MR. RIGHT
CHAPTER 1
PINUKAW ang pag-‐‑iisip ni Rachel nang mag-‐‑ message alert ang kanyang cellphone. Hihikab-‐‑ hikab niyang tiningnan ang laman ng inbox.
Isang canned green joke. Galing kay
Doris. Napangiti siya. Bahagyang napawi
ang antok. Mula nang mauso ang text
messaging, walang araw na hindi siya
nakatanggap ng message mula sa kaibigan.
Mahaba-‐‑haba na rin ang history ng friendship nila ni Doris. Dormmates sila noon
sa UP Diliman. Pareho silang
probinsiyana at somehow ay iyon ang
naging bond nila. AB English ang course
niya, preparatory sa pagkuha ng
abogasya. Si Doris naman ay kumukuha ng BS
Chemistry. Bago pa maka-‐‑graduate,
na-‐‑employ
na siya sa isang progresibong
publication bilang editorial assistant.
Kalaunan ay naging associate editor. Ipinatigil
na niya ang pagpapadala ng pera ng mga
magulang bilang tulong sa mga ito. “Ang
galing-‐‑galing
mo naman!” natutuwang
wika ni Doris sa kanya noon. “Hindi pa tayo nakaka-‐‑ graduate, may stable job ka na!” “Hindi ako magaling, masuwerte lang,” sabi naman niya. Una siyang nakatapos kay Doris sapagkat four-‐‑year course lang ang sa kanya.
Managing editor na siya sa pinapasukang
publication nang maka-‐‑graduate
ito. Regular pa rin ang komunikasyon
nila ng kaibigan bagaman hindi na gaanong
madalas ang pagkikita. Naudlot ang
kanyang reminiscense nang lumapit ang
isang sales crew. May dala itong anim na
video CD. Sa gawing likuran ay ang customer
na mukhang nerd dahil sa kapal ng salamin. “Hello, Rachel!” magiliw na bati ng customer.
Tinanguan niya ito. Awtomatikong nanganak ng ngiti ang maninipis na labi.
“Nice to see you, Kim. Ang tagal mong
nawala.” “Busy, eh.” Tumipa-‐‑tipa ang mga daliri niya sa cash register habang inilalagay ng sales crew ang
mga video CD sa isang plastic na may
pangalan ng kanilang video outlet. Muli
silang nagpalitan ng ngiti ng customer
at makaraan ang ilang sandali ay nag-‐‑iisa
na naman siya sa kaha. C’est la vie. Sino ang mag-‐‑aakala na three years after graduation, mula sa pagma-‐‑manage
ng isang political magazine ay mauuwi
siya sa pagma-‐‑ manage ng
isang video shop. Well, wala namang masama
roon. Hindi nga lang glamorous. Naging
biktima ng political harassment ang boss
niya. Kung anu-‐‑anong panggigipit ang
ginawa ng kalabang politiko hanggang mapilitang magsara na lamang. Sa isang kisapmata, naging jobless sila ni Ernie. Si Ernie ang boyfriend niya. Alumnus din ito ng Diliman. Award winning writer. Nagkakilala sila nang maging contributor ito sa kanilang magasin. Nasimula siyang makahalata na may simpatiya ito sa kanya nang maging madalas sa publication. Puwede namang ipadala ang
article sa pamamagitan ng fax o e-‐‑mail
pero inihahatid pa nang personal sa
kanya. Ipinagkibit-‐‑balikat
lang ni Ernie ang pagsasara ng kanilang
publication. That’s vintage Ernie. Hindi
natitigatig. Walang kabalisahan. Kapag
nawala ang isa, hanap agad ng iba. “Publications
are a dime a dozen,” kaswal na sabi nito.
“No big deal, honey.” Hindi nga
naglipat-‐‑buwan, nagsusulat na ito sa ibang publication. Versatile writer ang boyfriend niya. Kahit anong paksa ay
naisusulat nang mahusay. Hindi tulad
niya na may area of specialization. In
depth political analysis ang kanyang
forte. Nakapagsusulat din siya ng ibang topic
ngunit political commentaries ang paborito
niya. Para lang siyang nagkukukot ng mani. Eventually, nakapagsulat din siya sa ibang magazine na ayon sa mga kapwa niya writer ay politically correct ang linya. Political
analysis din kaya nga lang ay mahigpit
ang tagubilin ng publisher na huwag babatikusin
ang administrasyon. Kung maaari
nga raw ay purihin nang purihin. Hindi
niya natagalan ang ganoong sistema.
Matapos ang ilang malabnaw na article, itinigil
na niya ang contribution. “Hindi ka
mabubuhay pag masyado kang idealistic,”
ani Doris sa kanya. “A little compromise
here and there won’t do you harm. It’s
not that bad, honey. The fact is, it’s
just being clever.” “I’m not like that,”
sagot niya, matter of factly. “You are to play by the rules.” “Then I won’t stay in the game.” Sa mga idle moments, naiisip ni Rachel kung ano ang naging sitwasyon sakaling itinuloy
niya ang orihinal na planong kumuha ng
abogasya. By this time, third year na
siya sa law proper. Sa loob ng maikling
panahon, God willing, isa na siyang abogada.
Naglaro sa isip niya ang imahen bilang isang
matikas na trial lawyer. Female version ni
Estelito Mendoza o kaya ay ni Joker Arroyo. Napangiti siya. Pero nasaan siya ngayon? Here she is, a highly principled, award winning, astute political analyst, nagma-‐‑manage ng video shop na ang franchise holder ay si
Mike na boyfriend ni Doris. Well, tulad
ng lagi niyang sinasabi sa sarili kapag
inaatake ng insecurity, walang masama.
Kaysa naman magsulat siya sa isang
publication na mouthpiece ng isang political
faction. Most importantly, naniniwala siyang pansamantala lang ito. Sooner or later, magkakaroon siya ng break sa talagang linya niya. Muling
nag-‐‑message
alert ang kanyang CP. Galing kay Ernie.
Ipinaaalala ang dinner date nila kinagabihan.
Sumagot siya. Token reply. Iyong tipong
Ok-‐‑see-‐‑you-‐‑tonight. Bandang hapon, nag-‐‑e-‐‑mail
siya ng resume sa isang malaking
publishing company na nangangailangan ng
dagdag na staffer. Centerspread ang ad
niyon sa isang sikat na broadsheet. Wika
nga’y talagang bongga palibhasa ay
malaking kompanya. Nasisiguro niyang
dudumugin iyon ng mga aplikante. Fresh graduates.
Iyong mga beterano na sa field pero kasalukuyang
unemployed o kaya ay under employed,
tulad niya. Matira ang matibay. At least,
plus factor sa kanya ang pagiging cum-‐‑
laude graduate ng isang mahusay na unibersidad at mahigit dalawang taong experience sa ibang publication. Sa edad na 22, mataas pa ang kanyang market value. Seven thirty ang usapan nila ni Ernie sa paborito nilang rendezvouz. Isang bistro iyon
sa Timog Avenue na ang motif ay western.
May live performer na ang repertoire ay
laging country music at R & B na
gustung-‐‑gusto ng boyfriend
niya. Doon sila madalas kumain. Painum-‐‑inom ng draft beer habang nakikinig ng tugtog. Nag-‐‑uusap tungkol sa kinabukasan. Nagbabalangkas ng mga plano bagaman wala pang kasiguruhan kung saan ilalagay ang pundasyon. Bandang alas-‐‑sais, inihabilin naniya ang shop kay Ellen. Ito ang pinaka-‐‑senior
sa kanilang mga crew at pinaka-‐‑trustworthy
rin. Tuwing kakailanganin niyang umalis,
dito niya ipinagkakatiwala ang shop.
Naglakad na siyang pauwi sapagkat
walking distance lang ang apartment niya
mula roon. Malayu-‐‑layo
pa sa bahay ay natanawan na niya ang
isang karag-‐‑karag na Isuzu pick up sa tapat niyon. Bahagyang tumahip ang dibdib
niya. Sa tatay niya ang lumang sasakyan,
pero sa tanang buhay nito ay hindi iyon
naibiyahe sa labas ng Bicol. Ngayon
lang! Naglaro sa isip ni Rachel ang mga
posibleng dahilan. “E, TUMIRIK BA?” nakangiting tanong ni Tatay Fermin. “Iyon ang tanong ko, Mila. Itinirik
ba tayo ni Krug-‐‑krug?” Krug-‐‑krug ang tawag nito sa
lumang Isuzu. “Hindi nga, pero
para naman tayong nakikipaglibing sa
bagal ng takbo!” nakaingos na sagot ni
Nanay Mila habang hinahagud-‐‑hagod ang gawing kanan ng leeg. Nagduweto sa malutong na pagtawa sina Rachel at Tatay Fermin. Pagkuwan ay inihanda
na ng dalaga ang hapag upang
makapaghapunan sila. Hindi na siya
nakasipot sa tipanan nila ni Ernie.
Nagpadala na lamang siya ng text message
sa nobyo. Humingi ng paumanhin at sinabing sa ibang pagkakataon na lamang sila lumabas. Matapos ang hapunan, iniayos niya sa refrigerator ang pasalubong ng mga magulang. Maraming dalang sariwang gulay at prutas ang mga ito. Bukod pa ang mga itlog at tapang
karne. Napangiti siya. Malaking
kaluwagan iyon sa limitado niyang
budget. Mula sa kusina, tanaw niya ang
ama’t ina habang nanonood ng telebisyon
sa salas. Payapang umiinom ng kape si
Tatay Fermin. Si Nanay Mila naman ay
kampanteng nakaupo sa tabi ng esposo.
Kaygandang tanawin, naisip niya. Hindi
masasabing perfect couple ang kanyang mga
magulang ngunit ipinagmamalaki niya na sa
maraming aspeto ng pagiging mag-‐‑asawa ay ideyal ang mga ito. At kung isasaalang-‐‑alang
pa ang mahusay na pagpapalaki ng mga ito
sa kanilang apat na magkakapatid, lalo
na siyang walang masasabi. Naghanda siya
ng green tea at sinamahan sa salas ang
dalawang matanda. Parang nakukumbinsi na
rin siya na pagdalaw lang sa kanya ang
talagang sadya ng mga ito. “Kumusta ang
palayan natin, ‘Tay?” aniya sa ama. Ngumiti si Tatay Fermin. Ganoon naman talaga ang tatay niya. Konting kibot,
nakangiti agad. “Ayos lang, anak.” “Mabuti’t naluwas kayo,” dugtong ni Rachel. “Kailangan, eh.” “Masyado kasing nerbiyoso iyang tatay mo,” kantiyaw ni Nanay Mila. Makailang ulit nitong hinagod ang leeg sabay kibit sa balikat.
“Para natinik lang ako ng bangus, ang
gusto’y patingnan pa sa EENT.” Napangiti si Rachel. Pero ngiting agad ding napawi dahil sa sumunod na sinabi ng ama. “Kung tinik iyan, Mila, matagal nang natunaw. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor kanina? Ang tinik ng isda ay calcium
na pag tumagal-‐‑tagal ay
kusang nalulusaw sa loob ng katawan.
Iyong sinasabi mong tinik ay mag-‐‑
iisang taon mo nang iniinda.” “Ganoon
na ho katagal, ‘Nay?” Pinagkibitan lang
siya ng balikat ng ina. “Kaya ko lang
napapayag ‘yan na magpatingin, eh,
nahihirapan nang kumain,” may pagkayamot
na salo ni Tatay Fermin. “Mahirap
lumunok, ‘Nay?” wika ni Rachel. “Bukod
sa mahirap lumunok, nawawalan na ng
panlasa sa pagkain.” Ang tatay niya uli.
Tinampal ni Nanay Mila ang braso ng asawa. “Para kang bawang! Lagi kang nakasahog!” Masuyong inakbayan ng lalaki ang asawa saka seryosong hinarap si Rachel. “Itong
nanay mo, matiisin. Kahit me
nararamdaman, hindi nagsasalita. Ayaw
niya kasing mag-‐‑alala tayo. Huwag
ganoon, mi amor, hmm?” Ang huling pangungusap
ay sa ina ni Rachel patungkol. “Wala
ito,” pagwawalang –bahala ni Nanay Mila.
“Ako ang may katawan kaya ako ang nakakaalam.” Umagaw na si Rachel. “Pero hindi kayo doktor, ‘Nay. Magpapatingin tayo sa lalong madaling panahon. Kung malaman nating wala kayong sakit, aba’y di mabuti.” “Kaninang umaga pa kami rito sa Quezon City,” sabi ng kanyang ama. “Galing na kami
sa espesyalista sa lalamunan. Katakut-‐‑takot
na test ang ginawa pero bukas pa
malalaman ang resulta.” “Sasamahan
ko kayo bukas,”
pagboboluntaryo ng dalaga. “Huwag
na, anak,” tanggi ng kanyang ina. “May
trabaho ka, e. Pumasok ka na lang. Kami na
lang ng tatay mo ang babalik sa doctor. Tuloy bili na ng gamot. Pagkatapos diretso na kaming uuwi.”
“Hindi man lang kayo magtatagal dito?
Maski tatlo-‐‑apat na araw man lang?” “Ako puwede,” maagap na sagot ni Nanay Mila. “Iyang tatay mo ang nangangati ang mga paa sa pag-‐‑uwi. Eh, paano, naiisip ang mga
tinali niya. Parang hindi mabubuhay
kapag hindi nahihimas ang mga manok
niya.” “Huwag ka nang magreklamo dahil nahihimas din naman kita,” tudyo ni Tatay Fermin.
Isang malakas na tampal ang isinagot ng ina ni Rachel.
Habang iniihit ng tawa ang kanyang ama,
may kaba namang titimbol-‐‑timbol sa dibdib ng dalaga.
CHAPTER 2
EARLY riser si
Rachel. Kahit anong puyat sa gabi, maaga
pa rin siyang nagigising kinabukasan sapagkat
ang body clock niya ay naka-‐‑set sa gayong routine. Gayunpaman, ang gising niyang alas-‐‑sais ay tanghali pa kung
ihahambing sa mga magulang. Paglabas niya sa kuwarto kinabukasan, malaon nang gising ang ama’t ina. Nakapagluto na ng almusal si Nanay Mila. Si Tatay Fermin
ay nakapaligo na at kampanteng nagbabasa
ng peryodiko. “Gud morning,” nakangiting bati sa kanya ng ama. “Haws my byutipul dowter?” Iinat-‐‑inat na tumabi kay Tatay Fermin
si Rachel. “Ang aga naman ninyong
gumising.” “Kape, anak?” wika ng kanyang
ina. “Hindi ako nagkakape, ‘Nay. Fruit
juice ho ang iniinom ko.” “Sus! Baka sikmurain ka!” Natatawang tumayo si Rachel. Binuksan ang refrigerator at nagsalin ng orange
concentrate sa isang tumbler. Dinagdagan
iyon ng tubig at konting asukal.
Hinulugan din ng ilang ice cubes. Saka
niya dahan-‐‑dahang sinimsim sa harap ng ina. “Umiinom
ka niyan, e, wala pang laman ang tiyan
mo,” ani Nanay Mila. “Sinasabi ko sa iyo,
sisikmurain ka.” “Hindi, ‘Nay,”
nakangiting sagot ng dalaga. “Sanay na
ho ako.” Bumalik siya sa tabi ng ama. “Nakuha
ko ito diyan sa labas,” wika ni Tatay
Fermin. “Nakasiksik sa halaman” Ang binabasang
broadsheet ang pinatutungkulan ng lalaki. “Me nagrarasyon ho ng diyaryo sa akin,” ani Rachel. “Every Sunday ang bayad. Wala kayong nakuhang magazine, ‘Tay?” “Ayun sa mesita. Inilagay ko ro’n.” Sinaid niya ang juice at kinuha ang nakabilot pang magazine. Subscriber siya niyon nitong nakalipas na anim na buwan. Kinawilihan niya ang mga human interest stories na
inilalathala ng lingguhang babasahin.
Inspirational. A la chicken soup ang
dating sa kanya. Binuklat-‐‑buklat
niya ang mga pahina. Pinadaanan ng
tingin ang mga teaser ng mga istorya.
Pagkuwan ay dinala sa kuwarto at inilagay
sa kama. Mamayang gabi na siya magbabasa. Binuksan muna niya ang laptop computer. Saglit na nirebisa ang mga pumasok na e-‐‑mail. Nang walang mabasang interesante ay ini-‐‑off
na. Naligo siya. Nagbihis. Nang lumabas
siya sa silid ay nakahanda na ang hapag. Heavy breakfast ang nakahain. Fried rice. Pritong bangus. Estrelyadong itlog.
Honeycured bacon. Brewed coffee. Vintage
breakfast sa probinsiya ng mga pamilyang
middle class. Nag-‐‑toast
ng dalawang pirasong tasty bread si
Rachel. Pinahiran ng pineapple jam at muling
nagkanaw ng orange juice. Nanlaki
ang mga mata ni Nanay Mila. “Iyan lang
ang almusal mo?” “Kadalasan nga ho’y
hindi ako kumakain sa umaga. Basta may
fresh juice lang, okey na sa akin. Sa
tanghali lang ako kumakain ng kanin.” “Naku,
ewan ko sa iyo,” anang ginang. “Kapag
nagkasakit ka sa ginagawa mong iyan, huwag
mong sabihing di kita pinaaalalahanan.” Napapangiting
niligwakan ng tingin ni Rachel ang
kanyang ama. “Iyang lagay na iyan, eh,
masakit pa ang lalamunan ng nanay mo,”
wika ni Tatay Fermin. “Kung walang
iniinda ‘yan, lalo nang walang pahinga
ang bibig. Mabuti nga yata’y hindi ko na
lang pinatingnan sa doktor, eh.” “Fermin!”
nagkakandadilat na saway ni Nanay Mila. Nagpalitan naman ng high five ang mag-‐‑ ama. COOL
dude ang tawag ni Ellen kay Ernie. Solved
naman si Rachel sa monicker na iyon
wholeheartedly. Hindi pa popular ang expression na “okey, fine!” , naririnig na niya iyon kay
Ernie. Hindi niya ito kailanman nakita o
narinig na nag-‐‑ aalala. Ni
minsan ay hindi naghimutok. O nagalit kaya. Hindi niya masabing mabait si Ernie. Hindi angkop ang adjective na iyon para i-‐‑describe
ang boyfriend niya. Understatement iyon.
