Isang Kwentong Wagas Na Pag-mamahal Book 2
CHAPTER 159 (rafael villarama story)
TEN YEARS LATER
RAFAEL POV
"What happened to you Rafael. Ilang araw kang hindi pumasok ng opisina at sasabihin mo sa akin ngayun na balak mong lumabas ng bansa para
magbakasyon? Ilang taon ka ng graduate pero kung umasta ka ngayun para ka pa ring bata. Isipin mo naman sana na kailangan ka ng kompanya!" bulyaw sa akin ni Kuya Christian.
Kitang kita ang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Ganoon pa man hindi ko iyun pinansin. Sanay na ako dito. Talo pa si Daddy kung pagalitan ako noon pa man.
"Kuya kaya nga sa iyo ako nagpalaam dahil alam kong hindi ako papayagan nila Daddy! Promise last na ito at sa pagbalik ko susundin ko na ang gusto mo at ng pamilya natin na pagtotoonan ko na ng pansin ang Villarama Empire. Sa ngayon hayaan niyo muna akong magliwaliw at i-enjoy ang buhay." sagot ko.
"You're impossible Rafael. Ikaw ang bunso sa pamilyang ito at ini-expect nila Daddy na uumpisahan mo ng i- manage ang negosyo na ito! Halos dalawang taon ka ng nagliwaliw at lagi ka na lang naghihingi ng extension. Kailan ka ba magsasawa sa kakaliwaliw na iyan?" muling tanong nito. Hindi ko naman mapigilan na mapakamot sa aking ulo.
Oo, ako ang bunso pero pakiramdam ko hindi pa ako ready na pamunuan ang Villarama Empire! Hindi ko din alam kung paano patatakbuhin ang buhay ko. Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Siguro dahil sa akin natoon ang buong attention nila Mommy at Daddy kaya ako nagkaganito. Hindi lang nila Mommy at Daddy pati na din ang mga nakatatanda kong kapatid. Lumaki ako na nakukuha ko lahat ng naisin ko.
Ako din ang favorite apo nila Grandpapa at Grandmama. Sad nga lang dahil namaalam na sila sa mundong ito five years ago. Naunang nawala si Grandpapa sumunod na din si Grandmama. Thankful pa rin dahil kahit papaano nakasama ko sila ng matagal. Matanda na sila at alam kong kahit na gustuhin pa namin na makasama sila ng matagal hindi na maari. Mga katawan na nila ang mismong sumuko dahil sa kanilang edad.
Maraming nagsasabi na iba ako sa lahat ng mga kapatid ko. Ako ang sheep ng pamilya at mahilig sa barkada. Mahilig sa babae at ilang beses na akong na-kick out sa School noon. Pero dahil masyadong maimpluwensya ang aming pamilya lagi itong nagagawan ng paraan nila Daddy at Mommy. Kahit laging pasang- awa, nagawa ko pa rin matapos ang kursong kinuha ko na Business
Administration (BSBA). Hindi ko man naririnig sa mismong bibig ng aking mga magulang alam kung sakit ako ng kanilang ulo.
"Hindi pa makakuwi sila Mommy at DAddy ng mansion. Balak nilang mag stay ng Carissa Villarama Resort ng one month. Kung may balak kang mamasyal sa ibang bansa bisitahin mo muna sila para naman matuwa sila." muling wika ni Kuya Christian. Pagkatapos muli itong naupo sa swivel chair at itinutok ang mga mata sa computer.
Alam kong noon pa man gusto na nitong magresign bilang CEO ng Villarama Empire. Gusto nitong magfocus sa negosyong itinayo nila nina Ate Miracle noon pa. Kaya lang dahil matanda na si Daddy at walang ibang magmanage ng Villarama Empire wala itong choice kundi manatili sa kondisyon na papalitan ko ito balang araw. Kaya lang hindi pa talaga ako handa. Ayaw ko pang ikulong ang sarili ko sa loob ng opisina at mas gusto kong magliwaliw kasama ang present fling kong si Sofia.
Wala na din naman chance na tutulong sila Ate Miracle at Ate Arabella sa negosyo namin. Hindi na nga sila naghahabol pa ng kahit na anong mana. Nakatakdang sa akin ipapamana lahat ng kong anong meron ngayun ang Villarama Empire. Mga bilyonarya at bilyonaryo ang mga kapatid ko dahil sa kani-kanilang mga asawa. Kung tuusin lahat kami ay lumaki na nakahiga sa pera.
Siguro kung darating ang araw na mag- aasawa ako, sisiguraduhin ko na magkakaroon ako ng maraming anak. Para naman hindi ko mararanasan ang naranasan ngayun ng Pamilya namin. Nagsipag-asawa na lahat ng kapatid ko at lahat sila walang balak na manatili para pamahalaan ang naipundar na negosyo namin. mula sa kanino-ninunuan.
Sa ngayun kailangan ko munang i- enjoy ang buhay ko. Alam kong walang choice si Kuya Christian kundi manatili sa Empire hanggat hindi pa ako ready. Wala syang magagawa dahil alam kong ako lagi ang papaburan nila Daddy at Mommy dahil ako ang bunso.
"Kuya aalis na ako. Basta pagbalik ko... promise babawi ako sa iyo. Susundin ko na lahat ng gusto mo at pagtutuunan ko na ang Villarama Empire." wika ko dito. Hindi ito sumagot kaya naman naglakad na ako palabas ng opisina nito.
Ngingiti-ngiti ako habang naglalakad
palabas ng building. Alam kong lahat ng mga mata nakatoon sa akin..Lalo na ang mga mata ng mga kababaihan na halos maghubad na mapansin ko lang. Well, sorry na lang sila. Hindi ako basta -basta pumapatol kung kani-kanino lang. At isa pa kahit gaano ka pa kaganda, once na empleyado ka ng Villarama Empire, red flag ka sa akin. Kahit papaano malaki pa rin naman ang respeto ko sa negosyo ng aming pamilya. Hindi sa lahat ng oras pinapairal ko ang init ng aking katawan.
Pagdating sa labas ng buiding ay agad akong sumakay sa aking Lamborghini. Sa lahat koleksyon kong sasakyan ito ang paborito ko. Halos kasing tanda ko lang ito at dati pa itong sasakyan ni Daddy. Hiningi ko dahil sayang naman kung hindi magagamit. Wala na kasing hilig sa mga sports car si Daddy at palagi na din itong may driver kapag umaalis ng mansion kapag kasama si CRAFT (more) Mommy. Hindi din sila nawawalan ng mga kasamang bodyguard kaya mas preferred nila ang malaking sasakyan.
Agad akong dumiretso sa isa ko sa mga pag-aaring condo. Alam kong naghihintay na sa akin si Sofia doon. Hindi ko ito ibinabahay pero ang condong iyun ang ginagawa kong tagpuan kapag may mga bago akong babae. Wala akong tiwala sa mga hotel. Mas gusto ko sa sarili kong condo para sigurado ako sa aking privacy. Sa hilig ko sa mga ng babae ayaw kong magkaroon issue lalo na ng scandal. Kilala kami sa lipunan at kahit na ako ang black sheep sa pamilya iniingatan ko din naman na hindi mabahiran ng kahit na anong iskandalo ang aming reputasyon.
"Halos wala pa ng thirty minutes nakarating na ako ng aking condo. Tama nga ang hinala ko, nasa itaas na si Sofia dahil agad kong napansin ang kanyang kotse na nakapark.
Pag pasok ko sa condo ay agad akong pumunta kay sofia at sinabe ko na.
"Hubarin mo na iyan undies mo Sofia." utos ko dito. Kumalas naman ito sa
pagkakayakap sa akin at isa isang makipagpalitan ng laway sa babaeng alam kong hindi lang ako ang nakatikim
Purely sex ang nangyayari. No kissing, just sex. Pwede nila akong halikan sa lahat ng parte ng katawan ko as a part of foreplay pero bawal akong halikan sa labi. Hangang lamas lang din naman ang ginawa ko sa katawan nila. Ayaw kong halikan sila dahil pakiramdam ko hindi ko forte iyun.
Agad kong hinubad ang suot ko pantalon at tshirt. Hindi na naman dapat pang patagalin ito. Init lang ng katawan at kailangan ko itong mailabas dahil wala akong balak na magtagal sa condo. Balak kong puntahan sila Mommy at Daddy sa Batangas. Kung saan matatagpuan ang Carissa Villarama Beach Resort.
"Hubarin mo na iyan undies mo Sofia." utos ko dito. Kumalas naman ito sa
Pagkakayakap sa akin at isa isang hinubad ang kanyang undies. Agad na tumayo ang aking junior na makita ko ng hairless nitong pagkababae. Alam na alam talaga ni Sofia kung ano ang gusto ko sa kanya. Alam nyang nadudumihan ako sa babaeng may buhok sa ibabang parte ng katawan.
Agad akong naglakad patungo sa aking kwarto. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. Hinubad ko ang aking brief at nahiga sa kama.
Sumunod naman ito sa akin at agad na init ng pinaglaruan ang aking pagkalalaki. Lalo akong nakaramdam ng umpisahan na nitong dilaan at isubo ang aking junior. Expert pagdating paglalaro si Sofia kaya naman nag- ienjoy ako kapag ito ang aking katalik.
Hindi ko maiwasan na mapaungol ng maramdaman ko na unti-unti na nitong isubo ang aking junior. Hindi ko maiwasan na hawakan ito sa ulo at lalo kong idiniin ang kanyang bunganga sa junior ko. Narinig ko pa ang pag-ubo nito na parang nabilaukan. Wala akong pakialam basta ang gusto ko gawin niya ang makakapagpasaya sa akin.
"Rafael, Gosh...your so big...dahan- dahan lang." reklamo nito sa akin. Hindi ko ito pinansin bagkos bumangon ako ng kama. Binuksan ko ang drawer sa katabi kong kama at kumuha ng isang condom. Isinuot ko iyun sa aking junior at muling binalikan sa kama si Sofia. Pinatuwad ko ito at pumwesto ako sa kanyang likuran.
"I will now Sofia.!" wika ko
at hinawakan sa kanyang baywang sabay diin ng pagkalalaki ko sa kanyang naglalaway ng kuweba. Napahiyaw ito sa unang pagpasok ko dito. Masyado akong malaki at alam kong kahit na ilang ulit na kaming maglaro ng bahay bahayan ni Sofia ganito ang kanyang palaging reaksyon sa una kong pagpasok dito.
"Ohhh my! Rafael, dahan dahan lang!" hiyaw nito. Para naman akong bingi sa pakiusap nito. Wala akong pakialam! Ang gusto ko lang mailabas ang libog na aking nararamdaman.
Ilang babae na ba ang nadala ko sa condo na ito? Hindi ko na mabilang. Hindi ko naman siguro kasalanan kung maraming nahuhumaling at naghahabol na babae sa akin diba? Maraming nagsabi sa akin na parang batang Gabriel Villarama daw ako. Pero aware din naman ako na hindi babaero si Daddy katulad ko.
"you like it Sofia...stop shouting! Nawawala ako sa concentration! Wika ko dito at inabot ko ang magkabilaan nitong bundok. Nilamas ko ito kaya naman lalo itong napasigaw.
"Rafa! Andyan na ako...malapit na
akong labasan....ugghhhh!" hiyaw nito. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na tumulo ang katas nito.Wala akong pakialam bagkos pinatihaya ko ito. Isinampay ko ang kanyang dalawang paa sa balikat ko at muli ko itong inararo. Kitang kita ko ang pagtirik ng mga mata ni Sofia sa aking ginawa. Napangisi naman ako.
Muli kong hinawakan ang magkabilaan nitong bundok habang walang humpay ang pag ulos na ginawa ko. Alam kong malapit na din akong labasan. Buong gigil kong nilamas ang magkabilaan nitong bundok bago ko naramdaman ang paglabas ng mainit kong katas. Buong gigil akong naglabas pasok sA kweba ni Sofia at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang satisfaction ko. Pagod akong dumapa sa kama pagkatapos ng mainit naming sandali.
Ilang minuto din akong nagpahinga habang habol ang aking hininga.
Pagkatapos ay bumangon ako at tinanggal ang condom na suot ko. Agad ko itong itinapon sa basurahan at nilingo ang noon ay nakapikit na si Sofia sa kama.
"Magbihis ka na! Umuwi ka na sa inyo at doon mo na lang ituloy ang iyung pahinga." wika ko dito at bumangon na. Papasok na sana ako ng banyo para maligo ng magsalita ito.
"Rafa, hindi ba pwedeng dito na muna tayo? Pagod ako at pakiramdam ko walang lakas ang mga tuhod ko para magdrive." wika nito sa malambing na boses. May inis sa sistema na nilingon ko ito.
"alam mo naman siguro ang rules ko diba? Kailan pa tayo ng stay ng matagal dito after sex? May pupuntahan ako. Paglabas ko dito sa banyo gusto kong nakaalis ka na." malamig kong sagot dito pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng banyo. Ganoon lang kadali sa akin ang lahat. Kung ayaw niyang sumunod sa gusto ko tiyak na hindi na siya makakaapak sa condo na ito. Matatapos din agad ngayung araw ang relasyon namin.
Mabilisan akong naligo. Ayaw kong abutan ako ng rush hour sa daan. Balak kong sa resort na din magpahinga at matulog mamayang gabi.
Magpapaalam ako kina Mommy sa balak kong Magsama sa mga kaibigan ko papuntang Thailand. Ito ang last request ko sa kanila bago ko pamunuan ang Villarama Empire. Ito na siguRO ang pagkakataon para magkaroon direksyon ang buhay ko.
Chapter 160
RAFAEL VILLARAMA POV
Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Laking pasalamat ko ng hindi ko na naabutan pa si Sofia dito sa loob ng kwarto. Mukhang nakaalis na siya kaya naman baliwala akong pumasok sa loob ng walk in closet. May ilang piraso akong mga damit dito sa condo kahit na hindi ko naman talaga ito inuuwian. Sa nasabi ko kanina, napapagawi lang ako dito kapag may babae akong kakatagpuin.
"Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto. Sinipat ko pa ang suot kong relo ng magtaka ako dahil bigla akong nakakaamoy ng kakaiba. Inilibot ko ang tingin sa paligid at agad na kumunot ang noo ko ng makita si Sofia. Abala ito sa mini kitchen at mukhang may niluluto.
"What are you doing?" Hindi ko
mapigilang sigaw dito. Nakita ko naman ang pagkataranta nito at agad na lumingon sa akin.
"Cooking! I think this is the right time na matikman mo luto ko. Magaling akong chief Rafa. Gusto kong
ipagmalaki sa iyo ang isa sa mga menu ko." malambing na sagot nito na may ngiting nakaguhit sa labi. Galit ko itong nilapitan at hinawakan sa may pulso.
"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko sa iyo kanina? Sabi ko umuwi ka na!' galit kong sigaw. Hindi ito nakaimik at napansin ko na may luha na biglang lumabas sa kanyang mga mata.
Binitiwan ko ito at agad na pinatay ang apoy sa kalan. Pagkatapos ay hinagis ko sa lababo ang kaldero na may lamang pagkain.
"Sa lahat ng ayaw ko iyung sinusuway ang gusto ko Sofia! Napakasimple ng sinabi ko sa iyo kanina! Sabi ko umuwi ka na! Kung nagugutom ka maraming restaurant sa labas. Pwede kang kumain doon!" seryoso kong wika dito habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Rafa...gusto ko lang naman na kahit papaano magkaroon tayo ng bonding. Masama ba iyun? Tuwing nagkikita tayo, wala ng pag-uusap na naganap sa ating dalawa. Diretso na agad tayo sa kama." Humihikbi nitong wika. Agad naman tumaas ang sulok ng labi ko. Pagkatapos ay matiim itong tinitigan.
"Bakit nagsasawa ka na ba sa ganoong set up? Ano pa bang ang pag-uusapan natin? As long as pareho tayong nag- ienjoy sa kama walang problema. Kapag magkasawaan tayo,maghihiwalay din tayo Sofia!" galit kong sagot dito. Agad na nanlaki ang mga mata nito at tinitigan ako. Hindi marahil nito inaasahan ang biglang lumabas sa bibig ko.
"Ganoon lang ba kadali na magdespatsa ng babae? Oo alam kong babaero ka pero sumugal pa din ako na sana magbabago ka! Rafa, mahal kita. Mahal na mahal kaya nagtitiis ako sa trato mong ito sa akin." sagot nito. Napangisi naman ako.
"Kung pagmamahal ang kailangan mo, I think kailangan mong hanapin sa iba iyan. Huwag sa akin. I have my own rules Sofia...at alam mo iyan bago pa lang nag-umpisa ang relasyon na ito. Ngayun kung ayaw mo sa rules na iyan.. malaya kang maghanap ng iba na aayun sa standard mo!" sagot ko. Hindi ito nakaimik. Naglakad ako ng sofa at prenteng naupo.
"Linisin mo ang kalat na iyan kung gusto mo pang makabalik sa lugar na ito. I give you ten minutes to do it!" malamig kong wika. Muli itong natigilan habang nakatitig sa akin. Kinunutan ko lang ito ng noo at kinuha ang cellphone ko.
"Wala ka bang nararamdaman na kahit
katiting na pagmamahal sa akin? Isa din ba ako sa naging laruan mo?" tanong nito na bakas ang hinanakit sa boses. Hindi ako nakaimik at nilapitan ito. Pagkatapos ay hinawakan ito sa braso at seryosong sinagot.
"Bakit? Nangangarap ka bang pakakasalan kita? Noon pa man, alam mong fling lang ang relasyon na ito. Get out!" seryoso kong sagot.
Pagkatapos ay hinila ko ito palabas ng condo. Hindi naman ito nakahuma at pilit na nagpupumiglas sa akin. Pero tapos na ang lahat. Nakapagdesisyon na ako. Ayaw ko sa babaeng maraming arte.
"Darating ang araw na makakahanap ka din ng katapat mo Rafael Villarama! Wala kang kasing sama!" galit na sigaw nito sa akin at mabilis akong tinalikuran. Iiling iling ko na lang itong nasundan ng tingin. Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa naiwan nitong bag na nakapatong sa center table.
"Iyung bag mo! Huwag ka ng mag- iwan ng mga bagay na babalikan mo sa condo na ito Sofia. At pakiiwan ng duplicate key na minsan kong ipinagkatiwala sa iyo." wika ko. Muli itong bumalik at padabog na kinuha ang bag. Pagkatapos ay kinuha nito ang duplicate key sa loob ng bag at padabog na ibinagsak sa center table.
Nakangisi kong sinundan na lang ito ng tingin hanggang sa nawala ito sa aking paningin. Hay mukhang kailangan ko na naman magpalit ng lock ng pintuan ng condo.
Pagkaalis ni Sofia ay agad na din akong lumabas ng condo. Sinulyapan ko ang naiwan na kalat nito. Tatawag ko na lang ang aking tagalinis para sya na ang bahalang magligpit ng kalat na naiwan ni Sofia. Siya na din ang uutusan ko na magpalit ng lock ng pintuan.
Mabilis lang naman akong nakarating sa resort. Agad kong hinanap si Mommy at sinabi sa akin ni Manang na nasa garden malapit sa pool ito. Agad akong napangiti ng makita itong tinitingnan isa-isa ang mga bulaklak.
Dahan-dahan akong lumapit. Pagkalapit ko ay agad ko itong niyakap. Naramdamaman ko pa ang pagkagulat nito habang dahan-dahan na lumingon sa akin.
"Rafael, baby!" agad na wika nito at sumilay ang matamis na ngiti. Masaya akong kumalas pagkakayakap dito. The most beautiful woman in the world! My Mommy Carissa.
"I miss you Mom! Sorry po kung ngayun lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Nagiging abala po kasi ako nitong mga huling araw." nakagiti kong wika dito pagkatapos ay hinalikan ko ito sa noo. Niyakap ako ni Mommy ng ilang
segundo pagkatapos ay niyaya ako nitong maupo sa kalapit na bench sa gilid ng pool.
"Akala ko kinalimutan mo na kami ng Daddy mo. Alam mo bang nagtatampo na si Daddy mo sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin. Ni tawag hindi mo nagawa." " wika nito. Inalalayan ko itong maupo at umupo na din ako sa tapat nito habang hindi binibitiwan ang kanyang kamay.
Nakaramdam naman ako ng guilt sa sinabi nito. Tama, kailan ba huling nagpakita ako kina Mommy? Minsan na lang ako umuwi ng mansion simula ng gumraduate ako two years ago at inabala ko ang sarili ko sa paminsan- minsan na pagpasok ng opisina at maraming pagliliwaliw.
"Sorry Mom, babawi po ako sa inyo ngayun. Nakausap ko na po si Kuya Christian at nagpromise na ako na seseryusuhin ko na ang pag-aaral para
sa obligasyon ko sa kumpanya." sagot ko. Nakita ko ang pagguhit ng tipid na ngiti sa labi ni Mommy. Pagkatapos ay naagaw ang attention ko sa pagdating ni Daddy. Binitiwan ko ang kamay ni Mommy at agad akong tumayo at sinalubong ang paparating na si Daddy.
"Dad...kumusta po!" wika ko dito at nakangiti naman ako nitong niyakap. Pagkakalas ay tinapik ako nito sa balikat at sabay na kaming naglakad pabalik kay Mommy.
"Mabuti naman at naisipan mong magpakita Rafael. Muntik ko ng makalimutan na may isa pa pala akong anak. Buti pa ang mga kapatid mo, nagawang dumalaw sa amin linggo- linggo. Ikaw itong binata ang halos hindi magpakita sa amin at kung saan- saan nakakarating." agad na wika ni Daddy habang umuupo katabi ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapayuko dahil sa sinabi nito.
"Hayy naku, hayaan mo na ang bata. Ini -enjoy nya lang ang pagiging binata." sagot ni Mommy. Tanging mahinang buntong hininga lang naman ang ginawa ni Daddy bago ito muling nagsalita.
"Akala mo ba hindi ko alam ang pinagagawa mong bata ka? Nasabi na ni Christian sa akin na bihira ka lang pumasok ng opisina. Rafael, two years ka ng graduate at dapat alam mo na kung paano hawakan ang kompanya. Nagrereklamo na ang Kuya Christian mo. Gusto na niyang ilipat sa iyo ang pamamahala dahil kailangan ng
katuwang ng Ate Carmela mo sa kanilang sariling negosyo." mahabang wika ni Daddy. Kitang kita ang pagkadismaya sa mukha nito habang nakatitig sa akin. Nagmamakaawa ang mga matang tumitig ako kay Mommy.
"Gab...hayaan mo na muna. Hintayin na lang natin kung kailan siya
magiging ready. Huwag mo ng pagalitan ang bata. Ako na ang kakausap sa kanya. Huwag nating idaan sa init ng ulo ang lahat." sabat naman ni Mommy sabay hawak sa kamay ni Daddy. Nakita ko naman ang pagkalma ng aking ama at muli akong tinitigan.
"Ano ngayun ang plano mo? Ngayun pa lang sabihin mo na sa akin kung gusto mo o ayaw mo talagang hawakan ang kumpanya para naman makapaghire tayo ng tao na maging karapat-dapat na pansamantalang papalit sa Kuya Christian mo. Masyado ng maraming isinakripisyo ang kapatid mo at kailangan na din niyang sundin kong ano ang gusto niya. Matagal syang nakatali sa kumpanya at ito na din pagkakataon para pakawalan ko siya." mahabang Sabi ni Daddy. Bakas sa boses nito ang hinanakit kaya naman lalo akong nakaramdam ng guilt.
"Hayaan niyo po Dad. Promise... magseseryoso na po ako. Ako na ang bahala sa kompanya at ipinapangako ko na lalong lalago ang Villarama Empire sa aking mga kamay.' Sagot ko para mabawasan ang tension sa pagitan naming mag-ama. Agad ko namang napansin ang pagkalma ni Daddy habang nakatitig sa akin.
"Aasahan ko ang sinabi mong iyan Rafael. Isa pa, pwede bang umuwi ka palagi ng mansion? Masyadong malungkot ang bahay kung kami lang dalawa ng Mommy mo ang andoon. Isa pa kailangan mong magreport sa akin araw-araw kung sakaling ikaw na ang hahawak sa kumpanya." muling wika nito. Tanging tango na lang ang aking nagawa. Ayaw ko ng palakihin pa ang pag-uusap namin. Alam kong hindi ako mananalo kay Daddy at isa pa ayaw kong masaktan si Mommy. Wala namang problema kung uuwi ulit ako ng mansion. Talaga namang gusto ko
na din magtino para naman magiging proud na sila sa akin.
"Thank you anak! Uuwi na kami ng mansion bukas. May mga iinterviewhin kaming mga bagong kasambahay. Pwede ka na din sigurong sumabay dahil sa sunday pupunta lahat ng mga kapatid at pamangkin mo. Ilang family day ka ng wala kaya sana huwag kang tumanggi." wika ni Mommy. Napalunok ako. Bukas ang alis ko patungong Thailand kasama ng aking mga kaibigan.
Isa pa sabi ni Kuya Christian, one month pa silang mag-stay dito sa resort. Mukhang naisahan yata ako ni Kuya ah? Napatingin ako kay Daddy at agad kong napansin ang pagpipigil ng pagtawa nito habang nakatitig sa akin. Mukhang nabanggit na ni Kuya Christian dito ang balak kong pagpunta ng Thailand. Mapupurnada pa yata ang pag-alis ko lalo na ngayung si Mommy na ang nakikiusap sa akin.
"Mukhang may lakad na naman yata ang anak mo Sweetheart! Hindi na nakasagot eh." wika ni Daddy. Agad naman na tumitig sa akin si Mommy.
"No Dad! Balak ko talagang i-spend ang buong weekend ko sa pamilya natin. Tapos next week magseseryoso na ako sa pagpasok sa kumpanya. Give me one month at ako na po ang tuluyang hahawak sa Villarama Empire. sagot ko at pilit na ngumiti.
Napahalakhak naman si Daddy. Hindi ko naman maiwasan mapakamot sa aking ulo. Wala na. Mukhang pornada lahat ng plano ko.
"Well, Im so happy anak! Ngayun pa lang ipinagmamalaki na kita.......... Sweetheart, ikaw ang saksi sa sinabi ngayun ng bunso natin...kapag hindi nya tutuparin ang pangako nya hayaan mong ako na ang magdidisiplina sa kanya.!" ngiting ngiti na sagot ni Daddy. Napapailing na lang din si Mommy habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Tama na nga iyan. Pasok na tayo sa Villa. Kakain muna tayo at hayaan mo munang makapagpahinga ang anak mo Gab. Tiyak pagod sa byahe iyan." wika ni Mommy at tumayo na. Agad naman akong tumayo at aalalayan ko sana ito kaya lang naging mas maagap si Daddy. Nagpatiuna na silang naglakad habang magkahawak ang kamay at tahimik naman akong napasunod sa kanila habang hindi maiwasan na mapangiti.
Ito ang pangarap kong buhay. Kung mag-aasawa man ako, gusto ko kagaya ni Mommy. Kaya lang sa panahon ngayun, mahirap ng makahanap ng matinong babae. Alam kong karamihan sa mga babaeng gustong makipaglapit sa akin, kung hindi kapogihan ko ang habol, kayamanan ng aking pamilya
ang kanilang pinupuntirya.
Napatunayan ko na iyan ng maraming beses. High School pa lang ako mulat na mulat na ako sa ganitong kalalakaran sa pakikipag-relasyon. Kaya nga hindi ko nagawang magseryoso sa isang relasyon.
Chapter 161
RAFAEL VILLARAMA POV
VILLARAMA MANSION
Para labanan ang matinding boredom inabala ko ang aking sarili na lumangoy sa swimming pool. Nakaalis na ang mga kaibigan ko papuntang Thailand at katulad ng inaasahan hindi na ako sumama. Hindi ko maindian si Mommy. Kaninang umaga pa kami nakauwi at dahil hindi ako sanay na humilata ng kwarto buong maghapon naisipan ko na lang magswimming.
"Uncle! Sa wakas nagkita din tayo ulit!
Napaangat pa ang aking ulo ng marinig ko ang boses ng isa kong pamangkin, Sinipat ko ito ng tingin. Agad na tumampad sa harapan ko ang mukha ng isa sa mga kambal na anak ni Ate Miracle. Si Elijah. Hindi magkakalayo ang aming edad at
mukhang galing ito ng School base na din sa kanyang suot. Binatang binata na ang pormahan nito at hindi na ako nagtaka pa dahil halos dalawang taon lang ang agwat ng edad ko dito.
"Ang tagal din nating hindi nagkita Uncle! Buti natyempuhan kita ngayun. "muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng tawagin ako nitong uncle". Ilang beses ko na itong sinabihan na tawagin ako sa pangalan ko pero sadyang matigas ang ulo nito. Hindi nakikinig sa pakiusap.
Lumangoy ako papuntang gilid ng pool para marinig kong ano pa ang sasabihin nito.
"Pwede ba! Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng 'Uncle'. Halos magkasing edad lang tayo at kung umasta ka akala mo sampung taon ang agwat ng edad ko sa iyo!' gigil kong wika dito. Tumawa naman ito.
"Sorry...bilin kasi ni Mommy sa akin "
Uncle' ang itawag namin sa iyo dahil magkapatid kayo. Hayaan mo kapag tayong dalawa lang tatawagin kita sa pangalan mo. Basta isama mo ako sa mga gimik mo." Nakangisi nitong wika. iiling-iling naman ako dito habang seryosong sinisipat ito.
"Ano ang kailangan mo? Bukas pa ang family day ah?" Nakakunot ang noo kong tanong. Friday pa lang ngayun at bukas ng hapon gaganapin ang family day hanggang linggo. Yes...two days na. Ibig sabihin kapag weekend required na dumalaw dito sa mansion lahat ng kapatid ko.
"Hindi mo ba alam? Dito na ako naglalagi sa mansion..Palibhasa kasi bihira ka lang kung umuwi dito kaya hindi mo tuloy alam ang mga kaganapan dito sa mansion." natatawa nitong sagot. Lalo ko itong kinunutan ng noo.
Kailan pa ito dito? Hindi ito
nababanggit nila Mommy at Daddy ah?
"Inukupa ko ang bakanteng kwarto katabi ng room mo. Mas gusto ko dito sa mansion dahil mas malapit sa School na pinapasukan ko. Isa pa gusto kong makasama lagi si Mama Carissa at Papa Gabriel." muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapaismid. Alam kong nagsisipsip lang naman ito kila Mommy at Daddy.
"Buti pinayagan ka nila Ate at Kuya Roldan na dumito muna." walang gana kong tanong. Napangiti ito bago sumagot.
"Oo naman! Mas maigi nga dumito muna ako eh. Alam mo naman na hindi kami magkasundo ng kakambal kong si Elias. Tahimik ang bahay kapag hindi kami magkakasalubong ng kakambal ko." wika nito. Napailing na lang ako. Noon pa man aware na ako na parang aso at pusa ang kambal na anak ni Ate Miracle. Kahit maliliit na bagay. laging pinagtatalunan.
Sabay na dumako ang aming tingin sa tatlong tao na kasa-kasama ng guard papuntang garden. Nagtataka akong napatitig kay Elijah.
"I think sila na iyung tatlong
kasambahay na ipinadala ng agency. Sana naman sa pagkakataon na ito, mga seksing kasambahay naman ang kunin ni Mama Carissa. Sawa na ako sa mga losyang na kasambahay.
Nakakawalang gana lalo na kapag sila ang maghahain ng pagkain." napataas pa ang aking kilay ng marinig ko ang sinabi ni Elijah. Mukhang babaero din itong pamangkin ko. Mana sa akin. Sabagay, binatang-binata na din naman ito at alam kong katulad ko tirador din ito ng mga chiks.
"Tumigil ka na nga! Huwag mong sabihin pati kasambahay papatusin mo. Magkaroon ka naman ng delicadeza." sagot ko dito. Tumawa naman ito.
"Bakit meron ka ba noon Uncle? Nakakasawa na din ako ang mga babaeng may class. Akala mo kung sinong virgin kumilos. Ang aarte pero kapag kumain ng manoy akala mo mauubusan." tumatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing. Mukhang pagdating sa babae, expert na nga itong si Elijah. Pwede ko na pala itong gawing tropa eh.
"Hinaan mo ang boses mo! Marinig ka ni Mommy malalagot ka talaga!" sagot ko. Ngumisi lang ito tsaka naglakad palayo sa akin.
"Sisilipin ko lang ang mga bagong tsimimay. Ang alam ko iinterviewhin pa rin sila ni Mama Carissa bago tuluyang makapasok dito sa mansion. Babalik ako kapag may maganda akong makita." wika nito sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako habang pinapanood ang papalayo nitong pigura.
Hindi na din ako nagtagal sa swimming pool. Agad na din akong umakyat ng kwarto para maligo. Balak kong matulog na lang muna. Kailangan ko ng maraming pahinga dahil nagpromise na ako kina Mommy at Daddy na magseseryoso na ako sa paghawak sa Villarama Empire.
Paidlip pa lang ako ng marinig ko ang malakas na katok sa aking pintuan. Yamot akong napabangon at pinagbuksan ito.
"What?" hindi ko mapigilan na sigaw ng mabungaran ko ang nakangiting si Elijah. Nakabihis na ito ng damit pambahay at para wala lang dito ang inis ko at pumasok ito sa loob ng kwarto. Diretso ito sa aking kama at humilata. Wala sa sariling naihilamos ko ang aking kamay sa mukha dahil sa pinipigilang inis.
"Ano na naman ang kailangan mo! Elijah, nagpapahinga ako!" yamot kong wika. Hindi ako pinansin ang nginisihan ako.
"Nakita ko na ang mga bagong tsimimay! Hired silang lahat ni Mama. "excited nitong wika. Hindi na ako umimik. Anong special doon?
"Ok..mas maigi iyan para marami kang mautusan." walang gana kong sagot at humiga ulit sa kama. Tinakpan ko pa ng unan ang aking mukha para maramdaman nito na gusto ko ng matulog. Manang-mana talaga kay Ate Miracle itong si Elijah. Talo pa ang babae sa sobrang kulit.
"Saglit lang. Hindi pa ako tapos. Nakita ko ang hitsura ng isang tsimimay. Ang ganda niya! Kahit parang sunog sa araw ang kanyang balat pero hindi pa rin maikakaila ang kagandahan niya. Halika puntahan natin sa servants Quarter para maniwala ka" narinig
kong wika nito kasabay ng pagkatanggal ng unan sa aking mukha. Yamot akong napabangon at seryosong tinitigan si Elijah.
"Umayos ka nga! Ang kulit mo talaga!" Asar na wika ko dito. Pagkatapos seryoso kong tinitigan.
"Isa pa..hindi mo ba alam na isa sa mga rules sa mansion ang bawal makipag-fling sa mga kasambahay? Oo, babaero ako pero hindi ako papatol sa mga empleyado ng pamilya." sagot ko dito. Natigilan ito pagkatapos ay nginisihan ako.
"Sinabi mo iyan ha? Baka kapag makita mo siya mas gugustuhin mong magpagala-gala dito sa mansion ng walang suot na brief." Natatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan na batukan ito. Loko loko talaga!
"Lumabas ka na nga! Mag-aral ka para naman hindi ka mangamote sa klase!"
sigaw ko dito at itinulak pa paalis ng kama. Tatawa-tawa naman itong lumabas ng silid. Naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil kuhang kuha talaga ang inis ko nitong si Elijah.
Mukhang magiging sakit ng ulo ko ang pamangkin kong ito. Hanggang kailan kaya ito maglalagi dito sa mansion?
Hindi ko na namalayan pang nakatulog pala ako. Eksakto alas sinko ng hapon nagising ako. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Lumabas ng kwarto at naglakad palabas ng mansion.
Agad kong sinipat ang buong paligid pagkalabas ko.. Marahan akong napabuntong hininga at naglalakad papuntang pool. Masarap talaga
tumambay dito sa labas ng mansion kapag hapon. Pakiramdam ko may
kung anong humahaplos sa puso ko kapag nakikita ko ang mga pananim na halaman na alagang alaga ni Mommy.
Mga plants collection pa ang mga iyun ni Grandmama. Minana ni Mommy at lalo itong dumadami sa paglipas ng panahon. Lumalawak din ang mga nasasakupan. Para kaming may flower shop sa loob ng bakuran kapag sabay- sabay na namumulaklak ang mga ito. Katulad ngayun, masarap sa mata at nakakarelax.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ko ng maagaw ang aking attetion sa isang babaeng biglang lumabas sa garden. May bitbit na timba at tabo. Hindi ito nakauniform na pang-kasambahay kaya nagtataka akong nasundan ito ng tingin. Nakasuot ng mahabang palda at malaking tshirt. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito pero para itong teenager.
Nagtaka pa ako ng huminto ito sa may pool. Tiningnan ang tubig at sa labis na gulat ko sumalok ito ng tubig gamit ang tabo sabay isinalin sa timba. Agad na nagsalubong ang aking kilay at wala sa sariling nilapitan ito.
"What are you doing?" seryoso kong tanong sa mataas na boses. Nakita ko ang pagkagulat nito at agad na napatayo. Nakanganga pa ito habang tumitig sa akin.
"Po?" tanong nito. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa hitsura nito. Namimilog ang mga matang nakatitig sa akin at hindi ko maikakaila na maganda ito. Walang kahit na anong bahid na make up ang kanyang mukha. Ni hindi nga yata naglagay kahit pulbo lang. Agad na naagaw sa attention ko ang mamula-mula nitong labi. Napaka
-natural at parang ang sarap halikan. Wala sa sariling naipilig ko ang aking ulo ng maisip ko iyun. Kailan pa ako nagkaroon ng interes para halikan ang isang babae?
"I said what are you doing? Bakit dito ka kumukuha ng tubig sa pool?" muli kong tanong. Napansin ko ang pagkurap nito tsaka itinoon ang mga mata sa timba na may laman ng tubig.
"Mag-mag--magdidilig po ako Sir. Sabi kasi ni Mam, iaassign nya daw po ako sa paga-aalaga ng mga halaman." sagot nito sa nangangatal na boses. Lalo namang nagsalubong ang kilay ko
sa narinig dito.
"Magdidilig? At dito ka pa talaga sa pool kumuha ng tubig? Are you stupid? "inis kong tanong dito. Napayuko ito.
"Po? Opo..." sagot nito. Lalo namang nagdikit ang kilay ko. Nang-aasar ba ito?
! Saang lupalop ka ba ng mundo galing! Bakit ang tanga-tanga mong kausap." hindi ko mapigilan na sigaw dito. Lalo itong napayuko kaya naman malakas akong napabuntong hininga.
"Pa-pasensya na po Sir....hi-hindi ko po kasi naintindihan ang iba mong sinasabi....ta-tagalog lang po ang alam ko." takot na sagot nito. Lalo naman akong nagulat na napatitig dito. Pagkatapos ay agad kong napansin ang paparating na si Manang Esme. Ang
matagal na naming mayordoma.
"Diyos ko! Pasensya na Sir Rafael. Bago siya at hindi pa niya alam ang gagawin niya." agad na wika nito ng makalapit sa amin. Mukhang kanina pa nito nakikita kung paano ko kastiguhin ang babaeng kaharap ko.
"Bakit sya lumabas dito ng hindi nakasuot ng uniform? At sino ang nag- utos sa kanya na ang tubig dito sa pool ang gamiting pandilig sa garden? Hindi nya ba alam na posibleng mamatay ang mga pananim ni Mommy kapag itong tubig na ito ang gagamitin?
tanong ko sabay sipa ng timba.
"Pa--pasensya na Sir. Hin-hindi ko napansin na lumabas pala siya ng servants quarter. Akala ko po kasi
nagpapahinga lang siya. Bukas pa po ang umpisa ng trabaho nila kaya wala pa siyang uniform. Hindi ko pa po nabibigyan." hinging dispensa ni Manang Esme. Napabuntong hininga at ibinaling ang tingin sa babaeng hindi ko alam kung saan galing. Maluha- luha na ito habang nakayuko.
"Veronica...ano ka ba namang bata ka! HIndi bat sinabi sa iyo kanina ni Madam Carissa na magpahinga muna kayo. Bukas ko pa kayo tuturuan sa mga gagawin niyo dito sa mansion. Isa pa tuturuan ka din ng hardenero kung paano ang gagawing pag-aalaga sa mga halaman ni Madam." baling ni Manang dito. Muling napataas ang kilay ko. Veronica? Kay gandang pangalan mukhang tanga naman. Isa pa mukhang minor de edad pa ito. Bakit tumanggap si Mommy ng ganitong klaseng kasambahay.
"Pasensya na po..hindi po kasi ako
makatulog Manang...kaya nagpasya na lang akong diligan ang halaman ni Madam." sagot nito.
"Pasensya na po kayo Sir...hahayaan niyo po. Hindi na ito mauulit." hinging dispensa ni Manang Esme at ito na ang nagkusang kumuha ng natumbang timba.
Pagkatapos ay agad nitong hinila si Veronica paalis sa harap ko. Hindi na din ito muling tumitingin sa akin hanggang sa makaalis. Napapailing na lang akong nasundan sila ng tingin.
Chapter 162
VERONICA MENDOZA POV
Gusto kong takasan ang hirap ng buhay sa probensya kaya ng yayain ako ng kapitbahay namin na si Ethel na lumuwas ng Manila hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad akong nagpaalam kila Nanay at Tatay na maghahanap ng trabaho at magpapadala na lang buwan-buwan para makatulong sa gastusin ng lima ko pang kapatid.
Oo, mahirap na nga ang buhay nagawa pa talagang magparami ng anak ng aking mga magulang. Anim kami lahat at ako ang panganay. Lahat ng mga kapatid ko ay halos ako na din ang nag- aalaga dahil kailangang tulungan ni Nanay si tatay sa paghahanap buhay. Lagi itong kasa-kasama ni Tatay kapag pumapalaot sila para manghuli ng Isda.
Kaya nga halos hindi ako makaapak ng iskwelahan, Grade 4 lang ang tinapos ko sa edad kong daisy otso. Gusto ko mang mag-aral pero talagang hirap kami. Mabuti na lang at nagawa kong makumbinsi sila Nanay at Tatay na sasama na lang ako kay Ethel dito sa Manila. Kaya lang pagdating dito sa siyudad walang sino man ang gustong tumanggap sa akin. Sa isang past food chain nagtatrabaho si Ethel at isa sa mga requirements doon ay ang nakapagtapos man lang kahit High School. Hindi nga ako nakatapos ng Elementary kaya talagang hindi ako matatanggap doon.
Mabuti na lang mabait si Ethel.
Hinayaan ako nitong pansamantalng tumira muna sa inuupahan nitong kwarto. Kaya lang hindi ako pwedeng manatili ng matagal doon. Nagdemand kasi ang landlady nito na magdagdag ng upa dahil dalawa na daw kaming nakatira doon.
Mabuti na lang itinuro ako sa isang agency ng isa sa mga kaibigan ni Ethel. Agency na nagdedeploy ng mga maid sa ibat ibang may kayang pamilya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong nagpasa ng Biodata. Kahit anong trabaho papasukin ko makapagpadala lang ng pera sa probensya para sa mga kapatid ko.
Alam kong magugutom na naman sila lalo na at parating na naman ang panahon ng habagat. Kapag mga ganoong pagkakataon bawal maglayag ang mga maliliit na banka at gutom ang aabutin ng aking mga magulang at mga kapatid.
Halos isang linggo lang ang hinintay ko at agad akong nakatanggap ng tawag mula sa agency. Isa daw ako sa mga napili nila na ipadala sa isang mayamang pamilya na naghahanap ng mga kasambahay. Halos hilahin ko na ang oras sa matinding excitement. Sa wakas, natapos na din ang paghihintay
ko. Magkakaroon na ako ng trabaho.
Tatlo daw ang kailangan sa mansion kaya magkasabay kaming tatlo na hinatid ng sasakyan ng agency. Medyo may edad na ang mga kasama ko at ako lang yata ang bata-bata pa.. Gayunpaman hindi iyun nakakabawas sa layunin kong magkapagtrabaho.
"Pagkahinto pa lang namin sa tapat ng gate ay agad na akong namangha sa aking nakita. Sa labas pa lang kita ko na ang karangyaan ng buong paligid. Agad ko namang napansin na bumukas ang mataas na gate. May lumabas na dalawang gwardiya at kinausap ito ng kasama namin na taga - agency.
Sabay-sabay na kaming
nagsipagbabaan ng senyasan kami ng kasama namin. Tinitigan pa kami ng mga gwardiya tsaka tumango.
"Kanina pa sila hinihintay ni Madam. Pwede ka ng umalis. Ako na ang bahalang magdala sa kanila sa loob." wika ng isang medyo may edad ng guard. Kinabahan ako ng mga sandaling iyun sa isipin na hindi na pala kami sasamahan ng may ari ng agency patungo sa aming employer.
"Magpakabait kayo sa loob ha? Tumawag na lang kayo ng opisina kapag may problema." bilin pa nito sa amin. Sabay-sabay kaming nagsipagtanguan at agad na itong umalis. Agad naman kaming niyaya ng guard na pumasok na sa loob.
"Pagkapasok pa lang ng gate ay halos mapanganga ako sa aking mga nakita. Sobrang laki ng bahay. Pakiramdam ko nasa isa akong paraiso lalo na ng tumampad sa paningin ko ang 'malawak na bakuran. Sa kabilang dako naman ay ang mga nagagandahang halaman na sa tanang buhay ko ngayun ko pa lang nakita.
Napasulyap din ako sa isang parang lawa. Kulay blue ang tubig at hindi ko akalain na sa gitna ng Maynila merong ganoon.
Tahimik lang akong nakasunod sa mga kasamahan ko habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid. Pakiramdam ko nasa kabilang mundo ako. Biglang naging tahimik ang paligid. Kung
kanina ay puro sasakyan ang aming nakikita dito naman sa loob ng bakuran na ito wala na akong narinig na kahit na anong ingay.
"Good afternoon Madam! Sila na po ang mga kasambahay na ipinadala ng agency." napapitag pa ako ng biglang nagsalita si Manong guard. Abala ang aking mga mata sa kakatingin sa buong paligid at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang parang malawak na pahingahan. May mga nakikita akong mga upuan at lamesa.
Agad na dumako ang aking tingin sa isang babae. Prenteng nakaupo ito habang isa isa kaming tinitigan. Hindi ko naman maiwasan mamangha sa hitsura nito. Ang ganda niya. Para siyang buhay na manika.
Pakiramdam ko pati mga mata nya ay nakangiti habang nakatitig sa amin. Napakagaan ng kanyang awra at kahit na medyo may edad na ay kitang kita ko na mabait ito. Siguro kung naging bata-bata pa ito iisipin kong Diyosa ito. Na isa itong artista.
"Sige na. Ewan mo na sila dito. Gusto ko silang makausap sandali." narinig kong sagot nito kay Manong guard. Napalunok ako ng makailang ulit lalo na ng ituro nito ang upuan sa tapat nito. Agad naman kaming tumalima. Pagkatapos ay binalingan nito ang babaeng nakatayo sa likod nito.
"Magdala kayo ng meryenda dito." utos nito.
"Masusunod po Madam."sagot naman ng inutusan nito. Agad itong umalis at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansion.
"Ako nga pala si Carissa Villarama.
Last week pa ako nagrequest sa agency niyo na magpadala ng mga
kasambahay dito sa mansion.
Kailangang kailangan ko talaga ng
kasambahay ngayun dahil nagresign na ang tatlong papalitan niyo.Matatanda na sila at hindi na nila kayang magtrabaho." panimulang wika nito. Hindi maialis-alis ang tingin ko sa mukha nito. Nagulat pa ako ng tumitig ito sa akin. llang sandaling napakunot ang noo nito bago nagsalita.
"Ikaw! Mukhang bata ka pa ah? Thirty years old and above ang hinahanap ko. " wika nito habang nakatingin sa akin.
Kinabahan naman ako. Mukhang bulilyaso pa yata ang pagpasok ko sa bahay na ito. Wala namang nabanggit ang agency tungkol dito.
"Pa-pasensya na po Mam. Masipag naman po ako. Kailangan ko na pong makapasok ng trabaho. Magugutom po ang pamilya ko kapag hindi po ako makahanap kaagad ng trabaho." sagot ko sa mangingiyak-ngiyak na boses. Sandali itong natigilan at mataman akong tinitigan. Pagkatapos kinuha nito ang isang papel na nasa harap nito.
"Veronica right?" tanong nito. Agad akong napatango.
"Daisy otso ka pa lang Iha. Iniiwasan namin na tumaggap ng mga
kasambahay sa ganiyang edad." wika nito. Hindi ko na mapigilan pa ang mapaiyak. Mukhang hindi talaga ako matatanggap. Mukha lang palang mabait itong kaharap ko. Wala naman palang pakialam sa kalagayan ng isang tao. Lalo na sa katulad kong naghihirap.
"Mam, maawa na po kayo sa akin. Kailangang-kailangan ko po ng trabaho." tumutulo ang luha na sagot ko dito. Hindi ito nakaimik at tinitigan ako nito.
"Hi Mama! Nandito na ako!" agad kong pinahiran ang luha sa aking mga mata ng may biglang nagsalita. Sabay- sabay pang bumaling ang aming tingin sa parating na lalaki.
Diyos ko! kung maganda si Madam, ang pogi naman ng parating na lalaki. Bahay ba ito ng magaganda at gwapong nilalang? Ang tangkad niya at agad itong humalik sa pisngi ni Madam ng makalapit. Pagkatapos ay kita ko ang pagsulyap nito sa aming tatlo.
"Sila po ba ang new kasambahay dito sa mansion Ma?" tanong nito. Anak siguro ito ni Madam. Mama ang tawag eh.
"Yes....and be good to them ok?"
Nakangiting sagot ni Madam Carissa. Napayuko ulit ako. Sakto naman na
dumating ang kasambahay na inutusan nito na kumuha ng meryenda. May kasama pa ito na isa pa at may bitbit ng tray na may lamang mga pagkain. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Pandesal at kape lang ang kinain ko kaninang umaga. Hindi ko maiwasang mapalunok ng makita kong isa-isa ng inilatag sa lamesa ang mga pagkain.
"Kumain muna kayo. Pagkatapos nito pwede na kayong magpahinga. Bukas niyo na lang umpisahan ang inyong mga trabaho." wika ni Madam habang nakangiti. Hindi ko naman mapigilan ang sumagot dahil sa sinabi nito.
"Ibig niyo pong sabihin, tanggap na din po ako?" umaasang tanong ko. Muli itong tumitig sa akin at tipid na ngumiti.
"Yes...nakita mo ba ang mga halaman na iyan? Diyan kita iaasign. Papaturuan na lang kita sa paalis na hardenero sa mga dapat mong gawin." sagot nito.
"Siya nga pala. Si Elijah...isa sa mga apo ko. Dito siya nakatira sa mansion sa ngayun. May isa pa akong anak na binata...Si Rafael. Ako at ang asawa kong si Gabriel lang naman ang palaging nandito sa mansion...."
"Every saturday and sunday family day
ng pamilya kaya medyo maraming
gagawin. Pupunta dito ang mga anak
ko sa mga araw na iyan kaya
makikilala niyo din sila. Huwag kayong mag-alala, mababait kami sa mga kasambahay. Lalo na kapag maayos kayong magtrabaho. Karamihan sa mga kasambahay dito na tumanda sa 'amin...kaya aasahan ko na magiging maayos ang serbisyo niyo sa aming pamilya. " wika nito
Sabay-sabay kaming tatlo na nagsipagtanguan. Hindi ko naman
maipaliwanag ang tuwa na aking nararamdaman. Sa wakas, may trabaho na ako. Mabait naman pala si Madam. Napansin marahil ang pag- iyak ko kanina. Asahan niya gagalingan ko ang trabaho. Magiging masipag ako dito sa loob ng mansion.
"Mama, buti naman may nahalong bata sa kanila. At least hindi na magiging boring ang mansion. May bata ng kasambahay eh." akmang iinom na ako ng juice ng muling magsalita ang lalaking nagngangalang Elijah. Hindi naman sumagot si Madam at nakangiti nitong niyaya ang apo na pumasok na sa loob ng mansion. Pero bago ito pumasok ay tumingin muna ito sa gawi namin.
"Manang Espe...ikaw na ang bahala sa kanila. Bukas pa sila mag-uumpisa kaya ituro niyo sa kanila ang kanilang magiging quarter. Kayong tatlo, siya si Manang Espe...siya ang mayordoma dito kaya siya ang kadalasan na magpapaalala sa inyo sa mga dapat gawin dito sa mansion. Siya na din ang magsasabi sa mga rules ng mansion." wika nito.
"Opo Madam." sabay-sabay naming sagot. Tumango ito at tuluyan na kaming tinalikuran.
Pagkatapos mag meryenda ay agad nga kaming dinala sa servants quarter. Natuwa pa ako dahil mukhang magiging komportable ako. Malayo ito sa hitsura sa boarding house ni Ethel. May foam ang higaan namin at may telebesyon pa.
"Ikaw si Veronica diba? Doon ka sa quarter ko Iha. Ikaw na lang ang gagawin kong kasama doon." wika ni Manang Espe sa akin. Medyo may edad na din ito. Nagulat pa ako dahil sa dinami-daming katulong dito sa mansion ako ang napili nitong makakasama sa quarter. Nabanggit nito na kada kwarto daw ay may dalawang higaan at dalawang kasambahay ang magkakasama. Agad naman akong tumango at sumunod na dito ng mag-umpisa ng maglakad kami papunta sa kwarto nito.
"Diyan ka sa kabila. Ngayun lang ako ng kukuha makakasama sa quarter. Since ikaw ang pinakabata sa lahat at mukhang mabait ka naman dito ka na lang ha? Para mabilis din kitang maturuan sa mga dapat mong gawin." wika nito. Agad akong tumango.
"Oh siya...ikaw na ang bahala dito. Babalik na ako ng kusina dahil mag- uumpisa ng magluto ng hapunan ang chef ng mansion." wika nito at agad ng umalis. Hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko ng mapag-isa ako. Wala ng atrasan ito. Makakapagpadala na ako ng pera kina Nanay sa katapusan ng buwan.
Agad akong nahiga sa higaan ko. Ang lambot at ang bango ng higaan. First time kong humiga sa kutson dahil sa banig lang kami natutulog sa probensiya. Sa boarding house naman ni Ethel sa sahig ako natutulog.
Nagsasapin lang ako ng kumot.
Sa sobrang excited ko biling baliktad ako sa higaan. Kahit gaano pa kasarap mahiga sa higaang kutson pakiramdam ko namamahay ako.
Hindi ako makatulog kaya nagpasya akong lumabas muna. Sabi ni Mam, sa harden daw ako maassign. Muli akong napangiti ng maalala ko ang magagandang bulaklak doon. Agad akong lumabas ng silid namin ni Manang Espe at naglakad patungong garden.
Agad na tumampad sa paningin ko ang mga nagagandahang halaman. Sa hindi sinasadya ay muling natoon ang attention ko sa lawa. Napangiti pa ako ng maisipan kong diligan na lang muna ang mga halaman. Wala naman akong gagawin ngayung hapon at sayang naman kung tutunganga lang ako.
Agad akong naghagilap ng tabo at timba. Mabuti na lang at may nahanap ako sa likod ng mansion kaya naman dali-dali akong naglakad patungo sa lawa. Agad akong sumalok ng tubig at bigla akong napatayo ng may narinig akong sumigaw mula sa likuran ko.
"What are you doing?" wika nito sa mataas na boses. Agad akong nangatal sa takot at wala sa sariling tumingin sa gawi nito. Halos mapanganga ako ng masilayan ang hitsura nito. Ang gwapo niya at kahit na naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin hindi ko maiwasan na maramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Kahit hindi ko masyadong
naiintindihan ang sinasabi nito alam kong galit ito. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig sa akin at pakiramdam ko ako na ang pinakatangang nilalang sa mundo lalo na ng malaman ko na hindi pala lawa ang tawag sa bagay na may tubig. Swimming pool daw at hindi pwedeng idilig sa halaman dahil baka mamatay ang koleksyon ni Madam.
Mabuti na lang at dumating si Manang Espe. Kung hindi baka nahimatay na ako sa takot. Kung gaano ka- pogi ang kaharap ko ganoon naman kasama ang kanyang ugali. Kung makasigaw akala niya tao-tauhan lang ang kanyang kaharap.
Chapter 163
VERONICA POV
Halos maiyak ako ng tuluyan na akong hilahin ni Manang Espe palayo kay Sir Rafael. Hindi ko akalain na sa unang araw ko sa trabahong ito makakaranas ako ng ganitong kahihiyan. Malay ko ba sa swimming pool na iyan. Walang ganyan sa probensiya namin. Meron dagat at lawa.
"Anong nangyari dyan Manang? Bakit po umiiyak." narinig ko pang tanong ng isang babae. Kasambahay din ito base sa kanyang suot na uniform.
"Naku Maricar, pinagalitan ni Sir Rafael. Alam mo naman ang ugali ng amo natin na iyun. Ibang iba sa ugali ng Mommy at Daddy niya. Pati na din ng kanyang mga kapatid." Narinig kong sagot ni Manang Espe. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at tumitig kay Manang.
"Manang, matatanggal po ba ako? Nakakatakot po sya. Galit na galit sya sa akin kanina." Sagot ko. Tinitigan ako nito tsaka umiling.
"Hindi naman si Sir Rafael ang magdedesisyon tungkol sa bagay na iyan. Ang mabuti pa iwasan mo na lang ng magkasalubong kayo. Sa lahat ng tao dito sa mansion, ugali nya ang hindi maiintindihan. Palibhasa kasi bunso kaya ganoon." sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Salamat naman po kung ganoon. Kailangang kailangan ko po talaga ang trabahong ito. Marami po akong maliliit na kapatid na umaasa sa padala kong pera." sagot ko. Nakangiti naman ako nitong tinitigan.
"Huwag mo na lang pansinin ang ugali ni Sir Rafael. Masasanay ka din sa kanya. Hayaan mo, ako mismo ang personal na magtuturo sa iyo sa mga dapat mong gawin. Para hindi ka magkamali." nakangiti nitong sagot. Kahit papaano nagpapasalamat ako dahil mabait sa akin ito. Ito ang mayordoma at malaking bagay sa akin na makasundo ko ito.
"Ganyan lang naman iyan si Sir Rafael, mabilis magalit pero hindi naman iyan nagtatanim ng sama ng loob. Marami tayo dito at tiyak na makakalimutan nya din ang nangyari kanina." sagot naman ni Ate Maricar. Para naman akong napabunutan ng tinik at hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Sige na.. Bumalik ka na ng servants quarter. Magpahinga ka para bukas may lakas ka sa mga trabahong gagawin mo. Huwag mo ng isipin ang mga nangyari kanina. Ibibigay ko mamaya ang uniform mo." Wika ni Manang. Tumango naman ako dito at nagpalaam na sa kanilang dalawa ni Ate Maricar. Muli akong bumalik ng kwarto at nahiga habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Malaki naman ang mansion. Siguro iiwasan ko na nga lang si Sir Rafael. Nabanggit ni Ate Maricar marami kami dito ibig sabihin lang nyan malaki ang tsansa na hindi na muling magkrus ang landas namin.
Kailangan ko lang sigurong mag-ingat sa mga susunod kong kilos. Kapag hindi ko alam uugaliin ko na lang ang magtanong sa mga kasamahan ko. Ang importante may trabaho ako at mukhang mabait naman si Madam. Tinanggap niya pa nga ako kahit na hindi ako umabot sa edad na gusto nito. Sana lang magiging maayos ang pagtatrabaho ko sa bahay na ito. Para naman matulungan ko na sila Nanay at Tatay.
***
***
Rafael
iiling iling akong muling pumasok sa loob ng mansion. Ang ganda ng gising ko kanina. Nasira lang sa tangang babae na iyun. Siguro isa iyun sa mga kasambahay na dumating kanina dito sa mansion. Saan kaya napulot ni Mommy ang babaeng iyun. Mukhang tatanga-tanga. Wala pang isang araw gumawa agad na kapalpakan.
Pabalik sana ako ng kwarto na nakasalubong ko si Daddy pababa ng hagdan. Mukhang kakagising lang nito at palinga-linga pa habang naglalakad.
"Good Afternoon Dad!" bati ko dito. Nakangiti naman itong tumango.
"Napansin mo ba ang Mommy mo?" agad na tanong ito. Umiling ako.
"Baka nasa kitchen." sagot ko. Pagkatapos ay agad-na itong naglakad papuntang kusina. Nasundan ko na lang ito ng tingin at bumalik na ako ng aking kwarto.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa Mansion. Hindi ko alam kung paano palilipasin ang oras. Hindi ako sanay na magkukulong lang sa kwarto ng walang ginagawa...
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng muli akong bumaba. Nagpasya na lang akong pumunta sa gazebo. At least doon makakapag-relax ako habang nagpapalipas ng oras. Malapit na din kami kumain ng dinner kaya magpapahangin na lang muna ako doon.
Pagdating ng Gazebo ay agad kong napansin sila Mommy at Daddy. May kung anong sinusulat si Mommy sa isang papel. Agad akong lumapit sa kanilang dalawa.
"Oh Mabuti naman at naisipan mong sumunod dito anak. Tatanungin kita kung ano ang gusto mong pagkain bukas. Nandito ang mga kapatid at
pamangkin mo at ngayun pa lang
pinapahanda ko na ang mga lulutuin." wika ni Mommy sa akin. Pilit akong ngumiti bago sumagot.
"Kahit ano na lang Mom. Hindi naman ako mapili sa pagkain." sagot ko.
"Sabagay...marami naman akong ipinalutong putahe. Sya nga pala Gab, dumating na kanina ang mga bagong kasambahay, pinagpahinga ko muna at bukas na sila mag-uumpisa ng trabaho. " wika ni Mommy kay Daddy. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila ng muli kong maalala ang mukha ng babae kanina na nagsasalok ng tubig sa swimming pool. Hanggang ngayun kumukulo pa rin ang dugo ko sa nakitang katangahan na ginawa nito kanina.
"Mabuti naman kung ganoon. At least may gagawa na sa mga trabahong naiwan ng mga nagresign na." sagot ni Daddy.
"Iyun nga eh Mukhang mga matitino naman sila. Kaya lang may nahalo sa kanilang teenager...Actually, hindi naman talaga minor dahil eighteen na sya kaya lang alam mo naman na above thirty years old ang tinatanggap natin dito sa mansion diba?" wika ni Mommy. Napangiti naman si Daddy at hinawi pa nito ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha ni Mommy.
"Eh di ibalik natin sa agency. Nasaan ba siya? Ipahatid na lang natin sa driver. Dapat kapag mga ganitong bagay, sumunod sila sa request ng client nila' sagot ni Daddy. Natitigilan ako.
"Iyun nga ang naisip ko kanina. Kaya lang naawa ako. Halos umiyak kanina habang nagmamakaawa. Kailangang kailangan niya daw ng trabaho." sagot ni Mommy. Natigilan naman si Daddy at napatango-tango. Muli kong naisip ang tangang babae. Siguro siya ang tinutukoy ni Mommy Mukhang teenager pa nga ang babaeng iyun. At siya din siguro ang tinutukoy ni Elijah kanina.
"Well, nasa sa iyo ang lahat ng desisyon Sweetheart! As long as magagampanan ng maayos ang trabaho walang problema sa akin " sagot ni Daddy Napangiti naman si Mommy.
"Iyan din ang naisip ko kanina. Hayaan mo, paoobserbahan ko na lang siya kay Manang. Mukhang mabait naman ang batang iyun" sagot ni Mommy. Napangiti naman si Daddy at binalingan ako.
"Siya nga pala Rafael Kausap ko kanina ang Kuya Christian mo. Personal ka daw nyang tuturuan simula sa Lunes kaya ihanda mo ang sarili mo. Ayaw ko ng makarinig ng kahit na anong excuses mula sa iyo ha?
Kailangan mong magfocus at iwasan mo muna ang kakadala ng babae sa isa sa mga condo mo. Dito ka muna umuwi hanggat hindi mo pa kabisado ang pamamalakad ng kompanya." wika ni Daddy. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Paano nito nalaman na may condo ako at doon ko dinadala ang nagiging mga babae ko?
"Ikaw talagang bata ka! Tigil-tigilan mo na nga ang kakalaro sa damdamin ng mga nagiging girl friend mo. Hindi ka na bumabata Rafael ha? Baka mamaya ma-karma ka dyan sa ginagawa mong iyan." sabat naman ni Mommy. Hindi ko naman mapigilan ang mapayuko. Hindi ko akalain na aware ang mga magulang ko sa mga kalokohan na ginagawa ko.
"Mom, sa simula pa lang pareho naman naming gusto iyun. Halos karamihan sa kanila ayaw ng commitment kaya walang karma na mangyayari." sagot ko. Umismid lang si Mommy sa sagot ko. Napangiti naman ako.
"Kahit na! hindi yata nagtatagal kahit isang buwan man lang ang babae sa iyo. Isa pa ngayung nandito ka na sa mansion, iwasan mo ng sungitan ang mga kasambahay ha? Akala mo siguro hindi ko alam ang mga pinanggagawa mo sa kanila? Kaunting pagkakamali binubulyawan mo daw sila.' muling kastigo ni Mommy. Napakamot naman ako ng ulo. Tumawa naman si Daddy.
Sino ba namang amo ang matutuwa kung palpak ang trabaho ng mga nakapalibot sa kanila. Natural,
papagalitan ko para alam nila ang kanilang pagkakamali. Palibhasa kasi alam ko kung gaano kabait si Mommy pagdating sa mga kasama namin dito sa bahay. Wala naman problema sa akin iyun kaya lang nag-aalala ako na baka mamihasa sila. Baka abusuhin
nila ang kabaitan ng pamilya ko.
"Hayaan mo na Sweetheart. Iba na ang mga kabataan ngayun. Masyado na silang mapupusok. Hayaan na nating mag-enjoy si Rafael sa pagiging buhay binata niya. Ngayun pa lang tikman na niya ang mga putaheng gusto nya... para kapag matagpuan niya na ang babaeng magpapatibok ng puso nya sawa na siyang tumingin sa iba." sagot naman ni Daddy. Napangiti ako ng makita ko na kinurot ito ni Mommy.
"Haay naku! Ikaw talaga! Imbes na pagsabihan mo iyang anak mo kinukusente mo pa!" sagot ni Mommy na may halong inis na sa boses. Pagkatapos ay tumayo na ito at agad na umalis. Kakamot-kamot naman ng ulo si Daddy na napasunod dito. Nilingon pa ako nito tsaka kinindatan. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Sanay na ako sa mga magulang ko. Alam kong ang nakikita ko kanina ay bahagi iyun ng kanilang lambingan. Sana kapag matagpuan ko na ang babaeng para sa akin, katulad siya ni Mommy. Mabait...maalaga at mapagmahal.
Mabilis lumipas ang oras. Agad akong bumalik ng kwarto pagkatapos namin kumain ng dinner. Mabuti na lang at hindi na nangulit ang pamangkin kong si Elijah. Balak daw nito magbabad muna sa pool ngayung gabi. Niyaya pa ako pero tumanggi ako. Naligo na ako kanina at gusto kong matulog ng maaga. May gym dito sa mansion pero balak kong magjogging sa labas bukas ng umaga. Balak ko din mang-hunting ng chiks. Pampalipas ng oras.
Kinaumagahan....madilim pa ang paligid nasa lawn na ako ng mansion. Abala ako sa pagwawarm-up ng mapansin ko ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng gate.
"Ang aga naman nilang lumabas."
hindi ko mapigilang bulong sa aking sarili. Nakamasid lang ako ng bumaba mula sa loob ng sasakyan sila Manang Espe at ang bagong kasambahay namin. Ito iyung babae na nakita kong tumatabo ng tubig sa pool. Hindi ko maiwasan na mapataas ang aking kilay ng mapansin ko na naka-inform pangkasambahay na ito.
Wala namang special sa soot nito pero hindi ko maiwasan na mapahanga sa hitsura nito ngayun. Kung kahapon parang soot ng sinaunang tao ang damit nito bumagay naman dito ang soot nitong uniform ngayun.
Grey scrub suit ang kadalasan na uniform dito sa mansion at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko 'malaalis-alis ang tingin dito. Parang ang sexy nitong tingnan gayung halos natakpan naman nito ang buo nitong katawan. Normal na pananamit lang ito kung totoosin ng mga nakakahalubilo kong kasambahay namin pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ang ganda niyang tingnan ngayun. Mas maganda siguro itong tingnan kung magsusuot ito ng iba pang damit.
Ipinilig ko ang aking ulo para bumalik ako sa huwesyo. Kay aga-aga kung ano ang naiisip ko. Hindi ako dapat humanga sa isang kasambahay namin. Lalo na kung tatanga-tanga at mukhang walang pinag-aralan.
Saktong binuksan na ng driver ang hulihang bahagi ng sasakyan ng lumapit ako sa kanila. Aktong bubuhatin na nila ang kanilang pinamili ng maagaw ko ang attention nila.
"Good Morning Sir Rafael....Pasensya na po. Medyo malansa itong mga dala namin." agad na bati sa akin ni Manang Espe. Narinig ko din na binati ako ng driver. Tango lang ang naging sagot ko sa kanila. Pagkatapos ay muli kong tinitigan ang bagong
kasambahay. Agad kong napansin ang bahagyang pag-iwas sa akin nito.
Mukhang natakot ito sa presensya ko. Hindi ko maiwasan na mapataas ang aking kilay.
"Ang aga niyo naman Manang." wika ko na lang dito para naman may maisagot ako sa pagbati nito.
"Naku, kagabi pa ibinigay ng Mommy mo ang mga listahan na dapat bilhin ngayun. Alam mo naman na paborito ng mga kapatid mo ang seafoods kaya ito ang nangunguna sa ihahada
ngayung araw." sagot nito. Tumango na lang ako at binalingan ng tingin ang kanilang pinamili. Mukhang madami nga at talo pa namin ang may malaking handaan na magaganap sa mansion..
"Sige.....ipasok niyo na sa loob. Baka kumalat pa ang amoy niyan dito sa labas." wika ko. Agad naman silang tumalima at tumulong na din ang driver sa pagbubuhat ng kanilang pinamili. Nasundan ko na lang ng tingin ang kanilang pagtalikod sa akin. Ngayun ko lang din napansin na hindi man lang ako binati ni Veronica. Iwas na iwas din itong tumingin sa akin.
Chapter 164
VERONICA POV
Madaling araw pa lang ay pareho na kaming gising ni Manang Espe. Isasama niya daw ako para mamili ng seafoods sa fish market. Iyun daw kasi ang nangunguna na gusto kainin ng mga anak ni Madam Carissa kaya naman agad akong naligo at isinuot na ang bigay nitong uniform.
Natuwa naman ako sa naging hitsura ko. Sakto lang sa akin na sukat at pakiramdam ko mas komportable kapag ito ang isusuot ko. Mabuti na din at may uniform kami dito sa mansion dahil iilang piraso lang naman ang dala kong damit.
Isa pa mga luma na iyun at nakakahiya ng isuot.
Alam na ni Manang Espe kung ano ang bibilhin kaya hindi na din naman kami nagtagal pa sa fish market. Bumili ito
ng crabs, hipon at malalaking isda. Nakakalula pala ang presyo ng bilihin dito sa Manila. Wala pa halos sa kalahati ng presyo doon sa amin. Binabarat pa minsan ng mga mayayamang negosyante ang mga huli ng maliliit na mangingisda kagaya sa mga magulang ko. Samantalang pagdating pala dito sa Manila halos ilandaang porsyento na ang patong.
"Veronica, basta iwasan mo lang magkamali sa trabaho magiging maayos din ang buhay mo sa mansion. Sa nasabi ko na mababait ang mga amo natin maliban lang kay Sir Rafael." agad akong napatingin kay Nanay Espe ng magsalita ito.
"Ganoon po ba? Hayaan niyo po Manang, gagawin ko po lahat ng makakaya ko para matutunan agad ang mga trabahong nakaatang sa akin." nakangiti kong sagot. Nakangiti naman itong tumitig sa akin
"Bakit nga pala pagiging katulong ang inaplayan mo? Pwede ka namang
maging sales lady sa mga malls o di kaya maging crew sa mga past food. At least kapag doon ka magtatrabaho mas marami kang makilalang kaibigan.
Pwede ka pang makapamasyal kapag tapos na ang oras ng trabaho mo." " bakas sa pagtataka sa boses na tanong nito. Natigilan naman ako.
"hi-hindi po kasi ako pwede doon Manang. Hindi po ako nakatapos." nahihiya kong sagot habang nakayuko. Sandaling natigilan si Manang Espe bago muling nagsalita.
"Hindi ka nakatapos? Pero nakapag aral ka naman diba?" tanong nito. Nahihiya akong tumango.
"Opo...kaya lang hanggang Grade 4 lang po. Hindi po kasi ako nakakapasok ng School kapag sumasama si Nanay kay Tatay sa dagat. Walang mag-aalaga sa
mga maliliit ko pang kapatid."
malungkot kong sagot. Hindi ko na naman mapigilan ang maluha habang inaalala ko ang kagustuhan kong makapag-aral noon. Kaya lang ipinanganak akong mahirap kaya hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpatuloy sa pag-aaral kahit na gusto ko.
"Ganoon ba? Naku, kawawa ka naman pala. Ang gandang bata mo pa naman sana at malayo ang mararating mo kung nakapag-aral ka." nakangiting sagot ni Manang.
"Kaya nga po masaya ako dahil natanggap ako sa mansion. Kahit papaano kikita na ako ng pera at makapagpadala na ako sa amin." sagot ko. Agad naman napatango si Manang at hindi na ito umimik pa. Namalayan ko na lang na tumigil na ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng mansion. Agad na bumaba si Manang Espe kaya sumunod na din ako dito.
Akmang kukunin na namin ang mga pinamili namin sa likod na kotse ng mapansin ko ang paglapit ng isang tao na gusto ko sanang iwasan. Si Sir Rafael. Parang gusto kong magtago dito dahil natatakot akong baka sungitan na naman ako nito. Seryoso pa naman ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin...
Narinig ko pa ang pagbati ni Manang at ng driver dito. Dahil sa nerbiyos hindi na ako nagsalita pa at nakayuko lang akong nakatayo sa likuran ni Manang habang nakikipag-usap ito kay Sir Rafael at ng sabahin nito na pwede na namin ipasok ang pinamili namin ay parang may pakpak ang mga paa ko. Agad kong kinuha ang ilang supot at nagmamadaling naglakad papasok ng mansion. Dumadagundong ang dibdib ko sa matinding kaba.
"Ikaw talagang bata ka. Hindi mo man lang binati si Sir Rafael. Sa susunod huwag mong kalimutan na magbigay
galang sa kanya ha? Buti na lang at mukhang maganda ang gising niya at hindi ka nasigawan." agad na wika ni Manang ng makarating kami ng kusina.
"Sorry po Manang. Nagulat lang po kasi ako pagkakita ko kay Sir Rafael. Ang aga nya po pala kung gumising." sagot ko.
"Minsan maaga iyan nagigising si Sir Rafael. Mahilig kasi iyan magjogging sa labas ng mansion." sabat naman ng driver na nag-uumpisa ng magtimpla ng kape.
"Pero hayaan mo, minsan lang na naglalagi iyan si Sir dito sa mansion. Sila Madam Carissa at Sir Gabriel lang talaga ang palagi natin makakasama dito kaya magrelax ka lang. Huwag kang matakot dahil mababait sila." sagot naman ni Manang Espe. Para naman akong nabunutan ng tinik.
"Hindi din siguro. Papalitan na ni Sir
Rafael si Sir Christian sa posisyon nito. Gusto ni Sir Gabriel na dito na muna maglalagi sa mansion si Sir Rafael habang pinag-aaralan niya ang pamamalakad sa kompanya. Ako ang magiging driver niya kaya alam kong dito na sya uuwi araw-araw." sabat naman ng driver na si Mang Gerry. Lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi nito.
"Talaga? Hindi ko yata alam iyan ah?" sagot naman ni Manang.
"Hindi mo talaga alam kasi nandito ka lang naman sa loob. Ako kaya ang kasama nila Sir sa resort at naririnig ko sa usapan nila." sagot naman ni Mang Gerry. Hindi ko alam na madaldal pala ito. Tahimik lang kasi ito kanina.
"Ayy kung ganoon dapat pala pagsabihan ko ang mga kasambahay. Mukhang marami na naman ang iiyak nito." sagot ni Manang. Pagkatapos ay tumitig ito sa akin.
"Sa harden ka daw maaasign Veronica. Sa susunod na araw na kita tuturuan sa mga gagawin mo doon. Sa ngayun tumulong ka muna dito sa kusina dahil magiging abala tayo ngayun at bukas. Huwag kang matakot...ako ang bahala sa iyo." wika ni Manang sa akin. Tumango naman ako.
"Sa ngayun, magkape ka muna. May tinapay na din diyan. Mamaya lang ng kaunti nandito na din iyung iba pang mga trabahador. Magiging abala na ang lahat kaya ihanda mo ang sarili mo " wika ni Manang. Agad naman ako kumuha ng baso at nag-umpisa ng magtempla ng kape.
Nasa kalagitnaan na kami sa paghigop ng kape ng may narinig kaming malakas na boses.
"Hello Everyone! Goooood Morning!" masiglang wika ng boses lalaki. Sabay
pa kaming napatingin sa pintuan ng kusina. Agad na pumasok ang makisig na mukha ng lalaking apo ni Madam Carissa na si Elijah. Nakangiti ito habang palapit sa kinaroroonan namin.
"Good Morning Sir." magkasabay na bati ni Manang at Manong. Hindi na ako nakasabay sa kanila dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot nito. Isa pa agad kong napansin ang pagtitig nito sa akin kasabay ng pagngiti.
"Good Morning Sir." bati ko na lang din sabay yuko.
"Wow! Ganda nya Manang noh? Parang crush ko na tuloy siya." nakangiti nitong wika sabay lapit sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng hiya sabay yuko.
"Naku si Sir Elijah talaga! Huwag mong biruin ng ganyan si Veronica... bago lang iyan dito at isa pa bata pa iyan." sabat naman ni Manang. Agad
naman napahalakhak si Elijah bago sumagot.
"Bakit ilang taon na ba siya?....Veronica right? Ilang taon ka na? Huwag kang mahiya sa akin....hindi ako katulad sa Uncle na parang laging galit sa mga kasambahay. Mabait ako at pwede mo akong gawing kaibigan." tatawa-tawa nitong wika.
"Eighteen pa lang siya sir Elijah." sagot ni Manang. Muli itong tumawa.
"Bakit ikaw ang sumasagot Manang? Si Veronica ang gusto kong kausapin. Huwag nyang sabihin nahihiya sa kapogihan ko?" tumatawang sagot ni Elijah. Lalo naman akong nakaramdam ng hiya. Ganito ba talaga siya sa mga kasambahay? Parang ang bilis nyang makapalagayan ng loob.
"naku, ewan ko sa iyong bata ka. Huwag mo munang kausapin si Veronica dahil naninibago pa iyan."
sagot ulit ni Manang. Pagkatapos binalingan ako nito.
"Parating na si Maricar. Tulungan mo siyang ayusin ang mga kobyertos sa dining area. Tuturuan ka din niya sa mga dapat mong gawin doon. Parating na ang tagaluto at ilang sandali na lang mag-uumpisa na siyang magluto ng breakfast nila Madam at Sir." wika nito. Agad ko naman sinipat ang relo na nakakabit dito sa loob ng kusina. Halos alas sais pa lang ng umaga.
"Sa ngayun, palitan mo pala muna ang soot mong uniform. Galing pala labas at kailangan lagi malinis tayo kapag nandito tayo sa loob ng mansion. Huwag kang magtagal Veronica." muling wika ni Manang. Agad naman akong tumayo at umalis na. Hindi ko na sinulyapan pa si Sir Elijah dahil nahihiya talaga ako dito.
Mabilis kong pinalitan ang uniform ko at agad na bumalik ng kusina.
Naabutan ko na ang tagaluto na abala sa paghahalo ng kanyang niluluto. Mabilis naman akong niyaya ni Ate Maricar para pumunta sa dining area. First time kong pumasok dito at namangha ako sa nakita. Ang lawak ng buong paligid at ang haba ng kanilang lamesa. Gaano ba kalaki ang pamilya ng amo namin?
Ngayun lang din ako nakakita ng chandelier sa tanang buhay ko. Kumikinang ito na parang isang dyamante.
"Ganito ang table setting nila, tandaan mo ang lahat ng ituturo ko sa iyo Veronica ha? Bawal magkamali sa ganitong sitwasyon. Maselan si Sir Gabriel lalo na pagdating sa pag- sasaayos ng mga kubyertos. Kay Madam Carissa naman walang problema. Likas na mabait ang amo natin na babae pero syempre nakakahiya pa rin kung hindi maayos
ang pagkakalagay natin ng mga kubyertos nila. Kailangan perfect lahat ng trabaho natin dito." napukaw ako sa pag-iisip ng magsalita si Ate Maricar. Agad naman akong nagfocus at tinandaan ang mga ginagawa nito. Kailangan kong imemorize lahat dahil kailangang kailangan ko ang trabahong ito.
Pagkatapos namin mag-ayos ay isa-isa na naming dinala ang mga pagkain na nailuto na ng tagaluto papuntang dining area. Kakatapos lang namin ayusin ang lahat ng sabay na pumasok ang aming mga amo na si Madam Carissa at ang asawa nitong si Gabriel. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Sir Gabriel. Dito nga pala talaga nakuha ni Sir Rafael ang hitsura niya. At ng bumati si Ate Maricar sabay yuko nakigaya na din ako.
"Good Morning Madam, Sir." halos sabay naming wika. Nakangiti namang
tumango si Madam Carissa at isa-isa namang tiningnan ni Sir Gabriel ang mga nakahain sa lamesa. Ipinaghila pa nito ang asawa ng upuan at inalalayan pang maupo. Ganito ba ang mga mayayaman? Sila Nanay at Tatay kasi hindi ganito ka-sweet.
"Hindi pa ba bumababa ang mga bata? " tanong ni Sir. Agad naman sumagot si Ate Maricar.
"Nakita ko po kanina si Sir Elijah..pero si Sir Rafael kababalik lang po galing magjogging." sagot ni Ate Maricar. Tahimik lang akong nakatayo sa tabi nito at nakayuko.
"Sige..pwede niyo na kaming iiwan. Pakisabi kay Manang Espe na pakainin na lahat ng kasama niyo. Mamayang tanghali ang dating ng mga bata kaya tulungan niyo na ang tagaluto para mapadali ang trabaho." wika naman ni Madam Carissa. Kinalabit ako ni Ate Maricar at sabay na kaming lumabas
ng dining area.
"Ganyan dito. Once na makita nilang kumpleto na ang lahat ng kailangan nila sa lamesa ayaw nilang pinapanood sila ng mga kasambahay na kumain. Halika na...kain na din tayo sa kusina." wika ni Ate Maricar. Agad naman akong sumunod dito. Mukhang mabait nga sila Madam Carissa at Sir Gabriel.
Mabilis na lumipas ang mga oras.
Abala ang lahat ng mga kasama ko. Itinuka na ako ni Manang na tulungan si Ate Maricar sa dining area. Kami na din ang tagadala ng mga pagkain sa dining kaya na naging abala na din ako. Maayos naman ang samahan namin na mga kasambahay kaya naging magaan ang trabaho.
Kakalapag ko lang ng buttered shrimp sa lamesa ng may biglang pumasok. Mag-isa lang ako sa dining area dahil nagpaalam si Ate Maricar na iinom muna ng tubig sa kusina.
"Wow, daming foods ah? At lahat favorite ko!" bulalas ng babaeng kakapasok lang. Napakaganda nito habang may ngiting nakaguhit sa labi.
"Well, mukhang pinaghandaan talaga ni Mommy ang araw na ito. Balita ko nandito din ang babaero nating bunsong kapatid.'" sabat naman ng isa pa. Hindi ko naman maiwasan na titigan sila. Hindi sila nakakasawang titigan.
"And who are you? Bago ka ba dito?" baling naman ng naunang dumating na babae sa akin. Nakangiti itong nakatitig sa akin. Nahihiya naman akong napayuko. Baka napansin nito na kanina ko pa sila tinitigan. Isa pa nakalimutan ko na naman silang batiin. Baka ito yung mga anak ng amo namin.
"Ka-kahapon lang po ako dumating dito Mam." sagot ko sa mahinang
boses.
"Oh Really. Mabuti naman at kumuha na si Mommy ng medyo batang katulong Ate Mira. Ang alam ko mas gusto niya iyung mga may edad na." wika ulit nito. Hindi ko naman alam ang gagawin ko.
"Well, mukha naman siyang mabait. No big deals. What's your name nga pala?" sagot ng tinawag na Mira.
"Veronica po" sagot ko. Nakangiti naman itong lumapit sa akin
"Well, nice to meet you Veronica. Nice name. Bagay sa maganda mong mukha. " wika nito. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya dito. ako naging maganda sa paningin ng ibang tao?
"Ako nga pala si Miracle at siya naman si Arabella. Dont worry, hindi kami nangangain ng tao kaya huwag kang matakot sa amin." wika nito.
Pagkatapos ay naglakad na ito palabas
ng dining area. Naiwan naman ang babaeng nangangalang Arabella.'
"You know what...parang may kamukha ka... Hindi ko lang malaman kong paano pero pakiramdam ko talaga may kakilala akong tao na kamukhang kamukha mo." wika nito. Nang tingnan ko ito ay titig na titig ito sa akin.
"Po? Galing po akong probensya Mam. Kakaluwas ko lang po dito sa Manila dalawang linggo na ang nakalipas." sagot ko. Titig na titig pa rin ito sa akin at parang minimemorize nito ang hitsura ko. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka at napatitig dito. Parang nakita ko na nga din itong si Mam Arabella. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng isang alaala ang pumasok sa isip ko.
Chapter 165
VERONICA POV
Habang nakatitig sa magandang mukha ni Mam Arabella ay biglang dagsa ng reyalisasyon sa isip ko. Hindi ako maaring magkamali. Ito ang babae na laging ikinikwento sa akin ni Nanay. Ang babaeng minsan niyang naging kaibigan ng mapadpad ito sa Isla noon. Ang babaeng ilang araw lang daw niyang nakasama pero nagiging mabait ang pagtrato sa kanila.
"Mam, minsan na po ba kayong napadpad sa lugar namin noon?" hindi ko maiwasan na tanong dito. Tumitig naman ito sa akin at parang may inaalala.
"Marami na akong lugar na mapuntahan and isa lang ang sure ko. Familiar sa akin ang mukha mo. Saan nga pala ang probensya mo?" tanong nito.
"Sa Isla po ng Santa Barbara! Parang nakapunta na po kayo noon Mam. Parang kamukha niyo po kasi ang babae sa larawan na nakadisplay sa bahay namin." sagot ko dito. Saglit itong natigilan at malalim na nag-isip. Pagkatapos ay agad na nanlaki ang mga mata nito at napatitig sa akin.
"OH MY GOD! Nakapunta na kami sa lugar na iyan. Kasama ko si Mommy noon!" agad na bulalas nito at muli akong tinitigan. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti sa isiping ito nga ang babaeng laging bukang bibig ni Nanay. Si Mam Arabella.
"Kilala mo ba si Venus? Yes...si Venus.. yung naging friend ko sa lugar na iyun dati." bulalas nito. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sabay tango.
"Opo...Nanay ko po siya." sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito sabay lapit sa akin. Pagkatapos ay parang kinikilatis pa ako nito. Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng hiya dahil sa kanyang ginagawa. "Talaga? Wow? i-ikaw na iyung anak niya?" tanong nitong muli. Tumango ako.
"Sino ang nakatuluyan niya? Grabe... halos ilang years na din ang lumipas pero hindi pa rin makalimutan ang lugar na iyun. Doon kami napadpad ni Mommy ng naglayas kami." wika nito kasabay ng pagtawa. Pagkatapos muli akong tinitigan.
"Lets go! Kailangan malaman ni Mommy na anak ka pala ng dati kong friend sa si Venus. Tiyak na magugulat iyun. Alam mo bang gusto namin bumalik sa lugar na iyun? Kaya lang naging abala na kami sa pagbalik namin dito sa Manila. Hanggang sa nakalimutan na namin ang planong iyun." wika nito sa akin sabay hawak sa aking kamay. Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa nito.
"Naku Mam, huwag na po. Nakakahiya po. " sagot ko. Umiling naman ito at hinila pa ako palabas ng dining area. Muli akong namangha sa mga
dinaanan namin. Hanggang labas ng bahay at dining pa lang kasi ang nakikita ko dito sa mansion. Hindi ko akalin na mas maganda pala dito sa loob. Nangingintab ang buong paligid at kapansin-pansin ang karangyaan sa bawat sulok ng bahay. Diyos ko... sobrang yaman pala talaga ng amo ko. Natatakot tuloy akong umapak sa makintab na sahig. Baka madumihan.
Agad kong napansin na pumasok sa kami sa isang malawak na silid. Nandito yata sa loob ang lahat miyembro ng pamilya nila Madam.
"You know what? May bago akong nalaman ngayun!" malakas na wika ni Mam Arabella ng makapasok kami. Agad naman napukaw ang aking attention at halos lumubog ako sa sobrang hiya ng masilayan ko ang maraming pares ng mga mata na nakatingin sa gawi naming dalawa ni Mam Arabella. Kasama na dito ang pares ng mga mata ni Sir Rafael. Agad akong napayuko.
"Mommy, naalala mo si Venus right? Yung magandang teenager doon sa Island?" agad na tanong ni Arabella.
"Venus who?" narinig kong tanong ni Sir Rafael. Napalunok ako ng makailang ulit ng marealized ko kung gaano kaseryoso ang boses nito. Mukhang naisturbo namin ang seryosong pag-uusap ng buong pamilya.
Napansin ko din si Mam Mira na nakaupo sa tabi ng isang lalaki. Siguro iyun ang kanyang asawa. May mga kabataan din akong nakikita dito sa loob at marahil ay mga anak nila iyun. May isang babae din at lalaki na
nakaupo sa kabilang bahagi. Lahat sila ay nakatitig sa gawi namin ni Mam Arabella na bakas ang pagtataka sa mga mata habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Mam Arabella.
"Si Mommy ang kausap ko Rafael dahil wala ka pang malay noong mga panahon na iyun. Nasa tummy ka pa lang ni Mommy noong time na iyun." sagot ni Mam Arabella. Nanahimik naman ang masungit kong amo. Pero ramdam ko ang talim ng pagkakatitig nito sa akin.
"So anong meron sa Island na iyun? At bakit hawak mo sa kamay si Veronica na akala mo tatakasan ka!" narinig ko namang tanong ni Madam Carissa. Bakas ang pagtataka sa boses nito.
"Mommy, sya ang anak ni Venus! Iyung friend ko? Yung dalagita na lagi mong hinihingian ng mangga noon?" bulalas ni Mam Arabella. Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Mam Carissa tsaka tumango.
""Wow, small world! Ikaw na ba ang anak ni Venus iha?" tanong nito.
Tumayo pa ito at lumapit sa akin. Nahihiya naman akong tumango. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila ang bagay na iyun. Ano ngayun kung anak ako ni Nanay Venus? Wala naman sigurong special doon diba?
"See? Naalala mo yung friend ko na si Venus My? Hindi ko akalain na may anak na din pala sya. Hindi ako
makapaniwala na dito sya mapadpad sa mansion." masayang wika ni Mam Arabella. Napayuko naman ako. Kung alam lang nito na kalahating dosena ang anak nila Nanay at Tatay. Baka lalo itong mawendang. Hindi ko akalain na minsang nagkaroon ng mayamang kaibigan si Nanay.
"Anong special doon? tsk! Tsk!" narinig kong pang sabat ni Rafael. Agad naman itong binalingan ni Mam Arabella.
"Walang special. Masaya lang ako dahil nandito pala sa mansion ang anak ng kaibigan ko noon. Nakakaramdam tuloy ako ng guilt. Nag- promise pa naman ako sa kaniya noon na babalik ako doon sa Isla. Kaya lang hindi na nangyari dahil nawala na sa isip ko ang lahat." sagot ni Mam Arabella.
Mukhang wala namang pakialam si Sir Rafael samantalang ang ibang tao dito sa living room ay wala man lang ipinakitang kahit na anong reaksyon. Parang gusto ko tuloy manliit dahil sa hiya. Ano ba naman itong si Mam Arabella. Isang hamak lang naman akong kasambahay dito pero kung itrato niya ako para bang napaka- special ko. Baka mamaya matanggal pa ako dahil sa ginawa nito ngayun.
"Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako." sagot ulit ni Sir Rafael. Naglakad ito papunta sa kinatatayuan namin ni
Mam Arabella pagkatapos sinipat ako ng tingin. Pagkatapos ay agad itong naglakad palabas ng living room.
"Mag-uusap pa tayo Iha. Marami akong gustong itanong sa pamilya mo. Hindi man lang namin nasuklian ang kabaitan ng Nanay mo..nang naging mga kaibigan ni Arabella sa lugar na iyun.... Sa maikling panahon na pananatili namin sa islang iyun naging mabait silang kaibigan ni Arabella." nakangiting wika sa akin ni Madam Carissa. Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakayuko.
"Bweno, alam kong gutom na ang lahat. Sa dining na muna tayo!" anunsiyo nito sa lahat. Agad naman nagsipagtayuan ang lahat. Agad naman akong nagpaalam kay Mam Arabella na babalik na ako ng kusina. Nakangiti itong tumango sa akin at sinabi nitong kakausapin daw ako nito mamaya. Tanging tango lang ang naging sagot ko at mabilis ng tumalikod.
Pagdating ng kusina at agad akong napainom ng tubig dahil sa kaba. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso. Nakaharap ko lang naman ang halos lahat ng miyembro ng pamilya ng amo ko. Mukha naman silang mababait pero kahit na....
"Anong nangyari? Saan ka dinala kanina ni Mam Arabella? May hindi ba siya nagustuhan sa trabaho mo?" agad na pukaw sa akin ni Manang. Tulala ko itong tinitigan.
"Napagalitan ka ba niya? Dapat pala hindi na kita iniwan sa dining! Ano ba ang nangyari?" tanong naman ni Ate Maricar. Agad naman akong umiling.
"Hi-hindi po. Kinausap niya lang ako."
sagot ko. Tinitigan ako ni Manang.
"Sige...ako na at si Maricar ang bahala sa dining. Magpahinga ka na muna sa kwarto natin. Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka eh." sabat naman ni Manang sa nag- aalalang boses.
