Ang sumpa ni allenna

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

Ang sumpa ni allenna

 

Ang Sinumpang Ilog

sumpa ni allenna ( epilogue ) 

Masayang naliligo sa malinis at malamig na ilog ng majayjay laguna ang ang limang magkakaibigan, dahil wala pang bakasyon ay madalang pa ang namamasyal at naliligo sa lugar na ito, kasalasan kasi pag tungtong ng bakasyon ay madami ang naliligo sa ilog na ito. Yun nga lang binalaan silang wag pupunta sa

malalim na parte ng ilog dahil baka daw sila malunod, at isa pa binalaan din silang wag masyadong maingay at magkalat dahil sa may nagbabantay daw ba babaeng nakaputi don at kumukuha ng buhay sa mga taong naliligo doon lalo na kung ito'y hindi taga doon. At dahil mga taga maynila sila ay hindi sila naniniwala sa mga ganong bagay bagay, ang sabi nga nila "to see is to believe", at isa pa matatapang ang mga kabataang ito lalo na't laki sila sa syudad. "Pare naniniwala ba kayo na may lumalabas daw ditong babae?" tanong ni marlon sa kaibigan. "Bakit? don't tell me na natatakot ka sa babala nung matandang napagtanungan natin kanina?" sabi ni carl habang umiinom ng alak. "Hindi ah!" tanggi ni marlon. "naitanong ko lang sa inyo" depensa nito "Hindi totoo yon, panakot lang nila yon para magbehave tayo at hindi tayo magkalat dito" sabi naman ni jam na nobya ni carl. "Hahaha oo nga, palagay ko yun ang dahilan kaya ganon ang sabi sa atin" sabi naman ni bart habang nakayapos sa nobyang si ema. "Saka babae ba kamo?" sabi uli ni chad. "siguradong hindi yon magpapakita sa atin, lalo na sayo, takot lang non na ligawan mo siya" biro ni bart sabay halakhakan ng mga kasama niya. "Aba oo naman, patay yon sa kin" mayabang na sabi nito. "diba ang sabi yon daw ang dahilan kung bakit may mga nalulunod dito sa ilog?" sabi nya uli. "Sabi, yon nga daw" kibit balikat ni jam. "Sa kin lang siya magpakita at ako ang lulunod sa kanya" mayabang na sabi nito. "lulunurin ko siya sa sarap! Hahahahaha" tuwang tuwang sabi ni marlon. kilala kasing matinik sa babae si marlon, palibhasa ay mayaman at magandang lalaki kaya halos lahat ng ligawan ay nakukuha kaagad, kung minsan nga ay siya pa ang nilalapitan ng mga babae. "Yan naman ang gusto ko sayo pare e"sabi ni carl."Kahit babaeng multo papatusin hehehe" biro ni carl. "Siyempre, laman tiyan din yon" ganting biro ni marlon. Habang nag iinuman ay nagkakatuwaan ang tatlo, samantalang si bart at ema ay hindi nahihiya sa tatlong maglampungan sa harap ng mga ito, halos lahat na ata ng parte ng katawan ng babae ay nahipo na ni chad, kitang kita ang mapuputi at makinis na hita nito, samantalang si bart naman ay walang suot na pang itaas. "Hoy kayong dalawa" sita ni jam "don kayo sa mejo tago o kaya sa kotse" puna ni jam "Bakit ba?" sabi ni ema "hindi pa ba kayo sanay sa aming dalawa?" natatawang sabi uli. "Hindi naman, kaso baka mainggit si marlon kasi siya lang ang walang partner" natatawang sabi ni jam. "Anong maiinggit!?" maang ni marlon "kahit mag all the way yang dalawang yan sa harap ko hindi ako maiinggit" mayabang na sabi nito, pero sa totoo lang ay kanina pa siya inggit na inggit kay bart, lalo na't kitang kita nya ang mabibilog na hita ni ema. "Ikaw ta tong naiinggit e" bwelta ni marlon kay jam. "carl lakad na dalhin mo na sa sulok yang si jam at paratingin mo na sa langit" sabi ni marlon sabay kindat sa dalawa."Basta balik kayo magmaghapon ng makapagready na tayo sa pag uwi" sabi pa uli nito. "Ako ng bahala dito, baka may mapadaang chiks e di may partner na rin ako, susunod kami sa langit" biro pa nito sa mga kasama. Napatawa naman yung dalawang mag nobyo, at hindi nga nagtagal naiwang mag isa si marlon, nagpunta sa may kotse sina bart at ema, samantlang sa likod naman ng malaking puno sina jam at carl.At dahil mejo malapit lang ang lugar na iyon sa kanyang kinatatayuan ay kitang kita nya kung paano gumalaw ang sasakyan, isa lang ibig sabihin non, nagpapandale na yung dalawa, at sa di kalayuan ay dinig na dinig naman niya ang ungol ni jam at carl. "Putsa!" sabi ni marlon sa sarili "ako lang ang walang partner, kung sino pang nabansagang pabling ng grupo" himutok nito sa sarili. Habang umiinon siya ay may napansin siyang magandang babae na nakatingin sa kanya at kinakawayan siya. Tinitigan niya itong mabuti, sa tingin niya ay pumapalo ang idad nito sa 20 hanggang 22, matangkad at maputi, mahaba ang buhok na bumagay sa hugis puso nitong muka. Napatayo siya at nilapitan ang babaeng kumakaway sa kanya. "Tamang tama" sabi niya sa sarili"Hindi naman pala ko dapat mainggit sa kanila at eto na ang partner ko" nakangising sabi nito. Nang makalapit si marlon ay lalo siyang nabighani sa ganda ng babae, lalo pala itong maganda sa malapitan. "Nag iisa ka ata?" tanong ng babae sa kanya "Oo nga e" sagot ni marlon sa kaharap sabay kamot sa ulo. "Gusto mo samahan kita?" mapang akit na sabi nito. "Oo ba, wala nga akong partner, tamang tama at nandiyan ka" sabay hawak sa kamay ng babae "Tara maligo tayo" sabi ng babae habang hila hila siya papuntang ilog. Sumama naman si marlon sa babae na maligo sa ilog, at siyang siya naman siya dahil hawak hawak ng babae ang kanyang kamay. "Grabe ang lambot ng kamay niya" sabi nito sa kanyang isip. "kaso bakit ganon? bakit sobrang lamig nito?" nagtatakang tanong sa sarili. "Ah siguro gawa ng tubig" agad naman nitong sagot sa sarili. Hindi namalayan ni marlon na palalim na pala ng palalim ang kanilang pinupuntahan, kaya ng umabot sa na sa leeg ang tubig ay dagli siyang tumigil."Teka dito na lang tayo" sabi nito sa babaeng nauuna sa kanya at hawak pa rin ang kamay niya. "Sa banda don pa tayo" sabi ng babae habang nakatalikod sa kanya. Biglang kinilabutan si marlon dahil sa iba na ang boses nito, animo ba galing sa ilalim ng hukay ang boses at ng maramdaman niya ang hawak na kamay ay iba na, kulubot na ito at maaligasgas na hindi gaya kanina. bigla niyang binawi ang kanyang kamay pero hindi niya ito mahila sa babae. "Teka sino ka ba!?" matapang na tanong ni marlon. "ALLENNA!" Sabi ng babae sabay harap kay marlon. Ganon na lang ang takot ni marlon ng makita niya ang muka ng babae, ibang iba to ng makita niya kanina, pulang pula ang mata na nanlilisik na nakatingin sa kanya,at ang muka nito ay naagnas na at may mga uod pang lumalabas sa mga bawat butas ng muka, at ang damit ay nag iba naging gulagulanit at puno na ng dugo, kaya pati ang ilog ay nagkaron na rin ng mga dugo. Halos mawalan ng malay si marlon sa nakita niya, putlang putla siya na animo'y naubusan ng dugo sa katawan. "Ahhhhhhhhhhhhhh" biglang sigaw ni marlon. Nang aktong hihilahin niya ang kanyang kamay ay nahila na siya pailalim ng ilog, kahit anong panlalaban niya ay hindi siya makawala sa babae, sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ay parang madudurog ang kanyang buto sa kamay,palalim ng palalim sila ng babaeng humihila sa kanya, hanggang sa unti unti ng kapusin ng hininga si marlon at nawalan na ng malay. Kinabukasan na ng matagpuan ang katawan nito, lobo na ang kanyang katawan ng ito ay miahon ng mga pulis at mga taong tumulong sa paghahanap sa kanyang katawan. "Tak! tsk! may nabiktima na naman siya" ang sabi ng isang matandang lalaki sa sarili,sabay layo sa pinangyarihan ng krimen.


Sumpa ni allena 1 

"Yesss!" Sabi ni alyssa na 3rd year fine arts studet. "bakasyon na naman" sabipauli nito. "Oo nga" sagot naman ni alona na isa sa mga kaibigan niya. "O pano guys, san ang plano nating ngayong bakasyon?" masayang tanong ni ramon agoncillo III o mas kilala sa tawag na ram. "Kayo bahala kayo, kung saan ang desisyon ng barkada ay don kami nina alyssa" sabi naman ni vangie " diba alyssa?" baling na tanong nito sa kaibigan. "Oo, kung saan ang barkada don kami" sang ayon naman nito. "Kayo chad at randay?" sabay tanong ni ram sa dalawang kaibigang lalaki."Any idea?" tanong uli. "Wala pare e" sagot ni chad. "Kasi naman pare halos lahat na lang ng pedeng pabakasyunan natin ay napunthan na natin" sabat naman ni randy. "Alam ko na" sabay sabi ni janice na nobya ni ram. Sabay sabay mapatingin ang mga magkakaibigan sa nobya ni ram. "Sa bora na lang tayo" mungkahi nito. "Aw" ngiwing sabi ni chad. "Last vacation e nandon na kami" sabi naman nito. "Oo nga janice" sang ayon naman ni ram. "Sa iba na lang" tanggi nito. Biglang napasimangot si janice dahil sa pagtanggi ng grupo. "Kayo galing don last year" hirit nito."E ako hindi pa" maarteng sabi nito. "Janice, next time na lang uli don" sabi ni ram. "Saka hindi namin kasalanan kung bakit hindi ka nakasama don" mataray ni sabi ni vangie. Sa kanilang tatlong babae ay si vangie lang ang malakas ang loob na tarayan at sagutin si janice, palibhasa ay saksakan ng arte ang babaeng to, kaya kung minsan ay pinababayaa na lang din ni alona at alyssa ang kaibigan na barahin at tarayan din si janice, tutal ay hindi naman talaga nila ito barkada, kung hindi mismong si ram na nobyo nito, kung baga sabit lang siya sa barkada nila. "Hmp!" ismid ni janice, "bahala kayo" bulong na sabi ni janice. Tumahimik na lang si janice sa tabi ni ram at nakinig na lang sa pinag uusapan ng mga kaibigan ng boyfriend niya, kung iimik lang naman kasi siya ay hindi rin naman sasang ayon sa kanya ang mga kaibigan ni ram. Last year kasi ay hindi siya nakasama sa bora nila, ayaw kasi niyang sumama sa barkada ni ram lalo na at kasama ang mga babaeng kaibigan nito, naiinis siya. E ngayon kahit ayaw niyang sumama ay hindi pede, kelangan niyang bantayan si ram, lalo na kay alyssa dahil nararamdaman niyang may gusto ito kay ram, at yon ang hindi niya papayagan, ang maagaw sa kanya si ram kahit na sinong babae jan. "Badtrip talaga" bulong uli nito. "Alam ko na" biglang sabi ni ram "don na lang tayo sa ancestral house namin sa laguna" excited na mungkahi nito. "San sa laguna ram?" tanong ni alona. "Sa majayjay"sagot nito. "tamang tama at summer na, masarap maligo don sa ilog dahil malamig at napakalinis, hindi polluted" sabi pa nito. "Taga don ba kayo?" Interesadong tanong ni alona. "Ang lolo ko" sagot nito. "sa pagkakatanda ko e malapit lang sa min ang ilog, konting lakad lang" pagbibigay impormasyon nito sa mga kasamahan. "Bakit?"tanong naman ni ram. "Taga don rin kasi ang lola patring ko, kaso matagal na kaming hindi nakakadalaw" pag bibigay alam nito kay ram. "O e di tamang tama, madadalaw mo ang lola mo, pasyalan na rin natin" masayang sabi nito. "Sige ba" excited na sabi ni alona. "O pano don na lang tayo?" tanong uli ni ram. "Ok sige, tamang tama nga yun" sang ayon ng lahat. "Magpapaalam ako kay daddy para makapag abiso don sa katiwala namin na dadating tayo" sabi uli ni ram. "Alright!" sabay sabay na sabi ng magkakaibigan maliban kay janice. "Pano guys, next week na tayo pupunta don" sabi ni ram. "May time pa tayo para makapag handa ng nga dadalhin natin" si ram uli. "Aprub!" masyang sabi ni randy sabay thumbs up kay ram. ============================= Pls. comment naman po kayo, yung may magcomment lang po ay masaya na ko kahit 1. 1st horror story ko po itoat sana magustuhan nyo. salamat po : ) =================

 

sumpa ni allenna 2

Binabagtas na nila alyssa ang daan patungong laguna, madaling araw pa lang ay nakagayak na siya para sa kanilang pag alis, ang usapan nila ay 4 am siya dadaanan ng kaniyang mga kaibigan, bale isang malaking van ang dala nila na pagmamay ari ni ram, nagawa na ring tumawag ni ram sa kanilang katiwala para ipaalam na sila ay dadating ng araw na iyon, nagpahanda na rin si ramon ng pagkain dahil siguradong pagdating nila don ay gutom na gutom sila dahil sa layo ng kanilang ibabyahe. Si ram ang nakatokang mag drive ng mga oras na iyon, katabi nito ang kaniyang kasintahang si janice. "O baka nagugutom na kayo?" tanong ni ram sa mga kasamahan "pede muna tayong mag stop over sa dadaanan nating gas station" sabi uli "Wag na ram, tutal naman e kumain na naman kami bago umalis" sabi ni alyssa "Oo nga babe" sagot naman ni janice. "Saka meron naman tayong baong sandwich jan sa lagayan natin ng pagkain, nagdala ko para in case na magutom tayo sa daan e hindi na tayo mag stop over" sabi naman ni alona "Sige kayong bahala" sang ayon naman ni ram. Tahimik ang grupo nila habang binabagtas nila ang daan papuntang lugar nina ram at alona, samantlang yung iba naman ay nakatulog na sa haba ng kanilang biyahe, si ram ay tahimik na nagmamaneho, samantlang si janice naman ay kwento ng kwento ng kung ano ano, tahimik lang na nakikinig si ram,si vangie at alyssa ay magkatabi sa upuan na parehong tulog, si chad naman at alona ay nag uusap rin na nakpwesto sa likuran, samantlang si randy naman ay nakatingin sa mga lugar na nadadaanan nila, aliw na aliw ito sa kaniyang nakikita, puro puno kasi ang kanilang nadadaanan, malayong malayo ang itsura sa lugar na kinagisnan nila, doon kasi sa manila ay puro sasakyan at building, samantalang dito ay maraming puno at madalang ang building na makikita mo. Napansin ni ram si randy na malyo ang iniisip. "O pare ok ka lang?" tanong ni ram kay randy "Oo naman pare" agad nitong sagot. "Bakit mo naman naitanong?" tanong din nito kay ram. "Wala lang pare, ang tahimik mo kasi e, parang ang lalim ng iniisip mo" sagot naman ni ram. "Ah, wala iniisip ko lang na ang ganda ng view ng dinadaan natin, puro puno at bihira kang makakita ng building, muka ngang wala pang building e" sagot ni randy. "Ganito talaga sa probinsiya, lalo na sa lugar ng mga lolo ko, bihira man kaming magpunta don pero natatandaan ko layo layo ang bahay don" mahabang sabi nito. "Talaga pare?" manghang tanong nito. "Oo, ewan ko lang kung ganon parin ngayon, kasi maliit pa ko ng huli kaming magpunta don, elementary pa lang ako, tapos hindi na kami bumalik nina mommy at daddy"sabi uli ni ram. "What babe!?" Maarteng tanong ni janice. "baka maligaw tayo niyan" dagdag pa nitong sabi. "Ano ka ba?" iritang sabi nito sa nobya. "aalis ba tayo ng hindi ko alam ang daan sa pupunthan natin" napalakas na sabi nito. Bigla tuloy nagising si vangie at alyssa, samantlang si alona at chad naman ay napalingon sa kanila. "Bakit anong nangyari?" pupungas pungas na tanong ni alyssa. "May aberya ba?" tanong naman ni vangie. "Wala naman girls, nag inarte lang tong si janice" sabi ni ram sabay tingin sa nobyang nakatulis na ang nguso dahil sa sinabi ni ram. "Alam ko ang daan papunta don, bukod sa itinuro ni daddy sa kin ay naka waze pa tayo, kaya hindi tayo maliligaw" paliwanag nito. "sa katunayan niyan malapit na nga tayo e, diba alona?" sabay tanong kay alona. Luminga linga muna sa paligid si alona bago sumagot. "Oo, malapit na nga tayo, don muna tayo sa nyo sumaretso ram, bukas na lang tayo magpunta sa bahay, magpahinga na muna tayo" mahabang sabi nito. "O see?" sabi ni ram sabay tingin sa nobya "ikaw lang wala kang tiwala sa kin" sarcastic na sabi nito sa nobya. Samantala hindi na nakatulog si vangie at alyssa dahil sa nawala na ang antok nila, saka isa pa malapit na daw sila ayon kay ram at alona kaya minabuti nilang magkwentuhan na lang sila ni vangie. "Hay naku kahit kelan saksakan ng arte yang si janice"bulong ni vangie kay alyssa "Shhh" sabi nito "wag kang maingay at baka marinig ka ni janice" sabi uli nito. "E totoo naman" inis na sabi ni vangie " ewan ko ba jan kay ram at kung anong nakita sa babaeng yan, bukod sa maarte na e ang sama pa ng ugali" inis na wika nito. "Hayaan mo na, wag mo na lang pansinin" sabi na lang ni alyssa. Hindi na kumibo si vangie at pumikit na lang, sa totoo lang, hindi naman talaga nila barkada o kaibigan si janice, ang barkada talaga nila ay si ram, at dahil nga nobya ito ni ram ay lagi na nila itong nakakasama, kahit hindi maganda ang ugali nito ay pinagpapasensiyahan na lang nila alang alang sa kaibigan nila. "Guys" tawag ni ram sa kanila "tigil muna tayo sa palengke at makabili ng alak at pulutan natin para mamaya, hindi kasi ko nakabili kanina" sabi ni ram. "Ok sige pare, makatingin na rin ng pedeng bilihin" sang ayon naman ni chad. Dumating sila sa pamilihang bayan ng majayjay at nagkanya kanya silang lakad, si alona, vangie at alyssa ay magkakasama samantlang si janice ay kasama ng kanyang nobyo, si randy lang ang naiwan sa sasakyan. Habang natingin ng mabibili sila alona sa loob ng pamilihan ay hindi sinasadyang madinig ni alyssa ang pinag uusapan ng mga tindera. "Nakakatakot yung nangyari kahapon no?" sabi ng babae sa kausap. "Oo nga may nalunod na naman sa ilog"sagot ng kausap nito. Biglang napalingon si alyssa sa mga babae at nakuha ang kanyang atenayon sa pinag uusapan ng mga ito. "Talagang hindi titigil ang kaluluwa ng babaeng nagpapakita sa ilog hanggat hindi niya nakukuha ang hustisya sa kanyang pagkamatay" sabay singit na sabi ng matandang babae na sa tingin ni alyssa ay nasa idad 70 na. "Bakit nana emang?" tanong ng isaBabae sa matandang nagsalita. "Sino po ba ang babaeng inyong tinutukoy?"tanong uli sa matanda ng babae. "Ano ka ba?" sabi naman nung isa. "hindi mo ba alam ang kwento sa ilog?" manghang tanong ng isang babae sa nagtatanong sa matanda. "Sabagay" sabi nito "hindi ka nga pala lihitimong taga rito kaya hindi mo alam na may sumpa yan ilog na yan" sabi uli nito sabay yapos sa sarili na animo'y nilalamig. "Kaya nga karamihan ng mga kababaihan dito ay hindi na naglalaba sa ilig na iyon, at ang mga bata ay hindi na pinaliligo pa don" dagdag na sabi pa nito. Biglang napaigtad si alyssa ng may kamay na humawak sa kanyang braso. "Tayo na alyssa" untag ni vangie kay alyssa dahil parang hindi siya nito naririnig. "Ano bang nangyayari sayo at kanina pa ko salita ng salita e parang hindi mo ko naririnig?" reklamo ni vangie. "Hindi mo ba narinig yung pinag uusapan ng mga babae kanina?" tanong ni alyssa kay vangie. "Ang alin?" takang tanong nito. "Ah, wala" sabi na lang ni alyssa. "tayo na at baka tayo na lang ang inaantay sa sasakyan" sabay lakad papalyo ni alysaa, agad namang sumunod sina vangie at alona. =================

 

sumpa ni allenna 3 

Tama nga ang hinala ni alyssa na sila na lang ang inaantay ng mga kasama nila. "O ayan na pala ang mga inaantay natin" paismid na sabi ni janice. "Ayan na ang mga paimportante" sabi uli nito na tila nang iinsulto. "Aba't. . " Sabi ni vangie " ano bang.." Sabi uli na napatigil sa pagsasalita dahil sa pinigil siya ni alona at alyssa.Napalingon si vangie sa dalawa at sumenyas lang ang mga ito ng iling kaya hindi na nito tinuloy ang sasabihin nito. "Pasensiya na ha" sabi ni alona "nalibang kasi kami sa pagtingin tingin sa loob" sabi pa uli nito. "Ok lang yun girls" mabait na sabi ni chad. "hindi naman tayo nagmamadali saka isa pa, maaga pa oh" sabay tingin sa relong suot."Janice umuna ka sa saksakyan" utos ni ram sa nobya. "Sabay na tayong pumasok babe" maarteng wika nito. "Mauna ka na sabi e" madiin na sabi ni ram na halata mong galit sa inakto ng kanyang nobya. Walang nagawa si janice kung di bumalik sa sasakyan, dahil alam niyang galit na sa kanya ang kanyang nibyo, padabog naman nitong binalibag ang pintuan ng van. "Girls pasensiya na ha, wag nyo na lang panasinin yung sinabi ni janice" hinging paumanhin ni ram. "Ok lang ram" sabi ni alyssa. "para sayo hahabaan pa namin ang pasensiya namin" sabi uli nito sabay ngiti. "Oo nga ram" sabi naman ni alona. "Pero wag lang uubusin ang pasensiya ko ng maarte mong gf, kilala mo ko ram, sa lahat ng ayaw ko e yung maarte at walang pakisama,at lalo na yung pinasasaringan kami" galit na sabi ni vangie. "Yaan mo at pagsasabihan ko" mapagkumbabang sabi nito. "O siya tama na yan at palampasin na lang ang nangyari, nandito tayo para magsaya at magbakasyon" sabi ni alyssa. "wag nang pansinin ang mga bad vibes" sabi pa uli nito. " O pano tara na" magsiglang sabi nito. At sabay sabay na silang sumakay ng sasakyan.Habang nasa biyahe ay tahimik na silang lahat, tanging si randy at chad lang ang nag uusap. "Ok dito na tayo" masayang sabi ni ram. "Babe" sabi ni janice habang nakatapat sa lumang bahay nina ram."Wala kayang lumabas na multo jan?" takot na sabi nito. "Nakakatakot kasi, lumang luma na, parang any moment e may lalabas na multo jan" maarteng sabi nito sabay yapos kay ram. "Anong multo!?" sabi ni ram sa kasintahan. "babe 2016 na ngayon at nasa computer world na tayo, tapos naniniwala ka pa sa multo?" sabi nito sabay tawa. "E kasi...." Magsasalita pa sana si janice ng pinutol ni ramAng sasabihin nito "Walang multo jan ok" pangungumbinsi pa nito. "Babe tabi tayo sa kwarto ha" malanding sabi nito. "Ayun. . " Bulong na sabi ni vangie kina alona at alyssa na nasa likuran nina ram at janice. "Tinatakot lang ang sarili para may dahilan siyang aswangin si ram" bulong uli nito sa kasama. "e mas matatakot sa kanya ang mga multo jan kung meron nga dahil sa kasamaan ng ugali niya e" inis na sabi nito. Napahagikgik naman ang dalawa dahil sa nasa harap nila sina janice at ram ay pigil na pigil ang tawa nila. "Kita mo pag yung multo ay lumabas at nagpakita jan isa lang ang sasbihin ng multo" hindi mapigilang sabi ni vangie alona. "At ano naman ang sasabihin?" interesadong sabi ni alyssa, dahil alam niyang puro kalokohan ang sasabihin nito. "Ahhhhh impakta!" tawang tawa habang sinsabi yon. "sigurado biglang maglalahong parang bula ang mga multo at hindi na magpapakita pa kahit kelan" sabi pa uli nito. At hindi na nila napigilan ang kanilang pagtawa kaya naman naghagalpakan na sila ng tawa. biglang napalingon si janice sa kanila at ram. "Ako ba ang pinagtaawanan nyo?" mataray na sabi nito. "Bakit?" ganting tanong ni vangie na nakataas pa ang kilay. "porke ba nagkakasayahan kami at tumatawa e ikaw na agad ang pinagtaawanan namin?" mataray ding sagot nito. "Babe ano ba!?" galit na saway nito. "nagkakasiyahan yung tatlo tapos pakikialamanan mo" sabi uli ni ram. "E pano alam kong pinagtatawanan nila ko" maarteng sumbong nito kay ram. "Masyado ka kasing mapangduda e" sabi nito sa nobya. "tayo na nga sa loob" at hinila na nito palayo si janice sa tatlo. Kilala kasi nito ang ugali ng nobya, hindi to titigil hanggat gindi nakakabawi, saksakan ng arte, ang totoo niyan ay humahanap lang siya ng tiempo para makipagkalas dito dahil nagsasawa n siya sa kartehan at ugali nito. Sumunod naman ang taltlong babae kay ram at janice, samantlang si chad at randy naman ay ibinababa ang mga gamit na dala dala nila. Pagbukas ng main dior ay bumungad sa kanila ang matandang katiwala nila. "Señorito?" titig na titig na sabi ng kanilang katiwala. "Opo" sabi ni ram "kayo po ba si mang karding?" magalang na tanong ni ram. Bagamat ngayon lang niya nakita at nakausap ang katiwala ng pamilya niya ay kilala niya ito sa pangalan dahil ayon sa kwento ng tatay ni ram ay karding nga daw ang pangalan nito at matagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya, parang pamilya na tin ang turing ng lolo at daddy nya dito. "Oho señorito" magalang na tugon nito, habang walang humpay pa ring nakatitig sa kanya. "Ram na lang po" aabi ni ram. " hindi kasi ko sanay na ganyan ang awag sa kin e" kakamot kamot na sabi ni ram Napapangit naman ang mga kasama ni ram sa likod niya. Habang papasok ay pinakilala isa isa ni ram ang ang kanyang mga kasama. Pagkapasok nila sa ancestral house nina ram ay manghang mangha si alona,alyssa at vangie sa ganda nito sa loob, sabagay maganda rin naman ang labas, may malaking garden yun nga lang luma na ang pintura kaya akala mo haunted house pag nasa labas ka, pero pag pumasok ka naman sa loob ay wala kang itulak kabigin sa ganda. Ang ganda ng hagdan paakyat ng second floor na sa tingin ni alyssa ay gawa sa narra, ang salas naman ay malaki rin, at bawat ding ding ay may palamuting painting na ang sabi ni ram ay larawan daw yon ng kanilang ninuno. Nang mapatingin si alyssa sa isa sa mga painting na nandoon ay namangha siya sa kanyang nakita, kamukang kamuka ni ram, parang si ram talaga ang itsura, kung mamasdan mo nga ay para itong kakabal ni ram. =================

