Two Timer

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

Two Timer

Two Timer


CHAPTER 1

 

MULA sa pagkakatagilid ni Rodel sa dakong kanan ay tumihaya siya. Gaya nang nakagawian ay padantay na iniunat ang kaliwang bisig. Napamulat siya. Nawala ang antok. Wala na sa tabi ang kabiyak. “Ibet!” tawag niya. Inilibot pa ang tingin sa buong bedroom. Pero wala ang babae. Bumangon siya. Tinanaw ang bedside alarm clock. Alas dos pasado pa lang ng madaling araw. Kinapa ang tsinelas. Saka hinatak ang house robe, isinuot. Nagmamadaling lumabas ng silid. Diretso siya sa kusina. Hindi nagkamali si Rodel. Naroroon nga ang asawa. Nakaupo sa kanyang lugar sa dining table, may hawak na mug ng umuusok na kape. Nakatingin sa kawalan. Ni hindi nakapukaw dito ang ingit ng binuksang pinto ng kitchen. “Ibet. . may problema ba? Ano’ng ginagawa mo rito sa ganitong oras ng madaling araw?” Tumayo si Rodel sa likuran ng kabiyak, iniyakap ang bisig dito. “Wala,

Del. Wala talaga. Nakaramdam lang ako ng uhaw at gutom kaya ako bumaba,” tiningala niya ang mister saka ngumiti dito. Isang pilit at malungkot na ngiti. “Gusto mo ng hot coffee?” “Oo. Pero huwag ka nang tumayo. Ako na ang kukuha,” anito at iniwan si Ibet. Pagbabalik ay may hawak nang mug. Humila ng isang silya, itinabi kay Ibet. Saka sinimulang humigop nang mainit na kape. “Sandwich or a slice of cake?” tanong ni Ibet.  “Love, ramdam ko, may problema ka. Share?” aniya, inilapag ang mug. Idinantay ang isang kamay sa balikat ng asawa. “Share?” untag muli niya. “Hindi ka puwedeng magkaila sa akin. Kabisado ko ang kilos mo. Isang sulyap ko lang, alam kong may problema. Para ke pang mag-‑ asawa tayo kung hindi mo isi-‑share sa akin ang anumang nasa isip mo.” “Wala. Bigla lang akong nakaramdam ng lungkot pagkagising ko kanina. Pero natural lang siguro iyon. Huwag mo akong intindihin.” “Let me guess. You’re bored. Nababagot ka sa routinary work mo araw-‑araw. Nakaharap sa computer, writing reports, at kung anu-‑ano pa. Hindi kumibo si Ibet. Ang pagsasawalang-‑ kibo ay isang paraan ng pag-‑amin. Kinawit ni Rodel ang kabiyak. Niyakap. Hinalik-‑halikan sa pisngi. Sa buhok. “May solusyon sa boredom, love. Bakit di ka mag-‑file ng one month vacation? Di ba kamo’y meron kang sixty days accumulated vacation leave? Kunin mo. Magpa-‑book ka ng round trip flight mula rito at sa atin. . saka pabalik. O, ano’ng masasabi mo?” “Ako, magbabalikbayan? Nang mag-‑isa? “Gusto ko ring makita ang ating bayan. Three long years na tayo rito. Pero alam mo namang ako lamang ang cellist sa aming 25-‑piece orchestra. Wala akong karelyebo. Lalo pat’ sa susunod na buwan ay magtu-‑tour ang aming grupo sa East Coast.” Member si Rodel ng Fil-‑Am orchestra sa Los Angeles. “Gusto ko ring dalawin mo ang parents ko. Pag nakakuha ng substitute cellist ang master namin, dadalaw rin ako.” Nakita ni Ibet na talagang pursigido ang asawa na makapagbalikbayan siya kaya pumayag na rin siya. Kahit pa alam niyang hindi naman makakawala ng kanyang pag-‑aalala ang pagbabakasyon. “Bukas ay mamimili tayo ng ipadadala natin sa kanila sa ‘Pinas. Iba-‑ibalikbayan box natin at ipadadala na sa barko. Tamang-‑tama, next month, pag-‑uwi mo sa atin ay halos makakasabay mo ring darating doon ang mga boxes.”  Hindi na kumibo si Ibet, wala naman talaga siyang magagawa sa desisyon ng asawa. Wala siyang balak kahit kaunti na umuwi ng Pilipinas. “It’s all settled then. So, matulog uli tayo. Alas dos pasado pa lang ng umaga. Hindi natin kailangang gumising nang maaga. Sabado. Walang pasok,” binitbit ni Rodel ang kanilang mugs. Nagpauna na para magbalik sa bedroom dala ang kanilang iniinom. Nakatulog si Ibet. Maliwanag na nang magising wala na sa tabi ang asawa. Hatak ang kanyang house robe ay lumabas. “Gising ka na pala. Mag-‑breakfast na tayo. Then, mamili na tayo. Para maipauwi na natin. Kailangang mapuno natin ang dalawang balikbayan boxes, isa sa inyo at ang isa ay para sa amin.” “E, kung pagkatapos ng tour ninyo ay saka tayo umuwi para dalawa tayo,” talagang hindi niya feel ang gustong mangyari ni Rodel.  “Ibet, alam mo naman ang trabaho ko. Walang tiyak na panahon kung kailan puwedeng kumuha ng bakasyon unless emergency talaga. Isa pa, alam kong very boring ang work mo. A change of environment will surely do you good. Ayoko ng misis na walang kabuhay-‑buhay. Ano’ng malay mo, baka pag umuwi ka’t nakapaghinga, suwertihin tayong magkaanak. Oo nga, pagbalik mo’y itutuloy natin ang one week second honeymoon natin,” saka hinalikan ang asawa. Sa halik na iyon ay natiyak ni Ibet na talagang wala na siyang excuse pa para hindi sundin ang kabiyak. “E, kung huwag na lang tayong mamili rito? Bigyan na lang natin ng pera at sila na ang bumili ng kahit anong gusto nila? Para wala nang hassle.” “Ibet, alam mo naman back home. Talagang hahanapin nila ang mga imported na pasalubong. Pagbigyan na natin ang kanilang hiling. Konting pagod lang iyon,” sagot ni Rodel na naghain na ng almusal.  Mula sa pagbubukas ng mall hanggang lampas na ang lunch time nang matapos mamili ang mag-‑asawa. Katulong ang isang mall helper ay inilulan nila ang mga pinamili sa dalang van ng may mga hakbang na tila nagmamadaling palapit sa kanila at matinis na pagtawag sa pangalan ni Ibet. Nakilala agad ni Ibet kung sino ang may-‑ari ng tinig. Si Biboy, pinsan niya. “Bakit ang dami n’yong pinamili? May malaki bang party kayong isi-‑celebrate? Pakendeng na lumapit si Biboy. “Mga ipadadala ko ito sa atin sa ‘Pinas. Kasi, next month ay magbabalikbayan ako,” sagot ni Ibet. “Whaaat!” Bulalas ng baklita, namimilog ang mga mata at nagtatalsikan ang mga daliri. “Pinagbabakasyon ko. Lagi kasing malungkot ‘yang pinsan mo. Ipaaalam namin  siyempre sa iyo at baka may ipadadala ka sa mga magulang mo,” ani Rodel na tumigil muna sa pagkakarga ng mga pinamili. “Wala! Kasi, sasabay ako. Sasama ako sa iyo, Ibet. Gusto ko namang kumain ng fresh foods at di tulad dito na halos lahat ng iniluluto ko’y frozen. O kaya’y TV meals na iniinit lang sa microwave.” “Mas mabuti, Biboy. May makakasama ako. Long trip na mag-‑isa ako. Hindi ko pa nararanasan ang ganoon,” tuwang pahayag ni Ibet. “Saan ba ang punta mo, Biboy? Mamimili ka rin ba?” usisa ni Rodel. “Birthday ng sister ko bukas. Bibili ako ng pang-‑gift. Pag nalaman nun na sasama ako sa iyo pag-‑uwi sa atin, e, baka sumama rin iyon. Bongga!” “Paano, pauwi na kami. . tena, Ibet,”  nagpauna na si Rodel sa pagsakay sa van.” “Cousin, talaga bang handa ka nang magbalik sa atin after so long? Hindi ka na ba nagi-‑guilty sa ginawa mo kay Sonny? mahinang tanong ni Biboy. Hindi sumagot si Ibet. Nasentruhan ni Biboy ang dahilan kung bakit atubili siyang umuwi. Kung bakit sa kabila ng maganda at masaganang buhay sa California ay madalas pa rin siyang malungkot. Na nakakaya niyang ikubli sa asawa. Dahil hanggang ngayon, sa kabila ng mga taon ay si Sonny pa rin ang kanyang mahal. Hindi pa rin niya ito nakakalimutan.

 

 CHAPTER 2

 

ANG buong maghapon ng Sunday hanggang early evening ay inubos nila sa pagpa-‑pack up ng dalawang boxes para kinabukasan ay ipapa-‑pick up na nila ito sa kumpanyang magdadala ng mga iyon sa Pilipinas. “Magpahinga ka na. Magluluto ako ng  dinner,” ani Ibet habang hinuhubad ang kanyang rubber gloves “Huwag na. Mag-‑sandwich na lang tayo, some fruits at choco hot drink. Hindi ka pa ba napapagod.? Mula pa kahapon at ngayong maghapon ay sobra nang napakarami nating ginawa. Pagkakain, magsa-‑shower tayo, then to bed. Bukas ay huwag mong kakalimutan ang pagpa-‑file ng long vacation mo, paalala ni Rodel. “Hindi ko kakalimutan. Ngayon bang nakaumang na ang lahat. Pero ikaw na ang bahalang magpa-‑book ng flight ko at bumili ng tiket,” nakangiti si Ibet para hindi mahalata ng kabiyak na mabigat pa rin sa loob ang pagbabalikbayan. Baka mag-‑usisa na ito. “Mid-‑month na ako magpapa-‑book. Hindi pa naman peak season sa pag-‑uuwian ng mga OFW sa atin.” Matagal nang himbing si Rodel ay mulat na mulat pa rin si Ibet. Kahit anong gawin niyang pag-‑aalis sa kanyang isipan si Sonny ay wala ring  mangyari. Si Sonny ang una at tanging pag-‑ibig niya. Wala na siyang minahal at maaari pang mahalin kundi ito. Malinaw na malinaw sa alaala ni Ibet ang naging pagkikilala nila ni Sonny. Magpapa-‑enrol siya sa university. Palibhasa’y unang taon pa lamang niya sa college at nalilito pa sa dapat gawin. Nagpapalinga-‑linga. Halatang bagito. Nang may maramdaman siyang mahinang tapik sa balikat. Nilingon ni Ibet kung sino iyon. Nakangiti sa kanya ang young man. Hindi niya kilala. Para talagang kailan lang ang lahat. “New enrolee?” Tumango si Ibet. “Need help?” Tumango uli siya.   “Okay. . halika, sasamahan kita,” ngiting-‑ ngiti pa rin ito. Ayaw sana niya. Hindi naman kasi niya ito kilala. Pero naisip ni Ibet na lalo siyang magmumukhang tanga sa pagpapaikut-‑ikot doon. “Talaga? Salamat, ha!” “Ako nga pala si Sonny Alva Jr.” Iniabot nito ang kanang kamay kay Ibet. “Maribeth Ocampo.” Hindi siya iniwan ni Sonny hanggang sa makapag-‑enroll siya. “Paano ba kita mapapasalamatan, Sonny? E, kung mag-‑snack muna tayo? Ginutom na rin ako.” “Bakit hindi? Sige, tena,” at parang natural na natural at matagal na silang magkakilala ay kinawit nito ang bisig ni Ibet na hindi nakatutol. Masaya siyang umuwi. Nadatnan na niya sa  kanila ang bestfriend niyang si Osang. “Let me guess. . okay ka na. Nahirapan ka ba? Sorry, ha! Ang mama kasi, ang kulit. Hindi pumayag hanggang hindi ko siya naipagbe-‑bake ng cake, e ang aga-‑aga. Sorry talaga. “Sira! Wala iyon. Tapos na rin naman ako. Sa tulong ni Sonny. .” masayang pagbabalita. “Sonny? Sino siya?” Ikinuwento niya kay Osang ang paghahandog ng tulong ng binata nang mahalata yatang tatanga-‑tanga siya. “Ang porma. Aber?” “Pogi. Moreno at tipong may kaya sa buhay. Ang bait-‑bait niya, Osang.  “Hmp! Ingat ka. Baka tupa siyang nagtatago sa kabaitan, pero isa palang itim na wolf,” paalala ni Osang. “Huwag kang basta magtitiwala sa kanya o sa kahit kaninong stranger.” “Siyempre, hindi. Saka magkakasama naman tayo at du’n ka rin nag-‑aaral? Kapag napahamak ako inspite na magkasama tayo, may kasalanan ka rin.” Napangiti si Ibet sa bahaging iyon ng pagbabalik-‑tanaw sa pagkikilala nila ni Sonny. Dahil para pa niyang nakikita na naghabulan sila ng kaibigan, nadulas ito, nadapa at nabukulan sa bahaging kanan ng ulo na matagal-‑tagal din bago gumaling. Naramdaman ni Ibet ang dantay sa beywang ng kamay ng asawa. Marahan niyang iniangat iyon at ipinatong sa unan. Saka bumiling siya sa kabila. Nagbalik ang bigat ng dibdib. Naalalang ang katabi ay ang nakatakda nang maging kasama niya habambuhay. Inabot ang isang malaking unan. Niyakap. Nangilid ang luha. Di ba dapat ay si Sonny ang kanyang katabi?  Kayakap? Dahil ito ang kanyang pinakamamahal. Tatlong buwang matiyagang nanligaw sa kanya si Sonny pagkaraan ng kanilang pagkikilala. Naalala niyang si Osang, na dati’y may duda pa sa binata ay nahulog din ang loob dito dahil mabait, malalahanin, mapagmahal hindi lamang sa kanya kung hindi pati na rin sa kanyang pamilya at sa kaibigan na naging matibay na kakampi ni Sonny. Nang sagutin niya ang binata ay araw ng birthday nito. Agosto 16. Tuwang-‑tuwa si Sonny. Nayakap siya at pati na rin si Osang. Hindi nito pansin ang mga nakapaligid sa kanilang customer din sa restaurant na iyon. Wala siyang nakitang pagkapahiya ni Sonny. Nagpalinga-‑linga pa ito na kinakabog ang dibdib ala-‑Tarzan habang ipinagmamalaking may nobya na at siya ang pakakasalan sa lahat ng simbahan. Hindi napigil ni Ibet ang paghikbi sa bahaging iyon ng pag-‑aalala sa kanyang nakaraang pag-‑ibig. Hindi niya mapigil kahti pa  itinakip niya ang malaking unan sa kanyang mukha ay nakapukaw din ito kay Rodel. Bumalikwas ito ng bangon. Niyakap ang asawa. “Love, bakit? Ano’ng masakit sa iyo?” Kinabig siya nito, inilayo ang unan at hinaplos ang buhok niya. Binuksan ang table lamp. “Dadalhin kita sa ospital.” Nagpilit siyang tumawa. Ikinawit ang bisig sa leeg ni Rodel. “Wala ito. Nalulungkot lang ako dahil maiiwan kitang mag-‑isa. Naiisip ko kasi na walang mag-‑aasikaso sa iyo, pagsisinungaling niya. Iyon lang ang tanging naisip niyang alibi nang mga sandaling iyon. “Haay, ang misis ko. One month pa naman bago ka umalis. E, di pipilitin kong lagi tayong magkasama. Kung maaari nga ay bawat minuto ng lahat ng araw. Kung hindi ko lang naiisip na mapupuyat ka tuwing may tugtog kami, isasama kita palagi,” saka mahigpit siyang niyakap nito at pinaghahalikan habang ibinubulong sa kanya ang  mga pangungusap nang mataos na pagmamahal. Na naka-‑guilty tuloy sa kanya. Kinastigo niya ang sarili dahil iniisip pa rin niya si Sonny. Nakatulog silang magkayakap ng asawa.

