AKO’Y PARA SA IYO
CHAPTER ONE
DALAWANG beses na naghikab si Deanne, pagkatapos ay bagot na isinandal ang ulo sa headrest ng sinasakyang kotse. Pinaikot muna niya ang kanyang mga eyeballs bago mariing pumikit. “Is this what I’ve been making a lot of fuss about, Leonie? The country life is simply not for me,” pagsesentimyento niya sa matalik na kaibigang nakaupo sa backseat. “Damn! Nasa biyahe pa lang ako, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung paano ako mag-‐‑a-‐‑adjust sa klase ng buhay na naghihintay sa akin sa Batangas.” Tila wala namang
pakialam na sinulyapan lamang si Deanne ni Leonie. Hindi nagkomento ang kanyang kaibigan. Alam kasi ni Leonie na kapag pinatulan nito ang paghihimutok niya ay lalo lamang siyang mae-‐‑encourage na ngumawa nang ngumawa tungkol sa mga bagay na kapwa nila batid na wala na siyang magagawa pa. “I have a very interesting job back in New York, so, damn! What am I doing, biting my nails in this car?” pagpapatuloy ni Deanne, sabay kagat sa square-‐‑tipped na kuko ng kanyang hintuturo. Hindi pa rin nagkomento si Leonie. Patay-‐‑ malisya itong nagbasa ng paperback na kinuha sa bumbon ng mga babasahin sa backseat. “I’m an organizational behaviorist, for goodness sake! Ano ang gagawin ko sa lugar na `yon? And after nine months, I can sell parts of the ranch. . but only to one person na ni hindi ko kakilala. Armida Bolivar, or something like that. Damn it!” pagmamaktol pa rin ni Deanne. Sa wakas ay nagsalita rin si Leonie, tila hindi na natiis ang pagiging ingrata ni Deanne. “Does it mean your grandfather will haunt you in your bed tonight?” pananakot nito, sabay palatak. “Ikaw na nga itong pinamanahan ng hacienda, ikaw pa itong galit. Sa lawak ng property nàyon, kahit magbuhay-‐‑prinsesa ka roon ay hindi ka magugutom.” Napamulagat si Deanne. “Buhay-‐‑prinsesa? Sa bukid? You gotta be kidding!” “Ano ba kasi talaga ang ipinaghihimutok mo?” Napabuntong-‐‑hininga si Deanne, lumungkot ang mukha. “Halata kasing may favoritism si Lolo, eh.” Sa wakas ay nailabas rin niya ang tunay na nasasaloob. Tumingin si Deanne sa labas ng kotse, hindi upang i-‐‑appreciate ang tanawin sa dinaraanan kundi upang ikubli sa kaibigan ang ekspresyon ng mukha. “Imagine, ako itong New Yorker pero sa akin niya ipinamana ang farm na nasa dulo pa yata ng mundo,” patuloy na himutok niya. “For goodness sake, ano naman ang gagawin ko do’n, ano? Surely, Lolo Venancio wasn’t actually expecting I’d keep it! He should’ve considered the thought that I would sell the farm. Wala sa dugo ko ang farming.” Nasabi ni Deanne iyon sapagkat ang yumao niyang ina ay naglayas mula sa Hacienda Valderama noong sixteen pa lang dahil ayaw nito sa buhay-‐‑bukid. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ang paniniwala ni Deanne ay biased ang yumaong don sa pagtingin sa kanilang magpipinsan. Ang kanyang ina kasi ang itinuturing na black sheep sa pamilya. “Thing is, isang tao lang ang puwedeng bumili n’on. Pero sino naman ang basta-‐‑basta na lang bibili ng ganoong property?” Humalukipkip si Deanne; busangot pa rin ang mukha. “Ekta-‐‑ ektarya ngang lupain, nasa dulo naman ng universe! Mabuti man lang sana kung nasa Manila iyon, o kahit sa Lipa City kaya. The real estate business law, you know. Location, location, location.” Para makaiwas sa pakikipag-‐‑usap sa kanya, kumuha si Leonie ng isa pang paperback mula sa kahon. Bumili talaga si Deanne ng dose-‐‑dosenang libro para ipanlaban sa matinding pagkabagot na tiyak niyang aatake sa kanya kapag nasa Sto. Toribio na siya. Nagpatuloy si Deanne sa pagrereklamo. “Look at Patricia,” tukoy sa pinsang-‐‑buo na kasing-‐‑edad niya. “Bakit sa kanya ipinamana ni Lolo ang chain ng department stores sa buong bansa? Pati ang Valderama Towers! Para tuloy lumalabas na tenant niya ako ngayon dahil nandoon ang unit ko.” Tulad niya, ulilang-‐‑lubos na rin si Patricia. Lumaki ito sa poder ng kanilang Lolo Venancio. “Tutal, lagi namang siya ang nasa farm kapag bakasyon sa school, bakit hindi na lang sa kanya ipinamana ni Lolo ang farm?” Mabilis namang binawi iyon ni Deanne nang ma-‐‑realize ang sinabi. “Sorry, Lolo,” mahinang usal niya. Napatingin si Deanne kay Leonie mayamaya. Nang mapansing tila absorbed ito sa binabasa, ang driver naman ang kanyang pinagbalingan. “Fair ba naman `yon, Mang Dado? Ang mga negosyo ni Lolo sa abroad, ipinamana niya kay Uncle Ronnie. Ang narito naman sa Pilipinas, kay Patricia. . at sa akin ang boring na farm na iyon?” Kiming ngumiti lamang kay Deanne ang matandang lalaki. Hindi ito nagkomento, sa halip ay itinutok ang pansin sa daan. Nang mapuna ni Deanne na walang interesadong makinig sa sentiments niya ay nagsalang na lamang siya ng CD sa kanyang discman. Pumailanlang ang musika at ang tinig ng isa sa mga paborito niyang contemporary singers na si Lou Reed. Mayamaya lamang ay napangiti na si Deanne sa mga titik ng awitin ng naturang mang-‐‑aawit. “Someday you’ll know you were loved,” pagsabay niya sa kanta. Mind-‐‑boggling, nasabi na lamang ni Deanne sa isip habang patuloy na pinakikinggan ang suwabeng boses ni Lou Reed. Hindi pa natatapos ang buong CD ay tulog na siya. ISANG marahang tampal sa balikat ang pumukaw sa pagkakahimbing ni Deanne. Namulatan niya ang nakangiting mukha ng kanyang pinsang si Patricia. “Hi,” masayang bati nito nang magdilat siya ng mga mata. “Welcome to Hacienda Valderama.” Isang mahabang hikab ang itinugon ni Deanne sa pagbati nito. Napansin niyang may kasama itong isang lalaki. “This is Ricky Hocson, close friend ni Lolo,” pagpapakilala naman ni Patricia rito. “May farm din siya,” pagpapatuloy nito. “Naroon sa kabilang ibayo.” “Hi,” kaswal na bati ni Deanne sa dalawa. Napatitig siya sa mukha ni Ricky. He definitely got the most kissable lips she had ever seen! They were, actually, too full and too red to belong to a man. Natahimik din sina Ricky at Patricia, kapwa nakakunot-‐‑noo sa pagkakatingin sa kanya. “De, look at that gargoyle,” excited na basag ni Leonie sa katahimikang namagitan sa kanilang tatlo. Itinuro nito kay Deanne ang isang bahagi ng malawak na bakuran kung saan ay may isang statue ng gargoyle na umiihi. Mula sa sex organ niyon ay may pumupulandit na tubig. “Cute, isn’t it?” dugtong pa ni Leonie. Eksakto namang pabalik na si Mang Dado mula sa pagpasok ng ilang dala-‐‑dalahan nilang magkaibigan sa loob ng old-‐‑fashioned style na villa. Kasunod ng driver ang dalawa pang lalaki na mga kawaksi. “Come on, let’s look around,” yakag ni Leonie na nagpatiuna na sa pag-‐‑ibis ng sasakyan. Nginitian nito si Patricia na ilang beses na rin nitong nakadaupang-‐‑palad sa mga family occasion na kinailangang daluhan noon ni Deanne. Pinilit ni Deanne na ngumiti sa dalawang nakatayo sa labas ng kotse. Nang masigurong bababa na siya ay pinagbuksan siya ng pinto ni Ricky. Napalunok si Deanne nang malanghap ang masculine scent nito sa kanyang pag-‐‑ibis. “Thank you,” simpleng sabi niya, hindi kababakasan ng ano mang bahid ng kakaibang nararamdaman sa presensiya ng lalaki. “We prepared a simple welcome party for you,” nakangiting saad ni Patricia. “Thanks,” pilit ang ngiting bigkas ni Deanne. Hindi na naman niya napigilang mapasulyap sa direksiyon ni Ricky. Matangkad si Ricky, towering almost six feet. Kahit tan ang kutis ng lalaki ay makinis naman. Ang mga pisngi ay namumula-‐‑mula gawa ng sinag ng araw. Sa suot ni Ricky na simpleng puting polo shirt at dark blue jeans, bakat na bakat ang muscles at ang magandang bone structure ng katawan nito. Almost perfect, she admitted to herself. Something was wrong with his face, though, naisip ni Deanne. Masyadong matangos ang ilong ni Ricky. Hindi niya tuloy masiguro kung naduduling ito sa init ng araw o dahil sa sobrang katangusan ng ilong. O baka naman sa beauty ko? Natawa siya nang lihim sa naisip. Ang may kakapalang mga labi ni Ricky ay pulang-‐‑pula na parang makopa, daig pa ang nilagyan ng lipstick. He’s not my type. Macho pero mukhang bakla, naisip tuloy niya. Ipinagpatuloy ni Deanne ang pagme-‐‑mental note sa features ng lalaki. Ang mga mata nito ay hugis-‐‑almond, at kay-‐‑lalim ng mga iyon kung tumingin. Nakakatunaw. Pakiramdam nga ni Deanne habang nakatingin ito sa kanya, nagje-‐‑ Jell-‐‑O na ang kanyang mga tuhod. Para siyang hinuhubaran. Ipinilig-‐‑pilig ni Deanne ang kanyang ulo, shaking all the traces of sleep from her mind dahil, for all she knew, baka nananaginip lang siya nang mga sandaling iyon. Nginitian niya ang dalawang kaharap. “Well, lalapitan ko lang ang friend ko. Mukhang na-‐‑love at first sight sa gargoyle nàyon.” “PARDON the sexy remark, Leonie,” sabi ni Deanne nang makalapit sa kaibigan. Pakiramdam niya ay nanghihina pa rin ang kanyang mga tuhod. “But he’s really gorgeous.” Napangiti si Leonie. “Napuna ko nga rin. But definitely he’s not your type. Or is he?” Naging suspicious agad ang expression ng mukha nito. “Of course not,” mabilis niyang sagot, nakangiwi pa. “He’s definitely not.” “He’s definitely not—or he’s definitely hot?” tudyo nito. “Not. Goodness naman, Leonida, ayoko ng promdi. Ayoko ng cowboy. If I wanted one, de sana nagka-‐‑boyfriend na ako noon sa Wyoming.” Noong high school si Deanne ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging exchange student sa isang rural high school sa naturang state. “Sus!” ingos nito. “Ang sabihin mo, mukhang sila ng pinsan mo.” Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang panunukso ni Leonie. “Pu-‐‑leeze!” sambit ni Deanne, sabay paikot ng mga eyeballs. “Let’s put it this way. Baduy siya, period. Goodness, look at his hair! Uso pa ba’ng gel ngayon?” Napahagikhik si Leonie. “Well, come on. Sabi ni Patricia’y may inihanda daw silang party para sa akin. I know where they hold parties here. Sa gawing likuran ng villa, malapit sa coffee plantation.” Hinigit niya ang kaibigan mula sa pagkakatalungko sa harap ng pervert na gargoyle.CHAPTER TWO
ANG SIMPLENG welcome party na sinabi ni Patricia
ay dinaluhan ng buong Hacienda Valderama. Naroroon ang bawat pamilya ng mga
magsasaka at katiwala sa hayupan. Nagulat si Deanne sa nadatnan. Ang akala niya
ay mga katulong lamang sa hacienda ang makakasalo niya sa meryenda. At hindi
nga pala meryenda ang maitatawag sa nakahain. Tatlong litsong baboy ang
nakahimlay sa tatlong mahahabang mesa. Sa dalawa pang mesa ay may nakahaing mga
minatamis at sariwang prutas na buhat mismo sa mga punong-‐‑kahoy
sa loob ng hacienda. Napakaraming putahe ang nakahain. “Patricia!” tawag ni Deanne sa pinsan. Gusto niyang mapasimangot nang
makitang masaya itong nakikipagbiruan kay Ricky. “Patricia.
.” Tila noon pa lang narinig ang pagtawag
niya. “Yes?” tanong
nito. Deanne did not like gatherings like this, lalo pa’t wala
naman siyang kakilala sa mga naroroon maliban kay Patricia, Leonie, at Mang
Dado. Ang kanina pang pinipigil ni Deanne na pagsimangot ay tuluyan nang
kumawala nang makita niyang magkaabrisete ang dalawang kanina pa niya palihim
na inoobserbahan. Ang ngiti sa mga labi ni Patricia ay unti-‐‑unting
napawi nang mapuna ang pagnguso niya. “Why, Deanne,
you don’t like it?” nag-‐‑aalala
nitong tanong. Palihim siyang siniko ni Leonie. Napilitan tuloy si Deanne na
plantsahin ang gusot na mukha. “W-‐‑well.
.” sabi niya na ang paningin ay lumilibot sa
mga nakahaing pagkain at mga nakangiting mukha sa paligid. “I. . I think it’s fine.” Tila nakahinga nang maluwag si Patricia. “Ricky and I thought
that this is the perfect time for you to meet these people. . and vice versa.
Once you take over the farm, magiging busy ka na. Baka hindi mo na ma-‐‑meet
ang pamilya ng mga farmer at mga katiwala rito. Well, they’ve all been longing to meet you.” Halos
hindi na rumehistro sa isip ni Deanne ang mga huling isinaad ng pinsan. At sila
palang dalawa ang may ideya nito, saloob-‐‑ loob ni Deanne. Napasulyap siya
kay Ricky. And there was that penetrating gaze again. Tuwing mapapasulyap si
Deanne sa lalaki, lagi niya itong nahuhuling nakatitig nang matiim sa kanya.
And his eyes are beautiful, pag-‐‑amin niya sa sarili. Totoong
parang naduduling si Ricky sa katangusan ng ilong, but they were such beautiful
eyes. The type that made your knees melt when you were being stared at by them.
And melt her knees almost did. At dahil doon, napakapit si Deanne sa braso ni
Leonie para kumuha ng suporta. Mamayang gabi, pangako ni Deanne sa sarili,
aaminin niya kay Leonie na crush niya si Ricky sa kabila ng kanyang naunang
pamimintas sa binata. Kailangang ilabas na ni Deanne ang damdaming iyon dahil
base sa kanyang mga naging karanasan, the more na itinatago niya ang kanyang
nararamdaman, the more na umuusbong iyon. The more she denied it, the more
transparent she became. At ayaw ni Deanne na maging katawa-‐‑tawa
kina Ricky at Patricia. Ricky was obviously Patricia’s
boyfriend, and she had no right to feel that way towards her cousin’s boyfriend. No, no. She would never let herself act like a
certified idiot. Kung bakit kasi naging guwapo pa ang baduy na promding ito!
“W-‐‑well,
it’s a good idea,” nasabi
na lamang ni Deanne. Hinila si Deanne ni Patricia sa braso at iginiya sa
pinakamahabang mesa. Isa-‐‑isa siyang ipinakilala nito sa
mga naroon. It was a novelty for her, ang pakikisalamuha sa mga magsasaka.
Nakita niya ang katapatan sa mga mukha ng mga magsasaka at naramdaman ang init
ng pagtanggap ng mga ito sa kanya. “Totoo nga pala
ang ikinukuwento sa atin ni Don Venancio, Adeling,” narinig ni Deanne na sabi
ng isang babae sa katabi nito. “Aba, eh, pagkaganda-‐‑ganda nga
pala ng anak ni Leonora!” Napakunot-‐‑noo si
Deanne. Ikinukuwento siya ni Don Venancio sa mga katiwala ng hacienda? “At mukha naman siyang mabait,” dugtong
ng isa pang ginang. “Sabi ni Ising may pagkasupladita raw.
Mukha namang hindi.” Lalo siyang napakunot-‐‑noo.
Nag-‐‑mental
note si Deanne na alamin kung sino ang “Ising” na iyon na nagsabi na may pagkasupladita siya. “Di hamak na mas maganda siya kaysa kay Senyorita Patricia.” Very
true, nasisiyahang sabi ni Deanne sa kanyang isip. Pasimpleng ipinagpatuloy ni
Deanne ang pagsandok ng kanin sa kanyang plato. Nakinig siyang muli sa usapan
ng grupo ngunit napunta na sa kung ano-‐‑anong bagay ang usapan ng mga
ito. “Try the estofado?” mayamaya
ay narinig ni Deanne na sabi ng isang baritonong tinig. “Recipe ng
lola kòyan.”
Napatingin siya sa mukha ng may-‐‑ari ng boses. Who else could have
a voice as sexy as that? sabi ng maliit na tinig sa kanyang isip. “M-‐‑Mister Hocson,” pormal niyang wika. “I suggest you try
the estofado,” nakangiting bigkas ni Ricky. “Try it. Pinakamasarap sa buong
mundo.” She shook her head politely. “No, thanks, but I’m a vegetarian.”
Napatingin ito sa kanyang plato. Nakita niyang napangiwi ito. “Kaya palàyan
lang ang laman ng plato mo. Well, masarap din naman `yang sugpo.” “My
favorite,” turan niya. “And chop suey.” Nagkibit-‐‑balikat si Ricky at saka
ipinagpatuloy ang pagsandok ng estofado sa plato nito. Sa tantiya niya’y para sa dalawang tao iyon kaya lihim siyang napasimangot. “You
should be wary of too much pork,” napapailing na saad ni Deanne, hindi
tumitingin sa mukha nito. “Sa dami ng kinuha mo, good for two persons na iyan,
even three. Masama sa katawan ang sobrang meat.” “Two. Actually, share kami ni
Trish dito.” Saka pa lang siya nag-‐‑angat ng tingin dito. “Trish?” “Patricia.
