BAWAL MO SIYANG MAHALIN

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

BAWAL MO SIYANG MAHALIN

BAWAL MO SIYANG MAHALIN

CHAPTER ONE

NALUKOT ang mukha ni Wanda sa narinig mula sa kaibigang si Norman. “Pip naman,” ungot ng lalaki, gamit ang pet name nito para sa kanya. “Kasubuan na ‘to. Nakipag-‐‑deal na ako kay Jeff. Kung sinong walang kasamang girlfriend sa reunion ng Bermudez clan this year, siya ang magiging private nurse ni Lola Faustina for the whole month of May. .” Nagkibit-‐‑balikat lang si Wanda at saka nginusuan ang kaibigan. “Bahala ka sa buhay mo!”

aniya. “Wanda?” Hindi makapaniwala ang lalaki sa narinig. Exaggerated na pinalaki ni Norman ang mga mata. “Tell me na nagpapakipot ka lang, na hindi mo ‘ko matitiis!” “No way,” si Wanda. “Please naman, o!” “Bakit ba ako pa’ng napili mo, eh, ang dami-‐‑ dami namang ibang girls diyan? Alam mo namang may pagka-‐‑antisocial ako, no? Tapos isasabak mo ‘ko sa reunion ng clan ninyo. . You’re kidding!” sabi ni Wanda. “Ang sama mo talagang kaibigan,” pangongon-‐‑ siyensiya nito. Kamuntik na siyang matawa sa bahagyang pagkakataas ng isang kilay nito. Obvious na obvious ang pagiging homosexual ng kaibigan. Si Norman ay isang typical example ng closet queen—tough and suave kunwari on the surface, pero huwag ka at mas malandi pa ito sa kanya. Nagmula sa isang kinikilalang angkan sa kanilang lalawigan, isang curse ang pagiging bakla ni Norman dahil hindi nito mae-‐‑express nang malaya ang pagkatao. Isa si Wanda sa iilang close friends nito na nakababatid sa pinakamaselang sekretong iyon. “Okay, okay,” mayamaya ay sabi niya. “Pumapayag na ako.. ” Bigla itong napangiti sa narinig. “Hayan,” sambit nito na halatang labis na nasiyahan. “Sabi ko na nga ba, I can count on you for always. You’re my bestest best friend talaga!” “Tse!” taas-‐‑kilay na irap niya. Pumayag lang akong maging girlfriend mo for a day dahil pinakamaganda ako among your female friends, ‘no?” “WOW, YOU look fabulous!” siyang-‐‑siyang bulalas ni Norman nang matapos si Wanda sa pagbibihis. “Kaunting make-‐‑up na lang at pang-‐‑ Miss World na’ng beauty mo.” “Ay, ayokong mag-‐‑make-‐‑up! tanggi ni Wanda. “Lipstick na lang. .” Pinanlakihan siya ng mga mata ni Norman. “No way. Napaka-‐‑dull naman nang walang make-‐‑up. Saka use these pearls I borrowed from my aunt.” Wala nang nagawa si Wanda kundi magpatianod sa gusto ng kaibigan. Ito ang nag-‐‑ apply sa kanya ng make-‐‑up at nag-‐‑ayos ng kanyang buhok. Nang matapos, napapalatak si Norman sa paghanga sa kanya. “Gosh, Pip, para kang moviestar! No doubt, ikaw ang nawawalang twin sister ni Winona Ryder. I’m sure kapag nakita ka ng mga pinsan ko, maiinggit sa akin ang mga gagong ‘yon!” Inirapan lang niya ang kaibigan. “Bolerong bakla!” “No, hindi kita binobola. Red is really your color. Bagay na bagay sa ‘yo, o.” Nang sipatin ni Wanda ang sarili sa salamin, nasiyahan din siya sa nakitang repleksiyon. Maganda nga pala ang suot niyang spaghetti-‐‑ strapped at ankle-‐‑length na pulang bestida. Tinernuhan niya iyon ng sandals na pula at kulay-‐‑ krema ang strap. Tamang-‐‑tama naman ang pearls at mamahaling shoulder bag na ipinahiram sa kanya ni Norman. “Hmm. . you’re right,” nakatawang sabi niya. “I look devastatingly gorgeous. Sana may pinsan kang kamukha ni Brad Pitt para hindi naman masayang ang pormang ‘to.” “Brat Pitt?” turan nito. “Walang Brad Pitt pero may Christian Slater. . Puwede na ba ‘yon sa ‘yo?” “I don’t have the hots for Christian Slater,” sabi niyang inginiwi ang mukha, “but we’ll see.” GUSTONG pagalitan ni Wanda ang kaibigang si Norman. Wala raw siyang makikitang mala-‐‑Brad Pitt ang kaguwapuhan sa reunion. . pero ano itong halos magpaluwa sa kanyang mga mata dahil sa labis na paghanga? My God, sa loob-‐‑loob niya. Hindi lang ito Brad Pitt, manapa’y isang concoction ng kaguwapuhan at sex appeal nina Pierce Brosnan, John-‐‑John Kennedy, at Richard Gomez! “You’re exaggerating,” sabi sa kanya ni Norman nang i-‐‑verbalize niya ang nasa isip. Ang askad-‐‑askad nga ng mukha ni Uncle Abe, eh. “So, Abe is the name, huh?” “Abraham Bermudez.” What a nice name! Ultimong pangalan ay maganda. Bumuka ang bibig niya para magtanong ngunit inunahan na siya ni Norman. “Yes, he’s a bachelor, pero hindi siya para sa iyo, ‘no!” Inignora niya ang sinabi nito. “Ipakilala mo naman ako sa kanya, o. Sa kanya mo lang yata ako hindi ini-‐‑introduce. . “Never mind,” sabi ng kaibigan. “May pagka-‐‑ woman-‐‑hater ang uncle kong yan. At kahit ganyan ka kaganda, tiyak na hindi ka pa rin n’on mata-‐‑type-‐‑an. Napangiwi si Wanda. “Ang lupit mo naman, Mammee. .” “Mammee” ang pet name niya at ilan pang matatalik na kaibigan kay Norman. Bigla siyang siniko ng kaibigan. “Ano ka ba?” impit na bulong nito. “Don’t call me that way here. .” Kaagad niyang natutop ang bibig. “Ay, oo nga pala. Sorry.” “Watch your mouth, loka.” “I will, Mammee.. ” Muli siya nitong siniko sa tagiliran. Napabunghalit naman siya ng hagikgik. “Norman. .” Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Napatda si Wanda sa nakita. Si Abe Bermudez! “Uncle Abe,” bati ni Norman. Ngumiti ang nakatatandang lalaki. “Why don’t you get your pretty girl here a glass of martini, Norm?” Ngumiti si Norman at saka tumingin sa kanya, tila nagtatanong ang mga mata. Tinanguan niya ito. “Well,” ani Norman. “I’ll introduce you first. Wanda, this is Uncle Abe, first cousin ni Mommy. Uncle Abe, this is Wanda, my girlfriend.” Ibig niyang matawa habang inaabot ang nakalahad na palad ng lalaki. Parang hindi makuhang bigkasin ng pobreng baklita ang salitang “girlfriend.” “Nice meeting you, Wanda,” nakangiting wika ni Abe. “Wanda, hmm. . nice name.” “Well, Uncle Abe,” mayamaya ay sabi ni Norman. “Maiwan ko muna kayo ni Wanda rito, ha? I’ll get us some martini.” “No problem,” tugon ni Abe. “I’ll take care of her. . and make sure Jess and Anthony don’t get near her. Aba, kanina ko pa napupunang tingin nang tingin sa girlfriend mo ang dalawang ‘yon!” Kiming ngumiti na lang si Wanda at saka inihatid ng tingin ang papalayong si Norman. “Well, Wanda.. tell me about yourself.” “A-‐‑about myself? kunot-‐‑noong ulit niya. Hindi yata’t kinikilatis siya ng guwapong tiyuhin ng kanyang boyfriend kuno. .? Tumango ito. “Yeah. About yourself. Your parents, your family.. ” Napakibit-‐‑balikat siya. Well, Im the eldest among three sisters. My sisters are fifteen and twelve, both in high school. My parents are both dentists. . hmm, what else would you like to know?” Napangiti ito. “Are you and Norman classmates?” Umiling siya. “No. Sa UST ako. Sa La Salle si Norman.” “I see.” “Ikaw. . tell me about yourself.” Woman-‐‑hater ka raw. .? dugtong na tanong ng kanyang isip. Natawa ito. “Why would you want to know things about me?” Because you’re deadly gorgeous, idiot! Ngumiti siya at nagkibit-‐‑balikat. “All right, I’m a businessman,” simula ni Abe. “Uncle Abe!” Naputol ang sinasabi nito nang biglang sumulpot ang isang lalaki mula sa likuran nito. “Donnie.. !” bulalas ni Abe. “What a surprise!” Napatitig si Wanda sa mukha ng nakababatang lalaki. Ito na siguro ang tinutukoy ni Norman na ala-‐‑Christian Slater. Tumawa si Donnie. “Are you kidding? This is my family reunion. .” Bigla itong natigilan nang mapadako ang tingin sa kanya. “Hey... who’s this pretty girl?” “Hmm. . oh, yeah. This is Wanda, Norman’s girlfriend. Wanda, this is Donnie, pamangkin ko rin.” “Norman’s girlfriend?” Nanlaki ang mga mata ni Donnie, tila hindi makapaniwala. “Norman has a girlfriend?” Natawa si Abe. “Bakit? Imposible ba?” “Marunong din palang manligaw ang lokong ‘yon, ah.” Ngumisi si Donnie. “At super-‐‑ganda pa ang nabingwit, ha?” Kiming ngiti lang ang itinugon ni Wanda sa sinabing iyon ni Donnie. “Don, akala ko ba, hindi ka makakauwi for the reunion?” mayamaya ay tanong ni Abe. Nagkibit-‐‑balikat si Donnie. The boss fired me,” nakangiwing wika nito. “Those bastard Americans!” So, balik-‐‑bayan ang Donnie na ito, aniya sa sarili. “I called Norman, ah,” pagpapatuloy ni Donnie. “Hindi niya siguro nabanggit sa ‘yo na uuwi ako.” “Hindi nga,” sabat ni Norman na may dalang dalawang kopita. “Norm!” excited na bati ni Donnie. “Talo mo si Jeff sa pustahan n’yo. Kasama ko ang loko papunta rito. . at wala siyang bitbit na chick.” “I know,” nakangising sagot ni Norman. “Nakausap ko na siya.” “Teka, teka,” singit ni Abe. “Did I miss anything? Ano ‘yong pustahan n’yo ni Jeffrey, Norman?” Tumawa si Norman. “Si Lola Faustina, Uncle,” sagot nito. “Kung sino’ng talo sa pustahan namin ni Jeff, siya’ng magiging private nurse ni Lola for the whole month of May. Magbabakasyon kasi si Ellen sa probinsiya nila sa Bicol next month.” Ang tinutukoy nito ay ang private nurse ng abuela. Natawa si Abe, saka umiling-‐‑iling. “So, if you’ll excuse us,” ani Norman na nakahawak sa isang braso ni Wanda. “Ipakikilala ko lang si Wanda kay Jeff. .” “Sure,” halos magkasabay na tugon nina Abe at Donnie. Nang makita ni Wanda si Jeff, halos lumuwa rin ang kanyang mga mata dahil sa kaguwapuhan nito. Gosh! sa loob-‐‑loob niya. Ano ba naman... para akong nasa Hollywood sa dami ng mga tisoy na guwaping sa paligid! Ang dami palang guwapong kamag-‐‑anak ni Norman, hindi man lang nababanggit sa kanya. Kakamot-‐‑kamot sa ulo si Jeff habang ipinakilala siya ni Norman dito. Gusto niyang matawa sa magpinsan. Kung alam lang ni Jeff ang tunay na istorya! “ARE YOU taking summer classes, Wanda?” Nagulat si Wanda nang marinig ang tinig na iyon. Si Abe. Kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda ng mansiyong pinagdarausan ng okasyon. Masyado yata siyang na-‐‑engross sa paghanga sa kagandahan ng kalawakan kung kaya’t hindi niya namalayan ang paglapit ng lalaki. Ngumiti ito. “Norman told me you’re into psy-‐‑ chology.” Tumango siya. “Are you busy this summer?” Naupo ito sa tabi niya. Kunot-‐‑noo siyang umiling. Well, Im not taking summer classes. Wala rin akong summer job. I just write stuff to keep myself busy. Bakit?” “Hmm. . I have a job offer for you,” ani Abe. “I thought you might be interested in looking after an. . autistic child.”

 