Palibhasa’y masyado siyang
temperamental, hindi niya inakalang
makakatagpo ng tao na ganoon ka-‐‑cool. Oh, the guy is cool under every possible circumstances. Para sa kanya Ernie is too
good to be real. Although minsan,
naiisip niyang ano nga ba ang dapat
problemahin ni Ernie. Kung materyal na
bagay ang isasaalang-‐‑alang, hindi nga
mababalisa ang binata. College days pa lang
nito, de kotse na. May kakayahan at karapatang gumasta pero hindi naging waldas. Simple lang kung pumorma. Laging nakakamiseta at maong na kupas lang. Kaya nga madali niya itong nagustuhan.
Tubong La Trinidad, Benguet si Ernie.
Minsan na siyang naisama roon ng binata.
Ipinakilala sa mga magulang nito. Sa limang kapatid ng nobyo, ang bunsong si Ma-‐‑an
lamang ang nakita niya nang pesonal. Ang
apat na pawang nakatatanda ay sa Amerika
na nangakatira. Maganda ang pagsaludar sa kanya sa La Trinidad. Ramdam agad ni Rachel na welcome siya sa pamilya ng nobyo. Sa katunayan, gusto
ng mga magulang nito na pakasal na sila
sa lalong madaling panahon. Pulos ngiti
lang ang isinagot niya. Gayundin si
Ernie. Malinaw ang usapan nila ng
binata. Wala pa sa agenda nila ang pagpapakasal.
Not in the near future. At bagaman fascinated
siya sa malawak na strawberry farm ng pamilya
nito, walang appeal sa kanya ang offer ng
mga magulang ng nobyo na doon sila manirahan pagkatapos ng kasal. Around lunchtime noong araw na iyon, dumaan si Ernie sa video shop. “Here comes the jolly, good fellow,” patudyong bulong ni Ellen kay Rachel nang matanaw ang paparating na lalaki. “Hi there!” magiliw na basag ng binata. Ngiti ang isinagot ni Rachel. Tumingin sa relo si Ernie. Pagkuwan ay muling bumaling sa dalaga. “It’s almost
twelve. Si Ellen muna ang ipuwesto mo
niyan. Kain tayo.” “Hindi pa ‘ko gutom,
eh,” malambing na tugon ni Rachel. “Aw, c’mon,” kunwa ay nagtatampong buwelta ng binata. “Hindi ka na nga sumama kagabi, tatanggi ka na naman ngayon.” “Uh, sorry nga pala uli–” Mabilis na idinikit ni Ernie ang hintuturo sa mga labi. “No need to,” sabi pagkuwan. “Now let’s go.”
Hindi na nakatanggi si Rachel. In
the first place, nagpapa-‐‑tsarming lang siya. Sasama naman siyang talaga sapagkat nagugutom na rin. COMMERCIAL hub ang lugar ng video shop na mina-‐‑manage ni Rachel. Hindi
magkamayaw ang mga business
establishment. Sampu-‐‑sampera ang mga
restaurant at fastfood chain. Ngunit sa tuwing
susunduin ni Ernie ang nobya para mag-‐‑
lunch, isang maliit na Chinese restaurant ang pinupuntahan nila. Halos katapat lamang iyon
ng video shop. Kapag nagpupunta sila
roon, hindi na umo-‐‑order
pa si Ernie. Alam na ng mga waitress kung
ano ang ihahain sa mesa nila. That means,
pancit canton, chopsuey, siomai at kikiam. “So, your parents came to town, humm?” ani Ernie sa pagitan ng maganang pagkain. “Nagpa-‐‑check up ang mother ko.” “And. .” “Ngayon pa lamang malalaman ang resulta.” “Are you not going to invite me to your place? Para naman makilala ko ang parents
mo.” “Nice idea. I’d love to, honey,
kaya lang babalik na sila sa Bicol
tonight.” “Ang bilis naman.” “You know rural folks. Parang sinisilihan kapag nasa Metro Manila.” Nangislap ang mga mata ni Ernie. “Got an idea, dear. Kapag maluwag ang schedule natin, mag-‐‑long drive tayo. Let’s go to Bicol.” “Sige, planuhin natin.” Sa halos 40 minutong inilagi nila roon, marami silang napag-‐‑usapan. Kung
anu-‐‑ano
lang naman. Walang idle moment kapag si
Ernie ang kasama niya.Habang pabalik
sila sa shop, tuloy ang kuwento nito. “May interview ako this afternoon,” wika ng binata, lutang ang excitement. “Wish me luck dear.”
“Interview. . for a new job?” “Study
grant. Sa Cambridge.” “Oh!” “Pasado na ako sa written exam,” pagpapatuloy ni Ernie. “Kapag nakapasa ako sa oral interview, adios patria adorada.” “Hindi mo man lang nababanggit sa akin,” may hinampong wika ni Rachel. Masuyong umakbay sa kanya ang binata. “Hindi
naman kasi ako seryoso, eh. Nagbabakasakali
lang ako segun sa advice ng editor ko.
Nang malaman kong pasado ako sa exam,
saka ko lang sineryoso. Of course, I’m going
to tell you about it.” “So you’re
leaving, eh?” “Probably. You have a
problem with that?” Kinibit ni Rachel
ang balikat. “No problem, honey. It’s
your life after all.” “You feel bad
about it?” “Nope.” Piniral niya ang
kabiyak ng pisngi ni Ernie. “I’ll always
be behind you. Kung anuman ang plano mo,
susuportahan ko.” “Atta, girl.” Isang padamping halik sa pisngi ang iginawad sa kanya ni Ernie pagsapit nila sa
tapat ng shop. Pagkuwan ay sumakay na
ito ng kotse at kumakaway na umalis. Natitilihang inihatid ng tanaw ni Rachel ang nobyo. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may kaba na biglang bumundol sa kanyang dibdib. UPSET siya. Sa totoo lang. Hindi naman siya
galit kay Ernie pero hindi niya gusto
ang naging maneuver nito. Major issue
iyon sapagkat napipinto ang pag-‐‑alis
nito at wala siyang kaalam-‐‑
alam. Well, hindi naman siya ginawang tanga ni Ernie. At least, not totally. Ipinaaalam din
naman sa kanya ang plano, medyo atrasado
nga lang. Pinalis niya sa isip ang
pangyayari para hindi mawala sa mood.
Sinikap niyang pasiglahin ang sarili
lalo na at maraming customer ang shop noong
hapong iyon. Kapag medyo nababakante, inihahanda
niya ang mga data para sa gagawing quarterly
report. Hindi siya nire-‐‑require ni Mike na mag-‐‑submit ng report. Iyon ay
initiative niya. At sa papatagilid na
performance ng shop, higit na kailangan
ang report niya para maging malinaw kay
Mike kung bakit bumaba ang sales nila. Last week, nang mag-‐‑night out
sila ni Doris, nabanggit na niya iyon sa
kaibigan. “Naku, Tita,”
pagkikibit-‐‑balikat ng kaibigan,” ang dilemma mo ay dilemma rin ng halos lahat ng negosyante. Slumping sales, diminishing profit, etcetera, etcetera. The economy is in bad shape, what do you expect?” Ang bulk ng market natin. . masa. Sa hirap ng buhay ngayon, instead na mag-‐‑rent
sila ng VHS tape o VCD, gagamitin na
lang ang pera sa mga basic needs.” “Mismo. But mind you, Rachel, kahit ang mga negosyong nagki-‐‑cater sa mga
basic needs, nahihirapang maka-‐‑break
even these days. Mabuti nga’t kumikita
pa ang shop kahit paano. “Hindi ba
nakakahiya kay Mike?” “Hey, ang paghanga
no’n sa iyo, suko sa langit. Come what
may, saludo pa rin iyon sa iyo.” Nang umuwi siya kinagabihan, nakakondisyon ang isip niya sa paggawa ng report. Laking gulat niya nang muling
makitang nakaparada si Krug krug sa
tapat ng apartment. Hindi pa bumabalik
sa Bicol ang ama’t ina. Mukhang
pagbibigyan ang hiling niyang magbakasyon
muna nang ilang araw sa siyudad. Masigla
siyang pumasok sa apartment. Nadatnan
niyang nanonood ng sitcom si Nanay Mila.
Magalang siyang nagmano sa ina. “Kumain
na kayo, ‘Nay?” wika ng dalaga. “Tapos
na, anak. Ipaghahain na ba kita?” Pinigil
ni Rachel ang ina nang makitang papatayo
ito. “Huwag na ho, ‘Nay. Busog pa naman
ho ako. Maya-‐‑maya na lang ho. Si Tatay ho?” “Nasa
kuwarto.” Pinuntahan niya ang ama.
Sumalubong sa kanya ang masangsang na
amoy ng tabako. Naninigarilyo si Tatay
Fermin at agad niyang napuna ang
pananamlay nito. “Mano po, ‘Tay,” aniya. Bahagyang umaliwalas ang mukha ni Tatay Fermin. Sinenyasan niyang maupo sa tabi nito. Idinuldol sa ashtray ang sigarilyo at
malungkot na humarap sa kanya. Parang may kabayo na biglang nagdadamba sa dibdib ni Rachel. “M-‐‑may
problema ba, ‘Tay?” Tumikhim si Tatay Fermin. “Medyo.” Kinutuban ang dalaga. “Ang nanay ho ba?” Tumango ang tatay niya. “Ano ang sabi ng doktor?” Ilang saglit ang lumipas bago namutawi sa bibig ni Tatay
Fermin ang nag-‐‑iisang
kataga. “Kanser.” BILING-‐‑BALIGTAD siya sa higaan. Malalim
na ang gabi ay hindi pa rin dinadalaw ng
antok. Naiisip niya ang ina. Sa biglang tingin, mukhang napakalusog ni Nanay Mila. Para itong older version ni
Nanette Inventor. Sabi nga ni Tatay
Fermin, kung gagawin daw bacon ang
bilbil ng asawa, mapupuno ang isang
chest freezer. Ngunit sa ngayon lang
iyon. Later on, kapag kumalat na ang
selula ng kanser, parang lobong iimpis
ang katawan nito. Manunuyo ang balat na tila
pasas. Malulugas ang buhok dahil sa chemotherapy.
Magiging tila buhay na patay. Tulad ng
mga cancer patients na nakikita niya sa iba’t
ibang ospital. Pakiramdam niya’y
nagkalaglagan ang mga tuwerka ng utak
niya sa gayong isipin. Nakapanghihilakbot
isiping bukas-‐‑makalawa ay magiging
ganoon ang anyo ng kanyang ina. Hindi niya
matanggap. Cancer of the larynx ang
resulta ng diagnosis kay Nanay Mila.
Stage two. Ang mungkahi ng espesyalista
ay humingi ng second opinion sa ibang
doktor. Na siya rin namang sinabi sa ina
kaninang nag-‐‑uusap sila. “Ang
mga doktor, ‘Nay, mga tao rin,” wika niya
upang palakasin ang loob nito. “Nagkakamali
rin ang mga ‘yan. Malay n’yo, nagkamali
rin ang doktor na tumingin sa inyo. Hahanap
tayo ng ibang espesyalista.” “Gagaling
pa kaya ako, anak?” Niyakap niya si
Nanay Mila. Badha sa mukha nito ang
takot. At noon lang niya nakitang natakot
ang ina. “Gagaling ka, ‘Nay. Wala ‘yan. Iyong
iba nga riyan, tinataningan na ng doktor,
nabubuhay pa nang matagal. Kayo pa kaya?” Pero sabi lang niya iyon. Sa totoo lang, natatakot din siya. GUWAPO ang lalaki. Burgis ang dating. Malaki ang hawig kay Hugh Grant. Pero ang bigat ng loob niya. Masyadong over-‐‑confident.
Sa natatanaw niyang gesture nito habang
nakikipag-‐‑ usap kay
Ellen, para bang siguradong-‐‑sigurado sa sarili. Ayaw niya sa ganoong tao. Walang anu-‐‑ano ay lumapit sa counter si Ellen. Kasunod nito ang lalaking ngunguya-‐‑nguya ng gum. Mukhang kambing, sa loob-‐‑loob
ni Rachel. “Tita, gustong mag-‐‑member sa
atin,” wika ni
Ellen. Walang imik niyang
binigyan ng application form si Ellen
para ibigay sa lalaki. “Hi, there,
beauty!” nakangiting sabi ng lalaki.
Obviously kay Rachel naka-‐‑address sapagkat sa kanya ito nakatingin. Lalong sumulak ang dugo niya. Hindi niya ito pinansin at nagkunwang abala sa computer. “Paki-‐‑fill up muna ito, Sir,” malugod na wika ni Ellen
habang iginigiya ang lalaki sa receiving
area ng shop kung saan may malalambot na
upuan at mesang napagsusulatan. “Do I
really have to go through this?” anang lalaki
na sadyang ipinaririnig kay Rachel. “Hindi
ko naman itatakbo ang discs ninyo.”
“SOP, Sir,” tipid na sagot ni Ellen, courteous pa rin.
Pero si Rachel, ngitngit na ngitngit. Gusto niyang batuhin ng paperweight ang aplikante. Marami na siyang na-‐‑meet na
preskong customer, pero iba ang pagka-‐‑antipatiko
ng isang ito. Palihim niyang sinulyapan
ang lalaki habang nagpi-‐‑fill
up ng form. Kaliwete ito. Tatangu-‐‑tango habang nagsusulat at manaka-‐‑naka
ay pinalolobo ang bubble gum. Sumusubo
ang inis niya bagaman hindi lubos na
maipaliwanag kung bakit. Saglit pa’y ibinigay na sa kanya ni Ellen ang filled up form. Ang lalaki naman ay kampante nang pumipili ng VCD. Kaswal namang binasa ni Rachel ang mga datos sa bagong member. Damon Crowe ang pangalan nito. Fil-‐‑Am ang nationality. Nakatira sa isang posh
village na ilang bloke lamang ang layo
sa shop nila. Kaya pala feeling hari,
ani Rachel sa sarili. Sa mga impormasyong
nabasa niya, isa lang ang interesante sa
kanya. Performing artist ang isinuat ni
Damon sa linyang katapat ng Occupation. At
ano naman kaya ang pini-‐‑perform ng mayabang na ito, aniya. Limang VCD ang kinuha ni Damon. Nakangiti itong lumapit sa counter. Inabutan
si Rachel ng isang crisp P1,000-‐‑peso
bill. Trenta ang rent ng VCD. Plus
membership fee na P100.00. All in all,
250 ang due ni Damon. Kung medyo hapon o
gabi na, madali na iyong masusuklian ni
Rachel. Ang kaso ay mahigit isang daan
pa lang ang nasa kaha sapagkat kabubukas
lang nila. “Wala kang smaller
bill, Mr. Crowe?” kaswal na tanong ni
Rachel. “Sorry, beauty,” nakangiting
sagot ni Damon. “Pulos ganyan ang laman
ng wallet ko.” Matindi talaga, sa loob-‐‑loob
ng dalaga. Tinawag niya ang isang crew
para papalitan ang pera sa gas station
na malapit sa shop. “You know, you look
familiar,” tiim-‐‑bagang na wika
ni Damon habang nilalaro ng mga daliri ang
buhok na bumabagsak sa noo. “Are you from
Ateneo?” Umiling siya. Ayaw
niyang i-‐‑dignify ang kayabangan
nito sa pamamagitan ng pakikipag-‐‑
usap. “Uh, you’re from Miriam,”
susog ni Damon. Umiling uli siya. “Then, where are you from?” ‘That’s none of your business, natutukso siyang sabihin. Pero customer si Damon at sa tumal ng negosyo nila, hindi praktikal na pagsupladahan ito. “Actually, I’m from UP,”
sabi niya. “There.. there.. kaya pala ang bigat ng dating mo. You own this shop?” “Does it matter to you if I do or if I
don’t?” Natawa si Damon. Mabilis na
ngumuya ng bubble gum. Ang mga matang
itim na itim ay titig na titig kay
Rachel. Parang marami pang gustong sabihin. Laking pasasalamat naman ni Rachel nang bumalik ang crew nagpabarya sa 1000 bill.
Dali-‐‑ dali niyang sinuklian ni Damon para huwag
nang magtagal pa. “Imi-‐‑mail na lang namin ang ID card
mo,” wika
ni Rachel. “Don’t bother. I’ll get it
personally.” Humakbang nang palayo si
Damon. Bago nakarating sa pinto ay
biglang bumalik sa puwesto ni Rachel. “You know, Rachel, I like you!” sabi nito, bukas na bukas ang bibig sa matamis na pagkakangiti.
Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan.
Over talaga sa kapreskuhan. Nagpupuyos ang loob na inihatid niya ng tingin ang paalis na lalaki.
Takang-‐‑taka siya kung paano nitong nalaman ang kanyang pangalan. Later on, natukoy niyang si Ellen ang culprit. “Itinanong kasi sa akin ang pangalan mo, tita,” wika ni Ellen. E, di sinabi ko naman.” “Masyadong adelantado. Kakainis!” “Pero telegenic siya, ‘no, Tita? Cute siya sa TV.” Kumunot
ang noo niya. “Sa TV?” May sinabing
popular na brand ng toothpaste si Ellen.
“Siya ‘yung model do’n! Hindi mo ba siya
namumukhaan?” “Hindi ako mahilig manood
ng TV.” Isinumpa niya sa sariling
hinding-‐‑hindi tatangkilikin
ang toothpaste brand na ini-‐‑endorse ni Damon.
SHE had a long, full day. And trying days are stacked ahead. Parang puputok ang ulo niya sa tindi ng tensiyon. Dalawang oncologist ang napuntahan nila. Kapwa rekomendado ng dati niyang editor-‐‑in-‐‑chief. Iisa ang diagnosis ng mga ito. Tulad ng naunang espesyalista, layngeal cancer din ang kinalabasan ng pagsusuri. Umuwi silang lulugu-‐‑lugo. Hindi
pa madesisyunan kung ano ang marapat na treatment para kay Nanay Mila. Ngunit anuman iyon, talos nilang dapat masimulan sa lalong madaling panahon. Hindi mapakali si Rachel nang gabing iyon. Nahaharap sila sa isang mabigat na pagsubok. Masakit na sa katawan, masakit pa sa bulsa.
