ANG KAWATAN AT ANG SOSYAL 1
BUHAY ang nakataya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nataya ang buhay ni Waldo. Kailangan niyang makatawid sa Roxas Boulevard. Naroroon ang kanyang pag-‐‑asa. Lumingon siya. Mabilis na nakasunod sa kanya ang itim na Toyota Corolla. Sakay niyon ang grupo nina Drigo. Disimuladong pinupuntirya siya para barilin. Malakas siyang napamura, sabay dive sa mga halaman sa may island ng kalsada. Narinig niya ang mahinang putok ng baril na humaging sa kanyang tabi. May silencer ang baril ni Drigo. Narinig niya ang pag-‐‑angil ng preno ng Corolla. Mabilis siyang bumangon at tumakbo. Muli niyang narinig ang mahinang putok ng baril. Kasabay niyo’y naramdaman niyang kumirot ang itaas na bahagi ng kanyang braso. Tinamaan siya. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Parang binabayo ang kanyang dibdib. Naka-‐‑go signal ang traffic light ngunit hindi niya inalintana ang mga sasakyang tila mauubusan na ng kalsada sa bilis. Ni hindi niya pinansin ang nag-‐‑aangilang preno ng mga iyon, ang malalakas na busina at mura ng mga drivers na muntik nang makasagasa sa kanya. Nakatawid siya sa kabila. Maraming naghihintay sa bus stop sa tapat ng Legaspi Tower. Napatingin ang mga ito sa kanya. Bahagya siyang kumubli sa likod ng mga tao upang huminga sandali. Napatingin siya sa salaming dingding ng building. Pawis na pawis siya at malakas na umaagos ang dugo sa kanyang braso. Hinugot niya ang malaking panyo sa likod ng bulsa ng pantalong suot ng cigarette vendor. Magaan ang kanyang kamay. Hindi man lang iyon naramdaman ng tindero na mabilis na pumakabila nang mag-‐‑red signal ang traffic light. Tinalian niya nang mahigpit ang sugat sa braso niya para maampat ang pagdurugo. Natutukso siyang sumakay sa mga nagdaraang jeep; ngunit sa bagal ng traffic, tiyak niyang aabutan siya nina Drigo. Pumasok siya sa Vito Cruz Street. Kumanan siya sa FB Harrison at mabilis na naglakad. Kung saan mas matao, doon siya. Mas mahirap pumatay kapag maraming tao. Ngunit hindi imposible iyon sa mga tumutugis sa kanya. Kilala niya si Drigo. Pati santo ay hindi nito sinasanto. Alam niyang mas madali siyang matutunton ng mga ito kung sa Harrison Plaza lang siya magtatago. Pinili niya ang mas maliliit na kalyehon. Mas ligtas siya roon. Makarating lang siya sa Ermita, marami na siyang mapagtataguan doon. Nang mapatingin siya sa dulo ng kalye; tatlong bloke ang layo mula sa kinaroroonan niya ay pumarada ang Toyota Corolla at umibis sina Drigo. Kailangan niyang makalayo. Ngunit wala na siyang mapagkukublihan. Kung tatakbo siya, lalo siyang mai-‐‑spot-‐‑an nina Drigo. Napatingin siya sa grupo ng mga teenagers sa tapat ng 7-‐‑Eleven. Nagda-‐‑dancing on the street ang mga ito. Sumasabay sa malakas na ingay ng rock music na nagmumula sa isang malaking casette tape recorder. Nilapitan niya ang isang nakaitim na leather jacket at naka-‐‑shades kahit papagabi na. “Bibilhin ko ang jacket mo, limandaan,” alok niya. “Totoong leather ito. Gawin mong isang libo,” sabi ng teenager. “Sige,” mabilis na sang-‐‑ayon niya. “Sa isang libo, kasama ‘yang sunglasses mo.” “Deal!” mabilis na sabi ng teenager. Tinulungan na niya itong hubarin ang jacket. Napangiwi siya nang kumirot ang sugat sa braso nang isuot niya ang jacket. Ayaw niya ng amoy ng katawan ng teenager. Ngunit binale-‐‑wala niya iyon. Kinuha niya ang salamin nito at isinuot. Pagkatapos ay iniabot dito ang dalawang limandaang papel. “Nakikita mo ang tatlong lalaking ‘yon? Iyong mga nakatayo sa may tabi ng itim na Toyota Corolla?” Tumango ang teenager. “Alam mo, talent scout ang mga iyon. Naghahanap ng grupo ng mga kabataan para sa kanilang gagawing music video. Tawagin mo ang mga kaibigan mo at lapitan ninyo. Nakita kong mahuhusay kayong sumayaw, tiyak makukuha kayo.” Agad na tinawag ng teenager ang mga kasamahan. Nagtakbuhan ang mga ito patungo sa kinaroroonan nina Drigo. Mabilis namang naglakad palayo si Waldo. Nakarating na siya sa Ermita. Pagod na siya at uhaw na uhaw. Pumasok siya sa isang bar. Kaswal na umupo siya sa stool, hinubad ang sunglasses at umorder ng whisky. “Iwanan mo na ang bote,” sabi niya sa bar tender. Lumapit sa kanya ang babaing dinatnan na niyang nakaupo sa bar counter at umiinom ng beer. “Hi! Ngayon lang kita nakita rito,” nakangiting bati nito. “Oo,” maikling tugon niya. “Ako nga pala si Anna,” pakilala nito sabay lahad ng kamay. “Diyan lang ang office namin sa Manila Midtown. I own a travel agency.” Sandaling tinapunan ito ng tingin ni Waldo. Maganda ito at sexy. Kung sa ibang pagkakataon, tiyak na hindi niya ito palalampasin. “Waldo,” pakilala niya sa sarili, kinuha ang kamay na iniaalok ng babae at ginagap. Nang biglang tumayo ang buhok niya sa bumbunan. Paano’y mula sa salamin sa may likod ng bar tender ay nakita niyang pumasok ang tatlong lalaking kahit tipong mga executives ay kilalang-‐‑kilala niya. Sina Drigo! Doon siya hanga kay Drigo at sa mga bata nito. Kung manamit ay parang hindi mga goons. Dumikit siya nang husto sa babae habang hindi inaalis ang tingin sa salamin. Nakita niyang naghiwa-‐‑hiwalay ang tatlo; ang isa ay pumuwesto sa pinto na siyang tanging daanan. Ang ginawa niyang pagdikit sa babae ay lalong nagbigay dito ng encouragement. Ipinatong nito ang isang kamay sa braso niya. “Ano’ng trabaho mo?” tanong nito. “Magnanakaw,” maikling tugon niya. Napangiti ang babae. Naglabas ito ng lighter at sigarilyo. Iniabot nito ang lighter sa kanya. Sinindihan niya ang sigarilyo nito. Humitit na muna ang babae saka banayad na binugahan siya ng usok sa mukha. “Fascinating, I’m sure.” Lalo pa itong dumikit sa kanya, bahagyang ipinagdiinan ang dibdib sa braso niya. “Why don’t you buy me a drink and tell me more about it?” Bahagya niyang tinapik sa pang-‐‑upo ang babae. “Sa ibang pagkakataon, baby,” aniya. Alam niyang sandali lang uubra ang ginagawa niyang pagdi-‐‑disguise. Kaya hindi na siya nagulat nang maramdaman niya ang matigas na dulo ng baril sa may tagiliran niya. Hindi siya kumilos mula sa pagkakaupo. “Tayo na sa labas. Naiinip na si Attorney Zaragosa. Hindi ka sumipot sa usapan ninyo.” Tinig iyon ni Drigo. “Sandali lang. Uubusin ko lang ito,” kalmadong sagot niya, tukoy ang hawak-‐‑hawak na baso ng alak. “Alam mong sa lahat ng ayaw ni Attorney Zaragosa ay ang pinaghihintay siya. Saka ayaw niyang umiinom ang tauhan niya habang nagtatrabaho,” malamig na sabi ni Drigo. Nakaramdam naman ang babae. Mabilis na humakbang ito palayo. “Sesante na ba ako?” tanong niya. Mabilis niyang pinagagana ang utak. Mula sa salamin ay nakita niyang lumapit ang dalawa pa. Sa mga ito, tingin niya ay tanging si Drigo lang ang may utak. Tatlo laban sa isa. May mga armas ang mga ito, siya ay wala. Sinalinan niya ng whisky ang basong papaubos na at anyong iinumin iyon nang bigla niyang isaboy ang laman niyon sa mukha ni Drigo, binigwasan ang nasa gawing kanan niya, at saka sinagasa ang pangatlo. Bumalandra ito sa display cabinet ng mga panindang chocolates doon. Hinugot niya ang wallet. Inilabas ang calling card ni Attorney Zaragosa. “I-‐‑charge ninyo ang perhuwisyo kay Attorney Zaragosa,” sabi niya sa nabiglang waiter. Pagkuwa’y mabilis na siyang tumakbo palabas ng bar. Malapit na siya sa Robinson’s Place. Doon na lamang ang kanyang pag-‐‑asa. Naririnig na niya ang tatlong mabilis na nakasunod sa kanya. Mahihirapang makapagpaputok ang mga ito dahil maraming tao sa gawing iyon. Naghanap siya ng maaring mapagtaguan. Wala siyang makita. Kumikirot ang sugat niya sa braso ngunit wala siyang panahon para indahin iyon. MASAYANG lumabas ng department store si KC. Puno ang magkabilang kamay ng shopping bags ng mga pinamili. Pawang mga designer’s ang tatak ng mga iyon. Kaninang umaga ay nabo-‐‑bore na siya sa kawalan ng magagawa. Blessing in disguise ang pagtawag ni Millet, ang kaibigan niyang may-‐‑ari ng isang exclusive boutique sa Robinson’s Place. Maraming bagong dating na paninda ito at siya lagi ang unang pinagpapakitaan nito ng mga iyon. Nalibang siya sa pamimili at kapi-‐‑fit ng mga damit. Nawala ang boredom niya. Discounted ang presyong ibinibigay sa kanya ng kaibigan. Nevertheless, whenever she left her friend’s boutique, she became a little bit poorer. Dahil isa sa mga few vices niya ang pagsa-‐‑shopping. She loved expensive clothes. Kapag nakakita siya ng magandang damit, hindi niya iyon maaaring iwanan. Ginabi na siya dahil pagkatapos niyang makapamili ng mga damit at fashion accessories ay niyaya siyang mag-‐‑snack ni Millet sa restaurant na nasa loob din ng department store. Nag-‐‑alok itong ipahahatid na siya sa isa sa mga tauhan nito hanggang sa parking lot ngunit tumanggi siya. She was always independent. May pagka-‐‑radical ang kanyang isip. Hindi siya naniniwala na someone had to wait for her hand and foot. Iyon ang natutuhan niya mula sa kanyang lolong si Greg Acosta at sa inang si Bessie Acosta. She grew up into a very independent young woman. Patungo na siya sa parking lot nang mabunggo siya ng isang lalaki na mabilis na tumatakbo. “Sorry—” sabi nito. Ngunit hindi man lang ito tumigil kahit sandali para tulungan siyang damputin ang nabitiwang shopping bags. Inis na dinampot niya ang mga iyon. Sinundan niya ng tingin ang lalaking mabilis na nawala sa karamihan ng tao. Muntik na naman siyang mabangga ng dalawang lalaki kung hindi siya agad nakalihis. “Miss, saang gawi pumunta iyong lalaking nakabangga sa iyo kanina?” tanong ng isa. Mukha namang disente ang mga ito. Malamang ay dinukutan ng lalaking naunang nakabangga sa kanya kaya hinahabol. “Miss?” untag ng lalaki. “Papasok ho siya sa loob,” nasabi niya. “Bakit ho ba?” atas ng kuryusidad ay usisa niya. “Kawatan iyon, Miss,” sabi ng isa pa. “Burgo! Huwag ka nang makipagkumustahan diyan, doon ka sa kabilang entrance,” utos ng unang lalaki. Sandaling sinundan niya ng tingin ang mga ito na tumakbo palayo. Bagama’t disente ang damit ng dalawa, tingin niya’y hindi naman mukhang nag-‐‑oopisina ang mga ito, kundi mas mukhang mga goons. Ikinibit niya ang mga balikat at tinungo ang kinaroroonan ng kanyang Range Rover. Inilagay niya ang mga pinamili sa likurang upuan ng sasakyan, pagkuwa’y naupo na sa driver’s seat. Nang biglang bumukas ang pinto sa may passenger’s side sa kanyang tabi. Mabilis na pumasok ang isang lalaki. Nagulat siya, ngunit agad na nakilala ang lalaking naka-‐‑jacket na itim. Ito ang bumunggo sa kanya kanina. “Tayo na!” utos nito. Ngunit hindi siya kumilos. “Get out of my car, you dirty scum!” mariing utos niya na hindi man lang kababakasan ng pagkatakot sa mukha. Nakakubli ang isang kamay nito sa bulsa ng jacket. Pinatulis nito ang hintuturo at itinutok sa kanya. “Tayo na!” ang marahas nitong utos. “Huwag mo akong pilitin na gamitin ito.” Hindi man lang natigatig ang dalaga. Nang makita nitong papalabas na uli ng department store ang tatlong lalaki. Nakita rin niya ang mga ito. “If you want to save your ass, let’s get out here!” mariing utos ng lalaki. Iyon ang ikinagulat niya; matatas itong magsalita ng English. And he was not bad-‐‑looking either. “Ano ba? Kapag inabutan tayo ni Drigo, hindi ka sasantuhin n’on. Dahil iisipin niyang iniligaw mo sila!” galit nang sabi ng lalaki. Anyong kukunin na nito ang manibela sa kamay niya nang bigla niyang paandarin ang sasakyan. Umatras at mabilis na lumabas ng parking lot. TAMANG napatingin si Drigo sa humagibis na Range Rover. Nahagip niya ng tingin si Waldo. Napamura. Tinakbo ang kanilang sasakyan. “Hayun sila, habulin natin!” pasigaw na utos niya sa mga kasama. SAMANTALA, tumingin sa likod si Waldo. Nakita niya ang itim na Corolla na mabilis na humahabol sa kanila. “Bilisan mo!” utos niya sa nagmamanehong babae. “Fasten your seat belt,” sabi nito. Ang best option nila ay makalabas sila ng Roxas Boulevard. “Ano ba’ng kasalanan mo sa mga iyon? Dinukutan mo?” tanong nito. “Hindi. Sabihin na nating may goods akong ide-‐‑ deliver sa kanila ngunit natunugan kong may balak silang onsehin ako kaya inunahan ko na sila,” sabi niya. “You mean you’re into drugs?” Bakas sa tinig ng babae ang kaba. “Mukha ba akong addict?” inis na tanong niya. Ngunit nang mapatingin siya sa side mirror at makita ang sariling repleksyon, hindi nga malayong mapagkamalan siyang addict. “No. Hindi ako involved sa droga,” sabi niya. Muling nilingon ang humahabol sa kanila. Mga sampung sasakyan na lang ang layo nila roon. “Bilisan mo, malapit na sila.” “Bumaba ka na,” utos ng babae. “Ayokong madamay sa iyo.” “Kahit ayaw mo, damay ka na. Kilala ka na ni Drigo. Alam na niya ang plate number ng sasakyan mo. Tiyak, iniisip n’on na kasabwat kita. Huwag kang mag-‐‑alala, kung gusto mo’y ikaw ang magiging bagong partner ko,” alok niya. “I’m not interested,” tanggi nito. Nang biglang may tumama sa side mirror ng sasakyan. Nabasag iyon. “Oh, my God!” sigaw nito. “Bilisan mo! Binabaril nila tayo!” sigaw din ni Waldo. “Ang side mirror ko, fifteen thousand ang halaga n’yan!” “Buhay natin ang nakataya, ‘yang side mirror mo pa ang iniisip mo,” inis na tugon ni Waldo. “Huwag kang mag-‐‑aalala, babayaran ko ‘yan.” Nakita niyang muli silang inaasinta ni Drigo. “Yuko!” sigaw niya sabay diin sa likod ng ulo ng babae. Muntik na silang mabangga sa kasunod na sasakyan. “Hell!” galit na bulalas nito. “They’re not joking!” Pinaharurot nito ang sasakyan.
