napapitlag siya nang biglang magsalita sa likuran niya si Marcus. Hindi pala niya namalayang nakalapit na ito sa kanya. 
Napalingon siya dito. He was gently rubbing his hair with a towel. Pasimpleng bumaba ang tingin niya. And yeah, he was topless. Ayan na naman ang abs, pinatitikim na naman ng kasalanan ang kanyang mga mata. 
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Doon palang kasi, naco-corner na ang paningin niya. Paano pa kaya kapag gumapang na 'yon sa baba? Pero bakit nga ba siya naco-conscious? Nakita na naman niya ang lahat sa lalaking ito. Ang pinagkaiba nga lang, lasing siya noon. Pero ngayon, hindi. 
"Maganda siya ha," kaswal niyang komento. 
"Ang alin, 'yong sketch o 'yong iba mong nakita?" Sumilay na naman ang pilyong ngiti sa mga labi nito. 
She turned red. Saka siya matapang na humarap dito. "At ano naman ang ibig mong sabihin?" 
He chuckled. "You're blushing." 
"W-what?" 
Tumawa ito. "Baby, it's okay. You don't have to feel embarrassed. Feel free to stare." At nakuha pa siya nitong kindatan. 
Nabanat ang buong pagmumukha niya. Dali-dali niyang hinablot ang unan sa kama at ibinato sa katawan ng binata. 

"Kapal mo talaga!" Agad niya itong tinalikuran. 
"O bakit, may masama ba sa sinabi ko?" 
"Tse!" 
Bumunghalit na naman ito ng tawa. "Ang cute mo talaga!" 
"At halimaw ka talaga!" Humarap siya dito saka matalim na tinignan ito. 
"Halimaw? Yeah, one hot beast!" 
Sa narinig ay kumulo na naman ang dugo niya. 
"Relax ka lang baby. Mas maganda siguro kung mag-shower ka muna." 
Napabuga siya ng hangin. Gusto pa niya itong banatan pero naisip niyang huwag na lang itong patulan. Siya lang din 

kasi ang magmumukhang ewan sa bandang huli. 
Tama, makapag-shower muna. 
Agad niyang kinuha ang towel at toiletries mula sa bag niya. Sandali rin siyang napaisip. Kahit anong mangyari, dapat 

magantihan niya ang lalaking ito ngayong gabi. Palihim siyang napangiti. Dali-dali niyang hinalungkat ang pink 

nighties niya. Tignan lang niya kung hindi maglaway sa kanya ang Marcus na 'yon mamaya. 
******** 
DUMAMPOT ng isang T-shirt si Marcus mula sa cabinet at isinuot 'yon. Then he sat in front of his drawing table. 
Seryoso siyang napatingin sa sketch ng bahay na iyon. It was really his dream house. Actually, it's their dream house-ng 
babaeng 'yon. Nang maghiwalay sila, hindi na rin niya natapos ang design. 

Napapikit siya. Muli na naman niyang naalala ang mukhang iyon. Her smile, her voice-they still register inside his 

mind. 
Maya-maya'y napamulat siya ng napakabangong amoy. Bigla na lang iyong kumalat sa paligid. Saka siya napalingon sa 
babeng kapapasok lang sa kanyang kuwarto. 

Nakapilig ang ulo nitong pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. Sandali nitong itinuwid ang ulo. She flipped her 

hair and tilted her head again-revealing her white neck. 
Napako ang tingin niya doon. Kung malapit lang siya dito'y kanina pa niya nahaplos iyon. At baka hindi pa niya 
mapigilan ang sariling pagapangin ang mga labi niya doon. 

Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Saka lang niya napansing nakasuot ito ng nighties. It's not too daring, but he'll admit that it's turning him on. At sa totoo lang, napaka-sexy ni Reeze doon. 
Sunod namang naglakbay ang mga mata niya sa mga binti nito. Napakakinis. No scratches. No scars. 
Napalunok siya. Pinagpapantasyahan ba niya si Reeze ngayon? Oh well, ano pa bang tawag sa ginagawa niya? Basta, 
isang bagay lang ang alam niya-she's making him insane now! 

Humarap ito sa kanya saka ngumiti nang matamis. "O, natulala ka na yata diyan?" 
He smiled a bit. "Inaakit mo ba 'ko?" 
"Bakit, tinatablan ka ba?" 
Tumayo siya saka mabilis na lumapit dito. Hinaplos niya ang pisngi nito at matagal niyang tinitigan ito sa mga mata. 

Damn it! Konting-konti na lang talaga at malapit nang mablangko ang mundo niya. Kanina pa siya nanggigigil na 

halikan ang babaeng 'to! 
Pinilit niyang ipunin ang natitirang katinuan sa sarili niya. Kung may balak siyang gawing kalokohan, dapat ay nasa 
tamang pag-iisip siya. If he wanted to win, siya dapat ang magpapasunod sa puso ni Reeze. Pero...kung bakit pa kasi 
niya kailangang makita ito sa ganoong anyo? Naramdaman tuloy niya ang paggapang ng init sa buong katawan niya. 

And he wanted her. Now. 
******** 
LIHIM na napangiti si Reeze. 
Okay, I'm starting. Gusto mo ng laro, 'di ba Marcus? Heto na, ibinibigay ko na sayo, hiyaw ng isip niya. 
Hinaplos niya ang kamay ni Marcus na nakapatong sa pisngi niya. Tipid lang ang ginagawa niya sa una. Pero habang 

tumatagal ay masuyo na niya itong pinapagapang sa braso ng binata. Pinaglaro din niya ang isa niyang palad sa dibdib 
nito. And just like before, his body reacted. 

Saka siya dahan-dahang kumalas at lumayo dito. Umupo siya at nagkunwaring mag-aayos ng gamit. 
But then, biglang yumukod ang binata sa harapan niya at ipinatong ang magkabilang kamay sa headrest ng sofa bed. 
She was caught in the middle of his arms. At heto na naman ang mga mata nitong kung makatitig ay gusto siyang 
angkinin. 

Naramdaman niyang may kung anong gumapang sa bandang puson niya. Hindi siya sigurado kung ano. Mainit, na 
nakakakiliti. Oh damn! Isang tingin lang ba ni Marcus ang katapat ng alindog niya? 

Pero hindi siya pwedeng magpaapekto. Hindi lang ang memory card ang nakasalalay dito, kung hindi ang pride niya. 
She has to do her own move. Hindi niya dapat hayaan na mabaliktad na naman ni Marcus ang laro. Pero paano ba siya 
magsisimula, kung sa pagtitig pa lang nito sa kanya'y nawawala na siya sa saril niya? 

"You're tensed," he whispered. 
Nanginig siya. Kahit ang boses nito, nakakapagpatayo ng mga balahibo niya. Ano bang nangyayari sa kanya? 
Pinilit pa rin niyang maging kalmado. "Of course not." 

"Yes you are, baby. Gusto mo bang tanggalin ko ang tensyon sa katawan mo ngayon? I'll be gentle." 
Shit! 
"You want me to start now?" Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Napalunok siya. 
Hoy Reezelda, magsalita ka nga! Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Kailangan 


niyang makaisip ng paraan bago pa nito tangkaing hagkan ang mga labi niya. Dahil sa oras na si Marcus ang magsimula
 n'on, paniguradong bibigay siya! 

Ibinalik niya sa realidad ang kanyang sarili. Ipinagsalikop niya ang kanyang mga braso sa batok nito. 

She smiled-seductively! She's trying to regain her self-control. Swerte namang muling sumeryoso ang mukha ni Marcus.

 "Sino sa atin ang tensed ngayon Marcus?" 

Sinamantala na niya ang pagkakataon. She kissed him. Sisiguraduhin niyang mababaliw muli si Marcus sa halik niya. 

Pero nagsisimula pa lang siya'y kaagad siyang napahinto sa boses na narinig mula sa labas. 

"Marcus? Tulog ka-Ay ano ba 'yan!" Napatili si Sam nang bigla itong pumasok sa kuwarto. At iyon na nga, caught-in the-act sila! 
Sabay silang napatingin kay bakla. Napasimangot siya. 
Letse kang bakla ka! inis na sigaw ng utak niya. Kung kelan gumagana na ang plano niya ay saka naman ito biglang 
sumulpot. Masasakal talaga niya ito ng 'di oras! 

"Nakaistorbo ba 'ko?" Nang-aasar itong tumingin sa kanya. 

Tumaas ang kilay niya. Kung wala lang si Marcus doon ay talagang makakatikim sa kanya ang Sam na ito. 

Napahinga nang malalim si Marcus na tila ba natauhan sa kung ano. "Bakit ka ba kasi bigla-biglang pumapasok? Hindi 

ka man lang kumatok." 
"Eh palagi ko namang ginagawa 'yon 'no. Nakalimutan ko lang na may bisita nga pala tayo." Sarkastiko itong ngumiti sa

 kanya. 

Tusukin ko kaya mga mata nito? 

"Sige na. Magpahinga ka na," tugon nito kay Sam. Saka siya nito sinulyapan. "Ikaw rin." 

Pero hindi niya sinalubong ang mga tingin nito. Awkward kaya! 

Tumalikod ang binata saka lumabas ng kuwarto. 

"Saan ka pupunta Marcus?" 

"Iinom lang ng tubig." 

Sa wakas ay naiwan na silang dalawa. She gave Sam, an evil look. "Ayos rin ang timing mo ano?" 

"Bakit, nabitin ka ba?" pang-aasar nito. 

"Balatan kaya kita ng buhay diyan!" 

"Haha, nakakatakot naman!" Sam rolled his eyes. 
Naningkit ang mga mata niya dito. Konti na lang talaga at mauubos na ang pasensya niya sa baklang 'to. Nag-alala pa 

naman siya dito kanina dahil inisip niyang nasasaktan ito sa mga ginagawa ni Marcus. Iyon pala, pinagsinungalingan 
lang siya nito at ngayon nga'y sinira pa ang plano niya. Bwisit talaga! Kapal ng peg! 
"Alam mo, may araw ka din sa 'king impakta ka!" 
"Sige, wait ko ang araw na 'yon. Pero ngayon, enjoyin mo muna ang moment na 'to-ang nabiting moment!" At maarte 

pang humalakhak si bakla habang ume-exit ng kuwarto. 
Inis siyang napabuga ng hangin. Nasayang lang ang nighties niya ngayon. 
Nakakainis! 
*** 

HINDI makatulog si Reeze, pero hindi dahil sa hindi siya kumportable sa sofa bed na hinihigaan niya. Ang totoo, hindi siya mapakali. Kanina pa siya parang tanga na pasulyap-sulyap kay Marcus na nakahiga sa kama. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi rin niya masigurado kung tulog na nga ito. Kanina kasing bumalik ito sa kuwarto ay hindi na sila nakapag-usap. 
Hindi rin kasi siya sanay na may kasama sa kuwarto. Matagal siyang namuhay mag-isa sa apartment niya. Isa pa, kahit kailan ay hindi niya naisip na matutulog siya sa isang silid na may kasamang lalaki-at katulad pa ni Marcus Santillez na isang bwisit na dumating sa buhay niya. 
Marahan siyang bumangon. Parang may sariling isip ang mga paa niyang lumapit sa binata. Bahagya niyang ibinaba ang ulo niya upang pakinggan kung humihilik ito. Pero wala siyang narinig na ano man. 
"G-gising ka pa?" she whispered. Pero dagli din niyang natutop ang bibig nang ma-realize kung anong tinatanong niya. Bakit nga ba niya gustong malaman kung gising pa ito? Para ba maituloy nila ang naudlot na 'uhm' nila kanina? 
Marahas siyang napailing ng kanyang ulo. Ano bang pumapasok sa isip niya? Oo nga't nasira ang plano niya kanina nang dahil sa isang mahaderang bakla, pero hindi naman ibig sabihin noon ay wala ng ibang pagkakataon. 
Kung nagawa niya iyon kanina, magagawa rin niya ulit iyon sa mga susunod na araw. 
She slowly stooped and tried to take a peek on his face. Gusto talaga niyang malaman kung tulog na nga ito. But suddenly, bigla itong pumihit paharap sa kanya. Impit pa siyang napatili sa gulat. Buti na lang at natakpan niya agad ang
 bibig. Sinipat niyang muli ang mukha nito. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makitang nakapikit pa rin ito. 
Pinagmasdan niya ito. Ang cute pala nitong matulog. At aaminin niya sa sariling talagang guwapo ito. No wonder na maraming naa-attract dito. Hindi niya masabi kung ang matangos nitong ilong ang siyang pinaka-asset nito. Pero para sa
 kanya, mas iba ang dating ng mga labi nito. Tingin pa lang, kay sarap nang hagkan. 
Humahanga ba siya dito? No way! Hindi lang siguro talaga siya makatulog. Malay nga ba niya, baka maging pampaantok ang pagtitig sa mukha ng baliw na lalaking ito. 
Nakapako ang tingin niya dito kaya naman natigagal siya nang bigla itong magmulat ng mga mata. Hinila nito ang kamay niya at buong lakas siyang kinabig-payakap dito. Mabilis ang pangyayari.
 And now, she's over him! 
Pakiramdam niya'y nanginig ang buong kalamnan niya. She felt like she's sweating, kahit hindi naman. Tumatagos ang init ng katawan ni Marcus sa manipis niyang saplot. And she felt it...his hardness, pressing against her hips. 
Pero hindi iyon ang siyang nakapagpagbilis ng tibok ng puso niya. Seryosong nakatitig si Marcus sa kanya. Malalim iyon. Nakakapanglambot. 
"A-ano bang ginagawa mo?" alangang tanong niya dito. 
"Ikaw, anong ginagawa mo?" Seryoso din pati ang himig nito. 
"S-sinisilip ko lang naman kung tulog ka na." 
"Bakit?" 
Napalunok siya. Gusto niyang matunaw ngayon. The way Marcus stares at her, speaks to her, and touches her makes her body react in a strange manner. 
Gusto niyang mag-iwas ng tingin, pero hindi niya magawa. Tila ba iginagapos ng tingin ni Marcus ang kanyang mga 
mata. 
"Bakit hindi ka na sumagot?" he whispered again. 
"K-kanina ka pa ba gising?" 
"Yeah." 
Napalunok siyang muli. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Alam kaya nitong pinagmamasdan niya ito kanina? 
Hay naku naman Reeze! 
Hinintay niyang muling sumagot ang binata. Pero nanatili itong tahimik. 
"A-ahm, bitawan mo na 'ko." 
"Kung ayoko?" 

She frowned a bit. "At bakit naman ayaw mo?" 
Ito naman ang hindi nakapagsalita. At ngayon nga'y tila nais nitong basahin ang nasa isip niya. Hindi talaga siya 
kumportable sa ganoong anyo nila ngayon. 

Nang maramdamang bumalik na ang lakas ng katawan niya, dali-dali siyang kumalas sa pagkakayakap nito at tumayo. 

"M-matulog ka na," walang lingong wika niya dito sabay labas ng kuwarto. Napahinga siya nang malalim, napahawak 
pa siya sa kanyang dibdib. "Tubig, kailangan ko lang ng tubig." 
Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng tubig mula sa ref. Nakailang baso din siya bago nahimasmasan. Ano bang 

nangyari sa kanya kanina? Nasisiraan na ba siya ng ulo ngayon? "Hindi nga lang siguro ako dinadalaw ng antok. Tama! Hindi lang ako-Hay! Ano namang kinalaman n'on?" Naisuklay niya ang dalawang kamay sa buhok niya. Napakagat-labi pa siya nang muling gumuhit sa alaala niya ang mukhang iyon ng lalaki. 
Saka niya naalala ang pang-aakit na sinubukan niyang gawin kanina. Naudlot 'yon dahil kay Sam. Pero bakit ba hindi 
niya naisip gawin iyon kaninang nasa ibabaw siya ni Marcus? Magandang pagkakataon na sana, pinalampas pa niya. 
Gaga talaga! 
Kung 'di naman kasi bigla-bigla ay nablangko ang utak niya kanina-it flew away. Badtrip lang! 
Sunud-sunod siyang napailing habang mariing ipinipikit ang mga mata. "Pagod lang 'to Reeze. Pagod lang. Kailangan 

mo lang ng tulog." Humugot siya ng malalim na hininga saka nagpasyang bumalik na sa kuwarto. But when she turned 
around, she saw Marcus. Nakatayo ito sa harap niya. 
"A-anong ginagawa mo diyan?" gitla niyang tanong dito. 

"Iinom din ng tubig. May problema ba?" 
Napaiwas siya ng tingin. "Wala naman." Nagkibit-balikat siya saka ito iniwan. Pagpasok sa kuwarto'y muli na naman 
siyang napahinga ng malalim. 

"Ang weird ko naman ngayon. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Makatulog na nga lang." Tipid siyang ngumiti saka pumwesto ng higa sa sofa bed. Pero ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay bumalikwas siya ng bangon. Hindi na siya kumportable doong matulog. 
Dinampot niya ang kanyang unan at kumot. Sa sala na lang siyang matutulog. 
"Diyan ka matutulog?" kaswal na tanong ni Marcus na nakatingin sa kanya. Umiinom pa rin ito ng tubig. 
"Oo," tipid niyang sagot dito na hindi man lang niya nilingonan. Dumeretso siya sa sofa at umayos ng higa. 
"Bakit?" 
"Hindi kasi ako makatulog d'on ngayon eh. Baka naninibago pa 'ko." 
"Ikaw ang bahala." 
Hindi na siya tumugon. Pero maya-maya lang ay bahagya niyang inangat ang ulo niya at pasimpleng sinilip ito. Dagli 

lang siyang bumalik sa pagkakahiga nang mapalingon ang binata sa kanya. Napasilip namang muli sa kanya si Marcus. Agad siyang pumikit. Gusto niyang imulat ang isa niyang mata para malaman kung nakatingin pa rin sa kanya ang binata. Pero nagpasya na lang siyang tumalikod. 
Tutulog na talaga ako ngayon. 
Iyon nga lang, nanatiling gising ang diwa niya. Pinakikiramdaman niya kasi kung nakabalik na sa kuwarto si Marcus. 
Hanggang sa wala na siyang narinig na anumang ingay. Baka nga wala na ito doon. 
She sighed. Parang ngayon lang siya tunay na nakahinga nang maluwag. Matutulog na talaga siya. Final decision. 
But all of a sudden, naramdaman niya ang pag-angat ng kumot sa may balikat niya. She knew, it was Marcus. 
Kumunot ang noo niya. Pero hindi pa rin siya nagmulat. 
Ano bang ginagawa ng lalaking 'to? 
Nang maramdamang tumalikod na ito'y dahan-dahan niya itong nilingonan. Sinundan lang niya ito ng tingin hanggang 

sa makapasok ito sa loob ng kuwarto. 
"Weirdo!" she whispered. 
******** 
PUPUNGAS-PUNGAS si Reeze. Nasilaw pa siya sa liwanag na tumatagos sa glass window. Bumangon siya at naginat 
inat ng katawan. 

"Gising ka na pala, senyorita." Narinig niya ang tinig na iyon ni Sam mula sa kusina. Tumayo siya at nilapitan ito. 
Kasalukuyan itong naghahain ng almusal sa lamesa. Bacon, hotdog at egg ang nakita niya roon. 
"Nasaan si Marcus?" 
"Pumasok na sa trabaho," maarteng sagot nito saka umupo. "Umupo ka na dito at kumain." 
She sat in front of Sam and looked at him. Hindi pa nga pala niya ito napapatawad sa ginawa nitong pagsisinungaling at 

pananabotahe ng plano niya kagabi. 

"O, bakit ganyan ka makatingin? Umagang-umaga dini-display mo na ang insecurity mo sa 'kin?" 
Napaangat ang kilay niya. "Hoy, baklita ka. Bakit ka nagsinungaling sa 'kin?" 
"Excuse me?" 
"Ang sabi mo sa 'kin may relasyon kayo ni Marcus." 
Maang itong nakatingin sa kanya habang lumalamon ng hotdog. "Kelan ko sinabi 'yon?" 
"Kahapon. Alam mo bang inakala ko pa na nasasaktan ka sa mga ginagawa ni Marcus-thinking na pinagsabihan ko pa 

siya tungkol d'on? Tapos malalaman ko na gumawa ka lang pala ng kuwento?" 
"Hindi kita magets 'te." 
Nagsalubong ang kilay niya. Inaasar ba siya nito? "Alam mo bang pinagmukha mo akong tanga kagabi sa harap ni 

Marcus. Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin sa 'king may relasyon kayo." 

Uminom ito ng juice saka siya muling binalingan. "Bago ka magtatalak diyan, alalahanin mo nga kung sinabi ko ba talagang may relasyon kami." Muli niyang inalala ang naging pag-uusap nila kahapon magmula sa lobby hanggang sa loob ng unit. "You told me 
you're his special someone." 
"Sinabi ko nga 'yon." 
"So-" Natigilan siya. 
"Ay, so iba ang inisip mong meaning ko d'on?" 
"Eh ano pa ba?" 
"Special someone-pwede namang family o friend!" Pinatirik nito ang mga mata. "Hay naku, ang lumot ng utak ha, 'di ko

 carry!" 

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. 

"Pero sabihin mo, nagselos ka ba?" panunudyo nito. 

She sneered. "At bakit ko naman pagseselosan ang katulad mong ilusyonada? Itsura nito!" 

"Hoy babaeng pandak ang ilong, huwag kang mag-maganda diyan! Umagang-umaga, sinisira mo ang pagiging Diyosa 

ko!" 
"Anong sabi mo? Pandak ang ilong? How dare you?" 
"Totoo naman ah! Akala mo perpekto ka?" 
She gritted her teeth. Wala pang kahit na sino ang nagtangkang manlait sa itsura niya. Oo nga't hindi gaanong matangos 

ang ilong niya, pero para marinig ang bagay na iyon sa impaktitang nasa harapan niya ngayon ay talaga namang 

nanggigigil siya. 
Malalampaso ko din 'yang bunganga mong bruha ka, maghintay ka lang, pagbabanta niya sa isip. Pagkuwa'y tinapunan 
lang niya ito ng masamang tingin sabay kuha ng isang piraso ng hotdog. 

Then her phone rang. Agad siyang tumayo at pumasok sa kuwarto. Hinablot niya ang phone niyang nasa sofa bed. It was her mom. Sandali siyang nag-alangan kung sasagutin ba niya iyon o hindi. Pero napilitan na rin siyang gawin 'yon sa huli. 
"Hello?" mahinang bati niya dito. 
"Pumunta ka ngayon sa bahay," pagkasabi noo'y agad na nitong pinutol ang linya. 
She sighed. Heto na naman kami. 
******** 
NAPALIBOT ng tingin si Reeze sa buong kabahayan. The mood inside was still the same-walang kabuhay-buhay. May 

kalakihan din ang bahay nilang iyon na ipinamana ng yumao niyang lola sa kanyang ina. Dal'wa lang ang palapag niyon

 pero sadyang napakalawak nito. At sa tuwing papasok siya dito'y puro malulungkot na bagay lang ang naaalala niya. Mula sa paghihiwalay ng mga magulang niya, sa pag-alis noon ng ate niya, hanggang sa palagiang sagutan nilang mag-ina. Buti na lang talaga at maaga niyang naisipang bumukod ng tirahan. Isipin pa lang niyang magtatagal pa siya ng ilang taon dito'y talagang mababaliw na siya. 
Pagkapasok na pagkapasok ay kaagad niyang naabutang naglilinis sa sala ang nasa mahigit singkwenta anyos nang si Manang Mercing. Ito na lang ang tanging naiwang kasama ng kanyang ina sa bahay na 'yon. Naalala din niyang ito ang palaging nagtatanggol sa kanya noon sa tuwing mag-aaway sila ng mama niya. 
"Ang tagal mo nang hindi napapadalaw dito ah," bungad nito sa kanya nang lapitan siya nito. Pero isang ngiti lang ang 
kanyang itinugon. Alam din naman ng matanda ang dahilan kung bakit bihira lang siyang pumunta dito. "Nasa garden ang mama mo. Kanina ka pa niya hinihintay, at mukhang high blood na naman. Ano na naman ba ang ginawa mong bata ka?" 
"Si Manang naman oh. Kung makahirit kayo diyan parang ang pilya ng tingin niyo sa 'kin." 
Nagbiro itong nagpamaywang. "Aba'y totoo naman eh." 
Natawa lang silang pareho. 
"Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mo?" 
"Huwag na ho. Sigurado namang magwo-walk out din ako agad eh." 
Napailing ang matanda. "Ikaw talagang bata ka. Sige na lapitan mo na, bago pa mag-init lalo ang ulo n'on." 
"Sige po." Dumeretso siya sa garden na nasa likod ng kanilang bahay. Pareho pa rin ang hitsura n'on. Mahilig kasi sa 

mga halaman at bulaklak ang mama niya. Pagkarating doo'y agad niya itong namataan sa 'di kalayuan na may hawak na 
sprayer at nakatutok sa mga orchids nito. 
Lumapit lang siya nang kaunti saka tumikhim. 
"One month leave? Anong balak mo, magliwaliw?" deretsahang tanong nitong hindi man lang siya nililingon. 
Hindi siya umimik. Sinasabi na nga ba niyang tungkol dito ang pag-uusapan nila. 

"Talagang kinontsaba mo pa ang pinsan mo para lang masigurong hindi ko mahaharangan ang leave mo." 
She sighed. "It's just one month Ma. Hndi n'yo na pa po ba ako pwedeng pagbigyan d'on? Ang tagal n'yo na nga ho akong hindi pinapayagang mag-leave eh." "Dahil alam ko naman na puro kalokohan lang ang aatupagin mo. Siguro ngayon nagbabalak ka na namang mag-
organize ng walang kwentang photo shoot mo." 
Kumunot ang noo niya. "Hindi walang kwenta ang bagay na 'yon?" 
"Eh anong tawag mo d'on? Sa tingin mo ba, may mangyayari sa pagkuha-kuha mo ng mga litrato? Ganyan lang ba 

kababa ang pangarap mo?" 

Napakagat-labi siya. Talagang naiinis siya sa tuwing iinsultuhin nito ang bagay na sobrang mahal niyang gawin, lalo pa't ginagawa nito iyon nang dahil sa galit nito sa kanyang ama. "Ilang beses ba kitang pagsasabihan na itigil mo na ang bagay na 'yan? Hahayaan pa sana kita kung ibang propesyon 
ang pinili mong kunin. Pero ang-" 
"Dahil pa rin kay Papa?" pagputol niya sa sasabihin nito. "Alam kong hanggang ngayon, abot-langit pa rin ang galit n'yo

 sa kanya. At alam ko rin na dahil sa kanya kaya pinipigilan n'yo 'ko sa gusto kong gawin." 
Tiim-bagang itong humarap sa kanya. "Alam mo naman pala eh, bakit mo pa rin itinutuloy?" 
"Mama, you're being unfair. Nang dahil sa galit na 'yan, pipigilan n'yo 'ko sa kung anong nakakapagpasaya sa 'kin?" 
"Baka nakakalimutan mo kung gaano kasakit ang ginawa ng ama mo sa atin." 
"But it's been nine years already. Bakit ba hindi pa rin kayo makalimot?" 
"It's not that simple Reezelda." Muli nitong binalingan ang mga halaman. 
Hindi siya nakasagot. Kahit naman sobra din ang pagkainis niya sa kanyang ina, nakakaramdam pa rin siya ng awa dito.

 Nasaksihan niya kung gaano ito nasaktan noong iwan sila ng papa niya. Nang dahil nga doon, mas lalo itong naging 
matigas ngayon. 
"Malapit nang bumalik ang ate mo from States. Huwag mong hintayin na pagsabihan ka pa niya sa ganitong bagay." 
"Hindi n'yo katulad si Ate. Mas naiintindihan niya 'ko." 
Hindi ito umimik. 
"Mabuti pa nga sana n'ong nandito siya. Siya lang naman ang nakakaunawa sa gusto ko eh." 

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi kita papayagang maging photographer." 
Napabuga na lang siya ng hangin. Kay hirap talaga nitong paliwanagan kahit kailan. "Kung wala na po kayong ibang 
sasabihin, aalis na 'ko." Saka siya tumalikod dito. 

"Bakit hindi ka na lang gumaya sa sa ate mo? Ang ganda-ganda ng career niya. Pero ikaw?" 
Napahinto siya nang marinig iyon, pero hindi siya lumingon. "Hanggang kelan niyo ba 'ko ikokompara sa kanya?" 
Hindi siya nito sinagot. Sandali lang siyang pumikit saka nagpatuloy sa paglakad dito palayo. Ni hindi na siya 

nagpapigil umalis kay Manang Mercing. Ganito naman talaga ang palagiang eksenang nangyayari sa tuwing pupunta 
siya sa bahay nila. 
Nasanay na rin siya. 
Dali-dali niyang dinampot ang cellphone sa bag nang marinig na mag-ring 'yon. That asshole Marcus is calling. 
"Bakit ka tumawag?" 
"Where are you?" 
"May pinuntahan lang ako, bakit?" 
"Let's meet up. May pupuntahan tayo." 
"Saan naman?" 
"No questions! Just come see me." 

"Sandali-" Just like always, binabaan na naman siya nito. 
"Hay, nakakainis talaga! Hanggang kelan ko ba kailangang makisama sa lalaking 'to?" Pagkuwa'y bigla niyang naalala 
ang nangyari kagabi. Muli na namang namuhay ang weirdong pakiramdam na iyon. Saka niya iniling-iling ang kanyang 
ulo. 

Pero bakit ba nangungulit pa rin ang mukha ni Marcus sa isip niya? *** 
SA Shangri-La Plaza nakipagkita si Marcus sa kanya. Hapon na noon kaya medyo na-traffic na siya ng biyahe mula 

Quezon City. Nag-taxi na nga siya pero inabot pa rin siya ng isang oras. 
Pagpasok sa ground floor ng mall ay kaagad niyang tinawagan si Marcus. Sinabi nga nito sa kanya kung nasaan ito. 
Luminga-linga siya sa paligid. She saw him walking beside the fountain. Saglit niya itong pinagmasdan. He was 
wearing a dark blue polo shirt and jeans. It's not formal yet not too casual. Sa dating nito ay mukhang kagagaling lang 
nito ng opisina. 

Kung minsan napapahanga siya dito. May kakaiba itong porma na talaga namang nakakapagpa-highlight nang husto sa 

appeal nito. He's indeed different from other men she met in the past. 

Totally different. 

Kasi ang isang ito, tinakasan na ng katinuan. Baliw. At kahit siya, nahahawa na rin. Konti na lang at maloloka na siya sa
 pagdikit-dikit sa lalaking ito. Kapag hindi pa niya nakuha ang memory card sa lalong madaling panahon, paniguradong 

maglalaho na nang tuluyan ang kinamulatan niyang Reezelda Anne. 

Pasimple siyang lumapit dito. 

"You're late," bungad nito sa kanya. Tipid lang ang ngiting nasilip niya sa mga labi nito. 

"Traffic po kaya ano?" mataray niyang tugon dito. "Bakit ka ba nakipagkita dito?" 
Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay hinila nito ang kanyang kamay at binitbit siya na para siyang batang musmos na 
madaling maligaw. 

"Kailangang mo ba talaga akong hawakan nang ganyan?" angal niya dito. 

"Why, you don't like it?" 

She rolled her eyes. "At ano naman ang dapat 'kong magustuhan dito? You're just holding my hand." 

Huminto ito saka humarap sa kanya at makahulugang ngumiti. "So you're looking for more than this?" 

Naningkit ang mga mata niya. "Ayan ka na naman sa utak mong madumi." 

"I can't help it. You're teasing me." Sabay kindat nito sa kanya. 

Napaawang ang mga labi niya. Pero bago pa man siya makahirit ay muli na naman itong nagpatuloy sa paglakad. 

Natameme ka na naman Reeze? 

Tumikhim siya. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?" 

"Honestly, hindi ko alam." 

"What?" 

"I need to buy you a dress." 

"For what?" maang niyang tanong dito. 

"Nasabi ko na sayo dati hindi ba? May pupuntahan tayo sa Saturday." 
"Saturday?" she whispered. Naalala niyang nabanggit nga nito ang tungkol doon. Pero wala siyang ideya sa kung saan 
man sila pupunta. "Another party?" 
"Hmm... Not really. Just a simple dinner with someone." 
"With whom?" 
Saglit siya nitong sinulyapan. "Ganyan ka ba talaga, hindi matigil sa kakatanong?" 

Napabuga siya ng hangin. "Eh sa wala nga akong ideya kung ano na naman ang balak mong gawin." 
"Malalaman mo din," sagot nitong palinga-linga pa rin sa paligid. "May boutique ka bang alam dito na magandang 
bilhan ng damit mo? Honestly, I don't have any idea how you girls do your shopping." 

"Pareho lang naman kung saan kayo bumibili ng damit n'yong mga lalaki eh." 
"But mine is different. I usually order them abroad." 
Natahimik siya. Kaya pala kakaiba itong pumorma kung minsan. At gaano ba talaga kayaman ang pamilya ni Marcus? 

Nahiya naman siya ng konti d'on. Eh kung siya nga minsan, kuntento na sa mga nabibili sa greenhills. Hindi naman kasi

 siya maarte pagdating sa mga damit. Branded o hindi, sinusuot niya. Magaling naman siyang magdala eh. Pero minsan, napapabili din siya ng mamahaling damit. Very occasional nga lang. Isa pa'y sa lipstick at camera lang talaga siya gumagastos nang bongga. Iyong ibang natitira sa sahod niya, iniipon na lang niya sa bangko. 
"Wait," pigil niya dito nang matapat sila sa Rustan's. "Dito na lang tayo. Dito lang din kasi ang kaya ng budget ko." 
"Ako naman ang magbabayad eh." 
"No. Ayokong magkautang sayo," mariing pagtanggi niya. 
"Masyado ka namang ma-pride." 
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Basta ayoko." 
He smirked. "Fine." 
Agad na rin silang pumasok sa loob. Madali nilang tinungo ang section para sa ladies' wear. 
"Teka lang, anong klaseng dinner ba 'yon?" Tanong niya sa lalaki habang nagsisimula nang magtingin-tingin ng mga 

damit. 
"Gaya ng sabi ko, simple dinner lang," tipid na sagot nito. 
Hinablot niya agad ang nadaanang pink tube dress. Sandali niya iyong sinipat-sipat. Naramdaman niyang tumabi sa 

kanya si Marcus na napatingin na rin sa hawak niya. 
"Choose something you're not comfortable to wear," mahinahong utos nito. 
"Huh? Bakit?" Takang napalingon siya dito. 
"Basta." He gave her a charming smile. 

Napaiwas agad siya ng tingin. Damn him! He's making a move again. 
"Affected?" 
Nagitla siya sa birong iyon ni Marcus-Ah hindi! Ang panunubok ni Marcus! Pero hindi siya nagpahalata. 
Hindi naman talaga 'di ba? 
Pasimple siyang napahinga nang malalim. Pati sarili niya, kinukuwestiyon na niya. She tried to be composed. Marahan niyang ibinalik ang damit saka muling tumingin kay Marcus. Siya naman ang ngumiti nang makahulugan dito. Pero wala siyang inumit na anomang salita. Hahayaan niya ang lalaking ito na mabaliw sa kaiisip kung anong ibig sabihin ng malanding ngiti niya. 
At mas naging pilya pa siya. Dahil muli niyang pinadapo ang daliri niya sa mga labi nito. Nasorpresa si Marcus sa ginawa niyang iyon. But apparently, he did like it. 
Saka siya nag-walk away na parang walang nangyari. Ngingiti-ngiti naman ang binata na sinundan siya. Alam niyang pinagmamasdan siya nito. Pero patay-malisya lang siya. Kunwari'y naka-focus lang siya sa pagpili ng mga damit. She flipped her hair. Iginilid niya ito sa kabilang balikat. Hindi siya sigurado pero naisip niyang lumalakas ang tama ni Marcus makita lang ang makinis niyang leeg. Kaya naman todo bandera na siya dito sa harap ng lalaki. 
Maglaway ka na ngayon pa lang! 
******** 
SUNUD-SUNOD ang naging paglunok ni Marcus. Pigil-ngiti na rin siya. Alam niya kung anong ginagawa ni Reeze ngayon. Pero kahit ganoon ay aaminin niya sa sariling nadadala na rin siya. Ang weird! Ngayon lang niya kasi naranasan ang ganito. Marami na siyang nakilalang babae na higit na mas maganda at mas sexy kay Reeze, pero iba ang
 lebel ng karisma nito. A charm he can't resist-and something he wants to own, if possible, forever. 
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang hindi kumportable ang damit na gusto mong ipasuot sa 'kin?" She looked at him. 
Hindi siya agad nakasagot. Isa lang naman kasi ang dahilan noon. His mom doesn't like girls who aren't confident. Sa madaling salita, madali itong maturn-off sa mga babaeng hindi marunong dalhin ang sarili. Kung magsusuot si Reeze ng
 damit na hindi nito masyadong feel, mas magiging madali para sa kanyang iharap ito sa kanyang ina. 
Obviously, he doesn't want her to get attached to her mother. He knew both of them were just playing right now. Sa oras kasi na magustuhan ito ng kanyang ina, tiyak na hindi nito titigilan si Reeze. 
Kung ikukompara naman ito sa mga babaeng inirereto na sa kanya ng mommy niya, wala talagang ibubuga si Reeze. Pero siyempre, kailangan pa rin niyang magsiguro. 
"O, bakit hindi mo na 'ko sinagot?" 
Napatikhim siya. "Just do what I said." 
"Why?" 
He chuckled. "Ayan ka na naman sa pagiging matanong ng bibig mo. Kapag hindi pa 'yan tumigil, patatahimikin ko 'yan." 
Nagpamaywang ito saka nag-angat ng mukha na para bang nanunubok sa kanya. "At paano mo naman ako patatahimikin ha?" 
He smiled. Pasimple siyang luminga-linga muna sa paligid para siguruhing walang ibang taong malapit sa kinaroroonan nila. Pero kung meron man, wala na siyang pakialam. Hinamon na siya ng babaeng 'to, kaya naman ibibigay niya ang hinahanap nito-isang bagay na nais niya ring gawin. 
He circled his arm around her waist. Inangat niya ang katawan nito. He then kissed her. Yeah, he kissed her! But it was just a quick one-just enough to startle her. At iyon nga'y nagtagumpay siya. Napatda ang dalaga nang kumalas siya. Napangiti siya saka masuyong hinipong muli ang ibabang labi nito. "Siguro naman, tatahimik na 'yan?" Pagkasabi'y siya
 naman ang lumayo dito. Ilang saglit pa bago natauhang muli si Reeze. "Argh! Nakakainis!" nanggigigil na bulong niya sa sarili. Galit siyang napalingon sa binata. Nakatalikod ito at abala sa pagsipat-sipat sa mga damit pambabae. 
Bullshit talaga! Saan mo na naman ba isinilid ang utak mo Reezelda at hindi mo na naman makontrol ang sarili mo? she scolded herself in mind. At bakit habang tumatagal, mas lalong sumasarap ang halik ni Marcus? Hay mababaliw na siya sa kaiisip. Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili. Kahit kasi ang dibdib niya, parang nabulabog sa ginawang iyon ng lalaki. Sunud-sunod ba naman ang pagtibok ng puso niya kanina? 
Muli niyang ibinalik sa dati ang postura niya. Nagulat lang siya. Tama, nagulat lang siya sa nangyari. 
Nang akmang lilingunin siyang muli ni Marcus ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Nataranta siya. Pero siyempre, 'di 
naman pa-obvious. Kaya nga lang, wala sa loob na napadampot siya ng kung ano lang na damit. Ni hindi na nga niya 
nagawang tignan iyon. 

"Iyan na ba ang napili mo?" 

"Oo," she tried to answer confidently. Pagkuwa'y dali-dali niyang hinanap ang cashier at lumapit doon. Hindi naman 
gaanong mahaba ang pila kaya mabilis siyang nakapagbayad. 
"Let's eat?" yaya ni Marcus nang matapos bilhin ang damit. 
"Ha?" 
"Tinawagan ko si Sam kanina. Ang sabi ko sa kanya, sa labas na tayo kakain." 
Napaihip siya ng hangin. Tensed pa rin ba siya hanggang ngayon? Saka siya tumikhim. "Sige." At nagpatiuna na siya sa

 paglakad. Nahila pa niya nang bahagya ang damit dahil parang naiinitan siya. 
Sira ba aircon ng mall ngayon? 
Napakislot siya nang maramdaman ang marahang paghablot ni Marcus sa binili niya upang bitbitin iyon. Saglit lang 

niya itong nilingon pero hindi na siya nagsalita. Nang palabas na sila ng department store, naramdaman na naman 
niyang pumulupot muli ang braso nito sa likod niya. Nanigas ang katawan niya. 
"A-anong ginagawa mo?" 
"Wala namang masama dito ah." 
"Yeah pero..." 
Bahagya nitong ibinaba ang ulo para bulungan siya. "Save your nervousness later. Hindi pa 'ko tapos." 

Oh damn him! *** 
"SAAN ba tayo kakain?" tanong niya kay Marcus. Nakalayo na sila sa department store, pero naroon pa rin ang braso 
nitong nakakapit sa kanya. At gustong manginig ng buong kalamnan niya. 
Kanina pa rin niya nire-rewind ang mga pangyayari sa isipan niya. Magmula kasi nang halikan siya ni Marcus, nasiraan
 na yata siya ng ulo. Kung kanina kasi'y naiinitan siya, ngayon naman ay talagang nanlalamig siya.
 "May bagong bukas na resto akong nakita. Malapit lang dito sa mall."
 "Eh bakit hindi na lang tayo dito kumain?"
 "Hmm, pwede rin," kaswal ang pagkakasagot nito roon. Pasimple niya itong sinipat. Pangiti-ngiti pa ang loko.
 "Honestly, I never experienced dating a woman inside a mall." Muli itong nagsalita na para bang ang cool ng ginagawa 
nila ngayon. She just rolled her eyes. "Bakit nagde-date ba tayo?" Gusto niyang mangilabot sa tanong niyang 'yon. Para kasi sa kanya, pang-teenager lang 
ang mga hirit na gano'n. 
He chuckled. "The way you say it makes me feel that we're teenagers."
 Kakasabi nga lang niya n'on.
 "Anyway, ano ba sa tingin mo?" Nilingon siya nito. At naroon na naman ang malagkit nitong tingin sa kanya. Pero 
agad siyang umiwas. Nagkunwari siyang tumitingin-tingin sa mga shops na nadaraanan nila.
 "Of course, we're not," she answered straightly.
 "Yeah. Honestly, I don't know what real date means. Wherever we go or whatever we do, importante lang naman na 
kasama ko ang babaeng importante sa buhay ko."
 Napalunok siya. Ano daw?
 "Iyong pakiramdam na katabi ko ang babaeng 'yon ngayon, at hawak ko siya nang ganito...sa totoo lang, it's priceless." 
Seryoso ang tinig nito. Malaman. At talaga namang tumatagos sa buong pagkatao.
 Those words were sincere. Parang gusto niyang maniwala!
 "Do you feel the same?" he whispered.
 Namula siya. She was trying to comprehend every single word that he just said. Nasa loob sila ng mall pero parang 
biglang tumahimik ang buong paligid. Tinanong niya rin ang kanyang sarili. Ano nga bang nararamdaman niya ngayon?
 Hindi niya alam kung bakit pero isang bahagi ng sarili niya ang nagsasabing natutuwa siyang kasama niya ngayon si Marcus. Kahit medyo uncomfortable, aaminin naman niya na habang tumatagal, nage-enjoy siya sa ginagawang 
pagkapit nito sa baywang niya.
 "I'm waiting for your answer, baby."
 Napakagat-labi siya. Ano bang sasabihin niya dito? Pasimple niyang iniling-iling ang ulo. If he's trying to hypnotize her
 using those words, kailangan niyang ikondisyon ang sarili. Yeah, he was saying it sincerely. Pero hindi ibig sabihin noon, totoo na. Baka mamaya, kasama lang ito sa strategy ng binata, mahirap na.
 Pagkuwa'y tumikhim siya. "To tell you frankly, I don't feel anything." 
 "What do you mean?" Napakunot-noo ito.

 "Wala naman kasing kakaiba sa ginagawa natin eh. We're just walking together." She glanced at him while displaying a
 cool behavior.
 "Hindi ka man lang ba naniwala sa sinabi ko?"
 "Hmm...totoo man o hindi ang sinabi mo, I don't really care." She smiled wickedly. Sinadya rin niyang magpalipat-lipat

 ng tingin sa mga taong nakakasalubong nila. She was wating for his answer. Kung totoo mang balak siya nitong paglaruan, paniguradong natataranta na ito sa loob loob nito. Pagdating sa pang-aakit ng lalaki, eksperto siya diyan. Unang rule na natutunan niya, huwag basta-basta maniniwala sa sinasabi ng mga tulad nito. She knew how men like enthralling women through sweet words. Pangalawa, kung gusto niyang mahulog ang lalaki sa kanya, kailangan niya itong pasabikin. Hayaan lang itong 
magdusa sa kaiisip kung nakuha na ba nito ang loob niya o hindi. At iyon ang kanyang ginagawa ngayon. "I guess, ako lang talaga ang nakakaramdam ng ganito ngayon." Napahinga ito nang malalim. Napatingin naman siya 
dito. Bakit ba kahit mukhang dismayado, napakaguwapo pa rin nito? Dagli siyang umiwas ng tingin. Hoy Reeze, ang two rules mo, baka makalimot ka na naman! singhal niya sa sarili. "I know what you're trying to do Marcus. But don't expect me to fall into your trap." She smiled confidently-well, at 
least. Tumawa ito nang mahina. Awtomatiko naman siyang napalingon muli dito. "Akala ko nga bibigay ka na eh. Tinitignan ko lang kung gaano na kalalim ang nararamdaman mo sa 'kin." "Excuse me?" Napaangat ang kilay niya. "Kung sasabihin mo sa 'king wala ka pang nararamdaman, I won't believe it my baby." She sneered. "Feeling ka talaga ano?" "Nararamdaman ko naman talaga eh," puno ng kumpiyansang sagot nito. "At paano mo naman nasabi 'yan?" Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay bahagya nitong pinisil ang baywang niya. Napakislot siya sa ginawang iyon ni 
Marcus. "It was just a pinch, pero nag-react ka na," panunukso pa nito. "How dare-" "Tell me you're not enjoying what I'm doing..." Nanunubok na naman ang tinging ipinukol nito sa kanya. Pero kaagad siyang umiwas. "Of course I'm not." 
 "Talaga? Kaya pala hindi mo pa rin pinapaalis ang kamay ko sa baywang mo."
 Napamulagat siya. "W-what?" Pagkuwa'y dali-dali niyang hinawakan ang kamay nitong nakakapit sa kanya.
 "If you remove that, iisipin kong guilty ka."
 Natigilan siya. This jerk!
 Pero ilang saglit pa'y ang binata na mismo ang nagkusang kumalas. They stopped near the elevator. Hinarap siya nito.
 "See?"
 Napaawang lang ang mga labi niya. Hindi siya makahirit sa lalaking 'to. At ngayon nga'y nanunudyo itong tumitig sa 

kanya. He's really embarrassing her! 
"Kanina ko pa napapansing tensyonado ang katawan mo. Tell me, tinatamaan ka na ba sa 'kin?"
 "Of course not," mabilis niyang sagot.
 Pero nginisian lang siya nito na halatang ayaw maniwala sa sinasabi niya.
 Oh, she hates him...so much! Pakiramdam niya'y double knock-out siya ngayon. Ang una'y dahil naisahan na naman 

siya nito. At ang pangalawa'y dahil natutunaw na naman siya sa mga ngiti nito. Hindi na talaga niya alam kung saan ilulugar ang sarili. Then he stood up straight. "Speechless?" She bit her lower lip. "Umuwi na tayo," matapang niyang yakag dito. "Teka, kakain pa tayo ah." "Nawalan na 'ko ng gana!" Pagkasabi'y agad niya itong tinalikuran. "Hindi diyan ang exit," pagtawag nito sa kanya nang makahakbang na siya nang kaunti. Napahinto siya sabay silip sa 
unahan niya. Oo nga pala. Napapikit na naman siya. Hanggang kelan ba siya pahihiyain ng lalaking 'to? Pero naisahan man siya nito ngayon, hindi niya pwedeng ipakita na nalampaso nito nang tuluyan ang self-confidence niya.
 Huminga siya namg malalim saka humakbang pabalik sa pinanggalingan niya. She walked with poise, ignoring Marcus. Nangingiti naman ang binata habang sinusundan siya ng tingin. Napailing na lang 'to saka sinabayan siya sa paglakad. Umakbay ito sa kanya pero agad niyang tinabig ang kamay nito.
 "Balikat lang naman ang hahawakan ko ngayon eh," paglalambing nito.
 Gustuhin man niyang tignan ito ng masama, hindi niya magawa. Mahirap ng mawala siya sa laro. Diretso pa rin siya ng
 tingin sa daan. 

Deadma lang Reeze!
 Napangisi na naman si Marcus. "Baka naman doon mo ako ulit gustong humawak?" 

 Pasimple siyang napaihip ng hangin. Kumalma ka lang Reezelda! Huwag na huwag mo siyang papansinin!
 "I'm just curious. Is it twenty-four?"
 Napahinto siya. Hindi na siya nakatiis at tinignan niya ito nang matalim. Napatigil na rin ito, pero hindi pa rin mapalis 

ang nang-aasar nitong ngiti sa mga labi. 
"What's wrong with my question?"
 "Tumahimik ka na nga diyan dahil hindi ka na nakakatuwa. Pati vital stats ko, pinakikialaman mo?!" Umirap siya dito 

saka nagpatuloy sa paglakad.
 Tumikhim ito. "Anong problema? Sexy ka nga eh."
 Pinatirik niya ang kanyang mga mata.
 "But I want to explore more."
 "Asshole!" she whispered.
 "Yeah, I'm an asshole who can make you scream in bed"
 Nag-init ang ulo niya sa narinig. Talaga bang inaasar siya nito? Huminto siya at galit na humarap dito. Aktong sisipain 

niya ito sa binti pero agad itong umiwas. Nakuha pa nitong magpamulsa ng mga kamay habang nakatitig sa kanya."Ang cute mo talaga!"
 Napanganga lang siya. Sa sobrang inis, hindi niya alam kung mumurahin pa niya ito o ano. At mas lalo pa siyang nanggigil nang makuha pa nitong magpa-cute sa harapan niya. Kung kaya nga lang niyang dukutin ang mga mata nito'y kanina pa niya ginawa.
 "Bwisit ka talaga!" pigil-inis niyang sambit dito. Pero wala rin siyang nagawa sa bandang huli kung hindi talikuran ito. Sinadya niyang bilisan ang lakad para hindi na siya nito masabayan. Iyon nga lang, agad itong sumunod sa kanya at hinila ang kanyang kamay. Sinubukan niyang magpumiglas pero mahigpit talaga ang pagkakahawak ni Marcus doon.
 "Bitawan mo nga ako."
 "Ayoko. Uuwi na tayo 'di ba?"
 "Oo. Pero umuwi kang mag-isa mo. Hindi ako sasabay sayo!"
 Hindi siya nito sinagot.
 "Bitawan mo nga ako Marcus."
 Tahimik pa rin ito.
 "Marcus!"
 Huminto ito at seryosong humarap sa kanya. "Just shut up and follow me. Isang Marcus pa diyan at magkakaro'n ng 

round two ang halik ko sayo."
 Naumid niya ang dila niya. Napalunok din siyang muli. 

