ILUSYON KONG PAG-‐‑IBIG
CHAPTER ONE
“MAY PROBLEMA ka ba?” Wrong. May problema tayo. Nagbuntunghininga si Jam, inipon ang lahat ng tapang bago siya muling panghinaan ng loob. “Buntis ako, Rommel,” mahinang sabi niya. Sa loob ng ilang sandali, tila tumigil sa pag-‐‑ikot ang mundo. Naging bingi silang pareho sa ingay ng paligid, naging bulag sa mga taong nagyayao’t parito. Nang titigan niya si Rommel, nangyari nga ang pinangangambahan niya. Wala na ang ngiti sa mga labi nito, sa halip ay naglapat iyon nang mariin hanggang sa magmistulang isang manipis na linya lang sa mukha. Wala na ang init sa mga mata nito, bagkus ay nahalinhinan ng matalim, malamig na tingin. “Ilang buwan?” pagkuwa’y tanong nito. “Magtatatlo.” “Sino ang ama?”
“Ikaw,” walang-‐‑gatol na sagot ni Jam, tuwid ang tingin sa mga mata nito. “Who said so?” “Ako.” Umangat ang isang sulok ng labi nito. “Paano mong nasiguro?” Inihanda na ni Jam ang sarili sa magiging reaksiyon ni Rommel, but nothing prepared her sa daluyong ng sakit na tila bombang ibig magpasambulat sa kanyang puso. “D-‐‑dahil ikaw lang ang lalaking pinagbigyan ko ng s-‐‑sarili ko, Rommel.” Gusto nang mabuwag ng tapang na inipon niya, ngunit mabilis niyang pinigilan ang tuluyang pagbagsak ng luha. Ikinurap niya ang mga mata. “T-‐‑there was no one before and no one after you. Alam mo iyan.” “So before, sigurado ako. Pero after? Ewan.” Sarkastikong umangat ang isang sulok ng bibig nito. “Ikaw na rin ang nagsabing aksidente lang ang nangyari sa atin. Coincidence lang na ako ang kasama mo, when you finally decided to abandon the celibate life. Anong malay ko kung afterwards, you went out of your way to practice the lessons you learned?” Masakit marinig ang mga salita sa bibig ni Rommel, sabihin mang sa kanya nanggaling ang mga pangungusap na sinambit nito. Pero wala siyang magagawa. She had to understand him, to tolerate his contempt kahit gaano kahirap. Wala siyang choice. “Wala akong boyfriend, Rommel. Ni hindi ako nag-‐‑e-‐‑entertain ng manliligaw. It’s up to you kung maniniwala ka. . but I am telling you anyway. You are the father of this child and I am willing to prove that. We can go through the tests if you like, after the baby is born.” Tinatagan niya ang tinig, very business-‐‑like. “Alam kong na-‐‑shock ka. Pareho lang tayo. Pero pareho lang din nating alam kung papaanong ginagawa ang bata—pure and simple sex. . and we fell right into the trap.” “So, what you are saying is that you expect me to pay for it for the rest of my life, gano’n ba?” Dumukot ito ng sigarilyo mula sa cigarette case na nasa bulsa ng polo shirt at nagsindi. “Definitely not,” mabilis, may kombiksiyong sagot ni Jam. “Sinasabi ko ito sa pagbabaka-‐‑ sakaling makaamot ng tulong mula sa iyo. I have no job right now. Kailangan kong mag-‐‑resign habang maaga. “One thing for sure, mate-‐‑terminate ako sa sandaling makarating sa mga madre ng Saint Therese ang pagbubuntis ko. . which is becoming obvious.” Kinuha nito ang lukot na tissue sa tabi ng baso niya. Pinira-‐‑piraso nito iyon habang nakapako doon ang mga mata. “So.. this is not a marriage proposal.” Mapait na tumawa si Rommel and Jam had no way of knowing if it was because of relief or. . regret? Wishful thinking mo lang iyon! kantiyaw ng isip sa puso niyang nakukuha pang umasa sa kabila ng sitwasyon. “No.” Umiling si Jam. “Of course not.” “Just a hold-‐‑up. For money.” “Yes,” matatag pa ring sagot niya, refusing to deny his charge. Iniinsulto siya ni Rommel, alam ni Jam, at wala siyang magawa. Alang-‐‑alang sa sanggol na dinadala niya sa sinapupunan, kailangan niyang lunukin ang dignidad. Tapakan kung kinakailangan. Marahas na nagbuga ng usok sa hangin si Rommel. “Magkano?” Hindi agad siya nakasagot. Umiikot yatang lahat sa loob ng tiyan niya ang mga emosyong ginising ng pag-‐‑uusap nilang ito. Nakadama siya ng pangangasim ng sikmura na unti-‐‑unti nang umaahon patungo sa kanyang bibig, ngunit mabilis siyang nag-‐‑psych-‐‑up sa sarili. Hindi siya magdududuwal. Not in front of him. Baka isipin pa nitong nagpapaaba lamang siya upang makuha ang hinihinging pabor. Disimulado niyang inilapat ang isang palad sa tapat ng tiyan. Huwag, Anak. . maawa ka sa Mommy. Just this once, maawa ka sa Mommy. . “Magkano?” ulit ni Rommel sa tinig na hayag ang iritasyon. “H-‐‑hindi ko alam.” “Kaya? O nagbabaka-‐‑sakali kang mas mapataas ang presyo kung ako ang magbibigay ng figure?” Inignora niya ang pang-‐‑uuyam nito. “Nakikitira ako sa isang kaibigan ngayon, libre sa bahay at pagkain. So I’m going to need at least two thousand a month sa loob ng susunod na anim na buwan ng pagbubuntis, at four thousand sa loob ng susunod pang tatlong buwan pagkapanganak ko, para sa expenses ng bata,” tuluy-‐‑tuloy na sagot niya sa tanong na matagal na niyang napaghandaan ang kasagutan. “Kung normal ang delivery ng baby, kakailanganin ko ng tatlo hanggang limang libo. After that, I’m sure I will be able to work again.” “Twenty-‐‑nine thousand,” napapalatak si Rommel matapos magkuwenta sa isip. “Too high a price to pay for one stupid mistake.. sabihin man nating virgin ka.” Sa totoo, naliliitan si Rommel sa halagang hinihingi ni Jam. Milyon ang inaasahan niya. Half a million, at least. Pero hindi siya nagpahalata. Napipikon siya sa paraang hina-‐‑handle ni Jam ang conversation. She needed money from him—just pure and simple cold cash, not his undying love and devotion. “Magpirmahan tayo ng kontrata kung makakagaan sa loob mo,” pagbibigay-‐‑assurance ni Jam. “Tatlong buwan pagkatapos kong manganak, hindi mo na ako makikita. Hindi na kita g-‐‑guguluhin.” Maingay siyang lumunok. Iyong isipin pa lang na hindi na sila muling magkikita ni Rommel ay sapat na para huminto ang tibok ng puso niya. “Y-‐‑you have to u-‐‑understand, wala akong matatakbuhan,” patuloy ni Jam. “My p-‐‑parents can’t help me. Umaasa din lang s-‐‑sila sa paminsan-‐‑minsang tulong ko.” “Alam na ba nila?” “Hindi k-‐‑ko alam kung p-‐‑papaanong sasabihin.” Labag man sa kalooban niya, nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko a-‐‑alam kung dapat kong ipaalam. They are g-‐‑going to be so.. h-‐‑hurt.” “Don’t cry, for pity’s sake!” angil nito, ginagamit ang galit upang pagtakpan ang unti-‐‑ unting paglambot ng kalooban sa harap ng kanyang mga luha. “Kung papayag ako sa hinihingi mo, Jamaica, it will be on my terms. Kung magbibitaw ako ng twenty-‐‑nine thousand para sa isang babaeng hindi ko halos kilala, it’s only fair to assume that I am entitled to something.” “What terms?” Nag-‐‑angat ng mukha si Jam. “Anong something?” “Hindi ko pa alam. Pag-‐‑iisipan ko pa.” Sinulyapan nito ang relo sa galang, pagkuwa’y dumukot ng calling card sa wallet at hinugot ang Parker pen sa bulsa ng suot na polo shirt. “Ilista mo sa likod ang telephone number mo’t address.” Tila masunuring bata na ginawa ni Jam ang inuutos nito. Kung iyon ay isang pelikula lang, marahil ay natawa na siya. Imagine. . being pregnant by a man na hindi alam kung papaanong kumontak sa kanya! But this was real life. She was the one involved. . and the pain she was feeling was too much she could not even begin to describe it. Iniabot niya kay Rommel ang calling card. “Naka-‐‑care of iyan sa friend ko, si Yolly. Sa kanya ako nakikitira ngayon.” Ibinalik nito sa wallet ang papel habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata. Nakadama siya ng pagkaasiwa. Nagsimulang lumikot ang mga mata niya, looking at anything, anywhere, resisting the urge to get lost in the depth of his eyes once more. “Bakit, Jamaica?” tanong ni Rommel pagkatapos ng mahaba-‐‑haba ring katahimikan. May pait sa tinig nito, pait na kauna-‐‑unawa naman. Biruin mong sa isang kisap-‐‑mata lang ay nagkaroon ito ng isang mabigat na responsibilidad! And without so much of a warning, too. “Bakit ka pumayag na makipaglaro sa akin sa kama?” Dahil mahal kita, sagot ng puso ni Jam, ngunit hindi naman mabigkas ng kanyang bibig. Iyon na lang ang konsolasyon niya, na sa kabila ng pagtanggap niya sa mga pang-‐‑uuyam nito, at least ay wala itong ideya sa nararamdaman niya. “Sinabi ko na sa iyo ang dahilan,” sa halip ay matabang niyang sagot. “Aksidente lang ang nangyari.” Kinakabahang tumikhim si Jam bago muling nagpatuloy. “Ikaw, Rommel. . why did you take me to your bed?” “You were available,” kibit-‐‑balikat na sagot nito. Pakiramdam ni Jam, birhen siyang isinakripisyo sa altar ng mga Aztec. . kung saan binuksan ang dibdib niya upang ialay ang puso sa diyos na araw. Kulang na lang ay pagpawisan siya ng dugo sa labis na sakit. Bakit ganito? Dapat ay mag-‐‑iba na ang kanyang damdamin para sa lalaking kaharap. Unti-‐‑unti na niya itong nakikilala at malayung-‐‑ malayo ito sa lalaking binuo niya noon sa mga ilusyon. Masuyo ang lalaking iyon, mabait at nagmamahal sa kanya. Samantalang malupit ang lalaking kaharap niya ngayon, walang konsiderasyon sa kanyang damdamin, tila ibig siyang pagpira-‐‑pirasuhin sa pamamagitan ng mga salita. But her feelings didn’t change. Batid niyang nasasaktan siya dahil sa simpleng dahilan. Mahal niya si Rommel. Pumikit siya at tinutop ng isang kamay ang magkabilang sentido, nagkunwang sumasakit ang ulo. At tuluyang napaluha nang sa pagdilat niya’y matuklasan niyang wala na si Rommel. Ilang minuto na ang nakararaan nang ma-‐‑ realize ni Jam na gayong pakiramdam niya’y nahalukay nang lahat ang bawat sulok ng kanyang kaluluwa, wala pa rin siyang ideya kung ano ang nararapat niyang gawin. Dahil ga-‐‑hibla mang pag-‐‑asa’y walang binitiwang pangako si Rommel na maaari niyang panghawakan. IKINUWENTO niya kay Yolly ang kabuuan ng nangyari, ngunit hindi siya umiyak. Kaswal na kaswal ang kanyang mga kilos, na para bang ang ibinabalita niya’y sa ibang tao nangyari. “Ano ngayon ang balak mo?” tanong nito. “Hindi ko pa alam.” Pinagmasdan ni Jam ang mahahabang kuko. Kailangan na niya iyong putulin if she was going to have a child. Walang babaeng nangangarap magkaroon ng stretch marks. “Ano’t ano man, naririto ako.” Hinawakan ni Yolly ang kamay niya. “Hindi kita pababayaan.” “Salamat,” tanging nasabi niya, matabang. Alam niyang totoo sa loob ng matalik na kaibigan ang sinabi; ngunit at the moment, hindi pa niya kayang magpakita ng tunay na appreciation sa maliliit na blessings niya. “Alisin mo muna sa isip mo ang problema. Maglibang ka.” Luminga-‐‑linga ito na tila ba naghahanap na ng ipanglilibang sa kanya. “Gusto mong manood tayo ng tape sa VHS?” Hatinggabi na, pero nagpasalamat siya na hindi siya sinabihang matulog ni Yolly, sa halip ay nag-‐‑ offer ito to keep her company. Marahil ay dahil alam nitong mas makakasama sa kanya ang mapag-‐‑isa sa guest room. Mag-‐‑iisip lang siya at hindi rin totoong makapag-‐‑papahinga. Nagkibit-‐‑balikat si Jam. “Sige.” Nasa kalagitnaan na ang pelikulang pinapanood nila nang mag-‐‑ring ang telepono. Sa pag-‐‑aakalang si Vince ang nasa kabilang linya, excited na dinampot ni Yolly ang awditibo. “Honey!” Sandaling natahimik sa kabilang linya. “Hello?” pagkuwa’y nagsalita rin ang tinig-‐‑ lalaki. “May I speak with Jamaica?” “Oh, sorry. Akala ko.. anyway, who’s this?” “Rommel Borjal.” Napatingin sa kanya si Yolly. At iyong klase ng pagkakatingin nito ay agad na nagbangon ng kaba sa kanyang dibdib. “Si Rommel.” Bago pa man nito iyon nasabi ay nahulaan na niya kung sino ang caller. Tumindig si Yolly, pinatay ang VHS at nagpaalam na papasok na sa silid nito upang mabigyan siya ng privacy. Naninigas ang mga pangang tumango si Jam. Nangangatog ang mga tuhod na tumayo siya at lumipat siya sa puwestong binakante ng kaibigan.CHAPTER TWO
“KAILAN ang due mong manganak?” agad na tanong
ni Rommel nang makilala ang tinig ni Jam. “February eighteen,” awtomatikong
sagot niya, bagama’t nagsalubong ang mga kilay sa pagtataka. “Bakit?” “Kung
totoong ako ang tatay, hindi kaya may karapatan akong malaman?” sarkastikong
balik-‐‑
tanong ni Rommel. Natilihan siya. “Sorry.” “Lilipat ka ng tirahan,” maawtoridad na sabi nito. “Pick a
day within next week. Magpapadala ako ng mga tao diyan para tulungan kang
maghakot.” Just like that. Tatawag ito sa dis-‐‑oras
ng gabi upang utusan siyang maghakot para sa hindi niya inaasahang paglilipat,
without even bothering to consult her. Hindi niya alam kung dahil sa damdamin
ng pagkaaping dinaranas niya mula sa kamay nito, agad na umakyat ang dugo sa
ulo ni Jam. Nang mga sandaling iyon, nakalimutan niyang kailangan niya ang
tulong ni Rommel upang makayanan niya ang sitwasyon. Naghari ang ngitngit sa
kanyang dibdib. “Sino’ng may sabing lilipat ako ng bahay?” mataray niyang
tanong dito. “News flash, Rommel. . I’m not. I’m more than happy to stay with
my friend here. Besides, I hate living alone.” “You won’t be living alone;
you’re moving in with me,” pagtatama nito. “Malaki ang spare room sa condo.”
“The heck I will!” paangil na putol ni Jam. “In fact, if that being the case,
mas gugustuhin ko pang tumira sa cemetery at mahiga sa mga puntod kesa
makisunong sa bahay mo!” “You don’t mean that and you know it very well. If you
did, hindi ka na sana lumapit sa akin. . asking—or should I say begging—for
help?” Hindi nakakibo si Jam. Para siyang binuhusan ng isang drum ng malamig na
tubig nang ma-‐‑ realize na hindi niya mapabubulaanan ang paratang
nito. “Don’t fight me
about this, Jamaica,” patuloy ni Rommel. “I know what’s best for you and your baby.”
“That’s the point, isn’t it? It’s mine, my life and my baby,” sagot niya. “Is
it too much to expect na magkaroon ako ng say sa buhay ko?” “Your life is a
flop. Kaya nga tayo nag-‐‑uusap ngayon, finding a way out
of this messy situation.” In a way, nagsasabi ng totoo si
Rommel. Isang malaking pagkakamali ang nagawa niya, isang pagkakamaling tiyak
na maghahatid ng maraming kabiguan at sama ng loob. But to rub it in her face
when he was the biggest reason kung bakit siya napasok sa gulong ito ay isang
matinding insulto. “I agree. If I wasn’t an idiot, hindi sana ikaw ang pinili
kong makasama nang gabing iyon,” kalmadong sagot ni Jam, ngunit namumutiktik sa
sarkasmo ang tinig. “Any man will do.. oh, yes; bakit nga ba palagi ko na lang
iyang nakakalimutan?” sarkastiko ring ganti nito. “Huwag mong subukang i-‐‑take
over ang buhay ko, Rommel,” patuloy ni Jam na iniignora ang
sinabi nito. . with an effort. “Just tell me if
you’re going to help me or not.” “So you can decide if it’s worth suing me to get child support for the next twenty-‐‑one
years of my life?” Ginitawan siya ng malamig na pawis
sa noo at lalong sumikdo ang sikmura niya sa matinding tensiyon. Naluluhang
tinakpan niya ang bibig at patakbong tinungo ang banyo. Hindi na namalayan ni
Jam ang pagbagsak ng telepono sa marmolisadong sahig. Wala siyang ideya kung
gaano katagal siyang naglagi sa banyo. Wala na sa linya si Rommel nang balikan
niya ito. In fact, wala siyang narinig na ano man. Walang dial tone, walang
busy tone. Ibinalik niya ang awditibo sa katangan at nanlalatang nahiga sa
mahabang sofa. Hanggang sa makatulog si Jam nang hindi niya namamalayan.
Nahimasmasan lamang siya nang marinig ang sunud-‐‑sunod na katok na sinabayan nang
sunud-‐‑
sunod ding pagtawag sa pangalan niya. . ng isang tinig na kilalang-‐‑kilala
ng kanyang puso. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Hindi na siya nagulat nang
makita si Rommel, naka-‐‑pajama pair lang at nakatsinelas
na de-‐‑sipit.
“Ano’ng nangyari?” namumutlang tanong nito. “Morning
sickness.” Tinalikuran ito ni Jam at humakbang
papasok. Naramdaman niya ang pagsunod nito. “Na hindi nila dapat tawaging
morning. Sa case ko, umaatake ang pagduduwal kahit anong oras.” “I panicked,”
pagtatapat ni Rommel saka nagpakawala ng malakas na buntunghininga. “Akala ko,
napasok ka na ng magnanakaw. Hindi mo na binalikan ang phone.” That was why he
drove all the way from Pasig to Cavite, dahil nag-‐‑aalala ito?
Naantig ang kalooban ni Jam. It had been so long since someone showed any true
concern for her, someone na labas sa sirkulo ng pamilya niya’t mga kaibigan.