If you’ll excuse me, pupuntahan ko na siya sa
puwesto namin.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na si
Ricky at humakbang palayo sa kanya. Naiwan si Deanne na nakahabol ang tingin sa
likod ng papalayong binata. Nang makitang tumabi ito sa kinauupuan ni Patricia
ay parang piniga ang kanyang puso sa inggit. The bitch is lucky to have caught
the creep’s attention. Para malibang, nilapitan ni Deanne ang isang batang
lalaki na sa tantiya niya ay nasa tatlo hanggang apat na taon ang edad. Nag-‐‑iisa
ito sa puwesto habang tahimik na ngumunguya ng barbecue. “Hi!” magiliw na bati ni Deanne sa bata.
Mukha itong sakitin. Malalim ang mga mata nito at may kaitiman ang balat, like
most people around her. Maputla ang maninipis nitong mga labi at medyo humpak
ang pisngi. But the boy was still cute. Well, most kids are, anyway, sabi niya
sa isip. Natigil sa pagnguya ang bata. Rumehistro ang pagkatakot sa bilog na
mga mata. “Ano’ng pangalan mo?” usisa ni Deanne, bahagya pa niya itong kinurot
sa baba. Ipinagpatuloy muna ng bata ang pagnguya bago sumagot. “Potpot po.”
“Potpot?” What a queer name, tahimik na puna niya. Only in local areas like
this. Tumango si Potpot habang patuloy sa pagnguya. Tila nawalang bigla ang
takot nito sa kanya nang makita siyang ngumiti. “Say, Potpot, nasaan ang mommy
mo?” Ibig matawa ni Deanne nang marinig ang pangalan ng bata mula sa kanyang
bibig. Umiling ito at biglang nasamid. Awtomatikong iniabot ni Deanne sa bata
ang hawak niyang baso ng pineapple juice. Tinulungan pa niya ito sa pag-‐‑
inom. Hawak pa rin ni Deanne ang basong nakalapat sa bibig ng bata nang muli
niyang marinig ang baritonong tinig na iyon. “Potpot. .” Napalingon siya sa pinagmulan niyon. Si Ricky. Hinihintay lang
ng binatang matapos ang pag-‐‑ inom ni Potpot bago inakay ang
bata. “Salamat,” tipid na
turan ni Ricky bago siya tinalikuran. “Mister Hocson,
wait,” habol ni Deanne. Dinampot niya ang
natitirang barbecue sa plato ni Potpot mula sa pagkakapatong niyon sa inupuan
ng bata. Iniabot niya iyon kay Ricky. “Thanks.” Ngumiti ito nang tipid sa kanya at bago muling tumalikod ay
nagsabi itong: “No more ‘Mr.
Hocson’ next time, all right, Deanne? Or I’ll call you ‘Miss Masongsong.’” Napangiwi si Deanne. “You don’t have
to remind me of that horrible surname!” sigaw-‐‑ pahabol niya. Pagkaalis ni Ricky
ay seryosong ikinonsidera ni Deanne ang pagpapalit ng apelyido. Her daddy may
squirm and rock in his grave, but she will change her surname! Nakita ni Deanne
na lumapit si Ricky kay Patricia, akay si Potpot. Umasim ang mukha ni Deanne sa
nakita. Hmp, bakit ba magpapaapekto si Deanne sa mga taong ito? And no, hindi
niya papalitan ang kanyang apelyido. At hindi magpapaapekto si Deanne sa
nakikitang sweetness nina Ricky at Patricia. Busangot pa rin ang mukhang
nilapitan niya si Leonie. “You looked pissed-‐‑off,”
natatawang puna ni Leonie. “Sinabi mo pa.” Uminom
ng juice si Deanne mula sa basong ininuman ni Potpot, saka ibinunton ang inis
sa mga sugpong nakahain sa mesa. “These are
fabulous,” sabi niya sa pagitan ng pagnguya. “Too bad, allergic ka rito.” “Oh, it’s all right,” tugon ni
Leonie. “Too bad you didn’t eat the
estofado, either. Ang sarap.” “Recipe daw iyon ng lola ni Mister Hocson,” kaswal
niyang turan. Oops, Ricky pala, dugtong niya sa isip. “Speaking of Mister
Hocson, the devilish hunk had his gaze fixed on you since we arrived,” sabi ni
Leonie na may mapanuksong ngiti sa mga labi. “I wonder what Patricia is
thinking about right now. What she feels right now that her beau is staring at
her gorgeous cousin again.” Awtomatikong napadako ang tingin ni Deanne sa
puwesto nina Ricky at Patricia. Nagtama ang paningin nila ng binata. Pakiramdam
ni Deanne ay biglang namula ang magkabila niyang pisngi. She was not the type
who blushed easily but she could feel her cheeks flush. She had to ask Leonie
to be sure. “Did I. . did I just blush?” alumpihit na tanong niya. Napahagalpak
naman ng tawa si Leonie. “Why, yes. As a matter of fact, you are still
blushing!” Nahihiyang ibinaling ni Deanne ang tingin sa kabilang direksiyon
upang iiwas ang mukha sa matiim na titig ni Ricky. Nag-‐‑iinit pa rin
ang magkabila niyang pisngi. Boy, are things getting weirder?
CHAPTER THREE
“RICKY will be a
frequent visitor, De. Gaya nga ng naka-‐‑stipulate sa last will and
testament ni Lolo, you will undergo a three-‐‑month training sa farming to
familiarize yourself with the goings-‐‑on here. And Ricardo Hocson—you’ve met Ricky, of course— he will be your mentor. Expert siya sa farming.” Kamuntik nang malulon ni Deanne pati kutsara nang marinig ang
paliwanag ni Patricia tungkol sa magiging role ni Ricky sa kanyang buhay at sa
training period niya sa farming. Nasa harap sila ng breakfast table; at
ikatlong araw na niya iyon sa Hacienda Valderama. Maasim ang kanyang mukha nang
tumingin si Deanne kay Patricia. “Three months ba talaga?” Natawa si Leonie—na
nasa isang bahagi ng breakfast table—habang humihigop ng kape. Kamuntik na
itong masamid sa paglagok. “Come on, Deanne,” sabi ni Patricia. “Three months
is not that long. To tell you frankly, if I were Lolo Venancio, baka hinabaan
ko pàyon nang isang taon o mahigit pa.” Sa kapeng-‐‑barako
ibinunton ni Deanne ang kanyang frustration. Inisang-‐‑lagok niya
ang nalalabing likido sa kanyang puswelo. Napa-‐‑ “aray” siya nang gumuhit ang mainit na kape sa kanyang lalamunan. Nag-‐‑concentrate
si Deanne sa kinakaing champorado. Pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik,
muli niyang kinausap ang pinsan. “Isn’t it a little bit odd, Patti?”
nananantiyang tanong ni Deanne. Isa iyon sa iilang pagkakataong natawag niya
ito sa nickname nito. “I mean, look at us. Sa ating dalawa,
you’re more likely the girl to inherit a farm
and live like Scarlet O’Hara. Ako, city girl ako. Rural
lifestyle bores me. . no, ‘disturb’ is the
appropriate word. So why this?” “Why what?” tanong ni Patricia. “This. Sa akin
napunta ang hacienda.” Seryosong inobserbahan ni Deanne ang reaksiyon ng
kanyang pinsan. “When you’re the one who’s always been into this kind of life.”
“Simple,” kaswal na saad ni Patricia. “He wanted you to go back to your roots.
Farming family na ang mga Valderama noon pa man. Iyon ang ipinamana sa atin ng
ancestors nating mga Kastila. Tinalikuran iyon ni Tita Leonora kaya sàyo
gustong bumawi ni Lolo.” Isang umaapaw sa kutsarang champorado ang wala-‐‑sa-‐‑sariling
naisubo ni Deanne. Natawa naman sina Leonie at Patricia sa hitsura niya. “Come on, De,” sabi ni Leonie. “It’s not so bad. Kung ako lang ang may
lolong hacendero na gaya ni Don Venancio. . hay naku!— I’d be the happiest woman in the world `pag pinamanahan niyàko ng ganito.” “Had I known, had I known,” ani
Deanne na waring sarili ang kinakausap, “hindi na
sana ako kumuha ng organizational behavior sa NYU. Damn! Di sana nag-‐‑UPLB
na lang ako!” “Well,
reminder lang,” wika ni Leonie. “I’m not set to
leave at nine-‐‑thirty. Unlike you, my lucky friend, I have no wealthy
grandfather. Only a handicraft business to boast.” Parang
inaantok na ipinagpatuloy ni Deanne ang pag-‐‑aalmusal. Malulungkot siya pihado
pag-‐‑
alis ni Leonie. May isang tambak nga siyang bitbit na libro—bukod pa ang mga hardbound at antigo nang mga reading material
na matatagpuan sa library—pero hindi iyon sapat upang mabawasan
ang kanyang pagkabagot. Ang kailangan ni Deanne ay social interaction.
Basically, she was a sociable person. That was why she took up organizational
behavior in college in the first place. Mabuti na rin lang at kahit paano ay
nangako si Patricia na manatili muna sa hacienda sa loob ng isang linggo.
Habang wala-‐‑sa-‐‑loob na nilulunok ang hindi na
yata nanguyang champorado ay tahimik na pinagdiskitahan ni Deanne ang yumaong
ina. Kung hindi ka ba naman nag-‐‑stow away, di hindi sana ako
pinaparusahan ni Lolo dahil sa kasalanan mo. I would have been managing a
Philippine Walmart instead of boring myself to death in this blasted place.
KINABUKASAN pagkaalis ni Leonie, si Ricky naman ang naging guest nila sa villa.
“First day of classes ba today?” biro ni Patricia nang mapunang may dalang
libro ang binata tungkol sa watermelon growing at cattle business. “Extra
patience lang, Rick. Mahina sa numeròyang si De.” Hindi natawa si Deanne sa
joke ni Patricia. Si Ricky ang bumili ng pakuwelang iyon. “Pasensiyoso akong
tao, Trish, you know that. Huwag lang akong sasagarin.” Nakahiging agad si
Deanne ng warning sa tono ng binata. Ipinagwalang-‐‑bahala niya
iyon ngunit hindi ikinailang napasimangot siya. Hmp, pakialam ba niya kung
masagad ang pasensiya nito? Mabuti nga iyon, baka pabayaan na lang siya nito.
Nine months. Napangiti si Deanne sa isiping iyon. Nine months lang naman ang
ipagtitiis niya sa lugar na iyon. Iyon ang nakasaad sa testamento ng kanyang
lolo. Hindi niya maaaring ipagbili ang pataniman sa loob ng siyam na buwan.
After that, puwede na niya iyong ibenta. Iyon nga lang, sa iisang tao lang
maaaring ipagbili ni Deanne ang ilang mga pataniman sa hacienda. At ang taong
iyon ay nagngangalang “Armida Bolivar.” Sa biglang pagpasok ng ideyang iyon sa
kanyang utak ay napabaling si Deanne kay Patricia. Itatanong niya rito kung
sino ang taong iyon. Pero hindi pa bumubuka ang kanyang bibig ay nagsalita na
ito. “Sasaglit ako sa Manila, De,” Patricia said in an apologetic tone.
“Nakatanggap ako ng advise from the radio. My presence is urgently needed at
the office. . There seems to be a problem with my secretary and her assistant.”
“Well, couldn’t they find a way to solve whatever problem they have without
you?” nakangusong turan ni Deanne. Suddenly, her feelings disturbed her. Bakit
ganoon? Hindi pa man ay nami-‐‑miss na yata niya si Patricia?
Napatitig tuloy siya rito. Maybe Patricia wasn’t so bad
after all. Siguro magugustuhan din ni Deanne si Patricia kung makakasama niya
ito nang matagal katulad ng pagsasama nila ni Leonie. O baka naman kaya niya
nami-‐‑miss
agad si Patricia ay dahil natatakot siyang mapag-‐‑isa sa rancho. Mapag-‐‑isa.
. kasama si Ricky. Natawa si Patricia. “C’mon, Deanne. I’ll only be gone
for twenty hours, babalik din ako bukas.”
Nagkibit-‐‑balikat na lamang siya. “Okay. I
think I can manage all by myself.” “You won’t be alone. Ricky will be here
throughout the night gaya ng napag-‐‑usapan na namin.” Napamulagat si Deanne. “What?” Tumango naman sina Ricky at Patricia. Oh, no. These insipid
creatures are talking about me behind my back. Sumeryoso si Deanne. “Well, I’m not a child. Kaya kong mag-‐‑isa
sa bahay na ito. And besides, there are maids all around me. Hindi ko kailangan
ang companion.” Ngumiti si Patricia. “That’s not what I mean.” “I’m sure.
Now, if you must go. .” “After
lunch.” “Speaking of
lunch,” sabad ni Ricky. “Why don’t we have lunch together? May sea-‐‑food restaurant sa bayan. I’m sure you’d love it there, Deanne.” “We have thirty minutes to drive to
St. Lawrence,” tukoy ni Patricia sa pangalan ng
restaurant na binanggit ng binata. “By the time we
get there, baka puno nàyon.” “I made a reservation, beautiful,” nakangiting
wika ni Ricky. “If you’ll hurry up and get ready in ten minutes, tamang-‐‑tama
ang pagdating natin just in time for lunch.” Tumingin
ito sa kanya. “Well, Deanne Masongsong. .” Itinaas ni Deanne ang dalawang kamay, kuyom ang dalawang kamay.
Gusto niyang sugurin ng suntok ang mayabang na lalaking ito. Her gaze on his
grinning face was deadly. “I could eat you alive,” gigil na saad ni Deanne, naniningkit ang mga mata. Tumawa nang
malakas si Ricky sa halip na maalarma. “I thought you were a strict
vegetarian.” Nang makitang nakatiim-‐‑bagang na siya ay pumagitna na si
Patricia. “Will you two stop it? Para kayong mga bata,” natatawang saway nito. “Mabuti pa’y magbihis na tayong dalawa, De. Ako’y
magsusuot na ng pambiyahe. After lunch, dederetso na ako sa Maynila.” “Kayo na lang ang mag-‐‑lunch
sa labas,” kunsomidong sabi ni Deanne. Humakbang siya
sa direksiyon patungong kusina. “Itsi-‐‑check
ko sina Manang. Dito na lang ako manananghalian. It’s more
peaceful here. . without that blunderbuss.” “De—” Dere-‐‑deretso na
si Deanne sa kusina. Doon ay padabog siyang naupo sa isang dining chair at
walang-‐‑tigil
na nagreklamo kay Nana Segunda, ang mayordoma sa villa, tungkol sa
kaantipatikuhan ni Ricky. NAIWAN naman sa salas sina Ricky at Patricia.
Nagkakangitian silang dalawa. “Cruel,” nakatawang sabi ni Patricia. Tawa ang itinugon ni Ricky dito. “Alam kong sensitive si Deanne when it comes to issues that have
something to do with her family name. I should know, dahil tuwing nagkakausap
kami sa phone noong nasa states pa siya ay napapansin kong lagi niyang iniiwas
ang topic tungkol sa family niya. I briefed you on that, Ape Man.” “I can’t
help it. Masyadong pikon ang pinsan mo. Ang sarap asarin,” sabi niya. “Now,
we’re going to St. Lawrence alone. Sa halip na rapport ang ini-‐‑establish
mo sa inyong dalawa, animosity ang bini-‐‑build mo sa damdamin ng pinsan
ko,” sabi ni Patricia. “Marami
pang ibang pagkakataon. Time is quite lengthy.” “Maybe for you but it’s different
with De. She’s always taking quite too long a time to befriend anybody.”
Seryosong ikinonsidera ni Ricky ang sinabi ni Patricia. “Hmm. . is Leonie her
longtime friend?” “All-‐‑time best friend,” maagap na tugon ni Patricia. “As a
matter of fact, she is De’s only friend. At least `yong kilala
ko. Maybe she made some in the States. She lived there long enough to meet
some.” Tumango-‐‑tango si Ricky. Somehow,
nakikilala na niya ang ugali ng bagong may-‐‑ari ng Hacienda Valderama. Naupo
siya sa tabi ni Patricia. “Hmm. . tell me more about Deanne.” Natawa ito,
pagkatapos ay tumayo. “Why don’t I change for our lunch date na? Ipinahanda ko
na ang kailangan kong dalhin sa Maynila. From St. Lawrence, dederetso na ako sa
Ortigas which means, I’m going to take my driver with me when we leave the
house.” “Ibig bang sabihin ay magkahiwalay tayong pupunta sa restaurant?”
Tumayo na rin si Ricky. “Well, sayang at hindi makakasama ang sumpungin mong
pinsan. Hmm. . why don’t I talk to her? Baka sakaling mapaamo ko siya? “Àsa ka
pa.” “Try me.” “We’ll see.”
CHAPTER FOUR
ISANG tasa ng buto ng sitaw na nasa ibabaw ng
lamesa ang kasalukuyang tinititigan ni Deanne nang kampanteng lumapit sa kanya
si Ricky. “Hmm. . well,” basag nito sa katahimikang namamayani sa kusina. Tapos
nang magluto sina Nana Segunda at Manang Severina. Matapos magpasandok si
Deanne ng isang tasang beans ay iniwan na siya roon ng dalawang may-‐‑edad
nang mga katulong. Maghihintay na lamang ang mga ito ng signal mula sa kanya
kung nais na niyang kumain ng tunay na tanghalian. Nag-‐‑angat si
Deanne ng mukha upang tingnan ang binata. Ngunit ibinalik niya rin kaagad ang
atensiyon sa kinakain. Tila hindi naman pinansin ni Ricky ang pambabale-‐‑wala
niya. Hinila pa nito ang silyang katapat niya at naupo roon. “Iyan lang ba’ng tanghalian mo?” Hindi sumagot si Deanne. Sa halip ay ipinagpatuloy niya ang
paghigop ng sabaw at ang pagnguya ng beans. Only much to her unappreciated
companion’s amusement. “Are you
sure you don’t want to have lunch with me and your
cousin?” “As perfectly as I want you out of my
sight right this very minute, Mister Hocson.” “The name’s ‘Ricky.’ Mister
Hocson was my dad.. and he’s been dead for nearly fifteen years.” Nakuha ng
binata ang atensiyon ni Deanne sa huling sinabi nito. Nag-‐‑angat
siya ng mukha at interesadong tumingin nang deretso sa mga mata ni Ricky. “Y-‐‑your father is dead, too?” Tumango
ito. “So is mine. He’s been
dead for more than three years.” “Now we’ve something in common,” nakangiting turan ni Ricky. Ah, those lips. Mabilis na
nagbaling ng tingin si Deanne— away from those luscious lips, and those teasing
eyes. Tumunog ang alarm bells sa kanyang utak: back off. He’s Patricia’s.