 Makahulugan na naman itong ngumiti saka nagpatuloy sa paglakad.
 At ayun, wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito. Konti na lang din at masasabunutan na niya ang sarili. Imaginin ba naman niya ang round two na sinasabi nito? 
******** 
PAGKAUWI sa condo ay pabagsak na napaupo sa sofa si Reeze. Naibagsak na lang din niya ang biniling damit sa 
couch. Ni hindi niya pinansin si Sam na nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa ni Marcus. Hanggang sa makauwi 
kasi'y hindi na nila nagawang mag-usap. 

"Anong meron? Bakit ang tahimik n'yo?" bungad na tanong nito sa kanila. Pero walang gustong sumagot sa kanilang dalawa. Dumeretso lang si Marcus sa kuwarto nito.
 Mataray naman siyang binalingan ni Sam. "Anong ginawa mo sa Marcus ko?"
 "Baka siya ang may ginawa sa 'kin," galit niyang sagot na sa kuwarto ng binata nakatingin.
 Makahulugan naman siyang sinipat-sipat ni bakla. "Ay attitude? Itsura mo girl ha!"
 Pero hindi niya ito pinansin. Agad siyang tumayo at nagtungo sa kusina. Naghalungkat siya ng kahit anong pwedeng makain. Nagugutom na siya.
 "O akala ko ba kumain kayo sa labas?"
 "Nawalan ako ng gana."
 "Eh anong hinahanap mo diyan?"
 "Pagkain."
 "Niloloko mo ba 'kong bruha ka?"
 Mataray siyang napatingin dito. "Gutom ako pero nawalan ako ng ganang kumain kasama ang lalaking 'yon!"
 Maarteng napabuga ng hangin si Sam. "Wala akong ideya sa kung ano man ang nangyari sa inyo. Pero sasabihin ko na sayo malanding babae, na hindi ako nagluto."
 Nagpamaywang siya saka humarap muli dito. Nagugutom na talaga siya. Nang makaisip ng kakainin ay agad niyang pinagbubuksan ang kitchen cabinet. Swerte namang nakakita siya ng isang Korean instant cup noodles. Iyon na lang ang
 titirahin niya. Madali niyang dinampot iyon saka nilagyan ng mainit na tubig.
 Ni hindi na niya pinapansin si Sam kahit kanina pa nito tila hinihimay-himay ang buong pagkatao niya. Wagas kasing makatitig si bakla!
 Halos pabagsak din niyang inilapag ang cup noodles saka umupo sa harap ng mesa.
 "Alam mo 'te, nakakatawa ka. Para kang pusang di mapaanak." Umupo ito sa harapan niya saka siya nginitian nang makahulugan. "Bitch version."
 "Hoy bakla, bad mood ako kaya huwag mo akong subukang awayin ngayon."
 "Ay nanakot ang luka-luka? Para sabihin ko sayo, wala akong care kung magwala ka man diyan. 'Di naman kita uurungan kahit mag-away tayo." 
 Inirapan na lang niya ito. Kailangan niyang pigilan ang sarili dahil baka ito ang mabuhusan niya ng inis niya.
 "Ano nga pala 'yong nasa sofa? Damit ba 'yon?"
 Tipid lang siyang tumango saka nagsimulang kumain. Hindi na niya hihintayin ang ilan pang minuto. Talagang 

kumakalam na ang sikmura niya dahil sa pinaghalong gutom at iritasyon.

 "Iyon ba ang isusuot mo sa Saturday?"

 "Oo. At last question na 'yan ha. Naiirita na 'ko sa boses mo eh!" Pinaningkitan niya ito.

 "Same here. Pero ako, kaya pa namang magtiis." Sam sighed. "Goodluck na lang sa pagkikita n'yo ni Madam."

 "Madam?" She frowned. "Sinong Madam?"

 "Eh sino pa, eh 'di 'yong mama ni Marcus. Ikaw kaya ang ipapakilala niya d'on sa Sat."

 "What?" bulalas niya.

 Umarte si Sam na parang nabingi sa boses niya. "OA ng reaction ha!"

 "So 'yong dinner...it would be...with his mom?"

 "Uulitin ko ba?" Napanguso ito. "Sinabi na ngang mama, gusto mo pa mom?"

 Halos malaglag ang panga niya. Ipapakilala sa mama? No way!

 Napatayo siya saka dali-daling pinuntahan si Marcus sa kuwarto.

 Mangyari na ang lahat, huwag lang ang bagay na 'yon. 
*** 

"BAKIT hindi mo sinabi sa 'kin na balak mo akong ipakilala sa mama mo?' bulyaw agad ni Reeze nang makapasok sa kuwarto ni Marcus. Dinatnan niya itong abala sa paghahalungkat ng kung ano sa cabinet. "Si Sam ang nagsabi sayo?" Saglit lang siya nitong tinapunan ng sulyap. "So plano pa talagang ilihim sa 'kin to?" Naningkit ang mga mata niya. "Sasabihin ko din naman sayo eh." "Kelan? Sa Saturday pa?" Napatingin ito sa kanya na para bang nagtataka pa sa ipinapakita niya. "Bakit ba ganyan ka maka-react?" Hinablot nito ang asul na tuwalyang nakasabit sa maliit na clothing rack na nasa gilid.
 "Anong bakit ganito ako maka-react? Naiintindihan mo ba ang gusto mong ipagawa sa 'kin?" Bakas sa tono niya ang labis na pagaalinlangan. Kahit minsan naman kasi, hindi niya naranasang maiharap sa magulang ng mga lalaking nakaka-date niya. Gaya nga nang palagi niyang sinasabi, allergic siya sa ideyang iyon.
 Humarap ang binata sa kanya. "Look, it's just a dinner. Ipapakilala lang kita kay Mommy bilang babaeng dine-date ko. Then after that, exit na tayo." Tinalikuran siya nito at akmang lalabas ng kuwarto nang hablutin niya ang braso nito. "Teka nga muna Marcus." "Ano na naman?" "Kung masabi mo 'yan para bang ang simple lang ng gusto mong mangyari."
 He cleared his throat. "You don't have to worry. Sigurado naman ako na matapos ka niyang makilala, hindi niya iisiping seryoso ako sayo. Kailangan lang kitang iharap sa kanya para matigil muna siya sa pagpipilit sa 'kin na makipag-date sa mga inirereto niyang babae."
 Nagsalubong ang mga kilay niya. "So ako ang gagamitin mo?"
 Tumango ito na para bang sa tropa lang siya nito ipapakilala. No hesitation. Kapal din ha!
 "Ayos ka rin ano? Para bang obligasyon kong sumunod sa bagay na 'yan."
 "Napag-usapan na natin 'to hindi ba? At pumayag ka na." Ngumiti ito nang makahulugan.
 Napaurong ang dila niya pero pinilit pa rin niyang dumepensa. "But you never told me anything about your mom?"
 "Now, you know it." Muli itong tumalikod sa kanya saka dumeretso sa banyo.
 Pero talagang hinabol pa rin niya ito. "Marcus, hindi naman 'to kasama sa deal natin ah!" 
"At bakit naman hindi?"
 "I'm not your girlfriend."
 "Kaya nga." Pumasok si Marcus sa loob. "You're not my girlfriend kaya hindi mo kailangang nerbyosin nang ganyan." 

Isasara na sana nito ang pinto pero agad niya iyong naitulak. Wala sa loob na nasundan niya ang lalaki hanggang sa loob. 
"Ayoko pa rin."
 Napabuga ito ng hangin. "Pambihira! Hanggang dito ba naman, susundan mo ako?"
 "Hindi kita titigilan hangga't hindi mo binabawi ang sinabi mo."
 Naihilamos ng binata ang palad sa mukha. Pero napangisi ito kapagkuwan. He closed the door.
 Napapitlag si Reeze nang marinig ang pagsara ng pintuang 'yon ng banyo. Saka lang niya na-realize kung nasaan sila 

ngayon. "B-bakit mo sinara?"
 "Ang sabi mo hindi mo 'ko titigilan 'di ba? Sige, tumayo ka lang diyan!" At walang sabi-sabing tinanggal nito ang 

pang-itaas na damit.
 Nanlaki ang mga mata niya. Maghubad ba naman ito sa harapan niya?
 Nag-iwas siya ng tingin. "A-ano bang ginagawa mo?"
 "Naghuhubad?" Nakangisi pa rin ito. "Hindi mo ba nakikita?"
 "Dito?"
 He chuckled. "Malamang magsya-shower ako eh."
 Pasimple siyang napapikit. Ayan na naman ang bibig niyang basta na lang nagsasabi ng kung anu-ano. Naramdaman pa

 niyang nagdabog muli ang puso niya. Ang bilis ng heartbeat niya!
 "O, bakit hindi ka makatingin sa 'kin?"
 Hindi siya sumagot. Kaya naman nakuha pang maging pilyo ni Marcus. He unbuttoned his jeans.
 Holy shit! Natutukso siyang tumingin!
 Ginapangan na siya ng kakaibang init sa katawan. Nakiramdam lang siya sa susunod nitong gagawin. Pasimple siyang 

napasilip dito. Right now, he was about to unzip it. 
My God, pwedeng stop na diyan?
 Tumikhim siya para mapigil lang ang binabalak nitong pagbaba sa flag. Mahirap nang may sumilip na ibang pole sa 

likod niyon. "L-lalabas na 'ko."
 "O, akala ko ba hindi mo ako titigilan?"
 Tinignan niya ito ng masama.
 Bahagyang nakapilig ang ulo nito habang nakatitig sa kanya. At napaka-cool nitong tignan! Iyon bang tipong konting 

tapik na lang ay mapaparampa na ito sa isang underwear fashion show? Napakagat-labi tuloy siya nang wala sa oras. Marcus is definitely one hell of a hunk, possessing an appetizing look, and a sultry way of staring. And she wanted to curse herself for desiring this man-unintentionally. "Okay lang sa 'kin kung gusto mo akong kulitin. Pwede rin kung sasabayan mo akong mag-shower." He smiled 
naughtily. 
Namula siya. "Manigas ka diyan!" Pinilit pa rin niyang magmatapang kahit tunaw na tunaw na ang buong pagkatao niya. Ano ba talagang ginagawa sa kanya ni Marcus? Malapit na siyang masiraan ng bait. Hindi na tuloy tao ang tingin niya dito. Kaloka eh!
 Humakbang ito nang malapit sa kanya. Malapit-as in ga-dangkal na lang ang pagitan! Halos dumampi na rin ang mainit
 nitong katawan sa kanya. 
Napalunok siya. Kinakabahan talaga siya nang sobra-sobra.
 "It'll be fun," he whispered.
 "Fuck you!" Nabanat na ang lahat ng ugat niya sa katawan. Nakakarami na ito ng panliliit sa kanya ha. 
Pero nginitian lang siya nito.
 Dali-dali niya itong itinulak palayo saka padabog na lumabas ng banyo.
 "Sigurado kang ayaw mong sumabay? Kasya din tayo sa bathtub." Nanunudyo pa itong tumingin sa kanya habang 

nakasilip sa pintuan.

 "You freak!" Dali-dali niyang hinubad ang suot na tsinelas at ibinato sa direksyon ng binata. Pero kaagad naman nitong
 naisara ang pintuan at doon iyon tumama. Narinig pa niya ang paghalakhak ni Marcus mula sa loob.
 At wala nang pagsidlan ang inis na nararamdaman niya ngayon sa lalaking ito. Hindi na nga lang dugo ang kumukulo 

sa loob ng katawan niya ngayon eh. 
Tumalikod na siya upang bumalik sa kuwarto, pero napahinto siya at napapikit nang mariin nang marinig pa rin ang 
malakas na pagtawa ni Marcus. Imbyernang bumalik siya at sinipa ang pinto. Iyon na lang ang nagawa niya sa bandang 

huli. Bagsak ang balikat na pumasok siyang muli sa kuwarto.
 "Ayoko na talaga!" Pabagsak siyang dumapa sa sofa bed at isinubsob ang mukha roon. She yelled hard like crazy. 
And as usual, naging talunan na naman ang ganda niya. 

******** "DAMN it! Bakit ba sa dinami-dami ng damit, ito pa ang nahablot ko?" angal niya habang tinitignan ang sarili sa malaking salamin. Dahil sa nangyari noon sa department store, ni hindi niya nagawang isukat man lang ito sa fitting room. It was a bubble hem dress with cap sleeves-definitely not her type. She sighed. Kung nakahilera ito sa mga damit niyang nakasabit sa loob ng kanyang cabinet, ito ang pinakahuling damit na papansinin niya. Kahit kailan ay hindi pa siya nakapagsuot ng ganitong istilo. Obviously, hindi siya kumportable. Pakiramdam tuloy niya ngayon ay bumabalik siya sa pagiging teenager. Nakakabawas ng appeal. "Ready?" Nilapitan siya ni Marcus na kapapasok lang ng kuwarto. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan niya. "Perfect!" "Anong perfect? Nakita mong naiilang ako sa damit na ito eh." Napakamot pa siya sa batok habang nagpapaikut-ikot sa harap ng salamin. 
 "That's what I need-a girl who's not confident-looking. Kailangang maturn-off si Mommy sayo."
 Napabusangot siya. "Pero pwede naman akong magpanggap na lang ah. Nakit mo ba 'to? Sleeves pa lang talagang 
naiirita na 'ko."
 Hindi umimik si Marcus. Tahimik itong tumayo sa likuran niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. She wiggled.
 Naramdaman niyang dahan-dahan nitong ibinababa ang sleeves ng damit sa mga braso niya. Sinilip niya ang mukha 
nito sa salamin. He was staring at her shoulders.
 "Siguro naman, magiging kumportable ka na nito, kahit hanggang sa makarating lang tayo sa bahay namin."
 Hindi siya nakasagot. Nakapako pa rin kasi ang tingin ni Marcus sa mga balikat niya.
 "Marcus, itigil mo na nga ang pagtingin diyan, nakakailang eh," sambit niyang halos wala ng tinig.
 "I can't," seryosong tugon nito.
 "B-bakit naman?" Napalunok siya. Hindi talaga niya makayanan ang mga mata nito. 
He then solemnly looked at her through the mirror. "Bakit gano'n, kahit ano pang suot mo, you're still beautiful."
 Napalunok na naman siya. Iba na ang dating niyon sa kanya. Hindi rin niya alam kung anong isasagot dito. Sa tuwing 
ibubuka niya ang kanyang bibig, palaging umuurong ang dila niya.
 Sunod niyang naramdaman na hinawi nito ang kanyang buhok. Then she felt him kissed her hair...from the upper part of her head...down to her nape. Nakiliti siya. Pero hindi naman siya makagalaw. Nanigas na yata ang buong katawan niya.
 His lips crawled over her shoulder. Napasinghap siya, lalo na't nakikita niya ang ekspresyon ng mukha ng binata sa salamin. Nakapikit ito, pero bakas sa itsura nito ang pagnanasa. The back of his right hand caresses her hair, while the other touches her skin. 
Napapapikit siya, pero pilit siyang lumalaban. Iyon nga lang, alam niyang ano mang oras ay mismong katawan na niya ang susuko para sa kanya. Panaka-nakang halik lang ang ginagawa ni Marcus sa balikat niya, pero grabe na itong 
makapanyanig ng kalooban niya.
 Gumapang pang muli ang mga halik nito sa kanyang leeg. 
"M-marcus?" She gasped. Gusto niyang lumayo dito pero hindi niya mapasunod ang kanyang katawan. Hanggang sa 
umangat pa ang mga labi nito sa tainga niya. 
"Stop it!"
 Pero hindi pa rin natitinag ang binata sa ginagawa.
 "Marcus?"
 "I'm sorry, hindi ko mapigilan eh," he whispered. Ngunit nanatili itong nakapikit habang dinadampi-dampian pa rin ng 
halik ang kanyang tainga.
 "Baka ma-late tayo."
 "Then stop me now." 
 "Kanina pa kita pinipigilan."
 "Well, it's not effective."
 "So anong gusto mong gawin ko para pigilan ka?"
 Dumilat ito saka muling tumingin sa kanya sa salamin. "Kiss me."
 Napakunot-noo siya. "Paano ka naman mapapatigil ng halik ko?"
 Muling naglakbay ang mga labi nito. He's now kissing her temple. "Just give me your tricky kiss baby. Kapag hinayaan

 mong ako ang unang humalik sayo, hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko pagkatapos."
 She bit her lower lip. Is he trying to do mind games again?
 "I'm waiting," he whispered.
 Hindi siya nakasagot.
 Nang sumunod na sandali, iniharap na nito ang mukha niya at sinunggaban siya ng halik. Sa pagkakataong ito, pareho 

na silang lutang ang katinuan sa ere. Their kiss was real. And they're both enjoying it. 
At ano mang sunod na gustong gawin ni Marcus sa kanya, hindi na niya ito pipigilan. 
*** 

MARCUS felt it. 
Hindi na iyon isang simpleng pagnanasa na lang. Pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang isang gabi na maaangkin niya si
 Reeze. He's coveting for more. He completely wanted her. At kung pwede lang ay gabi-gabi na niyang makatabi ang babaeng ito sa kama niya. 
Naging mapusok ang paghalik niya. At bawat galaw ng mga labi niya'y sinasabayan na rin ni Reeze. He can also feel her desire. Pero kung nakikipaglaro man ito sa kanya ngayon, wala na siyang pakialam. At kung nililinlang man siya nito, mas gugustuhin niyang magpaloko na lang dito nang paulit-ulit. 
Nagsimulang gumapang ang mga palad niya sa katawan nito. Humagod iyon mula sa likod. Mariin. His body was craving for hers-badly. Nag-init siya, lalo na nang madama ang malulusog nitong dibdib sa kanyang katawan. Pinaakyat
 niya ang kamay sa buhok nito. Hinaplos niya iyon. Nakapulupot na rin ang mga braso ng dalaga sa kanyang batok habang gumagapang ang mga daliri nito sa pino niyang buhok. 
Nang sumunod na sandali'y pinadausdos niya ang kanang palad patungo sa kaliwa nitong dibidib. Marahan niya iyong pinisil-pisil. At kasabay niyon ang pagliko ng mga labi niya papunta sa tainga nito. He gave it a gentle bite. Ilang sandali rin niyang nilaro-laro iyon sa mga labi niya...hanggang sa dahan-dahan niya iyong pinababa sa leeg ng dalaga. 
At talaga namang nasisiyahan siya nang husto sa tuwing maririnig ang mumunting halinghing ng dalaga. Mas lalo siyang ginaganahan. 
Muli niyang hinagkan ang mga labi nito. Maingat niya ring isinandig ang katawan nito sa pader. Saka niya ito pinatalikod. He kissed her nape. Narinig pa niya ang pagungol ni Reeze. And he's certainly enjoying it. 
Dahan-dahan niyang ibinaba ang sleeves ng damit nitong suot, and unhooked her bra. Pinababa din niya ang kanyang mga labi sa likod nito. He gave it a moderate lick. If he can do it to her whole body, he wouldn't leave any part of her skin untouched. And probably, he would do it now. 
Muli niya itong ipinihit paharap sa kanya. At sa pagkakataong ito, napako na ang kanyang mga mata sa dibdib ng dalaga. They were so round-definitely a figure of perfection. Napakaganda talaga ni Reeze. Nang hindi na siya nakapagpigil ay nilukob na ng kamay niya ang isa nitong dibdib. Bahagya siyang yumukod upang ipaangkin naman sa kanyang mga labi ang isa. He started to throw kisses on top of her left breast. Then his lips looked for her nipple and started to lick it, gently. 
"Uhm..." Napakislot si Reeze. Obviously, she's enjoying it. Naramdaman niya ang isang kamay nitong dumidiin sa ulo niya. Matagal-tagal din niyang pinagsawa ang mga labi niya sa dibdib nito. And he was also doing it on the other. 
Naging pangahas ang kamay niya. Mula sa dibdib nito'y pinadulas niya ang palad sa tiyan nito pababa sa may puson. Nagtagal iyon doon. Saka ito muling gumapang sa mga hita ng dalaga. Pasagi-sagi lang ang ginagawa niyang paghagod sa pagkababae nito. He was teasing her. Hanggang sa inangat na niya ang damit na suot nito. His fingers then began running through the center of her thighs. 
Nasa anyong nalulunod na silang pareho sa sensasyong nararamdaman nang biglang mag-ring ang telepono. Kapwa pa sila napapitlag. Nagkatinginan sila. Pero dahil buhay na buhay pa rin ang init sa loob nga kanilang mga katawan, muli nilang pinagsawa ang mga sarili sa isang maalab na halik. 
Iyon nga lang, hindi rin nagpaawat ang cellphone. Halos mabingi na nga sila sa walang tigil nitong pag-ring. 
"Shit!" napamura nang mahina si Marcus at lumayo kay Reeze. Inis niyang dinampot ang cellphone niya na nakapatong sa headboard ng kama. Napaangat ang mga kilay niya nang makitang ang mommy niya ang siyang tumatawag. 
He answered it. 
"Nasaan ka ng bata ka?" bulyaw agad sa kanya ng ina. 
Saglit niyang sinulyapan si Reeze. Nag-aayos na itong muli ng sarili. "Mom, wrong timing naman kayo," he whispered. 
"Bakit, nakaistorbo ba ako sa kung ano mang ginagawa n'yo ngayon?" 
Napaurong ang dila niya. Lakas talaga ng pakiramdam ng nanay niya kahit kailan. 
"Hoy Marcus, huwag mong kalimutan na kailangan mong ipakilala ang babaeng 'yan sa 'kin. Kung may ginagawa man 

kayo ngayon, mamaya niyo na ituloy. I wanna see her first." 

He chuckled and took a quick glance at Reeze again. Nakatalikod na ito habang nagsusuklay ng buhok. "Fine. We're on 
our way." 
"Bilisan niyo ha." 
"Sure. Bye mom!" He pressed the end button. 
Pinagmasdan niya si Reeze. Gusto niyang matawa sa sarili habang inaalala ang labis na pananabik na naramdaman niya 

kanina dito. At aaminin niya, hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang nasa loob ng katawan niya. 

Napayuko siya. Is he falling in love with her now? Naguguluhan siya. Ayaw naman niyang magkamali. Baka kasi sa bandang huli ay ma-realize niyang purong pagnanasa lang pala ang nararamdaman niya para rito. Ngunit ano pa man ang makuha niyang sagot, hindi niya maaaring kalimutan ang tungkol sa kasunduan nila. Sabihin 
pang ang gusto niyang mangyari'y hindi na iyon magkaro'n ng katapusan kailanman. 
******** 
NARAMDAMAN ni Reeze na yumakap mula sa likod niya ang binata. Nanginig na naman siya. She bit her lip. 

Mahirap nang mabuhay muli ang init na gumapang sa kanyang katawan kanina. 
"Pangatlong beses na tayong nabibitin ah?" biro nito. 
"Correction, 'yong unang beses, sinadya mo 'yo-" Naumid niya ang dila. Wala sa loob na napahirit siya nang gano'n. 
Muli siyang pinaharap ni Marcus. "So nabitin ka nga?" 
"H-hindi. At bakit naman ako mabibitin?" Namula siya. 
"Hindi ka nabitin?" Isang hakbang pa ang ginawa nito palapit sa kanya. Napapaatras naman siya. Hanggang sa muli 

siyang napasandal sa pader. 

Napalunok siya. Medyo nabitin nga siya. Ah hindi! Nabitin talaga siya! Pero hindi ito ang tamang oras para pagtalunan 
'yon sa isip niya. Hindi siya pwedeng magpahalata dito. 
"Nag-enjoy ka ba?" 
"Not much," she confidently answered. 
He nodded. "Hmm... not much? You want more?" 
"Iniisip mo bang gano'n ako kasabik?" 

"Your body already spoke, baby." 

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Pero kahit anong mangyari, hindi pwedeng uminit ang ulo niya sa harap 
nito. Alam niyang sinusubukan lang siya nito. 
"If you want to do it more, I promise to continue it later." 
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Gusto niyang hampasin ito. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito, para bang 

inisahan na naman siya nito kanina. What the hell was she thinking anyway? Umaasa ba siyang may nararamdaman na 

ito sa kanya kaya ganoon na lang siya nito halikan kanina? 
Bakit nga ba niya nakalimutang nasa isang laban sila ngayon? They were playing a game-a game on which no one can 
fall in love. 

Still, she stayed calm in front of him. "Whatever you wish to do baby." She touched his lips. "Siguraduhin mo lang na hindi ka pa in love sa 'kin, kung ayaw mong sa bandang huli, ikaw ang maiwang nakatunganga." Pagkuwa'y dumistansya na siya sa binata at tumalikod dito. Pero kaagad nitong hinawakan ang braso niya. 
"What if I ask you to stay, ano mang maging resulta ng laro?" He looked at her sincerely. 
Hindi siya agad nakasagot. Nadadala siya sa mga matang nakatitig sa kanya. "Alam mo na ang sagot diyan. Of course...I

 can't." 
"Seryoso ka ba diyan?" 
"Mukha bang hindi?" 
"Don't tell me you didn't feel anything a while ago." Nanunubok na talaga ang mga tingin nito sa kanya. 
She swallowed. 
"Answer me Reeze." 
"None," mariin niyang tugon dito. 
"Sigurado ka?" 
Oh please stop this Marcus! Kahit ako naguguluhan na din eh, usal niya sa isip. 
"Ginusto ko ang nangyari kanina. At ngayon, gustung-gusto ko pang ituloy 'yon," he spoke firmly. Pati tinig nito'y 

nakakatunaw na. 

Pinilit niyang tumingin dito nang diretso. "Stop this Marcus. Kung inaakala mong makukuha mo na naman ako, pwes 
nagkakamali-" 
"I'm serious." Napalunok ito saka muling nagpatuloy. Bahagyang lumalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. 

"Pwede bang maging akin ka na lang...for long?" 
Bumilis na naman ang pagpintig ng kanyang puso. Bakit parang ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon? 

Pakiramdam niya'y tumigil bigla ang mundo niya. At kung pwede lang sana'y hihilingin niyang maging ganito na lang 
sila hanggang mamaya...hanggang bukas...at sa susunod pang mga araw. 
She wanted to believe those words...and cherish them. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Ibang-iba. But then, 

she knew she can't simply trust him. 
"Why, are you now falling in love with me?" deretsahan niyang tanong sa binata. 
Hindi ito sumagot. 
"Sabihin mo lang, so we can end this game soon." 
"I'll ask you the same question, but let me rephrase it. Hindi ka pa ba nahuhulog sa 'kin?" 
Tila ba nayanig ang puso niya sa narinig na 'yon. Siya naman ang hindi nakahirit. Am I? 
Then she cleared her throat. "You're unfair. Bakit hindi muna ikaw ang unang sumagot?" 
Mataman siya nitong tinitigan. "Dahil mas importante sa 'kin na ikaw ang unang umamin." 
"So you can win the game, gano'n ba?" Napakunot-noo siya. 
"Hindi pa ba?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. 
Tumahip ang dibdib niya. Hindi na niya makayang salubungin ang nagtatanong na mga mata ni Marcus. And she knew 

that any moment, she'll be out of her self-control. Paano ba siya sasagot kung sa sarili niya mismo'y hindi na siya 

sigurado sa totoong damdamin? She hates him, yeah. 

Pero may iba na nga ba talaga siyang nararamdaman sa lalaking 'to? 

She was about to open her mouth when Marcus looked away suddenly. Lumayo ito nang bahagya sa kanya at tumikhim.
 "Hinihintay na tayo ni Mommy. If you're done, sumunod ka na lang sa 'kin sa labas." Tumalikod ito saka lumabas ng 

kuwarto. 

Napatda siya. Sinipat niya ang sarili sa salamin. 

"Reeze, gumising ka nga! Don't fall for him. Kung ayaw mong masaktan ka din sa bandang huli..." she whispered. 
She closed her eyes. Anuman ang mangyari, hindi niya maaaring kalimutan ang dahilan kung bakit siya nakikisama 
ngayon kay Marcus. She has to fight, not only for the video, but most especially...to save her heart from falling in love. 

*** 

"JUST one rule." 

Napalingon si Reeze sa katabing si Marcus. Simula kaninang umalis sila sa condo ay hindi na nila nagawang mag-usap 
dalawa. Kaya naman nagulat siya nang bigla itong magsalita. 
"Let her stare at you for a moment. Whatever happens, don't speak before her." 
"Bakit naman?" 
"Ayaw niya nang inuunahan siya sa pagsasalita, lalo na kung first meeting n'yo pa lang. Okay lang kung babati ka. Pero 

pagkatapos n'on, tumahimik ka muna." Saglit siya nitong sinulyapan sabay baling muli sa daan. 

Napakunot-noo siya. "Wait, hindi ba gusto mong maturn-off siya sa 'kin? Eh 'di gagawin ko kung anong mga ayaw niya 
sa babae." 
"Maturn-off, pero hindi ko sinabing galitin mo siya. Para kasi sa kanya, kawalan ng respeto ang unahan siyang 

magsalita." 
Napangiwi siya. "Ang weird ng mommy mo ha." 
"Yeah she is, so be careful." He winked at her, charmingly. 
Napaiwas agad siya ng tingin. Hindi niya alam kung kinilabutan ba siya d'on o kinilig? Pasimple na lang siyang 

napahinga nang malalim. Baka kinakabahan lang siya ngayon dahil makakaharap niya ang ina nito. 
Ano nga kayang klase ng babae ang mommy nito? 
Then she felt Marcus' palm slided over her left hand. Saglit nitong hinaplos iyon saka pinisil. "Don't be scared," he said 

without looking at her. 

Namula siya, sa 'di malamang dahilan. Pakiramdam niya'y nakuryente siya nang maramdaman ang kamay nito. And it 
was so warm. 
Nang hindi na niya makayanan ay mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at napadungaw sa labas ng bintana. Pilit 

na lang niyang binalewala ang pakiramdam niyon saka sinilip nang mabuti ang labas. Mukhang nakapasok na sila sa 

isang village. 
Humimpil ang sasakyan nila sa tapat ng malaking gate. Namataan din niya ang isang security guard na nagbukas nito. 
Nang makapasok ang kotse'y agad din itong pinahinto ni Marcus. 

"We're here," deklara nito. 
Sabay na silang umibis ng sasakyan. Napalunok siya nang mapatingin sa kabuuan ng bahay-hindi! Isa palang mansiyon! 
Mediterranean ang style nito. At kulay krema ang buong edifice. Sa labas ay may makikita na isang malaking cascading 

fountain. They walked along the wide stone pavement. Sa dulo niyon ay may inakyat silang three-step ladder. Naroon ang malaking pintuan na may kakaibang disenyo. At pagpasok sa loob ay halos malula siya sa laki nito. Mas malawak pa ito sa mansyon nina Martha. Now she's wondering how rich his family is. 
"Ready?" Binalingan siya ni Marcus. 
"Yeah," kaswal niyang tugon. Pero sa loob-loob niya'y pinupuno na siya ng pag-aalinlangan. First time niyang 

maipapakilala sa magulang ng isang lalaki-thinking that she will be introduced as his girl. 
"Sir Marcus!" Napatingin siya sa middle-aged na babaeng sumalubong sa kanila sa sala. Agad itong yumakap sa binata. 
At sa itsura ng pananamit nito, masasabing isa ito sa mga kasambahay doon. 

"Ate Leta," pagbati naman dito ng binata. 

"Siya na ho ba 'yon?" Nang kumalas ang babae'y agad itong napabaling sa kanya. Nginitian naman niya ito, saka siya 
ipinakilala dito ni Marcus. 
"Ang ganda niya Sir Marcus." 
"Sala-" 
"Pero mas maganda si Ma'am Heidi." 
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Sabunutan kaya niya ang babaeng 'to? Buti na lang hindi natuloy ang 'salamat' 

niya kung hindi makakatikim ang Letang ito sa kanya nang hindi oras. Tumaas ang kilay niya dito pero agad lang siya 
nitong inirapan. 
Ambisyosang 'to? 
"Si Ate Leta talaga oh. Mas maganda naman si Reeze." Tumingin sa kanya si Marcus nang buong paghanga. 

'Ano 'yan Marcus, pampalubag loob?' anas niya sa isip. 
Napatingin na lang siya sa malayo. Simula nang makilala niya si Marcus, puro kontrabida ang mga nakakaengkuwentro 
niya. 

"Nasaan nga pala si Mommy?" tanong ng binata sa babae. 
Hindi na nito nagawang sumagot dahil lahat sila'y napatingin na sa babaeng pababa ng hagdanan. Hindi siya sigurado 
kung ilang taon na ito. Pero talaga namang napakabata pa ng itsura nito. Para bang nasa forties lang. Halata kasi na wala

 pa masyadong kulubot ang mukha nito. Pero hindi ito 'yong tipong minadyik lang. Actually, it looked natural. Classy 
din itong magdala ng damit. 
Sa ganda nito'y hindi na siya magtataka kung kanino nagmana si Marcus. Halos sampalin din siya nang naka-updo 

nitong buhok. Nahiya naman siya dahil mukhang dinaig pa nito ang ganda niya ngayon. 
"Good evening po," magalang niyang bati rito nang tuluyan itong makababa at makalapit sa kanila. 
Hindi siya nito sinagot. Nakataas ang kilay nitong sinipat-sipat siya mula ulo hanggang paa. Para bang ganitong-ganito 

lang ang ginawa sa kanya ni Sam noon. 

Naalala niya ang sinabi ni Marcus. She shouldn't look confident in front of her. Well, heto na nga iyon. Kahit huwag nang isama ang damit, titig palang ng nanay nito, gusto nang tumiklop ng kaluluwa niya. Matagal-tagal din siyang pinagmasdan ng babae. Natutukso na talaga siyang umimik-kung pwede lang. Kahit sana isa 
pang banggit ng 'good evening', gagawin na niya. Naiilang na kasi talaga siya. "Anong pangalan mo?" mataray na tanong nito. 
Pasimple muna siyang napasulyap kay Marcus bago siya sumagot. "I'm Reeze." 
"Reeze?" She paused. "I need your whole name." 
"Ahm...Reezelda Anne Martinez." 
Tumango-tango ito. "I'm Mildred. How old are you?" 
"Mom, hindi ba mas maganda kung sa dining niyo na siya interview-hin?" Pabiro pang ngumiti si Marcus sa ina. 
Matalim itong tumingin sa binata. "Tumahimik ka diyan Marcus!" Muli naman siya nitong binalingan. "Your answer?" 
"I'm twenty-five." 
"Good." Sabay talikod nito sa kanila. Agad din naman silang napasunod dito. Napahugot siya ng malalim na hininga. 

Ngayon pa lang, gusto na niyang umatras. Nakakatakot ang mommy ni Marcus! Itsura pa lang, parang nanlalamon na ng

 buhay. Naramdaman na naman niya ang paghawak ni Marcus sa kanyan kamay. "Just do your part. I'll take care of the rest," he whispered. 
Pabulong din siyang sumagot. "Gusto ko nang umuwi." 
"Huwag kang mag-alala, sandali lang 'to." 
Huminto si Mildred at humarap sa kanila. "May pinag-uusapan ba kayo?" 
"Wala po," mabilis niyang sagot. 
Walang kangiti-ngiti itong naglakad muli. 
Sa dining ay sinalubong agad sila ng iba't ibang putaheng hindi niya alam ang mga tawag. But mostly are French 

cuisines. 

Inalalayan siya ni Marcus sa pag-upo. Magkatabi sila samantalang nasa harapan naman nila ang mommy ng binata. 
Napahinga na naman siya nang malalim. There's really something about this woman which makes her feel uneasy. 
They started to eat. Pero ramdam niyang pasulyap-sulyap sa kanya ang ina ni Marcus. Mas lalo tuloy siyang naging 

iritable sa manggas ng damit na suot niya ngayon. Kung pwede nga lang na ibabang muli ang mga iyon, kanina pa niya 
ginawa. 
"Anong trabaho mo?" muling tanong ni Mildred sa kanya. 
"I'm a marketing assistant, sa company po ng uncle ko. El-U Products." 
"And about your parents?" 
Natahimik siya. Hindi niya alam kung paano magsisimulang sumagot dito. 
Sumabad si Marcus. "Her mom-" 
"Shut up!" 

She quivered. My God, malala pa 'to sa mama ko ah! 
Kalmado siyang sumagot. "My mom is the general manager. Ang papa ko naman po...he used to be a professional 

photographer. Pero hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon." Bahagya siyang napayuko. "Nine years na kaming hindi
 nagkikita." 

"What do you mean?" She frowned. 

Muli siyang nag-angat ng tingin dito. "Hiwalay na po sila ng mama ko." 

"Bakit?" 

"Mommy, hindi ba masyado naman yatang-" 

Pinandilatan nito si Marcus. "Kanina ka pa sumisingit diyan, hindi naman kita tinatanong." 

"Fine." Ngiming napangiti na lang si Marcus saka ibinalik ang tingin sa pagkain. 

"Ano na?" untag nito sa kanya. 
Paano ba siya sasagot? Kaya ba ayaw niya sa mga ganitong bagay eh. She hates the idea of answering personal 
questions-lalo na kung involved na ang pamilya niya dito. At lalo na, kung ganitong klase ng babae ang magtatanong sa 
kanya. 

"Sumama si Papa sa ibang babae," deretsahang sagot niya. Wala na siyang pakialam kung medyo rude ang dating n'on. 

Tinatanong siya nito eh, kaya naman sumagot na siya. 

Hindi agad nakaimik ang ginang. Mataman lang siya nitong tinitigan. 

"I came from a broken family," dagdag pa niya. Gusto lang niyang mang-inis nang kaunti. Kung matuturn-off man ito sa

 kanya, mangyari na ngayon pa lang. Gustung-gusto na talaga niyang umuwi. 

"Solong anak ka?" 
"I have an older sister," muli siyang bumalik sa pagsubo ng pagkain. Ayaw na talaga niya ng ganitong moment. Kung 
pwede sanang matapos na ang kalokohang ito ngayon pa lang. Maya-maya lang ay naglakas-loob siyang masalitang 
muli. "Pwede ho bang ako naman ang magtanong?" 

Muling umangat ang kilay ni Mildred. "Excuse me?" 

Kahit si Marcus ay nagulat sa sinabi niya. Pero hindi niya ito pinansin kahit pa alam niyang napatingin na ito sa kanya. 

Tipid siyang ngumiti. "Nasaan na ho ang papa ni Marcus?" 

"Patay na siya." 

"I'm sorry," napayuko siya nang bahagya. 

"Limang taon pa lang si Marcus, namatay na siya nang dahil sa sakit." 

"Kapatid po?" 

Bahagyang kumunot ang noo nito. Mukhang hindi nito inasahan na magtatanong siya sa ganoong paraan. Pero wala na 
talaga siyang pakialam sa iisipin nito. 
"He's my only child," sagot nito kapagkuwan. 
"Pero bakit hindi niyo po naisip na magpakasal ulit?" 
Narinig niyang tumikhim si Marcus. Napalingon siya dito. Nagtatanong na ang mga mata nito. But she only gave him a 

sided smile. 

"Ms. Reezelda, hindi ba masyado nang nagiging matalas ang dila mo? I'm the one who should be asking you questions. 
Pero bakit pinangungunahan mo ako?" Halata na sa himig ng ginang na naiinis na ito sa kanya. 
Well, iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari. 
Hindi niya ito sinagot. Wala naman siyang intensyong maging bastos dito. Pero naisip niyang nagiging unfair na ito sa 

part niya. Sino lang ba siya sa buhay ni Marcus? Bakit kailangan niyang ma-tense sa harap ng nanay nito? At bakit niya kailangang sumunod sa mga gustong mangyari ng binata? Wala silang relasyon. Hindi niya dapat pinagdadaanan ang ganito. "Saan ba kayo nagkakilala?" muling tanong nito na diretso nang nakatingin sa kanya. "Sa hotel po," walang prenong sagot niya. "Hotel?" "It was a mistake. My mistake actually," makahulugan siyang tumingin kay Marcus. Nakaawang naman ang mga labi ng binata na gimbal na gimbal na sa mga lumalabas sa bibig niya. 
"What mistake?" Mildred frowned. 
Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Pero mabuti nang ngayon pa lang, sumama na agad ang 
tingin nito sa kanya. "Nagkamali po ako ng pasok sa kuwarto niya. And..." 

Napanganga ang ginang. "N-nagkamali ka, and then what?" 
Hindi na siya nakaimik. Parang nagyelo na siya sa kinauupuan. Ano bang pinagsasabi niya? Napasobra naman yata siya. 
"Mom, she's just--" 
"Ilang beses ba kitang pagsasabihan na tumahimik ka muna?!" Muli na naman nitong sinaway ang anak. 
Tinitigan siya ng ginang. "Reeze?" 
She cleared her throat. "I think, hindi ko na ho kailangang sagutin 'yan. Alam niyo na siguro kung anong sunod na 

nangyari." Dagli siyang napaiwas ng tingin. Minsan talaga hindi niya alam kung paano kokontrolin ang bibig niya. 

Ngayon lang siya naging aware na nakakahiya na pala ang mga pinagsasasabi niya. She's now melting. 
Napasandal ang ginang sa upuan. Nakakrus ang mga braso nitong nakatingin lang sa kanya. "Inisip ko nang katulad ka 
lang ng ibang babaeng nakarelasyon ni Marcus--girls who are only good for night fun. Pero hindi ko inasahan na ganito 
ka-vulgar ang makikilala ko ngayon. 

Napatingin siya dito. Gusto niyang mag-sorry pero para saan pa? Sirang-sira na ang imahe niya dito. At isa pa, ito 
naman ang binalak niyang mangyari hindi ba? Gusto rin niyang inisin lang si Marcus. 

Iyon nga lang, hindi niya inasahan ang sunod na sinabi ng ina ng binata. "Honestly, I like your attitude." 
"H-ho?" 
Ngumiti ito. "Hindi mo na kailangang magpakatrying-hard kung gusto mong mang-inis ng tao." 
Hindi siya nakaimik. 
"I know you're not comfortable with your outfit my dear. At hindi na 'ko magtataka kung si Marcus ang nagpilit sayong 

magpasuot ng ganyan." 
Napatingin sa malayo ang binata. 
"Hoy Marcus, alam kong ginagamit mo lang ang babaeng 'to para makaiwas ka sa mga babaeng inirereto ko sayo." 
Patay-malisya lang ang binata habang sumusubo ng pagkain. 
"Akala mo uubra sa 'kin 'yan?" She leaned forward. "Eh kung sabihin ko sayong pakasalan mo ang babaeng 'to?" 
Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa ina ni Marcus. Natigil na rin sa pagsubo ang binata. 
"Hindi po pwede!" mabilis niyang pagtanggi. 
"At bakit hindi?" Salubong ang kilay na tanong nito. 
"Madam, we're just playing. Wala naman talaga kaming relasyon." 
"Eh 'di totohanin niyo!" matapang na utos nito. 
Nagkatinginan silang dalawa ni Marcus. Pero saglit lang at kapwa din silang napabaling sa malayo. Pareho silang 

nailang. 
Totohanin? Mariing tumanggi ang utak niya sa posibilidad na iyon. 
Pero bakit iba yata ang sinasabi ng puso niya ngayon? 
*** 

"O, BAKIT natahimik kayong dalawa?" Nagpapalit-palit ang tingin ni Mildred sa kanilang dalawa. Pero walang 

gustong umimik sa kanila. 
Marahan niyang sinipa si Marcus. Iyon nga lang, hindi pa rin ito natinag. Inulit niyang gawin 'yon saka niya ito 
pasimpleng tinignan. Pero ang loko, mukhang wala talagang balak na magsalita. 

Kapag nanahimik pa rin ito sa loob ng ilang segundo, aapakan na talaga niya ang paa nito. 

Akmang gagawin na niya iyon nang maramdamang humaplos ang likod ng kamay nito sa binti niya. Nanigas siya. 

Gagong 'to! 

Pigil-ngiti naman ang binata. Halatang inaasar siya nito. At hindi na rin siya nakapagpigil. Talagang inapakan na niya 
ang paa nito. Pero dahil nakaupo sila ngayon, hindi siya masyadong nakapuwersa. Kaya naman nagawa lang siyang 
tawanan ng binata-nang pasimple. 
"Kayong dalawa!" Napapitlag silang pareho sa matapang na boses na iyon ni Mildred. Sabay pa silang napatingin dito. Napahinga ito nang malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko alam kung hanggang kailan n'yo balak maglaro. Pero gagawin ko ang lahat para makasal lang kayo." 
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Teka po--" 
"Ayan na naman kayo sa gusto niyong mangyari," hirit agad ni Marcus. 
"At bakit, may angal ka?" Matalim ang tinging ipinukol nito sa anak. 
Marcus sighed. "Gaya ng alam n'yo, we're just playing. Darating din ang time na magkakasawaan kami." 
"Bakit hindi n'yo muna subukan bago ka magsalita nang ganyan?" 
Natameme ang binata. 
Tumikhim siya. Siya naman ang babanat ngayon. "Ahm..." 
"May sasabihin ka?" 
Napalunok siya. 'Ahm' pa lang ang sinasabi niya, may warning na agad. "Ang gusto ko lang hong sabihin, hindi naman 

po kami 'yong tipong nagde-date talaga. May nangyari lang po kaya kinailangan naming magsama." 
"Magsama?" 
Napaglapat niya ang kanyang mga mga labi. Naramdaman niyang siya naman ang sinipa ni Marcus. 
'Ano na namang salita 'yan Reeze?' sermon niya sa sarili. 
"Ang ibig lang niyang sabihin..." Hindi na naman naituloy ni Marcus ang sasabihin. As usual, tinignan na naman ito ng 

masama ng sariling ina. 
"Don't tell me that you were living together?" Makahulugan itong tumingin sa kanila. 
Saglit niyang sinulyapan si Marcus. Gusto sana niya itong tanungin kung anong dapat sabihin, pero sa huli'y wala rin 

siyang naging choice kung hindi sumagot. "Opo." 

"It's temporary. We just-we just have a deal. Three weeks ko lang siyang pinagstay sa condo ko," segunda naman ng 
binata. 
Hinintay nilang sumagot ang ginang. Umasa pa siya na magagalit ito sa nalamang ginagawa nila ngayon. 
"Much better!" 
Napamaang siya sa narinig. Siya ang talagang nagugulat sa attitude ng nanay ni Marcus. 
"Ano bang sinasabi niyong much better?" angal-tanong ng binata. 

Pero isang sulyap lang ang iginawad nito sa anak saka tumingin sa mesa. "Are you done?" 
"Yes," mabilis na sagot niya kahit sa totoo lang ay hindi niya halos nalulon nang maayos ang pagkain. Grabe kaya ang 
nangyari. Para siyang isinabak sa giyera na bigla na lang naiba ang laban. 

"Nagpahanda ako ng dessert. Ipapalabas ko na rin." 

"Thank you na lang po." She paused. "Medyo busog na rin po ako eh. Saka kailangan na naming umuwi ni Marcus." 

"Sinong may sabi sayong pwede na kayong umuwi?" 

Pasimple niyang nilingonan ang binata. Magsalita ka diyan! Halos pandilatan na niya ito. 

"She's right. Kailangan na naming-" 

"Mamaya na," kaswal itong sumagot. "Kakausapin ko pa si Reeze." 

"Mom?" 

Hindi nito pinansin si Marcus. "Excuse me, I'll just go to the restroom." Tumayo ito saka sila iniwan. 

******** 

"WHAT was that?" 

Napaangat ang kilay niya sa tanong na iyon ni Marcus. Nasa sala sila. Nakakrus ang mga braso ng binatang nakatayo sa 

harapan niya. Siya naman ay nakaupo lang sa may sofa. 
"Anong klaseng tanong 'yan?" 
"Yong mga sinabi mo kanina." 
"Ang akala ko naman kasi sa oras na sabihin ko 'yon, magagalit talaga siya. Kanina ko pa kaya gustong umuwi." 

Napayuko siya. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya alam kung paano ipapahayag ang labis na pagkainis niya sa 
binata. Hindi na siya dapat pumayag na sumama dito umpisa pa lang. Mas lalo pang naging malala ang nangyari. 
Pagkuwa'y nag-angat siyang muli ng mukha dito. "Grabe, bilib din ako sa mommy mo ano? Lakas ng pakiramdam." 
"Yeah. And we're facing a big problem." 
"What do you mean?" 