And to think na ang malasakit ay nanggaling sa isang “kaaway” na tulad ni
Rommel. “I’m fine,” sabi niya, nilulunok ang emosyong umaakyat sa lalamunan.
“Sit down bago ka tuluyang bumagsak sa sahig.” Inalalayan siya nito sa siko at
iginiyang paupo sa sofa. “I supposed you’re not eating enough, not sleeping
enough. You’re making yourself sick.” Napangiti si Jam sa tinuran nito. “It’s
the baby who’s making me sick, Rommel, not me.” “Kumonsulta ka na ba sa
doctor?” Naupo ito sa tabi niya. Tumango siya. “Two weeks ago. When she
confirmed what I already knew.” “Ano’ng pangalan ng doktor?” “Hindi ko alam. It
was a public hospital. Kung sino lang ang on-‐‑duty, dapat nang pagtiyagaan.” Ikinatang ni Jam ang ulo sa sandalan ng sofa. Nanghahapdi na
ang mga mata niya sa antok at pagod na likha ng tensiyon. Tuloy, hindi na niya
nakita ang pagbakas ng habag sa mukha ni Rommel. Hindi na rin niya namalayan
nang tumayo ito at dumayal sa telepono. Hindi na niya namalayan nang maingat
siyang pangkuin nito at iayos sa pagkakahiga. Somehow, his presence made her
feel so safe that she could sleep without a single care in the world. .
PINAGMASDAN ni Rommel ang natutulog na dalaga habang sari-‐‑saring
emosyon ang pumupuno sa dibdib niya. The first time he ever saw her more than
eight years ago, nag-‐‑iwan ito ng malalim na impresyon sa kanyang isip.
Nakalimutan na niya ang mukha nito, he even forgot the name, but not the woman
herself. Dahil sa kabila ng mga luhang nagpaputik sa mukha nito, he saw the
strength. . and the willingness to eradicate the pain she was feeling. Ngayong
nakikilala na niya ito, batid niyang hindi siya nagkamali. It took a lot of
courage to face her situation, a lot of courage para magbaba ng pride at
humingi ng tulong sa kanya. Ngunit sa kabila ng sitwasyon, sa kabila ng pagmumuntik-‐‑muntikanan
nitong umiyak na ma-‐‑ involve ang pamilya sa confrontation, he saw the
stubbornness that suceeded to hold back the tears. He felt a certain amount of
affection for her nang muli niya itong matagpuan sa debut ni Elise. And yes, a
huge amount of attraction. Kaya nga nangyari ang nangyari. . na pinagsisihan
niya pagkatapos. Pagkatapos ng naging relasyon niya kay Di, alam ni Rommel na
hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon. He wanted to enjoy his
freedom first. . ang kalayaan niyang masyadong nasakal sa pagkaselosa at
demanding sa atensiyon ng dating ka-‐‑live-‐‑in. Napaso
siya. Higit pa dahil ibinigay niya ang lahat para sa relasyon nila ni Di.
Nagbigay siya, nagpasensiya. . until such time na akala niya’y wala nang
problema. Saka siya hiniya ni Di sa mata ng lahat ng kanilang kaibigan at
kakilala. . It was an experience he was not over with yet. Kaya nga umiwas siya
kay Jam pagkatapos. Nang bisitahin niya ito sa St. Therese, gusto niyang isipin
na wala lang kasi siyang choice. Nag-‐‑uusisa si Dean Pelaez—o Tita Elvira kay Rommel—tungkol sa
relasyon nila ni Jam, dahil na rin sa may malisyang balita na ipinarating dito
ni Di. And he could not bear carrying it in his conscience na mapahamak si Jam
dahil lang sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. Kinausap niya si Tita Elvira.
Pinasinungalingan niya ang sinabi ni Di sa pagpapahayag ng sarili niyang
bersiyon. At dahil kilala ng babae ang kapasidad ng bunsong kapatid na humabi
ng kuwento, napaniwala niya ang dean. Gayunpaman, batid ni Rommel na hindi pa
doon tapos ang problema. Kakausapin ni Tita Elvira si Jam, and she would be in
for an unpleasant surprise. Kaya niya ito pinuntahan sa opisina, para bigyan ng
babala. But Jam never gave him the chance. Nagmamadali ito, making up excuses
na halata namang excuses lang. It was his pride that was hurt. Childish, alam
niya, but to get even with Jam, ipinagkait niya rito ang impormasyong dahilan
kung bakit niya ito sinadya. Pagkatapos ng araw na iyon, he never contacted her
again, kahit ang totoo’y hindi na ito nawalay sa kanyang isip, sa mga panaginip.
Sabi niya sa sarili, hindi pa siya handa. Masyado siyang tinatakot ng
posibilidad that he could easily fall for her.. sa isang babaeng walang qualms
sa pag-‐‑aming
aksidente lamang ang nangyari sa kanila.. that it could happen anytime, with
any man she felt attracted to. Maaaring nagsasabi ito ng totoo, maaaring hindi.
Pero ayaw ni Rommel ng komplikasyon. Lamang, may choice ba siya ngayon? Buntis
si Jamaica. Lumuhod siya sa gilid ng sofa upang mapagmasdan pang mabuti ang
mukha nito. She was more than average in height, mga five-‐‑six
marahil, but still so tiny to have his baby inside her. Pinakiramdaman ni
Rommel ang dalaga. Nang matiyak na malalim na malalim na ang pagkakatulog nito,
dumukwang siya at magaan itong kinintalan ng halik sa noo. Saka walang kilatis
na tinungo ang pinto ng bungalow. “YOU’LL move in with me. Malaki ang spare
room ng condo, or we could switch rooms if you prefer that.” Dalawang araw
pagkatapos nang gabing iyon ay sinadya siya ni Rommel. Pinanindigan kasi ni Jam
ang pagtanggi at walang nagawa ang hindi mabilang na argumento nila sa
telepono. Umismid si Jam. “Doon din ba natulog noon si Di? No, I guess not. I’m
sure na iisang silid ang tinulugan n’yong dalawa.” “It’s none of your business,
really.” Tinalikuran siya ni Rommel, nagkunwa itong interesado sa collection ni
Yolly ng CDs. “But for your information, binili ko ang condo right after our
break-‐‑up.” “Can’t stand
her memories, then?” Nang-‐‑ uuyam siyang ngumiti. “I don’t give a damn about her or her
memories anymore,” napipikong sagot ni Rommel. Sana nga’y totoo, hiling ng puso ni Jam na dagli niya ring sinansala
pagkaraan. Huwag kang umasa, Jamaica. Maaaring malimutan niya si Di, pero hindi
ibig sabihing ikaw na nga ang mamahalin niya. Humarap sa kanya si Rommel. “So
if that’s the only concern you’ve got—” “Read my lips,” putol ni Jam.
Humalukipkip siya at taas-‐‑noong tumitig dito. “I-‐‑am-‐‑not-‐‑ moving-‐‑in-‐‑with-‐‑you.” “Oh? At papaano mong susuportahan ang
sarili mo kung sakali?” Itinuon nito ang isang kamay sa
gilid ng TV set at dinala ang isa pa sa kaliwang baywang. “Wala kang trabaho, remember? At ikaw na rin ang nagsabing
parating na ang ka-‐‑live-‐‑in ng best friend mo. Saan ka
pupunta? Uuwi para magpaalaga sa mommy mo?” Rommel knew the right button to
punch. Nawalan siya ng kibo. “There must be another solution,” sabi niya
pagkalipas ng mahabang sandali. Tumaas ang kilay nito. “Give up the baby?” “Iyon
ang gusto mo, hindi ba?” Naningkit ang mga mata niya. “Para matapos na ang
responsibilidad mo sa akin. . para masiguro mong ligtas ang pera mo’t walang
mababawas ni isang sentimo.” “You’re right about one thing. It is my money. And
since you claim that I am the father of your child, siguro naman, I have some
say in the matter,” sarkastikong balik nito. “I am not asking you to move in
with me for my own benefit. Humihingi ka ng malaking halaga sa akin,
Jamaica—hindi birong halaga. Gusto ko lang masiguro na maisisilang mo nang
maayos ang magiging anak ko.” In spite of the anger in his voice, may isang
bahaging naantig sa dibdib ni Jam dahil sa narinig. Anak ko. Sa kauna-‐‑unahang
pagkakataon, ngayon niya lang narinig ang mga salitang iyon mula kay Rommel.
Inaako na ba nito ang responsibilidad sa dinadala niyang sanggol? “I told you
before,” patuloy ni Rommel, “na kung tutulungan kita, it will be on my terms.
This is it.” “Are you telling me na hindi mo ako tutulungan if I don’t agree
with this?” “More or less,” kibit-‐‑balikat na sagot nito. “But how could you?” nagtatakang
bulalas ni Jam. Kalong ang magkadaop na palad na naupo siya sa sofa. “Mas malaki ang magiging expenses mo kung sakali. The food
expenses, the medical bills. . “Kung ibibigay
mo ang halagang hinihingi ko, maaari ko iyong gamiting seed money para sa isang
maliit na negosyo. Puwede akong magtindahan, bumili ng makina at tumanggap ng
tahiin. . anything to support myself on my own.” “Pero wala akong balak na
ibigay nang buo ang pera, mind you,” patiunang sabi nito nang magbuka siya ng
bibig. “I don’t give a damn about the money. Gusto ko lang masiguro na hindi ka
maglalahong parang bula na wala man lang pasabi kung saang lupalop mo
tatangayin ang anak ko.” Anak ko. Muli, unti-‐‑unting nilusaw ng mga salitang
iyon ang katigasan ng puso niya. “It will be your choice, Rommel. Kung gusto
mong makibahagi sa buhay ng bata, hindi ko siya ipagdadamot sa iyo.” Bahagyang
bumaba ang tono ng tinig niya. “But you have to kill me first bago mo siya
tuluyang makuha sa akin.” “Huwag kang mag-‐‑alala. I have no intention of
becoming a single father,” paniniyak nito. “Ang gusto ko lang ay iyong nasa poder kita. I need to be a part
of your pregnancy and prepare myself for the upcoming role of fatherhood. I
want to be responsible for its well-‐‑being.” Ilang
saglit siyang tinitigan ni Rommel. Noong una’y abala
pa si Jam sa paghahanap ng maisasagot dito, nang maidadahilan upang hindi sila
magkasunong sa ilalim ng iisang bubong. Isang bagay na ayaw niya sanang
mangyari. Nasa kumunoy na ang kanyang puso, desperately waiting for someone or
something to come by na maka-‐‑pagliligtas dito. Ang tahasang
pakikisama kay Rommel ay lalo lamang magpapabilis sa paglubog ng puso niya. .
sa kumunoy ng pag-‐‑ibig na ngayon pa lang ay ibig nang pumugto sa kanyang
paghinga. Pero sa kabilang banda, desperada rin siyang makamit ang ano mang
tulong na maibibigay nito. Nagtatalo ang kanyang isip, ngunit sa huli’y nakita
rin ni Rommel ang unti-‐‑unting pagsuko sa kanyang mukha.
Nagbuntunghininga ito. “Pack your things. Dadalhin natin sa
condo ang mga bagahe mo. Then we’ll have dinner
somewhere.” “No.” Nagtagis na naman ang mga bagang nito. “Jamaica..
” “I mean,
pumapayag na akong tumira sa iyo. You’ve given me no
choice regarding that matter,” mabilis niyang
pagtatama. “Pero ayokong mag-‐‑dinner sa labas. . lalo na kung
ikaw ang kasama.” “Why not?” May gumuhit bang kirot sa mukha ng binata o imahinasyon niya
lang iyon? Nag-‐‑wonder si Jamaica. “Because I
don’t feel like it,” pagkuwa’y sagot niya, determinadong maging impertinente. “Ngayon pa lang, naso-‐‑suffocate na ako sa presence mo.
Kung hindi mo mamasamain, I want to stay in the spare room you alloted for me.
Gusto kong mapag-‐‑isa.” She wanted him
to leave her alone. Pero sa kabilang banda, gusto niya ring magpakahina at
magsumiksik sa mga bisig nito. Gusto niyang marinig mula sa mga labi ni Rommel
ang katiyakang may karamay siya sa problema, na hindi siya nito pababayaan ano
man ang mangyari. At ang paglalaban ng mga emosyon sa loob ng puso niya’y lalo
lamang nakadagdag sa depresyon niyang nadarama. “Fine,” tiim ang mga bagang na
sagot ni Rommel. “Pack your things and have some rest. Susunduin kita mamayang
gabi, so please be ready. Hindi ako sanay ng pinaghihintay.” Iyon lamang at
lumabas na ito sa pinto ng bungalow. Ilang sandali pa at narinig na ni Jam ang
barumbadong pagharurot ng kotse nito.
CHAPTER THREE
“PAANO kung tumawag dito ang mga magulang mo?”
tanong ni Yolly nang dumating ito mula sa trabaho at datnan siyang nakaempake
na ng damit. “I doubt it,” sagot ni Jam kahit sumasagi din ang alalahaning iyon
sa isip niya. “Kung araw-‐‑ araw naman akong tatawag sa
kanila, hindi sila maghihinala na hindi mo na ako kasama rito sa bahay.” Naupo ito sa gilid ng kanyang kama. “Hindi mo
masasabi iyon, Jam,” anito. “Kung may emergency case,
paano?” “I’ll let you know kung saang number mo ako kokontakin at ako na ang
bahalang tumawag sa kanila. Sabihin mo na lang na lumabas ako, may dinaluhang
function or something. Bahala ka nang gumawa ng alibi.” Hindi kombinsido si
Yolly. “Sooner or later, malalaman nilang nag-‐‑resign ka na sa St. Therese.
Sooner or later, malalaman din nila ang totoo.” “Wala naman akong balak na ilihim sa kanilàto
habang-‐‑buhay,
friend. Kahit naman gusto ko, hindi maaari; unless na mawala akong tuluyan sa
buhay nila.” “What do you mean by that?” Nanlaki ang mga mata nito. Sa kabila
ng kinakaharap na problema, natawa pa rin siya sa reaksiyon nito. “I don’t mean
mawala as in to die, please lang!” Pilit niyang pinasigla ang tinig nang
sumagot. “I mean running away, lumipat sa isang lugar na walang nakakakilala sa
akin. Isang bagay na imposible rin. “Una sa lahat, hindi ko kayang tiisin na
hindi makita ang pamilya ko. Pangalawa, to start a new life, kailangan ko ng
malaking halaga, Isang bagay na walang-‐‑wala ako, gaya ng alam mo na.” Nagbuntunghininga si Yolly. “Ewan ko,
Jam. Hindi ko na alam kung ano’ng magagawa ko
para sa iyo. Gusto kitang tulungan pero. .” “Yolly. .” Naupo na rin siya sa gilid ng kama,
paharap dito. Dinampot niya ang isang kamay nito at kinulong sa dalawang palad.
“May nagagawa ka para sa akin. Maaaring
hindi mo nalulutas ang problema ko, pero napapagaang mo. Karamay kita. “Napapatawa mo ako kahit mabigat ang dinadala ko sa dibdib. At
ngayon, kailangan kita para magtakip sa mga magulang ko kung sakaling hihingin
ng pagkakataon. Malaking tulong na iyon sa akin.” “Kung hindi ka magtatapat sa
mga magulang mo ngayon, paano kapag malaki na ang tiyan mo?” tanong nito. “Baka
atakehin sa puso si Daddy Ben kapag umuwi kang naka-‐‑maternity
dress!” “Hindi ko naman
hahayaang humantong sa gano’n ang sitwasyon.” Kahit si Jam ay natatakot sa ipininta nitong posibilidad.
Dinampot niya ang isang unan at kinalong. Hindi pa man ganoon kalaki ang tiyan
niya’y conscious na conscious na siya sa maliit
na umbok na naroroon. “I’m just buying some time. Gusto ko lang magkaroon pa ng
panahong mag-‐‑isip kung papaanong ipagtatapat sa kanila ang lahat na
hindi sila masyadong masasaktan.” “Bilisan mo, Jam. The clock is ticking. . fast.” Mapait siyang ngumiti. “Alam ko, Yolly.
Alam ko.. ” NASA loob pa rin ng silid niya si Jam,
ngunit inaabangan na niya ang pagdating ni Rommel. Nang marinig niya ang
paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng bungalow, sumilip siya sa bintana. At sa
kabila ng pag-‐‑aatubiling nakasakmal pa rin sa puso niya, hindi niya
naiwasang matawa sa nakita. Isang malaking pick-‐‑up van ang dalang sasakyan ni
Rommel. May kasama pa itong dalawang lalaki na mahihinuhang mga trabahador
lamang dahil sa bihis at balat na naluto na sa pagbibilad sa araw. Tumunog ang
doorbell. Nasa kusina si Yolly at nagluluto ng hapunan, ngunit bumaba na rin si
Jam upang siya na ang magbukas ng pinto para sa mga bagong dating. “Good evening,” bati niya sa
lahat, no one in particular. Gumanti ng bati ang dalawang lalaking kasama ni
Rommel, ngunit walang kibong nakatitig lamang ito sa kanyang mukha. Ilang
sandali pa at nagkaroon na ng malalalim na kunot sa noo nito. “I told you to
take a rest,” sabi ni Rommel. I did. Nasa dulo na ng dila niya ang
pagsisinungaling, ngunit mabilis niyang napigilan ang sarili. Hindi naman
necessary na magsinungaling siya. So what kung hindi siya nagpahinga? Ano ba
ang magagawa ni Rommel; ang sunugin siya nang buhay? “Imagine yourself in my
situation, saka mo sabihin sa akin kung may lugar pa ang pahinga,” may
paghahamong sagot niya rito, bago niya ito tinalikuran. Nagpauna siyang
humakbang pabalik sa loob ng bahay. Sumunod sa kanya ang tatlo. “Okay, men. .”
Binalingan ni Rommel ang dalawang kasama. “Ikarga na ang mga gamit sa van.”
“Nasaan?” tanong ng isa sa dalawang lalaki. Itinuro ni Jam ang isang sulok ng
sala kung saan naroroon ang dalawang malalaking bag at isang kahon ng gatas na
pinagsidlan niya ng mga libro. Nakataas ang mga kilay na tinitigan siya ni
Rommel. “We’re asking for your things, hindi lang ang mga abubot mo, Jam.” “All
my things are in those bags and box,” naa-‐‑ amuse na sagot niya. “What did you expect, Rommel? Kama, aparador, appliances?” “But of course!” “Now I know that you haven’t been
listening sa mga sinasabi ko sa iyo,” naiiling
siyang pumalatak. “Nakalimutan mo na ba; nakikitira lang
ako sa kaibigan ko, kay Yolly? “This is not my
house, lahat ng gamit dito, nakikigamit lang ako. “Ngayon,
kung gusto mo pa ring ipahakot sa mga tauhan mo ang mga gamit dito para naman
magkaroon ng pakinabang iyang pagkalaki-‐‑laking van, si Yolly ang kausapin
mo!” “You don’t have to rub it in, you know?” Umangat
ang isang sulok ng labi ni Rommel. Under normal circumstances, dapat ay
napipikon na siya. At gusto niyang mapikon. Pero sa halip na mapahiya sa
natuklasan, na-‐‑amuse pa siya nang magtawanan ang mga tauhang
nagkakarga sa iilang bagahe ni Jam. At naiinis si Rommel sa sariling reaksiyon.
