Akin Lang Ang Labi ng Aking Asawa
CHAPTER
1
MASUYONG halik sa kanyang mga labi ang gumising kay Vanessa. Pagmulat niya’y ang nakangiting mukha ni Rommel ang nakatunghay sa kanya. Nakasuot na ito ng jogging suit at nakasampay sa leeg ang isang tuwalyang puti. “Bakit, ano’ng oras na ba?” painat na tanong ni Vanessa sa lalaki. Hindi pa rin siya bumabangon. Hinigpitan pa nga ang
pagkakayapos sa malambot na bolster pillow. “Alas kuwatro. Ginising ko na ang anak mo. Nagbibihis na siya. Ikaw na lang ang hinihintay namin, sleepy head.” Naupo sa gilid ng kama si Rommel at kiniliti sa tenga ang nakahiga. “Bangon na. Para makabalik tayo agad. Inihahanda na ni Nena ang ating picnic basket.” Naalala ni Vanessa na papasyalan nga pala nila sa araw na iyon ang nabili nilang sampung ektaryang farm sa lot sa Tanay. Inabisuhan sila ng katiwala roon na may mapipitas silang mga bungang kahoy. Excited na siyang bumangon. Dumiretso sa CR sa loob ng kanilang silid. “Sa labas n’yo na ako hintayin, Rom. I’ll be there within ten minutes.” Bilin niya sa lalaking nangingiting tinungo ang pintuan. Walong buwan pa lang nilang nabibili ang lupang iyon na may mga puno na ring namumunga. Sari-‐‑sari ang mga puno roon. Karamihan ay mangga. Iba’t ibang klaseng mangga. Kalabaw, piko, Indian mango at apple mango. Marami ring puno ng santol, abokado, sampalok, kalamansi, guyabano, bayabas at marami pang hindi na matandaan ni Vanessa. Basta ang alam niya, tuwing anihan daw ay nakakaneto doon ng mga walumpung libong piso. Kung minsan daw ay higit pa sa isangdaang libo. Bukod sa mga punungkahoy ay nagtatanim ang katiwala doon ng mani, mais at kamoteng kahoy. Pero ang may-‐‑ari ng lupain ay hindi na pumaparte sa kinikita roon ng katiwala. Tulong niya iyon sa pamilya ng katiwala na nagtayo ng kubo sa loob ng lupain at bilang pabuya na rin sa matapat nitong paglilingkod. Nang mabili nga ni Rommel ang farm lot ay nakiusap ang dating may-‐‑ari na huwag na nilang paalisin ang dating caretaker pati ang pamilya nito. Tutal daw ay mahusay magtrabaho at talagang mapagkakatiwalaan ang mag-‐‑anak. Nakasuot na ng berdeng jogging suit si Vanessa nang labasin ang kanyang mag-‐‑ama na naghihintay sa kanilang gate. Ang hapit na kasuotan ay nagpalitaw sa magandang hubog ng ng kanyang katawan. Nilapitan siya ni Rommel. Masuyong hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan. “Ang mahal ko. Beauty pa rin after all the years.” Inirapan ni Vanessa ang lalaki at kinurot sa tagiliran. “Panay ang puri mo’t paglalambing sa akin nitong mga huling araw, a? Cover-‐‑up ba iyan sa ginagawa mong milagro?” Inakbayan siya ni Rommel. “Sa inyo lang ni Alana ay kulang pa ang panahon ko, ano? At makakakita pa ba ako ng kasing ganda at kasing-‐‑ seksi mo?” “Hoy, ano ba kayong dalawa? Pansinin n’yo naman ako!” nagtatampong tawag sa kanila ni Alana. Nagtawa si Rommel. “Ang baby carabao at nagdyeling pa.” Akbay si Vanessa na nilapitan nila ang anak. Inakbayan din ito ni Rommel. “Dapat nga ay matuwa ka, dahil ngayong ngayon ay in love na in love pa ako sa mommy mo.” “Happy naman ako na nagmamahalan kayo, e. Kaya lang, huwag n’yo naman akong kinakalimutan, ano?” nagmamaktol na sagot ng dalagita. “Paano kang makakalimutan? Ang laki-‐‑laki mong iyan,” panunudyo ni Vanessa sa anak. “Malaki pa’ng bulto mo kesa sa akin, o.” “Pag dalaga na ‘ko, magiging kasing-‐‑seksi mo rin ako, mommy.” Masayang nag-‐‑jogging ang tatlo sa kahabaan ng main road ng Sunshine Subdivision. Dahil nga madaling araw pa lang, tahimik na tahimik ang buong village. Madilim pa rin ang paligid. Maliban sa mga ilaw sa mga poste ay wala pang liwanag sa daan. “Rom, huwag na nating libutin ang buong village ngayon.” Humihingal na hinabol ni Vanessa si Rommel na ngayon ay nauuna na sa kanilang mag-‐‑ina. Huminto si Rommel. Hinarap si Vanessa. “Hey, pagod ka na? Iyan ang hirap sa taong hindi nagbabatak ng mga buto, e,” kantiyaw niya sa babae. “Look at me. At fifty, nasa kasibulan pa.” Nagmamalaking kinabog pa ni Rommel ang dibdib. “Dad, ang yabang mo!” Ganting kantiyaw ni Alana sa ama. “Siyempre, mas malakas ang stamina mo dahil bukod sa jogging every morning ay may golf ka pa at tennis. Samantalang si Mommy, e, sa bahay lang nag-‐‑aasikaso at tumatao sa kanyang boutique.” “Siya, sige. Kalahati lang ang round natin ngayon. Para din maaga tayong makapagbiyahe patungo sa ating farm,” sang-‐‑ayon ni Rommel sa mag-‐‑ina. Kinindatan ni Alana ang ina. “See, Mommy? Kahit mas malakas si Daddy, tayo pa rin ang panalo in the end.” “Ang daya n’yong mag-‐‑ina, e. Lagi kayong nagkakampihan. Pareho kasi kayong babae.” Kinabig ni Rommel si Vanessa habang naglalakad sila pauwi. “Dapat siguro ay sundan natin ng isang lalaki si Alana, Ness. Para naman may kakampi rin ako.” Siniko ni Vanessa sa tagiliran ang lalaki. “Puwede ba, ‘no? Sa edad ba naman nating ito, nag-‐‑iisip ka pa ng kung ano?” Sumabad si Alana. “Ano’ng masama sa sinabi ni Daddy, Mommy? Wala ka pa namang forty, a. At fifty lang si Daddy. Hindi nakakahiyang magka-‐‑baby uli kayo.” “Hear that? May approval tayo sa anak mo,” nakangiting untag ni Rommel kay Vanessa. Si Vanessa ang nagbukas ng gate nila. “Tumigil na nga kayong mag-‐‑ama. Magsipaligo na kayo para makapagbiyahe na tayo.” Nagpauna nang maligo si Vanessa. Inis na inis siya sa pagbibiro nitong bigyan ng kasunod si Alana na katorse anyos na. Bukod doon, alam naman ni Rommel ang mas malaking dahilan kung bakit hindi na dapat naging dalawa ang anak nila. Pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nakaabang sa labas si Rommel, makahulugang nakangisi sa kanya. “Ang bangu-‐‑bango naman ng sweetheart ko.” At tinangkang halikan sa leeg ang babae. “Paraanin mo nga ako, lalaki ka.” At padarag na umiwas si Vanessa kay Rommel. “Bilisan mo ang paliligo. Ayaw ko ng naghihintay ka kapag nakabihis na ako.” “De huwag ka munang magbihis.” Nanunudyong sagot ng lalaki bago pumasok sa loob ng banyo. Habang nagbibihis si Vanessa ay dinig niya ang malakas na pag-‐‑awit ni Rommel ng Mack, the Knife ni Frank Sinatra. Sumasaliw iyon sa malakas na sabog ng tubig mula sa dutsa. Naiiling na napangiti na lang si Vanessa. Naka-‐‑packed na sa isang malaking picnic basket na yari sa yantok ang kanilang pananghalian. May pork tocino, tapang baka at daing na bangus. Para sa sawsawan ay may baon silang itlot na maalat, kamatis at sibuyas tagalog. Nasa coleman box naman ang mga salad, softdrinks, beer at iba pang dapat manatiling malamig. Ang nakarolyong lona at mga suportang bakal para sa gagawin nilang tent ay nakasandal sa may pintuan. Bihis na rin si Nena na naghihintay sa iuutos ni Vanessa. “Sige, Nena, pagtulungan na ninyo ni Alana na ilulan sa kotse ang mga gamit natin. Ang cooler ay ang Sir mo na ang magbibitbit. Pagtutulungan na rin namin itong tent pagkatapos kong magsara ng bahay.” Atas ni Vanessa sa matapat na katulong. Habang naghahatid sina Nena at Alana ng mga gamit sa sasakyan ay nagsasara naman ng mga bintana sa kabahayan si Vanessa. Napaigtad siya nang muli sa likuran ay bigla siyang yapusin ni Rommel. “Rom, ano ba?” malambing niyang asik sa lalaki. “Para kang teen-‐‑ager sa maong shorts at halter blouse na iyan, Honey.” Pabulong na sabi ng lalaki habang kinakabig ang babae paharap sa kanya. Napahinga nang malalim si Vanessa nang hagkan siya ni Rommel sa leeg. Marahan niyang itinulak ito. “Rom, naghihintay na sina Alana at Nena sa kotse. Muli siyang niyakap nang mahigpit ni Rommel. “Kung bakit kasi hindi matapos ang pananabik ko sa iyo.” Kumawala si Vanessa sa mga bisig ng lalaki at hinila ito palabas ng bahay. Napansing wala na ang mga dapat nilang bitbitin. “Pati pala cooler at tent ay nakuha na ng dalawa,” sabi ni Rommel. “Very good. Hindi na tayo mapapagod.” Masayang tugon ng lalaki. Solo nila ang daan patungo sa Tanay. Wala pang ibang sasakyang nagbibiyahe. Kaya bago mag-‐‑alas siyete ng umaga ay narating na nila ang kanilang farm lot. Naghihintay na ang katiwala nilang si Mang Jose at ang asawa nitong si Aling Lolet pati na ang tatlong binatang mga anak. “Magandang umaga, Mr. Tuazon, Misis. . Nariyan na ho ang namamakyaw ng mga mangga. Kayo na lang ang hinihintay,” masayang bati ng katiwala sa kanila. “Kayo na lang ang umalalay sa kanila, Mang Jose. Mas kayo naman ang nakakaalam ng dapat gawin,” ani Rommel sa katiwala habang kinukuha sa kotse ang gagawing tent. Tumulong ang tatlong anak ng katiwala sa paghahakot ng mga gamit ng mag-‐‑anak sa kotse. Sila rin ang nagtayo ng tent na masisilungan ng mga magpipiknik. Habang guamgawa ang tatlong binata ay kinukuwentuhan naman sila ni Alana. Si Nena ay abala sa pamimili ng mga manggang hiningi sa mamamakyaw. Sina Rommel at Vanessa ay naupo sa isang kareta sa ilalim ng puno ng santol habang pinanonood ang pamimitas ng mangga. “Daddy, Mommy, nakahain na si Nena sa ilalim ng tent. Kakain na tayo. Alas dose na.” Tawag sa kanila ni Alana habang kinakagat ang isang manggang kalabaw na manibalang. “Tanghali na pala? Hindi pa sila tapos mamitas,” pagulat na badya ni Vanessa. “Ganyan karami ang biyayang nakukuha sa ating property, Honey,” ani Rommel habang inaalalayan si Vanessa sa pagbaba mula sa kareta. Matapos magsalo sa isang masrap na pananghalian ang mag-‐‑anak pati na ang pamilya ng kanilang katiwala ay nagbalik sa kareta sina Rommel at Vanessa. Isang boteng beer ang hawak ng lalaki at isang baso naman ng malamig na buko juice ang dala ni Vanessa. Isang makapal na brown envelope ang iniabot kay Rommel ng sumunod na si Mang Jose. “Otsenta mil po iyan, Mister Tuazon. Bayad ng namakyaw. Inalis ko po riyan ang pambili ng fertilizer saka labor cost.” “A, neto na ito, kung gano’n?” Nasisiyahang wika ni Rommel. “Salamat, Mang Jose.” Ibinigay ni Rommel kay Vanessa ang sobre. “Ikaw ang maghawak nito.” Nagulat si Vanessa. “Bakit ako?” “Nasa pangalan n’yo ni Alana ang lupaing ito. Lahat ng ani nito ay kayo ang makikinabang. Para anuman ang mangyari sa akin, nakakatiyak na akong nasa mabuti kayong kalagayan,” seryosong pahayag ni Rommel. Kinagalitan ni Vanessa ang lalaki. “Ano naman ang mangyayari sa iyo? Alaga ka sa general health check-‐‑up. Sa huling medical exam mo ay wala kang problema sa katawan. You’ll live a hundred years or more, darling,” at masuyong hinagkan ni Vanessa sa labi ang kasuyo. “Hindi tayo nakakasiguro sa kapalaran, Ness.” Bigla’y nangulimlim ang mukha ni Rommel. Nagmaktol si Vanessa. “Umuwi na nga tayo. Ang saya-‐‑saya ng piknik natin, tapos biglang kung anu-‐‑ano ang sinasabi mo.” Nagpaunang bumaba mula sa kareta ang babae. “Uubusin ko lang ang beer ko,” ani Rommel at tinungga ang nalalabing laman ng bote. Matapos maibalik sa sasakyan nila ang mga dala-‐‑dalahan ay humanda na sa pagbibiyahe pauwi ang mag-‐‑anak. Si Vanessa ang umupo sa harap ng manibela. “Ako na lang ang magda-‐‑drive, Rom. Baka groge ka pa, e. Nakailang bote ka rin ng beer.” Sabi ni Vanessa sa lalaki na pumayag namang maupo na lang sa tabi niya. Habang nagbibiyahe ay kanta nang kanta si Rommel. Kuhang-‐‑kuha ang estilo ni Frank Sinatra. Kinakantiyawan siya ni Alana. “Dapat pala, Dad, ay hindi accounting firm ang itinatag mo. Dapat, e, recording company at ikaw na rin ang singer.” “Oo nga, Sir,” ayon naman ni Nena. “May singing doctor na, si Nonoy Zuñiga. Kayo naman e magiging singing accountant.” “Huwag n’yo ngang bigyan ng ideya ito, ano?” saway ni Vanessa sa anak at sa katulong. “Baka bigla nitong isara ang kompanya at mag-‐‑ apply na singer.” Nagtawanan sila. Tumalab na ang beer kay Rommel. Nag-‐‑aantok na nagbilin. “Gisingin n’yo pag nasa atin na tayo, ha?”CHAPTER 2
“THIS is the end of a perfect day, Ness.” Naupo si Rommel sa sofa sa sala pagkatapos matulungan si Nena
sa paghahakot ng mga gamit nila mula sa kotse. Pinagpagan niya ang espasyo sa
kanyang tabi at kinawayan si Vanessa na noon lang pumasok sa kabahayan.
Siniguro pa kasi niya na wala nang naiwang dala-‐‑dalahan sa kanilang sasakyan. “Magpahinga muna tayo rito, Honey,”
pagkakayag ni Rommel sa babae. Nagbigay si Vanessa sa paglalambing ng lalaki.