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi niya kanina?" He snorted. 
"Alin, 'yong gusto niya tayong magpakasal?" 
Napalunok ang binata. Napatitig lang ito sa mukha ni Reeze. Sa itsura nito'y parang napaso ito ng salitang kasal-na may 

ibang pakiramdam nga lang na kasama. Napaiwas ito ng tingin. 
"Hindi naman niya tayo mapipilit nang basta na lang eh, lalo't wala siyang alam tungkol sa naging kasunduan natin." 
"You don't know her." 
Natahimik siya. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ni Marcus. Kahit nakatagilid ito'y nasisilip pa rin niya ang 

itsura nito. Mukha itong problemado. 
Pagkuwa'y nakita niyang palapit sa kanila ang ina ng binata. Agad siyang napatayo. 
"Sumunod ka sa 'kin Reeze." 
"Saan n'yo naman siya dadalhin?" tanong ni Marcus. 
"Wala kang pakialam. Kakausapin ko siya, may problema ba d'on?" 
"Eh bakit hindi n'yo na lang gawin dito?" 
"Kinukuwestiyon mo ba 'ko?" Bahagya nang tumaas ang boses nito. 
Napakamot ng ulo ang binata. "Baka kasi-" 
"Huwag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa nobya mo." 
"Hindi po niya ako nobya," sabad niya. 
"Just follow me!" mariing utos nito sabay talikod sa kanila. 
Siniko niya ang binata. "Gumawa ka nga ng paraan diyan." 
Napabuga ito ng hangin. "Anong paraan? Nakita mo na ngang hindi ako makahirit sa kanya eh." 
"You know what, you're really ruining my life!" singhal niya ditong sinadyang hinaan ang boses. 
Makahulugan itong tumingin sa kanya. "Yeah, but admit it. Nage-enjoy ka namang kasama ako hindi ba?" 
"Ass--" Natigilan siya nang makitang medyo nakakalayo na si Mildred. Baka mamaya'y bulyawan pa siya nito kapag 

nakitang hindi pa siya nakasunod dito. 
Nagmadali na siyang naglakad pero sinulyapan niya muna si Marcus. "Mamaya ka sa 'kin!" 
Ngumiti ito nang makahulugan saka siya kinindatan. "I'm waiting..." 
Napabuga na lang siya ng hangin. Nakakainis! Bakit ba nangyayari sa 'kin 'to? 
******** 
SA MAY pool side siya pinasunod ng ina ni Marcus. Napasilip siya doon. It was an oval-shaped pool with lights 

attached on its side. And they were blowing an effect to the water. Magkahalong berde at dilaw ang kulay na nakikita 

niya. Para tuloy kay sarap lumusong doon ngayon. 
"Can you make him fall in love with you?" bungad na tanong ni Mildred sa kanya. Nakatalikod ito at gaya niya, sa pool 
din ito nakatingin. 

"Ano po?" Nagulat siya sa tanong na iyon ng ginang, lalo pa't napakaseryoso ng himig nito. 

Humarap ito sa kanya. "Hindi ba malinaw ang tanong ko sayo?" 

Halos maumid niya ang dila. Maloloka na talaga siya sa nanay ni Marcus. "Ahm..." 

"Hindi. Kalimutan mo na pala ang tanong ko." She paused and looked straightly into her eyes. "Make him fall in love 

with you!" 
Hindi na naman siya nakasagot. Inuutusan ba siya nito? 
"Sa nakikita ko, mukhang mababaw pa lang ang relasyon n'yong dalawa sa ngayon. Pero naniniwala akong kaya mong 

mapaibig ang anak ko nang tuluyan." 
"Pero Madam, hindi ho talaga pwede ang gusto n'yong mangyari. May deal lang po kami at kapag natapos 'yon, hindi na

 rin kami magkikita kahit kailan. Hindi ako ang babaeng pwede sa kanya." 

Kumunot ang noo nito. "Bakit, may asawa ka na ba?" 

"Wala pa po." 

"Boyfriend?" 

Umiling siya. "Wala rin po." 

"Eh 'di wala palang problema!" Muli nitong ibinalik ang tingin sa pool. 

Napanganga siya. Ngayon, hindi na talaga siya magtataka kung ina nga ito ni Marcus. Pareho kasi silang weirdo eh. 

Pagkuwa'y muli itong nagsalita. "Ang batang 'yon, hanggang ngayon hindi pa rin nakakalimot sa ex niya." 

"Kay Heidi po ba?" deretsahang tanong niya. 

"Hindi. May nauna pa sa kanya, at sa mga babaeng nakarelasyon niya noon." 

"Nabanggit nga po niya sa 'kin ang tungkol diyan." 

"It was years ago nang makilala niya ang babaeng 'yon. She was actually his first love. And she was a very lovely 

woman. I only met her once, pero talagang nagustuhan ko siya. At alam kong gano'n din ang pagkagusto ni Marcus sa 

kanya." Huminga ito nang malalim saka nagpatuloy. "Kaya naman nang pumunta ang babaeng 'yon sa States, sinundan 

siya agad ni Marcus. One year din silang naglive-in d'on. Magpapakasal na nga dapat sila eh. Hindi nga lang natuloy." 
"Bakit naman po?" curious niyang tanong. Naalala niyang nasabi na ito ni Marcus sa kanya noon, pero wala naman 
siyang narinig na paliwanag mula sa binata. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan. He never told me anything." Umiling-iling ang ginang. "Nang umuwi si Marcus dito, he was no longer the cheerful young man I used to know. Alam kong mahal na mahal niya ang babaeng 'yon. I witnessed how he became so depressed because of her. At dahil doon kaya ginawa ko ang lahat para 
tulungang makalimot ang anak ko. Ilang babae na rin ang pina-date ko sa kanya. May ilang naging girlfriend niya, pero 

hindi naman niya sineryoso." 
Muli itong humugot ng malalim na hininga. "Si Heidi na nga ang masasabi kong pinaka-sineryoso niya sa lahat. They 
were together for three years. Pero sa huli, nauwi rin sa wala ang relasyon nila. Bumalik man ang pagiging makulit ng 
batang 'yan ngayon, alam kong naroon pa rin ang sakit sa loob niya." 

Humarap ito sa kanya. "Sana naman naiintindihan mo kung bakit ganito ko na lang pilitin ang anak kong humanap ng 

babaeng mamahalin at pakakasalan niya. Sobrang tigas ng ulo niya at patuloy pa rin siyang nabubuhay sa nakaraan." 
Napalunok siya. Hindi niya alam na ganoon pala ang pinagdaanan ni Marcus. Hindi niya maipaliwanag kung anong 
nararamdaman niya ngayon. 

"Sa totoo lang, kanina ko pa kayo pinagmamasdan. Ngayon ko lang din nakita si Marcus nang gano'n. He was different 
tonight. Ibang-iba nang ikaw ang kasama niya." 

Pasimple siyang napaiwas ng tingin. 
"Hindi ko alam kung anong klaseng deal ang ginawa n'yo. But I can feel that my son has something towards you-kahit 
papaano. And I know you too, feel the same way." Mildred cleared her throat. "Make him love you." 

Napangiwi siya. Sobra namang makautos nito. Parang ang dali lang gawin n'on ah? 
"Hindi n'yo naman po naiintindihan eh." 
"Ako ba ang hindi nakakaintindi?" She frowned. "Baka naman in love ka na rin sa anak ko, hindi mo lang maamin," 

sarkastikong saad nitong tinalikuran na siya. "Pwede na kayong umuwi." 
"Hindi po ako in love 'no," mabilis na depensa niyang napasunod sa ginang. 
Pero hindi siya nito pinansin. Patay-malisya lang itong nag-aayos ng buhok. 
"Madam, hindi po pwedeng maging kami. That jerk won't love me!" 
Napahinto ang babae. Humarap ito sa kanya.Bahagya naman siyang napayuko. Ang gagang bibig niya, umandar na 

naman! 

"Yeah, my son is definitely a jerk. Kaya nga sinasabi kong paibigin mo siya eh. At hindi kita titigilan hangga't hindi kayo ang nagkakatuluyan." Muli siya nitong tinalikuran. Napapikit siya nang mariin. Bakit ba siya naiipit sa ganitong sitwasyon? Ang walanghiyang Marcus, kung anu-ano ang 
dinadala sa buhay niya. 
"Madam?" 
"Pwede ba, tumahimik ka na? Sumasakit na ang ulo ko sa boses mo." 
Nakabalik na sila sa sala pero ang ginang, dumeretso na ng akyat sa taas. Ni hindi na nga siya nito nakuhang sulyapan 

muli eh. 
Lumapit sa kanya ang binata. "Anong pinag-usapan n'yo?" 
"Bwisit ka talaga!" Tinignan niya ito nang masama sabay tulak dito. Dali-dali siyang lumabas ng bahay saka huminga 

nang malalim. 

I hate Marcus. I hate her mom...Argh, I hate them both! *** 
"HOY Marcus!" 

Naalimpungatan si Marcus nang marinig ang boses ni Sam. Nagulat pa siya nang makita itong nakatayo sa gilid ng 
kama niya at nakapamaywang pa. 
"Anong oras mo balak bumangon diyan? Male-late ka na kaya." 
Madali niyang kinapa ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Sinilip niya ang oras. Magaalas-siyete na. 

Natampal niya ang noo. Ngayon lang yata siya tinanghali ng gising. 
"Anyare, hindi ka nagising sa alarm?" Maarteng umupo ang bakla sa tabi niya. 
"Sinadya ko talagang hindi mag-alarm." Napasilip siya kay Reeze. Nakatagilid ito ng higa sa sofa bed at mahimbing pa 

ring natutulog. 
"Bakit naman?" 
"I don't want to wake her up." Marahan siyang bumangon at umupo sa kama. Hihikab-hikab pa siyang muling 

sinulyapan ang cellphone. 

Umangat ang kilay ni Sam. Saglit pa nitong tinapunan ng sulyap ang dalaga. "Inalala mo pa ang babaeng 'yan? Eh kahit 

yata mangalembang ka ng kaldero malapit sa tenga niyan, hindi 'yan basta-basta magigising." 

"Sobrang late na kaming nakauwi kagabi. Siguradong puyat siya." 

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya. "At kelan ka pa naging concern sa kanya?" 

Hindi siya sumagot. Tipid lang siyang tumingin kay Sam saka binalingang muli si Reeze. 

"Teka, ano nga palang nangyari sa dinner ninyo kasama si Madam? Minaldita ba siya ng mudra mo?" Bahagya pa itong 

umusod palapit sa kanya. Mukha pa itong excited sa kung ano. 
Pero hindi siya umimik. 
"For sure hindi siya nagustuhan ng mommy mo. Sa talas ng dila niyan, siguradong semplang na ang beauty niyan 

umpisa pa lang." 
"Actually, kabaliktaran ang nangyari." 
"Anong ibig mong sabihin?" maang nitong tanong. 
"She wants us to get married." 
"Hu-what?" Tinuro nito ang dalaga at para bang hindi pa ito makapaniwala. "Paano pumasa sa taste ni Madam ang 

lokaret na 'yan?" 
"Hindi ko rin alam. Kahit nga ako nagulat din eh." Napakibit-balikat siya. 
"Nagulat, pero parang relax ka pa diyan?" 
Natigilan siya. Oo, talagang nagulat siya sa nangyari. Imbes kasi na ma-turn off ang mommy niya, parang mas 

nagustuhan pa nito si Reeze. Hindi talaga niya inasahan ang bagay na 'yon. 

Pero isang bahagi niya ang mas natuwa pa sa kinalabasan ng pagpapakilala niya kay Reeze. At aaminin niya, napahanga siya nang husto nito. 
"Eh ano ngayon ang balak mong gawin? Sa pagkakakilala ko sa nanay mo, hindi niya kayo titigilan dalawa hangga't hindi nangyayari ang gusto niya." 
Napahikab siyang muli saka nagpasyang tumayo. "Honestly, I don't know yet." Saglit niyang nilingonan si Sam saka tuluyang lumabas ng kuwarto at dumeretso sa banyo. 
Napangiti siya bigla. The idea of his mom wanting him to get married with Reeze excites him. Badly. Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi kasi niya mapigilang matuwa nang sobra sa mga nangyayari ngayon. 
Pero isang bagay lang ang sigurado niya. He wants more of Reeze. 
******** 
KATATAPOS lang maligo ni Reeze, pero nablangko na ang isip niya sa susunod na gagawin. She felt bored. Parang may gusto siyang gawing isang bagay pero hindi lang niya matukoy kung ano. Hangga't maaari din kasi, pilit niyang iniiwasang maalala ang mga nangyari kagabi. Panay hiling nga niya na sana'y panaginip lang na nakilala niya ang mommy ni Marcus. It was really a crazy night. 
She remembered everything she said, pati na rin ang utos nitong paibigin ang anak nito. Napabuga siya ng hangin. Like mother, like son. Parehong nababaliw! 
Napatingin siya sa kama ni Marcus habang marahang kinukuskos ng tuwalya ang buhok. Kagabi pa siya napapaisip kung anong dahilan ng paghihiwalay nito at nang una nitong nobya. Parang hindi niya ma-imagine na ang tulad ng binata'y made-depress nang dahil sa isang babae. 
Wala kasi sa itsura at dating nito. 
Pero bakit ba niya ginugulo ang isip niya tungkol d'on? Wala siyang pakialam kay Marcus. Period. 
She just brushed her hair and went back outside. Tahimik ngayon ang buong unit dahil wala si Sam. Kung saang lupalop
 man ng mundo pumunta ang baklang 'yon, wala rin siyang pakialam. Paggising kasi niya kanina, wala na ang mga tao d'on. Napahaba rin kasi ang tulog niya kaya't magtatanghali na nang magising siya. 
Sinamantala rin niya ang pagkakataon. Ni-raid niya ang kuwarto ni Marcus kanina. Pero first half muna. Sinilip lang niya ulit ang bedside table, ang drawers, pati na rin ang bahagi ng drawing table. Naka-set na ang lahat ng gagawin niyang paghahanap sa memory card. Talagang hindi niya titigilan ang bawat sulok ng silid nito mahanap lang 'yon. Kung wala, isusunod niya ang sala, ang kusina hanggang sa kuwarto ni Sam. At kapag wala pa rin, sa kotse na ng binata
 siya maghahanap. 
Ganoon na siya kadesperadang makalaya sa kasunduan nila ni Marcus. 
Pabagsak siyang napaupo sa sofa at binuksan ang TV. Prente niyang isinampa ang mga binti sa ibabaw ng center table, saka siya naghanap ng mapapanood. Todo pindot pa siya sa remote. Nainis kasi siya dahil wala siyang makitang matinong palabas. No choice siya kung hindi pagtiyagaan na lang ang isang cooking show na nadaanan niya. 
Bahagya siyang napakislot nang marinig na may pumasok. Si Sam...na may bitbit na paper bag. Kung ano mang laman n'on, wala siyang ideya. 
"Wow, gising na pala ang senyorita," sarkastikong bungad nito sa kanya saka dumeretso ng upo sa club chair. 
"Ano 'yan?" Itinuro niya ang paper bag na ipinatong nito sa mesa. 
"Lason...para sayo," mataray na sagot nito. 
She just rolled her eyes. Sumandal na lang siya sa sofa at ibinalik ang tingin sa pinapanood. 
"Skin whitening lotion 'yan." Inilabas nito ang laman niyon at ipinakita sa kanya ang dalawang botelya. "Nabanggit ko 

na ba sayo na nagne-networking ako?" 
"Hindi pa. Talaga, member ka sa mga ganyan?" 
"Oo naman 'te. Laki na nga rin ng komisyon ko diyan eh. Ipasok kita, gusto mo?" 
"I'm not interested," pa-irap niyang tugon. 
"Choserang 'to. Eh 'di huwag!" Inis na ibinalik nito ang mga lotion sa loob ng paper bag. 
Muli siyang napabaling kay Sam. "Wala ka bang ibang trabaho?" 
"Dati akong nagtuturo sa isang private culinary school. Pero nag-resign din ako two months ago. Akala ko kasi 

matutuloy na 'yong inaplayan ko sa Italy. Eh nadelay. Kaya habang waiting pa 'ko ngayon, ito munang networking ang 

inaatupag ko." 
Napatango na lang siya. Pasimple niyang pinagmasdan si bakla. May oras din naman palang matino itong sumagot eh. 
"Nasa'n nga pala ang pamilya mo?" 

Umangat ang kilay nito. "Close tayo?" 

"Nagtatanong lang ako. Pero kung ayaw mo sa tanong ko, eh 'di huwag mong sagutin." She also raised her eyebrow. 
Baklitang 'to! 
Hindi na siya nito hiniritan pa. Sumeryoso na rin ang mukha nito. "Actually, wala na 'kong magulang. Matagal na silang

 patay. May kapatid akong lalaki. Teenager pa. Kasama siya ng lola ko ngayon sa Bicol." 

"Bakit ka nga pala dito nakatira sa condo ni Marcus?" 

"Nang mag-aral kasi ako dito sa Manila, nagbo-board lang ako. Nakilala ko si Marcus n'ong college. Pareho kasi kami 

ng school n'on eh. Computer Engineering pa ang course ko n'on bago ako nag-decide na mag-aral ng culinary. Naging 

close kami sobra. Kaya dito na rin niya 'ko pinatira sa condo niya." 

"Ah..." 

"Ang haba ng sinabi ko, 'ah' lang ang sinagot mo?" Naningkit ang mga mata nito. 

"May iba pa ba akong dapat sabihin?" pagtataray niya. 

"Whatever!" Tumikhim ito. "Teka, maiba ako. Ang sabi sa 'kin ni Marcus, pumasa ka daw sa mader niya? Anong magic

 ang ginawa mo at nagustuhan ka niya?" 

She snorted. "Aba malay ko. Pareho lang ang mag-inang 'yon. Kakaibang mag-isip." 

"Ikaw din naman eh." 

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong sabi mo?" 

"O bakit, totoo naman 'di ba? Kaya ka nga nashunga ng pasok ng room eh." 
"Tsk." Inismiran na lang niya ito. Sawa na siyang magkipag-away nang dahil sa bagay na 'yon. 
"Pero alam mo, kakaiba naman talaga si Madam eh. Nakakatakot tumitig 'yon. Tagos hanggang buto ang x-ray vision." 
"Pansin ko nga. Pero maganda siya infairness ha. Ang bata pa ng hitsura niya. Mukhang alagang-alaga." 
"Oo naman. Meticulosa pa ang senyora." Tinignan siya nito nang diretso. "Ang sabi ni Marcus, gusto daw kayong 

ipakasal?" 

Napahinga siya nang malalim. "Medyo naintindihan ko naman kung bakit sinabi 'yon ng nanay niya. Pero kahit naman anong gawin niya, hindi niya kami mapipilit ni Marcus." "Hindi mo pa kilala si Madam. Basta para sa lovelife ng unico hijo niya, gagawin niya ang lahat. Matinding nanay kaya 
'yon. Kung alam mo na ang tungkol sa past ni Marcus, maiintindihan mo siya." Seryoso ang pagkakasabi doon ni Sam. 
Napakibit-balikat na lang siya. Wala siyang intensyong alamin kung anong pwedeng gawin ng ina ni Marcus. Kagabi pa

 lang naman, ipinasya na niyang mamadaliin ang paghanap sa memory card. Pagkatapos n'on, run away na siya. 
Tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya iyong dinampot sa mesa. Unknown number. Pero sinagot pa rin niya. 
"Hello?" bati niya sa kabilang linya. 
"Where are you now?" Matapang ang tinig na 'yon ng babae. Pamilyar sa kanya. 
"I'm sorry, who's this?" 
"Nasa unit ka ba ni Marcus ngayon?" 
Napakunot-noo siya. Sandali rin siyang napaisip. Saka naman halos manlaki ang mga mata niya nang makilala kung 

sino 'yon. "M-madam?" 
She heard her sigh. "Isang beses ko na lang uulitin ha. Nasa unit ka ba ngayon ni Marcus?" 
Kinabahan siya bigla. "Opo. Bakit kayo napatawag? Paano niyo nalaman ang number-" 
"Magbihis ka ngayon din. Nasa labas ako ng building. I'm waiting." 
"H-ho?" Pero wala na siyang narinig dahil binabaan na siya agad ng telepono. 
"Tinawagan ka na ni Madam?" usisa ni Sam. 
"Hindi ko nga alam kung bakit eh," maang na sagot niya. 
"Ay naku 'te, kung sinabi niya sayong magbihis ka at hinihintay ka niya, magmadali ka na." 
She frowned. "Narinig mo sinabi niya?" 
"Hindi, alam ko lang. Naka-record na kasi sa utak ko kung paano mag-utos ang nanay ni Marcus. Kaya tumayo ka na 

diyan!" 
"Pero ano bang balak niyang gawin?" 

Tumayo ito at hinawakan ang braso niya. Pinatayo na rin siya nito. "Malamang makikipag-bonding sa manugang niya." 

Napaawang ang mga labi niyang nagitla sa sinabi ni Sam. Parang kinikilabutan siya sa kung anumang mangyayari. 
"Ano bang sinasabi mo diyan?" 
"Huwag ka na ngang maraming dakdak diyan. Kapag nainip si Madam sa kahihintay, susugod 'yon dito. Kung ayaw 

mong magtatalak 'yon, bilisan mo ang kilos." Taranta si Sam na halos ipagtulakan na siya papasok sa kuwarto. 
"Huwag mo nga akong itulak," angal niya dito. 
"Anong gusto mo, kaladkarin kita? Bilisan mo at hindi ako prepared na makita siya ngayon. Mga katulad kasi n'on, 

kailangan ng mataimtim na panalangin bago harapin." 
Pambihirang baklang 'to, pati tuloy siya natataranta na rin. 
******** 
"ANG TAGAL mo!" bungad na bulyaw sa kanya ng mommy ni Marcus nang makalabas siya ng condo. Sa tapat ng 

isang pastry shop siya nito hinihintay. Naka-park din doon ang sasakyan ng ginang. 

Katulad ng dati, napaka-elegante pa rin nitong pumostura. At talaga namang nakaayos palagi ang buhok. Hindi na siya 

magtataka kung may sarili itong hairdresser. Parang si Martha lang, pangrampa palagi ang mga hairstyle. 

"I'm sorry. Binigla n'yo naman po kasi ako eh," tugon niya. 

"Sumasagot ka pa?" 

Napayuko na lang siya. 

"Get inside," utos nitong umuna na ng sakay sa back seat. 

Bahagya siyang yumukod upang silipin ang ginang sa loob. "Saan po ba tayo pupunta?" 

"Don't ask. Just get in!" singhal nito. 

Aangal pa sana siya pero tinaasan na siya nito ng kilay. Kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi sumakay ng 

kotse. 

"Ano ho ba talagang binabalak niyong gawin?" deretsahang tanong niya. Wala na talaga siyang pakialam isipin man 

nitong wala siyang kaclass-class sa katawan. 

"Pwede bang tumahimik ka na lang diyan?" 

"Paano ho ako tatahimik kung wala akong ideya kung saan tayo pupunta at kung anong gagawin natin?" 

Hindi siya nito pinansin. 

"Madam?" angal niya. 

Matalim siya nitong tinignan. "Ganyan ka ba makipag-usap sa magiging biyenan mo?" 

Nalaglag ang panga niya sa narinig. "Ano bang sinasabi niyong biyenan? Kahit anong mangyari, hindi ho ako 

magpapakasal kay Marcus." 

Pero muli lang siya nitong inisnab. Patay-malisya lang itong nag-ayos muli ng buhok. 
Deadmahin daw ba 'ko? anas niya sa isip. 

Pagkuwa'y kaswal na nagsalita si Mildred. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. But you cannot stop me from 
making you my daughter-in-law." 
"Hindi po pwede. Ayoko!" mariing pagtanggi niya. Isang malaking kalokohan ang gusto nitong mangyari. Ang 

matawag nga lang siya na manugang, nakakapagpangilabot na nang husto sa kanya. Kahit kailan, hindi niya naisipang 

magpakasal sa kahit na sinong lalaki. At hindi niya papangarapin na ito ang maging biyenan niya. 
And most of all, she will never marry a man like Marcus. Masyado nang malaki ang nawala sa katinuan niya simula 
nang makilala ang lalaking 'yon. 

"At kahit pa po anong sabihin n'yo, hindi n'yo ako mapapapayag sa gusto n'yong mangyari." 

Makahulugan siyang sinulyapan ng ginang. "Sorry my dear, but I have already decided. You'll marry my son, whatever 
happens." 
Oh please, pakisampal naman ako kung nananaginip lang ako! 
*** 

"BAKIT po tayo nandito?" tanong ni Reeze kay Mildred nang makapasok sila sa isang classy na boutique. Itsura pa lang ng loob, alam niyang mamahalin na ang mga ibinebenta doon-mga tipong hindi niya afford, itaktak man ang buong savings niya rito. "Ano ba sa tingin mo ang lugar na 'to?" sarkastikong balik-tanong ng ginang. "Magsho-shopping pala kayo, bakit kailangan n'yo pa po akong isama?" Huminto ang babaeng nasa unahan niya at salubong ang kilay na humarap sa kanya. "Umaangal ka na naman ba?" "Kasi naman po--" Agad siya nitong tinalikuran kaya naman hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin. Lumapit lang ito sa isang clothing rack at tinignan ang mga damit na nakasabit doon. 
"'Eto na naman at inisnab ako!" inis na bulong niya. 
Napabaling siya sa lalaking lumapit kay Mildred. Mukhang silahis itong kumilos. Pero sa postura nito, hindi na siya 
magtataka kung ito ang manager ng boutique na 'yon. 

"Tagal n'yo ring hindi napadaan dito Madam ah," mahinhing bati nito. 
Pero hindi ito pinansin ng ginang. Abala ito sa pagsipat sa isang halter neck dress. 
Ngimi siyang napatingin doon. Masyado kasing sexy ang damit na 'yon at mukhang hindi babagay sa nanay ni Marcus. 
Medyo bata pa naman ang hitsura ni Madam Mildred. Isa pa'y makikinitang may hubog pa rin ang katawan nito. Pero 

para makita itong magsuot ng ganoong ka-fitting na damit, hindi yata niya kayang imagine-in-lalo na't napatunayan 
niyang mahilig itong magsuot ng mga autumn blouses. 
"Hindi ko alam na mahilig din pala kayong magsuot ng ganyan." Hindi niya napigilang magkomento. 
Umangat ang kilay nitong napatingin sa kanya. "Niloloko mo ba 'ko?" 
She smiled sheepishly. "Hindi naman po." 
Napabuga na lang ito ng hangin sabay abot sa kanya ng damit. 

Napamaang naman siyang kinuha 'yon. "Huwag niyong sabihing..." 
Muli, tinalikuran na naman siya ni Madam at lumapit naman sa isang spiral rack. Muli itong kumuha ng isang damit. At 
katulad kanina, inabot lang ito sa kanya ng babae. 

"Tignan mo kung okay sayo ang mga 'yan. Pwede ka ring kumuha ng iba kung may magustuhan ka," kaswal na saad 
nitong abala pa rin sa pagtingin-tingin sa mga damit. 
"Sinusuhulan niyo ba 'ko?" deretsahang tanong niya dito. 

"Ano bang suhol ang sinasabi mo diyan? Masama bang bigyang ko ng regalo ang magiging manugang ko?" 
Saglit siyang napapikit ng mariin. "Ilang beses ko ho bang uulitin na ayokong maging manugang n'yo? Maghanap na 
lang kayo ng ibang babae diyan dahil hindi po ako interesado sa anak n'yo." 

Humarap ito sa kanya at itinapat sa kanyang katawan ang asul na damit na nahablot nito. "Mukhang bagay din ang isang 'to sayo." 
Napasimangot siya. Hindi na naman nito pinansin ang sinabi niya. Nakakaimbyerna! 
Bumaling ito sa lalaking kanina pa nakabuntot sa kanila. Pero hindi na lang niya pinakinggan ang pinag-usapan ng mga 
ito. Tumalikod siya saka nilibot ng tingin ang paligid. Ni wala siyang balak silipin man lang ang mga damit na inabot sa

 kanya ni Madam. 

"Isukat mo na sa fitting room ang mga 'yan." Narinig niyang utos nito. 

"Talaga bang bibilhin n'yo sa 'kin ang mga 'to?" 

"Malamang. Alangang ipahawak ko lang sayo 'yan?!" 

Hindi siya nakasagot. Lumitaw na naman kasi ang mataray na facial expression ng ina ni Marcus. Kahit inis siya, wala 

siyang nagawa kung hindi sundin ito. Dumeretso siya sa fitting room. Humarap siya sa salamin. Gusto talaga niyang 

bulyawan ang sarili. Bakit ba palagi na lang siyang napapasunod ng mag-inang 'yon? 
Iniling-iling na lang niya ang kanyang ulo saka nagsimulang maghubad ng damit. Isa-isa niyang sinukat ang mga 
bestidang inabot sa kanya ng ginang. Infairness, magaganda lahat. At kahit papaano, napabilib siya ng ina ni Marcus. 
Para kasing nahulaan nito agad ang mga style na gustong-gusto niya. 

At masasabi niyang magaling talaga itong mangilatis ng tao. 

Nang matapos magsukat ay kaagad siyang lumabas ng fitting room. Nakita niya si Madam na prenteng nakaupo sa isang

 couch at kausap ang lalaking hindi malaman kung bakla o ano. 

Tumikhim siya. 

"You're done? Do you like them?" Tumayo ito. 

Gusto sana niyang magsinungaling at sabihing hindi para lang mainis ito ng konti. Pero parang ang pangit namang 

tignan kung ganoon ang gagawin niya. Pasimple na lang siyang tumango. 
Tipid itong ngumiti saka binalingang muli ang lalaki. "Pakibalot na ang mga 'to." 
"Yes Madam." Marahan naman nitong kinuha mula sa kanya ang mga damit. 
Nang makaalis ang lalaki'y muli siyang hinarap ng ginang. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" 
"Para naman pong hiniling ko sa inyo ang mga 'yan?" sarkastikong sagot niya. Bahala nang magalit ito sa kanya. Basta, 

hindi niya gusto ang ginagawa nito. 
Pero nagulat siyang nang kaswal lang itong ngumiti sa kanya. "You know what, sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw 

lang ang bukod-tanging naglakas-loob na makipag-usap sa 'kin nang ganyan." Mildred sighed. "You're really different. 
Kaya siguro iba na rin ang nakikita ko sa anak ko ngayon." 
"Anong ibig n'yong sabihin?" 
Ipinagkrus nito ang mga braso. "Hindi pa ba kayo nagkakaaminan?" 
"Wala naman po kaming dapat aminin. Kung iniisip niyong nagkakagustuhan po kami, sinasabi ko na sa inyo, mali 

kayo ng hinala." 
"Whatever!" Naitirik nito ang mga mata. "Basta, hangga't hindi niyo tinototoo ang relasyon n'yo, hindi ko kayo 

titigilan," pagbabanta nitong iniwan na lang siya nang basta at dumeretso sa may counter. 
She sneered. "Grabe ka Marcus! Mapapraning ako sa mommy mo!" 
******** 
PAGKABALIK sa condo ay si Marcus agad ang bumungad sa may pintuan. Nainis siya. Talagang inis siya! Pero saglit 

lang niya itong tinignan sabay isnab dito. Dire-diretso siyang pumasok sa kuwarto at ibinagsak ang mga bitbit niyang 
paper bags sa sofa bed. 
Naiwan namang gulat si Marcus pero agad din nitong sinundan ang dalaga. "Talagang nilampasan mo lang ako?" 
"Kailangan ba kitang batiin?" she sarcastically answered. 

"Bakit ba parang high blood ka?" Hindi siya sumagot. Pabagsak lang din siyang umupo doon. Pagkagaling nila sa boutique ni Mildred ay kumain sila sa isang restaurant. Kahit anong pakiusap niya ditong pauwiin na siya, hindi siya nito pinagbigyan. Talagang desperada ang babaeng 'yon na gawin siyang dakila nitong daughter-in-law. Wala silang ibang pinag-usapan kung hindi ang tungkol sa pagkabata ni Marcus-mga hilig nitong pagkain, at mga ayaw nito. Pero infairness naman, nag-enjoy din siya sa mga nalaman niya. 
Marcus smirked and sat on his bed. Nakatukod ang mga siko nito sa magkabilang-binti habang nakakrus ang mga daliri sa dal'wang kamay. Nakaharap ito sa kanya at kaswal na nakatitig sa kanyang mukha. Pasimpleng napalunok si Reeze. Para siyang biglang kiniliti sa imaheng nakahantad sa harapan niya ngayon. Seeing him now with that gorgeous posture really drives her mind crazy-and her heart, for Pete's sake! Naiirita talaga siya sa tuwing bubulabugin siya ng kakaibang pakiramdam na 'yon. 
"I know you went out with Mom," he said in a calm voice. 
Napaiwas siya ng tingin. Iba na talaga ang epekto sa kanya marinig lang ang boses nito. Naiinis na talaga siya sa sarili 
niya. Hindi kasi niya mapigilang kiligin. 

Pagkuwa'y pinilit niyang sumagot ng kaswal. "Tinawagan ako ng mommy mo." 
"Anong ginawa n'yo? Nagshopping?" Saglit itong napabaling sa mga dala-dala niya kanina. 
"Sabihin na nating sinuhulan ako ng nanay mo." 
"Si Mommy talaga..." He chuckled. 
"Hoy Marcus, walang nakakatuwa sa nangyayari ha. Kung makaasta siya, akala mo talagang manugang na niya 'ko." 
"Eh sa 'yon naman talaga ang gusto niyang mangyari hindi ba?" 
Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi siya makapaniwalang kalmadong-kalmado pa ang lalaking 'to sa pagakakasabi 

n'on. "Bakit ba parang relax ka pa diyan? Gawan mo kaya ng paraan 'to habang maaga pa!" 
"Anong paraan?" He frowned a bit. 
"Tinatanong pa ba 'yan? Pigilan mo ang mommy mo sa mga ginagawa niya. Hindi niya tayo pwedeng pilitin na 

magpakasal. Paliwanagan mo siya tungkol sa kasunduan natin." 

"Eh kung ayoko?" he asked in a cool manner. 
Napaawang ang mga labi niya. "A-ano?" 
"Paano kung sabihin ko sayong ayoko siyang pigilan?" 
"At bakit naman?" 
"Coz probably, I agree with what she wants to happen." Makahulugan itong tumingin sa kanya. 
"Nasisiraan ka na ba?" 
"I don't think so." He smiled. 
Napabuga siya ng hangin. "Marcus, ipapaintindi ko lang sayo ang gustong mangyari ng mommy mo. She wants us to 

get married. That means, matatali tayo sa isa't isa." 
"Oo nga." 
Napanganga siya. Baliw na yata talaga ang lalaking 'to. "Marcus, ayokong makasal sayo." 
"Talaga lang ha," sarkastikong tugon nito. 
Napalunok siyang muli. "Don't tell me, iniisip mong gusto ko ring mangyari ang bagay na 'yon?" 
"Exactly," kumpiyansang sagot nito. 
Tumaas ang kilay niya. "Excuse me, but I never thought of getting married with a crazy man like you!" 
"You never thought? Or you're just trying to deny it?" 
Naumid niya ang kanyang dila. At some point, parang natamaan siya nang husto sa sinabing iyon ni Marcus. Pero bago 

pa man siya ipagkanulo ng sariling nararamdaman, pinilit na niyang tumayo. Hindi na rin niya kayang makipag-usap 
nang ganito sa binata. Hindi na 'to magandang biro-kung nagbibiro man ito. 
Tumalikod siya saka aktong tutunguhin ang pintuan nang bigla siyang hilahin ni Marcus at isinandal sa pader. 

Nabigla siya sa ginawa nito. "Ano bang ginagawa mo?" 
Hindi ito umimik. Nanunubok ang mga tingin nito sa kanya. Hindi iyon seryoso, pero ramdam niya ang bigat ng dating 
niyon sa kanya. 

Sinubukan niyang umalis sa harapan nito, ngunit dagli siyang hinarangan ng braso ni Marcus. And he did the same on 
the other side. Nakalapat ang mga palad nito sa pader, and she was prisoned...again. Nanlamig siya. 
"Hindi mo pa 'ko sinasagot." 
"Kung anuman ang tanong mo, kanina ko pa 'yon sinagot." 

"Pero hindi mo pa sinasabi ang bagay na gusto kong marinig sayo." 
Hindi siya muling nakatugon. Napatitig lang siya sa mga mata nito. They were beaming. And she hates them. Is he 
trying to enchant her again? 

"Hindi ka pa rin ba sasagot?" 
"Ano bang gusto mong marinig sa 'kin?" 
"I just want a simple answer." He paused. "What if I don't stop my mom?" 
Sunud-sunod ang naging paglunok niya. 
"What if I want to marry you?" 
Pasimple siyang napakagat-labi. Para siyang biglang nabingi pagkarinig sa mga salitang 'yon. Naibuka niya ang 

kanyang bibig pero hindi naman siya makapagsalita. 
"Masyado bang mahirap sagutin ang tanong ko?" 
"Sabihin mo... nagbibiro ka lang hindi ba?" 
"Mahirap bang paniwalaan?" Makahulugan itong ngumiti. 
Napaangat ang kilay niya sa ngiting 'yon. Here comes the cunning smile again. 
Sinubukan pa rin niyang magsalita ng diretso. "It's not a good joke." 
"Dahil ba tinatablan ka?" 
She frowned. "What the hell are you saying?" 
"Paano kung gusto nga kitang pakasalan?" 
"Siyempre hindi ako papayag," matapang na tugon niya. 
"I don't think so." 
"What?" Napadilat siya. "Sa tingin mo ba, gugustuhin kong magpakasal sayo? Hell no! I don't love you. And I never 

will!" 
Hindi ito umimik. He stared at her more, and he was like analyzing her reaction. Nakakailang. 
"Stop this Marcus. At pwede ba, umalis ka na sa harapan ko? Wala akong oras makipag-usap nang tungkol sa 

kalokohang 'to." 
"Then why do you look anxious?" he firmly asked. 
Naumid ang dila niya-muli. 
"What if I ask you to be mine?" Sumeryoso bigla ang tinig nito. 
Pero hindi pa rin siya makasagot. Naninimbang pa rin siya kung totoo ang sinasabi nito. Kung seryoso nga talaga ito. 
Pagkuwa'y dumako ang tingin nito sa mga labi niya. Binabalak na naman ba siya nitong halikan? 
Hindi pwede! Hindi ngayong unti-unti na siyang naliliwanagan sa tunay niyang nararamdaman. 
"Don't do it...please," she almost whispered. 

"Why?" 
Muli siyang napalunok. "Just...don't" 
Pero hindi na nagpapigil ang binata. Agad siya nitong sinunggaban ng halik. She tried to control herself. Nagbabadya na

 naman kasing pumikit ang mga mata niya. Nakakapanghina talaga ang halik ni Marcus. At kay hirap nitong labanan. 

Pero pilit pa rin niyang binuksan ang kanyang isipan. Hindi siya pwedeng makuha nito. She pushed him, saka niya pilit iniwas ang kanyang mukha. Alam niyang nagulat ang binata sa kanyang ginawa. Pero kahit gusto niya itong lingunin, alam niyang hindi niya iyon 
dapat gawin. 
"So that's your answer?" he seriously asked. 
Hindi siya sumagot. Ilang saglit din silang nanahimik dalawa, pero nararamdaman niya ang lagkit ng pagtitig nito sa 

kanya. Para siyang sinisilaban. 
Pagkuwa'y ganap na itong dumistansya sa kanya saka tumalikod. Alam niyang dismayado itong lumabas ng kuwarto. 
*** 

NAPAHINGA ng malalim si Marcus. Kanina pa siya nakatitig sa monitor ng desktop niya pero wala sa trabaho ang 
wisyo niya ngayon. He's out of focus. And it's all because of Reeze. Talagang binagabag siya ng lahat nang nangyari kahapon. Magmula sa paghaharap nila, sa pag-uusap... hanggang sa paghalik na ginawa niya sa dalaga. He's not even certain if he was in his right mind when he asked Reeze about those things. Pakiramdam niya kahapon ay wala siya sa sarili. Parang kinontrol lang siya bigla ng kanyang emosyon. He also felt disappointed when he didn't hear the answer he wanted from Reeze. Pero ano nga bang iniisip niya? Na sasabihin nitong gusto din nitong magpakasal sa kanya? He's not even sure if she feels the same thing towards him. 
Aaminin niya. Talagang iba na ang nagiging epekto sa kanya sa tuwing makikita niya ang dalaga. Kung noon, gusto lang niya itong paglaruan, ngayon iba na. Things have changed unexpectedly. Hindi na lang simpleng pag-angkin ang gusto niyang gawin kay Reeze. He wanted to have her-completely. And if he's really falling in love with her now, he won't doubt himself anymore. 
Pero... wala na nga ba talaga siyang dapat pagdudahan sa nararamdaman niya ngayon? Paano kung katulad noong 
kasama pa niya si Heidi, bigla na lang niyang ma-realize na hindi pa pala siya totally nakaka-move on? 
Bahagya siyang napakislot nang makarinig ng katok mula sa pintuan ng opisina niya. 

"Come in," he commanded loudly. 
"Ahm Sir Marcus, na-arrange ko na ang list ng projects na ipapahawak mo kay Vince at sa group niya." Si Karen ang 
pumasok, his secretary. May inabot ito sa kanyang mga papeles na alam niyang kailangan niyang pirmahan. 

"Okay thank you," tugon naman niyang abala sa pag-scan ng mga documents. 
"Siyanga pala, na-set na rin 'yong meeting n'yo with Mr. Salazar. It will be tenth of next month." 
Natigilan siya. Pamilyar sa kanya ang date na 'yon. Nag-angat siya ng ulo at tumingin kay Karen. "You said tenth? April

 ten?" 
"Yes sir." 
Napalunok siya. Hindi pa pala niya nakakalimutan ang araw na 'yon. 
"Sir?" untag ni Karen nang mapansing natulala siya. 
Tumikhim siya. "Can you...re-schedule it?" 
"Ahm... sige po. Pero kelan n'yo gusto?" 
"Just choose any date--huwag lang 'yon." Napaiwas siya ng tingin. "May pupuntahan ako sa araw na 'yon." 
******** 
PANAY ang buntong-hininga ni Reeze. Sabihin nang para siyang ewan pero talagang kanina pa siya mistulang ewan 

habang naglalakad. 

"Hoy, tao ka pa ba 'te?" untag sa kanya ni Sam. Pumitik pa ito sa harapan niya. "Para kang zombie diyan. Balon ba 'yang iniisip mo at parang ang lalim ng sinisisid ng utak mo ngayon?" Inirapan lang niya si bakla sabay baling sa istante ng mga instant noodles. Dumampot siya ng mga cup noodles saka 
isinilid sa cart na itinutulak ni Sam. Wala siyang magawa kanina sa unit kaya nagpasya na lang siyang sumama dito para 
 mag-grocery. Isa pa'y kailangan niyang i-relax ang utak niya. Simula kasi kagabi, wala nang ibang tumatakbo sa isip 

niya kung hindi si Marcus. 
She sighed again. Paano ba naman, kahit nasa labas na siya ngayon at iba't ibang pagmumukha na ang nakakasalubong 
niya, hindi pa rin siya tinatantanan ng lalaking 'yon sa utak niya. 

"Si Marcus 'yan 'no?" Makahulugang ngumiti si Sam. 

Agad naman siyang dumepensa. "A-ano bang sinasabi mo diyan?" 

"Kaloka 'to, magde-deny pa? Pareho lang kayo ni Marcus eh." 

"What do you mean?" pasimple niyang tanong. 

Napabuga ng hangin si Sam habang namimili naman ng pastang kukunin. "Kagabi kaya parang ang lalim din ng iniisip 

niya. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Malala pa kayo sa end of the world ah!" 
Hindi siya sumagot. Nagkunwari na lang siyang nakikitingin sa mga naka-display doon. 
"Don't tell me, nagkakainlaban na kayo?" 
Gitla siyang napalingon dito. "Tumigil ka nga diyan!" 
"Huwag nang mag-inarte, obvious na kayong dalawa eh." 
"P-paanong obvious?" 
"Sus naman, kahit batang musmos na inuusbungan pa lang ng kilig sa katawan, sasabihing nagkaka-develop-an na 

kayo." Tumirik pa ang mga mata nitong para bang nainis pa sa katangahan ng tanong niya. 
"Wala akong alam sa sinasabi mo 'no." 
"Echoserang palaka! Aminin mo na ngang bruha ka, in love ka na kay Marcus 'di ba?" 
Hindi siya muling tumugon. Kahit naman kasi ideny pa niya nang ideny, alam niya sa sarili niyang gano'n na nga ang 

nangyayari. Yeah, she's beginning to fall in love with him. Pero sinusubukan niyang pigilan 'yon. 
"Bakit hindi ka pa kasi magpakatotoo? Kayong dalawa?" 
"Hindi ka naman nakakasigurado na gano'n din ang nararamdaman niya," halos pabulong niyang sambit. 
"Hay naku Reeze, nakasama ko si Marcus nang ilang taon kaya kilalang-kilala ko na 'yan. Lately, talagang iba na ang 

napapansin ko sa kanya. Hindi 'yan ganyan noong si Heidi pa ang girlfriend niya." Umangat ang kanang kilay nito. 

"Psst, sabihin mo, ginayuma mo siya ano?" 
Naningkit ang mga mata niyang lumingon dito. "Excuse me? Dahan-dahan ka nga sa pananalita mo. Baka mahila ko 
'yang dila mo nang hindi oras." 

"Ay manakot ba? Kala mo naman effective." Ngumuso ito. "Anyway, tungkol c'on sa sinasabi ko, totoo namang napapansin kong nag-iiba na si Marcus. Hindi naman nag-iiba na as in nagapapalit-anyo. Basta, iba na ang nase-sense ko sa mga kinikilos niya. Ayoko mang aminin pero nakikita kong masaya siya kapag nakikita ka." 
Lihim siyang napangiti. Isang bahagi ng puso niya ang nagdiwang sa narinig niyang 'yon. Kahit papaano kasi, nagkaroon siya ng pag-asang sincere nga si Marcus sa mga sinabi nito sa kanya kahapon. 
Pero anu't ano pa man 'yon, kailangan niyang isantabi. Hindi siya pwedeng ma-in love. Natatakot siyang masaktan lang sa bandang huli. Isa pa'y hindi pa siya ganoong kasigurado na talagang nahuhulog na rin ang loob ng binata sa kanya sabihin pang gano'n na ang narinig niya mula kay Sam. 
Pagkuwa'y muli siyang nagsalita. "Alam mo naman ang tungkol sa kasunduan namin hindi ba?" 
"Oo nga. Pero pwede namang tsugihin na lang ang deal na 'yan 'di ba? Tutal pareho naman kayong in love. Pareho kayong natalo. Ano pa nga bang gagawin niyo? Eh 'di totohanin na lang." 
"But I can't fall in love with him." Siya naman ang nagtulak sa cart. Sa canned goods' section sila sunod na dumeretso. 
"At bakit naman? Sa pagkakaalam ko, single and available ka. Siya rin naman." Maarteng kinumpas nito ang kamay. "Alam mo sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, ayoko sayo. As in kumukulo ang dugo ko sa katulad mo. Pero kung ikaw naman ang makakatulong kay Marcus na maka-move on, kahit mabigat sa loob ko, pipilitin kong tanggapin ka. Pero hindi buong-puso ha. Half lang." 
Tinaasan niya ito ng kilay. "Ang dami mong satsat diyan." 
"Bakit totoo naman ah? Kung ako lang ang papipiliin, never akong papayag na isang impaktang kagaya mo lang ang magugustuhan ni Marcus. Nangangati kaya ako sayo." 
"Kalbuhin kaya kita diyan?" pagtataray niya dito. 
"Try mo lang at makakatikim ka rin sa 'kin." Sabay isnab sa kanya ni bakla. 
Napabuga na lang siya ng hangin. Kung minsan talaga hindi niya alam kung kaaway ba niya ito o ano? Pakiramdam niya'y nakatagpo lang siya ng mas malalang version ni Martha. Nakakairita! 
"Pero Reeze, seryoso ako. Ang gusto ko lang naman, makitang masaya ang kaibigan ko. Ayoko na siyang makitang bumalik sa dati." Biglang sumeryoso ang tinig nito. 
"Gaano ba siya ka-depressed noon?" 
Huminga ito nang malalim saka siya tinapunan ng sulyap. "He was so cold back then. Nang bumalik siya dito galing States, wala siyang ibang ginawa kung hindi maglasing nang maglasing. Iyong tipong pinapasundo na siya mismo ni Madam sa mga bar. Although hindi naman siya nagpabaya sa trabaho niya. Iyon nga lang, parang bato ang kaharap mo sa tuwing kakausapin siya. Tahimik lang 'yan. At hindi mo talaga makikitang ngumiti." 
Napalunok siya. Parang siya ang naaapektuhan sa tuwing iisipin ang naging kalagayan na iyon ni Marcus noon. Ganoon ba talaga nito kamahal ang babaeng 'yon? 
"Awang-awa kami sa kanya. Kaya naman kung sino-sinong pina-date ni Madam kay Marcus. Pero naglaro lang siya. Bumalik nga ang dating siya na makulit pero wala siyang sineryosong relasyon. Hanggang sa dumating nga si Heidi. Nagtagal din naman sila, kaya ang buong akala namin, talagang nakalimot na si Marcus sa first love niya. Pero mukhang hindi pa pala." 
Tahimik pa rin siya. Ni hindi siya makapagkomento. Napapaisip siya sa kung anong klaseng relasyon ang meron si Marcus at ang babaeng una nitong minahal. Para tuloy siya ang nanghina sa mga narinig niya ngayon. 
"Sa totoo lang nagulat ako n'ong una na nagustuhan ka ni Madam. Pero ngayon, mukhang naiintindihan ko na kung bakit." 
"Hindi naman pwedeng ipilit ang gusto niya," nakayukong sagot niya. 
"Bakit naman?" Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. 

"Ayokong ma-in love sa kahit kanino. Masasaktan lang din ako. Kung alam mo lang kung ilang babae na sa pamilya 
namin ang nabigo sa mga lovelife nila. Ayokong magaya sa kanila." 
"So duwag ka?" Humalukipkip ito at diretsong tumingin sa mga mata niya. 
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Napaiwas siya ng tingin sabay tulak sa cart papunta sa may counter. 

Pagdating doon ay hindi na nila pinag-usapan si Marcus. Sinadya rin niyang ibahin ang usapan nila. Ayaw na kasi 
niyang magulo ang isipan niya. Totoo naman eh. Her fear to admit what she feels doesn't relate to the deal they have 
made. It's no longer about the video nor the game. It's now all about the fear of getting hurt. 

At iyon ang kailangan niyang alagaan sa damdamin niya. Anuman ang nararamdaman niya kay Marcus ngayon, 

pipigilan at pipigilan niya. 
Nang makaalis sa supermarket ay niyaya siyang magmeryenda ni Sam. May mini-restaurant silang nakita sa labas. 
Doon na nila napagpasyahang kumain since pareho naman silang nagke-crave sa pasta ngayon. Umorder lang siya ng 
fettucini samantalang spaghetti naman ang kay Sam. 

"So ano pa lang balak mo ngayon?" bungad na tanong ni Sam. 
"Bakit ko sasabihin sayo?" sarkastikong balik-tanong niya. 
"Hoy babae, huwag mo akong tarayan! Baka nakakalimutan mong libre ko 'yang nilalafang mo ngayon?" 
"Ipamukha daw ba sa 'kin 'yan? For your information, may sarili akong pera 'no!" She rolled her eyes. 
"Okay fine! Pero 'yong tanong ko sagutin mo na. Huwag kang mag-alala hindi ko ugaling maglaglag." 
Napatingin siya kay bakla. Sandali muna niya itong sinipat na para bang tinitimbang pa niya kung sasabihin dito ang 

pinaplano niya o hindi. Pero naisip niyang mabuti na rin 'yon para makatulong ito sa kanya kahit papaano. "Hindi ba 
sabi mo, ayaw mo naman talaga sa 'kin?" 
"Medyo," sagot nito habang sumusubo ng pagkain. 
"At ayaw mo na rin akong makita?" 
Tumango itong muli. 