Nang komprontahin siya ni Jam tungkol sa kanilang problema, na-‐‑shock
siya. Pero ang inisyal na giyera ng damdamin niya’y naging sundot sa budhi
pagkaraan. Mainly because she was asking for too little kaya gusto niya itong
tulungan sa abot ng kanyang makakaya. Ngunit ngayo’y nag-‐‑iisip
siya kung hindi kaya mas makabubuti sa kanilang pareho kung ibinigay na lang
niya ang tulong na hinihingi nito, kung hindi na lang niya isinangkot ang
sarili sa buhay ni Jam. Dahil ngayon pa lang, ginugulo na nito ang isip niya,
ang damdamin niya. Until a moment ago, proud siya sa paraang hina-‐‑handle
niya ang problema. . until she pricked his bubbles. He should have been upset
but instead, madalas niyang natatagpuan ang sariling nag-‐‑e-‐‑
enjoy sa pakikibagay nila sa isa’t isa. And he
was not so sure if he wanted it to be that way sa relasyon nilang dalawa. Paano
kung sa hinaba-‐‑haba ng pagsasama nila’y ma-‐‑in
love sa kanya si Jam at hindi niya iyon masuklian? Ipagdamot kaya nito ang
karapatan niya bilang ama sa magiging anak nila? And worse. . paano kung
mahulog ang loob niya rito at manatiling isang dakilang pilantropo ang
pagtingin nito sa kanya? Paano kung dumating ang lalaking iibigin nito nang
totoo, kung tangayin nito ang kanyang anak at iwanan siyang nag-‐‑iisa?
“Alam mo ang problema mo?” patuloy sa panunuya si Jam. “Wala kang
naririnig kundi sarili mong boses. Once you made up your mind, naka-‐‑set
na ang isip mo sa gusto mo, regardless of the consequences.” “Guilty.” Itinaas
ni Rommel ang dalawang kamay na mabilis ding ibinaba. “But you
have to admit, it works, hindi ba? I got what I wanted.” Rommel
smiled triumphantly, isang bagay na lalong nakapagpakulo sa dugo ni Jam. Pero
hindi na siya nakasagot dahil lumabas na si Yolly mula sa kusina. Seryoso ang
mukha nitong lumapit sa kanila, hindi itinatago ang kuryosidad kay Rommel. “I
believe we haven’t been formally introduced,” sabi ni Yolly. Cue na iyon ni
Jam, pero hindi siya gumawa ng attempt na pagkilalanin ang dalawa. Wala siya sa
mood, naiinis siya kay Rommel. Feeling niya, sambitin pa lang ang pangalan
nito’y sapat na para umatake ang morning sickness niya. . kahit mag-‐‑a-‐‑alas-‐‑nuebe
na ng gabi! “I’m Rommel.” Ito na ang kusang nag-‐‑abot ng kamay nang humalukipkip
lang si Jam at tumingin sa malayo. “Rommel Borjal.” “Call me Yolly,” simpleng
sabi nito na hayag-‐‑ hayagang inignora ang tangkang pakikipagkamay ni
Rommel. Lihim pang napangiti si Jam sa bahagyang pagtataas ng kilay ni Yolly,
one simple gesture that can intimidate a saint! Sa malas ay mas banal pa sa
santo si Rommel. Ni hindi ito kakikitaan ng munti mang pagkapahiya. Sa halip,
kaswal lang nitong binawi ang kamay. “I hope you truly understand kung gaano
kalaki ang problemang ito na ginawa mo,” sabi ni Yolly na kay Rommel
nakatingin. “Ginawa namin,” sabat ni Jam na napahiya sa simpleng paratang nito
kay Rommel. “I’m not passing the buck with regard to my share of the blame.”
“Hindi na iyon importante,” sabi ni Yolly sa kanya. “Ikaw ang babalikat ng
responsibilidad sa buong buhay mo. At ano’ng mawawala sa kanya? A few thousands
of pesos and he’ll live happily ever after!” “I’m glad to learn na may kaibigan
si Jam na tulad mo,” he said in irony, ngunit kakatwang walang sarkasmo sa
tinig ni Rommel. “I’m sure she managed to stay sane despite the situation dahil
sa sincerity mo, Yolly.” Kung inaasahan ni Rommel na mawawala ang defense ng
babae, nagtagumpay ito. Sa loob ng mahaba-‐‑haba ring sandali, hindi ito
nakapag-‐‑isip ng isasagot, palibhasa’y
nasorpresa sa hindi inaasahang papuri ng lalaki. Para sagipin ang kaibigan sa
krisis nito, nagpasya nang magpaalam si Jam. “Pero
nagluto ako ng hapunan para sa atin!” protesta ni Yolly. “Masasayang lang iyon
kung wala akong makakasalo.” “May ibang plans si Rommel,” paliwanag niya. “He’s
going to dine out some—” “I love to stay and eat homemade.” Sinapawan ng lalaki
ang sinasabi niya. “If the invitation includes me.” “Asong gala na nakatanghod,
hindi ko matiis na di hagisan ng buto, ikaw pa kaya?” sagot ni Yolly.
Humalakhak si Rommel. “I like you, Yolly! Weird ang sense of humor mo.”
Sandaling nagpaalam si Rommel at lumabas upang sabihan ang mga tauhan na mauna
na sa condo. Magta-‐‑taxi na lang sila ni Jam. Sa loob ng bahay,
nagkatinginan lamang ang magkaibigan. Si Yolly, undecided kung papaanong magre-‐‑react
sa pagkabigo nitong ma-‐‑ intimidate ang lalaki; at si Jam
na nagulat din sa light hearted na paraang tinanggap ni Rommel ang mga pasaring
ng kaibigan. UNANG gabi ni Jam sa condo. Natural na sa kanya ang hindi agad
makatulog sa bagong kapaligiran, ngunit hindi ordinaryo ang tensiyong namamahay
sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat. Nang hindi makatiis, napipikong
bumalikwas siya ng upo sa ibabaw ng kutson, pasandal sa headboard ng kama.
Ilang saglit siyang tumingin sa kawalan, pagkuwa’y humugot ng malalim na
hininga. Dinampot niya ang teleponong nakapatong sa side-‐‑table.
Idinayal niya ang numero ni Yolly. Namamaos ang tinig nito nang sumagot sa
telepono. Halatang nagising lang sa tawag niya. “Jam!” tili nito nang makilala ang tinig niya na para ba namang
sampung taon na silang hindi nagkikita. “Kumusta
ka na?” Natawa siya. “Ikaw nga
ang kumusta diyan. Wala kang kasama.” “Don’t worry about me. Ngayong tapos na
ang paglilihi ko, I can manage on my own.” “Mabuti naman kung gano’n.” Saglit
siyang nawala sa linya, ninenerbiyos sa nais itanong. “T-‐‑
tumawag ba sila?” “Ang
family mo? Fortunately, hindi naman. Kung nagkataon, ni hindi ko alam kung saan
kita kokontakin.” Sa narinig ay inutusan niya itong
kumuha ng papel at ballpen. Idinikta niya rito ang mga numero ng telepono na
salamat at naalala niyang hingin kay Rommel bago ito natulog. “Si Eric ang tumawag sa iyo kanina,” pagbibigay-‐‑alam
ni Yolly matapos ilista ang mga numero. “A-‐‑ano’ng sabi mo?” “Sorry,
friend, pero nadulas ako, eh,” naku-‐‑
konsiyensiyang sabi nito. “Sabi ko, lumipat ka na.” Lalong lumakas ang kaba ni Jam. Paano kung tumawag sa kanila si
Eric para alamin ang kinaroroonan niya? Tiyak na magtataka—at maghihinala—ang pamilya
niya kung bakit una pa itong nakaalam. “Sinabi mo kung
saan?” pinipigil ang iritasyong tanong ni Jam. “Sabi ko, somewhere in Pasig, pero hindi ko pa alam ang eksaktong
address.” Nasa tinig nito ang paninimbang. “Sorry talaga, Jam. Nabigla ako,
eh.” Nagbuntunghininga siya. “Sige, hindi bale na. Tatawagan ko na lang si
Eric.” Matapos magpaalam ay ilang sandali munang ibinalik ni Jam ang awditibo
sa katangan. Binuo niya muna sa isip ang mga sasabihin kay Eric bago idinayal
ang numero nito. “Jam!” Gising na gising pa ang tinig nito nang sumagot.
“Lumipat ka na raw?” “Kaya nga ako napatawag, eh,” kaswal na sagot niya na agad
ding sinundan ng tanong bago pa nito nagawang mag-‐‑usisa.
“Tumawag ka ba sa bahay ng parents ko?” “Of course not. Sabi ni Yolly, hindi
raw alam ng mom mo ang paglipat mo, eh.” “She forgot to mention that.”
Nakahinga siya nang maluwag. “Nakaka-‐‑curious ka naman,” pasakalye ni Eric. “Bakit may
palihim-‐‑lihim ka pa?” “Hindi ko kasi alam kung papaanong sasabihin kina Mommy—” “Ang alin?”
Nagbuntunghininga siya at nagpasyang sabihin na rito ang totoo. Oo’t nitong mga nakaraang buwa’y
nagiging close friends na sila ni Eric; pero kahit papaano, nahihiwatigan
niyang lihim pa rin itong umaasa na balang-‐‑araw, magkakaroon siya ng kahit
kaunting pagtingin dito. Alang-‐‑alang na rin sa binata, ganap na
niyang wawakasan ang anumang pag-‐‑asa nitong sa huli’y tiyak na mauuwi din sa wala. “I’m pregnant,” sabi ni Jam. “Nag-‐‑move
in ako ngayon sa condo ni Rommel, ang magiging tatay ng baby ko.” “I. . s-‐‑see. .” Matagal
bago nakasagot si Eric, at nang magsalita nama’y
mahahalata ang garalgal sa tinig. “P-‐‑Pero
akala ko—” “Akala ko rin,” putol niya sa sinasabi nito. “Pero
sinusubukan naming i-‐‑patch-‐‑up ang mga differences, lalo na
ngayong dinadala ko ang anak niya.” “Dahil lang ba sa bata, Jam?” maingat
na tanong nito, bakas ang disgustong maka-‐‑offend. “Mahal ko
siya, Eric.” “At ikaw, mahal
ka ba niya?” “Handa niya
akong pakasalan.” Ewan kung bakit niya nasabi iyon.
Dahil ba sa hindi niya kayang sagutin ang tanong nito o dahil ibig niyang
ibangon ang sariling pride? “May mga taong
nagpapakasal lang dahil kailangan.” Stop it, Eric.
Nasasaktang ipinikit ni Jam ang mga mata. Isang bagay iyon na alam niyang
totoo, pero iyong marinig pa niya mula sa bibig ng iba. . “Mahal niya ako,”
mapait ang panlasang pagsisinungaling niya, ngunit hindi rin pala niya kayang
magsinungaling nang todo. “Maaring hindi kasinglaki ng pagmamahal ko sa kanya,
pero at least, mayroon akong pagsisimulan. At kahit papa’no, masaya na rin ako,
Eric.” “Well. .” Humugot ito ng malalim na hininga. “I wish you the best, Jam.
And more happiness.” Ewan ni Jam kung dinadaya lang siya ng pandinig, pero
nakarinig ba siya ng hikbi? “Eric?” “I-‐‑I’m sorry.
.” hirap ang tinig na sabi nito. “Alam ko namang sooner or later, mangyayari ang ganitong eksena,
pero one can never be prepared kapag n-‐‑nagmamahal talaga.” “Oh, Eric.” May
awang humaplos sa puso niya para dito. “I don’t deserve you.” “Kung tayo talaga, tayo talaga. Kung hindi, I guess. . hindi ikaw
ang para sa akin,” sabi nito sa tinig na tila
nagwawalang-‐‑bahala, and Jam adored him for the strength na wala sa
kanya. “Huwag sanang mangyari, pero sakaling
matagpuan mo ang sarili mong nag-‐‑iisa, narito pa rin ako, Jam.
Kung di man sa paraang gusto ko, at least, bilang kaibigan.” “Tatandaan ko iyan, Eric.” Nang maibaba na ni Jam ang awditibo, kahit papaano’y naibsan ang bigat sa dibdib niya. Through Eric’s comforting words, nagawa na niyang makatulog nang payapa.
CHAPTER FOUR
NAGSISIMULA nang ma-‐‑bore si Jam.
Magdadalawang-‐‑linggo na siyang walang ginawa kundi manood ng VCD,
magbasa ng pocketbooks at magkipagtelebabad kina Eric at Yolly. Gusto niyang
magpunta sa malls at maglibang-‐‑libang, pero tinatamad naman
siyang kumilos. Lahat ng bagay ay kinatatamaran niyang gawin maliban sa isa. .
ang kumain. Sa puntong iyon ay wala siyang masasabi kay Rommel. Anumang pagkain
na mahiling niya, kahit prutas na wala sa panaho’y pilit
nitong hahanapin. Alagang-‐‑alaga nito ang kalusugan niya to
the point na kung ito lamang ang masusunod, tiyak na araw-‐‑araw
ay nasa klinika sila ng pribadong OB-‐‑GYNE. Masarap sana sa pakiramdam
kung mapapaniwala niya ang sariling ginagawa iyon ni Rommel dahil lamang sa
kanya, ngunit hindi niya kayang dayain ang sarili. He didn’t give a damn about
her. Ang tanging mahalaga dito ay ang sanggol na unti-‐‑unti nang
lumalaki sa kanyang sinapupunan. Halos hindi nga ma-‐‑take ni
Rommel ang presensiya niya sa condo. Katunayan ay bibihira silang magkita. Ni
minsan ay hindi pa sila nagkasalo sa pagkain. Bago pumutok ang araw ay
naghahanda na ito papasok sa opisina at kung umuwi’y gabing-‐‑gabi
na. May mga pagkakataon pa ngang doon na ito sa opisina nagpapalipas ng
magdamag. Jam refused to be affected by his indifference, ngunit mahirap gawin.
Sa kabila ng emotional distance nila ni Rommel, sa puso niya’y hindi namamatay
ang paghahangad na maabot ang lalaki. But she’ll be damned kung pababayaan
niyang malaman nito ang totoo. Kaya’t bilang preserbasyon sa sarili, gumawa rin
siya ng effort na lumayo kay Rommel. Physically, at least. Kung noong una’y
balak niya itong pagsilbihan upang kahit papaano’y makabayad siya sa “tulong”
na ibinibigay nito sa kanya, agad ding nagbago ang kanyang isip. Kahit ibig na
ibig na niya itong ipagluto ng almusal, kahit ibig na ibig na niya itong
ipaghanda ng hapunan sa pag-‐‑uwi, pinipigilan niya ang sarili.
After all, bakit siya magpapakahirap gayong wala namang kasiguruhan ang pag-‐‑uwi
nito sa condo? Kaya heto na ang resulta, malapit na siyang mamatay sa sobrang
boredom. Alas-‐‑dos na ng hapon ay nakapajama pa siya. Pagbibihis na
lang ay kinatatamaran pa. Naiinis na itiniklop ni Jam ang binabasang hardbound
novel at nakangiwing nagpakawala ng isang marahas na hininga. She had to do
something, kung di’y baka makunan siya sa labis na pagkainip. Tinawagan niya si
Yolly sa trabaho nito. “Puntahan mo naman ako rito mamaya,” lambing niya sa
kaibigan. “Kuwentuhan tayo.” “Jam. . can I call you later? Ipinapatawag ako ng
boss ko sa office niya, eh.” Ito pa ang isang problema. Kaunting bagay ay
nagiging sensitibo siyang masyado. Siguro’y dahil alam niyang madalas,
naiistorbo niya ang best friend sa trabaho nito. “Iniiwasan mo ba ako, Yolly?”
Sa halip na pagtatampo’y inis ang mababakas sa tinig niya. “Of course not!”
depensa nito. “Tatawag ako, promise. Mainit lang talaga ang ulo ni Boss.”
“Bahala ka.” At pinagbabaan niya ito ng telepono. Totoo sa sinabi, makalipas
ang tatlumpung minuto’y tumawag nga si Yolly. “Ano ba’ng problema mo?” nag-‐‑aalalang
tanong nito. “Kailangan ko ng kausap. . sasabog na
ang ulo ko!” “Ano ba’ng ginagawa natin? Hindi ba’t nag-‐‑
uusap na tayo?” “Gusto ko
ng kausap na nakikita, hindi tulad nitong puro boses sa telepono.” “Jam, gusto kong pumunta riyan. Kung
puwede nga lang, sa iyo muna ako pipisan habang hinihintay ko ang pag-‐‑uwi
ni Vince. Kaya lang, hindi ako puwede ngayon. Schedule kong mag-‐‑report
sa Bataan, remember?” Awtomatikong napatingin siya sa
kalendaryo. A-‐‑kinse na pala ng buwang kasalukuyan. At tuwing a-‐‑kinse
ng buwan, nagre-‐‑report si Yolly sa planta ng kompanya nito sa Bataan.
Nanlulumo siyang napabuntunghininga. “Hindi bale na.” “I wish I can be in two places at the
same time. .” Nakukonsensiya ang tinig nito.
“Yolly, it’s okay. Pasensiya ka na sa akin kung nagiging topakin ako.
Nakakabugnot lang kasi rito, wala akong magawa,” reklamo niya. “Basta may utang
ka, ha? Sisingilin kita one of these days.” Nang ibaba ni Jam ang telepono,
pinilit niya ang sariling bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Sa paghahangad
na buhayin ang nagsesebo na niya yatang dugo, nag-‐‑hot shower
siya. Nakatapis siyang lumabas ng banyo at tumigil sa harap ng vanity mirror na
nasa isang sulok ng kanyang silid. Kinalas ni Jam ang pagkakabuhol ng tuwalya
sa tapat ng dibdib. Pinabayaan niya iyong malaglag sa paanan at matamang
pinagmasdan ang sarili, partikular ang umbok sa kanyang tiyan. Mag-‐‑aapat
na buwan na ang ipinagbubuntis niya, ngunit tila tumigil na iyon sa paglaki. In
fact, kung magsusuot lang siya ng may kaluwangang damit, hindi pa rin
mahahalata ang kabuntisan niya. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Jam.
Tinungo niya ang drawer at humugot ng over-‐‑ sized T-‐‑shirt at
garterized na walking shorts. Tinernuhan niya iyon ng puting sneakers at
humarap na sa tokador. Pagkatapos magpahid ng kaunting pulbos at lipstick,
dinampot niya ang maliit na knapsack at lumabas na ng silid. Nasa labas na siya
ng gusali nang maalala niyang hindi nga pala siya nakapag-‐‑iwan
ng note kay Rommel. Dahil tinatamad nang bumalik, nagpasya siyang tawagan na
lang ito mamaya upang ipaalam dito ang kinaroroonan niya. KATAHIMIKAN ang
tanging sumalubong kay Rommel nang umuwi siya sa condo nang gabing iyon.