"Ayos lang po ako Manang. Dito na lang po ako sa kusina." sagot ko.
"Hindi...pumasok ka muna sa kwarto at magrelax. Maaga tayong nagising kanina at alam kong pagod ka na. Marami namang ibang kasambahay dito. Ako ang mayordoma at ako ang magdedesisyon sa lahat ng bagay." sagot nito. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang at dahan- dahan na naglakad papuntang kwarto.
Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayun. Si Mam Arabella nga ang laging ikinikwento sa akin ni Nanay noon. Tiyak na matutuwa si Nanay kapag malaman nito na anak ng naging amo ko dito sa Manila ang dati niyang kaibigan. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Pagdating ng kwarto agad akong naupo sa aking higaan. Kailangan ko nga sigurong magpahinga. Ngayun ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Agad akong napadilat at sumalubong sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Manang.
"Gumising ka na muna. Hapon na at mukhang napasarap ang tulog mo. Kumain ka muna sa kusina dahil kanina ka pa hinahanap ni Mam Arabella.' wika nito sa akin. Agad akong napabangon.
"Naku, pasensya na po. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako." nahihiya kong wika dito.
"Ayos lang. Sumunod ka na agad sa akin sa kusina." wika ni Manang. Agad naman akong tumalima.
Pagdating ng kusina ay maraming
pagkain sa lamesa. Nadatnan ko din ang ilang mga kasamahan namin na abala sa pagkain. Agad akong inabutan ni Manang ng pinggan.
"Pagkatapos kumain pwede ng magpahinga ang lahat." anunsiyo ni Manang. Agad naman nagsipag- tanguan ang lahat.
"Kayong dalawa ang bahala ni Maricar mamaya sa pag-antabay sa mga kailangan pa ng mga amo natin. Nasa Gazebo lang naman sila at nagkukuwentuhan. Ang mga bata naman ay nasa pool. May balak din yata silang lumabas ngayun para magshopping. Abangan niyo lang. Baka may iuutos sila sa inyo." wika ni Manang sa akin. Agad naman akong tumango. Isa siguro ito sa mga dahilan kaya pinagpahinga ako ni Manang. Ako pala ang mag-aasikaso sa kanila mamaya.
Pagkatapos kumain ay agad akong nilapitan ni Ate Maricar. Mukhang nakapagpahinga na din ito kagaya ko. Parang kakagising lang din nito.
"Puntahan natin sa gazebo ang mga amo natin. Baka may iuutos sila." wika nito. Agad naman akong sumunod dito.
Pagdating namin ng Gazebo ay agad kong namataan ang mga amo namin. Mukhang seryoso nga silang nag- uusap. Agad na dumako ang tingin ko kay Sir Rafael. Kaharap nito ang kanyang ama at ina pati na din ang isang lalaki. Samantalang nasa kabilang dako naman sila Mam Arabella, Mam Mira at ang isa pang babae.
"Tatlo lahat ng anak nila Sir at Madam. Ang kambal na si Sir Christian at Mam Miracle at bunso na si Sir Rafael. Si Mam Arabella naman adopted child nila iyan." bulong sa akin ni Ate Maricar. Natigilan naman ako.
"Ganoon po ba? Pero mukhang mabait naman si Mam Arabella." sagot ko. Napansin ko ang pagngiti nito.
"Hindi rin. Nagsusungit din iyan paminsan-minsan. Ang mabait talaga si Mam Miracle. Mana sya kay Madam Carissa." bulong nito. Nakatayo lang kami sa hindi kalayuan sa kanila.
"Ano nga pala ang ginagawa natin dito Ate?" nagtataka kong tanong. Agad naman itong sumagot.
"Naghihintay ng utos. Dito lang tayo. Baka may ipapagawa sila Madam at Sir. sagot nito. Agad akong napatango.
Sabay pa kaming napahakbang ni Ate Maricar ng biglang kumaway sa gawi namin si Mam Arabella. Agad kaming napalapit sa pag-aakalang may iuutos ito sa amin.
"Hindi bat ang ganda nya Ate?" narinig ko pang wika ni Mam Arabella ng makalapit kami.
"Mam, may iuutos po ba kayo?" tanong agad naman ni Ate Maricar. Tahimik lang ako sa tabi nito.
"Wala naman. Balak naming pumunta ng mall ngayun. Gusto namin isama kayong dalawa ni Veronica kaya magbihis kayo. " nakangiting sagot ni Mam Arabella.
Chapter 166
RAFAEL POV
"Hindi ka ba sasama anak?" seryosong tanong ni Mommy. Nakabihis na ang lahat. Lahat ay excited na para sa pamamasyal. Agad kong umiling at sumandal pa sa upuan. Parang bigla akong napagod sa dami ng pinag- usapan namin kanina. Tungkol iyun sa posible kong maging responsibilidad kung tuluyan ko ng hawakan ang kompanya.
"Ikaw ang bahala. Alam mo naman ang mga pamangkin mo kapag ganitong weekend hindi maiwasan na magyayaya na lumabas." muling sagot ni mommy.
"Killjoy talaga! Pero kung babae ang magyaya mabilis pa sa alas- kwatro kong pumayag.narinig ko namang sabat ni Ate Miracle. Talagang sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ko. Hindi ko na lang pinansin dahil totoo naman. Mas gusto ko pang lumabas kasama ang barkada o di kaya makipagkita sa prospect kong maging ka-fling.
Agad kong kinuha ang juice sa lamesa. Aktong iinumin ko na sana ito ng dumako ang tingin ko sa dalawa naming kasambahay na parating. Partikular kay Veronica. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa hitsura nito ngayun. Hindi na ito naka-uniform na pangkasambahay pero ang suot naman na damit nito hindi ko alam kung kailan pa nauso. Isang makulay na mahabang palda at matingkad na kulay yellow green na tshirt?! Wala bang fashion sense ang babaeng ito? Saang lupalop ba ng mundo galing ito?
Napansin ko ang pagkagulat ang lahat habang nakatitig dito. Hindi marahil nila akalain na may kasambahay silang ibang iba ang taste pagdating sa pananamit. Napansin ko din na natawa ang mga pamangkin ko habang titig na titig kay Veronica.
"Shit! Ano iyang soot mo Nica?" Si Elijah ang unang nakabawi sa pagkagulat. Agad itong lumapit kay Veronica at sinipat nito ng tingin.
"Bakit po? Pangit po ba?"
Narinig kong tanong nito sa nahihiyang boses.
"Ha? Hi-hindi naman kaya lang sobrang init ng panahon eh. Baka pagpawisan ka sa pupuntahan natin! Baka hindi ka maging komportable doon." sagot naman ni Elijah. Kahit kailan talaga hindi ko alam kung saan nakalagay ang utak ng pamangkin kong ito. Halata namang pati siya natatawa sa soot ni Veronica. Ayaw pang diretsahin.
"Hindi lang pangit. Sobang pangit! Buhay pa ba ang nagdesenyo ng damit na iyan?" Hindi ko napigilang sagot. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha nito marahil sa matinding pagkapahiya. Agad akong tinapunan ng masamang tingin ni Ate Arabella.
"I think much better kung uniform mo na lang muna ang isuot mo Veronica. Bibili na lang tayo ng mga damit mo mamaya na babagay sa panlasa ng kapatid ko." sabat naman ni Arabella sabay sulyap sa akin. Masama ko itong tinitigan.
"Wala ka na bang ibang damit iha? Masyadong malaki sa iyo ang damit na iyan at baka mahirapan kang kumilos kapag iyan ang isuot mo sa mall." wika ni Mommy. Lalo naman itong napayuko. Hiyang hiya siguro dahil sa kabaduyan niya. Siya pa tuloy ang naging center of attraction ngayun. Hayyssst...ang lakas ng loob pumayag na sumama sa mall na ganyan ang isusuot.
"Sige po." sagot nito sa malungkot na boses. Agad naman sumang-ayon ang lahat. Nagmamadali itong tumalikod.
"Kawawa naman ang batang iyun. Napaka-inosente! Hindi niya ba alam na pagtatawanan siya ng mga tao sa labas kapag makita ang soot niya?" bulalas ni Ate Miracle. Umismid lang ako.
"Bakit kasi siya pa ang gusto niyong isama. Marami namang ibang kasambahay dito." sagot ko naman at itinuloy ko na ang naputol na pag-inom ko ng juice.
"Para naman makalabas siya. Tingnan mo nga ang hitsura. Mukhang walang alam sa paligid niya. Probensyanang probensyana kong kumilos." sagot naman ni Ate Arabella. Concern na concern talaga ito pagdating kay Veronica. Gaano ba niya ka-close ang ina ng babaeng iyun? Mukhang handang ipagtanggol ni Ate Arabella si Veronica sa lahat ng oras.
"Kung gusto niyo siyang matulungan, why you didn't send her to school. At least kung makapag-aral siya matutulungan niya na ang pamilya niya para maging maayos ang buhay nila.Mukhang bata pa si Veronica at may mas magandang buhay ang maghihintay sa kanya kung sakaling makatapos sya." sabat naman ni Kuya Christian.
"She's only eighteen years old. Hanggang Grade 4 lang daw siya." sabat ni Mommy. Natigilan ako.
May kung anong awa akong naramdaman para kay Veronica.
Gaano ba kahirap ang buhay nila sa probensya na kahit pag-aaral hindi nito magawa?
"Ako na lang ang mag-sponsor sa pag-aaral niya." sagot naman ni Ate Arabella. Agad naman napataas ang kilay ko sabay tayo.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko ng mapansin na nakabalik na si Veronica. Nakadamit pangkasambahay na ito. Mas maigi na din iyun kaysa sa soot nya kanina. At least hindi na maging katawa-tawa ang hitsura niya ngayun. Nagmumukha na siyang tao.
"Akala ko ba hindi ka na sasama? tanong ni Ate Miracle. Hindi ko ito sinagot at nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa sasakyan.
Sasabay na lang ako kina Mommy at Daddy para hindi na ako magdrive. Lahat ng mga kapatid ko may kanya-kanya silang sasakyan kaya convoy na kami.
"Dito na kayo sumabay sa amin Maricar, Veronica." agad na wika ni Mommy sa dalawa. Agad naman silang tumalima at naupo sa hulihang bahagi ng sasakyan. SUV ang sasakyan namin at kasya hanggang anim na tao. Agad akong sumakay katabi ng driver samantalang sila Mommy at
Daddy nasa likuran namin.
"Sa Amusement park daw muna tayo. Gusto ng mga bata sumakay ng rides." wika ni Mommy sa Driver. Hindi na ako tumungon at ipinikit ko na ang aking mga mata. Medyo matagal na din na hindi ako nakakasama sa pamilya ko tulad ng ganitong gatherings. Alam kong hindi ako mag-eenjoy sa lakad na ito at hindi ko maintindihan ang aking sarili kong bakit biglang nagbago ang isip ko. Kung bakit bigla akong sumama sa kanila.
"Ayos ka lang ba anak? Kung napipilitan ka lang pwede ka magpahinga na muna sa bahay.
Magiging busy ka na simula sa Monday at kailangan mo ng sapat na pahinga." wika ni Mommy.
"Ayos lang Mom. Na-miss ko din naman ang ganitong lakad ng Pamilya.' Sagot ko.
"Sabagay! Noong teenager ka pa sumasama ka naman palagi sa mga ganitong lakad. Nagbago lang ang lahat ng matuto ka ng magkagusto sa mga babae." bakas ang biro na wika na iyun ni Daddy. Hindi ko naman mapigilan ang matawa at napasulyap sa salamin ng sasakyan. Agad na sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Veronica. Abala ang mga mata nito sa kakatingin sa labas .
"Dad, naisingit pa talaga iyan eh.
'sagot ko. Agad ko naman
narinig ang mahinang pagtawa ni Mommy.
VERONICA POV
Kinakabahan ako habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Ate Maricar. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na nakarating ako sa lugar na ito. Maraming tao at natatakot akong mahiwalay sa mga kasama ko. Isa pa bago sa mga mata ko lahat ng aking nakikita.
Ayaw ko nga sanang sumama. Lalo na ng makita ko ang mga reaksiyon nila kanina sa suot kong damit. Kaya lang mapilit si Mam Arabella. Kung tutuusin may mga kasama din naman silang sariling kasambahay. Hindi ko alam kung ano pa ang magiging papel namin ni Ate Maricar sa pamamasyal na ito. Lahat kasi ng mga anak-anak nila may sariling tagapag-alaga kahit na malalaki na. Dagdagan pa sa mga nakasunod na mga bodyguards sa amin.
"Bakit ang lamig ng kamay mo. Relax ka lang." bulong sa akin ni Ate Maricar, Napalunok ako ng makailang ulit bago ako sumagot.
"Ate, natatakot ako. Baka mawala ako. Hindi ko alam ang lugar na ito." nenerbiyos kong sagot. Narinig ko pa ang mahina na pagtawa nito at huminto kami sa tapat ng isang parang malaking bangka. Agad kong napansin na nagsipagsakayan ang mga kasamahan namin. Mahigpit pa rin ang hawak ko kay Ate Maricar.
"Sakay tayo. Naka-ride all you can ang ticket natin kaya subukan natin lahat ng riders." wika sa akin ni Ate Maricar sabay hila. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Ayaw kong humiwalay sa kanya noh? At isa pa napansin ko din na nagsipagsakayan na ang mga ng amo namin. Nag- uumpisa ng umuga ang malaking bangka ng napansin ko na hindi naman pala sumali sila Madam Carissa at ang mga magulang ng mga bata. Nakangiting pinapanood nila kami.
Laking pagsisisi ko ng nag- umpisa ng dumuyan at umuga ang malaking bangka na ito. Diyos ko parang gustong humiwalay ang ispiritu ko sa katawan kong lupa dahil sa matinding nerbiyos. Ano ba itong nasakyan namin? Mas mabuti pang sumakay ako sa tunay bangka kahit malakas ang alon. At least sa dagat ang bagsak ko. Eh ito...sa sobrang bilis ng pag -ugoy ng malaking bangka na ito parang gusto kong maihi sa takot. Samot-saring sigawan din ang aking naririnig sa paligid. Promise....hindi na talaga ako uulit!
Pagkatapos ang rides na iyun ay halos manginig ang tuhod ko pagkababa namin. Tinatawanan naman ako ni Ate Maricar.
"Ano ka ba, maraming rides pa tayong sasakyan. Swerte natin dahil tayo ang kanilang isinama. Mukhang mag-eenjoy tayo ngayun." tuwang tuwa na wika ni Ate Maricar. Nakakapit ako dito habang nakasunod kami sa amo namin.
"Ate, ayaw ko ng sumakay ng
ganoong klaseng rides. Baka mahimatay ako sa takot." bulong ko dito. Humagikhik naman ito.
"Relax ka lang. Mas magandang i -experience natin lahat ng rides dito. Malay mo naman isasama tayo palagi ng amo natin dito. Dati kasi hindi iyan sila nagsasama ng mga kasambahay ng mansion. Tayo ang kauna- unahan nilang isinama at mukhang hindi naman nila tayo isinama dito para gawing utusan. Hindi mo ba narinig ang sinabi sa atin kanina ni Madam Carissa. Mag-enjoy daw tayo." wika nito. Napalunok ako ng makailang ulit. Paano ako mag-enjoy sa ganitong sitwasyon? Lahat ng nakikita kong rides puro buwis buhay.
Ganito ba ang mga tao dito sa Manila? Pinapahirapan nila ang kanilang mga sarili sa ganitong klaseng libangan. Ah basta ayaw ko na talagang sumama pa sa
kanila sa mga rides na iyan. Hindi na lang ako hihiwalay kina Madam Carissa para hindi ako mawala.
"Nica...halikayo! Doon tayo!" Agad na napukaw ang aking attention sa nagsasalitang si Sir Elijah. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag nito. Ibang kasi ang binanggit nito. Pero dahil sa akin siya nakatingin at naglakad palapit sa amin baka ako nga ang kinakausap nito.
"Naku Sir..namimili pa kami ng sasakyan namin." Si Ate Maricar na ang sumagot. Napansin ko ang kaagad na pagngiti ni Sir Elijah.
"Doon tayo!" wika nito sabay turo sa isang direksiyon. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Ang itinuro kasi nito ay ang isang mahabang parang tren na umiikot-ikot sa ire. Diyos ko, hindi ko na kaya iyan.
Pinapanood ko pa lang ang mga nangyayari parang gusto ko ng mahimatay. Wala sa sariling
napailing ako.
"Ka-kayo na lang Sir." sagot ko.
"Hindi pwede! Kailangan mong sumali. Sandali lang....Charlotte, come...diba ayaw sumali nila Yaya? Sila Ate Maricar at Ate Veronica na lang ang yayain niyo sa rides na iyun." agad na wika ni Sir Elijah. Nakangiting lumapit ito. Isa ito sa mga apo ni Madam. Hindi lang ako sure kung kanino itong anak.
"Sure...kj ang mga Yaya's namin. Takot silang sumali sa mga rides. Ayaw pumayag nila Mommy at Daddy kapag wala kaming kasamang adult." sagot nito. Pagkatapos kinawayan nito ang
iba pang mga pinsan. Agad naman silang nagsipaglapitan.
"Shoot! Sakto! Si Ate Maricar ang adult tapos nandito naman si Veronica. Lahat ng rides subukan natin!" Excited na sagot ni Sir Elijah. Ngayun pa lang parang gusto ng manginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano makakalusot sa sitwasyon na ito. Ayaw ko talaga! Pero nahihiya akong tumanggi lalo na ng mapansion ko na excited ang lahat. Wala sa sariling dumako ang tingin ko kay Sir Rafael.
Tahimik itong nakatayo sa hindi kalayuan sa amin at nakatitig sa akin habang katabi nito ang kakambal ni Sir Elijah.
Chapter 167
VERONICA POV
"Sa Roller coaster po tayo Sir?" narinig ko pang tanong ni Ate Maricar kay Sir Elijah. Halata sa boses nito ang pag- aalinlangan.
"Yes...mas exciting doon. Kapag ma- experience natin na masakyan iyan.. magkakaroon tayo ng lakas ng loob para sakyan ang iba pang mga rides." Nakangiting sagot ni Sir Elijah. Agad naman tumango si Charlotte.
"Yes...and first time ko din gagawin ito. Niyaya ko yung iba nating mga pinsan ayaw nila. So Tayung apat na lang." sagot naman ni Charlotte. dumako ang tingin ko sa ster Diyos ko! Kaya ko ba? Baka mamaya magising na lang ako na kaharap ko na si San Pedro. Bakit ba nauso ang mga ganitong rides? Isa pa bakit pati ako nadamay dito? Akala ko pa naman mag
-eenjoy ako sa pamamasyal namin. Mukhang puro kalbaryo yata ang haharapin ko ngayung araw.
"So lets go?" pagyaya ni Sir Elijah. Agad na nagkatinginan kaming dalawa ni Ate Maricar. Halata din sa hitsura nito ang hindi maisatinig na pagtutol.
"Sir, pwedeng kayo na lang? Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko eh.Nahihyang sagot ni Ate Maricar. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Akala ko ba gusto nitong subukan lahat ng rides? Bakit parang nawala bigla ang tapang nito?
"Tayong tatlo na lang?" sagot ulit ni Mam Charlotte. Hinawakan pa ako nito sa kamay at hinila papunta sa may nakapilang naghihintay na ng rides. Atubili pa ako noong ay pero ng makita ko ang excited na mukha ni Mam Charlotte wala na akong nagawa pa kundi magpatianod na lang. Bahala na! Naramdaman ko naman ang pagsunod
ni Sir Elijah.
"Charlotte kayo na lang pala. Tinatatawag ako ni Dad!" Agad na nanlaki ang aking mga mata ng sinabi iyun ni Sir Elijah. Ngumiti muna ito sa akin tsaka mabilis na tumalikod. Muli kong naramdaman ang paghila sa akin ni Mam Charlotte. Yari na! Mukhang hindi lang ako ang takot na sumakay sa rides na iyan. Mukhang naisahan kami ng mga kasama namin.
Wala na ako nagawa kundi ihakbang ang aking mga paa. Nakakahiya naman kung pati ako aatras pa diba? Isa pa may mga ibang tao na nasa aming likuran. Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang si Mam Charlotte na sumakay sa rides na iyun ng mag-isa. Baka kung mapaano ito.
"Mam, hindi po ba kayo natatakot?" tanong ko. Agad itong umiling. Nakangiti pa itong tumitig sa akin.
think magkakasundo tayo! I like you
Ate Ganda!" sagot nito. Hindi naman
ako nakaimik. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng tawagin akong
"Ate Ganda' nito. Siya nga itong
sobrang ganda! Dalagita pa lang pero
kuhang kuha na nito ang hitsura ni
Madam.
"I'm so excited! Dont worry Ate Ganda ako ang bahala." wika nito at pumuwesto na kami sa roller coaster.
Hindi ko maiwasan na mapahawak ng mahigpit ng mag-umpisa ng umusad ang sinasakyan natin. Nilingon ko pa si Mam Charlotte na noon ay ngiting- ngiti at kita ang tuwa sa mga mata nito. Hindi man lang ito nakikitaan ng nerbiyos. Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayun. Wala na akong nagawa pa kundi ang ipikit ang aking mga mata ng mabagal na kaming umusad.
Halos bigkasin ko na lahat ng santo na
alam ko ng mabilis na kaming umikot- ikot sa ire. May pagkakataon pa na parang nahihimatay na ako sa takot. Puro tilian ang naririnig ko. Ramdam ko ang pagbaliktad namin habang mabilis ang takbo nitong sinasakyan namin. Halos maiyak na ako dahil sa nerbiyos dagdagan pa na parang gusto ng bumiktad ang sikmura ko dahil nakaramdam na din ako ng pagkahilo.
Laking pasalamat ko ng mamalayan kong sa wakas natapos din kami. Halos manginig ang tuhod ko ng hawakan ako ni Mam Charlotte para makababa na. Tulala akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ng mga amo namin.
HIndi ako makapagsalita kahit na naririnig kong kinakausap ako ni Mam Charlotte
"How is it?" agad na salubong sa amin ni Sir Elijah. Ano daw? Hilo na nga ako mag-eenglish pa? Nasaan ang hustisya?
"Its fine! God, I love it! I really love it!" masayang sagot naman ni Mam Charlotte
"You love it? Pero halos magkulay papel na iyang mukha ng katabi mo?" Biglang sabat ni Sir Rafael. Inabutan pa ako nito ng tubig na nasa bote. Nagulat naman ako dahil sa ginawa nito. Kailan pa siya nagkaroon ng concern sa akin? Ang pagkakaalam ko galit ito sa akin tapos ngayun may paabot-abot pa ng tubig. Para tuloy gusto kong mahiya. Pwede namang kay Mam Charlotte niya ibigay diba?
"Drink it! Sasama-sama sa rides hindi naman pala kaya!" halata ang boses nito. Napakurap ako ng makailang ulit bago ito tinanggap.
"Salamat po Sir!" sagot ko at agad na uminom ng tubig. Kahit papaano nahimasmasan ako pagkatapos kong inumin iyun. Agad kong hinanap si Ate Maricar. Nakatayo ito sa tabi nila Mam
Carissa habang ngingiti ngiti.
Muling dumako ang tingin ko kay Sir Rafael. Seryoso itong tumitig sa akin bago tumalikod.
"Maghanap muna tayo ng restaurant. I think gutom na ang iba. Tama na iyang rides muna." agad na anunsyo ni Madam Carissa. Agad naman sumang- ayon ang lahat. Nagpasalamat ako dahil pakiramdam ko nanghihina pa rin ang tuhod ko.
"Ayos ka lang ba?" agad na tanong sa akin ni Ate Maricar ng hawakan ako nito. Alanganin akong tumango.
"Ang putla mo kanina. Nakakatakot ba talaga ang rides na iyun?" tanong nito. Parang gusto ko naman itong sagutin ng pabalang. Kakasabi lang nito kanina na gusto nitong subukan lahat ng rides pagkatapos basta na lang kami iniwan? Ano iyun?
"Nica, ang tapang mo pala." narinig ko namang wika ni Sir Elijah. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko pala ito habang naglalakad. Isa pa ito. Siya ang nagsuggest sa rides na iyun basta na lang kami iniwanan noong pasakay na. Mga pasaway!
Agad kaming nakarating ng restaurant. Kanya-kanyang upo ang lahat sa mahabang table. Tahimik naman kami ni Ate Maricar na nakatayo sa gilid. Ang mga Yaya's naman ng mga apo nila Madam ay naupo na din sa kabilang table. Mukhang alam na nila kung saan sila pupwesto kapag may mga ganitong lakad. Tahimik lang kaming nakamasid ni Ate Maricar.
"Dito na kayo umupo Veronica. May mga bakante pa na chair." wika ni Ate Arabella at itinuro ang bakanteng upuan na wala pang nakaupo. Agad naman akong hinila ni Ate Maricar papunta doon. Pagkaupo namin ay
makayoko lang ako habang hinihintay ang order namin. Isa pa sino ba ang hindi mapapayuko kung ang masungit naming amo ay nasa tapat namin.
Direkta itong nakatitig sa amin ni Ate Maricar.....hindi sa akin lang pala. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit pa rin ang ulo nito sa akin. Kung tutuusin isang beses pa lang naman akong nagkamali sa mansion na iyun ah? Hindi pa rin ba nito nakalimutan na minsan akong kumuha ng tubig sa pool para idilig sa mga halaman?
RAFAEL POV
Kausap ko ang isa sa kambal na anak ni Ate Miracle na si Elias ng mapansin kong muling nilapitan ni Elijah si Veronica. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko ng mapansin ko na mukhang may kapilyuhan na naman itong naisip. Hindi din nakaligtas sa pandinig ko ng tawagin
nitong "Nica' si Veronica. Hindi ko nga
maiwasan na mapataas ang aking kilay
dahil doon. "Kung hindi lang mapilit sila Mommy
hindi talaga ako sasama sa lakad na ito. Para lang sa mga pambata ang lakad na ito. Mas gusto kong magkulong ng kwarto at magbasa ng libro kung ganito man lang." narinig kong
himutok ni Elias. Ibang iba ang ugali nito kompara sa kakambal na parang hindi nagmatured ang utak. Sabagay, malaki nga pala ang pagkakaiba nila kaya nga hindi sila magkasundo.
Parang mga aso at pusa ang dalawang ito. Kaya nga walang nagawa sila Ate Miracle kundi paghiwalayin ang mga ito. Lagi kasing may riot sa loob ng bahay nila kapag magkasalubong ang kambal.
Kung gaano kakulit si Elijah kabaliktaran naman itong si Elias. Tahimik lang ito at parang may sariling mundo.
"Pwede naman siguro pakiusapan sila Ate sa susunod. Mahirap naman kung sumasama ka sa ganitong lakad pagkatapos hindi ka naman pala nag- eenjoy." sagot ko dito.
"Ikaw Uncle...bakit ka nga pala sumama. Ang alam ko wala ka din naman kahilig-hilig sa mga ganitong lakad eh .^ prime prime tanong nito. Nilingon ko ito at seryosong tinitigan.
"Uncle? Pati ikaw ba naman hindi mapakiusapan? Dalawang taon lang ang tanda ko at huwag mo akong tawagin ng ganyan.' yamot kong sagot dito. Natawa ito.
"Hindi pwedeng suwayin ang utos ni Mommy. Malalagot kami kapag marinig nyang tinawag ka namin sa pangalan mo. Uncle ka namin kaya iyun ang dapat itawag namin sa iyo!" sagot nito. Marahas akong napabuntong hininga. Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na. Eh twenty
three years old pa lang naman ako samantalang ang kambal twenty one na. Kainis talaga!
"Ang ganda niya noh?" narinig kong muling wika nito. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan nito at nagulat ako ng direkta itong nakatitig kay Veronica! Huwag niyang sabihin na may crush ang introvert kong pamangkin sa baduy naming kasambahay? Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakaramdam ako ng inis.
"Hindi kayo bagay." sagot ko. Napansin ko pa ang pagtitig nito sa akin bago umiling.
"Hindi porket sinabi kong maganda ang isang tao may gusto na ako. Hindi ko lang maiwasan na bigkasin ang bagay na iyun dahil iyun ang nakikita ng dalawa kong mata." sagot nito. Napataas ang aking kilay. Pagkatapos
ay muling ibinalik ko ang tingin kay Veronica. Nagulat pa ako ng mapansin ko na silang dalawa na lang ni Charlotte ang nakapila pasakay sa roller coaster. Hinagilap ko ng tingin si Elijah at napansin ko itong nakatayo sa hindi kalayuan. Ngingiti-ngiti ang gago! Agad akong napailing.
"Kawawang Veronica! Naisahan na naman ng may sapak mong kapatid." bigkas ko. Napailing naman si Elias.
"Hindi ka na nasanay diyan! Talo pa ang bata kung mag-isip. Kaya nga kahit kakambal ko iyan hindi ko kasundo. Iba ang trip sa buhay!" sagot nito. Hindi ko na ito sinagot at itinoon ang attention ko kay Veronica. Nakasakay na ito sa roller coaster kasama ni Charlotte. Agad akong nakaramdam ng pag-aalala ng
mapansin kong ninerbiyos ito.
Sabagay, kanina nga sa sa pirate ship kita ko kung paanong nagkulay papel
ang mukha nito..... sa roller coaster pa kaya na mas intense ang rides doon.
Haysst, bwesit talaga itong si Elijah!
Ang lakas ng trip sa buhay. Kawawang
babae.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa bilihan ng tubig at agad na bumili ng isa. Hinintay kong matapos ang rides nila Veronica bago nagpasya itong lapitan.
Tama nga ang hinala ko. Tulala ang baduy habang kapansin-pansin ang nerbiyos nito. Napailing ako at agad na inabot dito ang hawak kong tubig.
"Drink this!" wika ko. Napansin kong parang wala sa sariling tumitig sa akin. tsk! Tsk! Matindi ang tama sa utak nito dahil sa rides na iyun. Sino ba kasi ang nagpauso ng palarong iyun? Kahit ako hindi natutuwa. At wala akong balak na subukan.
Napansin kong nagkatinginan ang buong angkan namin dahil sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin. Pakialam ba nila. Eh sa iyun ang gusto ko! Kahit naman baduy itong kaharap ko ngayun hindi ko din naman matiis. Walang ni isa sa kanila ang kayang gawin ang ginawa ko. Ang pagbibigay ng tubig sa kanya para mahimasmasan.
"Crush mo sya?" narinig kong tanong ni Elias sa akin habang naghahanap kami ng makakainan na restaurant. Hindi ko ito sinagot. Nanahimik na lang din ito na siyang labis kong ipinagpasalamat.
Pagdating sa restaurant ay sakto naman na sa harapan ko ito nakapwesto. Malaya kong napagmasdan ang hitsura nito. Maganda nga kahit palaging nakayuko. Ganda na hindi nakakasawa. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng makailang ulit ng dumako ang tingin ko sa labi nito. Para akong inaanyayahan niyon na tikman ito.
Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin? Kailan pa ako nagka-interes sa labi ng isang babae? Bakit bigla kong nakalimutan ang rules ko? Hindi ako hahalik sa labi ng isang babae noh? Lalo sa isang baduy na katulad nito. Isa pa wala akong balak pumatol sa mga empleyado ng pamilya namin. Mapa- opisina man or sa mansion.
Chapter 168
VERONICA POV
"Mukhang pagod na ang lahat. Malapit na din gumabi at kailangan na nating umuwi." narinig kong wika ni Madam Carissa. Agad akong nagpasalamat. Sa wakas makakatakas na ako sa lugar na ito. Hindi ko na kayang subukan pa ang ibang rides na iyan.
"I think tama si Mommy niyo. Isa pa hindi naman nag-eenjoy ang mga adult kaya naman mas mabuting umuwi na lang ng mansion at uminom ng wine." sabat naman ni Sir Gabriel. Agad naman nagsipagsang-ayunan
ang lahat.
"Parang gusto ko na lang magswimming." narinig ko ding sabat ni Mam Charlotte. Mabuti na lang at nagkasundo na ang lahat. Agad kaming lumabas ng restaurant at naglakad palabas ng amusement park. Gusto ko na din talagang makauwi.
Pakiramdam ko hilo pa rin ang utak ko dahil sa nangyari kanina.
"Mauna na kayo Mom. Balak kong dumaan ng mall para bilhan ng gamit niya si Veronica. "Hindi ko maiwasang magulat sa sinabing iyun ni Mam Arabella.
"Naku Mam, hindi na po kailangan..." nahihiya kong
sagot. Sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng oras diba? Nakakahiya!
"Huwag ka ng mahiya Veronica. Mauna na kayong lahat. Sumama ka sa aming dalawa ni Kurt. Gusto kitang ipagshopping dahil nagiguilty ako dahil hindi ko natupad ang promise ko noon sa Nanay mo, Matalik ko siyang kaibigan at ngayong nandito ka bilang anak niya gusto kong Ipakita ang pasasalamat ko sa pamamagitan mo. Kaya huwag ka ng tumanggi." nakangiting sagot ni Mam Arabella. Nahihiya naman akong napayuko
"Ang swerte mo naman! Huwag
ka ng tumanggi. Grasya na iyan!" bulong sa akin ni Ate Maricar. Hindi ako nakaimik.
"Oh siya.. magkita na lang tayo sa mansion." wika nito at humiwalay na kami.
"Bweno, mauna na kami. Mag- ingat kayo." sagot ni Mam Carissa. Sinulyapan pa ako nito sabay ngiti.
"Lets go Veronica. Bilisan na natin para makarami tayo." wika ni Mam Arabella at hinawakan pa ako sa kamay. Wala na akong nagawa pa kundi ang nagpatianod na lang.
Pagdating ng parking ay agad nitong binuksan ang pintuan ng kanilang kotse. Nagulat pa ako ng pagkaupo ko sa loob ng kotse ay umupo sa tabi ko si Mam Arabella. Ang pagkakaalam ko ang asawa nito ang magdadrive kaya dapat sa harap ang pwesto niya.
"Sasama ang baliw kong kapatid. May bibilhin din daw siya!" Bulong nito habang nakataas ang kilay. Agad akong tumingin sa labas ng kotse at nakita ko si Sir Rafael sa labas. Kausap nito ang asawa ni Mam Arabella na si Sir Kurt.
Hindi naman nagtagal at pumasok na ang mga ito sa loob
ng kotse. Umupo si Sir Rafael sa tabi ni Sir Kurt na syang nagdadrive. Tahimik lang akong nakamasid sa mga dinadaanan namin.
Gabi na pala. Pero gayunpaman maliwanag pa din ang buong paligid dahil sa mga nakabukas na ilaw sa mga poste. Iba talaga dito sa Manila. Ang daming sasakyan at abala palagi ang mga tao.
Namangha pa ako ng pumasok kami sa isang malaking mall. Pumarada lang si Sir Kurt at sabay-sabay na kaming nagsipagbabaan. Agad naman kumapit si Mam Arabella sa
kanyang asawa kaya tahimik lang akong nakasunod sa kanila.
Si Sir Rafael naman ay tahimik lang din habang naglalakad.
Ilang distansya ang layo nito sa amin kaya kahit papaano nabawasan na ang pagkailang ko dito. Iyun nga lang...kailangan hindi ko ihiwalay ang tingin ko kina Mam Arabella. Baka mawala ako. Ang dami pa namang tao... hindi alam kung paano uuwi ng mansion kung mangyari iyun. Isa pa wala akong kapera-pera. Pinakiusapan ko na lang sana si Ate Maricar na sumama na lang sa amin. May kausap sana ako ngayun.
"Doon tayo!" napapitlag pa ako ng magsalita si Mam Arabella. Pagkatapos pumasok kami sa isang na puro damit bags at sapatos ang nakikita ko. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila ng hindi malaman ang gagawin.
"Mamili ka na kung ano ang gusto mo Veronica. Huwag kang mag-alala lahat ng gusto mo bibilhin ko." Nakangiting baling nito. Nahihiya naman akong umiling.
"Naku, nakakahiya po Mam. May uniform naman kami sa mansion at hindi ko naman po masusuot iyan." kimi kong sagot. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nito.
"I insist! Isa pa kailangan mo ang mga iyan. Sige na dahil titingin din ako ng mga para sa akin." nakangiti nitong wika pagkatapos na ako. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Ilang minuto akong nakatanga ng may lumapit sa akin.
"Mam, gusto nyo po bang tulungan ko kayo ng bagay sa inyo? Marami pong stocks na dumating ngayun. Pwede po kayong magsukat." hindi ko maiwasang magulat ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Agad ko itong binalingan. Tumampad sa mata ko ang dalawang staff na nakatayo habang nakatingin sa akin.
"Naku huwag na po! Nakahiya!" sagot ko at hindi alam kung paano ang gagawin. Agad na ngumiti ang isa sa kanila at kinuha ang isang nakahanger na dress. Pagkatapos ay idinikit nito sa katawan ko.
"ito Mam, bagay sa iyo ito! Pwede niyo pong isukat." nakangiti nitong wika. Agad ko namang tinitigan ang dress. Maganda nga, pero kahit na nakakahiya pa rin.
"Sige na, magsukat ka na para makauwi na tayo." napapitlag pa ako ng biglang nagsalita sa likuran ko si Sir Rafael. Hindi ko alam na nandito din pala siya sa
loob ng shop na ito. Hindi ko kasi napansin ang pagpasok nito kanina.
"Kunin mo ang lahat ng damit na babagay sa kaniya! Tulungan niyo na din siyang magsukat." utos pa nito sa dalawang sales lady. Tatanggi pa sana ako ng bigla akong hawakan ng isa sa kamay. Pagkatapos ay hinila ako sa parang isang maliit na kwarto.
"Mam, maganda po dito sa amin. Sige na po para naman ma-hit namin ang target namin!" wika nito sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Oo nga! Si Sir Villarama ang nasa labas. Tiyak na tiba-tiba tayo nito." sabat naman ng isa Aktong huhubarin nito ang soot ko ng umangal ako.
"Teka lang po mga Ateng. Ano ang ginagawa niyo?" Hindi ko maiwasan na panlakihan sila ng mga mata. Natigilan naman ang mga ito sabay yuko
"Sorry po Mam. Excited na po kasing makita namin kung bagay sa iyo ang damit na ito." sagot nito. Alanganin ko silang tinitigan sabay kuha sa damit na hawak nito.
"Isusukat ko na. Pwede po bang iiwan nyo muna ako dito?"wika ko. Hindi ko keri na maghubad sa harap ng ibang tao noh? Kahit sabihing tulad kong mga babae din sila. Agad naman silang nagsipaglabasan. Wala na akong nagawa kundi isukat ang naiwan na damit. Namangha pa ako dahil bumagay sa akin ito. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakikita ng ganito kagandang dress. Diyos ko, siguro mahal ito. Umikot ikot pa ako sa harap ng salamin at hindi ko maiwasan na mapangiti. Ngayun lang ako nakasuot ng ganito kaganda. Para tuloy akong isang prinsesa.
Tulala akong nakatitig sa salamin ng marining kong may kumatok dito sa dressing room.
Wala sa sariling binuksan ko ito at tumampad sa harap ko ang sales leady na nag-asikaso sa akin kanina. Gumuhit ang saya sa mukha nito ng makita nito na suot ko na ang damit.
"Bagay sa iyo Mam. Lumabas po muna kayo para makita ni Sir." wika nito.
"Naku huwag na!" sagot ko. Sinong 'Sir' ba iyun? Si Sir Rafael? Huwag na baka sungitan na naman ako noon.
"Sandali lang naman Mam. Halina po kayo!" pamimilit nito at hinila pa ako. Walang hiya ang lakas ng sales lady na ito ah?
"Sir...bagay po kay Mam!" Kukunin nyo na po ba?" Abala si Sir Rafael sa kanyang cellphone ng pukawin ito ng sales lady. Agad itong nag-angat ng tingin
at tumitig sa akin. Parang gusto naman manginig ang tuhod ko sa klase ng titig na ibinibigay nito sa akin ngayun. Parang tagos hanggang kaluluwa.
"Ok..Good! Lahat ng design na meron kayo kukunin ko. Basta kasya sa kanya lahat." sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Pagkatapos ay iginala ko ang tingin sa paligid. Hinahanap ko si Mam Arabella. Pero mukhang wala sya sa shop na ito.
"Sir, naku nakakahiya! Ayos na po itong soot ko. Hi-hindi ko po kailangan ng maraming damit." sagot ko dito.
"Tsk! Tsk! tsk! sumunod ka na sa kanila. Isukat mo lahat ng ibigay nila para matapos na.' sagot nito.
Hindi naman ako makapaniwalang tumitig dito. Ayos lang ba ang Boss namin? Bakit parang nanununo yata? Teka sino ba ang magbabayad sa mga damit na iyan! Nakakahiya kina Mam Arabella kung nagkataon. Ang alam ko kasi siya ang magbabayad.
"Sir, huwag na po! Nakakahiya kina Mam Arabella.!" sagot ko. Agad na kumunot ang noo nito sabay titig sa akin. Pagkatapos ay tumaas ang kilay nito.
"Anong Mam ARabella? Kanina pa sila umuwi." sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwalang napatitig dito. Iniwan kami nila Mam...hindi iniwan ako ni Mam Arabella?
"Sige na! Bilisan mo na. Kapag babagal bagal ka pa iiwan na talaga kita dito!" wika nito na may halong inis ang boses. Parang gusto naman maiyak. Bakit iniwan ako ni Mam sa masungit na ito?
"Sir, ayaw ko na po. Ok na po ito.!" sagot ko. Masama akong tinitigan sabay senyas sa dalawang sales lady. Wala na akong nagawa pa kundi sumunod na lang sa kanila. Baka tutuhanin ni Sir Rafael ang sinabi nito na iiwan ako.
RAFAEL POV
Lihim akong napangiti habang
sinusundan ko ng tingin ang pagtalikod ni Veronica. Kailangan pang takutin para sumunod. Siya na nga itong ipinagshopping siya pa itong aayaw. Haysst kakaiba talaga sa lahat. Kung sa ibang babae ko siguro ito ginawa baka hanggang langit ang tuwa na nararamdaman. Pero kakaiba
talaga itong si Veronica. Hindi ko man lang nakitaan ng tuwa ang mukha.
"Tumayo ako at inilibot ang tingin sa paligid. Pagkatapos ay lumapit sa counter at itinuro ang tatlong bags.
"Isama mo yan sa mga babayaran ko. Isa pa lahat ng kasya kay Veronica bibilhin ko." wika ko dito.
"Sige po Sir...Thank you po!" sagot nito. Tumango lang ako at muling bumalik sa upuan. Sinipat ko ang relo. Halos alas- otso na ng gabi at at heto ako, hindi man lang nakakaramdam ng inip habang hinihintay si
Veronica. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Pangalawang araw pa lang siyang nakatira sa mansion pero pakiramdam ko may malaking bahagi na ng pagkatao ko ang kinuha nito.
Dahil ba nagagandahan ako sa kanya? O dahil iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko? Tsk! Nababaliw na yata ako. Awa lang siguro itong nararamdaman ko. Lalo na ng ikiwento ni Ate Arabella sa amin kung gaano kahirap ang buhay ng mga ito sa Isla. Siguro nga first time nyang naipagshopping eh. Kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga
mata habang papasok kami kanina sa mall. For sure first time nyang nakagala sa ganitong lugar.
Buti na lang at may biglang pinuntahan sila Ate Arabella at inihabilin nito sa akin si Veronica. Ang galing talaga gumawa ng timing ng pagkakataon.
"Sir, umayaw na po si Mam sa pagsusukat. Pagod na daw siya." balita sa akin ng sales lady.
"Babayaran ko na lahat ng damit na nagkasya sa kanya. " sagot ko at agad na tumayo. Papunta na ako ng counter ng lumabas mula sa fitting room si Veronica. Soot
nito ang huling damit na isinukat nito. Maong pants at crop top. Kitang kita ang maliit na baywang nito. Nakatali na din ang mahaba nitong buhok kaya lalong naging kapansin-pansin ang maamo nitong mukha. Nakayuko itong naglakad papunta sa akin.
"Sir...ayos na po. Ayaw ko na pong magsukat!" wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
"Kung ganoon bayaran na natin. Para naman makalipat tayo sa ibang boutique." sagot ko at naglakad na papuntang counter. Sumunod ito sa akin at kita ko
ang gulat sa kanyang mukha ng makita nito ang mga damit na nasa counter.
"Sir, bibilihin niyo po lahat iyan? " tanong nito. Muli ko itong hinarap. Kitang kita ang matinding pagtutol sa mga mata.
"Syempre! Para itapon mo na iyung mga baduy mong damit! Hindi bagay sa mansion. Masakit sa mata!" sagot ko dito. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti...Hay ang cute nya talaga!
Chapter 169
VERONICA POV
Hindi ko mapigilang maasiwa sa soot ko ngayun. Hay hindi na ibinalik sa akin ang soot ko kanina. Hindi ko alam kung saan inilagay ng mga sales lady. Sabi naman ng mga ito kahit hindi ko na daw hubarin itong soot ko ayos lang. Babayaran naman daw ni Sir Rafael.
Ang problema nga lang hindi ako komportable. Hapit na hapit itong maong pants ko tapos kapag yumuko ako ng kaunti kita naman ang pusod ko or likod ko. Ngayun pa lang nag- uumpisa na akong lamigin dito sa soot kong damit. Baka nga magkakabag pa ako. Sa lamig ba naman ng aircon dito sa loob ng mall tiyak na magkakabag ako. Papasukin ng lamig ang katawang lupa ko.
Hindi ko malaman ang gagawin ko kanina ng mapansin ko ang pagtitig ni Sir Rafael. Wala naman itong sinabi tungkol sa soot ko pero hindi pa rin maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na ng ilang segundo niya akong tinitigan bago naglakad papuntang counter.
Agad naman akong sumunod dito. Bigla akong nagulat ng mapansin ko ang mga damit na nakalapag sa counter. Ang iba doon ay naisukat ko na kaya naman nagtataka akong tumingin kay Sir Rafael. Lalo na na mapansin ko na inilalagay na nila ito isa-isa sa mga paper bags. Seryoso? Hay ano bang nakain nito? Bakit kailangan nya akong bilhan ng damit. Akala ko ba asar siya sa akin? O naiinis lang talaga niyang makita ang sinasabi nitong mga baduy kung damit?
Ang arte nya naman. Iyun kaya ang uso sa probensya namin. Gandang-ganda nga ang mga kaibigan ko noon eh. Pero mas maganda ang mga pinamili nya ngayun. Magaan sa katawan at
masarap sa balat.
Napansin ko na agad nitong inabot ang isang kulay black card sa kahera ng banggitin nito ang total na babayaran ni Sir. Wala lang, nagtaka lang ako dahil pwede na pala pambayad iyun. Hindi na kailangan ng pera?. Nagtataka man pero tahimik lang akong
nakamasid. Ayaw ko ng magsalita pa. Baka mamaya lalo itong mainis sa akin at iiwan ako. Lagi pa naman nakakunot ang noo nito. Bahala na nga siya.
Pagkatapos maibalik ng kahera ang card nito ay binalingan niya ako. Agad naman akong napayuko. Ewan ko ba, hindi ko talaga kayang makipagtitigan dito. Bumuntong hininga ito at naglakad palabas ng shop. Agad akong napasunod.
Pagdating sa labas ay nagulat pa ako dahil may tatlong kalalakihan ang lumapit sa amin. Ngayun ko lang sila nakita at nagtaka ako dahil agad na nagbigay ang mga ito ng galang kay Sir Rafael.
"Kunin niyo ang mga pinamili namin sa loob. Ilagay niyo na sa kotse dahil may pupuntahan pa kami." wika nito. Agad naman tumango ang isa sa kanila at pumasok sa loob ng shop. Naiwan naman akong naguguluhan.
Napapitlag pa ako ng maramdaman ang kamay nito na humawak sa kamay ko. Maang akong napatitig dito at agad na hinila ang kamay kong hawak nito para mabitawan niya. Nakakahiya kaya. Lalo na ng mapansin ko na nakatitig sa gawi namin ang ibang mga tao. Mukhang kilala yata ng mga ito si Sir Rafael. Sabagay gwapo naman talaga ang amo namin at hindi nakakapagtaka na maraming mga kababaihan ang magkakagusto dito.
"Lets go!" wika nito sa yamot na boses. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka Mukhang asar na naman ang amo namin ah? Ang hirap talaga spellingin ng ugali nito.
"Opo, sagot ko at agad na sumunod dito. Hindi ko maiwasan na mailang ng mapansin ko na nakasunod sa amin ang dalawang lalaki na kanina ay kausap lang ni Sir. Siguro bodyguard niya din ito. Ilan ba ang bodyguard ng pamilya nila? Kung ganoon sobrang yaman pala talaga nila. Parang gusto ko tuloy manliit. Natanong ko sa aking sarili kung ganito ba talaga ang pakikisama nila sa lahat ng kanilang mga kasambahay. Ipinagsa-shopping din ba nila.
"Doon tayo." napapitlag pa ako ng muli akong hawakan sa kamay ni Sir Rafael at hinila papasok sa isa namang shop. Tindahan ng mga sapatos at sandals. Hindi ko maiwasang mamangha ng mapansin ko kung gaano kagaganda ang aking nakikita. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako
nakakita ng mga ganitong klaseng
sapin sa paa.
"Good Morning Sir...Good Morning Mam." agad na bati sa amin ng mga tao sa loob. Nahihiya akong napayuko. Hindi pa rin kasi binibitawan ni Sir Rafael ang kamay ko. Lalo tuloy akong nailang dito.
"Mamili ka na kung ano ang gusto mo. Malapit na magsara ang mga boutique kaya bilisan na natin." narinig kong wika nito. Hindi ko naman maiwasan mapatanga at inilibot ang tingin sa paligid. Lahat maganda at nahihiya akong pumili ng kahit isa doon. Iisipin talaga nito na masyado na akong abusada. Ang dami nya na ngang biniling damit kanina. Siguro makikiusap na lang ako na iunti-unti niya na lang pagkaltas sa sahod ko lahat para mabayaran ko ang mga iyun. Naniniwala kasi ako na wala ng libre sa panahon ngayun.
"Bigyan mo ako ng ka-size ng paa niya katulad ng design na iyan." napapitlag pa ako ng malakas na magsalita si Sir Rafael. Pagkatapos hinila pa ako paupo sa isang upuan. Wala na akong nagawa pa kundi tahimik na magpatianod na lang. Ayaw ko ng kumibo. Baka mamaya sigawan ako nito. Mukhang mainit pa din ang ulo. Naiinis siguro ito dahil malaki na ang nagastos sa akin ngayung araw. Eh sino ba ang nagsabi sa kanya na ibili niya ako ng mga damit na iyun?
"Sir ito na po. Pwede ng isukat ni Mam para makita natin kung kasya ba sa kanya." wika ng sales lady sabay abot ng box. Agad naman itong kinuha ni Sir Rafael at binuksan ang box.
Nagtaka pa ako ng imbes na iabot sa akin ang laman ng box ay tumayo ito. Umupo ito sa may paanan ko pagkatapos ay hinawakan nito ang aking paa. Agad na nanlaki ang aking
mga mata dahil sa pagkagulat. Pilit kong nilalayo ang paa ko dito para hindi nya maabot. Nakakahiya!
"Huwag kang magulo. Ako na ang magsusuot ng sandal na ito para mapabilis tayo." wika nito na may halong inis sa boses. Napalunok ako ng makailang ulit at aktong aagawin sa kamay nito ang sandals ng iiwas niya ito sa akin. Pagkatapos ay tinitigan ako ng masama.
A-ako na Sir! Nakakahiya po." sagot ko habang hindi makatingin ng deretso dito. Dumako pa ang tingin ko sa mga sales lady at lahat sila ay nakatingin sa gawi namin. Nakanganga pa ang iba habang ang iba naman ay kilig na kilig.
Hindi ito nakinig sa akin bagkos hinawakan nito ang paa ko. Agad nitong tinanggal ang suot kong lumang sapatos na hiniram ko pa kay Manang Espe kanina. Sabi ko babayaran ko na lang sa kanya pagkashod ko dahil pudpod na ang sapatos na dala ko galing probensya.
Naiilang man pero hinayaan ko na lang ang amo ko sa trip nya. Hindi ko alam kung normal pa ba itong ginagawa nya. Pero since napakahirap nitong kausapin dahil laging nakasimangot bahala na nga. Hindi naman siguro ako mamamatay sa gagawin niyang ito.
"Nice!" bulong nito at tumayo na. Itinoon ko naman ang tingin ko sa soot kong bagong sandals. Hindi naman masyadong mataas ang takong at alam ko naman kung paano gamitin ito. Sakto sa paa ko at komportable naman kaya hindi na ako umimik pa.
"May iba ka bang gusto maliban sa soot mo?" tanong nito. Agad akong umiling at pilit na ngumiti.
"Ayos na po ito sir . sagot ko. Tumango ito at tumingin sa soot niyang relos.
"Wait for me here. Babayaran ko lang yang sandals." wika nito. Napatango na lang ako habang sinusundan ito ng tingin. Napansin ko naman na pinulot ng sales lady ang luma kung sapatos at inilagay sa isang paper bago.
Pagkatapos ay nakangiti itong iniabot sa akin.
Saglit akong naghintay at napansin ko ang paparating na si Sir Rafael.
Nagtaka pa ako dahil may bitbit itong dalawang paper bag na may logo nitong shop. Hindi ko na lang pinansin dahil baka bumili din ito ng para sa kanyang sarili. Pagkalabas namin ay tatlo na ulit ang mga bodyguard na naghihintay sa amin. Nakabalik na agad iyung isa na nagdala ng mga pinamiling damit sa kotse.
Agad na inabot ng isa sa mga ito ang bitbit ni Sir Rafael. Kinuha din ni Sir sa mga kamay ko ang bitbit kong paper bag na may lamang lumang sapatos ko.
Pagkatapos ay tahimik silang sumunod sa amin. Hindi ko naman alam kung saan pa nito balak na pumunta. Kung ako ang masusunod, mas gusto ko ng umuwi na. Nakakaramdam na din ako ng pagod at nahihiya ako sa mga tingin na ipinupukol ng ibang mga tao sa mga nadadaanan namin.
"Rafa?" papasok na naman kami sa isang shop ng may biglang tumawag sa pangalan ni Sir. Napahinto sa paglalakad si Sir Rafael at binalingan ang taong tumatawag sa kanya.
Hindi ko maiwasan na pakatitigan ang seksing babae na palapit sa amin. Ang ganda niya at halos kita na ang buo nitong katawan sa kanyang suot. May kasama itong isa pa at katulad nito halos maghubad na sa klase ng damit na suot nila. Siguro ito talaga ang uso na pananamit dito sa Maynila. Halos kita na ang kanilang kuyukot sa sobrang iksi ng shorts at baba ng cleavage. Mas matino pa pala itong suot ko ngayun. Nakapants ako at kaunting pusod at balikat ko lang ang kita.
"Small world! Hindi ko akalain na nandito ka din pala sa mall." nakangiti nitong wika. Tahimik lang akong nakatayo sa likuran ni Sir Rafael. Pinapakinggan ang kanilang pag- uusap. Hindi ko naman mapigilan na manlaki ang aking mga mata ng akmang yayakap ang babae kay Sir Rafael. Mabuti na lang at magaling yata umiwas itong amo ko.
"Get lost!" yamot na wika ni Sir RAfael. Pagkatapos ay binalingan ako nito ng tingin at hinawakan sa kamay. Agad kong napansin ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaharap nito. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang pagtitig nito sa akin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.
"So, may ipinalit ka na pala kaagad sa akin. Bilib na talaga ako sa iyo...noong nakaraang araw lang ang huling sex natin may iba ka na kaagad!" wika nito sa nang-uuyam na boses. Hindi ko naman maiwasan na tingnan ang mukha ni Sir Rafael. Seryoso itong nakatitig sa babae. Naramdaman ko din ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.
"Well, ganoon naman ako diba? Wala ng dapat pang ipagtaka doon." sagot nito at hinila ako papasok sa loob ng shop. Akmang lilingunin ko pa ang babae ng magsalita si Sir Rafael.
"Mas maganda ka kaysa kanya. Huwag mo na siyang pag-aksyahan ng panahon." wika nito at iniyapos ang kanyang isang braso sa baywang ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata at aktong lalayo para makawala dito pero mas malakas ito kaysa sa akin.
"Good Evening Sir, Mam!" Natigil lang ako ng may biglang bumati sa amin. Agad kong itinoon ang pansin sa lugar kung nasaan kami ng nanlaki ang aking mga mata. Nandito kami sa mga
tindahan ng alahas? Puro nagkikintabang mga bato ang aking nakikita. Ano ang ginagawa namin dito?
"Kailangan ko ng kwentas. Iyung pinaka-latest." sagot ni Sir Rafael. Binitawan nya na ako kaya nakahinga ako ng maluwang at agad na lumayo ng ilang distansya dito. Pagkatapos ay naging abala na ang mga mata ko sa kakatitig sa mga nakadisplay.
"Sa VIP Room tayo Sir." narinig ko pang wika ng isang babae sa kanya. Hindi ko pinansin pero naramdaman ko na lang ang muling paghawak nito sa kamay ko.
"Lets go!" wika nito. Hindi na ko nakaimik pa at nagpatianod na lang. Siguro kailangan ko na lang sakyan kung ano ang trip nya. Baka bibili ito ng regalo para kina Madam Carissa. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi mabasa ang mga presyo ng mga alahas dito sa loob. Kahit siguro hanggang pagtanda ko hindi ako makakabili ng ganito kamahal na bagay.
Chapter 170
VERONICA POV
"Po?" hindi ko maiwasang mamangha ng biglang tumayo sa likuran ko si Sir Rafael at isinuot nito ang hawak niyang kwentas. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kilabot ng maramdaman ko pa na sumayad ang kamay nito sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapalunok ng makailang ulit lalo na ng tuluyan na nitong maisuot sa akin ang kwentas at titigan ako nito sabay pakawala ng matamis na ngiti.
"Perfect! Bagay sa iyo!" nakangiti nitong wika. Para akong nahipnotismo na napatitig dito. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayun ko lang nakitang ngumiti ang amo ko! Ano kaya ang nakain nito? Hindi kaya may kung anong kapangyarihan ang kwentas na ito na siyang nakatulong para ngumiti siya ng ganito?
"I will buy it!" baling nito sa nag- aasikaso sa amin. Hindi ko na namalayan pa ang mga susunod na nangyari. Nakafocus ako sa soot kong kwentas ngayun lalo na ng banggitin ng nag-aasikaso kung magkano ang presyo nito....... 1.7 Million Pesos? Para tuloy bigla akong kinabahan at gusto na itong ipatanggal sa leeg ko. Kahit siguro buhay ko hindi sapat na maging kabayaran sa kwentas na ito.
Nakatapat ako sa salamin habang titig na titig sa aking leeg. White gold at pink na bato ang pinaka-pendant nya. Tuwing gumagalaw ako kumikinang ito lalo na kapag tinatamaan ng liwanag ilaw.
"Lets go! Masyado ng late at kailangan na nating makauwi." Narinig ko pang pagyayaya nito sa akin. Hindi ko na namalaya ang muling paglapit nito sa akin. Nakafocus ako sa kong anong meron sa leeg ko ngayun. Tapos na siguro silang mag-usap ng nag-aassist sa amin.
"Eh Sir, pwede po bang pakitanggal na nito ?" wika ko dito sabay turo sa suot kong kwentas.
"Bakit hindi mo ba gusto?" tanong nito sa seryosong boses.
"Hindi naman po, baka po kasi mawala ko eh. Isa pa baka makita nila Madam na suot ko ito. Baka magalit sila kapag malaman nilang ipinasuot nyo sa akin ang regalo na para sa kanila." sagot ko. Hindi ko kasi alam kung para kanino itong kwentas. Baka merong mag- bibirthday sa pamilya kaya sa akin niya isinukat. Tinitigan ako nito bago sumagot.
"Sino ang nagsabi. Para sa iyo yan sa kung kanino man ang kwentas na iyan? Binili ko iyan para sa iyo kaya wala kang choice kundi gamitin iyan araw- araw." sagot nito at agad akong tinalikuran. Parang bigla naman akong ipinako sa aking kinatatayuan sa sinabi
nito. Ilang sigundo din akong hindi nakagalaw bago sumunod dito.
"Para sa akin po? Pero bakit po?" tanong ko. Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako
"Anong bakit? Regalo ko sa iyo iyan kaya huwag ka ng magtanong." sagot nito.
"Hi-hindi ko naman po birthday Sir para regaluhan. Isa pa mahal po ito! Ayaw ko nito." diretsahan kong sagot. Agad na nagdilim ang expression nito at hindi marahil nagustuhan ang sagot ko kaya napalunok ako ng makailang ulit bago muling nagsalita.
"Mahal po kasi ito masyado...Hi-hindi ko po kayang magsuot ng ganito Sir." wika ko sabay yuko.
"Ano na ngayun ang gagawin natin diyan? Itapon sa basurahan dahil ayaw mo?" sagot nito sa seryosong boses.
Agad akong nanatulala dito. Mukhang hindi ito nagbibiro dahil nakakunot na naman ang noo at mukhang galit.
Grabe, kung makapagsabi siya ng ganito parang wala lang sa kanya ang ibinayad nya dito. May tama ba sa utak itong amo ko? Ang hirap niyang spellingin.
"Subukan mong hubarin iyan. Hindi ako magdadalawang isip na itapon sa basuran. Ikaw na nga itong niregaluhan para naman magmukha kang tao ikaw pa itong mareklamo." wika nito at agad akong tinalikuran. Mabilis itong naglakad kaya agad ko itong hinabol.
Mukhang nagalit talaga kaya hindi na ako nagtangka pang magsalita. Kung itatapon niya itong suot ko, eh di akin na lang. Total sobrang yaman naman nila eh. Pero teka lang...baka naman ikaltas nila ito sa sahod ko? Hindi pwede iyun. Balak kong ipagawa ang bahay namin sa probensya at lahat ng
sweldo ko ipapadala ko doon sa amin.
"Si-sigurado po kayo Sir?Akin na lang po ito? Baka po ikaltas niyo sa sahod ko ha? Hindi po ako papayag." muling wika ko. Tumigil ito sa paglalakad at tinitigan ako.
"Narinig mo naman siguro ang presyo ng suot mo diba? Kahit habang buhay ka pang manilbihan sa mansion, hindi kayang bayaran ng sweldo mo ang kwentas na iyan. Tsk! Tsk!" seryoso nitong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Agad naman akong napasunod dito.
Hindi naman siguro ako sisingilin. Sinabi nya kanina na regalo eh. Kaya walang bayad. Isa pa barya lang naman siguro sa kaniya ang perang ibinayad nya dito. Siguro may magic ang black card na ginagamit nito. Lahat kasi ng binili namin iyun ang ginagamit nyang pambayad.
Halos sarado na ang mga tindahan na nadaanan namin. Gabi na talaga siguro dahil inaantok na ako. Sana naman uuwi na kami. Ayaw ko ng mag-ikot.
"Nagugutom ka ba?" nagulat pa ako ng bigla itong huminto at hinarap ako. Agad akong umiling.
Laking pasalamat ko ng lumabas na kami ng mall at diretsong naglakad papuntang parking. Ibang sasakyan na ang binuksan ni Rafael ngayun. Tuluyan na nga kaming iniwan ni Mam Arabella dito sa mall.
"Sakay na!" wika nito sa seryosong boses. Nag-aalangan man ay agad na din akong sumakay. May sariling sasakyan ang tatlong lalaking nakabuntot sa amin kaya kaming dalawa lang ang nasa loob ng kotse nito. Si Sir Rafael pala ang magdadrive kaya siguro dito nya ako pinapwesto sa unahan dahil wala naman kaming
ibang kasama dito sa loob ng kotse.
Pinakiramdaman ko lang sya ng pinaandar niya na ang kotse. Nilingon pa ako nito tsaka napailing pagkatapos ay dumukwang ito sa akin kaya pakiramdam ko biglang naningas ang buo kong katawan. Hindi ako nakagalaw.
"Pati ba naman sa paglalagay ng set belt hindi mo pa alam gawin?" bulong nito sa punong tainga ko. Ramdam ko ang init ng hininga nito sa may tainga ko kaya agad na nanindig ang aking balahibo sa buong katawan. Ano ba ito? Normal pa ¨¤ ba ito sa amo namin? Bakit habang tumatagal lalo siyang naging kakaiba?
Nagpasalamat ako dahil umayos na ito ng upo pagkatapos nyang ikabit sa katawan ko ang set-belt nyang sinasabi. Pagkatapos ay unti-unti na nitong pinausad ang sasakyan.. Tahimik lang ako habang diretso ang tingin sa kalsada.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang kumain na muna tayo?" tanong nito. Tinanong nya na ako kanina pero dahil iling lang naman ang sagot ko tinanong na naman nya ulit. Baka si Sir
talaga ang gutom kaya ganoon. Nahihiya lang siyang magsabi sa akin. Charrr!
RAFAEL POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko sobrang saya ko dahil nasulo ko si Veronica. Gusto kong
bilhin lahat ng bagay na nakikita ko dito sa mall na alam kong babagay sa kanya. Pakiramdam ko mahalaga ang bawat oras na kasama ko siya kaya ng mapadaan kami sa isang jewelry shop ay agad ko itong hinila papasok.
Kung tutuusin, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ipinagshopping akong babae sa tanang buhay ko. Noon pa man hindi ako mayayaya ng
pamilya ko sa ganitong bagay dahil mainipin akong tao. Para sa akin walang kwenta at sayang lang ang oras sa mga ganitong bagay. Ang mga naging ka-fling ko naman noon ay sa kwarto palagi ang bagsak namin.
Pero ngayung si Veronica ang kasama ko walang ni kahit pagkainip akong nararamdaman. Gustong gusto ko pa itong makasama ng matagal dito sa labas dahil pakiramdam ko gusto kong ipakita sa lahat ng tao na nakakasalubong namin kung gaano kaganda ang kasama ko ngayun.
Hindi ko alam kung nasisiraan lang ba ako ng bait o naawa ako dito at gusto kong iparanas dito ang hindi nya naranasan sa tanang buhay nya. Pero hindi, alam kong may malalim na dahilan ang lahat ng ito kaya naman ngayun pa lang sisiguraduhin kong magiging komportable ito sa mansion.
Ito na din siguro ang pagkakataon na magseryoso na ako sa buhay. Awkward man at maraming magtataas ng kilay sa ginagawa kong ito sa isang babaeng katulad ni Veronica pero ano ang magagawa ko. Dito ako masaya.
Katulad sa mga nauna kong pinamili para dito nagpakita agad ito ng pagtutol sa kwentas na binili ko para sa kanya. Pero nabayaran ko na ang bagay na yun at bumagay naman sa kanya kaya no big deal. Maliit na bagay kung tutuusin dahil gusto ko lang naman ito sanang makita na ngumiti kaya binibili ko ang mga bagay na wala siya. Pero kabaliktaran ang lahat. Lahat ng ibinibigay ko ay lagi nitong tinatanggihan. Kailangan pang takutin at sungitan para manahimik.
Katulad ngayun, tinatanong ko lang kung gusto niyang kumain hindi na naman umiimik. May pakagat-kagat pa ng labi minsan. Mabuti na lang malakas akong magpigil. Kung hindi baka kanina ko pa ito hinalikan. Kanina pa kasi ako gigil na gigil sa labi nito. Kapag mangyari iyun, baka ito ang kauna-unahang babae ang mahalikan ko sa labi. Para kasing ang sarap eh. Organic dahil halatang hindi ito gumagamit ng lipstick. Kung ano ang kulay ng labi nito kanina ng umalis kami ng mansion, ganoon pa rin hanggang ngayun.
Mabuti na lang at maraming mga bukas na restaurant dito sa dinadaanan namin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad akong lumiko sa napili kong restaurant kung saan pwede kaming mag-dine in. Nagseserve sila ng american at asian cuisine kaya tiyak na mag-eenjoy si Veronica dito. Mas maigi na din na kumain muna kami bago umuwi para makapagpahinga agad ito pagdating namin. Bukas balak kong kakausapin sila Mommy at Daddy tungkol sa education ni Veronica. Gusto ko itong kuhaan ng tutor para naman maipagpatuloy niya ang kanyang pag- aaral.
Ako na ang mag-sponsor sa lahat ng kailangan nito. Bahala sila kung ano ang iisipin nila tungkol sa bagay na ito pero simula bukas babakuran ko na ang babaeng katabi ko. Bahala na. As long na masaya ako sa presensya nito mananatili siya sa tabi ko...este sa mansion. Siya ang gagamitin kong inspiration para magtino na ako at iiwasan ko muna ang makipag-fling sa mga babae. Nakakasawa din pala ang ganoong gawain. Wala ng thrill.
Agad akong nagpark. Hindi na umiimik pa si Veronica kaya alam kong gutom na din ito. Mas mabuti na din na tahimik ito kaysa naman puro pagtutol ang lumalabas sa bibig nito. Agad akong naiinis kapag naririnig ko ang bagay na iyun. Para kasing hindi siya natutuwa sa mga effort na ginagawa ko sa kanya.
Chapter 171
VERONICA POV
Natapos din ang araw na ito. Pakiramdam ko latang lata ang katawan ko pagkababa ko ng kotse ni Sir Rafael. Tahimik na ang buong mansion at mukhang tulog na ang mga tao. Sabagay alas onse na pala ng gabi ayun sa nakita kong oras kanina sa loob ng kotse ni Sir.
Pwede ka ng pumasok sa kwarto mo para magpahinga. Ipapahatid ko na lang bukas ng umaga sa kwarto mo ang mga pinamili mo. " wika ni Sir Rafael. Agad kong tumango at nagmamadali itong tinalikuran.
"Veronica...Good night!" sigaw pa nito. Napalingon pa ako dito at kita ko kung paano ako nito titigan. Nahintakutan naman akong muling tumalikod at halos tumakbo na ako papunta sa likod ng mansion kung saan matatagpuan ang mga kwarto ng mga kasambahay.
Pagdating sa tapat ng pinto ng kwarto namin ni Manang Espe hingal na hingal ako. Hindi ko alam kun ano ang iisipin sa mga ipinapakita ng amo ko sa akin. Parang bigla kasi siyang nagiging kakaiba kanina sa restaurant. Halos subuan niya pa ako kanina habang kumakain kami at ipinaghiwa nya pa ako ng steak. Para tuloy kaming mag -shota.
Natapik ko naman ang noo ko ng maisip ang huling bagay na iyun. Malabong papatol sa isang tulad ko si Sir Rafael. Baka mabait naman talaga ito. Talagang lagi lang nakakunot ang kanyang noo. Ipinagshopping na nga ako lahat-lahat kaya hindi ko siya dapat pag-isipan ng masama. Mabait siya at normal lang sa kanya ang magsungit!
Dahan dahan kong binuksan ang kwarto namin ni Manang Espe. Ayaw kong makalikha ng ingay dahil nakakahiya at tiyak tulog na ito. Baguhan pa lang ako dito at ayaw kong may masabi itong masama sa akin.
Nakahinga ako ng maluwang ng mapansin kong tulog na tulog na si Manang. Agad kong hinagilap ang tuwalya ko at ang damit kong pantulog at patingkayad na naglakad papuntang banyo. Mabuti na lang at may maliit kaming banyo dito sa kwarto. HIndi na namin kailangan pang lumabas kung sakaling gagamit kami ng kubeta.
Pagkatapos kong maghilamos ay agad kong pinalitan ng pantulog ang damit na suot ko. Maingat ko pang tinupi dahil gandang ganda ako dito. ko akalain na makakasuot ako ng ganito kagandang damit sa tanang buhay ko. Lalo na itong kwentas.
Akmang huhubarin ko na rin ang kwentas na suot ko ng maalala ko ang sinabi kanina ni Sir Rafael. Bawal daw hubarin dahil itatapon nya daw sa basurahan. Hayst ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Walang halaga sa kanila ang mga mamahaling bagay?
Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay dahan dahan na akong lumabas. Muntik pa akong mapasigaw ng pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakatayo si Manang Espe sa pintuan. Naghihikab pa ito.
"Oh Veronica...kanina ka pa ba nakauwi?" agad na tanong nito.
"Kakauwi lang po namin ni Sir. Ang dami nya kasing pinuntahan eh. Isa pa iniwan kami ni Mam Arabella kanina sa mall." sagot ko dito. Huli na ng marealized ko na hindi naman pala kasama sa tanong ni Manang ang sinasabi ko ngayun. Ngumiti lang ito sa akin at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo. Agad naman din akong naglakad patungo sa aking higaan at nahiga na.
Nagpapaantok ako ng muling lumabas si Manang. Dumako pa ang tingin nito sa akin bago nagsalita.
"Magpahinga ka na Veronica. Maaga pa tayo bukas." wika nito.
"Sige po Manang. Salamat po." sagot ko at ipinikit na ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako.
Kinaumagahan, agad akong bumangon sa aking higaan ng maalimpungatan kong nag- aayos na si Manang ng kanyang higaan. Suot na din nito ang kanyang uniform kaya naman agad akong naglakad papuntang banyo para umihi at magtoothbrush.
"Veronica, mauna na ako sa kusina. Sumunod ka na lang." wika pa nito sa akin. Agad ko naman itong sinagot.
"Sige po Manang. Susunod po kaagad ako." sagot ko naman at nagmamadaling hinubad ang pantulog ko at isinuot ang uniform pangkasambahay.
Nang mapansin kong maayos na ang lahat ay agad akong naglakad palabas ng quarter namin. Nakita ko pa si Ate Maricar na naglalakad papuntang kusina kaya binilisan ko ang aking hakbang para maabutan ito.
"Ate.." tawag ko dito. Agad naman itong lumingon sa akin kaya nakangiti ko itong nilapitan.
"Kumusta? Anong oras kayo nakauwi kagabi?" tanong nito.
"Alas onse na Ate." sagot ko naman. Tumango na ito at ipinagpatuloy na ang paglalakad patungong kusina kaya agad akong sumunod sa kanya.
Pagdating ng kusina ay naabutan pa namin na nandito na din ang ilang Kinakausap sila ni Manang at mukhang sinasabi sa mga ito kung ano ang gagawin nila ngayung araw.
Abala din ang tagaluto sa paghahanda ng pagkain.
"Kayong dalawa naman Maricar at Veronica sa dining pa rin kayo. Kompleto ang buong Villarama
Family kaya dapat maging alerto kayo sa lahat ng iuutos nila."
wika sa aming dalawa ni Manang Espe. Sabay kaming tumango ni Ate Maricar.
"Bweno, Kumain na ang gustong kumain. Bigyan ko kayo ng thirty minutes pagkatapos umpisahan na ninyo ang inyong mga trabaho kung saan kayo nakatoka." wika ni Manang at pumalakpak pa. Kanya-kanya naman kami kuha ng baso para ipagtempla ang aming mga sarili ng kape. Mas maganda ng may laman ang aming sikmura bago magtrabaho.
"Kayong dalawa...bilisan niyo.
Mamaya lang ng kaunti, bababa na ang ilang miyembro ng pamilya." wika ni Manang sa amin ni Ate Maricar. Agad naman kaming tumango.
Pagkatapos namin humigop ng mainit na kape at kumain ng ilang slice ng bread ay pumasok na kami sa loob ng dining room. Masyado pang tahimik. Tulog pa ang lahat pero kaming mga kasambahay, abala na.
"Ate, ganito ba talaga ang mga mayayaman? Sa sobrang daming nakahain sa lamesa hindi naman nila kinakain lahat. Pakunti- kunti nga lang ang kinakain nila eh." wika ko kay Ate Maricar ng pagmasdan ang mga nakalagay na pagkain sa lamesa. Talo pa ang fiesta gayung agahan lang naman. Iyung ibang pagkain na nakahain ngayun ko lang nakita sa tanang buhay ko. Ang aga-aga may mga prutas na din na nakahain.
"Ganyan talaga sila. Pero alam mo mga kasambahay din ang uubos sa mga iyan. Kaya tingnan mo ang mga kasamahan natin, ang lulusog nila. Open sa pagkain ang mga kasambahay ng mansion. Pwedeng kumain ang lahat hanggat gusto." humahagikhik na wika ni Ate Maricar. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.
"Good Morning!" Napatuwid kami ng tayo ni Ate Maricar ng marinig namin ang pagbati na iyun. Agad namin nakita si Sir Elijah kasunod ng dalawa niya pang pinsan na anak ni Mam Arabella. Mga dalaga at binata na sila at nakalimutan ko ang kanilang mga pangalan.
"Hindi pa ba bumababa sila Mommy at DAddy?" tanong ng dalaga. Si Ate Maricar na ang sumagot.
"Hindi pa po Mam Jeann!" Sagot dito ni Ate Maricar. Agad ko naman tinandaan ang pangalan nito. Kailangan kong makabisado lahat ng pangalan ng miyembro ng pamilya nila Madam at Sir.
Hindi naman nagtagal at nagsipagdatingan na sila kasama si Sir Rafael na noon ay seryoso ang mukha. Nahuli ko pang tinititigan ako nito bago itinoon ang pansin sa pagkain. Hindi ko naman maiwasan na kabahan dahil doon. Tahimik lang kaming nakaantabay ni Ate Maricar sa mga posible nilang iuutos sa amin.
"Nica, anong time kayo nakauwi kagabi ni Uncle?" nagulat pa ako ng biglang tumingin sa gawi ko si Sir Elijah at magtanong kung anong oras kami nakauwi kagabi. Muli akong napasulyap kay Sir Rafael na noon ay nakasimangot na nakatitig kay Sir Elijah.
"Bakit mo tinatanong?" malamig na sagot nito. Muli akong napayuko.
"Bakit masama ba magtanong? Si Uncle talaga!" sagot naman ni Sir Elijah sabay sinamangot at muli akong binalingan.
"Mga alas-onse po Sir." sagot ko na lang dahil mukhang naghihintay ito ng sagot mula sa akin. Tumango naman ito.
"Usap tayo mamaya ha? Parang bigla akong na-curious sa lugar nyo sa probensya...Gusto kong puntahan." nakangiti nitong wika sabay kindat. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa ginawa nito.
"Tsk! Tsk! Hindi pwede! May iuutos ako sa kanya mamaya!" sagot ni Sir Rafael.
"Linggo ngayun Uncle. Dapat nga day off nya ngayun eh hindi po ba Mama Carissa?." reklamo ni Sir Elijah sabay tanong sa kanyang Lola. Agad naman tumango si Madam Carissa.
"Yes...kung may gagawin man sila ngayun hindi ganoon kabigat dapat. Linggo ngayun at karapatan nilang magpahinga. Ang mga kasambahay na gustong lumabas para magsimba at mamasyal pwede nilang gawin iyun." sagot ni Madam. Agad naman binalingan ni Sir Elijah si Sir Rafael at nginisihan.
"Noong thursday lang dumating dito si Veronica sa bahay kaya hindi siya kasali dyan. Ipapaayos ko sa kanya ang mga isusuot ko in a whole week sa opisina." sagot nito. Sabay-sabay naman napatingin dito ang buong pamilya at nagtatakang tumitig.
"Seryoso?" narinig kong tanong ni Mam Miracle. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. Hindi ito sinagot ni Sir Rafael at muling itinoon ang pansin sa pagkain "Kayong dalawa...pwede na din kayong kumain. May mga kamay at paa ang mga nandito. Sila na ang gagawa kung may mga mga kailangan pa. And Veronica, kakausapin kita mamaya." wika ni Madam Carissa. Kinabahan man pero agad na akong sumagot.
"Opo Madam!" nakayuko kong sagot at agad na naglakad palabas ng dining area.
"See you later Nica!" pahabol pang wika ni Sir Elijah. Hindi ko na lang ito pinansin at agad na akong lumabas sa dining room kasunod ni Ate Maricar.
"Grabe! Palagay ko may crush sa
iyo si Sir Elijah." sambit ni Ate Maricar pagdating namin ng kitchen. Mabuti na lang at walang ibang tao dito sa kusina kung hindi nakakahiya sa mga nakakarinig.
"Ano ka ba Ate! Imposible naman iyang sinasabi mo. Sadyang mabait lang talaga si Sir Elijah." nahihiya kong sagot.
"Hindi rin. Sa iyo lang naman ganyan si Sir Elijah. Hindi nga iyan namamansin sa amin eh." sagot nito. Pagkatapos ay tinitigan ako nito.
"Sabagay hindi naman nakakapagtaka iyun dahil maganda ka naman talaga. Sana all na lang talaga!" nakangiti nitong muling wika.
"Ate naman, imposible po iyan. Friendly lang talaga siguro si Sir Elijah. Mababait naman talaga ang mga amo natin eh kaya ayaw kong bigyan ng kahulugan lahat ng kabaitan nila na ipinapakita." sagot ko naman. Hindi naman nakasagot si Ate Maricar bagkos napansin kong tumitig ito sa leeg ko. Na-concious ako at napahawak pa ako sa kwentas na suot ko.
"Wow, ang ganda ng suot mong kwentas. Saan galing iyan?" bakas ang kuryusidad sa boses na tanong nito.
"Binili ni Sir Rafael kagabi."
sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito at sinipat ako ng tingin.
"Ta-talaga? Hindi nga?" tanong nito. Nagtaka naman ako kaya agad ko itong tinanong.
'Bakit po? Pangit po ba?" tanong ko.
"Sure ka? Kaya pala natagalan kayo kagabi dahil ibinili ka pa nya ng ganyan. Siguro crush ka din ni Sir Rafael." muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Ano ka ba Ate lahat na lang crush ako." nahihiyang sagot ko
at tinalikuran na siya. Baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap namin na ito. Isa pa nakakahiya kung may ibang taong makarinig. Babalik muna ako ng kwarto namin ni Manang Espe.
"Veronica!" hindi pa ako nakalayo ng may tumawag sa akin. Agad akong napalingon at nagulat ako dahil si Sir Rafael pala ang tumatawag sa akin. Nasa tabi ito ni Ate Maricar kaya muli akong lumapit.
"Bakit po Sir?" tanong ko. Baka gusto na nitong paumpisahan sa akin ang trabahong gusto nyang ipagawa.
"Sumama ka sa akin." wika nito sabay hawak sa aking kamay. Naguguluhan naman ako at bumaling pa kay Ate Maricar na noon ay bakas ang pagtataka sa mukha nito.
Chapter 172
VERONICA POV
"Sa-saan po tayo pupunta Sir?" tanong ko dito at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kumakabog ang puso ko sa hawak ni Sir Rafael. Damang dama ko ang mainit at malambot nitong palad. Grabe, parang normal na lang sa kanya na hawak- hawakan ako sa kamay.
Napapatingin pa sa amin ang mga nadadaanan naming mga kasama kong kasambahay kaya napapayuko na lang ako dahil sa hiya. Baka kasi kung ano pa ang isipin nila.
"Nagtaka pa ako dahil pumasok kami sa mansion. Hindi ko maiwasan na mamangha sa aming mga nadadaanan. Grabe puro karangyaan ang aking nakikita. Mga bagay na ngayun ko lang nakikita sa tanang buhay ko.
Napatingala pa ako sa hagdan ng hilahin ako ni Sir Rafael paakyat doon. Wala na akong nagawa pa kundi magpatianod na lang.
Mabuti na lang at walang ni isa mang miyembro ng pamilya ang nasa paligid kung hindi mas nakakahiya talaga.
Hindi naman nito sinagot ang tanong ko kaya nakaramdam ako ng kaba. Ano ba kasi talaga ang gustong mangyari ni Sir Rafael sa buhay niya.... ester sa buhay ko? Basta na lang manghihila ng walang pasabi. Hindi porket ipinagshopping nya ako kagabi basta-basta nya lang akong dadalhin kung saan-saan. Kung makahawak sa kamay ko akala mo naman tatakbuhan ko siya...... eh hindi naman ako basta-basta makakalabas dito sa mansion dahil ang taas ng gate at may gwardya pa.
Pagkatapos naming akyatin ang magarang hagdan ay naglakad pa kami hanggang sa pinakadulo. Sa sobrang lawak ng mansion hindi ko alam kung para kanino yung mga nakasarang pintuan na aming nadaanan. Hindi ba naliligaw ang mga tao dito? Kaya pala ang dami nilang kasambahay kasi malawak ang lilinisin.
"Ahmmm Sir saan niyo po ako dadalhin?" tanong ko muli habang hinihila ko na ang aking kamay para mabitawan nito pero bigo ako. Lalo nya pang hinigpitan at hindi niya ako sinasagot.
'Diyos ko, baka kukunin ni Sir ang puri ko at pagkatapos basta nya lang akong patayin at itago sa isa sa mga kwartong nadadaanan namin.'" sa isiping iyun bigla akong kinabahan at the same time gusto kong kaltukin ang utak ko. Naisip ko talaga ang puri-puri na iyan? For sure naman maraming babae si Sir at hindi na kailangan na mamilit sa isang katulad kong hamak na kasambahay.
Pambihira talaga, minsan itong utak ko walang preno kung mag- isip. Mga imposibleng bagay pa ang kadalasang pumapasok sa kukute ko! Eh hindi naman mukhang rapist itong amo ko! Ang pogi pa nga kahit laging nagsusungit.
"Kakausapin ka nila Mommy. May ilang bagay na gustong itanong sa iyo. Hintayin natin sila sa Library dahil susunod na din sila." wika nito. Sa wakas sumagot na din ang masungit na ito. Iyun lang naman pala may pahawak-hawak pa ng kamay ko eh mas malambot pa nga ang kamay niya sa kamay kong kalyuhin dahil sa kakalaba ng mga damit ng mga kapatid ko noong nasa probensya pa ako.
"Bakit daw po? May mali po ba akong nagawa? Diyos ko naman sana hindi nila ako sesantihin. Kailangan ko po talaga ang trabahong ito." agad ko namang sagot at hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Totoo naman talaga iyun. Sa dinami- daming katulong dito sa mansion ako pa talaga ang pinatawag.
Hindi na naman nya ako sinagot at sa wakas huminto na kami sa isang nakasarang pintuan at laking pasalamat ko binitawan niya na ang kamay ko. Binuksan niya ang pintuan at tumampad sa paningin ko ang isang silid na ang unang umagaw sa pansin ko ay ang maraming mga libro na nakadisplay. Hindi ko maiwasang mamangha at inilibot ang aking tingin sa paligid.
"Ito ang study room at opisina ni Daddy noon. Since ako na ang magpapatakbo ng kumpanya ngayun dito na ako kadalasan tatambay." sagot nito at umupo sa isang sofa. Medyo mahaba ang salita nya ngayun ah? Isa pa hindi naman ako nagtatanong siya na ang unang nagkwento sa akin. Napakahirap talagang ispellingin ni Sir.
"A-ano po ang gagawin ko dito ngayun Sir?" hindi ko maiwasang tanong.
"hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko hintayin natin sila Mommy at Daddy. Kakausapin ka nila." sagot nito. Natameme naman ako. Oo nga pala iyun ang sabi niya kanina. Umiral na naman siguro ang katangahan ko. Paminsan-minsan kasi sinusumpong ako sa bagay na iyun eh.
Pero teka lang..ang alam ko nasa dining area pa sila ah? Isa pa bakit siya pa ang kusang nagdala sa akin dito? Pwede naman akong magpasama kay Ate Maricar papunta dito kung sakaling ready na sila Madam. Heto tuloy, nakatunganga ako dito habang ang amo ko abala na sa kakapindot ng kanyang cellphone.
"Ano ang number mo? Para naman tatawagan kita kung may kailangan ako." maya-maya ay pukaw nito sa malalim kong diwa. Wala sa sariling nilingon ko ito. Nakatitig na naman sa akin kaya naman agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Para kasing may magnet ang titig ni Sir. Parang hinihigop pati kaluluwa ko! Char!
"Wala po akong ganyan Sir." sagot ko. Napansin ko na naman ang pagkunot ng noo nito. Ano na Mali ba kung wala akong number? Paano ako magkaroon ng number eh sa tanang buhay ko hindi pa ako nagkakaroon ng sariling cellphone. Nakikipindot lang ako sa Cellphone ni Ethel noong nag- apply ako sa agency.
"Wala number? Bakit nasaan ang cellphone mo?" tanong nito. Grabe naman siya, akala nya ba lahat ng tao kayang bumili ng cellphone na iyan? Hindi nga namin kayang bumili ng cellphone pa kaya?
"Wala po Sir eh. Hindi pa ako nagkakaroon ng ganyan." hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa sagot ko iyun.
"Bakit hindi ka marunong magbasa?" tanong nito. Agad naman bumuka ang butas ng ilong ko. Ano siya, magaling kaya ako magbasa ng English at tagalog. Hindi ako nakakaintindi ng English pero alam ko kung paano basahin ang ilang bagay.
Kahit papaano natapos ko naman ang Grade 4. Hindi nga lang naituloy ang pag-aaral ko dahil naging Yaya ako ng mga kapatid ko.
"Marunong naman po Sir. Wala lang po kasi kaming pambili eh. Mahirap lang po kami.' Sagot ko sabay yuko. Hindi na ito umimik bagkos ramdam ko ang titig nito.
Halos isang oras din kaming naghintay kina Madam Carissa at Sir Gabriel dito sa loob ng library bago ito dumating. Mabuti na lang at hindi na muling nagtanong ulit si Sir Rafael pagkatapos naming pag-usapan ang tungkol sa cellphone.
Nanahimik na ito at muling itinutukok ang buong pansin sa cellphone samantalang ako pigil na pigil ang maghikab. Bigla akong inantok dahil sobrang lamig dito sa library. Itinudo yata ang aircon.
Saktong dumating na sila Madam at Sir kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo para magbigay galang. Agad naman nila akong sinensyasan na maupong muli.
"May idea ka ba kung bakit gusto ka naming makausap ngayun?' agad na tanong ni Madam. Hindi naman ako nakaimik.
Inihahanda ko na ang luha sa
aking mga mata kung sakaling sabihin nito na sesante na ako.
Kung tutuusin katanggap- tanggap naman ang bagay na iyun dahil eighteen lang ako. Mga thirty years old and up ang hanap nilang kasambahay.
"Mam, huwag niyo po akong
tanggalin. Promise po
gagalingan ko pa ang trabaho."
sagot ko na halos mamasa na
ang talukap ng aking mga mata
dahil pigil ko na ang sarili kong
umiyak.
"No! Hindi iyan ang reason. Actually, gusto nga ni Arabella na doon ka na lang sa kanila magtrabaho. Gusto nyang ilipat kita sa bahay nila pero may isang tao dito sa mansion ang tumututol." sagot ni Madam sabay sulyap sa anak nitong si Sir Rafael. Hindi ko naman binigyan ng pansin ang bagay na iyun. Kahit paano bahagya naman akong kumalma sa sinabi nito na hindi ako tatanggalin. Ang ipinagtataka ko lang ano kaya ang sadya nila sa akin? Hindi na muna ako sumagot. Gusto ko pang pakinggan ang mga susunod pang sasabihin ni Madam Carissa.
"Napag-usapan namin ni Arabella na since hindi naman na iba sa amin ang Nanay mo tutulungan ka namin na maipagpatuloy mo ang iyung pag -aaral. Iyun kung gusto mo lang naman." pagpapatuloy na wika ni Madam. Gulat naman akong napatitig dito. Hindi ko maiwasang agad na mangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa hindi maipaliwanag na emosyon na nararamdaman.
Matagal ko ng pangarap na makapagpatuloy ng pag-aaral. Hindi ko lang talaga akalain na ang mga amo ko pa ngayun ang mag-ooffer ng ganito sa akin at isa pa ilang araw lang naman ako sa kanila pagkatapos oofferan nila ako ng ganito. Hindi bat ang swerte ko?
"Tsk! Sumagot ka na! Mamaya na ang drama...gusto mo bang mag-aral ulit o ayaw mo?" sabat naman ni Sir Rafael. Nandoon na ako sa point na gusto ko ng mapahagulhol ng iyak dahil sa tuwang nararamdaman pero nabaliwala iyun dahil sa biglang pagsabat ng masungit nilang anak. Wala talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao!
"Eh Madam, gusto ko po kaya lang nahihiya po ako eh." Sagot ko na lang sabay yuko.
"Nahihiya? Saan? Kanino?" tanong ni Madam Carissa.
"Sa magiging mga ka- classmates ko po kung sakali." mahinang sagot ko. Sa edad kong ito nag-aalagangan na din ako bumalik ng iskwelahan kahit gustong gusto ko pa.Baka
maging katawa-tawa lang ako sa loob ng classroom. Isa pa paano ako makakapagpadala ng pera nito sa probensya? Baka wala na akong sasahurin nito kung tatanggapin ko ang offer.
"Iha, huwag mong problema ang bagay na iyan. Kami ang bahala. Hindi mo kailangang pumasok sa mga normal na iskwelahan para maipagpatuloy mo ang iyung pag -aaral." sabat naman ni Sir Gabriel. Hindi ko naman alam ang ibig nitong sabahin kaya muling nanahimik ako.
"Isa lang ang gusto namin mangyari kapag tanggapin mo ang offer namin. Mananatili ka dito sa mansion hanggang makatapos ka. Huwag kang mag- alala. Kami ang bahala sa pamilya mo sa probensya. Ibibigay namin lahat ng pangangailangan nila." muling wika ni Madam. HIndi ako nakaimik. Ibig sabihin ba nito habang buhay kong pagsisilbihan ang kanilang pamiya?
Chapter 173
VERONICA
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito. Ganoon ba talaga sila kabait para tulungan nila ulit ako upang makabalik sa pag-aaral? Ayos lang naman sa akin ang kapalit.
Pagsisilbihan ko talaga sila sa abot ng aking makakaya bilang pagtanaw ng utang na loob.
"Ginawa namin ito dahil
nanghihinayang kami sa iyung magiging kinabukasan. Bata ka pa at malayo pa ang iyung mararating kung sakaling makapagtapos ka. Huwag kang mag-alala ibibigay namin sa iyo at sa pamilya mo lahat ng pangangailangan hanggang sa makapagtapos ka." mahabang wika ni Madam. Hindi ko naman maiwasan na maluha dahil sa sinabi nito. Totoo bang nangyayari ito? Hindi ba ako nananaginip?
"Normal lang sa amin na may tinutulungan kami. May mga foundation kaming sinusuportahan at isa ka sa aming mga beneficiary kaya huwag kang mag-isip ng kung ano dyan. Baka mamaya isipin mo special ka eh." sabat naman ng masungit nilang anak. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.
"Madam, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko! Nakakahiya po." sagot ko. Nakangiti namang tinitigan ako ni Madam Carissa.