"Eh 'di tulungan mo akong umalis sa unit ni Marcus." 
Napatingin ito ng direstso sa kanya sabay inom ng softdrinks. "Bakit ba sinasabi mo pa sa 'kin 'yan? Pwede ka namang 
umalis kung gusto mo eh." 

"Siyempre kailangan ko 'yong memory card. Paano kung may gawin si Marcus sa video namin?" 

"Eh paano kung ikaw naman ang may gawin d'on?" Sandali itong napaisip. "Pero teka nga, since nagkakagustuhan na 
naman kayo, 'di ba dapat hindi na big deal ang video na 'yon?" 
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi kami pwedeng magkagustuhan?" 
"Ewan ko sa inyong dalawa. Pero mas ewan ko sayong babae ka." Sam sighed. "Hmp! Hindi na nga ako makikialam 

sayo kung trip mong makipaglaro ng deny-deny-an. Pero sa sinasabi mong plano mo, wala akong maitutulong diyan. Ni 

hindi ko nga alam kung saan nakatago ang memory card eh." 

Dismayado siyang napasandal sa upuan. "Ah basta, hahanapin ko 'yon. At kapag nakita ko ang memory card, aalis na 
'ko at hindi na magpapakita kay Marcus." 
"Iiwan mo siya?" 
Sandali siyang natigilan. Pagkuwa'y mabilis siyang sumagot. "Oo." 
"Hay naku, bahala ka na nga. Kung ayaw mo kay Marcus ko eh 'di huwag!" 
Inismiran na lang niya ito. Wala rin pala siyang mapapala dito eh. Ibinalik na lang niyang muli ang pansin sa pagkain. 
Bahala na. Basta tuloy pa rin ang plano niya kahit anong mangyari. 
******** 
UMIBIS ng kotse si Marcus. Sa tapat ng isang bakanteng lote niya itinigil ang sasakyan. Nasa loob siya ng isang 

subdivision sa Antipolo. Maganda ang lugar na 'yon. Sariwa ang hangin, malapit sa bundok at maganda ang tanawin. It's

 really refreshing, kaya naman ito ang lugar na pinili niyang pagtirhan noon. 
Mataman niyang pinagmasdan ang malawak na loteng iyon. Matataas na rin ang mga damong tumubo roon. Halatang 
matagal nang panahon na hindi ito nagagalaw. Medyo matagal na rin noong huli siyang nakadalaw rito. 

Sa loteng 'yon niya sana itatayo ang dream house niya-ang dream house nila ni Catherine. 

Napasandal siya sa labas ng kotse habang nakatuon pa rin ang tingin doon. Muli na naman niyang naalala ang unang 
araw na dinala niya ang babae sa lugar na 'yon... 
"What do you think?" Buong lambing niyang inakbayan ang babaeng nasa tabi niya. 
"Beautiful," masayang komento nito. "I'm actually excited... sa magiging bahay natin." 
Napangiti siya. "Me too. Konti na lang at matatapos ko na rin ang draft." 
Napalis ang ngiti sa mga labi ng babae. Kumalas ito sa pagkakaakbay sa kanya at seryosong humarap sa kanya. 

"Marcus, next week na ang alis ko." 

"I know." Napalunok siya. "Pero 'di ba ang sabi ko, susundan kita?" Hinawakan niya ang isang kamay nito at marahang 
pinisil iyon. 
She smiled. "Yeah. And I'm expecting you there." 
"Oo naman." Hinawakan niya ito sa pisngi at masuyong hinagkan ang mga labi nito. He swore to follow this woman 

whatever happens-and marry her. 
MULI siyang napahinga nang malalim. Pakiramdam niya'y kelan lang nangyari ang bagay na 'yon. Napalunok siya. Sa 
totoo lang, hanggang ngayon, malinaw pa rin niyang nakikita ang mukha ni Catherine sa isipan niya. Apat na taon na 

ang nakalipas simula nang bumalik siya sa Pilipinas. He left Las Vegas with full pain. But until now, he's still 
reminiscing the past. 
Napayuko siya saka napapikit ng mariin. Ngayon ay naguguluhan na naman siya. Mahal pa ba niya ang babaeng 'yon? 
******** 

"CLEARED!" deklara ni Reeze habang pinapasadahan ng tingin ang buong banyo. Sa totoo lang hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at doon niya naisipang maghanap sa memory card. Naaaning na yata talaga siya. Paano ba naman kasi, halos baliktarin na niya ang buong kuwarto ni Marcus pero hindi pa rin niya mahanap 'yon. Naisip na niyang maaaring nasa opisina nito iyon pero iba na ang nakakasiguro. Natigilan siya ng biglang may maalala. May hindi pa siya nahahalungkat. Naalala niyang may isang blue box sa loob ng
 cabinet ni Marcus. Hindi lang niya nagawang silipin kanina. Dali-dali siyang lumabas ng banyo at tinungo ang kuwarto. Binuksan niya ang cabinet at kinuha ang kahon. Iba't ibang klase at kulay ng mga papel ang nakita niya roon. Then she saw a paper folding. Para itong kakaibang bulaklak. It's not a form of origami pero natitiyak niyang nakita na niya ang istilong iyon. 
"Parang pamilyar sa 'kin 'to ah." Sandali siyang napaisip. Naalala niyang kapareho nito ang istilo ng paper folding na ginagawa noon ng ate niya. Noong bata kasi siya, ito ang palaging ibinibigay sa kanya ng kapatid sa tuwing umiiyak siya. 
She just shrugged her shoulders. Baka naman nagkataon lang na alam ding gawin iyon ni Marcus. Naghalungkat pa siya nang kaunti, hanggang sa nakakita siya ng maliit na kahon. Nakita na niya iyon noong ipinakita sa kanya ni Marcus ang memory card. She opened it immediately. Napangiti siya nang makita nga ang memory card doon. Agad niyang 
dinampot iyon. 
Napasinghap siya. Sa wakas nahanap na rin niya ito. At sa wakas, makakaalis na rin siya roon. But why does her heart 

seem to be acting differently? Parang isang bahagi niya ang nakaramdam ng lungkot sa isiping aalis na siya at lalayo na 
kay Marcus. 
Pero hindi ba't ito naman talaga ang plinano niya noon pa man? 
Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang marinig ang boses ni Sam sa labas. Naulinigan din niyang dumating na si 

Marcus. Nag-panic siya nangg kaunti. Dali-dali niyang inayos ang kahon at ibinalik sa cabinet. Madali rin niyang isinilid ang memory card sa bag niya. Mamaya na niya pag-iisipan ang susunod na gagawin. Bahagya pa siyang napapitlag nang maramdamang nakapasok na si Marcus sa kuwarto. His face was serious. Pero saglit lang siya nitong tinapunan ng sulyap. "H-hi. Nandiyan ka na pala." Ngumiti siya rito nang kaswal kahit halatang pilit lang. Pero hindi tumugon ang binata. Nilampasan lang siya nito ng tingin saka lumapit sa cabinet nito. "M-magbibihis ka ba? Lalabas na ko." Hindi pa rin ito sumagot. Nakatalikod lang itong naghubad ng damit at nagpalit. Bahagya siyang napakunot-noo. Ano namang problema nito? 
Ipinasya na lang niyang lumabas ng kuwarto. Napasimangot siya. Hindi siya sanay na gano'n katahimik si Marcus. Dumeretso siya sa dining. Nadatnan niyang naghahanda na ng pagkain si Sam. Tumulong na rin siya. Isa-isa niyang nilabas ang mga plato at inilapag sa mesa. 
"Bakit ang tahimik ni Marcus ngayon?" wala sa loob na naitanong niya sa sarili. 
"Bakit hindi mo siya tanungin?" tugon ni Sam habang nagsasalin ng soup sa isang malaking mangkok. 
Nagulat pa siyang narinig nito ang sinabi niya. Talaga yatang malakas ang radar ng tenga ni bakla. Pero hindi na niya ito

 sinagot. Iniling-iling na lang niya ang kanyang ulo. 

Pagkuwa'y napatingin siya kay Marcus na palapit sa kanila. 

"Kayo na lang muna ang kumain. Lalabas muna 'ko." Malamig ang tono nitong kay Sam nakatingin. 

"Teka, bakit-" Hindi na niya nagawang ituloy ang itatanong dahil bigla na lang itong tumalikod at umalis. 

"Ang weird naman ni Marcus ngayon," komento niya. 

"Pansin ko nga. Hindi nga ako halos pinansin niyan kanina eh." 

She sighed. Naalala niya ang memory card. Nakuha na niya ito. Ang gagawin na lang niya, umalis na sa condo nito. 

Tama na lang siguro 'to. Para matapos na rin ang kalokohang ito. At gagawin niya 'yon, bukas na bukas din. 

*** 

KAHIT anong pikit ang gawin ni Reeze, hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya hindi mapakali sa 

pagkakahiga. 
Napabaling siya sa kama ni Marcus. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Parang narinig lang niyang dumating 
ito kanina pero wala naman siyang nakita sa labas ng kuwarto. 

"Nasa'n na kaya 'yon?" Hindi niya maiwasang mag-aalala. Late at night na rin kasi. 

Nang hindi na makatiis ay dali-dali na siyang bumangon. Napabuga siya ng hangin. Hindi na nga dapat niya iniisip si 
Marcus. Aalis na rin naman siya dito bukas kaya para saan pa kung patuloy niya itong aalalahanin? 
Well, aminado naman siyang kahit umalis siya d'on, pwede pa ring magpakita si Marcus sa kanya. Pero bahala na kung 

anong mangyari pagkatapos. Ang mahalaga ngayon, matapos niya kung ano mang naplano niya noon. Habang 
tumatagal kasi ang pananatili niya sa unit na 'yon kasama ang binata, mas lalo lang nahuhulog ang loob niya rito. 

Kaya naman lalayo na siya habang nakakaya pa niyang kontrolin ang sariling damdamin. 
Nagpasya siyang tumayo. Nakaramdam siya ng uhaw. Agad siyang dumeretso sa kusina at uminom ng tubig. Nang 
pabalik na siya sa kuwarto'y nahagip ng paningin niya ang isang beer-in-can na nakalapag sa may likod ng sofa. And 
she knew, something moved there. 

Si Marcus ba 'yon? 

Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kabilang gilid ng sofa. Sumilip siya roon. At nanlaki ang mga mata niya 
nang makita nga roon si Marcus. Prenteng nakaupo ito sa may sahig at nakasandal sa likod ng couch. 
And indeed, he was drinking. May dalawang piraso ng empty cans din siyang nakita sa may gilid nito. May hawak 
hawak pa itong isa na kasalukuyan nitong iniinuman. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa labas ng glass window. 
Naibuka niya ang kanyang bibig. Magtatanong sana siya rito pero parang hindi niya iyon magawa. Nag-aalala siya kay 

Marcus. Sa itsura nito ngayon, para bang napakalalim ng iniisip nito. Naisip niyang mas mabuti siguro kung iwan na 
lang muna niya ito. 
Tatalikod na sana siya nang bigla itong magsalita. 
"Hindi mo man lang ba 'ko tatanungin kung bakit umiinom ako ngayon?" 
Muli siyang napalingon dito. Pero sa labas ng bintana pa rin nakatuon ang pansin nito. 
"Ano nga bang ginagawa mo dito? Bakit diyan ka umiinom?" 
"Why don't you join me here?" His voice was calm. 
Tumikhim siya. "Matutulog na 'ko." 
Napayuko ito. "Gano'n ba?" 
Napalunok siya. A part of her wanted to sit beside him and touch his hair. Sa totoo lang, gusto niya itong tanungin sa 

dahilan nito ng paglalasing ngayon. Gusto niyang kumpirmahin dito kung ang rason ba ay may kinalaman sa nangyari 

sa kanila kahapon. And yeah, she remembered rejecting his kiss. She even turned down his informal proposal. 
Hindi naman kasi siya sigurado kung gaano ito ka-sincere sa pagkakasabi noon. And if it's really true, she shouldn't let 
herself indulge it. Sapat na sa kanya ngayon na alam niyang may nararamdaman na siya para kay Marcus. At hindi na 

niya pwedeng hayaang lumalim pa 'yon nang husto. 
Tumalikod siyang muli. She took a deep breath ang closed her eyes. Sinusubukan niyang utusan ang katawan niyang 

pumasok na sa kuwarto, pero ayaw nitong sumunod. Hindi rin siya nakatiis. Pasimple siyang lumapit sa likod ng sofa at umupo sa tabi ni Marcus. But she kept her distance. "Akala ko ba matutulog ka na?" He glanced at her. Pero halos hindi niya masalubong ang tingin nito. Naiilang siya nang
 husto. 
Pinilit niyang sumagot ng kaswal. "Kawawa ka naman kasi. Para kang tanga diyang umiinom nang mag-isa." 
He chuckled. "Yeah, I am." 
"Ano ba talagang problema mo?" Napalingon na siya rito. Sandali rin siyang nagdalawang-isip kung itutuloy ba niya 

ang susunod na itatanong. "Tungkol ba 'to sa nangyari kahapon?" 
Hindi ito tumugon. 
"About how I reacted yester-" 
"I told you before that I was about to marry someone right?" 
"Oo..." maang niyang sagot. 
"Then you asked me what happened." Muli itong uminom. "Hindi na rin ako magtataka kung tungkol d'on ang pinag 
usapan n'yo ni Mommy sa bahay." 
"Pero hindi ko pa rin alam ang dahilan. Bakit nga ba kayo naghiwalay?" 
Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Inubos lang nito ang beer saka nagsimulang magsalita. "I was young 

when I first met her. It was an unexpected meeting. Honestly, I felt attracted to her-suddenly. We started dating. Hanggang sa nagkaro'n nga kami ng relasyon agad. Ipinakilala ko siya kay Mommy at naging okay naman siya rito. But she never introduced me to her family. Strikto raw masyado ang mama niya. Ang sabi niya n'on, ipapakilala lang daw 
niya 'ko sa pamilya niya kapag ikakasal na kami. And I respected that." Huminga ng malalim si Marcus bago nagpatuloy. "One month pa lang nagtagal ang relasyon namin but I could say that we're totally in love with each other. Nang sinabi niya sa 'king pupunta siya sa States para sa work, hindi ko siya pinigilan. I decided to follow her. Nagsama kami. We were so happy back then, hanggang sa niyaya ko nga siyang magpakasal. And she said yes." 
"But after a year, unti-unting naging cold ang relasyon namin. Palagi na lang siyang late umuwi. At sobrang aga naman niyang umalis kinabukasan. Halos hindi na kami nagkikita. One day, I confronted her. But then, ang sinabi niya sa 'kin, she no longer wants to marry me." He opened another can and drank from it. 
Napalunok si Reeze. Ramdam na ramdam niya ang sakit na dinamdam ni Marcus. Pakiramdam niya'y siya ang mas 
nasasaktan sa mga nalaman niyang pinagdaanan nito. 
Nang mapansing tumahimik ito'y siya naman ang nagsalita. "Ano daw ang...rason?" 
"Hindi na raw siya sigurado kung talagang mahal niya 'ko." 
"Iyon lang? Hindi ba dahil nakahanap na siya ng iba?" 
Umiling ang binata. "Mas matatanggap ko pa sana kung malalaman kung may ipinalit siya sa 'kin." Napayuko ito. "Pero 

 wala. Kaya naman makailang-beses akong napaisip kung anong naging pagkukulang ko sa kanya." 
"So naghiwalay na lang kayo?' 
"She decided." 
"Hindi mo man lang ba siya sinubukang tanungin? You didn't even try to fight for her?" 
Muli na naman itong napailing. "I tried, several times. But it's useless. Alam mo ba kung saan ako mas nasaktan n'on? 

Iyong tipong gusto kong magalit pero hindi ko alam kung saan at kanino." 
"Ang labo naman niya. Umurong siya sa kasal n'yo dahil na-realize lang niya bigla na hindi ka na niya mahal?" 
Nakaramdam siya ng inis. Alam niyang wala siya sa lugar para magsabi n'on pero talagang hindi niya maatim na 

tanggaping iyon ang rason ng paghihiwalay ni Marcus at ng first love nito. How she wanted to hate that woman! She 
dumped this man just like that? Ni hindi niya lubos maisip na nagpaka-depress si Marcus sa ganoong klase ng babae. 
Kunot-noo siyang napalingon kay Marcus. Bigla kasi itong nanahimik at naramdaman niyang nakatitig na ito sa kanya. 

And he was smiling at her-meaningfully. 
"Ano namang nginingiti-ngiti mo diyan?" 
"Nothing. Natutuwa lang ako." 
Dagli siyang nag-iwas ng tingin. 
She knew he was still looking at her. Kaya naman hindi siya naging kumportable. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. 

Malapit na niyang hindi kayanin ang ginagawang iyon ni Marcus. 
Nakahinga lang siya nang maluwag nang maramdamang bumaling itong muli sa malayo. 
Both of them became silent for a moment. Nakakabingi ang katahimikan. Pagkuwa'y hindi na siya nakatiis na 

magtanong. "Mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?" Napayuko siya. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng takot sa 

maaaring isagot ni Marcus sa kanya. 
Pero wala siyang tugon na narinig. Bumagsak ang mga balikat niya. Oo na ba ang sagot d'on? Bakit ba kailangan nitong 
manahimik nang gano'n? Para tuloy siyang nalulunod. Nasasaktan na ba siya? 

She pressed her lips. Suko na talaga siya. Gusto na niyang umalis doon at lumayo. Aktong tatayo na siya nang bigla niyang maramdaman ang paghawak ni Marcus sa kamay niya. Napaharap siya rito. He was just quietly staring at her like she was the only thing in his space right now. 
And again...those eyes. 
Bakit ba sa tuwing pagmamasdan siya ni Marcus nang gano'n, palagi na lang siyang natatangay nito? Hindi niya 
magawang umiwas. Para bang mas gusto na lang niyang lunurin ang sarili sa mga titig nito. 
"Tingin mo ba talaga gano'n pa rin ang nararamdaman ko?" he asked gravely. 
"Hindi ba 'yon ang totoo? Kaya ka nga naglalasing ngayon hindi ba? Alam kong siya pa rin ang iniisip mo." Her voice 

was filled of bitterness. 
"Eh kung sabihin ko sayong may ibang dahilan?" 

"Like what?" 
Hindi ito umimik. 

Matapang siyang tumingin sa mga mata nito. "The reason why you're telling me this-hindi ba para sabihin sa 'king 
hanggang ngayon, siya pa rin ang nasa puso mo?" 
Wala pa rin siyang tugon na narinig mula rito. She bit her lower lip again. Malapit na siyang mainis. Bakit ba kailangan 

pa siyang pigilang umalis ni Marcus? Sana'y wala na siya sa kinauupuan niya ngayon. Sana'y nasa loob na lang siya ng 

kuwarto ngayon. 

Hindi na sana siya naco-corner ngayon sa ganitong sitwasyon. 

"Bakit hindi mo ako sagutin? Ang pag-inom mo nang ganyan ngayon. Ang pag-" 

"Because she's not the reason why I'm acting like this." 

"What do you mean?" 

"It's all because of you." 

Napalunok siya. "Ano bang sinasabi mo?" 

"Reeze, I'm now falling in love with you." 
Napatda siya. Parang bigla-bigla ay nagsara ang pandinig niya sa ibang bagay. Walang ibang tumatatak sa utak niya 
ngayon kung hindi ang sinabi nito. 

"And I'm dead serious." 

"Marcus, if you're just trying to play with me--" 

"Is that what you think?" 

"You better stop this!" Sinubukan niyang bawiin ang kamay mula kay Marcus. Pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang 

pagkakahawak doon. Wala siyang nagawa kung hindi umiwas na lang ng tingin. 

"Halos mabaliw na 'ko sa kaiisip kung totoo nga 'tong nararamdaman ko ngayon sayo o hindi. Pero wala na 'kong 
pakialam. I don't want to doubt anymore. I just want to fall in love with you more." 
Bumilis ang tibok ng puso niya. Nakakabingi. Nakakabaliw. 
"Now tell me, kukuwestiyunin mo pa rin ba 'ko?" 
Hindi siya makasagot. Why is she being caught this way? Gusto niyang mainis kay Marcus. But she doesn't have the 

courage to do so. Puso na niya ang nagkakanulo sa kanya. 
"Just tell me what you feel." 
"Matutulog na ko." Muli siyang nagtangkang tumayo. Pero mabilis siyang hinila ni Marcus palapit. His arms prisoned 

her body again. Naging tipid ang kanyang paghinga. Napakalapit na naman ng mukha nila sa isa't isa. 
"Tatakasan mo na naman ba 'ko?" 
"Wala naman akong dapat sabihin sayo." 

"Of course there is. I just want to hear it from you." 
"Ang alin ba?" 
"You're still denying?" 
"Stop this Marcus, please." 
"So you can run away from me again? Para makaiwas ka ulit?" 
"You're crazy!" 
"You said that already. Wala ka na bang ibang maisip na salitang ipambabato sa 'kin sa tuwing tatakasan mo ang tanong 

ko?" 

Napaurong na naman ang dila niya. Bakit ba palagi na lang siyang natatalo ni Marcus sa mga ganitong klase ng 

sitwasyon? 

"We're no longer playing a game Reeze, and you know that." 

Pinilit niyang ilayo ang tingin niya sa mga mata nito. 

"Hirap ka ba talagang sabihin kung anong nararamdaman mo sa 'kin?" 

She looked back at him. "Sinabi ko na 'to. I'm not in love with you!" 

Makahulugan itong ngumiti. 

"Para saan naman ang ngiting 'yan?" 

Hindi siya nito tinugon. Bagkus ay ganap nitong inilapit ang mukha sa kanya at hinagkan ang mga labi niya. 

Oh please, don't do this! piping pakiusap niya sa isip. 

Napahawak siya sa mga braso nito. Sinubukan niya itong itulak pero wala siyang lakas para gawin 'yon. Nakasandal 

siya sa likod ng sofa. Ni wala siyang masilip na maaari niyang takasan. 
Hanggang sa hindi niya napigilang pumikit. 
Shit ka Marcus! Itigil mo 'to please! 
Pero kahit anong sigaw niya sa utak niya, walang nangyayari. Mas lalo lang nilalaliman ni Marcus ang paghalik nito sa 

kanya. 
At mas lalo rin siyang bumibigay. 
Nagtagal pa ang halik nilang 'yon, hanggang sa kumalas si Marcus at pinakatitigan siya. "Ready to say something 

baby?" 
"Manigas ka diyan! Wala akong aaminin sayo." 
"Ano bang mahirap sa pagsabi na mahal mo rin ako?" 

"I already told you psycho! I'm not in love with you." 
"Really? Kaya pala gano'n na lang mag-react ang labi mo." 
"How dare you--" 
At muli na naman siya nitong sinunggaban ng halik. Muli na naman itong ngumisi sa kanya nang magkalayo ang mga 

labi nila. 
"Hindi na 'to nakakatuwa Marcus. Umalis ka na sa harap ko ngayon din." 
"Ayoko nga. Hindi pa 'ko tapos." 
"What?" She frowned. "Ano 'to torture?" 
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. But you can't stop me." 
"Sisigaw ako." 
He smirked. "Then do it. Sa tingin mo may makakarinig sayo? Kahit si Sam, hindi ka papansinin n'on." 
Pinandilatan na niya ito. "Alam mo konti na lang, hindi na talaga tao ang tingin ko sayo. It's like I'm seeing a devil in 

front of me." 
"Not bad...A devil with damn good lips?" He kissed her again. And this time, mas matagal. Mas mainit. 
Mas nakakapraning! 
And if she may add, he's definitely a devil who seized her inner desires in just one kiss-definitely not a good joke. Talo 

na kasi siya ngayon. Bumigay na rin ang natitira niyang katinuan sa sarili. Wala na siyang magawa ngayon. Unti-unti na siyang napapasunod ng halik ni Marcus. 
Damn that kiss! 
Kapwa nag-init ang mga katawan nila. Marcus started to undress. Ito na rin ang naghubad sa pantulog na suot niya. 
Then he kissed her again. Hanggang sa naramdaman niyang gumapang sa likod niya ang mga daliri nito at tinanggal ang

 hook ng suot niyang bra. 

Nang ganap nitong alisin iyon ay sandaling kumalas si Marcus sa paghalik sa kanya. Muli na naman nitong pinagsawa 

ang mga mata sa kanyang dibdib. At para bang palaging kumikislap ang mga mata nito sa tuwing mapapadako ang 

tingin doon. Ilang saglit pa'y buong layang nilukob ng kamay nito ang kaliwa niyang dibdib. Saka nito hinagkang muli 
ang kanyang mga labi. 
Muling pinagapang ng binata ang mga labi nito sa kanyang buong katawan. Ganap na rin nitong tinanggal ang natitirang

 saplot sa katawan niya. He also removed his boxers. Pasimple niyang sinilip ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, saka pumaibabaw ang binata sa kanya. She slowly set 
her thighs apart-letting him push his manhood inside her. Her soft moans began teasing him, making him stimulate more. Muling sinakop ni Marcus ang mga labi niya. Their tounges started to sink into a fiery play, while their hands roam 
freely through their skins. 
Walang ibang nararamdaman si Reeze ngayon kung hindi labis na kaligayahan. She's now certain about what Marcus 

feels towards her. And she wanted to give her everything to this man, even just for this night. 
******** 
"AY ANO ba 'yaaan?!" 
Naalimpungatan sina Reeze at Marcus nang marinig ang pagtili na iyon ni Sam. Maarteng nakatagilid si bakla habang kunwa'y tinatakpan ang mga mata. 
Dali-daling hinablot ng dalawa ang mga damit at nagbihis. 
"Kaloka kayo! Kelan pa kayo naglipat-kuwarto? Dios mio, gawin bang motel ang likod ng sofa?" 
Naunang tumayo si Marcus at inalalayan ang dalaga sa pagtayo. Pero pagkuwa'y lumayo na rin ito at hihikab-hikab na dumaan sa harap ni Sam. Pabirong tinapik lang nito ang balikat ni bakla pero hindi ito nagsalita. He went straight to the bathroom afterwards. 
"Kailangan mo bang sumigaw nang gano'n? Nakakarindi ha," inis namang humirit si Reeze na pabagsak na isinandal ang likod sa sofa. Nahiya din naman siya kahit papaano. Pero dahil si Sam lang naman, palalampasin na niya. 
Papikit-pikit pa siya. Halatang nabitin lang ang tulog niya. 
"Ay anong gusto mong gawin ko, bumulong? Ikaw ba naman ang pagkaganda-ganda ng gising at bangon, biglang gano'n ang eksenang bubungad sayo?" 
"May nakita ka ba?" Mataray niyang tanong bagama't nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. 
"Malamang may mata ako eh. Don't worry, hanggang balikat lang naman ang nasilip ko. Pero nakakapraning kayong dalawa ha. Sa susunod nga kung balak niyong maglaro ng Pamela One, siguraduhin n'yong walang ibang makakakita. Pambihira, parang kayo lang ang tao dito ah. Nakakalurky naman kayo." Dumeretso ito sa kusina. Naglitanya pa ito pero hindi na niya ito pinakinggan. 
Nasalubong niya ng tingin si Marcus paglabas nito ng banyo. Pero agad siyang napaiwas. Nagkunwari siyang hinihimas ang batok na para bang nangalay iyon. Kahit iyon naman talaga ang totoo. Hindi niya namalayang nakatulog pala silang dalawa sa likod ng sofa kagabi. Nakaunan siya sa braso ni Marcus habang nakayakap naman ito sa kanya. Mga damit nga lang nila ang nagsilbing kumot na itinakip nila sa kanilang katawan. 
"Sleep inside. Siguradong hindi ka nakatulog nang maayos kagabi," kaswal na paalala ni Marcus sa kanya sabay pasok sa kuwarto. 
Muli na namang naglaro sa alaala niya ang nangyaring iyon. It was a beautiful night, she'll admit it. At aaminin din niyang sobrang sumaya ang puso niya nang marinig sa binatang totoong mahal na siya nito. Iyon nga lang, kahit anong pagpipilit ang ginawa ni Marcus sa kanyang umamin na din sa sariling nararamdaman, hindi siya nagsalita. 
She really can't admit it, hindi ngayong pinaplano na niyang umalis. Pero sa totoo lang, matapos ang nangyari sa kanila kagabi, tila ba nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba niya iyon o hindi. 
She stood up and went inside the room. Nakasalubong niya si Marcus na palabas ng kuwarto. He was about to take a bath. 
Ngumiti ito nang matamis sa kanya. He even touched her chin. Kinilig na naman siya. "I'll see you later," pagkasabi'y tumalikod na ito sa kanya. 
"Marcus..." 
"Bakit?" Lumingon ito sa kanya. 
Napalunok siya. Seeing that face...those eyes-makakaya ba niyang iwan ang lalaking 'to? Alam naman niyang kahit umalis siya'y maaari pa rin itong magpakita sa kanya anumang oras. Pero mag-iiba na nga lang ang lahat. He smiled again. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya. Saglit lang iyon pero damang-dama niya ang init niyon. It was 
full of affection. "May sasabihin ka ba?" 
Umiling siya. "Wala. Sige na, baka ma-late ka pa." 
"Sige." He stepped out of the room. Wala naman siyang nagawa kung hindi sundan lang ito ng tingin. 
*** 

"TALAGANG itutuloy mo ang pag-alis?" mataray na tanong ni Sam kay Reeze. Nakadapa ito sa kama ni Marcus habang abala sa pag-scan ng mga lalaking biniyayaan ng anim na pandesal sa tiyan. Todo buklat pa ito sa pages ng magazine na iyon at para bang kilig na kilig ito sa mga imaheng nakabalandra roon. 
Sandaling natigilan si Reeze. Pagkuwa'y muli nitong ibinaling ang tingin sa mga damit na tinitiklop niya. Kasalukuyan siyang nage-empake. Obviously, ready na siyang lumayas sa unit na 'yon. 
"Nakita mo ngang ganito na ang ginagawa ko eh," pabalang niyang sagot. 
"Gaga ka talaga kahit kelan!" 
She frowned. "At bakit naman?" 
"Simple lang. Noong una, namali ka nang pasok ng kuwarto at inakit si Marcus ko. Tapos, napapilit ka sa isang deal at natira ka dito. And then, na-in love ka sa kanya at gano'n din siya. Hanggang sa umamin na rin siya sa feelings niya sayo...At ngayong nakita mo na ang memory card, basta ka na lang aalis?" mahaba nitong litanya na kinumpas-kumpas pa ang kamay sa ere. 
Naningkit ang mga mata niya rito. "So anong point mo d'on?" 
Sam sighed. "Ang point ko, bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo? Bakit kailangan mo pang iwanan si Marcus? Tapos na ang laro ninyo. Sinabi naman niyang mahal ka niya at may nangyari na ulit sa inyo. Bakit hindi ka na
 lang mag-stay for good sa buhay niya?" 
"Sinabi ko na rin sayo ang dahilan hindi ba?" 
"Alam mo ang OA ng reason mo ha. Lalayo ka kasi takot kang masaktan? Alam mo, kung one inch lang ang pagitan nating dalawa ngayon, nasabunutan ko na ang three-fourths ng buhok mo. Kaloka ka!" 
Hindi siya sumagot. Ibinalik na lang niya ang pansin sa mga gamit niya. Oo na, takot siyang masaktan. Mahirap bang intindihin 'yon? Ito ang unang beses na nahulog ang loob niya sa isang lalaki-sa katulad pa ni Marcus. Sabihin nang inamin na nitong mahal siya nito. Pero paano bukas? Sa mga susunod na araw? Paano kung dumating din ang araw na bigla nitong sabihin sa kanyang hindi na siya nito mahal? Ayaw niyang maranasang masaktan. Baka hindi niya kayanin 'yon. 
Kaya naman habang maaga pa, pipilitin niyang pigilan ang lahat. 
"Alam mo bang ang daming babaeng nagkakandarapa diyan kay Marcus? Hay naku, kung hindi ko nga lang siya kaibigan eh baka ako na ang nagpaasawa diyan. Tapos ikaw, basta deadma lang? Naku 'te, grasya na ang nakahain sa harap mo. Mukha pa lang, busog ka na. Tapos may gana ka pang mag-inarte?" birada na naman ni Sam na sa magazine pa rin nakatingin. 
"Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo 'no." 
Umangat ang kilay ni bakla at tumingin sa kanya nang masama. "Hoy babae, akala ko ba ang sabi mo kanina sa 'kin, sobrang nainis ka sa nalaman mong rason ng pakikipaghiwalay ng first love ni Marcus sa kanya. Tapos ngayon, parang gano'n din ang balak mong gawin. Anong gusto mong itawag ko sayo ngayon?" 
Napaurong ang dila niya. Tama nga naman ang sinabi ni Sam. Sa binabalak niyang gawin ngayon, parang wala siyang pinagkaiba sa babaeng nanakit kay Marcus noon. 
"Pero magkaiba pa rin naman ang sitwasyon namin ngayon. Noon, ikakasal na dapat sila. Malalim na ang pundasyon ng relasyon nila. Eh kami, nagsisimula pa lang. Kaya hindi pa ganoong kabigat ang nararamdaman namin sa isa't isa," depensa naman niya. 
"Alam mo, nakakaimbyerna ka rin ano? Sarap mong sampalin nang sampung beses at yugyugin nang paulit-ulit para magising ka lang sa kadramahan mo." Nakasimangot itong tumihaya sa kama. "Pero ito lang ang sasabihin ko sayo ha, hahayaan kitang umalis. Hindi naman ako cheap para makiusap pa sayong huwag iwan si Marcus. Pero sa oras na makita kong masaktan ulit ang kaibigan ko, naku Reezeldang bruha, sinasabi ko sayo--ako mismo ang mangha-hunting sayo at pagugulungin kita sa lupa nang bonggang-bongga!" 
Pinatirik lang niya ang kanyang mga mata saka siya napabuga ng hangin. 
Napasilip siya sa bulsa ng hand bag niya. Binuksan niya iyon at dinampot ang memory card. Malinaw na ninakaw niya 
iyon at ngayon nga'y binabalak na niya itong tangayin. Pero kung tutuusin naman, siya na ang panalo sa laro nila. 

Naunang umamin si Marcus. Kaya walang masama sa gagawin niya. Kung anong nagpagkasunduan, iyon ang dapat na 
mangyari. 
******** 
"HINDI ka na talaga magpapapigil?" Nakapamaywang si Sam habang nakatitig sa kanya. Kahit nakabakas pa rin sa 

mukha nito ang pagtataray, ramdam naman niyang ayaw talaga nitong umalis siya. 
"Mami-miss mo ako 'no?" pagbibiro niya dito. 
"Kapal ng fesluk mo! Bakit ko mami-miss ang katulad mo? Hmp! Mas mabuti pa ngang mag-disappear ka na at ayoko 

nang makita ang pagmumukha mo." Sam paused. "Pero... si Marcus lang naman ang inaalala ko." 
Nagkunwari siyang sumimangot. "Ayoko ng pag-usapan 'to." 
"Fine. Sige na. Lumayas ka na kung gusto mo!" pagtataboy sa kanya nito. 
Napangiti siya. Kahit ganito si Sam sa kanya ngayon, alam niyang mami-miss rin siya nito. Well, kahit naman iritable 

siya sa baklang 'to, she will also miss him for sure. 
Agad na niyang tinungo ang pintuan. Sandali rin siyang napasulyap sa kabuuan ng condo. Aalis na nga siya ngayon, 

pero parang ang bigat sa pakiramdam niya. Ilang araw pa lang siyang nags-stay doon pero grabe na ang lungkot na 
nararamdaman niya. But she already made her decision. At hindi na niya pwedeng atrasan 'yon. 
"Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Marcus," habilin niya kay Sam nang makalabas siya ng pintuan. 
"Eh bakit hindi mo na lang kasi hintayin saka ka magpaalam?" 
"Gaga ka ba? Tingin mo papayagan ako n'ong umalis?" 
"Hmm...Oo nga 'no. Ang tanga ko rin pala-pero mas tanga ka." 
"Naghahanap ka na naman ba ng away?" She raised her eyebrow. 
"Hindi, nagsasabi lang ng katotohanan. Alam mo kung bakit ka tanga?" 
"Kung sasabihin mo na namang dahil sa ginawa ko noon sa hotel-" 
"Shungaks hindi na 'yon! History na 'yon eh!" Tumikhim ito. "Mas tanga ka ngayon kasi hindi mo alam kung paano 

paninindigan 'yang nararamdaman mo. Lumayas ka na nga! Kumukulo na naman ang dugo ko sayo." Pagkasabi'y basta na lang siya nitong sinarhan ng pinto. 
"What the-Hoy Sam, kapal ng mukha mong pagsarhan ako nang basta ha! Buksan mo nga 'yan!" sigaw niya dito. 
But she heard no response. 
Inis niyang sinipa ang pintuan. 
Saka naman ito muling bumukas. "May sasabihin ka bitch?" 
"How dare you call me a bitch, you frog?!" 
"Tinamaan ka na naman ba?" Nang-aasar na ngumiti ito sa kanya. 
Napakagat-labi siya. Binabawi na niya ang sinabi niya kanina sa sariling mami-miss niya ito. Umandar na naman kasi 

ang katarayan ng baklang 'to. Kung hindi lang niya feel na parang nade-delay na siya, talagang makikipag-gyerahan siya

 sa malansang nilalang na ito! "Bahala ka na nga!" Imbyernang tinalikuran niya ito. She also heard Sam shut the door closed. Pero hindi na niya ito nilingon. Mas gusto na lang niyang makauwi agad sa apartment niya. 
******** WALANG traffic ng umagang 'yon, kaya naman maaga niyang narating ang apartment niya. Napahinga siya nang malalim. Sobrang namiss niya ito. Pagkapasok na pagkapasok sa loob ay ibinagsak niya ang mga gamit sa sala, inilapag sa center table ang mga bills na nakuha niya sa mail box-saka siya umupo sa sofa. She looked around. Babalik na naman
 pala siya sa pagiging loner. Pero naisip niyang mas mainam na rin na mag-isa siya. Para lang naman siyang babalik sa dati eh. Mas masaya. Mas kumportable. Pero parang mas malungkot din. Napayuko siya. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya si Marcus. Pero hindi siya dapat magpaapekto sa nararamdaman 
niya. Hindi siya dapat nagpapatalo sa emosyon niya. 
"Tama! From now on, kalilimutan ko na siya." She stood up and went straight to the kitchen. Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig. Tatlong baso din ang ininom niya. Pakiramdam niya'y ngayon lang siya nahimasmasan. Napapitlag siya nang biglang marinig na may pumasok sa apartment niya. Iniwan nga pala niyang bukas iyon. She 
remembered calling her cousin earlier and telling her that she's back already. 
"Hay, buti na lang at free ako kaya napadaan ako dito ngayon. Kumusta ang bakasyon?" bungad ni Martha. Dumeretso ito ng upo sa sofa. Hindi siya sumagot. Hindi nito alam na tumira siya sa condo ni Marcus. She just texted her before. At sinabi nga niya 
ditong magbabakasyon lang siya kung saan. 
Kumuha siyang muli ng pitsel at tinimplahan ito ng orange juice. 
"Saan ka nga ba nakarating?" 
"Pasig," tipid na sagot niya. 
"What?" Martha frowned. "Anong klaseng bakasyon ang ginawa mo d'on? Nagliwaliw sa ferry boat?" 
Napaihip siya ng hangin. "To tell you the truth, hindi naman talaga ako nagbakasyon." 

"Don't tell me naglako ka lang d'on ng katawan?" 
She rolled her eyes and sat on the couch. Inabot niya rin sa pinsan ang isang baso ng juice. "I lived in Marcus' house." 
Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?" 
Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. Ikinuwento niya dito ang lahat ng tungkol sa deal na ginawa nila ni 

Marcus; Ang tungkol sa mama nito; Ang nangyari sa kanila kagabi, at ang pag-amin na ginawa ng binata sa kanya. She 
even told her what she feels. 
Shocked naman si Martha na inilapag ang basong katatapos lang nitong inuman. "Joke ba 'yan?" 

Sumimangot siya. "Sa haba ng kuwento ko, iisipin mo lang na joke 'yon?" 
"Eh kasi naman, kahit ako mababaliw sa mga nangyari sayo. Pero ang mas hindi kapani-paniwala, 'yong sabihin mong 
in love ka na. Totoo ba 'yan?" 

Hindi niya ito sinagot. Nag-iwas lang siya ng tingin dito. 
"May puso ka rin pala, ngayon ko lang nalaman." Iiling-iling itong muling uminom ng juice. 
Napatingin naman siya dito nang masama. "Ano namang akala mo sa 'kin?" 
"But I'm confused. Ang sabi mo, inamin na rin ng hot na si Marcus na in love siya sayo. And you also feel the same. Eh 

para saan pa 'yong pagtakas na ginawa mo?" 
She sighed. "Uulitin ko na naman ba? Sinabi ko na nga sayo ang dahilan eh." 
"Sabagay may point ka. Kung ako nga, nasaktan din sa huli eh. Ang akala ko talaga si Arthur na ang para sa 'kin. Iyon 

nga lang, inakit siya ng buwaya kong kaibigan. Mabuti na nga lang at hindi rin natuloy ang kasal nila. Paano, ang malandi kong bestfriend, nabuntis ng iba. Haha na lang ako sa kanila." Pagtataray nitong sinabayan pa iyon ng pagtawa. 
"So anong nangyari kay Arthur?" 
"Well, ilang beses siyang nakiusap sa 'kin na balikan ko siya. Pero asa lang siya 'no? May bago na 'kong dine-date 
ngayon. Australian model," pagbibida nito. 

Sandali niyang pinagmasdan si Martha. Kahit papaano, bilib siya sa determinasyon nitong makahanap ng talagang 
mamahalin. "Hindi ka ba napapagod?" 
"Saan?" 

"Ilang beses nang sumasablay ang mga relasyon mo, pero sige ka pa rin." 
Bumuntong-hininga ito. "I understand your point there my dear. But you know what, kahit nasa lahi na natin ang 
palaging iniiwan ng mga lalaki, isa lang ang masasabi ko-masarap magmahal. Kaya kung ako sayo, anumang 
nararamdaman mo ngayon, hindi mo dapat tinatakasan. Lalo na't ganyan pa ka-yummy ang Marcus na 'yan. Kung wala 
lang akong bagong love life ngayon, baka ako na ang sumalo diyan sa lalaking iniwan mo." 

Pareho lang ang sinabi nila ni Sam. 
"I know how scared you are because of what happened to your parents. At gano'n din kay Ate Erine. Kahit pa hindi 
natin alam ang totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niya noon, hindi naman tamang gawin mong batayan 
'yon para hindi ka maghanap ng sarili mong love life." 

Napatingin lang siya sa malayo at hindi umimik. 
"Hay naku, bakit ba ako nagsasabi sayo nang ganito?" Dinedma na lang nito ang pananahimik niya at kinuha ang 

cellphone. Inabala na lang nito ang sarili sa pag-check ng messages. "Anyway, speaking of Ate Erine, naka-chat ko siya 
one time. Malapit na nga raw siyang umuwi." 
Biglang naiba ang mood niya. Kahit siya, excited na makita ulit ang kapatid niya. 
"Baka magpa-party pa si Tita Emily pagbalik niya. Bukang-bibig na naman kasi ang pangalan ng ate mo sa office eh." 
"Parang hindi ka na nasanay. Paborito niya si Ate kaya gano'n siya." 
"Yeah, pero alam naman natin kung bakit eh. Sinasabi lang niya palagi na mas marami nang na-achieve ang kapatid mo.

 Pero ang totoo, kaya siya walang amor sayo eh dahil naaalala lang niya sayo ang papa mo." 
Hindi siya sumagot. 
"Pero bilib din naman ako kay Ate Catherine. Kahit half-sister ka lang niya, talagang mahal na mahal ka niya." 
Napangiti siya. Tama si Martha. At sobrang mahal din niya ang kapatid. Sana nga lang ay makabalik na ito agad. She 

misses her so much. 
******** 
NGINGITI-NGITING umuwi si Marcus sa condo. May bitbit siyang isang bouquet ng bulaklak. He also bought a box 

of chocolate. Honestly, hindi pa niya masyadong alam kung ano ang mga gusto ni Reeze. Pero mabuti na sigurong 
magsimula siya d'on. 
"Wow. Para sa 'kin ba 'yan?" Maarteng itinuro ni Sam ang sarili nang salubungin siya nito sa sala. 
"Where is she?" excited na tanong niya. 
Pasimple namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sam. Napaiwas din ito ng tingin. 
He frowned. "Sam?" 

Tumikhim ang bakla pero hindi pa rin ito makatingin sa kanya. "Actually, I tried to stop her, pero..." 
Hindi na niya pinatuloy ang sasabihin nito. Dali-dali niyang tinungo ang kuwarto at hinanap ito. Pero wala ito roon. 
Kahit ang mga gamit ng dalaga'y naglaho na rin na parang bula. 

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niyang umalis na si Reeze. Pero kalmado pa rin siyang lumabas ng kuwarto 
at hinarap muli si Sam. "Anong nangyari?" 
"Ang luka-luka, lumayas! Tapos na raw ang deal n'yo kaya pwede na raw siyang tumakas." 
"Paanong tapos na ang deal? May sinabi pa ba siyang iba?" 
"Nahanap na raw niya ang memory card eh." 
Natigilan siya. Pagkuwa'y makahulugan siyang napangiti. 
"Ayos ka lang Marcus? Ganyan ka na ba ma-depress ngayon? Hindi ka ba nag-aalala na nasa kanya na ang MC?" 

takang untag sa kanya ni Sam. 
He laughed. Marahan lang niyang inilapag ang mga bitbit sa lamesa saka kaswal na binalingang muli si Sam. 
"Hoy Marcus, okay lang sayo na iniwan ka niya?" 
"Don't worry, babalik din 'yon," Tinalikuran na niya ang kaibigan at muling lumakad pabalik sa kuwarto. 
Napakunot-noo si bakla. "Anong ibig mong sabihin na babalik din siya? Marcus, baka nakakalimutan mo na hawak na 

niya ang video niyo..." 

"Bakit, sigurado ka bang nasa kanya nga ang totoong video?" Saglit niya itong nilingonan saka ganap na pumasok sa 
kanyang silid. 
Naiwan namang tulala si Sam. 
He smiled again. Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng polo na suot niya. 
"Ibig sabihin Marcus, ang nahanap ni Reeze...hindi ang totoong memory card?" 
*** 

NAPABUNTONG-HININGA si Reeze. Kanina pa siya nakapangalumbaba sa sofa habang nakatitig lang sa monitor ng TV. Ni hindi niya ma-enjoy ang pinapanood niyang palabas doon. Maghahatinggabi na pero parang ayaw pa niyang matulog. 
Pasimple niyang sinulyapan ang cellphone na nakapatong sa mesa. "Ang walanghiyang 'yon, hindi man lang ako tinawagan?" inis na saad niya. 
She sighed again. Kanina pa rin niya dine-deny sa sariling sabik siyang makatanggap ng kahit text man lang mula kay Marcus. Pero ang totoo, nagmumukha na siyang luka-luka sa kakasilip sa phone niya. 
Gusto niyang batukan ang sarili. Naiinis siya dahil sa nararamdaman niya ngayon. Napapikit siya. "Baliw ka talaga Reeze! Hindi mo siya dapat nami-miss ngayon." 
Maya-maya'y napamulat siyang muli. Dali-dali niyang dinampot ang cellphone. Agad pa niyang hinanap ang number ng binata. A part of her wanted to press the call button. But for what purpose? 
"Hoy Marcus, ayos lang ba talaga sayo na umalis ako?" singhal niya sa harap ng telepono. 
Hinagis niya ang cellphone sa tabi niy saka pabagsak na napasandal sa sofa. Iritable na talaga siya. Ni hindi niya magawang paantukin ang sarili niya. 
Pagkuwa'y napaisip siya. Hindi siya dapat nagkakaganito ngayon. She should be happy, dahil sa wakas, nakalaya na siya sa kabaliwan ng lalaking iyon. Wala na siya sa unit nito. Ni hindi na siya mate-tense sa tuwing makikita ang binata.
 Hindi na rin masisira ang araw niya sa tuwing magkakairingan sila ni Sam. 
More importantly, wala ng feeling byenan ang mangungulit sa kanya. 
"Tama, I have to celebrate." Dagli siyang tumayo at tinungo ang kusina. Inilabas niya ang isang bote ng champagne. May laman pa iyon nang kaunti. Kumuha siya ng glass wine saka sinalinan iyon ng champagne. 
Uminom siya saka napatingin sa malayo. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan niya ang mukha ni Marcus. Napahinga siya ng malalim saka pilit iniling-iling ang kanyang ulo. 
"Forget him Reeze, forget him!" 

She brushed her hair using her fingers. Then she thought of something. Kung hindi rin lang siya makatulog ngayon, eh di magpapakalasing na lang siya buong gabi. Sinilip niya ang maliit na wine rack sa gilid ng kitchen cabinet. May isa pa siyang wine doon. Naalala niyang ipinasalubong sa kanya ito ng ninang niya nang minsang umuwi ito galing Madrid. 
Kinuha niya iyon at binuksan. She poured some onto her glass and drank it. Saka siya nagtungong muli sa sala. She placed her iPod onto the dock and started to play a music. Tinodo rin niya ang volume. Hindi naman ito makakabulahaw
 sa mga kapitbahay dahil sanay na ang mga tagaroon na palaging may party sa bawat bahay at apartment sa subdivision nila. 
Nagpatugtog siya ng mga R&B songs. Sinasabayan pa niya ng kanta ang mga iyon habang sige sa pag-inom ng alak. Maya-maya'y napatingin siya sa dolphin-shaped calendar na nakasabit sa dingding. Marami pa pala siyang bakanteng araw. Napangiti siya. Mukhang kailangan na niyang magplano ng mga gagawin. Ngayon lang siya nagkaroon ng mahabang leave kaya susulitin na niya. 
Madali siyang umakyat sa taas para kunin ang laptop niya. Pumwesto siya ng upo sa sala at binuksan iyon. She connected her dongle and started to browse the net. Nagse-search siya ng magandang lugar na pwedeng puntahan. Simula bukas, wala siyang ibang gagawin kung hindi mag-enjoy nang mag-enjoy. 
Napabaling siya sa handbag niya. She suddenly remembered the memory card. Kailangan na pala niyang itapon 'yon. 