Umupo sa tabi niya. Nang kabigin siya ni Rommel ay humilig pa siya sa dibdib
nito. “Rom, ‘yung mga
mangga para sa Mama. Ikaw na ba ang maghahatid sa kanya bukas?” “Hindi. Tatawagan mo mamaya ang Mama.
Pag sinabi mong may mga mangga tayong pasalubong sa kanya, mabilis pa sa alas
kuwatrong paparito iyon,” nakangiting tugon ni Rommel. “Ikaw talaga.. ” Kinurot
ni Vanessa sa tagiliran ang katabi. Tumayo. “Maliligo muna ako. Nangangati ako
sa mga bulo ng halaman sa farm lot, e.” “Sabay na tayo, Honey.” Tumindig rin si
Rommel. Pero natigilan. Pakiramdam niya ay umikot ang buong paligid. Kasunod
niyon ay parang may sumipa nang buong lakas sa kanyang dibdib. Nangapos ang kanyang
paghinga. “N-‐‑Ness. .” Bahagya nang
humulagpos sa kanyang mga labi ang pangalang tinawag. Napalingon si Vanessa.
Kitang-‐‑kita
niya ang parang nauupos na kandilang humandusay si Rommel. Napabuwelta siya.
Patakbong dinaluhan ang lalaki. Tumitiling kinalong ang mabigat na katawan
nito. “Rommel! Rommel!!! Diyos ko.” Pinagpapawisan nang malamig si Rommel. Namumutla ang mukha at
nangingitim ang mga labi. Hindi na malaman ni Vanessa ang gagawin. Nagsisigaw
siya. Ubod lakas. Naghihinagpis. “Alanaaa..
Nena..” Humahagulgol na pilit niyang kinakalog ang
ulo ni Rommel. “Daluhan ninyo kami!” “Mommy, bakit? Napaano si Daddy?” Dumalo
ang natatarantang si Alana kasunod ang nabibiglang si Nena. “Tumawag kayo ng
doktor. Ng ambulansiya! Bilisan n’yo!” Nananangis na utos ni Vanessa sa dalawa
na kaagad namang tumalima. Nag-‐‑ agawan sila sa pagdampot ng
telepono. Nagpilit dumilat si Rommel. “N-‐‑Ness.
. Mahal kita. S-‐‑si Alana. . m-‐‑mahal na mahal ko kayo.” “Alam ko, Rom. Alam ko. Kaya huwag mo
kaming iiwan. Mahal na mahal ka rin namin. Walang kuwenta ang buhay kung
mawawala ka.” Pahagulgol na niyakap nang buong higpit ni Vanessa ang matigas at
malamig na katawan ng lalaki. Sa dikawasa’y natigilan siya. Wala nang imik si
Rommel. Hindi na humihinga. Iniwan na silang mag-‐‑ina. Ganoon kabilis. “Rommeeel. . Diyos ko po naman, Rommeel. .” Nang
tumingala si Vanessa ay nakita si Alana na nakatitig sa bangkay ng ama.
Nakatulala. Hindi makaiyak sa malaking pagkabigla sa bilis ng pangyayari.
Tumindig si Vanessa. Niyakap ang anak. “Alana, iniwan
na tayo ng daddy mo, anak,” at muli siyang nanangis. “Kanina
lang, ang saya-‐‑saya natin, Mommy.”
Humihikbing tugon ng dalagita. “Kaya pala sabi
niya kanina. This is the end of a perfect day. Katapusan na pala niya,” sumisigok na wika ni Vanessa. Kumawala sa dibdib ni Alana ang
pinipigil na hinagpis. Nagpalahaw ito ng iyak sa sabay duhapang sa bangkay ng
ama. “Daddyyy.. ”
Pahagulgol na nagtakip ng mukha si Nena. Kahit amo lang niya si Rommel, para na
rin siyang nawalan ng sariling ama. Napakabait ng trato nito sa kanya. Para
siyang miyembro ng pamilya. Nang dumating ang doktor na tinawagan ni Alana ay
kinumpirma lang nito na patay na nga si Rommel. Cardiac arrest ang dahilan ng
kamatayan nito. Tinatagan ni Vanessa ang sarili para maiayos si Rommel. Tumawag
siya sa isang kilalang punerarya. Kumuha ng pinakamahal na funeral service para
sa lalaki. Habang kinukuha ng mga tauhan sa punerarya ang bangkay ni Rommel ay
nag-‐‑uusap
ang mag-‐‑ina. “Kaya pala nang
mga nakaraang araw ay laging naglalambing sa akin ang daddy mo. Laging
tinitiyak sa akin na kahit na raw mawala siya ay hindi tayo maghihirap na mag-‐‑ina.
Iiwan na pala niya tayo,” lumuluhang pahayag ni Vanessa sa
anak.” “Tama ang sabi
ni Daddy kanina, Mommy. Paparito agad si Lola kapag tinawagan mo,” pahikbing sagot ni Alana. “Tatawagan
ko na nga pala ang lola mo, anak. Pero kailangang dahan-‐‑dahanin ko
ang pagbabalita sa kanya,” ani Vanessa at tinungo ang
kinalalagyan ng telepono. Kay Alana nagbilin ang mga tauhan ng punerarya.
Sumunod na lang kayo sa funeral chapel. Mga tatlong oras pa bago ito mailagay
sa Royal Suite. ‘Yun ang pinakamahal na chapel namin.” Mahihanon namang tinanggap
ng ina ni Rommel ang malungkot na balitang inihatid sa kanya ni Vanessa. Sinabi
pa ng matanda na sa punerarya na siya didiretso. Mag-‐‑o-‐‑overseas
call daw muna siya sa Papa ni Rommel na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika.
Nasa loob na ng bronze casket si Rommel nang makita ng kanyang ina. Sumisigok
na nagwika ang matanda kay Vanessa. “Kawawang anak
ko. Hindi na nakayanan ng kanyang puso ang mga tensiyon niya sa buhay.” “Pero
maligaya siya sa piling namin, Mama. Lagi niyang sinasabi iyon sa amin ni
Alana,” maagap na tugon ni Vanessa. “Kahit maligaya siya sa inyo at mahal na
mahal niya kayo, mayroon pa rin siyang pinoproblema, iha,” malungkot na wika ni
Lola Emilia sa manugang. Parang may kumurot sa puso ni Vanessa. Nawalan siya ng
itutugon sa biyenan. Napatungo na lamang siya. Si Alana na nakikinig sa pag-‐‑
uusap ng ina at agwela ay hindi rin nakaimik. Seryosong nagpatuloy si Lola
Emilia. “Magpapalathala ako sa obituary section sa
mga pahayagan para mabasa ng mga taong nakakakilala sa kanya. Alam mo namang
popular sa buong bansa si Rommel dahil sa kanyang Accounting Firm. Halos lahat
ng malalaking kompanya sa buong Pilipinas ay kliyente niya.” May pagkabahalang
sumagot si Vanessa. “Kailangan pa ba iyon, Mama?” Nahahabag na tinitigan ng
matandang babae ang manugang. “Naiintindihan kita, iha. Posibleng hindi lang
mga kliyente ang dumating sa burol niya kapag nabasa ang obituary. Pero dapat lang
sigurong ihanda mo ang loob mo sa posibleng mangyayari.” “Mama, labing-‐‑limang
taon kaming magkasama. Kahit kayo’y
makakapagpatunay na maligaya si Rommel sa piling namin ni Alana. Maraming saksi
sa aming pagmamahalan. Sana’y huwag masira ang magandang
impresyon ng lahat sa amin. Alam kong iyon din ang nais ni Rommel,” lumuluhang pahayag ni Vanessa. “Vanessa,
kahit kayo ni Alana ang pinili ni Rommel na makasama hanggang sa huling sandali
ng buhay niya, hindi mapupuwing ang katotohanang may isang pamilyang higit na
may karapatan sa kanya. At alam natin na kaya lang naman iniwan ng mag-‐‑iina
si Rommel ay dahil sa inyo ni Alana.” Walang galit o
panunumbat sa tinig ni Lola Emilia. Nagpapahayag lang siya ng katotohanan.
Hiyang-‐‑hiyang
napahikbi si Vanessa. “Patawarin ninyo ako, Mama. Ilang ulit
kong tinangkang layuan si Rommel, pero lagi siyang humahabol sa akin.
Pinatunayan niyang higit niya kaming mahal kesa tunay niyang pamilya.” Hindi na nasagot ni Lola Emilia si Vanessa dahil dumating ang
isang clerk mula sa opisina ng punerarya. May long distance call daw sa
matandang babae mula sa Amerika. “Ang Papa ni Rommel iyon. Sasabihin siguro
kung kailan siya darating.” At nagmamadaling lumabas ng chapel ang matandang
babae. Bumulong si Alana sa ina. “Mommy, paano kung dumating nga ang tunay na
pamilya ni Daddy? Ano’ng gagawin natin?” “Hindi sila darating, Alana. Itinakwil
nila ang daddy mo noong nabubuhay pa siya. Bakit sila maghahabol kung kailan
patay na siya?” Matigas na tugon ni Vanessa sa anak. Hindi na kumibo ang
dalagita. Taimtim na nagdasal na lang na sana ay walang eskandalong mangyayari
sa burol ng ama.
CHAPTER 3
PANGALAWA sa panganay si Vanessa sa apat na magkakapatid. Tatlo silang babae.
Si Robin ang tanging lalaki at kanilang bunso. Unang nag-‐‑
asawa ang kanilang panganay, si Vicky. Muslim ang napangasawa nito. Anak ng
isang datu sa Jolo. Pagkatapos ng kasal ay agad dinala ng kanyang kabiyak si
Vicky sa lalawigan nito. Parmasyotika si Vicky at nangako ang kanyang asawa na
ipagbubukas siya ng sariling botika sa Jolo. Sumunod na nag-‐‑asawa
si Aleta, ang sumunod kay Vanessa. Hindi nakaangal ang kanilang mga magulang
nang laktawan ni Aleta ang nakababatang kapatid. Wala naman kasing nobyo si
Vanessa noon. “Ate Ness, tatanda ka raw dalaga dahil
inunahan ka ni Ate Aleta,” sabi noon ni Robin sa kanya. “Walang masama. Mabuti nga at may mag-‐‑ aalaga kina
Itay at Inay.” Palagay ang loob na tugon ng dalaga
sa kapatid. Narinig iyon ng kanilang ina at pinagsabihan ang anak. “Huwag mo kaming intindihin ng tatay mo, anak. Pag dumating ang
tamang lalaki para sa iyo, sumige ka.” “Ang problema, wala akong nakikitang
pumoporma dito sa anak mo, Minda,” ani Mang Miguel sa asawa. Nagprotesta si
Vanessa. “Maraming lumiligaw sa anak n’yo, Itay. Kaya lang, e, binasted ko
silang lahat. Wala kasi akong matipuhan sinuman sa kanila. “Hala, pag ganyan ka
kapihikan, e, tatanda ka ngang dalaga,” bulalas ng matandang lalaki.
“Mapapabilang ka sa samahan ng mga babaing madalas at mabilis magsipagpaypay.”
“Uy, bago iyan, Itay, ha? Paki-‐‑explain nga,” nagtatawang untag ni Robin sa ama. “Narinig ko lang ang birong
iyan sa isang pari noong magkursilyo ako. Pag ang isang dalaga raw ay bata pa,
mahinay lang kung magpaypay. Para daw sinasabing: Sige, lapit ang mga
kabinataan. Mamimili ako ng aking iibigin. Pag daw medyo nasa ora de peligro na
ang edad ng isang dalaga, halimbawa’y malapit nang mag-‐‑ treinta,
medyo mabilis na rin daw ang pagpaypay. Nag-‐‑aapurang lapitan ng kabinataan
dahil mahuhuli na sa biyahe.” “E, paano ho kung talagang naiwan na ng biyahe?” nakangising tanong ni Robin sa ama. “Aba, e, kung baga sa
electric fan na nasa number three, e, pandalas na ang pagpaypay. Parang
sinasabi raw na: Lapit, bilis. Kahit sino, basta lalaki puwede,” nagtatawang
pagtatapos ni Mang Miguel. “Itay naman. Hindi siguro mangyayari sa akin iyan,”
sabi noon ni Vanessa. Pero sa pagdaraan ng mga araw ay wala pa ring mapusuan si
Vanessa sa mga manliligaw niya. Hanggang sa mapasok siya sa Department of
Tourism. Sa PR department siya na-‐‑assign. Isa siya sa mga sumusulat
ng mga press releases para sa promotion ng kanilang mga proyekto. Exposed na
exposed siya sa publiko. Minsan ay nagpatawag ang kanilang direktor ng meeting.
May magandang balita ito. Sa Pilipinas gaganapin ang pang-‐‑international
beauty pageant. Isa sa punong abala ang kanilang tanggapan. Dadalhin nila sa
mga tourist spots ang mga beauty contestants mula sa iba’t ibang
bansa. Si Vanessa ang nahirang na maging lider ng grupong mag-‐‑aasikaso
sa mga hotel accommodations ng mga beauties. Masaya ang uri ng trabaho ni
Vanessa. Lagi silang busy. Hindi lamang mga local celebrities ang
nakakadaupang-‐‑palad nila kundi lahat ng mga dumadayong sikat na
foreign talents. Ang pagkalibang sa trabaho ang isang dahilan kung bakit
nakakaligtaan na ni Vanessa ang tungkol sa pag-‐‑aasawa. Nang simulan na nga ang
beauty pageant, mula una hanggang huling araw ay naging abalang-‐‑abala
si Vanessa. Sa huling gabi ng pagpili sa mga winners of finalists, mula sa
hotel kung saan billeted ang mga contestants ay sumama na si Vanessa sa special
bus na naghatid sa mga ito sa Folk Arts Theater. At habang idinaraos ang
programa, nasa backstage ang dalaga. Patuloy siyang umaalalay sa mga
contestants na excited lahat. Pinapawisan na siya sa pagod at tensiyon. Humulas
na ang make-‐‑up niya. Lukot na ang suot niyang bestida. Pero hindi
niya iniintindi ang sarili. Ang nasa isip lang niya ay ang kapakanan ng mga
naggagandahang babae. Sa wakas ay natapos ang pageant. Napili na ang tatlong
runner-‐‑ups
at ang beauty queen na ilalaban sa international competition. Noon lang
nakahinga nang maluwag si Vanessa. At noon lang niya nadama ang matinding
pagod. Napasalampak tuloy siya sa isang silyang nasa backstage. “At last,
napahinga ka rin, Miss.” Napapitlag si Vanessa. Bumaling sa may-‐‑ari
ng buo ngunit masuyong tinig. Nakatayo sa tabi niya ang isang lalaking may
maamong mga mata. Makisig ang anyo at malakas ang personalidad. Hindi niya
napansin ang paglapit nito sa kanya. “Sorry, kung
nagulat ka. Kanina pa kasi kita inoobserbahan. Pagod na pagod ka sa pag-‐‑
aasikaso sa mga babaing iyon,” pagpapaliwanag ng lalaki sa kanya. “Hindi
maiiwasan ang pagpapakapagod. Tungkulin ng aming departamento na asikasuhin
sila,” nakangiting tugon ng dalaga. “Bakit ka pala naririto? Off limits ito sa
mga hindi involved sa pageant.” “Ang accounting firm namin ang nag-‐‑
tabulate sa mga scores na ibinigay ng mga judges sa bawat contestants,” sagot ng lalaki. “Talaga? De alam
n’yo agad kung sino ang nanalo kahit hindi pa
ina-‐‑announce
ng host,” masiglang sambit ni Vanessa. “Sort of,” anang lalaki sabay abot ng kamay sa
dalaga. “Rommel Tuazon, ang bago mong tagahanga at kaibigan.” “Tuazon? De isa
ka sa may-‐‑ari ng Tuazon-‐‑ Arenas-‐‑Carpena
Accounting Firm?” pabulalas na tanong ni Vanessa. “Magkakaklase kami at magkakaibigan pa. Kaya naisipan naming
magtatag ng isang maliit na kompanya,” nakangiting
amin ni Rommel. “Ano’ng
maliit? Kayo ang pinakamahigpit na kalaban ng SGV, a!” ani
Vanessa. “Ow?” Kunwa’y pagulat na nasambit ni Rommel. “Hindi ko
alam iyon, a.” “Si Sir,
pa-‐‑humble
effect pa,” pairap na wika ni Vanessa. Bigla ang pagkakagulo nang bumalik sa
backstage ang mga beauty winners at contestants na natalo. Mabilis na ginagap
ng lalaki ang kamay ni Vanessa. “Youu name, please.. ” nagmamadali si Rommel
dahil nagsisikip na sa lugar nila. “Vanessa Zafra, Department of Tourism,”
nagmamadali ring sagot ng dalaga. At kaagad binawi ang palad na hawak ng lalaki
dahil humuhugos na sumampa sa backstage ang mga reporters at photographers na
gustong mag-‐‑ interbyu sa winners. Nagkahiwalay sila ni Rommel
dahil sa pag-‐‑ iwas na masagasaan ng mga tao. Bumalik na siya sa bus
na maghahatid sa kanya sa hotel, kasama ang mga beauties na sinundo nila roon.
