Always By Your Side
GUSTO NANG MAIYAK ni Jena sa matinding pagkainip. Pero ang pagkainip na iyon ay hindi sanhi ng kawalan ng ginagawa. Nakasalansan nga sa mesa niya ang mga report na kailangang i summarize para sa kanyang boss na si Jules Gregorio. Ang pagkabagot ay dulot
ng paulit ulit at pare parehong takbo ng trabaho niya. Magtatatlong taon na siya sa Kliney Chain, isang grupo ng mga kompanyang humahawak ng iba’t ibang uri ng negosyo. Assistant siya ni Jules na pinuno ng new ventures division, ang departamento ng kompanya na nag a-‐‑analyze ng proposals at plano ng mga bagong negosyong nais pasukan ng Kliney Chain. “Biyernes Santo na ba ngayon?” Napakislot siya nang may magsalita sa tabi niya, ang kaopisinang si Leony. Sekretarya ito ng kanilang departamento. “Baka ’ika ko nailipat ang petsa ng Biyernes Santo nang hindi ko nalalaman, eh,” patuloy na pagbibiro nito. “Huwag kang mag alala. Di pa panahon ng pagtitika. Parang Biyernes Santo lang ang pakiramdam ko,” sagot niya. “Marami ka bang trabaho? Puwede kitang tulungan. Ako na ang magta type ng ibang reports,” alok nito. Nginitian niya ito. “Maraming salamat pero ’wag na. Kaya ko naman, eh.” “Ano pala ang problema mo?” “Wala sabi akong problema. Nababagot lang,” pagtatapat niya. “Akala ko pa naman noong lumipat ako ng department ay magiging exciting nang konti ang buhay ko. Exciting kasi ang dating ng pangalan ng departamento natin, eh. New ventures division. Parang parati kang may sinasaliksik; parang parating tumutuklas ng kung anu anong kaalaman tungkol sa iba’t ibang negosyo. Iyon pala, wala akong gagawin kundi pulos paperwork.” Iyon ang matagal nang ipinaghihimutok ni Jena. Noong kunin siya bilang corporate assistant, inaasahan niya ay gagamitin siya ni Jules sa pangunguha ng mahahalagang data tungkol sa mga negosyong gustong pasukin ng Kliney Chain. Akala niya ay makikipag usap siya sa iba’t ibang negosyante at mananaliksik sa iba’t ibang kompanya. Maling mali pala siya. “Hindi naman kasi ganoon karami ang ginagawa ni Boss sa ngayon, eh. Kalimitan nga’y nababakante rin siya. Di ba sabi mo, iilang business proposals pa lang ang dumadaan ang imbestigasyon sa departamento natin dahil ang iba’y noon pa nagawan ng iba’t ibang studies?” ani Leony. Tumango siya. “Kung siya nga, eh, nababakante, paano pa siya magpapasa ng assignment sa ’yo? Eh, di siya naman ang nahibang sa pagkainip.” “Nandoon na ’ko. Kaya lang, dapat ding masanay ako para may back up siya. Paano kung dumami na ang trabaho’t kailanganing mag isa akong gumawa ng research sa business ventures ng Kliney Chain? Eh, di eengot engot ako? Ni hindi ko alam kung paano magsi-‐‑simula dahil hanggang ngayon, wala siyang ipinapagawa sa ’kin kundi summary reports,” katuwiran niya. “Nasabi mo na ba ’yan kay Boss?” “Hay naku, paulit ulit na!” pabuntunghiningang turan niya. “Parating ‘titingnan natin’ ang isinasagot sa ’kin.” Ilang sandali siyang natahimik, saka naalala ang ginagawa. “Teka, tatapusin ko na nga muna ang mga ito’t baka biglang hingin sa ’kin,” sabi niya. Tangan ang salansan ng mga papel, ibinaling niya ang swivel chair sa gawi ng mesang kinapapatungan ng computer. Pagkuwa’y sinimulan na niyang gawin ang summary ng iba’t ibang reports. Hindi pa siya nakaka one-‐‑fourth nang humahangos na pumasok si Jules. “Can I see you for a minute?” anito at sumenyas na sumunod siya sa opisina nito. “NARINIG MO NA BA ang Monte del Sol Resorts, Jena?” tanong ni Jules nang nasa loob na sila ng silid, kasabay ng pagmumuwestra nitong maupo ang dalaga. “Iyong chain of resorts na pag aari ng Unlimited Horizons?” Tanda niya, minsan ay may nabasa siyang artikulo tungkol sa nasabing kompanya. “Iyon na nga mismo.” “O, bakit?” “Ito kasi ang unang magiging assignment mo. Ini offer sa Kliney Chain ang Monte del Sol Resorts. Bukas, may meeting sa opisina nila. Pupunta ako’t si Mrs. Ferro para makipag usap sa may ari. Kasama ka.” “Talaga?” Lumukso ang dugo niya sa narinig. Sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng active participation sa division nila. “Mukhang maganda ang offer pero nag aalangan ang management. Interesado sana sila pero baka raw masayang lang ang ii invest sa mga resorts na ito.” “Bakit naman? Boom naman ngayon ang tourism sa Pilipinas, ah.” “Oo nga pero may ilang balita silang nasasagap na may internal problems ang kompanya. Hindi naman nila ’yon masiguro at nanghihinayang sila kung tatanggihan nila ang offer ’tapos hindi naman pala totoo ’yong rumors. May isa pa ’kong kasong hinahawakan ngayon kaya kailangan ko ng tulong mo.” “Ano’ng kailangan kong gawin?” sabik niyang tanong. “Sa ngayon, dadalo muna tayo sa meeting. Later, kailangan mo sigurong magtanung tanong sa ilang mga taong kailangang kausapin. Ibibigay ko sa ’yo ang mga numero nila. Ang iba’y sekretarya ng mga presidente ng iba’t ibang kompanya. Ang iba’y mga research assistant at kung anu ano pa. Kaibiganin mo sila. Get their confidence at tingnan mo kung ano ang nalalaman nila tungkol sa Unlimited Horizons. Malay mo, baka suwertihin ka’t may maging kaibigan kang tiga Unlimited Horizons mismo. Hindi ko na kasi sila magagawang tawagan dahil busy rin ako, gaya ng nasabi ko.” “P pero hindi ba unethical ang gagawin ko?” protesta niya. “Believe me, marami ang gumagawa ng ganyan.” “Para saan pa ang feasibility studies at. . at kung anu ano pang studies na pinag aralan natin? Why do we have to resort to this?” Hindi pa rin siya mapalagay. “They have their uses. Pero may mga bagay na hindi madidiskubre sa pamamagitan lang ng sinasabi mong mga studies. That’s why we have to do these things.” “Para kasing hindi tama, eh. . ” “Isipin mo, paano kung bigyan natin ng okay signal ang proyekto ’tapos malaman nating totoo ang balitang may malaking problema ang kompanya? Eh, di. . ” Mariing idinaan ni Jules ang sariling daliri sa leeg nito. “Isa pa, paano kung tayo pala ang pinaplanong onsehin ng Renz Arranda na ’yon? Ibinebenta sa Kliney Chain ang kompanya gayong may sabit pala ito.” “Kasi. . ” Hindi alam ni Jena kung paano ipapaliwanag ang mga dahilan ng pag aalinlangan niya. “Pero kung hindi mo kaya, ’wag na lang. Akala ko lang kasi’y seryoso ka nang sabihin mong you want a piece of the action.” Natigilan siya. Wala sa ugali niya ang basta sumusuko sa hamon. At lalong ayaw niyang minamaliit ang kanyang kakayahan. Kaya maski malaki ang nadaramang agam agam ay pumayag siya, sabay tingin nang tuwid kay Jules. “Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong mapatunayan ang kakayahan ko. Ngayon pa ba ’ko uurong?” pinatatag ang tinig niyang turan. “Bueno, nagkakaintindihan pala tayo kung ganoon,” nakangiting sabi nito, kasabay ng pagtapik sa balikat niya. SAMANTALA, sa isa sa mga matatayog na gusali sa Makati kung saan naroon ang opisina ng Unlimited Horizons, nakatanggap ng tawag si Myra, ang executive assistant ni Renz Arranda. “Nandito pa ’ko sa Palawan at mukhang di pa ’ko makakabalik agad,” sabi ni Renz. “Pero, Sir, may mga importante kayong meeting bukas. Isa na rito ’yong sa representative ng Kliney Chain,” paalala nito. “Tumawag na sila kanina para ipaalam na darating ’yong officer nila na siyang in charge sa pag aaral ng mga business proposals ng kompanya.” “Ganoon ba? I was hoping na nag reset sila. Ayoko namang mag reschedule kung ganyang tumango na sila.” Natutunugan ni Renz na nag aalangan ang management ng Kliney Chain na patulan ang offer niya kaya ayaw niyang bigyan ng dagdag pang dahilan ang mga ito na tuluyan nang mawalan ng gana sa kanyang alok. Hindi dapat mangyari iyon, sabi niya sa sarili. Nang mga panahong iyon, ang Kliney Chain lang ang tanging malaking kompanya na nagpakita ng interes sa Monte del Sol Resorts at hinihingi ng plano niyang mapanatili, kahit pansamantala, ang interes na iyon. Kung hindi ay baka lubos nang malagay sa alanganin, hindi lang ang resorts niya kundi pati na ang buong Unlimited Horizons, na involved sa iba’t ibang business enterprises. Napakamot ng ulo si Renz. Sa ikailang ulit ay tahimik na namura ang di pa nakikilalang tao na siyang lumilikha ng kung anu anong aberya para gawing mabuway ang katayuan ng Unlimited Horizons. “Si Jon, dumating na ba galing Mindoro?” “Hindi pa, Sir. Tumawag din siya para sabihing bukas na siya makakabalik. Maski si Edwin ay wala pa. But then, he’s not due to arrive until Thursday. Tatawagan ko ba sila?” “Huwag na. Ako na lang ang tatawag. In the meantime, ganito ang gawin mo.” Hindi siya basta patatalo. “Make it appear as part of our business strategy to immediately show Kliney Chain what we have to offer instead of simply talking about it,” sabi niya matapos ang mabilisang pag iisip. “Kunwari pang golpe de gulat natin.” “Ano’ng ibig niyong sabihin, Sir?” naguguluhang tanong ni Myra. “Ipahanda mo ang helicopter at ang private plane ng kompanya. Pagdating na pagdating ng representative ng Kliney Chain ay dalhin sila sa airport ng Palawan. Ayusin mo para may sumundo sa kanila sa airport para dalhin sila sa pier kung saan naroon ang lantsa ko na siyang magdadala sa kanila sa Fuente Verdes, iyong resort natin dito. Tell them I’m waiting for them here. Dito ko na sila kakatagpuin para hindi ako gaanong magipit sa oras.” “Sir, paano kung ayaw sumama?” “At least, hindi halatang unavailable ako kaya di kami magkakaharap. Pero pilitin mo pa rin. Importante ito. Also, make sure their trip is comfortable. Ayokong makakaramdam sila ng kahit katiting na inconvenience,” bilin niya. “I’ll do that, Sir.” “Very good. Itawag mo na lang sa cell phone ko kung parating na sila.” “Okay, Sir.” “By the way, how’s everything there? Wala bang problema?” “Wala naman.” “Mabuti.” Nakahinga siya nang maluwag. Nitong nakaraang buwan ay parang wala nang patlang ang mga aberyang dumarating sa Unlimited Horizons. “O sige. Bahala ka na muna riyan,” aniya. Nang maputol na ang koneksyon ay marahas na nasuyod ni Renz ng mga daliri ang kanyang buhok. Gigil na gigil na siya at gusto nang matuklasan kung sino ang sumasabotahe sa kompanya niya. Naalala niyang noong sabihin niya sa tatlong opisyal ng kompanya ang balak niyang ibenta ang Monte del Sol Resorts chain, na bahagi ng Unlimited Horizons. . “PERO BAKIT? Kumikita naman ang resorts natin, ah?” protesta ni Jon, ang itinuturing niyang kanang kamay. “Oo nga,” sambot ni Edwin. “Lalo pa kung dadagdagan natin ang publicity para sa mga ito.” “But then, we need the money, don’t we?” ani Ricky, na siyang pinakamataas na financial officer ng kompanya. Tumango si Renz. Alam nilang apat na nitong nakaraang mga buwan ay sunud sunod ang pagkaka-‐‑bulilyaso ng mga transaction ng kompanya. Sa tuwing may balak silang pasuking negosyo ay nauunahan sila sa kanilang mga prospect. Madalas din silang pumapalya sa pagtupad sa mga kausap nilang mga kliyente dahil kung anu ano ngang kapalpakan ang nangyayari. Bukod pa roon, nagkakaroon ng kaguluhan sa ilang opisina nilang nasa malalayong lugar na gaya ng Cebu, Davao, Bacolod at Palawan. Alam din niya ang dahilan; may tumatraydor sa kanya. At isa iyon sa tatlong lalaking kaharap niya. Sila lang namang apat ang nakakaalam ng lahat tungkol sa kompanya, pati na sa landas na tatahakin nito. Isa isang minasdan ni Renz ang mga kapulong niya. Kailangang maalisan ng maskara ang taksil na nilalang bago mahuli ang lahat. Si Jon, na mga bata pa sila ay kasa kasama na niya. Alaga ng lolo niya ang ama ng lalaki, na anak ng isang tauhan nila noon sa Hacienda Arranda sa probinsya. Pinag aral ito at itinuring nang kadugo. Nang magtatag ng kompanya ang papa niya ay binigyan nito ng katungkulan ang ama ni Jon. Naipasa ang posisyong iyon kay Jon nang mamatay ang ama nito. Taglay nito ang loyalty na ipinamalas ng angkan niya. Si Edwin, na mula nang mag graduate sa kolehiyo ay sa Unlimited Horizons na nagtrabaho. Nagsimula ito bilang clerk at mabilis na umangat ang kinalalagyan dahil na rin sa angking katalinuhan. Kung ilang beses na itong nakaisip ng panibagong negosyong puwedeng pasukan ng kompanya. Negosyong naging matatagumpay naman, dahilan para tuwina ay makatanggap ito ng bonus. Si Ricky, na napakagaling humawak ng pera. May angkin itong kakayahan para makita kung paano iyon mapapalago nang husto. Bihasa rin ito sa pagtitipid ng financial resources ng kompanya noong mga panahong salat na salat sila sa kita. Pinagkakatiwalaan ito nang lubos ni Renz pagdating sa usaping pansalapi. Bagong graduate din lang ito nang tanggapin sa Unlimited Horizons. Madalas nga nitong sabihin na utang nito sa kompanya ang maalwang katayuan sa buhay dahil sa pagkakataong ibinigay rito. Ngayon, nasimulan na niya ang plano. Wala na siyang magagawa kundi hintaying kumagat sa pain ang malaking isda. SA ISANG SILID NG MALAKING OPISINA, may maingat na nagbaba ng telepono. Kanina pa ito nakikinig sa usapan nina Myra at Renz kaya alam nito ang plano ng dalawa. Naghintay ito nang ilang sandali bago patalilis na lumabas ng silid at tumuluy tuloy palabas ng gusali. Nang nasa isang restaurant na ito ay saka inilabas ang cell phone. Sinabi nito sa kausap ang latest information na nakalap. “Talagang mapagkakatiwalaan ka. I love you for it, Sweetheart,” anang nakausap nito. “Basta para sa ’yo, gagawin ko.” “Thank you. Don’t worry, when this is over, we’re going away on a long honeymoon.” “A ano’ng gagawin mo ngayon?” “Ako na ang bahala doon.” Napangisi ang nasa kabilang linya. I’ll just throw a few kinks in their plans. There’s nothing like a little inconvenience to put them in a bad mood and get the talks started on the wrong foot.Chapter Two
KINABUKASAN, kasama ang
isang mataas na opisyal ng Kliney Chain na si Mrs. Ferro, sakay ng Mercedes
Benz sina Jules at Jena. Papunta sila sa opisina ni Renz para sa kanilang
meeting. Malapit nang maubusan ng pasensya si Mrs. Ferro, na sadyang kilala sa
pagiging mainitin ang ulo. “Ba’t ba kasi ganitong oras mo pa ini set ang
meeting, Jules? Sasagasa tayo sa rush hour. Kita mo’t ang traffic traffic,”
anito. Talaga naman parang lahat na ng sasakyan sa bansa ay nasa EDSA nang mga
sandaling iyon. Hindi na tuloy sila halos makausad. “Hindi ho regular ang
traffic na ’to. May nasunog daw na bus sa flyover kaya nagkabuhol buhol ang mga
sasakyan,” matiyagang paliwanag ni Jules na nabasa sa pager ang news report.
Palihim din itong napabuntung-‐‑hininga. Alam nito, maski na
masyadong reklamador si Mrs. Ferro ay magaling ito kung pakikipagnegosasyon ang
pag uusapan. Kaya nga umangat ito nang husto sa Kliney Chain. Konting haba pa
ng pasensya, paalala ni Jena sa sarili. Nabubugnot na sumandal si Mrs. Ferro sa
upuan. “This better be worth our time,” bubulung bulong na sabi nito. Mayamaya
pa ay bahagya silang nakausad. Nadagdagan na ang traffic enforcers sa critical
intersections kaya lumuwag luwag na ang daloy ng trapiko. “Step on it, Gustin,”
utos ni Mrs. Ferro sa driver. “Ang tagal mo nang nagmamaneho, hanggang ngayon
ay di ka pa rin marunong sumingit.” “Lalong lalala ang traffic kung lahat ng
drivers ay magsisingitan,” hindi nakatiis na singit ni Jules. “My goodness!
Nagmamadali tayo. We don’t have time for niceties. Hayun, Gustin, sumaksak ka,”
utos ni Mrs. Ferro nang magkaroon ng maliit na puwang sa kabilang lane.
“Daliii!” Nataranta ang driver. Kinabig nito ang manibela nang di na gaanong
tumingin sa rearview mirror. Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw;
bumangga sa Mercedes Benz ang isang air-‐‑con bus. Lahat sila ay nayanig. Di
nakapag adya, napasubsob si Mrs. Ferro sa sandalan ng front seats. Tumama ang
dakong kilay nito at pumutok iyon. Si Jena, kung hindi nakakapit sa hawakan sa
pintuan, malamang ay nangudngod din. “Shit! I’m bleeding. Kailangan ko ng
doktor!” naghi-‐‑hysterical na bulalas nito nang
maramdaman ang pag agos ng dugo sa mukha. Dali daling bumaba ng kotse sina
Jules at Jena at sinuyod ang nakahilerang mga sasakyan sa paghahanap ng taxi.
