AFFAIR WITH HER BODYGUARD

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

AFFAIR WITH HER BODYGUARD

AFFAIR WITH HER BODYGUARD

Prologue

Malaki ang ngiti niya nang maipadala niya na ang mga order ng mga buyers niya. Marami-rami rin siyang naibenta. Naubos ang mga damit na binebenta niya kaya ang gaan ng kalooban niya. May kita na naman kasi siya kahit maliit lang. Malaking tulong na iyon para sa pang-araw araw na gastos sa bahay.  Bukas ulit ay magla-live selling siya para maibenta naman niya ang mga cosmetics na binebenta niya. Kailangan niya magsikap dahil siya ang nagta-trabaho sa pamilya nila. Ang kaniyang ama ay may sakit at hindi sila makapunta sa hospital dahil ayaw nito. Nag-aalala na nga siya rito kaya pilit niyang binibilhan ito ng mga vitamins. Siya ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Puro sila mga babae kaya talaga siya ang kumakayod ng husto. 25 years old na siya at ang sumunod sa kaniya ay 18 years old na si Aimee, ang sumunod naman ay 15 years old na si Jane, 13 years old na si Jennilyn at ang bunso ay 11 years old na si Arilyn.  Napakahirap maging panganay sa totoo lang, hindi niya naman masisisi ang magulang dahil hindi rin ginusto ng mga ito na magkasakit. Ang ina niya ay wala namang sakit pero medyo mahina ito kaya ayaw niya na pagtrabahuin pa, isa pa't wala ring mag-aalaga sa mga kapatid niya kung magta-trabaho pa ito. Lahat ay iniinda niya kahit mahirap. Positibo lang siya sa mga bagay bagay dahil alam niyang malalagpasan nila ang ganito kahirap na buhay. Dumeretso siya sa grocery store para mamili ng mga pagkain, para kahit papaano ay may stock sila ng mga canned foods. Isang libo lang ang ginastos niya dahil iyon lang ang nasa budget niya, marami pa siyang bayarin katulad na lang ng renta, tubig, kuryente at mga kailangan ng mga kapatid niya dahil mga nag-aaral ito. Tipid talaga sila kung tipid. Naaawa man siya sa mga kapatid niya pero wala na talaga siyang magagawa.  Umuwi na siya para surpresahin ang mga kapatid niya sa mga pagkain na dala, bumili rin kasi siya ng kaunting tsokolate na mumurahin lang. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ang ngiti niya ay napawi dahil naabutan niyang umiiyak si Jane, Jennilyn at Arilyn. Naibagsak niya ang hawak hawak at nilapitan ang mga ito. Niyakap niya si Arilyn para patahanin ito habang ang mata niya ay nakatuon kay Jane. "Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak at bakit may basag na baso rito?" pilit niyang kinakalma ang sarili kahit na dumadagundong na ang puso niya sa kaba. Pakiramdam niya namumutla na siya dahil sa kaba kahit hindi niya pa alam ang nangyari. "S-si papa po, ate... Si papa po umubo ng dugo tapos bigla na lang siyang bumagsak dahil hindi makahinga. Nagpatulong po si mama at ate Aimee para dalhin sa ospital si papa," paliwanag ni Jane habang umiiyak. Nanginig ang kamay niya habang hinahawakan ang tatlong kapatid. "Tumahan  na kayo, okay? nasa ospital na 'yon at panigurado gagaling din si papa. 'Wag na kayong umiyak at mag-pray na lang kayo." Niyakap niya ang mga ito at pagkatapos ay humiwalay rin para kunin ang cellphone niya sa bag. Nanginginig ang kamay niya habang tinatawagan ang kaniyang mama para malaman kung nasaan ang mga ito. "Hello ma? nasaan kayo? papuntan ako," ani niya nang sumagot ito. "A-anak... a-anak ang papa mo," humagulgol ito kaya nakagat niya ang labi para pigilan din ang sarili humagulgol.  "Magiging okay lang po si papa, ma. Sabihin niyo po sa akin kung nasaan kayong ospital para puntahan ko kayo." "Nandito kami malapit sa munisipyo na hospital, anak." "Sige po ma, pupuntahan ko na po kayo riyan." Pinatay niya ang tawag at muling nilapitan ang tatlong kapatid. "Jane, marunong ka na magluto 'di ba? ipaghain mo ang dalawa mong kapatid, pupunta lang ako sa ospital. Ibibilin ko na rin kayo kay Maceh para kung may kailangan kayo ipaalam niyo sa kaniya, okay?" Sabay sabay tumango ang tatlo kaya muli niyang niyakap.  Pagkalabas niya ay saktong nasa tindahan si Maceh, ang kaibigan niya sa street na ito.  "Aj! nabalitaan ko ang nangyari sa papa mo, okay na ba siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya nang makalapit siya. "P-papunta pa lang ako sa ospital, hindi ko pa alam Maceh," kinakabahang sambit niya. "Pwede bang pakitingnan naman ang tatlo? babalik din kami pag-okay na," pakiusap niya rito. Ala-sais na kasi ng gabi at kahit marunong ang tatlo maiwan sa bahay ay lagi niya itong pinapatingnan kay Maceh. "Walang problema! Magkatabi lang naman tayo ng bahay, sige na at mag-iingat ka!"  "Maraming salamat, Maceh." Tumalikod siya agad dito at patakbong pumunta sa pila ng tricycle. Sumakay siya kahit special na ang bayad basta makaalis lang agad at makapunta roon sa ospital.  Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mata niya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga kapatid niya, ayaw niyang nakikita ng mga ito na mahina siya. Kailangan niyang magpakatatag lalo na ngayon.  Nakarating siya sa ospital at kita niyang umiiyak pa rin ang kaniyang ina. Nakatayo ang mga ito sa labas ng emergency room. Nang makita siya ng kaniyang kapatid ay sinalubong siya ng yakap nito.  Previous Page "Ate, s-si papa..." Hinaplos niya ang likod nito para pakalmahin bago puntahan ang kaniyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinaplos ang buhok.  "Tama na ma, alam kong nag-aalala ka ng sobra pero baka naman ikaw ang mapano dahil sa kakaiyak mo. Baka mas lalo na akong bumigay pag pati ikaw magkasakit pa," ani niya sa malungkot na boses. Hindi niya na kakayanin na pati ang ina niya ay magkasakit din. Ngayon ay naglalakas lakasan lang siya dahil hindi siya pwedeng maging mahina. Siya ang inaasahan ng lahat kaya hindi siya pwedeng bumigay.  "Sino po ang guardian ni Mr. Roilan Balansag?" napalingon siya at agad silang napalapit sa lumabas na doctor. "Ako po ang asawa," sambit ng kaniyang ina. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito habang nakaharap sa doctor. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa mrs. Ang iyong mister ay may stage 2 lung cancer at may kalakihan ang tumor niya sa lungs. Kailangan niya dumaan sa proseso para gumaling. Kailangan niya magpa-chemoteraphy bago siya ma[1]operahan."  She bit her lips and tried to stopped her tears. Her mother hugged her and cried again. Maski siya nanlulumo sa mga balita. She can't lose her father, hindi niya kakayanin at mas lalong hindi kakayanin ng ina at mga kapatid niya. "G-gagawin po namin iyon doc," baling niya sa doctor. "Pero hija, kailangan mo ilipat sa mas malaking ospital ang iyong ama. Kulang kami sa gamit dito at walang surgical oncologist na mag-oopera sa ama mo. Kung gusto niyo ay tutulungan ko kayo ilipat siya sa manila pero malaki ang gagastusin niyo. May kilala kasi ako roon na pwedeng umasikaso sa ama mo," paliwanag ng doctor. "Mga magkano po kaya doc?" lakas loob na tanong niya. "He will undergo chemoteraphy and radiation. Atleast prepared 1 million pesos." Nahigit niya ang hininga niya. Saan siya ngayon hahagilap ng malaking pera ng isang bagsakan? Hindi niya nga kaya iyon kahit isang taon pa niya pagtrabahuan.  "O-okay, po doc." "Kailangan niya na mag-start ng chemo within 5-6 weeks dahil hindi basta basta ang lagay niya. Ililipat na siya sa isang kwarto, pwede niyo siya mapuntahan doon." Natulala na lang siya at tanging tango na lang ang kaniyang tugon ng magpaalam ang doctor.  Tila ba nanigas ang buong katawan niya at parang lutang ang pag-iisip niya. Na-blanko siya at hindi alam ang dapat gawin. Isang milyon? Paano niya kikitain iyon? "Umuwi muna kayo ni mama, ako na ang bahala rito," utos niya kay Aimee.  "Ma, magpahinga ka at bukas ka na lang pumunta rito. Ako na ang magbabantay kay papa—" "Hindi, ako ang magbabantay sa kaniya. Umuwi ka na dahil alam kong pagod ka pa." Tututol sana siya rito nang magsalita ang kapatid niya. "Sasamahan ko si mama ate, 'wag ka mag-alala okay lang kami rito. May trabaho ka pa bukas ng gabi, wala naman din akong pasok bukas kaya okay lang na nandito ako."  Wala na siyang nagawa kun'di sundin ang mga ito. May duty pa siya sa bar after live selling niya ng hapon bukas. Hanggang sa makauwi ay tulala siya, hindi na nga siya nakakain ng maayos dahil wala talaga siyang gana. Pinaliwanag niya sa mga kapatid ang sitwasyon ng kanilang ama pero sinigurado niya na gagaling ito at nangako siya sa mga ito. Ako ang gagawa ng paraan... Gagaling ang papa ko at kahit ano ay gagawin ko para lang maipagamot siya. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog dahil sa kakaisip ng problema. Inasikaso niya ang mga kapatid niya bago niya gawin sa kwarto ang pagla-live selling niya. May kaliitan lang ang sarili niyang kwarto at doon siya nagla-live selling. Dati katabi niya ang dalawang kapatid pero nagpaubaya ang mga ito na matutulog na lang sila sa sala para may sarili siyang pwesto at makapag-live selling ng maayos. Napaka-intindihin talaga ng mga kapatid niya at proud na proud siya sa mga ito. Kahit anong hirap ay pinipilit din nilang maging positibo. Pamilya niya ang motivation niya para kumayod pa ng husto. Kahit papaano ay may benta ulit siya ngayong hapon kahit kaunti lang. Binalot niya na agad iyong mga benta para maipadala bukas sa mga buyers.  Pagkatapos niya ay nagpahinga lang siya ng ilang minuto at kumilos na agad para magluto ng pagkain. Pagkalabas niya ng kwarto ay napangiti siya nang makita si Arilyn na nagsaing na, si Jane at Jennilyn naman ay naghahanda ng gulay. "Ate magluluto lang kami ng gisadong gulay na may kauntin hinimay na isda," ani ni Jane. "Ako na dapat ang magluluto eh," sambit niya sa mga ito at nilapitan. "Sabado naman ngayon ate, wala kaming pasok tiyaka tinapos na namin ang assignments namin kanina!" pagmamalaki na sambit ni Jennilyn. "Ang babait talaga ng magaganda kong kapatid!" tuwang-tuwa na saad niya. "Siyempre ate! Kami pa ba?" bulalas ni Arilyn. "Sige na ate, magpahinga ka muna o matulog dahil may pasok ka pa mamayang gabi."  Tumango siya sa mga ito at hinayaan na ang mga ginagawa. Kahit kasi mga bata pa ito ay natuto na ito magluto, lalo na si Jane na gustong maging chef paglaki. Magaling ito magluto kaysa sa kaniya kaya ito talaga ang nagpe-prisinta na magluto kahit ang mga ingridients lang nila ay limitado. Bumalik siya ng kwarto at humiga sa kama. Nakaligo na rin naman siya kaya sakto lang ang gising niya ng 7pm para kumain at magbihis ng uniform. 8pm kasi ang duty niya sa bar mamaya hanggang 1 ng madaling araw. Puyat puyat man pero okay lang basta may sasahurin. Mabilis siyang dinalaw ng antok at nagising sa alarm niya. Bumango na rin siya agad at kumain tsaka muling naghilamos at nag-ayos ng mukha. Kahit papaano ay marunong siya mag-make up kaya mukha na siyang disente tingnan. Saktong alas-otso umalis na siya para kung sakaling traffic man ay hindi siya mamroblema.  Hindi na siya nagulat na traffic ngayon, sabado kasi at maraming tao na nasa labas.  Pagkarating niya ay marami-rami na agad ang customer nila. Sa likod siya dumaan para deretso tagos sa room kung nasaan ang mga locker at pwesto ng mga waitress.  Binati niya ang manager pagkapasok pati na rin ang isang ka-work niya. Nagpalit na siya ng damit sa cr. Fitted polo shirt at pencil skirt ang uniform nila rito. Hindi man komportable pero okay na rin, wala naman siyang magagawa. Nag-serve agad siya ng mga alak at tinulungan ang kasama niya. Hindi man sobrang laki ng bar na ito pero okay naman ang disenyo at malinis naman lagi. May maliit din na bar counter kung gusto ng mga customer magpa-timpla ng mga alak.  Nanlaki ang mata niya nang masagi siya ng isang malaking lalaki, akala niya matutumba na siya nang may humawak sa braso niya. Agad niya iyon tiningnan, isang lalaking formal ang suot at mukhang mayaman. "T-thank you," ani niya rito at tumayo ng maayos. Tumango lang ito at 'di na nagsalita. Sinundan niya ito ng tingin at pumunta sa bar counter.  Binalingan niya naman ng tingin ang suot niya at pasimpleng binaba ang skirt na medyo tumaas.  "Miss! Isang bucket pa ng beer!" tawag sa kaniya ng isang customer. Kumilos siya at kumuha ng bucket ng beer at pinuntahan ang mga ito. Kinuha niya rin ang bayad at inabot sa kahera nila.  Habang wala pang umo-order ay naglinis siya ng mga table na may mga kalat. Ang iba kasing customer ay umalis na. Mabilis lang ang oras at alas dose na ng umaga.  Dumaan siya banda roon sa bar counter at nakita niya pa rin na umiinom ang lalaking tumulong sa kaniya. Ngayon pa lang niya nakita ito dahil ito lang ang pumunta rito na naka-formal attire.  Her body froze when she felt a hand in her butt. Napaatras siya at napatingin sa lalaking lasing.  "Hi miss? pwede ba kitang i-table?" nakangising ani nito habang pasuray suray na ang kilos. Nagsitawanan ang mga kasama nitong lasing na rin.  "S-sorry po pero hindi po," tanggi niya rito at hinatak ang kamay niya pabalik.  "Ito naman miss—" "If you don't want to go to jail, stop what you're doing." Napalingon siya sa lalaking nagsalita sa likod niya. Iyon ang lalaking nakasalo sa kaniya kanina. Umatras naman ang lalaking nambastos sa kaniya at parang natakot sa lalaking nasa likod niya. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na nanlaban ang lasing. Nilingon niya ang lalaki at nagpasalamat dito. "Maraming salamat talaga." Umupo ito ulit sa kinauupuan. "Is it hard?" natigilan siya sa tanong nito. "Huh?" "Working here. Maraming nambabastos dahil sa mga walang hiya na lalaki. They are sexualizing some of the waitress because of your clothes. Don't get me wrong, wala naman sa damit niyo 'yon, talagang bastos lang ang ibang mga customer pag mga lasing," paliwanag nito. Napatango naman siya at lumapit dito. "Mahirap. Lahat naman ng trabaho mahirap," ani niya at tumawa pa. "Pero kailangan ko kayanin kasi kailangan ko ng pera," dugtong niya pa.  "Ako, sinasanay ko na lang ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Marami akong problema lalo na ngayon na hospital pa ang papa ko. Wala akong pangpa-opera! magiging-choosy pa ba ako sa trabaho ko? highschool graduate lang ako kaya wala akong choice!" pagku-kuwento niya. Mukha naman itong mabait at panigurado hindi ito taga rito kaya okay lang na maglabas siya ng problema sa isang estranghero. "I can offer you a better job," saad nito habang nagbabayad sa cashier. Napasunod siya rito dahil sa sinabi. "Anong trabaho, sir?"  "Be my client's wife," natigilan siya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya hanggang sa matawa siya.  "Sir! ikaw pabiro ka talaga! Anong klaseng trabaho 'yon—" "I'm not kidding. I have been finding a woman to be my client's wife for two years. You’re suitable for me, you're pretty, and I think your personality too." Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya dahil mukhang seryoso talaga ang lalaking kaharap niya. "Are you in or not?" Umiling siya rito dahil hindi nagpo-proseso sa utak niya ang offer nito. Naghahanap ito ng babaeng mapapangasawa ng client nito? parang pakiramdam niya ay ibebenta niya ang sarili niya pag pumayag siya. "No, sir. Pasensiya na po pero hindi ko gusto ang offer mo, salamat na lang po."    

 

CHAPTER 1    

Maganda ang gising niya dahil may nag message sa kaniya sa social media at balak nitong pakyawin ang mga cosmetics na tinitinda niya. Hindi siya nag live ngayon dahil kahapon ay pinadala niya ang mga products na in-order sa kaniya noong isang araw na nag-live selling siya. Mamayang alas-kwatro ng hapon pi-pick-up in at cash daw ang bayad kaya hindi na siya mahihirapan pa.  Nilagay niya sa isang malaking box ang mga cosmetics at sinigurado niyang hindi mapipipi ang mga iyon. Inayos niya ang pagkakasara ng box at nang matapos ay tinabi niya iyon. Nasa 35 thousand pesos din ang total no'n at mga nasa sampung libo naman ang tubo niya. Sobrang laking tulong para sa kaniya.  Nagpapasalamat talaga siya sa diyos na kahit anong paghihirap niya at ng pamilya nila ay hindi siya nito pinapabayaan. Pinagluto niya ang mga kapatid niya at dahil malaki-laki ang tubo niya mamaya ay bumili siya ng isang buong manok at nagluto. Tuwang-tuwa ang mga kapatid niya dahil nag fried chicken sila ngayon. Si Aimee at ang ina niya ay nasa ospital pa rin pero umuwi kanina si Aimee para kumuha ng damit kaya inabutan niya ito ng pera para kumain ang mga ito.  Magana rin siyang kumain at nang matapos siya na rin ang nagligpit dahil hinayaan niyang maglaro ang mga kapatid niya dahil hindi na masiyado nakakapaglaro ang mga ito.  Nang mag alas-kwatro na ng hapon ay sakto narinig niya ang pagbusina sa tapat ng bahay nila.  Lumabas siya habang bitbit ang malaking box, malakaw ang ngiti niya nang makita ang isang mamahaling sasakyan.  "Magandang hapon po—" natigilan siya nang tuluyan niyang makita ang lalaking lumabas sa sasakyan. "Good afternoon!" ngumiti ito sa kaniya at itinaas ang kamay.  "Ikaw?!" "Yes. I'm the buyer," saad nito. Naibaba niya ang box na bitbit at napakunot dito. "Alam ko babae ang ka-chat ko kahapon?" paninigurado niya sa kaharap niya. "It's my secretary. This is my calling card, para alam mong hindi ako masamang tao." Inabot nito ang calling card galing sa mamahaling coat nito. Inabot niya iyon at gano'n na lang ang gulat niya nang lawyer ito sa isang sikat na law firm.  Francis Johnson, Lawyer. "Can we talk? but not here," mahinang sambit nito at napatingin sa paligid. Pati siya ay napatingin na rin at kita niya ang mga kapitbahay niyang nakiki-chismis sa kanila. Ang iba ay mga naglalaba sa labas, 'yong iba naman kunwari nagdidilig pero mahaba naman ang leeg at halatang gusto makinig. Napabuntong hininga siya at tumango. Siguro kailangan niya talaga ito kausapin dahil mukhang hindi siya nito titigilan. "Okay." Nagpaalam muna siya saglit sa kapatid niya na kailangan niya lang umalis. Sumakay siya sa shotgun seat at kita niyang nilagay nito ang box sa likod ng sasakyan. Napaisip tuloy siya kung sinadya lang ba nito pakyawin ang paninda niya para makausap siya. Umandar ang sasakyan at sa sobrang tahimik ay siya na ang bumasag sa katahimikan. "Huwag mong sabihin na binili mo ang mga paninda ko para lang makausap ako?" pagtatanong niya. Tumawa naman ito at tumango. "Yes, but don't worry, I’ll donate all the cosmetics." "Sino ba ang kliyente mo at bakit naghahanap ng mapapangasawa? 'di ba magpapakasal ka lang pagmahal mo ang isang babae o lalaki?" naguguluhang tanong niya. "Sometimes is not about love, it’s all about business. I can't tell who he is." "Matanda na 'yan 'no?" nagkibit balikat ito.  "Sa office tayo mag-uusap at ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat." Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa isang building. Maliit na building lang 'yon at mukhang hindi naman law firm. "This is not my office, it's my friend's office. Nanghiram lang ako sa kaniya dahil kailangan kita makausap, privately."  Napatango siya habang nililibot ang mata sa paligid. Parang printing shop nga iyon, mas malaki nga lang sa ordinaryo. Umakyat sila sa taas at pumasok sila sa isang room.  "Have a sit," sambit nito at tinuro ang sofa. Sumunod naman siya at umupo. "Do you want a coffee or juice?" tanong nito habang binubuksan ang mini fridge. "Juice na lang," sagot niya. Inabutan siya nito ng bottled juice at agad naman niyang tinanggap at ininom. "Bago ang lahat, ito ang bayad ko sa'yo." Inabot nito ang sobre at kita niyang makapal iyon. Tinanggap niya iyon at hindi na binilang pa, malakas naman ang pakiramdam niya na hindi siya lolokohin nito. "Salamat."  "Back to business. I want you to do this job. You're suitable for this because you need a million, right? I do a background check about you. Kailangan mo ng malaking pera para mapagamot ang tatay mo. You also need him to transfer to a bigger hospital. If you accept this offer, your contract husband will pay for all of your father's medication and operation. Wala kang gagastusin hanggang sa gumaling ang tatay mo, plus you will have 100 thousand pesos salary a month."  Nanigas ang katawan niya at napakurap pa siya dahil pilit niyang pino-proseso sa utak ang lahat ng sinabi nito.  100 thousand pesos in a month?! Bukod na ito ang sasagot sa mga hospital bills at kailangan ng ama niya ay may sahod pa siya na gano'n kalaki! Hindi niya alam kung hulog ba ng langit ang lawyer na ito dahil nakilala niya at natipuhan siya. Pero parang hindi niya pa rin kaya magpakasal lalo na hindi niya kilala ang papakasalan niya. "M-magsasama ba kami ng magiging asawa ko?" kinakabahang tanong niya. "No. Hindi mo makikilala ang asawa mo. I will not tell you his name, age, or his profession. You must sign this marriage contract and live at his house." "Sa bahay niya? m-may kasama ba ako roon o wala?" "Wala. Ikaw lang ang naroroon. You can do anything you want."  "Tapos gano'n kalaki ang sahod ko?!" gulat na tanong niya. Paano ba naman kailangan niya lang pumirma sa marriage contract at tumira lang sa bahay ng contract husband niya tapos may gano'n kalaki na siyang sweldo. "H-hindi ka naman scammer 'di ba?" napakamot pa siya sa ulo. Tumawa ito kaya napanguso siya. "No. You already have my calling card. Why would i waste my time for this if i'm a scammer," natatawang sambit pa nito. "Pwede bang ipaliwanag mo pa sa akin ang tungkol dito?" tanong niya sa papel na nilabas nito at nilagay sa table na nasa harapan. "Okay. This is a marriage contract from Australia, which means you can two divorce. Wala kang magiging problema sa lahat, just sign this paper and done." Napaisip pa siya ng husto. Unang-una ay hindi niya makakasama ang asawa niya kaya okay 'yon para sa kaniya. Pangalawa ay magagawa niya ang gusto niya, pangatlo ay masu-suportahan niya na ng mas maigi ang pamilya. Wala siyang po-problemahin sa gastos sa ospital at may sahod pa siya na makakatulong sa pang-araw araw nila.  "Accept or reject?" napatingin siya sa mga mata ng lawyer na ito. Nagpakawala muna siya ng isang malakas na buntong hininga bago tumango. "Accept... tatanggapin ko basta ipangako mo na kayo bahala sa papa ko," ani niya. "Of course. Ako ang mag-aayos ng mga papeles para mai-transfer ang tatay mo bukas na bukas." Inusog pa nito ang marriage contract papalapit sa kaniya. Inabutan din siya nito ng ballpen na agad niyang tinanggap. You can do this, Aj! Hindi mo naman ibebenta ang katawan mo, ang kailangan lang nila ay pirma mo at magpanggap na asawa ng kliyente ng lawyer na 'to.  Pinindot niya ang ballpoint na hawak at bago pa siya makapirma ay natigilan siya at tinaas ang tingin sa lalaking naghihintay sa kaniya. "Lawyer ka 'di ba? hindi ba 'to illegal?" kunot noong tanong niya. "It won't be illegal if you know about this. Hindi naman kita pinilit, ikaw na mismo ang pumayag," he shrugged. Sumenyas ito na ituloy na ang pagpirma kaya ginawa niya na nga. May mga pinirmahan pa siyang iba bago matapos. Sinundan niya ng tingin ito at may kinausap sa cellphone, narinig niya pa nga ang pangalan ng papa niya at kung nasaan ospital ito.  Kinakabahan man siya sa mangyayari sa buhay niya dahil sa desisyon niya pero gumaan naman kahit papano ang loob niya nang malaman na magagamot na ang kaniyang ama. She will really do anything for her family. Kahit siya na ang mahirap at magdusa 'wag lang ang pamilya niya.  Wala naman siyang kasintahan kaya okay lang. Niloko lang naman kasi siya ng first boyfriend niya. Mas inuna ang tawag ng katawan kaysa sa pagmamahal. Sa totoo lang hindi niya rin alam kung bakit niya iyong minahal at sinagot. Madalas siyang saktan nito at may time rin na bigla na lang siyang hindi papansinin.  Tanga talaga siya sa pag-ibig! Kaya ayaw niya muna mahulog sa lalaki. Siguro tiyaka na niya iisipin ang lovelife niya pagnatapos na ang kontrata niya sa kasal na ito.  "Let's go. Ihahatid na kita sa inyo," baling sa kaniya ng lalaki. Tumango siya at sinundan ito palabas hanggang sa makababa sila at makasakay sa kotse. "This is your new phone," ani nito at inabot ang isang cellphone na box pa lang ay alam niyang mahal. Iphone 13 pro max lang naman ang inabot nito sa kaniya.  "Bukas na 'yan. Nilagay ko na ang number ko at number niya." "Huh? number niya?" tanong niya dahil hindi niya ito naintindihan. Pinaandar muna nito ang sasakan bago nagsalita. "Your husband's number," he said while maneuvering the car. "B-bakit? akala ko ba hindi ko siya makikita or makikilala?" kinakabahang tanong niya. "In case of some emergency?" ngumiti ito sa kaniya pero mabilis din binalik ang tingin sa gitna ng daan.  Hindi na siya nagtanong pa at binuksan ang box para kunin ang cellphone. Sierra blue ang kulay nito at talagang napakaganda. Bago sila dumeretso sa bahay ay dumaan muna sila sa isang fastfood chain at um-order si Francis ng kung ano-anong mga pagkain. "Para saan 'yan? ang dami mo naman kumain," biro niya pa rito. "It's for you and your siblings. Have a good dinner with them, you'll leave the day after tomorrow."  Natigilan naman siya at napabuga ng hangin. Hindi na siya nagsalita pa dahil kailangan niya naman talaga lumipat sa manila.  Laguna lang naman sila at may kalapitan lang pero hindi niya pa rin maiwasan di malungkot. Mami-miss niya ang mga kapatid niya at ang magulang niya. "Salamat," sambit niya nang makarating sila sa tapat ng bahay. "H-huwag ka ng bumaba, ako na ang magbibitbit ng mga ito," pigil niya nang balak pa nitong bumaba. Ayaw niya narin pababain dahil nakakahiya na masiyado.  Nagpaalam siya muli at sinundan ng tingin ang kotse hanggang sa makaalis ito sa paningin niya. "Psst! Daming pagkain ah, pakain naman!" sitsit sa kaniya ni Maceh habang nakadungaw sa may bintana. "Punta ka lang sa bahay, masiyadong marami ito para sa amin," ani niya nang makalapit. Apat na paper bag kasi ang hawak niya at totoong marami talaga. "Talaga? sige punta na ako, tawagin ko lang si Noy para may kapalit ako rito," tumango siya rito. Nauna na siya pumasok sa bahay at napangiti siya nang makitang umuwi na ulit ang mama niya at si Aimee. "Ate! ang dami mong dalang pagkain ah? ang babango! nanalo ka ba sa lotto?" natutuwang sambit ni Arilyn at tinulungan agad siya sa mga bitbit. "Hindi lotto pero may bago na akong trabaho at mas malakig ang sweldo!" pag-aanunsyo niya sa mga ito.  "Ito, bigay ito ng magiging boss ko." Half truth half lie, totoo namang bigay ang mga pagkain.  "Talaga? saan ang trabaho mo ate? tiyaka anong klaseng trabaho?" tanong ni Aimee sa kaniya habang hinahain ang pagkain.  "Office, assistant ako. Kaso kailangan ko tumira sa manila dahil doon ako magta-trabaho. Libre naman ang tutuluyan ko kaya pumayag na ako," pagsisinungalin niya pa. "Baka naman masiyado mong sinasagad ang sarili mo? alam kong marami ka ng trabaho para lang matustusan kami," malungkot na ani ng ina niya kaya nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. "Ma, kaya ko po at 'wag po kayong mag-alala. Masaya po ako sa ginagawa po kaya kahit mahirap okay lang at isa pa hindi naman nakakapagod," niyakap niya ito ng mahigpit at nang bumitaw ay ngumiti siya ng malawak sa kaniyang ina at mga kapatid. "May tutulong na sa atin para mapagaling si papa! sponsor sila at saktong kilala ng boss ko kaya nasabihan agad! Sinabi sa akin na sila na ang bahala sa gastusin hanggang sa gumaling si papa!" sigaw niya na ikinatuwa ng kapatid niya. Nakita niya namang naluha si Aimee at ang kaniyang ina.  Niyakap niya ang mga ito at sumunod naman ang tatlo. Mahigpit niya niyakap ang mga ito dahil paniguradong mami[1]miss niya ang pamilya niya. Pwede naman niya itong bisitahin pero iba pa rin na araw araw niya kasama ang mga ito sa iisang bahay. "Hay nako! tama na ang iyakan dahil chibugan na!" pumalakpak pa siya at sabay sabay silang nagtawanan. "Magandang gabi po! makiki-chibog din ako!" sulpot ni Maceh. Pinapasok niya ito at sabay sabay silang kumain ng hapunan.  Tuluyan na talagang gumaan ang bigat na nararamdaman niya. She will just think that the offer is a gift from god.     

 

CHAPTER 2    

Nilibot niya ang paningin niya pagkababa niya ng sasakyan. Isang malaking bahay lang naman ang bumungad sa kaniya. Napaka-ayos ng disenyo at napaka-modern ng style. Parang 'yong nag-isip ng ganitong disenyo ay napaka-professional.  Naka-park kasi ang sasakyan ni Francis sa loob kaya kitang kita niya ang bahay.  "A-ako lang titira dito?" 'di pa rin makapaniwalang tanong niya. "Yes. Do you want to hire a maid? I can tell him—" "Hindi! 'di ko 'yon kailangan. Kaya ko naman maglinis at kumilos para naman may trabaho pa akong gawin," tanggi niya rito. Sa laki ng sahod niya dapat lang na siya na ang maglinis ng malaking bahay na 'to. Mas madali pa nga 'to kaysa sa mag[1]serve ng mag-serve sa customer sa gabi at 'yong mga lasing ay babastusin lang siya.  Nagawa niya ring makaalis doon ng mabilis dahil kay Francis.  Pumasok sila sa pinakaloob ng bahay at mas lalo siyang namangha sa interior design. Pagpasok mo pa lang ay alam mong lalaki na ang nakatira dahil sa ayos. Napakalinis din lahat ng pagkaka-ayos. Black, white, gray lang ang konsepto ng kulay ng buong bahay. Mataas rin ang ceiling at may chandelier pa.  Dalawang palapag lang pero napakalawak ng bahay. Minimalist style, kaya para siyang nasa ibang bansa. Naglakad siya papunta sa kabilang bahagi at nakita niya roon ang malaking glass door, tanaw niya ang glass pool sa kinatatayuan niya.  "You can do whatever you want here. Basta 'wag ka lang pumunta sa kwarto na mga naka-lock." Sunod sunod ang pagtango niya kay Francis. Kumilos na rin siya para ayusin ang mga gamit niya. Ginaya siya ni Francis sa taas at kanang bahagi na kwarto. "You can sleep here," ani nito nang makapasok. Bumungad sa kaniya ang malaking kama. May vanity mirror sa gilid at may working desk pa. May sarili ring banyo dahil nakita niya ang pinto.  "That is a mini walk-in closet, pwede mo na ilagay lahat ng damit mo riyan. If you have a question feel free to text me." "Salamat, pero 'wag ka mag-alala hindi naman kita iistorbohin," napakamot pa siya ng ulo.  Tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya 'yon at gano'n na lang ang gulat niya nang may mag-send ng 100 thousand sa bank account niyang walang laman. Napatingin siya kay Francis na nasa harapan niya. "B-bakit may 100 thousand agad na sinend sa akin?" tanong niya. Hindi pa naman kasi siya nakaka-isang buwan. "Oh, you already received it? It's a bonus for you because you signed the contract."  Umawang ang labi niya at napatango-tango. Grabe, sobrang yaman pala ng napangasawa niya dahil may pa-bonus pa! parang 13th month pay ang peg! "Anyways, i need to go! goodluck!" ngumiti ito sa kaniya at nagpaalam na kaya hinatid niya ito sa labas. Bago pa ito makasakay ng kotse ay bumalik ito sa harapan niya. "Muntik ko nang makalimutan! This is your wedding ring, just always wear it." Inabot nito ang pulang box bago tuluyan nang magpaalam. Automatic ang sara ng gate dahil mukhang may remote ito.  Pumasok na siya sa loob ng bahay at umupo sa sofa tiyaka binuksan ang pulang box. Natulala siya dahil hindi siya pwedeng magkamali, isa iyong diamond ring. "Wow, iba talaga pag mayaman ka! Hindi mo na kailangan tingnan ang presyo pag bumibili," naiiling na ani sa sarili. Contract marriage lang naman ang meron pero ang sosyal ng singsing niya.  Nagpahinga muna siya saglit bago kumilos at ayusin lahat ng gamit niya sa kwarto. Sakto lang naman ang dami ng damit niya ang sapatos naman niya ay isang rubbershoes at sandals lang na mumurahin.  Mabilis lang din siya nakapag-ayos at nang matapos ay humiga siya sa malaking kama. Damang dama niya ang kalambutan noon at parang gusto niya ulit maging bata at talunan iyon.  Hindi niya pa nagagawa ang ganong bagay dahil noong bata  siya ay manipis na foam o kaya naman banig ang hinihigaan niya.  Napahawak siya sa tiyan nang kumulo ang tiyan niya. Awtomatikong napabangon siya at dumeretso sa kusina. Napanguso siya nang walang pagkain na makikita sa ref at kung saang cabinet.  Ala-singko pa lang naman ng hapon kaya lalabas muna siya at pupunta sa mall na malapit. Dahil hindi niya kabisado ang lugar ay napilitan siyang mag-taxi nang may dumaan. May isang libo naman siya sa wallet niya kaya okay lang at isa pa may pera na siya sa inaamag niyang bank account. Bibili na rin siguro siya ng mga kailangan niya pang gamit at stock ng pagkain. Nang makarating siya sa mall ay habang naglalakad ay tinawagan niya si Jane. "Hello, Jane? Nagluto na ba kayo ng pagkain niyo?" tanong niya agad sa kapatid. "Hindi pa ate, kakauwi lang namin. Binisita namin si papa sa hospital! Ang laki ng hospital tapos may sariling kwarto si papa na parang sa hotel," pagk-kwento nito. "Panigurado pagod kayo sa byahe. Bumili ka na lang ng lutong ulam diyaan sa kanto natin." "Eh ate hindi naman karinderya 'yon kaya mahal do'n! Kami na lang magluluto rito." Umiling siya rito kahit hindi siya nito nakikita. "Huwag nang makulit, 'yong iniwan ko sa inyong pera ay bawasan mo na. Kahit umabot 'yan ng 500 pesos okay lang! magpapadala ako kay Aimee ng pera. Tiyaka kung gusto niyo bumili kayo ng tig-iisang chocolate, ako na ang bahala!"  Napapikit siya ng marinig ang tili ni Arilyn at Jennilyn na mukhang nakikinig din pala. "Tala ate ha? wala ng bawian!" singit ni Arilyn. "Ano ka ba! paano kung wala ng pera si ate?" rinig niyang sambit ni Jane. "Ay, oo nga! sige 'wag na." Napangiti siya dahil sa usapan ng mga ito. Talagang napakaintindihin ng mga ito sa kaniya. "May pera ako! Kaya bumili na kayo ng pagkain at ng tsokolate niyo. Basta ang gusto ko lang ay mag-aral ng mabuti ha? Bibilhan ko kayo ng tig-iisang cellphone pag grumaduate kayo ng may honor!" sambit niya.  "Salamat po ate! Kahit wala ng cellphone basta po mag-iingat ka lang. Hindi po namin papabayaan ang pag-aaral! Pag kami nakatapos, ikaw naman ang magiging prinsesa!" Nakagat niya ang labi dahil sa sinabi ni Jennilyn.  Miss niya na agad ang mga ito. Ang mga kapatid niya lang ang nagpapakilig sa kaniya ng ganito. "Walang anuman. Lahat gagawin ni ate para lang sa inyo. Sige na at mag-ingat sa paglabas ng bahay. Pasama kayo kay Aimee ha? Si mama pala?" "Opo ate! si mama nasa labas kausap ang kaibigan niya."  "Oh sige, sige. Ingat!"  Pinatay niya na ang tawag at pinasok na ang cellphone sa maliit niyang bag. Napagdesisyunan niyang kumain sa isang korean restaurant. Minsan lang naman siya mag ganito at parang reward niya na rin sa sarili.  Pagkapasok niya ay may nakabangga sa kaniya kaya natigilan siya. Isang lalaking naka-sumbrero na itim. Dahil matangkad ito ay napatingala pa siya habang hawak hawak ang braso niyang natamaan. "Okay lang po—" naputol niya ang sasabihin nang nilagpasan na siya nito na parang walang nangyari. Napakunot siya ng noo at sinundan ng tingin. Mabango pa naman sana pero napaka suplado naman! Siya na nga ang nakabangga, ako pa ang lalagpasan? 'di man lang nag-sorry?! Tuluyan na siyang pumasok sa restaurant at sa wakas ay nakakain na rin. Pinicture-an niya pa ang mga pagkain niya para may memories siya sa bago niyang phone.  Buong araw ay masaya siya. Pagkatapos niya kumain ay nag-grocery siya ng mga pagkain at mga gamit na kailangan niya. Umuwi rin siya agad dahil gabi na, nag-taxi ulit siya dahil wala siyang choice, bukas na lang niya kakabisaduhin ang lugar at kung paano mag-commute.  *** Nakahinga ng maluwag si Xion nang makitang maayos na ang marrige contract niya. Wala na siyang po-problemahin kun'di mag-focus pa sa kaniyang trabaho. "What's up!" napaangat ang tingin niya kay Francis nang makapasok ito.  "You will have a meeting with attorney Diaz tomorrow morning, maipapasa na sa pangalan mo ang lahat ng iniwan ng lolo mo."  "That's good. Be sure that Lloyd will not know about this," sambit niya. "Of course! Your step-brother will do anything to make your reputation go down. At isa pa your wife is kind of interesting," Francis chuckled and gave him an amused look.  "How interesting? well i don't care. I just care to my grandfather's will and company." Hindi niya nga tiningnan kung sino ang naging asawa niya sa kontrata. May tiwala naman siya rito sa kaibigan niya kaya ito ang pinakilos niya para hanapan siya ng babaeng papayag sa ganitong sitwasyon.  He already build his name and his reputation. May sarili siyang pera dahil sa sariling galing, hindi siya umaasa sa mga naiwan ng kaniyang lolo pero ayaw niya pabayaan iyon at mapunta lang sa kamay ni Lloyd, ang step-brother niya.  Simula nang makilala niya ito ay puro problema na lang ang dinala sa pamamahay nila kaya naging maayos lang ang lahat ng umalis na ito sa mansyon.  "You'll see if you meet her." Umiling siya rito at tumayo. Tinanggal niya ang coat na suot at kinuha na ang bag niya para umuwi sa penthouse niya. Hindi siya makakauwi sa sariling bahay dahil doon niya pinatira ang babae dahil pag nag-imbestiga ang attorney ng kaniyang lolo at hindi nakita ito sa sariling bahay niya ay baka magkaroon pa ng problema. "Not interested," he answered. Lumabas na silang office at sumunod naman ito sa kaniya.  "Let's drink. Stop being work-a-holic, man. Kaya wala kang lovelife!" pang-aasar nito. Nang makarating sila sa parking lot ay pinatunog niya ang kaniyang sasakyan para bumukas. "Work is my lovelife," ani niya at pumasok na sa kotse. "Next time. I have to work more in my penthouse," dugtong pa nito at tinaas ang kamay para magpaalam sa kaibigan. "Soon, you'll find someone that can make you change. Tatawanan na lang talaga kita pag nalaman kong nagpa-cancel ka ng mga meetings dahil lang sa isang babae," sigaw nito at kumaway na rin sa kaniya.  He manuevered the car and pressed the horn in the car. Bumusina rin si Francis sa kaniya para magpaalam.  Uuwi man siya pero magta-trabaho pa rin siya kahit nasa bahay.  He loves to work and what Francis told him earlier? It's impossible. He can't cancel his meetings because of a woman. Very impossible...    

 

CHAPTER 3    

Tumaas ang isang kilay ni Xion nang tumunog ang cellphone niya. Galing sa bank account ang notification na ‘yon at kita niya ang halaga ng pera na sinend niya sa kaniyang contract wife ay naibalik. “Why?” Francis chuckled at him. “Sabi ko sa’yo, she’s interesting,” natatawa pang ani nito. “Is it too little? Are you sure that she’s not going to back out with this deal?” he asked while signing important documents. Hindi na ito p-pwedeng mag-back out dahil na-proseso na ang lahat, nasa kaniya na ang mga naiwan ng lolo niya. “She’s not that kind of woman, bro. Believe me! If you saw her? She’s very simple. Walang luho, hindi mukhang pera at higit sa lahat ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. She’s not a gold digger.” Kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi nito. “Do you like her?” he asked seriously. “Hmm… should I make a move to get her?” Nag-isang linya ang kaniyang labi at napatigil sa pagpirma. “After 2 years, not now,” he hissed. Muli niyang narinig ang tawa nito kaya napailing siya. He knows, Francis was teasing him. “Is that a promise?” “Shut up. I’m busy.” Mabilis na pinatay niya ang tawag dahil naiistorbo na siya nito. Nag-focus siya ulit sa mga ginagawa pero hindi na niya matanggal sa isip kung anong klaseng babae ba ang napangasawa niya sa papel. Francis was interested too, and he got curious big time. “Fuck!” he cursed when his mind is now occupied with curiosity. Ilang araw na rin kasi siya kinukulit ni Francis na tingnan man lang o kilalanin ang babae na nakatira na sa bahay niya. Pero kung sakali man gusto niya itong kilalanin, hindi siya magpapakilala rito bilang isang boss o asawa sa papel. He will not do that because he still doesn’t know her. He already met a lot of shameless woman who wants him and his money. *** Kasalukuyang naghahanap si Aj ng trabaho malapit sa tinirhan niya. Kahit na malaki ang sahod niya ay ayaw naman niyang maging tambay lang sa malaking bahay. Ilang araw na siyang naglilinis lang ng bahay, kahit malaki kasi iyon para sa kaniya ay mabilis lang linisin dahil hindi naman siya makalat at higit sa lahat pagkarating niya roon ay bawat sulok malinis. Kumislap ang mata niya nang makita ang nakapaskil sa pinto ng isang restaurant. ‘Hiring Waitress’ Sa wakas ay may nakita na siya. Kanina pa siya naglalakad para tumingin tingin pero hindi hiring ang mga ibang establishment. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa restaurant. Hindi ito fast-food chain dahil labas palang sobrang ganda na, lalo na sa loob. “Magandang umaga po ma’am,” nakangiting bati sa kaniya ng guard. “Magandang umaga po kuya, tungkol po sana sa nakapaskil na hiring, magpapasa po sana ako ng resume,” deretsong sambit niya. “Ay okay po, sandali lang po.” Ngumiti siya rito at tumango. Naghintay siya sa isang tabi nang umalis ang guard para puntahan ang isang manager. Alam niyang manager iyon dahil iba ang suot nito kaysa sa mga server na kumikilos. Napangiti siya nang tinawag siya ng guard para palapitin sa pwesto ng manager. “Mag-apply ka? Can you wait for 5 minutes? May gagawin lang ako at iintereview-hin na kita agad,” ani ng manager. Mabilis siyang tumango, siyempre payag siyang maghantay ‘no. Siya ang may kailangan at kung gaano pa katagal ay gagawin niya. “Wala pong problema, maraming salamat po.” Pinaupo siya sa dulong table at doon naghantay. Habang naghahantay ay kinalikot niya muna ang cellphone at nakita niyang may bagong message ang si Francis. From Lawyer Francis, I already returned the money. Are you sure that you don’t want to accept it? You can buy anything you want with that money. Napabuga siya ng hangin bago nag tipa ng mensahe pabalik dito. To Lawyer Francis, Sigurado po ako. Malaki na ang sinasahod ko, hindi naman ako abusado. Isa pa’t malaki na ang tinutulong niya sa akin para sa gastusin sa hospital. Paano ba naman kasi ay pinadalhan siya nito ng malaking pera para pangbili ng mga gusto niya at siyempre siya naman ay tinanggihan niya. Kahit nga mas maliit pa ang sweldo niya basta lahat ng gastusin sa hospital ay mabayaran okay na siya. Napakalaking tulong na iyon sa kaniya. Tinago niya ang cellphone niya sa bag nang makita niya nang papalapit ang manager. “So you’re Aimar Joyce Balansag, 25 years old from laguna,” sambit ng manager habang binabasa ang resume niya. “Bago ka lang dito sa manila?” tanong pa nito. “Opo, last week lang po.” “You already have experience in fast-food chains so you’re good. We badly needed a waitress asap because tomorrow a client reserved this whole restaurant for her niece’s birthday party. Can you work tomorrow?” “Oo naman po!” masayang sambit niya. “Good. You can start tomorrow, ihabol mo na lang ang medical certificate mo. May sss, philhealth at pag-ibig ka na naman kaya hindi na mahirap para sa mga requirements mo. Ang medical certificate na lang talaga ang kulang. By the way, baka nagtataka ka dahil batas ako rito,” she chuckled. “I’m the owner of this restaurant, I’m Sharron Cy. I work also here as a manager, nice to meet you,” nakangiting sambit nito at nakipagkamay sa kaniya. Agad niya naman iyong tinanggap at nakipagkamay. “So, what should I call you? “Aj na lang po, short for Aimar Joyce.” “Okay, see you tomorrow, Aj. Masaya siyang nagpaalam kay Ms. Sharron at sa guard na mabait. Hindi na niya sinayang ang oras at pumunta na sa malapit na clinic para magpa-medical. Inabot siya ng ilang oras kaya gabi na siya nakauwi sa bahay. Naligo muna siya para ma-preskuhan bago kumain ng pagkain na binili niya sa labas. *** “Where are we going?” tanong niya kay Francis dahil nangulit itong uminom naman daw sila. “Bro, as I said, you need to see your wife, at least,” he smirked. Napailing na lang si Xion dahil sa kaibigan. Gustong-gusto talaga nito na makilala niya ang asawa sa kontrata. Wala naman kasi siyang pakialam kung sino pa ito dahil para sa kaniya ay empleyado niya lang ito na nakakontrata ng dalawang taon bilang asawa niya. “Hindi ka ba nacu-curious?” Hindi siya nakasagot agad dahil sa totoo lang ay may katiting sa kaniya na gusto niya ito makilala dahil sa mga sinasabi ni Francis. “I don’t know,” he simply said. “You’re now curious,” he chuckled. Hindi niya na ito pinansin at napatingin na lang sa labas ng kotse. Ang pamilyar na daan ay sumalubong sa kanila. Nakapasok na sila sa high-end village kung saan nakatayo ang bahay niya. Hindi siya rito tumitira dahil may kalayuan sa opisina niya. Isa pa’t sanay na siya sa penthouse lagi dumeretso dahil hindi sayang sa oras. Tumigil sila sa may katabing bahay at doon nag-park sa labas. “I can’t park in front of your house, alam niya na ang sasakyan ko,” sambit nito at napakamot sa ulo. “Then why did you fucking drag me here?” he scoffed. He licked his lower lip out of frustration. “Just go and check her,” kibit balikat na ani nito na parang napakasimple lang. “How? Don’t tell me you want me to knock and talk to her?” hindi makapaniwalang sambit niya rito. Naiirita na siya dahil sa pinapagawa nito. Mukhang masasayang lang ang oras niya dahil sa kaibigan. Ang ayaw niya pa naman sa lahat ay ang nasasayang ang oras niya sa walang kwentang bagay. Kung sana ay ginamit niya na lang ang oras na ito para gawin pa ang ibang mga trabaho. “Yes. If you don’t want to introduce yourself as her contract husband then you can introduce yourself as a guard in this village,” he joked. Tiningnan niya ito ng masama, hindi siya natutuwa sa mga sinabi nito. “Go! Kausapin mo lang talaga saglit at okay na ako. Hindi na kita kukulitin tungkol sa asawa mo. Alam mo na, mas okay pa rin kahit papaano na kilala mo siya,” he added. He sighed before he opens the car door. Lumabas siya ng kotse at naglakad patungo sa bahay niya. Mabibigat ang bawat paghakbang niya dahil kahit na-curious siya sa babae ay hindi pa rin iyon sapat para gustuhin niyang kausapin ito. I don’t have fucking time for this. Damn you, Francis! Nakabusangot ang mukha niya habang binubuksan ang gate ng bahay niya. Dere-deretso lang ang pagpasok niya hanggang sa tumigil siya sa tapat ng pintuan. Kumatok siya roon ng ilang beses. Nagsalubong lalo ang kilay niya dahil hindi pa rin binubuksan ang pinto. Muli niyang tinaas ang kamay niya para sana kumatok muli pero bigla naman iyong bumukas. Natigilan siya at napatitig sa kabuuan nito. “A-ano pong kailangan niyo? Paano po kayo nakapasok sa gate?” nauutal na sambit nito. Hindi siya nakasagot bigla dahil nakatulala pa rin siya sa itsura nito. She’s wearing a simple sleevless top and a cotton short. Her hair is on messy bun and her hands is kind of wet. Is she doing laundry at this hour? “K-kuya?” natatakot na sambit nito habang unti-unting sinasarado ang pinto. Mabilis niyang hinarang ang kamay niya roon at bumuntong hininga. Nakalimutan niyang dapat sa labas siya ng gate kumatok hindi sa mismong pintuan. Sino ba naman ang taong deretso pumasok sa loob nang hindi naman niya pagmamay-ari ang bahay. He will not introduce hisself as her husband, never. “I’m…” fuck, “ I’m the bodyguard of your husband,” he said in a lower voice. Fuck! Fuck! Fuck! I’m a fucking bodyguard? Oh, yes! Great, Xion. “B-bodyguard? Ng asawa ko?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Paano ko malalaman na bodyguard ka talaga ng asawa ko? May i. d ka ba?” Ramdam niya na hindi pa rin ito naniniwala sa kaniya. Napatingin siya sa mukha nito nang kagat-kagatin nito ang labi dahil sa kaba. Muli siyang napamura sa isipan dahil natulala pa siya sa mapulang labi nito. What the fuck are you doing right now, Xion?! Stop staring! “You can call your husband’s lawyer so you can trust me.” “O-okay,” ani nito at mabilis siyang tinalikuran at natanaw niyang kinuha nito ang cellphone na binigay niya. Mayamaya ay may kinakausap na ito. “May nagpakilalang bodyguard ng asawa ko? Totoo ba ‘to?... Hindi lang kasi ako makapaniwala na pumunta siya ng ganitong oras… oo… sabi niya bodyguard siya… okay… dito siya titira? Ha?! A-ah… s-sige…” Napabaling ito ng tingin sa kaniya bago marahan na lumapit. “P-pasok ka...” “No need —” “Ay nako, ‘wag ka na magalit! Pasensiya na ha? Hindi kasi ako nasabihan na titira ka na rito kasama ako.” “What?!” he exclaimed. “Ha? Ah, nasabi na sa akin ni sir Francis na titira ka na raw rito para maging driver at bodyguard ko dahil iyon ang utos ng a-asawa ko,” she said while laughing awkwardly. Naikuyom niya ang kamao niya nang makapasok sa loob ng bahay. “Upo ka. Kumain ka na ba?” tanong pa nito sa kaniya. Mas lalong uminit ang ulo niya dahil talagang inasikaso pa siya nito sa ganitong ayos. Nakasuot lang ito ng manipit at maiksing damit habang nakaharap sa hindi niya kilalang tao. Paano na lang kung masamang tao siya. “G-galit ka ba? Pasensiya na,” halos pabulong na sambit nito. Umupo siya sa sofa at sumandal. “I’m not.” “Pero nakasimangot ka,” bulong nito sa sarili pero nakaabot naman sa tainga niya. “Siya nga pala hindi ko alam kung saan ka matutulog, siguro sa isang guest room na lang?” sambit pa nito sa kaniya. “Why? Are you using the other guest room?” Nagtataka naman itong tumingin sa kaniya. “I mean, hindi ka ba natutulog sa kwarto niyo ng asawa mo,” bawi niya rito. Nanlaki ang mata nito at mukhang nataranta. “A-ah ano… natutulog ako roon… siyempre!” tumawa ito na parang kinakabahan. She’s great at hiding their secret. “Minsan lang doon ako natutulog sa kabilang guest room kasi nami-miss ko ang asawa ko,” bawi pa nito. He smirked because of the thought she’s acting like a real wife. Well, hindi na siya kakabahan, mukhang hindi naman ito magsasalita sa sikretong arrangement nila. Napatingin siya sa kamay nito at kita niya na suot nito ang singsing gaya ng inutos niya. “Ah sige… tapusin ko lang ang nilalabhan ko ha? Bukas kasi ay may trabaho pa ako,” nakangiting ani nito sa kaniya. Nagsalubong muli ang kilay niya. “You’re working? Hindi ka ba pinapadalhan ng asawa mo para sa mga kailangan mo?” he can’t helped but to ask because he got more curious. Lahat ng extrang pera ay binabalik nito sa kaniya. Woman loves luxury things and shopping that’s why he was confused that this woman rejected the extra money he gave. “Pinapadalhan.” Tsk. That’s her income. “Ayaw ko naman umasa sa asawa ko. Kaya ko rin magtrabaho ‘no.” “Your husband, my boss, is richer than you think, barya lang yan sa kaniya.” Ngumiti ito ng tipid sa kaniya. “Mayaman siya, siya ang mayaman at hindi ako. Ayaw kong umaasa sa pera niya, gusto ko rin magtrabaho at makaipon dahil pinaghirapan ko ang mga nakuha ko.” “Iyong tipo na makakabili ako ng sariling bahay at para sa magulang at mga kapatid ko,” she dreamily added. Pinagsiklop nito ang kamay na parang nangangarap pero agad ding nataranta dahil mukhang na-realize nito ang nasabi. “S-siyempre… gusto ko rin ng sariling bahay na binili ko gamit ang pera ko. S-suportado naman ako ng asawa ko roon.” He didn’t say anything and he let himself stare at her. At this time, he got more curious about her. Is this really her personality or was she acting like a kind woman? Women flock to his feet, and most of them are willing to do anything for money and fame. But this woman in front of her is simple-minded. He wants to know more about her so he will just continue to act like he’s a bodyguard in the meantime. Damn you, Francis. You made me do what you want again.   