Usually, kapag dumarating siya ng hatinggabi’y
naririnig pa niya ang sounds ng radyo o TV mula sa silid ni Jam. Ngayo’y alas-‐‑
otso pa lamang, alangan namang natutulog na ito. “Jam?” Bitbit ang supot ng lumpiang sariwa na alam niyang
pinaglilihian nito, kumatok siya sa pinto ng silid. Nang walang magbukas,
tuluyan na niyang pinihit ang seradura ng pinto. Umahon ang panic sa dibdib
niya nang matuklasang wala doon ang pakay. Napa-‐‑paranoid na pinagbubuksan niya
ang closet ng mga damit nito at saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag.
Naroroon pa ang mga gamit ni Jam. But where the hell is she? Nagpalinga-‐‑linga
siya sa paghahanap ng bagay na makapagtuturo sa kinaroroonan nito, ngunit ni
post-‐‑it
message sa ref ay wala siyang natagpuan. Ah, marahil ay nainip lamang si Jam at
nagpasyang mamasyal somewhere, sabi ni Rommel sa sarili. Siya naman kasi, sa
loob ng mga linggong nagdaan, sinikap niyang maiwasan na magkasalubong ang mga
landas nila. Natatakot kasi siya sa maaari niyang gawin kapag humulagpos ang
pagtitimpi niya sa sarili. Kung bakit naman kasi sa bawat araw na magdaan,
lalong gumaganda si Jam sa paningin niya. At sa bawat araw na magdaan,
nararamdaman niya ang patuloy na pagkahulog ng loob niya rito. Gayunma’y hindi
siya sigurado sa dahilan. Iyon ba’y bunga lamang ng kaalamang dinadala nito sa
sinapupunan ang magiging anak niya? Patuloy na hinintay ni Rommel ang pagdating
ni Jam o kahit tawag man lamang sa telepono. Ngunit lumipas ang mga oras at ni
ha, ni ho’y wala siyang narinig mula rito. Nagsimula na naman siyang mabalisa.
Hindi mapakaling nagpalakad-‐‑lakad siya sa kalakhan ng sala.
Nang hindi makatiis, muli siyang pumasok sa silid nito at kinalimutan na ang
pag-‐‑
aatubili. Hinalungkat niya ang mga gamit ni Jam sa pag-‐‑asang
makakita ng address book o organizer. Pero wala siyang natagpuan. Kung anu-‐‑ano
na ang pumapasok sa isip niya, malalagim na guni-‐‑guning nagtulak sa kanya upang
manalangin sa isip. Isang bagay na lately ay bihira na niyang gawin. Nanunuyo
ang lalamunang tinungo niya ang kusina. Halos sumabog na ang ulo niya sa pag-‐‑aalala
nang biglang tumunog ang telepono. Sa pagkabigla’y nabitawan ni Rommel ang
basong balak sanang salinan ng malamig na tubig. Mabuti na lamang at sinalo
iyon ng rug na nasa harap ng ref, nagkalamat lang, ngunit hindi nabasag. Dali-‐‑dali
niyang tinungo ang kinaroroonan ng telepono sa pag-‐‑asang baka
si Jam na ang tumatawag. “Hello?” Matagal
bago sumagot ang nasa kabilang linya. “Rommel?” nananantiyang tanong ng isang tinig-‐‑lalaking
hindi pamilyar sa kanya. “Who’s this?” kunot-‐‑noong tanong niya. “This is
Eric, kaibigan ni Jam. Puwede ko ba siyang makausap?” “She’s not in here right
now. Hindi ko nga alam kung saan nagpunta, eh,” ang medyo inis na sagot niya.
Ewan ni Rommel kung bakit, but the mere thought na may ibang lalaki sa buhay ni
Jam—kahit na sabihing kaibigan lang—ay sapat na upang mangalisag ang balahibo
niya. “May message ka?” “Wala naman,” sagot nito. “Gusto ko lang sana siyang
kumustahin.” “She’s fine.” Nawala ang nasa kabilang linya. Akala nga ni Rommel
ay nagbaba na ito ng telepono at ibabalik na rin sana niya ang awditibo sa
katangan nang muli itong magsalita. “Is she happy?” Sukat sa narinig ay sumabog
ang iritasyon niya. “What business is it of yours?” “Do you consider it your
business to make sure that she’s happy?” ni hindi natitigatig na tanong ni
Eric. “But of course. Sa poder ko, wala na siyang mahihiling pa.” Humalo ang
pagmamalaki sa iritadong tinig niya. “And you consider her lucky?” mahinahon pa
ring tanong ng lalaki sa kabilang dulo ng linya. “Sakaling hindi mo pa nare-‐‑realize,
you are the lucky one, Rommel.” Hindi siya manhid. Sa tono at pananalita ng
kausap, nararamdaman niya na may pagtingin ito kay Jam, ang babaeng magiging
ina ng anak niya. Hindi niya man aminin, nagseselos siya. Nagngingitngit siya
sa posibilidad na may nagmamahal kay Jam na maaari rin nitong suklian ng
katulad na damdamin. “That’s right, I’m the lucky one,” sarkastikong sabi niya
kay Eric. “So if I were you, huwag mo nang isingit ang sarili mo sa eksena.”
“Hindi ko—” Ngunit hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Nagtatagis ang
mga bagang na ibinagsak niya ang telepono. “SINO ba iyang tinatawagan mo?”
Napaigtad si Jam sa biglang tanong ng inang nakalapit na pala mula sa likuran
nang hindi niya namamalayan, isang bagay na kakatwa. May kabigatang kumilos ang
ina, kung maglakad ay kaladkad ang tsinelas, ngunit hindi niya naulinigan ang
paglapit nito dahil ang isip niya’y okupado ng alalahanin kay Rommel. Dalawang
beses na siyang tumawag sa opisina ng binata upang ipaalam dito ang
kinaroroonan niya, pero sa tuwina’y ang masungit nitong sekretarya ang
sumasagot. Nasa meeting daw si Rommel at hindi pupuwedeng abalahin. Sinubukan
na rin niyang tawagan ito sa CP, ngunit naka-‐‑off naman ang linya. At ngayon,
wala nang sumasagot sa opisina nito gayong alas-‐‑siete y medya pa lamang ng gabi.
Tumawag na rin siya sa condo, ngunit sa malas ay wala pa rin doon si Rommel.
Tuloy, may paghihinala nang sumisibol sa dibdib ni Jam. Sa mga gabing
nagmamagdamag si Rommel sa opisina, hindi kaya may ibang bahay lang itong inuuwian?
Ideya pa lang ay nagsisikip na ang dibdib niya. “Si Yolly po,” sagot na lang
niya sa inang naghihintay ng kasagutan. “Gusto ko lang i-‐‑
check kung nakauwi na sa bahay. Nakalimutan kong mag-‐‑iwan ng
message, eh. Baka mag-‐‑alala iyon kapag hindi ako dinatnan.” “Hindi mo pa siya nakakausap?” “Nagri-‐‑ring lang ho ang phone,” aniyang nakakadama ng inis sa tanong ng ina. Agad niyang
iniliko ang paksa. “Nasaan na ho si Jeannie?” “Naro’n sa
kuwarto ni Joya.” “Pupuntahan
ko lang ho. Kanina pa ako kinukulit no’n na turuan siya sa Math homework.”
Tinalikuran na niya ang ina. KUNOT-‐‑NOO namang sumunod ang tingin ni
Cely sa papalayong si Jam, nababaghan sa iginagawi nito, sa pandalas na
paglipad ng isip. For sure, hindi totoo ang sinabi nito tungkol sa pangungulit
ni Jeannie dahil si Cely mismo ang tumulong sa bunsong anak para matapos ang
homework nito sa Math. “May problema si Jam.” Kahit si Ben ay nakakahalata na sa kawalang-‐‑sigla
ng stepdaughter. “Mukha nga, eh,” ayon ni
Cely na patuloy lamang sa paglililip ng tinahing damit. “Hindi ko naman
matanong dahil mukhang hindi pa handang magsabi.” “Give her some time,” payo ng
asawa. “Pasasaan ba’t sa iyo rin iyan hihingi ng payo.” Nagkibit-‐‑balikat
na lamang si Cely, ngunit may kakatwa itong nararamdaman. Subconsciously, may
pagbabago siyang napapansin kay Jam, danga’t hindi
nito eksaktong maturol kung ano. Ngunit pagbabago iyong sapat na upang magdulot
ng kabalisahan sa puso ng isang ina. GAMIT ang susi, binuksan ni Jam ang pinto
ng condo. Nang mabuglawan niya ang dilim, nakadama siya ng pagkadismaya. Pasado
alas-‐‑dose
na ng gabi, ngunit sa malas ay wala pa rin si Rommel. Marahil ay hindi na naman
ito uuwi. Ngunit ayaw niyang isipin kung saan ito totoong naglalagi. Pero sutil
ang puso niya. Sa kabila ng determinasyong ibig niyang pangyarihin ng isip,
tila tukso namang nagpapabalik-‐‑balik sa balintataw niya ang
eksenang nasaksihan nang makita sina Rommel at Di sa food court ng shopping
mall. Pinindot ni Jam ang switch ng ilaw sa gilid ng pintuan. At kamuntik pa
siyang mapatili nang mabuglawan si Rommel na nakaupo sa sofa, nakayupyop na
nakasalo ang noo sa isang kamay. Nilingon siya nito. “Hatinggabi na,” madilim
ang mukhang sabi nito. Tawagin nang kutob, ngunit dama ni Jam ang tensiyon sa
hangin, na para bang kaunting titis lamang ang kailangan at sasabog ang
nakabibinging katahimikan. “Alam ko,” sagot niya, refusing to be intimidated.
“Saan ka nanggaling?” tanong ni Rommel sa pagitan ng mga ngipin. “Bumisita kina
Mom.” Isinara niya ang pinto. Nanatiling nakatitig sa kanya si Rommel,
mababakas sa mga mata ang tinitimping galit. At na-‐‑misinterpret
iyon ni Jam. “Look at me. Mukha ba akong buntis sa
hitsura ko? Huwag kang mag-‐‑alala, wala silang nahalata.” Iba ang isinagot nito. “Ni hindi ka man
lang nagpaalam.” “I called
you twice sa office, pero nasa meeting ka raw.”
Humakbang siyang palapit at naupo sa sofa. Hinubad niya ang mga sneakers at
ipinatong sa coffee table ang mga paa. “Naka-‐‑off
ang CP mo. Nang tumawag ako ulit, wala nang sumasagot sa office at wala ring
sumasagot dito.” “You’re lying. I’ve been waiting here for hours!” Tumaas na
ang boses ni Rommel. “Lahat na ng klaseng bangungot, pumasok sa isip ko. Hindi
ko alam kung nahilo ka ba sa kalsada, kung nasagasaan ka—” “Oh, c’mon. Give me
some credit. Hindi ako gano’n katanga,” sarkastikang sagot ni Jam. “Saan ka
nanggaling, Jamaica?” Nagkaroon na ng igting ang tinig nito. At natilihan siya
sa nakitang anyo nito. Bakit ba sobra ito kung maka-‐‑react? “Nakipagkita ka ba sa lalaki mo?”
Napamulagat ang pagod niyang mga mata.
CHAPTER FIVE
“LALAKI. . ko?” hindi makapaniwalang inulit ni
Jam ang narinig. “Si Eric. O may iba ka pang boyfriend bukod sa kanya?”
patuyang tanong ni Rommel. Bigla niyang naibaba ang mga paa sa sahig at marahas
na napatayo. “Pinaiimbestigahan mo ba ako?” Nameywang na si Jam, namumula ang
mukha sa galit. Wala siyang maisip na paraan para makilala nito si Eric kundi
ang ipahalungkat nito ang buhay niya. “At inamin mo nga!” “It’s none of your
damn business!” “It is, lalo na kung tinutustusan ko ang pagbubuntis mo sa
hindi ko pala anak!” Natulig ang mga tainga ni Jam sa narinig. “So, that’s it.”
Nanlalamig ang mga palad ni Jam, nagyeyelo pati na tinig niya nang magsalita.
“Ang puno’t dulo ng panggagalaiti mo.. pera.” “Ayoko lang ng pinagmumukha akong
tanga,” sabi nitong bagama’t bumaba ang tinig ay kababakasan pa rin ng galit.
Tumayo ito at tinungo ang maliit na wine bar sa isang sulok ng condo. Nagsalin
ito ng alak sa baso. “Sabihin mo lang, Rommel, kung gusto mo nang urungan ang
responsibilidad na ito,” mariing wika niya. “Tandaan mong simula’t sapul, hindi
kita pinilit. Aakuin kong mag-‐‑isa ang responsibilidad sukdulang
ikamatay ko, huwag mo lang akong pagbibintangan sa isang bagay na ni sa hinagap
ay hindi ko magagawa.” Nakadama ng takot si Rommel sa
paraan ng pagsasalita ni Jam. Takot na baka sumagad ang hinanakit nito at bigla
na lang itong mag-‐‑alsa-‐‑ balutan. Takot sa maaari nitong
kahantungan sakaling panindigan nito ang hindi pag-‐‑asa sa
tulong niya. Dahil sa puso ni Rommel, naniniwala siyang anak niya nga ang
dinadala ni Jam. At naniniwala siya na anuman ang mangyari, pipilitin nitong
balikating mag-‐‑isa ang konsekwensiya ng kanilang pagkakamali kaysa
isakripisyong ganap ang buo nitong dignidad. Ibinigay mo ang puso mo, nasaktan
ka. Katangahan na lang kung pati pride mo, ibibigay mo rin. Naalala pa niya ang
payo ni Jam sa kanya nang matagpuan siya nitong nanggagalaiti kay Di. At hindi
nito masasabi ang gayon kung taliwas pala sa sarili nitong prinsipyo. Oo’t katawan lang ang ibinigay ni Jam sa kanya, hindi puso, but the
rest of her words still applied. Nagpasyang magbaba ng tinig si Rommel.
Kailangan niyang aminin sa sarili na may pagkakamali siya; agad siyang
nagpatangay sa silakbo ng emosyong kung tawagin ay selos. Selos na maaaring
itinulak lamang ng possessiveness niya sa babaeng magiging ina ng kanyang
anak.. o selos na tulak ng damdaming sa ngayon ay ayaw niya munang pag-‐‑isipan.
“Okay, Jam. I’ll give
you the benefit of the doubt. Contrary to what you said, I desperately want to
believe that the child is mine,” aniya sa tinig na bahagya nang may hinahon.
Tinungga niya ang alak sa baso at pumihit paharap dito. “Pero hindi mo ako
masisisi kung hindi ko man maibigay ang tiwala ko sa iyo nang buo. Hindi kita
ganap na kilala, that’s the truth of the matter. At hindi madaling tanggapin na
ang ina ng magiging anak ko’y may ibang. .” Pag-‐‑ibig na. Ngunit tuluyan nang
naglaho ang tinig ni Rommel. “Kasalo sa kama?” sarkastikang dugtong ni Jam sa pangungusap na hindi nito
naituloy, habang sa isip ay naglalaro ang pangalan ni Eric. “Huwag kang mag-‐‑alala,
Rommel. Thanks to you, I learned my lessons well. Pananatilihin kong malinis
ang sarili ko hanggang sa maisilang ko ang anak mo. “And the
next time I do what I did with you, I’ll make sure na
ibibigay ko lang ang katawan ko sa lalaking kaya ko ring pagbigyan ng puso ko.” Hindi na niya hinintay na makasagot si Rommel. Bago pa nito
nagawang ibuka ang bibig, mabilis na niya itong tinalikuran. Patakbo niyang
tinungo ang silid at pabalabag na isinara ang pinto. WALA na si Jam ay
natitilihan pa rin si Rommel. Nanghihina ang mga tuhod niya, nanginginig ang
kalamnan. Hindi niya sukat-‐‑akalaing magiging ganoon kasakit
ang huling tinuran ni Jam. Pakiwari niya’y
binalatan siya nang buhay at laksa-‐‑laksang ulit na hinagupit pa ng
latigo sa intensidad ng kirot na nararamdaman. He must be in love with the
woman to feel so much pain. Ngunit kung totoo iyon, dapat pa ba niyang
konsintihin ang damdamin, lalo’t si Jam na
mismo ang nagsabing hindi nito kayang ibigay ang puso sa kanya? NAKAPAGTATAKA.
Lately ay laging napapaaga ang uwi ni Rommel sa bahay. May mga pagkakataon pa
ngang alas-‐‑sais pa lamang ng hapon ay nasa condo na ito. Madalas
na may uwi itong pagkain mula sa take-‐‑out counter ng isang pamosong
restaurant. At mula nang mangyari ang pagtatalo, walang gabing hindi sila
magkasalo sa hapunan. Isang bagay iyon na nakatulong nang malaki para
maremedyuhan ang lumalawak na lamat sa kanilang “pagsasama.” Sa lahat ng mga pagbabago, nagpapatianod lamang si Jam. Pilit
niyang iwinawaksi ang mga pagdududa sa motibo ni Rommel. Ngunit sa isang sulok
ng isip, paminsan-‐‑minsan pa ring nagbabangon ang hinalang binabantayan
lamang siya nito. . natatakot marahil na baka bigla siyang makipagtanan kay
Eric. Isang bagay ang hindi niya maintindihan. Bakit in-‐‑assume ni
Rommel na may relasyon sila ni Eric? Nakausap na niya si Eric at kung
paniniwalaan niya ito—which she did—wala
itong ibinigay kay Rommel kahit kaunting pahiwatig. Nagtatanong lamang daw ito
tungkol sa kalagayan niya, tanong na tulak ng simpleng malasakit. May mga
pagkakataong gusto niyang mag-‐‑ open kay Rommel para mapalis na
ang hinala nito tungkol sa kanila ni Eric, pero sa huling sandali’y napipigil niya ang sarili. Let him think na may ibang lalaking
involved sa buhay niya, let him think na kahit pabayaan siya nito ngayon, hindi
na siya mag-‐‑iisa. ALAS-‐‑SINGKO pa lamang ay nasa bahay na
si Rommel, may mga bitbit na bag ng groceries. Pasipul-‐‑sipol pa
itong dumiretso sa kusina nang pagbuksan ni Jam ng pinto. Nagtatakang sinundan
niya ito. “May okasyon ba?” tanong niya ditong nakataas ang kaliwang kilay.
“Wala naman. Naisipan ko lang mamili at magluto for dinner. Nakaka-‐‑miss
na kasi ang lutong-‐‑bahay, eh.” Tumaas agad
ang balahibo ng sensitibong buntis. “Nagpapasaring
ka ba?” Sa halip na ma-‐‑offend ay
nakatawa pa siyang binalingan ni Rommel. “Nagi-‐‑guilty
ka?” biro nito. “Don’t worry. I’m not trying to make a point. Gusto
ko lang magpasiklab. Specialty ko yata ang kare-‐‑kare.” “Yaaak!” Tila bata siyang nag-‐‑make
face. “I don’t eat
that.” “Yes, you do.” “Don’t tell me
what food I eat or don’t eat.”
