A CELEBRATION OF LOVE
Childhood friends sina Ria, Angela,
Jojo at Chris. Sila ang laging magkakalaro at magkakasama. Nagkalayo lang sila
nang mag-‐‑ migrate ang pamilya nina Chris sa
Amerika at doon nagpundar ng business. Pagkaraan ng ilang taon ay nagbalik si
Chris sa Pilipinas to stay for good. Ngayon ay malinaw na rin kay Chris na ang
dating closeness niya kay Ria ay hindi lamang basta pakikipagkaibigan kundi
dahil mahal niya ito. Ang problema, sa biglang pagyaman ng mga magulang ni Ria
ay naiba na rin ang priorities ng mga ito. Ibig ng parents ng dalaga na ang
mapangasawa ng anak ay isang super-‐‑mayamang lalaki para matiyak ang
paglago ng kanilang kabuhayan. Paano ipaglalaban ni Chris ang labis na pag-‐‑ ibig kay Ria lalo at natuklasan niyang pareho silang
nagmamahal sa isa’t isa?
CHAPTER 1
ISANG huling stroke ng kanyang brush
ay umunat na si Jojo mula sa pagkakayuko sa ginagawa. Inilapag ang kanyang
hawak na brush sa katabing mesita. Masusing pinagmasdan ang kanyang obra habang
nagpupunas ng mga kamay. Nasisiyahang dinampot ang kanyang sign pen para ilagda
na ang kanyang pangalan at petsa nang mula sa bukas na pinto ng studio ay may
nagsalita. “Hi! Good morning, Jo!” Natigilan ang pintor. Pamilyar siya sa tinig
at hinagilap sa isip ang may-‐‑ari nito sabay lingon. Nawala ang
kunot ng kanyang noo at napalitan ng masayang ngiti. “Chris?. . Chris, ikaw nga!” aniya at pahangos na nilapitan ang
panauhin. Itinaas niya ang kanyang kamay. Nagdaop ang kanilang mga palad sa
isang high five gesture. “Apir,” ani Chris bago siya niyakap. Mahigpit ang
kanilang mga yakap na sabik sa isa’t isa. “Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit ka
umuwi? Kailan ka dumating?” walang patlang ang tanong ni Jojo sa kaibigan nang
magkalas sa pagkakayakap. “Ano pa e di umuwi na! Kagabing ten forty five ako
dumating. Nakalabas ako ng immigration ng pasado alas onse. Kaya nang dumating
ako sa bahay e mag-‐‑aalas-‐‑dos na
nang umaga. Balak ko sanang kalampagin ka para magising pero naisip kong pati
sina Tita Rica at Tito Melo ay maiistorbo.” “Hindi ka na babalik sa New York?”
“You bet. I’m staying for good. Dito sa atin.” “That’s good news! Pero bakit?
Problema ba?” “Problema? Wala, ‘tol. Wala.” “E, bakit ka nga umuwi na? Mag-‐‑isa ka lang. . teka, bago mo ako sagutin e may gagawin lang
ako,” tinalikuran niya ang bisita. Kinuha
ang nakatuping papel at malinis na katsa. Inilahad at tinabingan ang kanyang
likhang sining. Saka binalikan si Chris. “Tena, saluhan mo akong mag-‐‑ almusal. Alas tres kasi ay narito
na ako at pilit kong tinapos itong painting. Order kasi ito sa akin at kukunin
na ngayon ng art dealer na suki ko.. ” saka magkaakbay sila, balikat sa balikat
na pumasok na sa malaking bahay nina Jojo. “Nakita ka na ba ng mama mo?” “Oo.
Siya nga ang nagturo sa akin na nasa studio ka. Ang dad mo raw ay nasa Baguio.
Nag-‐‑ attend ng convention ng mga doctor.” “Bukas ang uwi niya. Magugulat ‘yon pag nakita ka. .” sabi ni Jojo. “Pero gutom na talaga ako.” “Pareho tayo. Pero nang makita ko ang inihanda ni Aling Belen, na katiwala
n’yo, e turned off ako. Imagine, fried eggs, thick slices of sweet ham, jumbo
hotdog at slice pineapple. Ugh! Para ring hindi ako umalis ng States.” “Kung
nagpasabi kang darating, di nagpaluto ako ng Pinoy almusal kay Nana Usta.” “Si
Nana Usta? Siya pa rin ang cook n’yo? Naku, ang sarap magluto ng kusinera
n’yong iyon,” bumungad sila sa dining room. Nakatayo si Nana Usta, nakangiti sa
kanila. “Nana Usta! I’m back! I’m home!” ani Crhis at sinugod ng yakap ang
kusinera. “Hala, upo na’t kumain habang mainit ang pagkain. Ipinagbilin ni Rica
na ang mga ‘yan ang iluto ko para sa iyo, Chris. . Jojo, tinamisan ko ang
tsamporado gaya ng gusto mo.” “Salamat, Nana Usta. Chris, upo na.. Nana gusto
ko po ng mainit na kape,” ani Jojo. “Ako rin po, Nana,” ani Chris. Ilang
sandali pa’t maganang-‐‑magana ang dalaga sa pagkain. Inuna
ang sinangag sa bawang at saka relyenong talong. Isinunod ang tsamporado at
tuyo. Sige ng higop ng mainit na kape. Halos wala silang kuwentuhan. Talagang
tutok sa kinakain. Nakangiting pinagmamasdan sila ni Nana Usta. Nasisiyahan
siya sa masarap na pagsasalo ng dalawa. Bago natapos ay inilabas niya ang
hiniwa-‐‑hiwang matamis na manggang hinog para himagas. Napasipol si
Chris. “Philippine mango! Wow! Sa mahigit
walong taon ko sa Amerika ay anim na beses lang akong nakatikim ng manggang
galing dito sa atin. Iba talaga ang lasa.” “E, kailan naman ang balik mo ru’n, ha?” “Nana Usta, hindi na po ako babalik.
Dadalawin ko na lang ang parents ko. Hindi po kasi ako masaya ru’n. Hindi ko
matagalan ang rat race na uri ng buhay. Dog-‐‑eats-‐‑dog
world po. Hindi ka puwedeng kukupad-‐‑kupad kundi’y matutulog ka sa pansitan,” ani Chris. “Hindi na uso ‘yan, ‘tol. Ang kapalit ay. . baka sa kangkungan ka damputin. Marami na at
malaki na ang ipinagbago ng mundo sa parteng ito ng earth. Makikita mo rin.” “Natural lang na dala iyan ng progress. Pero sa love, ‘tol. May pagbabago ba?” Curious si Chris. “Meron siyempre. Pero ang Pinay ay
nananatiling matapat, mapagmahalal at maalaga. Kahit pa sa anyo ay sumusulong
na rin sila. Makabago na rin ang kanilang dating,” paliwanag ni Jojo. “Chris,
ibig mo bang sabihin e wala ka pang pamilya?” usisa ni Nana Usta “Nana, hindi
po ako mag-‐‑aasawa kungdi sa isang Pinay. Kaya
nga po nang makita kong matatag na ang business na magkakatulong na ipinundar
namin ng mama, ng dad at ng Ate Carla ko at mister niya e kinausap ko sila.
Hiniling kong ibigay na sa akin ang aking parte at uuwi na ako. Kako ay dito
ako magsisimula ng negosyo na gusto ko’t kaya. Dito na rin ako magpupundar ng pamilya. Pumayag naman sila. Kaya
‘eto na ako,” mahabang paliwanag ni Chris. “E, Chris, ang gaganda ng mga blue-‐‑eyed babes dun, e bakit wala kang natipuhan?” “Meron naman. Nakatatlo nga akong girlfriend pero hindi nagtatagal. Kasi
nga, hinahanap ko pa rin ang qualities ng isang Pinay sa kanila. Kaso, wala.
Talagang iba ang kanilang kultura at hindi iyon pasok sa panlasa ko. E, ikaw,
Jojo, bakit single ka pa rin?” “Meron din pero hindi serious
relationship. Kasi talagang hindi pa ako handa sa ganu’ng bagay. Wala pa akong
nararating. Ero, papinta-‐‑ pinta. Pero siguro’y hindi pa lang dumarating ang right
girl para sa akin. Bata pa naman tayo, Chris.” “Teka, natatandaan ko’ng mga kalaro natin nu’ng kids pa tayo, sina Ria at Angge.
Kumusta na sila?” “Si Angge.. Angie na siya ngayon. Pag
tinawag mo siya ng Angge e hindi ka papansinin. Siyempre naman kasi. Nagdalaga
siya na maganda. Pero mas maganda si Ria. Super talaga, ‘Tol. Kaya lang e hindi puwedeng
lapitan.” “Bakit, mailap ba? Supladita? Hindi naman siya ganu’n. Masayahin siya,
palakaibigan. Hindi mo ba niligawan dahil sabi mo nga’y super ang beauty niya?”
“Hindi kasi siya ang type ko. Lalo’t mula nang gumanda ang kanilang buhay e
nagbago ang kanyang mga magulang. Naging matapobre at tahasang sinabi na hindi
basta manliligaw lang ang tatanggapin nila para kay Ria. Hindi raw daw masayang
ang kanilang ipinundar na kabuhayan na baka huthutin lamang ng oportunistang
lalaki. Dapat mayaman din, ganu’n.” “Okay pala, ha. Yayayain pa naman sana
kitang pasyalan natin para makapag-‐‑renew ng acquaintance. E, si Angge?” “Angie, Chris. Tandaan mo, Angie. At anumang oras ay puwede nating makita
at makausap. Basta walang pasok. Math teacher siya sa high school sa
Montessori. Single pa rin. Nagka-‐‑BF ng accountant sa pinagtuturuan
niya. Minalas na napikot. Mula noon, ayaw nang ma-‐‑in love ang kaibigan natin. Mamaya e pasyalan natin.
Pagkahapunan.” “Okay ‘yon. Meantime, uuwi na muna ako.
Inantok ako sa kabusugan. Hindi kasi ako nakatulog kagabi. Alam mo na, jetlag.
Kung hindi ka na busy mamaya e tawagan mo ako. ‘Eto ang number ko,” dinukot
nito ang kanyang cellphone. “Dito ka maghapunan para makapagkuwentuhan kayo ng
mama. Ipaluluto ko kay Nana Usta ang paborito mong kare-‐‑kare. Saka adobong manok at ripe mangoes para pa rin for
dessert.” Hatid ni Jojo ang kaibigan at
kababata hanggang gate. Apat na bahay lang naman ang pagitan ng sa kanila at
kina Chris. Paitaas ng kalye. Ang kina Ria at halos katapat ng kanilang bahay. “Jo, iyan na ba ang bahay nina Rica?
Wow, ang gara at parang mansion sa laki. Impressive talaga.” “Hamo, ‘tol.
Hahanap ako ng paraan para magkita kayo at magkausap. Hindi puwede through
Angie. Off limits din si Angie sa parents ni Ria. Baka raw ma-‐‑influence sa maling attitude ng pobreng si Angie ang
kanilang dalaga.”
CHAPTER 2
“MANANG INDAY! Dali kayo,” nagulat si Manang Inday na
naglalagay ng mga sariwang bulaklak sa mga flower base nang pahangos na lumapit
si Ria. Hinawakan siya sa braso at nagmamadaling dumako sa bintanang nakaharap
sa kalye. “Ano ba? Bakit mo ako hatak-‐‑hatak? Ano ba ang problema?” tanong ni Manang Inday kay Ria. Nasa
bintana na sila pero natatabingan pa rin ng kurtina. Bahagyang hinawi ni Ria
ang gilid ng kurtina. “Manang, ‘yung dalawang nag-‐‑uusap kina Jojo. Si Jojo ang isa. Tanawin ninyong mabuti ang
kausap niya. Tingin ko’y si Chris.
Hindi naman siya nagbago. Pumogi lang, kuminis at mas okey ang porma kahit
naka-‐‑casual attire lang,” halos pabulong na sabi nito sa babaing naging katuwang ng ina sa
pagpapalaki sa kanya. Sinipat namang mabuti ni Manang Inday ang dalawang
lalaki. “O, ano po, si Chris hindi ba? Ibig sabihin, nagbalikbayan na si
Chris,” masaya si Ria. “Tama ka. Si Chris nga. Tama ka rin lalo siyang
gumandang lalaki at okey na okey ang porma. O, e ano ngayon, ha? Kung si Chris
nga? Alam mong hindi ka rin papayagan ng mama mo’t papa na makipag-‐‑usap sa kanya. Alam mo na ang house rules,” saka lumayo na ito sa alaga na sige
pa rin ang pagsilip sa bahagyang nakaawang na kurtina. Nang makita lang na
lumalabas na ng bakuran si Chris at Jojo ay pumasok na sa bahay nila ay saka
lamang umalis si Ria sa gilid ng bintana. Nangilid ang luha niya sa sobrang
lungkot at pagtutol sa labis na paghihigpit na ginagawa sa kanya ng mga
magulang. Nagtuloy siya sa kanyang silid. Binuksan ang kanyang clothes cabinet.
Mula sa isang secret compartment niyon ay inilabas ang dalawang hindi
kalakihang photo album. Doon niya itinatago ang mga larawan ng kanyang
kabataan. Mga parties na kasama sina Angge, Jojo, Chris at iba pang mga
kaibigan mula sa lugar na iyon. Isa-‐‑isa niyang binuklat ang bawat pahina
ng photo album. Naroroon ang masayang bahagi ng kanyang kabataan. Malayang
naglalaro kasama ang mga kaibigan. Nagbibisikleta. Nagru-‐‑roller skate. Marami ring ekena ng kanilang pagpi-‐‑picnic sa park na nasa kabilang ibayo lamang ng kanilang
subdivision. Nang isara na niya ang huling pahina ng ikalawang album ay hindi
na niya napigil ang pagpatak ng mga luha dala ng lungkot. Naroroon pa rin at
hindi nagbabago ang lihim niyang paghanga sa kababatang si Chris. Madalas
siyang nagseselos kay Angela dahil malapit dito si Chris. Nang iligpit niya ang
dalawang album ay parang malinaw pa niyang natatandaan nang magpaalam si Chris
sa kanilang magkakaibigan na pupunta na sila sa Amerika at doon na bubuo ng
kanilang kapalaran. Matagal ding iniyakan niya ang pagkawala ni Chris sa
kanyang buhay. Lalo’t hindi man lamang ito sumulat o nagpahatid ng kahit anong
pangungumusta sa pamamagitan ni Jojo at Angela. At ngayon ay nagbalik na ito.
At dahil sa paghihigpit ng mga magulang ay madodoble pa ang kanyang panlulumo.
Bakas-‐‑luha pa rin si Ria nang pumasok si Manang Inday sa kanyang
kuwarto. May dala itong malamig na buko juice na may kinayod na laman nito. “O, inumin mo na. Malamig iyan.
Nakakabawas ng init ng ulo at bigat ng dibdib,” nanunukso ang kanyang tagapag-‐‑alaga. Inabot niya ang baso. Pero sa
halip na inumin ay tiningnan-‐‑tingnan lang iyon. Naiwan ang
kinayod na laman ng buko sa baso. “Ineng, alam ko ang ipinagkakaganyan mo. Dahil bigla ay inalisan ka nila
ng kalayaan na ma-‐‑ enjoy ang kabataan mo. Pero dapat
mo naman silang intindihin. Ayaw lamang nilang mapahamak ka sa padalus-‐‑dalos na pagpapasya. Tingin nila ay hindi ka pa ganu’n ka-‐‑mature.
Kaya dapat e bigyan mo sila ng pang-‐‑unawa,” nakaupo si Manang Inday sa dakong paanan ng kama. “Pero Manang Inday, sobra naman na
pati pakikipagkaibigan ko sa mga taong gusto ko’y ipinagbabawal nila. Susundin ko naman sila, Manang. Hindi ako magbu-‐‑boyfriend kung hindi sa lalaking gugustuhin nila para sa
akin. Dahil naiintindihan ko ang kanilang dahilan. Pero sana naman ay bigyan
nila ako ng kalayaan na mabuhay nang normal. Hindi ako masamang anak, Manang,”
pahikbi-‐‑hikbi ang dalaga. “Tahan na, puwede ba? Hayaan mo, gagawa ako ng paraan kung paano kayo
magkakausap nina Chris, Jojo at Angie. Hindi ko lang tiyak kung kailan.
Kailangan ko pang humanap ng tiyempo. At pag nahuli tayo, tiyak na mawawalan ka
na ng kakampi dahil tiyak na palalayasin nila ako,” nagtatawa si Manang Inday. Napatigil
sa pag-‐‑iyak si Ria. Hinarap ang kasambahay. “Huwag na lang tayong mag-‐‑attempt, Manang Inday. Hindi bale nang hindi ko sila
makausap. Huwag ka lang mawawala sa akin,” nagsusumamo ang dalaga. “Huwag kang mag-‐‑alaala, Ria. Ako’ng bahala. Kailangan lang ang masusing pagpaplano para walang huli. Ako’ng bahala sa iyo.” Kinabukasan ng umaga, nang makita ni
Manang Inday na papalabas si Elay ng gate para bumili ng pandesal ay lumabas na
rin siya. Sinabayan niya ang babae. “Elay, kailangan kong makausap si Nana Usta. Tatawagan ko kamo siya
mamayang tanghali bago mag-‐‑lunch. Hintayin kamo niya ang tawag
ko sa landline.” “Opo, Manang Inday. Alam ko rin po na
ito’y lihim na walang dapat makaalam,” masayang sabi ni Elay. “Good girl,” more or less ay alam mo na siguro
ang pag-‐‑uusapan namin ni Nana Usta.” “Opo nga. Awang-‐‑awa na rin po ako kay Ate Ria. Laging may bantay. Hindi man
lang makapamasyal.” “Salamat, ha, Elay. Hanggang mamaya,” saka humiwalay na siya sa kasambahay
nina Ria. Nasa tabi ng telepono si Nana Usta gaya nang bilin ni Manang Inday
kay Elay. Kaya nang mag-‐‑ring ang phone ay mabilis na
dinampot ito ni Nana Usta. “Hello.. oo,
Inday. Ako nga. Ano ba ang pag-‐‑uusapan natin.. a, sige, makikinig
ako. Gaya mo’y sobra na rin akong naaawa riyan sa
alaga mo. Sobra ang paghihigpit na ginagawa ng mag-‐‑ asawang iyan sa bata.. oo, tutulong tayo para kahit paano
ay makalaya siya kahit pasanda-‐‑ sandali lang. Sige, makikinig ako,” at pumanatag na ito sa pagkakaupo
upang mapakinggang mabuti ang sasabihin ni Manang Inday tungkol sa plano nito.