CHAPTER TWO


 “AUTISTIC child ‘ikamo?” interesadong ulit ni Wanda. Tumango si Abe. “Autistic child.” “Well. . I love special kids. And you’re offering me a job?” “Yes.” “Babysitting an autistic child?” Ngumiwi si Abe. “Hmm.. babysitting is probably not the right term. I wonder what is.” Tumawa siya sa lalaki. “It’s a special kind of babysitting, but for me, it’s just plain babysitting. Who’s the child?” “Pamangkin ko. The name’s Collin.” “Collin?” Tumango si Abe. “How old’s Collin?” “Eight.” “Eight,” ulit niya. Naalala niya si Allan, isang autistic child sa special learning center kung saan siya nag-‐‑practicum. Eight years old din si Allan noon. “So.. you’re interested?” nakangiting tanong ng lalaki. Tumango siya. “I accept the job. When do I start?” Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Abe. “Well, gusto mong mag-‐‑start na this Monday? Saglit siyang nag-‐‑isip kung may commitment siya sa Lunes. “All right,” mayamaya’y sagot niya. “Hmm. . Abe?” “Uncle Abe,” natatawang sabi ng lalaki. Inirapan lang niya ito. “Tell me about Collin. Can he speak?” Malungkot itong umiling. “I see.” Gusto niyang mapangiwi. Mahirap na case ang nonverbal autism. “He’s not violent, though,” mayamaya’y sabi nito. “He just wants to be left alone.” “Like most autistic people,” ani Wanda. “Ano’ng ginagawa niya when he’s alone?” “He likes to draw. . especially sa walls ng kanyang room.” Tumawa siya sa sinabi nito. “I’ll pay you eight thousand pesos for the month of May,” sabi ni Abe, “pero dahil late April na ngayon, maybe four thousand is fair enough para sa katapusan. What do you say?” “Hmm. . it sounds good to me.” “Sunday is your off. Okay na ba ‘yon sa ‘yo?” Tumango siya. “Kailan ang start ng classes mo sa June?” “On the fourteenth yata.” “Good,” sagot ni Abe. “Can you stay with Collin until the twelfth?” Saglit siyang nag-‐‑isip. Mag-‐‑e-‐‑enroll pa ako siyempre. .” “You can take a day off for enrolment.” “Sige,” nasisiyang wika niya. “That settles it.” “So, I’ll be expecting you on Monday?” Tumango siya. “Saan ba ang bahay ninyo?” Tumawa ang binata. “This is our home.” Biglang nanlaki ang mga mata ni Wanda. “Sa inyo ito?” Tumango si Abe. “My God. . it’s so big!” bulalas niya, mayamaya ay napakunot-‐‑noo. Nasaan si Collin kung gano’n?” “Sa room niya, sa third floor.” “Sino’ng kasama niya roon?” “I told you, he likes being alone.” “Can I see him?” Tiningnan muna nito ang suot na wristwatch bago sumagot. “I’m afraid it’s late. Tiyak na tulog na ‘yon.” Magpoprotesta pa sana si Wanda, sasabihing mas favorable nga kung gayon, ngunit napigilan siya nang marinig ang boses ng papalapit na si Norman. Nagkibit-‐‑balikat na lang siya. Makikita rin naman niya ang bata sa Lunes. “Nasabi mo na sa kanya, Uncle?” tanong ni Norman nang makalapit. Tumango si Abe. “And...?” Sa kanya naman tumingin si Norman. Si Abe ang tumugon. “She accepted the job.” Ngumiti si Norman. “That’s great.” Saglit na tumingin sa dalawa si Abe bago nagpaalam. “Sige, maiwan ko na kayo.” “Sige. Good night, Uncle.” Napalingon si Abe. “Good night? You’re leaving?” Tumango si Norman. “I promised Wanda I’d take her home early.” Muli, tumingin sa suot na wristwatch si Abe bago umimik. “But it’s too early—barely eleven. The party’s just started.. ” Ngumiti lang si Norman. “Okay then,” pagkikibit-‐‑balikat ng nakatatandang lalaki. “I’ll just see you on Monday, Wanda. Just drive carefully, Norm.” “I will.” Nakadama ng relief si Wanda nang makalabas na ng magarang bakuran ng mansiyong iyon ang kotse ni Norman. Kanina pa siya ill at ease sa presence ng mga class nitong kamag-‐‑anak. EXCITED na ibinalita ni Wanda sa mga magulang ang job offer ni Abe Bermudez. “Eight thousand a month?” Hindi makapaniwala ang kanyang mama. “Mataas na rin ‘yon, ah! At least for someone na walang working experience like you.” “Kaya lang,” pasubali naman ni Dr. Tony Gorres na kanyang ama, “may MA units ka na. Hindi ba’t dapat mas mataas ang fee mo?” Tumawa si Wanda. “Pa, naman. Para magbe-‐‑ babysit lang, eh.” “That’s a special case. Autistic child ang ibe-‐‑ babysit mo.” “Papa, it’s merely playing with an ordinary kid, mas madali pa nga kasi reserved ang batang ito, nonverbal at loner. Palagi raw nag-‐‑iisa. All I have to do is look after him. I won’t even play with him. Pero I think, I’ ll try to teach him some stuff na rin like what I did during my practicum days.” “Sounds good to me,” sabi ni Dra. Elena Gorres. “Pampadagdag din sa experience mo ‘yon.” “Saan ‘ikamo ang tahanan ng Abe Bermudez na ito?” tanong ni Dr. Gorres. “Sa Valle Verde, Pa.” “Pamangkin niya ang batang aalagaan mo?” Tumango si Wanda. “Eh, nasaan ang parents ng batang ‘yon?” “Ewan ko, hindi ko naitanong.” “Ano ka ba?” natatawang wika ng ina. “Nang sabihan ka yatang eight thousand ang susuwelduhin mo’y hindi mo na naisipang magtanong ng details about the job.” Nagbuntong-‐‑hininga ito. Well, I understand.. first job mo ito, so you must be excited.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Of course not. This isn’t my first job. Nagtrabaho ako sa Jollibee once, remember?” “As far as I can remember,” nakatawang sabad ni Dr. Gorres, “eight days ka lang sa fast-‐‑food na ‘yon.” “At least nagtrabaho ako, ‘di ba?” Nagkatawanan na lang ang mag-‐‑asawa. “SASAMAHAN kita sa Valle Verde?” Tumango si Wanda kay Millicent, ang kanyang nakababatang kapatid. “Para alam mo kung saan mo ‘ko pupuntahan in case of emergency.” “Magko-‐‑commute tayo? tanong ni Millicent. “No. Ihahatid tayo ni Norman.” “Sige!” “You’ll be thrilled to meet Abe Bermudez,” excited na bigkas niya. “Ang guwapo-‐‑guwapo niya!” sabi ni Wanda. Nahawa rin sa excitement si Penelope, ang bunso niyang kapatid. “Sama rin ako, Ate,” ungot nito. “Gusto kong makita kung guwapo nga ‘yon.” “Sige, pero I’m warning you, girls, ha? I saw him first!” ani Wanda. “Yaiks!” sambit ni Millie. “Ate naman, sabi mo’y nasa mid-‐‑thirties na siya, di ba? Not my type!” “Mukha lang, pero hindi ako sure,” aniya. “You think magkaka-‐‑crush ako sa kanya, Ate? nakangising tanong ni Penny. Kunwa’y inirapan niya ang kapatid. “Tse!” Bumungisngis si Penny. PAGSAPIT ng Lunes, pawang excited ang magkakapatid sa pagpunta sa tahanan ni Abe Bermudez. Pagdating ng kotse ni Norman, halos maglundagan sina Millie at Penny sa pagsakay roon. “What’s with them?” ungkat ni Norman nang umaandar na ang sasakyan. Magkatabi sila ni Wanda sa unahan at nasa backseat naman sina Millie at Penny, parehong kinikilig. Sinulyapan niya ang dalawa sa salamin. “They’re excited.” “Excited?” nakangiting ulit ni Norman. “I told them about Abe.” Pumait ang ngiti ng lalaki at saka umasim ang mukha. “Pip, gross ka talaga,” anito sa malamyang tinig. “Ang weird-‐‑weird mo. . “Weird ba ‘yon? Nagka-‐‑crush lang naman ako sa tito mo, a! What’s wrong?” Napailing ito. “Now I’m beginning to think this job isn’t such a good idea after all.” Napakunot-‐‑noo siya. Bakit naman? Nagbuntong-‐‑hininga si Norman. Im just afraid. .” “Afraid? Of what?” “Baka ma-‐‑in love ka sa kanya. . kay Uncle Abe.” Biglang nagtilian ang mga dalagita sa backseat. “Ayyy!” Tinapunan niya ng tingin ang mga ito. “Hoy, ano ba kayo d’yan?” “Ay! Sana ma-‐‑in love nga si Ate kay Abe! Nakadakma pa ang isang kamay ni Millie sa kaliwang dibdib. “Thrilled ako.. ” “Sana nga,” ayon ni Penny. “For the first time.. sana ma-‐‑in love na si Ate para magkakuya na tayo!” “Mga sira,” naiiling na bulong ni Wanda. “Mana sa ‘yo,” sagot ni Norman. Itinuon niya ang tingin sa unahan ng sasakyan at saka humalukipkip. “I warned you. Don’t blame me kapag naganap ang kinatatakutan ko,” mahinang sabi nito. Napatawa siya. “Would you give me a break? Para kang gaga, kung ano-‐‑anong iniisip mo. Ikaw ang weird, eh.” “Uncle Abe has a magnetic sex appeal,” busangot ang mukhang sagot nito. “Hindi imposibleng ma-‐‑fall ka sa kanya. Humalakhak siya. “What’s the fuss kung magkagano’n man—binata naman siya at dalaga naman ako?” “Wanda!” Nanlaki ang mga mata ni Norman. Tumawa siya. “I’m telling you, Mammee, it will never happen. He’s drop-‐‑dead gorgeous, all right, but he’s not really my type!” “Geez, Ate,” sabad ni Millie. “Don’t tell me na hanggang ngayon, you’re still expecting na one day, magkikita kayong muli ni Derek and end up marrying each other?” Inirapan niya ang kapatid. “I don’t even think of Derek anymore!” Si Derek ay kababatang maituturing na childhood sweetheart ni Wanda. Nag-‐‑migrate ang pamilya nito sa Amerika noong nasa third grade pa lang sila, ngunit bago umalis ay nag-‐‑iwan ito ng isang childish promise: “Liligawan kita at pakakasalan pagbalik ko. .” Nagsulatan sila ni Derek. Nasa third year high school na siya nang maputol ang kanilang komunikasyon. Ngayong iniisip niya ang pangako ng lalaki, gusto niyang matawa. What do you know about marriage that time, Derek? tanong niya rito minsan sa sulat. I was positive when I said those words, sagot ng lalaki. You are the girl I am gonna marry someday. . Then after that letter, mabibilang na sa daliri ang mga sumunod na liham ng kababata. Hanggang tuluyan na silang mawalan ng komunikasyon. Ngayon, wala na siyang balita tungkol sa lalaki. Ang alam lang niya, nag-‐‑ transfer na ang pamilya ni Derek mula sa Glendale, California to Las Vegas. Ni hindi niya alam kung anong propesyon mayroon ang lalaki sa ngayon. “And who is that Derek naman?” usisa ni Norman. “Childhood sweetheart niya, Mammee,” maagap na tugon ni Penny. Ngumisi si Norman. “Hmm.. interesting. You never told me about him, Pip.” Ngumiwi lang siya. “At pinangakuan siya ni Derek ng kasal bago umalis papuntang California!” kinikilig pang dugtong ni Penny. “And how would you know?” singhal niya sa bunsong kapatid. “Hindi ka pa ipinapanganak nang mag-‐‑migrate sa States sina Derek! “Kahit na,” ingos ng dalagita. “Ikinukuwento naman sa ‘kin nina Mama. .” Hindi na siya sumagot. Muli niyang ipinako ang tingin sa labas ng kotse. Pagtigil ng sasakyan sa tapat ng magarang gate ng mansiyon nina Abe, nilingon niya ang mga kapatid. “Behave kayong dalawa, ha? And always remind yourselves: walang Mammee sa ating apat, okay? You call him ‘Norman,’ understood?” “Yes, Madam.”

 

CHAPTER THREE

 PALIHIM na kinurot ni Wanda ang dalawang kapatid nang mahinang mapatili sina Millie at Penny pagkakita kay Abe. Magkakatabi silang nakaupo sa malambot na sofa sa living room ng mansiyon habang hinihintay ang paglabas ng lalaki. Napangiti lang si Norman sa dalawang dalagita. “Shucks, Ate, I’m gonna faint na!” impit na bulong ni Millie nang humakbang si Abe palapit sa kanila. “Ang guwapo-‐‑guwapo talaga! “Siyanga, Ate,” kinikilig ding wika ni Penny. “Finally, na-‐‑meet ko na ang soulmate ko! “Mga sira!” singhal ni Wanda. “Para kayong engot, ano? Tumigil nga kayo. .” “Norman, Wanda.. ” nakangiting bati ni Abe nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. “And these two lovely young ladies here. .?” Kay Norman ito tumingin. “They’re Wanda’s sisters, Uncle,” maagap na sagot ni Norman. “Sina Penelope at Millicent.” Napangiti si Abe at tumingin sa tatlong babae. “Penelope, Millicent. . and Wanda. What nice names.” Muling kinurot ni Wanda ang mga kapatid nang magsimulang kiligin na naman ang mga ito at paypayan ng dalang abaniko ang mga sarili gayong kay lamig-‐‑lamig naman ng airconditioning. “Dito na kayong lahat mag-‐‑lunch, sabi ni Abe. “Norm, ikaw na’ng bahala sa kanilang tatlo. I have a staff meeting mayamaya nang kaunti.” “Okay, Uncle,” sagot ni Norman. Binalingan sila ni Abe. “Feel at home, ha?” Nakangiting tumango si Wanda sa lalaki. Ngumiti rin ito. “Ang gaganda naman ninyong magkakapatid. .” “Thank you,” mabilis na sagot ni Penny. Siniko niya ang kapatid. Natawa si Abe. “She’s very pretty,” anito sa kanya. “And smart. .” Kiming ngiti lang ang itinugon niya rito. Nang makapagbilin kay Norman at sa mga katulong, tuluyang nagpaalam na ang lalaki. Kinagabihan na lang daw nila pag-‐‑uusapan ang tungkol kay Collin, pag-‐‑uwi nito. “Dapat pala, mamayang hapon na lang tayo nagpunta rito,” sabi ni Norman. “Nakalimutan ko naman kasing sabihin sa ‘yo na every morning, busy si Uncle Abe sa kanyang business.” “Mabuti na ‘yong maaga, ‘no?” ani Wanda. “Siyempre pa-‐‑impress muna on the first day, di ba?” “Ate, tiyak na mag-‐‑e-‐‑enjoy ka rito, sabi ni Millie. “Aba, mansiyon na nga itong bahay na ito, ‘tapos ang guwapu-‐‑guwapo pa ng kasambahay mo. Wow! Super-‐‑bongga, no? “Pati mga maid, naka-‐‑uniform pa, susog ni Penny. “At ang laki-‐‑laki ng swimming pool sa gilid!” “Wow, Ate.. para ka namang nagha-‐‑holiday rito. Daig mo pa ang nasa hotel. Iyon nga lang, walang maraming guwapong turista at exclusives!” “At saka bellboys,” nakangising sabad ni Norman. “Norm, nasaan nga pala ang parents ni Collin?” mayamaya ay tanong ni Wanda. Nagkabahid ng lungkot ang mukha ni Norman. “They’re both dead. Car accident.” “Kailan pa?” “Six years ago.” “I see.” Tumango si Norman. “Only brother ni Uncle Abe si Uncle Freddie. Mas matanda ‘yon sa kanya.” “Gano’n ba? Eh, ang parents nila?” Umiling ito. “Baby pa lang si Uncle Abe nang mamatay si Lola Beata. Si Lolo Wifredo naman, inatake sa puso at namatay noong ten years old si Uncle Abe. May istorya kasi. .” Nagkibit-‐‑balikat ito. “Nag-‐‑asawa ulit si Lolo Wilfredo, batang-‐‑bata. Kinaliwa tuloy siya. Kaya hayun, inatake sa puso ang pobreng matanda nang mahuli ang haliparot na may katsuktsakang hombre!” Napangiwi si Wanda. “Ay, shucks, grabe. .” “Kaya woman-‐‑hater si Uncle Abe. Tiningnan ni Norman ang dalawang dalagitang wiling-‐‑wili sa pag-‐‑iinspeksiyon ng mga mamahaling kristal at figurines na naka-‐‑display sa salas. “Pati si Uncle Freddie ay niloko rin ni Auntie Marie, ‘yong asawa niya,” patuloy ni Norman. “Kaya nga sila naaksidente that night, nagtatalo ang dalawa. Nahuli yata ni Uncle Fred ang lukaret na nakikipaglandian sa kumpare nila.” Sumimangot ito. “Hmp, tsipipay talagang babaeng ‘yon! I’m saying that kahit patay na siya dahil hindi ko siya mapatawad. Ang bait-‐‑bait na nga ni Uncle Freddie, ‘tapos ginano’n lang niya? Imagine, Wanda, ha? Kumpare nilang buo, ninong ni Collin, kinalantari ng bruha! Hindi na kinilabutan.. ” Si Wanda ang kinilabutan sa mga sinasabi ng kaibigan. “Ano ka ba, Mammee. . patay na nga ‘yong tao, eh!” “Hmp. She deserves it.” Umiling-‐‑iling na lang siya. Ganito pala kadrama ang buhay ng mga Bermudez. Naisip tuloy niya: Ang pagiging mayaman ay hindi guarantee upang lumigaya. Kadalasan, nasa mayayaman ang masalimuot na buhay. Maraming komplikasyon. Nakapagpasalamat tuloy siya sa Diyos nang palihim. Kahit hindi naman kasi sila mayaman, masuwerte na rin siya dahil maligaya sila sa piling ng isa’t isa. Magkaproblema man minsan, mild lang. “Kaya tandaan mong bruha ka,” sabi ni Norman. “Huwag na huwag kang papayag na ma-‐‑in love kay Uncle Abe. Wala kang mapapala. Wala ‘yong balak na magseryoso sa isang babae. Woman-‐‑hater nga yon, eh! Kawawa ka lang in the end.” Inirapan ni Wanda ang kaibigan. “As if may chance na patulan ako ng tito mong ‘yon.” “Hayan na naman ang inferiority complex at poor self-‐‑esteem mong bruha ka! Alam mo, bad example ka sa mga kapatid mo. Mabuti na lang at soaring ang self-‐‑esteem ni Penny! Tinawanan na lang niya ang sinabi nito. ALAS-‐‑DOS ng hapon nang umalis si Norman, kasama ang kanyang dalawang kapatid. Alas-‐‑tres y media naman dumating si Abe. Dinala siya nito sa silid ni Collin at ipinakilala rito. As expected, tila hiyang-‐‑hiya ang bata at palaging nagtatakip ng mukha habang kaharap siya. “He’s really shy. Hindi kasi siya sanay na nakakakita ng ibang tao rito sa bahay,” paliwanag sa kanya ni Abe. “Ill at ease siya in the presence of other people.” “He has never entered a special school?” kunot-‐‑ noong tanong ni Wanda. Umiling ito. “I hired a SPED teacher, though. Iyon nga lang, nagpunta sa Canada for a greener pasture kaya walang teacher-‐‑cum-‐‑babysitter si Collin ngayon. I’d like to enrol him in a special school, kaya lang, nagdududa ako if he can ever adjust. Masyado talaga siyang mahiyain.” “Dapat kasi, na-‐‑enrol siya noong maliit pa, parang nagsesermong wika niya sa lalaki. “Hayan tuloy, mahihirapan na talaga siyang maka-‐‑adapt sa ibang environment dahil dito lang siya sa room niya naka-‐‑confine. Hindi sumagot si Abe. “Siguro naman, nakapagbabakasyon din siya sa ibang lugar?” Tumango ito. “Oo naman, kapag Christmas season or ganitong summer, ipinapadala ko siya sa probinsiya.” “Bakit hindi mo na lang siya pagbakasyunin sa probinsiya ngayon?” Napakunot-‐‑noo si Abe. “I told you.” Humarap ito sa kanya at tila naiinis na nagpaliwanag. “Iniwan siya ng teacher niya, so wala siyang companion kung papupuntahin ko siya sa probinsiya. Hindi naman ako puwedeng umalalay sa kanya roon dahil abala akong masyado. Marami akong inaasikaso.” Hindi na siya sumagot. “Sige, maiwan ko muna kayo rito,” mayamaya ay malamig na sabi ni Abe. “Bahala ka na sa pamangkin ko, Miss Gorres. .” Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Agad itong tumalikod at lumabas ng silid ni Collin. Naiwan siyang nakasimangot. Ang sungit naman! bulong ni Wanda sa sarili. Nadagdagan pa ang frustration niya nang mag-‐‑ attempt siyang mag-‐‑establish ng rapport sa pagitan nila ni Collin. Pagkatapos ng first session nila ng bata, patang-‐‑pata ang buong katawan ni Wanda. Napu-‐‑frustrate siya dahil pakiramdam niya, flop ang kanyang strategy upang mai-‐‑engage sa activity ang paslit. Kung pag-‐‑aalaga lang ang gagawin niya, walang kaproble-‐‑problema dahil tila estatwa lang naman si Collin sa isang lugar. Hindi nagsasalita, halos hindi rin kumikilos at kumukurap ang mga mata. Parang catatonic, naisaloob niya. Walang movement. Nakatungo lang parati. Ang kaso, hindi lang pag-‐‑aalaga ang kanyang trabaho. Nais niya itong i-‐‑motivate, at iyon ang hamon sa kanya. Mayamaya ay biglang may nag-‐‑spark na ideya sa isip niya. Napangiti siya. Hindi pa huli ang lahat para kay Collin. Highly functional ito dahil sa talento sa pagguhit at dahil doon, may posibilidad na makakapagsalita pa rin ito. Hindi pa nga lamang siguro nade-‐‑develop. Naisip niya ang kanyang kaibigan, si Hazel. Sa UP ito kumukuha ng MA units sa speech therapy. Baka may maitulong ang speech theraphy kay Collin. Nag-‐‑mental note siyang tatawagan ang kaibigan kinabukasan. NAPABALIKWAS ng bangon si Wanda nang sa pagdilat niya ay salubungin siya ng kadiliman. “Shit!” bulalas niya habang kinakapa ang switch ng reading lamp sa side table ng water bed na hinigaan. Alas-‐‑otso y media na, sabi ng alarm clock sa ilalim ng lampshade. Ibig sabihin, kulang-‐‑kulang tatlong oras siyang nakatulog. Shit, nakakahiya. Pinatay niya ang lampshade at saka lumabas ng silid. Nalampasan niya ang nakapinid na silid ni Collin. Marahil ay natutulog na ang bata, naisip niya, base na rin sa soft classical music mula sa silid nito. Bumaba at nadatnan niyang nakahilata si Abe sa living room. Bahagyang nakapikit ang mga mata nito sa pagkakahiga sa sofa. Ang guwapo-‐‑guwapo talaga, napapabuntong-‐‑ hiningang bulong niya sa sarili. Nang bigla itong nagmulat ng mga mata. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Napamaang siya. Na-‐‑conscious bigla, saka nahihiyang napatungo. Bumangon mula sa pagkakahiga si Abe. “Hi. I’ve been waiting for you. .” Lalo siyang napahiya. Hinihintay pala siya ng lalaki.. at ang tagal niyang nakatulog! Shame. “Tara, kain na tayo,” anyaya nito sa kanya. Kiming sumunod si Wanda rito patungo sa dining hall. Agad na kumilos ang mga katulong upang ipaghanda sila ng hapunan nang makita silang papalapit. “I’ve got something to tell you. .” sabi ni Abe nang makaupo na sila sa harap ng hapag-‐‑kainan. “Remember what you told me this afternoon. . ‘yong vacation ni Collin sa probinsiya?” Tumango siya. “Well, would you mind if we go there tomorrow and stay for at least three days? Free ako this week, eh.” Napamaang si Wanda. “Sa probinsiya?” Tumango ito. “Sa amin, sa Quezon. What do you say?” “I. I can’t decide yet,” alanganin niyang tugon. “I have to ask my parents.” “Well, okay. Ask them tonight,” nakangiting sagot ni Abe bagama’t ang tono’y nagsa-‐‑suggest ng authority. “Sana’y hindi strict ang parents mo sa ‘yo.” Gusto niyang umirap. Arogante, sa loob-‐‑loob niya. “Overprotected ka sa inyo, ano?” dugtong pa nito. Umiling siya. “Of course not. Protective lang sila pero hindi over. I can take care of myself very well.” “Ah, mabuti pa’y ako na lang ang tatawag sa parents mo. Ipagpapaalam kita sa kanila. Give me the number pagkatapos nating kumain, okay?” Tumango na lang siya. Gusto rin naman niyang makapagbakasyon sa probinsiya. Wala kasi silang probinsiya. Ang mga magulang niya ay pawang taal na taga-‐‑Maynila. Pagkatapos maghapunan, agad ngang tinawagan ni Abe ang numero sa kanilang tahanan. Nang ibaba nito ang telepono, agad niya itong tinanong. “Ano raw?” Nag-‐‑thumbs-‐‑up ito sa kanya. Okay na. Napangiti si Wanda. “O, sige na,” sabi ni Abe. “Punta ka na sa kuwarto mo’t ayusin mo na’ng gamit mo. We will leave tomorrow at five.” “That early?” “Kung ako lang mag-‐‑isa ang magbibiyahe, three pa lang, aalis na ako. Ayokong ma-‐‑traffic, sagot nito.