Napipikong pinameywangan ito ni Jam. “If you really
want to cook for me, ipagprito mo ako ng itlog!” Na-‐‑aamuse
na sumunod ang tingin ni Rommel sa kanya na nagdadabog na tumalikod at tila
kadeteng nag-‐‑martsa patungo sa sala. LINGID sa kaalaman ni Jam, he
enlisted Yolly’s help nang minsang tumawag ito sa
condo at si Rommel ang tiyempong nakasagot. And according to that wonderful
friend of Jam, kare-‐‑ kare ang paboritong ulam ng dalaga. Pilyo ang ngiting
sumilay sa mga labi ni Rommel nang simulan niya ang pagluluto ng hapunan.
HUMIGIT ng malalim na hininga si Jam at sinikap na huminga sa bibig. Naiinis
siya sa mga bitukang ibig pa yatang magsayaw sa amoy ng ulam na nakasalang sa
kalan. Hindi mapakaling isinubsob niya ang mukha sa unan habang pinatatatag ang
paninindigang kahit na ano ang mangyari, hinding-‐‑hindi siya titikim ng ulam na
iniluluto ni Rommel! GUSTO nang matawa ni Rommel kay Jam na pasulyap-‐‑sulyap
lamang sa kanya habang kumakain, dinidisimula ang paglunok, ngunit halata rin.
Matamlay ito sa harap ng hapunan, pinaglalaruan lamang ang kanin at pritong
itlog sa pinggan. Naaawa na siya kay Jam at ibig na ibig na niya itong aluking
tumikim man lang ng ulam niya, ngunit pinipigilan niya ang sarili. Let her
learn her lessons. Kaya sa halip, nananadya pang sinunud-‐‑sunod
ni Rommel ang pagsubo na tila ba sarap na sarap sa pagkain. Matatalim na ang
tinging ipinupukol sa kanya ni Jam. “Bakit?” nagmamaang-‐‑maangang baling niya rito. “Ano
na naman ang nagawa kong mali?” “You eat like a pig.” Tinusok nito ng tinidor
ang pula sa gitna ng itlog. “Wala naman akong audience, ikaw lang. And besides,
ang masarap na pagkain ay para ring sex. You have to savor every moment, every
taste. Take all you can get while it lasts.” AGAD na namula ang mga pisngi ni
Jam sa sinabi ni Rommel, remembering that one night of intimate solitude she
had spent with him. He was like what he described, all right. May pagmamadali
sa bawat kilos, savoring every moment with his one and willing audience: siya.
“I-‐‑is
it really good?” tanong niya sa kawalang masabi,
nanunuyo ang lalamunan sa tensiyong unti-‐‑unting namumuo sa sikmura. “Sex?” inosenteng tanong nito. “The food!” paasik na sagot niya. Sumungaw ang
tinitimping ngiti sa mga labi ni Rommel subali’t sa
pasasalamat ni Jam, hindi nito itinuloy ang pagtatawang nag-‐‑uumalpas
sa kumikislap nitong mga mata. “Very good,” tanging sagot nito. Na ikinadismaya ni Jam. Inaasahan niyang
aalukin siya ni Rommel, ngunit daig pa nito ang patay na bulkan sa kamanhiran.
“Can I have some?” Hindi na niya natiis ang sarili. “Akala ko ba, hindi ka
kumakain ng kare-‐‑ kare?” “I’m just curious sa nakikita kong
appetite mo,” nagtitimpi nang iritasyong sagot
niya. “And I have to admit, it smells. .
delicious.” Nagkibit-‐‑balikat si Rommel. “Suit yourself.” “How generous,” patuyang wika
ni Jam, ngunit dumudukwang na upang magsalin ng ulam sa pinggan. Nang simulan
niya ang pagkain ay pinakapigil-‐‑ pigil niya ang pagmamadali.
Ngunit katulad nga ng sinabi ni Rommel, ang masarap na pagkain ay para ring
sex. Nakakasabik. Nakakapanginig ng laman. . Sa loob lamang ng ilang sandali’y
kumukuha na si Jam ng karagdagang kanin at ulam. “Marami ka nang nakakain,”
sita ni Rommel na nag-‐‑aalala na. “Gabi pa naman,
baka hindi ka matunawan.” “Let me
suffer. My stomach is none of your business,” pairap
na sagot ni Jam and this time, she meant what she said. Nakangiting napailing
na lang si Rommel. Nang matapos siya sa pagkain, nagpaunang tumayo si Rommel.
Sinimulan nito ang pagliligpit sa pinagkanan. Hindi kumibo si Jam, naa-‐‑amuse
lang na pinanood ang ginagawa nito. Dahil madalas na take-‐‑out
foods ang kinakain nila, itinatapon na lang nila sa trash can ang mga styropore
na pinagkainan. Tuloy, nasorpresa siya ngayon nang magkaroon ito ng pagkukusang
magligpit. . lalo’t may babae namang mapagpapasahan ng
dirty work. “I’ll do the
dishes,” alok ni Jam nang maisalansan nito sa
lababo ang hugasin. “Magpahinga ka na lang.” Hinarangan ng katawan nito ang sink. “You need to rest dahil
makakasama sa kalagayan mo ang mapagod.” “Mapagod?” Tumaas ang isang kilay
niya. “Nakakapagod bang maghugas ng pinggan na iilang piraso lang naman?”
“Kahit na. Buntis ka.” “And a pregnant woman can do everything.. with caution.”
Tinabig niya ito sa balikat. “Huwag mo akong tratuhing invalid, Rommel.”
Nagpaparayang iniwan na nga nito ang mga hugasin nang mapansing naha-‐‑high
blood na naman si Jam. Ngunit nang malabasan niyang nanonood ng basketball sa
TV si Rommel, umiinom ng beer habang nakataas ang mga paa sa coffee table, the
effect was the same. Nagdadabog na pumasok sa guest room si Jam at pabalabag na
isinara ang pinto. Nagtatakang napakamot na lang sa batok si Rommel.
CHAPTER SIX
GABI. Kunot-‐‑noong dinampot ni Rommel ang
telepono habang pinag-‐‑aaralan ang price list ng construction materials. Ida-‐‑dial
na niya na sana ang numero sa bahay ng assistant nang marinig niya ang ringing
tone na agad ding sinagot. “Hello?” bati ng
tinig-‐‑babae.
“Mom?” Naglaho
ang pagtataka ni Rommel nang marinig ang tinig ni Jam sa linya. Obviously ay
ginagamit nito ang extension phone sa silid. Kung susundin ang turo ng Good
Manners And Right Conduct teacher niya noong grade school, dapat na niyang
ibaba ang awditibo. Kawalang-‐‑modo ang makinig sa usapan ng
ibang tao. But something held him back. Marahil ay ang tila iiyak na tinig ni
Jam. . o simpleng kuryosidad. “Jamaica,” masiglang bati ng ina nito. “Kumusta
na, Anak?” “I’m fine. Kayo ho?” “Ay, naku, heto’t kunsumido.
Ipinapatawag ako ng teacher ni Jeannie, nakipag-‐‑away raw iyong kapatid mo.” “Bakit daw ho?” “Away-‐‑bata. May kaklaseng nang-‐‑aasar,
pinatulan. Pero huwag mong intindihin iyon,” sabi
nito at saglit na nawala sa linya. “May sakit ka
ba? Bakit ganyan ang boses mo?” “Wala ho. S-‐‑sinisipon lang.” “Aba’y dumito
ka muna’t nang may mag-‐‑ asikaso sa
iyo. Baka mahawahan mo pa si Yolly, mahirap pa namang magkasakit ang mga
buntis.” “W-‐‑wala
nga ho si Yolly ngayon, bumisita sa mga magulang. H-‐‑hindi ako
puwedeng umuwi dahil walang tatao rito. Pero huwag k-‐‑kayong mag-‐‑alala,
konting sipon nga lang `to. Makukuha rin sa gamot.” “Aba’y dumalaw-‐‑dalaw ka rin
naman sa amin. Dalawang linggo ka nang hindi pumapasyal, ah. Hindi pa naman
sinipot ni Joya iyong ka-‐‑date niya no’ng nakaraang weekend dahil asang-‐‑asang darating ka.” “P-‐‑pakisabi po, pasensiya na lang.” Humigpit ang pagkakahawak ni Rommel sa awditibo nang marinig
ang isang sikil na hikbi mula kay Jam.. o imahinasyon niya lang iyon?
Kinumpirma ng ina ni Jam ang hinala niya. “Umiiyak ka ba, Jamaica?” “H-‐‑hindi
ho.” Mabilis ang pagkakaila nito. “Anak, no’ng huling punta mo rito’y nahihiwatigan ko nang may problema ka. Hinihintay ka lang
namin ng Daddy Ben mong magtapat. Kung kailangan mo kami—” “W-‐‑walang anuman ito, Mom. May konting tampuhan lang kami
ni Regine.” Isinangkalan na niya ang kaibigang guro at
dating kasamahan sa St. Therese. “Kahit ano pa,
umuwi ka naman. Nami-‐‑miss ka na ng mga kapatid mo. Pati ang Daddy Ben mo,
nag-‐‑aalala
sa iyo.” “S-‐‑sige
ho. Sisikapin ko kapag nakaluwag ang schedule.” Nagpaalaman na ang mag-‐‑ina
at nagbaba ng telepono, ngunit nanatiling hawak pa rin ni Rommel ang awditibo.
Nababalisa siya sa isiping may problema si Jam, isang problemang hindi nito
masabi-‐‑sabi
sa kanya. More or less ay nahihiwatigan na niya ang nagpapahirap sa kalooban
nito. Kaya’t bago pa maapektuhan ang kalusugan ni Jam
at ng sanggol sa sinapupunan nito, kailangan niyang maghanap ng solusyon sa
problema. “WE NEED to talk,” deklara
ni Rommel isang gabing nagpapahinga si Jam sa easy chair na nakapuwesto sa tabi
ng malaking bintana ng silid niya. “What about?” Nilingon ito ni Jam. Nakapasok
na ang kalahati ng katawan nito sa pintong bahagyang itinulak. “I decided na
sabihin na sa mga magulang mo ang tungkol sa sitwasyong ito.” Kahit hindi
iniimbita, tuluyan nang pumasok si Rommel, hinila ang stool ng tokador at
naupong pasandal sa dingding, ngunit nakaharap sa kanya. Matalim ang tinging
ipinukol dito ni Jam. “You decided?” “You can’t deny the fact na iniisip mo
sila, ang magiging reaksiyon nila.” Nagbuntunghininga ito. “Masama sa kalagayan
mo ang mag-‐‑alala. Tutal at malalaman din naman nila ang tungkol
sa pagbubuntis mo sooner or later, let’s tell them
about it ourselves.” “No,” madiing tanggi ni Jam. “We are not
going to do that.” “Listen to
reasons, Jam. Paano kung—” “I’ll cross the bridge when I get there,” putol
niya sa sinasabi nito. “You can’t keep on
making decisions when you don’t even know
them. Mabait si Daddy Ben, Rommel, pero masamang magalit.” “Not if we tell them we’re married.
Tutal at nasa tamang edad ka na.” “But we’re not, that’s the point!” angil ni
Jam. “He’s not a fool para basta na lang maniwala lalo’t alam niyang wala akong
boyfriend man lang. Tiyak na maghahanap sila ng dokumento.” “We’ll give them
that when the need arises. I’m totally prepared dahil ilang araw ko na itong
pinaghahandaan. As for the lack of a boyfriend thing, madali iyong solusyunan.
After all, imposible namang maging aware sila sa bawat aspeto ng buhay mo. Just
tell them na inilihim lang natin ang relasyon.” Tumaas ang isang kilay niya.
“Dahil. .?” “Dahil. . dahil nahihiya ka,” sabi nitong nag-‐‑
iisip. “Dahil may ka-‐‑live-‐‑in ako noon
na kailan ko lang nakalasan. Dahil nagpaplano akong mag-‐‑ abroad at
ayaw mong umasang babalik ako. Marami tayong dahilan na maaaring ibigay basta’t ang konklusyon ng lahat, nagpakasal tayo, period.” He’s starting to make sense, pag-‐‑amin
ni Jam sa sarili. At natagpuan niya ang sariling unti-‐‑unting
nagbababa ng tinig, nakikinig. “Ano ang
sasabihin ko kapag naghiwalay na tayo?” tanong niya. “Na hindi tayo nagkasundo.
It didn’t work out. Mas mabuti na ang maghiwalay kaysa magpatuloy sa
pagsasamang puro away.” “Effective kang maging writer,” paismid na sabi Jam.
“Mahusay kang mag-‐‑fabricate ng istorya.” “Would you rather tell them the truth, na magiging ina ka sa
pagkadalaga?” Saglit siyang natilihan, saglit na
nag-‐‑isip.
Oo, alam niyang matatanggap pa rin siya ng mga magulang sa kabila ng
katotohanan. In fact, nakatitiyak siyang mas gugustuhin iyon ng ina kaysa
magpakasal sa dahilang buntis siya. Ngunit papaano ang reputasyon ng pamilya?
Ng mga kapatid na puro babae pa naman? “Of course not,” pagkuwa’y sagot niya,
napipilitan. “Thank you,” ngumiti pa si Rommel. “It’s a deal then. Bukas,
pupunta tayo sa beauty parlor para makapagpaayos ka. After that, mamimili tayo
ng damit na maisusuot mo pagharap natin sa kanila. Dadaan tayo sa restaurant
para bumili ng pagkaing mapagsasaluhan natin. Doon na tayo maghahapunan sa
bahay ng parents mo.” Mahinang nagbuntunghininga si Jam. “Hindi ko alam kung
dapat kong pagsisisihang nakahingi-‐‑hingi pa ako ng tulong sa iyo.” “Is that so?” Tumaas
ang mga kilay ni Rommel pagkaraan ng ilang saglit na kawalang-‐‑imik.
“Para kang dambuhalang ipuipo na umiikot,
tinatangay ang bawat madaanan. Kapag wala ka na, hindi ko na alam kung saan
hahanapin ang sarili ko, kung saan ako pupunta.” Maingay
na lumunok si Jam. “You’re
swallowing me alive, Rommel. And I don’t know what to
do about it.” “Simple,
Jam. Stop me.” “Paano?”
Tinitigan siya nito. “Tell me.” “Stop, Rommel,” malungkot siyang ngumiti.
“You’re taking over of my life, my decisions, my breath.” Sumandig ito sa
dingding. “Ano ang ayaw mong gawin ko?” “Ang gumawa ng mga desisyon para sa
akin. Itanong mo muna kung gusto kong magpunta sa parlor, bumili ng mga bagong
damit, kung gusto kong magtapat na sa mga magulang ko, kung gusto kong mag-‐‑dinner
sa labas na kasama ka. .” Sandali itong nag-‐‑isip
habang pinagsusumping ang mga daliri sa kandungan. “Is it
okay if we tell your parents we’re married?” pagkuwa’y tanong nito. “I. . I
think so, if we can really convince them,” sagot ni Jam. “What they don’t know
won’t hurt them.” “Gusto mo bang bumili ng ilang pirasong damit para maging
presentable ka naman sa pagharap mo sa kanila? Just to give them the idea that
you’re fine and you’re happy with your decision?” Napangiti siya. “I love
that.” “Can we have dinner at your parent’s place para magkaroon naman sila ng
ideya kung sinong impakto ang bigla mo na lang pinakasalan?” “Yes.” “I don’t
see what the fuss was all about, Jam,” naiiling na sabi ni Rommel. “You’re
going to say yes din naman pala to all those things.” “Pero hindi mo malalaman
iyon kung patuloy mo akong didiktahan, Mr. Borjal.” Muling umismid si Jam;
ngunit this time, nakatawa na. A SMILE could make miracles sa nahahapis na
mukha ni Jam, lalo’t higit ang mga tawa nito. Maaliwalas ngayon ang mukha nito,
punung-‐‑
puno ng buhay. And the mere thought na nadulutan niya ito ng katuwaa’y sapat na upang magbangon ang kakatwang emosyon sa dibdib ni
Rommel. Gusto niyang umiyak, for no reason at all. Ipinaling niya ang tingin,
paiwas sa direksiyon ni Jam. Kung hindi nito titigilan ang panunukso ng mga
mata, ilang sandali pa ay tiyak na bibigay siya sa tuksong ilang panahon na
ring ngumangatngat sa kanya. Hindi niya nanaising ulitin ang minsan nilang
pagkakamali. Hindi niya nanaising ihandog ni Jam ang sarili kung di rin lang
nito magagawang ibigay ang puso sa kanya. Naramdaman ni Rommel ang matiim na
pagkakatitig ni Jam. Bumaling siya at sinalubong ang mga mata nitong hubad na
sa panunukso. “Something wrong?” tanong ni Rommel. “You’re worrying. .” sagot
nito. “Why?” Napakunot-‐‑noo siya. He had never been so
transparent, unless he wanted to be. Right now, he didn’t want
to. How come Jam could see through him gayong napakaikli pa ring maituturing
ang panahong ipinagsama nila? SAMANTALA, tinanggap naman ni Jam ang pananahimik
ni Rommel bilang pag-‐‑aalanganing magsabi ng totoo. Marahil ay nangangambang
masaktan siya sa maririnig. Dahilan para humabi siya ng sariling konklusyon.
“Nang sabihin kong masamang magalit si Daddy Ben, hindi ko ibig sabihing
magiging bayolente siya sa iyo o sa akin. It’s just that mahina ang puso niya.
“Baka hindi niya kayanin ang matinding sama ng loob, lalo na’t sa akin
manggagaling. “I may only be his adopted child, but I have a feeling na ako ang
paborito niya sa lahat.” Muling nagsalin ng tubig sa baso si Rommel. Mas mabuti
na nga sigurong maisip ni Jam na nangangamba lang ito sa napipintong
pakikiharap nila sa mga magulang niya. . than to give her the idea na hindi pa
ma’y natatakot na ito sa panahong kailangan na nitong magpaalam. “Thanks for
the info,” sabi ni Rommel at tumayo na bilang hudyat na tinatapos na nito ang
pag-‐‑uusap.
“But I guess it isn’t
necessary. Kaya kong i-‐‑handle ang magiging reaksiyon ng
pamilya mo, pabor man sa akin o hindi.” Nang lumabas
na ito ng silid niya’y nakadama ng panghihinayang si Jam.
Bakit ba sa tuwina’y ganito sila? Kung kailan nabubuo na
ang isang masayang atmospera’y may mangyayaring sukat na ikasira ng nasisimulan
na sana? Nagbuntunghininga si Jam at tumanaw sa labas ng bintana. Nang humihip
ang hangin at maramdaman ang kakatwang lamig sa pisngi, saka pa lamang niya
namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha.