Wala pang katiyakan kung gagaling ang
pasyente. Ngunit maski anong paraan
iyon, kahit pa gaano kagastos, walang
kailangan para sa nanay niya. Hindi siya
mangingiming isanla ang kaluluwa
gumaling lamang ang ina. Prayer. Fervent
prayers. Iyon ang first option. Hindi
siya religious subalit malinaw ang spiritual
perspective. Sa anumang problema panalangin
ang dapat maging pangunahing hakbang. Iyon ang paniniwala
niya. Kabalintunaan ng popular na
kasabihang Ipasadiyos na lang kapag wala
nang maisip o magawang paraan. Para sa
kanya, prayer must be the first option,
not the last recourse. Medyo lumuwag-‐‑luwag
ang dibdib niya matapos magdasal. Ginawa niya ang nabimbing report kay Mike. After that isinunod niya ang
nakagawiang evening ritual, i.e.
pagpapahid ng cleansing cream sa mukha
at paglalagay ng moisturizer sa mga braso,
binti at hita. Hihiga na sana siya nang
mapagtuunan ng pansin ang magazine sa
side table. Ilang araw na ang nakalipas
ay hindi pa rin niya iyon nababasa. Nagnakaw
siya ng mainit na gatas, isinandal ang unan
sa headboard at tinunghayan ang babasahin.
Voracious reader si Racheld. Sa peryodiko kahit ang mga entry sa obituaries ay binabasa niya. Isang portion lang ang sadyang hindi
niya pinag-‐‑aksayahan ng
panahon: ang horoscope. Kahit sa mga
magazine. As usual, natapos niya ang babasahin
nang hindi man lamang nililigwakan ng
tingin ang bahaging iyon. Pero hindi pa
siya inaantok. At wala na siyang mabasa.
Sa kawalan ng mapagdadagisunan,
tinunghayan niya ang kanyang horoscope.
Just for the heck of it. For fun. Kumunod
ang noo niya sa nabasa. Anang teksto:
Leo (Hulyo 21 – Agosto 22) Isang mabigat
na pagsubok ang darating sa inyong pamilya.
Mangangailangan ito ng malaking halaga at matibay na dibdib para malagpasan. Makatutulong ang
lubos na pagkakaisa ng pamilya. Coincidence kaya, naisip ni Rachel. O nagkatotoo ang hula? Leo siya, tulad rin ni Nanay Mila. Parehong Agosto ang kanilang kapanganakan. Obviously ang pagkakasakit ng kanyang ina ang pinatutungkulan sa hula. Ang mga sumunod namang pangungusap ay given na. Natural, kailangan ang malaking halaga at tibay ng
loob. Hindi siya gaanong kumbinsido.
Lalo na nang mabasa niya ang huling
bahagi ng horoscope patungkol sa kanyang
romansa. Tapos na ang iyong paghahanap.
Sa linggong ito, darating ang iyong Mr.
Right at magiging makulay ang inyong
buhay pag-‐‑ibig. Umarko
ang kilay niya. In the first place, hindi
naman siya naghahanap. Ni hindi siya naghihintay.
Para que? Mahigit one year na sila ni Ernie.
And the way things are, matibay ang paniniwala
niyang ito ang kanyang Mr. Right. Bagaman
wala pa silang malinaw na usapan tungkol
sa pagpapakasal, ito ang gusto niyang mapangasawa.
Para sa kanya, husband material ang
binata. Export quality. Huh, darating
daw ang kanyang Mr. Right. Napangiti
siya habang itinatabi ang magazine. Accurate
man o sablay ang sinasabi ng horoscope, simple
lang ang tingin niya rito. It’s nothing
but plain and simple good old fashioned
entertainment. No more no less.
CHAPTER 3
BUMALIK na sa Bicol
sina Tatay Fermin. Nagkasundo silang
subukan ang gamot at therapy na inihatol
ng isang espesyalista. Ang may
kamahalang gamot na tila mumunting butones
ay ibabala sa isang instrumento na mukhang
soldering gun at ibabaon sa lalamunan ni
Nanay Mila. Sa isang ospital sa Naga City
isasagawa ang regular na proseso. Ang nabanggit na procedure ay kailangang gawin nang tatlong beses isang linggo. Sa kabuuan, aabutin ito
ng 30 session. Matapos iyon, muling
susuriin si Nanay Mila upang alamin ang
naging progreso. “Magastos na gamutan
iyan,” wika ni Doris nang makakuwentuhan
ito ni Rachel. “Saan ka kumuha ng pera
na ibinigay mo sa parents mo?” “Savings
ko,” ani Rachel. “Sinimot ko na ang laman
ng bank book ko. Ayaw tanggapin ni Tatay
pero ipinilit ko.” “That’s my
girl.” “Alam mo, ever since, hindi
nagkakasakit ang nanay ko. Ibang klase
ang naturalesa niyan.” “Pero nang tamaan
naman ng sakit. . grabe!” “Naaawa nga
ako sa kanya.” “Let’s hope and pray for
a miracle,” alo ni Doris sabay akbay sa
kaibigan. “Uso pa ba ang milagro ngayon,
Tita?” “Oo naman. For chrissake, Rachel,
stage two pa lang ang mother mo. You
should be thankful dahil maaga pa’y
nalaman n’yo na. Iyong iba riyan, stage
four na nadi-‐‑detect. At ni singko’y walang pampagamot.” Siyanga naman, naisip ng dalaga. Kumbaga sa laro, malaki pa ang tsansa nilang manalo.
O kung hindi man, at least, puwede pang makatabla. Never-‐‑say-‐‑die
spirit lang ang kailangan. Magdadalawang-‐‑linggo nang nakauuwi sina Tatay Fermin nang sumulpot sa apartment ni Rachel si Ernie. Kadarating lang noon ng
dalaga. Ni hindi pa siya nakapagpapalit
ng damit. Naghahalungkat siya ng cold
cuts sa refrigerator sapagkat bigla
siyang nangasim sa gourmet sandwich. “Don’t bother,” nakangiting basag ni Ernie. “Me dala akong pagkain.” May bitbit na family size pizza pie ang binata. Isang buong litsong manok! Maraming-‐‑ maraming French fries. At anim na latang
canned beer. “Malaki ang collection mo?” wika ni Rachel habang tinitilad ng lalaki ang manok sa
chopping board. Naging routine na kasi
ni Ernie na tuwing kukubra sa
publication, either niyayaya siyang kumain
sa labas o nagdadala ng kung anu-‐‑anong pagkain sa apartment niya. “Hindi pa ako kumukubra,” anang binata. “Gusto lang kitang makasalo sa dinner.” Si Ernie ang nag-‐‑set ng mesa.
Preparado na ang lahat nang maupo siya. Masaya silang nagsalo. As usual, kuwento nang kuwento ang binata. Nangangalahati na
sila ng pagkain nang magbukas ng
dalawang latang beer si Ernie at nag-‐‑propose
ng toast. “For what?” natitilihang
tanong ni Rachel. “For us,” wika ni
Ernie, ngiting-‐‑ngiti. “That our love remains the same despite the time
and distance.” Ibinababa ni Rachel ang canister ng beer. “Aalis ka na?” Sunud-‐‑sunod na lagok ang isinagot ni
Ernie. Sa huli ay nakangiti pa ring
tumunghay sa kanya. “You look upset,
dear,” wika nito. “Hindi ka ba natutuwa
na nakapasa ako? I’m going to Cambridge.
Aren’t you glad for me?” “I’m glad,”
pabuntung-‐‑hiningang sagot ni
Rachel. “Of course I’m glad. Your joy is mine too. But honestly, dear, I hate the idea of
separation.” “Two years is not that
long, you know.” “But it’s not short
either.” Walang kibong tinapos ni Ernie
ang pagkain. Pagkuwan ay muling nagbukas
ng beer at pumuwesto sa salas. Sinundan
ito ni Rachel. Tinabihan. “May bakante pang slot,” wika ng binata. “You may apply if you’re interested.” “I’d rather go to law school,” matabang na sagot ni Rachel. “You’re a bright young woman, dear. Kapag nag-‐‑apply ka, siguradong magkakasama
tayo roon.” Humugot nang malalim na buntunghininga ang dalaga. “Kahit gusto ko, sa sitwasyon ng mother ko ngayon, ang tigas naman ng mukha ko kung sasabayan ko pa ng alis.” Hinapit siya ni Ernie. Hinalik-‐‑halikan
sa leeg at buhok. “Don’t worry, dear. We
can chat everyday. If you want to hear
my voice, I’ll only be a phone call
away. No big deal.” “Know what, you’re
upset because you don’t trust me.
Iniisip mo, ipagpapalit kita sa iba. Come
on, dear.” “I’m upset because I
don’t want to see you go.” “No problem. Huwag mo ‘kong ihatid sa airport.”
Pinagkukurot niya si Ernie hanggang
magkandatapon ang beer nito sa katatarang. “MISS Rachel Arevalo?” Isang lalaking nakaputing coverall ang nalingunan niya. Nakasuot ito ng white
baseball cap na may emroidered logo ng
isang kilalang flower shop. “Yes. .?” sagot-‐‑tanong ni
Rachel. Ipinatong ng lalaki ang isang
bouquet sa counter. Pagkatapos ay
pinapirma si Rachel sa isang maliit na
logbook. Katunayang natanggap niya ang
bulaklak. “Sino ang nagpadala nito?”
usisa ng dalaga. “Si Mr. Crowe, Ma’am,”
magalang na sagot ng boy. “Regular
patron ho siya ng shop namin.” Dinig na
dinig ni Rachel ang pagpalatak ni Ellen.
Oras na makaalis ang boy ng flower shop,
dali-‐‑dali itong lumapit sa kanya. “A dozen of red roses!” wika nito, nasa himig ang panunudyo. “And what could it possibly mean?” Hindi siya umimik. Kinakapa pa niya kung ano ang dapat maramdaman. Maingat niyang kinuha ang trimming ng bouquet at nakataas
ang isang kilay na binasa. Can’t return the VCD’s yet. Am on location shooting. I’ll just pay the fine, ok? See
you, beauty. Take care. I love you. Nabasa rin ni Ellen ang maikling mensahe. Nagkatinginan sila. Natawa siya, hindi dahil
sa nabasa kundi sa ekspresyong nakaguhit
sa mukha ng tauhan. “The guy’s nuts!” aniya habang nilalaro ng mga daliri ang trimming. “No, Tita,” seryosong wika ni Ellen. “The guy’s madly in love with you.” “Sa ‘yo na lang ang mga bulaklak na iyan.” “Aba, huwag. Bigay niya iyan sa iyo, eh.” Kinuha ni Rachel ang bouquet at itinapat sa trash can. “Kung ayaw mo, itatapon ko na lang ‘to. Wala akong panahon sa kapreskuhan niya.” Inabot ni Ellen ang mga bulaklak. “Sayang naman ‘to kung mababasura lang. Sosyal na sosyal pa naman ang pagkakaayos.” Kinibit ni Rachel ang balikat at
ipinagpatuloy ang pagbabasa ng
peryodiko. Bandang hapon, isang tawag sa
cellphone ang natanggap niya. “Hi, there, beauty!” masigla at puno ng kumpiyansang basag ng caller. “How are you, Rachel?”
“May I know–” Iyon na lang ang
nasabi niya dahil sa maagap na pagsalo
ng lalaki. “You don’t recognize my
voice? Martin D ba ang dating?” Isang
malakas na tawa. “Is that you, Damon?” “Yesiree! Did you like the flowers?” Sumulak na naman ang inis niya rito. “Busy ako. Maraming customer. If you don’t mind–” “Of course I don’t mind. I’ll pick you up tomorrow.”
Hindi na niya hinintay na matapos ang
sinasabi nito. Mabilis niyang pinutol ang linya. Pagkatapos ay ini-‐‑off ang
cellphone. Malaking palaisipan sa kanya
kung paanong nalaman ni Damon ang number
ng cellphone niya. Sinita niya si Ellen
sa pag-‐‑aakalang
ito ang culprit. “How can I possibly do that?” Wika ni Ellen. “Ni hindi ko alam ang number ng CP mo. In the first place, wala naman akong CP.” Natampal na lang niya ang noo. LUMIPAD patungong Amerika si Ernie nang walang kuskos-‐‑balungos. The night before, sinundo nito si Rachel sa shop at niyayang kumain sa labas. Nanood sila ng sine
pagkatapos. Bandang hatinggabi, inihatid
na nito ang dalaga sa apartment. “Madaling-‐‑araw ang flight ko,” wika ni Ernie. “Oras na
makarating ako roon, tatawagan kita
agad.” “Then I’ll wait for your call,”
sagot ni Rachel. Nalulungkot siya.
Ramdam na ramdam niya ang pagbukal ng
lungkot mula sa mga liha ng kanyang
puso. But somehow, dahil siguro sa pride,
nagawa niyang itago iyon mula sa nobyo. Niyapos
siya ni Ernie. Ang higpit-‐‑higpit. At sa unang pagkakataon ang lungkot niya ay nalangkapan ng takot. Bakit nangangalisag ang balahibo niya? Parang.. parang hindi na sila magkikita uli. Sinikap niyang palisin sa isip
ang posibilidad na iyon subalit tukso
namang lalong nagsusumiksik doon. “I’ll miss you,” sabi ni Ernie, matamlay na matamlay.
“Same here,” aniya sabay subsob sa dibdib ng katipan.
Hinalikan siya ng binata. Dampi lamang
noong una, kalaunan ay lumapat na nang husto sa mga labi niya. Mariin. Matagal. Halos pugto
na ang kanyang hininga nang maghiwalay
sila. “Kailangan mo pa ba talagang
umalis?” wika ni Rachel. “I need to. Not just for me but for us. For
our common future.” Hindi siya
kumbinsido ngunit alam niyang harangan
man ng sibat ay hindi mapipigil si
Ernie. Hinapit niya ang batok nito at minsan
pang naghinang ang kanilang mga labi. Sa gayon natapos ang kanilang pagpapaalaman. Umuwi na ang lalaki para kunin ang bagahe nito. Siya naman ay natulog nang mahimbing. The following day, nag-‐‑report
siya sa shop na parang walang nangyari. “YES, I know Damon,” kaswal na wika ni Doris habang sinisipat ang mga pin sa dulo ng lane.
“As in kilala lang, huh? We’ve never had
a chance to talk.” Ibinato ni Doris ang bola. Gumulong iyon na tila patungo sa kanal subalit sa dulo ay
gumana ang pektos at malakas na sinalpok
ang bolilyo. Strike! Napa-‐‑yes
ang chemist at nakangiting bumalik sa
upuan. “Kilala mo ba si Denise, ‘di ba?”
anito habang inaabot ang ibinibigay
niyang Diet Coke. Tumango siya. Si
Denise ay nakababatang kapatid ni Doris.
Ilang beses na niya itong nakalaro sa
bowling. “Ang sister ko ay bestfriend ni
Tricia na incidentally ay younger sister
ni Damon. Minsang ginabi sa amin si
Tricia, nagpasundo siya sa kuya niya.
That’s how I met him.” “How did you find
him?” “He’s good looking. Iyon lang ang
masasabi ko. Other than that, wala. Why?
What’s the score?” Hindi muna siya sumagot. Sinipat na mabuti ang mga pin at maingat na ibinato ang bola. Gumulong iyon. Tuwid na tuwid. Bago nakarating sa mga bolilyo, lumiko iyon at lumagabog na nahulog sa kanal. Ang lakas ng tawa ni Doris. Tumama na ang ikalawang bato niya, pero may natirang tatlong pin. Naubos niya iyon sa ikatlong bola. “So, what’s the score?” ulit ni Doris
pagdaka. Kinonsulta ni Rachel ang
playing sheet. Way below average ang
performance niya. “Ang babae ng score
ko. Ang sasama ng tira ko, ‘no?” “Hindi iyan ang itinatanong
ko,” namumugikgik na wika ni
Doris. “I’m asking the score between you
and Damon?” Kinibit niya ang balikat.
“There’s nothing between us.” “Nanliligaw ba siya sa iyo?” “I don’t know. Pero binubulabog niya ako. Napipikon na ‘ko, you know.” Ikinuwento niya kay Doris kung paanong nakilala si Damon. Ang pagpapadala nito ng bulaklak. Ang pagtawag. And lately, ang halos
ay minu-‐‑minutong text messages. “The guy likes you,” pagtiyak ni Doris. “No doubt about that.” “That’s his problem.” “Then why are you bothered by his importunings?” “I’m not bothered. I’m annoyed. The guy’s a nuisance.”
“A very handsome, crushable nuisance.”
“Nuts to him.” Later on, habang
nagpapalipas sila ng oras sa isang
pizzeria muling nabuklat ni Doris ang topic
naayaw na sanang pag-‐‑usapan ni Rachel. “This guy Damon,” walang inhibisyong wika ni Doris, “I like him for you.” Seryosong sumagot si Rachel. “Ernie is your friend, too. Bakit ka nagsasalita nang
ganyan?” “I’m just voicing out my
opinion. No big deal, honey. Kaya lang,
ewan ko ba, masama ang vibes ko kay
Ernie. Lately ha? Noong araw naman kasi’y
hindi.” “Are you switching loyalties?
From Ernie to Damon?” “Can’t put it that way. Damon is not in my circle, you know that. It so happened na mula nang umalis si Ernie, ang lakas-‐‑lakas
ng kutob ko na hindi ka na niya
babalikan.” May nakanti sa dibdib niya
ang sinabing iyon ni Doris. Hindi na
lang niya ipinaalam sa kaibigan ngunit
noon pa mang sinabi ni Ernie na aalis
ito, naramdaman na niya ang nararamdaman
nito ngayon.. Bumuntunghininga
siya. “Kung ayaw niya akong balikan,
ano’ng magagawa ko? He’s got all the
right to do that. It will hurt but life must go on as usual.”
Napangiti si Doris. Tumangu-‐‑tango. “May itatanong ako sa iyo,” ani Rachel sa kaibigan.