CHAPTER TWO
NAPATINGIN si KC sa side mirror. Nakasunod pa rin sa kanila ang itim na Toyota Corolla. “Damn! I said fasten your seat belt!” muling utos niya sa unwanted passenger. Agad na hinagilap ni Waldo ang seat belt. Ngunit bago pa nito naikabit iyon ay biglang kinabig pakaliwa ni KC ang sasakyan. Napaaringking ito sa sakit nang tumama ang may tamang balikat sa pinto. Napangiti naman ang dalaga. Kung kaninang umaga ay nabo-‐‑bore na siya sa kawalan ng action sa kanyang buhay, ngayon ay buhay na buhay ang adrenalin sa buong katawan niya. She loved the danger and the challenge. Ngayon niya magagamit ang lahat ng itinuro sa kanya ng pinsang si Greggie sa defensive driving. She learned from the champion himself. Ang sabi ni Greggie, she could be a car racer. Ngunit alam niyang hindi siya kailanman papayagan ng pamilya. Lalo na nang maaksidente si Greggie sa race track. Mabuti na lang, mabait pa rin ang Diyos kay Greggie. Muli itong binigyan ng pagkakataon na makalakad. But now he was a retired Grand Prix Champion. Nakakita siya ng puwang sa pagitan ng dalawang malalaking trucks. “‘Tangna!” mura ni Waldo na muntik nang himatayin nang lumusot siya roon. “Nagpapakamatay ka ba?” galit nitong tanong. Ngunit hindi ito pinansin ni KC. Kung saan-‐‑ saan niya inililiko ang sasakyan. Wala siyang pakialam sa mga lubak na nadaraanan. Hindi niya alintana ang mga traffic signs. Pumasok sila pasalungat sa one-‐‑way street. Dahil doon ay hinabol sila ng hagad. Hindi rin niya pinansin ang pulis. Lalo niyang binilisan ang pagmamaneho hanggang sa mailigaw ang mga humahabol sa kanila. IPINASOK ni KC ang sasakyan sa basement ng Twin Towers Condominium. Mariin niyang tinapakan ang brake. Napangiwi ang mga guwardiya nang umangil ang preno ng Range Rover. “Whew! Saved!” natatawang bulalas niya. She felt exhilarated. Napatingin siya sa unwanted passenger. Namumutla ito. “Siraulo ka ba?” galit na sita nito sa kanya. “Umiiwas ako sa mga taong gustong pumatay sa akin, iyon pala’y papatayin mo lang ako sa nerbiyos. Hindi ka dapat pinakakawalan sa kalsada. Daig mo pa ang isang maniac sa pagmamaneho,” reklamo nito. “Hey, if not for this maniac, kanina ka pa patay,” taas-‐‑noo namang sabi ng dalaga. “Now, get out of my car.” Nauna na siyang bumaba. Hindi agad ito makababa ng sasakyan, pakiwari ay nakipagbugbugan ito sa buong maghapon. Mas masahol pa ang inabot nito ngayon sa inabot noon sa hazing sa kanilang fraternity. “Okay, you can leave now!” utos ni KC na binuksan ang pinto sa gawi nito. Nang makita niya ang dugo na nagmantsa sa puting upholstered na upuan ng kanyang sasakyan. “Oh, my God! You ruined my car seat!” “Namputsa!” galit na sabi ni Waldo. “Mamamatay na nga ang tao, ang lintik pang upuan mo ang inaaalala mo.” “Look, kalalabas lang sa casa ng Range Rover ko! Sinira mo na ang side mirror ko, pati ba naman ang upuan ko? Don’t you know, utang ko pa sa daddy ko ang ipinambili ko nitong sasakyan?” nanggagalaiting sabi ng dalaga. “Ipa-‐‑cleaning mo. Babayaran ko,” tila bale-‐‑ walang sabi ni Waldo. Tiningnan ito ni KC mula ulo hanggang paa. Tingin niya, kahit gulong ng tricycle ay hindi ito makakabili. “Okay, okay. Wala akong pera sa ngayon. Pero kapag nakuha ko ang pera ko, babayaran kita. Ilista mo lang lahat. Kailangang tulungan mo muna ako.” Nahihilo na ito sa dami ng dugong nawala rito. Nang lumabas ito ay napahawak sa pinto ng sasakyan. Ayaw naman ni KC na maging dalahin ng kanyang konsiyensiya ang lalaki. “Dadalhin kita sa hospital.” “Tiyak na nagmamanman sina Drigo sa labas. Gamutin mo na lang ako sa bahay mo,” suhestiyon nito. Nasa mukha niya ang pag-‐‑aatubili, ngunit nang makitang tila mabubuwal na sa kinatatayuan ang lalaki ay inalalayan na niya ito at dinala sa elevator. Pagpasok nila sa condo unit niya ay pinaupo niya ito sa kitchen table. Kinuha niya ang first-‐‑aid kit. Anyong guguntingin niya ang jacket sa may bahagi ng braso nang sawayin siya ng lalaki. “Huwag! Isang libo ang bili ko rito!” sabi nito. Nanghihinayang ito. Halos wala na itong gaanong pera. Ang natitira na lang sa bulsa ay barya. Hinipo ni KC ang tela ng jacket. “Leather ‘yan,” ani Waldo. Napahalakhak ang dalaga. “Niloko ka ng binilhan mo. This is not genuine leather. Venyll lang ito. Tig-‐‑two-‐‑two hundred-‐‑fifty lang ito sa Tutuban.” “Alam ko,” matabang na tugon ni Waldo. Tumaas ang kilay ni KC. “Eh, bakit mo binili?” “Camouflage. Para hindi ako makilala ng mga humahabol sa akin,” dahilan nito. “Effective ba?” natatawang tanong niya. “Gamutin mo na ang sugat ko bago ako maubusan ng dugo,” inis na sabi ng lalaki. “Okay,” sabi niya. Tinulungan na niya itong hubarin ang suot nitong jacket. Kumibot ang ilong niya sa amoy na nanggagaling doon. Tila diring-‐‑ diring iniitsa iyon sa isang sulok. “Hindi akin ‘yan. Kinuha ko ‘yan sa isang teenager na nadaanan ko sa Ermita kanina.” Nagdududang tiningnan ito ni KC. “Hindi ko inagaw ang jacket. Binayaran ko nga ‘yan ng isang libo,” ang may pagka-‐‑defensive na sabi ni Waldo. “Hustler nga ako, pero hindi ko naman kayang mang-‐‑agaw sa bata,” dagdag pa nito. Mataman nitong tiningnan ang reaction niya sa huling tinuran nito. Ngunit sa halip na matakot, nasa mga mata niya ang amusement. Inalis niya ang panyong ibinenda nito sa braso. Basa na iyon sa dugo. Nang maalis ang panyo, muling dumugo ang sugat. “Superficial wound lang ito,” pabale-‐‑walang sabi niya. “Hindi ito ang ikamamatay mo, kundi infection.” Pagkasabi niyon ay binuhusan niya ng alcohol ang sugat. “Yahhh!” malakas na sigaw ni Waldo na napaangat pa ang puwet sa tindi ng hapdi. “Masakit iyon, ah! May pagkasadista ka, ano?” reklamo nito habang pilit na hinihipan ang sugat sa braso. “Don’t be a crybaby,” naa-‐‑amuse namang sabi ni KC. “Hindi ba sa pelikula, ang ginagawa pa ay sisindihan pa ‘yan para tuluyang mawala ang powder burns at nang hindi ma-‐‑infection?” Bahagyang napaurong si Waldo. “Huwag mong tatangkaing gawin ‘yon,” banta nito. Napahalakhak ang dalaga. “I am tempted, pero huwag kang mag-‐‑alala, hindi ko gagawin iyon.” Agad niyang nilinis ang sugat nito. Binudburan ng gamot at saka binendahan. Hindi alam ni KC na mataman siyang inoobserbahan ni Waldo. Hindi natatakot sa dugo ang dalaga. Kung iba-‐‑ iba lang siya, tiyak na hinimatay na. Hindi maitago ang paghanga sa tinig ni Waldo nang magsalita. “Matapang ka,” sabi nito. “Paano kung rapist pala ako o mamamatay-‐‑tao?” She just raised her eyebrow. “Are you?” “Hindi,” mabilis na salag nito. “Pero paano kung—” “You’re not, so be it,” pabale-‐‑walang sabi ng dalaga. Nang matapos sa ginagawa ay tinungo niya ang wine cabinet, nagsalin ng alak sa baso at ibinigay sa lalaki. Pagkatapos ay nagsimulang imisin ang mga ginamit sa paggamot ng sugat nito. “Kapag kaya mo na, puwede ka nang umalis,” sabi niya. TIYAK ni Waldo na nakuha ni Drigo ang plate number ng sasakyan ng dalaga at malamang na sa sandaling iyon ay alam na nito kung nasaan sila. Madaling matukoy kung sino ang nagmamay-‐‑ ari ng sasakyan, lalo na sa isang katulad nina Drigo at Atty. Zaragosa na maraming connections. Malamang na nag-‐‑aabang na ang mga ito sa kanya sa labas. Pansamantala ay ligtas siya sa lugar na iyon. “Hindi mo man lang ba muna ako aalukin ng kape habang nagpapahinga ako nang kaunti? Medyo nahihilo pa ako,” sabi ni Waldo. Everything in him speaks danger, sa isip-‐‑isip ni KC. His looks the way he dresses. Hindi ba’t hinahabol ito ng mga lalaki at gustong patayin? If she knew what was good for her, dapat ay pinaalis na niya ito o ‘di kaya’y i-‐‑report sa pulis. But she made the mistake of looking at his face. Five o’clock shadows began to show on his pale face. Maputla pa rin ito sa dami ng nawalang dugo dahil sa tama ng baril sa braso. “Okay, bakit hindi ka lumipat sa salas? Make yourself comfortable while I make our coffee,” alok niya. “Thanks,” nakahingang sabi ng binata. Bagama’t medyo nahilo ito sa biglang pagtayo ay agad na tinungo ang salas. Hindi dahil sa mabait siya at nag-‐‑aalala sa kalagayan ng estranghero kaya niya pinagbigyan ang kahilingan nitong tumigil pansumandali. She just loved danger. And the man out there provided her with the excitement she had never felt for quite a long time. She was dying of curiosity kung bakit hinahabol ito ng mga lalaki at gustong patayin. Nilagyan niya ng tubig at bagong giling na kape ang coffeemaker. Habang hinihintay iyong kumulo ay gumawa siya ng sandwiches. Makalipas ang ilang sandali ay inilagay niya ang mga iyon sa tray, kasama ang kasasalin na kape sa dalawang tasa, at dinala sa salas. Nais sumulak ng dugo niya nang makita ang lalaking nakabulagta na sa sofa. Nakataas pa ang mga paang nakasapatos sa armrest ng sofa. Napakadumi ng mga sapatos nito. “Oh, my God!” bulalas niya. Agad na ibinaba sa center table ang tray at ubod-‐‑lakas na itinulak ang lalaki. “You, dirty swine! Bakit mo itinaas ang paa mo sa sofa ko? My God! Ang dumi na ng carpet ko!” Inis na bumangon si Waldo. “Sorry,” hinging-‐‑ paumanhin nito. “Ipalinis mo sa professional cleaners at ako ang magbabayad sa bill.” Tinitigan ito ni KC mula ulo hanggang paa. Naintindihan naman ni Waldo ang tinging iyon ng dalaga. “All right! All right! Sinabi ko na ngang sa ngayon, wala pa akong pera, pero malapit na. At kapag nakuha ko ‘yon, kahit ang buong building na ito ay kaya kong bilhin,” sabi nito. Tumaas ang kilay ni KC. Halatang hindi naniniwala. “Paano?” Kinuha ni Waldo ang isang tasang kape at humigop kahit hindi pa inaalok. Kumuha rin ito ng sandwich. Nakadalawang kagat na ito nang mapatingin sa dalaga na nakahalukipkip na nakatayo sa may harapan habang pinapanood ito. “Maupo ka. Baka lumamig na ang kape,” alok nito. “Thanks,” matabang na tugon ni KC at naupo. Kinuha niya ang kape at humigop. Agad na naubos ni Waldo ang sandwich. Kumuha pa ng isa. Nang mapatingin ito sa dalaga. “Sige, kumain ka lang. Mukhang ginutom ka nang husto,” sabi naman ni KC. Parang ilang araw na hindi kumain ang lalaki sa gutom. “Talagang nagutom ako nang husto sa pakikipaghabulan sa mga walanghiyang iyon,” sabi ni Waldo. Iyon lang ang hinihintay ni KC. “Bakit nga ba hinahabol ka ng mga lalaking iyon? Tingin ko’y talagang papatayin ka.” Ngumisi si Waldo. “Talagang papatayin ako ng mga tarantadong iyon kapag inabutan ako. Pero hindi ko iyon papayagan. Unahan na lang kami.” “Bakit? Ano ang atraso mo sa kanila? Pinagnakawan mo ba sila?” “Ha! Para sa kanila ay parang ganoon na nga, but actually, hindi. May goods akong dapat na i-‐‑ deliver sa kanila ngunit nang ide-‐‑deliver ko na ang mga iyon ay nalaman kong balak nila akong onsehin kaya itinakbo ko na,” paliwanag ng binata. Oh, no! He’s more dangerous than what she perceived. “I know it! You’re into drugs!” bulalas ni KC na bahagya pang napaangat sa kinauupuan. “Hindi, ah!” mabilis namang tanggi ni Waldo. “Kahit medyo luku-‐‑luko ako, eh, hindi ako humihipo ng droga. Alam kong masama iyon.” Nakahinga nang maluwag ang dalaga. “Then what? Ano’ng itinakbo mo sa kanila?” Umayos sa pagkakaupo ang binata. “This is where you come in. I need a business partner.” Iyon ang ipinagtataka ni KC. Mahusay at mukhang sanay mag-‐‑English ang lalaki, pero ang ayos nito, kilos at pananalita, parang bagamundo. “But first, let me introduce myself. I’m Oswaldo Villaruz. Tawagin mo na lang akong ‘Waldo.’” Nakangiting iniabot nito ang kamay. Saglit na nag-‐‑atubili ang dalaga bago tinanggap ang kamay ng lalaki. “KC Milan,” pakilala naman niya sa sarili. Hindi naman makapal ang palad nito, ngunit hindi rin masasabing manipis. Sa pagngiti ng lalaki ay lumabas ang cute na dimples nito sa magkabilang pisngi, at ang pantay-‐‑pantay at mapuputing ngipin nito. At least, malinis ang ngipin nito at hindi bad breath, sa isip pa ni KC. Napatitig naman si Waldo sa dalaga. “Ikaw ang kaisa-‐‑isang anak ni Guiller Milan? The construction empire heiress?” Ikinibit ni KC ang mga balikat. “Shall we go down to business? Ano ang business proposition mo?” matabang niyang usisa. Pinagkiskis ni Waldo ang mga palad. Parang hindi pa rin ito makapaniwala na kaharap si KC Milan. Alam ng halos lahat na mahilig sumubaybay sa buhay ng sikat na tao ang mga escapades ng dalaga. She was daring and a rebel at heart. “Okay,” panimula ng binata. “Have you heard about the Yamashita Treasure?”
CHAPTER THREE
NGITNGIT na ngitngit si Drigo nang makawala sa paningin ang Range Rover. Kung pagmamay-‐‑ari iyon ng babaing partner ni Waldo, tiyak na bigatin ito. Iilan lang ang nakaka-‐‑afford na magkaroon ng Range Rover sa buong Pilipinas dahil milyones ang halaga niyon. Agad na ini-‐‑report ni Drigo sa kanyang amo— kay Atty. Zaragosa— ang mga pangyayari. “Kailangang ma-‐‑trace natin kung sino ang may-‐‑ari ng sasakyang ‘yon,” mariing utos ni Atty. Zaragosa. Sinabi ni Drigo ang nakuhang plate number ng nasabing Range Rover. Pagkatapos ay muli silang nag-‐‑ikut-‐‑ikot. Nagbabaka-‐‑sakali na makita sa vicinity ang sasakyan. “KRISTINA Cassandra Milan? Sigurado ka?” malakas na tanong ni Atty. Zaragosa sa kausap sa telepono. “Iyon ho ang pangalang nakalagay sa registration,” sabi ng nasa kabilang linya. Napamura si Attorney Zaragosa sabay baba ng telepono. Paanong na-‐‑involve si KC Milan sa lalaking iyon? Kilala niya ang dalaga. Tagahanga siya nito. He admired her beauty, her being outspoken. But he admired her mother more. In fact, niligawan niya si Bessie Acosta. But she turned him down. Iyon pala ay ipagpapalit lang siya sa isang lamang Guiller Milan. At siya ang taong hindi madaling makalimot. He always bore his grudge kahit gaano na katagal iyon. Napangiti siya. Now was his chance to get even. Tinawagan niya si Drigo. Sinabi kung sino at saan ang address ng may-‐‑ari ng Range Rover. Napangisi si Drigo. “Tiyak, wala nang kawala ang lalaking iyon, Boss!” sabi nito. “Pati ang babaing iyon. Pinahirapan niya kami nang husto.” Nayupi ang bumper ng sinasakyan nilang Corolla nang bumangga sila sa isang jeep. Natakot lang ang driver niyon nang tutukan ni Drigo ng baril kaya hindi na ito nagreklamo kahit nang dumating ang traffic policeman. “Gusto kong dalhin mo sila sa akin nang buhay, Drigo. Pakikinabangan pa natin nang husto ang babae. Daig pa natin ang nakahukay ng mina ng ginto sa babaing iyon.” Napangisi si Drigo. “Huwag kang mag-‐‑alala, Boss, hindi matatapos ang magdamag, nasa kamay mo na ang dalawang iyon.” “Huwag kang mangako, Drigo. Gawin mo!” mariing utos ni Atty. Zaragosa. “Yes, Boss.” Ingat na ingat si Drigo sa kanyang amo. Alam nitong namumuro na ito kay Atty. Zaragosa dahil sa pagkakabulilyaso ng lakad kay Waldo. Alam nitong kapag nagalit ang amo ay wala itong maaaring mapagtaguan. Maraming galamay ang abogado, lalo na sa underworld. Kinatatakutan si Atty. Zaragosa ng mga kalaban. “YAMASHITA Treasure!?” Napahalakhak si KC. “Great! So, you’re one of those who believe in that myth.” “Hindi lang alamat o haka-‐‑haka ang Yamashita Treasure, Miss Milan. Totoo iyon. Hindi ba’t nakahukay si Rogelio Roxas ng Golden Buddha at sinasabing inagaw iyon ni Marcos sa kanya? Bahagi iyon ng Yamashita Treasure.” Napailing si KC. “I think nobody really believes that, Mr. Villaruz.” Ayaw niyang patulan ang sinasabi ng lalaki. “Kung sabihin ko sa iyo na may pruweba ako?” hamon nito. “Well. . nasaan? Ipakita mo ang ipinagmamalaki mong pruweba,” ganting-‐‑hamon niya. Inilabas ni Waldo ang brown plastic pouch na nasa loob ng damit nito. Medyo makapal iyon. “Journal ito ng isang Japanese struggler na nahuli sa kabundukan ng Sierra Madre noong nineteen seventy-‐‑nine. Nakipamuhay siya sa mga Ita. Matanda na’t may sakit pa ang sundalong Hapon nang makita ng mga army habang sinusuyod ang Sierra Madre sa layon na linisin ang kabundukan sa mga rebelde. “Nakuha ito ng isang sundalo mula sa mga gamit ng Hapon at itinago. Dahil nakasulat ang journal sa wikang Hapon ay hindi mabasa ng sundalo. Dinala ito sa isang kilalang linguist at ipina-‐‑translate. Narinig mo na ba ang pangalang Dr. Martin?” “Yes. The historian na kamakailan lang ay natagpuang patay sa kanyang study room at ang pinaghihinalaang pumatay ay isang magnanakaw?” Tumango si Waldo. “I-‐‑ikaw ang pumatay sa professor?” Noon lang sinagilahan ng takot si KC. Mabilis na naghanap ang mga mata ng maaaring ipananggalang kung sakaling umatake ang lalaki. “Magnanakaw lang ako, hindi ako mamamatay-‐‑tao,” mabilis na sangga ni Waldo. “Ikaw ang pumasok sa bahay niya?” “Oo. Ngunit sa araw ako pumasok sa bahay niya at hindi nang gabing mangyari ang krimen. Malamang ay sina Drigo ang pumatay kay Dr. Martin,” sabi ni Waldo. Doon nalilito ang binata. Bakit inutusan pa siya ni Atty. Zaragosa na kunin ang mga papeles sa bahay ng professor kung balak naman pala nitong unahan siya sa assignment? Alin sa dalawa: talagang walang balak si Zaragosa na bayaran iyon sa kanya kundi sine-‐‑set up lang siya? O may iba pang grupo na interesado sa nilalaman ng journal? Mas malamang ang una. Gusto siyang gawing fall guy ni Zaragosa. Malas lang ng mga ito. Matunog siya kaya naunahan niya. “Paano mo nalaman ang tungkol diyan sa journal na ‘yan?” tanong ni KC. Napatingin si Waldo sa dalaga. Lihim na napangiti. She was getting more curious. Kaunti na lang at mapapatango na nito si KC. Kailangan ni Waldo ang dalaga. Her money. Kung walang magpi-‐‑finance sa binata, malamang na maunahan ito nina Drigo at Atty. Zaragosa. Kailangan nitong kumilos agad. “Magkaibigan sina Attorney Zaragosa at Doctor Martin. Magka-‐‑brod sila sa Knight of Columbus. Minsan ay naikuwento ni Doctor Martin ang tungkol sa journal sa harap ng mga kaibigan habang nag-‐‑iinuman sila. “Naging interesado roon si Attorney Zaragosa. Ngunit nang tanungin uli si Doctor Martin ay naging tikom na ang bibig nito. Pinasubaybayan ni Attorney Zaragosa kay Drigo ang bawat galaw ni Doctor Martin. Mahusay si Drigo. Binayaran ang katulong ng mga Martin. Iyon ang nagre-‐‑ report kay Drigo sa progress ng ginagawa ng amo. “Mahirap pasukin ang bahay ng professor. Nasa