 

 

 CHAPTER 3


PAGPASOK ni Ibet ng bangko ay nakita niyang nakapuwesto na si Biboy sa cubicle nito. Teller si Biboy at kaisa-‑isang Asian na na-‑qualify na maging teller sa bangkong iyon. Kumaway siya. Sumenyas si Biboy na lumapit siya. “Bakit?” Kunot-‑noo si Ibet. “Puwede ba, sa inyo ako maghapunan mamaya?” “Basta ikaw,” at dumiretso na siya sa office  ng accounting na nasa likuran lamang ng mga cubicles. Lunes at tiyak na tambak na naman ang kanyang trabaho. Kung sabagay ay gusto niya ang ganoon dahil wala na siyang panahong mag-‑isip at malungkot. Paglabas ng bangko ay nagmamadali nang umuwi si Ibet. Maghahanda na siya ng panghapunan. Tiyak na tulog pa si Rodel na madaling araw nang umuwi dahil tumugtog ang grupo nito sa isang party. Gusto niyang paggising nito’y handa na ang hapunan. Alas sais uli ang pasok nito sa club hanggang alas dose. Hindi siya nagkamali. Himbing na himbing pa ang asawa. Nagpalit siya ng damit-‑pambahay. Sinikap na huwag makalikha ng ingay para hindi mapukaw si Rodel. Pagkaraan ay nagtuloy na siya sa kusina. Binuksan ang ref. Inilabas ang isang malaking bangus na nabili niya nang nakaraang week sa Filipino General Store na may tatlong oras na biyahe mula sa kanilang tinitirhan.  Magsisigang siya ng ilang piraso. Sapat para sa kanilang tatlo. May ginisang bagoong siya na nasa bote. Pasalubong ito ng isang kapitbahay na Pilipina pero Kano ang asawa. Umuwi sa Pilipinas at iyon nga at isang de-‑ziplock na pritong tuyo ang laman. Tamang-‑tama ang kombinasyon ng hapunan. Sinigang na bangus na ang sahog ay murang dahon ng mustasa at ang paasim ay sachet na sampaloc. Nagprito siya ng pira-‑pirasong liyempo at inihalo niya sa ginisang bagoong. Ang himagas ay saging lakatan. Hustong nakaluto na siya at naghahain for three nang magising si Rodel. Ipinagtimpla niya ito ng mainit na kape. “May guest tayo?” Nakatingin si Rodel sa tatlong platong nakahain. “Si Biboy. Gusto mo bang maunang maghapunan? Alas siyete pa kasi ang dating ng loko.” “Sige nga. May bago kaming music piece na iri-‑rehearse mamaya. Sayang. Gusto ko pa  namang laging nakakakuwentuhan si Biboy. Remember, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala ang mahal kong misis at never ko sigurong naramdaman ang ganitong happiness.” Inakbayan nito si Ibet at sumabay patungo sa kusina. Pinong kurot ang iginanti ni Ibet sa asawa. “Parang totoo,” aniya pa. “Pero iyon ang talagang totoo, Ibet. Mahal na mahal kita. Akala ko nga’y hindi na ako magmamahal pa. Alam mo bang hindi ko na alam kung paano pa mabubuhay kung wala ka sa piling ko?” ani Rodel, hinalikan sa pisngi si Ibet. Nakaalis na nga si Rodel para magpunta sa club nang dumating si Biboy. May dala itong isang basket na iba’t ibang prutas. “Hindi ka na dapat mag-‑abala pa.. Halika na, dumiretso tayo sa kusina. Handa na’ng dinner,” kinuha ni Ibet ang malaking basket. Apples, oranges, grapes, bananas at mangoes ang laman niyon.  “Biboy! Mangga? Saan mo nabili? Anong mangga ito?” Nilanghap pa ni Ibet ang mangga na nasa ibabaw ng basket. “Philippine mangoes ito, ah!” “Siyempre pa. Bakit naman ako magdadala ng manggang mula sa bang bansa. Kilala sa buong mundo ang mangga mula sa atin na pinakamasarap at pinakamatamis na mangga,” nagmamalaki si Biboy. “Ano ba’ng hapunan?” “Sinigang na bangos. Binagoongang baboy saka minatamis na saging na saba ang dessert!” “Wow! Type! Sa’n galing ang bangus at saba?” “Huwag mo nang itanong. Sige, upo na’t sasandok na ako ng mainit na kanin.” Masaya silang nagsalo. Sarap na sarap si Biboy. “Sana nga, t-‑bone steak ang iluluto ko saka  green salad. Pero naisip kong dapat, pagkain natin. Kaya ‘ayan.” “Pagdating natin sa Pilipinas, ibibigay ko agad sa mama ko ang listahan ng pagkaing Pinoy na ipapaluto ko sa kanya. At kakain ako nang kakain hanggang sa manawa ako. Naku, Ibet, tiyak na sa one month na stay natin sa atin ay bibilog ako nang husto. Ikaw ba, ano talaga ang dahilan kung bakit ginusto mong magbalikbayan?” “Biboy, hindi ako ang may gusto. Hindi ko binalak ito. Si Del kasi. Nakita niyang malungkot ako at matamlay ilang araw na. Siguro matatrangkaso ako. Inakala niyang nahu-‑ homesick ako talaga at gusto kong umuwi ng Pilipinas.” “Alam ko.. kahit kailan ay wala ka nang balak na dumalaw sa atin. Alam ko ring ang dahilan ay ayaw mo nang makita pa at makaharap si Sonny. . am I right?” Hindi kumibo si Ibet. Nilaru-‑laro ang kanyang pagkain sa plato. “Pero, cousin, ang problema ay dapat hinaharap at hindi iniiwasan. Dahil pag ginawa mo iyon, buong buhay kang magiging malungkutin. Gaya nang nakita sa iyo ni Rodel.” “Biboy, bukod sa guilt ay natatakot ako. Mas mabuti pang tuluyan ko na siyang hindi makaharap. Makakalimutan ko rin ang lahat. Ang lahat-‑lahat, at muliy nangilid ang kanyang luha. “Ibet, posible namang hindi kayo magkita. Kasi, nasa Papua New Guinea na si Sonny. Nagtayo siya du’n ng tailoring and dress shop na nang lumain ay naging garment factory na. Ang espesyalidad nila’y t-‑shirts. Balitay bihira na raw umuwi sa Pilipinas.” “Mabuti nga sana kung ganoon. At sana, habang naroroon tayo sa atin ay huwag na siyang  dumalaw pa sa kanila. Minsan ay nabanggit sa akin ng mama ko na ganu’n na nga raw ang buhay ni Sonny. Sana nga, wala nang encounter pang mangyari sa amin.” “Pero, Ibet, ano pa ba kung magkita man kayo? May asawa ka na. At siguro, by now ay married na rin si Sonny. Ang gawin mo, alisin sa isip ang anumang alalahanin. I-‑focus mo ang isip na makikita ang mga mahal sa buhay. Isipin mo, kaya ka pinauuwi ni Rodel ay para mawala ang loneliness mo. Pero ‘ayan ka’t nag-‑iinarte at lalong pinalulungkot ang buhay. Tama na nga. Pahingi ng minatamis na saba. Samantala’y paghandaan natin ang ating pagbabalikbayan. Tuwing hapon, bumili tayo kahit isa o dalawang piraso ng ipapasalubong na hand carried lang.” Sa kabila ng pag-‑aalala ni Ibet ay sumapit din ang takdang araw ng pag-‑alis nina Ibet at Biboy. Ang sigla-‑sigla ni Biboy. Sobrang masaya ito na muling makakapiling ang mga mahal sa buhay. Saya na talagang nakakahawa. Kaya hindi na mapapansin ang panlulungkot ni Ibet. Excited na rin siya kahit hindi pa pumapasok sa loob ng   departure area. Panay ang bilin ni Rodel. “Pagdating na pagdating sa NAIA ay tumawag ka agad sa akin, Ibet, para malaman kong nakarating ka roon safe and sound. O kungdi naman, pagdating n’yo sa bahay. Hihintayin ko ang tawag mo.” “Hindi ko kakalimutan. At habang naroroon ako ay lagi kitang babalitaan,” pangako ni Ibet. Pagkatapos noon ay mahigpit na niyakap ni Rodel ang asawa. Hinagkan. “Love, mami-‑miss kitang lagi.” “Ako rin naman. Ikaw lang kasi ang mapilit na umuwi ako,” sumbat niya kay Rodel. “Dahil gusto kong lagi kitang napapaligaya. Ayokong makikita kitang malungkot. Ano na ba ang thirty days na wala ka sa piling ko. Kung ang kapalit ay magiging masaya ka pagdating mo roon at sa pagbabalik mo sa akin ay wala na akong makitang lungkot sa mga mata mo.” “Mag-‑iingat ka rin, ha, Rodel.   “Oo naman. Dahil pakiramdam ko, pagbabalik mo’y makapagsisimula na tayong bumuo ng pamilya. Tatlong anak, okay na ako. Two boys and a muse,” anito saka binalingan si Biboy. “Biboy, ikaw na ang bahala kay Ibet. Huwag mo siyang pababayaan.” “Hus! Paano mapapabayaan ang asawa mo, e, makakapiling niyang lahat ang kanyang pamilya. At lahat sila, pati na rin ako, e, walang iisipin kung hindi maging okay siya. Sige na, at baka mahuli pa kami sa flight,” saka hila si Ibet ay tumungo na sila papasok sa departure area.

 

CHAPTER 4

NAKASUNOD si Ibet kay Biboy. Magkatabi sila dahil sabay na ipina-‑book at binili ni Rodel ang kanilang mga tiket. Pag-‑upo ay sumandal agad si Ibet. Pumikit. Hindi pa rin nawawala ang pamimigat ng kanyang dibdib. Parang gusto niyang tumakbo at bumaba ng eroplano at bumalik sa piling ni Rodel.   “Cousin, fasten na raw ang seatbelt mo. Hindi mo ba narinig? Lilipad na tayo any minute now,” siniko ni Biboy ang pinsan saka lamang tila nagising sa saglit na pagkakaidlip si Ibet. Maganda ang panahon. Babahagya lamang ang maninipis na ulap na nagkalat sa kalangitan. Parang napakalapit ng mga bituin na natatanaw ni Ibet mula sa bintana ng eroplano. Para bang kaya niyang abuting isa-‑isa. “Talagang masarap magbiyahe ng gabi kahit pa sa ship o sasakyang panlupa. Parang napakalinis ng paligid,” pahayag ni Ibet sa pinsan. “Ako, hindi ang mga bituin ang naiisip ko. Pagkain ang gusto ko. Hindi kasi ako nakakain nang okay nang umalis tayo. Excited na kasi akong makauwi, cousin.” “O, hayan na ang trolley ng food. Bibigyan na tayo ng hapunan. Ikaw talaga. Basta sa pagkain, kahit saan ay natatakam ka,” kantiyaw ni Ibet kay Biboy. Masarap ang hapunan. Naubos ni Biboy ang ibinigay sa kanila. “Hay, nabusog ako. Ngayon naman ay inaantok na ako.” Humikab si Biboy. “Mauna na ako sa iyo, cousin. Inayos ang kanyang upuan. Bahagyang inilapad ito, kinuha ang unan at blanket na ibinigay ng stewardess pagkatapos nilang kumain. Nahiga at binalot ang sarili. Ilang sandali pa’y himbing na ito. Pero si Ibet ay ayaw dalawin ng antok. Paano, sumagi sa isip niya si Sonny. Kahit minsan ay hindi niya pinagdudahang mahal siya ng binata. Maraming pangarap ang ex-‑bf para sa kanilang kinabukasan. “Graduating na ako next year, Ibet. Pag nakapasa ako sa board at licensed architect na, magsisimula na akong mag-‑ipon  pag nakapagtrabaho na ako. Two years ka pa bago makatapos ng another year para mag-‑board. “Right! Magkatulong tayong mag-‑ipon para sa ating dream wedding.” “At panibagong pagsi-‑save para magkaroon tayo ng sariling bahay at lupa.” “Isang pakiusap, Sonny. . hindi ka mag-‑a-‑ abroad. Dito natin sisikaping makapag-‑ipon at matupad ang mga pangarap. Ayokong maiwan. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng long distance love affair, Sonny.” “Iyon lang? Promise, hinding-‑hindi. Kung sampu ang kagustuhan mong huwag tayong magkalayo, ako’y walang katapusan. Dito tayo magsisimula at dito na rin tayo tatanda na successful sa ating mga ambition.” Dalawang taon nang nagpa-‑practice ng kanyang propesyon si Sonny at siya ay mahigit isang taon nang nasa accounting department ng isang malaking insurance company subalit wala pa ring patunguhan ang kanilang pagtitipid at pag-‑iipon. Laging nauurong ang pagtatakda ng kanilang kasal. “Sonny, kahit simpleng kasal lang. Huwag na ang pinangarap nating grandeng kasalan. Ang mahalaga’y magkasama na tayo,” suhestiyon niya sa nakikitang paghihinagpis ni Sonny. Pero ayaw nitong pumayag. At isang araw na lumabas sila para maghapunan ay saka sinabi nito na ayos na ang lahat ng papeles para sa limang taong kontrata sa Malaysia. May isang buwang bakasyon kada taon. Nasaktan siya noon. Hindi man lamang kasi siya sinangguni ni Sonny. Basta ito nagpasya sa kabila ng kaisa-‑isang hiling niya sa kasintahan. Hindi siya pumayag. At kahit anong paliwanag ang ginawa ng binata ay ayaw niyang pakinggan. Pakiramdam niya’y binalewala siya nito. Hindi siya humihiling ng isang kasal na magarbo. Pero  matigas din si Sonny. Mula noon ay hindi na niya ito kinausap. Kahit ano ang ipaliwanag ng binata ay hindi siya napapayag. Kung gusto nitong magkasundo pa sila at magkabalikan ay huwag na itong tumuloy mag-‑abroad. Noon ay nag-‑aasikaso na ang pinsang si Biboy para magtrabaho sa California. Sa isang bangko na ang manager ay makiling sa mga Pilipinong overseas worker. Niyaya siya nito dahil sa limang accountant pa ang kailangan. Kumuha siya ng exams. Nakapasa agad. Sa interview ay minsan lang siyang sumalang. Isang malaking oportunidad na hindi niya pinalampas lalo’t malaki ang tampo niya kay Sonny. Ilang linggo pagkaraang makapirma siya sa contract ay lumipad na sila ni Biboy at ang lima pang makakasama nila. Isang araw nagtatrabaho sa bangko sa California nang makausap niya ang kanyang ate. Hindi pala umalis si Sonny. Sinunod siya nito. Kaya hindi nakadalaw sa kanya ay nagkasakit ito.   Pulmonya at nang gumaling ay saka siya pinuntahan. Nauna pa pala siyang umalis kay Sonny. Naalala ni Ibet na nag-‑iiyak siya nang nag-‑ iiyak. Ilang ulit siyang nagtangkang kausapin si Sonny sa telepono pero ang sabi ng ina nito ay ayaw na raw nitong makipagkasundo pa sa kanya. Nalaman na lamang niyang nagtuloy din itong mag-‑abroad. Noon niya nakilala si Rodel, kapatid ng kaibigan ni Biboy na nagsikap para sila makapunta sa USA. Kasama nitong umuwi si Rodel para asikasuhin ang mga Pinoy na pumasa sa bank management criteria. At nagkakilala nga sila ni Rodel sa pamamagitan ni Biboy at ng kapatid nito. Mabait si Rodel. Matiyagang nanligaw sa kanya. Wala siyang inilihim kay Rodel tungkol sa damdamin niya kay Sonny. Pero balewala rito ang katotohanang iyon. Na wala na siyang maaaring mahalin kung hindi ang unang lalaking kanyang inibig. Lalo nitong dinoble ang panliligaw. Higit na naging maalalahanin. Malambing at mapagmahal.  Walong buwan siya sa Amerika nang mabalitaan niya sa isang kamag-‑anak na nag-‑ asawa na si Sonny. Noon niya naisip na kalokohang magmahal sa isang wala nang pagtingin sa kanya. Sinagot niya si Rodel pero ipinaunawa niya rito ang dahilan ng pagbabagong isip. Walang pakialam ang binata. Tinupad din nito ang hiling niya na sa Pilipinas sila ikasal. Nang umuwi sila sa Pilipinas para sa kanilang kasal ay handa na ang lahat. Kumuha ng wedding planner ang mga magulang ni Rodel. Magbibihis na lamang sila at lalakad sa aisle sa wedding day. Ang problema, bisperas ng kasal nila ni Rodel ay umuwi si Sonny para dalawin ang mga magulang. Nang malamang naroroon siya at ikakasal ay nagpilit makipagkita sa kanya. Shocked siya nang makita at malamang walang katotohanan ang lahat ng balitang natanggap. Kagagawan daw iyon ng ina ni Sonny upang  makaganti kay Ibet. Tumatak ang kaunting salitang sinabi ni Sonny sa kanya. Ikaw pala ang marupok. Di ka man lang naghintay na marinig ang panig ko. Tinitiyak ko, Ibet. Hindi ka liligaya! Pinahid ni Ibet ang mga luhang pumatak sa pisngi. Sumandal siya at pumikit. Pilit na inaalis sa isip ang nakaraan. Pero bigo siya. Kailangang makatulog siya. Nang may magdaang stewardess ay humingi siya rito ng mainit-‑init na gatas. Nang makainom siya ay bahagyang napayapa. Hindi nagtagal ay nakatulog din si Ibet. Marahang yugyog ang gumising kay Ibet. “Ibet, gising na. We are only ten minutes away from NAIA. Lalapag na tayo sa atin.”