“Uh-‐‑oh. .” “Ikaw ang nagbigay ng number ko kay Damon?”
“I didn’t,” mabilis na tanggi ni Doris.
“Despues, sino ang posibleng nagbigay ng
cell number ko sa atribidong iyon?”
Muling ngumiti si Doris. “Denise did!”
CHAPTER 4
NATANAW ni Rachel ang pagparada ng nangingintab na SUV sa tapat ng shop. Mula
roon ay bumaba ang isang mestisuhing
batang lalaki na may hawak na bouquet.
Diretso itong pumasok at pinuntahan si
Rachel. Obvious na may instruction ang
bata sapagkat tukoy na tukoy nito ang pagbibigyan
ng bulaklak. “Ipinabibigay po ni Tito
Damon,” magalang at nakangiting wika ng
bata. Inilapag nito ang bouquet sa
counter at bago nakapagsalita ng anuman
si Rachel ay mabilis nang nakalabas sa shop. Heavily tinted ang slaamin ng SUV pero nasisiguro ng dalaga na nasa loob niyon si Damon. Kinuha niya ang bouquet at lumabas ng shop. Ang maputing usok na lamang ng umarangkadang luxury vehicle ang inabutan niya. Just
what the hell is he trying to prove, naiinis
niyang wika sa sarili habang pabalik sa puwesto. “May rasyon ka na naman,” tudyo ni Ellen nang makita ang mga sariwang bulaklak. “Sa iyo na kung gusto mo.” “Para ‘yan sa iyo.” “Kaso nga’y ayoko, eh. Kunin mo na dahil kung hindi’y ibabasura ko lang ‘yan.” Alam ni Ellen na hindi siya nagbibiro. Talagang ibabasura niya ang mga bulaklak. Ganoon ang karakter niya. Kapag sinabing
ayaw, talagang ayaw. Nakangiting kinuha
ni Ellen ang bouquet. Mabilis niyang naiwaglit sa isip ang insidenteng iyon. Ngunit kinagabihang palabas
na siya ng shop, laking gulat ni Rachel
nang salubungin siya ni Damon. “Hi there, gorgeous!” wika ng binata, ngiting-‐‑ngiti. “We’re closed,” sabi niya, hayag ang iritasyon.
“Uh, hindi ako magri-‐‑rent ng VCD,” sagot ni Damon. “I’m
here for you. Sinusundo kita.” Umarko
ang kilay niya, pagkuwan ay ibinaling
ang tingin kay Ellen. “O, paano, mauuna na
ako.” “Goodnight!” ang tamis ng ngiti ni
Ellen. Punung-‐‑puno ng
kahulugan. Lumakad na siyang palayo.
Dali-‐‑dali namang humabol si Damon. “Hey, gorgeous! There’s my car!” wika nito. “Salamat na lang,” sabi ni Rachel. “Malapit lang naman ang bahay ko.” Umagapay sa kanya ang binata. “Then we’ll walk together.” “What do you want?” iritadong tanong ni Rachel.
“I meant no harm, you know. Gusto ko lang maging close sa iyo.” “What for?”
“Why ask the obvious?” Binilisan
ni Rachel ang lakad. Awtomatikong bumilis
din si Damon. “Stop pestering me!” “Bakit galit na galit ka sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Nakarating sila sa apartment. Dahil sa inis hindi magkandatuto si Rachel sa pagbubukas ng pinto. Sa kadadabog niya, nalaglag sa lapag
ang bungkos ng susi. Maagap iyong kinuha
ng lalaki at nakangiting ibinalik sa
kanya. “Won’t you invite me in?” wika ni
Damon nang sa wakas ay nabuksan ang
pinto. “Why should I?” mataray, halos
paasik na salo ni Rachel. “At least out of good manners.” Tinitigan siya ni Damon. Sa totoo lang, mukha ngang harmless ito. Ang cute tingnan
lalo na kung sinusuklay ng mga daliri
ang buhok na tila kaylambot at kaybango. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Be my guest.” Nakangiting nasok sa apartment si Damon. “Geez, hindi mo rin ako natiis.” Iminuwestra niya sa lalaki ang sofa, ngunit hindi ito naupo. Sa halip ay tila sheriff na
nilisa ng tingin ang kabahayan. “Nice place, hmm?” comment nito. Nang matanaw na nagbukas ng refrigerator si Rachel
ay nilapitan. “Don’t bother yourself,
honey. Hindi naman ako magtatagal.” Itinuloy niya ang pagkuha ng fruit juice. Sinalinan ang isang matangkad na baso at
dahan-‐‑ dahang uminom. “Nag-‐‑iisa ka lang dito?” “Obvious ba?” wika ni
Rachel. “Your parents?” “Nasa province.” Nagtungo sa salas si Damon. Naupo sa sofa. Kampanteng dumekwatro. “I can never be alone,” wika nito. “I’ll be bored to death. Hindi ka ba naiinip dito?” “Marami akong pinagkakaabalahan.” Hindi nga nagtagal si Damon. Makaraan ang ilang sandali ay nagpaalam na ito. “Will you mind if I come back the day after tomorrow?” sabi nito bago lumabas sa pinto. “And why the hell are you going to come back?”
“I’ll take you out. . to dinner.”
“What if I don’t want to go out?” Pinisil ni Damon ang kanyang baba. Papalisin sana niya ang kamay nito ngunit maagap na nabawi. “Then we’ll have our dinner here.” Kinindatan siya ni Damon at kakanta-‐‑ kantang umalis na. Inis niyang ibinalibag ang pinto. ANG linaw ng boses ni Ernie. Parang sa
katabing apartment lang niya tumatawag. Apologetic ang binata. Marami raw kinailangang asikasuhin kaya lumipas muna ang isang buwan bago nakatawag kay Rachel. “Okay lang iyon,” wika ni Rachel. “Naiintindihan ko. Ikaw, okey ka lang ba
riyan? Nakapag-‐‑adjust ka na
ba?” Ang
sumunod na kinse minutos ay halos monologue
na lamang ni Ernie. Ang inisyal na mga
obserbasyon nito sa kultura ng mga Amerikano.
Pluses and minuses. Vintage Ernie. Masyadong
analytical. “Wish you were here, honey,”
sa huli ay wika ng binata. “Lalo na
ngayon, it’s the height of winter. Nasa
tabi ako ng fireplace. Ang sarap sana kung
yakap-‐‑yakap
kita.” Naglaro
sa isip ni Rachel ang eksenang iyon. May
kung anong damdaming kumiliti sa kanya. Nami-‐‑miss
din niya si Ernie. No doubt about that. “Wish
you were here, too,” sabi niya sa nobyo. Umabot ng kalahating oras ang usapang mostly ay dinomina ng mga update ni Ernie. Pagkuwan ay nagpaalam na ito. Mahimbing na ang tulog niya kaninang tumawag ang nobyo. Bumalik siya sa kama subalit napalis na ang antok. Bumangon na
lang siya at nagtimpla ng gatas.
Sinabayan ng sigarilyo. Natuto
siyang manigarilyo noong nagtatrabaho
sa publication. Pero kapag kasama si
Ernie, hindi siya naninigarilyo dahil alam
niyang ayaw nito ng usok ng tabako.
Isa. Dalawa. Tatlong stick. Hindi
pa rin siya makatulog gayong halos a madaling
araw na. Naisipan niyang buksan ang cellphone. Sumalubong sa kanya ang sunud-‐‑sunod
na text messages ni Damon. NAG-‐‑IISANG dumating sa video shop si
Mike. It was a first. Hindi ito
nagtutungo roon na hindi kasama si
Doris. At sa pagkasorpresa ni Rachel, niyaya
siya nitong mananghali sa labas. Another
first. Incidentally dinala siya ni Mike sa Chinese restaurant na malimit nilang puntahan ni
Ernie noon. Itinuturing niyang kaibigan si Mike. Una ay dahil boyfriend ito ng bestfriend niya. Si
Doris ang kanilang common bond.
Secondly, employer niya ito. Gayunman,
hindi sila talagang close. Medyo asiwa
siyang kausapin ito sapagkat tila napakaseryoso.
Parang walang sense of humor. Tahimik silang
kumain. Matamang nakikiramdam si Rachel. Wala siyang ideya
kung ano ang magiging agenda nila. But
most likely, tungkol iyon sa video shop.
What else? “Nabusog ka ba?” tanong nito
pagkuwan. Tumango siya. “Hindi ko na palalawigin ito, Rachel,” seryosong wika ni Mike,” we’re going to close
the shop.” Napatiim-‐‑bagang siya. Para siyang maliit
na bangka na biglang nawalan ng katig sa
gitna ng nag-‐‑aalimpuyong
dagat. “Siguro’y nagtataka ka,”
pagpapatuloy ni Mike. “Bakit isasara ang
shop gayong kumikita pa naman. Got my
point, Rachel?” “Go ahead, please.” “Businessman ako. Namumuhunan para kumita. For profit. At kapag sinabing profit,
hindi puwedeng barya-‐‑barya
lang. The shop survives, pero halos wala
nang napupunta sa akin. Sana’y naiintindihan
mo ‘ko, Rachel.” “I understand.” “No hard feelings?” “Bakit naman sasama ang loob ko?” “I’ll give you your rightful separation pay.” “Thanks.”
Doon natapos ang pag-‐‑uusap nila. Umuwi na si Mike. Mag-‐‑isang
bumalik sa shop si Rachel. Si Ellen ang
nasa kaha. Mahaba-‐‑haba ang pila
sa counter sapagkat weekend. Ang ibang crew
ay pulos abala sa pag-‐‑asiste sa mga customer. Parang kinurot ang puso ni Rachel sa tagpong iyon. Bukas-‐‑makalawa,
ang mga ito ay kasama na sa malaking
kawan ng mga walang trabaho. Mga
produktong miyembro ng lipunan na
biglang mawawalan ng pinagkakakitaan. At
sa ayaw niya at sa gusto, kasama siya sa
mga iyon. UMUWI siya ng Bicol
para alamin ang sitwasyon ng ina.
Magdadalawang buwan nang sumailalim ng
therapy si Nanay Mila at nasasabik na siyang
malaman kung may progreso. Dagdag na ring para kahit paano ay ma-‐‑refresh
ang kanyang utak. Ang buhay sa Metro
Manila ay punung-‐‑puno ng tensiyon.
Hindi gaya sa probinsiya na para bang napakasimple
ng lahat. Walang stress. Malaki ang
ipinangayayat ng kanyang ina. Ang mga
pisngi nitong prominente noong araw dahil
lawlaw sa taba ay humpak na ngayon. Ang mga
binti na dati ay tila mga pamalo ng dalag ay
halos ganggahanip na lang. Sa loob ng
napakaikling panahon, nahulog ang katawan nito. “Paanong hindi mamamayat, eh, hindi nakakakain,” palihim na himutok ni Tatay
Fermin nang magkasarilinan sila.
“Nawalan na nga ng panlasa, sinasabayan
pa ng kirot. Ay, Diyos kong buhay ito!”
Napuna ni Rachel na nakaapekto na sa
tatay niya ang pagkakasakit ni Nanay Mila.
Kung noon ay lagi itong nakangiti, ngayon ay madalas nang nakakunot ang noo. Iniabot niya sa ama ang isang white envelope. Nag-‐‑atubili si Tatay Fermin sa pagtanggap niyon. “Hindi kita inoobliga, anak,”anang tatay niya. “Nakakaraos pa naman kami rito.” “Para sa nanay talaga ‘to, ‘Tay,” giit ni Rachel. “Kunin na ho ninyo.” Nang ayaw pa rin iyong kunin ng ama, itinupi niya ang sobre at isiniksik sa bulsa ng polo nito. Hindi naman nakaratay si Nanay Mila. Nakakakilos ito nang normal. Nakagagawa pa
rin sa bahay. Kung hindi sa kapansin-‐‑pansing pamamayat nito, hindi masasabing may dinaramdam.
Kinagabihan, nagkakuwentuhan sila ng ina. Nagpalipas sila ng oras sa balkonaheng nakatunghay sa malawak nilang tumana. Inihahatid sa kanila ng panggabing hangin ang samyo ng mga umuusbong na puso ng mais. Paulit-‐‑ulit na huminga nang malalim si Rachel. Doon lang niya iyon nagagawa. Sa Maynila, ang ganoong ehersisyo ay may kasamang peligro ng kung anu-‐‑anong
sakit. “Kumusta naman ang trabaho mo,
Rachel?” walang anu-‐‑ano’y usisa ng ina sa kanya. “Okay
lang ho,” pagkakaila niya. Wala siyang
makitang mabuting rason para sabihin sa ina
ang totoo. Anong buti ang idudulot kung malaman
nitong malapit na isyang maging jobless?
“Pero naghahanap ho ako ng ibang mapapasukan,”
pagkuwan ay dugtong niya. “Gusto ko hong
magamit ang pinag-‐‑aralan ko.” “Eh, si ano, kumusta na? Ano nga ba ang pangalan ng nobyo mo?” Napangiti siya. “Ernie ho.” “Sana’y isinama mo siya rito. Bukod sa nakilala sana namin, hindi ka na nahirapan sa pagbibiyahe. De-‐‑kotse kamo
iyon, di ba?”
“Wala na siya, ‘Nay. Nasa States na ho.”
“Oh!” “Nakakuha ho siya ng
scholarship. Pag-‐‑ aaralin nang
libre sa Amerika. Sayang naman kung
palalagpasin ang pagkakataon.” “Kung
sabagay, mga bata pa naman kayo. Sikapin
na muna ninyong maabot ang inyu-‐‑
inyong mga pangarap. Ni hindi pa nga kayo nakatitiyak kung kayo na nga, eh.” “Ganoon din ho ang paniwala ko.” Bago mag-‐‑alas nuwebe ay nakahiga na sila. Sa Quezon City, kapag ganoong oras ay nasa
shop pa siya. Kasiglahan pa ng pagpapa-‐‑rent. Kabaligtaran sa probinsiya na tila ba
napakalalim na ng gabi. Dahil nasanay sa
routine na hatinggabi kung matulog, ang
tagal niyang biling-‐‑ baligtad sa
higaan bago dinalaw ng antok. Kinabukasan
ay schedule ng therapy ni Nanay Mila.
Minabuti ni Rachel na sumama sa ospital
sapagkat wala naman siyang gagawin sa bahay.
Kasama rin nila si Sally, ang bunso nila na
parang xerox copy nila kaya nga lang ay medyo mataba.
Walang limang minuto ang procedure na
isinagawa ng oncologist. Ngunit ang sasandaling prosesong iyon ay kulang-‐‑kulang
limang libong piso na, three-‐‑fourths
niyon ay sa professional fee ng
espesyalista. “Ang hirap magkasakit sa
Pilipinas, ano, Ate?” naiiling na sabi
sa kanya ni Sally. “Pag wala kang pera,
kawawa ka!” “Pag wala kang pera,
ibabalot ka na lang sa banig at itatapon
sa ilog,” susog ni Tatay Fermin. Bago
umuwi ay dumaan sila sa palengke. Namili
ng mga kailangang supplies. Bumili ng peryodiko
si Rachel. Broadsheet. Classified ads ang
habol niya. Habang nagbibiyaheng
papauwi, hindi magkandatuto si Sally sa
pagbuklat sa peryodiko. “Ano ba’ng
hinahanap mo?” usisa ni Rachel. “’Yung
horoscope, ate.” “Ay, naku, huwag kang
nag-‐‑aaksaya
ng panahon sa mga ganyan. Pati ba naman
ikaw, nakikiloko riyan?” Hindi siya pinansin ng kapatid. Namimilog ang mga mata nito sa excitement habang
binabasa ang horoscope. “O, ano raw ang sabi ng mga bituin?” tanong niya pagkuwan. “Magpakasipag
lang daw ako sa paghahanap ng trabaho at matatanggap ako.” Natawa si Rachel. Fresh graduate ng com-‐‑sci ang kapatid niya. Kasalukuyang pa-‐‑apply-‐‑apply. “Bumilib ka naman agad? Natural, pag nagpursige ka sa paghahanap, makakakita ka ng trabaho. Iyon ba naman ay kailangan pang itanong sa manghuhula?” “KJ ka, alam mo?” Nagpalitan sila ng high five. Later on, matapos i-‐‑clip ang mga
ads na balak niyang padalhan ng resume,
nadaanan ng tingin niya ang comic
section. Sa gawing ibaba niyon ay
crossword puzzle. Habang nag-‐‑iisip ng sagot, paminsan-‐‑minsan ay
nagagawi ang mga mata niya sa horoscope.
Sa huli, out of curiosity, nakatuwaan
niyang basahin ang sinasabi niyon. Leo
(Hulyo 22 – Agosto 22) Mahuhulog ang loob
mo sa taong labis na kinaiinisan. Ang problema sa kasalukuyang trabaho ay magbibigay-‐‑daan
sa mas maraming oportunidad. Nuts, sa loob-‐‑loob ng dalaga. Hindi mangyayari iyon. Never. Malapit-‐‑lapit
sa katotohanan ang hula kaugnay ng
kanyang trabaho, pero iyong mahulog ang
loob niya kay Damon, no way! Hindi na niya itinuloy ang pagsagot sa crossword puzzle.
CHAPTER 5
“NAHIHIYA ako sa
‘yo,” wika ni Doris,” paikut-‐‑
ikot sa gitna ng sala. “Hindi ko alam na
kakausapin ka nang gano’n ni Mike. I swear to God, Rachel, kahapon ko lang nalaman na
isasara na niya ang shop.” “Walang problema ro’n,” kibit-‐‑balikat
na sagot ni Rachel. “At least,
nakatulong siya sa akin for almost a
year. May sumalo sa akin noong jobless
ako.” “At magiging jobless ka na naman,”
salag ng kaibigan. “I’ll find a new job, don’t worry.” Mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula nang mag-‐‑usap sila ni Mike. Kahapon,
nagtungo uli ang binata sa shop. Muli ay
hindi kasama si Doris. Pormal nitong
kinausap ang mga tauhan at sinabing
hanggang sa katapusan na lamang ng buwan
ang operasyon nila. Ang susunod na ilang
araw ay gugugulin nila sa pagri-‐‑retrieve ng stocks at imbentaryo. “If there’s one thing that I want you to
know, wika ni Doris, “I believe you’ve
managed the shop very well. And records
show that it earns despite the hard
times.” “Maupo ka,” natatawa niyang sabi
sa kaibigan. “Nahihilo ako sa iyo, eh.” Hindi naman siya nagdalawang salita. Nang makaupo si Doris ay inalok niya ng menthol cigarette. Nagpaunlak naman ito at nagduweto sila sa paninigarilyo. “No big deal about it, Doris dear,” aniya.