"Dont worry, kami ang bahala sa iyo Iha. Isipin mo na lang na ito ang gift namin sa buo niyong pamilya. Pilitin mong makatapos ka para sa magandang kinabukasan ng iyong pamilya." sagot nito. Napayuko naman ako.
"Maghanda ka na. Sa ngayun kukuha muna tayo ng pwedeng mag-tutor sa iyo. May mga pamamaraan naman para hindi mo na kailangan pang pumasok sa elementary level. Magagawan natin ng paraan basta kailangan mo lang magfocus." sagot naman ni Sir Gabriel. Hindi ko naman mapigilan pa ang maluha. Ang bait talaga nila. Hindi ko akalain na darating ang ganitong opportunity sa buhay ko. Sino ba naman ako para tanggihan ang lahat ng ito diba?
"Salamat po Madam, Sir! Hayaan niyo po pag-iigihan ko ang trabaho ko." nahihiya kong sagot.
"Hindi iyan ang gusto naming gawin mo iha. Ang gusto namin, pag-igihan mo ang iyung pag-aaral. Hindi ka namin ni- rerequired na magtrabaho dito sa mansion dahil maraming kasambahay dito para gawin ang mga iyun. Ang gusto naming gawin mo mag -aral ka ng mag-aral para marami kang matututunan. Hahabulin natin ang mga taon na nawala ka sa eskwelehan. Aasahan ba namin iyun Veronica?" mahabang wika ni Madam Carissa.
"Opo, Salamat po! Hindi ko po alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan niyo sa akin. Pero ngayun pa lang gusto ko ng ipakita sa inyo kung gaano po ako humahanga sa inyong kabutihan Madam, Sir." nakayuko kong sagot.
"Huwag mong isipin ang bagay na iyun. Sapat na sa amin na makikita kang nagsisikap. Hiyang hiya si Arabella sa Nanay mo. Hindi nya daw natupad ang pangako nya sa naging kaibigan nya sa islang iyun kaya ito ang paraan namin para makabawi.
Sige...maghanda ka na. Maraming bakanteng kwarto dito sa itaas. Iyun na lang ang gamitin mo at least malapit ka dito sa library." Mahabang wika ni Madam. Nagulat naman ako sa sinabi nito.
Ibig sabihin, lilipat ako ng kwarto? Gusto ko sanang tumutol kaya lang nahihiya ako. Baka sabihin nila hindi pa ako nag-uumpisa matigas na ang ulo ko. Ayaw kong may masabi silang hindi maganda sa akin. Nakakahiya!
"Alam na ni Manang kung saan ang magiging kwarto mo. Ipinalagay ko na din ang mga damit na pinamili natin kagabi." sagot naman ni Sir Rafael.
"Salamat po Sir." nahihiya kong sagot. Pagkatapos tumayo na ako. Mukhang tapos naman na siguro ang pag-uusap namin.
"Pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Magpahinga ka. Bukas na bukas din aasikasuhin natin ang mga dapat gawin. Una siguro nating gawin hanapan ka namin ng tutor para turuan ka muna ng ilang lessons dito sa mansion." muling wika ni Madam. Tumango ako at nagpaalam na. Lutang ang aking isipan hanggang sa nakalabas ng library.
Tulala akong binaybay ang mahabang pasilyo hanggang sa pagbaba ng hagdan. Kinurot-kurot ko pa ang aking sarili para siguraduhin kung
nananaginip ba ako o hindi. Pero, alam kong totoo lahat ng iyun. Hindi ako makapaniwala na matutupad na ang pangarap kong makapagtapos ng pag- aaral sa pamamagitan ng mga amo ko. Akala ko habang buhay akong magiging mangmang.
Hindi ko maiwasan na muling mapaluha. Hindi na ako nito mabu- bully ng mga dati kong classmates noong elementary na ngayun ay ang karamihan sa kanila ay nasa college na. Tama si Madam, kailangan kong pilitin na makatapos para sa aking pamilya. Para kina Nanay at Tatay at sa mga kapatid ko. Hindi ko sasayangin ang magandang opportunity na ito. Hindi ako susuko at pipilitin kong matagumpay. Gusto kong ipakita sa mga amo ko na hindi masasayang ang ibinigay nilang tiwala sa akin.
Hindi ko na namalayan pang nasa harap na pala ako ng kwarto namin ni Manang Espe. Pinunasan ko muna ang luha sa aking mga mata bago dahan- dahan na binuksan ang pintuan. Agad kong nakita si Manang Espe na nakaupo sa aming maliit na lamesa dito sa kwarto. Nanonood ito ng telebisyon.
"Tapos ka na ba kausapin nila Madam. agad na tanong nito pagkapasok ko. Agad akong tumango at umupo sa aking higaan.
"Congratulations Iha. Ngayun pa lang masaya na ako sa magiging kapalaran mo dito sa mansion. Alam kong ito na ang umpisa para matupad mo ang iyung mga pangarap." nakangiti nitong wika. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam ang
isasagot ko dahil dito. Hanggang ngayun lutang pa rin kasi ako.
"Halika! Ayusin mo na ang mga gamit mo. Kailangan mo ng lumipat sa bago mong silid." nakangiti nitong wika sabay patay ng telebisyon. Mabigat man sa loob ko na iiwan si Manang dito sa silid na ito pero kailangan kong gawin. Isa ito sa gusto ng mga amo namin. Gusto nilang ibigay ko ang 100 % na attention ko sa pag-aaral.
"Manang, pasensya na po kung iiwan ko kaagad kayo dito sa kwartong ito. Nakakahiya po kasi kung tatanggi ako kina Madam at Sir na lumipat ng kwarto. Gusto po kasi nilang makapag- focus ako ngayun sa pag-aaral." Nahihiya kong wika.
"Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyun Ashley. Nandyan naman si Maricar. Siya na lang ang yayayain ko para samahan ako dito sa kwartong ito." sagot nito at tumayo na. Agad ko
namang niligpit ang ilang peraso kong damit at inilagay sa maliit kong bag. Puro lumang damit iyun at hindi ko alam kung masusuot ko pa ba.
Maraming damit na binili kagabi si Sir Rafael para sa akin at mas maganda kung iyun ang isusuot ko habang nandito ako sa mansion.
"Sumunod ka sa akin. Ituturo ko sa iyo ang magiging bago mong silid Veronica. " wika ni Manang. Agad naman akong tumalima. Bitbit ang aking bag
sumunod agad ako dito. Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin na pinupukol at pagbubulungan ng ilang kasamahan naming kasambahay. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ko sila isa-
isa.
Kasama si Manang Espe, muli naming binaybay ang mahabang hagdan paakyat. Ilang kwarto din ang aming muling dinaanan bago kami huminto sa isa. Agad itong binuksan ni Manang Espe at niyaya ako nitong pumasok sa loob.
"Ito ang magiging kwarto mo Veronica. "nakangiti nitong wika sa akin. Parang hindi naman ako makapaniwala sa aking nakikita. Malayong malayo ang hitsura sa kwarto namin sa maid quarters.
"Manang sigurado po ba kayo? Baka nagkamali lang po tayo ng pinasukan." agad kong wika at sinulyapan ang malapad na kama. Kulay pink ang kobre kama at pakiramdam ko hindi ako bagay na mahiga dito.
"Sigurado ako Veronica. Simula ngayun ito ang magiging kwarto mo. Mas maigi kong dito ka habang nag- aaral ka."nakangiti nitong wika. Hindi naman ako nakaimik at patuloy na nililibot ang tingin sa paligid. Hindi ako makapaniwala.
"Pwede mo ng ayusin ang mga gamit mo sa walk in closet na iyan. May sarili ka ring banyo kaya tiyak na maging
komportable ka." pagpapatuloy na wika nito. Agad naman dumako ang aking mga mata sa mga paper bags na maayos na nakasalansan sa isang tabi. Alam ko na ang laman ng mga iyun. Iyun yung mga damit na binili ni Sir Rafael para sa akin kagabi.
"Sige na. Magpahinga ka na muna. Simula bukas tiyak na magiging abala ka na. Congratulations Veronica.
Hangad ko ang iyung tagumpay. Kung may mga kailangan ka, huwag kang mag-atubili na lapitan ako." pagpapatuloy na wika nito. Nakangiti
naman akong tumango dito at
nagpasalamat. Napayakap pa ako dito hanggang sinasambit ang paulit-ulit na pasasalamat. Pagkatapos noon ay agad naman ako nitong iniwan dito sa loob ng kwarto.
Malakas akong napabuntong hininga ng mapag-isa na ako. Hindi ko akalain na sa isang iglap biglang mababago ang buhay ko. Alam kong kahit ang pamilya ko mabibigla din sila sa magandang kapalaran na nangyayari sa akin dito sa Manila.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Grabe, sobrang lawak nito. Kahit siguro limang katao kasya dito. Ang lawak ng buong silid. May sofa at maliit na lamesa kung saan may nakapatong na computer.
Tulala ko pang dinama ng palad ko kung gaano kalambot ang kama na ito. Hindi ko mapigilang mamangha. Pagkatapos ay agad akong humiga. Ahhh Grabe sobrang komportable talaga. Walang hanggang pasasalamat sa Diyos dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na maranasan ko ang ganitong bagay.
Dahil sa sobrang lambot at bango ng buong kwarto hindi ko na namalayan pang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako dahil sa mahinang katok sa pintuan. Agad akong bumangon at binuksan iyun.
"Hello Ate Ganda! Kanina pa kita hinahanap eh. Mabuti na lang nabanggit sa akin ni Grandma Carissa na nandito ka sa kwarto mo." isang nakangiting mukha ni Mam Charlotte ang agad na tumambad sa aking paningin. Agad itong pumasok sa loob ng kwarto at diretsong umupo sa gilid ng kama.
"Opo Mam, Hindi ko po napansin na nakatulog ako kaya hindi na ulit ako nakalabas pa." sagot ko naman. Nakangiti naman ako nitong tinitigan.
"Pwede bang huwag mo na akong tawaging Mam? You can call me Charlotte na lang dahil mula ngayun magiging Ate na kita." nakangiti nitong sagot Agad naman akong natigilan dahil sa sinabi nito.
"Naku Mam, hindi po pwede!" sagot ko. Ngumiti ako sabay tayo sa kama at nilapitan ako.
"Look, magaan ang loob ko sa iyo. Gusto kitang maging kaibigan. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin eh. I am fifteen years old and you're eighteen right?" Nakangiti nitong wika. Dahan-dahan akong tumango at hindi inaalis ang pagkakatitig sa maganda nitong mukha.
"Well, starting today friends na tayo. Hindi ka na daw magiging kasambahay dito sa mansion sabi sa amin ni Grandma. Kaya ituturing na kitang hindi iba sa amin." nakangiti nitong wika. Nahihiya naman akong napayuko dahil sa sinabi nito. Kung hindi na ako magtatrabaho dito bilang isang kasambahay, eh ano ang papel ko sa pamilya nila. Hindi....kailangan ko pa rin tumulong-tulong sa mga gawain
dito kapag may free time ako. Nakakahiya sa kanila. Ayaw kong isipin nila na abosada ako.
"Dont worry, masasanay ka din. Mababait din ang mga pinsan ko at pagdating ng mga araw makikilala mo din ang mga ugali nila isa-isa. Mababait kaming lahat. Tanging si Uncle Rafael lang naman ang kakaiba. Pero dont worry normal na sa kanya iyun. Masasanay ka din sa kanya." mahaba nitong wika habang bakas ang kabaitan sa maganda nitong mukha.
Kung gaano kabait ni Madam Carissa at Sir Gabriel ganoon din kabait si Charlotte at baka ganoon din ang buong pamilya nila.. Gusto pa akong maging kaibigan na kung tutuusin hindi maari dahil isa akong hamak na katulong lamang. Mayayaman sila at nakakahiya kung aakto ako bilang ka- level nila.
"Salamat po Mam este Charlotte!"
sagot ko. Bigla kasi akong pinanlakihan ng mata ng tawagin kong Mam ito kaya napilitan na akong tawagin ito sa pangalan niya. Nakakahiya man sa
iisipin ng pamilya nito pero kung ito ang gusto ni Mam Charlotte at wala na akong magagawa. Ayaw kong magtampo o magalit ito sa akin. Hindi naman siguro magagalit sa akin sila Madam kung sakaling marinig nila na tinatawag ko sa pangalan nya ang kanilang apo.
"Parang mas gusto kong tumambay dito sa kwarto mo. Tiyak na mapapadalas ang pagdalaw ko dito sa mansion. Hinintay kita kagabi para yayain magsiwimming pero ang tagal niyong umuwi." wika nito.
"Marami po kasing pinuntahan." sagot ko
"Hmmmm ganoon ba? Well maybe next time!" wika nito at tumayo na kama. Pagkatapos nilapitan nito ang mga nakahilirang mga paper bag sa isang sulok.
"Owwws! Mga gamit mo? Gusto mong tulungan na kitang mag-ayos ng mga ito sa loob ng walk in closet?" tanong nito. Nahihiya akong umiling.
"Dont worry, we're friends na. Tutulungan na kita. Total mamaya pa naman kami uuwi." muling wika nito at kinuha ang ilang pirasong paper bag. Binitbit niya iyun at binuksan ang isang nakasarang pintuuan. Agad naman akong kumuha ng ilang pirasong paper bag at napasunod dito.
"Alam mo lahat ng kwarto dito sa mansion may mga ganito. Dito mo ilalagay lahat ng gamit mo. Lahat ng mga damit at sapatos." wika nito habang isa-isang kinuha ang mga damit sa paper bag. Pagkatapos ay inilagay nya sa hanger at ipinasok sa malaking cabinet. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin. Sa totoo lang wala akong idea kung paano ayusin ang mga damit ko sa loob ng cabinet At hindi ko akalain na lagayan lang ng mga damit ang lugar na ito. Ang mga damit kasi namin sa probensya nilalagay lang namin sa timba o sa karton. Samantalang dito sa mansion may sariling silid ang mga damit?
Chapter 174
RAFAEL POV
Hindi ko maiwasang mapangiti habang hindi maalis-alis sa diwa ko ang magandang mukha ni Veronica. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero ang alam ko nakakaramdam ako ng kapanatagan ng aking kalooban sa tuwing nahahawakan ko ang kamay nito. Kamay lang iyun ha?
Paano pa kaya kung tangkain kung tikman ang labi nito? Parang nakakagigil kasi. Sa isiping iyun hindi ko maiwasang ipiling ang aking ulo. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Kagigising ko lang pero sya na kaagad ang tumatakbo sa isipan ko.
Mabuti na lang at hindi na nagpumilit pa si Ate Arabella na kunin dito si Veronica sa mansion at ilipat sa kanila. Actually, hindi naman talaga ako papayag. Gusto ko dito lang siya sa mansion at palagi siyang nakikita.
Agad akong bumangon sa kama. Hindi ko namalayan ang oras. Nakatulog kaagad ako pagkatapos naming mag- usap nila Mommy At Daddy sa library. Alas tres na ng hapon at tiyak
naghahanda na ang aking mga kapatid para umuwi na sa kani-kanilang mga tahanan.
Bukas ko na uumpisahan ang pag- aaral para tuluyang hawakan ang kumpanya namin. Tiyak na magiging abala na ako sa mga susunod na mga araw. Hahayaan ko na lang sila Ate Arabella at Mommy ang maghanap ng tutor para kay Veronica. Mas sila ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na iyun.
Pagkabangon ko ng kama ay pumasok muna ako ng banyo para magshower. Hindi ko alam pero gusto kong presentable ako palagi sa tuwing naikita ako ni Veronica. Hindi ko akalain na magkakaganito ako sa isang babae.
Pagkatapos kong magshower ay agad akong lumabas ng kwarto. Sinulyapan ko pa ang nakasarang pintuan ng kwarto ni Veronica. Yes, ako na din ang nagdesisyon kung aling kwarto ang gagamitin nito at pinili ko sa tabi mismo ng kwarto ko para malaya ko syang nakikita kapag gusto ko lalo na at magiging busy na ako sa mga susunod na araw. Ano kaya ang ginagawa nya? Masaya kaya sya sa mga bagong nangyayari sa buhay niya?
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa nakasarang pintuan ng kwarto nito. Akmang kakatok na sana ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Sir, si Veronica po ba ang hanap niyo? tanong ni Manang Espe. Nilingon ko naman ito bago sinagot.
"Yes. May importante lang akong sasabihin sa kanya." pagdadahilan ko. Tipid naman gumuhit ang ngiti sa labi nito bago muling nagsalita.
"Wala po siya Sir. Sinama po siya nila Mam Charlotte at Sir Elijah sa labas. Mag road trip at food trip daw sila patungong tagaytay." sagot ni Manang. Hindi ko naman maiwasan na magdikit ang aking kilay dahil sa sinabi nito.
"Alam ba ito nila Mommy at Daddy?". tanong ko. Hindi ko man lang alam ito? Bakit wala man lang sinasabi sa akin ang mga pamangkin ko na balak nilang isama si Veronica sa labas? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.
"Opo Sir. Mismong kina Madam at Sir sila nagpaalam." nakangiting sagot ni Manang at ng mapansin nito na nag- iba ng templa ang hitsura ko nagpaalam na din agad. May gagawin pa daw kasi.
Inis naman akong bumaba at dumeretso ng pool para magpahangin. Naiinis ako at hindi ko alam kung paano ilalabas iyun. Ang lakas ng loob nilang lumabas na hindi man lang ipinagpaalam sa akin si Veronica? Saan kaya sila nagpunta?
"Oh...hello little brother!" napabuntong hininga pa ako ng makita ko si Ate Miracle na palapit sa akin habang nakangiti. Lalo akong napasimangot. For sure ang anak nitong si Elijah ang nagpasimuno sa pamamasyal nila kasama si Veronica.
"Mukhang bad mood ka na naman ah? Dont tell me nagdadalawang isip ka na naman sa kagustuhan ni Daddy?" tanong nitong muli. Kahit na naiinis pa rin wala akong nagawa kundi sagutin na ito. Kapag hindi pa kasi ako sumagot tiyak hahatakin na naman nito ang buhok ko. Hanggang ngayun maldita pa rin si Ate. Mabuti na lang at napagtitiisan ang ugali nito ng asawa niyang si Kuya Roldan. Ganoon talaga siguro kapag nagmamahalan.
"Kaasar kasi! HIndi man lang nila
sinabi sa akin na isasama nila si Veronica." wika ko. Kita ko ang pigil na pagngiti ni Ate dahil sa narinig mula sa bibig ko.
"Why? Nagseselos ka? Huwag mong sabihin tinamaan ka na ni Kupido?" tanong nito. Agad naman akong umiling
"Of course not! Nag-aalala lang ako kay Veronica. Baka mamaya matulad siya sa mga pamangkin ko na hindi napipigilan kung gustong maglakwatsa! Hindi porket binibigyan siya ng magandang pabor dito sa mansion malaya nya ng gawin lahat ng gusto nya!" inis kong sagot. HIndi naman mapigilan ni Ate ang matawa.
"Naku, ikaw talaga! Parang hindi ka naman dumaan sa pagiging teenager! Hayaan mo ng mag-enjoy si Veronica. Halos kasing edad nya lang ang mga pamangkin mo kaya tiyak na magkakasundo sila." sagot naman ni Ate. Lalo namang nagkukotkot ang aking kalooban. Hindi ko matatanggap na basta na lang yayain nila si Veronica kung saan-saan. Paano kung
mapahamak iyun? Probensyana' siya at inosente pa siya sa mga lugar dito sa Manila. Paano kung may manloko sa kanya? Sino ang magtatanggol kung sakali?. Hayst sa isiping iyun hindi ko maiwasan na mag-alala.
"kahit na Ate! Maid sya sa mansion na ito at kung wala syang gagawin pwede siyang tumulong sa mga kasamahan niya dito sa loob hindi iyung gumagala kung saan-saan! Hindi ganitong naglalakwatsa siya. Lagot sa akin ang babaeng iyun mamaya!" inis kong sagot. Napapailing naman akong tinitigan ni Ate
"Alam mo nahahalata na talaga kita eh. Huwag mong sabihin may gusto ka na agad kay Veronica? Rafael ha? Binabalaan kita...huwag muna! Hayaan mong mag-enjoy muna si Veronica at huwag mo ng ituloy ang iniisip mo na paglaruan siya!" wika ni Ate. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
"No! Of course not! Wala akong gusto sa baduy na iyun Ate....Malayong malayo siya sa mga nagiging babae ko noon." sagot ko naman pero sa kaloob- looban ng puso ko nagtataka na din ako. Bakit nga ba naiinis ako ngayun? Eh ano ngayun kung lumabas sya kasama ng mga pamangkin ko? Pinayagan naman sila ni Mommy at Daddy. Pati na din ng mga kapatid ko. Bakit hindi ko maiwasan na magalit? Ito na ba ang tinatawag na
pagmamahal na nararamdaman ng isang lalaki sa isang babae? Kung ganun yari ako!!
"Whatever! Pero isa lang ang gusto namin at ng buong pamilya ngayun. Hayaan mo munang matupad ni Veronica lahat ng pangarap nya bago ka umeksina sa buhay nya ha? May mga magulang at kapatid na umaasa sa kanya! Free kang pumatol kung kani- kanino hanggat gusto mo pero huwag lang si Veronica. Malalagot ka talaga hindi lang sa amin, kundi lalong lalo na kay Arabella!" sagot nito. Hindi na ako nakaimik pa at tumitig na lang sa malayo. Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Ate at muling bumalik sa loob ng mansion kaya nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga.
VERONICA POV
Hindi naman ako makapaniwala na mag-enjoy ako sa lakad namin. Ayaw ko pa nga sanang sumama sa kanila dahil nahihiya ako kaya lang nagiging mapilit si Jeann at Charlotte. Yes, silang dalawa ni Jeann na hindi ko akalain na halos, kasing edad ko lang
din pala. Anak sya ni Mam Arabella at katulad ni Charlotte ayaw din nitong magpatawag ng 'Mam'. Si Elijah lang naman ang kasama namin at siya na din ang nagdadrive ng koste. Iyung ibang pinsan naman nila ay nagpaiwan sa mansion at nasa room theater. May palabas silang gustong tapusin kaya ayaw pa-istorbo.
Kumain lang naman kami at tumambay ng coffee shop. Parang nagpapalipas lang naman kami ng oras at nagkwentuhan. Tinanong nila ako ng tinanong tungkol sa buhay namin sa probensya dahil naikwento daw kanina ni Mam Arabella sa kanila kung paano nya nakilala ang Nanay ko noon. Kahit nahihiya wala na akong nagawa pa kundi sagutin lahat ng tinatanong nila sa akin.
"Hayst parang gusto ko tuloy makapunta sa lugar nyo. Parang napaka -interesting kasi ng mga kwento mo Veronica!" bakas ang pagkahamangha sa boses ni Jeann na wika nito. Tanging ngiti lang naman ang naging sagot ko. Paano magiging interesting ang isang bagay kung puro kahirapan ang aming nararanasan?
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng marinig namin na tumunog ang cellphone ni Elijah. Yes, ayaw din nitong tawagin kong ^ sir - Naiilang daw siya dahil matanda lang naman daw siya ng ilang taon sa akin. Natigilan kaming lahat at sabay-sabay na tumitig dito habang sinasagot ang tawag.
"hello Uncle! Bakit po?" narinig kong wika nito. Sa hindi malamang dahilan agad akong kinabahan ng malaman kong si Sir Rafael ang tumatawag. Lalo na ng sumulyap sa gawi ko si Elijah.
"Yes...kasama ko siya! Kaming tatlo ni Jeann at Charlotte......Dito sa coffee shop............why?....Of course not!.
Later Uncle, hindi pa ubos ang coffee!" narinig kong kausap nito. Napansin ko pa ang pagsalubong ng kilay ni Elijah at agad na tumayo. Sinenyasan kami na aalis na daw kaya tumalima na din kami.
Patuloy sa pakikipag-usap si Sir Elijah sa kanyang mobile hanggang sa nakarating kami ng parking. Nagtataka naman kaming tatlo nila Charlotte at Jeann. Mukhang seryoso kasi ang kanilang pinsan.
Pagsakay namin ng kotse ay tinapos na din ni Sir Elijah ang pakikipag-usap sa kanyang cellphone. Pagkatapos ay nagsalita ito.
"Lagot tayo! Nagalit si Uncle. Bakit daw sinama natin si Veronica." wika nito. Lalo naman akong kinabahan. Sabay pang napatingin sa akin sila Jean at Charlotte.
"bakit siya magagalit? Nagpaalam
naman tayo kina Grandma at Grandpa ah?" sagot ni Jeann. Hindi man direktang ipinapakita pero ramdam ko ang inis nito.
"I dont know! Basta galit siya. Uwi na daw tayo!" sagot ni Elijah.
"Hayst! Alam mo napaka-kj talaga niyang si uncle. Paki nya kung isinama natin si Veronica. Sabi nila Grandma at Grandpa malaya siyang makakakilos sa loob at labas ng mansion!" inis namang sagot ni Charlotte. Humalikipkip pa ito habang nakasimangot.
"Baka ay iuutos siya." sagot ko naman.
"So what! Hindi ka na utusan sa mansion noh? Isa pa maraming kasambahay doon para ikaw talaga ang hanapin nya!" " sagot ni Jeann. Hindi na din ako nakaimik. Bakit nga pala hinahanap ako ni Sir Rafael? Dahil ba hindi ako pwedeng maging kaibigan ng
mga pamangkin nya? Dahil ba mayaman sila at mahirap lang ako kaya hindi ako bagay na sumama- sama sa kanila? Kung ganoon hindi din lang pala masungit ang anak namin. May pagka-matapobre din!
Chapter 175
VERONICA POV
Pagkadating pa lang ng mansion ay agad kaming bumaba sa kotse ni Elijah. Agad ko naman nakita ang pagsalubong sa amin ni Sir Rafael. Madilim ang awra nito at mukhang galit.
Hindi ko maiwasan na kabahan gayundin sila Charlotte at Jeann. Si Elijah naman ay kaswal nitong sinalubong ang kanilang Uncle.
"Oh Uncle! Nagpaalam kami kina Mama Carissa at Papa Gabriel ha?" wika nito. Masama itong tinitigan ni Rafael at diretsong naglakad patungo sa harapan naming tatlo.
"Hello Uncle!" nakangiting bati dito ni Jeann. Kung kanina ay asar na asar ito sa Uncle niya para naman itong maamong tupa ngayun. Ibig lang sabihin nito takot din pala sila sa masungit na si Sir Rafael. Nakayuko lang din naman si Charlotte at mukhang takot itong tumitig sa galit na mukha ng kanyang tiyuhin.
"Alam niyo bang kanina pa nagsiuwian ang mga parents nyo?" tanong nito. Sabay naman napatitig ang dalawa kay Sir Rafael.
"Alam ko po. Nagtext sa akin kanina si Mama. Magpapasundo na lang ako sa driver namin bukas ng umaga. 10am pa naman ang pasok ko bukas sa School kaya ayos lang naman na tomorrow morning na ako uuwi." sagot nito kay Sir Rafael. Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ni Sir bago binalingan si Jeann.
"Ganoon din po ako Uncle. Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy. Pumayag po sila kaya dito po kami magpapalipas ng gabi sa mansion. Gusto pa po kasi namin maka-bonding si Veronica." wika naman ni Jeann. Katulad ng naging reaksyon sa sinabi ni Charlotte tinaasan lang din ito ng kilay ni Si Rafael. Pagkatapos ay binalingan nito si Elijah na noon ay tahimik lang na nakamasid habang ngiting-ngiti.
"Ah ako din? Kailangan magpaliwanag? Siyempre dito ako sa mansion matutulog dahil dito na ako nakatira. Excuse me!" wika nito at agad na tumalikod at naglakad papasok ng mansion. Ayos na sana kaya lang lumingon ulit ito sa amin at muling nagsalita
"See you later beautiful Veronica!"
nakangiti nitong wika sabay flying kiss sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng hiya sa ginawa nito. Agad na napabaling ang tingin ko kay Sir Rafael na noon ay nanlilisik na ang mga mata habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa papalayong si Elijah.
"Nakikipagharutan ka ba sa kanya?" tanong nito habang bakas ang panggigil sa boses. Gigil na may halong galit. Hindi ko naman ito maintindihan sabay iling.
"Naku, hindi po sagot ko naman. Pagkatapos ay binalingan ko sila Jeann at Charlotte at nagbabakasali na ipagtanggol nila ako at i- correct ang maling iniisip nito tungkol sa aming dalawa ni Elijah. Sadyang friendly lang talaga ang pamangkin niya at wala naman akong nakitang mali doon.
"Hayy naku si Uncle! Lahat na lang pinag-iisipan ng masama. Hindi pa nasanay kay Elijah!" sabat naman ni Jeann na siyang labis kong ipanagpasalamat.
"Hindi ko hinihingi ang openyon mo Jeann. Maghanda kayong dalawa dahil ipapahatid ko na kayo sa driver pauwi sa mga bahay-bahay nyo! Kay babae nyong mga tao pero ang hilig niyong makitulog sa hindi niyo bahay." Bulyaw naman nito sa dalawa.
"No! Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy at pumayag na sila. Isa pa hindi na iba ang mansion sa amin dahil mga apo kami at pamangkin niyo kami Uncle.!" sagot naman ni Charlotte.
"I dont care kung mga apo kayo! Tapos na ang oras ng bisita at pwede na kayong umuwi dahil hindi kayo dito nakatira." sagot naman ni Sir Rafael. Agad na rumihistro ang inis sa magandang mukha ni Charlotte at humalikipkip ito.
"No! dito kami magpapalipas ng gabi at wala ka ng magagawa doon. Isa pa may consent ito nila Grandma at Grandpa kaya wala kang magagawa Uncle." sagot ulit ni Charlotte.
"May magagawa ako dahil ako na ang head sa mansion kasabay ang pagiging CEO ko sa kumpanya kaya susundin niyo ang gusto ko! Malapit na ang Pasko at hindi ko ibibigay iyang mga hinihiling niyong regalo mula sa akin! "banta nito sa dalawa. Agad na nagkatinginan ang dalawa at ilang saglit lang ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Marami silang nagpakawala ng ngiti sa kanilang
masungit na tiyuhin.
"Hmmm si Uncle naman. Hindi na
mabiro! Sige na nga uuwi na kami ni
Jeann...Basta iyung gift na hinihingi
namin sa iyo ha? Dapat priority iyun?" malambing na muling wika ni
Charlotte. Lumapit pa ito sa tiyuhin at humalik sa pisngi nito. iiling-iling
naman si Sir Rafael habang
pinupunasan ang mukha kung saan
ang labi ng pamangkin. Oh diba ang arte!
"Oo nga! Nakalimutan ko pala, kailangan kong magreview ngayun." sabat naman ni Jeann. Nginisihan naman silang dalawa ni Sir Rafael at sininyasan nito si Manong driver na noon pa pala nakaantabay.
"Ihatid mo sila sa kani-kanilang tahanan." utos nito.
"Opo Sir!......Mam Jeann, Mam Charlotte sa kotse na lang po tayo." pagyayaya nito sa dalawa. Bago sumunod sa driver binalingan pa nila ako para magpaalam.
"See you on weekend na lang Veronica. Aagahan namin sa Saturday para hindi tayo mabitin." nakangiti nitong wika at kumaway pa sa Tito nila bago tumalikod. Naiwan naman kaming dalawa ni Sir Rafael na noon ay napapansin kong titig na titig sa akin.
"Saan kayo dinala ni Elijah?" seryoso nitong tanong.
"Po? Ano po kumain lang po kami." sagot ko naman.
"Kumain? Bakit hindi niyo ba gusto ang mga pagkain na nakahain sa dito sa mansion?" sagot nito.
"Hin-hindi naman po sa ganoon Sir! Gusto daw po kasi nilang mamasyal at isinama ako.." nahihiya kong sagot.
"At hindi ka nagpaalam sa akin?" tanong nito.
"Po?" Hindi naman ako makapaniwalang sagot dito. Tinititigan ako nito sa mga mata kaya nakaramdam ako ng pagkailang at napayuko ako.
"Sa susunod huwag kang lumabas ng hindi nagpapaalam sa akin!" muling wika nito.
"A-alam naman po nila Madam at Sir Gabriel ang tungkol dito. Bakit po pagdating sa inyo naging bawal na?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko tuloy malaman kung sino ang susundin ko ngayun.
"Basta! Hindi ka pwedeng lumabas ng mansion kapag hindi ko alam. Isa pa ako ang mag-sponsor sa pag-aaral mo kaya sa akin ka sumunod." sagot nito. Naguguluhan man tumango na lang ako para matapos na ang usapan
"Opo...hindi na mauulit." sagot ko na lang. Tumahimik naman ito pero hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka!" utos nito. Agad naman akong tumalima at tinalikuran ito. Bago pa ako nakalayo ay tinawag muli ako nito kaya napalingon ako.
"And Veronica? Nice dress..bagay pala sa iyo ang pinamili natin kahapon." nagulat naman ako sa sinabi nito.
Mukhang hindi na mainit ang kanyang ulo dahil hindi na nakasimangot. Kaya naman naiilang akong itinuloy na ang pagpasok sa loob ng mansio.
Dumadagondong ang dibdib ko habang paakyat ako ng hagdan. Hindi ko talaga maintindihan si Sir Rafael. Minsan ang sungit niya pero mukha naman siyang mabait. Hayst ewan, masasanay din siguro ako sa ugali nito. Mas nangingibabaw naman ang kabaitan nito dahil nagawa nitong pumayag na mag-aral ulit ako.
pagpasok ko ng kwarto ay agad akong nagbihis ng damit pambahay. Hindi na uniform ng pangkasambahay kasi sinabihan ako nila Madam at Sir kanina na huwag na daw akong magsusuot ng ganoon. Sinipat ko pa ang relo sa center table ng mapansin kong halos alas syete pa lang ng gabi. Wala naman akong gagawin kaya nagpasya akong muling lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina.
Tutulong na lang muna ako sa mga gawaing bahay para naman walang masabi sa akin ang mga tao dito sa mansion.
"Pagdating ng kusina ay naabutan ko si Ate Maricar at Ate Lani. Abala sila sa pagpupunas ng mga malinis na pinggan kaya agad akong lumapit sa kanila. May iba pang mga kasambahay dito sa loob ng kusina pero karamihan sa kanila hindi ko kilala. Hindi ko din naman sila nakakausap simula ng dumating ako dito sa mansion.
"Hi Ate Maricar!" agad kong bati. Siya lang naman ang ka-close ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng ilang mga kasambahay na naabutan ko. Pailalim pa nila akong tinitigan kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"Hello Veronica! Nag-enjoy ka ba sa pamamasyal?" nakangiting wika ni Ate Maricar at itinigil muna nito ang gingawa at humarap sa akin. Nakangiti akong tumango
"Opo...sana sumama ka sagot ko naman. Agad itong umiling.
"naku, hindi pwede! Para lang sa mga teenager ang lakad na iyun. Siya nga pala, nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghain kita?" nakangiti nitong tanong. Agad akong umiling.
"Naku huwag na po Ate. Busog pa po ako. Marami akong kinain kanina sa pinuntahan namin. Pumunta lang talaga ako dito sa kusina dahil naiinip ako sa kwarto. Gusto kong tumulong sa mga gawain." sagot ko naman. Agad naman umiling si Ate Maricar.
"huwag na! Bawal ka na daw magtrabaho dito. Iyun ang bilin nila Madam at Sir kanina." sagot ni Ate.
"Kailan sinabi? Bakit hindi namin alam?" Sabay pa kaming napalingon ng biglang nagsalita ang isang kasambahay. Bakas ang inis sa mukha nito habang nakatitig sa akin.
"Wala ka kasi kanina Thelma! Saan ka ba kasi nagsusuot kanina?" sagot ni Ate Maricar dito. Ngumisi naman ito at tinitigan ako.
"Alam niyo ngayun lang nangyari na may biglang inampon na maid ang mga amo natin. Kung alam ko lang dapat noong bago-bago pa lang ako dito nagpasikat na din ako sa kanila. Siguro nakuha ko din ang pabor na nakuha ngayun ni Veronica." asar na sagot ni Ate Thelma. Napayuko naman ako. Nakaramdam ako ng hiya lalo na ng nagtawanan ang iba.
"Bakit maganda ka ba? Magpa-cute ka kasi muna kay Sir Rafael para ampunin ka nila. Alam mo naman ang amo natin na iyun mahilig sa magaganda. Tiyak na sawa na iyun sa mga Manila Girl kaya probensyanang tanga naman ang pinapatulan ngayun. "sabat naman ng katabi nito. Ang pagkakaalam ko Lucita ang pangalan nito. Narinig ko kasi na iyun ang pangalan na binanggit ni Nanay Espe ng utusan niya ito kanina.
Lalo akong nakaramdam ng pagpakapahiya ng umalingawngaw ang tawanan sa buong paligid. Naiinis naman na ibinagsak ni Ate Maricar ang hawak nitong pinggan kaya tumigil din sila kahit papaano.
"Tumigil na nga kayo! para kayong mga bata! Ang lakas nyong mam bully! wika nito Pagakapos binalingan ako ng noon ay yukong yuko na dahil sa kahihiyan na naranasan ko sa mga kasamahan ko.
"Pagpasensyahan mo na sila Veronica. Inggit lang ang mga kaya ganyan ang lumalabas sa kanilang mga bunganga!" wika nito sa akin.
"Suss Maricar, huwag ka na ngang sumipsip diyan. Kapag magsawa sa kanya si Sir Rafael tiyak na sisipain din iyan palabas ng mansion!" tatawa-tawang muling sabat ni Ate Thelma. Parang gusto ko naman maiyak ng muling narinig ang mahinang paghagikhik ng iba.
"Alam mo walang gamot sa sobrang inggit sa katawan! Palibhasa kasi ang lalaki ng mga bilbil mo dahil sa kakakain kaya walang pumapatol sa iyo! Kaya sa sobrang pagiging bitter mo kung anu-ano na ang lumalabas sa mabaho mong bunganga!" Bakas na ang inis sa boses ni Ate Maricar habang sinasabi ang katagang iyun. Agad naman nanlisik ang mga mata ni Ate Thelma at akmang susugud ito ng pigilan ito na katabi nya.
"Tama na nga iyan! Baka mamaya marinig pa kayo ng amo natin na nag- aaway kayo pare-pareho tayong malalagot nito!" sabat naman ni Ate Lani. Pinahiran ko naman ang luha sa aking mga mata.
"Sige na Veronica, bumalik ka na lang ng kwarto. May mga tao talagang malaki ang inggit sa katawan kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga. Huwag mo na lang pansinin.
"Wika ulit sa akin ni Ate Maricar. Nakayuko akong tumango habang hindi ko pa rin mapigilan ang aking luha sa mga mata.
"Arte! Totoo naman ang sinasabi ko ah! Kapag magsawa sa kanya si Sir Rafael tiyak na basta na lang iyan itatapon na parang basahan. Gusto niyo pustahan pa tayo eh!" muling wika ni Ate Thelma. Hindi pa rin pala ito tapos na insultuhin ako.
"Sinong itatapon? At bakit nandito ka sa kusina Veronica?" sabay-sabay kaming napatitig sa pintuan ng kusina ng nakita namin ang nakatayong si Sir Rafael. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Agad naman akong tumalikod habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.
Chapter 176
VERONICA POV
"I said bakit nandito ka sa kusina Veronica? Hindi bat sinabi ko sa iyo na magpahinga ka sa kwarto?" muling tanong ni Sir Rafael. Naramdaman ko pa ang paglapit nito at ang paghawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon dito.
Tahimik naman ang lahat habang naramdaman kong nakatingin sila sa aming dalawa ni Sir Rafael. Pagharap ko dito ay agad ako nitong tinitigan sa mga mata kasabay ang lalong pagkunot ng noo nito.
"Anong nangyari sa iyo? Bakit namumula ang mga mata mo?" seryoso nitong tanong. Agad akong napayuko kasabay ng pag-iling.
"Wala po Sir. Ganito lang po talaga ako paminsan-minsan." sagot ko dito. Hindi ito umimik bagkos naramdaman ko ang mga palad nito na hinawakan ako sa baba at dahan-dahan na itinaas ang aking mukha. Naiilang naman ako sa ginawa nito at tinangka kong lumayo sa kanya ng ilang hakbang pero muli itong nagsalita.
"Anong nangyari? Sabihin mo sa akin? "wika nito sa marahang boses. Hindi na nakakunot ang noo habang binabanggit ang katagang iyun kaya napakurap ako ng aking mga mata. Pagkatapos ay napasulyap ako kina Ate Maricar na noon ay nakanganga habang pinapanood kami ni Sir Rafael kaya ibinaling ko ang aking mukha para mabitawan nya ako kasabay ng paglayo ko ng kaunti kay Sir Rafael. Nakakailang ang mga titig na ibinibinigay nito sa akin.
"Tsk! Tsk! Kayo anong nangyari? Ano iyung naririnig ko na basta na lang itapon sa labas ng mansion? Sino? At bakit mukhang galing sa pag-iyak si Veronica." baling nito sa mga kasambahay. Kanya kanya naman silang iwas ng tingin kay Sir Rafael. Kinabahan naman ako lalo na ng muling bumalik ang pagkunot ng noo nito. Galit na din ang mga titig na pinapakawalan nito sa mga taong nandito sa loob ng kusina.
"Si Thelma at Lucita po Sir. Inasar po nila si Veronica na kapag nagsawa na daw po kayo sa kanya itatapon niyo na lang daw po sa labas ng mansion na parang isang basura." detalyadong sagot ni Ate Lani habang nakayuko.
Agad kong napansin ang pagtiim bagang ni Sir Rafael at ang pagkuyom ng kanyang kamao. Pagkatapos ay isa- isang tiningnan ang mga kaharap bago nagsalita.
"Sino si Thelma at Lucita dito?"
tanong nito sa seryosong boses. Agad naman silang itinuro ni Ate Maricar. Kitang kita naman ang kaba sa mukha ng dalawa at naglakad ng ilang hakbang papunta sa harap ni Sir Rafael. Tahimik naman ang lahat habang hindi maitatago ang kaba sa mga mukha.
"Pack all your things and leave!" Wika nito sa dalawa. Malinaw at walang halong pagbibiro sa boses ni Sir Rafael habang sinasabi ang katagang iyun. Agad naman akong napalipat kay Ate Maricar upang matanong kung ano ang ibig sabihin ni Sir Rafael. English at hindi ko maintindihan masyado.
"Pinapalayas niya sila Thelma at Lucita!" pabulong na sagot ni Ate Maricar sa akin. Nagulat naman ako at hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa kina Ate Thelma. Tanggal agad? Hindi ba pwedeng pag-usapan muna?
"Naku Sir, sorry po hindi na mauulit. Binibiro lang naman po namin si Veronica kanina!" sabat agad ni Ate Thelma habang pigil ang pag-iyak.
Pagkatapos ay dumako pa ang tingin nito sa akin.
"Veronica, pasensya ka na! Minsan talaga hindi ko maiwasan ang dila ko. Matabil talaga ako minsan kaya patawad sa mga nasabi ko kanina!" wika nito sa akin.
"Sir, ayos lang po ako. Nagsorry na po siya." sagot ko naman sa mahinang boses.
"No! Ayaw kong may bumastos sa mga taong mahalaga sa akin! Hindi na mababago ang isip ko! Mag-empake na kayong dalawa. Ipapabigay ko na lang sa pamamagitan ni Manang Espe ang huling sahod niyo!" seryoso nitong wika. Napahagulhol na ng iyak si Ate Lucita.
"Sir maawa na kayo sa amin. May mga anak po na umaasa sa akin." umiiyak na sagot ni Ate Lucita.
"Sana inisip mo iyan bago ka gumawa ng ganitong issue." sagot ni Sir Rafael. Akmang sasagot din ako ng pigilan ako ni Ate Maricar at binulungan.
"Hayaan mo na lang si Sir Rafael. Alam naman nila ang rules dito sa mansion pagkatapos sumuway pa sila. Mabuti nga hindi si Sir Gabriel ang nakahuli sa kanila eh. Mas matindi iyun kapag nagagalit!" Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin. Bigla tuloy akong nagkaroon ng kuryusidad! Ganoon lang pala talaga kabilis sa kanila ang magsesante ng kasambahay kaya simula ngayun hindi ako gagaya sa kanila.
"Sir, maawa naman po kayo! Ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko!" umiiyak na wika ni Ate Thelma. Tulala naman ang ilang mga kasambahay na nanonood sa mga kaganapan. Lahat bakas sa mukha ang kaba.
"ito ang tandaan niyo! Oras na
mangyari ulit ang katulad ng nangyari ngayun, hindi ako mangingimi na tanggalin ang sangkot. Gusto ko mula ngayun, kung ano ang pagsisilbi na ginawa niyo sa pamilyang nakatira dito gayundin din ang gawin niyo kay Veronica! Naiintindihan niyo ba?" maawtoridad na wika ni Sir Gabriel.
Agad naman silang sumagot ng "OPO" habang nakayuko.
Gulat naman ang namayani sa buong pagkatao ko sa takbo ng usapan. Hindi ko maisip na nagawa kong ipagtanggol ni Sir Rafael laban sa ilang matabil na kasambahay dito sa mansion.
"Sige na! Mag-impake na kayong dalawa dahil walang puwang sa bahay na ito ang mga matatabil ang dila isa pa alam niyo naman na kapag nasabi ko na hindi ko na binabawi pa....and Veronica, go back to your room. Ayaw ko ng makita ka na pumupunta ka pa dito sa kusina. Kapag may mga kailangan ka pwede mo iyun iutos
kahit kanino dito sa loob ng mansion!" seryosong muling wika nito.
Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Ate Maricar at ng tingnan ko ito ay sumenyas ito sa akin na pwede na daw akong umalis. Sinulyapan ko muna sila Ate Thelma at Ate Lucita na noon ay parehong umiiyak habang nagmamakaawa kay Sir Rafael na huwag paalisin. Naawa man pero ano nga ba ang magagawa ko? Wala ako sa lugar para pigilan ang amo namin.
Laglag ang balikat na lumabas ako ng kusina. Kung hindi sana ako pumunta dito sana walang matatanggal na kasambahay. Kahit papaano naawa din ako sa kanila. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho.
"Beautiful Veronica! Bakit malungkot ka?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Elijah sa likuran ko. Malungkot ko itong nilingon.
"Why? Dont tell me na sinabon ka ni Uncle. Hayst masanay ka na sa kanya. Masama talaga ang ugali noon." muling wika nito habang nakangiti.
"Hindi nya naman ako masyadong pinagalitan. Pinagsabihan niya lang ako na bawal akong lumabas ng mansion kapag hindi nya alam." matamlay kong sagot. Tinitigan naman ako ng may nakakalukong ngiti na nakaguhit sa labi.
"Bakit daw? Huwag mong sabihin na ngayun pa lang binabakuran ka na ni Uncle?' sagot nito. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin kaya kunot noo ko itong tinitigan.
"Joke lang! Pero kung hindi ka napagalitan ni Uncle bakit malungkot ka pa rin. Isa pa namumula ang mga mata mo. Iyan ba iyung sinasabi mo na hindi ka nya sinabon?" tanong nitong muli. Umiling naman ako.
"Naiyak lang ako dahil sa sinabi ng mga kasamahan ko kanina. Pero ayos na." sagot ko naman. Natigilan ito at bakas ang pagtataka sa mukha. Hindi nya marahil nakuha kong ano ang ibig kong sabihin.
"Bakit nandito ka pa?" napaigtad pa ako ng biglang magsalita si Sir Rafael. Tapos na itong makipag-usap sa mga kasambahay sa kusina pero mainit pa rin ang ulo nya.
"Whoa! Uncle! Relax...ikaw talaga tatanda ka kaagad nyan dahil sa ugali mo eh! Natataranta sa iyo si Veronica!" awat naman ni Elijah. Kunot noo lang itong tinitigan si Elijah at hinawakan ako sa kamay.
"Ayusin mo ang problema doon sa dalawang kasambahay. Bantayan mo. sila at siguraduhin mong lalayas na sila ng mansion ngayun din!" pautos na wika nito kay Elijah. Pagkatapos ay hinila na ako nito paakyat ng hagdan.
Nilingon ko pa ito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang nakasunod ang tingin sa amin.
Samantalang seryoso naman ang mukha ni Sir Rafael. Salubong ang kilay nito kaya naman hindi ko malaman kung hihilahin ko ba ang kamay ko na hawak pa rin nito o hayaan na lang. Pero pinili ko na lang ang pinakahuli. Mainit ang ulo niya at baka ako pa ang mapagbuntunan.
Pagdating sa tapat ng pintuan ng
kwarto ko muli itong nagsalita.
"Sa susunod na may maririnig ka pang hindi maganda sa mga kasambahay dito sa mansion huwag kang mag- atubili na sabihin sa akin. Hindi ko tinu
-tolerate ang mga makakati ang dila dito sa mansion." seryosong wika nito. Atubili naman akong tumango.
"Opo Sir!" sagot ko. Akmang
hahawakan ko na ang door knob ng muli itong magsalita.
"Ayaw ko din na palagi kang makipag- usap kay Elijah or sa kahit kaninong lalaki dito sa mansion!" muling wika nito.
"Po? Bakit po?" hindi ko mapigilang tanong. Tinitigan ako nito bago muling nagsalita.
"Basta! Sundin mo ang gusto kung
gusto mong makapagtapos sa pag-aaral." sagot nito. Nanakot pa!
'Pero mabait naman po si Elijah!" hindi ko mapigilang sagot. Matiim naman ako nitong tinitigan at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
"At ako? Hindi ba ako mabait sa paningin mo?" tanong nito. Naguguluhan naman akong napatitig dito dahil imposible ang tanong niya dahil ang totoo hindi naman talaga ito mabait Masungit at ang bilis magalit.
"Ma-mabait din naman po Sir..!" sagot ko na halatang napipilitan lang.. Napailing ito at hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa kanya. Nawala na ang galit sa mga mata nito at napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin na noon ko lang nakita sa kanya.
"Sir, pasok na po ako ng kwarto." paalam ko dito. Tumango ito kaya kaagad kong pinihit ang siradura at nagmamadaling pumasok. Sapo ang dibdib ko ng maisara ko ang pintuan at naglakad papunta sa aking kama at dali-daling naupo.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Oo, hindi maganda ang ugali nya pero ang laking epekto sa akin kapag tinitigan ako ni Sir Rafael. Parang nakakapanginig ng laman ang mga titig nito. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil first time ko itong naranasan sa iisang lalaki.
Isa pa nakita ko kung paano ito nagalit kanina sa kusina. Kitang kita ko kung paano nya ako ipagtanggol kanina na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko akalain na may masisisante na mga kasambahay dahil sa akin.
Chapter 177
VERONICA POV
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan na lang ako sa mahinang katok sa pintuan kaya agad akong napabangon para pagbuksan iyun. Agad na bumungad sa harap ko si Manang Espe, nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Hello po Manang!" kimi kong bati dito.
"Good Evening Veronica, hindi ka na bumaba para kumain ng dinner. Kinatok ka kanina dito ni Ate Maricar mo pero hindi mo daw sya pinagbuksan." wika nito. Agad naman ako nakaramdam ng hiya.
"Naku Manang pasensya na po. Hindi ko po namalayan na nakatulog ako." sagot ko dito. Nakakahiya talaga! Baka kung ano ang isipin nila sa akin.
"Ayos lang. Halata naman na kakagising mo lang. Siya nga pala, sumama ka sa akin sa dining area. Hindi ka pa kumakain ng dinner at halos eight thirty na ng gabi." sagot nito. Nakayuko naman akong tumango dito at nauna na itong naglakad pababa. Agad akong sumunod dito.
"Manang, sa kusina na lang po ako kakain." wika ko dito ng mapansin ko na inurong nito ang isang upuan at pinapaupo ako. Muli ako nitong nginitian.
"Simula ngayun masanay ka ng kumain dito sa dining area Veronica. Iyun ang utos kanina sa amin ni Madam Carissa. Dapat nga kasabay mo silang kumain ng dinnner kanina kaya lang mukhang mahimbing ang tulog mo. Sige na, maupo ka na at kumain dahil may idi-discuss pa ako sa iyo pagkatapos mo." mahabang sagot ko nito. Naiilang man agad na akong umupo sa upuan na inilaan nito sa akin.
Agad naman tumampad sa mga mata ko ang mga nakahain sa lamesa. Sobrang dami at hindi ko alam kung sino pa ang hindi kumakain. Hindi ko naman kasi kayang ubusin lahat ito.
"Manang, may iba pa po bang hindi kumakin?" tanong ko dito habang naglalagay ng kanin sa aking pinggan.
"Wala na. Ikaw na lang ang hindi kumakain. Sila Madam at Sir nasa kwarto na sila at nagpapahinga samantalang si Sir Elijah at Sir Rafael naman nagpaalam kanina na lalabas lang saglit. Sige na, huwag kang mahiya. Sanayin mo na ang sarili mo sa mga ganitong bagay Veronica." nakangiti nitong sagot. Hindi naman ako makapaniwala.
Biglang sumagi sa isipan ko ang aking mga magulang at kapatid. Kumusta na kaya sila? Ano kaya ang kinakain nila ngayun? Kung pwede nga lang na bahagian ko sila ng mga pagkain na nasa harap ko ginawa ko na sana. Kaya lang ang layo nila at hindi ko alam kung may mga pagkain bang nakahain sa lamesa nila ngayun.
Hindi ko mapigilan na maluha sa isiping iyun. Sana ang swerte ko na naranasan dito sa Manila ay maranasan din nila pagdating ng araw. Kaya ipinapangako ko, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin ng Diyos, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para maging proud sa akin sila Madam Carissa at Sir Gabriel, ipapakita ko sa kanila na hindi sayang ang ibinigay nilang pagkakataon sa akin na matulungan para makapagtapos.
Sila Nanay at Tatay naman alam kong magiging masaya sila kapag malaman nila ito. Pipilitin ko pa rin makapagpadala sa kanila kapag
magkapera ako.
"Veronica, may Masakit ba sa iyo?" natigil ako sa pagmumuni-muni ko ng tapikin ako sa balikat ni Manang Espe. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at pilit na ngumiti.
"Wala po Manang. Naalala ko lang ang pamilya ko sa probensya. Miss na miss ko na po kasi sila." sagot ko.
"Pwede mo naman sila tawagan kung gusto mo. Teka, may cellphone ka ba? May load ka?" tanong nito. Agad akong umiling
"Wala po ako ng ganyan Manang At hindi ko pa po naranasan na magkaroon ng ganyang gamit." sagot ko. Nakita ko ang awa sa mga mata habang nakatitig sa akin.
"Kung ganoon, hindi mo nako-contact ang pamilya mo? Abat mahirap nga iyan iha. Talagang mangungulila ka sa kanila kung ganoon." sagot nito. Lalo naman akong naluha. Parang bigla tuloy akong nagkaroon ng kakampi dito sa mansion sa pamamagitan ni Manang Espe.
"Naku, tama na muna iyang iyak. Kumain ka na muna dahil may sasabihin pa pala ako sa iyo mamaya. Huwag mo na munang isipin ang pamilya mo Iha. Mamaya ipapahiram ko sa iyo ang cellphone ko para matawagan mo sila." muling wika ni Manang Espe. Muli ko namang pinunasan ang luha sa aking mga mata.
"Wala rin pong cellphone sila Nanay. Nakikitawag lang kami sa kapitbahay." sagot ko. Muli itong natigilan.
"Eh di sa kapitbahay tayo tumawag." sagot nito. Agad akong umiling.
"hindi ko din po alam ang number ng kapitbahay namin. Si Ate Ethel ang nakakaalam noon." sagot ko. Natampal na ni Manang ang sariling noo. Gulong gulo na siguro ito sa akin.
"Ganoon ba? Naku bata ka! Napaka- komplekado naman pala ng lahat. Sige kumain ka na muna at tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Baka abutin tayo ng hating gabi bago tayo matapos dito." sagot ni Manang. Nahihiya naman na itinoon ko ang aking pansin sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay agad itong tumawag ng isa pang kasambahay para ligpitin ang mga nasa harap. Tinangka kong pigilan si Manang Espe at sinabi dito na ako na lang ang magliligpit
pero sinagot lang ako na hindi ko trabaho iyun. May nakatoka na talaga para gawin ang bagay na ito. Wala na akong nagawa pa kundi ang manatiling nakaupo habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Manang Espe.
Napansin ko naman na umupo ito sa tapat ko ng matanggal na ang lahat ng pagkain na nasa lamesa. May inilapag pa itong isang papel na may mga nakasulat.
"Bweno, ididiscuss ko na sa iyo ang mga rules at dapat mong sundin habang nandito ka sa mansion Veronica." paunang wika nito. Wala sa sariling tumango ako at naguguluhan na tumitig kay Manang.
"Una, kailangan mong sumabay sa oras ng pagkain sa buong Villarama Family...mapa- weekend or weekdays man." wika nito. Naguguluhan naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kong nagbibiro ba ito o seryoso. Bakit naman ako sasabay sa mga amo namin?
"Manang..ka-kailangan po ba iyan?" alanganin kong tanong. Agad itong tumango.
"Iyun ang gusto ni Madam Carissa. Actually lahat ng nakasulat sa papel na ito galing sa kanya. Personal nya sana itong idi-discuss sa iyo kanina kaya lang hindi ka nakababa sa oras ng pagkain. Kaya ako na lang ang inutusan nya na gawin ito." sagot nito.
Napayuko ako. Ngayun pa lang naiilang ako. At isa pa sobrang nakakahiya.
"Pero Manang, parang hindi ko po kayang makasabay sila sa pagkain." sagot ko.
"Iyun ang isa sa mga nakalagay na rules dito Iha. Wala kang choice kundi sumunod." sagot nito. Hindi na ako nakaimik pa habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
"Every weekdays kailangan mong
makababa dito sa dining area bago mag -alas-siyete ng umaga-- marami pang sinabi sa akin si Manang at mataman ko itong pinapakinggan. Lahat ng iyun ay hindi ko alam kung kaya ko bang sundin.
Ipinagdiinan din nito sa akin na bawal na daw akong gumawa ng mga gawaing bagay at huwag daw akong mag-atubili na mag-utos kapag may mga kailangan ako.
"Basta tandaan mo ang lahat ng nakasulat sa papel na ito Veronica. Huwag kang mag-alala. Mababait sila Madam at Sir at itinuring ka na nilang pamilya kaya ganito ang kanilang pakikitungo sa iyo. Huwag kang mahiya sa kanila at pilitin mong makibagay at sumunod sa gusto nilang mangyari dahil wala silang ibang hangad kundi ang kabutihan mo." mahabang wika ni Madam. Wala sa sariling napatango ako.
"Sige na..pwede ka ng bumalik ng kwarto mo dahil magpapahinga na din ako. Kung may iba ka pang mga katanungan huwag kang mahiya na lapitan ako." wika nito sabay tayo. Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo at nagpaalam na kay Manang.
Busog pa ako kay hinayaan ko ang aking sarili na ihakbang ang aking mga paa palabas ng mansion. Agad na sumalubong sa mga mata ko ang tahimik na kapaligiran. Nag-ikot-ikot ako sa buong paligid at huminto sa gilid ng swimming pool. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatanaw sa malawak na pool na napagkamalan kong lawa noon.
Hindi ko mapigilan na muling sumagi sa isip ang pamilya ko. Ang bilis magbago ng kapalaran ko. Hindi na ako magiging maid sa mansion na ito.
Muli kong naisip ang sinabi ni Manang. Masanay na daw ako dahil magiging bahagi na ako ng pamilya Villarama? Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Aampunin ba ako nila Madam at Sir dahil naawa sila sa kalagayan ko at ng pamilya namin?
"Bakit gising ka pa?" napaiktad pa ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Muntik pa akong mahulog sa pool ng bigla ako nitong hawakan sa baywang at kinabig payakap. Sandali naman akong natulala sa ginawa nito.
"Tsk! Ilang baso ba ng kape ang pinainom sa iyo kanina ng mga pamangkin ko at nagiging magulatin ka na?" wika nito sa seryosong boses. Agad akong lumayo dito at nagpasalamat ako dahil binitawan nya naman agad ako. Pagkatapos ay tinitigan ko ang seryoso nitong mukha.
"Sir Rafael, pasensya na po. Hindi ko napansin ang bigla nyong pagdating.' Sagot ko dito habang nakayuko.
"Saan ba kasi lumilipad ang utak mo. Alam mo wala talagang magandang maidulot iyang pagsama-sama mo sa mga pamangkin ko eh." sagot nito sa akin habang titig na titig sa mukha ko.
"Pa-pasensya na po!" sagot ko. Wala na kasi akong maisip na pwedeng sabihin dito.
"Tungkol saan?" sagot nito.
Naguguluhan naman akong tumitig dito.
"Tsk! Huwag mo nga akong titigan ng ganyan dahil hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng mga matang iyan." wika nito. Lalo akong naguluhang tumitig dito. Ano daw?
"Sumama ka sa akin!." wika nito at agad akong hinawakan sa aking kamay. Agad naman akong nakaramdam ng kaba at pilit kong binabawi ang kamay ko na hawak nito.
"Naku Sir...kung ano man po ang masamang balak niyo sa akin, huwag nyo na pong ituloy. Hindi pa po ako ready!" takot kong wika dito. Natigilan ito at kunot noo akong tinitigan.
"Anong sabi mo? Nabubuang ka na ba?
Iyan ang dahilan kung bakit gusto kitang pagbawalan na dumikit-dikit sa mga pamangkin ko. Nahahawaan ka ng mga kapraningan nila!" pabulyaw na sagot nito. Nahihiya naman akong napayuko! Ano ba ang nangyayari sa akin. Kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga ko! Nakakahiya tuloy.
"Tsk! Sumunod ka sa akin sa kwarto!" sagot ito. Muli akong kinabahan?
"Ha? Sa ka-kwarto?" pautal-utal kong tanong. Pinagkrus ko pa ang kamay ko sa katawan ko. Muli ako nitong tinitigan at napapailing. Napakamot naman sa ulo niya si Sir Rafael. Halatang nauubusan na ito ng pasensya sa akin.
"Hintayin mo na lang ako dito! Babalik ako!" bakas ang inis sa boses na wika nito sabay talikod. Naiwan naman akong naguguluhan.
"Bakit kaya hindi nya na ako isinama sa kwarto niya? Ahhh siguro alam nyang tatanggi ako!" hindi ko maiwasang bulong. Napakagat pa ako sa aking labi ng maalala ko ang naging reaksiyon ko kanina. Wala naman yatang ibig sabihin si Sir Rafael sa sinabi nitong sumama ako sa kwarto niya. Baka mamaya may ipapalinis lang at kung anu-ano na ang naiisip ko. Hayst!
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at napansin ko ang muling pagbalik nito. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko na may bitbit itong maliit na paper bag at inabot sa akin.
"A-ano po ito Sir?" tanong ko habang hindi pa rin inaabot ang hawak nito. Hinawakan nya ang kanan kong kamay at pilit na pinapahawakan sa akin ang paper bag na binibigay nito sa akin.
"Take it! Magagamit mo iyan!" may
halong inis sa boses na wika nito sabay talikod. Diretso itong naglakad papasok ng mansion. Naiwan naman akong naguguluhan.
"Mukhang bad mood na naman siya? Bakit kaya? Isa pa ano na naman kaya itong ibinigay nya sa akin?" Hindi ko maiwasang bulong sa aking sarili habang sinisipat ang hawak ko.
Chapter 178
VERONICA POV
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang pagtalikod ni Sir Rafael. Ngayun pa lang, pipilitin ko na ang aking sarili na sanayin kung ano mang ugali meron siya. Makakasama ko na siya dito sa mansion araw-araw kaya pipilitin ko ang aking sarili na baliwalain ang kagaspangan ng ugali nya.
Nang magsawa ako sa kakatingin sa kapaligiran ay wala sa sariling napahikab ako. Pagkatapos ay muli kong sinipat ang hawak kong paper bag. Familiar sa mga mata ang logo na nakasulat sa paper bag.
"Apple na may kaunting kagat?
Pagkain ba ang laman nito? Pero parang nakita ko na ito eh. Hindi ko lang talaga maalala kung saan. Hayst makaakyat na nga!" hindi ko mapigilang bulong sa aking sarili at nagmamdali ng pumasok sa loob ng mansion.
Masyadong tahimik na ang buong paligid at mukhang natutulog na ang lahat. Ang lawak ng mansion pero wala man lang akong nakitang nakasabit na orasan kaya hindi ko tuloy malaman kung anong oras na.
Maingat kong inihakbang ang aking paa sa hagdan. Iniiwasan ko din na makagawa ng ano mang ingay.
Nakakahiya dahil mukhang tulog na tulog na ang lahat samantalang ako heto, mukhang magdamang ng hindi makakatulog. Dapat talaga hindi ako natulog kanina eh.
Pagdating ng kwarto ay agad akong pumasok. Pagkasara ng pintuan ay agad akong naglakad patungo sa aking kama at inilapag ang maliit na paper bag. Kinalkal ko kaagad ang laman at nagulat ako ng masilayan ko ang isang medyo pahabang maliit na box.
Hindi ko maiwasan na ikunot ang noo ko ng makita kong cellphone ang nasa picture. Excited kong binuksan iyun at tumampad sa paningin ko ang isang mukhang mamahaling cellphone.
Hindi ko maiwasang mamangha. Bakit kaya binigyan ako ng ganito ni Sir Rafael? Naawa ba siya sa akin dahil sinabi ko sa kanya na hindi pa ako nagkakaroon ng ganito sa tanang buhay ko? Maniniwala na talaga ko na mabait nga sya. Mukha lang siyang masungit pero may concern talaga siya sa isang mahirap na katulad ko.
Agad kong hinawakan at sinipat. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Sa wakas, may sarili na akong cellphone. Ang problema nga lang hindi ko alam kung paano ito ioperate ngayun. Mukhang bagong-bago at ang alam ko may mga pipindutin pa dito bago gamitin. Baka magkamali ako ng pindot at masira.
Dapat pala sumama na lang ako kanina sa kwarto ni Sir Rafael ng yayain nya ako. Baka balak nya talaga akong turuan sa paggamit nito bago niya ibigay sa akin. Pero dahil sa sobrang dumi ng pag-iisip ko nagbago ang kanyang isip. Basta nya na lang itong ibinigay sa akin at bahala na akong mag set-up.
Kapareho ang cellphone na ito sa ginagamit nila Charlotte at Jeann. Alangan naman hintayin ko pa ang weekend bago magpaturo sa kanila. Eh excited na akong pindutin at tingnan ang mga features nito.
Wala sa sariling napakamot ako ng aking ulo. Gising pa kaya si Sir Rafael? Siguro naman gising pa siya dahil kakaakyat nya lang kanina. Wala pa namang thirty minutes ang itinagal ko sa labas kanina.
Agad akong tumayo ng kama at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Alam ko ang kwarto nya dahil itinuro iyun ni Charlotte sa akin bago kami lumabas kanina. Agad akong naglakad patungo sa tapat ng pintuan nito at kagat ang labi na mahinang kumatok.
Susubukan ko lang naman kung gising pa siya. Willing naman siguro siyang turuan ako kahit saglit lang. Para naman magamit ko na dahil mukhang hindi talaga ako makakatulog ngayung gabi.
Akmang susuko na ako sa isiping baka natutulog na si Sir Rafael ng biglang bumukas ang pintuan nito. Bumungad ang papikit-pikit nitong mga mata na halatang naisturbo ko sa kanyang tulog. Hindi ko maiwasang muling mapakagat ng aking labi ng mapansin kong nakasando at boxer shorts lang ito sa harap ko.
"Mahabaging Diyos!" Naibulong ko pa at nagmamadaling tumalikod. Baka kung saan mapunta ang mga mata ko at magkasala ako ng wala sa oras.
"What do you want? narinig kong tanong nito. Napalunok ako bago sumagot.
"Gu-gusto ko lang pong mag thank you sa ibinigay nyong regalo sa akin" sagot ko sa mahinang boses. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.
"Iyun lang ba? Then go back to your room and enjoy your new cellphone." Sagot nito.
"Ehhh ano po kasi...." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita.
"Ano iyun? Its getting late for God sake Veronica. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." muling wika nito.
"Eh Sir, magpapaturo sana ako kung paano bubuksan ito." sagot ko. Ilang sandali din itong nakaimik habang nakayuko pa rin akong nakatalikod dito.
"Ganoon ba? Well, mukhang excited ka na ngang gamitin iyan ah. Ok...
pumasok ka dito sa kwarto. Tutulungan kita kung paano gagamitin iyan." wika nito at naramdaman ko ang pag-alis nito sa likuran ko. Agad akong lumingon at napansin kong iniwan nitong bukas ang pintuan ng kwarto kaya pumasok na din ako sa loob sa kagustuhan kong matuturuan ako nito kung paano gamitin ang bago kong cellphone.
Agad na bumungad sa mga mata ko ang malawak nitong silid. Doble pa yata ang laki nito sa silid na ginagamit ko ngayun at ang kama, grabe kung malaki ang kama ko mas malaki ang sa kanya.
"Maupo ka muna doon!" napapitlag pa ako ng magsalita itong muli. Itinuturo nya ang isang mahabang sofa na may center table na salamin sa harap. Agad akong naglakad papunta doon at naupo.
"Well, alam mo bang naisturbo mo ang tulog ko ngayung gabi?" muling wika nito at napansin kong nagpalit na ito ng matinong damit. Naka-t-shirt na sya at pajama. Kahit papaano nabawasan ang pakailang na nararamdaman ko.
"Sorry po. Nagbabakasakali lang naman po ako na baka gising ka pa." sagot ko. Hindi ito umimik bagkos umupo ito sa tapat ko. Inilahad nito ang mga kamay kaya agad kong iniabot sa kanya ang hawak ko.
Nagiging mabilis ang mga sumunod na sandali. Napansin ko na lang na ini-on niya na ang cellphone at may kung anong pinipindot doon. Pagkatapos ay tinitigan ako nito at sinenyasan na maupo sa tabi niya. Sa sobrang excited ko agad akong tumalima at nagmamadaling umupo sa tabi niya. Nagkadikit pa ang aming braso dahil agad itong dumikit sa akin at ipinapakita sa akin kung ano ang mga dapat pindutin.
"Gusto mo bang mag-open ng mga social media account?" tanong nito.
"Ano po iyun?" tanong ko. Napansin ko ang pagngiti nito kaya kitang-kita ko ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin.
"F******K, I*******m....iyan ang uso ngayun lalo na sa mga teenager na tulad mo." wika nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata at napangiti kasabay ng pagtango.
"Ok...ako na ang bahalang mag-create. Manood ka lang sa gagawin ko." Wika nito at muling itinutok ang buong pansin sa maliit na screen ng cellphone.
Hayyy mabait naman pala talaga si Sir Rafael eh. Tingnan mo nga binigyan pa ako ng time para ayusin ang cellphone ko. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo nya talaga. Siguro marami na siyang girl friend. Mga mayayaman din katulad nila.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga na siyang dahilan ng paglingon nito sa akin. Nagtatanong ang mga matang tinitigan ako nito.
"Wala po. May naisip lang ako." nahihiya kong sagot. Tumango lang ito at muling ibinalik ang buong pansin sa cellphone.
"Halika, selfie tayo para sa profice picture mo." wika nito at agad akong inakbayan. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito pero ng magsalita ito ng "Smile" ay wala na akong nagawa pa kundi tumitig sa camera at ngumiti.
Mabuti na lang at tinanggal na din nyang muli ang kanyang braso sa balikat ko. Pagkatapos ay muli nitong itinoon ang pansin sa cellphone. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkaaasiwa at pagdagundong ng kaba ng puso ko.
"Ok..done...marunong ka naman na siguro gumamit nito diba? Ang pag- open lang ang hindi mo alam?" tanong nito. Agad akong tumango
"Opo. Pinapahiram po ako dati ni Ate
Ethel kapag nasa boarding house lang siya kaya alam ko na po kung paano gumamit. Natakot lang po akong buksan kanina dahil alam kung may mga pipindutin pa bago gamitin iyan dahil bago pa. Baka po kasi masira ko eh." sagot ko dito. Tumango ito habang titig na titig sa akin.
RAFAEL POV
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako nagalit ng may isang taong umesturbo sa tulog ko. Handa na sana akong maninghal kanina ng marinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko ng bumungad sa paningin ko ang inosenteng mukha ni Veronica.
Mukhang nag-aalangan din itong gisingin ako pero marahil dahil sa kagustuhan na agad magamit ang cellphone na ibinigay ko sa kanya nilakasan na lang nya ang loob.
Agad kong napansin ang pagtitig nya sa akin sabay talikod. Nakaramdam siguro ng pagka-asiwa sa soot ko kaya hindi ko mapigilan ang matawa. So Innocent....so Sweet!
Agad na nawala ang antok ko at
pinapasok ito sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos ay agad ko itong pinaupo sa sofa at nagpalit ng damit, Ayaw kong buong oras syang maasiwa sa akin habang nandito siya sa kwarto at gusto kong maging komportable siya.
Mabilisan kong ginawa ang lahat. Nakapag-open na din ako ng f******k at iniaad ko pa ang sarili ko para ma- monitor ko kung ano ang mga kaganapan dito. Tinandaan ko din ang email na iniligay ko. Balak ko i-stalk ang account niya kapag hindi ako busy. Mas maigi iyun para alam ko kung ano ang pinanggagawa nya. Inilagay ko na din ang simcard at inilagay ko na din ang personal mobile number ko.
Maganda na ang ganito para naman mabilis ko siyang ma-contact.
"Ok tapos na!" wika ko at iniabot sa kanya ang cellphone. Agad itong napangiti.
"Thank you Sir." Nahihiyang sagot nito. Tinitigan ko pa ito sa mukha bago may kapilyuhan akong naisip.
"Thank you lang?" Wala ka man lang ibabayad sa akin dahil sa pag-isturbo mo sa tulog ko?" tanong ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito at napatitig sa akin. Hindi ko maiwasan na matawa.
"Wala po akong pambayad Sir. Wala nga po akong ka-pera-pera eh." wika nito. Hindi ko maiwasan na mapahalakhak. Ewan ko ba sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayun gayung naistrubo niya ang masarap kong tulog.
"Hindi naman pera ang kailangan ko. Marami ako noon." sagot ko at hindi ko maiwasan na titigan ito ng malagkit. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha nito kasabay ng kanyang pag- alis sa tabi ko.
"Ba-balik na po ako ng kwarto ko Sir. Salamat po ulit sa magandang
cellphone na ito." wika nito. Tumayo na din ako at nilapitan ito. Titig na titig ako sa kanyang labi. Para akong nahihipnostismo at wala sa sariling hinawakan ito doon.
"Later...kukunin ko lang ang kabayaran sa serbisyong ginawa ko." anas ko dito at mabilis na inangkin ang labi niya. Napansin ko pa ang pagkagulat nito at ang panginginig ng kanyang katawan. Pero wala na akong pakialam pa. Kanina pa ako gigil na gigil na matikman iyun at pakiramdam ko hindi ako matatahimik hanggat hindi ko malasahan iyun. Hindi nga ako nagkamali. Sobrang tamis at lambot ng labi nya. Pakiramdam ko ay idinuduyan ako sa alapaap habang unti-unti na akong naging mapusok.
Chapter 179
RAFAEL POV
Kaagad na sumabog ang init sa buo kong katawan habang patuloy na dinadama ang labi ni Veronica. Sa wakas tuluyan ko na din natikman ang labi nito. Tama nga ang hinala ko, napakatamis nito at para akong idinuduyan sa alapaap. Agad na nag- react ang buo kong pagkatao dahil sa matinding pagnanasa na nararamdaman ko ngayun.
Kaya lang hindi pwede. Kailangan kong pigilan ang aking sarili habang may natitira pang kahit na kaunting katinuan sa isipan ko. Masyado pang bata si Veronica para angkinin ko.
Ayaw ko itong biglain at baka matakot sa akin kaya kahit labag sa kalooban ko ay unti-unti kong itinigil ang halik na aming pinagsaluhan.
Agad kong napansin ang pamumula ng buo nitong mukha ng titigan ko ito. Bakas sa mga mata nito ang pagkagulat at pagtataka.
Shit! Hindi niya marahil inaasahan na gagawin ko sa kanya ang ginawa ko ngayun lang. Halatang first time nitong mahalikan ng isang lalaki dahil para itong tood kanina at hindi malaman ang gagawin dahil sa matinding pagkagulat.
"Go back to your room Veronica hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko na angkinin ka ngayun gabi." wika ko dito sa paos na boses. Nagtataka naman itong tumitig sa akin. Hindi niya marahil maintindihan ang sinasabi ko kaya hinawakan ko ito sa kamay at kusang hinila palabas ng kwarto. Pagkalabas ng kwarto ay hindi ko pa napigilan ang sarili ko na halikan ito sa noo. Bahala na kung ano ang iisipin nya sa akin basta
naisakatuparan ko na ang nais kong matikman ang labi nito.
Hanggang doon na lang muna. Kailangan kong magpigil dahil gusto kong matupad muna lahat ng pangarap nito bago kami hahantong sa seryosong relasyon. Alam kong habang tumatagal palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya at wala akong magagawa pa kundi harapin iyun at maghintay kung kailan siya maging ready.
"Good night!" wika ko dito at agad na isinara ang pintuan ng kwarto. Nagmamadali akong naglakad patungo sa aking kama habang may nakaguhit na ngiti sa labi ko.
Kung pwede nga lang na angkinin ko sya ngayun gabi, gagawin ko sana. Kaya lang tiyak na maraming magagalit sa akin kapag gagawin ko iyun. Ayaw ko din naman maging makasarili at magpabihag sa init ng katawan na nararamdaman ko.
Iba si Veronica sa lahat ng mga
babaeng nakilala ko kaya dapat lang na igalang ko siya at pahalagahan.
And speaking of init ng katawan, kanina pa nagwawala ang anaconda ko sa loob ng underwear ko. Agad kong hinubad nag pajama ko pati na din ang boxer shorts ko. Agad na kumawala ang naghuhumindig kong alaga.
Halik pa lang iyun ha, grabe na magwala ang alaga ko. Paano pa kaya kung maihiga ko siya dito sa kama? Siguro lalong magwawala ang anaconda ko.
"Shit! I need a quick shower. Kailangan kong mailabas ang init ng katawan na nararamdaman ko ngayung gabi kung hindi mapupuyat ako nito. Hindi ako makakatulog.
Hinubad ko na din ang t-shirt ko at nagmamadaling naglakad patungong banyo. Binuksan ko ang cold temperature ng shower at agad tumapat sa lumalagaslas ng tubig
Fuck, first time kung gawin ito pero kailangan kong magsarili habang ini- imagine ang magandang mukha ni Veronica. Kailangan kong magsariling sikap gamit ang palad ko kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pasukin ko na talaga sa kwarto niya si Veronica. Nasa kabila lang siya at mabilis ko lang siyang mapasok doon dahil hawak ko ang duplicate key ng kwarto niya.
Sa loob ng banyo hindi ko mapigilan na mapaungol ng maramdaman ko ang paglabas ng masagana kong katas mula sa aking anaconda. Hingal na hingal akong pinatay ang shower at agad na hinagilap ang tuwalya para punasan ang basa kong katawan. Sa wakas nakaraos din at makakatulog na ako nito ng mahimbing.
VERONICA POV
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hinayaan kong halikan ako kanina ni Sir Rafael. Hindi ko man lang ito nagawang itulak bagkos nag- enjoy pa ako habang walang sawa niyang sinipsip ang bibig ko.
Pero ganoon ba talaga ang pakiramdam kapag hinahalikan ka ng isang lalaki... lalo na ni Sir Rafael? Bakit nya kaya nagawa iyun gayung hindi nya naman ako girl friend? Ang alam ko, normal lang na maghalikan kung may relasyon, pero kami ni Sir Rafael, amo ko sya. Nakakahiya dahil hindi ko man lang siya pinigilan. Ano na lang ang iisipin nya sa akin ngayun? Baka isipin niya malandi ako dahil hindi man lang ako tumanggi sa matagal na paglalapat ng labi namin.
Naipikit ko ang aking mga mata habang iniisip ang mga nangyari kanina lang. Dapat talaga hindi na ako pumunta sa kwarto nya eh. Si Sir Rafael pa talaga ang nakakuha ng first ko. Nakakahiya!
First kiss ko iyun at balak kong ibigay sa magiging boy friend ko lang na magiging asawa ko na din! Bakit nya ako hinalikan ng ganoon-ganoon lang?. Hindi nya naman ako girl friend para gawin nya ito sa akin. Ganoon na ba ka sigurista si Sir Rafael para masingil ako sa panggigising ko sa kanya kanina? Porket wala akong perang pambayad dahil sa pang-
iisturbo ko ayos na sa kanya ang halik? Hayst ewan ko, ang gulo nya!!!
Kung saan nag-enjoy na ako sa halik na iyun tsaka naman ako pinalabas. Bad breath ba ako kaya niya itinigil ang paghalik sa akin? Hayst parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko ngayun. Paano ko siya pakikiharapan bukas? Baka mamaya malaman pa ito nila Madam Carissa at Sir Gabriel. Gayun na din ng mga anak nila. Kainis talaga!
Agad akong napalingon sa cellphone ko ng umilaw iyun. Nag-pop-up ang isang message mula sa messenger ko.
'MATULOG KA NA! HUWAG MAGPUYAT DAHIL MAAGA KA PA GIGISING BUKAS. GOOD NIGHT!"
--RAFAEL
Agad na nanlaki ang aking mga mata sa natanggap kong mensahe. Iniisip ko pa kung magrereply ba ako pero dahil wala naman akong naisip na isasagot binaliwala ko na lang. Pagkatapos ay binuksan ko ang facebook wall nito at nagulat pa ako dahil friends na agad kami.
Siya pa lang naman ang nasa friend list ko sa ngayun. Bukas ko na lang i-add ang mga kakilala ko. Susubukan ko silang i-search. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa cellphone ko. Lalo na sa profile picture na gamit ko ngayun kung saan si Sir Rafael ang naglagay. Mukha naming dalawa ang nakalagay doon at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kilig.
Wala namang sinabi si Sir Rafael na palitan ko ang picture na iyun kaya hahayaan ko na lang muna. Total maganda naman ang kuha ko.
Hindi ko mapigilan ang maghikab kaya nagpasya akong magpalit na muna ng damit pantulog bago tuluyang humiga ng kama. Baka marumi na itong suot ko at baka mahawa ang sapin ng kama. Eh ang ganda-ganda pa naman.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong nagtalukbong ng comforter. Ngayun ko lang naramdaman ang lamig ng buong kwarto dahil sa hangin na nagmumula sa aircon. Inilapag ko sa may ulunan ko ang bago kong cellphone at ipinikit ang aking mga mata.
Eksakto alas-sais ng umaga ng magising ako kinaumagahan.. Agad akong bumangon sa higaan ng maalala ko ang sinabi ni Manang Espe na dapat bago mag-alas-syete ng umaga nasa dining area na ako. Agad akong pumasok sa loob ng walk in closet at agad na naghagilap ng isusuot na damit.
Karamihan sa mga damit ko ay puro dress at iyun na lang din ang napili kong suutin. Halos pare-pareho lang naman ang style magkakaiba lang ng kulay.
Nagmamadali akong naligo.
Pagkatapos ay agad na akong nagbihis habang pasulyap-sulyap sa orasan na nasa maliit na lamesita na nasa gilid ng higaan ko.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagsuklay ng buhok sa tapat ng salamin. May ilang mga make up pa akong nakita na nakapatong sa tokador at hindi ko alam kung kanino iyun kaya hindi na ako nag-abala pang galawin iyun. Baka mamaya mapagalitan pa ako kapag papakialaman ko pa diba?
Halos patakbo kong babain ang hagdan dahil sa sobrang pagmamadali. Nang sulyapan ko kasing muli ang orasan ay limang minuto na lang bago mag-alas siyete. Nakakahiya kong mali-late ako. Ayaw kong pag-isipan nila ako ng masama. Sa susunod mas lalo ko pang aagahan ang gising ko. Iiwasan ko na din ang magpuyat.
Pagdating ng dining room ay agad akong nakaramdam ng hiya. Nandito na ang mga amo ko at sabay-sabay pa silang napatingin sa pagdating ko. Agad akong napayuko sabat bati sa kanila.
"Good Morning Madam Carissa...Sir Gabriel at Sir Rafael!" wika ko.
"Good Morning Veronica. Sige na
maupo ka na. Sumabay ka na sa pagkain." sagot ni Madam. Tatanggi sana ako ng dumako ang tingin ko kay Ate Maricar at Manang Espe. Iniurong pa ni Ate Maricar ang isang upuan at nakangiting tumingin sa akin.
"Upo ka na dito Mam Veronica." wika pa nito. Hindi ko naman maiwasan na panlakihan ito ng mga mata. Tinitigan ko pa si Ate kung nagbibiro ito. 'Mam' talaga? Hindi naman nila ako amo.
Mamaya kakausapin ko si Ate tungkol dito. Nakakahiya kapag may ibang nakakarinig. Baka isipin nila masyado na talaga akong sumipsip sa mga amo namin.
"Tsk! Sit down! Mali-late na ako sa office kung tatayo-tayo ka pa diyan." agad akong napatitig kay Sir Rafael ng marinig ko ang masungit na naman niyang boses. Ano na naman kaya ang nakain nya? Bakit parang galit na naman ito? Kagabi naman ayos lang siya ah? Hayst mukhang mahirap talaga siyang pakisamahan.
"Opo!" tipid kong wika at umupo na din. Agad kong napansin ang paglalagay ng orange juice ni Ate Maricar sa baso ko kaya nagpasalamat ako sa kanya.
"Sure ka bang sasama ka ngayun sa opisina Gab?" narinig ko pang tanong ni Madam Carissa kay Sir Gabriel habang pinapanood ang asawang kumakain. Wala yatang balak kumain si Madam at tanging isang kulay green na juice na nasa baso ang paunti-unti nitong iniinom.
"Yes Sweetheart...First day ngayun ng bunso natin sa opisina at gusto kong ako mismo ang mag- introduce sa kanya sa mga empleyado." nakangiting sagot ni Sir Gabriel. Tahimik naman si Sir Rafael na kumakain habang kapansin-pansin ang pasulyap- sulyap nito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapainom ng juice Lalo ng maalala ko ang halik na pinagsaluhan namin kagabi.
Chapter 180
VERONICA POV
"But dont worry Sweetheart, uuwi agad ako pagkatapos ng pagpapakilala kay Rafael bilang bagong future CEO ng Villarama Empire. Kung gusto mo naman pwede kang sumama sa amin para naman mabisita mo ang magiging opisina nya. What do you think?" suggestion ni Sir Gabriel. Tahimik lang akong kumakain habang nakayuko. Mabuti na lang at abala sila sa pag- uusap kaya kahit papaano nawala ang pagkailang na nararamdaman ko.
"Good suggestion Gab. Kaya niyo bang maghintay hanggang sa makapagbihis ako?" tanong naman ni Madam Carissa. Mukhang gusto din nitong sumama sa asawa.
"No worries Sweetheart! Willing akong maghintay kahit ilang oras pa iyan. I think mauna ka na Rafael sa office.
Siguradong hinihintay ka na ng kapatid mo doon. First day mo ngayun at iwasan mong ma-late." wika ni Sir Gabriel. Napansin ko naman na mukhang tapos ng kumain si Sir Rafael at tumayo na ito.
"Ok Dad! Hintayin ko na lang kayo sa opisina. Baka magka-highblood pa si Kuya sa kakahintay sa akin. "nakangiti nitong sagot at lumapit pa sa Ina para humalik sa pisngi. Tinapik ang balikat ng ama at lumingon sa akin at tumango. Wala naman akong ipinakita na kahit na anong reaksyon dito. Nahihiya pa rin ako sa kanya lalo na kapag sumasagi sa isip ko ang mga nangyari sa amin kagabi.
Tuluyan na din naman itong lumabas ng dining room. Naiwan naman kaming tatlo habang tahimik akong kumakain.
"By the way Veronica, gusto mo bang sumama sa amin sa office? Wala ka pa namang gagawin ngayun dahil wala pang mahanap si Arabella na pwedeng magtutor sa iyo." nagulat pa ako ng ibaling ni Madam ang tingin sa akin. Nilunok ko muna ang huli kong naisubo na sinangag bago ako sumagot.
"Hi-hindi po ba ako tutulong sa mga gawain dito sa mansion Madam?" sagot ko. Agad kong napansin ang pagngiti nito na kahit sa kabila ng edad ay halata pa rin ang hindi kumukupas na kagandahan. Malalaki na ang mga anak at mga dalaga at binata na ang ibang apo pero napakaganda niya pa rin. Ganoon talaga siguro ang mababait na tao. Matagal tumanda at mukhang alagang-alaga din naman siya ni Sir Gabriel.
Sa ilang araw kong pananatili dito sa mansion hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano sila kaalaga sa isat isa. Isang napakagandang halimbawa na sana maranasan ko din hanggang sa pagtanda ko. Naipilig ko pa ang aking ulo ng marining kong muling nagsalita si Madam.
"Dont worry. Kaya na ng mga tao dito sa mansion ang lahat ng trabaho. Mas magandang sumama ka para naman may makakausap ako sa office habang hinihintay sila Gabriel. Tiyak na kabi- kabilaang meetings ang haharapin nila ngayun sa office at dahil nakakabored din naman dito sa mansion sama na lang tayo. Kapag ma-bored tayo sa office pwede naman tayong maglibot- libot. At least may kasama ako.." mahabang wika ni Madam. Wala naman sa sariling napatango ako sabay pakawala ng masayang ngiti sa labi.
"That is a good idea! Well maghanda na kayong dalawa para makaalis na tayo." nakangiting sagot ni Sir Rafael. Agad naman tumayo si Madam Carissa sa pagkakaupo at niyaya akong umakyat muna para makapagbihis na nang mapansin nito na tapos na din akong kumain. Agad naman akong sumunod dito.
"Mas mabuting makapag-ikot-ikot ka muna bago mag-umpisa ang pag-aaral mo iha." wika nito sa akin. Tipid akong ngumiti.
"Thank you po Madam. Hindi ko po akalain na sobrang bait niyo po pala talaga." sagot ko. Nakangiti itong huminto sa paglalakad tsaka ako tinitigan
"Mas mabuting may nakakausap ako dito sa mansion na kasing edad mo. Medyo matagal na panahon na din nagsipag-asawa ang mga anak kong babae at bumukod. Malungkot din na walang nakakausap na katulad mo sa malaking bahay na ito." makahulugan nitong wika.
"Pero lagi naman po silang dumadalaw dito Madam." sagot ko.
"Oo, kaya lang iba pa rin ang may nakakasama palagi. Iyung lagi mong nakikita at nakakausap. Pero syempre, may kanya-kanya na silang buhay na binuo at kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam habang pinagmamasdan mo ang unti-unting pag-aalisan ng sarili mong mga anak sa bahay dinagdagan pa sana namin sila." wika ni Madam na may halong biro sa tono ng boses. Kita ko din ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi ang katagang iyun.
"Ganoon po ba talaga kapag mayayaman Madam, kaunti lang kung mag-anak." wala sa sarili kong sagot. Huli na ng marealized ko na umandar na naman ang katabilan ko. Gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko. Nakakahiya kay Madam. Amo ko siya kaya dapat lang na pag-isipan ko lahat ng isasagot ko.
"Bakit? Hindi naman siguro!" sagot ni Madam Carissa habang napansin ko ang muling pagngiti nito. Pagkatapos ay hinawakan ako nito sa kamay at niyaya ng umakyat.
"Marami ka pa bang mga damit na pwedeng maisuot?" tanong nito. Agad akong tumango.
"Marami pong binili para sa akin si Sir Rafael noong nakaraang araw. Marami pa po akong maisusuot." sagot ko. Tumango ito at nagkanya-kanya pasok na kami ng kwarto.
Agad akong naghalungkat ng damit sa walk in closet ko. Dress ulit ang napili ko. Lagpas tuhod at kita ang aking balikat. Pagkatapos ay nagsuot ako ng flat sandals para maging komportable at kinuha ko ang shoulder bag na isa sa mga nabili para sa akin ni Sir Rafael noong nakaraang gabi at inilagay ko ang aking cellphone. Pagkatapos ay muli kong sinipat ang aking sarili sa salamin at ngumiti. Nang mapansin kong maayos na ang lahat ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng kwarto nila Madam Carissa at napansin ko itong lumabas na din.
Tumitig muna ito sa akin tsaka sinensyasan akong lumapit. Pagkatapos ay niyaya akong pumasok sa kwarto nila kaya napasunod ako. Kung malaki ang kwarto ni Sir Rafael, mukhang mas malaki ang kwarto nila Madam Carissa. Maganda sa mata ang lahat ng nakadisplay.
Umupo ka muna dito dahil lalagyan kita ng kahit na kaunting make up sa mukha." wika nito sa akin. Agad akong nagulat. Napansin ko pa ang pagtitig nito sa kwentas na suot ko kaya hindi ko maiwasan na kabahan.
"Po? Naku huwag na po Madam. Baka naiinip na si Sir Gabriel sa baba." sagot ko at nagmamadali na din na naupo sa isang upuan na nakatapat sa salamin. Hindi naman ito nagtanong tungkol sa kwentas kaya naman naging kampante na din ako.
"Sandali lang ito. Wala pang five minutes matatapos din agad tayo. Kapag lumalabas tayo ng mansion dapat palagi tayong maglagay ng ganito para naman presetable tayo sa paningin ng ibang tao." wika ni Madam at may kung anong cream itong pinahid sa aking mukha. Hinayaan ko na lang sya na ayusan ako. May mga nilagay din ito sa pilik mata ko pati na din sa kilay ko. Huling inapply niya ay ang lipstick. Tama ito, walang pang limang minuto tapos nya
na akong ayusan.
Nang mapagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin ay nagulat pa ako sa laki ng ipinagbago ng mukha ko. Simpleng make up lang naman ang nilagay ni Madam pero ang laki ng epekto sa hitsura ko. Nanghinayang pa tuloy ako kung bakit hindi ko tinandaan ang mga pinanlalagay niya sa akin.
"Ilagay mo ito sa bag mo para pwede kang magretouch kapag mabura ang inilagay natin diyan sa mukha mo." nakangiti nitong wika. Hindi na ako tumanggi pa. Napansin kong kahit na tatanggi ako ipagpipilitan pa rin nya kung ano ang gusto niya. Kaya naman nagpasalamat na lang ako.