Habang nakikinig ay naroong tumango. Paminsan-‐‑minsan
ay may input din sa plano. Ilang sandali pa’y nakangiti na itong ibinaba ang telepono. Saka humangos sa kuwarto ni
Ria na nang mga sandaling iyon ay nililibang ang sarili sa panonood ng palikula
sa kanyang laptop. “O, Manang Inday,
saan ang sunog?” biro pa sa
kanyang mahal na tagapag-‐‑alaga. “Talagang sunog, iha. Makinig ka lang
at baka mabigla ka sa sasabihin ko.. ganito baga. Tumawag si Nana Usta. Oo,
siya nga. Ang pinagkakatiwalaan nila sa pagbabantay kina Jojo. Gusto kang
makita ng kababata mo’t makausap. Kaya magsasanib puwersa kami para naman kahit
sandali ay makatakas ka sa hawlang ginto mo.” “Talaga po? Pero paano?” “Basta
makinig ka’t sumunod sa plano. Pero may takdang oras lamang na mailalabas kita.
Ganito. Sa sandaling umalis ang mag-‐‑asawa para magpunta sa isang
malayong lugar ay itatakas kita. Siyempre ipapaalam ko sa kanila kung kailan.
Sabik ka nang makita ni Chris na dumating dito noong isang gabi. At dito na
siya pipirmi. Dito na raw siya magnenegosyo at bubuo ng future,” marami pang
idinetalye si Manang Inday ukol sa plano. “Okay po ang plano n’yo. Pero paano
si Tiya Olivia na laging pinapaparito ng mama at papa para magbantay sa atin.
Mahirap po siyang lusutan dahil alam kong malaki ang ibinabayad sa kanya ng
papa,” nag-‐‑aalinlangan si Ria. “Kasama siya sa plano. Papainan ko
siya ng pagkaing may palaman para wala siyang makita, maramdaman at marinig
habang tinutupad natin ang plano. Basta ihanda mo ang iyong sarili gaya ng
ating balak. Maliwanag ba?” “Opo, Manang. Pero kailan kaya sila aalis na
malilibre tayo sa balak natin?” “Diyan naman kailangan natin ang mataimtim na
panalangin na sana’y agad-‐‑agad. At lagi silang aalis.
Halimbawa’y bakasyon o imbitasyon na para sa
kanilang dalawa lamang.” “Tama po, Manang. Naku, sa wakas,
kahit sandali ay makahihinga ako ng malayang hangin. Kahit pa polluted ang
hanging iyon,” anang excited na dalaga, na niyakap
ang kanyang tagapag-‐‑alaga. “Hindi po ako titigil ng kadadasal
para kasihan tayo ng langit at matupad ang pangarap kong makalaya kahit sanda-‐‑sandali lang.” “Alam mo ang dasal ko? Na sana’y magkasakit si Tiya Oliva sa araw na
pagbantayin siya rito ng mga magulang mo.” Si Tiya Olivia ay pinsan ng papa ni Ria pero malayo na at laging
nangangailangan ng cash kaya madaling pasunurin sa kahit anong utos ng mag-‐‑asawa basta may bayad. “Naku, sana nga po. Kahit alam kong kasalanan ang mag-‐‑isip nang masama sa kapwa,” taimtim na wika ni Ria.
CHAPTER 3
KUNG gaano ka-‐‑excited si Ria ay baka higit pa ang magkakaibigang Jojo at
Chris, pati na rin si Angge na ngayon ay madalas na nilang nakakasama sa
gimikan. Tulad nang umagang iyon na nasa bahay nina Angie ang tatlo. “Nang huli kong makita at makausap si
Ria ay noong samahan ko ang isang pinsan ko sa pagbili ng wedding ring para sa
kasal nila ng kanyang nobya. Paminsan-‐‑minsan ko lang natatanaw sa garden
nila si Ria kung umagang nagdya-‐‑jogging ako palibot dito. Pero
ngayon, hindi na siguro pinapayagang mag-‐‑standby sa garden kaya hindi ko na
napapansin pag dumadaan ako,” ani Angela na kita ang lungkot. “Wala pang tawag
si Manang Inday. Pero sa sandaling tumawag iyon, engrandeng araw para sa atin,”
ani Jojo. “Ito ngang si Chris, nagsimula nang magnobena kay Santa Quiteria para
matuloy na tayo,” itinuro pa ni Jojo si Chris na nakatingin sa malayo. “Hoy,
Chris, sino ba si Santa Quiteria?” “Ang huling Santo na dinadasalan ko para
matuloy na ang pagkikita nating magkakaibigan, Angge.” “Puwede ba.. Angie o
Angela na lang. Dalaga na ‘ko, ano ka?” Inis si Angela. “Kasi naman, magtu-‐‑two weeks na mula nang mabuo ang plano hanggang ngayon e
malabo pa rin. Hindi tuloy ako makapagsimula ng pag-‐‑asikaso ng sisimulan kong business.” “Konting tiis pa, ‘tol. Pasasaan ba’t makakatiyempo rin tayo,” ani Jojo. At tila nagdilang anghel
si Jojo, isang umaga’y ginising siya
ng sunud-‐‑sunod na malakas na pagyugyog sa
kanyang balikat. Nang magmulat siya, ang nakangiting kusinera ang nasa harap
niya. “Bakit po, Nana Usta? May inihanda ba
kayong masarap na almusal para sa akin?” “Mas masarap pa sa almusal, ‘Jo.
Tumawag na si Inday. Sunday, maghapong mawawala ang mag-‐‑asawa. Birthday raw ng isa nilang major supplier sa kanilang
business. Sa Tagaytay gagawin at obligado silang dumalo. Maagang-‐‑ maaga raw silang aalis. Friday na ngayon. Isang araw pang
paghihintay,” masaya nitong sabi. Tinawagan ni
Jojo si Chris. Nang dumating ito ay kasama na rin si Angela. Parang nakapinta
na sa kanilang mga mukha ang bibig na nakangiti. Talagang sobra pa sa
excitement ang nararamdaman nila. Hindi lamang para sa kanila kundi pati na rin
kay Ria na kahit sandali ay makakalaya na sa kanyang hawlang ginto gaya ng
tawag dito ni Manang Inday. “Ano ba talaga ang itsura niya, ha, Jojo, Angie.
Hindi na ba sia ang mahiyain, pikon at mambabato ng kahit anong mahawakan pag
nagalit?” ani Chris. “Basta sobrang maganda siya ngayon. Makinis na makinis ang
balat. Lalong pumuti na tila ba coupon bond. Pang-‐‑international beauty queen nga ang dating niya. Ang balita
namin ay may ilang nag-‐‑attempt na hingin ang permiso ng
parents niya para isali si Ria sa mga beauty contest pero ayaw ngang pasalihin
ng parents at baka raw masalisihan sila ng mga oportunista ay kahabag-‐‑habag daw naman si Ria,” paliwanag ni Jojo na ang mga impormasyon ay nanggaling kay Nana Usta sa
pamamagitan ng laging pakikipagtsika nito kay Manang Inday nang palihim. “Wait and see ka na lang, Chris.
Dalawang tulog na lang. Magkikita-‐‑kita na tayong muli. Ang kaibahan mo
lang, maraming taon kang nawala dito. Kaya manigas ka sa suspense,” pang-‐‑iinis ni Angela sa kaibigan. Apat silang tila hihimatayin na
sa pagkainip para dumating ang takdang araw ng kanilang pagkikita. Ang hindi
nila alam, may banta pang hindi iyon matuloy. At narito ang dahilan. “Ano kamo, Eden, hindi makakarating si
Olivia? Bakit daw?” kunot si Bert,
ang papa ni Ria. “Umaatake raw
kasi ang hika. Sobrang atake kaya isinugod nila sa hospital. Hayun, naka-‐‑ oxygen at malatang-‐‑malata sa hirap ang pobre,” dagdag balita ni Eden sa asawa. “Hindi puwede ito. Hala, tawagin mo si
Manang Inday. Baka may kakilala siyang puwedeng gampanan ang dapat gawin ni
Olivia.” “Ano ka ba naman, Bert. Kay Manang Inday ka pa hihingi e baka lang
maipluwensiyahan ni Ria ang mga iyon at makalabas ng bahay.” “E, ano’ng gagawin
natin, Eden? Mahirap nang malusutan.” “Ikaw na lang ang dumalo. Maiiwan na ako
rito. Bahala ka nang mag-‐‑alibi sa may birthday.” “Aba, naku, hindi maaari. Kabilin-‐‑bilinan ni Mrs. Chua na isama ka.
Pupunta raw siya sa Singapore sa susunod na week kaya marami siyang itatanong
sa iyo. Gusto pa ngang isama ka sa Singapore. Sabi ko’y kayo ang mag-‐‑usap.” “Ganu’n ba? E. . paano na ba?” “Kakausapin ko na lang si Manang Inday
at lahat ng mga kasambahay. Uutusan ko silang bantayan si Ria at sila-‐‑sila mismo ay magbabantayan na baka lokohin tayo. Kapag
ganoong sila-‐‑sila mismo ang magbabantayan, e
tiyak na wala na tayong dapat ipag-‐‑alala,” ani Bert. “Aba, oo nga.
Okay nga ‘yun, Bert. Sige, maaga tayong gumayak
bukas.” Saka lamang nakahinga nang maluwag
si Manang Inday. Kaya na niya ang sitwasyon. Siya ang bahala sa mga kasambahay
na alam niyang naaawa na rin kay Rica. Nang utusan siya ni Eden na may bibilhin
sa mall ay masaya siyang nakatawag sa labas kay Nana Usta para ipaalam na
matutuloy na ang kanilang binabalak. Nang malaman ng magkaibigan na matutuloy
rin ang kanilang matinding kagustuhang makita si Ria ay para silang mga lasing
sa tuwa. Pero higit sa lahat ay si Ria ang halos hindi makahinga sa tindi ng
emosyon. Ito ay nang malaman mula kay Manang Inday na maiiwan siya sa mga
kasambahay lamang dahil nagkahika si Tiya Olivia at pansamantala siyang
makakalabas ng bahay para malayang magkitakita sila ng mga malalapit na
kaibigan. Unang sumagi si Chris sa kanyang isip. Kung ano na ang itsura nito sa
malapitan. Kung hindi pa rin nagbabago ito ng pakikitungo sa kanilang
magkakaibigan, particular sa kanya pagkaraan ng mga taong nagkalayo sila. Mga
isiping hindi halos magpatulog sa kanya. Kaya lang siya nahimbing nang lampas
na ang hatinggabi’y nang paalalahanan siya ni Manang Inday. “Sige ka, haggard
at magaspang na kutis ang makikita nila sa iyo ganyang nagpupuyat ka nang
husto. Pilitin mong matulog. Ikukuha kita ng mainit-‐‑init na gatas para makatulong sa pagpapaantok mo,” ani Manang Inday. “Sige po. Salamat,” sabi niya. Sa kabila ng iilang oras
lang siyang nakatulog ay maaga pa ring nagising si Ria. Dumiretso siya sa
kainan dahil ramdam niya ang matinding gutom. “Iha, bakit gumising ka na? Maaga pa, a,” anang mama niya na inabutan niya sa dining room. “Nagugutom po kasi ako.
Magbi-‐‑breakfast muna ako bago matutulog uli. Aalis po kayo, di ba?
Ngayon na rin po bang umaga?” “Oo. Bandang alas nuwebe. Malayo rin
ang Tagaytay. Sigurado ka bang mas gusto mong maiwan, ha?” “Sanay na po ako, ‘Ma. Saka
ihahanda ko na po ang sarili ko para sa Monday. Di po ba, simula ng orientation
ko para mailagay ako ng papa sa personnel department dahil nag-‐‑resign na ang assistant ng manager natin du’n?” “Oo nga pala, Ria. Mula roon ay sa
managerial post kita sasaayin. Gusto kong pag nagretiro na kami ng mama mo’y
ikaw ang tuwirang mag-‐‑manage ng ating business. Kahit pa
makapag-‐‑asawa ka ng rich, competent man ay iba rin ang may direct or
hands on na pag-‐‑aasikaso ng negosyo.” “Yes, ‘Pa. Anything you say,” ngayon ay nasabi niya iyon nang
nakangiti. Paano’y alam niyang
mula sa araw na iyon ay may mababago na sa kanyang pagtingin sa buhay at hindi
sunud-‐‑sunuran na lamang sa magulang.
CHAPTER 4
MASAYANG-‐‑MASAYA si Manang Inday. Pero hindi siya nagpapahalata.
Katulad din sa dati ang ipinakikita niyang kilos sa mag-‐‑asawa. Naalala pa nga niya nang kausaping lahat ng mag-‐‑asawa ang lahat ng kasambahay pati na ang hardinero at ang
mga parttime driver nila na pinapasok nila nang linggong iyon para kung may
emergency ay may driver na maiiwan. Iisa lang ang kabilin-‐‑bilinan. Bantayang mabuti si Ria. At magbantay ang mga ito
na kapag may nalaman silang sumuway ay humanda sa parusang ipapataw sa kahit
sino. Nang umalis ang mag-‐‑asawa ay hatid sila ni Manang Inday
at Ria hanggang sa pagsakay sa kotse. Panay ang bilin nila sa dalawang maiiwan.
Panay naman ang mga tango ng mga ito. Nang makaalis na ang mag-‐‑asawa ay nagkulong sa kanyang silid si Ria kasama si Manang
Inday. “What now, Manang Inday?” tanong niya sa tagapag-‐‑alaga. “Ano pa, e di
maghanda ka na. Ang isusuot mo. Ang lahat-‐‑lahat ng pinag-‐‑usapan. Ako na ang bahala sa iba pang detalye. Sige,
magpahinga ka na. Magluluto na ako ng espesyal na mga putahe para sa lunch,” at masayang lumabas ito. Tinawag
niya si Emma, ang pinakasipsip na kasambahay sa kusina. “Bakit po, Manang
Inday?” “Tulungan mo ako sa pagluluto. Para kasing mabigat ang pakiramdam ko,”
anito na inilalabas na ang mga gulay mula sa ref. “Baka po sisipunin kayo,
Manang. . ano po ba ang iluluto?” “Paksiw na pata ng baboy at saka lumpiang
sariwa. Mga paborito ni Ria. Pati na rin ng mga kasamahan natin.” Masaya ang
kanilang kainan. Sabay-‐‑sabay silang lahat na nagkumpol sa
kusina kung saan pinagtabi nila ang dalawang utility table para kainan nila.
Kasabay rin nila si Ria na talagang sobrang masigla. Magana sa pagkain.
Ipinaglagay siya ni Manang Inday ng bukod na bowl ng ulam at plato ng lumpia.
“Manang Inday, bakit ikaw, ayaw mo bang sumalo sa akin?” tanong ni Emma. “Hindi
mo ba gusto ang luto mo?” biro pa. “Kumain kayo nang kumain. Nagpangat ako ng
isdang maliliit. Okay sa akin iyon dahil medyo mataas ang BP ko. Ayoko pang
mamatay hanggang hindi nakakapag-‐‑asawa itong alaga ko,” lumugar siya sa likuran ni Ria.
Natahimik bigla ang lahat. “Alam ko,
nakikisimpatiya kayo sa akin dahil alam ninyong ang pakakasalan ko’y pinili ng
magulang ko para sa akin at hindi para sa lalaking ako ang gugusto dahil mahal
ko siya.” Nag-‐‑ungulan ang mga kasambahay. “Huwag na kayong malungkot para kay
Ria. Bilog ang mundo. Maaaring mangyari o hindi mangyari ang inaasahan. Ang
harapin ninyo’y ang pagkain. Bukas pag narito na
sila e hindi na ganyan ang pagkain natin. Amen?” nagbibiro si Manang Inday. Pero sabay-‐‑sabay
ding nagsipagsabi nang malakas na Amen ang lahat. Pati na si Ria. Nang matapos
nang magsikain ang lahat ay nag-‐‑utos si Manang Inday. “Bueno, kayong hindi tumulong sa
pagluluto ay siya namang maglilinis dito sa buong kusina. Pagkatapos ay
magkanya-‐‑kanya na kayo ng pasok sa inyong
sleeping quarter. Magsipag-‐‑siesta kayo. Sagot ko. Hindi ba
kayong mga kabataan ay may sinasabing kapag wala ang mga pusa, sige ang laro ng
mga daga,” puwes, wala sila. Maayos naman at
malinis ang buong bahay at bakuran. Sunday naman. Deserving tayong lahat sa
pagpapahinga.” “Manang, e, kung bigla silang dumating?” “Gigisingin ko kayo. Kasing gaan
naman ng lamok ang tulog ko. Madali akong magising. Saka malayo ang Tagaytay.