 

CHAPTER FOUR

 MAG-‐‑ISA at tahimik lang na nagta-‐‑thumb suck sa backseat ng itim na Honda Civic si Collin. Wala itong pakialam sa mundo, tulad ng lahat ng autistic people. Samantalang si Wanda naman ay inip na inip na sa biyahe. “Ano, malayo pa ba?” “Kaunting tiis na lang, Wanda,” tugon ni Abe. “Kung hindi tayo na-‐‑traffic sa Alabang, baka kanina pa tayo nagpi-‐‑picnic sa tabing-‐‑ilog. Sinabi ko kasi sa ‘yong alas-‐‑singko ang larga natin, akalain mong abutin ka ng alas-‐‑siyete sa paliligo. Nakahalukipkip na umirap siya. “Malay ko bang matatrapik tayo nang gano’n katagal sa Alabang?” Hindi na ito sumagot. Itinuon nito ang atensyon sa pagmamaneho. Ipinikit na lang ni Wanda ang mga mata, hanggang sa mamalayan niyang nakahinto na naman ang sasakyan. Pagdilat niya, sinalubong siya ng bumper-‐‑to-‐‑bumper na linya ng mga sasakyan sa unahan. Napasimangot siya. “Saan na ba ito?” “Sto. Tomas.” Muli, humalukipkip siya at pumikit. “Kung nagmadali ka kasi, hindi sana tayo aabutin nang ganito katagal sa daan. .” narinig niyang reklamo ni Abe. Bigla siyang napadilat sa narinig. Hinarap niya ito. “Hoy, hindi ko kasalanan kung ganito katindi ang traffic papunta sa probinsiya n’yo, puwede ba?” “Kung hindi tayo inabot ng alas-‐‑siyete sa bahay, hindi tayo mata-‐‑traffic nang ganito. Sinulyapan siya nito at saka maasim ang mukhang ipinako ang tingin sa unahan. Sumimangot si Wanda. “May aksidente siguro sa unahan,” mayamaya’y wika ni Abe. Hindi siya sumagot. Muli siyang pumikit at isinandal ang ulo sa headrest. PUPUNGAS-‐‑PUNGAS na kinusot ni Wanda ang mga mata nang maramdaman ang pag-‐‑alog sa kanyang balikat. “Are we there yet?” naghihikab pang tanong niya. “Finally,” tugon ni Abe. “Baba na.” Pag-‐‑ibis ng kotse, iginala niya ang paningin sa paligid. Magara ang tahanang bumungad sa kanya. Halos kasinlaki rin ng mansiyon sa Valle Verde, mas mukha nga lamang luma. Ancestral house siguro, naisip niya. Mas maganda ang hardin doon. May artificial pond pa sa isang sulok. May grotto. Napuna rin niya ang isang munting gargoyle sa isang sulok ng hardin. May fountain din. Sa gilid ay may nasilip siyang isang malaking swimming pool. Ang yaman talaga nila, napabuntong-‐‑hiningang wika ni Wanda sa sarili. No wonder he’s so arrogant. “Pasok na sa loob,” sabi ni Abe mula sa kanyang likuran. Karga nito si Collin. “Ipasusunod ko na lang ang mga gamit sa loob.” Lalo siyang namangha sa magarang interior ng bahay. Puno ng antique na kasangkapan ang living room. Very prominent ang mga banga na nakapuwesto sa bawat sulok ng sala, lalong-‐‑lalo na iyong mga nasa gilid ng hagdanan. “God, it’s beautiful,” anas niyang kababakasan ng paghanga. “This was my mom’s ancestral house,” sabi ni Abe. Nilapitan niya ang isang malaking banga na nasa sulok. “Ang ganda naman nito. .” “My great-‐‑great-‐‑grandfathers wedding gift for my great-‐‑great-‐‑grandmother, paliwanag nito. “Galing ‘yan sa Java.” “My God. . a real work of art!” Naiiling na tumawa si Abe. “You surprise me. I never thought you could fancy antiques.” “I love antiques. Nagmana ako sa mama ko. She’s got a small collection of antiques herself.” “My mom loved them, too. She used to travel as far as Namibia and Greece just to gather some antiques to add to her collection. If you want to see the miniature antiques—which really fascinate me—they’re in the library. Sabi ng daddy ko, they were from Africa. Obsessed daw si Mommy with African antiques.” Tahimik niyang hinaplos sa pamamagitan ng dalawang daliri ang mga disenyo sa isang malaking banga. “Kami ni Mama, Bacolod na ang pinakamalayong narating sa pagbili ng antiques,” mayamaya ay sabi ni Wanda. “Ang bongga naman ng mommy mo. . sa Africa pa siya dumadayo. How sosyal naman!” Napangiti si Abe sa tinuran niya. “Who knows? Balang-‐‑araw, baka sa Africa ka na rin mag-‐‑a-‐‑ antique-‐‑hunting. Bumungisngis siya. “In my dreams!” Napansin niya ang saglit na pagkabura ng ngiti sa mga labi ng binata habang nakatitig sa kanyang mukha. May nasabi ba akong mali? Ngunit nawala na ang pag-‐‑aalala niya nang muli itong ngumiti, tila napapailing sa sarili. “Tena,” yaya nito. At dumeretso na sa kani-‐‑ kanilang silid. BANDANG alas-‐‑tres ng hapon nang magyayang mamasyal si Abe sa tabing-‐‑ilog. “Mag-‐‑picnic tayo roon, anito. Tamang-‐‑tama marami tayong mapipitas na mangga.” Nang mabanggit ang salitang mangga, agad na natakam si Wanda. Mabilis pa sa alas-‐‑kuwatro siyang gumayak. Wrangler jeep ang sinakyan nila patungo sa farm. As always, walang karea-‐‑reaksiyon si Collin sa mga nangyayari. “ANO’NG iniisip mo?” pukaw ni Abe sa kanyang pagmumuni-‐‑muni. Nagkibit-‐‑balikat si Wanda. Wala. Naisip ko lang ang mga kapatid ko. .” “Mga kapatid mo? Bakit. . what about them?” “Wala naman, I just thought it would be more fun if they’re with us right now. Magulo ang dalawang ‘yon, eh.” Tumawa si Abe. “Naho-‐‑homesick ka na kaagad?” Tipid na ngiti lang ang itinugon niya bago kinagatan ang hawak na manggang hilaw. Biglang nangasim ang kanyang mukha. Natawa ang binata sa gesture niyang iyon. On impulse, pinisil nito ang kanyang baba. Ikinagulat niya iyon. Napatingin siya rito. Nginitian lang siya ni Abe, saka binalingan ang walang-‐‑kibong pamangkin. Halos wala sa sariling napahawak si Wanda sa baba. Hinaplos niya iyon nang palihim, saka napahinga nang malalim. ANG ORIHINAL na plano nina Wanda at Abe na tatlong araw lamang sila sa Tiaong ay nabago. Aabutin daw sila ng isang linggo o mahigit pa, sabi ni Abe. Nagkaroon daw kasi ng problema sa ilang mga katiwala sa farm at kailangang i-‐‑settle muna nito iyon bago lumisan. Hindi naman umangal si Wanda. Dalawang araw pa lamang sila sa lugar na iyon subalit batid niyang hindi siya maiinip kahit abutin pa sila roon ng ilang linggo. Iba’t ibang klase ng mga prutas ang matatagpuan sa farm at dahil maraming alagang kabayo, isang araw ay natitiyak niyang magkakayayaan silang mag-‐‑ horseback riding, isang bagay na noon pa niya gustong gawin. “I’ll call your parents para huwag silang mag-‐‑ worry,” sabi ni Abe. “Naku, huwag na lang. Maiintindihan naman nila for sure. .” tanggi ni Wanda. Ngumiti lang ito sa kanya. “I’m gonna call them anyway.” Napakunot-‐‑noo na lang siya. Ano ba ang akala sa kanya ng lalaking ito? Minor? Pinalis na lang niya ang isiping iyon at saka nagpakaabala sa pagsisikap na i-‐‑engage si Collin sa pagguhit. Isinaksak niya ang isang crayola sa kanang kamay nito. “Collin, draw,” aniya sa napu-‐‑ frustrate na tinig. “Draw an apple. .” “He can’t,” nakangising wika ni Abe. “He’s left-‐‑handed.. “Oh.” Inilagay niya ang crayon sa kaliwang kamay ng bata. Saka pa lamang ito nagsimulang gumuhit. NAGBABASA si Wanda nang maulinigan ang pag-‐‑iyak ni Collin mula sa kabilang kuwarto. Napabalikwas siya mula sa padapang pagbabasa. Mabilis niyang isinara ang hawak na pocketbook at ipinatong sa ibabaw ng kama. Nagmamadaling lumabas siya ng kanyang silid, hindi na inalalang magpatong ng roba sa ibabaw ng manipis na nighties. Kaya gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang madatnan niyang karga ni Abe ang bata. “W-‐‑what are you doing here? gulat na bulalas ni Wanda. Napatda ito sa pagkakatingin sa kanya, natigilan sa ginagawang pagsayaw-‐‑sayaw habang karga si Collin. Nang magsalita naman, may tono ng pagkayamot ang tinig nito. “What am I doing here? Dinig mula sa kuwarto ko ang iyak ng bata at nauna pa akong dumating dito para i-‐‑check siya. For God’s sake, Wanda, katabi lang ng kuwarto mo ang sa bata!” Siya naman ang napatda dahil sa reaksiyon ni Abe. Napatungo siya upang masorpresa pagkakita sa kanyang suot. Aninag na aninag ang kanyang malulusog na dibdib sa suot niyang manipis na nighties. Bigla siyang napatalikod. “I-‐‑Im sorry. . At tuluyan na siyang lumabas ng silid para bumalik sa sariling kuwarto. Inis na inis siya sa kanyang sarili. Ano na lang ang iisipin sa akin ni Abe? Isang babaeng burara! Nagbalik siya sa kama na may hindi maipintang pagkakasimangot sa mukha. HANGGANG kinabukasan, nakakadama pa rin si Wanda ng pagkapahiya dahil sa nangyari ng nagdaang gabi. Isa pa’y medyo tinanghali siya ng gising. Pagbaba niya, nasa hapag-‐‑kainan na ang magtiyong Abe at Collin. “Kumain ka na,” pormal na wika ni Abe, hindi tumitingin sa kanya. Walang imik siyang dumulog at nag-‐‑umpisang maglagay ng pagkain sa kanyang plato. Hindi siya tumitingin sa binata. “Tumawag nga pala ang boyfriend mo,” mayamaya ay sabi nito. Napakunot-‐‑noo siya. Boyfriend? At naalala niya si Norman. Gusto niyang mapasimangot. Ang usapan nilang magkaibigan, isang araw lang siyang magiging nobya nito—sa pagdaraos lang ng reunion ng Bermudez—subalit tila magla-‐‑last ang impresyong iyon hanggang nasa poder siya ni Abe. Naiinis siya sa ideyang iyon. “A-‐‑anong sinabi? tanong ni Wanda. “Wala naman,” tugon ng binata. “Naikuwento lang na magbabalik-‐‑bayan ang parents niya next week. Baka yayayain ka para ma-‐‑meet nila. . “Iyon lang?” “Well, he didn’t tell me to say ‘I love you’ sa ‘yo for him,” tugon ni Abe sa nanunuyang tinig. “I hope you’re not so disappointed.” Hindi niya pinigil ang pag-‐‑irap at pagsimangot. “Pero sinabi naman niya na don’t forget to take your vitamin E raw,” nakangising dugtong ni Abe. Napangiwi siya. Supply kasi sa kanya ni Norman ang iniinom niyang vitamin E capsules araw-‐‑araw. Pampaganda raw lalo sa kanyang kutis, wika nito. “Hmm. . mind if I ask you a personal question?” Umiling siya, bahagyang nakakunot ang noo. “How long have you and Norman been.. you know—boyfriends, sweethearts—whatever you call it.” “Five months,” pagsisinungaling ni Wanda. Lihim siyang napangiwi. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Norman at matagal-‐‑tagal na rin silang magkaibigan. Parang kaanak na rin ang turing ng pamilya niya rito. Halos nakatira na nga ito sa kanila. Tuwing weekends, madalas na sa kanila ito natutulog para lang manood ng tapes o kaya’y makipagkantahan sa videoke. “Five months?” ulit ni Abe, tila hindi makapaniwala. “Wow, that’s incredible.” Napabungisngis siya. Nagtaas naman ito ng isang kilay. “What’s funny?” Unti-‐‑unting nabura ang tawa sa kanyang mga labi. “S-‐‑sorry. . Kunot-‐‑noo siyang tinitigan ng lalaki. “May naalala lang ako,” paliwanag niya nang makitang takang-‐‑taka pa rin ito habang pinagmamasdan siya.

 