 

CHAPTER 4    

Sumimsim siya ng kape habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi niya pa natatanong ang pangalan. Umuwi rin kasi ito kagabi dahil wala palang gamit na dala. Hindi niya alam kung bakit pa ito pumunta ng gano'ng oras para magpakilala sa kaniya na siya ang bodyguard ng asawa niya. Sobra ang kaba niya dahil muntikan na siyang madulas kagabi na hindi niya talaga kilala ang asawa niya. Mayayari siya pag nagkataon. “Kain,” ani niya nang pumunta ito ng kusina para kumuha ng tubig. Sa tingin niya ay nakatira na rin ito dati rito dahil parang kabisado na kabisado ang buong bahay. Sa totoo lang mukhang ito nga ang may-ari eh, kung hindi niya ito kilala. Hindi niya mapigilan na hindi rin tumitig sa mukha at katawan nito dahil may ipagmamalaki. Mukha itong mayaman dahil sumisigaw sa kaperpektuhan ang mukha at ang katawan naman ay nagmamalaki dahil sa mga muscles nito. Hindi bulky ang muscles nito, sakto lang na para bang isang modelo ito. “Tapos ka na mag-ayos?” tanong niya rito dahil umupo na rin ito sa lamesa para kumain. “Yes,” tipid na tugon nito. “Englishero ka talaga?” tanong niya. Hindi niya mapigilan punain ang pagsasalita nito. “Mayaman ka ‘no?” dagdag na tanong niya pa. “English language can use by any people. No status is needed.” Tumawa siya dahil sa kaseryosohan nito. “Alam ko naman! Ito naman hindi mabiro.” Inubos niya ang kinakain niya at ang kape na iniinom. “Aalis pala ako ng 12 noon, 1pm kasi ang duty ko ngayong araw. Kahit hindi mo na ako ihatid at bantayan dahil malapit lang naman iyon, pwedeng lakarin,” nakangiting sambit niya rito habang nililigpit ang pinagkainan. “No worries. It’s my… job,” sagot nito. Hindi na siya nagreklamo pa at tumango na lang. Tinapos niya ang hugasin dahil kailangan niya na maligo at mag-ayos pa. “Maliligo lang ako,” paalam niya rito pero nakita niya ang iritadong mukha nito. “Just do whatever you want. You don’t need to tell me what you’re going to do.” Nanlaki ang mata niya dahil mukhang iritado talaga ito sa kaniya. “S-sinabi ko lang naman…” Gusto niya lang kasing sabihin dahil baka magtaka ito kung bakit siya biglang aakyat. “That’s the problem! You still don’t know me and you easily trust me,” ani nito at binaba ang kutsara at tinidor tiyaka siya tiningnan. “Sinabi ko lang naman na maliligo ako —” “That’s the problem, you’re like inviting me to have a shower with you.” Nag-init ang kaniyang pisngi dahil sa sinabi nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa pagkataranta. “H-hindi gano’n ang pinaparating ko!” she exclaimed. Pakiramdam niya ay kulay kamatis na ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Hindi na ito umimik kaya mabilis niya itong tinalikuran at umakyat papunta sa kwarto niya. Para siyang hinihingal pagdating niya sa loob ng kwarto. Naiiling pa siya dahil sa mga naiisip. Gusto niya maging ka-close ito dahil makakasama niya ito ng matagal sa iisang bubong. Dumeretso na siya sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi niya mapigilan na ma-imagine na kasama ito sa loob ng cr. Napasuklay siya sa basang buhok at pinikit niya ang mata niya. Umagang-umaga ay ginugulo siya agad nito. “Ano ba itong naiisip ko!” impit tili niya. Winaksi niya ang nasa isipan at pinagpatuloy na lang ang pagligo. Nang matapos siya ay nagbihis siya ng itim na pants at t-shirt. May iaabot naman sa kaniyang pantaas na uniform basta ang kailangan lang ay naka close shoes siya at black pants. Pagkatapos niya magpatuyo ng buhok ay bumaba na siya para maghanda ng tanghalian para makakain man lang bago sila umalis. Pagkababa niya ay hindi niya nakita ang binata kaya dumeretso na lang siya sa kusina para magluto ng adobo. May ingredients pa naman kaya ‘yon na lang ang lulutuin niya. Habang naghihintay siya na lumambot ang baboy at kumuha muna siya ng juice sa ref para inumin. Umalis siya sa kusina para pumunta sa sala at manood saglit. Isang oras niya pa kasi papakuluan ang baboy para sobrang lambot. Saktong pag-upo niya ay bumukas ang pinto kaya napalingon siya roon. Nasamid naman siya sa iniinom nang makitang pumasok ang binata na walang saplot pantaas. Naka-sweatshort ito at nakasuot ng sapatos, ang katawan nito ay pawis na pawis. Tuloy-tuloy ang pag-ubo niya kaya napatayo siya at dali-daling pumunta sa kusina para uminom ng tubig. “Are you okay?” Hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kaniya. Tango lang ang tugon niya at nag-thumbs up dito. Hindi niya ito nilingon dahil baka maubo na naman siya. “N-nag jogging ka sa labas?” tanong niya habang hindi pa rin ito nililingon. Ramdam na ramdam niya pa rin ang mainit na presensiya nito. “Yes,” tipid na tugon nito. Hindi na siya sumagot at tinuon ang pansin sa niluluto. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi dahil kinakabahan talaga siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya sa oras na ito. Tumigil ka Aj! Katawan lang ‘yan… “A-ano… ah… Kumakain ka naman nito ‘no?” walang kwentang tanong niya rito. Hindi ito sumagot kaya roon na siya napalingon, nakita niya itong seryoso na nakatingin sa cellphone. Mayamaya ay tumayo ito at hindi man lang siya pinansin, mukhang may tinatawagan. Sa totoo lang ay nahihiwagaan siya rito hindi lang dahil mukha itong mayaman kun’di ang bawat kilos ay sumisigaw na hindi ito basta-basta na simpleng tao. Pero hindi na rin siya magtataka kung ganito talaga ito, kung sobrang yaman talaga ng asawa niya ay paniguradong mga professional ang mga nasa paligid nito. Napatango-tango siya sa naisip. Pinatay niya ang apoy nang matapos magluto. Inihain niya iyon sa lamesa pati na rin ang kanin. Bumalik muna siya sa kwarto niya para ayusin ang gamit niya, medyo maaga pa naman para kumain siya. Pagkatapos niya sa ginagawa niya ay lumabas na siya ulit ng kwarto at sakto na lumabas din ang binata sa katapat na kwarto niya, iyong isang guest room. “K-kain na muna tayo bago umalis,” sambit niya rito. Nautal pa talaga siya dahil nagsalubong ang kanilang paningin. Tumango naman ito kaya kahit papaano ay napangiti siya dahil sumagot ito. Siya ang naunang naglakad pababa para tumungo sa kusina. Nakasunod lang ito sa kaniya at nang makaupo sa dining table ay umupo na rin ito. “Anong oras ang labas mo?” tanong nito habang nagsasandok ng pagkain. Napatitig naman siya sa isang kamay nito na hawak-hawak ang isang bowl. Ang ugat nito sa kamay pataas sa siko ay halatang-halata. Napalunok siya dahil sa natatanaw. Siya lang ba iyong mahilig sa mga halatang ugat ng lalaki? Gusto niya kasi iyong mga manly at malalakas tingnan. “You’re spacing out.” Halos mapatalong siya nang marinig ang boses nito. “H-ha? A-ano ‘yon?” mabilis na tanong niya. Binasa nito ang labi habang nakatingin sa kaniya kaya napalunok siya. Binaba nito ang bowl ng kanin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. “I’m asking you, what time is your out.” Mukhang nawalan ito lalo ng mood dahil wala man lang siyang expression na makita sa mukha nito. “10pm,” sagot niya agad. Tango lang ang tugon nito at kumain na ng tahimik. Siya rin ay tinuon na lang ang pansin sa pagkain dahil nadidistract na siya sa binata. Oo nga pala! Hindi ko pa pala naiitatanong ang pangalan nito. “Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” basag niya sa katahimikan. Nilunok niya ang pagkain at uminom ng tubig. “Xion, you can call me Xion,” sagot nito nang maiangat nito ang tingin sa kaniya. Umawang ang labi niya ng kaunti dahil sa maganda nitong pangalan. “Ang ganda naman ng pangalan mo!” ngiting sambit niya. “Ako kahit Aj lang ang itawag mo sa akin, short for Aimar Joyce,” dugtong niya pa. “Okay.” Napanguso siya dahil mukhang hindi naman ito interesado sa pangalan niya. Tinuloy niya na lang ang pagkain at nang matapos ay naghugas agad siya at bumalik sa kwarto. Hindi niya na ito inimik dahil mukha namang ayaw siya kausapin. Napaka-boring ko ba kausap kaya gano’n siya? Tsk. Nag-ayos siya ng sarili at naglagay ng kaunting makeup para maging presentable siya tingnan. Ngumiti-ngiti pa siya sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto para bumaba. Pagkalabas niya ng bahay ay nakaandar na ang makina ng kotse sa garahe. “Are you good now? Wala ka ng nakalimutan?” tanong nito sa kaniya. Umiling siya at ngumiti rito. “Okay na, pwede na tayong umalis.” Pumasok sila sa kotse, doon siya umupo sa harapan dahil hindi naman siya madam para sa likod kahit na bodyguard niya pa ito. “Seatbelt,” sambit nito sa kaniya nang makapasok din. Agad naman siyang kumilos para isuot ang seatbelt kaso ayaw makisama no’n, hinahatak niya pero mukhang naka-stock dahil hindi iyon humahaba. Nahigit niya naman ang hininga nang biglang humawak si Xion sa headrest ng inuupuan niya. Napatingin siya sa mukha nitong kaunti lang ang layo sa kaniya. Kitang kita niya ang natural nitong mahabang pilik mata pati ang matangos nitong ilong at mapupulang labi. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya na parang hindi na siya makahinga ng maayos. Kumunot ang ang noo nito habang inaayos ang seatbelt na nasuot na sa kaniya. “I can hear your heartbeat, are you okay —” Doon na siya nanigas ng husto nang lumingon ito at nagtama ang ilong nila. Halata ring nagulat ito dahil nakita niya sa mata nito. Napatitig siya sa abong mata nito na para siyang hinahatak sa kung saan. Hindi niya alam kung ilang segundo silang nagtitigan pero parang ilang minuto ‘yon dahil parang kakawala na ang puso niya sa ribcage ng katawan niya. “Fuck,” he mumbled. Mabilis itong umalis sa gano’ng posisyon at inayos ang sariling seatbelt. Tumikhim pa ito na parang nagbara ang lalamunan kaya siya rin ay napatikhim. Nag-inhale exhale pa siya dahil sa pagpigil niya kanina sa paghinga. Kalma Aj! Kumalma ka! Hindi naman siguro ako mao-hospital dahil sa ganitong klaseng kaba ‘di ba? Wala pa naman sigurong kaso na lumabas ang puso sa katawan dahil sa kakaibang pagwawala ng puso? Napapikit siya ng mariin at pilit na kinakalma ang sarili. Nababaliw na ata siya dahil kung ano-ano ang mga pinag-iisip niya. Pasimple siyang tumingin sa binata nang mag-drive ito palabas, Muli pa siyang napalunok dahil sa labi nitong mapupula.   

 

CHAPTER 5    

“Magandang gabi po!” bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server. Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef. “Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter,” sambit niya sa isang chef na naka-duty. “Noted!” ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out. “Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer,” ani nito sa kaniya. “Salamat,” sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na. “Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na ‘yon?” kinikilig na ani nito habang pinupunasan ang top table ng receiving area. “H-hindi… may inaasikaso kasi siya,” ani niya rito. Lagi kasi nito nakikita si Xion na hatid sundo siya at talagang kinikilig naman ito. Siyempre, sino ba naman hindi kikiligin kahit makita lang ang binata. Totoo naman kasing malakas ang dating nito. “Kaibigan mo lang talaga ‘yon?” tanong ulit nito. “Oo! Kaibigan lang…” Ayaw niya kasi sabihin na may asawa na siya at bodyguard niya ito. Baka magtanong pa ang mga ito kung sino ang asawa niya at bigla wala siyang masagot dahil maski siya ay hindi kilala ang asawa. Hindi na siya nakipagdaldalan dito at kumilos na agad. Nagpunas lang siya ng mga lamesa at inayos niya lang ang mga upuan na bakante bago siya makapag-out. Hindi siya masusundo ni Xion dahil may importante raw itong trabaho at utos iyon ng asawa niya. Dalawang araw ito wala at hindi niya alam kung bakit matagal. Hindi ko naman siya hinihintay… Nagtataka lang talaga ako kung bakit dalawang araw talaga… O-oo! Iyon ang dahilan ko. Kahit may pagkasungit ito sa kaniya at mukhang work-a-holic ay naaappreciate naman niya ang paghatid sundo nito sa kaniya. Nasabi niyang work-a-holic dahil parang mina-maximize nito ang oras na may magawa. Paano ba naman pagkatapos siya ihatid ay pagkasundo nito sa kaniya ay iba na ang damit at napaka-formal, ang dahilan nito ay nagta[1]trabaho rin ito para sa asawa niya. Naisip niya tuloy na napaka-loyal nito sa asawa niya dahil bumabalik pa rin kung saan para lang pagsilbihan ang boss. Siguro naman kaya pang kumuha ng asawa niya ng panibagong bodyguard, pero baka rin naman na sadiyang magaling talaga si Xion at hindi mabitawan ng asawa niya. Tinanggal niya ang tali ng buhok nang makalabas na ng restaurant. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay para hindi naman buhaghad tingnan. Naghintay siya ng jeep o taxi dahil iyon lang ang masasakyan niya hanggang sa gate ng village. Ang taxi naman ay pwedeng makapasok sa loob ng village pero kailangan mag-iwan ng driver ng i. d. Napakamot siya sa noon ang walang dumadaan na jeep o taxi man lang. 10:30 na ng gabi at medyo madalang talaga ang dumadaan doon. High end kasi ang lugar na ‘yon at puro kotse ang dumadaan. Napagdesisyunan niya na lang na maglakad, tutal malapit-lapit lang naman at sanay naman siya sa mga lakaran. Tiningnan niya ang cellphone niya nang makatanggap siya ng mensahe. From Xion, Are you going home now? Nireplyan niya naman ito agad. To Xion, Oo, naglalakad na ako. Itatago na sana niya ang cellphone nang nag-ring na iyon, nakita niyang si Xion ang tumatawag. Sinagot niya naman iyon agad. “Hel—” “Why are you walking? You said that you’re going to ride a taxi!” he fumed. Oo nga pala, nakalimutan niya palang nagpumilit ito na may papalit sa kaniya ng dalawang araw pero hindi niya ito pinayagan dahil okay lang naman talaga na siya lang mag-isa at sasakay na lang siya ng taxi. “Malapit lang naman kasi—” “No. It’s a 10-minute walk, it’s not near!” “Ito naman, galit ka na naman sa aki—” Napatigil siya sa pagsasalita nang may sumigaw na babae doon sa malapit na eskinita. Naibaba niya agad ang cellphone at mabilis na tumakbo patungo roon. Nakita niya ang isang babae na hinahatak ng isang lalaki. “Bitawan mo ako! Hayop ka!” sigaw nito. Hindi na siya nagdalawang isip at mabilis na nilapitan ang babae at hinawakan ang isang kamay nito para hatakin palayo sa lalaki. “Anong ginagawa mo?!” sigaw niya rito. Napalunok pa siya sa kaba dahil may kalakihan ito. “Bitawan mo ang asawa ko!” sigaw nito habang hindi pa rin binibitawan ang babae. Binalingan niya ng tinging ang babae at nanginginig ito sa takot. “S-sinasaktan niya ako… ayoko na sa kaniya,” iyak nito at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. Kita niya ang mga pasa sa mukha nito na ngayon niya lang napansin. Mas hinigpitan niya ang kapit dito at tiningnan ng masama ang lalaki. “Asawa?! Asawa pero sinasaktan mo? Gago ka pala eh!” sigaw niya kasabay ang paghatak niya ng malakas sa babae. Nakawala naman ito sa pagkakahawak ng lalaki at mabilis na nagtago sa likuran niya. “Miss, ‘wag kang makikialam sa away mag asawa, baka gusto mo ikaw ang saktan ko,” galit na bulalas nito sa kaniya. “Bakit hindi ako mangingialam eh nananakit ka na ng babae!” sigaw niya pabalik. Pilit niyang pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay talagang natatakot na siya rito lalo na ng humakbang pa ito papalapit sa kanila. “Ayoko na sa’yo! Anim na buwan pa lang pero pinapakita mo na ang tunay mong anyo! Lagi mo akong sinasaktan at binubugbog dahil sa walang kwentang pagseselos mo! Nagta-trabaho ako para may makain tayo dahil puro luho lang ang iniisip mo!” sigaw ng babae habang umiiyak. “Nagta-trabaho ka habang nanlalalaki! Hinatid ka pa talaga ng hayop na ‘yon? Ano kayo na ba?! Bakit mas magaling ba siya sa akin?!” “Napakakitid ng utak mo! Hinatid niya ako dahil sobrang gabi na ng out naming at pareho lang naman ang daan papunta sa bahay nila— ahhhh! Bitawan mo ako!” Nataranta siya dahil hinablot ng lalaki ang damit ng babae at hinatak ito papalayo sa kaniya pero dahil mabilis siya nakapag-react ay sinipa niya ito sa hita pero mukhang hindi man lang ito nasaktan at nagawa pa siyang tulakin ng malakas. Nagulat ang babae habang napatingin sa kaniya. Mas nagwala ito at pinagsasapak ang lalaki para makawala sa pagkakahawak. “Siraulo ka! Nananakit ka pa ng ibang babae! Bitawan mo ako!” Napadaing siya sa kamay niya dahil kumirot iyon. Mukhang naapektuhan ang ugat niya sa kamay dahil iyon ang itinukod niya ng bumagsak siya. Nakagat niya ang ibabang labi at muling tumayo para hampasin ang mukha ng lalaki ng bag na dala. “Hayop ka, bitawan mo siya! Mukha ka namang unggoy, akala mo kung sinong gwapo!” hiyaw niya habang pinaghahampas ito ng malakas. Nabitawan nito ang babae at siya naman ang hinawakan sa kwelyo. Napaubo siya dahil nasasakal siya sa ginagawa nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang may narinig siyang mabilis na sasakyan galing sa likod niya. Nabitawan siya ng lalaki kaya bumagsak siya ng malakas sa sahig. “Sino ka?” sigaw ng lalaki. Hindi siya makatingin sa likuran niya dahil hinahabol niya pa rin ang paghinga niya. Napatingin siya sa gilid ng may dumaan at bago niya pa maiangat ang tingin niya bumagsak na ang lalaki sa harapan niya. “Who I am? I’m the one who will fucking kill you, asshole!” Natigilan siya saglit at mabilis na inangat ang tingin at kita niya ang mukha ni Xion na galit na galit habang nakakuyom ang mga kamao. May nagdatingan din na police kaya tiningnan niya na ang babaeng nawalan ng malay. Mukhang nanghina na ito ng tuluyan dahil sa ginawa ng lalaki. “I told you! Don’t walk at this hour,” galit na sambit sa kaniya ni Xion at umupo para mapantayan siyang nakaupo sa sahig. Kinuha nito ang kamay niya pero napadaing siya ng malakas dahil sa kirot at sugat ng kamay niya. “That fucker,” bulong nito at akmang pupuntahan pa ulit ang lalaki nang hinawakan niya ito sa braso gamit ang isang kamay. “H-hayaan mo na ‘yon…” Pinilit niyang tumayo pero hindi siya makatayo dahil pati ang balakang niya ay napuruhan ata dahil sa malakas na pagkabagsak. “Sir, dadalhin na po namin sa presinto ang lalaki. Nandiya na rin po ang ambulansiya para dalhin ang babae. Pwede ko po ba kayong matawagan bukas para itanong ang buong pangyayari ma’am?” baling sa kaniya ng isang police. “Opo, pupunta po ako. Paki-asikaso na lang po ‘yung babae. Asawa niya ‘yong nangbugbog, ‘wag po sana hayaang makalapit ‘yong lalaki sa asawa,” nag-aalalang sambit niya rito. “Makakaasa po kayo, ma’am. Maraming salamat po ulit, ma’am, sir.” Hindi na siya nakasagot dahil bigla siyang binuhat ni Xion. Napatingin siya sa mukha nito at na nakabusangot. Sinakay siya nito sa sasakyan at umikot ito para makasakay naman sa drivers seat. Doon niya lang napansin na mas formal ang suot nito. Aakalain mo na para itong boss na galing sa isang business meeting at hindi bodyguard. “Hindi ka kasi nakikinig, masiyadong delikado maglakad ng gabi at wala ka pang kasama,” pagalit na sambit nito habang pinapaandar ang sasakyan. “Okay lang naman kasi talaga ako—” “Okay? You’re not fucking okay! Look at you, you can’t even walk properly!” Napasuklay siya sa buhok niya, para siyang pinapagalitan ng tatay niya. “Basta ‘wag mo na lang sabihin ito sa asawa ko,” ani niya rito. Ayaw niyang mamroblema pa ito dahil sa nangyari sa kaniya. Baka isipin pa no’n ay mahilig siya pumasok sa gulo. Hindi lang naman kasi niya kayang lagpasan ang nangyayari. Lalo na ang mga pang-aabuso na mga gano’n. “Why? Ayaw mong malaman niya na makulit ka?” galit na bulalas nito. “Hindi sa gano’n! Alam mo naman na matanda na ‘yon, baka mamroblema pa at lalong magkasakit,” sambit niya habang tinitingnan ang mga gasgas sa kamay. Muntikan naman siya sumubsob sa harapan, kung wala siyang suot na seatbelt ay tumama na ang mukha niya sa harap. “What?!” “Hoy! Bakit ka bigla huminto?” kinakabahang sita niya rito. Ang lakas tuloy ng tibok ng puso niya. “You think your husband is a rich old man?” Kunot noo itong bumaling ng tingin sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil baka nagkamali siya at baka hindi naman ito sobrang tanda. Paano na lang kung mabuking siya nito na hindi pa talaga sila nagkikita ng asawa niya. “A-ano… matanda na siya siyempre… pero hindi naman sobrang tanda ‘di b-ba?” tumawa siya ng pagak at iniwas ang tingin sa binata. Pinikit niya ang mata niya para makaiwas dito, baka magtanong pa ng kung ano-ano at mas lalo siyang mabisto. Ang daldal mo talaga Aj! Sikreto nga ‘di ba?! Sikreto!          

 

CHAPTER 6    

Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun’di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron. Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit. Alam niyang sobrang lakas no’n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama. T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo! Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa[1]attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang lalaki na iniisip habang may asawa siya. Kahit hindi niya naman kasi kilala at mahal ang asawa niya sa papel ay hindi pa rin maikakaila na kasal siya. Kaya kailangan niya pigilan ang magkagusto sa ibang lalaki. Dalawang taon na nga lang siya nakakontrata sa asawa niya ay magloloko pa siya. Hindi niya pwedeng lokohin ito dahil malaki ang itinulong nito sa kaniya. Unti-unti ng umaayos ang kalagayan ng ama niya at natutustusan niya na rin ang mga pangangailangan ng pamilya niya. Isa pa’t ayaw niya na mainlove dahil ayaw niya na ulit masaktan. Naranasan niya ng masaktan dahil sa ex niyang sex lang naman pala ang habol sa kaniya. At dahil ayaw niya ibigay iyon hangga’t hindi sila nagpapakasal ay nagloko naman ito sa kaniya at nag hanap ng ibang babae para sa gano’ng bagay. Napabuntong hininga siya kasabay no’n ang pagtama ng paningin nila ng binata. Nataranta naman siya at iniwas agad ang tingin dito. Umupo siya ng maayos sa sofa at tinuon na lang ang tingin sa tv na kanina pa nakabukas habang iba naman ang pinapanood niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi na siya lumingon pa. Iisa lang naman ang labas pasok sa bahay na ito, si Xion. “Hows your sprain? Masakit pa rin ba?” tanong nito sa kaniya. “Hindi naman na masiyado,” simpleng sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tv. Gusto niya sanang lingunin ito para makakita ng mas maganda at malapit na view sa pandesal nito pero hindi na lang. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at himasin iyon. Hay nako self, lumalabas na naman ang kaharutan mo! “I’m going to the supermarket, do you want to come with me?” Napallingon siya rito at napanguso nang naka-tshirt na ito. “Oo, sasama ako,” sagot niya. Boring naman dito sa bahay lalo na’t ayaw siya pakilusin ng binata sa bahay dahil sa lagay niya. Eh hindi naman siya lumpo, may sprain lang ang isang kamay niya at masakit lang ang balakang niya. “I’ll just take a bath first, wait here.” Tango lang ang tugon niya dahil mabilis din naman siya nito tinalikuran. Tumayo siya at dumeretso na rin sa kwarto niya para magbihis ng maayos. Naka-pajama pa kasi siya pero tapos na siyang maligo kanina. Nagpalit siya ng short na may kaiksian kaya pinartneran niya iyon ng malaking t-shirt. Sinuot niya ang nabiling sandals na itim at napatingin sa malaking salamin. Maayos na siyang tingnan kahit simple lang ang suot niya. Noong unang sweldo niya kasi sa restaurant ay bumili siya ng mga damit at sapatos, ‘yong kailangan niya lang at matagal na magagamit. May pera naman na siya ang kaso lang ayaw niya pa rin gumastos ng malaki dahil mas makakabuti kung iipunin niya ang sinasahod niya bilang contract wife. Naghintay lang siya ng halos kalahating oras at mayamaya ay may kumatok na sa pinto niya. “Let’s go,” ani nito sa labas ng kwarto niya. Binuksan niya iyon at sinukbit ang bag. Nakangiti siya habang nakatingin dito. Simple lang ang suot nito, plain black shirt, gray sweatshort and black sandal slippers. Maglalakad na sana siya nang harangan siya nito pero dahil nabigla siya sa pagharang ng kamay nito ay hindi siya agad nakahinto. Tumama ang dibdib niya sa maugat na kamay nito. Literal na natigilan siya at natulala, ramdam na ramdam niya iyon sa dibdib niya. “Damnit,” bulong nito na narinig niya. “A-ah ano… ano, bakit? Ano ‘yon?” Gusto niyang kurutin ang sarili dahil utal-utal siya magsalita na parang baliw. Napalunok siya at napatingin sa sahig ng binaba nito ang kamay at umatras ng bahagya. “Wear some pants,” he commanded. Tinaas niya ang tingin at kita niyang sobrang seryoso ng mukha nito. “Naka-shorts ako,” ani niya at tinaas pa ang t-shirt pero agad siya nitong hinawakan sa kamay para maibaba iyon. Nag[1]react siya nang maramdaman na parang nakuryente siya dahil sa paghawak nito. Binawi niya iyon at napaatras ng kaunti. Binasa niya ang labi dahil parang nanuyo iyon sa hindi malaman na dahilan. “Naka-shorts naman ako, okay naman ito,” sambit niya pa at tinalikuran na ito. Mahigpit ang hawak niya sa sling bag niya dahil pilit niyang iniisip kung anong nangyayari sa kaniya. Napapikit siya dahil hindi maalis sa utak niya ang pagtama ng dibdib niya sa kamay nito. Hindi niya makalimutan kung paano ito nauntog doon at kung paano iyon napisil. Sobrang init ng pisngi niya at hindi siya makapagsalita lalo na ng makasakay na sila sa sasakyan. “Seatbelt,” sambit nito na ikinataranta niya. Sinuot niya iyon bago pa man ito ang magsuot sa kaniya. Sa daan lang siya nakatingin habang nasa byahe sila. Hindi siya nagsasalita at gano’n din naman ito. Siguro ay talagang ang awkward ng nangyari kanina. Nag-park sila sa parking lot ng mall. Doon sila mamimili sa malaking supermarket. Hindi niya alam kung anong bibilhin nito at kung bakit sa malaking supermarket pa. “Marami kang bibilhin?” tanong niya rito nang makapasok sila sa mall. “Yes. Mga stock sa bahay,” ani nito na parang ito ang may ari ng bahay. Nagtaka naman siya kung binigyan ba ito ng asawa niya ng pera para sa grocery. Wala naman kaso kung siya ang gagastos dahil malaki naman ang sweldo niya sa asawa pero medyo nagtataka na rin siya dahil hindi na rin nagpaparamdam sa kaniya si Francis. Parang kampante ito na okay lang siya sa bahay kasama ang bodyguard na ito. “Okay, buti na lang dala ko ang card ko,” sambit niya rito. Kumuha siya ng malaking cart at siya na ang nagtulak pero inagaw iyon ni Xion. “Don’t move your hand too much,” bulalas nito. “Hindi naman ako lumpo,” bulong niya sa sarili. “Wala akong sinabing lumpo ka.” Napanguso siya dahil narinig pala nito ang sinabi niya. Nalukot ang mukha niya nang may dalawang babae ang sumisingit sa gilid ni Xion. “Excuse me? Can you get that spread for me? I can’t reach eh,” ani ng isang babae kay Xion. Hindi naman nagsalita ang binata at kinuha ang spread na malapit lang sa kaniya at binigay sa babae. “Omg! Thank you… your name?” Nag beautiful eyes ito sa harapan ni Xion habang hawak-hawak ang spread. Napairap siya sa kawalan at binunggo iyong cart nila at nilagpasan na ang mga ito. Nabwi-bwiset siya sa mga ito. Naiinis siya sa tono ng boses ng babae, masiyadong pabebe. Hindi niya na hinintay si Xion at tumungo sa section ng mga chips. Kumuha siya ng iilan doon at napatingala nang makita ang favorite niyang junk foods, ang ruffles. Mahal iyon kaya minsan lang talaga siya makakain noon dati. Tumingkayad siya at pilit na inaabot iyon pero dahil hindi naman siya katangkaran ay hindi niya iyon nakuha. Napabuga siya ng hangin at aalis na sana roon nang may naramdaman siyang lalaki sa likuran niya. Inangat niya ang tingin at kita niya ang kamay nitong kumuha ng dalawang ruffles chips. “Here.” “Uh… salamat— Francis?!” gulat na sambit niya nang mapalingon na siya rito. Ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya rito. Masaya siyang makita ulit ito, ilang linggo niya na kasi itong hindi nakikita pati makausap ay hindi na rin. Paniguradong busy ito dahil sa trabaho. Napahawak ito sa bewang niya nang natapilok siya sa biglaang atras. “Oh!” “Careful! Sinong kasama mo?” “Ah, si—” “Ako.” Pareho silang napalingon kay Xion na paparating sa pwesto nila. Nagulat siya nang hawakan nito ang braso niya at hatakin siya papalapit rito. “Why did you leave me? Hindi ako agad nakaalis sa dalawang babae,” kunot noong sambit niya. “Oh, anong gagawin ko? Ayaw mo no’n may nagpapapansin sa’yo?” taas kilay na ani niya. Ewan niya ba dahil nainis na siya rito. “What? Do I look like I care?” “Sa tingin mo ba may pakialam din ako?” Pareho silang nakatingin sa isa’t isa at pareho ring salubong ang mga kilay nila. “Woah, woah, woah. Mag-aaway talaga kayo sa harapan ko?” Napaiwas siya ng tingin at nag-init ang pisngi niya dahil sa hiya, nakalimutan niyang nasa harapan pala nila si Francis. “H-hindi kami nag-aaway!” dipensa niya. “I see… That’s call love quarrel,” bulalas nito na ikinalaki ng mata niya. “Anong love? M-may asawa ako ha!” halos pasigaw na sambit niya at pinanlalakihan ng mata si Francis. Medyo lumapit siya rito para bulungan. “Wala siyang alam tungkol sa kontrata,” bulong niya rito. Umawang naman ang labi ni Francis pero halatang nangingiti. “Joke lang naman ‘yon! Siguro naman hindi magagalit ang asawa mo sa mga gano’n na joke,” he smirked. Nailing siya dahil naging mapang-asar ito ngayon. “Well, hindi na pala ako nakakatawag sa’yo. Ang bodyguard mo na ang bahala sa mga gastusin sa bahay. Siya na rin ang magbabayad ng mga pang-grocery dahil siya na ang aabutan ng asawa mo,” sambit nito sa kaniya at bumaling kay Xion. “’ Di ba? What’s your name again?” “You son of a— Xion, I’m Xion,” he scoffed. Siniko niya ito dahil nagsusungit pa kay Francis. “Okay, I got to go. May binili lang ako saglit, may work pa kasi ako. Nice to meet you, Xion.” Tinapik nito sa balikat si Xion at kumaway naman ito sa kaniya. “Ikaw! ‘wag kang aasta ng gano’n sa kaniya. Lawyer siya ng asawa ko!” saway niya rito. Paano na lang kung matanggal ito kung magalit din si Francis sa binata. “I don’t care.” Kinuha nito ang mga hawak niyang chips at nilagay sa cart bago iyon itulak. Huminto rin naman ito agad at muli siyang binalikan. “Dito ka lang,” sambit nito habang nakatingin sa mga mata niya. Dumausdos ang isang kamay nito sa kamay niya at dinala iyon sa hawakan ng cart. Hindi siya nakapagsalita dahil para siyang nabingi sa tibok ng puso niya. Palakas iyon ng palakat at parang bawat segundo ay bumibilis. “Huh?” wala sa sariling sambit niya habang nakatulala pa rin dito. “Don’t let any other man touch you. Dito ka lang sa tabi ko at ‘wag na ‘wag kang aalis.”          

 

CHAPTER 7    

Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito. Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante. Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya. “Ate, ate!” Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan. “Ano ‘yon?” tanong niya rito. “That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don’t want to play with me because of that other boy,” kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na ba talaga ang mga kabataan ngayon, may pa-crush crush na kaagad sa edad na ‘yan. “Bakit ayaw kang isali?” tanong niya rito. Umupo naman ito sa tabi niya kaya inalalayan niya. “Because it’s a boy thing daw po, and I’ll might get hurt if I join them,” sagot naman nito. Napangiti siya rito at napatingin sa lalaking naglalaro ng habulan. “Gusto ka niya kaya ayaw ka niyang masaktan,” sambit niya naman dito. “Gano’n po ba ‘yon?” tanong nito gamit ang cute na boses. Ginulo niya ang buhok nito at tumango. “Gano’n ‘yon, nagagalit sila kahit sa mababaw na dahilan lalo na pag nakita nilang nasaktan ka. Nag-aalala kasi siya sa’yo na baka masugatan at mapahamak… ka…” Natigilan siya nang may pumasok sa isip niya. Ang mukha ni Xion na galit na galit sa kaniya noong napahamak siya at ang boses din nito na pinapagalitan siya. Napailing siya at natawa ng pagak. Imposible naman ang mga nasa isip niya. Xion would like her? Of course not! She has a husband and Xion is the loyal bodyguard of her husband. Binuksan niya ang tubigan na dala at tiyaka uminom. Huminga siya ng malalim dahil sa kakaibang nararamdaman. Walang araw na hindi pumasok ang binata sa isipan niya at hindi na talaga iyon maganda. “Ate, bye na po! Thank you po sa pakikipagusap sa akin, nandiyan na ang mommy ko!” Paalam ng bata at hindi na siya nito hinintay makapagsalita dahil tumakbo na papalapit doon sa may babae. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. Para siyang lutang habang naglalakad dahil sa mga kung ano-anong iniisip. “Tumigil ka Aj, tumigil ka,” bulong niya sa sarili. Kilala niya ang sarili at alam niya kung nagkakagusto na siya sa isang tao ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit mas ibang iba itong nararamdaman niya. May kung ano na hindi niya maipaliwanag sa kaloob-looban niya. Hindi naman siya ganito noong nagkagusto siya sa ex niyang manloloko. Bumuga siya ng malalim at tiyaka binuksan ang gate nang makarating siya sa bahay. Bagsak ang balikat niya dahil wala pa rin sa bahay si Xion. Nakailang buntong hininga na siya, para na siyang baliw na gustong magmukmok. Umupo siya sa upuan at kinuha ang cellphone, hindi na siya nakatiis kun’di i-text ito kung uuwi ba ito ng hapunan. To Xion, Uuwi ka ba at dito maghahapunan? Magluluto ako! Kagat-kagat niya ang labi habang naghihintay sa reply nito. Nakayakap na siya sa kaniyang tuhod habang nakatanaw pa rin sa cellphone. Ilang minuto ang lumipas at nag-reply rin ito kaya lumawak ang ngiti niya sa labi. From Xion, I don’t know. I’m busy right now. I mean, your husband is busy, he’s in a meeting right now, and I can’t leave immediately. Lumukot naman agad ang mukha niya, gusto niya talaga kasi ito makasabay sana. To Xion, Anong oras ka uuwi? Mahihintay naman kita para may kasabay ako. Ang boring naman kasi kumain mag-isa. Nagdahilan siya rito kahit ang totoo naman ay gusto niya lang ito makita agad. Bahala na, siguro susunod na lang siya sa nararamdaman niya kahit ngayon lang. Ginulo niya ang buhok nang hindi na ito nag-reply. Sumandal siya sa sofa at natulala lang doon. Nababaliw na siya at mababaliw pa ata. Tumayo siya at dumeretso sa kwarto niya. Sa labas na lang siguro siya kakain ng hapunan, ngayon lang naman siya ulit gagastos. Boring talaga sa loob ng bahay lalo na mag-isa lang siya. Nagbihis siya ng mas maayos na damit at kinuha ang sling bag at wallet. Muli siyang lumabas ng bahay at naglakad papuntang gate ng village para roon mag-abang ng taxi. Limang minuto lang naman ang hinintay niya at nakasakay na agad siya. Nang makarating sa mall ay nilibang niya ang sarili niya. Windong shopping lang ang ginawa niya dahil wala naman siyang balak na gumastos ng malaki. Ang budget niya lang sa pagkain niya ngayon ay 300 pesos lang. Malaki na nga ‘yon para sa kaniya pero dahil alam niyang mga mahal ang pagkain sa mall ay iyon na ang binudget niya. Binuksan niya ang sling bag niya para kunin ang cellphone roon pero hindi niya nakita iyon sa loob ng bag. “Naiwan ko?” bulong niya sa sarili. Umawang ang labi niya at napatampal sa noo na maalala na nailapag niya pala iyon sa sofa. Napatingin siya sa relo na suot, ala-sais pa lang naman at paniguradong hindi naman na siya kokontakin ni Xion dahil nga busy raw ito. Pinagpatuloy niya ang paglilibot niya hanggang sa makaramdam ng gutom. Pumunta siya sa isang ramen restaurant, parang natakam kasi siya roon at gusto niyang tikman. Bumili siya ng best seller na mild spicy ramen para sa hapunan niya. For sure ay busog na siya roon dahil sa laki ba naman ng bowl. Sayang nga lang ay hindi niya mapi-picture-an ang kakainin niya dahil hindi niya dala ang phone. “Oh!” react niya nang may makabangga sa kaniya. Grabe ang kaba niya dahil bitbit niya ang tray na may lamang ramen. Muntikan na iyon matapon kung hindi lang siya nahawakan ng isang lalaki. “Sorry!” sabi ng babae sa kaniya. “Okay lang po,” ngiting sambit niya. Naintindihan niya naman dahil nakita niyang hinahabol nito ang isang chikiting na parang nakikipaglaro. Hindi naman natapon ang pagkain niya muntikan pa lang kung hindi lang siya nahawakan sa braso ng lalaki.. Bumaling siya rito at ngumiti tiyaka nagpasalamat. “Thank you,” mahinang sambit niya. “No problem,” sambit nito sa baritonong boses. Napatitig siya rito saglit, hindi dahil gwapo ito kun’di parang pamilyar ang mukha nito. Parang may kamukha kasi itong kilala niya na hindi niya naman matukoy kung sino. “Are you done?” “Huh?” “Staring at me obviously,” he smirk. Nanlaki ang mata niya at naibaba agad ang tingin. “H-hindi ah… s-sige una na ako, salamat ulit.” Mabilis niyang nilagpasan ito at umupo sa pinakadulong bakante na table. Napailing na lang siya dahil sa kahihiyan na nagawa. Tahimik siyang kumain mag-isa at nang matapos ay nagpahinga muna siya saglit doon dahil busog na busog siya. Napasarap ang kain niya at simot talaga ang bowl. Halos alas-diyes na siya ng gabi nakarating sa bahay. Pagkapasok niya pa lang sa gate ay kita niya na ang kotse ni Xion. Patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay dahil na-excite siyang makita ito. “Nandito ka na pa—” “Where have you been?!” Napaatras siya nang bumungad sa kaniya ang galit na galit na mukha ni Xion. May hawak itong dalawang cellphone sa magkabilaang kamay. “Nandito ka na pala,” pag-uulit na sambit niya. “I was fucking here three hours ago and you’re not here! I told you that don’t go anywhere without saying anything to me!” Magkasalubong ang kilay nito at napasuklay pa sa buhok. “Akala ko kasi busy ka, tapos naiwanan ko pala itong cellphone ko,” paliwanag niya at kinuha ang cellphone nang makita iyon na nasa glass table na. He let out a heavy sighed. “You made me worried as fuck! Akala ko may nangyari na naman sa’yo!” Humawak ito sa sintido na parang pinapakalma ang sarili. “N-nag-alala ka sa akin?” wala sa sariling tanong niya. Kumalabog ng husto ang dibdib niya na parang kakawala na naman. Tumingin ito sa kaniya ng seryoso. “I’m your bodyguard, Aj. My job is to protect you.” Parang binuhusan siya ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan. Oo nga pala, bodyguard niya nga pala ito. Normal lang dito ang mag-alala sa kaniya dahil kung mapahamak man siya ay mayayari ito sa asawa niya. Bakit niya nga ba nakalimutan ang totoong relasyon nila sa isa’t isa. Nakalimutan niya na hindi niya ito kaibigan at mas lalong hindi niya ito kasintahan. Napatango siya ng dahan-dahan at tipid na ngumiti. Binaba niya ang tingin sa sahig dahil ayaw niya na itong titigan sa mata dahil baka kung ano lang ang maipakita niyang emosyon. “S-sorry. ‘Wag ka mag-alala hindi naman kita isusumbong sa asawa ko at wala rin naman ako balak sabihin kung may mangyari man sa akin. Hindi naman kita ipapahamak. Pasensiya na dahil sa kakulitan ko ay hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo.” Tinalikuran niya ito at hindi na nilingon pa. Dumeretso siya sa kaniyang kwarto at pagkapasok na pagkapasok ay sinara niya iyon. Pabagsak siyang humiga sa kama at napatingin sa kisame. Napahawak siya sa kaniyang pisngi nang maramdaman na basa iyon. Umiiyak ako? Anong katangahan ‘to, Aj? Huwag mong sabihin na gusto mo na talaga ang masungit na lalaki na ‘yon? Kinuha niya ang isang unan at tinakip sa kaniyang mata. Pilit niyang inaalis ang gumugulo sa isip at puso niya.       