Nakamarka sa kanyang diwa ang makisig na kaanyuan ng lalaking nakilala sa
backstage ng Folk Arts Theater. Kahit sa tingin niya ay malaki ang edad sa
kanya ng lalaki, naakit pa rin siya ng malakas na personalidad nito. Nang
sumunod na linggo ay may bago siyang assignment. Magpi-‐‑pictorial
ang kanilang opisina ng mga commercial garden na ang produkto ay mga orchids.
Imported at local varieties na ganoong uri ng bulaklak para mailagay sa mga
pahina ng mga brochures na ipamumudmod nila sa mga turista. Kasama siya sa
pictorial dahil siya ang susulat ng teksto sa artikulo tungkol sa mga orchids.
Ang direktor ng kanilang departamento mismo ang nakipag-‐‑usap kay
Vanessa nang ibigay sa kanya ang assignment. “Mabuti na
ang first hand account ka ng tungkol sa isusulat mo, kesa titingnan mo lang sa
mga colored pictures. Interbyuhin mo ang may-‐‑ari ng garden at ang kanyang mga
gardeners para maging authentic ang lahat ng statements mo.” “Don’t forget to
get the scientific names of each variety at ang equivalent na commercial names
o popular labels na kilala na ng mga financiers,” pagpapatuloy ng kanilang
direktor. “I’ll do that, Sir,” seryosong tugon ni Vanessa na matabang-‐‑mataba
ang puso dahil sa pagtitiwala sa kanya ng kanilang department head. Ipinagamit
pa ng direktor sa kanilang grupo ang sarili nitong sasakyan na isang Toyota
Corolla na air-‐‑conditioned. Kaya enjoy ang tatlong sakay niyon. Si
Vanessa, si Vic, ang photograhper at si Louie, ang layout artist. May dala pang
tape recorder si Vanessa na gagamitin niya sa kanyang interview. Sa Los Baños,
Laguna ang tungo nila. Unang bahagi iyon ng kanilang coverage. Ang susunod
nilang schedule ay sa Baguio at panghuli ang Tagaytay kung saan naroroon ang
pinakamalaking plantation ng mga orchids na pawang mamahalin. “O, saan tayo
magla-‐‑lunch,
Ness?” tanong ni Louie na siyang nagda-‐‑drive
ng kotse. “Malaki ang meal allowance na ibinigay ni
Boss sa atin, di ba?” “Huwag muna tayong mag-‐‑lunch. Baka pakainin tayo ng isa
sa mga pupuntahan natin, e, di malilibre ang ating allowance,” maagap na sagot ni Vic na katabi ni Louie sa harap ng kotse. “Ikaw talaga, pare, madugas kahit kelan,” kantiyaw
ni Louie kay Vic. “Tama naman si Vic, Louie,” katig ni Vanessa sa kanilang photographer. “Bago natin gastusin ang ating allowance, makipagsapalaran muna
tayo ng free lunch. Tutal ay tatlong garden ang ating pupuntahan. Racelis
Garden, Santos at Concepcion Gardens. Siguro naman, isa sa kanila ay
magpapakain sa atin, ano?” “Sige, pagbibigyan ko kayo. Tutal ay maaga pa naman.
Busog pa ako sa breakfast natin sa opisina,” ayon na rin ni Louie. Dumating
sila sa unang garden na pag-‐‑aari ng pamilya Racelis. Si Mrs.
Racelis ang namamahala sa garden kaya siya ang ininterbyu ni Vanessa.
Pagkatapos ng interbyu at pagkukuhanan ng mga litrato, pinameryenda ng ginang
ang tatlo. Alas diyes pa lang kasi ng umaga. Nabusog ang grupo sa masarap na
buko pie at mainit na tsaa. “Dito sa susunod naming pupuntahan, tiyak na diyan
tayo manananghalian,” paniniyak ni Vic habang patungo sila sa Santos Garden.
Natawa si Louie. “Pambihira ka talaga, Pare. Hindi mo pa naididighay ‘yung buko
pie, pananghalian na ang nasa isip mo.” Napatawa na lang din si Vanessa sa
sinabi ni Louie sa nang-‐‑irap namang si Vic. Ang Santos
Garden ay native na native ang dating. Ang bakod ay yari sa buong kawayan na
pantay-‐‑pantay
ang bilog at maayos na ipinalibot sa buong garden. Ang malaking bahay kubo ay
yari din sa kawayan, pawid at sawali. Ang iba’t ibang mamahaling uri ng mga
orchids, local at imported ay nakapalibot sa bahay kubo. “Iba ito, Tsong,”
humahangang sambit ni Vic habang ipinaparada ni Louie ang sasakyan sa harap ng
gate ng garden. “Preskong-‐‑presko, ano? Para bang nasa
paraiso tayo,” susog naman ni Louie. Hindi
nagsalita si Vanessa. Hindi niya maisatinig ang labis na kasiyahan at paghanga
sa kagandahang namamalas nila. Isang caretaker ang sumalubong sa grupo. Dito
nila ipinaliwanag ang kanilang pakay. Sinabi rin nilang mayroon na silang
appointment para sa interview at pictorial. “Mabuti’t naririto si Mr. Tuazon.
Siya na ang namamahala rito ngayon. Nabili na kasi niya kay Mr. Santos ang
hardin na ito. Kaya siya na ang kausapin ninyo ngayon,” pagpapaliwanag ng
matandang lalaking caretaker kina Vanessa. Pinapasok sila sa loob ng bahay
kubo. Pinoy na Pinoy ang kabahayan. Mula sa makintab na kawayang sahig,
binarnisang sawaling dingding hanggang sa kisame na yari sa tinilad na kawayan.
Pati mga kasangkapan ay native din. Ang sala set ay yari sa rattan ganoon din
ang mga side table. Centerpiece at mga kabinet. Habang naghihintay ang grupo ay
dinulugan sila ng isang katulong ng fresh buko juice. Habang sinisimsim ang
matamis na buko juice ay nag-‐‑iisip si Vanessa kung saan ba
niya narinig ang apelyidong Tuazon. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang
apelyidong iyon. Lumabas sa isang pinto ang caretaker at nagpahayag. “Handa na ang pananghalian sa komedor. Hinihintay na kayo roon ni
Mr. Tuazon.” Habang sinusundan nila ang caretaker ay nagsisikuhan sina Louie at
Vic. Pigil ang pagtawa ni Vanessa na kasabay lumalakad ng dalawang lalaki.
“Sabi ko sa iyo malilibre ang lunch natin, e,” bulong kay Louie. Bago nakasagot
si Louie ay nasa harap na sila ng isang mesang yari sa rattan, pero ang ibabaw
ay makapal na salamin. Walong silyang yari rin sa rattan ang nakapalibot sa
mesa. “Welcome, Miss Zafra and company.” Masayang bati ng makisig na lalaking
nakatayo sa isang dulo ng mesa. Ang nangingislap na mga mata ay nakatuon kay
Vanessa. Napamaang ang dalaga. Kilala niya ang lalaking iyon. kilalang-‐‑kilala.
Dahil ang mukha nito ay matagal na nakintal sa diwa niya pagkatapos ng una
nilang pagkikita. Iyon ang ikalawang pagkikita nila ni Rommel Tuazon. At iyon
ay nasundan ng marami pang ulit. Hanggang di na mabilang ang marami pa nilang
pagtatagpo.
CHAPTER 4
NAPUTOL ang pagtanaw ni Vanessa sa nakaraan nang dumating ang mga kamag-‐‑anakan
niya mula sa Sampaloc. Tinawagan pala ni Alana ang mga ito at ibinalita ang
pagyao ng ama. “Salamat at nakarating kayo agad,” salubong niya sa pinsang
babae na yumakap at humalik sa kanya. Nasa likod nito ang asawa at mga anak na
malalaki na. “Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayu-‐‑ tayo?” Pang-‐‑aalo sa kanya ng kanyang pinsan at hinayaang magmano
sa kanya ang mga anak na kasama. Inilapit niya ang kanyang kamag-‐‑anakan
sa ina ni Rommel. Nagpasalamat ang matandang babae sa pakikiramay ng mga ito. “Ganyang may kasama na kayo, uuwi muna ako, Vanessa. Bukas kasi
ng madaling araw ang uwi ng papa ni Rommel. Sasalubungin namin ng driver sa
airport,” pamamaalam ni Mrs. Tuazon kay Vanessa. “Umagaw ka ng tulog pag may
pagkakataon ka. Ilang gabi ka pang maglalamay.” Payo pa ng matanda sa manugang
na hilaw. Hilaw, dahil hindi naman kasal kay Vanessa ang anak niyang si Rommel.
Pag-‐‑alis
ng biyenang hilaw ay nakipagkuwentuhan pa muna sina Vanessa at Alana sa
kanilang mga bisita. Dakong huli ay hindi na mapigil ng mag-‐‑iina
ang paghihikab. “Matulog na kayong mag-‐‑ina.
Kami muna ang magbabantay dito,” payo ng pinsan ni Vanessa sa kanila. “Maya-‐‑maya
ay uuwi na rin kami. Magbibilin na lang kami sa security guard na magbantay
rito.” Nang pumasok ang mag-‐‑ina
sa private room ng funeral chapel ay inabutang gising na si Nena na kanina pa
nila pinaidlip. “Kayo naman ang matulog, Ma’am. Ako na muna ang mag-‐‑aasiste sa mga bisita,” pagpiprisinta ng mabait nilang katulong. “Hainan mo sila ng makakain, Nena. May mga sandwiches naman tayo
at mga kukuting mani at butong pakwan. May kape rin tayo at mga cold drinks.
Bahala ka na,” payo naman ni Vanessa kay Nena. Patagilid ang ginawang higa ng
mag-‐‑ina
sa mahabang sofa sa private room para sila magkasya. Matagal nang tulog si
Alana ay lumulutang pa rin ang diwa ni Vanessa pabalik sa nakaraan. Mahirap
kalimutan ang love story nila ni Rommel. Dalawang taon na silang magkatipan
nang magtapat sa kanya ang lalaki. “Ness, matagal
ko nang gustong sabihin ito sa iyo, kaya lang ay nauunahan ako ng takot na baka
lumayo ka sa akin.” Magkatabi sila noon sa pagkakaupo sa
isang konkretong bangko sa loob ng Chinese Garden sa Rizal Park. Kinakabahang
nang-‐‑usig
ang tingin ni Vanessa. “Rommel, kahit ano pa, basta gusto
kong malaman. Matagal nang ipinagtapat sa kanya ng lalaki na hiwalay ito sa
asawa at dalawang anak, kaya nagtataka siya kung ano pa ang inililihim nito sa
kanya. “Ness, hindi totoong hiwalay kami ni
Charina. Nagsasama pa kami nang umibig ako sa iyo. Kagabi lang niya napatunayan
na matagal ko na siyang pinagtataksilan. Tandang-‐‑tanda ni Vanessa ang naging
pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Para siyang nalulunod na nagpipilit
makalanghap ng hangin. Animo siya nahuhulog sa isang kalalimang waring walang
hangganan. Unti-‐‑ unti’y nagdilim ang
kanyang paligid. “Ness, Ness!” Ang
nahihintakutang tinig ni Rommel ang gumising sa kanya. Yakap siya ng lalaki.
Nagsusumamo ang tingin nito sa kanya. “Patawarin mo
ako, Ness. Dahil sa pag-‐‑ibig ko sa iyo kaya ako
nagsinungaling. I love you so much. Please believe me.” “Paano nalaman ng asawa mo ang tungkol sa atin?” S wakas ay
nakabawi siya ng hinahon. “Nakahalata na siguro siya dahil lumalaki ang
pagkukulang ko sa kanilang mag-‐‑ina. Ang lahat kasi ng espesyal
na araw ay mas sa piling mo idinaraos ko. Nagpaimbestiga siya. At kagabi’y natanggap niya ang buong report tungkol sa ating dalawa,” malungkot na paliwanag ni Rommel. “Ano’ng sabi niya sa iyo?” May bikig sa
lalamunang tanong ni Vanessa. “Pinamimili niya
ako. Ikaw o silang mag-‐‑ iina,” paos ang
tinig na tugon ng lalaki. Bakas sa mukha ang malaking paghihirap ng kalooban.
“Ano ang desisyon mo, Rommel?” mabigat ang dibdib na muling tanong ng dalaga.
“I love you, Ness. More than my life.” “At si Charina?” “Ina siya ng mga anak
ko. Sa kanya ako kasal,” mahinang sagot ng lalaki. “Minahal mo siya noon,
Rommel. Kaya mo siya pinakasalan. Kaya mo siya inanakan,” napasigok si Vanessa.
“Natukso ka lang siguro sa akin kaya mo ako pinatulan. “That’s not true, Ness.
Kung natukso lang ako sa iyo, hindi tayo tatagal nang dalawang taon. Nang
makilala kita, at saka ko natuklasan kung ano talaga ang kahulugan ng pag-‐‑ibig.
Kung nauna kang dumating sa buhay ko, kahit sampung Charina pa ang sumunod ay
hindi ko papansinin,” matapat na pahayag ni Rommel. “Committed ka sa iyong pamilya, Rom. Legally and morally. Anuman
ang iyong pasya, tatanggapin ko. Ayokong masira ang buhay n’yo dahil lang sa akin.” Umiiyak siyang
tumindig at humakbang palayo kay Rommel. Sinundan siya ng lalaki at nagpilit na
ihatid siya sa kanila. Hindi na lang ito tumuloy sa kanilang bahay tulad ng
dating ginagawa. Nagdahilan na lang siya sa mga magulang na may appointment pa
ang lalaki kaya hindi na nagtagal. Itinalaga na ni Vanessa ang sarili sa mga
sumunod na araw na pag-‐‑aralang kalimutan ang unang
lalaking minahal niya. Hindi na siya umasang babalik pa si Rommel sa kanya.