CHAPTER FIVE 

“NANAY Ising, nasaan ho ang magtiyo?” tanong ni Wanda sa pinakamatandang katulong sa villa. Kadarating lang niya mula sa pamamalengke sa town proper ng Tiaong kasama ang isa pang katulong. “Kow, namasyal sa kabilang ilog,” tugon ng matanda. “Bibisitahin daw ni Abraham ang taniman ng kamatis at talong doon.” “Mga anong oras ho kaya sila darating?” “Baka makapananghalian na.” Inabala na lang niya ang sarili sa pagpe-‐‑prepare sa ibe-‐‑bake na cake at lasagna upang palisin ang pagkainip. “Tutulungan na kita, Wanda,” sabi ni Yolly, ang dalagang katulong na kasama niyang nagpunta sa bayan. “Ay, huwag na lang, Yolly,” magalang niyang sagot. “Hindi ako sanay nang may katulong sa pagkilos sa kusina, eh. Mas enjoy ako kung mag-‐‑ isa lang. At saka maabala ka pa sa ginagawa mo.” “Naku, hindi naman,” maagap na tugon ni Yolly. “Libangan ko lang naman ang pagko-‐‑cross-‐‑ stitch, eh.” “Sige na,” nakatawang taboy niya rito. “Mag-‐‑ cross-‐‑stitch ka na lang para naman matapos mo kaagad ‘yan. Gusto kong makita bago kami umuwi sa Maynila.” “Sige, pero ‘pag may kailangan ka, nasa balkon lang ako, ha?” Nakangiti siyang tumango sa babae. Pagkaalis nito ay nag-‐‑umpisa na siyang magprepara ng ingredients para sa cake. Mag-‐‑a-‐‑ala-‐‑una na, sabi ng kanyang wristwatch. Tamang-‐‑tama, tiyak na nakabalik na mula sa farm ang magtiyo pagkatapos niya. Just in time for merienda. Nang maisalang ang concoction sa oven, inumpi-‐‑sahan niya ang gagawing lasagna. Pagkatapos ay ang siomai naman. Bago mag-‐‑alas-‐‑kuwatro, nakahanda na ang lahat. Gaya ng inaasahan ni Wanda, nakabalik na sina Abe at Collin mula sa farm. “Nagluto ka raw, ah,” nakangiting bungad ni Abe sa kanya. “Gosh, bakit ganyan ang hitsura n’yong dalawa?” bulalas niya pagkakita sa magtiyong kapwa nanlilimahid sa dumi ang mga suot na damit. Nagkibit-‐‑balikat si Abe. Napasabak kami sa pamimitas ng kamatis, eh.. ” “Pati si Collin?” excited niyang tanong, nagningning ang mga mata. Tumango si Abe, ngiting-‐‑ngiti ito at mababanaag ang nagbi-‐‑beam na pride sa mukha. “He was even laughing with me! And I think I heard him say ‘Abe’. . hindi lang masyadong clear.” Nabalot ng labis na tuwa ang buong katauhan ni Wanda sa narinig. Awtomatiko siyang napasugod ng yakap sa paslit. “You really did, ha, Collin?” Sinundan niya iyon ng tawa sa sobrang galak. “You could speak!” Nakitawa na rin sa kanya si Abe. “I thought you’d be thrilled to hear about it. .” “Well, I am,” excited pa ring tugon niya. Bigla niyang naalala si Hazel na pansamantalang nawaglit sa kanyang isip. “Oh, naalala ko, may friend akong speech therapist. Puwede ko siyang konsultahin about Collin’s case. Maybe it’s not yet too late for him to speak. Baka makatulong ang speech therapy. .” Ngumiti si Abe. “Let’s talk about it over your lasagna and siomai.” “Okay,” nakatawang tugon niya. “Pero magbihis muna kayong dalawa, please lang!” “MARUNONG ka palang magluto.. ” “It runs in the family,” tugon ni Wanda. “Magaling ding magluto si Mama, and my lola before her. Kahit mga sister ko, they can cook din.” “So, masuwerte pala si Norman sa ‘yo.. ” Napangiwi siya sa narinig. “Isiningit mo na naman si Norman.. ” “What’s wrong?” Nagkibit-‐‑balikat siya, nakangiwi pa rin. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Nabasag iyon ng tunog ng telepono mula sa living room. Mayamaya’y lumapit sa kanila si Yolly. “Kuya, telepono. Si Jennifer. .” Mabilis na tumayo si Abe at nagpa-‐‑excuse sa kanya. Naiwan siyang nakahabol ang tingin sa likod nito, nakakunot ang noo. Sino naman si Jennifer? “PINAGLULUTO mo ako para sa bisita mo?” nakapamaywang na bulalas ni Wanda. “Ano ‘ko, hilo?” “Look, I’m sorry I asked, okay?” Natawa si Abe at napailing. “Hindi naman kita pinipilit, eh.” “Teacher ako ni Collin, hindi ako cook. Hindi ako mutsatsa.” Matalim niyang inirapan ang lalaki. “Okay, okay,” nakatawa at nakataas ang dalawang kamay na wika ni Abe. “Wala na ‘kong sinabi. Kung ayaw mo, de si Nanay Ising na lang. Sa halip na lasagna, sinigang na baka na lang at ginataang manok sa sili ang ihahain ko sa bisita ko. Hindi naman pihikan si Jenny, eh. Gusto ko lang sanang matikman niya ang ipinagmamalaki ko sa kanyang Wanda’s lasagna. Kaya puwede ba, pakibaba na ‘yang mga kilay mo.. nakakahawig mo si Bella Flores niyan, eh!” “Hmp, corny mo, ‘no?” Humalakhak lang si Abe. Mayamaya’y humalukipkip siya at humarap sa binata. “Sino ba ‘yang Jenny na ‘yan at mukhang napakaespesyal naman yata. .?” “Kababata ko,” sagot nito. “She’s an ophthalmo-‐‑logist in Lucena City. Nabalitaan niyang narito ako so she’s paying a visit tonight.” “D-‐‑dalaga pa? Huli na bago niya napigilan ang sarili, nailabas na iyon ng kanyang bibig. “Hmm. . yes, dalaga pa siya. Bakit mo naitanong?” Nagkibit-‐‑balikat si Wanda, dismayado. Wala. “Bakit? Akala mo ba’y nobya ko?” nanunudyong tanong ni Abe. “Hoy, hindi, ah!” maagap niyang tanggi. Naramdaman niya ang pag-‐‑iinit ng magkabilang pisngi. “Pakialam ko naman sa love life mo?” Mahinang tumawa si Abe. “You are so cute. .” “Cute-‐‑in mong mukha mo! Pagkasabiy binirahan niya ito ng talikod, patakbong dumeretso sa kanyang silid at doon na nagmukmok. NAIINIS na si Wanda sa sarili. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya para kay Abe? Hindi kaya nai-‐‑in love na siya rito tulad ng kinatatakutan ni Norman? Kinilabutan siya sa naisip. Oh, God, huwag naman sana.. Lalo na ngayong may sumulpot na Jennifer. Anak ng tipaklong, bulong niya sa sarili. Hindi yata’t ang fear ni Norman ay fear ko na rin ngayon! Ngayon, kailangan niyang maging on guard palagi sa damdamin. Hinding-‐‑hindi niya dapat hayaan ang sarili na makalimot at tuluyang Page 13 7 of 351 mahulog sa lalaking iyon. Hindi imposibleng mangyari ang masamang pangitain ni Norman dahil aminado siyang malakas talaga ang magnet ni Abe. Hindi siya dapat magpabihag sa magnet na iyon! NAKAILANG katok at tawag muna si Abe sa pinto ng kuwartong inookupa ni Wanda bago niya ito pinagbuksan. “Ano ka ba, sleepyhead,” nakatawang bungad nito. “Tulog-‐‑mantika ka na naman. “Bakit ba?” masungit na tanong niya. “Baba na po, Miss Gorres, at dinnertime na. Get dressed at may bisita tayo sa ibaba. .” Umingos lang siya. Hmp, si Jennifer? Pu-‐‑leez! “Collin needs you downstairs,” medyo matigas nang wika ni Abe. Paasik niya itong tinapunan ng tingin. “Susunod na!” padabog niyang sabi sabay talikod. Nagulat pa siya sa marahas na pagdakma ni Abe sa kanyang braso. Napaharap siya rito. “Ano ba?” asik niya. Idinikit nito ang katawan sa kanya. “Bakit ba ang sungit-‐‑sungit mo, ha? Kinilabutan si Wanda nang maramdaman ang mainit na hininga ni Abe sa kanyang noo. Amoy na amoy niya ang cologne nito. Pakiramdam niya ay biglang nag-‐‑init ang buo niyang katawan. At tuluyan nang naging Jell-‐‑O ang kanyang mga tuhod nang maramdaman ang unti-‐‑unting paglapat ng mga labi ni Abe sa kanyang bibig. Banayad na dampi lamang sa simula subalit habang naglalao’y nagiging mapusok ang halik. Wala siyang lakas upang tumutol. Nagsusumigaw ang kanyang isip subalit ang pagtutol niyon ay lubusang natabunan ng makapangyarihang utos ng kanyang puso. At ng kanyang katawang nakiisa sa layunin ng hangal na pusong iyon. Na-‐‑weird-‐‑uhan siya sa sarili. First kiss niya iyon ngunit daig pa niya ang isang hustler sa ginagawang pagtugon kay Abe. Mula sa kanyang mga labi, unti-‐‑unting naglakbay pababa sa kanyang mga dibdib ang bibig nito. Napakagat-‐‑labi na lang si Wanda nang maramdaman ang mabining pagdampi ng bibig ni Abe sa kanyang kanang dibdib habang ang kaliwa ay ine-‐‑explore ng isa nitong kamay. Niyakap niya ang ulo nito nang mahigpit. “A-‐‑ Abe. .” “Wanda.. ” ungol nito, ungol na nauwi sa isang impit na sigaw. “Oh, shit!” Kasabay ng sigaw na iyon ang biglang paglayo ng ulo nito sa kanyang dibdib na animo’y napaso. Maang siyang napatingin sa binata. “A-‐‑Abe. .? Napasabunot ito sa sarili at saka mariing pumikit. “Oh, God!” Saka pa lang siya nakaramdam ng pagkahiya. Agad niyang ibinalik sa pagkakabutones ang kanyang blouse. “This is insane!” patuloy na bulalas ni Abe. “Abe.. ” Tiningnan siya ng lalaki. Tila may namumuong luha sa mga mata nito. “Wanda, I’m sorry. .” Para siyang tinarakan ng patalim sa dibdib. Bigla ay ibig niyang sampalin ang lalaki at saka mag-‐‑iiyak. “Sorry?” Mapait ang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig. “That’s it. . sorry?” Muli, napasabunot sa sarili si Abe. “We shouldn’t have done that, damn it!” Tuluyan na siyang napaluha. Walang lakas na iniupo niya ang sarili sa ibabaw ng kama at saka ibinaon ang mukha sa dalawang palad. “W-‐‑Wanda. . Pinigil niya ang paghikbi. Nadama niya ang panginginig ng kanyang buong katawan. “Wanda, please.. ” bulong ni Abe. Naramdaman na lang niya ang marahan nitong pag-‐‑upo sa kanyang tabi. Masuyo nitong iniyakap sa kanya ang isang kamay. Hinayaan naman niya ang sariling mapahilig sa dibdib nito. Doon niya tuluyang pinakawalan ang kanyang mga luha. Ibinaon ni Abe ang mukha sa kanyang buhok. Mayamaya ay naramdaman na lang niya ang masuyong paghalik nito sa kanyang ulo, pababa sa noo, sa mga mata, sa ilong, mga pisngi at sa huli ay sa kanyang mga labi. Doon humimlay ang bibig nito. Hinayaan niya ito hanggang sa matagpuan ang sariling gumaganti. Mayamaya ay natigilan siya. Ano itong ginagawa niya? Para siyang tinamaan ng kidlat sa realisasyon. Oh, God, I’m falling for this man!

 

CHAPTER SIX 

TULUYAN nang nanlambot si Wanda. Ibinagsak niya ang kanyang bigat sa dibdib ni Abe. Napahiga ito. “Wanda. .” Patuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa kanyang mga mata nang ngitian niya ito. Nagkatitigan sila. Mayamaya ay muling naghinang ang kanilang mga labi. Hanggang sa mamalayan na lang ni Wanda na siya na ang nasa ilalim. Nakataas ang kanyang blouse habang ang bra ay muling natanggal sa pagkaka-‐‑hook. Nakasubsob sa kanyang mga dibdib ang mukha ni Abe. Napangiti siya nang maramdaman ang pagkagat nito sa dulo ng kanyang isang dibdib. Ngiting agad ding napawi nang marinig ang bulalas nito. “Damn!” Bigla itong bumalikwas ng bangon. “Oh, God, this is crazy!” Nakaawang pa rin ang bibig niya sa pagtataka hanggang sa lumabas si Abe at padabog na ibagsak ang pinto ng silid. ANG MGA sumunod na araw ay naging mahirap para kay Wanda. As much as possible ay ayaw niyang makita si Abe, ngunit imposible namang mangyari iyon. Palagi itong nasa villa. Kadalasan pa nga ay ito ang companion ni Collin. Pagkatapos ng insidenteng iyon sa loob ng kanyang silid, hindi na sila muling nagkausap ng binata. Nagkakaharap lang sila kapag meal time. Napu-‐‑frustrate siya, naiinis, dahil kibuin-‐‑dili siya nito. Napag-‐‑isip-‐‑isip niya, makabubuti sigurong umuwi na siya sa kanila pagbalik nila sa Maynila sa makalawa. To hell with this job, wala rin naman siyang nakukuhang satisfaction mula rito. Uncooperative pa rin si Collin. At heto nga silang dalawa ni Abe. NAGULAT si Wanda nang mabungaran sa labas ng kanyang silid si Abe. Kasalukuyan siyang nag-‐‑ eempake ng kanyang personal na gamit nang marinig ang pagkatok ng lalaki. “Mag-‐‑unpack ka ulit, sabi nito. Hindi pa tayo aalis tomorrow.” Napamaang siya rito. “And why not?” “Norman just called. Napaaga ang dating ng parents niya at pupunta raw dito bukas.” Napasimangot si Wanda at saka pabagsak na naupo sa gilid ng kama. “Pero gusto ko nang umuwi...” “Hindi ka man lang ba excited na ma-‐‑meet ang future parents-‐‑in-‐‑law mo? seryosong tanong nito. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “I just wanna go home, okay?” “You can’t. Your sisters are coming with Norman,” kaswal na wika ni Abe. “My God...” Napu-‐‑frustrate siyang bumuntong-‐‑hininga. “If I were you, mag-‐‑a-‐‑unpack na ako, sabi ni Abe. “I have an appointment this afternoon, ikaw na ang bahala kay Collin.” SAAN kaya nagpunta ang lalaking iyon? Mag-‐‑a-‐‑alas-‐‑sais na ay wala pa si Abe. Kanina pa inip na inip si Wanda sa paghihintay rito. It’s weird, aniya sa sarili. Mahigit anim na oras pa lamang niyang hindi nakikita ang lalaki ay miss na miss na niya ito. Napailing siya sa sarili. Wala, naisip niya, hopelessly in love na nga yata ako talaga sa bruhong iyon. Considering na mahigit one week pa lang silang magkakilala. “Oh God,” mahinang bulong niya. Naisipan niyang magtungo sa silid ni Collin. Dinala niya ang kanyang baong CD ng Spice Girls sa kuwarto ng bata. Naisipan niyang mag-‐‑relax kaysa ma-‐‑torture sa labis na pagkainip sa paghihintay kay Abe. Nadatnan niyang tahimik na nagdu-‐‑draw ng larawan ng isang kotse ang autistic child sa isang malapad na cartolina na kulay-‐‑murang asul. Parang wala itong narinig nang isalang niya ang CD sa stereo nito gayong kay lakas ng volume niyon. Hinayaan niyang nakabukas ang pinto ng silid upang hindi makulong ang tunog ng stereo sa loob ng kuwarto. Agad siyang napaindak nang pumailanlang ang isang maharot na awitin ng all-‐‑female British pop group. Beinte-‐‑tres anyos na si Wanda pero ang hilig niya ay iyong magagaslaw na dance music. Funny, pero isa siya sa milyon-‐‑milyong tagahanga ng Spice Girls. Dahil palagi siyang nakakapanood ng MTV sa cable TV, pamilyar siya sa mga sayaw ng grupo, partikular na ang kantang pumapailanlang sa kasalukuyan. Tuluyan na nga siyang nalibang sa saliw ng musikang iyon. Si Collin naman ay patuloy sa pagguhit, walang pakialam kahit makabasag-‐‑ eardrum ang musika sa paligid. “If you can’t dance, if you can’t dance.” Sumasabay na rin siya sa pag-‐‑awit habang patuloy sa pag-‐‑indayog ang kanyang katawan. If you can’t dance you can do nothing for me, baby.. ” MULA sa asotea, tanaw na tanaw ni Abe ang pagsasayaw ni Wanda mula sa bintana ng silid ng kanyang pamangkin. Kapapasok pa lamang niya sa villa nang salubungin siya ng malakas at maharot na tugtugin. Pag-‐‑akyat niya upang bisitahin ang pamangkin, bumungad sa kanya ang nakahahalinang tanawin —ang magandang dalagang nagpe-‐‑perform ng isang youthful dance. Like a breath of fresh air, buntunghininga niya. So amusing and bewitching. . Nakapangalumbaba siya habang fascinated na nanonood sa dalagang walang kamalay-‐‑malay sa kanyang pagmamasid. May isang ngiting hindi mabura sa kanyang mga labi. Matagal siyang nanatili sa gayong posisyon hanggang sa makita niyang hapong-‐‑hapo na si Wanda sa pagsasayaw. Saglit itong nawala sa abot ng kanyang paningin. Pagsulpot nitong muli, wala na ang tugtog. Kumilos siya at tinungo na ang silid ng pamangkin. Eksakto namang palabas na si Wanda. Kitang-‐‑kita niya ang pagkagulat sa mukha nito pagkakita sa kanya. “K-‐‑KANINA ka pa diyan? Nakangising tumango si Abe. Biglang nakaramdam ng pagka-‐‑conscious si Wanda. Napatungo siya at saka napapangiting kinagat ang labi. He saw me dancing like the creep that I am. . “Ang galing mo palang sumayaw, ha?” tudyo nito. Nangingiti, inirapan niya ito. “Tse!” “Hmm. . spicy!” Tuluyan na siyang napangiti. “I looked like a jerk, I know.” “You jerk brilliantly,” biro ni Abe. Tinawanan niya iyon. Mayamaya ay mataman siyang tinitigan ng binata. Pakiramdam niya ay bigla siyang nag-‐‑ blush. Kinagat niya ang labi at saka pilit na ngumiti. “You delight me.. ” Marahan nitong pinisil ang kanyang baba. Nakipagtitigan siya rito. Hindi siya tuminag kahit nang unti-‐‑unting mabura ang pag-‐‑aalangan sa mga mata nito, kahit nang unti-‐‑unting maglapit ang kanilang mga mukha. Gaya nang nakaraang pagtatagpo ng kanilang mga labi, hindi nagpakipot si Wanda. Ginantihan niya ang halik ng binata at pinagsalikop ang mga kamay sa batok nito. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg at batok ni Abe nang kargahin siya nito. Ang unang pumasok sa kanyang isip, dadalhin siya nito sa kanyang silid. Hindi pala. Sa silya lamang pala na nasa isang sulok ng asotea. Hindi siya bumibitiw sa pagkakayakap sa batok nito kahit nang kandungin siya ng lalaki. Bagama’t laganap na ang dilim, nababanaag niya ang satisfaction sa mga mata ni Abe habang magkapiling sila sa ganoong posisyon. Lord, sana ganito na lang kami palagi. . “Dear Lord,” bulong nito sa kanyang tainga. “We’re doing a terrible mistake.” Nginitian niya ito at saka masuyong iniumpog ang kanyang noo sa noo nito. “No, we’re not,” ganting-‐‑bulong ni Wanda. “We’re gonna be just fine, I promise.. ” Napapailing na ngumiti na rin ang binata. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa marinig nila ang pagtawag sa kanila ni Nanay Ising. Maghahapunan na raw sila. Naunang kumalas si Abe. Nakangiwi namang hinabol ng yakap ni Wanda ang lalaki. “Mamaya na lang tayo mag-‐‑dinner, please? ungot niya. Natatawang inilayo nito ang katawan sa mapang-‐‑akit na mga bisig niya. “Sige na,” anito. “Mauna ka na. I’ll get Collin at sabay na lang kami.” Wala na siyang nagawa kundi tuluyang kumawala. Nasa hagdanan na si Wanda nang matigilan siya sa paghakbang. Hindi niya nalabanan ang impulse na lingunin si Abe. Napangiti siya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya. “Ano na naman?” natatawang tanong nito nang muli niyang lapitan. Hindi niya iyon sinagot, sa halip ay mabilis niyang ikinawit ang dalawang braso sa batok nito at saka mariin itong siniil ng halik sa bibig. “Appetizer,” nakangisi niyang wika bago tuluyang lumayo. At humahagikgik na bumaba na siya ng hagdanan.