 

CHAPTER 8    

Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya. Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya. Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito. “I’ll eat dinner at the restaurant,” sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito. “Let’s eat together later,” he added. “May trabaho ako, hindi na kailangan,” she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform. Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya! Hindi siya umalis ng kwarto hangga’t hindi pa oras ng alis nila. Nang saktong 12noon na ay tiyaka lang siya lumabas ng kwarto at bumaba. Nakaandar na ang sasakyan at naroon na rin si Xion na naghahantay sa kaniya. Deretso lang ang lakad niya papuntang sasakyan at pumasok agad sa loob ng kotse. Doon pa rin naman siya umupo sa harapan dahil kung uupo siya sa likod ay baka sobrang mapansin na nito na nilalayuan niya ang binata. Pumasok din ito at ramdam niya ang titig nito sa kaniya. Mabilis niyang sinuot ang seatbelt pero natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya at ito na ang nag-lock ng seatbelt niya. “Are you okay?” Hindi! “Oo,” simpleng sagot niya. Hindi niya ito binalingan ng tingin o ano man. “You’re not. Do you have a problem with me?” Halos mapatalon siya sa gulat nang hawakan nito ang baba niya at pihitin para mapatingin sa kaniya. Awtomatikong hinawakan niya ang kamay nito para alisin iyon. Ito ang problema, sobrang laki ng epekto nito sa kaniya sa simpleng hawak lang. “A-ano ba?” pagsusungit niya. “Wala, wala akong problema,” ani niya at iniwas ulit ang tingin. Bumuntong hininga ito bago paandarin ang sasakyan. Buong biyahe ay alam niyang patingin-tingin ito sa kaniya pero hinahayaan niya lang. Nang makarating sila ay hindi pa rin siya nagsasalita. Palabas na siya ng kotse nang magsalita ito. “I’ll be here at 6 pm, let’s eat dinner together.” “May duty pa ako no’n, hindi pwede,” sambit niya at nilingon ito. Seryoso naman ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. “It’s possible, believe me,” he said. Napailing na lang siya at tuluyan nang lumabas ng kotse. Hindi niya na ito nilingon pa at dere-deretso lang na pumasok sa restaurant. Hindi niya alam kung bakit gusto nitong magsabay sila sa pagkain. Umiiwas nan ga siya tapos bigla itong maggaganon? “Oh, problema mo?” napatingin siya kay Dianne. Kakarating lang din nito dahil nasa employee room pa ito. “Huh? Wala naman,” sagot niya at nilapag ang gamit sa upuan. “Anong wala? Nakabusangot ka riyan at mukhang malalim ang iniisip. Nag-away ba kayo ng pogi mong kaibigan na hinahatid sundo ka?” mausisang tanong nito at diniinan pa talaga ang salitang ‘kaibigan’. “Hindi ah!” tanggi niya. Inayos niya ang uniform na suot at tinali niya na rin ang buhok niya. Maaga pa bago sila mag-in kaya tambay muna sila sa room. “Sus, hindi raw! Ay siya nga pala, may mga intern tayo rito at ang po-pogi! Galing talaga kumuha ni ma’am Sharron,” tuwang-tuwa na ani nito. “Nag-start na pala sila?” tanong niya. Alam niya kasi ang tungkol doon dahil ininform sila dati na magkakaroon nga ng mga intern sa restaurant. Dagdag tulong na rin sa mga ginagawa nila. “Oo, noong isang araw pa!” masayang sambit nito. Nagkwentuhan muna sila para pampalipas oras. Nang maka-in na sila ay saktong dating naman ng mga intern. Tama nga si Dianne at mga gwapo ang mga intern. Tatlong lalaki iyon na matatangkad, natawa na lang siya ng mas lalong kumulit si Dianne at talagang kinakausap at inaasikaso ang tatlo. *** Binagsak niya ang mga papeles na binabasa dahil kahit ni katiting ay hindi niya maintindihan ang mga ‘yon. Hindi siya makapag-focus dahil sa kakaisip kung bakit ilang araw na siyang hindi pinapansin masiyado ng dalaga. Pinipilit niyang isipin kung ano ang maling ginawa niya. Noong gabi na pag-uwi niya ay wala ito labis ang pag-aalala niya rito dahil wala itong pasabi na aalis pala. Hindi niya tinapos ang meeting para lang makasabay ito kumain ng hapunan dahil lang sa text nito. Tapos pagdating niya roon ay wala naman pala ito. “Sir, you have a meeting with Mr. Acosta at 5:30 pm—” “Cancel it,” he said to his secretary. “P-po?” gulat na tanong nito sa kaniya. Bumuga siya ng hangin bago ulitin ang sinabi niya. “Cancel it. Cancel my meetings starting at 5 pm, I have something important to do.” Nakita niya ang gulat at pagtataka sa mukha ng sekretarya niya pero hindi na ito nagsalita at tumango na lang bago lumabas ng opisina niya. Great, Xion. You cancel a meeting that you don’t actually do. He never canceled meetings when it comes to work. This was the first time he canceled an important meeting just to have dinner with his wife. He literally fucked up because it bothered him a lot when Aj was not talking to her like she usually does. He knows Aj has been distant from him for the past few days… Binagsak niya ang ballpen na hawak at ginulo ang buhok. Sinandal niya ang likod sa swivel chair at napapikit para ikalma ang isipan niya. What the hell is wrong with me? Naidilat niya ang mata nang marinig ang pagbukas ng kaniyang pintuan sa opisina. “What’s up?” Francis asked while walking toward him. “Why are you here?” walang kaabog-abog na tanong niya. Tumawa naman ito bago umupo sa sofa niya. “Why are you look so pissed, Mr bodyguard?” he laughed. “Don’t start with me, Baltazar,” he scoffed and shut his eyes again. He doesn’t feel good. “Your secretary was shocked, asking me if you’re okay because you just canceled a meeting,” he smirked. Naidilat niya ang mata at tiningnan ito ng masama. Alam niyang aasarin siya nito dahil sa ginawa niya. “Sabi ko na nga ba, dadating din ang araw na isang babae ang magiging dahilan kung bakit ka nag-cancel ng meeting.” “Shut the fuck up.” “So, when are you planning to tell her that you’re her husband? I mean, contract husband.” Napaisip naman siya bigla dahil sa totoo lang ay wala pa sa isipan niya ang magpakilala rito. “I don’t know. I didn’t think about it,” aniya. “So, why did you cancel your meeting later? Is there something that happened?” usisa nito at tumayo para umupo naman sa harapan niya. Kinuha nito ang rubics cube na nasa table niya at ginulo-gulo iyon. “You don’t have a work? Ako na naman ang ginugulo mo,” inis na sambit niya rito. Kung hindi niya lang ito kaibigan at hindi magaling sa pagiging lawyer ay matagal niya na itong tinanggal. “I have work. I am curious about my client’s contract wife,” he wiggled his eyebrows. “I think she’s mad at me,” bulalas niya at napabuntong hininga. “Did you do something wrong? Baka naman nambabae ka?” tawa nito. “Are you kidding me? What’s the connection? I’m her bodyguard!” “Are you sure that you’re a simple bodyguard for her?” tanong pa nito na ikinakunot niya ng noo. “What’s your point?” he asked. Hindi niya ito naiintindihan. Francis just shrugged and smiled. “Nothing. Do whatever you want, dude. Basta, kung hindi mo siya gusto sa akin na lang. I can wait.” Nag-isang linya ang labi niya dahil sa sinabi nito. Sinundan niya ito nang tumayo at dumeretso sa pintuan nang hindi siya nililingon. “Do you like her?” inis na tanong niya. Hindi niya nga alam kung bakit siya naiinis dahil sa sinabi ng kaibigan. “Hindi siya mahirap gustuhin,” sambit nito bago tuluyang lumabas. He licked his lower lip and let out a heavy sighed. Wala sa sariling naikuyom niya ang kamao at mas lalong nakaramdam ng inis. Time passed. Mabilis siyang tumayo nang malapit ng mag ala-sais. Nagbihis siya ng simpleng damit dahil minsan ay nakakalimutan niyang magpalit pagsusunduin nito. Mabuti na lang ay hindi na nagtatanong sa kaniya ang dalaga kung bakit napaka pormal ng suot niya kada susunduin niya ito. Nang makasakay sa kaniyang kotse ay mabilis niya iyon na pinaandar. Medyo traffic kaya dumaan pa siya sa alam niyang shortcut. Nakarating siya roon ng 6:10 ng gabi at nang makalabas ng kotse ay natanaw niya agad ito malapit sa cashier. Malawak ang ngiti nito habang kausap ang isang lalaki na sa tingin niya ay intern dahil sa klase ng suot. He clenched his jaw. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng restaurant at nakita naman siya agad nito. Hindi man lang siya nilapitan at nginitian nito kun’di binalik din ng dalaga ang tingin doon sa intern. “Uy, Aj! ‘yong kaibigan mo nandito,” sambit ng isang katrabaho ng dalaga. A friend? “Hello sir! Hindi pa po out ni Aj,” nakangitin ani nito sa kaniya. “I know. I’m here to have dinner with her.” “Po?! A-ah, pero bawal po siya dahil naka-duty siya,” paliwanag nito. “Where’s your manager?” he impatiently asked. Akala niya ay magtatanong pa ito pero mabilis naman siyang ginaya nito kung nasaan ang manager nila. Pumasok ito saglit para tawagin ang manager at nang makalabas na ito ay mabilis niyang nilahad ang calling card niya. “Oh… you’re the said bodyguard of Mr. Horton?” Uh, huh? I am a bodyguard of myself. “Yes.” “Okay, wala na pong problema. The reservation is already paid and you can also ask Aj to eat with you.” He simply nodded his head. Of course, papayagan talaga siya nito dahil binayaran niya lang naman ang buong restaurant para mapayagan si Aj kumain kasama siya. He spends money to have dinner with her. He canceled his important meeting to eat with her. He does things that he doesn’t do, for her. I’m fucking doomed… Naglakad siya patungo sa dalaga at mabilis na hinawakan ang kamay nito para hatakin. “O-oy! Anong ginagawa mo?” gulat na tanonog nito habang nakatingin sa kaniya. “We will have a dinner together,” sambit niya at napatingin sa lalaking humawak sa siko ni Aj. “Sir? Excuse me? Ano pong ginagawa niyo?” sabat ng intern. “Don’t touch her,” seryosong sambit niya sa lalaki na alam niyang mas bata sa kanila. “O-okay lang ako, Henry, kilala ko siya,” singit ng dalaga at nginitian pa ang lalakii. Mas lalong kumulo ang dugo niya at gusto niya na lang ito hatakin para maalis ang hawak ng lalaki sa dalaga. “May duty ako!” inis na baling nito sa kaniya. “I know. That’s why I paid— I mean… your husband reserved this whole place for you to have a good dinner.” Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. Tuluyan na niyang hinatak ito papunta sa bakanteng table.        

 

CHAPTER 9   

 Hiyang-hiya siya hanggang sa makauwi sila sa bahay. Paano ba naman ay paniguradong nagtataka ang lahat ng mga ka[1]trabaho niya at mga interns kung bakit nai-reserved ang buong restaurant ng dalawang oras para lang makakain siya ng maayos na dinner. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito mga katrabaho. “Stop avoiding me, Aj.” Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ito. Paakyat na sana siya sa taas para pumunta sa kwarto at doon ikulong ang sarili. “Hindi kita iniiwasan,” deretsong sambit niya. “Don’t lie, I know you’ve been avoiding me since that night. What did I do? Tell me.” Hinatak nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. She was stunned for a second when she realized that they were too close to each other. She swallowed hard and then looked at him. “Hindi,” simpleng saad niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. Taas noo siyang nagsisinungaling harap-harapan. Kung sasabihin niyang iniiwasan niya ito ay paniguradong manghihingi ito ng rason sa kaniya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nagkakagusto siya rito dahil baka pagtawanan siya nito. Xion is working for her husband. Isang malaking kahihiyan na magmukha siyang hindi mabuting asawa. Hindi naman niya pwedeng i-explain na contract husband lang niya ang asawa at hindi niya pa talaga ito kilala. Bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi nito. He licked his lower lip while looking at her. He looks like he is calming hisself. “You… why are you smiling while looking at that intern guy earlier?” Her lips parted because of what he said. “H-huh?” “You’re smiling brightly while talking to that guy. And both of you are two close to each other,” he clenched his jaw. “A-ano bang pinagsasabi mo!” inis na sambit niya at winaksi ang kamay nito ngunit mas mabilis ito sa kaniya kaya nagawa nitong hawakan muli ang kamay niya at gamit ang isa pang kamay nito ay hinapit pa siya nito sa bewang kaya mas lalong naging dikit ang katawan nila. Gulat siyang nakatingin dito habang nakaawang ang labi. Nakakunot lang ang noo nito na parang hinihintay ang explanation niya. “Ano naman kung nakangiti ako sa kaniya at magkalapit kami? Tinuturuan ko siya sa cashier at kung ano ang dapat gawin.” “He’s not listening to you!” “Paano mo naman ‘yon nasabi! Eh kakarating mo lang no’n,” hinampas niya ito sa dibdib para pakawalan siya pero hindi pa rin siya nito pinakawalan. “Ano ba, bitawan mo ako,” dugtong niya pa. His gripped tightened. Hindi siya roon nasasaktan pero nag-iiba ang pakiramdam ng katawan niya dahil sa klase ng paghawak nito sa bewang niya. Ramdam niya ang mabibigat na paghinga nito dahil nakalapat ang kamay niya sa dibdib nito. “You’re making me crazy, Aj.” Lumakas ang tibok ng puso niya at sunod-sunod ang paglunok niya ng pinasadahan na naman ng dila nito ang labi. Natulala siya mapupulang labi nito na parang masarap kagatin. “You also didn’t eat that much! I thought you’ll enjoy it if we ate together, but —” Hindi niya na ito pinakinggan at mariin niyang pinikit ang mata at tiyaka tumingkayad para abutin ang labi nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na para bang may nagkakarera roon. Umawang ang labi niya ng kaunti nang maramdaman ang malambot na labi nito sa kaniya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at nagtama ang paningin nila. Napaatras siya dahil sa klase ng tingin nito. Pakiramdam niya ay tinitignan siya nito hanggang sa kalooban. His stare is like a switch, suddenly his body is like on fire. Aatras pa sana siya nang umakyat ang isang kamay nito sa batok niya at mabilis siyang hinapit dahilan para maglapat muli ang labi nilang dalawa. Tuluyan na siyang nalunod sa ginawa nito at awtomatikong inangat niya ang dalawang kamay para ipalupot ang kamay niya sa batok nito. “Uh…” Umawang pa lalo ang labi niya nang nangigigil itong kinagat iyon. Lunod na lunod na siya na parang hindi na siya magigising sa reyalidad nang biglang makarinig siya ng tunog ng cellphone. Mukhang hindi iyon narinig ng binata o hindi lang nito pinansin dahil patuloy pa rin ito sa pag halik sa kaniya. Siya naman ay napatigil sa pagtugon dahil para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Agad niya itong naitulak ng malakas habang nanlalaki ang mata niya. M-mali ito… Mali ‘to Aj! “Fuck,” he cursed while getting his phone. Tama nga siya dahil talagang may tumatawag. Patakbo siyang umakyat papunta sa kwarto niya. Pagkapasok niya ay napasandal siya sa pintuan at napaupo na lang sa sahig habang nakatulala. Hinawakan niya ang labi dahil ramdam niya pa rin ang malambot na labi nito na nakadikit sa kaniya. Sinubsob niya ang mukha sa tuhod, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil maririnig siya ni Xion. Did they just kiss?! Hindi siya nananaginip at mas lalong hindi naman siya sabog. Hindi siya lasing pero nagawa niyang siya ang mag first move sa binata. Paano niya na lang ito haharapin bukas. Wala na siyang mukhang ihaharap dito dahil sa ginawa niya. Kahit tumugon ito sa halik niya ay hindi pa rin mapagkakaila na siya ang nauna. Kung bakit ba kasi siya parang na hipnotismo sa labi nito. Napakaharot mo talaga, Aj! Paano na lang kung malaman ito ng asawa mo? Ginulo niya ang buhok bago naisipan tumayo para kumilos. Tulala lang siya buong gabi at halos hindi na siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Kinabukasan ay nagising na siya ng alas-diyes ng umaga. Talagang napuyat siya dahil hindi siya agad nakatulog. Naligo siya at nag-asikaso. Nang matapos maligo at magbihis ay hindi siya kaagad nakalabas ng kwarto dahil nahihiya siyang magpakita sa binata pero dahil kailangan niyang magluto at kumain dahil papasok siya ay wala siyang nagawa. Bago pa siya makalabas ng kwarto ay tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon. From Xion, I ordered your food, and your driver is already there. I’ll be gone in a week. Let’s talk after I come back. Natulala siya sa mensahe nito at parang hindi iyo nagproseso sa utak niya. Lumabas siya ng kwarto at mabilis na bumaba. Wala nga talaga ito, ang tanging nakita niya lang ay ang babaeng naka formal attire na nakaupo sa sofa. “Good morning ma’am! I’m your driver for a week. I’m Zashai Ortega. Nasa table na po ang mga pagkain, hihintayin na lang po kita para maihatid sa trabaho niyo,” magalang na sambit nito. “S-si Xion? Kakaalis lang ba?” tanong niya rito. “Yes ma’am, 5 minutes ago po.” Bumagsak ang balikat niya dahil sa narinig. Isang linggo itong mawawala at hindi man lang nakapag paalam sa kaniya ng personal. Pero paano nga pala makakapagpaalam kung hindi niya naman ito kaya harapin dahil sa nangyari kagabi. Siguro naman mas okay ito dahil kahit papaano ay maalis sa utak niya si Xion. Siguro naman kung hindi niya ito makakasama ng isang linggo ay mawawala ang nararamdaman niya rito. Tama. Tama lang ito para naman malaman ko kung simpleng atraksyon lang ang nararamdaman ko. Tumango tango siya para maging positibo sa mga bagay-bagay. Dumeretso siya sa kusina at mayroon nan gang mga pagkain. Itsura pa lang ay mukha ng galing sa mamahalin na restaurant. Umupo siya at nagsimulang kumain kahit na nawalan siya ng gana. Kailangna niyang maiwaksi sa isipan niya ang binata dahil kung hindi niya ito magagawa ay talagang lagot na ang puso niya.        

 

CHAPTER 10    

Kasalukuyan siyang naka-duty ngayon, medyo busy sila dahil marami-rami ang customer dahil sabado. Mabuti na lang din talaga ay may mga intern sila na makakatulong. May panibagong pumasok na customer at awtomatikong binati niya ito. Inasikaso niya ang isang lalaki para makaupo sa bakanteng table. “Good evening po, ito po ang menu, sir,” nakangiting sambit niya at inabot ang menu. “Oh?” Napatingin siya sa lalaki dahil nakakunot itong nakatingin sa kaniya. “You’re the girl in the ramen restaurant. The one who stared at me obviously,” he laughed. Nanlaki ang mata niya nang mamukhaan ang lalaki. “You remember me?” nakangiting tanong pa nito. Nahihiyang tumango siya rito at iniwas ang tingin sa lalaki. “So, I’ll order one triple cheese baked mac, hot stone steak, and one can of coke zero.” Nilista niya ang mga sinabi nito para hindi makaligtaan. “Noted sir. I’ll be back with your order,” sambit niya at yumuko rito. Tinanguan lang siya nito habang nakangiti. Pinasa niya agad ang order sa kitchen para magawa agad. After 20 minutes ay nakuha niya na ang mga order nito kaya dali-dali niyang sinerve. Tinulungan pa siya ng isang intern dahil sa hot stone steak. Sinerve nila ito sa table at inayos. “Complete na po ang order niyo, sir. Thank you po and enjoy,” she smiled. Umalis na siya agad sa harapan nito para makapag-asikaso pa ng iba. Nagpunas siya ng mga kailangan punasan at tinulungan niya rin ang mga intern na mag-bus out. Nang tumambay siya sa cashier para maghintay ng panibagong gagawin ay napatingin muli siya sa lalaki na nakita niya sa ramen restaurant. May kahawig talaga ito pero hindi niya matukoy kung sino ang kahawig. “Hoy! Matunaw ang customer natin,” bulong sa kaniya ni Dianne. “Kamukha niya ‘yung kaibigan mong naghahatid sundo sa’yo ‘no?” Naibalik niya ang tingin sa lalaki at tama nga si Dianne, may hawig ito ni Xion. Mas mature at manly lang tingnan si Xion at itong lalaki naman ay sakto lang ang dating at sigurado siyang mas matangkad ng kaunti si Xion. “Kumusta na pala ‘yon? Isang linggo ko na hindi nakikita ‘yon ah?” tanong pa ni Dianne. Napabuntong hininga siya at tinuon ang pansin sa pagpupunas doon sa cashier kahit hindi naman madumi. “Busy,” matipid na ani niya. Anim na araw na eksakto na wala itong paramdam sa kaniya. Ni text o tawag ay wala. Dapat hindi niya na ito iniisip pero mas lalo lang itong tumambay sa isipan niya. Mukhang tuluyan na talaga siyang nagkagusto sa binata. Sigurado siyang hindi lang simpleng atraksyon ang nararamdaman niya. “Kaya pala ang lungkot lungkot mo palagi, miss mo na ‘no?” asar pa sa kaniya ni Dianne. “One sided love ba?” tawa nito. “H-hindi ah! Kaibigan ko lang ‘yon,” tanggi niya. “Ay sus! Friends with benefits? Masarap ba?” Tinapik niya ito sa braso para patigilin. Kung ano-ano kasi ang sinasabi, baka marinig pa siya ng ibang mga tao. Tumawa ito lalo nang lagpasan niya ito at iwanan doon. Isang taon lang kasi ang tanda niya kay Dianne at talagang magkasundo sila. Ang problema lang ay malakas itong mangasar at mangulit. Nakita niyang nagtaas ang lalaki ng kamay kaya mabilis siyang lumapit dito. “Bill,” ani nito. Tumango naman siya at naglakad papunta sa cashier para kunin ang bill nito. Bumalik din siya at inabot iyon. “Bago ka lang dito?” tanong nito sa kaniya habang naglalabas ng cash sa wallet. “Opo,” magalang na tugon niya. “I see. The last time I am here was 6 months ago. Ngayon na lang ulit ako nakakain dito.” Kinuha niya ang bayad nito pero nagtaka siya ng sobra ng isang libo ang binigay nito. “A-ah sir, sobra po,” sambit niya at inabot ang isang libo rito. “No, it’s not. Tip ko sa inyong dalawa ng kasama mo kanina,” he casually said. “Po? Hindi po ba m-masiyadong malaki ito?” parang bayad na ito ng isang araw nila ah. “Accept it. By the way I’m Lloyd,” pakilala nito. Nagulat man siya pero hindi niya na pinahalata at tinanggap na lang ang kamay nito. Hindi niya kasi alam kung bakit ito nagpakilala pa sa kaniya. “Ako po si Aj,” sambit niya naman. Ngumiti ito sa kaniya kasabay ng pagtango. “Nice to meet you, Aj. I’ll see you again.” Tanging tango lang ang tugon niya dahil hindi niya naman alam ang sasabihin dito. Nagpaalam na ito at iginaya naman niya hanggang sa pinto. Pagkatapos ay bumalik siya sa cashier at binigay ang bayad ng lalaki. Inabot niya rin sa isang intern ang tip at talagang gulat na gulat ito. Maski siya ay gulat dahil talagang malaki na iyon para sa kanila. Mabilis lang lumipas ang oras at out niya na agad. Sinundo naman na siya ng kaniyang driver at hinatid sa bahay. Pagkarating niya sa bahay ay nagpaalam na ang driver niya kaya siya na ang nag-lock ng gate. Pagkapasok niya sa kwarto ay nagpahinga lang siya saglit bago mag half-bath. Nang matapos makapag-shower ay bumaba siya sa kusina para kumuha ng smirnoff na naka-stock sa ref. Hinayaan niya lang na bukas ang ilaw sa kusina dahil wala siyang balak buksan ang ilaw sa sala. Doon siya iinom, tutal ay wala naman siyang pasok kinabukasan dahil day-off niya. Hindi naman siya malakas uminom, minsan lang talaga pag trip niya. Umupo siya sa sofa at tiyaka binuksan ang isang bote at ininom. Binuksan niya ang tv at nanood ng romance movie dahil wala siyang magawa. Nakatutok nga ang mata niya sa pinapanood pero ang isip naman niya ay lumilipad. Hindi niya na nga namalayan na naubos niya na ang tatlong bote. Muli siyang tumayo at dumeretso sa may kusina para kumuha muli sa ref ng alak pero natigilan siya ng biglang namatay ang lahat ng ilaw. Brown out ba o dahil medyo nahihilo na ako? Kinurap-kurap niya ang mata pero madilim talaga. Napabuntong hininga siya at umupo na lang sa sahig. Wala rin naman siyang makita at hindi niya bitbit ang cellphone niya kaya sa kusina na lang siya maghihintay hanggang sa bumukas ulit ang ilaw. Bumagsak ang tulikap ng mata niya dahil na rin siguro sa pagod ngayong araw. Hindi niya na napigilan at nakatulog na sa pwesto niya. Nagising na lang siya nang maramdaman niyang lumulutang siya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at bumungad sa kaniya ang mukha ni Xion. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa dinadaanan. Napangiti naman siya at inabot ang mukha nito dahilan para mapatingin sa kaniya. “Lasing na ata talaga ako at nananaginip na ako,” mahinang sambit niya. Bumigat ang nararamdaman niya at kaya sinubsob niya ang mukha sa leeg nito at kumapit ng husto sa binatang karga siya. Kahit man lang sa panaginip ay mayakap niya ito at makausap. Tuluyan na siyang naiyak habang nakayakap dito. Naramdaman niya pa ang pagtigil nito dahil sa iyak niya. “Hindi ka man lang tumawag o kahit text lang. Alam ko naman na hindi mo obligasyon iyon pero hindi mo man lang ba naisip na na-miss kita?” iyak niya rito. Wala na siyang pakialam sa mga sinasabi niya dahil tutal ay isa lang naman itong panaginip. Bumuntong hininga ito bago maglakad muli at pumasok sila sa isang kwarto na sigurado niyang hindi niya kwarto dahil mas malaki iyon. Pinikit niya muli ang mata niya dahil kumirot ang ulo niya. Naramdaman niya na lang ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Napadilat siya nang kumuntan siya nito at akmang aalis na ng hinuli niya ang kamay nito. “Dito ka lang…” Hinatak niya ito ng buong lakas at napangiti naman siya nang mapaupo ito sa tabi niya. “Ang bango mo talaga… Na-miss ko ang amoy mo,” bulong niya pa. Pinilit niyang makaupo kahit ang bigat na ng ulo niya. Gusto niya lang sulitin itong panaginip niya dahil baka magising na siya at magsisi na hindi niya nagawa ang gusto niyang gawin dito. “Don’t move,” seryosong ani nito. Napahagikgik siya dahil nagsasalita ito sa panaginip niya at parang totoo talaga. Hinuli niya ang mukha nito at hinawakan sa magkabilaang pisngi at marahan itong hinalikan sa labi. Humiwalay rin siya agad at umupo sa hita nito at tiyaka niyakap ang binata. Siniksik niya ang mukha sa leeg nito para mas maamoy niya pa ang kabanguhan nito. “Hindi ako magso-sorry dahil hinalikan kita,” bulong niya. “Paano ba ang gagawin ko, Xion? Gusto na ata talaga kita dahil hindi ka na maalis sa isipan ko. Oo, may asawa ako pero hindi ko naman siya kilala. Ayaw kong magloko sa kaniya dahil totoong malaki ang utang na loob ko sa lalaking iyon. Siya ang dahilan kung bakit nagiging okay na ang lagay ng ama ko at dahil sa sweldo ko sa kaniya ay wala na akong mabigat na problema para sa mga kailangan ng kapatid ko.” Mas lalong humigpit ang yakap niya rito. Pinikit niya ang mata dahil parang hinahatak siya ng kadiliman. Ayaw niya pa mawala ang panaginip niya pero mukhang tuluyan na iyong maglalaho. “Ito ang hindi mo dapat malaman dahil baka mawalan ka ng trabaho. Ayaw ko madamay ka pag nalaman ng asawa ko itong ginagawa at nararamdaman ko. Malaki pa rin ang respeto ko sa kaniya kaya kahit mahirap at masakit ay lalayuan na kita. Kahit man lang… sa panaginip… ay mayakap kita ng ganito at masabi ko ang nararamdaman… ko…”         

 

CHAPTER 11   

 Nagising siya ng masakit ang ulo, ayaw niya pa sana bumangon pero nakaramdam na siya ng tawag ng kalikasan. Kahit masakit at mabigat ang ulo niya ay pinilit niyang makatayo at dumeretso ng banyo. Halos nakapikit pa siya nang biglang mapadilat dahil iba ang scent ng banyo niya ngayon. Nilibot niya ang paningin at laking gulat dahil hindi naman ito ang guest room na tinutulugan niya. Pagkatapos niya umihi ay agad siyang nag flush at tiningnan ang mga gamit. Puro panlalaki iyon kaya binuksan niya agad ang pintuan at halos lumuwa ang mata niya nang mapagtanto kung kaninong kwarto ito. Napasabunot siya sa buhok at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Siguro ay nag lakad siya papunta rito at dahil tinamaan na siya ng alak ay hindi niya na alam kung saan siya pumasok. Napatampal siya sa noo at nailing na lang. Mabuti ay wala si Xion dahil kung hindi lagot siya. Bumalik siya sa kama at napahiga muli dahil masakit pa talaga ang ulo niya. Napatulala siya sa kisame dahil naalala niya ang panaginip niya. Pati ba naman sa panaginip ay naroroon ang binata. Pinikit niya ang mata ng ilang minuto bago tuluyan ng tumayo at ayusin ang kama. Pagkatapos ay bumaba siya para kunin ang cellphone niya dahil panigurado ay naiwan niya iyon sa sala. Napakamot naman siya sa pisngi nang makita ang cellphone sa lamesa na nakalapag ng maayos. Hindi lang iyon ang pinagtaka niya dahil wala ng kalat sa sala. Ine[1]expect niya kasi ay naroroon pa ang mga bote ng smirnoff at balat ng chips. “Niligpit ko na ba?” napakamot siya sa ulo niya. Kinuha niya na lang ang cellphone at tiningnan iyon. “Chinarge ko rin ba ‘to?” bulong niya sa sarili dahil full charge ang cellphone niya. Talagang na lasing ata siya kagabi at hindi na maayos ang utak niya. Hindi niya maalala ng maayos ang mga ginawa niya kagabi pwera sa panaginip niya. Dumeretso siya sa kusina para uminom ng tubig. 9 am na pala ng umaga kaya kulo na rin ng kulo ang tiyan niya. Magluluto na lang siya ng bacon at egg para sa almusal. Binuksan niya naman ang cellphone nang mag-vibrate iyon. From Ma’am Sharron, Good morning, Aj! Okay lang ba sa’yo na bukas na kaagad ang day-off mo para sa week na ‘to? May dagdag interns kasi at baka mas rumami ang employee sa loob ng restaurant. Text me back if you’re okay with that but if it’s not because you have something important to do on Sunday it’s fine for me. I’ll just ask Dianne. Napaisip naman siya, wala naman siyang gagawin sa Sunday kaya okay lang na bukas agad ang day off niya para sa week na ‘yon. Pupunta na lang siguro siya sa laguna ngayong araw at babalik bukas ng gabi, tutal wala naman siyang kasama rito sa bahay at mabo-bored lang siya. Nag-reply siya kaagad dito para pumayag. To Ma’am Sharron, Okay lang po ma’am. Sakto po bibisita na lang po ako ngayong araw sa laguna dahil wala naman po ako pasok bukas. Thank you po! From Ma’am Sharron, Oh! Good to know! Thank you for understanding, Aj. See you on Tuesday! Nilapag niya na ang cellphone niya at nagluto ng umagahan niya. May tira pa namang kanin kaya iyon at ininit niya sa microwave. Kay Francis na lang siya magpapaalam kung pwede siya umalis ngayong araw sa bahay para bisitahin ang magulang at mga kapatid niya. Pagkatapos niya kumain ng umagahan ay nag-ayos siya ng gamit na dadalhin niya. Mga importanteng gamit lang naman dahil may mga damit pa siya roon sa bahay nila. Tinext niya na rin si Francis at pumayag naman ito dahil wala namang problema iyon. Basta’t ‘wag lang daw ako magtatagal at laging magsabi kung aalis para alam nito kung saan siya hahanapin kung may emergency. Mabuti na lang ay alam ng driver niya na wala siyang pasok kaya hindi ito pumunta sa bahay. Nang makaligo at makapag-ayos ay umalis na rin siya ng bahay. Sinigurado niyang lock ang lahat ng pinto para siguradong ligtas ang bahay. Kumain muna siya ng tanghalian sa karinderya na malapit sa terminal bago tuluyang sumakay ng bus. Saglit lang naman ang byahe mga isa’t kalahating oras lang kung sakto lang ang traffic. Hindi siya nagsabi na uuwi siya sa laguna dahil gusto niya surpresahing ang mga ito. Na-miss niya na rin talaga ang mga kapatid at magulang niya. Excited na siyang muling makita ang mga ito pati na rin ang mga kaibigan doon. *** “Sir, approved na po sa client ang design ng building na ipapagawa niya. Wala na raw po kailangan baguhin dahil satisfied na po si Mr. Green,” ani ng isang architect sa kompanya niya. “Good. Do things neatly as possible.” Uminom siya ng kape habang nakatutok pa rin ang mata niya sa computer. Tinitingnan niya ang mga designs na pina-check sa kaniya ng mga architects. Kakatapos lang niya sa isang project na tinanggpa niya kaya isang linggo siyang nawala. Ngayon mukhang hindi muna siya tatanggap ng mga projects dahil ayaw niya umalis ulit ng matagal. Hahayaan niya muna ang mga employees niya na kumilos sa mga ibang trabaho. As an architect he still accepts projects. Usually, ang mga projects na kinukuha niya ay talagang malalaki. Ang mga kumukuha sa kaniyang clients ay mga celebrities at mga famous businessman and businesswoman. Bilang lang sa daliri niya kung ilang proyekto ang kinukuha niya sa isang taon dahil hindi lang naman iyon ang inaasikaso niya kun’di ang pagiging ceo sa kumpanya. He has his own business at the same time he handles that business of his late grandfather. Nag-ring ang cellphone niya at nakita niyang si Francis iyon kaya hindi niya sinagot ang tawag. Kanina pang tanghali ito tumatawag pero hindi niya sinasagot dahil alam niyang mangungulit lang ito at gagambalain siya sa trabaho. Napabuga siya ng hangin nang mag-ring muli ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag. “You have 1 minute to talk,” inis na sambit. “Woah, bakit ang init ng ulo? Dahil ba umalis siya?” he laughed. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya ito naintindihan. “What are you talking about?” “Kanina ka pa bang umaga sa opisina mo? So, you didn’t know that your wife already left?” “What? Did she leave?” gulat na tanong niya rito. Iniwan niya itong natutulog sa kwarto niya kaya papaanong umalis na ito. “Hmm… I think my time is done, goodbye!” pang-aasar nito sa kaniya. “Just kidding. Nagpaalam siya sa akin na uuwi muna siya sa laguna pero babalik din bukas ng gabi. Hindi sa’yo nag-text? Kawawa ka naman,” dugtong pa nito habang tumatawa. Agad niyang binaba ang tawag at tiningnan ang oras. 5 pm na at may last meeting pa siya ng 5:30 pero mukhang hindi na siya aattend doon. Habang nagsusuot ng coat ay saktong pumasok ang secretary niya. “Sir—” “Continue the meeting without me.” Kinuha niya ang gamit niya at deretso nang lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung bakit niya pa susundan ang dalaga kahit alam niya naman uuwi rin ito. He would not feel at ease if he didn’t see her immediately. Nilagay niya sa waze ang address nito sa laguna. May copy siya ng background information nito dahil hiningi niya iyon kay Francis. Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan para makarating din agad kung nasaan ito. He said to himself that he was not interested in his contract wife but look at him now; he canceled a meeting several times because of that woman. Hindi pa rin mawala sa utak niya ang nangyari kagabi. Akala ng dalaga na panaginip lang iyon pero hindi. Pinilit niyang makauwi agad dahil hindi talaga siya kampante at hindi siya mapakali dahil ilang araw niya na itong hindi nakikita. He didn’t sleep well that week and just finished all his work quickly. He wants to go home as soon as possible because of her. Kung bakit niya ito nararamdaman ay hindi niya rin alam. This is the first time for him. He felt that he would go crazy if he didn’t see her face.        

 

CHAPTER 12    

Halos magtago na siya sa loob ng bahay dahil sa ginawa ni Maceh. Na-surpresa niya nga ang magulang niya at mga kapatid pero siya naman ang na surpresa sa ginawa ng kaibigan. May liga pala sa kanila at sa street nila may grupo ng mga manlalaro na wala pang muse kaya ang ginawa ni Maceh ay nilista ang pangalan niya kaagad para walang kawala. “Labas na!” sigaw ni Maceh habang tumatawa. “Ayoko! Masiyadong maiksi itong palda na ‘to!” sigaw niya pabalik. Sa kwarto siya nagtatago para hindi siya mahatak nito. “Isa! Sisigaw pa ba ako rito? Nagpapahinga na si tito oh? Tiyaka payag naman sila tito at tita lalo na mga kapatid mo.” Napapadiyak siya sa inis. Totoong naiinis na talaga siya dahil ayaw niya nga ng ganito. Bigla tuloy umasa ang mga kapitbahay nila na may muse na ang grupo. Kilala naman niya ang mga manlalaro dahil may iilan siya roon na naging schoolmate at classmate. Hindi lang talaga siya confident magsuot ng ganito. Naka-tuck-in ang jersey na suot sa hapit na palda na maiksi. “Naka-cyclings ka naman ate!” sigaw ni Aimee. “Shh! Manahimik kayo, nagpapahinga na si papa!” sita niya sa mga ito. “Bahala ka riyan. Sisigaw kami lahat!” Mabilis niyang binuksan ang pinto at kinurot sa tagiliran si Maceh. “Aw! Aw! O-oh, ‘di ba! Napalabas ko rin. Hawakan niyo dali!” Nanlaki ang mata niya dahil talagang inutusan pa ng kaibigan ang mga kapatid niya. “Tigilan niyo ako ha!” inis na sambit niya. Mukha namang natakot sa kaniya ang mga kapatid niya dahil hindi na siya hinawakan. “Ano ba ‘yan! Sige na kasi, saglit lang naman ‘yong rampa mo. Kawawa naman ‘yong street natin, walang muse pag hindi ka sumipot.” Napailing siya dahil kinonsensiya pa talaga siya nito. “Tiyaka maglalaro si Hayden! ‘di ba crush mo ‘yon dati?” tawa nito habang tinataas baba ang kilay. “Highschool pa ‘yon!” sambit niya rito. Tiningnan niya ang itsura sa salamin nila. Hindi naman siya nahihiya sa jersey nasuot dahil maputi naman ang kilikili niya ang problema niya lang talaga ay ang maiksing palda at mababang confidence. Magaling siya sa live selling pero sa pagrampa ay hindi. “Aj? Tao po!” Napatingin siya sa pinto dahil may kumakatok doon. “Oy! Si Hayden,” nakangiting ani ni Maceh at dali-daling pumunta sa pinto para buksan. Nagsalubong ang tingin nila kaya ngumiti siya rito kahit pilit. “Oh, ikaw pala,” ani niya dahil walang masabi. “Handa ka na? 8pm daw ang start natin. Mabuti na lang ay dumating ka kanina kun’di olats kami sa muse,” tawa nito at napakamot sa batok. Napatingin siya kay Maceh at halatang kinokonsensiya siya nito dahil sa mga senyas. Napabuntong hininga siya dahil mukhang wala na siyang magagawa talaga. “Saglit lang naman ‘di ba?” tanong niya rito. “Oo mga 20 minutes lang tapos kung hindi ka komportable sa suot mo balik ka muna rito at magbihis tapos balik ka rin agad. Panoorin mo kami!” nakangiting wika nito. “Sige… susunod na lang ako sa court. Mag-aayos muna ako.” 30 minutes na lang ang time niya bago mag 8pm kaya kailangan niya na dalian. Simpleng makeup lang naman ang gagawin niya. “Sige, salamat ulit!” Tinapik siya nito sa balikat bago magpaalam. Pagkalabas nito ay tinukso na siya ng mga kapatid at lalo na ang magaling niyang kaibigan. Sikat kasi sa mga kababaihan si Hayden sa lugar nila. Guwapo naman kasi talaga ito at maganda ang katawan dahil mahilig mag-basketball. Naging crush niya ito noong highschool siya pero hanggang doon lang naman ‘yon. “Oh ‘di ba? Wala ka rin nagawa!” Napailing na lang siya at ‘di na nagsalita. Tinulungan siya ni Maceh na magkulot ng dulo ng buhok. May pangkulot kasi si Maceh at dinala niya iyon sa bahay. Habang nagme-makeup siya ay kinukulutan na siya nito. Ang mga kapatid naman niya ay hinanda ang heels niya. Mabuti na lang ay bagong heels si Aimee at magkasing sukat lang sila ng paa. Limang minuto bago mag-alas-otso ay natapos na sila. Naka-tsinelas lang siya habang papunta sila sa court dahil doon niya na susuotin ang heels para hindi siya mahirapan. Mabuti na lang ay may kagalingan siya sa pagme-makeup dahil sa pagla-live selling niya. Dahil noon ay halos araw araw siya nagme-makeup maipakita lang na maganda ang mga binebenta niya. Nakarating sila ng saktong alas-otso sa court. Pumwesto siya sa tabi ng mga team players ng street nila. “Ang ganda mo, Aj!” sigaw ni Adong. “Si Aj pa ba? Lagi naman ‘yang maganda,” sambit ni Hayden. Napangiti siya rito ng tumabi sa kaniya. “Napakabolero niyo naman,” tawa niya. “Totoo naman! Tiyaka mas gumanda ka nga eh,” sambit pa nito. Ngumiti na lang siya rito at binaling na ang tingin sa gitna ng court. Mayamaya ay pinapila na ang mga players. Nasa harapan siya at si Hayden, iikot lang naman pala sila sa court. Nagsimula ang mga pagrampa ng ibang teams kasama ang mga kaniya-kaniya nilang muse. Sila ang pinakahuli kaya medyo kinabahan siya. Nagsimula silang rumampa at pinipilit niyang pataasin ang confidence niya para hindi naman siya mukhang ewan sa paglalakad. Mas pinalakas ang tugtog kaya ginanahan naman siya sa paglalakad. Nang huminto sila sa gitna nag-pose siya dahil may photographer. Nagulat pa siya dahil hinapit siya sa bewang ni Hayden at tiningnan siya nito dahilan para magkatinginan sila. Nagsitilian ang mga nanonood at ang pinaka naririg niyang tili ay galing kay Maceh. “Beautiful,” ani ni Hayden habang nakangiti. Hindi naman siya nakapagsalita dahil nahihiya siya sa mga nanonood. Sa totoo lang ay wala naman siyang naramdaman na kakaiba. ‘Di ba pag sinasabihan ka ng isang lalaki na maganda ay kikiligin ka lalo na’t guwapo si Hayden pero hindi man lang siya nakaramdam ng kilig. Dahil ba may iba akong gusto? At ang buong atensyon ng Sistema ko ay nasa kaniya? Pabalik na sila sa pwesto ng team nang may mahagip ang mata niya. Natigilan siya at muli iyong nilingon, halos manlambot ang tuhod niya nang makita si Xion na masama ang tingin sa kaniya lalo na sa lalaking katabi niya. Mabilis siyang nagpalit ng tsinelas at inabot kay Aimee ang heels na hiniram niya. “Aalis lang ako,” ani niya. “Saan ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?” tanong ni Maceh. Pati si Hayden ay napatingin sa kaniya. “A-ah kasi may pupuntahan lang ako, teka lang ha!” Hindi niya na hinantay ang sasabihin ng mga ito at mabilis na tumakbo sa entrance ng court. Wala na roon si Xion pero paglabas niya ng court ay nakita niya ang isang pamilyar na sasakyan. Hindi na siya nagdalawang isip at nilapitan iyon at binuksan ang pinto shotgun seat. “Bakit ka nandito?” ‘di makapaniwalang tanong niya. Hindi naman siya nito tiningnan, nakahawak lang ito ng mahigpit sa manubela habang nakatingin sa harapan. “Get in,” mariin na sambit nito. Hindi na siya nagreklamo at sumakay na lang dahil pinagtitinginan na rin siya ng mga tao sa labas ng court. Paniguradong nagtataka ang mga ito kung sino ang kausap niya at sino ang may-ari ng mamahaling kotse na ‘to. Hindi niya naman pwede sabihin na bodyguard niya ito at ang kotse ay sa asawa niya. Pinaandar nito ang kotse ng hindi nagsasalita. Sinuot niya ang seatbelt dahil mabilis ang pagpapatakbo nito. Hininaan niya ang aircon na nakatapat sa kaniya dahil nilalamig siya. Napatingin naman siya sa hita niya ng bumagsak doon ang kamay ni Xion. May hawak itong coat kaya naintindihan niya ang gusto nitong mangyari. Binuklat niya ang coat na inabot nito para takpan ang hita niya. “B-bakit ka pala nandito? Kakarating mo lang ba?” tanong niya rito para basagin ang katahimikan. “I’m here to see you,” he plainly said while looking at the road. Kumabog naman ang kaniyang puso na parang hindi na mapakali dahil sa sinabi nito. “Paano mo nalaman na nandito ako? Sinabi ba ng asawa ko? Hindi ko naman kailangan ng bodyguard at driver. Mabilis lang naman makasakay ng bus.” “I’m here because I wanted to.” Napayuko siya at napahawak ng mahigpit sa coat. Sabi niya ay iiwasan na niya ito pero mukhang hindi niya pala kaya. Nakita niya lang ito halos tumakbo na siya para lang malapitan ito. Napatingin siya sa labas nang may pinasukan silang parking lot. Nakita niya ang isang sign ng kilalang luxury hotel doon. “Dito ka matutulog?!” gulat na tanong niya. “Yes. We need to talk,” ani nito at binalingan siya ng tingin nang nakapag-park na ng maayos. “P-pwede naman na tayong mag-usap ngayon. Kailangan ko pa kasing umuwi,” ani niya at iniwas ang tingin sa binata. “Wear my coat. We will go to my room.” Pinatay nito ang makina at lumabas kaya siya rin ay napalabas ng sasakyan. “Pwede naman tayong mag-usap dito. Ano ba ang pag-uusapan natin? Kailangan ko pa kasing bumalik doon at manood ng laro,” paliwanag niya pa. Napahinto ito at napatingin sa kaniya. Mas lalong dumilim ang mukha nito at ang titig nito ay parang tumatago sa kaloob-looban niya. “To watch that guy who touched you? No fucking way.” Nanlaki ang mata niya dahil sa pagmumura nito. Naglakad ito papasok ng hotel at sinalubong naman sila ng mga staffs. Hindi tuloy siya makapagsalita dahil baka akalain pa ng mga tao roon ay nag-aaway sila. Nang makasakay ng elevator ay hindi pa rin siya makapagsalita dahil may kasabay sila. Kagat-kagat niya ang ibabang labi hanggang sa makapasok sila sa room nito. “Ano ba kasing paguusapan natin —” Nanlaki ang mata niya ng hinapit nito ang bewang niya at lumapat ang labi nito sa labi niya. Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya at hindi alam ang gagawin. Ang tibok ng puso niya ay halos magwala dahil sa nangyayari. “Ah!” daing niya ng kagatin nito ang labi niya dahilan para umawang iyon. Doon na siya napapikit at napakapit sa leeg nito. Parang may nagsindi ng apoy dahil biglang sumiklab ang init na nararamdaman niya. Taas baba nitong hinahaplos ang bewang niya. Kahit may damit pa siya ay ramdam niya ang init ng palad nito. Halos magprotesta siya ng tumigil ito sa paghalik at tingnan siya sa mga mata. “No other man can touch you here,” mariin na sambit nito. Napapikit siya ng maramdaman niya na ang init ng palad nito sa balat niya. Hindi niya alam kung paano nito naitanggal ang pagkaka-tuck-in ng jersey. “And, of course, you can’t wear any jersey with a surname of other men, baby.” She gasped when Xion tore the jersey she was wearing. Napalunok siya dahil muli nitong hinapit ang bewang niya.       