 

sumpa ni allenna 4 

"Kamukang kamuka ni señorito ram ano?" biglang napaigtad si alyssa dahil sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod ni alyssa. "Mang karding kayo pala" sabi ni alyssa sa matanda. "tinakot nyo naman po ako" sabay tawa ni alyssa sa matanda. "akala ko nagsalita na yung painting" biro pa nito. "Ano nga pala uling pangalan mo iha?" tanong ni mang karding. "Alyssa po" magalang na sagot nito."Mang karding sino ho siya? Kamukang kamuka siya ni ram" tanong naman ni alyssa. "Siya si señor ramon agoncillo" sabi nito "Siya po ba ang lolo ni ram?" tanong uli ni alyssa. "Oo siya nga iha" sagot ng matanda"Maging ako nga din e nagulat ng nakita ko si señorito, parang pinabatang ramon" manghang sabi nito sa dalaga. "Oo nga po e" sabi ni alyssa "nakakatauwa nga e" sabi pa uli nito "Kaya nga" sabi ng matanda sabay tingin sa painting ng kanyang amo. "Nasan nga po pala sila?" tanong ni alyssa. "Nandon na sa itaas" sagot nito."Pumanhik kana para makapagpahinga ka na rin" sabi pa ng matanda. "Salamat po mang karding" magalang na sabi ni alyssa. Pumanhik na si alyssa sa ikalawang palapag, lalong namangha si alyssa sa ganda ng ng ikalawang palapag, ang kinis at ang kintab ng sahig, malaki ang itaas, may limang guess room at isang master's bed room at bawat kwarto ay may kanya kanyang sariling banyo. "O alyssa" tawag ni alona ng makita siya sa may hallway. "Dito ang kwarto natin ni vangie" pagbibigay alam kay alyssa ni alona. "Kasama ba natin si janice?"tamong nito. "Sa awa ng diyos ay hindi" sabi nito sabay tawa. "ayaw daw ng may kasama sa kwarto" kwento ni alona habang papasok sila sa kwarto nila. "O e akala ko ba e makasam sila ni ram sa iisang kwarto?" agad na tanong nito. "Ewan ko"kibit balikat nitong sagot."Narinig ko kasi kanina e nagdadabog na pumasok si janice papuntang kabilang kwarto, dala ung mga gamit niya" mahabang paliwanag nito. "Ah ganon?" sabi ni alyssa. "baka hindi pumayag si ram na magtabi sila" sabi uli nito. "Baka" sang ayon ni alona. "knowing ram may pagka conservative non" sabi uli ni alona. "Oo alam ko" sagot ni alyssa. "isa nga yung dahilan kaya ko siya nagustuhan e" bulong nito sa sarili sabay ngiti. "Ano yun alyssa?" baling na tanong ni alona, nag aayos kasi ito ng gamit kaya hindi niya ito naintindihan, saka isa pa mahina ang pagkakasabi ni alyssa. "Wala, ang sabi ko kung nasan si alona?" pag iiba nito. "Ah nandon sa banyo, liligo daw muna bago siya matulog para daw presko" sabi nito. "Tutulog pa siya e magtatanghalian na? takang tanong nito. "Pabayaan mo siya" sabi na lang ni alona. "Alam mo alona natatawa lang ako jan kay janice?" nagtatakang sabi ni alyssa. "Bakit?" Tanong nito. "Bakit kaya ang init ng dugo sa atin?" tanong ni alyssa. "Ah yun?" sagot nito "pano insecure sa tin yon, lalo na sayo alyssa" sabi pa nito."Laking ganda natin sa kanya" sabay tawa sa sinabi niya. "Hahahaha" tawa ng tawang si alyssa "korek!" sang ayon nito. "Saka luka luka yun" sabat ni vangie na hindi nila namalayang nakalabas na pala ng banyo. "biruin mo nakakatakot daw dito at mukang may multo,tapos ayaw naman ng may kasama sa kwarto maliban kay ram" mahabang sabi nito. "Sabihin mo gusto lang non tumabi kay ram sa pagtulog" inis na sabi ni alona. "Ano siya sinuswerte?" sabi ni vangie"Baka balak pikutin ung kaibigan natin" sabi pa nito. "para nga namang wala ng kawala" si vangie. "Desperada!" sabay sabay na sabi ng tatlo sabay tawanan. "Tok! tok! tok!" biglang may kumatok sa pinto. pag bukas ng pinto ay bumungad sa kanila si ram na nakapagpalit na ng damit, kasama nito si janice na naka pulupot ang kamay sa braso ng binata. "Girls baba na kayo at kumain na tayo ng lunch" anyaya nito. "Sige susunod na kami" sabi ng tatlo. At nauna na bumaba sina ram at janice. =================

 

sumpa ni allenna 5 

Pagbaba nila ay nakaupo na sina ram at janice sa hapag kainan, habang sina at chad at randy naman ay kasunod lang din nila sa pagbaba. Nagkanya kanya na sila ng pwesto, si janice at ram ay magkatabi sa upuan, samantalang si vangie at chad ang magkatabi, si alona at alyssa naman ay napapagitnaan si chad. "Manang delia" tawag ni ram sa matandang nagsisilbi sa kanila. "Bakit po señorito?" magalang na tugon ni aling delia. "Manang delia, ram na lang po, kayo talaga" sabi pa ni ram. "Sige ram kung yan ang gusto mo" sang ayon naman ni aling delia. "Ah manang eto nga pala ang mga kaibigan ko, si alyssa po, alona at chad, at eto po si vangie at randy" pakilala ni ram. Ngumiti lang ang matanda sa mga kabataang kaharap niya. "At eto pong katabi ko ay si janice" pakilala naman ni ram kay janice. "Girlfriend ho niya" agaw na sabi ni janice. "Magandang tanghali sayo" ngiting sabi nito. "papansin talaga" ismid na sabi ni alyssa sa sarili. "O siya, kumain na kayo at lalamig ang ulam" anyaya ni manang delia. "Kayo po manang" tanong ni alona "sabay na po kayo sa min" sabi uli "Oo nga naman manang" sang ayon ni ram. "Naku iho mamaya na pagkatapos nyo at saka aantayin ko pa si manong karding nyo" tangging sabi nito. "Sige ho" payag na sabi nito. Ganadong kumain ang mag kakaibigan, sinigang na hipon ang niluto ni manang delia kaya naman sarap na sarap sila sa pagkain, meron din mga nakahaing prutas para sa dessert nila. "Grabe, ang sarap ng ulam" masayang sabi ni alona. "Oo nga po manang delia, masarap po pala kayong magluto, sa uulitin po" sang ayon naman ni alyssa. "Oo ba, ipaglulutoko kayo ng masasarap na pagkain habang nandito kayo" masayang sabi nito. "Promise yan manang ha" sabi pa ni ram. "Oo naman" sabi uli ni manang delia. "Pano guys?" tanong ni ram. "don tayo sa garden para makapagpahangin tayo" sabi pa uli nito. "Ok sige" sang ayon ng barkadahan. "Babe tutulog na muna ko" maarteng sabi ni janice. "Ok sige" sabi naman ni ram. At umakyat na si janice sa kanyang kwarto. "Tayo na" aya ni ram. "Ahmmm mauna na kayo" sabi naman ni alyssa. "dito na muna ko at tutulunga ko na muna si manag delia sa paghuhugas" sabi uli ni alyssa sabay lingon sa matanda at ngumiti. "Naku wag na ineng" tanggi ni manang delia. "sumama ka na sa kanila at kayang kaya ko nang mag isa to" sabi pa uli nito. "O siya bahala ka, sunod ka na lang don pag tapos nyo jan" nasabi na lang ni ram. Samantala sa kwarto ni janice ay inis na inis itong pinagbabato ang mga unan sa kama, asar na asar siya kay, mas importante pa yung mga kaibigan niya kesa sa kanya, tapos lagi na lang na kinakampihan ang mga yon, oo nga at alam niyang kasalanan niya kung bakit siya napapagalitan ni ram pero maiaalis ko ba sa sarili ko ang hindi maiinis lalo na saga babaeng kaibigan nito. Masisira ata ang plano niya tungkol kay ram, kelangang may gawin siya bago siya mabuko ng lalaking iyon. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya, lalo na ngayong kailangan niya si ram, kaya niyang pumatay alang alang kay ram. "Badtrip talaga!" sabay hagus uli ng huling unan na nasa kama niya. =================

 

sumpa ni allenna 6 

Sa kusina ay masayang nag kwekwetuhan sina manang delia at alyssa habang naghihigas ng pinggan. "Alam nyo ho manang delia ang gaan gaan ng loob ko sa inyo" masayang sabi ni alyss. "Ako din" sabi naman ni manang delia."Ang gaan din ng loob ko sayo" sabi uli nito. "Matagal na ho ba kayong nakatira sa mansion na ito?" tanong ni alyssa sa matanda. "Aba oo" sagot nito. "simula ng maging mag asawa kami ni karding ay dito na ko napatira, katiwala kasi si karding ng pamilya mi ram" mahabang kwento nito. "E si mang karding po?" tanong uli ni alyssa. "Si karding naman ay bata pa lang ay nandito na sya, kasi ang ama ni karding ay hardinero ng tatay ng loloNi ram, bale nuno ni ram, tapos yung lolo ni ram ay kababata ni karding at naging kanang kamay siya nito, hanggang sa nagbinata sila ay lagi silang magkakasama" mahabang kwento uli nito. "Ah. . bale po talagang ang asawa nyo ay dito na lumaki sa mansyon" sabi ni alyssa. "Oo ganon na nga" sagot ni manang delia. "E ilan taon na po ba kayo at si mang karding?" tanong uli nito. "Ako ay 67 na at si karding naman ay 70" magiliw na sahot nito. "Talaga po?"manghang tanong nito."Parang wala pa pong 70 si mang karding kasi ang lakas lakas pa po niya at nakakapagtrabaho pa" sabi ni alyssa. "Ganyan talaga dito sa probinsiya" may pagmamalaking sabi nito. "Puro kasi sariwa ang kinakain namin dito at isa pa, malayo sa polusyon hindi gaya sa syudad" sabi pa ni manang delia. "Oo nga po, sa manila po kasi puro usok ng pabrika at sasakyan kaya ang hangin e hindi na sariwa di gaya dito sa laguna, ang sarap ng simoy ng hangin" sang ayon ni alyssa sa matanda. " E manang san po ang anak nyo?" tanong ni alyssa. " may anak po ba kayo?" sunod na tanong. Biglang nalungkot ang matanda sa tanong ni alyssa. "Meron" sagot nito. "patay na matagalNa" malungkot na pahayag nito. "Naku sorry po" hingi ng paumanhin ni alyssa. "hindi ko po alam" sabi pa nito. "Ok lang matagal na naman e" sagot uli ni manang delia. "Kung hindi nyo po mamasamain" sabi ni alyssa. "ano pong ikinamatay?" tanong pa nito. "Nalunod sa ilog" may galit na sabi nito. "Po?" ang nasabi ni alyssa. "Naliligo kasi sila ng kaniyang pinsan sa ilog" simula ng kwento nito. "binawalan ko na sila, ang sabi ko ay wag silang maligo doon dahil may sumpa ang ilog na yon" maluha luhang sabi nito. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" nagtatakang tanong ni alyssa. "Yon kasi ang pinaniniwalaan dito sa aming lugar" sagot nito. "Pano pong may sumpa?" interesadong tanong nito. "At sinong nagsumpa?" si alyssa uli. "Isa lang ang kilala kong may kagagawan non ng mga kababalahang nangyayari sa ilog" makahulugang sabi nito. "Sino po?" tanong uli ni alyssa. "Simula ng patayin at gahasain si alle. . ." Biglang napatigil ng pagkwekwento si manang delia ng makita niya sa may pinto ng kusina ang kanyang asawa na si karding, biglang namutla ang matanda at hindi na naituloy ang sinasabi. "Manang bakit po?" tanong ni alyssa. "Numutla po kayo" sabi pa ni alyssa. =================

 

sumpa ni allenna 7 

"Manang delia ayos lang po ba kayo?" ulit na tanong ni alyssa. "Ah e. . oo, tama oo ayos lang ako" pagsisinungaling ni manang delia. "Pero namumutla ho kayo?" tanong uli "Ok lang ako, napagod lang siguro ako kaya ganon, alam mo na umiidad na ako" sabi nito "E magpahinga na ho kayo, tutal naman e tapos na tayo dito"sabi ni alyssa. "ako naman po ay susunod kina ram sa labas" sabi uli. "O siya sige na" ganting sabi ng matanda."mauna na ho ako" paalam ni alyssa. Tanging tango lang ang isinagot ni manang delia kay alyssa. Pagtalikod ni alyssa ay nakita niya si mang karding sa may pintuan. "Magandang tanghali po manong karding" magalang na sabi ni alyssa. "Magandang tanghali naman" ganting sagot nito. "Mauna na ho ako" paalam nito sa matandang lalaki. "Sige ineng" sagot naman ni mang karding. Hindi pa man nakakalayo si alyssa sa may pintuan ay narinig niyang parang pinagagalitan ni mang karding si manang delia. Dala ng pagtataka ay huminto si alyssa saglit, oo nga at alam niyang masama ang makinig ng usapan ng may usapan pero nagtataka talaga siya sa naging reaksyon ni manang delia ng makita si mang karding kanina, kung tutuusin naman ay wala siyang nakikitang masamang sinabi ni manang delia para matakot itong bigla. "Ano ang ikinuwento mo don sa bisita ni ram!?" mahina pero madiin nitong tanong sa asawa. "Wala" sabi nito. "Sigurado ka?" naniniyak na tanong ng matandang lalaki. Lalo tuloy napakunot ang noo ni alyssa sa narinig. "Ano kaya ang tinutukoy ni mang karding?" tanong nito sa sarili. "Saka sino kaya yung sinasabi nitong ginahasa at pinatay? May kinalaman kaya si mang karding don?"lalong naguluhan si alyssa ng maisip niya ito. Napailing na lang siya sa naisip niya, "hindi naman siguro?" sabi pa uli nito sa sarili "baka masakit pa sa kanya ang pagkamatay ng anak niya kaya siguro ganon na lang ang reaksyon niya, baka ayaw na nitong maalala pa" ang nasabi na lang ni alyssa. Umalis na si alyssa at pinabayaan ng mag usap ang mag asawa, lumabas siya at pumunta kung saan naroon angnkanyang mga kasamahan. Dahil sa hindi niya nakita ay minabuti na lang ni alyssa na pumasyal pasyal sa paligid ng mansion. Sadyang maganda ang lugar, sariwa ang hangin, madaming punong kahoy at mga hitik pa sa bunga, nagtingin tingin siya sa paligid at napansin niyang malalayo pala ang agwat ng mga bahay dito, sa paglalakad lakad niya ay hindi niya namalayan na napadpad na pala siya sa may tabing ilog. "Huh!?" gulat niya " hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tabing ilog" sabi nito sa sarili. "Pero hindi naman ako naliligaw" sabi nito sabay lingon sa likod, tanaw pa kasi niya ang mansion nina ram kaya alam niyang malapit lang yon sa kinaroroonan niya, kung tutuusin nga tanaw itong ilog sa kwarto ng bintanang tinitigilan nila. "Wow, ang ganda at ang linis" sabi niyo habang pinagmamasdan ang malinaw na tubig. Parang naenganyo si alyssa na ilublob ang kanyang mga paa, kaya dali dali siyang naghubad ng tinelas at nagtampisaw sa malamig at malinis na ilog. Habang nabanad ang kanyang paa ay nakaupo siya sa malaking bato na animo ay isang dambuhalang panghilod. "Sayang" sabi nito. "hindi ko naisama ang tropa,sigurado magugustuhan nila dito" sabi uli. "pero ayos lang, sa susunod aayain ko sila dito" nasabi na lang ni alyssa sa sarili. Libang na libang si alyssa sa kanyang nakikita, habang nagtatampisaw ay tuwang tuwa siya sa mga maliliit na isda na dumadaan sa kanyang paanan, na tila ba hindi takot sa tao. "Mas masarap kung maliligo ka jan" biglang may nagsalitang babae sa likuran ni alyssa. Ganon na lang gulat ni alyssa ng paglingon niya ay may nakatayong magandang babae sa kanyang likuran. "Ganon ba ko kaabala para hindi ko mamalayang may tao na pala sa likuran ko?" tanong nito sa sarili. =================

 

sumpa ni allenna 8 

"Nagambala ko ba ang iyong pamamahinga?" tanong ng estrangherang babae. "Ah hindi naman" may pag aalinlangamg ngiti ni alyssa. "Wag kang matakot" sabi nito, bakas kasi sa muka ni alyssa ang pagkatakot. "Kaibigan ako, jan lang ako sa kabilang ilog nakatira" nakangiting sabi nito. "Ah. . ." ang sabi ni alyssa " ako naman ay taga maynila, nagbabakasyon lang kami ng mga kaibigan ko" pagbibigay alam ni alyssa sa kausap. Muka naman kasi itong mabait at palakaibigan, mabuti nga yon at may bago siyang kaibigan sa lugar na ito. tinitigan niyang mabuti ang muka nito, maputi, matangos ang ilong, maganda ang labi kaso medyo putla ito, at ang mata parang malamlam, at ang boses,parang napakalamig na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa. "Ah ganon ba?" tanong ng di kilalang babae. " dito ko naglalaba tuwing umaga kaya madalas ako dito" sabi pa nito. "Araw araw kang nandito para maglaba?" tanong ni alyssa. "Oo, saka pag nandito ko pakiramdam ko e nawawala ang problema ko" sabi nito. "Oo nga e, ang gand kasi sa lugar na ito, nakakawala ng pagod" sagot naman ni alyssa. "Saka isa pa masarap maligo dito, lalo na sa parteng malalim" pang eengganyo nito sa kausap. "Talaga?" sabi ni alyssa. "Tara maligo tayo" anyaya ng estrangherang babae. "Naku sa susunod na lang kasi wala akong dalang pamalit" tanggi ni alyssa. "Ok lang yon, diba don lang ang inyo" sabay turo ng babae sa mansion na tanaw sa kinaroroonana nila. Biglang nagulat si alyssa sa sinabi nito, paano nito nalaman na doon siya natigil gayong hindi naman niya pa sinasabi kung san siya nakatira. "Paano mong nalaman na doon ako nakatira?" Kunot noong tanong ni alyssa sabay tayo sa kinauupuan. iba na kasi ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon, para bang hindi maganda ng kutob niya. "Ah, wala nahulaan ko lang" malamig na sabi nito. "Ah ganon ba?" sabi na lang ni alyssa."oo nga pala" sabay sabi ni alyssa. "kanina pa tayo mag kausap ay hindi ko pa alam ang pangalan mo" pahayag nito. "Ako nga pala si alyssa" pakilala niyo sabay abot ng kamay. "Ako naman si alle. . . . " sabi nitong bilang naputol ng biglang may tumawag sa pangalan ng kausap niya. "Alyssa!" sigaw ni ram ng makita siya. Biglang napalingon si alyssa sa kanyang likuran, nang makita si ram ay lumapit siya dito at iniwan saglit ang kausap. "O ram, mang karding" tawag nito sa dalawang paparating. "bakit may problema ba?" tanong nito sa dalawa. Pagtingin niya sa likod ng dalawa ay kasunod na nito sina chad,alona at vangie. "Kanina ka pa namin hinahanap" hinahapong sabi ni alona. "Huh?" sagot nito. "bakit anong oras na ba?" tanong nito. "Girl ano ka ba, mag five o'clock na po" sagot naman ni vangie. "At isa pa dumidilim na, natakot kami ng wala ka pa sa bahay" sabi ni chad. Napakunot ang noo ni alyssa, panong nangyaring papadilim na e sasaglit lang siyang nawawala sa masion, ganon ba siya nalibang para hindi niya mapuna na papadilim na? tanong nito sa sarili, at ganon na bang kahaba ang kwentuhan nila nung babaeng kausap niya. "Buti na lang iha at nakita ka nitong pamangkin ng asawa ko na si arnold na papunta ka nga daw sa ilog" mahabang sabi ni mang karding. "papunta sa bahay si arnold ng makita ka niyang naglalakad at napansin niyang papunta ng ilog ang tinatahak mo, ng malaman niyang may hinahanap kaming babae e naiisip niya na baka ikaw yung nakita niya" mahabang sabi ni mang karding. "Naku pasensiya na po" hingi ng paumanhin nito. "hindi ko po namalayan na papadilim na pala, napasarap ata ang usap namin nung babae don" paliwanag nito. "Sinong babae?" tanong ni ram. "Yung kausap ko kanina bago kayo dumating" sabi ni alyssa. "ayu. . " Napatigil sa pagsasalita si alyssa ng mapansing wala don ang tinutukoyNiya. "Wala ka namang kausap don ng maratnan ka namin" sabi ni mang karding. "Huh?" gulat na sabi ni alyssa. Nalito siya sa mga pangyayari, paanong nangyari yon e kausap lang niya ito kanikanina lang, bago dumating ang mga kaibigan niya at su mang karding. ============================= Hello po sa inyo, comment naman po kayo jan sa mga nakakabasa para naman po alam ko kung may nagbabasa nga nitong sinusulat ko lahit isang comment lang. salamat po : ) =================

 

sumpa ni allenna 9 

Medyo madilim na ng nakabalik sila sa mansion, pagdating doon ay sinalubong sila ni manang delia kasama ang sinasabi nitong pamangkin na si arnold. "Diyos ko kang bata ka" pag aalala nito. "buti at hindi kayo inabot ng dilim sa ilog, ang sabi nitong si arnold ay nakita kang naglalakad papuntang ilog" mahabang sabi nito "buti at hindi ka napahamak doon" sabi pa uli nito. Kumunot ang noo ng mga magkakaibigan. "Manang delia pano naman po ako mapapahamak doon e malapit lang naman ang ilog dito sa mansion, saka alam ko naman po ang pabalik dito" pagmamalaking sabi nito. "A e. . . "Hindi malaman ang sasabihin "ang ibig kong sabihin e, baka kako madaanan ka ng mga tulisan don" pagdadahilan nito. "kaya madalang ang magpunta doon lalo na at nagsosolo kasi delikado lalo na at mga dayo kayo" sabi nito. "Oo nga iha" sabat naman ni mang karding na huling pumasok sa loob."Kung minsan e may naliligaw na tulisan diyan sa may ilog, kaya madalang ang may magpunta sa lugar na yan" sabi pa uli ni mang karding. "Ah ganon po ba" paumanhing sabi nito. "pasensiya na po uli kung pinag alala ko kayong lahat" sabi nito. "O siya pumanhik ka na muna at magpahinga" sabi ng matandang babae "maya maya ay maghahapunana na" pagbibigay alam dito. "O sige po" sabi ni alyssa. "salamat po sa pag aalala" sbit pa nito. "Ah tiyang" sabay sabi ni arnold. "uuwi na po ako at baka hinahanap na ako ni inang" paalam sa tiyahin ng binata. "O sige mag iingat ka ha" sabi ng tiyahin sa pamangkin. "daretso ng uwi" paalala nito. "Sige po" magalang na tugon nito."Balik na lang po ako sa susunod na araw para makatulong sa pag iistima ng mga bista" sabi uli ng binata sabay lingon kay alona. Pinamulhan ng muka si alona sa inasal ng binata, hindi nito inaasahang ngingiti sa kanya ng pagkatamis tamis ang pamangkin ni manang delia. Kahit sabihing taga probinsiya ito ay hindi naman ito papahuli sa mga binata na taga maynila, matikas ang pangangatawan, matangkad, gwapo at kayumanggi. Biglang napaiwas ito ng tingin sa binata. "Ram sunod na muna ko kina alyssa at vangie sa itaas ha" paalam nito kina ram at chad. "Cge" sagot ng binata. Samantala habang naliligo si alyssa ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang babaeng nakausap niya sa ilog, nagtataka siya kung bakit ganon, bakit nasabi nina ram na wala naman daw siyang kausap samantalang ang tagal niya itong nakasama at nakausap, ano nga ang pangalan non, alle. . A ewan kasi naman sasabihin na e biglang may tumawag sa kin, siguro hindi sanay sa tao kaya natakot at tumakbo na pagkatalikod ko, imposibleng multo yon kasi nakita at nakausap ko, pag nagkita na lang kami uli saka ko tatanungin ang name niya. "Tok!tok! tok! Alyssa tapos ka na?" tanong ng tao sa labas, kung hindi siya nagkakamali ay si alona yon. "Malapit na bakit?" sagot ni alyssa. "Ah wala" sabi nito. "maliligo rin sana ko bago tayo maghapunan e" sabi uli nito. "Ah ok, saglit lang ha" sabi nito sabay pagmamadali sa paliligo. =================

 

sumpa ni allenna 10 

Pagbaba nila ay kumpleto na ang lahat, maliban kay janice na ang sabi ay hindi daw maghahapunan dahil on diet daw siya. napakibit balikat na lang si alyssa sa sinabi ni ram. "inaasahan ko ng hindi sasabay sa atin yon kasi alam kong hindi yon nakain ng hapunan" pahayag ni ram. "E di mas maige" biglang sabi ni vangie. Siniko ng mahina ni alona si vangie dahil sa sinabi nito. "Wag kang ganyan at baka marinig ka ni ram, nakakahiya" saway nito. "Opo manang alona" sabay ngiti sa kaibigan. Hindi na lang pinansin ni alona ang kaibigan, sanay na siya dito, ganyan talaga yang magsalita pag napagsasabihan, pero mabait naman na kaibigan si vangie. "Kumain na kayo" alok ni manang delia. "Si mang karsing po nasaan?" tanong ni ram. "Ah nabpapahinga na, maaga kasing natutulog yon kasi madaling araw pa lang ay gising na siya" magabang sabi ni manang delia. "Ah ganon po ba" sabi ni ram. Habang kumakain sila ay napuna nilang parang tahimik si randy tila ba malalim ang iniisipi kung hindi pa kausapin ay hindi kikibo, samantalang hindi naman to ganito dati, tila ba may dinaramd. Habang si chad naman ay ganadong ganado pati na rin ang iba. "Ram shot tayo mamaya" sabi ni chad. "O sige" sabi nito. "kaya nga ko bumili ng alak at alam kong mag aaya kang mag inom" saBi uli sabay tawa. "Siyempre ako pa" mayabang na sabi nito. "Ikaw pareng randy game ka ba?" tanong ni ram."Pansin ko kanina ka pang walang kibo ah" puna ni ram sa kaibigan, kasalukuyan silang nasa biranda at nagpapahangin. "Ah wala pare, may iniisip lang" dahilan nito. "Babae ba?" makahulugang tanong ni chad sabay ngiti. "Medyo" sagot nito at napangiti na rin. "Problema ba?" tanong namN ni ram. "Hindi ko alam kung problema e" naguguluhang sabi nito. "parang oo na parang pwede" magulong sagot nito. "Ano yan pinoy henyo?" tanong ni vangie sabay tawa ng malakas. Nahawa na rin sa pagtawa si alyssa at alona sa sinabi ni vangie. "O e di idaan sa inuman" mungkahi ni chad sabay labas ng alakk. "Game!" tuwang sabi ni vangie. "Kaw talaga vangie pag dating sa alak laging game" natatawang sabi ni alona. "Kaya nga match kami niyan e" sabi naman ni chad sabay kindat kay vangie. "Ulol!" sigaw niya kay chad at napuno ng tawanan ang veranda. Hating gabi na ng matapos ang barkadahan sa pag iinuman, bagamat hindi naman nainom si alyssa ay sinamahan niya ang kaniyang mga kaibigan, bonding na rin ba kung baga.Si alona ay lasing na lasing na akay nina vangie at alyssa, samantalang si ram at chad naman ay sa salas na nakatulog, hindi na daw kayang umakyat, si randy naman ay nauna ng umakyat ng makita niyang tulo na si ram at chad, para ngang hindi to nalasing e. Pagkababa ni alona sa kama ay tinabihan na rin ni vangie, dahil sa nakainom ay dalidali itong nakatulog. samantalang si alyssa naman ay bumaba pa para imisin ang pinag inuman ng mga kaibigan niya. Pag akyat ni alyssa ay unanag madadaanan ang kwartong inaakupahan ni janice,bigla siyang napatigil ng may marinig siya na nag uusap sa loob. Npakunot siya "sino naman kaya ang kausap non sa dis oras ng gabi?" tanong nito sa sarili. "Tama na tigilan na natin to" galit na sabi ni janice. Lalong napakunot si alyssa sa narinig. "At paano yang dinadala mo!?" galit n sagot ng kausap" ako ang ama niyan at hindi ram!" galit na galit na sabi nito sa kay janice. Biglang napatutop sa bibig si alyssa at namutla sa narinig. Kilalang kilala niya kung sino yung kausap ni janice. "Oh my god" naguguluhang sabi niya. Bigla siyang napatakbo sa kanilang kwarto ng may marinig siyang yabag na papalabas ng kwartong iyon. Pagpasok niya ng kanilang kwarto ay nakaginga siya ng maluwag at nagulat na lang siya nang nakarinig siya ng lagabag ng pintuan. =================