“If Mike wants to pull out his
investment, that’s his prerogative. As
for me, your friend is a survivor, hmm?
No need to worry.” “We’re friends–” “Yup. But our friendship has nothing to do with it.”
“Para kasing nabastos ang feeling ko.
Imagine, may ganoon pala siyang plano, di man lang nababanggit sa akin. To think that it
concerns my bestfriend.” “Forget it. It’s time to move on.” “You’re sure?” Hindi sumagot si Rachel. Tinungo ang refrigerator at kumuha ng dalawang canned
beer. Tinambalan niya iyon ng isang
platitong roasted cashew nuts. “Let’s drink,” sabi niya, ngiting-‐‑ngiti. “Iba ka talaga, Tita,” naiiling na wika ni Doris.
“What’s this? The calm before the storm?” “Wala lang. Trip ko lang uminom.” Nanood sila ng TV habang banay-‐‑banay
na iniinom ang beer. Sa commercial
break, ipinakita ang patalastas ng isang
formulated anti-‐‑dandruff shampoo.
Sa beach ang setting. At si Damon ang model. “Uy, bago ‘yan, ‘no?” wika ni Doris. “May bago na naman palang commercial ang loko!” Hindi pinansin ni Rachel ang comment ng kaibigan.
“Bakit kaya ayaw niyang mag-‐‑artista? Ano sa palagay mo?” Nairita siya. “Why don’t you ask him?” “Hey. . hey. . huwag kang magalit.” “Ayoko siyang pag-‐‑usapan,
okay? Gusto kong mag-‐‑relax!” “Okay sorry na.” Ini-‐‑off na ni Doris ang TV. Bagu-‐‑bago
pa lamang humuhupa ang iritasyon ni
Rachel ay tumunog naman ang telepono. “Hello.. ” wika niya, medyo matabang. “Good evening, honey–” Iyon na lang ang nasabi ni Damon. Ibinagsak na ni Rachel ang awditibo. TWO weeks bago ang pagsasara ng video shop, binuhay ni Rachel ang ugnayan sa mga
kakilalang aktibo sa publishing
industry. Ang iba’y sa telepono lang
niya kinausap o kaya ay sa e-‐‑mail. Iyong mga positibo ang response ay pinupuntahan niya nang personal. Maganda ang resulta ng kanyang networking. Isang English tabloid ang
nagbigay ng regular column sa kanya.
Bukod iyon sa dalawang publication na
nagbukas ng pinto sa kanyang mga contribution. Eventually,
makakatisod pa siya ng ibang oportunidad kapag tinotoo na ang pagbabalik sa mainstream. Okay na iyon, pansamantala. At least, hindi na niya magiging problema ang pambayad sa apartment at panggastos sa araw-‐‑araw.
Kaya nga lang kungdi madadagdagan ang
kanyang source hindi siya makapagko-‐‑contribute
sa therapy ni Nanay Mila. Bagaman
maganda ang kita sa pagiging
contributor, fluctuating ang pasok ng pera
sapagkat nakadepende sa output. Hindi tulad
ng regular employment, madaling i-‐‑budget ang finances sapagkat siguradong may darating sa akinse at katapusan. Kung lalaro siya sa sistema, alam ni Rachel na madali siyang magkakapera. Bantad siya sa mga common practice sa industriya. Konting kapal lang ng mukha at tibay ng sikmura ang puhunan. Sa medyo glamorosong tawag, payola. Kung diretsahan, suhol. Lagay. Padulas. Pero ayaw niya nang ganoon. Totoong kailangan niya ng pera, ngunit hindi niya lulunukin ang mga bagay na isinusuka ara magkaroon lang niyon. It turned out na tama ang naging desisyon niya. Nang
dumating ang katapusan ng buwan at isara
ni Mike ang shop, para lang siyang dinaanan
ng masamang hangin. Hindi na na-‐‑disrupt ang kanyang rhythm sapagkat may nakahandang safety net.
Quite unexpectedly, umiyak sa kanya si
Ellen. Dinamdam nitong mabuti ang pagkawala ng trabaho. Parang nakita ni Rachel ang
sarili three years ago. Ganoon din ang
naging reaction niya noong biglang
magsara ang publication na napamahal na
sa kanya. Isinama niya si Ellen sa
apartment. Binigyan ng konting pep talk. “Huwag kang ma-‐‑depress,” sabi
niya sa dating crew. “Para iyon lang,
iniiyakan mo. Tiyaga lang sa pag-‐‑a-‐‑apply.
Bukas-‐‑makalawa, matatanggap ka rin. Bata ka pa naman. May
skills. Competitive ka pa.” “Alam mo naman kasi ang sitwasyon ko, di ba, Tita?” namumula ang mga matang wika ni Ellen. “Ako ang nagpapaaral ng kapatid ko sa probinsiya.”
“Alam ko iyon. Pero ano ang mahihita mo sa pagmumukmok? Ang problema’y hindi iniinda kundi nireresolba. Iyon ngang mga disabled, nakagagawa ng paraan.. ikaw pa?” Mukhang napaghulas niya ang damdamin ni Ellen. Nang umuwi ito ay kalmado na. Nawala na ito sa isip niya nang mga sumunod na araw. Napatuon ang focus niya sa mga artikulo na kailangang isulat. Minsan, kinailangan niyang interbiyuhin ang isang city mayor kaugnay ng posisyon nito sa garbage problem sa metropolis. Maganda ang naging takbo ng interview at nasisiguro
niyang makasusulat siya ng isang tunay
na mahusay na artikulo. Hindi tuloy niya
napansin ang oras. Ginabi siya sa pag-‐‑uwi. Nag-‐‑aabang siya ng taxi nang mula
kung saan ay biglang sumulpot ang
sasakyan ni Damon. Huminto iyon sa tapat
niya. Nakangiting bumaba ang lalaki. “Hop in,” alok nito. “Ihahatid na kita.” “Maraming taxi,” sagot niya, paingos. “Rush hour. Mahihirapan kang sumakay.” “Problema ko na ‘yon.” Ang ngiti ni Damon ay naging ngisi. Namaywang ito upang mapagtakpan ang pagkakapahiya sa ibang commuters na nag-‐‑ aabang ng sasakyan. “Bakit ba ang suplada mo, huh?” anang lalaki.
“You have a problem with that?” aniya,
mataray. Bago nakasagot si Damon,
taas-‐‑noo
siyang tumawid sa kalsada. Sa
pagmamadali, hindi niya napuna ang isang
humahaginit na Tamaraw FX. Ang huling
narinig ni Rachel ay ang paglangitngit
ng mga gulong na nagsisikap kumapit sa
kalsada. Kasunod niyon ay ang pagbalabag
ng katawan niya sa sidewalk. At nagtaka
siya kung bakit naging napakadilim ng
Commonwealth Avenue.
CHAPTER 6
PARA iyong tagpo sa isang pelikulang horror-‐‑ thriller. Hindi niya alam kung totoo pero
ramdam na ramdam niya ang pananalaytay
ng takot sa bawat himaymay ng kanyang
laman. Dama niya ang pagngangalit ng mga
litid subalit walang magawa kundi
hintayin at lasapin ang nakaambang
kamatayan. Nasa loob siya ng isang
malakling tabernakulong itim. Ang
paligid ay tinatanglawan ng pagkarami-‐‑raming
kandila na pawang mga itim din. Sa
kalagitnaan ay may dila marmoladong mesa
kung saan siya nakahiga. Hindi siya
makakilos sapagkat nakatanikala sa mesa
ang mga kamay niya at paa. Isang
malaking pulutong ng mga tao ang naglalakad
nang paikot sa mesa. Tila nagsisipag-‐‑
prusisyon. Bawat isa ay may hawak na kandilang itim at umuusal ng inkantasyon sa wikang
Latin. Hindi maaaring mamukhaan sapagkat
lahat ay may suklob sa ulo. Walang
iniwan sa mga kasapi ng Ku Klux Klan
kaya nga lang ay mga itim ang suot. Napunto
ni Rachel ang susunod na mangyayari. Magsasagawa ng ritwal ang mga kulkista. At siya ang isasakripisyo. Nagwala siya. Nagpupusag na tila dalag. Subalit iyon lang ang maaari niyang gawin.
Ang mga pangaw ng tanikala ay tila mga
galit na galit na kamay na nakadaklot sa
kanya. Tumigil ang prusisyon. Pumalibot
sa mesa ang pulutong. Sa bandang ulunan
ni Rachel, pumuwesto ang isang tila may
katungkulan sa grupo. Hawak nito ang
isang makapal na libro at isang
kumikislap na balaraw. Nanghilakbot si
Rachel. Nagsisigaw siya. Halos mapatid
ang mga litid niya sa leeg subalit
nakapagtatakang walang boses na
inilalabas ang kanyang lalamunan. Itinaas
ng lalaki ang balaraw. Umatungal na tila
may kung anong dinaramdam, ngunit sa katotohanan
ay may tinatawag na diyos-‐‑diyosan. Mariing ipinikit ni Rachel ang mga mata. “Itigil ‘yan!” Ang tinig ay makapangyarihan. Punong-‐‑ puno ng awtoridad. At kilalang-‐‑kilala
niya. Dumilat siya. Sumalubong sa kanya
ang hintakot sa pagpupulasan ng mga
kultista. Papalapit sa kanya, makisig na
makisig, hawak ang naglalagablab na
espada, ang kanyang tagapagligtas. . si
Damon! Sa isang wasiwas ng espada,
kinalas nito ang kanyang tanikala. At
nagyakap sila nang anong higpit.
CHAPTER 7
AMOY-‐‑GAMOT
. Prominente ang samyo ng alkohol sa
paligid. Kahit hindi pa nagmumulat ng paningin,
nasiguro ni Rachel na nasa ospital siya.
At may mainit na palad na nakasapo sa
kamay niya! Humahagud-‐‑hagod
tulad ng isang tunay na nag-‐‑aalala
at nagmamahal. Lalaki! Kamay ng lalaki!
Ay, sasala ang sandok sa palayok pero
siyento por siyento siyang lalaki ang
may-‐‑ari
noon. Dahan-‐‑dahan niyang
idinilat ang mga mata. Bahagya siyang
nasilaw sa biglang pagsigabo ng liwanag
mula sa fluorescent light. Makalipas ang
ilang saglit, bumati sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Damon. “How are you, gorgeous?” masuyong tanong nito. Sumulak
na naman ang inis niya sa lalaki. Parang
diring-‐‑diri
niyang binawi ang kamay mula sa
pagkakagagap nito. Tinangka niyang bumangon
subalit muling bumagsak sa higaan nang
biglang kumirot ang ulo. Natutop niya iyon
at saka lamang nalamang may benda ang
kanyang ulo. “Relax,” wika ni
Damon. “Huwag ka munang magkikilos. Baka
magdugo ang sugat mo sa ulo.” Nag-‐‑flashback sa kanya ang nangyari
at lalong pinag-‐‑alab niyon
ang pagkainis niya sa binata. “Mabuti at minor injuries lang ang nakuha mo,” pagpapatuloy ni Damon. “Kasalanan mo ito!” agaw ni Rachel, paasik. Seryosong sumagot ang lalaki. “Hindi ko kasalanang tumawid ka nang hindi tumitingin
sa kaliwa’t kanan. Nagmamagandang-‐‑loob
ako pero minasama mo. Pero kung sa
palagay mo ay ako ang may kasalanan sa
pagkakaganyan mo, wala akong magagawa.
Sorry na.” Hindi siya umimik. “Sabi ko sorry.” “’Yung driver na nakabundol sa akin–” “Narito rin sa ospital na ito, naka-‐‑confine din.” Kumunot
ang noo ni Rachel. “Volatile ang temper
ko, gorgeous. Nang makita kong nabundol
ka, hindi ko napigil ang aking sarili.
Ginulpi ko ‘yung driver bago kita itinakbo
rito.” “Susmaryosep!” Napakamot sa batok si Damon. Hindi naman malaman ni Rachel kung maaaliw o lalong maiinis sa narinig. Naudlot ang pag-‐‑uusap nila
nang may pumasok na dalawang pulis sa
kuwarto. Parang Mutt and Jeff ang mga
ito sapagkat ang isa ay matangkad at ang
isa naman ay pandak. “Mr. Damon Crowe?”
anang pandak. Tumayo ang binata. “Yes?” May inilahad na papel ang pulis. “May reklamo sa iyo. Frustrated homicide resulting
to serious physical injuries.” Ngumiti si Damon. Ngiting puno ng kumpiyansa. “Uhm, masyado naman yatang eksaherado ang report n’yo. I’ll go with you, okay? But I’ll have to call my lawyer first.”
Pinisil ni Damon ang tungki ng ilong ni
Rachel at nakangiting lumabas ng kuwarto
kasama ang dalawang pulis. Matagal nang nakaalis ang lalaki ay sinasalat-‐‑salat pa rin ni Rachel ang tungki
ng kanyang ilong. LIBAN sa sugat niya sa ulo na nangangailangan ng ten stitches, wala nang iba pang pinsala
si Rachel. Konting galos lang sa
magkabilang braso. Nakapagpreno pa rin
ang tsuper ng Tamaraw FX kaya hindi
gaanong malakas ang pagkabundol sa dalaga. Ang pobreng driver ng megataxi ang nagtamo ng higit na pinsala sa mga kamay ni Damon. Nagsara ang dalawang mata nito. Basag ang ilong. Ang panga’y nalinsad. Sa laking
bulas ni Damon at sa liit ng driver,
masasabi pa ngang himala na iyon lang
ang tinamong pinsala ng huli. Hindi
inabot ng 24 na oras sa ospital si Rachel.
Pinayagan din siyang makauwi ng doktor. Sa
bahay na siya inabutan ni Doris. “Paano
mong nalaman?” sabi niya. “Tinawagan ako
ni Damon. Ako namang si gaga, sugod agad
sa ospital. Iyon pala’y nandito ka na.” “Hindi naman grabe ang sugat ko, eh.” “What exactly happened, huh?” “Hindi ba sinabi sa iyo ng atribidong iyon na kaya ako nabundol ay dahil sa pag-‐‑iwas
sa kanya?” “Sort of.”
“Ikinuwento niya kay Doris ang pangyayari nang walang labis walang kulang. Pati ang paggulpi ni Damon sa driver ng FX. “Eh, bakit nga ba naman kasi ganoon na lang ang pag-‐‑iwas mo? Harmless naman ‘’yung tao.”
“I don’t want to deal with him. Ganoon lang kasimple.”
Hindi na nagtagal doon si Doris. Paalis na ito nang mapuna niyang nag-‐‑iisa
ito. Noong araw, tuwing pupunta ito sa
lugar niya ay tila aninong kasu-‐‑kasunod
si Mike. “Where’s Mike?” usisa niya,
matter of factly. “I don’t know.” “Anong I don’t know?” Humalukipkip si Doris. “It’s quite a long story. Ang bottomline ay wala na kami.” “Oh?” Tinapik
siya ng kaibigan. “Magpalakas ka muna.
Saka na tayo magkuwentuhan.” NEGLIGIBLE
ang nangyaring sakuna kay Rachel. Bilang
media practitioner, talos niyang ang gayon
kaliit na insidente ay hindi newsworthy. Hindi pag-‐‑aaksayahan ng panahong i-‐‑feature
ng mga peryodikong hindi naghahabol sa
mga interesanteng balita. Kaya ganoon na
lamang ang pagkasorpresa niya nang
mabasa ang hinggil doon tatlong araw
matapos ang pangyayari. Isang broadsheet
na malaki ang sirkulasyon ang naglabas
ng balita. Naging newsworthy ang balita
sapagkat sinakyan ng isang congressman na
mahilig pumapel bilang human rights advocate. Pinalabas na ang naganap ay tipikal na manipestasyon ng pang-‐‑aapi ng
mayayaman sa mga mahihirap. “I’ll make sure this arrogant swashbuckler
spends the rest of his life in jail,”
anang kongresista nang tanungin ng reporter kung ano ang plano nito kay Damon.
Nuts to you, wika ni Rachel habang binabasa ang balita. Napaka-‐‑OA naman ng
congressman na iyon. Makapagpasikat
lang, hindi na iniintindi kung naaayon
pa sa penal code ang mga sinasabi. Well,
hindi niya kino-‐‑condone ang ginawa ni
Damon. Aminado siyang nag-‐‑overreact ito sa nangyari sa kanya. Just the same, hindi naman iyon ikinakaila ng binata. Hindi rin
tumatakbo sa obligasyon. Para kondenahin
ito sa media ng isang mambabatas na
mahusay lang sa pagpapapogi sa mata ng
publiko ay foul na. That same day,
nakatanggap siya ng tawag mula kay
Doris. “Have you read the news?” wika nito. “Yup.”
“Masyadong nadidiin si Damon.” “May
nag-‐‑ride
on, eh.” “Media
ka rin, Tita. You can pull some strings
para ma-‐‑neutralize ang balitang ito.” “I will. Kilala mo naman ako. Doon ako sa totoo lang.”
Tumikhim si Doris. May bahid ng panunudyo.
“Geez, hindi mo rin siya matiis.” Halos
kabababa pa lang niya sa awditibo ay nag-‐‑ring
na naman ang telepono. Ang nasa kabilang
linya ay ang reporter na sumulat ng balitang
kababasa lang niya. Incidentally, kakilala
niya ito. Hindi masasabing kaibigan ngunit kapwa sila walang masamang tinapay sa isa’t
isa. “Gusto ko lang kunin ang side mo sa nangyari,” wika ng reporter matapos ang usual preliminaries. Bingo, sa loob-‐‑loob ni Rachel. Binigyan niya ng sanitized version ang peryodista. Omitted ang part na kaya siya nagmadali sa pagtawid ay para umiwas kay Damon. Naka-‐‑focus lang sa pagbubuhat ng kamay ng binata sa FX driver. The guy was upset,” wika ni Rachel bilang pagtatapos, “And he was sorry for what he
did. Handa naman siyang harapin ang kaso
as far as I know. Hindi siya tumatakbo
sa pananagutan.” “You said he was
upset?” “Yes.” “Why? Nag-‐‑away ba kayo?” Ang bilis ng sagot niya.