Tiyak na magbabagong buhay na ito sa piling ng pamilya. Pinag-‐‑isipan
na ni Vanessa ang pagreresayn sa trabaho. Sa kanyang Ate Vicky na lang na nasa
Jolo siya titira. Baka doon ay makahanap siya ng ibang mapapasukan. Bahala na
siyang mag-‐‑isip ng dahilan para sa mga magulang kung bakit
naipasya niyang lumayo. Dala na niya ang resignation letter para sa kanilang
direktor nang maabutan niya si Rommel na nag-‐‑aabang sa entrance ng kanilang
gusali. Pinanlamigan siya ng katawan nang muling makita ang lalaking
pinakaiibig. “Ness, mag-‐‑usap muna
tayo sa labas, please,” nagsusumamo ang tinig ni Rommel.
Hindi nakatanggi si Vanessa. Sumama siya sa lalaki sa isang cafe restaurant na
malapit lang sa kanilang opisina. “Pinag-‐‑aralan
kong mabuti ang aking sarili, Ness. Kung ilang araw kong hinanap ang tamang
desisyon. At napatunayan ko na hindi pala ako liligaya na malayo sa iyo. I love
you. I need you. Magsama na tayo, Ness. Sa marriage contract lang ako nakatali
sa aking pamilya. Pero ang puso ko at buong emosyon ay nakatali sa iyo.” Hindi
niya sinagot si Rommel habang nasa loob sila ng kapehan. Hanggang maubos niya
ang kanyang kape ay hindi pa rin siya makaimik. Pero nang nasa loob na sila ng
kotse ni Rommel ay bigla siyang yumakap sa lalaki. Isinubsob ang luhaang mukha
sa dibdib nito. “Hindi rin ako mabubuhay nang maayos kung wala ka, Rom,”
humihikbing amin niya kay Rommel. Hindi na siya ibinalik ng lalaki sa opisina.
Noon din ay naghanap sila ng matutuluyang apartment na kanilang love nest.
Nagalit sa kanya ang buo niyang pamilya sa kanyang naging desisyon. Hindi na
siya nakabalik sa kanila matapos niyang kunin ang lahat ng kanyang gamit para
ilipat sa apartment nila ni Rommel. Nag-‐‑resign din siya sa trabaho.
Nahiya na siya sa kanyang boss at mga kasamahan sa opisina. Alam niyang immoral
ang pinili niyang buhay. Kaya lang ay mahal niya si Rommel kahit iyon ay isang
kasalanan. Sa Diyos at sa lipunan. May mainit na palad na dumantay sa balikat
ni Vanessa. Napaigtad siiya. Naputol ang daloy ng mga alaala. Ang bunso niyang
kapatid ang namulatan niyang nakatunghay sa kanya. Bumangon siya. Paiyak na
hinagkan ang kamay ng kapatid na ngayon lang niya muling nakita. “Robin, ibig
bang sabihin nito ay napatawad mo na ako?” Sumisigok niyang tanong sa bunsong
kapatid. “Ate, alam kong kailangan mo ngayon ang karamay. Pero hindi ito alam
ng Itay at Inay. Sabi ko’y makikipag-‐‑inuman lang ako sa kaopisina kong
may birthday,” paliwanag ni Robin sa kanya. “Paano mong nalaman na wala na si Rommel?” tanong
niyang muli sa kapatid. “Nabasa ko sa obituary ng Daily News
ngayong umaga. Kaya nag-‐‑half day ako sa opisina at dito
na ako tumuloy.” “Ikalawang
araw na pala ng lamay. Hindi ko napapansin,”
malungkot na sambit ni Vanessa. “Mommy, kumain
ka na muna. Nalagpasan mo na ang almusal at tanghalian,” tawag ni Alana sa ina.
Naghanda na siya ng pagkain sa ibabaw ng mesang nasa private room. “Nakatulog
ba ako nang matagal, anak?” tanong ni Vanessa sa dalagita. “Hindi ko napansing
wala ka na sa tabi ko.” “Nang bumangon ako kaninang umaga ay dumilat ka, Mommy.
Pero pagkatapos ay pumikit ka uli. Hindi na kita inabala dahil sabi ni Lola ay
hayaan na lang kitang magpahinga,” paliwanag ng dalagita. “Dumating ba uli ang
Lola mo?” “Tumawag lang, Mommy. Nasundo na niya si Lolo. Pero magpapahinga daw
muna kaya mamaya na lang paparito.” “Anak, ang Tito Robin mo, kilala mo na?”
tanong ni Vanessa sa anak. “Pinakain na nga ako ng pamangkin ko, Ate. Kaya ikaw
na lang mag-‐‑isa ang kakain ngayon,” ani
Robin sa kapatid. “Nagulat nga ako kaninang dumating
ako. Binati agad ako ng anak mo,” patuloy ni
Robin. “Kilala ko kasi kayo sa picture na
ipinakikita lagi sa akin ni Mommy. ‘Yun bang family
picture ninyo,” maagap na sagot ni Alana. “Lumang-‐‑luma na iyon, a. Mga bata pa kami roon,” sambit ni Robin. “Wala naman kayong masyadong ipinagbago,
Tito.” “Dapat ay isama mo itong anak mo paglapit mo sa parents natin, Ate.
Tiyak na mapapawi ang lahat ng hinanakit nila sa iyo. Napaka-‐‑charming
nitong anak mo, e,” pamumuri ni Robin sa pamangkin. “Saka na ako pupunta sa mga itay at inay, Robin. Kapag natapos na
ang laban ko,” malungkot na sagot ni Vanessa. “Anong laban, Ate?” kunot-‐‑noong
usig ni Robin. “Baka dumating ang tunay na pamilya ni
Rommel. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari,” matigas
na paliwanag ni Vanessa sa kapatid. “Sa poder mo naman siya namatay. Ipalibing
na siya bukas din. Dumating man sila ay tapos na ang inyong paglalaban,” payo
ni Robin sa kapatid. “Ganoon nga sana ang gusto ko. Pero ang gusto ng Mama ni
Rommel ay sa makalawa pa. Kailangang pagbigyan ko rin sila,” pabuntunghiningang
wika ni Vanessa. “Kung ganoon ay ipaubaya mo na lang sa mga magulang niya ang
libing. Tutal ay nakapaglamay na kayo ni Alana, umuwi na kayo sa bahay. Huwag
mo nang hintaying abutan kayo ng tunay na pamilya ng yumao. Baka magkaroon pa
ng eskandalo,” muling suhestiyon n Robin. “Hindi naman siguro nila pabababain
ang kanilang sarili para gumawa ng gulo,” ani Vanessa. “Basta hindi ko iiwan si
Rommel. Akin siya.”
CHAPTER 5
HANGGANG sa gumabi ay hindi iniwan ni Robin si Vanessa. “Ate, bakit hindi ka
matulog? Ako na muna ang magbabantay rito,” sabi niya sa kapatid na nakatayo sa
tabi ng kabaong ni Rommel. “Hindi naman ako inaantok, e,” maikling tugon ni
Vanessa. Lumapit si Robin sa kapatid at nakitunghay sa kabaong. “Mahal mo siya
talaga, Ate. Ninais mo kaming layuan na pamilya dahil sa kanya. “Kayo ang
lumayo, Robin. Ilang ulit akong itinaboy ng mga inay at itay tuwing magtatangka
akong dumalaw sa kanila,” pagtutuwid ni Vanessa sa kapatid. “Noon kasi ay bago
pa lang kayong nagsasama ni Rommel. Kung lumapit ka uli noong anak mo na si
Alana, baka iba ang naging trato sa iyo ng mga itay.” “Nadala na kasi ako.
Naisip kong hindi na ninyo ako mapapatawad pa.” “Mali, Ate. Lagi ka naming
pinakikibalitaan. Tinitiyak naming hindi ka naaagrabyado habang naroon ka sa
poder niya,” maagap na tugon ni Robin. “Mahal na mahal niya ako, Robin. Dahil
sa amin ni Alana ay tuluyang nagkahiwalay silang mag-‐‑asawa,” ani Vanessa. “Iniwan niyang
tuluyan ang kanyang pamilya dahil sa inyo?” “Hindi siya nagkulang sa pamilya niya kahit nagsasama na kami.
Pero maramot si Charina. Ayaw niyang may kahati kay Rommel. Minsang umuwi si
Rommel sa kanilang bahay ay wala na ang kanyang mag-‐‑iina. Nag-‐‑iwan
ng sulat si Charina na huwag na silang hanapin dahil hindi na sila makikita pa.
Kung hindi raw kaya ni Rommel na iwan ang ikalawang pamilya niya, sila na lang
daw tunay at una ang magbibigay,” pagkukuwento ni Vanessa sa kapatid. “Dapat
lang palang mamuhi sa iyo ang asawa niya, Ate. Inagaw mo si Rommel sa kanila.”
“Hindi, Robin. Lagi kong pinaaalalahanan si Rommel noon na ang legal niyang
pamilya ang bigyan ng priority sa lahat ng bagay. Sabi ko, kahit magkulang siya
sa amin ni Alana ay mauunawaan ko. Pero nang mag-‐‑apat na taon na si Alana at nasa
katabilan, nahaling nang husto sa kanya ang ama. Halos buong panahon niya ay sa
amin na naiukol ni Rommel. Noon siya iniwan ng kanyang tunay na pamilya,”
pangangatwiran ni Vanessa. “Hindi naman sila hinanap ng asawa niya?” mapaklang
badya ni Robin. “Hindi nagpabaya si Rommel, Robin. Umupa pa siya ng pribadong
detektib para paghanapin ang mag-‐‑iina. Pero naglaho silang parang
bula.” Mabilis na pagtatanggol ni Vanessa. “Ni balita wala kayong nakuha tungkol sa kanila?” nagtatakang sambit ni Robin. “Wala
talaga. Ewan ko lang kung mababasa nila ang obituary ni Rommel. Kung
magkakainteres pa silang pumarito.” “Paano kung dumating sila, ate?”
nananantiyang tanong ni Robin sa kapatid. Hindi ako papayag na bawiin nila sa
akin si Rommel,” matigas na tugon ni Vanessa. “Ate, Mali ka. Mula’t sapul ay
legal na nilang pag-‐‑aari si Rommel. “Mas
matagal ang inilagi ni Rommel sa aming piling kesa sa kanila.” “Ang mabuti pa, ate, ay ipaubaya mo na
lang sa mga magulang ni Rommel ang pagpapalibing sa kanya para hindi na kayo
magkagulo pa ng tunay niyang pamilya,” payo ni Robin sa kapatid. “Hindi ko
kayang gawin iyon, Robin. Para bang sa huling sandali ay itatakwil ko ang
pinakamamahal ko.” Umiiyak na si Vanessa. “Hindi, Ate. Sa huling pagkakataon ay
matuto kang magpaubaya at magbigay.” Umupo si Vanessa sa unang hanay ng upuan.
Tumabi si Robin sa kanya. Sinipat ng lalaki ang kanyang wristwatch. “Madaling
araw na pala, Ate. Uuwi na muna ako. Ipagtatapat ko sa parents natin kung saan
talaga ako nanggaling. Tiyak na makakaunawa sila. Babalitaan ko rin ang Ate
Vicky at Ate Aleta,” pagpapaalam ni Robin. Yumakap si Vanessa sa buong kapatid.
“Salamat, Robin. Ang pagdating mo ay nakabawas kahit kaunti sa dalamhati ko sa
pagkawala ni Rommel. Ihingi mo ako ng tawad sa mga magulang natin. Sabihin mong
dadalaw ako sa kanila pagkatapos ng libing. Pag-‐‑alis ni Robin ay ang mga magulang
naman ni Rommel ang dumating. Kiming humalik ng kamay si Vanessa sa ama ng
yumao. Bihira niyang makita ang matandang lalaki. Mas naglalagi kasi ito sa
Amerika. “Sino ‘yung lalaking umalis, iha?” tanong ni
Lola Celia kay Vanessa. “Kapatid ko pong bunso, si Robin. Sayang at hindi ko
kayo napagkilala,” ani Vanessa. Walang kibong lumapit ang matandang lalaki sa
kabaong ni Rommel. Kung anuman ang nasa loob nito ay mahirap mahulaan. Walang
damdaming mababakas sa kanyang mukha. Hanggang sa muling humarap ito kay
Vanessa ay pormal pa rin. Lumabas si Alana mula sa private room at nagbigay-‐‑galang
sa agwelo at agwela. Noon lang ngumiti ang matandang lalaki. Tanggap niya
bilang apo si Alana. Hapon nang dumating naman ang kapatid ni Vanessa na si
Aleta. Nag-‐‑iisa ito. “Pagkatanggap ko
ng tawag ni Robin ay inayos ko lang ang mga bata at lumuwas na agad ako, Ate.” Mahigpit na niyakap ni Vanessa ang kapatid. Napaiyak siya sa
galak at lungkot. “Kung hindi pa ako nawalan ng isang
mahal, hindi pa darating ang ibang mahal ko sa buhay.” “Pag may pamilya na kasi, Ate, ang hirap nang humanap ng panahon
para sa iba,” katwiran ni Aleta. “Isa pa, malayo ang kinaroroonan namin ni Ate Vicky. Kahit nga sa
telepono ay bihira na rin kaming magkabalitaan.” “Sana nga ay dumating din si
Ate Vicky. Nasasabik na akong makita kayong lahat noon pa. Kaya lang ay
naunahan na ako ng takot at hiya dahil sa kasalanan ko. Hindi na ako makalapit
sa inyo.” Basag ang tinig na wika ni Vanessa sa kapatid. “Kalimutan na natin
ang nakaraan,” Ate. Ngayong malaya ka na, makakapagbagong-‐‑buhay
ka na rin,” ani Aleta. “Aleta,
kahit mali, gusto kong tiyakin sa iyo na naging napakaligaya ng pagsasama namin
ni Rommel. Kaya kung uulitin ang buhay, ang sitwasyon pa ring iyon ang pipiliin
ko. Mahal na mahal ko siya, at mahal na mahal din niya ako.” Lumuluhang wika ni
Vanessa sa kapatid. Habang nag-‐‑uusap sina Aleta at Vanessa ay
abala naman ang mga magulang ni Rommel sa pag-‐‑estima sa mga kaibigan at kamag-‐‑anakang
nagsidating. Naulinigan ni Vanessa ang pabulong na pagtatanong ng mga iyon. “Ang legal na pamilya ni Rommel, dumating ba?” Lihim na nagngingitngit si Vanessa. Bakit ngayong patay na si
Rommel ay biglang naging importante ang pamilya nito. Samantalang noon ay
malugod siyang tinanggap ng mga kaibigan at kamag-‐‑anak ng
lalaki kahit siya ay kerida lang. Dumating din ang Ate Vicky ni Vanessa nang
gabing iyon. Kasama si Robin na siyang sumundo rito sa Domestic airport.