 

sumpa ni allenna 11 

Dahil sa nasaksihan kagabi ay hindi agad nakatulog si alyssa, kaya naman halata sa kanya ang puyat at pangangalumata, halos maiyak na siya sa awa kay ram, natanong na lang niya sa sarili niya kung bakit siya ginanon si ram ng kanyang nobya at kaibigan, ang pagkakaalam naman ni alyssa ay mabait at sweet si ram sa nobya nobya niya, kaya bakit ganon na lang ang ginawa ng mga ito. Pagbab ni alyssa ay nagkakainan na ng umagahan ang mga magkakaibigan. "O alyssa tinanghali ka ata ng gising?" tanong ni chad. "Oo nga e" sagot nito. "hindi kasi ko kagad nakatulog, nagbasa pa kasi ko kagabi" pagdadahilan ni alyssa. "Babe pasyal naman tayo" aya ni janice kay ram. "Oo mamaya" sabi ni ram. "diba pupunta tayo sa mga lola ni alona?" pag papaalala ni ram kay janice. "Ah oo nga pala" sabi na lang nito, pero sa totoo lang ay ayaw niyang pumunta don, ang gusto sana niya ay masoli niya si ram. "Pano alona what time tayo aalis?" tanong ni ram. "Sa bandang hapon na lang" sabi ni alona. "pagkakain na lang natin ng tanghalian, isa pa tulog pa sina randy at vangie"sabi uli nito. "Oo nga" sang ayon ni chad. "lasing na lasing si vangie kagabi, hayaan na muna nating magpahinga" sabi uli ni chad. "Ok sige" sang ayon naman nito. "Guys" sabi ni alyssa sa mga kaibigan. "mamaya pa naman ang alis natin, pupunta na muna sana ko sa may tabing ilog" paalam nito sa mga kaibigan. "O baka kung mapaano ka don" pag aalalang sabi ni ram. "Ano ka ba" natatawang sabi ni alyssa. "hindi na ko bata no, kaya ko na ang sarili ko" sabi uli nito. "Kapag tanghali na at wala pa ko, don nyo na ko puntahan" pahabol nitong sabi sabay tawa. "Oo nga naman babe" maarteng sabi ni janice. "malaki na si alyssa para mag alala ka ng ganyan" sabi nito. "Don na lang tayo sa may garden sa likod magpunta" malandi nitong sabi kay ram sabay may ibinulong. "O siya sige" sabi ni ram. Umakyat na si alyssa sa kwarto niya para kuhanin ang kanyang gamit sa pagdodrawing, dinala kasi niya ito para kung maisipan niyang magdrawing e makakapagdrwing siya. Pagbaba ni alyssa ay wala na doon ang dalawa, si chad na lang ang naiwan. "Siguro ay gumagawa na ng milagro yung dalaw sa likod bahay" malisyongsong sabi ni alyssa sa sarili. "Chad alis na muna ko" paalam nito. "Sige, mag iingat ka" paalala ni chad dito. Habang naglalakad papuntang tabing ilog ay hindi niya maiwasang hindi magngitngit. "Wala talagang hiya yang si janice, biruin mo buntis na sa iba tapos lumalandi pa ng husto, siguro ay kay ram ipaaako ang ipinagbubuntis non" sabi ni alyssa sa sarili."hahanap lang ako ng tiempo para sabihin kay ram ang lahat" sabi pa nito"Hindi dahil sa gusto ko si ram kung hindi dahil kaibigan ko siya, barkada, hindi makatwirang lolokohin lang siya habangbuhay ng janice na yan, itatali sa sitwasyong hindi naman niya kagagawan" determinado nitong sabi sa sarili. Nang makarating siya sa ilog ay humanap agad siya ng pwesto na pwedeng upuan, napili niyang upuan yung malaking bato na nasa lilim ng puno, nilabas ni alyssa ang kanyang sketch pad at lapis at sinimulan na niyang magdrawing, iginuguhit ni alyssa ang nasa paligid niya, palibhasa ay sadyang may talento sa pagguguhit ay kuhang kuha niya ang itsura ng kanyang obra. Ang malinaw na tubig na umaagos sa ilog, ang mga punong nakapaligid dito, at isinama na rin niya ang mangilan ngilang mga kababaihang naglalaba sa di kalayuan sa kanya. "Magaling ka palang gumuhit" biglang may nagsalita sa likuran niya. Biglang napaigtad si alyssa at nalaglag ang hawak niyang lapis sa sobrang gulat. Paglingon niya ay nakita niya ang babaeng nakausap niya kahapon na biglang nawala. Nakasuot ito ng puting bistida na animo ay nasa sinaunang panahon. "Ikaw pala" sabi ni alyssa. "magkakasakit naman ako sa puso niyan sayo e, lagi ka na lang sumusulpot ng di ko namamalayan" nakahawak sa puso g sabi ni alyssa, hanggang ngayon kasi ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. "Bakit ka nga pala biglang nawala kahapon?" tanong ni alyssa. "Hindi kasi ko pwedeng makipag usap sa iba maliban sayo" makahulugang sabi nito. Napakunot ang noo ni alyssa sa sinabi nito. Biglang parang kinabahan si alyssa, kung bakit ay hindi niya alam ang dahilan. "bakit ba parang napakamisteryosa nitong babaeng to?" tanong ni alyssa sa sarili. "Anong ibig mong sabihin?" tanong uli niya. ============================= Pasensiya na po kayo kung may mga typo error, may kalakihan ata ang daliri ko kaya kung minsan ay iba ang napipindot ko hehehehe. Comment naman po kayo. Salamat po. =================

 

sumpa ni allenna 12 

Tinitingnang mabuti ni alyssa ang kanyang kausap, bakit ba ganito ang pakiramdam niya sa babaeng to, pakiramdam niya ay madaming lihim itong itinatago. "Ah kasi hindi kasi ko sanay na makihalubiho sa mga ibang tao, lalo na at hindi taga rito." paliwanang ng babae. Lalo tuloy nagtaka si alyssa sa sinabi nito. "Bakit?" takang tanong nito. "buti at nakipag usap ka sa akin?" tanong uli niya. "Kasi ang tingin ko naman sayo ay mabuting tao" sagot nito. "Ah ganon ba?" Sabi ni alyssa "salamat ha" sabi uli nito. "Gusto mo bang maligo tayo sa ilog?" Makahulugang sabi nito. "Ah saka na lang, pag kasama ko na yung mga kaibigan ko" sagot ni alyssa. "yaan mo at ipakikilala kita sa mga yon, mababait din ang mga yon, para naman may iba ka pang kaibigan bukod sa akin." mahaba nitong sabi sa kausap. "Ok sige" sang ayon nito. "Nga pala anong pangalan mo?" tanong ni alyssa. "Ako nga pala si allenna" sagot nito sa kanya. "Ah magandaNg pangalan" ang nasabi ni alyssa. "Salamat" sabi nito "maganda para sa inyong mga dayuhan ang pangalan ko pero dito sa aming lugar ay isa itong sumpa at malas na pangalan" makahulugang sabi nito. Kunit noong napatitig ito sa kay allenna. "Bakit mo naman nasabing may sumpa ang iyong pangalan?" takang taning uli nito. "Yon ang paniniwala ng mga tao dito" sagot nito."Isa na rin yon sa mga dahilan kung bakit mailap ako sa mga tao sa lugar na ito" mahabang paliwanang ni allenna. "Naniniwala ang mga tao dito sa mga ganong bagay?" hindi makapaniwalang tanong ni alyssa sa kausap. "Oo" malungkot na sabi nito. "Wag kang mag alala" pag aali nito sa bagong kaibigan. "hindi ako naniniwala sa mga ganong bagay" masayang sabi nito. "Alam mo na pangalan ko diba?" tanong nito sa kausap. "alyssa montemayor" pakilala uli ni alyssa sa kaysap sabay lahad ng palad nito. "Allenna" sabay abot sa kamay ni alyssa. Biglang napatigil si alyssa at kinilabutan ng mahawakan niya ang kamay ng kausap. "bakit ganito? Bakit sobrang lamig na akala mo'y isang malamig na bangkay" tanong nito sa sarili. Bigla tuloy niya igong nabitiwan at bahagyang napaatras sa takot. Sa totoo lang ay hindi siya matatakuting tao, pero bakit ganito ang takot na nararamdaman niya ngayon. "Alyssa!" tawag sa kanyang likuran. Bigla siyang napalingon at nakita niya si ram na papunta sa kanyang likuran. "O ram" gulat nitong sabi. "bakit? paalis na ba tayo?" tanong uli niya. "Maya maya pa, kinaon lang kita kasi magtatanghalian na tayo" sabi nto. "Sana tinext mo na lang ako o kaya tinawagan" sagot ni alyssa sa kausap. "para hindi ka na napagod sa pagpunta dito" sabi pa nito. "Ok lang, gusto ko rin namang makapaglakad lakad" masayang sabi nito. "Ay oo nga pala ipakikilala kita kay alle. . " Pag lingon ni alyss sa likod ay bigla na naman itong nawalang parang bula. "huh? nawala na naman siya?" takang tanong nito. "Kanino mo ko ipakikilala?" tanong ni ram. "Don sa bago kong kaibigan" sagot ni alyssa. "taga kabilang ulig daw siya at allenna ang pangalan" sagot ni alyssa. "Baka natakot pag dating ko" sabi ni ram sabay tawa. "Kaw talaga puro biro" masayang sabi nito "siya tayo na at mainit na" aya ni alyssa sa lalaki. Nagbibiruan pa sina ram at alyssa habang tinatahak ang daan pauwi sa mansion, habang bitbit naman ni alyssa ang kanyang mga gamit pang guhit. Samantala sa di kalayuan ay nakatanaw si allenna sa dalawang taong papalayo, nakatitig ito sa dalawa lalong lalo na kay ram. "Bumalik ka?" makahulugang sabi nito. "bumalik kang muli sa lugar na ito?" ulit pa nito. "Ngayon ay matitikaman mo ang bagsik ng aking paghihiganti ramon agoncillo!" malakas na sigaw ni allenna bigla itong nag iba ang itsura, naging gulagulanit ang suot nitong damit na puro bahid ng dugo, ang mga mata nito ay nanlilisik at pulang pula at naluha ng dugo, ang muka nitong maganda ay biglang parang naagnas na bangkay.Bigla itong humalakhak na kung ito ay iyong maririnig ay kikilabutan ka talaga para itong nanggagaling sa ilalim ng lupa. "Ako ang kikitil sa wala mong kwentang buhay!" Sabay halakhak uli. "isinusumpa ko yan!" pagkasabi ni allenna ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas, biglang dumilim ang paligid na para bang may paparating na isang malakas na unos, na tila ba nagbabadyang may mangyayari na namang hindi maganda sa lugar na iyon. =============================Salamat po sa kaunaunahang nag vote at nagcomment sa storya ko, ang saya saya ko lang po kasi hindi ko akalain na kahit papano ay may nagbabasa pala ng story ko, hehehehe salamat ng marami : ) =================

 

sumpa ni allenna 13 

Pagkapasok nina alyssa at ram sa mansion ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Ganon na lang ang gulat ni ram at si alyssa naman ay napasigaw dahil sa bigla biglang pagkulog at pagkidlat. Ganon na lang ang pagtataka ng magkaibigan, bakit bigla bigla naman, kung tutuusin nga ay summer ngayon bakit biglang uulan ata ng malakas. "Tag ulan na ba kaagad?" takang tanong ni chad ng makita sila sa may salas, kababab lang nito galing sa kanyang kwarto. "Ewan ko ba kung bakit nagkaganyan?" takang sagot ni ram. "Oo nga, kanina naman e ang ganda ganda ng panahon" sabat ni alyssa. "Climate change siguro" pahayag naman ni vangie na kalalabas lang galing kusina, kasama si alona. "Paano yan hindi pala tayo makakaalis, mukang ang lakas ng ulan na yan e"sabi ni alona. "Oo nga e" sagot ni ram. "bukas na lang siguro sa umaga tayo magpunta para maganda, tapos daretso simba na rin tayo" mungkahi pa nito. "O sige yon na lang" sabi ni chad "sa ngayon e magpahinga na lang muna tayo, medyo masakit pa kasi ang ulo ko" sabi uli nito sabay hawak sa ulo. "Hang over yan" sabi ni alyssa sabay tawa. "Takaw kasi sa alak" ngingiti ngiting sabi ni vangie. "Nagsalita ang talamak sa alak" ganti nitong sagot sabay tawa. At nagtawanan na ang magkakaibigan, hindi nila alintana ang malakas na kulog at kidlat, pati na rin ang malakas na ulan, para sa kanila ay pangkaraniwan lang ang ganong bagay, ang sabi ng climate change daw. Samantala hindi magkamayaw sa pagdadasal ang mga matatanda sa kanilang altar sa mga oras na iyon. Bawat pagkulog at pagkidlat ay napapaantanda sila dahil sa kakaibang takot na namamayani sa kanilang mga puso. Tanghali pa lang ay tila maggagabi na sa sobrang dilim sa labas, bumuhos na ang malakas na ulan at walang tigil ang pagkulog at pagkidlat. "May delubyo na namang paparating" makahulugang sabi ng matandang nagdadasal sa kanyang apo. "Ano pong ibig ninyong sabihin lola?" tanong ng walang muwang na batang babae. "May pakiramdam akong nandiyan na naman siya para kumuha na naman ng buhay" makahulugang sabi uli ng matanda. "Yung babae po ba sa ilog ang tinutukoy ninyo lola?" tanong ng apo. "Oo apo" sagot ng matanda. "Paano ninyo pong nalaman na kukuha na naman siya ng buhay?" tanong uli "totoo po ba ang kinukwento ninyo sa amin ng mga kapatid ko?" tanong uli. "Totoo lahat ang sinasabi ko apo" sagot ng matanda. "Kaya kayo sabihin mo sa kapatid mo ay wag maliligo sa ilog, dahil delikado doon" babala ng matandang babae sa apo. "E lola paano ninyo pong napatunayan na yung babae nga po ang kumukuha ng buhay ng mga tao dito?" tanong uli ng dalagita. "Hindi po kaya kaya sila nalulunod ay dala ng kapabayaan nila, kasi kalimitan ay lumalangoy sila ng lasing, o kaya ay hindi naman pala marunong lumangoy e sige pa rin ang punta sa malalim" katwiran ng dalagita. "Maniwala ka apo" pangungumbinsi nito sa apo. "dahil minsan ko na itong nasaksihan ng minsan ako'yMagpunta sa ilog para sana maglaba" sabi ng lola. "Talaga po lola?" biglang sabi ng dalagita na wari ba naging interesado sa kwento ng matanda. "Sino po ang kinuha niya?" tanong nito. Biglang nalungkot ang muka ng matanda na wari ba'y iiyak sa mga masasamang alaala. "Ang iyong ama" sabi nito sabay singot ng mahina. =================

 

sumpa ni allenna 14

 "Lola?" ang tanging nasabi ng dalagita. "Oo apo, sa ilog namatay ang iyong ama" malungkot na pahayag ng kanyang lola. "Pero diba kaya nalunod si tatay don kasi ay doon siya inabutan ng atake sa puso? nagtatakang sabi ng dalagita. "Yon ang paniniwala ng mga pulis at ng ibang taga lugar natin, pero ang totoo ay pinatay siya ng babae sa ilog" paliwanang ng matandang babae. "Ano po ang nangyari lola?" agad na tanong ng dalagita sa kanyang lola. "Pilit kong pinigilan ang iyong ama ngunit sadyang napakatigas ng kanyang ulo" malungkot na sabi nito. "Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari yon, isang masakit at masamang bangungut ng buhay ko. . . . ." "Nay kayo na po muna ang bahala sa mga bata at mangingilaw lang ako sa ilog" paalamni aldo sa kanyang ina na kasalukuyang nagluluto ng hapunana. "Bakit ka naman paparoon pa, alam mong delikado ang magpunta ng ilog lalo na at papadilim na" babala ng kanyang ina. "Nay kaya ko ho ang sarili ko" pagyaya ang nito sa ina. "isa pa may mangingilaw ba na sa umaga?" pilosopong sabi nito sa ina. "Wag ka ng umalis aldo at magdidilim na" galit na sabi nito. "wag matigas ang ulo mo, alam mo naman kung anong meron diyan sa may ilog lalo na at kung hating gabi" paalala nito sa ina. "Nay, bakit ba naman kayo naniniwala sa mga ganyang mga kwento kwento" napapailing na sabi nito. "matanda na kayo e mapapaniwala pa kayo sa mga kababalaghan" naiinis na sabi nito. "Hindi yon basta kwento lang, totoo ang lahat ng iyon, marami ng namatay sa ilog na yan gawa ng kaluluwa ng babaeng napatay diyan noon" nangingilabot na sabi nito. "Nay" sabi nito "maraming namamatay jan dahil sa kapabayaan nila, hindi dahil sa kung anong demonyo meron jan" naiinis na paliwanag ni aldo."Ang nakakatakot ay yong wala akong mahuli para ipangkain natin, yon ang nakakatakot" dagdag pa nito. "Bahala ka napakatigas talaga ng ulo mong bata ka!" galit na ring sabi ng matanda. "pinaaalalahanan lang kita!' sabi pa nito. Napailing naman si aldo sabay talikod para umalis na. "Wag kayong mag alala" sabi nito sabay lingon sa ina. "para sa ikakapanatag niyo ay uuwi kaagad ako ng maaga" sabi ni aldo sa ina. "Siya sige na" sang ayon nito "hindi ka naman papipigil pa, mag ingat ka na lang at umuwi ka kaagad" ang nasabi na lang ng matanda. At sa paglabas ni aldo ay nagdasal ang matanda para sa kaligtasan ng kanyang anak. Nag iisa na lang itong anak niya, dahil ang kanyang isang anak ay namatay na sa sakit, kaya masyado ang kanyang pag iingat dito dahil ito na lang natitirang kayamanan niya, at isa pa may 3 itong anak na dapat itaguyod, iniwan na kasi si aldo ng kanyang asawa. Madilim na ng makarating sa may ilog si aldo,napadaan pa kasi siya sa kanyang kumpare at napatagay pa ng konti kaya naman madilimNa ng siya ay nakataing sa may ilog. Habang inaayos niya ang kanyang gamit ay may nakita siyang babae sa may tabi ng ilog, napakunot pa ang kanyang noo dahil sa pagtataka. "Ano naman kayang ginagawa ng isang babae dito sa ilog, gayong gabi na?" takang tanong nito sa sarili."Imposible namang mangingilaw din to" sabi pa ni aldo Dahil sa sobrang pagtataka ay nilapitan pa pa ito ni aldo. Nakatayo ang babae sa may ginta ng ilog na wari ba'y naliligo. "Miss!" tawag nito sa babaeng nakatalikod. Nakaputi itong bistida at wari ba'y hindi siya nito naririnig. "Miss!" tawag uli nito. "malamig ang ilog bakit gabi ka na maligo" takang tanong nito. Biglang narinig ni aldo na ito'y umiiyak, dahil ng ito'y kanyang lapitan ay nakatakip ang mga palad nito sa kanyang muka. "Lintek,ukang magpapakamatay pa ata to ah" nasabi nito sa sarili. Kaya naman agad agad niya itong nilapitan. "Mis bakit ka umiiyak?" tanong nito. "may problema ka ba?" tanong uli nito. Hindi siya pinapansin ng babae kaya naman hinawakan niya ang balikat nito para sana aluin. "Miss" sabi pa ni aldo. "kung balak mong magpakamatay ay mag hunos dili ka,kasalanan yan sa diyos" pangaral pa nito. "Wala naman akong balak magpamakatay e" sabi ng babaeng umiiyak. Ganon na lang ang hilakbot ni aldo ng marinig niya itong magsalita, ang bosea nito ay animo galing sa ilalim ng hukay, ang lamig ng boses at nang mahawakan niya ito sa balikat sa sobrang lamig, kasing lamig ng isang bangkay. "Ikaw ang papatayin koooo!!!!!" biglang harap ng babae sabay harap kay aldo. "Aaaaaaahhhhhhhhhhh" malakas na sigaw ni aldo. ============================= Sa mga readers po sana magustuhan ninyo ang aking kwento. :) =================

 

sumpa ni allenna 15 

Biglang nabitiwan ng nanay ni aldo ang hinuhugasan niyang pinggan para maging dahilan ito ng pagkabasag. Ganon na lang ang kaba ng matanda dahil para sa kanila ang mga ganong senyales ay masama, may pamahiin kasi sa kanila na pag ikaw ay nakabasag ng pinggan o ng mga bagy na babasagin ng hindi sinasadya at bigla kang kinutuban ay malamang sa malamang na may masamang mangyayari sa mahal mo sa buhay.Biglang kinutuban ng masama ang matanda, pumasok ang panganay niyang apo na anak ni aldo. "Lola ano pong nangyari?" tanong nito sa matanda ng makitang may vasag na pinggan. "Bigla ko kasing nabitiwan" sabi ng matanda. "Baka pagod na ho kayo, ako na lang po ang magtutuloy niyan" ako ng apo ng matanda. "Siguro nga" sang ayon ng matanda. "anong oras na ba?" tanong pa nito. "Past 10 na po" sagot ni sa kanyang lola. "Wala pa ang tatay mo?" tanong uli. "Wala pa po" magalang na tugon nito. "Ang mga kapatid mo?" aabi ng matanda. "Pinatulog ko na po, magpahinga na po kayo la" taboy pa nito sa kanyang lola. "O sige diyan ka na" paalam nito sa kanyang apo. Pumasok na sa kanyang kwarto ang matanda at himiga na sa kanyang katre, pero hindi siya talaga mapalagay, iba ang kutob niya. Kaya naman dali dali siyang lumabas at kinuha ang kanyang alampay, susunod siya sa ilog para puntahan ang kanyang anak. Samantala sa may ilog. . . . "Aaaaahhhhhhhhh!!!!!!!" malakas na sigaw ni aldo. Sino ba naman ang hindi mapapasigaw sa kanyang nakikita isang babaeng lumuluha ng dugo, ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa kanya, ang muka nito ay tila ba naaagnas na, para itong isang buhay na bangkay, ng mapansin niya ang suot nito ay gulagulanit at nangingitim na sa kalumaan. Sa sobrang takot ni aldo ay nagawa nitong makatakbo sa tabi ng ilog, dala siguro ng sobrang takot ay hindi niya alam kung paano aiya kaagad nakarating sa may pangpang. Pag lingon niya sa may ilog ay wala na doon ang babae, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ngunit ganon na lang ang pangangatog ng kayang mga tuhod ng pagharap niya para umuwi ay nasa harap na niya ang babae, galit na galit ang muka nito. "Akala mo matatakasan mo ko?" nakangising sabi nito. Napasigaw uli ng malakas si aldo, sa isang kumpas ng babae ay bigla na lang itong tumilapon sa may ilog. Sa lakas ng pagkakahagis sa kanya ay pakiramdam niya ay nagkalasog lasog na ang kanyang katawan, buti na lang at hindi siya tumama sa batuhan. Dahil sa hindi kaagad nakabawi sa pagkabigla ay muntik na siyang malunod, suminghap singhap pa siya, nang makabawi na siya sa ginawa sa kanya ng babae ay dalidali uli siyang lumangoy para makaahon sa ilog. "Hahahahaha" malakas na halakhak ng babae."Hindi ka makakatakas sa akin" sabi pa uli nito. Akala niya ay tinantanan na siya ng babae ngunit sa kanyang paglangoy ay naradaman niyang biglang may humila sa kanyang mga paa, bigla tuloy lumubog ang lalaki sa ilalim ng ilog. Saktong paglubog nito sa ilog ay siya namang pagdating ng kanyang ina. "Aldoooooo" sigaw ng kanyang ina. Biglang lumutang ang uli ni aldo at pinipilit na lumaban sa babae. Langoy uli si aldo ng makaalpas ito sa babae. "Aldo, bilisan mo" sigaw ng kanyang ina. Napatingin sa matandang babae si sabay sabi. . "Magpaalam ka na sa mahal mo" makahulugang sabi nito. "Waggggggggg" sigaw ng ina ni aldo."Wag ang anak ko maawa ka" pagmamakaawa ng ina ni aldo. Ngumisi lang ito sa matandang babae.At sa isang iglap lang ay nahila na ng tuluyan si aldo sa ilalim ng ilog ni allenna, hindi na ito lumutang pa kahit anong tawag ng ina ni aldo sa pangalan nito. "Isang buhay ay sapat na sa akin ngayong gabi. . ." Malamig na boses na narinig ng ina ni aldo. Ganon na lang ang hinagpis nito sa sinapit ng anak, alam niyang wala na itong buhay. ================= Sumpa ni allena (author note) Salamat po sa pagbabasa ninyo, comment naman po kayo, at kung hindi naman po kalabisan e pede rin pong bumoto. At dahil sa ganado po ako ngayon, tatlong chapter po ang update ko ngayon, sana po magustuhan nyo :) Salamat po uli sa mga nagbabada godbless. Devo_0720 =================

 

sumpa ni allenna 16 

"Halos mabaliw ako noon apo, dahil hindi ko alam ang gagawin ko"mangiyak ngiyak na sabi nito. "kung hindi ko lang kayo inaalala ng mga kapatid mo, siguro ay bumigay na ako" sabi pa uli nito. "Lola bakit hindi nyo po agad sinabi sa amin ang mga iyan" tanong ng apo sa matandang babae."Bakit hindi ninyo sinabi sa mga pulis" sabi pa uli nito. "Sinabi ko, ngunit walang naniniwala, kaya alam ko kada may mamamatay diyan sa may ilog ay siya ang may kagagawan lahat" may galit na sabi niyo. "E lola bakit po siya pumapatay" takang tanong nito. "bakit siya madalas kumuha ng buhay? sunod na tanong. "Hindi ko rin alam apo, pero sigurado may dahilan ang lahat ng mga pangyayaring iyon, may pinag ugatan kung bakit siya tila galit na galit, isang kaluluwang hindi matahimik" sagot ng matanda sa apo."Tandang tanda ko pa, ang mga mata niya ay nagliliyab sa galit, poot, na tila ba ang kaluluwa ay inalay na sa diablo para lang makabalik dito." ang sapantaha ng matanda. "Lola paano ninyo po nalaman na inalay niya sa diablo ang kaluluwa niya?" walang muwang na tanong ng dalagita. "Dahil ang isang kaluluwa ay walang kakayahang bumalik dito sa mundo ng mga tao, walang kakayahang manakit ng may buhay, tanging ang mga kaluluwa lamang na nagsangla sa mga diablo ang tanging nakagagawa ng mga iyon, kaya natitiyak ko na pag aari na siya ng isang demonyo" kinikilabutang sabi ng matanda sa apo. Dahil sa narinig na kwento ng kanyang lola ay natakot ang dalagita sa mga nalaman nito, ibig sabihin pala ay talagang delikado sa lugar na iyon na magpunta, pero bakit ganon pag nagpupunta naman sila ng kaibigan niya doon para maligo o mag picnic ng hindi alam ng lola niya ay wala namang nangyayaring masama sa kanila, hindi kaya gawa gawa lang ng kanyang lola ang lahat ng iyon para hindi na sila magpunta sa ilog? Saka kung don namatay ang kanyang tatay ay bakit madalas pa ring magpunta doon si lola, lalo na kung malapit ng dumilim, kung totoo nga yon, bakit tila hindi siya natatakot na magpabalikbalik sa lugar na iyon. Ang lahat ng mga tanong na yon ang labis na napapagulo sa kanyang utak, hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya o hindi, pero sa huli ay hindi rin niya pinaniwalaan ang lahat ng kwento ng kanyang lola. "Napaka imposible talaga yon" sabi pa nito sa sarili. "siguro dala na rin ng katandaan kaya kung ano ano na lang ang naiisip ni lola" dagdag na sabi nito. "Kring! kring!" tunog ng cellphone ng dalagita. "Hello leo"sagot ng babae. "Nakapagpaalam ka na ba sa lola mo?" tanong sa kabilang linya. "Naku hindi pa, saka mukang hindi ako papayagan kung sasabihin kong maliligo tayo sa ilog, lalo pa't balak nating mag paabot mg gabi" nag aalalang sagot ng babae. "Magdahilan ka na lang kaya, sabihin mo pupunta tayo sa bday ni angela, debut aabutin kamo tayo ng gabi" mungkahi nito. "Sige susubukan ko" sang ayon nito. "Sila ba ay okay ng lahat?" tanong nito sa kausap. "Oo naman, ikaw na lang ang medyo tagilid pa" natatawang sabi nito. "Hahahaha gnon?" tawa nitong sabi. "magtetext na lang ako sayo, basta pipilitin kong makasama" determinado nitong sagot. Sa mansion. . . . . "Grabe pare ang lakas ng ulan,bakit kaya biglang bigla naman ang ulan na yan?" takang tanong ni chad. "Climate change nga diba?" mataray sa sagot ni vangie. "E bakit ang sungit mo?"nag aasar na tanong ni chad kay vangie. "Ang kulit mo kasi" inis na sagot nito. Katatapos lang nilang magtamghalian at kasalukuyan silang nasa salas at nagkukwentuhan at nag aasaran. Habang si janice naman ay bumalik na sa kanyang kwarto dahil daw masama ang pakiramdam sabi ni ram, masakit daw ang kanyong ulo. "Pare inom na lang tayo" pag aaya ni randy. "Oo nga mabuti pa, tutal naman e malamig ngayon at masarap mag inom" sang ayon ni chad. "O cge pare" sabi ni ram. "teka't kukunin ko lang yung iinumin natin" paalam ni ram. "Kayo vangie?" tanong ni randy sa mga babae. "Ako game uli" sagot ni vangie. "Game din ako" si alona. "Ako alam nyo na,pasa ako dyan" sabi ni alyssa sabay ngiti. "aakyat na lang muna ko sa kwarto at matutulog, masarap din matulog ngayon dahil nga sabi nyo malamig" sabay kindat sa mga kasama. "O sige bahala ka" sagot ni chad. Pag akyat ni alyssa ay nasalubong siya ni ram sa hagdan. "O alyssa hindi ka iinom?" tanong nito "Hindi ram, alam mo namang hindi ako pala inom ng alak" sagot nito. "tutulog na lang ako" sabi pa nito. "O sige" sagot ni ram. "sweetsreams na lang sayo" sabi uli nito sabay ngiti ng pagkatamistamis kay alyssa. Tumango lang si alyssa at tumalikod na, pag talikod nito ay hindi mapigilang kiligin ni alyssa sa kaibigan, napaksweet talaga nito, bukod sa sweet na at mabait, napakagwapo pa lalo nanpag nangiti, gustong gusto kasu niya itong ngumingiti dahil sa malalim nitong dimples, ang cute tingnan. Pag pasok ni alyssa sa kwarto ay agad siyang nahiga at marahil ay sa puyat niya kagabi ay agad siyang inantok at nakatulog kaagad. =================