CHAPTER SEVEN
“THIS is ridiculous!” bulalas ni Jam nang
makita ang repleksiyon sa salamin. Suot niya ang bestidang napili ni Rommel
para sa pagpunta nila sa bahay ng mga magulang. “Elegant, Darling,” tahimik na
sagot nito habang ang mga mata’y nangingislap sa paghanga. Darling. Sandaling
na-‐‑off-‐‑balance
si Jam sa term of endearment na narinig. Not because of the word itself, kundi
sa mismong paraang binigkas nito ang dalawang kataga. He said it as if he meant
it. “After we’re
through, baka hindi ka na makilala ng pamilya mo,” sabi
nito. “Baka akalain nila, may naligaw lang na
artista sa Caloocan.” “Sobrang
boladas na iyan.” Napangiti si Jam. “Sana, sa iyo magmana ng mata ang magiging baby natin,” patuloy nito, seryosong nakatitig sa mukha niya sa repleksiyon
ng salamin. “You have the most expressive eyes I’ve ever seen.” “I like the
color of yours better.” Lumingon siya rito at tinitigan ang abuhing mga mata
nito. “It makes me wonder tuloy kung may foreign blood ka.” “Kalahi ko raw si
Hitler sa great grandmother ni Mama.” birong-‐‑totoo nito. “I’m not surprised.” But she’s amazed to realize na ngayon niya
lang naringgang nagsalita ng anuman si Rommel tungkol sa pamilya nito. Ngunit
bago pa niya nai-‐‑form sa isip ang follow-‐‑up question, naunahan na siya ni
Rommel. “May ibig kang sabihin?” Pilyo ang ngiting gumuhit sa mga labi nito,
the same smile that broke her heart nang makipagkita siya rito with the
“confrontation” in mind. “Never mind.” At muli niyang tiningnan ang sarili sa
salamin. “I look ridiculous.” Kulay kremang spaghetti-‐‑strapped
dress ang napili nito. Malambot ang tela niyon na humahakab sa kanyang katawan.
Malalim ang neckline niyon na naglalabas sa punong-‐‑dibdib
niyang lumaki nang bahagya sa normal na sukat. Hapit iyon hanggang sa ilalim ng
bustline at maluwag ang pinakapaldang hindi umaabot sa tuhod. “I’m pregnant,”
paalala niya rito. “Hindi na ako dapat magsuot ng ganito.” “A pregnant woman
can do anything, you said,” ganting-‐‑paalala rin ni Rommel. “Even to look sexy is more than possible lalo na’t kung kasingganda mo ang magbubuntis. I want you to wear that
dress, Jam, and please, don’t disagree with me.” Sa lahat ng utos na tinanggap niya mula kay Rommel, iyon ang
isang demand na buong-‐‑ pusong sinunod ni Jam. . kung para man lang sa
ideyang mabibigyan niya ito ng kasiyahan sa munti niyang pagbibigay. Matapos
bayaran ang mga pinamili’y dinala siya nito sa parlor ng isang sikat na
beautician. Sa pagtataka ni Jam, agad siyang inasikaso ni Joshua, ang baklang
sa wari’y kilalang-‐‑kilala ni Rommel. Tumili pa man din ang bakla nang
makita sila at excited silang iginiya sa isang pribadong silid sa loob ng
dalawang palapag na beauty center. “Sabi ko na nga
ba’t may itinatago kang sekreto,” pabulong na biro niya kay Rommel nang sandaling pumasok si
Joshua sa silid ng mga supplies. “Madalas kang magpa-‐‑facial at
manicure dito, `no?” “Excuse me
lang, ha?” Nagpapasisteng pinatikwas nito ang mga
daliri. “Mas mahusay yatang cosmetologist ang djowa
ko!” Ang lakas ng tawa ni Jam, na biglang
naputol nang may maramdaman. Wala sa loob na dinala niya ang palad sa tiyan na
bahagya nang nakaumbok. “Bakit?” Agad na
gumuhit ang pag-‐‑aalala sa mukha nito nang paluhod na naupo sa tabi ng
kanyang silya. “W-‐‑wala. Sumipa lang.” Mahina siyang tumawa. “Araw-‐‑araw,
lumalakas ang buwelo ng loka. Future world champion yata sa karatèto, eh!” Wala
ni kaunting bahid ng ngiti sa mga labi ni Rommel. Titig na titig ito sa kanyang
tiyan, pagkuwa’y tumingala na sa wari’y nakikiusap ang mga mata. “Puwedeng
hawakan?” tanong nito. Sa halip na sumagot, dinampot ni Jam ang isang kamay
nito at ipinatong sa ibabaw ng kanyang tiyan. Tila may sariling isip na kumilos
ang kamay ni Rommel nang pahagod iyong dumausdos hanggang sa kanyang pusod.
Kamuntik nang mapasinghap si Jam, mabuti na lang at mabilis niyang napigilan.
Kailangan pa niyang paalalahanan ang sarili that he wasn’t doing it to please
her. “Bakit wala akong maramdaman?” tanong nito nang muling tumingala sa kanya.
“Nahihiya sa iyo,” tipid ang ngiting sagot niya. “How sweet naman!” bulalas ni
Joshua na hindi nila namalayang nakalabas na pala. “I’ve never seen two people
very much in love!” Tumayo si Rommel. “Walang bola?” “Hoy, no’ng si Di pa ang
djowa mo, wala na kayong ginawa kundi magsikmatan, `no!” At yumakap sa isip ni
Jam ang unawa. Kaya pala mukhang magkakilalang-‐‑magkakilala ang dalawa’y dahil ito rin ang suking parlor ng dati nitong girlfriend. “Puwede ba?” Hindi na nakatiis si Jam. “Pag-‐‑ usapan n’yo siya some
other time. Iyong hindi ako kaharap.” Tumawa si
Rommel. “Nagseselos ka, Darling?” Isang matalim na irap ang ipinukol niya rito. “Tumataas ang taste ko, `no?” baling
na tanong ni Rommel kay Joshua, pero sa salamin nakatingin, sa repleksiyon ni
Jam. “Ano’ng masasabi mo
sa bagong love of my life?” Love of my life. . Kahit batid
niyang sinabi lang iyon ni Rommel for appearance’s sake, may isang bahaging
lumukso sa dibdib niya. “Definitely better. Softer than Di,” sagot ng bakla. “I
just hope na hindi mo na pakakawalan ang isang `to.” Sinuklay nito ang buhok
niya. “I’m telling you. . it will be your lost this time.” “I have no plans,
Josh,” sabi ni Rommel. “Ngayon pa bang magkakaroon na kami ng baby?” “Really?”
Nanlaki ang mga mata ni Joshua. “That’s quite a surprise! Siguradong masa-‐‑shock
si Di once na mabalitaan niya.” “I don’t give a damn,” kaswal na sagot ni
Rommel. Si Jam man ay na-‐‑shock sa ginawa nitong
pagbabalita, na para bang nagkukuwento lang ito tungkol sa away ng mga politiko
sa bansa. But her shock was instantly replaced with joy. Proud si Rommel sa
kanya. . at sa magiging anak nila! Only to realize now that it wasn’t the case. Dinala siya dito ni Rommel para i-‐‑display
sa isang taong nakakakilala kay Di. . to make a statement that he was really
over her. At oo, para makarating din sa dating girlfriend na magkaka-‐‑
baby na ito sa kanya. . isang anak na nabuo dahil mahal nila ang isa’t isa. What a crap! Bumigat ang dibdib ni Jam. Gusto niyang
umiyak; but his presence strengthened her determination not to give in to her
weakness. “Ano’ng gagawin ko
sa kanya?” tanong ni Joshua, still addressing the man
she was with. “Bahala ka na. Just make her
beautiful. . make her shine.” “My pleasure.” Yumukod pa ito. “The easiest job in the world at mababayaran ako nang mahal!” Sinimulan ni Joshua ang pag-‐‑aayos kay Jam. Pinanatili niya
namang blangko ang mukha sa anumang negatibong emosyon na nararamdaman. Sa
halip, nag-‐‑exert pa siya ng effort na gumanti sa mga biro nito,
all the while thinking of a way she could give him a piece of her mind. Nang
matapos si Joshua sa trabaho nito, si Jam man ay nasorpresa sa nakitang
repleksiyon sa salamin. Hindi siya mahilig mag-‐‑makeup dahil nagmumukha lang
siyang mas matanda sa totoong edad, pero with Joshua’s
expertise. . feeling niya’y isa siyang wicked witch of the west
that finally became a fairy queen. “I told you,” sabi ni Rommel nang makita ang
glow of appreciation sa mga mata niya. “Tiyak na hindi ka makikilala ng family
mo.” Nang mabanggit ang pamilya, bumangon ang pamilyar na tensiyon sa dibdib ni
Jam. “P-‐‑parang gusto ko na yatang umurong sa deal, Rommel.” “Fat chance,” mabilis
na sagot nito. “Don’t be
afraid, Darling. If we can handle our situation, much more their reaction. Ako
ang bahala. Hindi naman kita pababayaan.” “Spoken like a true knight-‐‑in-‐‑shining-‐‑armor!” tili
ni Joshua. Kung alam mo lang, Joshua, sa loob-‐‑loob ni Jam. Kung alam mo lang. .
“BAKIT kanina ka pa tahimik?” tanong ni Rommel habang bumibiyahe sila patungo sa bahay ng mga
magulang ni Jam. “Naninibago tuloy ako sa iyo.” “Do you want me to nag?” matamis ang ngiting tanong niya. “Of course
not.” “Then, shut up.
Wala ako sa mood makipag-‐‑ usap.” “Kung di ka lang buntis. .”
Nagbuntunghininga si Rommel. Hindi na ito pinansin ni Jam. Right now, mas
mabuti pa ngang isipin ni Rommel na dala lang ng paglilihi ang kasungitan niya.
Pero pagkatapos ng pagdalaw nila sa mga magulang, she would definitely start a
confrontation with him. Binuksan niya ang car stereo at hinayaang punan ng
musika ang katahimikan. DALA ang bilao ng pansit Malabon na in-‐‑order
nila sa nadaanang restaurant, nangangatog ang mga kamay na kinatok ni Jam ang
pinto ng kanilang bahay. Tinangka siyang akbayan ni Rommel, ngunit tinabig niya
ang kamay nito. Iyong umuwi lang siyang may kasamang lalaki’y isang malaking himala na, iyon pa kayang umuwi siya na buntis
at may kaakbay na lalaking ni hindi kilala ng pamilya? Ilang sandali rin siyang
naghintay bago siya nakarinig ng mga yabag. Si Cely ang nagbukas ng pinto sa
kanila. “Jamaica!” malaki ang ngiting bulalas ng inang nagulat pagkakita sa
kanya. Weekends lang kasi ang schedule ng uwi niya na madalas pang pumapalya.
“Ba’t biglang-‐‑bigla kang nauwi?” Ngunit
nawala rin agad ang tuwa sa mukha nito nang mapansin ang lalaki sa likod ni
Jam, pagkuwa’y ibinaba ang tingin sa tiyan niyang
dahil sa malambot na tela ng damit ay mapaghahalata na ang kaumbukan.
Nagtatanong ang mga matang binalikan siya ng tingin ng ina. “M-‐‑Mom.
.” Humalik siya sa pisngi nito, bago bumaling
sa kasama. “S-‐‑si Rommel po. . a-‐‑asawa
ko.” Namutla ang kanyang ina. “A-‐‑asawa?” Humakbang si
Rommel palapit dito. “Mano po. . Mommy.” Walang kaalis-‐‑alis ang tingin ng ina kay Jam,
hindi pansin si Rommel na umabot sa kamay nito. Nagtatanong ang mga mata ni
Cely, tanong na may halong panunumbat. Halos ay hindi siya makatingin nang
tuwid dito, ngunit sinikap niya or she would die trying. Naumpisahan na nila
ang pagsisinungaling at kailangan na niya iyong panindigan. “Cely, papasukin mo
ang mga bata.” Tinig iyon ni Daddy Ben mula sa loob ng bahay. Sa malas ay
narinig nito ang ilang palitan nila ng mga salita. Lalong nangalog ang mga
tuhod ni Jam nang marinig ang ama-‐‑amahan. Sa ganitong klase ng
problema, mas magagawa niyang harapin ang galit ng ina kaysa manimbang sa
damdamin ni Daddy Ben. Tuluyan na siyang inakbayan ni Rommel na para bang
ipinapaalala ang presensiya nito, ang suporta. Wala sa loob na gumanti siya ng
hapit sa baywang nito upang suportahan ang mabuway na pagkakatayo.
Pinagmamasdan lamang sila ni Cely. Pagkuwa’y tuluyan na nitong niluwangan ang
pinto.
CHAPTER EIGHT
HINDI inaasahan ni Jam ang magaang na
pagtanggap ni Daddy Ben sa sitwasyon. Ni kaunting bakas ng galit o hinanakit sa
mukha nito’y wala siyang nasilip man lang, taliwas sa reaksiyon ng inang panay
ang matatalim na pukol ng tingin sa kanya. “Isa lang ang gusto kong malaman,
Anak, at sana’y masagot mo nang totoo.” Patuloy sa pagsasalita ang matandang
lalaki. “Maligaya ka ba sa desisyon mo?” Sa harap ng mapang-‐‑unawang
mata ni Daddy Ben, pakiwari ni Jam ay may bumaong tinik sa kanyang lalamunan.
Hindi agad siya nakasagot dahil hindi niya tiyak kung ang itutugon niya’y kasinungalingan. Maligaya ba siya? Maligaya bang matatawag ang
magmahal nang walang sukling pag-‐‑ibig? Ang umasa sa lalaking
gumaganap lamang ng responsibilidad? Ang maghangad ng kalayaan mula sa hawla ng
ilusyon niyang pag-‐‑ibig upang mabilanggo lamang sa katotohanan ng
realidad? “Y-‐‑yes, Daddy Ben,” sa wakas ay nakuha niyang isagot na sa isang banda’y may bahid naman ng katotohanan. Kahit papaano’y maligaya siya kapag natatanaw si Rommel, kapag nadarama niya
ang mumunting kilos ng sanggol sa sinapupunan. Ngunit higit sa lahat, maligaya
siya sa kaalamang dalisay ang pagmamahal niya sa ama ng magiging anak niya.
Malakas na paismid na komento ng ina ang bumasag sa katahimikan. “Hindi ako naniniwala.” “Mom. .” “Cely. .” Halos nagsabay pa sila
ng stepfather sa tangkang pagsaway sa ina. “Bakit hindi mo tanungin iyang anak
mo kung ano ang totoong dahilan at nagpakasal sila ng lalaking ito?” pahagkis
na tanong nito sa asawa. “Ben, hindi mo ba nakikita? Inuulit lamang ni Jam ang
nakaraan ko!” “Isa lang po ang dahilan kung bakit nagpakasal kami ni Jam,
Mommy,” sabat ni Rommel na hindi na nakatiis sa pananahimik. “Mahal ho namin
ang isa’t isa.” “Mahal!” Muling umismid si Cely. “Kung totoo iyan, hindi n’yo
na sana hinintay na magkalaman ang tiyan ni Jamaica bago kayo nagpakasal!” “Mas
pipiliin n’yo bang pinabayaan ko na lang si Jam?” tila naghahamong tanong nito.
“Libong-‐‑ulit, Rommel,” mapait na
tugon ni Cely. “Sa tulong namin ng daddy niya,
mapapalaki namin nang maayos ang magiging anak niya. Kung mayroon ka kahit
kaunting malasakit sa anak ko, huwag ka nang magpalipas ng maraming taon bago
ka magpasyang abandonahin ang mag-‐‑ina mo.” “Mom. .” Namagitan na si Jam sa ina at sa
nalilitong “asawa.” “Alam kong natatakot kang mangyari sa akin ang nangyari sa inyo
ng tatay ko. Pero sana, maniwala kang mahal ko si Rommel at mahal niya rin ako
dahil kung ako mismo’y hindi naniniwala, hindi ako. . m-‐‑
magpapakasal. . sa kanya.” “Kaya,
Jamaica?” “Ayoko ring
matulad sa akin ang anak ko, Mommy,” sagot niya sa
tila nanunuyang tanong ng ina. “Mas gugustuhin
ko nang sa simula pa lang ay wala na siyang kilalaning ama, kaysa magkaroon
siya ng amang mawawala rin sa kanya later on.” Sa
narinig ay bahagya nang kumalma ang galit ni Cely. Sa labis na pag-‐‑aalala’y nakalimutan ng nitong hindi lang ito ang apektado nang
abandonahin sila ng ama ni Jam. Dahil kung mayroon mang higit na namarkahan ng
pilat, iyon ay ang batang naging biktima ng wasak na pamilya. “Huwag mo siyang itali sa nakaraan mo, Cely.” Nakiusap na rin si Daddy Ben dito. “Matalino
si Jam at may kakayahang magpasya para sa sarili. Magulang lang tayo. Hindi ba’t ang dapat, tayo ang unang matuwa para sa mga bata?” “Kung may dapat ikatuwa,” sagot ni Cely. “Mahal ko ho si
Jam, Mommy,” may kombiksiyong sabi ni Rommel. “Kung ayaw ninyong maniwala’y
hindi ko kayo pipilitin; pero sana, huwag ninyong isara ang isip n’yo sa amin.
Pabayaan n’yong patunayan kong nagsasabi ako ng totoo.” Kahit si Jam ay ibig
madala sa linyang binitiwan ni Rommel. Ngunit dahil batid niyang nakaayon
lamang sa sitwasyon ang mga salitang binigkas nito, hindi niya napigilan ang
pag-‐‑iinit
ng mga mata. Yumuko siya upang ikubli ang pangingilid ng luha, ngunit di rin
iyon nakaligtas sa pangmalas ng mga kaharap. Awtomatikong inakbayan siya ni
Rommel sa pag-‐‑aakalang nasasaktan lamang ito sa reaksiyon ng ina.
Nang mga sandaling iyon ay tuluyan nang nagpakahina si Jam. Pasubsob siyang
sumandig sa dibdib ni Rommel, nanghihiram ng lakas mula sa mabilis na pintig ng
puso nito. “Tingnan mo’t
pinaiyak mo pa ang anak mo.” Maging si Daddy Ben ay gayon din ang
sumaisip. Agad namang naapektuhan si Cely. Dinampot nito ang isang kamay ni Jam
at marahang pinisil. “Sana nga’y
nagsasabi ka ng totoo,” sabi nitong kay Rommel nakatingin,
ngunit hindi bumibitaw sa kamay ni Jam. “Mahalin mo ang anak ko at huwag mo
sanang sasaktan.” Isang simpleng ngiti lamang ang itinugon ni Rommel, ngiting
nangangako. . at pangakong hinugot mula sa puso. Dahil hindi na kayang dayain
ni Rommel ang sarili. With or without their child, hindi na nito magagawang
iwanan si Jam. “HINDI ko expected `yon, ah!” magaang na sabi ni Rommel habang
nagmamaneho nang pauwi. “Ang worry ko, na kay Daddy Ben. Sa kanya tuloy na-‐‑focus
ang defenses ko.” “Ako man,
nagulat. I underestimated his capability to understand,” kaswal na sagot ni
Jamaica. “Pero naiintindihan ko rin si Mom. Natatakot lang siyang ma-‐‑replay
sa akin ang buhay niya.” “Ma-‐‑replay
na paano?” Mapait ang ngiting nilingon niya ito. “Nagpakasal lang sila ng tatay ko dahil buntis siya sa akin.” “She never loved him?” “She did, so much. But he never loved
her.” “But all’s well that ends well. Your sisters liked me, don’t you think so?” Marahil ay
napansin ni Rommel ang pananamlay sa tinig niya, mabilis na nitong binago ang
paksa. Napangiti siya nang maalala ang komosyong nilikha ng mga kapatid matapos
malamang nag-‐‑ asawa na siya. Ngumalngal si Joya at yumakap sa
kanya, sa nangyari’y nahawa tuloy si Jeannie na
patanghod-‐‑tanghod lamang sa kanila. Noong una, kung ituring ng
mga ito si Rommel, animo’y hindi nag-‐‑e-‐‑exist.