Sige na, umpisahan na. . Ria, ikaw rin. Magpahinga na. ‘Yung mga bagong tapes
mo’y inilagay ko sa kahon ng puting drawer mo. Susunod na ako.” Hustong alas
dose, dahil kumain sila ng lunch ng alas onse pa lang ay tulog na lahat ang
kasambahay. Tiyak iyon dahil nilagyan ng pampatulog ni Manang Inday ang paksiw
na pata. Sinadya niyang tamisan ang sarap niyon para maikubli ang pakla ng
gamot na herbal lang naman. Ginagamit niya iyon kung may pagkakatoang hindi
siya makatulog. Ang isang pinsang doktor na nagpapraktis ng herbal medicine ang
nagbigay sa kanya niyon. Nang pumasok siya sa silid ni Ria ay handa na ang
kanyang alaga. “Ria, hindi kita nakilala. Ang galing,” aniya pabulalas. Kasi’y
nakamaong pants si Ria na hanggang tuhod lamang. Puting blouse at jacket na
maong din. Naka-‐‑rubber shoes o canvas shoes na
walang medyas at naka-‐‑jockey cap. “Tena po, Manang Inday. Baka mainip na
sila. . hindi pala, ako nga po ang naiinip.” “Paglabas mo ng likuran ay may
pedicab na naghihintay roon. Siya ang maghahatid sa iyo sa chicken house sa
kabilang subdivision. Naghihintay na sila roon.” Tinulungan ni Manang Inday na
makaigpaw sa mababang bakod na kongkreto si Ria. Marami pa siyang bilin bago
nagmamadaling lumayo sa bakod sa likuran. Dumiretso siya sa room ni Ria. Doon
niya hihintayin ang text ni Angela, na coded din para kahit sino ang makabasa
ay hindi maghihinala na bahagi iyon ng sandaling paglaya ni Ria. Sa pamamagitan
nilang magkakasabwat. Gaya nang sinabi ni Manang Inday ay naroroon at
naghihintay ang pedicab. Sumakay na si Ria. Hindi nakilala ng pedicab driver na
babae ang kanyang sakay hanggang makarating sila sa meeting place. Pagbaba
niya’y umalis na rin ang kanyang sinakyan. Nagmamadali siyang pumasok sa
chicken house. Nagpalinga-‐‑linga. Nakita niya si Angela kaya
nagmamadali siyang lumapit dito. “Angela! ‘Eto na ako,” garalgal ang tinig niyang tinawag
ang kaibigan. Dagling napatayo si Angela. Nakilala niya ang tinig ni Ria. “Ria!
Ria. Naku po, ang kaibigan ko.” At mahigpit na niyakap ito. Tumayo ang dalawang
lalaki. Kapwa excited sa pinanonood na kadramahan ng dalawang kababata. Noon
lumapit ang dalawang utility boys ng kainan. Nilagyan o kinubkob ang kanilang
mesa ng tabing na yari sa manipis na plywood. Saka lamang nag-‐‑alis ng kanyang cap si Ria. Sinugod si Jojo. “Jojo. Miss na miss na kita,” yumakap din siya sa kababata na
katulad niya’y sabik ding makita siya at makausap.
“Hey! Ako naman. Alam ko, hindi ako
nakalimutan ni Ria,” nakatayo si Chris sa likuran ni Joo. Saka lang bumitiw si
Jojo kay Ria. Tumabi para makaharap nito si Chris. “Chris! Nagbalik ka rin.
Kumusta ka na? Naku, ang kinis mo na. Hiyang ka sa malamig na lugar,” saka
yumakap din ito nang mahigpit. Hindi napigil ang pangingilid ng luha. “Akala
ko’y hindi na darating ang ganitong pagkakataon,” anito na kumalas na kay
Chris. “Pero ‘eto na tayo ngayon. At sana’y marami pang pagkakataong ganito
kahit panakaw,” ani Angela na nagpapahid ng mga mata. “Dito ka sa tabi ko,
Ria,” pinagpag pa niya ang upuan ng silyang nasa tabi. Hindi mawala ang ngiti
ni Ria kahit pa sige ang patak ng luha. “Talagang ang saya-‐‑saya ko. . ang saya-‐‑saya. Kumusta na kayong lahat?” aniya na dinampot ang isang baso ng
tubig at uminom. Naubos ang tubig sa baso dahil sa labis na emosyon sa kanilang
pagkikitang ito. “Ako.. okay lang,
Ria. Single pa rin. Wala pang matipuhan pero happy sa present job ko,” ani Angela. “Ako e umuusad na sa pagpipinta. Gusto
kong sabihin sa inyo na two months from now ay lilipad ako papuntang Paris para
sa isang painting exhibit na ang organizer ay isang mayamang-‐‑ mayamang Pinoy rin para i-‐‑showcase
ang husay ng artistic creation natin,” ani Jojo. “Ikaw, Chris,
kumusta sa States?” masayang tanong
ni Ria na titig na titig kay Chris. “E, di ‘ayun, maraming Kano. May itim at may
kahalo ring mga Pinoy. Sobra pa nga. At nagbalik ako rito, Ria, para hindi na
umalis pang muli. Dito ko gustong magkaugat. Mamuhay at maging maligaya sa
itatayo kong business at family.” “Talaga ba? Hindi ka na babalik sa New York?”
parang hindi makapaniwala si Ria. Noon dumating ang kanilang lunch na inorder.
Lahat sila’y kay Ria naka-‐‑focus ang attention. Pero tanggi ito
nang tanggi. “Kumain na kasi ako. Hindi puwedeng
hindi dahil baka makahalata ang mga kasambahay, e may magsumbong sa parents ko.
Kumain kayo nang kumain. Pabayaan n’yong panoorin ko kayo na parang nag-‐‑a-‐‑update
from where we left off. Pero itong fruit salad, aba, e hindi ito tatanggihan ng
tiyan ko.” At sinimulan na ring kumain ng salad. “Hindi ka pa rin nagbabago,
Ria. ‘Yan pa rin ang paborito mo. Saka ice cream.” “Ice cream coming up,” ani
Jojo na hinagilap ang waiter. Masaya ang kanilang kuwentuhan. Pero halatang
hindi maalis-‐‑alis ni Chris ang kanyang tingin kay
Ria. Ito rin ay panay ang sulyap sa kababatang matagal na nawalay sa kanila. At
ang mga sandaling iyon ang simula ng pagsibol ng pag-‐‑ibig kay Ria. Emosyong ngayon lamang niya naramdaman para sa
isang lalaki. At kay Chris pa na akala niya’y hindi na niya makikita pang muli.
Habang kumakain ay sige ang kanilang kuwentuhan. Masayang pagbabalik-‐‑tanaw sa kanilang kabataan. Ang mga kuwento ni Chris tungkol
sa kanyang naging buhay sa New York. Pero makikitang panay ang tingin ni Ria sa
kanyang relo. At nang mag-‐‑quarter to three na’y nagsabing kailangan na niyang
umalis. “Alas tres ay dapat na nasa bahay na
ako. Dahil magigising na ang mga bantay. Kung gusto nating maulit ito ay dapat
na makabalik ako sa takdang oras,” saka tumayo. Tumayo na rin ang tatlong ka-‐‑date
niya. “Dala ko ang kotse ko, Ria. Sa akin ka
sasakay. Iisipin ng guard na kaibigan kita o boyfriend na galing sa lunch date.
. kayong dalawa, bigyan n’yo kami ng half
hour bago kayo magsiuwi. Okay ba?” Huling yakap at pagpapaalaman ang sumunod na eksena. Huli si Chris na
yumakap. At bago bumitiw ay bumulong. “Ria. Tulungan mo akong mahanap ang kaligayahan ko rito,” saka bumitiw. Sa gate ay nakaabang
na si Manang Inday. Madaling pumasok si Ria. Diretso sa kanyang silid. Nagpalit
ng damit at saka nahiga agad. Samantala’y nasa kusina na si Manang Inday,
naghahanda ng meryenda. Nang maiayos na’y tinungo ang kasambahay quarter at
ginising ang mga ito. “Aba, sobra na ang tulog, ha! Mahigit dalawang oras.
Hala, Emma, puntahan mo na si Ria. Gisingin mo. Handa na kamo ang meryenda
natin na pagsasaluhan. Hindi na natin alam kung kailan mauulit ito. Alam naman
natin ang pagkaistrikto ng mga boss natin,” at saka nagbalik sa kusina. Hustong
papasok na si Ria kasunod si Emma. At muli, masaya ang kanilang pagsasalo.
“Mario, puwede bang mag-‐‑ikot ako mamayang wala nang init ang
araw, sa garden n’yo ng mama?
Gusto ko ring bisitahin ang green house ng mga espesyal na halaman ng mama.” “Ikaw ang bahala, Ma’am Ria. Basta
papayag si Manang Inday.” “Ako’ng bodyguard mo, Ate Ria,” boluntaryo ni
Emma.
CHAPTER 5
HIMBING na ang dumating na mag-‐‑asawa galing sa party, pati na ang lahat ng kasambahay nang
pumasok si Manang Inday sa silid ni Ria. Gising pa ito. Iba ang glow ng aura.
Masayang-‐‑masaya ito na hindi maikubli. “Manang Inday, salamat. Pakisabi rin
sa lahat ng tumulong sa atin na salamat. Ang saya-‐‑ saya ko pong talaga. Kahit napakaikli ng panahong nagkaroon
kami para mag-‐‑renew ng aming friendship. Para pong
puwede na akong mamatay.” Nakayakap siya
sa tagapag-‐‑alaga. “Ano ka, hilo? Nagsisimula ka pa
lamang ay gusto mo nang tapusin. Sige, balitaan mo ako. Kumusta sila?” Walang kinalimutan si Ria kahit
munting detalye sa pagbibida niya kay Manang Inday ng kanilang palihim na
pagkikita. At ang pangarap nilang lahat na maulit itong muli. “Nagawa nating
minsan, magagawa nating muli. Kailangan lang ang ibayong pag-‐‑iingat. Pero bukas, e di ba magsisimula ka nang mag-‐‑aral ng pasikut-‐‑sikot sa trabaho. Baka mahirapan
tayo. Pero sana ay hindi. Ipananalangin natin, Ria. Sa ngayon ay matulog ka na
at tiyak na mapi-‐‑ pressure ka bukas.” Nang mag-‐‑almusal sila ng Lunes nang umagang iyon ay halata ng mag-‐‑asawa ang kakaibang saya ng anak. “Para yatang full of energy ka this
morning, ha, Ria?” kunot na nakatingin sa kanya ang papa. “Dahil po magsisimula
na akong mag-‐‑ practice magtrabaho sa isang
office, papa. Feeling ko’y may kabuluhan
na ang mga oras ko kaysa narito ako sa bahay. At kung lalabas man ay magkasama
tayo. Sana’y magampanan ko ang office work na
gaya ng gusto ninyong mangyari, papa, mama,” saka sumigaw sa pagkain. “Ria, hindi dahli anak ka ng may-‐‑ari ng kumpanya e magiging relax ka
o iyon bang sige-‐‑ sige attitude ang gagawin mo. Mas
dapat ngang maging masipag ka para maging role model sa mga employees natin
du’n,” paalala ng kanyang papa. “Alam ko po ‘yon, papa. Huwag kayong mag-‐‑alala. Hindi ko kayo ipapahiya ng mama. Pagbubutihin ko ang
paglilingkod sa kumpanya.” “Mabuti kung ganu’n. Kumain ka na at maagang papasok
ngayon ang papa mo. Ako naman ay mag-‐‑aasikaso ng travel documents dahil
nagpapasama sa akin ang misis ni Mr. Chua patungong Singapore. Aalis kami this
coming Friday.” “Kayo lang po, ‘Ma? E si papa?” “Bakit naman siya sasama e lakad ng mga babae ito. Babalik din kami Sunday
afternoon. Ang papa mo muna ang bahala sa iyo,” anang mama. Nanlumong bigla si
Ria pero hindi siya nagpahalata. Akala pa naman niya ay mauulit agad ang lihim
nilang pagkikita ng mga kaibigan at kababata. Pero bigo siya. “E, ‘Ma, huwag
mong kalilimutan ang pasalubong ko.” “Siyempre, hindi. Sige, mag-‐‑ayos ka na. Dapat e naroroon ka na sa office bago magsimula
ang office hours. Remember, walang special treatment para sa iyo dahil anak ka
namin ng papa mo,” paalala ng
mama. Tumango lang si Ria. Tumayo na para maghanda sa unang araw ng kanyang
pagsasanay sa trabahong ibinigay ng ama. Habang nagdarasal na sana, pag working
na siya’y bigyang kaluwagan siya ng mga ito sa bagong estado. Anim na oras
tumagal ang unang araw ng pagsasanay ni Ria sa trabaho sa personnel’s office.
Talagang nanibago siya na may ginagawa. Pero masaya pa rin siya. May hang-‐‑over pa siya ng maliit na kalayaan niya nang nakaraang araw.
Alas tres nang lapitan siya ng secretary ni Mr. Rualo, ang personnel manager. “Miss Ria, puwede na raw po kayong
umuwi. Magbalik na lang kayo bukas nang umaga para ituloy ang orientation,”
anito. “Talaga? Salamat, Miss Sison. Pero Ria na lang ako para sa inyo. Halos
magkasinggulang tayo, di ba?” “Kung iyan ang gusto mo, Miss Ria.” “Ria.” “Sige,
Ria,” ngiting-‐‑ngiti ang secretary ng boss. “Dumiretso ka na raw. Huwag ka nang
magpaalam kay Sir.” “Salamat,” saka nagmamadaling lumabas. Hindi na
niya tatawagan ang kanyang dad. Baka ipasundo pa siya. Natutuwa siyang lumabas
ng building. Magtataksi na lamang siya. Bagaman may kahalong takot siyang
nararamdaman. Ngayon lang siya mapag-‐‑iisa. Laging may kasama siya
paglabas ng bahay. Paglampas niya sa guard ay tumanaw agad siya sa mga sasakyan
doon. Naghahanap ng taksi. Nang mula sa likuran ay may tumawag sa kanya.s “Ate Ria.” Paglingon niya’y nawala ang lahat ng saya niya. Si
Emma ang tumawag. Ang paboritong kasambahay ng kanyang mama. “Emma, ano’ng ginagawa mo rito?” may inis ang kanyang pagtatanong. “Nariyan sa parking lot ang kotse.
Ipinasusundo ka ni Sir.” Padabog siyang sumakay nang pumarada ang kotse sa
harap ng building. Nasira ang lahat ng kanyang masayang akala. Ngayon ay tiyak
na niya. Walang pagbabagong magaganap kahit na employed na siya. Sige pa rin
siyang babantayan ng mga magulang. Ang dating kaunting paghihimagsik na
nararamdaman laban sa kanyang mga magulang ay ramdam niyang nadagdagan. At alam
niya, ang palihim na pagtakas ay uulit-‐‑ulitin niyang gagawin. Tulungan man
siya o hindi ni Manang Inday ay gagawin niya dahil feeling niyang nasasakal na
siya sa pakikialam lalo ng papa niya sa personal niyang buhay at pagpapasya.
Tahimik na tahimik ang buong bahay nang dumating si Ria. Umalis din si Emma
kasama ng driver nila para sunduin ang kanyang papa at mama na naghihintay na
sa office. Sinalubong siya ni Manang Inday. “Kumusta ang unang araw sa
pagsasanay, iha?” nakangiti ito. “Okay na po sana kahit talagang nakakapagod
pero nang umuwi ako dahil sabi ng boss ko, e biglang sumulpot si Emma. Akala
ko’y mararanasan ko na ang mag-‐‑isang uuwi. Na pinabayaan na nila
ako dahil wala namang bilin sa akin. ‘Yun pala, sinundo ako ng driver at kasama
ang sipsip na si Emma,” bugnot na paliwanag ni Ria. “Alam kong gutom ka.
Dadalhan na lang kita sa kuwarto mo. Chicken barbecue at hot pandesal. Sinipag
akong mag-‐‑bake ng tinapay. Saka malamig na
pineapple juice, fresh,” ani Manang
Inday. “At may kasama pang magandang balita.” “Sige po. Nakakaalis kahit paano ng init ng ulo,” saka dumiretso na siya sa kanyang
kuwarto. Iniisip kung anong magandang balita ang sinabi ni Manang Inday. Hindi
naman nagtagal at dumating na si Manang Inday dala ang isang tray ng meryenda.
“Mainit pa ang manok. Iniwan ko sa microwave oven para mainit pa kahit medyo
late ka nang dumating.” “Ginutom ako sa sarap pa lamang ng langhap. Kasi naman,
isinabay ako ng boss ko sa pagkain ng lunch sa kanyang private office. Hindi
tuloy ako nabusog. Babawi na lang ako ngayon,” dinampot agad ni Ria ang isang
whole leg ng manok. Kumagat muna siya at kumain nang kaunti. Sumimsim ng juice.
Saka binalingan si Manang Inday na busy rin sa pagkain ng manok. “Manang Inday,
ano’ng magandang balita ba ang sasabihin n’yo sa akin?” tanong saka kumagat uli
ng chicken. “Tungkol kay Chris. . kanina, sumaglit ako sa mini-‐‑grocery sa labas ng village para bumili ng baking powder at
yeast. Nagkita kami roon. Bumili siya ng isang case na softdrinks at mamon.
Nang makita ako’y nagmamadaling
lumapit sa akin. Masaya akong niyakap. Nangungumusta.” “Talaga po?” halata ang
interes niya sa ibinalita ng kanyang tagapag-‐‑alaga.
“Ang daming tanong tungkol sa iyo. Na wala akong maisagot dahil hindi ko alam
ang sasabihin ko. Sa totoo ay wala akong alam na may lovelife ka. Dahil sa
tingin ko’y naputol agad ang nagpasimula nang magsipanligaw sa iyo a year after
your debut. At talagang walang partikular na binatang naging malapit at
magiliw. Tingin ko nga’y nainis na ‘yung pobre. Lalo na nang sabihin kong ikaw
lamang ang makakasagot ng ganoon ka-‐‑personal na tanong. Sabi ba naman e.
. pa’no ko po siya matatanong e ni ayaw
yatang padapuan ng papa niya sa kahit na alikabok o sinag ng araw,” saka
nagtawa si Manang Inday. “Bakit po kayo nagtawa?” “Dahil naawa ako sa anyo
nu’ng pobre. Na para bang dalagitang pusa na binuhusan ng tubig na may ice
cubes. Sige, Ria, mag-‐‑imagine ka kung ano ang itsura niya
nang mga sandaling iyon. Ang pobre. Aba’y pakiramdam kong hindi na pakikipagkaibigan ang kanyang pakay sa iyo.