Duling siya, duling, giit ng kanyang isip. You can’t possibly like a cross-‐‑eyed
organism—man or dog. Although noong bata pa si
Deanne ay nagkaroon siya ng alagang aso na naduling nang madaplisan ng bala ng
baril sa kaliwang mata. But that was another case. Bata pa si Deanne noon. Now
she knew better. Cross-‐‑eyed is horrendous, period. Pero
hindi naman siya duling, ah? sabi ng munting tinig na iyon. Sabi mo lang `yon
kasi. . kasi hindi mo matanggap na magkakagusto ka sa nobyo ng pinsan mo.
Napasimangot si Deanne. Pagtingin niyang muli sa guwapong mukha ni Ricky ay
nagpakawala siya ng isang buntong-‐‑hininga. All right, all right. He’s not cross-‐‑eyed, so what? She decided to be
friendly with him. After all, wala namang masama kung makikipagkaibigan siya
kay Ricky. “How did your father die?” she asked in a conversable tone. “Mine died
in a car accident, as you may have known. He was with my mother, but Mom went
into a two-‐‑week coma first before she. . followed Dad. It
happened in Brooklyn.” “So I
heard,” tango ni Ricky. “My father
died when I was eighteen. .” Mabilis na nagkuwenta ang utak ni
Deanne. The senior Hocson died fifteen years ago. . and that made Ricky thirty-‐‑three
now. A perfect age to get married. Warning bells went off in her mind again.
Biglang lumitaw sa imahinasyon ni Deanne ang larawan ni Ricky wearing a suit
and Patricia in a white wedding gown. Kumurap-‐‑kurap siya upang palisin ang
nakikitang vision. “Hey, Deanne. Are you listening?” Kumukurap-‐‑kurap pa rin siya nang tumingin
kay Ricky. Tumawa ito. “Your mind seems to be afloat
somewhere. A boyfriend in New York, perhaps?” Iiling
sana si Deanne ngunit narinig niya ang masayang tinig ni Patricia na papasok sa
loob ng kusina. “There you are.. ” Napatda si Ricky, napakunot-‐‑noo. “Hey! Don’t tell me the lunch date is off. .” “Of course not,” maagap na
sagot ni Ricky. “Deanne and I are just
discussing—well, she can use some ten minutes to get dressed for lunch. Right,
De?” De. Hindi makapaniwala si Deanne sa narinig. Did he really say “De”? For
all she knew, her ears were just deceiving her. Now, how could that dreary syllable
suddenly turn on thousands of glittering lights? Why did it sound so sweet all
of a sudden? If she was stupid, iisipin ni Deanne na in love na siya kay Ricky.
But apparently, she was neither stupid nor in love—not with Ricky, not with any
man. She was too self-‐‑absorbed for such “corn,” palagi niyang sinasabi sa
kanyang sarili. And besides, kailan ko lang siya nakilala. And at the rate were
acquaintanceship is going, saloob-‐‑loob ni Deanne, it would take a
century before it could manifest itself. He’s all
face, pangungumbinsi ni Deanne sa sarili. He’s all
brawns. . and that pulsating little friend between his seemingly powerful
thighs. Deanne shuddered at the thought. Damn, bakit ba ang dumi-‐‑dumi
ng utak niya? Damang-‐‑dama niya ang pagtayo ng kanyang mga balahibo habang
pinapagalitan ang sarili sa kung ano-‐‑anong kabaliwang pumapasok sa
kanyang isip. Parang na-‐‑hypnotize na tumango si Deanne
kay Patricia. “R-‐‑right. .”
Nagliwanag ang mukha ng kanyang pinsan. “Yay!” parang batang sambulat nito. “So, what
are you waiting for? Go and change your clothes. I suggest you wear the yellow
sundress, the one with sunflowers in it. It looks great on you.” Tiningnan ni Deanne si Patricia, pagkatapos ay walang sabing
nagtungo na sa kanyang kuwarto upang sundin ang inuutos nito. KAPWA maluwang
ang ngiti sa mga labi nina Ricky at Patricia nang bumaba si Deanne ng hagdan.
Nakasuot si Deanne ng high-‐‑heeled sandals kaya doble ingat
ang ginawa niyang paghakbang. Gaya ng payo ng pinsan, isinuot niya ang dilaw na
sundress na may sunflower design. Tinernuhan iyon ni Deanne ng matingkad na
dilaw na sombrero na may artificial sunflower sa bahaging unahan. If Ricky and
Patricia didn’t know her, iisipin ng mga ito na isa
siyang teenager, fresh from high school. Petite kasi siya at may maliit na
mukha. “Wow!” palatak ni Patricia, sabay paswit. Tumawa si Ricky sa ginawa ng
babae. Si Deanne naman ay medyo napakunot-‐‑noo. Patricia was too feminine to
whistle. “Well, shall we go?” tanong
ng binata, kay Patricia nakatuon ang tingin. Ngumisi si Patricia. “Won’t you escort the pretty lady to the
carriage, monsieur?” biro nito, sabay kindat. Lalong
kumunot ang noo ni Deanne. Patricia is acting weird. Inilahad naman ni Ricky
ang kamay sa harap niya; nakangisi ito. Oh, they’re joking
around, tahimik na pasya ni Deanne. Nainis tuloy siya sa mga ito. They’re
having fun at my expense. Well, ano kaya kung sakyan ko? Tutal, as a kid, I was
the imp—not Patricia. Napangiti si Deanne sa sarili, sabay kawit ng braso sa
braso ng nakangiti pa ring si Ricky. Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ni
Ricky. Napatingin ito sa kanyang mukha. O, di shaken kang unggoy ka,
nasisiyahang sabi ni Deanne sa isip. Idinikit pa niya at ikiniskis ang katawan
sa matigas na muscles nito sa braso. Pero ang triumphant smile sa mga labi ni
Deanne ay unti-‐‑unting napawi nang maramdaman ang paghapit ni Ricky sa
kanyang baywang. Damang-‐‑dama niya ang paggapang ng
koryente sa buo niyang katawan dulot ng ginawa nito. His palm felt so heavy, so
powerful at her waist. Then she wondered kung ano kaya ang feeling ng haplos ng
kamay nito? She silently cursed herself for thinking that way. Hindi siya dapat
ma-‐‑carried
away sa harmless flirtation na ginagawa ng nobyo ng kanyang pinsan. Ibig namang
ma-‐‑guilty
ni Deanne nang maisip na nobyo nga pala ito ni Patricia. Napatingin siya sa
mukha ng kanyang pinsan. Nakangiti pa ang bruha, gigil na naisaloob niya. All
thoughts of guilt flew out of the window. Kumalas si Deanne sa pagkakaabrisete
sa binata. Sandaling nagulat si Ricky pero mabilis siya nitong nahila muli
palapit dito. “Allow me this opportunity to be chivalrous, pretty miss,” bulong
nito sa tainga niya. Nagdulot iyon ng isang libo’t isang kilabot kay Deanne.
Nagsipagtayuan ang kanyang mga balahibo, pinamulahan siya ng mukha at saka
napatungo na lamang. Ngising-‐‑ngisi naman si Ricky hanggang sa
makasakay sila sa sasakyan nito. Sa kotse nito sumakay si Patricia. Sa biyahe
patungong restaurant, hindi nagsasalita si Deanne. Ipinokus niya ang tingin sa
labas ng tinted window, nakahalukipkip at busangot ang mukha. How dare this man
took her for a joke! “Hey. .” untag ni
Ricky sa kanya pagkalampas ng may sampung minutong katahimikan. “Baka mapanis ang laway mo niyan, bahala ka.” Mas gugustuhin ko pang mapanis ang laway ko kaysa sayangin ko sàyo. Natatawang itinuon nitong muli ang buong pansin sa kalsada.
Umiling-‐‑iling. WALA sa mood na kumain si Deanne nang
tanghaling iyon. Kung puwede lang magpahatid na lang siya pabalik sa villa ay
ginawa na niya. Ang ideyang makakasalo niya sa pananghalian si Ricky ay sapat
na upang mawalan siya ng ganang kumain. And damn! Kamuntik na siyang mapalugmok
sa kanyang kinauupuan. He was so damned gorgeous! Ang tangos ng ilong niya,
saloob-‐‑loob
ni Deanne. And it made her want to adoringly pinch that nose. Nagpakawala siya
ng buntong-‐‑hininga, sabay baling muli ng tingin sa labas ng
kotse. Wala sa loob na napasulyap na naman si Deanne sa mukha ng binata. And
ahh. . those lips! They made her suddenly hungry for a kiss. Napapahiyang
nagbaling siyang muli ng tingin. Nag-‐‑isip si Deanne ng paraan upang i-‐‑
distract ang sarili away from the vile, wicked thoughts she was thinking. He’s cross-‐‑eyed, pangungumbinsi niya sa
sarili. But he’s not, Deanne Valderama Masongsong,
you know that. Sobrang tangos lang talaga ng ilong niya. Naisip tuloy ni Deanne
kung ano kayang lahi ang pinagmulan ni Ricky para magkaroon ng ganoon katangos
na ilong at ganoon kapulang mga labi? “My late grandmother was Irish,” sagot ni
Ricky na tila narinig ang mga sinasabi niya sa kanyang isip. So that explains
it, naisip ni Deanne. Hindi naman siya nagpakita ng ano mang reaksiyon sa
sinabi nito. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng St. Lawrence Seaside
Restaurant ay walang namutawing ano mang salita mula sa bibig ni Deanne. That
was unusual dahil kadalasan ay siya ang nagdadala ng conversation. She felt
strange. Well, with Ricky, she always felt weird. “Salamat, nandito na tayo,”
buntong-‐‑hininga ni Ricky. Umibis ito at saka mabilis na umikot
sa side niya. Agad siya nitong pinagbuksan ng pinto. “Thanks,” tipid na sabi ni Deanne habang papalabas ng sasakyan. “Salamat sa Diyos, you’re not mute,” sarkastikong sabi nito. Hindi iyon pinansin ni Deanne. Hindi na
siya nagpagiya kay Ricky papasok sa loob ng restaurant. Natanaw na niya si
Patricia, nakangiti habang nakatingin sa kanila. “That boyfriend of yours is
one pesky dingbat,” yamot na sabi ni Deanne nang lampasan ang pinsan sa
pintuan. Nakangiti pa rin si Patricia pero biglang nabura ang ngiting iyon nang
marahil ay mag-‐‑register sa utak nito ang sinabi niya. “Boyfriend.. ?”
CHAPTER FIVE
MAY PRIVATE joke ang dalawa, batid ni Deanne.
May stupid private joke sina Ricky at Patricia na may kinalaman siya and they
were silently laughing at her. Pasimple lang siya habang kumakain, hindi
nagpapahalata ng pagkayamot. Bumuntong-‐‑hininga si Deanne sa pagitan ng
pagnguya. Damn, ano ba ang nangyayari sa kanya? She was not usually that
grouchy, ngunit lately ay para siyang nagme-‐‑menopause sa sobrang kasungitan.
Oo nga at nakayayamot talaga si Ricky, but she had encountered far more
infuriating males. Her former classmate at NYU, for one. Si Reginald, isa ring
Filipino. Kung sa characters sila sa Archie comics, Reggie would be. . well,
Reggie Mantel. The namesake was not a coincidence. Hindi alam ni Deanne kung
dahil nag-‐‑iisa siyang Filipina sa klase kaya siya ang naging
object ng pang-‐‑ aalaska ng lalaki. But there never was a day na hindi
siya nito inaasar. Until that crazy day nang magtapat ito sa kanya ng pag-‐‑ibig.
Ang inis na nararamdaman sa lalaki ay napalitan ng pandidiri. Well, nadagdagan,
sapagkat hindi naman nawala ang yamot niya rito. Ngayon ay natatawa na lang si
Deanne kapag naalala si Reggie, who was now happily married to a Filipina
nurse. May anak na ang mga ito at nakatira sa Chicago. “Hmm. .
Naalala niya ang iniwan niyang boyfriend sa New York,” hula ni Patricia habang
nakatingin sa kanya. Bigla namang nagulat si Deanne. Unaware siya na
napapangiti na pala siya sa alaala ni Reginald. Nakamasid lang si Ricky sa
kanila. Mataman itong naghihintay sa kanyang isasagot. Lalong lumuwang ang
kanyang ngiti. “Well, naalala ko lang si Reggie.” Nagtaas ng kilay si Patricia,
sabay sulyap kay Ricky. “Reggie? Boyfriend mo?” Mabilis ang naging pag-‐‑iling
ni Deanne. “No, no. A former classmate. He used to be a
hell of a torture during my university days. Such a crazy, brainless clod.”
“‘Brainless?’ Bakit, nagkagusto sàyo?” sabad ni Ricky. Ang aliwalas ng mukha ni
Deanne ay napalitan ng paniningkit ng mga mata. Magsasalita sana siya nang
maanghang ngunit biglang nagbago ang kanyang isip. Bakit siya magsasayang ng
laway sa walang kuwentang lalaking ito? Instead, sinipa ni Deanne si Ricky nang
malakas sa gulugod. “Aw! Who was that?” bulalas ng binata, sabay silip sa ilalim
ng mesa. Matagal itong sumilip sa ilalim. “Hoy, Ricardo!” pukaw ni Patricia.
Hinampas nito ang binata sa balikat. “Namboboso ka, ha?” Na-‐‑conscious
namang bigla si Deanne. Naalala niyang maiksi nga pala ang suot niyang sundress
at naka-‐‑expose ang kanyang mga binti. Nakangisi si Ricky nang
tumuwid ng upo. “Mayro’n akong
nakita, hindi ko sasabihin. . peròpag ako’y pinilit, aaminin ko rin. .” “You’re such a kid!” ibig ma-‐‑depress
na bulalas ni Deanne. Iiling-‐‑iling na ipinagpatuloy niya ang
pagkain. PAGBALIK sa villa, medyo nabawasan na ang tensiyon sa pagitan nina
Ricky at Deanne. Si Patricia ay dumeretso na sa Maynila. “Can I use the guest
room?” sabi ng binata nang makapasok na sila sa magarang sala. “Inaantok ako.
Gusto kong magpahinga muna after that hefty meal, then I’ll start discussing
with you those literatures I brought with me.” Nagkibit-‐‑balikat si
Deanne. “Suit yourself. But if I were you, uuwi na
lang ako sa inyo. Hindi ba’t sa kabilang rancho lang naman `yon?” Natawa ito. “Deanne, Deanne.
You have no idea how vast your homestead is. Ang kabilang rancho na sinasabi mo
ay nasa kabilang barangay. This ranch—your ranch—is situated between two
barangays.” Nagkibit-‐‑balikat siyang muli as if to say, “Who cares?” Nagtungo na si Deanne sa hagdanan.
Gusto na rin niyang magpahinga at mag-‐‑siesta. Isang bagay na hindi niya
dating ginagawa ngunit nakasanayan na mula nang magtungo siya sa Hacienda
Valderama. “Can I use the library?” habol ni Ricky. “Magbabasa ako
habang nagpapaantok.” “Suit
yourself,” sagot niya sa papahina nang tinig. Malayo
na siya rito. Pagkapasok sa kanyang silid, naalala ni Deanne na buklatin ang
mga dalang libro. Ang sabi nga pala niya ay magbabasa siya nang magbabasa. Iyon
ang tamang panahon para basahin ang mga librong hindi niya mabasa-‐‑basa
sa New York. The Name of the Rose by Umberto Eco. Hmm.. Daddy loved Umberto
Eco, naisaloob niya. Binuklat ni Deanne ang libro at nagsimulang magbasa.
Ngunit nasa ikapitong pahina pa lamang siya ay bumigay na ang kanyang mga mata.
Madilim na ang paligid nang magising siya. “HI. .” SALUBONG na bati ni Ricky habang pababa si Deanne ng hagdan.
Kampanteng nakaupo ang binata sa malambot na sofa sa salas at nanonood ng TV.
“I turned your TV on. I hope you don’t mind.” Pinaikot ni Deanne ang kanyang
mga mata. “Do you always have to ask for my permission to do things here?”
“Mabuti na rin ang nagsisiguro. Kabuti-‐‑buti’t hindi
mainit ang dugo mo sa akin ngayon. Hmm.. must be the oysters?” Hindi na pinansin ni Deanne ang sinabi nito. Dumeretso siya sa
kusina, kung saan ay nadatnan niyang nagluluto ng hapunan si Manang Severina.