Lulan ng sasakyan bumyahe na kami papuntang Villarama Empire. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa isiping makikita ko muli si Sir Rafael.
"Kapag mainip kayo, pwede kayong mag-ikot sa kalapit na mall Sweetheart!" narinig ko pang wika ni Sir Gabriel. Nakaakbay ito sa kanyang asawa at nakahilig naman sa balikat niya si Madam Carissa. Super sweet at mapapa-sana all ka na lang talaga kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at inabala ang aking sarili.
"Natigil lang ako sa kakapindot sa cellphone ko ng huminto ang sasakyan. Agad kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Nandito kami sa loob ng isang parking area at wala akong ibang nakikita kundi puro sasakyan. Napansin ko pa ang pagbukas ng pintuan sa gawi ko kaya agad akong bumaba. Bumaba na din sila Madam at Sir at sabay na naglakad papasok sa loob ng isang lobby.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanila habang hindi ko maiwasan ang mapalinga-linga. Mukhang mga kagalang-galang ang mga taong aking nakikita. Halos pare-pareho sila ng suot. Color dark blue na coat with ang slacks, mapababae at lalaki. Siguro iyun talaga ang mga uniform nila.
Narinig ko pa ang kanya-kanya nilang pagbati ng mapansin nila ang pagdating namin. Yumuko pa ang iba at tanging tango lang ang naging sagot ni Sir Gabriel samantalang nakangiti lang sa kanila si Madam Carissa.
Alam ko na kung kanino nagmana si Sir Rafael sa pagiging seryoso. Sa kanyang ama dahil kung anong ugali ang nakikita ko ngayun kay Sir Rafael ganun din ang nakikita ko ngayun kay Sir Gabriel. Mag-ama nga sila!
Napansin ko pa ang nagtatakang pagtitig ng ibang empleyado sa akin. Iniisip marahil nila kung kaanu-ano ba ako nila Madam. Hindi ko na lang pinansin at tahimik lang akong nakasunod sa kanila hanggang sa nakasakay kami ng elevator.
Isang bodyguard at kaming tatlo lang ang nandito sa loob. Iyung ibang mga kasama naming bodyguard na nakabuntot sa amin kanina ay nagpaiwan na sa lobby. Hindi na din umiimik sila Madam at Sir kaya tahimik lang din ako habang nakatitig sa mga button ng elevator.
Pagkabukas ng elevator ay tahimik kaming lumabas. Agad kong napansin ang dalawang babae at isang lalaki na nakaupo sa kani-kanilang lamesa. Mga nasa late 40s na ang kanilang edad at iba ang suot nila kumpara sa mga tao sa ibaba. Lahat abala at ng mapansin nila ang pagdating namin ay agad silang tumayo at nagbigay galang.
"Good Morning Madam, sir! sabay na wika ng mga ito. Tumango si Sir Gabriel at deretsong naglakad sa isang nakasadong pintuan. Binuksan nya iyun at agad kaming nagsipagpasok.
"Umupo muna tayo dito Iha." wika ni Madam Carissa sa akin kaya agad akong naglakad papuntang sofa at naupo. Si Sir Gabriel naman ay sa mismong Swivel chair naupo habang isa-isang tinitingnan ang mga papeles na nasa lamesa.
Narinig ko pa ang banayad na katok sa pintuan kaya naagaw ang attention ko. Pumasok ang isa sa mga empleyado na nasa labas lang kanina.
"Sir, nasa conference room po sila Sir Christian at Sir Rafael ngayun." imporma nito kay Sir Gabriel. Tumayo naman agad si Sir Gabriel at binalingan si Madam Carissa bago lumabas ng pintuan.
"Pupuntahan ko lang muna sila sa conference room Sweetheart!" wika nito. Tumayo naman si Madam Carissa at lumapit ito sa asawa sabay haplos sa suot na suit ni Sir Gabriel. Simpleng gesture pero ang sweet tingnan.
"Ok...Dont worry, mukhang bababa muna kami sa coffee shop para malibang." sagot ni Madam sa asawa.
Tumango si Sir Gabriel at hinalikan pa nito sa noo ang asawa bago tuluyang lumabas ng opisina. Agad naman sumunod ang empleyado dito kaya naman naiwan kaming dalawa ni Madam dito sa loob.
"Alam mo bang kapansin-pansin ang malaking ipinagbago ni Rafael simula ng dumating ka sa mansion?" basag ni Madam Carissa sa katahimikan naming dalawa. Direkta na itong nakatitig sa akin. Napayuko ako.
"Ang sungit nga po nya eh." sagot ko naman para mapagtakpan ang pagkailang ko.
"Masasanay ka din sa kanya. Pero alam kong magtitino na siya ngayun. Dati kasi hindi naglalagi sa mansion ang batang iyan. Sakit ng ulo sa kanyang ama at mga kapatid dahil walang ibang ginawa kundi ang mambabae at sumama sa mga barkada. Walang direksyon ang buhay palibhasa kasi lumaking spoiled at nakukuha lahat ng gusto. Nitong weekend lang sya nag- stay ng matagal sa mansion which is good sign na magbabago na talaga siya.......
"At thankful ako dahil sa iyo Veronica! "wika nito. Nagtataka naman akong napatitig kay Madam. Sa totoo lang hindi ko gets ang ibig nitong sabihin. Bakit siya maging thankful sa akin kung nag-stay ng buong weekend si Sir Rafael sa mansion eh wala naman akong naalalang pinagbawalan itong lumabas dahil wala akong karapatan.
Sino ba ako para masabi sa akin ni Madam ang bagay na ito?
Chapter 181
VERONICA POV
Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Madam Carissa. Nagiging abala na ito sa kanyang cellphone ka inilibot ko ang tingin sa paligid ng opisina.
Malawak ang buong paligid. May mga paintings akong nakitang nakasabit at ibat ibang klaseng office supplies. Salamin ang nasa likuran ng upuan ng CEO kaya kita ko ang nagtatayuang building sa labas.
"Mukhang matatagalan sila sa meeting. We need to go! Mag-
ikot muna tayo para naman malibang." muling napukaw ang attention ko ng magsalita si Madam. Napansin ko ang pagtayo nito kaya tumayo na din ako.
Nakasunod lang ako dito habang nakalabas kami ng opisina.
"kapag bumalik na si Gab.. sabihin mo sa kanya na tawagan ako. Lalabas lang kami ni Veronica." bilin ni Madam sa empleyado.
"Opo Madam! Sasabihin ko po kaagad kay Sir Gabriel ang tungkol dito." sagot nito sabay yuko. Agad naman akong hinawakan ni Madam sa braso at sabay na kaming naglakad papuntang elevator.
"Alam mo bang pag-aari ng Villarama Empire ang buong building na ito? Halos ilang taon na din ang mabilis na lumipas at habang tumatagal lalong lumalago ang negosyo ng pamilya kaya laking pasalamat namin ni Gabriel dahil sinunod din ni Rafael ang nais ng buong pamilya. Akala talaga namin wala ng pag-asa ang batang iyun na hawakan ang kumpanyang ito.
" wika ni Madam. Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang sinasabi.
Pagkabukas ng elevator ay agad
kaming naglakad palabas. Sinalubong namin kami ng driver at tatlong bodyguard.
"Sa Villarama Shopping Center tayo." agad naman nagsitanguan ang lahat at nagmamadaling lumabas.
"Dito na lang natin hintayin ang sasakyan." wika ni Madam. Nakangiti naman akong tumango sabay libot ulit ng tingin sa paligid. Halatang ingat na ingat kilos ng lahat. Siguro mahirap magtrabaho sa lugar na ito. Kanina ko pa napapansin ang ibang mga empleyado na mukhang aligaga. O baka natatakot lang sila sa presensya ng amo nila?
Nang mapansin namin ang pagtigil ng sasakyan sa labas ng exit ay agad akong hinila ni Madam. Marahil iyun na ang sasakyan na tinutukoy nito kanina. Agad naman kaming pinagbuksan ng isang nakau- uniform na bodyguard ng pintuan ng kotse kaya pumasok na din kami.
Halos sampung minuto lang naman ang itinakbo ng sasakyan at nakarating agad kami sa Villarama Shopping Center. Ibang iba ito sa pinuntahan naming mall noong nakaraang araw. Grabe, sobrang ganda ng paligid at naglalakihan ang mga Chandelier. Mukhang mayayaman din ang halos lahat ng nakikita kong mga tao.
Halatang mga mamahalin ang mga naka-display sa mga boutique na aming nadadaanan.
Louis Vuitton, Gucci, Prada at kung anu-ano pang mga shop ang nakikita ko. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman kung gaano kamamahal ang mga luxury brand na iyun.
"Sa spa tayo!" narinig kong wika ni Madam habang napansin kong pinindot nito ang elevator na nasa harap namin. Hindi ko man lang namalayan kung saang bahagi ng mall na kami nakarating. Kanina pa kasi lumilipad ang diwa ko sa kakatingin sa paligid.
Namamangha ako sa mga nakikita kong nagagandahang bagay.
Agad naman kaming nakarating sa spa na tinutukoy ni Madam. Sinalubong agad kami ng staff at agad kaming pinaupo.
"Good Day Madam Carissa. Nice to see you again po!" agad na bati nito kay Madam. Mukhang kilala nito ang amo po. Tahimik lang ako sa tabi ni Madam habang tinititigan ang nito.
"Gusto kong ayusan nyo sya.. Gawin niyo ang lahat para lalong lumitaw ang ganda nya." Sagot ni Madam dito. Natoon naman ang attention ng kausap nito sa akin. Napansin ko pa ang pasimple nitong pagtitig sa akin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos matamis itong ngumiti.
"Actually maganda na po sya Madam. Pero kailangan lang natin pagpantayin ang kulay niya." nakangiti nitong sagot. Tinitigan din ako ni Madam tsaka tumango.
"Galing ka ba sa swimming Iha? Iyung totoong kulay mo ay ang
nasa balikat mo. Iyan ang hahabulin natin para pumantay. "Wika ng staff sa akin. Hindi ko naman ma-gets ang ibig nitong sabihin kaya pasimple kong tinitigan ang balat ko sa braso at ang balikat ko. Mas maputi ang nasa balikat ko dahil palagi itong natatakpan ng damit noong nasa probensya pa ako. Babad ako sa sikat ng araw kaya talagang mangingitim ang balat ko na direktang natatamaan ng sikat ng araw.
"Right! I think iyan ang pinaka- dabest na service ang gagawin ngayun. Lalo mong palitawin ang ganda nya!" nakangiting sagot ni Madam at halatang tuwang tuwa pa ito sa narinig sa staff kanina. Nahihiya naman akong napayuko.
"Dont worry Mam. Kayang kaya
namin gawin ang bagay na ito.
Pagkatapos ng procedure na
gagawin namin ngayung araw, makikita nyo agad ang result. Kami ang bahala sa kanya. Papakialaman namin ang kulay nya pati na din ang mukha nya para lalo siyang gumanda!" sagot ng staff. Pagkatapos ay sinenyasan nito ang isa pang nakaantabay sa amin at may sinabi.
"Sumama ka sa amin-----" hindi na natuloy ang sasabihin nito ng sumabat ulit si Madam Carissa.
"Veronica. Her name is Veronica.
"sagot ni Madam.
"Well, Mam Veronica, sumama ka sa akin. Umpisahan na natin ang lalong pagpapaganda sa iyo. "wika nito. Nilingon ko pa si Madam pero tumango lang ito sa akin. Kinakabahan man wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa staff.
Naging maayos naman ang naging kinalabasan ng lahat. Kabi -bilaang paglilinis sa katawan ko ang kanilang ginawa. HIndi ko na nga namalayan na nakatulog pala ako. Basta nagising na lang ako na sobrang gaan na ng aking pakiramdam.
"Ay Mabuti naman at gising ka na. Grabe ang sarap ng tulog mo Mam Veronica!" wika sa akin ng isang staff habang may inilalagay ito sa mukha ko. Hindi na sya ang dating staff na nag- asikaso sa akin kanina. Mukha kasing binabae ang isang ito sa klase ng kilos nya at pananalita.
"A-anong oras na po?" tanong ko. Nakangiti itong tumitig sa akin.
"Alas tres na ng hapon. Im sure gutom ka na! Dont worry, malapit na tayong matapos.
Lalagyan ko lang ng cream ang
mukha mo pagkatapos ready to go ka na!" wika nito. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa nya para matapos na.
Kung ganoon ilang oras din pala akong nakatulog. Sabagay napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari sa amin ni Sir Rafael.
"Si Madam Carissa po pala...." hindi ko mapigilang bigkas sa pangalan ni Madam. Alas tres na ng hapon at tiyak bored na bored na ito sa kakahintay sa akin sa labas.
"Dont worry, nasa labas lang sya. Kakatapos lang din nyang magpa - spa kanina." sagot nito.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa sagot nito. Pagkatapos ay sinenyasan ako nitong pwede na akong tumayo.
"Look at yourself! Hindi bat kahit papaano kita na ang result ng ginawa namin kanina?" tanong nito sa akin at iginiya ako papunta sa malaking salamin. Agad ko namang sinipat ang sarili ko at namangha ako sa aking nakita.
Lumiwanag na ang balat ko. Kaunti na nga lang at magiging pantay na ang kulay ko samantalang ang mukha ko ay ganoon din. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Dont worry, sa paglipas ng araw, magiging tuloy-tuloy na ang pagbabalik ng dati mong kulay. Huwag ka kasing magbabad sa beach para hindi ka masyadong masunog...... or kung talagang mahilig ka magswimming huwag mong kalimutan maglagay ng sun block sa balat." pagpapatuloy na wika nito. Wala sa sariling napatango ako.
"Salamat po. Ang galing ng ginawa niyo." sagot ko. Nakangiti ako nitong tinitigan.
"Alam mo kakainggit ka! Kahit naman hindi pantay ang kulay mo kanina, maganda ka pa rin. Napaka-natural ng mukha mo.
hindi nakakasawang titigan." wika pa nito. Hindi ako nakaimik. Ilang beses ko ng narinig ang tungkol sa bagay na iyan pero hanggang ngayun hindi pa rin ako nasanay. Nahihiya pa rin ako kapag nakakatangap ako ng ganitong klaseng compliment.
"Sige...pwede ka ng magpalit ng damit. Take your time Mam Veronica!" wika nito at lumabas na. Agad ko namang hinagilap ang damit na hinubad ko kanina pagkatapos ay isinuot ito.
"Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Lahat yata ng libag ko sa katawan tinanggal nila. Hayst kakaiba din pala talaga ang mga mayayaman. Pumupunta sila sa ganitong lugar para lalong ma- enhance ang kanilang kagandahan.
Pagkatapos kong magbihis ay hinagilap ko ang bag na ipinatong ko sa isang maliit na lamesa. Pagkatapos ay agad na akong lumabas dito sa maliit na kwarto.
Agad naman akong sinalubong ng isa pang staff at sinamahan papunta sa kinaroroonan ni Madam Carissa. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa isang lamesa habang umiinom ng fresh juice.
Agad kong napansin ang pagngiti
nito ng mapansin ang pagdating ko.
"Wow! Perfect! Hindi nasayang ang halos buong maghapon na pagtambay natin dito."
nakangiting wika ni Madam sa akin. Pagkatapos ay sinenyasan ako nitong maupo at hinarap ang staff. Dumukot ito sa bag at may inabot na pera dito. Agad na nagpasalamat ang staff at tumalikod na.
"Mam, pasensya na po. Kanina pa yata kayo naghihintay sa akin. Baka hinahanap na tayo sa office. " nakayuko kong wika. Sinipat naman ni Madam ang suot na relo bago sumagot.
"Kausap ko kanina si Gab. Malapit na silang matapos. Dadaanan nila tayo dito mamaya para sabay-sabay na tayong umuwi." sagot ni Madam. Pagkatapos ay sinenyasan nito ang waitress kaya agad na lumapit.
"Kumain ka na muna. Iikot tayo habang hinihintay natin ang sundo natin." nakangiti nitong wika. Napansin marahil ni Madam ang pag-aalangan ko kaya ito na ang namili ng pwede kong kainin. Agad nya iyung sinabi sa waiter bago muli akong binalingan.
"Huwag kang mahiya Veronica.
Simula ngayun, ituring mo kaming hindi iba sa iyo. Pamilya na ang tingin ko sa iyo at mas magiging masaya ako kapag hindi mo na ako tatawaging " Madam'. You can call me Tita at Tito naman kay Gabriel. Dont worry, magiging maayos ang buhay mo sa amin dahil isa kang mabait na bata," mahabang wika nito. Napayuko ako.
Ilang sandali lang ay dumating na din ang inorder na pagkain para sa akin. Burger at orange juice at dahil gutom na din ako hindi na ako nahiya pa. Agad akong kumain. Nagiging abala muli si Madam sa kanyang cellphone kaya naman nawala na din ang naramdaman kong hiya.
"Parating na daw sila. Hintayin na lang natin sila dito." kakatapos ko lang nguyain ang huling kagat ng burger ng muling nagsalita si Madam.
Hindi naman nagtagal ang aming paghihintay dahil nakita ko ang pagpasok nila Sir Rafael at Sir Gabriel dito sa cafe. Agad silang kinawayan ni Madam Carissa kaya nagmamadali silang lumapit sa amin.
"Pagkalapit ng mga ito ay agad na humalik si Sir Rafael sa kanyang ina. Isang halik sa labi naman ang iginawad ni Sir Gabriel sa kanyang asawa na syang hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig dahil sa nasaksihan. Pagkatapos ay sabay silang naupo.
"Mukhang wala naman kayong napamili ah?" wika ni Sir Gabriel habang nakatitig sa asawa.
Tahimik naman si Sir Rafael habang pasulyap-sulyap sa akin kaya muli akong nakaramdam ng hiya. Ano kaya ang iniisip nito.
"Nagpa-spa lang kami Gab! Kakatapos lang namin at dito sa cafe ang deretso namin dahil na -skip namin ang lunch." sagot ni Madam. Oo nga pala, hindi kami nakakain ng lunch dahil nakatulog ako habang kinukuskos ang balat ko kanina.
"Hmmm ganoon ba? Kung ganon, lipat tayo sa restaurant na nagseserve ng matinong food. Hindi pwedeng magpalipas ng kain Sweetheart alam mo naman iyun diba?" sagot ni Sir Gabriel na may halong pag-aalala sa boses. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Hindi na sana ako pumayag na magtagal sa spa. Nakakahiya tuloy. Parang ako ang may kasalanan nito eh.
"Dont worry. Busog na ako. Isa pa, paminsan-minsan lang naman ito nangyayari. Mas maigi din na mag fasting paminsan-minsan." sagot ni Madam.
"By the way, kumusta ang opisina? Mukhang napagod kayo ng husto ah?' muling wika ni Madam sabay sulyap sa anak.
"Ayos lang Mom. Masasanay din siguro ako sa araw-araw na ganitong routine ng buhay." sagot ni Sir Rafael. Nakangiti naman itong tinitigan ni Madam Carissa.
"Dont worry son. Magiging maayos din ang lahat. Basta hinay-hinay lang at huwag mong biglain ang sarili mo."
sagot ni Madam. Tanging pagngiti na lang din naman ang naging sagot ni Sir Rafael sa kanyang ina.
"Ok...lets go! May gusto ka pa bang puntahan Sweetheart?"
tanong ni Sir Gabriel at tumayo na. Pagkatapos ay inalalayan nitong makatayo ang asawa.
Hinagilap ko ang aking bag at tumayo na din lalo na ng mapansin ko na naglalakad na palabas ng cafe sila Madam.
Natigilan lang ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Sir Rafael sa kamay ko kaya napalingon ako dito.
"Bakit ibang iba ka ngayun? Alam mo bang lalo kang naging kaakit-akit sa mga mata ko?" pabulong na wika nito habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Habang tumatagal naiilang na talaga ako sa kanya.
Para kasing may ibig sabihin ang mga titig na pinapakawalan nito sa akin.
"Sir, baka maiwan na nila tayo." wika ko sabay hila sa kamay kong hawak nito. Tumingin pa ako sa labas ng cafe at doon ko lang narealized na nakalayo na sila Madam sa amin.
"Much better!" sagot nito.
"Po?" sagot ko naman. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito.
"Hayaan mo silang masulo ang isat isa. Alam kong miss na miss ni Daddy si Mommy dahil hindi sila sanay na mawalay sa isat isa sa mahabang oras." wika nito at hinila ako palabas ng cafe. Hindi na ako nakapalag pa lalo na ng akbayan ako nito. Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ipinapakita sa lahat ni Sir Rafael na pag-aari nya ako dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang pinapakawalan nitong masamang titig sa mga kalalakihang nakantingin sa amin...o...... sa akin?
Chapter 182
VERONICA POV
"Sir pwede po bang bitawan niyo na ako? Nakakahiya po kasi!" bulong ko kay Sir Rafael. Kanina pa ako palingon-lingon para hanapin sila Madam Carissa hindi ko na sila nakita pa. Isa pa naiilang na ako sa mga pinupukol na tingin ng mga taong nakakasalubong namin.
Kahit naman mukha silang sosyalin, hindi pa rin maitatago ang pagiging tsismoso at tsismosa nila dahil kung makatingin sa akin lalo na ang mga kababaihan akala mo ay may nagawa akong mali.
"Paano kung ayaw ko dahil komportable ako sa ganito, may magagawa ka?" pabulong na sagot nito. Talagang itinapat nya pa sa tainga ko ang bibig nya kaya naman kinilabutan ako lalo na ng tumama ang mainit nitong hininga sa pisngi ko.
"Pero, Baka ano po ang isipin mga taong nakakakita sa atin.. sagot ko.
"Bakit kilala mo ba sila?" muling tanong nito. Hindi ko naman maiwasan mapangiwi sa takbo ng pag-uusap namin. Mukhang ayaw nya talagang tanggalin ang kamay niya na nakaakbay sa balikat ko.
"Nangangalay na po kasi ako eh. " palusot ko kahit hindi naman. Maang lang naman ang pagkakadantay ng kamay nito sa akin kaya lang wala na akong choice pa kundi sabihin ang katagang iyun. Isa pa kanina kami naglalakad at hindi ko alam. kung saan ba talaga kami pupunta.
"Bakit hindi mo sinasagot ang message ko sa iyo kanina?" imbes na pakinggan ang pakiusap ko nagtanong pa ito. Natigilan naman ako. Hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.
"Iyung cellphone mo! Hindi mo ba tsini-tsek from time to time?" tanong nito. Saglit akong napaisip. Oo nga pala ang cellphone ko, hindi ko na nahawakan pa simula ng dumating kami ng salon.
"Eh, nakatulog po kasi ako Sir eh. sagot ko. Hindi naman ito sumagot hanggang sa nakapa kami sa isang restaurant. Huwag nyang sabihin kakain na naman kami?
"Rafael!!!!"Nagulat pa ako ng may biglang sumalubong sa amin na isang lalaki. Halos kasing edad lang ito ni Sir Rafael pero halata sa mukha nito ang pagiging masayahin.
"Arthur! Kumusta Pare? Akala ko ba nasa Thailand pa kayo?" sagot
naman ni Sir Rafael at agad silang nagshake hands.
"Hindi na ako sumama Pre. Nasirmunan nga ako ni Daddy ng malaman nya ang balak kong pagsama sa Thailand." sagot nito sabay sulyap sa akin. Pagkatapos muling bumaling kay Sir Rafael habang nagtatanong ang mga mata.
"Who is She? Dont tell me na pagkatapos ni Sofia meron ka na agad------" Hindi na natapos ang sasabihin nito ng putulin ito ni Sir Rafael.
"Shut up! Ang daldal mo! Talo mo pa ang babae!" Halata ang inis sa boses ni Sir Rafael na saway nito sa kaibigan. Humalakhak naman ito at halatang natutuwa sa naging reaksiyon ni Sir.
"Ipakilala mo naman ako!" Bulong pa nito kay Sir Rafael habang may nakahuguhit na ngisi sa labi. Hindi ko naman malaman kong paano magreact sa harap nila. Para kasing kakaiba ang dalawang ito. Mabait itong si Arthur pero mukhang manyakis.
"Veronica! Her name is Veronica! " wika ni Sir Rafael sabay hapit sa akin palapit sa kanyang katawan. Lalo naman naninigas ang katawan ko sa ginawa nito.
Gusto ko man kumalas mula sa pagkakahawak nito sa akin kaya lang masyado siyang malakas.
"Veronica? Wow nice name! My name is Arthur, but you can call me 'Art' for short!" nakangiti nitong sagot sa akin sabay lahad ng kamay. Akmang tatanggi ko na ang pakikipagkamay ni sir Arthur ng hawiin ni Sir Rafael ang kamay nito. Gulat naman itong napatingin sa kaibigan.
"Damn!!! Kailan ka pa nagiging possessive sa mga naging babae mo Dude?" takang-taka na wika ni Sir Arthur. Kahit ako nagulat din sa inasal ni Sir Rafael.
"Ayaw ko lang na hawakan mo siya. And besides, pagod ako ngayun sa trabaho at gusto kong gumamit ng VIP room." sagot ni Sir Rafael. Napangisi naman si Sir Arthur habang ang tingin sa aming dalawa ni sir Rafael.
"Fine...Mukhang stress ka nga. Tsaka na ako magtanong sa iyo at baka magwalk-out ka pa! Sayang ang kikitain ko!" natatawa nitong wika.
Agad naman kaming dinala nito sa isang medyo may kalakihang kwarto. Lamesa lang naman ang nandito sa loob nagtataka ako dahil ang alam ko sa isang restaurant tabi-tabi ang lamesa.
Pero dito sa kinaroroonan namin kaming dalawa lang ni Sir Rafael at hindi ko alam ang trip nito.
"Ano ang gusto nyong kainin Dude? Ako na mismo ang mag- aasikaso sa inyo!" natatawa nitong wika habang pasulyap- sulyap sa akin.
"Kung gusto mong mag-enjoy kami sa restaurant mo at kumita ng malaki tigilan mo na ang kakatingin kay Veronica dahil baka masapak na kita!" inis na wika ni Sir Rafael sa kaibigan. Napahalakhak naman ito habang iiling-iling.
"Alam mo, ilang araw lang tayong hindi nagkita pero ang laki na ng ipinagbago mo Dude! Mukhang-----" hindi na ulit natapos ang sasabihin nito ng muling sumagot si Sir Rafael.
"Enough! Tsk! Tsk! Ang daldal!" inis na sagot ni Sir Rafael. Lalo naman natawa si Sir Arthur.
"Ewan ko sa iyo! Sige na nga, ano ang gusto nyong kainin?" tanong ni Sir Arthur.
"Yung best seller niyo!" walang ganang sagot ni Sir Rafael.
Akmang lalabas ng VIP Room ang kaibigan ng muli itong tawagin ni Sir Rafael. Tumayo si Sir Rafael at may kung anong ibinulong sa kaibigan. HIndi ko naman maiwasan ang
mapakunot ang noo ko. Kakaiba talaga ang kinikilos ni Sir Rafael ngayun.
Tumango ang kaibigan at tuluyan ng lumabas dito sa VIP room. Muling bumalik si Sir Rafael sa kanyang upuan habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Muli akong nakaramdam ng pagakailang.
"Sir, dapat hindi nyo na po ako inorderan ng pagkain. Busog pa po ako eh. Tsaka nasaan na po sila Madam? Bakit hindi natin sila kasabay ngayun?" tanong ko kay Sir Rafael. Kumurap muna ito.
"Malungkot kumain kapag nag-
iisa lang. Alangan naman panoorin mo lang ako diba? Isa pa balak kong matulog pagdating ng mansion dahil nakakapagod ang trabaho sa opisina." sagot nito at sumandal sa upuan sabay pikit ng mga mata.
Ngayun ko lang ito maiging napagmasdan. Halata nga na gwapo nitong mukha ang pagod kaya nakaramdam ako ng awa para dito kahit papaano.
Nabanggit sa akin ni Madam na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagseryoso sa trabaho si Sir Rafael. Siguro naninibago pa siya.
Muling napadilat ang mga mata
nito ng marinig namin ang mahinang katok sa pintauan. Akmang tatayo ako para pagbuksan iyon pero pinigilan ako ni Sir Rafael sa pamamagitan ng paghawak sa akin kamay.
"Come in!" sigaw nito upang papasukin ang kung sino man ang kumakatok. Nagulat pa ako ng nagsipagpasukan ang tatlong staff na may hila-hilang mga damit na nakahanger.
Akala ko ba restaurant itong napuntahan namin? Bakit may mga damit?
"Good Day Sir, Mam! Ito na po ang mga latest design namin! New Arrival at si Mam pa lang ang unang makakapili nito Sir." magalang na wika ng staff. Lalo akong naguluhan sa takbo ng pangyayari. Wala talagang imposible sa mga mayayaman. Inisa-isa kong tingnan ang mga nakahanger. Ang gaganda ng mga kulay at isang tingin ko lang alam kong kasya sa akin lahat iyun kahit hindi ko isukat.
"Magshopping ka muna habang hinihintay natin ang pagkain" wika ni Sir Rafael. Naguguluhan naman akong napatitig dito.
"Shopping? Pwede pala ang ganitong shopping? Hindi na kailangan pumunta ng store at sila na ang kusang pupunta sa iyo kung saan ka man?" naguguluhan kong sagot. Natawa si Sir Rafael.
"Pwede kapag may pera ka." sagot ni Sir. Hindi ko naman mapigilan na mapakagat sa labi bago sumagot.
"Eh, marami pa po akong damit. Hindi po ba noong nakaraang araw nyo lang ako binilhan?"
pabulong kong sagot. Nahihiya ako sa mga sales staff. Nag- effort pa naman silang dalhin ang paninda dito sa harap namin tapos tatanggihan ko lang.
Napapailing naman akong tinitigan ni Sir Rafael.
Pagkatapos binilingan ni Sir Rafael ang mga ito.
"Pakisabi kay Arthur na ipadeliver sa mansion lahat ng damit na iyan. Bibilhin ko!" sagot ni Sir Rafael. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
"Po? Eh Sir...hindi po pwede sagot ko.
"Bakit hindi pwede? Kaya ko naman bayaran lahat iyan." sagot nito. Agad akong umiling.
"Huwag na po Sir! Nakakahiya po! Tsaka bakit niyo ba ito ginagawa?" sagot ko naman. Mukha kasing ini-spoiled nya ako sa mga materyal na bagay.
Ang laki na ng nagastos nya sa akin sa ilang araw na pananatili ko sa mansion. Baka hindi ko na kayang bayaran lahat ng iyun.
"Nope. Ang gusto ko ang masusunod dito Veronica. Sige na ibalot niyo na lahat iyan at ideliver ngayun din sa mansion." sagot ni Sir Rafael. Agad naman nagsitanguan ang mga staff at nagmamadali ng lumabas.
Napasunod naman ang tingin ko sa mga ito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Tulala ako hanggang sa dumating ang inorder nitong pagkain. Kahit gaano pa kasarap ng pagkain sa harap ko bigla akong nawalan ng gana. Ang daming damit noon at mukhang hindi ko naman magagamit lahat. Hayst ano ba ang nangyari sa utak nya. Bakit hindi nya ako pinapakinggan kahit tumatanggi na ako.
"Kumain ka na muna. Mamaya ng kaunti darating ang mga sapatos at bags." wika nito. Napakurap ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Po?" Sapatos at bags?" tanong ko. Hindi ito sumagot bagkos tumayo ito at naupo sa tabi ko.
"Bakit ka tulala? Kapag hindi ka kumain hahalikan kita!" bulong nito sa akin. Talagang itinapat nya pa ang bibig nya sa tainga ko kaya napalayo ako ng kaunti dito. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.
Wala sa sariling hinawakan ko ang kutsara at tinidor at hinalo ang pagkain. Sa totoo lang busog pa ako pero dahil makulit ang amo ko wala akong nagawa kundi kumain na din.
Hindi naman nagtagal natapos na din naman kami. Agad naman nilinis ang mga pinagkainan sa aming lamesa pero nagulat ako dahil nag-order pa si Sir ng wine. Mukhang wala pa itong balak na umuwi.
"Umiinom ka ba nito?" tanong nito. Agad akong umiling.
"hindi po ako umiinom ng alak." sagot ko
"Hindi ito alak. Wine ito. Dapat ngayun pa lang magsanay ka ng uminom nito dahil balak kong isama ka sa mga parties na dadaluhan ko." sagot nito at nagsalin sa isang maliit ng kopita ng maliit na portion ng alak. Pagkatapos inaabot nya sa akin.
"Taste it! Parang juice lang." wika nito. Agad ko naman inabot at lumagok ng kaunti. Agad akong napaubo dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. Lumapit naman ito sa akin sabay tapik ng likod ko.
"Are you ok?" tanong nito. Umiling ako
"Sabi ko sa iyo ayaw ko nyan eh. " sagot ko. Sinimangutan ko pa sya. Natawa ito.
"Sorry. Hindi na kita pipilitin sa susunod. HIndi nga para sayo ang alak at wine." tatawa-tawa nitong sagot. Shocks! lalo siyang naging gwapo sa paningin ko dahil doon. Hindi ko naman maiwasan na irapan ito para mapagtakpan ang kakaibang damdamin na biglang lumukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam pero habang tumatagal nagiging palagay na ang loob ko sa kanya. Siguro dahil unti-unti na akong nasasanay sa ugali nya.
Himas-himas pa rin ni Sir Rafael ang likod ko ng biglang bumukas ang pintuan. Agad na pumasok ang nakangiting mukha ni Sir Arthur. Kasunod nito ang sales staff na may kung anu- anong hila-hila na naman na paninda. Napasimangot ako.
Heto na naman kami. Magsasayang na naman ng pera si Sir Rafael sa mga bagay na hindi ko naman kailangan.
"So, mukhang nag-enjoy ka dito sa VIP Room Dude ah?' agad na wika ni Sir Arthur. Inayos naman ng mga staff ang mga dala-dala nila. ibat ibang klase ng bags at sapatos. Lahat magaganda!
"Pasalamat ka na lang kasi sa akin. Kikita ka ng malaki ngayung araw." sagot naman ni Sir Rafael. Tumawa ito.
"Sige na Veronica. Mamili ka na or pwede din naman na bilhin mo na ito lahat." tatawa-tawa nitong wika.
"Sir Rafael, pwede po bang isang bag at sapatos lang." bulong ko kay Sir Rafael. Magkukunwari na lang ako na hindi ko gusto ang mga ito para naman matapos na.
"Bilhin mo na lahat ng gusto mo.
Huwag kang magtipid Veronica." Sagot nito at tumayo pa. Sinipat ang mga paninda na nasa harap namin bago muling tumitig sa akin. Pagkatapos sumulyap ito sa suot na relo. Tahimik naman akong nakikiramdam.
"Im tired! Ipadala mo na lahat sa bahay." sagot nito. Pagkatapos ay hinila ako palabas ng VIP room. Naguguluhan naman akong napasunod dito.
"OK Dude! Ipadala ko na lang sa email mo ang total na dapat mong bayaran." sagot ng kaibigan. Tinaas lang ni Sir Rafael ang kamay at tuloy-tuloy na kaming lumabas ng restaurant.
Diretso kami ng parking. Nagulat pa ako sa dala nitong sasakyan dahil sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakakita ng ganito.
Parang laruan ang design at dalawang tao lang ang kasya? Ito ba iyung nababanggit ng mga kaibigan ko sa probensya na sports car?
Agad nyang binuksan ang pintuan at pinapasok ako. Tahimik lang akong naupo hanggang sa nakasakay na ito sa driver sit at binuhay ang makina ng sasakyan.
"Sir, nakauwi na po ba sila Madam?" tanong ko. Napansin ko ang pagngiti nito.
"I dont know. Malalaman natin mamaya pagdating ng mansion. Sa ngayun pagbigyan mo muna ako dahil kanina ko pa ito gustong gawin." sagot nito sabay dukwang sa akin. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Kinabig nya nito at ginawaran ako ng mainit. na halik sa labi.
Sa pangalawang pagkakaon muli kong natikman ang labi ni Sir Naguguluhan man pero pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas para magreklamo. Nanaig ang kakaibang damdamin na lumulukob sa buo kong pagkatao dahil sa ginagawa nito sa akin. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong natuto at kusang tumutugon sa halik nito.
Chapter 183
VERONICA POV
Matagal na magkalapat ang aming labi. Pareho kaming sabik sa isat isa at akala mo matagal kaming hindi nagkita. Mapaghanap ang paraan ng paghalik sa akin ni Sir Rafael at kahit na anong katiting sa pagtutol sa pagkatao ko hindi ko naramdaman.
Bagkos nakaramdam ako ng kasiyahan at kakaibang kilig. Parehong habol ang aming hininga ng maghiwalay ang aming labi. May masayang ngiti na nakaguhit sa labi ni Sir Rafael habang tinitigan ako sa mga mata.
Maingat din nitong hinaplos ang aking mukha na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti at ilang sandali pa ay muling naglapat ang aming labi. Saglit lang pala itong lumaghap ng sariwang hangin at walang pakundangan na sinipsip nito ang dila ko.
Naramdaman ko pa ang mga kamay nito na haplos ang likod ko kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng init. Parang may kung anong init ang biglang nabuhay sa buo kong pagkatao dahil sa ginagawa ni Sir Rafael.
Muli akong tinitigan ni Sir Rafael ng maghiwalay ang labi namin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Alam kong nadala din ako sa matinding halikan namin. Nakalimot din ako at tinugon ang halik nito kanina.
"Alam mo bang sobrang ganda mo?" wika nito. Hindi ko naman alam kong ano ang sasabihin ko. Biglang nag-init ang mukha ko sabay yuko. Hindi ko na kayang tagalan pa ang titig nito sa akin. Pakiramdam ko natutunaw ako sa sobrang hiya.
"Tsk! Ang hilig mo talagang yumuko. Hindi ko alam kung mannerism mo lang ba iyan or sobrang mahiyain ka lang talaga." wika nito. Hindi ako nakaimik. Nahihiya pa rin ako sa mga nangyari. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko. Bakit ba ang hilig niyang halikan ako?
"Sorry po. Nahihiya po kasi sa nangyari sa atin? Bakit po ba lagi mo na lang akong hinahalikan?" lakas loob kong sagot dito. Nakita ko ang paguhit ng ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Because you're so pretty Veronica. Nakaka-addict ka alam mo ba iyun?" masuyo nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na titigan ito sa mga mata. Kita ko ang sinceredad sa sinasabi nito kaya nakaramdam ako ng kilig.
"Po? Hala hindi naman po ako drugs para maaddict kayo sa akin Sir." sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"I know! Pero mas higit ka pa doon Veronica! Parang idinuduyan ako sa alapaap tuwing natitikman ko ang labi mo. Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng hinalikan ko sa labi at gusto kong ulit-ulitin iyun." wika nito.
"Bakit po? Hindi po ba marami kayong naging girlfriend? Ayaw po ba nilang magpahalik sa iyo? Hindi naman po kayo bad breath. Ang bango nga ng hininga niyo eh." madaldal kong sagot. Huli na ng marealized ko ang mga salitang lumabas sa labi ko. Parang gusto ko na naman tuloy kutusan ang sarili ko. Dapat talaga pinag-iisipan ko muna ang mga sasabihin ko eh. Lalo na kapag ang amo ko ang kaharap ko.
"Not like that! Sabihin na lang natin na iba ka sa kanila." sagot nito habang titig na titig sa akin. Napalunok naman ako bago ibinaling ang tingin sa labas ng kotse. Hindi ako sumagot pa. Bigla tuloy akong napaisip na baka may nakakita sa halikan namin kanina. May mangilan-ngilang tao pa akong nakikitang paroon at parito sa labas.
"Dont worry, hindi tayo nakikita dito sa loob ng kotse. Tinted ang loob nito kaya walang nanonood sa atin habang naghahalikan tayo kanina." masuyo nitong wika. Nagulat pa ako ng dumantay ang palad nito sa legs ko. Hindi ko namalayan nakalilis pala ang laylayan ng dress na suot ko. Kita ang kalahating hita ko kaya wala sa sariling tinanggal ko ang kamay ni Sir at dali- daling tinakpan ang na-exposed kong hita. Narinig ko pa ang mahina na pagtawa nito bago umayos ng upo.
"I think we need to go home. Gustuhin ko man na mas higit pa sa halik na pinagsaluhan natin kani-kanina lang, hindi maari. Gusto kong igalang ang pagiging babae mo Veronica. Tuparin mo lahat ng mga pangarap mo. Promise nandito lang ako para suportahan ka." muling wika nito habang hinahaplos ang aking mukha.
Ilang saglit pa ako nitong tinitigan bago itinoon ang attention sa manibela at pinaarangkada ang sasakyan. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa nakarating kami ng mansion.
Pagkahinto ng sasakyan ay agad itong bumaba pagkatapos ay agad akong pinagbuksan ng pintuan. Hinawakan pa ako nito sa kamay hanggang sa makalabas ako.
Akmang magpapaalam na sana ako ng mapansin ko ang papalapit na si Elijah. Malapad ang pagkakangiti nito habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael.
"Saan kayo galing Tito? Bakit hindi nyo man lang ako isinama?" agad na wika nito. Bigla naman sumeryoso ang mukha ni Sir Rafael.
"Galing opisina. Bukas pwede kang sumama sa akin para tulungan ako sa mga trabaho ko doon.' bakas ang inis sa boses ni Sir Rafael na wika nito. Agad naman gumuhit ang ngiti sa labi ni Elijah.
"Opisina? Sa ganitong oras? Halos alas nwebe na ng gabi galing pa kayo ng opisina at kasama pa talaga si beautiful Veronica?" wika nito.
"Tsk! Lets go Veronica! Huwag mong pansinin at baka mahawaan ka sa kabaliwang ng lalaking iyan." sagot ni Sir Rafael sabay hila sa kamay ko. Agad naman tumawa si Elijah at hinawakan din ako sa kamay.
"Teka lang Uncle. Hayaan mo muna
kaming mag-usap ni Veronica. Mauna ka ng pumasok sa mansion. Dito muna kami...hindi ba Beautiful Veronica?' wika nito sabay kindat sa akin. Naramdaman ko naman ang lalong paghigpit ng hawak ni Sir Rafael sa mga kamay ko. Mukhang wala itong balak pagbigyan ang pamangkin.
"Hmmm Elijah, next time na lang tayong mag-usap. Pagod na din kasi ako eh. Maghapon akong nasa labas." sagot ko. Lumawak naman ang pagkakangiti nito tsaka tumango. Laking pasalamat ko dahil binitawan na din nito ang kamay ko.
"Sige...bukas na lang. Tamang tama, sa hapon pa ang pasok ko sa school. Marami tayong time para makapag- kwentuhan." sagot nito at halatang gustong iparinig sa kanyang Uncle. Napailing naman si Sir Rafael at hinila ako nito. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na sa kanya. Baka kasi mag-alburuto na naman ang dragon at malalagot pa ako.
Mukhang nasira ang mood nito pagkakita sa pamangkin. Hay ang bilis talaga magbago ng ugali nya. Minsan mabait...minsan naman saksakan ng sungit.
"Pagkaakyat namin ay akmang
pupunta na ako sa kwarto ko ng tawagin ako nito. Agad naman akong napalingon.
"Ayaw kong nakikita na nakikipag-
close ka kay Elijah. Hanggat maari, iwasan mo sya lalo na kapag wala ako.' wika nito sa seryosong boses. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Bakit po? Mukhang mabait nama po siya. Tsaka friendly." sagot ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito at halatang hindi nya nagustuhan ang aking sinasabi.
"Kahit na! Basta ayaw kong makipag-usap ka sa kanya." sagot nito at agad akong tinalikuran. Hindi ko naman maiwasan ang mapasimangot. Umandar na naman ang kasungitan nito. Bahala na nga siya.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto. Pagod na din ako at gusto ko ng matulog. Hindi na muna ako ngayun magpupuyat dahil baka dumating na ang magto-tutor sa akin bukas. Si Mam Arabella daw ang bahalang maghanap at papupuntahin na lang daw agad dito sa mansion.
Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit pantulog at nahiga na din ako sa kama. Nakangiting nagpagulong-gulong pa ako upang damhin ang lambot nito ng sumagi sa isip ko ang aking pamilya. Kumusta na kaya sila Nanay at Tatay. Pati na din ang mga kapatid ko? Hayst sana ayos lang sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila mapapadalhan ng pera. Hindi na din kasi ako umaasa na bibigyan nila ako ng sahod dito sa mansion dahil hindi naman ako nagtatrabaho katulad ng isang normal na kasambahay.
Bakit kasi ayaw nila Madam pagtrabahuin ako. Pwede ko naman pagsabayin ang pagtatrabaho at pag- aaral kung tutuusin. Nahihiya na din akong kausapin sila Madam tungkol dito. Baka bigla nilang bawiin ang pagkakataon na makapag-aral ako kung kukulitin ko pa sila tungkol sa bagay na ito.
Sinipat ko ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan na malungkot dahil gusto kong iadd sa facebook si Ate Ethel kaya lang hindi ko ito ma-search. Siguro ibang pangalan ang gamit nya. Gusto ko sanang malaman ang number nila sa probensya para makausap ko sila Nanay at Tatay.
Pwedeng manghiram sila Nanay at Tatay ng cellphone sa pamilya ni Ate Ethel doon. Magkalapit lang ang aming bahay at masasabing mababait naman sila at naiintindihan ang aming sitwasyon. Noong nasa boarding house pa ako ni Ate Ethel, palagi kong nakakausap ang pamilya ko.
'Dapat talaga hiningi ko na lang ang number na iyun eh. Kumusta na kaya sila Nanay at Tatay...Miss na miss ko na sila." naisip ko habang ipinikit ko ang aking mga mata. Agad naman akong nakatulog
Chapter 184
VERONICA POV
Kinaumagahan.....
Alas sinko pa lang ng umaga ay gising na ako. Agad akong bumangon sa higaan at naglipit. Inayos ko ang sapin ng kama at nagpasya ng pumasok sa loob ng banyo para maligo.
Gusto kong agahan ang pagbaba. Nakakahiya kung mauna na naman sila Madam sa dining area.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Kinuskos na ang balat ko kahapon sa salon at pakiramdam ko tanggal na ang lahat ng libag ko sa katawan. Agad akong naghagilap ng damit na isusuot sa walk in close. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong sinipat ang sarili ko sa salamin.
Kahit papaano may nakikita na akong pagbabago sa balat ko. Kuminis na din ako at pumuti. Sabi ng staff sa salon na pinuntahan namin kahapon sunog lang daw sa araw ang balat ko kaya hindi pantay. Pero makikita naman agad ang result sa mga susunod na araw.
Naglagay lang ako ng lotion sa buo kong katawan bago nagpasyang bumaba. Tahimik pa ang buong paligid at nakaramdam pa ako ng tuwa ng maabutan ko si Ate Maricar sa dining area. Abala ito sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa at agad na napangiti ng mapansin ang pagdating ko.
"Good Morning Veronica! Ang aga mo ngayun ah?"agad na bati nito akin. Agad akong ngumiti dito.
"Gusto ko kasing tumulong sa paghahanda ng lamesa Ate." sagot ko. Agad itong umiling. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Naku iyan ang huwag mong gawin! Ayaw ko pang mawalan ng trabaho noh? sagot nito. Nagtaka naman ako "Mawalan? OA naman!" pabiro kong sagot.
"Oo nga! Kabilin-bilinan ni Sir Rafael na huwag kang gumawa ng kahit na anong trabaho dito sa mansion. Hindi din pwedeng utusan ka dahil malalagot kong sino man ang mahuhuli." sagot nito Nagulat naman ako.
"Ganoon ba? Grabe naman si Sir Rafael. Ano na lang pala ang gagawin ko ngayun?" sagot ko.
"Maupo ka na diyan! Matatapos na din ako at ilang sandali lang at nandito na din sila Madam at Sir." sagot nito.
Wala na akong nagawa pa kundi umupo na sa palagi kong pwesto. Ayaw ko ng ipilit ang gusto ko. Baka matulad pa si Ate Maricar sa mga natanggal na katulong noong nakaraang araw.
Mabait pa naman ito at hindi kaya ng konsensya ko na mawalan ito ng trabaho dahil sa akin.
Ilang saglit pa at dumating na din sila Madam at Sir. Kasunod ng mga ito sila Sir Rafael at Elijah. Tumayo pa ako para batiin sila pero pareho nila akong sininyasan na bumalik na sa pagkakaupo.
"Rafael, hindi na ako sasama ngayun sa opisina. May pupuntahan kami ngayun ng Mommy mo." nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita si Sir Gabriel.
"Okay lang Dad. Kaya ko naman po! Isa pa nandyan naman si Kuya Christian para alalayan ako." sagot naman ni Sir Rafael. Seryoso ang mukha nito at ilang beses kong napansin ang pagsulyap nito sa akin.
"Tumawag sa akin kahapon si Arabella. May nakausap na daw siyang tao na pwedeng magtutor kay Veronica. Magaling daw iyun at marami na daw syang nahawakan na mga istudyante na katulad ni Veronica. Magaling magturo at sigurong maipapasa ni Veronica kung sakaling kumuha na siya ng exam sa Alternative Learning System (ALS)." mahabang wika ni Madam Carissa sabay sulyap sa akin.
"Well, basta magaling magturo walang problema. Baka may bonus pa sya sa atin kapag matutukan nya si Veronica. Pwede naman sya pumasok sa Villarama University pero kailangan pa rin nyang dumaan sa proseso." sagot
naman ni Sir Rafael.
"Dont worry Veronica...kapag maipasa mo ang ALS doon ka na din mag-enroll sa School na pinapasukan ko para sabay tayo." sabat naman ni Elijah. Agad ko namang napansin ang biglang pagsimangot ni Sir Rafael.
"Next year pa iyun! Matagal na paghahanda ang gagawin ni Veronica kaya imposible iyang sinasabi mo."
sagot naman ni Sir Rafael.
"Kahit na! Ibabagsak ko lahat ng subjects ko ngayung taon para mahintay si Veronica." tatawa-tawang sagot ni Elijah.
"Haayyy naku, subukan mo lang at malalagot ka talaga sa Mommy mo." sagot naman ni Madam Carissa. Galit na tumitig si Sir Rafael kay Elijah at tumayo na din ito at nagpaalam sa mga magulang.
"Mom, Dad...aalis na po ako." wika nito sabay halik sa pisngi ng Ina. Lumapit pa ito sa ama at tinapik ito sa balikat. Sumulyap sa akin at tuluyan ng lumabas ng dining area. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"Siya nga pala Veronica, may gusto ka bang puntahan ngayun? Sulitin mo na ang mga panahon na free ka pa dahil kapag mag-umpisa na ang pag-aaral mo madalang ka na lang makakalabas ng mansion." wika ni Madam. Sandali naman akong napaisip. Bigla kong naalala si Ate Ethel. Kailangan ko pa palang hingin ang number nila sa probensya para makausap sila Nanay at Tatay.
"Ayos lang po ba na puntahan ko po muna ang kaibigan ko? May gusto lang po kasi akong kunin sa kanya." nahihiya kong sagot. Kinapalan ko na ang mukha ko total naman siya ang nag-offer sa akin tungkol sa bagay na ito. Pagkakataon ko na para matawagan sila Nanay at tatay kung sakali.
"Well, ayos lang naman. Teka alam mo ba kung paano puntahan ang kaibigan mo?" tanong ni Madam. Nahihiya naman akong umiling.
"Mama ako na ang bahalang sumama sa kanya. Mamayang hapon pa ang pasok ko at pwede namin saglitin ang kaibigan nya.' sagot naman ni Elijah sa kanyang mabait na Lola.
"Well, kung ganoon ba naman ayos lang sa akin. Basta mag-ingat kayo." sagot ni Madam Carissa. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti dahil sa tuwang nararamdaman.
"Bweno, maghanda na kayo. Agahan nyo ang alis para makabalik kaagad kayo." wika ni Madam. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang pumasok si Ate Maricar.
"Madam, nandyan po ang mga staff ni Sir Arthur sa labas. Dala na po nila ang mga pinamili ni Sir Rafael para kay Veronica kahapon." agad na wika ni Ate Maricar. Agad naman akong nakaramdam ng hiya ng maisip ko ang mga gamit na pinamili na naman kahapon ni Sir Rafael para sa akin. Hayst bakit ang aga naman nilang dinilever. Tsaka totoo pala ang shopping na iyun? Seryoso talaga si Sir Rafael na bilhin lahat ng mga damit, bags at sapatos?
Ipaderetso nyo na lang sa kwarto ni Veronica. Sige na Iha, asikasuhin mo muna ang mga iyun pagkatapos pwede na kayong umalis ni Elijah." wika ni Madam. Mukhang wala lang naman dito na malaman na pinagshopping na naman ako ng anak nito. Ang laki na ng nagastos nila sa akin at hindi ko alam kung paano mababayaran ang mga iyun.
"Thank you po Madam, Sir!" nahihiya kong wika. Tanging ngiti lang naman ang naging sagot nila kaya nagmamadali na akong lumabas ng dining room para puntahan ang mga taong may dala ng mga damit na binili ni Sir Rafael para sa akin.
Pagkalabas ko ng mansion ay agad kong nakasalubong ang mga staff na nag-assist sa amin kahapon. Marami silang bitbit at agad silang ngumiti ng makita ako.
Agad akong umakyat ng kwarto habang nakasunod sila. Nahihiya man pero wala na akong magagawa pa. Sa susunod hindi na talaga ako papayag na bibilhan pa ako ni Sir Rafael ng mga ganitong bagay. Ilan ba ang katawan ko para bilhan niya ng ganito karaming damit at bags. Dapat pala sinunod ko na lang ang gusto nito kagabi na piliin ang mga nais ko. Hindi sana ganito karami ang ideneliver ngayun. Para tuloy akong magtayo ng sariling shop sa sobrang dami nito.
Natapos din naman nila kaagad ang pagpasok ng mga damit sa kwarto ko. Agad na din silang nagpaalam kaya nagpasya na lang akong magbihis na muna para makaalis na kami ni Elijah. Mamaya ko na lang ilalagay sa walk in closet ang mga bago kong damit.
Kakatapos ko lang magpalit ng damit ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. Agad ko itong kinuha at sinagot.
"Hello?" nag-aalangan kong wika. Agad ko naman narinig ang boses ni Sir Rafael sa kabilang linya.
"BAkit ang tagal mong sumagot?" bakas ang inis sa boses na tanong nito. Saglit akong natameme. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
"Ano na? Magsasalita ka pa ba dyan? Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo pero hindi ka sumasagot. Nasaan ka ba? Busy ka ba sa pakikipag-kwentuhan kay Elijah?" muling wika nito. Agad naman akong napailing kahit na alam kong hindi nya ako nakikita.
"Naku, hindi po Sir. Ngayun ko lang po kasi napansin ang tawag nyo. Dumating kasi ang mga binili mong damit kagabi kaya inassist ko muna sila. " sagot ko. Saglit itong natigilan pagkatapos narinig ko ang mahina nitong pagbuntong hininga.
"Ganoon ba? Akala ko kung ano ang pinagkakaabalahan mo ngayun diyan. Tandaan mo ang sinabi ko....iwasan mo si Elijah!" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot ng maalala ko na si Elijah ang kasama ko mamaya para puntahan si Ate Ethel.
"Eh Sir...siya po ang sasama sa akin mamaya para puntahan si Ate Ethel eh. Nagpaalam na kami kay Madam at pumayag naman po siya." sagot ko. Mahabang katahimikan ang namayani kaya muli akong kinabahan. Ilang saglit lang ay muli itong nagsalita.
"Bakit siya? Pwede ka namang magpadrive sa driver ah?" sagot nito. Halatang galit na ito.
"Eh, siya kasi ang nagsabi kanina ng nabanggit ko kay Madam ang balak ko ngayung araw eh." sagot ko.
"Ipagpaliban mo muna ang balak mo ngayung araw. Sasamahan na lang kita sa weekend." sagot nito. Muli akong umiling. Hindi ako papayag.
"Ayaw ko po. Gusto ko ngayun na dahil nabanggit sa akin ni Madam na baka magiging abala na ako sa mga susunod na araw." sagot ko sabay patay sa tawag nito dahil narinig ko na ang boses ni Elijah sa labas ng kwarto ko.
Chapter 185-
RAFAEL POV
"Sa sobrang inis pabagsak kong inilapag ang cellphone sa table ko. Gigil na gigil ako kay Veronica. Imagine, binabaan ako ng tawag? Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko pa sana. Ang lakas ng loob nyang gawin sa akin iyun.
"Rafael! Hello! Nakikinig ka ba?" naputol lang ako sa matinding pag- iisip tungkol kay Veronica ng marinig ko ang boses ni Kuya Christian. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko man lang namalayan ang pagpasok nito sa loob ng aking opisina dahil okupado ni Veronica buong sistema ko.
"Yes...Bakit?" Tanong ko. Napailing ito.
"Ano ba ang problema at hindi ka
makapag-focus? Maayos naman ang performance mo kahapon pagkatapos ngayun para kang lutang. May problema ba?" tanong nito. Agad akong umiling habang pilit na iwinawaksi sa isipan ko ang tungkol kay Veronica.
"What is it?" wala sa sariling tanong ko.
! Hindi ka nga nakikinig. I said may meeting tayo kay Mr. Choe sa Havas Hotel mamayang lunch kaya magready ka. Gusto ka nyang ma-meet as a incoming CEO ng Villarama Empire." sagot nito. Agad akong tumango.
"Noted! Dont worry Kuya, hindi ko kayo bibiguin. Magiging isang magaling akong CEO ng Villarama Empire." sagot ko. Agad naman sumilay ang masayang ngiti sa labi nito.
"Good! Mukhang buo na ang loob mo para tuluyang hawakan ang Villarama Empire. Halos ilang taon din kitang hinintay bago maging ready. As a bunso ng pamilya nakaatang sa iyong balikat lahat ng responsibilidad na dapat mong manahin sa ating pamilya. Malaki ang tiwala ko sa iyo Rafael, magiging magaling kang CEO katulad ni Daddy." sagot nito.
"At bago mangyari iyun, kailangan ko ang mahaba mong pasensya ng patuturo sa akin Kuya." sagot ko naman. Tumawa ito pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.
"I am willing Rafael, Ngayun pa ba ako mag-iinarte gayung ilang araw na lang makakaalis na din ako sa anino ng Villarama Empire at matututukan ko na ang negosyong pilit na itinayo ni Carmela?." natatawa nitong wika. Napailing naman ako. Matagal ko nang alam ang tungkol dito at kahit na ayaw aminin ni Kuya Christian alam kong silang mag-asawa ang nagpalago ng negosyong iyun. Pilit na hinahati ni Kuya ang oras sa pagitang ng Villarama Empire at ng sariling kompanya.
Iyun ang hindi ko maintindihan. Nagtayo ng malaking negosyo si Ate Carmela gayung alam naman nito kung gaano kaabala si Kuya Christian sa pagpapalakad ng Villarama Empire. Kaya naman pagka graduate ko pa lang two years ago, pinipilit na nila akong palitan si Kuya dahil nahihirapan na daw si Ate Carmela na pamahalaan mag -isa ang kumpanya lalo na at lumalaki
na ang triplets nilang anak at ang
bunso na si Alex.
"Thank you Kuya. Pakisabi kay Ate Carmela na hindi matatapos ang buwan na ito masusulo ka din nya ulit. "natatawa kong wika. Napahalakhak naman si Kuya Christian. Mukhang masayang masaya ito ngayun. Hindi katulad noon na kapag nakikita ako sa
mansion lagi akong inaasikan at sinasabihan na wala daw direksyon ang buhay ko.
Well, hindi ko naman ito masisisi. Talagang pasaway naman ako noon pa. Siguro masyado akong na-spoiled nila Grandpa and Grandma noon. Dagdagan pa na nakuha ko ang buong attention nila Mommy at Daddy dahil nga bunso ako at hindi nila inaasahan ang pagdating ko sa buhay nila. Ang alam ko ayaw na ni Daddy na muling mabuntis si Mommy dahil sa issue sa puso nito noon. Kaya lang biglang naghimala ang langit at nabuo ako kaya naman nakalimutan nila akong desiplinahin ng maayos at lahat ng gusto ko ibinibigay nila.
Muling sumagi sa isip ko si Veronica. Lagot talaga sa akin ang babaeng iyun mamaya pag-uwi ko. Tuturuan ko siya ng leksyon para hindi nya na uulitin ang ginawa nyang pambabaliwala sa akin.
"So, balik na ako sa opisina ko. Pupuntahan ka na lang ni Jacob mamaya para i-remind sa pag-alis natin." nakangiting wika ni Kuya Christian at agad na itong naglakad palabas ng opisina ko. Naiwan naman akong muling itinoon ang buo kong attention sa mga papeles na naiwan sa lamesa ko. Kailangan kong pag-aralan ang lahat bago pirmahan. Laging pinapaalala sa akin si Daddy na mahalaga ang bawat pirma ng isang Villarama kaya mag-iingat ako.
VERONICA POV
"Sigurado ka ba na dito sa lugar na ito nakatira ang Ate Ethel mo?" tanong sa akin ni Sir Elijah habang nakatingala sa isang lumang gusali. Parang kaunting ihip ng hangin na lang bibigay na ang buong building at ang dinig ko noon pa ay pinapaalis na lahat ng mga tenant sa lugar na ito kaya lang nagmatigas sila. Bagkos pinagkakakitaan pa nila sa pamamagitan ng pagpapa-upa.
"Oo nga po! Alam mo bang halos dalawang linggo din akong tumira diyan." sagot ko. Napailing naman ito at halata sa kanyang mukha na hindi nito nagustuhan ang lugar na pinuntahan namin. Sabagay lumaking mayaman si Elijah kaya normal lang sa kanya ang makaramdam ng ganito.
"Hintayin mo na lang ako dito Elijah. Ako na lang ang papasok sa loob." wika ko. Luminga-linga muna ito sa paligid bago sumagot.
"Mukhang safe naman ang kotse dito sa kinapaparadahan natin. Samahan na kita at baka kung ano pa ang mangyari sa iyo dyan sa loob. Malalagot pa ako kay Uncle kapag mangyari iyun." sagot nito at bumaba na ng kotse. Agad itong naglakad sa gawi ko at binuksan ang pintuan. Agad naman akong bumaba pagkatapos magpasalamat.
"Sure ka? Baka naman hindi ka sanay sa ganitong lugar Elijah. Nakakahiya sa iyo." sagot ko.
"Ayos lang. Magandang experience ito kung sakali." sagot nito at sinigurado muna nitong naka-lock ang pintuan ng kotse tsaka sabay na kaming naglakad patungo sa lumang building.
"Parang lumang condo or hotel?" narinig ko pang wika ni Elijah. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman naintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Bakit dito pinili ng Ate mo tumira? Marami namang matitinong bahay dito sa Manila ah?" muling wika nito. Saglit akong nag-isip bago sumagot.
"Mura daw kasi dito kahit na
mabunganga ang landlady nila." sagot ko at nag-umpisa ng humakbang sa hagdan. Nasa fourth floor pa ang kwarto na inuupahan ni Ate Ethel kaya kailangan namin ng medyo mahaba- habang pasensya bago makarating doon.
"Teka lang. Wala bang elevator dito?" narinig ko pang wika ni Elijah.
"Wala po eh. Hayaan mo na Elijah. Malapit lang naman ang kwarto ni Ate Ethel. Nasa fourth floor lang." sagot ko. Agad itong napahinto sa paghakbang sa bawat baitang ng hagdan at hinarap ako.
"Fourth floor? Tapos maghahagdan lang tayo? Nagbibiro ka ba?" wika nito. Halata na sa mukha nito ang pag- aalangan. Tumingala pa ito ng marinig namin na may mga pababang yabag kaya gumilid kami.
"Oo nga. Sabi ko naman sa iyo huwag ka ng sumama eh. kaya ko naman. Sanay na ako sa lugar na ito." sagot ko at nag-umpisa na ulit sa paghakbang. Hindi na sumagot si Elijah at tahimik lang itong nakasunod sa akin.
Pagdating sa fourth floor pareho na kaming pawisan. Kitang kong nabasa ang suot na tshirt nito dahil sa pawis. Wala kasing pumapasok na sariwang hangin sa dinaanan namin kaya naman kahit ako tagaktak na din ang pawis sa noo ko.
"Pambihira! Kinaya ng kaibigan mo ang tumira sa patapon na building na ito?" muling wika nito habang habol ang hininga. Sumimangot naman ako. May pagkalaitero din pala itong si Elijah. Sabagay, hindi marahil ito makapaniwala na may mga kababayan siyang hindi katulad sa kanilang mapalad na ipinanganak na mayaman. Hindi marahil nito alam na maraming tao ang nagtitiis dahil sa hirap ng buhay.
Pagdating ng fourth floor ay agad kong hinanap ang unit number kung saan nakatira si Ate Ethel. Banayad akong kumatok at tumampad sa mga mata ko si Aling Bebang...ang matapang na landlady sa unit na ito.
"Veronica? Mabuti naman at bumalik ka. Babayaran mo na ba ang utang mo sa pagtira dito? Hindi pa binayaran ni Ethel noong nakaraan dahil kapos daw sya." agad na salubong nito sa akin. Natameme naman ako sabay yuko
Pasensya na po Aling Bebang. Wala pa po kasi ang sweldo ko eh. Hayaan nyo po kapag sumahod ako iaabot ko kaagad sa iyo." sagot. Agad naman itong sumimangot.
"Eh, halos dalawang linggo kang tumira dito Veronica. Hindi pwedeng thank you na lang iyun dahil nagko- consume ka ng kuryente at tubig." wika nito sa galit na boses. Nanlilisik na din ang mga mata nito kaya nakaramdam ako ng takot.
"Ha-hayaan nyo po Aling Bebang. Kapag magkapera ako ibibigay ko kaagad sa iyo." halos maiyak kong sagot.
'Hayyy naku! Pangako---pangako--- pangako!" wika nito. Hiyang-hiya naman ako
"Tsk! Bakit po? Magkano ba ang utang ni Veronica?" nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Elijah. Napabaling naman ang attention ni Aling Bebang dito at sinipat ng tingin si Elijah.
"One --five! Babayaran mo?" sagot ni Aling Bebang habang nakataas ang kilay. Napansin ko naman ang pagdukot ni Elijah sa kanyang wallet at naglabas ng pera.
"Ayan....dalawang libo iyan. Siguro naman sapat na iyan sa utang ni Veronica?" wika nito sabay abot sa pera. Agad naman gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Aling Bebang at niluwagan sa pagkakabukas ang pintuan ng unit. Hudyat iyun na pwede na kaming pumasok.
Agad ko naman hinila si Elijah papasok. Nagpasalamat ako kay Aling Bebang na noon ay biglang naging mabait bago naglakad patungo sa kwarto ni Ate Ethel. Kumatok ako ng makailang ulit bago ko narinig ang pagtunog ng lock sa loob ng kwarto at ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan.
"Ate!" masaya kong wika ko dito ng magkaharap na kami. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata habang tinititigan ako.
"Veronica?" tanong nito. Agad akong tumango at yumakap dito. Ilang saglit lang ay kumalas din ako at nakangiti itong hinarap.
"Kumusta ka na? Naku halika, pasok muna kayo!" wika nito sabay sulyap kay Elijah. Agad kaming pumasok ni Elijah samantalang si Ate Ethel naman ay nagmamadaling itinupi ang kumot na nasa kanyang higaan.
" Ito ang bahay mo?" narinig ko pang tanong ni Sir Elijah habang inililibot ang tingin sa paligid. Kita sa gwapo nitong mukha ang pagdisgusto sa mga nakikita sa paligid.
'Nangungupahan lang dito si Ate Ethel. Mura nga kasi at malapit lang sa work nya kaya ayos na din." sagot ko. Hindi ito umimik bagkos malakas na napabuntong hininga.
"Sino ba iyan?" narinig kong bulong ni Ate Ethel sa akin.
"Isa sa mga amo ko. Si Elijah." sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata ni Ate Ethel habang nakatitig sa mukha ni Elijah?
"Ta-talaga? Bakit isinama mo dito? Mukhang na-shock sya sa mga nakikita sa paligid." bulong nito.
"Talagang na-shock ako. Tirahan pa ba ito ng tao?" tanong ni Elijah. Agad na rumihistro ang pagkapahiya sa mukha ni Ate Ethel.
"Teka..napadaan ka yata. May naiwanan ka ba?" tanong ni Ate Ethel sa akin. Halatang hindi na ito komportable sa presensya ni Elijah kaya naman sinabi ko na agad ang kailangan ko dito.
"Hihingiin ko sana ang number ni Tiyang Tasing. Iyun kung ayos lang sa iyo para matawagan ko sila Nanay at Tatay. Miss na miss ko na kasi sila eh." wika ko. Agad ko pang inilabas ang cellphone ko at ipinakita dito.
"Wow, ang ganda naman ng Cellphone mo. Buti ka pa nakabili kaagad. Siguro malaki ang offer na sahod sa iyo noh?"
agad na wika ni Ate Ethel. Napangiti naman ako.
"Mababait ang mga amo ko. Tsaka bigay lang din sa akin ang cellphone na ito." sagot ko naman. Gulat naman itong napatitig sa akin at kay Elijah.
"Hindi siya ang nagbigay sa akin nito.... ang Uncle nyang masungit." muli kong wika habang hindi mapigilan ang mapangiti. Agad naman na napatango si Ate Ethel at kinuha na din ang cellphone nito para hanapin ang number nila Nanay Tasing.
Naging mabilis ang pagpapalitan namin ng number. Inadd ko na din sa facebook ko si Ate Ethel kaya tuwang tuwa ako. Sa wakas may makakausap na din ako palagi.
"Saan ka ba nagtatrabaho?" natigil lang kami sa pag-uusap ng muling sumabat si Elijah. Sumulyap muna sa akin si Ate Ethel bago sumagot.
"Sa Haraya Mall po Sir.' magalang na sagot ni Ate Ethel. Kahit mukhang naging bastos na si Elijah sa harap ni Ate Ethel mabait pa rin ang pakikitungo niya dito.
Muling kinuha ni Elijah ang kanyang wallet at may kung anong maliit na papel na ibinigay kay Ate Ethel.
"Mag-apply ka dyan! Malaki ang bigayan ng sweldo dahil nasa loob ng Villarama shopping center ang shop. Isa pa may pa-free accomodation sila sa mga taong walang matirhan." sagot ni Elijah. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ate Ethel.
"Ta-talaga po? Naku salamat po! Alam nyo po bang maraming nangangarap na makapagtrabho sa Villarama shopping center?" maluha-luhang wika ni Ate Ethel. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Kung ganoong mag-apply ka kaagad diyan! Pasalamat ka at naawa ako sa kalagayan mo eh. Isa pa hindi bagay sa isang katulad mo ang tumira sa ganitong lugar. Baka mapahamak ka!" sagot nito.
"Naku! Maraming salamat po talaga Sir! Hulog po kayo ng langit sa akin! Salamat po!' naiiyak na sagot ni Ate.
Muli akong napatitig kay Ate Ethel. Kung tutuusin maganda naman talaga si Ate. Isang taon lang naman ang agwat ng edad nito sa akin at kaya ko lang ito tinatawag na Ate dahil iyun ang nakanasanayan ko noong nasa probensya pa kami.
Medyo maayos ang pamumuhay nito kumpara sa akin dahil kahit papaano nakatapos ito ng hanggang high school. Iyun nga lang hindi na ito nakapag-college dahil hindi na daw kaya ng kanyang pamilya. Pero kahit ganoon pa man hindi pa rin naging
hadlang iyun para maging magkaibigan kami.
"Lets go na Veronica. Nagtext sa akin si Uncle. Galit dahil pinatayan mo daw sya ng tawag kanina." muling wika ni Elijah. Hindi ko naman maiwasan na kabahan dahil sa sinabi nito.
Nagmamadali kaming nagpaalam kay Ate Ethel at lumabas na sa lumang gusaling iyun para lang madismaya pagdating namin kung saan iniwan ang nakaparadang sasakyan.
Chapter 186
VERONICA
anak ng" narinig kong bulyaw ni Elijah habang nakatingin sa sasakyan. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi ng sipatin ko ang sitwasyon ng kotse nito. Basag ang salamin at wala na ang dalawang gulong. Mukhang
pinagtripan at ninakaw ang mga
natanggal na gulong.
"Sabi ko naman sa iyo na hintayin mo na lang ako dito eh." wala sa sarili kong wika. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ni Elijah habang palinga-linga sa paligid.
"Paano tayo makakauwi nito? Hayst kainis! Hindi ko akalain na marami palang magnanakaw sa lugar na ito." napapailing na sagot.
"Paano ngayun iyan? Hindi na tatakbo ang sasakyan. Dalawa na lang ang gulong eh." sagot ko naman. Tumitig muna ito sa akin bago sumagot.
"Lagot ako nito kay Uncle. Sandali lang, tatawagan ko ang kakambal ko. Wala akong choice kundi hingan sya ng tulong kahit hindi kami magkasundo." sagot nito habang inilalabas ang cellphone. Naiwan naman akong nakamasid lang sa sitwasyon ng kanyang sasakyan.
Kahit papaano nakaramdam ako ng guilt. Kung hindi sana ako nagpumilit na pumunta sa lugar na ito hindi sana mangyayari ito. Mapapagastos pa tuloy si Elijah sa pagpapagawa ng kotse nya.
"Ayos na. Hintayin na lang natin dito ang kakambal ko at ang towing service. Kailangan dalhin sa casa ang kotse para ayusin." wika nito
"Sorry ha? Kasalanan ko ito eh." malungkot kong wika. Tipid itong ngumiti.
"Bakit ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan. Ganito talaga dito sa Manila, maraming masasama ang loob. Magpasalamat na lang tayo at ito lang ang nangyari." sagot naman nito. Gayunpaman masama pa rin ang loob ko sa mga nangyari.
"Teka lang. Nagugutom ka na ba? Hintayin lang natin si Elias pagkatapos daan na lang tayo sa restaurant para makakain." wika nito. Sasagot pa sana ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Natigilan si Elijah at tumitig sa akin.
"Sagutin mo. Baka si Uncle iyan." wika nito. Tinitigan ko naman ang screen ng cellphone ko at nakompirma ko nga na si Sir Rafael ang tumatawag sa akin. Agad kong pinindot ang answer botton. Hindi pa ako nakakapagsalita ng marinig ko ang galit na boses nito.
"Nasaan ka? Nakauwi ka na ba ng mansion?" agad na tanong nito.
Napasulyap muna ako kay Elijah bago sumagot.
"Eh Sir...hi-hindi pa po eh." sagot ko.
"At bakit? Akala ko ba sandali lang kayo dyan?" tanong nito.
"Eh, nadisgrasya po kasi........" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita. Sa ngayun mukhang lalo itong nagalit.
"Nadisgrasya? Kumusta kayo? Kumusta ka? Nasa hospital ba kayo ngayun?" tanong nito. Halata ang pag- aalala sa boses nito. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Hindi po. Binasag ang bintana ng kotse at ninakaw ang gulong. Hinihintay namin ngayun si Sir Elias pati na din ang towing service." sagot ko. Saglit itong natigilan. Parang nakikini-kinita ko na naman ang galit nito. Siguro nakakunot na naman ang noo nito..sigurado ako dyan.
"Nasaan kayo? Sabihin mo sa Elijah na iyan na sagutin ang tawag ko." Wika nito at agad na pinatay ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at ibinaling ang tingin kay Elijah.
"Anong sabi ni uncle?" tanong nito
"Tatawag daw siya sa iyo." sagot ko at wala pang ilang sigundo narinig ko na ang pag-ring ng cellphone nito. Agad nya naman itong sinagot. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya ng mapansin ko ang parating na si Ate Ethel. Mukhang papasok na ito sa trabaho dahil nakasuot na ito ng uniform.
"Anong nangyari?" agad na tanong nito ng makalapit. Malungkot naman akong tumingin sa kotse.
"Nabiktima kami ng magnanakaw Ate. Binaklas nila ang gulong at basag ang salamin." sagot ko.
"Naku sayang naman. Ang ganda pa naman ng kotse. Naireport nyo na ba sa mga pulis?" tanong nito.
"HIndi ko po alam Ate eh. May mga tinatawagan na si Elijah. Pupunta na yata ang kapatid nya at ang maghahatak ng kotse para dalhin sa casa." sagot ko. Agad naman itong napabuntong hininga tsaka tumitig sa akin.
"Alam mo nagtataka ako. Ganito ba talaga kabait ang amo? Sinamahan ka pa nya dito sa tinitirhan ko." wika nito at halata ang pagtataka sa boses. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
"Si Elijah apo siya ng amo ko. Doon lang sya nakatira sa mansion at maswerte ako dahil dating kakilala ni Nanay ang mga amo ko ngayun. Alam mo bang gusto nila akong pag-aralin?" pagmamalaki kong wika. Agad na
nanlaki ang mga mata ni Ate Ethel sa sinabi ko.
"Ta-talaga? Paanong kakilala ni Manang Venus ang mga amo?" tanong nito.
"Ganito kasi iyan. Minsan napadpad sila Madam Carissa at Mam Arabella noon sa Isla natin. Partikular doon sa baryo natin at doon nila nakilala sila Nanay at Tatay. Saglit lang naman daw silang nanatili doon dahil agad din silang sinundo ng amo kong lalaki.
"May kaunting hindi pagkaka- intindihan lang yatang nangyari sa buong pamilya at nagkaayos din naman kaagad. Nakilala nila ako na anak ni Nanay Venus noong tanungin ako ni Mam Arabella kung saang probensya ako galing.."mahaba kong wika. Alam kong hindi masyadong klaro ang ang kwento ko pero agad namang na-gets iyun ni Ate Ethel.
Napa 'wow' pa nga ito.
"Talaga? Ang galing naman. Ang swerte mo pala kung ganoon Veronica. " sagot nito.
'Oo, kaya matutupad na ang pangarap kong makapag-aral Ate. Mabait naman sila liban lang sa isa nilang anak na lalaki." muli kong wika.
"Huwag mo na lang pansinin. Ang importante nasa maganda kang kalagayan at makakapag-aral ka pa. Naku, masaya ako para sa iyo Veronica. "Natutuwa nitong wika sabay sipat suot na relo.
"Salamat Ate. Alam mo malaki din ang pasasalamat ko dahil kung hindi dahil sa iyo hindi ako nakarating dito sa Manila." sagot ko naman.
"Walang ano man. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang diba? Siya sige, aalis na ako. Baka ma-late na ako sa work. Istrikto pa naman ang Boss ko at ang hilig mangaltas ng sahod ma-late ka lang ng kaunti." wika nito at akmang aalis na ng magsalita si Elijah.
"Magkano ba sahod mo? Dito ka muna para may kausap si Veronica. Isa pa para may kasama kaming taga-rito habang hinihintay ang sundo namin.'" sabat ni Elijah. Hindi nakasagot si Ate Ethel at saglit na nag-iisip.
"Eh, sayang po ang isang araw ko sa work Sir. No work, No pay pa naman kami. Isa pa baka matanggal ako." sagot ni Ate.
"Eh ano ngayun? Hindi bat binigyan kita ng pag-aapplayan mo? Dito ka na muna hanggat hindi pa dumadating ang sundo ni Veronica." muling sagot nito. Napansin ko naman na saglit na nag-isip si Ate Ethel at sabay pa
kaming nagulat ng dinukot ni Eljah ang wallet at inabutan ng ilang lilibuhin si Ate Ethel.
"Magresign ka na sa trabaho mo at umalis sa lugar na ito dahil maraming mga masasamang loob dito. Ilang oras lang namin iniwan ang kotse dito sa labas ganito na agad ang nangyari.
Huwag kang mag-alala tatawagan ko mamaya ang manager ng kompanya na pag-aaplayan mo bukas. Siguradong matatanggap ka." mahabang wika ni Elijah.
Akmang tatanggihan ni Ate Ethel ang binibigay nitong pera pero kinuha ni Sir Elijah ang dala nitong shoulder bag at iniligay ang pera doon. Wala ng nagawa si Ate Ethel kundi ang magpasalamat.
"Hayaan nyo po. Babayaran ko kaagad kayo kapag matanggap ako sa sinasabi niyong kompanya." nahihiya nitong wika. Hindi na sumagot si Elijah bagkos lumayo ito ng ilang metro sa amin at muling may tinawagan.
"Ang pogi nya noh?" Tsaka kahit parang masama ang ugali mabait pa din naman." wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa ng maalala ko si Sir Rafael.
"Parang si Sir Rafael lang?" natatawa kong sagot.
"Sino iyun? Si Rafael Villarama?" halata sa boses ni Ate ang biro ng banggitin ang pangalang iyun. Nagtaka naman ako. Paano nya nalaman na si Sir Rafael Villarama ang isa sa mga amo ko?
"Paano mo siya nakilala Te ?" tanong ko na lang.
"ha? Sino? Si Rafael Villarama? Siyempre famous ang pamilya nila. Bunsong anak ng Billionaryong si Gabriel Villarama na may ari ng Villarama Shopping Center at iba pang naglalakihang kompanya dito sa Pilipinas. Alam mo bang dinig ko................ sya ang black sheep sa pamilya. Kung makapagpalit daw ng girl friend, ayyy parang nagpapalit lang daw ng damit. Iyun ay dinig ko lang naman at mukhang totoo dahil marami daw ang nakakakita sa kanya na ibat-ibang babae ang kasama." daldal ni Ate Ethel. Nagulat naman ako.
Hindi ko kasi alam ang tungkol dito.
"Sure ka Ate?" tanong ko. Agad itong tumango tsaka ako tinitigan at nagtanong
"Bakit? Kilala mo ba ang tinutukoy kong tao?" taong nito. Agad akong tumango.
"Oo, anak nga sya ng amo ko. Sila Madam Carissa at Sir Gabriel Villarama ang amo ko. Si Sir Rafael ang bunsong anak na Uncle naman ni Elijah." sagot ko sabay turo kay Elijah. Agad kong napansin ang pamumutla ni Ate Ethel sa sinabi kong iyun kaya natawa ako "Yari ka! Kapag malaman ni Uncle iyang tsismis mo malalagot ka talaga. At ikinuwento mo pa talaga kay Veronica ha?" sabat naman ni Elijah. Narinig pala nito ang binitiwang salita ni Ate Ethel.
"Sure po ba kayo? Sure kayong apo kayo ng mga Villarama?" gulat na tanong ni Ate.
"Bakit hindi ba obvious? Magaganda at gwapo ang lahi ng mga Villarama at isa ako sa maswerteng may dugong Villarama kaya ihanda mo ang sarili mo. Kapag malaman ni Uncle ang tsismis mong iyan papuputulan ka noon ng dila. Papunta pa naman iyun dito para sunduin si Veronica." tumatawang sagot nito. Hindi ko naman maiwasan ang magulat.
Na naman? Siya talaga ang susundo sa akin? Hayst, mukhang galit pa naman sa akin si Sir Rafael dahil hindi ako nakinig sa kanya kanina. Paano kaya ito?
Pareho kaming balisa ni Ate Ethel ng mapansin namin ang paparating na mga sasakyan. Napakagat pa ako sa kuko ko sa aking mga kamay ng mapansin ko ang kotseng palaging ginagamit ni Sir Rafael. May mga nakasunod pa dito na tatlong sasakayan at agad na huminto sa tabi ng sasakyan ni Elijah.
Napansin ko naman ang nerbiyos sa mga mata ni Ate Ethel ng tumingin sa akin.
"Siya nga ang amo mo? Diyos ko, huwag mong mabanggit-banggit sa kanya na itsinismis ko sya ha?" wika ni Ate. Napalunok ako ng makailang ulit ng mapansin kong bumaba na ng sasakyan si Sir Rafael at direktang naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"I told you na sa weekend ka na pupunta dito, bakit ba napakatigas ng ulo mo!" agad na wika nito sa akin ng makalapit. Hindi ko naman maiwasan ang mapayuko. Nagagalit siguro sya dahil sa pinsalang nangyari sa sasakyan ng pamangkin nya. Hayst kalasanan ko talaga eh.
"Sorry po! Hindi na mauulit." sagot ko. Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga nito bago tinawag ang pangalan ni Elijah na noon ay kasama si Ate Ethel ilang distansya ang layo sa amin. Nagmamadali naman agad itong lumapit.
"Sa susunod, huwag kang lumabas ng bahay na walang kasamang bodyguards! Paano kung napahamak kayo?" singhal nito sa pamangkin.
"Sorry Uncle. Hindi na mauulit." nagpapakumbaba nitong sagot.
"Hintayin mo ang hihila diyan sa kotse mo. Iiwan ko ang ilan kong mga kasamang bodyguards para may makakasama ka dito. Isasama ko na si Veronica." wika nito sa medyo kalmado ng boses. Agad naman tumingin sa akin si Elijah at ngumiti.
"Kay...kay Elijah na lang po ako sasabay Sir. Kawawa po kung iiwan ko siya dito." sagot ko naman. Hindi umimik si Sir Rafael bagkos hinawakan ako sa kamay at hinila.
"Huwag mong pangunahan ang gusto ko Veronica. Huwag mo ng pairalin ang katigasan ng ulo mo at dagdagan ang kasalanan na nagawa mo ngayung araw." sagot nito. Gustuhin ko man magprotesta ng hilahin nya ako patungo sa sasakyan wala na akong nagawa pa kundi sumama na lang. Napansin ko kasi na may mga dumadating nag mga usyusero at usyusera sa lugar.
Binalingan ko pa si Ate Ethel at sinenyasan na aalis na ako at tumango ito sa akin Bakas na rin ang hindi makapaniwala sa mga mata nito habang palipat-lipat ang tingin sa akin pati na din kay Sir Rafael.
Pagkasakay namin pareho ng sasakyan ni Sir Rafael ay agad nitong pinaharurot ang kotse paalis ng lugar. Kinakabahan man pero pilit kong nilalabanan iyun. Hindi nya naman siguro ako sasaktan physically.
CHAPTER 187
VERONICA POV
Kanina pa ako pasulyap-sulyap kay Sir Rafael habang tumatakbo ang sasakyan. Nakakunot pa rin ang noo nito at halata sa mga mata ang galit. Hindi ko tuloy malaman kung kakausapin ko ba ito o hindi. Baka masigawan ako eh.
"Saan pa kayo nakarating ni Elijah? Saan ka pa nya dinala?" tanong nito. Sandali akong natigilan. Nagulat pa ako ng bigla nitong inihinto ang sasakyan sa tabi ng daan. Wala namang masyadong dumadaan na mga sasakyan kaya kinabahan ako. Lalo na ng mapansin ko na walang kabahayan sa paligid at puro puno lang ang aking nakikita.
"Alam mo bang ang dami kong dapat gawin sa opisina. Pero Veronica naman, bakit ba ayaw mong makinig?
Hindi bat sinabi ko sa iyo na ako ang sasama sa iyo para puntahan ang kaibigan mo sa weekend?" Wika nito.
"Sorry po. Hindi na po kasi ako makapaghintay para makuha ang number sa probensya. Para pwede ko ng tawagan sila Nanay. Miss na miss ko na po kasi sila kaya hindi ako nakinig sa sinabi mo kanina." sagot ko sabay yuko. Narinig ko pa ang marahas nitong pagbuntong hininga.
Pagkatapos ay galit itong tumingin sa labas.
"Ayaw ko ng ulitin mo ulit ito ha? Isa pa ayaw kong sasama-sama ka kay Elijah. Baka mamaya kung saan ka dalhin ng pamangkin kong iyun.' wika nito na syang labis kong ipinagtaka.
"Pero mabait naman po sya. Kasalanan ko din dahil kung hindi dahil sa akin hindi nasira ang kotse nya." sagot ko sabay sulyap sa mukha nito. Gusto kong makita kung galit na rin ito.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin ko na hindi na salubong ang kilay nito.
"Mabait kong mabait. Pero kahit na. Ayaw ko pa rin na sasama-sama ka sa kanya. Kapag may gusto kang puntahan huwag kang mahiya na magsabi sa akin. Ako ang bahala sa lahat." sagot nito
"Bakit po?" wala sa sarili kong tanong
"Anong bakit po?" tanong nito
"Bakit ganito po ang pakikitungo nyo sa akin? Bakit niyo ako hinihigpitan at pinagbabawalan sa iilang bagay. Hindi naman kita Tatay para gawin ito." sagot ko. Muling nagsalubong ang kliay nito at tumitig sa akin.
"Anong pinagsasabi mo? Anong tatay? Twenty three lang ako para ikumpara mo ako sa Tatay mo Veronica." sagot nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Halata kasi dito ang pagkapikon habang sinasabi ang katagang iyun.
"Wala naman sa edad iyun eh. Nasa pag -uugali. Ang dami nyo kasing ipinagbabawal..... isa pa-----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong sunggaban at halikan sa labi. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa. Grabe siya, wala ng pinipiling lugar kung halikan ako. Masyado na syang nasanay na sipsipinn ang labi ko ng ganito.
Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginawa. Total naman nag-eenjoy din ako. Gustong-gusto ko din naman ang paraan ng paghalik sa akin ni Sir Rafael. Nakakawala sa sariling katinuan. Nakakaaddict!
Halos ilang minuto din na magkalapat ang aming labi ng maramdaman kong bumaba ang halik nito pababa ng aking leeg. Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa kakaibang kiliti na aking nararamdaman. Biglang nag-init ang buo kong pakiramdam lalo na ng maramdaman ko na sumuot ang isa nitong kamay sa loob ng suot kong blouse. Hinahaplos nito ang kabila kong bundok na may takip pang bra. Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa kakaibang kiliti na hatid nito sa akin.
"Sir, ano ang ginagawa mo? Baka may makakita sa atin!" hindi ko mapigilang wika habang abala pa din ang labi nito sa pagsipsip sa leeg ko. Natigilan ito at muli akong tinitigan sa mga mata. Napalunok ako ng makailang ulit ng mapansin ko na may kakaibang emosyon akong napansin sa titig nito sa akin.
"Alam mo bang gustong-gusto kitang angkinin ngayun? Galit na galit na ang anaconda ko Veronica." bulong na wika nito. Agad naman na nanlaki ang mga
mata ko ng marinig ko ang salitang anaconda.
"Po, may alaga po kayong anaconda? Nasaan po? Nandito din ba sa kotse?" tanong ko at agad na umayos ng upo. Sinilip ko pa ang likuran namin habang hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba. Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Sir Rafael na siyang labis kong ipinagtaka.
Hindi mo alam ang ibig sabihin ng anaconda?" tanong nito. Hindi ko mapigilan na taasan ito ng kilay.
"Ahas iyun diba? Ahas! Bakit po kayo nag-aalaga ng ganoon? Paano kung matuklaw ako?" tanong ko. Lalo itong natawa. Pagkatapos ay muli akong tinitigan sa mga mata.
"Kung alam mo lang. Gustong-gusto ka na talagang tuklawin nito. Kaya lang hindi pa pwede. Hindi ka pa ready." makahulugan nitong sagot.
Sinimangutan ko ito.
"Talagang hindi ako ready magpatuklaw sa anaconda. Paano kung mamatay ako? Paano na ang Nanay at Tatay at mga kapatid ko na naghihintay sa akin?" sagot ko at humalikipkip pa. Tumawa naman ito kaya nagtataka ko itong tinitigan.
"Ikaw talaga. Ang bilis mo talagang gumawa ng paraan para matanggal ang init ng ulo ko. Halika nga dito. Pahalik ulit!" malambing na wika nito at muli akong kinabig. Muling naglapat ang aming labi. Banayad lang naman ang ginawang paghalik nito sa akin. Dampi -dampi sa labi ko at pagpasok ng dila sa loob ng bibig ko. Hindi ko naman mapigilan ang muling mapaungol ng maramdaman ko na muling pumasok ang kamay nito sa loob ng blouse ko.
Hinahaplos-haplos nya ang isa kong bundok at kahit na may suot akong bra, ramdam ko ang init ng kanyang palad.
Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa ginagawa nya sa akin.
"Can I kiss your boobs?" tanong nito sa akin ng tigilan niya ang paghalik sa
labi ko. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin at basta na lang akong tumango. Napansin ko pa ang pagngiti nito at dahan-dahan na pagtaas ng suot kong blouse. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya at aktong pipigilan ko na sana sya sa nais nyang gawin ng tuluyan ng lumantad sa mga mata nya ang boobs ko. Hinawi nya ang suot kong bra at kita ko kung paano niya titigan ang naka-exposed kong boobs sa harap nya.
"Wow, sooo beautiful at nagulat ako ng bigla nyang isubo ang pasas na pink ko. Agad kong naramdaman ang mainit nyang bibig habang nilalaro ang pasas na pink ko. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Bago sa pandama ko ang ginagawa sa akin ni Sir Rafael at pakiramdam ko biglang naging mainit dito sa loob ng kotse nya. Hindi ko mapigilan na muling mapaungol ng nag-umpisa nya ng sipsipin ang pasas na pink ko at himasin ang kabila kong bundok.
Chapter 188
VERONICA POV
Hindi ko mapigilan na makagat ang labi ko dahil sa ginagawang iyun sa akin ni Sir Rafael. Patuloy niyang pinagpapala ang dalawa kong matatayog na bundok. Salitan nyang kinakagat ang magkabilaan kong pasas na pink at abala naman ang kabila nyang kamay sa pagdama niyon. Hindi ko akalain na posible palang mangyari sa aming dalawa ang mga nangyayari ngayun.
Nang magsawa ito sa kanyang ginagawa sa boobs ko ay kusang umangat ang titig nito sa aking mukha. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kakaibang damdamin na lumulukob. Hindi ko kayang titigan iyun dahil pakiramdam ko nalulunod ako. Isa pa nahihiya ako dahil hinayaan kong makita nya ang iniingatan kong bundok. Hindi lang halik ang
pinagsaluhan namin sa sasakyan na ito kundi nahawakan at nilalaro nya pa ang pasas na pink ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng takot. Pakiramdam ko unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Baka kung ano ang isipin nito sa akin at basta na lang akong pumapayag sa gusto nyang gawin sa akin. Hindi ko dapat kalimutan ang katotohanan na amo ko sya at kasambahay nila ako.
Umayos ako ng upo. Inayos ko ang suot kong bra at blouse. Tumitig ako sa labas ng sasakyan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Gutom ka na ba?" napapitlag pa ako ng magsalita ito. Hindi ako nakaimik. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Bakit po bigla na lang kayong nanghahalik?" hindi ko mapigilang tanong. Saglit itong natigilan.
Naramdaman ko pa ang pagtitig nito sa akin bago sumagot.