 

CHAPTER SEVEN 

HINDI sigurado si Wanda kung ano ang sinabi ni Norman sa mga magulang nito, ngunit natitiyak niyang hindi iyon maganda. Hindi pabor sa kanya. “You are really pretty,” magiliw na wika sa kanya ng ina ni Norman. Binalingan nito si Abe na nagmamasid sa kanila. “I like her, Abe. What do you think? This is the first time Norman ever introduced a girl to me, and well, I can say na mataas ang taste ng anak ko!” Kaswal na ngumiti lang ang binata, hindi nagsalita. Pagkatapos nilang magkuwentuhan, nagyaya si Norman na mag-‐‑picnic sa tabing-‐‑ilog. Siyempre pa, dahil sabik sa buhay-‐‑probinsiya, mabilis pa sa kidlat na nagsipaggayakan sina Millie at Penny. “Mom, wanna come with us?” tanong ni Norman sa ina. Umiling ang ginang. “Magpapahinga na lang muna kami ng daddy mo, hijo.” “Okay.” Binalingan ni Norman sina Wanda at Abe. “How about you two, gusto n’yong sumama?” Palihim na sinulyapan ni Wanda si Abe. Nakatingin lang ito sa kanya, blangko ang ekspresyon sa mukha. “Si Wanda na lang,” tila walang ganang tugon ni Abe. I’ll look after Collin while you’re gone. .” “Tara na, Ate,” sabi ni Penny sa kanya. “Uubusin natin ang ipinagmamalaking mangga ni Uncle Abe sa orchard!” Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang dalawang kapatid kahit mas gusto sana niyang magpaiwan na lang sa villa, kapiling ni Abe. Oh, Abe. Panay ang kanyang bulong at buntong-‐‑hininga habang nagsusuot ng sneakers sa kanyang silid. Hindi pa man sila nakakalabas ng villa, nami-‐‑ miss na niya ito. Positibo na siya ngayon: umiibig na nga siya kay Abe. At gusto niya nang mapangiti sa ideyang iyon. “Well,” aniya habang nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin, “it doesn’t sound so horrible naman pala, eh.” At least, dama niya na kahit paano ay may pagtingin din sa kanya si Abe. Hindi ba’t ipinahihiwatig iyon ng mga halik nito? Nang mga yakap? Kinikilig pa si Wanda nang salubungin siya ng akbay ni Norman nang makababa ng hagdanan. “Let’s go,” anito. Iniyakap din niya ang isang braso sa baywang nito at magkasabay silang lumabas ng villa. Kinarga pa siya nito pasakay sa sasakyan. Pagsakay nila sa Wrangler jeep na siyang service car patungo sa farm, wala siyang kaalam-‐‑ alam na sa asotea ay nagtatagis ang mga bagang ni Abe habang napapanood ang eksenang iyon.

 

CHAPTER EIGHT 

NASASAKTAN na si Wanda sa trato ni Abe sa kanya mula nang dumating sina Norman. Dama niya, iniiwasan siya nito. Napu-‐‑frustrate na naman siya. Kung minsan tuloy, dahil sa sobrang depression, natutukso na siyang ipagtapat kay Norman ang “namamagitan” sa kanila ni Abe; ang damdamin niya para sa binata. Para man lang lumuwag kahit kaunti ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam kasi niya ay sakal na sakal na siya dahil sa ginagawang pagsikil sa damdamin. Si Norman lang naman ang hadlang, naisip niya. Ang alam kasi ni Abe ay nobya siya ng pamangkin nito kung kaya’t kusa itong dumidistansiya sa kanya. Sa pagkakahiga niya sa kama habang nagngingitngit dahil sa frustration, nakapagpasya siya na it’s the moment of truth para sa kanilang dalawa ni Abe. It’s now or never. Bumalikwas siya ng bangon at mabilis na lumabas ng silid. Dumeretso siya sa silid ng binata at walang katok-‐‑katok na binuksan ang pinto niyon. Nadismaya siya nang madatnang wala ang binata roon. Napatingin si Wanda sa suot na wristwatch. Alas-‐‑dos y media. Tamang-‐‑tamang oras ng afternoon nap ng lalaki. Pero nasaan ito? Papalabas na sana siya ng silid nang bigla siyang matigilan. May nahagip ang kanyang tingin. Nilapitan niya ang kulay-‐‑sepia sa kalumaang larawan sa may gawing itaas ng kama. Sino kaya ito? Ang ganda-‐‑ganda. Classical beauty. Natitiyak niyang may dugong kanluranin ang babae sa malaking portrait. Unti-‐‑unti siyang napakunot-‐‑noo sa pagkakatitig sa larawan. Parang nahihigop siya, name-‐‑mesmerize ng magagandang mata ng babae. Tila ba may isang nakakakiliting sekreto sa likod ng ngiting iyon. Dahan-‐‑dahan siyang naupo sa ibabaw ng kama na may striped black and white sheet. Kinuha niya ang isang unan at niyakap iyon habang ang mga mata ay nakikipagtitigan sa magandang babae sa larawan. “God, she’s beautiful. .” usal niya. “Isn’t she?” Kamuntik na siyang mapalundag nang marinig ang tinig. Si Abe! Nakapamaywang ito sa pintuan. “Ano’ng ginagawa mo rito, young lady?” Napipi si Wanda. Narinig na lamang niya ang marahang pagpinid ng pinto. Nakapamaywang pa rin, nilapitan siya ng lalaki. “I said, what are you doing here?” ulit nito. “W-‐‑wala. . nakatungong tugon niya. G-‐‑gusto ko lang pagmasdan ang picture na ‘yan.. ” “Bakit ka pumasok sa kuwarto ko without my permission?” Hindi siya sumagot. “Snooping around, young lady?” Napairap siya at saka umiling. “Okay, okay!” Nagbuntong-‐‑hininga siya. I wanted to talk to you about something.” Itinaas ni Abe sa isang kilay. “And what could that be?” “A-‐‑about Norman. . a-‐‑and me. Hindi ito nagsalita. Nanatili ito sa pagkakatayo sa harap niya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Naupo siyang muli bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. Humingi siya ng suporta mula sa unan ni Abe, niyakap iyon. “It’s not what you think it is, Abe.. ” Napahalukipkip ito, bahagyang nakakunot-‐‑ noo. “What is not what I think it is, Wanda?” “Kami ni Norman. .” Pumikit siya. “Wala kaming relasyon.” Blangko ang ekspresyon sa mukha ni Abe, nanatili ito sa kinatatayuan, nakatitig lang sa kanya. Ilang sandali rin siyang hindi nagsalita. Nakatungo lang at kagat ang dulo ng hinlalaking daliri. Nang wala pa ring naririnig na reaksiyon mula sa binata, nagtaas na siya ng paningin. “Ano ka ba?” singhal niya. “Didn’t you hear what I said?” Dahan-‐‑dahan itong lumapit sa kanyang tabi at naupo. “It was loud enough,” mahinang wika nito. “So you believe me?” tanong niyang nakatingin sa guwapong mukha nito. “Did you expect me to?” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Totoo ang sinabi ko, Abe!” Tumawa ito nang mahina, pagkatapos ay nagpakawala ng sunod-‐‑sunod na iling. “Norman can vouch for me.” “Look, Wanda.. ” Hindi na niya hinintay ang susunod na sasabihin ng binata. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang pinto. “Wait here, you oaf,” inis na sabi niya habang hawak-‐‑hawak ang seradura. Ill call Norman! Pagkasabi’y mabilis niyang ibinagsak ang pinto. Nakakailang hakbang na siya nang mahagip ni Abe ang kanyang braso. “Luka-‐‑luka ka talagang babae ka, ‘no?” “Let me go!” “Halika rito,” matigas na sabi nito, mahigpit siyang dakma sa braso. “You silly, girl, you’re out of your mind!” Nagpumiglas siya. “I said let me go, ano ka ba? I’m gonna fetch Norman para maniwala ka na wala kaming relasyon!” “You’re crazy. .” “Ikaw ang crazy,” sambit niya. “Now will you let go of me—” “Just what are you trying to prove, Wanda?” Nagulat siya sa paraang binigkas ni Abe ang kanyang pangalan. Suddenly, naisaloob niya, coming out of his mouth, that blasted name doesn’t sound so horrible now! Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping iyon. “What are you smiling at?” nakasimangot na usisa ni Abe. “Nothing,” nakangiti pa ring tugon niya. “Go to Collin’s room and look after him,” yamot na sabi nito, hindi pa rin bumibitiw sa pagkakahawak sa kanyang braso, “‘Wag ‘yang kung ano-‐‑anong kalokohan ang pumapasok sa kukote mo!” Pagkasabi’y saka pa lamang siya nito pinakawalan. SA HARDIN niya natagpuan si Norman, masayang nakikipagkuwentuhan kina Millie at Penny. “Ate, join ka sa amin,” yaya ni Millie. Hindi niya pinansin ang mga kapatid. Binalingan niya si Norman. “Mag-‐‑usap tayo, Norman. .” “Tungkol saan?” “Basta.” Hinila niya na ang kamay nito, papasok sa loob ng villa. Naiwang nakanguso ang dalawang dalagita. Bago makaakyat sa tatlong baitang na hagdanan patungo sa balkon, namataan na ni Wanda si Abe sa loob ng sala. Kunot-‐‑noo ito sa pagkakatingin sa kanila ni Norman. Pagpasok na pagpasok sa living room, itinulak niya ang kaibigan papalapit sa tiyuhin nito. “Norman, sabihin mo sa kanya,” may pagka-‐‑ aroganteng utos niya sa kaibigan. “Sabihin ko sa kanya ang alin?” takang-‐‑tanong ni Norman. “Iyong totoo,” nakapamaywang niyang sabi. Bahagya pa niyang pinalaki ang mga mata. “Tungkol sa ating dalawa.” “He knows already, hija.” Awtomatikong napabaling si Wanda sa pinagmulan ng tinig. Ang mommy ni Norman. Hindi niya napansin na nakaupo pala ito sa sofa, katabi ang asawa nito. Lihim siyang napakagat-‐‑labi nang makita ang pagkatamis-‐‑tamis na ngiti sa bibig nito. “I just asked him if he already knew about you two,” sabi pa ng ginang. “And boy, shocked siya!” Humagikhik pa ito. “Pero anyway, boto kaming lahat sa ‘yo, Wanda. You’re a very fine young lady.” Parang ibig niyang mag-‐‑collapse dahil sa nangyayari. Napahawak siya sa braso ni Norman. Kinabig naman siya nito at tuluyan siyang napahilig. “Sorry,” mahinang bulong nito. Mayamaya ay napahagikgik ito. “Oh, God!” bulong niya. “Anak, bakit hindi na lang ‘yong ring na ibinigay ko sa mommy mo noon ang ginawa mong engagement ring for Wanda?” ang daddy ni Norman. Maang na napatingin siya sa kaibigan. “What? And who told you we were engaged?” Tila nagulat rin si Norman sa narinig. “Bakit?” kunot-‐‑noong sabi ng ina ni Norman, “aren’t you. .?” Napahalakhak bigla si Norman. “Ang dalawang lukaret siguro ang nagsabi sa inyo, ano?” Sina Millie at Penny ang tinutukoy ni Norman. Napanganga ang matandang babae. “W-‐‑what do you mean.. They were just kidding me?” Nakatawa pa ring tumango si Norman. “Pinag-‐‑ trip-‐‑an kayo, Ma. Luka-‐‑luka ang dalawang yon, eh.” Sumimangot ang ginang. “Kaya Mommy, huwag kang basta-‐‑basta magpapaniwala sa dalawang ‘yon. Puwede ba naman kaming engaged na kaagad ni Wanda, eh, ang bata-‐‑bata pa namin. Di ba, Uncle Abe? Hindi makasiguro si Wanda subalit tila may nakita siyang gleam of relief sa ekspresyon ng mukha ni Abe. Tumango si Abe sa pamangkin, saka kumindat. Umiiling-‐‑iling pa rin ang ina ni Norman. “Those kids. .!” Tumawa si Abe. “They almost got me, too!” “Well,” sabi ng ama ni Norman sa asawa, “mga bata pa nga naman sila, sweetheart. Let us wait for a few years more. Pasasaan ba’t magkakaapo rin tayo. ‘Di ba, Norm, hijo?” Kumindat ito sa ama. Lihim namang siniko ni Wanda ang kaibigan at inis na tinapunan ng tingin ang nakangising si Abe.

 

CHAPTER NINE 

“HI.. YOU must be Wanda.” Alanganing nakangiti at nakakunot-‐‑noo si Wanda nang magtaas ng tingin sa may-‐‑ari ng tinig. Kasalukuyan silang magkasamang nag-‐‑i-‐‑ sketch ni Collin sa bahay-‐‑kubo sa tabi ng pool nang hapong iyon habang sina Norman, Millie at Penny ay nagkakasayahan sa pagsu-‐‑swimming. “Yes. .?” aniya, nagtataka. Lumuwang ang pagkakangiti ng kaharap na babae na tinataya niyang ang edad ay hindi lalampas sa thirty-‐‑five. Matangkad ito at maganda. Gandang lalong pinatingkad ng maputi at makinis na kutis. “Oh, siyanga pala,” anitong inilahad sa harap niya ang kanang palad. “I’m Doctor Ocampo. Kababata ko si Abe.” Tinanggap ni Wanda ang pakikipagkamay nito. Mula sa pool ay narinig niya ang sigaw ni Norman. “Jen, join us!” Nanlaki ang mga mata ni Wanda at saka muling binalingan ang kaharap na babae. “Oh, you’re Jennifer!” “Yes, I am,” nakangiting tugon ng babae. “I was here last Friday. You weren’t feeling well daw that night so we didn’t get to meet.” Tumango-‐‑tango siya. Well, I had a mild headache kaya I went to bed early.” “Jen!” tawag muli ni Norman. “Later, Norm,” malakas na sagot ni Jennifer. “I’m still talking to Wanda here!” Hindi na sumagot si Norman. Bigla itong nag-‐‑ dive sa pool. Naghiyawan sina Millie at Penny. “Sisters mo?” tanong ni Jennifer. Tumango siya. “Adorable ones,” nakangiting wika nito. Nginitian niya ito at nasorpresa siya sa sarili. Wala ang inaasahan niyang pagkainis dito. She’s not what I expected her to be, naisaloob ni Wanda. “Well,” mayamaya ay wika nito habang hinahaplos-‐‑haplos ang ulo ni Collin. Abe and I met this afternoon, sa Lucena. He’ll be home late tonight. Pupunta pa raw kasi sa Pagbilao, eh.” Tumango siya. Pinigil niyang mapaismid dahil sa nabubuhay na namang damdamin ng pagkainis towards Abe. “Nakita mo na sa picture si Beata?” “Beata?” “Beata Bermudez. Iyong yumaong ina ni Abe. .” Matipid siyang umiling. “Ay, sayang! Sana’y nakita mo na ang laki ng physical resemblance n’yo sa isa’t isa!” “May nakita akong lumang portrait ng babae sa loob ng room ni Abe. .” Bigla siyang natigilan, saka napapahiyang tumungo. Baka kung ano ang isipin ni Jennifer... Pero agad niyang binura sa isip ang ideyang iyon. “Pero hindi ko alam kung sino ‘yon. Hindi siguro si Beata Bermudez dahil hindi ko naman kamukha.” Dinugtungan niya iyon ng isang mahinang tawa. “Walang resemblance whatsoever. Masyadong mestiza ‘yong babae sa portrait.” “It must be Guadalupe. Abe’s grandmother. She was also very pretty, ‘no? Spanish ‘yon.” Tumango-‐‑tango si Wanda, saka muling binalingan ang pag-‐‑i-‐‑sketch. That explains Abes Castillian features, then.” “Yep.” Nakita niyang hinalikan ni Jennifer sa noo si Collin na tahimik lang na gumuguhit. “You know, Abe’s very fond of you,” mayamaya ay sabi nito. “Palagi ka niyang ikinukuwento sa akin.” Ikinagulat niya iyon. Palagi siyang ikinukuwento ni Abe kay Jennifer? Bakit? Siya na rin ang tumugon sa kanyang tanong. Dahil ikaw ang yaya ng pamangkin niya, gaga. “Masarap ka raw magluto ng siomai at lasagna, ah!” Kiming ngiti ang itinugon niya roon. Wala sa loob na napasulyap siya kay Norman habang masaya itong nakikipagsabuyan ng tubig kina Millie at Penny. Natawa si Jennifer, umiling. “Kids...” Napaangat ang mga kilay niya. Kids? Her sisters, maybe. Pero si Norman? Lalo itong natawa sa reaksiyon niya. “You’re cute,” sabi nito. “Sana huwag kang mag-‐‑rush na tumanda kaagad. Enjoy your youth. “I’m enjoying my youth,” pakli niya. “But I’m mature enough for life. Too old to be true. .” Ngumiti lang ito. NANG pabalik na sila sa Maynila, sa van nina Norman sumakay si Wanda. Sina Millie at Penny, dahil sa pagpupumilit, ay sa kotse si Abe lumulan. Gustong kurutin ni Wanda sa singit ang mga kapatid nang pumayag si Abe sa nais ng dalawa at magtilian ang mga ito. Alam niyang matindi ang crush ng mga ito sa binata at hindi gumagawa ng effort ang mga ito na i-‐‑conceal ang bagay na iyon. Bago sumakay ang dalawa sa kotse, binelatan pa siya ng mga kapatid. “So, what’s your plan, Pip?” si Norman. Magkatabi sila nito sa likuran ng van. “Plan?” Tumango ito. “Plano mo pag-‐‑uwi sa Maynila. Nagkibit-‐‑balikat siya. “You don’t seem to enjoy your job,” mahinang wika nito. “Anything wrong?” Wala sa loob siyang umiling, saka tumingin sa labas ng sasakyan. Saglit na nanahimik si Norman, tumingin sa unahan ng sasakyan at saka pabirong pinintasan ang pagmamaneho ng ama. Mayamaya’y binalingan siya. “We’re gonna have a talk when we arrive home,” bulong nito. “A really long talk. .” Hindi sumagot si Wanda, nanatili lamang siya sa pagkakatingin sa labas. “Sinasabi ko na nga ba,” bulong ulit ni Norman sa normal nitong pang-‐‑binabaeng tinig. Sinasabi ko na nga ba!” Pumikit siya nang mariin at saka humalukipkip. “Shut up.” “Oh, my God, I was right, wasn’t I?” Tinapik pa nito ang sariling noo at nagkunwang nag-‐‑collapse sa upuan. Umismid lang siya at inihilig ang katawan sa pinto ng van. “I’M FIRED?” “Fired is not the word,” malumanay na sabi ni Abe. “May na-‐‑hire na kasi akong speech therapist, and she’ll start this Monday.” “Speech therapist?” “That was your idea, remember?” Bumuntong-‐‑hininga si Wanda saka napailing, hindi siya makapaniwala. “Ni hindi mo man lang ako in-‐‑inform before you hire her, kahit man lang sana as a sign of respect. .” May himig ng paghihinanakit sa kanyang tinig. “Look, Wanda,” tila nawawalan na ng pasensiyang wika nito. “I’m paying you sixteen thousand—for two months, right? Plus a four thousand bonus. I guess that’s more than just fair, considering na three weeks ka lang nag-‐‑work. You can use the money for your enrolment—” “To hell with your money!” singhal niya. “Hindi ko kailangan ‘yon, you devil! Hindi pa naman naghihirap ang parents ko para hindi ako makapag-‐‑enrol! Pagkasabi ay dere-‐‑deretso siyang lumabas ng pinto at saka padabog iyong isinara. Paglabas niya ng library, nakasalubong ni Wanda ang isang katulong sa mansiyon. Takang-‐‑ taka ito. Sa labis na pagkayamot, pati ang pobre ay nairapan niya. Walang lingon-‐‑likod siyang nakalabas ng mataas na gate. Mabilis niyang pinara ang isang paparating na kotse. “Puwedeng maki-‐‑hitch? mabilis niyang sabi nang tumigil ang kotse. “Kahit hanggang exit lang.” “HAYAN kasi,” malamyang sabi ni Norman habang hinahagod-‐‑hagod ang likod ni Wanda. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo.” Sunod-‐‑sunod na sinok ang itinugon dito ni Wanda. “Siya, siya.. tahan na. Don’t worry, you’ll forget him in no time. .” “I won’t,” umiiyak pa ring sabi niya. “For Christ’s sake, Norman, he’s my first love!” “Puwede ba, sister? Mga lalaki lang sila, ‘no? Let’s prove to them na tayong mga girls ang superior sex!” Inirapan lang niya ito. Muli, suminok-‐‑sinok siya. Napahagikgik si Norman. “Gosh, darling, in love ka nga pala talaga. .” “Ano pa nga ba?” bulalas niya. “That brute. Pero hayaan mo, makaka-‐‑bounce back ka very soon,” pangongonsola nito. “Pero ang poise mo, ha? Dapat, kahit lovesick ka, poised ka pa rin. Pa’no na lang kung bigla siyang dumating? Eh, de na-‐‑turn-‐‑off yon? “Tse.. ” Humalakhak ito nang matinis. NALILITO si Norman. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang naging desisyon na pagsisinungaling sa tiyuhin upang makatiyak na hindi nito papatulan ang kanyang matalik na kaibigang si Wanda. On the other hand, tama siguro dahil right away ay dinispatsa ni Abe ang dalaga. Ibig sabihin, safe na si Wanda sa makamandag na charm nito sapagkat malayo na ang mga ito sa isa’t isa. Well, at least hindi na sila nakatira sa ilalim ng iisang bubong. Pero nalulungkot naman siya dahil sa nakikitang kalungkutan ng kaibigan. Nabatid niya mula sa tiyuhin kung ano ang ginawa nitong dahilan upang mapauwi si Wanda at kung paanong nag-‐‑react ang huli roon. Nakadama siya ng guilt. Sinabi kasi niya sa tiyuhin na ibig na ng ama ni Wanda na pagbitawin ito sa summer job dahil asthmatic ang dalaga. “Saka baka mahawahan pa si Collin kapag sinumpong si Wanda ng hika,” aniya sa tiyuhin. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin before?” tanong ni Abe. “It slipped off my mind, I guess,” kibit-‐‑balikat na tugon niya. “Ngayon ko lang naalala, when Tito Tony asked me kung hindi ba inaatake si Wanda lately.” Sa isang banda, totoo namang may asthma si Wanda. Ang hindi totoo ay iyong sinabi niyang daddy nito ang may gustong mag-‐‑resign ito. .