loob iyon ng isang exclusive village. Hindi basta-‐‑basta mapapasok. May naunang inutusan si Attorney Zaragosa para nakawin ang journal. Ngunit hindi pa man nakakaakyat sa bakod ay nahuli na. Ayon sa katulong ay nagpakabit na ng burglar alarm si Doctor Martin. Mas mahirap nang pasukin ang bahay. Maging ang safety vault na nakalagay sa loob ng study room ay pinalagyan ng alarm system. “Kaya kinontak ako ni Attorney Zaragosa. Hindi sa pagmamayabang ngunit alam niya, I am the best in this business. Nakuha ko ang journal. Ang usapan namin ni Attorney Zaragosa sa telepono ay magkikita kami ni Drigo sa may seawall sa may PICC. “Nauna ako roon. Mabuti na lang at nasa akin ang bentahe. Kilala ko sila, samantalang sila’y hindi ako kilala. Narinig ko na nag-‐‑uusap sina Drigo at Burgo habang naghihintay. Na itutumba nila ako pagkatapos, kaya inunahan ko na sila. “Ito ang original na journal at ang translation na ginawa ni Doctor Martin.” Noong una ay hindi naman talagang interesado si Waldo kahit nabasa na nito ang nilalaman ng journal. Kung tumupad lang si Atty. Zaragosa sa kanilang usapan ay ibibigay naman nito ang mga papeles. Ngunit si Zaragosa ang unang sumira sa kanilang usapan. “Ano ang nakasaad sa journal?” tanong ni KC. Tumaas ang kilay ni Waldo. “Hindi ka pa pumapayag kung partner tayo o hindi.” “Kailangan ko pa ng pruweba. Na hindi kuwentong-‐‑kutsero ang sinasabi mo,” sabi ng dalaga. Mula sa pouch ay may inilabas si Waldo na isang nakatiklop na lumang tela. Iniladlad iyon. “Ito ang mapa kung saan ibinaon ang kayamanan.” “Tingnan ko.” Anyong aabutin ni KC ang mapa ngunit mabilis na inilayo iyon ng lalaki. Tiniklop at ibinalik sa loob ng pouch at muling ipinaloob sa damit. “Okay, ano ang magiging role ko sa sinasabi mong partnership?” napilitang tanong niya. “Ikaw ang aking magiging financier. Fifty-‐‑fifty tayo sa hatian ng treasure kapag nakita natin,” sabi ni Waldo. “Mukhang lugi ako ro’n. Paano kung hindi makita ang kayamanan? Paano ko makukuha ang perang in-‐‑invest ko?” “Walang dahilan para hindi natin iyon makita. Naroroon lang ang kayamanan. Hinihintay tayo para hukayin iyon.” Umiling ang dalaga. “Walang kasiguruhan. Nasa sa akin pa rin ang risk.” “Okay, split tayo sa makukuha natin, saka mo i-‐‑charge sa akin ang lahat ng gastos,” ang offer ni Waldo. Sandaling nag-‐‑isip si KC, pagkuwa’y tumango. “Sige, payag na ako. Kailan tayo aalis?” “Tayo? Aalis? Sasama ka?” “Of course. I have to protect my investment. Paano ako nakakatiyak na hindi mo ako tatakbuhan kapag nakuha mo na ang kayamanan?” “Anak ng baka! May isang salita ako. Trust me,” sabi ng binata. Natawa nang malakas ang dalaga. “Trust you?” Tumayo na si Waldo. “Alam mo ba kung saan matatagpuan ang kayamanan? Nasa bundok. Maglalakad tayo nang malayo. Mahirap at tiyak na hindi mo kakayanin.” Humalukipkip si KC. Nag-‐‑isang linya ang mga labi niya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang tinatrato siyang isang mahina. She had enough of that from her family, especially from her Lola Virginia, who treated her like a China doll na dapat pangalagaang mabuti. She may be slim; she may not be as tall as her mother; she may not be as tough and strong as Bessie Acosta; but she was not a weakling. And she was always trying hard to prove it. Waldo knew at once that it was the wrong word to say. Dahil lalong nahamon si KC. “I am not as fragile as I look,” sabi niya. “It’s either kasama ako or the deal is off. Mamili ka.” “Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” napipilitang sang-‐‑ayon ng binata. Alam nitong isa na namang maling desisyon iyon ngunit wala naman itong choice kundi pumayag sa kondisyon ni KC. “Pero ipapauna ko na sa iyo, hindi picnic ang pupuntahan natin.” Napangiti ang dalaga. “Tatawagan ko ang aking abogado para ihanda ang kontrata.” “Abogado?” Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Waldo. “I don’t do business without the binding contract. Ano ang panghahawakan ko?” “Kasama ka na nga. Hindi pa ba sapat iyon?” Sandaling nag-‐‑isip si KC bago sumang-‐‑ayon. “All right. There’s no need of the contract but on one condition: I’ll hold the purse. Ako ang magbabayad ng lahat ng gagastusin natin.” “Okay,” sang-‐‑ayon ng binata. “Kailangan lang ay makaalis tayo agad dito dahil malamang na nasundan na tayo nina Drigo—” Nang sabay silang mapatingin sa pinto. Gumagalaw ang seradura niyon. May nagtatangkang magbukas mula sa labas. “Sina Drigo!” paanas na sabi ni Waldo sa dalaga. “A-‐‑are you sure? Paano silang nakalusot sa mga guwardiya sa ibaba?” “Wala na tayong panahon na alamin iyon! Tayo na!” Hinila na nito sa kamay si KC. “Sandali!” She grabbed her shoulder bag at mabilis na nilang tinungo ang fire exit. Narinig nila ang mahinang putok ng baril. Nabuksan na ni Drigo ang pinto. Hindi pa sila masyadong nakalalayo ay nasundan na sila ni Drigo at binabaril sila habang papababa ng hagdan. Napatili si KC nang humaging sa may ulunan niya ang bala ng baril. Pagdating nila sa ibaba ay nakita nila ang dalawang guwardiya na walang malay sa sahig. Mabilis na nagtungo sila sa base-‐‑ ment na kinaroroonan ng Range Rover ng dalaga. Si Waldo ang naupo sa driver’s seat.”Akina ang susi, dali!” “My God! Naiwanan ko ang key ko sa itaas!” hysterical na bulalas ni KC. Hinablot ni Waldo ang wire. “A-‐‑ano’ng ginagawa mo? You’re ruining my car!” hilakbot niyang bulalas. Hindi pinansin ni Waldo ang paghihisterya niya. Inirekta, pinagdikit ang dalawang wire at ini-‐‑start ang sasakyan. Umandar iyon. Tamang papalabas na sila ng basement nang lumabas mula sa elevator sina Drigo at Burgo. Pinaputukan sila. Malakas na napamura si Drigo nang makitang mabilis na nakatakas ang dalawa. Sumagitsit ang preno nang pumarada sa tapat nila ang Toyota Corolla. “Habulin mo iyon!” sigaw ni Drigo. Mabilis na pinaarangkada ng nagmamanehong si Ando ang sasakyan. Pa-‐‑dive namang sumakay sina Drigo at Burgo. “‘Tangna! Bakit mo kami iiwan?” “Eh, sabi mo, Bossing, habulin ko ang mga ‘yon.” Nang marinig nila ang sirena ng mobile patrol. “Namputsa! Iiwas mo!”
CHAPTER FOUR
NATANAW ni Waldo ang karatula ng isang motel. Mabilis nitong ipinasok doon ang minamanehong sasakyan. Agad na sumara ang garahe. “Pansamantala ay safe tayo rito.” Bumaba na ito. Mabilis na sumunod si KC at walang sabi-‐‑ sabing sinampal ang lalaki. “Bakit!?” takang-‐‑tanong ni Waldo. “Idiot! You wrecked my car!” Anyong sasampalin niya uli ito ngunit mabilis na nahagip ni Waldo ang kamay niya. Pinigilan iyon at dinala sa kanyang likod. “Anak ng baka! Mamamatay na nga tayo’y ang sasakyan mo pa rin ang inaalala mo.” Halos mag-‐‑ umpugan na ang kanilang mga mukha sa sobrang pagkakadikit. “Range Rover ang sasakyan ko kung nakakalimutan mo! Alam mo ba kung magkano ang halaga niyan?” galit na pagdiriin ni KC. “Bakit hindi mo pa ipangalandakan sa mukha ko na mas mahal pa ang lintik na sasakyang ‘yan kaysa sa buhay ko? Come on, sabihin mo!” Naglaban ang kanilang mga titig. Para silang mga toro na kapwa sumisingasing ang mga ilong sa tindi ng galit. Nang mapadako ang mga mata ni Waldo sa mga labi ng dalaga. Maganda ang hugis ng mga labi ni KC. Full ang lower lip niya na may bahagyang gilit sa gitna at natural iyon na kulay-‐‑ makopa. He wanted to taste those lips. Dahan-‐‑dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. He was going to kiss her. Gustong umiwas ng dalaga ngunit parang nawalan siya ng kakayahang kumilos. Napalunok siya. “Babayaran mo ang lahat ng mga damage sa kotse ko,” ang nasabi niya. Damn! He never mixed business with pleasure. Tila napapasong binitiwan ni Waldo ang dalaga. “Hayaan mo, kapag nakuha natin ang kayamanan, kahit tatlong Range Rovers ay ibibili kita,” matabang na sabi nito. Tamang lumapit ang room boy. Ibinigay kay Waldo ang isang susi. Inis na kinuha iyon ng lalaki at nauna nang umakyat sa itaas. Walang nagawa si KC kundi ang sumunod. Binuksan ni Waldo ang silid at pumasok ito. Nakasunod pa rin ang dalaga. Iginala ni KC ang paningin sa kabuuan ng silid. Hindi na niya kailangang tanungin kung nasaan sila. Silid iyon ng isang motel. Malalaki ang salamin sa dingding at maging sa kisame. “Dito tayo matutulog?” Tiningnan siya ng lalaki. Mabilis na tumalikod si KC. Hinabol siya ni Waldo. “Saan ka pupunta?” “Hindi ako matutulog na kasama ka sa iisang kuwarto at iisang kama,” galit na sabi ng dalaga. “At ano ang gagawin mo?” “Aalis ako,” aniya. “Saan ka pupunta? Nag-‐‑aabang sa labas sina Drigo.” “Then get another room for me,” determinadong sabi niya. “Magkakahinala ang room boy. Huwag kang mag-‐‑alala, your virtue is safe with me. I assure you that. I never mix business with pleasure. That’s bad for the business.” Napatitig si KC sa binata. Pilit na inaarok ang katapatan ng mga sinabi nito. “Ang tanging mahalaga lang sa akin ngayon, Miss Milan, ay ang makuha ang kayamanan. Kapag nakuha natin iyon at nakuha ko na ang parte ko ay mababayaran na kita sa lahat ng atraso ko sa iyo. Pagkatapos ay maaari na tayong magkanya-‐‑kanya ng lakad.” Huminga nang malalim si KC ngunit hindi na kumibo. “Good. Ngayon ay nagkakaintindihan na tayo. Ikaw na ang mauuna sa shower o ako?” anang binata. “I’ll be the first but wait— I have to call my Papa Jonie.” Humingi siya ng outside line. Tiyak niya na nakarating na sa tiyuhin ang nangyari sa condo unit niya. Wala ang parents niya, nasa ibang bansa para sa isang business cum pleasure trip. Ayaw niyang masira ang pagbabakasyon ng mga ito nang dahil lang sa pinasukan niyang gulo. Ang tiyuhin agad ang nasa kabilang linya. “Kristina Cassandra, are you all right? What happened? Katatawag lang sa akin ng building superintendent ninyo at ini-‐‑report ang nangyaring shootout sa unit mo.” “Of course, I’m all right. It’s nothing, Papa Jonie. I met a former male friend at Robinson’s Place today; inihatid niya ako sa condo ko. Hindi ko alam na may atraso pala siya, nasundan siya hanggang sa condo.” “And where are you now?” “Nandito ako sa bahay ni Millet,” pagsisinungaling niya. “Susunduin kita,” deklara ni Jonie. “No need, Papa Jonie! We’re about to go out. Gi-‐‑gimmick kami ni Millet,” naalarmang tanggi ni KC. Napabuntong-‐‑hininga si Jonie. “Paano kapag nalaman ng parents mo ang nangyari?” “You won’t tell them, will you?” malambing na sabi ni KC. “Kristina Cassandra, you’re giving me a headache.” “Bye, Papa Jonie. I love you!” Mabilis na niyang ibinaba ang phone at tinungo ang banyo. Pagkatapos ng naging ordeal nila, walang gustong gawin si KC nang mga sandaling iyon kundi ang mag-‐‑shower at magpahinga. Patungo na siya sa banyo nang may kumatok sa pinto. Na-‐‑tense ang dalaga. Nakahinga siya nang makitang ang room boy ang napagbuksan ni Waldo at may pinapirmahan sa lalaki. Tuluyan na siyang pumasok sa banyo. Nakadama ng ginhawa si KC nang maglandas sa balat niya ang mainit-‐‑init na tubig. May maliit na sabon at shampoo na provided ng motel. Inamoy niya ang sabon. Hindi iyon ang brand ng sabon na ginagamit niya ngunit pinagtiyagaan na niya. Nang matapos maligo ay saka niya naalala na wala siyang dalang damit. Hindi siya kailanman nag-‐‑uulit ng damit na hinubad na. Ibinalabal na lang niya ang tuwalya sa katawan, itiniklop ang mga damit na hinubad at saka lumabas ng banyo. Napatingin si Waldo sa relo nang lumabas ang dalaga mula sa banyo. “Akala ko ay d’yan ka na matutulog sa loob ng banyo,” sabi nito. “Ganoon ka ba talaga katagal maligo? Isang oras ka na sa loob, ah! Aba’y matabang na matabang ka na!” Inirapan lang ni KC ang lalaki. Hindi niya ito pinansin na tinungo ang telepono. Tumawag sa counter sa ibaba. Tinanong kung may laundry service ang mga ito. Nakahinga siya nang malamang mayroon. Agad na ipinakuha niya ang mga damit. Pumasok na rin si Waldo sa loob ng banyo. Kinatok ito ni KC. “Akina ang mga damit mo. Ipapa-‐‑laundry natin,” sabi ng dalaga. Bahagyang binuksan ni Waldo ang pinto at initsa ang mga hinubad na damit. Nakataas ang tatlong daliri na dinampot ni KC ang mga iyon at ibinigay sa room boy. “Huwag mong pagsasamahin ang damit niya at damit ko,” pagbibigay-‐‑instruction niya rito. Nainis si Waldo na narinig ang sinabi ni KC. Lumalabas kasi na parang nandidiri dito ang dalaga. Wala pang sampung minuto ay lumabas na ito ng banyo. Nakaligo na, nakapag-‐‑ahit na rin at tulad ni KC ay nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Nakaupo naman ang dalaga sa ibabaw ng kama. Itinapis niya ang kumot sa katawan. Napalunok si Waldo. She was beautiful when she was dressed and fully made up pero higit na maganda si KC ngayon, with her shoulder-‐‑length hair cascading behind her back. Her face devoid of any make-‐‑up. Makinis na makinis at maputing-‐‑ maputi ang kanyang kutis. Pilit na sinusupil ni Waldo ang nararamdaman. Right now, hindi nito ma-‐‑afford na magkaroon ng komplikasyon sa pagitan nila. Kinuha ng binata ang maliit na medical kit sa backpack; inilabas ang bagong biling gasa, bulak at Betadine, at sinimulang linisin ang sugat sa braso. May isinusulat naman si KC sa maliit na leatherbound notebook, pagkuwa’y dinampot ang maliit na calculator sa harap. Mabilis na nagpindot. “Thirty thousand and five hundred pesos,” aniya pagkatapos. “Ano ‘yon?” takang-‐‑tanong ng binata na nahinto sa ginagawa. “Iyon ang kabuuan ng utang mo sa akin,” aniya. “Thirty thousand? Bakit ang laki?” “Hey, sa sira pa lang iyon ng sasakyan ko, ha? Hindi pa kasama ang bill natin dito ngayon. Pasalamat ka nga’t hindi ko na isinama rito ang ipinainom ko sa ‘yong kape at sa gamot na ginam-‐‑ it ko sa sugat mo.” “Salamat,” matabang na tugon ni Waldo. Matapos malinis ang sugat at mapalitan iyon ng bagong dressing ay naupo na sa kama at humandang matulog. “Oh, before I forget, babayaran mo nga rin pala ang nasira sa condo unit ko. Iyong doorknob na sumabog at ang nabasag na salamin ng bintana.” Napaungol na lang ang binata. Anyong hihiga na ito nang: “Ano’ng ginagawa mo?!” kunot-‐‑ noong bulalas ni KC. “Matutulog na. Inaantok na ako.” “No way! Hindi ka rito matutulog sa kama ko. Diyan ka sa sahig.” Iniitsa ng dalaga ang isang unan sa lapag. “Ano? Ang lamig diyan. Baka magkasakit ako. Ang luwang-‐‑luwang nitong kama,” angal ni Waldo. Pinandilatan ito ni KC. Hindi na kumibo ang binata. Inayos na lang nito ang higaan sa ibaba ng kama. IT WAS warm. Lalo pang isiniksik ni KC ang katawan sa katabi. Isang malalim na buntong-‐‑hininga ang pinakawalan ni Waldo. She smelled so sweet, she was so soft and so beautiful in the early morning. Natutukso na itong yakapin at halikan ang dalaga ngunit pilit nitong nilalabanan ang sarili. Dahan-‐‑dahan nitong inalis ang kamay ni KC na nakayapos sa bewang nito. Nagising ang dalaga. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang may katabi na siya sa kama. Dahilan upang humulagpos ang kumot na nakabalot sa katawan niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” galit na sita niya sa lalaki sabay tulak dito. Ngunit para lang siyang nagtulak sa pader. Hindi ito matinag. “Malamig sa sahig, eh. Wala pa akong kumot,” katwiran ni Waldo. Gusto nitong bawiin ang paningin ngunit tila napagkit na ang mga mata nito sa nakabuyangyang na dibdib ng dalaga. Her breasts were small but firm and beautiful. Napansin ni KC ang pagkakatitig ni Waldo sa bahaging iyon ng katawan niya kaya mabilis na hinila niya ang kumot at itinakip sa dibdib. “Magbihis ka na. Maaga tayong lalakad,” pabale-‐‑walang sabi ng binata na mabilis na tinungo ang banyo. He tried to hide the obvious bulge behind the towel. Hindi na rin iyon napansin ng dalaga na nagmamadaling isinuot ang mga damit na maayos na nakatiklop sa ibabaw ng corner table. “MAY PERA ka?” tanong ni Waldo habang kumakain sila ng almusal. “Why?” tanong ng dalaga. “Mamimili tayo ng mga gamit natin sa pag-‐‑ alis.” “Five hundred lang ang cash ko, but I have my ATM card and my credit card with me,” ani KC. “Good. Kailangang makaalis tayo sa lalong madaling panahon.” “Saan ba tayo pupunta?” “Sa Palanan,” sabi ni Waldo. “Okay, sasaglit ako sa condo. Kukuha ako ng mga gamit ko.” “Siraulo ka ba? Tiyak na may nag-‐‑aabang na sa iyo sa condo mo. Bumili na lang tayo ng mga gamit natin. Ikaw ang financier, hindi ba? Magagamit natin sa pamimili ng mga gamit ang credit card mo pero kailangan din natin ang cash kapag bumiyahe na tayo,” paliwanag ni Waldo. “How much?” tanong ni KC. Sinabi ng binata kung magkano ang kailangan niyang dalhin. “All right. Pero matatagalan kung sa ATM ako maglalabas. Dumaan tayo sa bangko ko.” BINUKSAN ni Waldo ang TV nang patapos na sila sa pag-‐‑aalmusal. Tamang-‐‑tamang na-‐‑tune in nito sa pang-‐‑umagang balita. Headline ang tungkol sa “pagkidnap” kay KC Milan. Ipinakita sa balita ang aftermath nangyaring shootout sa condominium unit ng dalaga. Ang nawasak na seradura ng pinto at salamin ng bintana na tinamaan ng bala ng baril. “Oh, my God!” Patakbong tinungo ni KC ang kinaroroonan ng telepono. Ngunit bago pa siya naka-‐‑dial ay mabilis siyang pinigilan ni Waldo. “Sino’ng tatawagan mo?” “Si Papa Jonie.” Muli siyang nag-‐‑dial. Ang tiyuhin agad ang nasa kabilang linya. “Papa Jonie, it’s me, KC. Hindi totoo ang nasa balitang kinidnap daw ako.” “But I want to see you first. You lied to me, Kristina Cassandra. Katatawag ko lang kay Millet at nasabi na niya sa aking wala ka ro’n bago pa siya makapagkaila,” may galit na sabi ni Jonie. “I’m sorry, Papa Jonie.” Huminga siya nang malalim. “All right, I’ll drop by at your office this afternoon, okay?” Pagkasabi niyon ay nagpaalam na siya sa tiyuhin at ibinaba ang telepono. “Kailangan kong makipagkita kay Papa Jonie,” baling niya kay Waldo. “Kundi, hindi titigil ang mga iyon sa paghahanap sa akin.” “Sige. Pero kailangan na muna nating mamili ng mga gamit natin. Hindi natin puwedeng gamitin ang kotse mo. Kilala na iyon nina Drigo. Ipakuha na lang natin sa motor shop. May kaibigan ako na siyang may-‐‑ari ng Megamotion.” Doon din nagpapagawa si KC ng sasakyan, kaya hindi na siya tumutol.