Nang makakita ay pinara nila kaagad iyon. “Let’s go, Ma’am. Pupunta tayo sa ospital,” sabi ni Jules habang inaalalayan
pababa ang makulit na babae. “Si. . ah, si Jena na lang ang tutuloy sa meeting
para makipag usap kay Mr. Arranda.” “Siya? Ano’ng magagawa niya? She’s not even
an officer of the company, for goodness’ sake!” bulalas ni Mrs. Ferro. “She can
convey our regrets in person.” “O siya, siya, sige. Just get me to a hospital,”
sang-‐‑ ayon nito. “Tingnan mo kung
ano ang puwede mong malaman tungkol sa kompanya. If you get the chance, talk to
the secretaries, to the janitors, maski sino. But be very discreet. Ayokong may
makahalata sa pakay mo,” baling ni Jules sa dalaga. “Pero paanong. .?” Pakiramdam
ni Jena ay itinatapon siya sa gubat nang wala man lang kahit anong survival
training. “Ano pa’ng hinihintay mo, Jules? Tayo na! Can’t you see I’m bleeding
to death?” singhal ni Mrs. Ferro sa lalaking kasalukuyan pang nagbibilin sa
driver nang makalulan na si Jena. “Ikaw na ang bahala. You can do it,” sabi ni
Jules at saka dagli itong sumakay ng taxi para dalhin ang naghuhuramentadong
babae sa pinakamalapit na ospital. NANG MAKARATING sa gusaling kinaroroonan ng
opisina ng Unlimited Horizons, sa elevator pa lang ay gusto nang tumakbo ni
Jena. Pakiramdam niya ay halatang halata siya, na nababasa ng mga taong kasabay
na di lehitimo ang kanyang pakay sa lugar na iyon. Pero pinatatag niya ang
kalooban. Ano na lang ang sasabihin ni Jules kung unang assignment pa lang niya
ay papalpak na kaagad siya? Nang sapitin niya ang reception area ay lalong
nangalog ang kanyang tuhod. Elegante ang dating ng lugar. Malambot at makapal
ang nakalatag na kulay sea green na carpet at mukhang malambot din ang dalawang
sofa na nasa magkabilang dingding ng tanggapan. “May I help you?” tanong ng
receptionist na si Cindy nang pumasok siya sa pintong salamin. Huminga siya
nang malalim. Heto na, sa loob loob niya. Pero bago siya makasagot ay tumunog
ang isa sa mga teleponong nasa tabi ng receptionist. “Cindy, wala pa ba ’yong
hinihintay nating bisita?” tanong ni Myra na tumatawag buhat sa opisina ni
Renz. “Eh, Ma’am, may bisita rito. Baka siya na ’yon.” Palibhasa ay bagong
graduate si Cindy at ilang araw pa lang itong nagtatrabaho sa Unlimited
Horizons kaya medyo tatanga tanga pa ito. “My goodness, Cindy! Eh, di itanong
mo kung taga saang kompanya siya. We’re waiting for someone from Kliney Chain.
Kung siya na nga iyon, dalhin mo agad sa opisina ni Sir. And please, VIP
treatment ang gawin mo. Importanteng bisita ’yan ni Mr. Arranda,” sabi ni Myra.
“Yes, Ma’am,” anang receptionist, saka bumaling kay Jena na noon ay pasimpleng
sinusuyod ng mga mata ang tanggapan. Iniisip na rin niya ang gagawin kung
sakaling hindi siya patuluyin. “From what company are you, Ma’am?” “I’m from
Kliney Chain. We’re supposed to have a meeting with Mr. Arranda but. . ”
simulang paliwanag niya. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong tapusin ang
sinasabi dahil pagkarinig ni Cindy ng kompanyang pinagmulan niya ay atat itong
tumayo. “We’ve been waiting for you. Right this way, Ma’am,” sabi nito at buong
giliw siyang giniyahan patungo sa dakong loob ng opisina. “I want to see Mr.
Arranda but I’m not the one he’s supposed to. . ” aniya nang nakatayo na sila
sa labas ng nakapinid na pintuan pero hindi nakikinig si Cindy na abala sa
pagtupad sa tungkuling iniatang dito. Matapos itong kumatok nang mahina ay
binuksan nito ang pinto. “Ma’am, she’s here,” sabi nito sa babaeng nabungaran
sa opisina. “Welcome to Unlimited Horizons, Ma’am,” magiliw na bati ni Myra na
dagling lumapit sa bisita. “I’m Myra Reyes, assistant ni Mr. Arranda. Kanina pa
namin kayo hinihintay. Mr. Arranda is excited to see you but instead of meeting
in an office, he felt it would be best if you could see for yourself what we’re
offering your company before discussing the details of his offer. Pagkatapos
daw noo’y saka kayo mag usap.” Bumaling ito sa receptionist. “Cindy, hold my
calls, okay?” “Wait a minute. Hindi ako ang—” simula niya pero tiyempong tumunog
ang telepono ni Myra. Napapalatak ang babae at naiiritang napatingin sa
telepono. “Excuse me for a while,” hingi nito ng dispensa, saka inabot ang
receiver. “Cindy, di ba sabi ko hold my calls?” naiinis na bulong nito.
“Importanteng importante raw ho, eh.” “Okay, put the call through,”
pabuntunghiningang sabi nito. “Jules Gregorio from Kliney Chain? Yes, Sir, what
can I do for you?” anito nang makapagpakilala ang tumatawag. “Is our
representative already there?” tanong ni Jules. Habang papunta sila sa ospital
ni Mrs. Ferro ay may naisip itong ideya at ibig sanang iparating iyon kay Jena.
“Oh, yes, Sir, she’ll be leaving shortly. Bilin ni Mr. Arranda’y dalhin siya sa
isang guided tour.” “Guided tour?” “Yes. He wants her to see one of our resorts
first before they start the negotiations.” “Ang ibig mong sabihin dadalhin n’yo
siya sa isa sa mga resort na pag aari ng kompanya?” paniniyak ni Jules. “That’s
right.” “Can I speak with her for a while?” May naisip na namang ideya ang
lalaki. “Sure.” Iniabot ni Myra ang telepono kay Jena. “Makinig kang mabuti
pero ’wag ka na munang mag react at baka matunugan pa nila ang gagawin natin. I
think they’re under the impression na ikaw ang sugo ng kompanya natin,” simula
ni Jules. “Sinubukan kong magpaliwanag—” “Hep! Say no more,” putol nito.
“Basta’t makinig ka na lang. Let them go on thinking that. Isasama ka raw sa
isa sa kanilang mga resort. I think that’s a good opportunity to gather some
information about the company. Tingnan mo kung sino ang makakausap mo.” “Pero,
Jules—” “Huwag ka sabing magsalita, eh. Just go with the flow, okay? Kunwari’y
may karapatan kang makipag usap in behalf of the company. Preliminary meeting
pa lang naman ’yan kaya hindi masyadong critical. Ako na ang bahalang
magpaliwanag sa opisina. Teka, nakapagpakilala ka na ba?” “I don’t think so.
No, not yet,” sagot ni Jena matapos mag isip. “Good. Kapag nagpakilala ka,
sabihin mong ang pangalan mo’y Abby Borromeo. Officer siya ng branch natin sa
New York. Kung mag check man sila, at least may mahahanap nga silang Abby
Borromeo. Good luck. Ngayon, magpaalam ka sa ’kin na kunwari’y official
business ang pinag usapan natin. Sabi ko sa kanya’y tsine check ko kung okay ka
dahil nagkaroon tayo ng konting aksidente kanina.” Napalunok muna si Jena bago
nakuhang magsalita. “Yes, I’m on top of that problem. I have to go. Baka mainip
si Mr. Arranda. Regarding the papers you were looking for, hanapin mo na lang
sa sekretarya ko,” sabi niya saka ibinaba ang telepono. “Like what I told Mr.
Gregorio, Mr. Arranda wants us to take you on a guided tour of one of our
resorts before you start your negotiations. Would that be all right with you?”
sabi ni Myra nang balingan ito ni Jena. “Guided tour? Out-‐‑of-‐‑town?” Napamaang siya. “Yes, Ma’am. He’s there right now, waiting for you. Sandali lang naman ang biyahe by
plane. The helicopter is on the helipad and is ready to take you to the
airport. Doo’y lilipat kayo sa private plane na
siyang magdadala sa inyo sa Fuente Verdes,” paliwanag nito. “Is that okay
with you, Ma’am?” “But I’m not prepared for an out of town trip. Ni wala akong dalang damit.” “Hindi naman siguro kayo kakailanganing mag overnight. But in case you do,
Mr. Arranda will take care of everything.” “S sige.” Natataranta man sa takbo
ng mga pangyayari, napukaw kaagad ang interes niya nang malamang sasakay siya
sa helicopter. Hindi pa niya nagagawa iyon sa tanang buhay niya at nasasabik
siyang ma experience iyon. “Before you go, baka gusto n’yong mag snacks muna.”
“No, ’wag na.” Pakiwari niya ay hindi siya makaka-‐‑kain sa sobrang kaba. “Very well, then.” Umakmang
lalabas na ito ng silid. “Oh, by the way,
I didn’t catch your name, Ma’am,” anito na muling bumaling sa kanya. “I’m. . Abby Borromeo.” Iniabot niya
ang palad at nakipagkamay rito. Sinamahan siya ni Myra sa pagsakay sa express
elevator na nagdala sa kanila sa rooftop. Doon ay nagsisimula nang umikot ang
elisi ng naghihintay na helicopter. Ilang sandali matapos lumulan si Jena ay
umakyat na sila sa himpapawid.
Chapter Three
MAAYOS NA
NAISAKATUPARAN ang ipinag uutos ni Renz. Nakalapag nang walang problema ang
helicopter at nakalipat sa eroplano si Jena na lumipad namang papunta sa
Palawan. Ngunit maayos lang pala ang lahat habang nasa Maynila sila. Pagdating
sa Palawan, doon na nagsimula ang kalituhan. Imbis na empleyado ng Unlimited
Horizons ang sumalubong sa dalaga, isang binatilyong medyo gusgusin ang lumapit
sa kanya. “Kayo ba ’yong tiga Kliney Chain?” tanong nito. “Sumunod kayo sa
’kin,” anito nang tumango si Jena. Naglakad ito patungo sa isang kakarag karag
na Toyota Corolla. “Sakay na, Miss,” sabi nito na nakasandal sa gilid ng kotse.
“Diyan?” Hindi niya mapigilan ang pagkadismaya. Duda siya sa hitsura ng
sasakyan. Parang isang bulate na lang ang pipirma ay magkakahiwa hiwalay na
ito. “Aba, kung ayaw mo, eh, di ’wag. Pero wala ka nang ibang masasakyan
papunta sa pier,” mapagmalaking turan ng driver. “Pier?” “Oo, pier. Mula doon
ay sasakay ka ng pump boat papunta sa resort.” Pambihira naman, o!
pagngingitngit niya. Parang napakawalang-‐‑galang ng may ari ng Unlimited
Horizons para tratuhin nang ganoon ang isang ayon sa pagkaka-‐‑kilala nito ay opisyal ng Kliney Chain. Samantala, walang
kamalay malay ang piloto at co pilot ng pribadong eroplano na sinakyan niya sa
mga pangyayari. At hindi na nila nakuhang alamin iyon. Nakatanggap sila ng
mensaheng lumipad kaagad pabalik ng Maynila dahil gagamitin daw ulit ang
sasakyang panghimpapawid ng isang opisyal ng Unlimited Horizons kaya
nagmamadali silang bumalik sa lungsod. “Ano, Miss, sasakay ba kayo o hindi?”
naiiritang tanong ng driver. Humugot ng hininga si Jena. “Sasakay na,” sabi niya
at hiniklat pabukas ang pinto ng sasakyan. Tutal ay naroon na siya, itutuloy na
niya, naisip niya. Isa pa, gusto niyang makaharap ang pinuno ng kompanya na
tingin niya ay walang kaalam alam sa wastong pagtrato ng mga mahahalagang
bisita. Kung ang Pajero na inilaan ni Renz para kay Jena ang sinakyan ng
dalaga, hindi niya gaanong mararam-‐‑daman ang malalalim na lubak sa
kalyeng dinaanan nila. Kaso, lumang luma na talaga ang kotse at mukhang laspag
na laspag na ito kaya damang dama niya bawat bakong bagsakan nito. Para na
siyang binugbog na dalag sa loob ng sasakyan. Sadyang sa malubak na kalsada
siya idinaan ng driver imbis na sa aspaltadong kalyeng papunta sa pier.
Pasadsad na huminto ang kotse malapit sa daungan. “Dali, Miss, maiiwan na kayo
ng pump boat,” sabi ng buwisit na driver nang makita ang bangkang punung puno
na at papalayo na sa pampang. “Bilisan ninyo’t iisa lang ’yon.” Nanggigigil na
siyang makaharap ang tinagurian niyang linsyak na may ari ng resort kaya
nagkukumahog siyang bumaba ng kotse at halos magkandarapa sa pagtakbo patungo
sa bangka. “Sandali, sasakay ako!” sigaw niya. “Dali! Dali!” sabi ng ibang mga
pasahero. Sa pagmamadali nga ay nagkandalubug lubog na siya sa tubig. Para pa
siyang alimangong naglambitin sa gilid ng bangka dahil hindi pa siya gaanong
nakakasakay ay nagsimula na itong pumalaot. “Pasensya ka na, Ineng. Kapag
inabutan kasi tayo ng pagkati ng tubig ay mahihirapan ang bangkang makalusot sa
gawi roon. Maglalakad pa tayo sa tubig para hindi sumayad ang ibaba ng bangka
sa bigat natin,” paliwanag ng isang matanda. “Ang hirap naman ho palang
magbiyahe rito,” sabi ni Jena na nakakaisip na ng isang daan at isang dahilan
para tutulan ng Kliney Chain ang iniaalok na Monte del Sol Resorts, na
kinabibilangan ng patutunguhan nilang Fuente Verdes. “Iyong mga resort na may
malalaking lantsa’y walang problema. Nag aabang sila ng mga bisita sa pier at
doon sila sa kabila dumadaan. Hindi naman kayang tawirin ng maliliit na
bangkang gaya nito ang dinadaanan nila dahil medyo maalon doon. Pasaan ka ba?”
“Sa Fuente Verdes ho.” “Aba’y sana nagpasabi ka na lang. Isa sila sa may malalaking
bangkang puwedeng sumundo sa ’yo.” Hindi siya nakasagot. Naglalaro na sa
imahinasyon niya kung paano pipilipitin ang leeg ng may ari ng pupuntahang
resort. May sarili naman pala itong bangka, hindi pa siya ipinasundo! Dahil
punung puno ang pump boat, tuwing may makakasalubong itong malaki laking alon
ay kinakabahan si Jena na lumubog ito o di kaya ay mahulog siya, lalo pa at ni
hindi niya makuhang isiksik ang katawan sa dami ng pasahero. Ganoon na lang ang
higpit ng pagkakakapit niya sa gilid nito at sa mga kawayang haligi ng maliit
nitong bubong. At iniisip niya, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay ganoon din
marahil kahigpit ang pagpulupot ng kanyang mga daliri sa leeg ng lalaking
kakatagpuin niya. Kasalukuyan pa rin siyang nagngingitngit nang walang anu ano
ay tumahimik ang paligid. Saglit siyang nagtaka bago napihong tunog ng makina
ng bangka ang nawala kaya biglang tumahimik. “Naku, nasiraan pa ’ata tayo,”
nagpapalatak na turan ng matandang katabi niya. Tumpak ang sapantaha nito. May
nasira nga sa makina ng bangka. Nagkataon pang walang dalang piyesa ang may ari
kaya naghintay pa ito ng ibang bangkero na magpapahiram ng kailangan nito.
Inabot sila ng siyam siyam bago makumpuni ang sasakyan. Pagod na pagod, gutom
na gutom at uhaw na uhaw na siya habang palutang lutang sila sa laot. Sa tindi
ng kunsumisyon niya, kung puwede lang ay babalik na siya sa Maynila at
sasabihin mismo sa pinuno ng Kliney Chain na kalimutan na nila ang tungkol sa
Monte del Sol Resorts. SA FUENTE VERDES, si Renz man ay matagal nang
nakukunsumi. “Wala pa ba siya?” sa ikailang ulit ay naitanong niya kay Nick,
ang nagpapalakad sa resort. “Kanina pa tumawag si Myra, ah. Dapat nandito na si
Miss Borromeo.” “Wala pa, Sir, eh Nagtataka na nga rin ako,” anang manager ng
Fuente Verdes na nakaantabay sa front desk ng resort. Kinakabahan na si Renz.
Napakaraming sakunang puwedeng mangyari. Baka nag crash ang eroplano. Baka
lumubog ang lantsa. Pero nakakapagtaka namang hindi man lang nila iyon malaman.
“Magpadala ka ng tauhan sa airport. Patingnan mo kung ano’ng nangyari,” utos
niya. Dagling tumalima ang manager. NADAGDAGAN PA ANG LITANYA ng mga hinaing ni
Jena. Hindi pala sa mismong pampang ng Fuente Verdes dumadaong ang nasakyan
niyang bangka. “Pribado doon, Miss,” paliwanag ng bangkero. “At saka masyadong
malayo. Wala ding sasakay sa ’min doon dahil may sarili nga silang bangka.”
“Ihatid n’yo na ’ko, o. Kung gusto n’yo, babayaran ko na lang kayo,” pakiusap
niya. “Kung di lang nasira kanina ’yong makina ng bangka ko, eh, papayag ako.
Pero delikado. Niremedyuhan ko lang ang makina. Baka imbis na mapadali’y lalo
kayong matagalan. Magmotorsiklo na lang kayo. Medyo malayo’t pangit ’yong daan
pero mas mabuti na ’yon kesa hindi kayo makarating,” anang bangkero.
“Motorsiklo?” Gusto niyang mapahumindig. “Oo. May nagbibiyaheng motorsiklo
papunta sa resort. Huwag kayong mag alala. Ligtas iyon.” Ano pa nga ba ang
magagawa niya? Kaya hayun ngayon siya, para na namang binubugbog ang katawan
habang patalbug talbog sa mga lubak ang kinalululanang motorsiklo. Malapit na
rin siyang hikain sa kapal ng alikabok na nalalanghap niya. “ANO ’IKA MO?”
bulalas ni Renz nang tumawag sa cell phone niya ang tauhang inutusang magpunta
sa airport. “Nasaan siya?” “Hindi ko alam, Sir. Pero naabutan ko si George,
iyong dapat sana’y sumundo sa kanya at ang sabi’y hindi niya makita si Miss
Borromeo. Medyo naantala din kasi ang pagdating niya dahil kaninang umaga raw
ay may nag iwan ng message sa sekretarya niya na mahuhuli ng dating si Miss
Borromeo kaya hindi na siya nagmadaling pumunta sa airport.” Gusto nang magwala
ni Renz. Alam na niya ang nangyari. Sinasabotahe na naman siya, kagaya ng
malimit mangyari kapag may mahalaga siyang mga transaction. Saan niya hahanapin
ngayon ang representative ng Kliney Chain? At kung mahanap man niya iyon,
kakausapin pa kaya siya nito? “Sir, sandali po. Nandito na si George.
Kakausapin daw kayo,” pagkuwa’y sabi ng nasa kabilang linya. “Nagtatanung
tanong ako’t may nakapagsabing may babae nga raw na dumating kanina na sakay ng
private plane. Pero sumakay daw siya sa isang lumang kotse,” balita ni George.
Lalong nataranta si Renz. Kinidnap pa yata ang kapulong niya! “Humingi ka na ng
tulong sa mga awtoridad. Kailangang matagpuan natin siya.” PALUBOG NA ANG ARAW.