 

CHAPTER 5

 

 “TIYAK na magugulat sila pagdating natin. Kasi naman, e, hindi tayo nagpasabi na uuwi tayo ngayon,” ani Biboy. “Si Rodel ang may gustong masorpresa ang  pamilya ko at pati na rin family niya,” sagot ni Ibet, matamlay, nakatanaw sa labas ng bintana ng taksing nirentahan nila sa airport. “Sabagay, okay nga pag nasosorpresa ang mga mahal natin. Pero di pa rin ba nawawala ang lungkot nito? Ang tagal nang naganap ang mga pangyayari. . dapat by now ay naka-‑move on ka na.” “Biboy, di ba nang pakasal ako kay Rodel ay isang malaking hakbang na ‘yon sa pagsisikap kong maka-‑move on? Pero talagang mahirap kalimutan ang isang pinakaiibig. Alam mo na naman ang lahat-‑lahat sa buhay ko. Isang open book na iyon sa iyo, Biboy.” “Na dapat nang tiklupin at ibaon sa limot. At ang guilt na sinasabi mo, alisin mo na rin sa isip mo. Biktima ka lang ng isang sitwasyon na walang may gustong mangyari. Ngayon, okay ka na. Napakabuti ni Rodel. Harapin mo na lamang ang buhay at pag-‑ibig mo nang may pasasalamat.”  Hindi na kumibo si Ibet. Dahil tama si Biboy. Ang problema lamang ay kung bakit sa kabila ng mga taon ay bakit parang kamakailan lamang nangyari ang lahat. Nang pumarada ang kanilang sasakyan sa tapat ng gate nina Ibet at makilala sila ng mga dinatnan ay nagkagulo na ang mga ito. Sinamantala iyon ni Biboy, bitbit ang kanyang dalawang maleta at isang overnight bag ay tumalilis na siya. Hindi naman kasi kalayuan kina Ibet ang kanilang bahay. Nang magbalik ang hinahon ng lahat ay saka nalaman ng mama at daddy ni Ibet kung bakit bigla siyang napauwi. “Napakabuti ni Rodel. Laging ang kapakanan mo ang iniisip niya. Salamat sa Diyos at siya ang naging kapalaran mo,” anang mama niya. “Pero, iha, bakit wala pa rin kaming apo ng mama mo sa inyo? Nagpa-‑family planning ba   kayo?” “Naku, dad, hindi po. Hindi talaga. Talaga lang hindi pa kami binibiyayaan ng kahit isang anak,” pagtutuwid ni Ibet. “Pero hindi pa kami nawawalan ng pag-‑asa. “Dad, ‘Ma, puwede bang i-‑declare nating holiday ang araw na ito? Hindi na kami magsisipasok sa office at sa school ang mga bata. Tiyak na kulang ang maghapon ngayon para sa balitaan at paghahanda ng pagkain,” ani Nilda, ang panganay na kapatid ni Ibet. “Ako man, hindi na papasok sa office. Tatawagan ko na lang ang aking manager na bahala na muna siya sa ating business,” nagtatawa ang dad ni Ibet. Excited ang lahat. Pati na si Ibet na nakalimutan na wari ang pinuproblema niya nang kung ilang araw bago siya nakauwi. Talagang hindi matapus-‑tapos ang kanilang balitaan hanggang makita nilang hikab na nang hikab si   Ibet. “Ang mabuti pa’y magpahinga ka muna, anak. Tamang-‑tama, luto na ang lahat ng ulam by the time na nakapagpahinga ka na. Gigisingin na lamang kita,” anang ama. “’Ma, sa’n ako magpapahinga?” “Sa dati mong silid. Wala pa ring gumagamit noon mula nang umalis ka. Araw-‑araw ay nililinis at inaayos iyon. Halika, ihahatid kita.” Inakbayan ng ina si Ibet hanggang sa dating silid niya. Maliban sa kurtina at sa bed cover ay walang nabago sa ayos ng bedroom ni Ibet. “Bakit hindi na lang ninyo ito ipaokupa kay Albert. Masikip na ang kanyang bedroom sa ground floor. Malapit nang magbinata si Bunso.” “Aba, ayaw. Kumportable na raw siya sa kanyang mini-‑bedroom gaya ng tawag niya roon. Ang sabihin mo, siya ang laging nag-‑aayos at   naglilinis nito.” “Aba, may mga damit pa pala ako rito, ‘Ma. Ang mga pajamas ko, ilang pambahay. Kung alam ko lang hindi na ako nagdala pa.” Isinara niyang muli ang kabinet. Nang mapadako ang tingin sa tokador. Nahigit ni Ibet ang kanyang paghinga. Naroroon pa rin ang picture nila ni Sonny noong graduation niya sa college. Nakatoga at robe siya, nakakawit ang isang bisig sa bewang ng lalaki. Masaya silang nakangiti. Napuno ng emosyon ang kanyang dibdib. Nanaig na naman ang kanyang tanging pagmamahal sa dating katipan. Naramdaman niya ang pagkapit ng kanyang mama sa isang bisig niya. “Kung ako ang nasunod, aalisin ko na ‘yan at papalitan ng wedding picture ninyo ni Rodel. Pero ayaw ni Albert. Sobrang mahal ng bunso natin si Sonny na parang kapatid. Sabi niya, pabayaan na lang daw. Siguro naman daw ay hindi paparito si Rodel at bibisitahin pa itong room mo. Ngayong narito ka, ikaw na ang bahala. . iiwan na kita. Maligo ka kung gusto mo   bago ka magpahinga.” At iniwan ng ina si Ibet. Kinuha ni Ibet ang larawang nakapatong sa isang panig ng tokador, niyakap. Naupo sa gilid ng kanyang kama. Ang mga alaalang sana’y ayaw na niyang balikang tanaw pa’y lalong nag-‑ uunahang bumalik. Ang masaya, ang malungkot, ang alaalang puno ng pagmamahalan. Hindi niya namalayang umaagos na ang di mapigil na mga luha. Nahiga siyang yakap ang mga larawan hanggang sa makatulog siya dala ng halos magdamag na puyat. Nang magising si Ibet ay nakadama siya ng katiwasayan. Inilapag na muli ang picture frame sa tokador. Inayos niya ang buhok at saka bumaba na. Kumakalam na ang kanyang tiyan. Inisip niyang ang pagkakapahinga nang ilang oras, ang pagtulog sa dati niyang silid at ang kaalamang nasa piling siya ng mga magulang at kapatid ay nagbigay sa kanya ng tamang perspective sa pag-‑uwi niya. Lahat ng mata ay sa kanya natuon nang   pumasok siya sa dining hall. Nakahain na ang pagkain sa mesa. Naghihintay na talaga sa kanya ang mga kapamilya. Ang ganda ng kanyang ngiti nang malanghap ang masasarap na putaheng nakahain. “Ano pa ba ang hihintayin natin? Kumain na tayo. Gutom na gutom na talaga ako. Lalo’t panay lutong Pilipino ang ating kakainin,” aniya at nagpauna nang maglagay nang gustong kainin. Halos kalahati na ang kanyang nakakain nang mula sa pinto ay sumungaw si Biboy. Pahingal nga ito. May dalang isang malaking kaldero na sumusugod. Pa-‑chorus na sinalubong si Biboy ng pagbati ng mga kamag-‑anak. Tinanong kung ano ang kanyang dala. “Ginataang pinipig. Pangmeryenda. Ipinahanda ko kay Mama dahil hindi kami nakakatikim nito for three years sa Tate,” at inilapag ang dala. Lalo na silang sumaya sa pagdating ni Biboy. Na hindi nagtagal ay sumunod na rin ang mama   nito at dalawang kapatid. Palubog na ang araw sa kanluran nang matapos ang pinaghalong lunch at meryenda. Sige ang kuwentuhang hindi matapus-‑tapos. Kani-‑kanyang pakuwela. Kani-‑kanyang drama. Panay ang sulyap ni Biboy sa pinsan. Natuwa siya nang makitang wala ni katiting na bakas ng lungkot sa mukha ni Ibet.

 

 CHAPTER 6

 

NANG sumunod na mga araw ay naging abala si Ibet sa panibagong pakikipag-‑bonding sa kapamilya. Kabi-‑kabila ang luncheon, dinner, at kung anu-‑ano pang party na inihahanda ng mga ito para kay Ibet. At siyempre, kasama si Biboy. “Parang ayoko nang magbalik pa sa Tate. Mas masaya rito, di ba, cousin?” ani Biboy. Ngiti lang ang naging sagot ni Ibet. Pero siyempre hindi naman magtatagal nang   buong isang buwan ang paggimik nila. Nakakaramdam din sila ng pagod. At sobrang magastos. “Naku, tama na muna ‘yang labas-‑labas na ‘yan. Napuntahan na yata ninyong lahat ang magagandang resort at beaches. Pabayaan n’yong magpahinga si Ibet. Kaya siya umuwi ay para maipahinga ang isip at katawan sa stress,” anang mama ni Maribeth. Gusto mang tumutol ni Ibet ay hindi niya magawa. Dahil gusto rin naman niyang makapagpahinga. Nakakasawa rin ang araw-‑araw na pakikipagsaya. “Tama ang mama, mga pinsan, mga tiya, tiyo at mga kaibigan. Pero bago kami magbalik ni Biboy du’n ay magkakaroon tayo ng malaking salu-‑salo. Dahil hindi ko alam kung kailan pa ako makakabalik dito o kung magbabalik pa nga ba ako.” Masayang nagtawanan ang lahat. Inakala nilang biro ang sinabi ni Ibet. Pero para kay Ibet, totoo ang kanyang sinabi.   “Alam n’yo bang reluctant magbalikbayan si Ibet? Si Rodel lang ang nagpilit na pauwiin siya. Kasi naman e laging malungkot ang isang ito sa California,” pagkukuwento ni Biboy. “Kung hindi pala ako umuwi, laking pagsisisi ko dahil mami-‑miss ko ang saya at pagmamahal ng isang pamilya at ang kulturang kinagisnan ko. Iba talaga dito. There’s no place like home!” masayang sabi ni Ibet. Nang sumunod na mga araw ay kain-‑tulog lang ang ginagawa ni Ibet. Binabawi niya ang pagod sa parties, picnic, diving, deep sea sightseeing at kung anu-‑ano pang inaakala ng kanyang pamilya na makasasaya sa kanila ni Biboy. “O, Ibet, anak, anong ulam ba ang gusto mo para bukas. Maaga akong mamimili,” tanong ng mama. “Pesang malaking dalag na ang sawsawan ay ginisang miso sa maraming kamatis. Saka   tortang alimasag. Saka pinalamig na pulang-‑ pulang pakwan. Iba ang pakwan du’n, ‘Ma. Hindi kasing tamis ng pakwan dito sa atin.” Masaya talaga si Ibet. Hindi niya inakala na magiging ganoon ang kanyang enjoyment sa pag-‑ uwi. Bahagya na lamang niyang maalala si Sonny dahil marami siyang laging kasama. Maraming kakuwentuhan. Samantalang sa California ay mas madalas siyang nag-‑iisa. Dahil nga sa nature ng trabaho ni Rodel. Tulog ito maghapon habang siya’y nasa bangko at nagtatrabaho. Pag-‑uwi naman niya, sandali silang magkakapag-‑usap habang kumakain at naghahanda sa pagpasok ni Rodel sa iba’t ibang club. Pag-‑uwi ay antok na antok na. Pareho sila. Kaya mas madalas niyang balikang tanaw ang kanyang nakaraang malungkot na lovelife. Ngayon ay parang ayaw muna niyang dumating ang araw na magbabalik na siya kay Rodel sa Amerika. Hindi rin naman niya gaanong nami-‑miss ang asawa dahil dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw ay tinatawagan siya   nito. Kung hindi lamang mag-‑i-‑expire na ang vacation leave na hiningi niya sa bankong pinapasukan ay talagang mag-‑i-‑extend pa siya. “Tita Lucy, Mabel, gusto kong magsimba sa Sto. Domingo Church ngayong hapon. Baka mawalan na ako ng pagkakataong makapunta pa roon.” “E, di sige, habulin natin ang misa sa alas sais,” ayon ng kanyang mama. “Sige, iha. Talagang napakahalaga sa iyo ang simbahang iyon, ha.” “Paano po, du’n ako bininyagan, saka du’n ang aking first Holy Communion. At sa simbahan ding iyon kami ikinasal ni Rodel,” aniya na pinigil ang buntunghininga. Hindi na niya binanggit na doon din sila laging nagsisimba ni Sonny. Ang pakikipagmisa niya ngayon ay isasabay na sa taimtim na kahilingang sana’y tuluyan na niyang makalimutan ni Sonny at maibuhos nang lahat ang kanyang pagtingin at pagmamahal kay Rodel. Para matahimik na siya. Pero may dumating na bisita ang mama niya. Isang kaibigang matagal nang hindi nakikita. “Hindi bale po, Mama. Kailangan ding maiwan si Mabel dahil wala kayong makakatulong sa pag-‑e-‑entertain sa kanila. Uuwi na rin si Tita Lucy mamaya, di po ba? Si Biboy na lamang po ang kukulitin ko,” sabi niya at noon din ay nag-‑text siya sa pinsan. Hindi pa nagsisimula ang misa nang dumating ang magpinsan sa St. Domingo Church. Lumuhod agad si Ibet, pumikit at taimtim na nanalangin. Na sana, sa kanyang muling pag-‑alis ng bansa ay maiwan na niyang lahat ang alalahanin tungkol sa kanyang unang pag-‑ibig. Aniya pa, hindi makatarungan kay Rodel na   napakabuti sa kanya. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha. Tahimik siyang pinagmamasdan ni Biboy. Alam na nito ang dahilan ng pag-‑iyak ng pinsan. Sinamahan na rin nito ng hiling na magkaroon ng katahimikan ng isip at puso si Ibet. Nang lumabas ng simbahan si Maribeth ay magaan na ang kanyang pakiramdam. Naidaing na niyang lahat sa Panginoon ang lahat ng nagpapabigat sa pakiramdam. Alam niya, tutulungan siya ng langit na makalimutan na ang lahat-‑lahat ng dinadala sa dibdib tungkol sa kanyang pagmamahal kay Sonny. “Cousin, gutom na ako. Kumain muna tayo,” yaya ni Biboy at hinawakan sa siko si Ibet para maghintay ng pagluwag ng sasakyan para sila makatawid. Nang may taksing pumara sa kanilang  harapan. Hahatakin sana ni Biboy si Ibet para lumayo sila sa lugar dahil binarahan sila ng taksi. “Ibet! Biboy! Sandali!” Mula sa taksi ay bumaba ang isang lalaki. “Aba, sino bang. . Ibet! Si Sonny!” Pasigaw na bulalas ni Biboy. Napatda si Ibet. Napatitig siya nang matiim sa lalaking kabababa lamang ng taksi, nakangiti ito sa kanya. Hindi nagkamali si Biboy. Si Sonny nga iyon. Ang ngayun-‑ngayon lamang ay hiniling ni Ibet sa Diyos na sana’y tuluyan na niyang maibaon sa limot. Na sana’y hindi na sila magkakrus pa ng landas. Pero heto ngayon ang lalaki, nakangiting nakaharap sa kanya. Masya. Masigla. Puno ng buhay. 

 

 CHAPTER 7 

 “KUMUSTA na kayong dalawa? Kelan pa kayo nagbalikbayang magpinsan?” “Mabuti kami pareho, Sonny. Three weeks na kami rito at sa susunod na week ay babalik na kami sa California. .” sagot ni Biboy na siniko ang katabi. “Ibet, ano ba, nawala na ba ang dila mo?” “A, e.. ikaw, kelan ka umuwi? Ang alam ko’y sa abroad ka rin nakabase,” mahinang sabi ni Ibet. “Naku, e nakahambalang tayo sa daraanan ng mga tao. Ang mabuti pa’y sumama ka na sa amin. Du’n sa dati nating kinakainan,” yaya ni Biboy. “Ano pa’ng hinihintay natin?” Tumabi si Sonny kay Ibet, paalalay na hinawakan ito sa lower arm para tumawid na sila. Nang makita si Sonny ay parang biglang nanghina si Ibet. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga muscles, ang tila pagkawala ng lakas ng kanyang mga joints. Kaya medyo napahigpit ang pagkakakapit niya kay Biboy para  dito siya humugot ng lakas. Wala silang imikan hanggang sa makapasok sa malamig na snack shop sa may Delta. Tulad nang dati’y inalalayan siya ni Sonny hanggang maayos na siyang nakaupo. Saka ito naupo sa silyang katapat ng kay Ibet. Lumapit ang isang service crew. Iniabot sa kanila ang tig-‑iisang menu card. “Ibet, ano ba.. katulad din nang dati?” Tuwid na nakatingin sa kanya ang lalaki habang si Biboy ay abala sa pagbabasa ng mga nakalista sa menu card. Tumango si Ibet. “Okay. . chunky chicken and cheese sandwich, tig-‑iisang slice ng San Rival saka malamig na malamig na coke in can,” aniya sa nagsisilbi sa kanila. “Ganu’n na rin ang sa akin. Pero ayoko ng drinks in can. Gusto ko’y may ice bits para  talagang malamig na malamig,” ani Biboy na nakangiti kay Sonny. Habang hinihintay ang kanilang order ay sige si Biboy sa pagtatanong. “Sino ba ang nagpakalat na nag-‑asawa ka na kaya hindi mo na sinipot pa si Cousin, ha, Sonny?” “Ang mama ko, Biboy. . Ibet, sorry talaga. Alam mo naman ang mga parents. Ayaw nilang lalabas na naaagrabyado ang kanilang mga anak. Lalo’t lalaki ako. Dahil din sa tsismis na tinalikuran ako ni Ibet. Pero ang totoo’y miscommunication lang ang lahat. At kaya matagal akong hindi nakadalaw kay Ibet ay naglubha ako. Pulmonya.” “Kahit sana nag-‑text ka! pangungulit ni Biboy. Tumawa si Sonny. Napailing. “Paano naman ako makakapag-‑text ay puro duro ng karayom na may mga tubo ng gamot ang mga daliri ko. At natural lamang na hindi gugustuhin ng mama ko na makipag-‑communicate dahil nga sa maling  paniniwala niya sa totoong nangyari.” “Puwede kaya, tama na ang ganyang usapan? Nakaraan na ang pinag-‑uusapan nyo. Na hindi na babalik gustuhin man natin.. heto na ang ating order,” pagputol ni Ibet sa kanilang pag-‑uusap. Pero ang totoo, nasasaktan siya sa naririnig na panig ni Sonny. Alam niya na nasa kanya ang pagkakamali. Sobra siyang one-‑sided. Na kung ano lamang ang gusto niyang paniwalaan ay iyon na ang tama. Habang kumakain ay nagbabalita si Sonny ng tungkol sa naging buhay niya pagkaraang magpakasal si Ibet at tumira na sa Amerika. “Isang Chinese friend ko ang nagyaya sa aking magpunta sa Papua New Guinea para mag-‑ start ng business. Ang kanyang papa ang nagpahiram sa amin ng puhunan. Hindi naman kami nabigo. More than a year lang kaming nag-‑ concentrate sa pagma-‑manufacture ng ready-‑to-‑ wear garment doon ay nag-‑i-‑export na kami. Ngayon, kaya ako umuwi ay nagkasundo kaming maglagay na ng mga branch dito. May mga  humahango sa amin na ibang negosyante ng damit at nagdadala rin dito ng brand namin at nakita naming mabenta.” “Tamang-‑tama naman at nagkita kayo ni Ibet. Dapat lang na ang dating magkakaibigan ay hindi mawalan ng kontak sa isa’t isa,” ani Biboy. “Ganyan din ang paniwala ko, Biboy, kaya nga pagdating na pagdating ko ay isa-‑isa kong dinalaw ang mga friends ko.” “Ako, Sonny, hindi mo na ba friend?” Parang may himig hinanakit si Ibet. Nananaig na naman ang talagang pagtingin niya sa dating katipan. “Hindi ko kasi alam na narito ka.. at si Biboy. May sinasabi ‘yung isa nating kaibigan, si Herbert pero hindi ko maintindihan. Pero heto na tayo ngayon, di ba?” “Bilisan na natin ang pagkain. Ayokong masyado kaming late umuwi. Mag-‑aalala ang mama ni Ibet,” ani Biboy.  Pagkakain ay tatayo na si Sonny para magbayad. Pero pinigil siya ni Biboy. “Ako ang nagyaya, Sonny. Pabayaan mong ako ang magbayad. Sige, iiwan ko muna kayong dalawa,” anito. Nang makalayo na si Biboy ay tumingin si Sonny sa dating katipan. Malamlam ang mga mata. “Ibet, kahit minsan ay hindi kita makalimutan, alam mo ba ‘yon? Lagi kitang naaalala. Miss na miss kitang lagi. Kanina, nang makita kita ay para akong isang naghihingalo na nang makita ka’y nagbalik ang sigla. Nabuhay uli.” “Sonny, ano ba? Hindi mo alam ang sinasabi mo. May asawa na ako. Mag-‑aapat na taon nang wala na tayo. Hindi na tama ang mga pinagsasasabi mo,” tanggi ni Ibet pero ang lakas ng tahip ng kanyang dibdib. Tila nagwawala ang pintig ng kanyang puso. Ngayon lalo niyang  tiyak, hindi pa nawawala sa kanyang puso at isip. . sa buong sistema niya, si Sonny at ang kanyang taimtim na pag-‑ibig dito. “Ibet, hindi kasalanan ang balikan ang mga alaala ng ating masasayang nakaraan. Atin iyon, di ba? Wala nang maaaring umagaw noon sa atin. O pagbawalan tayong iwaglit iyon sa ating nakaraan.” “Sonny, please, hayan na si Biboy.” “Listen, Ibet. Magkita tayo bukas. Sa dati. Alam kong hindi mo pa rin iyon nakakalimutan. Mag-‑uusap lang tayo. Dalawang dating magkaibigan na gustong masolo ang ilang sandali bago sila maghiwalay na muli at maaaring hindi na magkita pa. O kung magkita man ay tiyak na mapuputi na ang kanilang buhok. . please, Ibet? Marahan siyang tumango dahil nakita niyang paparating na si Biboy sa kinauupuan nila. Kaunting kuwentuhan pa’t nagpaalaman na sila. Kinamayan ni Sonny si Ibet. Marahang pisil nito ang palad ng katipan. Saka pangiting nagpauna na sa pag-‑alis. “Cousin, hindi pa rin siya nagbabago. Pogi at pormang-‑porma pa rin. Hindi na siya nagmahal uli. Sabi niya’y nabuhos na ang kanyang panahon sa negosyo. Sayang na pag-‑ibig. . sayang na panahong nawala na at hindi na babalik,” ani Biboy bago pa kumaway para sa taksing sasakyan papauwi.