Ipapaputol ko ang daliri ko pag hindi totoo ang nakita kong akto niya habang
pandalas ang pag-‐‑ uusisa tungkol sa iyo.” “Sayang, Manang. Mapu-‐‑frustrate lamang siya,” malungkot na sabi. “Talaga namang. . e, ikaw, ha, Ria,
ano ang magiging feeling mo?” Tumitig si Ria
kay Manang Inday. Tinging walang kapag-‐‑a-‐‑pag-‐‑asa. “Manang, nang
sabihin sa akin ng papa isang gabi na sila ang pipili ng lalaking mamahalin ko’t magiging manugang nila’y alam kong pinutol na nila ang
karapatan kong pumili ng mamahalin ko. Gusto ko sanang tumutol pero alam kong
mababalewala lang. Kaya tumahimik na lamang ako.” “Ang ibig mong sabihin, kahit sino ang
piliin nila para sa iyo ay okay na sa iyo? Kinalimutan mo na ang karapatan mong
maging maligaya sa piling ng lalaking talagang mahal mo? E, paano. . si Chris.
Nakita ko sa kilos mo’t pagkukuwento na may simpatiya ka sa kanya.” “Noong mga
bata pa kami’t magkalaro, madalas ding kami ang magkasama sa pagpasok sa high
school noon. Naputol lang nang umuwi na sila sa Amerika.” “Talagang nawala na?”
pilya ang ngiti ni Manang Inday. “Ria, kahit tumanda na akong dalaga ay alam ko
rin ang magmahal at mahalin. Wala kang dapat ikatakot sa akin. Kampi tayo.
Hala, ang totoo.” Yumakap nang mahigpit si Ria kay Manang Inday. Isa na ring
matapat na pag-‐‑amin sa kanyang pagtingin kay Chris.
“Pero paano magkakaroon ng katuparang
maging kami, Manang. Halos bilanggo na akong bawat kilos ay binabantayan.” “Tumitiyempo lang ako, Ria. ‘Wag kang mainip. Magkikita kayong muli. Titiyakin kong magkakausap kayo
ng sarilinan.” “Manang Inday, hihintayin ko ang pangako ninyo. Ngayon pa lang ay gusto ko
na siyang makausap kahit kasama sina Jojo at Angge at marinig nila ang pag-‐‑uusapan namin.” “Konting tiis, Ria. Konti pa,” saka dinampot ni Manang Inday ang
tray at lumabas na.
CHAPTER 6
MAY mga pagkakataong pinagagalitan ni
Manang Inday ang sarili sa parang pagkukunsinti niya kay Ria. Pero awang-‐‑awa siya sa alaga. Hindi naranasan nito ang normal na buhay
ng isang teenager na alam niyang pinakamasayang bahagi ng kahit sinong babae sa
kanyang paglaki. Na nawala kay Ria sa hangad lang ng magulang, lalo na ang ama,
na ang kanilang ipinundar na kabuhayan ay mapagsamantalahan lang ng kung sino.
Na parang wala silang tiwala kay Ria na kaya nitong pangalagaan ang sarili at
pati na ang magiging estado sa buhay. Pero sa tingin ni Manang Inday, hindi
maituturing na pangungunsinti sa dalaga ang ginagawa. Gusto lang niyang
makaranas ng kahit kaunting kalayaan ang alaga. Alam niyang sa huli’y kung ano
ang desisyon ng mga magulang ang susundin ni Ria dahil isa itong mabait at
masunuring anak. “O, Chris. Ang aga mo, a. Halika, saluhan mo akong mag-‐‑almusal,” yaya ni Jojo nang pumasok si Chris sa dining room
nina Jojo. “Tapos na. Hindi kasi ako makatulog. Maaga akong nagluto ng almusal
ko. Ganyan naman ako nu’n sa States. Ako ang nag-‐‑aasikaso
sa sarili ko.. ‘tol, wala pa
bang balita?” “Ha? Balita saan?” “Kailan uli natin siya makikita at
makakausap?” “Ah. . si Ria. Wala pa, ‘tol. Parang
lalong bantay sarado siya mula nang mag-‐‑work sa office nila sa Makati.
Hatid-‐‑sundo ang mahal nating kababata. Parang malabo nang
magkaroon ka ng pagkakataong ligawan siya. baka by now ay may katrato na ang
papa niya para kay Ria. Lalo’t nasa right age na siya para makasal. “Ang lupit
nila, Jojo. Na para bang sa kanila ang pera ay all that matters in this world.
Hindi ako papayag, Jojo. Gagawa ako ng paraan para maagaw ko si Ria sa kanila.”
“Chris, ano ka ba, nag-‐‑iilusyon para sa isang bagay na
mahirap mangyari. Paano kungdi ka gusto ni Ria? Hindi puwedeng one-‐‑sided lang ang relasyon. O baka nakakalimutan mo na, ha,
Chris?” “Paano kung mutual ang damdamin namin?” “Ano pa ba ang masasabi ko kung hindi
sige, i-‐‑try mo. Basta huwag kang umasa. Para kung mabigo ka’y hindi gaanong masaktan,” payo ni Jojo. Ikalawang week ni Ria
sa kumpanya. Totoong nalilibang siya sa ginagawa pero nalulungkot dahil ang mga
kasamahan niya sa company ay ni hindi makalapit sa kanya. Feeling niya’y hindi siya tanggap ng mga ito dahil
anak siya ng may-‐‑ari. Maliban sa secretary ng papa
niya at ang girlfriend ng kanyang boss sa department ay wala na siyang
nakakausap pa sa araw-‐‑araw. Minsan ay hindi siya nakatiis,
nagtanong kay Ann, ang clerk ng department. “Ann, bakit ba parang mailap sa
akin ang ibang employees? Feeling ko’y ayaw nilang makipaglapit sa akin. Hindi
naman ako masungit, di ba?” “Miss Ria, naaalangan siguro dahil unica kang anak
ng may-‐‑ari.” “May dapat ba akong gawin para maalis
ang kanilang impression na ganoon? Please, Ann. Sabihin mo sa akin.” “Palagay ko’y wala na, Miss
Ria. Bilin iyon ng papa mo. Na hindi ka dapat maistorbo ng kahit sino.” “Pero Ann, ano ba ang tingin mo sa akin? Tipo ba akong hindi puwedeng
lapitan? Matapobre ba ako? Ilang ulit akong nag-‐‑try na
makipag-‐‑communicate sa inyo. Na maging kaibigan kayong lahat dito.
Pero lagi kayong lumalayo. Ngayon ko lang nalaman kung bakit,” ani Ria na masamang-‐‑masama ang loob. “Pero bakit nga ba, Miss Ria?” ani Ann na nakaramdam ng habag nang makita ang nangingilid nang luha ni
Ria. “Pero kung ayaw mong sagutin ay okay
lang sa akin.” “Ann, mas makabubuting hindi mo na malaman. Basta ngayon ay alam ko nang
hindi mula sa kanilang puso ang paglayo sa akin.” Nag-‐‑uumiyak si Ria kay Manang Inday nang umuwi nang hapong iyon.
“Akala ko, sa pagpasok ko’y magiging masaya ang maghapon ko.
May makakausap na ibang tao. Magkakaroon ng kaibigan. Pero bakit pati iyon ay
ipinagkait nila? Hindi ko talaga maintindihan,” impit ang mga hikbi ni Ria dahil sa sama ng loob. “Ria, ayaw nilang may makausap ka
dahil baka maipagtapat mo ang problema mo. Baka kasi may magpayo sa iyo nang
mali at matuto kang sumuway sa kanila. Pero Ria, maniwala ka sa akin. Sa rami
ng mga empleyado roon, tiyak ko na kahit paano’y magiging malapit sa iyo.”
Matagal nang nakahiga si Ria ay talagang hindi siya antukin. Bumangon siya.
Inangat ang kurtinang nakatabing sa bintanang salamin ng silid. Mula roon ay
tanaw niya ang buong hardin ng ina na nasisinagan ng maraming bituin at half
moon. Nakita rin niya ang luma’t malaking swing na noong bata pa sila ni Angela
ay paborito nilang lugar para maglaro at magkuwentuhan. Isinuot ang kanyang
puting house robe. Lumabas siya ng kuwarto. Ingat na ingat na makalikha ng
kahit katiting na ingay ay binagtas ang sala. Ilang sandali pa’y nasa labas na
siya ng bahay. Ang malamig na dampi ng hangin at ang bango ng paligid ay tila
nagpagaan sa bigat sa kanyang dibdib. Marahan ang kanyang hakbang patungo sa
swing. Sasampa na si Ria sa swing para doon magpaantok nang marinig ang
marahang tawag sa pangalan. Nagpalinga-‐‑linga ang dalaga. Tiyak niya, mula
sa labas ng gate ang tumawag. Sinipat niya sa dakong iyon. Mataas na iron
grills ang buong gate at may movement siyang napansin, kasunod ang muling
pagtawag sa kanya. Nagsisimula nang kabahan si Ria. Babalik na siya sa loob ng
bahay. Pero muling nagsalita ang hindi kilalang kung sino. “Ria, huwag kang
matakot, please, si Chris ito. Si Chris, ang kababata mo,” medyo lumantad itosa
may may gitna ng gate. Nasinagan ng liwanag. “Chris,” mahinang sambit niya.
Nagmamadaling lumapit sa gate. “Ria, sorry. Natakot kita, alam ko,” mahinang
pahayag ni Chris. Ngayon ay kaharap na niya ang kababata. “Ano’ng ginagawa mo
rito sa ganitong dis-‐‑ oras ng gabi?” hindi na napigilang tanong ni Ria. “Ria, hindi ko napigilan ang sarili
ko. Miss na miss na kita. Hindi ako makatulog. Naisipan kong lumabas. Pumarito.
Para tanawin kahit ang dako ng silid mo. Dasal ako nang dasal na sana ay
dumungaw ka. Pero naisip kong hindi rin kita matatanaw dahil balot ng salamin
ang mga bintana n’yo. Pero kahit
paano’y nagluwag na ang nagsisikip kong
dibdib. At nang makita kitang palapit sa swing, akala ko’y nananaginip lang ako. Ngayon, isang
katotohanan na ang lagi kong napapanaginipan na kaharap na kita. Tayong dalawa
lang.” “Chris, ako rin ay miss ko na kayo nina Angie at Jojo. Pero alam mong
hindi ako ganu’n kalaya. Ngayong nakita mo na ako’t nakausap, umuwi ka na. Baka
may makamalay na wala ako sa aking kuwarto ay maghanap at makita ka. . Chris,
sige na. Saka na tayo magkita muli. Gaya noon.” “Sandali pa, Ria,” anito at
inabot ang isang kamay ng dalaga na nakakapit sa rehas na bakal. Marahang
hinigit at dinala sa mga labi at madamdaming hinagkan. “Ria. . panaginipan mo
sana ako. Gaya ng lagi kong panaginip sa iyo. Sa gabi. Kahit sa araw.” “Chris.”
“Ria, make it soon. Ang muling pagkikita natin nina Jojo at Angie. Hindi ko na
kakayaning magtagal pa. Pag nangyari iyon, pupunta ako sa inyo. Kahit nila ako
ipagtabuyan ay hindi ako aalis hanggang hindi ka nakakausap.” “Ano ka ba.. sige
na. Magkikita pa tayo. Hindi magtatagal,” saka hinigit ang kanyang kamay at
nagmamadali nang lumayo sa gate para magbalik sa kanyang silid. Nang mahiga si
Ria ay ngiting-‐‑ngiti. Pakiramdam niya’y magaan siyang sobra at kapag
ginusto niya’y makakalutang siya sa hangin. Ngayon
ay nakalimutan niya ang lahat ng hinanakit sa mga magulang. Napagbigyan ang
kanyang dasal. Na sana, bago dumating ang takdang panahon na ipagkakasundo na
siya ng kanyang mama at papa sa lalaking napili nila’y makakilala muna siya ng isang
lalaking mamahalin siya at mamahalin din niya. Nang agaw-‐‑tulog na ang dalaga ay pangalan ni Chris ang kanyang
nasambit. Saka tuluyan nang nahimbing.
CHAPTER 7
“TALAGA ba, ‘tol? Hindi ka nagbibiro?
Nagkita kayo ni Ria kagabi. . No! Niloloko mo ba ako. You’re putting me on,
Chris.” “Totoo, ‘Jo. Ako rin ay hindi makapaniwala sa suwerteng iyon sa buhay
ko. Pakiramdam ko, isa akong pasyenteng naghihingalo. Pero nagkabuhay na muli
nang dumating ang doktor ng aking puso at nilapitan ako,” masayang sabi ni
Chris sa kaibigan. “Chris, gutom lang ‘yan. Ang aga mo nga, e. Tena, mag-‐‑almusal tayo. “Narinig ko na si Nana Usta na busy sa kusina. Hatak niya sa kamay si
Chris na nasa bungad pa ng kanilang front door. “Good morning po, Nana Usta.
Eto na naman ako, ang inyong free loader.” “Tamang-‐‑tama. Espesyal ang breakfast ngayon. Gumawa ako ng suman sa
gata na may katernong hot chocolate. Pero meron ding garlic sinangag at paksiw
na bangus. Ano’ng gusto mo, iho?” ani Nana Usta na nagsasalin ng
kinulong tubig sa tasa. “Puwede po
pareho? Hindi kasi ako naghapunan kagabi.” “Bakit, nalasing ka ba?” “Tama kayo, Nana Usta,” si Jojo ang
sumagot. “Nalasing sa love ang kaibigan ko.”
“Oh?. . aba, mali namang magpalipas ng gutom. Baka pag sinagot ka ng dalaga e
butu’t balat ka na,” biro ni Nana Usta. “Kilala ko ba?” “Nana Usta, saka na
lang natin pag-‐‑usapan ‘yan. Kakain muna kami ni Chris. Ang
sarap kasi ng almusal,” wika ni Jojo
nang makita ang isa nilang kasambahay na pumasok sa komedor. Tumingin siya kay
Nana Usta at nagkaunawaan na sila. Pagtingin ay tumangu-‐‑ tango na si Nana Usta. Samantala’y nagulat si Manang Inday nang
magising sa pagyugyog ni Ria. “Ria? Bakit, may
sakit ka ba? May kailangan ka?” pupungas-‐‑pungas si Manang Inday na agad
bumangon. “Dali, Manang. Du’n tayo sa kuwarto ko. May maganda
akong kuwento sa iyo,” hindi na niya
binitiwan si Manang Inday. Hatak-‐‑hatak niya ang matanda hanggang sa
kanyang kuwarto. “Maupo ka,
Manang,” iginiya niya ang matanda sa malaking
sofa sa kanyang kuwarto. Tumabi rito pagkatapos, pahilig sa balikat. “Naku, batang ito. Di man lang ako
pinabayaang makapaghilamos at magmumog.” “Manang, mamaya na ‘yon. Mas importante ang ikukuwento
ko.. si Chris, Manang Inday. Nagkita kami kagabi. Nagkausap,” excited na simula
ni Ria. “Ganu’n? Naku, ang alaga ko. Hanggang sa pagtulog, crush niya ang nasa
isip.” “Manang, hindi po iyon panaginip. Totoo po. Tinawag niya ako nang
dalawang ulit. Sa simula nga ay natakot ako. Nawala ang takot ko. Nilapitan ko
siya. Nag-‐‑usap kami sandali bago ko siya
ipinagtabuyan. Mahirap na. Baka may magising. Makita siya. Makilala. Alam ko,
iyon na ang katapusan para sa aming dalawa,” masayang pagtatapos. “Pero, Ria, hindi
mo ba ako niloloko? Nasobrahan ka ng pagrerebelde dahil sa labis na paghihigpit
nila sa iyo kaya gumagawa ka ng istorya...” “Manang, totoo pong talaga. Teka,
di ba pangako ninyo na mauulit ‘yung unang adventure natin? Di madaliin ninyo ang
susunod para makausap n’yo si Chris. Para maniwala kayo.” “Naniniwala ako. Ang
mabuti pa, tenang mag-‐‑almusal. Nakakagutom ang istorya mo.
Pipilitin kong makontak si Nana Usta para sa ikalawang adventure natin.” Hindi nakaila sa parents ni Ria ang
kakaibang sigla ng anak. At ang ngiti, parang napadikit na sa bibig ng dalaga.
Saka maganang kumain. “Ria, maganda yata ang gising mo ngayon, a,” ani Ellen.”
Ang sigla-‐‑sigla mo. Maaliwalas pa ang buong
anyo. Ano’ng dahilan, ha?” “Napansin ko rin ‘yan, Ria. Dati-‐‑rati’y serious
looking ka at parang matamlay,” anang papa. “Kasi po, enjoy ako sa trabaho ko. At
kaya ako maasaya, ipagagamit na raw sa akin ng office ‘yung bagong computer machine na
sobrang advance daw kesa sa dating gamit don. Gusto ko ring ma-‐‑meet ang genius daw sa computer na siyang magtuturo sa akin
mamaya,” alibi ni Ria, bagaman totoong lahat ang kanyang sinabi. “Ako ang nag-‐‑request sa kanya para magturo sa iyo. Si Miss Nuevo ay isang
spinster lady na talagang kina-‐‑career ang pagpapakadalubhasa sa
kanyang linya,” paliwanag ng ama. Nakatingin ang
lalaki kay Ria. Inaasahan niyang magbabago ang anyo nito. Pero wala siyang
nakita. Patuloy pa rin ang masiglang pagkain. Nang matapos kumain ay tumayo na
si Ria. “Teka nga pala, bago ko makalimutan.