Imbis na maaliw sa magandang tanawing iyon ay lalo pa itong nagpadagdag sa
tensyon ni Renz. Maggagabi na pero hindi pa nila natatagpuan ang hinahanap.
“Ang mabuti pa’y maghintay ako sa labas,” pasya niya nang hindi na makatiis.
Ang tinutukoy niya ay ang bukana ng makipot na daang papasok ng resort.
Bihirang gamitin ang daang iyon. Kalimitan, sa dagat na dumadaan ang mga bisita
ng Fuente Verdes dahil mas maginhawa at mabilis ang biyahe kaysa kung magta
tricycle sila. “Sasamahan ko kayo,” boluntaryo ni Nick. “Huwag. Dito ka. Dapat
ay may sumalubong sa kanya rito kung sakaling bigla siyang sumulpot.” “Hindi
kayo puwedeng mag isa, Sir,” giit ng manager. “Isasama ko na lang ang isang
tauhan natin,” ani Renz. NAPUNA RIN NI JENA ang palubog na araw habang pasalya
salya siya sa motorsiklo. Ibig sabihin, maghapon na siyang nagbibiyahe. Kaya
naman pala parang mamamatay na siya sa pagod. “Malayo pa ba?” pasigaw niyang
tanong para marinig siya sa gitna ng malakas na ugong ng sinasakyang hirap ding
umusad sa malubak na daan. “Sandali na lang,” anang driver. “Pagliko natin,
malapit na ’yon.” Malapit na nga sana sila sa kanilang destinasyon pero
mayamaya naman ay pumugak pugak ang makina. “Huwag kayong mag alala,
makakarating tayo,” paniniguro ng driver na bumaba at may kinalikot sa makina.
Nag aagaw-‐‑dilim na nang muli silang umusad.
“Dito na ’yong daan, Miss,” sabi nito paghinto nila. “Eh, nasaan ’yong resort?”
gulat na tanong niya nang wala siyang makita kundi matatayog na puno ng niyog.
“Papasok kayo sa daang ’yan.” “Hindi mo ba ’ko puwedeng ihatid? Nakakatakot,
eh,” bulalas niya. “Masyado nang masagwa ang daan sa banda roon. Maski ang
motor ay mahihirapan. Wala hong aano sa inyo riyan. Wala ngang tao diyan, eh.”
Nag aalangan pa rin si Jena nang magsimulang paandarin ng driver ang motorsiklo
nito. SAMANTALA, sinalunson ni Renz at ng kasama niya ang daang maghahatid sa
kanila sa bukana ng resort. Malapit na sila sa patutunguhan nang bigla niyang
hawakan sa braso ng tauhan niya, itinuro rito ang naaninag na taong waring
nagkukubli sa talahiban. Nagpatiuna ito. Bihira ang krimen sa lugar na iyon
pero mahirap nang magbakasakali. Baka may naligaw na masamang-‐‑ loob doon. Walang imik nilang tinutugaygayan ang di pa
kilalang tao nang makarinig sila ng malakas na tunog na animo’y sunud sunod na putok ng baril. Ang
unang naisip ni Renz ay binabaril sila. At marahil ay may kinalaman iyon sa
taong nagkukubli sa kadiliman. Baka nga konektado pa iyon sa planong pabagsakin
ang kompanya niya. Hindi na siya nag aksaya ng mga sandali. Itinulak niya ang
tauhan para maunahan ito at iyong kuha ng buwelo ay lumundag siya sa direksyon
ng madilim na hugis. Gumugulong silang bumagsak ng tao, na sumigaw nang malakas
nang dambahin niya. Sa puntong iyon ay narinig ulit niya ang malakas na tunog,
kasunod ang ugong ng binubuhay na makina. Noon niya napiho, hindi putok ng
baril ang may likha ng kagulat gulat na ingay kundi makinang pabigla bigla at
papugak pugak na umandar. Hindi pa siya nakakakilos nang masinagan sila ng
liwanag ng motorsiklo na ibinuwelta pala ng driver nang maulinigan ang malakas
na sigaw. “Walanghiya ka! Bitawan mo ’ko!” Nang makarinig ng pagbubuska ay
napatingin si Renz sa taong dinadaganan niya. Noon lang niya napansin, isa pala
itong babae.
Chapter Four
“OH, NO!” naibulalas ni
Renz matapos saglit na pagmasdan ang babae. Hiyang hiya ito sa mga pangyayari.
Isang tingin lang sa dinadaganan ay alam na nitong hindi siya isang salarin na
gaya ng akala. “Umalis ka diyan!” Naghi hysterical na si Jena na pakiwari ay
sumapit na ang katapusan niya. “Boss, bisita ho yata siya ng Fuente Verdes,”
sabi ng driver ng motorsiklo na lumapit sa kanila. “Oh, no. NO!” sambit ulit ni
Renz nang mapihong malamang ay ito ang nawawalang representative ng Kliney
Chain. “Baka naman gusto mo nang bumangon,” angil ni Jena, sabay marahas na
tulak sa nakadagan sa kanya. Ngayong naramdaman niyang walang nakaambang
panganib ay nahalinhinan ng galit ang kanyang takot. “Of course. I-‐‑I’m very sorry,” natatarantang sabi ni Renz na
nagmamadaling tumayo. Iniabot nito ang kamay sa kanya. Hindi niya iyon
pinansin. Mag isa siyang bumangon at pinagpag ang nadumihang suot. Hindi
kailangang maging manghuhula ni Renz para malamang pikon na pikon ang bisita. Ayaw
nitong isipin kung ano ang magiging epekto niyon sa negosasyon nila. Iyon ay
kung magkakaroon pa sila ng negosasyon matapos ang mga kapalpakang nangyari.
“I’m really very sorry. . Miss Borromeo, right?” sabi nito. “Yes, I’m Miss
Borromeo,” ani Jena matapos sandaling manibago sa pangalang itinawag sa kanya.
“And you are. .?” Inilahad nito ang kamay. “Renz Arranda.” Ilang saglit siyang
napatitig sa kaharap. Buong akala niya ay may edad na ang pinuno ng Unlimited
Horizons. Hindi ganoong tila ilang taon pa lang itong nakakalagpas sa gulang na
treinta. Hindi lang iyon; may kung anong magnetismong nagmumula sa pagkatao
nito— magnetismong saglit na bumighani sa kanya. “I see. Talaga bang ganito
kung tratuhin mo ang mga bisita mo o sinadya mo talagang gawing espesyal ang
pagsalubong na ito sa ’kin?” sarkastikong turan niya na hindi naibigan ang
naramdaman. “Isang malaking pagkakamali ang lahat at sinisiguro ko sa ’yong
aalamin ko kung sino ang dapat managot,” nagtatagis ang mga bagang na sabi ni
Renz. KUNG NAKAILANG ‘I’M SORRY’ na si Renz ay hindi malaman ni Jena. Basta ang
mga katagang iyon ang paulit ulit nitong sinasambit magmula sa kinaroroonan
nila hanggang makarating sila sa resort. Sa Fuente Verdes, matapos saglit na
ipakilala si Jena kay Nick at sa ilang tauhan ng resort ay ito na mismo ang
naghatid sa kanya sa silid. “I hope you’ll be comfortable here. I understand
that you’re not ready for an overnight stay. May shop kami sa ibaba.
Magpapadala ako rito ng ilang pirasong damit at piliin mo na lang kung ano ang
gusto mo. It’s on the house.” “Hindi. Babayaran ko.” “No way. Kasalanan namin
kung ba’t natagalan ka kaya ako ang bahala sa lahat.” “Pero—” “Wala nang pero
pero. Hindi ako tatanggap ng bayad and that’s final.” May himig ng finality ang
tinig nito kaya hindi na siya nagpumilit. “Ngayon, baka gusto mong magpahinga
muna o mag ayos kaya, iiwan muna kita,” anito at binuksan na ang pinto ng
malaking suite para lumabas. “Mabuti pa nga siguro,” sang-‐‑ayon niya na nanlalagkit ang pakiramdam. “If you need anything, anything at
all, just dial 753. And again, I’m very sorry. Hindi ko talaga maintindihan kung ano’ng nangyari’t nagulo ang travel plans
mo.” “It’s all right. Kalimutan na natin iyon.” Ilang ulit na itong nakahingi
ng paumanhin at mukhang sinsero naman ito kaya nahulasan na ang galit niya.
“I’ll make it up to you. Pangako iyan.” Bigla siyang naasiwa nang mapatingin
dito. May kung ano siyang nadama nang magtama ang mga mata nila. Para kasing
kung ano na ang ipinapangako ni Renz sa kanya kung makatitig ito. “Y you don’t
have to,” nagugulumihanan niyang tugon. “I intend to. But that can wait. Sa
ngayon, aalis na muna ako. Mayamaya’y iaakyat na ang mga damit pati ang hapunan
mo. Or if you like, we can eat at the restaurant. . ” “No, dito na lang.” Wala
siya sa mood makihalubilo. Dapat siyang mag ipon ng lakas sa pagpa-‐‑papanggap na kailangang gawin. Isa pa, parang nangingimi
siyang makasama pa nang matagal ang lalaki sa gabing iyon. “Is there anything particular you’d like to eat?” “Kahit ano.” “Then I’ll send you one of our restaurant’s specialty,” anito. Nasa
akto na itong lalabas ng pinto ngunit muling bumaling sa kanya. “Again, I’m—”
“Kung ‘I’m sorry’ na naman ang sasabihin mo, eh, ’wag mo nang ituloy. I told
you, it’s all right,” paniniguro niya rito. Natawa ito. “Okay, okay. . I’ll
just say good night,” anito, saka itinuloy ang paglabas ng pinto. Matapos ang
mahaba niyang paglalakbay, pati na ang iba’t ibang sitwasyong nasuungan, hindi
siya dapat nakikingiti sa lalaki. Pero natagpuan niya ang sariling ganoon na
nga ang ginagawa. Naalala niya ang pakiramdam ng mabigat nitong katawan na
dumagan sa kanya; ang matitigas na kalamnang halos pumipi sa kanyang
kalambutan. Namula siya at kinuskos ng dalawang palad ang mukha. Ano ba ang
pinag iiisip niya? Nandoon siya para sa isang mahalagang misyon, hindi para
magpantasya ng kung anu ano sa machong may ari ng Unlimited Horizons. Nang
gumiit sa isipan kung ano ang pakay niya roon ay kaagad siyang nanlumo.
KINAUMAGAHAN, pagbabang pagbaba ni Jena sa lobby ay sinalubong kaagad siya ni
Nick. “Kumusta ang pagtulog mo?” nakangiti nitong bati. “Napakahimbing.”
“Breakfast?” “S sure.” Nangangati na siyang itanong kung nasaan si Renz. Hindi
niya alam kung bakit pero parang gusto na niya itong masilayan. Sa restaurant
ng resort sila humantong. Pagdating doon, kunwa’y minamasdan ng dalaga ang
maaliwalas na paligid na bukas sa hanging dagat pero sa totoo ay hinahanap ng
mga mata niya si Renz. “H hindi ba tayo sasaluhan ni Mr. Arranda?” tanong niya
nang hindi na makatiis. “I mean. . g gusto ko na kasing simulan ang pag uusap
namin,” paghahagilap niya ng maikakatuwiran. “He’ll join us shortly. May
inaayos lang kasi siya sa opisina.” “M mahirap din sigurong magpalakad ng isang
resort, ano?” Nakasilip siya ng pagkakataon na mangalap ng impormasyon tungkol
sa Monte del Sol Resorts. “Medyo. Marami na rin kasing kakompetisyon. Hindi
gaya ng dati na iilan lang kami.” “Matagal na rin ’tong Fuente Verdes, di ba?”
Tumango si Nick. “Isa ito sa mga kauna unahang resort na itinatag ng Unlimited
Horizons. Noon pa ito nang ang papa ni Renz ang humahawak sa kompanya.” “Oh,
yes. I heard about his father,” kunwa’y sabi niya. “Nagulat ka rin siguro, ano?
Hindi naman kasi akalaing mamamatay siya agad. Biglaan ang atake niya. Ni hindi
nga yata niya alam na may sakit siya sa puso.” “Kaya pala kay Renz napunta ang
pagpapalakad ng kompanya. Nagtaka nga ako, eh. Medyo bata pa kasi siya.”
“Matanda ako sa kanya nang halos sampung taon. But don’t get me wrong. Maraming
alam si Renz sa pamamalakad ng isang negosyo. Katunayan, malaki ang iniunlad ng
Unlimited Horizons mula nang siya ang mamuno nito. Nagkakaproblema nga lang
kung minsan.” “Problema saan?” Tumalas ang mga tainga niya. “I hope you haven’t
been waiting very long.” Bago makasagot si Nick ay sumulpot sa likod ni Jena si
Renz na waring kararating lang. “Nick, sana’y di n’yo na ’ko hinintay bago kayo
magsimula,” sita nito sa manager nang makitang wala pang nakahaing pagkain.
“It’s okay. Hindi pa naman ako gutom,” sabi niya na nanghinayang nang malaki at
dumating ang lalaki bago matapos ni Nick ang isinasalaysay. “I’m sure you’re in
a hurry to get on with our negotiation,” sabi ni Renz habang nag aalmusal sila.
“But I would like to show you our amenities first before we begin. Mas maa
appreciate mo kasi ang sinasabi ko kung nakita mo ang buong resort. Are you in
a hurry to get back to Manila?” Sandaling nag alangan si Jena bago sumagot.
Kung tunay siyang isang mataas na opisyal ng Kliney Chain, di ba dapat ay
abalang abala siya? Pero sa isang banda, mukhang mas makakapangalap siya ng
impormasyon kung hindi muna siya aalis. “Not really. Marami akong ginagawa pero
trabaho rin naman ang sadya ko rito, eh,” pagkuwa’y sabi niya. “Good. But who
says you can’t combine business with pleasure? Habang nandito ka, sisiguraduhin
kong para ka na ring nagbabakasyon,” anito na nakasilip ng pagkakataon para
mapunan ang masamang impresyong tiyak nitong tumimo sa isip ng dalaga matapos
ang masagwang nangyari sa biyahe niya papuntang Fuente Verdes. “Hindi mo
kailangang gawin ’yon,” protesta niya. “But I want to. It’s the least I can do
after your unfortunate experience. Baka isipin mong ganoon kasagwa ang resort
namin, pati na ang buong kompanya.” Naalala nito ang naging takbo ng pag uusap
nila ng tauhan niyang dapat na sumundo kay Jena. Hindi siya natutuwa sa
natuklasan. Ayon sa tauhan, may tumawag dito buhat sa head office sa Maynila
para sabihing mahuhuli ng dating ang eroplano kaya hindi ito nagmadali sa
pagtungo sa airport. May bahid ng sabotage ang nangyari. Mukhang sadyang
sinalisihan ang tauhan niya para magkabulilyaso ang pagsalubong sa opisyal ng
Kliney Chain at nang magkaroon ng masamang impresyon sa Unlimited Horizons.
Habang nagsasalita si Renz ay parang nababatu-‐‑
balani si Jena. Para kasing napakalakas ng personalidad nito, punung puno ng
buhay. Waring punung puno rin ito ng kumpiyansa sa sarili. Parang alam na alam
na nito ang direksyong nais patunguhan at kung paano makakarating doon. ISA ISA
NGANG IPINAKITA ni Renz kay Jena ang facilities ng Fuente Verdes at ang iba’t ibang attraction ng nasabing lugar.
“Lahat ng resort ng Monte del Sol
chain ay ganito ang uri. World-‐‑class ang facilities at
accommodation. Hindi rin magkakaroon ng pagkakataong mainip ang mga bisita
dahil sa iba ibang water sports. Isa sa pinaka popular dito ay ang snorkeling
at scuba diving. Gusto mong subukan?” tanong nito. “Hindi ako marunong,” tutol
niya. “Walang problema. Tuturuan kita.” “Huwag na lang. Ayoko.” Hindi niya
natitipuhang isipin na lulubog siya sa ilalim ng tubig at lalangoy kasama ng
mga isda. Paano kung may pating? “Wala kang dapat ikatakot. Madali lang
matutunan ang snorkeling.” “Ako, natatakot? Hindi, ah!” Awtomatikong tumaas ang
kanyang noo. “Ganoon pala, eh. Ano pa’ng hinihintay natin?” nakatawang sabi
nito. “K kuwan. . malamig yata. At saka.. wala akong bathing suit.” Natataranta
siyang naghanap ng dahilan. “Mainit ang tubig at kung swimsuit lang ang
problema, meron sa shop. Nakaligtaan ko lang ipasama sa mga damit na dinala sa
kuwarto mo. Halika, mamili ka na doon.” Kasubuan na kaya napilitan siyang
panindigan ang sinabi. Isa pa, isang bahagi ng sarili niya ay nais din matikman
ang nasabing gawain. Bumalik sila sa hotel para maghanda. HINDI NABANGGIT KAY
RENZ, habang ipinapasyal niya si Jena ay tumawag sa Fuente Verdes ang isa sa
mga opisyal ng Unlimited Horizons. Nagkunwari itong hinahanap siya. “Ah, wala
ba siya diyan ngayon? Di bale, kinumusta ko lang kung nakarating diyan nang
maluwalhati ang bisita niya,” sabi nito. “Medyo nahirapan nga yata nang konti
pero okay na ngayon,” anang isa sa mga tauhan ng resort na nakatanggap ng
tawag. “Saan sila nagpunta?” “Itinu tour ni Sir si Miss Borromeo. Mag i
snorkeling din yata sila dahil narinig ko kaninang ipinahahanda ang motorboat
niya.” “Ganoon ba? O sige, tatawagan ko na lang siya sa cell phone niya.”
Matapos ang pakikipag usap na iyon ay ilang sandaling tumingin sa kawalan ang
lalaki habang matamang nag iisip. Pagkuwa’y may iba naman itong tinawagan. Nang
i-‐‑press nito ang buton na tatapos na ikalawang pakikipag usap
ay tatangu tango itong napangisi.