 

sumpa ni allenna 17 

Tagaktak na ang pawis ni alyssa sa pagtakbo, hindi niya maintindihan kung saan pa siya patungo, basta bahala na kung saan siya dalahin ng kanyang mga paa. Palingon lingon siya sa paligid. "Nasaan na kaya ako?" takot na tanong nito sa sarili. Nang tingnan niya ang paligid ay parang nasa ginta siya ng kagubatan, "bakit ako napadpad dito?" tanong niya uli sa sarili. Ang natatandaan niya ay naglalakad siya galing sa mansion, hindi niya namalayan na napalayo na pala siya ng lakad, nung may napansin siya na tila sumusunod sa kanya ay agad niyang binilisan ang paglalakad, palingonlingon siya kung nakasunod pa ba ang akala niyang humahabol sa kanya,pinakiramdaman niya ang paligid,maya maya lang ay parang palakas ng palakas ang mga yabag na papalapit sa kanya, kaya sa takot niya ay nagtatakbo siya. "paano na ko makakauwi nito, mukang naligaw na ako?" sabi nito sa sarili. Habang naglalakad at hinahanap ang daan pauwi ay nakarating siya sa may ilog. "Ang ilog" excited na sabi nito. "makakauwi na ko, babaybayin ko na lang ito para mahanap ko ang daan." masayang sabi nito. Habang binabaybay niya ang daan ay may nakita siyang babaeng umiiyak sa may tabing ilog. Nakayuko ito at patuloy ang paghagulgul nito. Nakabistida itong puti na tila ba ikakasal. "Huh?" gulat niya. "sino kaya yon?" tanong nito. "naligaw din kaya ito?" muli nitong tanong sa sarili. Agad niya itong nilapitan para tulungan kung may maitutulong man siya, at isa pa baka alam nito ang daan pauwi sa mansion.Nang papalapit siya ng papalapit dito ay para bang unti unti siyang kinikilabutan, habang unti unting naririnig niya ang pag iyak ng babae ay unti unti ring tumataas ang kanyang balahibo. "Miss, okay ka lang ba?" tanong ni alyssa. "miss?" ulit nito sabay hawak sa balikat ng naiyak na babae. Biglang napakunot ang noo ni alyssa ng biglang tumawa ang babae, kanina lang ay naiyak to bakit ngayon ay natawa na. "hindi kaya baliw ang isang to?" tanong ni alyssa sa sarili. Ang kaninang iyak ay napalitan ng tawa, tawa na unti unting lumalakas hanggang sa naging halakhak na ito, sa paghalakhak ng babae ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas, ganon na lang ang takot ni alyssa ng humarap ito sa kanya, biglang para siyang isang tuod na hindi makagalaw sa sobrang takot. Naagnas na muka, matang kulay pula na lumuluha ng dugo habang nakatingin sa kanya, bibig na halos umabot na sa may tenga sa sobrang laki, at sa kanyang pagtawa ay kitang kita ni alyssa ang mga uod na nanlalaglag sa bawat pagtawa nito. Hindi magawang sumigaw ni alyssa o ang gumalaw man lang, para siyang naparalisado sa kanyang kinatatayuan. "Bakit?" tanong ng babaeng umiiyak kanina. "natatakot ka ba sa akin?" tanong nito na nakakaloko sabay halakhak ng malakas na tila ba nanggagaling sa ilalim ng hukay. Sa bawat halakhak ng babae ay siya ring pagkidlat at pagkulog. Biglang hinawakan si alyssa sa dalaqang balikat niya, ramdam niya ang lamig ng mga kamay nito na halos agnas na rin. "Eeeeeeehhhhhhhh" biglang malakas na irit ni alyssa, halos mapaos na siya sa kasisigaw. Sa pagsigaw ni alyssa ay bigla ring sumigaw ang babaeng kanina ay umiiyak, at sa pagsigaw ng babae ay biglang may lumabas na dugo sa kanyang bibig na may kasama pang mga uod pabuga sa muka ni alyssa. "Papatayin kitaaaa!!!" galit na sabi ng babae pagkatapos siyang sukahan ng babae. Biglang kinaladkad si alyssa papuntang ilog, at dahil sa hinang hina na ang pakiramdam niya ay agad siyang nadala sa gitna ng ilog, doon siya sinakal ng babae habang inilulublob sa malamig na ilog. "Eto na ata ang katapusan ko" sabi ni alyssa sa isip habang umiiyak. "diyos ko ipinauubaya ko na po sa inyo ang lahat, kayo na po ang bahala" ang huling sinabi ni alyssa bago bumigay ang kanyang katawan at isip. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nang tiyak na ng babae na wala na siyang hininga ay bigla niya itong binitawan, sa pagbitiw ng babae sa katawan ni alyssa ay unti unti itong lumubog sa ilalim ng ilog hanggang sa anurin na ng malakas na agos ang walang buhay na katawan ni alyssa. =================

 

sumpa ni allenna 18 

Biglang nagising si alyssa ng may maramdaman niyang mahapdi ang kanyang pisngi. Pagmulat ng kanyang mata ay nakita niyang nakapalibot sa kanya ang kanyang mga kaibigan, nasa muka ng mga ito ang pag aalala. Habang papaupo siya ng pwesto ay inabutan siya ni alona ng tubig dahil tila hapong hapo siya. "Okay ka na ba alyssa?" nag aalalang tanong ni ram. "Bakit?" Tanong ni alyssa "ano bang nangyari?" tanong uli nito. "Napadaan kasi ako ng kwarto nyo para kumuha uli ng alak sa room ko" paliwanag ni ram. "nang may marinig akong umuungol sa loob na tila ba parang nahihirapan ay sumilip ako dito, nakita nga kitang natutulog at panay ang ungol mo at butil butil ang pawis mo" mahabang kwento nito. "Binabangungot ka girl" sabi pa ni alona. "Oo nga" sang ayon ni chad. "akala nga namin e hindi ka na magigising, panay na ang yugyog namin sayo at sampal pero wala pa ring epekto, hindi ka pa rin magising" sabi uli ni chad. "Ano bang napanaginipan mo?" tanong ni ram sa kanya. Lumunok muna si alyssa bago nagkwento. "Napadpad daw ako sa ilog. . . ." At kinuwento ni alyssa ang mga pangyayari sa kanyang panaginip. Nang matapos si alyssa sa pagkukwento mangiyak ngiyak siya dahil akala talaga niya ay katapusan na niya. "alam mo alyssa" sabi ni randy. "ang panaginip ay kabaligtaran ng ng totoong pangyayari, kaya malabong magkatotoo ang mga iyon." sabi uli. "Oo nga naman, alyssa" si alona. "saka hindi totoong merong ganon na kagaya sa panaginip mo, sa pelikula pa oo" sabi ni alona na napapailing. "At isa pa, baka naman kasi masyafo kang nag iisip don sa babaeng nakakausap mo pag nagpupunta ka sa ilog,yung bago mo kamong kakilala" sabi naman ni vangie. "Oo nga" sang ayon ni ram. "wag ka na lang uling magpunta don ng hindi mo kami kasama" mungkahi naman nito. "Siguro nga" sang ayon naman ni alyssa. "salamat sa inyo ha, kung hindi siguro ninyo ko nagising aya baka patay na ko" sabi pa uli nito na may naluluha. Napalingon ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila, at nakita nila si janice na papasok sa loob. "O gising na naman pala si alyssa e" maarteng sabi nito. "tayo na babe sa baba at kumain na tayo ng hapunan." Naglalambing nitong sabi kay ram. "O alyssa okay ka lang?" tanong ni janice. "buti at nagising ka pa" sabi nito na para bang nanunuya pa. Biglang tiningnan ng masama ni alona at vangie si janice ng masama. "Alam mo kung wala kang magandang sasabihin sa kaibigan namin e wag ka na lang magsalita" mataray na sabi ni vangie. "Bakit?" maang nito. "nagtatanong lang naman ah" kunwaring sabi nito. "Tayo na nga babe sa baba" inis na sabi kay ram. Nauna na itong lumabas ng kwarto. "O sige alyssa bababa na muna kami" paalam ni ram. "ilalayo ko na muna tong si janice" nahihiyang sabi sa mga kaibigan. "Labas na rin kami" paalam ni chad at vangie. "sunod na kayo sa baba at maghahapunana na" sabi naman ni vangie. "Sige mauna na kayo, baka hindi na lang muna ko maghapunan at wala pa kong gana" matamlay na sabi ni alyssa. "Sigurado ka?" tanong ni alona. Tumango lang si alyssa sa kaibigan, kaya naman maya maya lang ay lumabas na ito par kumain ng hapunan. Pagkatpos ng hapunan ay binalikan siya ni alona at vangie na may dalang pagkain. "Kumain ka kahit konti" sabi ni alona. "aalis tayo bukas diba?" sabi pa uli nito. "Oo naman alam ko" sagot nito. wala naman akong sakit e, tinatamad lang talaga kong kumain" sabi pa uli nito. "O siya magpahinga ka na uli, baba lang kami at magliligpit lang kami ng pinagkainan sa baba" paalam ni vangie. "Umalis kasi si yung mag asawa at may pupuntahan daw" sabi nito sa kaibigan. "Sige, salamat uli" pasasalamat ni alyssa sa dalawa. =================

 

sumpa ni allenna 19 

Kinabukasan aya maaga silang umalis para mamasyal, patatlong araw na kasi sila dito e hindi pa sila nakakapasyal sa bayan, kaya naman napagkasunduan nilang mamasyal sa bayan, balak na muna nilang magsimba dahil na rin sa request ni alyssa, gusto kasi niyang magpasalamat at nagising pa siya sa masamang bangungot na dinanas niya kahapon. Pagkatapos nilang magsimba ay dumaan naman sila sa plaza, picture dito, picture doon, na enjoy talaga ng magkakaibigan ang ganda mg lugar. Summer na pero hindi ganong kainit, siguro dala na rin yun ng mga puno sa paligid, madami kasing punong kahiy kang makikita, kahit na sabihin pang nasa bayan ka at madami na ring bahayan at ilang istraktura. Pagkatapos nilang kumain e napagkasunduan nilang mamili ng ilang bagay na gagamit nil sa paliligo nila sa ilog, balak kasi nilang maligo doon mamayang hapon pag kauwi nila at doon na sila magpapaabot ng gabi, napagkasunduan ng barkada na mag camping sila don. Kaya naman ganon na lang ang excitment ng barkadahan maliban kay alyssa. "O alyssa, hindi ka ba excited at don tayo mag overnight sa ilog mamaya?" tanong ni alona. "Oo nga" sang ayon ni vangie. "ikaw itong mahilig sa mga ganyang adventure e" sabi pa nito. "Excited naman kahit konti" matamlay nitong sabi. "WAit" pigil na sabi ni chad. "don't tellMe na iniisip mompa rin yung nightmare mo kagabi?" kunot noo nitong tanong. Tumango lang si alyssa bilang sagot sa tanong ni chad. "Ano ka ba naman alyssa" sabi ni ram "wag mong isipin yun at hondi totoo ang mga yon" sabi pa nito. "Saka wag kang mag alala" sabat ni randy. "nandito naman kami para ipagtanggol ka e" pacute pa nitong sabi. Biglang napangit si alyssa sa pacute na muka ni randy. "Hindi bagay sayo ang magpacute" natatawa nitong sabi. "O see?" sabi nito "e di tumawa ka na rin" sabay tapik sa balikat. "Kung natatakot ka, maiwan ka sa bahay mamaya, magmukmok ka na lang don" paismid na sabi ni janice. Hindi na lang pinansin ni alyssa si janice. Kung papatulan pa kasi niya ito ay hahaba lang ang kanilang pagtatalo. "Mabuti pa, tayo na sa sasakyan at pupunta pa tayo sa mga lola ko." aya ni alona. "nagtext ako sa tita ko at tinuro kung saang lugar sila dito nakatira kaya tayo na." sabi pa nito. Pagdating nila sa bahay ng lola ni alona ay sinalubong sila ng kanyang tita, nang tanungin niya ang kung nasaan ang kanyang lola ay nasa loob daw na nagluluto ng pananghalian nila ng malamang dadalaw sila dito. Maliit lang ang bahay ng lola ni alona kumpara sa bahay ng lolo nina ram, kung tutuusin nga ay par lang itong isang kubo. Sa likod bahay sila dinala ng tiyahin ni alona at doon na daw sila pumuwesto ng pagkain dahil mas presko daw doon. "Tayo na sa loob" aya ng tiyahin ni alona. Tamang tama naman na nakahain na ang lola ni alona ng sila ay dumating. Nagbless si alona sa kanyang abuela, at ganon din ang ginawa ng kanyang mga kaibigan, isa isa silang nagmano sa kamay nito, at tuwang tuwa naman ang matanda. Pinakahuling nagmano ay si ram dahil siya ang nasa likod. Ganon na lang ang gulat ng lola ni alona Ng makita niya ito. "Kamukang kamuka mo siya" mahinang sabi ng lola ni alona. "Po?" tanong ni ram. "Ah wala apo, may naalala lang ako sayo" nakangiti nitong sabi. Masaya ang lahat sa pagkain, kanya kanya silang kuha, sa dahon ng saging sila kumain, habang nakain ay nagkukwentuhan ang tiyahin ni alona at si alona kung kamusta na ba daw Ng kanyang mga pinsan na nanay ni alona. Habang ang lola naman ni alona ay walang patid sa pagtitig kay ram. "Hindi maari" sabi nito habang nakatingin kay ram. "sino kaya siya at bakit siya kamukang kamuka ng kakilala ko?" tanong pa nito. "Lolaay problema po ba?" tanong ni ram ng makita niyang nakatingin sa kanya ang lola ni alona. "Ah, wala naman" tanggi nito. "nga pala iho, ano nga palang buo mong panagalan?" tanong ng matandang babae. "Ron agoncillo III po" sagot nito. Bigla na lang ang pamumutla ng matanda na wari ba'y nakakita ng multo. Bigla itong parang nahilo. "Lola okay po kayo?"tanong nito. "Apo,mag iingat kayo" bigla nitong sabi. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ni alyssa na nakalapit na pala sa kanila at nakikinig sa dalawa. "Basta mag iingat kayo, lalo ka na ramon" madiing sabi nito. "ikaw nga siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya matahimik" makahulugang sabi pa nito. Biglang nagkatinginan sina alyssa at ram, nakakunot ang kanilang mga noo na wari ba'y naguguluhan sa mga sinasabi ng matanda. =================

 

sumpa ni allenna 20 

Habang nasa daan ay hindi maiwasang mapaisip si ram, kung anog ibig sabihin ng lola ni alona, kung anong dahilan bakit sila pinag iingat wala talaga siyang alam, wala naman siyang ibang maisip kung saan at kelan sula dapat mag ingat, at ang higit na tanong e kung kanino. Dahil sa sobrang abala sa pag iisip ay hindi niya napansin na may tumawid na pusang itim, bigla tuloy ang apak niya sa preno kaya naman ang kayang mga sakay sa likod ay biglang tumalsik paunahan, buti na lang at nakakapit ang iba kaya hindi gaanong nasakatan. "Tol bakit?" tanong ni chad. "May bigla kasing tumawid na pusang itim" sagot nito. "hindi ko kaagad nakita kaya bigla akong napapreno" paliwanag niya. "Sana babe sinagasaan mo nalang" walang awang sabi ni janice. "sakit tuloy ng noo ko, nagkabukol ata" maktol na sabi nito, napayntog kasi ito kanina. "Wag naman ganon janice" sabi ni alyssa. "kawawa naman yung pusa kung masasagasaan" malumanay nitong sabi. "E ano kung masagasaan yun, hayop lang naman yun, kesa naman tayo ang masaktan" mataray na sabi nito. "Ano ba janice" saway ni ram. "tama si alyssa nakakaawa naman yun kung mapapatay nating yun, saka isa pa may buhay din yon" pagtatanggol ni ram kay janice. "Hay naku ewan ko sa inyo!" inis na sabi nito habang hawak hawak ang noong nabukulan. "O siya tayo na" sabi ni vangie. "uwi na tayo para makapaghanda tayo ng mga dadalhin natin mamaya" sabi pa uli nito. Nang makauwi sila sa mansion ay sinalubong sila ni manang delia at ni mang karding, binitbit ni mang karding ang kanilang pinamili samantalang si manang delia naman ay dinala yung mga pinamili nila sa palengke na dadalhin nila mamaya sa ilog. "O ram ba't ang dami nyo atang dala?" tanong ni manang delia. "Ah yan po" turo ni ram "mga dadalhin po namin mamaya sa ilog" sagot ni ram. "Ha?" tanong ng matandang babae. "bakit kayo magpupunta don?" tanong pa uli. "Maliligo ho kami don saka magpipicnic" masayang sabi nito. "E bakit tanghali na hini pa kayo naalis?" takang tanong pa ng matanda. "E kasi po manang delia balak po naming don na rin matulog, parang camping" saba't ni randy. "Susmaryosep!" sabi ng matanda sabay sign of the cross. "Bakit po manang?" takang tanong ni vangie na nasa likuran na rin pala kasama si alona at alyssa. Si janice naman ay dumaretso na sa itaas. "Hindi nyo ba alam na delikado sa ilog" takot na sabi nito. "lalo na't don kayo magpapalipas ng gabi" dagdag ng matanda. "Ba't po manang delia?" tanong ni ram " dahil po ba yon sa sinasabi ninyong mga naliligaw na bandido dyan?" tanong pa uli. "Oo, at isa pa" nag aatubiling sabi nito."Mayroon diyang babaeng lumalabas at kumukuha ng buhay sa ilog"takot na sabi nito. "Anong ibig ninyong sabihin?" tanong ni chad. "parang kaluluwa o multo?" tanong nito. "Oo ganon na nga" sabi ng matanda. Nagkatinginan ang magkakaibigan. Sabay sabing. . . . "Alright!" sabi ng barkadahan, maliban lang kay alyssa. Napakunot tuloy ang noo ni manang delia at takang taka mga bata. "Bakit parang masaya pa kayo?" tanong nito. "Kasi manang" simula ni ram. "kung totoo nga ito, pede kaming mag ghost hunting don" nakangiting sabi nito. "Wag nga kayong magbiro ng ganyan" galit na sabi nito. "Hindi po kami nag bibiro" si chad. "Saka po kung talagang kumukuha yan ng buhay, tamang tama tatanungin namin kung bakit niya ginagawa yon?" tawang sabi ni randy. At nakitawa na rin ang iba. "Bahala na nga kayo" sabi ng matanda. "wag nyo kong sisihin pag may nangyari sa inyong di maganda" babala pa nito. "Ram telepono" sabi ni mang karding na kapapasok lang sa loob. "Sino daw po?" magalang na tanong nito. "Lolo mo raw, si don ramon" sabi ng matanda. Napakunot ng noo si ram, "bakit kaya tumawag si lolo?" Tanong nito sa sarili. =================

 

sumpa ni allenna 21 

Nang umalis si ram para sagutin ang tawag ng kanyang lolo ay nagkanya kanya ng akyat sa kanilang kwarto ang magkakaibigan, nagsimula na silang maghanda ng kanilang mga dadalhin para mamaya sa pag alis nila, habang si alyssa naman ay tahimik na naka upo sa may kama. "O alyssa hindi ka pa ba mag aayos?" tanong ni alona. "Ano kaya kung ipagpaliban na lang muna natin ang pag punta natin sa ilog" nag aalinlangan nitong sabi. Napakunot ng noo si alona samantalang si vangie naman ay napatigil sa ginagawa niya. "Bakit naman?" Tanong ni vangie. "Hindi kasi maganda ang kutob ko e" sagot nito. "Paanong hindi maganda?" si alona. "Diba may nasalubong tayong itim na pusa?" tanong nito sa dalawa. "Oo" sabay pang sagot ni alona at vangie. "Anong connect?" tanong pa uli ni vangie. "Naisip ko lang kasi yung sinabi ng lola ko dati pag nauwi kami ng probinsiya sa amin" simula nitong paliwanag. "malas daw ang pusang itim pag nakasalubong mo ito sa daan, meron daw masamang mangyayari o hindi magandang pangyayari" takot na sabi nito. "Daw?" sabi ni alona. "Alam mo alyssa computer world na ngayon, wag kang masyadong nagpapaniwala sa mga ganyang pamahiin" sabi pa nito. "Wala naman mawawala kung maniniwala tayo diba?" alangang tanong nito. "Anong wala?" sabi ni vangie. "meron kaya, mababawasan yung time natin para makapag happenings no" sabi nito sabay tawa. "Saka baka naman naaalala mo pa yung panaginip mo at yung sinabi sa inyo ng lola" sabi ni alyssa. Naikwento kasi nila ram ang sinabi ng lola ni alona sa kanila kanina nung pauwi na sila, ang sabi lang ni alona ay wag na itong pansinin dahil kung ano ano ba lang daw ang sinasabi nito dahil sa matanda na ito. "Hindi naman sa ganon" sagot ni alyssa. "Yun naman pala e, anong inaalala mo?" tanong ni vangie. "Siya sige na wag nyo na lang akong pansin" ang sabi na lang ni alyssa, pero sa totoo lang ay hindi pa rin naalis ang kaba sa kanyang dibdib. "Yan!" sabi ni vangie. "basta mag enjoy na lang tayo at think positive lang tayo ha, walang masamang magyayari mamaya tulad ng iniisip mo" dagdag pa nito. Ngumiti ito ng matipid sa sinabi ni vangie. Maya maya lang ay nag ayos na rin si alyssa ng kanyang gamit na dadalhin, maaga pa naman, mamaya pa naman silang 5 aalis papuntang ilog. Pagkatpos nilang mag ayos ng gamit nila ay bumaba na sila para naman ayusin ang mga dadlhin nilang pagkain,katulong si manang delia. Samantala ang mga lalaki naman ay naghahanda na rin ng dadalhin nila, sila ang nagpeprepare ng mga tent na dapat dalhin, at iba pang pedeng magamit para sa paliligo nila sa ilog at pagcacamping na rin. "O mang karding" bati ni ram ng makita niyang papalapit sa kanila ang matandang lalaki. "Tuloy na ba talaga kayo mamaya?" nag aalalang tanong nito. "Oho mang karding" sagot ni randy. "May problema po ba?" tanong naman ni chad. "Kasi. . " atubiling sabi ni mang karding. "Kasi ano po?" si ram. "Ang totoo niyan ay delikado talaga ang maligo sa ilog, lalo na at magpapaabot kayo ng gabi" sabi ni mang karding. "Bakit po delikado?" Si chad "ano pong rason?" tanong uli. Hindi na sumagot ang matandang lalaki sa tanong ng binata. "Kung ang inaalala ninyo ay yung sinasabi ninyong mga tulisan ay wag po kayong mag alala" sabi ni randy."Nakahanda po kami" sabi pa nito sabay labas ng kanyang baril. "Sana nga" sagot ng matanda "sana nga ay handa kayo" sabi pa uli nito. "Mang karding wag na ho kayong mag alala at kaya ho namin ang sarili namin" mayabang na sabi ni randy. "O siya kayo ang bahala kung hindi na kayo papipigil" sagot nito. "basta kung ano man ang mangyari ay maging matatag sana kayo" makahulugang sabi nito. =================

 

sumpa ni allenna 22 

Sa kusina ay masayang naghahanda ang mga babae ng dadalihin nilang pagkain para mamaya sa pag alis nila, maliban lang kay janice na tulad ng dati ay hindi ito nakikihalubiho sa mga ito, pero okay lang yun sa kanila dahil mas gusto nga nilang hindi ito kasama kasi masyadong kontra bida sa kanilang tatlo, lagi na lang silang binabara, na kung hindi lang kay ram ay matagal na nilang nasabinutan. "Girls diyan na muna kayo at aakyat lang ako sa itaas, iidlip lang muna sana ko para mamaya e may lakas ako" sabay kindat ni vangie. "Lakas para saan?" tanong ni alyssa "lakas para sa inuman" sabay tawa. "Siyempre may iba pa ba?" at tumawa na rin. "Ay teka sama na rin muna ako, gusto ko munang maligo at init na init na ko, lagkit na ng pakiramdam ko e" sabi naman ni alona. "Ano!?" react ni alyssa "iiwan ninyo akong mag isa dito?" nagrereklamaong tanong nito. "Nandiyan naman si manang delia magpatulong ka na lang" mungkahi ni vangie. "E wala nga siya dito e" sabi pa ni alyssa. "Baka nasa likod bahay" sabi ni alona na ang tinutukoy na likod ay yung bahay nina mang karding at manang delia na nasa likod bahay ng mansion. "O kung gusto mo" sabi ni vangie habang nakangiti ng nakakaloko "tatawagin ko si janice at sa kanya ka magpatulong" sabi nito. "Naku!" sabi ni alyssa "nevermind!" sabi nito na umirap pa. "pupuntahan ko na lang si manang sa likod at don magpapatulong kesa kay janice na saksakan ng arte." dagdag na sabi pa nito. "Hahahaha" sabay pang tawa ng dalawa. "o siya diyan ka na" paalam pa nila. Wala namang nagawa si alyssa kung hindi tawagin na lang si manang delia, medyo madami dami din kasi yung aayusin niya at kailangan talaga niya ng tulong, ewan ko ba sa dalawang yon, laging ganon, sa tuwing may outing sila at may gagawin ay lagi na lang siya ang taya, pasalamat sila at magal ko sila bilang kaibigan at mabait ako sa kanila. iiling iling na lumabas si alyssa para puntahan ang matandang babae. Samantala. . . . "Karding pigilan mo ang mga bata" nagmamakaawang sabi ni manang delia sa asawa. "Ano pang magagawa ko" sabi ng matandang lalaki. "ayaw makinig nilang makinig sa mga babala ko, lalo na yung mga lalaki" sabi pa nito. Napatigil sa labas ng pinto si alyssa ng marinig niyang nag uusap ang mag asawa at sila ang pinag uusapan, hindi agad siya kumatok at nakinig na mun siya sa usapan ng mga ito. "Sigurado may itinatagao ang mag asawang ito" sabi ni alyssa sa sarili. "ano kaya yon at bakit gusto silang pigilin ni manang delia na pumunta sa may ilog" tanong pa nito. "Bakit kasi hindi mo pa sabihin ang totoo" sabi ni manang delia. "bakit kailangan mo pang magsinungaling?" dagdag nito. "Bakit hindi mo pa sabihin na delikado diyan dahil may kumukuha ng buhay sa ilog na iyan at baka malagay sa peligro ang buhay nila" sabi pa uli. "Para ano?" galit na sagot ni mang karding. "para pagtawanan din nila tulad ng ibang binalaan ko? Na sabihan din akong nababaliw na" sabi pa nito. "Kung yung lang ang paraan para maawat sila" sabi ni manang delia. "Saka malay mo maniwala sila sayo" si manang delia uli. "Taga maynila ang mga yan" sahot ng matanda. "kung ang mga taga dito nga ay hindi naniniwala sa akin sila pa kayang mga taga siyudad" nanlulumong sabi nito. "May mga taga dito namang naniniwala din sayo ah" sagot ni manag delia "Yung mga matatandang kagaya ko" matamlay na sabi nito. "oo, sila naniniwala, pero karamihan ay hindi na" malungkot na sabi pa nito. "Karding hindi masamang sumubok" panghihikayat na sabi ng asawa. "o baka naman natatakot ka na malaman nila ang katotohanan" sabi pa "lalo na ang lolo ni ram" sabi pa nito habang nakatingin sa asawa. Lalo tuloy naguluhan si alyssa. Anong peligro? Ano yung malalaman ng lolo ni ram? bakit parang takot si mang karding na malaman namin ang katotohanan lalo na si ram? Gulong gulong tanong nito sa kanyang isip. "Ano pong katotohanan ang ikinatatakot ninyong malaman namin, lalo na si ram at ang lolo niya?" Sabat na tanong ni alyssa sa mag asawa ng bigla siyang pumasok. Ganon na lang ang putla ng mag asawa ng makita nila si alyssa at nalamang narinig nito ang mga pinag uusapan nila. "Ano pong katotohanan?" tanong uli niya. Napatingin si manang delia sa asawa at tinanguan na parang ibig sabihin na sabihin na nila ang totoo. "Para sa ikakapanatag nating lahat" sabi ni manang delia sabay hawak sa kamay ng asawa. =================