Si Gardo, ‘yung driver ko’y magha-‐‑half day lang ngayon. Susunduin daw kasi niya ang kanyang
kapatid na darating mula sa Cotabato. Dapat nasa Pier na siya sa tanghali. Kaya
hindi na siya makakapasok.” “No problem, Papa. Puwede na po akong
mag-‐‑taksi papauwi,” kaswal niyang sagot kasama ang dasal na pumayag ito. “Huwag kang mag-‐‑alala. Ako at ang mama mo ang susundo sa iyo. Hintayin mo
kami.” “Okey po.” May masasabi pa ba siyang iba? Sa
maghapong iyon ay naka-‐‑focus ang lahat ng attention ni Ria
sa pag-‐‑aaral na gamitin ang bago niyang computer. Nakakapagod pero
nanatiling masigla siya at iyon ang nagsilbing kanyang therapy para makalimutan
ang hinanakit sa mga magulang dahil sa paghihigpit sa kanya. Pero pagkatapos ng
day work ay balik na muli ang depresyon niya na nabawasan nang malaki nang
magkausap sila ni Chris nang nakaraang gabi. Na tila masustansiyang pagkain na
naka-‐‑ revive ng katawan niya. Pero sa kabila noon ay hindi rin
niya maiwasang isipin kung hanggang kailan tatagal ang kasiyahan niyang iyon.
Kung mauulit pa ang pagkikita nila ng binata. Wiling-‐‑wili pa si Ria sa pagsubok sa paggamit ng bagong computer.
Kungdi pa nag-‐‑ text ang mama niya na palapit na
ang mga ito para sunduin siya ay hindi pa siya bibitiw sa ginagawa. Hustong
nasa tabi na siya ng guard nang huminto ang kotse ng mga magulang. Lumapit sa
kotse ang guard. Binuksan ang pinto sa likuran para makapasok ang dalaga. “Diyan ka na sa likuran, Ria. Masikip
na tyao rito sa unahan,” anang mama. “Lagi kasing nasusobrahan sa pagkain
ang mama mo kaya sige sa pagtaba,” biro ng kanyang papa. “Sakay na, Ria. Para
hindi tayo mahuhuli ng sikip ng trapiko.” Papasok na sana siya sa kotse nang
mapatanaw sa kabilang ibayo ng kalye. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang
puso. Si Chris ang nakita niya, nakatingin sa kanya at bahagyang kumaway.
Nakatayo ito sa unahan ng sasakyan nito. Halos hindi siya makahinga sa
magkasamang tuwa at takot na baka nakita ng mga magulang ang kababata. Nang
umandar na ang kotse ng ama, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Walang
nakapuna kay Chris. At unti-‐‑unti’y pumatag na ang kanyang emosyon pero napalitan iyon ng saya. Si Chris,
nag-‐‑aksaya talaga ng panahon para magkita sila. May pumintig na
pag-‐‑ asa sa kanyang puso na hindi magtatagal ay hindi lamang sa
ganoong paraan sila mag-‐‑uugnay. Kung paano’y alam niyang darating. Lalong
tumingkad ang kanyang katuwaan. Hindi na tuloy niya namalayan na nakauwi na
sila. Nang dalhan ng meryenda si Ria ni Manang Inday ay ibinulalas niya ang
nangyari. “O, masaya ka na? Dalawang sorpresa
ang ibinigay sa iyo ni Chris na ginagawa lamang ng isang lalaking labis na
nagmamahal sa babaing napupusuan. Alam ko na kung malaya ka lang makakapamili
ng magiging kasama mo habambuhay, alam kong si Chris ang pipiliin mo, Ria.”
“Manang Inday, ngayon pa lamang ay tiyak kong mahal na mahal ko na siya. .”
Napatigil si Ria sa pagsubo ng meryenda. “Ria, ipagdasal nating magbago ng
pasya ang papa at mama mo. Na pabayaan ka nang pumili ng kung sino ang gusto
mo.” “Hihiling po ako ng milagro, Manang Inday.” “Mabait ang Diyos. Baka nga
bigyan ka ng isang himala, Ria.” “Manang Inday, di po ba ang pinagpapala ay ang
mabubuting anak, masunurin sa mga magulang? Baka po hindi ako bigyan. Kasi’y
ngayon pa lamang ay sinusuway ko na ang gusto nila. Ginugusto ko ang isang
lalaking alam kong hindi ang idea nila para sa akin.” “Batang ito, ikaw na
mismo ang pumapatay sa isang pag-‐‑asa. Hala, ubusin mo na ‘yang pagkain. Ipaubaya na lang natin
sa langit kung ano ang maging wakas ninyo ni Chris. Pero sa tingin ko’y hindi basta mangyayari iyon
hanggang hindi ka niya nakukuha.” Hindi na kumibo si Ria. Ang pagkain ang
hinarap. Alam niyang mahirap ngang mangyari ang inaasam. Kahit masakit sa loob,
inamin niyang ang nagiging kalaban niya’y ang unti-‐‑ unting pagkagahaman ng ama sa salapi. Kahit labis-‐‑labis na para sa maayos na buhay ay sige pa rin ang
paghahangad na magkamal nang mas marami pa. At sa paghahangad na iyon ay
nasangkot ang kanyang buhay pag-‐‑ibig. Ang pagpapakita sa kanya ni
Chris kung hapon ay naulit muli. Halos tuwing hapon na’y nakikita niya ang
binata na nakatitig sa kanya, nakangiti. Lagi namang padaplis lamang ang ganti
niya sa tingin nito. Natatakot kasi siyang may mahalata ang sumusundo sa
kanyang driver at ang sipsip na si Emma. Ngayon, sa tuwing lalabas siya mula sa
office ay diretso ang kanyang tingin. Hindi naman siya nabibigo. Laging
naroroon si Chris, nakaabang. Paiba-‐‑iba ng puwesto, may pagkakataong
nasa loob ng kotse para hindi mahalata. Lunes iyon. Nanlumo si Ria nang wala
siyang mapansin na nakaparada sa kabilang side ng kalye. Ang naroroon sa halip
ay isang taksi. Malungkot na tumayo si Ria dahil medyo naantala ang kanyang
sundo. Laking gulat ni Ria nang makitang bumaba mula sa driver’s side ng taksi
si Chris. Nakasuot ito ng uniporme na gamit ng mga taxi driver at may
nakasampay pang good morning towel sa balikat nito. Nang makita siya’y ngumiti
at nagkunwang binuksan ang hood ng taksi na wari ay may tsinitsek na sira.
Isinara at saka pinaandar na iyon nang si Ria ay papaupo pa lang sa tabi ng
driver. “Tuwang-‐‑tuwa po ako sa kanya, Manang Inday.
Kasi po, kahit ordinaryong damit na pang-‐‑ taxi driver ang suot ni Chris ay
ganu’n pa rin siya. Maporma at poging-‐‑pogi,” masayang
pagbabalita ni Ria. Nang sumunod na araw, Martes, habang pumarada ang kotseng
sumusundo kay Ria ay kasunod halos na pumarada ang isang motorcycle cop na
naka-‐‑full helmet na takip pati ang mukha. Nang pasakay si Ria ay
inalis nito ang helmet. At kaunti na siyang mapahalakhak dahil si Chris ang
nakita niyang nagsuot ng ganoong disguise. Naisip ni Ria, lahat ay talagang
ginagawa ni Chris makita lamang siya. Mula noon, inaasahan na ni Ria na iba’t
ibang sasakyan ang gagamitin ng binata para makita siya at makaiwas na ma-‐‑detect ng bantay ng dalaga. Naroong gumamit ng tricycle.
Bisikleta. Iba’t ibang kotse para hindi maging
markado ang gamit niya. Noong una’y na-‐‑ appreciate ni Ria ang ganoong gimik
ni Chris. Pero nang lumaon ay nakakabagot na rin. Nasabi niya kay Manang Inday
na nasasabik na siyang makita ito nang malapitan at makausap. “Natatakot po
kasi ako, Manang Inday, na isang araw ay dumating sina papa na kasama na ang
lalaking gugustuhin nilang maging asawa ko. Nang wala man lang kaming pag-‐‑uusap ni Chris.” “Ria, wala pa akong makitang
pagkakataon. Kung gusto mo, kahit lumabas ka nang palihim. Sa gabi siyempre.
Aabisuhan ko si Nana Usta para masabi kay Jojo na siya naman ang bahala kay
Chris,” suhestiyon ni Manang Inday. “Manang Inday, bakit nga po hindi?
Bahala na kung mabuko tayo. Sasabihin ko lang na gusto kong makasagap ng
malayang hangin. O kahit anong alibi para magkita kami ng love ko.” “Okay.
Bukas nang gabi, Friday. Bahala na.”
CHAPTER 8
“HINDI ka nagbibiro, talagang
tinutukan mo siya tuwing hapon makita mo lamang si Ria at makita ka niya?
Walang nakahalata sa iyo?” “Well. . siyempre gumamit ako ng gimmick. Araw-‐‑araw, iba’t ibang sasakyan
ang ginagamit ko. Una, kotse. Kinabukasan ay motorcycle kuntodo disguise.
Motorcycle cop. Then taxi driver, etc. Kung puwede lang gumamit ng kareta na
nakasuga sa kalabaw ay gagamitin ko magkita lang kami lagi. At nakikita kong
effective dahil laging nakangiti si Ria my love sa tuwing nakikita niya ako.”
“Congratulations, ‘tol. Ang galing mo. Pero puro pahiwatig lang ang mga iyon.
Wala pang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman at laman ng iyong puso.” “Kaya
nga naririto ako ngayon. Hihingi ako sa iyo ng tulong. Pag hindi ko pa nasabi
sa kanya ang matapat kong pagmamahal ay baka tuluyan na akong mabaliw. Jo,
please naman, o. Help me.” “Wow, bigat. Hindi ko kaya. Kailangan hingin natin
ang tulong ni Nana Usta. Kagaya noon. Halika, kausapin natin siya. Nasa kusina
pa ‘yong tiyak.” Naabutan nila si Nana Usta. Busy ang matanda sa paghahanda ng
pananghalian. “Sige na po, Nana Usta. Parang awa na ninyo. Kailangan ko na
siyang makausap. Bago pa ako masiraan ng utak.” “Nagkausap na kami ni Manang
Inday. Ang problema, tila raw lalong humigpit ang pagbabantay kay Ria dahil nga
nag-‐‑office na. Pero pabayaan mo at gagawa raw ng paraan si
Manang Inday para makatakas kahit sandali si Ria.” Katulad ni Chris, si Ria ay nag-‐‑uusisa rin kay Manang Inday na
gumawa ng paraang makalabas siya at makipagkita kina Jojo, Angie at Chris. Pero
bigo ang mabait na nagpalaki kay Ria. “Talagang bantay-‐‑sarado si Ria. Halos hindi na
humiwalay sa kanya si Emma. Madalas nga raw na sa kuwarto nito natutulog ang
sipsip na guard ng papa at mama niya,” paliwanag ni Nana Usta. Isang mapangahas na balak ang naisip ni Ria.
Tatakas siya kapag himbing na ang lahat. Kay Jojo siya pupunta dahil halos
katapat lamang nila ang bahay nito. Kahit kay Manang Inday ay hindi niya
ipapaalam ang gagawin. Isang mapangahas na balak na maaaring maging mitsa ng
paglalayo sa kanya ng mga magulang. Tiniyak ni Ria na himbing na ang lahat saka
siya kumilos. Dahil hindi niya kakayaning umigpaw sa pader na bakod sa likuran
ay wala na siyang choice kundi sa gate siya magdaan palabas ng bahay. Suot ang
damit-‐‑lalaki na gamit niya noong una pa ay pakubli-‐‑kubli siya sa mga malalagong halaman ng kanilang garden
hanggang makarating sa gate na walang nakakita. Gamit ang susi ng lock ng iron
grill ay binuksan niya ang utility door. Maingat na lumabas saka patakbo niyang
binagtas ang daan papunta sa katapat na bahay. Ilang sandali pa’y nagba-‐‑buzzer na siya kina Jojo. “Ria?” gulat na gulat si Nana Usta nang
makilala ang dalaga. “Bakit ka narito?
Tumakas ka?” “Opo. Please, papasukin n’yo ako. Si Jojo,
gusto kong makausap. Pasensiya na kayo, Nana Usta.” “Oo nga pala. Hala, pasok. Dali at baka may makapansin sa iyo.” Hatak si Ria ni Nana Usta papasok
bago muling ini-‐‑lock ang gate. Nang lumabas si Jojo
na halatang kagigising lang ay sinugod ng yakap ni Ria ang kaibigan. Mahigpit. “Jojo, sorry talaga. Kailangan ko lang
lumabas para makahinga. Hirap na hirap na ako sa kalagayan ko. Para akong
bilanggong naghihintay ng sentensiya.” “Ria.. Ria, relax. Halika, maupo tayo,” inakay niya ang kaibigan papasok
sana sa sala. “Jojo, du’n kayo sa studio mo? Mas tahimik doon
at very private,” ani Nana Usta. “Tama kayo, Nana Usta.. paki-‐‑text na rin pala ninyo si Chris. Pakisabing naririto si
Ria.” Tahimik lamang na nakatingin kay Nana Usta si Ria. Worried siya. Ngayon
niya inaalala ni Manang Inday. Sa sandaling malaman ng mga magulang na wala
siya ay ito ang pagbubuntunan ng galit nito. Pero sa kabila noon ay excited
siya. Nakita na niya at nakausap si Jojo. At ngayon ay darating si Chris. Kahit
ano ang mangyari ay wala na siyang pakialam. Basta kahit paano’y magkaharap at
magkausap sila ni Chris. Hindi nagtagal at dumating ang humahangos na si Chris.
Nang makita si Ria ay walang anumang salita na sinugod ng yakap, sabik na
sabik. Masayang nakatingin lamang sa kanila si Jojo. “Ria, salamat at dumating
ka. Halos mabaliw ako sa pag-‐‑iisip kung paano tayo magkakalapit
nang ganito. Hindi sapat na araw-‐‑araw ay natatanaw lang kita. Lalo
akong nananabik sa iyo,” aniya kay Ria
nang magkalas sila sa pagkakayakap sa isa’t isa. “Ako rin. Kaya nga tumakas na ako.
Bahala na kung saan ito hahantong,” madamdaming sabi niya kay Chris. “Teka, ha.. iiwan ko muna kayo. Kukuha lang ako ng makakain at maiinom,”
alibi ni Jojo. Gusto niyang magkausap na nang husto ang dalawang nagmamahalan.
Nang wala na si Jojo ay magkatabing naupo sina Ria at Chris. Magkahawak kamay
sila. Nakahilig sa balikat ni Chris si Ria. Walang salitang namagitan sa
kanila. Pinabayaan nilang ang kanilang puso ang mag-‐‑usap para magpahayag ng pagmamahal na kaytagal nilang
kinasabikang maramdaman. “Ria,” mahinang ani Chris sa dalaga. “Ang tagal kong naghintay na makasama
kang ganito. . Ria, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.” “Chris, alam
kong may darating na magmamahal sa akin kaya siguro natiis ko ang lahat ng
paghihigpit ng mga magulang ko. Ikaw pala ‘yun. Nang magkita tayo noon ay
gumaan ang mabigat na pinagdadaanan ko. Alam mo bang dinadasal ko laging
dumating na sana ang lalaking mamahalin ako. Para kahit paano’y maramdaman ko
ang isang tunay na pag-‐‑ibig bago ako muling mabilanggo sa
lalaking inutos ng aking mga magulang na maging kasama ko habambuhay?” “Ria, no! Hindi ako papayag. Wala nang maaaring umagaw pa sa iyo dahil ang
pag-‐‑ibig ay para sa ating dalawa lamang.” “Pero Chris, alam kong mabibigo tayo. Hindi mo pa kilala ang papa ko. Wala
siiyang ginustong hindi natupad. Kahit paulit-‐‑ulit
tayong magtago ay paulit-‐‑ulit niya tayong matatagpuan at
paglalayuin.” “Ria, hindi niya magagawa iyon sa atin. Hinding-‐‑hindi ako papayag,” sasagot pa sana si Ria nang humahangos na nagbalik si Jojo. “Jojo, bakit?” may takot muling naramdaman si Ria. “Ria, si Manang Inday ay tumawag.
Magbalik ka na raw. Si Emma, nagpipilit na pumasok sa kuwarto mo. Nakikiusap si
Manang Inday.” Biglang tayo si Ria. Iwinaksi ang pagkakahawak sa kanya ni Chris
at patakbong lumabas ng gate. Tumatakbong tumawid at pumasok sa kanilang gate.
Nakita niyang bumaba si Emma at Manang Inday. Mabilis siyang nagkubli. Nang
mawala na ang mga ito sa kanyang paningin ay saka siya sumalisi. Mabilis na
pumasok sa kanyang silid. Nagpadyama at nahiga. Nagkunwaring tulug na tulog.
Marahang bumukas ang pinto. Ramdam ni Ria ang pagpasok ni Manang Inday at ni
Emma. “Emma, ano’ng sabi ko sa iyo, tulog na tulog si Ria. Kaya hinatak kita
para makita mong naka-‐‑ lock lahat ng pinto at gate.
Ngayon, kuntento ka na? Lokang ito, sa tanda kong ito e pagdududahan mo.” “Sorry, Manang Inday. Pero huwag nang maulit ito, gabi-‐‑gabi’y dito na ako
matutulog sa paanan ng kama ni Ate Ria. Ayokong mapagalitan ni sir. Ayokong
mapalayas dito.” “Bahala ka. Pero mula ngayon, basta
sinabi ko’y paniwalaan mo, maliwanag ba?” “Opo, Manang Inday.” Nanlumo si Ria.
Iyon na pala ang una’t huling
pagtakas niya na hindi alam ni Manang Inday. Paano na ang kanyang pag-‐‑ibig? Para bang sandali lamang niyang naramdaman ang
kalayaan at naputol agad. Ang magandang nangyari at hindi niya malilimot pa’y nagkaunawaan sila ni Chris. Pero
paano pa sila magkikitang muli? “Bahala na,” mahinang bulong
ni Ria. “Basta ginusto ay makakahanap ng
paraan.” Iyon ang isiniksik niya sa kanyang
isip at puso hanggang sa makatulog.