"Bakit hindi mo ba nagugustuhan ang ginagawa kong paghalik sa iyo?" tanong nito. Hindi ko naman alam kung tatango o iiling ako. Kung alam nya lang gustong-gusto ko ang ginagawa nya sa akin. Pero natatakot akong baka hindi ko mamalayan at kusa ko na palang naibigay ang sarili ko sa kanya.
Hindi maikakailang kailan lang kami magkakakilala. Baka naman isa lang din ako sa mga babaeng gusto nyang paglaruan. Hindi ko maiwasang isipin ang nabanggit sa akin kanina ni Ate Ethel. Matinik sa babae si Sir Rafael at baka isa na ako sa gusto niyang biktimahin. Marami pa akong
pangarap at matutupad ko iyun kung iiwasan ko na sya.
"Kasi, naisip ko lang naman po. Hindi po normal ang ginagawa natin. Amo ko po kayo pagkatapos kapag itrato niyo ako kakaiba sa lahat. Bakit po ba?" tanong ko sabay punas ng luha sa aking mga mata. Hindi ito nakapagsalita. Tinitigan nya lang ako at nag-umpisa ng magdrive. Hindi na din ako nagsalita pa at inabala ang sarili ko sa aming dinadaanan.
Agad kaming nakarating ng mansion. Tahimik pa rin sya at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko na lang pinansin iyun bagkos ipinagsawalang bahala ko na lang. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse para makababa na ng muli itong nagsalita.
"Yup, hindi tayo magkiss at hindi normal ang ginagawa ko sa iyo. Huwag ka ng umiyak pa. HIndi na ulit mangyayari iyun. Baka masyado lang akong malungkot at ikaw ang napagbalingan ko ng pansin." wika nito sa seryosong boses. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang biglang
may kung anong kurot sa puso ko habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi kayang tanggapin ng kalooban ko ang kanyang nasabi ngayun lang. Ganoon lang ba iyun? Normal lang ba sa kanya ang basta nalang manghalik ng babae?
Playboy nga siya! At isa na ako sa muntik nyang nabiktima. Hindi..... nabiktima nya na pala ako. Dalawang beses nya na akong nahalikan sa labi at nakita nya na ang dalawa kong bundok. Ang tanga ko para pumayag na gawin nya sa akin ang bagay na iyun.
Hindi na ako dalagang Pilipina. Nakita nya na ang lahat sa akin. Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa mga katangahan na ginawa ko. Basta na lang akong nagpaubaya sa lahat ng ginawa nya sa akin. Wala na nga akong pinag-aralan pinairal ko pa ang katangahan ko.
"Bumaba ka na!" wika nito sa
seryosong boses. Hindi ko mapigilan na titigan ang gwapo nitong mukha. Wala akong nabasa na kahit na anong expression sa mukha nito. Napayuko ako at dahan-dahan na binuksan ang pintuan ng kotse. Nilingon ko pa ito at dali-daling naglakad papasok sa loob ng mansion. Narinig ko na lang na muling umandar ang sasakyan nito kaya lumingon ako. Nakita kong muling lumabas ng gate ang sasakyan nito at tuluyan ng umalis.
Mukhang galit siya. Pero teka, bakit sya nagagalit? siya ang mas nakakalamang sa aming dalawa.
Hinalikan nya ako ng maraming beses sa labi pati na din sa boobs ko. Dapat nga ako ang mas magalit eh.
Napakamot ako ng aking ulo sa isiping iyun. Nababaliw na nga yata ako. Kung saan-saan na tumatakbo ang isip ko.
"Uyyy Veronica, mabuti naman at nakauwi ka na Kanina ka na hinihintay ni Mam Arabella sa Living area.
Kasama nya na ang magto-tutor sa iyo. "nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Ate Maricar sa likod ko. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito sa akin.
"Ganoon ba Ate. Sige po, doon na lang ako didiretso." malungkot kong sagot. Agad na napakunot ang noo nito tsaka tinitigan ako.
"Bakit ganyan ang hitsura mo? May hindi ba magandang nangyari sa labas?
" nagtataka nitong tanong.
"Nasira po kasi ang sasakyan ni Elijah. Binasag ang salamin at ninakaw ang gulong." sagot ko. Nagulat naman ito.
"Diyos ko! Buti hindi kayo napaano. Marami na talagang masasamang loob ngayun sa labas kaya ibayong pag- iingat ang dapat gawin." sagot nito. Hindi ako nakaimik.
"Teka, nasaan si Elijah? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong nito.
"Nagpaiwan po siya. Hinintay nya ang kukuha ng kotse para dalhin sa Casa. Sinundo lang po ako ni Sir Rafael kaya ako nakauwi. Pero umalis din po kaagad siya." sagot ko. Tinitigan ako nito sabay tango.
"OK...sige na. Puntahan mo muna si Mam Arabella para makilala mo na din ang tutor mo." wika nito. Agad akong tumango at naglakad papuntang living room. Naabutan ko nga si Mam Arabella na prenteng nakaupo kaharap si Madam Carissa at isang lalaki.
"Magandang tanghali po!" agad kong bati. Nagpakawala naman ng malawak na ngiti si Mam Arabella ng mapansin ang pagdating ko. Agad akong pinaupo sa tabi nya.
"Hello Veronica! Wow! Kumusta ka na? " tanong nito.
"Ayos lang po Mam. Pasensya na po kung ngayun lang po ako dumating." sagot ko. Tanging ngiti lang naman ang naging sagot nito sa akin at ibinaling ang tingin sa kasama nya.
"Siya nga pala Veronica...si Teacher Josh. Siya ang magiging tutor mo simula bukas, Teacher Josh, si Veronica...siya ang tinutukoy ko kanina pa sa iyo." pagpapakilala ni Mam Veronica sa aming dalawa. Agad naman inilahad ni Teacher Josh ang palad sa akin at magiliw ko naman iyung tinanggap.
"Nice to meet you Veronica. promise you, marami kang matutunan sa akin." wika nito sabay pisil sa palad ko. Nagulat ako kaya agad kong binawi ang
kamay ko at maigi itong pinagmasdan.
Kung tutuusin gwapo si Sir Josh. Matanda lang yata ito ng ilang taon kay Sir Rafael. Pero mukha naman siyang mabait. Siguro dahil teacher sya...ah ewan, siguro dahil bata pa siya kaya hindi siya katulad ng mga naging teacher ko noon sa probensya. Mga masusungit at mahilig manigaw lalo na kapag hindi mo nasasagot ang mga aralin.
'Teacher Josh, pwede ka ng mag-start bukas. Gusto namin na tutukan mo si Veronica sa mga aralin. Gusto namin na matuto kaagad siya para makapasok na siya sa isang normal na university." wika ni Madam Carissa. Nakangiti namang tumango si Teacher Josh sabay titig sa akin.
"Ipinapangako ko Madam. Gagawin ko ang lahat para natutunan lahat ni Veronica ang mga aralin. Marami na po akong mga istudyanteng katulad ni Veronica at ngayun nasa maayos na silang mga iskwelahan. Makakapasa po siya sa Alternative Learing System at makakapag-college next year." kampante nitong sagot. Masaya namang napapalakpak si Mam Arabella..
"Salamat po! Masayang masaya po ako. Sa wakas, makakapag-aral na po ako." sagot ko naman. Agad naman tumayo si teacher Josh at nagpaalam.
"Sige po Madam Carissa, Misis. Arabella at Veronica...aalis na po ako."
pagpapaalam nito sabay yukod. TAnging tango lang naman ang naging sagot ni Madam Carissa at tuluyan na itong lumabas ng living room.
"Sya nga pala Veronica, gusto kong makausap ang Nanay mo. May cellphone ba sila sa probensya? Pwede ba natin silang tawagan?" tanong nito. Agad ko naman inilabas ang cellphone ko bago sumagot.
"Wala pong cellphone sila Nanay at Tatay. Pero pwede po tayong makisuyo sa kapitbahay namin." nakangiti kong sagot. Excited din akong makausap sila Nanay, Agad kong idinial ang number ng mga magulang ni Ate Ethel at nagpasalamat ako ng may sumagot agad.
Agad akong nagpakilala at nakisuyo na kung pwede ko makausap sila Nanay at Tatay. Mabuti na lang at nasa mood yata ang mga magulang ni Ate Ethel at agad kong narinig na tinatawag na nila si Nanay. Excited naman akong naghihintay habang nakangiting nakatitig sa akin si Mam Veronica at Madam Carissa.
"Anak, kumusta ka na dyan? Hindi ka ba nahirapan? Mababait ba ang mga amo mo?" narinig kong wika ni Nanay. Hindi ko mapigilan ang maluha. Kung alam lang nila Miss na miss ko na sila.
"Ayos lang ako Nay...kumusta po kayo ni Tatay?" tanong ko kaagad.
"Wala si Tatay mo. Sumama kina Manong Carding sa laot. Pero hayaan mo sasabihin ko kaagad sa kanya pagkauwi nya na tumawag ka na! ANak, magpakabait ka diyan ha?" wika nito.
"Opo Nay! Miss na miss ko na po kayo. Pati na din ang mga kapatid ko!" sagot ko. Narinig ko pa ang pagsinghot ni Nanay tanda na umiiyak din ito sa kabilang linya.
"Pwede ka naman umuwi dito kung gusto mo anak. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dyan. Pwede ka naman maghanap ng trabaho dito sa atin." sagot nito. Agad akong napasulyap kay Mam Arabella. Kita ko sa mga mata nito na excited na syang makausap si Nanay.
"Nay, may gusto pong kumausap sa inyo ngayun. Magkakilala daw po kayo. Anak ng amo ko." wika ko. Natigilan si nanay. Sandali itong hindi nakapagsalita.
"Sino? A-anak ng amo mo?" takang taka nitong tanong. Hindi ko na ito sinagot pa at iniabot ko kay Mam Arabella ang hawak kong cellphone. Malugod naman itong tinanggap ni Mam Arabella sabay naglakad palayo sa amin. Narinig ko pa ang pagbanggit nito sa pangalan ng Nanay ko at ang malakas nitong pagtawa.
"Naalala ko pa noong nasa probensya nyo kami. Two days lang kaming nag- stay doon pero agad na napalapit ang loob ni Arabella sa Nanay mo." narinig kong wika ni Madam Carissa. HIndi ko mapigilan ang mapangiti.
"Ang bait po ni Mam Arabella Madam. Kahit na mahirap si Nanay, nagawa nya pang makipagkaibigan." sagot ko. Nakangiting tumango si Madam.
"Yes. Hindi sya lumaking matapobre! Isa sya sa ipinagmamalaki ko sa pamilya. Mabait syang bata at maalalahanin. Nasa tabi ko sya palagi noong mga panahon na down na down ako." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin kaya tinitigan ko na lang si Madam Carissa.
Kung mabait si Mam Arabella mas mabait ito. Kitang kita ko iyun sa maganda nyang mukha. Smiling face si Madam at siguro maraming nagkakagusto dito noong kabataan nya pa. Kaya siguro kitang kita ko kung gaano ito kamahal ni Sir Gabriel.
Chapter 189
RAFAEL POV
Kasalukuyan akong nakatambay sa bar ng isa sa mga kaibigan kong si Drake Davis. Hinihintay ko ang iba ko pang mga kaibigan na sila Arthur at Peanut. Tinawagan ko sila dahil gusto ko silang makausap. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Masyado akong apektado sa sinabi kanina sa akin ni Veronica.
..sino ba siya? Pasalamat nga siya hinahalikan ko siya eh. Iyung ibang mga babae nga dyan halos
magpakamatay mapansin ko lang. Samantalang siya kikiwestyunin nya ako kung bakit palagi ko syang hinahalikan? Bakit ba? Sa gusto ko eh. Nakaka-addict ang labi nya at pakiramdam ko kompleto ang araw ko kapag ginagawa ko iyun. Pagkatapos pagbabawalan nya ako ngayun dahil amo nya daw ako. Thats shitt!" Malakas kong wika. Mabuti na lang at wala akong kasama dito sa VIP room. Kung hindi mapagkakamalan pa akong baliw na nagsasalita mag-isa.
Hindi ko mapigilan na sabunutan ang sarili kong buhok ng muling lumitaw sa balintataw ko ang hitsura ni Veronica. Ano ba ang nangyayari sa akin? Namimiss ko na agad siya. Gusto ko ng umuwi ng mansion para makita siya!
Nasa ganoong pag-iisip ako ng pumasok ang dalawa sa tatlo kong kaibigan. Si Arthur at Peanut. Masyadong busy ang bar na ito at susunod na lang siguro mamaya si Drake.
"Pare! Anong problema? Pambihira naman nasa kasagsagan kami ng mainit na tagpo ni Rica bigla ka namang tumawag." reklamo ni Peanut Smith sabay upo sa harap ko. Halatang hindi ito masaya sa pang-iisturbo ko na ginawa ngayung araw.
"May problema ba? Huwag mong sabihin magpapatulong ka na naman sa pangha-hunting ng babae na ipapalit mo kay Sofia? Tsk! Bakit ba kasi bigla mo na lang dinispatsa ang babaeng iyun? Sayang Pare. Ang ganda ng katawan at ang kinis ng kutis. Hindi halatang laging laman ng kusina." sabat naman ni Arhur! Umismid ako.
"Hindi ko kailangan ng ibang babae ngayun. Tinawagan ko kayo dahil gusto kong humingi sa inyo ng payo sa mga dapat kong gawin." sagot ko sabay tungga ng alak. Agad na natigilan ang dalawa. Seryoso akong tinitigan.
"Aba, bago ito ah? Bakit anong problema? Akala ko ba nagkasundo na kayo ng mga magulang mo. Kaya ka nga abala nitong huling araw at ayaw pa-isturbo sa amin dahil naka-focus
ka na sa pagpapatakbo ng kumpanya nyo diba?" muling sagot ni Peanut. Umiling ako. Napansin ko naman ang makahulugang pagtitig sa akin ni Arthur bago ito sumagot.
"Tungkol ba ito sa babaeng kasama mo kagabi sa resto ko? Kay Veronica?" tanong nito. Agad naman nakuha ang attention ni Peanut dahil doon.
"Sinong Veronica? Bagong babae mo Pare? Wow, grabe ka noong nakaraang linggo lang kayong naghiwalay ni Sofia may kapalit kaagad?" muling sabat ni Peanut.
"Not like that! I dont know! Nababaliw na ako! Nakaka-addict sya Pare!" sagot ko naman. Naguguluhan naman na tumitig sa akin ang dalawa. Takang taka sa sinabi ko.
"Teka nga! Ano ba ang pinagsasabi mo? Sinong nakaka-addict? Ikaw ha baka kung ano na iyan." muling sagot ni Peanut.
"Paktay ka Pare. Mukhang sapol ni Kupido ang puso mo sa pagkakataon na ito. Ano ba kasi ang nangyari? Akala ko ba hindi ka naniniwala sa pag - ibig ? Mukhang tinamaan ka ah?" mulng sagot ni Arthur!
"Iyun din ang hindi ko maintindihan sa sarili ko Pare. Nababaliw na yata ako. Hindi sya mawala sa isip ko. Kahit nasa opisina ako, siya ang laman ng isip ko." sagot ko naman. Agad na napailing si Arthur at takang-taka naman na tumitig sa akin si Peanut.
"Gaano ba kaganda ang Veronica na iyan at nagkakaganyan ka? Ipakilala mo sa akin at ng makilatis ko." sagot naman ni Peanut.
"Naku Pare! Sobrang ganda! Lakas ng sex appeal. Kung ako siguro ang unang nakakilala sa kanya baka bakuran ko kaagad eh. Swerte lang itong si Rafael
dahil sya ang unang nakakita kay
Veronica." Sabat naman ni Arthur. Hindi ko naman mapigilan na batukan ito. Mukhang pati ito
pinagpapantasyahan ang babaeng
hindi maalis sa isip ko.
"What? Hindi mo na nga ako hinayaan na mahakawan ang kamay nya pagtakapos babatukan mo pa ako? Aba Rafael...talagang pinanindigan mo iyang pagiging possessive mo ha? Bakit girl friend mo na ba? Sinagot ka na ba? "muling wika ni Arthur na may halong pang-aasar. Akmang babatukan ko ulit ito ng agad itong lumayo sa akin. Tumatawa ito.
"Talagang hindi ko hahayaan na mahawakan mo sya ulol!" sagot ko. Lalo itong natawa. Nahawa na din sa kanya si Peanut!
"Iyan sa sobrang pagiging mapaglaro mo sa mga babae, nakahanap ka din ng katapat at na In love na ang Rafael natin.
Mukhang kaunting panahon na lang magpapatali ka na sa isang babae Pare! "Pang-aasar nitong wika. Agad naman akong napatungga ng alak sa sobrang inis ko. Bwesit talaga! Imbes na manghingi ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin mukhang puro pang-aasar ang maririnig ko sa dalawang ito.
Nakakainis!
"Ako lang ba ang mapaglaro? Kayo din naman ah? tigilan niyo ako ha? kapag sa inyo na mangyari ang nangyayari sa akin ngayun tatawanan ko talaga kayo! " sagot ko. Nag high five pa ang dalawa na parang mga baliw. Sa sobrang inis ko bigla akong napatayo sa aking upuan.
"hey! saan ka pupunta? Pikon agad? Akala ko ba hihingi ka sa amin ng payo kaya mo kami tinawagan." sagot ni Peanut ng mapansin na akmang aalis ako. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Fine Ikaw naman hindi na mabiro.
Masaya lang kami dahil sa wakas in- love na ang pinaka-playboy sa grupo!" sabat naman ni Arthur.
Muli akong naupo. Akmang magsasalita ako ng biglang pumasok si Drake. May mga kasama itong mga babae kaya hindi ko mapigilan na titigan ito ng masama. Nginitian lang ako nito at inutusan ang mga babaeng pumasok na. Agad na kumandong ang dalawa kina Arthur at Drake samantalang ang isa ay umupo sa tabi ko. Agad akong umusog at inis itong tinitigan.
"Get lost! Wala ako ngayun sa mood para dito!" inis kong sigaw sa babae. Gulat naman na napatitig sa akin ang tatlo kong kaibigan. Nahintakutan naman na napalayo sa akin ang babae. Hindi marahil nito inaasahan ang pagsigaw ko.
"Hey! Bro...Relax! Ano ba ang
nangyayari sa iyo? Ganito naman lagi ang set-up tuwing pumupunta ka dito sa bar ah ?awat ni Drake.
Napahilamos ako sa aking mukha at tumitig dito. Agad nya naman nakuha ang ibig kong sabihin at sininyasan nito ang mga kasamang babae na lumabas muna. Gusto pa sanang magprotesta nila Peanut at Arthur pero sinamaan ko sila ng tingin.
"Tsk! Sayang ang isang iyun! Mukhang masikip pa ah? Reserve mo sa akin iyun mamaya Drake ha?" narinig ko pang wika ni Peanut! Napiiling ako. Lahat na lang ng may butas gustong pasukin ng gago! Masyadong garapal pagdating sa babae. Hindi marunong mamili. Kahit mga bayaran pinapatos.
"Sure Peanut! Ikaw pa ba naman malakas ka sa akin eh. Bagay talaga sa iyo ang pangalan mo! Peanut! Mani! Mahilig sa mani!" sagot ni Drake. Napahalakhak naman si Arthur dahil doon. Banas na banas naman si Peanut dahil sa narinig.
"So, anong problema? Gusto mo na naman bang takasan ang responsibilidad sa kumpanya mo? Naku Rafael, ito na yata ang time na magseryoso ka na...Tingnan mo kaming tatlo..businessman na businesman na ang purmahan." wika ni Drake. May pagmamalaki pa sa boses nito. Nagkalat na ang bar nito sa buong Pilipinas. Sa sobrang hilig nito sa nightlife at party-party talagang ang bar ang tinarget nitong maging negosyon pagka-graduate namin.
Galing sa broken family kaya walang target ngayun kundi payamanin ang sarili para ipakita sa mga magulang na hindi sila kawalan sa buhay nya.
"Hindi iyun! I think....in love ako sa bagong ampon nila Mommy at Daddy!" sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata ng tatlo.
"Nag-ampon sila Tita ng dalaga na? Paktay ka ngayun! Mahirap iyan Pare! Eh ampon pala si Veronica, kung makabakod ka naman daig mo pa ang asawa!" sagot ni Arthur. Kanina pa talaga ako naiinis dito. Walang ibang lumabas sa bibig kundi pang-aasar.
"Eigheen years old Pare! teenager pa lang!" sagot ko.
"anong teenager! Dalaga na iyun. Pwede ng asawahin!" sabat naman ni Peanut. Napahilot ako sa sintido ko. Mukhang walang magandang patutunguhan ang usapang ito! Mga bata isip itong mga kaharap ko eh.
Chapter 190
RAFAEL POV
Mukhang wala talaga akong matinong makukuhang payo mga kaibigan ko kaya muli akong tumayo. Nakakainis! Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa kanila. Palibhasa hindi pa nila nararanasan ang nararamdaman ko ngayun kaya ginagawa nilang biro ang lahat.
"Relax! Ito naman oh, nag- uumpisa pa lang tayo lalayasanan mo na kaagad kami. "sabat ni Lance. Binuksan nito ang bote ng isang beer at sinalinan ang sariling baso.
Muli akong naupo. Isa na lang
talaga at magwo-walk out na
ako. Napabuntong hininga ako at
seryoso silang hinarap.
"Inlove na yata ako mga Pare" sagot ko. Nagkatinginan ang tatlo. Pagkatapos ay hinarap ako ni Peanut.
"Sure ka? Hindi bat hindi ka tinatablan ng love-love na iyan? Anyare!" tanong nito. Agad ko itong pinaningkitan ng mga mata. Mukhang mag-uumpisa na naman yata.
"Eh di kung in-love ka na sa kanya...alagaan mo siya. Mahalin mo! Ingatan mo at ipadama mo! Napaka-simple ng problema mo lalo na at kasama mo lang pala siya sa mansion." sagot ni Lance. Sa aming apat ito ang medyo seryoso sa buhay. Malakas akong napabuntong hininga sabay tingin sa malayo.
"Iyun na nga ang ginagawa ko ngayun....kaya lang ayaw nya magpa-alaga eh." sagot ko. Muling nagkatinginan ang tatlo.
"Ano ba kasing klaseng pag- aalaga ang ginagawa mo? Teka, hindi ba siya masaya sa mga ginagawa mo? Halos ubusin mo na nga ang mga new arrivals kong mga items sa store tapos ayaw nya pa?" curious na tanong naman ni Arthur. Napakamot ako ng ulo.
"Iba kasi siya sa lahat. Hindi siya masaya sa mga ginagawa kong effort para sa kanya! Parang hindi siya apektado sa ka- pogihan ko!" sagot ko. Napanganga silang tatlo. Peanut ang unang nakabawi.
"Lakas ng hangin ah? Kumapit kayo mga Pare. Baka matangay kayo!" sabat ni Peanut. Sa sobrang inis ko binatukan ko ito. Seryoso na ang usapan hinahaluan na naman ng kabulastugan. Nakakainis talaga!
"Teka! Ano ba kasing pag-aalaga ang ginagawa mo? Paano mo ipinapadama sa kanya na mahalaga siya sa iyo?" tanong na naman ni Lance. Saglit akong nag-isip at hindi ko maiwasan na mapangiti ng maalala ko ang halik na pinagsaluhan namin. Nakakakilig at hindi ko akalain na mababaliw ako sa labi niya.
"Inaalagaan ko siya. Hinahawakan ko palagi ang kamay nya para maramdaman nya na walang ibang pwedeng magmay-ari sa kanya kundi ako lang. Pagkatapos kapag may chance, hinahalikan ko siya sa labi!" sagot ko. Muling napanganga ang tatlo. Tulala silang tumitig sa akin. Hinampas ko ang mesa gamit ang mga kamay ko para kunin ang attention nila.
Ano ba ang nakakagulat sa kwento ko at mukhang mga tanga ang reaction ng tatlong itlog na ito? May mali ba sa paraan ng pag-aalaga ko kay Veronica?
"Ang bilis mo ah? Kailan lang siya dumating ng mansion naka- first base ka na kaagad? Bakit sinagot ka na ba nya? Niligawan mo na ba siya? Girl friend mo na ba?" tanong ni Arthur. Sa dami ng tanong nito hindi ko alam kung alin doon ang una kong sasagutin.
"Bakit kailangan pa bang ligawan ang isang babae para maangkin. Ulol! Hindi ko gawain iyun noh?" sagot ko sabay lagok ng alak.
"Buti pumapayag siya sa ganoong set up. Halik kaagad? Bago iyun ah?" sagot ni Lance.
"Ayaw nga nya eh. Nagalit si kanina sa akin. Umiyak siya! Ayaw nya daw na hinahalikan ko siya!" sagot ko. Nagulat na lang ako ng biglang nagkatawanan ang tatlo. Mas nangingibabaw ang tawa ni Peanut kaya ko itong binato ng ash tray. Buti na lang at agad na nakailag.
"Baka naman bad breath ka Pare! sa dami ng babaeng dumaan sa buhay mo, baka naman lahat iyun nag-iwan ng amoy sa nguso mo kaya ayaw ni Veronica!" May halong biro na wika ni Arthur. Masama ko itong tinitigan.
"Parang hindi nyo naman alam ang rules ko! Never akong nakipaghalikan sa mga babae ko. Hinahayaan ko silang i -blow job ako pero hindi ako humahalik labi nila kahit na nagmamakaawa sila sa akin! Kadiri kaya! Tanging kay Veronica ko lang iyun ginawa at ang nakakainis, ayaw nya! Dibat nakaka-insulto iyun?" sagot ko.
"Basta isa lang ang sure ko! Hindi ka nya type at nandidiri sya sa iyo!" tatawa-tawang sagot ni Arthur. Halatang nag- uumpisa na naman akong inisin nito. Matalim ko itong tinitigan.
"Ang bilis mo naman kasi Rafael. Hinay-hinay lang kasi. Baka naman nabigla lang si Veronica sa bilis ng mga kilos mo. Bata pa siya at na-shocks siguro siya sa mga mabilisan mong 'the moves' ". sabat ni Lance. Saglit akong nag-isip. Pagkatapos napailing ako.
"Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siya gusto ko siyang hawakan at yakapin. Kung alam nyo lang kung gaano ako nagpipigil para ikulong sya sa kwarto ko! Kung hindi lang dahil sa kay Mommy at sa mga kapatid kong babae hay naku itinanan ko na iyang si Veronica." sagot ko. Nagkatinginan ang tatlo at seryoso akong hinarap ni Lance
"Pare, hindi madadaan sa
santong paspasan ang lahat.! Hinay-hinay lang kasi. Masyado pang bata ang babaeng napupusuan mo! Baka naman feeling nya mina-maniac mo siya kaya gusto nyang umiwas sa iyo! Hinay-hinay lang. Hayaan mo muna na makilala ka nya ng lubusan ganoon ka din sa kanya.
Ang isang relasyon, hindi nagtatapos sa init ng katawan. Hindi lang sa ibabaw ng kama ang sukatan kung gaano kahalaga sa iyo ang isang tao." sagot ni Lance.
"Alam ko naman iyun. Kaya lang ano ang magagawa ko! Gusto ko siya! Gustong gusto ko siyang palaging nakikita! Nababaliw na yata ako sa kanya Pare!
"Hay mahirap nga iyan. Ikaw lang ang makakasagot sa sarili mong problema. Ikaw lang din ang makakagawa ng paraan kung paano masulusyonan iyan. sagot ni Lance. Pagkatapos ay itinaas nito ang hawak na baso ng alak para makipag-cheers. Tahimik ko naman itinaas ang baso ko tsaka inisang lagok ang laman niyon.
Tumambay pa ako sa bar ng mga ilang oras. Pagkatapos ay tinawagan ko ang driver namin sa mansion para magpasundo. Alam kong may tama na alak at ayaw kong magmamaneho kapag tipsy na ako. Ayaw kong madisgrasya at makadisgrasya.
Pasado alas diyes ng gabi ng dumating si Manong Gerry.
Nagtaxi ito at siya na ang magdadrive ng kotse ko pauwi ng mansion. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nasa kami.
bakit ba hindi ka maalis sa isip ko!" hindi ko maiwasang sambit. Agad naman napatingin sa akin si Manong Gerry ng pagtataka ang titig nito sa akin.
"Mang Gerry, ano ang ginagawa ni Veronica sa mansion kanina?" wala sa sarili kong tanong. Saglit itong nag-isip bago sumagot.
"Dumating po kanina si Mam Arabella, kasama ang maging tutor ni Ms. Veronica." Sagot nito. Napatango ako. Mukhang magiging abala na ang Veronica ko sa mga susunod na araw. Mabuti nga iyun para hindi na sya yayain ni Elijah sa kung saan -saan.
Pagdating ng mansion ay pasuray -suray akong naglakad paakyat
ng hagdan. Akmang aalalayan ako ni Manong Gerry pero pinigilan ko ito.
"Gabi na! Magpahinga ka na Manong. Kaya ko na ang sarili ko. Ipagdadrive mo pa ako bukas ng umaga sa opisina." wika ko dito. Hindi na ako nito sinundan hanggang sa makaakyat na ako ng hagdan. Akmang papasok na ako ng kwarto ko ng maisipan ko si Veronica. Napangisi ako sa aking naisip.
"Bakit nya ba ako pagbabawalan! Eh sa akin din naman ang bagsak nya pagdating ng araw. Hindi ko naman siya hahalikan kung ayaw nya! Miss na miss ko na sya!
Tatabihan ko lang sya sa pagtulog. Baka sakaling maganda ang gising ko bukas." bulong ko at agad na naglakad patungo sa kwarto ni Veronica! Pagdating sa tapat ng pintuan aagad kong pinihit ang seradura. Mukhang sini-swerte ako ngayung gabi! Hindi naka-lock ang pintuan.
Dahan-dahan ko iyun binuksan at agad na sa mga mata ko ang malamlam na na nagmumula sa lamp shade. Agad na dumako ang tingin ko sa kama at napangiti ako ng makita kong mahimbing na natutulog si Veronica sa ibabaw ng kama. Wala itong kamalay-malay na pinasok ko na ito dito sa kanyang kwarto. Inilock ko pa ang pintuan bago ko isa-isang hinubad ang suot kong damit. Tanging boxer short lang ang itinira kong saplot sa katawan. Hindi ako sanay na matulog na may suot na damit.
Inamoy ko pa ang sarili ko kung mabaho ba ako. Baka ma-turn off sa akin si Veronica. Dapat magshower muna ako bago matulog kaya lang tinatamad ako. Alas onse na ng gabi at gusto ko ng matulog. Agad akong nahiga sa tabi nito at hindi ko mapigilan na tunghayan ang payapang natutulog na mukha nito. Kainis! Ang ganda nya talaga!
"Hindi kita pwedeng halikan diba? Pero hindi mo naman sinabi sa akin na bawal kitang yakapin at tabihan sa pagtulog." bulong ko pa sabay hila ng comforter. Itinakip ko ito sa aming katawan sabay yakap ko dito..
Inamoy-amoy ko pa ang buhok nito hanggang sa dalawin ako ng antok. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at hindi ko na namalayan pang nakatulog ako.
Kinaumagahan ....
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Nagulat pa ako ng may biglang gumalaw sa tabi ko kaya agad kong hinigpitan ang pagkakayapos dito. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog.
"Teka lang! Sir Rafael, bakit nandito ka sa kwarto ko?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko ito pinansin bagkos lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos sa baywang nito gamit ang braso ko.Naramdaman ko pa ang pagpupumiglas nito kaya muli akong nagsalita.
"Maaga pa! Matulog pa tayo!" wika ko na may kalakip na lambing sa boses. Naramdaman ko naman na tumigil ito sa pagpupumiglas. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso ko habang sinasamyo ang bango ng buhok nito.
'shit! Ano ba ang gamit nyang pabango? Bakit ang bango nya?' hindi ko maiwasang bulong.
"Bakit po ba nandito kayo sa kwarto ko? Tsaka bakit amoy alak ka? Tapos nandito ka pa' " narinig kong wika ni Veronica Hindi ko maiwasan na mapangiti.
'Uminom ako kagabi kasama ng mga kaibigan ko! Gabi na ako nakauwi kaya naisipan kong dito na dumiretso sa kwarto mo." sagot ko. Hindi na ito sumagot pa kaya unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.
Sumalubong sa paningin ko ang nakatitig na mga mata ni Veronica sa mukha ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Alam kong gwapo ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka mamaya magalit ang alaga kong anaconda at bigla ka na lang tuklawin." anas ko dito habang titig na titig sa maamo nyang mukha. Agad na nanlaki ang mga mata nito at mabilis na bumangon. Bumaba ng kama at agad na naglakad palayo sa akin.
Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Napaka-inosente talaga nito. Mukhang sulit ang desisyon ko kagabi na tumabi sa kanya.
Chapter 191
VERONICA POV
Nagising ako ng may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata para lang sumalubong sa paningin ko ang natutulog na mukha ni Sir Rafael. Agad na nanlaki ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Gusto kong masiguro na nasa sarili akong kwarto. Kung ganoon ano ang ginagawa dito ni Sir Rafael? Bakit katabi ko nya ngayun?
Akmang babangon na ako ng lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa akin. Mukha namang mahimbing ang tulog nya at hindi ko maintindihan kung bakit sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya sa akin hindi ako makawala.
Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ang gwapo nitong mukha. Agad na kumabog ang dibdib ko nag malapitan kong matitigan
ang matangos nitong ilong at
normal na mapupulang labi.
Muling sumagi sa isipan ko ang mga halik na pinagsaluhan namin.
"Saglit lang...maaga pa, matulog pa tayo." Narinig kong wika dito. Lalo naman akong nagtaka dahil napansin kong wala itong damit
pangtaas. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang ng may kung anong matigas na bagay na sumasagi sa hita ko.
"Huwag kang malikot. Baka magising ang anaconda ko!" sa sinabi nyang iyun ay bigla nagkaroon ng lakas para makabangon at makaalis ng kama. Hanggang dito pa ba naman sa kwarto ko dala-dala nya pa rin ang anaconda na iyan? Paano kung makatuklaw iyan? Paano kung mapuruhan ako? Eh di patay ako!
"Sir naman, bakit pati dito sa kwarto ko dala-dala mo pa rin iyan. Ilabas nyo na po iyan, takot po ako sa ahas." wika ko dito. Napansin ko pa ang pagngisi nito bago dahan-dahan na bumangon. Tama nga napansin ko kanina, wala itong damit pangtaas at lalong namilog ang mga mata ko ng mapansin k brief lang ang suot nito.
"Mahabaging anghel sa kalangitan, tumabi po kayo sa akin na yan lang ang saplot nyo sa katawan?" hindi ko mapigilang wika. Napahalakhak ito. Pagkatapos ay baliwalang naglakad sa harap ko kaya agad akong napatakbo papuntang banyo. Dali-dali akong pumasok at agad na ni-lock ang pintuan.
"Ang bastos ni Sir! Hindi nya ba alam na virgin pa ang mga mata ko?" Hindi ko maiwasang bulong sa sarili ko. Tinapik-tapik ko pa ang mukha ko para mawala sa isip ko ang bumubukol sa pagitan ng hita ni Sir. Grabe siya, hindi man lang sya nahihiyang ibalandra ang katawan nya sa akin? Tsaka paano kaya siya nakapasok dito sa kwarto ko?
"Veronica!" napapitlag pa ako ng bigla itong kumatok sa pintuan ng banyo. Hindi ko ito sinagot. Bahala sya diyan! Hindi ako lalabas dito sa banyo hindi siya umaalis dito sa loob ng kwarto ko at isama ang anaconda niya.
"Lalabas na ako! Bilisan mo! Magkita na lang tayo sa dining room." wika nito. Hindi ko ito sinagot. Bagkos binuksan ko ang tubig sa shower para hindi ko na marinig ang iba pang sasabihin nya.
Halos limang minuto din akong naglagi sa loob ng banyo na walang ibang ginawa kundi tumunganga lang. Pagkatapos dahan-dahan akong sumilip masiguro kung umalis na ba si Sir Rafael. At ng masiguro na wala na ito ay agad akong lumabas ng kwarto sabay titig sa kama ko. Parang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo kaya wala akong nagawa kundi ang tupiin ang lahat ng kumot na ginamit at ayusin sa pagkakasalansan ang mga unan.
Pakiramdam ko naaamoy ko pa rin si Sir Rafael dito sa kwarto ko. Ano kaya ang nakain nya at dito siya dumiretso kagabi sa kwarto ko? Sa sobrang sarap ng tulog ko hindi ko man lang namalayan ang pagpasok nito.
Hindi namin siya kasabay kumain ng dinner kagabi. nainis nga si Madam Carissa at binanggit pa nito na nag- uumpisa na naman daw sa bisyo nya si Sir Rafael. Gusto ko man itanong kung anong bisyo iyun, nahihiya naman akong magtanong kay Madam. Baka sabihin nila tsismosa ako.
Pagkatapos ayusin ang higaan ay muli akong bumalik ng banyo para maligo. Kailangan kong magmadali. Alas-otso ng umaga ang schedule ko sa tutor ko. Ngayun ang first day ng pagtuturo at nakakahiya kung ma -late ako.
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko halos takbuhin ko ang hagdan pababa. Mabuti na lang at sapat ang naging tulog ko kagabi at alive na alive ako ngayun. Pilit ko na din kinalimutan ang nangyaring insedente kaninang umaga. Baka nga sa sobrang kalasingan niya nagkamali siya ng pasok ng kwarto. Alam kong lasing ito kagabi dahil nangangamoy alak pa ito kanina.
Naabutan ko na sila Madam sa loob ng dining room. Mukhang kararating lang nila dahil wala pang pagkain sa pinggan nilang dalawa ni Sir Gabriel.
"Good Morning po Madam, nahihiya kong bati sa kanila. Hanggang ngayun hindi pa rin ako sanay na makasama sila sa iisang hapag kainan.
"Good Morning Veronica.
Ngayun ang first day mo. Excited
ka na ba?" agad na wika ni Madam sa akin. Nakangiti ko naman itong sinagot.
"Kinakabahan po ako Madam.". Napaalis ang ngiti sa labi nito sabay titig sa akin.
"Hindi mo kailangan kabahan Veronica. Tandaan mo, nandito si Teacher Josh para turuan ka sa lahat ng mga aralin na dapat mong matutunan. Kapag may hindi ka nagustuhan sa mga turo nya pwede kang magsumbong sa akin at maghahanap agad tayo ng kapalit nya." kaswal na sagot ni Madam. Hindi ako nakaimik. Talaga pa ang may ganoon? Kapag hindi ko gusto ang teacher pwede nila palitan anytime?
"And besides, hindi bat sinabi ko na sa iyo na huwag mo na kaming tawaging 'Madam at Sir '? Pwede mo kaming tawagin na Tita or Tito or whatever you like! Basta huwag ang Madam at Sir. Sa nabanggit na namin sa iyo noon, hindi ka na iba sa pamilya. Kaya ka nga namin kasama sa hapag kainan na ito." muling wika ni Madam Carissa. So ang expression ng mukha nito habang binabanggit ang katagang iyun. Napayuko ako.
"Nagkakaintindihan ba tayo Veronica? Starting today, ayaw ko ng marinig ang Madam at Sir na tawag mo sa amin?" muling wika nito. Dahan-dahan naman akong tumango.
"Opo Tita!" sagot ko. Parang gusto kong lumubog sa aking kinauupuan sa sobrang hiya. Agad namang napangiti si Madam at mukhang nagustuhan nito ang pagsang-ayon ko. May choice ba ako? Wala diba? Iyun ang gusto nila kaya susundin ko.
"That's better! By the way Sweetheart, umuwi ba kagabi si Rafael?' sabat naman ni Sir Gabriel....ah Tito Gabriel na pala ngayun.
"I dont know Gab...I think kailangan na naman nating kausapin ang anak mong iyan. Ilang araw lang nanahimik dito sa mansion balik na naman sa dating ugali." sagot ni Tita Carissa. Malakas na napabuntong hininga si Tito gabriel sabay sandok ng sinangag at nag-umpisa ng maglagay ng kaunting portion ng sinangag sa pinggan nilang dalawa ni Madam Carissa. Nag-umpisa na din akong maglagay ng pagkain sa pinggan ko ng mapansin na ang pagpasok ni Sir Rafael. Hindi pa ito nakadamit pang-opisina at mukhang kakatapos lang maligo.
Agad itong humalik sa pisngi ng mga magulang. Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha nila Tita Carissa at Tito Gabriel ng mapansin ang anak.
"Anong oras ka nakauwi kagabi? Sinilip kita kaninang alas tres ng madaling araw sa kwarto mo wala ka?" agad na tanong ni Tita.
Hindi ko naman naituloy ang pagsubo ko ng sinangag. Sa hindi malaman na dahilan bigla ako kinabahan. Paano kung malaman nila na sa kwarto ko nagpalipas ng gabi ang anak nila? Baka kung ano ang masamang iisipin nila sa akin?
"Alas onse na po ako nakauwi Mom! Napasarap ang kwentuhan naming magkakabarkada sa bar ni Lance." kaswal na sagot ni Sir Rafael sa Ina Natigilan naman si Tita at matamang tinitigan ang anak.
"Tumambay sa bar or may kasamang babae? Ikaw bata ka ha, mag ingat ka! Tumataas ang kaso ng HIV sa bansa." biglang sagot ni Tita. Napansin ko ang pagbabago ng hitsura ni Sir Rafael sabay sulyap sa gawi ko. Hindi ko iyun pinansin at itinoon ang attention ko sa pagkain. Kunyari wala akong narinig. Bahala siyang sabunin ng mga nyan. Buti nga sa kanya!
"Mom naman! Ang aga-aga eh. Isa pa malabong mahawa ako sa
sakit na iyan. Nag-iingat po ako! " sagot ni Sir Rafael sa ina. Tinaasan lang ng kilay ni Tita ang anak tsaka binalingan ang asawa.
"Kausapin mo iyang anak mo! Ayaw kong ma-stress sa mga pinanggagawa nyan!" wika ni Madam. Agad naman hinimas ni Sir Gabriel ang likod ng asawa bago hinarap ang anak.
"Kumusta sa kumpanya kahapon? Marami ka bang natutunan?" tanong ni Tito. Sumandok muna ng pagkain si Sir Rafael bago sinagot ang ama.
"Sisiw lang ang trabaho Dad. Alam ko na ang ibang itinuturo sa akin ni Kuya. Kahit naman lagi ako sa galaan noon pumapasok pa din naman ako ng opisina at may ilan ng natutunan. Huwag po kayong mag-alala. Sisiw lang sa akin ang lahat.." sagot nito sabay subo ng pagkain. Agad naman napangiti si Tito Gabriel sa isinagot ng anak.
"Pagbutihan mo para naman matuwa si Mommy mo. Isa pa iwasan mo munang tumambay sa bar na iyan hanggat hindi mo pa gamay ang pamamalakad ng kumpanya. Mag -focus ka dahil hindi basta- bastang responsibilidad ang nakaatang sa balikat mo." wika ni Sir gabriel sa anak. Agad naman ngumiti si Sir Rafael sa ama.
"Of course Dad. Hindi po bat nagpromise na ako sa inyo ni Mommy na aayusin ko na ang buhay ko? Ito na iyun! Promise, magiging magaling akong CEO at ipagmamalaki ako ng buong pamilya." sagot nito. Masayang tumango si Tito Gabriel at hinarap ang asawa.
"Mabuti naman kung ganoon! Gusto ko lang naman na maging responsable kang tao Rafael.
Hindi ka na bumabata at balang araw mag-aasawa ka na at magkakaroon ng mga anak." sagot ni Tita Carissa. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti. Bigla ko tuloy na-imagine kung ano kaya ang hitsura ni Sir Rafael na may karga-kargang bata? Siguro lalo itong magsusungit?
Patapos na akong kumain ng biglang lumapit si Ate Maricar at may ibinalita.
"Madam dumating na po si Teacher Josh!" imporma agad naman dumako ang tingin sa akin ni Tita Carissa.
"Hindi bat 8am pa ang schedule mo?" tanong nito.
"Opo. Ehh 7am pa lang po." sagot ko habang umiinom ng orange juice.
"Sinong Josh?' sabat naman ni Sir Rafael. Salubong ang kilay nito at mukhang hindi nagustuhan ang pangalang binanggit.
"Tutor ni Veronica. Ipinakilala na sya kahapon ni Arabella." sagot ni Tita Carissa. Pagkatapos ay binalingan ako nito.
"Tapos ka na bang kumain na Iha, puntahan mo na ang teacher mo." wika nito. Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng bigla akong hawakan ni Sir Rafael sa braso. Tinitigan ako nito bago ibinaling ang attention sa mga magulang.
"Gusto ko munang makilatis ang teacher na iyan. Baka mamaya kung anu-ano ang ituturo niya kay Veronica?" wika nito. Gulat naman na napatitig dito ang kanyang mga magulang. Hindi marahil nila inaasahan ang magiging reaction ng anak nila tungkol sa tutor ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na ng napansin ko ang palipat-lipat na tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael nila Tita at Tito.
"Wala ka bang pasok ngayun sa opisina Iho? Baka naman hinihintay ka na ng Kuya mo? Ikaw din baka iinit na naman ang ulo noon." wika ni Tita. Umiling si Sir Rafael at hinila na ako patayo. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na dito ng nag-umpisa na itong naglakad palabas ng dining room habang hawak-hawak ako sa kamay.
Mamayang 10am pa ang schedule namin ni Kuya para sa meeting kay Mrs. Shen. Aalis din po ako kaagad bago mag 9am." sagot nito bago kami lumabas ng dining room.
"Hay mana talaga sa akin ang bunso ko! Kung makabakod akala mo aagawan eh." narinig ko pang sambit ni Tito Gabriel ng tuluyan na kaming nakalabas ng dining room.
Chapter 192
RAFAEL POV
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Daddy. Alam kong sa mga kilos ko nitong mga nakaraang araw may idea na sila sa tunay na nararamdaman ko kay Veronica. Hindi na mahalaga sa akin iyun. Ang importante sa akin makilatis ko kung sinu-sino ang mga taong makakasalamuha nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may tutor ka na pala?" tanong ko dito. Hawak ko pa rin ito sa kamay habang naglalakad kami papuntang garden. Doon daw naghihintay ang kanyang tutor.
"Hindi po kasi kayo umuwi kaya paano ko sasabihin sa inyo? Isa pa galit po kayo sa akin kahapon at..." hindi ko na naituloy ang sasabihin nito ng muli akong nagsalita.
"Ano ang silbi ng cellphone mo? Dapat tinawagan mo ako. Kapag may bagong mukha kang nakakasalumuha lalo na kapag lalaki dapat sabihin mo sa akin." sagot ko. Napansin ko pa ang pagkamot nito sa kanyang kilay. Huminto sa paglalakad at hinarap ako.
'Kilangan pa po ba iyun? Isa pa si Mam Arabella ang nagrekomenda sa kanya. Pumayag din naman si Tita." sagot nito.
"Kahit na! Dapat ipinapaalam mo ang mga kaganapan na nangyayari sa iyo. Tsaka lalaki pala ang tutor mo." sagot ko at binitiwan na ang kanyang kamay. Diretso na akong naglakad palabas ng mansion habang nakasunod ito sa akin. Pagdating ng garden ay agad kong natanaw ang isang lalaki na nakaupo habang sinusuyod ng tingin ang paligid.
Hindi ko akalain na kukuha sila ng ganito kabatang tutor para kay Veronica.. Mukhang mas lamang dito ang aakyat ng ligaw kaysa turuan si Veronica ng mga aralin sa iskwelahan. Mabuti na lang at hindi ako umalis ng maaga para pumasok ng opisina. Kung nagkataon hindi ko man lang mamalayan na may ibang lalaki na pala ang umaali-aligid kay Veronica na siyang iniiwasan kong mangyari.
Hindi ko maiwasan na agad makaramdam ng panibugho. Huli na ng namalayan ko na agad na lumapit si Veronica sa lalaki at binati ito.
"Good Morning Teacher Josh!" ngiting ngiti pa nitong wika. Agad na nagsalubong ang kilay ko lalo na ng ngumiti ang teacher pabalik kay Veronica. Titig na titig ito sa mukha ni Veronica kaya naman agad akong lumapit.
"Who are you?" agad kong tanong. Agad naman napukaw ang attention nito at tumingin sa akin.
"Hello Mr. Rafael Villarama! Nice to meet you po! Teacher Josh po! Ako po ang magiging teacher ni Veronica." sagot nito sabay lahad ng kamay. Tinitigan ko lang ang kamay na inilihad nito bago sinulyapan si Veronica na noon ay ngiting ngiti pa rin habang palipat lipat ang tingin nito sa akin at sa kanyang bagong teacher.
"Get lost! Hindi ka qualified para maging teacher ni Veronica!" seryoso kong sagot. Agad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata ni Teacher Josh habang nakatingin sa akin. Pasimple na din nitong binawi ang nakalahad na kamay ng marealized nito na wala ako sa mood na makipagkamay sa kanya.
"Pero Sir, may kontrata na po akong pinirmahan kay Misis Arabella. At alam na din po ito ni Misis Carissa Villarama. Katunayan nga po nagkasundo na kami kahapon na ngayun ako mag-start na turuan si Veronica." sagot nito.
"I dont care about that contract."
malamig kong sagot. Wala din akong pakialam kung ano ang iisipin nito. Basta ang gusto ko ayaw kong siya ang magtuturo kay Veronica. Mas gugustuhin ko pang huwag ng mag- aral si Veronica kung lalaki din lang ang magtuturo sa kanya. Hindi pwedeng may ibang lalaking aali- aligid dito. Sa klase ng mga sulyap na ibinibigay ng teacher na ito kay Veronica alam kung nagagandahan ito sa kanya.
"Pero Sir, ngayun na dapat ako mag- start! Mabait naman po si Teacher Josh tsaka magaling naman siguro sya magturo." sagot ni Veronica. Matalim ko itong tinitigan. Sasagot-sagot pa eh at ipinagtatanggol nya pa ang lalaking ito.
"Maraming teacher dyan na mas
magaling sa kanya. Ako ang personal na magpapahanap ng tutor para sa iyo. Sige na, umalis ka na! Babayaran ko ang naabalang oras sa iyo!" muli kong wika at agad na hinila si Veronica pabalik sa loob ng mansion.
"I think kailangan nyo pong kausapin si Misis Arabella tungkol dito Sir. Siya kasi ang nagrecommend kay Veronica and nakapangako na po ako sa kanya na ako ang bahala sa kanya para maipasa ang paparating na ALS exam." pahabol na wika ng teacher. Nilingon ko ito at nginisihan.
"I dont care about Ate Arabella. Hindi nya nabanggit ang tungkol dito. Ayaw kong lalaki ang magiging teacher ni Veronica! Get lost!!" malamig kong sagot.
"Bakit po ba ang sungit nyo na naman! Ok na nga si Teacher Josh eh." sabat ni Veronica. Napansin ko ang lungkot sa mga mata nito Mukhang gustong- gusto na din talaga nitong matuto at bumalik sa pag-aaral. Inis na napabuntong hininga ako. Muli kong sinulyapan ang Teacher Josh na iyun. Muli itong bumalik sa pagkakaupo. Nakatingin sa gawi namin ni Veronica at mukhang nagbabakasakali pa na magbago ang isip ko.
Sa dinami-daming pwedeng kunin na tutor lalaki pa talaga. Ang daming babaeng teacher sa mundo!
"Hahanapan kita ng mas magaling. Huwag lang sa lalaking iyan." sagot ko.
"Bakit po? Eh nandyan na nga ang teacher oh? Tsaka magaling daw sya sabi ni Mam Arabella kahapon." may halong inis sa boses na sagot nito. Tinitigan ko ito sa mga mata.
"Lalaki siya at ayaw kong may ibang lalaki na aali-aligid sa iyo!' direktang sagot ko.
"Bakit nga? Eh noong nag-aaral ako, halos karamihan ng naging teacher ko mga lalaki! Wala naman problema!" sagot ulit nito. Hay ang kulit talaga! Hindi ba nito nararamdaman na nagseselos ako kapag may ibang lalaki na lumalapit dito. Lalo na ang tutor na iyan? Baka mamaya maniac pa ang gagong iyan at sa sobrang inosente ng isip nitong si Veronica baka hindi nya mamalayan iyun. At iyun ang ayaw kong mangyari. Ako lang ang pwedeng humawak at lumapit sa kanya. Kahit nga si Elijah gusto kong pagbawalan eh.
"Basta ayaw ko! Bakit ba ang dami mong tanong? Halikan kita dyan eh!" may pagbabantang sagot ko. Agad na namula ang mukha nito. Binawi ang kamay at umatras palayo sa akin. Pigil naman ako sa inis na nararamdaman ko sa kanya. Talagang ayaw nito na hinahalikan ko sya!
"Go back to your room. Aasikasuhin ko ang yang teacher mo dahil wala pa yatang balak na umalis." seryoso kong wika. Pinakunot ko pa ang aking noo para mapansin nito na nagagalit na ako. Tahimik naman itong sinunod ang gusto ko at laglag ang balikat na pumasok sa loob ng mansion. Muli kong nilapitan ang guro at seryosong hinarap.
"Ako ang magdedesisyon kung sino ang pwedeng maging tutor ni Veronica. Not Ate Arabella or kung sino!" seryoso kong wika sabay senyas guard na lumapit. Agad naman itong tumalima.
"Mister Villarama, hindi ko po maintindihan kung bakit ayaw nyo sa serbisyo ko. Sa naalala ko wala naman po akong naging atraso para i-reject nyo ako. Si Miss Arabella ang nag-hired sa akin at siya lang pwedeng magsi- sante sa akin." sagot nito. Naikuyom ko ang aking kamao. Kaunti na lang talaga at sasapakin ko na ang makulit na teacher na ito eh.
"Bakit mo pa ba ipinipilit ang bagay na iyan! Hindi nakatira sa bahay na ito si Ate Arabella at nasa poder ko si Veronica. Ako ang mas nakakakaalam kung ano ang mas makakabuti sa kanya! I hope na ito na ang huli mong pag-apak mo sa lugar na ito!" sagot ko at sinensyasan ang guard na sila na ang bahalang magpalabas ng bisita.
"Tao po akong pumasok sa lugar na ito with approval sa halos lahat ng miyembro ng pamilya niyo Sir. Sana po huwag nyo akong bastusin ng ganito!" sagot nito. Napangisi ako.
Makulit talaga! Gusto talaga nitong makipaglapit sa Veronica ko!
"I will talk to them! And..may mga dahilan ako kung bakit ayaw kong ikaw ang maging tutor nya! Kung may iba ka pang concerns, kay Ate Arabella ka makipag-usap!" sagot ko.
"Iho anong problema?" napalingon ako ng marinig ang boses ni Mommy. Nasa likod nito si Veronica at mukhang nagsumbong ito kay Mommy kaya pati ang Ina ko napalabas ng wala sa oras dito sa garden.
"Mom, sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na lalaki ang kunin nyong tutor nya! Hindi papasa sa akin ang mga ganyang desisyon!" walang paligoy-ligoy kong sagot.
"Pero iho, nakausap na namin siya kahapon. Magaling siyang teacher at marami na syang na-handle na case katulad kay Veronica! Bakit hindi natin siya bigyan ng chance para maipakita ang kakayahan nya!" sagot ni Mommy. Agad akong umiling. Tinapunan ko si Veronica na noon ay nakatayo sa likod ni Mommy.
"No! Hindi ako papayag! Sorry Mom, pero buo na ang desisyon ko! Kapag ipilit nyo na siya pa rin ang maging teacher ni Veronica------" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng sumabat si Daddy.
"Fine! Hindi pasado kay Rafael ang tungkol dito...well wala tayong magagawa kundi ang maghanap ng iba. "sabat nito. Agad naman akong napangisi.
"But Gab, sayang ang araw. And besides nag-effort si Arabella tungkol dito." sagot ni Mommy.
"Well, kung ipilit nyo po talaga ang tungkol dito, wala na akong magagawa pa! Basta nasabi ko na ang gusto ko! ayaw kong sya ang magtuturo kay Veronica!" yamot kong sagot at agad na naglakad papasok ng mansion.
Tinawag pa ako ni Mommy pero hindi ko na pinansin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatampo yata ako sa sarili kong Ina. Ito rin siguro ang kauna-unahang pagkakataon na susuwayin ko ito.
"Mabilis akong umakyat ng kwarto at pabagsak na nahiga sa kama! May meeting ako mamayang 10am at tinatamad na naman ako! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Simula ng dumating sa mansion si Veronica, alam kung marami ng nagbago sa akin.
Pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi masunod ang mga gusto kong mangyari. Lalo na pagdating sa kanya.
Simple lang naman ang gusto ko. Ayaw kong may ibang lalaki na lalapit-lapit dito. Sa ngayun, iyun lang at wala ng iba. Pero mukhang sa pagkakataon na ito hindi iyun maibibigay ng pamilya ko. Alam kong nagmamdali sila na mahanapan agad si Veronica ng tutor pero mas gusto ko sana kung babae na lang. Huwag iyung ka-opposite sex nito.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag at ng mapansin ko na si Kuya Christian ay kinansel ko ang tawag. Ayaw kong makipag-usap kahit kanino. Pakiramdam ko broken hearted ako ngayun at may gusto ng umagaw sa babaeng gusto ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong magmukmok ngayun ng kwarto. Isa pa gusto ko din bantayan ang teacher na iyun at si Veronica. Mukhang natuloy din yata ang' pagtuturuan' nila! Nasayang lang ang effort ko na kausapin ito at palayasin dito sa mansion.
"Rafael....buksan mo ang pinto!" nahinto ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang mahinang katok na iyun sa pintuan ng kwarto ko. Si Mommy iyun at kahit na wala akong balak na makipag-usap kahit kanino wala akong magawa kundi papasukin ito. Malaki ang respito ko sa kanya at mahal na mahal ko sya.
"Bukas iyan Mom!" sagot ko. Agad naman bumakas ang pintuan at sabay silang pumasok ni Daddy.
"Rafael, anak may sakit ka ba? Tumawag si Kuya Christian mo. Hindi mo daw sinasagot ang tawag at messages nya?" tanong ni Mommy sabay upo sa gilid ng kama. Napailing naman si Daddy habang nakatingin sa akin.
"Rafael, alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Ikaw talagang bata ka, pwede naman idaan sa maayos na pag- uusap ang lahat. Hindi ka talaga pumapayag na hindi masunod ang lahat ng gusto mo." sagot ni Daddy. Bumangon ako at naupo sa kama.
"Umalis na si Teacher Josh. Malungkot si Veronica dahil ini-expect nya na mag -uumpisa na ang klase nya today pero
napaliwanagan din naman kaagad
namin siya. Hay naku, ikaw talagang bata ka, ayaw mo pang aminin na nagseselos ka sa teacher na iyun eh." sagot naman ni Mommy. Agad naman akong napangiti ng marinig ko na nakaalis na pala ang Teacher Josh na iyun. Nasunod din ang gusto ko.
"Pero Iho, hindi pwedeng ganito palagi. Hindi mo pwedeng bakuran ng bakuran si Veronica. May sarili siyang pag-iisip at gusto sa buhay.
Naiintindihan namin ang nararamdaman mo sa kanya at sana matuto ka din umintindi sa nararamdaman ni Veronica! HIndi pwedeng lahat ng gusto mo ang masusunod!" wika ni Mommy. Napailing ako.
"Ayaw kong may ibang lalaki na lalapit sa kanya Mom! I know na masyado pang maaga para sabihin ko na mahal ko na sya pero natatakot akong baka maagaw sya ng iba sa akin." seryoso kong sagot. Agad na napangiti si Daddy.
"Sinasabi ko na nga ba Sweetheart eh. Sapol ni kopido ang puso ng anak mo!" tatawa-tawang sagot ni Daddy. Mahinang hinampas naman ito ni Mommy sa balikat.
"Hindi lang ikaw ang nakakaramdam nyan Gab. Ako ang Ina at kahit na hindi direktang sabihin ng anak natin ang nararamdaman nya alam ko iyun. Nababasa ko sa mga kilos nya. Kaya nga gusto kong maipagpatuloy ni Veronica ang pag-aaral nya para naman hindi sya matahin ng ibang tao.
"Alam mong sa mundo na ginagalawan natin, maraming mga matang mapang -husga at ayaw kong maranasan iyun ni Veronica...."
"I understand Mom. Hindi ako tutol sa pagkuha ng tutor para sa kanya! Pero huwag naman sana lalaki. Ayaw kong magkaroon ng karibal sa kanya!" sagot ko. Natawa si Daddy at tinapik ako sa balikat.
"Mag-ayos ka na! Hinihintay ka na ng Kuya Christian. Pag-usapan natin ang tungkol dito sa mga susunod na araw... huwag mo ng isipin ang tungkol sa tutor na iyan....kami mismo ni Mommy mo ang maghahanap at sisiguraduhin namin na papasa sa standard mo at wala ng selosan na mangyayari." wika ni Daddy. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Chapter 193
VERONICA POV
Nanghihinayang man pero wala na akong magawa pa. Alam kong hindi matutuloy ang pag-aaral ko ngayung araw. Nakaalis na si Teacher Josh at kahit labag sa kalooban ko ang mga nangyari wala akong choice kundi matyagang maghintay na makahanap ulit ng bagong tutor.
Bakit ba kasi ayaw ni Sir Rafael kay Teacher Josh? Ako naman ang tuturuan ng tao. Pagkakataon ko na sana na matuto at makapagpatuloy sa pag aaral. Sa mga sinabi nito at sa expression ng mukha, kitang kita ko na ayaw nya talaga kay Teacher Josh. Wala naman akong nakitang kakaibang problema kay Teacher Josh. kung tutuusin mukha naman siyang mabait.
Napaupo ako sa kama. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Pinagbawalan na nila akong magtrabaho dito sa mansion at alangan naman na matulog ako maghapon. Hindi sanay ang katawang lupa ko na walang ginagawa.
Nasa malalim akong pagmumuni- muni ng marinig ko na may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad akong tumayo at pinagbuksan. Nagulat pa ako ng makita ko si Sir Rafael. Nakadamit pang-opisina at seryoso ang kanyang mukha. Himala din dahil nagawa nitong kumatok ngayun. Bigla-bigla na lang kasi itong pumapasok ng kwarto ko katulad ng ginagawa nya kagabi.
"Magbihis ka! Sumama ka sa akin." agad na wika nito. Nagtataka naman akong tumitig dito. Saan naman kaya kami puputa.
"Aalis sila Mommy at Daddy. Mag-isa ka lang dito sa mansion kaya sumama ka na lang sa office. Marami kang matutunan doon." muling wika nito. Nagtaka naman ako sa sinabi nitong mag-isa lang ako dito sa mansion. Ano kaya ang tingin nya sa mga kasambahay? Hindi tao?
"Ibig nyo pong sabihin may nahanap na kayong bagong tutor ko?" wala sa sarili kong tanong. Nabanggit kasi nito na marami akong matutunan sa opisina.
"Bakit magtatanong ka pa? Wala na akong time. Magbihis ka na! Hihintayin kita sa kotse!" masungit nitong sagot tsaka tumalikod na. Naiinis naman akong tumitig sa papalayong pigura nito. Nakakainis talaga!. Oo at hindi lang naman sana ang sagot sa tanong ko. Saksakan talaga ng sungit! Kawawa naman ang maging asawa nito kung nagkataon.
Agad kong sinara ang pintuan ng kwarto at agad na nagbihis ng damit panlakad. Maong pants at pink t-shirt na medyo hapit sa katawan ang napili kong isuot. Pinarisan ko ito ng white rubber shoes at LV sling bag na kasama
ng nabili ni Sir Rafael noong kumain kami sa restaurant ng kaibigan nito.
Agad kong tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Kontento ako sa suot ko. Nagmukha akong mamahalin kahit papaano. Malayong malayo sa mga damit na isinusuot ko noon.
Siguro ito ang isa sa mga dapat kong ipinagpasalamat na nangyari sa buhay ko. Sa tulong ng pamilya Villarama nakatikim ako ng kaginhawaan sa buhay na habang buhay kong tatanawin na malaking utang na loob sa kanila at alam kong kapag makapagtapos ako sa pag-aaral, matutulungan ko din ang pamilya ko na makaranas din ng kaginhawaan sa buhay
Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay agad akong lumabas ng kwarto at diretsong bumaba at mabilis na naglakad patungo sa kinapaparadahan ng kotse. Naabutan ko pa si Sir Rafael
na panay tingin sa kanyang suot na relo at ng mapansin ang pagdating ko ay ilang saglit akong tinitigan bago binuksan ang pintuan ng kotse.
"Bakit ang tagal mo?" yamot na tanong pa nito ng pareho na kaming nasa loob ng kotse.
'Pasensya na po hindi nyo naman sinabi agad na aalis pala tayo." sagot ko. Katabi ko ito sa hulihang bahagi ng sasakyan habang nag-umpisa namang pinausad ng driver ang kotse.
"May meeting akong pupuntahan mamaya. Gustuhin man kitang isama pero hindi pwede. Hintayin mo ako sa opisina dahil may pupuntahan tayo pagbalik ko." wika nito habang nakatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil doon.
"Busy po pala kayo. Bakit nyo pa ako isinama?" sagot ko. Kung tutuusin wala namang dahilan na isama ako nito. Ano ba ang gagawin ko sa opisina habang wala siya? Tutunganga?
"Tsk! Mabo-bored ka sa bahay. Aalis sila Mommy at Daddy mamaya at hindi ka din naman nila pwedeng isama dahil lalo ka lang mabo-bored sa pupuntahan nila" sagot nito. Hindi na ako umimik.
"Pasensya ka na sa nangyari kanina. Ayaw ko lang talaga sa Josh na iyun kaya pinaalis ko na kaagad. Dont worry, makakahanap din naman kaagad tayo ng kapalit nya. Hindi matatapos ang linggong makakapag- umpisa ka na din mag-aral. Huwag ka ng magtampo." muling wika nito habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Hindi ko pa rin ito sinagot bagkos ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko.
Pinagsalikop nya pa ito at may kung anong parang kuryente ang biglang dumaloy sa buo kong pagkatao. Ang init ng palad ni Sir Rafael at ang lambot. Talo nya pa ang palad ng isang babae kung lambot ang pag-uusapan.
Napansin kong titig na titig ito sa daliri ko habang napapangiti. Parang may kung anong nakikita ito sa daliri ko na nakakatuwa na sya lang ang nakakaalam. Bigla tuloy akong natigilan at wala sa sariling napatitig sa kanyang mukha. Kung kanina ay para itong tigre ngayun naman ibang iba ang awra nito. Mukhang masaya at walang ni kahit na anong problema. Nagulat pa ako ng bigla itong nag- angat ng tingin at huling huli nya ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Bigla tuloy akong napahiya at agad na binawi ang titig dito.
"Alam kong pogi ako kaya huwag mo na akong titigan ng ganyan." wika nito at itinapat pa talaga sa tainga ko ang kanyang bibig. Agad akong nakaramdam ng kakaibang kiliti lalo na ng tumama ang mainit nitong hininga sa pisngi ko.
"Yabang!" mahina kong sagot. Napahalakhak ito. Gulat naman akong muling napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Ngayun ko lang kasi ito nakitang tumawa ng ganito gayung wala namang nakakatawa. Nababaliw na si Sir Rafael?
"Alam mo nakakatuwa ka! Kaya gustong gusto kita eh dahil napapatawa mo ako!" tumatawa pa rin na sagot nito. Hindi ko siya pinansin sabay hila sa kamay ko na hawak nya. Pero muli akong nagtaka sa kanyang sumunod na ginawa. Kinabig nya ako at pilit na isinasandal ang ulo ko sa balikat nya. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko dahil amoy na amoy ko ang bango ni Sir Rafael. Para din akong na-istatwa sa ginawa nyang iyun. Para tuloy kaming magshota dahil sa posisyon namin ngayun.
Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi nito sa tutok ng ulo ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway. Bakit ibang iba sya ngayun? Pakiramdam ko napaka- special kong tao para sa isang Rafael Villarama.
Nakahilig ako sa balikat ni Sir Rafael hanggang sa nakarating kami ng opisina. Hindi na ako nagtangka pang gumalaw dahil komportable naman ako sa posisyon namin. Ang bango nya at parang inihehele ako. Ang tigas pa ng muscle nya.
Agad akong umalis sa pagkakasandal sa balikat nya ng tumigil na ang sasakyan sa mismong building ng Villarama Empire.. Agad na binuksan ni Sir Rafael ang pinto ng sasakyan at
inalalayan pa akong makababa. Pakiramdam ko para tuloy akong prinsesa kung itrato niya. Tahimik naman ang driver na si Mang Gerry na pa-sulyap sulyap sa amin. Napapangiti pa ito paminsan-minsan. Lagot na talaga ako, mukhang itsi-tsimis pa yata ako nito mamaya sa mansion.
"Lets go!" narinig kong wika ni Sir Rafael habang hawak nya ulit ako sa kamay. Nahihiya man pero hindi na ako pumalag pa. Hahayaan ko na lang sya at baka iinit na naman ang kanyang ulo. Wala pa naman akong kapera-pera para umuwi ng mansion mag-isa.
Pagpasok namin sa loob ng building ay agad na napukaw namin ang attention ng halos lahat ng empleyado. Lahat sila ay nagbigay galang kay Sir Rafael habang nagtatakang napatitig sa akin. Napapayuko na lang ako dahil agad akong nakaramdam ng hiya. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakaapak sa lugar na ito at pakiramdam ko pinagtsi-tsismisan ako ng lahat.
"Girl, matinik daw talaga ang future CEO natin. Hindi daw talaga nawawalan ng babae." isa lang yan sa mga narinig kong bulungan sa paligid. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya. Tumigil naman sa paglalakad si Sir Rafael at hinarap ang mga empleyadong nagbubulungan.
"Kaninong boses ang narinig ko kani- kanina lang?" malamig ang boses na tanong nito sa lahat. Kung kanina tawa ito ng tawa sa kotse ngayun naman mukhang mainit na naman ang ulo. Ang bilis talaga magbago ng mood nya. Nahinto ang bulungan at agad na napayuko ang lahat. Kita sa mga hitsura nila ang pagkagulat at takot ng biglang tumigil sa paglalakad si Sir Rafael at hinarap sila. Nagtagal pa ang titig nito sa limang kababaihan na halatang kinakabahan dahil sa pagkakatitig sa kanila ni Sir Rafael.
Kung hindi ako nagkakamali, sila ang may pinakamalakas na bulungan kanina. Sa kanila din nanggaling ang salitang matinik sa babae ang bagong CEO. Sinenyasan ang mga ito ni Sir Rafael na lumapit sa amin. Agad naman silang tumalima at dahan- dahan na naglakad pagpunta sa aming harapan.
Pagkalapit ng limang kababaihan ay sakto naman na may isang lalaking parating na sa pagkakaalala ko Jacob ang pangalan. Executive Secretary ni Sir Rafael.. Agad itong bumati sa amo.
"Sir, Good Morning! Kayo na lang po ang hinihintay sa conference room." agad na balita nito. Halata sa mukha nito ang tension kaya seryoso itong hinarap ni Sir Rafael.
"Ipaayos mo ang termination letter
para sa kanilang lima. Ayaw ko ng nakikitang pakalat-kalat sila dito sa Villarama Empire." seryosong wika nito kay Jacob. Hindi agad ito nakapagsalita at agad na tumitig sa limang kababaihan na noon ay naiiyak na.
"We are sorry Sir Rafael..hi-hindi na po mauulit!" wika ng isa. Takang taka naman ako sa mga kaganapan sa paligid. Ganoon lang? Tanggal agad? Anim na tao kaagad ang nawalan ng trabaho sa araw na ito?
"Noted Sir...pero kailangan na po ang presensya nyo sa conference room." sagot ni Jacob.
Tumango si Sir Rafael at hinila na ako papunta sa isang elevator. Akmang susunod si Jacob ng muling balingan ng tingin ni Sir Rafael.
"Asikasuhin mo na ngayun agad ang termination papers nila. At pakisabi sa lahat na ayaw ko ng mga tsismoso at tsismosa dito sa Villarama Empire. Isang pagkakamali at hindi ako mangingimi na sesantihin silang lahat. "wika niya dito. Agad na tumango si Jacob at nagmamadaling naglakad palayo sa amin. Bumukas naman agad ang elevator kaya pumasok na kami.
"Tanggal agad? Hindi po ba pwedeng pagsabihan muna?" hindi ko mapigilang tanong habang paakyat ang elevator kung saan lulan kami. Malakas itong napabuntong hininga habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa mukha ko.
"Gusto kong malaman ng lahat kung ano ang gusto at ayaw ko. Hindi ko gusto ang lumabas sa bibig nila. Isa pa nandito sila sa kumpanya para magtrabaho, hindi para magtahi ng kwento." sagot nito. Hindi ko mapigilan ang mapaismid.
"Eh totoo naman na mahilig po kayo sa babae." lakas loob kong sagot. Kung tutuusin wala namang dapat na ikagalit dahil totoo naman. Ang mali lang sa sinabi ng mga babae kanina ay ang mambintang na isa ako sa mga babae ni Sir Rafael. Hindi nila nahulaan na tauhan din nila ako sa mansion. Iyun nga lang hindi ako nagtatrabaho dahil mas gusto nilang magfocus ako sa pag-aaral.
"Noon iyun. Pero nagbago na ako.' sagot nito. Nagbago daw? Eh ang last na naging babae nya last week nya lang hiniwalayan. Iyun ang narinig ko kay Arthur noong kumain kami sa restaurant.
Pagkalabas namin ng elevator ay muli itong nagsalita habang itinuturo ang opisina nito.
"Doon ka muna sa office. Hintayin mo ako." wika nito at mabilis akong hinalikan sa labi. Sumayad lang naman ang labi nito sa labi ko dahil sa sobrang bilis at hindi man lang ako nakapagreact. Napansin ko na lang ang muli nitong pagpasok sa loob ng elevator at ang agad na pagsara. Mukhang papunta na ito sa conference room.
Ilang segundo din akong sandaling napatanga at ng mahimasmasan ay nagpasya na akong naglakad patungo kanyang opisina. Bago ako nakapasok sa loob ay nilingon ko pa ang dalawang empleyado nito na abala sa kanilang ginagawa sa harap ng computer.
Chapter 194
VERONICA POV
Wala akong choice kundi ang maupo sa sofa dito sa opisina habang hinihintay kung kailan matapos ang meeting ni Sir Rafael. Mabuti pa hindi na ako sumama sa kanya kung dito rin lang naman sa opisina ang bagsak ko at walang ibang gagawin kundi ang tumunganga.
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong binuksan ang bag at kinuha sabay tingin screen kung sino ang tumatawag. Nagtaka pa ako dahil number lang ang nakarehistro kaya naman sinagot ko kaagad ito.
"hello?" agad kong wika.
"Hello! Ate! Si Vanessa ito!" wika nito sa kabilang linya. Hindi ako makapaniwala ng marinig ko ang boses nito. Si Vanessa ang kapatid ko na sumunod sa akin. Sixteen years old at sya ang katu-katulong ko na nag- aalaga sa mga maliliit namin na kapatid noon.
hindi ko maiwasan na mapangiti at makaramdam ng sobrang tuwa.
"Vanessa? Kumusta ka? Sila Nanay at TAtay? Mabuti at napatawag ka!" agad kong wika. Halos dalawang oras na kausap ni Mam Arabella kahapon sila Nanay at Tatay kaya hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makausap sila. Kung hindi pa nag-low bat ang cellphone na gamit nila Nanay at Tatay baka hindi sila titigilan ni Mam Arabella.
"Oo Ate! Pwede na tayong mag-usap araw-araw! May Cellphone na ako Ate... bigay ng kaibigan ni Nanay. Iyung kausap nila kahapon?" halata ang tuwa sa boses na pababalita nito. Hindi ko naman malaman ang sasabihin ko.
"Ha? Binigyan ka din nila ng cellphone? Pero paano?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa Pamilya Villarama. Ganito ba talaga sila magpahalaga ng isang kaibigan? Ibinibigay ang lahat ng tulong?
"Pagkatapos nilang mag-usap ni Nanay kahapon, pinadalhan agad kami ng pera. Tumatanggi sila Nanay pero iniinsist ni Misis Arabella ang pera at magagalit daw sya kapag tanggihan nila Nanay ang tulong na ibinibigay nya. Isa pa sinigurado niya kahapon na nasa maayos ka daw na kalagayan at makakapag-aral ka na din Ate. Hindi bat iyan din ang matagal mo ng pangarap?" sagot nito. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kung panaginip man ang lahat ng ito, parang ayaw ko ng magising. Ang bilis dumating ng tulong sa pamilya ko. Sa mga kapatid ko.
"Pwede ko bang makausap sila Nanay at Tatay? Nasaan sila?" tanong ko.
"Wala sila Ate. May pinuntahan. Ako at ang ibang mga kapatid lang ang nandito sa bahay. Ate, makakapag-aral na din ako hanggang college. Nangako kahapon ang kaibigan ni Nanay na sasagutin din daw nila ang pag-aaral namin. Grabe...sobrang saya namin Ate. " excited na wika nito. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko lubos maisip na bubuhos ang ganito kalaking biyaya sa pamilya namin. Daig pa namin ang nanalo sa lotto. Hindi ko alam kung paano mababayaran ang lahat ng kabutihan nila. Ang akala ko ay ako lang ang tutulungan nila pero bakit pati pamilya ko?
Hindi ko na masyado pang naintindihan ang mga ibang sinasabi ni Vanessa. Naramdaman ko na lang na nagpaalam na ito dahil umiiyak na ang bunso naming kapatid. Nanghihina akong napatayo. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya sa pamilyang ito. Kahit na habang buhay ko silang pagsilbihan hinding hindi ako makakabawi sa lahat ng kabutihan at tulong na ibinigay nila sa akin at sa pamilya ko.
Palakad-lakad ako sa loob ng opisina ng marining ko ang marahang katok sa pintuan. Kasabay nito ang malakas na tawanan at kasunod ang pagbukas ng pintuan at agad na pagpasok ng tatlong kalalakihan. Lahat sila ay halos kasing edad din ni Sir Rafael. Gwapo at matatangkad na akala mo mga modelo. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na ng sabay silang napatingin sa akin.
"Wow! Pati dito sa opisina hindi nawawalan ng babae ang kaibigan natin?" narinig kong wika ng isa. Napansin ko na agad itong kinalabit ng isa pa at nakahinga ako ng maluwag ng mamukhaan ito. Sa naalala ko, Arthur ang pangalan nito at siya ang may-ari ng restaurant na kinainan namin ni Sir Rafael noong nakaraang gabi.
"Sira! I know her! Veronica right?" agad na wika ni Arthur at nakangiti na lumapit sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkailang. Lalo na ngayung tatlong pares ng mga mata ang nakatitig sa akin. Wala sa sariling napatango ako.
"Wow, nice to see you again Veronica. Naalala mo pa ba ako?" tanong ni Arthur sa akin. Muli akong tumango.
"Great! Nasaan pala si Rafael?" muling tanong nito. Sinulyapan ko muna ang dalawa nitong kasama bago sumagot.
"Na-nasa conference room po." sagot ko.
"Hey! Hey! Arthur, ipakilala mo naman kami. Alangan naman na ikaw lang ang kakausap sa kanya." muling nabaling ang attention ko dalawang kasama nito na biglang nagsalita ang isa sa kanila. Parehong may naglalarong ngiti sa labi habang nakatingin pa rin sa akin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.
"Hindi bat sinabi ko na sya si Veronica! Hindi nyo narinig?" sagot naman ni Arthur sa mga kasama nito.
"Hehehe! Alam namin na siya si Veronica pero ipakilala mo naman kami sa kanya! Hay ikaw talaga parang hindi businessman kung umasta eh. Ako na nga lang ang magpakilala sa sarili ko...Veronica Right? My name is Drake at sya naman si Peanut!" wika nito sabay lahad ng kamay sa harap ko. Atubili pa ako kung tatanggapin ko ang pakikipagkamay nito ng biglang nagsalita si Arthur at tinabig ang kamay ng dalawang kaibigan.
"Mga gago! Huwag na kayong makipagkamay. Baka malaman ni Rafael at malalagot pa tayo!" tatawa- tawa nitong wika sa mga kaibigan. Hindi ko naman maiwasan na matawa ng maalala ko na tinabig din pala ni Sir Rafael ang kamay nito ng tangka itong nakipagkamay sa akin doon sa restaurant.
"Ganoon? Kailan pa siya naging madamot" Narinig kong sagot ng Peanut ng pangalan.
"Kay Veronica pa lang naman!" tatawa -tawa pa rin na sagot ni Arthur. Napangisi naman ang dalawa nitong kasama at binalingan ako ng tingin.
"Bakit girl friend ka na ba ni Rafael?" diretsahan nitong tanong. Grabe siya, wala man lang intro-intro.
"Naku, hindi po! Sa mansion lang po ako nakatira pero hindi nya po ako girl friend." agad kong sagot sabay iling.
Nagkatinginan ang tatlo bago nagsalita ang isa pang lalaki na Drake ang pangalan.
"Hindi nga ba at ampon siya nila Tita at Tito? Pero bakit nandito ka sa opisina?" tanong nito.
"Isinama ako ni Sir Rafael. Wala kasi akong magawa sa mansion. Isa pa hahanapan nya daw ako ng bagong tutor. Dapat ngayun ang start ng pag- aaral ko kaya lang sinisante nya kaagad si Teacher Josh! Ayaw nya ng lalaking tutor para sa akin." agad kong sagot. Hindi ko alam pero kahit na mukhang makukulit ang mga kaharap ko, magaan ang loob ko sa kanila. Siguro dahil mababait naman sila at mga kaibigan sila ni Sir Rafael. Isa pa mukhang hindi sila kasing-sungit ni Sir Rafael.
"Sabi ko sa iyo eh! Lumalabas ang pagiging possessive ng kaibigan natin pagdating sa kanya." narinig ko pang sagot ni Arthur. Hindi ko na lang iyun pinansin at muling naupo na sa sofa. Uupo na din sana sila na muling bumukas ang pintuan ng opisina. Agad na pumasok si Sir Rafael at agad na napakunot ang noo ng mapansin ang mga kaibigan.
"Wow Bro! Biglang nag-iba ang taste ng pananamit mo ngayun ah?" agad na wika ni Peanut sa kaibigan.
Pinasadahan pa nito ng tingin si Sir Rafael mula ulo hanggang paa. Naka business suit si Sir Rafael at bagay na bagay sa kanya ang suot nitong attire.
"Sino ang may sabi sa inyo na pwede kayong pumunta dito ngayun?"agad na wika nito sa mga kaibigan.
Nagkatinginan muna ang tatlo bago sumagot ang isa sa kanila.
"Bakit? Swerte nga namin na dumalaw kami sa iyo ngayun eh. At least nakilala namin si Veronica!" sagot ni Peanut na may halong nanunudyo ang boses.
Agad naman dumako sa akin ang tingin ni Sir Rafael bago sinagot ang mga kaibigan.
"Lumayas na kayo. Busy ako ngayun at wala akong time na makipag usap sa inyo!" agad na wika nito. Lumapit pa ito sa akin at naupo sa tabi ko.
"Ganito na ba talaga ang future CEO? Wala ng time sa mga kaibigan? Busy din naman kami pero nagawa pa rin namin na bisitahin ka." sagot naman ni Arthur.
"Ano ba ang kailangan nyo? Isa pa kanina pa ba kayo dito?" tanong ni Sir Rafael.
"Medyo kanina pa. Nagpakilala na din kami kay Veronica. By the way Bro, importante ang kailangan ko kaya ako pumunta dito. Gusto ko kasing ipaalala sa iyo na this coming saturday na icecelebrate ang birthday ko." sagot ni Peanut. Sandaling sumeryoso ang mukha ni Sir Rafael na tumitig sa kaibigan.
"So? ano ngayun kung birthday mo? Magse-celebrate ka ba? Hindi bat sa bar lang naman lagi ang bagsak natin kapag birthday mo?" sagot ni Sir Rafael.
"At may kasamang iba-ibang babae!" sabat naman ni Drake. Muling nagkatawanan ang tatlo. Masamang tinitigan sila ni Sir Rafael kaya muli silang sumeryoso.
"gusto ko ng baguhin ngayun Bro. May bagong bili akong yate at gusto kong subukan na doon muna mag party. Para maiba naman!
Balak kong magpalipas ng buong gabi sa laot kasama kayong mga kaibigan ko at ilang mga posibleng bisita. Isama mo si Veronica. Malay mo baka mag- enjoy din siya." seryoso ang mukha na sagot ni Peanut. Sandaling natigilan si
Sir Rafael. Mukhang malalim itong nag -isip bago ibinaling ang tingin sa akin.
"Gusto mong sumama?" tanong nito sa akin. Hindi naman ako
makapaniwala. Bakit ako sasama eh siya lang naman ang invited? Isa pa hindi ko mga kaibigan ang kaibigan nito at ngayun ko lang sila nakilala. May usapan din kami nila Charlotte at Jeann na magsi-swimming ngayung sabado sa mansion kaya hindi pwedeng
sumama ako.
"Kung gusto mong sumama, aattend ako, pero kung ayaw mo naman hindi ako pupunta." wika ni Sir Rafael habang titig na titig sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Paano ako nasali sa usapan na ito?
Makahulugan naman na nagkatinginan ang tatlo nitong kaibigan bago muling nagsalita si Peanut.
"Teka, bakit nakasalalay sa desisyon nya ang pag-attend mo? Bakit parang biglang nagbago ang pananaw mo sa buhay Bro?" sagot ni Peanut.
"Wala ka na doon Bro. Masyado akong busy sa ngayun at wala ako sa mood na umattend ng mga party-party!" sagot ni Sir Rafael.
"Nakakasama ka naman ng loob Bro. Birthday ko ito pagkatapos nagdadalawang isip kang umattend. Ang sama ng ugali nito!" sagot ni Peanut. Nagkatawanan naman si
Arthur at Drake.
"Sumama ka na Veronica! Para naman hindi sumama ang loob ng birthday celebrant!" pag-aaya naman ni Arthur sa akin. Agad akong napatingin kay Sir Rafael na tahimik na nakaupo sa tabi ko.
"Bakit po ba ayaw nyong sumama? Papayag naman siguro sila Tita at Tito. Weekend naman at walang pasok sa opisina." wika ko. Tumitig muna ito sa akin bago sumagot.
"Sasama ako kung sasama ka!" maiksi nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagmamaktol. Ang lagay ay nakasalalay sa desisyon ko ang pagsama nito. Mukhang ako pa ang masisisi ng mga kaibigan nito sa hindi nya pag-attend? Hayst ang hirap nya talagang ispilingin.
"Sige na Veronica! Sumama ka na please. Simula ngayung araw friend ka na din namin at pwede mo kaming lapitan anytime kung may kailangan ka!" sagot naman ni Peanut at naupo pa sa harap namin ni Sir Rafael. Tinapunan naman ito ng masamang tingin ni Sir Rafael at hinila ako patayo mula sa pagkakaupo.
Chapter 195
VERONICA POV
"Saan kayo pupunta? Aalis kayo?" agad na tanong ni Peanut ng mapansin na hila ako ni Sir Rafael palabas ng opisina.
"May pupuntahan kami. Tatawag na lang ako sa inyo later kung sakaling makakasama ako sa party celebration mo. Matagal pa naman ang saturday." sagot ni Sir Rafael.
"Ang labo mo naman Bro! Attend ka Veronica ha? Pwede kang magsama ng mga kaibigan mo kung gusto mo. Mag- eenjoy ka sa party ko for sure." wika ni Peanut sa akin. Ako naman ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Napatingin muna ako kay Sir Rafael bago sumagot.
"Titingnan ko po. Magsi-swimming kasi kami nila Jeann at Charlotte sa mansion ngayung saturday eh." sagot ko.
"Awww sakto. Sa yate na lang kayo! May swimming pool din naman doon." agad na sagot ni Peanut sa akin.
"Mga pamangkin ko ang tinutukoy nya. Akala mo naman papayagan ng mga kapatid ko na sumama sa akin ang mga anak nila." sagot naman ni Sir Rafael.
"Bakit hindi mo subukan. Malay mo naman diba? Isa pa tiyuhin ka hindi mo magawan ng paraan? Sige, subukan mo lang para makasama si Veronica...isa pa gusto din namin makilala ang mga pamangkin mo. Last na meet namin sa kanila mga bata pa ang mga iyun eh." sagot ni Peanut. Mukhang hindi talaga ito papayag na hindi aattend si Sir Rafael sa party nito.
"Ok fine...susubukan ko! Pero hindi ako nangangako ha? Kahit ilan pwede isama?" sagot ni Sir Rafael.
"Kahit isama mo pa sila Tita at Tito at buong pamilya walang problema Bro. Wala naman ako masyadong bisita. Of course may ilang babae tayong makakasama pero depende pa rin sa pag-uusap natin." sagot muli ni Peanut.
"Fine....tatawag na lang ako sa iyo. Pero sa ngayun magsilayas na kayo dahil may pupuntahan din kami ni Veronica. Lunch time na at nagugutom na ako." sagot ni Sir Rafael. Agad naman silang nagsipagtalima at sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina at sumakay ng elevator.
"Pagdating sa lobby ay kanya-kanyang paalam na ang mga kaibigan ni Sir Rafael. Hinila naman ako ni Sir Rafael papunta sa kanyang kotse. Nagulat pa ako dahil ibang kotse na ang sinakyan namin at wala na si Mang Gerry.
"Saan po tayo pupunta?" agad na tanong ko. Sandali itong nag-isip bago sumulyap sa akin.
"Punta tayo sa Arabella's restaurant. Doon na tayo kumain ng lunch. Alam kong gutom ka na din. "sagot nito at agad na binuksan ang makina ng sasakyan at mabilis na pinausad.
Agad kaming nakarating sa Villarama shopping Center. Nagpark at pumasok kami at dumeretso sa Arabella's Restaurant.
"Bakit kapangalan ni Mam Arabella ang restaurant na ito? Kanya po ba ito? " agad na tanong ko kay Sir Rafael ng makaupo kami. Nakaorder na din ito ng mga pagkain.
"Yup! Maraming restaurant ang pag- aari ng pamilya ni Ate Arabella. Nagkalat ang mga ito sa buong Metro Manila at kalapit na probensya." sagot nito. Tumango ako at hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa paligid.
Hitsura pa lang ng lugar mukhang
mamahalin na. Napansin ko din ang mga presyo ng pagkain nila at mahal iyun na hindi afford ng isang hampas- lupa na katulad ko.
Nagtaka pa ako ng mapansin ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa counter. May kausap ito kaya sinipat ko ito ng tingin.
"Sir Rafael, hindi po ba si Elijah iyun?" agad na tanong ko kay Sir Rafael sabay turo sa gawi ni Elijah. Napakunot naman ang noo ni Sir Rafael at napatitig sa may counter.
"Ano na naman kaya ang ginagawa ng mabait kong pamangkin dito?" narinig ko pang bulong nito. Pagkatapos ay tinawag nito ang pangalan ni Elijah. Agad naman itong lumingon sa gawi namin at napangiti ng mapansin ang aming presensya. Dali-dali itong lumapit.
"Ano ang ginagawa mo dito?" agad na tanong ni Sir Rafael dito. Naupo ito sa isang bakanteng upuan bago sumagot.
"Kinakausap ang manager." sagot nito at tinawag pa ang waiter na nakaantabay sa amin at umorder ng pagkain.
"why? Ang pagkakaalam ko hindi mo type ang mga pagkain dito sa Arabella's." Sagot ni Sir Rafael.
"Siguro magugustuhan ko na ito ngayun at magiging paborito ko ng tambayan." sagot ni Elijah.
"Bakit? Binawasan ba nila Ate at Kuya ang allowance mo? Nagtitipid ka?' tanong ni Sir Rafael. Agad na umiling si Elijah bago sumagot.
"Of course not! I have millions in my account at imposibleng kapusin ako. Isa pa, isa ako sa tagapagmana ng mga kayamanan ng pamiya namin kaya imposible ang sinasabi mo Uncle." may
pagmamalaki namang sagot ni Elijah. Tinaasan lang ito ng kilay ni Sir Rafael at hindi na ito sumagot pa. Dumating na din kasi ang inorder nitong pagkain para sa amin.
"Veronica? Pwede bang makahingi ng favor?" pukaw ni Elijah sa akin habang abala ang mga mata ko sa kakatingin sa mga pagkain na nakahain sa aming harapan. Puro seafoods at naparami yata ang order ni Sir Rafael. Mukhang hindi namin kayang ubusin lahat.
"Ano iyun Elijah?' sagot ko.
"Hindi bat friend mo sa facebook si Ethel? Pwede bang paki-message? Tanungin mo kung nasaan na sya!" sagot nito. Natigilan naman ako. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa isiping may date sila Ate Ethel at Elijah ngayun.
"May date kayo?" tanong ko habang hindi maiwasan ang mapangiti.
"Yes....eeeer No! Hinihintay ko siya dahil..."hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Elijah ng sumabat si Sir Rafael.
"may nililigawan ka? May date ka ngayun? LUmipat ka ng ibang table." wika nito sa pamangkin. Sunod-sunod naman ang pag-iling ni Elijah at muling itinoon sa akin ang attention.
"Sige na..text mo na." muling wika nito sa akin. Agad ko naman inilabas ang cellphone ko. Akmang tatawagan ko na sana si Ate Ethel ng muli kong binalingan si Elijah.
'Ano ang sasabihin ko? Ano ba kasi ang kailangan mo sa kanya?"tanong ko.
"Hindi nga bat mag-aapply sya ngayun? Dito iyun at nakausap ko na ang manager on duty na i-hired siya. Wala pa siya hanggang ngayun at kanina pa ako naghihintay dito. Hindi na nga ako pumasok sa klase sa kakaabang ko sa kanya." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka sa sinabi nito.
"Ito ba iyung restaurant na tinutukoy mo na applayan nya?" tanong ko. Agad itong tumango. Hindi na ako sumagot pa at akmang pipindutin ko na ang call botton ng biglang tumayo si Elijah.
Naglakad ito papuntang pintuan ng restaurant at agad kong napansin ang pagdating ni Ate Ethel. Nagulat ako at akmang tatayo na sana ng hawakan ako sa kamay ni Sir Rafael.
"Lalamig na ang pagkain. Kumain na tayo!" yamot nitong wika. Napasulyap pa ako sa pintuan ng restaurant bago binalingan ng tingin si Sir Rafael.