“No.” “He was upset dahil may nangyari
sa iyo. The guy was extremely concerned
about you. Kaya niya binugbog ‘yung
driver ng FX.” “Ask him about it.” “Are you on?”
“Whaaat?” Naiirita na siya. “Boyfriend
mo ba siya?” “No.” “Ano ang relasyon n’yo?” “Wala.”
Doon natapos ang usapan nila. DUMATING
si Damon sa apartment kinagabihan. May
bitbit na isang plastic bag ng Washington
apples. As usual, nakangiti. Para bang ang ngiti ay permanenteng adorno sa mukha nito. “Okay ka lang?” basag ng binata. “Sumasakit ang ulo paminsan-‐‑minsan,” matabang na sagot ni
Rachel. “Binalikan kita sa ospital. Wala
ka na pala roon.” “Ayokong ma-‐‑confine
nang matagal. Isa pa’y
hindi naman kailangan.” “Mind if
I smoke?” wika nito pagkuwan. Umiling
siya. Kaswal na nanigarilyo ang lalaki. Nakakailang hitit pa lang ay idinuldol na ang sigarilyo sa ash tray. “Its getting out of
hand,” anito, seryoso. “Is it my fault?” mataray na buwelta ni Rachel.
“Neither is it mine,” wika ni Damon.
“Ginugulo mo ako.” Tumayo si
Damon. Lumapit sa kinatatayuan ng
dalaga. “Ikaw ang gumugulo sa sarili mo. Galit
ka sa akin, wala naman akong ginagawang
masama sa iyo. Ano ba ang problema mo, ha?” Nagpanting ang tenga ni Rachel sa narinig. Noon lang niya naranasang mapagsabihan nang ganoon. “Ikaw ang problema ko! Kaya puwede ba, umalis ka na! Ayaw na kitang makita kahit kailan!”
“I love you!” Matalim na
tinitigan ni Rachel ang lalaki saka
gigil na gigil na sinabing, “I hate you! Did
you hear me, Mr. Crowe? I hate you!”
“Aw, come on. Rachel, why can’t you admit it?” “Admit
what?” “That you love me too.” “You’re crazy! You go see a shrink! Wala akong panahon sa iyo.” Hinawakan ni Damon ang magkabilang balikat ng dalaga. “Look at me straight in
the eyes. Then tell this son of a bitch
that you hate me.” “You’re hurting me, idiot!” “Tell me!”
“I hate you!” bulyaw niya. Hindi
na naisara ni Rachel ang bibig. Sinusian
iyon ni Damon ng isang mariin at maalab
na halik. Tinangkang itulak ni Rachel ang
lalaki subalit mahigpit siyang niyapos nito. Nagdikit ang kanilang mga katawan anupa’t
para silang inihinang sa isa’t isa. Nagwala siya. Ngunit nawalan ng saysay ang kanyang pagpupumiglas. Daig pa niya ang naipit sa gato. Halos pugto ang hininga niya
nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Awtomatikong lumagapak ang palad niya sa pisngi ni Damon. Nabiling ang mukha ng lalaki
sa lakas ng sampal. Itinuro ni Damon ang kabiyak na pisngi. “Isa pa. . para pantay.” Sinampal uli niya ito. “There,” wika ng lalaki. “Now let’s call it a night.”
Walang lingon-‐‑likod itong lumabas ng
apartment. Kinabukasan isang
dosenang pulang rosas ang muntik na
niyang natalisod sa labas ng pintuan.
Kunot-‐‑noo
niyang binasa ang nakalagay sa trimming. Kay Damon galing. Anang binata, Sorry ‘bout last night.
NAWALA na parang bula ang binata. Nang
sumunod na mga araw, hindi na siya pinuntahan nito. Hindi na rin tumawag sa kanya. Pati ang
text messages ay biglang natigil. So what, wika ni Rachel. Good riddance. Nakakapagtrabaho siya na walang umiistorbo. Tumaas tuloy ang kanyang production sapagkat walang balakid sa pagdaloy ng kanyang
creative juices. But somehow, in her unguarded moments, naaalala niya ang mapupusok na labi ng
binata. Ang marahas-‐‑mariin-‐‑mainit-‐‑matamis
na halik nito. Galit siya kay Damon pero
nasusumpungan niya ang sariling nakangiti.
At may nararamdaman siyang pinong kiliti sa
kaibuturan ng kanyang puso. Is she falling in love with the guy? She doesn’t think so. Pero bakit ninanamnam niya ang halik ni Damon? Kung totoong ayaw niya sa binata, kung talagang galit rito, dapat ay consistent ang feelings niya no matter what. Mataman niyang sinuri ang damdamin. Bakit nga ba ganoon na lamang ang disgusto niya sa lalaki? Ang pagkagusto o pag-‐‑ayaw
sa isang bagay ay laging may dahilan. O motibasyon. Kapag wala, hindi iyon logical.
Ibig sabihin, bunga lamang ng kakitiran
ng isip. At hindi niya matanggap na
makitid ang kanyang isip. Basta ayaw niya kay Damon, period! Pero bakit parang nami-‐‑miss
niya ito? Nagkatotoo na ba ang sabi ng
kanyang horoscope? Naiirita niyang pinalis sa isip ang anyo ng binata. Mabuting tawagan si Ernie para
malaman ang kalagayan nito. At most, two
months na silang walang komunikasyon.
Nami-‐‑miss
na rin niya ang nobyo. Hindi niya ito nakausap. Answering machine ang sumagot sa kabilang linya. Sinubukan niyang magsulat. May ginagawa siyang investigative report at malaki ang inaasahan sa kanya ng mga editor. Kumpleto
siya ng mga kailangang data. Organisado
rin ang balangkas ng report sa kanyang
isip. Subalit tila walang koordinasyon
ang utak sa mga daliri. Wala siyang
maisulat. Binuhay niya ang TV. Bumulaga
sa kanya ang maluwang na ngiti ni Damon
sa ini-‐‑endorse niyang toothpaste. Ngani-‐‑ngani niyang batuhin ang
telebisyon. “JUST like in the movies,”
paliwanag ni Doris. “You’re in love with
a good-‐‑looking
guy who happened to be a shrewed
businessman and a philandering son of a
bitch. But unlike in the movies, there
wasn’t a happy ending. To hell with him.” Si Mike ang tinutukoy ni Doris. Inimbita siya ng kaibigan sa lugar nito para doon na magpalipas ng gabi. Nagluto sila ng masarap
na hapunan. Ang natirang ulam ay
ginawang pulutan sa brandy. Painum-‐‑inom
sila habang nanonood ng cable TV. Binuksan ni Doris ang paksa tungkol kay Damon. Agad niya iyong isinara. Dinala niya
ang usapan sa mga current events.
Hanggang nauwi sa pagkakasakit ni Nanay
Mila. Sa pag-‐‑aaral ni Ernie
sa ibang bansa. Sa pagsasara ng videoshop.
Later on, nang medyo tipsy na si Doris tungkol sa pakikipag-‐‑break up nito kay Mike. “Mike is an inveterate liar,” hinagpis ng dalagang chemist. “And I wouldn’t put up with his lies forever. Ano ‘ko. . martir?” “Nahuli mo ba siya sa akto?” usisa ni Rachel. “Palabas ng motel.” “Kinumpronta mo siya right then and there?”
“No. I won’t stoop down to that level.
Pinuntahan niya ako rito.” “To
apologize siyempre.” Tumango si Doris.
“And to formally say goodbye.” Shocked siya. “You mean siya pa ang nakipag-‐‑break? The gall!” “Naunahan ako. But it
doesn’t matter. Even if he didn’t, ibi-‐‑break
ko rin siya.”
It came as a surprise. Hindi ganoon ang
tingin niya kay Mike. Ang impresyon niya sa binatang negosyante ay hindi makabasag pinggan. Masyadong prim and proper. Sinabi niya iyon kay Doris. “Ang impression naman kasi natin, just like beauty.. skin-‐‑deep lang iyon,” anito. “As the saying
goes, don’t judge a book–” “I-‐‑if
you’re not a judge!” agaw ni
Doris. Nagtawagan sila at nagbigayan ng
high five. Laking gulat ni Rachel nang
biglang mag-‐‑iiyak si Doris. “Hey. . hey. . don’t cry!” alo ni Rachel.
“Ang daming lalaki sa mundo,
nagkakaganyan ka.” “I know. Pero
nakakainsulto. You know how it feels,
Rachel?” Tumango lang siya. “Twas like being stabbed in the back. Ang sakit.”
Inakbayan niya ang kaibigan. “You know the woman?”
“Woman? What woman are you talking
about?” “Who else? Iyong babaing
ipinalit ni Mike sa iyo.” Lalong nag-‐‑iiyak si Doris sa labis na pagtataka ni Rachel. “Okay lang sana kung gano’n, eh,” anito sa pagitan ng mga nguyngoy. “Kaso, lalaki ang ipinalit sa akin.” Napanganga si Rachel. Tama ang punchline sa isang commercial ng brandy. Life is full of surprises.
CHAPTER 8
DUMATING ang tawag ng inaplayan niyang publication kung kailan halos ay hindi na
niya inaasahan. Pinagre-‐‑report siya ASAP. Kinahapunan noong raw ding iyon, nagpunta siya sa publication upang makipag-‐‑usap
sa publisher. Nagkapirmahan ng
employment contract. The following day,
nag-‐‑start
siya officially. Associate editor siya ng isang fashion magazine na ang subscriber ay pawang mayayaman. Kungdi man mayaman, siguradong kabilang sa middle at upper middle class. Sa
hirap ng buhay ngayon sino ang basta-‐‑basta
makakabili ng magazine na ang cover
prize ay P250. At sino rin ang
interesado sa latest trend sa fashion? Definitely
hindi ang mga ordinaryong wage earners o
blue collar workers. But surprisingly, maganda
ang sirkulasyon ng magazine. Sa paid ads
pa lamang, buhay na ang kumpanya. Ang
laki ng iginilas ng kanyang katawan. Para
siyang naturukan ng isang bariles na adrenaline. Natigil na ang pagko-‐‑contribute
niya ng articles sa iba’t ibang
publication. Natural lang iyon. Out of
delicadeza, bagaman expressly ay hindi
siya binabawalan ng kanyang boss, siya na
ang nagkusang itigil ang pagsusulat sa iba. Enjoy siya sa bagong environment. Ibang-‐‑iba ang kultura sa kompanyang ito kumpara sa publication na pinanggalingan niya. Palibhasa
ay galing siya sa isang trabahong
politically charged. Sa bago niyang
daigdig, ang laging pinag-‐‑
uusapan at tinutuklas ay hindi kung ano ang politically correct kundi ang fashionable. Na-‐‑meet niya at nakausap ang mga
sikat na designer. Naging dahilan tuloy
para maging conscious siya sa mga damit
na isinusuot. Pati sa pagmi-‐‑make
up at pag-‐‑aayos ng buhok.
Forthnightly ang labas ng kanilang
magazine. Two weeks bago ang deadline,
nagkakaroon sila ng brainstorming sa magiging laman ng susunod na issue. Ang kasunod siyempre niyon ay ang pagkalap ng mga materyales, kasama na ang pictorial. Sa isa nilang pictorial, walang-‐‑wala
sa hinagap niya, muling nag-‐‑krus
ang landas nila ni Damon. Nasorpresa si Damon nang makita si Rachel sa set. Gayunman, nang makita nito ang ID na nakakuwintas sa dalaga ay hindi na nagtanong pa. “Hi
there, gorgeous!” kaswal na bati ng binata. Tinanguan ito ni Rachel. Iyon lang ang naging komunikasyon nila. Maayos na naidaos ang pictorial. Habang kinukunan ng photographer nila ang binata, ulinig ni Rachel ang kinikilig na usapan ng
kapwa empleyada. Bawat isa ay puno ng
paghanga sa kakisigan nito. Matapos ang pictorial, ilang empleyada ang nagkakatuwang nagpakuha ng litrato kasama ang binata. May hindi nakatiis na humalik pa. Ini-‐‑expect ni Rachel na lalapitan
siya ni Damon. Tulad noon, nangungulit.
Hindi iyon naganap. Diretsong umalis ang
binata pagkatapos ng sandaling
pakikipag-‐‑usap sa mga tagahanga.
Para siyang nalungkot. Dapat ay
matuwa siya sapagkat hindi na niligalig
ng lalaki subalit bakit ang ikinaiinis niya
ngayon ay tila pagbalewala nito sa kanya. Ilang araw siyang hindi nakapagkonsentra sa trabaho dahil sa insidenteng iyon. UPSET si Rachel. Nakatanggap siya ng e-‐‑mail mula kay Sally. Tapos na araw ang unang phase ng therapy kay Nanay Mila subalit napakaliit
ng progreso. Kailangang isagawa na ang
second phase. Chemotherapy na. Sa
Maynila isasagawa ang proseso. May budget naman daw ayon kay Sally. Nagbenta raw ng lupa si Tatay Fermin para masigurong hindi sila kakapusin sa pera.
Within the next few days darating na ang
mga ito sa Maynila. Kasalukuyan niyang pinag-‐‑iisipan
ang sitwasyon ng ina nang pumasok naman
ang e-‐‑ mail ni Ernie. The usual stuff. Hello, honey!
How are you doing? I terribly miss you!
Ang kasunod ay mga update sa pag-‐‑aaral
nito. It’s the beauty of technology,
wika ni Rachel habang tumitipa ng
maikling sagot. Sa panahong ito bihira
na ang nagsusulatan. Iyon na lamang ang
mga walang access sa computer o kaya naman
ay computer illiterate. Kinumusta rin
niya si Ernie. Nag-‐‑wish na sana ay
okey ang pag-‐‑aaral nito. Na nami-‐‑miss din niya ang masasayang sandali na
pinagsaluhan nila. Nakipagbatuhan siya ng updates. Pero sa totoo lang, wala siyang kagana-‐‑gana.
Pilit na pilit ang pagtipa niya sa
keyboard. Ewan niya kung bakit. Gusto niyang maramdaman ang dating excitement kapag nakakausap ito. Ang lukso ng dugo. Ang kilig. Dapat ay ganoon. Kapag mahal mo ang isang tao, lalo na kung nami-‐‑miss
ito, bawat porma ng komunikasyon ay
tunay na mahalaga. Hindi niya iyon maramdaman. Si Ernie ay parang alak na sumisingaw ang espiritu. Matabang na. Hindi na nakalalasing. Parang gamot na wala nang bisa. Expired na. Na-‐‑relieved siya nang sa wakas ay
matapos ang kanilang chat. NOONG huli niyang makita si Nanay Mila, payat lamang ito. Nang iluwas ito ni Tatay Fermin
para sa chemotherapy, gayun na lamang
ang pagkagulat ni Rachel. Para nang
driftwood ang kanyang ina. Orchids na
lang ang kulang. “Kung ako ang
masusunod, mas gusto ko ang mamatay na,”
himutok ni Nanay Mila sa kanya. “Para
matapos na lamang ito.” “’Nay naman,”
alo ni Rachel, “gagaling kayo. Huwag
kayong mag-‐‑isip nang kung-‐‑anu-‐‑ ano.” “Ang
hirap, eh.” Obviously, sa loob-‐‑loob
ng dalaga. Sinong tao nga ba ang hindi
mahihirapan sa ganoong kalagayan?
Gustong kumain pero hindi makakain nang
husto sapagkat walang panlasa. May kirot
pang nararamdaman. “Awang-‐‑awa
na ‘ko sa nanay mo,” palihim na sabi ni Tatay Fermin sa kanya. “Kapag
ganyan nang ganyan, baka mauna pa ‘kong
mamatay sa nerbiyos.” “Dagdagan pa natin ang dasal, ‘Tay,” sabi niya. Tumawa
ang tatay niya. Pagak na tawa. “Hindi
yata umaabot sa langit ang dasal natin, eh.
Ni hindi yata lumalagpas sa kisame.”
Wala siyang maisagot. HINDI siya
mahilig sa party. Hindi siya komportable
kapag nasa crowd. In short, she’s not a
party animal. Pero naroon siya at nakikipagselebra
sa birthday party ni Ninez del Rosario. Well, she couldn’t say no. Si Ninez ang publisher nila. She’s the boss. Ano na lang
ang magiging impression sa kanya ng boss
niya kung iisnabin niya ang birthday
party nito. Ang kasayahan ay ginanap sa
bahay ni Ninez sa Corinthian Gardens.
Nangakahilera ang naggagandahang SUV’s
at late model cars sa kalsada. Tantiya
ni Rachel siya lang ang dumating na
naka-‐‑taxi. Apaw ang mga bisita. Traditional politicians. Neophytes politicians. Aspiring politicians. Models, Advetisers. Mga artista. Basketball players. Siyempre hindi mawawala ang mga
taga-‐‑ media.
Nakiumpok si Rachel sa mga kapwa empleyada.
Kain siya. Inom. Paminsan-‐‑minsan ay bumabangka sa kuwentuhan. Later on, dumaan sa grupo nila si Ninez. Nakiumpok sandali. Ayos na, sa loob-‐‑loob
ni Rachel. Kumbaga sa eskuwela, nakapag-‐‑check
na siya ng attendance. Kapag nagkaroon
ng pagkakataon, puwede na siyang umuwi. Malapit sa dance floor ang mesa nila. Nang magsimula ang sayawan, si Rachel lamang ang naiwan sa mesa. Pinatay niya ang oras sa pag-‐‑ iinom.
Kumunot ang noo niya nang mapansin ang
isang pamilyar na mukha sa kulumpon ng mga nagsasayaw.
Si Damon. Masiglang-‐‑masigla
ang binata habang nakikipagsayaw ng
swing sa isang babaing may edad na.