Pero siyempre, dapat muna niyang burahin ang video file na naka-save doon. 
Inabot niya ang handbag saka kinuha ang memory card. Sandali muna niyang pinagmasdan iyon bago ipinasok sa 
memory card slot na nasa gilid ng laptop niya. Lumitaw sa monitor ang isang video file. All she needs to do is to 
permanently delete it. Pero saglit siyang natigilan. 

"Silipin ko muna kaya?" Pero para namang nag-aalangan siyang gawin iyon. Well, it's kinda embarrassing. 

Pero wala namang mawawala kung gagawin niya eh. Silip lang naman. "Tama." She opened the file and played the 
video. 
"Wait, hindi naman ito 'yong hotel room ah. Parang..." 
Napako ang tingin niya sa monitor. Pamilyar sa kanya ang hitsura ng kuwartong iyon. What she's seeing right now is 

Marcus' room-sa condo mismo. Ipinakita doong pumasok ang kung sinomang kumukuha ng video. Saglit pang lumibot 
iyon sa kabuuan ng silid. 

Hanggang sa tumutok ang camera sa kanya. She was sleeping soundly in the sofa bed. 
Nanlaki ang mga mata niya. "What the hell is this video?" Muli niyang dinampot ang cellphone niya. Kailangan niyang 
linawin ito kay Marcus. She was about to call him when she heard a voice. 

"By the time you're watching this video, malamang lumayas ka na rito," nanunudyo ang himig na iyon ni Marcus. 
Napabaling siyang muli sa monitor. Naka-steady lang ang camera sa kanya. Napakunot-noo siya. Kung hindi siya 
nagkakamali, ito 'yong first o second night niya sa unit ni Marcus. 

"You're wrong if you think you can fool me Reeze," muling sambit nito. 

Ilang saglit pa'y tumutok na iyon sa gwapong mukha ni Marcus. Nang-aasar ang ngiti nito doon. But it's still charming. 
Pagkuwa'y kumindat ito. 
End of video. 
Nagtagis ang mga bagang niya. "Damn you Marcus! Damn you!" 
Madali niyang tinawagan si Marcus. 
******** 
NAGISING si Marcus sa ring ng cellphone niya. Kinapa niya ang mobile phone sa bedside table at dinampot 'yon. 

Bahagya niyang inangat ang katawan mula sa pagkakadapa sa kama para tignan kung sino ang tumatawag. 

"Reeze?" He frowned. Pero maya-maya rin ay napangiti siya. Awtomatiko rin siyang napatihaya sa kama. He answered 
the phone. 
"Walanghiya ka talaga! Paano mo nagawang lokohin ako?" bulyaw nito. 
"Ha?" Napamaang siya. 
"Yong video! Ang kapal ng mukha mong paglaruan ako. Nasaan 'yong totoong memory card?" 
Humalakhak siya. Mukhang nasilip na ni Reeze ang totoong laman ng memory card na nakuha nito mula sa kanya. 

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" 
"Nothing." 
"Anong nothing? Hindi ka nakakatuwa. Nasaan 'yong memory card?" 
"Nandito sa bahay." 
"Nan--" 
Bumangon siya. "Ayos ka rin ano? Ikaw na ang tumakas, ikaw pa ang may ganang magalit diyan." 
Hindi ito nakasagot. 
Muli siyang napangiti. "If you want the real one, why don't you go back here?" 
"Ayoko nga!" mariing sagot nito. 
"Okay, then I'll have it. Whatever I do with that video, wala ka nang magagawa." 
"That's unfair! Baka nakakalimutan mong ikaw ang natalo sa deal natin?" She paused for a while and spoke softly. 

"Ikaw ang unang umamin...Kaya naman--" 
"Did you forget that we already changed the phase of the game?" 
"What?" 
He sighed. "Like what I said, it no longer matters whether you make me fall in love with you or not. Sa bagong deal, 

kung mapa-in love kita at mapaamin within three weeks, ako ang panalo. Pero kung hindi, talo ako." 
"O-oo nga. P-pero..." 
"We still have plenty of days left. Unless aamin ka na sa 'kin ngayon--literally." 
"Of course not!" mabilis na depensa nito. "I mean, wala akong aaminin 'no." 
"Then definitely it's not over yet," he confidently answered. 
"Pero--" 
"Either you tell me right now that you're in love with me, or live with me until three weeks is up--your choice." 

Pagkasabi'y agad niyang pinindot ang end call button. Napangiti siya nang malapad. Alam niyang kahit ano naman ang 
piliin ni Reeze, wala na itong kawala sa kanya. 
"You're already mine Reeze." 

******** 
SHE PRESSED the doorbell. Napahugot din siya ng malalim na hininga. Pero maya-maya rin ay tila pinanghinaan siya. 
Kahapon lang, buong-buo ang loob niyang umalis dito. Ngayon, heto siya, bitbit ang mga gamit niya para bumalik. 
Ayos nga din naman ang lipat-bahay niya! 

Bumukas ang pintuan, at si Marcus ang sumalubong sa kanya roon. Napaangat ang kilay niya, pero ginantihan lang siya nito ng nakakalokong ngiti. Nakuha pa nitong ilahad ang kamay na umarte pang iwine-welcome siya sa loob. 
Nag-init ang ulo niya. 
"Hindi ka pa ba papasok?" 
Saglit lang niya itong tinignan nang masama saka walang sabi-sabing pumasok sa loob. Kaagad siyang dumeretso sa 

kuwarto at inilapag sa dating pwesto ang mga gamit niya. 
"Kumain ka na?" Nakapilig ang ulo ni Marcus sa gilid ng pintuan habang nakakrus ang mga braso. 
Nagpamaywang siya sa harapan nito sabay lahad ng kaliwang palad. "Nasaan ang memory card?" 
"Nakatago." 
"Ibigay mo sa 'kin." 
"Why would I give it to you?" 
Hindi siya agad nakasagot, pagkuwa'y tumikhim siya. "Gusto ko lang makasiguro na nasa 'yo pa talaga 'yon." 
He smirked but didn't answer back. Bagkus ay hinila nito ang kamay niya at binitbit siya papunta sa kusina. 
"Bitawan mo nga ako," angal naman niya rito. 
Sapilitan siya nitong pinaupo sa harap ng mesa. "Just eat. Hindi ka pa siguro nag-aalmusal. Pinaghanda ko muna si Sam 

ng pagkain bago siya umalis kanina." 
"Hindi ako gutom." Umismid siya rito. 
Bahagya namang yumukod sa harap niya si Marcus at ipinatong ang magkabilang-kamay sa mesa. "Kapag kumain ka 

ngayon, I'll promise to show it to you later." 

Hindi na siya nakaimik. Wala namang masama kung susunod siya rito. Isa pa, kanina pa nga siya gutom. Fresh milk at 
isang garlic bread lang ang kinain niya kanina pagkagising. 
"Ikaw, kumain ka na ba?" pasimple niyang tanong dito. 
Ngumiti ito nang matamis. "I'm done." Pagkasabi'y iniwan na siya nito at nagtungo sa sala. 
Napalibot ang tingin niya sa paligid. "Ang weird," she whispered. Kumpara kasi noong bumalik siya sa apartment niya 

kahapon, parang mas naging masaya siya nang muling nakatuntong sa unit na ito. She started to eat, saka niya 

pasimpleng sinilip si Marcus sa sala. Prenteng nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng T.V. 
Hay, bakit ba gano'n kaguwapo ang lalaking 'to? sambit niya sa isip habang ngumunguya ng loaf bread. 
Napalingon sa kanya si Marcus. Napaubo tuloy siya sa gulat. Dagli niyang ibinalik ang tingin sa mesa at uminom ng 
juice. 

Napangiti naman ang binata saka muling itinuon ang pansin sa pinapanood. 

Madali niyang tinapos ang pagkain at nagligpit. Nang tinungo niya ang sala'y napansin niyang nakalabas na ang laptop 
ng binata. 
"Anong ginagawa mo?" pasimple niyang tanong. 

"Watching our video," makahulugan itong ngumiti. 
Nanlaki ang mga mata niya. "Anong sabi mo?" 
He chuckled. "Just kidding. I'm checking on something." 
"Ano naman?" Lumapit siya rito at bahagyang yumukod upang silipin ang monitor ng laptop nito. "Bakit ka nagche 
check ng mga digital cameras?" 
"Umupo ka nga rito." 
"Ayoko nga." Pakasagot niya'y bigla na lang siyang hinila ni Marcus paupo sa tabi nito. Kamuntikan na siyang mapatili 

sa gulat. "Ano bang ginagawa mo?" 
"Ang sabi ko kasi umupo ka," kalmadong sagot nitong sa monitor pa rin nakatuon ang pansin. 
"So kailangan hilahin ako?" 
Hindi siya nito pinansin. 
"Balak mo bang bumili ng camera?" 
"What's the best?" 
"Depende. Ano bang klase ang hinahanap mo? Kailangan ba sa work 'yan?" 
Hindi siya nito sinagot. Nagpatuloy lang ito sa pag-browse ng iba't ibang modelo ng camera sa website na 'yon. 
"Teka nga pala, baka akala mo nakalimot na 'ko. Nasaan ang memory card?" 
Tahimik nitong dinampot ang isang maliit na transparent case sa lamesa. At sa loob nga noo'y nakalagay ang memory 

card. Hahablutin sana niya iyon pero mabilis itong iniwas ni Marcus. 
"Sorry baby, but you can't have it now." At kinindatan na naman siya ng binata. 
"Tsk. Paano ako makakasiguro na 'yan nga ang totoong memory card?" 
"Eh 'di panoorin natin kung gusto mo." 
"Sure," wala sa loob na naisagot niya. Saka lang siya natauhan nang makitang ipinapasok na ni Marcus ang MC sa slot. 

"Wait!" 
Lumingon sa kanya ang binata. 
"S-sisilipin lang natin ha. Pero huwag mong ipe-play." 
"What? Paano mo masisilip kung hindi ipe-play?" 
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Oo nga naman. Kailangan niyang tiyakin na iyon ang tamang video para kapag 

binalak na niyang nakawin ulit 'yon, sigurado na siyang iyon ang tamang memory card. 
Marcus opened the file. Pero hindi muna nito inistart ang video. Tumikhim ito saka pilyong ngumiti sa kanya. "Mas 
maganda siguro kung sa kuwarto natin 'to silipin." 

Naningkit ang mga mata niya rito. "Hoy, subukan mo lang mag-isip ng kalokohan at malalagot ka talaga sa 'kin." 
"Ano naman ang gagawin mo?" Ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng sofa. Umusod din ito ng upo palapit sa kanya. 
"W-what are you doing?" 
Pero hindi pa rin tumitigil ang binata. He's staring at her in a playful way. 
"M-Marcus!" Napapahiga na siya sa sofa. Paano ba nama'y dahan-dahang inilalapit ni Marcus ang mukha nito sa 

kanya?! Awtomatiko niyang iniharang ang mga kamay sa dibdib nito. "Subukan mo lang gawin 'yang iniisip mo, 

sisipain talaga kita." 

"Oh..." 

"I'm warning you Marcus..." Hindi na siya nakaimik nang sunggaban na siya ng halik ng binata. And as usual, napasuko
 na naman siya nito. They kissed the way like they haven't seen each other for a very long time. Ganoon ba nila ka-miss 

ang isa't isa? 
Naramdaman niyang marahan siyang inalalayan ni Marcus sa pagtayo, habang magkadikit pa rin ang mga labi nila. 
Iginiya siya nito papasok sa kuwarto saka isa-isang hinubad ang mga damit nila. 

And then it happened. Again. 

******** 

"ANO bang ginagawa mo diyan?" natatawang tanong ni Marcus sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatalukbong ng kumot 

habang nakadapa sa kama. 
"Wala kang pakialam," sagot niya. 
"Isang araw ka pa lang umaalis dito pero na-miss mo na 'ko nang sobra?" 
Inangat niya ang kumot saka tinignan nang matalim ang binata na nasa tabi niya. Nakatuon ang pansin nito sa tablet at 

abalang nagche-check nang kung ano. "Ang kapal ng mukha mo! Sinong may sabing na-miss kita?" 
"Bakit hindi ba?" Sumulyap ito sa kanya saka siya nginitian. 
"Hindi naman talaga eh. Kung hindi lang dahil sa memory card, hindi naman ako babalik dito 'no." 
"Kaya pala gano'n na lang ang mga ungol mo kanina." He smirked. 
Namula siya. Ang walanghiyang ito! Ipahiya daw ba naman siya nang gano'n? 
"Jerk!" bulyaw niya rito. 
Muli lang siya nitong tinawanan. Pero naging kaswal ding muli ang mukha nito kapagkuwan at pinakatitigan siya. "But 

you know what, I've missed you so bad. You don't know how much I wanted to call you last night." 
Napaiwas siya ng tingin. Grabe din kaya ang pagka-miss niya rito. Hindi lang niya siyempre aaminin. 
His fingers gently stroked the side of her face, causing her to look back at him. Napako na ang tingin niya sa mga mata 

ng binata. Seryoso ang mga iyon. Malalim. 

"Just don't do it again... please," he almost whispered. 
"A-ang alin?" kunwari'y tanong niya. 

"Don't leave just like that. Kahit pa alam ko kung paano ka pababalikin, nakakabaliw pa ring isipin na hindi kita 
makikita kahit na isang gabi lang." 
Napaawang ang mga labi niya. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa. 
Yumuko si Marcus at masuyong hinagkan ang mga labi niya. Then he smiled. "Get up. We're going somewhere." 
"Saan naman?" 
"Malalaman mo din." Tumayo na ito saka dinampot ang mga hinubad na damit. 
Napangiti siya. 
******** 
"SABIHIN mo na lang kasi kung anong klaseng camera ang hinahanap mo para matulungan kita." Sinilip ni Reeze ang 

mukha ni Marcus. Seryoso ito habang sinisipat-sipat ang isang digital camera na naka-display roon. 
Pero tahimik lang ito. 
"Mukha ka pa namang walang alam sa mga ganyan," muling wika niya. Pero hindi pa rin siya pinapansin ng binata. 

Nakaramdam na siya ng pagkainis. "Hoy Marcus, hindi mo ba 'ko kakausapin?" 

He glanced at her. But he only gave her a tight-lipped smile. Marahan nitong inilapag sa stall ang camera at lumapit sa 
isang babaeng staff na nakatayo sa 'di kalayuan. 
Napakunot-noo siya. Nag-aalok na nga siya ng tulong, pero basta na lang siyang dinedma nang gano'n? 
"So mas gusto pala niyang magtanong sa babaeng 'yon?" inis na bulong niya. "Di hamak naman na mas maganda ako sa

 kanya 'no. Hmp!" Umirap na lang siya saka nagikut-ikot sa shop. Hindi niya inasahan na sa mall sila pupunta ni Marcus

 ngayon. Basta lang kasi siya nitong pinagbihis kanina. Napaihip siya ng hangin. Hindi pa pala siya nakakabili ng camera niya. Nang dahil sa lalaking 'yon, nawalan na siya ng oras para rito. Pero wala namang masama kung ngayon na siya magtingin-tingin. Hanggang sa naagaw ang pansin niya ng isang camera na nasa loob ng glass stall. Kulay puti iyon. Natatandaan niyang kapareho iyon nang nakita niya noon. Napangiti siya. Ito ang model na matagal na niyang gustong bilhin, kailangan pa lang niyang hintayin ang magiging sahod niya sa katapusan para mabili ito. May kamahalan kasi ito at kulang pa ang pera niya. 
"Let's go," yaya sa kanya ni Marcus. 
"Tara na? Pero akala ko ba bibili ka pa ng digi-cam mo?" 
"Forget it." Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kamay niya at lumabas ng shop. 
Sa isang Japanese restaurant sila kumain. Umorder lang siya ng Teppanyaki Salmon, samantalang Gyudon naman ang 

kay Marcus. Medyo nagutom din siya. Lampas lunch time na rin kasi. 
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Marcus na sa pagkain nakabaling ang pansin. 
"Ha?" 

"Sabi ko, saan mo gustong pumunta?" Tumingin ito sa kanya "Hmm...think of it as if we're going on a date." 
"Sinong may sabing balak kong makipag-date sayo?" pagtataray niya rito. 
Pinisil nito ang ilong niya. "Try denying more and I'll kiss you right away." 
"Subukan mo lang." 
"Ah... so you're challenging me huh?" Akto itong tatayo pero agad niya itong pinigilan. 
"Wait!" Inangat pa niya ang kamay sa harap nito at luminga-linga sa paligid. "Tumigil ka nga diyan." 
"Don't tell me nahihiya ka? What's wrong with that? Para namang wala tayong relasyon." 
"Eh wala naman talaga eh." 
Ngumiti si Marcus. "You're my girl now Reeze. Whatever you say, it can never be changed." 
Natameme siya. Nag-init din ang mga pisngi niya sa narinig. Ang sarap namang pakinggan n'on. Gusto niyang 

mapangiti pero pilit niyang pinigilan iyon. Ma-pride na siya kung sa ma-pride. Pero ayaw niyang ipakita kay Marcus na 

kinikilig siya sa mga sinasabi at ginagawa nito. Muli na lang siyang sumubo ng pagkain. 
"Sabihin mo lang sa 'kin kung may gusto kang puntahan." 
Sandali siyang napaisip, saka siya may biglang naalala. "This coming Wednesday, may gaganaping photo exhibit sa 
hotel nina Martha. Doon mo na lang ako samahan." 

Biglang sumeryoso ang mukha ng binata. "It will be tenth right?" 

Tumango siya. "Yeah, busy ka ba n'on? Okay lang naman kung-" 

"No. Siyempre sasamahan kita." He smiled again. "Pero may dadaanan lang muna siguro ako n'on." 

"Okay lang. Hapon pa naman ang start ng exhibit eh." 

Napatingin si Marcus sa malayo. Malapit na rin pala ang araw na 'yon. 

******** 

"LOOKS like everything's packed up already." 

Napalingon si Catherine sa babaeng nagsalita. The woman was at her sixties. Pero hindi pa rin nawawala ang pagiging 

fabulosa nito. 
She smiled. "Gonna miss me Auntie?" 
"Well of course. You stayed here for more than four years. What makes you think that I'm not gonna miss you honey?" 

Umayos ito ng upo sa couch sabay hablot ng isang lifestyle magazine. 
She sighed and looked back outside the window. 

"Kelan ba ang flight mo?" 
"I chose to arrive on tenth of this month." 
Napatingin sa kanya ang matandang babae. "Hahanapin mo siya?" 
Napayuko siya. "Yeah. After all, siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako babalik." 
*** 

HUMINTO ang kotseng sinasakyan nila nang makapwesto sa parking lot ng basement ng building na iyon. Napalingon 
siya kay Marcus. "Anong ginagawa natin dito?" 
Nginitian siya nito. He bended slightly and removed her seatbelt. "I'll show you." 
Wala man siyang ideya'y sumunod na lang din siya rito sa pag-ibis sa sasakyan. 
"Ano ba talagang meron dito? Your office?" 
"Yeah," he answered then pressed the button near the elevator. Maya-maya lang din ay nakasakay na sila roon. 
"Don't tell me balak mong magtrabaho ngayon kung kelan malapit nang gumabi? And it's Sunday for Christ's sake!" 
"Of course not. I just want to show you my workplace bago tayo umuwi. Napadaan na rin naman kasi tayo dito eh." 
Sumandal siya sa gilid ng elevator at nanunuyang tinignan si Marcus. "Kampanteng-kampante ka diyan ah." 
"What do you mean?" 
"Iyong mga ginagawa mo ngayon. Kung makaasta ka, parang mag-boyfriend talaga tayo." 
He chuckled. "Hanggang kelan mo ba 'ko ide-deny?" 
"Hindi kita dine-deny, kasi wala namang dapat i-deny," kunwaring pagtataray niya rito. 
"Talaga lang ha?" panunudyo rin nito. "So anong tawag mo sa 'kin? Just your hot playmate?" 
"Hot?" Napaangat ang kilay niya. "Self-proclaimed talaga?" 
Makahulugan itong ngumiti sa kanya. "Well, just think how much you can't resist me." 

Napanganga siya. "Ang laki talaga ng bilib mo sa sarili mo, ano?" 
"Kahit naman ano pang ihirit mo diyan, wala na ring silbi. Your body proves a lot everytime I kiss you-and that's the 
truth." Marcus gave her a playful smile and went out when the door opened. 

"Kapal talaga!" inis na bulong niya saka sumunod dito. 

Nasa nineteenth floor sila. Madilim sa corridor niyon. Siyempre, walang pasok ang mga empleyado ngayon. Lumayo sa 
kanya si Marcus para i-on ang switch ng ilaw, saka siya napalibot ng tingin. Nasa tabi niya ang guard's desk. May mahabang couch naman sa harapan nito. Napabaling siya sa glass door na nasa unahan niya. She read the etched words written on it: Sanz Architectures. May 
logo pa ito na parang isang maliit na pyramid na nasa loob ng globo. 
At ito na nga mismo ang opisina nina Marcus. 
"Let's go inside," yakag ng binata sa kanya. Kinuha nito ang susi sa bulsa ng jeans na suot saka binuksan ang pintuan na 

'yon. "I always carry this duplicate key. Palagi kasi akong nago-overtime sa trabaho. Lalo na noon." Napakalinis tignan ng reception area. Black and white ang kulay ng dingding. Kakaiba rin ang itsura ng interiors nito magmula sa disenyo ng reception's desk, sa couches, hanggang sa pintuan ng mismong opisina. Natuon ang pansin niya sa malaking sketch ng bahay na naka-frame at nakasabit sa wall. It wasn't a detailed framework-actually, only the front was shown. 
Napakunot-noo siya. Parang nakita na niya ito. 

"That's our house." Tumabi sa kanya si Marcus. Noon nga lang niya naalala ang mansyon ng mga ito. Ito nga mismo 
'yon. 
"It was my Dad's design," dugtong nito. 
"Architect din siya?" Napalingon siya kay Marcus. 
"Yeah, pero nag-retire na siya n'ong ikinasal sila ni Mommy. Nag-focus na lang siya noon sa pag-manage ng business 

namin. And this was his last work." 
"Ahh... Ayoko mang aminin pero mukhang may pinagmanahan ka." Muli niyang ibinalik ang tingin sa sketch. 
"Talaga?" Nagliwanag ang mukha ni Marcus. 
Naisipan niyang asarin ito. "Oo. Nakita ko na 'yong mga designs mo sa drawing table mo sa kwarto. Pero parang mas 

bilib pa rin ako sa daddy mo." 
Napakunot ang noo ng binata. "Gano'n?" 
"Uhum..." 
"Halika nga dito." Walang sabi-sabing kinabig siya nito saka ito bumulong malapit sa tenga niya. Nakaramdam na 

naman siya ng pamilyar na kiliti sa bahaging iyon. "Alam mo, kanina mo pa 'ko sinusubukang asarin. Baka mamaya mapikon na 'ko sayo." 
"At ano naman ang gagawin mo?" 
"Gusto mong malaman?" May pahiwatig ang banat nito sa kanya na nakuha pang sumulyap sa may gilid nila. "Free ang 
couch." 

"Tumigil ka nga diyan!" singhal niya. 
Tumawa ito. "Ang cute mo talagang asarin." 
Napaangat muli ang kilay niya sabay tulak dito. "Lumayo ka nga sa 'king bwisit ka!" 
"Huwag kang mag-alala, pwede-pwede naman nating gawin 'yon sa bahay mamaya eh." At umiral na naman ang 

pagkapilyo nito. 

Nanlaki ang mga mata niya. Naalala kasi niya ang nangyari sa kanila kanina. At hindi malayong maulit na naman iyon especially now that there's something going on between them. 
Pagkuwa'y tumikhim siya. "Ipapaalala ko lang ha, sa sala ako matutulog mamaya." 
"Hmm... no problem, kasya naman tayo sa sofa eh." 
Napanganga siya. "Subukan mo lang na--" 

"Na ano?" 
Napaiwas na lang siya ng tingin. Talagang alam na alam ng lalaking ito kung paano siya pahihiyain. 
Marcus gently rubbed her chin and smiled. "Tara na sa loob." Inilagay nito ang kanang hinlalaki sa biometric identifier. Nang makumpirma iyon ay awtomatikong bumukas ang pintuan. Pagpasok nila sa loob ay agad na binuksan ni Marcus ang ilaw. 
Hindi gaanong malaki ang opisinang iyon. Pero napakaluwang doon. Maganda rin ang pagkakahanay na ginawa sa mga lamesa. Hindi nga nakapagtataka na puro mga architects ang nagtatrabaho roon. 
"Kayo rin ba ang nag-design ng mismong office?" tanong niya kay Marcus. 
"Yup. We don't actually have interior design specialists here, pero kami-kami mismo ang nag-ayos dito." 
Napatango siya saka nagtungo sa pintuang nasa dulo. Mini-pantry ang naroon. Napahanga siya 'coz it looked like a normal kitchen. May maliit na refrigerator doon, microwave oven, at espresso machine. Naisip niyang ang sarap sigurong magtrabaho rito. Feel at home talaga, hindi katulad sa opisina nila. Bukod sa nakaka-pressure na ang trabaho, palagi pang nakamata sa kanya ang mga kasamahan niya. Alam kasi ng lahat na kamag-anak siya ng may-ari ng kumpanya, at siya ang bunsong anak ng mismong general manager. 
Hindi na nga lang niya pinapansin ang makakating dila roon na palagi siyang sinasabihan nang kung anu-ano kapag siya'y nakatalikod. Wala naman daw siyang alam, na ginamit lang daw niya ang kanyang koneksyon kaya siya nakapasok doon at nabigyan ng posisyon as MA. Pero kung tutuusin naman, hindi niya hiniling ang bagay na 'yon. Matrabaho masyado ang posisyon na 'yon, sabihin pang dalawa silang nakatalaga roon. 
Ipinasok siya noong una bilang isang regular staff. Ngunit ilang araw lamang nagtagal 'yon at nakatanggap nga agad siya ng promotion--na kanyang ina mismo ang siyang naglakad. Ang dahilan nito, para raw magkaroon na siya agad ng sense of responsibility. 
"You want coffee?" Kinuha ni Marcus ang kamay niya at buong pagsuyong kinintalan iyon ng halik. 
Napalunok siya. Kamay pa lang niya ang hinalikan nito, kinilig na siya nang sobra. Napaiwas tuloy siya ng tingin. "Sige." 
"But I can only make Latte," parang nahihiya pang saad nito sa kanya. 
"Okay lang." 
Marcus smiled. "Wait for me inside my office." 
Tumango siya saka nagtungo sa sinasabing opisina nito. Nakabukas na ang pintuan niyon at naka-on na rin ang ilaw. 
Nakapwesto malapit sa may bintana ang malaking desk. Malinis iyon. Tanging desktop at ilang folders lang ang nakapatong doon. There was also a round table placed on the other side. Mga nakalatag na drafting papers naman ang makikita roon. May ilang naguhitan na ng kung anu-anong pigurang hindi naman niya maintindihan. 
Lumapit siya sa mesa ni Marcus. Napaka-organize talaga nito, mapapansin naman iyon sa kuwarto pa lang nito. Lahat ng gamit, talagang nakaayos. 
Napatingin siya sa sticky note na nakadikit sa isa sa mga folders. Binasa niya iyon: All cleared on April 10, Sir. Appointments cancelled. 
Napaisip siya. Naalala niyang sinabi ni Marcus kanina na may pupuntahan ito sa araw na 'yon. Seryoso pa nga ang mukha nito, kaya naman inakala niyang related iyon sa trabaho. 
Napakibit-balikat na lang siya. Saka na lang niya ito tatanungin nang tungkol doon. 
"Sorry it took a while." Pumasok si Marcus sa loob na may bitbit na tray na siyang naglalaman ng dalawang tasa ng kape. Ipinatong nito ang mga 'yon sa ibabaw ng desk. "Try it. Plain lang ang ibabaw. Hindi naman kasi ako marunong magdesign-design ng ganyan eh." 
"Ayos lang. Mukha namang pwede nang pagtiyagaan eh." 
"Pinaghirapan ko din 'yan 'no." Para naman itong batang umangal sa kanya. 
Lihim siyang napangiti sabay angat sa tasa. Ngayon lang niya nakita ang ganoong facial expression ni Marcus. And it 

was cute. Mas lalo tuloy siyang na-attract sa binata. 
She took a light sip from the cup. 
"How was it?" excited nitong tanong. 
"Hmm...it tastes like..." Pabitin pa siyang sumulyap sa binata. "Latte." 
Bumagsak naman ang mga balikat ni Marcus. "Anong klaseng sagot 'yan?" 
"Eh sa pagkakaalam ko, iisa lang naman talaga ang lasa ng latte. Anong gusto mong sabihin ko?" nangingiting tugon 

niya dito sabay higop muli ng kape. 

"Okay, you won. Umasa lang naman ako na kahit papa'no, maa-appreciate mo 'yang ginawa ko. Ngayon lang kaya ako gumawa ng kape para sa ibang tao." Tumagilid ito na nagkunwaring nagtatampo. Gusto niyang matawa nang sobra sa inaasal nito ngayon. Hindi tuloy siya nakatiis. Ibinaba niya ang tasa sa mesa saka 
humarap sa binata. Pinisil niya ang ilong nito. "Alam mo, ang arte mooo..." 
"Ouch!" 
Tumawa siya. "Hindi ko alam na may pagka-childish ka rin pala minsan." 
"Ano?" Kunwari'y kumunot ang noo nito. 
"Ulitin ko ba?" 
Hindi ito sumagot. Tinitigan lang siya nito, at para bang pinipigilan lang nitong mapangiti. 
"What-" Natigilan siya nang bigla siya nitong hilahin at halikan. Napakapit siya sa mga braso nito. Naramdaman din 

niyang yumakap ito sa kanya. It was a very sweet kiss. 
Then he whispered. "There's another place I wanna show you." 
"Saan?" 
Isang ngiti lang ang itinugon nito sa kanya saka siya hinila palabas ng office. Muli silang sumakay ng elevator at 

nagtungo sa huling palapag ng gusali. Isang hagdanan ang inakyat nila sa may fire exit, until they reached the rooftop. 

"Kapag palagi akong nago-overtime noon, naghahanap ako ng oras para makapag-relax dito." Iginiya siya nito paupo sa isang steel bench na sa itsura'y parang sinadya talaga ang paglalagay nito roon. Napatingala siya. Gumagabi na nga. Medyo malakas din ang hangin kaya naman panay ang hawi niya sa kanyang buhok. 
"Dito ko nilalabas lahat ng stress ko." 
"Paano ka ba ma-stress?" 
"Hmm... ang sabi nila, mahirap daw akong i-approach. Well, hindi naman ako 'yong tipong naninigaw." 
Napangiti siya."Wala naman talaga sa itsura mo." 
"Ano bang tingin mo sa 'kin?" 
"You seemed like...a person who simply hides his feelings. Kung nalulungkot ka o nasasaktan, itinatago mo lang sa 

sarili mo." 
"Parang hindi ako sanay na naririnig 'yan sayo ah," biro nito. 
Tinignan niya ito nang matalim. "At anong ibig mong sabihin?" 
"I'm just kidding." Hinawi nito ang buhok niyang bahagyang tumakip sa kanyang pisngi. "You know what, I asked 

myself several times before, why can't I resist staring at you? Now I know the reason why..." 
"Dahil ba nagagandahan ka sa 'kin?" pabirong hirit niya. 
Umiling ito. 
Nadismaya siya. "Eh ano pala?" 
"Because you're the woman I can't simply let go. Sa sobrang hirap mong pakawalan, hindi ako nakukontento sa 

simpleng sulyap lang." 
Napalunok siya, saka siya pasimpleng napaiwas ng tingin. "Architect ka nga talaga." 
"Bakit naman?" 
"Galing mong mag-build up ng sasabihin eh." 
Napatawa si Marcus. "Tinamaan ka ba sa sinabi ko?" 
"Hindi kaya." Tuluyan na siyang tumingin sa malayo. Pilit niyang itinatago sa sarili ang katotohanan-ang katotohanan 

na kanina pa lumulundag ang puso niya sa sobrang tuwa. 
Kahit n'ong high school, hindi ko pa naranasan ang ganito ah, nahihiyang pag-amin niya sa sarili. 
"Pero seryoso ako sa sinabi ko." 
Tumikhim siya. "Ano ngayon sa 'kin?" 
"Hanggang kelan ka ba magkukunwari diyan?" 
"Tsk. Hindi ako nagkukunwari ano." 
Napabuga ng hangin si Marcus sabay tingin din sa malayo. "Okay. Mag-deny ka lang nang mag-deny. Kung iisipin 

pabor pa nga sa 'kin 'yon. Hangga't hindi ka umaamin, nasa tabi lang kita hanggang matapos ang tatlong linggo." Isang 

malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. 
She pressed her lips. Tama nga ang sinabi nito. Kahit saang anggulo niya tignan, dehado talaga siya. 
"Hindi ka na makasagot?" panunudyo nito. 
Matapang siyang humarap dito. "Matapos lang talaga ang three weeks, hinding-hindi na 'ko magpapakita sayo." 
"It's okay. Hahanapin na lang kita." Muli na naman nitong hinagkan ang kanyang mga labi. 
Napatikhim na naman siya. "Pwede ba, 'yong paghalik-halik mo sa 'kin, sa susunod bibilangan ko na 'yan." 
Ngumiti si Marcus. "Then just count as long as you want. Wala naman akong balak itigil ito eh." He kissed her again. 

Mas matagal. At kung hindi pa may isang janitress na nakahuli sa kanila, hindi pa sila mapapaawat sa mainit na 

halikang iyon. 
Napatayo tuloy sila nang hindi oras. 
"Ang sipag niyo naman po Manang. Sunday na Sunday, maglilinis kayo ng rooftop?" sarkastikong bati ni Reeze sa 
matandang babae. 

"Tsk, tsk... Mga kabataan nga naman." Napapailing na lang itong inilapag ang mop at balde sa sahig. 

Pinisil ni Marcus ang kamay niya saka siya binulungan. "Alam kong nabitin ka baby, pero huwag mo namang awayin si 

Manang." 

"Kapal mong isiping nabitin ako ha," pabulong din niyang sagot. 

He smirked. "Sa kotse na lang kaya natin ituloy." 

Namula siya. "Sipain kita diyan!" 

"Yeah, you can do that afterwards." He grinned. 

Nanggigil na naman siya. "Itulak kaya kita sa hagdan?" 

Pero tinawanan lang siya nitong muli. 

******** 

"BUMALIK ka ulit sa unit niya?" bulalas ni Martha matapos marinig ang kwento niya. Nasa hotel room siya nito, 

nakatambay. Maaga kasing umalis ng bahay kanina si Marcus, at ganoon din si Sam. Sinubukan niyang tanungin ang 

binata kung saan ito pupunta, pero wala naman itong malinaw na isinagot sa kanya. Kaya imbes na mabagot sa condo, 

ipinasya niyang dumeretso na lang sa hotel nina Martha. Tutal, mamayang hapon na rin ang photo exhibit. 
"Ang OA mo talagang maka-react kahit kelan," asik niya rito habang naglilipat-lipat ng channel sa T.V. Nakadapa siya sa kama na ikinakawag-kawag pa ang mga paa. 
Umupo si Martha sa harap ng dresser at nagpahid ng facial cream. Katatapos lang nitong mag-shower at nakatapis pa ito ng tuwalya. "Ang utak din pala ni Marcus. Akalain mo, nagawa niyang mag-set ng trap sayo? Pero mas saludo ako sayo Reezelda." 
"At bakit naman?" 
"Biruin mo, kahit saang bagay talagang tanga ka!" 
Napakagat-labi siya sa inis. "Gusto mong ibato ko sayo 'tong remote?" 
Tinawanan lang siya nito. Pagkuwa'y muli itong nagsalita. "So talagang plano mong mag-stay sa condo niya hanggang 
matapos 'yang kalokohang three-week deal niyo na 'yan?" 
"Honestly, hindi ko pa alam." 
Napabuntong-hininga si Martha. "Hay naku Reeze, ang labo mo talaga." 
Hindi na niya ito sinagot. Itinuon na lang niya sa palabas ang kanyang pansin. 
Bahala na nga. 
******** 
NAPAHINGA nang malalim si Catherine. Limang taon na rin pala ang nakalipas mula nang umalis siya ng Pilipinas. 
She has really missed a lot of things here. At ibang-iba ang pakiramdam ngayong nakabalik na siya. Napasipat siya sa 
kanyang relo. Maaga pa pala. Tamang-tama lang ang dating niya. 
Tamang-tama, para sa araw na iyon. 
"Mas lalo kang gumanda ah." Isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanya. Moreno ito at sadyang napakalakas ng 
dating nito. 

"Henry." Kaagad niyang niyakap ang kaibigan. "Hindi ka pa rin pala nagbabago." 

"Yeah, hindi pa nga. I'm still admiring you." 

Napangiti lang siya. 

"Alam na ba nilang nandito ka na?" 

Umiling siya. "I want to surprise them, especially Reeze." 

"Oh, that cute sister of yours," buong-paghangang saad nito. 

Naningkit ang mga mata niya. "Hindi mo naman siguro pinopormahan ang kapatid ko?" 

He chuckled. "Of course not. Malaki ang respeto ko sayo." 

"Dapat lang. Kahit kaibigan kita, hindi kita papayagang ligawan siya." 

"Ang lupit mo talaga!" 

Nagkatawanan silang dalawa. 

"So saan mo balak dumeretso ngayon?" tanong nito. 

"Alam mo naman kung anong araw ngayon hindi ba?" 

"Oo nga pala." Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Pero sigurado ka bang makikita mo siya ngayon doon?" 
Bahagya siyang napayuko. "Kung hindi pa siya nakalimot, siguradong pupuntahan din niya ang lugar na 'yon." *** 
"OKAY, I'm already late!" anas niya nang mapatingin sa wrist watch na suot. Siguradong mapapagalitan siya ng Uncle Benny niya. Ngayon dapat nila gagawin ang mock presentation para sa project proposal nila sa isang big time client na kanilang nakuha, pero mukhang makakapag-start sila nang wala siya. Napatingala siya. Sobrang lakas ng ulan, at wala siyang ideya kung kailan 'yon titila. 
Ngayon ay talagang nagsisisi na siya kung bakit hindi na lang siya nag-taxi kanina. Pero kaya lang naman siya napilitang mag-bus ay dumaan pa siya sa isang coffee shop para mag-almusal. 
And now he's trapped in this waiting shed. 
Napalingon siya sa babaeng tumatakbo palapit sa shed para makisilong. May hawak itong plastic envelope na siyang 
itinatakip nito sa ulo. Pero medyo basa na rin ang damit na suot nito. 

"Ang malas ko naman ngayon!" Dismayadong pinunasan ng babae ang mga brasong nabasa gamit lang ang palad. Mabilis naman siyang naglabas ng puting panyo at iniabot sa dalaga. 
"T-thank you." Nasorpresa ito sa ginawa niya pero kapagkuwan ay nginitian din siya nito. 
Pasimple niya itong pinagmasdan. Maamo ang mukha nito--contradicting sa dating ng mga mata nito. And that what 
makes her beauty extraordinary. 

"Hay bakit ngayon pa kasi umulan?" Napabuntong-hininga ito pero naroon pa rin ang ngiti sa mga labi nito. Bigla itong lumingon sa kanya. He almost got startled when she caught him staring at her. Pasimple na lang siyang tumikhim para itago ang pagkapahiya niya. 
"Ang gandang tingnan ng San Sebastian Church mula rito ano?" Alam niyang nagkomento na lang ito ng ibang bagay 
para hindi siya mailang. 
He adjusted his eyeglasses and looked at the old church. And she's actually right. Napakaganda nga nitong pagmasdan 
mula sa kinatatayuan nila. 

"And it's a great view to look at even when it's raining." 
"Yeah, you're right," he commented. "One-of-a-kind ang architectural features niya." 
"Thank you nga pala ulit sa panyo. Kaya lang nabasa ko na siya." 
"It's okay." Muli siyang napatingin sa dalaga. 
"By the way, I'm Catherine." Inilahad nito ang kanang palad sa harap niya. Agad naman niyang tinanggap iyon at 

ginantihan na rin ito ng ngiti. 
"Marcus." 
NAPAHUGOT siya ng malalim na hininga matapos alalahanin ang nakaraan. Limang taon na ang lumipas simula 

noong una silang nagkakilala rito ng babaeng 'yon. He also remembered their promise about this day. Now he's back in this place, but not to fulfill that promise. He's here to end everything. He wanted to have a closure...for those memories which keep on haunting him for the past four years. Amindo siya kung gaano kalaki ang naging bahagi ni Catherine sa buhay niya. He made her the center of his world...of his whole self. Minahal niya ito nang sobra-sobra pa sa inakala niyang maibibigay niya. Nang sinundan niya ito sa States noon, wala siyang ibang ginusto kung hindi ang mahalin lang ang babae, at makasama ito habang buhay. But 
unfortunately, it didn't happen. 
Matagal niyang dinala ang mga alaala ni Catherine sa puso niya. He had a lot of relationships, but nothing surpassed the 
joy he felt when he was with that woman. Ang buong akala niya'y hindi na siya makakalaya sa nararamdaman niya para 
rito--until Reeze came into his life. Sa tuwing titignan niya ang babaeng 'yon, para bang nakakalimutan na niya ang 

lahat nang nangyari sa nakaraan niya. Naisip niyang panahon na siguro para pakawalan na niya nang tuluyan ang lahat 
ng iyon. He wanted to start a new life, with Reeze of course. 
I'm here to say goodbye. I'm letting you go Cath. 
Napangiti siya sa sarili niya. Ngayon, medyo maluwag na ang pakiramdam niya. Napatingin siya sa kanyang relo. 

Maya-maya lang ay magsisimula na ang photo exhibit na sinasabi ni Reeze. Kailangan na niya itong puntahan. 
Paalis na sana siya nang mapahinto sa babaeng nakasalubong niya. Napatda siya. Napalis ang ngiti niya at bigla na 

lamang sumeryoso ang kanyang mukha. Napaawang ang mga labi niya pero hindi agad siya nakaimik. Hindi niya 
inaasahang makikita niyang muli ang babaeng ito. 
"Catherine?" 
******** 
PAGKABABA sa lobby ng hotel ay kaagad ding nakita ni Reeze si Madam Mildred na nakaupo sa couch. Abala ito sa 

pag-check ng kung anu-ano sa hawak na iPhone. Nilapitan niya ito. 
Kanina lang ay nakatanggap siya ng tawag mula rito at tinanong kung nasaan siya. Dumaan daw kasi ito sa condo ni 
Marcus pero wala namang nadatnan na tao. Noong una'y nag-alangan pa siya kung sasabihin dito na nasa hotel siya ng 

pinsan niya. Mahirap naman kasing bigla na lang siya nitong isama kung saan-saan at bilhan na namang ng mga damit 
at sapatos. Inunahan na rin niya itong sabihan na may event siyang kailangang attend-an mamaya. 
"Akala ko matatagalan ka na naman sa pagbaba eh." Paglapit na paglapit pa lang ay tinaasan na siya ng kilay ni 

Mildred. 
"Bakit niyo ho ba 'ko gustong makita?" 
"Can't you just sit first before you ask?" pagtataray muli nito saka sinulyapan ang club chair na nasa harapan. Umupo 

naman siya d'on. 

"I heard nagiging maganda na raw ang takbo ng relasyon n'yo ng anak ko." Umaliwalas bigla ang mukha nitong parang 
biglang na-excite sa kung ano. 
Napamaang siya. "Sino naman hong nagsabi niyan?" 
"Si Sam," deretsahang sagot nito. "Actually, pinagre-report ko siya regularly tungkol sa progress ng relasyon n'yo. And 

I'm happy that both of you were doing well." 
Bahagyang kumunot ang noo niya. Ang baklang 'yon, espiya pala ni Madam? 
"Sa wakas, umamin na rin ang batang 'yon sa feelings niya. Una pa lang naman na isinama ka niya sa bahay namin ay 

nakita ko nang may nararamdaman siya para sayo." 
Hindi siya umimik. 
"Pero ikaw in denial pa rin daw. Ayaw mo pa ring umamin." Dagling sumimangot ang mukha nito-iyong parang may 

split personality lang? Kanina kasi ang ganda ng ngiti nito, pero ngayon ay parang gusto na siyang silaban ng buhay. 

Tumikhim siya. "Wala naman po akong aaminin eh." 
Pinaikot nito ang mga mata. "Alam mo kung naging anak lang kita, masasampal talaga kita para lang magising ka na at 

itapon 'yang pride mo. Kung sasabihin mo na naman na takot ka lang masaktan dahil sa palaging nangyayari sa pamilya 
mo, hindi ko tatanggapin 'yan." 
Nabigla siya sa narinig mula rito. Impaktitang bading na 'yon! Idaldal daw ba pati mga ikinuwento niya noon? 
Makakatikim talaga sa 'kin ang malansang palaka na 'yon mamaya! pagbabanta niya sa isip. 
"Ano bang ikinatatakot mo sa anak ko? He loves you and I don't think he'd hurt you." 
"Nasasabi n'yo lang po 'yan dahil anak n'yo siya," diretsong sagot niya. Hindi naman rude ang dating niya. Siyempre 

nando'n pa rin ang paggalang. Takot lang din niya dito 'no? 
"I'm not telling you this because he's my son. I'm saying this because that's what I feel. Alam ko kung kelan talagang in 
love ang anak ko. Aaminin ko, sa mga naging past relationships niya, ipinipilit ko lang ang mga babae sa kanya." 
Huminga ito nang malalim. "Ginawa ko lang naman ang bagay na 'yon para kahit papaano'y makalimutan niya 'yong 

first love niya. Pero sa kaso mo, iba na. Ipinipilit kita sa kanya dahil alam kong ikaw na mismo ang babaeng totoong 
magpapaligaya sa kanya." 
Napanganga siya. Infairness, full of confidence si Madam sa sinabi nito. Gano'n ba talaga ang mga biyenan? 

Nakakatakot din pala sila minsan. "Bakit ba hindi n'yo na lang kami hayaan. Kung totoong nakikita n'yo nga na in love 

siya sa 'kin, eh di hayaan n'yo na lang po kung anong mangyari sa 'min." 
"Kung hahayaan ko lang kayo, may patutunguhan ba ang relasyon n'yo?--Kung hanggang ngayon, ayaw mo pa ring 
umamin? " 

"Kulit n'yo rin po ano? Sinabi na nga pong wala akong aaminin eh..." 

"Sa kaka-deny mo niyan sa sarili mo, pinapatagal mo lang ang lahat." Bumuntong-hininga ito. "Gusto ko pa namang 
makasal na kayo agad." 
Napangiwi siya. Talagang weirdo ang nanay ni Marcus kahit kelan. 
"Anyway, kaya talaga ako nakipagkita sayo eh para ibigay sayo 'to." Binuksan nito ang shoulder bag at may kinuhang 

dalawang invitation cards mula roon. Iniabot nito ang mga 'yon sa kanya. 
"Para saan po 'to?" maang niyang tanong habang binabasa ang mga nakasulat doon. 
"Sa wedding anniversary party 'yan ng isa sa mga business partners ko. Gusto rin niya kasing makita si Marcus, and I 

want you to come with him." 
"Bakit naman po?" 
"As his date, of course. Sayo ko talaga personal na ibinigay ang mga 'yan para siguradong pupunta kayong dalawa nang 

magkasama." May diin sa mga huling salitang sinabi nito. Tumayo na ito kapagkuwan. "Mauuna na 'ko at may kailangan pa 'kong puntahan." 
She sighed. Kailangan ba talagang kasama siya? Napatayo na rin siya at inihatid ng tingin si Mildred. 
"And wait." Huminto ito at muling humarap sa kanya. "Don't ever try not to come. May binili pa naman akong gown 
para sayo. Ipapadala ko na lang mamaya sa unit ni Marcus." 

"Talagang determinado po kayong ipasama ako kay Marcus sa party na 'to ha?" She sneered. 
"But of course. I want to introduce you as my son's future wife, kaya huwag ka nang umangal diyan." 
Nanlaki ang mga mata niya. "W-what?" 
Pero hindi na siya nito pinansin. Dumeretso na ito ng lakad palabas ng hotel. Napabuga siya ng hangin. Gano'n na ba 

talaga kasigurado ang Madam na 'yon sa kanya? 
******** 
"KUMUSTA ka na?" kaswal na bati ni Catherine kay Marcus. They were still in the same position--still standing in 

front of each other. At hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang binata na totoong nakikita niya ngayon ang 
babaeng 'yon. 

After four years... 
Umiksi man ang dating mahaba nitong buhok, wala pa rin itong halos ipinagbago. She's still the same. Still beautiful. 
Pero...ang makita itong muli, hindi niya alam kung saan ilulugar ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung 
paano magsasalita, o kung ano ang sasabihin. He was totally surprised. 

"I'm happy. Ang akala ko, nakalimutan mo na ang lugar na 'to." Humakbang ang babae nang kaunti at tumingin sa 
lumang simbahan na nasa malapit. "Still the same view huh? Maganda pa rin siyang tingnan mula rito." 

Tahimik pa rin siya. Nakapako lang ang mga mata niya kay Catherine. 
"Five years ago, isang araw bago ako pumunta ng States, bumalik tayo rito noon. We made a promise...that after five 
years, exactly on the same day, we'll go back here." Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Honestly, after what 
happened, I really didn't expect na mangyayari pa 'to. But then-" 

"Bakit ka bumalik?" seryoso niyang tanong, pero blangko lang ang kanyang mukha. He doesn't know how to express what he feels right now. Parang bumalik lahat sa isipan niya ang mga pangyayari sa nakaraan. Humarap ito sa kanya. She smiled in a genuine manner. Bahagyang kumunot ang noo niya. That same smile... May epekto pa rin ba ito sa kanya hanggang ngayon? "Hindi na ba 'ko pwedeng bumalik ng Pilipinas?" pabiro pa ang pagkakasabi nito roon. "You know what I mean Cath!" Napalunok siya sabay iwas ng tingin. "Catherine." Nakaramdam siya ng pagkailang. It's been a long time time since he last called her that way. "I'm here to fulfill our promise." Sumeryoso na ang mukha nito. "I'm here to find you." 
Awtomatiko siyang napaharap ditong muli. "At para saan?" 
Catherine pressed her lips. Tila ba nagdalawang-isip ito kung paano itutuloy ang sasabihin. But then, she bravely spoke. 
"I'm sorry...that I hurt you so bad. Pero kailanman, hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong makipaghiwalay sayo noon.