 

sumpa ni allenna 23 

"Ram bakit nga pala napatawag ang lolo mo?" tanong ni chad kay ram habang nag aayos sila ng mga dadalhin para mamaya. "Ewan ko nga don" takang tanong ni ram. "biglang bigla, tumawag kasi yon kay daddy last night at nalamang nandito ko kasama ang tropa,yon nagalit daw kay daddy bakit daw ako pinayagang magpunta dito" mahabang paliwanag nito. "Ganon?" tanong ni randy. "bakit nagalit?, bawal ba tayo dito?" takang tanong ni chad. "Wala nang sinabi si dad na bawal e, si lolo lang ang may ayaw, tinanong ko naman siya kung bakit bawal dito hindi naman sumagot" kibit balikat na sabi niyo. "E ano pang sabi sayo?" usisa ni randy. "Yon" si ram "pinababalik na tayo ng maynila" sabi pa nito. "E anong sagot mo?" tanong uli. "Sabi ko pagtapos ng bakasyon natin uuwi na din tayo, sabi ko one week lang tayo dito, lang days na lang at pauwi na rin tayo" kwento pa ni ram. "Bakit kaya?" takang tanong ni chad. "si mang karding parang ayaw tayong patuluyin sa ilog, tapos ang lolo mo naman pinauuwi na tayo"kunot noong sabi nito "Naku wag nyo na lang pansinin" sabi ni ram. "ganon lang siguro ang matatanda, killjoy sa mga kabataan" sabi ni ram sabay tawa. "Pare akyat na muna ko ha" sabi ni randy. "Sige pare, kami na muna ang bahala dito" sabi ni chad. Sinundan pa ng tingin nina chad at ram si randy habang papasok ito sa bahay. "Alam mo pare nagtataka ko diyan kay pareng randy" takang tanong ni chad. Napakunot ng noo si ram sa tanong sinabi ni chad. "Bakit?" tanong nito. "Wala ka bang napapansin?" takong nito. "lagi na lang parang wala sa sarili si randy, kung minsan laging naktulala" dagdag pa nito. "Baka may problema siguro" sabi ni ram. "Ewan ko lang, e di sana sinabi na sa atin yon" si chad. "Pabayaan na lang natin yan, pag yan nalasing siguradong magsasabi din yan" natatawang sabi ni ram. "Sabagay nga" nakangiting sabi ni chad. "pag lasing yan e wala ng preno an hibig niyan e" sabay tawa sa kausap. "Kringggggg. . . Kringggggg" tunong ng cellphone ni ram. "O dad, napatawag kayo?" tanong nito sa kausap. "what!?" gulat na sabi nito."O sige dad, may magagawa pa ba ko, sige bye" pagtatapos ng usap ni ram sa kanyang ama. "Problema pare?" tanong ni chad. "Hindi ko alam kung problema bang maituturing" sabi nito. "nagbibiyahe na daw si lolo papaunta dito,nung isang araw pa pala nakauwi ng pilipinas" dagdag na sabi pa nito. "Bakit kaya?"tanong ni chad. "Baka gusto lang mamasyal uli sa lumang bahay nila" ang nasabi na lang ni ram. "Siguro nga" sang ayon ni chad. Samantala sa bahay nina mang karding at manang delia. . . "Maupo ka dito alyssa" paanyaya ni manang delia sa dalaga. Umupo naman si alyssa sa tabi ng matandang babae habang pinakiliramdaman ang paligid, samantalang si mang karding naman ay parang aligaga na naka upo sa Harap nila. "Karding" sabi ni manang delia. "Panahon na siguro para ilabas mo yang matagal mo ng kinikimkim sa iyong dibdib" sabi niyo sa asawa. "Mang karding" sabi ni alyssa. "magtiwala po kayo sa akin, wala po akong pagsasabihan kung ano man po yang bumabagabag sa inyo" sabi pa uli nito. "Siguro nga ay panahon na" malayo ang tingin ng matanda habang nagsasalita. "Tutal naman ay matagal ng panahon ng mangyari ang isang bangungot sa buhay ko"pagsisimula nito. "Tama na siguro ang pagtatakip at ang pagiging makasarili ko" makahulugang nitong sabi. Lalo tuloy naging interesado si alyssa sa mga susunod na sasabihin ni mang karding sa kanya, siguro ay masasagot nito ang kanyang mga tanong kanina kung ano ba talaga ang mga tinatago ng matandang lalaki sa kanila. Tahimik na nakatingin si alyssa kay mang karding habang nakikinig dito, bawat salita nito ay iniintindi niyang mabuti. "Matagal na panahon na ng maganap ang isang pangyayaring nagpabago sa bayang ito, limangpung taon na ang nakakalipas, nasa edad bente pa ko noon ng makilala namin ni don ramon si . . .." ============================= Hello po sa inyo eto na po ang kwento ni allenna kung bakit ba siya pumapatay at kung anong nangyari sa kanya, at alamin po natin kung anong kaugnayan niya sa ilog kung saan madalas siyang magpakita at kumuha ng buhay. Salamat po uli sa mga nagbabasa at sa mga magbabasa pa, sa mga silent reader po, salamat din po, saka comment naman po kau at vote na rin po kau ^ _ ^v Devo_0720 =================

 

sumpa ni allenna 24 

(flashback) 1966 "Ramon" tawag ni karding sa kanyang matalik na kaibigan at kababata, na siya ring kanyang amo. Lumaki si karding sa mansion ng mga agoncillo dahil sa kanyang ama ay katiwala ng mga ito, dito na siya nagkaisip at lumaki, si ramon ay matanda lang ng isang taon sa kanya kaya naman sila ang laging magkalaro at magkasama saan man ito magpunta, lalo na kung mamamasyal siya sa ilog. "O bakit karding?" tanong ni ramon. "Sigurado ka bang tutuloy tayo mamaya sa pagpunta sa ilog mamaya?" paniniyak na tanong ni karding sa kaibigan. "Oo naman" sagot nito. "Diba nga at araw ng labahan ngayon ng mga kadalagahan doon ngayon" sabi nito. "O e ano naman kung maraming naglalaba doon ngayon?" takang tanong nito. "E di ibig sabihin maraming babaeng naglalaba doon at naliligo pagkatapos"nakangising sabi nito. "Ano!?"gulat na sabi ni karding. "wag mong sabihing mambonoso ka sa mga iyon" tanong nito. "Hindi sira!" sagot ni ramon. "malay mo may makilala tayong magandang dilag doon." ang sabi nito. "E bakit ka pa naghahanap ng magandang dilag doon"takang tanong nito. "diba at may pakakasalan ka na doon sa maynila, ang sabi mo pa nga ay siya na ang babae sa buhay mo" sabi ni karding kay ramon. Sa maynila kasi naninirahan si ramon, mula ng magbinata ito ay doon na ito tumira at nag aral, doon na rin nakapagtrabaho, nauwi lang ito sa kanilang bayan kapag nakakakuha siya ng bakasyon mula sa kanyang pinagtatrabahuhan. At kung minsan pa nga ay ito ang nagiging taguan niya sa mga babaing naghahabol sa kanya, lalo na sa mga babaeng nagalaw na niya at nabuntis. Likas na mahilig sa babae si ramon, kaya naman wala itong pinalalampas pag may babaeng lumapit sa kanya. "Pampalipas ng oras habang nandito ko" balewalang sabi nito. "Alam mo ramon, iba ang mga babae dito, baka mapasubo ka" babalang sabi nito. "Kow!" sabi nito. "Sa maynila, dito parepareho lang mga babae yan" mayabang na sabi nito. "Basta maya maya e magpunta na tayo don, saka makapaligo na rin para naman makapagrelax ng kaunti" sabi ni ramon. "pabalik ko kasi sa maynila ay aayusin ko na ang kasal namin ng nobya ko" sabi pa nito. "O siya ikaw ang bahala" sabi ni karding. "Oo nga pala" sabi ni karding "hanggang kelan ka dito?" tanong nito. "Baka mga dalawang buwan ako dito, saka next week e susunod dito yung mga kabarkada ko galing manila, babakasyon din sila" masayang balita nito. "Ah ganon ba?" sagot nito "matatagalan pala kayo rito" sabi pa. "Siya ramon, ipatawag mo na lang ako mamaya para masamahan ka, may gagawin lang ako sa loob" paalam nito. "Sige mamaya na lang" sagot ni ramon. Habang papalayo si karding ay napapailing na lang ito, hindi pa rin talaga nagbabago si ramon, maloko pa rin ito, at lalo pa atang naging malala ng mapunta sa maynila. Naalala pa ni karding ng huling magbakasyon ito kasama rin ang barkada niyang tinutukoy kanina na pupunta daw next week, ang alam niya ay magugulo ang mga ito, may mga bisyo, nag iinom, nagsisigarilyo at kung hindi siya nagkakamali ay nagamit pa ito ng bawal na gamot, talagang nalihis na ng landas ang kanyang kaibigan at kababata. Palibhasa ay anak ng alkade ng bayang ito kaya ganon na lang itong umasta, parang walang kinatatakutan. "Hay" buntong hininga nito. "sana naman ay wala silang gawing masama sa bayang ito" panalangin ni karding. =================

 

sumpa ni allenna 25 (flashback)

 Nang makarating sa ilog ang magkaibigan ay agad na naligo si ramon, maliit pa lang ito ay palagi na siyang naliligo sa ilog kung saan malapit lang ito sa kanila. "Tara karding maligo ka na rin" aya ni ramon. "Ikaw na lang ramon" tanggi ni karding. "sinisipon kasi ako" pagdadahilan nito. "Ikaw ang bahala" sabi ni ramon at itinuloy na niyo ang paliligo niya, napakalamig at linis talaga ng ilog sa lugar nila, kung may binabalikan man siya ay isa ito sa mga dahilan, namimis niyang maligo sa ganitong lugar, kaya naman susulitin na niya ang paliligo dito,kasi sigurado pag balik niya sa manila ay baka hindi na siya makabalik dito, kung makabalik man ay taon na siguro ang bibilangin. Nang magsawa sa paglalangoy ay gumayak ng umuwi sina ramon at karding, nang paalis na sila ay may nakita silang babaeng naglalakad patungong liob ng gubat. "Karding" tawag nito sa kasama. "nakita mo yung magandang babaeng naglalakad"turo nito. "Oo bakit?" tanong ni karding. "Kilala mo yun?" tanong nito. "Hindi e" sagot nito. "pero madalas ko nga yang makitang naglalaba diyan ng mag isa" sabi uli nito. "Tara magpakilala tayo" yakag nito sa kasama. "Sige" masiglang sabi ni karding. "matagal ko na nga ring gustong magpakilala dyan,nahihiya lang ako" nahihiyang sabi nito kay ramon. "Tak! tsk! tak!" palatak ni ramon. "kaya hindi ka magkanobya e, masyado kang torpe" sabi kito sa kaibigan. "Hindi namn sa ganon" tanggi pa nito. "O siya, tayo na at baka makalayo pa siya" pagmamadali nitong sabi. Dalidali nilang sinundan ang babae at nagpakilala silang dalawa dito. "Hi miss" sabi ni ramon. Nagulat naman ang babae ng bigla itong magsalita sa likod niya. "Wag kang matakot" sabi ni karding. "guato lang namin magpakilala, makipagkaibigan" sabi pa nito. "Ako nga nga pala si tamon at eto naman ang kaibigan kong si karding" pakilala ni ramon sa babae sabay abot ng kamay. "Ako nga pala si allenna" nag aatubili pang pakilala nito sa dalawa. "Allenna?" ulit ni ramon. "Kay gandang pangalan" sabi pa uli. "Salamat" nahihiyang sabi nito. "aalis na ko" pagmamadaling sabi ni allenna. "Pauwi ka na ba?" tanong ni ramon. "Oo e" sagot nito. "Kung iyong mamarapatin" sabi ni ramon, habang si karding naman ay nakikinig lang sa kaibigan. "pwede ka bang maihatid sa inyo?"hinging pahintulot ni ramon kay allenna. "Naku hindi pwede, magagalit ang aking inay" takot na sabi nito. "Sige na paalam na sa inyong dalawa" sabi ni allenna habang nagmamadali itong papalayo. "San ka ba nakatira?" sigaw ni ramon kay allenna dahil malayo na ito. "Sa gitna ng gubat" sagot nito at tuliyan na itong nawala sa kakahuyan. "Ang ganda nya no?" sabi ni ramon kay karding. "Oo nga" sabi ni karding. "matagal ko na nga siyang gustong maki. . " Biglang naputol ang sasabihin ni karding ng biglang nagsalita si ramon. "Liligawan ko siya" determinadong sabi nito. Bigla tuloy natulala sa kaibigan si karding, kung kelan naman nakilala na niya ang babaeng matagal na niyang gustong ligawan ay saka naman siya nagkaroon ng karibal, at si ramon pa na alam naman niya na mapaglaro sa mga babae, at isa pa alam niyang wala siyang binatbat dito, bukod sa mayaman na ay gwapo pa. "Paano yung pakakasalan mo sa maynila pag uwi mo" tanong ni karding. "Pakakasalan ko pa rin siya, pero gusto ko pa ring ligawan si allenna" nakangiting sabi nito. Napakunot tuloy ng noo si karding, igagaya lNg nito sa mga babaeng pinaiyak ni ramon si allenna, gusto man niyang pigilan ito ay wala na siyang magagawa, kilala niya ang kaibigan, kapag may ginusto ito ay makukuha nito. Napailing na lang si karding, hindi pa man siya nagsisimulang manligaw ay wala na siyang pag asa. =================

 

sumpa ni allenna 26 (flashback)

 Kinabukasan ay bumalik si ramon sa may ilog dahil nagbabakasakaling siyang makita si allenna, kaya naman maaga pa ay nagpunta na siya doon. Hindi na niya pinilit si karding na sumama sa kanya dahil ng tanungin niya ito kung sasama sa ilog ay tumanggi ito at marami daw siyang gagawin. "Mas mabuti pa nga na hindi siya sumama" sabi nito sa sarili. "masosolo ko si allenna, hindi magtatagal alam kong magiging akin siya" nakangisi nitong sabi. Masigla siyang pumunta sa may ilog para makita si allenna, hindi nga siya nabigo sa kanyang pakay doon dahil malayo pa lang siya ay natanaw na niya si allenna na naglalaba sa may ilog, dali dali niya itong nilapitan. "Magandang umaga sayo allenna" masayang bati ni ramon. Nagulat naman si allenna ng makita niya si ramon sa kanyang likuran, sa sobrang kaabalahan niya ay hindi na niya napuna na nakalapit na pala sa kanya ai ramon. "Maganda umaga naman" kiming sagot ni allenna at ipinagpatuloy na ang paglalaba. "Kanina ka pa ba dito?" tanong ni ramon habang umupo ito sa tabi ng babae. "Medyo" tipid na sagot nito. "Araw araw ka bang naglalaba?" usisa uli ng lalaki. "Hindi naman" sagit nito. "kada ikalawang araw" sabi uli ni allenna. "Lagi ka bang nag iisa pag naglalaba dito?" tanong ni ramon. "hindi ka ba natatakot mag isa, lalo na at wala kang kasabay maglaba?" sumod na tanong kay allenna. "Wala naman akong dapat ikatakot e" sagot nito. "Sanay na akong mag isa, isa pa mababait ang mga tao dito sa lugar namin" sabi uli. "Ah, sabagay nga, ang mga tao sa bayang ito ay mababait" pagmamalaking sabi ni ramon. "ah allenna" alangang sabi nito. "Bakit?" tanong ni allenna. "May nobyo ka na ba?" Lakas loob nitong tanong. "Bakit mo naitanong?" Sagot sa tanong ni ramon. "Kasi . . . "Atubiling sabi niya. "ganito yon, kung liligawan ba kita ay magagalit?" kunwa'y nahihiyang tanong nito. "Ako?" gulat na sabi nito. "liligawan mo, samantalang kahapon lang tayo nagkakilala" sabi pa nito na hindi makapaniwala. "Wala naman sa tagal ng pagkakakilala ng tao kung gusto niya itong ligawan o hindi, basta ang alam ko, nabihag mo na kaagad ang puso ko ng una pa lang tayong nagkita at nagkakilala" mahabang sabi nito kay allenna. "Hindi mo pa ko lubusang kilala" sabi nito. "baka pag nalaman mo ang tunay kong pagkatao ay bigla ka na lang lumayo sa akin" makahulugang sabi nito. "Kahit ano ka pa, tatanggapin kita" pambobolang sabi nito. "kahit ano pang lihim ng iyong pagkatao" dagdag pa nito. Biglang pinamulahan ng muka si allenna sa mga sinabi nito, lalo na ng hawakan ni ramon ang kanyang kamay, kaya naman sa gulat niya ay bigla niya itong binawi. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo" sabi ni allenna. "Alam ko" sabi ni ramon. "matanda na ko para hindi ko malaman ang mga ginagawa ko" si ramon uli. "Ano payag ka na bang ligawan kita?" tanong uli nito. "Pag iisipan ko" yun lang ang sinagot ni allenna kay ramon sabay tayo sa kinauupuan niya, tapos na kasi siyang maglaba. "Pauwi ka na ba agad?" pigil ni ramon. "Oo" sagot nito. "may gagawin pa kasi ako." sabi uli. "Kelan uli tayo magkikita?" tanong ni ramon. "kelan ko malalaman ang sagot mo?" sabi pa uli nito. "Sa makalawa" sagot nibramon sabay alis. Hinabol na lang nang tanaw si allenna habang papalayo. At masayang umuwi si ramon, ramdam kasi niya na may gusto rin sa kanya si allenna, nagpapakipot lang ito. ============================= Hello po sa inyo, comment naman po kayo, salamat sa pagbabasa, enjoy reading. Devo_0720 =================

 

sumpa ni allenna 27 (flashback) 

Habang naglalakad pauwi si allenna ay hindi niya maiwasang hindi kiligin, sa tuwing maiisip niya si ramon ay hindi niya mapigilan ang kanyang saya. Umiibig na ata agad siya sa binata sa maikling panahon, kahapon lang sila nagkakilala pero pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala, sa unang pagkakataon ay may lalaking naglakas loob na lumigaw sa kanya, sa kabila kasi ng kanyang kagandahang taglay ay wala ni isa man ang maglakas loob na ligawan siya, at lalo na pag nalalaman nila na anak siya ni magda na kilalang mangbabarang sa kanilang lugar, kaya naman ganon na lang siya iwasan ng mga tao doon dahil sa takot nitong mga ito, kaya nga kahit mga kaibigan ay wala siya, hindi naman sila masama ng kanyang ina, bihira na nga lang gamitin ng kanyang ina ang karunungang ito nito, pag meron lang tao na lalapit sa kanila at gusto may ipabarang saka lang ito ginagamit ng kanyang ina, o kung minsan naman ay may magpapagamot ng nakukulam o nababarang. Maging siya man ay marunong din nito, maliit pa lang siya ay tinuruan na siya ng kanyang ina, sabi nga ng nanay niya "pangproteksyon mo sa mga masasamang tao" yon ang laging bilin sa kanya. "O anak nandiyan ka na pala" bati sa kanya ng kanyang ina na si nana magda kung tawagin sa kanilang lugar. "Opo inay" masayang sabi nito. "maaga ho akong nakatapos sa paglalaba" sabi pa nito. "Mukang masaya ata ang aking dalaga?" puna ng ina ni allenna. "Ah. . ka kasi ho" utal na sabi nito. "maaga ho kasi akong nakatapos ng paglalaba kaya ho masaya ako" pagsisinungaling nito sa ina. "Sigurado ka bang yan lang ang dahilan?" nang aarok na tanong nito. "Opo naman inay" agad na sahot nito. "O siya kung yan ang sabi mo, basta ang lagi ko lang bilin sayo, mag iingat ka lagi" paalala nito. "wag basta basta magtitiwala sa mga taong hindi mo masyadong kakilala, at wag na wag kang magpapalinlang sa kanila, lalo na sa mga lalaki" madiin nitong sabi. Pinamulhan tuloy ng muka si allenna, talagang malakas ang pakiramdam ng kanyang ina, hindi man niya tahasang amiin dito ay alam niyang alam nito ang nagaganap sa kanya, pero mas pinilinpa rin niyang wag ng kumibo para hindi na humaba pa ang sinasabi ng kanyang ina. "Ayoko ko lang mapagaya ka sa sinapit ko" malungkot na turan nito. "nang malaman niya na may karunungan akong itim ay bigla na lang akong nilayuan ng tatay mo, ang masakit pa niyan ay kahit na alam na nagdadalang tao ako sa iyo ay iniwan pa rin niya ako" sabi pa nito na biglang nagalit ang muka. "Nay" sabi ni allenna habang hawak ang mga kamay nito. "wag po kayong mag alala at hindi mangyayari yon sa akin, sisiguraduhin kong pipili ako ng lalaking karapatdapat sa akin at yung tanggap ako bilang ako" emosyonal na sabi nito. "Sana nga anak" sagot ng ina. "sana nga" ulit pa nito. "Paano anak" sani ng ina ni allenna. "maiwan na kita dito at pupunta lang ako sa kakahuyan, mangunguha ako ng mga halamang gamot na kakailanganin ko, saka dadaretso na rin ako sa bayan para makapili ng kailangan natin dito sa bahay" paalam nito sa anak. "Sige po inay" sagot ni allenna. "gusto nyo po ba na samahan ko kayo?" tanong nito. "Wag na ata walang maiiwan dito sa bahay" tanggi ng ina. "sige na alis na ko" paalam uli nito. Habang papalayo ang ina ni allenna ay tinatanaw pa niya ito, mabait naman ang kanyang ina, yun nga lang wag na wag itong gagalitin at siguradong may masamang mangyayari sa iyo, kaya nga siguro ilag sa kanila ang mga tao sa bayang ito, kaya naman dito na sila sa gitna ng gubat tumira, sila na lang din ang umiwas, nababa lang sila sa bayan kung may kailangang bilihin o puntahan. Lumaki siyang wala ng ama, ang sabi ng nanay niya ay nasa tiyan pa lang daw siya ng iwan sila nito,kaya naman ng malaman nito na pinagpalit sila sa ibang babae ay binarang ito ng kanyang ina hanggang sa mamatay ang kanyang ama, nung una ay masama ang loob niya kasi hindi na niya nagisnan ang kanyang ama, pero ng kalaunan ay natanggap na rin niya kasi alam niyang malaki ang sakripisyo ng kanyang ina ng iniwanan iyo ng kanyang ama. Kaya naman mula ng mamatay ang kanyang ama ay sa gubat na sila tumira, malayo sa mga tao. "Hay" buntong hininga ni allenna. "sana iba siya sa ibang lalaki" nangangarap na sabi niyo sa sarili. "sana hindi siya kagaya ng aking ama" sabi uli nito. ============================= Good morning everyone, maaga kong mag update ngayon,comment naman po kayo. Salamat sa pagbabasa, enjoy reading po. Devo_0720 =================

 

sumpa ni allenna 28 (flashback) 

Masayang umuwi si ramon sa kanilang mansion, ganadong ganado ito ng araw na iyon, pagkauwi niya ay agad niyang hinanap si karding. "Mang kaloy nasaan ho si karding?" tanong ni ramon sa ama ni karding habang naglilinis ng bakuran nila. "Aba'y malay ko ba sa batang iyon, hindi ko nga nakikita magbuhat pa kaninang umaga" sagot ni mang kaloy kay ramon. "Ah ganon po ba?" sabi ni ramon. "e mang kaloy pag nakita nyo nga ho, pakisabo puntahan ako at may sasabihan ako sa kanya" bilin ni ram sa ama ni karding. "O sige iho" sagot nito. "baka maya maya lang ay magpapakita na yon" nakangiting sabi nito. Samantala hindi alam ni ramon at ni mang kaloy na nasa likod bahay lang si karding, kadarating lang din nito galing sa bayan dahil may pinuntahan siyang kaibigan doon, sinadya niyang hindi magpakita sa kaibigan dahil alam niyang isasama lang siya nito para makipagkita kay allenna, siguradong magkukwento itong si ramon sa kanya tungkol sa pag uusap nila ni allenna, at iyon mismo ang iniiwasan niyang mangyari, masasaktan lang kasi siya, ang totoo ay matagal na niya itong gusto. "Bakit kasi hindi ko kaagad siya niligawan" naiiling na sabi niyo sa sarili. "Siguradong hindi niya pedeng ligawan ito dahil pihadong magagalit si ramon kapag nalamang may gusto siya dito" sabi uli nito. "iiwasan na lang muna kita ngayon ramon, kesa sa masaktan ako sa tuwing makikita ko kayo ni allenna n magkasama" malungkot na sabi nito sa sarili. Ang balak ni karding ay hindi na muna siya sasama sa kaibigan, ngunit babantayan niya ang bawat galaw nito. Kilala niya si ramon, siguradong paglalaruan lang nito si allenna, wala iytong sineryosong babae, yung babaeng pakakasalan nga nito sa maynila ay kasubuan nga lang, ang kwento sa kanya ni ramon ay nabuntisan niya ito kaya napilitan siyang pakasalan ito, at isa pa anak ito ng kanyang ninong na kilalang pulitiko,mataas ang tungkulin sa gobyerno, kaya naman hindi ito maaaring takbuhan ni ramon gaya ng ginawa niya sa ibang babae. "Kelangan kong bantayan ang bawat kilos mo ramon" kausap ang sarili. "alam kong sa iyong mga kamay ay maaring mapahamak sayo si allenna" pag aalalang sabi nito. At pumasok na sa loob ng kanilang bahay si karding, mag iisip siya ng plano kung paano ba niya makakausap si allenna at mababalaan tungkol sa kanyang kaibigan na si ramon ng hindi nalalaman ng huli. Dahil pag nalaman ni ramon na nkikialam siya ay siguradong siya ang pagbabalingan nito ng galit, masama pa naman iyo kung magalit. Ilang taon rin naman niya itong nakasama, alam na alam na niya ang ugali nito, kung dangam nga lang na wala siyang ibang pagpipilian ay hindi niya ito kakaibiganin. Kung hindi lang dahil sa kanyang ama at sa ama ni ramon, na malaki ang kanilang utang na loob, hindi niya ito pakikisamahan. Dumaan ang mga araw at halos araw araw nagkikita si ramon at allenna, unti unti ng nahuhulog ang loob ni allenna sa binata, samantalang si karding naman ay palihim silang pinapanood sa malayo, nagmamanman at nakikiramdam, kung bakit niya yon ginagawa ay tanging siya lamang ang nakakaalam. 

 

sumpa ni allenna 29 (flashback) 

Napuna ni aling magda na masayang masaya si allenna habang naghahanda ng mga gamit nito sa paglalaba, pakanta kanta pa ito na tila nakalutang sa alapaap. "Anak" tawag ni aling magda. "tila ata masaya ang aking dalaga?" kunwa'y tanong ng ina ni allenna. "Po?" biglang nabalisang tanong ni allenna. "Ang sabi ko, tila ata masaya ka ngayon" pag uulit ng ina nito. "ilang araw ko ng napupuna na lagi ka ngayong masaya, umiibig na ba ang aking dalaga?" nakatitig na sabi nito sa anak. "Hi.. hi. . Hindi po" nauutal na sagot nito. "Yung totoo?" nang aarok na tanong nito. "anak kita kaya alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi" sabi ng ina ni allenna. "A. . . Ang totoo po niyan inay" natitigilang sagot nito. "may bago lang po akong nakilalang kaibigan kaya po masaya ako" sabi nito sa ina. "Lalaki ba?" tanong uli. "Hi. .hindi po" pagsisinungaling nito sa ina. Hindi makatingin ng daretso si allenna dahil kung gagawin niya iyon ay baka mabasa nito sa mga mata niya na nagsiainungaling siya. "Ah. . " Kunwa'y sabi ni aling magda "may kaibigan ka na?" tanong nito. "Opo ina" sagot ng huli. "kaya po masaya ako kasi may nakipagkaibigan na po sa akin" pagsiainungaling uli niya. "O siya" sabi ni aling magda. "minsan ay isama mo dito para naman makilala ko ang sinasabi mong kaibigan mong babae" madiin nitong sabi sa anak. "Opo" sagot nito sabay lunok ng kanyang laway. "Sige maglaba ka na at baka hapunin ka pa sa paglalaba" taboy nito sa anak. "Opo inay, sige po at mauuna na ko"paalam nito. Habang papalayo si allenna ay pinagmasdan ito ng kanyang ina, alam ni magda na nagsisinungaling sa kanya ang kanyang anak, kaya naman balak niya itong sundan mamaya para malaman niya kung sinong kaibigan ang sinasabi ni allenna sa kanya, may kutob kasi siya na iba ang nagpapasaya dito, dumaan din naman siya sa ganong sitwasyon kaya alam niya iyon. Hindi naman siya magagalit kung malalaman niyang may nobyo na ito, ang gusto lang niya ay makilala ito, ayaw kasi niyang magaya ito sa kanya na bigla na lang iiwan sa huli. Samantala. . . Habang naglalakad papuntang ilog si allenna ay hindi pa rin mawala ang kabog ng kanyang dibdib, alam niyang hindi naniwala sa kanya ang kanyang ina sa kanyang mga sinabi. "Bahala na" sabi niyo sa sarili. "saka ko na lang sasabihin sa kanya at ipapakilala si ramon kapag may nakita akong magandang pagkakataon" sabi uli nito. Biglang may sumilay na matamis na ngiti sa kanyang mga labi ng makita niyang nag aabang na sa kanya si ramon sa kanilang tagpuan, ilang araw araw ay nagkikita sila doon, mula nung pangalawang araw ng kanilang pagkikita ay nagsabi na liligawan daw siya ni ramon, nung una ay ayaw pa niyang pumayag, pero pumayag na rin siya ng kulitin siya niyo ng kulitin. Kaya naman ngayon ay balak na niya itong sagutin kaya ganong na lang ang excitement na nararamdaman niya. "Allenna!" sigaw ni ramon, kumaway pa ito kay allenna ng tawagin siya nito. Dahil sa hindi na siya makapag antay ay si alubong na niya ito kaagad. "Akala ko hindi ka na dadating" nag aalalang sabi ni ramon. "Pwede bang hindi ako dumating" sabi ni allenna. "Ano na" sabi ni ramon "kelan mo ko sasagutin?" pangungulit nito sa babae. "Ilang araw pa lang tayong magkakilala" kunwa'y sabi ni allenna. "Kahit na, hindi importante kung ilang araw, buwan o taon na magkakilala ang isang tao para masabi niyang mahal niya ito" madamdaming sabi ni ramon kay allenna. "basta ang alam ko lang ay mahal na mahal kita allenna, sa ilang araw na magkasama tayo ay yan ang nararamdaman ko at lalo pang tumitindi habang tumatagal" sabi pa nito. Halos maluha si allenna sa kanyang narinig, hindi niya mapaniwalaang mamahalin siya kaagad ni ramon, gaya rin ng nararamdaman niya dito. habang tumatagal ay lalo din itong napapamahal sa kanya. "Sana'y paniwalaan mo ako allenna" sabi nito habang hawak nito ang kamay ni allenna. "Mahal na mahal kita" walang kurap na nakatitig sa mata ni allenna si ramon. "Oo" sabi ni allenna. "naniniwala ako sayo" sagot nito sabay ngiti ng matamis. "Talaga!?" tuwang tuwang sabi nito. "e di ibig sabihin niyan ay nobya na kita?" excited na tanong nito sa dalaga. Tango lang ang isinagot ni allenna habang nakatingin sa muka ni ramon, dahil sa sobrang tuwa ni ramon ay hindi na nito napigilang yakapin at halikan si allenna sa labi, nung una ay nahihiya pa ito sa binata, pero nang kalaunan ay nagawa na ring tumugon sa mga halik ni ramon. "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya" masayangsabi ni ramon sa dalaga sabay halik uli sa labi nito. "Basta wag mo sana akong sasaktan ha" sabi ni allenna. "ipangako mo" sabi pa nito. "Oo" sagot agad ni ramon. "pangakong pangako." sabi pa nito sabay yakap at halik sa dalaga. Samantala sa di kalayuan ay nakamasid lang si karding sa dalawa, walang dudana magnobyo na si allenna at ramon. "Mananatili pa rin akong magbabantay sayo ramon" sabi ni karding sa sarili. "alam kong sasaktan mo lang si allenna at iiwan" biglang kinuyom ni karding ang kamao at isinuntok sa may puno. Umuwing lulugo lugo si karding sa bahay nila. 