Nagkaiyakan din silang magkapatid. Nagpasalamat si Vanessa dahil kahit nasa
dulo ng Pilipinas ang kanyang ate ay nagawa pa ring puntahan siya para
makiramay sa kanyang kasawian. Sa burol ni Rommel ay parang nagkaroon sila ng
reunion na magkakapatid. Parang naging isang blessing in disguise ang
pagkamatay ni Rommel para malaman ni Vanessa na mahal pa rin siya ng mga kaanak
kahit nadungisan ng kanyang kasalanan ang dangal ng kanilang angkan.
Ipinakilala ni Vanessa si Alana kay Vicky. Niyakap ni Vicky ang pamangkin.
“Alana, pagkalibing sa daddy mo ay pilitin mo ang iyong mommy na magbakasyon sa
amin sa Jolo. Sabay-‐‑sabay na tayong magbibiyahe papunta roon.” “Ganyan din ang payo ko kay Ate Ness,
Ate Vicky,” saad ni Robin. “Kailangan
niya ng change of atmosphere para mapabilis ang healing process sa kanya.”
“Pag-‐‑iisipan
ko iyan, Ate Vicky, Robin,” ani Vanessa. “Pero ang
gusto kong unahin ay ang pagdalaw sa mga parents natin pagkatapos ng libing. Sa
ganoon lang lubusang mapapawi ang natitira pang bigat sa dibdib ko.” “Alam na nila ang sitwasyon, Ate Ness,” sabi ni Robin. “Balak nga
nilang sumama sa libing ni Rommel. Awang-‐‑awa sila sa iyo. Kung dati ay
mayroon silang hinanakit sa iyo, wala nang lahat iyon ngayon.” Napahikbi si Vanessa. Mahigpit na yumakap kay Alana. “Narinig
mo, anak? Napatawad na ako ng inay at itay ko. Magkikita na rin kayo ng iyong
lola’t lolo.” Sa dikawasa ay natahimik ang mga nagkukuwentuhang
nagsisipaglamay. Kanina lang, kahit mahina lang ang kanilang pag-‐‑uusap,
namumuno pa rin ang ugong niyon sa loob ng air-‐‑ conditioned chapel. Pero ngayon
ay biglang paglatag ng katahimikan ang naganap. “Vanessa..
” Napalingon si Vanessa sa tawag na iyon ng
ina ni Rommel. Nakatayo na ang matandang babae at nakatanaw sa bungad ng
chapel. Napatingin doon si Vanessa. Nakatayo sa entrance ang isang mestisahing
babae, anyong aristokrata. Lalong pumuti ito sa suot na itim na bestida.
Sinalubong siya ni Lola Celia. “Charina!”
CHAPTER 6
TUMITIG si Charina sa palapit na biyenan. Sa hapis na mukha ni Lola Celia ay
lumantad ang pagiging magkamukha nito at ng kanyang asawa. Ang mga matang pag
tumitig ay humihikayat ng pagtitiwala. Ang katamtamang tangos ng ilong at mga
labing machu-‐‑macho ang dating. Ang mga features ni Rommel ang unang
tumawag ng kanyang pansin at hindi ang anupamang katangiang taglay nito. Simula
nang magkakilala sila ni Rommel ay binalisa na siya ng alaala nito. Ngayon
lamang siya napukaw ng isang lalaki simula nang maramdaman niya ang unang
pagtutuon ng pansin sa opposite sex. Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw na
nakamarka sa kanyang isip ang pagkikilala nila ni Rommel. Isa siya sa
dalawampung estudyante na pinili mula sa iba’t ibang colleges sa university upang
magbenta ng tickets sa fund raising para sa mga binaha sa Bulacan. Marami ang
nasalanta na bukod sa malaking cash donation ng university, mga pagkain, damit
at medisina, ang kikitain sa fund raising ay para naman sa pagpapaayos ng mga
paaralang nagiba ng bagyo at upang maibili rin ng mga aklat na kapos mga
paaralan doon. “Charina, halos nagalugad na natin ang lahat ng colleges dito sa
campus. Bakit hindi tayo maglibot sa ating mga kaibigan, kamag-‐‑anakan,
kapitbahay and the likes?” suhestiyon ni Minda. “Magandang ideya. Bakit ba nag-‐‑concentrate lang tayo sa ating
mga co-‐‑students
dito?” pagpayag n Charina. Nag-‐‑usap-‐‑usap
silang dalawampu. Hinati-‐‑ hati nila ang grupo. Dalawa ang
bawat grupo. Si Minda ang kanyang naka-‐‑partner “Simulan
natin dito sa Maynila. Sona-‐‑sona. Pagkatapos ay sa iba pang
cities ng Metro Manila,” ani Minda. “Tama.
Bigyan natin ng three days ang bawat city. May one month pa tayo para maubos
natin ang may eight hundred tickets pa.” “Mabuti na lang at ikaw ang naka-‐‑partner ko. Sa ganda at husay sa
salestalk ay ang bilis nating makapagbenta. Alam mo, iba ang charm ng mestisa.
Sabi nga ng kapatid kong bunso, ang kaputian mo raw ay nakakasilaw. Kasing puti
ng first class na coupon bond.” Nagtatawang describe ni Minda sa kaibigan.
“Aba, mabibigyan ko ng magandang gift sa kanyang birthday ang bunso mong
kapatid, Minda.” “Ang dami-‐‑daming naaakit sa iyo. Hindi ko
nga lang maitindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pang nobyo. Sobra ka
naman yatang mapili.” “Hindi,
Minda. Mas gusto kong sabihin na hindi pa lamang dumarating ang tamang lalaking
magiging one and only ko.” “Gusto kong mapasama ka sa family namin, Charina.
Para malahian kami ng mestiza. May mga pinsan akong binata. Dalawang kapatid ko
ang wala pa ring asawa. Ipakikilala kita sa fund raising daw natin. Lahat sila
ay nabentahan ko na ng tiket at nangakong magsisidalo.” “Sige na nga. Naiinggit
na rin ako sa inyo nina Zolita. Lahat kayo ay may kanya-‐‑kanya na,” seryosong sabi ni Charina. “Bihira
ang tulad mo, e. Maganda, matalino, mayaman at mula rin sa buena familia. Wala
nang mahihiling pa ang kahit sinong Adan ng mundo pag nagustuhan mo.” “Ikaw
lang ang nagsasabi niyan. Bakit wala ring lumalapit sa akin na magugustuhan
ko?” “Baka ngayon ay mayroon na. Siguro’y hinihintay mo lang ang kamag-‐‑anak
ko para magkaroon ka ng katipan,” sabi ni Minda
at namugkit sa pagtawa. Anim na araw silang nagbenta sa Maynila. Sumunod na
sona nila ang Quezon City. “May first cousin ang mama ko riyan sa
New Manila. Puntahan natin. Anim ang anak ng tiyahin kong iyon. Sa isang
malaking compound sila nakatira. Isa-‐‑saturate natin lahat ng bahay
doon. Aba ngayon lang ako maglalambing sa kanila. Magtatampo ako pag hindi sila
bumili.” “Sobra ka naman, Minda. Binabalak mo pa lamang ay nagtatampo ka na.”
Gamit nila ang kotse ni Charina. “Mabuti na ‘yung handa ang loob ko sa kanila.
O, iliko mo na riyan. Ikatlong gate mula rito ang sa kanila. Bukas ang malaking
gate ng compound. Ipinasok doon ni Charina ang kotse. “Ang dami palang bahay sa
loob. Saan tayo unang paparada?” “Dun, Charina, sa bahay siyempre ng mga bida,”
pagbibiro ni Minda. “Bida? Sinong mga bida ang tinutukoy mo?” “Ang tiyahin ko
at ang kanyang asawa. Siyempre, sila ang may-‐‑ari nitong compound. At sila rin
ang pumipili kung sinu-‐‑sino ang gusto nilang patirahin
dito.” Ibinukas na nito ang pinto ng kotse at
bumaba. Kasunod na niya si Charina. Tinuunan ang doorbell button. Dinig ang
pag-‐‑ring
niyon nang ilang ulit bago nila narinig an mga yabag na palapit sa front door.
Bumukas iyon. “Tita Celia! Kumusta kayo?” bungad ni Minda. “Aba, iha,
napasyal ka!” Dumukwang ito at nagbeso-‐‑beso
sila. Bumaling si Tita Celia kay Charina. “Iha, ang
ganda nitong kasama mo. Beauty queen ba siya o candidate pa lang?” papuri nito. “Si Charina
Olarte, Tita. Kaeskuwela ko. Ayaw patulan ang pambubuyo naming sumali sa mga
beauty pageant. Sinasayang ang ganda. Alin, kung ako lang ang katulad niya ang
beauty, abay lahat ng pagandahan contest ay sasalihan ko.” Pumapasok na sila sa sala. “Baka
pinagbabawalan ng boyfriend.” Pinauupo sila
ni Tita Celia. “Maniniwala ba kayong wala ‘yang nobyo? Sabi ko nga ay ihahanap ko siya. Kamag-‐‑anakan
natin, Tita.” “Tama,
Minda. Para malahian tayo ng maputi,” saka nagtawa.
Kayumanggi rin ito katulad ni Minda. “Teka, ano ba
talaga ang sadya ninyo, ha.” “E,
bibentahan po namin kayo ng ticket para sa fund raising ng university.” Noon lamang nagsalita si Charina. “Para sa
mga biktima ng bagyo at baha sa Bulacan, Tita Celia.” “Aba, kung ganyan ang dahilan ay kukuha ako. Paano ba ang gagawin
n’yong show?” “Three parts po. Una ay pagpapakita ng iba’t ibang
dances. Ang ikalawa po ay mini-‐‑concert ng mga sikat na singers
natin. Ang ikatlo ay ang pa-‐‑ raffle na kami-‐‑kaming
mga selected students ang mag-‐‑aasikaso.” “Sige, bigyan mo ako ng sampung tiket. At iwan mo ang isang daang
piraso. Tutulungan kita o kayo sa pagbebenta. Tiyak na lahat ng nasa compound
na ito ay bibili. Saka mga amiga ko pa. Pero huwag muna kayong aalis. Dito
magtatanghalian si Rommel. Gusto kong ipakilala si Charina sa bunso kong anak.” “Naunahan lang ninyo ako, Tita Celia.
Talagang hahanapin ko sa inyo si Rommel. Pareho sila ni Charina. Pihikan.”
“Ibinibenta ninyo akong magtiya.” Namumula si Charina noon. Binibilang niya ang
mga tiket na iiwan ay kuwentuhan nang kuwentuhan ang magtiya. Panay ang tawanan
nila. Pangiti-‐‑ngiti lang siya. Kumakain sila ng ice cream at cake
nang dumating ang bunsong anak n Tiya Celia. “Rommel!
Kumusta ka na?” Tumayo si Minda at sinalubong ang
pinsang buo. Inakbayan siya ni Rommel, hinalikan sa pisngi. Hindi napapansin si
Charina na medyo nakatalikod. “Mabuti at
napaaga ka, iho. May kasama si Minda. Kaibigan niya. Halika nga, at ipakikilala
kita. Sa lamang napansin ni Rommel ang panauhin. Lumapit siya sa ina. Saka
lamang niya napagmasdan ang dalaga. Magandang dalaga. Masisinag sa kanyang mga
mata ang paghanga. “Charina, ang bunso kong anak, si Rommel.” Hindi maialis ni
Charina ang pagkakatingin kay Rommel. Para siyang nabatubalani ng mukha nito.
Nakalilito sa kanya noon ang paghaharap nilang iyon. Noon niya naramdaman ang
kakaibang damdamin para sa isang lalaki. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang
mga palad at paa. Malakas ang tibok ng kanyang puso na tila bumibingi sa kanya.
“Feel at home, Charina. Iiwan ko muna kayo. May aasikasuhin lang ako sa itaas,”
saka tumalikod na ito. Noon ay napalitan ng inis ang paghanga ni Charina. Para
kasing naisnab siya ng binata. Di ba dapat ay makiumpok ito sa kanila. At
hangaring makausap siya. Katulad ng iba pang lalaki na nakaharap niya na alam
niyang nabighani agad sa kanya. Hindi na bumaba si Rommel kung hindi nang kakain
na lamang ng tanghalian. Habang kumakain ay nagpipilit si Minda at Tiya Celia
na makipag-‐‑usap sa kanila. Pero maliban sa isang tanong isang
sagot na pagpapahayag ay wala na silang napala sa binata. Noon na-‐‑challenge
si Charina nang husto. Ipinangako niya sa sarili na magiging boyriend niya ang
binata. May girlfriend man ito o wala. Gagawin niyang instrumento si Minda para
sila magkalapit nang husto ni Rommel. Alam niyang sinsero ito sa pagsasabing
gusto nitong may makagustuhan siyang kamag-‐‑anakan nito. Na dinagdagan pa ni
Tita Celia. “Minda, simpatiko si Rommel, ha.” “Oh? Hindi ka ba nasupladuhan sa
kanya?” “Hindi naman. May mga tao kasing katulad ni Rommel. Na sa una ay mailap
dahil hindi pa siya sanay na makaharap ang bagong kakilala. Pero later ay
magiging maamo rin ito. “Mapapaamo siya, Charina. Perfect couple kayo pag kayo
ang nagkatuluyan,” dagdag pa ni Minda. Hindi na kinailangang iparamdam pa ni
Charina ang kanyang hihinging tulong kay Minda dahil ito na ang kusang nagbigay
noon. Naalala ni Charina, hindi nagtapat ng pag-‐‑ ibig si Rommel. Basta na lamang
parang nagkasundo na sila. Na-‐‑develop wari ang pagtingin nito
sa kanya. Lagi siyang isinasama nito sa mga sosyalan. Sila ang laging pinupuri.
Bagay na couple. Perfect match. Dahil parehong professional. CPA na at siya ay
tapos ng komersiyo. Management major. Hanggang isang araw ay pinag-‐‑usapan
na nila ang kanilang kasal. Walang duda. Mahal na mahal niya si Rommel. Kung
may maligaya sa pagkakasundo nila para pakasal ay walang iba kundi siya. “Tiyakin mo lang na bibigyan mo ako ng magaganda at mestisang
pamangkin, ha, Charina,” ani Minda. “Sinabi mo. Paano kung kakulay ni Rommel.”
“Itatatuwa kong pamangkin. Naku, kaya ako hundred percent na boto sa iyo ay
malalahian mo kami. Huwag na huwag kang manganganak ng negro. ENGRANDENG
kasalan ang kasal nila ni Rommel. Matagal ding usap-‐‑usapan sa
mataas na lipunan ang wedding na iyon. “Pinakamagandang
bride na nakita kita, Charina. At si pinsan ang pinaka-‐‑poging
groom. Para kayong mga artista.” Hindi mapigil
na papuri ni Minda. Isang malaking bungalow na nakatirik sa maluwang na bakuran
ang regalo ng mga magulang ni Charina sa kanila ni Rommel. Hindi nagpahuli ang
mga kaanak ni Rommel. Bagung-‐‑ bagong Toyota Corolla naman ang
ibinigay sa kanila. “Alam mo, Charina, kung ako lang ang
masusunod ay hindi ko tatanggapin ang mga regalo ng mga magulang mo. Gusto ko
sanang ako ang magbigay niyan sa iyo at sa ating magiging anak.” “Rommel, be realistic. Iipunin na lang
natin ang dapat na pambili natin ng bahay at lupa para may pondo tayo sa
banko.” “Pakiramdam ko kasi ay nabawasan ang pagkatao ko. Ang pagkalalaki ko.