 

CHAPTER 13    

Tinungga niya ang alak na nasa mini fridge ng hotel room ni Xion. Inis na inis siya dahil akala niya may gagawin ito pero pagkatapos nitong punitin ang jersey na suot ay tinakluban naman siya ng coat. Inaamin niya na umasa siya na may mangyayari. Mas lalo lang nitong ginulo ang isipan niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Tumunog ang cellphone niya kaya tiningnan niya iyon. Si Maceh at Aimee ang nag-text sa kaniya dahil hinahanap siya. Nag-text siya sa mga ito na hindi siya makakauwi at bukas na lang at sinabing safe naman siya kung nasaan man siya. Mabuti na lang hindi na nagtanong ang mga ito. Bumukas muli ang pinto at pumasok si Xion, hindi niya ito nilingon dahil naiinis siya. “Stop drinking, It’s not good for your health.” Napairap naman siya sa kawalan. “The clothes arrived. Pina-dry clean ko lang para makapagpalit na tayo ng damit,” dugtong pa nito. “Saan ako matutulog? Isa lang ang kama!” pasigaw na tanong niya dahil nabi-bwisit pa rin siya rito. “Why are you so mad? Because I didn’t let you leave?” Hindi siya sumagot at inubos na lang ang alak na hawak. Binuksan niya ang panibagong bote at nilagok naman iyon. “Stop drinking, Aj,” he said with full authority. Inagaw nito ang alak at ito ang umubos sa bote na ‘yon. Napatingala pa siya at napatitig sa adams apple na gumagalaw dahil sa pag-inom nito. Napaiwas siya ng bumaba ang tingin nito sa kaniya. “Damnit,” he murmured. Rinig niya ang pagbuga nito ng hangin at paglayo nito sa kaniya. Siguro nga talaga ay hindi siya nakakaakit tingnan. Hindi man lang ito tumingin sa katawan niya ng mapunit nito ang damit na suot. Pagkatapos siya nito halikan ay parang iniwan na siya sa ere. Lahat ng mga sinabi niya sa sarili ay naglaho na parang bula dahil sa nararamdaman niya para rito. Ilang minuto rin ang lumipas at may nag-doorbell na sa room at si Xion naman ang nagbukas. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang paperbag. “Change your clothes,” ani nito at binigay ang isang paperbag. “I’ll just take a bath,” dugtong pa nito. Pumasok ito sa banyo kaya naiwan siya mag-isa. Natulala lang siya sa paperbag na hawak at sa pinto ng cr kung saan pumasok si Xion. Kinagat niya ang ibabang labi nang may pumasok sa isip niya. Bakit parang lumalakas ang loob niyang magpapansin dito ngayong gabi? Dahil ba nakainom siya o dahil ang apoy sa katawan niya ay hindi pa tuluyang nawawala. Kumuha siya ng isang bote ng alak at muling inubos iyon ng deretso. Nababaliw na talaga ako… Ako na ata ang pinakamaharot na babae sa balat ng lupa. Napapikit siya at unti-unti niyang hinubad ang damit niya hanggang sa wala ng saplot ang matira. Promise… this will be the first and the last. She badly wants him and knows she can’t sleep until she gets what she wants. Ngayon lang talaga… Kakalimutan ko muna ang lahat… She slowly took a steps ‘till he reached the bathroom door. She was biting her lower lip while holding the doorknob. Pagkapihit niya roon ay parang may nagwagi sa kalooban niya dahil hindi iyon naka-lock. “Fuck!” napatalikod ito sa kaniya nang malamang nakapasok siya. Malaki ang bathroom dahil may glass wall and door pa para makapunta sa shower. “Xion…” “Fuck, shit… Get out… please….” “N-no!” sigaw niya. Nakatalikod pa rin ito sa kaniya kaya humakbang siya papalapit dito at binuksan ang glass door para tuluyang makapasok. Sunod-sunod ang pagmumura nito na parang hindi gusto ang nangyayari. “Tangina.” Mabibigat ang paghinga nito. “You’re drunk, baby. Just get out, please?” he pleaded. Nag-init lalo ang pisngi niya dahil sa tinawag nito sa kaniya. Kumislot ang ulo niya dahil na rin siguro sa alak. Tinatamaan na talaga siya ng tuluyan ng alak na ininom niya. “Xion,” muling tawag niya rito. “T-talaga bang ayaw mo sa akin? H-hindi ba ako nakakaakit kaya ka nagagalit?” malungkot na tanong niya. “You don’t know what you’re doing, baby. Please — fuck.” Hinatak niya ito para mapatingin sa kaniya. Kita niya ang sunod-sunod na paglunok nito habang nakatingin sa mga mata niya. Patuloy pa rin ang agos ng shower kaya pati siya ay nababasa na. Pinalupot niya ang kamay sa leeg nito at tumingkayad para hulihin ang labi nito. Parang mas lalong umiikot ang paningin niya at mas nadadagdagan ang apoy sa katawan niya. Kinagat niya ang labi nito gaya ng ginawa nito sa kaniya. “Tangina,” mura nito at hinawakan siya sa balikat para patigilin. “Don’t do anything you’ll regret.” “Hindi ka naakit sa akin…” Hindi iyon tanong, sinabi niya lang ang nakikita niya ngayon. Napayuko siya dahil sa kahihiyan na ginawa. “You don’t know how fucking I restrained myself earlier.” Hinuli nito ang baba niya para mapaangat ang tingin niya. “You tempted me and made me crave for you, big time.” Napatingin siya sa labi nitong pinasadahan ng dila. “Don’t let alcohol put you in a situation you will regret. I want you too, baby, but I can’t have you like this —” “Shut up and just let yourself want me, Xion. I want you, and I'll still do this even if there’s no alcohol.” She reached his lips again; this time, Xion kissed her back passionately. Para ba silang mga uhaw na uhaw sa isa’t isa. This is what she wants. She wants to feel Xion. Gusto niya ang pagdikit ng mga balat nila sa isa’t isa. She will freak out tomorrow but knows she will not regret this decision. Kung sa iba ay dahil sa kalandian ito, para sa kaniya ay hindi. She likes Xion so much — no, she already fell for him. Hindi niya alam kung kailan pero sigurado siya sa nararamdaman niya. Hindi siya ganito noong nagkagusto siya sa ex niya. Hindi siya nakaramdam ng sobrang lalim katulad nito. Napakapit siya ng husto sa binata ng binuhat siya nito paharap. Walang nagtatangkang pumutol sa paghahalikan nila. “Ohh!” she moaned when her back touched the cold glass wall. Xion explores her mouth using his tongue. Napahawak siya sa buhok nito at napasabunot doon. Nang maghiwalay ang labi nila muling nagkasalubong ang paningin nila. They are both looking to each other with so much desire. Napakapit siya ng maglakad ito palabas sa shower area. Pinaupo siya nito sa sink at inabot nito ang malaking tuwalya para punasan siya. Hindi pa rin siya nagsasalita dahil naghihintay lang siya sa susunod na gagawin nito. Nang pagkatapos nila makapagpunas ay binuhat siya muli nito at hinalikan. Ginagawa niya lang ang ginagawa nito. Xion is a good kisser, indeed. Ayaw niya ng isipin kung paano ito natuto ng gano’n. Binagsak siya nito sa malambot na kama at pumaibaba ang binata sa kaniya. “Fuck. It’s perfect for me,” he muttered while grabbing her boob. She tilted her head when Xion kissed her neck down to her mountains. “Ahh! Ohh! X-Xion!” she shouted. He was biting her mountain peaks aggressively. Napahawak siya sa bedsheet ng mahigpit nang bumaba pa ang halik nito hanggang sa puson niya. Bigla naman ito huminto kaya naitungkod niya ang siko para tingnan ang binata. Nagtama ang paningin nila dahil nakatingin ito sa kaniya. Dinilaan nito ang ibabang labi habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Binuka nito ang kaniyang mga hita at walang sabi-sabi na hinalikan ang kaniyang gitna. Napahiga muli siya ng maayos at napapikit dahil sa init na nararamdaman. Xion was eating her femininity makes her moan loud and loud. “Ohh… ahhh!” She curled her toes and bent her body because she felt so much pleasure. Xion’s tongue is moving faster and faster. Nakahawak lang ito sa balakan niya ng mahigpit dahil sa paglilikot niya. Halos mabaliw na siya lalo na ng may mamuo sa kaniyang puso na gustong lumabas. “N-naiihi ako!” sigaw niya. “T-tama na… ahhh! Oh my… X-xion!” She gasped when Xion inserted his tongue inside her. Her lips parted when her body shook because she had reached her climax. Hingal na hingal siya at pawis na pawis siya kahit nakabukas ang aircon. “Tangina,” he cursed. “You’re so sweet, baby.” Her cheeks burn because of what Xion said. Hindi na siya makapag-isip ng matino dahil sa lagay niya. Muling pumaibabaw ito sa kaniya habang hinahawakan ang kaniyang bewang. Napaiwas siya ng tingin nang tingnan nito ang kabuuan niya. “Beautiful,” sambit nito. Napatingin siya rito nang hawakan nito ang pisngi niya ng marahan. Dumagundong ang puso niya dahil sa kaba at excitement nang maposisyon na nito ang sarili sa kaniya. Parehong mabibigat ang paghinga nila. Kagat-kagat niya ang labi nang unti-unting pumasok ang kahabaan nito sa kaniya. Hindi niya iyon tiningnan kanina pero sa nararamdaman niya ngayon ay masiyado iyong malaki para sa kaniya. “Ah!” daing niya at napapikit dahil sa gumuhit na sakit. Naramdaman niya na natigilan ito. “Shit… you’re still… fuck.” Naramdaman niya na akmang babangon ito kaya agad niyang pinulupot ang kamay niya sa leeg nito at hinatak ito para mahalikan sa labi. “Continue,” she said between the kisses. “But—shit! Why did you move?” Sinalubong niya ang kahabaan nito dahilan para mas lalo niyang maramdaman ang sakit sa gitna niya. Umawang ang labi niya at napapikit. “Move… please,” ani niya. Sigurado siyang paghindi pa ito gumalaw ay mas tatagal lang ang sakit. Pinunasan nito ang pisngi niya dahil naluha na pala siya. Hinalikan nito ang noo niya at mata niya. He started to move slowly, but after a minute, it became fast. Naibaon niya ang kuko sa balikat nito dahil sa pag-iisa ng katawan nila. Para bang sumasayaw sila na pabilis ng pabilis pati kama ay sumusunod sa kanila. Kinuha ni Xion ang isa niyang kamay at hinawakan iyon. Pinagsiklop nila ang kamay nila habang sumasabay sa agos ang katawan nila. “Tangina,” “Ohhh!” “I’m near, baby,” bulong nito sa tainga niya. “A-ako r-rin— ahhh!” Napahawak siya sa matigas nitong braso nang halos mangisay ang katawan niya ng marating niya ang rurok. Mabilis na tinanggal ng binata ang kahabaan sa kaniya at naramdaman niya na lang ang mga likidong tumalsik sa kaniyang puson. “I’m sorry, baby. I’ll clean you up,” sambit nito at hinalikan ang noo niya pati ang labi. Hindi na siya nakapagsalita dahil talagang napagod siya sa ginawa nila. Dala na rin ng alak ay mabilis siyang hinatak ng antok.        

 

CHAPTER 14    

Nagising siya ng masakit ang katawan lalo na ang gitnang parte niya. Napatingin siya kay Xion na tulog na tulog habang nakayakap sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahan na inalis ang kamay nito sa bewang niya. Maaga siya nagising kaya tulog pa ito. Nang makaalis sa kama at makatayo ay kinuha niya ang damit na binili sa kaniya at sinuot iyon. Dahil cellphone lang ang tanging dala niya ay iyon lang ang kinuha niya. Iniwanan niya na ang sirang jersey at palda, bahala na siya na mag[1]explain kay Maceh at sa mga kapatid. Hindi niya na nilingon pa ang binatang tulog at dali-daling lumabas ng hotel room nito. Hindi siya nagsisisi dahil sa nangyari, ginusto niya iyon at kailanman hindi niya iyon pagsisisihan. Pero alam niya pa ring mali iyong naging decision niya kaya susundin niya na ang sinabi sa sarili na iyon na ang magiging una at huli. Siguro makikiusap na lang siya kay francis na hindi niya na kailangan ng bodyguard dahil kaya naman niya ang sarili. Kung mapilit ito at ang asawa niya ay pwede naman iyong babaeng driver na pumalit kay Xion. Nagtaxi siya at tinawagan ang kapatid na si aimee na pauwi na siya at ilabas ang wallet niya na nasa bag dahil wala nga siyang perang dala. Pagkarating niya ay binayaran na niya ang taxi. “Saan ka galing ate? Bago damit mo ah,” pansin nito sa ayos niya. “Sa kaibigan ko. Biglaan kasing nandito siya at nasa hotel naka-stay. May problema kasi kaya sinamahan ko na lang,” pagsisinungaling niya. Mukha naman itong naniwala dahil tumango lang. Pumasok siya sa kwarto para kumuha ng tuwalya at bagong damit. Maliligo na siya habang hindi pa gising ang magulang niya. Pagkatapos niya maligo ay sakto paglabas niya ay nagsilabasan na ang mga kapatid para kumain ng umagahan. “Anak, babalik ka na ba sa manila?” tanong ng kaniyang ama. “Opo pa, marami pa akong gagawin eh. Sakto lang talaga na day-off ko ng magkasunod na araw,” nagsandok siya ng kanin at ulam para kumain. Nagkwentuhan lang sila saglit at pagkatapos kumain ay kumilos na agad siya. Nilapitan niya ang ama at ina niya para abutan ito ng pera. “Ano ‘to anak? Ang laki naman nito!” ani ng ina nang mahawakan ang 20 thousand pesos. “Baka naman masiyado mo ng tinitipid ang sarili mo?” tanong ng ama niya. Ngumiti siya at umiling. Wala kasing nakakaalam na sobrang laki ng sahod niya kada buwan idagdag pa ang sweldo niya sa restaurant. “Free kasi lahat ng kinakain ko pa, ma, kaya nakaipon ako ng malaki. Sainyo na ‘yan panggastos pa sa mga iba. Sabihin niyo ulit pag paubos na ang mga gamot at vitamins niyong lahat para makapagpadala ako at bumili kayo ng marami.” Napaka-importante ang kalusugan kaya pati ang mga kapatid niya ay pinabibilhan niya na ng vitamins at masusutansiyang pagkain. “Maraming salamat anak,” sambit ng magulang niya. Niyakap niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi. “Kailangan ko ng umalis ma, pa. Mag-iingat kayo rito at magsabi kayo kaagad sa akin kung may emergency ha?” bilin niya pa. Niyakap niya rin ang mga kapatid niya at inabutan niya ng pera para sa mga gusto nitong bilhin. “Salamat dito ate!” ani ng mga ito. “Aimee, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo. Bantayan mo ‘yan ha?” Si Aimee kasi ang pinaka inaasahan niya para magbantay sa mga bata nilang kapatid. “Oo ate, mag-ingat ka roon. Salamat ulit sa pangbili ng cellphone,” tuwang-tuwa na sambit nito. Ngumiti lang siya rito at tumango. Binigyan niya kasi ito ng pambili ng cellphone dahil kita niya na sobrang luma na at basag pa ang screen. Importante rin iyon para rito dahil dalaga na at kailangan ng maayos na gadget para gamitin sa pag-aaral. Bago siya tuluyang umalis ay kinatok niya muna sa tindahan si Maceh at inabutan ito ng sobre na may lamang pera. Nagulat ito at ayaw pa tanggapin pero pinilit niya. Si Maceh ang lagi niyang natatakbuhan lalo na pag walang titingin sa mga kapatid niya. Hindi ito nagreklamo o humingi ng kung ano sa kaniya. Malaki ang utang na loob niya sa kaibigan. “Ipangbili mo ng gusto mo. Hindi na bilhan ng pasalubong dahil biglaan lang din ang punta ko rito.” “Nako! Hindi naman kailangan pero maraming salamat dito Aj!” Nagkwentuhan lang sila saglit at umalis na rin siya kaagad. Nang makakita ng taxi ay pinara niya kaagad iyon at sumakay. Hindi naman sobrang traffic dahil maaga-aga pa. Lunch time siya nakauwi sa manila. Muling tumunog ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag si Xion sa kaniya. Kanina pa nga ito tumatawag pero hindi niya lang sinasagot. Nakasakay kasi siya sa bus kaya hindi niya ito makausap. Sinagot niya iyon at naunahan siya nito magsalita. “Where are you?” matigas na sambit nito. Ramdam niya sa boses nito na galit ito. “Nandito na ako sa manila, sa bahay —” Naputol ang sinasabi niya dahil biglang namatay ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya at dumeretso sa kwarto niya. Humiga siya sa kama at natulala sa kawalan. Sigurado siyang pag nalaman ito ng asawa niya ay mayayari siya. Wala naman sa kasunduan ang bawal siya makipagrelasyon pero dahil kasal na siya sa kontratang asawa, responsibilidad niya ang maging loyal dito ng dalawang taon. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Francis. Mabilis naman itong sumagot sa tawag niya. “Hello?” “Yes? How can I help you, Mrs. Horton — oops, my bad. Just forget that I said your husband’s surname,” he laughed. So, Horton ang surname ng asawa ko? “A-ah, busy ka ba?” tanong niya rito. “I am always busy, but you’re my client’s wife, so I have time for you. What’s the matter?” “P-pwede bang wala na akong bodyguard at driver? Kaya ko naman mag-isa sa bahay, tiyaka kaya ko rin bumyahe mag[1]isa.” “Kaya pala nagiging dragon na naman ang gago,” tawa nito. Natigilan naman siya dahil sa pagtataka. “Huh?” “Oh, sorry! M-may ka-chat kasi ako. So ano nga uli ‘yon? Bali gusto mo siyang umalis sa bahay?” pagkaklaro nito. Kinagat niya ang labi at tumango kahit hindi naman siya nito nakikita. “O-oo.” Iyon lang naman ang paraan para matigil na ang kahibangan niya. Sigurado siyang kahit paulit-ulit niya sabihin sa sarili na kailangan niya tumigil ay paniguradong hindi niya na naman iyon masusunod. She can’t stop her feelings and burning desire if she’s always with Xion. “Too bad, I can’t do that,” sambit nito na nagpabagsak ng balikat niya. “Your husband will not allow that,” he added. Hindi na siya nagpumilit pa at nagpasalamat na lang sa oras nito. Muli siyang nakaidlip sa posisyon niya at nagising na lang nang maramdaman na may nakayakap sa kaniya. Naimulat niya ang mata at laking gulat niya ng makita si Xion sa tabi niya. Nakatitig ito sa kaniya at napansin niya rin na nakaunan na siya sa braso nito. Aalis na sana siya ng humigpit ang hawak nito sa bewang niya. “Don’t go,” seryosong sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. “N-nandito ka na pala,” ani niya. “You left me,” matabang na wika nito at mas lalo pa siyang hinapit. Napasubsob siya sa dibdib nito dahil mas humigpit ang yakap nito sa kaniya. “Nauna lang ako —” “You said you’ll not regret it, but when I woke up, you’re not beside me anymore.” Nakagat niya ang lab isa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. “Hindi ko naman talaga pinagsisihan… gusto ko ‘yon.” “I want it too.” Napalunok siya ng lumuwag ang yakap nito sa kaniya. Napausog siya sa kabilang dulo at iniwas ang tingin dito. “M-may asawa ako….” “I know and I don’t care,” sambit nito. Binaling niya ang tingin sa binata ng umupo ito at sinandal ang likod sa headboard ng kama. “Mali ito —” “It’s not, because it’s just a contract.” Nanlaki ang mata niya dahil alam nito ang tungkol doon. “P-paano mo nalaman?” gulat na tanong niya. Napaupo siya at hinarap ito. Umiwas ito ng tingin at napasuklay sa buhok gamit ang kamay. “I-I just know.” Napahawak siya sa noo niya at pilit pino-proseso ang sinasabi nito. “A-alam mo ang tungkol doon? K-kailan pa?” kinakabahang tanong niya sa binata. Hindi siya nito sinagot at hinawakan na lang ang kamay. Hinatak siya nito at niyakap ng mahigpit. Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya na halos hindi na siya makahinga. “It’s not important how I know. The important thing is don’t ever leave me again, baby. I might go crazy if you did it again.”          

 

CHAPTER 15    

Mariin niyang kinakagat ang ibabang labi habang ang paa ay bumabaluktot dahil sa umaapaw na init ng kaniyang katawan. Her hands is up on her head and its tied up using Xion’s necktie. She swallowed hard while looking at him pleasuring her using his tongue. “Xion! Ahhhhh!” He expertly slid his finger on her and moved it faster. She can’t do anything because her hands are tied up. Hindi mapakali ang kaniyang katawan dahil sa ginagawang pagpapasaya sa kaniya ng binata. “You taste so good, baby,” he murmured. Binuka nito lalo ang hita niya kaya mas naramdaman niya ang labi at dila nito sa bukana niya. “Ma-malapit na ako,” she moaned. “Ohhh! Ahhh!” Nahahatak niya na ang kamay sa pagkakatali dahil sa malapit niya na marating ang rurok. Seconds past she reached her climax for the fifth time. She never expected that Xion would be this wild. Pakiramdam niya ay madaling araw na dahil bumabagsak na ang tulikap ng mata niya. “Xion,” tawag niya sa pangalan nito. “Pagod na ako,” dugtong niya pa. She pouted her lips when Xion position his self again. “Last, I promise,” he smiled then kissed her forehead. Hinawakan nito ang kamay niyang nakatali pa rin at nagsimula itong gumalaw sa kaniya. Gusto niya sana ito yakapin pero hindi niya magawa dahil sa kamay niya. Puno ng daing at halinghing ang buong kwarto, mabuti na lang talaga ay silang dalawa lang ang nasa bahay kun’di paniguradong rinig sila lalo na ang boses niya. Mas bumilis pa ang galaw ng binata dahil rinig na rinig niya na ang pag-iisa muli ng katawan nila. Ilang minuto pa at pareho nilang narating ang panibagong rurok ng kaligayahan. “Tangina, ohh…” Napapikit siya ng maramdaman niya ang likido sa kalooban niya. “H-hindi mo hinugot,” halos pabulong na sambit niya rito. Papikit na ang mata niya nang maramdaman niya ang pagtanggal ng tali nito sa kamay niya. Pagod niyang binaba ang kamay dahil ubos na talaga ang energy niya. “It’s fine, baby. It’s fine.” Hindi na siya nakasagot dahil tuluyan na siyang kinain ng antok. Nagising siya nang maramdaman na may humahalik sa buong mukha niya. Pagmulat niya ng mata ay hindi na siya nagtaka kung sino iyon dahil isa lang naman ang kasama niya sa bahay at isa lang din ang gumagawa ng gano’n sa kaniya. “Hmm?” “Wake up, baby. You have work today,” sambit nito habang yakap-yakap pa rin siya ng mahigpit sa bewang. Napanguso siya at kinusot ang mata. Bakit madalas siyang tamarin lalo na pag nandiyan ang binata. Gusto niya na lang kasi itong kasama buong araw. “I told you that you can resign, you can start your business again.” Napayakap naman siya rito at sinubsob ang mukha sa malapad na dibdib. Naikwento niya kasi ang trabaho niya dati sa binata. Pinipilit siya nito na mag-resign na sa trabaho para sa bahay na lang siya dahil pwede naman siya mag-business ulit. “Pag-iisipan ko,” bulong niya. It’s been a couple of weeks since that day they talked. Para bang sumunod siya sa agos ng nararamdaman dahil sa binata. They still don’t have a label, but they make love a lot. She called I make love because she has feelings for him, even if she doesn’t know if Xion feels the same. But still hoping that he likes her because he accepted him even though she has a husband. Yes, she’s now having an affair with her bodyguard. She will just go with the flow. Kahit walang label basta kasama niya ang binata ay masaya siya. Gusto niya naman maging positibo pag dating sa lovelife niya. Ie-enjoy niya muna ang mga masasayang araw niya sa piling nito. “Take a bath now. I’ll cook a food for our lunch while you’re taking a shower.” Napaangat ang mukha niya rito at mabilis naman siya nitong hinalikan sa labi. “Marunong ka?” tanong niya. Hindi niya pa kasi nakita itong nagluto. Well, lagi kasi siyang nauunang kumilos magluto. “Of course. I can do everything,” pagmamalaki nito. Natawa naman siya rito at napailing. Tumayo na siya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri. “Hmm. Should we bath together?” napatingin siya muli rito at kita niyang titig na titig ito sa hubad na katawan niya. “No.” Mabilis siyang tumakbo papasok sa banyo at ni-lock iyon. Sigurado siyang hindi siya makakapasok pag inumpisahan siya ni Xion. Nagbabad siya sa banyo ng halos isang oras. Naligo siya ng maayos at siniguradong mabango siya. Ilang weeks na rin siya nako-conscious sa sarili niya kung maayos at mabango ba siya dahil kay Xion. Siyempre lagi silang magkasama sa bahay, gusto niya na makita siya nito na maayos at kaaya-aya. Pagkatapos niya maligo ay tinuyo niya ang buhok niya. Masiyado ata siyang natagalan dahil muli siyang inakyat ni Xion sa kwarto niya. “I’m done cooking the beef steak,” sambit nito nang makita siyang tinutuyo ang buhok gamit ang blower. “Ah, teka, malapit na ako,” sambit niya. Lumapit naman ito sa kaniya at inagaw ang blower, ito ang nagpatuloy sa ginagawa niya. Hindi naman siya kasi nagbo-blower pero nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang sinasabihan ni Xion na mag-blower dahil baka magkasakit siya sa basang basa na buhok. Sinunod niya na lang ito dahil ayaw niya makipagtalo. “Done. Let’s now eat. I’m hungry, but if you let me eat you again —” “Gutom na ako,” putol niya rito at hinawakan ang kamay nito para hatakin palabas ng kwarto. Tumawa lang ito kaya natawa na rin siya. Pagbaba nila ng kusina ay halos mapanganga siya dahil sa plating ng pagkain. Parang sa restaurant ata galing iyon at pinaganda lang ng ayos sa plato. “Ikaw talaga nagluto nito?” gulat na tanong niya. “Wala ka bang tiwala sa akin?” “M-meron naman pero… nagulat kasi ako na marunong ka pala magluto. Mukha kasing mayaman eh,” tawa niya. Hindi naman ito umimik kaya umupo na lang siya at nagsandok ng buttered garlic rice. Mas lalo siyang naglaway nang maamoy ang lutong bawang sa kanin. Umupo sa tabi niya si Xion at sinandukan naman siya nito ng ulam. Nagsandok na rin ito ng pagkain at sabay silang kumain. Halos lumuwa ang mata niya at napatingin pa sa binata na kumakain. Hindi siya makapaniwalang ganito kasarap ang luto nito. Sa totoo lang masarap siya magluto dahil bata pa lang ay siya na ang laging nagluluto sa kanila pero ‘yong luto ni Xion ay parang lalabanan ang mga restaurant. Dahil na rin siguro sa mga ingredients at herbs sa bahay na mamahalin pero kung hindi marunong si Xion ay hindi niya ito magagawa. “Ang sarap! Pwede ka na mag-asawa,” natatawang biro niya. “I already have.” Napatingin siya rito dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil may nginunguya itong pagkain. “Huh?” kunot noong tanong niya. Ngumiti lang ito sa kaniya at umiling. “Nothing. I just finished my food first because I still didn’t take a bath.” Napatango naman siya rito. May isang oras na lang din sila bago mag 12 noon. “Sige, ako na bahala rito at maligo ka na.” “Thanks, wif — baby.” Hinalikan siya sa noo nito kaya napangiti siya. Parang halos araw-araw ata ay nahuhulog siya rito. Kada-araw pakiramdam niya mas lalo itong nagiging sweet sa kaniya kaya hindi niya mapigilang umasa na may nararadaman na rin ito sa kaniya. Ngumiti siya at tinapos ang kinakain. Binusog niya talaga ang sarili dahil hindi siya makatigil sobrang sarap ng pagkain na niluto ni Xion. Pagkatapos niya kumain ay nagligpit at naghugas na siya ng mga pinagkainan nila. Mga 12:15 pm na sila nakaalis at okay lang din naman dahil malapit lang. Nasanay lang kasi siya na 12 noon para maaga siya lagi sa restaurant. Ayaw niya rin kasing nagmamadali masiyado. Hinalikan siya sa labi ni Xion bago siya pababain ng kotse. Nakangiti siyang lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng restaurant. Nakita niya pa si Dianne na kakaiba ang ngiti sa kaniya. “Sana all! Parang lagi ka ng blooming ah. Pansin ko noong mga nakaraang linggo pa.” Hindi siya nagsalita at nginitian lang ito bago pumasok sa employee room. Maski siya ay napapansin din ang mga ngiti sa labi niya ay halos araw-araw na pati na rin ang kilig na nararamdaman. Sana nga lang talaga ay hindi iyon mawala.        

 

CHAPTER 16    

“Balita ko napapadalas na ang pag-uwi mo ng maaga ah? Nabago na ata ang schedule of work mo,” ani ni Francis. He’s here again to bother him, of course. “Of course, I need to pick up my wife,” he casually said. “Wife,” he laughed. “When will you introduce yourself as her husband?” Natigilan siya sa pagbabasa ng dokyumento at napaisip. He still doesn’t know when is the right time to tell her the truth. He doesn’t want her to freak out because they have things going on between them. “I still don’t know. I’m waiting for the right time. I don’t want her to freak out.” “Do you like her? I mean, dude, you’re freaking changed after you met her. Well, it’s a good change though, hindi ka na sobrang subsob sa trabaho,” kibit balikat na ani nito. Do I like her? I still don’t know. But he was sure he was happy and contented with what they had. Is this like? Fuck, I don’t have any idea what love and like because I’ve never experienced being drawn to a woman. Women flock to my feet, but no one can get his attention. “I don’t know. Can you please don’t ask me about that? I’m working fucker.” Tumawa lang ito sa kaniya at muling nagsalita. “Pero ‘di ba sabi mo pagkatapos ng kontrata niyo pwede ko na siya kunin?” he smirked. Naibagsak niya ang kamay sa table at napatingin dito. “Do you want to see angels? Because I can kill you right here, right now,” he glared at his friend. “Woah! You can ready to kill now? Because of a woman? Congratulations!” umawang ang labi nito at napapalakpak pa. Kinuha niya ang lagayan ng salamin niya at binato rito tiyaka binalik ang tingin sa ginagawa. “Anyways, I’m serious about that. If you hurt her, I’ll get her.” Muling umangat ang tingin niya rito. Seryoso itong nakatingin sa kaniya kahit may ngiti pa rin sa labi. Binaba niya rin agad ang tingin at pinagpatuloy ang ginagawa. “Aalis na rin ako dahil may trabaho rin naman ako. I just want to pissed you a little,” he laughed. He just waved his hand nonchalantly without looking at his friend. Narinig niya na lang ang pagsara ng pinto at doon na siya napabuga ng hangin. Why do I feel threatened? As if I’ll hurt her. No one can get Aj away from me. *** She’s currently serving dishes to the new customer. Kanina pa siya patingin-tingin sa malaking orasan na nasa restaurant dahil hindi na siya makapaghintay na makita si Xion. Isang oras pa bago matapos ang duty niya at para sa kaniya ay para iyong isang araw. Bakit ba ang bagal ng oras? Napatingin siya sa entrance nang may pumasok. She greeted the customer with a smile. “Hey! Good thing you’re still here,” he smiled. It’s Lloyd. Madalas itong kumakain doon ng dinner, ngayon lang ito medyo na-late ng punta. “Late dinner?” nakangiting tanong niya. “No, I’m just here for the dessert and of course to see the best server.” Natawa naman siya rito. Lloyd and she are close enough to joke around. Mabait naman kasi ito sa kaniya, hindi lang dahil malaki ito mag-tip. Mukha itong nakakatakot tingnan sa una pero pagnakausap mo naman pala ay hindi. “Hmm. I’ll get matcha tiramisu and iced lemon juice,” sambit nito habang nakatingin sa menu. Sinarado rin naman nito agad at inabot sa kaniya. “Noted,” ngiting sambit niya. Dahil hindi naman kailangan lutuin iyong inorder niya ay pumunta siya sa pastry section para kumuha ng slice matcha tiramisu at siya na rin ang gumawa ng iced lemon juice dahil madali lang naman iyon. After minutes his order is ready. Muli siyang bumalik sa table nito at sinerved ang order ng lalaki. “Thank you.” Ngumiti lang siya rito at iniwan na rin sa pwesto para makakain ng maayos. Medyo kaunti na lang ang customer dahil ilang oras na lang ay pa-close na rin sila. Inayos niya ang lamesa at upuan sa mga dulong parte na hindi na ginamit. Pinunasan niya ang mga iyon at sinandal na ang upuan sa lamesa. Sigurado naman na hindi na ‘yon mauupuan dahil marami pang bakanteng upuan sa bandang gitna at kabilang dulo. Lumipas ang oras at limang minuto ay out niya na. Nilapitan niya si Lloyd dahil naroroon pa rin ito pero tapos na kumain. “Tapos ka na? Pa-out na ako,” ngiting ani niya rito. “Oh, yeah. Here’s my credit card and cash for your tip—” “Masiyado ng malaki ang binibigay mong tip, ‘wag na po.” Kinuha niya ang credit card nito. Hindi niya na ito hinantay magsalita at kinuha agad ang credit card machine. Muli siyang lumapit dito dahil kailangan ng pin code. “Thank you,” ani nito ng makapagbayad. “Thank you rin!” Nagpaalam na siya rito dahil out niya na. Binalik niya lang ang credit card machine sa cashier at nag-out na. Nagpalit lang siya ng pang-itaas na damit at tinanggal niya ang apron na suot. Pagkalabas niya ng employee room ay natanaw niya si Lloyd na nasa labas ng restaurant. Nagpaalam na siya sa mga katrabaho pati sa manager bago tuluyang lumabas. “Oh, nandito ka pa pala. May hinahantay ka?” tanong niya rito. “Yes, you.” “Huh?” “Pwede kang sumabay sa akin. It’s too late to go home alone, especially you’re a woman.” Ngumiti naman siya rito at umiling. “Okay lang, may sundo ako,” ani niya at sakto naman ang pagtigil ng isang pamilyar na sasakyan. Awtomatikong lumawak ang ngiti niya. Hahakbang na sana siya papalapit nang lumabas ng sasakyan si Xion. Walang ngiti ang makikita sa labi nito. Seryoso itong nakatingin kay Lloyd kaya napatingin na rin siya sa lalaki na nakatingin din kay Lloyd. “Magkakilala kayo—” “I didn’t know you know my brother, Aj,” matigas na ani ni Lloyd na ikinagulat niya. B-brother? Magkapatid sila ni Xion?! Naibaling naman niya ang tingin nang hinawakan siya ni Xion sa kamay at hinapit sa bewang nang makalapit ng husto. “Of course, she knows me because I am her husband,” seryosong sambit ni Xion. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa bewang niya. “He is your husband?” halata niya ang gulat sa mukha ni Lloyd kahit seryoso ang mukha nito. Napababa ang tingin niya sa kamao nitong nakakuyom. “I am. Why are you here?” Hindi siya nakasagot dahil nagsalita muli si Xion. “This is a restaurant. What do you think I am doing here?” he scoffed. “Oh, that’s good you’re eating well, my dear brother.” Hindi siya maka-react at pilit pa rin na pinoproseso sa utak ang mga nangyayari. Ramdam niya ang kakaibang aura na pumapalibot sa dalawa. Parang napakabigat at napakadilim. Iisa lang ang masasabi niya, halatang hindi maganda ang relasyon ng dalawang magkapatid. Napaangat ang tingin niya kay Lloyd at nakita niyang mabilis na lumandas ang paningin nito sa kaniya. Nanibago siya bigla rito dahil sa madilim nitong mukha. Parang bigla siyang natakot sa lalaki dahil hindi man lang ito ngumingiti. “Let’s go, baby,” he said to her. Hindi na siya nakapagsalita at tanging tango na lang ang tugon niya, Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Lloyd dahil tinalikuran na siya nito. Pagkapasok niya sa sasakyan ay pinaandar agad ni Xion ang sasakyan. Wala rin siyang mabasa na reaksyon sa mukha nito, tila ba’y naging seryoso ito lalo at malalim ang iniisip. Magsasalita sana siya nang maunahan siya nito. “Don’t let him get near you.” Kumunot ang noo niya dahil sa talim ng boses ng binata. “BHe-bakit? Magkaaway ba kayo? Tiyaka, kapatid mo talaga siya?” sunod-sunod na tanong niya. “He is, but he doesn’t consider me as a brother. Just don’t get near him. You don’t know him that much.” Naguguluhan pa rin siya lalo na nang ipakilala siya nito bilang asawa. “P-pero bakit mo ako pinakilalang a-asawa mo?” Sa totoo lang ay napakabilis ng tibok ng puso niya nang manggaling dito na asawa siya nito. She love’s Xion and what he said makes her heart fluttered more. “I-im sorry… Can we just talk about this after we arrive?” sambit nito. Napatitig siya rito bago tumango. Bakit pakiramdam niya may tinatago ito sa kaniya? Winaksi niya na lang ang nasa isip at napabuntong hininga. Hihintayin niya ang sasabihin at mga paliwanag nito.        

 

CHAPTER 17    

Nang makarating sila sa bahay ay tahimik lang siya at naghahantay sa mga sasabihin ng binata. Nakaupo lang siya sa may sofa sa sala habang ito naman ay kumuha ng alak sa ref. “I’m sorry because that’s happened. I… I run away from our home. We had a family problem, so I left there and reasoned that I was married even though I was not. “Biglang lumambot ang puso niya rito at parang kinurot iyon dahil nalaman niyang may problema ito sa pamilya. “So… if you met him again and he asked you about me or about us, please tell him that I’m your husband.” Uminom ito ng alak at napabuga ng hangin. Tumayo siya at kinuha ang alak na hawak tiyaka umupo sa kandungan nito at niyakap. “Okay, walang problema,” bulong niya rito. Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kaniya. They stay like that for a minutes before Xion lifted her and goes to her bedroom. Sa totoo lang ay parang sila ang mag-asawa dahil sa iisang kwarto na sila natutulog at ginagawa rin nila ang mga ginagawa ng mag-asawa. She’s sorry for his husband. She wanted to stay loyal in their contract relationship, but she couldn’t stop what she felt for Xion. “Let’s bath together, baby,” sambit sa kaniya ni Xion habang yakap-yakap pa rin siya sa bewang. Tumayo na kasi siya at gusto niyang mag-shower dahil nalalagkitan siya. “Pwedeng sabay pero maliligo lang dapat,” ani niya habang nangingiti. “I promise!” tinaas nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. She giggled and nodded her head. They bathed together and Xion didn’t do silly things. Pigil na pigil nga ang tawa niya dahil habang sinasabunan siya nito ay parang handa na sumabak ang kaibigan nito sa baba. Sabay silang nag-toothbrush, skincare at ito pa ang nagpatuyo ng buhok niya. Masiyado na siyang sanay sa ginagawa ni Xion. He spoiled her a lot, not in material things but how he take care of her in a simple ways. Magkayakap silang humiga sa kama. Nakatulog siya agad dahil minamasahe nito ang kaniyang ulo. Pagkagising niya ay wala na ito sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto at naabutan niya ito sa garahe na nag e-exercise. Nagbubuhat ito ng mga dumbbells. Nakailang minuto pa siya na nakatitig dito bago siya nito mapansin. Naka-airpods kasi ito at naka-focus pa sa pag-e-exercise. “Good morning,” bati niya rito. Lumapit naman ito sa kaniya habang tinataggal ang airpods na suot. Hinalikan siya nito sa labi kaya napangiti siya. “Good morning, baby. What do you want for breakfast? I’ll cook,” ani nito. “Huwag na, ako na ang bahala magluto. Ipagpatuloy mo muna ‘yang pag-e-exercise mo,” sambit niya. “You sure?” Sunod-sunod na tango ang binigay niya. Dumeretso siya sa kusina para magluto ng itlog at ham. Gumawa na rin siya ng fried rice dahil bagay iyon sa ulam. Gusto niya sana ng tuyo kaso hindi pa siya nakakabili ulit. Pagkatapos niyang magluto ay sabay silang kumain ng umagahan ni Xion. 10 am ang pasok niya ngayon dahil wala ‘yong isang server na pumapasok ng maaga. Nagkaroon kasi ng emergency kahapon at siya na ang nag-presinta na i-adjust na lang ang schedule niya dahil wala naman iyong problema at malapit lang ang bahay sa restaurant. Inihatid siya ni Xion sa restaurant at umalis na rin ito kaagad. Nag-in siya at binati ang mga katrabaho. Wala pa si Dianne dahil maya-maya pa ang start ng duty nito. Sa umaga ay hindi gaano karami ang customer nila pero mayroon pa rin. Masarap naman kasi talaga ang menu nila para sa breakfast. Dumating nag lunch time at mas dumami na ang tao, kaya sobrang busy niya ng oras na ‘yon. Mabuti na lang din ay dumating na si Dianne para may katulong pa sila. Pati si Ms. Sharron ay tumutulong na rin dahil biglaang may pumasok na customer na sa tingin niya ay buong pamilya dahil sa dami. Naging maingay ang buong restraurant at lahat sila ay hindi magkanda-ugaga dahil sa maraming ginagawa. Nakahinga lang sila ng maluwag nang dumating ang alas-dos. Nag-break na siya para makakain ng late lunch niya. Matapos ang saglit niyang breaktime ay lumabas na ulit siya at saktong nakita niya si Lloyd na papasok ng restaurant. Nagtama ang paningin nila at ngumiti ito ng tipid sa kaniya. Siya na ang lumapit dahil pakiramdam niya siya ang pakay nito. “Maaga ka ata,” bati niya rito habang nakangiti. Umakto lang siya na parang normal. Gulat pa rin siya talaga sa mga nalaman at marami pa siyang katanungan pero ayaw niya na kasing usisain si Xion. Nang malaman niya na may problema ang pamilya nito ay hindi niya na tinanong pa dahil baka ayaw nito pagusapan. “I want to talk with you. Atleast for five minutes? I’ll order a lot so you can still do your work while talking to me.” Hindi na siya tumanggi pa at tumango na lang. Mga tatlong customer na lang naman ang mayroon sila dahil hapon na. Gaya ng sinabi nito ay umorder nga ito ng marami at inorderan pa sila ng mga katrabaho niya pati si Ms. Sharron. Pinayagan naman siya ni Ms. Sharron na makipagusap dito saglit dahil wala rin namang madaming customer. “So, are you his longtime girlfriend? That’s why you marry him?” tanong nito at alam niyang tinutukoy nito si Xion. Seryoso ang mukha at boses nito kaya sumagot na siya kaagad. “Oo,” deretsong sagot niya. Hindi siya pwedeng mautal at kabahan dahil baka mabisto siya nito. “Hmm. That’s why you have a ring on your fourth finger. I noticed it when I met you here; I thought that it was a simple accessory.” Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakapatong sa lamesa. “But… Why are you working here as a server? You have a wealthy husband who became more richer because of another company placed in his hand. Is he not giving you a money?” Napahawak ito sa baba at napasandal sa kinauupuan. Siya naman ay natigilan at hindi alam ang sasabihin. Gulat siya ngayon pero hindi niya iyon pwede ipakita. Mayaman si Xion? Suspetsa naman niya iyon dati noong unang kita niya pa lang dito dahil ang galaw at pananalita nito ay hindi mo masasabing galing sa hirap. Tumikhim siya bago sumagot. “Ayaw niya akong pagtrabahuin pero nagpumilit ako. Wala rin naman kasi akong magagawa sa bahay kun’di maglinis at tumunganga na lang. Masaya naman ako sa trabaho ko,” sambit niya at ngumiti ng tipid. Half truth, half lie. Totoo namang pinapatigil siya magtrabaho nito at kinukumbinsi na mag live selling business na lang ulit para nasa bahay lang ito. Napatitig siya sa mga mata ni Lloyd at hindi niya na gusto ang inaasta nito. Oo, pumayag siya na kausapin siya nito pero hindi niya alam na pati ang personal niyang mga desisyon ay pakikialaman nito. Pakiramdam niya gusto nitong malaman ang lahat lahat sa kanilang dalawa ni Xion. “Pasensiya na pero kailangan ko na bumalik sa trabaho,” seryosong saad niya at tumayo. Napabuga ito ng hangin at tumango na parang naiintindihan siya nito. “Okay, I understand. See you around,” he plainly said and nodded at her. Hindi niya na ito napansin dahil medyo nainis siya sa paraan ng pakikipagusap nito sa kaniya. Tinuon niya na lang ang sarili sa trabaho para maalis saglit sa isip niya ang nalaman niya kay Xion. Bigla kasi siyang na-curious sa buhay ng binata nang malaman niyang mayaman ito. Kung may kompanya ito bakit pa kailangan magtrabaho bilang bodyguard at driver sa asawa niya. Napapikit siya saglit at winaksi ang mga nasa isipan. Mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan niya sa binata. Pinikit niya saglit ang mata at huminga ng malalim tiyaka umiling-iling. “Magpapaliwanag din siya sa’yo, Aj. Hindi mo na kailangan magtanong,” bulong niya sa sarili. Buong araw ay lutang siya at paminsan-minsan ay lumilipag ang isipan niya kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sarili na hihintayin niya na lang magsabi ng kusa si Xion at magkwento tungkol sa buhay nito.         

 

CHAPTER 18    

Naging abala si Xion sa trabaho nang may malaking proyekto ang dumating. Hindi siya ang architect na kinuha dahil tumanggi siya. Pinasa niya iyon sa pinagkakatiwalaan niyang architect sa kompaniya niya. Ginagabayan niya pa rin ito at nagbibigay ng suggestion dahil isang kilalang entertainment agency ang gagawan nila ng design para sa building. Busy na siya paano pa kaya kung siya ang naging architect ng client nila. He will have no time for Aj if that’s happened. Hindi niya na talaga kilala ang sarili dahil umaayaw na siya sa mga malalaking proyekto pag nalaman niya na magiging babad siya sa trabaho ng husto. Dati ay hanggang sa pag-uwi sa penthouse niya ay nagta-trabaho pa rin siya at gumagawa ng designs. Halos wala nga siyang kumpletong tulog lagi dahil perfectionist siya sa mga bagay bagay. Kailangan maayos at maganda ang resulta. All the meetings important or not, he is present all the time. He always listen to her employees so they can have a good work environment. That’s why at the age of 26, he’s already at the top. Now he’s 29 years old, and still, no one can beat him as a top-tier businessman and a successful architect at a young age. “Sir, nandito po si Ma’am Alora Delafuente,” ani ng sekretarya niya. Naiangat naman niya ang tingin sa pintuan at sakto na pumasok si Alora. Alora is Lloyd’s friend. Mga isang taon niya na rin ito nakilala. Naging client niya ang pamilya nito kaya nakilala niya. “Hi! Busy?” nakangiting sambit nito sa kaniya. “Kailan ka pa umuwi? I was shocked when I saw your company’s name on our client’s list for this month.” “1 week ago. I was so busy with personal stuff. I want to have a new shop design in my manila branch.” Umupo ito sa sofa kaya tumayo siya para lapitan ito. “So who’s your architect? Did you already choose whom you want under my company?” tanong niya rito. “Of course, you… I want you, Xion,” she smiled seductively. “Sorry, but I can’t,” he refused. Mukhang hindi naman ito nagulat kaya sumeryoso ang mukha niya. “So, you’re really married?” she said. “Yeah. My brother told you?” he casually asked. He and Alora are not that close, but he respects her as a client and his brother’s friend. “Well, Is she good? You know,” she licked her lower lip while looking at him. Hindi niya alam kung anong nasa isip nito at kung bakit ito umaakto ng ganito. He knows how women move when they like him. So, he surely knows what Alora’s doing right now. “If you’re not here for work—” “I’m just kidding! I want to invite you and your wife to my party,” putol nito sa kaniya at may kinuha sa bag. It’s an invitation card. “It will be held at the hotel. Free accommodation! Hoping to see the both of you there,” ani nito at kinindatan siya. Tumayo na rin ito at nagpaalam sa kaniya. “Nice to see you again, my Xion. See you next week.” Hindi siya nakapag-react agad nang yakapin siya nito. Mabilis lang din naman iyon kaya hinayaan niya na. “Okay. I’ll ask my wife if she’s available on that date.” “You need to come because your brother is there. You know, he is still confused in your love life,” she chuckled. Sinundan niya lang ito ng tingin bago makaalis. Bumalik siya sa kaniyang swivel chair at napatingin sa invitation card. *** Mag-isang umiinom si Lloyd sa penthouse niya. He’s still confused how Xion get a wife in a short time. Pinapasundan niya ito dahil gusto niyang malaman ang bawat galaw ng kapatid. Pero hindi niya malaman kung bakit late na niya nalaman na may asawa na ito at nakuha na pal anito ang kompanya. “Those fuckers,” mariin na mura niya. Hindi niya alam kung ano ang espesiyal sa lalaking iyon. His late grandfather, father, and even his mom like him. Well, he’s the illegitimate child, of course, all the attention is to him. Dahil siya ang bastarda ay wala sa kaniya ang mga atensyon na gusto niya. He just want fame and power. Hindi pa rin siya kuntento sa yaman na pinaghirapan niya. Napalingon siya nang may pumasok sa penthouse niya. Isa lang naman ang nakakaalam ng security code ng penthouse niya, si Alora. The woman who’s in love with him and willing to do anything for him. “You’re drinking again?” nag-aalalang ani nito at nilapitan siya. Hinatak niya naman ito sa kamay at hinalikan ng mariin sa labi. “Did you meet him?” tanong niya rito nang ihiwalay niya ang labi niya rito. “Y-yes…” Kinagat nito ang labi habang nakatingin sa mga mata niya. He’s caressing her thigh and he knows that she got turn on with his touch. “I think they will come. I am ready to get Xion’s attention.” “I need you to break them apart. Understood?” he said while planting a kiss on her neck. He licked, bite, and sipped her skin. Pag hindi tumagal ng dalawang taon kung sino man ang unang makapag-asawa, ayon sa will ng kanilang lolo ay mapupunta iyon sa isa. At dahil naunang magpakasal ang magaling niyang kapatid, pag napaghiwalay niya ang mga ito ay awtomatikong sa kaniya lahat ng iniwan ng lolo nila. Gumapang pataas ang kaniyang kamay hanggang sa dibdib nito nanggigil na hinawakan ang maselan na parte nito. He pinched her mountain peaks making her moan loudly. “Ohhh… y-yes! Yes, baby. I’ll do everything you want,” ani nito at napahawak sa balikat niya para pigilan siya sa ginagawa. “B-basta papakasalan mo ako ha? You are mine only,” dagdag pa nito. “I promise,” sambit niya at muling hinalikan ito sa labi. He smirked at the thought that all his plans would be successful using Alora. He doesn’t care anymore about what his friend feels. He wants fame, money, and power. Iyon lang naman ang gusto niya. Pangarap niyang makita na tinitingala siya ng magaling niyang half-brother. Xion’s was always on the top in different things. Ito ang matalino, masipag, magaling sa trabaho at matured mag-isip. Lahat na ng papuri ng mga pamilya nila kay Xion ay narinig niya na. Sawang-sawa na siya marinig ang mga iyon. Ang tingin kasi sa kaniya ay laging nagdadala ng gulo at puro babae lang ang alam. Nag-aral siya ng mabuti at grumaduate bilang isang engineer pero kahit iyon ay natamo niya ay walang wala pa rin siya kaysa kay Xion. Kaya gagawin niya ang lahat para lang yumaman dahil ang pera kayang bilhin ang lahat ng gusto niya. Pag mayaman ka, malakas ka at lahat ng tao ay gugustuhin kang sambahin. Kinagat niya ng mariin ang labi ni Alora dahil sa panggigil. Pinunit niya ang suot nito para walang abala sa ginagawa niya. “Oh my gosh… ohh! Take me now, Lloyd… please!” she pleaded in so much pleasure. Napangiti naman siya at sinabunutan ang buhok nito at itinulak para mapaluhod. Tinanggal niya ang sinturon niya at binuksan ang pantalon niya tiyaka binaba iyon. “Give me a head,” utos niya rito na agad namang sinunod ng dalaga.          