Chapter Five
“READY?” tanong ni Renz nang nakaupo na sila sa lantsa. Tumango si Jena. Binuhay
nito ang makina. “Kapit ka,” nakangiting babala nito bago pinasibad ang
sasakyang pandagat. Sa simula ay parang hihimatayin sa takot ang dalaga. Noon
lang siya nakasakay sa bangkang ganoon kabilis. Para itong lumilipad sa ibabaw
ng tubig. Pakiwari tuloy niya, anumang sandali ay babaligtad ito at mahuhulog
sila sa dagat. “Relax,” nakangiting utos ni Renz. Ipinatong pa nito ang palad
sa kamay niya na parang tuko kung makakapit sa harapan ng lantsa. Nanginginig
siya ngunit sa kabila niyon ay naramdaman niya ang kiliting gumuhit sa kamay na
hinawakan nito. Hindi nagtagal, unti unting pinawi ang kanyang takot ng
sensasyon ng matinding kalayaan na dulot ng malawak na karagatan, ng hanging humahampas
sa kanyang mukha, ng matuling takbo ng kinalululanang sasakyan. Parang mas
naging perpekto pa ang sandaling iyon nang mapasulyap siya kay Renz. Hindi niya
maintindihan kung bakit pero nakaragdag sa kanyang tuwa ang ideyang ito ang
kasama niya. Napatingin din ito sa kanya. Ngumiti ito at kumindat bago muling
ibinaling sa karagatan ang atensyon. Lingid sa kanya, may kung ano ring pumukaw
sa interes ni Renz nang mamalas ang reaksyon niya. Naaliw ito sa kanya na
animo’y isang batang tuwang tuwa sa bago nitong karanasan. Sanay na ito sa mga
babaeng sosyalera na karamihan ay parang bored sa kanilang buhay, na tila
naranasan na lahat ng puwedeng gawin kaya hindi na sila marunong matuwa. Lalo
nitong pinahataw ang makina. Ngayon ay para na talaga silang lumilipad sa
bilis. Lumuwang ang ngiti nito nang marinig ang halakhak ng dalaga. Bitin na
bitin pa si Jena nang sapitin nila ang paglalanguyan. Natagpuan niya ang
sariling naghahangad pa ng kung ilang kilometrong tatawirin nang patayin na ni
Renz ang makina. Matapos ang mahabang paliwanag ng mga dapat niyang gawin,
tinuruan siya nito kung paano isuot at gamitin ang snorkeling mask. “Sa
simula’y medyo maninibago ka. Dapat kasi’y sa bibig ka lang hihinga. Pero
masasanay ka rin,” paalala nito. “Now, let’s jump.” Nauna itong tumalon. “Ano
pa’ng hinihintay mo?” kantiyaw nito nang mag alangan pa siya. “Huwag mong
sabihing ngayon ka pa aayaw.” Ayaw niyang maalaska kaya nagpatihulog na rin
siya sa dagat. Tama si Renz. Sa simula nga ay nanibago siya. Pakiramdam niya ay
nalulunod siya sa kaibang paraan ng paghinga habang nasa ilalim ng tubig.
Ngunit hindi naglaon ay naalis na sa paghinga ang kanyang atensyon nang maaliw
siya sa makukulay na mga isdang palanguy langoy sa pagitan ng mga bato at
halamang dagat. Sinenyasan siya nito at tinungo nila ang mga korales kung saan
mas maraming isda ang namamahay, mga isdang noon lang niya nakita. Hindi lang
kulay ang kakaiba sa mga ito kundi pati hugis na rin. May bilog na bilog, may
pahaba na parang ahas, mayroong mukhang nakapalibot ang tinik sa katawan, may
halos wala ni isang palikpik. Kagaya ng maiksing biyahe nila sa bangka, hindi
pa nagsasawa si Jena nang senyasan siya ni Renz na dapat na silang umakyat.
“Ang ganda. Ang ganda ganda!” bulalas niya nang makaahon na sila. “Hindi ko alam
na ganyan pala kaganda sa ilalim ng dagat.” “Kaya nga nakakalungkot kapag
nababalitaan kong pinasasabog ang mga korales para ibenta sa ibang bansa. Kapag
naubos na ang mga ’yon, mawawala na rin ang mga isda dahil wala na silang
titirhan. Sa Fuente Verdes, at sa lahat ng resort namin, kasama kami sa
nangangalaga sa yamang dagat. Isa ito sa mga dinadayo rito. Kung bibilhin nga
ang kompanya, isa sa isasama sa kontrata’y ang pagpapatuloy ng mga programang
pangkalikasang nasimulan na namin. Anyway, nakita mo na ang isa sa mga dahilan
kung bakit marami ang nagpupunta sa Fuente Verdes. Bentahe ito ng lugar, lalo
na sa diving enthusiasts.” Hindi siya makakibo. Pakiramdam niya nang mga
sandaling iyon ay isang napakalaking huwad. Nandoon siya para mangalap ng nakakasirang
impormasyon, di para alamin ang mga attraction na dinadayo sa resort. “Pagod ka
na ba?” tanong nito nang mapansin ang pananahimik niya. “Gusto mong bumalik
na?” “Of course not. Nagsisimula pa lang tayo, di ba?” Nakangiting tumingin
siya rito. Kaaya ayang pagmasdan para kay Renz ang mukha ng dalaga. Parang
bukas na bukas iyon, walang halong artificial sophistication na natutunan na
nitong kainisan. “Sinabi mo,” sang-‐‑ ayon nito, saka umakyat sa lantsa.
Pagkuwa’y tinulungan siya nitong sa pag ahon.
Napalakas ang buwelo niya kaya nang makaakyat siya ay bahagyang bumangga ang
katawan niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero parang naubos lahat ng
hangin sa paligid dahil sa pangyayaring iyon. Saglit din itong natigilan.
Sumagi sa isip nito kung gaano kalambot ang katawang noong isang araw lang ay
nadaganan nito. Sa pagkakataong iyon ay parang gusto nito ulit gawin iyon.
Parang napapaso, dagli itong lumayo sa kanya bago makuhang pagbigyan ang bunsod
ng kalooban. MAY DALAWANG MALIIT NA PULO pa silang pinuntahan. “Kasama ang mga
’yan sa properties ng resort. Iyong ibang mga bisita nami’y nagpupunta riyan
para mag picnic. Ang iba’y nag o overnight pa,” kuwento ni Renz. Ang sarap nga
sigurong mag overnight diyan na ikaw ang kasama ko. Nagulat si Jena nang
maglandas ang ideyang iyon sa kanyang isipan. Palihim niyang sinulyapan ang
kasama. Hindi siguro nakakapagtakang makadama siya ng attraction dito, nasabi
niya sa sarili. Hindi ito guwapung guwapo pero nakakadala ang lakas ng
personalidad nito. Malaki rin ang epekto ng matikas nitong tindig at
maskuladong pangangatawan. Para ngang gusto niyang lumapit dito at yumakap
buhat sa likod upang masapo ang matitigas nitong kalamnan. Marahas niyang
ipinilig ang ulo para palisin ang naglalarong imahen sa kanyang isipan. Hindi
na ganoon katindi ang sikat ng araw nang languyin nila ang maiksing distansya
papunta sa lantsa. “Babalik na tayo. Kumapit ka ulit,” sabi ni Renz nang
umungol na ang makina. Naalala ni Jena ang pakiramdam niya nang humahataw sa
karagatan ang lantsa at sabik na hinintay ang pagsibad nito. Subalit imbis na
humarurot ito hanggang sa daungan, ilang minuto lang itong umandar.
Nangangalahati pa lang siguro sila papunta sa resort nang pumugak pugak ang
makina. Pagkuwa’y isang naghi-‐‑ hingalong ungol ang pinakawalan
nito, kasunod ang tuluyang pagtahimik. “Ano’ng nangyari?” nag aalala niyang
baling kay Renz. “E ewan. Pero madali lang ’to.” Pinihit pihit nito ang makina
nang ilang ulit pero ayaw mabuhay niyon. Napatingin siya sa kalangitan, saka
inalihan ng kaba. Nagsisimula nang lumubog ang araw. Malamang ay abutin sila ng
gabi sa laot. “A ano’ng gagawin natin?” usisa niya. Nakita nito ang pag aalala
sa mukha niya. Kinabig siya nito at hinaplus haplos sa balikat. “Everything’s
going to be all right,” anito. Inabot nito ang cell phone para tawagan ang
resort. Sa kamalasan, hindi ito maka-‐‑contact. Hindi iyon nakakapagtaka.
Minsan nga ay nahihirapan silang makakuha ng signal. Maraming harang sa
kalawakan sa lugar nila kaya depende na lang sa suwerte kung maaabot nila ang
ibig tawagan. Naghalughog ito sa lantsa. Alam nito, parati itong may dalang
tool box para sa mga emergency na gaya niyon. Laking pagkamangha nito nang
hindi iyon makita. Sinubukan nitong buksan ang makina pero dahil wala itong
magamit na kahit ano, hindi nito iyon magawa. “Paano na ’yan?” Kabadung kabado na si Jena. Dahil
pagabi na, papasok na ang tubig. Kitang kita niya ang malakas na pag agos
niyon, pati na ang mabilis na paglaki. Gustuhin man nila, hindi sila puwedeng
lumangoy papunta sa isa sa mga islang pinasyalan nila. Dahil sa pagpapalit ng
daloy ng agos, delikadong may malakas na current ito sa dakong ilalim. Humugot
ng hininga si Renz bago humarap sa kanya. “Maghihintay tayo ng sasaklolo sa
’tin,” madilim ang mukhang sagot nito.
Chapter Six
“HUWAG KANG MABAHALA.
Maraming dumadaan sa gawing ito ng dagat.” Ilang beses na iyong sinasabi ni
Renz kay Jena na batid nitong takot na takot na. Hindi nito masisisi ang
dalaga. Kahit ito mismo ay nakakaramdam na ng kaba. Gagahibla na lang ang liwanag.
Kapag wala pa silang nakitang sasaklolo sa kanila, tiyak na gagabihin sila sa
laot. “Pero gabi na, eh. Sino pa’ng mamamangka?” nagdududang sabi niya. “Mga
mangingisda,” tangkang pag ayo nito gayong alam nitong hindi gaanong dinadayo
ng mga mangingisda ang bahaging iyon. “At kung sakaling wala tayong makitang
tao ngayong gabi, tiyak, bukas ay may sasagip sa ’tin. Gaya ng sabi ko,
maraming turistang napapagawi sa dakong ito. Para nga itong EDSA ng karagatan,”
paniniguro nito. “Kailangan lang nating malagpasan ang magdamag.” Lumakad pa
ang mga sandali. Mabuti na lang at wala silang problema sa pagkain at inumin.
Ang hinapunan nila ay ang natira sa dala nilang kanin at ulam. Sa paglalim ng
gabi, unti unting lumamig ang hangin. Kapwa pa naman sila walang dalang
panangga sa lamig. Ayaw niyang magpahalata pero ginaw na ginaw na siya.
Nanginginig na ang kanyang mga kalamnan sa lamig habang panay ang tingin sa
karagatan sa pag asang may matanaw siyang mahihingan ng saklolo. “Magpahinga ka
muna. Ako na’ng magbabantay,” sabi nito. Umiling siya. Pakiwari niya ay hindi
rin naman siya makakatulog. “No, you rest. Mamaya, gigisingin na lang kita para
halinhinan ako,” giit nito. Humiga siya sa upuan sa dakong harap ng bangka.
Pagod na pagod siya pero hindi pa rin siya makatulog sa tindi ng lamig. Di
mapakali, umupo siya at humalukipkip. Nang mapatingin sa kanya si Renz ay
naunawaan nito kung ano ang problema. Umupo ito tabi niya. “I hope you won’t
mind,” sabi nito, saka siya siniksik sa katawan nito. Naintindihan niyang gusto
lang siya nitong bahaginan ng init kaya hindi na siya nagprotesta. Hindi rin
maikakailang kaaya aya ang sensasyong dulot ng pagkakalapit nila. “Pasensya ka
na. Kung anu anong nangyayari sa ’yo mula nang anyayahan ka papunta sa resort.
Hindi ako magtataka kung negatibong negatibo na ang impresyon mo sa ’kin at sa
kompanya ko,” sabi nito nang tumagal ang namamayaning katahimikan. “Hindi ko
alam kung bakit nangyayari ang mga ’to.” Naikuyum nito ang kamay at naisuntok
iyon sa isa pang palad. Hinawakan niya ang braso nito. Hinagud hagod iyon.
“Malalampasan natin ’to,” tangkang pagpapalakas loob niya, hindi lang sa lalaki
kundi sa sarili rin. “Makakabalik at makakabalik tayo sa resort mo.” “Sinabi
mo. Hindi ako patatalo sa kanya nang ganito lang,” matiim na sang-‐‑ayon nito. “Patatalo kanino?” “May gustong sumabo.. .” Bago nito
matuloy ang sinasabi ay natauhan ito. Nahihibang na ba ito para ipagtapat sa
dalaga ang tangkang pagpapalubog sa Unlimited Horizons gayong opisyal si Jena
ng kompanyang interesadong bilhin ang resort? “W wala. Nagkakahalo halo na ang
mga sinasabi ko,” pagkakaila nito. “Nabanggit ni Nick na biglaan ang
pagkakaatang sa ’yo ng responsibilidad ng pagpapatakbo ng kompanya.” Tumango
ito. “Hindi namin akalain na biglang mamamatay ang Papa. Walang ibang aasikaso
ng kompanya dahil ang nag iisang kapatid ko’y may sarili nang pamilya sa
Amerika. Pinaghirapang itatag ni Papa ang Unlimited Horizons at ayokong
mapariwara ito kaya maski pakiramdam ko’y di pa ’ko gaanong handa’y tinanggap
ko ang responsibilidad.” “Nakaya mo naman. Sabi nga ni Nick, napalago mo pa raw
’to.” “Matapos ang maraming sakripisyo.” Maasim ang ngiti nito. “Sakripisyo?”
Kung hindi siguro sila lulutang lutang sa gitna ng malawak na karagatan at ang
pag uusap na lamang ang paraan para itaboy ang pangambang hatid ng kanilang
kalagayan, hindi magiging ganoon kabukas si Renz sa niloloob nito. “Mahigit
sampung taon na ng buhay ko ang naibubuhos ko sa kompanyang iniwan ni Papa. Sa
loob ng panahong iyon, hindi ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko. Pulos
negosyo ang inatupag ko.” Hindi na nito binanggit na dahil sa sobrang
pagkagumon niya sa pagsasalba at pagpapalago ng Unlimited Horizons ay nagkasira
sila ng nobya nito. “Pero ’wag na nating pag usapan ang tungkol sa ’kin. Ikaw,
wala kang nababanggit tungkol sa sarili mo. Hindi ba nag aalala ang asawa mo’t
napakalayo mo sa kanya?” “Asawa? Wala pa ’ko n’un.” Hindi alam ni Renz pero
natuwa ito sa narinig. “Boyfriend?” Umiling siya. “Hindi ko matiis ’yong
minaman-‐‑ duhan ako,” paliwanag niya.
“Nagkakamali lang siguro ako ng pili
pero ’yong mga nakikilala ko, boyfriend ko
pa lang sila’y gusto nang sila ang magpatakbo ng
buhay ko.” Humangin nang malakas. Maski
nakasiksik na siya kay Renz, sumagid pa rin sa kanyang buto ang matinding
lamig. Naramdaman ang panginginig niya, bumaling ito sa kanya at niyakap siya.
Nagulat siya sa kaginhawahang bumalot sa kanya nang maikulong sa matitigas na
bisig nito. Hindi niya inaasahang ganoon na lang ang init na kanyang madarama.
“Alam mo, romantic sana ang ganito kung di lang tayo namatayan ng makina’t
nangangambang ito na ang huling gabi ng buhay natin,” tangka niyang pagbibiro
para palisin ang hindi naibigang emosyon. Hindi kumibo si Renz. Nagtaas siya ng
mukha para magbitaw pa ng kuwelang salita pero nakatingin din pala sa kanya si
Renz. Sa pagtatama ng kanilang mga mata ay nakaligtaan na niya kung ano ang
sasabihin. Nakakamagneto ang tingin nito, nakakahikayat. May hatid din kung
anong kalayaan ang ideyang nasa gitna sila ng malawak na dagat at sila lang
dalawa ang nilalang doon nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung pareho
sila ng iniisip pero itinaas nito ang kamay niyang hawak hawak nito at hinagkan
iyon. Para siyang napaso sa halik nito ngunit ayaw naman niyang hilain ang
kamay. Nanatili siyang parang estatwa habang tinutulay ng labi nito ang kanyang
braso, patungo sa kanyang balikat. . sa leeg. . sa pisngi.. . Nang sumapit sa
labi niya ang halik nito ay hindi niya akalaing ganoon pala katindi ang
pananabik niyang matikman ang halik nito. Hindi tama, hindi nararapat! sigaw ng
kanyang konsyensya ngunit nang mga sandaling iyon ay bingi siya sa katinuan. Sa
halip na umiwas, hindi niya namamalayang yumakap ang kanyang mga braso sa leeg
nito. Sinaklot nito ang buhok niya at lalong pinalalim ang pagsimsim sa kanyang
labi. Dahan dahan ding umusad ang kamay nito pababa, patungo sa dibdib niya.
“Huwag, Renz.” Noon nakabawi ng sapat na lakas si Jena para sawayin ito.
Bumitaw siya rito at lumayo. Umakma itong yayakapin siyang muli ngunit
tiyempong may natanaw silang liwanag sa di-‐‑ kalayuan. “Saklolo! Saklolo! Nandito kami!” Nagsisigaw sila Page 16 1 of 330
kasabay ang pagwagayway ng puting tuwalyang nahagip nila sa sahig ng lantsa.
Mga mangingisda ang lulan ng bangkang namataan nila. Wala pang huli ang mga ito
pero pumayag naman na ihatid sila sa baybayin. HINDI PALA NAG ALALA sa kanila
ang mga nasa resort dahil ang akala ng mga ito ay naisipan nilang mag overnight
sa isa sa mga pulo. Habang tumatagal, lalong tumitindi ang galit ni Renz sa
hindi pa kilalang tao na tiyak niyang may kinalaman sa pagkasira ng lantsa.
Noon lang nangyari ang gayon dahil sinisiguro parati niya na nasa magandang
kondisyon ang makina ng sasakyang pandagat. Matapos tiyaking nakapagpahinga na
sa silid nito si Jena ay may tinawagan ang lalaki. “Tito Resty, may ipapakiusap
sana ako sa inyo,” sabi niya nang sagutin ang kanyang tawag. ‘Tito’ ang tawag
niya sa lalaki ngunit hindi niya ito kamag anak kundi pinakamalapit na kaibigan
ng papa niya. “Tungkol saan, Hijo?” Isinalaysay niya ang hindi magagandang
nagaganap sa kompanya. Napabuntunghininga si Tito Resty nang matapos siya.
“Akala ko’y walang kawawaan ang mga naririnig ko. May katotohanan pala ang mga
’to,” sabi nito. “Wala ka bang ideya kung sino ang may kagagawan?” Isa isang
naglaro sa imahinasyon ni Renz ang tatlong lalaking may matataas na tungkulin sa
Unlimited Horizons. Noong mga panahong hindi pa matiyak ang magiging kalagayan
ng kompanya dahil sa biglang pagyao ng papa niya, ang tatlong lalaking iyon ang
tumulong sa kanyang patakbuhin ang Unlimited Horizons. “Malamang ay isa sa mga
pinakamataas na opisyal ng kompanya. Bukod sa ’kin, sila lang ang may sapat na
kaalaman tungkol sa future plans ng kompanya’t may sapat na kapangyarihan para
masabotahe ito,” nanlulumo ang tinig niyang pagtatapat. Sa kabilang linya ay
napapalatak si Tito Resty. “Kaya nga wala akong ibang mahingan ng tulong. Di ko
na alam kung sino ang puwedeng pagkatiwalaan. Right now, I’m about to start
negotiations to sell my resort chain.. .” “May nabasa ako tungkol diyan sa
business page ng isang pahayagan. Are you serious about that?” “Sa totoo lang,
isa ito sa mga paraan para mabuko ko kung sino ang may masamang balak sa ’kin
at sa kompanya. I’d be willing to sell if the price is right, at kung magigipit
na ’ko nang tuluyan. Sa ngayon kasi, ang resort chain ang pinakamahina ang
naiaakyat na pera sa kompanya. Pinakamataas pa ang overhead kaya puwede ko
talagang ibenta.” “I see. Paano ako makakatulong sa ’yo?” “Sasabihin ko sa mga
opisyal ko na papasukin ko ang real estate business. Kakausapin ko sila isa isa
at magbibigay ng iba ibang lokasyon ng unang subdivision na itatatag ko. Kung
saan magkaroon ng bulilyaso, ang taong sinabihan ko niyon ang may kagagawan.