 

 CHAPTER 8

 SA taksi, nahalata ni Biboy na balisa ang pinsan. Parang hindi mapalagay. Panay ang buntunghininga at pagtanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. “Cousin. . problem, di ba? Share?” Hindi kumibo si Ibet na parang hindi narinig ang tanong ng katabi.  “Feeling ko, si Sonny ang dahilan. Kailangan bang magkaila ka pa sa akin? Sige ka, mapupuno ang dibdib mo ng emosyon na pag sumabog. . bahala ka,” banta pa. “Biboy, nalilito ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.” “Bakit nga ba?” “Gusto niyang magkita kami bago tayo magbalik sa California. Tutol ang isip ko pero. .” “Payag na payag ang puso mo, ganu’n.” “Tama ka. Pero alam kong mali.” “Okay din ang statement mo. Tamang mali. Mero’n bang ganu’n?” “Biboy, tulungan mo ako!” Paiyak na si Ibet. “Look, cousin. Ikaw naman kasi ang punu’t dulo ng problema mo ngayon. Kung pumayag ka na noon pa na mag-‑abroad si Sonny para mapadali ang pag-‑iipon nyo ng pera para sa future nyo, e di kayo sana ang maligayang mag-‑ asawa ngayon. Pinairal mo kasi ang pride mo noon na mali naman, tapos ‘ayan ka, problemado ngayon. At kahit sino ang tanungin mo, hindi ka mabibigyan ng tamang solusyon. Ikaw lamang kasi ang puwedeng lumutas niyan. Malaki ka na. Hindi na batang munti. Ikaw ang magdesisyon para kung anuman iyion ay wala kang maaaring masisi kundi ang sarili mo.” “Pero.. ” “Ganito, ha. Tanungin mo ang sarili mo kung pupunta ka ba o hindi. Pag umoo ang sarili mo, then go. Pero pag the other way, maghanda ka na’t four days from now ay lilipad na tayo.” Hindi na kumibo si Ibet. Ibig sabihin ay payag na siya sa suhestiyon ng pinsan. “Sasamahan na lang kita hanggang du’n sa meeting place. Pagkatapos ay manonood ako ng sine. Umuwi ka na lang mag-‑isa. Hindi ka na siguro tatanungin sa inyo.”  Magdamag ang inubos ni Ibet para gumawa ng pasya. Pero kumakalat na ang liwanag sa silangan ay wala pa rin siyang nagagawang pasya. Hanggang sa makatulog siya’y blangko pa rin ang kanyang isip sa kabila ng excitement mula sa kanyang puso na makipagkita kay Sonny. Sabi nito’y sa huling sandali. “Ibet, may sakit ka ba? Matamlay ka’t kagabi pa walang ganang kumain,” puna ng ina. “Kasi po.. masakit. . ang ngipin ko. Pati ang buong ulo ko.” “Bakit hindi ka muna magpunta sa dentista. Mahal du’n sa Tate ang dental fee. Mahuhusay ang ating mga dentista, baka akala mo. Du’n ka kay Dr. Bonie magpunta,” payo ng ama niya. “Hapon siya sa clinic.” “Tama kayo. Pupunta po ako roon mamayang hapon,” ayon niya para makaalis siya kahit na nag-‑iisa. Hindi na niya bubuligligin si Biboy at baka kung magkalituhan ay hindi mapasali sa gulo ito. Pagkapananghalian ay gumayak na siya sa pag-‑alis. At bago pa siya nakalabas ng bahay ay nabuo na ang kanyang pasya na makikipagkita kay Sonny. Like the old times, for the last time. Tamang-‑tama ang kanyang pag-‑alis. Noon, laging alas dos sila nagkikita sa may likuran ng PICC. Walang isang oras ang trip sa taksi mula sa Sampaloc hanggang PICC. Habang nasa taksi ay hindi niya mapigil ang kaba. Magkahalong takot at pananabik ang kanyang nararamdaman. Nanlalamig ang kanyang palad at talampakan. Pinagpapawisan siya. Feeling niya’y tatalon ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Pagbaba niya mula sa taksi ay nanginginig siya. Parang walang gana ang kanyang mga tuhod. Mabuway ang kanyang mga paghakbang. Malayu-‑layo pa ang kanyang lalakarin bago niya marating ang meeting place. Nang paliko na siya’y tanaw pa rin niya si Sonny. Palinga-‑linga.Hinahanap na siya. Saka titingin sa kanyang relo. Halatang naiinip na. “Narito na ako, Sonny,” pukaw niya rito mula sa likuran. Sinadya niyang maging maingat sa paglapit para sorpresahin ang binata. “Ibet!” bulalas ng lalaki na halatang tuwang-‑ tuwa. Mabilis siyang sinalubong habang halatang nalilito kung paanong pagtanggap ang gagawin sa pagdating ni Ibet. “Sonny, hindi ako magtatagal. Kailangan kong magpunta sa dentista dahil iyon ang alibi ko.. masakit ang ngipin ko kaya nakaalis ako nang nag-‑iisa. “Du’n tayo sa dati nating lugar,” saka inakay si Ibet, hawak nang mahigpit ang kamay. Gusto sanang hatakin ni Ibet iyon pero parang tutol ang kanyang puso. Gusto niyang maramdaman ang pagkakahawak ni Sonny sa kanyang kamay. Parang nagbalik ang damdamin noong sila’yhindi pa nagkakahiwalay ng landas. “Maupo ka, Ibet and please, relax. Ramdam kong you’re shaking all over na parang natatakot ka sa akin.” Inalalayan siya nito sa pag-‑upo. Bumuka ang kanyang mga labi para sabihin kay Sonny na hindi siya takot. Excited lang. Pero parang may bikig siya sa lalamunan at bumigat ang kanyang dila at hindi niya maialsa iyon. Saka naupo si Sonny sa kanyang tabi. Malapit na malapit. Halos magdikit na ang kanilang katawan. “Like the old times?” Anito na ngumiti sa kanya pero malungkot na ngiti. Tumango si Ibet. “Oo, like the old times,” ulit ni Ibet na natagpuan na ang kanyang tinig. Inabot ni Sonny ang kamay ni Ibet. Ikinulong sa kanyang dalawang palad, hinapit sa kanyang dibdib. Naramdaman ng binata ang pagsisikap ni Ibet na hatakin ang kamay nito. Nilingon niya ang katabi. “Ibet, please, pabayaan mo na ito. Dahil gusto kong maramdaman mo ang sinasabi ng puso ko... ikaw pa rin ang pinakaiibig. Noon. Hanggang ngayon. Hanggang mawala na ako sa mundong ito. At kung totoong may kabilang buhay, patuloy kitang iibigin hanggang doon. Hanggang sa katapusan ng panahon,” saka dinala sa kanyang mga labi ang kamay ni Ibet, hinalikan ang lukong ng kanyang palad. “Sonny! Huwag!” malakas na bulalas saka mabilis na hinatak ang kanyang kamay. “Mali na ito. Hindi tama na. . m-‑may asawa na ako. “Pero inagaw ka niya sa akin, Ibet. Akin ka, narinig mo! Nangako tayo sa isa’t isa!” Pigil ang damdaming sabi pero nangilid ang luha niya. “Noon iyon, Sonny. Noong kapwa pa tayo malaya. Pero hindi na ngayon!” “Bakit,Ibet.. hindi mo na ba ako mahal ngayon? naagaw ka na bang tuluyan ni. . ni Rodel sa akin?” Nagdaramdam si Sonny. Tinitigan nang buong pag-‑ibig si Ibet.  “Sonny. . patawad. Kasalanan ko kung bakit tayo nagkalayo. Napatangay ako sa aking pride. Pero maniwala ka. Pinagdudusahan ko na ang pagkakamali ko. Ang pagiging makasarili. Patawarin mo ako!” “Ibig mong sabihin. . mahal mo pa rin ako? Pagmamahal na katulad noon?” “Kahit kaunti ay hindi. Pero pilit kong itinataboy iyon sa sulok ng aking pagkatao. Dahil walang kasalanan si Rodel. Unfair sa kanya na maramdaman man lamang niyang hindi ko siya talagang minahal dahil sobrang pagmamahal at pag-‑aasikaso ang ibinibigay niya sa akin. “Paano ako, Ibet? Paano ang ating pag-‑ibig? Hindi makasagot si Ibet. Hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw niyang mag-‑commit pa ng kahit ano sa binata. “Ibet?” “Sonny, napagbigyan na kita. Magpapaalam na ako. Ipagdarasal kong lagi na sana’y matagpuan mo ang isang pagmamahal na hanap mo. Ako. . huwag mong alalahanin. Baunin mo ang katotohanang mahal na mahal pa rin kita. Hindi pa tapos ang buhay. Ano’ng malay natin na baka isang araw ay muli tayong maging malaya at basbasan tayo ng langit,” umiiyak na pahayag ni Ibet. “Ibet, iwan mo na si Rodel. Sumama ka sa akin. Magsimula tayong muli. Iiwan nating lahat ang anumang alalahanin dito sa Pilipinas. Hindi na niya tayo mahahanap, maniwala ka, Ibet,” saka kinabig si Ibet, niyakap nang mahigpit at pinaghahalikan. Maalab ang mga halik ni Sonny, puno ng pag-‑ibig. Nadala si Ibet sa kapusukan ni Sonny at maging ang kanyang pagmamahal na kaytagal na nakuyom sa kanyang puso. Ginanti niya ang mga halik at yakap ni Sonny. Hanggang parang nakalimot na siya nang husto. Natagpuan na lamang ni Ibet ang sarili, nang matapos na ang lahat, na nadala na pala siya ni  Sonny sa isang tagpuang bawal. Walang salita. Walang luha na bumangon si Ibet mula sa kama. Nagbihis. Inayos ang sarili. Dinampot ang bag. Isinuot ang sapatos. “Ibet, sasama ka sa akin. Bukas na bukas ay aayusin ko ang travel documents mo. Ako’ng bahala. Aalis ka under a new and fictitious name,” bumangon si Sonny para yakaping muli si Ibet. Itinulak niya si Sonny. Saka patakbong tinungo ang pinto. “I’m sorry, Sonny, minsan na akong na-‑ guilty dahil para na ring niloko ko si Rodel nang pakasal ako sa kanya na ikaw pa rin ang mahal ko. Ngayon ay lalong malaking pagkakasala ang nagawa ko na lalo kong pagsisisihan habambuhay. Pakawalan mo na ako, please,” saka nagmamadaling lumabas ng pinto para iwan si Sonny. 

 