 

CHAPTER 19   

 Napatingin siya salamin dahil sa magarang suot niya. Napilitan siyang mag-leave sa trabaho ng dalawang araw dahil sa party na aattend-an nil ani Xion. Pumayag na siya dahil nalaman niya rin na naroroon si Lloyd at naisip niya na rin na gusto niyang magkausap ang dalawa. Hindi niya pa alam ang side ni Lloyd kung bakit ito parang galit kay Xion kaya ayaw niya itong husgahan basta-basta. Nakasuot siya ng olive green na dress, may sleeves siya na see-through gaya ng gusto ni Xion. Ayaw kasi siya nito pagsuotin ng medyo revealing. Ito pa nga ang bumili ng damit na susuotin niya at ito mismo ang pumili. Naghihintay pa rin siya na kusa itong magsabi tungkol sa buhay nito. Hindi niya kasi sinabi na nagkausap sila ni Lloyd at nalaman niya na mayaman talaga ang binata. “You ready?” Napalingon siya ng makapasok ito sa kwarto niya. “Oo. Okay ba ang itsura ko?” tanong niya. “Of course. You are beautiful, baby,” nakangiting ani nito sa kaniya. Hinawakan naman siya nito sa kamay, umupo ito sad ulo ng kama kaya napakandong siya sa hita nito. “I have to tell you something, baby,” he said while looking intently into her eyes. “A-ano ‘yon?” “I’m an architect, and I have a business,” he paused for a while. Nakatingin ito sa kaniya na parang pinapakiramdaman siya kung ano ang ire-react niya. “Most of the people there are know me. And I’m sure they will talk to you and ask about us. Can you go with the flow and stay beside me?” marahan na tanong nito. Ramdam niya ang maingat na pagpapaliwanag nito sa kaniya. “So… mayaman ka nga talaga? P-pero bakit ka nag-bodyguard kung may mas maganda ka pang trabaho?” hindi niya napigilang magtanong. Natigilan naman ito at napabuntong hininga. “I have… a reason…” Umiwas ito ng tingin kaya pati siya ay napabuntong hininga. “Okay. Naiintindihan ko, hindi na ako magtatanong pa,” nakangiting ani niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ito sa labi. “Tara na, baka special entrance pa tayo dahil late tayo,” natatawang sambit niya. Kahit curious pa siya ay pinigilan niya na lang ang sarili na magtanong pa sa binata. Tumango ito sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Lumabas sila ng kwarto at bumaba tiyaka tumungo sa labas para sumakay ng sasakyan. Xion held her one hand tightly. That’s why he was driving using his one hand only. Kapag humihinto sila dahil sa stop light ay marahan nitong hinahalikan ang hawak nitong kamay niya. Hindi tuloy nawala ang init ng pisngi at kilig na nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon. Nakarating sila sa hotel at mukhang naka-reserve pa ata ang buong building para lang sa party at mga bisita. Welcome party daw iyon ng kaibigan ni Lloyd. Kinakabahan siya dahil sa mga taong nasa paligid nila. Alam niyang wala ni isang mahirap doon. Pagkapasok nila ay kita niya kaagad ang kagandahan ng loob ng hotel venue, pati ang mga bisita ay pagandahan ng suot. Makikita mo ang mga tatak ng bag na galing sa sikat na mga brand. Kahit saan ka lumingon ay lahat mayayaman. Nahagip ng mata niya si Lloyd na may katabing babae. Nakahawak ito sa may bewang ng kasama nito kaya napatingin din siya sa babae. Napakaganda nito at ubod ng sexy ang katawan. Revealing kasi ang dress na suot nito pero bagay na bagay dahil mas lumabas ang kaputian at kakinisan ng balat. “Siya ba ‘yong may party?” bulong niya kay Xion habang nakatingin pa rin sa kasama ni Lloyd. Hindi pa sila nito nakikita dahil may mga kausap ito. “Yes. She’s Alora DelaFuente, the owner of Alora DF Cosmetics, if you heard about that,” sambit nito na kinaawang ng labi niya. Alam niya iyon dahil sikat na cosmetic brands iyon. Nagtitinda siya ng mga cosmetics at nakatinda na rin siya ng product ng brand na ‘yon pero kaunti lang dahil napakamahal bawat isa dahil high quality ang mga makeups. “Ang ganda niya,” bulalas niya habang nakatingin sa babae. “You’re more beautiful, inside and out,” he whispered. Napangiti naman siya ng patago dahil sa klase ng pagbulong nito. Para pa siyang nakili dahil sa mainit na hininga nito. Napatigil siya nang nagsalubong ang mata nila ng babae. Umayos siya ng tayo at tinapik si Xion na kanina pa himas ng himas ng bewang niya pataas sa gilid ng dibdib niya. “P-pupunta ata sila dito sa atin,” pasimpleng bulong niya. Hinapit siya ng husto ni Xion nang mapatingin na rin sa dalawa. “Nice to see you, my Xion,” sambit ng babae at niyakap ng mahigpit ang binata kaya napalayo siya rito. Nagtama naman ang paningin nil ani Lloyd at tipid itong ngumiti sa kaniya. “You don’t need to hug me. I’m with my wife,” deretsong sambit ni Xion kay Alora at inabot ang kamay niya para hatakin siya ng marahan at muling hapitin. “Oh, I’m sorry. I didn’t mean to! I forgot you have a wife now,” tawa nito na hindi niya gusto ang tono. She’s being sarcastic and she was sure about that. Bumaba ang tingin niya sa isang kamay ni Xion na hinawakan ni Alora. Ano ‘to? Harap-harapan talaga? “Xion, some of your investor are here. Let’s meet them!” masayang sambit ni Alora at hinatak ang kamay ni Xion. Dahil nabigla siya sa ginawa nito ay muli niyang nabitawan ang kamay nito. Nagulat din siya nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Lloyd. “Let’s eat. Your husband is a busy person —” naputol ang sinasabi ni Lloyd nang may humawak din ng kamay niya. “When it comes to my wife, I am not busy. So, let go of her hand before I’ll punch your face in front of everyone,” matigas na sambit ni Xion. Dumagundong ang puso niya sa kaba dahil masiyadong mataas ang tension ng dalawa. Pati siya ay pinagpapawisan na ata dahil sa ginagawa ng dalawa. Siya na ang tumanggal ng kamay ni Lloyd bago pa makasapak ang binata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Xion at tiningnan ito tiyaka umiling para patigilin. “Tara na… gutom na ako,” bulong niya. Hindi niya na ito hinantay at hinatak na lang pero bago pa sila tuluyang makaalis doon ay nahagip ng mata niya ang pagtaas ng kilay ni Alora habang nakatingin sa kaniya. “Pwede bang ‘wag kayo mag-away?” kalmadong tanong niya sa binata nang makalayo sila kay Lloyd. “I can’t! he held your fucking hands, and I don’t like it!” he fumed. She sighed and didn’t say anything. Galit talaga ito at baka may masabi pa siyang ikakagalit nito kaya hindi na siya nagsalita. Kumalam naman ang tiyan niya at mukhang narinig iyon ni Xion kaya napatingin sa kaniya. Nakakunot pa rin ang noo nito. “Let’s eat.” Naglakad ito kaya pati siya ay napalakad dahil hawak nito ang kamay niya. Dumeretso sila sa mga pagkain at parang nakalimutan niya ang mga nangyari dahil nagningning ang mga mata niya sa pagkain. Sino ba naman ang hindi matatakam kung napakasarap ng mga pagkain sa mahabang table. Kumuha siya ng plato at saktong puno lang ang ginawa niya. Nakakahiya naman kung kumuha siya ng sobrang dami. Nang matapos silang kumuha ng pagkain ay pumunta sila sa table na bakante. As in wala silang kasabay roon at si Xion mismo ang pumili no’n. Sa una ay tahimik pa silang kumakain pero may mga nagsilapitan na mga lalaki at may kaniya-kaniya itong kasama na babae pwera sa dalawang lalaki na walang kasama at nakatingin sa kaniya. “Who’s the beautiful lady beside you?” tanong ng isang lalaki, iyong walang kasamang babae. “She’s my wife,” napansin niya ang pagdiin sa salitang ‘wife’ ni Xion. Siya naman ay hindi alam kung saan titingin dahil hindi siya komportable sa binibigay na tingin ng lalaki. “Oh, sayang, maganda pa naman. Type ko,” tawa nito. Hindi niya sigurado kung biro ito o hindi pero hindi siya natawa sa sinabi nito. “It’s fine because you’re not her type,” he said in sarcastic tone. Pinigilan niya ang pagtaas ng sulok ng labi dahil natawa siya sa sinabi ni Xion. Hindi niya alam na may side pala itong ganito. Nagsitawanan naman ang mga ibang kasama nila dahilan para mamula sa galit ang lalaki. Alam niyang galit ito dahil halata sa itsura. Hindi na ito nagsalita at umalis na lang kasama ‘yong isa pang lalaki. “Burn!” natatawang bulong niya. Mukhang hindi iyon na-gets ni Xion dahil napakunot ang noo nito at nagtatanong ang itsura. Umiling na lang siya at masayang tinapos ang pagkain habang nakikinig sa mga nakikipagkwentuhan na iba pang bisita kay Xion.          

 

CHAPTER 20    

Tahimik lang siya sa tabi ni Xion habang nakikinig sa mga pag-uusap ng mga nakapaligid sa kanila. Medyo nakaramdam siya ng out of place dahil talagang mga businessman ang halos ng tao rito. Pasimple siyang napatingin sa kabilang tabi ni Xion na si Alora, panay ang hawak nito sa braso ng binata at naiirita siya. Napabuga siya ng hangin at inalis ang tingin sa babae. Gusto niya sanang magpaalam dito para magbanyo pero mukhang na-busy na talaga ito sa mga kinakausap. Pasimple siyang naglakad palayo at tumungo sa cr dahil talagang naiihi na siya. Nang makapasok sa banyo ay dumeretso siya sa isang cubicle at doon umihi. Pagkatapos niya ay lumabas din agad siya at natigilan siya nang makita roon si Alora na nag-aayos ng makeup. Akala niya ay hindi siya nito papansinin pero nang makalapit siya rito para maghugas ng kamay ay tumingin ito sa kaniya sa salamin. “Do you have a business?” tanong nito sa kaniya habang pinapasok sa pouch ang lipstick. “Wala,” deretsong sagot niya rito. Pinagpag niya ang kamay niya at kumuha ng tissue para magpunas. “Hmm, so, it’s true that you’re just a common server in a restaurant,” puna nito sa kaniya at hinarap siya kaya hinarap niya rin ito. Hindi siya nagpapakita ng kung anong kahinaan dito. Kinakabahan siya dahil mukhang mang-aaway ito kaya mas lalong hndi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nakita niya ang pagtaas ng kabilang dulo ng labi nito. “It’s impossible that you’re Xion’s wife. Was he using you to be his wife? Well, anyways, he’s going to be mine. It’s not a threat, it’s a fact,” kumindat ito sa kaniya at ngumisi bago siya talikuran. Siya naman ay hindi makapagsalita at mahigpit lang ang hawak sa tissue. Aagawin? Tama nga ang hinala niya kaya ito gano’n umasta sa binata, may gusto nga ito kay Xion. Hindi niya alam kung matatakot ba siya sa sinabi nito o hindi. Pinaniniwalaan niya na kahit katiting ay gusto siya nito at doon na lang siya kumakapit sa paniwala niya. Isa pa’t asawa siya sa tingin ng mga nakikilala sa binata kaya hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng loob ni Alora na sabihin iyon sa harapan niya. Napabuga siya ng hangin bago lumabas ng banyo. Pagkalabas niya ay agad din siyang napahinto dahil nakita niya si Lloyd na papuntang banyo ng lalaki. Magkaharap lang kasi ang comfort room ng babae at lalaki. Nagkatitigan sila at hindi siya makapagsalita dahil sa tingin nito sa kaniya. Akala niya may sasabihin ito dahil medyo bumuka ang labi nito pero nauwi rin sa ngisi. Kumunot ang noo niya at sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok sa cr. Lloyd was very kind to him but now he doesn’t know anymore. Para bang naging misteryoso ito sa kaniya dahil sa pagdaliang pagbago, o talagang ganito naman ito? Ayaw niyang manghusga pero hindi niya rin mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano. Bumalik siya sa pwesto nila kanina at nakita niyang wala ng kausap na iba si Xion, tanging si Alora na lang. Napatingin pa sa kaniya ang babae at lalong ngumisi bago haplusin ang dibdib ng binata habang nakatingin sa kaniya. Naikuyom niya ang kamao dahil sa matinding iritasyon na bumubulusok sa kalooban niya. Gusto niyang sabihan na ahas ito pero hindi naman kasi sa kaniya si Xion. They’re just pretending that they are married and a happy couple. Deretso siyang tumungo kay Xion at nang makalapit ay hinawakan niya agad ang kamay nito at hinatak. “Oh, you’re here. You didn’t say that you’re going to the comfort room,” ani nito sa malambot na ekspresiyon nang makabaling sa kaniya. “Pagod na ako, pwede na ba tayong pumunta sa room natin?” deretsong sambit niya habang nakatingin sa mga mata nito. Kita niya roon ang pagtataka nito pero hindi na rin nagtanong. “You’re tired already?” singit ni Alora sa kanila. May hawak na itong wine glass at elegante itong uminom. “You’re too boring. Xion might get tired of you, mabibitin siya sa’yo ...” hinaplos nito ang braso ni Xion habang nakatingin ito sa mga mata ng binata. “… pero pwede naman ako kung nabitin ka, I’m just one call away, darling,” she added while looking at Xion. Naintindihan niya ang sinabi nito kaya napahigpit ang hawak niya sa kamay ng binata. Hahatakin na niya sana si Xion nang magsalita ito. Gusto niyang matawa dahil harap-harapan talagang nilalandi nito ang binata. Hindi siya makapaniwala sa kilos ng babaeng ‘to. “You’re very wrong because I’m delighted every second, every minute, and every hour. She’s that amazing, and I bet you’re not,” Xion said casually. Nawala ang ngiti sa labi ni Alora at parang napahiya ito. Nakagat niya ang ibabang labi dahil ang mukha niyang kaninang inis na inis na ay napalitan ng tuwa. Xion compliments her about being fantastic in bed. Hindi na nila ito hinantay magsalita pa at hinatak niya na ng tuluyan ang binata. “We’ll not staying here. We’re going to another hotel, I already book a room for us,” sambit nito sa kaniya at hinawakan ng maayos ang kamay niya. Xion intertwined their fingers and slay their exit with a smile. Nawala ang inist niya sa katawan at napalitan ng tuwa. Naging proud siya sa sarili niya dahil pakiramdam niya napaka[1]loyal ni Xion sa kaniya. Sumakay sila sa sasakyan at pinaandar naman agad ng binata. Napatingin siya rito nang hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan habang nakatutok pa rin ang mata sa daan. “Don’t be bothered by her,” ani nito. “Hindi naman,” tanggi niya rito. “I saw your face and you don’t look good, baby,” he chuckled. Napanguso naman siya at inayos ang pagkakaupo para matingnan niya ito. Napatingin siya sa dibdib at braso nito na ilang beses hinawakan ni Alora. Tinaas niya ang isang kamay para abutin ang braso nito. Pinagpagan niya ang damit nito banda sa braso at sa dibdib. “Kanina ka pa hinihipuan pero hindi mo naman pinapatanggal,” mahinang ani niya. “Baby, I thought she was just tapping me. I don’t care about her so don’t be jealous,” he smirked. Napanguso siya lalo rito. Bigla na naman pumasok sa isip niya ang paghawak ng babae sa binata. “Besides, I already told her that I’m satisfied with you. I only need you and that’s what important, right?” piniga nito ang kamay niya at mabilis na tumingin sa kaniya at ngumiti. Nag-init naman ang pisngi niya dahil kinilig siya sa sinabi nito. Dumating sila sa hotel kung saan sila matutulog ngayong gabi. Pagkaakyat nila ay tumungo sila sa isang suite room. Nilibot niya agad ang kwarto pagkapasok dahil maganda nag disenyo ng loob pati na rin ang malaking banyo na may jacuzzi pa. Sigurado siyang napaka-komportable roon magbabad. Napalingon siya nang may humawak sa bewang niya galing sa likod. Xion back hugged her and kissed the top of his head. “Do you want to use jacuzzi?” tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti rito. “Parang masarap magbabad.” “Okay, let’s relax in the jacuzzi. Wait here, I’ll order some wine and a snack,” sambit nito at hinalikan siya sa labi ng mabilis. Tumawag ito gamit ang telepono na nasa kwarto nila at mayamaya rin ay dumating na ang inorder ni Xion. Nagtali na siya ng buhok bago hubarin ang kaniyang damit. Wala siyang tinirra ni-isang saplot dahil wala naman na siyang itatago sa binata. “You’re seducing me, big time,” he stated while looking at her. Nagkibit balikat lang siya at ngumisi rito bago dumeretso sa jacuzzi. Napapikit siya nang mailubog niya ang katawan sa tubig. Sumandal siya sa isang tabi at napapikit dahil nare[1]relax talaga ang katawan niya. Pagkatapos ayusin ni Xion ang wine at snacks nil ana ipinatong sa tabi ng jacuzzi ay lumusong na rin ito sa jacuzzi. Kitang-kita na naman niya ang perpektong katawan nito. Napanguso pa siya dahil nagtira pa ito ng isang saplot sa ibaba. “Stop staring at my friend, baby. He’s fucking hard now,” bumuntong hininga ito at napasuklay sa buhok. Hinatak siya nito kaya umikot siya para makapwesto sa pagitan ng hita nito at mapasandal sa dibdib ng binata. Inabot nito ang wine glass na may lamang red wine at nag-cheers sila bago uminom. She feels relax but her body is starting to embrace the heat because of Xion’s hand. “I want a dessert, baby. Can I eat you?” he murmured in her ears.        

 

CHAPTER 21    

Day off ngayon ni Aj kaya naglinis siya ng buong bahay. Simple lang naman ang mga ginawa niya dahil hindi naman sobrang dumi ng bahay. Pagkatapos niya ay nagluto siya para sa tanghalian niya. Wala si Xion dahil may importante raw itong meeting buong araw at magiging busy, naiintindihan niya naman ‘yon lalo na’t alam niyang may kompanya ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman ito. Baka nga kasing yaman nito ang asawa niya. Natigilan naman siya dahil naalala niya ulit ang contract husband niya. Pati si Francis din ay naalala niya bigla, matagal tagal na rin noong huli niya itong makausap. Hindi naman kasi siya nagte-text dito. nahihiya siyang mangamusta dahil baka busy rin ito. Nang matapos sa pagluluto ay kumain na rin siya at tinext si Xion para tanungin kung kumain na rin bai to. Napangiti naman siya nang nag-reply rin ito pero nawala iyon nang mabasa ang mensahe nito. From My Xion, Not yet, baby. I’m so busy. Maybe later. Enjoy your lunch. To My Xion, Kumain ka na! ‘wag ka magpalipas ng gutom dahil masama. From My Xion, Fine, I’ll eat. Don’t worry. Text you later. Napatitig na lang siy sa huling mensahe nito. Alam niyang hindi ito agad kakain. Pakiramdam niya na sobrang busy talaga nito dahil hindi man lang siya magawang tawagan. Madalas kasi pag siya ang unang nagte-text ay tatawag agad ito sa kaniya. Nag-aalala tuloy siya sa binata dahil nalipasan na ito ng gutom. Pagkatapos niya kumain ay naglipigpit at naglinis na siya. Tumunog na naman ang cellphone niya at alam niyang tawag iyon kaya dali-dali niyang kinuha dahil nasa isip niyang si Xion iyon pero hindi naman pala. Numero lang ang nakalagay pero sinagot niya pa rin. “Hello?” bati niya. “Aj… How are you?” Nag-isang guhit ang labi niya nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya. “Lloyd? P-paano mo nalaman ang number ko?” tanong niya at hindi pinahalata ang gulat na boses. “From your co-worker, Dianne. You have a day off today?” kaswal na tanong nito. “Ah… oo,” alanganin niyang sagot. Nagtataka kasi siya kung ano ang pakay nito sa pagtawag ngayon. Out of nowhere ay bigla nitong kinuha ang numero niya at tinawagan siya. She doesn’t want to judge but she was curious why he called her. “I just want to ask if you’re okay right now. I am sorry because I can’t stop Alora to do what she wants,” ani nito na ikinakunot ng noo niya. “Anong ibig mo sabihin?” “Uh, it’s not a big deal actually if you’re not a jealous person.” “Deretsuhin mo ako, Lloyd,” hindi mapigilan na sambit niya sa inis na tono. Natigilan ito saglit pero nagsalita rin naman. “Wow… my name sounds good when you say it,” he said with a raspy voice. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng iritasyon dahil sa komento nito. “Well, probably, Alora was eating lunch with your husband now at his office?” Nahigpitan niya ang kapit sa cellphone na hawak. Mayamaya ay nag-vibrate ang cellphone niya kaya naibaba niya iyon. Galing ang text message kay Lloyd. May naka-pin doon na address at hindi niya alam kung ano ‘yon. “Ano ‘tong sinend mo?” “You didn’t know your husband’s company address?” he chuckled. Nanlaki naman ang mata niya. “Alam ko! Pero hindi ko lang alam ang eksaktong address kaya nagtanong pa ako para sure,” bawi niya agad. “Hmm… okay? Just thank me later. Maybe, we can hangout and drink until we pass out?” Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sinabi nito o ano pero hindi na lang siya nagsalita at pinatay ang tawag. Lloyd wants to mess with her and he was great at doing that because she is now curious as hell. She likes Xion, no she loves Xion and just a think that the man she loves is with another woman right now makes her heart ache. Hindi naman siya selosa talaga pero ewan niya ba kung bakit siya nakaramdam ng takot. Dahil siguro wala silang label? Nagpapanggap lang silang mag-asawa sa paningin ng kapatid nito at sa iba? At higit sa lahat hindi siya sigurado sa nararamdaman ng binata para sa kaniya. Napabuga siya ng hangin at hindi na nagdalawang isip na kumilos para magbihis at pagkatapos ay tunguin ang address na kung saan naroroon ang binata. Xion was so busy and he even forgot to eat his lunch. Kung hindi pa tumawag ang asawa niya ay tuluyan niya ng makakalimutan ang pagkain. He let out of heavy sigh when Alora still in his office, she is now preparing a food for their lunch. Nagpa-deliver ito at dumating naman kaagad. Ito ang ka-meeting niya dahil client nila ito. Hindi siya ang architect nito pero dahil sa kompanya niya ito kumuha ay wala siyang magagawa kun’di pumayag na lang na mapasama siya sa meeting. Hindi niya alam kung sinadiya ba nito kunin ang bagong architect nila para hindi siya makatanggi. He was willing to guide all the new architect in his company. Gusto niyang walang maging problema at walang reklamo ang mangyayari sa pagitan ng client. “Come on! Let’s eat,” sambit nito sa kaniya at tinaas pa ang kamay para sumenyas na lumapit na siya sa may couch na kaharap ang glass table. “Fine. After this, our meeting should be continued. I don’t want to waste a time, Ms. Dela Fuente,” pormal na ani niya. Ngumiti naman ng malawak ang babae at tumango. “Of course, this will not be a waste,” she smiled. Lumapit na siya roon at walang nagawa kun’di kumain kasabay nito. Nagku-kuwento ito ng kung ano-ano pero hindi niya na pinapakinggan dahil ang pokus niya lang ay makatapos ng pagkain. “Excuse me sir,” napalingon siya sa pintuan nang bumungad sa kaniya ang secretary niya. “Yes,” tumikhim siya at uminom ng tubig. Bago pa ito magsalita bigla siyang napalunok nang biglang lumitaw doon si Aj. May dala itong paperbag at ang mata nito ay tumitingin sa kaniya at kay Alora. “Oh! Your wife is here,” kiming ngiti ni Alora. Napatayo siya kaagad at nilapitan ang dalaga. “You’re here… how did you know where’s my office?” he murmured when he got near to her. Tumitig ito sa mga mata niya at mabilis na tumingin sa bandang gilid. Fuck. Parang may nagawa siyang mali kahit wala naman. “Tama nga siya…” “What?” tanong niya dahil hindi niya naintindihan ang binulong nito. Umiling ito at ngumiti ng tipid tiyaka yumuko at tumingin sa paperbag na dala. “Hinatiran sana kita ng pagkain pero mukhang busog ka na,” halos pabulong na ani nito. He licked his lower lip out of his frustration. He feels so sorry because he ate with Alora. “Baby,” he murmured. Tinaas niya ang baba nito para mapatingin sa kaniya pero umiwas naman ito ng tingin. “I’m sorry…” Hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry pero ‘yon ang gusto niya sabihin ngayon. “She’s a client—” “Horton?” sambit nito habang nakakunot ang noo. Napalingon siya para sundan ang tinitingnan nito at nakita niyang nakatitig ito sa desk name plate niya. “Horton ang surname mo?” tanong pa nito ulit. Siya naman ay naguguluhang binalik ang tingin dito. Nakasalubong ang kilay nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa buong pangalan niya.         

 

CHAPTER 22    

Hanggang sa makaalis sila ni Xion sa kompanya nito ay malalim pa rin ang nasa isip niya. Hindi mawala sa isip niya ang surname ng binata. Saan ko ba ‘yon narinig? Sigurado siyang narinig niya na iyon kung saan hindi niya lang matandaan. Iwinaksi niya na lang ang nasa isip at tumingin sa daan, hindi niya alam kung saan sila papunta ngayon. “Look, Alora is just a client. Napilitan lang ako kumain dahil hindi siya titigil sa kakakulit sa akin,” biglang paliwanag nito na ikinatingin niya. Ngumiti naman siya ng tipid at tumango dito. “Baby… can you please talk?” he said frustratedly. Nagulat pa siya dahil bigla nitong tinabi ang kotse at tiningnan siya. “Ano ka ba, okay lang talaga,” nakangiting ani niya. Inabot nito ang kamay niya at pinisil ng marahan. “You rarely talk at me since you saw me with Alora.” Hindi siya summagot at binaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak. Ayaw niya kasing ipakita na nagseselos siya, wala naman kasi siyang Karapatan. “And… how did you know where my office is?” nagtatakang tanong nito sa kaniya. Medyo kinabahan siya dahil alam niyang hindi nito magugustuhan na ang kapatid nito ang nagsabi sa kaniya. “S-sinabi ni Lloyd…” Kinagat niya ang ibabang labi, “… siya ang nagsabi sa akin na… na kasama mo si Alora,” pagtutuloy niya. “What?! Did he just go to my house?!” matigas na bulalas nito. Napaangat naman ang tingin niya at tiningnan ito ng may halong pagtataka. “B-bahay mo?” Nagtama ang paningin nila pero bigla rin itong umiwas ng tingin. Sumandal ito sa kinauupuan at napasuklay sa buhok gamit ang isang kamay. “I mean… to the house we’re staying at,” mahinang ani nito. Dahan-dahan siyang napatango bilang tugon na naintindihan niya ito. “Hindi… Kinuha niya ang number ko kay Dianne kaya niya ako natawagan.” “Block his number. Don’t answer his call or messages,” utos nito sa kaniya. Napabuntong hininga siya, alam naman niyang hindi talaga magkasundo ang dalawa pero kailangan niya pa ba i-block talaga ang number ng kapatid nito? “Xion… pwede ko bang malaman kung anong pinag-awayan niyo?” she asked curiously. May times na naiinis lang talaga siya inaasta ni Lloyd lalo na noong nalaman nitong asawa siya kuno ng kapatid nito. Nakilala niyang mabait ang lalaki at alam niyang may kabutihan naman ito pero natatabunan na ngayong kilala siya nito bilang asawa ni Xion. “Sorry… I can’t explain it to you,” ani nito at umiwas ng tingin. Medyo napahiya siya bigla, nakalimutan niyang wala pala siyang karapatan magtanong dito. Wala siyang karapatan maki-isyoso sa buhay nito. Kiming ngumiti siya sa sarili at dahan dahan na napatango. “Okay…” Sumandal siya sa upuan at binaling ang tingin sa gilid. Narinig niya na tumunog ang cellphone nito. “Hello?... yeah, yeah… okay, I’ll be back right away… okay…” Pinaandar agad nito ang sasakyan bago muling magsalita. “I’ll just drop you to the house. I need to go back to the office. I have an important meeting—” “Diyaan na lang ako sa supermarket!” putol niya agad sa sasabihin nito nang matanaw na may supermarket na malapit. “No, I’ll drop you to my house,” matigas na sambit nito. Hindi niya pinansin ang pagkakasabi nito at umiling na lang. “May bibilhin ako, importante, dadaan naman kasi talaga ako sa supermarket pagkatapos ko sayo ibigay ang pagkain,” bumaling siya rito at ngumiti. Pinakita niya na nagsasabi siya ng totoo kahit hindi naman talaga. Reason niya lang ang pagpunta sa supermarket para ibaba na siya nito. Ewan niya ba, sumama ang loob niya. She was jealous and now disappointed to herself because she was like a fool and acting like a real wife to him. “Fine. Send me a text message if you got home, okay? Take care,” ani nito at akmang hahalikan siya nang mabilis siyang umiwas at binuksan ang pinto ng sasakyan. “Ingat,” sambit niya habang nakayuko at sinarado na agad ang pinto ng kotse. Tumalikod siya at naglakad papalayo sa sasakyan nito. Hindi na siya naghintay ng sasabihin pa nito at umalis na. Kagat-kagat niya ang labi dahil ang bigat bigla ng pakiramdam niya. “Wala kang karapatan pumasok sa buhay niya, wala ka rin karapatan magselos, Aj. Umayos ka!” inis na bulong sa sarili. Dere-deretso lang siya hanggang sa makapasok sa supermarket kahit wala naman talaga siyang bibilhin. Umikot lang siya sa loob at napabili na rin, incase na tanungin siya ng binata kung ano ang binili niya. Nagtagal ata siya ng kalahating oras sa supermarket dahil paikot-ikot lang siya habang malalim ang iniisip. Pagkatapos niya magbayad ay lumabas siya ng supermarket pero sa likod siya dumaan, sakto naman na may taxi siyang nakita kaya doon na siya sumakay. “Saan po tayo ma’am?” tanong ng driver. Hindi siya kaagad nakasagot dahil maski siya hindi alam kung saan gusto pumunta, basta ang alam niya lang ayaw niya pa umuwi. “May alam po ba kayong pwedeng tambayan dito manong?” tanong niya sa driver. “Ay, broken hearted ka ba ma’am?” tanong bigla ni manong. “Paano ba naman kasi, noong isang araw may sakay din ako na dalaga at hindi alam kung saan pupunta tapos umiiyak pa!” dagdag pa nito. Napakamot naman siya ng ulo at napailing na lang. “H-hindi po manong… ayaw ko pa kasi umuwi, gusto ko pa gumala,” pagdadahilan niya pero mukhang hindi naniwala sa sinabi niya. “Oh siya, doon ka na lang pumunta sa rooftop pub ma’am, masasarap ang pagkain at maganda pa ang view. Pwede kang uminom, pwede kang kumanta, pwede kang making sa banda, tutal malapit na mag 4pm, mag-start na ang banda roon.” Tango na lang ang tanging tugon niya. Dahil wala rin naman siyang alam puntahan, pumayag na siya sa suggestion ni manong. May kalayuan din ang pinuntahan nila dahil umabot ng 300 ang babayaran niya. Dahil mabait ang driver inabutan niya ito ng 350 bilang tip na rin dahil ligtas siyang nakarating sa lugar. “Maraming salamat po,” sambit niya bago tuluyan lumabas ng taxi. Napatingala siya sa building dahil mataas ang building na ‘yon. Pumasok siya at nagsabi sa guard na pupunta siya sa rooftop pub. Tinuro naman nito ang elevator at sinabing pindutin niya lang ang R button. Pagkapasok niya ay natigilan siya at napatingin sa kasabay niyang pumasok. “Lloyd?” halata sa boses niya ang pagkagulat. Ngumiti ito ng tipid sa kaniya at mukhang hindi man lang ito nagulat na nakita siya nito rito. “Hey… what happened to your visit in my brothers company?” kaswal na tanong nito. Sumeryoso ang mukha niya dahil pakiramdam niya ay sinundan siya nito. “Sinundan mo ba ako?” Ayaw niyang maging feelingera pero iyon lang ang nasa isip niya. “Kinda? Nakita kita bumaba ng taxi habang papasakay ako sa kotse kaya naisipan kong sundan ka. Galing ako sa liquors store, sa tapat ng building na’to.” Hindi siya nagsalita at iniwas na ang tingin dito. Pipindutin niya sana ang R button pero nakapindot na. “You’ll eat or you’ll drink?” Napabuga siya ng hangin at tiningala ito dahil sa tangkad nito. “May problema ka ba sa akin?” deretsong tanong niya. “I don’t have a problem with you… but things happened. I didn’t know you’re my half-ass brother’s wife,” he scoffed. Her body frozed a little before she reacted. “Half brother?” Ngumisi ito ng kakaiba pero may kung anong emosyon siyang hindi mawari sa mga mata nito. Hinarap siya nito at tiningnan ng mabuti sa mata. “It seems you didn’t know your husband well, Aj. Are you his real wife or a fake?” Napaatras siya ng humakbang ito papalapit sa kaniya. Napapikit siya nang yumuko ito at nilapit ang labi sa pisngi niya. “If you don’t want to be with him, just tell me, I can get him from you, and I’m willing to do it,” he muttered. Her eyes widened when she felt his lips touch her cheeks. “You’re goddamn cute,” nanggigil na sambit pa nito. Hindi na siya naka-react nang lumabas na ito sa elevator dahil tumunog na iyon. Siya naman ay hindi na nakalabas at hinayaan na lang magsara muli ang pintuan ng elevator. Pinindot niya agad ang ground floor para makaalis sa lugar na ‘yon.         

 

CHAPTER 23    

Umalis siya sa lugar na ‘yon at umuwi na lang. Punong-puno ang isip niya dahil sa sinabi ni Lloyd at sa ginawang paghalik nito sa pisngi niya. She knows that Lloyd was flirting to her and she doesn’t like it. Pinipilit niyang intindihin si Lloyd dahil galit ito sa kay Xion kaya pati siya ay nadamay sa galit nito. Pakiramdam niya ay sinasadiya talaga siyang guluhin at asarin ni Lloyd. Nang makarating siya sa bahay ay nangunot ang noo niya dahil nakita niya ang kotse ni Xion na nasa garahe na. Pagkapasok niya ay nagulat siya dahil may bouquet ng bulaklak na nakalagay sa gitna ng lamesa ng living room. “Baby… where did you go? I waited for you,” he smiled and get the flowers. Siya naman ay natulala lang nang iabot nito sa kaniya ang bulaklak. “K-kala ko ba may importanteng meeting ka?” gulat niyang tanong. Hindi pa rin siya makapaniwalang nandito na ito, parang halos dalawang oras pa lang ang lumipas simula noong magkahiwalay sila sa supermarket. “Yes. The first one was done and the others, my secretary could handle it. I was here 30 minutes ago, where did you go after the supermarket?” Tanong pa nito habang pinadausdos nito ang kamay sa bewang niya. Napahawak naman siya ng mahigpit sa bulaklak. Kanina lang ay masama ang loob niya sa sarili dahil masiyado siyang umaasa sa binata pero ngayong nilalambing siya nito ay parang naglaho na lang ang sama na nararamdaman niya. Marupok ka, Aj… “D-diyan lang… naglibot lang saglit,” paliwanag niya at nautal pa nang halikan ng binata ang tuktok ng ulo niya. “Bakit ka pa umuwi agad? Dapat tinuloy mo na lang ‘yong mga importanteng meeting mo,” kaswal na ani niya. Umalis siya sa pagkakayap nito at tinalikuran ang binata. Galing siya sa labas at naarawan siya, baka amoy araw na siya, nakakahiya naman. “I’m sorry… are you mad at me?” Umiling siya bilang tugon. Inayos niya ang bulaklak sa bakanteng vase para hindi agad iyon masira. Napapitlag siya nang muling maramdaman niya ang kamay ni Xion sa bewang niya. Niyakap siya nito galing sa liko kaya hindi siya makagalaw. “Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?” tanong niya at tumawa pa. “Because I need to go back to the office—” “Naiintindihan kong may iba ka ring trabaho, kaya okay lang talaga,” putol niya rito at nilingon ito para makita ang mukha. Ngumiti pa siya para masigurado ito. Hindi naman niya kasi p-pwedeng sabihin na naiinis siya sa sarili niya dahil sa nararamdaman niya. Ayaw niyang umamin sa binata, hindi pa siya handa. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa’t isa. Hinawakan niya ito sa balikat at tinapik. Kakawala na sana siya sa yakap ng binata nang mas humigpit pa ang yakap nito at sa isang iglap lang ay magkadikit na ang kanilang labi. Sa totoo lang ay nagulat siya sa ginawa nito pero dahil nga isa siyang marupok ay hindi na siya nagpumiglas pa at sinabayan ang galaw nito. Awtomatikong umangat ang kamay niya at pinulupot ang kamay niya sa leeg nito para kumuha ng suporta. Her knees wobble in so much desire. Binuhat siya ni Xion na paharap na parang bata. Naramdaman niyang umakyat ito kaya naidilat niya ang mata. Their eyes met and she knew that both of them wants each other. “I want dinner, baby… I want you,” he said in his usual baritone voice. Because of what he said, her body is on fire again. Nang makapasok sa kwarto ay agad siyang binaba nito sa kama. Hindi na siya nakapagsalita pa nang alisin nito agad ang saplot niya sa katawan. He looks like a predator who is ready to eat his target. Bawat dausdos ng kamay nito sa balat niya ay mas lalo lang siyang nababaliw rito. “Xion…” “Oh fuck… I miss this,” he stated. Her blushed because of what he said. Paano ba naman hindi siya mamumula, nilamutak agad ng binata ang kaniyang maselang parte sa ibaba. “Oh… Xion!” she shouted when Xion bite her sensitive buds. Inabot niya ang buhok nito at napasabunot doon dahil sa sensasyon na nararamdaman. He’s so wild right now! And she likes it. “Sweet,” he mumbled when she reached her climax. Napapikit siya dahil sa hingal at init na nararamdaman. The aircon was on but she felt so hot, big time. Sino ba naman ang hindi maiinitan kung si Xion ang kaharap. Pagdilat ng mata niya ay bumungad sa kaniya ang tayong[1]tayo na kaibigan nito sa ibaba. Napalunok siya ng wala sa oras dahil kahit nakita niya na iyon parang lagi ata siyang magugulat sa laki nito. Si Xion na ata ang pinagpala sa lahat. Napalunok muli siya nang magtama ang paningin nila. Dinilaan nito ang ibabang labi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. His muscles are also flexing and his veins are now more visible. Hindi niya na ata nabilang kung ilang beses siyang napalunok. “Bakit ba ang guwapo at ang sarap mo?!” Nanlaki ang mata niya nang maibulalas niya ang dapat sa isip niya lang sasabihin. Nakagat niya ang ibabang labi nang sumilay ang ngisi sa labi ng binata. Agad niyang iniwas ang tingin dito sa sobrang kahihiyan. Nagmukha ata siyang sabik na sabik sa binata. Inabot niya ang comforter para magtago dahil sa kahihiyan na naramdaman pero naunahan na siya ng binata dahil umibabaw na ito at hinawakan ng mariin ang palapulsuhan niya. “Look at me, baby,” he said in a husky tone. Minura niya ang sarili sa isip. Paano siya titingin sa binata kung napahiya na siya sa ganitong eksena? They are making love and she said that. Making love… At least for her, it’s making love, not just ordinary sex. “Baby,” malambing na sambit nito kaya wala siyang nagawa kun’di tingnan ito. Ramdam niya pa rin ang init sa pisngi niya. “You’re beautiful too— no, no words can describe how beautiful you are. Plus…” She closed her eyes tightly when Xion caressed his boob. “… you’re mouthwatering and luscious.” Umawang ang labi niya nang maramdaman ang pagpasok ng kahabaan nito sa kaniya. Napayakap siya ng husto sa binata lalo na nang abutin nito ang isa niyang hita para maibuka pa iyon. She can only hear how they became one again. His moan and hers are like a piece of music for her. Hindi niya na alam kung anong oras sila natapos dahil sa kapaguran ay nakatulog agad siya. Nagising na lang siya nang makaamoy ng mabangong pagkain sa kwarto. Parang may nagrambulan sa tiyan niya nang makita si Xion na naka-topless at apron lang ang suot pang-itaas. “Good morning! Breakfast in bed,” he said and kissed her forehead. Napangiti naman siya at hindi makapagsalita. He prepared a toasted sandwich with milk and fruits. “Sorry, you didn’t have time to eat a proper dinner yesterday,” ani nito pero kita niya ang kalokohan sa ngiti ng binata. “Okay lang nabusog naman ako,” she joked. Mukhang nagulat ito dahil nagbiro siya ng gano’n. Xion groaned and tilted his head, “Baby… don’t talk and start eating now. I might get my breakfast and you might not eat proper food again,” pinagdiinan talaga nito ang ‘might’ at ‘proper food’ kaya natawa siya. Xion is getting playful now. Hindi niya alam kung sa kaniya lang ba talaga, pero iyon na nga ang napapansin niya. Tumayo lang siya saglit para magbanyo, pagkatapos niya umihi ay nagmumog lang siya at inayos ng kaunti ang sarili. May suot na rin naman kasi siyang isang malaking t-shirt ni Xion at alam niyang ito ang nagbihis sa kaniya. Pagkabalik niya sa kama ay mas nakaayos na ang pagkain sa table na nilapag sa malaking kama. Bumalik siya sa kama at umupo ng maayos. Inabot niya ang gatas para uminom bago kunin ang sandwich para kainin. Unang kagat niya pa lang ay halos gusto niya ng tumalon sa kama dahil sa sobrang sarap. Hindi siya nagbibiro o walang halong kasinungalingan dahil si Xion lang ang gumawa. “Ang sarap!” tuwang bulalas niya. Gutom siya tapos sobrang sarap pa ng kinakain niya kaya mas lalo siyang nagutom. “Of course, masarap talaga ako ‘di ba?” Napanguso siya dahil naalala niya na naman ang nasabi niya kagabi. “Kumain ka na nga!” sambit niya at nilapit dito ang isang sandwich. Umiling naman siya at hinawakan ang kamay niya kung nasaan ang sandwich na kinagatan niya. Doon ito kumagat at ngumiti ng malawak. Napairap na lang siya dahil sa sobrang kilig. Paanong hindi siya aasa kung ganito ka-sweet si Xion? Hindi niya rin talaga masisi ang sarili. “By the way… I need to leave tomorrow,” marahang sambit nito. Napatitig naman siya rito at hinantay lang ang mga susunod na sasabihin habang kumakain siya. “I’ll leave you here for a week. I have important business trip starting tomorrow and I can’t cancel that.” Hinawakan nito ang kamay niya at kita niyang tinatansiya siya nito kung anong magiging reaksyon niya. Para namang piniga ang puso niya. Nagpapaalam si Xion sa kaniya kahit hindi naman nito kailangan magpaalam sa kaniya. Siguro as a bodyguard and a driver? Pero nakalimutan niya na nga na bodyguard niya ito dahil parang tunay na mag-asawa na sila sa pamamahay na ito. “I’m sorry because I need to leave you here alone,” he added. Mas lumapit ito sa kaniya at niyakap siya sa gilid. Ngumiti naman siya rito, iyong totoong ngiti. “Hindi mo kailangan magpaalam sa akin, Xion. Alam ko namang busy ka dahil marami kang trabaho. Tiyaka, okay lang naman ako na mag-isa rito. Hindi naman ako bata!” tawa niya pa. Hindi siya magtatampo dito dahil alam niya kung gaano kaimportante ang trabaho. “You’re not getting mad at me?” Hinarap niya ng maayos si Xion at inabot ang pisngi nito tiyaka pinanggigilan ang kabilang pisngi. “Ang cute mo talaga! Hindi nga, promise! Naiintindihan ko, basta pasalubungan mo ako ha?” paglalambing niya rito at niyakap pabalik. “Sure. I’ll buy you macarons from Paris,” ngiting sambit nito. “Sa paris ka pupunta?” gulat na tanong niya. Gusto niya rin kasi makapunta roon. “Yes, baby. Do you want something from there?” tanong nito habang nakayakap pa rin sa kaniya. “Eiffel tower!” natatawang sambit niya. Nawala naman agad ang tawa niya ng sumeryoso ito at parang may malalim na iniisip. “Joke lang!” dagdag niya pa. “Oh, is that a joke? Because I’m thinking how can I get that just to give it to you,” he said in a serious tone. Napabuga siya ng hangin at napailing dito. “Baliw ka ba? Ang laki laki no’n at paniguradong hindi binebenta ‘yon!” pagre-react niya. Tawang-tawa tuloy siya rito dahil sa kaseryosohan. Inubos niya ang mga pagkain na inihanda ni Xion habang nagk-kwentuhan sila. She woke up and she will surely end her day with a smile in her face.        