"Nandyan si Ate Ethel." wika ko dito. Nag-angat ito ng tingin at mataman akong tinitigan.
"So?Tsk! Kumain ka muna...hindi mo ba narinig ang sinabi ni Elijah? May interview siya dito sa restaurant kaya huwag mo munang isturbuhin." sagot nito at mabilisan pa itong sumulyap sa labas na restaurant at muling itinoon ang pansin nito sa akin.
Nagulat pa ako ng bigla itong sumandok ng pagkain at inilagay sa pinggan ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kaya wala sa sariling hinawakan ko ang kutsara at tinidor para mag-umpisa na din kumain.
"After this, babyahe tayo papuntang resort sa Batangas. Damihan mo ang kain dahil baka magutom ka sa byahe." Istrikto nitong wika. Wala naman akong nagawa pa kundi inumpisahan na ang kumain. Masarap ang mga pakain na nakahain kaya halos maubos ko ang inorder nito.
Pagkatapos namin kumain ay muli akong sumulyap sa labas ng restaurant.
Wala na si Ate Ethel at Elijah. Hindi man lang ako nagpakita kay Ate Ethel. Siguro tatawagan ko na lang sya mamaya para makibalita kong tanggap ba sya sa pag-aapply dito sa restaurant.
Agad na kaming lumabas ng restaurant pagkatapos kumain. Diretso kami sa kinapaparadahan ng kotse at muling bumyahe.
Inabot din kami ng halos tatlong oras bago nakarating sa resort na tinutukoy ni Sir Rafael. Agad naman akong humanga sa ganda ng mga tanawin sa kapaligiran lalo na ng makapasok kami sa isang mataas na gate na napapaligiran ng mga nagagandahang halaman.
"Ito ang Carissa Villarama Beach Resort! Dito ginaganap ang mga importanteng selebrasyon ng pamilya namin. Matagal na ang resort na ito at tanging miyembro ng pamilya at ilang piling kaibigan lang ang pwedeng pumasok." pagpapaliwanag nito. Hind naman ako makapaniwala sa aking mga nakikita. Mula sa kinatatayuan ko kita ang malawak na pool pati na din ang mga iilang cottages. Kitang kita din ang mapuputing buhangin sa medyo hindi kalayuan sa amin.
"Grabe ang ganda dito!' Hindi ko mapigilang bulalas at mabilis na naglakad patungong buhanginan. Sobrang linis ng kapaligiran at kapansin-pansin ang katahimikan ng buong paligid.
"Yup! Maganda talaga dito. Tahimik at malayo sa ingay ng sasakyan sa siyudad." sagot nito habang nasa aking likuran. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Ang yaman niyo po pala talaga! Maliban sa mansion may malaki rin pala kayong bahay dito." wika ko sabay titig sa isang malaking bahay na napipinturahan ng puro kulay puti at halos puro salamin ang paligid.
"Villa...Villa ang tawag sa bahay na iyan." sagot nito. Agad akong napatango.
"Villa?Anong ibig sabihin noon? Bakit Villa?" tanong ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya hindi ko maiwasan na mapatitig dito.
"Maybe because bahay bakasyonan siya ng pamilya. Pumupunta lang kami dito kapag holidays at may special occasions." sagot nito at agad kong naramdaman ang kamay nito na biglang pumulupot sa baywang ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko lalo na ng maramdaman ko na ipinatong nito ang kanyang mukha sa balikat ko.
"Ga-ganoon ba? Sa-sayang naman pala dahil palaging walang nakatira." sagot ko para mabawasan ang tensiyon
na nararamdaman sa pagitan naming dalawa.
"Yah...pero alam mo bang maraming nabuo na bata dito?" Maraming nabuo na dugong Villarama sa lugar na ito?" sagot nito at hindi ko maiwasan magtayuan ang balahibo ko sa buo kong katawan ng maramdaman ko ang mainit nitong hininga sa leeg ko.
"Te-teka lang po. Bakit po ba kayo nakayakap sa akin? Nakakatakot po ba ang lugar na ito?" hindi ko maiwasang tanong sa kanya. Sa totoo lang natatakot din ako sa damdamin na biglang umusbong sa puso ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Im tired! At gusto kong kumuha ng kaunting lakas sa iyo." sagot nito. Muli akong napalunok ng sarili kong laway. Sa sobrang higpit ng pagkakalingkis nito sa akin hindi ko magawang makaalpas dito. Mukhang wala din itong balak na pakawalan ako.
Chapter 196
VERONICA POV
Halos manginig ang buo kong laman sa katawan ng lalo nitong ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Damang- dama ko ang init ng kanyang hininga na dumadampi sa balat ko. Hindi ko naman malaman ang gagawin dahil pakiramdam ko unti-unting bumibigay ang depensa ko dahil sa ginagawa sa akin ni Sir Rafael ngayun. Kung may iba sigurong tao na nakakakita sa posisyon namin ngayun baka isipin nilang magkasintahan kami na naglalambingan.
"Pwede naman magpahinga na muna kayo Sir sa loob ng Villa kung pagod kayo." mahina kong sagot. Hindi ito umimik bagkos naramdaman ko ang paghimas ng palad nito sa bandang tiyan ko. Muli akong nakaramdam ng pagkaasiwa dahil sa kanyang ginawa. Parang may kung anong maliliit na boltahe ng kuryente ang biglang kumalat sa buo kong katawan dahil sa kanyang ginagawang paghimas sa tiyan ko patungo sa pusod ko. Ano ba ang ginagawa nya sa akin? Normal pa ba ito?
"Ayos na ito. Mas gusto ko ang ganito." mahina nitong sagot. Hindi ako nakaimik at itinoon na lang ang attention sa malawak na karagatan. Pilit ko din pinapakalma ang sarili ko at umaasa na masasanay din ako sa ginagawang ito sa akin ni Sir Rafael.
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong posisyon bago ko napansin ang isang may edad ng babae na parating. Agad ko naman kinalabit si Sir Rafael at itinuro ito. Mabuti na lang at hininto na din nya ang paghimas sa tiyan ko at kusang ibinaba ang medyo nakataas ko ng t-shirt.
"Good Afternoon Sir Rafael, dumating po pala kayo! Pasensya na po, hindi kami nakapaghanda." agad na bati nito. Saglit ako nitong sinulyapan tsaka ako nginitian.
"Ayos lang Manang Bering. Hindi naman kami magtatagal sa lugar na ito. Gusto ko lang makita ni Veronica ang magandang tanawin dito sa resort. Sya nga pala, si Veronica, asahan nyo po na siya ang lagi kong kasama kapag pupunta ako dito." sagot nito. Masaya naman itong tumango.
"Naku Sir Rafael, kagandang babae naman ng kasama mo. Siya na ba ang magiging asawa mo?" agad na sagot ng matanda. Agad naman akong nakaramdam ng pagkapahiya.
Napagkamalan pa kaming magshota ni Manang Bering. Kung bakit naman kasi nakayapos pa rin sa akin si Sir Rafael eh.
"Kung papayag sya Manang." sagot ni Sir Rafael. Lalo naman akong nagulat at napatingin sa mukha nito. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito dahil kumindat pa ito sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na mapayuko.
"Naku pumayag ka na Iha. Medyo matagal na din na walang naganap na kasalan sa pamilya Villarama. Matagal ng panahon na wala ng batang tumatakbo sa lugar na ito. Malalaki na ang mga apo nila Madam at Sir Gabriel kaya kung sakaling magkaanak kayo lalong mabibigyan ng magandang kulay ang lugar na ito." sagot ni Manang Bering na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.
Pakiramdam ko biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Hinawakan ko pa ang kamay ni Sir Rafael na nakayapos sa akin at pilit na tinatanggal sa baywang ko. Buti na lang at kusa nya na din iyung inalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Ano ba ang nakain ng amo ko? Bakit ako yata ang kanyang pinagti-tripan ngayun? Dagdagan pa ni Manang Bering na mukhang nagkaka- intindihan yata sila sa topic nila ngayun. Hindi man lang kinorrect ni Sir Rafael na hindi nya ako girl friend. Nakakahiya kapag malaman ito nila Tita Carissa at Tito Gabriel.
"Kung ganoon ipaghahanda ko muna kayo ng makakain Sir. Ano po ba ang gusto nyong kainin?" maya-maya ay tanong ni Manang Bering. Saglit na nag -isip si Sir Rafael bago sumagot.
"Bumili na lang po kayo ng pagkain sa Villarama Hotel and Restaurant Manang. Nandito naman si Mang Lando diba? Magpadrive na lang kayo sa kanya. Hindi nyo na kailangan pang magluto at maghanda dahil babalik din naman kami kaagad ng mansion.
Magpapahinga lang po kami saglit." sagot ni Sir Rafael sabay dukot ng wallet sa kanyang bulsa. Naglabas ito ng ilang lilibuhing pera at inabot kay Manang Bering
"Ayyy kung ano po ang gusto nyo Sir Rafael. Lagi naman namin nililinis ang kwarto nyo kaya magiging komportable kayo sa pamamahinga nyo. Sige po, hahanapin ko muna si Lando at utusan ko ang isang boy natin na kumuha na din ng buko. Hindi po bat iyun ang paborito nyong inumin kapag nandito kayo sa resort Sir?" sagot naman ni Manang Bering.
Tumango lang si Sir Rafael at muli akong hinawakan sa kamay at iginiya papasok sa loob ng Villa.
Lalo naman akong namanghan pagkapasok sa loob ng Villa. Kulay ginto ang railings ng hagdan pati na din ang ilang mga nakadisplay. May malaking Chandelier sa pinakagitna ng living room at nagkalat ang mga mamahaling Jar sa bawat sulok ng bahay.
Nangingintab ang sahig at parang nakakahiyang apakan.
"Sa kwarto tayo. Napagod ako sa pagmamaneho ngayun." wika nito sa akin at hinila ako paakyat ng hagdan. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping magsasama kami sa iisang silid?
"Ehhh pwede po bang kayo na lang ang umakyat. Dito na lang po ako. Gusto ko po ka-kasing ikutin ang buong paligid. " sagot ko sa kinakabahang boses. Sandali akong tinitigan sa mga mata bago sumagot.
"Takot ka sa akin?" diretsahan nitong tanong. Agad na namilog ang aking mga mata sa pagkagulat sabay iling.
"Ha" Na-naku hindi po! Bak-bakit naman po a-ako matatakot sa inyo!" sagot ko na halata pa rin sa boses ko ang kaba. Nagkanda-utal-utal na din ako.
"Hmmm kung ganoon sumama ka muna sa kwarto. Samahan mo akong magpahinga. Mamaya na natin ikutin ang buong paligid." sagot nito at muli akong hinila paakyat ng hagdan. Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang.
Matiwasay kaming nakarating ng
kanyang kwarto. Agad nitong hinawi ang nakatabing kurtina sa pintuang salamin.. Agad na tumampad sa paningin ko ang puti-puting buhangin at asul na karagatan. Wala sa sarliing napahakbang ako sa pintuang salamin at naramdam ko na lang na binuksan ni Sir Rafael iyon at agad na pumasok ang medyo malakas na hangin sa loob. Agad akong napalabas. Ang kwartong ito ay karugtong pala ng isang
malawak na balcony na may mga sofa at lamesa. Ang galing lang dahil mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang buong paligid ng Villa.
"Ang ganda!" hindi ko mapigilang
bulalas. hindi naman ako sinagot ni Sir Rafael bagkos tahimik lang itong nakatayo sa tabi ko.
Ilang minuto din itong hindi umiimik bago ko muling naramdaman ang paghawak nito sa kamay ko.
"Iidlip muna tayo. Pagod ako at wala akong balak mag stay dito sa labas at titigan ang dagat." mahina nitong wika at hinila ako papasok. Gusto ko sanang magprotesta pero ng mapansin ko na salubong na naman ang kilay ay hindi na ako umimik pa at nagpatianod na lang.
Agad nitong isinara ang pintuang salamin. Hinawi ulit nito ang makapal na kurtina upang matakpan ang buong kwarto. Muli akong nakaramdam ng pagkailang lalo na ng bitawan ako nito sa kamay at napansin ko na isa-isa nitong hinubad ang kanyang damit. Sa sobrang pagkataranta agad akong napatalikod dito.
"Sir, ano ang ginagawa nyo? hindi niyo po pwede gawin sa akin ang iniisip nyo. Virgin pa po ako!" wala sa sarili kong wika dahil sa matinding kaba. Hindi ito umiimik at natatakot akong muli itong lingunin. Baka naman hubot hubad na naman ito at pagpiyestahan na naman ng makasalanan kong mga mata ang kanyang katawan.
Ilang minuto din akong nanatiling nakatayo na nakatalikod sa kanya. Hinihintay ko ang mga susunod nyang gagawin. Nagtaka pa ako dahil biglang lumamig ang buong paligid. Binuksan nya na siguro ang aircon dahil naririnig ko ang mahinang tunog nito.
"Tatayo ka na lang ba dyan? Mahiga ka na dito sa tabi ko. Wala akong balak na gahasain ka kung iyan ang iniisip mo! Gusto ko lang matulog!" malakas na wika nito. Dahan-dahan ko naman itong nilingon at nagulat pa ako ng mapansin ko na komportable na itong nakahiga sa kama. Nakatakip sa katawan nito ang makapal na comforter. kaya naman pala biglang lumamig ang paligid dahil nakatodo ang aircon.
"Sa-saan po ba ako hihiga?" mahina kong tanong.
"may nakita ka pa bang ibang higaan dito? Huwag kang mag-alala...hindi ikaw ang type kong babae. Ayaw ko sa babaeng virgin dahil mahirap pasunurin sa kama." sagot nito. Muli naman nanumbalik ang pagkailang na nararamdaman ko sa kanya. Sandali akong natigilan. Napansin ko na lang na nakapikit na ito kaya sumampa na din ako ng kama. Hinubad ko muna ang suot kong sapatos bago tuluyang nahiga.
Mas magandang magpahinga na din muna ako. Nararamdaman ko na din ang pagod at gusto ko din munang matulog. Mukhang mabait naman si Sir Rafael at wala akong balak na gawan ng masama.
Pagkadikit ng katawan ko sa kama ay agad akong nakatulog. Maaliwalas ang buong paligid at sobrang lamig ng buong kwarto kaya binalot ko din ang sarili ko sa makapal na comforter. Naririnig ko pa ang mahinang hilik ni Sir Rafael palatandaan na mahimbing na din itong nakatulog bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Nagising na lang ako ng may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Naiinis pa akong idinilat ang aking mga mata dahil antok na antok pa ako ng bigla akong nahimasmasan.
Nasa itaas ko si Sir Rafael at nakatunghay sa akin. Nakatitig sa mukha ko habang may naglalarong ngiti sa labi. Babangon sana ako ng pigilan ako nito.
"Alam mo, parang gusto ng magbago ang isip ko ngayun. Parang gusto kong subukan kong talagang virgin ka pa." mahina nitong wika na may kalakip na lambing sa boses. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan dito dahil pakiramdam ko hinihigop pati ang kaluluwa sa mga titig nya.
"A-ang bigat nyo po!" kunwari reklamo ko. Hindi naman talaga ito mabigat dahil nakatukod ang mga kamay nito sa kama.
"Tsk! tsk! bakit hindi ka makatingin sa akin? Look at me!" mahina nitong anas at unti-unti kong naramdaman ang pagbaba ng mukha nito sa mukha ko. Napalunok pa ako ng makailang ulit ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.
Chapter 197
VERONICA POV
"Hindi ko mapigilan na ipikit ang aking mga mata. Heto na naman kami. Heto na naman ang kakaibang damdamin na lumulukob sa buo kong pagkatao.
Dumadating na sa punto na hindi ko na kaya pang pigilan ang kapangahasan na ginagawa ni Sir Rafael sa labi ko. Nakakaramdam ako ng pag-iinit ng aking katawan dahil sa ginagawa nya sa akin.
Mahina pa akong napaungol ng muli ko na naman maramdaman ang mga kamay nito na abala na naman sa kakahimas sa aking tiyan. Ano ba ang meron sa tiyan ko at lagi nyang pinagdidiskitahan? Lalo tuloy akong nag-iinit.
"Alam mo bang gustong gusto kitang angkinin ngayun? Gustong gusto ko hawakan at damhin ang buo mong katawan. Gusto kitang paliguan ng halik mula ulo hanggang paa. Kaya lang hindi pwede....masyado ka pang bata para sa ganitong bagay." mahina nitong bulong sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. Namumula ang mukha nito at may kung anong bagay na iniinda sa katawan.
May kakaiba din akong nararamdaman sa ibabang parte ng kanyang katawan. Parang may kung anong bumubukol doon at hindi ko naman mawari kung ano iyun.
"Bakit po ba ang hilig niyong manghalik?" sagot ko sa sinabi nito. Halos magkaamuyan na kami ng aming hininga dahil sa sobrang lapit pa rin ng mukha nito sa mukha ko.
"Nakaka-addict kasi ang labi na ito. Hindi ko alam kung anong meron sa iyo at kung bakit baliw na baliw ako sa iyo." sagot nito. Parang may kung anong bagay naman ang biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Baka naman po crush nyo ako kaya ganoon? Naku, hindi nyo po ako pwedeng ligawan. Hindi ko po kayo sasagutin dahil magtatapos pa po ako sa pag-aaral bago mag-boyfriend." sagot ko. Agad na na naningkit ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Hinaplos pa nito ang labi ko gamit ang kanyang daliri kaya hindi ko mapigilan na mapapikit dahil sa kakaibang
sensasyon na aking nararamdaman.
"Girl friend na kita! Natikman ko na ang labi na ito at titikman ko ng paulit- ulit hanggang sa matuto ka kung paano gumanti ng halik sa akin." wika nito at muling lumapat ang labi nito sa labi ko. Muli akong napadilat at nagtataka dahil sa sinabi nito ngayun-ngayun lang.
Nagulat ako sa sinabi nito na girl friend nya na daw ako. Kailan pa? Paano nangyari iyun? Wala akong naalala na niligawan nya ako. Kaya lang ilang araw pa lang kaming magkakilala ilang beses nya na akong nahalikan. iyun ba ang paraan ng panliligaw nya sa akin? Ibang klase din.
Muli...Hinayaan ko na lang siyang halikan at sipsipin ang labi ko. Mamaya ko na siya tatanungin kung sakaling magsawa na siya sa kakahalik sa akin. Nag-eenjoy din naman ako sa kanyang ginagawa at isa pa parang normal lang naman sa kanya ang ginagawa nya sa akin. Nasanay na din ako.
Katunayan nga nag-uumpisa na akong gayahin ang galaw ng labi nito sa labi ko. Curious na din ako kasi nakakapang -init ng katawan ang ginagawa nya sa akin. Matamis ang lasa ng labi ni Sir Rafael at aaminin ko na naa-aaddict na din ako.
Nagulat pa ako ng bigla itong tumigil. Umalis sa pagkakadagan sa akin at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Nagtataka naman akong nasundan ito ng tingin. Para kasing hinahabol ito sa paraan ng mabilis na paglakad papasok ng banyo.
"Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya? Huwag nyang sabihin na biglang sumakit ang tiyan nya? Hayst ang hirap nya talagang intindihin." hindi ko mapigilang bulong sa akin sarili at bumangon na ng kama. Agad kong hinagilap ang bag ko at hinalungkat ang loob para hanapin ang suklay. Mag-aayos na lang ako habang hinihintay siya.
Tama na ang halikan. Namamaga na ang labi ko. Isa pa nakakaramdam na din ako ng gutom. Hihintayin ko na lang siguro si Sir Rafael na lumabas ng banyo at sasabihin ko dito na gutom na ako. Siguro naman nakabili na sila Manang Bering ng pagkain.
Ilang minuto din akong naghintay bago lumabas ng banyo si Sir Rafael. Pawis na pawis ito at pulang pula ang kanyang mukha. Kunot noo ko itong tinitigan at agad ko itong nilapitan.
"Sir, ayos lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?" tanong ko. May nakabalot ng puting roba sa katawan nito.
"Ayos lang ako. Ang hirap mag- release gamit ang sariling sikap. "sagot nito. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nyang sabihin kaya muli akong napatanong.
"Release? Ano po iyun? Kung nahihirapan kayo dapat tinawag nyo ako at nagpatulong sa akin." sagot ko. Sandali itong natigilan at mataman akong tinitigan.
"Sigurado ka? Kaya mo akong tulungan tungkol sa bagay na iyun?" seryoso nitong tanong. Agad akong tumango.
"Syempre naman! Sanay ang katawan ko sa ibat ibang klaseng trabaho at kaya kong gawin ang lahat." pagmamalaki ko pang wika. Muling natigilan si Sir Rafael at may kung anong naglalaro na ngiti sa labi nito bago nagsalita.
"Akala ko ba virgin ka pa?" diretsahan nitong tanong.Agad naman akong nakaramdam ng pagkailang lalo ng mataman akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko.
"Ang bastos nyo naman Sir. Bakit naman napunta sa pagiging virgin ko ang usapan natin?" sagot ko. Natawa ito.
"Ikaw ang nag-umpisa ng lahat. Sinakyan ko lang ang trip mo. Sabi mo kaya mo akong tulungan para ma---ma---satisfy ang anaconda ko" sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata dahi sa sinabi nito. Hindi ko naalala na tungkol pala sa anaconda ang pinag-uusapan namin ngayun.
"English po ba ng anaconda ay release sir?" Namumutla kong tanong. Mahirap pala mag "Oo" kung hindi mo alam ang ibig sabihin. Baka mamaya sinabi na ni Sir na ipapakain ako sa anaconda nyang alaga 'oo' pa rin ako ng oo. Mapapahamak ako nito eh. Dapat talaga pag-isipan ko ang isasagot ko.
Naputol ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang malakas na pagtawa ni Sir Rafael. Idinikit pa nito ang kanyang katawan sa akin sabay pisil ng ilong ko.
"Virgin ka pa nga!" Wika nito at agad akong tinalikuran. Hinubad nito ang suot na roba kaya agad akong napatalikod. Wala man lang intro-intro si Sir. Hubad kung hubad kahit na may ibang kasama dito sa kwarto. Isa pa tungkol saan ba ang pinag-uusapan namin kanina? Bakit napunta sa anaconda? Huwag nyang sabihin na hanggang dito sa resort dala nya pa rin ang alaga nya? Saan nya tinatago iyun?
Bakit hindi ko napapansin?
"Lets go! Malapit ng dumilim at ayaw kong abutan tayo ng dis oras ng gabi sa daan." wika nito at mabilis na binuksan ang pintuan ng kwarto at mabilis na lumabas. Hindi ko namalayan na nakapagbihis na pala ito. Agad naman akong napasunod dito. Baka nandito sa kwarto ang anaconda at matuklaw ako.
Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ni Manang Bering. Sinabi nito na nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Agad kaming naglakad papuntang dining area para kumain.
Nakaantabay lang sa amin si Manang Bering habang kumakain kami ni Sir Rafael. Ngiting ngiti ito habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael.
"Sana mabuntis ka kaagad Mam Veronica. Excited na akong makita ang magiging anak nyo ni Sir Rafael. Siguro ang gaganda at gagwapo." wika nito. Nasamid naman ako sa sinabi nito. Hindi ko akalain na lalabas ang katagang iyun sa mismong bibig ni Manang Bering.
Agad akong dinaluhan ni Sir Rafael. Hinaplos nito ang likod ko habang panay ang aking ubo. Pakiramdam ko may kanin na pumasok sa ilong ko.
"Dahan-dahan kasi. Alam kong gutom ka pero pwedeng dahan-dahan lang.. Wala namang aagaw sa iyo sa mga pagkain na iyan na nasa lamesa eh." wika ni Sir Rafael na bakas nag pag- aalala sa boses. Huminga muna ako ng
malalim bago sumagot.
"Eh kasi naman, nakakagulat ang sinabi ni Manang Bering. Buntis agad? HIndi mo naman ako girl friend para buntisin ako diba?' sagot ko. Natigilan si Sir Rafael. Nagtataka naman na napatitig sa akin si Manang Bering.
"Hindi mo siya kasintahan Sir? Eh ano ang tawag sa inyo? Naku pasensya na... akala ko talaga may relasyon kayo eh. Iyun kasi ang napapansin ko sa mga galaw nyo." sagot ni Manang Bering. Napalingon naman ako kay Sir Rafael na noon ay nangingiti. HIndi ko maiwasan na mapasimangot.
Nagkalabu-labo na. Siguro napansin ni Manang Bering kung paano ako yakap- yakapin ni Sir Rafael kanina pagkadating namin dito. Sinasabi ko na nga ba eh. Ibang klase kasi itong 'the moves' ni Sir Rafael. Para ngang may relasyon kami kung umasta. Dapat talaga pagbawalan ko na ito na didikit- dikit sa akin eh. Pero paano ko gaGawin iyun? Amo ko ito at dapat lang na sundin ko lahat LAHAT ng gusto niya.
Chapter 198
RAFAEL POV
Hindi ko mapigilan na matawa sa naging reaskyson ni Veonica habang kausap namin si Manang Bering.
Isinali ba naman ni Manang Bering ang tungkol sa pagbubuntis. Hindi marahil nito napansin na masyado pang bata si Veronica tungkol sa bagay na iyun. Isa pa gusto kong matupad muna lahat ng pangarap nito bago kami papasok sa ganoong sitwasyon.
"Pa-pasensya na po Mam Veronica... hay minsan po talaga hindi ko mapigilan ang bunganga ko." hinging paumanhin ni Manang Bering. Agad kong napansin ang pamumula ng pisngi ni Veronica bago sumagot.
"Huwag nyo po akong tawagin na' Mam' Manang. Hindi nyo po ako amo." sagot naman ni Veronica, Muling napatitig sa akin si Manang Bering.
Nagtatanong ang mga mata nito.
Ipinagkibit balikat ko na lang ang lahat tsaka tumayo na. Mukhang wala na din sa pagkain ang kosentrasyon ni Veronica. Alas otso na ng gabi at kailangan na namin makabalik ng mansion. Maaga namin ime-meet ni Kuya Christian ang mga bagong possible investors. May dadaluhan din kaming auction kinahapunan.
"I think we need to go!" wika ko kay Veronica. Nagmamadali naman itong tumayo. Binalingan pa nito si Manang Bering tsaka ngumiti
"Salamat po sa mga pagkain Manang." wika nito. Agad naman napangiti si Manang Bering. Nagpaalam na din ako dito at hinawakan na sa kamay nya si Veronica. Akmang hihilahin nito ang kamay pabalik pero lalo kong
hinigpitan ang pagkakahawak dito. Napansin ko kaagad ang pagkailang sa mukha nito na siyang ipinagkibit balikat ko na lang..
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan ang nararamdaman ko. Kung ako lang sana ang masusunod, gustong gusto ko na talagang pakasalan ang babaeng ito.
Alam kong masyado pang maaga para sa ganitong bagay. Pero habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamaman ko sa kanya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaramdam ako ng ganitong klaseng damdamin para sa isang babae. Ibang iba sya sa lahat ng mga babae na nakakasalamuha ko sa tanang buhay ko.
Kailangan ko na sigurong ibenta ang condo na pinagdadalhan ko ng ibat ibang babae noon. Wala akong balak na ipakita ang lugar na iyun kay Veronica. Gusto ko ng magbagong buhay. Iiwas na ako sa ibat ibang mga babae. Magpo-
focus na lang ako kay Veronica.
Pagdating sa kotse ay agad ko itong pinagbuksan ng pintuan. Inalalayan ko pa itong pumasok at siniguradong nakakabit ang set belt. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nagkaroon ng ganitong klaseng concern sa isang babae. Grabe talaga ang impact sa buhay ko ni Veronica. Nakakabaliw!
"Bakit kaya naisip ni Manang ang tungkol sa bagay na iyun?" bulong nito. Mukhang gulong gulo pa rin ito sa takbo ng usapan kanina.
"Kalimutan mo na ang tungkol sa bagay na iyun. Huwag mo ng masyadong isipin pa." sagot ko.
"Hindi basta ganoon kadali kalimutan ang lahat. Napagkamalan tayong magshota. Dapat talaga hindi na ako sumama sa kwarto mo para matulog eh. "Nagrereklamo nitong sagot. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Dont worry...hindi pa magkakatotoo ang sinabi kanina ni Manang. Wala pa akong balak na buntisin ka." sagot ko naman. Agad kong napansin ang muling pamumula ng pisngi nito.
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang matawa.
"Nagbibiro lang po kayo diba? Paanong may buntisan na magaganap eh hindi nyo naman ako girl friend? Hindi nyo din ako asawa." sagot nito sabay kagat sa labi.
"Sino ang may sabi sa yo na hindi kita girl friend. Simula ng hinalikan kita pag aari na kita Veronica. Iwasan mong makipag-usap sa ibang lalaki dahil masama akong magalit." seryoso kong sagot. Muli itong napatitig sa akin. Bakas sa maganda nitong mukha ang pagkagulat.
"Pe-pero hindi nyo pa po ako
niligawan. Hindi ko din naalala na
sinagot ko kayo. Isa pa hindi po tayo bagay." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaas ng kilay. Ano ba ang pinagsasabi niya.
"Eh di liligawan kita! Pwede naman iyun kahit girl friend na kita eh. Isa pa bakit mo naisip na hindi tayo bagay? As long as nagkakaintindihan tayo magiging maayos ang lahat." sagot ko. Agad itong umiling. Hindi ko naman maiwasan na mag-init ang ulo ko. Imbes na sumang-ayon sa mga sinasabi ko ang dami nya pang dahilan.
"Kahit na. Hindi pa rin pwede!" sagot nito. Agad na nagsalubong ang kilay ko. Mariin ko itong tinitigan. Kakaumpisa ko pa lang mukhang gusto pa yata akong bastidin agad.
"Bakit? May iba ka pa bang gusto? May boyfriend ka na ba?' kinakabahan kong tanong. Agad itong umiling kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Iyun naman pala eh. Pumayag ka na lang na magkasintahan na tayo. Huwag kang mag-alala. Hindi na ako magsusungit." nakangiti kong sagot at tinitigan ito. Napalunok pa ako ng makailang ulit ng matitigan kong muli ang labi nya.
"Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa po tayo dito sa kotse at nag-uusap lang tayo." pag-iiba nito ng topic. Napansin ko kasi ang pagiging hindi komportable nito kaya malakas akong napabuntong hininga. Hindi ko na muna ipipilit ang gusto ko ngayun. Hindi ko naman hahayaan na may ibang lalaki na lalapit dito. Akin lang si Veronica. Hindi ako papayag na may ibang aali-aligid dito.
Agad ko ng pinaandar ang makina ng sasakyan. Kailangan na nga pala namin magmadali dahil gabi na.
Maingat akong nagdrive. Nagtaka pa ako ng mapansin kong tahimik lang si Veronica sa kinauupuan nya.
Pagkadating namin sa isang stop light sinipat ko ito ng tingin. Hindi ko maiwasan na muling mapangiti ng mapansin na tulog na pala ito. Walang pagdadalawang isip na kinabig ko ito at pinasandal sa aking balikat.
Agad kong naamoy ang shampoo na ginagamit nito. Masarap sa ilong kaya hindi ko mapigilan na halikan ito sa kanyang buhok. Wala lang...
pakiramdam ko biglang nagkaroon ng kabuluhan ang nasa paligid ko.
Kontento akong laging nakakasama si Veronica.
Pagdating ng mansion ay tahimik na ang buong paligid. Hindi ko na ginising pa si Veronica. Agad ko itong binuhat at dinala sa kanyang kwarto. Sinigurado ko pa na komportable ito sa kanyang higaan. Kinumutan ko at magaan na kinintalan ng halik sa labi bago nagpasyang lumabas sa kwarto nito.
Gustuhin ko man na tumabi sa pagtulog dito pero hindi pwede. Natatakot ako! Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at tuluyan itong maangkin. Gusto kong iparamdam sa kanya na malaki ang respeto ko sa pagkatao nya. Sa kanyang pagkababae.
Agad akong naligo. Kailangan kong pahupain ang init ng katawan na nararadaman ko ngayun. Hindi ko alam pero ang laking epekto sa akin ni Veronica. Nagrereact agad ang anaconda ko madikit lang sa kanya.
Mabuti na lang at agad akong nakatulog ng nahiga na ako sa kama. Maaga pa ang pasok sa opisina bukas at ayaw ko ng puyatin pa ang sarili ko.
Kailangan ko ng magseryoso. Malapit ng i-turn over sa akin ang pamamalakad ng Villarama Empire. alam kong hindi biro magpatakbo ng isang napakalaking kompanya. Gusto Kong patunayan sa LAHAT na ako SI Rafael Villarama Empire gamit ang sarili kong kakayahan.
Chapter 199
VERONICA POV
"Ikinagagalak kong maging isa ka sa magiging istudyante ko iha."
nakangiting wika ng bagong dating na si Teacher May. Nasa 40s na ito at mukha namang mabait. Mabuti na lang at agad na nakahanap ng bagong tutor sila Tita Carissa kaya hindi na ako mabo-bored na walang ginagawa dito sa mansion.
Hindi ko na naabutan pa kanina si Sir Rafael. Maaga daw itong umalis ng mansion dahil malayo ang pupuntahan nilang dalawa ni Sir Christian. Hindi tuloy kumpleto ang umaga ko dahil ini- expect ko na makikita ko ito at mapasalamatan dahil nagising ako kanina na nasa kwarto na ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi habang nasa byahe kami. Siguradong siya na din ang bumuhat sa akin kagabi paakyat ng kwarto. Nakakahiya dahil hindi man lang ito nag-abalang gisingin ako. Kaninang umaga ko na din na mas napatunayan na mabait naman pala talaga si Sir Rafael. Siguro normal na lang sa ugali nito ang magsungit paminsan-minsan.
"Salamat po Teacher May. Pangako gagalingan ko po para matutunan lahat ng ituturo nyo sa akin." nakangiti ko namang sagot.
Halos anim na oras din akong tinuruan ni Teacher May. Basic lessons pa lang naman ang itinuturo nito sa akin. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil kahit na hindi ako nakatapos ng elementary, mahilig naman akong magbasa noon sa probensya. Nagkataon lang talaga na hindi ako nakakapasok sa ekswelahan dahil kailangan kong bantayan ang mga kapatid ko.
Ayon kay Teacher May, ituturo nya daw sa akin ang lahat. Lalo na ang tungkol sa pagbabasa at pagsasalita ng English. Iyun daw kasi ang kabilin-bilinan nila Tita at Tito. Agad naman akong nakaramdam ng excitement dahil doon. Iyun din talaga ang gusto kong matutunan dahil ayaw ko ng makarinig ng panlalait mula sa ibang tao.
Hindi na din ako aalipustahin ng mga kababayan namin lalo na ng mga dati kong ka-classmates na nagsisipag-aral na sa ibat ibang lugar. Kahit papaano may maipagmamalaki na din ako kung sakaling uuwi ako ng probensya. Hindi na ako tatawaging illiterate ng mga kasing edad ko.
Mabilis na lumipas ang oras. Pagod na pagod ako ng matapos ang first session namin ni Teacher May. Nakakapagod din pala ang mag-aral kahit nakaupo lang. Gayunpaman, masaya ako sa naging kinalabasan.. Lalo na ng sinabi ni Teacher May na magaling naman daw akong istudyante. Kailangan ko lang daw talagang mag-focus.
Pagkaalis ni Teacher May ay agad kong inayos ang mga libro na nasa harap ko. Balak kong sundin ang bilin ni Teacher na pwede daw akong magbasa-basa habang wala akong ginagawa para lalo akong mahasa. Iyan ang gagawin ko kapag nasa kwarto ako. Pinagbawalan akong magtrabaho dito sa mansion kaya namam marami akong time para mag self study.
"Kumusta ang unang araw?' naputol ang pagmumuni-muni ko ng lapitan ako ni Ate Maricar. May bitbit itong isang tray na may lamang juice at cookies. Inilapag nito sa lamesa malapit sa akin.
"Nakakapagod pala Ate. Pero masaya." nakangiti kong sagot.
"Ganyan talaga siguro sa umpisa. Naninibago ka pa siguro sa mga lesson na itinuturo sa iyo ni Teacher May. Pero para saan ba at masasanay ka din. " sagot nito. Masaya naman akong tumango.
"May dala akong miryenda mo. Umalis pala sila Sir at Madam Carissa. Ibinilin ka nila sa akin. Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya magsabi sa akin ha?" wika nito. Agad naman akong tumango.
"Naku Ate...ayos lang ako. Huwag nyo na akong alalahanin pa. Pagkatapos nito balak kong umakyat ng kwarto at magpahinga muna. Susundin ko ang payo ni teacher na mag-self study daw. " sagot ko. Agad naman napangiti si Ate Maricar.
"Bahala ka. Sige, kainin mo muna itong miryenda mo bago ka umakyat." Nakangiti nitong wika. Agad akong kumuha ng isang pirasong cookies at tinikman. Napangiti pa ako ng malasahan ito. Kakaiba talaga ang sarap ng mga pagkain ng mga mayayaman. Gustuhin ko man na damihan ang pagkain pero busog pa ako. Wala pang dalawang oras ng matapos kaming kumain ng lunch kanina ni Teacher May. Ininom ko lang ang juice at tumayo na.
Hindi naman na nagsalita pa si Ate Maricar. Tahimik lang ako nitong pinagmamasdan habang inililigpit ko ang mga gamit ko. Balak kong dalhin lahat ng ito sa kwarto ko.
"Sige Ate...Aakyat na muna ako. Salamat sa miryenda." Nakangiti kong wika. Agad naman itong tumango. Iniwan ko na ito at diretso ng pumasok sa loob ng mansion. Balak kong matulog agad para makapagpahinga. Ngayung nag-uumpisa na akong turuan ng tutor ko, ayaw kong magsayang ng oras. Pipilitin kong matutunan agad lahat ng itinuturo sa akin. Gusto ko din ipakita kina Tita Carissa at Tito Gabriel na hindi sayang ang ibinigay nilang tiwala sa akin na pag-aralin ako.
Mabilis na lumipas ang maghapon. Napasarap ang tulog ko. Gabi ng nagising ako kaya naman nagmamadali akong bumaba ng dining area. Nagtaka pa ako ng pagkapasok ko sa dining room ay tahimik sa buong paligid. Tanging si Manang Espi at Ate Maricar lang ang naabutan ko.
"Wala sila Madam at Sir. May party na pinuntahan. Sige na kumain ka na Veronica. Hindi ka na pwedeng magpuyat." imporma ni Manang Espe. Malungkot naman akong napaupo sa pwesto ko.
"Si Sir Rafael po? Kasama din ba siya sa party?" hindi ko mapigilang tanong. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Manang Espe.
"May dinner meeting na dapat puntahan si Sir Rafael. Masyadong hectic ang schedule ng batang iyun. Huwag mo ng hintayin at baka gabi na din makauwi. Sige na, kumain ka na at ng makapagpahinga na." malumanay na sagot ni Manang Espe. Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na hindi ko makakasama sa pagkain ng dinner sila Tita, Tito at Sir Rafael.
Nangyayari din pala ang ganito sa mansion. May mga pagkakataon din pala na kakain kang mag-isa.
"Manang, pwede po bang sabayan nyo na ako. Malungkot po kasing kumain mag-isa eh." pagyaya ko sa kanila. Agad naman umiling si Manang Espe.
"Hindi pwede ang gusto mo Veronica. May sarili kaming pagkain sa kusina. Hindi kami pwedeng sumabay sa iyo." nakangiti nitong sagot. Agad naman akong nagtaka.
"Eh bakit ganoon? Bakit hindi nyo ako pwedeng sabayan? puno ng pagtataka sa boses na tanong ko.
"Basta. Malalaman mo din iyan pagdating ng araw. Sige na, kumain ka na." sagot ni Manang Espe. Malungkot ko naman hinawakan ang kutsara at tinidor at muli silang binalingan.
"Iwan nyo na ako Manang. Kaya ko na po ang sarili ko." wika ko. Tinitigan muna ako ni Manang Espe bago tumango.
"Sige..pero kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya na magtawag ha? Nasa kusina lang kami. "sagot nito. Agad akong tumango.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot ng mag-isa na lang ako. Maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Hindi ko naman kayang ubusin lahat ito. Isa pa bigla akong nawalan ng gana. Ang lungkot pala ng buong paligid kapag nag-iisa ka lang. Kahit gaano pa kasarap ng pagkain na nakahain sa harap mo kapag hindi mo naman kasama ang mga taong may malaking bahagi na sa puso mo, mawawalan ka pa rin talaga ng gana.
Sumandok lang ako ng ilang kutsara ng kanin at ulam. Gusto ko lang ipakita kina Manang Espe na kahit papaano kumain ako. Baka kasi magtaka sila kapag mapansin nilang hindi ko man lang nagalaw ang mga pagkain na nasa harap ko.
Pagkatapos ng ilang subo ay nagpasya na akong tapusin ang pagkain. Tatayo na sana ako ng muling pumasok si Ate Maricar. Agad itong lumapit sa akin.
"Tapos ka ng kumain? Hindi mo ba
gusto ang mga inihanda ng cook?" agad na tanong nito. Pilit naman akong ngumiti.
"Busog pa ako Ate" sagot ko.
"Ganoon ba? Kung ganoon, liligpitin ko na ito." sagot nito. Agad naman akong tumango. Akmang tutulungan ko sya sa pagliligpit ng mga natirang pagkain sa lamesa ng pigilan ako nito. Muli nitong sinabi na hindi ko na pwedeng gawin ang bagay na iyun. Mahigpit na ipinagbabawal nila Tita at Tito gayundin si Sir Rafael.
Nagpasya na lang akong bumalik ng kwarto. Napakatahimik na ng paligid. Ngayun lang ako nakaramdam ng ganitong lungkot. Siguro dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na naiwan akong mag-isa dito sa mansion.
Oo., mag isa dahil may mga kasama nga akong kasambahay pero pinangingilagan nila ako. Tanging si Manang Espe at Ate Maricar lang ang palaging kumakausap sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa ibang kasambahay. Takot silang kausapin ako. Hindi din nila ako pinapansin.
Muli akong bumalik ng kwarto. Balak kong maligo muna bago matulog. Kaninang umaga pa ang last ligo ko. Mas masarap din kasing matulog kapag bagong ligo.
Pagkatapos gawin ang evening routine ko ay agad na akong sumampa ng kama. Kinuha ko ang libro ko at binuklat iyun. Gusto kong ugaliin na magbasa-basa muna ng posibleng lessons namin ni Teacher May para prepared ako. Gusto ko din kasing magpakitang gilas sa kanya.
Inabot din ako ng halos tatlong oras sa pagbabasa. Nang sipatin ko ang orasan ay halos alas onse na ng gabi. Mukhang hindi pa nakakauwi sila Tita at Tito. Wala din palatandaan na nakauwi na si Sir Rafael.
Malungkot akong napabuntong hininga. Nakakamiss din pala si Sir Rafael. Buong araw ko siyang hindi nakita. Ipinatong ko ang libro sa side table at nagpasya ng matulog. Nakakaramdam na din kasi ako ng antok. Gusto ko din magising ng maaga bukas.
Kinaumagahan..........
Agad akong napabangon ng marinig ko ang pag-alarm ng cellphone ko. Agad ko iyung hinagilap at inoff. Sinulyapan ko ang orasan. Alas singko na ng umaga. Nag-inat lang ako at nagpasya ng bumaba ng kama.
Akmang magliligpit na ako ng higaan ko ng mapansin ko ang nakapatong na pulang rosas at chocolates sa gilid ng kama ko. Sandali akong napatulala na napatitig dito. Hindi ko ito napansin kagabi. Kung ganoon sino ang nag- iwan ng mga ito dito sa kwarto ko?
Agad kong hinawakan ang bouquet ng mapansin ko na may card na nakaipit sa pagitang ng mga bulaklak. Kinuha ko iyun at agad na binuklat para malaman kung kanino galing iyun.
MY VERONICA,
YOU ARE SO SWEET AND LOVING MY SUNSHINE!
RAFAEL
Agad nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ang pangalang si Sir Rafael. Kung ganoon sa kanya galing ang mga bulaklak at Chocolates? Pumasok na naman siya dito sa kwarto ko habang tulog ako?
Hindi ko maiwasan na mapangiti. Bigla akong nakaramdam ng kilig ng muli kong sipatin ang nakasulat sa card.
ito na talaga siguro senyales na magseryoso ako sa pag-aaral ng salitang English. Katulad ngayun English ang mensahe nya at hindi ako sigurado kung ano ang ibig nyang ipakahulugan.
Chapter 200
VERONICA POV
Sinipat ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Excited na akong bumaba dahil gusto ko ng makita ulit si Sir Rafael. Pasulyap-sulyap pa ako sa bouquet of flowers na nakapatong sa kama ko. Balak kong ilagay mamaya sa flower vase ang mga bulaklak para hindi kaagad masira.
Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakatanggap ng isang napakagandang regalo mula sa isang lalaki....at kay Sir Rafael pa talaga!
Sa probensya namin wala kasi akong naging ka-close na lalaki. Maliban sa masyado akong abala sa mga kapatid ko, pinangingilagan nila ako. Wala daw kasi akong pinag-aralan. Iyung ibang mga kasing edad ko na babae, ayaw nila akong maging kaibigan. Tanging si Ate Ethel lang ang matatawag kong kaibigan. Siya ang nagtatanggol noon sa mga umaalipusta sa akin. Sa aming pamilya... Palibhasa mahirap lang kami.
Maagang nag-asawa si Nanay. Walang family planning kaya agad na kaming dumami na mga anak nila at hirap silang ibigay ang aming mga pangangailangan.
Nang mapansin ko na maayos na ang hitsura ko ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Halos takbuhin ko ang hagdan pababa at dumiretso ng dining area.
"Good Morning Veronica! Lalo kang gumanda ngayun ah?" nakangiting bati sa akin ni Ate Maricar. Abala ito sa pag-aayos ng mga kubyertos sa lamesa.
"Good Morning din Ate!" nakangiti kong bati at naupo na sa pwesto ko. Hindi ko maiwasan na igala ang tingin sa paligid. Hanggang ngayun hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang sarili ko na nakaupo sa magarang lugar na ito. Puno ng karangyaan ang buong paligid at kasama na ako sa pinagsisilbihan ngayun dito sa mansion.
Sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko. Parang isang panaginip lang ang lahat na pagkatapos kong lumuwas dito sa Manila para makipagsapalaran ay nakatagpo ako ng mga taong halos ituring akong pamilya. Pangako... pahahalagahan ko kung ano man ang ibinigay nilang tulong sa akin. Pagsisilbihan ko sila sa abot ng aking makakaya.
"Ano nga pala ang gusto mong kainin? Hindi umuwi sila Madam at Sir. Nagcheck in na lang sila sa hotel dahil
gabi na daw natapos ang party." imporma sa akin ni Ate Maricar.
"Hihintayin ko na lang po si Sir Rafael Ate." nakangiti kong sagot.
"Nakaalis na siya. Sa Boracay yata ang punta nila. May importanteng taong ka -meeting sila Sir doon. Isa pa bibisitahin din yata nila ang kakatayo lang na resort sa lugar na iyun." sagot ni Ate Maricar.
Sa narinig hindi ko maiwasan na makadama ng lungkot. Sayang naman pala ang pag-aayos ko. Inaasahan ko pa naman na makikita si Sir Rafael ngayun. Hindi man lang nito nabanggit na magiging busy pala sya sa mga susunod na araw.
Ganito ba talaga ka-busy ang mga mayayaman? Oo marami nga silang pera pero halos hindi naman sila nakakauwi ng bahay.
Bigla tuloy akong nawalan ng gana na kumain. Mag-isa na naman pala ako. Ang akala ko pa naman na isa sa mga rules ng pamilya Villarama ang sabay- sabay na kumain.
"Anong gusto mong kainin? Huwag ka ng malungkot, ibinilin ka naman sa amin ni Sir bago sya umalis. Chopper ang sinakyan nila Sir papuntang Boracay at uuwi din naman yata mamayang gabi dahil family day bukas. "dagdag na wika ni Ate Maricar. Oo nga pala, nawala sa isip ko. Saturday na bukas at pupunta sila Charlotte dito sa mansion.
"Cereals with milk na lang Ate."
walang gana kong sagot. Agad naman itong naglagay ng cereals sa bowl at nilagyan na din nito ng Milk. Iniabot sa akin at agad ko naman iyun kinain. Balak kong bumalik na lang muna ng kwarto habang hinihintay si Teacher May.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagpaalam kay Ate Maricar. Laglag ang balikat na muli akong umakyat ng hagdan. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at mangiyak-ngiyak na nahiga sa kama. Hindi ko man lang nakita si Sir Rafael!
Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit
nagkakaganito ako. Wala naman dapat ikalungkot eh. Hindi naman ako girl friend ni Sir Rafael para magkaganito ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang lungkot ko? Hayysst ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
Naputol lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko na tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumawag. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ko na si Ate Ethel ang tumatawag sa messenger. Requesting for video call kaya agad ko itong sinagot.
"Hello Ate!" nakangiti kong sagot. Agad kong napansin na naglalakad ito. Mukhang natanggap sya sa restaurant
na inirekomenda sa kanya ni Elijah dahil kapareho ng uniform ng mga staff doon ang suot ni Ate Ethel ngayun.
"Veronica kumusta ka na? Pasensya ka na kung ngayun lang ako nakatawag sa iyo ha? Naging busy kasi ako sa paglilipat." sagot nito.
"Talaga Ate? Ibig mong sabihin sa Villarama Shopping Center na ang lugar ng pagtatrabuhaan mo?" agad kong tanong. Agad naman itong tumango.
"Oo...hayyy may pakinabang din naman pala ang amo mo na si Elijah. Akalain mo iyun hindi na ako dumaan sa interview. Tinitigan lang ako ng manager at agad na sinabi na tanggap na daw ako." excited nitong wika.
"Kung ganoon, binabati kita Ate. Gusto sana kitang puntahan dyan sa bago mong pinapasukan kaya lang nag- uumpisa na akong mag aral. May sarili na akong tutor Ate." excited kong wika. Agad kong napansin ang masayang ngiti na gumuhit sa labi nito.
"TAlaga? Wow! Kung ganoon totoo ang sinabi ni Elijah na magiging busy ka na daw sa mga susunod na araw. Naku, yayayain pa naman sana kita sa first salary ko. Ililibre sana kita sa labas." nakangiti nitong wika.
"Eh di magpapaalam ako. Mabait sila Tita at Tito.
Siguradong papayagan nila ako. Isa pa matagal pa naman iyun diba?" sagot ko naman.
"Oo naman. Naku, kung hindi nga lang inoperan ng mga amo ng scholarship yayain sana kita na dito na lang magtrabaho sa restaurant na pinapasukan ko ngayun eh. Pwede ka naman sigurong tulungan ni Elijah para makapasok din dito diba?" tanong nito. Muli akong napangiti. Kung alam lang siguro ni Ate Ethel ang naging buhay ko dito sa mansion baka hindi sya makapaniwala.
"Ayos lang ako dito Ate. Mas maganda nga na nandito ako sa mansion para makapag-focus ako sa pag-aaral." Sagot ko.
"Sabagay! Pero, talaga bang mababait ang mga Villarama? Isa pa talaga bang mga Lola at Lola ni Elijah ang mga amo mo? Kung ganoon, palagi mong nakikita si Rafael Villarama?" Sunod- sunod na tanong ni Ate Ethel. Bakas ang kuryusidad sa boses nito.
"Oo naman! Mababait sila at oo apo nila si Elijah. Malaki pala ang pamilya nila at lahat sila mababait. Nakikita naman iyan sa ugali ni Elijah diba? Nag -effort sya na makaalis ka doon sa lugar na dati mong tinitirhan." sagot ko.
"Sabagay....akala ko talaga
nagyayabang lang sa akin si Elijah eh. Alam mo iyun, kapag nagsasalita siya parang hindi kapani-paniwala. Hindi ko talaga akalain na galing pala siya sa mayamang pamilya. May dapat naman pala syang ipagyabang eh.' sagot nito. Napangiti ako.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago tuluyang nagpaalam sa akin si Ate Ethel. Ngayun ang unang araw nya sa bagong trabaho at tinawagan niya lang daw talaga ako para mangumusta.
Pasado alas otso na ng ibalita sa akin ni Ate Maricar na dumating na daw si Teacher May. Walang gana na bumaba ako at derechong naglakad paputang garden. Doon kasi ako tinturuan ni Teacher.
Abala ako sa mga lessons na tinuturo ni Teacher ng mapansin ko ang pagdating nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Sandali akong nagpaalam kay Teacher May at agad silang sinalubong Grabe!
Isang araw lang silang nawala dito sa mansion pero na-miss ko din sila.
"Hello po!" Agad na bati ko. Nakangiting tinitigan ni Tita Carissa sabay abot sa akin ng isang paper bag.
"Hello Iha. Here...pasalubong ko sa iyo! Kumusta ka dito?" sagot nito sa akin. Nahihiya pa akong inabot ang pasalubong sa akin ni Tita. Sa mga ganitong pagkakataon, wala akong karapatan na tanggihan ang mga bigay nito. Ayaw kong magtampo ito sa akin.
"Ayos lang po Tita. Mabait po si Teacher May at agad kong naiintindihan ang mga itinuturo nya sa akin." Nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman kong ganoon. Wala kaming ibang hangad kundi matupad mo ang pangarap mo Veronica." sagot nito.
"Salamat po!" sagot ko bago sila
pumasok sa loob ng mansion. Agad naman akong bumalik kay Teacher May. Inilapag ko ang pasalubong sa akin ni Tita sa isang bakanteng upuan at muling binalikan ang mga aralin.
KINAGABIHAN.
Kasabay ko ng kumain ng dinner sila Tita at Tito pati na din si Elijah. Himala at nagpakita ulit ito dito sa mansion. Ilang araw din kasi itong nawala at balita ko umuwi muna ito sa bahay ng kanyang mga magulang. Napagalitan din daw ito dahil ilang araw ng hindi pumapasok ng School.
"Elijah, ano naman itong ibinalita sa amin ng Mommy mo? Bakit hindi ka na naman pumasok ng School? Ayaw mo bang maka-graduate?" Narinig kong sita ni Tito Gabriel pagkatapos namin kumain. Agad naman napayuko si Elijah.
"Sorry po Papa. Hindi na mauulit. May mga inaasikaso lang po kasi ako kaya dalawang araw akong hindi nakapasok. " sagot nito. Nagtataka naman akong napatitig dito.
Huwag nyang sabihin na sa dalawang araw na iyun, si Ate Ethel ang palagi nyang kasama?
Agad naman natapos ang dinner na iyun. Dahil malungkot nga ako sa buong araw na hindi nakikita si Sir Rafael nagpasya akong magpahangin muna sa labas. At siyempre para abangan ang pagdating niya. Hindi ko nakalimutan ang binanggit sa akin ni Ate Maricar na uuwi ngayung gabi si Sir Rafael.
Nababaliw na nga siguro ako. Hindi siya mawala-wala sa isip ko at miss na miss ko na siya.
"Can't sleep?" nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Agad kong nakita ang papalapit na si Elijah.
"Himala, naalala mo yatang umuwi ng mansion?" tanong ko. Natawa ito.
"Mas gusto kong tumira dito sa mansion kaysa bahay namin. Wala kaming ibang ginawa ni Elias kundi magbangayan. Para kaming aso at pusa. "tukoy nito sa kanyang kakambal. Kung bakit naman kasi hindi sila magkasundo.
"Dapat mag ayos na lang kayo eh. Dalawa na nga lang kayong magkapatid hindi pa kayo nagkakasundo." sagot ko. Saglit itong natigilan. Nasa malayo ang tingin nito kaya hindi ko maiwasan na magtaka.
Ngayun ko lang napansin na ganito ka- seryoso si Elijah. Mukhang may problema ito. Narinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga nito kaya napatitig ako dito.
"Ang lalim noon ah?" biro ko. Hindi ako sanay na ganito ito katahimik.
Huwag nyang sabihin na sineryoso niya ang pangaral ng Lolo nya kanina?
"Veronica, totoo bang may boyfriend na si Ethel?' Diretsahan nitong tanong.
"Ha? Si Ate Ethel? Hindi ko alam eh. Bakit mo naman naitanong?" sagot ko. Akmang sasagot muli ito ng marinig namin pareho ang sunod-sunod na busina at ang pagbukas ng gate. Agad naman naagaw ang attention namin ni Elijah doon.
Agad kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Sir Rafael. Mula sa aming kinatatayuan ay agad kong napansin ang nakasimangot na mukha nito habang naglalakad palapit sa amin ni Elijah.
"Hello Uncle! Ginabi ka yata ngayun?" agad kong narinig na bati ni Elijah dito. HIndi ito sumagot bagkos direkta itong tumitig sa akin.
"Bakit nandito pa kayo sa labas? Gabi na at nagliligawan pa rin kayo dito?" Halata ang inis sa boses na wika nito. Agad naman kaming nagkatinginan ni Elijah. Pareho kaming nagtataka sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Sir Rafael.
Chapter 201
VERONICA POV
Agad kaming nagkatinginan ni Elijah ng mapansin namin na mukhang mainit na naman ang ulo ni Sir Rafael. Kakarating nga lang nya at kung anu- anong paratang na naman ang lumalabas sa bibig.
Nagliligawan kaagad? Hindi ba pwedeng nag-uusap lang kami ng pamangkin nya.
"Uncle naman, selos ko naman kaagad eh. Nag-uusap lang kami ni Veronica. Halos dalawang araw din kaming hindi nagkita kaya nagkumustahan kami ngayun." paliwanag ni Elijah. Lalo naman nagkasalubong ang kilay ni Sir Rafael. Hindi ito kumbinsido sa sinasabi ng pamangkin.
"Tsaka ano naman ang masama kung nag-uusap kami?" hindi ko naman mapigilang sabat. Bumalik ang tingin nito sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. ibang iba kasi ang titig nito ngayun. Matatalim at may halong galit.
"Go back to your room! Talk to you later!" maawturidad nitong wika. Bigla naman akong natameme. Hindi naman ako ganun ka-shunga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Ilang beses nya ng ginamit sa akin ang salitang 'go back to your room' Palaging lumalabas sa bibig nito kapag mainit ang kanyang ulo.
"Uncle naman! wala ka namang dapat ikagalit eh. Promise, nag-uusap lang kami ni Veronica. Tinatanong ko lang naman sa kanya kung may boyfriend na
--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Elijah ng muling sumabat si Sir Rafael. Sa pagkakataon na ito mataas na ang tono ng kanyang boses. Hindi ko naman maintindihan kung bakit nagkakaganito siya. Kakarating lang eh naghasik kaagad ng init ng ulo.
Pati kami ni Elijah na nag-uusap lang napagbuntunan pa.
"Hindi ikaw ang kinakaup ko Elijah! Veronica, I said pumunta ka na ng kwarto mo! Gabi na at may pag- uusapan lang kaming dalawa ni Elijah! "mainit ang ulong muling wika nito. Wala naman akong magawa kundi sundin ang gusto nito. Mukhang may nakagalit si Sir Rafael sa labas at hanggang dito sa mansion dala-dala nya pa rin iyun at sa kasamaang palad kami pa ang napagbununan ni Elijah.
Hayst kung alam ko lang na matitikman ko na naman ang init ng ulo ni Sir Rafael ngayun buti pa na nagkulong na lang ako ng kwarto pagkatapos namin kumain ng dinner. Mukhang masisira na naman ang buong gabi ko dahil sa kanya.
"Sige Nica.....bukas na lang ulit tayo mag usap. Panira si Uncle eh." wika pa ni Elijah sa akin bago tuluyan akong tumalikod. Hind nakaligtas sa paningin ang matalim na titig ni pinukol ni Sir Rafael sa kanyang pamangkin. Ano ang problema nya?
Imbes na matutuwa ako dahil maghapon ko siyang hinintay, napalitan tuloy iyun ng inis. Dinadaan sa init ng ulo lahat. Akala mo kung makasigaw tao-tauhan lang kami sa mansion na ito.
Pwede naman sana kaming kausapin ng maayos! Hayyy ang hirap magkaroon ng amo na may tupak. Mahirap ispelingin.
Hindi ko talaga sya papansinin simula ngayun. iiwasan ko na talaga iyang si Sir Rafael. Baka mahawa pa ako sa pagiging praning nya eh. Mahirap matantiya ang napakasama nyang ugali.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong isinara ang pintuan. Ini-lock ko pa para walang sino man ang pwedeng makapasok. Lalo na ang Rafael na iyan! Naiinis talaga ako sa kanya.
Muling dumako ang tingin ko sa mga bulaklak. Fresh pa rin iyun dahil nailagay ko na sa flower vase kanina. Nasa tabi nito ang isang box ng chocolates. Nilapitan ko iyun at kinuha.
Wala pa naman sana akong balak kainin ang chocolate na ito. Maganda ang box at may nakasulat na LE CHOCOLATES Ngayun lang ako nakakita ng ganitong klaseng chocolates at mukhang mamahalin. Gusto ko sanang itago hanggat ma- expired at gawing souvenir. Nanghihinayang kasi akong kainin dahil marami namang chocolates sa kusina at isa pa galing ito kay Sir Rafael. Gusto kong pahalagahan lahat ng bigay nya. Kahit na nagsusungit palagi nagagawa pa din nitong magbigay sa akin ng mga regalo..
Buong panggigil kong binuksan ang lagayan. Ang ganda pa naman ng box. Pwedeng paglagyan ng mga abubot kung sakaling maubos ko ito. Isa pa kakaiba din ang chocolates na ito. Nasa magandang box talaga at may ibat ibang design.
Agad akong kumuha ng isa at tinikman. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malasahan iyun. Ang sarap nga! Lasang pang mayaman! Akalain mo iyun, nag-abala pang bigyan ako ng ganito kagabi pagkatapos susungitan niya lang ako ngayun?
Hindi ko namalayan na halos maubos ko ang isang box. Naiinis talaga ako eh. Lagot talaga sa akin ang Rafael na iyan. Hindi na talaga ako papayag na lalapit- lapit siya sa akin. Isa pa hindi na din ako papayag na hahalik-halikan nya ako. Hindi na din ako tatanggap ng kahit na anong regalo galing sa kanya.
Speaking of regalo. Hindi ko pa pala nabuksan ang pasalubong ni Tita Carissa sa akin kanina. Nakapatong pa rin iyun sa may study table ko. Itinabi ko ang chocolates at agad na nilapitan iyun. Akalain mo, sa sobrang pag-iisip ko sa masungit na Rafael na iyun hindi ko naalala na tingnan itong pasalubong ni Tita.
Pagkakuha ko sa paper bag ay dali-dali ko itong binuksan. Nagulat pa ako ng mapansin ko na halos puro pampaganda ang laman. Mula sa make up, lipstick, lotion, pabango at kung anu ano pa. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Ito kasi ang gustong gusto ko at sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakakita ng ganitong klaseng mga pampaganda.
Siguro titingnan ko na lang sa youtube kung paano gamitin lahat ito. Regalo ito sa akin ni Tita Carissa at sayang naman kung hindi ko gagamitin.
Pagkatapos kong ilagay sa vanity table ko ang lahat ng mga pampaganda na pasalubong ni Tita Carissa ay hindi ko mapigilan ang maghikab. Agad na dumako ang mga mata ko sa orasan na nasa bedside table ko. Halos alas-onse na pala ng gabi. Ang bilis talaga ng oras. Hindi ko man lang namalayan ang paglipas nito.
Naghahanda na ako sa pagtulog ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto ng kwarto. Saglit naman akong nagtaka. Gabi na at ang alam ko kapag mga ganitong oras tulog na halos lahat ng tao dito sa mansion.
Akmang tatayo na sana ako para tingnan kung sino ang kumakatok ng marinig ko ang boses ni Sir Rafael. Hindi ko mapigilan na mapataas ang aking kilay ng maisip na sya lang pala ang nasa labas. Sabagay ito ang nalaging pumapasok dito sa kwarto ko.
Mabuti na lang at inilock ko ang pintuan. Bahala sya dyan, manigas siya. wala akong balak na pagbuksan siya ng pintuan.
"Veronica...open the door!" narinig kong wika nito. Himala, mukhang hindi na sya galit. Baka nahimasmasan na at naayos na ang lumuwang na turnilyo sa utak.
"Sunshine...buksan mo ito please. Gusto kitang makausap!" muling wika nito. Napaismid ako. Pagkatapos dahan -dahan akong humiga ng kama. Bahala ka dyan. Isa pa Veronica ang pangalan ko. Hindi sunshine!!!
Halos ilang minuto ko din naramdaman ang presensya ni Sir Rafael sa labas ng kwarto bago ko nadinig ang mga yabag nito palayo. Mabuti naman at umalis na sya. Makakatulog na ako ng mahimbing.
Agad kong ipinikit ang aking mga
mata. Yakap-yakap ko pa ang unan ko habang nakatalukbong ng comforter. Mga ganitong pwesto ang gusto ko.
Nasa kasarapan na ako ng tulog ng bigla akong naalimpungatan. Naramdaman ko kasi na parang may ibang tao sa loob ng kwarto ko. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Sir Rafael....
Agad akong napadilat para lang impit na mapasigaw ng mapansin ko ang mukha ni Sir Rafael na halos nakadikit na sa mukha ko.
"Te----teka! Paano kang nakapasok?" agad na tanong ko. Itinulak ko pa ito para lang umalis siya sa pagkakadagan sa akin. Agad akong bumangon ng kama at lumayo dito. Tumihaya naman ito ng higa habang nakasunod ang titig sa akin.
"Tsssk! Bakit ka nagla-lock ng pintuan? Hindi mo ba narinig ang
katok ko kanina?" tanong nito. kinusot ko muna ang mga mata ko bago sumagot.
"Na-narinig! Kaya lang inaantok na ako eh." pagdadahilan ko. Mataman ako nitong tinitigan bago nagsalita.
"Galit ka ba sa akin? Hindi mo ba ako namimiss? Bakit ka lumalayo sa akin? Natatakot ka?" sunod-sunod nitong tanong. Kainis! Hindi ko tuloy alam kung ano ang unang sasagutin.
"Hi-hindi naman po. Teka lang, paano kayo nakapasok? May susi kayo ng kwarto ko?" nagtataka kong tanong. Hindi ito sumagot bagkos bumangon ito sa pagkakahiga. Tinitigan ako nito tsaka sumenyas na lumapit daw ako. Imbes na sundin ang gusto nya lalo naman akong umatras. Agad kong napansin ang inis na bumalatay sa mukha nito.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ilang araw lang akong naging busy bigla ka na lang natakot sa akin. May kasalanan ka bang nagawa?" tanong nito.
Eh di wow! ako pa ngayun ang tinatanong nya kung may kasalanan bang nagawa? Siya nga itong halos bumuga na ng apoy kanina eh. Kainis!
"Wala po. Bakit naman ako makakagawa ng kasalanan. Nandito lang naman ako sa mansion buong maghapon." sagot ko. Hindi ito nakaimik. Bagkos tumayo ito ng kama at naglakad palapit sa akin. Muli akong umatras kaya natigilan ito. Kunot noong tumitig sa akin.
"Bakit ka ba umiiwas sa akin? Gusto lang naman kitang mahawakan ah? Nag -effort pa akong umuwi ngayung gabi para lang makita ka tapos kung pangilagan mo ako para akong may nakakahawang sakit." inis na wika nito. Hindi ko maiwasan na mapaismid na siyang hindi nakaligtas sa kanyang paningin.
"Tsk! Mukhang masama ang loob mo sa akin Sunshine ah? Huwag mong sabihin nagtatampo ka kaagad sa akin? Halika nga..payakap nga muna. Sabihin mo sa akin kung ano ang kasalanan ko. " muling wika nito.
"Inaantok na ako eh. Gusto ko ng matulog. Bukas mo na lang kasi sabihin sa akin kung ano ang gusto mong sabihin." Angal ko naman. Hindi kaagad ito nagsalita. Tinitigan ako nito sabay iling.
"Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na bumangon ka ng kama? Pwede ka naman matulog habang yakap kita ah? halika na. Humiga ka na dito. Dito ako matutulog. Sobrang na-miss kita kaya gusto kitang mayakap magdamag." sagot nito. Hindi ko maiwasan na panlakihan ito ng mata. Tabi na naman? Baka kung ano ang isipin ng mga tao dito sa mansion kapag malaman nilang tumatabi sa pagtulog ko ang amo namin.
Hindi ako ipinanganak kahapon para pumayag sa gusto nito. Baka isipin ng iba diyan na may milgaro kaming ginagawa ni Sir Rafael.
"hindi po pwede! Ayaw kitang makatabi." sagot ko. Agad na nagsalubong ang kilay nito. Inilang hakbang ang pagitan sa aming dalawa at hindi na ako nakaiwas pa ng hawakan ako nito sa magkabilaang balikat.
"Bakit ayaw mo akong makatabi? May iba ka na bang gusto? Ayaw mo ba sa akin? Hindi bat sinabi ko sa iyo na kahit girl friend na kita, liligawan pa rin kita!" seryoso nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa kanyang sinabi. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang salitang liligawan nya daw ako? Seryoso ba talaga siya? Si Sir Rafael, gusto nya daw talaga akong maging girl friend? Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip lang?
Chapter 202
VERONICA POV
Hindi na ako nakailag pa ng biglang sumayad ang labi nito sa labi ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.
Walang hiya...sabi ko hindi ko na hahayaan pa na halikan ako nito eh. Pero ano na naman ito...bakit nanlalambot na naman ang tuhod ko sa ginagawa nitong paghalik sa akin?
'I miss you so much Veronica, My Sunshine! Sorry kung nagalit ako kanina ha? Pagod ako sa byahe pagkatapos pagkadating ko dito sa mansion agad na bumungad sa mga mata ko na nag-uusap kayo ni Elijah... Ayaw ko ng ganoon Sunshine... nagseselos ako." mahaba nitong wika pagkatapos pakawalan ang labi ko.
Hinaplos pa nito gamit ng kanyang isang palad ang aking pisngi habang diretso ang titig sa mga mata ko. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng aking laway.
Heto na naman, nagreregudon na naman ang puso ko sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin. Bigla na naman nawala ang depensa na pilit kong itinatanim sa utak ko.
Hindi dapat mangyari ito eh. Dapat talaga hindi ko na sya hahayaan pang halik halikan ako ng ganito. Pero ano ito...ang hirap nyang pigilan...ang rupok ko din pala. Isang halik lang agad na nawala lahat ng agam-agam sa puso ko.
"Lets sleep na Sunshine. Dadalo pa tayo bukas sa birthday party ni Peanut. " wika nito at sabay hila sa akin papuntang kama. Parang bigla akong nawalan ng lakas at nagpatianod na lang.
"Teka lang..dito ka ulit matutulog? Takot ka ba sa kwarto mo?" hindi ko mapigilang tanong. Agad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi nito. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig dito.
"Pagod ako sa maghapong trabaho at mahabang byahe Sunshine. Bukas na lang tayo mag-usap ok? Hayaan mong katabi kitang matulog ngayung gabi dahil kailangan ko ang amoy mo para makapagpahinga ng maayos."
malambing na wika nito at inalalayan pa akong mahiga sa kama.
Nagpatianod na lang din ako. Matutulog lang naman kami eh. Isa pa napansin ko din ang pagod sa mukha ni Sir Rafael kaya hahayaan ko na lang muna siyang tabihan ako ngayung gabi sa pagtulog. Bahala siyang lusutan ang lahat kung sakaling matsismis kami dito sa mansion dahil sa mga pinanggagawa nya.
Nakayakap pa rin ito sa akin habang nakahiga kami. Hindi ko tuloy maiwasan na magusmiksik sa may kilikili nito. Ang bango kasi at masarap sa ilong. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok.
Bago ako nakatulog ay naramdaman ko pa ang paghalik ni Sir Rafael sa buhok ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Kakaiba talaga siya. Masungit na may pagka-sweet. Para tuloy kaming mag-shota.
Nagising ako sa malakas na alarm na nagmula sa cellphone ko. Akmang babangon na sana ako ng mapansin ko na may mabigat na bagay na nakagan sa hita ko. Agad akong napalingon sa katabi ko.
Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko ang nakapikit pa rin na si Sir Rafael. Nakadantay ito sa akin kaya naman hindi ko maigalaw nag ibabang bahagi ng katawan ko. Mukhang hindi ito nagigising sa malakas na tunog ng alarm na nagmumula sa cellphone ko.
Ibubuhos ko na sana ang buong lakas ko para makawala sa pagkakayapos nya ng marinig ko garalgal nitong boses.
"Masyado pang maaga. Mamaya ka na bumangon." wika nito na may halong reklamo sa tono ng kanyang boses. Natigilan naman ako at muli itong tinitigan sa mukha. Nakapikit pa rin naman ito kaya napasimangot ako.
"Aabutin ko lang ang phone ko. Ang ingay kasi eh." Reklamo ko. Agad kong naramdaman ang pagbangon nito at ito na mismo ang nag-abot ng cellphone. Sya na din ang nagpatay ng alarm bago bumalik sa pagkakahiga sa tabi ko. Hinayaan ko na lang siya at muli kong ipinikit ang aking mga mata.
Tumatagos na ang liwanag mula sa bintana ng muli akong nagising. Nagulat pa ako at agad na napabalikwas ng bangon. Nagtaka pa ako ng mapansin ko na wala na si Sir Rafael sa tabi ko. Nang sulyapan ko ang relo ay nagulat pa ako ng halos alas otso na ng umaga.
"Yari na. Late na ako sa breakfast namin. Nakakahiya!" hindi ko mapigilang bulong sabay sapo ng ulo ko. Nagmamadali pa akong bumaba ng kama at agad na niligpit iyun.
Ang daya talaga ni Sir Rafael. Hindi man lang ako ginising. Dapat pala bumangon na ako kanina ng tumunog ang alarm ng cellphone ko. Tinanghali tuloy ako ng bangon. Nakakahiya!
Nang masiguro ko na maayos na ang pagkakaligpit ng kama ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo. Mamaya na lang ako maligo. Sabado ngayun at tiyak na nandito na ang mga anak nila Tita at Tito. Baka hinihintay na din ako nila Charlotte at Jeann. May usapan pa naman kami na maliligo ng pool ngayung umaga.
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko at nang masiguro na maayos na ang hitsura ko ay nagmamadali akong lumabas ng
kwarto.. Nakakahiya man pero kailangan kong harapin iyun. Hihingi na lang ako ng 'sorry' kina Tita at Tito dahil hindi ako nakababa bago kumain ng agahan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko.
Pababa pa lang ako ng hagdan ng marinig ko ang malakas na boses ni Charlotte. Hindi ko mapigilang mapangiti at akmang papunta na ko sa dining area ng makasalubong ko si Jeann.
"Hello Veronica! Sa wakas nagising ka masaya nitong wika at agad na lumapit sa akin. Nagulat pa ako ng bigla itong nakipagbeso sa akin. Niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya.
Napapansin ko ang kadalasang
ganitong approach sa miyembro ng kanilang pamilya. Ginagawa nila ito kapag nagkikita-kita sila.
"Kanina pa ba kayo? Pasensya na napasarap ang tulog ko." sagot ko ng kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Agad itong napangiti. Hindi ko maiwasan na titigan ang maganda nitong mukha. Katulad ni Charlotte, nakakabighani din ang ganda nito. Ang kinis ng kanyang balat at halatang anak mayaman.
"Ayos lang. Naiintindihan kita. Ganyan din ako kapag walang pasok sa School. Sinusulit ko ang tulog ko." nakakaunawa nitong sagot. Pagkatapos hinawakan ako sa kamay.
"Tamang tama. Sabay na tayong pumunta ng dining area. Nandon na sila Charlotte at sila Kuya Elijah at
Kuya Elias. Sumabay ka na sa amin dahil ang mga oldies nasa gazeebo. May pinag-uusapang importante." wika nito sa akin. Agad naman akong nagpatianod.
Katulad ng nabanggit nito ay naabutan ko pa ang iba nitong mga pinsan na kumakain sa hapag. Agad naman nila kaming binati ng mapansin ang pagdating namin ni Jeann. Mabuti na lang at mukhang mababait sila at walang kahit na anong tanong kung ano ang papel ko sa pamilyang ito.
Ang gaganda talaga ng lahi ng mga Villarama. Halatang hindi sila mga matapobre dahil parang wala lang naman sa kanila ang presensya ko. Mukhang kilala na din nila ako base na din sa kanilang mga expression sa mukha.
"Kilala mo na siguro ang mga kapatid ko diba? Sila si Christopher at Charles..... sabay-sabay kami lumabas sa tummy ni Mommy. Triplets kami kaya magkakamukha kami. "wika ni Charlotte. Agad naman akong nag 'hi' sa kanila at tanging ngiti lang naman ang naging sagot nila.
"And siya naman ang kapatid ni Ate Jeann. Si Kenneth...dalawa lang din silang magkapatid at kilala mo nama siguro si Kuya Elijah at Kuya Elias diba mga anak sila ni Tita Miracle at Tito Roldan.?" madaldal na wika ni Charlotte sabay subo. Agad naman akong tumanga at ngumiti sa lahat.
"Himala nasa mood yata si Charlotte na i-introduce tayo kay Veronica!" agad na sabat ni Elijah. Napangiti naman ang halos lahat liban na lang sa kakambal nitong si Elias.
"So? Wala akong nakitang mali sa ginawa ni Charlotte. Gusto lang siguro nyang malaman din ni Veronica ang mga pangalan natin since dito na sya nakatira sa mansion." Seryosong sabat naman ni Elias. Mukhang totoo nga ang narinig ko na palaging nagbabangayan ang dalawang ito.
"Hindi ko naman sinabing may mali sa ginawa ni Charlotte. Hayst lahat na lang pinapansin mo eh!" Inis na sagot naman ni Elijah sa kakambal. Agad ko naman napansin ang pagtitinginan ng magpipinsan bago sumabat si Kenneth.
"Mga pinsan...baka saan na naman mapunta yang sagutan niyo. Remember, maglalaro pa tayo ng basketball." wika nito. Agad na natigilan ang dalawa at sabay na tumayo.
"Nice to meet you Veronica!" wika pa ni Elias sa akin sabay talikod at lumabas ng dining room. Sumunod naman dito ang mga pinsan nyang lalaki pati na din ang kakambal na si Elijah na bubulong-bulong pa.
"Hmmp ang hilig sumabat sa usapan pagkatapos iinit agad ang ulo. Ang sarap kutusan." wika pa nito. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jeann at Charlotte.
"Masanay ka na sa kanila Veronica. Ganyan talaga ang kambal na iyan. Hate ang isat isa." nakabungisngis na wika ni Jeann. Napatango naman ako
"Sya nga pala, nabanggit ni Uncle Rafael na isasama daw tayo sa party mamaya. Alam mo na ba ito Ate Veronica? Sa yate daw eh at ipinagpaalam nya na kami kila
Mommy at Daddy. Hindi ba Jeann." wika ni Charlotte sa akin na agad naman ikinatango ni Jeann.
"Yes..excited na ako! Mas gusto kong umattend sa mga ganyang klaseng party. Iba ang pakiramdam habang naglalayag sa gitna ng karagatan." sagot ni Jeann.
"Alam ko na ang tungkol sa bagay na iyan. Mabuti at pinayagan kayo ng mga Mommy at Daddy nyo." sagot ko. Kahit papaano agad akong nakaramdam ng excitement.
"Of course...kapag si Uncle Rafael ang magpapaalam papayag agad iyan sila. Kahit masama ang ugali ni Uncle malaki pa rin ang tiwala ng parents namin sa kanya." sagot naman ni Charlotte.
"Teka parang friend yata ni Uncle ang may birthday diba? Hindi ko akalain na pati tayo maiimbitahan eh." sabat naman ni Jeann.
"Nabanggit na nila iyan sa akin noong minsan na isinama ako ni Sir Rafael sa office nya. Sakto na dumating ang tatlo nyang mga kaibigan at iyan ang naging topic. Ang tungkol sa birthday noong si Peanut."Sagot ko. Agad kong napansin ang pamimilog ng mga mata ni Charlotte.
"Talaga? Si Kuya Peanut ang may birthday?" agad na tanong nito. Sabay naman na napatingin kami ni Jeann dito.
"Oo...bakit kilala mo ba siya?" tanong ko naman. Alanganin itong umiling,
"Hindi naman sa personal pero ang
alam may friend si Uncle na Peanut ang name. Iyung model. Nakikita ko lang siya sa mga magazine dahil hindi naman siya dinadala ni Uncle dito sa mansion para ipakilala sa amin." sagot ni Charlotte na hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.
"Ganoon ba? Kung ganoon pagkakataon na natin na makilala ng personal ang mga kaibigan ni Uncle. Balita ko mga successful na sila at may kanya-kanya ng negosyo. Ang sarap kaya maging kaibigan ang mga ganoong tao. Tiyak galante kung magbigay ng regalo." sagot naman ni Jeann. Nagkatawanan naman kaming dalawa ni Charlotte. Kitang kita sa mga mukha namin na excitement sa gaganaping party mamaya. Kung tutuusin panibagong experience na naman ito sa akin. Makakadalo na ako sa birthday ng mga mayayaman.
Chapter 203
VERONICA POV
"Magpakabait kayo doon ha? Jeann, ikaw ang mas matanda sa inyong tatlo kaya ingatan mo iyang dalawa mong kasama." bilin sa amin ni Ate Arabella. Sa aming tatlo mas matanda si Jeann sa akin ng isang taon at Fifteen years old naman si Charlotte. Minor pa kung totoosin at dahil mga kaibigan naman ni Sir
Rafael ang may party pinayagan agad ito ng mga magulang.
"Opo Mommy! Since ako ang mas matanda sa aming tatlo ako ang tatayo bilang guardian nila." Pabirong sagot ni Jeann. Tinawanan naman ito ni Ate Arabella. Nakakatuwa lang. Ang cute nilang tingnan mag-ina.
"Ang daya naman... Hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" narinig kong angal ni Elijah. Kanina pa ito nakikiusap kay Sir Rafael na kung pwedeng sumama din sila. Kaya lang ilang beses din itong tinanggihan ni Sir Rafael. Bilang lang daw ang pwedeng sumama dahil sa yate gaganapin ang party.
"Hindi nga pwede. Next time na lang. Isa pa magpahinga kayo dahil napagod kayo sa laro niyo kanina diba?" sagot ni Sir Rafael. Sinenyasan kaming tatlo na sumakay na daw ng kotse na siyang agad naman naming ginawa.
"Informal naman daw ang party. Walang dress code kaya alam naming maging komportable kaming tatlo. Iilan lang din daw ang bisita na siyang lalo naming ikinatuwa.
"Ano nga pala ang nakain ng friend mo Uncle at pati kami pinayagan na dumalo?" tanong ni Charlotte ng nag- umpisa ng umusad ang sasakyan. Saglit na nag-isip si Sir Rafael tsaka saglit na tumitig sa gawi ko.
"Wala lang. Gusto kasi nilang umattend si Veronica at ayaw ko naman na wala siyang kasamang babae. Kaya naisip kong isama kayo." direkta nitong sagot. Agad na napatitig sa akin si Charlotte at Jeann. May ngiting naglalaro sa mga labi nila.
"Siguro, crush ka ng isa sa mga friend ni Kuya kaya ka inimbitahan?" Walang prenong wika ni Jeann.
"Naku hindi naman siguro. Nagkataon lang na nakilala nila ako noong minsan na isinama ako ni Sir Rafael sa opisina nya kaya naimbitahan din ako." sagot ko naman at nagpakawala ng pilit na ngiti. Napansin ko pa ang pagkainis sa mukha ni Sir Rafael habang nakatitig sa akin. Hindi marahil nito inaasahan ang tanong ng pamangkin. Iyun nga lang, bakit pakiramdam ko may kasalanan ako sa klase ng titig nya?
Hmmmp kung makabakod nga siya sa akin noong nasa office kami ganoon-ganoon na lang. Ayaw nyang palapitin sa akin ang mga kaibigan nya.
"Hindi nga! Hindi ako naniniwala. Pero alam mo, mag-ingat ka......katulad ni Uncle, mga playboy din sila kaya kahit gaano pa sila ka-gagwapo, tagilid sila sa akin." wika ni Jeann. Muli akong napatitig kay Sir Rafael. Nasa unahan namin ito at kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo dahil sa mga naririnig na usapan sa pagitan namin ng kanyang mga pamangkin. Kaunti na lang at magsusungit na naman yata ito. Kung bakit naman kasi mga ganitong topic pa ang lumalabas sa bibig nila Jeann at Charlotte. Nakakahiya tuloy sa Uncle nila.
"Ah basta! Naniniwala ako sa kasabihan na pwedeng magbago ang isang tao kapag ma-inlove na. Malay mo naman diba?' Sabat ni Charlotte. Napatitig naman dito sa Jeann bago sumagot.
"Bakit mo naman nasab? iyan? Dont tell me na na-inlove ka na? Yari ka kila Tita at Tito kung nagkataon. Kinse ka pa lang at bawal pa sa iyo iyan." sagot ni Jeann. Agad kong napansin ang pamumula ng pisngi ni Charlotte. Hindi ko maiwasan na matawa.
"Uyyy nagba-blush! May mga bagay kang hindi sinasabi sa akin noh? Ang daya Charlotte ha?" matabil na wika ni Jeann. Agad naman umiwas na tingin si Charlotte sa amin. Lalo naman itong nakatikim ng pang-aasar kay Jeann.
"Tama na iyan! Kayong dalawa baka magkasamaan na naman kayo ng loob ha? Ang babata niyo pa para sa mga ganyang usapan." awat naman ni Sir Rafael. Agad naman napaismid si Jeann. Tinitigan muna nito ang tiyuhin bago nagsalita.
"Bata ka diyan..... Sa ating apat si Charlotte lang ang minor. Hindi ba noong mga kapanahunan mo, high
School ka pa lang may dinadala ka ng babae sa condo mo Uncle? Akala mo hindi namin alam noh? Well sila Grandma and Grandpa hindi nila alam ito pero sila Mommy at Daddy alam na alam nila ang secret mo!"
"Nabanggit pa nga ni Mommy na puro mga teenager ang mga naging girl friend mo eh." madaldal na sagot ni Jeann. Agad kong napansin ang lalong pagkunot ng noo ni Sir Rafael ng titigan ko ito. Hindi marahil nagustuhan ang lumalabas na salita sa bibig ng pamangkin. Mukhang kaunting push pa at sasabog na ito. Nahihiya naman akong sumabat sa pag -uusap nila.
"Stop it! Mana ka talaga sa Mommy mo. Lumabas na naman ang pagiging madaldal mo." awat ni Sir Rafael. Iningusan lang ito ni Jeann tsaka ibinaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. Agad ko naman napansin ang ngingit-ngiting si Charlotte. Mukhang masaya pa ito na nakikitang naiinis na ang kanilang tiyuhin.
Mabilis lang naman ang naging byahe namin. Namalayan ko na lang na nakarating na kami sa isang lugar na puro malaking mga bangka ang nakikita. Ibang klaseng banka at sa tanang buhay ko ngayung lang ako nakakita ng ganito. Siguro ito iyung sinasabi nilang mga yate. Hindi ko maiwasan na mamangha ng mapansin ko ang mga nagagandahang design ng mga iyun.
"Dyan ba tayo sasakay?" hindi ko maiwasang bulong kina Jeann at Charlotte. Agad naman silang nagsitanguan.
"Meron din kaming ganyan. Palagi naming sinasakyan kapag pumupunta kami ng Palawan." wika ni Jeann. Agad naman akong namangha.
"Talaga? ibig sabihin sanay ka ng sumakay ng mga ganyang banka?" inosente kong tanong. Agad na tumango si Jeann.
"Yes..noong 18th birthday ko sa yate din namin sinilebrate. Sayang nga lang at hindi ka pa namin nakilala noon Nica." sagot nito.
Akmang sasagot pa sana ako ng mapansin ko ang tatlong kalalakihan na palapit sa amin. Kilala ko na ang mga ito. Sila Peanut, Drake at Arthur. Parehong nakangiti at mukhang masaya sa presensya ng kaibigan nila. Naagaw agad ang pansin naming tatlo sa mga lalaking palapit sa amin. Agad naman sinalubong ni Sir Rafael ang mga kaibigan at nakipagkamay.
"Hi Bro! Mabuti naman at nakarating ka! Akala ko talaga didedmahin mo ang birthday party ko eh!" Narinig kong wika ni Peanut pagkatapos bumaling ang tingin nito papunta sa amin.
Napansin ko pa ang pagkagulat nito habang nakatitig sa gawi namin.
"Pwede ba naman iyun? Hindi ko hahayaan na ako ang maging dahilan para hindi kumpleto ang kaarawan mo. "narinig kong sagot ni Sir Rafael habang isa-isang nakipagkamay kina Drake at Arthur.
"And Hello Veronica! Nice to see again. Habang tumatagal lalo ka talagang gumaganda.
Ang galing talagang mag-alaga nitong si Rafael eh!." bati sa akin ni Peanut. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa sinabi nito. Napansin ko din kasi ang nagtatakang tingin na ipinukol sa akin nila Charlotte at Jeann. Sabagay, mukhang wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa pagitan naming dalawa ng kanilang tiyuhin.
Agad naman napalapit sa akin si Sir Rafael. Nagulat pa ako ng hapitin ako nito sa baywang na siyang lalong ikinagulat ng kanyang mga pamangkin. Akmang lalayo ako dito dahil nahihiya ako sa mga pamangkin nya pero lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakahapit sa akin. Parang gusto ko na tuloy lamunin na lang ako ng lupa dahil sa pagkapahiya. Hindi nya ba naisip na nakikita kami ng kanyang mga pamangkin niya? Grabe na talaga siya. Walang pinipiling lugar ang mga bagay na gusto nyang gawin.
"And by the way? Sila na ba Bro ang mga anak ng kapatid po?" pukaw ni Peanut kay Sir Rafael. Agad lang din naman itong tumango. Napansin ko din ang paglapit sa amin ng dalawa nilang mga kaibigan. Parehong nakatitig kina Charlotte at Jeann.
"Yah...before I forgot...sila ang mga anak ng mga kapatid ko. Meet Jeann and Charlotte." pagpapakilala ni Sir Rafael. Akmang makikipagkamay sana ang mga ito kina Jeann at Charlotte ng pigilan ito ni Sir Rafael.
"No need na makipag shake hands. Tandaan niyo mga Bro..off limits pa sila pagdating sa mga kalalakihan. Isinama ko lang sila para hindi ma bored si Veronica." Seryosong wika ni Sir Rafael. Agad kong napansin ang pagtaas ng kilay ng tatlo nitong mga kaibigan. Talagang may ganoon?
"Arte mo Uncle...malalaki na kami at gusto din namin makilala ang mga kaibigan mo." malditang sagot ni Charlotte at agad na inilahad ang mga kamay para makipag shake hands. Parang dalaga na kung umasta gayung kung tutuusin siya ang pinakabata sa amin.
"Hello, Im Charlotte Villarama, fifteen years old at isa ako sa anak na triplets ng kapatid ni Uncle...sila Misis and Mister Christian Villarama." Nakangiting pakilala ni Charlotte. Agad naman inabot ni Peanut ang kamay ni Charlotte at kinamayan iyun. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Charlotte dahil sa ginawa ni Peanut kaya agad nya iyung binawi. Napakamot ng ulo niya si Peanut sabay binalingan din nito ng tingin si Jeann.
"Hello..ako si Peanut...ang birthday Celebrant. Ikinagagalak kong makilala kayo Charlotte, Jeann. Hindi ko akalain na mga dalaga na pala ang mga pamangkin ng kaibigan namin. Ang natatandaan ko ang babata niyo pa noon." nakangiting sagot ni Peanut. Agad namn itong tinaasan ng kilay ni Charlotte. Samantalang seryoso lang kaming nakikinig sa kanila.
"Ahhhh ikaw pala si Peanut? Iyung may sex scandal?" diretsahang sagot ni Charlotte dito. Agad kong napansin ang pagkapahiya sa mukha ni Peanut. Namula ito sabay tikhim. Hindi marahil nito inaasahan ang katagang lumabas sa bibig ni Charlotte. Narinig ko naman ang impit na tawanan ng mga kaibigan nito kasama na si Sir Rafael.
"Iyan kasi Bro sa sobrang pagiging palikero mo pati mga minor de edad, alam na alam ang sekreto mo!"
kantiyaw naman ni Drake at ito na din ang nagpakilala sa kanyang sarili kina Jeann at Charlotte. Ganoon din ang ginawa ni Arthur. Isa isa nilang kinamayan sila Jeann at Charlotte bago kami niyaya sa loob ng yate.
Hanggang sa pagpasok namin sa loob nakaalalay pa rin sa akin si Sir Rafael. Nahihiya na tuloy ako sa mga pamangkin nito. Alam kong nagtataka na din sila sa ipinapakitang kilos ng Uncle nila sa akin. Aywan ko ba sa Sir Rafael na ito. Kung makakapit akala nya naman tatakbuhan ko siya. Ang
takot ko lang na humilay sa kanila noh.
Hindi ko kabisado ang lugar at tiyak na hindi ko kayang umuwi ng mansion mag-isa.
Naging maayos naman ang mga susunod na pangyayari. Mukhang si Peanut lang talaga ang tinamaan sa matabil na dila na si Charlotte. Bigla tuloy itong nanahimik at mukhang nasira pa ang maganda nitong mood dahil sa sinabi ni Charlotte. Ngayun ko lang din nalaman na may sex scandal itong si Peanut. Ano kayang klaseng scandal iyun? Ay ewan...kapag scandal ang alam ko bastos iyun.
Hindi ko naman maiwasan na mamangha sa aking nasilayan ng makapasok kami sa loob ng yate. Parang nasa bahay lang din pala kami. May mga iilang bisita din kaming nakikita. Ang ilan sa kanila ay abala sa pagtitsismisan at ang iba naman ay abala sa kaka-selfie.
"Sa roof deck tayo. Mas maganda doon para makita natin ang paglubog ng araw. Kayo na lang talaga ang hinihintay namin at aalis na tayo."
wika ni Drake. Agad naman napatango si Sir Rafael at sabay-sabay na kaming umakyat sa itaas na bahagi ng yate. Napansin ko din na halos karamihan sa mga bisita ay mga babae. Wala lang... ang sesesksi kasi nila eh.
Pagdating ng roof deck ay nagpasalamat ako dahil binitiwan din ako ni Sir Rafael. Agad kaming naupo nilang tatlo nila Jeann at Charlotte sa isang malambot na sofa. Mula sa kinaroroonan namin tanaw na tanaw namin ang buong paligid. Halos alas kwatro na din ng hapon at excited na akong panoorin ang paglubog ng araw. Nararamdaman ko din ang pag-usad ng yate na siyang katunayan na lalaot na kami na syang lalong nagpa-excite sa akin.