sumpa ni allenna 30 (flashback) 

Naging madalas ang pagtatagpo nina allenna at ramon sa may tabing ilog, naggawa pa nga si ramon ng kubo sa bandang dulo ng ilog kung saan madalang ang taong nagagawi roon at kung minsan nga ay sdyang walang napunta doon para sa paglalaba gawa ng may kalaliman sa banda doon, bukod sa medyo may kalayuan pa ito. Ginawa nila itong pahingahan kapag sila'y nagpupunta doon. "Kelan mo ba ko ipakikilala sa inay mo allenna?" tanong ni ramon. "Hahanap lang ako ng tiyempo" sagot ni allenna. "Lagi naman yan ang sinasabi mo e" parang batang nagtatampo. "Pasensiya na ramon" pang aalo nito sa nobyo sabay hawak sa kamay. "baka kasi ikagalit ng inay pagnalaman na may nobyo na ko" paliwanag nito sa binata. "Bakit naman siya magagalit?" takang tanong nito. "nasa tamang idad ka na naman, dalaga ka, binata ako, at isa pa handa akong pakasalan ka" sabi nito kay allenna. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Oo" sagot ni ramon. "Katunayan nga niyan ipapakilala kita sa mga kaibigan ko bukas" pagbibigay alam nito. "Ha?"gulat na nasabi ni allenna. "bakit sa mga kaibigan mo?" takang tanong nito. "A. . e . ."Parang nabigla din si ramon sa nasabi niya. "Hindi ba dapat sa mgaagulang mo?" tanong uli ni allenna. "Ang ibig kong sabihin, ipapakilala muna kita sa mga kaibigan ko na mga taga maynila, dadating kasi sila bukas, sina mama at papa kasi ay wala diyan, mga katulong lang ang kasama namin" mahaba nitong paliwanag. "Ah ganon ba" kumbinsi nitong sabi. "hindi ba nakakahiya?" nag aalang sabi nito. "At bakit ka naman mahihiya?" sabi nito. "ang ganda ganda kaya ng nobya ko" sabay yapos at halik dito. Dahil sa mainit na halik ni ramon ay unti unti na itong nadarang, hindi na nito napigilan ang sarili na angkinin ang kagandahan ni allenna. Nang aktong huhubaran na ni ramon si allenna ay biglang pinigil ito ni allenna. "Wag" awat nito. " hindi to tama" sabi uli ni allenna sabay ayos sa sarili. "Wala ka bang tiwala sa kin?" nagtatampong sabi nito. "akala ko ba mahal mo ko?" Parang sumbat na sabi nito. "Oo, mahal kita" sagot nito sa binata. "mahal na mahal kita" sabi uli. "Yun naman pala e" si ramon. "anong pumipigil sayo?" tanong nito. "patunayan mong mahal mo nga ako" hamon nito sa dalaga. "Mahal na maha kita pero sa ibang paraan ko patutu. . " Biglang naputol ang sasabihin ni allenna "E di hindi mo nga ako mahal" masama ang loob na sabi nito. Bigla itong timalikod sa kanya, nang aktong tatayo para umalis ay niyapos ito ni allenna sa likos para pigilan. "Hindi sa ganon ramon" parang maiiyak na ito, hindi kasi ito sanay na makita ang nobyo na nagtatampo sa kanya, nasasaktan siya. "O sige" biglang sabi nito. "kung yan ang paraan na gusto mo para patunayan ko sayo na mahal na mahal kita" si allenna uli. "pumapayag na ko" sang ayon sa kaguatuhan ni ramon. Biglang nagliwanag ang muka ni ramon at himarap na kay allenna na may ngiti sa mga labi. "Talaga?" si ramon. "payag ka na?" tanong pa nito. "Oo sabi e" nakangiting sabi ni allenna. "basta ipangako mo pagkatapos nito ay papakasal na tayo" kundisyon ni allenna. "Aba'y siyempre naman" masayang sabi pa nito. "pagkatapos nito ay magpapakasal agad tayo sa simbahan, magiging mrs. ramon agoncillo ka na" masyang wika nito. Unti unting lumapit ang labi ni ramon sa labi ni allenna, ang malumanay na halik ay mauwi sa mapusok na halik, hanggang sa unti unting dumako pa kung saan, at di nagtagal ay nag isa ang kanilang mga katawan, pinagsaluhan nila ang tamis ng kanilang pagmamahalan. =================

 

sumpa ni allenna 31 (flashback) 

Maaga pa lang ang dumating na ang mga bisita ni ramon na mga taga maynila, kaya naman maaga pa lang ay abalang abala na si ramon sa pag iistima ng mga bisita niya. "Pare" salubong ni ramon sa kaibigang si berto. "buti at maaga kayong nakarating" tuwang sabi ni ramon. "Talagang inagahan namin, para naman mahaba habang oras ang ilalagi namin dito." nakangiting sagot nito. "O bakit?" takang tanong nito. "hindi ba't isang linggo kayo dito?" tanong ni ramon. "Hindi pare e"kakamot kamit sa ulong sabi ni berto. "baka bukas lang ng hapon e pauwi na rin kami, hindi kasi pinayagan yung ibang tropa e, lalo na tong si mariz" turo ni berto sa kabardang babae. "Bakit anong nangyari?" si ramon. "Paano, gumawa ng kalokohan yan kaya yun pinagbawalan ng daddy niya, takas nga lang yan e" kwento nito. "kaya bukas luwas uli kami pauwi" paliwanag pa nito. "Ah ok, ok na rin yun kesa sa hindi kayo nakapunta" sabi ni ramon. "Pare anong balita sayo?" tanong ni fernan na isa sa barkada niya. "anong bago?" nakangising sabi nito. "Wala naman pare" ngiting sagot nito. "may bago lang naman akong nobya dito" sabay tawang sabi nito. "Talaga?" tanong ni berto sa kaibigan. "maganda ba? seksi? Maputi?" parang natatakam na tanong nito. "Oo pare" masayang sagot ni ramon. "Tol" sabi ni fernan. "paano si merie?" sabi uli ni fernan na ang tinutukoy ang ang pakakasalan ni ramon sa maynila."diba pagbalik mo ay aayusin nyo na yung sa kasal nyo?" tanong pa nito. "Oo nga" ngiting sabi ni ramon. "si allenna ay parang pampalipas bagot ko lang dito" nakangising sabi nito. "Yun tayo e" sabay apir ni fernan kay ramon at nagtawanan na silang tatlo. "Nga pala sino sino ba kayo?kasama ba lahat ng tropa?" tanong ni ramon. "Siyempre" si berto. "si mariz nga kahit di pinayagan e tumakas pa e" natatawang sabi ni berto. "Si mariz ba naman, hindi na ko nagtataka, maldita yang babaeng yan e" sabi ni ramon. "Narinig ko atang punag uusapan nyo ko?" nakataas ang kilay ni mariz habang papalapit sa mga ito kasma nito si celia at kaloy. "Wala sabi namin maganda ka" si fernan. "Matagal ko ng alam yun" nakangiti itong sumagot. "O siya pasok na sa loob ng makapagpahing na kayo" aya ni ramon. Anim silang magbabarkada, si ramon, berto, fernan, kaloy, mariz at celia. Lahat sila ay galing sa mayayamang angkan, kaya naman puro pasaway at maloko sa katawan, wala silang iniisip kung hindi ang mga pansarili lamang nilang kaligayahan. "Pare may dala ako dyan" sabi ni berto kay ramon. "Talaga?" tuwang sabi nito. "tamang tama wala sina mama at papa" excited na sagot nito. "walang mangangahas na sumaway sa atin mamaya, magpapabili ako ng alak mamaya, tamang tama, magpaparty tayo" masayang sabi nito. "Ayos!" sabay sabay na sabi ng barkadahan. "Heaven na naman tayo" nakangising sabi ni fernan. Samantala sa bahay nina allenna ay kinompronta ng nanay ni allenna ang kanyang anak hinggil sa lalaking nakita niya kasama ni allenna noong nakaraan sa may dulo ng ilog. "Anak magsabi ka nga ng totoo" sabi ni magda sa anak. "nobyo mo na ba yung lalaking nakita kong kasama mo kahapon?" tanong nito. Biglang napatigil sa ginagawa niya si allenna dahil sa sinabi ng kanyang ina. Eto na nga ba ang kinatatakutan niya, alam niyang wala siyang maililihim sa kanyang ina, kaya minabuti na lang niyang sabihin dito ang katotohanan. "Opo inay" pag amin ni allenna. "pasensiya na po kung naglihim ako sa inyo, pero sasabihin ko naman din sa inyo" sabi pa nito. "Sinasabi ko na nga ba e" sabi ni magda. "kelan pa?" tanong nito. "Noong nakaraang linggo lang po" sagot nito sa ina. "Kelan mo ipakikilala sa akin?" mariin nitong tanong. "Po?" takang tanong nito. "O diba nobyo mo na yon, at lagi ko kayong nakikita sa may kubo sa may dulo ng ilog" sabi ni magda. "at alam kong may nangyari na sa inyo, ang mga ganong klaseng lalaki ay alam kong mabilis sa babae" makahulugang sabi nito. "kelan mo siya dadalhin dito?" Tanong uli nito. Napayuko na lang si allenna dahil sa hiya sa ina, alam niyang sinusubaybayan siya nito kaya alam nito ang kanyang mga ginagawa, at alam din niyang malakas ang pakiramdam nito. "Yaan nyo po at sasabihin ko kay ramon" nakayukong tugon nito. "magkikita po kami mamaya, sasabihin ko po sa kanya" nahihiyang sabi nito sa ina. "Aasahan ko yan" sabi ni magda. "alam mong masama akong magalit, wag mong hayaang mapagaya siya sa iyong ama" mariing sabi nito. Biglang namutla si allenna sa sinabi ng kanyang ina, alam nito kung anong ibig nitong sabihin. =================

 

sumpa ni allenna 32 (flashback)

 Kaagad na tinapos ni allenna ang kanyang ginagawa bago siya gumayak para makipagkita kay ramon sa dati nilang tagpuan, namili siya ng maayos ayos na damit na isusuot dahil nabanggit niya na ipakikilala siya nito sa mga kaibigan niyang taga maynila, kaya ganon na lang ang kaba nito at isa pa gusto rin niyang ipaalam dito na gusto siyang makilala ng kanyang ina. "Sana maging maayos ang lahat" dalangin ni allenna habang nagbibihis. Pagkatapos niyang magbihis ay dalidali siyang umalis para magpunta sa kanilang tagpuan, ang usapan nila kahapon ay alas dose ng tanghali sila magkikita, kaya ganon na lang ang pagmamadali niya, alas dose y medya na, baka naiinip na ito sa pag aantay sa kanya, at isa pa malayo layo rin ang kanyang lalakarin papuntang ilog. "Sana'y hindi siya mainip sa pag aantay sa akin" bulong nito sa sarili. Ganon na lang ang panglulumo niya ng madatnan niyang walang tao sa kanilang tagpuan, minabuti pa rin niyang mag antay doon ng mga ilang oras dahil baka ito ay bumalik, alam niyang hindi siya niyo matitiis na pag antayin ng matagal. Samantala sa mansion nina ramon ay nagkakasiyahan na ang barkadahan, tanghali pa lang ay sinimulan na nilang mag inuman, nagpapatugtog ng malakas na tila ba mga bingi, sina ramon, berto at fernan ay nagsusugal, habang ang tatlo pa nilang kasama ay sumasayaw at halos walang pakialam sa paligid. "Ay ano ba yan!" sabi ni fernan. "talo na naman ako" reklamo nito sa kalaro. "Swertehan lang yan pare" natatawang sabi ni berto. "Oo nga e, malas ako ngayon" sabi pa nito. "Ramon" tawag ni kaloy. "san nakalagay ang alak mo?" tanong nito sa lalaki. "Bakit pare?"tanong nito. "ubos na ba kaagad yung nilabas ko?"magtatakang tanong nito "Oo, ang lakas uminom ng dalawang to e" sagot ni kaloy sabay turo sa dalawang kasamang babae. "Teka lang" sabi nito. "karding!" karding!" tawag nito sa kaibigan. "Bakit ramon?" sagot ni karding na agad lumapit dito ng marinig na tinatawag siya. "Pakikuha nga kami ng isa pang alak" utos nito sa lalaki. "Okay saglit lang" sabi nito kay ramon. At agad na umalis si karding para kumuha ng alak. "Pare shot" sabi ni kaloy kay ramon. At tinungga naman ni ramon ang inabot na alak ni kaloy. "Pare anong oras na ba?" tanong nito kay fernan, na habang nagsusugal ay humihithit ng bawal na gamot. "Mag aalas kwatro na" sagot nito. "Ano!?" gulat na sabi nito. "nakalutan kong kakaunin ko nga pala si allenna" sabi nito sa kasama. "Pare pakaon mo na lang, nagkakasayahan pa tayo e" sabi naman ni berto. "Sabagay pwede rin" sabi nito sabay ngiti. Nang makabalik si karding para ibigay ang alak ay inutusan uli siya ni ramon. "Karding" sabi nito. "kaunon mo nga si allenna sa may ilog, baka nag aantay pa iyon doon" utos nito. "Bakit?" takang tanong nito. "Anong bakit?" galit na sabi nito, palibhasa ay lasing na at lango na sa bawal na gamot ay hindi na nito makontrol ang emosyon."e di para papuntahin dito" sabi uli nito. "ipakikilala ko siya sa mga kaibigan ko" sabay turo sa mga kaibigan. Tiningnan isa isa ni karding ang mga kaibigan ng kanyang amo, bigla siyang napalunok, mga wala na ito sa sarili, lango na sa alak, lango pa sa droga. "Ano pang inaantay mo diyan?" sigaw nito. "puntahan mo na dali! wag na hindi mo siya isasama kung hindi malilintikan ka sa akin" sabi nito sa kaharap. "Pare pwede bang makahalik sa nobya mo? hahahaha" sabi ni berto sabay tawa na animo ba'y isang demonyo. "Oo ba" sagot ni ramon na walang pakiaalam kahit nobya niya ito. "gawin mo kung anong gusto mo, napagsawaan ko na naman yon" nakangising sabi nito. Halos mamutla si karding sa narinig kay ramon, lalo siyang natakot para kay allenna, alam niyang mapapahamak lamang ito. "Ramon" tawag pansin ni karding sa binata. "paano kung hindi sumama sa akin, o kaya ay wala na ito doon" pagdadahilan niya sa lalaki. "Mag aantay yon doon dahil yon ang bilin ko" sagot nito sa lalaki. "at kung wala nga ito doon, hanapin mo ang bahay nila at kaunin mo, sabihin mo pinakakaon ko" bilin pa nito kay karding. "Paano kung hindi sumama?" ulit na tanong ni karding. "Sa ayaw at gusto niya ay sasama siya sayo, pag hindi mo naisama ikaw ang sasamain sa akin" banta nito kay karding. "malilintikan ka sa akin, pati na ang pamilya mo" sabi ni ramon habang nanlilisik ang mga mata. Agad na umalis si karding para puntahan si allenna sa ilog,narinig pa niyang naghahalakhakan ang mga ito bago siya makalayo, nag aalala man siya para dito ay mas nag aalala siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya, baka kung anong gawin nito sa kanyang mga magulang at kapatid. =================

 

sumpa ni allenna 33 (flashback) 

"Allenna!" sigaw ni karding ng makita niya itong papaalis na sa lugar ng tagpuan nila ramon. Biglang napalingon si allenna ng marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan, uuwi na sana siya dahil hapon na ay wala pa si ramon, balak sana niyang kinabukasan na lang bumalik sa lugar na iyon, ng marinig niyang may timawag sa kanya ay agad siyang lumingon at napakunot ang noo ng makita niya ang kaibigan ni ramon. "Bakit ikaw ang nandito?" takang tanong ni allenna. "Pinakakaon ka ni ramon" sagot nito. "Bakit nasaan ba siya?" si allenna. "Hindi kasi maiwan ang mga bisita niya kaya ako na lang ang pinapunta niya dito para kaunin ka" mahabang paliwanag nito. "Ah ganon ba?" sabi ni allenna. "o siya tayo na,papadilim na kasi, ang tagal ko ngang nag antay sa kanya" si allenna uli. "Tayo na" aya niyo sa dalaga. Habang naglalakad sila ng dalaga ay hindi maiwasan ni karding na mag isip, wala siyang maisip na ibang dahilan para hindi matuloy ang balak nina ramon at ng mga kaibigan nito kay allenna. "Pero paano?anong gagawin ko" bulong niyo sa sarili. "Ano yon?" tanong ni allenna kay karding ng marinig nitong may sinasabi ito. "may sinasabi ka ba?" tanong uli. "Ah. . kasi. ."Biglang napatigil si karding sa pagsasalita at napatitig kay allenna, bigla niyang naisip ang banta ni ramon. "a wala, dalian natin kako" pag iiba ni karding. Namangha si allenna sa ganda at laki ng bahay nina ramon, kung ikukumpara sa bahay nila ay parang bahay lang ito ng hayop. Manghangangha ito sa mga nakikita niya, lalo na ng pumasok sila sa loob ng bahay nito, lalo siyang nalula sa laki at ganda nito. Naisip tuloy ni allenna na hindi mag tatagal ay dito na rin sila titira mag ina pag kasal na sila, plano niya kasing isama ang kanyang inay pag nag asawa na siya, isa yon sa mga sasabihin niya kay ramon. "Nasaan si ramon?"tanong ni allenna kay karding. "Nasa isang kwarto dito, nagkakasiyahan sila ng kanyang mga kaibigan" sagot nito sa dalaga. At dinala ni karding si allenna kung saan naroon sina ramon, bago buksan ni karding ang pinto ay tumigil muna sila sa harap ng pinto, humarap si karding kay allenna at hinawakan ang mga kamay nito ng mahigpit. Nagulat si allenna sa inasal ni karding gusto man niyang bawiin ang kanyang mga kamay ay hindi niya magawa, parang may pumipigil na gawin ito. Huminga ng malalim si karding sabay sabing. . . "Sana mapatawad mo ko" makahulugan nitong sabi. "hindi ko rin to ginusto, wala rin akong magawa, maging ako at ang aking pamilya ay baka mapahamak pagsinuway ko ang kaguatuhan ni ramon" malungkot na sabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" may takot sa mga tanong ni allenna. Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si ramon at ang kaibigan nitong si fernan at berto. Ganon na lang ang kabog ng dibdib ni allenna ng makita ang itsura ng mga ito, parang wala na sarili at akala mo ba'y kakainin siya ng buo kung matitig sa kanya. "O eto na pala si karding at kasama ang nobya mo ramon" sabi ni berto na nakangisi. "Halika dito sa loob allenna" aya ni ramon kay allenna. "makakaalis ka na karding,pwede ka ng magpahinga, kung ano man ang marinig mo wag kang makikialam" bulong nito kay karding bago bago tumalikod sa kanya at akayin si allenna papasok sa loob. Nag aalangan pumasok si allenna sa loob ng kwarto kung saan naroon sina ramon at mga kaibigan nito. Napilitang pumasok si allenna sa loob dahil hawak hawak na siya ni ramon at ayaw bitiwan. Bago isara ni ramon ang pinto ay nakita pa niya si allenna na nakatingin sa kanya at parang nagmamakaawa na tulungan siyang makabalik na sa kanila, pagtalikod ni karding ay hindi niya mapigilang maglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata sa sobrang awa sa dalagang lihim na minamahal, gusto man niya itong tulungan ay wala naman siyang magawa. "Sana'y mapatawad mo ko sa aking ginawa" bulong ni karding sa lakad papalayo. =================

 

sumpa ni allenna 34 ( flashback ) 

 "Ramon" nag mamakaawang tawag nito sa nobyo. "pauwiin mo na lang ako" naluluhang sabi nito. "Hindi ka pa pwedeng umuwi allenna" bangag na sabi nito kay allenna. "Oo nga naman allenna" sabat ng lalaking hindi niya kilala ang pangalan. "ako nga pala si berto, ang magdadala sayo sa langit" pakilala nito kay allenna sabay halakhak na animo'y isang demonyo. Lalong natakot si allenna sa sinabi ng lalaking nagpakilalang berto, parang isa itong hayok na hayok sa laman, ng tingnan ni allenna ang iba pang kasama ni ramon ay natakot siya sa nakita niya, ang isa pang kasama nito ay may hawak na kutsilyo at tila ba hinahasa ito, samantalang yung isang babae ay nakatulog na sa sobrang kalasingan at sa sobrang pagkalango sa bawal na gamot, tingin nga niya ay parang hindi na ito humihinga e. "Pare talaga palang ang ganda nitong syota mo dito" nakangising sabi ni berto kay ramon, sabay himas sa braso ni allenna. napaiwas bigla si allenna sa ginawa ni berto. "Pakipot pare" sabi ng lalaking may hawak ng kutsilyo na walang iba kungdi si fernan. "Yan ang gusto ko sa nga babae" sabi ni berto sabay hawak sa braso ng dalaga. "yung pakipot at tipong lumalaban" sabi pa nito sabay tawa ng malakas, tumawa rin si fernan sa sinabi nito samantalang si ramon ay walang pakialam kay allenna. "Ramon, pakawalan nyo na ko" pakiusap nito sa lalaki. "maawa ka naman sa akin" umiiyak na nitong sabi. "Hindi pwede, dito ka lang" sigaw niyo sa dalaga. "Bakit mo ba ko ginaganito?" tanong ni allenna kay ramon. "akala ko ba mahal mo ko?" sabi pa nito. "Mahal?" tanong ramon sabay tawa. "naniwala ka naman sa mga sinabi ko" sabi nito na tila ba nang iinsulto. "may nobya na ko at malapit na kaming magpakasal,at ikaw" sabi nito sabay pisil sa may baba nito. "pampalipas lang kita ng oras" pag amin nito sa babae. "Hayop ka! demonyo!" galit na galit na sabi nito sa lalaki. "wala akong kasalanan sayo! bakit mo ko pinaglalaruan" sigaw nito kay ramon. "Pasensiya ka, ikaw ang napili kong paglaruan" nakangising sabi nito. Nagpupumiglas si allenna sa pagkakahawak sa kanya ni berto sa braso, ng makawala siya ay sinugod niya si ramon at pinagsusuntok ang dibdib. "Hayop ka! pagbabayaran mo to! hayop!" walang tigil na sabi ni allenna kay ramon, biglang kinalmot ni allenna si ramon sa muka dahilan para masaktan at magalit ang lalaki. "Walanghiya kang babae ka!" sigaw ni ramon sabay hawak sa kamay ni allenna para pigilan, bigla niya itong sinampal sa muka dahilan para mawalan ng malay si allenna sa lakas ng pagkakasampal dito. "Naku pare, napalakas ata ang sampal mo" sabi ni berto sabay tawa. "paano na yan nakatulog" kakamot kamot na sabi nito. "Magigising din yan mamaya" sabi ni ramon. "Alangya, sabik na sabik na ko sa syota mo e, ang ganda at ang seksi" tila naglalaway na sabi nito. "Teka, pagtapos mo ako naman ha" sabi naman ni fernan. "Oo,basta ako ang una" si berto. "Ikaw pareng ramon?" tanong ni fernan. "Kayo na lang"sabi nito. "sawa na ko dyan" nakangising sabi nito. "Alright!" at nag apir pa ang dalawa ng marinig ang sinabi ni ramon. "Pareng fernan antayin na lang muna nating magising, ayoko ng babaeng natutulog, walang thrill" ngising sabi ni berto. "mas mainam yung nalaban, hahahaha" halakhak ni berto. "Okay, ituloy na lang muna natin ang paglalaro natin, tutal e maaga pa naman" sabi ni fernan sabay tingin sa relo. "six lang pala ng hapon, baka sa lakas ng sampal ni ramon e mamaya pang gabi gising niyan." si fernan uli. "Fernan itani mo na muna yan kay celia sa upuan"utos ni ramon. "si kaloy at mariz nasan na?" tanong naman nito kay berto. "Baka nasa kwarto na yung dalawang yun"sagot nito. "alam mo naman yung dalawang yun, tamang sex" ngising sabi nito. "O siya ituloy na muna natin ang paglalaro" si ramon. At pumuwesto na uli ang tatlo sa paglalaro ng sugal ng maiayos si allenna sa tabi ni celia na tulog na tulog din. Lumipas ang mga oras ay hindi pa rin nagkakamalay si allenna, kaya naman ng mag sawa ang tatlo sa pagsusugal ay gumamit uli sila ng bawal na gamot. "Pare marami akong dala dito" langong sabi ni berto. "Sige ubusin natin yan" nakangising sabi ni fernan. Dahil sa kaabalahan sa ginagawa hindi nila napansin na nagising na pala si allenna. Hinang hina si allenna ng magmulat ang kanyang mga mata,halos tumabingi ang kanyang pisngi sa pagkakasampal sa kanya ni ramon. Ngunit hindi siya nawalan ng lakas ng loob, ng mapansin ni allenna na abalang abala mga ito sa kanilang ginagawa ay unti unti siyang gumapang papuntang pintuan, tamang tama naman na nakatalikod ang tatlo sa may pinto, nag aktong nabuksan na ni allenna ang pinto at palabas na siya ay biglang. . . "Pare yung babae tatakas!" sigaw ni fernan. Ganon na lang ang takot ni allenna ng marinig niyang sumigaw ang isa sa mga kasama ni ramon. Kaya naman walang lingon likod ay kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto. =========================== =================

 

sumpa ni allenna 35 (flashback)

Hindi malaman ni allenna kung saan ang daan palabas ng mansion nina ramon, sa laki ng bahay at dami ng pinto ay hindi na niya natandaan kung saan ba sila dumaan ni karding kanina ng sila ay dumating, dahil sa katarantahan ay natapilok pa si allenna. "Aray!" sigaw ni allenna. Hindi siya agad makatayo sa pagkakadapa dahil sa sakit ng paa, ng tingnan niya ito ay namamaga na ang kanyang paa. "Allenna!" sigaw ni ramon. " sa palagay mo makakalabas ka dito basta basta" galit na sabi nito. Lalong nataranta si allenna ng marinig nito ang galit na galit na sigaw ng kasintahan, sa sobrang takot ay pinilit niyang tumayo para makalabas ng bahay, pagpasok niya sa isang pinto ay agad bumungad sa kanya ang kusina, labis siyang nanlumo dahil ang akala niya ay iyon na ang labasan. Dahil sa narinig na niya na papalapit na yung tatlo ay agad siyang kumubli sa likod ng pintuan, bago siya nagtago ay kumuha muna siya ng pwedeng ipangpukpok sakaling magipit siya. "Saan na nagpunta ang babaeng yon?" tanong ni fernan. "Berto tingnan mo sa labas baka nakalabas na" utos ni ramon. "ikaw naman sa itaas baka nagtatago don" turo nito kay fernan. "ako naman dito sa baba" sabi pa nito. Takot na takot na nakasilip si allenna sa tatlong lalaki, umiiyak na siya sa sobrang takot. Nakita niyang naghiwahiwalay ang tatlo, ganon na lang ang kaba niya ng mapansin niyang papasok si ramon sa kusina kung saan naroroon siya, lalong tumindi ang kaba niya ng mapansin niyang iniisa isa ni ramon ang bawat sulok na pwede niyang pagtaguan. "Diyos ko po, tulungan nyo po ako" bulong ni allenna sa sarili. Napansin ni ramon na may paa sa likod ng pinto, ganon na lang ang ngisi niya ng mapansin ito, dahan dahan niyang nilalapitan ito. "Sa akala mo makakatakas ka?" sabi ni ramon na tila nababaliw na. "lumabas ka na, para hindi ka na mahirapan pa at masaktan" nakakalokong sabi ni ramon sabay tawa ng malakas. Namutla si allenna sa narinig niya, alam na nito kung saan siya nagtatago, kaya naman lalo niyang hinigpitan ang kapit sa hawak niyang kawali na nadampot niya kanina "Bahala na" bulong ni allenna sa sarili. "Bulaga!!!" sigaw ni ramon ng hinawi nito ang pinto. Ganon na lang gulat ni allenna kaya naman buong lakas niyang hinampas ito ng kawali sa ulo, nakatatlong hampas ito ng tigilan niya ang paghampas dahil nakita niyang dumugo na ang noo nito sa lakas ng kanyang hampas at isa pa nakahandusay na ito sa sahig. Paika ika siyang lumakad palabas ng kusina. "Saan ka pupunta?" tanong ni ramon sabay hawak sa paa nito. "pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin" sigaw pa nito. "Tulong!" sigaw ni allenna. "tulungan ninyo ko" hingi ng tulong nito. "Sa palagay mo may tutulong sayo?" sabi ni ramon habang hawak niyo ang paa ng dalaga. "walang ibang makakarinig sayo, kaya kahit sumigaw ka pa ng malakas ay walng tutulong sayo" sabi nito sabay tawa ng malakas. Dahil sa biglang paghawak nito sa paa niya ay napaupo si allenna, pilit niyang hinila ang kanyang paa para makatakas ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni ramon sa kanya, kaya naman tinadyakan niya ito sa muka. "Araaayyyyy!!!!"sigaw nito sa sobrang sakit, dahil sa lakas ng sipa ni allenna ay nabitiwan niya ito. Dali daling tumayo si allenna, at kahit na paika ika ay pinilit niyang binilisan ang kanyang paglakad, sa sobrang takot at sa kagustuhang makatakas ay hindi na niya ininda ang namamaga niyang paa. Agad na nagtago si allenna ng mapansin niyang paparating si berto galing sa labas, nasalubong naman nito si fernan na kabababa pa lang. "Anong balita?" si fernan. "Hindi ko nakita" sagot nito. "ikaw?" balik na tanong kay fernan. "Wala rin sa taas" sagot ni fernan. "Berto! fernan!" sigaw ni ramon sa dalawa. Kaagad namang pinuntahan ng dalawa ang pinagmulan ng boses ni ramon. Nang makita ni allenna na pumasok ang dalawa ay agad siyang lumabas ng mansion para makatakas. "Nakalabas na si allenna" sigaw ni ramon sa dalawa. "Habulin natin at wag hahayaang makatakas, malilintikan tayo pareparehas nito." galit na sabi nito. Bago siya makalabas ay narinig niya ang sinabi ni ramon. Ganon na lang ang takot ni allenna kaya naman lalo niyang binilisan ang paglalakad. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa namamaga niyang paa. =================