 

CHAPTER 24    

Isang araw na ng mag-isa lang siya sa malaking bahay. Hindi naman totally mag-isa dahil sinusundo at hatid siya ng babaeng driver na dating naging driver niya noong wala rin si Xion. Ngayon niya nga lang ulit naalala ang contract husband niya. Hindi niya alam kung paano kinakausap ito ng binata. Medyo na-bothered din siya dahil gumagawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa niya. Kahit hindi niya ito kilala pakiramdam niya kasalanan pa rin ang ginagawa niya dahil kasal pa rin sila kahit sa papel lang. Napabuga siya ng hangin at pinagpatuloy ang paglilinis ng lamesa. Nasa restaurant kasi siya at kasalukuyang naka-duty. Nagbigay na rin siya ng resignation letter. Nakapagdesisyon na siya na bumalik na lang sa pagbi-business dahil mas malaki ang kita roon. Ang bilis ng panahon at mag a-apat na buwan alakna siya roon. Malaki na ang ipon niya dahil idagdag mo pa ang sweldo niya sa contract husband niya na hindi niya nababawasan dahil sa sweldo niya sa restaurant at allowance pa sa living expenses niya. “Paano ba ‘yan? Hanggang linggo ka na lang pala rito, siguraduhin mong magkikita pa rin tayo ha?” sambit sa kaniya ni Dianne nang makabalik siya sa counter. Ngumiti siya rito at tumango. “Oo naman! Bibisita pa rin ako rito paminsan.” “Tiyaka pag nakapagbenta ka na ulit ng cosmetics, alukin mo ako at bibili ako. Mag-aalok din ako sa mga kakilala ko para naman may benta ka kaagad!” “Salamat sa suporta, Dianne,” pagpapasalamat niya rito. Mami-miss niya talaga ang mga tao sa restaurant na ‘to. Swerte na talaga siya dahil walang toxic na ka-trabaho siya rito. Lahat ay mababait at maintindihin pag may emergency ka at hindi ka makakapasok. Pati na rin ang owner na manager pa na si Ms. Sharron. Wala siyang masabi na masama sa restaurant at mga empleyado. Kung malapit lang si Maceh dito ay ipapasok niya ito sa restaurant na ‘to. Bumati siya nang may pumasok na customer pero natigilan din siya kaagad nang makita si Lloyd na papasok. Kahapon din ay pumunta rin ito at may dalang bulaklak para sa kaniya. Ayaw niyang ipahiya ito sa iba kaya wala siyang nagawa kun’di tanggapin. “Good evening. Ikaw na ulit ang bahala kung ano ang dapat kung kainin para sa hapunan,” ngiting sambit nito sa kaniya sabay abot ng tatlong pirasong bulaklak. “’Di ba sabi ko sa’yo na ‘wag mo na akong dadalhan ng bulaklak? May asawa ako, Lloyd,” bulong niya rito. Parang wala lang ang sinabi niya rito dahil ngumiti lang ito at nagkibitbalikat. “I like you, that’s why I’m giving you a flower and a chocolate,” kaswal na ani nito. “Kasal ako. May asawa ako.” “I know. And I can get you from him,” ngisi nito. Nainis siya sa sinabi nito at nayabangan na rin. “Ano ba ang problema mo? Gusto kong intindihin ka pero hindi ka na nakakatuwa,” mariin na sambit niya sa mahinang boses. Mabuti na lang ay kaunti lang ang tao at nasa dulo umupo si Lloyd. “The problem is I already like you but when I found out that you’re that asshole’s wife… Hmm… I kinda want to mess him a lot? Well, I still like you, so I’ll do what I want,” mahabang sambit nito. Straightforward ito magsalita at parang wala lang ang mga sinasabi nito, hindi man lang nahiya o ano. “Tumigil ka na Lloyd. Wala kang mapapala sa akin,” ani niya at tinalikuran na ito. Wala siyang oras para makipaglokohan dito, inaaksaya lang nito ang oras niya. Dumeretso siya kay Dianne para sabihin na ito ang umasikaso kay Lloyd. “Ginugulo ka na ba niya? O sadiyang ayaw mo lang talaga magpaligaw?” bulong ni Dianne sa kaniya. Alam niyang napapansin naman na ng lahat ang ginagawa ni Lloyd sa kaniya. “May asawa na ako, Dianne at ang kapatid niya ang asawa ko,” sambit niya rito na ikinagulat ng kaibigan. Hindi niya naman kasi sinasabi ang tungkol sa bagay na ‘yon pero kung matutulungan siya ng kaibigan para mapalayo kay Lloyd ay sasabihin niya na kahit kasinungalingan pa ang bagay na ‘yon. Kailangan niyang panindigan ang pagiging mag-asawa nila ni Xion para lang sa binata. “K-kasal ka na?!” gulat na tanong nito at napatakip pa sa bibig. Napabuntong hininga siya at tiyaka tumango. “Si Xion ang asawa ko. Magkapatid sila ni Lloyd,” deretsong sambit niya na parang hindi siya nagsisinungaling sa kaibigan. Gusto niyang manghingi ng tawad dahil sa sinasabi niyang kasinungalingan pero hindi naman kasi niya puwedeng ilaglag ang relasyon nilang dalawa. Hindi niya puwedeng sabihin na bodyguard niya si Xion at may asawa talaga siya na hindi niya pa nakikilala. “Iyong… Iyong guwapo na laging hatid sundo ka?!” Pinanlakihan niya ng mata si Dianne dahil mas napalakas ang boses nito. “S-sorry! Nadala lang! Grabe naman kasi… Ikaw lang ba anak ni lord? Bakit ang guwapo ng mga nakapaligid sa’yo?!” She sighed because of Dianne said. Napailing na lang siya dahil nagawa pa nitong magbiro. “O siya, sige, dahil alam ko na ang tungkol diyan ay tutulungan kita. Akon na ang mag-aasikaso riyan kay sir Lloyd.” Hinawakan niya ang kamay ni Dianne at ngumiti rito. “Babawi ako sa’yo, salamat!” “No problem! Bigyan mo na lang ako ng lalaki,” ani nito at kinindatan siya. “Guwapo si sir Lloyd pero medyo creepy, alam mo ‘yon?” ngiwing sambit nito. Hindi na siya nakapagsalita dahil hindi niya alam kung a-agree ba siya sa kaibigan o hindi. Hindi niya pa kasi talaga tuluyang nakikilala ang lalaki kaya hindi niya alam kung ano ang dapat ihusga rito. *** Alora is in the paris right now. Sinundan niya lang naman si Xion para lang mapalapit dito at magawa ang plano nila ni Lloyd. She needs a picture with him so she can send it to the woman, Aj. Xion will attend a party later. Party iyon sa isang big client ng kompanya ni Xion at ito pa mismo ang architect ng agency building ng client nito. Xion is like a Greek god and a perfect man. Guwapo ito at maraming ipagmamalaki pero kay Lloyd pa rin ang puso at pagkatao niya. Lloyd is like a hot man that can make you scream in different ways. She’s totally into Lloyd and the moment she knew that her heart belongs to him, she already marked him as her. Walang makakuha sa binata at mas lalong hindi niya hahayaan na mahulog ito sa ibang babae. Magagawa niya ang inuutos sa kaniya ng binata at sisiguraduhin niyang papakasalan siya nito. Lloyd is for her. Dumating ang pina-order niyang sexy dress para sa party mamayang gabi dahil mayroon din siyang invitation. Nakahanda na rin ang photographer na binayaran niya para kumuha ng pictures nila ni Xion. Kung hindi niya magagawang humiwalay si Xion sa babaeng iyon, siya ang gagawa ng paraan para umayaw si Aj sa asawa. “I’m Alora, a woman who is irresistible and alluring. No man will reject my beauty and sexy body,” she murmured to herself. “Ma’am, all the jewelry, bag, dress and shoes are ready.” She just nodded to her assistant. Sakto namang tumunog ang cellphone niya at nakita niya ang larawan na sinend ng lalaking tauhan niya. Pinapasundan niya kasi si Lloyd dahil madalang niya na lang ito makausap at kung makakausap niya lamang ay puro tungkol lang sa plano ang sinasabi nito. Uminit ang ulo niya nang makita niya si Lloyd na nakatitig sa asawa ni Xion. He was holding a flower while looking intently to the woman who was working. “This is his plan… yes, it’s part of a plan,” bulong niya sa sarili. Pero hindi niya pa rin maiwasan mainis dahil iba ang nakikita niya sa mga mata ng binata. Tinawagan niya ang tauhan niya para alamin pa ang nangyayari sa pilipinas. “Sabihin mo sa akin lahat ng ginagawa ni Lloyd ngayon din,” deretsong sambit niya. “Kahapon po ay lagi siyang nakasunod sa babae, madam. May dala rin po siyang bulaklak at tsokolate para ibigay sa babae. Pagkatapos niya po dumalaw sa restaurant ay bumabalik siya sa office niya pero mayamaya ay lalabas din at pagsinusundan ko po nakasunod na naman siya sa babae. Sa tingin ko po ay binabantayan niya kung nakauwi na po ito sa bahay,” mahabang ani nito. Napahigpit ang hawak niya sa wine glass at wala sa sariling ininom ang lahat ng laman ng baso. Napapansin niya na rin naman talaga, hindi niya lang matukoy kung parte ba ito sa plano o hindi. Mas lalong uminit ang ulo niya sa babaeng iyon. Mas lalong nagkaroon siya ng lakas na loob para sirain ito at durugin. Her creepy smile flashed on her face. “Aimar Joyce Balansag… make sure you’ll guard your heart because the prettiest bitch is ready to fuck your life upside down.”         

 

CHAPTER 25     

Katatapos lang nila mag-video call ni Xion at patulog na sana siya nang muling mag-ring ang telepono niya. Nakapikit pa ang mata niya habang inaabot iyon para sagutin ang tawag. “Hello?” sambit niya sa inaantok na boses. “Hello ma’am? Baka po pwede niyo sunduin si sir? Lasing na po talaga at hindi po namin alam kung sino ang tatawagan. Nasa speed dial niya po kasi ang number niyo kaya ikaw po ang natawagan naming,” mahabang paliwanag nito. Naimulat niya naman ng maayos ang mata at agad na nilayo ang cellphone sa tainga niya para makita ang screen at matukoy kung sino ang tumatawag. Lloyd… Binalik niya agad ang cellphone sa tainga para makausap ang nagsasalita. “Nasaan po ba ‘yan kuya? Wala po bang ibang matatawagan? Hi-hindi po kasi ako—” “Sa Luxus Club po ma’am. Wala na po kaming ibang matawagan dahil tatlo lang ang nasa contacts ni sir,” putol nito sa kaniya. Napahawak siya sa noo at napatango. “Sige po, papunta na po ako riyan,” sambit niya. Hindi naman niya pwedeng hayaan ang lalaki lalo na’t siya na ang kinontak ng mga staff sa club na ‘yon. Mabilis siyang nagbihis ng maayos, hindi na siya nag-ayos pa ng mukha. Nag-grab siya para mabilis na makasakay at makapunta roon. Pag nalaman ito ni Xion ay siguradong magagalit ito sa kaniya. Maski siya ay nagtataka kung bakit siya ang nasa speed dial nito. Sinave niya ang numero nito sa kaniya dahil madalas itong tumawag at lagi niyang sinasagot dahil numero lang ang nakalagay. Pagdating niya sa club ay medyo marami pa rin ang tao. Tinanong niya sa isang bouncer kung nasaan si Lloyd at ginaya naman siya nito sa isang vip room. Pagkapasok niya roon ay nakita niya ang lalaki na nakasandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Dalawang boteng malaki ang wala ng laman at may iilan pang beer. Sa nakikita niya pa lang ay sumakit na agad ang ulo niya. Lloyd was wasted. “Lloyd,” sambit niya at tinapik ito sa balikat. Nang hindi ito umimik ay napakamot siya sa ulo. Wala siyang ideya kung paano ihahatid ito sa bahay nito. Hindi niya alam ang address nito at mas lalong hindi niya ito kaya buhatin. Mas malaki pa ito kaysa sa kaniya at alam niyang mabigat ito para buhatin ng mapayat na katulad niya. “Lloyd, gising! Bakit ka ba kasi naglasing?” inis na bulalas niya. Patulog na siya at naudlot pa ‘yon dahil dito. Medyo gumalaw ito kaya niyugyog niya pa ang balikat. “Gumising ka, hindi ko alam kung saan ang bahay mo at mas lalong hindi kita kaya buhatin,” dagdag niya pa. “Hmm…” Unti-unti itong dumilat at napatingin sa kaniya. “Aj? Y-you’re here?” Napaupo ito ng maayos pero halatang lasing na lasing talaga dahil gumewang pa nakaupo na nga lang. “Sino ang pwedeng tawagan? Kailangan mo ng umuwi,” ani niya rito. Kahit naiinis siya sa lalaki ay nag-aalala pa rin siya dahil ganito ang sitwasyon nito. Pag nalalasing ang isang tao, kung hindi masaya ay malungkot naman o kaya may mabigat na pinagdadaanan. She knows that Lloyd was having a hard time. May problema ito na ayaw ilabas. Sigurado siya roon dahil sa relasyon pa lang nito sa kapatid ay hindi na maganda. “Am I dreaming? Ako ba talaga ang pinuntahan mo o ako ang pumunta sa’yo?” he laughed. Bumuntong hininga siya bago magsalita. “Tinawagan ako ng staff gamit ang phone mo. Bakit ako ang nasa speed dial mo? Tiyaka paano ka ba makakauwi? May driver ka ba o kaya naman ibang matatawagan para tulungan kang makaalis dito?” Umiling ito at wala sa sariling ngumiti. “I don’t have anyone, Aj. I just have myself. Well, if you want to be with me, I’ll be happy,” he chuckled. “Lasing ka na talaga. Tara na, iuuwi na kita. Magta-taxi tayo dahil hindi ako marunong mag-drive,” sambit niya at tinulungan itong makatayo pero umiling lang ito at hinawakan siya sa kamay para paupuin muli. “No. I’ll just stay here. I want to drink more. Hindi pa naman ako lasing, natulog lang ako saglit para magkaroon ako ng lakas para sa panibagong alak,” he smirked. Napairap siya rito dahil sa sinabi. Napabuga siya ng hangin nang may kinuha itong bote ng alak sa ilalim ng table. Hindi niya man lang iyon napansin kanina. Napatitig siya kay Lloyd, guwapo pa rin naman ito kahit lasing na lasing. Maliban sa guwapo nitong itsura mukhang wala itong problema kung titingnan lang pero alam niyang marami itong mabibigat na problema o sama ng loob. “Kung may problema ka pwede mo sa aking sabihin. Hindi puwedeng lahat kikimkimin mo, hindi puwedeng lahat ay itatago mo dahil mas masakit pag masiyado ng napuno ‘yang nararamdaman mo,” seryosong sambit niya rito. Natigilan ito sa pagbubukas ng alak at napayuko. Kita niya ang pag ngisi nito na parang hindi makapaniwala sa narinig. “Do I look like a problematic person?” he joked. “Kaya mo ba ako nilalapitan para inisin ang kapatid mo?” deretsong tanong niya rito. “Kasi kung gano’n, wala ka ring mapapala.” “Meron akong mapapala. It’s either I mess with him or I’ll get you,” sambit nito sa natatawang boses. “Seryoso ako ng sinabi kong gusto kita. I don’t know, your personality makes me want you to know more but suddenly my brother introduce you as his wife. Akalain mo ‘yon? Lahat na lang ng ginugusto ko ay naagaw niya kaagad!” matabang na sambit nito. Natahimik siya at hindi makapagsalita. Napatitig siya rito habang lumalagok na naman ng alak. Bigla siyang na-curious kay Lloyd. Sigurado siyang lahat ng ginagawa nito ay may dahilan. Hindi lahat ng tao ay perpekto, lahat may masamang ugali pero mayroon pa ring kabutihan. Ang iba nga lang ay natabunan na ng kasamaan ang puso. “Xion is always the best. Of course, he’s the legitimate son. Ako? Anak ako sa labas. Akala ko nga hindi ko na makikilala ang ama namin. Nang mamatay ang ina ng lalaking ‘yon, hinanap kami ng magaling naming ama. Akalain mo ‘yon? Pinatira at binuhay kami ng mommy ko sa mansyon nila. Pero sana ay hindi na lang nila iyon ginawa. Bigla ko lang naramdaman na wala akong kwentang tao, pati ang mommy ko ay kumakampi sa lalaking ‘yon. He’s always right, the genius one, the hard working and studious person. Ako? Black sheep sa pamilya, walang kwentang tao at puro gulo lang ang dala sa pamilya.” Umawang ang labi niya dahil sa biglaang pagku-kwento ni Lloyd. Kung lasing na ito nang maabutan niya ay mas lalo pa itong nalasing. Medyo pumipikit na ang mata nito pero lumalagok pa rin ng alak. Nakasandal na ulit ito sa sofa. “I always feel alone. My mom is with our dad in the states. Madalang niya lang ako kumustahin at kausapin tapos lagi pang nasisingit ang lalaking ‘yon. Sino ba naman kasi ang gustong kumamusta sa isang lalaking puro problema lang naman ang dala sa pamilya ‘no?” tumawa ito ng bahagya at napailing pa. “Lloyd… baka lang kasi masiyadong mataas ang pride mo at hindi mo pinapakita ang totoong nasa puso mo,” ani niya rito at inagaw ang bote ng alak. “No. I’m not rich and genius as Xion. That’s why I want to be a fucking rich and famous so I can get what I want!” malakas na ani nito at humalakhak. Unti-unting humina ang tawa nito hanggang sa isang ngisi na lang ang nagawa. “Hindi ko alam kung mag-asawa ba talaga kayo o nagpapanggap lang para makuha niya ang kompanya na iniwan ng lolo… Gusto kitang agawin… hindi dahil pag nagkahiwalay kayo ay mapupunta sa akin ang mana kun’di dahil talagang gusto na kita… Am I too straightforward?” “I’m a mess with everything. Mukhang sa pagmamahal talo pa rin ako ha… fuck this fucking life,” he murmured. Nakatulala na lang siya rito at hindi na nakapagsalita. Tuluyan na itong bumagsak at nakatulog dahil sa kalasingan. Bigla niyang naintindihan si Lloyd kung bakit ito ganito. Lloyd wants attention. Sa tingin niya ay puro mali ang napupuna ng pamilya nito sa binata dahil naging ganito ito. Being compared to others is like a wound, it’s painful. Bigla niyang na-imagine kung siya ang nasa lugar ng binata. Baka maging rebelde rin siya at kung ano-ano ang gawin para lang sa atensyon. Parang piniga ang kaniyang puso dahil sa mga nalaman. Gusto niyang pag-ayusin ang dalawang magkapatid. Gusto niyang makapag-usap ito ng seryoso at magkabati. Napainom siya ng alak dahil sumagi ang sinabi nito tungkol sa pagpapanggap lang nila para sa kompanya ng lolo nila. Hindi niya iyon naintindihan pero sa hindi malaman na dahilan ay kumabog ng husto ang puso niya dahil sa kakaibang nararamdaman.          

 

CHAPTER 26     

 Nakatanaw siya sa labas ng restaurant, malakas ang ulan dahil sa bagyong dumating. Hindi kasi siya nakapanood ng balita mabuti na lang na lagi siyang may dalang payong sa bag. Bilang lang sa kamay ang customer ngayong araw dahil na rin sa panahon. Ito ang last day niya sa trabaho kaya naman ay kumikilos siya ng todo kahit na sinisita siya ng mga kasamahan niya na sila na sa ibang gawain. “Ako na magpupunas dito, sa counter ka lang muna,” ani ni Dianne sa kaniya. “Okay lang, kaunti lang naman ang lilinisan,” sagot niya rito. “Last day mo na rito kaya chill ka lang,” natatawang ani nito. “Isa pa’t kaunti lang ang gagawin natin kaya ‘wag mong akuin ang lahat dahil kaya mo, dapat hati pa rin sa gawain,” dagdag pa nito. Hindi na siya nakapalag sa kaibigan at hinayaan na itong magpunas ng mga table. Sa counter lang siya tumambay at inayos ang mga nakalagay roon. Pinupunasan niya rin ang makitang may kaunting dumi dahil hindi talaga sila busy ngayon. “May pick up order tayo, mga 4pm daw dito kukunin lahat ng order kaya kahit ‘wag daw magmadali,” ani ng isang kahera. Tumango naman siya at kinuha ang lista ng mga inorder. Marami nga iyon kaya sakto lang ang oras ng pag-order sa kanila. Alas-tres pa lang kai ng hapon at may isang oras pa bago dumating ang magpi-pick up. Nang matapos ang pagluluto sa mga order ay tumulong na siya sa pagpa-pack ng mga pagkain at mga drinks. Mabilis lang din ang oras at dumating na rin ang magpi-pick up ng food. Pagkatapos no’n ay wala na namang panibagong customer. Ilang oras ang lumipas hanggang sa naubos na ang customer sa loob ng restaurant. “Ang swerte naman ng last day mo, hindi hussle!” Napangiti siya nang makita si Ms. Sharron na papalapit sa kaniya. “Opo ma’am, walang masiyadong ginagawa. May iuutos po ba kayo? Pwede ko pong gawin,” tanong niya rito. Umiling ito sa kaniya at tinapik ang balikat niya. “Wala naman,” ani nito sa kaniya at binalingan ang tingin ang mga kasamahan niya. “Kumuha pala kayo ng isang buong cake sa chiller natin, it’s on me. Meryenda muna ang lahat dahil wala na rin naman tayong customer,” anunsiyo nito na ikinatuwa ng lahat. “Free kayong kumain pero pag biglaan nagkaroon ng customer titigil agad ha?” “Yes ma’am! Salamat po!” pasasalamat ng iba pa. Napapalakpak naman ang iba dahil sa tuwa. Kumuha ng isang tiramisu cake si Dianne sa chiller at ito na ang naghati sa bilang nilang lahat. Masaya silang kumain at nagkwentuhan sa may counter habang nakatayong kumakain. Hanggang sa matapos sila ay wala pa ring customer. Nang matapos ang duty niya ay naiyak pa siya dahil sa mga paalam na natanggap niya sa mga ka-trabaho. “Mami-miss ka namin!” sigaw ni Dianne sa kaniya kaya nagtawanan ang lahat. “Bumalik ka kung nagbago ang isip mo, kailangan ko pa rin naman ng masipag na katulad mo,” ani sa kaniya ni Ms. Sharron. “Maraming salamat po sa inyo dahil mababait kayong lahat. Lalo na noong time na bago lang ako rito, ginawa niyo ang best niyo para i-guide ako. Bibisita pa rin ako rito pag may time ako! Bebentahan ko kayo ng mga paninda ko!” ani niya at tumawa pa. Nagpaalam siya sa lahat bago tuluyang umalis sa lugar na ‘yon. Sinundo siya ng driver niya kaya mabilis siyang nakauwi. Pagkarating niya sa bahay ay umalis na rin ang driver niya. Paakyat pa lang sana siya para magbihis at gawin ang routine niya nang may mag-doorbell sa bahay. Mabilis siyang umikot para dumeretso sa labas ng gate. Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ay bumungad na sa kaniya ang walang emosyon na mukha ni Alora. Nangunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta nito sa bahay at higit sa lahat puno ng katanungan ang utak niya kung paano nito nalaman ang tinitirhan niya. “Well, well… You’re really living here? So, you two are not fake and legally married but with a contract?” tumatangong ani nito habang nakatingin sa kaniya. Naguluhan naman siya lalo sa mga sinasabi nito. “Bakit ka nandito? At ano ang sinasabi mo?” pagtatanong niya kay Alora. Hindi niya ito naiintindihan. Tumawa ito ng bahagya na parang hindi makapaniwala sa tinanong niya. “Are you dumb? Alam mo ng alam ko na ang totoo pero magmamaangmaangan ka pa rin?” “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, ‘wag ako ang guluhin mo Alora,” matigas na sambit niya. Papasok na sana siya nang hawakan siya nito sa siko at hatakin paharap. Naramdaman niya ang pagdiin ng mahabang kuko nito sa balat niya kaya napadaing siya. “You! Pati ba naman si Lloyd ay kukunin mo?! Malandi! At akala mo hindi ko malalaman ang sikreto niyo ni Xion? You both legally marriage but you two have a contract. Binayaran ka lang niya para maging asawa mo siya sa papel at makuha niya ang pamana ng lolo nil ani Lloyd! Gold digger, bitch!” Umawang ang labi niya at napatingin dito ng husto. Kita niya ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Gulong-gulo ang isipan niya ngayon. Hindi niya matukoy kung paano nito nalaman na may contract husband siya at ang pinagkamalan pa nito ay si Xion. “Ano? ‘wag mong sabihin na hindi mo ‘yon alam! Sino ang trumabaho para magawa ‘yon? Ang lawyer ni Xion ‘di ba? Si Francis?! Pinagkaisahan nila si Lloyd! Hindi patas maglaro si Xion! At ikaw? Meron ka na ngang asawa gusto mo pa agawin si Lloyd!” sigaw nito sa kaniya. Naestatwa siya dahil sa mga sinabi ni Alora. Lawyer ni Xion si Francis? Paanong… Napasinghap siya nang biglang may pumasok sa isip niya. Horton… Xion Asher Horton… Nanginig ang kamay niya at napahawak sa ulo. Naalala niya na nadulas si Francis sa surname ng asawa niya. Kaya pala pamilyar ang apilyedo ng binata ay dahil nabanggit na ‘yon sa kaniya ni Francis. Napasuklay siya sa buhok, hindi na rin siya makapagsalita dahil masiyadong mabigat ang mga nalaman niya ngayon. “Don’t act like you didn’t know about this! Subukan mo pang lapitan at puntahan si Lloyd ako na mismo ang gagawa ng paraan para alisin ka sa mundong ito! Lloyd is mine!” sigaw pa ulit nito sa kaniya at tinulak siya ng malakas bago umalis sa harapan niya. Wala naman siyang imik dahil malalim pa rin ang nasa isip niya. Wala sa sariling tumalikod siya at pumasok muli sa bahay. Muling pumatak ang ulan pero para siyang wala sa hulog dahil hindi man lang siya nataranta. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay tulala pa rin siya. Umupo siya sa sofa at nilabas ang cellphone na nasa bulsa niya. Tumitig siya roon ng ilang minuto bago pindutin para tingnan ang numero ng contract husband niya. Matagal na iyong naka-save roon dahil si Francis ang naglagay no’n. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng ideya para tawagan ito dahil nirerespeto niya ang privacy nito katulad ng nasa kontrata nila dahil wala siyang karapatan para alamin kung sinong tao ito. Pero dahil sa sinabi ni Alora ay kating kati na siya makumpirma kung si Xion ba talaga ang contract husband niya. Pinindot niya ang tawag at ni-loudspeaker iyon. Dumagundong ng husto ang puso niya dahil sa halo-halong emosyon lalo na nang may sumagot doon. “Hello?” Humigpit ang kapit niya sa cellphone at unti-unting nanubig ang kaniyang mata. Hindi nagsisinungaling si Alora, lahat ng sinabi nito ay totoo. “Hello? Who’s this?” ulit na tanong pa nito. Ilang segundo at binaba rin nito ang tawag. Binasa niya ang labi na natuyo na. Biglang sumakit ang ulo niya at para siyang nahilo dahil sa nangyayari. Xion is her contract husband. Ito ang mismong asawa niya sa papel. Gumuhit ang sakit sa kaniyang dibdib. Para siyang napahiya at malaking kahihiyan iyon para sa kaniya. Nakita nito kung paano siya bumigay sa isang lalaki lalo na’t hindi niya ito kilala. She thought that she was having an affair but all this time the man who get her attention is his contract wife. Maraming pumasok sa isipan niya katulad na lang na kung ano ang mga nasa isip nito dahil bumigay siya sa bodyguard niya. Nahihiya siya pero mas lamang ang sakit dahil niloko siya ni Xion. Maraming pagkakataon na pwede nitong sabihin pero hindi nito ginawa. Nag mukha siyang tanga sa harapan ng binata. Takot na takot siyang pumasok sa hindi siguradong relasyon dahil may asawa siya. Pero ito lang pala ang asawa niya, nasa malapit lang na akala niya’y ginawa niyang kabit. Tumayo siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pinipilit niyang kumalma sa oras na ‘yon. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Patuloy ang pagpatak ng luha niya kasabay ng pagbuhos ng ulan. Dapat sanay na akong maloko ‘di ba? Dapat sanay na ako sa sakit pero bakit parang ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang pasan ko ang mundo? Dumeretso siya sa kwarto niya at niligpit ang mga importanteng gamit. Bukas ang uwi ni Xion at ayaw niya munang makaharap ito. Wala siyang mukhang ihaharap sa binata dahil isa siyang malaking kahihiyan at hindi niya rin ito kayang harapin dahil sa sakit na bumabalatay sa kaniyang puso.         

 

CHAPTER 27  

 Alora was pissed big time because of what she found out. Nakita niya ang mga pictures ni Lloyd na kasama sa club si Aj at magkasama pa ang dalawa papunta sa unit ng binata. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil sa dalaga. Lloyd is mine and you dare to touch him and get near to him?! The truth is she was getting scared, just the thought that Lloyd has feelings for that woman makes her mad. Gusto niyang magwala at saktan ang babaeng ‘yon. Nalaman niya ang tungkol sa kontrata ng dalawa dahil pinaimbestigahan niya si Aj at ang pamilya nito. Nalaman niyang laki ito sa hirap kaya sigurado siyang hindi nagpakasal ang dalawa dahil lang sa pagmamahalan. Hindi ito kilala ni Xion nang magpakasal ito sa babae kaya sigurado siyang nagkaroon ng kontrata lalo na na may lawyer si Xion na matinik at kilalang kilala sa larangan ng trabaho nito. Money can buy and do anything. Hindi na rin siya magtataka na malaki ang binayad ni Xion sa babaeng ‘yon. Xion is one of the richest young businessman around the the asia. ‘Di niya mapagkakaila na napaka-talented nito. She would fall for him if she never met Lloyd. Pagkarating niya ng pilipinas ay dumeretso agad siya sa babaeng ‘yon para kumprontahin, ngayon naman ay papunta na siya sa unit ni Lloyd para ito naman ang kausapin. Naitaas niya ang isang kilay nang makitang nagtatrabaho si Lloyd sa bahay nito. Lloys was never an work-a-holic. He just working if he’s on working hours. “You get drunk last time? What happened?” deretsong tanong niya sa binata. “So you’re the one who sends that man to check on me,” he said as a matter of fact. Hindi man lang siya nito nilingon at patuloy pa rin na nakatutok sa computer nito. Lumapit siya rito nang maibaba ang gamit niya sa tabi. “You didn’t answer my calls! I did go there to paris for our plan. Sinunod kita pero anong ginagawa mo sa akin? You said you’ll marry me if I succeed pero parang hindi naman ‘yon mangyayari!” “What makes you think that I’m not going to marry you?” ani nito at binaling ang tingin sa kaniya. Napahakbang siya ng kaunti dahil pakiramdam niya mainit ang ulo ni Lloyd sa kaniya. “Y-you like Aj, didn’t you?” Kinuyom niya ang kamao habang nanghihintay ng sagot nito. Isang ngisi ang pinakawala nito sa labi. “Yes. I like her. But still, I’ll marry you. Iyon ang napag-usapan natin kaya papakasalan kita pag nagawa mong paghiwalayin ang dalawa,” he stated. Umawang ang labi niya at natawa ng maiksi. He’s planning to marry her but still his heart is on another woman. Pero dahil tanga siya sa pagmamahal ay kahit gano’n man lang ay payag na siya. Pag nagpakasal na sila ni Lloyd wala na itong kawala sa kaniya at doon niya sisiguraduhin na mahuhulog na ito sa kaniya. “They legally married but with a contract. Binayaran lang ng magaling mong kapatid ang babaeng ‘yon para magpakasal sila,” ani niya rito at tumungo sa mini fridge ni Lloyd para kumuha ng alak. “I know.” “Kailan pa?” kunot noong tanong niya. Wala naman kasi itong sinasabi sa kaniya. Kakausapin lang siya nito kung kailangan siya nito sa kama o kaya may ipapagawa ito sa kaniya tungkol sa plano nila. “Last week,” he plainly answered. Nilagok niya ang alak na nasa bote at nilapitan ulit ang binata. Dahil nakaupo ito ay dumeretso siya sa kandungan nito paharap. Hahalikan niya sana ito nang iniwas nito ang mukha sa kaniya. “I’m not in the mood.” Mas lalong uminit ang ulo niya dahil sa ginawa nito. Is this because of that bitch? ‘wag mong sabihin na talagang gusto mo na ‘yong babae na ‘yon?! She wanted to shout and ask about his actions nowadays. “Should I’ll kill her? Parang mas madali iyon gawin para maghiwalay sila. What do you think?” ngising tanong niya sa binata. Binalik nito ang tingin sa kaniya, walang emosyon ang makikita sa mga mata nito kaya napalunok siya dahil sa kaba. “Do it and there’s no marriage will happen between us. The only plan is you should break them apart. You can hurt that man, but you can’t hurt Aj.” Tinulak siya nito paalis sa kandungan kaya napatayo siya. Tumayo na rin ito at tinalikuran siya. Dere-deretso itong pumasok sa kwarto at malakas na sinarado ang pinto. Humigpit ang hawak niya sa bote ng alak. “You will be fucking dead meat, bitch,” he murmured with so much anger. *** Mayamaya ay lumabas si Lloyd ng kwarto at wala na roon si Alora. Paniguradong umuwi na ‘yon pagkatapos uminom ng alak sa unit niya. Hindi siya nag-aalala na nagmaneho ito pauwi dahil lagi itong tumatawag ng driver pag nakainom. Kinuha niya ang susi niya at lumabas ng unit. Tumungo siya kung nasaan naka park ang kotse niya. Nang makasakay sa sasakyan ay pinaharurot niya iyon papuntang kung saan. Gusto niyang magpahangin kaya pupunta lang siya kung saan siya mapadpad. Napadaan siya sa pinagta-trabahuan ng dalaga pero sarado na iyon. Nang makalapagpas siya roon ay nadaanan niya rin ang village kung saan nakatira si Aj. Natigilan naman siya at napabagal ang pag-drive niya nang may makitang pamilyar na taong naglalakad sa gilid. May maleta itong dala at isang bag. “Aj…” Binilisan niya ang pagmaneho hanggang sa maunahan niya ito. Huminto siya at agad na lumabas ng kotse. Tama nga siya, si Aj ito. Napatigil ito sa paglalakad nang makita na siya nito. Nakayuko lang kasi ito habang naglalakad kaya hindi man lang nito napansin na nasa harapan na siya. “Where are you going?” he asked. Blanko siya nitong tiningnan at walang sabi-sabi na nilagpasan. Napatitig pa siya rito bago sundan ito at hatakin ang maletang hawak. He knows that Aj was escaping. “Saan ka pupunta ng ganitong oras? Umaambon at gabi na—” “Tigilan niyo na ako!” sigaw nito na ikinagulat niya. “Tigilan niyo na ako ni Alora, okay? Hindi ko alam na siya pala talaga ang asawa ko… akala ko… akala ko napakalandi ko dahil pumapatol ako sa iba nang may asawa ako! Kaya parang awa niyo na tigilan niyo na akong dalawa!” she shouted. Napabuga siya ng hangin bago hatakin ang kamay nito. “Get in. Let’s talk inside the car.” “Ayoko!” “Hindi ka makakaalis sa kaniya. Kung gusto mong hindi ka niya makita kailangan mo ng tulong ko,” matigas na ani niya sa dalaga. Hindi na siya naghintay ng sagot at pinasok ang maleta sa likuran bago niya ito pagbuksan ng pinto sa harapan. Hinawakan niya ito sa siko at pinapasok sa loob nang hindi man lang ito gumalaw. Mabilis siyang umikot para makapasok at makaupo na rin sa driver’s seat. “What are you saying that you didn’t know that Xion is your husband?” seryosong tanong niya rito. Binalingan niya ito ng mabilis nang hindi ito umimik. “I know about the contract. Last week ko pa alam. So tell me what happened,” he added. “Iyon ba ang sinasabi mo? Kailangan ng asawa ni Xion para makuha ang mana ng lolo niyo? Iyon ang sinabi mo noong lasing ka,” sambit nito. He tilted his head. Naalala niyang naibuhos niya pala lahat ng nakatagong hinanakit sa dibdib niya. “Yes. Kung sino ang unang makakapag-asawa sa amin makukuha lahat ng iniwan ng lolo. I’m not that rich as Xion so I can’t do what like he did.” But I already planned to marry Alora but Xion was fast and quiet. Hindi ko man lang nalaman na nakuha niya na pala at nakapangalan na sa kaniya ang kompanya. What an assh*le. “But as you said, how come you didn’t know that he was your husband?” Naguguluhan pa rin siya sa nangyayari rito. Nag-park sila sa bakanteng lote para makausap niya ito ng maayos. “Bakit ba curious ka? Para malaman mo kung paano pababagsakin ang kapatid mo? Galit ka sa kaniya ‘di ba?” He let out a heavy sighed. Yes, he’s curious but not because how can he crush his half-brother but because of her. Gusto niya itong tulungan. “You’re giving me an idea,” bulalas niya rito. “Akin na ang gamit ko! Aalis na ako!” “You’re protecting him? Kahit na may ginawa siya sa’yo?” kunot noong tanong niya. She really like him… He nodded his head like he understands everything. “Fine, I’m not going to ask.” Muli niyang pinaandar ang sasakyan. “Saan tayo pupunta? Sabi ko bababa na ako—” “As I said, I’ll help you to hid. Don’t worry, I will not hurt you. Kung gusto mong mag-isip isip muna at gusto mong hindi ka niya mahanap, just trust me.”          

 

CHAPTER 28      

Hindi niya alam bakit pa siya tinulungan ni Lloyd. Medyo hindi pa rin siya nagtitiwala rito dahil alam niyang galit ito sa kapatid, sa asawa niya. Pero hindi naman siya nakaramdam ngayon na mapanganib ang lalaki. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng maiinom. Kasalukuyang nasa baguio siya, sa bahay bakasyunan ni Lloyd. Nagpalipas sila ng gabi sa isang hotel bago tuluyang umalis at tumungo sa baguio. Naawa pa nga siya rito dahil kulang ang tulog nito. Nang maihatid kasi siya nito ay binilinan lang siya ng mga kailangan niya malaman sa bahay at umalis na rin ito. Simple lang ang bahay pero may kalakihan pa rin. Kailangan niya munang mag-isip isip at ikalma ang utak niya. Masiyadong maraming gumugulo ngayon sa isipan niya. Nasaktan siya dahil parang pinaglaruan siya nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito talaga ang asawa niya. Ilang beses niyang nabanggit sa binata ang tungkol sa asawa niya pero napakagaling nitong umarte na parang hindi ito ang asawa niya. Nag mukha siyang tanga sa harapan ng binata at isa iyong malaking kahihiyan. “Ang tanga mo, Aj,” bulalas niya sa sarili. Pagkatapos niya uminom ay pumunta siya sa sala at humiga roon sa sofa. Nagulat pa siya nang tumunog ang cellphone niya. Napatitig siya nang makitang si Xion ang tumatawag. Marahil nakauwi na ito at nagtatakang hinahanap siya. Pinindot niya ang airplane mode para wala siyang matanggap na tawag. Ayaw niya munang isipin ang binata. Ayaw niya munang problemahin pa ang problema. Nilapag niya ang cellphone sa tabi niya at binuksan ang tv. Wala siyang magawa at wala pa rin siya sa mood lumabas ng bahay. Nanood lang siya ng palabas sa telebisyon hanggang sa makaramdam siya ng gutom dahil ala-sais na ng gabi. Dederetso na sana siya sa kusina nang may kumatok kaya agad siyang tumungo sa pintuan at binuksan iyon. “Neng, pagkain oh, birthday kasi ng apo ko,” sambit ng matandang babae na nakilala niya kanina. Ito ang caretaker ng bahay ni Lloyd. “Ay, maraming salamat po nay. Happy birthday po sa apo niyo,” nakangiting sambit niya rito. “Wala iyon! Basta pag may iba ka pang kailangan ‘wag kang mahiya na kumatok sa bahay namin,” ani nito at tinuro ang kabilang bahay. “Siya nga pala, hindi ba uuwi ang nobyo mo?” “Nobyo po? Si Lloyd? Ay nako nay, hindi ko po siya boyfriend,” wika niya at nailing-iling pa. “Totoo ba hija? Akala ko’y nobya ka niya dahil ngayon lang siya nagpapunta rito ng ibang tao at babae pa!” halakhak nito. “Akala ko pa naman ay mayroon na siyang makakasama,” dagdag pa nito at ngumiti ng tipid. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya sa matandang babae. Wala siyang masabi sa kinwento nito pero kita niya ang lungkot sa mat anito. “Oh siya, mauuna na ako hija ah? Siya nga pala, itatanong ko lang din kung pwede ba magkaraoke ang mga bisita ng anak ko? Hanggang 10pm lang naman, kung okay sa’yo na medyo maingay.” “Wala pong problema nay, mag-enjoy lang po kayo,” sagot niya kaagad. Hindi naman kasi sobrang dikit ang bahay ng mga ito kaya ang tugtog na naririnig niya kanina pa ay mahina lang kung nasaan siya. “Maraming salamat! Kumain ka na at ‘wag magpalipas.” Tumango lang siya at nagpaalam na sa matanda. Dumeretso siya sa sala at doon niya pinatong ang dalawang paper plate na may laman na iba’t ibang putahe. Bumalik siya sa pinto para mai-lock ang screen at mismong pintuan na rin. Kumuha siya ng tubig sa ref at bumalik sa sala. Doon na siya kakain habang nanonood ng palabas. Magliliwaliw muna siya para hindi mag-isip ng kung ano-ano. *** Gabi na at kanina pa hindi mapakali si Xion dahil hindi niya ma-contact si Aj. Tinawagan niya na rin si Francis para tanunging kung tumawag ba ito rito pero hindi ang sagot ng kaibigan. Sumasakit na ang ulo niya at hindi alam kung saan nagpunta ang dalaga. Pumunta siya sa restaurant para magtanong sa mga kasamahan nito sa trabaho pero hindi rin nila alam ang sagot. Hindi na siya makapagtanong pa dahil baka magtaka ang mga ito. Alam niya rin naman kasing last day nito sa trabaho kahapon. “Where are you, baby…” Saktong pagtayo niya sa pagkakaupo ay biglang may nag-doorbell sa labas kaya agad siyang lumabas para pagbuksan iyon. Akala niya si Aj pero ang bumungad sa kaniya ang kapatid niya. “What are you doing here?” seryosong tanong niya rito. Ngumisi ito sa kaniya. “Oh… akala ko nakapagbayad ka na ng tao mo para tingnan ang cctv sa lugar na ‘to. Akala ko lang naman kailangan mo ako makausap tungkol sa asawa mo… ay oo nga pala, mag-asawa lang kayo sa papel.” Kinwelyuhan niya agad ito nang marinig ang mga sinabi. “Where is my wife?” he gritted his teeth while holding him. Humalakhak ito kaya mas nag-init ang ulo niya. Binitawan niya ito at malakas na sinapak sa mukha. “Where is my wife?!” “Why are you asking me? Sabi mo nga asawa mo siya pero hindi mo man lang alam kung nasaaan siya?” he mocked. Kinuyom niya ang kamao niya, pinipigilan ang sarili dahil gusto niya ulit sapakin ang kapatid niya. “Pag nalaman kung may ginawa kang masama sa kaniya hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.” “Sino ba ang may kasalanan? Why your wife was shocked when she found out that her husband is you? What the hell did you do?” natatawang ani nito sa kaniya. Talagang inaasar siya nito hanggang sa sumabog siya. Napasuklay siya sa buhok niya sa sobrang inis. “Stop messing with my life, Lloyd. Please grow up! Hindi ka na bata para gumawa ng mga kung ano-anong katarantaduhan!” Ngumisi ito sa kaniya habang nakahawak sa pisngi na nasugatan dahil sa suntok niya. “I’ll stop when you give the company to me, but of course, I know that you can’t sacrifice it because Aj is your contract wife. Wala lang siya para sa’yo, siguradong isang bayaran na babae lang siya sa paningin —” Pinutol niya ang sinasabi nito sa pamamagitan ng pagsuntok muli. “Don’t fucking call her like that. You don’t know anything,” he fumed. Hinawakan niya muli ito sa kwelyo at mas lalong hinigpitan iyon. Halos mabuhat niya na ang kapatid dahil sa sobrang gigil. “Xion!” Binitawan niya ito nang malakas dahilan para mapaupo ito sa sahig at mapaubo. “You two, stop!” saway ni Francis na kakarating lang. Tinulungan nitong tumayo si Lloyd pero hindi ito pinansin ng kapatid. “You will never find her, but if you found her, don’t expect that she’ll be going to come with you. A liar bastard like you is not deserving for her.” huling sambit nito bago siya talikuran at sumakay sa “He does know something,” ani ni Francis sa kaniya. “Siya ang huling kasama kagabi ni Aj papunta sa hotel pero napanood ko ang cctv, hindi lumabas ang kotse na ginamit nila. I think he changed the car they’ve used. We still checking each car.” “Do everything.” Tinalikuran niya ito at pumasok sa loob ng bahay. Naramdaman niya na sumunod naman ito sa kaniya hanggang sa makapasok sa mismong loob ng bahay. “One more thing… I’m sorry because I just found out that some stranger goes to my office. Hind ko napansin na nawawala na pala roon ang kontrata niyo ni Aj. I was so busy and my office is always clean so I don’t have a hint of what happened.” “For sure, it’s Lloyds doing. That fucker won’t stop until he gets our lolo’s company.” Kinuha niya ang alak sa ref at sinalinan ang baso. “You can give it to him but it’s just you can’t trust him on how long can he handle it,” Francis stated. Sa una talaga nang buhay pa ang lolo niya alam niya na ang will na ‘yon pero hindi niya sineryoso. Wala siyang balak kunin ‘yon dahil gumagawa siya ng sarili niyang kompanya dahil gusto niya lahat ng makukuha niya ay galing sa paghihirap niya. He’s willing to give it to Lloyd even they are not okay. Pero nang mas naging rebelde pa ang kapatid ay hindi na niya hinayaan na makuha pa ni Lloyd ang kompanya na pinaghirapan ng kaniyang lolo. Ayaw niyang biglang bumagsak na lang ‘yon dahil sa pagiging pabaya ng kapatid. He wants them to be okay before because he was happy that he has a brother but when he found out how greedy and rebel Lloyd is, he stopped pursuing him. Dati ay kinakampihan niya pa ito ng palihim pag laging pinapagalitan ng ama, siya ang kumakausap lagi sa ama na hayaan na lang ang kapatid sa mga ginagawa pero hindi niya akalain na lalala ito. Hindi niya maintindihan kung bakit ito galit na galit sa kaniya una pa lang.           

 

CHAPTER 29   

Exact 3 days na siyang nasa baguio at hindi niya alam kung tinatawagan pa ba siya ni Xion. Nakapatay na kasi ang cellphone niya at hindi na niya pa ulit iyon binubuksan. Sa isip niya ay mas nakabubuti ito para naman makapag-isip isip siya pero sa puso niya naman ay hindi. Kumukontra ito dahil may parte sa kaniya na gustong-gusto niya na ulit makita si Xion. “Hay buhay,” bulalas niya. Hinugasan niya ang strawberry na nabili niya sa farm na malapit. Maaga kasi siyang lumabas para na rin makapagpaaraw kahit papaano. May araw nga pero malamig naman ang ihip ng hangin. “You good here?” Muntikan na siyang mapatalon dahil sa nagsalita. Paglingon niya ay si Lloyd iyon at may mga dalang apat na ecobag galing sa isang sikat na supermarket. “Nandito ka pala… Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka,” ani niya. Nilagay niya sa bowl ang mga linis na strawberry. “How can I tell you when you turn off your phone,” he chuckled. Umawang ang labi niya at naisara rin agad. Nakalimutan niya saglit na nakapatay nga pala ang cellphone niya at hindi ito makakatawag sa kaniya. Tiningnan niya ang mga pinamili nitong pagkain at napakarami no’n. Parang pang dalawang linggo ata ito sa kaniya. “Magkano ‘to lahat? Babayaran ko,” sambit niya dahil hiyang hiya na talaga siya rito. Pinatira na nga siya tapos ito pa mismo ang bumibili ng mga makakain niya. “No need… Let’s have lunch together so if you want to change your clothes, change now. We’re going to eat outside.” Hindi na siya nagtanong pa at sinunod na lang ito. Isa pa’t gusto niya rin ito kausapin. Gusto niyang makilala ang isang totoong Lloyd. Na-curious kasi siya sa mga sinasabi ng caretaker. Kahapon kasi ay nakipag-kwentuha muli ang caretaker sa kaniya at nalaman niyang ito ang kauna-unahang bahay na nabili ni Lloyd gamit ang sariling pera. Nagulat pa nga siya dahil alam na alam ng matanda. “Mukhang rebelde at hindi matino ang unang tingin ko sa batang ‘yan pero napakataba ng puso. Malungkot ang buhay niya dahil mag-isa lang siya. Noong una hindi pa nga ako naniwala na bibilhin niya ang kalapit bahay niya para may matirhan kami ng pamilya ko at ang tanging bayad lang ay tingnan ang bahay niya pag wala siya. Madalas ito umuwi rito pero sa tuwing umuuwi nakikita ko na lang na parang malalim ang iniisip at nag iinom diyaan sa labas mag isa habang nakatanaw sa malayo. Kaya nga laking tuwa ko nang malaman na mag-uuwi siya ng babae. Akala ko’y tapos na ang panahon na mag-isa lang siya sa buhay. Akala ko kasi neng ikaw ang nobya niya.” Hindi niya makalimutan ang kwentong iyon ng matanda. Pumanhik siya sa kwarto para magpalit ng maayos na pants at blouse. Pagkatapos ay sinuklay niya lang ang buhok niya at lumabas na rin agad. “Let’s go,” wika nito nang makita siyang nakaayos na. Tumango siya at sinundan ito palabas. Iba ang gamit na sasakyan nito ngayon. Noong nakaraan na pagpunta nila rito sa baguio ay sa ibang sasakyan sila sumakay, mukhang kaibigan ni Lloyd ang may[1]ari at ‘yon din ang nagmaneho. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang nangyari pero hindi na lang siya nagtanong. Sumakay sila sa sasakyan at pinaandar din ‘yon agad. Nakatanaw lang siya sa labas ng kotse habang nasa byahe sila. Hindi pa niya kasi nalilibot ang baguio. Wala siya sa mood gumala sa kung saan-saan at hindi niya rin kabisado ang lugar dito. Ang tanging ginagawa niya lang sa loob ng bahay ay manood ng tv, magluto, mag-asikaso ng sarili at tumulala sa kawalan. Ganiyan lang ang routine niya simula nang makarating siya rito. Dumating sila sa isang restaurant na kita mo ang view ng paligid. Tahimik siyang umupo sa kaharap na upuan ni Lloyd. Umorder naman ito at hinayaan niya na lang ang lalaki na mag-order ng pagkain para sa kaniya. “Are you enjoying here?” tanong nito sa kaniya nang matapos makapag-order. Napaisip naman siya, hindi niya masasabing nag-eenjoy siya dahil ang isipan niya ay paminsan-minsan na lumilipad. She’s acting like a normal person who don’t have a problem. Na parang hindi basag ang puso niya ngayon. “Hmm… That’s not the right question, isn’t?” ani nito at tumawa ng pagak. “He’s still finding you…” Tumigil ito nang may nag-serve na waiter sa table nila. “… for sure, he will find you soon. Nothing is impossible with a man who has a lot of connections. Still, I did my best to hide you,” he said and smile. Napabuntong hininga naman siya, bigla siyang napaisip na hanggang kailan pala siya magtatago sa binata. Hanggang kailan niya iiwasan ito. Naging irrational ba siya sa pag alis niya? Nagpadalos-dalos ba siya sa sakit na naramdaman niya? Napapikit siya saglit dahil dumagsa na naman ang mga katanungan sa isip niya.. “You’re always welcome in my house here. Kung habang buhay gusto mo ng tumira rito, why not ‘di ba? Pakasal na tayo, after niyo mag divorce ng lalaking ‘yon.” Inangat niya ang tingin kay Lloyd. He’s laughing but his eyes are not. “Plano mo bang saktan ako?” deretsong tanong niya na ikinatigil nito sa pagtawa. “May plano kayo ni Alora hindi ba? Sa bibig na mismo ni Alora nanggaling na sa’yo siya may gusto at hindi kay Xion. Plano niyong paghiwalayin kami ng asawa ko?” Asawa… Tama lang ba na tawagin ko siyang asawa ko? “What did Alora told you?” seryosong tanong nito sa kaniya. “Hindi na ‘yon ang importante. Basta alam ko na ngayon na may plano kayong dalawa para sirain kaming dalawa. Kung tungkol sa isang kompanya at mana ang pinag-aawayan niyo bakit hindi na lang kayo mag-usap ni Xion para maghati sa pamana… Magkapatid kayo—” “Magkapatid lang kami sa ama.” “Magkapatid pa rin kayo! Mahirap bang magkabati kayo at magkaayos?” “Mahirap… hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko. I’m the son who always did wrongs. Lahat na lang ata ng galaw ko ay mali para sa kanila. Siya? ‘yong lalaking ‘yon? He’s always right, puro tama ang ginagawa niya at laging iyon ang napapansin. Lagi akong nakukumpara sa kaniya. Of course, he’s the legitimate son. Kung siya ay nasa loob ng bilog ako ‘yong nasa labas. I’m a fucking nobody in the family, Aj.” “Bakit hindi mo sila kausapin kung bakit laging gano’n ang tingin nila sa’yo—” “I hate them from the start, so why would I?” matigas na ani nito. Napabuga siya ng hangin, kita niya ang galit sa mata nito. “Mataas ang pride mo, iyon ang nakikita ko. Natanong mo ba minsan kung gusto makipag-ayos sa’yo ng kapatid mo? Baka naman kasi hindi kayo magkaayos dahil ayaw mo—” “Bullsh*t. Ako na naman ang mali? Oo nga pala, kakampiha mo siya dahil siya ang asawa mo ‘di ba?” Binagsak nito ang kamay sa lamesa kaya nakagawa iyon ng malaking ingay. Mabuti na lang ay solo nila ang alfresco ng restaurant. “Sinasabi ko lang sa’yo na baka kasi mali ka rin. Siguro nga may mali rin si Xion, kung hindi niyo aaminin ang pagkakamali niyo at mas magiging mataas pa ang pride niyo walang mangyayari sa inyo! I’m helping you, Lloyd! Gusto rin kitang tulungan na ma-realize mo na baka rin kasi ikaw ang mali.” “I’m alone from the beginning of my life, Aj. I want a fucking attention! That man has everything I want. Attention, love, money and a fame. That’s why I want to get that fucking company of our grandfather so I can have my own business too. Gusto ko maging sikat din ako at mas yumaman pa para naman ako na ‘yong ginagapang ng mga tao. Para sila naman ang magmakaawa sa atensyon ko!” Nakagat niya ang ibabang labi habang nakatulala kay Lloyd. Ramdam niya ang galit at hinanakit nito. Namumula rin ang mata nito dahil sa biglaang pagsabog. “You know what? Have lunch alone. I lost my appetite.” Kinuha nito ang cellphone na nasa lamesa tiyaka tumayo at iniwan siya roon. That’s not the talk she wants. Pero dahil iyon na ang nangyari wala na siyang magagawa. Bakit ba ang kumplikado ng lahat? Bakit ba nangyayari na naman ang mga mabibigat na problema sa akin?           