 

CHAPTER TEN 

HINDI dalawin ng antok si Wanda. Biling-‐‑ baligtad siya sa higaan. Kanina pa siya kating-‐‑ kati na i-‐‑dial ang numero ng telepono sa mansiyon ni Abe sa Valle Verde. Kahit man lang tinig nito. . Sa wakas, matapos makapagbulay-‐‑bulay, nagdesisyon siyang tawagan ang numerong memor-‐‑yado niya sa kanyang puso. Sabi niya sa sarili, mangungumusta lamang siya. Si Collin. Ang bago nitong governess. At si Abe, siyempre. Pero hindi nga lang direktahan. Abot ang sasal ng kanyang dibdib nang mag-‐‑ ring ang telepono. Pakiramdam niya’y nagyeyelo sa lamig ang kanyang mga palad sa pagkakahawak sa handset. Ang kanyang mga tuhod na dati-‐‑rati ay tila gulaman sa paglalambot, ngayo’y parang pinupulikat at nagyeyelo. Ang buong katawan niya ay nanlalamig dahil sa kaba. “Hello.. ?” Saglit niyang sinuspindi ang paghinga. Katulong sa mansiyon ang nasa kabilang linya. “Ah, h-‐‑hello? S-‐‑si Wanda to. KAMUNTIK nang mabitawan ni Wanda ang hawak na handset nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. “A-‐‑ano? W-‐‑wala kamong tagapag-‐‑alaga si Collin ngayon?” “Wala nga. Pag-‐‑alis mo, hirap na hirap na naman kaming lahat dito. Ang hirap pakainin ng batang ‘yon!” Shocked pa rin siya. “Ang ibig mong sabihin. . walang pumalit sa akin nang umalis ako diyan?” “Wala. Palagi ngang mainit ang ulo ni Sir, eh. Ewan ko ba ro’n. Baka nababanas kay Collin dahil halos hindi na nga kumakain ‘yong bata. Nagpa-‐‑ advertise na si Sir sa Inquirer nitong nakaraang Sabado. Kahapon ay may ilang kumontak sa kanya. Sana naman, makakuha na siya ng mag-‐‑ aasikaso sa bata.. ” Pakiramdam ni Wanda ay nag-‐‑uusok ang kanyang bumbunan nang mga sandaling iyon. MADALING hanapin ang opisina ni Abe sa Makati. Pagbaba ni Wanda mula sa sinasakyang taksi, pakiramdam niya’y nagsisimula na namang manginig ang buo niyang katawan. At iyon ay hindi dahil sa excitement sapagkat magkikita na silang muli ni Abe, kundi dahil sa galit sa binata. Okay. . who am I kidding? naiinis na bulong ni Wanda sa sarili. Totoo, nae-‐‑excite din siya dahil magkikita silang muli ng lalaking minamahal. Pero naiinis pa rin siya. Pakiramdam kasi niya’y binale-‐‑wala lang siya nito. Para bang wala siyang kahala-‐‑halaga rito. Pero teka. . biglang-‐‑preno ang kanyang isip. What did I expect? May halaga ba talaga siya kay Abe? Nangasim bigla ang kanyang mukha dahil sa isiping iyon. Ang inis na nadarama ay napalitan ng mas malalim na pagkayamot. Nang galit. Pero galit nga ba ang nararamdaman niya para kay Abe? Hindi marahil dahil nasasaktan pa siya. “I’m looking for Mr. Bermudez,” sabi ni Wanda sa sekretaryang bumungad sa kanya. “Do you have an appointment?” walang-‐‑interes na tanong nito. “N-‐‑no, but Im sure hell see me, sagot niya. Tiningnan siya ng babae. “Your name, please.” “Wanda Gorres.” “I’ll call him.” Nang marinig niya sa intercom ang tinig ni Abe, may pumitlag sa kanyang dibdib. Agad niyang hinamig ang sarili. Wala itong dapat mahalata. “A certain Wanda Gorres would like to see you, Sir,” anang babae sa intercom. Matagal bago sumagot si Abe. “Let her in.” Tumayo ang babae at nginitian siya. “Follow me, Miss Gorres.” Walang imik na sinundan niya ito. Bago tuluyang pumasok sa silid ni Abe, ipinaskil muna niya ang isang mabagsik na simangot sa kanyang mukha, saka huminga nang malalim. Sinalubong siya ng seryosong ekspresyon sa mukha ni Abe mula sa pagkakasandal nito sa swivel chair. Nakahimlay sa antigong mesa ang magkasalikop nitong mga palad. Napatigil siyang saglit sa paglapit dito. Biglang umalon ang kanyang dibdib. Tingin niya ay mas lalong gumuwapo ang binata sa pormal nitong ekspresyon. “What a surprise,” wika ni Abe. “Have a seat.” Naupo si Wanda sa kaharap na silya. “You have some explaining to do, Abraham.” Pilit ang pagtataray sa kanyang tinig sapagkat deep within her, tila siya dahong pinapaspas ng hangin. Napaangat ang isang kilay nito. Isang pigil na ngiti ang kumawala sa mga labi. Suddenly, hindi na masyadong nakakatakot ang ekspresyon ng mukha nito. “About what, Wanda?” “You lied to me, you brute!” nanggigigil niyang singhal. “Wala palang bagong governess si Collin, sinungaling ka!” Hindi umimik ang binata. “Did you really have to lie to get rid of me?” naghihinanakit na sabi niya. “You could just told me you wanted me to leave, and I swear. . mabilis pa sa alas-‐‑kuwatro, I would. Napabuntong-‐‑hininga si Abe. Look, Wanda. .” “I hate you, Abe Bermudez!” “Wanda.. ” “No wonder you’re alone, and no doubt you’re gonna grow old and die alone. Ang sama-‐‑sama ng ugali mo!” Namumula na sa galit ay nag-‐‑ aapuhap pa rin siya ng sasabihin. “You’ll never find the right girl for you, Abraham! You’ll never fall in love!” Ngumiti ito nang mapakla. “But I already have. .” Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. “I hate you. .” halos maiiyak nang bulong niya. Biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Abe. “Wanda. .” Tuluyan na siyang napaluha. Lalo na nang maramdaman ang mabining paglapat ng dalawang daliri ng lalaki sa kanyang pisngi. Sinalo ng mga iyon ang pagpatak ng kanyang luha. “I-‐‑Im sorry, Wanda. . Lalo pa siyang napahikbi. Nginatngat ng awa sa sarili ang kanyang puso. Napakagat-‐‑labi siya, pigil ang paglakas ng pag-‐‑iyak. Mayamaya’y dahan-‐‑dahang lumapit ang mukha ng binata sa kanya. Napapikit si Wanda. Halos dama na niya ang tamis ng halik nito bago pa man maghinang ang kanilang mga labi. Oh, God, I missed his kiss. . this ecstacy. . Nang sa wakas ay magkalas ang kanilang mga labi, kapwa na sila naghahabol ng paghinga. Nagkatitigan silang dalawa. Matagal na hindi nagsalita si Abe. Nanatili ito sa pagkakatayo. Mayamaya ay napasabunot ito sa sariling buhok. Nang magsalita ito, basag na ang tinig. “I-‐‑Im very sorry about my misbehavior, anitong tila labis na nahihirapan. “I shouldn’t have kissed you in the first place. I’m so sorry but I couldn’t control myself.. ” “Abe.. ” “I swear I didn’t mean to take advantage of you, Wanda. This is totally out of my character. I’m sorry.” Itinaas nito ang dalawang kamay nang tangkain niyang lumapit. “Don’t touch me, please. .” “Abe, please, listen to me.. ” Muli siyang napaluha. “Mahal kita, Abe. .” “You don’t know what you’re talking about, Wanda,” sabi nitong napapailing. “But someday you will. I’m sorry.” “Sorry? What do you mean you’re sorry? Alam ko ang sinasabi ko at sigurado ako sa damdamin ko. Mahal kita, Abe. I don’t need someday to understand this feeling because I have now. Mahal kita noon pa man.. nang una kita makilala.” Naningkit ang mga mata nito. “Noong una mo akong makilala? You were with Norman then! God damn it, Wanda. . you are my nephew’s girl. This is insane!” “I love you, you twisted imbecile. For the last time, listen to me and listen well. Magkaibigan lang kami ni Norman. I was never his girl. Nadamay lang ako sa pustahan nila ni Jeff kaya niya ako ipinakilalang nobya, but Norman and I are just friends!” Hirap ang kaloobang tumingin ito sa kanya. “Wanda.. ” “You’re too scared of your own feelings, coward!” sigaw niya. “Or maybe you thought I’m not good enough for you.. ” “No!” mabilis na bulalas ni Abe. “Don’t you ever say that.” May gumuhit na galak sa puso ni Wanda. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi sa kabila mga luhang muling bumubukal sa kanyang mga mata. Upang muli lamang madismaya sa mga salitang binigkas ng lalaki. “I-‐‑I think. . I think I have to take you home now.” TUMANGO si Wanda. “You heard it right, Norm. I told him practically everything.. and now I am so sorry that I did!” Nalaglag ang panga ni Norman. “You silly woman! What did you do that for?” Nakasimangot na nagkibit-‐‑balikat siya. Hindi ko na kasi ma-‐‑take, eh. I had to confess or else, baka loony bin na ako ngayon. A psycho.” “You didn’t tell him that I’m. .?” “Gay?” aniya. “For Christ’s sake, no. You know I would never do that.” Tila nakahinga nang maluwag si Norman. “Huwag kang mag-‐‑alala, I’m sure na hindi ka n’on ibubuko kay Jeffrey.” Bahagya nitong hinampas ang kanyang braso. “Loka. Hindi iyan ang gumugulo sa isip ko.” Napabuntong-‐‑hininga siya. Am I really stupid telling him of my feelings?” “Indeed.” Muli, bumuntong-‐‑hininga si Wanda at saka sumimangot. “Thanks, Norm. You’re really a friend.” “Well, ‘yong totoo?” Punong-‐‑puno ng emosyong tumingin sa kanya ang kaibigan, tila tinimbang muna nito ang sasabihin. “Sa palagay ko, mabuti na ring naranasan mo nang ma-‐‑in love.” “‘Tis better to have loved and lost than never to have loved at all,” aniya sa mapait na tinig. Tumawa pa siya nang mapakla. “Right?” “It’s all right, Pip. Everything’s gonna be fine in no time. .” “Yeah, right. Give me three decades.” “Three months.” Napatungo siya. Muling nagbadya ng pagdaloy ng masaganang luha ang kanyang mga matang namumugto na sa kaiiyak. “Mabuti pang hindi na lang ako natutong umibig, Norman. If only I could help it.” “But you couldn’t. .” anito. “That’s why it’s called ‘falling in love.’ Fall, not leap. Not jump. Meaning, walang exercise of free will. You just fall, and that’s it. Don’t blame yourself, Pip.” “I never imagined it could hurt this bad.” “The first hurt is always the deepest, Pip. But someday, when you’re older, lilingon ka at pagtatawanan na lang ang ngayon. Falling in love is a crazy thing. Love is a crazy thing. You better get used to it.” Natahimik si Wanda, nagre-‐‑reflect. Should we always fall in love with the wrong guy the first time, Norm?” Ngumiti ito. “Not always, I guess.” “Bakit gano’n? Halos lahat ng first love, hindi nagsa-‐‑succeed? Its a bad, bad world, isnt it? I hate it!” “Your sentiments will change,” ani Norman. “And so will your feelings.” Nagkibit-‐‑balikat si Wanda. I hope. “You better be. Uncle Abe doesn’t believe in relationships.. so what? Your heart won’t give a damn. Kaya nga nilikha ng Diyos ang utak na mas mataas sa puso para mas manaig ang isip. So do me a favor, Wanda, please? Use your brain.”

 