Kailangan ko kayo para mag set up ng isang dummy corporation na kunwa’y siyang
nag aalok sa ’kin ng mga lupang puwedeng i develop para gawing subdivision.” “I
can do that. Medyo kulang na nga sa excitement ang buhay ko ngayong naipasa ko
na sa pamangkin ko ang pamamalakad ng kompanya ko,” ani Tito Resty na di
nakapag asawa kaya wala itong anak. “Thank you, Tito.” “Don’t thank me yet.
Pasalamatan mo ’ko pag nahuli mo na ang salarin.” Bahagyang lumuwag ang
paghinga ni Renz matapos ang pag uusap nila ng kanyang Tito Resty. Pero
nahalinhinan kaagad ng ibang alalahanin ang saglit na pagluwag ng kalooban.
Naalala niya ang namagitan sa kanila ni Jena at kumunot ang kanyang noo. Ano ba
ang pumasok sa kanya at nagawa niya itong hagkan? Hindi niya gawi ang gayon, at
lalong hindi tulad niya ang makaramdam ng mga emosyong nadarama niya para sa
dalaga nang mga sandaling iyon. Hindi niya iyon maintindihan kaya sapilitang
iwinaglit muna sa puso at isipan ang naturang mga emosyon. HINDI ALAM NI RENZ,
kasalukuyan ding nahihibang sa pagninilay nilay ang dalagang gumugulo sa isipan
nito. Sa tuwing sasagi sa alaala ni Jena ang halik ni Renz ay para siyang
matutunaw sa hiya. Hindi niya maikaila sa sarili na may nadama siyang pananabik
nang magdait ang kanilang mga labi. Ngayon nga ay parang hinahanap hanap pa
niya ang tamis at init ng halik nito. Luka luka! saway niya sa sarili. Nandoon
siya para magtrabaho, hindi para gumawa ng kung anong milagro. Napuknat lang
ang malaliman niyang pag iisip nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. “Excuse
me, Ma’am. Telephone call from your office. Hindi n’yo raw yata dala ang cell
phone n’yo kaya sa resort na tumawag,” anang bellboy na napagbuksan niya ng
pinto. “Thank you,” aniya at nag aagam agam na inabot ang telepono. “Jena,
pambihira ka naman. Ba’t hindi ka man lang tumatawag? Kung di pa ’ko nagtanong
sa Unlimited Horizons, eh, di ko pa malalaman ang mga nangyari.” “Hindi kasi
ako makakuha ng tiyempo, eh,” paghahagilap niya ng dahilan. “O, kelan ang balik
mo?” tanong ni Jules. “Baka bukas. Kailangan mo na ba ’ko diyan?” Ayaw niyang
isipin ang tungkol sa kanyang pag alis. Kung magiging totoo siya sa sarili,
aaminin niyang ayaw pa niyang maghiwalay ang landas nila ni Renz. Pero
kailangan na. Hindi para sa personal na kaligayahan ang dahilan ng pagtungo
niya roon. “No. In fact, I want you to stay there as long as you want.” Alam na
niya ang ibig sabihin nito. Ang mahalaga ay ang pangangalap niya ng
impormasyon. Hindi niya maintindihan kung dapat niyang ikatuwa ang pasimpleng
pagsang-‐‑ayon ni Jules na magtagal pa siya sa lugar na iyon kung
puwede rin lang. “O sige na. I was
just checking. Like I said, you don’t have to rush back here right now. I want you to have a clearer picture
of the kind of facilities the resort have so we can make a better analysis of
their proposal. Naipaliwanag ko na ang lahat sa opisina’t wala tayong
problema,” anang kausap. Pagkatapos nilang magpaalaman ay pinutol na nito ang
linya. MAG UUMAGA NA nang makatanggap ng tawag si Renz galing sa mga tauhang
nagpunta sa lantsa para tingnan kung makukumpuni nila ang makina. Nagdilim ang
mukha niya nang marinig ang ulat ng pinakapinuno ng mga ito. “Parang. . parang
sinadya, Sir. Sa unang tingin ay hindi halata pero nang inspeksyunin kong
mabuti, may nakita akong maliit na hiwa sa belt ng makina kaya matapos ang
ilang minutong pag andar ay napugto ito.” “Just keep that information
confidential for now,” sabi niya bago ibinaba ang telepono.
Chapter Seven
“DON’T YOU THINK it’s
time we start our negotiations?” tanong ni Jena nang salubungin siya ni Renz sa
lobby para mag almusal sila sa restaurant. “Oh, yes. But I’m hoping I could
show you around some more. Hindi tayo natapos kahapon,” anito habang ginigiyahan
siya patungo sa restaurant. “Hindi pa ba tapos ’yon?” may halong biro niyang
bulalas. “Aba, hindi pa. You haven’t seen anything yet. Kung di lang tayo. .
uhm. . naantala kahapon, madadala pa kita sa underground river na bagama’t
hindi kasing-‐‑ganda ng St. Paul’s Cathedral ay maganda ring
attraction sa mga bisita. Then there’s the jungle trail and—” “Teka, teka,” putol niya. “Gaano mo ba ’ko katagal patitigilin dito?” “Di ba sabi ko, gusto ko’y para ka na
ring nagbabakasyon habang nandito ka. Sigurado ako, at your level in the
company, you don’t get to enjoy a lot of free time anymore. Di ba sa ’yo na rin
nanggaling na napakarami mong trabaho?” Gustong mapaganda ni Renz ang impresyon
ni Jena sa kompanya. Isang bagay na hindi mangyari dahil pulos kamalasan ang
inaabot niya mula nang dumating doon. Iyon ang idinadahilan nito sa sarili kung
bakit ayaw muna nitong umalis ang dalaga. Binagabag naman siya ng konsyensya.
Ano na lang ang sasabihin nito kung malalaman nito ang katotohanan? “Oo nga
pero—” simulang protesta niya. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.
“Kung may kinalaman ito sa namagitan sa ’tin kagabi—” “No.” Itinaas niya ang
kamay para patigilin ito. “Okay, I’ll stay. Tutal ay nandito na rin lang ako,
gusto ko nang tingnan lahat ng attractions ng lugar na ’to.” Trabaho ko ito,
dahilan niya sa sarili kung bakit napakadali niyang napapayag na huwag munang
umalis. Nakahanda na siyang maglagi nang ilang araw pa sa resort. Ang kaso, habang
kumakain sila ay tumunog ang cell phone ni Renz. Matapos pakinggan ng lalaki
ang sinasabi ng nasa kabilang linya ay kumunot kaagad ang noo nito at nagtagis
ang mga bagang. “I’m sorry pero hindi na pala ako puwedeng magtagal dito.
Nagkaroon ng konting problema sa resort namin sa Davao. I have to fly there
immediately.” “Sure, I understand.” Hindi maipaliwanag ang lalaki kung bakit
nalulungkot ito sa biglaang pag iiba ng plano. “I have an idea,” pagkuwa’y sabi
nito. “Sumama ka na rin kaya sa ’kin. Bahagi ng Monte del Sol chain ang
pupuntahan ko doon. You might want to see our facilities there.” “Ewan ko.. .”
Nag alangan siya. Habang tumatagal kasi ang pagkakasama nila nito ay may kung
anong emosyong tumutubo sa kanyang dibdib. “Come on. I promise, hindi na
manganganib ang buhay mo,” pang eengganyo nito. “Tawagan mo na lang ang opisina
mo para ipaalam sa kanila ang plano mo. Here, use my phone.” “S sige.
Nakalimutan ko nga ang cell phone ko.” Inabot niya ang telepono at tinawagan si
Jules. “That’s an added opportunity for you to find out more about the
company,” sabi nito. “Pero so far, may progreso ba?” “Hindi ko masasagot ’yan
ngayon.” Habang nagsasalita ay conscious na conscious si Jena sa mga matang
nakatingin sa kanya. “Nandiyan ba siya?” tanong ni Jules. “Oo.” “Okay. Saka ka
na lang gumawa ng full report pag nakabalik ka na. I hope you’ll have something
substantial dahil naghihintay ang buong kompanya,” anito, saka na nagpaalam.
“What do they have to say?” usisa ni Renz nang ibalik niya ang telepono rito.
“They can get along without me for a few more days,” balita niya. Hindi nito
maintindihan kung bakit nagdiwang ang puso nito nang marinig ang kanyang sagot.
Bago sila umalis ng Palawan, ilang pirasong bagong kasuotan pa ang ipinadala ni
Renz sa silid niya para magamit niya sa kanilang lakad. Tinanggihan nito ang
pamimilit niyang bayaran ang mga iyon.
Chapter Eight
HABANG NASA HIMPAPAWID
ang pribadong eroplano ay napasulyap si Renz kay Jena na noon ay abala sa
pagtanaw sa labas ng bintana. Gustong bugbugin ng lalaki ang sarili. Kung
tutuusin, napaka-‐‑irregular ng kanyang ginagawa. Hindi
niya dapat isinama ang dalaga sa biyahe niyang iyon. Puwede namang sa Maynila
na lang nila ituloy ang pag uusap tungkol sa Monte del Sol. Hindi nito alam, si
Jena man ay inaaway na ang sarili. May kung ano siyang nadarama para kay Renz.
Hindi niya gawi ang magkagusto sa isang taong ilang araw pa lang niyang
nakikilala pero hindi niya maikakailang ganoon na nga ang nangyayari sa kanya
at hindi niya alam kung paano iyon maaawat. Hindi mo na nga mapigilan, dapat
sana’y lumayu layo ka na! sita niya sa isip. Ang kaso nga ay malakas ang pang
engganyo ng ideyang makakasama pa niya ito nang matagal tagal. “ANO’NG GINAGAWA
MO RITO?” tanong ni Renz nang pagpasok sa lobby ng hotel nila sa Davao ay
masalubong si Jon. “Tinawagan ako. Emergency daw. Muntik muntikan nang mag
strike ang mga empleyado. Meron pa namang gagawing malaking conference dito sa
hotel bukas. Hindi makausap nang matino n’ung labor arbitrator ang mga tao kaya
sumugod na ’ko,” paliwanag ni Jon “Sinabi ko namang papunta na ’ko rito,” sabi
niya. “Ako ang unang natawagan dahil nahirapan daw silang kumontak sa Fuente
Verdes. Isa pa, baka ’ika ko hindi mo maiwan ang inaasikaso mo sa Palawan ay
ako na muna’ng bahala rito,” muling paliwanag nito. “Kasama ko si Edwin. He’s
around here somewhere. Nakikipag coordinate siya sa leader ng unyon para
simulan ang pag uusap para i call off na nila ang welga.” Napahugot ng malalim
na hininga si Renz. Matino ang pasahod at benepisyo ng kanilang mga empleyado.
Marahil ay may nagsusulsol lang sa mga ito kaya nagkaroon ng ganoong gulo.
Lumapit sa kanila si Edwin. “I finally managed to reason with them. Sisimulan
na ang pag uusap,” sabi nito. “Mabuti’t nakarating ka agad. You better come
with us.” Si Renz ang tinutukoy nito. “Sige, mauna ka na. Ako na ang bahala kay
Miss. . Borromeo, right?” Bumaling si Jon kay Jena. “Sorry about this. Remind
me to introduce you around later,” sabi ni Renz. “Si Jon na muna ang bahala sa
’yo. You’re in good hands. Kaibigang matalik ko ’yan,” anito, saka nagmamadaling
sumama kay Edwin. “I better see to your accommodations. Baka matagalan si
Renz,” sabi ni Jon nang silang dalawa na lang. “Ano’ng palagay mo sa Fuente
Verdes?” tanong nito habang ginigiyahan siya patungo sa front desk ng hotel.
“Maganda ang resort. Malaki ang potential nitong ma develop pa nang husto,”
sagot niya. “So, what do you think? Will you recommend to Kliney Chain that
they buy our resorts?” Hindi alam ni Jena kung ano ang isasagot. Akala naman ng
binata ay nahulaan nito ang dahilan ng kanyang pag aalangan. “Oh, don’t worry.
Right-‐‑hand man ako ni Renz. Wala kaming sekreto niyan pagdating sa
kompanya, at maski sa ibang mga bagay. Gaya ng sabi niya, he considers me his
best friend. Kung tutuusin nga’y para na kaming
magkapatid dahil sa kanila na ’ko lumaki,” paniniguro nito. Ngumiti lang siya. “Hindi lang ako ang mag isang
magdedesisyon sa offer niya. Pag uusapan pa namin itong mabuti sa opisina,” aniya. “I see. Well, I can assure you, you’re getting a good bargain,” ani Jon bago bumaling sa isa sa mga
tauhan ng hotel na nakatalaga sa front desk. “See to Miss Borromeo’s
accommodations. She’s a special guest of the company,” sabi nito, saka na
nagpaalam sa kanya. SAGLIT LANG NAMALAGI SI JENA sa silid na itinalaga sa kanya.
Pagkatapos maghilamos at mag ayos ng sarili ay muli siyang lumabas. Mukhang
abalang abala sa problema sa mga empleyado ng resort si Renz dahil buong araw
niya itong hindi nakita. Si Jon na lang ang nag asikaso sa kanya. “Pasensya ka
na, masyadong busy si Renz. Ibinilin niya sa ’kin na ipasyal kita sa resort
kung gusto mo,” anito. “Huwag na. Kailangan ka rin marahil sa negosasyon. Kaya
kong mamasyal mag isa,” tanggi niya. “Are you sure?” paniniguro nito.
“Positive.” “O sige. Sasabihin ko ’yan kay Renz. I’m sure he feels bad about
bringing you here and then not being able to entertain you.” “Tell him not to
worry. Okay lang ako.” Nang iwan na siya ni Jon ay mag isa nga siyang naglibot
sa resort. Nang mapagod ay saka lang niya ipinasyang muling bumalik ng kanyang
silid para umidlip. Naglalakad siya sa pasilyong maghahatid sa kanya sa kuwarto
nang may maulinigan siyang mga tinig na nagtatalo. “Bakit kayo pumayag sa gusto
niya? Di ba ang usapan, magwo walk out kayo?” “Sorry, Boss. Maganda ang offer,
eh. May mga pamilya rin kaming dapat alalahanin.” Natigilan sa kinatatayuan si
Jena. Tahimik niyang sinalunson ang pasilyo at matamang hinanap kung alin sa
mga silid ang pinagmumulan ng mga tinig. “Bullshit! Ang tatanga n’yo! Konting
grasya lang, nagkakandarapa na kayo.” Mas mahina na ang boses. Kung hindi niya
idinikit ang tainga sa dingding ay hindi na niya maririnig kung ano ang
sinasabi nito. “Nakapag usap na kami ng mga kasamahan ko. Tatanggapin namin ang
alok ng management. Kung tutuusin nga, wala kaming dahilan para magwelga. Hindi
naman pala totoo ’yong sinabi n’yong tatanggalin ang dalawampung kasamahan
namin.” “Ah, bahala kayo! Tingnan n’yo lang. Mas lalong lumakas ang loob ng
management dahil nakita na nila kung gaano kayo kadaling paamuin.” Kasunod niyon
ay narinig niya ang mararahas na yabag. Nangamba si Jena na baka lalabas na ng
silid kung sinuman ang mga nagtatalo kaya nagmamadali niyang tinungo ang
kuwarto niya at pumasok doon. Ilang saglit lang ay naulinigan niya ang pagbukas
at pagsara ng pinto. Nagpalipas lang siya ng ilang segundo bago sumilip sa
pasilyo para alamin kung sino ang nagtatalo ngunit sa kamalasan, ang likod na
lang ng palayong lalaki ang kanyang nakita. Dagli siyang lumabas ng silid para
sundan ang lalaki pero pagdating sa dulo ng pasilyo, ang inabutan niya ay ang
kapipinid na pinto ng elevator. Tumutunog ang telepono nang muli siyang bumalik
sa kanyang kuwarto. “Kanina ka pa ba nakarating diyan?” tanong ni Jules. “Medyo
pero naging abala ako. Kakapasok ko pa nga lang sa kuwarto.” “O, ano na? Balita
ko’y napipintong magwelga ang mga empleyado. Totoo ba?” “Hindi na yata
matutuloy. Kinausap sila ng management at mukhang magkakaayos na sila. Jules,
mukhang may nagpapakana ng gulo.” Isinalaysay niya ang narinig. “Kung ganoon,
totoo ngang nagkakaroon ng internal problems ang kompanya.” “Hindi ko matiyak
kung buong kompanya ba o dito lang sa resort na ito. Sa Palawan kasi’y wala
silang ganitong problema.” “Tingnan mo kung ano pa’ng malalaman mo, okay?”
“Oo.” Hustong kabababa ng telepono ay may kumatok sa pinto. Napapitlag si Jena
sa pagkagulat. Bahagya pa siyang na guilty nang makita kung sino ang bisita.
Napasulyap siya sa telepono at nangambang baka may narinig ito sa pag uusap
nila ni Jules. “Thank goodness, tapos na ang gulo. I’m sorry if I’ve been
neglecting you,” sabi ni Renz matapos niya itong imbitahang pumasok. Mukhang
wala itong kaalam-‐‑alam sa naging paksa nila ni Jules.