CHAPTER FIVE
SA ISANG specialty shop nagtungo ang dalawa. Namili sila ng mga kakailanganing gamit: mountaineering bags, camping equipments, isang tent na maaaring i-‐‑fold nang maliit, kawali na malalim at puwedeng tiklupin, isang kutsilyo na may kasama nang abre-‐‑lata, kutsara’t tinidor, at kung anu-‐‑ano pang gadgets na natitiklop nang maliit. Tuwang-‐‑tuwa si KC habang namimili sila. Inilatag ni Waldo ang mga pinamili nila sa isang bakanteng mesa sa loob ng shop at matamang inimbentaryo para malaman kung may nalimutan pa sila. “How about a stove?” tanong ni KC. “Ano’ng gusto mo, Technogas o La Germania?” patuyang tanong din ni Waldo. “Saan tayo magluluto?” inis na tanong ng dalaga. “Magka-‐‑camping tayo. Kaya ang gagamitin natin ay kahoy,” anang binata. “Maglalakad tayo, kaya kailangang mga importante lang ang dadalhin natin. Kailangang bumili tayo ng hiking boots at mga damit na aakma sa pupuntahan natin.” Pinamili nito si KC sa mga sapatos na naroroon. Umiling ang dalaga. Hindi niya type ang style ng mga sapatos. Hindi sanay ang paa niya sa mga ganoong klaseng sapatos. “Hindi mo kailangan ang maganda. Ang kailangan mo ay iyong matibay at komportableng isuot,” ani Waldo. Pumili siya ng anim na medyas. “Ang dami naman niyan.” Ibinalik ni Waldo ang lima. “Don’t tell me I don’t need a change of socks. Ayokong mangamoy ang paa ko, ano?” angal ni KC. Napabuntong-‐‑hininga na lang ang lalaki. “All right, pero dalawa lang ang bilhin mong medyas.” Gumawi naman sila sa kinaroroonan ng mga damit. Mga camouflage pants and shirts. “Oh, no! Hindi mo ako kailanman mapagsusuot ng mga army surplus na ‘yan.” Iniisip pa lang ni KC na magsusuot siya ng ganoon ay nangangati na siya. “Hindi mga army surplus ito. Pulos bago ang mga ito,” sabi ni Waldo. Ngunit hindi nito napilit ang dalaga. “I’ll find something at the boutique,” ani KC na nasa tinig ang likas na stubborness. Inis na inis si Waldo sa kaartehan ng dalaga. Hindi na lang ito kumibo. Ito na lang ang namili ng mga damit na kakailanganin nila. Matapos mabayaran ang mga pinamili ay lumipat sila sa isang boutique. Habang namimili si KC ay nakasunod naman ang binata. Kumuha ng silk blouse ang dalaga. “Hindi practical ang ganyang damit. Masisira lang ‘yan kapag nasabit.” Kinuha ni Waldo ang blouse sa kamay ni KC at ibinalik sa display. Pero muli iyong kinuha ng dalaga. “If I’m going to live rough, don’t deny me a few extravagance in life,” sabi niya. Hindi na niya iyon isinukat at isinama na sa mga babayaran. Kumuha rin siya ng pants, soft velvet pants. Ngunit muling umiling ang binata. Inis na inis si KC. Tuloy ay hapon na nang matapos silang mamili ng mga kailangan nila. Napatingin si KC sa relo. Oras na para makipagkita siya sa tiyuhin. NANG dumating si KC sa T&A Towers ay naroroon na at naghihintay ang mag-‐‑asawang Jonie at Alaiza, gayundin ang mag-‐‑asawang Balsy at Ruel. Lihim na napabuntong-‐‑hininga ang dalaga. Inihanda niya ang sarili sa matinding confrontation. How she wished na hindi ganoon ka-‐‑close ang family ties ng pamilyang kinabibilangan niya. Nasa mga mata ng mga ito ang concern nang bumungad siya sa pinto. “You’re safe. Thank God!” Mahigpit na niyakap ni Balsy ang pamangkin. “Tita, naman, of course I’m safe.” Isa-‐‑isang humalik si KC sa mga ito. “Balitang-‐‑balita ang tungkol sa pagkidnap sa iyo,” ani Jonie na obvious na alalang-‐‑alala rin para sa dalaga. Pabale-‐‑walang ikinibit ni KC ang mga balikat. “Alam n’yo naman ang mga taga-‐‑media. Lahat ng kilos ko ay isang malaking balita, kahit hindi totoo.” “How will you explain ang shootout na nangyari sa condo mo? I’ve been there. Nakita ko, wasak ang doorknob ng main door mo at basag ang salamin ng bintana sa kusina. May mga nakuhang basyo ng baril sa paligid. Obviously ay binabaril ka habang papalabas ka sa fire exit,” pahayag ni Ruel. “It’s not me they were after, kundi iyong kaibigan ko. Galing ako sa shop ni Millet nang magkita kami sa department store. I’ve never seen him for years. Nang pauwi na ako, he insisted na ihatid niya ako sa condo. Hindi ko alam na may mga kaaway pala siya. Nasundan kami hanggang sa condo ko.” “Sino ang lalaking iyon?” tanong ni Jonie. Malambing na yumakap si KC sa ama-‐‑amahan. “Hindi ninyo kilala. Na-‐‑meet ko siya sa isang party, and that was years ago,” pagsisinungaling niya. “Nasaan na ang lalaking ‘yon?” usisa ni Alaiza. “Wala na, Mama Alaiza. Umalis na,” kaila uli niya. “Aalis din ako ngayon. Naka-‐‑schedule na ang flight ko this evening. Pupunta na muna ako sa Hong Kong. I don’t want to get involved with this mess. Baka ako ang mapagbalingan ng mga naghahanap kay Carlo.” Patuloy siya sa pag-‐‑ iimbento ng kasinungalingan. “Bakit hindi ka na lang muna sa Cebu? Kina JD at Lynette. O sa San Roque kaya,” suhestiyon ni Balsy. “And what will I do there? Soon I’ll die of boredom,” reklamo niya. “Sa Hong Kong na lang. I want to go shopping anyway.” She deliberately looked at her watch. “I have to go. I still have some packing to do.” Humalik na siya sa mga ito. “Take care,” sabi ni Balsy na muling niyakap ang pamangkin. “Yes, Tita, and thanks,” anang dalaga. “Sige, Mama Alaiza, Papa Jonie, Tito Ruel,” paalam niya. Saka lang siya nakahinga nang nakasakay na siya sa elevator. Bago lumabas ng elevator ay isinuot na niya ang jacket at sunglasses. Tinungo na niya ang taxi na naghihintay sa labas. Naghihintay naman si Waldo sa tapat ng building. Nang makitang pasakay na ang dalaga ay mabilis na rin itong sumakay. “Whew! Akala ko’y hindi na ako makakalusot sa kanila,” naibulalas ni KC. “Let’s go.” Nagbalik sila sa motel. “Ano ‘tong mga ito? Kalahati na yata ng buong department store ang binili mo,” sita ng binata habang tinitingnan ang isang bunton ng mga pinamili ng dalaga. “Mga personal na gamit ko ang mga ‘yan,” ani KC. “Hindi mo maaaring dalhin lahat ‘yan. Iyon lang kaya mong buhatin ang dadalhin mo. Most of the time ay maglalakad tayo,” sabi ni Waldo. Isa-‐‑isa nilang inilatag sa ibabaw ng kama ang mga pinamili ng dalaga. “Ano ito?” Dinampot ng binata ang malaking bote ng isang imported brand na lotion. “Lotion. Of course I need to have my brand of lotion. Kahit mamumundok tayo, ayokong mag-‐‑ chaf ang skin ko.” “Pero huwag naman ganyan kalaki.” Natuon ang tingin ni Waldo sa shampoo na nasa malaking bote rin. “‘Yong shampoo mo ay puwede nang sachet na lang— Ano ito? Bakit may blow-‐‑dryer ka pa?” “I can’t just let my hair dry alone, magra-‐‑riot.” Natural na kulot ang buhok ni KC. Iyon ang namana niya sa ina at sa kanyang Lolo Greg. “Saan mo isasaksak ‘yan? Magdadala ka ng generator?” inis na sabi ni Waldo. Nabaling pa ang pansin nito sa iba pang dadalhin ng dalaga. “You don’t need another pair of sneakers. At bakit ang daming panties nito?” “Undies,” pagtatama ni KC. “They are disposables naman.” “‘Di ba sinabi ko sa iyo, hindi mo kailangan ang silk blouse. Mainit sa probinsiya. Ang kailangan mo ay cotton shirts. Mas praktical.” Isa-‐‑isang inihiwalay ng binata ang mga dapat at hindi dapat na dalhin ng dalaga. “Not that dress. Katerno ‘yan ng pants ko,” reklamo ni KC na panay ang rescue sa mga gusto niyang dalhin na dini-‐‑disregard ni Waldo. “Why don’t you leave me alone and let me decide what I would bring with me?” galit na sabi niya. “Sige. Ikaw ang bahala. Remember, iyong kaya mo lang buhatin ang dadalhin mo. Huwag mong asahan na ipagbubuhat kita. Dadalhin mo pa ang sleeping bag mo at paghahatian natin ang food provision natin.” Mabilis na nag-‐‑empake si KC. Nang buhatin ang bag na kinalalagyan ng mga dadalhin niya ay hindi man lang niya mabuhat sa bigat. Napilitan siyang magbawas sa mga iyon. Pero hindi pa rin niya mabuhat. “Ako na ang mag-‐‑aayos. Kaya parang mabigat at bulky ay dahil hindi nakaayos nang mabuti ang pagkakaempake,” anang binata. Ayaw man ay pumayag na rin si KC. Nang subukan niya uling buhatin ang bag matapos maiayos ni Waldo ang pagkakaempake ng mga gamit niya ay nabuhat na niya iyon. Pero mas marami na ang naiwanan kaysa dadalhin niya. “Ipapadala na lang natin sa condo mo ang mga gamit na maiiwan mo,” sabi ni Waldo. NONSTOP kada oras ang alis ng mga bus papunta sa Isabela at Cagayan Valley. Sumakay sila sa pang-‐‑alas-‐‑diyes na biyahe ng panggabing bus. “Ilang oras ba ang biyahe?” tanong ni KC na umayos na sa pagkakaupo sa tabi ng bintana. “Mga ten hours, more or less,” tugon ni Waldo. “Ten hours? Saang lupalop ba ng mundo matatagpuan ang lugar na iyon?” “Kalahati pa lang iyon. Malayo pa ang Palanan. Nasa boundary iyon ng lalawigan ng Isabela at Quirino Province.” “Magbu-‐‑bus din tayo?” Parang gusto nang umurong ng dalaga. “Mag-‐‑eeroplano tayo. Isang beses isang araw ang flight. Kaya dapat ay abutan natin iyon bukas ng umaga,” anito. “Hay, salamat,” nakahingang sabi ni KC. Umayos na sila sa kanilang upuan. Napuno agad ang bus. Nakahinga si Waldo nang umalis na iyon. Nagkukuwentuhan sila habang tumatakbo ang bus. KC wanted to be friendly with this stranger. Kapag nalaman ng daddy niya na sumama siya sa isang lalaki na hindi pa naman niya kilala nang husto, tiyak na uusok ang bumbunan nito. “And what do you do for a living, Mr. Villaruz, besides taking other people’s valuables?” kaswal na tanong niya. “Bakit ba hindi mo pa diretsahin na magnanakaw ako?” ganting-‐‑tanong naman ng binata. “All right, a thief. Maliban doon. .” Tumaas ang kilay ni Waldo. “And you think, bukod sa pagiging kawatan ay may iba pa akong trabaho?” “It seems to me that you’re not an ordinary thief.” “Bakit mo naman nasabi iyon?” “For one thing, mukha ka namang may pinag-‐‑ aralan. Diretso kang magsalita ng English,” aniya. “Of course, I am not an ordinary thief. I am a professional. The best in the business,” may pagmamalaking sabi ng binata. Na para bang isa itong doktor o abogado. “What? Nagawa mo pang ipagmalaki iyon?” “What’s wrong with it? It’s just like any other profession. Ano ba ang ipinagkaiba ko sa mga magnanakaw na nakakurbata na nagkalat sa pamahalaan? Iyong mga ginagamit ang posisyon nila para makapagnakaw sa kaban ng bayan? Ako, pinipili ko lang ang mga taong pinagnanakawan ko. Iyon lang alam kong hindi nila iindahin kahit mawalan sila ng pera at alahas. Pero ang mga magnanakaw sa pamahalaan, buong bayan ang pinagnanakawan,” pahayag nito. “Hmmm. . Sabagay, may punto ka riyan,” sang-‐‑ayon ni KC. “What about you? Bukod sa pakikipagsosyalan, ano naman ang ginagawa mo?” “Hey, don’t you dare judge me. I am not just an ordinary rich spoiled brat,” depensa ni KC sa sarili. Ngumisi si Waldo. “Of course, you are rich and spoiled. Ordinary. . no.” Inirapan ito ng dalaga. “I have my profession. I am an interior designer. A freelancer.” Tumaas ang kilay ng binata. “I choose my clients well. I am not available for everybody. Usually ay para lang sa bahay at opisina ng mga kaibigan at kakilala ko who think that it’s an honor to charge them a fee as high as the sky.” Napangiti si KC. The more she became choosy with her clients, the higher fee she demanded, at mas lalo siyang nagiging in-‐‑demand. But interior designing was just a hobby for her and she knew that she was very good at it. When she did something, she always put her heart into it. HINDI namalayan ni KC na nakatulog na pala siya. Namalayan na lang niya na hindi na tumatakbo ang bus. Nagmulat siya ng mga mata. Nakasandal na pala siya sa dibdib ng katabi. “Sorry. . ginawa na kitang kama.” Idinaan niya sa kiming ngiti ang naramdamang pagkapahiya. “Okay lang iyon, magaan ka naman,” nakangiting wika ni Waldo. Nagtayuan na ang mga pasahero. “Naririto na ba tayo?” tanong niya. “Nasa San Jose City pa lang tayo. Mag-‐‑i-‐‑ stopover ang bus para makapagpahinga nang kaunti ang driver at makakain ang mga pasahero. Tara. Bumaba tayo.” “I want to go to the rest room first,” aniya nang makalabas na rin sila. Hinintay siya ni Waldo na makalabas ng rest room. “Mag-‐‑snack na muna tayo,” yaya nito. Nakadama naman siya ng bahagyang gutom. “Gusto ko ng kape,” aniya. “Ang hilig mo sa kape,” puna ni Waldo. “Mabuti’t hindi ka nerbiyosa.” Natawa si KC. “It’s a habit na nakuha ko yata from my parents and from my Lolo Greg. Mamamatay yata ang mga iyon nang walang kape.” “Marami na akong naririnig tungkol kay Greg Acosta. And I admire the old man,” anang binata. Ngumiti lang si KC. Mula nang mamatay ang kanyang Lolo Greg, pawang magaganda na ang naririnig niya tungkol dito. Hindi lang niya hinahangaan ang kanyang lolo, she almost worshipped him. Ang kanyang lolo at lola na halos ang nagpalaki sa kanya. Her Lolo Greg taught her a lot of things. Tinuruan siyang maging matapang; ang magkaroon ng sariling pag-‐‑iisip. To be as independent as possible. “Walang brewed coffee dito,” sabi ni Waldo nang makaupo na sila sa pandalawahang mesa sa loob ng isang restaurant. “Instant lang.” “Okay lang ‘yon,” aniya. “Ano pa ang gusto mo? May mga sandwiches sila.” “Tama na ang kape,” anang dalaga. Pumila na si Waldo sa food counter. Nag-‐‑order ito ng arrozcaldo at kape. Umuusok pa ang arrozcaldo at langhap na langhap ang bango. “Ano ‘yan?” tanong ni KC nang makabalik ang binata. “Arrozcaldo. Tikman mo, masarap,” alok ni Waldo. Tinikman naman iyon ng dalaga. “Masarap, ‘di ba? Gusto mong iorder kita?” “Sige,” sang-‐‑ayon ni KC. Nang maubos niya ang inorder ng binata para sa kanya ay humiling pa siyang mag-‐‑order pa ito. Natawa si Waldo nang maubos niya ang pangalawang order ng arrozcaldo. “Saan mo na inilagay iyon?” “God! Hindi na yata ako makatayo sa kabusugan,” aniya.