 

CHAPTER 30     

 Nagising siya sa isang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Napabangon siya agad ng kama at dali-dali niyang binuksan ang pinto. Hindi niya alam kung bakit hindi na siya nagulat nang makita si Xion sa harapan niya. Madaling araw pa lang at halos kakatulog niya pa lang. Tama nga si Lloyd na kahit anong tago niya ay walang impossible sa binatang ito. “Aj…” Aj? Natawa siya sa isipan niya. Napasuklay siya sa magulo niyang buhok at tinalikuran ito, isasara niya pa lang ang pintuan ng kwarto nang maiharang n anito ang kamay at dahil mas malakas ito sa kaniya ay hindi niya na nagawang isarado. “Why did you come with Lloyd? You can’t trust him! He’s a man and this is his house!” he fumed in her face. Hindi niya ito pinansin at dumeretso sa kama niya at nagtalukbong. “Aj, talk to me—” “Inaantok pa ako, madaling araw pa lang, ‘wag kang istorbo,” ani niya na parang wala lang kahit na halos lumabas na ang puso niya sa katawan niya. Meron sa kaniyang parte na gusto niya tumakbo papalapit dito at yakapin ng mahigpit ang binata pero dahil mas nangibabaw ang galit niya rito ay hindi niya iyon gagawin. “I don’t have a good and enough sleep since you left, so talk to me now,” there’s a full authority in his voice that makes her get nervous more. Napabuga siya ng hangin at tinanggal ang kumot na nakataklob sa buong katawan niya. Umupo siya at tiningan ito ng blanko. “Anong pag-uusapan natin? Tungkol sa pag-alis ko o tungkol sa kasinungalingan mo?” deretsong tanong niya habang nakatingin sa mga mata nito. Sinigurado niyang wala itong makikita na ekspresyon sa mukha niya. “Baby… “ “Hindi ako sanggol, kaya ‘wag mo akong tawagin ng ganiyan at isa pa, hindi mo dapat tinatawag ng ganiyan ang empleyado mo.” “I’m sorry, okay? Gusto kong humanap ng mas magandang tiyempo bago ko sa’yo sabihin ang tungkol sa bagay na ‘yon,” ani nito at hinuli ang kamay niya. “Pinagmukha mo akong tanga— oh, baka naman nag-eenjoy ka makita ang isang malanding contract wife mo na pumatol sa isang bodyguard na asawa niya naman pala talaga?” rinig na niya sa sariling boses ang pait at sakit. Winaksi niya ang kamay nito. “Hindi ako kailanman nag-isip ng ganiyang bagay sa’yo. You’re my wife so what happened between us is not a sin or wrong!” “Pero hindi ko alam! Hindi ko alam na ikaw pala ang asawa ko? Maraming pagkakataon, Xion! Marami… pero hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin? Manhid ka ba para hindi maramdaman ang nararamdaman ko para sa’yo? Bakit ako bumigay? Para lang sa sex? Hindi! Hindi ako klaseng babae na bumibigay basta basta sa tawag ng laman lalo na’t hindi ko gusto ang isang tao… Siguro naman ramdam mo na gusto kita ‘di ba?” Pumiyok ang boses niya nang tumulo ang luha niya. Masakit sa kaniya na nagsinungaling ito lalo na iba na ang nangyayari sa kanila. “I… I don’t know…” Natawa siya ng pagak sa sinabi nito. Napakamanhid… “Ganito na lang, para matapos na ‘to, pwede bang umalis na ako sa puder mo? ‘Wag kang mag-alala, hindi mo na ako kailangan swelduhan pa kada-buwan. Payag din akong tapusin ang kontrata natin at makikipag-divorce lang ako sa’yo kung hanggang kailan ang nasa usapan. Ibabalik ko rin ang mga sahod ko galing sa’yo simula noong tumira ako sa bahay mo. Tutal hindi ko naman masyadong nabawasan ang pera na binibigay mo.” Tama, dapat lang na umalis siya sa puder nito. At least kahit papaano ay maisalba niya ang sarili niya ‘di ba? Tuloy pa rin ang pagiging mag-asawa nila sa papel hanggang sa maging dalawang taon na sila. Halos isang taon na lang naman at matatapos na. “Are you saying that you’ll going to leave me for good?” kunot noong tanong nito. Dumilim ang tingin ng binata sa kaniya at umigting pa ang panga nito. Binasa nito ang ibabang labi habang napahawak sa sintido. “M-mas makakabuti iyon—” “It’s not! I don’t want that… I don’t want you to leave me for good. You can’t do that,” sambit nito at napailing pa. Kinagat niya ang labi dahil sa reaksyon nito. “B-bakit? Bakit hindi ako pwedeng umalis?” mahinahong tanong niya rito. Parang may nagwawala sa kalooban niya at hinihintay ang sagot nito. “It’s because… I… I still need you beside me… I need you to attend a family gathering with me.” Umawang ang labi niya at mayamaya ay natawa siya ng mahina. Iyong tawa na puno ng sakit. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “You’re my legal wife and our contract is legally made. You… you need to follow all my orders,” he added. Napahawak siya sa buhok niya at naipagdikit ang labi at tiyaka tumango-tango na parang intinding-intindi niya ang mga sinabi nito. “You just need me beside you because I’m still your contract wife… Because I am like your employee… Oo nga ‘no?” she laughed in herself. Natulala siya sa kawalan at unti-unting nawala ang tawa niya. Biglang namanhid ang buong katawan niya. Gusto niyang umiyak pero dahil naririto ito ay hindi niya maibuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. *** Napasulyap siya sa dalaga nang makita itong natutulog sa tabi niya. Pagkatapos niyang sabihin na uuwi na sila paglitaw ng araw ay tanging tango lang ang tugon nito sa kaniya. He sighed before he get up and goes outside the room. Napatingin siya sa kabuuan ng bahay ni Lloyd. A simple house that not too big but also not small. Hindi niya akalain na may sarili itong bahay rito. Tumungo siya sa may kusina para tingnan kung mayroon bang alak. Nang makakita siya ng mga beer ay kumuha siya ng tatlo at tumungo sa sala para roon uminom. He doesn’t know why he can’t answer why he needs Aj beside him. His answer a while ago is not that serious. There’s a party but they both have a choice if they’re going to the family gathering. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon. Nataranta siya sa pag tanong nito ng ‘bakit’. He just said what he feels. Pero hindi niya pa rin matukoy ang sariling nararamdaman kung bakit ayaw niya itong umalis ng tuluyan sa tabi niya. Ngayong umalis nga ito at hindi niya lang nakita ng ilang araw ay halos hindi na siya makatulog at mabaliw na sa kakahanap sa dalaga. Paano pa kaya kung talagang aalis na ito ng tuluyan sa kaniya. He can’t now imagine living without her. But first, he should sure of what he really feels. He’s not gay or what but since he was busy in his career and business, he never dated anyone. Hindi siya sigurado kung ano ba dapat ang maramdaman mo para masigurado mo na gusto mo ang isang tao. “Fuck this…” He doesn’t want to hurt her more. Ayaw niya maging padalos-dalos sa mga bagay. Paano na lang kung hindi pala siya sigurado sa nararamdaman niya at nagsabi siya ng isang bagay na panghahawakan ng dalaga? Sigurado siyang mas lalo lang ito masasaktan. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa bulsa. Nakita niyang tumatawag si Francis kaya agad niya itong sinagot. “All the documents of your grandfather’s company are already transferred to your brother. I think he will be happy now and he can now stop messing with your life.” “Thanks,” he plainly said and drink the beer. “Are you drinking right now?” tanong ng kaibigan sa kaniya. “Yes.” “What are you feeling right now? Do you feel regret? Na dahil sa isang babae ay nagawa mong ibigay sa isang iglap ang pilit mong pino-proteksyonan na kompanya ng lolo mo, para lang malaman kung nasaan siya?” Natigilan siya at napaisip. Nakaramdam nga ba siya ng panghihinayang ngayon, na wala na ang kompanya ng lolo niya sa kamay niya. It’s true that he was try to protect that company at all cost. Alam niya ang paghihirap ng lolo niya roon kaya ayaw niya rin pabayaan pero ni katiting ay wala siyang naramdaman na panghihinayang lalo na’t nakita niya na ang dalaga. He was sorry for her late grandfather because he can’t protect it but at the same time happy because he now found his wife. Binaba niya ang bote ng beer sa isang kamay niya at napasandal sa sofa na kinauupuan. Tumikhim muna siya bago magsalita. “How can you know if you already like the woman?” deretsong tanong niya. Biglang natahimik ang kabilang linya pero ilang segundo lang nang makarinig siya ng halakhak. “Tangina! Congratulations! Binata ka na rin sa wakas,” tuwang-tuwa na bulalas nito na ikinakunot ng noo niya.          

 

CHAPTER 31      

Tiningnan niya ang kabuuan niya sa isang malaking salamin. She looks like an elegant and sophisticated woman. Nakasuot siya ng isang mamahaling dress at sapatos na binili sa kaniya ng binata. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nakasuot din sa daliri niya. Makikilala niya na ang ama nito at mga kamag-anak. Gusto niyang matawa dahil mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan na may problema silang dalawa tiyaka pa sumakto ang family gathering ng mga ito. Wala siyang magagawa dahil isa lang siyang empleyado nito. Bayad siya para umaktong asawa ng binata. “If you’re ready we can go now.” Hindi nya nilingon ang binata nang pumasok ito sa kwarto niya. Hindi siya umimik at tahimik na kumilos para kunin ang sling bag na dadalhin. Lalagpasan niya sana ito para siya na ang maunang lumabas ng kwarto nang hawakan siya nito sa kamay. “Aj… we will talk after the gathering—” “Nag-uusap naman tayo, puwede mo nang sabihin ang sasabihin mo mamaya,” matabang na ani niya. Her expression was just straight and blank. Hindi ito nakapagsalita at napabuntong hininga na lang dahil sa tugod niya. “We will talk later,” ulit nito at binitawan na ang kamay niya. Nauna itong lumabas kaysa sa kaniya. Kinalma niya muna ang sarili bago tuluyang sumunod dito. Buong byahe ay tahimik lang siyang nakamasid sa daan. Hindi siya umiimik at hindi siya gumagawa ng kahit anong ingay. Hanggang sa makarating sila sa resort kung saan gaganapin ang gatherings ng pamilya at kamag-anak nito ay tahimik lang siya. Tiyaka lang siya napilitang humawak sa braso ni Xion nang may sumalubong sa kanilang dalawang babae at isang lalaki. “Kuya Xion!” bati ng dalawang kambal na babae. Sa tingin niya ay minor pa ang tatlo pero kung sa tangkad ang pag[1]uusapan ay inabutan na siya nito. “Is she your wife?” nakangiting ani ng lalaki. “Yes,” mabilis na sagot naman ng binata. Tiningnan siya ng tatlo kaya ngumiti siya sa mga ito. Kahit wala siya sa mood ay pinipilit niyang tumugon sa mga ito at magpakita ng ngiti sa labi. “I’m Yuli and she’s Yuri, we’re twin, obviously,” they both chuckled. “You’ll know I’m Yuri because I have a tiny mole in my right cheeks,” ani naman nito. Tumango siya at hindi inalis ang ngiti sa labi niya. Pinagmasdan niya ang dalawa, sobrang identical talaga at kung wala sigurong nunal si Yuri ay malilito siya. “I’m Yosef, I’m the eldest and we’re the cousins of kuya Xion,” pagpapakilala naman ng lalaki. Matured ito tingnan kaya hula niya ay nasa twenty na ito. “Where’s your mom?” tanong ni Xion nang lumakad na sila. Inalis niya na ang pagkakahawak ng kamay niya sa “She’s helping to prepare the food. You know mom, mahilig mag plating ng mga pagkain,” tawa ni Yuri. Nang makarating sila sa malaking gazebo area ay doon niya na nakita ang mga kamag-anak ni Xion. They are talking and laughing. “Mom! Kuya Xion is here with his wife!” sigaw ni Yuli kaya awtomatikong napatingin sa kanila ang mga tao na naroon. “Son…” Napalunok siya nang may lumapit na lalaki, halatang may edad na ito pero hindi mawawala ang kakisigan sa itsura. “Dad,” simpleng bati ng binata sa ama. Napahawak siya ng mahigpit sa bag na dala nang bumaling ito ng tingin sa kaniya. “You must be the wife of my son,” ngiting ani nito sa kaniya. Hindi siya kaagad nakasagot dahil medyo na intimidate siya sa aura nito. Nagulat na lang siya nang hapitin siya sa bewang ng binata at ito na ang nagsalita. “Yes. This is my wife, Aj.” “Xion, hijo.” Bumaling ang tingin niya sa babaeng papunta sa gawi nila. Kumapit ito sa braso ng ama ni Xion at doon niya lang napagtanto kung sino iyon. Hindi naman mapagkakaila na kahawig ito ni Lloyd. “Nandito na pala kayo,” ani nito. “Ito na ba ang asawa mo? Napakaganda naman.” Ngumiti lang siya sa mga ito dahil hindi niya alam ang sasabihin niya. Kasal lang naman kasi sila sa papel at paniguradong dadating ang panahon na malalaman ng mga ito ang tungkol sa bagay na ‘yon. Balak niyang tumahimik lang buong araw at umiwas sa mga tanong ng mga ito. Sigurado siyang magtatanong ang mga ito tungkol sa kanila ni Xion at wala siyang maisasagot. Umupo sila sa isang sofa. Nakahawak pa rin sa bewang niya si Xion. Gusto niya sanang alisin iyon pero maraming mata ang nakatingin sa kanila. “Don’t worry, we will not stay here for too long. I know you’re not comfortable,” bulong nito sa kaniya. Umiwas lang siya ng tingin dito at kunwaring tumitingin sa paligid. Pangiti-ngiti siya pag may nakaka-eye contact siya na mga kamag-anak ng binata. Mayamaya lang ay mas rumami pa ang dumami. Lumipat sila sa isang table dahil nakahanda na ang mga pagkain. May mga server na rin at bartender para sa mga drink. Nahagip naman ng mata niya si Lloyd na kasama si Alora. Kung pabonggahan ng suot ay panalo na si Alora. Parang aattend ito ng club party dahil sa revealing na suot. Nawala ang ngiti nito nang magtama ang paningin nila. Pinaikutan siya nito ng mata at nang may lumapit sa kanila ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Napailing na lang siya sa isip. “Sir, ma’am? champagne?” Inangat niya ang tingin sa waiter at kukuha na sana nang makita niya ang itsura ng nagse[1]serve sa kanila ngayon. Nanigas siya at hindi makagalaw sa kinauupuan. Nakangiti ito sa kaniya pero pansin niya ang mapanghusga na tingin at ngiti nito sa kaniya. Tumikhim siya at kumuha ng isang baso na may lamang champagne. It’s her ex. Her ex-boyfriend who cheated on her because she can’t give her virginity to him. She’s not dreaming, he’s real! Hendrix is here. Hindi siya makapaniwalang nagtatrabaho ito sa resort na ‘to. “Hello tita, tito,” bati ni Alora nang malapit na sa pwesto nila. Kasama kasi nila sa isang table ang daddy ni Xion at ang mommy ni Lloyd. “Good to see you, hija. Kumusta kayo? Anak, hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta kayo,” baling naman ng ina ni Lloyd sa anak. “You’re busy with you boyfriend, I don’t want to disturb you,” pabalang na sagot nito sa ina. Kita niya ang gulat at lungkot sa mata ng ina ni Lloyd. “Umayos ka ng sagot, Lloyd.” Hindi naman nito pinansin ang ama na sinita ito. Tumingin si Lloyd sa kaniya at kay Xion. Akala niya magsasalita ito pero tumabi lang ito sa kaniya dahil bakante na ang kabilang katabi niya. Napaayos siya ng upo at napatingin na lang sa pagkain na nasa table na nila. May nag-serve na kasi ng pagkain nila. Hindi niya alam kung saan babaling ng tingin dahil hindi maganda ang pakiramdam niya lalo na kasama niya pa sa table si Alora at higit sa lahat ang nagse-serve pa sa kanila ay ang ex niya. “When will you get married, Lloyd?” tanong ng ama nang makapag-umpisa na silang kumakain. “Not sure,” simpleng sagot nito habang naghihiwa ng steak. “Pero magpapakasal din po kami tito, wala pa lang po sa plano kung kelan,” singit naman ni Alora. “So you two are really in a relationship? Akala ko magkaibigan lang kayo ng anak namin,” masayang sambit ng ina ni Lloyd. Umiwas siya ng bahagya nang mag-serve si Hendrix ng panibagong putahe. Sa gilid niya kasi ito pumwesto. Nang makaalis ito sa tabi niya tiyaka lang siya nakahinga ng maluwag. Kinuha niya ang fork and knife niya para hiwain ang steak na sinerve sa kanila kaagad pero bago niya pa iyon magawa ay may umagaw sa plato niya. Nanlaki ang mata niya dahil si Lloyd iyon. Ang plato nitong may laman na hiniwang steak niya ay nilagay nito sa harapan niya. “Eat. Don’t stare at the food,” mahinang sambit nito. Napatikhim siya dahil napansin niyang nakatingin ang magulang nito sa kaniya. Nakita niya rin ang pagkuyom ng kamay ni Xion habang hawak ang tinidor. “O-oh… magkakilala din kayo ng anak ko, Aj?” pagtatanong ng ina ni Lloyd. “A-ah, o-opo—” “Yes. She’s the best server in my favorite restaurant.” Nanuyo ang lalamunan niya dahil sa ginagawa nito. Hindi na siya makakain ng maayos dahil mukhang hindi siya matutunawan. “Oh, really?! Nagta-trabaho ka sa restaurant?” baling sa kaniya ng ina nito. “Before but she already resigned,” singit ni Xion. “Because I want her to be only my housewife,” he added. Diniinan talaga nito ang ‘housewife’ na salita. “How sweet,” Lloyd’s mom commented. “Hayaan mo siyang magdesisyon kung ano ang gusto niya. Women wants to work too even they already have a family. Mag-usap kayo sa mga bagay bagay para magkaunawaan kayo,” sambit ng ama nito. Alam niya ang pinupunto nito pero double meaning iyon sa kaniya. “Of course, I’ll do that.” Napapitlag siya nang hawakan ni Xion ang isa niyang kamay. “Also, I need to clarify something, later,” bulong pa nito na siya lang ang nakarinig dahil hindi na nag-react ang mga kasama nila sa table.         

 

CHAPTER 32  

 Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion. Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam. “Ibang klase ka na pala ngayon.” Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas. “Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin,” tawa nito sa kaniya. “Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?” she scoffed. Mukhang nainis ito sa sinabi niya kaya lalagpasan niya na sana nang hawakan nito ang braso niya. “Aray! Nasasaktan ako Hendrix!” daing niya rito. Ngayon ay nagtataka siya kung bakit siya nagkagusto sa manloloko na ‘to. “Hindi na maganda ang tabas ng dila mo ah! Ano? Nagmamalaki ka na dahil nakakuha ka ng mayaman? Ganito mo ba kabilis gusto maging mayaman at umasenso?” Tumawa siya ng mapakla at malakas na winaksi ang pagkakahawak nito. “Wala kang alam! ‘wag kang magsabi ng kung ano-ano kung hindi mo alam ang istorya ko!” “Alam kong gusto mo maging mayaman, Aj. Kaya nga ‘di ba kung ano-anong raket ang ginagawa mo? Paano mo nasungkit ‘yong asawa mo? Imposible namang binigay mo ang sarili mo para makuha lang ‘yang mayaman na ‘yan, masiyado ka kasing maarte at panigurado rin na hindi magaling sa kama. Kaya nga ayaw mo makipagtalik sa akin kasi wala kang binatbat —” Malakas na sampal ang pinutol niya sa pagsasalita rito. Nanubig ang mata niya at nanginginig ang kalamnan niya sa galit at poot na nararamdaman niya sa walang kwentang lalaking ‘to. “Ang kapal ng mukha mo —” Natigil siya sa pagsigaw nang biglang bumagsak sa sahig si Hendrix. Nanlalaki ang mata niya nang makita si Lloyd na umibabaw na sa lalaki at pinagsusuntok ang mukha nito. “A fucker like you is not needed on this earth. You…” Tumayo ito at hinablot ang kwelyo gamit ang isang kamay. “… you should go to hell and meet your family there, you assh*le.” “Nako po! Sir! Tama na po ‘yan!” Napalingon siya nang makita ang isang staff ng resort. May nakita pa siyang isang babae na tumakbo papaalis doon, siguro para humingi ng tulong. “Lloyd! T-tama na ‘yan… Baka mapano ang kamay mo sa demonyong ‘yan!” Pinigilan niya si Lloyd at nang tumigil ito saglit ay inipon niya ang lakas niya para sampalin muli ito pero sa kabilang pisngi naman. Bigla siyang nakaramdam ng walang awa sa lalaking nasa harapan niya. “What is happening here?!” sigaw ng ama nila Xion. “Calm down Frank!” ani ng ina ni Lloyd sa kasintahan. Napalingon siya nang may humawak sa braso niya. Nakakunot ang noo ni Xion habang nagtatanong ang mga mata nito sa kaniya. “What did you do, Lloyd? Another problem again? Really? Here in our family gathering?” galit na utas ng ama nito kay Lloyd. Winaksi niya ang pagkakahawak ni Xion sa kaniya at binalingan ang ama ng mga ito. “Wala pong kasalanan si Lloyd, pinagtanggol niya lang po ako…” paliwanag niya sa mga ito sa mahinang boses. “What the fuck did he do to you?” sabat ni Xion at dinampot gamit ang isang kamay ang nanghihinang Hendrix. Hinawakan niya ang kabilang kamay nito dahil pakiramdam niya kung nabugbog ito ni Lloyd ay baka mapatay ito ni Xion. Kita niya pandidilim ng mata ng binata, hindi pa nito alam ang buong nangyari ganito na agad ito kaya medyo kinabahan siya. “Nagsabi lang ako ng totoo! Kaya ka siguro inasawa niyan dahil gusto niya rin yumaman! Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa babaeng ‘yan eh noong kami nga ayaw magpagalaw sa akin kaya nagsawa ako at naghanap ng iba. Paniguradong magsasawa ka rin diyan dahil hindi mo makukuha ang katawan niyan —” Sabay sabay ang pagsinghap ng lahat nang tumalsik si Hendrix at tumama sa pader. Hindi siya nakapag-react agad dahil napakabilis ng pangyayari. Muling sinugod ni Xion ang lalaki at aawat na sana siya nang may pumigil sa kaniya. “Don’t stopped him. Because if I’m your husband? I’ll kill him,” ani nito sa kaniya. “Gusto ko pa siyang bugbugin pero dahil wala akong karapatan sa’yo, I’ll stop here,” he added. “Lloyd…” “I’m sorry, Aj. I used you to get the company…” Naguguluhan man siya sa sinabi nito pero hindi na siya nakapagtanong dahil mas lalo lang lumakas ang ingay. Puro sigawan ang nangyayari at ang mga bata ay pinaalis sa lugar kung nasaan sila. Tiningnan niya ang ama ni Xion pero blanko lang ang itsura habang nakatingin sa ginagawa ng anak. “Don’t stopped him. He deserve that,” baling sa kaniya ng ama nito. Naririnig niya ang pagsaway ng ina ni Lloyd sa ama ng mga ito. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Lloyd at siya ang umawat sa binata. “Xion! Xion! Tama na… Xion!” sigaw niya rito nang hindi ito maawat. Hinablot niya ang matigas nitong braso, hinahatak niya ito kahit hirap na hirap siya dahil malakas ang binata. “Xion!” “I’ll fucking kill this fucker,” giit ni Xion sa kaniya at hindi pa rin tumitigil sa pambubugbog sa lalaki. Kita niya na mawawalan na ng malay si Hendrix dahil duguan na ang mukha nito. “Xion! Pag hindi ka tumigil lalayas na talaga ako at hindi na kita babalika pa!” sigaw niya. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon nito sa kaniya. Nagtama ang paningin nila, nagtatas baba ang dibdib nito dahil sa galit. Pabalang nitong binitawan ang lalaki at binalingan siya. Sinalubong niya ang tingin nito at tinibayan niya ang sarili. Sinamaan niya ito ng tingin at parang naging switch iyon para kumalma ang mukha nito. “I’m sorry…” Hinatak nito ang kamay at niyakap siya ng mahigpit. “I will not do it again… don’t leave me, baby,” he murmured. Para namang may pumisil sa puso niya, ramdam niya ang kung ano-anong emosyon sa boses ng binata. Para itong naging maamong tupa pagkatapos magwala. Bumuntong hininga siya at niyakap ito pabalik. “Gusto ko ng umalis dito,” bulong niya. “Okay, baby. We’ll leave now.” He kissed her forehead and held her hands tightly. Her anger towards her ex calmed, she suddenly feel so safe with Xion’s embrace and especially when he kissed her forehead and held her hand. Parang sa oras na ‘yon ay totoo silang magkasintahan. Paano siya hindi mako-confused kung ganito ito umakto pag dating sa kaniya? Nagkaroon na naman ng oras umasa ang puso niya kahit may galit pa rin siya rito. Bakit ba napakakomplikado ng lahat? Please lord, give me a sign if i should held his hand tightly or should i let go it. Lalaban at aasa pa ba ako? Sa ngayon ay hindi niya muna iisipin ang mga pinoproblema niya at pagtutuunan muna ng pansin ang mga nangyari ngayon. Talagang kailangan nga nila mag-usap ng masinsinan.        

 

CHAPTER 33    

  Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos. “Is that your ex? How come you like that fucker?” iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon. “Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami,” simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog. Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot niya. “A-ako na!’ saway niya rito. “I’m sorry, if I didn’t force you to come with me you will not feel uncomfortable and hurt.” Nang matanggal nito ang suot niya na heels ay tumingin naman ito sa kaniya. Hinawakan nito ang isang kamay niya habang hindi pa rin inaalis ang titig sa mga mata niya. Kumabog ng husto ang dibdib niya at hindi mapakali ang sistema niya. Parang nawala ang galit niya rito sa isang iglap dahil ang tibok ng puso lang niya ang tanging naririnig sa oras na ‘yon. She doesn’t know what Xion’s eyes are saying right now. Hindi niya alam kung ano ang pinapahiwatig ng tingin nito basta’t alam niya na may kung ano na naroroon. “M-matutulog na ako,” bulalas niya dahil hindi niya nakayanan ang titig nito. Tumayo siya pero muling napaupo nang pigilan siya ng binata. “Baby…” She wants to shut her eyes and calm herself. Tinawag lang siya nitong ‘baby’ ay mas lalong nagkabuhol-buhol ang sistema niya. Hindi siya mapakali at gusto niya agad umalis sa harapan nito. “Ba-bakit ba? Inaantok na ako… puwedeng bukas na lang tayo mag-usap? Kung tungkol lang ‘yan sa ex kong tarantado ay bukas na lang—” “I love you.” Nag-isang linya ang labi niya at napatitig ito gamit ang normal niya na reaksyon. Hindi niya alam kung nagha-halucinate na ba siya o sadiyang nananaginip lang siya ng gising. “I-inaantok na talaga ako,” wala sa sariling ani niya sa sarili. Tumayo siya at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay nito sa kaniya at dali-daling umalis sa kwarto nito at nang makalabas na ay tumakbo siya ng mabili papunta sa kwarto at ni[1]lock iyon kaagad. Magkalapit lang ang kwarto nila pero parang tumakbo ata siya sa marathon dahil sa pagkahingal niya. *** Xion was so confused, he frozed a little before he moves. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya dahil parang hindi man lang siya pinakinggan ni Aj. Mukhang hindi nito naintindihan ang pagco-confess niya o sadiyang mali lang ang itinuro sa kaniya ni Francis. Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na tinawagan ang kaibigan. “You said that I should confess my love to her?! Why did she run?!” inis na bulyaw nito sa kaibigan. “What the fuck did you say?” he laughed. “Stop laughing brute! I did what you said to me. I said ‘I love you’ to her but she runaway!” Mas lalong nag salubong ang kilay niya dahil tawang-tawa si Francis sa kaniya. Hindi ito makapagsalita at parang hirap na hirap na dahil sa kakatawa. “Oh god! I imagined what happened bro!” Nag-isang linya na ang labi niya dahil naiinis na siya sa kaibigan. “Are you just joking around? You know that I’m fucking serious!” “Woah, woah, woah! Tama naman ang sinabi ko sa’yo! Siguro, hindi ka lang talaga kapanipaniwala, at isa pa, nanligaw ka na ba?” “Ligaw?” kunot noong tanong niya sa kaibigan. Umupo siya sa dulo ng kama at napahawak sa sintido gamit ang isang kamay. Gusto niya sundan ang dalaga sa kwarto nito pero baka kasi totoong pagod ito. Maraming nangyari ngayong araw at ayaw niya dagdagan ang mga nasa isip nito, sadiyang gusto niya na talaga mag-confess kaya niya na sinabi ang tatlong salita. He realizes and confirms what he really feels for her when Francis asks him a lot of questions that day he asked him what is the feeling of being in love. “I already experienced love, but it was a complicated one. But I’ll tell you what love is, para naman hindi ka tanga— just kidding! I have questions for you and you need to answer honestly and truthfully.” “Okay.” “Okay lang kahit hindi ka niya pansinin?” “No.” “Anong mararamdaman mo pag umalis na siya sa puder mo, o kaya naman natapos na ang kontrata niyo?” “I… don’t… know… Hindi ko iniisip ‘yon.” “Eh paano kung magpakasal na siya sa ibang lalaki ‘yong mamahalin—” “There’s no other man in her life except for her family in me.” “Hindi ka niya kapamilya.” “I’m her husband—” “Sa papel lang bro.” “Still, I’m her husband.” “Mahal mo?” “Yes— yes?” “Mahal mo nga. Kung hindi mo siya kaya pakawalan at mas lalong hindi mo siya kayang isipin na may ibang lalaki na pakakasalan at mamahalin ay ibig sabihin mahal mo na siya. At last, nagkaroon ka rin ng lovelife. Confess what you feel, bago pa mahuli ang lahat. Balita ko mukhang may gusto na ang kapatid mo kay Aj kaya nag-aalburoto si Alora? I knew it, bro, Alora is not into you. She’s flirting but it’s not real.” Napatayo siya para lumabas ng kwarto, hawak niya pa rin ang phone at nakikinig sa sinasabi ni Francis sa kaniya. “Kailangan mo siyang ligawan, suyuin at haranahin. Hindi ka ba nanonood ng teleserye? Romance movies?” Hindi siya nakasagot kaagad dahil napatanaw siya sa pinto ng kwarto ni Aj. He just sighed before he goes down and go straight to the kitchen. “May kausap pa ako ‘di ba?” pilosopo na ani ni Francis. “How can I do that? Pwede bang sabihin mo na lang ang gagawin ko?” Kumuha siya ng alak at uminom mag-isa sa kusina. “I have a talent fee and extra fee as your personal lawyer, Mr. Horton,” biglang sambit nito. “What the hell do you want? just tell me what should I do and I give what you want,” mabilis na ani niya. Alam niyang marami pang pasikot-sikot ito. Pag hindi trabaho ang pakikipag-usap niya rito ay nagiging makulit ito, kaya minsan nagugulat pa rin siya dahil napakapormal at propesyonal nito pag nasa duty, lalo na pag may kasong hawak. “Good, good, good! I’ll list it down for you, my friend,” he chuckled. Napailing na lang siya at hinantay ang ise-send nito sa kaniya. Sigurado siyang may file itong isesend dahil laging organize ito sa mga bagay-bagay. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang naging kaibigan niya si Francis o mabi-bwisit lang siya. He’s the best lawyer but not that best as a friend. He’s a fucker and irritating when he was with him but still, he is the person he trust the most.          

 

CHAPTER 34  

 Ayaw niya sana lumabas pa ng kwarto pero nauuhaw na siya kaya wala siyang magawa kun’di lumabas. Pagkalabas niya ay muntikan na siyang mapatid nang may matamaan ang paa niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig at nakita nyang may bouquet doon ng white roses, nasa basket iyon at ‘yon ang natamaan ng paa niya. Natigilan siya saglit bago yumuko at kunin ang basket na ‘yon. Naalala niya na naman ang sinabi nito kagabi, biglaan iyon at hindi siya makapaniwal. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya ng binata o talagang totoo ang mga sinabi nito. Natatakot siya dahil ayaw niyang umasa at mas lalo pang masaktan. She let out a heavy sighed before she walk and goes down. Pagkababa niya ay may naamoy siyang mabangong pagkain. Natanaw niya sa kusina si Xion na naka-apron at busy sa pagluluto ng kung ano. Nilapag niya ang bulaklak sa isang tabi, mamaya niya na ilalagay iyon sa vase sa sala. Napalingon naman ito sa gawi niya marahil ay naramdaman ang presensiya niya. “You awake… Good morning,” bati nito sa kaniya. Hindi siya nagsalita at tumungo na lang sa may refrigerator para kumuha ng tubig. “Did you slept well?” tanong ulit nito sa kaniya habang busy sa pagluluto. Hindi niya masabing oo dahil hindi naman siya nakatulog ng maayos. Mukhang madaling araw na ata siya nakatulog dahil sa kakaisip ng sinabi nito sa kaniya. That three words are still inside her head. “Baby…” Napapitlag siya nang maramdaman niya ang pagyakap nito galing sa likuran niya. Nakatalikod kasi siya rito at hindi niya napansin ang paglapit nito sa kaniya. “Bakit mo ba ‘to ginagawa? Hindi ako nakikipaglokohan sa’yo, Xion,” bulalas niya rito at pinaseryoso ang boses. “I’m not joking too. What I said is true! I love you, so please, baby… Pansinin mo na ako,” malambing ani nito at pinaharap siya. Medyo nagulat pa siya dahil naging malungkot ang itsura nito at mukhang nagmamakaawa sa kaniya. “Alam mo ba ang sinasabi mo? O sinasabi mo lang ‘yan dahil alam mo na ang nararamdaman ko at naaawa ka sa akin!” Hindi siya nag-iinarte, hindi lang talaga siya makapaniwala sa sinabi nito. Nabigla siya sa binata. “I know what I feel, Aj,” sumeryoso ang boses nito. Tiningnan siya nito ng mabuti habang nakapalibot pa rin ang kamay nito sa bewang niya. Napalunok siya nang marahan nitong hinimas ang bewang niya. “I can’t imagine you will leave me for other guy to marry. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko at mas lalong hindi ko kaya mabuhay kung wala ka.” Nahigit niya ang hininga niya dahil sa mga sinabi nito. She felt like crying, his eyes is saying that what he said is the truth and she should believe it. “I just realized it late but the moment I saw you and know your personality, I know, I fell in love that day.” Xion embrace make her cry more. “I love you, baby… so damn much.” He kissed her forehead. “I… I love you too, Xion,” halos pabulong na sambit niya habang hindi pa rin tumitigil ang luha niya. She was overwhelmed at the same time happy. Masaya siya na mahal din siya nito, na pareho sila ng nararamdaman. It’s not a dream, and she’s not hallucinating. Xion really confessed to her. “Oh damn, can you repeat it baby? I want to hear it again,” masuyong ani nito. Natawa siya at tiningala niya ito. Hindi siya nagsalita at tumingkayad na lang para abutin ang labi nito. Her kissed should’ve lasted for seconds but Xion held her nape and deepen the kiss. Naiyakap niya ang dalawang kamay sa bewang nito dahil sa malalim na pagtugon ng binata sa kaniya. “I love you so fucking much, baby. You don’t know how happy I am right now,” he murmured when their lips parted. “I love you too, husband,” she smiled. “Oh fuck. I want to make love with you right now.” Natawa na lang siya at nailing. Tinulak niya ito ng marahan at pinuntahan ang kawali na nakalagay pa rin sa kalan. Nakapatay na ang apoy kaya sinilip niya iyon, nagluto ito ng fried rice, kaya naman pala bangong bango siya. “I also fried eggplant, cooked egg and tuyo, it’s your favorite, right?” Natunaw naman ang puso niya rito dahil talagang pinagluto pa siya nito ng paboritong pagkain niya tuwing umaga. Ito na ata ang pinakamasayang araw niya sa lahat. Ibang iba talaga ang saya pag mahal ka rin ng mahal mo, parang lahat ay panaginip dahil sa kakaibang saya. She just hopes that this will be a good start. Sana wala ng problema ang dumating pa sa kanila. *** “Are you kidding me, Lloyd?!” Hindi niya pinansin si Alora nang sigawan siya nito. Sinabi niya kasi na hindi niya pa alam kung kailan niya ito papakasalan. He needs time and he needs to unwind. Marami ang bumabagabag sa kaniya at marami siyang iniisip. “Nakuha mo na ang kompanya kaya dapat pakasalan mo na ako!” sigaw pa ulit nito. Nilingon niya ito at binigyan niya ng blankong tingin. These past few days, Alora is talking back to him. Naging demanding ito sa lahat ng bagay. “Look, Alora, I will marry you so don’t rush me.” Tiningnan niya ito ng seryoso bago talikuran ulit para pumasok sa kwarto. Pagod din kasi siya dahil siya na ang humahawak ng kompanya. Oo nga’t may galit siya sa may family side ng ama pero hindi ibig sabihin no’n ay pababayaan niya ang kompanya. Hindi niya iyon ibebenta, gusto niya rin palaguin pa ‘yon at alam niyang dapat magsikap siya hanggang sa maabot niya ang kapatid niya. Tumatak sa isipan niya ang mga sinabi ni Aj sa kaniya. Siya nga ba talaga ang mali at sobrang taas ba ng pride niya? He was all alone when he was young. Gusto niya ng marangyang buhay at mas lalong gusto niya ng atensyon na hindi naibibigay sa kaniya. Aaminin niyang naging inggit siya kay Xion dahil mas matalino at magaling ito sa lahat ng bagay. Hindi siya gano’n, happy go lucky lang siya. Hindi siya sobrang seryoso sa pag-aaral, ayaw niya kasing pine-pressure ang sarili. “Is that because of that woman? ‘wag kang magsinungaling! I know that you already fall for her! Hindi ako tanga!” He shut his eyes and calm himself. Pumasok sa kwarto niya si Alora at hindi na naman siya nito titigilan. “I do, but still, I’ll marry you. So shut your mouth and leave my place,” marahan pero mariin na sambit niya. Umawang ang labi nito at natawa ng maiksi. “Ako ang matagal mo na kasama pero bakit hindi mo ako magawang mahalin?” she mocked. Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Alora is pretty, sexy and rich but still his feelings for her not deepened. They are like friends with benefits. “Because the two of you is different,” he said straightforward. “Stop it Alora. May usapan tayo na pakakasalan kita kahit anong mangyari pero hindi ko mapapangako na maibibigay ko ang puso ko sa’yo. I treat you as a friend—” “Yeah, friend fucked, right?” “You are the one who offers that to me!” “Hindi ba ako maganda? Am I not attractive bakit hindi mo ba ako magustuhan?!” He sighed when Alora shouted with anger. “Fine. I’ll marry you next week but for now, please, I need to rest. Pagod ako.” Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang ng masama sa kaniya. Ginaya niya ito palabas ng kwarto at nang makalabas na ay sinarado niya na ang pinto. Mabuti na lang ay hindi na ito nagsalita pa. Dumeretso siya sa kama at nahiga, mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa mga nangyayari. Umalis naman si Alora sa unit ni Lloyd. Masama ang loob niya at galit na galit siya. Mainit ang dugo niya sa babaeng 'yon. Dumating lang ito pero ginulo na agad nito ang pag-iisip ni Lloyd. Masiyado siyang naging kampante na hindi ito magugustuhan ng binata. Kinuyom niya ang kamao niya at kinuha ang cellphone nang makasakay sa kaniyang sasakyan. "I need men, and contact that guy in the resort," ani niya sa kabilang linya. Ngumisi siya nang maisip niya lang na magiging successful ang mga plano niya.           

 

CHAPTER 35  

 Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho. Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon. Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw. Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na ‘yon. Napapangiti na lang siya at animo’y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted. Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad niyang sinagot. “Baby, I miss you,” salubong agad nito sa kaniya. Walang tunog siyang tumawa dahil kinikilig. “Kakatapos lang ng pangalawa kong meeting. What are you doing now? I’m sorry, I didn’t wake you up earlier because I know you’re tired.” Uminom siya ng tubig bago magsalita. “Sakto lang, kumakain ako ngayon ng niluto mo,” sambit niya. “Open your camera, let’s have a video call,” utos nito na agad niyang sinunod. Binuksan niya ang camera at sinandal ang cellphone sa may baso. Ngumiti siya nang makita ang asawa na nakaupo sa swivel chair. Pinagpatuloy niya ang pagkain niya habang tumitingin tingin dito. “Anong oras ang uwi mo?” tanong niya. “My last meeting for today would be end at 4:30 pm. It’s just a 30 minutes meeting to a new client. I am free at 2 to 3:55 pm, want to come here in my office?” he wiggle his eyebrow. “Tumigil ka!” bulalas niya dahil alam niya ang pinapahiwatig nito. “What? I just want to hug you for an hour.” “Sigurado kang yakap lang ‘yan?” natatawang wika niya rito. Tinapos niya ang kinakain niya at umabot ng panibagong baso para makainom ng tubig. “Maybe a kiss and a little bit of touch?” Inirapan niya ito at pinipigilan ang ngiti sa labi. “I want a child with you, baby.” Nasamid naman siya sa tubig na iniinom niya. Napatayo siya dahil sa sunod sunod na pag-ubo. “Are you okay?” natatarantang tanong sa kaniya ni Xion sa kabilang linya. Tango lang ang tugon niya dahil hindi pa siya makapagsalita. Muli siyang uminom ng tubig bago magsalita rito. “Kung ano-ano ang pinagsasabi mo.” Kumunot ang noo nito at seryosong tumingin sa kaniya. “I’m serious. We’re married so that is okay, well if you just want. I want a little you and me. One of my employees brought her child here in the office because no one will look at the child. I suddenly think of you and our future,” he smiled sincerely. Tinitigan niya ang mukha ni Xion sa screen ng cellphone niya. Xion is straightforward especially what he wants, alam niyang seryoso ito sa bagay na ‘yon. Sa kaniya naman ay okay na okay magkaroon sila ng anak. She wants a child too, she wants to be a mom especially the father of her future child is Xion. Sadiyang nagulat lang siya dahil ito ang unang nag sabi tungkol sa bagay na ‘yon. Bigla niya rin naisip na possible talagang mabuntis siya dahil ilang beses na silang gumagawa ng walang kahit ano na proteksyon. “B-but if you don’t want, I’m okay. Just don’t leave me.” Napatingin siya rito dahil nautal pa ito na parang kinabahan. Matagal ata siyang napatulala, akala siguro talaga nito ay ayaw niya. “Gusto ko.” Ngumiti siya rito ng matamis. Tumayo siya at nilipat ang cellphone malapit sa lababo para makapag-hugas na siya ng pinagkainan niya. “Talaga? Why did you zone out?” usisa nito sa kaniya. “Nagulat lang ako sa’yo! ‘wag kang kabahan diyan , mahal na mahal kaya kita,” kinindatan niya ito ng pabiro. “I love you too, baby,” nakangiting sambit nito sa kaniya. Nag-usap lang sila habang wala pa itong ginagawa. Umabot ata ng isang oras ang pag-uusap nila, kung hindi lang nag-text sa kaniya ang supplier niya ng mga cosmetics ay siguro hahaba pa ang pagvi-video call nila ni Xion. Nagpaalam siya sa binata na lalabas lang siya saglit papuntang mall para i-meet ang supplier. Kilala niya na iyon dahil nakuhaan niya rin ito dati ng mga cosmetics. Ito ang na-contact niya ulit dahil nasa manila ito at malapit lapit lang. “Papuntahin ko si Cheska para ipagmaneho ka,” tukoy nito sa babaeng driver niya palagi pag umaalis at wala ito. “Huwag na, ang lapit lapit lang ng mall, isa pa’t saglit lang ako. May dadalhin kasi siyang mga new shades ng lipstick para ma-check ko na rin sa personal kung mabebenta ko ba.” “Fine, just ride a taxi. Update me when you get there when you met your supplier and wherever you’ll do outside. For safety reasons, baby,” seryosong sambit nito. Tumango naman siya rito bilang pagsangayon. “Okay, okay. Bye na at maliligo lang ako saglit para makaalis na. I love you!” ngumuso siya na parang hinahalikan ito. “I love you too, baby. Ingat sa labas. I’ll kiss you for real later,” he chuckled. Nagpaalam na siya rito at kumaway pa bago ibaba ang tawag. Kala mo’y matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-video call, eh ilang oras pa lang naman ang nakalipas. Naligo siya ng mabilisan lang at nag-ayos ng simple. She wore a plain blouse, jeans and a sandals. Nag-taxi siya papuntang mall kung saan napag-usapan nila ng supplier. Pagkarating niya roon, hinanap niya agad ang food court dahil iyon ang meeting place nila. Hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya ang sign kung nasaan ang food court. Kumaway agad siya sa supplier niya nang makita niya ito. “Ate Charm!” bati niya rito nang makita niya itong nakaupo sa isang bakanteng table. Niyakap niya ito at tiyaka umupo sa harapan nito. “Kumusta ka? Kailan ka pa lumipat sa manila?” tanong nito sa kaniya. “Matagal-tagal na, nagtrabaho ako sa restaurant pero nag-resign na rin ako para mag-business na lang ulit,” paliwanag niya. Nilabas nito ang mga shades ng lipstick at ibang sample ng makeup. “Bali ipapadala ko na lang sa’yo lahat pag nakapili ka na kung ano ang mga ibebenta mo.” Tumango siya habang seryosong na tumitingin sa mga makeup. Gusto niya kasi magaganda ang shade ng ibebenta niya, ‘yong ayon sa trending ngayon. Halos isang oras lang sila nag-usap at nagkwentuhan habang namimili siya at nililista nito ang mga orders niya. Nagpaalam din siya kaagad dahil uuwi na siya. In-update niya muli si Xion na uuwi na rin siya pagkatapos niya sa grocery. Sinabi niya ring ipagluluto niya ito at siguraduhin na uuwi kaagad. Masaya naman siya dahil sa sinabi nito na pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay uuwi ito kaagad. Kumuha siya ng cart at tumungo sa mga pagkain na kailangan niyang bilhin. Kumuha na rin siya ng mga snacks dahil wala na masiyado sa bahay. Marami-rami ang binili niya para madagdagan ang stock sa bahay. Pagkatapos niya sa may grocery ay lumabas na siya roon. Pero bago pa siya tuluyang makalabas sa mall ay nakita niya ang pamilyar na lalaki na papalapit sa kaniya. Napaikot siya ng mata at napabuga ng hangin. “Nandito ka pala, talagang tadhana nga naman,” ani nito nang makalapit sa kaniya. Halata pa ang mga sugat nito na pagaling na. “Anong kailangan mo?” nag-isang linya ang labi niya. Ayaw niya makipag-usap pero nakaharang ito sa harapan niya. “Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, gusto kong makipagbalikan sa’yo,” kaswal na wika nito na ikinatawa niya ng malakas. May napatingin pa sa kaniyang mga taong dumadaan. Talagang natawa siya sa sinabi nito, naluha pa siya dahil hindi siya makatigil sa kakatawa. “Anong nakakatawa? ‘di ba patay na patay ka sa akin? Ngayon makikipagbalikan na ako sa’yo, pasalamat ka—” “Pasalamat? Pasalamat na alin? May sira ka ba sa utak? Mayroon na akong asawa at kahit wala pa ay hinding hindi ako babalik sa katulad mong manloloko!” Literal na umawang ang labi niya at napailing dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “Wow! Porket umangat ka lang dahil sa mayaman mong asawa masiyado ka ng mataas? ‘wag mong kalimutan na galing ka rin sa lupa!” “Hindi ako makapaniwalang naging boyfriend kita. Anong klaseng ugali mayroon ka? Alam mo kung paano ako magmahal, hindi ako tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao kaya nga ‘di ba nagustuhan kita? Ang kaso lang wala ka palang kwenta dahil hindi ka totoo, magaling ka lang mambola pero ang habol mo lang pala sa babae ay pera at tawag ng laman!” Hindi niya mapigilan na punain ito at makipagtalo. Talagang sumabog siya sa sinabi nito. Bakit ako nagkagusto sa walang kwentang tao na ‘to? Kahit sinong babae ay hindi deserve ang ganitong klaseng lalaki. Nilagpasan niya ito pero hinawakan nito ang braso niya. “Sa tingin mo ay hindi magsasawa sa’yo ang asawa mo? Ako nga napagod sa’yo dahil wala ka namang kwenta sa maraming bagay—” “For your information, hindi siya kailanman nagsawa sa akin, kasi kung nagsawa siya sa akin bakit lagi kaming inuumaga?” Tinaasan niya ito ng kilay at nagkibitbalikat. Ayaw niyang magyabang dito ng kung ano pero kung ito lang ang magpapatigil sa lalaking ito ay sasabihin niya na. “Isa pa’t hindi ka mukhang masarap, para kang panis na pagkain at siya naman bagong luto, fresh na putahe, ikaw bulok!” Singhal niya at mabilis na nilagpasan ito. Naiwan itong tulala marahil iniisip pa nito kung ano ang tinutukoy niya. Mabuti na lang talaga na hindi niya binigay ang birhen niya rito, dahil talagang magsisisi siya. Pagkalabas niya ng mall ay pumara agad siya ng taxi. Narinig niya pa ang boses ni Hendrix na sumisigaw at tinatawag ang pangalan niya. “Manong tara na po,” ani niya sa driver. Tiningnan niya si Hendrix na tumatakbo papunta sa gawi niya pero dahil naka[1]taxi na siya hindi na siya nito nahabol.           