CHAPTER ELEVEN 

ILANG linggo na rin ang lumipas. Pagsapit ng buwan ng Hunyo, may isang malaking sorpresang dumating kay Wanda. “Bisita kong lalaki?” ulit niya. “May dala pang roses and balloons ‘kamo?” Tumango si Millie, kinikilig. “Oo, Ate, kaya dalian mo na!” Nang lumabas siya sa sala, hindi niya agad nakilala ang bisitang tinutukoy ng kapatid. Nang makita ang malaking balat sa gilid ng leeg nito, saka pa lang siya napatili sa galak. “Derek!” Biglang lumuwang ang pagkakangiti ng lalaki. “Wanda.. ” Sinugod niya ito ng yakap. And before she knew it, nasiil na siya nito ng halik sa mga labi. NAPATDA si Abe sa nasaksihan. Nakapasok na siya sa mababang gate ng tahanan ng mga Gorres nang matanaw niya ang eksena sa loob ng bahay. Natigilan siya sa paglalakad. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga dalang bulalak. “Oh, God. .” bulong niya sa pinanghihinaan ng tuhod. Nakuyumos niyang tuluyan ang dalang rosas, hindi alintana ang mga tinik na bumabaon sa kanyang mga palad. Tumalikod siya at saka naglalatang ang dibdib na inihagis ang kinuyumos na bulaklak sa isang bahagi ng hardin. Nagtatagis ang mga bagang, hindi niya napansin na gumigilid na siya sa paglalakad. Natisod niya ang isang paso at bumangga iyon sa katabi pang paso. Pabalya niyang isinara ang pinto ng gate at mabilis na sumakay sa kotse. Matulin iyong pinaharurot. Samantala, pira-‐‑pirasong naiwan ang dalawang nabasag na paso. “WHAT was that?” Natatawang kumalas sa kanya si Derek. “A kiss, I guess.” Umiling si Wanda. “No. . sa labas. Parang may nagbagsak sa gate, tapos may humarurot na sasakyan.” Tumawa ang lalaki. “Cars do that sometimes.” “Slam the gate?” nakataas ang kilay na sabi ni Wanda. “No zoom.” Ngumiwi na lang siya, saka naalala ang halik nito. Hinalikan siya ng loko! Sa lips. Kinapa ni Wanda ang sariling damdamin. Walang hundreds of butterflies na nagso-‐‑ somersault sa kanyang tiyan. Walang shiver sa kanyang spine. In short, walang thrill. Walang feeling. Bigla tuloy niyang naisip si Abe. Bakit gano’n? sa loob-‐‑loob niya. Bakit kapag si Abe ang humahalik sa akin, parang mawawalan ako ng bait? Because I love him and Derek doesn’t mean anything to me. Biglang-‐‑bigla ay na-‐‑miss niya nang todo si Abe. “ANO ‘KAMO?” bulalas ni Norman. “Ano ka ba, ang ingay mo.. ” sansala ni Wanda sa kaibigan habang lumilinga sa paligid. Nasa isang class na restaurant sila, nagdi-‐‑ dinner. “God, shock me, shock me, ha?” sabi ni Norman sa naeeskandalong tinig. “After what— fourteen years—susulpot na lang siyang bigla— walang kaabog-‐‑abog!para lang mag-‐‑propose sa ‘yo ng kasal? To fulfill his promise, gano’n?” “Correction,” natatawang sabi niya. “To fulfill his destiny. Iyon ang sabi ng mokong.” “Ano siya, hilo?” “And weird, ‘no.” “Ay, weird nga. Sayang, ang guwapo pa naman niya.” “Oo nga,” natatawang sabi niya. “Kamukha pa naman sana niya si Brendan Fraser, ‘no?” Sumang-‐‑ayon si Norman. “Siguro naman, Mammee, puwede na sa akin ‘yong gano’n, ‘no? Brendan Fraser, wow!” “Excuse me. Sa akin siya may gusto, hindi sa iyo!” Nanlaki ang mga mata ng binabae. “What? Don’t tell me you’re considering the idea. .?” Tinawanan niya ang kaibigan. “Why not? Okay naman siya. We’ve known each other since childhood. He could be nasty at times, pero he’s quite nice naman. Mama votes for him. Ewan ko lang si Papa. Parang asiwa siya nang mag-‐‑ propose ang sira-‐‑ulong Derek na yon. “Oh, my God!” “Oh, my God din!” Page 26 5 of 351 “Gaga. Pa’no si Uncle Abe?” Natahimik si Wanda, pagkatapos ay nagkibit-‐‑ balikat. “But he’s the one you’re in love with!” paalala ni Norman na para bang magagawa niya iyong kalimutan. Tumingin siya nang deretso sa kaibigan. “It will pass, Norm. Sabi mo nga, love is a crazy thing. Pero para sa akin, kabaliwan lang kapag nasasaktan ka na’y sumisige ka pa. I have made a pact with myself. The next time I love a person, I’ll make sure na hindi ako mapo-‐‑fall in love. Ill jump if I have to but never ever fall!” Lukot ang mukhang napatitig sa kanya si Norman at saka walang imik na ibinaling ang atensiyon sa pagkain. To hell with love, inis na naisaloob ni Wanda. NAGKAKAROON na ng phobia si Wanda sa katok sa pinto ng kanyang silid. Everytime kasi na kakatukin siya ng mga kasambahay, ang dahilan ay si Derek. Si Derek, nasa ibaba. Phone, si Derek. Flowers, galing kay Derek. Unti-‐‑unti na siyang napupuno sa kababata. Pero sa pagkakataong ito, hindi si Derek ang dahilan kung bakit may naririnig siyang katok sa pinto ng kanyang kuwarto. “Mammee!” bati niya nang mapagbuksan ang kaibigan. “Napasyal ka. .” Pinaikot ni Norman ang mga eyeballs bago pumasok sa loob ng silid. “As if hindi ako palaging napapasyal. .” sabi nito. “Akala ko kasi, masyado kang busy sa arnis lesson mo these days, eh.” “Oo nga pero I’ve got something to tell you kaya nagpunta ako rito.” Naupo ito sa ibabaw ng kama. “Shoot.” Tinabihan niya ang kaibigan. “Nasa States na si Collin.” Bahagya siyang nagulat. Saglit na natigilan. “Now, he’s gonna grow old alone,” bulong niya, patungkol kay Abe. Hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ng kanyang kaibigan. “Who’s gonna grow old alone?” usisa ni Norman. “Si Collin. . o si Uncle Abe? Don’t worry, alam ko na ang sagot.” Umingos siya. “I sort of put a curse on him. He’s gonna grow old and die alone, sabi ko. I think it’s working.” Hindi makapaniwalang napailing si Norman. “You’re weird, Wanda. You, plus Derek equals disaster!” “C’mon, Norman,” natatawang sabi niya. “Derek’s not so bad.” “Ah, ewan!” Humagikgik siya. “Anyway,” mayamaya ay sabing muli nito. “Umalis si Collin yesterday afternoon, kasama ang kapatid ni Auntie Marie na nurse sa San Francisco.” Napakunot-‐‑noo siya. Pumayag si Abe? Nagkibit-‐‑balikat ang kanyang kaibigan. Ewan ko nga ba.” “Bakit kaya?” Curious na curious siyang malaman kung ano ang dahilan ni Abe. Hinding-‐‑ hindi niya akalain na papayag itong mawalay rito ang kaisa-‐‑isang pamangkin. “Hindi ko nga alam!” tila naiiritang sambit ni Norman, nakukulitan na yata sa kanya. “Baka gagawing guinea pig sa isang experiment doon that has something to do with autism,” suhestiyon ni Wanda. “Ano sa palagay mo?” “Wala akong palagay. .” Napakunot-‐‑noo siya. Bakit ba parang depressed ka, ha, Norman?” Nilapitan niya ang kaibigan at saka sinalat ang noo nito. “Are you sick or something?” Bumuntong-‐‑hininga ito. “I’m not sick,” matamlay na wika nito. “But someone else is.” Napakunot-‐‑noo siya. Kinabahan. Sino? “Si Uncle Abe.” NAG-‐‑ALALA agad si Wanda sa narinig. Si Abe?” Tumango si Norman at iritableng bumuntong-‐‑ hininga. “Naiinis na ako sa mga nangyayari!” Nagtatanong na tiningnan niya ang kaibigan. “I feel responsible for all these mess,” anito. “Bakit? Ano naman ang kinalaman mo?” Hindi ito sumagot. Nagbuntong-‐‑hininga lang ulit. “Baka kaya isinama ng aunt ni Collin ang bata’y dahil nakakahawa ang sakit ni Abe,” sabi niyang naagaw na ang isip ng kalagayan ng magtiyuhin at pag-‐‑aalala sa binata. “Gross mo naman!” Ngumiwi si Norman. “Baka TB. .” dugtong pa niya. “Hepatitis. Ano’ng malay mo?” “Ay, naku! Enough!” Ibinagsak nito ang katawan sa ibabaw ng kama. “Would you care to get me a drink, Pip? Nauuhaw na ako.” “Get it yourself,” aniya, sabay irap. Naiinis siya dahil sa mga pag-‐‑iwas ni Norman sa topic. Kung tama ang kutob niya, may impormasyong inililihim sa kanya ang best friend. NAKAPAGDESISYON na si Norman. Ipagtatapat na niya kay Abe ang totoo. Masyado nang nababagabag ang konsiyensiya niya dahil sa mga nangyayari. Si Wanda, malamang na pumatol sa lalaking nag-‐‑aalok ng kasal dito; sa lalaking guwapo nga subalit tingin niya ay hindi magiging mabuting asawa para sa kanyang kaibigan. Lalaking hindi mahal ni Wanda. Dahil sa kabiguan sa unang pag-‐‑ibig, na-‐‑ corrupt ang concept nito about love. Si Abe, ewan niya kung ano ang nangyayari dito. Lately, unti-‐‑unti nang nahuhulog ang katawan nito. Halos araw-‐‑araw ay nagbababad ito sa yuppies’ hangouts at umuuwing lasing sa gabi. Bagay na hindi naman nito dating ginagawa. May hinala siya, at nais niyang patunayan ang himalang iyon. Kung dati-‐‑rati ay hindi niya ma-‐‑take ang ideyang sina Abe at Wanda together, ngayon ay nakakadama siya ng thrill kapag ini-‐‑imagine niya ang posibilidad na umiibig din ang kanyang tiyuhin sa best friend. Suddenly, naisip niya, parang ang romantic pakinggan! Abe and Wanda in love. NATUWA si Norman nang malamang sober daw si Abe ngayong gabi, ayon na rin sa katulong na nagbukas sa kanya ng gate. Hindi nasayang ang kanyang pagod sa ilang oras na pagbibiyahe papuntang Tiaong. Makakausap niya ito nang masinsinan. Tatlong araw na si Abe sa villa, bagay na ikinatuwa naman ni Norman. Malaking bagay ang pahinga at preskong paligid sa pisikal at emosyonal na kalusugan nito. Pagpasok ng kanyang kotse sa loob ng magarang bakuran ng villa, agad nahagip ng kanyang paningin ang isang kotseng pamilyar sa kanya. Napakunot-‐‑noo siya nang makilala ang sasakyan. Kotse ni Jenny. “ANAK, si Derek, kanina pa naghihintay sa ‘yo sa ibaba, ah?” Umingos si Wanda. “Hayaan mo nga siyang mapanis sa paghihintay, Pa!” “Wanda.. ” “Oo na, oo na,” inis na wika niya, naiimbiyerna na sa kakulitan ng kababata. “Susunod na ‘ko, sabihin n’yo. Aayusin ko lang ‘tong buhok ko!” Paglabas ng silid, bubulong-‐‑bulong pa rin siya dahil sa pagkayamot. “YOLLY, si Uncle Abe?” Makahulugan at may malisya ang ngiting pinakawalan ng katulong kay Norman. “Do not disturb daw,” anito. “Nasa kuwarto siya, kasama si Doktora Ocampo. . nagmimilagro!” Napailing si Norman. “Maghapunan ka muna, Norman,” sabi ni Nanay Ising. “Si Abraham, naku. . baka hindi na kumain ang batang ‘yon. Madalas na hindi ‘yon kumakain, eh.” Dumulog na nga siya sa hapag-‐‑kainan. Dahil sa sarap ng sinigang na sugpo na siyang inihain sa kanya ng matandang katiwala, saglit niyang nakalimutan ang tungkol sa tiyuhin at ang milagrong ginagawa nito sa loob ng kuwarto, sa piling ni Jenny. THANKFUL si Wanda dahil hindi binuksan ni Derek ang topic tungkol sa marriage proposal nito. Sa ngayon, kontento na ang binata sa ginagawang panliligaw sa kanya. Ang labis lang na ikinayayamot niya ay ang kakulitan nito. Para kasing masyado itong in love sa kanya. Pakiramdam niya tuloy, nasasakal siya. “Magbakasyon tayo sa probinsiya ni Mommy, Wanda,” sabi ni Derek nang patapos na silang kumain. Nagdi-‐‑dinner sila sa labas, gaya ng halos every other day nilang date. Nagsasawa na siya pero may pagka-‐‑pushy ang kanyang mama. At pet nito si Derek. Kunsabagay, naisip niya, mabuti na rin sigurong may Derek ngayon. At least, with Derek around, hindi niya masyadong naiisip si Abe kahit na sabihing at the end of the day, ito pa rin ang laman ng kanyang puso’t isip. Ang importante, mayroon siyang rebound-‐‑guy sa ngayon. Unfair kay Derek, naisip niya, pero what the hell! Whoever said that love is fair? “Saan ba’ng probinsiya ng mommy mo?” Nagtanong na rin siya kahit positive siyang ayaw niyang sumama rito sa pagbabakasyon. “Sa Quezon,” tugon nito. “Sa Candelaria.” Napamaang siya rito. Quezon? “Malapit lang ‘yon sa Villa Escudero. Sa Tiaong lang ‘yon, eh, which is a neighboring town. I’ve always wanted to go back to Villa Escudero. Imagine, six years old pa lang ‘ata ako when we first went there. It was a beautiful place, I hope na-‐‑maintain nila iyon. Agad na naglakbay ang diwa ni Wanda patungo sa probinsiyang sinambit nito. “What do you say?” untag sa kanya ni Derek. Hindi na siya nag-‐‑isip. Namalayan na lang niya ang sariling nagpapaunlak sa imbitasyon ng lalaki.

 

CHAPTER TWELVE 

SA NAKITANG paglalambingan nina Jenny at Abe, nagdesisyon si Norman na huwag na lang ipagtapat sa tiyuhin ang totoo tungkol kay Wanda. Para ano pa ang iko-‐‑confess niya gayong nagkakamabutihan na pala ang magkababata. For all he knew, baka si Jenny at hindi si Wanda ang dahilan ng tantrums ni Abe! Samantalang si Wanda naman ay tila nahuhulog na rin kay Derek. Anupa’t sabi sa kanya ng ina nito, nagbabakasyon daw ang dalawa sa probinsiya ng magulang ng lalaki. Wala naman sigurong masama. May pagka-‐‑ eccentric lang si Derek at medyo makulit pero mukha namang mabait at mahal na mahal si Wanda. Pero bakit gano’n? naisip niya. Bakit parang may munting tinig na nagbubulong sa kanya na hindi para sa isa’t isa ang dalawa? Para bang hindi magiging lubos na maligaya si Wanda sa piling ni Derek sakaling makatuluyan nito ang balik-‐‑ bayan. Maybe I’m just being paranoid again, sabi na lang ni Norman sa sarili. Baka nagiging negatibo lang siya masyado. O baka naman at the back of his mind, si Abe ang gusto niyang makatuluyan ng kanyang matalik na kaibigan? Makakasiguro kaya siyang with Abe liligaya si Wanda nang lubusan? Kilala niya ang tiyuhin. Wala itong faith sa relationships, what more kung kasal ang pag-‐‑ uusapan. Walang future ang pinakamamahal niyang best friend sa piling nito, kaya nga the moment na makita niya ang spark of interest sa mga mata ni Abe, ginagawan niya ng paraan na mapangalagaan agad si Wanda laban sa karisma nito. . “SPARE her, Uncle Abe,” pabirong bulong ni Norman sa tiyuhin nang makita niya itong nakasunod ang tingin kay Wanda. Reunion iyon ng mga Bermudez. Patungo noon sa ladies room ang dalaga. “She’s only seventeen. . and she’s my girl.” “S-‐‑seventeen? Nagulat si Abe. Tumawa siya. “She’ll grow old enough, but until then, willing naman akong maghintay.” Nakita niya ang pagkadismaya—at panghi-‐‑ hinayang—sa mga mata ni Abe. Right there and then, natiyak niya sa sarili na hindi nito sasalingin si Wanda. Alam niyang hindi nito maaatim na maki-‐‑paglaro sa isang menor-‐‑de-‐‑edad. . at iyon lang ang kayang ibigay ni Abe, isang laro sa puso. . SA NAISIP ay lalong na-‐‑depress si Norman. He really wanted her to be happy, si Wanda. But how? Hahayaan na lang ba niya ito kay Derek o iuuntog niya ang ulo ng tiyuhin? “NORM, come join us!” yaya ni Jenny ng mapansin siyang nakatayo sa di-‐‑kalayuan. Masaya itong nakikipagharutan kay Abe sa swimming pool. Nginitian niya ang dalaga at saka umiling. “Kayo na lang,” tugon niya. “Mag-‐‑eempake pa ‘ko, eh.” “Babalik ka na sa Maynila?” kunot-‐‑noong tanong ni Jenny. Tumango na lang siya. Bigla niyang naisip si Wanda. Magpapasukan na, saka pa nito naisipang magbakasyon. Hanggang kailan kaya ito maglalagi sa probinsiya nina Derek? Naputol ang kanyang pagmumuni-‐‑muni nang mag-‐‑ring ang telepono. Mula sa balkonahe ay pumasok siya sa living room upang sagutin iyon. “Norman?” Agad niyang na-‐‑recognize ang tinig sa kabilang linya. “Wanda! Napatawag ka?” “Yes. Ano, kumusta?” “How did you know I was here?” “Your answering machine told me.” “Nasaan ka ngayon?” “Dito, sa Candelaria.” “Candelaria?” nagtatakang gagad ni Norman. “What are you doing there? Malapit lang ‘yan from here, ah!” “Oo, nadaanan nga namin ang Tiaong from Manila, eh. Nandito ako sa haunted house ng grandparents ni Derek. Could you come over? Nababato na ako rito. Derek is out fishing with his cousins. Bored na bored na ako! Alam mo kung sino’ng kasama ko rito? Iyong tita niyang old maid na bingi!” “O sige,” aniya. “I’m coming over. Aalis na ako mamayang tanghali, eh. Baka gusto mo nang sumabay sa ‘kin pa-‐‑Manila kung batong-‐‑bato ka na talaga d’yan.” “Oh, Mammee, you’re heaven-‐‑sent! Dalian mo bago ako hainan na naman ng tita ni Derek ng walang kasintigas na bread stick at ubod ng pait na kapeng Batangas!” Mabilis na nakapagbihis si Norman pagkatapos nilang mag-‐‑usap ni Wanda. Paglabas niya, nasalubong niya si Abe. Wala na si Jenny sa pool. “May lakad ka?” tanong nito. Tumango siya sa tiyuhin. “Can I borrow your Wrangler? Sasaglit lang ako sa Candelaria.” “Candelaria?” ulit nito. “Can you wait for me? Sabay na tayo, may lakad din ako roon, eh. Magbibihis lang ako sandali.” Bago pa man siya makasagot, mabilis na itong pumasok sa loob. Naiwan siyang nakangiwi. Paglabas ni Abe, kaakbay nito si Jenny na nakabihis na rin. “Idaan natin si Jenny sa kanila,” anang binata. Taga-‐‑Tiaong din si Jenny, sa town proper nga lang ang tahanan nito. Tumango siya. “Okay.” Kinuha niya ang susi ng jeep sa tiyuhin at sumakay na sa driver’s seat. Inalalayan ni Abe sa pagsakay ang dalaga at magkatabi pang naupo ang mga ito sa passenger’s seat. Bago bumaba si Jenny, humalik muna ito sa mga labi ni Abe. Tuloy, gustong maasiwa ni Norman. Ito ba ang lalaking pinakamamahal ng mahal kong kaibigan? Nagkunwari siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. “Okay, let’s move now,” mayamaya ay natatawang sabi ni Abe nang makapasok na sa bahay nito si Jenny. “Saan ba’ng lakad mo, Uncle?” tanong niya nang umaandar nang muli ang jeep. “Sa munisipyo.” Kamuntik na siyang masamid. Ang bahay ng lolo’t lola ni Derek ay malapit lang sa munisipyo, ayon sa direksiyong ibinigay ni Wanda. “Sino ba’ng pupuntahan mo ro’n?” tanong ni Abe. Alinlangan siyang tumugon. “Eh. .” “Sasaglit lang ako sa munisipyo, baka puwedeng magkasabay na tayo sa pag-‐‑uwi. Kung hindi ka magtatagal sa sadya mo. .” “Eh, Uncle.. pupuntahan ko si. . s-‐‑si Wanda, eh.” Natigilan si Abe. “N-‐‑nasa bahay ng grandparents ng—” Saglit siyang nag-‐‑alinlangan, subalit ipinagpatuloy na rin ang sinasabi, “boyfriend niya, eh. . at nababato yata dahil namimingwit si Derek.” Sabik niyang in-‐‑anticipate ang magiging reaksiyon ng tiyuhin, at hindi siya nadismaya. Kumulimlim ang mukha nito sa narinig. Gustong mag-‐‑celebrate ni Norman. Pakiramdam kasi niya, naka-‐‑get even na siya to Abe in behalf of Wanda. Nang mga sandaling iyon, nakompirma niyang totoo ang kanyang hinala. May pagtingin din si Abe kay Wanda! Pero bigla naman siyang na-‐‑guilty. You’re a devil, Norman, aniya sa sarili. Ikaw ang ugat ng lahat ng ito, and now, parang masaya ka pa na nasasaktan ang damdamin ng tiyuhin mo! “Huwag mo na lang akong daanan sa munisipyo, Norman,” mayamaya ay matabang na wika ni Abe. “Dederetso na lang ako sa Lucena para i-‐‑follow up yong order kong water purifier. “SI ABE. . nasa munisipyo?” Tumango si Norman. “Kasabay ko nga siyang papunta rito. May inaasikaso lang siya sa Office of the Vice Mayor, if I’m not mistaken.” Nasasabik ang pusong tumingin si Wanda sa labas ng bintana. Mula roon ay tanaw na tanaw niya ang munisipyo. “Oy, loka!” natatawang sabi ni Norman. “Hindi mo ‘yon masisilip d’yan.” Natatawang lumayo siya sa bintana. “Alam niyang ako ang pupuntahan mo rito?” Na-‐‑excite siyang bigla nang tumango si Norman. “Ano’ng sabi?” “Ano’ng sasabihin n’on?” ingos nito. “I mean, ano’ng reaksiyon?” Nagkibit-‐‑balikat ito. “Wala?” “Well, medyo nadismaya siya nang sabihin kong nandito ka sa Candelaria with your boyfriend. O, ano.. satisfied?” Napahumindig si Wanda. “For God’s sake, Norman, why did you do that?” Pinagtaasan siya ng isang kilay ng kaibigan. “Bakit, ayaw mo ba n’on? He’d think you’re over him—and in so short a time!” Napailing-‐‑iling siya at muling napangiti. “Nadismaya siyang talaga, ha?” Sa malas ay parang ibig matawa ni Norman sa kanyang tanong. Nababanaag ba nito ang kakaibang glow sa kanyang mga mata? “You think he likes me, too?” Nakangiting tumango-‐‑tango ito. I could see it in his eyes. .” Impit na napatili siya. “Ow, talaga, talaga? Walang halong stir?” “Ano ka ba, Wanda!” saway nitong natatawa. “Para kang teenager na ngayon pa lang nagkaka-‐‑ crush.” “My God, Mammee! You don’t have an idea how I feel right now! Para bang the world is suddenly sunny!” Ewan ni Wanda kung bakit ngunit nang titigan siya ni Norman, unti-‐‑unting napawi ang ngiti sa mga labi nito. Tila may habag siyang nasisinag sa mga mata ng kaibigan. “N-‐‑Norman. . bakit? medyo bothered na untag niya nang mapansin ang kakaibang ekspresyon nito. Napabuntong-‐‑hininga ito. Pip.. what do you feel about Derek? I-‐‑I mean, hes a great guy, hes cute, and he’s obviously in love with you.” “In love with me? Pooh! Puwede ba, ‘no? Iiwan ba ‘ko n’on kung hindi self-‐‑absorbed ang lokong ‘yon? He’s not in love, akala lang niya iyon. Ever since dumating siya, naobserbahan ko na how self-‐‑centered he is. He sends me flowers, he pays attention to me, but I know he does them because it makes him feel nice. He likes me, oo. Pero in love ba siya? No. At lalong wala akong feelings sa kanya.” Tumingin sa labas ng bintana si Norman bago muling nagsalita. “I think, Uncle Abe likes you—a lot, in fac— kaya lang.. ” Huminga ito nang malalim. “Pip, there’s Jenny. You’ve met her before, remember? I think they’re. .” Agad na nakuha ni Wanda ang ibig sabihin ng kaibigan kahit hindi nito tinapos ang pangungusap. Nahihirapan ang loob na napatungo siya. Mayamaya ay nagsipag-‐‑unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. ONCE again, nakonsiyensiya na naman si Norman. You’re a real devil, aniya sa sarili habang nagmamanehong mag-‐‑isa pabalik sa villa. Sadista ka. Bakit ba niya sinasaktan ang dalawang taong kapwa mahal sa kanya? Bakit nga ba niya sinabi pa sa dalaga ang tungkol kina Abe at Jenny, gayong alam naman niyang casual fling lang ang namamagitan sa dalawa? Moderna si Jenny, sanay makipaglaro. At nakikipaglaro lamang ito kay Abe. Ano ba talaga ang layunin niya? Ano ba ang justification sa mga ginagawa niyang pagpapasakit sa dalawang taong kapwa niya mahal? At sa unang pagkakataon, inamin ni Norman sa sarili ang pinakatunay na dahilan kung bakit nagawa niya ang gayon. Totoong natatakot siya para kay Wanda, na baka masaktan lamang ito kay Abe. Ngunit higit sa lahat, natatakot siyang magkatotoo ang kanyang bangungot. Bangungot na isang araw ay tuluyang malantad sa kanyang pamilya ang tunay niyang pagkatao. How foolish of me, malungkot na bulong ni Norman sa sarili. How foolish of me—and how selfish—to sacrifice the happiness of these people I love... just to save my dirty, rotten face! And to think na hindi siya nagtiwala kay Wanda! Dahil sa pagiging paranoid, nawalan siya ng faith sa kanyang matalik na kaibigan. Hindi man lang niya naisip na kay Wanda, ang kanyang lihim ay mananatiling lihim hangga’t hindi pa siya handang ilantad ng kusa. Kahit pa nga magkamabutihan ito at ang kanyang tiyuhin, hindi siya tatraydurin ni Wanda. Ah, kailangan niyang ituwid ang lahat. Kailangan niyang bumawi.