“Hija, gising ka na pala,” bati sa kanya ng matanda. Tinikman nito ang kung
anong hinahalo sa malaking kaserola. “Ba’t hindi pa umaalis ang mokong nàyon,
Manang?” tukoy ni Deanne kay Ricky. “Siguro naman ay may TV siya sa bahay niya,
`no!” Natawa ito. “Ganyan talaga si Ricky, hija. At home na rito. Best friend
`yan ng yumao mong lolo, eh. . Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.” Pagkasabi
niyon ay binalingan ng matanda ang isang teenager na katulong. “Elena,
ipagsandok mo nga ng bilu-‐‑bilo ang Senyorita Deanne mo.” Mabilis na tumalima ang inutusan ni Manang Severina. Si Deanne
naman ay naupo sa isang dining chair at ipinatong ang mga palad sa ibabaw ng
mahabang mesa. Kumakain na siya ng ginataang bilu-‐‑bilo nang
sumulpot sa kusina si Ricky. “Uy. .sarap
niyan, ah,” bungad ng binata. Hindi na ito naghintay
na imbitahan sa hapag. Naupo na si Ricky sa kaharap niyang silya. “Pahingi rin ako, Miss Beautiful,”
malambing na sabi nito kay Elena. Kinikilig namang tumalima si Elena. Napailing
na lang si Deanne. Pagkatapos mag-‐‑meryenda ay nagpaalam na si
Ricky. “Bukas na lang natin i-‐‑discuss
ang tungkol sa paghahalaman,” sabi nito. “I have a date with a very beautiful woman tonight. Ako ang
magluluto ng dinner namin.” Sandaling tumigil ang pagtibok ng
puso ni Deanne. Date with a very beautiful woman? Hindi niya alam kung bakit
nagalit siya sa binata. On Patricia’s behalf. . or
her heart’s? ANG MGA sumunod na araw ay ginugol nina
Deanne at Ricky sa paglilibot sa kabuuan ng Hacienda Valderama. Na-‐‑familiarize
si Deanne sa activities at mga pasikot-‐‑sikot sa farm, gayon din sa mga
tauhan ng hacienda. Isang Sabado, dumating si Ricky na nakasakay sa isang
kabayo sa halip na sa pickup truck na palagi nitong dinadala. “Nagradyo na ba si Patricia?” tanong
ng binata na may bahid ng pag-‐‑aalala ang tinig. Walang telepono
sa Sto. Toribio kaya sa radio transceiver sila nakikipag-‐‑communicate.
Sa pamamagitan ng repeater, nagkakaroon sila ng komunikasyon sa Maynila. At
saka lang na-‐‑realize ni Deanne na hindi pa nga pala siya kino-‐‑contact
ni Patricia. “Not yet,” tugon
niya, medyo nakakunot-‐‑noo. “Bakit?” Agitated pa rin nang umiling si Ricky. “Wala
naman. Come on, mamamasyal tayo sa bukid.. ” Umasim
ang mukha ni Deanne. “I-‐‑I don’t ride
horses. I can’t.” Ngumiti
si Ricky nang matamis. “Pero siguro naman ay marunong kang
umangkas.” Bigla siyang napailing sa ideyang pag-‐‑angkas
sa kabayo kasama ito. Dangerous, sabi ng isip ni Deanne. A five-‐‑kilometer
distance from him was risky enough, riding the same horse with him could be
fatal. . To her heart, at least. “Come on, De. It’s not that hard,” udyok ni
Ricky sa kanya na naging ten times na mas guwapo yata sa suot nitong chocolate
brown cowboy outfit. “And besides, you’re with me. Nothing could go wrong.”
Lumabi si Deanne. Really, now. Bumaba si Ricky ng kabayo at mabilis siyang
hinawakan sa magkabilang braso. Sa isang iglap ay karga na siya nito.
Nagpumiglas siya. Hindi halos makapaniwala si Deanne nang nasa likod na siya ng
mataas na kabayo. Hindi siya makapaniwalang naiakyat siya ni Ricky sa kabila ng
kanyang pagpupumiglas. Napakalakas nito. Ngingiti-‐‑ngiti ito
habang lumalakad ang kabayo. Nakapulupot nang mahigpit ang mga braso ni Ricky
sa kanyang baywang. Sa tabing-‐‑ilog siya dinala ni Ricky. “It’s almost five-‐‑thirty,” sabi ni Deanne nang makababa na siya ng kabayo. “Hindi kaya tayo gabihin dito?” “Maano? Kaya naman nating bumalik kahit madilim na.” Napapakamot sa ulong naupo si Deanne sa ibabaw ng isang
malaking bato at saka isinawsaw ang dalawang paa sa tubig. “This is my favorite
spot here,” mayamaya ay sabi ni Ricky. Naupo ito sa tabi. “You’ll love the
sunset. .” Awtomatikong tumingin si Deanne sa gawing-‐‑ kanluran.
Napangiti siya. Nagsabog na tangerine at crimson sa kalawakan ang papalubog na
araw. Wala sa loob na naihilig ni Deanne ang ulo sa matipunong balikat ni
Ricky. “Oh, isn’t this
beautiful. .!” Bumuntong-‐‑hininga ito,
nakangiti rin. Pagkatapos ay ipinalibot ang isang braso sa maliit niyang
katawan. Biglang-‐‑bigla ay napapitik si Deanne sa hangin. “That’s it!”
“Anòyon?” “I’m gonna get married at sunset. Right on this very same spot!”
Spontaneous ang mga katagang iyon, as if they had a mind of their own nang
humulagpos sa bibig ni Deanne. Unti-‐‑unting naglaho ang matamis na
ngiti sa mga labi ni Ricky, ngunit ang pagkakatitig nito sa maamong mukha niya
ay nananatiling nakapagkit. “Deanne. .” Para naman siyang na-‐‑hypnotize. Nakipagtitigan si
Deanne sa binata, without realizing na unti-‐‑unting naglalapit ang kanilang
mga mukha. Hinaplos nito ang pisngi niya, pagkatapos ay napalunok. “Damn, you
are so beautiful. .” Napalunok din si Deanne. Alam na niya ang susunod na
mangyayari. He would surely kiss her. . And he did. Waring ninanamnam ni Ricky
ang bawat trail na madaanan ng mapusok nitong dila, forcing its entrance into
her moist mouth. Narinig pa ni Deanne ang pag-‐‑ungol ng binata nang ikawit niya
ang kanyang mga braso sa batok nito despite her deafening heartbeat. Malaya
niyang tinugon ang halik na iyon; she was even encouraging him. Ricky was
holding her tight, na para bang maglalaho si Deanne na parang bula kapag
lumuwag ang yakap na iyon. Naging mas mapusok ang mga labi nito, hanggang sa
kapwa na sila nauubusan ng hangin sa kanilang baga. Humulagpos ang kanilang mga
labi sa pagkakahinang, ngunit ang pinagdiskitahan naman ng mga labi ni Ricky ay
ang leeg ni Deanne. Pababa.. pababa.. hanggang— Tila hindi makapaghintay na
pinagbubuksan ni Ricky ang mga butones ng kanyang blouse. Pagkatapos ay animo
gutom na sanggol na hinaklit ang nalalabing tabing. Napasinghap si Deanne nang
maramdaman ang tila hayok na intruder sa pribadong bahagi ng kanyang katawan.
“Ricky.. ” “Oh, Deanne, you’re driving me crazy!” Nagpalitan sila ng singhap at
ungol, hanggang sa maihiga si Deanne ni Ricky sa ibabaw ng isang malapad na
bato. Sandali nitong tinitigan ang mala-‐‑diyosang kagandahan ni Deanne,
pagkatapos ay sunod-‐‑ sunod na lumunok. “Deanne. .” bulong ni Ricky habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi.
Napalunok din siya, pagkatapos ay napapikit. Oh, God, what am I doing? I’m
making love with my cousin’s boyfriend! Pagmulat ni Deanne, nakahubad na rin ng
pang-‐‑itaas
na suot si Ricky. He was intently staring at her face; desire was written all
over his face. Nang makitang hinuhubad na rin ng binata ang suot na maong jeans
ay saka lang waring binuhusan ng malamig na tubig si Deanne. Naitulak niya ito
palayo sa kanyang katawan. “No!” Gumuhit
ang pagtataka sa mukha ni Ricky. “D-‐‑De...” Mabilis na bumangon si Deanne at saka isa-‐‑
isang hinagip sa damuhan ang kanyang mga saplot na inihagis ni Ricky. Nagbihis
siya. Lalayo na sana siya nang mapalingon siya ritong muli. Hindi alam ni
Deanne ang daan pabalik sa villa. Nakakaunawang tumayo naman si Ricky. Isinuot
na rin ang polo. Kapwa sila walang-‐‑imik nang bumalik sa villa.
CHAPTER SIX
SA PAGLIPAS ng araw, hindi biro-‐‑biro
ang naging pagkainip ni Deanne sa hacienda. Ilang libro na nga ang natapos
niyang basahin. Five days. At hindi pa rin nagpapakita si Ricky. She was
missing him so badly. Si Patricia ay hindi pa rin bumabalik para bisitahin
siya. Ganoon din si Leonie, na nangakong dadalasan ang pagdalaw sa kanya para
maibsan ang kanyang pagkabagot. Nakatingin si Deanne sa kawalan nang may
pumasok na ideya sa kanyang utak. “Now, why didn’t I think of it earlier?” Yes,
she could go to Manila. Magsha-‐‑shopping siya, maglalamiyerda,
magdi-‐‑disco.
Mabilis na bumaba si Deanne mula sa azotea at hinanap si Mang Osyo, ang
matandang driver ng kanyang lolo. “Quick, Mang
Osyo, pupunta tayo sa Manila ngayong tanghali,” excited na sabi niya. Na-‐‑imagine
agad ni Deanne ang naglalakihang building sa siyudad. Finally, free from the
monotony of rural life! Even for a day or two. Siguro naman ay hindi kawalan sa
hacienda ang absence niya. And besides, mga dalawang araw lang naman siyang
mawawala. Nakasalubong ni Deanne si Elena nang papasok na siya sa salas. “Ipag-‐‑empake mo naman ako ng pang-‐‑ilang araw
na dadalhing damit at mga personal na gamit, please,” sabi ni
Deanne sa katulong sa malambing na tinig. Sa paglalagi ni Deanne sa villa,
nakuha na niya ang ugali ng mga katulong. Si Elena ang tipong nilalambing,
naobserbahan niya. Kahit amo siya nito, she used the trick sa pag-‐‑uutos
dito. “`Yong brown bag ang dadalhin ko para maliit
lang, okay?” Mabilis naman itong tumalima. Naligo na si
Deanne. Mayamaya pa ay nasa biyahe na sila patungong Manila. NANG muli na
namang maranasan ang buhay-‐‑ siyudad, naaburido na naman si
Deanne. Ayaw na niya sa bukid. Isang bagay lang ang nagpapalito sa kanya
tungkol sa bagay na iyon. No, no. Hindi isang bagay, kundi isang tao. And her
heart perfectly knew who that person was. “Ricky. .” absentminded na naibulong
ni Deanne. Napatingin siya kay Mang Osyo; napakurap-‐‑ kurap at
saka umiling. “W-‐‑wala ho, Mang Osyo. . may naalala
lang ako.” Pinagalitan niya ang kanyang sarili. Damn,
what was she thinking? “Mang Osyo, sa probinsiya na ho tayo
tumuloy,” mabilis na utos ni Deanne. Bigla na lamang
pumasok sa kanyang isip ang pasyang iyon. “Huwag na
ho sa Valderama Towers.” Galing sila sa isang malaking
shopping complex sa Ortigas nang mga sandaling iyon. Napatingin si Manong Osyo
sa kanya. “Pero, ang akala ko’y bukas pa tayo uuwi.” “Tama na ho iyong isang
araw na absence ko sa hacienda, Mang Osyo.” Nginitian niya ito. “C’mon, let’s
take the C-‐‑5.” Tumango ito. PUMITLAG ang puso ni
Deanne nang matanaw ang pamilyar na asul na four by four pickup truck na naka-‐‑parada
sa malawak na bakuran ng villa. Ricky’s here. Kung
ang puso lang ni Deanne ang masusunod, nilipad na niya ang distansiya mula sa
sasakyan hanggang sa loob ng villa. Ngunit siyempre, hindi naman siya dapat na
maging open sa ano mang kabobohang nararamdaman niya para dito. Natigilan si
Deanne sa paghakbang. Ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Ricardo Hocson?
Silly, you’re in love? sabi ng munting tinig na iyon. Deanne was shaken by the
realization. Napatda siya sa gitna ng lawn, waring nawala sa sarili. “Deanne..
?” Parang binuhusan si Deanne ng nagyeyelong tubig nang marinig ang pagtawag na
iyon sa kanyang pangalan. Natauhan siyang bigla. Pag-‐‑ angat niya
ng mukha ay sinalubong siya ng titig ni Ricky. Nakalarawan ang pag-‐‑aalala
sa guwapo nitong mukha. “Hey, is anything wrong?” Is anything wrong? Is anything wrong! gustong isigaw ni Deanne
sa guwapong mukha nito. Everything is terribly wrong! I’ve just
realized that I’m in love with my cousin’s boyfriend and you got the gall to ask if anything’s wrong! “Out of my way!” singhal
ni Deanne, sabay padabog na naglakad. ILANG sunod-‐‑sunod na
katok ang nagpabangon kay Deanne mula sa pagkakasubsob ng mukha sa malaking
unan. Nakadapa siya sa kama. Umiiyak, nagwawala. She couldn’t accept that for
the first time in her life, she was not in control of herself. Hindi hawak ni
Deanne ang steering wheel ng kanyang emosyon. “Who’s there?” padaskol na tanong
niya habang hawak ang seradura. “Senyorita.. ” Boses iyon ni Elena. “What is
it?” “Eh. . ipinatatanong ho ni Sir Ricky kung may sum. .” Napalunok ang
katulong. “S-‐‑sumpong pa rin kayo.” What a
stupid mind. “Ano sa palagay mo?” sikmat ni Deanne. “Eh. .” “Go away! And tell that nitwit to go
to hell!” Napapikit naman siya pagkasabi niyon. Bakit ba siya nagmamaktol?
Hindi naman kasalanan ni Elena—kahit ni Ricky—kung bakit miserable siya nang
mga sandaling iyon? Huminga si Deanne nang malalim, nakapikit pa rin.
Pinakiramdaman kung nasa kabila pa rin ng pinto ang katulong. Wala pa naman
siyang naririnig na papalayong yabag. “Elena?” “Senyorita?” Binuksan ni Deanne
ang pinto matapos magpakawala ng isang buntong-‐‑hininga. “Okay.
Tell the lout to wait for me downstairs. Bababa na ìkamo ako.” “HI. .” BATI ni
Ricky kay Deanne nang mababaan niya itong nakaupo sa isang sofa sa salas.
Tinanguan lamang ni Deanne ang binata. Umupo siya sa kaharap na sofang
kinauupuan nito. “Umalis ka pala,” sabi nito. Tumango uli siya, pagkatapos ay
pumormal ang mukha. “Get to the point.” Napailing ito, pigil ang pagngiti.
“Well, if you’re free tonight—and I know you are— iimbitahan sana kitang mag-‐‑dinner
sa bahay.” Napaangat ang isang kilay ni Deanne. “Dinner?” Tumango ito. “There’s someone that
I’d like you to meet.” Nagkibit-‐‑balikat si Deanne. Wala naman
sigurong masama kung makipag-‐‑dinner siya kasama ni Ricky at
ang taong ipakikilala nito sa kanya. Tumango siya. “No
problem.” Ngumiti si Ricky nang maluwang. “Good.” Tumayo ito. “So,
susunduin kita rito mamayang seven?” Tumango si
Deanne. “Good. I’ll be
here with Achilles.” Napakunot-‐‑noo siya. “Achilles?” “My horse.” Biglang nanlaki ang mga mata ni Deanne. “Your. .!
No way! There’s no way I’m gonna
ride that dull horse again!” Humalakhak si Ricky nang malakas. “Gotcha!” Nang
makaalis ang binata ay nakanguso pa rin si Deanne. Ngunit mayamaya lamang ay
napalitan na iyon ng isang pinong ngiti. “I have a date with my love!” Tumakbo
si Deanne papunta sa kanyang bedroom; pumasok sa banyo at nagbabad sa bathtub.
Nang nakalublob na sa bathtub ay saka naman parang karayom na tumusok sa lobo
ang kaligayahan ni Deanne nang maalala si Patricia. Nawalan siya ng gana.
Tumayo na siya at nahiga na lamang sa kama matapos magbihis. EKSAKTONG alas-‐‑siyete
dumating si Ricky. Hindi ang kabayong si Achilles ang dala ng binata kundi ang
mamahaling kotseng dala nito noong mag-‐‑lunch sila sa sea-‐‑food
restaurant sa bayan. Sinupil ni Deanne ang ngiti nang matanaw ang binata sa
salas. Naka-‐‑polo itong krema at itim na pantalon. And he was
wearing gel again. Ang suot naman ni Deanne ay moss green na spaghetti-‐‑strapped
dress na ang haba ay bahagyang lumampas sa ibaba ng tuhod. Hinayaan niyang
nakalugay ang mahabang buhok. Very light ang makeup na in-‐‑apply
ni Deanne sa kanyang mukha. Nakamaang si Ricky habang pinagmamasdan siyang
pababa ng hagdan. Bakas sa mukha nito ang paghangang nararamdaman. “So, shall we go?” nakangiting
tanong ni Deanne, flattered sa paghangang nakalarawan sa mukha ni Ricky.
Napakurap-‐‑kurap muna ito bago siya inalalayan patungo sa kotse.
Napapikit si Deanne nang marahan nang maamoy ang samyo ng suwabeng aftershave
ni Ricky na nahaluan ng masculine scent na pabango nito. Damn, how she loved to
embrace him and kiss him and snuggle with him and skip dinner! Kapwa sila tense
habang nasa daan. Napuna ni Deanne na alangan ang imported luxury car ng binata
sa bako-‐‑bakong daan patungo sa rancho nito. But Ricky fitted
both the car and the dirtroad. Polished yet ragged. Malaki rin ang bahay nito.
But not bigger than her own villa. Sinalubong sila ng isang matandang babae sa
terasa. Lumapit dito si Ricky at hinalikan ito sa noo. “Lola,
this is Deanne. Deanne, my grandmother,” pakilala nito
sa matanda. Humalik si Deanne sa pisngi ng matanda. “How do you do, Ma’am?”
“Oh, don’t call me ‘Ma’am,’ hija. Call me ‘Lola Midz,’” sabi nito. Bagama’t
matanda na, mababanaag pa rin ang gandang sa tingin niya ay taglay nito noong
kabataan nito. “Yeah, no formalities around here,” nakangiting singit ni Ricky.
“No ‘Senyora Armida,’ or ‘Mister Hocson,’ and most of all, no ‘Miss
Masongsong.’” Hindi na halos nawawaan ni Deanne ang pang-‐‑
aasar ni Ricky. Nakatitig siya sa kaharap na matanda. “Senyora
Armida?” “Oh, yeah,” sabi ni Ricky. “She’s the ‘Armida Bolivar’ in Don Venancio’s
last will and testament.”