"Ano nga pala ang gusto niyong inumin ladies?" pukaw sa amin ni Drake. Sabay-sabay pa kaming napatitig dito.
"Juice lang please! No alcohol ha? Bawal sa amin!" sagot ni Jeann. Napansin ko ang pagngiti ni Drake at walang kurap na pagtitig kay Jeann.
Hinagilap ko din ng tingin kong nasaan sila Sir Rafael pero hindi ko na ito nakita. Baka muling bumaba. Wala din sila Peanut at Arthur. Sa sobrang abala ko sa kakatingin sa paligid hindi ko namalayan na basta na lang pala kaming iniwan nito dito sa roof deck.
Chapter 204
RAFAEL POV
"What?" inis na sagot ko sa tanong ni Peanut.. Ano na naman kaya ang nangyari dito at hindi pa rin pala maka get over sa sinabi ng pamangkin ko kanina. Knowing Charlotte madaldal lang talaga iyun at malas nya lang dahil siya ang unang nakatikim sa pagiging taklesa nito.
"Dinala mo pa ako dito para lang tunungin tungkol sa bagay na iyan?" naiinis kong wika. Tinatanong nito kung paano daw nalaman ni Charlotte na may sex scandal siya. Malamang sa internet. Napanood kaya muling naalala ng makaharap siya kaya napatanong iyung bata.
"Yup! Nagulat lang kasi ako Bro...sabi mo nga siya ang pinakabata sa kanilang tatlo pero parang mas marami siyang alam tungkol sa buhay ko! Come on..birthday ko ngayun pero sobrang napahiya ako sa sinabi kanina ng pamangkin mo!" angal nito sa akin. Napailing ako. Malala na talaga itong kaibigan ko. Kung babaero ako noon mas babaero ito.
Sa sobrang dami ng babae nito nagkaroon pa ito ng sex video noon. Pero naagapan naman agad iyun ng kanyang handler at manager para huwag tuluyang kumulat. Iyun nga lang mukhang hindi iyun nakaligtas sa mga mata ng pamangkin ko. Knowing Charlotte parang Mama nya ito na dating military. Lahat hinahalungkat. Lahat inaalam.
"Hayaan mo na nga iyan. Believed me... wala lang sa pamagkin ko iyun. Ganoon lang talaga siya." Inis kong wika. Kainis big deal na sa kanya iyun. Dapat nga maging proud pa siya sarili nya. Napatunayan ng lahat kung gaano siya kababaero at kagaling sa kama.
Sa totoo lang gusto ko ng bumalik kina Veronica. Si Drake pa naman ang naiwan doon. Baka kung ano na ang ginagawa ng gagong iyun. May kadaldalan pa naman iyun. Baka kung anu-ano na ang kanyang kinikuwento sa Sunshine ko.
"Hindi Bro eh. Apektado talaga ako! Kung hindi lang minor de edad iyang pamangkin mo pinatulan ko na iyan eh. "narinig kong wika dito. Masama ko itong tinitigan.
"Gago! Huwag mong kalimutan na pamangkin ko ang pinag-uusapan natin ngayun. Minor de edad man siya o hindi huwag na huwag kang gumawa ng bagay na makakasama sa kanya... Hindi ka man malalagot sa akin baka bawian ka ng buhay ng Nanay nyang amazona!" sagot ko. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha ng loko. Sabagay mukhang hindi siya aware na dating sundalo si Ate Carmela. Ang Ina ni Charlotte.
"Hayyy kainis. Kung alam ko lang na masisira ang araw ko ngayun dapat pala hindi na kita pinilit na umattend sa party ko eh!" inis na wika nito. Agad ko naman itong nabatukan. Kakamot- kamot naman ito ng kanyang ulo.
"Bahala ka na nga dyan. Halos nandito na tayo sa gitna ng laot at hindi mo na kami pwedeng sipain. Isa pa mukhang nag-eenjoy ang Sunshine ko kaya huwag na huwag mong sirain iyun." sagot ko at agad itong tinalikuran.
Pabalik na ako ng roof deck ng marinig ko na may tumawag ng pangalan ko. Wala sa sariling napalingon ako at nagulat pa ako ng mapansin ko ang palapit na si Sofia. Nakangiti at halos maghubad na sa klase ng saplot ng katawan meron siya ngayun.
"Hello Rafa! Ohhhh I am so happy na nandito ka din!" malandi nitong wika. Akmang hahawakan pa ako nito pero mabilis akong nakailag. No! Tapos na ako sa babaeng ito! Isa pa gusto ko ng tuluyang talikuran ang pagiging babaero ko. Nagbagong buhay na ako.
Naiinis kong tinitigan si Peanut na noon ay ngingiti-ngiting nakatitig sa amin. Yari talaga sa akin ang mani na ito. Sige lang ngumisi ka ngayun, hintayin mo ang ganti ko! Hindi man lang binanggit nito sa akin na nandito din pala ang Sofia na ito. Kung alam ko lang talagang hindi na ako pumunta sa party na ito. Imbes na mag-enjoy ako mukhang konsumisyon ang aabutin ko nito eh. Kainis talaga!
Bwesit talaga! Hindi man lang nabanggit nito na imbitado din pala ang babaeng ito? Mukhang gabi ko na naman ang masisira. Knowing Sofia, makulit ito at hindi nakakaintindi ng salitang hiwalayan.
"What do you want?" inis kong tanong.
Ngumiti ito ng makahulugan.
"Actually, kaya ako nagpursige na maka-attend sa party na ito dahil alam kong nandito ka. Miss na miss na kita Rafa ko! Miss na miss ko na ang ginagawa natin. Alam mo bang sa iyo ko lang naramdaman ang tunay na satisfaction pagdating sa kama!"
Malandi nitong wika at sinabayan pa ang pagdila.
"Well, ang alam ko hiwalay na tayo! Wala ka ng appeal sa akin."
seryoso kong sagot. Agad kong napansin ang pagbalatay ng lungkot sa mukha nito. Hindi ko na iyun pinansin at tinalikuran na ito.
Wala na akong pakialam kay Sofia. Noon pa man malinaw na sa kanya kung anong klaseng relasyon meron kami. Pure sex, walang halong pagmamahal at init lang ng katawan. Wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng dumaan na sa buhay ko..
Pagkabalik ko ng roof deck ay agad kong nakita ang nagtatawanan na si Veronica, Charlotte at Jeann. May nakahain na snacks sa harap nila. Mukhang may nakakatawa silang pinag -uusapan.
Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha ni Veronica. Habang tumatagal lalo siyang gumaganda. Kahit sino sigurong lalaki na makakakita dito ay agad na mabibighani sa kanya. Kaya nga pinapaiwas ko sa kanya si Elijah. Ayaw kong may ibang lalaking aali- aligid dito.
"Ang sungit pala ng Jeann na iyan Pare. Binigay ko lang ng red wine sinigawan ako. Imbes na magpasalamat sinungitan pa ako. Ako na nga itong nagmagandang loob ako pa ang lumabas na masama." Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ni Drake. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito.
"Bakit kasi alak ang isinerve mo? Anong akala mo nasa pag-aari mong bar ka pa rin?" tanong ko. Napakamot ito ng ulo.
"Pwede naman nyang sabihin ng maayos kung ayaw nya eh. Hindi nya naman ako dapat sungitan." sagot nito. Napailing na lang ako at lumapit na sa kinauupan ng tatlo na noon ay panay ang tawanan. Natigil lang sila ng mapansin ang aking presensya.
"Ohh Uncle, saan ka galing? May naghahanap sa iyo na babae dito kanina." agad na wika sa akin ni Jeann. Hindi ko naman maiwasan na mapakunot ang noo ko at tumitig kay Drake.
"Ah baka si Sofia ang tinutukoy nya. Naabutan ko kanina na nandito. Mukhang ikaw nga ang hinahanap. Gusto yatang ibalik ang inyong nakaraan eh!" madaldal na wika ni Drake. Pinanlakihan ko ito ng mga
mata. Litse talaga, hindi nya man lang ba naisip na kaharap namin si Veronica?
Wala talaga akong maasahan sa mga ito. Gusto pa yata akong ilaglag sa harap ng Sunshine ko. Kainis! Kung alam ko lang na nandito din pala ang Sofia na iyun sa sariling yate ko na lang sana dinala si Veronica. Masusulo ko pa siya doon. Tiyak na mag-eenjoy pa kami.
"Ano mo ba ang babaeng iyun Uncle? Dating girlfriend? Yuck! How cheap! Pakisabi hindi ko siya gusto para sa iyo! Maghanap ka ng iba!" madaldal na sabat ni Charlotte. Napailing na lang ako habang napatingin kay Veronica. Tahimik lang ito habang nakikinig sa usapan kaya naupo na ako sa tabi nito. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya mamaya. Baka iiwasan pa ako ng Sunshine ko. Hindi ko matatanggap iyun.
"Truth! Ayaw ko din sa kanya. Ang angas eh. Nagtatanong lang nagmamaldita pa! Kainis! Kaunting push pa sa pangit nyang ugali ihuhulog ko siya dito sa Yate. I dont care kung bisita din siya dito. Marunong siyang lumugar." sabat naman ni Jeann. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip. Ano ba talaga ang ginawa ni Sofia kanina at bakit ganito kagigil ang mga pamangkin ko sa kanya? Tinitigan ko si Drake. Umiling ito.
"Nasaan na ba si Peanut? Abat dapat tayo ang ipriority niya. Tsaka si Arthur biglang nawala." sagot naman ni Drake.
"Hayaan mo na sila. Baka busy sa ibang bisita!" baliwala kong sagot. Pagkatapos hinarap ko si Veronica na noon ay nananahimik na.
"Anong gusto mong kainin? Ikukuha kita!" tanong ko dito. Tumitig ito pabalik sa akin tsaka umiling.
"Busog pa po ako Sir. Marami pong binigay na food si Drake sa amin kanina." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga lalo na ng mapansin ko ang lungkot sa mga mata nito. Nagseselos kaya siya kay Sofia? Isa pa, hanggang ngayun Sir" pa rin ang tawag nito sa akin. Kailangan ko na din i-correct iyun sa susunod na araw.
"Uncle pwede po ba kaming magbabad sa pool mamaya?" tanong naman ni Charlotte. Agad akong tumango. Alam kong isa ito sa mga dahilan kaya napapayag ko itong sumama dito sa yate.
"Of course. Pero mamaya na lang. Magpahinga muna kayo." nakangiti kong sagot at napukaw ang attention ko ng tumayo si Drake.
"Bro, kuha muna ako ng alak." paalam nito. Agad akong tumango. Mas mabuti pa nga para naman kahit papaano ma- relax ako.
Agad naman umalis si Drake. Naiwan kaming apat. Tahimik na din ang dalawa kong pamangkin at abala na sa kanilang cellphone kaya pinagbalingan ko na si Veronica. Gusto ko itong lambingin ngayun. Mukhang nagtatampo yata sa akin.
Chapter 205
VERONICA POV
Sofia? Siya din iyung nakita namin sa mall. Totoo kayang ay relasyon silang dalawa ni Sir Rafael? Ano ba ito! Bakit pakiramdam ko nalulungkot ako sa nalaman ko ngayun. Parang hindi kayang tanggapin ng kalooban ko.
Lahat ng mga nakikita kong magandang bagay dito sa loob ng yate biglang nawalan ng saysay. Kung bakit naman kasi nagpakita pa ang Sofia na iyun sa amin eh. Ginawa kaming hanapan ng taong nawawala.
Pinipilit ko na lang na makitawa kina Charlotte at Jeann pagkatapos kaming lapitan kanina ni Sofia para tanungin sa kinaroroonan ni Sir Rafael.
Hanggang ngayun umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang sinabi nito kanina.
Parang naririnig ko pa ang boses nito ng sabihin niya kung nakita daw ba namin ang boyfriend nyang si Rafael. Masakit isipin na may kasintahan pala siya pero kung nagawa nya akong landiin parang normal lang sa kanya iyun.
Mabuti na lang at umalis din ito kaagad ng sungitan siya ni Jeann.
"Are you okay?" napapitlag pa ako ng marinig ko ang bulong na iyun ni Sir Rafael.
"Po?" nagtataka ko pang tanong sabay titig dito. May ngiti na nakaguhit sa labi nito habang nakatitig sa akin. Agad akong napayuko.
Ang gwapo nya talaga! Siguro ang dami talagang naghahabol na dito. Mga babaeng hindi basta-basta at
walang wala ako sa kanilang kalingkingan. Sa hindi malamang dahilan lalo akong nakaramdam ng lungkot. Kainis naman kasi...bakit ba ako nakakaramdam ng ganito. Imbes na mag-enjoy ako sa party na ito para akong nakakaramdam ng panliliit sa aking sarili.
"Sabi ko, ayos ka lang ba? Kanina ka
pa tulala at walang imik. Nabobored ka na ba dito? Ayaw mo na ba? May
helipad ang yate na ito at pwede tayong magpasundo sa chopper." masuyo nitong sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na nanlaki sa pagkagulat ang aking mga mata. Posible ba iyun? Gaano ba talaga sila kayaman at lahat yata pwede nilang gawin.
"Na-naku, ayos lang po ako Sir...na-
naninibago lang ako sa mga nakikita ko." sagot ko at nagpakawala ng pilit na ngiti sa labi. Pagkatapos ay napatingin ako sa gawi nila Jeann at Charlotte na noon ay kikinig na pala sa usapan naming dalawa ni Sir Rafael. Bigla tuloy akong napahiya. Napansin ko sa mga titig ng dalawa na nagtataka sila kung bakit sobrang closed namin sa isat isa ng kanilang tiyuhin. Baka kung ano ang iisipin nila.
"Gusto mo bang ikutin ang buong yate para malibang ka? Sasamahan kita..or baka gusto mong magpahinga muna. Maraming kwarto dito." suhestiyon nito. Sasagot sana ako ng mapansin ko ang muling pagdating ng mga kaibigan nito. Sila Peanut, Drake at Arthur.
"Bro...sa VIP suites tayo. Parang wala ka yatang balak makihalubilo sa mga bisita kong suhestiyon ni Peanut.
"Much better Bro. Gusto ko ng tahimik na kapaligiran. Hindi mo man lang sinabi na may asungot sa buhay ko na nakasama." sagot naman ni Sir Rafael. Agad na nagtawanan ang mga kaibigan nito. Masamang tinitingnan naman sila ni Sir Rafael.
"Paano ba iyan, lets go! Para naman alam ng mga ladies ang kanilang tutulugan mamaya kapag mapagod sila sa party-party." sagot ni Peanut habang nakatitig kay Charlotte. Napansin ko naman ang pag-ismid ni Charlotte dahil doon.
Agad na tumayo si Sir Rafael. Nagulat pa ako ng hawakan ako sa kamay at inalalayan na makatayo. Muli akong nakaramdam ng hiya na napatingin kina Charlotte at Jeann.
"Basta magkasama kami sa iisang silid walang problema. And besides, gusto namin magswimming at ayaw namin ng ibang kasama." demanding na sagot ni Charlotte.
"Sure my Princess pwede mong gawin lahat ng gusto mo as long as huwag mo ng ipaalala sa akin ang tungkol sa sex scandal ko magkakasundo tayo." sagot ni Peanut. Iningusan lang ito ni Charlotte at nagpatiuna ng maglakad. Agad naman kaming sumunod sa kanila at nagpaiwan naman sila Arthur at Drake.
Muli akong namangha sa aming mga nadadaanan. Hindi ko akalain na kaya palang gawin na parang isang bahay ang isang ganito kalaking bangka.
Pakiramdam ko wala kami sa gitna ng dagat at patuloy na umaandar kami palayo sa kalupaan. Wala pa akong idea kung saan ha talaga ang punta namin at kailan kami babalik sa kalupaan. Basta ang sabi ni Charlotte kanina, bukas pa daw kami babalik ng Manila.
Kulay ginto ang aking mga nakikita.
Ang yaman din pala ni Peanut. Pwede na siyang tumira dito habang iniikot ang buong Pilipinas.
Ito yung VIP Suite Number 3. Kasya na kayo dito ladies. Pwede niyong gawin ang lahat ng gusto nyo. May banyo at jacuzzi na din kaya mag-eenjoy kayo. Kung nagugutom naman kayo huwag kayong mahiya na pumunta ng Indoor Dining. Continues ang serving ng mga foods at pwede kayong magrequest sa mga staff ng mga pagkain na gusto nyong kainin." wika ni Peanut. Sabay- sabay naman kaming nagsitanguan.
"Safe ba sila dito? Siguraduhin mo
lang na walang maliligaw na lasing sa mga bisita mo dito ha?" diskumpyadong wika ni sir Rafael.
"Of course Bro. Dont worry, marami akon security sa lugar na ito at hindi mangyayari ang iniisp mo dahil ako mismo ang magpapatalsik sa mga bastos na bisita." sagot ni Peanut. Agad naman akong binalingan ni Sir Rafael.
"Ayos na ba kayo dito? Kapag may kailangan ka tawagan mo ako ha? Nasa Promenade Deck lang kami. Pwede mo din akong puntahan doon anytime. Sa ngayun magpahinga muna kayo." nakangiti nitong wika sa akin. Nahihiya man agad akong tumango. Agad naman silang lumabas ng sutie namin. Naiwan kaming tatlo na noon ay kanya-kanyang pwesto sa higaan.
"Grabe ang yaman pala ng Peanut na iyun noh? Akalain mo nakabili siya ng ganito ka ka bonggang yate. And take note pinagamit nya sa a itong VIP suite. Ibig sabihin sa dami ng bisita dito, tayo ang pinaka-importante sa lahat." nakangiting wika ni Jeann at agad na nahiga sa kama.
Malaki ang kama. Kahit siguro pito katao kasya dito. May sofa at mga tables din akong nakikita. Sa kaliwang bahagi ay isang nakasarang pintuan kaya nman nilapitan ko iyun at binuksan at agad akong namangha sa aking nakita. Isang malaking banyo. May bathtub at jacuzzi? Mas malaki pa yata sa bahay namin sa probensya ang banyo na ito. Naramdaman ko na lang ang paglapit sa akin ng dalawa at agad silang napa "wow"
"Bongga pala ang Mani na iyun.
Talagang hindi tinipid sa amenities ng yate nya..Luxury yacht at puro bago ang nasa loob. Hindi hamak na mas maganda kaysa yate na kong wika ni Charlotte. "Narinig
"Well, mukha naman siyang mabait. Kahit na kitang kita ko na nainsulto siya sa sinabi mo kanina Charlotte nakuha nya pa din magpaka-casual sa harap natin." sabat ni Jeann. Muli kaming naglakad patungong sofa. Bago ako naupo ay muli kong narinig na nagsalita si Jeann.
"Veronica...I wonder, dont get me wrong ha? But nagtataka lang talaga ako...I mean, kaming dalawa ni Charlotte..may something ba inyo ni Uncle? I mean, kanina pa namin napapansin ni Charlotte, iba kasi ang mga titig na pinapakawalan ni Uncle
sa iyo eh..parang may something." nakangiti nitong wika. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba.
"Ha? Naku, hindi ko din alam...siguro sadyang mabait lang siya at concern sa akin lalo na at alam nyang first time ko sa mga ganitong event." sagot ko habang inililihis ang tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanila. Napansin nga nila kung gaano ka- sweet sa akin si Sir Rafael kanina.
Lagot na ako..baka mamaya malaman pa ito ng kani-kanilang mga magulang at kung ano pa ang iisipin nila sa akin..
Lapit kasi ng lapit sa akin si Sir Rafael eh. Ang hirap nyang iwasan.
"Whatever.....wala namang problema sa amin kung maging girl friend ka ni Uncle...basta siguraduhin nya lang na huwag kang lokohin. Kahit Uncle
namin siya, itatakwil talaga namin siya ni Jeann... Hindi pwedeng gawin nya sa iyo ang ginagawa nya sa mga naka-fling nya." madaldal Charlotte. sagot ni Charlotte.
"Naka-fling?" Ano ang ibig sabihin noon?" tanong ko.
"Naka-fling. Mga babaeng hindi nya siniseryoso. Uso na iyan ngayun..no relationship at puro init lang ng katawan ang pinapairal. Kapag magkasawaan na Goodbye na at maghahanap na naman ng ibang maging kapareha." sagot ni Jeann. Agad na namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi iyun ang ginagawa sa akin ni Sir Rafael ngayun. Ilang beses na din nya akong nahalikan.
'Yup...ewan ko ba sa mga playboy na iyan.Hindi makontento sa iisang babae. Kaya ang ganyang mga lalaki, red flag sa akin. Kahit gaano pa sila kapopogi at kayayaman, wala na silang appeal sa akin... Kaya mag-ingat ka Veronica, dapat maging mapanuri ka.... of course, hindi namin mapipigilan si Uncle sa mga gusto nya..pero kung nagmamahalan kayong dalawa, masaya kami para doon, pero kung fling-fling lang naman, huwag na lang....iwasan mo siya hanggat kaya mo pa." muling wika ni Charlotte.. Napatitig ako dito.
Totoo nga ang mga naririnig ko. Advance mag-isip si Charlotte. Sa edad nito mukhang napakalawak na ng kanyang pang-unawa. Hindi katulad sa akin na aanga-anga pa rin.
"Yup, kaya nagpromise ako sa sarili ko na isusuko ko lang ang virginity ko sa mismong gabi pagkatapos ng kasal namin ng lalaking napupusuan ko. Mahirap ng magtiwala sa panahon ngayun..ang daming fuck boy!" sabat. ni Jeann.
Parang gusto ko na tuloy maiyak.... mabuti pa sila may mga nakalatag na sa mga utak nila tungkol sa pakikipagrelasyon, samantalang ako, ilang beses ng nahalikan ni Sir Rafael at alam kong ginagawa lang iyun ng mga taong may relasyon. Eh kami ni Sir Rafael, hindi ko alam kung anong meron sa aming dalawa eh.
Marami pa kaming tatlo na napag- usapan. Kahit papaano marami akong natutunan sa kanila. Ilang saglit lang ay napagpasyahan na namin na lumabas muna ng suite. Pupunta daw muna kami ng dining area para titingin ng makakain pagkatapos aakyat kami sa roofdeck para magpaantok.
Pagdating namin dining room ay agad na bumungad sa amin ang mangilan-ngilan na bisita. Agad kaming kumuha ng pinggan at pumunta sa buffet para pumili ng pwedeng kainin.
Maraming pagkain ang nakahanda.
Mukhang masasarap naman pero hindi ko alam kung ano ang mga pangalan. Kumuha lang ako ng sakto lang na dami ng pagkain. Iyung kaya kong ubusin at sabay na kaming naglakad patungo sa isang bakanteng lamesa. Masaya kaming kumakain habang abala na pag-uusap sa kung anu-anong bagay.
Pagkatapos kumain ay agad kaming nag-ikot ikot. Tahimik ang ibang bahagi ng yate. Hindi naman siguro ganoon kadami ang bisita ni Peanut.
"Nasaan kaya sila Uncle pang wika ni Charlotte. narinig ko pang wika ni Jeann.
"Nasa Promenade Deck. Sakto doon na lang tayo pupunta, ang alam ko doon din makikita ang sky lounge. Pinakamataas na part ng yate at pwede tayong lumanghap ng sariwang hangin. " excited na sagot ni Jeann.
Ilang hagdan din ang aming inakyat bago nakarating doon. Pagkadating
namin sa pinaktuktok ay agad kong narinig ang mga nagkakasayahang boses. Agad kong inilibot ang tingin sa paligid at nakita ang nagkakasayahan na sila Sir Rafael at mga kaibigan nito.. May mangilan-ngilang ibang tao kaming nakikita. Mga kababaihan at kalalakihan na hindi nalalayo sa edad nila Sir Rafael.
"OMG...nakikita nyo ba ang nakikita ko? May kasamang mga babae sila Uncle at ang mga kaibigan nya." mahinang wika ni Jeann.
Chapter 206
VERONICA POV
Agad akong napatitig sa kinaroroonan nila Sir Rafael. Tama nga si Jeann, may mga kasama silang babae at halos kumandong na ang iba sa mga kaibigan ni Sir Rafael.
"Yuck, ang lalaswa nila! Mabibinyagan pa yata ang inosente kong mga mata sa nakikita ko ngayun." narinig kong wika ni Charlotte habang titig na titig sa magkakaibigan na nag-iinuman.
"Oo nga..mga playboy talaga! Hindi nabubuhay kapag walang babae sa paligid. Kaya pala pinaalis tayo at dinala sa suite para hindi natin masaksihan ang mga balak nilang gawin dito sa yate." sabat naman ni Jeann. Mahina akong napabuntong hininga. Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa puso ko lalo na ng mapansin ko na magkatabi sa iisang upuan sila Sir Rafael at Sofia.
Baka may balikan na nangyayari sa pagitan ng dalawa. Sabagay, ang ganda at sexy naman kasi talaga ng Sofia na iyun. Tiyak na maaakit kahit na sinong lalaki na makakakita sa kanya ngayun sa hitsura nya.
"Saan na tayo ngayun puputa? Ayaw kong makihalubilo sa kanila. Ayaw kong panoorin ang kalaswaan nila. Nakakaitira!" narinig kong wika ni Charlotte habang nakatingin sa akin. Nahihiya naman akong napaiwas ng tingin dito. Ayaw kong mapansin nito ang nararamdaman kong lungkot ngayun.
"Siguro, balik na lang tayo sa suite natin. Doon na lang tayo." malungkot
kong sagot. Parang gusto kong magkulong na lang kwarto para hindi ko na makita pa si Sir Rafael na may kasamang iba. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak ako. Nakakahiya kina Charlotte at Jeann kung nagkataon.
Hindi ko na kaya pang tagalan ang nakikita kaunti na lang talaga at tutulo na ang luha sa aking mga mata.
Dapat talaga iiwasan ko na ang panglalandi sa akin ni Sir Rafael eh. Para kahit makita ko na may iba siyang babaeng kasama hindi ako masasaktan ng ganito. Ang ganda ng kinaroroonan ko ngayun pero pakiramdam ko parang namatayan ang puso ko. Para tuloy akong lalagnatin sa sama ng loob.
"Sabagay....mabuti pa nga siguro balik na lang tayo sa suite. Manghingi tayo ng wine sa mga staff tapos mag- inuman tayo habang nananoond ng mga movies. Para naman may pampalipas oras tayo." sagot ni Jeann.
"Akala ko ba hate mo ang alak or wine? " sagot ni Charlotte.
"Nope...wala namang problema kung tayong tatlo lang. Isa pa matutulog din naman agad tayo kung sakaling malasing tayo." nakangiting sagot ni Jeann. Agad naman napatango si Charlotte at sabay-sabay na kaming naglakad paalis sa lugar. Hindi na ako nag-aksaya pang muling tingnan ang mga kaganapan na nangyayari kina Sir Rafael at Sofia. Baka lalo lang madurog ang puso ko sa sama ng loob na nararamdaman.
"Hi! Baka gusto nyong magjoin sa
amin?" bago kami nakababa ng hagdan narinig namin ang isang tao na biglang nagsalita. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanila.
Isang babae at tatlong lalaki. Kung titingnan mas matanda lang sila ng ilang taon sa aming dalawa ni Jeann. Agad na napangiti si Charlotte ng pagkatapos silang titigan.
"Looks familiar! Parang nakita ko na kayo somewhere? Or in television.. endorser?" tanong ni Charlotte habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kaharap.. Agad silang napatango.
"Wow...hindi ko akalain na may mga celebrities pala tayong kasama sa yate na ito." sagot nito.
"Naimbitahan lang din kami ni
Peanut. Kasamahan namin siya sa industriya kaya hindi na kami nagpatumpik-tumpik pang sumama. By the way ako nga pala si Lucas, sila naman si Antonette, Bryle at Allan. Join na kayo sa amin para mas masaya. " nakangiti nitong wika sabay lahad ng kamay.
"Ako naman si Charlotte, pinsan ko si Jeann at Veronica...Nice to meet you guys. Pabalik na sana kami ng suite namin." nakangiting sagot ni Charlotte at isa isang nakipagkamay sa mga bagong kakilala. Ganoon din ang ginawa naming dalawa ni Jeann.
"Nice names. Happy to meet you ladies. " sagot naman ni Bryle.
"Wow, ang galing lang...may friends na agad tayo. Saan tayo ngayun?" sabat naman ni Jeann.
"Sa sun deck tayo. Teka, umiinom ba kayo ng kahit wine?" sagot ni Antonette.
"Yup, but in moderation and dont forget may kasama tayong minor dito. Kayo ba?'" sagot ni Jeann sabay tingin kay Charlotte.
"Yup in moderation lang din. Besides, wine lang naman..hindi naman nakakalasing iyun...Kaunting kwentuhan para naman kahit papaano malibang tayo." sagot ni Antonette.
"Shoot magkakasundo tayo nito. Mahaba pa ang gabi at dapat i-enjoy natin ang bawat oras na magkakasama tayo." sagot ni Alan. Nagkatawanan kami at sabay-sabay ng naglakad papuntang Sun deck.
Agad na sumalubong sa amin ang mabining hampas ng hangin. Mula sa kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Halatang malayo na kami sa kalupaan dahil wala na kaming nakikita pa na kahit na anong ilaw sa paligid namin. Napakaganda ng gabi kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.
Pakiramdam ko bigla kong nakalimutan ang sama ng loob na nararamdaman ko kani-kanina lang. Mas mabuti na din siguro na may mga bago kaming kaibigan na nakilala para naman malibang kami.
Kaysa naman bumalik kami ng kwarto at baka kung ano pa ang maisip ko. Isa pa gusto kong umiwas sa mga tanong na ibabato sa akin mamaya nila Jeann at Charlotte tungkol sa kung anong meron sa amin ni Sir Rafael.
"Paano nga pala kayo napasama sa party na ito? Parang ngayun lang
namin kayo nakita. Matagal niyo na bang kilala ang celebrant?" agad na taong sa amin ni Antonette ng makaupo na kami. Ang mga kalalakihan naman ay sandaling umalis para kumuha ng maiinom at makakain namin habang nagkikiwentuhan kami.
"Actually, hindi naman talaga namin friend ang celebrant. Hmmm friend siya ng Uncle namin.." sagot ni Jeann.
"Talaga? Sino sa kanila? I mean... mukha kasi kayong mayayaman kaya tiyak na malapit din kay Peanut ang taong iyun." tanong ni Antonette.
"Si Uncle Rafael Villarama." sagot ni Charlotte?
"What? OMG dont tell me na apo kayo ng Billionaire na si Gabriel Villarama?
" tanong ni Anthonette habang
namimilog ang mga matang nakatitig sa amin. Agad naman tumango si Jeann
"Yuppp.. Hindi ko akalain na kilala mo pala ang mga Villarama's." sagot ni Jeann.
"OMG! Hind talaga kami nagkamali sa pag-aaproach sa inyo. Hindi ko akalain na makakausap namin ang mga apo ng mga Villarama. Kumusta kayo? Siguro ang sarap maging Villarama. Lahat ng gusto nakukuha." muling wika nito. Sabay na natawa si Jeann at Charlotte.
"Hindi naman sa ganoon. Hindi naman kami pinalaking spoiled ng mga magulang namin." sagot ni Jeann. Tumawa si Antonette.
Ilang saglit lang at dumating na din ang tatlong lalaki na kasama nito. May mga dala na silang bote wine, baso at mga pagkain na nakalagay sa isang tray.
"Alam nyo ba kung ano ang natuklasan ko ngayun lang? Hindi pala basta- basta ang bago nating mga friends... apo sila ng billionaire na si Mister Gabriel Villarama!' agad na balita ni Antonette sa mga kasama. Sabay-sabay silang napatitig sa aming tatlo. Halatang nagulat din sila.
Gusto ko na sanang i-correct na hindi ako kasama doon. Pero nahihiya na akong magsalita. Isa pa ayaw ko ng mahaba pang paliwanagan at ungkatin pa ang pagkatao ko.
Alam kong mga mayayaman sila at ramdam ko sa pananalita nila na mataas ang kanilang pinag-aralan. Isa pa baka magkamali ako kapag ibuka ko pa ang bibig ko.. Magiging tagapakinig na lang ako sa magiging topic nila ngayun para naman kahit papaano malibang ako.
"Talaga? kaya pala familiar kayo sa paningin ko...Bigla tuloy akong nahiya. "sabat naman ni Bryle. Natawa naman sila Charlotte at Jeann.
"Guys..hindi na natin dapat pang pag- usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Not a big deal naman kung apo kami ng billionaire. Ang mahalaga we're friends na!" nakangiting wika ni Jeann. Agad na sumang-ayon ang lahat.
Isa-isa kaming inabutan ni Lucas ng baso na may lamang alak. Nagiging komportable na din kami at ilang saglit lang ay napuno na ng tawanan ang sun deck ng yate. Kalog din pala ang tatlong lalaki na ito at kung anu-
ano na ang aming napag-uusapan. Tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagmomodelo ang kadalasang topic.
"Hayyy naku, sabi ba naman ni Direk ang pangit ko daw mag prodyek? Masyado daw akong over qualified sa papel na ginagampanan ko? Kasalanan ko ba kung bakit sobrang gwapo ko?" pagbibida na wika ni Alan. Muling umalingawngaw ang tawanan sa buong paligid.
"Iyun ba iyung time na gusto ka turuan ng baklang floor manager kong paano humalik?''" sabat naman ni Antonette.
"Yah...and thats eeewwww! Hindi ko matanggap iyun! Masyadong pang inosente ang labi ko noong time na iyun! Sinumbong ko nga kay Mama kaya hayun agad na nasesesante ang hitad...Akala nya siguro makakatikim na siya ng isang sariwang nilalang na tulad ko." sagot ni Alan. Halos sumakit naman ang tiyan namin sa kakatawa. Hindi namin akalain na mag-eenjoy kami sa presensiya nilang apat.
"Buti na lang kamo at napigilan ka ng anghel dela gwardiya mo Pare para patulan siya....akalain mo iyun...sa sobrang daming in descent proposal na dumating sa atin, hindi tayo nagpapadala doon. Siguro kung pinatulan natin ang mga iyun mayaman na din tayo ngayun." sagot ni Lucas.
"Pero marami pa rin ang kumakagat doon. Pero ako..never kong gagawin iyan. Mas gusto ko pa rin mabuhay na walang inaapakan na ibang tao." sabat ni Antonette.
"So totoo pala ang naririnig namin na uso sa showbiz ang mga ganyang kalalakaran?' sagot ni Charlotte.
"Yupp at kung mahina ka tiyak na madadala sa ganda ng offer nila." sagot ni Antonette. Sabay-sabay kaming napatango.
"Pero alam niyo, sa ganda nyong iyan pwede din kayong mag-artista? Kung sakaling may offer na dumating sa iyo, willing kaya ang mga Villarama na payagan kayo?" sagot ni Alan. Agad na umiling si Jeann.
"I dont think so..But for me, wala akong plano na pumasok sa showbiz. Mas gusto ko ang tahimik na buhay." sagot nito
"Me too! Mas preferred ko na pumasok sa military like my Mom kaysa sa showbiz na iyan..Well kanya-kanayang hilig lang naman iyan at iba-iba ang pananaw natin sa buhay." sagot ni Charlotte.
"how about you Veronica? Pansin namin kanina ka pa tahimik ha? Huwag kang mahiya sa amin ha? Ganito lang talaga kami." tanong naman ni Bryle. Direkta itong nakatitig sa akin kaya agad akong nakaramdam ng hiya. Bigla ko tuloy natungga ang laman ng baso sa pagkataranta. Agad na gumuhit ang pait ng lasa nito sa lalamunan ko. Parang biglang nag-init ang katawan ko dahil doon.
"ha? Ah...eh...mas gustong kong magfocus muna sa pag-aaral. Gustong gusto ko kasi makatapos eh." nahihiya kong sagot. Agad naman silang sumang -ayon sa sinabi ko. Buti na lang at wala
ng kasunod na question. Masaya na ako sa papel ko na maging tagatawa na lang muna.
"So paano ba iyan? Friends na tayo? Siguro magpalitan tayo ng contact number para after this pwede tayong magbonding kapag may mga free time tayo.'" suhestiyon ni Antonette. Sumang-ayon ang lahat.
Inilabas na namin ang aming mga cellphone at nagpalitan na kami ng contact number. Nang sipatin ko ang oras sa cellphone ko ay nagulat pa ako. Halos alas dos na ng madaling araw. Ang bilis lumipas ng oras at hindi man lang namin namalayan iyun. Talagang napasarap ang pag-uusap naming pito.. Nakakatuwa pala makipag-usap sa mga mayayaman.
"Balita ko sa Boracay ang punta ng
yate na ito. Tamang tama, lalo tayong mag-eenjoy doon kaya lang pagkadating ng Boracay wala na kaming balak pang sumabay pabalik ng Manila. May photo shoot kami doon eh.." muling wika ni Alan. Agad naman kaming nagkatinginan nila Jeann at Charlotte. Wala kasi kaming idea kung saan ang punta namin. Basta lang kami sumama at akala namin mananatili lang kami sa gitna ng karagatan.
"Talaga? Wow! Akalalin mo iyun, instant pasyal ito! Grabe, hindi man lang nabanggit sa atin ito ni Uncle! " sagot ni Jeann.
"Kung ganoon sulitin natin na magkakasama tayo ngayun dito. Magswimming tayo at huwag kalimutan na magpalitan ng mga messages kapag nasa Manila na tayo." sabat ni Charlotte. Akmang sasagot pa sana si Jeann ng agad namin napansin ang parating na si Sir Rafael. Nakasunod dito si Peanut at Drake.
"Dito lang pala namin kayo makikita? Alam nyo bang halos ikutin na namin at bawat kasulok-sulukan ng yate sa kakahanap sa inyo?" agad na wika ni Sir Rafael habang palapit sa amin. Agad akong napatayo sa pagkagulat lalo na ng mapansin ko na parang galit na naman siya.
"Uncle..tapos na kayong mag-inuman? Actually, meet our new friends...." hindi na natuloy ang sasabihin ni Charlotte ng putulin ito ng kanyang tiyuhin.
"Who cares at wala akong time na makipagkilala sa kanila.... hindi bat sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong basta-basta makipag-usap kahit kanino lalo na at hindi nyo kakilala?" galit na wika nito. Nagulat naman ako. Wala naman kasi akong natandaan na sinabi niya iyun. Ang sabi niya lang bawal akong makipag- usap kay Elijah. Hindi sa lahat ng lalaki dito sa mundo. Ang labo nya talaga or baka naman para kina Charlotte at Jeann ang sinasabi niya.
Pero kahit na! OA nya ha? Kami nga hindi namin pinakialaman ang ginagawa nyang pakikipaglandian kay Sofia. May nakilala lang kaming mga bagong kaibigan kung magalit naman siya akala mo malaking kasalanan na ang aming nagawa.
Chapter 207
VERONICA POV
"Kayong dalawa...bumalik na kayo sa suite nyo!" utos nito sa kanyang mga pamangkin. Pagkatapos agad nitong hinawakan ang aking kamay at mabilis na hinila palapit sa kanya. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya naman pilit akong nagpumiglas dito. Ano ba ang gusto nyang palabasin? Pagkatapos nyang makipaglandian kay Sofia,ako naman ang lalandiin nya ngayun? Napaka-unfair nya naman yata.
"Uncle, naman its not Veronica's fault. Ano ba ang mali na nagawa namin? Nakikipag-usap lang naman kami sa ibang guest dito sa yate.... isa pa they are nice and we are happy na nakilala sila." sagot ni Jeann. Masamang tinitigan ni Sir Rafael ito bago sumagot.
"Bumalik na kayo sa suite nyo."
muling utos nito sa kanyang mga
pamangkin. Sa pagkakataon na ito bakas ang galit sa kanyang boses. Tahimik na lang din naman ang mga bago naming kaibigan pero bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga ito habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael.
"Bro..hey relax! Wala namang masamang nangyari sa kanila, katulad ng kanina mo pa iniisip. And besides kilala ko ang mga kasama nila kaya wala kang dapat na ikagalit." sagot naman ni Peanut. Pilit nitong pinapakalma ang kaibigan. Pero walang epekto. Kaunti na lang at mananakmal na yata si Sir Rafael. Muli nitong hinarap ang mga pamangkin.
"Go back to your suite now! Huwag kayong lumabas doon hanggat hindi ko sinasabi!." muling utos nito sa mga pamangkin. Mukhang galit talaga at hindi ko alam kung bakit.
"Ok..fine...Veronica, lets go!" bakas ang inis sa boses ni Charlotte na yaya nito sa akin.
Agad naman hinila ang kamay ko na hawak-hawak pa rin ni Sir Rafael para sumabay na kina Jeann at Charlotte pabalik ng suite namin. Pero laking pagtataka ko dahil mukhang wala yata itong balak akong pakawalan.
Ano ba ang nangyayari sa kanya? Go back to your suite daw pero wala naman syang balak na bitawan ako?
"Ikaw naman, mag-usap tayo! Marami kang dapat na ipaliwanag sa akin." wika nito at hinila na ako paalis. Pero bago pa kami nakalayo muling nagsalita si Jeann.
"Uncle! What happened to you? Walang kasalanan si Veronica. Kami ang may gusto na tumambay dito sa sun deck! Bakit ka ba nagagalit?" tanong ni Jeann sa tiyuhin. Hindi ito sinagot ni Sir Rafael bagkos binalingan ang mga
kaibigan at nagsalita.
"Pakisamahan sila sa suite nila." wika nito at hinila na ako paalis. Wala na akong magawa pa kundi napasunod na lang sa kanya. Palingon-lingon pa ako kina Jeann at Charlotte at bakas sa mga mata nila ang pag-aalala sa akin. Napapailing naman sila Peanut at Drake habang nakasunod ang tingin sa amin.
"Sir Rafael, ano po ba ang problema? Bakit po ba kayo nagkakaganyan?"
Hindi ko maiwasang tanong. Sa totoo lang kinakabahan na ako sa hitsura nito ngayun. Mukhang galit na galit talaga dahil nanlilisik ang mga mata nya. Ano ba ang problema nya? Bakit ako ang pinagbalingan ng galit nya? Nag-away ba silang dalawa ni Sofia?
Maraming pasilyo kaming nilikuan bago kami nakarating sa isang nakasarang pintuan. Binuksan nya iyun at nagulat ako na isa din pala ito sa mga kwarto dito sa yate. Ang kaibahan nga lang medyo mas maliit ito kumpara sa suit na pinuntahan namin kanina nila Jeann at Charlotte.
Agad nya akong hinila papasok sa loob at napansin ko pa na agad nyang inilock ang pintuan ng kwarto. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba lalo ng itinulak niya ako papuntang kama. Napahiga ako sa kama sa lakas ng pagkakatulak nya sa akin at naramdaman ko na lang na bigla na lang itong pumatong sa akin. Sisigaw sana ko ng maramdaman ko na bigla nitong kinuyumos ng halik ang labi ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.
Masakit......Mapagparusa ang ginagawa nitong paghalik sa akin. Hindi ako makapalag dahil nakadagan ito sa akin at mahigpit ang pagkakahawak nya sa ulo ko. Gustuhin ko man na sumigaw para humingi ng tulong pero pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas.
Ilang minuto ko ding naramdaman ang parusang halik nito bago ito nag- umpisang kumalma. Hindi ko naman maiwasan na maluha dahil sa kanyang ginawa. Pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya para ganituhin nya ako.
Agad naman itong natigilan ng mapansin nya ang luha ko sa pisngi. Agad itong umalis sa ibabaw ko at mabilis na bumaba ng kama. Napaupo naman ako sa kama habang patuloy sa pag-iyak. Pakiramdam ko namamaga ang labi ko sa ginawa nitong paghalik nito sa akin kanina.
"narinig kong sigaw nito.Pasuntok-suntok pa ito sa ire. Pagkatapos ay napasabunot pa ito sa kanyang ulo sabay upo sa sofa. Kita ko sa kanyang mukha ang pagsisisi.
"Ano po ba ang kasalanan ko? Bakit nyo po ba ako ginaganito?" umiiyak na tanong ko. Ilang saglit din itong tumitig sa akin bago sumagot.
"Tinatanong pa ba iyan? Bakit ka nakikipag-usap sa mga gagong iyun? Hindi mo sila kilala. Paano kung mapahamak ka?" malakas na wika nito. Bahagya na itong kumalma na siyang labis kong ipinapasalamat. Muli akong napayuko.
"Mababait naman sila eh. Hindi naman sila bastos kausap. Isa pa kaibigan din sila ni Peanut." sagot ko.
"No! They are not mabait Veronica! They are strangers at hindi ka dapat nakikipag-usap sa kanila!" inis na sagot nito sabay tayo at lapit sa akin. Hinawakan nya ako sa baba kaya napatingala ako. Agad na nagtagpo ang aming mga mata na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot. Namumula ang mga mata nito at kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin.
"Sorry!" sagot ko sabay tulo ng luha sa aking mga mata. Nakakaramdam na ako ng takot sa kanya. Pakiramdam ko sasaktan nya ako ano mang sandali. Narinig ko ang mabilis na pagbuntong hininga nito bago ako kinabig payakap sa kanya.. Lalo naman akong napaiyak at napasubsob sa kanyang dibdib.
Sa hindi malamang dahilan lalo akong napahagulhol ng iyak. Bigla ko na naman kasing naalala ang mga nakita kng eksena kanina. Saglit ko lang iyung nakalimutan dahil sa masayang pag- uusap namin ng mga bago naming nakilala doon sa sun deck.
"Im sorry kung nagalit ako. Hindi ko lang matanggap na nakikita kang nakikipag-usap sa iba." narinig kong wika nito. Sa pagkakataon na ito kalmado na ang kanyang boses. Naramdaman ko din ang kanyang kamay na humahaplos sa likod ko. Pilit nya akong pinapatahan.
"Bakit nyo po ba ito ginagawa sa akin? Bakit nyo po ba ako pinagbabawalan? Dahil ba kina Jeann at Charlotte?"
tanong ko habang patuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Natatakot na akong tumitig sa kanya. Naramdaman ko pa ang paghinga nito ng malalim bago sumagot.
"Hindi ko di alam. Basta ang gusto ko huwag na huwag mong subukan na makipaglapit sa ibang lalaki." sagot nito. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko.
"Bakit nga? Nakikipagkaibigan lang naman sila eh. Bakit kayo nagagalit ng ganito?" muli kong tanong.
"Dahil mahalaga ka sa akin. Nagseselos akong nakikita ka na may kumakausap sa iyong iba." sagot nito. Hindi ako nakaimik.
"Lalaki din ako at naiinis ako sa mga titig na ipinupukol sa iyo ng isa sa mga lalaking kausap nyo kanina. Alam kong may gusto sya sa iyo at alam kong liligawan ka nya.''" wika nito. Hindi naman ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Ano ito? Ganito ba talaga siya ka -advance mag-isip? Isa pa ano naman ang problema kong may manliligaw sa akin?
"Paano mo sila nakilala? bakit kayo lumabas ng suite?"muling tanong nito. Aalis na sana ako sa pagkakayapos nito para masagot ang tanong nito ng maayos pero mahigpit na naman ang pagkakapit nya sa akin. Talagang balak nyang mag-usap kami ng ganito. HIndi na kasi ako komportable eh.
"Na-bored kami sa suite kanina. Pinuntahan namin kayo sa Promenade Deck pero nagkakatuwaan na kayo. Nag -iinuman kayo habang may mga kalandian kayong babae kaya hindi na kami tumuloy. Babalik na sana kami ng suite namin kaya lang nakipagkilala sa amin ang grupo nila Antonette at niyaya kami sa sun deck para makapagkwentuhan." mahaba kong paliwanag. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago kumalas sa pagkakayapos sa akin na syang labis kong ipinagpasalamat.
Akmang lalayo na ako dito na hawakan ako nito sa kamay. Tinitigan ako sa mga mata nito bago nagtanong.
"Bakit hindi kayo tumuloy? Pwede naman kayong lumapit sa amin eh. Pwede kang pumunta sa akin anytime kung gusto mo." masuyo nitong sagot. Hinaplos pa nito ang pisngi ko at pinunasan ang ilang bakas ng luha na natira doon.'
"Paano kami lalapit? May katabi ka eh tsaka baka makaisturbo kami." sagot ko. Agad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi nito dahil sa sinabi kong iyun.
Baliw lang....kung kanina galit na galit ito ngayun mukhang nagbago na naman ang ihip ng hangin. Nagawa na nitong ngumiti ngayun.
"At ano naman ang nakita mo?" tanong nito. Ramdam ko na ang lambing sa boses nito. Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Iyun nga....kalandian mo si Sofia." sagot ko. Naningkit ang mga mata nito sa sinabi ko.
"Imposible naman yata iyang sinasabi mo. Hindi ko magagawa iyun. Loyal na ako sa iyo eh." sagot nito. Agad naman akong nagulat. Sinungaling talaga. Kapag babaero lulusot talaga hanggang kaya! Pinagluluko yata ako nito eh. Iba ang sinabi nito kompara sa nakita ko kanina.
"Hmmmp hindi ako maniniwala!" sagot ko at agad kong hinila ang kamay ko na hawak nito. Mabilis akong bumaba ng kama para makalayo dito. Nag-uumpisa na naman kasing kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa.
"Bahala ko kung ayaw mong maniwala. Basta ang alam ko wala akong kalandian kanina. And by the way, isa- isa ng nagsipag-uwian ang mga guest ni Peanut. Tayo-tayo na lang ang matitira dito sa yate." sagot nito. Nagulat naman ako. Paanong magsipag -uwian eh nandito kami sa gitna ng laot.
Ano iyun lalangoy sila?
"May mga chopper na dadating maya- maya lang para sunduin ang ilang bisita. Wala naman kwenta ang mga bisita na inimbitahan ni Peanut. Karamihan mga babae. Feeling nya nasa bar pa rin kami." sagot nito. Hindi ako nakaimik. Napansin ko ang paghiga nito sa kama sabay tapik nito sa kanyang gilid.
Halika dito. Magpahinga muna tayo. Ngayun ko lang naalala na naparami pala ang nainom kong alak." wika nito sabay pikit. Para naman akong naistatwa sa aking kinatatayuan. Hindi ako nakakilos.
Ang bilis talaga magbago ng mood nya. Kung kanina ay para itong leon na galit na galit ngayun naman para itong maamong tupa. Ngayun ko lang din napansin na amoy alak pala ito.
Chapter 208
VERONICA POV
Pagkatapos ng galit-galitan nya kanina ganoon lang kadali para sa kanya ang mahiga sa kama at yayain akong tumabi sa kanya? Siguro naman may karapatan akong tumanggi diba?
Isa pa ano na lang ang iisipin sa akin ng mga pamangkin niya? Tiyak na naghihintay na sila sa suite namin. Ano ba kasi ang nakain nito at bigla na lang nagalit kanina? Nasobrahan ba siya sa alak pagkatapos ngayun nya lang nagrealized na lasing siya? Hay ang hirap nya talagang intindihin.
"Veronica, come on! Masakit na ang ulo ko. Mahiga ka na sa tabi ko." narinig ko pang wika nito. Napahinga ako ng malalim.
"Sir..balik na ako sa suite namin. BAka hinihintay na ako nila Charlotte at Jeann." sagot ko. Agad itong napadilat.
Tumitig sa sa akin pagkatapos bumangon ng kama.
"Bakit ba lagi na lang ibang tao ang iniisip mo? Ayos lang sila kahit wala ka doon. Ako ang kasama mo kaya naman ako ang isipin mo!" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matulala sa sinabi nito. Ano daw?
"Pe-pero baka hinihintay nila ako eh tsaka pwede ka naman matulog mag- isa dito diba?" tanong ko.
"Veronica, lasing ako....hindi ka man lang ba nag-aalala sa akin? Paano kung hindi na ako magising? Mahiga ka na dito sa tabi ko at bantayan mo ako!"
pautos na wika nito sabay tapik sa kama. HIndi ko naman malaman kong ano ang gagawin ko.
Nangako na ako sa sarili ko na iiwasan ko na siya eh. Pero bakit kailangan samahan ko pa siya dito sa kwarto? Hay kainis naman. Hanggang ngayun pakiramdam ko namamaga pa rin ang labi ko sa paraan ng paghalik nya sa akin kanina. Ayaw ko na sanang dumikit-dikit pa sa kanya eh.
"Ano na? Halos mag-umaga na! Tatayo ka na lang ba diyan?" muling untag nito. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago sumagot.
"Di-dito na lang po ako sa sofa Sir. Mababantayan naman kita. Hindi ko na kailangan pang mahiga sa tabi mo." sagot ko. Agad na naningkit ang mga mata nito na tumitig sa akin.
"OK fine...bawal kang lumabas dito hanggat hindi ko sinasabi. Tandaan mo iyan!" inis na sagot nito at muling nahiga sa kama. Agad naman akong nagtungo sa sofa at naupo.
Sa totoo lang inaantok na din ako. Ang arte naman kasi ni Sir Rafael. Talagang idinahilan nya pa sa akin na baka hindi na siya magising kapag walang nagbabantay sa kanya. Bakit kaya hindi nya na lang niyaya si Sofia na tabihan siya? Total naman shota nyan naman iyun.
Kakamot-kamot ako sa aking ulo habang sinisipat ang sofa. Kung sabagay, pwede naman akong matulog dito. Safe naman siguro ako lalo na ng mapansin ko na mukhang nahimbing na sa pagtulog si Sir Rafael.
Agad na din akong nahiga sa sofa. Ayos naman, malambot ang foam at sobrang antok na antok na talaga ako. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at ilang saglit lang ay nakatulog na din ako.
Nagising ako na nakabalot ma ang katawan ko sa isang makapal na kumot. Nang igala ko ang paningin sa paligid ay nagulat pa ako na nasa isang hindi familiar akong silid. Agad akong napabangon ng mapansin kong may biglang gumalaw sa tabi ko.
Nang lingunin ko ito ay agad kong napansin ang nahihimbing pang natutulog na si Sir Rafael. Biglang naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagwawala nito at ang pagtulog ko sa sofa.
Pero paanong nandito na ako sa kama? Imposible naman na naglakad ako papunta dito eh ang naalala ko sa sofa talaga ako nakatulog.
Akmang baba na ako ng kama ng maramdaman ko ang braso nito na agad na kumapit sa baywang ko. Bigla naman naninigas ang buo kong katawan ko sa kanyang ginawa. Muli kong tinitigan ang mukha nito at napansin kong nakapikit pa rin siya kaya naman hinawakan ko na ang kanyang braso at dahan-dahan itong tinanggal mula sa pagkakayapos sa akin.
"Stop it! Inaantok pa ako! Bakit ba ang likot mo!" reklamo nito sabay dilat ng kanyang mga mata. Hinila nya pa ako pahiga kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang napasunod na lang. Hindi hamak na mas malakas siya sa akin
"Sir Rafael, balik na po ako sa suite namin." wika ko. Masyadong nakadikit ang mukha nito sa may tainga ko at ramdam ko ang init ng kanyang hininga doon na syang nagbibigay sa akin ng kakaibang kilabot sa buo kong pagkatao.
"Bakit ka ba nagmamadali? Natatakot ka ba sa akin?" tanong nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Para tuloy biglang naninikip ang dibdib ko sa lakas ng kabog. Paano ba naman kasi ramdam ko na may kung anong tumutusok sa may hita ko. Ano kaya iyun? Si Sir Rafael lang naman ang nakadikit sa akin eh.
"Hi-hindi naman po. Kaya lang baka kung ano ang isipin nila sa atin. Ilang oras na din tayo dito sa silid na ito at baka hinahanap na tayo."
Pagdadahilan ko. Saglit itong hindi nakaimik pero ramdam ko na nakatitig ito sa akin.
"Hayaan mo sila. Malalaki na sila. Lalabas din ng suite ang mga iyun kapag ma-bored na. Isa pa hindi tayo hahanapin ng mga iyun. Alam nilang nasa paligid lang tayo." sagot nito.
"Ano ba kasi ang gagawin natin? Bakit ba kasi ayaw nyo pa akong palabasin dito?" hindi ko mapigilang tanong.
"Pinaparusahan ka! Bakit ka sumuway sa bilin ko? Bakit ka nakipag-usap kagabi sa mga istrangherong iyun?"
tanong nito. Heto na naman kami.. hindi pa rin pala tapos ang issue na iyun. Bakit..hindi lang naman ako ang nakita nyang nakipag-usap doon sa mga bago naming kakilala. Kasama ko ang mga pamangkin nya at wala kaming ginagawang masama.
"Eh hindi lang naman po ako ang nakikipag-usap eh. Tatlo naman kami. " sagot ko.
"Kahit na. Hindi ko pa rin tatanggapin ang katwiran mo na iyan. Balak ko na parusahan ka ngayun para magtanda ka." sagot nito at tinunghayan ako. Titig na titig ito sa mga mata ko na siyang lalo kong ikinailang.
"A-ano ba kasing parusa iyun? Hindi pa rin ba sapat ang parusang ibinigay mo sa akin kanina? Ang hapdi pa rin kaya ng lips ko." sagot ko. Agad kong napansin ang pagngiti nito bago sumagot.
"Pwes, dagdagan natin." wika nito at agad na lumapat ang labi nya sa labi ko. Heto na naman kami. Sabi ko tama na ang kiss-kiss na iyan eh. Pero bakit hindi ako maka-hindi. Bakit parang nadadala na din ako?
Ilang minuto din na magkalapat ang aming labi. Hindi katulad kanina ang paraan ng paghalik nito ngayun... Maingat at puno ng pagsuyo. Namalayan ko na lang na ginagaya na ang galaw ng labi nito. Lalo naman itong naging mapusok.
"You're so beautiful Sunshine! Alam mo ba iyun?" wika nito ng maghiwalay ang aming mga labi. Namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Sir Rafael bakit po ba---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na naman nyang idampi ang labi nya sa labi ko. Dampi lang naman at agad din nyang tinanggal.
"Stop it...From now on ayaw ko ng marinig pa na tawagin mo akong 'Sir'. Hindi din pwedeng may ibang lalaki na lalapit lapit sa iyo. Tandaan mo,akin ka lang Sunshine. Malalagot sa akin ang kahit na sino na magtangka na agawin ka." seryoso nitong wika. Naguguluhan naman akong napatitig dito. Pilit kong inaarok kong seryoso ba talaga siya sa sinasabi nya.
"Pe-pero amo po kita. Hi-hindi po pwede ang sinasabi mo Sir.." sagot ko. Agad na nagsalubong ang kilay nito.
"Isa pang tawag sa akin ng Sir hindi ka talaga makakalabas ng kwarto ngayung araw na ito. Lulumpuhin kita." may pagbabanta na wika nito. Agad naman akong kinabahan.
"Po? Naku, huwag po Si---Rafael, kailangan ko pa pong makatapos sa pag -aaral. Hinihintay po ako ng mga kapatid ko sa probensya namin."
Nahintakutan kong sagot. Agad kong napansin ang pagnigiti nito.
"I like it! Ang sarap pakinggan kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko. From now on girl friend na kita at boy friend mo na ako. Bawal ka ng magpaligaw sa iba." wika nito. Natitilihan naman akong napatitig dito.
Ano ba ang sinasabi nito?. Hindi nya pa nga ako nililigawan girl friend nya na agad ako? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nya kapag malaman ito. Kahit saang aspeto kami tingnan hindi talaga kami bagay. Baka maliitin lang nila ang pagkatao ko. Lumaki akong mahirap at mangmang at wala akong maipagmalaki sa ibang tao.
"Bakit ayaw mo ba? Hindi mo ba
nagustuhan ang sinabi ko ngayun lang?
" tanong nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Napansin nya marahil ang pag-aalangan sa mukha ko. Akmang babangon ako ng lalo niyang idiin ang katawan nya sa akin. Muli kong naramdaman ang kung
anong matigas na bagay na
sumusundot sa may hita ko.
"Hindi naman po sa ganoon, pero paano nyo ako naging girl friend hindi pa naman kita sinasagot." wika ko. Agad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi nito.
"Kailangan pa ba iyun? The feeling is mutual kaya nga pumapayag kang halikan kita diba?" tanong nito na may halong panunudyo sa kanyang boses. Nahihiya naman akong inilihis ng tingin sa kanya. Hindi ko na talaga kaya pang makikipagtitigan sa kanya ngayun. Naiilang na din ako sa posisyon naming dalawa. Isa pa ano ba ang pinagsasabi nya. Siya ang laging humahalik sa akin...hindi ako!
"Pero hindi po bat may girl friend na kayo? Sabi nila Charlotte at Jeann marami ka daw babae. Playboy ka daw. Katunayan nga nakita kita kagabi na katabi mo si Sofia eh." sagot ko. Muling naningkit ang mata nito.
"Bakit kasi hindi kayo lumapit sa akin. Nakita mo sana kung paano ko siya itinaboy" sagot nito Naguguluhan akong napatitig sa kanya.
"Hmmm teka lang. Dont tell me na nagseselos ka sa kanya?" tanong nito na may halong panunudyo sa boses. Pakiramdam ko biglang nag-init ang aking mukha. Nagkaka-amuyan na din kami ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. Bigla tuloy na- blanko ang utak ko.
"Hindi ah!"" pagkakaila ko.
"Hindi? I think iba ang sinasabi ng pamumula ng mukha mo ngayun Sunshine.." sagot nito. Hindi ulit ako nakasagot.
"Ang ganda mo talaga! Hinding hindi ako magsasawa na titigan ang maganda mong mukha habang buhay." muling wika nito at agad akong hinalikan sa noo. Napapikit naman ako dahil sa ginawa nyang iyun. Agad na nakaramdam ng kakaibang ligaya ang puso ko.
"Pwede bang umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat mo kasi eh." kunyari ay reklamo ko sa kanya. Katunayan hindi naman talaga siya mabigat. Kaya lang naiilang na talaga ako sa posisyon namin. Kanina pa kasi ako curious sa bagay na tumutusok sa hita ko. Ano kaya iyun? May matigas ba na bagay sa pagitan naming dalawa?
"Ayaw ko nga! Mas gusto ko ang ganitong posisyon Sunshine. Gustong gusto ko maramdaman ang init ng katawan mo. Isa pa nagka hangover yata ako dahil sa dami ng nainom kong alak kagabi." reklamo nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
"Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na uminom ka ng uminom." hindi ko mapigilang sagot.
"Kung pinuntahan mo sana ako kagabi at pinigilan hindi sana ako iinom. Of course susundin ko lahat ng gusto mo! " malambing na sagot nito sa akin at isiniksik pa ang kanyang mukha sa leeg ko. Biglang gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao lalo na nang maramdaman ko na naman ang kanyang dila na humahagod sa leeg ko.
"Teka lang...Sir Ra----? hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng tumigil ito sa paghalik sa akin at nakakunot ang noo na tinitigan ako.
"Sige, isa pang Sir at lulumpuhin na talaga kita! Alam mo bang kanina pa ako gigil na gigil sa iyo? Kanina pa nagpipigil ang alaga ko na angkinin ka.
" sagot nito na bakas ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mga mata. Napalunok ako ng makailang ulit bago sumagot.
"Sorry naman. Nasanay na akong tawagin ka ng ganoon eh." sagot ko.
"Pwes, sanayin mo na ang sarili mo ngayun pa lang na tawagin ako sa pangalan ko kung hindi malalagot ka sa akin." wika nito at muling isinubsob ang mukha sa aking leeg.
"Teka lang po..gutom na ako eh. Pwede na ba tayong lumabas dito?" kunyari ay reklamo ko. Naiilang na talaga ako sa mga pinanggawa niya sa akin. Isa pa natatakot ako na baka saan pa mapunta ang lahat ng ginagawa nya. Hindi pa ako ready na isuko ang pinakaiingatan kong yaman.
CHapTER 209
VERONICA POV
"Fine...kung hindi ka lang malakas sa akin hindi talaga kita papayagan na makalabas dito sa kwarto eh." wika ni Sir Rafael at agad na bumangon. Mabilis na naglakad papuntang banyo.
Nasundan ko na lang ito ng tingin. Nagtataka pa ako dahil nagtagal ito ng ilang minuto bago lumabas at napansin kong namumula ang mukha nito at pawis na pawis. Masyado bang mainit sa loob ng banyo at ganyan na lang ang hitsura nya pagkalabas?
"May dala kang mga damit diba? Ako na ang kukuha sa suite nyo. Gawin mo na kung ano ang gusto mong gawin sa loob ng banyo." wika nito at agad na lumabas ng kwarto. Muli ko itong nasundan ng tingin pagkatapos kibit balikat na pumasok sa loob ng banyo para gawin ang aking morning routine.
Isa pa kanina pa ako naiihi at nagtataka pa ako dahil nararamdaman kong basang basa na ang aking underware.
Aaminin ko man o hindi. Nagrereact na ang katawan ko sa ginagawa ni Sir RAfael sa akin. Nararamdaman kong namamasa ang aking pagkababae tuwing hinahalikan niya ako.
Pakiramdam ko may kung anong bagay ang namumuo sa puson ko kanina dahil sa mga pinanggagawa nya.
Dagdagan pa ng may kung anong matigas na bagay na nanggaling sa ibabang parte ng kanyang katawan na pumipintig-pintig tuwing dumidikit siya sa akin.
Kompleto naman sa kagamitan ang loob ng banyo. May mga nakita akong tuwalya at mga sabon at shampoo. Nagpasya na lang akong maligo muna total naman walang kasiguraduhan kung ano pang mga activities ang pwedeng gawin dito sa yate. Hindi ko din alam kong saang lupalop na kami ng karagatan nakarating.
Patapos na akong maligo ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng banyo. Nataranta naman akong binalot ang sarili ko sa isang makapal na tuwalya at mabilis na naglakad papuntang pinto at iniawang ito ng kaunti. Agad kong nakita si Sir Rafael. Hawak na nito ang bag na dala-dala ko kahapon na naglalaman ng mga personal kong gamit. Agad ko itong inabot at mabilis na isinara ang pintuan ng banyo. Nakalimutan ko na din ang magpasalamat.
Nakakailang na naman kasi ang mga titig nya. Hay hindi ko talaga alam kong kaya ko pa bang tagalan ang presensya nya. Habang tumatagal lalong lumalala ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko sa kanya.
Mabilis kong tinapos ang naudlot kong pagligo at agad na pinatuyo ang katawan at nagbihis. Dito na din sa loob ng banyo ako nag-ayos pagkatapos sukbit ang bag agad na akong lumabas ng masiguro ko na maayos na ang aking hitsura.
Naabutan ko si Sir Rafael na busy sa kanyang cellphone. Mukhang kakatapos lang nitong makipag-usap sa kung sino at ng mapansin ang paglabas ko ay agad itong tumayo. Sinipat pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.
"Lets go! alam kong gutom ka na!" wika nito at nagpatiuna na sa paglabas. Agad naman akong napasunod sa kanya.
Mabuti naman at nadala din sa pakiusapan. Sa wakas nakalabas din kami sa kwartong iyun at nagtaka pa ako dahil sobrang tahimik na ng paligid. Wala na din akong nakikitang
pakalat-kalat na ibang bisita. Baka katulad ni Rafael, lahat sila ay nalasing kagabi at nakatulog.
Diretso kaming naglakad patungo sa suite naming tatlo nila Charlotte at Jeann. Mukhang tulog pa sila kaya naman hindi na ako kumatok pa. Diretso ko ng binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Inilapag ko na din ang sukbit kong bag sa isang gilid.
Tama nga ang naisip ko. Pareho silang nakatalukbong ng kumot at naghihilik pa. Agad ko silang nilapitan at kinalabit.
"Uyyy tanghali na! Sabay-sabay na tayong kumain." gising ko sa kanila. Noong una ayaw pang magsipag- gising, Mukhang napuyat talaga sila.
"Saglit lang.....Maaga pa eh." narinig kong reklamo ni Jeann. Napatingin ako kay Sir Rafael. Sumenyas ito sa akin na lalabas daw muna. Agad naman akong tumango.
"Halina kayo. Nagugutom na ako ha? Alas nuebe na! Mas napuyat pa kayo kaysa akin?" wika ko. Napansin ko na agad na idinilat ni Charlotte ang mga mata. Tumitig sa akin at agad na bumangon.
"Veronica? Teka, kakabalik mo lang ba ng kwarto? Saan ka dinala ni Uncle kagabi?" agad na tanong nito.
"Eh di sa langit!" garalgal ang boses na sagot ni Jeann. Halatang kakagising lang din nito.
"ha? Ah eh...doon lang sa kabilang suite." sagot ko. Agad naman napabangon si Jeann. Pagkatapos tinitigan ako nito.
"Sa kabilang suite? Na kayong dalawa lang ni Uncle?" tanong nito. Dahan- dahan akong tumango.
"OH MY GOSH! Dont tell me na....na!
Ahhyyyyy! Tapatin mo nga kami, may something ba sa inyo ni Uncle? Bakit ganoon lang sya magwala kagabi?" tanong ni Jeann. Kumikislap ang mga mata nito at may kung anong tumatakbo sa isip nya na siya lang ang nakakaalam.
"Something? Naku, wala ha! Grabe naman kayo!" sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Sandali silang nanahimik at mataman akong tinitigan.
"Kung walang something sa inyong dalawa. Paano mo ipapaliwanag iyang mapulang marka na nasa leeg mo? Grabe ka para kang pinapak ng bampira!" wika ni Jeann. Agad ko naman nahawakan ang leeg ko. Tumalikod pa ako sa kanila dahil sa pagkapahiya.
"We're friends naman diba? Isa pa hindi ka na iba sa amin Veronica...may relasyon ba kayo ni Uncle? Naka first base na ba siya? Masarap ba?" tanong ni Charlotte na halata ang kilig sa boses. Sinugandahan naman ito ni Jeann. Impit pa itong napatili.
"Yupp...OH MY GOD! Mas bet naman kita kaysa kung sinu-sinong babae dyan noh! Mas bagay kayo ni Uncle!" kilig na kilig na wika ni Jeann. Lalo naman akong nakaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko pulang pula na naman ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi nila ngayun.
"Sige na, magkwento ka na! Ano ang ginawa nyo ni Uncle? May nangyari ba? May mabubuo na bang isa pang pinsan namin? Gosh! Pakiramdam ko mahihimatay ako sa kilig. Magkwento ka na please!" nakikiusap na wika ni Jeann.. Parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko ngayun pa lang. Ano ba itong pinagsasabi nila?
"Ano kasi...bakit ba ang dami nyong tanong? Nagugutom na ako." sagot ko.
Nagkatanginan pa ang dalawa bago muling nagsipagbaba ng kama.
"Sige na nga. Pero mamaya magkwento ka ha? Naku, ang saya- saya ko. Tiyak na may nalalapit na namang kasalan na mangyayari pamilya natin Charlotte." excited na wika ni Jeann.
"Yup..at isa sa atin ang pwedeng maging maid of honor." segunda naman ni Charlotte.
"Hindi pa rin kayo nakaayos?" naputol lang ang kiligan portion ng dalawa ng marinig namin ang seryosong tinig ng kanilang tiyuhin sa pintuan. Saglit na natigilan ang dalawa pagkatapos ay mabilis na nagsilapitan sa kanilang tiyuhin.
"Uncle, dapat pakasalan mo na si Veronica! Lagot ka kina Grandma at Grandpa. Nagkulong kayo ng kwarto na kayo lang." mabilis na wika ni
Charlotte kay Rafael. Agad naman itong napatingin sa akin. Gustong gusto ko ng lumubog sa sobrang hiya dahil doon.
Tuluyan ng pumasok ito sa loob ng kwarto at naglakad palapit sa akin. Pakiramdam ko bigla akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makakilos lalo na ng akbayan ako nito. Agad ko naman napansin ang impit na tili ng dalawang kaharap namin.
"Dont worry, kapag ikasal kami kayong dalawa ang hindi imbitado dahil sa pagiging chismosa nyo." sagot nito sa dalawang pamangkin. Pagkatapos ay iginiya ako palabas ng kwarto.
"Mag-ayos na kayo. Ang bagal nyong magsikilos. Mauuna na kami sa dining area." muling wika nito sa dalawang pamangkin bago kami tuluyan lumabas ng kwarto at isinara ang pintuan. Wala naman akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang.
Pagdating sa dining area ay agad naming naabutan sila Drake, Peanut at Arthur. Sabay-sabay pa silang napatingin sa gawi namin ni Rafael ng mapansin nila ang pagdating namin.
"Oh Wow mukhang masarap ang gising natin ngayun ah?" agad na wika ni Peanut sa aming dalawa. Agad naman akong ipinaghila ng upuan ni Rafael at inalalayan pang makaupo.
"Tsk! Mabuti naman at pinauwi mo na ang mga asungot! Sa susunod hindi na talaga aattend kapag katulad pa rin ang set up ng dati ang gagawin nyo." sagot ni Rafael. Agad na nagkatawanan ang tatlo.
"Ano ba iyan Bro. Pati kami nadamay sa pagiging Goodboy mo kuno. iba na talaga kapag in-love." sagot ni Peanut.
"Tsk! Ewan ko sa inyo!" sagot ni Sir Rafael at sininyasan ang isang staff. Agad naman itong lumapit at binalingan ako ng tingin ni RAfael.
"Anong gusto mong kainin?" masuyo nitong tanong sa akin. Bigla na naman na-blanko ang utak ko dahil doon. Bakit naman kasi nawawala ako sa sarili ko tuwing tinititigan nya. Dagdagan pa ang kaagad na pagkabog ng dibdib ko. Kainis talaga!
"Sige po Sir...kami na po ang bahala." narinig ko pang sagot ng waiter bago tumalikod. Dahil natulala naman ako hindi ko na tuloy narinig pa kung ano ang inorder nitong pagkain para sa akin.
"Pakasalan mo na kasi Bro para naman hindi na makawala sa iyo." narinig ko pang wika ni Drake habang pasulyap- sulyap sa akin.
"Tsk! Ewan ko sa inyo! Siya nga pala, hinatid nyo ba kaagad ang mga pamangkin ko kagabi sa suite nila? Bakit mukhang napuyat ang dalawang iyun?" pag-iiba ng usapan ni Rafael. Agad nagkatinginan sila Drake at Peanut.
"Hindi ko na alam iyan Bro. Nalasing talaga ako kagabi at hindi ko na namalayan pa ang oras." sagot naman ni Alan. Seryosong tinitigan ni Rafael sila Peanut at Drake.
"Hinatid naman kaagad pagkatapos namin mag-usap." sagot ni Peanut at halata ang guilt sa mga mata nito. Seryoso naman itong tinitigan ni Rafael bago nagsalita.
"Huwag mong kalimutan na minor pa ang pamangkin ko ha? Isang pagkakamali mo lang, hihiwalay talaga iyang bungo mo sa ulo mo." seryosong wika ni Rafael sa kaibigan. Agad naman namutla si Peanut. Hindi ko naman maiwasan na magtaka. May nangyari ba kagabi na hindi ko alam? Pero ang
alam ko mas naunang nakatulog sa akin si Sir Rafael...I mean Rafael na lang pala dahil iyun ang kanyang gustong itawag ko sa kanya.
Chapter 210
VERONICA POV
"Wala naman ganyanan Rafael, imbes nag-iipon na ako ng lakas ng loob pinapababa mo naman ang self esteem ko eh." reklamo ni Peanut. Agad naman itong pinanlakihan ng mata ni Rafael. Tatawa-tawa nman sina Arthur at Drake.
"Ulol! Sige, ituloy mo lang kundi malalagot ka talaga. Oh baka ako pa ang unang bubugbog sa iyo. Ibaling mo sa iba iyang kamanyakan mo, huwag na huwag sa mga pamangkin ko dahil ako mismo ang makakalaban mo." may pagbabanta sa boses ni Rafael na wika nito. Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila.
"Eh bakit ikaw, eighteen pa lang naman si Veronica pero matindi iyang ginagawa mong pambabakod. Kahit kaming mga kaibigan mo pinagbabawalan mong makalapit sa kanya. Bro, nasaan ang hustisya! Tao lang din ako at may nararamdaman!" muling sagot ni Peanut.
Peanut...ikaw ba iyan? Kailan ka pa nagkaroon ng damdamin? Gago ka, tigil-tigilan mo iyang kahibangan mo baka mahinto ang edad mo sa kalokohan mong iyan!" tatawa-tawang sagot ni Arthur. Napapailing naman si Rafael at seryosong tinitigan ang kaibigan.
"Kailangan yatang dalhin na sa mental iyang kaibigan natin. Malakas na ang tama. Hayst buti pa talaga hindi na lang kami umattend sa party na ito eh. Nangungunsumi lang ako!" reklamo na Rafael.
Natigil ang diskusyon ng magkaibigan ng inihain na ang pagkain na inorder ni Rafael para sa amin. Ilang saglit lang din ay dumating na sina Charlottte at Jeann.
"Good Morning everyone!" agad na bati ni Jeann na may matamis na ngiti na nakaguhit sa labi. Kabaliktaran kay Charlotte na todo simangot at mukhang wala sa mood.
"Good Morning beautiful ladies!" agad na bati ni Arthur sabay tayo at ipinaghila pa ng upuan ang dalawa.
"Well, mukhang tahimik na ngayun ah? Nakaalis na ang mga chicababes nyo?" diretsahang tanong ni Jeann. Bigla namang napaubo si Drake. Mukhang nasamid ito.
"Yap! Kaninang madaling araw. Tayo- tayo na lang ang nandito ngayun sa yate. Ano nga pala ang itinerary natin Peanut?" sagot naman ni Arthur.
"Tuloy ang plano, didiretso tayo ng Boracay." agad na sagot ni Peanut.
"No! I disagree! Kailangan namin makauwi ngayun dahil may pasok kami sa School bukas And besides,
nagpromise si Uncle kina Mama at Papa na uuwi din kami kaagad ngayun.
" agad na sagot ni Charlotte.
"Yah...busy din ako in a whole week. Kabi-kabilaang meeting ang pupuntahan namin ni Kuya Christian." sagot naman ni Rafael.
"Eh, paano yan, malayo na tayo sa kamaynilaan. Grabe naman, birthday na birthday ko tapos ganito ang mangyayari. Kahit isang araw lang tayo sa Boracay tapos babalik din kaagad tayo." reklamo ni Peanut.
"Correction! Kahapon pa ang birthday mo kaya huwag ka ng mangatwiran pa. Kung gusto mong maglakwatsa, suluhin mo, huwag mo kaming idamay.!" muling sagot ni Charlotte.
"Pareho lang iyun. Walang pinagkaiba ang kahapon at ngayun. Uso na iyan ngayun!" giit ni Peanut.
"Eh di dumiretso kayo ng Boracay.
Magpapasundo na lang kami sa chopper. Problema ba iyun!" muling sabat ni Charlotte. Napangiwi naman si Peanut. Narealized marahil nito na hindi siya mananalo kay Charlotte.
"Bro, sure ka ba ng fifteen years old lang itong pamangkin mo? Bakit ang bilis mangatwiran?" pabulong na wika ni Peanut kay Rafael.
"May pabulong bulong pa eh. Hoy nasa tapat lang ako oh at dinig na dinig ko iyang sinasabi mong Mani ka!" asar na sabat ni Charlotte. Agad na nagkatawanan sila Drake at Arthur. Bigla naman namula si Peanut dahil sa pagkapahiya.
"Wala kasi sa edad iyan Bro. Kung tutuusin mas matured pa mag-isip kaysa sa iyo si Charlotte eh. Utusan mo na ang kapitan mo. Paikutin na kamo ang yate at balik na tayo ng Manila. Baka mamaya magkaroon pa ng riot dito sa Yate mo eh." natatawang sagot naman ni Arthur.
"Pwede naman natin ulitin ang bonding na ito. Kapag may free time na ang lahat at hindi na masyadong busy sa opisina. Alam nyo na nalalapit ang ang pagiging CEO ko at kailangan ko ng magseryoso muna." sagot naman ni rafael. Masuyo pa ako nitong tinitigan sabay matamis na nginitian.
"May magagawa pa ba ako? Pinagtulungan niyo na ako eh!"
Sumusukong wika ni Peanut sabay tayo. Diretso itong naglakad paalis. Naiwan naman kaming ipinagpatuloy na ang pagkain.
Katulad ng napagkasunduan, agad na kaming bumalik ng Manila. Habang nasa byahe kami hindi na umaalis sa tabi ko si Rafael. Lagi itong nakaalalay sa akin na siyang labis ko na din na ipinagpasalamat. Kanina pa kasi pasulyap sulyap sa akin sila Charlotte at Jeann at mukhang may gusto silang itanong sa akin. Siguro interesado talaga silang malaman kung ano ang nangyari sa pagitang naming dalawa ni Sir Rafael kagabi.
Gabi na ng Nakauwi kami ng mansion. Nakauwi na ang mga magulang nila Jeann at Charlotte kaya naman nagpasya silang sa mansion na lang muna matulog dahil pagod na din. Ihahatid na lang sila ng driver kinabukasan.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naging abala na si Sir Rafael sa opisina. Tuluyan nang ipinasa ni Sir Christian ang pagiging CEO ng Villarama Empire na siyang naging dahilan kung bakit bihira na lang din itong umuuwi ng mansion at kung umuwi man ay kitang kita sa mukha nito ang pagod. Palagi na lang din itong nagkukulong ng kwarto na siyang labis kong ipinagtaka.
Bihira na lang din namin itong
nakasabay sa pagkain. Maaga na kasi ito umaalis at gabing gabi na din kung umuwi. May mga travel abroad din ito kaya naman umaabot minsan ng isang buwan na hindi namin ito nakikita.
Aaminin kong namimiss ko na din siya. Aminado akong nalulungkot ako at palaging hinahanap ang kanyang presensya. Pero ganoon talaga ang buhay. Hindi naman pwedeng magreklamo ako dahil kung tutuusin hindi din ako sigurado kung ano ba talaga ako sa buhay nya. Wala kaming libel at hindi ko alam kung gaano siya ka-seryoso ng sabihin nya sa akin na girl friend nya na daw ako.
Itinoon ko na lang din ang aking sarili sa pag-aaral. Diterminado talaga akong makabalik sa iskwelahan kaya tinutulungan ko ang aking sarili na matuto. Hindi pwedeng magpadala ako sa kalungkutan na aking nararamdaman. Baka nga hindi na ako naiisip ni Sir Rafael. Baka nga katulad sa ibang naging babae nya, isang fling lang din ang naging tingin nito sa akin. Mabuti na lang at hindi lumagpas sa halikan ang nangyari sa aming dalawa.
Palagi ko din nakakausap sa cellphone sila Nanay at Tatay. Minsan naman binibigyan ako ng allowance nila Tita Carissa at Tito Rafael. Noong una tinatanggihan ko ito dahil wala naman akong ginagawang trabaho dito sa mansion. Hanggat maari ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila.
Pero dahil mapilit sila wala akong choice kundi tanggapin iyun. Agad ko iyung ipinapadala kina Nanay sa probensya. Kung tutuusin hindi ko naman kailangan ng pera. Ibinibigay nila lahat ng pangangailangan ko at wala naman akong pinagkakagastusan.
"Hello Veronica!' Agad akong napalingon ng marinig ko ang pagbati sa akin ni Elijah. Nandito ako sa may swimming pool at nakatitig sa kawalan. Tuwing matapos kami ni Teacher May dito talaga ako tumatambay.
"Oh, Elijah! Kumusta? Ilang araw ka din hindi nagpakita sa mansion ah?" agad kong bati dito. Agad naman itong napangiti.
"Oo eh..malapit ako gumraduate. Sinasanay na ako nila Daddy at Mommy sa mga trabaho sa kompanya namin." sagot nito.
"Talaga? Ibig sabihin malapit ka na din maging CEO?" excited kong tanong. Agad itong tumango.
"Parang ganoon na nga! Walang hilig si Elias na pamahalaan ang kumpanya namin. Mas gusto nyang maging Doctor." sagot nito sabay buntong hininga. Sabagay, matagal ko ng alam ang tungkol sa bagay na iyun. Hindi interesado na hawakan ng kakambal nito ang negosyo ng pamilya.
"Paano ngayun iyan? Magiging busy ka na din pala katulad ni Sir Rafael?" tanong ko. Agad itong tumango.
"Oo eh..at siguro, bihira na lang din akong makauwi dito sa mansion. Babalik na ako ng bahay namin dahil pupunta ng abroad si Elias. Gusto nyang doon magsanay. Wala eh...ito talaga siguro ang kapalaran ko. Ayaw ko din biguin sila Mommy at Daddy." sagot nito.
"Well, bagay naman sa iyo ang maging CEO." sagot ko sabay ngiti. Napansin ko kasi ang lungkot sa mga mata nito kaya naman pinipilit ko ang sarili ko na pasiglahin ang boses ko. Natawa ito.
Chapter 211
VERONICA POV
Walang katumbas na saya ang aking naramdaman ng lumabas ang result ng ALS exam. Nakapasa ako at papasok na ako ng School sa susunod na pasukan. Walang hanggang pasasalamat sa mga taong tumulong sa akin para matupad ang unang step para sa pangarap ko.
"Congratulations Iha. Sa wakas matutupad na din ang pangarap mo na magbalik iskwela. Wala kaming ibang hangad kundi ang iyung tagumpay." nakangiting bati sa akin Tita Carissa. Parang gusto ko naman maiyak.
Hindi ko akalain na kaya ko pala. Akala ko wala na akong pag-asa pang makapag-aral muli pero heto ako ngayun. Diretso Senior high na at sa susunod na taon papasok na ako ng koleheyo. Matutupad na ang pangarap ko na maging stewardess.
Yes iyan na ang pangarap ko noon pa. Kaya nga kukuha ako ng tourism course pagka-college ko. Mas mabilis daw kasing makapasok sa mga airline companies kapag makatapos ng ganoong kurso.
Balak kong magtravel. Gusto kong ikutin ang buong mundo. Isa pa mas malaki daw kasi ang sweldo kaya naman alam kong mabibigyan ko ng magandang kinubukasan sila Nanay at Tatay pati na din ang mga kapatid ko.
"Tita, salamat po. Hindi ko po alam kong paano mababayaran lahat ng ito sa inyo! Salamat po sa tiwala." naiiyak kong sagot. Agad naman itong ngumiti at tinitigan ako sa mukha.
"Dont mention it Veronica. Ibang ligaya din ang naging hatid mo sa amin dito sa mansion. Ikaw ang palagi naming kasama lalo na ngayung bihira na lang kung umuuwi si Rafael. HIndi namin akalain na magigiging
workaholic siya ngayung siya na ang bagong CEO ng Villarama Empire. Mabuti na lang at nandito ka at kahit papaano gumagaan ang atmospera ng mansion dahil sa presensya mo...."
"Itinuring na kitang parang anak ko Veronica kaya naman sana ganoon ka din sa amin. Bukal sa aming kalooban ang lahat ng kabutihan na ibinibigay namin sa iyo kaya wala kang dapat na ipagpasalamat. Sapat na ang presensya mo dito sa mansion Iha."nakangiting sagot ni Tita Carissa. Sobrang bait nya talaga. Simula ng dumating ako dito sa mansion hindi ko man lang ito nakitaan ng kagaspangan ng ugali.
"Tita, talaga po bang wala ng balak pang tumira dito sa mansion si Sir Rafael? Ilang buwan ko na po kasi siyang hindi nakikita." hindi ko mapigilang tanong. Saglit na napawi ang ngiti sa labi nito tsaka sumeryoso.
"Sa ngayun marami siyang mga travel abroad. Gusto nyang patunayan sa lahat na kaya nyang hawakan ang Villarama Empire. Simula kasi ng naging CEO siya marami siyang mga naririnig na mga panlalait sa mga taong nasa paligid nya na kesyo isa siyang spoiled brat at siya lang ang magpapabagsak ng Villarama Empire. Sineryoso lahat ng iyun ni Rafael kaya naman ibinuhos ang oras nya sa kumpanya. Gusto nyang maging magaling. Kahit iyung mga kaliit- liitang bagay gusto nyang matutunan." mahabang paliwanag ni Tita Carissa. Agad naman akong napatango.
Kaya pala bihira na lang itong umuuwi ng mansion at kung nandito man siya hindi naman ito nagpapakita sa akin. Siguro nakalimutan na nya ako at naka -focus na lang ito sa negosyo o baka nga may iba na siyang babaeng nilalandi...hay ang sakit isipin. Pero hindi ako dapat magpa-apekto. May ibang dapat akong i-priority ngayun at iyon ay ang aking pag-aaral.
Matagal ko na din naririnig na parang nag-aaral din daw uli si Sir Rafael ngayun. Masusing pinag-aaralan ang takbo ng negosyo at kung minsan sa opisina na daw ito natutulog.
Mahirap din pala ang maging mayaman. Akala ko easy-easy lang ang lahat. Iyung pala grabeng pagod at sakripisyo din ang kailangan nilang ibuhos para maging matagumpay.
"Sige na Iha. Magpahinga ka muna. Siya nga pala, tuloy pa rin ang pagtuturo ni Teacher May sa iyo hanggang sa makatapos ka ng Senior High! Mas magandang may aalalay pa rin sa pag-aaral mo para hindi ka mahirapan." nakangiting wika ni Tita Carissa tsaka tumayo na ito.
Pagkaalis ni Tita Carissa ay agad na din akong tumayo. Babalik na lang ako ng kwarto ko at magbasa-basa na lang muna ng mga libro. Ayaw ko ng mag- isip pa ng kung anu-ano. Iniiwasan ko na din na isipin pa si Sir Rafael. Lalo ko lang kasi siyang na-mimiss kung tutunganga lang ako. Kailangan maging abala ang utak ko sa ibang bagay.
Wala naman din akong masyadong nakakausap sa ngaun. Abala ang lahat ng tao lalo na sila Jeann at Charlotte. Malapit na matapos ang klase nila at busy sila sa kanilang mga exams. Si Ate Ethel naman ay abala sa kanyang trabaho. Sa lahat ng tao, ako lang yata ang hindi busy.
Mabilis na lumipas ang mga buwan. Parang kailan lang pero nandito na ako sa harap ng isang iskwelahan. Inihatid ako ng driver nila Tita Carissa kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok. Ihahatid at susunduin daw ako nito araw-araw.
Kabisado ko na din ang pasikut-sikot ng iskwelahan. Bago nag-umpisa ng klase inikot ko ang buong paligid nito at ang alam ko may koneksyon ang mga Villarama sa may ari ng private School na ito. Sinigurado din nila na hindi ako mahihirapan sa pagpasok ko dito araw-araw.
Aaminin ko na kahit papaano na nag- eenjoy ako sa isiping angat ako sa iba. Naranasan kong mamuhay ng marangya. Gayunpaman ayaw kong ipagyabang iyun. Nakakahiya.
"Mam, dito ko din po kayo hihintayin mamaya pagkatapos ng klase nyo. Mag -ingat po kayo!" agad na wika sa akin ni Mang Gerry. Isa sa pinakamatagal ng driver ng mansion.
"Salamat po Manong." agad kong sagot at bumaba na ng kotse. Agad na sumalubong sa paningin ko ang iilang mga istudyante. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa isiping isa na ako sa kanila. Hindi ito isang panaginip at totoong nangyari na sa buhay ko.
"Hi...transferee ka?" nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa tagiliran ko. Agad ko itong sinipat ng tingin. Isang istudyanteng babae at nakangiting nakatitig sa akin.
"Oo eh." maiksi kong sagot. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikihalubilo ako sa iba at naninibago ako.
"I'am Beatrice!" pakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay. Nakangiti ko naman din itong tinanggap.
"Veronica!" sagot ko.
"Nice to meet you Veronica! Dont worry ako ang bahala sa iyo. Mula first year hanggang ngayun dito na ako nag- aaral kaya huwag kang mahiyang magtanong sa akin kung may mga kailangan ka." nakangiti nitong wika.
Agad naman akong nagpasalamat at itinuloy na ang paglalakad ko papunta ng classroom ko. Tahimik na lang din naman itong nakasunod sa akin.
Pagdating ng classroom ay nagtaka pa ako dahil nakasunod pa rin sa akin si Beatrice. Binati pa nito ang ilang mga istudyante na nadatnan namin. Nahihiya naman akong inilibot ang tingin ko sa paligid lalo na ng mapansin ko na sa akin nakatitig ang iilang mga istudyante.
"Veronica, dito ka na lang sa tabi ko." agad na wika sa akin ni Beatrice. Sandali pa akong natulala bago ito nilingon.
"Dito ka na. Ipapakilala kita sa iba nating mga ka-classmates." muli nitong wika. Agad naman akong naglakad palapit dito at inukupa ang isang bakanteng upuan na nasa tabi nito.
"Bago siya?" narinig ko pang tanong ng katabi din nito. Mukha itong binabae base na din sa kanyang pananalita.
"Yes, nagkita kami sa labas kanina. Her name is Veronica...and Veronica si Randy nga pala, ang nag-iisa kong closed friend dito sa School."
pagpapakilala nito sa amin. Agad naman akong napangiti at ako na mismo ang naglahad ng kamay ko para makipagkamay dito.
"Hi...Nice to meet you Randy. Sana maging magkaibigan din tayo." nakangiti kong sagot.
"Ayyy sure! Mag-iinarte pa ba ako. Ang ganda mo kaya at tiyak kapag kasama kita na maglalakad sa hallway kakainggitan tayo ng ibang mga istudyante dito." maarte nitong sagot at agad na tinanggap ang pakikipagkamay ko. Pabirong nahampas naman ito ni Beatrice dahil sa kaartehan nitong magsalita.
"hmmmp, ewan ko sa iyo! Basta ha, magkakaibigan na tayong tatlo." muling wika ni Beatrice. Agad akong tumango.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Wala naman kaming ibang ginawa sa first day of school namin kundi ang magpakilala sa isat isa. Na-meet din namin ang ibat ibang teachers namin sa bawat subjects. Pagkatapos puro daldalan ang mga nangyari hanggang sa mag-uwian na.
Hindi man lang ako napagod sa unang araw ng klase. Mas intense pa ang nangyayaring pag-aaral ko kapag si Teacher May ang kaharap ko. Sabagay siguro dahil first day pa lang naman. Baka sa mga susunod na araw mag- uumpisa na ang seryosong pagtuturo ng mga teachers.
"Ayyy bongga! Sundo mo?" agad na bulong sa akin ni Randy. Nandito na kami sa parking area at pare pareho naming hinihintay ang mga sundo namin. Agad akong tumango.