Pero halatang nahirapan ito sa pakikipagnegosasyon. Medyo gusot na ang polo
nito at gulu gulo pa ang buhok. Parang nais niyang haplusin ang tila bagong
likhang pilegis sa mukha nito, ikulong ito sa kanyang mga bisig para ayuin. “It’s. . all right,” saka lang niya
naalalang isagot. “No, it’s not all right. Mula nang dumating
ka, pulos negatibong aspeto ng kompanya ang namamalas mo. Mas matatanggap ko pa
kung normal na takbo ng mga pangyayari ang lumilikha ng kung anu anong
problema. Kaso, hindi. Artipisyal na dahilan ang sanhi ng mga ito.” Tila
kunsumidung kunsumido na ito. Napabuntunghininga ito, pabagsak na umupo sa
kama, saka minasa masahe ng mga daliri ang sentido. “Here, let me.” Hindi na
siya nakatiis. Lumapit siya rito at siya na ang humaplos sa ulo nito. Malaking
kaginhawahan ang bumalot kay Renz nang madama ang mainit na mga daliring
humahagod sa kanyang noo. Napapikit siya para mas namnamin pa iyon. Lumipat ang
mga kamay ni Jena sa batok niya. Ang bahaging iyon naman ang minasahe, pati na
likod para paluwagin ang pagkakabuhul buhol na mga kalamnang naroon. Napawi nga
ang tensyong dulot ng naging problema sa resort ngunit sa katagalan ay
nahalinhinan iyon ng ibang uri ng tensyon, na ang dahilan naman ay ang
pagkakalapit nila ng dalaga. Sa maliit na distansyang nakapagitan sa kanila ay damang
dama ni Renz ang init na nagmumula sa katawan nito. Nalalanghap niya ang
natitirang halimuyak ng pabango nito, ang samyo ng lotion, cosmetics at kung
anu anong amoy na taglay ng isang babae. Bago pa niya malaman kung ano ang
ginagawa, nahawakan niya ito sa braso at sinalunson iyon ng halik hanggang
umabot sa palad nito. Napakislot si Jena nang maramdaman ang paggapang ng labi
nito sa braso niya. Pakiwari niya ay nagbabagang uling iyon na pumapaso sa
bawat parteng madampian. Gayunpaman, ayaw siyang sundin ng utak nang utusan
niya itong hilain ang kanyang kamay. Hindi nakontento nang matagal si Renz sa
pagpapaligo ng halik sa kamay na tangan nito. Bumaling ito sa nagmamay ari
niyon at hinila siya paupo sa kandungan nito. Alam ng dalaga, dapat ay tumutol
siya, magpumiglas. Ngunit sa kung anong dahilan, hindi niya iyon magawa. Sa
halip, naging sunud sunuran siya sa takbo ng mga pangyayari. Nang nakaupo na
siya sa kandungan ng lalaki ay lalong umakyat ang tensyon sa katawan nito. Sa
pagkakataong iyon ay alam nito kung paano tutugunan iyon. Sa isang iglap ay
naikuyumos nito ang mga daliri sa buhok niya at maigting na nilasap ang tamis
ng kanyang labi. Bihag na rin siya ng mainit na tensyon. Ibinuka niya ang bibig
sa pananalakay nito at nagpasasa sa kaaya ayang sensasyong nananalaytay sa
kanyang mga kalamnan hatid ng masusing pagsimsim nito sa kanyang labi. Nakalas
ang mga butones ng kanyang blusa nang hindi niya namamalayan. Nagulat pa siya
nang maramdamang sakupin ng mga palad nito ang kanyang dibdib, kasunod ang
pagluwag ng bra niyang naalis na sa pagkakakawit. Nang mahantad sa mga mata
nito ang kaakit akit na mga bundok ay hindi ito nag aksaya ng sandali.
Pinasadahan nito ng halik ang magkabilang tugatog, saka ikinulong ang isa sa
mga iyon sa bibig nito. Pakiramdam ni Jena ay may nagsindi ng siga sa kanyang
pagkatao at iyon ay hinipan hanggang maglagablab. Ngayon ay nababalot siya ng
nagrurumikit na apoy na hindi mapapawi hangga’t hindi siya lubusang natutupok.
Umakyat ng ilang sentigrado ang init na bumabalot sa kanya nang tunguhin ng
kamay ni Renz ang sugpungan ng kanyang pantalon at simulang hilain pababa ang
zipper niyon. Parang hindi na siya makahinga sa pananabik. Parang gustung gusto
na niyang maramdaman ang pagdait ng kamay nito sa kanyang nag iinit na balat.
Ngunit sa gitna ng nag aalimpuyong pagnanasa ay bahagyang nangibabaw ang sigaw
ng katinuan. Nahihibang na ba siya para ipaubaya ang sarili sa isang lalaking
ilang araw pa lang niyang nakikilala? Bukod pa roon, malayo sa katotohanan ang
pagkakakilala nito sa kanya. “Hindi puwede, Renz.” Tutol man ang kaloobang
naghuhumiyaw sa pagkauhaw ay hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ang
tangkang pagbaba sa zipper ng kanyang pantalon. Dagli rin siyang tumayo at
muling isinara ang mga butones ng kanyang blusa. “H hindi mo ’ko kilala. . ”
simula niya. “I know you enough to feel this great attraction for you,” usal
nito na namumungay pa ang mga mata sa tindi ng emosyong rumaragasa sa kalooban
nito. “I never felt this way before towards any woman I’ve known for such a
short time.” Hindi ito nagsisinungaling. Ang ilan sa mga babaeng nakabolahan ay
pinagnasaan din nito ngunit ngayon, parang hindi lang purong pagnanasa ang
nagbubunsod sa ikinikilos nito. Hihilahin sana nito ulit si Jena ngunit naisip
nito, tama nga sigurong kilalanin muna nila nang husto ang isa’t isa.
Nanghihinayang na tumayo ito at inayos na rin ang sarili. Pagkuwa’y lumapit ito
sa dalagang nakatalikod at hinapit siya sa balikat. “I’m sorry for what
happened. Hindi dahil sa isang malaking pagkakamali iyon kundi dahil masyado pa
nga sigurong maaga para mamagitan sa ’tin ang ganoon.” Tumango lang siya, hindi
malaman kung ano ang dapat madama. Hinagkan siya nito sa pisngi, pagkuwa’y
nagpaalam na. “I’ll see you for dinner,” sabi nito bago isinara ang pinto.
Litung lito si Jena nang maiwan nang mag isa. Bakit ba ganoon na lang ang pang
akit ni Renz sa kanya? Ito pa na dapat niyang lokohin para makakuha ng
impormasyon tungkol sa kompanya nito? Kung alam lang niyang ganoon ang
mangyayari, hindi na sana siya pumayag sa gusto ni Jules. Nang maalala ang boss
ay dagli niyang tinungo ang side table kung saan nakapatong ang telepono.
Dinampot niya iyon, balak ay tatawag sa Maynila para sabihin kay Jules na ayaw
na niyang ituloy ang ginagawa. Pero naisip din niya, bukod sa tiyak na
magagalit ito at babansagan siyang unprofessional, siguradong pababalikin na
siya nito sa Maynila. Gusto ba niyang mangyari iyon? Ayoko pa, mahigpit na
tutol ng kanyang kalooban at parang napasong binitawan kaagad ang telepono. Maluwang
na nga siguro ang kanyang turnilyo dahil maski alam niyang hindi makakabuti sa
kanya, gusto pa niyang makasama nang matagal tagal si Renz. Pero gusto ba naman
siyang makasama nito? Paano kung pagkatapos ng muntik nang mangyari sa kanila
ay ipasya nitong bumalik na sila sa Maynila at doon na tapusin ang pag uusap?
Hindi ba dapat na siya ang magkusang pumigil sa anumang ugnayang maaaring mabuo
sa kanila? Kung gayon, di ba nararapat lang na kusa na siyang bumalik ng
Maynila? Hindi niya maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari! Litung
lito niyang naitakip ang mga palad sa kanyang mukha habang paulit ulit at
marahas na ipinipilig ang ulo. HABANG NAHIHIBANG sa kalituhan si Jena ay
nakatulala naman si Renz sa dalampasigang tanaw na tanaw niya habang nakatayo
sa balkon ng kanyang silid. Katulad ng dalaga, pakiramdam niya ay hindi
nararapat ang namamagitan sa kanila. At kagaya nito, hindi niya malaman kung
ano talaga ang gusto niyang mangyari. Dapat talaga’y hindi ko na siya isinama
rito. Maling mali ang desisyon mong iyon, paninisi niya sa sarili. Pero hindi
pa huli. Puwede pa niyang remedyuhan ang pagkakamaling iyon. Bukas na bukas ay
babalik na kami sa Maynila, pasya niya. Nakahinga siya nang maluwag nang
makapagdesisyon siya. Balak nga niya ay sasabihin na iyon sa dalaga bago pa
muling magbago ang kanyang isip. Tatalikod na sana siya para pumasok ng silid
nang tumunog ang cell phone na nakasukbit sa sinturon niya. Napailing siya nang
marinig ang balitang hatid ng nasa kabilang linya. “Nagkaproblema sa prawn
farm. Biglang nanga-‐‑ matay ang prawns na ide deliver na
sana sa mga kliyente nating hotels at seafood restaurants. Kinausap ko na ang
ibang contacts ko pero hindi sila makapangakong agad agad ay makakapagdala sila
sa ’tin ng prawns sa mababang halaga,” sabi ni Mr. Morales na manager ng
division na may kinalaman sa pagkain. “Magkano ang hinihingi nila?” tanong ni
Renz. Napahugot siya ng hininga nang marinig ang presyo. Malulugi na sila kung
idadagdag pa roon ang halaga ng pagdadala ng prawns sa kanilang mga kliyente.
“Sige na, pumayag ka na,” pasya niya. Mas mabuti na iyon kaysa mawalan ng
tiwala ang customers nila. Nang matapos ang pag uusap nila ni Mr. Morales ay
pinindot niya ang numero ni Tito Resty. “Nakapag set up na ’ko ng dummy
corporation. Bigyan mo lang ako ng mga dalawang araw na palugit at puwede mo
nang simulan ang plano mo,” anang lalaking kausap. “Salamat, Tito. Sana nga’y
magtagumpay ako,” sagot niya. “By the way, di ba matalik n’yong kaibigan ang
may ari ng security agency na ginagamit ng kompanya n’yo?” “Oo. Magaling ang
mga tauhan niya. Mga professional kung magtrabaho. Kung gusto mo, tatawagan ko
siya.” “Kung puwede sana’y ibigay n’yo na lang sa ’kin ang numero niya.” Alam
na niya ang susunod na hakbang at kailangan niya ng security agency na hindi
kilala ng sinuman sa kanyang mga opisyal. Dahil doon ay hindi niya puwedeng
gamitin ang ahensyang kasalukuyang nangangalaga sa seguridad ng Unlimited
Horizons. “Sure. Sandali lang at titingnan ko.” Nang makuha ang numero ay
nagpaalam na siya sa Tito Resty niya at ang may ari naman ng security agency
ang tinawagan. Kinausap niya itong mabuti at masusing ibinilin ang gustong
ipagawa. BUO NA dapat ang pasya ni Renz na abisuhan si Jena na babalik na sila
ng Maynila at doon na gagawin ang pag uusap. Wala namang koneksyon ang dalaga
sa nabuo niyang plano para matiklo kung sino ang may likha ng kung anu anong
aberya sa kanyang kompanya kaya hindi dapat magbago ang desisyon niya dahil
lang sa nakakadismayang balitang natanggap. Pero bakit parang hindi siya
makatayo para puntahan ito at ipaalam ang kanyang pasya? Bakit hindi niya
maibigan ang ideyang pagbalik nila sa Maynila, hindi na niya ito palaging
makakasama? Nagsisimula na ba siyang umibig dito? Ah, kalokohan! sita niya sa
sarili. Hindi ganoon kabilis mabuo ang pag ibig. Kailangan niyon ng sapat na
panahon para makilala nang husto ang taong iibigin. Mamaya, habang kumakain
sila ay sasabihin niya kay Jena na bukas na bukas ay babalik na sila sa mundong
dapat nilang kalagyan. Totoo na. Desidido na siya. KAHARAP NA NI RENZ ang
dalaga sa isang kubling mesa sa restaurant na nasa hotel. Matapos magbihis ay
sinundo niya ito sa silid. Ngayong nakakain na sila, dapat ay ipaalam na niya
rito ang napagpasyahan. Iyon na ang akmang panahon. Pero bakit hindi siya
makapagsalita? Natutunugan ni Jena na may gustong sabihin sa kanya ang lalaki.
Parang nahuhulaan na rin niya kung ano iyon. Para tuloy may kung anong mabigat
na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Ayaw man niyang magwakas na ang mga
sandaling magkapiling sila ni Renz, dapat siguro ay unahan na niya ito. Alang
alang man lang sa kanyang dignidad. “Renz, siguro’y. . ” simula niya. “Dapat
lang yatang. . ” simula rin nito. Sabay silang natigilan. “Mauna ka na,” anito.
“No, ikaw na. Mukhang mas mahalaga ang sasabihin mo,” ganti niya. “Naisip ko
lang kasi, dapat siguro’y. . ” Hindi nito maituloy ang sinasabi. “Dapat
siguro’y makita mo na rin ang isa pang resort na sangay ng Monte del Sol. Iyong
nasa Cebu ang pinakamalaki naming sangay. Doon ako tutuloy pagkagaling dito. B
baka puwedeng sumama ka na.” Iba sa nasa isip ng lalaki ang mga katagang
lumabas sa bibig nito. “Dapat nga yata.. .” simulang sang-‐‑ayon ni Jena nang biglang matigilan. “Ano. .?” kunot-‐‑noong tanong niya nang ma-‐‑realize kung ano ang sinabi nito. “Tutal ay nandito ka na rin lang at di
ba sabi sa opisina ninyo’y puwede ka pang
mawala nang ilang araw, bakit di pa natin samantalahin ang pagkakataon? What I
mean is, I’d really like you to see the place.
It might make a difference in your evaluation. At ikaw, gaya ng sabi ko noon,
para ka na ring nagbabakasyon.” Hindi niya alam
kung matutuwa o madidismaya. “Well, what do you say?” susog nito. “S sige. Gaya
nga ng sabi mo, nandito na rin lang ako. Why not make the most of it?” Bahala
na! sabi niya sa isip. “MAY AASIKASUHIN AKO sa Cebu pero gusto ko na ring magkaroon
tayo ng general meeting. Ihahayag ko ang mga plano ko para sa kompanya,” sabi
ni Renz kina Edwin at Jon nang gabi ring iyon. “Tatawagan ko si Ricky para
lumipad siya pa Cebu.” “Ba’t doon pa tayo mag uusap?” usisa ni Edwin. “I want
to prevent leaks as much as possible. Mahalaga ang mga pag uusapan natin,”
katuwiran niya. Ikinaila niyang ibig niya ay mapulong sa iisang lugar ang
tatlong lalaki sa eksaktong panahong inihahayag niya ang pekeng balak para sa
kompanya. Sa gayon ay mas madali niyang masusubaybayan ang mga ito kaysa kung
sila ay nasa Maynila. Gusto rin niyang sa Cebu iyon ganapin dahil doon ay
mayroon siyang malaking bahay bakasyunan na puwede nilang tirhan. Nakipag
ugnayan na siya sa security agency para sa bagay na iyon.
Chapter Nine
“BUONG AKALA KO ay sa
hotel tayo titira,” sabi ni Jena nang daanan lang nila ang hotel ng resort at
tumuloy sila sa malaking bahay na ilang metro ang layo sa gusali. “Mas maganda
rito,” simpleng sagot ni Renz. Ayaw niyang ipaalam sa dalaga ang tunay na pakay
ng pagtira nila sa guesthouse. “Pero ’wag kang mag alala. Magkakaroon ka ng
maraming pagkakataon para kilatisin ang hotel.” Matapos maihatid si Jena sa
silid niya, sumaglit si Renz sa hotel at kinausap ang pinuno ng security team
na nauna nang pumunta sa Cebu. Siniguro niyang nakahanda na ang lahat. Galing
siya sa silid na ginagamit bilang opisina ng security team nang makasalubong si
Edwin. Sinabayan siya nito sa paglalakad. “Kanina ko pa gustong sabihin ’to sa
’yo pero di ako makakuha ng tiyempo. Do you think it’s wise to take Miss
Borromeo with us? I thought you wanted to prevent the possibility of our future
plans leaking out to other companies,” anito. “We are not going to let her into
our meetings. Besides, I think we can trust her.” Bahagya siyang nairita sa
sinabi ng kasama. “Trust her? We barely know her,” giit ni Edwin. “Please, let
me be the judge of this. Now, if you’ll excuse me, may gagawin pa ’ko.” Habang
mabilis siyang naglalakad palayo sa mataas na tauhan ay nakadama siya ng galit,
hindi sa lalaking kumausap sa kanya, kundi sa sarili. Alam niya, nauunahan na
ng kanyang nadarama para kay Jena ang matinong takbo ng isip. NANG HAPONG IYON
ay nagkaroon nga ng pagkakataon si Jena na mamalas ang kalidad ng structure at
serbisyo sa hotel. Dinala siya roon ni Renz para kumain sa restaurant. “Well,
what do you think?” tanong nito habang nakaupo sila sa maaliwalas na kainan at
hinihintay ang kanilang pagkain. “Maganda,” sagot niya habang palinga linga sa
paligid. Cool kunwari ang himig niya. Kunwa’y sanay siya sa ganoong karangyaan
maski sa totoo lang ay hindi siguro niya makakayang kumain sa gayong lugar kung
hindi siya bisita ni Renz. “Mamaya, itu tour kita sa kabuuan ng hotel.”
Pagkatapos nga nilang maghapunan ay inilibot siya nito sa poolside, sa bar, sa
gym at sauna. “As you can see, we have complete amenities here,” may
pagmamalaki sa tinig nitong sabi. “Now, let’s visit the rooms.” Isa lang sa mga
suite ang nagkataong bakante noon kaya iyon ang pinasok nila. “Ang ganda ng
view!” bulalas niya. Mula sa wall to ceiling windows ay tanaw na tanaw niya ang
kulay asul na dagat na ilang metro lang ang layo sa hotel. Lumapit sa kanya si
Renz at nakikitingin sa tanawin. Na-‐‑tense siya nang mapihong nasa
likuran niya ito. Sa pagkakalapit nila, wari ay nararamdaman niya ang init ng
katawan nito. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit pero parang hinahatak siya
para humarap dito. Pinaglabanan din ng lalaki ang udyok ng damdaming kabigin
siya at ikulong sa mga bisig. Pero di ito nagtagumpay. Sa sumunod na sandali ay
natagpuan na lang nito ang sariling kinakabig siya paharap dito at nang magawa
iyon ay sinapo nito ang likod ng ulo niya at sinimsim ang kanyang labi. Ang
utos ng isipan ni Jena ay lumayo kaagad siya bago pa tuluyang mabuyo ang
kanyang puso. Ngunit imbis na iyon ang gawin ay naipulupot niya ang mga braso
sa leeg ng lalaki. Nasasabik din na binigyan niya ito ng layang magpasasa sa
kanyang labi. Lumalim nang lumalim ang pangungusap ng kanilang mga labi
hanggang sa pakiwari niya ay umiinog na ang buong paligid. “Renz.. what are we
doing?” usal niya nang makuhang bahagyang ilayo ang kanyang labi rito.
Napangiti ito. “I don’t know. But it feels so good.” “Alam ko,” sang-‐‑ayon niya. “Pero hindi pa
rin natin ’to dapat ginagawa.” “Bakit? Dahil ngayon lang tayo nagkakilala? But you can’t deny that we feel something toward
each other.” Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung tamang aminin na may
nadarama nga siya para rito. “Don’t we feel something special for each other?”
pilit nito. Itinaas nito ang ulo niya at mataman siyang tinitigan. “Don’t we?”
“Y yes. . ” Hindi na niya nakuhang magkaila. Pakiramdam niya ay mababasa rin
nito sa kanyang mga mata ang tunay na naisasaloob. “Pero di pa rin tamang gawin
natin ’to.” “I understand. We’re in the middle of a business negotiation kaya di
dapat manguna ang personal nating buhay.” Napahinga ito nang malalim. “Sana’y
matapos na ito at nang magkaroon na tayo ng kalayaang gawin ang gusto natin.