CHAPTER SIX
ALAS-‐‑SINGKO na ng umaga nang dumating ang bus sa terminal ng Cauayan, Isabela. Nalaman nila na alas-‐‑nuwebe pa ng umaga ang flight patungong Palanan. “Let’s find a hotel. Puwede pa tayong magpahinga kahit ilang oras lang,” yaya ni KC. Sumang-‐‑ayon naman si Waldo. Agad silang sumakay sa tricycle at nagpahatid sila sa pinakamalapit na hotel. Kumuha si KC ng tig-‐‑isa nilang kuwarto. Inihatid na muna siya ni Waldo sa magiging silid niya. “Gigisingin na lang kita bago mag-‐‑alas-‐‑ otso,” sabi nito. “Thanks,” anyong isasara na niya ang pinto ngunit pinigilan siya ni Waldo. “May kailangan ka pa?” “Wala akong kapera-‐‑pera sa bulsa.” Napakamot sa ulo ang binata. “Bakit hindi natin paghatian ang hawak mong cash? Mahirap iyong ikaw lang ang may dalang pera.” “Ano? Paano ako nakakatiyak na hindi mo ako tatakbuhan kapag may pera ka?” Dumilim ang mukha ng binata. “Wala ka bang tiwala sa akin?” Pinagtaasan ito ng kilay ng dalaga. Napamura si Waldo. “I am a thief, but you can trust my word,” tiim-‐‑bagang na sabi nito. “But you don’t trust me either,” balik-‐‑sumbat ni KC. “Ni ayaw mong ipabasa sa akin ang nilalaman ng journal.” “Hindi sa wala akong tiwala sa iyo. Nag-‐‑iingat lang ako. The lesser you know, the lesser you get involved.” “But I am already involved! We’re partners, remember?” anang dalaga. Huminga nang malalim ang binata. “Noong huli akong nagtiwala sa isang kasosyo, alam mo ba kung ano ang ginawa sa akin? Tinakbuhan ako,” madilim pa rin ang mukhang sabi nito. “See! Paano naman ako nakakatiyak na hindi mo gagawin sa akin ‘yon?” Muli ay napahanga si Waldo sa dalaga. Matalas ang utak ni KC. Mukhang mahirap isahan. “Saka hindi ba, ang kasunduan natin ay ako ang hahawak ng pitaka para sigurado ako na hindi mo ako iiwanan?” “Okay, naintindihan ko na. Pero maaari ba, bigyan mo naman ako ng kahit kaunting pocket money. Nahihiya naman ako sa sarili ko na kada kibot, ultimong pambili ng isang stick ng sigarilyo ay hihingin ko pa sa iyo.” Nakaunawa naman si KC. Inabutan niya ng dalawang tig-‐‑isang daan ang binata. Pagkuwa’y kinuha niya ang maliit na listahan at calculator, inilista at nag-‐‑compute. “Forty-‐‑three thousand, two hundred-‐‑fifty-‐‑four and twenty-‐‑five centavos,” sabi niya pagkatapos. “Bakit may beinte-‐‑singko sentimos pa?” “Iyong sukli ng ibinili mong isang stick na sigarilyo kaninang nag-‐‑stopover tayo, hindi mo na binalik. One twenty-‐‑five iyon,” paliwanag ni KC. “Ang yaman-‐‑yaman mo, pero ultimo sentimos ay hindi mo mapatawad,” inis na sumbat ng binata. “That’s business, Mister,” katwiran naman ng dalaga. “Paano ko malalaman kung magkano ang investment ko sa business venture natin kung hindi ko ililista ang kahit kahuli-‐‑hulihang sentimo?” Iyon ang isang bagay na natutuhan ni KC sa pamilya. Kahit na gaano karami ang perang pinakakawalan ay nakalista lahat iyon. Inis na tinalikuran ni Waldo ang dalaga at nagtungo sa sariling silid. Nag-‐‑shower lang si KC at saka niya binirahan ng tulog. Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam sa magdamag na biyahe. Ilang sandali pa ay tulog na siya. HE WAS too restless and too excited para matulog. Kaunti na lang at mararating na nila ang kanilang destinasyon. Hinubad ni Waldo ang jacket at T-‐‑shirt. Inalis ang pagkaka-‐‑tape ng brown envelope sa dibdib. Naluha siya sa sakit dahil sa masyadong pagkakadikit ng tape sa kanyang balat, dahil pati ang ilang balahibo niya sa dibdib ay nasama. Ngunit tiniis niya iyon. Gusto lang niyang makatiyak na safe ang envelope kaya hindi niya iyon inaalis sa katawan. Kabisado na niya ang laman ng journal, maging ang mapa. Mayroon siyang photographic memory. Minsan lang niya mabasa ang isang bagay, tiyak na mare-‐‑retain na iyon sa kanyang memorya. Ngunit muli niyang binuklat ang mga papeles upang tiyakin na wala siyang nalilimutan kahit maliliit na detalye. Matapos basahin iyon ay maingat na muling itiniklop at ibinalik sa envelope. Inilagay niya sa bulsa ng jacket. Dinala niya iyon hanggang sa loob ng banyo. Maliligo siya. Kahit ilang sandali lang ay wala siyang balak na ihiwalay iyon sa katawan. Isinabit niya ang jacket sa likod ng pinto ng banyo at mabilis na naligo. Pagkatapos maligo ay muling nilinis ang sugat sa braso at pinalitan ang benda. Mabisa ang ininom niyang antibiotic. Unti-‐‑unti nang naghihilom ang sugat niya. Inilabas niya ang dalang plaster at muling idinikit ang envelope sa katawan, saka nagbihis at lumabas ng inookupahang silid. Pinuntahan niya si KC sa silid nito. Marahan siyang kumatok. Walang sumasagot. Kinuha niya ang master key sa bulsa ng suot na pantalon at sinilip ang dalaga. Tulog na tulog ito. Nilapitan niya ito. Naka-‐‑ pajama ito. Kahit tulog, maganda pa rin si KC Milan. Hinanap niya ang bag ng dalaga. Nang makita ay maingat na binuksan. Hinanap ang wallet nito. Ngunit wala roon ang wallet ng dalaga. Muli niyang ibinalik ang bag sa kinalalagyan. At least, hindi burara si KC pagdating sa pera. Maingat siyang lumabas ng silid ng dalaga. Tiniyak na naka-‐‑lock ang pinto. Nagtungo siya sa airport para magpa-‐‑book. “Kinansel ho ang flight kani-‐‑kanina lang. Bigla kasing sumasama ang panahon,” sabi ng receptionist. Napilitan na lang siyang magpa-‐‑book para sa susunod na flight. Gumamit siya ng ibang pangalan. Dahil daig pa ni Drigo ang police dog. Matalas ang pang-‐‑amoy nito. Nagbalik siya sa bayan. Nag-‐‑ikut-‐‑ikot. Maunlad na rin ang bayan. Hindi naman siya nagtagal. Nagbalik agad siya sa hotel. Sinilip niya si KC sa kuwarto nito. Tulog na tulog pa rin ang dalaga. Hindi siya sanay na nagkukulong sa kuwarto lalo na kapag araw, kaya muli siyang bumaba. Nagugutom na siya kaya tinungo ang restaurant at kumain. Pagkatapos kumain ay naupo siya sa lobby habang naninigarilyo. Nilapitan siya ng boy ng hotel. “Boss, gusto ninyong maglaro?” tanong nito. Naintindihan na iyon ni Waldo. Karaniwan na sa maliliit na hotel ang mga pasugalan. Sumama siya sa room boy sa may gawing likuran ng hotel. NAGISING si KC. Nag-‐‑inat. Magaan ang kanyang pakiramdam. Nakapagpahinga siya nang husto. Pakiramdam niya ay pagkatagal-‐‑tagal niyang nakatulog. Napatingin siya sa kanyang relo. Alas-‐‑tres na ng hapon. Bumangon siya at hinawi ang kurtina sa bintana. Tumingin sa labas. Umuulan. Humigit-‐‑kumulang siyam na oras ang itinulog niya. No wonder na parang kinakain na ng malalaking bituka ang kanyang maliliit na bituka. Bakit hindi siya ginising ng lalaking iyon? ‘Di ba’t alas-‐‑nuwebe ng umaga ang flight na sinabi sa airport? Kinabahan siya. Awtomatikong kinapa ang pera sa ilalim ng kanyang unan. Nakahinga siya nang makapang naroroon pa rin ang pera. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nang matapos ay pinuntahan si Waldo sa silid nito. Walang sumasagot sa katok niya. Bumaba siya at nagtanong sa information desk. “Hindi pa ba bumabalik ang kasama ko?” “Hindi ho namin napansin,” sabi ng receptionist. “Did he check out?” tanong niya. Umiling ang receptionist. Napasimangot ang dalaga. Saan nagpunta ang unggoy na iyon? Did he leave me here purposely? Ngunit kahit na dala ni Waldo ang kanilang mga gamit, hindi rin ito makakalakad na mag-‐‑isa. Wala itong pera. O baka naman may itinatago siyang pera? Huminto na ang ulan. Umarkila si KC ng tricycle at nag-‐‑ikut-‐‑ikot sa bayan. Naghanap ng mabibilhan ng magazine at pocketbook. Pabalik na siya sa hotel nang makilala ang itim na Toyota Corolla sa highway. Patakbo siyang pumasok sa loob ng hotel. Naroroon na si Waldo. Madilim ang mukhang sinalubong siya nito. “Saan ka galing?” “Naririto na sina Drigo. Nakita ko sa highway ang itim na Corolla’ng gamit nila. At mukhang patungo na sila rito.” Pagkasabi niyon ay lumapit siya sa counter. “We’re checking out,” aniya. Palabas na sila ng hotel nang makitang pumarada sa harap ang kotse nina Drigo. Hinila ni Waldo ang dalaga patungo sa kusina. May daan doon palabas. Sumakay sila sa tricycle at nagpahatid sa highway. Doon ay sumakay sila sa dumaang bus na patungong Maynila. Saka lang nakahinga si KC nang tumatakbo na ang bus. “Paano nila tayo nasundan agad?” tanong niya. “Sabi ko na sa iyo, daig pa ni Drigo ang isang Doberman. Matalas ang pang-‐‑amoy.” “Where have you been? Nagising ako, wala ka na. Akala ko ay iniwanan mo na ako.” “Sweetheart, hindi ko gagawin sa iyo ‘yon. I won’t leave you stranded here.” “Dapat! Dahil kapag ginawa mo iyon, kahit saan ka magtago ay ipaha-‐‑hunting kita. Akala ko ba’y aalis tayo kaninang alas-‐‑nuwebe?” “Sorry, naglaro ako ng pusoy sa hotel. Nanalo ako ro’n pero natalo naman lahat sa lucky nine. Anyway, cancelled ang flight kanina.” Nang biglang may maalala ang binata. “Anak ng baka! Nagpa-‐‑book nga pala ako ng flight para bukas.” “Bakit hindi na lang natin hinintay ang flight para bukas? I’m sure marami pang ibang hotels doon.” Anyong paparahin na ni KC ang bus ngunit pinigilan siya ni Waldo. “Tiyak na doon unang-‐‑unang mag-‐‑aabang sina Drigo,” sabi ng binata. “So, hindi na tayo tutuloy?” Hindi maitago ng dalaga ang disappointment sa tinig. “Tutuloy. Sa kabila tayo dadaan.” “Saang kabila?” “Sa Baler. Ayon sa napagtanungan ko, maaari tayong dumaan sa dagat. Anim na oras ang tatakbuhin ng bangka mula Baler hanggang sa Palanan. Kung sa Dilasag naman, na siyang pinakadulong bayan ng Aurora, ay dalawang oras lang sa bangka.” “Doon na lang tayo,” suhestiyon ni KC. “Huwag. Kung sa Dilasag tayo manggagaling papuntang Palanan, halos maghapon namang tatakbuhin ng sasakyan mula Baler hanggang Dilasag. Dumiretso na lang tayo ng Palanan mula Baler.” Gabi na nang makarating sila sa Cabanatuan City. “Let’s find a hotel. Bukas pa ng umaga ang biyahe patungong Baler,” sabi ni Waldo. “WHY DIDN’T you tell me about the journal?” tanong ni KC habang kumakain sila ng hapunan. “Sshh! Ang bibig mo. Baka may makarinig sa iyo,” mabilis na saway ni Waldo. Lumingon ito sa paligid kung may nakikinig sa usapan nila. Ang tanging naroroon lang naman ay ang waiter na nagpupunas ng mga baso, at ang kahera. “All right, so tell me about yourself,” pag-‐‑iiba ng dalaga. Umangat ang isang sulok ng bibig ng binata. “Ano’ng gusto mong malaman?” “Everything.” Ngumisi si Waldo. “Keeping track with your investment?” “Isa pa iyan. Mahusay kang mag-‐‑English. Tingin ko’y may mataas ka namang pinag-‐‑ aralan.” Tumaas ang kilay ng lalaki. “Hey, I am not a judgemental person. My motto is live and let live. Curious lang ako. Admit it, your chosen career is quite unusual,” paliwanag ni KC. “So, you’re an analyst also?” matabang na tanong ng binata. “No. It’s just plain curiosity,” anang dalaga. “Well, hindi ako lumaki sa slum kung ‘yan ang gusto mong malaman. In fact, galing ako sa isang middle-‐‑class family. My late father was a lawyer and my mom’s a doctor. Ang dalawang kapatid kong babae ay sumunod sa yapak ng mother ko. So it was expected na sumunod ako sa yapak ng father ko na maging lawyer.” “Bakit? May masama ba ro’n?” tanong naman ni K.C. “Nothing. In fact, third year na ako sa Law proper when I decided to stop,” amin ni Waldo. “Bakit? Sayang naman.” “Well. . sabihin na nating binatugan na ako sa pag-‐‑aaral. ‘Pag nakatapos ako ng Law, ano’ng gagawin ko? Of course, I should become the best criminal lawyer in town. It was the only way I could do things. Kapag ginusto kong gawin ang isang bagay, I always give my best. “And who will pay the best lawyer? Siyempre iyong mga may kasalanan, and they expect their lawyer to bail them out kahit na singliwanag na ng buwan na sila na nga ang gumawa ng krimen. And I don’t want that. Ayoko ring matulad sa tatay ko. Pinili niyang maging tagapagtanggol ng mga mahihirap at mga naaapi. He was overworked, maraming kaso ang hinahawakan at karamihan ay libre. “I won’t forget that day, katatapos lang basahan ng hatol ng judge ang isang anak-‐‑ mayaman na gumahasa sa isang dalagita. Si Tatay ang abogado ng biktima. Pilit iyong inaareglo ng mga magulang ng akusado. Payag na ang ina ng biktima ngunit hindi pumayag ang dalagita at si Tatay. Paglabas nila ng korte, pasakay na si Tatay sa kanyang kotse nang barilin siya. Walang nakakita sa pangyayari. Namatay siya na walang nakamit na katarungan.. hanggang ngayon. “Ipinagpasa-‐‑Diyos na lang ng mama ang pangyayari. Now, she is absorbed with her work at the hospital. She’s working in a government hospital. At ang dalawang kapatid ko ay kasama sa missions sa mga third world countries.” “So you chose to be different,” komento ni KC matapos pakinggan ang mahabang komento ni Waldo. “I want to enjoy life. I want good and better things in life na hindi na kailangang magpakahirap nang husto,” ang may pagka-‐‑ defensive na sabi nito. “Everybody wants that,” sabi naman ng dalaga. “Why did you choose that field?” Napangisi si Waldo. “Bakit hindi mo masabi? Ang pagiging magnanakaw? Sa isang banda ay bibihira ang umaamin that they are professional thieves. Pero naglipana ‘yan sa ating paligid. Mas marami pa ang magnanakaw na nagtatago sa kanilang coat and tie. “May tiyuhin ako, kapatid ng nanay ko sa labas. Genius iyon pagdating sa mga locks. Kahit ano’y nabubuksan niya, at magaan ang kanyang mga kamay. Minalas nga lang siya dahil minsan ay nahuli siya sa akto habang binubuksan ang vault ng isang bangko. Nasentensiyahan siya ng sampung taon. Iyon ang pinakamagaang parusa na nakuha niya. “Nang lumabas ang tiyo ng Munti ay umuwi siya sa amin. Tinanggap naman siya ng mama ko nang mangakong magbabago na. College na ako noon. He taught me all the tricks. Siya ang kasama ko sa first job ko. Pinanhik namin ang bahay ng aming kapitbahay na matandang dalagang masungit. “Mani lang ‘yon kung tutuusin. We just took a few valuables. “But it’s not the money alone, it’s the danger of being caught and the excitement. And like you, I am very choosy with my clients. Iyong hindi masyadong iindahin kahit mawalan ng kaunting cash at alahas,” sabi pa ni Waldo. “How?” interesadong tanong ni KC. “Usually ay sa malalaking hotel dito sa Maynila o sa ibang bansa. Kung minsan ay nagtse-‐‑check in ako sa malalaking hotel. Nakikihalubilo sa mga guests,” anang binata. Matamang napatitig si KC sa lalaki. Bahagya nang nangingitim ang baba nito sa tumutubong balbas. May katangusan ang ilong bagama’t hindi perpekto ang tangos. Ang mga mata ay tila maraming nalalaman kung tumingin. Hindi naman ganoon kaguwapo si Waldo. But he had that dangerous look that she knew would appeal to some very rich women. Lalo na’t matangkad naman ito at maganda ang pangangatawan. “I am not a gigolo,” matabang na pagtatama ng binata. Obvious na nahulaan nito kung ano ang iniisip ni KC. “Sorry. .” Then she checked herself. Bakit siya nagso-‐‑sorry? “I admit, pagkaminsan ay ginagamit ko ang mga babae para maki-‐‑mingle sa ibang guests, at para makalabas-‐‑masok sa hotel. I bedded most of them but I don’t prostitute myself. I don’t usually operate that way. Most of the time ay pumapasok akong waiter, room boy, kitchen helper, et cetera, et cetera. I’ve been to Paris, London, Hong Kong and Macau.” “Hindi ka pa ba nahuli kahit minsan?” may paghangang tanong ng dalaga. “Nope. Maingat ako. And I am not greedy. I only take the most expensive item, and once na pinasok kong minsan ang isang hotel ay hindi ko na uulitin. “How about you? I read some of your escapades somewhere. Like when you joined that sky-‐‑gliding club, and you almost got yourself killed in Tagaytay.” Ikinibit lang ni KC ang mga balikat. “That’s nothing. Namali lang ako ng calculation ng babagsakan. Hindi ko alam na sasabit ako sa kahoy.” “I think magkakasundo tayo. We both love danger and excitement,” anang binata. Napangiti ang dalaga.