Pero gumawa ito ng effort para makuha ang loob ng dalawang nakababatang kapatid
niya. At hindi na nagtaka si Jam nang sa paglalim ng gabi’y makipaghuntahan na ang mga ito sa “bayaw.” Rommel is a charmer at ilang ulit na niya iyong napatunayan.
Pruweba ang batang naglilikot ngayon sa sinapupunan. “What’s wrong?” Napansin
agad ni Rommel ang pagkalukot ng kanyang mukha. “W-‐‑wala.
Napapalakas lang ang sipa.” Sa narinig ay agad na iginilid ni
Rommel ang kotse sa kalsada at tuluyang pinatay ang makina. Pagkatapos ay
lumingon ito sa kanya na nagtataka sa ginawi nito. “P-‐‑puwedeng
hawakan?” excited ang tinig na tanong nito. “Hindi ko pa siya nararamdaman, eh.” Bilang
sagot, dinampot niya ang isang kamay ni Rommel at iginiya patungo sa katambukan
ng kanyang tiyan. Nanlaki ang mga mata nito nang maramdaman ang munting puwersa
mula sa loob. Tila bata itong humagikgik nang bumukol ang isang parte ng
katawan ng sanggol sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan. At sa pagkagulat ni Jam,
may isang hikbing tumakas sa lalamunan nito. Nang mag-‐‑angat siya
ng mukha, nakita niyang nangingislap ang mga mata ni Rommel sa pinipigil na
luha. “Thank you,” pabulong
na wika nito nang ilapit ang mukha sa kanya. At bago pa nahulaan ni Jam ang
binabalak nitong gawin, naramdaman na niya ang init ng hininga nito sa kanyang
pisngi, ang kalambutan ng mga labi against her own. Minsan pa, tumigil ang
kanyang mundo sa pag-‐‑ikot, taliwas sa kanyang pusong naghahabulan sa
pagtibok. Umangat ang mga kamay ni Jam, nangunyapit sa batok ni Rommel at
tuluyang nagpakupkop sa anino ng minsan nilang kasalanan. But good things never
last. Nang bumitaw si Rommel sa mga labi niya upang lumipat sa gilid ng kanyang
leeg, patulak itong iniwasan ni Jam. Agad naman nitong naramdaman ang
pagbabago, ipinatong nito ang mga kamay sa manibela at nagbubuntung-‐‑hiningang
tumanaw sa malayo. “Bakit ka pumayag, Jamaica?” mahinang tanong nito. “Why did you
really go to bed with me?” Dahil mahal kita. . paulit-‐‑ulit
na sagot ng puso niya. Ngunit muli, iba ang lumabas sa kanyang bibig. “I told you why, Rommel. Alam ko ang lahat ng pros and cons about
sex, but despite of my knowledge, I never realized how emotions could govern
the act.” “Making love,” pagtatama nito, his voice firm and serious. Pagak na tumawa si
Jam. “We weren’t making love, Rommel. Even you, said so.” “Yes, we were. I
lied. Whether love is a fleeting emotion or a more lasting one isn’t the point.
Ginawa natin iyon out of emotional need.” “Physical.” Kumislap ang galit sa mga
mata nito nang bumaling sa kanya. “Emotional.” “Why are you defending what we
did?” Natigilan ito, pagkuwa’y muling nagbuntunghininga. “Hindi ko alam,” sagot
nito. “But I do know you look exhausted. Let’s go home, Darling.” “Oh, Rommel!”
malungkot na bulalas ni Jam. “Stop calling me that. There’s no one around,
specially someone who can inform Di how `happy’ a couple we are.” Nagyeyelo ang
tinging ipinukol sa kanya ni Rommel. “Di has nothing to do with us.” “Wrong. I
have nothing to do with you two. Kaya’t kung ibig mo siyang pasakitan, not
through me, Rommel, please. Minsan na akong pumayag na magpagamit sa iyo so you
can redeem your ego at ito ang naging resulta.” Hinaplos niya ang tiyan. “Huwag
na tayong maghanap ng karagdagang problema.” “You’re right about one thing,
ginusto kong isalba ang pride ko sa mga mata ng tao. Pero kahit kailan, hindi
ko inisip na pasakitan si Di.” “Are you trying to tell me na wala ka nang
feelings sa kanya. . o ayaw mo siyang pasakitan dahil mahal mo siya?”
“Imposible kang kausap!” naiinis na ring sagot nito. “You sound like a jealous
wife!” “I just don’t want to be used at your convenience. Ngayong ‘mag-‐‑asawa’ na tayo sa mata ng pamilya ko, please be discreet about your
affairs. Mahilig mag-‐‑mall si Joya. Ayokong mapagdudahan na naman tayo ni
Mommy kapag nakita ka ng kapatid kong may kasamang iba,” pasaring niya. Isang
bagay iyon na matagal na niyang itinatago sa dibdib at ngayo’y nagkatsansang
sumambulat. “I’ve never seen Di since that debut party!” “Humahaba na ang ilong
mo, Rommel.” “I’m not lying!” Marahas siyang bumaling dito. “I’ve seen you
once, sa food court. In fact, bago ko natuklasang buntis ako. You were laughing
with her as if kayo lang ang tao sa mundo.” “Oh, yes,” sa wakas ay pag-‐‑amin
ni Rommel pagkatapos ng ilang sandaling pag-‐‑iisip. “But it
was unintentional. Nagkasalubong kami, nagyaya siyang magmeryenda. Nagpaunlak
ako para tuloy ay makausap siya about that issue na ipinarating niya sa kapatid
niya—kay Dean Pelaez—tungkol
sa iyo.” “Sinita mo
siya.. at nagtawa siya sa halip na dumipensa?”
nanunuyang tanong ni Jam. “You don’t know
her. She treats everything like a joke. She’s a brat.
. and everybody who knows her can attest to that.” Umismid
siya. “Kung totoo iyan, bakit dinala mo ako sa
parlor na pinupuntahan niya? Bakit mo ibinandera ang pagbubuntis ko kay Joshua
when I don’t even know the man?” “I was proud to have you. That’s all there is
to it!” “Have me?” patuyang ulit niya. “Masyado kang assuming. I gave myself to
you, Rommel, but you never had me.” Daig pa ni Rommel ang sinampal. “You’re
always giving me hell about something, Jamaica,” pagkuwa’y sabi nito sa malamig
na tinig. “Why don’t you add that one to your list of my sins?” Padabog na binuhay
nito ang makina ng kotse at walang sabi-‐‑sabing pinasibad ang sasakyan.
CHAPTER NINE
EXCITED si Rommel sa kanyang plano. Nag-‐‑half
day lamang siya sa trabaho dahil batid niyang naka-‐‑schedule ang
paggo-‐‑grocery
ni Jam nang araw na iyon. Sinadya niya ring iwanan ang kotse sa parking lot ng
opisina upang hindi agad malaman ni Jam na nasa condo na siya. Binilinan niya
ang clerk sa lobby. “Pagdating ni Jam, pakitawagan ako sa
itaas. I want to surprise her.” “Yes, Sir.” Napangiti ang babae nang makita ang
bulaklak na kasama sa maraming plastic bags na dala niya. Matapos ilapat sa
kitchen counter ang mga pagkaing in-‐‑order sa Barrio Fiesta, sinimulan
niya ang paghahanda ng mesa. Naglagay siya ng scented candle sa candle holder
na regalo ni Joya kay Jam nang minsang dumalaw ang buong pamilya ni Jam sa
condo. Ipinuwesto niya ang pasadyang cake sa gitna ng hapag. Mas maganda sanang
sa gabi ganapin ang okasyong iyon, ngunit dahil nasa bahay lamang si Jam, wala
siyang pagkakataong ihanda ang sorpresa. Para tuloy children’s party, naisip niya, nang alas-‐‑tres pa lamang ng hapo’y maihanda na ang lahat. Naligo siya pagkatapos at nagpalit ng
damit. Naupo siya sa sofa, tangan ang nangungupas nang larawan na nalaglag mula
sa pagkakaipit sa aklat na naiwan ni Jam sa ibabaw ng TV sa sala. Larawan niya.
Nila ni Jam. It was a picture taken several years ago. Batang-‐‑bata
pa silang tingnan. Estudyante pa si Jam, in fact ay suot pa nito ang uniporme
sa Adamson University. Isang larawan iyong nagdulot kay Rommel ng palaisipan.
They’ve met more than eight years ago, subalit
minsan lang. Paano mangyayaring makuhanan sila ng larawan kung nang mga
panahong iyon ay ni hindi nito alam ang pangalan niya? At nakayakap pa man din
siya sa dalaga! And if his memory served him right, sa kuhang iyon ay si
Bettina ang kasama niya, isa sa mga babaeng naging girlfriend niya during
college days. Iisa ang paliwanag na nahagilap ni Rommel, paliwanag na
nakumpirma nang ipasuri niya ang larawan sa kaibigang propesyonal na
litratista. The picture was a counterfeit—dalawang magkahiwalay na litratong
pinagpatong at muling kinunan. In fact, kung pakakasuriing mabuti, mapapansin
pa ang malalabong linya na bakas ng pagkakayupi o pagkakatiklop sa larawan.
Kung papaanong napunta kay Jam ang larawan nila ni Bettina’y hindi na mahalaga.
Ang importante’y ang konotasyon ng ginawa nito. Para pag-‐‑ingatan
nito sa posesyon ang larawan sa loob ng napakatagal na panaho’y isa lang ang ibig sabihin. Mahal siya ni Jamaica. Matagal nang
minamahal, kahit noong mga panahong hindi pa nito alam ang pangalan niya.
Kontento siyang nagbuntunghininga, his chest filled with anticipation sa
pagdating ng dalaga. . MULA nang mahayag sa mga magulang ang pagdadalantao,
tila lobong hinipan ang tiyan ni Jam. Nasa ika-‐‑anim na buwan pa lang ang
ipinagbubuntis niya’y nahihirapan na siyang kumilos dahil
sa bigat ng dinadala. Kaya’t gayon na lamang ang pagkagulat ni
Eric nang magkasalubong sila sa supermarket. Pagkagulat na agad ding
nahalinhinan ng katuwaan. “Long time no see.” Excited na lumapit sa kanya ang binata. “Ewan ko sa iyo,” may
pagtatampong sagot niya. “Ikaw ngàtong sukat nawala na lang.” “It was for the
best.” Lumamlam ang ngiti ni Eric. “Baka mapagselosan na naman ako ni Rommel,
mahirap na.” Nagbuntunghininga ito at inako ang pagtutulak niya sa cart.
“Natuloy ba ang kasal n’yo?” “Civil pa lang,” pagsisinungaling niya. Iyon din
ang pagkakaalam ni Yolly at ng mga taong nakakakilala sa kanya. “Mahirap naman
kasing mag-‐‑martsa sa simbahan kung ganitong kasinglaki na ako ng
aparador.” “Pregnancy suits
you. Lalo kang gumanda. .” “May naririnig ba akong pero, Eric?” Tumaas ang
isang kilay ni Jam. Nag-‐‑atubili ito sa pagsagot. “You’re not exactly the picture of a woman
in love.” Walang iritasyong nagbangon sa dibdib ni
Jam. Sa halip, isang mapaklang ngiti ang ibinigay niya rito. “I am very much in love, Eric.” Naglagay
siya ng ilang latang gatas sa push cart. “You used
to be so.. spirited. But now, kahit ang mga mata mo’y walang
buhay,” prangkang sabi nito. “Sino ba ang nagsabing kapag in love ang isang tao, happiness
necessarily follows?” nakangiwing tanong ni Jam. At naintindihan ni Eric ang
mga bagay na hindi sinabi ng kanyang bibig. May pag-‐‑unawa—at awa ba sa mga mata nito nang tumitig sa kanya? “Kailan pa kayo huling nagkita ni Yolly?” nag-‐‑
iwas ng tinging tanong niya. “Two weeks ago.
On leave siya ngayon. Dumating kasi si Vincent, eh.” “Ang loka. Nakalimutan na yata ang chocolates ko.” “May pupuntahan ka ba pagkatapos mong
mag-‐‑grocery?” paibang tanong nito. Nagkibit siya ng balikat. “What’s on your mind?” “Coffee?” “Sige.”
Matapos bayaran ang pinamili’y ikinarga na nila ang mga bag sa likod ng
segunda-‐‑manong kotse ni Eric. May dalawang oras pa siya bago
umuwi. Just in time sa paglabas naman ni Rommel sa opisina. Bumagsak sila sa
isang coffee shop na katabi lamang ng supermarket. Dahil matagal-‐‑tagal
ding hindi nagkita, hindi matapus-‐‑tapos ang kuwentuhan nila ni
Eric. At katulad ng dati, naririto pa rin ang kakayahang patawanin siya. Sa
kaunting sandaling nagkasama sila nito, halos nalimot niya ang problema. Halos.
Ngunit hindi ganap. At katulad ng dati, sensitibo pa rin si Eric. Hindi
nalingid dito ang kanyang dinaramdam. “Kung may maitutulong lang sana ako sa
problema mo. .” basag nito sa katahimikang bumabalot sa kanila habang
bumibiyahe. Nag-‐‑ alok itong ihatid siya sa condo at pumayag siya,
tutal naman ay tiyak na wala pa si Rommel sa bahay. “Your
presence means a lot, Eric,” sinserong sabi ni Jam dito. “Kung puwede lang akong makipagpalit ng lugar sa kanya. .” sabi nitong ang tinutukoy ay si Rommel. Mapait siyang ngumiti.
“Kung puwede nga lang bang mamili ang puso, de ikaw na lang sana. Wala sanang
problema.” “You can’t say that,” sagot ni Eric. “Sabi mo nga, hindi laging
happiness ang karugtong ng pag-‐‑ibig. Mas madalas, may hila-‐‑hila
iyang problema. Nasasaktan ka. Nagseselos ka. Nagrerebelde. Kapag hindi
nakatiis, nauuwi sa away. . o sa hiwalayan. Ke si Rommel o ako ang sinuwerte sa
iyo, hindi ka pa rin makaliligtas sa komplikasyon.” Nilimi
niya ang mga sinabi ni Eric, at hindi na kumibo pagkatapos. Paano ba niyang
sasabihin dito na kakayanin niyang lahat ang mga sinabi nito. . kung sana’y
hindi lang siya ang nagmamahal? LUMAKAD ang kamay ng orasan. Unti-‐‑unti
nang nakadarama ng pagkainip si Rommel. Pagkainip na nang maglao’y nahalinhan ng pag-‐‑ aalala. At pag-‐‑aalalang
nauwi sa pangamba. Nasaan si Jam? May nangyari ba rito? Tumunog ang telepono.
Parang may spring sa pang-‐‑upong biglang napatalon si Rommel
palapit sa aparato. “Sir?” Tinig
iyon ng clerk sa lobby. “On the way na ho si Ma’am.” Nakahinga siya nang maluwag. “Salamat.” “Eh. . Sir,” habol
ng clerk. “May kasama siyang lalaki.” “Lalaki?” Hindi na niya nahintay ang
reaksiyon ng kausap dahil nakarinig na siya ng mga yabag at tinig mula sa
labas. Mabilis niyang ibinaba ang telepono sa katangan at tinungo ang pinto.
NARATING nila ang parking lot ng condo. Matamlay na bumaba ng sasakyan si Jam
at tinungo ang likuran ng kotse. Tinulungan siya ni Eric sa pagbababa ng mga
grocery bags sa may pintuan ng lobby. “Hindi ka na ba papanhik?” “Huwag na
lang,” tanggi nito. “Baka magpang-‐‑abot pa kami ni Rommel,
madagdagan lang ang problema mo.” Sumulyap si
Jam sa relong panggalang. “Alas-‐‑singko pa lang naman, mayamaya pa
ang dating n’on. Besides, matitiis mo bang ako ang
magpanhik ng mga ito sa itaas?” Sinulyapan
niya ang apat na malalaking grocery bags. “Nangunsensiya
ka pa,” natatawang sabi ni Eric at binitbit na ang
mga bag sa magkabilang kamay. “Halika na nga.” Sumakay sila sa elevator at nagpahatid sa ika-‐‑
limang palapag kung saan naroroon ang condo unit. Nagbibiruan pa sila nang
susian ni Jam ang doorknob. Pagbibiruang agad na naputol nang hindi pa man
naitutulak ay may humila nang pabukas sa pinto. At tumambad sa kanila ang
madilim na anyo ni Rommel. HINAMIG ni Jam ang takot na pumupuno sa dibdib.
Bakit ba siya matatakot dito? Wala siyang ginagawang masama. . at hindi niya
kasalanan kung sadyang marumi ang isip nito. “This is Eric,” nagpapakakaswal na
pagpapakilala niya sa dalawa. “Eric, he’s my husband.” “We’ve met, at last.” Si
Rommel ang unang nagsalita. Kinuha nito ang grocery bags na bibit ni Eric at
inilapag sa gilid ng pinto. “Why don’t you come in? Celebrate with us.”
Nagtatakang lumipad ang tingin niya kay Rommel. Hindi niya inaasahan ang mabait
na tinig nito. At anong selebrasyon ang tinutukoy nito? “May okasyon ba?”
Isinatinig ni Eric ang tanong sa isip ni Jam. “I have Jam.” Masuyo siyang
hinila ni Rommel sa tabi nito at inakbayan. “Hindi pa ba sapat na reason iyon
to celebrate?” Nagsalubong ang tingin ng dalawang lalaki. Pagkaraan ng ilang
sandali, Eric smiled softly. “I agree,” ayon nito. “But I can’t join you. May
dinner date ako tonight and I have to prepare.” Nagpasalamat si Jam kay Eric
nang magpaalam na ito, all the while wondering kung ano’ng nakain ni Rommel at
umaarte ng kakatwa. Kahit nang tuluyan nang mawala si Eric sa eksena’y nanatili
pa rin ang hinahon sa tinig nito. In fact ay lalo pa ngang nagkaroon ng giliw
ang pakikitungo nito sa kanya. “Okay, Rommel,” hindi nakatiis na bulalas ni
Jam. “What’s the matter?” “What do you mean?” nagmamaang-‐‑
maangang balik nito, hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa kanya. “Stop being nice. It doesn’t suit
you. Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit kasama ko si Eric?” “It doesn’t matter.