Pero baka matagalan nang konti. Gusto ko munang ayusin ang gusot sa kompanya
bago ito ipasa sa iba.” “Gusot?” “Oo, gusot. Dapat mo sigurong malaman ang
tungkol dito bago mo gawin ang rekomendasyon mo. It goes against correct
business sense to tell you about this but I don’t care. Ayokong may ganitong
sekretong namamagitan sa ’tin. At di ko maaatim na mapahamak ang career mo
dahil sa paglilihim ko nito.” Hindi makahinga si Jena. Dapat siguro ay pigilan
niya ang lalaki sa natutunugan niyang pagkumpirma nito sa balitang may gulo sa
kompanya nito. “May sumasabotahe sa Unlimited Horizons.” Bago siya makapagsalita
ay naunahan na siya ni Renz. “Kasama ang pagbebenta ng aming resort chain sa
plano kong malaman kung sino ’yon. But don’t get me wrong. Balak ko talagang
ibenta ang resort at the right price. I was just hoping to flush out the creep
before we enter the final phase of our negotiation.” “Hindi mo dapat sinasabi
sa ’kin ito,” protesta niya. “Nasabi ko na. Like I said, I don’t want this
secret between us and damn me if this is a mistake.” Sambakol na pagbagabag ng
konsyensya ang dumalaw sa kanya. Naging napakatapat nito samantalang siya. .
Isa siyang huwad. Kung alam lang nito ang pakay niya, tiyak na kamumuhian siya.
“Huwag na nating pag usapan ito. Please!” “Bakit?” takang tanong nito. “Basta.
Hindi ko kaya.” Lumayo siya rito. “I-‐‑I have to go. K kailangan akong
pumunta sa commercial district.” “Bakit nagkakaganyan ka? Talk to me, Abby.” “S
saka na. M magsasara na ’yong bangkong pupuntahan ko,” paghahagilap niya ng
idadahilan. “Sige, ipapahanda ko ’yong sasakyan ko para magamit mo,” anito.
“Huwag na. May shuttle naman kayo, di ba?” “No, I insist. Mas mapapabilis ang
lakad mo kung magkokotse ka.” “Salamat,” aniya, pagkuwa’y nagmamadaling iniwan
ang lalaki. Takang taka si Renz sa naging reaksyon ni Jena. Nagtaka siya at
nanlumo. Napiho kaya ng dalaga na hindi sing-‐‑tindi
ng nadarama niya ang nasasaloob nito? Mabigat ang loob, ilang minuto pa siyang
tumanaw sa dagat. Nang bahagyang umalwan ang paghinga ay saka lang siya lumabas
ng silid.
Chapter Ten
SA LOBBY NG HOTEL, hindi
mapakali si Renz. Alam niya, mali ang kanyang nadarama para kay Jena. Hindi
angkop para sa katulad nilang may negosasyon na mahaluan ng attraction sa isa’t
isa ang usapan. Ngunit hindi niya masikil ang nasasaloob. Noon lang siya
nakadama ng ganoon katinding emosyon at hindi niya alam kung paano iyon
sasawatahin. Nanaig ang nasasaloob, nagtungo siya sa flower shop ng resort at
kumuha ng isang dosenang pulang rosas. Pagkuwa’y tumuloy siya sa guesthouse.
Nagtuloy siya sa kuwarto ni Jena. Malayu layo ang commercial district kaya
tiyak niya, hindi pa ito nakakabalik. Pumunta siya roon para iwan ang isang
dosenang pulang rosas. Sa pamamagitan ng duplicate na susi, binuksan niya ang
pinto ng kuwarto at pumasok siya. WALA NAMAN TALAGANG BALAK magtungo sa
commercial district si Jena. Dahilan lang niya iyon para pansamantalang
makalayo kay Renz. Hayun siya ngayon, nakaupo sa lilim ng mga niyog na malapit
sa dalampasigan habang nag iisip nang malalim. Mahal na niya ang lalaki.
Pilitin man niya ay hindi talaga niya magawang pigilan iyon. Pero dapat ay
ihanda rin niya ang sariling huwag pag ukulan ng pansin ang nadaramang iyon.
Unang una na lang ay dahil napakaalangan niya rito. Bukod pa roon, huwad ang
basehan ng pagkakakilala nito sa kanya at natatakot siyang isipin kung ano ang
magiging reaksyon nito kapag natuklasan ang katotohanan. Talagang dapat ko nang
alisin ang sarili ko sa kasong ito, naisip niya. Naipasya rin niyang sabihin
kay Jules ang desisyon at maski mangahulugan iyon ng pagkawala ng kanyang
trabaho. Ayaw na niyang magpanggap. Ayaw na rin niyang patuloy na linlangin si
Renz. Sa naisip ay dagli siyang tumayo para tahakin ang landas patungo sa
guesthouse. Tatawagan niya si Jules maghahanda na para sa kanyang pag alis. May
natanaw siyang tao sa di-‐‑kalayuan. May tangan itong cell
phone. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakita nito. Hindi na rin sana
niya ito pag uukulan ng pansin ngunit natigil siya sa paglakad nang marinig
itong magsalita. “Nandito ako sa lugar na sinabi ko sa ’yo. Tama ka, ibinunyag
na nga sa ’min ni Renz ang plano niya sa perang makukuha sa sale ng Monte del
Sol,” anitong banaag ang pagmamalaki sa tinig. “Binanggit din nga niya sa ’kin
kung saan ’yong lupang balak niyang i develop at gawing subdivision, sa Rizal.
Nasimulan na nga niya ang negosasyon.” Sandaling katahimikan ang namayani
pagkuwa’y marahas na tumawa ang nagsasalita. “Oo, ganoon nga ang gawin mo.
Kapag naunahan mo ulit siya, isa na namang pako ’yon sa kabaong ng Unlimited
Horizons dahil ayon sa kanya, ito na marahil ang huling pag asa ng kompanya
para makabawi. O, paano, aasahan ko ’yan?” Nagkubli siya sa katawan ng mga puno
at hinintay na humarap ang lalaki. Napahumindig siya nang makita ang mukha
nito. Kilala niya ang tumatraydor kay Renz! Ayaw niyang ipaalam sa lalaking
nakita niya ito kaya nanatili siyang walang kagalaw galaw sa pagkaka-‐‑kubli hanggang makaalis ito. Ang unang reaksyon niya ay
hanapin si Renz para ipaalam ang natuklasan niya. Ngunit sumagi rin sa isip
niyang dapat siguro ay konsultahin muna niya si Jules. Nalito si Jena. Sino ba
ang uunahin niyang sabihan? Kasalukuyan pa rin siyang nakikipagdebate sa sarili
nang makarinig siya ng mga kaluskos. Sa pangambang bumalik ang lalaki at
mahulaang may nakarinig sa sinabi nito, nagtatakbo siya papunta sa bahay-‐‑bakasyunan. SAMANTALA, nasa silid pa ni Jena si Renz.
Inaayos na niya sa plorera ang mga bulaklak nang matigilan siya pagkakita sa
maliit na buton ng microphone na nakakubli roon. Iniutos niya sa security
agency na maglagay ng hidden microphone sa lahat ng silid ng guesthouse para
masubaybayan nang husto ang tatlong taong pinagsususpetsahan. Nawala sa isip
niya na ipaalis ang nakatagong microphone sa silid ni Jena. Hindi karapat dapat
na subaybayan niya ang kilos ng dalaga, naisip niya at huhugutin na sana ang
buton nang makarinig ng mga yabag sa ibaba. Baka bumalik kaagad si Jena,
sapantaha niya. Ayaw niyang maabutan siya nito roon kaya dali dali siyang
lumabas ng silid at nagtungo sa balkonaheng nasa kabilang dulo ng pasilyo.
Nagkasalisi lang sila ng dalaga. Ilang sandali matapos lumabas ng silid si Renz
ay pumasok naman ang litung litong si Jena. Balisa siyang umupo sa kama at
napatitig sa telepono. Tatawagan na ba niya si Jules o kakausapin muna si Renz?
Kasalukuyan pa rin siyang nag aalangan nang tumunog ang telepono. May ESP yata
si Jules dahil ito ang nasa kabilang linya. “Nainip na ’ko sa kakahintay sa
tawag mo. How’s everything? Tinatanong na rin ako dito,” sabi nito. “May. . may
nadiskubre ako.” Natigilan siya. Parang labag sa kalooban niyang ituloy ang
sasabihin. “Ano iyon?” may bahid ng iritasyong susog nito nang humaba ang
katahimikan. “Kuwan. . t totoo nga ang bali balita tungkol sa Unlimited
Horizons. May. . sumasabotahe sa kompanya.” “Talaga? Good work, Jena. Sabi ko
na nga ba’t tama ang desisyon kong patagalin pa ang pagbuntot buntot mo kay Mr.
Arranda. Paano mo nga palang nalaman?” “Noon pa ma’y parang natutunugan ko na,
di ba? Ngayon, ipinagtapat sa ’kin ni Renz. . ni Mr. Arranda. ’Tapos kanina,
narinig ko mismo ’yong taong may kagagawan niyon.” “Well, mission accomplished.
At least, ngayon ay panatag ang loob nating magagawa ang rekomendasyon sa
management ukol sa proposal ni Mr. Arranda. O, paano, di babalik ka na? You
have to make a full report to me when you get back.” “Gusto ko sanang sabihin
muna kay Re.. kay Mr. Arranda ang natuklasan ko.” “Bakit pa? I think it’s just
a matter of time before he finds out for himself. Besides, you’re not working
for him. You’re working for Kliney Chain. Hindi mo tungkuling pangalagaan ang
interes ng kompanya niya.” “He’s entitled to know. Sa pamamagitan niyon, baka
mabawasan ang guilt ko.” “At bakit ka naman magi guilty? Ginawa mo lang ang
trabaho mo.” “Nandoon na ’ko. But you can’t deny that I came here under false
pretenses. Unang una, hindi ako si Abby Borromeo. Pangalawa, ni hindi ako
mataas na opisyal ng Kliney Chain na gaya ng pagkakakilala niya. Wala nga sana
ako rito kung di tayo nabangga ng linsyak na bus na ’yon.” Napapikit si Jena at
napabuntunghininga. Habang nagsasalita ay lalong nagiging klaro sa kanya kung
gaano katindi ang panlilinlang na ginawa niya sa lalaking natutunang mahalin.
“Tapos na ’yon. What’s important is that you did a good job. Now, get a grip,
Jena. Masyado ka na yatang nagiging involved sa Mr. Arranda na ’yan. Are you in
love with him?” May pang aakusa sa tinig ni Jules. “Of course I’m not in love
with him. Ginawa ko lang ang trabaho ko.” “Mabuti kung gayon. Bumalik ka na
rito sa lalong madaling panahon,” utos ni Jules. At namatay na ang linya. SA
HOTEL, pagpasok ni Renz ay sinalubong kaagad siya ng pinakapinuno ng security
force na ipinadala sa resort niya. “Sir, may gusto akong iparinig sa inyo,”
sabi nito. Sumama kaagad siya patungo sa isang maliit na silid kung saan naroon
ang monitors ng ilang mga camera na nakapalibot sa hotel. Ni rewind ng tauhan
niya ang isang open reel tape. “Na monitor ko mismo ito kani kanina lang. Baka
’ika ko kasama ito sa nais n’yong matuklasan,” paliwanag nito. Ilang sandali pa
ay pumailanlang ang isang tinig. “May nadiskubre ako.. . Kuwan. . totoo ang mga
bali balita tungkol sa Unlimited Horizons. May.. sumasabotahe sa kompanya. . ”
Parang sinikmuraan si Renz nang makilala niya ang tinig. Nagtatagis ang mga
bagang na pinakinggan niya ang lahat ng sinasabi nito. “Of course I’m not in
love with him. Ginawa ko lang ang trabaho ko.” Daig pa niya ang sinampal nang
marinig ang pinakahuling pangungusap ni Jena. Madilim na madilim ang mukha at
nakakuyom ang mga kamay niyang humangos palabas ng silid. HANDA NA SA PAG ALIS
SI JENA. Wala siyang balak dalhin ang mga damit na ibinigay sa kanya ni Renz
kaya maayos niya iyong isinalansan sa ibabaw ng kama. Handa na siya at puwedeng
puwede na sanang umalis nang hindi nakikipagkita sa lalaki pero hindi niya
maatim na gawin iyon. Tumigil siya sa kababalik balik sa loob ng silid at umupo
sa kama para payapain ang sarili at mag ipon ng lakas para harapin ito. Walang
anu ano ay ginulantang siya ng malalakas na katok, kasunod ang marahas na
pagbukas ng pinto. “Renz, ano’ng problema?” Sa gulat ay napatayo siya. Lalo
pang nangulimlim ang anyo nito nang masulyapan ang bag niya at ang pagkakaayos
ng mga damit sa ibabaw ng kama. “Aalis ka na? Bakit? Dahil nakuha mo ang sadya
mo?” Halos maglabasan ang litid nito nang magsalita. “A ano’ng ibig mong
sabihin?” “Huwag ka nang magmaang maangan, Abby Borromeo. Oops! Sorry. Hindi
nga pala iyon ang pangalan mo. At wala ka ring sapat na katungkulan sa Kliney
Chain para makipagnegosasyon sa ’kin kaya ano’ng ginagawa mo rito?” “Paanong.
.?” “Paano kita nabuko? Simple. Hindi ko pala nasabi sa ’yo, nagpalagay ako ng
hidden microphones sa mga kuwarto ng guesthouse dahil, gaya ng natuklasan mo,
may gustong sumabotahe sa kompanya.” Napasinghap siya sa narinig. Napakatalim
ng tinging ibinaling nito sa kanya nang marinig ang pagsinghap niya. Naningkit
pa ang mga mata nito nang mamalas ang reaksyong nakabakat sa kanyang mukha.
“Isipin mo kung ano ang pakiramdam ko nang ang unang taong matiklo kong
nanloloko sa ’kin ay walang iba kundi ang isang pinagkatiwalaan ko nang todo.”
Parang bubuga na ito ng apoy. “You were so good! Paniwalang paniwala ako sa
’yo. You even had me convinced that you feel something for me. Iyon pala’y....”
“No, Renz. Ang pagkatao ko lang ang pineke ko, hindi ang nadarama ko,” pakli
niya. Lalong nagbaga ang mga mata nito. “Minsan mo ’kong napaikot sa mga
kasinungalingan mo pero ’wag mo namang isiping ganoon ako katanga para maniwala
pa sa ’yo. My God! I don’t even know your real name!” “Ako si Jena.” Tumingin
ito sa kanya na para bang pati pangalan niya ay pinagdududahan nito kung totoo.
“Please, Renz, I’m telling the truth,” pakiusap niya. Nilapitan niya ito at
hinawakan sa braso. “Jena ang pangalan ko at. . totoong natutunan na kitang
mahalin. Okay, balak ko ngang bumalik na sa Maynila pero kakausapin muna kita
para ipaalam—” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil marahas nitong ipinagpag
ang kamay niya. “Ano pang impormasyon ang gusto mong malaman at ayaw mo pang
tigilan ang pagpapanggap mo, ha?” “Wala na. I swear, hindi na ’ko nagpapanggap
ngayon.” Muli niya itong hinawakan sa braso sa pagpupumilit na ipaintindi ang
kanyang paliwanag. “Puwede ba, hindi mo na ’ko mauuto. Kung di ko pa siguro
narinig ang huling sinabi mo kanina, baka sakaling maniwala ako. Kaso, rinig na
rinig ng sarili kong mga tainga ang sinabi mo. Ano nga ba ’yon? Ah, yes. ‘Of
course I’m not in love with him. Ginawa ko lang ang trabaho ko.’ Isn’t that
what you said?” Sarkastikung sarkastiko ang himig ni Renz. “Hindi ko lang
maamin sa boss ko na mahal na kita.” Gusto nang maiyak ni Jena. “Just answer
yes or no. Isn’t that what you said?” marahas na tanong nito. “Yes, but. . ” “I
thought so.” Punung puno ng pagdaramdam ang tinig nito. “Pero, Renz—” “Ang
mabuti pa’y umalis ka na. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan.”
Malamig pa sa yelo ang tinig nito at umiwas sa nakalahad niyang mga kamay.
Tumalikod ito sa kanya at tumayo sa harap ng bintana. Napalunok siya nang
marinig ang sinabi nito. Tahimik niyang kinuha ang bag at umakmang lalabas na
ng silid. “Jena.. .” Tumigil siya sa paglakad, bahagyang nabuhayan ng pag asa.
“Pagdating mo sa Maynila, sabihin mo sa management ng Kliney Chain na binabawi
ko na ang offer ko dahil ayokong makipagtransaksyon sa isang kompanyang marumi
kung makipagnegosyo.” Napayuko siya, kumawala ang ilang butil ng luha sa mga
mata nang ipagpatuloy ang paglakad. Nakalabas na siya ng pinto nang muling
bumaling dito. “For whatever its worth to you, gusto ko lang ipaalam kung sino
ang tumatraydor sa ’yo. Siya’y walang iba kundi si Jon,” mahina niyang sabi
bago kinabig pasara ang pinto.
Chapter Eleven
KUNG PAANO NAKAABOT SI
JENA sa bahay niya nang hindi napapabunghalit ng iyak, hindi niya malaman. Ang
natatandaan lang niya, sa buong biyahe, parang puputok ang kanyang dibdib sa
pagtitimping bumagsak ang luha niya. Kaya pagpasok na pagpasok niya sa bahay,
inilaglag lang niya sa sahig ang kanyang bag at sumubsob na sa sofa. Doon ay
nag iiyak siya nang nag iiyak. Matagal bago siya nahulasan. GABI NANG DUMATING
SA MAYNILA si Jena at sa buong araw na iyon, hanggang kinabukasan ay hindi siya
makakain at hindi makatulog. Parang tukso, paulit ulit na sumasagi sa
imahinasyon niya ang iba’t ibang eksena sa maiksing kabanata ng buhay niyang
kinapapalooban ni Renz. Ito pa rin ang laman ng isip niya nang sa wakas ay
maidlip siya sa sofa habang nakatunghay sa kawalan. Sandali pa lang siyang
nakakatulog nang bulabugin siya ng pagtunog ng telepono. Nakailang kiriring na
iyon bago niya nakuhang sagutin. “Hello?” “Ba’t hindi ka tumawag agad?” Sa
matinding pag asam na si Renz ang nasa kabilang linya, hindi niya kaagad
nabosesan kung Page 28 9 of 330 sino ang tumatawag. “Sino ’to?” tanong pa niya.
“Sino ako? Sino pa kundi ang boss mo na muntik nang lapain nang buhay ni Mr.
Arranda nang magkamali akong hanapin ka sa kanya. Bakit hindi mo ipinaalam agad
sa akin na nabuko ka pala?” may pang aakusang sabi ni Jules. “S sorry. Hindi
ako nagkaroon ng pagkakataon. Pagod na pagod kasi ako.” “Pagod na pagod?