CHAPTER 9
DUMAAN ang mga araw. Hindi pa rin
tumitigil si Chris sa pagpapakita niya at pagtanaw kay Ria mula sa kabilang
side ng kalye. Pero ngayon ay mas lalo siyang nanabik na magkalapit sila ng
kanyang mahal. Pero talagang wala yatang paraang maisip ang binata. Tiyak
niyang wala ring idea si Ria. Isang lunch break, ang driver lang ang naghatid
ng lunch kay Ria. “Mang Gardo, si Emma po, si Manang Inday? Bakit kayo ang
nagdala nito?” “Dumaing ng sobrang sakit ng ulo. Dinala ko sa clinic ni Dra.
Jimena. Tumaas ang BP ni Manang kaya pinayuhan ng doktor na magpahinga. Ako
muna ang tatayong bodyguard mo habang wala si Emma.” Naramdaman ni Ria ang tila
paggaan ng kanyang mabigat na pasanin dahil si Mang Gardo ang kanyang bantay
ngayon. Kahit walang sinasabi ito ay ramdam niyang may simpatiya sa kanya ang
driver nila. “Miss Ria, sumalo ka na sa amin ganyang wala kang kasalo. Tingin
ko’y hindi ka naman sasaluhan ng driver, di ba?” anyaya ni Ann. “Salamat, Miss
Ann. Sige, sasabay ako sa inyo,” masayang sabi. “Pero dito na lang tayo kumain.
Dito sa mesa ko. Malaki naman ito para sa ating dalawa.” Masaya silang nagsalo.
“Miss Ria, pag wala akong baong pagkain ay du’n sa mini-‐‑park sa di kalayuan ako nagla-‐‑lunch.
May maliit na restawran sa sulok ng park. Masarap ang pagkain doon,” anyaya ni Ann. “Pero.. sige, Ann. Bukas ay du’n tayo kakain. Pag si Manang Inday o
kaya’y Mang Gardo lamang ang maghahatid.
Si Emma. . magsusumbong iyon sa papa mo.” Kinabukasan. Lunch break. Si Mang Gardo uli ang naghatid ng lunch ni
Ria. “Mang Gardo, alam ko hindi pa kayo
kumakain. Sa iyo na ang dala ninyong pagkain. Titikman ko namang kumain kasama
ang kasamahan ko du’n sa kinakainan nila. Please, Mang Gardo.” “Basta, Ria, pag
nagkabukuhan e i-‐‑absuwelto mo ako. Mahirap na akong
makahanap pa ng trabaho. Hindi na ako young man.” “Opo. Sagot ko kayo, Mang Gardo. Saka
wala namang makakaalam kung hindi n’yo ako isusumbong.” Magkakapit-‐‑kamay sila ni Ann nang tumawid. Ilang dipa pa lamang ang
kanilang nalalakad nang may humintong kotse. Sumungaw si Chris. “Ria, nakalabas ka? Saan kayo pupunta?” may pagtataka si Chris. “Magla-‐‑lunch.
Wala si Emma, busy sa bahay kasi nagka-‐‑high blood si Manang Inday.” “Puwedeng sumalo?. . sakay na kayo. Saan ba ‘yon?” Itinuro ni Ann. “Malapit lang pala. Sige, susunod na
lang ako sa inyo. Ipaparada ko lang ang kotse.” Ang saya-‐‑saya ni Ria. Nakalimutan na niya ang
takot na baka may makakita sa kanila. Basta ang mahalaga ay magkasama sila ni
Chris. Iyon nga lang. Nakangiti ang kanilang pag-‐‑uusap.
Pero kapwa na sila masaya basta nagkita sila at nagkasama. Masaya rin si Manang
Inday nang ikuwento ni Ria ang mga nangyari. “Naniniwala ka na sa akin, Ria.
Darating din ang araw na para sa inyo. Paggaling ko’y balik si Emma sa
paghahatid at pagbabantay sa iyo.” “Hindi bale po. Manang Inday. Kahit paano’y
may sarili kaming moment ni Chris. Kahit kasama namin si Ann.” “Alam ba ni Ann
ang situwasyon mo, Ria? Kung hindi’y ipagtapat mo. Baka maintindihan niya at
habang kailangan kong magpahinga ay magkaroon kayo ng kalayaan ni Chris na
magsolo sa lunchbreak. Para naman maging malaya kayo sa pag-‐‑uusap at magbulungan ng words of love.” Tumawa si Ria. “Si
Manang Inday, o. May alam pang words of love at bulungan ng lover.” “Dahil
minsan isang panahon ay naranasan ko rin iyan. Huwag kang mag-‐‑aalala. Medyo magtatagal ang mga araw ng mas mataas ang
presyon ng dugo ko,” anito at
ikinahalak ni Ria. “Naku, Ria.
Ngayon lang uli kita narinig na humalakhak. Talagang iba ang so much in love!” Yumakap si Ria sa mahal na tagapag-‐‑alaga. NAKAUNAWA si Ann. Kaya sa lunch ay lagi silang
magkasamang lumalabas ni Ria. At si Mang Gardo ang tagakain ng dalang pagkaing
masasarap. Pagpasok nila sa mini park ay humihiwalay agad si Ann sa dalawa.
Ngayon ay may secret corner sina Chris at Ria sa ilalim ng malalagong puno sa
park. May cement benches doon at iyon ang kanilang private corner. “Ria, hindi
natin alam kung hanggang kailan tatagal ang lihim nating pagkikita. Kaya
makinig kang mabuti,” minsan ay pahayag ni Chris habang magkahawak kamay sila
sa kanilang private corner. “Ako ang pupunta sa iyo kung gabi pag tulog na ang
lahat. Du’n sa gate. Sapat na roon para makapag-‐‑usap
tayo. Kahit sandali.” “Pero delikado. Paano kung may
makapansin at akalaing magnanakaw ka. Maaaring madisgrasya ka pa.” “Bahala na. Basta hindi puwedeng hindi tayo magkikita lagi.” “Chris, paano kung dumating ang panahong kinatatakutan ko. Na ipakilala na
nila sa akin ang lalaking napili nilang pakakasalan ko?” “Hindi mangyayari iyon, Ria. Hindi ako papayag. Ngayon pa lamang ay
naghahanda na ako. Lalayo tayo bago ka nila maipakasal sa kung sino man siya.
Sa ngayon ay dapat tayong mag-‐‑ enjoy sa ating pag-‐‑ibig. Kahit sa panakaw na paraan.” “Chris, isusumpa ako ng mga magulang ko. Madadamay ka.” “Ria, hindi totoo ang sumpa. Panakot lamang iyon para mapasunod ang kahit
sino sa kagustuhan ng nagbabanta ang sumpa.” “Pero paano kung totoo?” “Handa ako, Ria. Kahit na ano basta magkasama tayo.” Yumakap si Ria kay Chris. “Ako rin, love. Kahit ano. . kahit
saan basta magkasama tayo.” “Salamat, Ria. Pag-‐‑ibayuhin mo ang paghahanda sa ating paglayo. Doon sa hindi
na nila tayo maaabot. Magiging maligaya tayo. Bilang isang masayang pamilya na
may.. teka, ilang anak ba ang gusto mong magkaroon, love?” “Apat, four it’s
going to be,” saka inakbayan si Ria, hinapit sa dibdib. Hindi nila namalayan
ang paglapit ni Ann. “Ria, Chris, fifteen minutes na lang at time na. Bukas na
lang uli,” nakangiting anito kina Ria at Chris. “Thanks, Ann. Tayo na.” Tumayo
na si Ria. Hinaplos sa pisngi si Chris at magkasama na silang lumayo ni Ann.
CHAPTER 10
‘TOL. Napasyal ka. Kumusta na. Kayo
ni Ria,” napatigil sa pagpipinta si Jojo nang dumating si Chris. Masaya ito.
Abot tenga ang ngiti. “Mabuti, ‘tol, mabuting-‐‑mabuti.
Pero may problema. Magaling na si Manang Inday kaya balik si Emma sa paghahatid
ng lunch kay Ria. Hindi na siya makakasama kay Ann sa mini-‐‑park. Magkakasya na lang uli ako sa pagtanaw sa kanya tuwing
hapon.” “Okay na ‘yon kaysa naman wala, di ba?” “Awang-‐‑awa ako sa kanya, Jo. Sabik siyang
lumabas. Gumimik gaya ng ibang magkatipan. Pero imposible sa kanyang kalagayan.
Sabi ko sa kanya, sa sandaling makalayo kami ay wala akong gagawin kung hindi
ipasyal siya. Hindi lang sa gimikan kung hindi sa iba’t ibang panig ng mundo na
gusto niyang puntahan. Sa ngayon ay nagkakasya na lamang kami sa holding
hands.” “Chris, uubusin mo ba ang perang nakalaan para sa bubuksan mong
negosyo? Paano kung maubos?” “Bahala na. Ang gusto ko lang kasi’y mapaligaya
siya,” maibigay sa kanya ang anumang hindi niya naranasan. Bahala na si Papa,”
saka tumawa ito. Tuluyan nang tinalikuran ni Jojo ang ginagawa. Hinarap ang
kaibigan. “O, bakit mo ako tinititigan nang ganyan, ‘tol? Para bang may hindi
ka nagustuhan sa sinabi ko,” seryoso si Chris na tumingin din kay Jojo. “Kasi,
hindi ko inaasahan ang ganyang katuwiran na nagmumula sa iyo. Chris, tila puro
puso yata ang pinapairal mo sa relasyon ninyo ni Ria.” “Ano pa ba ang dapat,
Jo? Mahal na mahal ko siya. Kahit ano ay ibibigay ko sa kanya makita ko lamang
siyang masaya. Mula sa puso ang pag-‐‑ ibig na inihahandog ko sa kanya.
Isa pa, mahirap ang pinagdaraanan niya sa kanyang dinaranas ngayon na para
siyang bilanggo sa sariling tahanan. Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, hindi
mo ba ibibigay sa mahal mo ang lahat ng maaaring makapagpasaya sa kanya?”
“Siyempre, ‘tol. Pero hinay-‐‑hinay lang. Ganyang gusto mo siyang
makasama habambuhay e, dapat paghandaan mo ang inyong future. Isipin mo, hindi
naman puro love lamang ang kailangan n’yo pag kayo na nga. Pagbuo na ng pamilya n’yo. May dalawa o apat na anak. Iisipin n’yo rin ang uri ng buhay na dapat ibigay sa kanila. Paano kung naubos na
ang ipupuhunan mo para sa matatag na negosyo. Si Ria ay sanay sa masaganang
buhay. Sa rangya. Sa luho na kapag sayad ka na, saan ka pa kukuha? Lalo’t sabi
mo nga e kinuha mo na ang parte mo sa mana sa mga parents mo. Paano na. .
Chris, gamitin mo rin dapat ang better judgement mo sa mga bagay-‐‑ bagay.” Sandaling
natahimik si Chris. Tipong hinihimay-‐‑himay ang mga sinabi ni Jojo.
Pagkaraan ng ilang sandali, himas ang buhok na tumawa. “Tama ka ru’n Jojo. Salamat sa payo. Ang balak ko
po sana ay yayayain ko na siyang sumama sa akin na lumayo sa susunod na
magkaroon kami ng time na magkausap. Pero nakita kong tama ka. Kahit pa puso
ang nagmamahal, isip ang titiyak sa itatagal ng aming pagsasama.” “Right. Lagi
mong isipin ang kasabihan ng matatanda na ang kaligayahan sa pag-‐‑ibig ay lulundag sa bintana kapag wala nang laman ang ref,
bigasan at iba pang pangangailangan sa dining table.” “Narinig ko na ‘yan, ‘tol, sa mama ng mom ko. Mas modern
nga lang ang version mo,” sabay pa silang
nagkatawanan. “O, paano?” “Jo, next week, on Monday ay aasikasuhin ko na ang
business na balak ko. Nasa akin na ang mga project study. Nu’n pang bagong
dating ako ibinigay ng uncle kong accountant-‐‑lawyer.
Paghahandaan ko na ang lahat-‐‑lahat.” “Hanggang maaga at wala pang napipili
ang papa ni Ria para sa kanya.”
CHAPTER 11
BUONG week na kapansin-‐‑pansin kay Ann ang pagiging malungkutin ni Ria. Parang ayaw
nang rumehistro ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit awang-‐‑awa siya rito dahil alam niya ang dahilan ay nahihiya naman
siyang magtanong o magsikap na pasayahin ito. Pero nang huling araw ng week,
Friday ay nakita niyang pigil nito ang paghikbi. Yugyog ang balikat na
nakasubsob sa keyboard ng computer set nito. Hindi siya nakatiis. Nilapitan si
Ria. “Ria.. may problema ba? May maitutulong ba ako?” Ipinatong niya ang isang
kamay sa balikat ng dalaga. Tiningala siya nito. Luhaan. Basang-‐‑basa ang mga pisngi. “Ria, kung kailangan mo ng tulong at kaya ko, heto ako. O kahit kailangan
mo ng kausap. Malinaw ang pandinig ko. Maririnig ko ang mga sasabihin mo kahit
pabulol dahil umiiyak ka,” pilit niyang patawa. “Ann. Hirap na hirap na ako.
Mabuti pa sanang hindi na kami nagkasama tuwing lunch nang maraming araw.
Makukuntento na lang siguro ako na nagtatawanan kami kung hapon.” Sa pagitan ng
mga hikbi ay pahayag ni Ria sa bagong kaibigan at office mate. “Ria, please,
husayin mo ang sarili mo. Baka may pumasok na co-‐‑employees
natin at makita kang ganyan. Kung gusto mong mag-‐‑confide
sa akin, let’s do it during morning coffee break.
Magpaiwan na lang tayo rito. Magpapahatid ako ng pagkain natin.” “Ann? Gagawin
mo ‘yan para sa akin?” “Bakit hindi? Magkaibigan na tayo rito sa office. At
kung bukod doon ay may maitutuong ako para makita kang maligaya, call ako.
Basta hindi kasalanan at mali,” matapat na sabi ni Ann. “Salamat, Ann.
Kailangang-‐‑kailangan kong talaga ng isang
makakausap at makikinig sa akin. Naramdaman mo na ba na ang isang bagay ay
natatanaw mo’t halos abot-‐‑kamay na’y hindi mo pa
mahawakan?” “Ria, sige na, husayin mo na ang sarili mo. Hayun si Sir. Palapit na rito.
Magbibisi-‐‑bisihan na ako,” tinalikuran niya ang kaibigan at
nagsimulang tumipa sa kanyang computer. Kahit mabigat na mabigat ang dibdib ay
walang nagawa si Ria kung hindi magkunwaring busy rin. Sa sulok ng mga mata ay
nakita niyang tinanaw pa sila ng personnel manager nila bago ito naupo sa
sariling swivel chair. Hanggang sa unti-‐‑unti ay kumalma na rin ang kanyang
damdamin. Lalo’t nangako nga si Ann na tutulungan
siya. Hindi nga ba at malaking bagay na ang naitulong nito sa pagsasama nila ni
Chris kahit sandaling oras kung lunch break. Gaya ng pangako ni Ann, nang
maglabasan na ang mga kasamahan para mag-‐‑morning break ay nilapitan niya si
Ria. “Game na ako. Shoot,” nagpipilit pa rin si Ann na haluan
ng sigla ang kanyang gagawin para kay Ria. “Ann, ang alam mo lang sa love story ko’y binabantayan akong mabuti ng mga magulang ko. Dahil ayaw muna nilang
magnobyo ako. Ang totoo, hindi nila gustong magkaasawa ako ng kahit sino. Ang
gusto nila’y isang lalaking mayaman at kilala sa
lipunan. Sayang daw ang ganda ko kung hindi ako magugustuhan ng ganoong
prospect. Ang alam ko, kahit hindi nila sinasabi sa akin, nang magtapos ako sa
college ay nakipagkasundo sila sa hindi ko alam kung sino na sa takdang panahon
ay pagtatagpuin kami at aayusin ang aming kasal. Kinausap nila ako nang
masinsinan. Ipinaliwanag na kung isang oportunista lamang ang papayagan kong
makalapit sa akin, ang lahat ng kayamanang pinaghirapan nilang ipundar ay
mauubos lang. Mahuhuthot ng kung sino. Doon nagsimula ang paghihigpit nila sa
akin. “Noon, pumayag ako. Dahil wala naman akong partikular na napag-‐‑uukulan ng pansin. Hanggang magbalik ang kababata kong si
Chris mula sa maraming taon niya sa ibang bansa. Mahal na mahal ko siya, Ann.
Siya ang aking pag-‐‑ ibig. Ang aking happiness. Ang
aking buhay. .” “Ang lupit naman ng sitwasyon. Nakita ko nga kung gaano ka niya kamahal.