Kung sabagay ay handog sa kasal. Pero para na ring ipinamukha nila sa akin na
wala akong magagasta para sa iyo.” “Pabayaan mo, sa susunod ay hindi na ako
tatanggap ng kahit anong regalo mula sa kanila.” Sa mata ng publiko ay perfect
ang kanilang pagsasama. Hindi nila alam ang mga dinaramdam ni Charina. Hindi
niya makita ang lambing at alab ng pagmamahal na inaasahan niya sa kanilang
pagsasama. Pakiramdam niya’y tumutupad lamang si Rommel sa kanilang pinirmahang
kasunduan sa harap ng altar. Ginagawa man nito ang kanyang obligasyon bilang
kabiyak ay parang pilit na pilit lamang. Pero mas mabuti na rin ang ganoon
kaysa sa napunta sa iba ang kabiyak. Isinilang ang kanilang panganay. Si Carlo.
Nang dalawang taon na ito ay sumunod si Carmela. Noon ay saka lamang naramdaman
ni Charina ang pagtingin sa kanya ng asawa. Inaasikaso na siya. Laging
nagpapasalamat sa pagbibigay niya rito ng mga anak. “Tinupad mo, ha, Charina
ang pagbibigay sa akin ng pamangking tisoy at tisay. Salamat.” Matapat na sabi
ni Minda. Mahal na mahal nito ang kanyang mga anak. “Napagbigyan na kita. Sa
susunod ay dapat nang kakulay ni Rommel at katulad mo rin.” “Kung sabagay,
dapat na may kulay Pilipino naman akong pamangkin.” Limang taon ang kanilang
panganay at tatlo ang bunso nang maramdaman ni Charina ang tila pagbabago ni
Rommel. Noon ay maunlad na maunlad na ang accounting firm nito. Ipinagpatayo
siya ni Rommel ng bagong bahay sa Sun Valley Subdivision at ang bahay na kaloob
ng mga magulang niya ay pinauupahan na lamang nila. Una niyang napansin na
hindi na sila isinasama ni Rommel sa mga social functions na dinadaluhan nito.
Bihira na rin silang lumalabas. Nakakalimutan nito ang mga dates na dapat ay
mahalaga para sa kanilang wedding anniversary, birthday nila ng mga anak at iba
pang dapat ay tinatandaan. Kailangan pa niyang ipaalala bago ito mag-‐‑respond.
Hindi sinasadya ni Charina ang pagkakatuklas niya ng pagkakasala ng asawa.
Dumalo siya sa isang house warming kasama ang isang bagong kaibigan. Hindi niya
kilala ang may pa-‐‑party dahil isinama nga lamang siya. Nakaupo siya sa
isang panig ng bulwagan nang dumating si Rommel, kasama si Vanessa. Akay ang
isang dalawang taong gulang na anak. Ipinakilala ni Rommel ang kasama bilang
asawa at anak niya. Na malugod na tinanggap ng mga naroroon. Noon ay gusto na
niyang magsumigaw ng iyak at kalmutin ang mukha ni Vanessa at murahin si
Rommel. Pero nanaig ang kanyang breeding at pinag-‐‑aralan.
Mahinahon siyang tumayo at lumantad kay Rommel. Nakita niya ang pamumutla ng
asawa. Ang pagkapatda ni Vanessa. Ngumiti siya sa mga ito at saka nagpaalam na
sa may pa-‐‑party, kasama na rin ang kanyang kaibigan. Nang gabi
ring iyon ay hinarap niya si Rommel. Pinamukhaan. Tinungayaw. “Ang tagal mo na pala akong niloloko. Ang laki-‐‑laki
na ng anak ninyo. Para akong gaga na walang kaalam-‐‑ alam dahil
sa pagtitiwala ko sa iyo. Iyon pala ay tinatraydor mo ako.” “Charina, hindi ko sinadya. Dumating
na lang at sukat. Pinilit kong itago sa iyo dahil ayokong masaktan ka. Pero
wala palang lihim na di nabubunyag,” anito. “Ano ngayon ang gagawin mo,
pakikisamahan kami pareho? Rommel, hindi ako papayag. Ako ang asawa mo. May mga
anak tayo. Iiwan mo siya o maghihiwalay tayo,” banta nito. Nangako noon si
Rommel na iiwan na si Vanessa. Inamo siya. Pinangakuan at naniwala siya.
Nagbalik ang matiwasay nilang pagsasama. Wala siyang nahalatang anuman na
nagkukulang sa kanya si Rommel. Naging malambing ito sa kanya at sa mga anak
nila. Unti-‐‑unti ay nawawala na ang kanyang pagdududa. Nagsimba
silang mag-‐‑iina sa Pinaglabanan Church dahil nahingan siya ng
donasyon doon para sa pagpapa-‐‑renovate ng parochial school
doon. Maaga silang umalis na mag-‐‑iina. Pero mas maaga si Rommel na
nagpaalam na maggu-‐‑golf. At muling nagbiro ang panahon. Nakita niya si
Rommel kasama si Vanessa at akay ang batang ngayon ay limang taon na magsisimba
rin. Mula sa likuran ay binati ni Charina si Rommel. Biglang lingon si Rommel.
Hindi na niya pinagmasdan ang asawa. Iniwan niya ang kanyang donasyon at umuwi.
Naglagay ng mga damit sa maleta at mga personal niyang gamit. Hinintay nila si
Rommel. Nang dumating ito ay hinarap agad niya. “Ano ngayon ang masasabi mo pa?
Mamili ka, Rommel. Sila o kami? Charina, I’m so sorry. Hindi ko na maiiwan si
Vanessa. Mahal ko siya. Mahal na mahal.” “Mas mahal mo siya kaysa sa amin?”
Hindi nakapagsalita si Rommel. “Kung gano’n, tapos na tayo, Rommel.” “Dala ang
mga maleta ay iniwan ang asawa. Hindi nagtagal at dinala sila ng kanyang mama
at papa sa America at doon na sila namuhay. Walong taong mahigit ang dumaan. At
ngayon ay nasa harap na silang mag-‐‑iina sa bangkay ni Rommel. Ngayon
ay wala na siyang pagmamahal dito, alam niya. Ang nananaig ay ang kanyang
pride. Siya ang tunay na asawa. Siya ang dapat magkaroon ng karapatang
asikasuhin ang bangkay nito at siya ang magpapalibing.
CHAPTER 7
BAGO nakalapit si Lola Celia sa tunay na asawa ni Rommel ay lumingon sa
pintuan si Charina. Tumango. Noon pumasok ang dalawang kabataan. Ang binata ay
mga beinte anyos at ang babae ay may edad nang kaunti sa kanya. Nagdikit ang
mga pisngi nina Lola Celia at Charina. “Mabuti naman at nakarating kayo,” anang
matandang babae. “Nabasa ng aking kumare ang obituary sa diyaryo at ipinaalam
sa amin, mama.” Pigil ang pag-‐‑iyak na nilingap ng babae ang
dalawang anak. “Ang Lola ninyo, Carlo, Carmela.” Humalik at yumakap ang mga legal na anak ni Rommel sa agwela.
Sabik na pinaghahalikan sila ng matandang babae. Parang kinurot ang puso ni
Vanessa. Sa tingin niya ay mahal na mahal ng biyenang hilaw ang apong legal.
Nanatiling nakaupo ang ama ni Rommel. Tahimik na nagmamasid sa nagaganap na
eksena. Parang ayaw makisangkot sa nakaambang eskandalo. Marahan ang mga
hakbang ni Charina Tuazon palapit sa kabaong. Taas-‐‑noo. Kasunod
ang dalawang anak na ang mga mukha ay wala ring mababakas na emosyon. Dinaanan
nila ang mag-‐‑inang Vanesa at Alana na kapwa pigil ang paghinga.
Bumukas-‐‑tumikom ang mga palad ni Vanessa. Panay ang hugot niya
ng malalalim na paghinga. Ang kanina’y pag-‐‑iinit ng katawan niya sa
pagkakita sa unang pamilya ni Rommel ay napalitan ngyaon ng masidhing
panlalamig. Pinigil niya ang panginginig ng kalamnan sa nadaramang labis na
ginaw. Ginagap ni Alana ang palad ng ina. “Mommy,
nanlalamig ka, a?” bulalas ng dalagita. Lumapit agad si
Robin sa kapatid. Sinalat ang pisngi ni Vanessa. “Ate,
maupo ka muna. Nanlalamig ka at namumutla pa.”
Inalalayan ng lalaki si Vanessa para makaupo ito. “Nerbiyos
iyan, Ness,” ani Vicky sa kapatid nang maupo na ito sa
tabi n iya. “Huwag kang matakot, narito kami. Walang makakapanakit sa iyo nang
di tatamaan sa amin.” Humilig si Vanessa sa balikat ni Vicky. “Salamat, Ate,”
paos ang tinig niya. Nagbigay sa kanya ng lakas ng loob ang pag-‐‑alo
ng kapatid. Tumindig si Aleta at pinaupo si Alana sa kabilang tabi ng ina. “Huwag kang aalis sa tabi ng mommy mo. Ipagtitimpla ko muna siya
ng mainit na kape.” Sumunod naman si Lola Celia sa unang
pamilya ni Rommel at nakitunghay sa kabaong ng anak. Nang makitang kukurap ang
mga mata ni Charina sa pagpipigil ng luha ay hinawakan ito sa braso. “Iha,
sana’y patawarin mo na siya.” Tuluyang nalaglag ang luha sa mga mata ng babae.
“Mama, noon ko pa siya napatawad at inunawa. Kaya nga ipinasya ko ang lumayo,
para magpaubaya kung saan siya maligaya. Ganoon ko siya kamahal, Mama.”
Napaiyak ang matandang babae sa sinabi ng manugang. “Salamat, iha. Salamat.” At
mahigpit na niyakap si Charina. Muling nagsalita si Charina. “Mama, bilang
legal na asawa, gusto kong ako ang mag-‐‑asikaso sa libing ni Rommel.
Gusto ko ring doon siya ilagak sa aming lote sa Memorial Park.” Sumabad si
Carmela. “Oo nga, Lola. Nagpaubaya na kami sa ibang maraming taon. Amin naman
si Papa ngayon.” Nagsisikip ang dibdib na tumanaw si Lola Celia kina Vanessa na
nasa unang hanay ng upuan. “Dapat sigurong pag-‐‑usapan n’yo iyan
ni Vanessa, Charina.” Ang mga nagsisipaglamay ay pigil-‐‑hininga
rin sa pagmamasid at pag-‐‑aabang sa posibleng mangyari sa
oras na iyon. Nagbubulungan ang mga kapitbahay nina Vanessa sa Sunshine
Subdivision. Gulat na gulat sila sa natuklasan. “Akalain ba natin ito?” anas ng
presidente ng naighborhood association. “Mahigit na sampung taon natin silang
kapitbahay, wala tayong kamalay-‐‑malay na mag-‐‑ano
lang pala sila ni Rommel.” “Mahusay
magdala ang lalaki. Namamangka nang sabay sa dalawang ilog,” pabulong na sagot ng kanyang katabi. Papalapit na sina Lola
Celia at ang tunay na pamilya ni Rommel kina Vanessa at Alana. Binulungan ni
Vicky ang kapatid. “Vanessa, tatagan mo ang iyong sarili.
Ginusto mo ang nangyari. Wala kang magagawa kundi ang harapin ang katotohanan.
Si Lola Emilia ang nagsalita nang makalapit na sila sa grupo nina Vanessa.
“Vanessa, may mahalaga raw sasabihin sa iyo si Charina.” Mahinahong tumugon si
Vanessa. “May private room dito. Kung puwede, doon na tayo mag-‐‑usap.” Itinuro niya ang pinto ng family room kay Charina. Bigla ang
pagsabad ni Carmela. “Bakit kailangang magtago ka pa?
Nahihiya ka bang malaman ng lahat na. .” Nabitin ang
maigting na pagsasalita ng dalaga nang makahulugan siyang titigan ni Charina.
Pagkatapos ay bumaling ang babae kay Vanessa. “Sige, doon na tayo mag-‐‑usap.” Nagpaunang lumakad si Vanessa patungo sa family room. Kahit
nakasunod sa kanya si Charina ay halata pa rin ang superiority sa lakad at
tindig ng babae. Sumama sa kanila ang dalawang anak ni Rommel at Alana. Si Lola
Celia at Vicky. “Aalalayan ko ho si Ness,” pamamaalam ni Vicky sa ina ni Rommel. “Tama
iyon.” Nakakaunawa namang ayon ng matandang
babae. Nagpaiwan pa rin sa kanyang kinauupuan si Carlos Tuazon, ang tahimik na
ama ni Rommel. Wala namang nagtangka na sinuman sa mga nagsisipaglamay na mag-‐‑usisa
sa matandang lalaki. Pagpasok nila sa family room, kaagad nagsalita si Charina.
“Vanessa, ako ang magpapalibing kay Rommel.
Sa sariling lote namin sa Memorial Park. Siya ang bumili niyon para nga raw sa
aming pamilya. .” “Sa aming
poder ni Alana siya yumao. Sa aming piling siya namalagi ng maraming taon. May
lote din kami sa Holy Cross. Ipinahanda ko na ang paglilibingan sa kanya roon,” matigas na tugon ni Vanessa. Taas-‐‑nong tumugon
si Charina. “Ako ang tunay niyang asawa, Vanessa.
Sa lahat ng aspeto, legally and morally ay akin ang karapatan para sa mga bagay
na tungkol kay Rommel.” “Nang iwan
mo siya sa akin ay nawala na ang karapatan mong iyon, Charina,” matapang na sambot ni Vanessa. “Hindi
mawawala ang karapatan ko sa kanya. Sa batas ng Diyos at lipunan. Kaming mag-‐‑
iina ang may karapatan kay Rommel. Dahil kami ang tunay na pamilya niya. Kami
ang legal,” mariing wika ni Charina. Kumikislap ang
poot sa kanyang mga mata. “Kung makakapagsalita lamang si Rommel ngayon ay
tiyak na ako ang kanyang kakampihan, Charina. Kaya tumagal ang aming pagsasama
kahit hindi kami kasal ay dahil kami ni Alana ang tunay niyang mahal.
Napahingal sa poot si Charina. Nasaktan sa sinabi ni Vanessa. Kaya nga siya
lumayo noon ay dahil nadama niyang ang ikalawang pamilya na ang mas mahal ni
Rommel. Hindi rin nakatiis si Carmela. Nang makitang hindi makapagsalita sa
galit at sama ng loob ang ina ay siya ang humarap kay Vanessa. “Sobra ka naman.