CHAPTER SEVEN
NAGHINTAY si Deanne ng magandang pagkakataon
upang buksan ang usapan tungkol sa Hacienda Valderama. Pagkatapos maghapunan ay
nagtungo silang tatlo sa veranda at doon nagkuwentuhan. “Hmm. . ano naman ang
mga plano mo sa haciendang iniwan ni Venancio, Deanne?” sa wakas ay banggit ni
Donya Armida. This is it, masayang naisaloob ni Deanne. “Well, I still plan to
sell some parts of the ranch to you. But in the meantime, ima-‐‑manage
ko muna ito by myself.” Naramdaman ni Deanne na magre-‐‑react sana
si Ricky kaya mabilis niya itong binalingan. “Yeah, you
heard it right. All by myself.” Tumawa si
Ricky. “Hah, ni hindi ka pa nakakapag-‐‑umpisang
mag-‐‑aral
under yours truly. `Yong mga brochure na ibinigay ko sàyo no’ng isang araw, I bet ni hindi mo pa nabubuklat ang mgàyon.” “As a
matter of fact, I have. Wala akong ibang magawa rito sa dulo ng mundo kaya I
read whatever stuff that get into my hands, including that mushroom business.
It’s very interesting, actually,” aniya. Hindi
nabura ang amusement sa mukha ni Ricky. Ang interes naman sa mukha ni Donya
Armida ay unti-‐‑unting bumangon habang nakangiting pinagmamasdan ang
mukha ni Deanne. “Eh, ang mga tauhan sa bukid?” tanong ng binata. “You don’t even know how to smile at them without feeling so conscious
about yourself.” “That’s because they stare so hard they make me feel like a goldfish
in an aquarium!” pakli ni Deanne. “At saka, excuse me, organizational behaviorist po yata ako, `no!
Sanay akong mag-‐‑ handle ng maraming tao.” “But farmers are different. A whole world different from the
yuppies in New York City.” “I’m good at my chosen profession. Farmers and peddlers, who cares?” mayabang na pahayag ni Deanne. Ngumiti rin siya kay Donya
Armida at nag-‐‑isip saglit ng topic na isisingit upang sandaling
malihis ang usapan na tinatalakay nila ni Ricky. “Well,
Lola Midz, how did you and Lolo Venancio meet?”
Awtomatikong naging nostalgic ang ekspresyon ng donya. Inayos nito ang
pagkakaupo sa rocking chair at saka pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng
kandungan. “Well, magkababata kami. Kami kasi ang pinakamalapit na
magkapitbahay that time kaya naging very close kami sa isa’t isa. And we both
didn’t have brothers and sisters.” “May nakalimutan ka yatang isama sa kuwento
mo, `La,” tudyo ni Ricky. “Ricardo.. ” Ngumisi ang binata. “Come on, `La. I’m
sure Deanne will find it interesting.” Umiling-‐‑iling ito. “Okay, okay,” anang donya na bumaling sa kanya. “Well, ano ba nama’ng masama sa
bagay nàyon? Venancio and I. . we were childhood
sweethearts.” Napangiti si Deanne. “I was a runaway bride, Deanne. Your
grandfather and I were engaged to be married after the war.” Sandali itong
huminto sa pagsasalita. Tumingin sa karimlan at waring sinusuma kung ano ang
susunod na sasabihin. Tumikhim ito pagkatapos. “On the eve of our wedding, I. .
I eloped with Ricky’s grandfather. He was a businessman that I met nang minsang
mamasyal kami ni Teodora— that was your lola. She was my best friend, your
grandmother. Anak siya ng katiwala sa Hacienda Valderama noon at madalas siyang
pumunta rito para makipagkuwentuhan sa akin. “I don’t know how it happened. I
just fell head over heels in love with my husband. And to cut the long story
short, sina Teodora at Venancio naman ang nagpakasal a few months later,”
pagtatapos ng donya sa kuwento nito. “Wow,” palatak ni Deanne. “That was quite
a story.” Pumormal ang ekspresyon ng donya pagkatapos. “Well, hija, tungkol sa
farm na minana mo,” seryosong turan nito, nakatitig nang deretso sa kanyang mga
mata. “I don’t think I’m that interested in purchasing any portion of the
ranch. “I mean, you’re probably aware that this ranch is big enough for Ricky.
Siya lang naman ang tangi kong tagapagmana since his mother is my only child. She
is now in Montreal with her Canadian husband but they have no children. Tanging
si Ricky ang naging anak niya sa namatay niyang asawa. Na kay Ricky na ang
pagpapasya kung bibilhin niya ang ibebenta mong portion ng hacienda, hija.”
Napalunok si Deanne sa nalaman. “W-‐‑which means. . I’m doomed to keep it for life,”
dismayadong nasabi niya. “Aba, eh, bakit naman ganyan ang
attitude mo sa hacienda mo, hija? You know, may palagay akong in-‐‑stipulate
ni Venancio ang bagay na iyon sa last will and testament niya dahil batid
niyang hindi na namin pag-‐‑iinteresang pingasin ang lupaing
inari na ng Pamilya Valderama noon pa mang panahon ng mga Kastila. “Well, sa iyo naman talaga nakatakdang mapunta iyon dahil anak ka
ni Leonora, ang bunso ng mga Valderama. Tradisyon iyon dito sa Batangas na ang
bunso ang magmamana ng maiiwang tahanan ng mga magulang.” Sa nalaman ay
bahagyang naibsan ang hinanakit ni Deanne sa kanyang yumaong lolo. Ang akala pa
naman niya ay out of favoritism kaya napunta kay Patricia ang nais niyang sa
kanya mapunta sa halip na ang hacienda. “In the meantime,” singit ni Ricky,
“ako muna ang teacher mo sa pagbubukid habang hindi ka pa ganoon kapamilyar sa
pasikot-‐‑sikot sa hacienda. Which calls to mind, may six-‐‑day
seminar nga pala akong sinalihan tungkol sa mango raising, pati na
paghahayupan. It will start tomorrow. . and you’ll be joining me.” Awtomatiko
ang pagmulat ni Deanne. “Ano naman ang magiging role ko do’n, `no?” ingos niya.
“Ikaw na lang mag-‐‑isa, pagkatapos, i-‐‑share mo na lang kina Mang Doming
at Mang Goryo. Sila naman ang mga katiwala sa mga pataniman, eh.” Napailing-‐‑iling si Ricky. “Some attitude. Ikaw ang may-‐‑ari ng hacienda kaya dapat ay
ikaw, higit sa lahat, ang nakakaalam ng tama para doon.” “Idol ko si Henry Ford. Damn, I have men in the farm. I feed
their families, so they better work good for me,” pamimilosopo ni Deanne. “What
did Henry Ford say about forming a cooperative alliance?” Muli ay umiling-‐‑iling
si Ricky. “You’re hopeless.” Nagtaas lang ng kilay si Deanne habang si Donya Armida ay
napapangiti lamang sa puwesto nito. Tumayo na si Ricky. “Well, why
don’t we call it a night now? It’s almost eleven. . and De and I have to get up early tomorrow
morning.” Napamulat siyang muli. “I so am not.” “Yes, you
soo are.” Hindi na nakapangatwiran si Deanne. “I’ll
pick you up at eight tomorrow. The talk starts at nine-‐‑thirty.” SA DAAN pabalik sa Hacienda Valderama ay nagngangalit ang panga
ni Deanne pero hindi siya nagsasalita. Si Ricky naman ay pormal din ang
ekspresyon ng mukha habang nagmamaneho. Mayamaya ay biglang huminto ang kotse
sa gitna ng daan. “What’s wrong?” alertong tanong ni Deanne. “Ewan,
basta na lang huminto, eh,” tugon ng binata habang papaibis ng
sasakyan. “I gotta go check it.”
Nakatingin lang si Deanne kay Ricky hanggang sa makapuwesto ito sa unahan ng
kotse. Nakita niyang itinaas ni Ricky ang hood. Sinilip niya ito. “What’s
wrong?” Umiling si Ricky. “I don’t see anything yet. This is the first time
this beauty embarrassed me in front of a pretty woman. I just checked it
yesterday. Ano kaya’ng problema nito?” dere-‐‑ deretsong sabi ni Ricky habang
binubukitkit ang makina ng kotse. Napasimangot si Deanne sa narinig. This is
the first time this beauty embarrassed me in front of a pretty woman.
Naghalukipkip siya. Ilan na kaya ang babaeng naisakay ni Ricky sa sasakyang
iyon? Nang medyo natatagalan na si Ricky sa labas ng sasakyan, muli siyang
sumilip. “Ano, hindi pa ba ayos?” Sa halip na sumagot, ibinaba ng binata ang
hood at saka bumalik sa driver’s seat. Sumandal ito sa inuupuan, pumikit.
“Ano?” nagdududang usisa ni Deanne. “Damn this car, may katok ang makina.”
“Damn this beauty,” yamot na ismid ni Deanne. “We have two choices. We walk to
your house or we spend the night here,” sabi ni Ricky. “Or you fix this blasted
car,” matigas niyang dugtong. “It’s broken down and I’m no expert mechanic.
This damned car has to wait until morning before it gets to the auto repair
shop,” anito. Nanlumo si Deanne sa narinig. “So?” untag ni Ricky. “So we walk
home.” Nagkibit-‐‑balikat ito pagkatapos ay muling umibis. Mabilis itong
nakaikot sa side niya at binuksan ang pinto niyon. Habang nasa daan ay ibig
magdabog ni Deanne ngunit tiniis na lamang niya ang urge na iyon. Hindi naman
siguro kasalanan ni Ricky kung bakit nag-‐‑break down ang kotse nito. That
stupid car. “Will that idiotic car be safe there?” mayamaya ay tanong ni
Deanne. “Sure. Walang ibang gumagamit ng daang ito kundi ako.” “How ironic. A
Renault Clio in the middle of this shaggy road—” Hindi pa halos tapos si Deanne
na sabihin ang huling salitang pinakawalan nang matalisod siya sa isang
malaking ugat na nakausli sa gilid ng daan. Mabilis naman siyang nahagip ni
Ricky sa braso. Nakabig nito ang malambot niyang katawan. Nang maramdaman ni
Deanne ang biglang pagkabig ng binata sa kanya ay naging alerto ang kanyang
kilos. Mula sa pagkakahilig ng kanyang pisngi sa matipuno nitong dibdib ay
maagap siyang humiwalay at tumuwid ng tayo. “I. . I’m okay now,” mahinang sabi
ni Deanne, silently cursing herself for being such a klutz. Hinigit niya ang
isang kamay na hawak pa rin ni Ricky. Nagkibit-‐‑balikat ang binata matapos
pakawalan ang kanyang kamay. Instinctively, inirapan niya ito. Ngunit natawa
siya sa sarili pagkatapos. Come on, Deanne, give yourself a break. But reality
took over her once more. He’s your cousin’s boyfriend. . sabi ng isip ni
Deanne. At para iyong echo na umalingawngaw sa kanyang tainga.
CHAPTER EIGHT
NAGING normal naman ang lahat sa pagitan nina
Deanne at Ricky nang mga sumunod na araw. Naging businesslike ang relasyon niya
sa binata. Dadalo sila sa seminar tungkol sa farming sa kabayanan ng Sto.
Toribio at pagkatapos ay uuwi na. Ganoon ang naging routine nila araw-‐‑araw.
Sa ikalimang araw, hindi dumating sa bahay si Ricky na labis na ipinagtaka ni
Deanne. Dati-‐‑rati ay nandoon na ito bago mag-‐‑alas-‐‑otso
ng umaga. “Nana Segunda, wala bang ipinadalang mensahe
si Ricky nàdi siya makakarating ngayon?” tanong ni Deanne sa mayordoma nang madatnan itong abala sa pag-‐‑aayos
ng hapag-‐‑ kainan para sa kanyang pag-‐‑aalmusal.
Umiling ito at saka nagmuwestrang maupo na siya. “Baka
naatraso lang `yon sa pag-‐‑alis sa kanila. Baka nagkaroon ng
aberya sa bukid.” Naisip din iyon Deanne. Nagkibit-‐‑balikat
na lang siya at sinimulan na ang pagkain ng almusal. Hmm.. I’m beginning to like sapsap and alamang, natutuwang naisaisip
niya habang kinakagat ang isdang tuyo na siyang paborito sa lalawigan. Iyon ang
perpektong ulam para sa champorado. “Talagang nagustuhan mo ang sapsap, ha,
Deanne?” nagagalak na sabi ni Nana Segunda. Nang sumapit ang ikasiyam ng umaga,
lalong nagtaka si Deanne dahil wala pa rin si Ricky. Naghintay pa siya hanggang
nine-‐‑thirty
bago naisipang magpalit na ng damit-‐‑pambahay. Hindi na siguro
darating si Ricky, naisip ni Deanne. At kung dumating man ito, parang wala na
yata siya sa mood na tumuloy. Magbabasa na lang siya maghapon. O kaya ay
mamamasyal sa pataniman ng pakwan. Gustong-‐‑gusto niya roon. Nagtungo si
Deanne sa library at namili ng mababasang libro. Nakakita siya ng isang dog-‐‑
eared copy ng The Great Gatsby at nakangiting kinuha iyon mula sa shelf.
Dalawang beses na nang nabasa ni Deanne ang naturang libro noong nasa
university pa siya. Masasabi niyang isa iyon sa pinakapaborito niyang libro.
She kind of fell for the great Jay Gatsby, ang bida sa akdang iyon. She had
always been enthralled by romance, and Gatsby’s love for Daisy Buchanan was
enduring and. . it was imprinted in Deanne’s mind. She was a big sucker for
romance. Isang dahilan kung bakit sa edad na beinte-‐‑sais ay
hindi pa nagkakaroon ng kasintahan si Deanne. She was still waiting for the
right man—her very own Great Gatsby—to come along, her prince on a white horse. Nahiga si Deanne sa
kanyang water bed at saka nangangarap na pumikit, yakap ang lumang paperback.
Ilang beses siyang bumuntong-‐‑ hininga, sa isip ay binubuo ang
larawan ni Jay Gatsby. Usually ay picture ng Hollywood actor na si Dennis Quaid
ang lumalabas sa imahinasyon ni Deanne, and she was expecting the image of the
actor nang mga sandaling iyon. But something must have gone wrong in her brain
that time dahil ibang mukha ang nabuo. Iyon ay mukhang pamilyar na pamilyar sa
kanya. “Damn, Ricky. Get out of my system!” gigil na bulong ni Deanne, lalo pang diniinan ang pagkakapikit.
Focus, focus, focus, utos niya sa kanyang sarili. Si Dennis Quaid ay crush ni
Deanne mula pa noong high school and it would mean infidelity kapag hindi na
ang guwapo nitong mukha ang laman ng kanyang imahinasyon. Unti-‐‑unting
nabuo ang mukhang iyon. The full lips that almost seemed ridiculous to be a man’s lips; the pointed nose; the eyes that made her knees melt with
their mere glance. The same eyes na sinasabi niyang duling. Mabilis na nagdilat
si Deanne, saka bumangon. Padabog ang bawat galaw na bumaba mula sa kama at
lumapit sa malaking closet. Dali-‐‑dali siyang nagbihis ng shirt and
jeans. Sa ilang saglit ay handa na siyang mamasyal sa pakwanan. Nang sumunod na
araw, mag-‐‑isang dumalo si Deanne sa seminar sa poblasyon. PILIT
na nilabanan ni Deanne ang urge na magtungo sa tahanan nina Lola Midz at Ricky.
Damn, limang araw nang hindi nagpapakita sa kanya ang binata. Nilabanan na
lamang niya ang pagkabagot sa pamamagitan ng madalas na pagtungo sa mga
pataniman. Maging ang poultry farm na nasa dulo ng hacienda ay sinadya ni
Deanne. Pati mga lumang libro sa silid-‐‑aklatan ay napagdiskitahan niya
upang aliwin ang sarili at ilihis ang utak sa pangungulila kay Ricky. Nang
hapong iyon, nagkaroon ng kaunting buhay sa villa. Dumating si Leonie. “Wow! Nice tan,” komento nito
habang pinagmamasdan si Deanne. “May beach bang
malapit dito?” “Wala.
Nasusunog lang ang balat ko sa farm,” sagot niya. “It suits you.” Pinaikot ni
Deanne ang kanyang mga mata. “You look bored,” pagkuwan ay puna ni Leonie. “Sa
kalilibot mo sa farm, bored ka pa rin?” “N-‐‑no. . i-‐‑it’s
something else.” Mabilis na iniiwas ni Deanne ang mga mata rito. Mataman siyang
pinagmasdan ni Leonie, pagkatapos ay bumuntong-‐‑hininga. Tila may suspetsa ito
kung ano ang kanyang pinoproblema ngunit hindi pa nakakasiguro. Tumingin si
Deanne sa kawalan. Tumikhim si Leonie. “De, is
something bothering you? Something you care to tell your friend here?” Parang wala naman siyang narinig. Aktong tatalikod ito upang
bigyan ng privacy ang kanyang pag-‐‑iisip nang tawagin niya ang
pangalan nito. Lumingon ito. “I-‐‑it’s Patricia and. . R-‐‑Ricky,” kagat-‐‑labing
pag-‐‑amin
ni Deanne. Helpless siyang tumingin sa mukha nito. “Leonie,
what should I do? I’m in love with my cousin’s boyfriend.” Rumehistro ang pagkagulat sa mukha
ni Leonie. “W-‐‑well. . that’s a tough one.” “Ano’ng gagawin ko?” hirap na
bigkas ni Deanne. “I’ve been
dying to tell someone about this. I’m so glad you
came.” Niyakap siya nito. “I don’t really know what to say, De. For the first time, you fell in
love. . and it’s hurting you.”