CHAPTER SEVEN
“ANG BAYAN ng Baler ang last frontier ng mga Hapon noong pangalawang digmaang pandaigdig. Iyon din ang huling tanggulan ng mga Kastila bago sila tuluyang sumuko sa mga Amerikano noong Unang Digmaang-‐‑ Pandaigdig,” kuwento ng binata habang mabilis na tinatahak ng bus ang daan patungo sa nasabing lalawigan. “I never knew that. I always got sleepy during my History class in high school. Why bother with the past if you can deal with the future?” “We learn from history,” katwiran ni Waldo. “Like, history repeating itself?” natatawang sabi naman ni KC. He was momentarily distracted. She had that melodious laughter. Nakakahawa. Napangiti ang binata. “Putaragya!” malakas na sabi ng konduktor. Nagulat si KC. Napalingon sa konduktor na nakatayo sa may pinto ng bus. “Huwag kang kabahan. Nagkukuwentuhan lang sila,” assurance ni Waldo. “Akala ko’y nag-‐‑aaway na sila ng kausap niya.” “Hindi. Ganyan lang talaga ang punto nila. Parang galit at kung magsalita ay malakas.” “Parang bingi iyong kausap,” nangingiting bulong ni KC. Natawa si Waldo. Ngunit nakuha ang interest nito ng usapan ng driver, konduktor at ng ilang pasahero. “Alam mo ba, pare, ang babaw lang ng pinaghukayan. Wala pang isang metro. At doon mismo sa may harapan ng bahay nina Ka Tana. . Ang sabihin mo ay ‘di man lang niya namalayan. Buong akala ni Ka Tana ay nasiraan lang ang sasakyan ng grupo kaya huminto ro’n. Nakiusyuso pa siya. Hindi niya alam na treasure hunter pala ang mga iyon. Noong magising daw siya kinabukasan ay wala na ro’n ang sasakyan. May nahukay na sa tapat nila. Nang tingnan ni Ka Tana ay bakas na lang ng banga ang nakita,” kuwento ng konduktor. “Ang suwerte nga naman. Nasa bakuran mo na, iba pa ang nakapulot,” komento ng driver. “Ano kaya ang laman n’on?” tanong naman ng isa. “Hindi natin alam,” sabi naman ng isang pasahero. “Pero malamang ay kayamanan nga iyon.” “Pero hindi ba’t dating libingan ng mga Igorot ang lugar na iyon? Baka naman labi iyon ng namatay na isinilid sa banga at ibinaon do’n,” sapantaha naman ng isa. “Narinig mo ‘yon?” bulong ni Waldo kay KC. “Pero hindi naman nila nakita kung ano ang laman ng nahukay nila,” anang dalaga. PAGOD na pagod si KC sa haba ng biyahe. Puno pa ng alikabok ang buong katawan niya. Hapon na nang makarating sila sa Baler. Nag-‐‑check in sila sa AMCO Beach House. “Dito ka muna. Hahanap ako ng sasakyan na maghahatid sa atin bukas sa Palanan,” paalam ni Waldo. “Okay,” mabilis na sang-‐‑ayon niya. Nang magbalik si Waldo ay nakaligo na siya at nagpapahinga. Kumain lang sila ng hapunan at maaga na silang nagpahinga. Pakiwari ni KC ay katutulog lang niya nang katukin siya ni Waldo sa kanyang kuwarto. Pupungas-‐‑pungas na binuksan niya ang pinto. Para namang napagkit ang mga mata ni Waldo sa dalaga. Napakaganda pa rin ni KC kahit bagong gising at hindi pa nasusuklay ang buhok. “Bakit?” tanong ni KC. Maagap na tinakpan ang bibig nang maghikab. “Aalis na tayo.” “Anong oras na ba?” “Alas-‐‑tres.” “Alas-‐‑tres ng madaling-‐‑araw!?” Inis na tinalikuran ni KC ang lalaki. “Mamaya na tayo umalis.” Sumunod sa loob si Waldo. “Paalis na ang bangka. Either sumama ka o babalikan na lang kita dito.” Napabuntong-‐‑hininga ang dalaga. “All right, just give me a few minutes...” aniya. “GOD! BAKIT hindi na lang tayo bumalik sa Maynila at nag-‐‑hire ng helicopter?” reklamo ni KC. Sakay na sila ng maliit na bangkang de-‐‑motor. Isang malakas-‐‑lakas na hampas ng alon ay tiyak na tataob sila. Ni wala man lang siyang makitang life vest sa bangka. Magkatabi sila ni Waldo sa may gawing unahan ng bangka. Ang nagtitimon at ang dalawang kasama nito ay sa gawing likuran nakapuwesto. “Hinaan mo ang boses mo,” bulong ni Waldo sa kanya. “Hindi puwede ang iniisip mo. Sa palagay mo ba ay walang nag-‐‑aabang sa atin sa Maynila? Iyon ang lugar na unang-‐‑unang pababantayan ni Attorney Zaragosa. Dito, hindi nila tayo agad-‐‑agad na masusundan.” Nahihilo si KC sa magkahalong amoy ng isda at gasolina, at sa galaw ng bangka. Nagsuka siya. Hawak-‐‑hawak siya ni Waldo sa bewang habang nagsusuka siya. Nang humupa ang pagsusuka niya ay pinahiga na siya nito sa sahig na kawayan ng bangka at pinaunan sa kandungan nito. Nakatulog siya. Nagising lamang siya nang maramdamang tumigil ang bangka. Akala niya ay nakarating na sila sa pupuntahan. Dahan-‐‑dahan siyang nagmulat ng mga mata habang bumabangon. It was the most breathtaking view she had ever seen. Ang dahan-‐‑dahang pagtaas ng araw mula sa silangan at ang unti-‐‑unting pagsabog ng liwanag sa paligid. Mamula-‐‑mula ang tubig sa gawi ng tinatamaan ng unang sikat ng araw hanggang sa maging asul. “It’s so beautiful. .” bulong niya. Kinabig siya ni Waldo at isinandal sa dibdib. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang palapispisan. “God is the greatest painter of them all, isn’t it?” nakangiting sabi ng binata. Page 22 7 of 354 “I’ll get my camera in my bag,” sabi niya. Nang makuha iyon ay mabilis na kinunan ang magandang view. Halos maubos niya ang isang rolyo ng film. “Hindi ko alam na may dala kang camera,” sabi ni Waldo. “Isiniksik ko sa ilalim ng mga damit. Kasi, tiyak paiiwanan mo na naman,” ani KC. “Bakit tayo huminto?” takang-‐‑tanong niya. Wala pa siyang natatanaw na pampang. Ang tanging nakikita niya ay ang tila walang-‐‑katapusang tubig. “Magluluto lang muna sila ng pagkain natin.” Tumayo si Waldo at ito ang nagprisintang magluto. Wala itong tiwala sa luto ng tatlong mangingisda. Nang makaluto ay nilagyan ng binata ng pagkain ang kanilang dalang kainan at ibinigay kay KC. “Kumain ka nang marami. Malayo pa ang lalakbayin natin,” anito. Maganang kumain ang apat na lalaki. Pinilit namang ubusin ni KC ang pagkaing ibinigay sa kanya ni Waldo. NAKAHINGA ang dalaga nang sa wakas ay matanaw niya ang baybayin. Nanginginig ang kanyang mga hakbang habang nanunulay sa pakaway ng bangka pababa. Pakiwari niya ay umaalun-‐‑alon pa, nang sa wakas ay tumapak sa lupa ang kanyang mga paa. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ni wala siyang matanaw na bahayan. Gubat na gubat ang kinaroroonan nila. “Let’s go,” yaya ni Waldo na binuhat na ang dalang backpack. “Bakit dito tayo bumaba? Hindi doon sa nadaanan nating mga bahayan?” Binuhat na rin niya ang kanyang backpack. Umiling si Waldo. “Kailangang umiwas tayo sa mga bahayan na malapit sa kabayanan. Maliit lang ang mga pamayanan dito. Magkakakilala lahat. Tiyak na madali tayong matatandaan. Ang sabi ng bangkero ay may bahayan sa likod ng bundok na ‘yan. Mula roon ay madali na nating masusundan ang tirahan ng mga Ita na kumupkop sa Hapon,” paliwanag nito. “Ano’ng sinabi mo sa mga iyon kung bakit tayo naririto?” tanong ni KC na ang tinutukoy ay ang tatlong mangingisda na iniwan din naman sila kaagad. “Sabi ko’y mga misyonaryo tayo. Tutulong tayo sa mga katutubo na naririto. Ang sabi nga nila’y marami raw mga misyonaryong nagpupunta dito.” Nagsimula na silang maglakad. Nauuna si Waldo, dala nito ang gulok. Madawag ang daan. Hinahawan iyon ni Waldo. Papataas na sila sa bundok. “Are you sure, you know where to find that treasure?” mayamaya’y tanong ng dalaga. “Hahanapin lang natin ang tirahan ng mga Itang kumupkop sa Hapon,” tugon ng binata. “Mula ro’n ay madali na nating malalaman ang pinagbaunan ng Hapon sa kayamanan.” “Saan nakatira ang mga Itang iyon?” “Sa pusod ng Sierra Madre,” ani Waldo. “Why don’t we just hire a guide?” suggestion ni KC. “Mahirap na. Baka iyon pa ang magpahamak sa atin.” Napailing ang dalaga. “You don’t easily trust anybody, do you?” “Hanggang maaari ay sa sarili ko lang ako magtitiwala,” katwiran ng binata. Napangiti si KC. “I got a few lessons from you,” aniya. “Ano naman ang plano mo kapag nakuha natin ang kayamanan?” “Magreretiro na ako. Tumatanda na ako. Hindi na ako kasindulas at kasingliksi tulad ng dati.” “Ilang taon ka na ba?” Tantiya ni KC ay nasa early thirties pa lang ito. “Thirty-‐‑six,” sabi ni Waldo. “Ikaw? Ilang taon ka na?” “It’s rude to ask a woman about her age,” nangingiting sabi niya. Napahalakhak nang malakas ang lalaki. He had that easy laugh. Masarap pakinggan. Napangiti ang dalaga. “Hindi mo na kailangang sagutin. You’ll turn twenty-‐‑seven on your next birthday.” “How did you know?” kunot-‐‑noong tanong ni KC. “Tiningnan ko ang driver’s license mo,” amin naman ng binata. Ikinibit ng dalaga ang mga balikat. “And what will you do when you retire?” “I’ll buy a yacht and sail around the world, o ‘di kaya’y magtatayo na lang ako ng restaurant at magluluto. I love to cook. In fact, I worked as kitchen help at the best hotels in the world kahit pasanda-‐‑sandali lang. How about you?” “I don’t know. Kapag nakuha na natin iyon ay saka ko na lang pag-‐‑iisipan,” ani KC. “Are you always like that?” Nilingon nito ang dalaga. “Like what?” “Impulsive,” anang binata. Tumawa si KC. “Always,” amin niya. “I hate planning ahead. I hate schedules and deadlines. If I do something, I want to do it in my own time, in my own pleasure.” Napailing si Waldo. “It’s nice when you can afford it. In my kind of job, I have to plan ahead, kundi’y sa kalaboso ang bagsak ko. Mabuti’t hindi ka pine-‐‑pressure ng parents mo na mag-‐‑asawa ka na.” “My mom? No. My mom was kinda liberated. Kasal sa iba ang daddy when she had me. Pero ang daddy ko, he wanted me to find a nice man for myself, settle down at bigyan ko sila ng maraming apo. Pero. .” “What?” “Hindi pa ako handa para magpamilya. Husband and children will only be a restriction. Maybe someday. . but not at this point of time. I still want to enjoy my freedom.” “I read somewhere that you were once engaged to be married. Kay Antonio Leviste III? Ano’ng nangyari?” Hindi na nagtaka si KC kung pati ang tulad ni Waldo na tipong walang panahong magbasa ng diyaryo, lalo’t society page, ay nalaman ang tungkol doon. It was the most celebrated engagement of the year. Ang pagsasanib ng dalawang pinakamaimpluwensiyang pamilya sa bansa. With the Acosta’s and Leviste’s money, they could control the economy of the country, ayon sa media. Iniumbok ng dalaga ang mga balikat. “We found out at the last moment na hindi kami compatible sa isa’t isa. Marami kaming hindi pinagkasunduan. I wanted a quiet wedding, gusto ng pamilya niya ay en grandeng kasalan. I wanted a honeymoon in Paris, gusto niya sa villa nila sa Spain. I’ve been in their villa. God! The place is too old; it gave me an eerie feeling at gusto pa niya na we should spend a month there. No way! Dahil nag-‐‑iisa siyang anak, he wanted us to live with her mother.” “Bakit? Hindi ba mabait ang mother niya?” “I don’t know. Mahirap namang nagsisimula pa lang kami ay nasa poder pa rin kami ng pamilya namin. Nag-‐‑iisa rin akong anak, so, bakit hindi kami sa amin titira? So I called it quits.” Papataas na ang kanilang tinatahak. At habang papaakyat sila ay lalong bumibigat ang kanyang dala. Unti-‐‑unting natahimik ang dalaga. Pagdating nila sa isang clearing ay huminto sila para kumain at magpahinga. Ibinaba ni KC ang kanyang backpack at binirahan ng higa sa damuhan. “Oh, my God! I thought you’d never gonna stop.” “Bakit hindi mo sinabi na huminto na muna tayo kung napapagod ka na?” may inis na tanong ni Waldo. “So that you can tell me I complain a lot? No, Sirrr!” Hindi malaman ni Waldo kung maiinis o matatawa sa dalaga. But one thing he admired in her: she was quite tough and stubborn. Inilabas ni Waldo ang baon nilang sandwiches at tig-‐‑isang fresh milk na nakalagay sa tetra pack. Iyon ang kanilang tanghalian. Nang makapagpahinga sila nang kaunti ay tumayo na ang binata. “Tayo na. Kailangang makakita tayo ng mapagkakampuhan ngayong gabi.” Inabot ang kamay ni KC para tulungang bumangon ang dalaga. “Bakit hindi na lang tayo dito magpahinga? Bukas na uli tayo lumakad,” sabi niya. “Sayang ang oras. Baka sa halip na dalawa o tatlong araw lang ay abutin tayo ng isang linggo bago makarating sa pupuntahan natin. Baka maunahan pa tayo nina Drigo doon.” Walang nagawa si KC kundi bumangon at muling maglakad. Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay pababa na sila ng bundok. “BAKIT ba ayaw mo pang sabihin sa akin ang tungkol sa journal? Wala nang makakarinig sa atin. Tayong dalawa na lang ang naririto,” sabi ni KC nang muli silang mag-‐‑umpisang maglakad. Ayaw naman ni Waldo na ipagkait ang pleasure na iyon sa dalaga. Nagsimula itong magkuwento. “Kabilang si Sakura sa huling batalyon ng mga sundalong Hapon na dumaong sa Port Irene sa Cagayan sakay ng barkong pandigma ng Japanese Imperial Army. “Ayon kay Sakura ay marami silang dalang kayamanan sa barko. Bahagi ng mga na-‐‑loot ni General Yamashita mula sa Machuria, Burma, Malaya at Singapore. At balak nilang dito sa Pilipinas itago. “Mula Cagayan ay tutuloy sila sa Maynila. Ngunit hindi sila makadaan sa Dalton Pass dahil maraming nag-‐‑aabang sa kanila ro’n na pinagsamang puwersa ng mga Pilipino at Amerikano. “Pinagtatlong grupo sila. Bawat grupo ay may mga dalang treasure. Ang isang grupo ay nagtungo sa Cordillera, ang pangalawa ay sa Pangasinan, at ang pangatlo ay tutungo sana sa Central Luzon, ngunit maraming kalaban ang naghihintay sa kanila doon. Kaya gumawi sila sa Nueva Vizcaya, dumiretso sila sa Pantabangan patungong Baler, Quezon, na ngayon ay Aurora na. Doon sila pi-‐‑pick up-‐‑in ng barko sa Port ng Dilasag, ang pinakadulong bayan ng probinsiya. “Dahil tinutugis sila ng mga kalaban, ang mga dala nilang kayamanan ay ibinaon na lang nila sa kung saan-‐‑saan. Kaya maraming naniniwala na may mga kayamanang ibinaon ang mga Hapon noong panahon ng digmaan, lalo na sa gawing Pangasinan at Cordillera,” dagdag pa ni Waldo. “Teka, bakit ang layo naman yata ng Palanan sa Baler? Paano nadala ni Sakura ang kayamanan sa Palanan kung nakarating sila sa Baler?” puno ng kuryusidad na tanong ni KC. “Isa si Sakura sa mga sundalong pinalad na makarating sa Dilasag. Naroroon na daw at naghihintay na ang barko. Sakay na sila ng bangka patungo sa barko. Masama ang panahon no’n. Tinangay sila ng alon palayo sa kinaroroonan ng barko. Nang salpukin sila ng malaking alon ay natangay ang iba niyang mga kasama at siya lang ang naligtas dahil itinali niya ang sarili at ang baul ng kayamanan sa bangka. “Nang magising siya ay nasa pampang na raw siya. Natakot si Sakura na baka makita siya ng mga kalaban kaya nagtago siya sa gubat. Tumira siya sa isang kuweba sa loob ng kung ilang taon. Hanggang sa makita siya ng mga Ita at bihagin siya ng mga ito.” “Mabuti’t hindi siya pinatay ng mga Ita?” tanong ni KC. “The Aetas are gentle people. Hindi sila namumugot. Nakipamuhay na si Sakura sa mga Ita hanggang sa matagpuan uli siya ng mga sundalong Pilipino.” “Saan iniwanan ni Sakura ang kayamanan?” tanong uli niya. “Sa kuweba, kung saan siya unang natagpuan ng mga Ita. Ibinaon daw ni Sakura ang kayamanan sa kuweba. At ang kuwebang iyon ang ating hahanapin ngayon.” “Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan?” “May ginawang mapa si Sakura ng lugar na pinagbaunan niya ng kayamanan.” “Let me see the map,” hiling ni KC. “Saka na lang,” marahang tanggi ng binata. HABANG naglalakad sila ay panay ang palo ni KC sa braso. Nilingon siya ni Waldo. “Bakit?” kunot-‐‑noong tanong nito. “Maraming lamok, eh,” reklamo niya. “Bakit hindi ka gumamit ng skin repellant?” “Anong skin repellant?” takang-‐‑tanong niya. “Iyong maliit na bote na inilagay ko sa bag mo,” sabi ni Waldo. “I thought it was just an ordinary lotion. Inamoy ko, hindi ko gusto ang amoy. So, itinapon ko na lang sa basurahan sa hotel kahapon,” sabi niya. Naitirik na lang ni Waldo ang mga mata. Titiisin na lang sana nito ang dalaga ngunit sa bandang huli ay naawa rin ito. Kinuha nito ang sariling insect repellant at pinahiran ang mga naka-‐‑expose na balat ni KC para huwag kagatin ng lamok.