He’s just your friend, I realized that now.
Maybe he loves you, but you. . you love someone else.”
Kinakabahang napatingala si Jam dito. Napaghahalata na ba siya ni Rommel? Nang
magtama ang mga mata nila’y hindi siya nakatiis. Agad siyang
nagbaba ng mukha. “Pinag-‐‑aaralan mo na rin bang magbasa ng
isip?” sarkastikang tanong niya rito. “Because I’m telling you, you’re reading
me wrong.” “Mamaya mo na sabihin sa akin iyan. Right now, come. May inihanda
akong sorpresa para sa iyo.” Nagpatianod na lang si Jam nang akayin siya ni
Rommel patungo sa kusina cum komedor. Dinadaig din kasi siya ng kuryosidad.
Napakunot ang noo niya nang tumambad sa paningin niya ang mga nakahaing putahe
sa mesa. “What is this?” baling na tanong niya rito. “Birthday mo?” Tumawa si
Rommel at inakay siyang palapit sa mesa. “Let the cake talk.” Daig pa ni Jam
ang nakakita ng multo nang mabasa ang mensaheng nakasulat sa ibabaw ng cake.
Marry me, Jam. “I love you.” Gumapang ang maliliit na kilabot sa balat niya
nang maramdaman ang mainit na labi ni Rommel sa tapat ng kanyang tainga. “You
don’t mean that,” umiiling na sagot niya, mahina. “But I do.” Hinawakan siya ni
Rommel sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito. “Pinilit kong paglabanan
dahil alam kong hindi ko maibibigay ang kailangan mo.” “And what is that, if I
may ask?” Itinaas niya ang isang kilay. “Marriage.” Umangat ang isang kamay
nito, his fingers tracing a line to her mouth, parting her lips, grazing her
teeth. “You are a woman meant for marriage, and I’m not the one for you, or so
I thought. Binago mo ang paniniwala ko, Jam. Inalis mo ang takot sa dibdib ko.”
“Takot?” nagtatakang ulit niya. “Na makulong sa pagsasamang walang pag-‐‑
ibig. Katulad ng nangyari sa mommy mo.. at sa sariling mga magulang ko,” pagtatapat nito. “But what the
hell. I love you. And the only way I can keep you is to marry you.” “Keep me,
Rommel, or keep my child?” Umangat ang isang gilid ng labi niya. “I know you
accepted my word that this is your baby at alam ko rin na ngayon lang, you are
ready to love her.” “Him.” “Her,” madiing ulit ni Jam, “hindi pa man siya
naisisilang. But that doesn’t mean you love me.” “But I do. I need you to
believe that, Darling” “If you do, you should have pushed for this earlier. Sa
simula pa lang, you would have wanted me as your wife. No. This is just a gut
reaction to fatherhood. Don’t worry, Rommel, it will pass.” “Is that a
psychologist’s analysis?” patuloy ito sa panunukso, tinutukoy ang trabaho niya
sa St. Therese bilang guidance counselor. “Stop patronizing me!” angil ni Jam.
“I wouldn’t dare.” Ipinamulsa ni Rommel ang isang kamay, ang isa pa’y inilapat
sa kabilugan ng kanyang tiyan. “But this baby is ours. I planted this seed when
we made love. Dalawa tayong bumuo sa kanya. And I want us to raise and love
him.” “Her.” “Or her,” patianod nito, “together. I love you, and I love the
baby. Ano ang mali roon?” “Listen to yourself, Rommel. You want, you need, you
love. Hindi mo man lang ba iko-‐‑ consider kung ano ang
nararamdaman ko?” naiiling na tanong niya, puno ng
panunuya ang tinig. “What do you feel, Jam?” “I don’t love
you.” May tumudlang galit sa mga mata nito. “You’re lying and I can prove that.” “Go ahead and try,” hamon niya. Mula sa bulsa ng pantalon ay hinugot ni Rommel ang
pitaka. Inilabas nito ang larawang ilang araw na ring nawawala sa kanya. Hindi
na niya iyon kailangang tingnan. Sapat na ang kontentong ngiti sa mga labi nito
upang makumpirma ang hinala. Namumutlang nag-‐‑iwas ng tingin si Jam. “Tell me again, Jam. Am I reading you wrong?” Hindi siya nakasagot, bagkus ay tahimik lang na tumulo ang
luha. Ibinigay niya ang lahat kay Rommel, puso, katawan, kaluluwa. Kailangan ba
niyang isuko pati na dignidad niya? “Give us a
chance, Jam,” nakikiusap na sabi nito. “I love you. And I’m willing to do
whatever it takes to prove that.” Malungkot
siyang umiling. “The depth of love that I need for a marriage is foreign to
you.” “We’ll see, my darling. We’ll see.”
CHAPTER TEN
“ANO’NG nangyari?” Mababakas ang pagkataranta sa mukha ni Cely nang sumugod sa ospital. “She’s in labor right now,” sagot ng takot na takot ding si Rommel. “I can’t understand, hindi pa siya naka-‐‑due. She’s only more than seven months pregnant!” “May pressure ba o tension na nagpahilab sa tiyan niya?” Umiling si Rommel. “Wala ho. Masaya pa nga naming pinagtatalunan ang kulay ng ipipintura sa nursery nang bigla siyang duguin. She wants it pink, I want it blue. Pero hindi kami nag-‐‑aaway.” Matamang pinagmasdan ni Cely ang “manugang.” Sa kabila ng batid niyang paghihirap ng anak, nakadama pa rin siya ng tuwa. Ngayon siya naniniwalang mahal nga ni Rommel si Jam. Sa ayos ngayon ng lalaki, mukhang makikipagpalit ito ng puwesto sa “asawa” kung posible nga lamang. “Ordinaryo lang ang ganyang kaso, Hijo,” pangongonsola ni Cely. “Ipagpasalamat na lang natin na pitong buwan lang ang ipinagbubuntis ni Jam. Malaki ang chance na mabuhay ng anak n’yo kaysa kung manganganak siya sa ikawalong buwan.” Nagbuntunghininga ito. “Nagdala ka ba ng mga gamit?” “H-‐‑hindi na ho naasikaso. Nataranta na ako nang makita kong dinudugo siya.” Dinukot nito ang susi ng condo sa bulsa. “Mom, kung pupuwede ho, kayo na ang bahalang kumuha ng gamit. H-‐‑hindi ko ho kayang iwan si Jam.” Ngumiti si Cely kahit inaatake rin ng nerbiyos para sa anak. “Ipanatag mo ang kalooban mo. Malakas si Jam. Kakayanin niya, Hijo.” PERO hindi ordinaryo ang kaso ni Jam. Natuklasan iyon ni Rommel nang kausapin siya ng doktor pagkatapos ng mahigit dalawang oras niyang paghihintay. “Leslie.” Tumayo siya nang lumabas ang kaibigang OB-‐‑GYNE sa delivery room. “Kumusta si Jam?” “I have some bad news, Rommel,” maingat na sagot nito. “She’s not doing fine. There’s a danger of hypobolemic shock kapag hindi natigil ang bleeding niya.” “What do you mean? And please, don’t use clinical terms at hindi ko maintindihan!” Halos sumigaw na siya sa labis na takot. “Suhi ang bata; but worse, nakaikot sa leeg nito ang umbilical cord. Marami nang dugo ang umagas kay Jam, but we can’t do ceasarean dahil naka-‐‑expose na ang puwit ng bata. I’m sorry, Rommel, but I’m afraid you have to make a choice. It’s either the mother, or the child.” Pakiwari ni Rommel ay umikot ang paligid. Bumuway ang pagkakatayo niya hanggang tuluyan siyang mapasandal sa pader ng pasilyo. Lalaki siya, ngunit hindi na siya nahiya. Hindi na niya alintana ang mga taong napatingin nang mangibabaw ang malakas niyang pag-‐‑iyak. SA MABILIS ngunit malinaw na paraan, ipinaliwanag ni Leslie ang sitwasyon ni Jam. Kung pipiliin niya ang “asawa,” puputulin ang umbilical cord sa loob ng tiyan nito, bagay na maaaring ikamatay ng sanggol. Kung pipiliin niya ang anak, Jam will undergo a very painful laceration kung saan kailangang baliin ang isang buto sa puwerta nito upang maalis ang pagkakaikot ng umbilical cord sa leeg ng sanggol. At dahil marami na ngang dugong nawala kay Jam, she could easily die from hemorrhage or severe pain. Mabilis na tinimbang ni Rommel ang sitwasyon sa isip, nakikipaghabulan sa panahon. Mahal niya si Jam. Mahal niya ang anak nila. Ngunit kung pipiliin niya ang sanggol, magiging mabuti ba siyang ama kung buong-‐‑buhay niyang ipagluluksa ang ina nito? Nagdesisyon na si Rommel. “D-‐‑don’t let her die, Leslie. K-‐‑kahit na ano ang m-‐‑mangyari, huwag mong p-‐‑pababayaan si Jam.” SI ROMMEL ang agad na nabungaran ni Jam nang pagsaulian siya ng malay pagkaraan ng mahigit na isang araw. Malungkot ang mga mata nito, ngunit agad na gumuhit ang maluwang na ngiti sa mga labi nito nang idilat niya ang mga mata. “Ano ang anak natin?” ang agad na tanong niya sa tinig na namamaos pa. “B-‐‑babae.” Mahinang tumawa si Jam. “I win.” “Yes, you did.” Saglit niyang ipinikit ang namimigat pang talukap ng mga mata at muling dumilat. “G-‐‑gusto ko siyang makita,” aniya. Hindi agad nakasagot si Rommel. Napatingin ito sa direksiyon ni Cely na nasa kabilang panig ng kama, tila humihingi ng tulong. “R-‐‑Rommel. . m-‐‑may problema ba?” Nagkaroon siya ng hindi magandang kutob. Animo’y may mabigat na nakadagan sa dibdib niya. “H-‐‑hindi pa maaari, Anak.” Si Cely ang sumagot. “M-‐‑mahina ka pa. Hindi mo rin naman siya m-‐‑mahahawakan dahil. .” Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil hindi na nito napigil ang sarili. Nangyari ang pinangangambahan ni Rommel. Tuluyan nang napahagulgol ang ina ni Jam. “M-‐‑mommy. . a-‐‑ano’ng nangyari sa anak ko?” Agad ding tumulo ang mga luha sa pisngi niya. “I-‐‑is she dead?” Umiling si Rommel at nagpasyang sabihin na ang totoo. Lalo lamang mahihirapan ang kalooban ni Jam kapag hindi nito naihanda ang sarili. “No, she’s not, Darling,” masuyong sabi ni Rommel, tears gleaming in his eyes. “Nasa. . nasa incubator siya dahil. . dahil mahinang-‐‑mahina ang pintig ng puso niya.” “I-‐‑is she going to die?” “Let’s hope not.” Hinaplos ni Rommel ang noo niya. Kung maaari nga lang nitong ipangako kay Jam ang ibig nitong marinig. . ngunit ayaw siya nitong bigyan ng maling pag-‐‑asa. “Let’s hope not.” SAKAY ng wheelchair, pinayagan ng mga doktor na makita ni Jam ang sanggol sa ICU. Muling tumulo ang luha niya nang makitang napakaraming karayom at tubong nakakabit sa munting katawan nito. Nang hindi makatagal sa nakita, nanggigipuspos siyang yumupyop sa tiyan ni Rommel. “I-‐‑I’m sorry, Rommel.. ” mahinang sabi niya, pahikbi. “L-‐‑lahat ng paghihirap mo sa akin, nabale-‐‑wala.” “Huwag mong sabihin iyan,” saway nito sa masuyong tinig. “Buhay pa ang anak natin, huwag kang mawalan ng pag-‐‑asa.” “But she might die.” “Yes,” mapait na amin nito. “S-‐‑sana’y ako na lang ang—” “Sshhh,” bulong ni Rommel na tuluyan nang tumalungko sa harap ng wheelchair ni Jam. “K-‐‑ kung mawawala ang anak natin, I’ll be sad. Masasaktan ako. . at iiyak. But I don’t want to be sorry. . dahil. . dahil buhay ka. “Kung ikaw ang mawawala, Jamaica, hindi ko makakaya. Magiging kawawa lang si Baby kung lalaki siyang walang kagigisnang ama.” Tuluyan nang yumakap si Jam sa mga balikat ni Rommel habang ang mga luha’y patuloy pa rin sa pamamalisbis. Yes, she believed him. Mahal siya ni Rommel. Ngunit hindi niya makuhang magsaya. Bakit kailangang mapatunayan niya ang pag-‐‑ibig nito kung ang maaaring maging kapalit ay buhay ng kanilang anak? EPILOGO BUMILING si Jam sa pagkakahiga at naalimpungatan nang hindi niya makapa ang asawa sa tabi. Pupungas-‐‑pungas siyang nagbangon, mahilo-‐‑hilo pa sa ilang araw na pagpupuyat dahil madalas na kinakabagan si Jaymie. “Darling?” tawag niya kay Rommel. Walang sagot. Tuluyan na siyang lumabas ng silid at lumipat sa nursery room. Bumuglaw sa paningin niya ang bakanteng kuna. Sa tabi nito’y natutulog si Joya na nagprisintang maging yaya ni Jaymie kapag wala itong pasok sa eskuwela. Maingat niyang isinara ang pinto at tinungo ang sala. Doon niya dinatnan ang mag-‐‑ama. Kilik ni Rommel ang naghihikab nang anak at tila ito sundalong nagma-‐‑martsa sa paligid ng rebulto ni Rizal. Napangiti si Jam at saglit na pinagmasdan ang dalawa. Sa kanilang mag-‐‑asawa’y si Rommel ang mas aligaga sa anak. Ito ang bumabangon sa madaling-‐‑araw upang magtimpla ng gatas, ang nagpapalit ng diaper kapag puno na. Tila ba naging panata nitong pagsilbihan ang anak na inagaw nila sa kamatayan. Sa laki ng pagmamahal nito kay Jaymie, ngayon pa lang ay gusto na niyang maawa sa kung sinumang binata na magtatangkang humingi sa kamay ng kanilang dalaga. “Ano’ng nginingiti-‐‑ngiti mo riyan?” sita ni Rommel na nakamalay rin sa kanyang presensiya. “Bakit hindi ka pa natutulog?” “I was asleep nang marinig kong nagpapalahaw ang anak mo,” sagot nito. “Tili nang tili, manang-‐‑mana sa iyo. Hindi kayang patahanin ni Joya.” “Kanina iyon. Tulog na siya. Ibalik mo na si Jaymie sa nursery at may ka-‐‑meeting ka pa bukas.” “Mauna ka na, susunod na ako.” At itinuloy nito ang pagmamartsa. Hindi kumilos si Jam sa kinatatayuan. Nagtatanong na tumaas tuloy ang mga kilay ni Rommel nang muli siyang mabalingan. “Hindi ako makakatulog kung wala ka.. ” malambing niyang sabi. “Hindi pa mahimbing si Jaymie, eh. Baka magpalahaw na naman kapag ibinaba ko.” Pilya siyang ngumiti at lumapit dito. “Sige, good-‐‑night kiss na lang.” Yumuko si Rommel upang umabot ng halik sa mga labi niya, ngunit hindi niya na ito binitiwan. Nangunyapit pa si Jam sa batok nito at pinagapang ang mga labi sa leeg ng asawa. Dama niya ang pagkatensiyon ng mga kalamnan ni Rommel. Ang pananayo ng mga balahibo nito sa braso. Lalo niyang idiniin ang namamasang labi sa balikat nito. “Jam. . what are you doing?” hirap na sa pag-‐‑ hingang tanong ni Rommel. “Nagpapapansin?” Mapanghibo ang kislap sa kanyang mga mata. “B-‐‑baka hindi pa puwede.” “I’m fine,” paniniyak niya rito. “Puwede na ngang sundan si Jaymie.” “Wala kang kadala-‐‑dala, `no?” Natawa ito. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga kindat ni Jam, ngunit hindi na hinintay ang sagot nito. Sa halip ay patalikod siyang humakbang, nakaharap pa rin kay Rommel, habang isa-‐‑isang binubuksan ang mga butones ng pantulog niya. Ilang ulit na napalunok si Rommel habang pinagmamasdan ang asawa. Pagkuwa’y mabilis itong kumilos upang ibalik na ang anak sa nursery. Ngunit nang ibaba ni Rommel si Jaymie sa kuna, nagpalahaw nga ng iyak ang bata. Napabalikwas si Joya na nagulat sa tili ng pamangkin. “Ini-‐‑spoil mo kasi, Kuya,” reklamo nito, “pagdusahan mo iyan!” “Tatahan iyan kapag binuhat,” sabi ni Rommel. “De buhatin mo,” naghihikab na sagot nito at akmang babalik na sa pagtulog nang muling magsalita si Rommel. “Dadagdagan ko ng five hundred ang allowance na bigay ng ate mo, pero huwag kang maingay, ha? Magagalit iyon.” Sa narinig ay agad na bumangon si Joya. Abot sa magkabilang tainga ang ngiti nito nang buhatin ang sanggol na agad ding tumahan nang makadama ng init ng kapwa katawan. “Kung ganyan ba nang ganyan.. ” PERO nang pumasok si Rommel sa silid, kampante nang nakahiga si Jam sa kama, maayos na suot ang pantulog at mahina nang naghihilik. Sumampa si Rommel sa gilid ng kama at pilit na inaalis ang braso ni Jam na nakatakip sa mga mata. “Huwag mòkong tulugan!” Umungol si Jam at tumalikod. “Sabi mo, ayaw mo. Inaantok nàko.” Nagbuntunghininga si Rommel. “Siya, sige. Matulog ka na.” Ngunit bumaba naman ang mga labi nito sa batok ni Jam habang ang mga kamay ay abalang humihila pataas sa pantulog niya. “Rommel. .” Nahigit ni Jam ang paghinga sa pamilyar na sensasyong sumisirit sa kanyang mga ugat. “Hmmm?” Gumapang ang mga labi nito sa kalaparan ng kanyang hubad na likod. “Don’t laugh.” Seryoso ang tinig niya at marahil ay naramdaman iyon ni Rommel. Tumigil ito sa paghalik at pinihit siyang paharap. “What’s wrong?” tanong nito. “Ninenerbiyos ako. W-‐‑we did it once and. . it’s been so long. H-‐‑hindi ko na yata alam ang gagawin ko.” Sa kabila ng babala niya’y napatawa pa rin ito nang mahina. “Then I’ll teach you again, Darling. .” “Pero.. ” Hindi na siya pinabayaang makasagot ni Rommel. Pinutol na ng bibig nito ang anumang salitang ibig isatinig ni Jam, habang ang mga labi’y walang sawang naglalaro, nanunukso’t nagpapaalala sa kaluwalhatian ng gabing minsa’y pinagsaluhan nila. Ng gabing nakatakda nilang ulitin. . at ulitin. . at ulitin . .
WAKAS