Tiningnan siya nito. “There is one thing I can say. Don’t
give up on love. Kahit mabigo ka sa pagkakataong ito, just remember that other
chances will come by. Isang lalaking siyang nakalaan sàyo.” “I. .I don’t think
I can ever love again after this stupid mishap. I feel that. . damn, si Ricky
lang ang para sa akin.” Sandali silang natahimik, nagkasya sa pagkaka-‐‑
yakap na lamang. Mayamaya ay binasag ni Leonie ang katahimikan. “Why don’t we have a party?” suhestiyon nito. Her eyes suddenly alit with excitement. “I can invite Wilson.” Ang tinutukoy nito ay ang nobyo. “Tamang-‐‑tama
dahil may balikbayan siyang pinsan. “Hmm. . maybe
you can go on a blind date with Lawrence. He’s not so
bad, you know. I think mas compatible pa kayo kaysa ro’n sa. .
sa Ricky nàyon. Right, Wilson and I will fix you a
blind date with Lawrence.” “Ayokong
umalis dito sa hacienda,” malamyang wika ni Deanne, hindi man
lang naapektuhan ng excitement ng kaibigan. Napaawang ang bibig ni Leonie,
mulagat na nakatitig sa kanyang mukha. Pagkatapos ay pumalakpak ito, mangha pa
rin ang ekspresyon sa mukha. “Gee, Deanne. In love ka nga!” Ngumiwi siya. “I
told you so. .” ANG ORIHINAL na planong blind date nina Deanne at Lawrence—ang
balikbayang pinsan ng nobyo ni Leonie—ay napalitan ng pag-‐‑iimbita
ng dalagang hacendera sa kaibigan at dalawang lalaki na mag-‐‑stay
sa kanyang villa the following weekend. Dalawang araw pa lang bago iyon,
nagpasabi na si Deanne sa mga magsasaka at pami-‐‑pamilya ng mga ito. “It’s going to be a feast,” nasisiyahang balita ni Deanne kay Leonie nang bisperas na ng
kasiyahan. Sumama siya kina Nana Segunda at Manang Severina sa pamimili ng mga
kakailanganin sa Lipa City. Nakakita si Deanne ng isang phone booth at saka
dali-‐‑daling
bumili ng phone card upang tawagan ang kaibigan. “The whole
ranch is invited!” “Damn, you’re turning into a female Jay Gatsby,” biro ni
Leonie. “Throwing parties for one reason. . maybe?” Nagpakawala si Deanne ng buntong-‐‑hininga. “I hope he’ll hear of it. . and he’ll come.” “Well, I’ll pray
against it! Lawrence is going to be your date tomorrow night and the dashing
promdi is definitely uninvited to the affair.”
CHAPTER NINE
MEDYO tipsy na si Deanne ngunit patuloy pa rin
ang paglagok niya sa hawak na kopita. Damn, luluwa na lang ang mga mata ni
Deanne sa katatanaw sa mataas na bakod ng villa ay wala pang pamilyar na
sasakyang dumarating. “Haven’t you had too much martini yet?” saway ni Leonie
sa kanya. Tinangka nitong agawin ang kopita mula sa kanyang kamay. “No way.
Your friend, Larry, brought such fabulous wine. It’s the first time since I got
here that I’ll get drunk a little. This is supposed to be my party—shoo!” Napailing-‐‑iling
na lang si Leonie. Iniwan siya nito sa terasa, kung saan naroroon si Deanne, na
para pa ring tangang nakatanaw sa gate. Mayamaya ay tinig naman ni Lawrence ang
umuntag sa pagmumuni-‐‑muni ni Deanne sa dilim. “Hi. Don’t you get mosquito bites here?” “Fat chance, nag-‐‑Off lotion ako.” Napailing ang Fil-‐‑Am na lalaki at saka siya
hinawakan sa braso. “Come on in. It’s
gettting cold here,” malumanay na sabi nito habang
hinihila siya papasok sa loob ng bahay. Guwapo si Lawrence; gentleman at mataas
ang pinag-‐‑aralan. Under normal circumstances, that is. Kung nasa
tamang huwisyo si Deanne and not crazy about the hillbilly hunk—she would enjoy Lawrence’s company. He
was just her kind of guy. “No,” piksi
niya. Hinawakan ni Deanne sa braso si Lawrence at iginiya palayo sa terasa.
Dinala niya ito sa marble bench na nasa isang sulok ng hardin. “Come on. Tell me stories about New York. It has been eons since
I was last there.” Napakamot ito sa ulo. “Deanne. .” “Larry. . come on, kiddo,”
sabi niya sa namumungay na ang mga mata. “I miss NYC. Tell me stories.” “Well,
I haven’t been much to that place,” napipilitang bigkas ni Lawrence. “I came
from Poughkeepsie.” Tumawa si Deanne nang malakas sa narinig. “Poughkeepsie!
You know, I’ve always thought that name was so goddamn stupid. Poughkeepsie!”
“You’re drunk, Deanne. Let’s go in.” Natitigilang tumitig si Deanne sa maamong
mukha ng mestisong lalaki. May ngiti sa kanyang mga labi. “You are so nice,
Larry,” nahihilo nang pahayag niya. Wala sa loob na naihaplos ni Deanne ang
malayang kamay sa wineglass. “So damned nice. .” “Deanne.. ” Nabitiwan ni
Deanne ang hawak na kopita, saka lumungayngay ang mukha sa braso ni Lawrence.
“Have you ever experienced falling in love with your cousin’s boyfriend?” wala
na sa sarili niyang tanong. Sinundan niya iyon ng incomprehensible na bulong.
Hindi mawawaan ni Deanne kung ano ang sinasabi ni Lawrence ngunit naririnig
niya itong nagsasalita malapit sa kanyang tainga. Then there was that sound.
The familiar sound of a four by four pickup truck engine. Nais niyang magmulat;
umalis sa tabi ni Lawrence at salubungin ang paparating na sasakyan. Ngunit
tinalo si Deanne ng matinding pagkahilo. Lumungayngay siya sa mga bisig ni
Lawrence. MABIGAT ang ulo ni Deanne nang magmulat ng mga mata. Agad siyang
napapikit nang masilaw sa liwanag na sumalubong sa kanya. Nakabukas ang mga bintana
ng kanyang silid at lumalagos sa manipis na kurtina ang sikat ng araw. “What
are you doing to yourself, Deanne?” bungad ng matalim at makapangyarihang tinig
na iyon. Muling nagmulat ng mga mata si Deanne. Tumambad sa kanyang paningin
ang makulimlim na mukha ni Ricky. Nakaupo ito sa silyang nasa tabi ng kanyang
kama. “I’ve got enough problems para problemahin pa kita,” patuloy na turan ni
Ricky; nanlilisik ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. “I could have killed
you last night.” Naguluhan si Deanne sa naririnig mula sa bibig nito. Ano ba
ang ginawa niya nang nakaraang gabi na lango siya sa alak? At nasaan ang
kanyang mga bisita? Para namang mind reader na nagsalita si Ricky. “They’re
gone. Leonie left with those creeps early this morning.” Lumalim ang pagkakunot
ng noo ni Deanne. “Without saying goodbye to me? Darn, I’m their hostess.”
“You’re nothing but an irresponsible brat,” sikmat ni Ricky. Tumayo ito at
lumapit sa tabi ng bintana. Doon ay tumanaw ito sa malayo, waring kay-‐‑lalim
ng iniisip. “W-‐‑why? What did I do last night?” kinakabahang tanong ni Deanne. Sa hitsura nito, napipiho niyang
may kabulastugan siyang nagawa noong lasing siya. “Did I do something..
outrageous?” Isang mahaba at buntong-‐‑hininga ang itinugon ni Ricky.
Nanatili itong nakatanaw sa malayo. Si Deanne naman ay nakatitig sa likod ng
binata. Her eyes filled with so much love. Mayamaya ay siya naman ang
bumuntong-‐‑ hininga. “Saan ka ba
galing? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sàkin?” Napalunok si Deanne. Damn, hindi siya dapat nagsalita nang
ganoon. Nasa tinig niya ang pagtatampo. That was a big shame, but it was too
late to retract her words. Nakagat na lang niya ang kanyang mga labi at saka
nagpakatango-‐‑tango. Nilingon siya ni Ricky. “Do you
mean that? I-‐‑I mean. . were you really aware of my absence?” “W-‐‑well,” ani
Deanne na nagkibit-‐‑balikat pa. “I went to the
agriculture seminar alone.” Muling tumanaw si Ricky sa labas ng
bintana. Mayamaya ay lumapit sa pintuan. “Try to
get some more rest,” tila nahahapong sabi nito bago
lumabas ng silid. Naiwan naman si Deanne na nagtataka. Ricky sounded so tired.
At ano nga ang ibinungad nito sa kanya? I’ve got enough problems para
problemahin pa kita? What could his problems be? Suddenly, parang may kung
anong matigas na bagay na pumukpok sa ulo ni Deanne. Ibinagsak niya ang likod
sa kama at pumikit nang mariin. Kay-‐‑tagal na mula nang huli siyang
makaramdam ng ganoong hangover. NAGISING na muli si Deanne. Medyo magaan na ang
kanyang ulo. Tiningnan niya ang orasan sa ibabaw ng side table at nakitang
ilang minuto na lang pala bago magtanghalian. Nagtungo si Deanne sa banyo at
naligo. Pagkatapos, dumeretso siya sa kusina; kumakalam ang sikmura sa gutom.
Naratnan niya roon sina Nana Segunda at Manang Severina. “Magandang tanghali,
Deanne,” bati ng dalawang matandang kawaksi. “Magtanghalian ka na.” Naupo si
Deanne sa dining chair at naghintay na mapagsilbihan ng dalawa. Mabilis na
nagsikilos ang mga ito. Hindi pa siya nakakapagsimula sa pagkain ay sumulpot sa
kusina si Ricky. Bagong paligo na rin ito. Nagkaroon si Deanne ng palpitations
pagkakita sa guwapo nitong mukha. Oh, God, sana ay pang-‐‑habambuhay
ang naganap nang nagdaang umaga. Na gigising siya bawat umaga na ang larawang
unang babati sa kanya ay ang mukha ni Ricky. But not in such a sour mood! Ah,
ni hindi pinangarap ni Deanne na magiging ganoon ka-‐‑helplessly
in love sa buong buhay niya. Hindi tumango si Ricky sa tanghaliang inialok
dito. Naupo ito sa kaharap na silya ni Deanne. Ngumiti ito sa kanya, tila
humupa na ang sumpong. Pagkatapos magtanghalian, nagtungo sila sa veranda upang
magkuwentuhan. “Saan ka ba talaga nanggaling?” pagkuwa’y curious na usisa ni
Deanne. “Hindi ka man lang nagpasabing hindi mo na ako masasamahan sa seminar.”
Tumingin si Ricky sa kanya, seryoso ang ekspresyon. “Marami akong inasikaso.
Isa pa’y nagkasakit yung batang alaga namin ni Lola. Remember, Potpot, the
little boy you met at your welcome party? Naka-‐‑confine siya ngayon sa ospital sa
Lipa.” “Ahh.” “Si Lola naman ay nasa Maynila na
ulit. Just like you, hindi siya mapakali sa probinsiya. Gusto laging makapunta
sa siyudad and play mahjong with her amigas.” Pagkatapos niyon, namayani ang
nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. Mayamaya ay muling nagsalita si
Ricky. “D-‐‑ De. . I guess you ought to know about this...” Napakunot-‐‑noo si Deanne. “What’s that?” “Si Patricia.. nawawala.”
CHAPTER TEN
HINDI matanggal ng CD ni Lou Reed ang tensiyon
na nararamdaman ni Deanne nang mga sandaling iyon. Nakasuot sa magkabilang
tainga niya ang earphone at kasalukuyan silang naka-‐‑ stuck sa
traffic sa EDSA. Ipinikit ni Deanne nang mariin ang kanyang mga mata; ini-‐‑off
ang discman, saka nag-‐‑meditate. Sa driver’s seat
naman ay panay ang palatak ni Mang Osyo sa matinding traffic build-‐‑up
sa unahan nila. Pagkalipas ng may kalahating oras, natanaw na ni Deanne ang
ituktok ng Valderama Towers. Ang ikalawa hanggang ikaapat na palapag niyon ay
sakop ng main office ng Galaxy Malls, Inc. Tig-‐‑isa sila ni Patricia ng penthouse
sa ituktok niyon. Halos wala rin silang naging pahinga ni Mang Osyo. Nang
matiyak na ilang araw na ngang hindi nagpapakita sa opisina si Patricia,
bumalik na sila sa Batangas. What is that woman up to? naguguluhang tanong ni
Deanne sa sarili. Patricia was usually sane. Bakit bigla na lang itong nag-‐‑hibernate,
leaving loads of obligations behind? Kung hindi nagbanggit ng pahaging si
Patricia tungkol sa plano nitong pag-‐‑alis sa sekretarya nito, marahil
ay kung ano-‐‑ano na ang pumasok sa utak ni Deanne. Back in the
States, kung ano-‐‑anong krimen ang nababalitaan ni Deanne sa Pilipinas—two of them rape cases and kidnapping. Her American friends were
appalled. Ano kaya ang matinding problema ni Patricia? Nag-‐‑away
kaya ito at si Ricky? Nagkaideya si Deanne na sadyain si Ricky sa tahanan nito
kinabukasan. KAKABA-‐‑KABA si Deanne nang umibis ng sasakyan, kasunod si
Mang Osyo. Bitbit ng matanda ang basket na may lamang sweet delicacies na
ipinaprepara talaga niya kay Nana Segunda. Kahit naman laking-‐‑Amerika
siya ay nanatili sa mga ugat ni Deanne ang dugong-‐‑konserbatibo.
And she would die kapag naging lubhang transparent ang kanyang damdamin para
kay Ricky kaya pinipilit niya ang sariling maging kaswal. Kinakabahan si Deanne
sa kanyang ginagawa. Hindi kaya isipin ng binata na mayroon siyang personal na
motibo other than her cousin’s welfare sa pagpunta niya sa tahanan nito?
Nagliwanag naman ang isip ni Deanne. Hindi naman siguro ganoon kasuspetyoso at
kababaw si Ricky. Baka nagiging paranoid lang siya at unreasonable. Napakunot-‐‑noo
si Deanne nang may matanaw na babae sa terasa ng bahay. Nakaupo ito sa rocking
chair ni Donya Armida. Nang matanaw siya nito ay tumayo ito at nakangiting
naghintay sa kanyang paglapit. “You must be Deanne,” salubong ng babae in a
friendly tone. Tumango siya, pilit ang ngiting ipinapakita sa kaharap dahil
nasa kanyang utak pa rin ang pagdududa sa presensiya ng babae sa bahay ni
Ricky. “Hi, I’m Yvette,” pakilala nito sa sarili, bago inilahad ang kanang
palad sa kanyang harap. Alumpihit na inabot iyon ni Deanne. Her vibes said
something negative about the woman. Gayunpaman, pinilit niyang ngumiti sa
kaharap. “Nice to meet you, Yvette.” Nice, my shoes, dugtong ni Deanne sa isip.
“I-‐‑I’m looking for Lola Midz?” Kamuntik na
siyang pumiyok sa huling tinuran. Lola Midz, pooh! Ang kanyang mga mata naman
ay lihim na naghahanap sa guwapong mukha ni Ricky. Para namang dininig ng Diyos
ang kanyang tahimik na panalangin. Ilang segundo lamang ay sumungaw ang mukha
ni Ricky sa pintuan ng sala. “Oh, hi, De.. ” malambing na bati nito. Tila nagulat sa presensiya niya. Hindi
agad nakatugon si Deanne sa pagbati ni Ricky. “H-‐‑hi. .” “She’s looking for Lola Midz, Rick,” mabilis na singit ni Yvette. Sandaling napakunot-‐‑noo
si Ricky, bago pinagpalipat-‐‑lipat ang tingin sa kanilang
dalawa ni Yvette. “Well, I see that you’ve met. Hmm. . you’re looking for
Lola, De?” “Ah, eh. . I-‐‑I’ve brought some pastries kasi,” ani
Deanne na lumingon kay Mang Osyo. Yumukod naman bilang pagbati si Mang Osyo kay
Ricky. “Wala si Lola. Nasa Manila siya right now.
Well, why don’t you come in?” sabi ni
Ricky na tumingin sa kanilang tatlo. Tinanguan nito si Yvette na nauna na sa
pagpasok sa loob. Pagkatapos ay inalalayan siya. Hindi umiwas si Deanne nang
hawakan siya ni Ricky sa siko hanggang sa makapasok sa malawak na salas. Bitbit
ang basket na kinuha mula kay Mang Osyo, nagpaalam sandali ang binata bago
nagtungo sa kusina at nagpahanda ng snack sa mga katulong. Dahil naaasiwa sa
katahimikan sa pagitan nila ni Yvette, nagsalita si Deanne. “Taga-‐‑Sto.
Toribio ka rin ba?” Tiningnan ni Deanne si Yvette at
nagulat nang sa pagtingin niya sa mukha nito ay iba na ang ekspresyong naroon.
Kung kanina ay friendly at warm iyon, ngayon ay medyo makulimlim na. “Yeah,”
walang ganang tugon ng babae. “Ricky and I are childhood friends.” Ngumiti siya
nang pilit. “So, friend mo rin siguro si.. ang pinsan ko, si Patricia?” Kaswal
itong tumango. “Uh-‐‑hmm.” “I see.” Matagal na katahimikan ang bumalot
sa kanila. Ang pagdating ni Ricky ang bumasag sa nakabibinging katahimikan.
Kasunod nito ang isang unipormadong katulong na may dalang food tray. “Magmeryenda muna kayong tatlo,” sabi ng binata, sabay baling sa
katulong. “Nora, pakitawagan naman si Mang Osyo. Sabihin mo, magmeryenda muna
rito.” Mabilis na tumalima ang inutusan ni Ricky. Naupo si Ricky sa katabing
sofa ni Deanne. “Well, nice to see you around here again,” nakangiting sabi
nito, sabay haplos sa isa niyang kamay. Kunwa ay medyo inilayo nito ang likod
sa backseat ng sofa upang sipatin siya. “You look good sitting on this sofa.”