CHAPTER EIGHT
ILANG araw na silang naglalakad. Pakiwari ni KC ay dinaig na nila si Samuel Belibeth sa haba ng nilalakad nila na ang tanging nakikita ay mga punong-‐‑kahoy at mga karawagan. Ang tanging ingay na naririnig ay mga huni ng ibon at kuliglig, at manaka-‐‑nakang pagaspas ng hangin. Sa loob ng ilang araw na iyon ay wala silang nakikita o nasasalubong man lang na ibang tao. Bilang na nga niya kung ilan ang nunal ni Waldo sa likod na kapag naiinitan ay hinuhubad ang suot na T-‐‑shirt. Lagi kasi itong nauuna sa kanya sa paglalakad. May nunal din ito sa batok. Tamad kaya ito? naisaisip niya. But she couldn’t help herself admiring his back. Isa-‐‑isang ikinikintal ni KC sa isip ang mga katangian ng binata. Wide shoulders, narrow hips and firm buttocks. His body was well-‐‑ toned. Sa tuwing iwawasiwas nito ang hawak na gulok ay nag-‐‑aalsahan ang muscles nito sa likod. He had a powerful back at nangangati ang kanyang mga palad na damhin iyon. Isang malalim na buntong-‐‑hininga ang pinakawalan ng dalaga. Pilit niyang ibinaling sa iba ang isip. Napakalakas ng attraction sa kanya ng mga lalaking brawny, dangerous-‐‑looking, athletic and earthly type. Tulad ng kanyang Lolo Greg. And she had thought Antonio Leviste III was that kind of man. He was muscular at malaking lalaki; well-‐‑trimmed ang bigote nito. Brusko, pero sa tingin lang iyon. May finesse itong kumilos. So she fell in love with him sa unang pagkikita pa lang. That was what she thought. Kaya nga nang yayain siyang pakasal ni Antonio, agad siyang sumang-‐‑ayon. It was a short engagement. And then she found out, he was not as strong as he looked. Dahil nadodominahan pa rin ito ng ina. Ang ina nito ang nagpapatakbo sa buhay nito. Hindi ito makapag-‐‑decide nang hindi muna isinasangguni sa ina. That was what she hated most. Ang pagiging mama’s boy nito. So, when his mother kept interfering with their wedding plans, she decided to call it quits. “Sigurado ka ba sa desisyon mong ‘yan?” tanong noon ni Bessie sa kanya. Na agad niyang tinanguan. Her father tried to persuade her. “Baka prewedding jitters lang ‘yan.” Ngunit naging matatag ang kanyang pasya na huwag nang ituloy ang pagpapakasal. Iginalang naman iyon ng kanyang pamilya. Tandang-‐‑tanda niya, nagsumamo noon si Antonio. Umiyak pa ito sa harap niya. He even tried to blackmail her emotionally. Na magpapakamatay ito. That was the final straw; dahil sa halip na maantig ang kalooban niya ay lalo siyang tinabangan dito. Isang malalim na buntong-‐‑hininga ang pinakawalan ni KC. That was almost three years ago. After Antonio, she never had any serious relationship again. Natatakot na siyang muling magkamali sa pagpili ng lalaking pakakasalan. Next time, she promised herself, When she would be ready to fall in love again, she’d look for a more conventional man. Maraming lalaking ganoon sa kanilang sirkulo. Mga business executives and professionals. Hindi tulad ng lalaking ito who confessed that he was a professional thief. Matalim ang tinging ipinukol niya sa likuran ni Waldo. Tamang lumingon ito. “Bakit ba may pakiramdam ako na sinasaksak mo ako nang patalikod?” biro nito. She smiled at him guiltily. Iyon ang isa sa ikinaiinis niya sa lalaki, napakatalas ng pakiramdam nito. Malapit na namang lumubog ang araw. Kailangan na naman nilang humanap ng mapagkakampuhan. “Niloko yata tayo ng mga bangkerong ‘yon. Ilang araw na tayong naglalakad, wala pa rin tayong nakikitang bahayan. Are you sure we’re heading in the right direction? Baka naman nagpapaikut-‐‑ikot na lang tayo dito sa kagubatan,” sabi ng dalaga. Tiningnan ni Waldo ang hawak na compass. Sinusundan nila ang due north ngunit hindi rin ito sigurado na hindi sila naliligaw. Ayaw lang aminin iyon sa dalaga. “Pasasaan ba’t mararating din natin ang destinasyon natin,” tanging nasabi nito. “Puwede na tayong magkampo dito ngayong gabi.” Tiningnan ni KC ang paligid. Ni hindi patag ang kanilang kinaroroonan. “Hindi ba tayo puwedeng humanap ng medyo patag na lugar?” Kahit may sleeping bag sila, masakit na ang kanyang likod sa kahihiga sa hindi patag na higaan. Dala nga lang marahil ng sobrang kapaguran kaya pagsayad ng likod niya sa higaan ay agad siyang nakakatulog. “Malapit nang dumilim,” sabi ni Waldo. Tiningnan niya ang kanyang diver’s watch. Mag-‐‑aalas-‐‑kuwatro pa lang ng hapon, ngunit madaling dumilim sa gubat. Ibinaba na ni Waldo ang dala-‐‑dala at nagsimulang hawanin ang lugar na kanilang pagkakampuhan. Sa halip na tumulong ay kinuha ni KC ang largabista. Inakyat niya ang isang malaking bato at tinanaw ang paligid. Ang tanging nakikita niya ay ang tila walang-‐‑katapusang kakahuyan. Nang mahagip ng tingin niya ang makislap na bagay na iyon. Tila maliit na apoy. Itinutok niya roon ang telescope at nakita ang kubo. “Waldo, halika, dali! May bahay sa gawi ro’n!” tuwang-‐‑ tuwang sigaw niya. Mabilis na lumapit si Waldo sa kinaroroonan niya. Kinuha ang largabista at sinipat ang direksiyong itinuturo niya. “Yes!” tuwang sambit din nito. “Tayo na!” Binilisan nila ang kanilang lakad. Pababa na sila. Matarik ang daan na pawang cogon. Mahigpit na magkahawak-‐‑kamay ang dalawa. Kung ilang beses na nagmumuntik-‐‑muntikanan nang madulas si KC. “Sa tingin mo, mga gaano pa kalayo ‘yon?” tanong ng dalaga. “Malapit na lang ‘yon,” pagpapalakas-‐‑loob ng binata. Bago tuluyang dumilim ay narating na nila ang kubo. May natatanaw pa silang mga bahayan sa may gawi pa roon ngunit iyon lang ang nag-‐‑ iisang kubo sa gawing iyon. Malayo sa mga kapitbahay. May matandang lalaki na naghihimas ng tinali sa loob ng bakuran. Tila gustong takbuhin ni KC ang matanda at yakapin sa labis na pananabik na muling nakakita ng tao. Maagap lang niyang napigilan ang sarili. Lumapit ang matanda sa tarangkahan nang makita sila. “Magandang hapon po,” ang bigay-‐‑galang ni Waldo. “Magandang hapon naman, amang, ineng,” ganting-‐‑bati ng matanda. Lihim na napangiti si KC. Nobody had addressed her “Ineng” before, at si Waldo, hindi mukhang amang. “Pupunta ho sana kami sa Panamin, kaya lang, eh, mukhang naligaw kami.” “Sa Panamin? Aba’y malayo pa iyon dito. Karamihan sa nagpupunta doon ay sa dagat nagdadaan,” sabi ng matandang lalaki. “Halikayo. Dito na kayo magpalipas ng gabi at bukas na ng umaga kayo lumakad.” “Maraming salamat ho. Ako ho si Abner at ito naman si Lily, asawa ko,” pakilala ni Waldo sa kanilang dalawa. “Ako si Pilo.” Tinawag nito ang asawa. “Si Desta, ang asawa ko.” Dalawang kamay naman silang tinanggap ng mag-‐‑asawa. Nagpahanda ng pagkain ang matandang lalaki. Nagpakatay ng manok. “Huwag na ho kayong mag-‐‑abala. May dala ho kaming mga pagkaing de-‐‑lata,” magalang na tanggi ni KC. “Hindi, ineng. Paminsan-‐‑minsan lang na may naliligaw na bisita dito sa amin at isa iyong malaking karangalan,” sabi naman ng matandang babae. Binulungan ni Waldo ang dalaga. “Hayaan mo na sila. Talagang ganito sa nayon. Hindi pa rin nawawala ang Filipino hospitality.” “Ano’ng gagawin ninyo sa Panamin?” tanong ni Mang Pilo. “Volunteer workers ho kami,” tugon ni Waldo. “Ang pagkakaalam ko ay matagal nang umalis ang mga tumutulong sa mga Panamin,” ang matandang lalaki pa rin. “Nagbalik ho ang iba. Gaano ho ba kalayo iyon?” tanong naman ni KC. “Malayu-‐‑layo pa rin iyon dito. Nakikita ba ninyo ang dalawang bundok na iyon,” ani Mang Pilo sabay turo sa labas ng bintana. “Iyon ang Bundok ng Susong Dalaga.” Tiningnan ng dalawa ang itinuturo ng matanda. Para nga iyong dibdib ng isang dalaga. “Sa pagitan ng dalawang bundok na iyan nakatira ang mga Panamin.” “Wala ho bang sasakyan?” si KC pa rin. “May mga truck noong may nagla-‐‑logging pa ngunit matagal nang inihinto ang logging. Kaya lakad na lang, o kung sinusuwerte ay puwedeng sumakay sa kabayo, pero hanggang doon lang sa may paanan ng bundok. Magmula roon ay lalakarin na ninyo. Kung gusto ninyo, magpahatid kayo sa pamangkin ko. May mga kabayo siya. Puntahan natin sila pagkakain.” Mabilis na sumang-‐‑ayon si Waldo. “Kung sa dagat ho dadaan?” tanong uli ni KC. Hindi pa man ay parang hinahalukay na ang kanyang tiyan sa isiping muli siyang sasakay sa bangka. Ngunit kung mas madali silang makakarating ay kaya na niya iyong pagtiisan. “Babalik pa kayo sa bayan. Doon kayo aarkila ng malaki-‐‑laking bangka. Malalaki ang alon sa gawing iyon kahit sa ganitong panahon at kailangan ay mas malaking bangka ang sasakyan. Mas malapit nga ngunit mas mapanganib. Matatarik ang mga bangin. Kailangan ninyo ng maggigiya sa inyo para makarating kayo sa lugar ng mga Panamin.” “Mas makabubuting sa lupa na lang tayo magdaan, sweetheart,” sabi ni Waldo sa dalaga. Palihim na inirapan ito ni KC. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagpunta na ang dalawang lalaki sa baryo. Nagpaiwan na si KC kasama ang matandang babae. Pagod na pagod siya. Wala siyang gustong gawin kundi mahiga at matulog. Kubo lang ang bahay at maliit. Walang silid at wala kahit partisyon. Naglatag na si Aling Desta. Nagkabit ng dalawang kulambo. May isang dipang espasyo sa pagitan ng dalawang kulambo. “Diyan na kayong mag-‐‑asawa. Dito naman kami ng tao ko,” sabi ng matanda. “Puwede ho kami sa labas. May dala kaming tent at sleeping bags,” suhestiyon ni KC. Umiling si Aling Desta. “Bakit sa labas kayo matutulog? Nasa bahay namin kayo. Saka baka biglang umulan,” sabi nito. AGAD namang nagkasundo si Waldo at ang may-‐‑ ari ng kabayo. Pabalik na sila sa bahay nang matanaw sa harapan ng isang tindahan ang nakahintong army-‐‑type jeep. Agad na nakilala ni Waldo si Drigo kasama ang dalawang alalay nito. “Kilala mo ang mga iyon?” tanong ni Mang Pilo sa binata. “Oho. Tiyuhin ho ‘yon ni Lily. Ayaw nila ako para kay Lily kaya itinanan ko. Tamang papunta ako sa Panamin, isinama ko na siya. Hindi ko alam na masusundan kami agad. Tiyak babawiin nila si Lily. Mang Pilo, mahal ko ho ang asawa ko. Tulungan ninyo kami. Kapag nakuha nila si Lily, tiyak hindi ko na siya makikita.” Mabilis na nakagawa ng kuwento si Waldo. Nasaling ang romantikong puso ng matandang lalaki. “Huwag kang mag-‐‑alala, ako ang bahala,” pangako nito. NAKAHIGA na si KC nang dumating sila. Agad na pinuntahan ni Waldo sa loob ang dalaga. “Naririyan sina Drigo. Nasundan tayo,” bulong niya rito. Napabalikwas ng bangon ang dalaga. “A-‐‑ ano’ng gagawin natin?” “Aalis tayo nang madaling-‐‑araw. Ang alam nila ay tiyuhin mo si Drigo at hinahanap ka niya dahil nagtanan tayo. Iyon din ang sinabi ni Drigo sa tindahan. Sige. Magpahinga ka na,” paliwanag ng binata. Ininom nila ni Mang Pilo ang gin bago sila nahiga. Nahiga na ang matandang lalaki sa tabi ng asawa. Saglit na nag-‐‑atubili si Waldo kung tatabi kay KC. Sa labas sana siya matutulog ngunit nag-‐‑ alala naman siya na baka magkahinala ang mag-‐‑ asawa. Nahiga na rin siya sa tabi ni KC. Tulog na tulog na ito. Sinikap niyang huwag madaiti rito. Naglagay siya ng kaunting puwang sa pagitan nila. Ngunit kahit may ilang pulgada sa pagitan nila ay dama pa rin niya ang init ng katawan na nagmumula rito. Bagong paligo si KC at nasasamyo niya ang mabangong amoy ng shampoo at sabong ginamit nito; ang amoy ng lotion sa katawan. Dahil kahit nasa ilang na lugar sila ay hindi pa rin nalilimutan ng dalaga ang nightly ritual nito. Bago matulog sa gabi ay kung anu-‐‑ano ang ipinapahid sa mukha at katawan. It was sheer torture. Sa panahon ng paglalakbay nila, kahit sila lang dalawa, hindi sila natutulog na magkasama sa isang tent. Ipinauubaya niya ang tent sa dalaga. Siya ay sa labas natutulog. He never mixed business with pleasure. Nais niyang panindigan iyon. Ngunit habang lumalaon ay nagiging mahirap para sa kanya ang kanilang sitwasyon. Napakaganda ni KC Milan. Napaka-‐‑ bango.. Bumiling ang katabi. Niyapos siya at isiniksik ang ulo sa balikat niya. Nasanggi nito ang pinakasensitibong bahagi ng katawan niya. Tila may kuryente na mabilis na dumaloy sa ultimong kaliit-‐‑liitang ugat sa kanyang katawan. Mariing nakagat ni Waldo ang pang-‐‑ibabang labi para pigilan ang isang ungol. He had been without a woman for more than a week now. He was not used to celibacy and he was not used to denying himself. Napamura siya sa sarili. Hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat o hindi na naroroon sa tabi nila ang mag-‐‑asawa na kapwa malakas na naghihilik. Sinikap na lang niyang makatulog. BAGO umalis ay sinabi ni Mang Pilo sa pamangkin na may naghahanap kina Waldo at KC. “Huwag kayong mag-‐‑alala, ako ang bahala sa inyo. Hindi nila kayo basta-‐‑basta masusundan,” sabi naman ni Efren. Umiwas silang dumaan sa mga bahayan. Dalawang kabayo ang sasakyan nila. Ang may-‐‑ ari ay sakay ng isang kabayo, dala ang mga gamit ng dalawa. Magkaangkas naman sina Waldo at KC sa isa pang kabayo. Nasa unahan si KC at sa likuran niya ang lalaki. Nahalata niyang hindi marunong mangabayo si Waldo. “Do you know how to ride a horse?” tanong niya. “No. Not everybody has a privilege like you, who can afford to own a horse,” inis at patuyang sabi ng binata. “My! My! Mainit yata ang ulo mo ngayon? Did you wake up at the wrong side of the bed?” biro niya. Isang ungol lang ang naging tugon nito. “Okay, I’d better hold the reign,” alok niya. Siya na ang nagpatakbo sa kabayo. Nauuna sa kanila si Efren. “Gosh! I feel so rested. I slept well last night,” sabi ni KC. “Naiiwanan na tayo n’ong mama. Hold on.” Pilit na naglalagay si Waldo ng espasyo sa pagitan nila. Muntik na itong mahulog nang pabilisan ni KC ang kabayo. He grabbed her shoulder. “Relax, hindi ka mahuhulog,” nangingiting sabi ng dalaga. Their position didn’t help much to his mood. He was very much aware of her. Her body; her softness. Lalong nainis si Waldo nang tila hindi man lang naaapektuhan ang dalaga. Isang pilyang ngiti ang sumungaw sa mga labi ni KC. She knew what was happening to her passenger. Kinuha niya ang kamay ni Waldo. “Here, hold the reign. Not too tight. Hayaan mo lang siyang sumunod sa kasama.” Bahagya siyang sumandal sa dibdib ng lalaki. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso nito. Ang mainit-‐‑init na hininga nito sa tainga niya. She wasn’t immuned. She felt her temperature beginning to rise, but she can control herself. “Kung gusto mo siyang tumakbo nang mabilis, hilahin mo nang bahagya ang renda and dig your feet at his side,” sabi niya. Ginawa iyon ni Waldo. Bumilis ang takbo ng kabayo. “Don’t.” Pinigilan ni KC ang binata. “Let him trot. Medyo mabigat tayo. Madali siyang mapapagod. Is Panamin the name of the tribe?” pag-‐‑iiba niya ng usapan. “No. Ang Panamin ay isang foundation na tumutulong sa mga katutubo sa mga kabundukan. Iyon na rin ang tawag ng mga tagarito sa lugar ng mga Ita na tinulungan ng mga taga-‐‑Panamin.” Bago mananghali ay huminto na sila sa tabi ng daan. Pinapagpahinga nila ang mga kabayo. Nagluto ang dalawang lalaki ng kanilang pagkain. May dalang baril ng ibon si Efren. Nakabaril ito ng tatlong ibon; iyon ang nilitson nila para sa kanilang tanghalian. Noong una ay parang hindi kayang kainin iyon ni KC. Ngunit nang malanghap ang mabangong amoy ng iniihaw na karne ay kumain na rin siya. Hinintay na muna nilang lumamig nang kaunti ang panahon bago sila muling lumakad. SIBSIB na ang araw nang marating nila ang paanan ng bundok. “Hanggang dito na lang ho tayo. Dati ho kasing may daan hanggang doon sa lumang lagarihan. Kaya lang ay natabunan ng landslide. Hindi ho kayang akyatin ng kabayo. Sundan na lang ho ninyo ang daang ‘yan. Pagbaba ninyo ay ilog na. Sundan lang ninyo ang daan paitaas. May mararaanan kayong lumang lagarihan. Mula roon ay ilang oras na lakad na lang at ang pamayanan na ng mga katutubo.” Doon na sila nagpalipas ng magdamag. Bago mag-‐‑umaga ay lumakad na pauwi si Efren. Naghanda naman ang dalawa. Bago sumikat ang araw ay lumakad na silang muli. Nagsimula na nilang akyatin ang gumuhong bundok. Loose ang lupa kaya maingat sila. Nakahinga si KC nang malagpasan nila ang guho. Buong akala niya, pagkatapos niyon ay ilog na. Ngunit nadismaya siya dahil pagkatapos niyon ay marami pa silang nadadaanan na maliliit na landslides. “Akala ko ba, hindi magtatagal ay makikita na natin ang ilog?” reklamo niya. Masakit na ang kanyang mga paa, nagpoprotesta na ang kanyang muscles. “Sanay na kasi ang mga tao rito na naglalakad nang malayo kaya kapag mga sampung kilometro lang ang layo ng pupuntahan ay malapit lang iyon sa kanila. Kapag hindi naman matanaw iyon ng uwak, saka nila itinuturing na malayo.” “Saan mo naman nakuha ‘yan?” natatawang tanong ni KC. Isa na namang malaking guho ang kanilang daraanan. Mas matarik iyon kaysa sa mga nauna nilang dinaanan. Mula sa itaas ay natanaw na nila ang maluwang na kaparangan. Nakadama ng relief ang dalawa. “Malapit na tayo,” sabi ni Waldo. “Hay, salamat!” tuwang bulalas ni KC. Pababa na sila nang mapatapak siya sa malambot na lupa. Gumuho iyon, tangay siya. Pumailanlang ang malakas na tili niya. “KC!” malakas na sigaw ni Waldo. Nagpadausdos na rin ito pababa. Mabilis na sinundan ang dalaga. Una ang pang-‐‑upo nang bumagsak si KC sa ibaba. Sandaling nawalan siya ng hininga. Hindi siya agad nakakilos. Pagbasak sa ibaba ay agad na tumayo si Waldo at nilapitan siya. “KC!” Bahagya niyang ipinilig ang ulo. Tinangka niyang kumilos ngunit maagap siyang pinigilan ng lalaki. “Don’t move. I’ll check first at baka nabalian ka ng buto. Alin ba ang masakit sa iyo?” Banayad na hinipo nito ang katawan niya. “Saan ang masakit?” She began to shake, then giggle, and then laugh loudly. Napatanga si Waldo sa dalaga. Nabahala. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at bahagyang niyugyog. “KC. . Okay ka lang ba?” “I’m okay,” aniya. Ngunit tumatawa pa rin siya hanggang sa halos maluha na siya sa katatawa. “KC!?” Anyong tatampalin ni Waldo ang pisngi niya para matauhan siya nang tabigin niya ang kamay nito. “Don’t you dare!” malakas na sabi niya sabay tayo. “Natatawa lang ako. It was like I rode a giant slide,” aniya na nahimas ang kanyang pang-‐‑ upo. Inis na tumayo si Waldo. “Nakuha mo pang tumawa. Muntik ka na ngang mamatay! Look, may mga gasgas ka sa braso.” “It’s nothing,” pabale-‐‑walang tugon niya. “Hindi dapat ipagwalang-‐‑bahala ang kahit na kaunting galos lang dito. Baka ma-‐‑infection ka. Nasa ilang tayo,” pormal na sabi ng binata. “Kailangang malinis agad iyan at magamot.” Pinagpag ni KC ang puwitan ng pantalon. “Oh, my! Nasira ang pants ko. This is my favorite Levi’s.” “Mas inaalala mo pa ang pantalon mo kaysa sa buhay mo?” inis na sabi ni Waldo. Kinuha nito sa backpack ang medical kit at ginamot ang mga gasgas sa braso ng dalaga. Nagpahinga lang sila sandali bago sila muling naglakad. Hanggang sa makarating sila sa ilog. “Ito ba ang ilog? Bakit walang katubig-‐‑tubig?” disppointed na sabi ni KC. “Tag-‐‑araw kasi kaya tuyo ang mga ilog.” Inilabas ni Waldo ang largabista. Tiningnan ang paligid. Natanaw na nito ang lumang sawmill. “Hayun ang sawmill na sinasabi nila. We’re on the right track!” masayang sabi nito. Narating nila ang sawmill. Maraming naiwan doon na mga nabubulok na makinarya. Marami ring mga nakabunton doon na mga old cut logs na hindi na nakuha. Sira-‐‑sira na rin ang bankhouses. “Bakit hinayaan na lang nilang magkaganito ang mga ito?” may panghihinayang na naisatinig ni Waldo. “Nasira na ang daan. Siguro, hindi na rin profitable para sa kompanya na mag-‐‑operate dito,” komento ni KC.