Malambot ang katawan ni Damon. Graceful
ang bawat kilos. Kung di niya ito kilala,
mapagkakamalan niyang DI. Ibinaling
niya sa iba ang tingin. Nagkunwang wala
roon si Damon. Subalit tila may magnet
ang presensiya ng lalaki. Muli at muling
hinahatak niyon ang kanyang tingin. Kalaunan
ay nagpalit ng music. Naging sweet.
Napalitan ng magkakapareha ang mga occupants
ng dancefloor. Parang bulang nawala si Damon. Nilisa ng tingin niya ang paligid. Wala na talaga.
“Looking for me, gorgeous?” Muntik
nang malaglag sa lapag ang puso niya.
Tutop ang dibdib na lumingon siya sa bandang
likuran. Naroon si Damon.
Nakahalukipkip. Ngiting-‐‑
ngiti. Pagkuwan ay inilahad ang kamay sa kanya. “Ang ganda ng tugtog,” wika nito. “Let’s dance!”
Para siyang naengkanto. Nawala ang taray
niya. Natagpuan niya ang sariling iginigiya ng lalaki patungo sa dancefloor. Masuyo siyang hinapit ni Damon. Banayad na kumapit sa baywang niya ang mga kamay
nito. Awtomatiko namang sumampay sa
balikat nito ang kanyang mga kamay. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. Langhap niya ang maiinit na hininga
nito na medyo amoy alak. “How are you, Rachel?” sa wakas ay nulas sa bibig ng lalaki. “How do you think am I?” ganting tanong ni Rachel.
“Oh, you look the same. Ever the gorgeous Rachel.”
“Why do you call me gorgeous?” “Because
you are one.” May kiliting nanuot sa
kalamnan niya. Sa mabining dantay ng mga
kamay ni Damon sa kanyang katawan,
nahuhubad ang inis niya rito. Sa mariing
titig ng mga mata nito, natitilad ang kanyang
disgusto. Nagbalik sa alaala niya ang
pangitain noong nasa ospital. Ang
mahimalang pagliligtas ni Damon sa kanya
mula sa kulto. Iyon ay indikasyon ng mga
sumunod na magaganap? Na hindi lang niya
maamin, pero inaasam niya ang mahigpit
at maapoy na yakap ng binata? Dumikit sa
pisngi niya ang mukha ng lalaki. Dapat
ay iatras niya ang mukha palayo rito subalit
hindi niya ginawa. Sa halip ay ipinikit lamang
ang mga mata. “I love you, Rachel. .”
paanas na wika ni Damon. Puno ng
katapatan. Nag-‐‑uumapaw sa sinseridad. Naalala niya ang maalab na halik ni Damon. Ang halik na halos ikinapugto ng kanyang hininga. Halik na itinuring niyang personal affront ngunit kakatwa na kapag naaalala ay nakapagpapangiti sa kanya. “Did you hear me, gorgeous?” masuyong tanong ng lalaki. Hindi siya umimik. Naramdaman niyang humapit ang mga kamay nito sa baywang niya. Kasunod niyon ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Para siyang idinuyan sa ulap.
CHAPTER 9
“NASA society page
ang litrato n’yo ni Damon,” may kasama
pang hingal na pagbabalita ni Doriz. “Maraming
kuha sa birthday party ni Ninez pero ang
pagli-‐‑lips
to lips n’yo ni Damon ang nabigyan ng todong emphasis.” Nawala ang antok ni Rachel sa narinig. Madaling araw na siyang nakauwi dahil tinapos nila ang layout ng magazine. Mahigit isang
oras pa lang yata siyang napipikit ay
nag-‐‑ring
na ang cellphone. Si Doris nga. “Thanks for the info,” sabi niya sa kaibigan. “I’ll check my copy.” Nagsuot siya ng bathrobe at halos magkandapatid sa paglabas ng kuwarto. Laking pasasalamat niya dahil tulog pa ang ama’t
ina. Eksaktong binubuksan niya ang pinto
ay inilalagay na ng newsboy sa doorstep
ang rasyon niyang peryodiko. Normally, umiinom siya ng juice habang nagbabasa ng peryodiko. Noong umagang iyon, wala siyang ibang nasa isip kundi ang makita
ang litratong sinasabi ni Doris. Halos
nagkalapu-‐‑ lapurit ang
broadsheet bago niya nakita ang pakay na
larawan. Voila! Para silang mga artista sa isang pelikulang love story. Kapwa nakapikit habang ang mga
labi ay magkahinang nang mariin. In full
colors ang pahinang iyon kaya malinaw na
malinaw ang images nila. Hindi niya
maikakailang siya iyon. May caption pa
kung saan binanggit nang buo ang buo
niyang pangalan, ang designasyon sa kompanya
at ang magazine na ine-‐‑edit niya. Masinop niyang inalis ang buong society page sa diyaryo. Hindi iyon mami-‐‑miss
ng ama sapagkat hindi ito mahilig sa mga
kaganapan sa alta sociedad. Fact is,
tabloid nga ang gusto nitong basahin. Pero hindi niya ibinasura ang pahina. Dinala niya iyon sa kuwarto at paulit-‐‑ulit
na pinagmasdan ang litrato. Napangiti siya. Muli at muli niyang naramdaman ang tila kuryenteng kiliti na una niyang nadama noong halikan siya ni Damon. ANG kissing scene nila ni Damon ay ilang araw na naging usap-‐‑usapan sa opisina. Katakut-‐‑takot na kantiyaw ang inabot ni Rachel. Hindi niya inakala na magiging ganoon katindi ang repercussion ng stolen shot na iyon. “You’re in love with the guy,” sabi ni Doris. “No doubt about it.” Patay-‐‑malisya siya. “You think so?” “Come on, Rachel, kapag di ka umamin, ikaw na ang pinakaipokritang babae sa mundo.” Kinibit niya ang balikat. Why deny the obvious?
“Sabi ko nga ba, iyong galit-‐‑galit mo noon na walang malinaw na batayan, defense mechanism lang sa pagkakagusto mo sa kanya,” susog ni Doris.
“Nagi-‐‑guilty ako, Tita,”
seryosong buwelta ni Rachel. “Committed
ako kay Ernie but here I am entertaining
another guy.” “All is fair in love–” “–and war!” salo ni Rachel. “It’s war, Tita. Oras na malaman ito ni Ernie, hindi ko alam
ang gagawin ko.” “Paano niyang malalaman kung hindi mo sasabihin?”
“Lumabas ang picture namin sa broadsheet
na may pinakamalaking circulation sa buong Pilipinas. Chances are, isang mutual
acquaintance namin ang nakakita at
ipinarating sa kanya. Secondly, net
surfer si Ernie. The moment na mag-‐‑
log siya sa website ng broadsheet na ‘yon, voila, he’ll know the score.” “Will he ever care?” Tumaas ang kilay ni Rachel. “And why will he not?”
“Ikaw mismo ang nagsabi sa akin, he
communicates with you sparingly. If he really cares, kahit gaano siya ka-‐‑busy,
makakatawag siya o makakapag-‐‑e-‐‑mail
sa iyo. What’s the net for?” “Maski
na. Hindi rason iyon para mag-‐‑
entertain ako ng ibang suitor. Dapat ay nakipag-‐‑ break muna ako sa kanya.” “You cross the bridge when you get there, okay?”
“I’m afraid I’ve burned the bridge over
which I must pass.” “Which
means–” Hindi na siya nagsalita. NAGDADAMBA ang puso niya nang makita ang nakaparadang Revo sa likod ni Krug-‐‑krug.
At tuluyan na siyang kinubabaw ng
excitement nang madatnan si Damon na
kakuwentuhan ng ama’t ina. Animated ang
pag-‐‑uusap
na tila ba ang mga ito ay dati nang
magkakakilala. “Kanina ka pa hinihintay
ni Damon, anak,” masayang wika ni Tatay
Fermin. “Mainam palang kausap ang batang
ito,” wika naman ni Nanay Mila,”
nakakaalis ng problema. Charismatic si Damon, sa loob-‐‑loob
ni Rachel. Nakuha nito ang tiwala ng
kanyang mga magulang gayong noon lamang
nakaharap at nakilala. Palaisipan sa
kanya kung paanong ipinakilala ni Damon
ang sarili. Kaibigan niya? Manliligaw?
Boyfriend. And, geez, napatawa nito ang
kanyang ina na naging bugnutin at masungit
mula nang sumailalim ng chemotherapy.
Agad silang binigyan ng pagkakataon ng
ama’t ina para magkasarilinan. Sandaling
patlang. Excited siyang asiwa. Ang hirap
ipaliwanag ng feeling. But definitely,
hindi na siya naiinis sa lalaki. At sa
ayaw niya at sa gusto, kailangang aminin
niya na nagkatotoo ang horoscope. Nahulog
ang loob niya sa binatang modelo. “Biglang
tumahimik,” nakangiting basag ni Damon. Tikhim ang isinagot niya. Dalawang sunod. May dinukot sa bulsa ang binata. Inabot sa kanya.
Lozenges! Ang lakas ng tawa niya.
Wala nang poise-‐‑ poise. “There. . there. .” nasisiyahang wika ng lalaki. “Akala ko’y hindi ka marunong
tumawa.” “Hindi naman ako bato,” sabi
niya, natatawa pa rin. “I saw our picture in the paper,” anito pagkuwan, nasa tinig ang kasiyahan. “I did, too.”
Iniwan ni Damon ang upuan. Tinabihan si
Rachel. “I have no idea how it
started,” seryosong wika ng binata. “But
I felt its the first time that I saw
you. Remember that day in the shop?” “Hindi
ko iyon makakalimutan. Presko ka, eh.” “That’s my way of being candid. I didn’t mean to offend you. Basta alam ko, gusto
kita. I like you. And I love you.” “You don’t know me very well, do you?” “I don’t, but time will let me know everything.”
“What would you say, if I told you I’m
committed to someone? May boyfriend na ‘ko.” “The question is, do you love me too?” Hindi siya makasagot. Alam niya ang sasabihin sapagkat alam niya ang
nararamdaman. Pero nahihiya siyang
isatinig. “Hindi mo na kailangang
sumagot,” sabi ni Damon. “Alam ko naman
kung ano ang nararamdaman mo. I can read
it in your eyes.” “Uh-‐‑oh.
and what do they say?”
“They say that you love me too.” “How
can you be so sure, Mr. Crowe?” Sa isang
iglap, kinabig siya ni Damon. Masuyong
hinalikan sa mga labi. Isa. . dalawa. . tatlo.
. limang segundo. “See?” nakangiting
wika ng lalaki pagkatapos. “Kung nakita tayo ng tatay ko, lagot ka.” “E, di sasabihin ko, pakakasalan kita.” “Ang tatas mong managalog. Fil-‐‑Am
ka bang talaga?” “I was born here, you know.” Binigyan siya ni Damon ng karagdagang inputs. Makalipas ang ilang sandali ay
hinawakan ang kanyang kamay. “Close your eyes, gorgeous. .” wika nito. “W-‐‑why?” aniyang
nagtataka. “Just do it.” Sumunod naman siya. Saglit pa’y naramdaman niyang sinuotan ng singsing ni Damon ang kanyang palasingsingan. Dumilat siyang bigla. Tumambad sa mga mata ang nangingislap na singsing. At diamond ring! “I
want to marry you, gorgeous,” puno ng emosyong
wika ni Damon. “Will you marry me?” Tila
napapasong binawi ni Rachel ang kamay.
Wala sa loob na nasapo ang ulo. Pabilis nang
pabilis ang takbo ng mga pangyayari at hindi
siya makasabay. “ Something wrong?” Umiling siya. “I. . I’m confused.” Hinawakan siya ni Damon sa baba. Pinisil-‐‑ pisil ito. Pagkuwan ay mataman siyang
tinitigan. “There’s nothing wrong with
being honest. Talk to him. Tell him the
truth.” “It’s happening too fast,
Damon.” “But you love me, right?” “Give me time.. a little time.” “Sure, gorgeous.” Sumubsob siya sa dibdib ng binata. Litung-‐‑ lito siya.
“What’s this, Damon?” Sinuklay-‐‑suklay
ng binata ang kanyang buhok bago
sumagot. “It’s love.” IT’S crazy. And
she’s crazy to have fallen in love with
Damon Crowe. May commitment siya kay Ernie
pero nakipagmabutihan siya sa ibang lalaki.
Hindi maganda. Hindi tama. Nilaru-‐‑laro
ng isa niyang kamay ang diamond ring na
nasa palasingsingan. The gall! Suot pa
niya ang singsing na tanda ng pagiging two-‐‑timer.
Nakokonsensiya niyang hinubad ang diamond
ring. Ang pinakalohikal na maaari niyang
gawin ay ibalik iyon kay Damon. Just
like that. Ganoon kasimple. In the first
place, hindi niya dapat iyon tinanggap. “What’s this, Damon?” “It’s love, gorgeous.” Walang logic. Walang rationale. Ang corny-‐‑ corny. Parang eksena sa isang gasgas na telenovela. Hindi niya ma-‐‑imagine
na isa siya sa leading dramtis personae
sa isang palasak na istorya. Corny, pero bakit ang sapat sa pakiramdam? Biglang naging sa isang disisais anyos ang
feeling niya. Sa totoo lang, hindi niya
iyon naramdaman kay Ernie. Oo, mahal
niya ang binatang writer pero hindi siya
nakaramdam ng ganoong thrill. Magkasintahan
sila na parehong preoccupied sa kani-‐‑kanyang
trabaho at ambisyon. Oo nga pala, ngayon
lang niya naisip, bilang na bilang ang
mga sweet moments nila ni Ernie. Hindi
sila nag-‐‑aaway pero bihirang-‐‑bihira ding maglambingan. Kahit sa mga panahong nagkakasarilinan, hindi sila naglalandian.
Hindi sweet si Ernie. On the contrary.
Pareho lang naman sila. Hindi rin siya
sweet dito. Then out of the blue, may
dumating na mestisong presko numero uno.
Makalipas ang ilang skirmish, ngayon ay
nagpu-‐‑propose
na ng kasal. Ano ito? “It’s love, gorgeous.”
Kinuyom niya sa palad ang singsing. Sinikap ibalik ang talas ng isip. Pinilit manaig ang
lohika. Iyon ang tama. Doon siya tama. Natukso lang siya kay Damon. Dahil sa pangungulila kay Ernie, pansamantalang
nabaling ang atensiyon niya rito. Ngunit
hindi pa naman huli ang lahat para
wakasan ang kahibangan niya. Sheer
willpower lang ang kailangan. Happiness
with Damon is just a state of mind. At kayang-‐‑kaya
niyang baguhin ang mindset. Siya pa?
CHAPTER 10
ANG una niyang ginawa
para makaiwas kay Damon ay ang
pagpapalit ng SIM card. Kahit kay Doris
ay hindi niya sinabing iba na ang numero
ng cellphone. Tanging sa mga kasama niya sa trabaho ipinagkatiwala ang bagong number. Subalit isang araw lang siyang hindi nag-‐‑ respond sa text messages, kinabukasan ay pinuntahan na siya nito. Siya lang ang nasa
bahay noong umagang iyon sapagkat nasa
ospital sina Tatay Fermin para sa
chemotherapy ng kanyang ina. “I was worried,” wika ni Damon. “You’re not texting me back. Any problem?” “Nah.”
Nang tangkain siyang yakapin nito, maagap siyang umiwas. Dumistansiya siya rito. “Hey, what’s going on?” nagtatakang sabi ng lalaki.
“Let’s stop this crazy thing, Damon. I don’t want to see you again, okay?” “Why?”
Inilapag niya sa mesita ang diamond ring. “Take it back. I’m sorry but I shouldn’t have accepted it in the first place. I. . I can’t
do this to my boyfriend.” “It’s for you, gorgeous. I’ve given it to you
so why will I take it back.” “Go away, Damon. Maraming ibang babae riyan–”
“But I love you and I know that you love me, too.” “It
simply isn’t right.” “And who says it’s
wrong?” Umiling-‐‑iling na
lang siya. Nang muling tangkaing hawakan
ni Damon ay marahas na pumiksi. “Alright. . alright. . don’t be upset, okay?” anang binata. “I’ll give you enough time to
think things over.” “I’ve thought its over and this is my decision.” Matagal na hindi umimik si Damon. Nakaupo lang na walang katinag-‐‑tinag. Nakatingin kay Rachel. “Puyat ako kagabi, Damon. If you won’t mind, gusto kong matulog muna.” Tumayo ang binata. Hindi pa rin hinihiwalayan ng tingin si Rachel. Pagkuwan
ay matamlay na lumakad patungo sa pinto. Gumagana na naman ang mahika, sa loob-‐‑ loob ni Rachel. Ramdam niyang natitibag ang pundasyon ng desisyon. Ang resolusyon niya ay humuhulas na tila kending nababad sa bibig. Nagwawala ang mga paa niya patungo sa direksiyon nito. Gusto niyang habulin ito at ikulong sa mga bisig. Ipinikit niya ang mga mata. Kungdi’y maiiyak siya. Malalaman ni Damon na nagkukunwari lang siya. Na ang ibinabandera niyang tigas ay hanggang balat lamang. Na sa katotohanan ay nadudurog ang puso niyang singlambot ng mamon. Bago lumabas ang lalaki, lumingon ito. “If you ever change your mind, you know where to reach me. I love you very much, gorgeous.” Naluha siya nang ipinid ni Damon ang pinto. Naupo siya sapagkat tila nawalan ng lakas ang mga tuhod. Parang bata siyang nag-‐‑iiyak
nang nag-‐‑iiyak. Mugto na ang mga mata niya nang mapansing nasa mesita pa rin ang diamond
ring. Hindi iyon kinuha ni Damon. NASA Quezon City na rin si Sally. Sinunod
nito ang advice ni Rachel na sa Metro
Manila maghanap ng trabaho. “Mas maraming business establishment sa NCR,” aniya sa kapatid via e-‐‑mail.