 CHAPTER 9

SA tatlong araw na nalalabi para magbalik na sila ni Biboy sa Amerika ay paulit-‑ulit na nagtangka si Sonny na makita si Ibet at makausap. Pero naipasya na ni Ibet na sinsero siya sa pasyang kalimutan na si Sonny. Kung anuman ang nangyari sa kanila ay dala lamang ng kapusukan. “Hindi na ba magbabago ang desisyon mong hindi na pahahatid sa mga parents mo sa airport pag-‑alis natin? usisa ni Biboy. “Buo na, Biboy. Masakit kasi ang pagpapaalaman. Alam na nila ang pasya ko at nauunawaan nila ako.” “Ibet, si Sonny. .” “Please, Biboy. Ayokong pag-‑usapan ang tungkol doon,” saka itinuloy na ang kanyang pag-‑ iimpake. “E, si Sonny, alam kong narito pa. Baka.. ”  “Hindi niya alam ang pag-‑alis natin, Biboy. Napakiusapan ko ang mama at dad ko, pati na ang mga kapatid ko na ilhim ang pag-‑alis natin. Sinabi kong alibi na ayoko nang umiyak sa airport.” Gabi nang paglipad nila pabalik ng Amerika ay maagang dumating ng airport sina Ibet at Biboy. Matapos maghintay ng schedule ng flight nila ay panay ang kuwentuhan ng dalaga. Magkatabi pa rin sila hanggang sa loob ng eroplano. Panay pa rin ang kuwento ni Ibet. Halatang pilit na nagiging masigla. “Cousin, you don’t have to. . na magkunwaring masaya ka. Alam ko na lalo kang pinalungkot ng tuluyang paghihiwalay na ninyo ni Sonny. Kaya habang narito tayo sa biyahe ay ubusin mo na ang lungkot at kung anumang emosyon para pagdating natin kay Rodel ay hindi na mahirap na magkunwari. Naitapon mo na ang  iba rito habang pauwi tayo.” “Biboy, salamat sa pag-‑unawa, aniya saka kinawit niya payakap ang pinsan. “Alam mo, sa akin ay kung ilang ulit nang nangyari ang katulad nang dinaranas mo ngayon. Dahil hindi ako girl at kailangang makipagrelasyon ko’y wala akong naranasang peace of mind ni minsan. Paano, alam kong walang magtototoo sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako mamahalin. Kung kelan siya makakakita ng babae para ipalit sa akin. “Pero pinipilit kong ibaon sa limot. I have to move on. Kundi’y baka ako maloka. Kaya alam na alam ko ang nararamdaman mo lalo’t minsan ay may inibig na ako ng kasing tamis, kasintindi at kasing-‑alab ng nararamdaman mo para kay Sonny,” madamdamin ang pagtatapat ng bakla.  “Biboy?” “Believe me. Walang bola ito. Mula noon, ayoko nang magmahal pa. Tsine-‑cherished ko na lang kung ano kami noon dahil naramdaman ko rin sa kanya na totoong minahal niya ako. Kaya lang. . hindi talaga puwede. Hindi ba?” “Biboy!”.. at umiyak sila sa isa’t isa hanggang sa masaid ang kanilang mga luha at makatulog. Nang magising sila’y abala na ang mga pasaherong bababa sa Los Angeles Airport sa pag-‑aasikaso sa kanilang mga bagaheng hand carried. “Cousin, dagdagan mo’ng make-‑up mo, ha. Para hindi mahalatang puffy face ka dahil sa pag-‑ iyak,” payo ni Biboy. “Baka magtanong si Rodel.” Sasabihin ko sa kanyang nakalungkot sa akin ang muling pag-‑iwan ko sa mga magulang kot kapatid. Kung hindi siya magtanong, mas mabuti.  At Biboy. . aasahan kong lihim na lihim ang ginawa kong pakikipagkita kay Sonny, ha?” “Promise! Swear to heaven!” Itinaas pa pasumpa-‑sumpa ni Biboy ang kanang kamay. Nakakapit na mabuti si Ibet sa braso ni Biboy nang lumapag sila. Na para bang doon siya humuhugot ng lakas ng loob para harapin ang asawa na may guilt siya, na ngayon ay doble na sa kanilang pagkikita. Paglabas nila ni Biboy ng arrival area ay nakita niya agad si Rodel. Nakangiti, kumakaway sa kanila nang buong sigla at saya. Humiwalay si Ibet sa karamihan. Nagmamabilis ang mga hakbang na patungo sa kinatatayuan ni Rodel. Saka mahigpit na yumakap dito. Hindi pakunwari ang ginawa niyang iyon. Talagang na-‑miss niya rin ang asawang naging napakabuti sa kanya.  “Kumusta ang mahal ko?” masayang tanong ni Rodel. “Okay lang. . tena, umuwi na tayo. Idaan na lang natin sa kanyang apartment si Biboy,” saka kinawit na ang kabiyak. Kasunod ang isang airport porter, tulak-‑tulak ang kinalalagyan ng kanyang dalawang maleta. Palabas na sila ng airport nang magsabi si Rodel na paalis din ang grupo nito nang gabing iyon. Sinundo lamang nito ang asawa at bibiyahe na sila ng mga kasamahang musikero patungong East Coast para sa six day engagement sa iba’t ibang cities doon. “Pero, Rodel, alam mong ngayon ang dating ko!” may himig tampong sabi nito. “Alam ko, Ibet. Pero alam mong ito ang aking trabaho. Hindi ka pa rin ba nasasanay na sa short notice ay bumibiyahe kami?” Hindi na siya kumibo. Humilig na lamang siya kay Rodel dahil parang bigla ay nakaramdam  siya ng matinding pagod sa maraming oras nilang paglipad sa Pilipinas pabalik sa Amerika. “Love, talagang gusto kong magkuwentuhan tayo sa kung anu-‑ano ang mga pangyayari sa atin. Pero kailangan ako. Sa pagbabalik ko’y nangako ang aming manager ng ilang araw na pahinga. Sasamantalahin natin at bibiyahe tayo. Kahit saan.” Hinalikan nito sa pisngi si Ibet. “Pag-‑usapan na lamang natin yan sa pagbabalik mo,” aniya at tinulungan na ni Ibet ang asawa na maipasok nila ang kanyang mga maleta. Nang mapag-‑isa, pakiramdam niyay hindi na siya makakaramdam o makakaranas pa ng katahimikan ng isip. Namalagi na lamang siyang hahabulin ang kanyang mga pagkakamali, lalo na ang napakalaking pagkakasala niya kay Rodel. Napaiyak si Ibet. Napakahirap ng kalagayan niya ngayon. Makakawala pa ba siya sa situwasyon o mananatili na lamang siyang ganito  habambuhay? Isang katanungang tanging ang panahon lamang ang makakasagot. Pero nang makabalik na si Rodel ay si Ibet ang hindi puwedeng mag-‑leave pa dahil matapat iyon sa kanilang semi-‑annual inventory naman sa bangkong pinagtatrabahuhan. “Marami pang panahon para sa pagbabakasyon. Saka, may weekend tayo para magpahinga. Two days tayong matutulog at pagkagising ay kakain. Hindi tayo magluluto dahil magpapa-‑deliver na lamang tayo ng kahit anong pagkaing gusto natin. Tapos, tulog uli. Pahingang-‑pahinga tayo, pampalubag ni Rodel sa kanilang sarili. “Salamat at wala kaming tugtog this weekend.” “Salamat sa pang-‑unawa, Del, at yumakap si Ibet sa kabiyak. Itotodo na niya ang  pagkukunwari upang kahit paano ay mapagtakpan ang kanyang mga pagkakamali at pagkakasala. “Alam mo, cousin, bilib na bilib ako sa iyo. Kapag kaharap mo si Rodel ay nagagawa mong magpakita ng sigla. Pero pag wala na siya sa harap mo’y para kang lantang kamatis. Paano mo nagagawa ‘yon?” “Dahil kailangan kong gawin. Napakabuti niya sa akin para pagpakitaan ko siya ng hindi maganda.” “Kadusa-‑dusa ang ganyan. Nakaka-‑stress nang husto.” “Bunga iyan ng mali kong desisyon. Salamat at narito ka lagi sa tabi ko, Biboy. Kahit paano’y may nahuhugutan ako ng lakas ng loob at nakakabawas ng bigat ng aking dibdib.”  “Cousin naman. What are relatives for kung hindi tayo magdadamayan? Pero sikapin mong kalimutan, Ibet. I hate to see you grow old before your time. Hindi ko ma-‑imagine na ke bata mo pa’y kulubot ka na at laging maasim ang expression ng mukha mo dahil sa mga alalahanin.” “Ako rin naman. Siguro kaunting panahon pa’t makakalimot rin ako. Gusto ko rin namang makaranas ng kaligayahan sa buhay. Salamat na lang at may Rodel na sobrang nagmamahal sa akin.” “Sana nga.. ikaw at pati na rin si Sonny ay maka-‑move on na. Ma-‑realize din sana niya na talagang hindi kayo para sa isa’t isa.” “Ganyan din ang dasal ko, Biboy.”

 

 CHAPTER 10

 ISANG umaga iyon na nagising si Ibet na madilim pa. Tinanaw niya ang bedside table kung saan nakapatong ang alarm clock. Alas-‑kuwatro pasado pa lang ng madaling araw. Maaga pa para maghanda ng almusal. Isa pa, tiyak na hindi agad magigising si Rodel dahil kauuwi lamang nito. Katutulog lang dahil inumaga ang wedding party na tinugtugan ng grupo nito. Nahiga uli si Ibet. Pero napasimangot siya nang maramdaman ang biglang pagsakit ng sikmura. Para bang umiikot ang sakit sa buong tiyan niya. Napapikit siya nang mariin, tutop ang sikmura. Gigisingin sana niya si Rodel nang maramdamang mapapasuka siya. Nagmamadali siyang bumaba ng kama, tinungo ang banyo at doon ay nagduduwal. Hilung-‑hilo. Naghilamos si Ibet. Pinatuyo ang mukha bago nagbalik sa kama. Muling nahiga. Pero sige pa rin ang paghilab ng kanyang tiyan. Parang hindi niya matagalan ang sakit kahit tinitiis niya. Tumihaya siya sa pagkakatagilid. Lalong umikot sa kanya ang paligid. Inisip kung anu-‑ano ang kanyang kinain at ganoon ang nararamdaman. Hindi na talaga siya makatiis. Kailangan niya ng gamot. Ginising niya ang asawa, paiyak na  dumaing. “Talaga bang masakit na masakit?” usisa ni Rodel. Hindi na siya makapagsalita dahil tumitindi ang hapdi ng kanyang sikmura, tumango si Ibet. “Halika, tutulungan kitang magbihis. Pupunta tayo sa doktor!” alarmadong sambit ng lalaki. Ilang sandali pa, nag-‑aalala nang hustong sige sa pagmamabilis si Rodel sa pagmamaneho para madala agad si Ibet sa ospital. “Love, hold on. Malapit na tayo. Magagamot ka na. Natatanaw ko na ang ospital.” Itinuloy agad sa examination room si Ibet. Pinaiwan ng doktora si Rodel sa labas. Parang kay bagal-‑bagal ng pag-‑ikot ng relo. Nag-‑aalala na nang husto si Rodel kung bakit wala pang lumalabas na doktor o kahit nurse para may mapagtanungan siya ng kalagayan ng asawa.  Pagkalipas ng halos isang oras ay lumabas ang doktora. Masaya ang ngiti nito nang lumapit sa kanya. “Kumusta po ang misis ko, Dok?” “Okay na siya. Congratulations. Your wife is in the most interesting stage of her life as a woman!” Gagap ng doktora ang kanyang kamay bilang pagbati. “Dok?. . Hindi ko yata maintindihan!” Kunot ang noong hinigit ni Rodel ang kamay sa pagkakagagap ng doktora. “Your lovely wife is pregnant!” bulalas ng doktor. Napaurong si Rodel. Nabigla. Kahit kaunting hinala ay wala siya para sa dinaramdam ng asawa. “Dok?” “You heard me right. She’s infanticipating.”  “Dok, puwede ko ba siyang makita?. . Please!” “Sige, pumasok ka na. Pinagpahinga ko lang siya at maaari na kayong umuwi. Ire-‑refer ko siya sa isang mahusay na OB-‑Gyne kung wala pa kayong napipili. Kailangan niya ng pre-‑natal check-‑up, saka masaya nang tumalikod ang doktora. Pahangos na pumasok ng examination room si Rodel. Nang makita ang kabiyak ay mahigpit na niyakap ito. Halos paiyak na. Hindi makapagsalita dala ng tuwa. “Sinabi ba sa iyo ng doktor?” Tumango si Rodel, iniangat mula sa dibdib ni Ibet ang mukha. Nakangiti. “Salamat, love. Salamat at magkakaroon na tayo ng baby. Magiging daddy na ako!” saka nagtatawang hinalikan ang misis. Magkahalong damdamin ang naramdaman  ni Ibet nang malamang buntis siya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may halong lungkot ang kanyang isip. Dapat ay tuwa lang. Dahil ngayong may parating na siyang anak ay dito na mabubuhos ang kanyang panahon at buong atensiyon na magiging hudyat para tuluyan na niyang maibabaon sa limot kung anuman ang kanyang mga maling nagawa. “Loka, ganyan lahat ang nararamdaman ng bagong ina. A new mother’s jitters. Mawawala rin ‘yan,” masayang sabi ni Biboy nang puntahan niya si Ibet paglabas nito mula sa bangko. “Ewan ko ba, Biboy. Parang natatakot akong hindi ko mawari.” “Masasanay ka ring buntis. Para kang nakalunok ng bola ng basketball pagdating ng araw, o.” “Hindi ako papasok bukas, Biboy. Babalik ako dahil ang OB-‑Gyne ang magtsi-‑check-‑up sa akin. Kahapon kasi’y hindi espesyalista sa mga buntis ang umeksamin sa akin.”  Matagal ang eksaminasyong ginawa kay Ibet. Kinuha ang lahat niyang health record. Kasabay na si Dra. Barbara Baldwin nang lumabas sila kung saan naghihintay si Rodel. Sinalubong agad niya ang dalawang babae. “Nothing to worry about her, Mr. Versoza. She’s a healthy lady and I know she’ll go through her pregnancy with no problem at all.” “Thanks, Dra. Baldwin,” tuwang sagot ni Rodel. Pauwi sila’y walang kibo si Ibet. Napuna agad ito ni Rodel. “May problema ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?” nag-‑aalalang tanong. “Wala, Del. Huwag mo akong alalahanin. Siguro ay naninibago ako sa isipin na may lamang tao sa aking tiyan,” bahagya siyang ngumiti. Hindi siya nagsisinungaling. Talagang iyon ang nasa isip niya. Isa sa maraming pag-‑aalala niya sa  kalagayan. Hindi nakasama si Rodel kinabukasan nang makipagkita siya sa inirekomendang OB-‑Gyne sa kanya ni Dra. Baldwin. Bata pa ito. Mestisang puti at itim na Amerikano. Mulato ang tawag sa kanila, pati kulay ng balat ay parang pinaghalong kape at gatas. Mabait ito at napanatag agad ang loob ni Ibet. “Mrs. Versoza, when was your last period. . month and date,” unang tanong nito pagkatapos makuha ang kanyang vital signs. Sinabi niya. Marami pang itinanong si Dr. Carla Stevenson na inilistang lahat nito sa record na sadyang inihanda para kay Ibet. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. Sinabi ang due niya sa panganganak. “That will be the ninth month of July this year,” anang doktora at kinamayan siya bago naupong muli.  Balisa si Ibet. Kahit anong pagbilang ang gawin niya ay lumalabas na kapos sa buwan ang fetus na nasa kanyang tiyan. Sa tamang pagtaya Page 18 0 of 309 ang kanyang pagbubuntis ay lumilitaw na ang isisilang ay anak niya kay Sonny. Biglang nanlamig ang katawan ni Ibet. Umiikot ang kanyang paligid pero pilit nagpakatatag. Hindi bobo si Rodel. Kailangang magawan niya ng paraan na maitugma ang panganganak sa petsa ng pagtigil ng kanyang menstruation period. Mabilis na nagkuwenta siya mentally. At nang maitugma ang date na aangkop sa kanyang due date ay hinusay niya ang sarili. Nagbalik siya sa klinika ni Dr. Stevenson. “Mrs. Versoza.. you wish to speak with me again? Problem?” “I’ve made a mistake about the date when my last flow occured. I wonder if you can change it yet.”  “Oh! But of course. Now. . let me have the right date, please,” anito. Kinuha ng mabait na doktora ang ledger para kay Ibet. Pinalitan ang petsa. Pagkaraan ay maluwag na ang kalooban ni Ibet na nagpaalam. Kung anuman ang maaari pang mangyari habang hinihintay niya ang panganganak ay bahala na. May ilang buwan pa siya para mag-‑isip ng maaaring maging dahilan. Ngayon ay lalong naghihirap ang kalooban ni Ibet. Paano kung matuklasan ni Rodel ang lahat? Ano pang mukha ang maaari niyang iharap sa napakabuting asawa? Kung sana’y pinilit siya ni Rodel na angkinin siya, piliting makasal sila. Pero hindi ganoon. Pumayag siya dahil inakala niyang bukod sa magagantihan niya si Sonny sa noon ay inakala niyang pagtataksil sa kanya at sa pangako nito, isang napakabuting lalaki pa si Rodel na ramdam niyang mahal na mahal siya. Pero ngayon, paano na?  Kahit pa totoong hindi niya sinadya ang nangyari ay totoong naging marupok siya nang mga sandaling iyon. Nadala siya nang malabis na pagmamahal kay Sonny. Ang kasalanang iyon ay isinisisi ni Ibet sa pag-‑ibig. “Love, ano ba ang sabi ni Dra. Stevenson? Bakit patuloy ang pamamayat mo? Nangingitim na ang paligid ng iyong mga mata. Alam kong hindi ka makapagtulog,” kumakain sila ng hapunan noon nang pansinin ni Rodel ang pamamayat niya. “Wala naman daw akong sakit. May mga kaso raw ng pagbubuntis na ganito. Hindi naman kasi ako maaaring uminom ng anumang pampatulog dahil makakasama sa baby natin. Siguro dadagdagan ko na lang ang pagkain ng masusustansiyang pagkain para maging malakas ang resistensiya ko,” ang sabi niya. “Pero talagang nag-‑aalala ako sa iyo, Love. Sa next appointment mo sa kanya ay sasama ako,” matatag na pasya ni Rodel.  “Aba, naku, huwag!” mabilis na sagot ni Ibet. “Pero bakit? Ako ang ama ng batang iyan at dapat lang na ma-‑concern ako sa nangyayari sa iyo at alam kong maaapektuhan din ang baby.” “Ako na lang ang bahalang kumausap kay doktora. Ayokong maistorbo ka pa, e maaari namang ako na lang ang gumawa. Huwag ka nang mag-‑alala. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko maliban nga sa di ako mapagkatulog.” Lalong nabalisa si Ibet. Natatakot na siya. Parang hindi niya kayang sarilinin ang problema niya. Tineks niya si Biboy. Pinakiusapan niyang dalawin siya nito sa kanilang bahay at itaon nitong nakaalis na si Rodel. Aniya ay may mahalagang bagay siyang kailangang-‑kailangang mai-‑discuss sa pinsan.  Nangako si Biboy na darating.