 

CHAPTER 36   

Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date. “Do you want some ice cream?” tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup. “Just one spoon,” ani nito sa tindera. “Subuan mo ako,” baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap. “Let me taste it,” sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya. “Hmm… sweet,” wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib. “Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!” mahinang bulalas niya. Agad siyang napalingon at may iilan doon na kababaihan na nakatingin sa kanila. Napayuko siya at naunang maglakad. Bigla siyang nahiya dahil PDA sila ni Xion. “Wait for me wife!” sigaw ni Xion. Mas lalo siyang nahiya dahil narinig niya ang bulungan ng mga kababaihan, ‘Ay mag-asawa na pala!’ ‘Ang guwapo ng lalaki, mukhang mayaman at masarap.’ ‘Nakita mo naman humalik ‘di ba? Magaling ‘yan panigurado, ‘yong mapapasigaw na lang sa sarap!’ Patakbo na niyang nilagpasan ang mga ‘yon, hindi niya alam kung maiinis siya dahil pinag-uusapan at mukhang pinagnanasaan pa ang asawa niya o mahihiya dahil nakita ng mga ito ang halikan nila. Natigil siya sa pagtakbo nang may humawak na sa kamay niya. “Why are you running?” he chukled. “Natatawa ka pa ha!” pinanlakihan niya ito ng mata pero tumawa lang ito sa kaniya. “Sorry, sorry, it’s just that you’re too cute. You’re blushing, wife,” puna nito sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Ang dali[1]dali nito hawakan ang ulo niya dahil mas matangkad ito sa kaniya. Inakbayan siya nito kaya sabay na silang naglakad. Pumunta na sila sa kotse at doon na tumambay. Alas-onse na rin ng gabi at medyo sumakit na rin ang paa niya kakalakad nila. Sa loob ng kotse niya tinuloy ang pagkain ng ice cream. “Do you want to go home now or are you fine to go somewhere?” Binalingan niya ito ng tingin habang kumakain ng ice cream. “Okay lang sa akin pumunta pa sa iba, hindi pa ako inaantok. Ikaw ba? Galing ka pa sa trabaho kanina, baka pagod ka na,” pagtatanong niya rito dahil nag-aalala siya. Pagkatapos kasi nila mag dinner sa bahay dahil pinagluto niya ito ay mayamaya ay umalis na sila dahil nakapag-decide agad sila na gumala. Gusto niya rin magkaroon sila ng quality time, lalo na ngayong alam na nila ang nararamdaman sa isa’t isa. Wala ng pag[1]aalala at takot na baka siya lang ang umaasa at nagmamahal. “Baby, can we go to your family’s home next week? I want to formally introduce myself to your parents and siblings.” Natigilan siya sa pagkain ng ice cream. “Sigurado ka?” wala sa sariling tanong niya. Siyempre, nagulat lang siya dahil ito mismo ang nag-aya para makilala ang pamilya niya. Hindi naman kasi nila napag-usapan ang bagay na ‘yon. Hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag sa magulat ang mga kapatid na kasal na siya at mag-iisang taon na. “Of course. If it’s hard for you to explain how we met, I’m the one who’ll explain,” ani nito na parang napakasimpleng bagay lang no’n. Tumango na lang siya para sumangayon dito, siguro ito na rin ang sign para malaman ng magulang niya ang nangyayari sa buhay niya. Gusto niya rin naman ipakilala ang asawa sa pamilya niya sadiyang natatakot lang siya at hindi alam kung paanong paliwanag ang gagawin. Huminto sila sa isang tabi. Lumabas sila ng sasakyan at sinundan niya si Xion. Binuksan nito ang likod ng kotse at doon niya lang nakita ang napakagandang view. Kitang kita ang mga ilaw galing sa ibaba. Hindi niya napansin na pataas pala ang tinutungo nila at ngayon ay kita niya na ang city lights. Hinatak siya ni Xion kaya napakandong siya rito. Nakaupo na ito sa likod ng kotse, Montero kasi ang sasakyan na ginamit nila kaya pwedeng maupuan ang likod pag binuksan mo. Binaba niya sa gilid ang cup ng ice cream dahil naubos na rin naman niya iyon. Sumandal siya kay Xion at hinawakan ang kamay nitong nakapalibot sa bewang niya. “For the first time, I feel so happy and contented. I never felt like this, baby. I’m so fucking in love with you.” Xion rested his chin on her shoulders and hugged her tightly. “Mahal na mahal rin kita… At masaya ako na kasama kita, Xion,” she sincerely said. Napababa ang tingin niya sa may kamay niya nang alisin nito ang singsing na suot niya. Umawang ang labi niya nang mapalitan iyon ng isang diamond ring, marahan nitong pinasok sa daliri niya kaya napalingon siya rito. “A-ano ‘to?” nauutal na tanong niya. Bumilis ang tibok ng puso niya, parang may kung anong emosyon ang bumubuo sa dibdib niya ngayon. Napatayo siya ng tumayo ito, hinarap siya nito habang hawak-hawak ang kamay niya. “This… this is a proposal. I want to propose to you but I don’t know what to do. I want to give you a grand proposal but Francis told me that you might not like it because you just like simple things but memorable one.” Bumitaw ang isang kamay nito dahil napasuklay ito sa buhok. Hindi niya alam kung matatawa siya dahil kahit kadiliman ay kita niya ang repleksyon ng mukha nito at halatang kinakabahan. “Damn. I don’t know what to say! Ano pa ba ang kailangan ko sabihin? I love you and that’s what’s important, right?” he sighed before he starts to talk again. “I want a fresh start with you. I want to marry you again but this time in church with you, not just in a piece of paper but in person because we love each other. I love you Aimar Joyce Balansag Horton. I can’t promise that we will not fight but I do promise that even we face big problems that might trigger us to let go, I will not let go. Kakapit ako at hindi ko hahayaan na mapaghiwalay tayo ng dahil sa problema. I love you so much that I can’t imagine living without you.” Tumulo ang luha niya dahil sa halo-halong emosyon. Hindi siya makapagsalita dahil sa bugso ng damdamin na nararamdaman niya ngayon. Sobrang punong-puno ang puso niya ng pagmamahal at saya sa oras na ‘yon. Wala sa isip niya na magpo-propose ang asawa dahil kasal naman na sila kahit sa papel lang. Kahit walang kasalan ulit ay masaya na siya dahil kasama niya ito. “Mrs. Horton…” Mas lalo siyang napahagulgol dahil sa malambing na boses nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Mahal na mahal talaga kita, Xion,” she said between her sobbed. “I know, baby… I know… And I love you too, so much.” He kissed her forehead and caressed her back. They hugged each other tightly. She also feel contented in her life, basta kasama niya lang ang asawa ay kahit anong hirap ang dumating ay kakayanin niya. God, thank you so much for giving this man to me. *** “Let’s get pregnant,” bulong niya kay Xion nang paupuin siya nito sa lamesa ng kusina. They are making out in the kitchen after they arrived at home. Madaling araw na at hindi man lang siya dinadalaw ng antok, marahil dahil sa sobrang saya ng kaniyang puso ngayon. Ngumisi sa kaniya si Xion at muli siyang hinalikan. “Yes, baby. I actually planning it too,” he smirked. Umahon ang init sa katawan niya nang hawakan nito ang dibdib niya kahit may nakatapal pa sa katawan niya. “Ohh…” Ekspertong tinanggal nito ang damit niya at binigyan ng halik ang kaniyang leeg. She bit her lower lips because of a pleasure she felt when Xion’s hand travel down to her sensitive spot. They are still on the table and she thinks that Xion is not planning to go to the bedroom. Napahiga siya sa may lamesa nang mas lalo nitong ibuka ang kaniyang hita. She parted her lips when Xion sat down to the chair and rested her feet in his shoulder. “Ohhhhh! X-xion!” she gasped when she felt his hot tongue on her. He sucked, sipped, and licked her sensitive spot that’s why her body can’t stay stilled. Her back arched and she doesn’t know where to hold because of so much pleasure. “Tangina,” he murmured when she reached her climax. She was shaking so much. Xion helped her to sit down. Humiwalay naman ito saglit para maghubad sa harapan niya. She was gulping while her eyes are roaming around to his perfect body. Napatili siya ng buhatin siya nito paharap. Akala niya kung saan sila pupunta pero sinandal siya nito sa pader at ekspertong pinasok ang galit nag alit na kaibigan nito sa baba. “We will explore our house baby. Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nalilibot ang buong bahay.” Napahigpit ang hawak niya sa buhok nito at hindi pinansin ang sinabi. Mas naging mabilis ang galaw nito na akala mo’y sabik na sabik sa kaniya. Puro daing at ungol na lang ang lumabas sa bibig niya dahil sa ginagawa ng binata. Hindi siya nito tinigilan hanggang sa malibot nila ang bahay. Kung saan-saan sila nakaabot at nakailang rounds pa sila. Hindi na siya magtataka talaga kung mabalitaan niyang may laman na ang sinapupunan niya. At pag nangyari iyon siya na yata ang pinakasaya na magiging magulang sa balat ng lupa.          

 

CHAPTER 37  

 Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya. Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya. Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na ‘yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa kaniya sa face book page at bumili ng maraming cosmetics at mga skincare, pang-freebie raw kasi iyon sa party kaya nagmamadali ang customer na ‘yon na kunin. Siya mismo ang magde-deliver sa address na sinabi nito. Pumayag naman siya dahil mukhang importante talaga ang event at marami ng inaasikaso ang customer. May mga customer kasi na pag bago pa ang pinagbibilhan ay walang tiwala ipa-deliver sa delivery app. Nag-taxi siya papunta sa address na ‘yon. Nakatanaw lang siya sa may labas ng sasakyan para makabisado ang daan. Pumasok ang taxi sa isang village, huminto lang ang sinasakyan ng nasa bandang dulo na sila ng street. Binayaran niya ang taxi driver bago bumaba bitbit ang mga products. Nakita niya ang numero na naka-ukit sa gate ng malaking bahay kaya hindi na siya nagdalawang isip na magdoorbel. “Aimar Joyce Balansag?” tanong ng lalaking guard ata ng mismong bahay. Ngumiti naman siya at tumango tiyaka ipinakita ang mga products na dala. Kinuha nito ang dala, akala niya ay maghihintay lang siya roon sa labas pero sinenyasan siya nito pumasok. Pumasok naman siya dahil hindi pa naman bayad ang order ng mga ito. Nang makapasok sa loob ng bahay ay nililibot niya lang ang paningin niya. Maganda ang bahay at napaka-elegante dahil may makinang na chandelier pa. “Pababa na si ma’am para sa bayad, ito ang juice, maupo ka muna riyan.” Nagpasalamat siya sa isang kasambahay na babae. Umupo siya sa isang sofa at tinanggap niya naman ang inabot nitong juice, nagpasalamat siya muli dahil ito pa ang nagsalin ng inumin niya. Napatingin siya sa hawak na baso, mukhang fresh juice iyon kaya natakam siya. Mainit din sa labas at saktong nauuhaw na siya kaya hindi na siya nahiyang inumin pa iyon. Halos maubos niya ang isang baso dahil sa nakaka-preskong inumin. “You’re now here.” Agad siyang napalingon dahil sa pamilyar na boses. Tatayo sana siya nang bigla siyang makaramdam ng hilo, para siyang biglang inantok. Kinurap-kurap niya ang mata para piliting gisingin ang sarili. Anong nangyayari sa akin? “Kahit anong kurap mo riyan ay hindi mo malalabanan ang gamot. Makakatulog ka pa rin,” ani nito at natawa sa kaniya. Mas bumigat ang talukap ng mata niya at parang kinakain na siya ng kadiliman. Napasandal siya sa kinauupuan at sinulyapan ang ininom niyang juice. “Alora… a-anong gagawin mo… sa akin…” *** Pinark ni Xion sa garahe ang sasakyan. Napatingin naman siya sa pinto dahil hindi pa lumalabas si Aj, lagi kasi siya nitong sinasalubong sa garahe pag narinig na nito ang makina ng sasakyan. Marahil ay nasa kwarto o nasa banyo kaya hindi siya narinig. Bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Dereto agad siya sa itaas at sa kwarto nilang dalawa. Pagkapasok niya ay wala roon ang asawa pati na rin sa banyo. Binaba niya ang gamit na dala at muling lumabas para tumungo sa ginamit nitong kwarto dati. “Baby?” he called. Binuksan niya ang pinto ng kwarto pero nakapatay lang ang ilaw. He tilted his head and get his phone on his pocket. Tinawagan niya ito pero naka-off ang phone nito. Bumaba siya at saktong may nag-doorbell. Lumabas siya kaagad, hindi niya pa nabubuksan narinig niya na ang boses ni Lloyd. “What are you—” “Alora kidnapped Aj,” bulalas nito. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Where is she?” he asked calmly. Nakakuyom na ang kamao niya at pinipigilan ang sarili. “Did you two fucking plan this? If you hurt her, I’m going to kill you both,” matigas na ani niya. “Do you think if I plan this thing I’ll go here to you and tell what’s happening? The company is in my hands now so I was done messing with your life. That’s what I said, right? And do you think I can hurt your wife? Of course not, siguro naman alam mo ang nararamdaman ko para sa asawa mo?” deretsong sambit nito sa seryosong mukha. Napabuga siya ng hangin. “Where are they? Where did Alora take Aj?” Pinipilit niya maging kalma sa oras na ‘yon kahit gustong gusto niya na hanapin kung nasaan ang mga ito. Pero alam niya kung magpapadalos siya ay mas lalong hindi niya makikita ang asawa. “She sends me the picture… Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya ngayon kaya hindi ako sumugod doon. She hired men.” Nilabas nito ang cellphone at pinakita nito ang picture. Aj was sleeping, her hands are tied on the bed. Mas lalong nagpainit ng dugo niya nang makitang may lalaking nakatingin sa natutulog niyang asawa. Sigurado siyang iyon ang ex-boyfriend ni Aj, ‘yong nabugbog nila sa resort. “I think Alora hired her ex-boyfriend—” “If something happened to my wife, I fucking kill all of you,” he fumed and gritted his teeth while he grabbed his shirt. Tinitigan niya ito ng masama at sinalubong naman iyon ng kapatid. “Don’t worry because I’ll kill myself if something happened to Aj. Ako naman ang may kasalanan kaya ‘wag kang mag alala dahil ako ang gagawa ng lahat para maligtas ang asawa mo.” Hinawakan nito ang kamay niya at malakas na tinanggal iyon. “Get in my car, we’ll go at Alora’s house. She didn’t know that I already entered her basement, so I know the design of it. I’m sure it’s her house.” Hindi na siya nag-isip ng kung ano-ano pa at sumakay na agad sa sasakyan nito. Habang nasa byahe ay pinaalam niya na kay Francis ang nangyayari, sinend niya rin ang address ng babae para magkaroon ng back-up pag may hindi magandang nangyari. But he is hoping that everything is going to be alright. “Alora was mad because I can’t marry her immediately. Nalaman niya rin na may gusto ako sa asawa mo.” “So you’re really the cause,” he clenched his jaw. “Of course, I’m always the burden one right?” he chuckled. Napalingon naman siya rito, nakatingin ito sa may daan at mabilis na nagmamaneho. Tumatawa ito pero hindi abot sa mata. “You always have a choice to do a right thing or wrong. But you always choose to be bad that’s why people around you didn’t trust you.” Hindi siya galit dito kahit na nalaman niyang kapatid niya ito sa ibang ina. Hindi naman nito kasalanan na lumabas ito sa mundo. Nagkaroon lang siya ng galit dito nang mag-umpisa itong awayin ang lahat ng nasa pamamahay nila. Palaging may gulo itong pinapasok at hindi pa nag-aaral. “Hindi ako kagusto-gusto dahil isa akong bastardong anak—” “Then why I did like you when the first time I met you? I found out that I have a brother, and I was so happy back then. But you just disappointed me because you chose to be evil.” Nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya. Totoong masaya siyang malaman na may kapatid siya dahil hindi na siya nag-iisa lang. Hindi kasi siya nakikipag-kaibigan basta-basta dati dahil nakapokus siya sa pag-aaral. Akala niya ay may makaka-bonding na siya dati dahil lalaki rin ang kapatid niya pero hindi pala. Mas lalo lang silang lumayo dahil sa mga ginagawa nito. “You d-did like me? Anak ako sa labas paano mo ako magugustuhan? Hindi ka ba nainis dahil may makikisiksik sa pamilya niyo?” kunot noong tanong nito. Humigpit ang hawak nito sa manobela at mas lalong pinabilis ang pag-andar ng sasakyan. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa daan. “Why would I be mad? It already happened, wala na akong magagawa roon. Also it’s not your fault too! Be matured, Lloyd. Hindi ka na bata dapat maintindihan mo ang lahat—” “I always feel alone that’s why I became a rebel.” “Ikaw ang gumawa ng dahilan kaya ka laging nag-iisa. Tinataboy mo kami kahit anong pilit naming pakisamahan ka.” “My mom like you more than me!” he shouted. “Your mom is always asking me if I can check you time to time because you’re avoiding everyone! She was always worried because of what you’re doing! Hindi ka na naming pinapansin masiyado dahil baka ayaw mo talagang pinapansin ka,” giit niya rito. Napahawak siya sa seatbelt nang tumigil bigla ang sasakyan. Tiningnan niya ito gamit ang seryosong mukha. “Our dad, your mom, lolo and I are always worried of you. Hindi mo lang napapansin dahil sarado ang puso at utak mo. Dad is mad of you because you always hurt yourself when you’re fighting other kids back then. Nag-aalala kami sa’yo noon ba dahil baka mag-iba ang landas ng buhay mo!” Hindi ito kumibo sa lahat ng sinabi niya. Nakayuko lang ito habang nakahawak pa rin ang kamay sa manobela. Mayamaya ay tinanggal nito ang seatbelt. “That’s her house,” sambit nito at lumabas na ng kotse. Lumabas na rin siya kaagad at sinundan ito. “We will pretend that we didn’t know where’s Aj. We will just ask her a question, that’s all. Don’t talk to much and follow my lead.” Hindi na siya kumibo pa sa sinabi ng kapatid at sinundan na lang ito. Hahayaan niya ito dahil ito ang mas nakakakilala kay Alora. Hindi niya rin akalain na magagawa ito ng babae. “Hello? Where are you? Nasa labas ako ng bahay mo, mag-usap tayo,” rinig niyang sambit ni Lloyd sa telepono. Mayamaya ay lumabas si Alora sa bahay, mukhang nagulat pa ito dahil naririto rin siya. “Wow. Interesting, how come you two are here?” she chuckled. “Sinabihan mo ang kapatid mo?” “Where is Aj?” matigas na sambit niya kaagad. Tinaasan lang siya nito ng kilay na parang walang nangyayari. “So you really told to your brother I kidnapped his wife?” hindi makapaniwalang ani nito at muling natawa. “Why are you doing this? I told you that I’ll marry you,” mahinahong ani ni Lloyd. “You’ll marry me? Kailan? Sabi mo ngayong week pero ano? Naurong na naman!” sigaw ni Alora. “I have important meeting to attend. Marami akong inaasikaso sa kompanya, alam mo ‘yan.” “No! Nagdadalawang isip ka na kasi dahil may tao nang nagmamay-ari ng puso mo!” Tinulak ni Alora si Lloyd sa dibdib. Siya naman ay hindi na mapakali at gusto ng makita ang asawa niya. “Stop you’re doing Alora and bring back my wife!” singit niya na sa mga ito. Wala siyang oras para marinig ang mga pagtatalo ng dalawa. “Oh, too bad? Kinuha na siya ng ex niya, umalis na sila. So, basically, I am not the one who kidnapped Aj.” Sa sobrang inis ay hinablot niya ang damit nito banda sa leeg. Nauubos na ang pasensiya niya at hindi niya na kaya pang kumalma pa. “Where is my wife?” matigas na tanong niya ulit. Hindi niya nakita na natakot ito sa kaniya ngunit mas lalo lang itong natuwa. “Magpapakasal muna kami ni Lloyd bago ko sabihin!” ngumiti ito ng malawak at pinagsiklop ang dalawang palad. “You’re insane,” he stated. Napatingin siya kay Lloyd at may kung ano itong sinesenyas sa kaniya. Nang maintindihan niya na ay bigla niyang hinablot si Alora at hinawakan ng mahigpit. “I’m sorry but I need to do this. Doon niya lang nakita na may patalim pala itong hawak. “What are you doing Lloyd? Are you going to hurt me because of that woman?! Really?” Hindi sumagot si Lloyd at hinatak ito papasok ng bahay. May dalawang lalaki na tumutok sa kanila ng baril. Pero agad ding binaba nang makitang hawak nila ang amo ng mga ito. “Ma’am!” sambit ng isa. “Get my wife—” “Xion! Ahhhh!” Naputol ang sasabihin niya nang marinig ang boses ng asawa. Mukhang nakatakas ito sa pagkakatali sa kama at tumakbo pero agad ding nahablot ng lalaki, si Hendrix. “Let go of my wife,” he warned. Nagdilim ang paningin niya at gustong-gusto niya nang sakalin ang lalaking nasa harapan niya. “No! Nag-eenjoy pa akong hawakan ang katawan niya,” he laughed. He snapped on what he heard, mabilis niyang nilapitan ito dahil wala naman itong patalim na hawak kaya hindi siya natatakot na masasaktan nito ang asawa. “O-oh! Anong ginagawa niyong dalawa? bakit—” Hindi na natapos ang sinasabi nito sa dalawang goons at malakas niya itong hinablot tiyaka sinapak ang mukha. Doon niya binuhos ang lahat ng lakas niya. Agad na tumba ito at nawalan ng malay. Wala siyang pakialam kung dumudugo man ang ilong at bibig nito dahil nararapat lang iyon sa walang hiya na katulad nito. “Let go of me! Lloyd!” pagsisigaw ni Alora habang pinipilit makawala kay Lloyd. Walang magawa ang dalawang lalaki na may hawak na baril. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa, hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan sa noon ang maramdaman na nanginginig nito. “Xion,” iyak nito sa bisig niya. “I’m here… I’m sorry, baby, I was late,” bulong niya rito at pinaghahalikan ang ulo. Mabibigat pa rin ang paghinga niya dahil sa sobrang galit. “Drop your gun or we’ll shoot you.” Napalingon siya sa pinto at naroroon na si Francis kasama ang mga police. Agad binaba ng dalawang lalaki ang baril at nagtaas ng kamay. Si Lloyd naman ay binitawan na si Alora. Halos sumabog sa galit si Alora dahil hindi niya akalain na kaya siyang tutukan ng patalim ni Lloyd. Dahil sa isang babae ay nagkaganito ito at mas lalong napalayo ang loob nito sa kaniya. Dumating lang sa buhay nila si Aj ay nagulo na ang iniingatan niyang relasyon sa binata. Siya ang unang nakilala ni Lloyd pero hindi pa rin ito bumagsak sa kaniya. Napatingin siya ng masama kay Lloyd na lumayo sa kaniya at kay Aj na nakayakap kay Xion. Kinuyom niya ang kamao, hindi siya papayag na ito lang ang magsasaya. Dapat maramdaman mo rin kung gaano ako nasasaktan dahil sa paglayo ng mahal ko sa akin! Habang busy ang mga police sa paghuli sa dalawa ay agad niyang nilabas ang nakatagong baril sa likuran niya. Maliit lang iyon kaya hindi kapansin-pansin lalo na’t malaki ang suot niya. Agad niyang tinutok iyon kay Xion at napangisi siya nang nagsalubong ang mata nila ng babaeng kinaayawan niya. Bago pa ito makasigaw ay naiputok niya na ang baril pero hindi niya inaasahan na may haharang doon. Halos lumuwa ang mata niya nang makitang bumagsak sa harapan niya ang taong pinakamamahal niya. “Lloyd!”           

 

CHAPTER 38   

Nakatulala lang siya sa isang tabi at hindi magawang umimik. Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. Parang hindi maayos nagpo-proseso ang utak niya at gusto niya na lang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa isang iglap ay makikita niyang nag-aagaw buhay si Lloyd. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagharang nito kaagad nang mabilis na iputok ni Alora ang baril habang nakatutuok kay Xion. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Aaminin niya na nakaramdam din siya rito ng galit pero naiintindihan niya ang rason ng pagrerebelde nito. “Baby… Please eat. Kahit kaunti lang,” ani nito sa kaniya nang makapasok sa loob ng kwarto nila. May dala itong porridge at tubig sa tray na bitbit. “I ordered a food that is easy to eat. Alam kong wala kang gana pero kailangan mo kumain kahit papaano,” dugtong pa nito. Nang maibaba nito ang tray sa kama ay nilapitan siya nito tiyaka tumabi at hinawakan ang kamay niya. “Magiging okay lang siya ‘di ba?” marahang tanong niya rito. Hinawakan ng mahigpit ni Xion ang kamay niya at tiningnan siya ng mabuti. “He is always strong so he will be okay. I’m sure about that so eat now. Ayaw kong pati ikaw ay magkasakit dahil hindi ka kumakain. Paano tayo magkaka-baby niyan?” malambing na ani nito. Alam niyang pinapagaan nito ang loob niya. Niyakap niya si Xion ng ilang minuto bago napagdesisyunan na kainin ang dal anito. Masarap ang pagkain at kahit papaano ay nagkaroon siya ng kaunting gana at naubos niya ang isang maliit na bowl na dala nito. Pagkatapos niya kumain ay sabay silang naligo ni Xion. Ito ang umasikaso sa kaniya dahil wala man lang siyang kagana-gana kumilos. Nang matapos ay ito rin ang nagpatuyo ng buhok niya para makahiga na siya sa kama. Mabilis lang siyang nakatulog at hindi siya iniwan ni Xion sa tabi niya. Paggising niya ay nasa tabi niya pa rin ito yakap[1]yakap siya. Siguro kung wala ito sa tabi niya ay hindi siya makakatulog dahil sa takot. Hindi mawala-wala sa emahe niya ang nangyari. “Good morning, baby,” malambing na bati ng asawa at hinalikan siya sa noo. “How’s your sleep?” “Nakatulog ako ng maayos,” ngumiti siya rito. “I’m going to the hospital… The doctor called and we need to talk—” “Sasama ako!” putol niya agad dito. Napaupo siya agad sa kama at tiningnan ito. Pati ito ay napaupo na rin dahil sa kaniya. Bumuntong hininga ito bago tumango. *** Nakarating sila sa hospital at sinalubong sila agad ng doctor. Nagtaka pa siya dahil nga ito mismo ang sumalubong sa kanila. Akala kasi niya ay deretso sila sa office nito. “He’s awake,” bungad nito sa kanila ni Xion. Natulala naman siya saglit at napabaling ng tingin kay Xion. “You mean, he’s okay now?” paninigurado ng asawa sa doctor. “Yes. Pero kailangan pa rin naming siya obserbahan dahil malapit sa spinal cord ang pagtama ng bala. Kailangan naming masigurado na okay na talaga siya bago naming siya i-discharge sa hospital,” paliwanag pa nito. “No problem about that. Hindi niyo kailangan magmadali sa pag-discharge sa kapatid ko. I’ll pay everything as long as he will be okay,” seryosong sambit ni Xion sa doctor. Magkahawak kamay silang tumungo sa hospital room nito nang matapos ang pag-uusap. Pagkapasok nila sa room ay parang nawala ang bigat sa dibdib niya nang makita na ngang gising si Lloyd. Kasalukuyan itong binibigyan ng gamot ng nurse. “Lloyd!” tawag niya rito at agad na lumapit. “Hey,” bati nito sa kanila nang mapansin sila. Hindi kasi agad nito napansin na may pumasok dahil nakaharang ang dalawang nurse sa gawi nila at malaki-laki rin talaga ang kwarto. “Okay ka na? anong nararamdaman mo? Talaga okay ka na ‘di ba?” sunod-sunod na tanong niya rito at pinasadahan pa ang kabuuan. “Don’t look at me like that. Baka hindi ako maging okay pag nagselos ang asawa mo. Remember? I do like you.” Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang okay na talaga ito. “What do you want to eat?” tanong ni Xion kay Lloyd. Hindi ito lumapit sa mismong bed, dumeretso ito sa sofa at doon umupo. Nakatutok na ito sa cellphone, mukhang o-order ito ng pagkain. “I want—” “Tinola? Your favorite?” putol ni Xion habang nakatutok pa rin ang mata sa cellphone. Napatingin siya kay Lloyd nang natigilan ito. May kung ano ang kumislap doon at alam niya kung ano ‘yon. Napabuntong hininga siya at binalingan ng tingin ang asawa. “Iihi lang ako,” paalam niya kay Xion. “Pero sa labas ako magc-cr kasi mag malaki ang banyo do’n,” dahilan niya agad. “Baby, this is a vip room so the comfort room here is bigger and—” “Sa labas ako,” pinal na ani niya at dere-deretsong lumabas ng kwarto. Hahayaan niya mag-usap ang dalawa ng masinsinan. Gusto niya magkaayos ang dalawa para sa ikabubuti ng lahat. Ngayon ay kampante na siya at wala ng bigat sa dibdib niya dahil okay na ang binata. Hindi niya man basta-basta makakalimutan ang mga nangyari at ang emahe nitong nakaka-trauma sa kaniya ay sigurado siyang makakalimutan niya rin iyon sa paglipas ng panahon. *** “Where’s Alora?” tanong ni Lloyd sa kaniya nang makalabas sa kwarto si Aj. Binaba niya ang cellphone niya dahil tapos na siya umorder ng pagkain. “In jail. She’s crying for help.” Nakakulong na si Alora lalo na’t huli sa akto ang ginawa niya. Patong-patong ang kaso nito dahil sa ginawa kay Aj at kay Lloyd. “Get her out,” seryosong sambit nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. “He suddenly shoot the gun at me at dahil ikaw ang humarang ikaw ang natamaan. Kasalanan niya ang mga nangyari kaya bakit ko siya papalabasin sa kulungan?” mahabang lintanya niya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “She’s not in the right mind… I know her, she has a trauma. She can’t stand that she’ll be alone. It’s better to get her out of jail so she can have a therapy.” “After all these things you want her to get out of jail? She needs to face the consequences of what she have done.” “Just please… just this one,” marahan na ani nito. Napahilamos siya sa mukha at hindi nagsalita. This is the first time he heard Lloyd begging to him. “Kasalanan ko rin naman kaya siya nagkagano’n. This is also my karma too. I know she’s not in the right mind.” Hindi na siya kumibo pa at sinunod na lang ang gusto nito. Nagsabi rin siya kay Francis na magdagdag ng tao na magbabantay sa seguridad nilang dalawa, lalo na kay Aj. Hindi niya na kayang makita itong mapapahamak muli. He stood up to leave in the room but before he go outside he said what he wants to say to Lloyd. “I’m still here as your brother. I’ll forget what happened between us and move forward. So please, do the same. I’ll wait till you open your heart to us, to your family. You’re not alone at the first place, we always here for you.” Pinihit niya ang doorknob at bago tuluyang maisara iyon ay narinig niya ang mahina nitong boses. “T-thank you…”         

 

CHAPTER 39      

Months passed and today they are celebrating her birthday. Naging okay na rin ang lahat at sa lumipas na araw ay puro magaganda ang nangyayari sa buhay niya. Naipakilala niya na rin sa magulang at mga kapatid si Xion at pinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit nabayaran nila ang utang at napagamot ang ama sa madaling panahon. Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa pamilya mo. ‘Yong pakiramdam na magiging maayos na rin ang lahat sa wakas. Kumpleto ang pamilya niya at ang pamilya ni Xion, nasa isa silang resort para sa birthday celebration niya. Ayaw niya na sana mag celebrate ng ganito ka bongga dahil kasal na nila ni Xion next month. Ito lahat ang gumastos dahil ayaw siya nito pagastusin kahit anong pilit niya. Para sa kaniya, bongga ang mag-birthday sa isang private resort pero sa pamilya ni Xion at sa asawa ay ito na ang pinakasimple dahil hindi naman daw marami ang inimbita. Hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng bagay nito na masiyadong mataas na para sa kaniya. Pumasok muna siya sa may kwarto nila ni Xion habang abala ang lahat sa pagsasaya. Kanina niya pa gusto pumasok sa banyo at gawin ang dapat gawin dahil kanina pa siya nababahala. Tinungo niya ang bag niya at kinuha ang bagay na binili niya kahapon ng patago. Pumasok siya sa banyo at ni-lock iyon ng mabuti. Umupo siya sa toilet bowl at binuksan ang bagay na dala-dala niya. Pregnancy test kit… Iniisip niyang buntis siya dahil sa mga symptomps na nararanasan niya. Hindi naman malala kaya hindi rin nahahalata ni Xion ang mga pagsusuka niya minsan at pagiging sensitive sa pagkain. Ginamit niya ‘yon at naghintay ng ilang minuto. Nakatingala lang siya at hindi tinitingnan ang hawak niya. Mayamaya ay naglakas loob na siyang silipin iyon at halos tumalon ang puso niya dahil sa dalawang linya na nakita. Tama nga ang hinala niya, buntis nga talaga siya. Napalunok siya dahil parang may bumara sa kaniyang lalamunan dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. She’s happy, too happy that she can’t express it well. Napapikit siya at nagpasalamat sa diyos sa panibagong blessings na natanggap niya ngayon. Ilang beses na niya naririnig kay Xion na gusto na nitong magka-baby. Minsan pa nga ay iniimagine na nito ang mukhag ng magiging anak nila. Paniguradong matutuwa ito sa magiging balita niya. Ito na ata ang pinakamagandang birthday gift na natanggap niya. Muli siyang bumalik sa labas, nag-iinuman na ang mga ibang bisita habang ang mga kapatid niya naman ay naliligo sa pool. Ang magulang niya ay maaga na natulog dahil anong oras na rin. “Where did you go? Are you already sleepy?” tanong sa kaniya ni Xion habang yakap-yakap ang bewang niya. Hinalikan siya nito sa ulo kaya napayakap siya sa asawa. “Medyo antok na ako,” pagdadahilan niya rito. “Pwede na kaya nating iwanan sila?” tanong niya pa. Nakaramdam na talaga siya ng antok pero nang malaman niya ang magandang balita ay napawi iyon. Gusto niya na lang sabihin dito ang balita bago matapos ang kaarawan niya. Mag a-alas dose na rin kasi ng gabi, 20 minutes na lang ay tapos na ang birthday niya. “It’s fine. Let’s go,” ani nito at hinawakan ang kamay niya. Nagpaalam muna sila sa pamilya ni Xion at sa kapatid niya na nagsasaya pa. Dumeretso sila papunta sa kwarto at ni-lock niya naman agad iyon. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa na buntis na siya. Napakapa siya sa bulsa ng dress na suot. Nandoon kasi iyong pregnancy test na tinago niya. Rinig niya ang sariling tibok ng puso dahil sa excitement. “Baby? Are you okay?” Napakurap siya dahil sa boses ni Xion. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala ito sa kama habang nakatingin sa kaniya. “Let’s do our routine before we sleep,” ani nito at muling tumayo tiyaka hinawakan ang kamay niya. Tango na lang ang nasagot niya dahil iniisip niya pa rin kung paano sasabihin. Nagpalit sila ng pangtulog na damit pagkatapos nila mag[1]toothbrush ng sabay mag-skincare. Hinatak siya nito pahiga sa kama at niyakap ng mahigpit. Kagat-kagat naman niya ang labi nang maramdaman na nahulog ang bagay na kanina niya pa tinatago. Dahil nagpalit siya ng pangtulog ay nilipat niya iyon sa bulsa ng suot niya ngayon pero hindi kalaliman ang bulsa na suot niyang pajama kaya nahulog iyon. Agad niyang kinapa at nang mahawakan ay mahigpit niyang hinawakan iyon na napansin naman ni Xion dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Napaupo siya ng wala sa oras at tumingin dito. “What’s that?” kunot noong tanong nito sa kaniya at napaupo na rin. “A-ano…” “Are you hiding something? Kanina ka pa natutulala at balisa riyan,” seryosong tanong nito. “Or are you not feeling well? You can tell me, baby,” he added and fixed her hair. Napabuntong hininga siya bago ilahad ang kamay niya sa harapan nito. Nakatingin lang siya sa mukha ng asawa at tinitingnan ang magiging reaksyon nito. Tumingin ito sa kamay niya at nakita niyang natulala ito sa bagay na hawak niya. Nakaramdam siya ng kaba nang ilang segundo na siyang nakatulala roon at walang sinasabi na kahit ano. Nabigla siya nang bigla itong tumayo at dere-deretsong lumabas ng kwarto nang walang sinasabi. Parang piniga ang puso niya sa oras na ‘yon at parang gusto niyang maiyak. Tila ba’y na-blanko ang utak niya at hindi alam ang gagawin. Sinundan niya ito kaagad sa labas at bago pa siya makalabas sa mismong bahay ay narinig niya na ang malakas na boses nito. “Fuck! I’m going to be a dad!” Mabilis ang lakad niya at lumabas ng bahay. Nakita niya ang mga nag-iinuman na bisita na napatigil sa kakainom habang nakatingin kay Xion. Nabasag lang ang katahimikan nang tumawa ang ama nito. “Congrats, son!” Naiyak siya dahil nabunutan ng tinik ang puso niya. Akala niya ay hindi nito gusto dahil sa reaksyon. Nilingon siya ni Xion at agad na pinuntahan tiyaka mahigpit na niyakap. “Thank you so much, baby. I love you…” “Baliw ka! Akala ko ayaw mo dahil hindi ka man lang kumibo agad,” naiiyak na ani niya at hinampas pa ang dibdib nito. Hinalikan naman siya nito sa noo, mata, ilong at sa labi. “I’m sorry… It just, my mind is not processing at all when is saw it. Hindi ako makapaniwalang nabuntis na rin kita. You know how much I want a child with you.” Napangiti siya rito at napayakap muli. Narinig niya ang mga congrats ng mga pamilya ni Xion sa kanilang dalawa. Nandoon din ang mga kapatid niya na tuwang-tuwa. “Congrats ate! Sayang tulog na sila mama at papa, panigurado ay tuwang-tuwa rin ‘yon!” masayang sambit ni Aimee. “Bukas nga biglain natin,” ani pa ni Jane na natatawa dahil may binabalak na plano. Napailing na lang siya sa mga kapatid. “Congratulations… Sayang, balak ko pa naman agawin ka,” sambit ni Francis nang makalapit sa kanilang dalawa. “Do you want to die?” nakasimangot na ani ni Xion. “Oh, you’re threatening your lawyer again…” “Tumigil na nga kayo!” natatawang saway niya sa dalawa. Mukhang hindi na naman kasi titigil ang dalawa dahil sa pang[1]aasar ni Francis. Ilang beses niya na rin narinig ang sinasabi nito lalo na paggusto nitong bwisitin si Xion pag napapadalaw sa bahay. Binati sila muli ng ama ni Xion at mga tita, tito at pinsan ng side sa ama ng asawa. Wala ang ina ni Lloyd dahil sinamahan nito sa ibang bansa si Lloyd. May kompanya rin kasi sa states ang lolo nila at inaasikaso iyon ni Lloyd. Ang ina naman nito ay bumabawi sa lahat ng pagkukulang sa anak. Masaya siya para kay Lloyd dahil kahit papaano ay nagiging bukas na rin ang puso nito sa pamilya. Nararamdaman niya ang mabuting pagbabago nito. “Can’t wait to marry you, my wife,” bulong ni Xion nang makabalik sila sa may kwarto nila. Ngumiti naman siya at hinawakan ang mukha nito. “Ako rin naman… Kasal naman na tayo kahit sa papel lang pero iba pa rin pala pag ikakasal sa simabahan. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko,” pagsasabi niya ng totoo. She hugged Xion tightly while sniffing his natural scent. Inangat niya ang tingin dito at nagtama ang mata nila. Bumaba ang mata niya sa mapupulang labi nito. Kumurba naman iyon kaya bumalik ang tingin niya sa mata nitong nakangiti na rin. “My wife wants me inside her,” he smirked. Nag-init ang pisngi niya at napaiwas ng tingin pero hinawakan nito ang baba niya gamit ang isang kamay tiyaka hinalikan siya ng marahan pero mabilis lang. Napanguso naman siya dahil nabitin siya sa ginawa nito. “You gave me a best gift so I’ll do what my wife wants tonight,” he stated while looking at her intently. He started kissing her on neck then when his kisses stopped at her ear lobe, he whisper something that made her insane because of overflowing heat she felt. “Be ready, my wife. I’ll give you the best birthday sex that you can only experience with me.”         EPILOGUE AFFAIR WITH HER BODYGUARD EPILOGUE Previous Page Maaga siyang nagising dahil sa opening ng kaniyang cosmetic shop. Ito na ang pangalawang branch niya sa pilipinas kaya laking tuwa niya dahil palaki ng palaki ang mga loyal costumers niya. Nasa BGC sila dahil doon ang panibagong shop niya. Doon rin ang pinakamalaki at pinagandang version ng shop niya. Huminga siya ng malalim nang matanaw ang malaking pangalan ng shop niya sa labas. ‘Xavia Cosmetics’ Hindi niya ine-expect na talagang lalago ang maliit na shop niya noon. Dalawang taon pa lang simula nang magkaroon siya ng shop pero ngayon ay may pangalawa na siya at mas malaki pa. “Are you happy?” She smiled when Xion hugged her. “Hey! I’m here mama, papa! Give your princess a hug too!” Mas lalo siyang natawa nang makita ang prinsesa nila na nakanguso. Humiwalay si Xion ng yakap at binuhat ang anak nila. Her name is Xavia Horton, their spoiled daughter. Xion loves to spoil their daughter, kaya naman minsan umiinit ang ulo niya rito. Lagi kasi nitong binibigay ang gusto ng anak at malapit nang bumaha ng laruan sa malaki nilang bahay. “It’s hot here papa! Let’s go in!” Napakamot siya sa noo dahil sa maarteng tono ng boses nito. Hindi niya alam kung kanino ito nagmana, hindi naman siya gano’n kaarte noong bata siya dahil wala siyang karapatan mag-inarte. “Let’s go,” ani niya sa mga ito at pumasok na sa shop. 10 am ang opening dahil nasa loob sila ng mall. Malakas ang kaba niya dahil panibagong opening na naman ito. “Mom, do I look like a princess?” tanong sa kaniya ng anak at umikot pa sa harapan niya. Umupo naman siya para makapantay ito at inayos ang tali ng dress. “Of course, you’re pretty like me.” Hinalikan niya ito sa pisngi dahilan para bumungisngis ang anak. “You two are both pretty,” singit ni Xion sa kanila. Tumayo siya at kinarga ang anak tiyaka umupo sa gilid na sofa. Busy ang kaniyang staff sa mga pag-aayos ng loob ng shop. Maayos na naman pero dino-double check lang ng mga ito ang mga kailangan. “Tito Lloyd!” Umalis sa tabi niya si Xavia at tumakbo kay Lloyd na kakapasok lang ng shop. “Good morning pretty,” bati nito kay Xavi. “Tito, when did you go back to the Philippines?” tuwang-tuwa na tanong ni Xavi. Last year pa naman bumalik si Lloyd sa pilipinas pero umalis ito last month dahil may nakapagsabi na may nakakita raw kay Alora sa Greece. Yes, Lloyd is finding Alora. Year after the incident happened, Alora had a therapist for her Anxiety. Alam nilang uma[1]attend ito pero isang araw na lang nalaman nila sa therapist na umalis na pala ng bansa ang dalaga at hindi nila alam kung nasaan. Long story short, Lloyd wants to find her. “Kumusta? Nakita mo na siya?” tanong niya rito. Ngumiti ito ng tipid at umiling. Napabuntong hininga naman dahil limang taon na nitong hinahanap si Alora. “Don’t give me that face. Don’t worry with me, you should be happy today because of your successful business,” ani nito sa kaniya at tinapik ang balikat niya nang tumayo siya. “Congratulations to your award. Best engineer of the year,” sambit ni Xion sa kapatid. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya alam ‘yon. “Meron kang award?!” gulat na tanong niya. Tumango naman si Lloyd sa kaniya na parang wala lang. “Congrats! Bakit hindi ka nagsasabi!” “You didn’t ask me,” kibit balikat na sagot nito kaya hinampas niya sa braso. Hindi naman ito nag-react at karga-karga lang si Xavi. “Mama! You’re hurting tito Lloyd!” saway sa kaniya ng anak. “Ikaw kinakampihan mo na naman ang tito Lloyd mo ha!” she crossed her arms and looked away. Tinatago niya ang ngiti nang bumaba sa pagkakakarga si Xavi. Inabot nito ang kamay niya para mahawakan. “Kasi ikaw mama eh! Pero hindi ako galit sa’yo, promise!” Ang maliit at maarteng tono ng boses nito ang dahilan kaya hindi niya napigilan ngumiti. Xavia is sweet to them kahit na may pagka-arte talaga itong anak niya. 5 years old pa lang ito pero magaling na magsalita. Mahilig ito magbasa lalo na sa cosmetics dahil nalaman nitong dito pinangalan ang business niya. Next Page Kinulit-kulit niya lang ang anak niya para mawala kahit papaano ang kaba niya. Dumating ang opening at nag-cut na siya ng ribbon kasama ang anak at asawa niya. Xion is very supportive at her all the time. Hinahayaan siya nitong mag[1]explore sa mga bagay-bagay. Hindi niya maabot ito kung hindi siya tinulungan ng asawa. Not just financially but the support he gave until now. Nag[1]aral pa siya ng 2 years about sa cosmetics at kung paano mag-make-up ng maayos. Ginawa niya iyon habang nag-aalaga sa anak nila at nakasuporta ang asawa. Hindi niya akalain na magiging ganito siya kasaya sobra. Lahat ng pagod at sakripisyo niya ay napalitan pa ng sobra[1]sobra. Sinong mag-aakala na may magmamahal sa kaniya ng ganito at sobra-sobra pa. They are not perfect, may away pa rin minsan pero hindi sila natutulog nang hindi nagkakaayos ni Xion. Hiniling niya lang dati na umangat sila kahit kaunti lang, ‘yong hindi sobra ang paghihirap niya araw-araw at makatapos ang mga kapatid niya. Pero mabuti talaga ang diyos dahil triple pa ang binigay na blessings sa kaniya. Tama nga ang kasabihan na lahat ng hirap mo sa buhay ay matatapos rin pag pinagsikapan mo ang lahat at hindi ka naging gahaman sa mga bagay. “Congrats ate!” Her sisters hugged her. “Congrats anak!” Niyakap niya rin ang kaniyang magulang na naririto rin. Even Xion’s dad and Lloyd’s mom are here to support her. Nagpasalamat siya sa lahat ng pamilya at kaibigan niya na pumunta. Pati ang mga katrabaho niya sa restaurarnt ay pumunta pa rito para suportahan siya. “Congrats, mama! I love you!” Napangiti siya sa anak at niyakap niya ito dahil buhat ng asawa. Ang maliit na kamay ni Xavi ay pumalupot sa leeg niya at ang labi nito ay dumikit sa pisngi niya. “Congratulations, wife. You deserve all of this. You’re amazing and hardworking woman. I love you,” he murmured and kissed her forehead. Napapikit naman siya at niyakap din ang asawa. “Thank you, Xion… Thank you sa lahat ng suporta, mahal na mahal kita… mahal ko kayo ni Xavi.” Ano pa ba ang hihilingin niya? She has a loving husband and daughter, a family, a friends and people around her are kind. Minsan ay naiiyak na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa narating niya ngayon. Kaya hindi siya magsasawang tumulong sa mga mahihirap. Gusto niyang i-share lahat ng blessing na natatanggap niya araw-araw. Ang susunod na plano niya naman ay palakihin pa ang organization na binubuo niya. Organization para tumulong sa mga mahihirap at makapagbigay ng assistance financially. What she has right now is from god and she will surely share it. Pinagmasdan niya mabuti ang buong shop, ang mga papasok na customer, ang mga pamilya at kaibigan niyang nag[1]uusap-usap at sumusuporta sa kaniya lagi. Thank you lord sa lahat, hinding-hindi ako magsasawa magpasalamat sa lahat ng binigay niyo sa akin. This is might the end, but this is not the end of our story. Our story still goes on until on our last breath. - END -


Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url