Natawa si Deanne, pero hindi si Yvette. Nanatiling matalas ang tingin ng babae
sa kanya. And then it came to her. Nagseselos si Yvette sa kanya? Biglang-‐‑bigla,
inatake rin ng selos ang kanyang dibdib. But only in behalf of Patricia, giit
ni Deanne sa sarili. But dammit, inamin na niya sa sarili na umiibig nga siya
sa binata. Ilan pa kaya silang mga nasilo ng charm ni Ricky? she silently
wondered. Napatingin si Deanne kay Ricky, pagkatapos ay kay Yvette. And the
latter was staring back at her with fire in her eyes. Nabasag lang ang tensiyon
sa pagitan nila nang dumating si Mang Osyo. Sandali lang na nakipagkuwentuhan
si Deanne sa dalawang nadatnan at nagpaalam na. Pinangatawanan niyang si Donya
Armida talaga ang kanyang sadya. Tumayo si Ricky upang ihatid siya sa kanyang
sasakyan. “I’ll come by your house tonight,” bulong nito sa kanyang tainga nang
papasakay na si Deanne sa kotse. Naghatid ng isang libong kilabot sa buong
katawan ni Deanne ang kiliting dulot ng bulong na iyon. NANLAKI ang mga mata ni
Deanne sa hitsura ng nadatnan sa kanyang kama. “P-‐‑Patti!” bulalas niya, sabay takbo palapit sa pinsan. Mataman niyang
pinagmasdan ang hitsura ni Patricia. Humpak ang mga pisngi nito at lubog ang
mga matang nangingitim ang paligid. Pati buhok ni Patricia ay waring isang
linggong hindi na-‐‑shampoo at nasuklay. Gustong mapasimangot ni Deanne
nang mapunang may kakaiba nang amoy ang suot nito. Halatang ilang araw nang
hindi napalitan. “Goodness, Patricia! Ano’ng nangyari sàyo?” frantic na tanong ni Deanne; concern was written all over her
face. Hinagod niya ng haplos ang buhok nito. Pati mukha ni Patricia ay hinaplos
niya, bago ito niyakap nang mahigpit. “Patti, dear, what’s the matter?” sabi ni
Deanne sa masuyong tinig. Hindi ito nagsalita. Nanatili lamang na animo rebulto
habang yakap-‐‑yakap niya. “Come on, Pat.
What’s wrong? Where have you been?” Tinitigan ni Deanne ang mukha ni Patricia at nakita niya ang
unti-‐‑unting
pagsungaw ng luha sa mga mata nito. Inatake ng awa ang damdamin niya para dito.
Now, she knew that she really loved her cousin. At naisatinig ng bibig ni
Deanne ang damdaming iyon. Dahan-‐‑dahang kumalas si Patricia mula
sa pagkakayakap niya. “W-‐‑what did you. . just say?” Waring hindi ito kumbinsido sa narinig. “I said I
love you,” madamdaming bigkas ni Deanne, nakangiti.
Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know we were
never that close but I just know I love you. . and I thought I never could.” Napakunot-‐‑noo si Patricia bagama’t may bahagyang ngiti sa mga labi. Nakangiting sinimulan ni
Deanne ang pagsasalaysay tungkol sa damdamin niya noon para dito. All ears
naman sa kanya si Patricia; there was a smile slowly forming in her lips. “Do
you really love me, De?” mayamaya ay putol ni Patricia sa kanyang pagsasalita.
Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. “Of course, I do,” sabi ni Deanne sa
nagdaramdam na tinig. “Hindi ka pa ba naniniwala?” Tumitig lang ito sa kanya.
“Nang mawala ka, I missed you,” patuloy na pangungumbinsi ni Deanne. “Come on,
Patti. Aside from Tito Ronnie and his family, tayo na lang ang relatives dito
sa mundo. We only have each other.” “If you really love me, then convince me.
Prove it to me.” Maang na napatingin si Deanne sa mukha ni Patricia. Dagling
nawala ang kanina lamang ay matinding kalungkutan sa magandang mukhang iyon,
ang pumalit ay pag-‐‑asa. She did not have the heart to protest. “Somebody broke my heart,” simula ni
Patricia. “Iganti mòko.. in
the hope that we’ll be back in each other’s arms together again. .” Parang piniga
naman ang puso ni Deanne sa narinig. “Paibigin mo si
Ricky, De. Paibigin mo siya.” Hindi siya
makapaniwala sa hiling ni Patricia. Tila may malaking bikig sa kanyang
lalamunan. All she could do was stare at Patricia blankly, na waring hindi
rumerehistro sa kanyang utak ang mga naririnig. “It wouldn’t be hard since. .
since sa una pa lang ay halata nang tinamaan sàyo ang lalaking `yon. All you
need to do is a little flirtation and you’ll get him,” pagpapatuloy ni
Patricia. “A-‐‑after that, things will be well with my life again.” Nakatitig lang si Deanne kay Patricia. Nakita niya ang biglang
pagliwanag ng mukha nito. Unti-‐‑unti ay lumamlam muli ang
ekspresyon ni Patricia. Nagkaroon ng hesitation sa magandang mukhang iyon. “A-‐‑and hopefully, you’ll also
be happy with Ricky. He’s not that hard to love, De,” anitong bigla na namang naging hopeful ang ekspresyon. “He’s quite a charmer. If you’ll only focus on his positive side at hindìyong pagiging alaskador niya. I tell you, he can get into my
bones sometimes, but—” “Teka,
teka,” naguguluhang putol ni Deanne sa pinsan. “I-‐‑I don’t quite get it.” “What is it that you can’t get?”
takang-‐‑tanong
ni Patricia. Biglang na-‐‑enlighten, napa-‐‑“oh” ito. “I see. H-‐‑hindi
ko pa nga pala nai-‐‑explain sàyo ang
kalagayan ko. .”
CHAPTER ELEVEN
NAPAMULAGAT si Deanne sa nalamang katotohanan
tungkol kay Patricia. “Y-‐‑you’re. . you’re a lesbian?” Sarkastiko
itong tumawa. “For a modern New Yorker like you, you’re so naïve,” naiiling
nitong turan. Nagkibit-‐‑balikat ito pagkatapos. “Well, Ricky and I probably act so well that you didn’t suspect anything strange in our relationship.” Unti-‐‑unting nagliwanag kay Deanne ang lahat. “Y-‐‑you mean to say.. you and Ricky. You’re not a pair?” “A pair of bozos,” natatawa
nitong sagot, “that’s what we
are. But sweethearts? Nah. He’s too masculine
for my taste,” pagpapatawa pa ni Patricia. Hindi
malaman ni Deanne kung alin ang iindahin: ang shocking truth tungkol sa
kasarian ng pinsan o ang katotohanang hindi nito nobyo si Ricky. Pinili ni
Deanne ang ikalawa. Ang laking tanga naman pala niya. Para siyang martyr na
nag-‐‑suffer,
sinikil ang damdamin, dahil isinasaalang-‐‑alang niya ang pinsan. Iyon pala
ay. . Oh well. All’s well that ends well. Bigla namang
pumasok sa isip ni Deanne na hindi pa nga pala iyon ang katapusan ng kanilang
istorya. She still had a mission to accomplish. “So, this
Yvette woman. . she’s your girlfriend,” sabi ni Deanne. “Was,” mabilis na pagtatama ni Patricia. “But we
will be back to the way we used to be once you’re done
with your assignment.” Kumindat ito pagkasabi niyon. “I know you can do it with no sweat at all.” Nais maghinanakit ni Deanne kay Ricky. Hindi man lang ba nito
ikokonsidera ang damdamin niya? But she loved Ricky, anyway. There was no use
trying to argue. “The man’s crazy about you, De,” mayamaya ay saad ni Patricia.
“I could see it in his eyes. I’ve never seen him look at any other woman the
way he looks at you.. ” Tumaba ang puso ni Deanne sa narinig, handa nang umamin
tungkol sa kanyang damdamin para sa binata. Lumunok muna siya nang ilang beses
bago nagbuka ng bibig. Ngunit naunahan siya ni Patricia. “I guess you like him,
too,” hula nito, nakangisi. “If you’re so frank like you’ve always been about
your feelings, you’ll admit it.” Kunwa ay umingos siya. “Hmp, `tsura niya.”
“Pogi siya, `no? Come on, don’t be shy. Admit it.” Napangiti nang tuluyan si
Deanne. “Oh, Pat, I love him!” malakas niyang pag-‐‑amin. It
felt so good to finally confess her feelings to someone. “I feel so. . relieved. I’ve had this
stupid feeling, like, for eons now. I’m so glad you’re here by my side.” Nagyakapan
silang magpinsan. Pagkuwa ay may biglang naalala si Deanne. Kumalas siya sa
pagkakayakap kay Patricia. “Are you sure he likes me? Baka naman mali ang
assessment mo sa mga kilos niya? Sa pagbasa sa mga mata niya? When he—like you
said—looks at me? Eh, `di ba, may pagkaduling ang unggoy nàyon?” Natawa si
Patricia. “I thought you hadn’t noticed. Nababanlag na nga ang lokong `yon sa
katangusan ng ilong niya. But no. His eyes are actually the most beautiful eyes
I’ve ever seen.” “Are you sure he doesn’t look at Yvette the same way?” ibig pa
ring mawalan ng loob na tanong ni Deanne. “I’m a very good judge of character
and a terrific mind reader. K-‐‑kaya nga lately, nang magkasakit
si Potpot—that’s the
little boy you met at your welcome party and he’s Yvette’s child from her ex-‐‑boyfriend who ditched her for a
bigger fish. Well, nang magkasakit si Potpot, Ricky had to contact her.
Kinabahan na ako. I didn’t want them to see each other again
dahil alam ko ang mangyayari.” Napakunot-‐‑noo
si Deanne; naguguluhan sa mga sinasabi ni Patricia. “Well, I just know Yvette
would fall hard for him again. Maliliit pa lang kami, in love na ang gagang
`yon kay Ricky,” ani Patricia na biglang tumigas ang mukha. “Good for Ricky,
hindi niya pinatulan si Yvette. She’s one hell of a gold digger. Parehong-‐‑pareho
sila ng ama ng bastardo niyang anak. They deserve each other. Too bad a rich,
dumb girl came along. “Yvette is the only woman I truly
loved. Sa kanya, naging acute ang.. abnormality ko. I don’t know. Maybe it’s because when
we were kids, I saw her naked and all. She was definitely the object of my..
insanity?” Umiling-‐‑iling si Patricia pagkatapos ng mahabang
pagsasalaysay. “Paano napunta si Potpot kina Ricky?” usisa ni Deanne. “It was Lola
Midz’ idea. Philanthropist kasìyon. When Yvette left Sto. Toribio, bagsak na ang kabuhayan
nila. When she came back, may dala na siyang sanggol. Lola Midz offered to
adopt Potpot nang maglagalag si Yvette. But of course, I kept her in our
lovenest. That time, sugapa na siya sa drugs—” Muli,
nanlaki ang mga mata ni Deanne. “Pat! Don’t tell me. .” Nagkibit-‐‑balikat
si Patricia. “I fed her with her vices. That’s the only way I could keep her. But no, I never tried drugs. I
mean, I did. But I didn’t like it, so you’ve got nothing to worry about.”
Nagdududang pinagmasdan ni Deanne ang mukha ni Patricia. Nanlalalim ang mga
mata nito; humpak ang mga pisngi. There was horror in her face again. “Puyat ako. Hindi nagkakakain. I was miserable, De. Come on, I’m not going to do anything stupid again. Tama na si Yvette.” Hindi pa rin naniniwala si Deanne pero nanahimik na lang siya.
“So, we’ve got a deal, Deanne?” sabi nito pagkuwan. Tumango siya. “On one
condition. Give up drugs. They won’t do you any good.” Tumitig si Patricia sa
kanya sandali, pagkatapos ay tumango-‐‑tango. “You know
what? You’re right.” “So, do I have your promise?” Tumango
ito. “I promise.” Niyakap
ni Deanne ang pinsan nang mahigpit at saka hinagod-‐‑hagod ang
likod. Nakadama siya ng awa, ng guilt. All her life, kinaiinggitan niya ang
pinsan niyang ito. Inisip na ito ang paborito ng kanilang yumaong lolo. Well,
maybe she was. But it was not the issue. Ang tao palang lihim na kinaiinisan ni
Deanne noon ay may malaki palang suliraning dinadamdam sa pagkatao nito.
Suddenly she felt so ashamed of herself. Kumalas si Deanne nang dahan-‐‑dahan
sa pagkakayakap nito pagkatapos ng ilang sandali. “I-‐‑is
there a chance that. . that you’ll somehow
forget all the Yvettes in the world and maybe try for a Ricky?” umaasang bigkas ni Deanne habang matamang nakatitig sa mga mata
ni Patricia. Nakangiting umiling si Patricia. “I’m a man, De.” Ibig kilabutan
ni Deanne sa tinuran ni Patricia. “A man trapped in a woman’s body. Now I have
decided to come out of the closet. It’s about time this creepy society accepts
aberrations like myself. .” Sandali pa silang nag-‐‑usap bago
nagpaalam si Patricia. Dederetso na ito sa Maynila upang asikasuhin ang mga
responsibilidad nito sa negosyo. KINAGABIHAN, gaya ng sinabi nito ay dumating
nga si Ricky. Napangiti si Deanne nang makitang may dala itong bulaklak. Hmm..
I wonder what Pat would say if she sees this. Halatang medyo nagulat ang binata
sa isinalubong niyang sweetness dito. Lalo namang napangiti si Deanne sa
sarili. Who could resist the charm of this man? What normal woman could? “Hi,”
bati ni Ricky, hindi pa rin nabubura ang trace ng pagkakunot-‐‑noo
nito. Inabot ni Deanne ang dala ni Ricky na long-‐‑ stemmed white rose. “White. Hmm. . it’s beautiful,” sabi niya habang sinasamyo-‐‑samyo ang amoy niyon. Naupo siya
sa katabi nitong upuan at saka iminuwestrang maupo na rin ito. “Saang punerarya
mo naman nakuhàto?” Nagkamot ito sa batok. “Anong punerarya? Pinitas ko pàyan
sa flower farm ni Lola,” nagmamalaking pahayag ng binata. Napangiti si Deanne.
Ngumiti rin si Ricky, halatang naguguluhan pa rin sa biglang paggaan ng
pakikitungo niya rito. It was as if the invisible great wall had been lifted
from between them. Sinadya ni Deanne na huwag magbanggit ng ano man tungkol kay
Patricia. Nauwi sa kung ano-‐‑ano na lamang ang kanilang
kuwentuhan. Mayamaya ay nagseryoso si Ricky at saka matamang tumitig sa kanya.
“D-‐‑Deanne,
I’ve got something to tell you. .” “Hmm?” “P-‐‑Patricia and I. . we’re not
boyfriends gaya ng akala mo,” sabi nito na
nakatingin nang deretso sa kanyang mga mata. Hindi na nagulat si Deanne sa
sinabi ni Ricky dahil alam na naman niya ang lahat. “What made
you think I thought you and Pat were an item?”
nananantiyang tanong niya. “Patricia told me so,” saad ni Ricky. Tila nasorpresa ito sa ipinakita niyang
impassiveness sa ipinagtapat nito. Nagkibit-‐‑balikat si Deanne, iba ang
nasasaisip. Tama nga kaya si Patricia sa panghuhusga nito sa damdamin ni Ricky
para sa kanya? Or was she just being imaginative? Baka ni-‐‑romanticize
lang nito ang mga nakita sa pagitan nilang dalawa. But then, she had to keep
her faith. Ayaw ni Deanne na i-‐‑entertain ang mga pagdududang
nagbabangon sa kanyang kalooban. Damn, this is the key to my personal
happiness. I will not let something so beautiful like this slip off my hands. .
“Deanne?” untag ni
Ricky sa kanya nang mapunang natulala na siya. “De, are you listening to me?”
Napatingin siya rito. “Huh?” “Did you hear what I said?” “I-‐‑I’m afraid not. Ano bàyon?” Bumagsak ang mga balikat ng binata. Bumuntong-‐‑hininga
ito. “You’re not paying
attention.” “I was just
thinking. . well. .” Nagkibit-‐‑balikat si
Deanne. “What was that you said?” “Ang sabi ko,” bigkas
ni Ricky na may diin sa bawat salita, “you and I. . we
belong together.” Napalunok si Deanne at napamaang
dito. Aba, presko, saloob-‐‑loob niya. “Ako’y para sàyo at ikaw ay para sa akin. I felt it—knew it—right
from the very first day I saw you.” Namilog ang mga mata ni Deanne. Tama ba ang
naririnig niya? Hindi ba siya dinadaya lang ng kanyang mga tainga? Natawa si
Ricky. “You know what, darling? For a modern woman from New York, you’re so
innocent.” Napailing si Deanne. Ganoon din ang sinabi ni Patricia sa kanya.
Naïve. Innocent. Hindi siya makapaniwalang ganoon siya. Was she naïve? Was she
innocent? Hindi pa nakakabawi si Deanne sa pagkabigla nang magtapat si Ricky sa
kanya. Dobleng shock ang idinulot ng sumunod na ginawa nito. Ninakawan si
Deanne ni Ricky ng halik sa mga labi. At tila hindi pa ito nasiyahan, hinawakan
siya nito sa magkabilang pisngi at saka inulaol ng halik sa mga labi. Naglalakbay
na ang mga kamay ni Ricky sa maseselang bahagi ng kanyang katawan nang ma-‐‑
realize ni Deanne na masyadong eskandaloso ang ginagawa nila. Paano kung
malabasan sila ng mga katulong? She gathered all the strength she could muster
para itulak ito palayo sa kanyang katawan. “R-‐‑ Ricky. .” Ungol
lamang ang itinugon nito, sa halip ay lalo pa nitong inilingkis ang mga braso
sa kanyang katawan. Ano ba naman itong lalaking ito? naisaloob ni Deanne habang
pilit itong itinutulak. Nawawala sa sarili. Sa wakas ay nagpaawat si Ricky.
Hindi na bumalik pero ang mukha ay isinubsob sa kanyang leeg, humihingal. “Ano ka ba!” sita ni Deanne. Hinayaan niyang
nakasubsob si Ricky sa kanyang leeg nang ilang sandali bago ito marahang
itinulak. “Makita tayo nina Nana Segunda, hala ka. .”
“Marry me, De,” anas nito. “Marry me and I swear you’ll be happy. .”