 

 CHAPTER 11

HAPIS na hapis ang mukha ni Ibet. Nang pagbuksan niya si Biboy ng pinto ay napapailing ang pinsan. “Cousin naman. Hindi ko na alam kung ano talaga ang nangyayari sa iyo. Malapit ka nang magmukhang kalansay. . pero kahapon ay hindi ka naman ganyan,” pumasok si Biboy na yapos sa bewang ang pinsan. “Dahil kahapon ay hindi pa ganito kabigat ang problema ko, Biboy. Kaya nga kita pinaparito. Hindi ko na kaya ang lahat-‑lahat! At napahikbi siya. “Hoy, ano ba?” Inakay ni Biboy ang pinsan sa bedroom nito. Hala, sampa sa kama. Sumandal ka sa headboard habang nag-‑uusap tayo. Baka bigla ka na lang matumba, e mataranta ako at atakihin sa puso sa takot.”  Umiyak na talaga siya pero sinunod si Biboy. “Ngayon. . go! Makikinig ako. Bakit, may iba pa bang problema bukod sa mga alam ko na? Dumating ba rito si Sonny at hina-‑hunting ka? “Biboy, mangako ka muna. Na ang ipagtatapat ko’y isang lihim na ating-‑atin lamang dalawa!” “Kung ‘yon lang, no problem. Sana’y akong magtago ng lihim na kinakalimutan ko na para hindi ko na maibulalas sa iba pa,” at sumumpa pa si Biboy. “Biboy, hindi si Rodel ang ama ng ipinagbubuntis ko!” Napamulagat si Biboy. Bumuka ang mga labi. Nandidilat at nakatitig kay Ibet. Matagal na naghari ang katahimikan maliban sa pabugsu-‑bugsong hikbi ni Ibet. “No!” Sa wakas ay bigkas ni Biboy. “Sabihin  mong nagbibiro ka lang. At hindi magandang joke ito, Ibet!” “Biboy. . iyon ang totoo. May nangyari sa amin noong nagkita kami!” “I don’t believe it, cousin. I just don’t really believe na minsan lang, umepek agad?” “Pero nangyari!” “How sure ka naman. May asawa ka at. .” “May paraan ang konsensiya na ma-‑ determine ang lahat-‑lahat. At dahil doon, pumatak na pregnant na ako. . na-‑impregnate na ako noong nasa atin pa ako. At si Sonny. . siya ang. .” Sige ang hikbi niya. “Paano ngayon? Ano ang plano mo?” “Ewan! Hindi ko alam. Gulung-‑gulo na ako kaya kita pinaparito. Tulungan mo ako, Biboy. Ayokong magduda si Rodel. Ayoko rin siyang masaktan at mawala sa akin. Napakabuti niya at  mahal na mahal niya ako.” “Well at the moment ay dalawa lang ang options na naiisip ko. Ipa-‑abort yan hanggang maaga pa. Pangalawa ay hintaying maisilang. Tapos, at the right time ay ipa-‑DNA test natin siya at si Rodel. Nang palihim siyempre. Kapag nag-‑ match sila ni Rodel, anak niya ‘yan. Pero kapag hindi. . alam mo na kung sino ang ama!” “Pero kung si Sonny nga, paano na?” “Cousin, malayo pa tayo roon. Maraming buwan pa. Meantime, enjoy-‑in mo muna ang feelings ng isang magiging ina. Baka kung pababayaan mong lagi kang nai-‑stress ay maapektuhan ang baby. At walang sinumang ina ang maygustong magkaanak ng autistic o mongoloid o ‘yung may topak, di ba, ha, cousin?” “Pero Biboy. .” “O, bakit, may iba ka pa bang alternative? Sige, sabihin mo sa akin para mapag-‑aralan  natin.” “Wala nga. Pero gusto kong mapaghandaan ang magiging solusyon ko pag hindi nga si Rodel ang ama!” “Ang kulit mo talaga. Wala tayo parehong alam na gagawin. At ang mahahabang mga araw between today at pag na-‑DNA na ang bata ay maaari ngang maging sapat na panahon para makabuo tayo ng plano. O, maliwanag ba?” “Maliwanag. Pero hindi ko kayang dalhin ito nang mag-‑isa. Sanay lagi kitang kasama. “I’m just a text away, cousin.” “E, kung dumito ka muna habang hindi ko pa nareresolba ang problema ko?” “Papayag ba si Rodel? Sanay na siyang kayong dalawa. Kahit nga kasambahay e per ora lang ang bayad n’yo.” “Sasabihin ko na mas mapapanatag ako pag may kasama ako pag wala siya rito. Sa araw ay  walang problema. Marami kayong makakasama ko sa office. Kung narito siya ay siya ang companion ko. Pero kung may tour siya? Mamamatay agad ako sa kaiisip ng problema.” “Okay then. Alam mo namang sa lahat ng cousins ko’y ikaw lang ang talagang mahal ko.” “Salamat, Biboy? Talagang maraming-‑ maraming salamat!” At mahigpit na niyakap ang pinsan. Kahit paano’y nabigyan ng kapanatagan ni Biboy si Ibet. Medyo masaya na silang nagsalo sa pagkain. Nagkagana kahit paano. Gumaan na ang kanyang pakiramdam. Ang kahit ano kasing problema ay gumagaan kapag alam mong may makakaramay ka. “Kelan mo sasabihin kay Rodel na gusto mong dito na muna ako matutulog kung gabi hanggang sa makapanganak ka?” “Mamaya rin. Pero tiyak na madaling araw na siya uuwi. May tugtog sila.”“Uuwi muna ako at iaayos ko na ang mga damit kong dadalhin dito. Kung hindi pa ako aantukin agad ay mag-‑i-‑spin muna ako ng marurumi kong damit.” “Ikaw ang bahala, Biboy. . at salamat, ha. Sobra-‑sobra na ang lahat ng tulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakaganti sa iyo.” “Wala ‘yon. We are family. Sino ba ang gusto mong tumulong sa iyo, e sa tayong dalawa lang ang magkalapit dito.” Nang makauwi na si Biboy ay nahiga si Ibet. Hindi nagtagal at nakatulog siya. Napakalaking bagay talaga sa kanya ang presence ng pinsan.

 

 CHAPTER 12

 HINDI tumutol si Rodel nang magsabi si Ibet na kung maaari ay pansamantala munang doon matulog si Biboy hanggang sa makapanganak siya. “Mabuti naman at pumayag si Biboy. Pero ang talagang balak ko ay ikuha ka ng private nurse kung gabi.” “Hindi na kailangan. Magastos pa iyon. Sapat na ang pinsan ko. Anuman ang mangyari habang wala ka ay madadala niya ako sa ospital at matatawagan ka.” Kinabukasan ng gabi, si Biboy ay sa guest room na nina Ibet natulog. “Tamang-‑tama, sabay na tayong papasok. Araw-‑araw hanggang sa makapagsilang ka. Biboy, ‘yung pinag-‑usapan natin. Huwag sana tayong tumigil ng pag-‑iisip para sa posibleng solusyon.” “Oo naman, ang problema mo ay problema ko rin. At sikapin mong huwag ma-‑stress. Para walang maging komplikasyon sa panganganak mo. Dinig ko’y nahihirapan sa pagsisilang ang isang inang sobra ang stress at tensiyon.”  “Pipilitin ko, Biboy.” “May alam akong mahihingan ng tulong na kapag nagbigay, tapos na ang lahat ng problema mo, cousin.” “Ganu’n pala, e bakit ngayon mo lang sinabi? Sino siya. Kailan tayo pupunta sa kanya?” Nagliwanag agad ang mukha ni Ibet. “Ibet, hindi na natin kailangang umalis. Naririto siya. Kailangan lang ay maging taimtim ka sa paghiling.. kay Lord Jesus. Magtulong tayo sa panalangin sa Kanya. Hilingin nating tulungan ka para maiayos ang problema mo.” “Biboy, lagi akong nagdarasal. Halos sa bawat oras sa maghapon. Sa gabi. Pero narito pa rin ako, pasan ang problemang ako rin ang may gawa,” umiiyak na naman siya. “Ano ka ba? Sabi nang tigilan na ‘yang kaiiyak. Walang ibubungang mabuti ‘yan sa kalagayan mo. Makinig ka naman sana!”  pahinagpis na payo ni Biboy “Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi mag-‑ alala. Napakabait ni Rodel. At ang taong ganyan kabait ay masamang magalit, lalo’t ang kanyang pagkalalaki ang sangkot.” “Cousin, mahal na mahal ka niya. Hindi niya magagawang saktan ka. Maniwala ka sa akin.” “Kung magkamali tayo ng akala? Sa halip ay gulpihin ako at pati ang baby ko’y pagdiskitahan niya? Dadagan iyon sa guilt ko. Narito ang isang taong labis akong mahal, muli’t muli kong sinasaktan at kapag nangyari ang iniisip kong ito, nakakaawa si Rodel. Habambuhay na niyang dadalhin na niloko ko siya. Sinira ko’t winasak ang kanyang dangal, ang kanyang pagkalalaki.” Napabuntunghininga si Biboy. “Biboy, kung alam mo lamang kung gaano ako nagdurusa!” “Ano ba ang dapat nating gawin kung ganyan ang attitude mo about the whole thing!” “Alam ko, mangyayari kahit anong negatibong reaksiyon niya. Kaya naisip kong ipagtapat na sa kanya ang buong katotohanan. Mangyari na kung ano ang mangyayari. Pagkaraan ay tapos na. Matatahimik na ako.” “Ibet! Mali ang iniisip mo! Maaaring sa bugso ng sama ng kanyang loob ay mapatay ka niya. At ako, hindi ako papayag na saktan ka niya nang husto nang wala akong gagawin para idepensa ka. Sa ayaw natin o sa gusto, kasama na ako rito!” Malungkot na paalala ni Biboy. Natahimik si Ibet. Matinding pagod ang kanyang nararamdaman. Hindi na siya makaiyak. Pakiramdam niya’y natuyuan na siya ng luha. “Mabuti pa’y matulog na tayo. Sige, mag-‑ shower ka, warm shower. Tapos, ipagtitimpla kita ng mainit-‑init na gatas. Inumin mo at tiyak na makakatulog ka pagkatapos ring mag-‑pray. Pero kahit gaano ka-‑busy si Rodel ay napapansin din nito ang pagiging malungkutin ng asawa mula nang magbuntis. At nag-‑aalala ito. “Nakikita ko, nararamdamang parang problemado ka. Lagi kang malungkot. Na parang may kinatatakutan na hindi ko maintindihan. Tell me, ano ba ang problema mo?” “Wala.. wala! Sabi ni Doktora ay natural lang daw ito. Na lagi akong nagwo-‑worry dahil sa baby ko.” “Baka pregnancy jitters, Rodel,” sambot ni Biboy. “Teka, kelan ba ang punta mo sa doktor mo?” “Bukas, ten o’clock. Bakit?” “Sasama ako. Ako ang magtatanong sa kanya ng mga dahilan kung bakit ganyan ang mga reaksiyon mo. Marami akong nakitang mga  buntis na masasaya. Excited. Kaiba ka sa kanila. At kung di ako masiyahan sa kanyang sagot ay hahanap tayo ng ibang doktor. Dahil hindi nakasisiya sa akin ang mga nangyayari. Ayokong makikita kang parang lupaypay na lupaypay araw-‑araw, matatag na sabi ni Rodel. Nagkatinginan ang magpinsan. Ayaw na ni Ibet na pigilin pa ang asawa at baka maghinala pa ito ng kung ano. “Cousin, paano kung maghinala siya ng kung ano? Dahil baka mabanggit ng doktora mo na pinabago mo ang date ng last menstrual flow mo?” “Hindi na siya mapipigil, Biboy. Si Rodel, pag may planong nabuo sa isip ay wala nang maaaring makapagpabago pa roon. Bahala na, Biboy, ihahanda ko na lang ang sarili ko sa maaaring mangyari.” “At ako.. I’ll play it by ear. Pag nalaman kong nagkabukuhan na, ihahanda ko na rin ang sarili ko sa anumang mangyayari. God help us!”  Maagang gumising si Rodel kahit alas tres na nang madaling araw natulog. Lampas alas kuwatro na kasi ito nakauwi mula sa trabaho. “Ready ka na? Kumain na muna tayo ng almusal bago ako maligo. Nasaan si Biboy?” “Pumasok na. Maaga siyang umalis kasi’y dadaan pa siya sa kanyang apartment,” sagot niya. Nagsalin ng mainit na kape si Ibet. Hinainan si Rodel. Pilit niyang kinakalma ang sarili para walang mahalata si Rodel na abut-‑abot ang kanyang kaba. Bigo si Ibet na payapain ang sarili sa takot na nararamdaman. Habang papalapit ang kanilang kotse sa doktor ay parang kinakapos na siya ng paghinga. “Ibet, okay ka ba? Bakit parang di ka mapalagay?” “Walang anuman, ‘Del. Huwag mo akong  alalahanin. Hindi ko maintindihan ang sarili na sa tuwing pupunta ako sa kanya for the check-‑up ay kinakabahan talaga ako,” alibi niya. “Love, kasama mo na ako. Wala kang dapat ikatakot. Sabi mo’y normal naman ang resulta ng check-‑up mo lagi. “Huwag mo na akong intindihin. Mamaya lang ay okay na ako. Ganyan naman ako lagi.” “Mula ngayon, tuwing check-‑up ninyong mag-‑ina ay sasama ako. At ayokong marinig na tumututol ka. Maliwanag ba?” Ilang sandali pa’y papasok na sila sa clinic ng OB-‑Gyne na nag-‑aalaga kay Ibet.

 

 CHAPTER 13

“OH! Mrs. Versoza, come on in. Please make yourself comfortable,” nagpauna na ang nurse na assitant ni Dra. Stevenson. Binigyan nito ng munting card na may Light number si Ibet. “Thanks. . I’m with my husband,” pagpapakilala ni Ibet kay Rodel. Kinamayan ni Rodel ang nurse. “Nanlalamig ka pa, love,” bulong ni Rodel sa asawa. Humilig lang si Ibet sa balikat ni Rodel, hindi nagsalita. Marami-‑rami na rin ang mga pasyenteng nagsisipaghintay. Tiyak na medyo matatagalan sila. “Kinakabahan ka pa ba?” Untag ni Rodel sa asawa. “Hindi na masyado. Dahil kasama kita.” “Good! Dapat ay hindi ka kabahan. Dapat ay masaya at maligaya. Ilang buwan pa’t magiging mommy ka na,” at tinapik ni Rodel ang pisngi ng asawa. May kalahating oras pa silang naghintay Light bago natawag ang numero ni Ibet. Magka-‑holding hands pa rin silang pumasok sa klinika. Ipinakilala ni Ibet si Rodel sa kanyang manggagamot. “Mabuti, Mr. Versoza. Ang pagsama ng husband sa wife para sa kanyang monthly check-‑ up ay laging nagbibigay ng isang magandang pakiramdam sa nagbubuntis.” Nakangiting pahayag nito habang nakikipagkamay kay Rodel. (Isinalin sa Filipino ang kanilang pag-‑uusap para higit na maunawaan). “Sumama ako dahil may irereklamo ako, Doktora. Laging malungkot itong misis ko. Walang ganang magkakain. Hindi lang lungkot ang nakikita ko sa kanya. Kundi sobrang pananamlay. May kinalaman ba ang kanyang pagbubuntis?” “Okay. . itsi-‑check up ko muna siya. Pagkatapos ay maaari na kitang sagutin sa mga tanong mo, Mr. Versoza. Dahil sa huling check-‑up ko sa kanya ay wala kahit na maliit na problema akong nakita. The baby is doing fine so with the Light mother. Please, excuse us,” saka tumayo, tinanguan si Ibet na pumasok sa check-‑up cubicle ng medical clinic kasunod si Ibet at ang nurse. Matagal kaysa sa karaniwan ang check-‑up kaya inip na inip si Rodel. Gusto na niyang malaman agad ang kondisyon ng asawa. Ilang sandali pa’t lumabas na ang dalawa kasunod ang nurse. May pagkaseryoso ang kanilang pag-‑ uusap. Kinabahan si Rodel. Napatayo ito. “Mr. Versoza, please sit down para pag-‑ usapan natin ang resulta ng check-‑up.. well, maganda ang progress ng pregnancy, sa ina at sa bata. Physically that is. Ang kanyang lungkot, pananamlay at kawalan ng gana ay emotional. Marami ang nagkakaganyan lalo’t panganay ang ipinagbubuntis. At iyon ay maku-‑correct. Ni Ibet mismo. Magkakasama ang takot sa panganganak, anxiety na pag naisilang na ang baby ay wala siyang alam about taking care of the newly born. Kaya tinuruan ko siya ng mga tips para ma-‑ overcome niya ang attitude problems na iyon. Light Nag-‑usap kami nang seryosohan kaya wala kang dapat na ipag-‑alala. “Salamat naman, Doktora.. ninenerbiyos ako na baka magkakaproblema pa. Mahigit tatlong taon kaming naghintay!” “Naiintindihan ko. Pero this time ay wala kang dapat ipag-‑alala. Bakit, nag-‑worry ka na ba noong wala pa ang baby?” “Siyempre naman, Doktora. Lalo’t. . may cases ng temporary sterility sa aking pamilya. Ang gusto ko lang matiyak ay ang kalagayan ni Ibet. Ayokong magkaproblema siya. Iisipin kong hindi ko siya napapaligaya kung mamamalagi siyang malungkot at matamlay,” nakatingin siya kay Ibet habang ipinapahayag iyon sa harap ng doktora. “Okay na okay na ako, ‘Del. Mula ngayon, hindi na ako malulungkot. Sobra pa sa tiyak na alam kong talagang mahal na mahal mo ako,” masayang sabi ni Ibet kahit pa sa likod ng Light kanyang isip ay nananatili ang takot at guilt sa pagkakamaling nagawa. “Gusto kong maging living witness si Dr. Stevenson sa pagsasabi kong kahit na ano pa ang problema ay hindi makapagbabago ng pagmamahal ko sa iyo. Noon, ngayon.. at magpakailanman.” “Tumawa ang doktora. “Nakakainggit naman kayo. Talaga bang ang Filipino men ay ganyan ka-‑sweet and loving? “Totoo, Doktora,” pagpapatotoo ni Ibet na ngayon ay wala nang halong pagkukunwari ang mga ngiti. “Then. . maghahanap ako ng isang Pilipino. Buti na lang at hindi pa ako nagkakamaling magmahal ng isang kalahi.” Masayang nagtawanan ang tatlo bago nagpaalam ang mag-‑asawa dahil dating at dating pa ang mga pasyente. Magka-‑holding hands pa rin sila nang lumabas ng building. Alalay si Ibet Light nang buong ingat at pagmamahal nang sumakay ito sa kotse. Bago siya dumako sa kanyang puwesto. “Love.. tutuparin mo’ng pangako mo kay Dok, ha. Na aalisin mo ang anumang takot at pag-‑ aalala dahil makakasama sa ating anak,” ani Rodel bago pa pinaandar ang sasakyan. Kinagabihan, inip na inip si Biboy na makaalis na si Rodel. Gustung-‑gusto na nitong malaman ang nangyari sa pagsama ni Rodel sa pinsan sa pagpapa-‑check-‑up. Anhin na lang ipagtabuyan ito. Nagulat pa ito nang marinig ang mahinang katok sa guest room. “Biboy. .” tawag ni Rodel. “Yes?” sagot ni Biboy na lumabas mula sa silid. “Ipagbibilin ko lang ang love ko. Bahala ka na sa pinsan mo. Hindi siya dapat ma-‑stress. Ayokong mahirapan siya sa panganganak.” Light “Aba, e di ipa-‑CS siya! biro ni Biboy na tiningnan si Ibet na nasa likod ng asawa. “Ay, ayoko nga. Gusto kong maranasan kung paano ako ipinanganak ng mama ko. May kasabihang pag naramdaman mo na ang sakit at hirap ay isang malaking bahagi ng utang mo sa kanya ay nabayaran mo na,” pahayag ni Ibet na pinilit na maging masigla. “Kaya nga.. take care of yourself, Love. Walang stress. Walang pagpapagod. Kung may housework na dapat gawin ay ako na ang bahala bago ako pumasok,” saka hinalikan ni Rodel si Ibet sa labi. Isang masuyo pero mabilis na paghalik bago tuluyan nang umalis. Hinila agad ni Biboy si Ibet sa kuwarto nito. “Biboy naman, baka madapa pa ako niyan. Bakit ba, ha?” “Kuwentuhan mo ako.. ano ang nangyari? May nahalata ba? Ano na nga ba ang sabi!” Iniupo niya ang pinsan sa gilid ng kama. Light “Wala, Biboy. Nakita mo naman kung paano siya mag-‑alala sa akin. Pinapangako ako sa harap ni Doktora na hindi na ako malulungkot, kakain nang tama at husto para maging malusog ako at ang baby. Napakabuti niya, Biboy. Kaya nga lalo pa yatang bumigat ang guilt ko. Sabi pa niya, kahit ano raw ang mangyari ay hindi niya ako iiwan. Hindi pababayaan. Lalagi ko raw siyang katabi. Kasama,” ngilid ang luhang sabi. “Cousin. . look. Sa tingin ko’y wala ka nang dapat ipag-‑alala. Suntok sa buwan na maging kamukhang-‑kamukha ni Sonny yan. Dinuro pa nito ang maumbok nang tiyan ni Ibet. “Saka ang mga baby, iisang hugis ang mukha. At least pareho silang Pinoy. Mag-‑alala ka kung si Rodel ay Kano at si Sonny ay kayumanggi. At pag nanganak ka’y sobrang moreno ang bata. Kamukha pa ni Rodel. Maniwala ka. Makakaraos ang problema nang walang hassle. Idagdag mo pang napakalayo ni Sonny rito para maipagkumpara pa si Rodel at Sonny.” Light “Kung sabagay, may point ka riyan. Ewan ko nga lang ba sa sarili ko kung bakit sobrang nai-‑ stress ako niyon.” “Pagbutihin mo na ang pagpapakitang gilas kay Rodel. Kumain ka. Maging laging masaya. Lagi akong bibili ng tapes na comedy. Para lagi kang masaya.” Unti-‑unti ay naging masigla na si Ibet. Lalot talagang asikaso siya ni Rodel. Isang malaking factor pa rin Biboy na laging nagpapaalala sa kanya ng dapat maging attitude. “Love, sobra ang laki ng tiyan mo. Para kang nakalunok ng malaking pakwan,” biro ni Rodel minsan saka hinimas ang maumbok na tiyan ni Ibet. “Di ba, sabi ni Doktora, three months pa bago siya lumabas.” “Naiinip na nga ako. Parang pabigat nang pabigat ito.” Hinimas ni Ibet ang tiyan. “Pag sumakit na ‘yan, e magli-‑leave ako for a week. Para maasikaso rin kita. At mag-‑alaga ng baby kahit ilang araw lamang,” masayang sabi. Light “Paano kung may engagement kayo at hindi puwedeng wala ka?” “Aba, hindi puwede iyon. Kapag nagkaganoon, magpa-‑file na ako ng irrevocable resignation. Walang makakapigil sa akin na hindi mo ako katabi habang naghihirap ka sa panganganak,” at hinalikan si Ibet. “Sobra ka naman. Ang OA mo,” nakangiti si Ibet. “Dahil mahal na mahal kita. Huwag na huwag mong kalilimutan ‘yan, Ibet. Wala kahit ano.. kahit sino ang makapagpapabago niyan. Kahit kamatayan.” “Ay, ewan ko sa iyo. Sobra kang morbid. Akala ko’y mahal mo ako. Hindi kasali ang kamatayan sa usapan, ha, Rodel?!” Light “O, di sige, hindi na. Hindi na natin isasali ang death dahil bubuuin natin ang ating family na puno ng pag-‑ibig! anito saka idiniit ang tenga sa umbok na tiyak ng kabiyak. “Salamat, ‘Del.” Napabangon si Rodel. “Para saan, ha, Ibet?” “Sa lahat ng pagmamahal at pag-‑aalaga mo sa akin.” Hindi na sumagot si Rodel. Kinabig ang asawa at niyakap nang mahigpit. Hindi pa sana siya bibitiwan nito kungdi siya sumigaw na naiipit na nito ang kanyang tiyan. Nagtatawang lumayo nang bahagya si Rodel sa kanya.