 Kung hindi ko ginawa 'yon n'ong time na naguguluhan pa 'ko, I don't think magiging okay pa ang pagsasama natin." "And it will be unfair on your part," she added. 
"And what do you want now?" Puno ng pait ang himig niyang 'yon. 
Hindi ito nakasagot. Pero hindi na niya hinintay na muli itong magsalita. Hindi na niya kakayanin pang manatili roon. 
Nilampasan niya ito ng lakad. 
"Kapag sinabi ko bang gusto kong bumalik sayo, magagalit ka sa 'kin?" 
Napahinto siya nang marinig iyon. Nabigla siya nang husto sa sinabi ni Catherine. 
"I want you back Marcus. I want to be with you again." Nangingilid na ang luha sa mga mata nito. 
Tiim-bagang siyang humarap dito. "Matapos mong sabihin noon na hindi ka siguradong minahal mo nga ako?" 

"I had a reason." "Reason? What reason? Ilang beses kitang tinanong pero wala kang sinabing kahit ano sa 'kin noon. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang halos mabaliw sa kaiisip kung saan ako nagkulang sa babaeng minahal ko!" Bahagyang tumaas ang boses niya. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Pakiramdam niya'y bumalik lahat ng sakit. At kung pwede lang ay isumbat niyang lahat iyon sa babaeng kaharap niya ngayon. 
Napapikit ito nang mariin. Para bang nasaktan din ito sa mga sinabi niya. 
"Hindi mo man lang ba naisip na pwedeng may sariling buhay na 'ko ngayon? Na pwedeng... may iba na 'ko?" 
"Naisip. But still, umasa pa rin ako. And the moment I saw you here-" 
"It doesn't mean I haven't found someone new," mabilis niyang sagot. 
Nag-angat ito ng ulo. "Then why are you here right now?" 
"To say goodbye...to those memories!" 
Hindi ito nakaimik. 
"I'm over you!" Pagkasabi'y agad niya itong tinalikuran. Mabilis siyang naglakad saka sumakay ng kotse. Pabagsak 

niyang naisandal ang ulo sa may headrest. He closed his eyes. 
Bakit kung kelan handa na siyang makalimot nang tuluyan, saka naman ito nagpakitang muli? 
*** 

"NASA'N na 'yong jowa mo?" Tinapik siya ni Martha sa balikat. Nasa may lobby sila ng hotel. Ilang minuto na lang 

kasi at magsisimula na ang photo exhibit. 
"Baka na-traffic lang," walang kalatoy-latoy na sagot niya. Kanina pa rin siya pasilip-silip sa may entrance. Ayaw 
naman niyang tawagan ito. Hindi bale nang maduling siya sa katitingin sa cellphone niya, huwag lang isipin ni Marcus 
na atat siyang makasama ito. 

"Baka naman may ka-date nang iba?" pasaring sa kanya ng bruhang pinsan. 
"Anong sabi mo?" Taas-kilay siyang napatingin dito. 
"Ikaw naman, masyado kang pahalata diyan," natatawang sagot nito. 
"Excuse me ha?!" 
"Arte mo Reeze! Hinuhuli ka lang eh." Maarteng pinatirik nito ang mga mata. Pagkuwa'y napabaling ito sa matangkad 

na lalaking palapit sa kanila, na agad naman nitong sinalubong ng mainit na halik sa labi. 
"Hey babe." 
Napamata siya sa dal'wa. Hindi niya alam kung naaasiwa lang siyang makita si Martha na may boyfriend na ulit, o 

nainggit lang siya bigla? 

"Reeze, siya 'yong sinasabi kong naka-date kong Australian model. Pero ngayon, kami na." Kinikilig pa itong kumapit 
sa braso ni tisoy. "He's Alex...Alex, she's Reeze, my cousin." 
"Hi Reeze," bati nito na kanya ring ginantihan. 
"Mahilig ka talaga ka sa 'A' ha?" pasimpleng bulong niya kay Martha. 
"Matino namang 'A' 'to ano?!" mataray namang depensa nito. "So, we'll go first. I think the event is now starting." May 

pahiwatig ang huling sinabi nito. Para bang iniinis lang siya nito. 
"Hindi kayo bagay!" pahabol niyang banat dito nang dumaan ang mga ito sa gilid niya. 
"At least ako, sinipot on time! Bye!" At ngumiti pa ito nang nakakaloko. 
She gaver her an evil look. "Matapilok ka sana!" She sighed and looked back at her phone. Kanina pa siya natutuksong 

tawagan si Marcus. But she hesitated. Sa huli, nag-send na lang siya rito ng text message. Maya-maya lang din ay 

nagreply ito. On the way na raw at na-traffic lang. 
Napabusangot siya. Excited pa naman siya sa ideya na sabay silang papasok sa function room at magtititingin ng mga 
photos. Pero heto't mahuhuli pa rin pala ang loko! Nagsimula na ang event. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi 
pumasok na sa loob. 

Naka-display na nang maayos ang mga photos sa frames. Kontribusyon ng mga miyembro ng isang sumisikat na 
photography club ang mga litratong nakabalandra roon. May ilang guests na mga professional photographers ang siyang
 nagbahagi rin ng kani-kanilang entries for the exhibit. Iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang um-attend sa 

event na ito ngayon. 
Ilang beses na siyang nag-attempt na sumali sa mga grupong may kinalaman sa kinahihiligan niya, pero palagi lang 
nalalaman ng kanyang ina--ang ending, nakakatikim siya palagi ng matinding sermon. Pakiramdam niya tuloy, may 
espiya ito sa bawat photography clubs na nasa Pilipinas. Gano'n na yata ka-paranoid ang mama niya para gawin ang 

lahat, huwag lang siyang makapasok sa isang bagay na tunay na nakakapagpasaya sa kanya. Napailing na lang siya at 
pinilit na hindi na muling isipin ang kanyang ina. Napalibot siya sa ilang litratong naka-display sa may bungad. Napabuntong-hininga siya. Just few days ago, sobrang excited siya na maka-attend sa photo exhibit na iyon. Pero ngayong wala pa si Marcus, parang nawalan siya bigla ng gana. Malapit na nga siyang magmukhang tanga na sa tuwing magbubukas ang pintuan ng function room, palagi siyang napapalingon sa direksyon n'yon. Ayaw naman niyang itext muli ang binata. 
Tinanaw niya si Martha sa 'di kalayuan. Abala ito sa pakikipag-flirt sa Australian boyfriend nito. Ito ang walang alam sa
 exhibit na, pero ito pa ang sobrang saya sa araw na 'yon. Nag-init na naman ang ulo niya. Imbes na nakangiti rin siya ngayon at masayang tumitingin-tingin sa mga photos kasama ang lalaking 'yon, heto siya't mag-isang nakatayo sa isang tabi. 
Humanda ka talaga sa 'kin mamaya Marcus ka! 
Inabala na lang niya ang sarili sa pagtingin-tingin ng mga pictures na naroon. City nightlife ang tema ng event, kaya't 
puro mga eksena at lugar na kinunan sa gabi ang nakahantad sa paningin ng mga guests. Napako ang tingin niya sa 

isang picture na kinunan sa rooftop ng isang building. The angle focused, was right on mark. Isa siguro ito sa 
masasabing kanyang nagustuhan sa exhibit na 'yon. 
Titig na titig siya sa litratong iyon kaya naman napakislot siya nang may biglang yumakap sa kanyang baywang mula sa

 likuran. Naramdaman niya ang paghalik ng taong 'yon sa likod ng kanyang ulo. Gumilid din ang mukha nito sa may 
tainga niya, na siya namang nakapagpakiliti sa kanya. 
Pero hindi n'on basta-basta mapapawi ang inis na nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. 
"Sorry I'm late," he whispered. 
Inismiran niya ito. Pilit din siyang kumalas kay Marcus at lumayo rito. Pero sinundan lang siya ng binata. 
"Mad at me?" 
Galit siyang humarap dito. "Anong gusto mo, pumalakpak ako dahil ngayon ka lang dumating?" 
"I told you, na-traffic ako." 
"Ganda ng rason mo ha?!" She sneered and looked back at the picture. 

"Ang importante naman dumating ako eh." 
"Wow! So dapat pa pala akong magpasalamat kasi dumating ka--nang late!" sarkastikong tugon niya na sinadyang 
diinan ang salitang 'late'. 

Ngumiti ang binata saka masuyong hinawakan ang kamay niya. He also brushed his thumb across her chin. "Babawi ako sayo mamaya." 
"Ewan ko sayo!" At muli na naman niya itong inirapan sabay layo. 
Natatawa na lang si Marcus habang pinagmamasdan si Reeze. Pero bigla din siyang napaseryoso. Naalala na naman 
niya ang nangyari kanina. 

******** 

MAGGAGABI na nang matapos ang exhibit. Marami rin kasing ibang naging activities sa event na 'yon. Nag-enjoy 
naman siya kahit papaano dahil nagkaroon siya ng chance na makilala ang isa sa mga hinahangaan niyang 

photographer. 
Isa sa mga organizers ng event ay nagyayang kumain sa labas. Siyempre, kasama sina Martha, at naimbitahan din sila. 
Sa isang restaurant na nasa malapit lang sila nag-dinner. Marami silang napagkuwentuhan, of course, patungkol lahat sa 
photography at mga upcoming events ng association nila. 

Natapos na sila't lahat ay deadma pa rin siya kay Marcus. Makailang beses niya itong tinarayan lang. Hanggang ngayon 

kasi ay inis pa rin siya sa pagiging late nito sa event na kina-excited-an pa niya na makasama ito. 
At mas lalo pa siyang nainis na noong una'y panay pa ang suyo nito sa kanya. Pero maya-maya din ay bigla na lamang 
itong nanahimik. Ano 'yon, sumuko na agad? 

Bumalik lang sila sa hotel para kunin ang ilang gamit niya sa kuwartong inokupa ni Martha. Pauwi na dapat sila pero 
imbes na sa basement pumunta, sa may lobby siya iginiya ni Marcus. 
"Wala ka bang kotseng dala?" mataray na tanong niya sa binata.. 
"Meron. It's parked." 
"Eh bakit dito pa tayo dumeretso? Sa entrance ba nakaparada ang sasakyan mo?" 
He chuckled. "Ang sungit naman ng baby ko..." Muli na naman nitong hinaplos ang kanyang baba. 
Iritable niyang tinabig ang kamay nito. "Hoy Marcus, huwag mo nga akong daanin sa ganyan!" 
"Oo na po, sungit! Punta lang ako sa basement." 

"Ano 'yon iiwan mo 'ko dito?" 
"Nope. Just wait here." Pagkasabi'y bigla na lang siya nitong iniwan. Tatawagin pa sana niya ito pero mabilis din itong 
nakalayo sa kanya. 

"Bwisit na lalaking 'yon! Malalagot siya sa 'kin kapag 'di niya 'ko binalikan," inis na bulong niyang sa labas na 
napabaling. 
Ilang saglit lang ay isang babaeng staff ang lumapit sa kanya. "Excuse me, Miss Reeze?" 
"Yes?" 
May iniabot itong susi ng isa sa mga hotel room. "Room 306 po." 
"Ha?" Napamaang siya. "Wait, hindi naman ako nag-check-in ah?" 
"Nakareserve na po ito para raw sa inyo." 
"Sinong nagpa-reserve? Si Martha ba?" 

"Malalaman n'yo na lang daw po pagpunta niyo sa kuwarto." 
Taka man ay kinuha na rin niya ang room key at dumeretso sa taas. Nang mahanap ang 306 ay agad na siyang lumapit 
sa pintuan. Pero natigilan siya, saka muling sinilip ang room number. 

Napabuga siya ng hangin. "Bakit sa dinami-dami ng kwarto, 'eto pa?" Nairita lang siya. Naalala niya kasing ito nga pala 
'yong kwarto ni Marcus noon kung saan siya namali ng pasok. Na-reminisce niya tuloy bigla ang kagagahan niyang 

'yon. 
Pagpasok ng kuwarto'y, tanging ilaw na nagmumula sa tatlong nakasinding kandila ang sumalubong sa kanya. 
Nasorpresa pa siya nang may makitang maliit na lamesa sa loob. May isang bote ng red wine at dalawang glass wine na 
nakapatong sa ibabaw n'on. 

"Ano bang ibig sabihin nito?" Pumasok siya sa loob at luminga-linga sa paligid, pero walang ibang tao roon. 
She bit her lower lip. "Kung pakulo mo'to Marcus, huwag mong isiping madadala mo 'ko nito." Then she heard the door
 opened. Pero hindi siya lumingon. Mukhang alam na niya kung sinong papalapit sa kanya ngayon. 

Naramdaman niyang lumampas ang isang braso nito sa balikat niya, at sa kanyang harapan ay may hawak-hawak itong 
puting paper bag. 
"Ano naman 'yan? Suhol?" she rudely asked. Hindi pa rin siya nakakalimot sa pagka-late nito kanina. 
"Bakit 'di mo muna silipin?" 
Na-curious na siya kaya naman kinuha na rin niya iyon. At laking gulat niya nang makita ang isang kahon ng DSLR 

camera. Dali-dali niya iyong inilabas at binuksan. Napanganga pa siya nang makitang ito 'yong eksaktong model na 
nakita niya noon sa shop n'ong minsang lumabas sila ni Marcus. 
Dagli siyang humarap sa binata. "Ano 'to?" 

"Camera, 'di ba obvious?" ngingiti-ngiti itong sumagot sa kanya. 
"Pero paanong? Bakit?" Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. She was so happy. Finally, meron na 
siya nito. Kay tagal kaya niyang inasam ito--to think na kasalukuyan nga niya itong pinag-iipunan. Pero nagtataka pa rin

 siya kung bakit siya binilhan ni Marcus nang ganito. 
"Alam mo bang ilang araw din akong nag-research nang tungkol sa mga camera? Pero talagang wala akong 
maintindihan sa ganyan." Napakamot pa ito ng ulo. "I know you love photography. Noong isinama kita sa mall at sa 

shop, I was actually setting a trap for you--a trap to know what type of camera you'd like. At 'yon nga, swerteng nahuli 
kitang nakatitig sa white cam na 'yan, so I bought it a day after." 
Pasimple siyang napangiti. Sobrang na-touch siya sa ginawang 'yon ni Marcus...Iyong tipong gusto na niyang umiyak 

nang dahil sa tuwa. 

"Hindi na kita tatanungin kung nagustuhan mo. Hindi ko naman bibilhin 'yan kung alam kong ayaw mo. But I'm glad to 
know that I made you happy." 
Nag-angat siya ng mukha at nagkunwaring parang balewala lang sa kanya ang regalong iyon ni Marcus. "Hindi kaya!" 
He smiled and cupped her cheeks using both of his hands. He was slightly pressing them. 
"Bitawan mo nga ako Marcus!" mahinang angal niya. 
"Ayoko nga! Nage-enjoy pa 'kong titigan ka eh." 
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit nga pala ganito ang set up mo? Talagang pinili mo pa ang kuwartong 'to?" 
Tumawa ito at kumalas sa pagkakahawak sa kanyang mukha. "Akala ko hindi mo na maaalala eh." 

"Paanong hindi ko maaalala eh dito tayo--" Pasimple siyang umiwas ng tingin. 
"Dito tayo ano?" Nanunudyo naman ang himig ng binata. 
She bit her lower lip again. Ano na naman ba 'yong kamuntikang lumabas sa bibig niya kanina? 
"Ano Reeze? Curious ako sa gusto mong sabihin... Dito tayo what?" 
Tumikhim siya. "Dito tayo nagkakilala. Happy?" Pabagsak siyang umupo sa gilid ng kama, patalikod kay Marcus. 

Excited siyang sinipat-sipat ang camera na hawak. 
He smirked. "Pwede bang mamaya na 'yan? Let's drink here first." Lumapit ito sa mesa at umupo sa harap niyon. 
"Ayoko nga diyan, ang corny kaya!" Napanguso siya. 
"Corny? Isn't it romantic?" 
"I don't think so!" 
Napalabi ito saka madaling dinampot ang red wine at mga baso. Dumeretso ito sa gilid ng kama at sa sahig umupo. 
"Anong ginagawa mo diyan?" maang niyang tanong dito. 
"Ayaw mo d'on, hindi ba? Eh 'di dito tayo." 
Sunod-sunod siyang napailing. "Tsk. Weirdo!" 
"Guwapo naman!" Nakangiti itong tumingala sa kanya. It was a sweet smile, indeed. Hindi tuloy niya napigilang 

tumawa. Pero infairness, kinilig siya sa paraan nito ng pagkakasabi niyon. His confidence makes him more appealing. 
"Sige na nga, sasamahan na kita diyan. Nakakaawa ka naman eh." Maingat niyang inilapag ang camera sa ibabaw ng 

kama at pumwesto rin ng upo sa tabi ng binata. "Ang hilig mo sa ganitong pwesto--sa condo mo, d'on sa likod ng sofa. 
Tapos dito sa hotel room, sa gilid ng kama..." 
"I'm beginning to like it. Lalo na't may milagrong nangyayari sa tuwing ganito ang pwesto." Sumilay ang isang pilyong 

ngiti sa mga labi nito. 
Pinandilatan niya si Marcus. "Hoy, subukan mo lang na pagsamantalahan ulit ako, makakatikim ka na sa 'kin." 
Humalakhak ito saka siya tinignan sa paraang mapanukso. "Pagsamantalahan talaga ha? Eh bago pa nga ako magsimula,

 bumibigay ka na agad." 
"Asshole!" 
Lumapad lang ang ngiti nito at pinisil ang kanyang ilong. Sinimulan na nitong magsalin ng alak sa mga baso. "Don't 

worry, I'm not planning to do that thing with you tonight. I just want you to sit beside me...until morning." 
Lihim niyang pinagmasdan si Marcus. Sa totoo lang, kanina pa napawi ang lahat ng inis niya dito--kahit bago pa niya 

matanggap ang camera na 'yon. Dumating lang ito kanina'y sapat na 'yon para sa kanya. Masaya siya na nakikita ito. 
Maligaya siya tuwing nakakasama ito. And she couldn't just imagine a day without seeing him. 
"Here..." Inabot nito sa kanya ang isang baso. 

Nagsimula silang uminom. Nakatitig lang sila sa tanawin mula sa floor-to-ceiling glass window na nasa kanilang 
harapan. Ilang sandali ring walang umimik sa kanilang dal'wa. 

"Na-realize ko lang, I have never thanked you for everything yet," pagbasag ni Marcus sa katahimikang pumagitan sa 
kanila. 
"For what?" 
"For coming to my life." Seryoso itong humarap sa kanya. "For being mine...for being someone I want to spend my 

lifetime with. For giving me a chance to love..." 
Napalunok siya. Talagang tumatalon ang puso niya sa sobrang tuwa. 
"I love you Reeze," he seriously whispered. Ngayon lang niya na-realize na magkalapit na pala sila sa isa't isa. They 

kissed each other, in a gentle way. Naging matagal 'yon. Dinama lang nila nang husto ang isa'isa. Nang kumalas ay napapilig ang kanyang ulo sa balikat ng binata. She smiled. Sa totoo lang, sobrang saya niya ngayon. Mas masaya pa sa exhibit na inattend-an nila kanina. ******** MARAHANG hinawi ni Marcus ang buhok na bahagyang tumakip sa mukha ni Reeze. Nakatulog na ito sa balikat niya. Pero hahayaan na lang muna niya ito sa gano'ng pwesto. He softly kissed her hair, saka niya ibinalik ang tingin sa labas 
ng bintana. 
He remembered that woman again. Ayaw man niyang aminin, alam niya sa sarili niyang kanina pa ito gumugulo sa 
kanyang isipan. Hanggang ngayon ay tinatanong pa rin niya kung bakit ito nagbalik--kung bakit bigla nitong sinabi na 
nais nitong balikan siya. 

He was about to forget her--completely! Si Reeze na ang buhay niya ngayon--ang babaeng mahal niya ngayon. 

Pero...sa tuwing maaalala niya ang mukha ni Catherine, bumabalik sa kanya ang lahat nang naramdaman niya noon. 
Lahat-lahat! 
And honestly, it's been bothering him...so much! 
******** 
"SIGURADO ka bang bukas ka na magpapakita sa family mo?" untag sa kanya ni Henry nang umupo ito sa tabi niya sa 

couch. Inabutan siya nito ng isang tasa ng kape. Sa hotel na tinutuluyan ng lalaki siya dumeretso pagkatapos nang 
nangyari kanina. She needed a friend. She needed someone whom she can talk to. 

"I'd rather not do it tonight. I want to look happy when I face them." 
"Nag-iba ka na nga yata talaga. Ang dating Catherine na kilala ko, madaling magtago ng nararamdaman. Iyong tipong 
kahit may pinagdadaanan nang hindi maganda, ngumingiti pa rin." He looked at her. "Nasa'n na ang Erine na kilala ko?" 

Mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Pero hindi siya umimik. She just took a sip from the mug and looked 
away. 
"Or probably, it's different now." Sandali itong nanahimik bago muling nagpatuloy. "Galit na galit ba siya sayo?" 
"Nasaktan siya ng sobra, I can't blame him." 
"Pero nasaktan ka rin naman hindi ba? Nasakal." He sighed. "Nasobrahan ka lang naman kasi masyado sa pagmamahal 

na ibinigay sayo ni Marcus n'on, kaya nag-decide kang makipaghiwalay." 
Nanahimik lang siya. 
"Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hindi mo sinabi ang totoong rason? Idinahilan mo lang na hindi ka na siguradong mahal siya." 
Tumikhim siya bago sumagot. "If I tell him the real reason, he won't let me go for a while. Hindi makakahinga ang relasyon namin." 
"But now you want him back?" 
"Alam mong kahit kailan naman, hindi ko ginustong mapalayo sa kanya. I love him. At hindi naman talaga nawala ang bagay na 'yon. But I just want him to realize something--nang wala ako sa tabi niya." Muli siyang uminom, at seryoso lang tinitigan ang basong hawak niya. 
"Pero paano nga kung nakahanap na siya ng bagong mamahalin? Hindi ba parang napunta lang sa wala 'yong paghihintay mo?" 
"Then that's the end of it. Baka hindi na nga lang talaga kami para sa isa't isa." Lumamlam ang mga mata niya. Nasasaktan siya pero iyon naman talaga ang totoo, kung sakaling nakahanap na nang iba si Marcus. Nagbaka-sakali lang naman siya noong bumalik siya rito para makita itong muli. But for now, all she needed is a proof, na tuluyan na nga siyang nabura sa puso nito. 
Napapitik si Henry at kaswal na ngumiti. "Alright, enough of that sad moment! Kauuwi mo lang dito. Dapat lang na magsaya ka muna." 
Napalingon siya rito. "What are you suggesting?" 
"Hmm...this coming weekend, may wedding anniversary party ang uncle ko at ang asawa niya. Let me bring you as my date. Sa gabing 'yon, kalimutan mo muna si Marcus." 
Nagdadalawang-isip ma'y napapayag na rin siya sa huli. Wala naman sigurong masama kung ilalayo muna niya ang isip niya saglit sa mga bagay na gumugulo sa kanya ngayon. 
*** HANGGANG ngayon, napapaisip pa rin si Reeze kung anong sorpresa ang itinawag sa kanya ni Martha. Ang sabi lang nito, basta raw magmadali siyang pumunta sa bahay nito. Hindi naman siya nagdalawang-isip at kaninang pagkauwi nila ni Marcus sa condo galing hotel ay agad na siyang naligo at nagbihis. 
Nang matapat sa puting gate na 'yon sa village na pinasukan niya'y mabilis siyang nagbayad sa driver at bumaba ng taxi. Sa loob ay nakasalubong pa niya ang isa sa mga kasambahay roon at sinabing nasa patio raw ang pinsan. 
Sa likod ng bahay siya dumeretso. Mula sa 'di kalayuan ay may napansin na siyang babaeng nakatayo't nakaharap sa Koi pond. Maiksi ang buhok nito, balingkinitan ang katawan--at parang pamilyar sa kanya ang paraan nito ng pananamit. Palapit na sa kanya si Martha pero nilampasan lang niya ito. Binilisan niya ang lakad na para bang excited siyang makalapit sa babae. 
"Ate?" bulalas niya. 
Humarap ito sa kanyang may matamis na ngiting nakabalatay sa mukha. Kahit ito'y labis na rin ang pananabik sa kanya. "How's my little sis--" 
Napayakap agad siya rito, dahilan para hindi na maituloy ni Catherine ang sasabihin. Naging matagal ang pagyayakapan
 nilang iyon. Limang taon na din ang nakalipas simula noong umalis ito papuntang States para magtrabaho. Ang ate kasi
 niya ang ginawang general manager ng kumpanyang pinamamahalaan ng Auntie Veronica nila sa Las Vegas. Madalas rin naman silang magkatawagan at magka-chat noon pero nitong mga nakaraang buwan ay nawalan na sila ng komunikasyon sa isa't isa. Masyado na kasing naging abala ang kapatid sa trabaho nito. 
"Kelan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang tumawag?" Halos mangiyak na si Reeze sa sobrang tuwa. 
"Actually, kahapon pa. May dinaanan lang ako. Besides, I wanna surprise you." Bahagyang kumunot ang noo nito. "Dumaan ako sa apartment mo pero wala ka d'on, kaya naman tinawagan ko na si Martha. Ang sabi niya, sa condo ng friend mo ikaw nags-stay ngayon. Hindi naman niya sa 'kin sinabi ang dahilan mo." 
"Aahh..." Pasimple siyang napasulyap kay Martha na tinapunan lang siya ng makahulugang tingin. "Nothing. Naka leave kasi ako ng one month sa office. And...nagpapraktis ako ng photography sa condo niya. M-maganda kasi 'yong place niya kaya naisipan ko munang mag-stay d'on--for a while." Hindi niya alam kung maituturing bang matinong rason 'yon pero iyon na kasi ang lumabas mula sa bibig niya. 
"Still your same passion?" 
Medyo nahihiya pa siyang tumango rito. 
"Why are you like that? Alam ko namang matagal mo nang hilig 'yan eh." Masuyo pa nitong inihipo ang kanang palad sa kanyang pisngi. And she really missed her sister's affection. 
"Pero hanggang ngayon, tutol pa rin si Mama," malungkot niyang tugon dito. 
"Don't mind her. Just do what you want. Darating din naman ang time na hahayaan ka din niya sa gusto mong gawin. Hindi pa lang talaga niya siguro matanggap ang pag-iwan ni Papa sa kanya noon." Napabuntong-hininga ito. "Ako din naman, nalulungkot sa nangyari. He had been a good step father to me when I was young. Hindi ko rin masisisi si Mama
 kung masyado siyang nasaktan. Nagmahal lang siya nang sobra." 
"Siguro nga. Pero teka, nagpakita ka na ba sa kanya?" 
"Not yet. Ikaw muna talaga ang gusto kong sorpresahin. Gusto kitang kumustahin, kayo ni Martha." 
"Yeah, mabuti pa nga at umupo muna tayo. Nagpalabas na rin ako ng meryenda kay Yaya Dina," sabad naman ni 
Martha sa kanila na niyaya na silang umupo sa palibot ng wrought iron garden table na naroon. "Naku Ate Erine, marami pa namang ikukuwento 'tong si Reeze sayo." Sinabayan pa nito iyon ng makahulugang ngiti. "Ano bang sinasabi mo diyan?" asik niya sa pinsan. "Ikuwento mo na ang tungkol sa jowa mo." "May boyfriend ka na Reeze? Is that a serious one?" excited na pangungumpirma ni Catherine. "No. I-it's not serious." Yumuko siya at agad na itinuon ang pansin sa beef lasagna na inihain ni Yaya Dina sa lamesa. "Sus! Para ka namang bata diyan Reezelda. Bakit hindi mo pa ikuwento si Mar--" Madali niyang sinipa ang kanang binti ni Martha mula sa ilalim ng mesa. Awtomatiko namang napangiwi ang mukha nito. "Masakit 'yon ha!" 
"Ang daldal mo kasi diyan! Kumain ka na nga lang." 
Nangingiti namang sumabad muli ang ate niya. "Wait. Sino ba talaga 'yong lalaking 'yon? Nacu-curious na 'ko ha. I 
want to meet him." 

"Kailangan pa ba 'yon Ate?" 
"Well of course! Kung siya ang lalaking nagpa-in love sa little sister ko, dapat lang na makilala ko siya." 
Natahimik siya. Isipin pa lang niyang ipapakilala niya si Marcus as her boyfriend, parang nahihiya na siya. Nahihiya 

siya in a sense na first time niyang magpapakilala ng lalaki sa isang mahalagang tao sa buhay niya. Namumula na tuloy 
siya imagine-in pa lang niyang mangyayari iyon ngayon. 
"Ano Reeze?" 
"Sige," tipid niyang sagot, pero sa loob-loob niya'y naiilang na siya. 

"Just don't set it up this coming weekend, may kailangan kasi akong gawin n'on eh." 
"Okay, may pupuntahan din naman ako sa araw na 'yon." Naalala niya ang tungkol sa party na sinasabi ng mommy ni 
Marcus. Nasabi na rin niya sa binata ang tungkol doon at pumayag na rin itong dumalo. Excited pa nga ang loko. 
Nalaman kasi nito ang balak ni Madam na ipakilala siya sa lahat bilang mapapangasawa nito. 

"By the way, how long are you gonna stay here?" Pag-iiba ni Martha sa usapan na kay Catherine nakatingin. 

"Honestly, I'm not sure yet. Naka-leave lang din ako sa work ngayon. May kailangan lang kasi akong asikasuhin dito." 
Napaiwas ito ng tingin. 
"Pero sana naman magtagal ka pa rito. Na-miss kita nang sobra eh," paglalambing naman niya sa kapatid. 
Ngumiti ito. "Oo naman." 
******** 
"BAKLA ka ang swerte mo! Balita ko galing pang Milan 'yan--pinalipad talaga ni Madam hanggang dito para lang 

sayo. Lakas mo sa kanya ha, kaloka ka! Para bang dikit na talaga kayo sa isa't isa," eksaheradong komento ni Sam 
habang sinisipat-sipat niya ang gown na ipinadala ng mommy ni Marcus sa kanya. Strapless chiffon evening dress iyon 
na kulay lime green. Semi-formal iyon, na ibinase din sa tema ng party na dadaluhan nila ni Marcus mamaya. 

"Ikaw, hindi ka ba pinasama ni Madam?" maang niyang tanong dito. 

"Pinapasama, pero may iba akong lakad eh. Saka hindi ko feel makipagsosyalan sa mga taong 'yon." 
Napabuntong-hininga siya. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang mga maaaring mangyari mamaya. Ang sabi ni 

Madam, ipapakilala raw siya nito sa lahat bilang mapapangasawa ni Marcus. Hindi niya alam kung anong 
mararamdaman niya. Halo-halo kasi. Nando'n ang inis, kaba at tuwa. 
"Hindi pa nga nagpo-propose 'yong anak niya eh!" anas niya sa sarili. 
"Anong binubulong-bulong mo diyan?" untag sa kanya ni Sam na nakanguso pang akala mo'y sasabak sa isang pictorial. 
"Wala. Ang sabi ko, maliligo na 'ko." Dinampot na niya ang tuwalya. 
"Gusto mo bang ako ang mag-ayos sayo mamaya? Gagawin kitang tao..." 
Tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me ha? Hindi ko na kailangang mag-ayos dahil natural na ang ganda ko." 
"Kapag nakatalikod!" pang-aasar nito. 
"Impakta! Huwag mo nang dagdagan ang atraso mo sa 'kin. Baka akala mo hindi ko alam na itsini-tsismis mo na kami 

ni Marcus sa mommy niya?" 

"Eh sa pinandilatan na 'ko ng mga matang dragon n'on eh, alangan namang sumuway pa 'ko?" Nag-dive ito sa kama 
saka humiga ng patagilid. "Saka sayang din ang GC sa spa!" 
"Tsk. Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." Tumalikod na siya dito at nagtungo sa banyo. 
Ilang oras din ang lumipas bago siya natapos mag-ayos. Tumawag na si Marcus sa kanya kanina at sinabing pauwi na 

ito sa condo. Napasugod kasi ito sa opisina kanina dahil sa isang emergency client meeting, at para na rin daw matapos na agad nito ang trabaho ngayong araw at makapag-leave the next day. Napag-usapan na kasi nila na sa isang araw ay ipapakilala na niya ito sa ate niya. 
Nakiusap na lang din ito kay Sam na dalhan ito ng suit at iba pang gamit para doon na lang makapag-ayos. Humarap siya sa oversized mirror sa kuwarto. Bagay na bagay sa kanya ang suot na gown. Dinaig pa nga ni Mildred ang sarili niyang ina pagdating sa pag-alam sa sukat ng kanyang katawan at sa istilong gusto niya. Hindi man niya aminin nang direkta, alam niyang nagugustuhan na rin niya ang mommy ni Marcus. Kahit mataray ito, may kabaitan din naman ito at botong-boto pa sa kanya. Saglit lang siyang nagwisik ng cologne saka dinampot ang clutch bag. Gaya nang dati, hindi na siya masyadong 
nagmake-up. Isang pahid lang ng lipstick at okay na siya. Agad na rin siyang lumabas ng kwarto nang marinig ang 
pagdating ni Marcus. 
Napangiti siya nang biglang tumambad sa harapan niya ang napakaguwapong lalaki. Well, gwapo na naman si Marcus 

matagal na. But his black suit made him more gorgeous. Hindi pa kasama dito ang ngiting parang pinagdidiwang na 

naman sa kilig ang buong katawan niya. 
She suddenly felt uneasy when Marcus stared at her in an affectionate way. "Huwag mo nga akong tingnan nang 
ganyan. Nakakailang eh." 

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. "You're really beautiful." Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano iiwas ng tingin dito. 
"Mababaliw yata talaga ako kapag nawala ka sa 'kin," he whispered and bowed his head--as he was about to kiss her! 
"Hay naku, lumayas na nga kayo. Para kayong mga teenager, kaimbyerna!" Kapwa sila natigilan nang biglang marinig 
ang pagsigaw na iyon ni Sam sa kanila. Nakasilip pala ito sa kanila mula sa kusina. 
Pasimpleng tumaas ang kilay niya rito. Istorbo talaga kahit kelan! 
"'Di ba may lakad ka din ngayon Sam?" Lumingon dito ang binata. 
"Mamaya pang midnight 'yon. Tulog pa ang mga bampira kong amiga." 

"Okay, mauuna na pala kami." 
"Ay sandali!" Pakendeng-kendeng itong tumakbo palapit kay Marcus. Inayos nito nang bahagya ang suit ng lalaki na 
akala mo stylist-stylist na may pagnanasa. 

Nag-init ang ulo niya sa eksenang nakikita. "Psst! Anong ginagawa mong bading ka?" 
"Bulag ka ba? Eh 'di inaayos ang damit ni Marcus," pairap na sagot nito. 
Napanganga siya. "At talagang kailangang gawin 'yan sa harapan ko?" 
"Bakit selos ka?" panunudyo nito. 
"Kapal talaga ng mukha mo!" 
Lumapad ang ngiti ni Marcus na humarap muli sa kanya. "Pinagseselos ka lang ni Sam, nagpahalata ka naman 

masyado." Sabay kindat ng loko. Pinamulahan tuloy siya. 
"Tsk. Magsama pa kayong dalawa!" Inirapan niya ito. 
"Let's go." Masuyo nitong kinuha ang kamay niya at hinila na siya palabas ng condo. 
Bago tuluyang lumabas ay nilingon muna niya si Sam. "Hoy impakta, huwag mo nang uulitin 'yon ha. Akin na 'to 'no!" 
Pero dinedma na lang siya ni bakla saka bumalik sa kusina. 
"Anong sabi mo?" Nangingiting bumaling sa kanya si Marcus. Wala pala sa loob na nasabi niya ang bagay na 'yon. 
"W-wala. Kunwari na lang wala kang narinig okay?!" maawtoridad na saad niya. 
He smirked. "Sure. Kunwari hindi ko narinig na sinabi mong sayo na 'ko." 
"Huwag mo nang ulitin!" 
Nagkatawanan na lang sila. Hanggang sa basement ay wala silang ibang ginawa kung hindi mag-asaran. 
******** 
SA MANSYON ng mga Villadolid ginanap ang thirtieth wedding anniversary party ni Alfredo Villadolid, isa sa mga 

business partners ni Madam Mildred. Maraming kilalang negosyante at pulitiko ang naimbitahan doon. But the party was set up the way that it would not look too formal. Iyon din daw kasi ang hiniling ng esposa nito na maging tema ng selebrasyong iyon. 
Sa loob ay agad silang sinalubong ng mommy ni Marcus. Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. Panay pa ang puri nito sa kanya. Biniro pa nga ito ng binata na para bang simula n'ong makita siya'y nakalimutan na ng babae ang sariling anak. 
Nilapitan nila ang mag-asawa. At parang tinotoo na nga ni Mildred ang sinabi nito. Ipinakilala siya nito sa mga iyon bilang mapapangasawa ni Marcus. Nahihiya siya kaya hindi na lang siya umiimik. Pero natutuwa rin naman siya. Naiinis lang siya sa tuwing aasarin siya ni Marcus patungkol dito. Panay tukso nito sa kanyang wala na daw siyang takas. 
Siya na ang pinagtulungan ng mag-ina! 
Pinaupo sila ng mga ito sa isang lamesang kalapit nang sa mag-asawa. Kausap pa ni Mildred ang mga ito habang sila 

nama'y nagpasyang maupo muna. Narinig na niya kaninag sinabi n'ong Alfredo na hinihintay lang nito ang pamangkin. 
Nais daw nitong ipakilala ang binata sa kanila. 
"Huwag mong sabihing bored ka na?" untag sa kanya ni Marcus. 
"Not really." 
"Nage-enjoy ka ba sa ginagawa ni Mommy? Manugang na manugang na nga ang tingin niya sayo ah. At hindi ka na 

pwedeng tumanggi sa gusto niyang ipakasal tayo." 
Pinaningkitan niya ito. "Mag-propose ka muna!" 
"Umamin ka muna!" 
Okay, natameme na siya! Ang lalaking 'to talaga! Pero sa totoo lang, konti na lang at mapapaamin na siya rito. 
Tinawag sila ni Mildred nang may dumating na isang binatang tan-skinned at mas matangkad nang kaunti kay Marcus. 

Hindi ito kasing gwapo ng boyfriend niya pero malakas ang dating nito. Unang tingin lang kasi'y iisipin mong 

basketball player ito. 
Bahagyang kumunot ang noo niya nang makilala ito nang tuluyan. Kung hindi siya nagkakamali, ito 'yong college 
friend ng ate niya. Si Henry. 

"I want to introduce my nephew, Henry," bungad ni Alfredo Villadolid. "Henry, this is my business partner MildredSantillez...his son Marcus. At ang magandang babaeng 'to naman ang fiancée niya na si Reeze." 
"I already know him. Kaibigan po siya ng ate ko," singit niya. 
Biglang bumakas ang excitement sa mukha ng lalaki. "Yeah, Reeze. Buti naman at natatandaan mo pa 'ko. I didn't 
expect to see you here. Alam mo bang kasama ko ngayon ang ate mo?" 

"Si Ate?" 

"Yup, may kausap lang siya roon na kakilala niya. Pero susunduin ko na--" Natigilan ito nang mapabaling sa katabi 
niya. "Wait...did I hear, Marcus? I mean...Marcus Santillez?" 
"Yeah, nice meeting you," pormal na sagot ni Marcus. 
"It's you..." Biglang sumeryoso ang mukha ni Henry, na para bang namutla pa ito. Nagpapalit-palit din ang tingin nito sa

 kanilang dalawa. 

Kumunot ang noo ng binatang katabi niya. "Is there anything wrong?" 
"Henry..." 

Lahat sila'y napalingon sa babaeng palapit sa kumpol nila. Pero mas matindi ang naging pagkagulat ng ate niya nang 
mapatingin kay Marcus. At ganoon din ang binata. 
"Catherine?" Hindi makapaniwalang sambit ni Mildred. 
Gulat siyang napabaling kay Madam. "Kilala niyo po ang ate ko?" 
*** 

THE ATMOSPHERE was kinda awkward. Para bang shock na shock ang lahat nang naroon. 
"Is she your date Henry?" Tinig ni Alfredo ang siyang unang narinig ni Reeze. 
"Y-yeah. She's Catherine Ramontes." 
"H-hi. Happy anniversary," alangang bati ng ate niya sa mag-asawa. 
"Mukhang magkakakilala na kayo, based on your reactions. Well, mabuti pa sigurong iwan muna namin kayo. Please 

excuse us." Hindi na nila pinigilan ang mag-asawa nang iwan na sila ng mga ito. 
"Magkapatid kayo?" Tila hirap pa si Mildred sa pagtatanong nito sa kanya. 
"O-opo." 
"But your surname..." 
"We're half-sisters." Maang siyang napatingin muli kay Catherine. Pero si Marcus ang mas umagaw ng pansin niya. 

Halos tulala itong nakatingin lang sa ate niya. 
Ano bang nangyayari? 
"Sumasakit ang ulo ko." Nasapo ni Mildred ang noo. 
"Madam, gusto n'yo po bang umupo muna?" 
Itinaas nito ang kamay para senyasan siyang huwag lumapit dito. Tinawag nito ang lalaking assistant na nasa malapit 

lang. "Gusto ko nang umuwi." 
"Ahm--" Magsasalita pa sana siya pero nagmamadali na itong lumayo sa kanila. Nakaramdam na siya ng pag-aalala. 
Humarap sa kanya si Marcus. Pero wala itong masabing kahit ano. Gulantang ang itsura nito. She waited for him to 

speak up...even just to utter a word. 
Pero wala. 
At wala din siyang nagawa nang bigla na lamang itong tumalikod at lumakad palabas ng banquet hall ng mansyon. 
"Siya ba 'yong sinasabi mong...boyfriend mo?" Mahinahon ngunit may bakas ng pag-aalala ang tanong na iyon ng 

kanyang kapatid. 
"Oo. A-ano ba talagang meron Ate? Kakilala mo ba si Marcus at ang mommy niya?" 
Namutla lalo si Catherine. Nakaawang lang ang mga labi nito na kahit gusto nitong magsalita'y parang hindi nito 

magawa. "Excuse me!" Agad nitong sinundan si Marcus. 
"Teka lang--" Naramdaman niya ang pagpigil ni Henry sa kanyang braso nang aktong susunod na rin siya sa mga ito. 
"Hayaan mo muna sila." 
Napakunot-noo siya. "Hayaan? Anong gusto mong gawin ko, tumayo lang dito at mag-isip ng kung anu-ano? Kailangan

 kong malaman kung ano talagang nangyayari." 

"Then let me explain to you--" Napahinga ito nang malalim. "...the truth about them." 
******** 
SA GARDEN dumeretso si Marcus. Pinili niya ang parteng medyo malayo sa hall. Napapikit siya nang mariin. Hanggang ngayon, hindi niya mapaniwalaang ang babaeng naging malaking bahagi ng kanyang nakaraan at si Reeze ay magkapatid. How could this happen? 
Nakuyom niya ang kanang palad. Pakiramdam niya'y binagsakan siya nang isang napakabigat na bagay sa ulo. Hindi pa nga niya tuluyang nailalayo ang isip niya tungkol sa biglaang pagbabalik ni Catherine, heto naman at may bagong nagpapagulo sa kanyang kalooban. 
"Marcus..." 
Napalingon siya sa nagsalita. It was Catherine, na halos hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Hindi ko alam na ikaw pala ang sinasabi ni Reeze...na boyfriend niya. I never thought-" 
"Bakit sa dinami-dami ng babae, siya pa ang naging kapatid mo?" mapait na saad niya. "When we were still together back then--sa States, kahit kailan hindi ka nagkuwento nang tungkol sa kapatid mo. I didn't even know her name. Ang sabi mo kasi, mami-miss mo lang siya lalo kung babanggitin mo siya. All I know is that you have a younger sister. Pero hindi ko alam na si..." Hirap siyang napabuga ng hangin. Naninikip ang dibdib niya. 
Catherine bit her lower lip, as if she was trying to stop her tears from falling. 
Gusto niyang mainis sa sarili. Bakit parang nasasaktan siya sa nakikita ngayon sa babaeng ito? 
Madali siyang nag-iwas ng tingin. Sandali rin silang nanahimik dalawa. Pagkuwa'y ipinasya niyang lumayo muna roon. Kailangan niyang makapagisip-isip. Pero bago pa man siya makalayo'y naramdaman niyang hinawakan ni Catherine ang braso niya. Seryoso itong tumingin sa kanya. "Huwag kang mag-alala, wala akong balak guluhin ang relasyon n'yo ng kapatid ko." 
Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi niya kayang salubungin ang mga matang iyon na balot ng labis na sakit at kalungkutan. 
Pero bakit ganito na lang siya maapektuhan? 
******** 
PAKIRAMDAM ni Reeze ay namanhid ang buong katawan niya matapos marinig ang sinabi ni Henry. Hindi siya makapaniwalang ang ate niya ang siyang babaeng unang minahal ni Marcus--at ang babaeng nanakit dito nang husto noon. 
Ngayon ay nagbabalik sa kanyang alaala ang lahat--magmula sa araw na ibinalita ni Catherine sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal nito sa nobyo, hanggang sa mga ikinuwento sa kanya ni Marcus. 
Slowly, everything's becoming real to her--and much more painful! Hindi niya alam kung anong iisipin. Pareho lang nasaktan ang dalawang taong mahalaga sa kanya. At hanggang ngayo'y nahihirapan pa rin pala ang ate niya. 
"I feel sorry na sa ganitong paraan mo pa nalaman ang lahat." Henry's voice was trying to calm her. Pero parang halos hindi na pumapasok sa isip niya ang mga sinasabi nito. Tumayo siya. 
"Saan ka pupunta?" 
Hindi niya ito sinagot. Dali-dali lang siyang lumabas at hinanap ang ate niya. Ni hindi na rin niya inintindi ang pagsunod ng binata sa kanya. Sa may garden siya nagtungo. Naabutan niya ang ate niya roon at si Marcus. Parang tinusok ang puso niya sa eksenang nasaksihan. Her sister was holding his arm. At kapwa sila seryosong nakatingin sa isa't isa. 
"Reeze..." Mabilis na binawi ni Catherine ang kamay nang makita siya. 
Hindi siya sumagot. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Isipin pa lang niyang may pinagsamahan ang dalawa'y 

labis siyang nasasaktan--lalo na ngayong alam niyang totoong mahal pa ng ate niya si Marcus. Gustong mangilid ng 
mga luha niya. 
Lumayo si Marcus kay Catherine at huminto sa harap niya. Pero halos blangko na ang mukha nito. "I'm sorry...if I can't 

say anything to you right now," pabulong na saad nitong hindi man lang siya tinitingnan. "I'll just ask someone to bring 

you home." Pagkuwa'y basta na lang siya nitong iniwan. 
Napatda siya. Ibang-iba ang himig na iyon ni Marcus. Kung hindi pa hinawakan ni Catherine ang kamay niya'y hindi 
niya mamamalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. "I'm sorry. I'm really sorry." Bahagyang nangatal ang mga labi 
nito. 

Mabilis siyang umiling. "Wala ka namang kasalanan eh. Pero..." Napalunok siya. Parang hindi niya kayang ituloy ang 

nais itanong. "Mahal mo pa ba talaga siya?" 
Hindi ito nakasagot. Pero hindi naman siya manhid para hindi maramdamang nagdurugo ang puso nito ngayon--katulad 
na lang nang nararamdaman niya ngayon. 

******** 
NANG MAKITA ang isa sa mga tauhan sa kumpanya ng kanyang ina, madali niya itong nilapitan at binilinan na ihatid 

sa condo si Reeze. Hindi muna siya uuwi roon ngayong gabi. He needs some space. At binabalak niyang sa opisina 
muna magtungo. 
Pasakay na siya ng kotse nang makitang papalapit sa kanya si Henry. 
"What do you need?" malamig niyang tanong dito. 
"Hindi ko alam kung nasa lugar akong magsabi nito, pero totoong nalulungkot ako sa nangyaring ito sa inyo. I'm 

worried, lalo na kay Catherine." 
Hindi siya sumagot. Napatingin lang siya sa malayo. 
"I'm actually her closest friend-since college. At alam ko ang lahat nang tungkol sa inyong dalawa...at sa pinagdaanan 

niya noon sa States." 
"Bakit mo sinasabi sa 'kin 'yan?" 
"I guess, you need to know the reason why Erine had to let you go." 
Muli lang siyang nanahimik. 
"Alam kong sinabi niya noong hindi ka niya talagang mahal. But it's actually a lie." 
Kunot-noo siyang napalingon dito. "Anong ibig mong sabihin?" 
"The truth is...she still loves you. At kahit kailan naman, hindi 'yon nawala." Bumuga ito ng hangin bago nagpatuloy. 

"She needed some space, kaya siya nag-decide na makipaghiwalay sayo. Ang sabi niya, habang tumatagal ang relasyon 

niyo noon, lalong humihigpit ang pagmamahal mo sa kanya. She can't breathe." 
Lalong nagusot ang kanyang mukha. Pilit niyang inuunawa ang mga narinig niya mula kay Henry. 

"I won't tell you the details, I don't think it's appropriate. Sinabi ko lang 'to as a concerned friend of Erine, dahil alam ko 
kung gaano siya nasaktan noon--lalo na ngayon. " Pagkasabi'y umalis na rin ito kaagad. 
Napasandal siya sa kanyang sasakyan. Sandali niyang pinakiramdaman ang sarili, para kasing hindi na siya makakilos. 

Learning those things really drives him crazy! Makailang-saglit din ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta
 sa opisina. 
Pinag-isipan niya ang lahat. Lahat-lahat. 

******** 
BUONG magdamag na hindi nakatulog si Reeze. Nakaupo lang siya sa sofa, hinihintay ang pag-uwi ni Marcus. Kagabi 
sa party ay hindi na sila masyadong nakapag-usap ng ate niya. Ang sabi nito, mas mabuting umuwi muna siya para 
makapagpahinga. Sakto namang dumating ang tauhang kinausap ng binata upang ihatid siya sa condo nito. Pag-uwi'y 
naabutan pa niya si Sam na paalis, pero hindi na niya ito sinagot nang magtanong ito kung anong nangyari sa kanila ni 
Marcus. 

At ngayon, nasa sofa lang siya't nakaupo. Wala siyang ibang ginawa kung hindi mag-isip. 