Nasolo na nga ninyong mag-‐‑ina ang papa ko sa maraming taon,
nagpasasa nang husto sa kanyang pagmamahal at salapi, ngayon bang patay na siya
ay ipagkakait mo pa rin sa amin?” Nangangatal
ang tinig ng dalaga sa poot sa babaing umapi sa kanila. Sinaway ni Charina ang
anak nang mabawi ang kanyang hinahon. “Useless na
makipagtalo tayo sa kanya, Carmela. Basta ipahahanda ko ang paglilibingan kay
Rommel. At bukas ay babalik tayo rito para patunayan sa kanya kung sino talaga
ang may karapatan sa papa mo.” Binalingan ni
Charina ang anak na lalaki na tahimik na nagmamasid at nakikinig lamang sa
kanila. “Tayo na, Carlo.” Nagpaiwan si Lola Celia sa silid para pagpayuhan si
Vanessa. “Sa katwiran ako panig, Vanessa. Kung bubuksan mo lang ang iyong isip,
matatanggap mong tama si Charina.” Umiyak si Vanessa. Hindi niya matanggap ang
sinabi ng matandang babae. Pinayuhan din siya ng kanyang Ate Vicky. “Ness,
pagbigyan mo na si Charina. Hayaan mo na namang kahit bangkay lang ni Rommel ay
maangkin nila. Matagal mo na silang inagawan.” Sinarhan ni Vanessa ang tenga at
isip. Kahit nang magpaalam sa kanya ang mga magulang ni Rommel ay hindi niya
narinig.
CHAPTER 8
PUMASOK si Nena sa family room na kinaroroonan ni Vanessa. Ginambala ang pag-‐‑iisa
ng amo niya. “Ma’am, wala
po akong maihain sa mga naglalamay. Kailangan na pong mag-‐‑
grocery.” Natigilan si Vanessa. Nag-‐‑iisip
sandali. Biglang may pumasok na kung anong ideya sa Page 19 4 of 258 utak.
Tumindig at kinipkip ang handbag. “Ako na lang ang
lalabas at mamimili, Nena.” Noon pumasok ang mga kapatid niya sa pangunguna ni
Vicky. “Ness, dadalaw muna kami ni Aleta sa mga Inay. Hindi pa nila kami
nakikita dahil mula sa amin ay dito na kami dumiretso.” “Oo nga, Ate Ness. At
siguro ay iidlip na muna kami roon,” sabi naman ni Aleta. “Pero bukas din ng
umagang-‐‑umaga ay babalik kami, Ate. Para kung bumalik sina
Charina ay may kasama ka na,” dugtong naman
ni Robin. Naglambing si Alana sa ina. “Mommy, hayaan
mo akong sumama sa mga Tito Robin sa mga Lolo at Lola. Nasasabik na akong
makilala agad sila. Saka naiilang ako rito, e. Pinagtitinginan ako ng mga
naglalamay. Alam na kasi nila ang papel natin sa buhay ni Daddy.” Tumango si
Vanessa bago sinapo ang mukha ng anak. “Wala kang dapat ikahiya, anak. Kahit
pangalawa lang tayong pamilya ng daddy mo, tayo ang mas mahal niya. Kaya nga sa
atin siya lumagi sa mahabang panahon. At sa atin din siya namatay.” Para hindi
sila mapansin ng mga nagsisipaglamay na naiwan ay sa pintong patungo sa labas
ng family room nagdaan ang magkakapatid at si Alana. Paglabas ng ikalawang
pintong iyon sa loob ng family room ay isang madilim na pasilyo patungo sa gate
ng bakuran ng punerarya. Doon magkaiba sila ng tutunguhan. Nagtaksi na lang ang
mga kapatid ni Vanessa kasama si Alana. Siya ay sumakay sa kotse ni Rommel at
minaneho iyon pauwi sa kanilang tirahan sa Sunshine Subdivision. Pagkakuha ng
pera sa kaha de yero ay tinungo niya ang medicine cabinet. May kinuha roon. Pakatapos
ay muling sumakay ng kotse. Nagtungo sa isang malaking groserya na bukas sa
buong magdamag at namili ng lahat-‐‑lahat ng kailangan. Nang bumalik
siya sa family room ng chapel ay sa second door din siya dumaan kung saan siya
lumabas kanina. Tinulungan siya ng naghihintay na si Nena sa pag-‐‑aayos
ng kanyang mga pinamili. “Matulog na kayo, Ma’am. Alas dos na ng madaling araw. Ako na ang bahalang mag-‐‑asikaso
sa mga naglalamay. Kape ang hinihingi nila dahil giniginaw yata gawa ng aircon,” ani Nena kay Vanessa habang binubuksan ang bote ng brewed
coffee. Naglagay si Vanessa ng tubig sa coffee maker. “Maggawa ka ng sandwich
at ako na ang magtitimpla ng kape. Hindi pa naman ako inaantok, e. Tutulungan
na muna kita. Tumulong din si Vanessa sa paghahain ng kape at sandwiches sa mga
naglalamay, na matapos namang uminom at magsikain ay isa-‐‑isa
nang nagpaalam nang dakong alas tres. Hanggang sa ang maiwan na lang ay si Nena
at si Vanessa. “Puwedeng-‐‑puwede na
talaga kayong matulog ngayon, Ma’am. Wala na
tayong iintindihing mga bisita,” sabi ni Nena
kay Vanessa. “Matulog na tayong pareho. Ikandado na
lang natin ang mga pinto. Tiyak namang walang darating na tao sa ganitong
oras,” ani Vanessa na inilatag na ang katawan sa mahabang sofa sa loob ng
family room. “Baka naman po makatulog tayo nang mahimbing at tanghaliin tayo ng
gising. Di ba sabi nina Kuya Robin ay maaga silang darating? Paano silang
makakapasok sa chapel kung nakakandado ang pinto?” paalala ng katulong kay
Vanessa. “Oo nga pala. Sige, hayaan na lang nating bukas ang pinto sa chapel.
Tutal nga pala ay may nakabantay namang security guard sa labas,” ayon ni
Vanessa kay Nena. .” Ilalatag na sana ng katulong ang folding bed para higaan
nang sabihan siya ni Vanessa. “Nena, uminom ka na rin ng kape bago ka matulog.
Pakibigyan mo na rin ang security guard sa labas, pati sandwich. Dalawang cups
pa ang laman ng coffee maker. Tamang-‐‑tama sa inyong dalawa ng
guwardiya.” “Baka naman
hindi ako makatulog kapag uminom ako ng kape, Ma’am.?” “Matabang naman ang pagkakatimpla ko.
Ang matapang na kape lang ang hindi nagpapatulog,” sagot ni
Vanessa at ipinikit na ang mga mata. Sinunod ni Nena ang mga utos ng amo bago
natulog na rin. Alas nuwebe ng umaga nang gisingin ni Nena si Vanessa. “Ma’am,
nariyan na po ang mga magulang ni Sir Rommel. Ipinatatawag kayo. Nagagalit.”
Napabalikwas si Vanessa. Nagtungo sa lababo para magmumog at maghilamos ng
mukha. “Bakit sila magagalit? Ano’ng dahilan?” tanong niya sa katulong. “Hindi
po yata nila mabuksan ang ataol ni Sir Rommel. Nakapako raw ang takip.” “Ano?”
Gulat na gulat si Vanessa. “Ano ba’ng pinagsasabi mo?” Pahangos siyang lumabas
ng family room at inabutan ang mag-‐‑asawang matanda na nakatayo sa
harap ng kabaong ni Rommel. Nakalapat ang takip ng kabaong. “Mama, Papa, bakit ho?” “Galit na hinarap siya ng ama ni Rommel. “Sino ba’ng nagpako ng takip sa ataol ng anak namin?” “Ipinako?” gimbal
na sambit ni Vanessa. “Papa, wala akong alam. Una pa nga
akong natulog kay Nena. At ngayon lang ako nagising.” “Pumunta ka sa office nito. Mag-‐‑usig ka roon. At magsama ka ng
taong dapat makakita ng katarantaduhang ito,”
nanginginig sa galit ang tinig ng matandang lalaki. “Ang security guard, Papa.
Nausig n’yo na ba? Siya ang nakabantay riyan, a!” ani Vanessa. Si Lola Emilia
ang sumagot. “Ang guwardiyang iyan. Inabutan naming natutulog sa pagkakaupo sa
silya. Akala nga namin, e, patay na. Nakalungayngay pa ang ulo.” “Isumbong mo
iyan sa manager dito, Vanessa. Wala siyang silbi,” galit na susog ng ama n
Rommel. KASAMA si Nena ay nagtungo si Vanessa sa opisina ng punerarya. Ini-‐‑report
ang mga pangyayari. Kaagad namang sumama ang manager at ang assistant nito sa
chapel na kinabuburulan ni Rommel. Matapos makita ang ayos ng kabaong ay kaagad
nagpatawag ng dyanitor na siyang tumungkab sa nakapakong takip ng kabaong.
Nanggilalas ang lahat nang mabuksan ang takip. Wala ang bangkay ni Rommel.
Nagpalahaw si Vanessa. “Diyos ko, nasaan si Rommel?” Nasapo ni Lolia Celia ang
kanyang dibdib. Inalalayan ni Lolo Carlos ang asawa at iniupo sa unang hanay ng
upuan. Nalito ang lahat. Walang sinumang makapagsabi kung paano nanakaw ang
bangkay ni Rommel. Sinisi ang nakatulog na security guard. Kaagad itong
sinisante sa trabaho. Si Charina ang pinagbintangan ni Vanessa. “Siya lang ang
nagbantang kukunin sa akin ang bangkay ni Rommel, Mama. Alam niyang
ipakikipaglaban ko iyon kaya ninakaw niya,” umiiyak na wika ni Vanessa sa ina
ni Rommel. “Carlos, baka nga siya, a,” baling ng matandang babae sa asawa.
“Isang kabaliwan ang ginawa niya kung siya nga. Nilaspatangan niya ang bangkay
ng kanyang asawa. At may nakalaang parusa sa desecration of the dead,” poot na
tugon ng matandang lalaki. Nagpatawag ng police investigator ang manager ng
punerarya para lutusin ang kaso. Kasalukuyang tinatanong si Vanessa nang
dumating si Alana at ang mga kapatid niya. “Mommy, bakit may mga pulis? Ano’ng
nangyari?” nag-‐‑aalalang tanong ng dalagita sa ina. “Anak, may nagnakaw sa bangkay ng daddy mo,” paiyak na paliwanag ni Vanessa sa anak. Nagimbal pati ang mga
kapatid ni Vanessa. Iisa ang pinaghinalaan nila. Si Charina. “Sa tingin ko sa babaing iyon ay hindi patatalo. By hook or by
crook ay kukunin ang gusto,” galit na wika ni Robin. “Oo nga,” ayon naman nina
Vicky at Aleta. “Sino ba ang Charinang iyon?” tanong ng imbestigador. Sa halip
na sumagot ay itinuro ni Vanessa ang babaing pumasok sa chapel. “Hayan siya.”
“Ang legal wife ng anak kong yumao,” paliwanag ni Lola Celia. May kasamang
lalaking abogado si Charina. Ipinakilala kay Vanessa. “This is my lawyer.
Kukunin na namin ang bangkay ni Rommel.” Galit na sinalakab ni Vanessa ang
karibal sa lalaking mahal niya. “Huwag ka nang magkunwari, Charina. Alam kong
ikaw ang nagnakaw sa bangkay ni Rommel.” “Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” Galit na
bumulalas si Charina. Binalingan ang mga biyenan. “Papa, Mama?” Noon lang
napansin ni Charina ang dalawang police investigator at ang manager ng
punerarya. Sumugod siya sa nakabukas na kabaong. Napasigaw. “Rommel. . Nasaan
ang asawa ko?” Inusig nang husto si Charina ng mga imbestigador. Pero may mga
magandang alibi ang babae. Pinatunayan ng mismong abogado niya. “Alas singko pa
lang ng umaga ay tinawagan na ako ni Mrs. Tuazon para sabihing magkikita kami
sa office ko. Naghihintay na siya roon nang dumating ako nang alas siyete.
Pagkatapos ay tumuloy kami sa Memorial Park para bayaran ang interment fee.
Mula roon ay dito na kami tumuloy,” mahabang pagpapaliwanag ng abogado ni
Charina. “Sabi ng katulong nitong isang Mrs. Tuazon ay alas tres daw nang
magsialis ang mga naglalamay. Posibleng pagkatapos niyon ninakaw ang bangkay.
Dahil nagkulong na sa family room ang mag-‐‑amo para matulog,” sabi ng imbestigador sa kanyang kasama. “Sa isang hotel sa
Maynila tumutuloy itong legal na asawa. At tinawagan ko na ang front desk doon.
Sinabi nila na alas sais ng umaga nang lumabas ng hotel building si Mrs.
Tuazon. Sa imbestigasyon ay lumabas na imposibleng si Charina ang nagnakaw sa
bangkay ng asawa nito. Imposible ring si Vanessa dahil magkasama silang natulog
ni Nena. Naging isang misteryo ang pangyayari na pinag-‐‑usapan ng
lahat at nalagay pa sa mga pahayagan. Pagkaraan ng dalawang araw na hindi pa
rin natatagpuan ang bangkay ni Rommel ay nagpasya ang mga kapatid na babae ni
Vanessa. “Babalik na muna ako sa Baguio, Ate Ness.” Paalam ni Aleta sa kapatid.
“Pag natagpuan na ang bangkay ni Rommel ay tawagan mo na lang ako.” “Ako rin,
Ness. Babalik na ako sa Jolo. Hindi kita maimbitang magbakasyon dahil nga hindi
pa lutas ang kaso ng pagkawala ni Rommel,” sabi naman ni Vicky. “Naiintindihan
ko kayo, Aleta, Ate Vicky. Kailangan na rin kayo ng inyong mga pamilya. Salamat
sa inyong pagdamay.” Matapos yakapin ang mga kapatid ay inihatid niya ang mga
ito sa gate ng kanilang bakuran. Sumama sa kanilang tirahan ang mga kapatid
niya pagkagaling nila noon sa punerarya. Doon niya pinatulog ang mga ito kesa
umupa pa sa hotel. Isa pa’y gusto rin niyang makapiling ang mga ito nang
matagal-‐‑ tagal. “Sorry, hindi ko
kayo maihatid sa istasyon at sa airport. Para kasing latang-‐‑lata
ang katawan ko.” Hinging paumanhin ni Vanessa sa mga
kapatid habang naghihintay sila ng taksi sa harap ng gate. “Okey lang, Ness. Dapat talagang magpahinga kang mabuti. Under
pressure ka ngayon,” nakakaunawang sambot ni Vicky. Si Aleta ay nakatanaw sa
loob ng bakuran. Nakatitig sa kotse nina Vanessa. Napansin iyon ni Vanessa.
“Ano ba’ng tinitingnan mo, Alet?” “Curious lang ako, Ate. May garahe ka naman,
bakit hindi mo ipinapasok doon ang iyong kotse?” sagot ni Aleta. Namula si
Vanessa. “Nasa loob kasi ang aming van. Wala nang paglalagyan ang kotse. “A,
may van pala kayo,” sambit ni Aleta. “Iyon ang ginagamit namin sa mga long
trip. Halimbawa’y pag umaakyat kami sa Baguio o nagbabakasyon sa Bicol,”
paliwanag ni Vanessa sa kapatid. “Buhay mayaman ka talaga, Ate,” ani Aleta.
“Lahat ng sarap sa buhay ay pinalasap sa amin ni Rommel,” nangingilid ang
luhang tugon ni Vanessa. Nang wala na ang mga kapatid, nagbalik si Vanessa sa
kabahayan. Sinilip si Alana sa silid nito at nakitang himbing na ang anak.