 

 CHAPTER 14

 NANG sumunod na week ay laging maaga kung umuwi si Rodel. Asikasung-‑asikaso siya. “’Del naman, busog ako. Kumain ako ng vegetable salad at boiled egg,” tanggi ni Ibet. Light “Matulog na tayo. Pagod ka’t puyat.” “Ilang months na lang ay manganganak ka na. Dapat ay healthy ka. Baka hindi mo iniinom ang gamot mo, ha.” “Hindi ko nakakalimutan. Laging ipinaaalala sa akin ni Biboy. Nakalimutan mo na bang magkasama kami?” “O, sige, kahit itong boiled eggs tapos ‘yung maternal milk. Then, matutulog na tayo.” Walang nagawa si Ibet kungdi sundin si Rodel Hindi pa niya nauubos ang kanyang gatas nang mag-‑ring ang cellphone ni Rodel. “Mama! Bakit kayo napatawag?. . Ang papa, nag-‑collapse. . triple by-‑pass po?. . Opo, mama. Darating ako sa unang pagkakataon na makapag-‑ book ako ng flight pauwi.” “Rodel. . gusto mong sumama ako?” “Hindi na dapat sa iyo ang magbiyahe pa. Light Ikukuha na lang kita ng private nurse kay Dr. Stevenson, saka si Biboy. But promise, lagi kitang tatawagan.” “Pangako.. pero mas gusto ko sanang sumama.” “Sasabihin ko na lang sa papa at mama ang intention mo. Pero maiintindihan nila kung bakit hindi ako pumayag. Tena, mahiga na tayo. First thing in the morning, aasikasuhin ko ang paglipad ko sa atin.” Sa unang pagkakataon na iiwan siya ni Rodel para magkahiwalay sila ng maraming araw ay umiyak si Ibet sa balikat ng asawa. “Ano ka ba? Babalik agad ako maisaayos ko lang si Papa,” ani Rodel na yakap siya. “Hindi lang ikaw ang inaalala niyan, Rodel. Pati na rin ang kalagayan ng papa mo!” paliwanag ni Biboy. “Ibet, tulungan mo na lang kami ng pagdarasal mo. Makakaraos si Papa. At babalik Light agad ako. Aba, kailangang humaba pa ang buhay niya. Dapat na ma-‑enjoy rin siya ng ating baby. Lalo pang napaiyak si Ibet. Bumuhos sa kanyang isip at puso ang guilt. Na niloko niya ang isang taong sobrang nagmamahal sa kanya. “Cousin, tama na. Ihahatid ko si Rodel. Maiwan ka na rito kay Miss Ames. Magpahinga ka. Mag-‑relax. “Biboy!” saka tumingin sa pinsan. Nakaunawa agad ito, alam niya. Mula sa kotse ay panay na ang bilin ni Rodel kay Biboy para kay Ibet. “Huwag n’yong pababayaan ni Miss Ames si Ibet. Wala kang kakalimutang detalye about my wife, Biboy.” “Hindi ako magpapabaya, Rodel. Mahal na mahal ko rin ang pinsan kong iyan na napakabait talaga,” pangako ni Biboy sa bayaw. Dumiretso agad si Rodel sa ospital kung saan inihahanda na ang operasyon ng ama. Pinalad siyang makauwi agad dahil hindi pa peak Light season para makauwi ng Pilipinas. Siya ngayon ang sobrang stress dahil dalawa ang inaalala niya. Ang kanyang papa at si Ibet. Ngayon niya napatunayan ang sinabi noon ng kanyang papa. Na pag ang isang tao ay nagkaasawa na at pamilya ay mas matimbang iyon kaysa sa mga magulang at kaanak. Iyan ngayon ang kanyang nararamdaman. Hindi na siya na-‑guilty dahil ang kanyang papa mismo ang nagsabi noon. Taimtim na dasal ang kanyang iniukol sa dalawang mahal sa buhay. Habang inooperahan ang papa ni Rodel ay kasama niya ang ina sa hospital chapel at doon nila minabuting maghintay. Hindi sila tumitigil ng dasal at paghingi ng tulong sa Maykapal na makapiling pa nila nang matagal ang ama. Hagod ni Rodel ang liod ng kanyang mama na sige ng pag-‑iyak habang taimtim na nananalangin. Kung ilang oras silang nanatili sa chapel ay hindi na alam ni Rodel. Napukaw lamang sila ng kanyang mama sa pagdarasal nang may pumasok Light doon. Ang kanyang Ate Pura at ang isang nurse. “Pura!” Garalgal na tawag ng mama ni Rodel sa panganay na anak, na kasama ng dalawang kapatid na lalaki ni Rodel ay naghintay sa waiting lounge ng operating room habang isinasailalim sa operasyon ang matandang lalaki. “Mama! Sugod na niyakap ni Pura ang ina. “Tapos na po ang operasyon. . tagumpay po at the moment. Pero kailangan ang masusing obserbasyon para makatiyak na out of the woods na ang papa!” tumatawang umiiyak sa sabi nito. “Ate! Talaga ba?” Paiyak din si Rodel. “Rodel!” saka binalingan ang bunsong kapatid, mahigpit ding niyakap. “Alam kong mabubuhay si Papa. Atin pa si Papa,” anito. Ilang araw pang nagpapagaling si Mr. Versoza bago pinayagang makatanggap ito ng dalaw. Kabilang ang mga magulang ni Ibet. Kinumusta ang kanilang balae. Light Samantala, sa pagdaraan ng mga araw na wala si Rodel sa piling ay nagbalik ang pagkabalisa ni Ibet lalo’t nalalapit na ang takdang araw ng pagsisilang niya. “Cousin, di ba, nagkaintindihan na kayo ni Rodel? At tayo, di ba alam na natin ang gagawin kung sakali’t maging sobrang kamukha ni Sonny ang baby. Pero ibet, very seldom na maging kamukha ng ama ang anak na babae. Na sana’y mangyari sa isisilang mo.” “Natatakot talaga ako, Biboy.” “Labis-‑labis ang pagmamahal sa iyo ng asawa mo. Di ba nga sinabi niya na kahit sino o ano ang mangyari ay hinding-‑hindi ka niya iiwan? Na mananatili siyang karamay mo’t katabi. . noon.. ngayon.. at habambuhay?” Tumango si Ibet. “Pero Biboy, iba na siguro pag may nakita siyang pruweba.” “Hay, cousin, paulit-‑ulit na lamang tayong tila sirang plaka. Let’s just cross the bridge when Light we come at the foot of it. Okay ba? Kasi, tensiyon at stress lamang ang makukuha mo, e wala namang kasagutang malalaman habang wala pa talaga ang problema. Please naman, makinig ka sa akin.” “Paano kung hindi naman tapat sa kanyang puso ang sinabi niya?” “Ibet, no ifs nor buts, puwede? Basta saka na ang problema pag kaharap na natin. Promise, hinding-‑hindi kita pababayaan. Kasama mo ako hanggang sa dulo ng mundo.” Nang sumunod na mga araw ay maganda na ang balita ni Rodel sa kanila. Na hinihintay lang nitong malaman ang kalagayan ng ama pag sinuri uli ito at ibigay ang release paper ng ama. “E, kelan daw iyon?” “Any day this coming week. Tapos, magkakaroon pa raw ng malaking thanksgiving party. Pupunta roon ang mama at dad ko. Mababait sa aking partido lahat ng in-‑laws ko, Light Biboy. Alam mo na ‘yan, di ba?” “You can say that again and again. Dahil ilang buwan na ako rito, kahit katiting ay wala akong maipintas sa kanya. Sa pakikitungo sa akin at sa nakita kong pangangalaga sa iyo at pagmamahal.” Nang makauwi ang papa ni Rodel ay ipinakausap ng lalaki si Ibet sa ama. Kinumusta ito ni Ibet at nangakong laging ipagdarasal ang tuluyang paggaling ng biyenan. Ipinaalam naman ng papa ni Rodel na sa sandaling magaling na ito’y magbabakasyon sila ng mama ni Rodel sa Amerika para rin magpa-‑check doon at higit sa lahat ay makita ang kanilang apo. Muli ay binalot ng matinding tensiyon at stress si Ibet nang ibaba ang cellphone pagkaraang magkausap silang magbiyenan. “Pero ano pa ba ang ikatatakot mo? Wala ka pang dapat ipag-‑alala. Hindi pa natin nakikita ang bata. Puwede ba, ayusin mo ang sarili mo. Anumang araw ay babalik na ang asawa mo. Pag Light nakita ka naman niyang todo ang lungkot at pag-‑ aalala, lalo mo lang siyang binibigyan ng pagkakataong i-‑dig ang tunay na dahilan, di ba? Relax. Ipaubaya natin sa langit ang kalalabasan ng lahat. Kung sakaling mabunyag ang lahat, ang pinaka-‑worse na maaari nilang gawin ay ipagtabuyan ka. Tanggapin mo. Dahil nagkasala ka. Hindi ka nila papatayin doon. Magkakaroon ng pagkakataong mabuhay nang wala nang burden sa balikat mo. Unti-‑unti ay makakalimot ka at darating ang ikalawang pagkakataong maaari kang lumigaya,” paulit-‑ulit si Biboy sa pagbibigay-‑assurance kay Ibet. Maganda ang paliwanag ng pinsan na unti-‑ unti ay natatanggap ni Ibet. Hustong isang buwan si Rodel sa Pilipinas nang magsabi itong babalik na sa Amerika. “Okay, Cousin, ayusin mo’ng sarili mo, ha. Tiyak na maraming kuwento si Rodel pagdating. Makinig ka, mag-‑enjoy at pagkaraan ay gawin Light ang lahat para mapanatag kayo,” huling bilin ni Biboy.

 