Napapitlag siya nang marinig na bumukas ang pintuan. Sa wakas ay umuwi na rin si Marcus. Hindi na niya itinuloy ang 
pagtayo nang kusa na itong lumapit sa kanya. 
"A-ayos ka lang ba? Saan ka natulog kagabi?" nag-aalalang tanong niya rito. 
He squatted in front of her but didn't answer. Seryoso lang siya nitong tiningnan. He then held her hand. It felt cold for 

some reasons. Dinukot nito mula sa bulsa ng suot na damit ang isang bagay at inilagay sa palad niya. 
It was the memory card. 
"Anong ibig sabihin nito?" 
"I'm giving it back to you." 
"Why? Hindi pa tapos ang three weeks ah?" Bigla siyang nag-alala. Bakit basta na lang itong ibinalik ni Marcus sa 

kanya? 
"Our deal is now over." Tumayo ito at agad na tumalikod sa kanya. 
Saglit siyang natigagal pero agad din niyang sinundan ang binata. "What do you mean it's over?" 
Muli itong humarap sa kanya. "I'm letting you go Reeze." 
*** 

"W-WHAT do you mean by letting me go? Dahil ba nalaman mong magkapatid kami ng unang babaeng minahal mo?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Pinipigilan niyang mapaluha. Those words were simple yet, so painful. 
Nanatiling tahimik lang si Marcus na nakatingin sa kanya. 
"Gano'n na lang ba 'yon? Matapos mo akong paniwalain na mahal mo 'ko...gano'n na lang kadali sayong itaboy ako?" 
Tumikhim ang binata, pero nanatiling blangko ang anyo nito. "Mag-empake ka na, ihahatid kita sa apartment mo." Pagkasabi'y agad siya nitong tinalikuran at dumeretso sa kusina. 
Hindi makapaniwalang napabuga siya ng hangin habang sinusundan lang ng tingin si Marcus. Ganoon lang ba kadaling sabihin 'yon? Walang paligoy-ligoy? Ni hindi man lang siya nito kinausap nang tungkol sa ate niya. Ni hindi man lang nito inalam kung anong nararamdaman niya ngayon. 
You're unfair Marcus! This is bullshit! Gusto niyang isigaw ang mga salitang iyon sa binata, pero hindi niya magawa. Para bang nilamon na ng labis na pagkabigla ang kakayahan niyang magsalita. At para namang may sariling isip ang kanyang mga paa na dinala siya sa loob ng kwarto. Halos tulala lang siya habang inilalabas ang maleta niya. 
Natigilan siya nang mapadako ang tingin sa may drawing table. Lumapit siya roon. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit pamilyar sa kanya ang disenyong iyon. Naalala niya noong minsang nag-email sa kanya ang Ate Erine niya. She sent a picture to her--a picture of a dream house. At ang nobyo nga raw nito ang siyang nag-disenyo noon-not knowing that it was Marcus. Wala rin naman kasing ikinuwento noon ang kapatid niya nang kahit ano tungkol dito. 
Bakit ba ganito ang nangyayari? Napailing na lang siya saka muling ibinalik ang pansin sa mga gamit. Nang matapos ay
 agad siyang tumayo. Napabaling pa siya sa mga paper bags na naroon. Mga damit at sapatos ang laman ng mga iyon mga bigay ni Madam sa kanya. Iniisip niyang dalhin ang mga iyon at ibalik nang personal sa mommy ni Marcus. Hindi naman siguro tama na kunin pa niya ang mga iyon matapos ang nangyari. Gusto rin niyang kumustahin ang ginang. Siguradong na-shock ito nang sobra sa nalaman tungkol sa kanila. 
Pero saka na niya ito babalikan. Hindi niya makakayang bitbitin ang mga ito. Wala rin kasi siyang balak magpahatid kay Marcus. 
Muli siyang napatingin sa memory card. Ngayong ibinalik na nito iyon sa kanya, wala na talagang dahilan para manatili pa siya sa condo ng binata. At sa mga salitang binitawan nito kanina, para na rin nitong sinabi na wala nang dahilan para
 manatili pa siya sa buhay nito. 
Tahimik siyang lumabas ng kuwarto. Nasilip pa niya si Marcus na nakaupo lang sa may dining table--kumakain. Tumiim ang bagang niya. Paano nito naaatim na umaktong parang walang nangyari? Talaga bang wala na itong pakialam sa kanya? 
Gusto niyang magwala--kung pwede lang. Gusto niya itong sampalin at sumbatan, pero hindi niya magawa. At nang dahil doon kaya't mas lalo siyang naiinis sa sarili niya. 
"Aalis na 'ko, pero hindi mo na 'ko kailangang ihatid. Kaya kong bumalik sa apartment ko nang mag-isa." Mapait ang himig niyang 'yon. Hinintay niyang tumugon ang binata, o lumingon man lang. 
Pero wala itong ginawang kahit ano. 
Lalong sumama ang kanyang loob, pero pilit na lang niyang pinakalma ang sarili. Nagpasya na siyang umalis bago pa siya tuluyang mapaluha. 
Hanggang sa pagbalik sa apartment ay dala-dala niya ang bigat ng nararamdaman niyang sakit. Dumeretso lang siya sa sofa at inangat ang mga binti. Sumubsob siya sa kanyang mga tuhod at hindi na pinigilan ang sunud-sunod na pag-iyak. 
******** 
MABILIS na bumaba si Marcus ng kotse matapos itong iparada sa tapat ng isang restaurant. Pagpasok sa loob ay kaagad niyang hinanap si Catherine. Kagaya n'ong sa gabi ng party, bakas pa rin ang labis na pag-aalala sa mukha nito. Sinadya niyang makipagkita dito. He contacted a friend na alam niyang malapit din sa dalaga at agad na kinuha ang cellphone number nito. 
Noong nasa opisina pa lang siya'y ito na ang talagang gusto niyang mangyari--ang makapag-usap sila ni Catherine. Buong magdamag din siyang nag-isip sa napakaraming bagay...at sa dapat na gawin. 
Lumapit siya at umupo sa harap nito. "Kumusta ka?" 
"Actually, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yan. And I assume you feel the same way," mahinahong sagot nito. 
Huminga siya ng malalim bago tumugon. "Talagang na-shock ako n'ong malaman kong magkapatid kayo. Para bang gusto kong suntukin ang sarili ko n'ong mga oras na 'yon. And I want to say sorry." 
Umiling-iling si Catherine. "We're all victims here. Hindi naman natin inasahan ang ganito." 
"That night, Henry talked to me. Sinabi niya sa 'kin ang totoong dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa 'kin noon." 
Nasorpresa ang babae sa narinig, dahilan para hindi ito makapagsalita. 
"Why didn't you tell me?" seryoso niyang tanong. 
Napayuko ito. "Nag-alala ako na kapag sinabi ko sayo ang dahilan, lalo kang hindi papayag na makipaghiwalay muna sa
 'kin. Marcus, kinailangan kong makahinga muna sa relasyon natin. Minahal kita pero...nasasakal na kasi ako noon." Muli itong nag-angat ng mukha. "Your love was too much and I can no longer stand it. I accepted your proposal that time, hoping that everything will go back to normal. But it didn't happen." 
Sandali siyang napapikit. Muli niyang inalala ang lahat nang nangyari noon sa Las Vegas. Sa totoo lang, matapos niyang marinig ang parehong mga katagang iyon mula kay Henry, bumalik sa isip niya lahat-lahat. He just realized, he really did something wrong back then. Habang tumatagal ang pagsasama nila noon, wala siyang ibang inisip kung hindi ang mahalin at makasama lang si Catherine. 
Panay ang isip niya kung anong naging pagkukulang niya noon kay Catherine matapos silang maghiwalay. Pero ang totoo, sumobra pa siya sa pagmamahal na ibinigay niya rito. Maraming bagay siyang nagawa noon na akala niya'y ayos lang. Kahit minsan naman kasi, hindi umangal ang dalaga. Now he realized how stupid he was for not seeing his fault right away. 
"I'm sorry...I'm really sorry kung nasakal ka sa pagmamahal na binigay ko noon. I didn't give you freedom. And sorry dahil nasaktan at nahirapan ka nang sobra...until now." 
"Don't be. Pareho lang siguro tayong may mali. I didn't let you know what I felt that time." 
Sandali siyang natahimik, saka muling tumingin nang diretso kay Catherine. "There's something I want to tell you." 
Mataman lang naghintay ang dalaga sa sasabihin niya. 
"After the party, pinag-isipan ko ang lahat. Marami akong na-realize. Isa na d'on ang, pagiging importante mo sa 'kin. Aaminin ko, naapektuhan ako n'ong nakita kitang nasaktan sa nalaman mo tungkol sa 'min ng kapatid mo. And because of that, I realized what I truly feel right now. And I want to ask something-kung pwede pa..." Muli siyang huminga nang 
 malalim. "Una kong naisip na lumayo, dahil gusto kong irespeto ang nararamdaman n'yo ni Reeze. Pero sa totoo lang, hindi ko kaya. I know with this decision, someone will be greatly affected. Kaya gusto kong malaman ang sagot mo sa itatanong ko..." 
******** 
NATUTOP ni Martha ang bibig matapos marinig ang isinalaysay niya rito. Gulat na gulat ito sa mga nalaman mula sa 

kanya. Pabagsak din itong umupo sa harapan niya. Siya nama'y nakayakap pa rin sa kanyang mga binti habang 
nakaupong nakasandal sa headboard ng kanyang kama. 
"I-I can't believe... S-si Marcus ang dapat na papakasalan noon ni Ate Erine?" 
Tipid lang siyang tumango. 
"Pero paanong--Oh my God! Grabe namang coincidence 'to! Na-in love si Marcus sa inyong magkapatid?" Sunod 
sunod ang naging paglunok nito. "So...lumayas ka na sa condo niya ngayon?" 
"Ibinalik na niya sa 'kin ang memory card. Tapos na raw ang deal namin. He even told me that he's..." Pinigilan niyang 

mapaluha. Para kasing ang hirap para sa kanyang bigkasin ang mga salitang susunod niyang bibitawan "...letting me 
go." 
"So parang...nakipag-break na siya sayo?" alangang tanong ni Martha. 
"Oo. Wala na namang ibang ibig sabihin 'yon hindi ba?" She bit her lower lip. Any minute now, her tears will surely 

pour down her face. "Baka na-realize niyang mahal pa niya si Ate." 
"A-ano ka ba naman Reeze? Malay mo ginawa niya 'yon para rin sa inyong magkapatid. Siyempre naman, out of respect

 na lang. Paano niya magagawang makisama sayo kung alam niyang...ate mo ang nakarelasyon niya noon. Base pa 
naman sa ikinuwento mo sa 'kin dati, sobrang na-depress si Marcus noong hiniwalayan siya n'ong first love niya." 
Hindi siya nakasagot. Kung gano'n man ang dahilan, masakit pa rin para sa kanya ang basta na lang siyang itaboy nang 

gano'n ni Marcus. Sa pagkakatong ito, hindi na niya napigilan ang muling mapahagulgol. "Martha, ang hirap 

pala...Hindi ko alam na ganito pala 'yon kasakit!" 
Lumapit sa kanya ang pinsan at niyakap siya. "Ssh, alam ko. Pero ganyan talaga kapag nagmamahal Reeze, hindi 
maiiwasang masaktan." 

She cried a lot. Hindi talaga matanggap ng puso niya na ganito ang nangyari. Kung kelan handa na siyang 
umamin...Kung kelan handa na siyang magmahal nang walang takot... 
She loves Marcus so much, at talagang kay hirap paniwalaan na tapos na ang lahat sa kanila ngayon. 

******** 
NAKATITIG lang si Reeze sa ibabaw ng mesa. Parang wala siyang ganang kumain ngayon kahit pa ang daming pina deliver ni Martha na pagkain para sa kanya. Kaaalis lang nito papuntang opisina. Bigla kasi itong ipinatawag at kahit 
gusto pa daw nitong samahan siya'y hindi na talaga nito iyon magagawa. 

Napapitlag siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Madali niyang kinuha iyon sa sala. It was Catherine. 
"Ate?" 
"Nasa'n ka ngayon?" 

"Nasa apartment. Bumalik na 'ko rito," mahinang sagot niya. 
"Pupuntahan na lang kita diyan ngayon. May importante tayong pag-uusapan." 
******** 
"HINDI ka pa ba kumakain?" nag-aalalang tanong ni Catherine sa kanya nang mapansin nito ang mga pagkain sa mesa. 
"B-busog pa naman ako," pagsisinungaling niya. Ayaw naman kasi niyang mag-alala masyado ang kapatid. Pinaupo na 

niya ito sa kabilang couch, pero hindi man lang niya ito makuhang tingnan nang diretso. Nahihiya siya. 
"Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagpasyang kausapin ka. Hindi ko rin kasi alam kung paano ka haharapin." 
Hindi siya nakaimik. 
"Reeze, I'm sorry kung nahihirapan ka nang dahil sa nangyari. Alam kong naiipit ka rin sa sitwasyong ito." 
"Alam kong gano'n ka rin naman eh." 
"Kanina, nakipagkita sa 'kin si Marcus. May pinag-usapan kami." 
Muli siyang nanahimik. 
"Ikinuwento niya sa 'kin ang lahat nang tungkol sa inyo. Mula sa pagkakakilala niyo sa hotel, hanggang sa pagtira mo sa

 condo niya. He also told me about the deal you guys made." 
"I'm sorry kung nagsinungaling ako nang tungkol sa pagtira ko sa kaibigan ko." Ngimi siyang napayuko. 
"Naiintindihan ko 'yon." Humugot ito ng malalim na hininga. "Actually, may isa pa siyang sinabi sa 'kin--He told me his

 decision...At kailangan mong malaman ang tungkol d'on." 
Napatingin siya sa ate niya. Biglang tumahip ang dibdib niya. Parang may ideya na siya sa kung ano ang bagay na 'yon. 

Ngunit isipin pa lang niya iyon, parang dinudurog na ang puso niya. "N-nagkabalikan na ba kayo?" Isang mapait na 
ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Well, best wishes Ate. Mukha namang mahal ka pa niya eh." 
Sumeryoso ang mukha nito at hindi sumagot. 
Dagli niyang iniwas ang kanyang mukha at pasimpleng pinahid ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Kung 

kaya lang talaga niyang itago ang sakit na nararamdaman... 
"Actually, hindi kami nagkabalikan Reeze." 
Muli siyang napalingon dito. "Anong ibig mong sabihin?" 
"He told me that I'm important to his life--but as a woman who became a big part of his past. Sinabi rin niya kung ano 

ang totoong nararamdaman niya para sa 'kin ngayon." Tipid itong ngumiti. "He felt guilty...for everything that happened." 
Naging tipid ang kanyang paghinga. Parang sinusubukan pa rin niyang unawain ang sinasabi ng ate niya. 
"Naisip daw niyang lumayo na lang sa 'tin, pero hindi niya kaya. Alam mo ba kung bakit?" She paused. "'Coz he loves 
you...so much. At hindi ka niya kayang basta pakawalan." 

Hindi pa rin siya makapagsalita. 

"He asked me--kung papayag daw ba akong mahalin ka pa rin niya. And he was so sorry for asking too much, knowing that it could hurt me. But then, I answered him. Ang sabi ko sa kanya, mas masasaktan ako kung kapatid ko ang magdudusa." Napaluha ito, pero agad din nitong pinahid iyon. "Nakakatawa pero imbes na masaktan ako kanina, mas natuwa pa 'ko. Naramdaman ko kung gaano ka niya kamahal. And it was different from what I felt when he was still with me. Malaki ang nagbago sa kanya. You changed him Reeze. And I was so happy to realize that you finally found someone to love." 
"Ate...Hindi ko alam ang sasabihin sayo. I'm sorry." Hindi na niya napigilang maiyak. 
Ngumiti nang matamis si Catherine saka lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Huwag kang mag-sorry. Ako 

dapat. Kung hindi ako basta na lang bumalik, hindi na sana nagkagulo. Hindi ka na sana nahirapan. But don't worry, I'm 
going back to States na. Actually, sa isang araw na ang flight ko." 
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Nalungkot siya sa narinig mula rito. "Ate..." 
"Ano ka ba naman? Tumigil ka na nga sa kakaiyak." Masuyo nitong idinampi ang mga daliri sa kanyang magkabilang 

pisngi para pahirin ang mga luha niya. "Naaalala ko lang tuloy 'yong batang Reeze noon na pinapatahan ko sa tuwing 
umiiyak. Gusto mo bang gumawa pa ako ng paper folding ulit para lang tumigil ka?" biro nito. 
Natawa siya. She remembered the old times. 
"Reeze, mahal na mahal ka talaga ni Marcus. And I know you feel the same way." 
"Pero mahal mo rin siya hindi ba?" 

Tipid itong ngumiti, saka hinaplos ang kanyang buhok. "Mas mahal ko naman ang kapatid ko kaysa sa kanya." 
She smiled. Pero maya-maya lang ay sumeryosong muli ang mukha niya. "Pero kung talagang mahal ako ni Marcus, 
bakit niya sinabi sa 'king pinapakawalan na niya 'ko? Tinapos na niya ang deal namin. Pinaalis na niya 'ko sa condo. At 
para bang pinapalayo na rin niya 'ko." 

"He has a reason," tipid na sagot ni Catherine. 
Kumunot ang noo niya. "At ano namang rason 'yon?" 
"Why don't you ask him directly?" 
Napatiim-bagang siya. Nag-flashback sa kanya ang lahat nang nangyari sa condo ng binata bago siya umalis-ang 

masasakit na sinabi nito...ang malamig na tingin nito...at ang pag-isnab nito sa kanya noong paglabas niya ng kuwarto 
hanggang sa pagtungo sa pintuan. 
At higit sa lahat, ang walang tigil niyang pag-iyak nang dahil sa labis na sakit na ipinadama nito sa kanya. 
Walanghiyang 'yon! Siguraduhin lang niyang may maganda siyang irarason, kung hindi masasampal ko talaga siya! 
*** 
A/N: Last 4 chaps na lang po. Salamat sa lahat! ^__^ 

DAHAN-DAHANG umupo si Sam sa couch. "Seryoso 'yon?" Bakas sa tono nito na hindi ito makapaniwala sa mga inilahad niya. Natutop pa nito ang sariling bibig, pero hindi na siya umimik. Kararating lang nito at nang tanungin nga siya nito kanina tungkol kay Reeze ay napilitan na rin siyang magkwento. 
"Ano ba 'yang buhay n'yo, telenovela? Sa magkapatid ka talaga na-in love?" Iiling-iling pa si bakla. "Pero hindi naman masyadong magkamukha sina Cath at Reeze--Ay oo nga pala half-sisters lang. Saka isang beses ko pa nga lang pala nakita 'yong ate...Hmm, at kaya pala n'ong gabi ng party, mag-isa lang umuwi si Reeze dito. Hindi naman siya nagsabi sa 'kin nang kahit ano." 
Nanatili pa rin siyang tahimik. 
"Sabi mo, pinag-isipan mo muna ang lahat at nakipagkita ka kay Catherine. Ano namang napag-usapan n'yo?" 
"I told her about what I truly feel. Actually, nakiusap ako..." He stated everything to Sam, kasama na ang totoong rason 

kung bakit nasabi niya ang ganoong bagay kay Reeze. 
"Okay, at least ngayon malinaw na sa 'kin. Akala ko naman may ending na talaga ang love story n'yo ni Reezelda." 
Biglang tumunog ang doorbell. Napatayo si Sam. "Sino naman kaya 'yon? Wala naman akong pinadeliver...may 

dumadalaw ba sa 'kin?" 

He also stood up. Hihikab-hikab pa siya dahil sa kawalan ng tulog. Mukhang kailangan na talaga niyang magpahinga. 
Papasok na sana siya sa kuwarto nang marinig ang boses ng isang babae. 
"Nasa'n si Marcus?" pasinghal na tanong ni Reeze kay Sam nang pagbuksan ito ng pinto. 
"Ba't ganyan ang tono mo? Para kang susugod sa-" 
Hindi nito pinatuloy ang sasabihin ni Sam at dali-dali na itong pumasok sa loob. Napahinto lamang ito nang 

makasalubong siya sa sala. Matapang itong tumingin sa kanya. "Bakit mo sinabi 'yon?" 
"Ang alin?" Sinadya niyang gawing malamig ang himig ng tanong niya. 
"Iyong sinabi mong you're letting me go!" halos pabulyaw nitong tugon. Pero hindi siya umimik. 
"Alam mo bang sobra akong nagulat nang marinig ko sayo 'yon? Ang sakit kaya! Tapos ni hindi mo man lang ako 

nilingon n'ong paalis na 'ko. Alam mo ba kung anong naramdaman ko n'on ha?" Kinagat ni Reeze ang pangibabang-labi,

 halatang pinipigilan nitong mapaiyak. 
Pasimple siyang napabuga ng hangin. Napadako kasi ang paningin niya sa mga labi nito. What she's doing right now 
really drives him crazy! Crazy--'coz he wanted to bite that lip as well. 

Kung hindi lang niya pinipilit palakasin ang kanyang self-control ngayon, baka kanina pa niya kinabig si Reeze at 

hinalikan. And once he starts doing it, he might not stop. Never. Sobra na kaya ang pagka-miss niya rito! 
"Hindi mo alam kung gaano kabigat sa loob ko 'yon. Magdamag akong umiyak sa apartment ko at halos mabaliw na sa 
kaiisip kung paano mo nagawang itaboy ako nang gano'n-gano'n lang." She now pressed her lips. 

Damn! Masusuntok na talaga niya ang sarili. Naglalabas na nga ng sama ng loob ang babaeng nasa harapan niya ngayon, pero nakukuha pa niyang pagpantasyahan ang mga labi nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Mahirap nang bumigay ang natitirang pagpipigil niya sa katawan. 
"Hoy Marcus, hindi mo ba 'ko sasagutin?" 
Tumikhim lang siya. Iyon lang. At nagkamali siya n'ong inakala niyang magsasalita pang muli si Reeze. Sa sumunod na sandali, naramdaman na lang niyang dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi. Nagulat siya. At kahit si Sam na 
tahimik lang na nanonood sa kanila mula sa sofa, awtomatikong napadilat. 
"Surprised?" she sarcastically asked. "Dapat lang sayo 'yan! Kanina pa naghihirap ang loob ko dito pero hindi mo man 
lang ako magawang imikan!" 

"Kasalanan mo din naman kung bakit hindi ko nagawang magsalita," he finally spoke. Pero mahinahon lang. 

"At paano ko naging kasalanan 'yon?" 

"Kasi naman--" Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang mapatingin na naman sa mga labi ni Reeze. Napalunok 
siya. Maya-maya lang ay nangunot ang kanyang noo nang may maalala. "You didn't check the memory card I gave 
you?" 
"Sira ulo ka ba?! Sa tingin mo ba magkakaro'n ako ng ganang panoorin ang video natin habang umiiyak nang dahil sa 
ginawa mo sa 'kin?" 

Mabilis siyang nag-iwas ng mukha para pigilan ang pagtawa. Kaya pala... 

She gritted her teeth. Inis itong nilampasan siya sabay pasok sa kuwarto. 

"May nakalimutan ka bang gamit?" 

"Oo!" matapang nitong tugon. Ilang saglit din at lumabas na ito bitbit ang mga paper bags na alam niyang mga pinamili 

ng mommy niya para kay Reeze. Bago tuluyang tumalikod ay tinapunan muna siya nito ng masamang tingin. 
"Wait Reeze!" 
She stopped, but didn't turn around. "Kung pipigilan mo akong umalis, manigas ka diyan!" 
"Hindi 'yon." Dinampot niya ang isang maliit na paper bag na nalaglag sa sahig. Lumapit siya sa dalaga at iniabot iyon. 

"You dropped this." 

Umangat ang kilay ni Reeze saka marahas na hinablot ang paper bag mula sa kanya. Wala na itong sinabi saka 

nagmamadaling dumeretso sa pintuan. 

"Need help?" 

"Kaya ko 'tong mag-isa!" pagtataray nito. 

Ngingiti-ngiti siyang tumalikod nang ganap na itong makalabas. She really never fails to make him smile. 

How he loves that woman... 

"Loko-loko ka rin naman ano Marcus? Pahirapan daw ba?" Kahit si Sam ay natatawa sa nakikitang reaksyon sa mukha 

niya. 
"Kung sinilip man lang kasi niya 'yong video sa memory card na binigay ko, hindi sana siya magre-react nang ganyan." 
"Pustahan tayo, kapag napanood niya 'yon, baka hindi lang sampal ang abutin mo sa kanya." Napapalatak ito. 
Napahimas siya sa kanyang pisngi. "Infairness, masakit din 'yon ah." 

"Kasalanan mo din naman eh." 
He just smirked and walked towards his room. 
"Hindi mo ba siya hahabulin?" 
"No need." He stretched his arms. "Wala naman akong balak pakawalan siya nang matagal eh." 
******** 
MALUNGKOT si Reeze habang pinagmamasdan si Catherine. Nasa airport siya ngayon kasama si Martha para ihatid 

ang ate niya. Dumating din si Henry para magpaalam dito. May importanteng appointment naman ang kanilang ina 

kaya't hindi ito nakasama. 
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya lubos maisip na aalis na ito gayong sandali lang sila nagkasama. Nagpapasalamat na lang siya na kahapon ay nagkaroon sila ng pagkakataong mamasyal ni Erine. Talagang sinulit nilang magkapatid ang pagba-bonding. Wala na ring kahit anong ilangan sa pagitan nila. 
"Huwag mong sabihing iiyak ka?" Ngumiti si Catherine at nilapitan siya. 
"Hindi kaya. It's just, nalulungkot ako--Parang mas malungkot pa noong unang beses kang umalis." 
"Don't worry, mas palagi na kitang tatawagan. Just cheer up! Lalo na't may naghihintay na sayong special someone 

ngayon." 
Napasimangot siya. Naalala na naman niya ang walanghiyang lalaking iyon. 
Natatawa naman si Catherine sa reaksyon niya. "Ganyan lang si Marcus ngayon. But believe me, he's madly in love 

with you. Hmm...maybe he's just planning on doing something." 
"Planning? Eh n'ong huling beses na kinausap ko siya, parang wala man lang siyang balak na humingi ng tawad sa 'kin,"

 paghihimutok niya. 

Lumapad ang ngiti sa mga labi ng kanyang kapatid. "You know what? Bagay talaga kayo. Love him Reeze--love him." 

Napayakap siya sa kapatid. "Alam ko nasasaktan ka pa rin. I know you also love him. At wala akong ibang masabi kung

 hindi sorry." 

"Tapos na tayo diyan. I trust him so much. I know he won't hurt you. At nararamdaman ko na kayo talaga ang para sa 

isa't isa." 

Muli itong ngumiti nang kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos din nito ang pisngi niya. "Take care. I love you." 

"I love you too Ate. Alam ko, makakahanap ka rin ng para sayo." 

"Of course. But it will just take time I guess." 

Tumikhim si Henry na para bang sinadya lang magpapansin. 

"Mukhang may nagpaparamdam na dito sa tabi ko Ate Erine," pabirong sabad ni Martha sa kanila. 

"I don't think so." Umiling-iling naman ang babae na ikinatawa lang nilang lahat. 

"Huwag kang ganyan, baka mamaya paggising mo bukas, makita mo na lang ako bigla sa harapan ng apartment mo sa 
Las Vegas." Makahulugang tumingin si Henry sa ate niya. 
"Stop it Henry. You're really crazy!" Erine gave the lad a quick hug. Sunod naman itong yumakap kay Martha. 

"Ikaw naman Ate, baka mamaya itong si Henry nga ang makatuluyan mo," muling hirit ni Martha. 
Pinaikot lang ni Catherine ang mga mata. "Aalis na nga ako, baka kung saan pa mapunta ang usapang 'to--niloloko n'yo 
na 'ko eh." Tinapunan sila nito ng huling ngiti bago tuluyang tumalikod hila-hila ang maleta. 

Napangiti siya. Masaya siya na naging maayos ang lahat sa kanila ng ate niya. All she wishes is the best for her sister. 
******** 
BAKAS sa mukha ni Reeze ang labis na pag-aalala habang naglalakad papunta sa study room ni Madam Mildred. 

Ngayon pa lang kasi niya ito makakausap matapos ang nangyari sa party. Alam niyang disappointed ito. 
Napahinga siya ng malalim nang matapat sa pintuan. Hinayaan niyang maunang pumasok ang isang kasambahay na 

siyang nagprisintang magbibit ng mga paper bags na dala niya. Ilang saglit din ang pinalipas niya bago siya sumunod dito sa loob. Sa loob ay nabungaran niya ang ginang na seryoso ang mukha. Nakabaling lang ang pansin nito sa mga gamit na 
ibinababa ng babaeng kasambahay sa may couch na naroon. Hinintay lang niyang makalabas ito bago siya nagsalita. "Sorry po kung ngayon ko lang kayo nakumusta. Alam kong nagulat kayo sa nalaman n'yo, at hindi ko na rin inaasahan 
na magugustuhan n'yo pa rin ako pagkatapos nang nangyari." Napalunok siya. She waited for the woman to say anything. But she heard nothing. "Personal ko pong ibinabalik ang mga 'yan. Nakakahiya naman kung gagamitin ko pa ang mga pinamili n'yo para sa 
'kin." 
Hindi pa rin umiimik ang babae. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa malayo. 
Nakaramdam siya ng panlulumo habang pinagmamasdan ito. Sa totoo lang, napalagay na rin talaga ang kanyang loob 

dito, kaya naman nalulungkot siya nang sobra ngayon. Don't worry Madam, maiintindihan ko kung...sasabihan n'yo akong lumayo na kay Marcus. K-kung ayaw n'yo na 'ko para sa anak n'yo--Aalis na po ako." Nakayuko siyang tinalikuran na ang ginang. 
"Sinong may sabi sayong ayaw na kita para sa anak ko?" Napalingon siya rito nang bigla itong magsalita. 
"Pero..." 
"Did you already forget what I've told you before? Ipapakasal kita kay Marcus anuman ang mangyari." Pinagtaasan siya

 nito ng kilay. 
"Kaya lang, kapatid ko ang babaeng naging dahilan ng pagka-depress noon ni Marcus." 
"So what?" 
Napamaang siya. 
Tumayo ito at humarap sa kanya. Umaliwalas na rin nang konti ang mukha nito. "Kinausap ako ni Catherine. Nag-alala 

kasi siya na baka nga ayawan kita para sa anak ko nang dahil sa nangyari. She explained everything to me. Lahat-pati ang rason kung bakit hiniwalayan niya si Marcus noon. I accepted it. And now, I can certainly say how different the 
way my son loves you compared to how he loved Catherine before." 
"Anong ibig n'yong sabihin?" 
Ipinagkrus nito ang mga braso. "Ang pagkakaiba, ginawa niyang mundo si Catherine. Dito niya pinaikot ang buhay 

niya. But with you, he created a world--isang mundo kung saan siya liligaya kasama ka. That's why you're 

different...and special. At iyon ang dahilan kung bakit mas nagustuhan kita." 
Hindi siya nakapagsalita. She was trying to absorb everything she heard from Mildred. Halo-halo ang nararamdaman 
niya ngayon. Pero mas nangingibabaw ang saya sa puso niya. 

"Tuloy pa rin ang kasal!" Biglang naiba ang himig nito-bumalik sa dati. The old Madam! 

"Pero baka hindi pa rin po matuloy 'yon," halos pabulong niyang saad. 

"At bakit naman hindi?" Muling umangat ang kilay nito. 

"Pinalayas na nga po ako ng anak n'yo sa condo. He even told me that he's letting me go. At n'ong tinanong ko ulit siya 

kung bakit niya sinabi 'yon..." Napayuko siya. "Wala naman siyang mabigay na rason." 
Nagsalubong ang mga kilay ni Mildred. "He did that to you?" 
Marahan siyang tumango. 
"That bastard?!" Nagmamadaling hinila siya nito palabas ng study room. 
"T-teka Madam, saan tayo pupunta?" 
"Saan pa, eh 'di pagpapaliwanagin si Marcus!" 
*** 

"PLEASE Madam, pwedeng huwag na lang po?" Kanina pa nakikiusap si Reeze kay Mildred pero hindi siya nito pinakikinggan. Hanggang sa makapasok sa building ay bitbit siya nito. Mukhang seryoso talaga itong sugurin ang anak. And it's insane! Nahihiya siyang humarap kay Marcus--ah hindi! Hindi lang siya nahihiya, talagang ayaw niya. 
Matapos ang naging komprontasyon nila ni Marcus, isinumpa niyang hinding-hindi siya magpapakita dito hangga't hindi ito humihingi ng tawad sa kanya. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang malulunok lang niya ang mga sinabi niya noon. Si Madam kasi! 
"Ayokong makita ang anak n'yo!" reklamo niya rito. 
"Just shut up okay! Nandito tayo para linawin kay Marcus ang lahat. Mamaya mapatagal pa ang kasal n'yo," mariing 
tugon nito. 
Napangiwi siya. Kasal talaga ang inaalala nito ha? 
Ilang saglit pa'y nasa tapat na sila ng Sanz Architectures. Mukhang alam na naman ng mga empleyado roon na ito ang 

mommy ni Marcus kaya't agad din silang pinapasok sa loob. Sinubukan pa niyang pigilan ang ginang pero talagang 
wala na siyang nagawa nang dumeretso na ito sa opisina mismo ng anak nito--at tangay-tangay pa rin siya. 
Awtomatiko siyang napayuko nang mapaangat ang tingin ng binata sa kanila. Obviously, he was surprised. 
"Explain yourself young man!" singhal agad ni Mildred sa anak. 

"What do you mean Mom?" Napakunot-noo ang binata. "And why are you with her?" 
"You kicked her out of your condo and you want to let her go?" Tumaas ang kilay ng ginang na sinadya pang ipagkrus 
ang mga braso. 

Pasimple niyang sinilip ang magiging reaksyon ng lalaki pero agad din siyang umiwas ng tingin nang bigla siya nitong sulyapan. 
"Nakikipaghiwalay ka na ba kay Reeze?" 
Muli siyang binalingan ni Marcus. And even without looking, she could tell how much he hated this kind of situation- being scolded by his own mother, all because of her. 

"Whatever we talked about our relationship, it's up to us. Hindi n'yo na kailangang makialam sa 'min." Mahinahon lang 

ang tono ng boses nito pero batid niyang kanina pa siya parang sinusunog ng mga pagsulyap-sulyap nito sa kanya. 
Pero hindi ba dapat ay matuwa na lang siya? Sa ganitong paraan, parang nakaganti na rin siya kay Marcus. Kaya lang, 
hindi siya nage-enjoy sa ganito na tila ba bina-back-up-an lang siya ni Mildred. 

Kung may balak siyang gantihan o inisin ang binata, she'll do it her own way. 

"Baka kasi bumabalik ka na naman sa dati. Alam ko kung anong nararamdaman mo, pero hindi ko kayang basahin ang 
takbo ng isip mo." 
Marcus sighed. Halatang nagtitimpi lang ito. Pero hindi sa nanay nito-kung hindi sa kanya. Kung galit ito, well, 

mukhang may ideya na siyang kung bakit. 
Para namang napagod na sa pagtayo si Madam kaya't naisipan nitong umupo sa harapan ng desk ni Marcus. "I'm 
warning you Marcus! Malalagot ka talaga sa 'kin kapag hindi natuloy ang kasal ninyo. Wala na 'kong ibang gustong 
babae na pakasalan mo kung hindi si Reeze lang. Kaya't mabuti pang itigil mo na kung anumang drama ang meron ka!" 

Napalunok siya. For the first time, ngayon lang nagdiwang ang mga tenga niya sa narinig mula kay Madam. Para bang tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Wala tuloy sa loob na napangiti siya. Pero agad din siyang napasimangot nang magtama ang mga mata nila ni Marcus. Blangko ang mukha nito pero nanunubok ang mga tingin nito sa kanya. Sinubukan niyang magmatapang dito. Talagang inirapan niya ito. 
Maya-maya lang ay tumayo si Marcus at ngumiti nang matamis sa mommy nito. "Can I talk to Reeze, Mom?" 
"Aba dapat lang! At siguraduhin mo lang na pagkatapos n'yong mag-usap eh maganda na ang maririnig ko mula sa inyo." "Well, let's see." He looked at her and smiled-both in a wicked way. Kinabahan tuloy siya. At wala siyang nagawa nang 
sa sumunod na sandali'y hinila siya nito palabas ng opisina. 
And just like that, she was dragged away again. 
******** 
"KAILANGAN ba talagang dito sa rooftop mo 'ko dalhin?" Inis na binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni 

Marcus, pero hindi nito pinansin ang inangal niya. Seryoso itong tumingin sa kanya na nakuha pang humalukipkip sa harapan niya. And there he is, standing very masculine, while his narrowed eyes stare at her in a probing manner. 
"Oo naman, para siguradong solo kita." 
Namilog ang mga mata niya. Ewan ba niya pero parang bigla siyang kinilig sa pagkakasabi nito roon. He uttered those 
words in a very sweet way, like he was yearning for her. 

Pero parang hinipan lang siya ng hangin doon nang sa sumunod na sandali'y nag-iba nang muli ang mood ni Marcus. 
"Talagang nagsumbong ka pa sa mommy ko ha?" 
Umangat ang kilay niya. "Hindi ako nagsumbong 'no!" 
"So paano niya nalaman ang tungkol d'on?" He stepped closer to her. 
Napayuko siya. "S-sinabi ko lang...Pero hindi naman--" 
"Just like what I've thought," sarkastikong hirit nito. 
Nag-angat siyang muli ng tingin dito. "Of course not! It's not like I intentionally told her everything!" 

"Oh...Kaya pala siya sumugod dito kasama ka at sinermonan ako?" Muli pa itong humakbang palapit sa kanya. 
She swallowed--as he was getting closer! At para bang gusto na niyang matakot sa tingin nitong nakapukol sa kanya. 
Napakalalim. Galit ba talaga ito sa kanya ngayon? Totoo namang wala siyang intensyong magsumbong. Malay ba 
niyang susugod nang biglaan ang nanay nito? 

"Naghanap ka pa talaga ng kakampi?" He scornfully smiled. 

Nainis siya sa tinuran nito. Pakiramdam niya'y inapakan nito ang pride niya. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya sa 
lahat. 
"Speechless?" He slightly raised his eyebrow. Nagtagis ang mga bagang niya. Bakit ba parang ito pa ang may ganang 

manubok sa kanya ngayon? Kung tutuusin, ito ang may malaking atraso sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin nito nakukuhang humingi ng tawad sa mga sinabi nito sa kanya noon. 
Nakakuha siya ng tapang mula sa isiping iyon. Bumalik ang inis niya sa lalaking ito. "Ikaw pa talaga ang may ganang magalit diyan, samantalang ikaw ang may kasalanan sa 'kin?!" 
He slightly frowned. "What did I do to you?" "Sinaktan mo lang naman kaya ako!" Napaatras siya. Hindi kasi matigil si Marcus sa paglapit sa kanya. Hanggang sa napaigtad siya nang maramdamang nabangga ang ibabang bahagi ng kanyang likod sa steel bench na naroon. Saglit pa siyang napasilip doon, at sa paglingon niyang muli sa binata'y nakalapit na pala ang mukha nito sa kanya. Marahan nitong itinukod ang mga kamay sa ulunang bahagi ng bench. Ngayon ay bahagya itong nakayuko sa harapan niya-with his red lips, only inches apart from hers! She can hear his soft intake of breath, as if he was trying to control it. 
And again, those eyes... 
"Galit ka ba sa 'kin?" he asked in a soft voice. 
"Ano sa tingin mo, matutuwa ako sa ginawa mo?" pabalang niyang sagot. 
But he didn't answer back. Mataman lang siya nitong tinitigan na para bang may hinihintay itong makita sa mga mata 

niya. And as she gazed upon him, she realized how hell she misses this man. Para tuloy unti-unting natutunaw ang inis 
na nararamdaman niya ngayon dito. Parang gusto na lang lumipad bigla ng lahat ng kanyang sama ng loob. 
And she wanted to be kissed by him again... 
"Waiting for something Reeze?" He gave her a twisted smile. Iniinsulto ba siya nito? 
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi rin niya napigilang mamula. "At ano na naman ang gusto mong sabihin?" 
"If you want me to give you a sensual kiss right now, pagbibigyan kita. I can offer you a minute I guess." 
Uminit ang ulo niya. Nag-direct hit yata sa utak niya ang sinag ng araw. "Talaga bang ginagalit mo akong lalaki ka?" 

Hindi ito sumagot. 
Hindi na siya nakatiis sa dalawang bagay: Una, sa pang-aasar na ginagawa nito sa kanya ngayon. Pangalawa, sa 
pakiramdam na napapalambot siya ng mukhang nakabandera sa harapan niya. Kung bakit ba kasi ganito kaguwapo ang 
lalaking minahal niya? Hindi tuloy niyang maiwasang ma-in love dito nang paulit-ulit. 

Buong lakas niyang itinulak ang katawan ng binata at kaagad na lumayo rito. "Talaga bang pinaglalaruan mo ako?" 
Tumayo ito nang tuwid at nagpamulsa. "Why would I do that?" 
She gritted her teeth. Ano ba talagang pakulo ni Marcus? Bakit ba parang sinusubukan siya nito? "Sinabi na sa 'kin ni 

Ate ang lahat--lahat ng pinag-usapan n'yo. Ang sabi niya..." Napatingin siya sa malayo. "Ang sabi niya, ako ang pinili mo. Ako ang talagang mahal mo. Pero bakit nagawa mong sabihin na pinapakawalan mo na 'ko? Ang labo kasi eh...Unless, sasabihin mong kasinungalingan lang 'yon." 
"No...I actually mean it." 
Muling tumalim ang tingin niya kay Marcus. Gagong to! "You're really a jerk! Bastard! Asshole! Hinding-hindi talaga 

kita papatawarin!" Mabilis niyang tinalikuran ang binata saka tinungo ang pintuan. Mabigat ang mga naging hakbang 
niya pagbaba sa hagdanan. Gusto niyang sumigaw. 
Gusto yata talagang ubusin ni Marcus ang pasensya niya! 

******** 
PAGBALIK sa opisina'y inabutan ni Marcus ang mommy niya na tiim-bagang na nakatingin sa kanya. Mukhang ready 

na naman itong sermonan siya. Ang sabi ng isang staff niya, bumalik din si Reeze dito para magpaalam sa kanyang ina. 
Kaagad din daw itong umalis. 
Ngumiti siya, nang-aasar. Pero bago pa man manggalaiti sa galit ang mommy niya katulad ni Reeze, inunahan na niya 

ito sa pagsasalita. 

"Don't look at me like that Mom. Ilang beses na 'kong nakatikim nang ganyan kay Reeze eh." He grinned. Halos 
pabagsak din siyang umupo sa swivel chair niya at inugoy-ugoy pa 'yon. 
"I was hoping that you'd settle this, pero anong nangyari kanina? Ginalit mo lang lalo si Reeze. Marcus, I know you love

 her and I don't see any reason why you're doing this to her. Unless, may binabalak kang gawin." 
Lalong lumapad ang pagngisi niya. "Anak mo nga talaga ako." 
"Malamang!" She sighed. "Now tell me, what were you thinking?" 
He leaned forward. "Actually, I was waiting for something. Pero mukhang hindi umubra ang Plan A na ginawa ko, kaya

 sa Plan B tayo. And I would need your help Mom." 
Kumunot ang noo nito. "Ano bang plano 'yan?" 
"Eh 'di kung anong matagal n'yo nang gustong mangyari." He winked at her mom. 
******** 
ISA-ISANG tiningnan ni Reeze ang mga damit niyang naka-hang sa loob ng cabinet. Naghahanap siya ng matinong 

susuotin. May balak siyang magliwaliw sa bar ngayong gabi. Magpapakasaya siya at maghahanap ng bagong ka-date. 
Kailangang makalimutan muna niya si Marcus. Galit pa rin siya dito hanggang ngayon. 
Hahablutin na sana niya ang isang navy blue dress nang biglang tumunog ang doorbell. "Sino kaya 'yon?" 
Madali siyang bumaba saka binuksan ang pintuan. "Madam? Anong ginagawa n'yo rito?" 

"I want to talk to you. Hindi mo ba 'ko papapasukin?" tahasang tanong nito sa kanya. 
Pero bago pa man siya makapagsalita'y ito na mismo ang dumeretso nang pasok sa loob. Saglit pa nitong inilibot ang 
tingin sa apartment niya saka tinungo ang sofa at doon umupo. Sa kusina naman siya nagtungo para kumuha ng juice 
para sa babae. 

"Bakit n'yo ho ako pinuntahan dito?" muli niyang tanong nang makaupo na rin sa couch. 

"Alam kong hanggang ngayon, dismayado ka pa rin sa nangyari. I know how much you hated my son for hurting you. 
Kaya nga nandito ako para tulungan kang mag-relax." 
"Anong...ibig n'yong sabihin?" 
"We have a beach resort in Subic. I can send you there and give you a free stay. How about three nights?" 
Nasorpresa siya sa narinig mula rito. Kampanteng-kampante rin ang hitsura nito. 

"Wala naman sigurong masama sa offer ko hindi ba? It would be better for you to unwind, lalo na ngayon. Huwag mo munang isipin ang anak kong si Marcus. " Ngumiti ito nang matamis. 
"Pero..." Sa totoo lang parang naguguluhan siya. Bakit bigla-bigla naman yata itong nag-offer nang gano'n? Kung makasalita rin ito, para bang walang nangyari sa opisina ni Marcus noong isang araw. 
"Huwag ka nang tumanggi Reeze. Isa pa, hindi ka na naman talaga makakatanggi. Bukas na bukas din, ipapasundo kita rito sa apartment mo. Someone will bring you to El Mara, so you better pack your things tonight." Agad itong tumayo na para bang wala lang ang sinabi nito sa kanya. Napatayo na din siya. 
"T-teka lang Madam, para kasing--" 
Tinaasan siya nito ng kilay. "Reeze, may dadaanan pa 'ko kaya wala na akong oras makipag-usap sayo. Basta pinuntahan lang kita para sabihin ang tungkol dito." Hindi na siya nito muling nilingon. Diretso lang itong tinungo ang pintuan. 
"Madam..." Pero hindi na siya nito pinansin. Wala siyang nagawa kung hindi tanawin ito habang sumasakay ng kotse. 
"Hay, bakit ba ang mag-inang 'yon, basta na lang ginagawa kung anong maisipan nila?" 
******** 
MAAGANG dumating ang sundo niya. Nagpakilala ang driver bilang si Ando, ang taong ipinadala ni Madam. Mabuti at maaga rin siyang nagising. Kagabi pa lang naman kasi'y nakaempake na siya. Naisip niyang makakabuti na rin siguro sa kanya ang mag-relax. Nag-research na rin siya online tungkol sa El Mara at mukhang maganda nga talaga roon. She felt excited. 
Naka-light yellow sundress siya ngayon na tinernuhan niya ng kulay dilaw ring sandals. She just brought some clothes, and decided to bring her laptop as well. 
Ilang oras din ang ibinyahe nila bago nakarating sa Subic. Sa entrance pa lang ng El Mara ay talaga namang napamangha na siya. She has already seen some of its pictures online, pero iba pa rin talaga kapag naroon na sa mismong lugar. May mini-garden siyang nakita sa gilid. Well-groomed iyon at may maliliit na gnome carvings pang naka-display roon. They were designed the way na hindi naman nakakailang tingnan para sa isang beach resort. 
Dumeretso agad siya sa front desk para i-confirm ang magiging kwarto niya. Madali namang ibinigay sa kanya ang key card nang banggitin niya ang kanyang pangalan. Obviously, talagang ipina-arrange na ni Madam ang lahat para sa pag stay niya roon. 
Nginitian niya ang babaeng staff sabay bukas ng kanyang shoulder bag. Hinanap niya ang kanyang cellphone. Kailangan niyang tawagan si Mildred para ipaalam na naroon na nga siya. May napansin siyang isang lalaking lumapit sa front desk pero hindi na niya ito nilingon. Narinig lang niyang nagsalita ang isa pang staff na siyang nag-abot ng key card dito. 
"Thank you." Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. That deep voice... para siyang nakiliti roon. Napalingon siya sa lalaking naka-sunglasses. Her eyes widened when she saw that familiar face. It was Marcus! 
"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong niya sa binata. 
"Hindi ba obvious? I'm here to relax," he answered casually. 
Sinipat niya ito. Nakasuot ito ng khaki shorts at polo shirt. And she hates to admit that he was so cool-looking in that outfit-and still handsome. 
When he removed his sunglasses, she saw his eyes gleamed. Kumabog ang dibdib niya. Para siyang nakakita ng multo 
na nakapagpaawang sa mga labi niya-pero hindi nang dahil sa takot. 
"Didn't expect to see you here..." He smirked. 

Hindi siya nakaimik. Napabuga lang siya ng hangin. 
Argh lang ha! Ang Madam Mildred na 'yon, mukhang sinadya ang lahat. And the fact that Marcus didn't get surprised, 
makes her think that there's something going on here. 