Kinuha niya ang baso ng orange juice na kanina ay pinainom niya sa anak bago
ito nahiga. Simot ang laman ng baso. Pinuntahan din niya si Nena sa quarter
nito. Naghihilik na ang mabait na katulong. Simot rin ang laman ng baso ng
orange juice na nakalapag sa tabi ng higaan nito. Nagbihis si Vanessa. Binuksan
ang garahe. Binuksan din ang van. Tiniyak na ang lahat ng kanyang kailangan ay
nasa loob niyon. Pagkatapos ay sumakay sa driver’s seat. Ini-‐‑start
ang motor. Ilang saglit pa ay nasa kahabaan na siya ng Aurora Boulevard.
Sinipat niya ang suot na wristwatch. Alas diyes nang gabi.
CHAPTER 9
HINDI makatulog ang mag-‐‑asawang Carlos at Emilia Tuazon.
Ang mahiwagang pagkawala ng bangkay ng kanilang anak ang kanilang pinag-‐‑
uusapan. “Si Charina at Vanessa lang naman ang may
interes sa bangkay ng anak natin, Celia. Posible talagang isa sa kanila ang
nagtago niyon. O, baka naman naipalibing na ng sinuman sa kanila si Rommel. “Pero sa preliminary investigation ay lumalabas na inosente ang
dalawa. Pareho silang may magandang alibi,” pasubali
ni Lola Celia. “Si Vanessa ang pinakamalapit ang
distansiya sa bangkay ni Rommel. Naroon siya mismo sa chapel,” paalala ng ama ni Rommel. Pinatunayan ni Nena na himbing na si
Vanessa bago siya nakatulog,” giit ng matandang babae. “Madaling magtulug-‐‑tulugan,” ismid ni Lolo Carlos. Natigilan si Lola Celia. Nag-‐‑isip.
Pagkuwa’y nagtanong. “Saan niya
dinala ang bangkay ni Rommel? At paano niya nabuhat mag-‐‑isa iyon?” “Posibleng kinasapakat niya si Nena.
Very loyal sa kanya ang kanyang katulong na iyon.”
Napatango ang matandang babae. “May sinabi nga
pala sa akin ang security guard sa chapel. Noong alas tres daw ng madaling araw
ay binigyan siya ni Nena ng kape. Pagkainom daw niya ay bigla na lang siyang
inantok nang matindi. Kaya nga nang abutan natin siya ay mahimbing ang tulog,
di ba?” Napasuntok sa hangin ang matandang lalaki. “Posibleng pinainom siya ng
pampatulog ni Nena para magawa nila ni Vanessa ang dapat gawin.” Nakakaawa
naman ang guwardiya, Carlos. Napaalis sa trabaho dahil sa ating reklamo,” ani
Lola Emilia. “Pag napatunayan nating si Vanessa ang may kasalanan ay pupunta
tayo sa agency ng guard na iyon at babawiin natin ang ating reklamo. Para
mapabalik siya sa kanyang trabaho,” pangako ni Lolo Carlos sa asawa. Naputol
ang pag-‐‑uusap ng mag-‐‑asawa nang tumunog ang telepono.
Bantulot na dinampot iyon ng matandang lalaki. Tinig lalaki ang sumagot sa pag-‐‑hello
ni Lolo Carlos. “Si Sarhento Perez ho ito. ‘Yung police investigator sa kaso ng nawawalang bangkay ng anak
ninyo.” “A, yes,
Sarhento. Ano’ng balita?” sabik na
tanong ng ama ni Rommel. “May lalaki akong kaharap dito ngayon,
Sir. Siya raw ang regular na naggugupit ng damo sa lawn nina Mrs. Vanessa
Tuazon. Paminsan-‐‑ minsan daw ay nagpapadrayb sa kanya si Mr. Rommel
Tuazon kapag masama ang pakiramdam nito at hindi kayang magmaneho ng sasakyan.” Simulang pagpapaliwanag ng imbestigador. “Isang gabi raw ay nagulat siya nang puntahan siya ni Mrs.
Tuazon. Nakikiusap daw na i-‐‑drive niya ang van ni Mr. Tuazon
na nakaburol sa chapel.” “Ituloy
mo, Sarhento.” Pigil-‐‑hiningang sabi ng matandang
lalaki. “Sabi raw ni Misis ay may ipagagawa sa
kanyang importante na babayaran siya ng limang libong piso. Sa gabi lang na
iyon. Hindi na raw siya nag-‐‑isip o nagtanong. Basta umoo na
lang siya,” pagpapatuloy ng sarhento. “Siya ang kumuha ng bangkay ng anak ko!”
paniniyak na sambit ni Lolo Carlos. “Kinuha raw niya
ang van sa garahe nina Misis. Pagkatapos ay dinala niya sa bakuran ng
punerarya. Himbing daw ang guwardiya nang dumating siya. Bago raw iyon mag-‐‑alas
kuwatro ng madaling araw. Himbing din daw ang katulong na si Nena. Wala raw
problemang nakuha nila ni Misis ang bangkay at isinakay sa van. Pagkatapos daw
ay ibinalik niya ang van sa garahe. Sabi raw ni Mrs. Tuazon ay siya na ang
bahalang maglibing sa mister niya.” “Pero nakapagtanong na kayo sa Holy Cross,
di ba? At wala raw inililibing na Rommel Tuazon doon,” sabi ni Lolo Carlos.
Sumabad si Lola Emilia. “Carlos, baka nasa loob pa ng van ang bangkay ni
Rommel. Puntahan natin sa garahe nina Vanessa.” Kinausap ni Lolo Carlos ang
pulis sa telepono. “Mabuti at naisipang magtapat ng taong iyan?” “Nakunsensiya
daw ho siya dahil nalapastangan niya ang bangkay ni Mr. Tuazon at nalaman
niyang pati kayong mga magulang ay naghihirap ang loob sa paghahanap sa inyong
anak,” taimtim na tugon ng imbestigador. “Sarhento, puwede bang sundan ninyo
kami sa Sunshine Subdivision? Sa bahay ng manugang ko? Mauuna na kami roon ng
misis ko.” Inabutan ng mga pulis ang mag-‐‑asawang matanda sa labas ng gate
ng bahay nina Vanessa. “Kanina pa kami tumitimbre pero walang
sumasagot sa amin. Hindi namin malaman kung tulog lahat o baka walang tao sa
bahay,” pagpapaliwanag ni Lolo Carlos sa mga
pulis. Nag-‐‑ober da bakod ang mga pulis para makapasok sa loob ng
bakuran. Binuksan nila ang garahe at natuklasang wala na roon ang van. Ang
kotse na ang nakapasok sa garahe. Napilitan silang distrungkahin ang pinto ng
kuwarto ni Nena dahil hindi ito magising sa malakas na pagkatok nila.
Naghihilik ang katulong at kinailangan pang wisikan siya ng malamig na tubig sa
mukha para magising. Sapo ang ulong bumalikwas si Nena. “Ang sakit
ng ulo ko.” Nagulat nang makita sina Lolo Carlos at
Lola Emilia at mga pulis “Bakit po? Ano ang nangyari?” “Ang Ma’am Vanessa mo,
umalis ba?” si Lola Celia ang nagtanong sa katulong. “Hindi ko po alam,
Senyora. Pinainom pa niya ako ng orange juice kanina. Kami ni Alana. Tapos,
sabi niya ay matulog na raw kami dahil nagpuyat kami noong mga nakaraang gabi.
Magbawi daw kami ng lakas,” pagpapaliwanag ni Nena. “Wala ang van sa garahe,
Nena. Ang Ma’am mo lang ang tiyak na naglabas niyon,” sambot naman ni Lolo
Carlos. “Ay, opo. Pag namimili po iyon ng mga halaman ay minamaneho niya ang
van,” maagap na tugon ng katulong. “Kaya lang, saan naman nagpunta iyon ngayon?
Gabi na po, di ba? Ano’ng oras na?” “Pasado alas dose na. Nasaan ang anak
niya?” tanong ng sarhento kay Nena. “Nasa kuwarto po niya. Nauna hong natulog
kesa sa akin. May susi po ako roon. Sa pinto ng kusina.” Nakapasok ang lahat sa
kabahayan ng mga Tuazon. Hindi naman naka-‐‑lock ang pinto ni Alana kaya
malaya silang nakapasok sa silid nito. Tulad ni Nena nang abutan nila.
Naghihilik pa sa kahimbingan ang dalagita. “Sa itsura niyan ay pinainom ng
pampatulog,” sabi ng isang pulis. Hinilamusan din nila ng malamig na tubig ang mukha
ni Alana para magising. Nabigla din ang dalagita at nagtanong kung bakit
nambubulahaw sila sa ganoong oras. Ipinagtapat nila sa anak ni Vanessa ang
pangungumpisal ng taong kinasapakat nito sa pagnanakaw sa bangkay ng daddy
niya. Napaiyak si Alana. “Bakit naman nagawa ni Mommy iyon?” Masuyong sumagot
si Lola Emilia. “Mahal na mahal niya ang daddy mo, iha. Ayaw niyang maagaw sa
kanya ng sinuman kahit ang bangkay ng anak ko.” “Alana, may alam ka bang
posibleng pagdalhan ng mommy mo sa bangkay ng daddy mo?” tanong ni Lolo Carlos
sa apo. “Di ba sabi ng mga pulis, wala naman sa aming lote sa Holy Cross?”
anang dalagita. “Hindi niya ilalagay sa madaling matutuklasan, iha,” sagot ng
sarhento kay Alana. Biglang may pumasok sa isip ng dalagita. Napapalatak ito. “Alam
ko na. Sa aming farm sa Tanay. Mahal na mahal ni Daddy ang lugar na iyon dahil
iyon ang pinakamalaking bagay na kanyang naipundar. Saka nakalagay iyon sa
pangalan ako at si Mommy ang administradora habang under age pa ako.” Noon din
ay nagbiyahe ang lahat patungo sa lugar na itinuro ni Alana.
CHAPTER 10
PAWISAN na si Vanessa. Kahit na malambot ang lupa sa farm land ay nahirapan
pa rin siyang hukayin iyon. Sa loob ng dalawang oras ay hanggang tuhod pa lang
ang kanyang nahuhukay. Hapung-‐‑hapo siya. Parang kinakapos na sa
pagod ang kanyang paghinga. Pero kailangang laliman pa niya ang hukay. Isang
maliit na emergency light lang ang tumatanglaw sa kanya. Nasa gilid ng hukay
ang nakabalot na bangkay ni Rommel. Sa di kalayuan ay nakaparada ang van. Ang
ginawa niyang hukay ay nasa gitna ng apat na puno ng rambutan. Matatagalan bago
may magawin sa lugar na iyon. Pagkaraan ng apat na buwan ay wala nang
makakapansin sa tinabunang hukay. Ang balak ni Vanessa ay magpapatayo siya ng
maliit na kubo sa ilalim ng isang puno ng rambutan. Doon na siya mamamalagi
para lagi siyang malapit sa kanyang minamahal. Umahon siya sa hukay at nagtungo
sa van. Kinuha ang baong maliit na thermos bottle at tumungga ng malamig na
tubig. Nagkaroon siya ng panibagong lakas. Muli siyang lumundag sa hukay at
ipinagpatuloy ang pagpala sa lupa para lumalim pa iyon. Nakakailang pala pa
lamang siya nang makarinig ng ugong ng papalapit na sasakyan. Hindi isang
sasakyan lang. Parang dalawang sasakyan na umuugong ang mga makina. Huminto sa
paghukay si Vanessa. Nakiramdam na mabuti. Pumarada ang kotse nina Lolo Carlos
at Lola Celia sa labas ng gate ng farm lot. Tumabi sa kanila ang mobile car ng
mga pulis. Sabay-‐‑sabay silang bumaba ng mga sasakyan. “Maglakad na lang tayo patungo doon sa may liwanag na kukuti-‐‑kutitap.
Tiyak na siya na iyon,” sabi ng sarhento sa mga kasama. “Kailangang makalapit tayo nang walang ingay para hindi siya
maalarma. Iiling-‐‑iling si Lolo Carlos habang sumusunod sila sa
paglalakad ng sarhento. “The sentimental fool. Pinairal ang
baliw na emosyon kesa matinong desisyon,”
pabuntunghiningang sambit tungkol kay Vanessa. Nagpatuloy sa paghuhukay si
Vanessa matapos mawala ang ugong ng sasakyan. Walang kilatis na nakalapit sa
kanya ang grupo. Pinalibutan ang hukay. Isang pulis ang nagbukas ng flashlight.
Tinanglawan si Vanessa. Napatili ang babae. Parang isang hayop na nasukol sa
loob ng hukay. Nataranta. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Habag ang yumakap
sa puso ni Lola Celia sa nakitang anyo ng babaing baliw na umiibig kay Rommel.
Madungis ang mukha nito sa haluang pawis at putik. Humahagok sa matinding pagod
at takot. “Vanessa, iha, ang Mama ito, saka ang Papa. Huwag kang matakot, iha,”
paiyak na samo ni Lola Celia. Nagpapalahaw din si Alana. “Mommy! Mommy!”
Dalawang pulis ang nag-‐‑ahon kay Vanessa sa hukay.
Pagkaahon ay sinalubong siya ni Lola Celia ng mahigpit na yakap. Humagulgol si
Vanessa sa dibdib ng matandang babae. “Patawarin ninyo
ako, mahal na mahal ko po kasi si Rommel.” Umiiyak
na hinagod ni Lola Emilia ang likod ni Vanessa. “Naiintindihan
ko, iha. Hindi kami nagagalit sa iyo.” “Mommy,” umiiyak na niyakap din ni Alana ang
ina. “Paglaki mo at natuto kang umibig nang
labis, mauunawaan mo ang ginawa ko, anak.” Humihikbing wika ni Vanessa sa anak.
“Iuwi na natin ang anak mo, Emilia. Doon na pag-‐‑usapan kung ano ang susunod
nating gawin,” sabi ni Lolo Carlos sa asawa.
CHAPTER 11
IPINATAWAG ng mga magulang ni Rommel si Charina. Alam nilang sa batas ay ito ang may karapatan sa pagpapalibing sa kanilang anak. “Huwag mo na sanang sisihin o kagalitan si Vanessa sa nangyaring gulo, Charina.” Malumanay na payo ni Lola Celia sa manugang. “Kinikilala na niya ang karapatan mo kay Rommel.” “Hindi ako naparito para mang-‐‑away, Mama. Gusto ko lang mabigyan ng disenteng libing ang asawa ko,” malamig na tugon ni Charina. Lumabas mula sa isang silid si Vanessa. Mapagkumbabang lumapit kay Charina. “Kaya ko nagawa ang ganoong kahangalan ay dahil sa takot na ipagmaramot mo sa amin ng anak ko ang pagdalaw sa libing ni Rommel.” “Hindi ako ganoon kalupit, Vanessa. Kung ganoon ako, sana’y siya ang inilayo ko sa iyo noon. Pero hindi. Kami ng mga anak ko ang nagpaubaya para maging malaya ang inyong pagsasama,” may hinanakit pa rin sa tinig ni Charina. “I’m sorry for everything,” kagat-‐‑labing tugon ni Vanessa. “Pasamahin mo si Alana sa libing ng kanyang ama,” mahinahong wika ng Charina. “Pero ikaw, kung puwede, lumapit ka lang kapag wala nang tao sa puntod niya. Para hindi tayo parehong malagay sa kakatuwang sitwasyon.” “Salamat, Charina,” tapat iyon sa loob ni Vanessa.
WAKAS