 CHAPTER 15

BAGO mag-‑lunch dumating si Rodel. Marami itong dalang pasalubong kay Ibet mula sa mga hipag at bayaw. Mahigpit na yakap at maraming halik ang isinalubong ni Rodel sa kabiyak. “Miss na miss kita, Love. Kumusta ka na? Kumusta ang baby?” usisa nito habang magkaakbay silang pumapasok sa kabahayan. “Mabuti kami, ‘Del. Kumusta ang papa? Ang mama?” Matapat niyang pag-‑uusisa. “Maliban sa medyo nanghihina pa ang papa at marami pang idinadaing ay mabuti na. Binabantayang mabuti ang ginawang operasyon sa kanya at tinitiyak na okay na siyang talaga. By that time ay tiyak na naisilang na ang ating baby at makikita na nila. Dasal ko’y maging kamukha mo siya lalo’t babae.” Light Hindi nagsalita si Ibet. Yumakap kay Rodel para hindi nito makita ang kanyang muling pag-‑ aalala. “Masaya ba ang thanksgiving party?” Si Biboy ang nagtanong bitbit na papasok ang dalawang katamtamang laki ng mga maleta. “Talagang masaya. Ikalawang buhay ng papa ang ipinagpasalamat namin. At Ibet, hulaan mo kung sino ang kasama ng mama at ni dad nang dumalo?” “Sino?” “Si Sonny!” masayang sabi. “Si Sonny? Paanong. .” sinalamin ni Ibet sa mukha ng kabiyak ang anumang emosyon na magpapakita ng inis o pag-‑aalala sa pagbanggit sa pangalan ng lalaki pero wala siyang makita kahit kaunti. “Nasa talyer ang kotse ng papa. Nagkataong pumasyal daw sa inyo si Sonny dahil kauuwi from Papua New Guinea. Nagdala ng Light pasalubong. Ganoon pala siya kalapit sa pamilya mo, Love,” pasingit na sabi. “Tapos, nagkusa siyang ihatid na sila sa amin,” paliwanag ni Rodel. “Kumusta naman siya?” Pinilit ni Ibet na tila simpleng pangungumusta lang ang pagtatanong. “Tingin ko’y okay na. Sabi’y hindi na siya nag-‑isip pang mag-‑asawa. Pinalalago na lang daw ang kanyang business para pagri-‑retire ay mabubuhay na siya comfortably. Ikinuwento kong magkaka-‑baby na tayo. Natuwa nga siya. Tumango si Ibet. “Gusto mo ba ng anumang maiinom? Alam kong mainit sa labas. Hindi ako nagluto pero umorder ako ng lunch sa paborito nating restaurant. Si Biboy ang nag-‑asikaso. At si Miss Ames. . pinasuweldo ko na kahapon. Sabi ko’y di ko muna kailangan ang serbisyo niya dahil narito ka na.” “Aba, hindi dapat, Ibet. Kailangan natin siya Light pag nanganak ka na!” “Sabi ni Miss Ames, she’s just a call away. Gusto talaga niyang dito mag-‑service kaysa iba. “Mabuti naman. . one day akong magpapahinga pagkatapos ay babalik na ako sa pagtugtog.” “Ikaw ang bahala pero magsimba tayo tonight. Para makapagpasalamat tayo sa lahat-‑ lahat ng blessings Niya sa atin sa pagbibigay ng ikalawang buhay sa papa.” Matagal nang himbing si Rodel sa kanyang tabi ay mulat na mulat pa rin si Ibet. Naalala niya si Sonny na piniling mabuhay na lamang mag-‑isa. Gaya nang sumpaan noong sila pa. Napahikbi na naman si Ibet. Talaga yatang hindi niya maiiwasang ma-‑stress. Kung anuman ang mangyari sa kanyang isisilang na anak ay kasalanan niya. Light “Ibet?. . bakit, may masakit ba sa iyo? Dadalhin na kita sa ospital!” Ani Rodel na nagising sa kanyang pag-‑iyak. Halika, tutulungan na kitang magbihis.” “Walang masakit sa akin, ‘Del. Natatakot lang ako. Baka magkaroon ng diprensiya ang baby dahil lagi akong nati-‑tense. Nai-‑stress. “Walang mangyayaring anuman sa baby, Love. Normal na normal siya. Sa makabagong medical science ay nadi-‑detect agad kung may problema ang baby kahti nasa tiyan pa lamang. Kaya relax. Naririto akong lagi sa tabi mo,” at niyakap siya ni Rodel. Nakatulog siya sa mga himas at haplos ni Rodel. Nahimbing siyang nakaunan sa bisig nito. Kinabukasan, Sabado. Walang pasok si Ibet. Ang assurance ni Rodel at alam niyang nasa bahay si Biboy ay nakapagpagaan ng pakiramdam ni Ibet. Light “O, ano ang plano mo para ngayon hanggang bukas, cousin?” Sabi na’t gagawin ko.” “Darating ang house cleaner at kahapon ay naghatid na ang delivery man ng grocery. Iplano na lamang natin ang iluluto.” “Hindi mo ba itinanong kay Rodel kung ano ang kanyang gusto? Tulog na tulog ‘yung tao dahil sa puyat sa trabaho. Hindi na puwedeng gisingin pa.” “Let’s go native, Biboy. Mongo guisado saka Bistek Tagalog. Tapos mais con yelo sa dessert.” “Bilisan na natin ang pag-‑aalmusal para maiayos na ang iluluto.” Hustong natapos ang pagkain nang dumating ang weekend house cleaner. “Ibet, habang nililinis itong sala ay ipakita mo sa akin ang baby layette mo. Wala ba talagang kulang?” Light “Kumpleto na. Alam mo naman si Rodel. Mapilit na bumili kami nang bumili ng gamit ng bata,” papasok siya sa nursery room na ipinagawa ni Rodel. “Iba rin si Rodel, ‘no. Tingnan mo itong silid na ito. Ang paint, ang motiff at lahat ng gamit ay babaeng-‑babae. Inililibot ni Biboy ang tingin sa kabuuan ng silid. Nang mag-‑ring ang cellphone ni Ibet. “Ang mama ko!” masayang sabi ni Ibet nang makita kung sino ang tumatawag. Ngiting-‑ngiti siya. Pero pagkaraan ng ilang sandali ay napakunot ito. Halatang nag-‑worry. Na-‑tense. “Cousin, bakit?” “Biboy, si Sonny. Gusto raw akong makausap kahit sandali!” mahinang sabi. “Kausapin mo na. Kundi’y palagi mo na namang iisipin kung bakit gusto niyang makausap ka. Dali na. Hindi pa magigising si Rodel ngayon.” Light Sinunod ni Ibet ang pinsan. Matamang nakikinig ito sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Pagkuwa’y nakita ni Biboy na lumuluha na ang pinsan. Hanggang matapos ang usapan. “Bakit daw ba?” tanong ni Biboy. “Nagpaalam lang. Babalik na raw siya sa Papua New Guinea. Saka binati ako dahil magiging mommy na ako. . Biboy, kaunti ko nang naipagtapat sa kanya!” “Ano ka ba? Ayos nang lahat, di ba? Buti’t hindi mo ginawa. Baka magpilit siyang pumarito at kunin pa ang anak mo. Ano ka ba?” “Biboy, lalo na akong natatakot ngayon. Baka dahil sa parami nang parami ang kasalanan ko ay hindi maging maayos ang pagsisilang ko. Baka parusahan ako ng langit.” “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ganoon ang ating Diyos. Siya’y mapagmahal na Ama, mapagpatawad lalo na Light kung taimtim ang pagsisisi mo. Kaya tumahimik ka. Buti pa’y harapin na natin ang pagluluto. Baka nasa banyo na ang cleaning woman.” “Biboy, ang lungkut-‑lungkot niya. “Puwede ba, tama na ang usapang sangkot siya?” Pinandilatan ni Biboy si Ibet. Tumahimik na rin ito. Nakapagluto na sila nang magising si Rodel. “Ano ba ang ulam natin at parang ang bangu-‑bango, anito na lumapit at payakap na hinalikan ang asawa. “Sabi ni Ibet, native ang iluto namin. Bistek Tagalog at mongo guisado,” ani Biboy. “Nakakagutom. Kumain na tayo. Pagkatapos ay ipapasyal ko kayo. Maganda ang panahon. Tamang-‑tama lang ang lamig ng autum. Pagkatapos ay sa Pinoy Resto tayo magmeryenda at bibili na ng ulam na panghapunan.” Light “Hindi na lang ako sasama, Rodel, Ibet. Uuwi muna ako sa apartment at. .” “No way, Biboy. Paano kung biglang sumakit ang tiyan nitong darling natin. Iiwan mo bang mataranta ako at walang mag-‑asikaso sa kanya habang nagda-‑drive ako patungong ospital?” “Ay, oo nga naman. E di sige, tatlo tayo!” “Hindi lang ‘yan. Bukas, picnic sa beach. Para matagtag si Ibet, ilalakad ko siya back and forth sa buhanginan. Bilin ‘yan ni Doktora, remember? Days from today na ang due date mo, Love.” “Memorize na memorize mong talaga, ha, ang paglabas ng baby.” “Dapat lang, di ba, Ibet? Panganay. Sobrang love ng mga parents ang lahat ng panganay na anak.” Pangiti-‑ngiti lang si Ibet. Kahit paanoy masaya siya. At sa isip ay nagpapasalamat sa Light Diyos at isang mabuting ama si Rodel. Pero paano kung malaman nito ang totoo? Mahalin pa kaya siya nito lalo na ang kanyang anak? Masayang dumaan ang weekend. Tuwing hapon, bago maghapunan ay ipinapasyal ni Rodel sa park na nasa di kalayuan si Ibet. “Para hindi ka mahirapang manganak. Ilang araw na lang at papa and mama na tayo.” Holding hands sila habang iniikot ang park. “Rodel, kung anuman ang mangyari sa akin ay huwag mong pababayaan si Kristel,” bilin niya sa asawa na noon pa man ay alam nang babae ang isisilang niya dahil iyon ang lumabas sa ultrasound. “Ano ka ba? Walang mangyayari sa iyo. Hindi ako papayag. Mahal na mahal kita, Ibet!” Kinabig nito ang asawa. Pag namatay ka, kasunod mo rin ako,” ngilid ang luha ni Rodel. Napatawa si Ibet. “Kung magsalita ka. Para kang Diyos. Kung mahal mo ako, hindi ka Light papayag na kung kanino lang maiiwan ang ating anak.” “Puwede ba, ayoko ng ganyang usapan. Magiging masaya at maligaya tayong pamilya. Ikaw, ako at si Kristel. Ni isipin ay huwag mong iisipin na iiwan mo ako. Hindi! Maliwanag ba?” “Oo na. Hayun ang ice cream parlor. Nauuhaw ako.” Nang gabing iyon, pagpasok ni Rodel ay kinausap ni Ibet si Biboy. “Gusto kong ipagbilin.. kung anuman ang mangyari sa akin sa panganganak, huwag mong pababayaan si Kristel. Ikaw ang nakakaalam ng lihim ko. Sa iyo ko na rin ipauubaya kung dapat bang mabunyag ang lihim o panatilihing lihim na lamang habambuhay si Kristel.” “Ano ka ba? Kung anu-‑ano ang sinasabi mo. Hindi ka mawawala sa mundong ito. Kasi, masamang damo ka.” Inirapan pa ni Biboy ang pinsan. “Namamatay rin ang masamang damo. At Light kung dumating iyon sa buhay ko, hawak mo ang susi ng aking lihim. Gamitin mo ang better judgement mo.” “Oo na, cousin. Matahimik ka na lang. Pero alam ko, walang mangyayari sa iyo! Balit na si Biboy. “Ang isipin mo, ilang araw na lamang at lalabas na sa mundo si Kristel.” Bago dumating ang due date ng panganganak ni Ibet ay sumakit na ang tiyan niya. Kahit na handa si Rodel sa ganoong situwasyon ay nataranta pa rin siya. Tinawagan agad si Biboy. Humangos naman agad ito. “Tinawagan ko na si Dra. Stevenson, Biboy. Tena, dalhin na natin si Ibet sa ospital. Hinihintay na tayo ni Doktora sa ospital,” akay ni Rodel ang hindi na makausap na si Ibet dahil sa matinding sakit na nararamdaman sa balakang at tiyan. “Rodel, natatakot ako!” daing ni Ibet.

 

 CHAPTER 16

“LOVE, huwag kang matakot. Narito na tayo sa ospital,” may nginig ang boses ni Rodel habang ipinaparada ang kotse sa harapan ng emergency section ng ospital. Sumugod ang dalawang nurses at dalawang male attendants na tulak ang stretcher. Mabilis na nailipat doon si Ibet. Hawak ni Rodel ang kamay ng asawa habang patakbong ipinapasok sa labor room si Ibet. Dumating si Dr. Stevenson. Sinuri si Ibet. Tinanguan nito ang kanyang assistant. Pagkatapos ay lumabas ng delivery room at kinausap si Rodel. “Mr. Versoza, ihahanda ko na siya. Ngayon na siya magsisilang.” “Puwede ko ba siyang makita sandali bago dalhin sa delivery room, dok?” Pumayag ang doktora. Light “Rodel!” daing ni Ibet nang makita ang asawa. “Narito ako. Hindi kita iiwan. Huwag kang matakot. Magdasal tayo. Si Doktora ang bahala sa iyo,” kinakalma nito ang nakikitang takot sa asawa. Nahirapan nang husto si Ibet bago naisilang ang anak. Mahigit siyang dalawang oras sa delivery room. Aniya sa sarili, kahit ang paghihirap na iyon ay makabawas sa kanyang pagkakasala sa Diyos. Sa tindi ng hirap at pagod sa pagsisilang ay nakatulog agad si Ibet. Bahagya na niyang narinig ang iyak ng bagong silang na sanggol. Nang magmulat siya’y si Rodel at si Biboy ang kanyang nakita agd. “Kumusta na? Ano’ng pakiramdam mo?” usisa agad ni Biboy. “Nahirapan. . ang anak ko?” tanong din niya. Light “Anak natin, Love,” ngiting-‑ngiti si Rodel na hawak ang kamay ng asawa. “Ang ganda-‑ganda niya. Kamukha mong tiyak. Maputi sabi ni Doktora. Dahil pulang-‑pula ang kanyang balat nang isilang. Tulog na tulog nang silipin ko ngayon-‑ngayon lang. “Tiyak na matakaw, cousin. Kapapanganak lang, sinupsop na agad ang thumb. Thumb sucker ang lokong pamangkin ko,” pagmamalaki ni Biboy. “Kelan daw ako makakauwi?” Malungkot na naman si Ibet. “Day after tomorrow. Both healthy kasi kayo kaya puwede na,” ani Rodel. “Biboy, nakita mo ba?” “Oo naman. Nakuha niya ang ilong mo, ang bibig. Pero hindi pa natin tiyak kung sino talaga ang kamukha dahil baby pa. Siguro after some months ay makikita na natin!” Light Kahit paano’y napanatag si Ibet sa impormasyon ni Biboy. May kasamang dasal na sana’y walang makuha sa features ni Sonny ang kanilang anak. Pag nagkaganoon, maaari nang manatiling lihim ang identity ng tunay na ama ng sanggol. Saka lamang siya mapapanatag. Isang linggo na siyang nakapanganak. Tama si Biboy. Talagang hindi pa makita kung kanino nakamukha ang anak. Pero enjoy siya sa pagiging ina. Sa kanya ito kumukuha ng gatas. Natuto na siyang magpaligo dito. At lalo siyang nasiyahan sa nakikitang asikaso ito ni Rodel. Ramdam niya, mahal nito ang bata. Isang tanghali, dinala ni Rodel si Kristel sa kanilang bedroom. Para itong baliw na kinakausap ang walang malay pang baby. “’Del, hindi ka pa niyan maiintindihan.” “Ano bang hindi, e, ayan at tumatawa na sa akin.” Kahit pa nga mahigit lang siyang one month old,” anito saka ibinigay kay Ibet ang baby. Light Tumunog ang cellphone ng lalaki. Dinukot iyon ni Rodel mula sa kanyang bulsa. “Love, ang mama mo. Baka kaya? At ako pa ang kinontak,” binasa nito ang naka-‑text na message. Kumunot si Rodel. Pagkatapos ay muling ibinulsa ang cellphone. “Bakit, Rodel? Ano’ng sabi ng mama?” “Love.. huwag kang mabibigla. Si Sonny. Kasama siya sa bumagsak na eroplano. Sa dagat. Sabog ang sasakyan kaya tiyak na walang nakaligtas na pasahero at crew.” “Hindi!” paimpit na sigaw ni Ibet. Hindi niya napigil ang sarili. Humihikbing kinalong ang anak, sumubsob dito at nag-‑umiyak na. Lumapit sa kanya si Rodel. Niyakap silang mag-‑ina. “Ibet, sige, iiyak mo ang pagdadalamhati Light mo. Para magluwag ang dibdib mo.” Himas nito ang likod ng asawa. Pinabayaan nitong umiyak siya. Hanggang sa unti-‑unti ay nagbalik na ang hinahon ni Ibet. “I’m sorry, ‘Del. Hindi ko napigilan,” tiningala niya ang asawa. “Wala kang dapat ipag-‑alala. Naiintindihan ko,” pangiti sa kanya si Rodel. “Salamat.. ngayon lang ito. Hindi na mauulit. Hindi na!” Matatag na sabi ni Ibet. “Kahit maulit, Love. Alam kong hindi naman ganoon kadaling malimutan ang isang minahal nang labis. Ano pa ang irereklamo ko? Ako ang pinakasalan mo. At mula nang araw na iyon ay akin ka. Wala na akong mahihiling pa. Mahal na mahal kita! Yakap pa rin ni Rodel ang mag-‑ina. “Rodel. .” “Shh!” Nakakatulog na si Kristel.” Light “May kailangan kang malaman.” “Ikaw rin. May kailangang malaman tungkol sa akin na inilihim ko nang matagal. Sa buong panahon ng ating pagsasama,” malungkot si Rodel. “Rodel, si Kristel. . hindi ikaw ang ama niya,” sabi ni Ibet na nakatitig sa asawa. Tinitingnan at pinakikiramdaman ang magiging reaksiyon nito. Galit. Shock. Pagsumbat. Pero wala siyang nakitang kahit ano. “Love.. alam ko. Noon pa man!” “Ano?. . Paano?” “Dahil wala akong kapasidad na magbigay ng anak. Pero hindi kita nilinlang. Temporary lamang dati ang pagkabaog ko. Pero nang lumaon ay complete sterility na ang kapansanan ko. Kasal na tayo noon.” “Kung ganon, nang naglilihi pa lang ako’y alam mong hindi mo anak ang dinadala ko. Pero wala kang ginawa? Hindi mo ako sinumbatan?” Light “Dahil ganu’n kita kamahal, Ibet. Wala akong pakialam kung ano man ang ginawa mo. Ang alam ko’y naging maligaya ka. Pero hindi mo pa rin ako iniwan para sumama sa kanya. Ang iniisip ko pa nga’y blessing ang pangyayari dahil magkakaanak tayo. Atin, Ibet. Akin. Pananagutan ko siya kahit saan. Kahit kelan.” “Rodel. . sinaktan kita. Pinagtaksilan kita. Ang sama ko. Sa kabila ng lahat ng buti mo sa akin. Minahal mo pa rin ako nang walang pasubali,” lumuluha si Ibet nang walang patid. “Nang malaman kong wala na siya, nagka-‑ mixed emotions ako. Nalulungkot ako para sa iyo dahil nawalang tuluyan ang pinakamamahal mo. Patawad sa katotohanang malaking bahagi ng puso ko’y masaya. Magiging akin ka na nang buung-‑buo. Wala na ring kahit sino ang kukuha sa akin ng ating anak, Ibet, ng ating anak. Ating-‑ atin na si Kristel,” nakatitig si Rodel kay Ibet. Sinasalamin ang kalooban ng kabiyak. Light “Rodel. . totoong masakit na nawala na ang una kong pag-‑ibig. Pero ang bait sa akin ng langit. Dahil ikaw ang ibinigay sa akin. Na alam kong tunay ring nagmamahal sa akin nang walang pasubali. Pero si Kristel, magagawa mo nga bang mahalin siya nang parang tunay na anak? Hindi ka magbabago?” “Higit pa sa akala mo. Talagang mahal ko na siya dahil siya’y bahagi mo. . ng tanging babaing pinakaiibig ko. Kung nasaan man ngayon si Sonny. . ipinapangako kong paliligayahin ko ang aking mag-‑ina. Kayo ni Kristel. So help me God, matapat na sabi. Nang yumakap si Ibet sa asawa ay alam niyang ngayon ay buung-‑buo.. kumpletong-‑ kumpleto na siyang makaka-‑move on at handa na siyang ipalit si Rodel sa kanyang puso. Higit pa ito sa karapat-‑dapat. At ngayon pa lamang ay gagawin niya ang lahat upang masuklian ang pag-‑ibig at kabutihan ni Rodel. Sino nga ba ang may sabing walang dalawang langit? Iisa lamang ito sa buhay ng Light isang tao. Pero hindi sa kanya. Dalawa ang kanyang langit. Si Sonny, ang kanyang unang pag-‑ibig. Si Rodel, ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal nang mataos. Sila ang kanyang dalawang pag-‑ibig. Sila ang kanyang dalawang langit na handog ng Diyos. WAKAS 


Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url