Magdadalawang araw ka nang nakabalik, ah. Hindi ka pa naka recover?” Sa estado
ng emosyon ni Jena, madaling nalagot ang kanyang pagtitimpi. “Sa totoo lang,
ewan ko kung makaka recover pa ’ko,” sikmat niya. “Hindi ko alam kung mababawi
ko pa ang respeto ko sa sarili ko pagkatapos ng nangyari. I felt dirty, Jules.
Kung alam ko lang na ganito pala ang tungkulin ng posisyong pinapasukan ko,
hindi na ako nag apply.” “Calm down, Jena. I know you’re upset and I’m sorry.
Napahiya rin kasi ako sa pinagsasabi ni Mr. Arranda.” “Napahiya ka? Eh, ako?
Ano sa palagay mo ang nadama ko habang kaharap ko siya’t inaakusahan niya ng
kung anu ano?” Ilang ulit siyang huminga nang malalim para payapain ang sarili.
Gusto niya ay klaro ang kanyang pag-‐‑iisip bago bitawan ang susunod na
mga salita. “Jules, I’m resigning effective immediately.
Pero bukas ko na siguro iaabot sa ’yo ang resignation letter ko,” sabi niya nang kalmado na siya. “Pero bakit? Hindi naman kita sinisisi sa nangyari. In fact, you did your
job well.” “Pero hindi ko na kayang ulitin iyon. Pakiramdam ko’y ang sama sama
ko.” “Kailangan mo lang ibahin ang pananaw mo. You’re good at this, Jena. Maski
nga si Mr. Arranda’y dapat kang pasalamatan. Ayon na rin sa kanya, dahil sa ’yo
kaya niya natuklasan kung sino ang tumatraydor sa kanya.” “Pasalamatan?”
Napangiwi siya. “Hindi nga niya mapatawad ang ginawa ko.” “Well, he should.
Anyway, take some time off. Magbakasyon ka muna’t pag isipang mabuti ang
desisyon mo.” “Nakapagpasya na ’ko. I’m resigning,” may himig ng finality na
turan niya. “I’ll drop by tomorrow to hand over my resignation and get my
things. ’Bye.” Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong mag react. Ibinaba na
niya ang telepono. SAMANTALA, SA CEBU, sa maliit na opisinang nasa guesthouse,
saglit na tumigil sa pagbabalik balik si Renz para tapunan ng matalim na tingin
si Jon na nakaupo sa silyang nasa tabi ng mesa. Napatunayan niyang totoo ang
sinabi ni Jena tungkol sa identity ng taong tumatraydor sa kanya nang ibalita
ni Tito Resty na nakatanggap ito ng tawag buhat sa isang nagpakilalang
negosyante. Di-‐‑umano ay gusto nitong bilhin ang
lupang isa sa mga site na binanggit ni Renz na balak niyang tayuan ng
subdivision. Kay Jon lang niya ipinaalam ang tungkol sa lugar na iyon kaya
walang ibang maaaring mag leak niyon kundi ang kababata niya. “Bakit mo nagawa ’yon, Jon? Bakit?” Ni katiting na pagsisisi ay hindi
kababanaagan ang mukha ng may sala. Nang komprontahin niya ito ay ni hindi nga
siya nahirapang paaminin ito. “Bakit? Itinatanong mo pa kung bakit? Matalino
ka, di ba? Figure it out,” sarkastikong tugon nito. Mabilis siyang nakalapit
dito at marahas itong pinitsarahan. “Huwag mo ’kong susubukan,” nagngingit-‐‑ngit niyang babala. “Hindi ako natatakot sa ’yo, Renz. Kahit
patayin mo na ’ko ngayon din, hindi ako matatakot.” Nanggigigil na isinalya niya ito. “Okay, gusto mong malaman kung bakit?” patuloy ni Jon matapos ang mahabang
katahimikan. “Dahil gusto kong gawin ’yon. Noon pa, gusto ko nang gumawa ng
isang bagay para ang matiwasay na buhay ni Mr. Renz Arranda’y magulo naman
kahit konti.” “Ano’ng kasalanan ko sa ’yo? Ano’ng nagawa ko para magkaganyan
ka?” Parang hindi niya mapaniwalaan ang naririnig na pagkamuhi sa tinig ng
lalaking itinuring niyang matalik na kaibigan. “Masyadong naging madali ang
buhay para sa ’yo. Bata ka pa, lahat ay nasa iyo na.” “Pero lahat ng nasa akin
ay ipinagkakaloob din sa ’yo ni Papa.” “Bilang donasyon. Bilang
pagkakawanggawa. Maski naman ang ama ko’y ganoon din. Pati ang lolo ko. Ilang
henerasyon ng angkan namin ang nagtamasa ng kagandahang-‐‑loob ng mga Arranda.” Taliwas sa sinasabi ang himig ni Jon na halatang nangungutya. “Masaya na kayo doon, di ba?” “Hindi ko alam na minamasama mo pa pala ang ginawa ng pamilya namin sa
inyo.” “Iyan mismo ang ipinagngingitngit ko. Baon na baon na kami sa utang na
loob. Alam mo ba, kung di lang sa papa ko’y hindi ako magtatrabaho sa Unlimited Horizons. Pero nakiusap siya sa ’kin. Lalabas daw kaming ingrata kung
ibang kompanya pa ang makikinabang sa napag aralan ko—pag aaral na ang mga
Arranda ang tumustos. Paano ko maipapaliwanag sa kanya na kahit ano pa ang
maging kontribusyon ko sa pagpapalago ng Unlimited Horizons, sa mga Arranda pa
rin ang kompanya. Iyo pa rin iyon, gaya ng lahat ng bagay na bata ka pa’y
inihandog na sa ’yo. Samantalang ako, kahit pareho ang maging paghihirap natin
sa pagpapatatag ng kompanya, wala pa rin ’yong kuwenta. Sawa na ’ko. Sawang
sawa na ’kong manood lang ng katiwasayang tinatamasa mo.” Parang mga batong
ipinupukol ni Jon ang mga binibitawang kataga. “At ang pagpapabagsak ng
kompanya ang paraan mo para pahirapan ako.” Hindi gaanong makuha ni Renz ang
logic ng ginawa nito. “Hindi mo ba naisip na kapag lumubog ang Unlimited
Horizons ay kasama ka rin sa maaapektuhan?” “Kayang kaya kong bumangong muli.
Isa pa, duda rin naman akong mapapabagsak ko nang tuluyan ang kompanya mo.
Magdudusa ka nga lang sa pagsasalba nito.” At hahayaan talaga kitang magdusang
mag isa, dagdag nito sa isip. “Sino ang mga tumulong sa ’yong guluhin ang
kompanya’t kani kanino mo ’ko ipinagkanulo?” marahas niyang tanong. Nagkibit
balikat ito. “Alamin mo.” Mapait na ngiti ang namutawi sa labi ni Jon nang
maalala ang sekretarya ng isang departamento sa Unlimited Horizons na umaasang
pakakasalan niya ito, gaya ng naipangako niya noon kung tutulungan siya nito at
susundin ang bawat iutos niya. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, marahil
ay nagawa na iyon ni Renz sa tindi ng nadaramang poot. Pero napiho niya, walang
saysay na maging bihag siya ng poot na iyon. Siya rin ang talo kung gagatungan
niya at hahayaang lumalim ang kanyang galit. “Umalis ka na, Jon. At pilitin
mong habambuhay ay hindi na magkrus ang landas natin dahil kapag nangyari iyo’y
baka di na ’ko makapagpigil,” malumanay pero mariin niyang utos. Isang
naghahamong tingin ang itinapon nito sa kanya pero hindi niya iyon pinatulan.
Ipinahihiwatig ng kilos niyang hindi na karapat dapat pang pag aksayahan ito ng
panahon. “Huwag ka nang mag abalang ligpitin ang mga gamit mo. Lumayas ka na,”
tahimik niyang sabi, saka nilisan ang silid. Ilang saglit matapos siyang
lumabas ay may dalawang security officer ang pumasok sa kuwarto para i escort
paalis ng resort si Jon.
Chapter Twelve
“KUNG ALAM KO LANG na
ganoon kasimpatiko ang Mr. Arranda na ’yon, ako na lang sana ang nagpanggap na
isang mataas na opisyal ng Kliney Chain,” sabi ni Leony minsang magpunta ito sa
bahay ni Jena. “Oops! Sorry, biro lang,” anito nang makitang parang maiiyak na
naman ang kaibigan. Alam nito ang lahat kaya naiintindihan nito kung bakit
ganoon ang reaksyon niya. “Okay lang. Dapat siguro’y kalimutan ko na lang ang
lahat,” sabi ni Jena na hindi maikubli ang matinding kalungkutan. “Pero bakit
kailangang mag resign ka pa?” “Hindi ko kayang ituloy ang mga gawaing hinihingi
ng posisyon ko.” “Ano’ng balak mo ngayon?” Nagkibit balikat siya. “Hindi ko pa
alam. Pero malamang ay uuwi muna ako sa probinsya bago maghanap ng bagong
trabaho. Tutal ay hindi naman ako pinagbabayad ng Tiya Loida sa apartment na
’to. Matagal ko nang di nadadalaw sina Inay at Itay. Mag iisang taon na rin ang
panganay ni Ate Elisa pero hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.” “Makakabuti
nga siguro ’yon. Kung di lang tambak ang trabaho sa opisina’y sasama pa ’ika mo
ako sa ’yo.” “Hamo, sa piyesta’y iimbitahin kita.” “Pangako ’yan, ha?” “Oo.”
Kinabukasan, umuwi nga sa probinsya nila si Jena. Sa malaking pasasalamat niya,
hindi siya gaanong inusisa ng mga magulang. Kabisado siya ng mga ito, lalo na
ng kanyang ina, kaya alam nitong magkukusa siyang magkuwento kapag handa na
siya. Nang mga panahong iyon ay parang hindi niya kayang banggitin ang pangalan
ni Renz nang hindi tumutulo ang luha. Napakadaling magmukmok habang nasa
probinsya, lalo at ganoong naiintindihan naman siya ng mga kaanak. Ngunit hindi
niya iyon ginawa. Inabala niya ang sarili sa kahit na anong puwedeng gawin.
Binisita niya ang mga dating kamag aral, na halos may sariling pamilya na.
Inalagaan niya ang anak ng nag iisang kapatid at naglibot siya nang naglibot.
Sa gayong paraan, kapag gabi na at wala na siyang magawa ay saka lang siya
nakukuhang abutan ng kalungkutang maghapong humahabol sa kanya. At para sa
isang kagaya niyang naghahangad ng pagkakaabalahan, ikinatuwa niya ang pagsapit
ng pista na taun taon ay sadyang pinaghahandaan ng kanyang mga magulang. ARAW
NG PISTA. Maraming kaibigan at kamag anak ang nakipista kina Jena. Pahapon na
nang magkaroon ng patlang ang dating ng mga bisita. “Akala ko ba’y may inimbita
kang kaopisina?” tanong ni Nana Cita, ina niya, habang abala sila sa kusina.
“Oho, si Leony. Kilala n’yo na siya. Mga dalawang beses ko na yatang naisama
’yon dito. Noon bang madalas dalas pa ’kong nakakauwi. Ewan ko nga kung ba’t
wala pa siya. Baka maraming ginagawa sa opisina’t di siya makaalis.” “Siguro
nga,” sang-‐‑ayon nito. Pagkasabi niyon ay
tinawag si Jena ng ama na nagpapahinga naman sa sala. “May naghahanap sa ’yo,” anang Tata Teody. “O, si Leony na siguro ’yon. Puntahan mo na,” sabi ni
Nana Cita. “Ang tagal tagal mo naman,” birong turan niya kahit ilang metro pa
ang layo niya sa sala. “Muntik ka nang maubusan ng handa at—” Natigilan siya
nang makaharap si Leony. Hindi pala ito nag iisa. Parang lumaktaw nang ilang
pintig ang kanyang puso nang makita ang katabi ng kaibigan sa sofa. “Kumusta ka
na?” Waring sinikmuraan siya pagkarinig sa pamilyar na tinig na akala niya ay
sa panaginip na lang mauulinigan. “M mabuti. . ” kandautal na sagot niya.
“Nagpumilit siyang sumama, eh,” paliwanag ni Leony sa kanya at sa ama niyang
waring nalilito sa eksenang nagaganap sa sala. “Kailangang kailangan kasi
kitang makausap,” seryoso ang tinig na sabi ni Renz. Pakiwari ni Jena ay matutunaw
siya sa titig nito. “K kumain kaya muna kayo.. .” Hindi pa niya alam kung ano
ang sasabihin sa lalaki. “Ang mabuti pa’y kakain na ako. Mag usap muna kayo’t
tiyak namang di makakakain ang mamang ’yan,” salo ni Leony. “Sino ba kasi
’yan?” Sumingit na sa usapan ang ama niya. “Kung puwede ho, ako na ang
magpapaliwanag,” sambot ng kaibigan. “Sige, pero pagbutihin mo ang paliwanag.”
Matapos ilang ulit na magpalipat lipat ang tingin ni Tata Teody sa dalawa na di
mapuknat puknat ang pagkakatitig sa isa’t isa’y giniyahan na nito si Leony sa
hapag kainan. Nailang lalo si Jena nang maiwan sila ni Renz sa sala. “S sa
labas na tayo mag usap,” mungkahi niya. Ayaw niyang magambala ang kanyang mga
magulang na baka kung ano pa ang isipin kapag may naulinigan sa pinag uusapan
nila. Hindi ito tumutol. Sumunod ito sa kanya nang lumabas siya ng bahay. Hindi
rin ito kinaringgan ng pagsalungat nang magpatuloy siya sa paglalakad palabas
ng gate. Sa bukirin sila humantong, sa gawing nalililiman ng punong mangga at
mga kawayanan. “Nagpunta ako sa opisina n’yo. Nag resign ka na raw.” Si Renz
ang unang bumasag sa nagharing katahimikan. “Oo. Hindi ko pala kaya ang ganoong
trabaho.” “Si Leony ang nakausap ko’t sa kanya ko nalamang nandito ka sa
probinsya.” “Madaldal talaga ang kaibigan kong ’yon.” “Mabuti nga’t siya ang
nakausap ko. Mabuti rin at madaldal siya. Kung di’y hindi ko malalaman kung
saan ka hahanapin.” “Hinahanap mo ’ko?” Bahagyang lumukso ang puso niya. “Hindi
ko kasi gusto ang naging paghihiwalay natin. Ipinagtabuyan kita gayong kung
iisipi’y natulungan mo rin akong tukuyin kung sino ang ahas sa kompanya ko.”
“May karapatan kang magalit. Niloko kita— todu todo. At ang pangit ng orihinal
na pakay ko sa pagpunta sa opisina mo. Kaya nga sasamantalahin ko na ang
pagkakataong ito para muling humingi ng tawad.” “Tapos na ’yon. Kalimutan na
natin.” Natahimik ito. “Ang sabi mo’y orihinal na pakay? Nag iba ba ang sadya
mo roon?” pagkuwa’y tanong nito. Kung makatitig ang lalaki, pakiramdam niya ay
tatagos ang tingin nito sa kaibuturan ng kanyang puso at mababasa ang nilalaman
niyon. Hindi siya kumibo. Umiwas siya ng tingin. Sinapo siya nito sa baba,
itinaas ang kanyang mukha. “Nag iba ba ang pakay mo?” nanghihimok ang tinig na
ulit nito. “Oo pero I’m sure you’ll not believe me anyway, so. . ” Nagkibit-‐‑balikat siya. “Try me.” Nairita na siya. Ano ba ang gustong
marinig nito? Ulitin niya ang ginawang pag-‐‑amin noon na mahal niya ito? Kung
gusto niyang mag ego tripping, manigas siya! Tinabig niya ang kamay na nakasapo
sa kanyang baba at lumayo rito. “Huwag na lang. Ba’t ka nga pala
naparito? Sabi mo’y kailangan mo ’kong makausap. Ano’ng pag uusapan natin? Simulan mo na,” pakli niya. “Nabalitaan kong wala ka nang trabaho.
May iaalok sana ako. . ” Kaagad na
bumagsak ang pag asang bahagyang nabuhay sa dibdib ni Jena. Akala niya ay kung
ano na ang sadya nito. Iyon pala ay aalukin lang siya ng trabaho. “Hindi ako
interesado,” may bahid ng karahasan niyang tugon. “Hindi mo pa nga naririnig
ang buong alok ko’y tinatanggihan mo na.” “O siya, ano na nga ’yon?”
Pinagsalikop niya ang mga braso at sumandal sa punong mangga. Pero ipinahalata
niya sa ekspresyong wala siyang interes sa sasabihin nito. Lumapit ito sa kanya
bago nagsalita. “Kung totoo ang sinabi mo noon na.. na minahal mo na rin ako,
baka naman puwedeng gawin mo na ’yong panghabambuhay.” “A ano ’ika mo? Ano’ng
ibig mong sabihin?” Dapat ay siguraduhin niya ang narinig bago siya magsaya.
Sinapo nito ang pisngi niya at unti unting inilapit ang mukha sa kanyang mukha.
“Sa ngayo’y binabalasa ko ang mga tauhan ko sa kompanya. Medyo mahaba habang
proseso ’yon. Gusto kong gamitin ang panahong ’yon para makilala nating mabuti
ang isa’t isa at pagkatapos. . ” Lalo pa itong lumapit. Halos ay isang pulgada na
lang ang layo ng mukha nito. “Pagkatapos, kung papayag ka, pakakasal tayo.”
Ibinuka niya ang bibig para magsalita ngunit ni isang kataga ay hindi na siya
nakapagbitiw. Sa puntong iyon ay sinakop na nito ang kanyang labi. Umakyat sa
kanyang mga kalamnan ang pamilyar na init. Binalot siya ng nakakahilong
sensasyong hatid ng halik nito. Hindi namamalayang naisaklot niya ang mga
daliri sa buhok nito para lalong higpitan ang pagkaka-‐‑sugpong ng kanilang mga labi. “Ang ibig bang sabihin nito’y tinatanggap mo ang alok ko?” pilyo ang ngiting tanong nito nang maghiwalay sila. “Kailangan pa bang
sagutin ’yon?” ganti niya. “Kaya lang. . ” Naalala niya ang ibang agam agam
tungkol sa agwat ng kabuhayan nila. “Parang alangan ako sa ’yo.” Nagpalabas ito
ng bugso ng hininga. “Uso pa ba ang mga ganyang dahilan?” parang iritadong
tanong nito. “Sa iba siguro pero sa ’kin, hindi.” Kasunod niyon ay sinakmal
nitong muli ang labi niya at pinutol ang anumang protestang magmumula roon.
Epektibong pinalis ng halik ni Renz ang mga agam agam ni Jena, sampu ng mga
katanungang naiisip niya tungkol sa naging kapalaran ng taong sumabotahe sa
kompanya nito. Maraming panahon sa hinaharap para usisain niya ito tungkol
doon. Nang mga sandaling iyon, hinayaan na muna niya ang sariling magpasasa sa
init na rumaragasa sa kanyang pagkatao. Ang mahalaga ay nagkakaintindihan na
sila. At sa pagkakataong iyon, wala nang lokohan. “Mahal kita, Jena.” “Mahal
din kita, Renz.” ♥ ♥ ♥ WAKAS ♥ ♥ ♥