 

CHAPTER THIRTEEN 

KUNG minsan, nami-‐‑miss din naman ni Wanda si Derek. Tulad ngayong weekend, wala siyang gimmick. Nabuburo siya sa bahay. Mahigit dalawang linggo nang nakakaalis ang kababata pabalik sa Amerika. Hanggang ngayon, hindi pa ito tumatawag sa kanya. She doubt kung makakabalita pa siya mula rito. Hindi pinagsisisihan ang ginawang pambabasted sa lalaki. Hindi talaga niya kayang pilitin ang sariling pakisamahan ito gayong ibang pangalan ang ibinubulong ng kanyang puso. Pangalang ayon kay Norman ay wala na sa Pilipinas. Halos kasunod ni Derek, umalis din si Abe papuntang Amerika. She’s going to miss him but it’s not the end of the world. Unti-‐‑unti, sinikap niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay. Most of the time, she succeeded. But during those times na matindi ang dalaw ng alaala ni Abe sa kanyang gunita, para pa rin siyang mababaliw sa labis na pangungulila. . NANG malaman ni Norman na babalik na sa bansa si Abe, labis ang tuwang nadama niya. Finally, naisaloob niya, maa-‐‑accomplish din niya ang misyon. . EPILOGUE “ANAK, may bisita ka. .” Mula sa harap ng salamin, nilingon ni Wanda ang ama. “Sino, Pa?” Wala siyang ine-‐‑expect na bisita, maliban na lang kay Norman na pasulpot-‐‑sulpot lang kung dumating. Makahulugang ngumiti sa kanya ang ama. “Si Valentino. .” Napakunot-‐‑noo siya. Valentino? Wala akong kilalang Valentino.. ” “Basta,” anang matanda. “Lumabas ka na’t baka mainip iyon sa paghihintay sa ‘yo. Sige ka, ikaw rin.” Itinuloy muna ni Wanda ang pagsusuklay ng buhok bago tuluyang lumabas ng silid. Pagbaba niya sa sala, daig pa niya ang natuklaw ng ahas pagkakita sa bisitang tinutukoy ng ama. “Abe.. !” bulalas niya. “What are you doing here?” Alanganing ngumiti ang binata. “I thought you were in the States!” “Obvious ba,” sabad ni Millie na nakaupo sa katabing silyang inuupuan ni Abe. “Nandito na siya sa ‘Pinas, ‘no?” Mula sa sulok ng mga mata, nakita niyang sinenyasan ng kanyang mama ang dalawang kapatid na sundan itong paakyat sa hagdan. Nagdadabog na sumunod ang dalawa. Nakatawa namang hinabol ni Abe ng tingin ang mga ito. Si Wanda ay nanatili sa pagkakatayo sa kinaroroonan, halos hindi pa rin maka-‐‑recover sa shock na dulot ng walang kaabog-‐‑abog na pagsulpot ni Abe sa kanilang tahanan. Hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ngayon ang binata. “This isn’t my home pero.. please have a seat,” nakatawang untag ni Abe. Saka pa lang siya naupo sa kaharap na sofa. “A-‐‑akala ko, sa Amerika ka n-‐‑na mag-‐‑i-‐‑stay f-‐‑for good.. ” “I tried to give you the impression para pasakitan ka sa pagbo-‐‑boyfriend mo gayong.. Bumuntong-‐‑hininga ito. Anyway, I just visited Collin sa States and when I get back, a surprise was awaiting for me.” May kinuha si Abe sa likuran nito at saka iyon iniabot sa kanya. Gusto niyang matunaw sa boyish na ngiti nito. “F-‐‑flowers? tanong ni Wanda. Tumango ito. “Pasensiya ka na, ‘yan lang ang dala ko sa ‘yo right now. Nagmamadali kasi akong pumarito after I had a talk with Norman.” Nanatiling tahimik na nakaupo si Wanda, nao-‐‑ overwhelm sa konotasyong kaakibat ng mga bulaklak. “Pero may pasalubong ako sa ‘yo, nasa maleta pa nga lang,” pagpapatuloy ng binata. “Pati sa mga kapatid mo, saka sa papa mo. Bumili rin ako ng pots para sa mama mo, kapalit ba no’ng mga pasong nabasag ko.” Kunot-‐‑noong napatingin siya rito. Nabasag? Tumango ito, nakangisi. “‘Yong dalawang paso sa labas.. ako’ng nakabasag n’on. Don’t worry, nai-‐‑confess ko na yon sa mama mo and she just laughed at me. Inis na inis nga sa akin si Penny dahil siya pala ang napagbintangan.” Napailing-‐‑iling si Wanda, nais humingi ng mas klarong paliwanag; ngunit hindi naman niya maisatinig ang demand. Natatakot siyang mag-‐‑ stammer kapag nagsalita siya. “I was going to ask you that night,” pagkukuwento naman ni Abe. “Nasa loob na ako ng bakod when I saw you and that guy.. kissing.” Rumehistro ang pagkagulat sa kanyang mukha. “You were here when Derek. .?” “Kissed you?” dugtong ni Abe sa tila nasasaktang tinig. “Oh, yes. I was. . and I’d seen enough to make me suffer a lifetime.” “Oh, God. .” “Well, it’s water under the bridge now,” mayamaya ay sabi nito pagkatapos sipatin ang wall clock. “Magbihis ka na. We have a date tonight.” “A date?” tanong ni Wanda. “Wala nang tanong-‐‑tanong, sabi nito, saka tumayo at mabini siyang itinulak patungo sa hagdanan. “Bihis na’t magdi-‐‑dinner tayo sa labas. Marami tayong dapat pag-‐‑usapan.. Naguguluhan man ay nagpatianod na lang siya sa nais ng binata. Bitbit ang mga rosas na bigay nito, umakyat siya at halos wala sa sariling pumasok sa kanyang silid. Hindi siya makapaniwalang nakaakyat siya gayong nanlalambot pa rin ang kanyang mga tuhod. Nag-‐‑aabang sa hagdanan si Abe nang bumaba si Wanda. “Shall we go?” nakangiting salubong nito. Tumango siya. “Magpapaalam lang ako kina Papa.” “No need,” sagot nito. “Naipagpaalam na kita.” At bilang patunay, bumaba ng hagdan ang kanyang ama’t ina. Nasa likuran ng mga ito sina Millie at Penny na naghahagikgikan pa rin. Inabot ni Abe ang kanyang kamay at saka nakangiting binalingan ang mga ito. “Aalis na ho kami, Ma, Pa.. ” At nakangisi itong tumingin sa kanya. Masuyo nitong pinisil ang kanyang baba nang makita ang pagtataka sa kanyang mukha. “Sige, hijo,” nakatawang tugon ng mag-‐‑asawa. “Take care of our baby.” “Siyempre naman ho,” nakatawa ring tugon ni Abe. “I’ll take care of this princess for as long as I live. .” Alumpihit na ngumiti siya sa binata. BIGLANG kumabog ang dibdib ni Wanda nang iabot ni Abe ang kahita. Hindi yata’t. .? “Open it,” nakangiting sabi nito nang makitang natigilan siya. Nanginginig ang mga kamay na sinunod niya ang binata. At hindi nga siya nagkamali. “Singsing. .?” Nag-‐‑angat siya ng mukha. Tumango si Abe. “Will you marry me, Wanda?” “A-‐‑Abe. .? Hindi niya maipaliwanag ang nadarama ng mga sandaling iyon. Para siyang inilulutang ng mga ulap sa kalawakan. “I’ve wasted so much time, Wanda,” ani Abe sa madamdaming tinig. “Matagal ko nang dapat ginawa ito.. I love you, Wanda.” Inilibot niya ang paningin sa paligid. Maraming tao sa loob ng class na restaurant na iyon. Pansamantala ay sinuspinde muna ni Wanda ang pagko-‐‑collapse. “I felt it the first time I kissed you. .” “Get me out of here,” apuradong wika niya sa lalaki. “Quick.” Nagtungo sila sa bahay nito. Pagpasok na pagpasok nila sa silid nito, mabilis siya nitong siniil ng halik sa bibig. At pansamantala, hindi na muna nila kailangan ang mga salita. Masyado na silang nanabik sa isa’t isa para magsayang pa ng mga sandali.. “ALAM mo, loko talaga’ng Norman na ‘yon. .” Marahang tumawa si Abe, pagkatapos ay hinalikan si Wanda sa punong-‐‑tainga. “He exaggerated every detail. .” patuloy ni Wanda. “Hmm. . pero kapani-‐‑paniwala naman talagang seventeen ka lang, eh.” “What?” kunwa’y gulat na bulalas niya. “Can’t you see the big difference between a seventeen-‐‑ year-‐‑old girl and a twenty-‐‑three-‐‑year-‐‑old graduate student?” Tumawa ang lalaki. “Can you blame me? You look so young and childish at times. .” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Come on, Abe. . I may not be that sophisticated pero. . childish?” “Okay, childlike na lang.” “That sounds a little better.” Ngumiti si Wanda at sumandig sa balikat ni Abe. “Tell me about Derek,” mayamaya’y biglang sabi ni Abe. Umismid siya. “Tell me about Jenny.” Tumawa si Abe. Kinurot niya ito sa tagiliran. “Ano’ng nakakatawa?” “Eh, de nagselos ka nga! Sabi ko na nga ba’t idadaldal sa ‘yo ni Norman ang tungkol do’n, eh,” tuwang-‐‑tuwang sabi nito. Sinadya naming maging sweet sa harap ni Norman but the truth is. . magkaibigan lang kami ni Jenny, sweetheart.” “Tse, bolahin mo’ng lelong mo!” “Believe me, Wanda. We had a thing once pero matagal na ‘yon, and it was just. . a passing fling. May boyfriend nang American si Jen and I heard they’re planning to settle down before Christmas. Besides, alam ni Jenny ang tungkol sa ‘yo.” Napakunot-‐‑noo siya. “She knows that I am helplessly in love with you.” Kunwa’y umirap si Wanda subalit agad na nahalinhan iyon ng isang kontentong ngiti. Yumakap siya sa dibdib ng lalaki. “God, if I had known earlier na twenty-‐‑three ka na, hindi na sana kita pinauwi noong nagbakasyon tayo sa Tiaong...” “Ows? Kahit ang pagkakaalam mo, eh, girlfriend ako ni Norman?” Tumango si Abe. “From the first time I kissed you, I knew that I was the only man who can make you happy. .” Parang kiniliti ang puso ni Wanda sa narinig. “Noon pa man kasi,” patuloy pa nito. “May duda na ako na something was wrong. And.. I was right. Determinado akong agawin ka mula kay Norman because. . oh, what the heck! It doesn’t matter. Huwag na nating pag-‐‑usapan si Norman.” Nadarama niyang may alam na si Abe sa pagiging binabae ni Norman ngunit tila ayaw nitong pag-‐‑usapan. Hindi kaya nito matanggap ang kalagayan ng pamangkin? “Do you hate him for being gay, Abe?” hindi nakatiis na tanong ni Wanda. Tinitigan siya nito. “Of course, not! Hindi ako antihomosexual. Noong una pa lang na ma-‐‑ convince ko ang sarili ko na he’s that nga—hindi kuwan, straight—naintindihan ko na siya kaagad. Sometimes, it just hurts me to know na hindi siya maligaya dahil sa pagkatao niyang iyon.” Muli, inihilig niya ang sarili sa dibdib nito. “Hmm. . teka,” mayamaya ay sabi niya. “Bakit nga pala ang sabi ni Norman, eh, woman-‐‑hater ka raw?” Tumawa si Abe. “In a way, I was. Sa experiences ba naman ng mga lalaki sa family namin, who wouldn’t be? But when I saw you, when I get to know you. . anumang galit ay pinalis mong lahat. Ikaw ang nagbalik ng tiwala ko sa mga kabaro mo.” “I’m glad,” sabi niya saka napansin ang nanunuksong tingin ni Abe. “Bakit?” “Wala, gusto lang kitang titigan. .” “Eh, bakit parang nangse-‐‑seduce ka kung makatitig?” Tumawa ito. Bilang ganti ay kinagat niya ang isang tainga nito. “Oopps, I’m warning you, don’t start something you can’t finish. .” babala ni Abe. Lalo niyang tinudyo ang lalaki. Idinaiti niya ang dulo ng dila sa tainga nito. “Aba’t pilya kang talaga, ha!” nakangising wika ni Abe. Sinambilat siya nito at siniil ng malalim na halik sa mga labi. Mapusok naman niyang tinugon ang halik na iyon. Malayo pa sana ang malalakbay nila kung hindi tumunog ang telepono. Inis na inangat iyon ni Abe. “Hello?” Mayamaya’y napabunghalit ito ng tawa. “Sino ‘yan?” bulong niya sa kabilang tainga nito. “Si Penny. Iuwi na raw kita.” Pagkababa ng telepono ay naiiling itong napangiti. “Ang higpit naman ng mga guwardiya mo, sweetheart. Pero hindi bale, kaunting panahon na lang naman at ako na’ng guguwardiya sa ‘yo.. ” Bumungisngis siya. “Magguguwardiyahan pala tayo kung gano’n?” Nakatawang binuhat siya ni Abe palabas ng silid. “Well, kung gusto mo, magsimula tayo bukas. .”

 WAKAS

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url