Pero paano na nga? Committed ka na sa mga magulang mo para sa lalaking napili
nila para sa iyo.” “Iyan ang malaking problema ko. Sa
pagdaraan ng mga araw ay hirap na hirap ako. Ang palihim at pasandali naming
pagkikita ni Chris ay lalong nagpapatindi ng pagmamahal ko sa kanya.” “Kung
gugustuhin mo, e simple lang ang problema mo, Ria. Pag-‐‑usapan ninyo ni Chris ang situwasyon. At para hindi kayo
magkahiwalay pa, magpakalayu-‐‑layo kayo. Pakasal. Nasa wastong
gulang ka na at hindi ka na maaaring pigilin ng mga magulang mo. E di tapos na
ang kuwento. Pakasal na kayo, hahabol pa ba si very rich boy para bawiin ka pa
kay Chris?” “Pero masasaktan ang ko ang papa’t mama ko. Nakapangako ako sa
kanila. Malalagay sila sa kahihiyan pag sumama ako kay Chris.” “Ang ibig mong
sabihin, talagang susunod ka sa gusto nila? Paano ka naman. Sa palagay mo ba’y
magiging maligaya ka sa super rich boy na iyon habang si Chris ang talagang
mahal mo? Hinding-‐‑hindi, Ria. Habang buhay kang
malulungkot at magiging miserable.” “Ann, ang gusto ko lang ay maramdamang
mahal at mahalin ng lalaking pinakaiibig ko habang wala pa ang lalaking
ipinagtrato sa akin ng papa,” naiiyak niyang sabi kay Ann. “Ay, Santa Teklang
apat ang paa! Ano bang klaseng gulo ang iniisip mong gawin sa buhay mo, Ria?”
natutop ni Ann ang kanyang noo sa narinig mula sa dalaga. “Ang gulo mo naman
pala.” “Ann, magiging napakasama kong anak kapag sinuway ko sila. Pero paano
naman ako? Alam kong magdurusa rin ako sa sandaling iwan ko si Chris para sa
lalaking iyon. Gusto ko lang na maging maligaya ako. . kami ni Chris habang
malaya pa ako,” nagsisimula na namang malaglag ang mga luha ni Ria. “Ay, naku,
Ria, hindi lang ang sarili mo ang sinasaktan mo. Lalo na si Chris na mahal na
mahal ka. Para mo na rin siyang pinatay.” “Ann. Litung-‐‑lito na ako.” “Talagang malilito ka, Ria. Alam mo
bang you can’t have your cake and eat it, too? Ang
tanging maitutulong ko lang para sa iyo e payuhan kang pumili ng isa sa kanila.
Masaktan na ang masasaktan. Dahil iyon lang ang tamang solusyon,” pagkasabi ni Ann noon ay humudyat na
tapos na ang morning break kaya lumayo na siya sa dalagang nagdadalamhati. Nang
lumabas si Ria nang hapong iyon ay nasa labas na ng gate ng building ang
kotseng susundo sa kanya. Si Emma ang naroroon. Nang makita siya’y bumaba na
ito mula sa tabi ng driver at lumipat sa likuran. Tahimik na sumakay si Ria.
Suot niya ang kanyang salaming may kulay para hindi mahalatang mugto ang
kanyang mga mata. Tumingin siya sa lugar na laging pinupuwestuhan ni Chris para
tanawin siya. Pero wala ito. Ngayon lamang ito sumablay sa paghihintay sa kanya
mula noong una nitong gawin ang gimmick na iyon. Kinabahan si Ria. Baka may
nangyari rito. Baka may sakit. At wala naman siyang paraan para malaman.
Tahimik siya sa buong panahong bumiyahe silang pauwi. “Emma, pakisabi kay
Manang Inday na sa kuwarto na ako magmimeryenda. Pakidalhan na lang kamo ako ng
malamig na malamig na inumin. Saka malamig na salad,” bilin niya kay Emma bago
nagtuloy na sa kanyang kuwarto. Kay Manang Inday siya hihingi ng tulong para
malaman niya kung bakit wala si Chris sa tapat ng kanyang pinapasukan. Hindi
naman nagtagal ay pumasok na si Manang Inday, dala ang tray ng meryendang
hiniling niya. “Manang Inday,” paiyak niyang tawag sa tagapag-‐‑alaga. “Ria, may
problema ka ba? Bakit mugto ang mga mata mo?” Inilapag ng matanda sa mesita ang dalang pagkain. Dinampot ang baso ng
malamig na fruit juice at iniabot sa alaga. “Inumin mo ito. Tingin ko’y hindi mabuti
ang pakiramdam mo.” Tumango si Ria.
Inabot ang malamig na juice, tinungga. Nangalahati ito. “Manang Inday, miss na miss ko po kasi
si Chris. Kailangan ko siyang makita. Makausap.” “Pero paano? Laging maagang
umuuwi ang mga magulang mo. Mahirap takasan.” “Ako na po ang bahala. Basta
kapag nabisto na wala ako, wala kayong alam. Iniwan n’yo ako rito na tulog na.
Ako na ang bahala sa sarili ko.” “Ria, huwag mong gawin ‘yan. Alam mo kung
gaano kalupit ang papa mo kapag nalamang sinuway mo siya. Na lumabas ka nang
dis-‐‑oras ng gabi nang walang paalam,” takot si Manang Inday para sa alaga.
“Bahala na po. Basta lalabas ako.
Tatakas. Basta du’n kayo sa
kuwarto ninyo. Wala kayong alam, period.” “Ria, delikado ang gagawin mo. Paano
kung mabisto ka?” “Magiging maingat po ako. Basta pag tulog na sina Papa ay
timbrehan ninyo ako agad,” ani Ria. “Huwag kayong mag-‐‑alala. Hindi ko kayo isasabit.”
CHAPTER 12
NANG pumasok si Manang Inday sa
kuwarto ni Ria ay nagulat siya. Paano’y bihis ito ng magarang bestida. Hindi nakasuot panlalaki gaya noong una
silang gumawa ng paraan para makalabas ang dalaga. May bahagya pang make-‐‑up at maayos ang buhok. “Ria. Baka may makakita sa iyo at. .” “Tulog na po ba sila?. . Huwag kayong
mag-‐‑ alala. Gabi na. Wala nang naglalakad dito sa ating lugar.
Sige na po. Magbalik na kayo sa inyong kuwarto.” Nag-‐‑aalala si Manang Inday pero ano ang
magagawa niya para pigilin si Ria. Sabik na talagang makalabas ito katulad ng
normal na kabataan. Pero minalas itong magkaroon ng sobrang mapaghangad na ama
at ina kahit alam na naghihirap na labis ang kalooban ng anak. Samantala’y pakubli-‐‑kubli si Ria sa paglabas ng bakuran. Sa utility entrance sa
main gate din siya nagdaan. Nang makalabas ay nagpalinga-‐‑ linga. Nang matiyak na walang tao sa paligid ay
nagmamabilis na tumawid. Kina Jojo siya dumako. Marahang kumatok. Malapit sa
studio ng binata ang gate. Hindi siya nag-‐‑buzzer dahil baka ang mama ng
kaibigan ang magbukas ng pinto ay masabi pa iyon sa kanyang mama. Ilang ulit
siyang kumatok. Nang marinig niya ang mga yabag sa studio. Tiyak niya, si Jojo
iyon. “Jojo. Si Ria ito. Please, pagbuksan
mo ako,” tawag niya. “Ria? Bakit ka narito? Teka.. Sandali
lang!” Narinig niyang nagbukas ito ng lock
at ilang sandali pa’y bumukas ang pinto. “Dali, Jo. Baka may makapansin sa
akin.” “Halika, pasok,” iniabot ni Jojo ang isang kamay niya at pahila siyang
papasok saka isinara ang pinto. “Du’n tayo sa studio ko. Bakit ka napasugod?
Nag-‐‑iisa ka. Paano ka nakalabas?” sunud-‐‑sunod na tanong ni Jojo kay Ria. “Tumakas ako, Jo. Si Chris... wala
siya kanina. May nangyari ba sa kanya? Miss na miss ko na siya. Mula nang
gumaling si Manang Inday ay si Emma na ang sumusundo sa akin. Hindi na ako free
na sumama sa lunch sa kanya.” “Okay si Chris. Narito siya kanina. Nahuli raw
siya sa trapik dahil may banggaan. Hindi ka na inabot. Teka. Tatawagan ko siya.
Sasabihin kong narito ka,” dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan si
Chris. “’Tol, narito si Ria. Bilisan mong pagpunta rito.” Hindi nagtagal ay
humahangos na dumating ang binata. Nang makita si Ria ay niyakap ito nang
mahigpit. “Ria, paano ka nakalabas? Wala kang kasama?” binitiwan niya ang
katipan. “Nag-‐‑aalala ako. Hindi kita nakita. Saka
more than a week na tayong hindi nagkakausap. Kumapit siya sa braso ni Chris.
“Kayong dalawa, dumito kayo at mag-‐‑usap. Ako nama’y kukuha ng pagkain at maninigarilyo
ako sa labas nitong studio,” saka iniwan ang
magkasintahan. “Ria, may
sasabihin ka ba sa akin? Hindi ka dapat magtagal at baka hanapin ka na,” saka hinapit ni Chris sa dibdib niya
si Ria at magkatabi silang naupo sa bench na naroroon. “Marami akong gustong sabihin sa iyo,
Chris. Halimbawa’y I love you so
much. Pag hindi kita nakita kahit isang araw ay parang nanghihina ako sa pag-‐‑aalala. Chris, gusto ko ring sabihin na kahit ano ang
mangyari sa relasyon natin, sana, huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita
at wala nang iba pang mamahalin maliban sa iyo,” saka muli siyang sumubsob sa dibdib ng binata. “Ano bang klaseng salita ‘yan? Para bang may masamang magaganap
sa atin. Maniwala ka. Wala nang maaaring mamagitan sa atin para magkalayo pa
tayo. Listen to me, Ria. Inaayos ko lamang ang lahat-‐‑lahat. Para sa paglayo natin ay dire-‐‑diretso tayo sa langit. Pakakasal agad tayo sa unang stop
over natin. Para wala nang maaari pang humabol sa atin. Pagkatapos ay hindi
tayo titigil sa iisang lugar nang matagal. Lilibutin natin ang mga bansang
gusto mong marating. Pag nagsawa na tayo ay saka tayo bubuo ng isang paraisong
tahanan at doon magpapamilya. Apat na anak, di ba iyan ang napagkasunduan
natin?” “Chris,” masayang sambit ni Ria. Natangay siya ng mga balak nito para
sa kanilang dalawa. Sandaling nakalimutan na may ibang plano ang kanyang mga
magulang para sa kanya at nag-‐‑commit siya sa kanila na susundin
ang gusto ng mga ito. Tiningala niya ang kanyang mahal. Puno ng pag-‐‑ibig ang kanyang expression. “Ria, kung maaari lamang na huwag na tyaong maghiwalay ngayon. Lalayo na
tayo. Itatakas na kita sa kanila.” Unti-‐‑unting yumuko si Chris. At nagtagpo
ang kanilang mga labi. Hindi maipaliwanag ni Ria ang kaligayahang naramdaman
niya. Wala na siyang nasa isip pa maliban sa magkasama sila ng kanyang mahal at
wala na siyang mahihiling pa. “Hey. Break muna.
Kumain tayo nitong na-‐‑ raid ko sa ref. Puro malalamig na
pagkain. Pati nga itong tinapay, ice cold din,” anang pumasok na si Jojo at masaya silang nagtawanan. “Paano mo nalamang gutom ako, Jo?” tanong ni Ria na dumampot ng
platitong may slice na chocolate cake. “Ganu’n naman kasi ang mga taong in love.
Nakakalimutan ang pagkain lalo’t magkikita sila
ng kanyang mahal. . alam kong marami na rin kayong napag-‐‑usapan. Kumain na tayo at itaboy na natin si Ria na magbalik
na sa kanila. Baka madiskubre nang nawawala siya,” ani Jojo. “Ganyang matapang
ka nang tumakas, tiyak na marami nang pagkakataon na magkakasama kayo.” “Hindi
na magtatagal, ‘tol. Kaunting panahon na lamang ay hindi na kami magkakahiwalay
pa ni Ria,” saka muling hinalikan nito ang dalaga. “Inggitin naman ako, e..
kain na bago matunaw ang ice cream,” pagtataboy sa kanila ni Jojo. “Pagkatapos
nito’y aalis na ako, Chris. Jojo. Ayokong mahuli ako sa amin. Pag nagkaganoon,
lalo nila akong hihigpitan at hindi na ako makakatakas para magkita tayo,”
nakatitig siya kay Chris. Pagkaubos ng ice cream ay tumayo agad si Ria.
Nilapitan si Chris. Hinalikan nang mabilis sa mga labi at nagmamadali nang
dumako sa gate nina Jojo. Patago siyang hatid ng tanaw ng dalawang binata nang
pumasok sa gate nina Ria. Nakahinga nang maluwag si Ria nang nai-‐‑ lock na niya ang gate. Payuko na siya para pumaloob sa
garden at makapagkubli sa malalagong shrubs nang biglang bumukas ang ilaw sa
sala ng malaking bahay. Kaunti nang mapasigaw si Ria. Tiyak niya, nagising ang
kanyang papa. Ganoon ang ugali niyon. Pag nagigising sa hatinggabi’y binubuksan
ang lahat ng mga ilaw at isa-‐‑isang sisiyasatin ang paligid. “Diyos ko, baka natuklasan ang
pagkawala ko,” bulong ni Ria na patakbong binagtas
ang gilid ng bahay. Sa kusina siya dadako. Ang dasal niya’y binuksan sana ni Manang Inday ang
pinto roon. Waring sinagot ng anghel niya ang kanyang dasal. Bukas ang pinto.
Marahan siyang pumasok na nanginginig ang buong pagkatao sa nerbiyos. Suwerteng
wala sa sala ang kanyang papa kaya nakapanhik siya at nakapasok sa kanyang
kuwarto nang walang nakapansin. Lumundag siya sa kanyang kama. Hinatak ang
kanyang kumot at itinakip sa buong katawan hanggang leeg. Hustong bumukas ang
pinto. Kaya hindi nakita ng kanyang papa ang kanyang mukha lalo’t malamlam ang
ilaw sa kanyang silid. “Ria,” tawag nito. Hindi siya sumagot. Naramdaman niyang
sumara ang pinto ng silid niya. Saka lamang niya pinakawalan ang pigil na
paghinga. Pakiramdam ni Ria ay napigang lahat ang kanyang lakas dala ng
pangyayari. Napaiyak siya. Dala ng magkahalong galit at takot. Galit sa
pagtrato sa kanya ng mga magulang na tila siya robot na kailangang sumunod sa
kanilang programa at hindi tao at anak na dapat ay maging malaya at magkaroon
ng sariling desisyon. Ngayon niya naisip na tama ang mga sinabi ni Ann. Dapat
niyang piliin ang kung ano ang magpapaligaya sa kanya. Buhay at kaligayahan
niya ang nakalaan. Siya ang malulungkot. Ang masasaktan. Habang ang kanyang mga
magulang ay masaya dahil isang masunurin siyang anak. Ngayon ay nabuo na ang
kanyang desisyon. Sakaling handa na si Chris ay sasama na siya sa katipan. Sa
isang panig ng kanyang isip ay alam niyang mali ang gagawin. Pero bahala na.
Hindi na niya magagawang talikuran ang kanyang pag-‐‑ ibig. Bahala na. Madali siyang nakatulog. Naging mahimbing.
Maliwanag na nang magmulat siya. Nakatayo sa paanan ng kanyang kama si Manang
Inday. “Manang Inday, good morning,” painat siyang nagbangon. “Ria, magpalit ka na ng damit.
Hinihintay ka na nila sa dining hall para sa almusal,” saka lamang napuna ni Ria na hindi
na pala siya nakapagpalit ng damit. Nagtatawang yumakap siya kay Manang Inday.
“Ria, kaunti na akong hinimatay kagabi nang magising ang papa mo. Salamat at
hindi ka nabuko. Binuksan ko ang pinto sa kusina nang palihim. Alam kong doon
ka dadaan.” “Relax, Manang Inday. Ligtas ako. At uulitin ko ‘yon. Kung alam ko
lang noon pa na kaya kong gawin ang pagtakas ay ginawa ko na noon pa.” “Oo na,
sige, sumunod ka na.” “Manang, bakit bigla’y gusto nila akong makasalo sa
almusal? Dati nama’y nauuna sila.” “Narinig ko ang kanilang usapan. Kagabi ay
dumating na rito ‘yung binatang gusto nilang ipakasal sa iyo.”
CHAPTER 13
“NO,” paimpit na sigaw ni Ria.
“Ayoko. Hindi. Ayoko,” namumula sa galit si Ria. Pakiramdam niya’y sinilaban
siya ng apoy. “Naparito dito?” “Hindi, Ria. Umuwi na rito sa bansa para nga
makilala ka na. Handa na raw bumuo ng pamilya ang binatang iyon.” “Hindi ako
papayag,” saka tinakbo ni Ria ang pinto. “Kakausapin ko sila. Hindi nila ako
mapipilit. Hindi na madidiktahan pa. Hindi na ako musmos.” Pero hinarang siya
ni Manang Inday. “Puwede ba, relax ka lang. Huminahon ka. Alam mong hindi mo
madaraan sa galit iyan. Mag-‐‑isip ka muna bago sila harapin. Pero
alam kong hindi mo sila mapipigilan sa kanilang balak.” “Manang Inday, si Chris po ang pinakaiibig ko. Hindi ko kayang talikuran
si Chris kahit pa bilyun-‐‑bilyon ang kanilang yaman.” “Mag-‐‑isip ka saka ka humarap sa kanila.
Ikaw lang ang maaaring magpasya kung ano ang gagawin mo para makaiwas sa gusto
ng papa mo.” Nang humarap sa mga magulang ay
kalmado na si Ria. “Maupo ka na. Kumain na tayo. Ang tagal mo kaming
pinaghintay,” anang papa. “Masama po kasi ang pakiramdam ko,” katwiran niya at
nagtimpla ng kanyang kape. “Magpahinga ka. Gusto kong mag-‐‑beauty rest ka. At pagkatapos ng lunch ay bahala sa iyo ang
mama mo. Kailangang pagharap mo sa ating espesyal na guest ay lalo kang maganda
at kaakit-‐‑ akit.” “Guest, papa? Sino po?” “Ang pamilya Rocamora. Kahapon ay dumating sa bansa ang mag-‐‑anak para magkakilala kayo ni Donald. Gusto nila’y makasal
na kayo next month. Aya mamaya’y paparito sila.” “Pero, papa, ni hindi ko nga
nalaman ang pangalan niya kundi ngayon lang. Hindi ko pa siya nakikita, papayag
na akong pakasal sa kanya?” “Nakita na niya ang video mo. Ang picture mo nang
mag-‐‑debut ka. At gustung-‐‑gusto ka niya.” “Ganu’n lang? Ni hindi niya ako niligawan?