Ano namang pakulo ng mag-inang 'to? *** 
"SINUNDAN mo ba 'ko dito para lang inisin?" Tinaasan niya ng kilay si Marcus. At hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa ekspresyong nakabalatay sa mukha nito. He was just staring at her, with a teasing smile on his lips-ready to annoy her again. 
She exhaled. Ngayon pa lang ay naiinis na siya sa nangyayari at mangyayari. Kaya nga siya pumayag na pumunta rito ay para makalimutan sandali si Marcus. Pero anong ibig sabihin nito? 
Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata. Inirapan lang niya ito sabay talikod. Bitbit ang sariling gamit, lumayo na siya sa lobby para puntahan ang magiging kwarto niya. Una na siyang tumanggi na kumuha ng assistance sa kahit na sinong staff. Malinaw naman ang directions na ibinigay sa kanya ng babaeng nasa front desk kanina. Isa pa'y mas gusto niyang siya na mismo ang magdala ng kanyang malaking tote bag at handbag. 
Dumeretso siya sa white stairs na nasa gilid. Sa second floor ng main wing na iyon nakapuwesto ang deluxe rooms. Hindi naman siya nahirapan sa pag-akyat dahil hindi iyon gaanong mataas. Nairita lang siya nang mapansing nakasunod
 sa kanya si Marcus. Napalingon siya rito. "Huwag mong sabihin na susundan mo 'ko hanggang sa kwarto ko?" 
Hindi ito umimik. Kampanteng-kampante lang itong umaakyat ng hagdan na para bang wala siya sa paligid nito. 
So iisnab-in lang niya 'ko ngayon? 
Muli na lang niya itong inismiran. At sa pagkakataong iyon, inunahan na siya ng binata sa pag-akyat. 
"Tsk! Ni hindi man lang nag-alok ng tulong. Wala namang bitbit na gamit," nakangusong bumulong siya sa sarili. Pero mukhang hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Marcus. Halos matigagal siya nang sa pag-angat niya ng mukha'y bigla itong humarap sa kanya. Kamuntikan na tuloy siyang mabangga sa katawan nito. "B-bakit ba bigla-bigla ka na lang humaharap?" She stepped back immediately. 
Marcus crossed his arms and instantly heaved a deep sigh. His sigh!-She felt her body shivered a bit when she heard it-and felt it. Bakit ba sa lahat na lang ng ginagawa ni Marcus ngayon, basta na lang nagre-react ang katawan niya? Malapit na yata siyang mapraning sa bilis ng heartbeat niya. Gano'n ba talaga katindi ang pagka-miss niya rito? Parang unfair naman yata! 
"Ano namang tingin 'yan?" Pinilit na lang niyang ibalik ang confidence niya. 
"Are you complaining for carrying those stuffs?" Bumaling pa ito sa mga bag na dala niya. And he wasn't changing his expression. Tipid pa rin ang ngiti nitong hindi niya malaman kung iniinsulto ba siya o ano. Both of his eyes seemed so controlled in a way she couldn't read his thoughts-or what he's really thinking by now. "Bakit hindi ka humingi ng assistance?" 
"Eh sa kaya ko namang dalhin 'to eh." 
He smirked and leaned his face forward. "Iyon naman pala eh!" 
Naumid niya ang kanyang dila. Oh yeah, para siyang nagisa sa sarili niyang mantika. Tinalikuran siya ni Marcus at inunahan muli sa pag-akyat. 
Kainis! Makakaganti rin ako sayong lalaki ka, maghintay ka lang! piping banta niya sa isip. 
Agad na rin siyang dumeretso sa taas. Isang mahaba at malawak na hallway ang bumungad sa kanya roon. Sinipat lang niya ang mga room numbers doon saka huminto sa fourteenth door. Napalingon siyang muli kay Marcus. "Talagang magkatapat pa tayo ng kwarto ha?" 
Pero hindi na naman siya pinansin nito. Pagkabukas nito ng pinto'y agad na rin itong pumasok sa loob. Ngunit bago pa 
man ito tuluyang isinara ng binata ay sumulyap muna ito sa kanya. "Enjoy your stay here," he said in a low voice. 
Naningkit ang mga mata niya. Gusto pa sana niya itong sagutin pero pinagsarhan na siya nito ng pinto. Ngayon pa lang ay gusto na niyang magwala. Padabog siyang pumasok sa loob ng silid at ibinagsak ang mga gamit sa kama. Sinubukan niyang tawagan si Mildred, pero out-of-reach ito palagi. Mukhang pinagtataguan na siya ng Madam na 'yon. 
Napahugot siya ng malalim na hininga. Wala siyang ideya kung anong binabalak ng mag-ina, pero kung anuman 'yon, hindi siya pwedeng magpadala. Narito na rin naman siya, kaya't sisiguraduhin na lang niyang mage-enjoy siya. 
She looked around. Relaxing ang ambience. Mayroong Queen-sized bed doon, TV, DVD at mini bar. Sinilip na rin niya ang bathroom. Hot and cold shower, bathtub-everything she needed was already there. 
Sunod siyang napasilip sa terrace. Sliding glass door ang naroon. Sa baba'y makikita ang napakalaking pool at sa kabilang banda naman ang garden na pinupuwestuhan ng dalawang aviaries. The resort was actually beachfront, hindi nga lang gaanong kalakihan ang view na nakikita niya mula sa kwartong nakatalaga sa kanya. But still, breathtaking pa rin ang tanawing nakahantad sa paningin niya. 
Bumalik siya sa loob at hinablot ang kanyang handbag. Excited siyang inalabas mula roon ang camera niya-ang camera na iniregalo sa kanya ni Marcus noon. Binabalak niya itong gamitin ngayon sa pamamasyal niya. Kinuha rin niya ang pouch na dadalhin paglabas niya mamaya. Then something dropped in the bed. 
The memory card. 
Dinampot niya iyon at sinipat. Naalala niya ang tanong sa kanya ni Marcus noon na kung hindi man lang ba niya ito sinilip?-Wala na bang ibang masagot ang lalaking iyon kaya idinahilan na lang nito bigla ang memory card? She just hissed and put the memory card back inside her bag. Inayos lang niya ang kanyang mga gamit saka siya nagpasyang lumabas bitbit ang pouch na naglalaman ng kanyang wallet, key card, cellphone, at kung anu-ano pa. Nakasabit na rin sa
 leeg niya ang camera. Malapit nang maghapon kaya't susulitin na niya ang oras para kumuha ng mga litrato. Baka maghanap na rin siya ng makakainan sa labas. 
Napasimangot siya nang paglabas ng kwarto'y nakasalubong niya si Marcus. Tulad niya'y mukhang may balak din itong bumaba. 
"Talagang tsinempuhan mo ang paglabas ko ha?" 
"Tsinempuhan? Hindi ba pwedeng nagkataon lang?" Gumilid na naman ang ngiti nito sa mga labi. Nahihiwagaan na talaga siya sa mga ipinapakita ni Marcus. Alam niyang mahal siya nito, pero pinakawalan naman siya. He never asked for her forgiveness, but instead, he followed her in this resort. 
Hindi na siya nakatiis pa kaya't nilapitan niya ang binata at matapang na hinarap ito. "Ano ba talagang nasa isip mo Marcus? Ninyo ng nanay mo? Naguguluhan na 'ko eh." 
Lumapad ang ngiti nito. And that smile again! Suddenly, he lowered his head beside her right ear. He whispered. "You're thinking too much Reeze. If I were you, I'll just enjoy this day." 
Napatulala siya. His voice was deep and his tone was so inviting. Nagwawala na naman ang puso niya. Konti na lang at masasampal ulit niya si Marcus. Paano nito nagagawang galitin at akitin siya nang sabay? 
"You quivered..." mahinang panunukso nito. Marcus left a trail of sweet scent as he raised his head. She gasped. For a second, she forgot her anger towards him. Kung ano man ang ginagawa ni Marcus ngayon sa kanya, hindi 'yon nakakatuwa. Napapalambot na naman siya nito nang hindi oras. Damn him! 
"Of course not!" She cleared her throat and looked away. 
"If you say so." Nagkibit-balikat lang ito saka nagpatiuna na sa paglakad sa hallway. Umuna na rin ito sa pagbaba sa hagdan. 
At noon lang siya natauhan. 
Yeah, he caught her again. Pero hindi talaga siya magpapatalo nang basta rito. Nakakarami na ito sa kanya. Pagbaba ng hagdanan, naabutan pa niyang nakatayo lang doon si Marcus at kunwaring tumitingin-tingin sa mga paintings na naka display sa lobby. Pero inismiran lang niya ito. She conditioned herself. Magpo-focus na lang siya sa pamamasyal. After all, iyon naman talaga ang ipinunta niya rito. 
******** 
PASIMPLENG sinundan ni Marcus si Reeze. Papunta ito sa garden kung nasaan ang dalawang malalaking aviaries. Naaliw siyang panoorin ang dalaga habang abala ito sa pagkuha ng iba't ibang larawan. Una siyempre nitong kinunan ang mga ibong nasa loob ng kulungang iyon. 
Sa tuwing naaalala niya kung makailang-beses itong napikon sa kanya'y napapangiti siya. Apparently, sinasadya niya ang lahat. He enjoyed watching her candid expression everytime he tries to annoy her. And he can't deny the fact that her nervous reaction to his teasing acts turns him on-badly. He wanted to see more of it...while he caresses her soft skin, and while he's kissing her luscious lips. 
Hay, hanggang kelan ba ako dapat magpigil sayo Reeze? Konti na lang talaga at mababaliw na siya rito. Kung hindi lang talaga dahil sa may hinihintay pa siyang mangyari... 
Sobrang excited na siya sa binabalak niyang gawin. Pero isang bagay ang kanya pang hinihintay-ang umamin sa kanya si Reeze. He already knew she's in love with him. Pero importante sa kanyang marinig ang bagay na 'yon mula sa bibig mismo ng babaeng mahal niya. Gusto niyang marinig na sabihin nitong wala na itong takot na magmahal...na handa na itong tanggapin siya nang buo sa buhay nito. 
Once she admits it, he'll do the thing he'd been wishing for a long time. Marry her! 
Iyon ang bagay na kanyang tiniyak sa sarili noong gabing pinag-isipan niya ang lahat. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang pakasalan si Reeze, at makasama ito habang buhay. He wanted to own her...completely! 
He sighed. Sa nakikita niya ngayon, mukhang mahihirapan siyang paaminin ito. Pero bahala na! The Plan B should work whatever happens. Hinding-hindi siya aalis ng El Mara nang hindi napapasagot ang babaeng ito sa marriage proposal na inihanda niyang gawin. At kung kinakailangan niyang magsagawa pa ng Plan C, talagang gagawin niya. 
He'll have Reeze no matter what! 
******** 
ANG GANDA lang ng ngiti ni Reeze habang iniikot ang camera sa paligid nang mahagip ng kanyang paningin si Marcus na nakatayo sa tapat ng isang aviary. Napasimangot siya. 
"Talagang balak niya akong i-stalk sa mismong resort nila?" sarkastikong bulong niyang iniling-iling na lang ang ulo. Hindi na lang niya ito papansinin. Mukhang nage-enjoy pa kasi ito sa tuwing magtataray siya. Better not give him what he wants! Manigas siya sa kasusunod! 
Sunod siyang pumunta sa pool area. She just took few shots. Alam niyang nakasunod pa rin sa kanya si Marcus pero deadma lang siya rito. Maya-maya rin ay nakaramdam na siya ng gutom. Buti na lang at may malapit na mini-restaurant
 doon. And they were serving Filipino cuisine. Hindi niya feel kumain ng kanin ngayon kaya nagtiyaga na lang muna siya sa special palabok na offer nila, na sinamahan pa niya ng icy cold lemon juice. Self-service d'on kaya naman nang makuha ang order ay saka pa lang siya naghanap ng mauupuan. Open naman ang kainan kaya't kahit saang parte'y 
siguradong makakalanghap ng sariwang hangin. Umupo siya sa isang bakanteng lamesa malapit sa dulo. Nasisilip pa 
niya mula sa pwestong iyon ang garden na pinanggalingan niya kanina. 
Susubo na sana siya nang mapahinto sa boses na narinig mula sa kanyang likuran. 
"Can I sit here?" Nakangiti nang matamis si Marcus sa kanya na saglit lang niyang sinulyapan. 
Luminga-linga siya sa paligid. "Ang daming bakanteng pwesto ah..." mataray niyang sagot na hindi na ito tiningnan. 
Marcus didn't answer. Dumeretso lang ito ng upo sa tapat niya. 
Inangilan niya ito. "Nananadya ka ba talaga?" 
"Why?" Sa pagkain na nakatuon ang pansin nito. 

"Nakiupo ka pa talaga sa pwesto ko, pati pagkain na inorder ko ginaya mo? Anong trip 'yan?" 
Nanatili ang kampanteng ngiti sa mga labi nito. "You're overreacting! Masama bang umorder ng pagkain na isa sa mga 
paborito ko dito?" 

She just rolled her eyes and didn't answer back. 
"Try it. Masarap ang palabok nila dito." 
"Pwede bang huwag mo na lang akong kausapin? Nakakawalang gana eh." 
Marcus heaved a sigh and looked at her in a charming way. "This face, nakakawalang gana?" 
Sandali siyang napatda. Pero madali rin niyang inalog ang utak niya para matauhan sa nangyayari. Hindi na siya 

pwedeng magpadala sa mga ginagawa ni Marcus. She confidently answered. "Oo." 

Ngumiti lang ito saka ibinaling muli ang pansin sa pagkain. Ilang minuto din silang natahimik bago muling nagsalita si 
Marcus. "Did you enjoy the aviary...the garden?" 
"Enjoy sana kung wala ka d'on kanina." 
He chuckled. "Happy with that cam?" 
Nag-iwas siya ng tingin at hindi sumagot. Yeah, she's totally happy. Pero siyempre, 'di niya aaminin 'yon. 
"You know what...those birds, if they can only speak, they might say what they truly feel. They don't have to hide their 

thoughts...their feelings." Makahulugan itong tumingin sa kanya. 
Napakunot-noo siya. "Ang weird mo!" 
Ito naman ang nangunot ang noo. "No, it's you. Hindi mo ba na-gets kung anong ibig kong sabihin?" 
"Bakit ba naman kasi bigla kang nagkaro'n ng concern sa ibon? Tsk! You're saying strange things." Napailing na lang 

siya. 
Pasimple namang napabuga ng hangin si Marcus. Sa isip-isip ng binata'y malapit na itong maubusan ng pasensya kay 
Reeze. 

Hindi ko alam kung nagkukunwari ka lang o manhid ka lang talaga? Hay Reeze, atat na atat na 'kong mag-propose sayo! 
 Marcus yelled inside his mind. 
******** 
MATAPOS kumain, bumili naman si Reeze ng strawberry shake bilang refresher. Pabalik na rin siya sa room niya. 

Pasimple pa siyang lumingon sa likuran niya, pero hindi na niya nakita si Marcus. 
"Saan naman kaya nagpunta 'yon?" She just shrugged her shoulders and went straightly to the lobby. Sa cellphone 
nakatuon ang pansin niya. She was busy checking her facebook, kaya naman hindi niya agad napansin ang isang lalaki 

sa kanyang harapan. Nabangga siya rito. Hindi rin niya nakitang bahagya na palang nakaangat ang lid ng plastic cup na 
hawak niya, kaya naman hindi inaasahang tumapon ang laman nitong shake sa braso ng lalaki. 
"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya." 
"N-no. It's okay, it's okay." Ngiming napangiti ang gwapong lalaking pinaliguan yata ng muscles ang katawan. 
Nahiya naman siya kaya dali-dali niyang inilapag ang mga gamit na bitbit sa couch na naroon. Mabilis din siyang 

kumuha ng tissue. Nang mag-angat siyang muli ng ulo, namataan niya si Marcus na papasok sa lobby at halatang may 
hinahanap-na walang iba kung hindi siya. 
Awtomatikong gumana ang kamalditahan niya. It's now her turn to annoy him... 

******** 
KUNG hindi lang dahil sa na-corner siya ng manager ng resort kaninang palabas siya ng resto na kinainan nila, 
nasundan sana niya kaagad si Reeze. Natagalan lang siya nang kaunti dahil may itinanong pa ito sa kanyang hindi 
naman gaanong ka-importanteng bagay. Oo nga't pagmamay-ari nila ang resort na ito, pero hindi ibig sabihin ay 
kailangan na siyang ma-involve sa management dito. 

Buti na lang at nakapag-dahilan siya kaya't natakasan din niya ito agad. Dumeretso siya sa lobby. Saglit pa niyang nilibot ng tingin ang paligid bago niya nahagilap si Reeze-na nakatayong malapit sa couch, at abala sa pagpupunas sa braso ng isang...well, maskulado at gwapong lalaki. 
Naningkit ang mga mata niya. 
Ang tamis ng ngiti ni Reeze at para bang nangingislap pa ang mga mata nito habang kausap ang lalaking 'yon. 
Nakakapang-init ng ulo! 
Hinintay niyang matapos ang dalaga sa ginagawa pero mukhang mas tumatagal pa ang usapan nila. And they were 

actually laughing at each other right now. Close sila? Hindi na siya nakatiis. Pasimple niyang tinungo ang isang mahabang couch na malapit sa dalawa. It was facing on the other side, kaya naman maluwag sa kanya ang umupo roon nang hindi siya mahahalata ng mga ito. 
Pasimple siyang nakinig sa usapan ng dalawa. 
"If you don't have any plans tonight, nasa bar lang ako. I can wait for you there or pwede kitang sunduin." Malambing 
ang himig na iyon ng lalaking parang DJ sa radyo ang dating ng boses. He felt irritated. 
"Sure!" Reeze answered gleefully. "I'm free tonight." 
Nangunot ang noo niya. Nananadya ba si Reeze? The way she say those words seemed to him that she was flirting with 

that guy. 
"So, sunduin na lang ba kita sa room mo?" 

"Ahm, mas maganda kung magkita na lang tayo dito sa lobby." 
"Sounds good. Around ten?" 
"Yeah, that's fine." 
"So pa'no, mauna na 'ko. Nice meeting you Reeze." 
"Nice meeting you too, Paul. Sorry ulit sa nangyari ha. Bye." 
Nang mapansing nakaalis na ang lalaki ay madali siyang tumayo at tiim-bagang na humarap kay Reeze. "Paul, huh? At 

talagang nakuha mo pang makipag-flirt sa ibang lalaki?" 
Reeze didn't answer. Inirapan lang siya nito sabay dampot ng mga gamit at walang sabi-sabing iniwanan siya nito. 
Napaawang ang mga labi niya. Iniinis ba siya nito? Nagmamadaling sinundan niya ito hanggang sa hagdanan paakyat sa

 taas. 
"Alam kong sinadya mo lang 'yon. You might have seen me coming..." 
"Wala akong alam sa sinasabi mo," pabalewalang sagot nito. 
Nakaramdam na siya ng inis. But he kept his composure. He's sure everything happened earlier was just a part of her 

act. Hindi lang talaga niya maiwasang mairita-at magselos. Ngayon lang niya nakitang may kausap si Reeze na ibang 
lalaki-na sa gano'ng paraan, and he can't bear it! 
Tumigil sila sa tapat ng kwarto ni Reeze. 

"You're not going out with that man!" mariing utos niya rito. 
Humarap ito sa kanya at tiningnan siya nang matalim. "Sino ka ba para manduhan ako? Boyfriend ba kita? Pinutol mo 
na nga ang relasyon natin 'di ba? Kaya wala kang pakialam kung makipag-date man ako sa iba!" Binuksan nito ang 
pinto at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Mabilis niyang iniharang ang kanyang palad, at sinundan si Reeze sa loob. 

He closed the door. 
"Hoy Marcus, wala kang karapatang pumasok sa kwarto ko. Pwede ba lumabas ka na?!" singhal ni Reeze sa kanya. 
He looked at her in a meaningful way. "Ayoko nga. You're not going out of this room, at mas lalong hindi ka sasama sa 

Paul na 'yon." He walked closer to her. 

Napapaatras naman si Reeze sa may gilid ng kama. "B-bakit ganyan ka makatingin? I'm warning you. Sisigaw ako 
kapag hindi ka lumabas ng kwarto ko." 
"Eh 'di sumigaw ka. Kahit naman gawin mo 'yon, walang makakapagpalabas sa 'kin dito." 
"Marcus..." She gasped. 
He was just few steps away from Reeze. At talaga namang nage-enjoy siya sa nakikitang reaksyon nito. "Nervous?" 

Makahulugan siyang ngumiti dito. 
Hindi ito nakaimik. Napaiwas lang ito ng tingin sa kanya. For the next second, he grabbed her wrist and embraced her. 
Muli itong napasinghap na siyang napatitig sa kanyang mga mata. Those eyes...they were really beautiful. 

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. Lumalim din ang kanyang mga mata. "You don't know how much I've missed you," he whispered under his warm breath. "And you don't have any idea how much I wanted to feel you again in my arms." 
Tahimik lang si Reeze na nakatitig sa kanya. 
Napalunok siya nang mapadako ang tingin sa mga labi nito. Kanina pa siya gigil na mahagkan iyon. "Kung alam mo lang Reeze..." He lowered his mouth to hers. Muli niyang dinama ang malambot na mga labi ng babaeng ito-ang babaeng tanging mahal niya...Ang babaeng hindi niya kayang mawala sa buhay niya. 
And the only woman he wants to marry... 
*** REEZE felt it again...That same feeling. She must admit, sobrang na-miss niya ang halik ni Marcus. Kung pwede nga lang ay lumuha pa siya sa sobrang kagalakan. Ilang araw pa lang ang lumilipas pero sobrang tindi na nang naging pangungulila niya sa lalaking ito-ang lalaking inakala niyang tuluyan nang nagtaboy sa kanya. 
Still painful-those words she heard from Marcus that cold morning. She can still recall his callous tone when he gave the memory card back to her. But now, in an instant, her heartache has been vanished by his warm and longing kiss. Wala siyang ibang gustong mangyari ngayon kung hindi ang maramdaman muli ang pagmamahal ng lalaking ito.
 Muli siyang tinitigan ni Marcus nang kumalas ito sa kanya. Malalim ang mga mata nitong parang sinasabing siya lang ang tanging babaeng nais nitong makasama habang buhay. At siya rin naman! Ito lang ang una't huling lalaking aasamin
 niyang makapiling hanggang sa pagtanda. 
Umawang ang mga labi niya. Pero hindi naman niya alam kung ano ang dapat na sabihin. 
"I've missed you so much, Reeze-so much..." Puno ng pananabik ang himig ni Marcus na muli na namang kinintalan ng halik ang kanyang mga labi. They kissed and stared at each other...and kissed again.
 Marcus started to tease her by licking the corners of her plump lips...until she was induced to open her mouth wide. She
 welcomed his tongue inside her mouth and tasted the sweetness of him. Hindi na sila nagpaawat sa pagkakataong ito. Mas lumalim ang naging paghalik nila sa isa't isa. Napakapit na si Reeze sa batok ng binata. Her hands went up and brushed his hair using her fingers...and then went down to caress his broad shoulders.
 Humaplos ang mga palad ni Marcus sa kanyang likod. She could feel the warmth of his hands. And she also did the same thing to him. 
Minutes passed and they found themselves craving for more... 
Marahang hinila ng binata ang strap ng damit na nakatali sa kanyang batok. Sunod na dumapo ang isang kamay nito sa gilid ng kanyang ulo, pagapang sa kaliwang tainga niya. His thumb, together with his index finger, gave her earlobe a gentle pinch. His lips brushed towards the side of her mouth, stroked the side of her face, and then rested over her right ear. He nibbled her earlobe, causing her to moan unexpectedly. 
"Marcus..." That sweet muttering of hers kindled Marcus to do more. 
Of all the men she slept with before, si Marcus lang ang tanging nakapagparamdam sa kanya nang kakat'wang kiliting iyon. Of course, she would never ask for any other man to do that thing to her. 
It should only be Marcus. Just him.
 Sunod na gumapang ang mga labi nito sa kanyang leeg. Napasinghap siya. Awtomatikong napahawak muli ang isang kamay niya sa batok nito. He then kissed her neck on the other side, felt his one hand cupped her breast-causing her to wiggle a bit. Hanggang sa naramdaman niyang bumaba na ang mga labi nito sa kanyang dibdib. He was showering the upper part of her breasts with small kisses. And slowly, her body surrenders into a deep wave of pleasure-given by the man she loves the most.
 Muli nitong hinagkan ang kanyang mga labi, hanggang sa naramdaman niyang tuluyan na nitong ibinaba ang bestidang suot niya. He also took off his shirt. They kissed again, in a way like they haven't done it for a very long time. 
Marcus then unhooked her strapless bra and let it fall slowly to the floor. He lightly grabbed her left breast and started to suckle on the other one. She moaned as he flicked her taut nipple with his tongue. Unti-unti'y naging blangko ang kanyang isipan. Nalulunod na siya sa sensasyong gumagapang sa bawat sulok ng kanyang katawan. She can feel Marcus' love towards her-it was pure...and heartening. 
 Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Dahan-dahan ding iginigiya ni Marcus ang kanyang katawan pahiga sa malambot na kama. She was pressing his body against hers, as she badly wanted to feel his fullness. The lad, on the other hand, kissed her neck again, her breasts, and then licked her belly next. Dinampian pa nito ng mainit na halik ang palibot ng kanyang pusod.
 Reeze gasped again when she felt his fingers caressed her inner thighs. A soft groan escaped from her mouth as he kissed her through the silk of her underwear.
 "Marcus..." she whimpered.
 Nag-angat si Marcus ng ulo upang silipin ang reaksyon ng kanyang mukha. Though her eyes remained closed, her wincing face revealed her intensified desire-desire to be loved again by him.
 "Reeze," he whispered, yearning to feel her again. Saglit siyang nagmulat upang salubungin ang mga mata nito. But they didn't talk to each other. Their eyes spoke on their behalf. And they can only comprehend one thing-they've longed for each other and they wanted to be united again.
 He didn't make her wait too long. He pulled off her pale yellow underwear and threw it aside-He kissed her again. Her body flinched as he gradually moved his tongue over her core. Napapakagat-labi na si Reeze. Humihigpit na rin ang pagkakakapit niya sa buhok ni Marcus. She was hardly pressing the back of his head when something exploded inside her. She wailed in a great pleasure. It was simply incomparable.
 Now she wants him-Her body was now asking for him!
 For the next second, she helped him remove his shorts and boxers. Sa pagkakataong ito'y ganap nang pumaibabaw si Marcus sa kanya. She moaned, as she felt his hardness entered her. She was welcoming him, in full sweetness and devotion. They were exchanging groans, and both of them were racing against their warm breaths. It was evident, how much love they feel for each other. 
Kinintalan ni Marcus ng mumunting halik ang kanyang mga labi, ang kanyang pisngi, at ang isa niyang tainga. He whispered. "I love you Reeze, and nothing can change that."
 "I-love you too..."
 They were getting deeper...and deeper-until both of them reached its end. Long gasps can be heard from both of them. Marcus smiled, not because of the satisfaction he had from the love they have made-but he was satisfied, to finally hear those words from this woman.
 Pabagsak na nahiga ang binata sa tabi ni Reeze. They were both panting while staring at the ceiling. Matagal-tagal din bago may nagsalita sa kanilang dalawa.
 "Happy?" Marcus asked.
 Hindi siya sumagot. Isang kontentong ngiti lang ang sumilay sa kanyang mga labi.
 "I'm happy, you finally said it." Tumagilid ito sa kanya at tinakpan ng kumot ang kanyang kahubdan. Maliwanag ang mga mata nitong bakas ang kasiyahan sa mukha. Pero bakit parang bigla siyang nakaramdam ng pag-aalinlangan? Buo ang loob niya kanina nang masabi niyang mahal din niya si Marcus. Pero bakit ngayo'y parang hindi niya matanggap sa sariling nailabas niya ang mga gano'ng salita?
 Kumunot ang noo ng binata. "Why is your face like that?"
 "Nothing." 
 "Reeze..."
 Umiling lang siya. Hindi siya makatingin ng diretso rito.
 "Tumingin ka nga sa mga mata ko," maawtoridad na utos nitong ipinihit ang kanyang mukha paharap dito. Pero hindi siya makasagot. Ngimi siyang umiwas ng tingin saka bumangon. 
Umupo na rin si Marcus sa kama at humarap sa kanya. "Don't tell me hindi ka pa sigurado sa sinabi mo kanina?" Malalim ang boses nitong parang nag-aalala pa sa magiging sagot niya.
 Napalunok siya. Hindi niya alam kung sa paanong paraan siya magsasalita. All of sudden, nagulo ang isip niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagdududa. At muli na namang namayani ang takot. Lahat ay bumalik sa kanyang alaala: ang mga nangyari sa mga kamag-anak niyang lumuha nang dahil sa pag-iwan ng mga lalaki sa buhay nila; ang nangyari sa kanila ng Ate Erine niya; at ang umagang narinig niya ang masasakit na salita mula kay Marcus.
 Sa puntong iyon ay natanong niya ang kanyang sarili, paano kung panandalian lang ang lahat nang ito? Paano kung dumating din ang araw na may mangyari at magkahiwalay sila ni Marcus?
 She closed her eyes tightly. Tahimik ang paligid. She can only hear Marcus' sighs. He was disappointed.
 Maya-maya lang ay naramdaman niyang tumayo ito. Alam niyang dinampot lang nito ang mga damit saka madaling nagbihis. Her eyes were still shut when Marcus quietly left her room. Saka lang siya naglakas-loob na magmulat ng mga
 mata. Instantly, she covered her pale face with both hands. She wanted to cry. Naguguluhan talaga ang damdamin niya ngayon. At nahihirapan siya sa nangyaring ito. Malinaw na malinaw na sinaktan lang niya si Marcus.
 Nang ibagsak niya ang mga kamay sa kanyang binti'y saka lang tuluyang tumulo ang mga luha niya. Bakit ba biglang nagbago ang nararamdaman niya? Dati nama'y handa na siyang umamin. Takot pa rin ba siya hanggang ngayon?
 Confusion was ruling her head when she suddenly remembered something. Madali niyang inilapag ang laptop sa kama at inilabas ang memory card mula sa bag niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla'y may nag-udyok sa kanyang tingnan ang laman niyon. Para kasing ngayon lang nagkaroon ng kahulugan ang mga sinabi noon sa kanya ni Marcus. 
She turned it on and immediately inserted the memory card into the slot. She opened the file and played the video. Napakunot-noo siya. Hindi pa rin ito ang video nang nangyari sa kanila sa hotel. Flashed in the monitor, was Marcus' office. Ilang segundo pang lumipas at tumutok iyon sa mukha ng binata. Nakaupo ito sa swivel chair, seryoso ang mukha. Kung hindi siya nagkakamali, ito 'yong gabing nanggaling sila sa wedding anniversary party ng mag-asawang Villadolid. It also seemed like he was holding a video camera and that's what he positioned over his desk.
 He cleared his throat before he spoke. "By the time you're watching this, wala ka na siguro sa condo ko. This isn't some
 kind of a trick like the first video you got from me. This is something important I want to tell you." Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Obviously, I was shocked from what I learned. Iyong tipong gusto kong kamuhian ang sarili ko nang dahil sa nagawa ko sa inyong magkapatid. Pinahirapan ko si Catherine at sinaktan naman kita. But the worst thing is that, I let both of you love me...and let myself love you both. I feel so stupid..."
 Napayuko ito. Ilang saglit din itong umiwas sa camera. Naidampi niya ang mga daliri sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan si Marcus. Gustong mangilid ng mga luha nito, pero halatang pinipigilan lang nito ang sariling damdamin. Para tuloy siyang hindi makahinga sa nakikitang paghihirap na nakabakas sa mukha nito.
 Muli itong nag-angat ng tingin saka napalabi. "Naisip kong lumayo, para hindi na magkaroon ng tensyon. Gusto kong irespeto ang nararamdaman n'yong magkapatid. At hindi tama na makisama ako sa isa, gayong alam kong may magdudusa na iba. Pero...hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sa tabi ko ang babaeng mahal ko. I might be the worst
 guy in the world, but I'm just a man who simply fell in love with someone." 
 "And that's you Reeze...Just you."
 She pressed her lips when she heard him say those words...and her name. It was sincere. At naramdaman talaga niya ang pagmamahal sa kanya ni Marcus. Muli siyang napaluha. 
Ngumiti si Marcus. It was a truthful smile. "And there's one important thing I have to tell you. Hindi ko alam kung magagalit ka ba sa 'kin sa oras na malaman mo ito. But you have to know this." Sandali itong nanahimik bago nagpatuloy. "The truth is, there wasn't any video...at all. Noong gabing may nangyari sa 'tin sa hotel room, wala talagang
 nakunang video."
 Napakunot-noo siya. Anong sinasabi ni Marcus?
 "At first, akala ko talaga, isang malaking threat ang naka-save sa memory card na 'yon. I kept it. Pero n'ong minsang sinilip ko ang file, walang naka-save na kahit ano roon. It was empty, and I actually tricked you. Pinaniwala pa rin kita sa video na 'yon."
 Bumagsak ang magkabilang balikat niya. She was surprised to hear what he just said.
 "But still, I played with you. I don't know why, pero umpisa pa lang, naramdaman ko nang ikaw ang babaeng hindi ko dapat pakawalan." He snorted. "Pwede kang magalit sa 'kin, pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong 'yon."
 "Lokong 'to!" mangiyak-ngiyak na wika niya habang nakatuon pa rin ang pansin sa video.
 "But I realized, I can no longer keep you like this. I need to let you go-let you go of the deal we've made. But there's one thing I want to ask you." He paused. "Despite of what you've learned, will you still accept me? Will you still love me?"
 Those were the final words she heard, which turned out to be the biggest questions she'll have to answer. It should have been answered before, if she only tried to check this video earlier. 
Pero hindi na importante 'yon. Ang mahalaga, nalinawan na siya sa lahat. Dali-dali siyang tumayo at nagbihis. Lumabas
 siya ng kwarto at sinubukang katukin ang pinto ng silid ni Marcus. Pero mukhang wala ang binata sa loob. Halos takbuhin niya ang hallway hanggang sa pababa ng hagdanan. Hinanap niya agad si Marcus. Agad niyang nilapitan ang isang staff upang magtanong. Swerte namang nalaman niya ditong nagtungo raw ang binata sa may beach.
 Gabi na pero maliwanag pa rin naman ang paligid. Mas maraming guests ang nasa labas at nagsasaya. Nang makarating
 sa beach ay madali niyang hinanap si Marcus. Hanggang sa namataan niya ito sa di kalayuan, nakatayong nakaharap sa dagat. 
Halos paliparin na niya ang kanyang mga paa, malapitan lang ito kaagad. Wala pa siyang sinasabi'y hindi na niya napigilang mapaiyak. Paano at saan ba naman kasi siya magsisimula? Sa paghingi ng tawad? Sa panunumbat dito? Sa pag-amin?
 Gusto na niyang mabaliw sa kinatatayuan niya ngayon. Pero hindi na siya nag-isip pa ng magandang ibubungad. "Hoy Marcus!" galit siyang sumigaw dito, na siya namang lumingon sa kanya kaagad.
 "Sira-ulo ka talaga ano?!" pahikbi-hikbing singhal niya rito. Pero hindi ito sumagot. Nakakunot lang ang noo nitong nakatingin sa kanya.
 "'Yong video..."
 Naging payak nang muli ang mukha nitong mukhang naintindihan na ang ibig niyang ipahiwatig. "Napanood mo na?"
 "Paano mo nagawa 'yon?" 
 "I already said that in the video, wala talaga akong ideya kung bakit parang ayaw na kitang mawala sa tabi ko noon. Iyon ang dahilan kung bakit nagsinungaling ako sayo tungkol sa video at-"
 "Hindi 'yon! Bakit kinailangan mo pang mag-record ng video na gano'n? "Humakbang siya palapit dito at mahinang pinaghahampas ito sa dibdib habang sige pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Sobrang sama ng loob na nararamdaman niya ngayon. "Kung gusto mo akong paaminin, hindi ka na dapat gumawa ng gano'ng kalokohan! Hindi mo na 'ko dapat sinaktan!"
 "Masisisi mo ba 'ko? Hindi pa kita kayang harapin n'on, that's why I confessed to you through that video."
 Tinignan niya ito nang matalim. "Loko-loko ka ba? Paano mo naman masisigurado na mapapanood ko nga ang video? 

Hindi mo ba naisip na pwedeng itapon ko na lang basta 'yon ha?"

 Hindi ito nakasagot. Pasimple itong tumingin sa dagat na sa itsura'y parang tinamaan nga ito sa sinabi niya.

 Iritable siyang napabuga ng hangin. "Kinailangan mo pa akong paiyakin? Ang sakit kaya ng ginawa mo sa 'kin!"

 "Bakit kasi ngayon mo lang pinanood ang video?" pabalang na sagot nito sa kanya.

 "At kasalanan ko pa talaga?" Nagtagis ang mga bagang niya. "N'ong umalis ba 'ko sa condo mo, sinabi mo bang 

panoorin ko 'yon?" At muli na naman niyang hinampas si Marcus. But she stopped when he held her wrist and 
embraced her. Napasinghap siya. 

He smiled. "Sorry na. Ang akala ko talaga n'on sisilipin mo ang laman ng memory card eh."

 Hindi siya nakasagot. Dinadama lang niya nang maigi ang init ng yakap nito sa kanya habang tuluyan na niyang 
pinakakawalan ang naghuhumiyaw na pag-iyak ng puso niya. 

"Pero kanina, nasaktan din ako. Ang akala ko, talagang balak mong talikuran ang sinabi mo sa 'kin na mahal mo din 
ako."

 Tanging hikbi lang ang lumabas mula sa bibig niya.

 "So what's your answer to my question?"

 "I'm sorry...I'm really sorry," she sobbed.

 Kunot-noong kumalas si Marcus sa pagkakayakap sa kanya. "Iyan ang sagot mo?"

 Umiling siya. "I'm sorry dahil sandali pa akong naguluhan kanina. Sorry kung natakot na naman ako."

 "So?"

 "Marcus, mahal kita. Mahal na mahal. At hindi na 'ko takot sabihin ang mga salitang 'yon sayo," she genuinely stated. 
Pagkuwa'y nahihiyang napayuko siya. "Pero aaminin ko sayo, nang dahil din sa video na 'yon, natauhan ako."

 Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Marcus. "Iyon naman pala eh. Kailangan pa talaga akong awayin?"

 "Pang-aaway 'yon sa ginawa mong pagpapaiyak sa 'kin noon!" Muli siyang nag-angat ng ulo. 

Marcus chuckled. Saka siya nito tinitigan nang mataman.

 "Ba't ganyan ka makatingin?" angil niya rito. 
 "Wala naman. Natutuwa ako. Dahil sa wakas, ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat, umamin na rin sa 'kin-nang walang pag-aalinlangan."
 Napangiti na rin siya saka pinahid ang mga luha sa pisngi.
 "Pero alam mo, sinira mo na naman ang plano ko." Napapalatak ito. 
"Anong ibig mong sabihin?" She frowned.
 "First, you ignored my Plan A. Now, you messed up with my Plan B."
 Napangiwi siya. "Ano bang Plan A, Plan B ang sinasabi mo diyan?"
 "Pero bakit ko pa nga ba poproblemahin ang mga 'yon, kung pwede ko naman 'tong gawin na ngayon?"
 "H-hindi kita maintindihan..."
 He bit his lower lip and stared at her in a charming way. Maya-maya lang ay may dinukot ito mula sa bulsa ng suot nitong shorts. Seconds passed by and he revealed a diamond ring in front of her. He raised her left hand and looked at her deeply. "Will you be mine forever?"
 She pressed her lips. Para bang tumalon sa tuwa ang puso niya sa nakitang singsing na iyon...at sa tanong ni Marcus. Naumid na yata ang kanyang dila sa sobrang pagkasorpresa kaya isang tango na lang ang kanyang naisagot. 
"So, you will marry me?" he asked in a confident tone.
 Tumaas ang kilay niya. "Tanong ba 'yan o utos?"
 Natawa ito. "Both."
 Hindi na rin niya napigilang mapalapad ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi. "Baliw ka talaga! Ganito ka ba mag-propose ha?"
 He slightly frowned. "Hindi ba romantic ang dating sayo?"
 "Hmm...hindi!" pabirong pagtataray niya rito.
 "Eh paano naman kasi, sinira mo ang Plan B. Mas romantic sana 'yon," halos pabulong nitong sagot.
 "May Pa-Plan B, Plan B ka pang nalalaman diyan! Hindi mo ba isusuot sa 'kin 'yan?" asik niya rito na sa singsing nakatingin.
 "Oo nga pala." Saka lang nito sinuot ang singsing sa kanyang daliri na ikinatawa lang nilang dalawa. "I love you Reeze."
 She smiled. "I love you too." 
Marcus lowered his head, and gently kissed her lips. They shared a blissful feeling-a feeling that only their hearts, can truly understand...
 ********
 MEDYO tensed si Reeze habang patungo sa garden na nasa likod ng kanilang bahay. Naroon ang mama niya at 
kasalukuyang naga-almusal. Talagang sinadya niya ito ngayon para ibalita ang tungkol sa pagpapakasal niya. Isasama dapat niya si Marcus, pero naisip niyang mas magandang makausap muna niya ang kanyang ina.
 As usual, seryoso pa rin ang mukha nito. She cleared her throat before she tried to utter a word, pero inunahan na siya ng mama niya.
 "Anong kailangan mo?"
 "May importante lang po sana akong sasabihin...kung hindi kayo masyadong abala." Kaswal ang himig niya pero naroon pa rin ang pagkailang. Mga ilang linggo na rin kasi silang hindi nagkikita at nagkakausap.
 "Umupo ka," tipid na utos nitong sa pagkain lang nakatuon ang pansin.
 Agad naman siyang tumalima at nagsimulang magsalita. Ayaw kasi ng kanyang ina ang masyadong paligoy-ligoy. "Someone proposed to me...my boyfriend."
 Bumaling ito sa singsing na suot-suot niya pero hindi ito nagkomento.
 "His name is-"
 "Marcus Santillez?" Tumingin ito sa kanya.
 "P-paano n'yo nalaman?"
 "Siya ang dapat na pakakasalan noon ng ate mo hindi ba?"
 Napadilat siya sa narinig niyang iyon. Pero kasabay noon ay ang labis niyang pag-aalala. Nag-aalala siya na baka dahil doon ay tutulan nito ang pagpapakasal nila ni Marcus. 
"I already knew everything. Nakausap ko na si Catherine, pati si Marcus."
 Muli siyang napatingin nang diretso sa mama niya. "P-pati si Marcus? Anong ibig n'yong sabihin?"
 Napabuga ito ng hangin saka sumandal sa upuan. "Ang lalaking 'yon, inaraw-araw ba naman akong kausapin? Hindi lang dito sa bahay, pati sa opisina ko, pinupuntahan din niya 'ko." Emily paused for a while and looked away. "Payagan ko raw siyang pakasalan ka."
 Napaawang ang mga labi niya. Hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ni Marcus. Wala siyang kaide-ideya.
 "Noong una talagang tutol ako, dahil nga ex-fiancee siya ng ate mo. Pero kahit si Catherine, panay ang tawag sa 'kin para kumbinsihin akong pumayag na. At kahit ang Mildred na 'yon, nakipag-away pa talaga sa 'kin para lang hayaan ko 
na kayong dalawa." Umangat ang kilay nito.
 "Pati ang mommy ni Marcus?"
 "Mas lalo akong nainis nang makilala ang babaeng 'yon. Kung makaasta siya, akala mo siya ang mas ina mo kaysa sa 
'kin!" mariing saad nito.
 Hindi naman siya makapagkomento.
 "Pero..." Umaliwalas bigla ang mukha nito. "Marcus impressed me. I asked him once, why he chose you. Ang sagot niya, sayo lang daw niya nakayang magmatigas nang gano'n. Sayo lang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang nararamdaman niya. Kaya nga raw siya nasa harapan ko noong huling beses na kinausap niya 'ko tungkol dito. It was all because of you." 
 Napangiti lang siya. Ang lalaking 'yon talaga...
 "Kaya naman kahit hindi pa rin ako kumportable, pumayag na rin ako."
 Namilog ang mga mata niya. "Mama..."
 Sa kauna-unahang pagkakataon, o mas tamang sabihing, sa tinagal-tagal ng panahon, ngumiti ito sa kanya. "Napahanga
 mo rin ako. You changed a lot of people around you-even me."
 She cried. Hindi rin niya napigilan ang sariling tumayo para sana'y yumakap sa kanyang ina, pero itinaas nito agad ang kamay para senyasan siyang huwag lumapit.
 Umiwas ito ng tingin. "I'm sorry Reeze, hindi ko pa rin kaya. Tanggap ko na ang pagpapakasal n'yo ni Marcus. Tanggap ko na rin na may sarili ka nang buhay ngayon. Pero..."
 Nanlumo siya. Sabik na sana siyang maramdaman muli ang yakap ng kanyang ina. Pero kailangan niya itong irespeto. Nasilip niya ang nagsisimulang pagdaloy ng mga luha sa magkabila nitong pisngi. She knew that her father's memories still haunt her mom-still hurt her. Pero naniniwala siyang darating din ang panahon na tatanggapin siya nitong muli nang
 buong-puso, na kahit makita pa siya nitong muli'y hindi na nito maaalala ang sakit na iniwan dito ng kanyang ama.
 "Umalis ka na." Mahinahon ang tinig nito.
 "Sige po, salamat." Pero bago pa man siya tumalikod, narinig niyang muling nagsalita ang mama niya.
 "Hindi na kita pagbabawalan sa gusto mong gawin. If you really want to pursue photography, you're now free to do so. Pwede ka na ring mag-resign sa kumpanya kung gusto mo. Huwag kang mag-alala, I'll attend your wedding no matter what. Take care, anak."
 She closed her eyes and cried again because of gladness. Kay sarap marinig muli sa kanyang ina ang salitang 'anak'. Hindi pa man ito tuluyang lumambot sa kanya ngayon, masaya na siya kung magsisimula sila sa ganito.
 ********
 ILANG buwan pa ang lumipas at dumating na ang araw ng kasal nila ni Marcus. Una na niyang nakausap ang Ate Catherine niya na siyang nag-abot sa kanila ng pagbati. Tuluyan na rin daw itong nakamove-on at ngayon nga'y sa trabaho na lang nakabuhos ang buong atensyon nito. Sayang nga lang daw at hindi ito makakauwi upang makadalo sa kasal nila ni Marcus. Mas mainam na rin daw na palipasin ang mahabang panahon bago sila magkita-kitang muli.
 Si Madam naman ang palagi niyang nakakasama noon sa pag-asikaso ng kasal niya. Supportive talaga ang biyenan niya
 na kulang na lang ay patakbuhin ang oras dahil sa sobrang atat na itong maikasal sila. Inaapura na rin siya nitong magbuntis na. Para namang gano'n lang kadali ang lahat?
 Si Martha ang ginawa niyang maid-of-honor. Request ba naman ng gaga eh! Masaya na rin ito sa lovelife nito ngayon. Going steady na raw ito at ang boyfriend nitong si Alex. Panalangin na lang niya na kailanma'y hindi na sana ito muling masaktan. Baka kasi mamaya'y kung ano na namang maisipan nitong gawing kalokohan.
 Hindi rin sinasadyang nagkita silang muli ni James, ang lalaking minsang nag-feeling boyfriend niya. At talagang nagulantang siya nang malamang ito ang naging papa ni Sam. Infairness, mukha namang seryoso ang relasyon ng dalawa. Pero kung paanong nangyari iyon ay isang mahabang kwento raw sabi ni bakla. 
Medyo close na rin sila ni Sam ngayon-medyo lang! Nakakasama na rin niya ito minsan sa pagsya-shopping. Pero hindi
 pa rin maiwasan na magkairingan sila kung minsan. Talagang hindi lilipas ang isang buong araw na hindi sila magkakasagutan. 
 They had a church wedding, iyon kasi ang gusto ng kanyang mama na sinang-ayunan na rin ni Madam Mildred para wala na rin daw gulo. It wasn't a perfect wedding dahil kung anu-anong aberya ang naranasan nila ni Sam bago narating ang simbahan. Minsan na silang na-traffic at nasiraan ng bridal car. Mabuti na lang daw at napakalma nila ang mommy ni Marcus na nagpa-panic na raw n'ong mga oras na wala pa siya. Pero ang talagang pinag-alala niya ay si Marcus, who gave her an immediate kiss the moment she stepped inside the church.
 Kaunting pagtatalo lang at hayun, nagbati rin sila. Isang bagay lang ang hiniling nito sa kanya-ang gumawa sila ng sarili nilang wedding march. Imbes daw na maghintay ang groom sa may altar, gusto nitong sumabay sa kanya sa paglakad sa aisle. At ang dahilan nito sa kanya: 
'I'd like to walk down the aisle with you, like how I would want to walk through my life with you...'
 Hindi niya alam kung para sa iba'y corny ang dating n'on, pero aaminin niyang kinilig naman siya nang husto roon. Si Marcus pa, kahit minsan yata'y hindi naman ito pumalya sa pagpapakiliti sa puso niya. And so they walked together down the aisle, with all eyes set upon them. Naisip niyang hindi na rin masama. Proud pa nga siya n'on eh. Wala din silang ibang ginawa n'on kung hindi magkulitan habang nagmamartsa sa red carpet.
 And so they got married...
 AT NGAYON, sa El Mara nila piniling mag-honeymoon. Makailang-beses na silang inalok ni Madam ng trip to Europe, trip to Thailand at kung saan-saan pang lupalop ng mundo, pero tinanggihan lang nila ito. Nagkasundo sila. Mas gusto nilang mag-honeymoon sa lugar kung saan naganap ang aminan nilang dalawa.
 "Hon, matagal ka pa ba diyan?" Kanina pa siya naiinip sa kahihintay kay Marcus. Tinubuan na yata ito nang kung ano at kanina pa hindi lumalabas ng banyo. Isang oras mahigit na ito roon. Ano bang kagaguhan ang ginagawa ng lalaking 'yon sa loob? Nakailang taas-baba na siya sa suot niyang nighties ngayon pero wala pa rin ang asawa niya. Naiirita na siya. Konti na lang at mawawalan na siya ng gana.
 Iritado siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at kinatok na si Marcus sa pinto ng banyo. "Hoy, kung may balak kang isnabin ako ngayong gabi, sabihin mo lang sa 'kin!"
 "Masyado ka namang hot! Wait lang hon!" panunudyo ng lalaki.
 "Hon-hon-in mo 'yang sarili mo dahil wala na 'kong gana!" Akmang tatalikod na siya nang biglang bumukas ang pintuan. And Marcus was standing there-wet and naked! Pasimpleng gumapang pababa ang mata niya, pero bago pa man iyon makarating sa stop over, bigla na lang siya nitong hinila sa loob.
 Napatili tuloy siya. "Ano bang ginagawa mo? Mababasa ako niyan eh..."
 "Much better!" Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito at walang sabi-sabing pinangko siya nito patungo sa shower area. Wala na siyang nagawa nang tuluyan na siyang mabasa ng tubig.
 Napatingin siya sa asawa niya. Nangingislap ang mga mata nitong pinagmamasdan ang kabuuan ng katawan niya. "You're really beautiful Reeze..." he whispered.
 Inangat nito ang kanyang mukha. "Just be mine forever, please?"
 She smiled. "Of course." 
Sa sumunod na sandali'y naramdaman na lang niyang lumapat ang mga labi ni Marcus sa kanya. Even under this cold splash of water, she could feel his warmth, his love...his passion!
 Habang naghahalikan sila'y nag-flashback bigla sa kanya ang unang pagkikita nila ni Marcus. Naalala rin niya ang mga kagagahan niya. Pero naisip niya, okay na ring experience 'yon, dahil isang Marcus Santillez naman ang naging kapalit ng katangahang nagawa niya noon.
 It was just a night with him before. Pero ngayong gabi, at sa mga susunod pang gabi, it would certainly be... A forever with him. 
**WAKAS** 


Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url