“Dito’y mas malaki ang tsansa mong matanggap kesa riyan
sa probinsiya.” “Palagay ko nga,” pagsang-‐‑ayon
ng kapatid niya. “True enough, wala pang isang buwan, natanggap na si Sally sa isang multinational pharmaceutical company. “Nagkatotoo ang nasa horoscope ko, ate,” tuwang-‐‑tuwang pagbabalita nito makaraang maipasa ang final interview. “Natanggap nga
ako sa trabaho.” “Natural na magkatotoo dahil nag-‐‑exert
ka ng effort para matanggap,” wika naman
ni Rachel. Nagsimulang pumasok sa tabaho
si Sally. Subsidized muna niya ang baon
nito araw-‐‑araw samantalang
hindi pa nakakasuweldo. Sa first payday
nito, pinuntahan siya sa publication at niyayang
kumain sa labas. Pabuwenas daw. Nasok
sila sa isang pizzeria na one short ride
lamang mula sa opisina nila. Naka-‐‑order na sila nang matanaw ni Rachel si Ellen sa may
counter. Agad siyang nakilala ng dating
tauhan sa video shop. Lumapit sa table nila si Ellen. Napuna niyang iba ang kulay ng uniform nito kaysa
ibang crew ng pizzeria. “Supervisor na ’ko rito,” masayang wika ni Ellen. “Utang ko ito sa iyo, Tita.” “Sa akin? Bakit naman?” “Dahil sa pep talk mo noon, lumakas ang loob ko. Bale one week lang akong nabakante pagkatapos magsara ang shop.” “That’s my girl.” Ipinakilala niya si Sally kay Ellen. “Ibang klase itong utol ko, horoscope ang nagbigay
ng peptalk dito,” pabiro niyang sabi. “Aba, sa totoo lang, Tita.. I always start my day by reading my horoscope,” pagtatapat ni Ellen.
Nagpalitan ng high five ang dalawang
magkakilala. Makaraan ang ilang
sandali, bumalik na sa trabaho si Ellen.
Naiwan ang magkapatid sa mesa. May
inilabas na glossy magazine si Sally. “Bibili
ka lang ng magazine, iyon pang sa kalaban
namin,” puna ni Rachel. “Bigay lang ito
ng officemate ko,” ani Sally. “Ang ganda
lang ng hula sa akin, eh. Actually, para
sa ating lahat ito.” Kinibit ni Rachel
ang balikat. “Kain na tayo.” “Basahin mo
muna ‘to,” giit ng kapatid. At iniharap
nito kay Rachel ang ipinababasang portion. Binasa nalang iyon ni Rachel mechanically para matapos ang usapan. Pisces (Pebrero 19 – Marso 21) Magiging sanhi ng labis na kasiyahan ang paggaling ng isang
may sakit na kapamilya. . Natilihan siya. “See?” wika ni Sally. “Let’s cross our fingers,” seryosong wika ni Rachel. “Now let’s eat.” WALA siyang hilig sa classical music. In the
first place, hindi siya mahilig sa
music. Reading ang hobby niya. Sa mga
bakanteng oras, kapag nasa bahay,
nagbabasa siya sa halip na magpatugtog ng
stereo o manood ng TV. Kaya lang siya nakakapag-‐‑sound
trip noong araw ay bilang konsesyon kay
Ernie. Gayunman, alam niyang mahilig sa
classical music ang ama’t ina kaya
minabuti niyang gamitin ang natanggap na
complimentary tickets para sa isang
cantata na ang feature ay mga Pilipinong
Tenor. Sa opisina’y lagi silang sustentado
ng mga complimentary tickets. Concerts.
Premiere nights. Special screening. Etcetera.
Kapag ang pagtatanghal ay may relevance
sa trabaho, pinupuntahan niya. Otherwise,
ipinamimigay lang niya ang mga gayong
freebies. Lalo na iyong mga passes sa sinehan. Sa CCP ang venue. Maraming nanood. Pero sa crowd na naron noong gabing iyon, pakiwari
ni Rachel ay siya na ang pinakabata.
Almost 80% ng crowd ay nasa age bracket
nina Tatay Fermin. Bored siya, sa totoo
lang, pero nabantilawan iyon sa nakita
niyang kasiyahan ng ama’t ina, si Nanay
Mila sa partikular. Masigla ang nanay niya.
Parang walang kanser. Bigay todo ang palakpak
nito matapos ang rendition ni Nolyn Cabahug
sa paborito nitong Granada. Naisip niya
ang horoscope na sinabi sa kanya ni
Sally. On the way to recovery na ba ang
kanyang ina? Mahirap sabihin dahil hindi naman siya doktor.
Ngunit positibong senyal ang madalas na
pagngiti nito. . Ngayon na lamang niya ito muling nakikitang ngumingiti sapul nang magkasakit. Papatapos na ang cantata. Nang mapansin niya sa kapat na row ang isang pareha. Halos kaedad na ng parents niya. Ang lalaki ay Caucasian ngunit Pinay ang asawa. Magkahawak-‐‑ kamay ang mga ito na tila ba mga teenager pa
rin. Nag-‐‑aanasan paminsan-‐‑minsan at saka magpapalitan ng ngiti. Kinilig si Rachel sa tagpong iyon. Naisip niya ang sarili ilang taon mula ngayon. Say, 50 years. Ganoon pa rin kaya
sila ka-‐‑ sweet ng
magiging asawa niya? Probably. Kung talaga
bang mahal niya, it goes without saying.
Magiging sweet ka ba naman kung half-‐‑hearted ang pagmamahal mo. Muli niyang nakita ang mag-‐‑asawa
sa parking area. Ang SUV ng mga ito ay
katabing-‐‑ katabi ng
kotseng inarkila niya para sa okasyon. Napakunot
ang noo niya nang mapagwaring pamilyar
ang SUV sa kanya. Hindi siya nagkamali
ng sapantaha. Mula sa driver’s side,
biglang umibis si Damon. “Hello there
gorgeous!” basag nito. Bago nakahuma si
Rachel, naigiya na siya ng lalaki sa
harap ng mga magulang nito. Magiliw siyang
ipinakilala kina Mr. and Mrs. Crowe. “My
son’s right,” nakangiting wika ni Mr. Crowe,
“you really are gorgeous.” Nakaramdam
siya ng hiya. Bigla siyang na-‐‑
conscious. Sana pala ay kinapalan niya ang make-‐‑ up para natakpan nang husto ang pimple niya
sa pisngi. Matapos iyon, ipinakilala naman ni Damon ang mag-‐‑asawang Crowe sa parents niya. Sandaling nag-‐‑usap ang matatanda bago masayang nagpaalaman. Na-‐‑relieve
naman si Rachel sapagkat ayaw niyang
mapalaban nang husto ang carabao English
ng ama. “Small world, eh?” sabi sa kanya
ni Damon. Nginitian lang niya ito. “Hope to see you soon, gorgeous!” magiliw na wika ng binata bago sumakay sa sariling sasakyan.
“Ano ang ibig sabihin ng gorgeous, anak?” sabi ni Tatay Fermin. Natawa si Rachel habang iniisip kung paano iyong ipapaliwanag sa ama na hindi magmumukhang nagbubuhat ng sariling bangko. WALA silang communication ni Ernie. Two straight months. Kapag tumatawag siya sa apartment nito, palaging walang tao. Hindi
rin nito sinasagot ang e-‐‑mail
niya. Alin sa dalawa, naisip ni Rachel:
either nakarating kay Ernie ang tungkol
sa stolen shot ni Damon o sadyang
nakalimutan siya ng lalaki. Samantala’y lumalawak
naman ang exposure ni Damon. Dumarami ang commercial nito sa broadsheet at print media. Lately, lumalabas ang balita na papasukin na rin nito
ang showbusiness. Minsang nagbabasa ng mga old issues ng kanilang magazine, nilapitan siya ni Sally.
Nakita nito ang issue sa mga indigenous
barong na si Damon ang model. “Totoo bang ito ang boyfriend mo, Ate?” usisa ng dalaga. “Chica lang ‘yon,” wika ni Rachel. “Sino ba’ng me sabi sa iyo?” “Ang nanay.”
“May boyfriend ako. Nag-‐‑aaral sa US.” “Hindi mo naging
boyfriend si Damon Crowe?” “Sabi nang hindi, eh. Ang kulit mo.” “Bakit ka nakipaghalikan sa kanya? Sa lips pa.” Nagpanting
ang tenga niya. “Ano ba’ng pinagsasasabi
mo?” “Eh, kasi po, nong isang araw,
naglinis kami ni nanay sa kuwarto. Me
nakuha kaming newspaper clipping.
Nando’n ang kuha n’yo ni Damon.” Para siyang nabilaukan. “N-‐‑nakita
ni Nanay?” “At ni Tatay,” dugtong ni Sally. “Nakita ko rin ‘yon noong nag-‐‑surf ako sa
net.” Hindi
siya makapagsalita. Namumukol ang hiya
sa dibdib niya. “Gano’n ba kaguwapo ang
boyfriend mong nasa US?” wika ni Sally. “Ayokong pag-‐‑usapan ang mga bagay na iyan,” pag-‐‑iwas niya. Pero alam ni Rachel, hindi siya laging makaiiwas. Sooner or later, kailangan na
niyang magpakatotoo.
CHAPTER 11
“ANG gusto kong
setting sa susunod nating pictorial ay
strawberry farm, pag-‐‑aanunsiyo ni Ninez
del Rosario. “Nice background, hmm? Ripe,
succulent strawberries. Anyone here who knows
such a place?” Walang sumasagot sa mga
staffer. “Nobody. .” si Ninez uli. “Sa Benguet, Ma’am,” pagboboluntaryo ni Rachel. “May contact ako roon.” Umaliwalas nang husto ang mukha ng publisher. “Very good, Rachel dear. You go up north and prepare everything for the crew,
okay?” “Aye, Ma’am.” Denim jeans ang susunod nilang feature. Dalawang female ang nakatakda nilang gamitin. Plus isang male model na hindi pa mapagpasyahan kung sino. Tinalakay nila kung anu-‐‑ano
pa ang magiging content ng susunod na
issue. Hanggang mapunta ang usapan
tungkol sa ipi-‐‑feature na male
model. “Bakit magpapakahirap pa tayo sa
pag-‐‑iisip, Damon Crowe is always available for us,” wika
ni Ninez. “Especially for Rachel.” Inulan ng kantiyaw si Rachel. Matapos ang brainstorming, sinikreto ni Ninez ang dalaga. “I just want you to know a piece of mind. It’s about Damon.” “What about him, Ma’am?” Umakbay sa kanya ang publisher. “I’ll be very, very happy kung magkakatuluyan kayo.” Natawa siya. Itinuring na isang ordinaryong biro lamang ang narinig. “I’m not kidding, Rachel. If I tell you that you’ll be the managing editor of our magazine immediately, will you think I’m kidding?” “Uh-‐‑oh. That will be a nice joke, Ma’am.”
“Well, that’s not a joke. Congratulations, dear!”
Para siyang natuka ng ahas nang kamayan
ng boss. CANCER stricken si Nanay
Mila ngunit hindi naman bedridden. Nang
malaman ng ginang na na-‐‑promote
si Rachel, ipinagluto nito ang anak ng mga
paborito nito, partikular ang kalamay-‐‑latik na gustung-‐‑gusto ng dalaga. “Sabihin mo sa kaibigan mong si Doris na dito na maghapunan,” bilin sa kanya ng ina. Ganoon nga ang nangyari. Nang umuwi siya kinagabihan, kasama na niya si Doris. Masaya silang nagsalu-‐‑salo. Umaatikabong kuwentuhan pagkatapos na para bang kay tagal na di
nagkita. At nalaman ni Rachel na may
bago nang boyfriend ang kaibigan.
Mikhail daw ang pangalan. “Ang lapit no’n sa Mike, huh?” biro niya. Mahilig ka talaga sa ‘M’.” “Sa pangalan lang sila magkalapit,” wika ni Doris. “In everything else, malayung-‐‑malayo.
For one thing, lalaking-‐‑lalaki
ang luvs ko.”
“Luvs ka pa, huh? At paano mo naman
nasigurong lalaki nga ‘yan?” “Uh-‐‑h,
sa akin na lang ‘yon,” puno ng kapilyahang sagot ng chemist. “I’d like to meet him. Naiintriga ako.” “You would. . later.” Na-‐‑meet niya si Mikhail noong gabi
ring iyon. Nag-‐‑text dito si
Doris at nagpasundo. Dumating naman ang
lalaki. Tama si Doris, naisip ni Rachel
habang inihahatid ng tanaw ang dalawa.
Malayung-‐‑ malayo nga si
Mikhail kay Mike. Bruskong kumilos ang
bagong nobyo ni Doris. Ang katawan ay
tila sa isang barbelisa. Jeprox ang porma,
although may wheels din. Sa mukha, uhm,
parang character actor. At doon siya nagtataka
sapagkat ang alam niya ay fetish ni Doris
ang mga tipong Piolo Pascual. Mahilig sa
guwapo.. na normal lang naman. Ay,
mahiwaga talaga ang pag-‐‑ibig. HALOS isang oras yatang nirebisa ng
oncologist ang medical records ni Nanay
Mila, kabilang na ang mga huling datos
sa pagsusuri dito, bago sila hinarap. “To say that your mother’s condition has vastly improved will be an understatement,”
anito kay Rachel. “She is completely
well! Wala na maski munting trace ng
cancer! This is simply amazing!” Nakangangang nagkatinginan sina Tatay Fermin at Nanay Mila. Shocked din si Rachel. “Gusto kong isiping stage two pa lang ang cancer kaya naagapan,” susog ng espesyalista. “But then, it is still amazing!” Sa labis na tuwa ay niyapos ni Tatay Fermin ang kabiyak. Nagdaop naman sa pasasalamat ang mga palad ni Rachel. “Ang ibig ba ninyong sabihin ay magaling na ang misis ko?” Hindi pa rin makapaniwalang wika ni Tatay Fermin. “Magaling na magaling na ho,” anang doktor.
Parang nabunutan ng tinik si Rachel. Ang
luwag-‐‑luwag ng kanyang pakiramdam. Sa Diyos ang lahat ng papuri at pasasalamat, wika niya
sa sarili. “It’s the miracle of modern medicine,” nasisiyahang sabi ng doktor nang papaalis na
sila. “No, Doc,” nakangiting salo ni
Rachel, “It’s a miracle from above.” LOGICAL choice ang strawberry farm ng pamilya ni Ernie. Ito ang pinakamalaking farm sa
buong rehiyon at ilang beses na ring
nagamit sa location shooting ng
pelikula. Dagdag pang walang ibang mapupuntahan
si Rachel dahil wala naman siyang kilala
sa Benguet liban sa pamilya ng nobyo. A week before the pictorial, nagtungo siya sa norte para hingin ang permiso ng mga magulang ni Ernie. Tulad noon, malugod siyang
tinanggap ng mga ito. Nang sabihin niya
ang pakay sa pagparoon, hindi siya
nagdalawang salita. Agad pumayag si Ka
Nestor, ang tatay ni Ernie. Hindi siya
pinaalis ng matanda nang hindi muna
kumakain. Nagpaluto ito ng bagnet na incidentally
ay paborito ni Ernie. Saka lang siya pinayagang
umuwi. “Natutuwa ako at hindi ka
nagtanim ng galit sa anak ko,” wika ni
Ka Nestor habang inihahatid siya palabas
ng farm. “Ano naman ho ang dapat kong
ikagalit, ‘Tay?” aniya. Tatay na rin ang
address niya sa ama ni Ernie. Umiling-‐‑iling ang matanda. “Lokong bata. Mag-‐‑aaral
daw sa Amerika, iyon pala’y mag-‐‑
aasawa lang. Maanong sinabi na agad ang totoo.” Para siyang naihi sa salawal. “Ano ‘kanyo, ‘Tay? Si
Ka Nestor naman ang nagtaka. “Hindi mo ba
alam, iha?” “W-‐‑wala ho
akong alam. Naputol na ho kasi ang
komunikasyon namin.” Sa paliwanag ng
lalaki, dahilan lang ni Ernie ang pag-‐‑aaral.
Totoong nagpunta ito sa Amerika ngunit
upang pakasalan ang dating nobya. Kabulaanan
lamang ang sinabi nitong study grant. “Wala ho siyang sinabi, ‘Tay,” ani Rachel. “Hanggang sa huling sandali, ipinaglihim
niya. Kung ipinaalam niya sa akin, wala
namang problema. Hindi ko siya
pipigilin.” “Ako na ang humihingi ng
paumanhin para sa anak ko,” madamdaming
wika ni Ka Nestor. Huminga siya nang
malalim. Nagawa pang ngitian ang
matanda. “Okey lang ho ‘yon, ‘Tay. Huwag
na lang nating pag-‐‑usapan. Basta balik
kami next week para sa pictorial.”
Tumango ang matanda sabay gagap sa
kamay niya. Nakabahid sa mukha nito ang labis na hiya.
HABANG pabalik ng Maynila, parang nasa trance si Rachel. Mataman niyang pinag-‐‑isipan
ang naging usapan nila ng ama ni Ernie. Gumuho ang kastilyong buhangin ng itinayo ni Ernie sa puso niya. Nawindang ang dibdib niya, oo, dahil sino ba naman ang hindi magugulat sa ganoong balita. Ang
nakapagtataka, dibdib lang niya ang
nawarak. Ang puso niya ay hindi. And, geez, hindi siya nasasaktan. On the contrary, na-‐‑relieve siya. Kay gaan ng kanyang pakiramdam.
Hindi pala siya dapat ma-‐‑guilty na magkagusto siya kay Damon dahil nang mangyari iyon ay wala na si Ernie. Hindi
opisyal ang pakikipagkalas nito subalit
noong araw na umalis ito patungong
Amerika, tinapos nito ang lahat sa
kanila! The nerve! Okey lang naman sa kanyang kumalas ito. Kaya nga ang paborito nilang punchline ay no
big deal. Kahit medyo masakit,
matatanggap niya. Ang nakakainis, ginawa
pa siyang tanga. Mag-‐‑ aaral daw sa
Cambridge. At kunwa’y isasama pa siya.
Eh, paano kaya kung pumayag siya? Doon
tinalo ni Damon si Ernie. Diretso ito. Kapag
gusto, gusto. Sinasabi nang maliwanag. Kaya
nga inakala niyang presko ito. Iyon pala’y
prangka lang. To hell with Ernie! Ipinikit niya ang mata at ipinaanod sa antok ang pagkainis sa dating katipan. WAKAS