 

sumpa ni allenna 36 (flashback) 

Lakad takbo ang ginawa ni allenna, alam niyang nasa likuran lang niya sina ramon at ang mga kaibigan nito, halos hilahin na niya ang kanyang paa makalayo lang agad sa lugar na yon, nang makarating siya sa may ilig ay agad siyang umupo at nagpahinga, pagod na pagod na siya, bukod doon ay gutom na guton at uhaw na uhaw na siya kanina pa, isa pa iyon sa nagpapahina sa kanya, ang tanging nagbibigay lang sa kanya ng lakas ay ang determinasyon na makawala at makatakas sa kamay ng mga hayop na lalaking iyon. Halos wala ring patid ang mga luha niya dahil sa mga nararanasan niya ngayon, hindi niya akalain na mangyayari ito sa kanya, yung mga magagandang araw na dumaan na kasama niya si ramon ay parang biglang naglaho agad, peke pala ang ipinakita nito aa kanya. "Hayop ka ramon!" galit na bulong nito sa sarili. "pagbabayaran mo ng malaki ang ginawa nyo sa akin" umiiyak na sabi pa nito. Samantala. . . "Maghiwahiwalay tayo" utos ni ramon na hawak pa ang noo dahil sa pumutok ito sa pagkakapalo ni allenna, kaya naman ganon na lang ang gigil nito sa babae. "doon lang sa ilog yon dadaan, siguradong hindi pa yon nakakalayo dahil nakita kong paikaika siyang lumakad kanina" paliwanag nito sa dalawa. "Sige" sang ayong nung dalawa. At naghiwahiwalay nga ang mga ito sa paghahanap sa dalaga. Lumipas ang ilang minuto ay nakita ni berto si allenna na nakaupo sa may malaking bato, kaya naman dahan dahan niya itong nilapitan para hindi siya mapansin nito na papalapit na siya. Nang aktong tatayo na siya para umalis at umuwi sa kanila ay biglang . . . "Huli ka!" sigaw ni berto sabay dakma nito sa braso ni allenna. "Ahhhhhhh" sigaw ni allenna ng magulat sa lalaki. "bitiwan mo ko! hayop ka bitiwan mo ko" pagpupumiglas na sabi nito sa lalaki. "Ano ka bale?" pang iinis pa nitong sabi. Biglang pinupog ng halik sa muka si allenna at sa leeg. Lalo namang nagpumiglas si allenna sa ginawa sa kanya ni berto. Dahil sa reaksyon ni allenna ay tila lalo pa itong nasiyahan sa ginagawa. Nang makita niya si ramon at fernan ay agad niya itong tinawag. "Ramon! fernan! dito" sigaw nito sa dalawa at wala siyang tigil sa kahahalik sa dalaga. Nang makalapit ang dalawa ay agad namang hinipuan mi fernan ang dalaga sa may hita. Kaya naman ganon na lang lalo ang pagpupumiglas ni allenna na makawala sa mga ito. "Hayop kang babae ka" si ramon. "pinahirapan mo pa kami" sabi nito sabay sampal kay allenna. "Tingnan mo ang ginawa mo sa ulo ko?" Sabi niyo sa babae sabay turo sa ulo niya. "pagbabayaran mo to mamaya" banta nito kay allenna. "tara don natin dalhin yan sa kunong ginawa ko, doon sa may duluhan ng ilog" sabi pa ni ramon. Sumunod ang dalawa kay ramon habang si berto naman ay binitbit si allenna na parang sako ng bigas. Dahil sa nagpupiglas pa si allenna ay ibinaba muna ni berto ito at inundayan ng suntok sa sikmura, kaya naman ganon na lang ang panghihina nito at unti unting nawalan uli ng malay ang babae. Samantala sa bahay ni karding. . . . Hindi mapakali si karding sa kanyang higaan, hindi siya makatulog dahil sa kaiisip kay allenna at kina ramon, lalo siyang naguluhan at natakot ng marinig niyang sumigaw si allenna at humihingi ng tulong. Para siyang mababaliw, tinakpan niya ang kanyang tenga ngunit dinig pa rin niya ang sigaw nito. Kaya naman napagpasyahan niyang lumabas at tingnan ang mga nangyayari, nagkataon namang walang ibang tao sa mansion kungdi sila lang, ang magilang niya at kapatid ay nasa mga lolo niya, bukas pa ang uwi, kaya wala din siyang ibang mahihingan ng tulong. pumasok siya sa loob ng mansion ngunit wala doon sina ramon, paglabas niya ay may nakita siyang mga bakas ng paa papuntang ilog kaya naman kinutuban siya na doon dinala si allenna. "Baka dinala siya nina ramon sa kubong ginawa niya" bulong nito sa sarili. Kaya naman dali dali siyang lumabas at pumunta sa may duluhan ng ilog kung saan nandon ang kunong sinasabi niya. =================

 

sumpa ni allenna 37 (flashback) 

Nagising na lang si allenna na nakatali ang kanyang mga kamay at paa, dahil sa gabi na ay tanging kandila lang at liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa loob ng kubo kung saan naroon siya at sina ramon, ganon na lang ang paghihinagpis niya, masakit na masakit na ang kanyang katawan, namamaga na ang kanyang muka sa kasasampal sa kanya ni ramon at ng kaibigan nito. Ganon na lang ang takot ni allenna ng makita niyang papalapit sa kanya sina ramon na tila ba mga demonyo ang itsura. "Ramon maawa ka naman pakawalan mo na ko" pagmamakawa ni allenna sa binata. "pangako hindi ako magsusumbong kahit kanino" pangako pa nito. "Sinong niloko mo!" galit na sabi ni ramon habang sabusabunot nito ang buhok ni allenna. "nakita mo tong ginawa mo sa noo ko?" Sabi nito sabay turo sa noo nito. "kulang pa ang sampal na inabot mo sa akin" galit na galit na sabi nito. Pagkasabing pagkasabi ni ramon ay biglang iniuntog si allenna sa may dingding ng kubo, dahilan para umagos ang dugo niya sa ulo. "Maawa ka naman sa akin" walang tigil sa pag iyak na sabi ni allenna. "Anong maawa?" si berto. "pasensiya ka dahil wala kaming mga awa!" sigaw nito sabay punit ng damit ni allenna. "Wagggggg" sigaw nito na pilit itinatago ang hubad na katawan. "Hahahahahaha" tawanan ng tatlo ng makita ang itsura nito kung paano nito itatago ang katawan. "Wow pare ang kinis pala nito" si fernan habang hinihimas ang mga hita at braso ng babae. "Maawa kayo sa akin" pagmamakaawa pa rin ni allenna. "Sabi naman sayong wala kaming awa" sabi ni berto sa sampal uli dito. Wala nang nagawa si allenna kungdi ang umiyak at sumigaw sa sakit na ginagawa ng tatlo sa kanya, halos panawan na siya ng ulirat sa pagpapahirap sa kanya. "Pare ako na ang mauuna" si berto. "Sige sunod ako sayo" si fernan. "Wag! maawa kayo! waggggggggggg!" ang tanging naisigaw ng dalaga. Dahil sa hinang hina na ay wala ng siyang nagawa kung di ang pabayaan na lang ang mga ito sa ginagawang pambababoy sa kanyang katawan, dahil wala na siyang lakas para makapanlaban pa. Pinaghalinhinang ginahasa si allenna nina berto at fernan, dahil na rin sa pamimilit ng dalawa ay pati si ramon ay hinalay si allenna. Parang mga hayop na hayok sa laman ang mga ito. Hanggang sa nawalan na naman ng malay sa allenna sa sobrang hirap at pagod na dinanas niya. Samantala halos takbuhin ni karding ang kinaroroonan ng kuno ng marinig niya ang malakas na sigaw ni allenna. Nang marating niya ito ay umikot siya sa may bintana para silipin ang kaganapan sa loob, ganon na lang ang panlulumo niya ng makita niyang walang malay si allenna at nakatali, lalo siyang nanlumo ng makita niya itong hubas na hubad at puro sugat at pumo ng dugo ang katawan,samantalang sina ramon naman ay nakatulog na rin siguro ay sa sobrang pagod. Nang makita niyang medyo gumalaw si allenna ay hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ito at iligtas. "Karding?"ahinang sabi ni allenna ng makilala niya ang taong nagkakalag ng kanyang tali. "Ssshhhhh" sabi ni karding. "wag kang maingay at baka magising sila" saway nito kay allenna sabay turo kina ramon. Hinayaan na lang niya si karding sa ginagawa niya, halos hindi na maigalaw ni allenna ang katawan kaya naman binuhat na ito ni karding, nang makalabas sila ng pinto ng kubo ay di sinasadyang may naapakang sanga ng puno si karding na nakaharang doon, kaya naman agad nagising ang tatlo sa ingay na narinig. "Hoy karding saan mo ddalhin yan!?" galit na sigaw ni ramon. =================

 

sumpa ni allenna 38 (flashback) 

"Hoy Karding saan mo dadalhin si allenna!?"sigaw ni ramon kay karding. Sa takot ni ramon ay walang lingon likod siyang tumakbo habang buhat buhat si allenna, kahit may kabigatan ang babae ay pinilit pa rin niyang makalayo, ngunit dahil sa bagal niya ay naabutan pa rin sila nina ramon at ng kaibigan nito. "Akala mo maitatakas mo sa amin yan ha" si ramon sabay unday ng suntok kay karding, pinagtatadyakan pa siya nina fernan at berto kaya nalugmok siya sa lupa. "Diba sabi ko sayo wag kang makikialam?" sabi ni ramon. "ang tigas ng ulo mo!" sigaw nito sabay suntok uli. "Ma. .ma. .maawa ka naman sa kanya" nauutal sa pakiusap nito. "nagawa nyo na ang gusto nyo pabayaan nyoNa siya" sabi uli ni karding. "itumba na natin yan ramon!" si fernan na hinugot ang hinahasang kutsilyo kanina. "Baka mamatay si allenna" sabi ni karding na hindi pinansin ang sinabi ni fernan. "Anong gusto mo ikaw ang mamatay?" tanong ni berto. "sssshhhh" saway ni ramon. "wag kayong masyadong mainit ako ang bahala dito."sabi ni ramon. "Patatawarin kita karding" sabi ni ramon. "wala kang narinig,wala kang nakita, kung hindi mawawalan kayo ng trabaho ng tatay mo, isusumod ko pa ang magulang at kapatid mo" banta nito habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg niya na halos dumugo na dahil sa tulis ng dulo nito. "Naiintindihan mo?" bulong pa nito. Napalunok muna ng laway si karding bago tumango kay ramon, kaya naman ng binitaqan siya ni ramon ay dali dali siyang uwi ng mansion at kakalutan niya ang mga nakita at narinig niya. Nang makaalis si karding ay binalingan naman ng tatlo si allenna na unti unting nagapang papalayo sa mga ito. "ikaw" si ramon. "halika dito" sabi nito sabay hawak sa buhok ni allenn pakaladkad aa may ilog. "Aaahhhhh" sigaw ni allenna. "tama na, maawa ka, hindi ko na kaya" pagmamakaawa niya sa lalaki. "Hirap ka na?" si berto. "teka at lalo ka pa namin pahihirapan" sabi ni berto sabay tawa. kinuha nito ang kutsilyo kay ramon ay walang awa itong hiniwaan sa muka. "Aaaahhhhhhh" sigaw ni allenna na bakas ang sakit at hapdi sa ginawa sa kanya. "Eto pa" si fernan, sabay unday ng saksak sa braso. Si ramon naman ay sinabunutan si allenna at inilublob sa ilog, halos hindi na ito makahinga sa ilalim ng tubig, pag angat ni ramon sa ulo ni allenna ay inilublob uli ito, makailang ulit itong ginawa sa babae kaya naman halos wala ng malay si allenna sa pinaggagawa ng tatlong lalaki na tila malademonyo na ang itsura. "Tsk! tsk! tsk!" si ramon. "at nagawa ka pang bigisan ni karsing ha?" tawang sabi nito, pagkasabi nito ay sabay sira sa damit niyang suot na ibinihis ni karding sa kanya. Gulagulanit na ang damit ni allenna at puno na ng dugo dahil sa tinamo niyang mga sugat at saksak, dahil sa halos nauubusan na siya ng dugo ay unti unti na siyang nang hihina. "Ano kaya mo pa!?" tanong ni berto sabay tawa na malademonyo. "Ano mahal? masakit ba?" sabi ni ramon. "anong palagay mo sa akin papatol sa isang kagaya mo na walang pinag aralan? ang mga katulad mo ay laruan lang para sa amin" sabi pa nito sabay tawa ng tatlo. Dahil sa sinabing iyon ni ramon ay lalong nagalit si allenna dito, lahat ng pagmamahal na nararamdaman niya ay biglang nawala at napalitan ng galit at poot sa kaharap. "Magbabayad ka" mahinang mahinang sabi nito sa kaharap. "kayo" sabay tingin sa dalawa "magnabayad kayo sa ginawa ninyong kahayupan sa akin" galit na sabi nito. "isinusumpa ko, mapatay nyo man ako ngayon ay mananatili akong buhay para kitilin ang wala ninyong kwentang buhay!"galit na galit na sabi nito. "hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo napapatay, sampu ng inyong mga lahi" sigaw nito. "Tumigil ka!" si ramon, na natakot sa mga sinabi ni allenna. Bigla niya itong pinagsasaksak hanggang sa mawalan na ito ng buhay, ng matiyak nilang patay na ito ay itinapon nila ito sa ilog at pinabayaan maanod. Dahil sa mga sinabi ni allenna ay parang biglang natauhan si ramon, kaya naman agad itong umuwi kasma ang dalawa, nilinis muna nila lahat ng ebidensiya na magtuturo sa kanila bago sila tumulak pamaynila, bago umalis ai ramon ay binalaan muna nito si karding. =================

 

sumpa ni allenna 39 

"Wala akong magawa" si karding habang nagkukwento kay alyssa. "Bukod sa mawawalan kami ng tinitirhan ay papatayin pa niya ang pamilya ko, naging bulag at pipi ako sa mahabang panahon" mangiyak ngiyak ma sabi ni mang karding. "siguro nga ay pati sa akin ay napopoot si allenna, dahil kung hindi ko siya kinaon ng araw na iyon ay hindi mangyayari ang malagim na trahedyang iyon sa buhay niya" malungkot sa saad nito. Hinagod naman sa likod ni manang delia ang kanyang asawa para aluin ito. "Kaya siguro maging ang kaisa isa naming anak ay kinuha niya" at tuluyan ng dumaloy ang mga luha nito sa mata. "Allenna?"buling nito sa sarili sabay may naalala sa pangalang iyon. "mang karding, bukod po sa kinukwento ninyo ay may iba pa po ba kayong alam na allenna ang pangalan sa lugar na ito?" mahabang tanong nito sa matanda. "Wala na bakit?" sagot sa kanya. "Kasi dahil sa pangyayaring iyon ay kinatakutan na ang pangalang allenna, lalo na at siya ang may dahilan ng sunod sunod na pagkalunod sa ilog dito" mahabang sagot ng matandang lalaki. Bigla tuloy napaisip ng malalim si alyssa. "Hindi kaya ang allennang kinukwento nyo at ang allennang kakilala ko dito ay iisa lang?" naguguluhang sabi nito sa dalawang matanda. "imposible" si manang delia. "matagal ng panahon ng namamatay si allenna" sabi pa nito. "Posible" si mang karding. "dahil sa nilulob na ang kaluluwa niya ng diablo ay maari nga siyang makabalik dito para makapaghiganti" paliwanag pa nito. "Saglit lang po at may kukuni lang ako" paalam ni alyssa. Dali dali siyang umakyat ng kanyang kwarto para kuhanin ang isa sa mga ginuhit niyang larawan, naiguhit kasi niya ang babaeng nagpakilala sa kanyang allenna nung minsang wala siyang ginagawa. "O, alyssa paalis na tayo san ka pa pupunta?" puna ni vangie sa kaniya. "May kukumpirhin lang ako" sabi nito na hawak hawak na ang kanyang drawing. "Ano ba yang hawak mo?" si alona. "Basta mamaya na tayo mag usap at nagmamadali na ko" pagmamadali nitong sabi. "Teka lang" pigil ng dalawa. "Bakit?" tanong nito. "Nauna na ang mga boys papuntang ilog dahil magkakasa pa daw sila ng tent, tapos kasama na si janice,tayo na lang ang naiwan dito, pinabalikan na lang tayo sa pamangkin ni manang delia para samahan tayo papunta doon" mahabang sabi nito. "Oo saglit lang ako" sabi nito. "gusto nyo sumama na muna kayo sa akin sa baba, tapos saka tayo sabay sabay na umalis" sabi nito. Pumayag naman ang dalawa, pagbaba nila sa hagdan ay nakita nilang nag aantay na sa kanila ang pamangkin ni manang delia para iguide sila kung nasaan ang mga kasama nila. "Mang karding" tawag ni alyssa pagkapasok niya sa bahay ng mga ito. "ito ba yung sinasabi ninyong allenn?" tanong nito sabay pakita ng larawang iginuhit niya. Ganon na lang ang gulat niya ng makuta ang larawan ni allenna. Siyang siya, tila ba buhay ma buhay ang larawang ito. "Oo siya nga" kumpirma ng matanda. Ganon na lang ang pamumutla ng muka ni alyssa, inig sabihin ay multo na ni allenna ang nakakausap niya sa may ilog. "Alyssa okay ka lang?" si vangie. "numutla ka, ano bang meron?" takang tanong nito. At ipinaliwanag ni alyssa sa dalawa ang mga nalaman niya, wala siyang inilihim kahit na isang detalye, pati na rin kung sino ang nasa larawang iginuhit niya. Biglang nagkatinginan ang dalawa at pareho ng namumutla sa takot dahil sa mga nalaman ng mga ito. =================

 

sumpa ni allenna 40

 "Hindi kaya delikado tayo sa pagpunta natin sa ilog?" takot na tanong ni alona. "Talagang delikado kayo, lalo pa't si ram ay apo ni don ramon na siyang pumatay kay allenna, diguradong siya ang puntirya nito." malungkot na sabi ni karding. "hindi titigil si allenna hangga't hindi siya nakakaganti sa gumawa sa kanya noon" paliwanag pa nito. Biglang namutla si alyssa sa mga narinig nito, "hindi maari, hindi siya papayag na makuha ni allenna si ram" bulong nito sa sarili. "Kung ang lolo ni ram at ang pamilya nito ang puntiry ni allenna" si vangie. "bakit pati ang mga taga rito ay kinukuha rin niya ang buhay, lalo na ang mga dayo?"nagtatakang tanong nito sa matanda. "Dahil mga dayo ang kasama ni ramon noong siya ay mapatay" si manang delia ang sumagot. "At isa pa, kung walang dayo ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang kumuha ng ibang buhay na taga rito para maialay niya ang kaluluwa sa demonyo" paliwanag nito. "ho?" gulat na tanong ni alyssa. "Kung ganon ay hawak ng demonyo ang kaluluwa ni allenna?" tanong uli ni alyssa. "Oo, yun ang sapantaha namin, dahil hindi kayang bumalik ng isang kaluluwa sa mundo at hindi nito kayang manakit o pumatay man lang kung hindi ito alipin ng isang diablo" mahabang paliwanag ni mang karding. "Ano po ang mainam nating gawin?" si alona. "Wala ako ibang maisip" naguguluhang sabi ng matanda. "Tsong" singit ni arnold ba pamangkin ni manang delia. "ano kaya kung tumawag tayo ng pari para mabendisyunan ang ilog"mungkahi nito. "Oo nga, yun siguro ang mainam na gawin" si vangie. "Maari nga"si mang karding. "Vangie" si alyssa. "samahan mo si mang karding sa simbahan at humingi kayo ng tulong" sabi nito sa kaibigan. "arnold, pede bang samahan mo ko sa ilog para bigyan ng babala ang mga kaibigan ko" pakiusap nito sa binata. "Sige, sasamahan ko kayo, maging ako din ay muntik ng mabiktima ng babae sa ilog, kung hindi dahil sa pinsan ko ay wala na rin ako." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang anak ni manang delia at mang karding, iniligtas kasi siya nito kaya ito ang nalunod imbes na siya. "ikaw alona sasama ka ba o maiiwan ka na lang dito?" baling ni alyssa kay alona. "Sasama ako, kaibigan natin ang nasa peligro at hindi ako basta na lang mananahimik" determinadong sabi ni alona. "isa pa mas makapangyarihan ang panginoon diyos sa kung ano pa man" matapang nitong sabi. "Sige" sang ayon ni alyssa. "tayo na, kayo vangie lumakad na rin kayo ni mang karding, papadilim na, baka hindi natin sila abutan doon" may takot na sabi ni alyssa. "Delia" si mang karding habang gagap nito ang kanyang kamay. "ikaw na muna ang bahala dito sa mansion, at isa pa hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin sa pagharap kay allenna, alam kong hanggang ngayon ay napupoot pa rin siya sa akin" malungkot na sabi nito. "Wag ka na lang kayang tumuloy" naluluhang sabi ng matandang babae. "natatakot ako sa kaligtasan mo" sabi pa. "Hindi maari, panahon na siguro para wakasan ang poot ni allenna" galit na sabi nito. "Marami na siyang buhay na nakuha, maging ang buhay ng kaisa isa nating anak, hindi na ko makakapayag na may magbuwis pa ng buhay para lang sa pansarili niyang kasiyahan" determinado nitong pahayag. Agad ng umalis sina mang karding at vangie para magtungo ng simbahan, samantalang sina alyssa naman ay nagtungo na sa ilog para puntahan ang nanganganib na si ram at ang mga kaibigan nila, bago sila umalis ay pinabaunan muna ni manang delia ng benditadong rosaryo ang mga ito, yon lang din kasi ang tanging alam niyang pangontra sa mga masasamang elemento lalo na sa diablo. "Tara! bilisan natin" pagmamadaling sabi nito. Samantala sa may ilog. . . "Bakit kaya wala pa sina alyssa?" pagtatakang tanong ni chad habang nag aayos ng tent. "malapit ng dumilim ah" dagdag pa nito. "Baka papunta na yong mga dito" si randy. "Ram pwede ka bang makausap" si janice. "Ano yon?" tanong ni ram. "Don tayo sa banda don" sabi nito sa binata. "importante ba?" kunot noong tanong sa dalaga. Tumango lang si janice bilang tugon. At nagpunta nga sila sa medyo malayo sa dalawang lalaki. "Buntis ako ram" matigas na sabi nito sa lalaki. Tigagal na napatingin si ram kay janice, gulat na gulat ito sa sinabi ng dalaga. Kasalukuyan silang nag aayos ng tent nila non ng tinawag siya ni janice para kausapin siya samantalang si chad at randy naman ay abala rin sa pag aayoa ng tent. Bigla niyang ikinuyom ang kanyang kamao, balak na kasi niya itong hiwalayan pagnakauwi na sila ng maynila, bukod sa marami na siyang napapansin na masamang ugali nito ay hini na rin niya ito mahal. "Sinong ama niyan?" galit na tanong nito sa babae. Bigla na lang sinampal ni janice ng malakas si ram sa tanong nito, biglang napatingin sina chad at randy sa dalawa. "How dare you!" galit na galit na sabi nito kay ram. "ang kapal ng muka mo na sabihin sa akin yan!" sabi pa nito. "Alam kong alam mo ang totoo" galit ding sagot ni ram. "Matagal na tayong hindi nagtatabi, paano mong sasabihing akin yan!?" dagdag nito. Biglang namutla si janice sa sinabi ng binata, nakita rin niya na galit na galit ang mga mata nito kaya natakot siya sa itsura nito. "Pare anong problema?" tanong ni randy na nakalapit na pala sa kanila. Biglang tumakbo si janice sa may kakahuyan sa sibrang pagkapahiya sa lalaki. Si ram naman ay tumalikod at nagpunta kay chad. "Janice!" tawag ni randy. "saan ka pupunta, magdidilim na." sigaw nito, ngunit daredaretao ito sa pagtakbo. Dahil sa papadilim na ay sinundan ni randy si janice, nag aalala siyang baka mapalyo ito at maligaw, mahirap na agaw dilim na. =================