CHAPTER NINE
TINANAW ni KC ang paligid hanggang doon sa
abot ng kanyang mga mata. Parang wala nang katapusan ang kaparangang iyon.
Mabato at matalahib. Namaybay sila sa tuyong ilog. Tumatagaktak na ang pawis sa
kanilang mga katawan. Hinubad na ni Waldo ang T-‐‑shirt
at itinali sa ulo. Itinaas naman ni KC ang laylayan ng suot na long-‐‑sleeved polo, ibinuhol hanggang sa may ibaba ng dibdib.
Nilagyan niya ng sunscreen ang naka-‐‑expose na bewang. Nauuna si KC.
Kasunod si Waldo. Maya’t maya ay
napapatutok ang mga mata nito sa napakaseksing katawan ng dalaga. Napakaliit ng
bewang niya at tantiya ng binata ay kayang sakupin iyon ng dalawang palad nito.
Bilugan ang balakang at napakakinis ng kutis niya na ngayon ay mamula-‐‑mula na dahil sa pagkaka-‐‑expose sa araw. At kung lumakad siya
ay maimbay. Walang idudulot iyon na mabuti sa sarili kaya ipinasya ni Waldo na
lumakad sa gawing unahan ng dalaga. Higit na malalaki ang mga hakbang nito at
nang lumingon ito ay wala na si KC. “KC!?” malakas na tawag nito. Ngunit walang
sumasagot. Napilitang bumalik ang lalaki. Nakita nito ang dalaga na
nagpapahinga sa malaking bato. Napatiim-‐‑bagang si Waldo. “Ano ito? Iniinis mo ba ako o ano?” “Tatawagin sana kita pero daig mo pa ang nakikipag-‐‑marathon. Pagod na ako. I want to catch my breath kaya
huminto na muna ako,” katwiran ng
dalaga. Katirikan na ng araw. Ibinaba ni Waldo ang kanyang backpack. “Sige.
Magpahinga na muna tayo dito. Doon tayo sa lilim ng punong-‐‑kahoy. Malamig-‐‑lamig.” Pagdating sa lilim ay agad na binirahan ng higa ni KC sa batuhan. “Bumangon ka muna, mamulot ka ng kahoy
at magluluto ako ng tanghalian,” sabi ni Waldo.
Inilabas na nito ang dala nilang kaunting bigas at ang kanilang maliit na
kawali. Dahil malalim iyon kaya puwedeng pagsaingan. Habang nangunguha ng
panggatong si KC ay naghuhukay naman si Waldo sa gitna ng natuyong ilog.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ng dalaga na lumapit sa kinaroroonan ng lalaki.
“Naghahanap ako ng tubig. Mamasa-‐‑masa ang buhangin dito. Ibig sabihin
ay may tubig sa ilalim,” sabi nito.
Ilang pulgada pa ay lumabas na ang bukal. “May tubig na!” tuwang sambit
ni KC. “Kaya lang, malabo. Paano natin
maiinom ‘yan?” “Huwag kang mag-‐‑aalala, lilinaw din iyan,” ani Waldo. Niluwangan at nilaliman nito ang hukay. Ilang sandali pa’y malinaw na ang tubig. Isinalok ni
Waldo ang palad at uminom. “Masarap ang tubig. Malamig. Tikman mo.” Ginaya ni
KC ang ginawa ng binata. “Masarap nga ang tubig. Manamis-‐‑namis!” Muli niyang
isinalok ang dalawang palad at inihilamos sa mukha. “Mamaya ka na maghilamos. Kukuha muna
ako ng gagamitin natin sa pagluluto,” sabi ni Waldo. Gumawa ito ng kalan— tatlong magkakasinglaking bato at saka ginatungan. Isinalang ang kawali
na may laman nang sinaing. “Tingnan mo ang
sinaing at may titingnan lang ako sa gawi roon,” bilin ni Waldo. “Huwag mong
hahayaang maubusan ng gatong kundi mahihilaw ‘yan.” May nakita si Waldo na
edible ferns sa pampang ng ilog. Madalas na niluluto iyon sa probinsiya ng mama
nito. Namitas ito ng talbos. Kumulo na ang sinaing. Umapaw na ang tubig sa
gilid ng kawali. “Iyong niluluto, tumatapon na ang sabaw!” malakas na sabi ni
KC. “Tanggalin mo ang takip at saka mo haluin,” malakas ding utos ni Waldo na
patuloy sa pangunguha ng talbos. Nang magbalik ay nakita nitong patuloy na
hinahalo ni KC ang laman ng kawali. Nilapitan nito ang dalaga. “Ano iyan?”
“Sabi mo haluin ko,” sabi ni KC. Napatitig si Waldo sa sinaing. “Bakit naging
lugaw ‘yan?” “Natapon kasi iyong ibang tubig kaya dinagdagan ko. Naging ganyan
naman,” paliwanag niya. Natapik na lang ni Waldo ang noo. “Hindi ka man lang ba
marunong magsaing?” “Get me a rice cooker and I’ll cook for you,” inis na tugon
niya. Hindi na kumibo si Waldo. Sa halip ay nagbukas na lang ito ng meat loaf
at inihalo sa lugaw. Ilang sandali pa ay kumakain na sila. “Hmm, masarap ito. Ngayon
lang ako nakakain ng ganito,” sabi ni KC. Tiningnan lang siya ng binata. “Are
you mad at me?” hindi nakatiis na tanong niya. “Well. . sorry. I ruined your
lunch.” “Okay lang iyon. Wala kang kasalanan. Nawala sa isip ko na hindi ka nga
pala marunong magluto.” “With proper kitchen gadgets, I can cook,” depensa
naman niya sa sarili. “Ano? Free cooked food na ilalagay na lang sa microwave?”
pabirong tanong ng binata. “Why should I bother to cook gourmet food when I’m
alone? Anyway, I seldom eat at my house,” katwiran naman niya. Tiningnan nito
ang katawan niya. “Kaya ka payat, hindi ka kasi kumakain nang tama.” “Slim,”
pagtatama ni KC. “Anyway, mas in ang katawang ito kaysa mataba.” “Iyon ang
akala ninyong mga babae. Maganda lang tingnan ang payat pero gusto pa rin
naming mga lalaki na kapag niyakap namin ang babae, iyong mayroon pa naman
kaming makakapa. Hindi puro buto.” “Well, wala pa namang nagrereklamo sa mga
previous boyfriends ko,” kibit-‐‑balikat na sabi ng dalaga. “Boyfriends?” Masakit iyon sa pandinig ni Waldo. “Hey. .” Bahagyang tumaas ang kilay ni KC. “Why? Don’t tell na ikaw ay walang
naging girlfriends? Sa itsura at sa edad mong iyan? Ilan na ba ang naging
girlfriends mo mula noong teenager ka?” “Hindi ako nagbibilang. And I don’t
keep a black book,” matabang na sabi ng binata. They were into a dangerous
topic. Ayaw nitong marinig ang tungkol sa mga lalaking nagdaan sa buhay ni KC.
Iniba na nito ang usapan. NATAPOS na silang kumain. Habang nagkukuwentuhan sila
ay nahiga si KC sa batuhan. Gumaya si Waldo. Ikinuwento nito ang isa sa mga
escapades nito sa pagnanakaw. “May public show ng mga diamonds sa Baguio. Bukod
sa maraming guwardiya, fully wired pa ang mga eskaparate na pinag-‐‑display-‐‑an sa mga iyon. “May nauna nang nagplano na pasukin
ang lugar. Si Boy Giant. Anyway, kabaligtaran ng pangalan niya ang itsura niya.
Kinausap ako ni Boy Giant na magsama na lang kami at fifty-‐‑fifty kami sa makukuha namin. Dumaan siya sa chimney ng
fireplace. Sa liit niya ay kumasya siya roon. Binuksan niya ang pinto sa likod
para makapasok ako. Nakuha ko ang pinakamalaking bato at pinalitan ko ng
crystal na ganoon din ang itsura at hindi agad-‐‑agad
mapapansin kung sa malayo titingnan. “Doon pa lang ay nagtatalo na kami. He wanted to be greedy. Gusto niyang
kunin na namin ang lahat ng mga batong naka-‐‑display. Hindi ako pumayag.
Pagkakuha ko ng bato ay ibinigay ko sa kanya. Mabilis siyang umalis. Dahil
maliit nga, madali siyang nakadaan sa chimney. Hindi naman ako kakasya doon,
kaya nagtago muna ako sa ceiling sa CR. Nang dumami ang tao sa loob, saka ako
lumabas. Inabot ako ng ilang oras sa kisame. Paglabas ko, wala na sa Baguio si
Boy. Hindi ko na siya nakita mula noon.” “Ano’ng ginawa mo?” Ikinibit ni Waldo
ang mga balikat. “Wala na akong magagawa. Ang huling balita ko ay nasa ibang
bansa na si Boy. Doon ibinenta ang bato na pinaghirapan naming dalawa. Ngayon
ay buhay-‐‑ hari na siya. Pero may natutuhan
naman ako mula noon. I never took a partner again. I work alone.” Tumaas ang kilay ng dalaga. “Then why did you take me in?” “May tiwala ako sa iyo,” sabi ng binata. “Salamat!” Naghikab si KC.
Namimigat na ang talukap ng kanyang mga mata. “Inaantok ako. Let’s sleep for a
while,” aniya. “Sige, mainit pa naman. Gigisingin na lang kita,” sang-‐‑ayon naman ni Waldo. Ilang sandali pa ay tulog na si KC.
Matamang pinagmasdan ni Waldo ang maamong mukha ng dalaga. Her face was
slightly sunburnt sa kabila ng sunblock na ipinapahid nito sa mukha. Ngunit
napakakinis pa rin niyon. Mahahaba at malalantik ang pilik-‐‑mata nito. Cute ang mga biloy nito sa pisngi. Kahit sa
pagtulog, tila laging may nakapamilaylay na pilyang ngiti sa mga labi nito. He
fought the urge to kiss those lips. Hindi lang sa ganda ng dalaga hanga si
Waldo. She was not used to rough living, but she seldom complained. Maging sa
pagkain; kung ayaw nito ay hindi ito nagrereklamo. Kakain lang ito nang kaunti.
Kung ibang babae lang, tiyak ni Waldo na wala na siyang maririnig kundi puro
reklamo. Nagagawa pa ni KC na pagtawanan ang mga naging karanasan nito tulad
nang mapadulas ito kanina sa landslide. NAPABALIKWAS ng bangon si Waldo. Nang
tingnan ang relo ay mahigit na dalawang oras na silang nakatulog. Agad nitong
ginising si KC. Wala namang reklamo ang dalaga. Bumangon na rin siya. Ilang
sandali pa ay masigla na silang naglalakad. Wala pang dalawang oras silang
naglalakad nang matanaw nila ang tubig sa di-‐‑kalayuan.
Patakbong lumapit sa tubig ang dalawa. Agad na ibinaba ni KC ang kanyang dala-‐‑dala. Inililis niya ang mga manggas ng suot na long-‐‑ sleeved shirt at naghilamos. “Let’s take a swim,” anyaya niya kay
Waldo. Ngunit maagap siyang pinigilan nito. “Mamaya na. Magpahinga ka muna,
baka mapasma ka. Dito na tayo magkampo ngayong gabi. Bukas ng umaga na lang
tayong lumakad. Mula rito, mga ilang oras na lang hanggang sa pamayanan ng mga
Ita,” sabi ni Waldo. Ayaw nitong abutin sila ng dilim sa daan at baka lalo lang
silang maligaw. Inihanda na nito ang kanilang pagkakampuhan. Tulad ng dati,
tumulong si KC sa pamumulot ng kahoy para sa kanilang gagawing bonfire. Nang
mapatingin siya ng may pag-‐‑asam sa tubig. “Sayang, wala tayong dalang pampaligo.” “Ano’ng ginagawa ng birthday suit mo?” Umarko ang kilay niya. “You mean. . skinny dipping?” “Bakit hindi? Tayo lang namang dalawa ang naririto,” sabi ng binata at nagsimula na
nitong hubarin ang damit. Nanatiling nakahalukipkip si KC. She never tried to
avert her eyes even when he began to discard his last piece of clothing from
his body. “Iyan lang ba ang ipinagmamalaki mo?” natatawang sabi niya, giving him a
teasing look. Napahalakhak si Waldo. He liked her naughtiness. Ni hindi man
lang ito na-‐‑conscious sa kawalan ng kasuutan
niya. Patakbong tinungo ng binata ang tubig at nag-‐‑ dive. He really had a beautiful body. His buttocks were
paler that the rest of him. And her knees became weak, lalo na nang makita ang
binata na sumisisid sa ilalim ng tubig. Napakalinaw ng tubig. Animo nag-‐‑iimbita para sa isang masarap na paglusong. But she knew it
would be dangerous to swim with him. Lumitaw si Waldo. “Hindi ka ba maliligo? Ang sarap ng
tubig!” “Mamaya na,” ani KC. “Duwag!” natatawang kantiyaw ng binata. Sa lahat ng
ayaw ni KC ay ang sinasabihan siya ng duwag. “Okay!” Nahamon siya. She had
never done skinny dipping before. Ngayon lang. Napaawang ang mga labi ng binata
nang simulan niyang alisin ang kanyang mga suot. Una niyang hinubad ang
pantalon. Iniitsa iyon sa di-‐‑ kalayuan. He knew from the start
she had a great pair of legs, but he was never sure. Dahil buhat nang magkasama
sila ay laging nakapantalon si KC. Which was understandable, dahil kailangang
pro-‐‑ tektahan niya ang balat. Humawak sa laylayan ng long-‐‑sleeve shirt ang mga kamay niya at unti-‐‑unting itinaas iyon para hubarin. He had seen much more
erotic striptease than what she was doing now. Ngunit nang mga sandaling iyon
ay iyon na yata ang pinaka-‐‑erotic na striptease na napanood
nito. He felt hot kahit nasa tubig na ito. Sa isang kisap-‐‑mata, she was in her lacy briefs and bra. Mas maputi ang
legs niya than the rest of her body na na-‐‑expose sa araw. She was about to
remove her last garments, ngunit sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Waldo,
she lost her guts. Kaya minabuti niyang tumalikod. “Madaya ka. Bakit ako
kanina, pinagsamantalahan ng mga mata mo ang katawan ko?” reklamo ng binata. He
tried to sound casual. Ngunit maging sa sariling pandinig ay parang malat ang
dating ng tono nito. Either tumalikod na lang ito or grabbed her and ravished
her senselessly. Ngunit may natitira pa namang katinuan sa utak nito. Sumisid
si Waldo sa ilalim ng tubig. Mas malamig ang gawing ilalim. Enough to control
the hot sensation in his loins. Patakbong nag-‐‑dive
si KC sa tubig. Lumutang siya malayo sa binata. “Whew! Ang sarap ng tubig,”
sabi niya. Ilang sandali pa ay para na silang mga batang naglulunoy sa tubig.
Sumisid si KC at hinila sa paa ang lalaki saka maliksing nagpahabol. She was a
good swimmer ngunit mahusay ding lumangoy si Waldo. Nang maabutan ay ikinulong
siya nito sa mga bisig. “Huli ka!” natatawang sabi nito. Tinangkang kumawala ni
KC. Ngunit lalong humigpit ang mga kamay ng binata sa bewang niya. Hinapit siya
palapit sa katawan nito. “You’re playing with fire, lady,” paungol na anas ni
Waldo. She saw the danger in his eyes. And the passion. Lumakas ang kaba sa
kanyang dibdib. “Hey. .l-‐‑let me go!” Bahagya pang nagtaka si KC kung
bakit tila kinakapos siya ng paghinga. “Madaya ka,” nakangising
sabi ni Waldo. “Hindi mo inalis
lahat.” Dumako ang kamay nito sa garter ng
suot niyang bikini briefs. She felt the stirring of his loins against her
belly, and his hot breath on her face. “You said you never mix business with pleasure. .” paalala niya. Nakagat niya ang
ibabang labi nang lalo siyang hapitin ni Waldo palapit sa katawan nito. Her
breasts flattened against his broad chest. “Yes, lady. But you make it harder
and harder for me to keep my promise.” Hindi nito inaalis ang tingin sa mukha
ni KC. She was a liberated woman but she never went for one-‐‑night stands. And having an affair with Oswaldo Villaruz
will definitely fall in that category. It may not be a one-‐‑night affair ngunit wala siyang nakikitang future kung
magkakaroon sila ng relasyon. Bago pa siya makaisip kung paano makakawala sa
mahirap-‐‑iwasang sitwasyon na iyon ay unti-‐‑unting lumiit ang gap sa pagitan ng mukha nila. He was going
to kiss her. They both knew that once they kissed, their promise to stay away
from each other will be a lost cause. “W-‐‑Waldo, please. .” “Please, what?” he asked hoarsely. She really meant
to push him away from her traitorous body; ngunit tila may sariling pag-‐‑iisip ang mga kamay niya. Sa halip na itulak ito ay kusang
umakyat ang mga iyon sa balikat ng bina-‐‑ ta, felt the hard muscles on his
shoulders. Napaungol si Waldo. He tried to gain his sanity. “You should not
pull the sleeping lion by the tail or else, you must be prepared for the
consequences.” Then he took her mouth fully and gave her a searing kiss. Their
bodies were on fire kahit nakalubog ang kalahati ng kanilang mga katawan sa
tubig. Daig pa ni KC ang isang buwang nadiyeta sa masarap na pagkain. He kissed
her hungrily, greedily. He couldn’t just get enough of her. He wanted her too
much that if he couldn’t have her now, if he couldn’t be inside her this very
minute, he’d go crazy. He’d burst into pieces. He tugged her fragile undies. It
ripped. Tinangay iyon ng mahinang agos. Dapat matakot na siya. He was almost
raping her with the way he was kissing her. . No, he was not kissing her. He
was devouring her. Ngunit sa halip na matakot at itulak si Waldo, she clung to
him and kissed him as hard as he kissed her. He caught her buttocks and raised
her up, and thrust deeply in her warmth. And they both groaned out loud.
Slowly, he laid her down on top of a smooth flat boulder, and took her hard and
fast. They lusted after each other. They were both greedy for each other. With
her name on his lips, he gave one final thrust and plunged deeply into her and groaned
out loud. She bit hard his shoulder to smoothen her cries of passion until the
world exploded into thousands of pieces. Isinubsob ni Waldo ang mukha sa dibdib
ng kasuyo hanggang sa unti-‐‑unting bumalik ang kamalayan nila sa
daigdig. He laid down beside her then gently gathered her in his arms,
smoothing her damp hair away from her face. “I’m sorry. . I didn’t intend to
take you this way but I lost control. Hell! I almost raped you!” “Did you hear
me complain?” mahinang tanong ni KC. Nayakap na lang siya ng binata. “Hell,
sweetheart, why can’t you be just like any other woman?” “Do you want me to
become an ordinary woman? Sorry to disappoint you but I am not. I am my own
woman.” Ikinulong siya ni Waldo sa mga bisig. “No! ‘Ordinary’ is too dull. I
want someone like you. Maganda, sexy, matapang, malakas ang loob, may sariling
pag-‐‑iisip. .” He punctuated
his every word with a kiss. And their passion was rekindled. Binuhat siya ni
Waldo at dinala sa pampang. Abangan po ninyo ang ikalawang bahagi ng kuwentong
ito nina KC at Waldo— ang kanilang
natagpuang pag-‐‑ibig sa isa’t isa sa gitna ng pakikipagsapalaran
nilang matagpuan ang sinasabing Yamashita Treasure. ITUTULOY