CHAPTER TWELVE
NATIGILAN si Deanne sa narinig. Sandaling
waring na-‐‑paralyze siya sa puwesto bago nakakuha ng lakas na
itulak palayo sa kanya si Ricky. “De?” Bubuka pa lang ang kanyang bibig upang magsalita ngunit
naunahan na si Deanne ng humahangos na pagdating ni Yvette. “Rick! Rick, you’ve got to help
me!” hapong-‐‑ hapong sambit nito, sabay yakap
sa binata. “Si Potpot. . nagkokombulsyon!” “Ha?” Hinigit
na ni Yvette ang lalaki palabas ng villa. Tumingin muna si Ricky sa kanya, may
paghingi ng paumanhin sa malamlam na mga mata. “I’ll be back,” he mouthed,
pagkatapos ay nagpahigit na ito sa nagpa-‐‑panic na babae. NAPAKUNOT-‐‑NOO
si Ricky, maang na nakatingin sa babaeng nasa harap ng manibela. Hindi sa
direksiyon ng ospital ang tinatahak ng sasakyang minamaneho ni Yvette, kundi sa
flower farm ni Donya Armida. Kaninang pahangos na dumating sa bahay ni Deanne
ang babae, pinalampas na ni Ricky ang theatrics nito. Yvette was not the kind
to panic over such matter—especially since nasa ospital naman ang anak nito at
binabantayan ng private nurse nito bawat minuto. “Yvette, where are we going?”
Nagdududang tanong ni Ricky. Hindi ito sumagot. Sa halip ay binilisan pa ni
Yvette ang pagpapatakbo ng kotse. Kinabahan si Ricky. Wala ito sa tamang
huwisyo at halatang bangag sa ipinagbabawal na gamot. “Yvette, pull over,”
authoritative niyang utos dito. Hindi man lang natinag si Yvette. Namumula ang
mga mata nito, waring nagbabaga. “I said, pull over.” Pigil ang hininga ni
Ricky nang pasibarin nito ang sasakyan. Bigla ang pagpreno ni Yvette sa brake
ng kotse kaya napasubsob siya sa dashboard. Pumutok ang kanyang noo. Nakita ni
Ricky na binuksan ni Yvette ang power windows bago ito nagsisigaw ng “rape”
habang pinagpupunit-‐‑punit ang sariling damit. Ang isa nitong kamay ay
iniabot sa mukha niya. Nangalmot ito. “Yvette, are you
crazy?” sigaw ni Ricky habang pinipilit na hagipin
ang kamay nito. “Dammit, Yvette, stop!” “Rape! Rape!” patuloy
na sigaw ng babae. “Lola Midz, help! Help me!” Nagtaka siya. Lola Midz? Then it
came clear to him. Napatingin si Ricky sa cottage na nasa bakod ng flower farm.
Bumukas ang ilaw sa munting terasa niyon at iniluwa ng pintuan ang pigura ng
matanda, may kasunod ito na tila dalawang alalay. Hindi alam ni Ricky na
dumating ang kanyang lola. Marahil ay dumating ito habang naroroon siya kina
Deanne. Dahil hindi mapigil sa pagwawala, sinampal ni Ricky si Yvette. Ang
sumunod na ginawa nito ay kapwa hindi nila inaasahan ni Donya Armida. Nanlisik
ang mga mata ni Yvette, pagkatapos ay tila tuluyang tinakasan ng bait na
pinagkakalmot siya sa mukha. Pagkuwan ay binalingan ang manibela at sa isang
iglap ay pinaharurot ang kotse. Nang makita ni Ricky ang nakaharang na malaking
puno sa daraanan ng nag-‐‑aamok na sasakyan, naipikit na
lamang niya ang kanyang mga mata sa pananalangin bago inagaw ang manibela kay
Yvette. Ngunit huli na ang lahat. Isang malakas na ingay at pagyanig ang huling
natandaan ni Ricky bago siya tuluyang pinagdiliman ng paningin. Kasunod niyon
ay ang nakabibinging katahimikan. INSPIRADO si Patricia nang gabing iyon. Dahil
nais maka-‐‑catch-‐‑up sa mga paperwork na napabayaan
nang umalis siya, pansamantala niyang iwinaglit sa isip ang mas mabigat na
pressure na dulot ng kabiguan sa “abnormal” niyang pag-‐‑ibig. Nagpaiwan si Patricia sa
kanyang opisina sa Ortigas Center nang gabing iyon. Nag-‐‑volunteer na
mag-‐‑overtime
si Cristy, ang kanyang personal secretary upang ihanda ang lahat ng kanyang
kakailanganin. Subsob ang mukha niya sa pinipirmahang mga papeles nang tumunog
ang intercom. “Ma’am, a call from Batangas. It’s your cousin, Deanne,” anunsiyo
ni Cristy. Iniunat ni Patricia ang likod at mariing isinandal sa likod ng
swivel chair. Napatingin siya sa wall clock, saka napakunot-‐‑noo.
Mag-‐‑aalas-‐‑
dose na pala ng gabi. Hindi napansin ni Patricia ang pagtakbo ng oras.
Palibhasa ay masyado siyang abala sa ginagawa. Naisip niya si Cristy. Baka
hindi pa ito nagha-‐‑ hapunan. Excited namang masyado si Deanne, naisip ni
Patricia. Siguro ay nagkakaunawaan na silang dalawa ni Ricky at hindi makatulog
ang loka. Ngunit walang linya ng telepono sa Sto. Toribio. Deanne must be
calling from some nearby town na may telepono na. “I’ll get it, Cris,” sabi ni
Patricia sa sekretarya. “And please order some food. You must be starved.”
“Chowking na lang, Ma’am. Open pa sila at this hour.” “Anywhere. I’ll have
siomai and iced tea.” “Okay.” Nang mai-‐‑connect sa private line ni
Patricia ang tawag ni Deanne, nakangiti siyang bumati sa kanyang pinsan. Ngunit
ang ngiting iyon ay dagling napawi nang marinig ang aggravated na boses ng
pinsan sa kabilang linya. “Deanne, what’s the matter?” biglang kinabahang usisa
ni Patricia. Napahigpit ang kapit niya sa handset. Could there be a news more
heartrending than the news of her parents’sudden death when she was a child and
that of her grandfather? Buhay si Deanne, apparently. So it leaves only two
persons, Ricky and Yvette. “Si Ricky at si. . Yvette,” nakuhang bigkasin ni
Deanne sa pagitan ng pagsigok-‐‑sigok. “Ano’ng nangyari sa
kanila?” “There’s been an a-‐‑accident. And Yvette is. . dead.
Ricky is in the hospital, badly hurt. .” Hindi na
narinig ni Patricia ang iba pang ipinahayag ng nasa kabilang linya. Nabitiwan
niya ang telepono. Matagal siyang tumitig sa labas ng bintana kung saan tanaw
niya ang Ortigas skyline sa gabi. Oh, what a beautiful sight. Ngunit ang
kagandahang nakikita ni Patricia ay hindi nakatulong upang mapawi ang lungkot
na lumulukob sa kanyang puso nang mga sandaling iyon. Yvette is. . gone. Hindi
na niya namalayang unti-‐‑unti nang bumubuhos ang kanyang
mga luha. HINDI mapakali si Deanne dahil sa aksidenteng nangyari kina Ricky at
Yvette. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Naaawa siya kay
Patricia dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang pagkamatay ni
Yvette. Nanatili itong nakakulong sa kuwarto nito sa kagustuhang mapag-‐‑isa.
Nirespeto naman niya ang kahilingan nito. Kilala ni Deanne ang kanyang pinsan.
Matatag itong babae at alam niyang hindi maglalaon ay matatanggap din nito ang
pagkawala ni Yvette. Bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok si Leonie.
Ito muna ang pinapunta niya sa ospital upang alamin ang kalagayan ni Ricky.
“How is he?” agad na tanong ni Deanne kay Leonie. Nang kinailangan niya ng
aagapay sa kanya, si Leonie kaagad ang kanyang tinawagan. Hindi naman ito nag-‐‑atubiling
puntahan siya at damayan. “Hindi pa rin siya nagkakamalay,” malungkot nitong tugon. Naupo si Deanne sa gilid ng kanyang
kama. Tuluyan nang umagos ang luha sa kanyang mga mata. “Pupuntahan ko siya,
Leonie,” sabi niya habang pinapahid ang kanyang luha. Tumayo siya at nagtungo
sa banyo. DALAWANG linggong unconscious sa ospital si Ricky. Ang una niyang
hiniling nang siya ay magkamalay ay ang magtungo sa kanilang villa sa
Zamboanga. Doon siya magpapagaling. “But what about Deanne?” protesta ni Donya
Armida. “Halos araw-‐‑araw siyang nagtutungo rito noong hindi ka pa
nagkakamalay. .” “Lola, I
want some time for myself. Gusto kong mapag-‐‑isa.”
Napailing na lamang ito sa kanya. Mula nang magkamalay si Ricky ay mahigpit ang
bilin niyang wala siyang tatanggaping bisita, kahit sino pa iyon. Dalawang araw
siyang naglagi sa Zamboanga bago nagpahatid sa kanyang chopper sa private
resort niya sa Boracay. Maliban sa ilang matatalik na kaibigan, walang
nakakaalam na may resort na nabili si Ricky isang taon na ang nakararaan. It
was a perfect haven for him. Nami-‐‑miss niya si Deanne. Badly. But
he needed some time for himself. Kailangan niyang iklaro ang utak at damdamin
upang sa pagharap niya rito ay klarado na ang kanyang konsiyensiya.
CHAPTER THIRTEEN
KAUSAP ni Deanne ang ilang pinakamahuhusay
na magsasaka sa hacienda nang tanghaling iyon. Inimbitahan niya ang maybahay ng
mga ito sa tanghalian. Marami siyang dapat sabihin at ipagbilin sa mga ito bago
siya umalis. Hindi makapaniwala ang mga ginang sa sinabi ni Deanne. “Iiwan n’yo
sa pamamalakad namin ang buong asyenda, Ma’am?” Tumango si Deanne. “Yes. I’m
going abroad. Magbabakasyon muna ako.” Ang mahalaga ay makalayo siya sa lugar
na iyon kahit pansamantala. Matapos maghabilin ng mga importanteng bagay sa mga
magsasaka, ang mga kawaksi naman sa bahay ang kinausap ni Deanne. Two days
later, palipad na siya patungong Waikiki. WHY DO I feel so alone? tanong ni
Deanne sa sarili habang tahimik na sinisimsim ang kanyang tropical juice sa
pagkakadapa sa malapad na beach towel sa buhangin. I’m used to vacationing
anywhere without anyone tagging along. And Waikiki has always been my favorite
spot. Now, why this void? Ah, alam niya ang sagot. Naipikit ni Deanne ang
kanyang mga mata. Oh, Ricky. . Pagdilat niya, napakunot-‐‑noo siya.
Bakit parang may nakikita siyang kamukha ng iniisip na lalaki sa dako roon?
Kumurap-‐‑kurap si Deanne, pagkatapos ay kinusot ang mga mata.
Baka dinadaya lang siya ng kanyang paningin. Hindi nawala ang naturang
aparisyon kahit muling kinusot ni Deanne ang kanyang mga mata. The man—the one
who looked so much like Ricky Hocson—was sipping a cocktail. May suot itong
dark shades kaya hindi niya matiyak kung saan ito talagang nakatingin. Ngunit
sigurado siyang sa kanya ito nakaharap. It can’t be Ricky, katwiran ni Deanne
sa isip. Nag-‐‑hibernate ang salawahan sa pugad nito sa Mindanao.
Kung magbi-‐‑beach man ang tukmol na iyon, malamang ay sa El Nido o
kaya ay sa Dakak. Not here. Naningkit ang mga mata ni Deanne nang maalala ang
ginawa ni Ricky. Basta na lamang ito umalis patungong Zamboanga. Ni hindi siya
pinayagang dumalaw rito sa ospital nang magkamalay ito. She was so confused
that time. Badly hurt and terribly confused. Hindi makapaniwala si Deanne na
sunod-‐‑sunod
na dagok ang mararanasan niya in just a span of a few weeks. Nang pumasok sa
isip ang image ni Ricky na nagsa-‐‑sunbathing sa white sand ng
alinmang sikat na resort sa Mindanao ay muling naningkit ang kanyang mga mata.
“Ma-‐‑kidnap
ka sana ng Abu Sayyaf, unggoy ka,”
nanggagalaiting bigkas ni Deanne. Masama na ang tinging ipinukol niya sa
kamukhang iyon ni Ricky. Mestiso ang binata kaya hindi kataka-‐‑takang
magkaroon ito ng kamukha sa lugar na iyon tulad ng Hawaii. Naglakad palapit sa
kanyang direksiyon ang lalaki. Naka-‐‑buri hat, dark shades at Bermuda
shorts ito. Nagbaling si Deanne ng tingin. And to her right, a man wearing a
smile was approaching her. May dala itong beach volleyball. “Hi, care for a game?” nakangiting bati ng lalaki sa perfect
Australian accent. Nginitian niya ito. “No thanks. I still haven’t got my
perfect tan,” sagot ni Deanne na muling dumapa. Lumingon siya sa pinanggalingan
ni Ricky look-‐‑alike at nakita niyang iilang dipa na ang layo nito sa
kanya. Napakunot-‐‑noo si Deanne. Biglang sumikdo ang kanyang dibdib.
Bumilis nang bumilis ang kaba roon, hanggang sa tila hindi na siya makahinga sa
matinding palpitation. Nag-‐‑alis ng shades ang lalaki. At
tuluyang nag-‐‑Jell-‐‑O ang buong katawan ni Deanne.
“YOU’VE had enough of the sun,” puno ng awtoridad na sabi ng tinig na iyon.
Lumuhod ito sa harap ni Deanne at inilahad ang isang kamay, iyong libre sa
hawak nitong kopita. “Come. . let’s take a shower.” Napamulagat si Deanne,
hindi malaman kung ano ang unang sasabihin. “H-‐‑how did you find me here?” sa wakas ay nabigkas niya. Hinawakan siya ni Ricky sa
magkabilang balikat at saka masuyong hinalikan sa mga labi bago sumagot. “If there’s a will, there’s a way,” pamimilosopo nito. “And I have more than a will. I have—” Ibinitin ni Ricky ang
salita at saka may dinukot na kung ano sa bulsa ng suot na polo. “This,”
dugtong nito na iniabot sa nakamaang pa ring dalaga ang maliit na kahita.
Frozen si Deanne, hindi malaman ang sasabihin. Tila naging jelly na nga ang
kanyang buong katawan. Hinayaan niyang itaas siya ni Ricky hanggang sa
mamalayan niyang karga na siya nito. Naglalakad na si Ricky patungo sa hotel
bago natauhan si Deanne. “R-‐‑Ricky. .” Ipininid
nito ang kanyang mga labi sa pamamagitan ng malambing na paghalik doon.
Napangiti na lamang si Deanne at ninamnam ang tamis ng halik na iyon. “You have
a lot of explaining to do, Mister Hocson,” malambing na wika niya nang nasa
facade na sila ng tinutuluyan ni Ricky na hotel. Ang sa kanya naman ay nasa
kabilang panig ng beach. “But before that, may gusto lang akong malaman.” “And
what’s that, hmm. .?” ungol ni Ricky na hinalikan muli si Deanne, hindi
alintana ang mga matang amused na nakatingin sa kanila. “Crazy honeymooners,”
komento ng isang may-‐‑edad na ginang, namumula ang buong mukha sa
pagkakabilad sa araw. Napailing ang ginang at saka tiningala ang asawa. Kapwa
namumula ang mag-‐‑asawang Amerikano na nagbabakasyon. “I remember our old days. .” Bumukas
ang elevator. Karga pa rin si Deanne ni Ricky nang lumulan sila roon. Natawa
siya nang makita ang mga ngiti ng nadatnan nila sa loob ng elevator. Tila may
pakpak ang mga paa ni Ricky nang lumabas sila ng elevator, patungo sa silid
nito. Nang maihiga siya sa kama ay mabilis itong lumuhod sa paanan niyon. “What
do you wanna know?” masuyong tanong ni Ricky. “What is that for?” nakangiting
bigkas ni Deanne, hawak ang nakabukas na kahita. Nagniningning ang isang
diamond solitaire ring na laman niyon. Napakamot sa ulo si Ricky. “Hindi pa ba
obvious? I’m asking you to marry me. . and I won’t take ‘no’ for an answer.”
Parang idinuyan si Deanne sa mga ulap sa narinig. “Who says you will get ‘no’
for an answer? Damn, Mrs. Ricky Hocson sounds a little better than Deanne. .
uggh.. Deanne Masongsong! Napahalakhak si Ricky. “You betcha!” sambit nito,
sabay gigil na pinisil ang kanyang ilong. Pagkatapos ay tinitigan nitong maigi
ang maganda niyang mukha. “I love you. More than you’ll ever believe.” Ngumiti
si Deanne nang buong tamis. “I know. And I love you, too.” Lumuwang ang ngiti
ni Ricky. “Since when?” “I don’t know,” kibit-‐‑balikat niya. “Since that first passionate kiss. . I dunno.” “Hmm, which reminds me.. ” “What?” natatawa
niyang tanong. “I should be doing just that now.” Pagkasabi niyon ay sinunggaban na siya ni Ricky sa kama. “But,
Ricky—” tutol sana ni Deanne. “No buts, baby. I’ve always wanted to make love
to you eversince I first laid my eyes on you. .” “But, Ricky. We can’t go on
our honeymoon just yet. We have to get married first!” protesta ni Deanne sa
pagitan ng pagkiwal-‐‑kiwal ng baywang at balakang. Nakikiliti siya sa
ginagawa nito. “Ricky!” “A New Yorker talking!” sabi nito,
sabay dive ng mga labi sa kanyang pusod. “Hmm. .I
think I’m gonna have a grand life ahead of me.” “Ricky, you’re
tickling me! You have a lot of explaining to do so don’t use all your energies.
. Ricky! Ricky. . oh stop!” Sa halip na tumigil, lalo pang pinagbuti ng lalaki
ang ginagawa sa kanyang katawan. “Oh, Ricky, I said stop! Stop. . stop, Ricky!
Oh, don’t stop. Don’t ever stop.. ” Natawa ito. “You have a lifetime to keep
changing your mind, darling. A lifetime. But I just won’t stop no matter what!”
WAKAS