Papa, ‘Ma. Ayoko. Hindi ako pakakasal sa
kanya.” “Ria. Pumayag ka na noon. Committed ka na sa amin. Tumahimik ka at sumunod
na lamang.” “Papa, hindi ko alam na sa panahong ito ay may ganyan pang ugaling
natitira. Mayaman na kayo. Bakit gusto n’yo pang ipakasal ako sa mayaman?”
“Tumahimik ka. Alam mo na ang dahilan. Tapos na ang usapang ito,” at tumayo na
ang mag-‐‑asawa. Naiwang gigil na gigil si Ria pero walang magawa.
Inisip niyang tumakas pero hindi siya iniwan ng ina. Laging nakasunod.
Nakabantay. Pati si Emma. Si Manang Inday na sana’y pakikiusapang kausapin si Nana Usta para malaman ni Jojo ang mga
nagaganap ay hindi rin pinayagang umalis. “Ria, relax. Hindi pa mamaya ang kasal. May panahon pa para makaiwas ka,”
ani Manang Inday. “Tama po. Susunod muna ako. Pero pagsuway ko’y tiyak na
matataranta sila.” “Ganyan, Ria. Huwag kang basta patatalo.” Eksaktong alas
sais ng hapon nang dumating ang mag-‐‑anak ni Donald Rocamora. Pinay ang
mama. Ang papa ay Kastila pero sa Pilipinas isinilang at lumaki. In fairness ay
pogi talaga ang mag-‐‑ama at maganda ang mama kahit na
morena lang. Ipinakilala si Ria. “Mama Mia. Ang ganda-‐‑ganda naman pala ng mamanugangin ko,” matapat na sabi ng papa. “Mas
maganda ka sa personal, iha,” saka niyakap siya ng mama. Nakipag-‐‑beso-‐‑beso ang mama at mahigpit na
nakipagkamay ang papa sa dalaga. “Bueno, ngayon na rin natin pag-‐‑usapan ang kasalan. Ano sa palagay
mo, iho?” “Papa, kaya po narito tayo ngayon, di ba? Wala na pong problema.” Pero ako, meron. Malaki. At kayo ang
problema ko. Gusto sanang sabihin ni Ria pero pinigil ang sarili. Wala rin
namang mangyayari kahit tumutol siya. Sumunod muna bago sumuway, ito ang sinabi
sa kanya ni Manang Inday bago siya lumabas para humarap sa mga bisita. Nagsalu-‐‑salo sila sa isang masaganang hapunan. Halatang hindi
mapalagay si Ria. Madalas na kinakausap siya ni Donald ay nakatingin siya sa
malayo na hindi wari pansin ang nagaganap na pag-‐‑uusap.
Pagkatapos ng hapunan ay nagtungo sila sa library ng pamilya nina Ria. Doon
nagkulong at nag-‐‑usap para sa kasalan. Nakatingin
lang si Ria sa kanila. Wala kahit kaunting rumehistro sa kanyang isip sa pinag-‐‑uusapan. Hanggang magpaalam na ang mag-‐‑anak. “Ria, babalik
ako,” ani Donald. At bago nakaiwas si Ria ay nahalikan siya agad nito sa labi.
Isang mabilis na halik. Na mabilis ding pinahid ng likod ng kanyang palad.
Hindi nakaligtas sa papa ni Ria ang ginawa niya na hindi nito nagustuhan.
Hanggang umalis na ang mag-‐‑anak na Rocamora ay balewala lang
kay Ria. “Alam mo, Ria, nagtataka ako sa papa
mo. Hindi ka man lang kinausap dahil sa mga ipinakita mong pagwawalambahala sa
pag-‐‑uusap nila. Natatakot akong saka sasambulat ang galit na
iyon sa sandaling hindi natin inaasahan.” “Pabayaan natin siya, Manang.
Pagsisisihan nila iyon pag ako na ang gumawa ng hakbang para sa sarili ko. .
Manang, mamayang gabi’y tatakas ako uli. Gusto kong malaman ni Chris ang lahat
nang ito,” saryoso niyang sabi. “Ria, mag-‐‑iingat ka. Sa puntong ito’y tumatangan na lamang ako sa
kasabihang bahala na,” mag-‐‑iingat ka lamang. Iiwan ko ang kitchen door na baka just in
case na magkaproblema gaya kagabi.” “Salamat, Manang Inday.” Katulad nang nakaraang gabi’y kina Jojo sila nagkita. Iyak nang
iyak si Ria habang ibinabalita ang kaganapan sa kanila. “Huwag kang umiyak.
Bukas na bukas ay aayusin ko ang lahat ng dapat kong asikasuhin. Hindi lalagpas
ang week na ito ay itatakas kita. Lalayo tayo. Du’n sa hindi nila tayo
makikita. Pangako ‘yan,” saka nagyakap sila nang mahigpit. Muli’t muling
hinalikan ni Chris ang kanyang mahal na sige ang iyak. “Ria, umuwi ka na. Baka
malaman pa nila ang pagkawala mo’y masira ang plano ni Chris,” ani Jojo. Kaya
lang naghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa. Pero hindi inaasahang pangyayari
ang naganap. Walang nagawa ang pagtutol ni Ria. Kinabukasan ng umaga, isang
itim na limousine ang pumarada sa tapat nina Ria. Sapilitang isinakay si Ria
kasama si Emma. Hindi pinakinggan ng mga magulang ang pakiusap ni Ria na isama
si Manang Inday. Iyon ang huling pagkakataong nakita ni Manang Inday ang mag-‐‑anak. Walang nakakaalam kung saan dinala at itinago si Ria.
Nang malaman ito ni Chris ay nagwala ito. “Hahanapin ko si Ria. Kahit maubos ang pera ko’y ipapahanap ko siya.” Kinausap ni Chris si Manang Inday.
Pero wala talagang alam ang pobreng tagapag-‐‑alaga ni Ria. “Basta umalis sila isang umaga.
Ngayon, ang aming pagkain ay inihahatid lang dito ng supermarket na suki namin.
Wala kaming kahit anong message na natatanggap mula sa kanila.” Umupa ang magkaibigang Chris at Jojo
ng tatlong mahuhusay na private investigators pero bigo sila. Magdadalawang
linggo nang wala sila kahit kaunting balita tungkol sa mga ito. Lahat ng
airlines ng bansa ay nausisa na ng mga nagsisipaghanap. Pero walang umalis sa
bansa sa pangalan ng mag-‐‑anak. Devastated si Chris. Halos
hindi na maasikaso ang sarili. Natuto ring mag-‐‑iinom.
Habag na habag sa kanya ang mga kaibigan. Walang pinakikinggan ito na kahit
anong payo o suhestiyon. “Natatakot akong
magkasakit siya. Sobra nang mahal na mahal niya si Ria,” pahayag ni Jojo. “Bakit kailangang gawin nila ang
ganito? Ngayon ay hindi lamang si Ria ang kanilang pinarusahan at sinira. Pati
si Chris. Hindi ko akalain na ang sobrang pag-‐‑ibig
pala’y pumapatay.” “Jojo? Ano’ng ibig mong sabihin?” Na-‐‑shock si Angela. “Si Chris, pag nagpatuloy siya sa
ginagawa, ano ba o saan siya maaaring humantong? Hindi ba sa libingan,” pailing si Jojo. Isang buwan na ang
lumipas na lalong lumalala ang pagpapabaya ni Chris sa sarili. Madalas na
nawawalan ito ng malay. Walang nagawa si Jojo at ang katiwala nina Chris sa
bahay kung hindi pauwiin ang mga magulang ng binata. Ipinagagamot nila. Ikinu-‐‑confine sa hospital pero tumatakas at kung saan-‐‑saan nagpupunta. Sa mga bars. Sa tabing dagat. “Ang mabuti
pa’y iuuwi na namin siya sa Amerika, Jojo,” desisyon ng papa ni Chris. Pero
lagi silang natatakasan ni Chris. “Pabayaan ninyo ako. Hindi ako mapapanatag
hanggang wala si Ria. Kailangan ko si Ria, Mama, ‘Pa. Hanapin ninyo siya para
sa akin,” ito ang laging sinasabi, lasing man o hindi. “Pero, ‘tol, paano kung
biglang bumalik si Ria at makita kang ganyan. Marungis. Lasing. Parang wala na
sa katinuan,” komento ni Angela minsang magkakaumpok sila sa bahay nina Jojo.
“Paano kung makatakas siya mula sa kanyang kulungan. Dapat maligo ka, magbihis.
Ayusin mo ang sarili mo.” Saka lamang waring nahimasmasan si Chris. Sa pagitan
ng paglalasing ay inaayos naman ang sarili. “Angela, Jojo, pag tuluyang hindi
ko na makita si Ria ay mabuti pang mamatay na lamang ako. Tandaan n’yo iyan,”
anito minsang sobra na sa kalasingan. Ikalawang Friday ng buwan ang araw na
iyon. Palihim na umuwi si Emma sa bahay nina Ria. “Emma. Saan ka galing? Nasaan
si Ria. Bakit ka narito ngayon? Emma, ituro mo na si Ria kay Chris. Maawa ka sa
kanila. Halos mabaliw na si Chris dahil sa pagkawala ni Ria,” ani Manang Inday.
“Manang Inday, naparito lang po ako para kunin ang blue diamond wedding ring ng
mama ni Ria. Tradisyon daw kasi sa lahat ng bride sa pamilya ay isusuot ang
singsing na iyon.. Manang Inday, awang-‐‑awa na rin po ako kay Ria. Halos
buto’t balat na siya sa paghihinagpis pero
hindi pa rin siya pinapakawalan nu’ng Donald na ‘yun. Hindi ko
siya gusto para kay Ria.” “Emma, makinig ka. Tutulungan natin si
Ria at si Chris. Ituro mo kung nasaan si Ria,” nagmamakaawa si Manang Inday.
“Tama kayo, Manang Inday. Kailangang iligtas natin si Ria. Hindi ko alam na may
mga magulang palang ganu’n. Masunod lang ang dikta ng baku-‐‑bakong utak e kahit na mamatay sa hirap ang anak,” pailing si Emma. Sa susunod na
Sabado ay ikakasal na sila. Sa Barasoain Church sa Bulacan kung saan ikinasal
si Sir at si Ma’am.” “Hmm, salamat. Dalawang buhay ang maliligtas sa pasya mong iyan,” hindi
magkandatuto si Manang Inday. “Sige na po, Manang Inday. Basta bahala na kayo
para sa kaligtasan ko.”
CHAPTER 14
ARAW nang kasal ni Ria kay Donald.
Dinalaw ni Donald ang kanyang bride-‐‑to-‐‑be. “Kumusta na ang love ko? Bakit
pinabayaan mo na ang sarili mo. Hindi bale. Hindi kita pababayaan. Ibabalik ko
ang sigla at ganda mong nakakabaliw sa sandaling mag-‐‑asawa na tayo,” hinaplos niya ang pisngi ni Ria. Pero marahas na pinalis ng dalaga ang
kamay ni Donald. “Mamamatay na muna ako bago mo ako mahawakan. Kahit kasal na
tayo ay hindi mo ako makukuha!” Sigaw ni Ria. Tumatawang umalis si Donald
matapos magbilin sa nag-‐‑aayos na gandahan ang pag-‐‑ayos sa magiging bride. Alas kuwatro ng hapon ang oras ng
kasal. Iilan lang ang mga dumating sa simbahan. Ayon sa wedding planner ay nasa
reception na ang karamihan sa mga bisita. Magandang-‐‑maganda ang gown na mula pa raw sa London. Makikitang may
apat na matitipunong lalaki ang nasa pinto ng simbahan. Ang mga magulang ni Ria
ay nasa magkabilang side niya. Ready na silang lumakad anumang sandaling
humudyat ang sakristan. Ang pari ay naghihintay na sa altar, sa isang panig ng
simbahan ay naroroon si Donald Rocamora at ang kanyang mga magulang. Kasabay ng
paghakbang ni Ria at mga magulang niya’y namatay ang lahat ng ilaw sa simbahan.
Na nasa bungad pa nga lang ng wedding entourage. Mabilis ang mga pangyayari.
Naramdaman na lang ng Papa ni Ria na may humila kay Ria at wala siyang nagawa.
Naghihiyaw naman ang mama. Isinisigaw na inagaw si Ria. Nagkagulo na sa labas
ng simbahan. Ang ilang nasa loob ay naglabasan na rin. Pero wala na si Ria.
Wala na silang nakita. Humangos na lumabas si Donald Rocamora kasunod ang mga
magulang nito. Sumisigaw ito. “Habulin ninyo. Hanapin n’yo si Ria. Isang milyon
sa kahit sinong makakita sa kanya at ibalik sa akin,” sigaw niya. Nagkakagulo
ang lahat. Pero walang makapagsabi kung saan nagtungo si Ria at ang umagaw
rito. Sigaw nang sigaw si Donald. Utos nang utos pero paano susunod ang kanyang
mga kampon kung hindi nila alam kung saan susulong lalo’t hindi sila familiar
sa lugar. Samantala, si Emma ay mukhang inosenteng nakasunod sa mama ni Ria
habang bitbit ang malaking bag nito. “Emma, wala na bang problema?” bulong ng
mama ni Ria kay Emma. Umiling muna bago tumango ang nakangiting kasambahay na
noon ay alam nilang sipsip sa mga magulang ni Ria. Noon kasing una, ang alam
niya’y para sa ikabubuti ni Ria ang plano ng papa at ang mama naman ay sunud-‐‑ sunuran lang sa asawa. Pero nang makita niya ang paghihirap
ni Ria at nang makita pa niya si Chris na tila baliw na sa pagpapabaya sa
sarili ay saka lamang siya nagpasya. Lumitaw sa kanya ang pagkakamali ng papa
ng dalaga. Nang ibigay niya sa mama ni Ria ang blue diamond ring na heirloom na
kinuha niya sa tahanan ng mga ito at ibinalita ang kalagayan ni Chris ay nakita
niyang napahikbi ang mama. “Emma,” anito pa, “tulungan natin sila. Alam kong
magiging maligaya ang anak ko kay Chris dahl mahal na mahal niya ito. At si
Chris, sa sinabi mo sa akin, alam kong labis-‐‑labis
din ang pag-‐‑ibig niya kay Ria. Bakit natin
hahadlangan pa ang matapat nilang pagmamahalan?” At ngayon, alam ni Emma ay nakalayo na sina Ria at Chris. Ang
partisipasyon niya sa pagkawasak ng masakim na plano ng papa ni Ria at pagbuo
ng matapat na pagmamahalan nina Ria at Chris ay naramdaman din niya ang saya at
ligaya na para na ring siya ang nagmamahal at minamahal. “Emma, magiging lihim natin ito.” “Promise po, Ma’am. Dapat lang
na lihim. Dahil pag nalaman ni Sir, bugbog sarado tayong dalawa,” sabay pa
silang napahagikgik. Natigil lamang sila nang makitang palapit na sa kanila ang
papa ni Ria, pulang-‐‑pula ang mukha dala ng galit. Halos
bumula ang bibig sa pagtutungayaw. “Alam ko, may naghudas kaya nangyari ito. Malalaman ko rin. Makikita ng
kung sino man ang gumawa nito. Isang dakilang pag-‐‑ibig ang kanilang sinira. Mananagot sa akin sino man sila.” Nagkatinginan si Emma at ang mama. “Ma’am, pagbalik po sa Maynila ay magri-‐‑ resign na lang ako. Bata pa ako.
Gusto ko ring maranasan ang mahalin at magmahal tulad nina Chris at Ria.”
“Huwag agad-‐‑agad, Emma. Mahahalata ka.
Ipagpaliban mo muna.” Samantala, sa
gitna ng plaza ay nakalapag ang isang helicopter. Naghihintay ang piloto.
Naroroon din si Manang Inday, si Angela at Jojo. Nang pumarada ang isang kotse
sa di kalayuan ay umandar na ang helicopter. Mula sa sasakyan ay bumaba si Ria
at si Chris. Malakas na inililipad ng hangin ang damit pangkasal ni Ria.
Hanggang makasakay na sila sa helicopter. Hanggang pumaitaas na ito, tuluyang
lumayo. “Ria, ngayon ay matutupad na ang mga pangarap na binuo natin. Wala nang
kokontra,” ani Chris na yakap nang mahigpit si Ria. Na nakayakap din sa kanya.
“Time out muna, Chris, Ria. Kailangan habang narito pa kami ay mag-‐‑celebrate na tayo. Angela, nasaan ang champagne na dala mo?.
. Manang Inday, ang mga kopita.” Inilabas ni
Manang Inday mula sa kanyang bag ang mga kopita habang si Jojo ay abala sa pag-‐‑alis ng tapon ng champagne. Nang pumutok ang tapon at
sumabog ang bula mula sa bote ay masayang nagpalakpakan ang lahat. Nagsalin
sila ng alak at nag-‐‑tig-‐‑i-‐‑tig-‐‑isa. Pati ang piloto at co-‐‑ pilot ay may kopita rin. “Andrew, Reuben, kami na lang ang magto-‐‑
toast. Baka bumagsak pa tayo at hindi na kami makapag-‐‑honeymoon dahil sasabog tayo,” ani Chris na naka-‐‑ready na ang hawak na kopita for a
toast. “Okay. . let me propose this toast for
our beloved friends, Ria and Chris, for the happiness, long life and dozen of
kids,” si Jojo ang nag-‐‑ propose ng toast na iyon. “Idagdag natin na ang toast na ito ay isang celebration para sa kanilang
pag-‐‑ibig na tatagal sa kabila pa nang kamatayan,” ang dagdag ni Angela. Saka sabay-‐‑sabay nilang nilagok ang mapait at matamis na champagne.
Saka masayang inihagis sa labas ng helicopter ang kanilang mga kopita. Habang
patuloy sa paglalakbay sa himpapawid ang sasakyang maghahatid sa dalawang labis
na nagmamahalan sa kanilang maligayang buhay. WAKAS