 

sumpa ni allenna 41 

Hindi na namalayan ni janice na napalayo na pala siya sa kanyang mga kasamahan, pagtingin niya sa paligid ay madilim na pala, nakaramdam ng takot si janice dahil tanging siya lang ata ang tao sa lugar na iyon, paano na lang kung may masalubong siyang mabangis na hayop o kaya ay mga tulisan na binanggit ni mang karding noong isang araw. Dahil sa takot ay naisip niyang bumalik na lang kina ram, ipipilit na lang niya na sa kanya ang batang kanyang dinadala, kung hindi ito papayag ay magsusumbong siya kay don ramon na lolo ni ram. Si don ramon na lolo ni ram at ang lolo niyang si roberto o mas kilalang berto ay matalik na magkaibigan, ang totoo nga niyan ay pinangkasundo na sila na ipakakasal pagkagraduate nila sa kolehiyo. "Huh?" takang sabi ni janice sa sarili. Nasaan na ba ako?" sabi pa nito. "naliligaw na ata ako" may takot na sabi sa sarili. Tinahak niya ang daan kung saan siya dumaan kanina, ngunit laking pagtataka niya, hindi niya na makita ang dinaan kanina. "Bakit gano?" kausap ang sarili. "bakit parang ang layo layo na ng narating ko, kung tutuusin ay hindi pa naman ako ganong nakakalayo sa mga kasama ko, narinig ko pa ngang tinatawag ako ni randy" parang baliw na nagsasalitang mag isa. Naglakadlakad siya, lalo siyang kinilabutan ng makita niyang madilim na, kaya naman kinuha niya ang maliit na flashlight sa kanyang bulsa, lahat kasi sila ay meron nito. "Randy!" tawag niya sa kainigan. "randy nasaan ka!?" sigaw nito. "tulong may tao ba diyan, may nakakarinig ba sa akin?" sabi pa ni janice. Walang nasagot, napagod na sa kasisigaw si janice at sa paglalakad kaya naman minabuti niyang magpahinga na muna at umupo sa malaking ugat ng puno. Bigla siyang nagulat ng may kumaluskos sa likod niya, bigla tuloy siyang napatayo. "Sinong nandiyan?" sabi nito na nanginginig ang boses. "may tao ba dyan?" tanong pa nito. Tinapatan niya ito ng dala niya g flashlight pero wala naman siyang nakita, nawala rin ang kaluskos, biglang nakahinga ng maluwag si janice, akala niya ang may makakaengkwentro siyang mabangis na hayop. Nang aktong pagharap niya at pagtapat niya ng ilaw ay biglang may babae na pala sa likuran niya, ganon na lang ang gulat niya at takot. "Ahhhhhhh" sigaw nito sabay napaupo sa sahig sa sobrang gulat. "Naliligaw ka ata" sabi ng babae na parang singlamig ng yelo ang boses. Kinilabutan si janice sa babaeng nasa harapan niya. "Si. . si. . sino k. .ka?" Untal na tanong nito. "Hindi na importante" mahinang sabi nito. "hinahanap mo ang mga kasama mo?" tanong ng estrangherang babae. Tumango lang si janice bilang tugon, pakiramdam kasi niya ay nalunok niya ang kanyang dila sa sobrang takot. "Sumunod ka sa akin" sabi nito sabay talikod at nauna ng maglakad. Agad namang tumayo si janice para sumunod sa babae, kahit na natatakot siya dito ay nagawa pa rin niyang sumunod dito dahil wala siyang ibang pagpipilian, hindi niya alam ang daan papunta sa kanyang mga kasamahan, at isa pa lumalalim ang gabi, baka makasalubong pa siya ng mabangis na hayop. Nagpalinga linga si janice sa kanilang dinadaanan. "Saglit" sabi nito. "antay lang" sabi pa uli ni janice. Ang bilis kasi nitong maglakad, nagtataka lang siya bakit ganito ang babaeng ito, kahit na sobrang dilim na ay hindi man lang ito natitisod o nangangapa sa dinadaanan niya, samantalang siya ay halos magkandarapa na sa paglalakad. Nang may narinig siyang lagaslas ng tubig ay agad namang nabuhayan ng loob si janice, malapit na sila sa ilog, ibig sabihin malapit na silang makalabas ng gubat. " nasaan na tayo?" tanong ni janice sa babae. Nakalabas na kasi sila ng gubat at nasa may ilog na sila ngunit hindi niya makita ang kanyang mga kasama, ang tanging nakita lang niya ay isang kubo sa bandang dulo ng ilog. "kaninong bahay yan?" tanong pa ni janice aa babae, ngunit hindi man lang ito nagsasalita tuloy tuloy lang sa paglalakad. Biglang natakot si janice ng mapansin niyang iba ang suot ng babae sa pangkaraniwang suot ng tao, oo nga't nakabistida ito pero parang pang sinaunang damit, idagdag pang gilagulanit ang damit nito. Biglang napatigil si janice ng matitigan niya ng husto ang damit nito. "Teka" sabi nito. "Dugo ba yong nasa damit nito.?" Takang tanong sa sarili, tinutukan niya ito ng dala niyang ilaw, dala ng liwanag ng kanyang ilaw at liwanag ng buwan ay nakita niyang may dugo nga ang suot nitong damit. Para siyang tinakasan ng sugo sa buong katawan ng makita niya puro dugo nga suot nitong damit. "Bakit ka tumigil?" tanong ng babae na nakatalikod pa rin sa kanya. "natatakot ka ba?" sabi pa nito. Halos bumaligtad ang sikmura niya ng biglang mangamoy ang tila nabubulok na laman sa paligid ng biglang umihip ang hangin, at ang babaeng nakatayo sa harap niya ay unti unting himarap sa kanya. Ganong na lang ang panginginig ng katawan niya ng makita niya ang itsura nito. Naagnas ang muka at may mga uod pang lumalabas sa bibig at sa may butas ng pisngi, ang mga mata nito ay nanlilisik at lumuluha ng dugo, nang mapadako ang tingin niya sa paa ay doon lang niya nabatid na nakalutang pala ito sa ere. "Ahhhhhhhh" malakas na sigaw ni janice. Nang makabawi sa pagkabigla ay bigla siyang kumaripas ng takbo at binaybay niya ang gilid ng ilog. Halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw. "Tulong!" tulungan nyo ko!" takot na takot na sigaw ni janice. "Ram! chad! randy! tulungan nyo ko" iyak sa sigaw nito. "maawa kayo sa akin" pagmamakaawa ni janice sa mga kasama na akala mo ba'y naririnig siya. "Sige tumakbo ka hangga't may lupa! bwahahahahaha!" sabi ng babae sabay tawa na malademonyo ang tinig. Tinakpan ni janice ang kanyang tenga dahil sa tinis ng boses ng babae ay halos mabingi siya. Biglang kumumpas ang kamay ng babae at ganon na lang ang takot ni janice ng bigla siyang lumipad sa ere at humampas sa malaking puno. "Aaagghh" daing ni janice. Pakiramdam niya ay nagkabalibali ang kanyang mga buto sa lakas ng pagkakahampas sa kanya sa puno, pinilit niyang makatayo sa kagustuhan niyang makatakas sa babaeng humahabol sa kanya. Nang makatayo siya ay biglang walang ano ano ay nakatayo na ito sa harapan niya. "Maawa ka" pagmamakaawa ni janice sa kaharap. Biglang kinalmot sa muka ng babae si janice ng matulis nitong kuko. "Ahhhhhh" sigaw nito. Umagos ang masaganang dugo sa kanyang muka. At hindi pa nakuntento pati ang kanyang braso at hita ay hiniwaan din nito. Walang nagawa si janice kung hindi ang dumaing lang sa sakit. "Ma. . maawa ka?" naghihinang samo nito. "Maawa?" galit na sabi nito sa kaharap. " wala ako awa!" sabay tusok ng kuko nito sa tiyan ni janice. "Waggggggggg!" ang tanging naisigaw nito. Kumumpas uli ang kamay ng babae at tumalsik uli si janice, sa pagkakataong ito ay saay ilog naman siya tumalsik. Sa isang iglap lang ay nandon agad ang babae, bigla nitong hinawakan ang ulo ni janice at nilunod. Nagkakawag pa si janice at nanlaban ngunit dahil sa sobrang panghihina niya at sa dami bg dugong nawala ay unti unti ng bumigay ang kanyang katawan. Nang makita ng babae na patay na si janice ay binitawan na niya ito at hinayaan na lang anurin ng tubig. Humalo sa ilog ang mga dugo ni janice, umagos ito sa ilog kasabay ng pagkaanod ng walang buhay na katawang ng kaawaawang dalaga.

sumpa ni allenna 42 

"Janice!" sigaw ni randy. "janice nasaan ka na? Lumabas ka na, madilim na!" pakiusap nito kay janice. Dahil sa madilim na ay bumalik na muna siya Kina ram at chad, hihingi siya ng tulong sa dalawa para mahanap nila kaagad ni janice, isa pa nalimutan niya ang kaniyang flashlight sa bag niya. Gusto man niyang magalit kay ram dahil kung hindi nag away ang dalawa ay hindi ito tatakbo palayo sa kanila, hindi niya masisisi si ram dahil kung siya man ang nasa sitwasyon nito ay baka ganon din ang maging reaksyon niya. Alam niyang alam na ni ram na siya ang ama ng dinadala ni janice, dahil ng minsang magtalo sila ni janice tungkol dito ay kinompronta siya ni ram, pero sa pagtataka niya ay hindi man lang ito nagalit sa kanya, doon niya napag alamanan na wala na itong pagmamahal sa dalaga kaya naman ganon na lang ang tuwa niya sa sinabi sa kanya ni ram noong araw na iyon. "Mag usap kayo ni janice" si ram. "ako man ay kakausapin din siya pag kauwi natin sa maynila, makikipagkalas na ko" nakangiti pang sabi nito. "alam kong matagal mo na siyang mahal, at may hinala na rin akong may namagitan na sa inyo, hindi lang ako kumibo, kaya naman mula noon ay hindi na ko tumabi sa kanya kahit na ayain niya ako" paliwanag ni ram. Kaya naman malaki din ang paghanga niya sa taong ito, kaya pagnahanap niya si janice at nakauwi na sila ay pakakasalan na niya ito sa ayaw man at gusto nito, dinadala na nito ang anak nila. "Pare!" Si chad. "Ano nahabol mo si janice?" tanong nito. "Hindi pare e" sagot nito sa kaibigan. "ang bilis tumakbo, hindi ko nakita kung saan dumaan" paliwanag nito. "Randy pasensiya na"hingi ng despensa ni ram. "kung hindi sa akin ay hindi sana siya aalis"sabi pa nito. "Wala kang kasalanan pare" sagot ni randy. " kung tutuusin ay kasalanan ko rin yung nangyari, sa kagustuhan niyang mapakasal sayo ay pati ako ay ginamit niya, nagpagalaw siya sa akin para mapaikot ka niya" malungkot na sabi nito. "sadyang mahal na mahal ko lang siya kaya ko rin nagawa yon." Ani ni randy. "O siya tama na ang sisihan, tara ng hanapin si janice, malalin na ang dilim" sabi ni chad. "ang ibang girls siguro ay hindi na susunod at gabi na" dagdag pa nito. Nang nakuha nila ang kakailanganin nila sa paghahanap kay janice ay lumarga na sila sa paghahanap sa kaibigan, habang nalalakad aila ay napagawi ang tingin ni chad sa may ilog. "Pare ano yon?" tanong nito sa dalawang kasama. Tinapatan ng ilaw nina randy at ram ang tinutukoy ni chad. "Parang nakalutang na tao pare" hindi siguradong sabi ni ram. At nilapitan pa nila ng husto ang nakalutang sa may ilog. "Pare tao nga!" sabi ni ram ng matiyak na tao nga yung inaanod. "Parang. . ." may takot na sabi ni randy ng mapansin ang suot na damit nito. "Pare parang si ja. . " Biglang tigil na sabi ni chad ng makita niyang agad na lumusong si randy at ram sa ilog. Agad agad na pinunthan ng dalawa ang katawan ng babae at hinila papunta sa pangpang, agad nilang itinihaya ang bangkay ng babae para makumpirma kumg si janice nga iyon at nakumpirma nga nila na si janice iyon. "Hindeeeeeeer!" sigaw ni randy. "Janiceeeee!" malakas na sigaw nito habang yapos yapos ang bangkay ng dalaga. Tigagal na tigagal si chad at ram sa nasaksihan, awang awa sila sa sinapit ni janice, kalunos lunos ang itsura nito, halos maputi na ang balat nito dahil sa naubusan ng dugo, ang katawan nito ay hiwa hiwa at may saksak ang tiyan nito. Biglang tumalikod si chad dahil hindi na niya makayanang tingnan ang itsura ng kaibigan. "Sinong may gawa sayo nito?" parang baliw na tanong ni randy kay janice "sinong hayop ang may gawa sayo nito!" sigaw nito habang niyuyugyog ang walang buhay na katawan ng babaeng minamahal niya. "Pare" si ram. "patay na siya, wala na tayong magagawa" sabi pa ni ram. "mabuti pa dalhin natin sa tent ang bangkay nya" sabi pa nito. Binuhat ni randy ang bangkay ni janice papuntang tent, hindi nila lubos maisip kung sino ang gagawa niyo kay janice, parang hindi tao ang pumatay dito, halos maluray ang katawan nito sa dami ng hiwa. Nang saktong nailagay na nila sa isa sa mga tent na nakatayo ang bangkay ni janice. "Sino kaya ang may kagagawan ng kahayupang ito kay janice" galit na tanong ni randy sa dalawa. Biglang humangin ng malakas, kinilabutan sila sa hatid ng hanging iyon, nanunuot sa kanilang laman ang lamig at bigla na lang silang napatakip ng ilong ng biglang nangamoy bulok na laman, animo'y naagnas na laman ng tao. "Ako ba ang hinahanap nyo?" Sabi ng babae sa likuran nila. Sabay sabay napalingon ang tatlo sa likod nila, ganon na lang ang hilakbot nila ng makita kung sino ang nagsalitang iyon sa likuran nila. Isang babaeng naagnas ang muka at nilalabasan ng mga uod sa mga butas ng pisngi, matang pulang pula at lumuluha ng dugo, gulagulanit na damit na punong puno ng dugo, at nakalutang ito sa ere. "Hinahanap nyo ang pumatay sa babaeng yan?" sabi ng babae. "bwahahahahaha" sabay tawa nito na nakakabingi. Biglang nagtakip ng tenga sina ram dahil sa tinis ng boses nito ay halos mabingi na sila. "Nararapat lang sa kanya yan!" galit na sabi nito. "Magbabayad kayo!" galit na sabi nito. "Anong kasalanan namin sayo?" matapang na sabi ni ram. " bakit kami magbabayad sayo?" tanong pa nito. "Wala kaming kasalanan sayo" si randy. "Wala?" nakakalokong sabi nito. "kayo wala pero ang lolo niya meron!" sigaw nito sabay turo kay ram at biglang tumalsik si ram sa may tent nila. "Rammmmm!" sigaw ni chad at ni randy. "Hahahahaha" tuwang tuwang tawa ng babae. "Sino ka ba!?" galit na sabi ni randy habang itinatayo si ram. "Ako?" nakabgising sabi nito. "ako si allenna" pakilala nito sa tatlo. "ako lang naman ang tatapos sa buhay nyo!" malakas na sigaw nito. Sa pagsigaw ni allenna ay biglang dumagundong ang kulog at kumidlat ng matatalim. Samantala sa mansion. . . . "Don ramon?" gulat na sabi ni manang delia. "ano hong ginagawa ninyo dito?" tanong ng matandang babae. "Nasaan ang apo ko?" tanong nito sa katiwala. "Nasa ilog po" sagot ng matanda. "Ano?nasaan si karding?" tanong nito. "Humihingi ho ng tulong sa simbaha" sagot ng matandang babae, at ikinuwento nito ang mga pangyayari kung bakit kailangang humingi ng tulong ni karding sa simbahan. "Siguro nga ay panahon na para humingi ng tawad sa kanya" sabi nito. At lumakad ang matanda papuntang ilog. "Don ramon, san ang punta nyo?" si delia. "Sa ilog" maikling tugon nito. "Sasama ho ako" prisinta ng matandang babae, at nagtungo na nga sila sa ilog.

sumpa ni allenna 43 

Biglang napatigil si mang karding at vangie ng biglang kumulog ng malakas, may kasama pa itong matatalim na kidlat, ganon na lang ang takot ni mang karding. "Bakit ho mang karding?" si vangie. "may problema po ba?" sunod na tanong nito. "Masama ang kutob ko" sagot nito na may takot sa boses nito. "bilisan natin ang paglalakad" sabi nito sa mga kasama, pabalik na sila sa mansion at padaretso na sa may ilog, nagsama sila ng isang pari para mapabendisyunan ang ilog kung saan namatay si allenna, malayo layo pa ang lalakarin nila, ng pabalik na kasi sila ay bigla na lang pumutok ang gulong ng kanilang sinasakyan, wala tuloy silang ibang nagaw kung hindi ang maglakad papuntang ilog. Samantalang sina alyssa naman at arnold ay dali dali sa kanilang paglalakad, baka abutan sila ng malakas na ulan, para kasing nagbabadyang bumuhos ito dahil sa biglang pagkulog at pagkidlat. Nang makarating sila sa ilog ay laking gulat nila ng makita nilang halis mawasak ang tent na kinabit ng kanilang mga kaibigan. "Ram!" sigaw ni alyssa at arnold. "chad! randy! janice!" hanap ni alyssa ang mga kaibigan. naghiwalay sila ni arnold aa paghahanap, si alyssa ay sa kabilang tent samantlang si arnold ay don naman sa katabing tent. "Alyssa dito" tawag ni arnold. Nang puntahan ni alyssa si arnold ay bigla siyang nangatog sa takot ng makita niya ang katawan ni janice na wala ng buhay, kaawaawa ang itsura nito. Bigla tuloy siyang napaiyak para dito. Bagamat at hindi sila gaanong magkasundo nito ay hindi naman niya nanaising ganito ang sapitin nito sa kanyang kamatayan. "Ram!" lalo tuloy siyang natakot para sa lalaki, paglingon niya ay nakita niya si chad na nakahandusay. "Buhay pa ito" si arnold. "Dalhin mo na siya sa mansion" utos nito sa kasamang lalaki. "Pero paano ka?" nag aalalang sabi nito. "Wag mo kong alalahanin haharapun ko siya, isa pa kailangan ko pang makita si ram" paliwanag nito. "Sigurado ka?" paniniyak nito kay alyssa. "Oo"sagot nito. "bilisan mo at baka kung mapaano pa si chad" utos nito sa lalaki. Agad naman nitong binuhat si chad para dalahin sa mansion, puro sugat na rin kasi ito at kailangan mabigyan ng paunang lunas. Sa paghahanap niya ay bigla siyang napasigaw ng makita niya ang isang babae sa na nasa gitna ng ilog at sakal sakal si randy. Halos hindi na ito gumagalaw ay tingin nga ni alyssa ay wala na ito ng buhay. "Wagggggg!!!!!" sigaw ni alyssa kay allenna. Nang lumingon sa kanila si allenna ay bigla nitong binitiwan ang katawan ni randy, tama ang hinala niya wala na itong buhay, ganon na lang ang paglagaslas ng luha ni alyssa. Biglang napaatras si alyssa ng mapansin niyang papalapit ng papalapit ito sa kanya. Galit na galit ang mga mata nito habang naluha ng dugo ang mga mata nito, ang muka nitong naagnas ay nilalabasan ng mga uod, kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin ang pag buhos ng malakas na ulan. Nang aktong tatakbo si alyssa ay ikinumpas ni allenna ang kanyang mga kamay, sa pagkumpas nito ay bigla siyang tumalsik kung saan naroroon ang bangkay ni janice. Halos hondi siya makatayo sa sakit ng kanyang katawan. Unti unting lumalapit sa kanya si allenna at sa paglapit nito ay muntik na siyang masuka sa amoy nito. Magkalapit ang mga muka nila kaya naman amoy na amoy ni alyssa ang sangsang ng amoy ni allenna, amoy bulok na laman na pinaghalong malansang dugo, halos maduwal na siya sa sobrang baho. Dahil sa pagkagulat sa mga pangyayari ay hindi ito kaagad nakagalaw. "Natatakot ka ba sa akin alyssa?" nakangising tanong nito. "diba magkaibigan tayo" sabi pa nito sabay halakhak ng malakas, para itong demonyo na lumabas sa impierno. Biglang humaba ang kuko ni allenna at inihiwa ito sa pisngi ng dalaga. "Aaahhhhh" biglang sigaw ni alyssa. Dahil sa malalim ang hiwa ay ramdam na ramdam niya ang hapdi nito. Humalo na sa patak ng ulan ang masaganang dugo niya. Dahil sa nakikitang sakit sa muka ni alyssa ay lalo pang lumakas ang halakhak nito. "Alyssa!" biglang sigaw sa bandang likod niya. Paglingon ni alyssa ay nakilala niya kung sino ang tumawag sa kanya, walang iba kung di si ram. "Ra. . ram. . " nanghihinang sabi ni alyssa. "Lubayan mo ang kaibigan ko!" sigaw nito kay allenna. "maawa ka sa kanya" narinig pa ni alyssa na sabi ni ram kay allenna. Halos hindi na makakilos si alyssa sa kanyang kinabagsakan, dahil sa malakas na pagkakahagis niya ay nabalian siya ng buto sa may paa. Dahil sa ginawang pagsigaw ni ram ay siya naman ang binalingan ni allenna. Sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya ito. Biglang hinawakan si ram ni allenna sa leeg, iniangat niya ito sa may ere sabay hagis sa may ilog. Nang tumayo si ram ay laking gulat niya ng nasa harapan na kaagad niya ito, biglang kinalmot ni allenna si ram sa may leeg, dahil sa maagap nitong pag iwag ay hindi nito napuruhan si ram. Nang makabawi si ram ay sinugid nito si allenna at pinagsusuntok, ngunit ganon na lang ang gulat nito ng tumagos lang lahat ang kanyang mga suntok. Dahil doon ay tumawa ng tumawa si allenna. "Matapang ka" panunuya nito. " sa palagay mo ba ay tatalab sa akin yang mga suntok mo?" sabi pa nito. bigla nitong sinakal si ram at iniaangat uli sa ere. Nagpupiglas si ram ngunit di sapat ang kanyang lakas para bitiwan siya nito. Samantala halos sabay nakarating sina mang karding at don ramon sa May ilog, nagkagulatan pa nga sila pero dahil sa parepareho silang nagmamadali ay hindi na nila pinansin ang bawat isa, alam nilang kailangan nilang magtungo agad sa ilog, kahit malakas ang ulan ay hindi nila ininda iyon, ang mahalaga ay makarating sila kaagad sa ilog at mailigtas ang buhay ng mga bata. 

sumpa ni allenna 44 

"Allenna!" biglang napalingon si allenna sa pinagmulan ng boses na iyon, isang pamilyar na noses na hinding hindi niya malilimutan, ang boses ng unang lalaking minahal niya, at kalaunan ay kunapootan niya. Nahintatakutan ang mga kasama. ni don ramon sa nakita nila, sakal sakal nito si ram habang nakaangat sa ere. Nang mahimasmasan si alimg delia at vangie ay agad na nilapitan nila si alyssa para saklolohan. "Allenna" ulit ni don ramon sa babaeng sakal sakal ang apo niya. Biglang lumuwag ang pagkakasakal mi allenna kay ram pagkakita nito kay ramon, biglang nagbago ang anyo nito, bumalik ang dating ganda na akala mo ba'y hindi pa namamatay. "Ramon" malambot na sambit nito sa matanda. Wala pa ring pinagbago si ramon, nagkaroon lang ng mga kulubot dala ng katandaan. "Allenna maawa ka sa apo ko" pagsusumamo nito sa babae. "Maawa!?" tanong ni allenna at biglang nagbago uli ang itsura nito, bigla uli itong nanging isang nakakatakot na nilalang. Bigla nito binitawan si ram dahilan para malaglag ito sa ilog, agad namang dinaluhan ni mang karding ang binata dahil sa baka ito'y malunod, halos wala na itong lakas dahil sa pagkakasakal ni allenna at dala na rin ng maraming sugat sa katawan. Unti unting lumalapit si allenna kay don ramon. "maawa?" ulit nito. "yan din ang mga binigkas ko noon sa inyo" umiiyak ng dugo si allenna habang papalapit ng papalapit ito sa matanda. "lahat ng pamamakaawa ay ginawa ko na" at biglang humagulgol na si allenna sa sobrang pihagti. "Patawarin mo ko allenna" pagmamakaawa ni don ramon. " matagal ki ng pinagsisihan ang lahat lahat" umiiyak na sabi nito. "Pinagsisisihan!?" galit na sigaw ni allenna. "sinungalinggggg!"galit na galit na sigaw nito. At sa isang iglap lang ay sakal sakal na nito ang matandang lalaki. " kulang ang buhay mo para sa kabayarang ginawa ninyo sa akin!" sabi ni allenna na tila nag iba na ang boses, para na itong lalaki kung magsalit, malaki at malagom. Dahil sanpagkasindak ay hindi agad nakakilos ang kasama nilang pari, kung hindi pa siya tinawag ni mang karding para simulan ang dasal ay hindi pa ito matatuhan. Binuksan ni father damian ang kanyang bibliya ay binasahan ng mga dasal. "Sa ngalan ng diyos, inuutusan kitang. . "hindi na natapos ni father damian ang sinabi nito dahil sa isang iglap ay humangin ng malakas, pagkumpas ng isang kamay nito ay bigla siyang tumalsik. "Ma. . ma. . awa ka" utal na sabi ni don ramon. "pa. . pa. . tawarin mo ko" sumasamo nitong sabi. "Ngayon mo tikman ang bagsik ng aking paghihiganti" sabi nito sabay halakhak. "Ahhhhhhh" biglang sigaw ni allenna, paglingon niya ay winiwisikan pala siya ng banal na tubig ni father damian at binabasahan ng isang latin na dasal."layuan mo ko!!!! ahhhhh" nasasaktang sabi nito. Bigla niyang ikinumpas uli ang kamay nito sa pari kaya bigla ito tumalsik uli sa malayo. Samantala naiahon na ni mang karding si ram at itinabi kay alyssa. "Kayo na muna ang bahala dito" bilin ng matanda sa asawa at kay vangie. Wala pa ring malay si alyssa maging si ram, pero kapwa mga buhay pa. "Allenna" agaw pansin nito sa babae. "manahimik ka na" pagsusumamo nito sa dalaga. "matagal ka ng patay" sabi pa. "Hinde!"sigaw nito habang hindi oa nito binibitawan si don ramon. "kung hindi dahil sa kanya buhay pa sana ko" biglang umiyak si allenna. "kaya sumumpa ako, na hindi ako matatahimik hanggat hindi ko napapatay ang may kagagawan nito sa akin" sabi pa nito. "Matagal akong nag anaty ng ganitong pagkakataon, kumitil ako ng maraming buhay para maiaalay ko lang kay satanas ang mga kaluluwa nila at mapanatili ako sa mundong ito" mahaba nitong paliwanag sabay tawa. "Pa. .pa. tayin mo na ko allenna" sabat ni don ramon. "kung yan ang makakapagpalaya sayong kaluluwa ay gawin mo" sabi pa nito. " iaalay ko ang buhay ko, matapos lang ang sumpa mo" dagdag pa nito. "Wagggggggg" biglang sigaw ni ram. Nagising na pala ito nasaksihan ang mga kaganapan sa pag uusap ng tatlo."Loloooooooo" sambit pa nito. Binitawan ni allenna si don ramon na wala ng buhay. Kaya naman unti unti naman siyang lumalapit kay karding. "Isa ka pa" sabi nito. "kasalanan mo rin, hindi mo ko tinulungan" mapait na sabi nito. "Allenna" may takot na sabi ni karding. " alam mong sinubukan kong tulungan ka pero wala akong nagawa" pagsusumamo nito. "Patawarin mo na kami, kaming lahat na nagkasala sayo" sabi nito. "patay na si ramon na siyang may malaking pagkakautang sayo, marami ka na ring nakuhang mga buhay, ilan pa ba ang kailangang isunod? maraming mga inosenteng nadamay, matuto kang magpatawad at humingi ka ng tawad sa kanya" mahabang pagsuaumamo ni karding. "Huli na ang lahat, hindi na niya ako matatanggap" malungkot na sabi nito. "hindi na ako makakapasok sa pinto ng kanyang tahanan." Umiiyak na sabi nito. "Hindi pa huli ang lahat" sabi ni father damian na nakalapit na pala sa kanila. "mapapatawad ka niya, humingi ka ng tawad at ikaw ay patatawarin, ang diyos ang siyang makapangyarihan sa lahat, wala siyang hindi pinatawad basta't manalig ka lang sa kanya" sabi pa nito. "magbalik loob ka allenna, tanggalin mo ang poot na nananahan sa iyong dibdib at lulubayan ka ng mapagsamantlang diablo sa inyong kaluluwa, manalig ka" panghihikayat ni fahter damian dito. "tutulungan kitang makapasok sa kanyang tahanan" dagdag pa ng pari. "Paglabanan mo ang diablo sa iyong kaluluwa at palayain mo ang iyong sarili." si father damian. At binasahan niya uli ito ng dasal habang winiwisikan ng banal na tubig, aa pagkakataong ito ay hindi na nanlaban si allenna, panay lang ang sigaw niya dahil sa hapdi ng bawat wisik sa kanya, at bawat lintanya sa kanya ng dasal ay tila nasusunog ang kanyang katawan. "Ahhhhhhhh" sigaw ni allenna. "patawarin nyo ko, sa lahat ng kasalanan ko, aaaahhhhhh" hingi ng patawad ni allenna sa lahat ng kanyang kasalanan kasabay nito ang matinding pagdaing. Unti unting umusok ang katawan ni allenna, kasabay nito ang unti unting pagbabago ng kanyang itsura, bumalik na siya sa dati niyang anyo, ng mawala ang usok sa katawan ni allenna. "Wala na ang diablo sa kanyang kaluluwa" hapong hapong sabi ni father damian. At unti unting umakyat paitaas ang kaluluwa ni allenna, kasabay ng paakyat nya ay ang pagsambit niya sa salitang "SALAMAT". =================

 

sumpa ni allenna finale

"Ang kaluluwa ni allenna ay nakalaya na" masayang pahayag ni father damian. "dahil sa galit at poot ay nilukuban ng mapagsamantalang diablo ang kaluluwa nito, dahil sa tindi ng pagnanais niya na makapaghiganti ay unti unti siyang kinain ng kadiliman, nawalan siya ng pananalig sa poong may kapal" mahabang paliwanag nito. "kaya tayong mga nabubuhay sa mundo ay wag magpatalo sa tukso ng demonyo, manatili tayong nakakapit sa kanya,tanging siya lang" tigil nito sabay turo sa kalangitan. "ang may alam kung ano ba ang dapat maganap sa ating buhay, hindi niya tayo bibigyan ng mga pasakit sa buhay kung walang matinding dahilan" nakangiting pahayag pa nito. Tanging ngiti at tango na lang ang naisagot nina ram at alyssa kay father damian. Kinaumagahan ay may mga dumating ng pulis, kinuhanan lahat sila ng pahayag, gustuhin man nilang sabihin sa mga ito ang katotohanan ay hindi na nila ginawa sa kadahilanang hindi rin naman maniniwala ang mga ito. Sinabi na lang nila na gawa ng mabangis na hayop ang pagkamatay ng mga ito at pagkalunod naman sa ilog ang iba. "Pauwi na po kami manang delia, mang karding" si ram. "kayo na po ang bahala dito sa mansion, tumawag na lang kayo kung may problema" malungkot na sabi nito. "Sige ram" si mang karding. "lagi kayong mag iingat" sabi pa nito. Malungkot na bumalik sina ram at alyssa sa maynila, imbes na masayang bakasyon ay isang trahedya ang nangyari sa kanilang magkakaibigan. Dalawa sa kaibigan nila ang nawala, si janice at si randy, maging ang lolo ni ram ay hini rin nakaligtas sa sumpa ni allenna, ngunit ganon pa man ay masaya na rin sila dahil sa wakas ay matatahimik na ang baryong iyon. Makaraan ang ilang buwan ay balik na uli sa normal ang buhay nina ram, alyssa, chad, vangie at alona, nang dahil sa pangyayaring iyon ay lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan. Tuwing linggo ay sama sama silang nagsisimba para laanan ng kahit usang oras ang poong may lalang, isa iyon sa natutunannila kay father damian, ang maglaan ng oras sa diyos kahit konting oras lang, ang magtiwala dito at manalig. Hindi rin nila nakalimutang dumalaw sa puntod ni janice at randy. "Sana'y maging masaya na kayo kung saan man kayo naroroon ngayon" sabi ni alyssa sa puntod ng dalawa. Pinagtabi ang libingan nina janice at randy ng kanilang mga magulang. "Tayo na" aya ni alona. At bumalik na sila sa dala nilang sasakyan. Ang hindi nila alam ay nakatingin pala ang mga kaluluwa ni janice at randy, magkasama na sila at masayang nakangiti sa mga ito. 

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url