"shit! Mercedes Benz? Ang yaman nyo naman!" agad naman na sabat ni Beatrice. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Grabe ang dalawang ito napaka-vocal nila pareho.
"Hindi akin iyan. Sasakyan iyan ng mga taong nagpaaral sa akin." sagot ko. Agad na nagkatinginan ang dalawa.
"Hindi nga?" sagot ni Randy.
"Oo nga! Hindi ako mayaman kung iyan ang iniisip nyo. Pinapaaral lang ako ng amo ko." sagot ko. Sabay pa silang tumitig sa akin habang nakakunot ang noo.
"Huwag mo nga kaming pinagluluko Veronica...hindi halata sa postura mo ang mga sinasabi mo." sagot ni Randy.
Agad naman akong nagtaka. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.
"Yes...bag mo pa nga lang na gamit mo halos milyones na ang halaga. Tapos sasabihin mo na kotse ng amo mo iyan...ay ewan ko." sagot ni Beatrice. Sandali naman akong natulala sa mga pinagsasabi nila. Pagkatapos kibit balikat na akong nagpaalam sa kanila.
"Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala. Sige na, mauna na ako sa inyo. See yah tomorrow!" sagot ko at nagmamadali ng naglakad papuntang kotse. Agad naman akong pinagbuksan ni Manong Gerry ng pintuan. Nilingon ko pa ang dalawa kong bagong kaibigan at napansin kong pareho silang tulala na nakatitig sa gawi ko.
Walang traffic kaya naman mabilis kaming nakarating ng mansion. Halos alas tres pa lang ng hapon kaya naman balak kong dumeretso muna ng kwarto para makapaghinga. Alam kong syeta time din ngayun nila Tita at Tito kaya naman alam kong tahimik ang buong mansion kapag ganitong oras. Mamayang dinner time ko pa sila muling makakaharap.
"Hello Veronica...nakauwi ka na pala." paakyat na ako ng hagdan ng marinig ko ang pag bati iyun. Agad kong nilingon ito at tumampad sa harap ko si Ate Maricar. May bitbit itong traveling bag.
"Hi Ate.. kumusta po?" agad kong bati pabalik dito.
"Dumating si Sir Rafael kanina galing hongkong. Nasa kwarto sya." agad nitong balita sa akin. SAglit akong natigilan. Hindi ko malaman kong ano ang mararamdaman ko. Natutuwa na nalulungkot ako...Ahh ewan... pakiramdam ko kasi bigla akong nakalimutan ni Sir Rafael. Halos taon na din kasi ang binilang na hindi kami nagkakausap.
Chapter 212
VERONICA POV
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa aking kwarto. Kanina pa ako tapos mag -ayos at hinihintay ko na lang ang dinner time. Para akong pusang hindi makapanganak dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ng puso ko.
Halos isang taon din kaming hindi nagkita ni Sir Rafael. Sobrang tagal kung tutuusin. Huling pag-uusap namin ay iyung birthday ni Peanut at pagkatapos noon ay naging abala na ito sa pamamahala ng Villarama Empire. Umuuwi daw ito minsan ng mansion pero saglit lang. Kadalasan gabi na kaya hindi kami nagpapang-abot.
Mahina akong napabuntong hininga habang nakatitig sa reflection ko sa salamin. Ibang Veronica na ang nakikita ko. Malayo na ako sa dating Veronica na probensyana. Natuto na din akong manamit at mag-ayos ng sarili. Kahit papaano nakakaintindi na din ako ng salitang Inglis. Salamat kay Teacher May dahil sa sobrang tiyaga nitong magturo sa akin.
Siguro dahil na din sa impluwensya nila Charlotte at Jeann. Yes...naging matalik na kaming magkaibigan. Itinuring nila akong hindi na iba sa kanila.
Kahit papaano hindi na din nila inungkat pa sa akin ang mga nangyari noon sa yate. Sabagay, baka nakalimutan na din nila dahil sa pagiging abala nila sa kanilang pag- aaral. Katulad pa rin ng nakasanayan ng pamilya Villarama, weekend ang family day pero si Sir Rafael lang yata ang palaging absent.
Muli kong sinipat ang orasan. Isang malakas na buntong hininga bago ako nagpasyang bumaba na. Eh ano ngayun kung nasa baba si Sir Rafael. Wala akong atraso sa kanya para kabahan ng ganito. Hindi ko naman din pwedeng iwasan ito lalo na at nasa iisang bahay lang kami nakatira.
Pagkabukas ng pintuan ng kwarto ay sakto naman na bumukas ang katapat ko. Nagulat pa ako ng biglang lumabas si Sir Rafael doon. Agad na nagtama ang aming mga paningin at nahihiya kong binawi agad iyun pagkatapos mabilis ng naglakad papuntang hagdan.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang laki na ng ipinagbago nya. Nag- matured ito at mukhang lalong naging masungit.
Ah basta...ewan...halos takbuhin ko pababa ng hagdan ng naramdaman kong nakasunod ito sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwang ng makarating ako ng dining at agad na naupo sa pwesto ko. Mabuti na lang at wala pa sila Tita at Tito. Tiyak magtataka sila kung bakit ako natataranta ngayun.
Wala pang isang minuto ng maramdaman ko ang pagpasok ni Sir Rafael. Kasabay na nito sila Tita at Tito kaya naman agad akong tumayo para batiin sila.
"Good Evening po!" wika ko sabay yuko. Nakangiti naman na lumapit sa akin si Tita at hinalikan ako sa pisngi. Noon pa man ginagawa nya na ito sa akin. Nakakailang noong una pero nasanay na din ako ngayun. Siguro nga parang anak na ang turing nito sa akin dahil ako ang palagi nilang kasa- kasama.
"Kanina ka pa ba Iha? Sige na maupo ka na para makakain na tayo." sagot naman ni Tita. Kaagad naman akong tumalima. Pigil na pigil ako sa aking sarili na tapunan ng tingin si Sir RAfael. Ewan ko ba, sa kaloob-looban ng puso ko nasasaktan ako dahil wala yata siyang balak na batiin ako.
Dahil kung talagang may pakialam pa sya sa akin, kanina pa lang nang magkita kami kinausap nya na ako. Babatiin niya ako at kukumustahin.
"So, ayos na? Dito ka na ba ulit uuwi ng mansion iho?" narinig kong tanong ni Tito Gabriel habang nag-uumpisa na akong maglagay ng pagkain sa aking pinggan.
"Yes Dad. Mas malapit ang Villarama Empire dito sa mansion and besides pagod na ako sa kakatravel para makausap ang ilan nating business partners abroad. Magtatalaga na lang siguro ako ng representative ko sa mga susunod na overseas meetings.
Kailangan din ng opisina ang presensya ko lalo na ngayun balak kong pasukin pati na din ang real estate. " sagot nito.
"Well, much better. Basta tandaan mo Rafael, we're so proud of you! Napakabago mo pa lang bilang CEO ng kumpanya pero ang layo na ng narating mo. Hindi ko akalain na ganito ka ka-seryoso kaya naman masayang-masaya kami anak." nakangiting sagot ni Sir gabriel.
"Of course Dad! Tutuparin ko ang pangako ko na lalo kong palalaguin ang negosyo na inumpisahan ni Grandpa." sagot nito.
Marami pa silang napag-usapan tungkol sa negosyo habang kumakain kami. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila hanggang sa natapos ako sa pagkain. Actually kanina pa nga ako tapos kaya lang nahihiya akong magpaalam. Baka kung ano ang isipin nila sa akin. Nasanay na din kasi sila Tita at Tito sa akin noon na nagpapahuli ako dito sa dining tuwing pagkatapos kumain.
"How about you Iha...kumusta ang first day of School mo? Nag-enjoy ka ba?" kung saan-saan na nakakarating ang takbo ng isip ko ng marinig ko ang tanong na iyun. Agad naman akong napatingin kay Tita Carissa.
"Ayos naman po Tita. Naninibago po pero mababait naman ang mga classmates ko." Nahihiya kong sagot. Agad ko naman napansin ang patitig sa akin ni Sir Rafael. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"Why? Pwede na ba siyang pumasok ng School?" tanong nito. Sa wakas nagkaroon din siya ng pakialam sa akin. Nagtanong din tungkol sa naging buhay-buhay ko habang wala siya.
"Yes..naipasa nya ang exam kaya diretso Senior high na siya. Magaling si Teacher May magturo at sa maiksing panahon maraming natutunan si Veronica kaya naman sisiw lang sa kanya ang exams." nakangiting sagot ni Tita Carissa. Hindi na umimik pa si Sir Rafael bagkos kunot noo akong tinitigan.
"Oh siya mauna na kami ng Daddy mo Rafael. Maaga kaming babyahe bukas papuntang resort." wika ni Tito Gabriel at inalalayan na nito ang asawa na makatayo. Agad din akong tumayo. Ayaw ko ng magpaiwan dito sa dining area lalo na at nandito si Sir Rafael na nababaliw na naman yata. Titig na titig na naman kasi sa akin. Kung kanina halos ayaw akong tingnan sa buong pagkain namin pero ngayun hindi na naman inaalis ang pagkakatitig sa akin. Nakakainis na siya.
Agad akong sumunod kina Tita at Tito palabas ng dining room. Dumeretso ako sa labas ng mansion para magpahangin. Nakagawian ko na kasing tumambay sa may pool habang nagpapababa ng kinakain habang nagmumuni-muni.
Nakakamiss lang ang lahat. Dati si Elijah ang palagi kong nakakausap dito sa may pool. Pero nakakalungkot lang dahil bihira na din kaming nagkikita.
Wala din ito minsan sa family day dahil masyado na daw abala sa negosyo ng pamilya.
Hindi ko maiwasan na malungkot ng maalala ko si Sir Rafael. Mukhang nagbago na din ito. Siguro may bago na siyang girl friend. Ay ewan...basta focus na lang muna ako sa pag-aaral. Parasaan ba at matatapos din lahat ito.
Masasanay din siguro ulit ako sa presesya ni Sir Rafael dito sa mansion.
**
212 LAST EDIT
**
RAFAEL POV
Sa wakas natapos na din ang lahat. Sulit lahat ng hirap na pinagdaanan ko.
Masasabi kong malaki na ang kumpyansa ko sa aking sarili para pamahalaan ang Villarama Empire.
Hindi basta-bastang responsibilidad ang naiwan sa akin lalo na ng tuluyan ng ipinaubaya sa akin ni Kuya Christian ang pamamahala ng kumpanya.
Maraming nagalit noon. Halos karamihan sa mga nasa itaas na posisyon ng kumpanya ay napataas ang kilay. Hindi man direkta nilang sabihin sa aming pamilya pero alam kong wala silang tiwala sa akin. Nag-aalala ang lahat ng baka bumagsak lang ang Empire sa mga kamay ko dahil wala daw akong ibang ginawa noon kundi ang maglakwatsa at mambabae.
Oh diba pati personal life ko nahalungkat ng mga gunggong na sabik sa posisyon. Pero diyan sila nagkakamali. Focus lang ang kailangan at malalagpasan ko din. Napag-aaralan ang lahat. Kaya humanda sila sa akin lalo na ngayung sa main office na ako palaging maglalagi. Matitikman nila ang pagiging mahigpit at istrikto ko pagdating sa trabaho.
Hindi ko maiwasan na mapangiti habang nakatanaw kay Veronica. Nakatayo ito sa gilid ng pool at mukhang may iniisip na malalim.
Grabe, isang taon lang akong nawala pero ang laki na ng ipinagbago ng physical na hitsura nito. Lalo itong gumanda at naging kaakit-akit.
Kung alam lang nito kung anong pagpipigil ko ang aking ginagawa noon pa para lang hindi ito mapakialaman. Kung hindi lang ako nangako kina Mommy at sa mga kapatid kong babae na huwag munang pakialaman si Veronica dahil masyado pa itong bata baka matagal ko na itong inasawa.
Patapusin ko daw muna at hayaan na matupad ang mga pangarap bago ko asawahin. Kailan pa iyun? Kaya ko pa bang magpigil lalo na ngayung dito na ulit ako titira ng mansion? I dont think so!
Kung noon mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa negosyo at pag-aasawa iba na ngayun. Kayang kaya ko na hawakan ang Villarama Empire. Pwede na din sigurong magfocus ako sa lovelife.
Hindi na kailangan pang magpakahirap ni Veronica pagpasok ng School. Kayang kaya kong ibigay sa kanya ang lahat ng pangangailangan nya. I have a billions and billions money in my personal bank accounts at kaya kong ibigay sa kanya lahat ng iyun manatili lang siya sa tabi ko.
"Ganda nya talaga Sir Rafael noh? Bakit kasi ayaw mo pang lapitan para magkumustahan kayo?" napapitlag pa ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay walang iba kundi si Manang Espe. Ang aming mayordoma.
"Yup..super ganda nya na!" sagot ko naman habang muling ibinalik ang pagkakatitig kay
Veronica.
Kung alam lang nito. Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan kanina pa. Actually kagabi pa nga eh. Halos hindi ako nakatulog dahil gusto ko na syang pasukin sa kanyang kwarto. Kaya ko pa bang magpigil. Parang hindi na
eh...
Chapter 213
VERONICA POV
New routine ng buhay ko. Gigising ng maaga, maliligo at magbibihis ng school uniform. Tulalang titigan ang sariling reflexion sa salamin at hindi maiwasan na mapangiti ng mapansin ko na bagay na bagay sa akin ang suot kong school.
Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala na magawa kong makapasok sa isang pang-mayaman ng university. Last na pagngiti sa harap ng salamin at agad kong hinagilap ang aking bag at nagmamdaling lumabas ng kwarto.
Mabilis ang aking hakbang pababa ng hagdan. Hindi naman masyadong halata na excited ako ngayun sa pagpasok sa School. Katunayan
sobrang aga pa pero ayaw ko kasing ma -late. Papasok ako ngayun ng mas maaga para naman may time pa akong magrelax bago mag-umpisa ang klase.
Alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon lang naman ang pasok ko. Every Tuesday at Thursday may tutor schedule ako kay Teacher May. Tuloy pa rin ang pagto-tutor nito sa akin kahit na pumapasok na ako ng School. Iyun nga lang nabawasan lang ng araw para hindi daw ako masyadong mahirapan.
Pagdating ko ng dining area ay nadatnan ko pa si Ate Maricar na abala sa pag-aayos ng mga kubyertos sa lamesa. Agad ko itong binati.
"Good Morning Ate!" bati ko. Agad naman itong napangiti.
"Good Morning din sa iyo Veronica! Kain ka na. Maaga nga palang umalis sila Madam at Sir papuntang resort. Iniiwasan nila ang traffic sa daan." sagot nito. Agad naman akong tumango at naupo na. Naglagay lang ako ng cereal sa aking bowl at binuhusan ng gatas. Ito na ang nakasanayan kong kainin tuwing umaga at kabisado na ito nila Ate Maricar kaya naman nakahanda na ang mga ito sa pwesto ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng maramdaman ko ang pagdating ni Sir Rafael. Kabisado ko na kasi ang amoy ng pabango nito kaya naman kahit hindi ko ito nakikita alam kong nasa malapit lang sya.
"Good Morning!" narinig ko pang bati nito. Mukhang para kay Ate Maricar pagbating iyun kaya naman hindi na
ako nagtangka pang sumagot. Muli kong itinoon ang attention ko sa pagkain. Hindi ko na din ito pinagkaabalahan pang sulyapan.
Bahala siya. Kung ayaw nya akong pansinin hindi ko din siya papansinin noh. Hindi naman siya ang nagpapaaral at nagbibigay sa akin ng allowance eh. Sila Tita at Tito naman kaya walang dapat na ikabahala.
"I said Good Morning!" napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang bibig nito sa may tainga ko. Agad akong kinalabutan at nabitawan ang hawak kong kutsara. Baliw lang...ano na naman kaya ang nakain ng ungas na ito at bigla-bigla na namang nagpapapansin.
"Good Morning din po!" walang gana kong sagot habang hindi na nag- abalang lingunin ito. Umalis na din si
Ate Maricar kaya solo namin ang dining room. Ano kaya ang nakain nito at bigla na lang akong pinapansin. Kahapon todo deadma ito sa akin eh.
Nakahinga ako ng maluwang ng maramdaman ko na umalis na ito sa likuran ko at naupo sa tapat ko. Talagang sa tapat ko pa. Hindi naman diyan ang pwesto nya eh.
"Bakit iyan lang ang kinakain mo? Baka gutumin ka nyan sa School." muling wika nito. Hindi ko naituloy ang pagsubo ko ng isa pang kutsara ng cereals. Bakit ba kasi siya nakikialam? Ano kaya ang problema nito at ako na naman ang pinagtitripan.
"Sanay na po ako na ganito ang kinakain ko sa umaga. May breaktime din naman kami mamayang 10am sa school.. Tapos lunchtime ng 12noon."
sagot ko. Mataman pa akong tinitigan tsaka tumango.
Nagmamadali ko naman na inubos ang kinakain ko. Hindi ko na din kasi matagalan ang presensya nya dito sa harap ko. Siguro hindi na ako sanay na nasa paligid lang siya kaya ganoon. Isa pa nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil hindi man lang ito nagpapakita ng ilang buwan sa akin. Hindi din nangungumusta. Basta bigla na lang itong naglaho pagkatapos nya akong landi-landiin noon. Kung talagang mahalaga ako sa kanya gagawa siya ng paraan para makapag-usap kami. Pero hindi eh..ang sama ng ugali nya.
Pagkatapos kung kumain ay agad na akong tumayo. Isinukbit ko ang bag ko at akmang magpapaalam na sa kanya ng muli itong magsalita.
"Ako na ang maghahatid sa iyo School.
seryoso nitong wika. Agad naman akong natigilan. Muling napatitig sa kanya at kita ko ang pagiging seryoso ng awra nito kaya naman muli akong napaupo.
"Si Manong Gerry daw po ang maghahatid at sundo sa akin bilin ni Tita." sagot ko. Agad itong nagtaas ng kilay.
"Pwes, iba na ngayun, ako ang maghahatid sa iyo sa umaga. Sa hapon naman ako din ang susundo sa iyo kapag hindi na ako busy." sagot nito. Lalo naman akong nagtaka. Mataman ko pa syang tinitigan para masiguro kung seryoso ba talaga ito. Baka mamaya binibiro nya lang ako eh.
"Huwag mo na akong titigan ng ganyan. Ngayung nandito na ako wala kang choice kundi sundin lahat ng gusto ko." muling wika nito.
"Bakit po ba? Hindi po bat busy kayo palagi? Baka naman makaabala po ako sa inyo Sir Rafael." hindi ko mapigilang wika. Saglit itong natigilan. Pagkatapos mataman akong tinitigan sa mga mata.
"Anong sabi mo? Ano ang tawag mo sa akin ngayun?" tanong nito na halata ang inis sa boses. Lalo naman akong nagtaka.
"Sir Rafael po. HIndi po bat iyun naman ang tama dahil amo ko kayo?" sagot ko.
Nakalimutan mo na ba ang usapan natin noon na huwag na huwag mo na akong tawaging Sir? Gusto mo ba ng parusa ngayun din? Baka hindi ka makapasok ng School sa gagawin ko sa iyo Veronica?" mataas ang boses na wika nito. Agad naman akong kinabahan. Nakakatakot pagmasdan ang seryoso nitong mukha kaya naman napayuko ako.
"Sorry po! Huwag po kayong magalit. Hi-hindi po kasi ako kumportable na hindi ko kayo tatawaging Sir. Ano po kasi...." hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng muli syang nagsalita.
"From now on, ayaw ko ng tawagin mo akong Sir! Tawagin mo ako sa pangalan ko and that" an order! Understand?" mataas ang boses na wika nito. Halatang big deal sa kanya ang pagtawag kong Sir. Kainis! Siya na nga itong iginagalang, siya pa ang galit. Mahirap talaga intindihin ang
pangit nyang ugali.
Bakit ko ba namimiss ang mokong ito? Noong wala pa siya dito sa mansion tahimik ang buhay ko. Mukhang gugulo na naman dahil sa presensya nya. Paano ko kaya siya iiwasan ngayun kung balak nyang siya ang maghahatid sa sundo sa akin sa School? Kainis naman. Ilang taon pa ang bibilangin bago ako makatapos.
"Lets go!" naputol ako sa pagmumuni- muni ko ng muli itong nagsalita. Muli akong napatayo at agad na sinundan ito. Basta na lang kasi itong naglakad paalis ng dining room. Mukhang mainit pa rin ang ulo nya dahil lang sa pagtawag ko sa kanya ng 'Sir'. Big deal pala talaga sa kanya ang bagay na iyun.
Pagdating ng kotse ay ito na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse.
pagkatapos binalingan ako at sinensyasan na pumasok na. Agad naman akong tumalima. Baka mamaya magbuga na naman ng apoy ang dragon at masunog ako. Si Manong Gerry pa rin ang driver at may apat na bodyguard na nakatayo sa isa pang kotse at isa naman malapit sa motorbike.
Eh di wow, siya na ang high profile. Daming bodyguard ah? Mukhang manganganib pati ang buhay ko dahil masyado yata siyang mainit sa mga masasamang loob.
Pagkasakay ko ay agad na din itong sumakay. Talagang tumabi pa siya sa akin? Ayos din ah?
Feeling close ulit kaya naman agad akong umusog papunta sa kabilang sulok. Pagkatapos ipinukos ko ang aking tingin sa labas ng bintana ng kotse. Ayaw ko siyang pansinin dahil nag-uumpisa na naman magregudon sa kaba ang puso ko. Litse naman kasi, bakit ba ako ninerbiyos sa presensya ng Rafael na ito.
Tahimik na lang din naman ito buong byahe. Hindi na din ako nagtangka pang lingunin ito kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan. Talagang pinanindigan ko ang kunwari ay pagiging abala ko sa kakatingin sa labas.
Pagdating ng School ay akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse para makalabas na ng agad nya akong hawakan sa kamay. Sa sobrang gulat ko ay agad akong napalingon sa kanya at agad na nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Bigla kasing nagtama
ang aming mga labi.
Hindi pala nagtama...biglang nyang pinagdikit ang aming labi. Hindi ako nakakilos sa matinding pagkagulat. Diyos ko...umpisa na naman ba ito ng panglalandi nya sa akin? Baka hahanap -hanapin ko na naman ito.
"Take Care! Pipilitin kong ako mismo ang susundo sa iyo mamaya." malambing nitong wika ng maghiwalay ang aming labi. Titig na titig ito sa aking mga mata kasabay ang paghaplos ng isang palad nito sa pisngi ko. Nagpakawala muna ito ng matamis ng ngiti sa labi bago bumaba ng kotse. Naglakad papunta sa gawi ko at pinagbuksan pa ako ng pintuan ng kotse.
Tulala naman akong bumaba.
Pakiramdam ko biglang na-blanko ang utak ko dahil sa mga nangyari. Kainis sya...kung alam ko lang na hahalikan nya ako dapat umiwas ako.
Nagtatampo pa rin ako sa kanya eh...
Pagkababa ko ay tinitigan pa ako nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napapiling pa ito. Agad naman akong nagpalaam sa kanya. Pakiramdam ko masusu- suffocate na ako sa sobrang kaba ng na nararamdaman ko.
"Pa-pasok na po ako." sagot ko at nagmamadali ng tumalikod sa kanya. Mabilis akong naglakad at hindi na lumingon pa. Pakiramdam ko nakasunod pa rin ang tingin nya sa akin na syang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam sa buo kong pagkatao.
"hoyyy Ganda!!! Ano ba kanina pa kita tinatawag pero deadmabells lang?"
hindi pa ako nakakalayo ng nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin. Si Randy...
"Ha? Ahh! Ehhh..ano ang sabi mo?" sagot ko naman sabay sulyap papunta kay Sir Rafael. Hindi pa nga ako masyadong nakalayo sa kanila pero naharang naman ako nitong si Randy.
"I said sabay na tayo maglakad papuntang School. Ano ba ang nangyari sa iyo at mukhang wala ka sa sarili?" sagot nito at napasulyap din sa kinaroroonan nila Sir Rafael na noon ay nakatayo pa rin at nakatanaw sa akin.
'""Shitty! Who's that guy? Is that Rafael Villarama?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Randy sa akin. Halata sa mukha nito ang hindi makapaniwala. Agad ko naman itong hinawakan sa braso at hinila na paalis. Nakakailang pa rin ang titig na ipinupukol sa akin ni Rafael. Mukhang galit na naman siya!!!
Chapter 214
VERONICA POV
"Ganda! Ano ba? Sagutin mo naman ako! Si Rafael Villarama ba iyun?" muling tanong sa akin ni Randy. Halata sa mukha nito ang matinding pagkagulat at matinding curiosity.
Mabuti na lang at nagpahila ito sa akin kanina. Hindi ko na kasi kayang tagalan pa ang nang-uusig na titig ni Rafael kanina habang kausap ko si Randy. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa mga titig na iyun. Kitang kita ko kasi ang galit sa awra nito kahit na nasa medyo kalayuan na ako sa kanya.
"Eh, ano naman kung siya iyun." sagot ko habang nagtataka na nakatitig dito. Agad na nanlaki ang mga mata nito sa sagot ko.
"Ano? Eh siya nga iyun? Siya ang naghatid sa iyo? Bongga ka!" muling sagot nito. Sa pagkakataon na ito ay
medyo malakas na ang kanyang boses kaya naman agad ko itong sininyasan na mag-slow down. Baka may ibang makarinig sa amin at nakakahiya.
"Ito na naman. Ano ngayun kung sya nga ang naghatid sa akin. Natural, sa iisang bahay lang kami nakatira at saktong papasok na sya ng opisina kaya idinaan nya muna ako dito sa School. Bakit ba surpresang surpresa ka diyan?" takang-taka kong tanong. Napakamot ito ng ulo habang titig na titig sa akin.
"Bakit nga? I mean paanong sa kanila ka nakatira? Magkamag-anak kayo? Girl friend?" tanong nito. Agad naman akong umiling.
"Nope......tinulungan lang nila ako para makapag-aral. Masyadong mabait ang kanyang mga magulang at mga kapatid kaya sa kanila ako ngayun nakatira." paliwanag ko dito. Muling nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Pagkatapos tinitigan ako mula ulo hanggang paa kaya pabirong nahampas ko ito sa braso.
"At sya pa talaga ang naghatid sa iyo?" nandidilat ang mga matang muli nitong tanong. Hindi ko mapogilan na mapakamot ako sa aking pisngi. Rinding rindi na ako sa mga tanong ni Randy.. Mukhang walang katapusang question and answer portion ang magaganap sa amin ngayun kaya naman hindi ko na ito sinagot at naglakad na papuntang class room. Agad naman itong napasunod sa akin.
"Ito naman oh. Ang damot! Nagtatanong lang naman ako!" reklamo pa nito. Hindi na ako umimik pa hanggang makapasok kami ng classroom at tahimik ng naupo sa aking pwesto.
Wala pa si Beatrice kaya naman inabala ko ang sarili ko sa pagbubuklat ng libro. Nanahimik naman si Randy sa kanyang upuan. Alam marahil nito na wala na ako sa mood na sagutin ang kanyang mga tanong.
"Totoo ba ang mga balita na nandito daw kanina si Rafael Villarama? Sayang hindi ko siya naabutan."
Natigil ako sa pagbabasa ng marinig ko ang kwentuhan mula sa umpukan ng mga ka-klase ko. Napatingin pa ako sa kanila at kita ko ang kilig sa kanilang mga mukha. Muli akong napasulyap kay Randy na pasulyap- sulyap din sa akin. Mahina akong napabuntong hininga.
Bakit mukhang issue na ang tungkol kay Rafael ngayun? Ang pagkakaalam ko hindi naman artista si Rafael para pagkaguluhan nila.
Natigil lang ako sa pgmumuni-muni
ng dumating si Beatrice. Mukhang muntikan na itong ma-late ngayun. Ano kaya ang problema nya. Bakit mukhang hindi maganda ang templa ng mukha nito ngayun?
"Kainis talaga! Muntik na tuloy akong ma-late!" narinig kong bulong nito. Nagtataka naman akong napatitig dito. Akmang tatanungin ko ito kung ano ang kanyang problema ng biglang dumating na ang aming teacher sa first subject. Agad na nagsitahimik ang mga classmates ko kaya naman itinoon ko na din ang sarili ko sa aming teacher na kakarating lang Agad na nag-umpisa ang aming klase.
Naging abala ang buong umaga ko sa klase. Katulad ng inaasahan, seryoso na ang pagtuturo ng aming mga teachers kaya naman naka-focus na ako. Mukhang ganoon din ang aking mga classmates.
"Uyyyy sa canteen muna tayo." pag- aaya ni Randy. Muli akong napalingon sa kanya. May 45 mins. breaktime kami bago ang kasunod na subjects. Isa -isa na ding nagsialisan ang aming mga classmates kaya tumayo na din ako para pumunta ng canteen.
"Sa canteen tayo?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Beatrice. Agad naman silang nagsitanguan.
Mabilis kaming naglakad papuntang canteen. Umurder ng snacks at naghanap ng mauupuan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng muling magsalita si Randy. Tahimik lang din naman si Beatrice at mukhang may malalim na iniisip.
"Ano? Siguro naman magkikwento ka na tungkol sa kanya?" muling ungkat ni Randy. Napakamot ako ng aking ulo. HIndi nya pa rin pala nakalimutan ang tungkol kay Rafael. Napasulyap naman sa aming dalawa si Beatrice.
"Rafael who?" tanong nito.
"Rafael Villarama! Gosh, mabuti naman at umimik ka na diyan. Kanina ka pa kaya tahimik." sagot naman ni Randy. Agad na natigilan si Beatrice at mahinang napabuntong hining.
"Pasensya na, may iniisip lang. Ano nga pala ang tungkol kay Rafael Villarama? Bakit kanina ko na naririnig nag pangalan nya?" tanong nito.
Agad naman akong inginuso ni Randy. Pagkatapos ibinaba ang hawak na juice at mataman akong tinitigan.
"Hinatid kanina si Veronica! Ang damot nga eh, ayaw magkwento." sagot ni Randy. Agad naman natoon ang attention sa akin n Beatrice.
"Talaga? Hinatid ka ni Rafael? Ano ka nya? Bagong jowa?" tanong nito. Hindi ko maiwasan na mapangiwi. Sa pananalita nito halatang alam ng lahat kung gaano ka playboy si Rafael.
"Look, mahigit one year na ako sa kanila. Paaral nga nila ako dahil kaibigan ng mga anak ng Villarama's ang Nanay ko. Iyan ang dahilan kung bakit sa kanila ako nakatira. And NO, hindi ako girl friend ni Rafael Villarama. Malabong mangyari iyun!" diretsahan kong sagot para hindi na sila magtanong pa.
"Talaga? Ang bait naman pala talaga nila. May personal driver ka na nga at pinag-aksayahan ka pa ng oras ng isang Rafael Villarama na ihatid ng
School. I smell something fishy!" sagot naman ni Randy. Hindi ko maiwasan na pagtaasan ito ng kilay.
Mukhang may gusto talaga itong tumbukin eh. Marahil iniisip ng mga ito na may relasyon kami ni Rafael kaya ako hinatid. Pero para sa akin walang mali doon. Magkasabay ang pasok namin ngayung umaga kaya idinaan nya ako dito sa School. Walang malisya iyun, although hinalikan lang naman nya ako kanina bago bumaba ng kotse.
hindi ko maiwasan na matampal ang aking noo ng biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa halik na iyun. Ang halik na muling nagpawendang sa utak ko. Ang kakaibang pakikitungo na naman sa akin ni Rafael.
"Pero balita ko, kabila-bilaan ang naging mga babae ni Rafael Villarama.
Playboy siya katulad ng step brother ko." sagot naman ni Beatrice.
"Si Arthur?" sagot ni Randy.
"Yes...bakit may iba pa ba akong step brother?" nakataas ang kilay na tanong ni Beatrice. Napatutop naman sa kanyan bibig si Randy.
"Shocks! Oo nga pala, ang the hunk na si Arthur San Simon lang pala ang iyung stepbrother. Teka lang, tanggap nyo na ba ang isat isa?" tanong ni Randy. Agad naman umiling si Beatrice.
"Nope! And never kaming magkasundo ng ugok na iyun!" naiinis naman na sagot ni Beatrice. Hinayaan ko na lang sila sa kanilang pag-uusap na iyun at itinoon ang attention ko sa pagkain. Hanggat maari ayaw kong ungkatin ang problema ng ibang tao. May sarili din akong problema noh?
Pagkatapos ng breaktime ay muli kaming pumasok sa loob ng class room. Mabuti na lang at natoon na kay Beatrice ang attention ng tsismosang si Randy. Hindi na ako kinukulit nito tungkol kay Rafael na siyang labis kong ipinagpasalamat.
Pagkatapos ng klase namin ay sabay- sabay na kaming naglakad papuntang parking. Umaasa ako na si Mang Gerry lang ang sundo ko. Gusto ko na talagang iwasan pa si Rafael. Nahahati kasi ang attention ko sa kanya at sa aking pag-aaral.
"Girls, mauna na ako sa inyo. Nandyan na ang aking sundo." Paalam ni Randy sa aming dalawa ni Beatrice. Agad naman namin itong tinanguan at ipinokus ang aming attention sa mga parating na sasakyan.
Napapatingin pa ako aking relo.
Natraffic yata si Mang Gerry kaya wala pa siya. Sabagay, halos lahat ng istudyante sa iskwelahan na ito ay may kanya-kanyang sundo na naka-kotse kaya hindi nakakapagtataka na magkakaroon ng matinding build up ng traffic.
Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko ang parating na sasakyan. Huminto pa ito sa tapat ko kaya nagmamadali na akong nagpaalam kay Beatrice na mauuna na ako sa kanya. Agad naman itong tumango at sinabihan akong mag- ingat.
Hindi ko na hinintay pa na bumaba si Mang Gerry at pagbuksan ako ng pintuan. Ako na ang kusang humawak sa handle ng kotse at binuksan iyun. Nagmamadali akong pumasok sa loob at huli na ng mapansin ko si Rafael na nakaupo dito sa loob. Seryoso ang mga
matang nakatitig sa akin kaya agad akong kinabahan.
"Good afternoon po!" Mahina kong bati. Hindi ito umimik kaya naman umayos na ako ng upo.
"Nakalimutan mo na ba ang bilin ko sa iyo noon? Regarding sa pagbabawal ko na makipag-usap ka sa ibang lalaki? Bakit mo ako sinuway?" narinig kong wika nito. Masyadong seryoso ang kanyang boses kaya agad akong nakaramdam ng matinding kaba.
"Po? Wa-wala naman po akong ginagawang masama. At isa pa, normal lang po na may nakakausap akong iba dahil nandito po ako sa School." kinakabahan kong sagot.
"No Veronica! Sinuway mo ang gusto ko at alam mo bang galit ako sa mga taong matitigas ang ulo?" muling wika nito. Sa pagkakataon na ito ay mataas na ang kanyang boses kaya naman agad akong napayuko.
"Pe-pero, si Randy lang naman ang kinakausap ko eh." pangangatwiran ko. Hindi na ito umimik pa at salubong ang kilay na itinoon ang attention sa unahan.
"Sa Penthouse tayo!" utos nito sa driver. Nagulat naman ako.
Penthouse daw? Saan iyun? Dapat diretso kami uwi ng mansion. Hindi ako pwedeng ma-late.
"Pe-pero, may schedule po ako ngayun kay Teacher May. Ka- kailangan ko na pong makauwi." protesta ko. Muli ako nitong tinititagan. Matiim at puno ng galit.
"Nope! Kalimutan mo na ang iskwelahan na iyan. Mula ngayun hindi ka na papasok!" seryoso nitong sagot. Muling nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Hindi...hindi ako papayag! Ano ba ang problema nya at bigla na naman niyang naisip ang mga ganitong bagay? Big deal na agad sa kanya ang pakikipag-usap ko kay Randy?
Chapter 215
VERONICA POV
Mabilis ang naging byahe namin. Halos wala pang thirty minutes ay napansin ko na pumasok ang sasakyan sa compound ng isang kilalang hotel. Lalo tuloy dumuble ang kaba na nararamdaman ko. Ano ba ang pinaplano ng Rafael na ito. Kainis na talaga siya. Wala na sa lugar na galit- galitan nyang ito. At ano ang sinasabi nito kanina na hindi na daw ako papasok sa School? Hindi ako papayag. Isusumbong ko talaga siya kina Tita at Tito. Pati na din kay Ate Arabella.
"Bakit po dito? Ayaw ko! Gusto ko ng makauwi ng mansion. Hinihintay na ako ni Teacher May." muli kong reklamo. Kulang na lang magpapadyak na ako sa sobrang inis.
"Nope...I am serious! Simula bukas hindi ka na papasok ng School!" muling sagot nito. Lalo akong nakaramdam ng pag-aalburuto ng kalooban ko. Hindi nga pwede! Ang dami ko na kayang hirap na pinagdaanan pagkatapos basta nya na lang sabihin sa akin ang bagay na ito. Isa pa nabanggit ni Tita na fully paid na ang tuition ko doon sa School at ayaw kong masayang iyun.
"Serious din ako! Ayaw ko dito! Uuwi na ako!" inis ko din na sagot. Agad na naningkit ang mga mata nitong tumitig sa akin. Hindi ko na iyun pinansin pa. Pakialam ko sa kanya! Kung hindi man lang matutuloy ang pag-aaral ko mabuti pang magpapaalam na ako sa kanila. Uuwi na lang ako ng probensya o di kaya maghahanap ng ibang trabaho.
"Tsk! Tingnan natin kung may magagawa ka! Kung sinunod mo lang ang gusto ko hindi tayo hahantong sa ganito!" sagot nito. Bakas ang pagbabanta sa kanyang boses kaya napahalukipkip ako.
Pagkahinto ng sasakyan ay agad bumaba si Mang Gerry. Pasimple ko naman na inilibot ang tingin sa paligid. Mukhang nandito kami sa isang parking area dahil puro sasakyan ang nakikita ko.
"Lets go!" Pagyaya sa akin ni Rafael. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ito ng kotse at nabuksan na nya ang pintuan sa bahagi ko. Nagkunwari akong walang narinig. Wala akong balak na bumaba. Bahala siya kung magalit siya sa akin. Bakit siya lang ba may karapatan na magalit sa mga pagkakataon na ito? Ang hilig niyang
panghimasukan ang buhay ko.
Hindi ko mapigilan na mapatili ng bigla akong hawakan nito sa baywang at hinila palabas ng kotse. Agad akong napakapit sa upuan at nagpapapadyak. Paninindigan ko talaga ang gusto ko! Handa na din akong harapin ang galit nito kung tuluyan man itong magalit sa akin at palayasin ako ng mansion. Basta isusumbong ko talaga siya kay Ate Arabella. Sasabihin ko na hinaharass ako nito.
"Ayaw ko sabi eh. Bitawan mo ako!" sigaw ko habang patuloy na nagpupumiglas. Ikinakawag ko din ang mga paa ko kaya napamura ito.
Veronica ano ba! Masisilipan ka sa ginagawa mong iyan eh!" pagalit na wika nito habang pilit akong hinihila palabas ng kotse. Nahirapan ito dahil wala kong balak na bumitaw sa pagkakapit sa upuan.
"Ayaw ko sabing sumama sa iyo! Uuwi na ako ng mansion!' halos pasigaw kong wika. Nagulat na lang ako sa sumunod nitong ginawa. Hinawakan at pinisil nito ang boobs ko kaya nagulat ako. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa nyang iyun. Napabitaw ako sa pagkakapit sa upuan kaya malaya nya na akong nahila palabas ng kotse. Parang wala lang dito ang bigat ko at agad akong isinampay sa kanyang balikat at mabilis na kaming pumasok sa loob ng hotel.
"Bastos ka talaga! Isumumbong kita kay Ate Arabella! Isusumbong din kita kay Tita!' galit kong hiyaw habang pinaghahampas ito sa kanyang likod.
Wala na akong pakialam pa kung mabitawan nya man ako. Siguro naman may karapatan na akong tumanggi diba? Lalo na at mukhang may masamang balak sa akin si Rafael.
"Ano ba! Tumigil ka na sabi eh!" pasigaw din nitong wika at agad kong naramdaman ang pagpalo nito sa pwet ko! Mukhang naubos na din talaga ang pasensya nito sa akin. Muling nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Parang gusto ko ng maiyak dahil sa mga kahihiyan na pinaggagawa nya sa akin.
Sumusubra na siya talaga! Nagiging manyakis na siya. Puro na maseselang bahagi ng katawan ko ang pinupuntarya nya! Parang normal lang sa kanya na hawakan ako sa mga bahaging iyun.
"Iyan lang pala ang makapagpatigil sa iyo eh! Pinapahirapan mo pa ako!" sagot nito at mabilis ang hakbang na pumasok kami sa loob ng elevator. Bahagya naman akong napakalma. Takot na akong gumawa ng mga bagay na hindi nito magustuhan. Baka ibang parte na naman ng katawan ang pagdiskitahan nito.
Mukhang wala na din namang saysay ang pagpupumiglas ko. Lalaki siya at babae ako. Kahit saang anggulong tingnan mas malakas siya kumpara sa akin.
Huminto ito sa isang nakasarang pintuan. May pinindot siyang mga code at kaagad naman iyung bumukas. Noon pa lang din ako ibinaba nito ng tuluyan na kaming nakapasok. Ngayun ko lang din napansin na kaming dalawa lang pala dito. Hindi na pala sumunod sa amin si Mang Gerry at ang mga bodyguards nito.
Parang napapasong agad akong lumayo dito. Mahirap na baka gawan ako ng masama dito. Pasimple ko pang inilibot ang tingin sa paligid. Malawak ang loob at may mga magagandang paintings na nakadisplay sa paligid. Nangingintab din ang sahig sa sobrang linis.
Ito kaya iyung naririnig kong lugar kung saan nya dinadala ang mga naging babae nya? Yuck! Siguro kahit gaano pa kaganda ang lugar na ito kung naging saksi naman ng lahat ng ka-manyakan ng kaharap ko..huwag na lang uy! Hindi ako dapat ma- impress.
"Now what? Baka gusto mong magpaliwanag sa nasaksihan ko
kanina?" untag nito. Agad naman akong napatingin sa kanya. Prente na itong nakaupo sa sofa at mukhang kumalma na ng very very light! Pero hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Mukhang kaunting pagkakamali ko lang agad ako nitong sasakmalin.
"Wala nga po akong ginagawang masama. Tinanong lang ako ni Randy kung ikaw daw ba ang naghatid sa akin. Pagkatapos pumasok na kami ng classroom namin. Kasalanan ko ba kung famous ka! Dapat kasi hindi mo na ako hinatid eh!" medyo mahaba kong paliwanag. Agad kong napansin ang lalong pagsalubong ng kilay nito.
"Pinupurmahan ka ba ng gagong iyun? Veronica, sabihin mo sa akin kung hindi malalagot sa akin ang gagong iyun!" muling sagot nito. Gulat naman akong napatitig sa kanya.
"Hindi ah! Ano ba iyan pinagsasabi mo! New friend ko si Randy at bading siya. Tsaka ikaw nga yata ang crush nya eh kaya walang tigil ang kakatanong sa akin tungkol sa iyo hanggang sa magsi-uwian kami." diretsahan kong sagot. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito at seryosong. Napapailing habang titig na titig sa akin. Sinenyasan pa akong umupo sa tabi nya pero umiling ako. Malakas naman itong napabuntong hininga.
"If he is a gay, bakit hindi mo siya pinakilala sa akin? Pwede kang bumalik at lapitan ako para magpaliwanag. Alam mo bang sa dami ng nasigawan ko kanina halos isumpa ng ako ng mga staff ng Villarama Empire? Alam mo bang kaninang umaga pa ako hindi maka-concentrate sa trabaho dahil sa kakaisip ko sa iyo?" sagot nito. Muli akong natigilan.
Kasalanan ko na naman! Hayst ang hirap yata ng kalagayan ko. Wala naman akong ginagawang kasalanan pero ako ang palaging lumalabas na masama.
"Sorry!" nakayuko kong sagot. Ayaw ko ng humaba pa ang usapan na ito. Isa pa kailangan lumamig na ang ulo nito para hindi na nya i-insist na patigilin ako sa pag-aaral.
"Kung talagang gusto mo mag-sorry, then, give me a kiss!" sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang paghakawak nito sa pisngi ko. Walang hiya, hindi ko man lang namalayan ang paglapit nya.
"Ha? Ah ehhh!" sagot ko at pasimpleng umatras. Ano ba ito. Hindi pa ako ready sa mga ganitong scenario eh. Nag-uumpisa na naman yata akong landiin nito.
"Sabi ko, halikan mo ako kung talagang pinagsisisihan mo ang mga kasalanan mo sa akin." muling wika nito. Sa pagkakataon na ito isang masuyong titig na ang kanyang pinapakawalan. Wala na ang galit sa kanyang mga mata na siyang ipinagpasalamat ko.
"A-ayaw ko!" sagot ko Agad na tumaas ang kabilang sulok ng labi nito dahil sa sagot ko. Pagkatapos inilang hakbang ang pagitan sa aming dalawa at hinawakan ako sa may likod ng ulo ko. Bumaba ang mukha nito sa mukha ko at masuyo akong hinalikan sa labi. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito. Hindi na ako nakapalag pa lalo na ng maramdaman ko pagalugad ng labi nito sa labi ko.
Hindi ko na namalayan pa ang na unti- unti ko na palang naipikit ang aking mga mata. Nadala na din ako sa paraan ng paghalik nito sa akin. Punong puno ng pagsuyo at pag-iingat. Gosh, wala na akong choice pa kundi ang gayahin ang galaw ng labi nito. Unti-unti ko na lang naramdaman na lalong naging mapusok na kami pareho sa isat isa.
"God! Hindi ko na kaya pang magpigil! Nakaka-adik ka Sunshine!" masuyong wika nito nang magkahiwalay na ang aming labi. Namumungay ang mga matang nakatitig ito akin. Napalunok naman ako ng makailang ulit bago muling bumaba ang labi nito papunta sa leeg ko.
"Hmmm Rafael!" hindi ko mapigilang sagot. Iniyapos ko pa ang braso ko sa leeg nito. Pakiramdam ko nalulunod ako sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Nakaka-addict din ang ginagawa nitong paghalik sa akin.
"Lets go to our room!" masuyo nitong wika ng muli akong titigan sa mga mata. Wala sa sariling napatango ako at naramdaman ko na lang ang muling pagbuhat nito sa akin. Hindi ko na din nagawa pang pumalag pa.
Pakiramdam ko nasa isang matindi akong hipnotismo at hindi matitigil iyun hanggat hindi tumitigil si Rafael sa panglalandi sa akin ngayun.
Chapter 216 (WARNING: SPG)
RAFAEL POV
'Hindi ko na kaya pang magpigil!" iyan ang nararamdaman ko habang walang sawang sinasamba ang katawan na nakalatag ngayun sa kama. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kay Veronica ko lang naramdaman ang ganitong klaseng damdamin. Walang katumbas na halaga ng salapi ang presensya nito sa buhay ko.
"Wait lang po! Nakikiliti ako!" natigil ako sa paghalik sa leeg nito ng bigla itong nagreklamo. Kita ko ang pamumula ng mukha nito. Mukhang hindi ito komportable sa posisyon naming dalawa. Nakahiga na ito sa kama, nakalihis ang suot nitong uniform at sabog na ang kanyang buhok na siyang lalong nagpasidhi ng init na nararamdaman ko ngayun.
Nineteen na ito. Alam kong ready na siya na angkinin ko ngayung araw which is iyan naman talaga ang gusto kong mangyari. Hindi ko na kaya pang matimpi. Baka sa kakahintay ko ng tamang chance maagaw pa ito ng iba sa akin. Hinding hindi ko matatanggap iyun at baka makapatay ako kapag mangyari ang bagay na iyun.
Akin lang ang babaeng ito! Walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa kanya kundi ako lang. Mahigit isang taon na akong hindi nakikipag-flirt sa iba. Talagang inireserve ko ang sarili ko sa kanya at ito na ang tamang pagkakataon na angkinin ko ito.
Hindi ko siya pinakinggan. Muli kong binalikan ang kanyang mapupulang labi. Ewan ko ba, hindi ako
nagsasawang tikman ito. Pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap tuwing ginagaya nito ang galaw ng labi ko.
Yes, hindi man expert pero aminado akong natuto na din si Veronica na mag response sa halikan namin. Natuto na din itong gayahin ang bawat galaw ng labi ko. Marunong na din itong sumipsip ng dila ko at galugarin ang bibig ko.
Simpleng pilya and I really love it! Naramdaman ko pa ang mahigpit na pagyapos nito sa aking likuran dahil sa ginagawa ko.
Nag-umpisa na din maglakbay ang palad ko sa buo nitong katawan partikular sa kanyang dalawang boobs. Iniwan ko na ang kanyang labi at excited na itinaas ang kanyang blouse at kinalas ang nakatakip na maliit na tela na nakatakip sa kanyang dalawang boobs.
Nang maalis iyun, napalunok pa ako ng makailang ulit ng tumampad sa akin ang tayo-tayo nitong dalawang bundok. Pinkish ang nipple at ang sarap kagatin.
Akmang tatakpan nito ang kanyang kahubdan ng pigilan ko ang kanyang kamay. Tinitigan ko ang kanyang mukha sabay masuyong sinabihan.
"Dont! Wala kang dapat ikahiya Sunshine! They are perfect and I want to taste it now!" bulong ko at hindi ko na hinintay pa ang pagtutol nito. Agad kong sinunggaban ang kabilang bahagi at naramdaman ko ang agad na paninigas ng buo nitong katawan sa ginagawa ko. Narinig ko pa ang mahina nitong pagsinghap.
"Gosh! Rafael, ano ang ginagawa mo?" wika nito. Lalo naman akong ginanahan. Napakalambing ng boses nito sa pandinig ko at lalo itong nagpaliyab sa pagnanasa na nararamdaman ko sa kanya ngayun.
"Moan my name Sweetheart! I really love to hear your voice while I am sucking your breast!" sagot ko at lalong pinag-igihan ang aking
ginagawa. Buong gigil kong sinipsip at kinagat-kagat ang nipple nito na sayang nagpaungol ng malakas dito. Nagiging malikot na din ang katawan nito kaya naman salitan kong pinagpala ang magkabilaan nyang bundok.
hagod at lamas na ang aking ginagawa. Gigil na gigil na ako at tayong tayo na din ang anaconda ko na parang gusto ng manakmal. Pero hindi, gusto kong ready na sa Veronica sa pag -angkin ko sa kanya. Gusto kong hindi nya makalimutan ang araw na ito. Gusto kong ituring kung gaano ka memorable ang araw na ito sa pagitan naming dalawa.
Gustuhin ko man na magtagal sa dalawang matatayog na bundok na iyun pero hindi maari. Kailangan ko pang maglakbay pababa para maabot ang rurok ng kaligayahan.
Pinadausdos, ko ang labi ko pababa sa kanyang tiyan, nagtagal ng kaunti sa kanyang pusod at dinig ko ang paghahabol nito ng hininga. Nakikiliti marahil sa aking ginagawa, pero wala na akong narinig pa na kahit kaunting pagtutol sa kanyang bibig. Marahil nagustuhan na din nito ang aking ginagawa sa kanyang katawan.
Nang magsawa ako sa kaka-kagat sa kanyang tiyan ay sandali akong tumigil. Saglit kong sinulyapan ang mukha ni Veronica pero napansin kong nakapikit na ito. Pero kitang kita ko ang ang kakaibang damdamin na lumulukob sa kanyang pagkatao kaya naman dahan-dahan kong hinawakan nag butones ng kanyang palda. Tinanggal ko iyun at ibinaba ang zipper
at dahan-dahan na hinubad.
Naiwan ang maliit na tela na tumatabing sa kanyang kaselan. Napalunok pa ako ng makailang ulit at nanginginig na mga kamay ay dahan-dahan kong hinawakan ang garter niyun at ibinaba.
Nagulat pa ako ng maramdaman ko na biglang hinawakan ni Veronica ang aking kamay. Napabangon ito at kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
"A-anong ginagawa mo?" tanong nito. Kita ko ang pagkalito sa kanyang magandang mukha.
"Please?" Masuyo kong sagot habang tinitigan ito sa mga mata. Saglit itong natulala sa pagkakatitig sa akin.
"Pe-pero, ba-bakit mo ako hubaran?" inosente nitong tanong. Hindi ko mapigilan na mapangiti.
"Dahil gusto kong makita kung gaano ka kaganda Sunshine! Kung gaano ka ka -perfect!" Sagot ko.
"Si-sige, pe-pero dapat maghubad ka din! Alangan naman ako lang pahuhubarin mo!" sagot nito at
ipinagkrus pa ang kanyang braso sa dalawa nyang dibdib na kanina pa naka -exposed sa mga mata ko. Akala mo naman maitatago nya pa sa akin ang dalawang bundok na iyan. Kakatapos ko nga lang dedehin ang mga iyan eh.
"Sure!" sagot ko at agad na tumayo ng kama. Isa-isa kong hinubad ang saplot ko sa katawan. Gusto nya pala , well pagbibigyan ko sya. Basta pagbigyan nya ako na matikman ang perlas nya. Kanina pa kasi ako naglalaway na matikman ang bahaging iyun.
"Wait! Ano ba, tama ba itong ginagawa natin?" muling wika nito at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Wala akong tinira na kahit isang saplot sa katawan ko at kita ko ang lalon pamumula ng mukha ni Veronica at nagtagal pa ang pagkatitig nito sa aking tayong-tayo na anaconda.
"Napansin ko pa ang mabilis na pagbaba nito ng kama dahil sa pagkataranta. Mabuti na lang at mabilis ako at agad itong nahawakan at buong pagsuyo na pinabalik ng kama. Hindi pwedeng mabitin ako ngayun. Gusto ng manuklaw ang anaconda ko.
"Te-teka lang po! Nakakatakot!" wika nito. Hindi ko mapigilan na matawa ng malakas. Mas nangingibabaw na kasi ang pamumutla nito. Masuyo ko itong tinitigan sa mga mata at seryosong kinausap.
"Nope! Tiyak na mag-ienjoy ka din sa gagawin nating ito Sunshine! I love you! " masuyo kong wika at hinalikan ito sa tuktok ng kanyang ilong. Kailangan na naman namin mag-umpisa mula sa first step! Sa pagkakataon na ito bibilisan ko na lang. Hindi na ako makapaghintay pa.
"Pi-pwede bang.." hindi na natuloy ang sasabihin ito ng muli kong angkinin ang labi nito. Ayaw ko ng bigyan ito ng pagkakataon na tumutol. Nandito na kami eh. Aangkinin ko ito sa kahit na anong paraan.
Pareho na din kaming naging mapusok sa mga susunod na sandali. Naririnig ko na muli ang mahina nitong pag- ungol na siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na lalong ipagpatuloy ang aming naumpisahan.
Mahigit isang taon na akong walang sex. Talagang excited na ako ngayun.
Hindi na ako nakapagpigil pa. Unti- unting bumaba ang kamay ko sa kanyang pagkababae. Lalo akong nakaramdam ng excitement ng masalat ko ang kanyang perlas. Basang basa na ito at ang sarap ng pasukin.
Hindi na ako nakapagpigil pa. Tsaka ko na hahalikan ang perlas nya. Ipapasok ko na ang nanggagalit kong anaconda.
Itinaas ko ang kanyang kabilang paa. Wala na akong pagtutol na narinig pa dito. Namumungay ang mga mata nito habang hinihintay ang susunod kong gagawin. So innocent Veronica at ano mang sandali tuluyan na siyang maging akin. Sisiguraduhin ko na hindi nya pagsisisihan ang pagpapaubaya nyang ito sa akin.
"You're so beautiful!" malambing kong bulong dito. Nakabuka na ito at nasa pintuan na ng kanyang kweba ang nangangalit kong pagkalalaki. Kaunti na lang talaga at tuluyan na siyang maging akin.
"Baka masakit ang gagawin mo" sagot nito na puno ng agam-agam ang kanyang mga mata. Masuyo ko itong tinitigan sa mga mata at kinintalan ng halik sa noo.
"Nope! Normal lang ang gagawin natin ngayun Sunshine! Normal lang sa dalawang taong nagmamahalan." sagot ko at dahan-dahan na umulos. Basang basa na si Veronica kaya naman agad na bumaon ang kalahati ng aking pagkalalaki. Napansin ko pa ang pagngiwi nito kaya naalarma ako.
"Masakit eh!" reklamo nito kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Agad akong nakaramdam ng awa dito pero nandito na kami. Hindi na pwedeng ihinto ang naumpisahan ko kaya naman sa pagkakataon na ito lalo ko pang nilagyan ng pwersa ang pag- ulos sa kanya. Agad na pumasok ang buo kong pagkalalaki at ramdam ko ang kanyang kasikipan.
"Kaunting tiis na lang. Matatanggal din ang sakit. Normal lang iyan dahil ito ang first time mo." masuyo kong wika sabay halik ulit sa noo nito. Hindi na ako nagtangka pang kumilos sa ibabaw nya. Nasa loob na ang aking
pagkalalaki at hihintayin kong masanay sya sa laki ko bago ako muling gumalaw.
"Sabihin mo sa akin kung masakit pa ha? Sa ngayun hindi na muna ako gagalaw okay?" masuyo kong wika. Agad itong tumango.
"Hindi mo pa ba tatanggalin? Punong- puno ako. Ang laki!" wika nito. Muli akong napangiti at hinalikan ito sa labi. Inosente talaga.
Mabuti na lang at tumugon na din ito sa halik ko. Kaya naman ng mapansin ko na nasanay na ito ay dahan-dahan na akong gumalaw sa ibabaw nya. Hindi na ito nagreklamo ng sakit bagkos napahigpit pa ang kapit nito sa akin. Katunayan nito na nasanay na ang pagkababae nya kaya binilisan ko pa ang paglabas pasok sa kanya.
"Ahhh ang sarap mo Veronica!" hindi ko mapigilang wika. Napapaungol na din ito kaya lalo akong ginanahan.
"Rafael, and sarap niyan ugghhh!" wika nito kasabay ng pag-ungol. Ang sarap nyang tingnan habang nakapikit. Kitang kita ko ang sarap na nararamdaman nito sa kanyang mukha.
"Yes, Sunshine! Sabi ko naman sa iyo masarap itong gagawin natin eh." wika ko at buong gigil na naglabas pasok sa kanya. Hindi pa ako nakontento at tinanggal ko muna ang pagkalalaki ko sa kabibe nya. Pinatalikod ko sya at pinatuwad.
Gusto ko siyang pasukin habang ng patalikod. Gusto kong makita kong paano maglabas-pasok ang anaconda ko sa kanyang pagkababae.
"Uggghh Rafael! shit!" wika nito ng mabilis kong ipasok ang aking pagkalalaki sa loob ng kanyang kweba. Shit and sikip nya pa rin. Lalo akong ginanahan ng mapansin ko kung paano lumabas pasok ang nanggagalit kong pagkalalaki sa loob ng kweba ni Veronica.
"I Love you Veronica!" wika ko sabay lamas sa kanyang boobs. Malakas itong napaungol dahil sa ginawa kong iyun!!
"I Love you too Rafael!" sagot nito na syang nagpangiti sa akin. Sa wakas narinig ko na din ang katagang iyun sa labi nya. Sa labi ng babaeng hindi ko alam kung bakit minahal ko ng todo.
Chapter 217
VERONICA POV
Nagising ako sa isang hindi familiar na silid. Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong paligid at dahan-dahan na bumangon. Hindi ko mapigilan na mapangiwi lalo na ng maramdaman ko ang pananakit ng buo kong katawan. Partikular na ang aking pagkababae.
Huli na din ng mapansin ko na wala akong kahit na isang saplot sa katawan. Napatitig pa ako sa puting bed sheet na may bahid ng dugo.
Natutok ko ang aking ulo at muling inisip ang mga nangyari.
Biglang dagsa sa memorya ko ang mga nangyari. Kung paano ako paulit-ulit na inangkin ni Sir Rafael kanina. Kung ilang beses akong nagpaubaya. Kung paano kami parehong nag-enjoy sa pagniniig.
Agad akong nakaramdam ng takot. Hindi ko akalain na magawa kong ibigay ang pagkababae ko ng ganoon- ganoon na lang. Paano na ako? Paano kung laro lang pala ang lahat kay Rafael. Na katulad lang din pala ako sa mga babaeng dumaan sa kanya. Na pagkatapos nitong pagsawaan basta na lang iniwan.
HIndi ko na namalayan pa ang biglang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ang tanga ko! Ano na lang ang iisipin sa akin ng ibang tao? Ano na lang ang iisipin nila Tita Carissa sa akin at lahat ng Pamilya Villarama? Na pumatol ako sa isang Rafael Villarama na hindi ko sigurado kung seseryosohin ba ako?
Bakit ba kasi ako pumayag na may mangyari sa amin? Hindi ko man lang naisip sila Nanay at Tatay bago ako bumukaka. Paano na ang mga pangarap ko?
Mali eh. Maling mali. Dapat talaga hindi ako nagpaubaya. Dapat talaga hindi ako pumayag na may mangyari sa amin. Dapat talaga hindi ako nagpadala sa init ng laman. Paano na ito ngayun, pagkatapos ng sarap na naranasan ko kanina, mukhang malaking problema sa parte ko ang maging kapalit noon.
Hindi ko na mapigilan pa ang mapahugulhol ng iyak habang paika- ika na hinahanap ang damit ko. Ano ba kasing katangahan ang nangyari sa akin at basta na lang ako bumukaka sa kanya.
Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa sobrang sama ng loob. Wala na... tapos na ang lahat. Mukhang hindi na matutupad ang pangarap ko.
Isa-isa kong dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Hilam ang luha sa mga mata na agad kong isinuot iyun. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Rafael at sa lahat ng mga taong tumutulong sa akin ngayun para matupad ang pangarap ko.
Pagkatapos kong magbihis ay agad kong hinagilap ang aking bag. Masakit ang buo kong katawan pero kailangan kong tiisin iyun. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito.
Inililibot ko ang tingin sa buong paligid ng mapansin ko ang dahan- dahan na pagbukas ng pintuan ng
kwarto. Agad na lumabas ang matikas na hitsura ni Rafael. Nakaboxer shorts at sando lang ito kaya kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan na alagang alaga yata sa gym.
May masayang ngiti na nakaguhit sa labi nito habang nakatingin sa akin. Agad ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako sa mga nangyari sa amin. Pinagpistahan nito kagabi ang katawan ko. Lahat yata ng parte ng katawan ko natikman nito.
Nakakahiya at pumayag ako. Ano na lang ang iisipin nya sa akin? Na isa akong malanding babae?
"Anong ibig sabihin nito Sunshine? Bakit bumangon ka ng kama? Kanina ka pa ba gising?" tanong nito sa akin at agad lumapit. Biglang nawala ang masayang ngiti sa labi nito bagkos napalitan iyun ng pag-aalala. Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos habang patuloy sa pag-uunahan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Bakit? May masakit ba sa iyo? Huwag kang mag-alala nandito na ako. Lumabas lang ako sandali dahil may kinuha lang ako." sabi nito at agad akong inakay pabalik ng kama. Nagpatianod naman ako. Sa totoo lang lutang pa rin kasi talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod ko pang gagawin.
"Sorry....Okay? Tahan na! Huwag ka ng umiyak!" malambing nitong wika sabay yakap sa akin. Lalo naman akong umiyak.
"Bakit ba kasi may....may...." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil
pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga dahil sa sunod-sunod kong paghikbi.
"May? Tell me? May masakit ba sa iyo? Gusto mo bang tumawag ako ng Doctor?" masuyo nitong wika habang tinititigan ako sa mga mata. Bakas na pag-aalala sa gwapong mukha nito. Sunod-sunod naman akong umiling.
"A-ayos lang ako.." sagot ko at agad na napayuko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakakahiya na mag- iiyak ako ngayun sa harap nya. Hindi na maibalik pa ang mga nangyari na. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago muling nagsalita.
"Then, tell me. Anong problema Veronica? Huwag kang mahiya na magsabi sa akin." malumanay nitong
wika.
"Na-natatakot ako Rafael. Paano.... paano na ang pag-aaral ko? Baka pagalitan ako nila Tita." sagot ko habang umiiyak. Sandali itong natulalala habang titig na titig sa akin. Pagkatapos muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.
"Iyun lang ba ang pinoproblema mo? Maliit na bagay." sagot nito at hinaplos pa ako sa pisngi.
Hindi naman mapigilan na mapatitig sa gwapo nitong mukha. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.
"Huwag mong isipin ang magiging reaction nila. Alam mo naman siguro kong gaano kabait sila Mommy at Daddy diba? Hindi ka pagagalitan ng mga iyun. Hindi tayo pagagalitan ng
mga iyun!" nakangiti nitong sagot sabay may kinuhang maliit na kahon sa drawer ng isang maliit na lamesita.
Nakasunod lang ang tingin ko dito habang dahan-dahan niyang binubuksan ang maliit na kahon na iyun.
Hindi ko mapigilan na manlaki ang aking mga mata ng tumampad sa paningin ko ang isang magandang singsing na dahan-dahan niyang inilalabas sa isang maliit na kahon.
. May nakakasilaw na malaking bato sa tuktok nito at dahan-dahan nitong isinusuot sa daliri ko. Bigla kong nakalimutan ang pag-iyak at nagtatanong ang mga matang napatitig kay Rafael.
"I love you Veronica! Will you marry me?" sagot nito sa nakikiusap na
boses. Ngayun ko lang napansin na nakaluhod na pala ito. Nakaupo ako sa kama at nakaluhod ito sa paanan ko. Punong puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Ha?" tulero kong sagot. Ang tanga- tanga ko talaga. Yes or no lang naman ang pwedeng isagot eh.
"I said....." hindi na natulog pa ang sasabihin nito ng putulin ko iyun. Gusto kong makasiguro.
"Pe-pero bakit ako? Maraming iba diyan. Ka-katulad niyong mayaman at magaganda!" sagot ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa singsing at sa mukha ni Rafael. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Kasyang kasya sa daliri ko at ang
ganda! Talaga bang ibibigay nya sa akin ito? Talagang pakakasalan nya ako? Pananagutan niya ang nangyari sa amin?
Sino ba naman ako para alukin nya ng kasal. Isa lamang akong pobreng probensyana. Lumuwas ng Manila para matulungan ang naghihirap na pamilya sa probensya.
"I dont love them! Ikaw ang mahal ko Sunshine! I love you very much! Minahal na kaagad kita sa una ko pa lang na pagkakita ko sa iyo noon." nangingislap ang mga matang sagot nito. Muli na naman akong naluha.
"Talaga ba? Mahal mo ako? Hindi mo gagawin sa akin ang ginawa mo sa ibang mga naging babae mo?"
paninigurado kong tanong. Natigilan ito. Pagkatapos muling sumilay ang
matamis ng ngiti sa labi nito.
"Simula ng nakilala kita, never na akong tumingin sa ibang babae. Ibinuhos ko ang buong attention at diwa ko sa iyo Sunshine. Ikaw ang palaging laman ng isip at puso ko!" sagot nito sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa. Hindi ako naman mapigilan ang mapayakap dito. Hindi na dapat akong magpakipot pa. Mahal ko din naman siya eh. Isa pa nakuha nya na ang pinaka-iingatan kong virginity na noon pa man ipinangako ko sa sarili ko na ang magiging asawa ko lang ang pag- aalayan.
"so, payag ka ng magpakasal sa akin?" tanong nito habang hinahaplos ang likod ko.
"Oo naman! Ngayun pa ba ako
magpapakipot? Nakuha mo na ang lahat sa akin!" sagot ko at sinabayan pa talaga ng pagtango.
"Yes! thank you Sunshine! Pangako, hinding hindi ka magsisisi sa pagpayag mong ito. Ipapakita ko sa lahat kung gaano kita kamahal!" sagot nito. Agad naman bumaha ang hindi maipaliwanag na saya ang puso ko.
Naramdaman ko na lang na kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. Mataman akong tinitigan sa mga mata at muling naglapat ang aming mga labi.
Sa pagkakataon na ito hindi na ako nag -alangan pa. Masaya kong tinugon ang halik nito. Pareho kami ng nararamdaman sa isat isa kaya walang dapat na ikabahala.
Chapter 218
RAFAEL POV
Hindi ako makapaniwala na nasa bisig ko na ngayun ang babaeng hindi ko alam kung bakit minahal ko ng ganito.
Alam kong natatakot ito sa nangyari sa amin. Alam kong masyado pang maaga ang lahat. Pero ano ang magagawa ko? Gusto kong makasiguro na akin lang siya. Na walang pwedeng mag may ari sa kanya kundi ako lang.
Nag-uumpisa na itong pumasok ng School. Ayaw ko sanang pumayag. Mas okay na nasa mansion lang siya. Kaya lang hindi ko naman pwedeng pigilan siya sa gusto nya. May mga pangarap din siya na gustong matupad at sino ba naman ako para pigilan siya.
Alam kong mag-umpisa na itong may makikilalang ibat ibang tao ngayung balik iskwela na siya. Siguradong marami din ang magkakagusto dito at iisipin ko pa lang na posible itong ligawan ng iba sumasakit na ang kalooban ko. Hinding hindi ko talaga matatanggap iyun.
Kaya nga dinala ko sya dito sa penthouse ko. Ito iyung sanctuary ko tuwing gusto kong mapag-isa. Walang sino man ang pwedeng pumasok dito kundi ako lang. Ni hindi nga alam ito nila Mommy at Daddy eh. Tanging si Veronica pa lang ang dinala ko dito.
Isa sa pag-aari ng Villarama Empire ang hotel na ito. Sa sobrang dami ng hotel namin dito sa Pilipinas pati na sa ibang bansa hindi talaga malalaman ng kahit sarili kong pamilya kong saan ako naglalagi. Tanging itong penthouse na ito ang pinaka-special sa akin. Nandito lahat ng collections ko.
Magiging mas special pa ang lugar na ito ngayun sa akin. Dito ko unang inangkin ang babaeng pinakamamahal ko.
"Pirmahan mo ito Sunshine!" malambing kong wika pagkatapos kong kunin ang ilang pirasong papel sa drawer. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan at nanonood ito ng movies sa isang malaking television habang nakahiga sa kama.
Gustuhin ko mang angkinin ito ulit ngayun kaya lang hindi pwede. Ayaw kong lalong mabugbog ang pagkababae nito. Alam kong masakit pa sa kanya ang parteng iyun kaya naman maghihintay ako kung kailan ulit pwede. Ganyan ko siya kamahal. Sisiguraduhin kong maging komportable siya sa piling ko.
"Ano ito?" inosente nitong tanong habang kinukuha sa akin ang hawak kong papel. Binasa nya iyun at muling tumingin sa akin.
"Marriage contract?" tanong nito na bakas sa mukha ang pagkagulat. Agad akong tumango "Yup! Sigurista ako eh. Gusto kong masigurado na simula ngayung gabi nakatali ka na sa akin.:" sagot ko.
.
"Pero...posible ba ito? Legal ba ito?" muli nitong tanong.
"Of course! Mga abogado ko na ang bahalang mag-ayos nito para maiparehistro sa city hall. Masyadong matagal ang proseso ng kasal dito sa Pilipinas Sunshine! Hindi na ako makapaghintay!" sagot ko habang iniaabot sa kanya ang ballpen. Alanganin pang tumitig ito sa akin kaya muli akong nagsalita.
"Para sa katahimikan ng isip ko pirmahan mo na iyan. Matagal ang pagpaplano ng kasal ngayun. Ang daming dapat ayusin. Kailangan pa ng pamamanhikan kaya unahin na natin ang marriage contract. At least siguradong wala ka ng kawala sa akin. Dont worry Veronica, magpapakasal din tayo sa simbahan. Ibibigay ko sa iyo
ang pinaka-ingrandeng kasal na hinahangad ng lahat. Pero sa ngayun ito muna....." wika ko na puno ng pakiusap ang boses. Baka mamaya hindi ito pumayag na tuluyang magpatali sa akin eh.
''"Bakit ba ang haba ng paliwanag mo? Siyempre pipirmahan ko ito noh?
Malaki ang tiwala ko sa iyo Rafael. Isa pa chance ko na ito para magkaroon ng karapatan na manugod ng mga babaeng magtatangkang landiin ka." nakangiti nitong sagot. Bigla naman akong kinilig sa sinabi nito. Simpleng banat pero ang laki ng epekto sa aking damdamin.
Titig na titig ako habang pinipirmahan niya ang mga papeles. Hindi maalis- alis ang ngiti sa labi ko. Bukas na bukas din uutusan ko ang lawyer ko na iparehistro kaagad ang marriage contract namin. Wala na talagang kawala sa akin ang Veronica ko.
"Done!" nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng mga papel. Agad ko naman iyung itinago sa drawer dahil ipapaasikaso ko kaagad kay Attorney Cruz para maipa-register na kaagad sa city hall.
"Well done Sunshine!" sagot ko pa at hinalikan pa ito sa noo. Tumabi pa ako dito sa kama at malambing na niyakap.
Ahhh ang sarap lang ng ganitong pakiramdam. Kung pwede nga lang dito na lang muna kami para maenjoy ang isat isa. Pero knowing sa aking responsibilidad ngayun, hindi pwede ang basta na lang magleave sa opisina. Sa dami ng trabaho na dapat kong unahin mahihirapan talaga akong bigyan ng mahabang oras si Veronica.
Pero ayos na din. At least may papel na akong panghahawakan para maitali ko na siya sa pangalan ko.
"Hindi pa ba tayo uuwi ng mansion?" narinig kong tanong nito. Nakahilig na ang ulo nito sa balikat ko habang nakatitig sa mukha ko. Hinaplos ko naman ang kanyang pisngi at masuyong nginitian.
"Dito na lang muna tayo magpalipas ng gabi Sunshine." sagot ko.
"Paano ang mga School uniform ko? Tsaka baka hanapin tayo sa mansion?" tanong nito.
"Dont worry, alam na nila Mommy kung nasaan tayo. Tinawagan ko na sila kanina habang tulog ka at regarding naman sa iyung School uniform, huwag mo na munang isipin iyan. Absent ka na muna bukas.
Kailangan mo ng full rest Veronica!" masuyo kong sagot at hinalikan pa ito sa noo. Agad itong napasimangot.
"Hindi ako pwedeng umabsent bukas. Pangatlong araw ko pa lang sa School absent kaagad?" reklamo nito.
"Bakit kaya mo bang maglakad?" tanong ko. Agad kong napansin ang biglang pamumula ng pisngi nito dahil sa tanong kong iyun. Gets kaagad nya ang ibig kong sabihin.
"ka-kakayanin!" sagot nito sabay iwas ng tingin. Sinulyapan ko pa ang relo sa bedside table at halos alas dose na ng hating gabi.
"Fine...kung kaya mo naman why not! Pero kung hindi mo kaya pwede kong kausapin ang School director mo para excuse ka muna bukas." sagot ko. Agad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata nito ng banggitin ko ang katagang iyun.
"Bakit School director? Pwede naman ang mga subject teachers lang ah?" sagot nito.
"Mas maigi ng School Director para isahan lang. Siya na ang magsabi sa mga professor mo." natatawa kong sagot. Agad naman itong napatango.
"Sige na, matulog na tayo. Maaga pa tayo gigising bukas. Good Night Sunshine!"wika ko at inalalayan na itong mahiga ng kama. Hinalikan ko muna ito sa labi bago pumesto na sa tabi niya.
Tamang yakap at halik lang muna ang gagawin ko ngayun sa magdamag. Ayaw kong pigilan ito na pumasok ng School. Marami pa namang araw na mai-enjoy namin ang isat isa.
*
VERONICA POV
Eksakto alas sais ng umaga nagising ako. Medyo masakit pa rin ang buo kong katawan pero kailangan kong piliitin ang sariling bumangon. Hindi excuse ang nangyari sa aming dalawa ni Rafael para hindi pumasok ng School.
Babangon na sana ako ng maramdaman ko na mas hinigpitan pa nito ang pagkakayapos sa akin. Hindi ko maiwasan na titigan ito sa mukha habang nahihimbing pa rin sa pagtulog.
Hindi ko akalain na tuluyan akong mahulog sa kanya. Siguro, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Alam kong maraming naghahabol na babae kay Rafael kaya dapat ngayun pa lang sanayin ko na ang sarili ko para ipaglaban siya.
Hindi din naman ako makakapayag na maagaw siya ng iba sa akin. Ngayun pa ba na naisuko ko na ang lahat sa akin.
Hindi ko maiwasan na haplusin ang pisngi nito. Papunta sa kanyang matangos na ilong.
Napaka-perfect nya talaga! Sana lang maging masaya kami habang buhay.
"Hmm, bakit hindi ka pa natutulog." narinig kong wika nito sabay hawak sa kamay ko na humaplos sa kanyang pisngi.
"Umaga na. Kailangan ko ng mag-ayos dahil may pasok pa ako sa school."
sagot ko. Saglit itong natigilan bago ko naramdaman ang paghalik nito sa labi ko. Mabilisang halik lang naman iyun at nag-iwan ito ng libo-libong saya sa puso ko.
"Ganoon ba? Sige...sabay na lang tayong maligo para makasave sa oras." sagot nito at agad na bumangon. Tinulungan pa ako nitong makabangon na din ng kama.
"Ha? Ah...eh..mauna ka na.!" sagot ko. Nahihiya pa rin ako dito. ibig sabihin makikita na naman nya ang katawan ko kung sabay kaming maligo. Wala pa naman na akong tiwala sa sarili ko pagdating kay Rafael. Kaunting halik lang nito nadadala agad ako.
Pakiramdam ko nasa alapaap agad ko sumayad lang ang labi nito sa katawan ko.
CHAPTER 219
VERONICA POV
Walang choice kundi sabay maligo. Iyun ang gusto ni Rafael kaya naman wala akong magawa. Isa pa pinagdidiinan nito na mag-asawa na kami at walang dapat ikahiya sa isat isa.
Wala naman kaming ibang ginawa sa loob ng banyo kundi ang maligo lang. Harmless naman ito pero kitang kita ang pagpipigil. Pansin ko din na kanina pa nanggagalit na ang anaconda nito.
Ngayun ko lang din nalaman na ang anaconda pala na kanyang tinutukoy palagi noon kapag magkatabi kami ay ang kanyang ari. Takot na takot pa naman ako noon. Akala ko pa naman totoong ahas. Iyun pala ibang ahas at pareho kaming nag-enjoy ng gamitin niya sa akin.
"Sunshine, pwedeng pakihawakan? Haplusin mo lang, ang sakit na kasi ng puson ko eh." patapos na kaming maligo ng marinig ko ang pakiusap na iyun. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko kasi gets ang ibig nyang sabihin at ano ba ang hahawakan ko?
"Ha?" nagtataka kong tanong habang abala sa pagpapatuyo ng katawan sa pamamagitan ng pagpupunas ng towel.
"Hindi kasi pwede eh. Hindi pwedeng pakialaman kita ngayun, baka hindi ka makapasok ng School." muling wika nito. Napansin ko pang malagkit akong tinitigan sa maseselang parte ng katawan ko kaya takang-taka na ako sa kanya. Agad tuloy akong nagtapis ng tuwalya.
"Ano ba ang sinasabi mo? Bilisan mo na mali-late na ako sa School Rafael." wika ko dito.
Simula ng may mangyari sa amin ay tuluyan na din nawala ang pagkailang ko sa kanya. Nasasabi ko na din ang mga gusto kong sabihin dito.
"I mean, pwede bang hawakan mo muna ang anaconda ko? Ayaw kasing umamo eh. Galit na galit pa rin." wika nito. Pulang pula na ang mukha nito. Parang pusang hindi na din mapanganak ang kanyang hitsura.
"Hahawakan ko? Baka tuklawin ako nyan." pabiro kong sagot habang hindi mapigilan matawa. Pagkatapos dahan- dahan kong lumapit sa kanya at pinatay ang shower. Ang laki ng problema nito, talagang nakatapat pa rin sya sa shower. Nag-aalala na ako at baka magkasakit siya sa kanyang mga pinanggagawa.
"Ano ba kasi ang gagawin ko?" tanong ko habang nakatayo sa harap nya. Agad nyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa kanyang nanggagalit na anaconda.
"Haplusin mo lang Sunshine hanggang sa sumuka sya." sagot nito sabay iginiya ang dalawa kong kamay papunta sa kanyang ari. Wala naman akong nagawa kundi sundin kung ano ang gusto nya.
Hinayaan ko na lang na turuan nya ako. Tinulungan nya akong itaas baba ang mga palad ko sa ari nya habang nakapikit ito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya sa pinapagawa nya. Mukhang hindi naman nasusuka ang anaconda nya ah? Galit na galit nga eh at halos lumabas na ang ugat.
Ngayun ko lang din narealized na ang haba at taba pala ng ari nito. Kaya pala hanggang ngayun, masakit pa rin ang pagkababae ko. Hindi ko lang ma- imagine kung paano ito nagkasya sa akin kagabi.
Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Actually nakakaramdam na ako ng pangangalay. Siguro kailangan nyang makaraos at nag-aalala siyang gamitin ako ngayun dahil sa kalagayan ko.
Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng paghanga sa kanya.Talagang hindi nya pala talaga hahayaan na mahirapan ako. Lalo na iniinsist ko na gusto kong pumasok ng School ngayung araw.
Ganyan nga Sunshine! Faster!" wika nito. Kitang kita ko ang matinding pagnanasa sa katawan nya. Hinayaan nya na ako sa ginagawa ko. Nagiging abala na din kasi ang mga palad nito sa paghaplos ng magkabilaan kong dibdib.
"Rafael, kung gusto mo, ayos lang naman sa akin eh. Kakayanin ko pa naman siguro." wika ko. Pagod na ang mga kamay ko pero hindi pa rin kumakalma ang anaconda niya. Hindi pa sumusuka! Naawa na din ako sa kanya. Mukhang hirap na hirap na si Rafael.
Mataman naman ako nitong tinitigan. Pagkatapos nagpakawalan ng matamis na ngiti.
"Nope Sunshine! Baka mahirapan kang maglakad lalo." sagot nito. Agad naman akong napailing.
"Hindi....kaya ko! Promise!" sagot ko binitawan na ang kanyang ari. Kusa kong ikinawit ang mga braso ko sa leeg nya at ako na mismo ang humalik sa labi nya na agad naman nyang tinugon.
Pagkatapos naramdaman ko ang pagbuhat nito sa akin palabas ng banyo. Diretso kami sa kama at agad nya akong kinabubuwan.
Aaminin ko kanina pa basang basa ang pagkababae ko. Nadala na din ako sa init ng katawan lalo na ng pahawakan nito sa akin ang kanyang anaconda.
"Dont worry, I'll be gentle Sunshine! Sisiguraduhin ka na hindi ka
masasaktan." mahinang bulong nito bago tuluyang pinag-isa ang aming katawan. Napaungol naman ako dahil sa kakaibang ligaya na hatid nito sa akin.
"Banayad ang bawat ulos na pinapakawalan sa akin ni Rafael. Puno ng pag-iingat kaya ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga sa akin.
Ilang saglit lang ay napuno ng ungol ang bawat sulok na kwarto. Mga ungol na puno ng pagmamahal. Mga salitan na anas namin sa isat isa na nagsasabi ang gaano namin kamahal ang isat isa.
Masaya akong ipagkaloob ng paulit- ulit ang katawan ko kay Rafael. Mahal na mahal ko siya! Ipaglalaban ko siya kahit kanino.
Ilang saglit lang ay pareho naming narating ang rurok ng kaligayahan.. Pareho pa kaming nakangiti ng maghiwalay ang aming katawan. Isa pang halik sa noo at bumangon ito sa kama at mabilis na pumasok ng banyo.
Pagbalik nito ay may dala na itong basa at malinis na bimpo. Nagtaka pa ako kung saan nya gagamitin iyun at hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya ng ipunas nya iyun sa aking pagkababae.
"Rafael, teka... ako na!" wika at akmang babangon na para agawin ang bimpo sa kanya pero pinigilan ako.
"Hayaan mo na ako Sunshine. Teka, sigurado ka bang kaya mong pumasok ng School.? Sorry ha, hindi ko napigilan ang sarili ko." wika nito na puno ng pag-alala ang boses. Agad naman akong tumango.
"Huwag kang mag-alala. Ihahatid mo naman at susunduin ako sa School diba?" malambing kong sagot. Agad itong tumango.
"Well, kung ayaw mo talagang papigil wala akong magagawa. Pero kapag hindi mo talaga kaya, huwag kang mahiya magsabi sa akin ha?" sagot nito. Agad akong tumango at bumangon na ng kama ng mapansin ko na tapos na ako nitong punasan.
"Opo Sir Rafael." pabiro kong sagot. Iilng-iling naman itong napapangiti.
"Anong Sir? Sige ulitin mo pa akong tawaging Sir at pareho tayong hindi makakapasok nito. Baka tuluyan kitang malumpo ngayung araw." sagot nito. Nagmamadali tuloy akong
naglakad palayo ng kama. Hinagilap ang mga damit na isusuot ko na noon ay nakaready na sa sofa.
Masakit talaga ang pagkababae ko. Pakiramdam ko gustong humiwalay ang balakang ko sa katawang lupa ko. Pero kailangan kong magkunwari para hindi nya ako pigilan na pumasok ng School. Ayaw kong umabsent lalo na at wala pang isang linggong nag-umpisa ang klase.
Hinayaan na ako ni Rafael na magbihis ng School Uniform. Naging abala na din ito sa pagbibihis ng kanyang pang office attire. Naka grey suit and trousers, white long sleeves with necktie and leather black shoes.
Sa pananamit pa lang ay halata ng mataas ang katungkulan nito sa kompanya. Of course, proud girl friend naman ako....ay hindi pala girl friend...asawa pala. Iyan kasi ang palagi nitong nababanggit sa akin. Asawa nya na daw ako dahil sa mga documents ng pinirmahan ko.
"Maaga pa naman, kakain muna tayo bago umalis." wika nito sa akin pagkatapos nitong isuot ang kanyang office attire. Abala na ako sa pagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin ng lumapit ito sa akin.
"Okay!" sagot ko at muling sinulyapan ang reflexion ko sa salamin. Nang makontento sa hitsura ko ay kinuha ko ang aking bag at hawak kamay kaming lumabas ng kwarto.
Pagdating sa sa dining area ay may mga pagkain na nakalatag sa lamesa. Although mga croissants ibat ibang klaseng bread pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang cereals.
"Cereal lang ba ang kakainin mo?" tanong nito. Ipinaghila pa ako ng upuan at inalalayan na makaupo. Agad naman akong tumango.
"Ok, may mga fresh milk sa ref. Ikukuha lang kita." sagot nito. Napansin ko pa na pinindot muna nito ang coffee maker bago naglakad papuntang ref. May dala na itong isang litro na fresh milk at isang bowl.
Agad kong kinuha ang cereal at naglagay sa bowl. Sakto lang na kaya kong ubusin. Nilagyan ko ng gatas at hinalo-halo.
Si Rafael naman ay naglakad pabalik sa may coffee maker. Nagsalin ng kape sa tasa at naupo sa tabi ko.
"Iyan lang ba ang kakainin mo? Kain ka din ng bread baka magutom ka sa office." wika ko. Natawa ito.
"Ikaw nga dyan eh. Bakit cereals lang? " sagot nito.
"Nasanay kasi sa mansion. Pinatikim sa akin nila Charlotte at Jeann at nagustuhan ko kaya ito na ang palagi kong kinakain. Huwag kang mag- alala, may breaktime kami ng alas diyes ng umaga. Maraming pagkain ang nabibili sa canteen." sagot ko at naglagay ng cereals sa kutsara at akmang isusubo ko sa kanya.
Agad naman itong napanganga kaya natuwa ako. Imagine, pumayag ang isang Rafael Villarama na subuan ko.
"mmm mukhang masarap nga ah" wika nito sabay nguya.
"Sabi ko sa iyo eh." sagot sabay subo.
Napansin kong kumuha ito ng isang pirasong croissant at kinagatan iyun bago din ako sinubuan. Agad naman akong nagpaunlak.
"Hmmm sarap ng croissant na ito ah? Cheese flavor?" wika ko.
"Gusto mo magbukas pa ako ng isa pa? " tanong nito. Agad akong umiling. Kumuha ako ng tatlong piraso at inilagay sa bag ko.
"Babaonin ko na lang para juice na lang ang bibilhin ko mamaya sa canteen." sagot ko. Natawa ito.
"Uyyy huwag mo akong tawanan, walang ganito sa canteen." muli kong wika. Lalo naman itong napahalakhak.
"Oo nga. Hindi ko kasi akalain na may pagka girl scout pala ang Misis ko." sagot nito sabay halik ulit sa noo ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kanya.
Inabot din kami ng ilang minuto bago natapos ang pagkain ng agahan namin. Kung wala nga lang siguro kaming pasok pareho baka maghapon na kaming magtawanan sa loob ng penthouse. Kaya lang kailangan harapin ang tunay na realidad ng buhay. Kailangan pumasok ng opisina ni Rafael dahil maraming naghihintay sa kanya doon at kailangan ko din pumasok ng School para naman maipagmalaki ako ni Rafael sa ibang tao
Yes, biglang nag-iba na ang pananaw ko. Mag-aaral ako ng maayos hindi para lang sa pamilya ko kundi para na din kay Rafael. Ayaw kong pagtawanan sya ng iba kapag malaman ng ibang tao na ang babaeng pinakamamahal niyang asawa ay walang pinag-aralan. Kaya magsisikap ako sa abot ng aking makakaya.
Kaya kahit masakit pa ang buo kong katawan ngayun, pinilit ko pa ring pumasok ng School. Ayaw kong magsayang ng oras. Gusto kong makita din ni Rafael na nagsisikap ako. Gusto kong ipagmalaki nya ako sa lahat ng kakilala nya.
Chapter 220
VERONICA POV
Nakasandal ako sa balikat ni Rafael habang tumatakbo ang sasakyan papuntang School. Kung pwede nga lang huwag na muna kaming maghiwalay ngayung araw. Kaya lang hindi pwede. Kailangan kong ipakita sa lahat na nagpupursige ako para matupad ang pangarap ko. Isa pa kailangan din pumasok ni Rafael ng opisina. Alam kong hindi biro ang responsibilidad nito sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya at ayaw kong ako ang isa sa mga dahilan para mapabayaan nya iyun.
Tiyak na mahirapan din akong makapag concentrate ngayun sa klase. Siguradong walang ibang laman ang isip ko kundi siya lang at ang mga nangyari sa amin.
"Siguradong ayos ka lang ba Sunshine?
"muling tanong nito. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ng lumabas ang katanungang iyun sa bibig nya. Mukhang nag-aalala talaga ito sa kalagayan ko.
"Ayos lang po ako. Uupo lang naman ako sa School at makikinig sa lectures ng mga teacher namin. Hindi na din siguro ako lalabas mamaya para pumunta ng canteen. Uutusan ko na lang ang mga bago kong kaibigan na bilhan ako ng kahit juice lang muna total may baon naman akong croissant. "nakangiti kong sagot. Hinawakan ko pa ang kamay nito at tiningnan. Ang lambot talaga ng palad nya. Mas malambot pa yata sa palad ko. Iba na talaga kapag ipinanganak na mayaman.
"Kapag may problema huwag kang mag -atubili na tawagan ako ha? Ilang minuto lang naman ang layo ng opisina sa School mo.' sagot nito. Agad akong napatango.
Pagdating ng School ay agad na bumaba ng kotse si Rafael. Ito na din mismo ang nagbukas ng pintuan sa gawi ko at inalalayan akong makababa! Kilig na kilig naman ako. Ang swerte ko dahil alagang alaga ako nito. Akala ko talaga walang kabutihan ang makikita sa puso nito eh. Ang sungit kasi nito noon. Lagi pang nakakunot ang noo.
Pero ngayun ibang iba na siya. Palagi ng nakangiti kapag kausap ako. Palagi pa akong hinahalikan. Feeling ko tuloy prinsesa ako kung ituring nya.
"Ihahatid na kita sa classroom mo." wika nito ng tuluyan na akong nakababa. Nagulat naman ako.
Sa totoo lang, gusto kong tumutol. Masyadong famous si Rafael at tiyak na pagkakaguluhan sya ng mga classmates ko. Baka maging laman pa ako sa usapan dito sa iskwelahan namin.
"Ka-kaya ko na. Hindi na kailangan Rafael. Baka ma-late ka na nyan sa office," sagot ko. Agad itong umiling.
"Nope! Makakapaghintay ang trabaho Sunshine!Mas marami akong oras para sa iyo!" sagot nito at kinuha ang bag na nasa balikat ko. Pagkatapos ikinawit nito ang braso sa baywang ko at sabay na kaming naglakad papunta sa aking classroom.
Hindi ko naman malaman kong ano ang mararamdaman ko. Sa bawat madaanan namin na mga istudyante, pinagtitinginan kami. Kitang kita ang pagkagulat sa kanilang mukha. Nagbubulungan pa ang iba at alam kong kami ang kanilang pinag-usapan.
Pagdating ng classroom ay agad kaming pinagtitinginan ng aking mga classmates. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Sabay-sabay ko pang narinig ang kanilang pagsinghap ng haplusin ni Rafael ang pisngi ko at halikan ako sa noo.
"Ako na ang magsusundo sa iyo mamaya. Sabay na tayong uuwi ng mansion." masuyo nitong wika. Agad naman akong tumango. Pagkatapos naglakad na ito paalis kaya naiwan naman akong nakatulala habang sinusundan ito ng tingin.
"Veronica! Truelalu ba iyung nakikita namin? Hinatid ka na naman ng isang Rafael Villarama?" agad na lapit sa akin ni Randy. Hindi ko ito pinansin at naglakad na sa aking upuan. Nandito na din pala si Beatrice at nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Ang damot mo talaga sa info? Jowa ka na ba ni Rafael Villarama?' malakas ang boses ni Randy na tanong nito. Agad ko naman narinig ang bulungan sa paligid. Mga bulungan na mula sa mga classmates ko.
"Malamang! Sa dami ng pwedeng
landiin ni Rafael Villarama ikaw pa talaga ang napili! Hindi mo siguro alam kung gaano katinik sa babae ang lalaking iyun! Parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng girl friend! narinig kong wika ng isa sa mga classmates ko. Malapit lang ang upuan nito sa kinauupan ko kaya malinaw kong narinig ang lahat. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya lalo na ng sigundahan ito ng iba ko pang classmates. Mahina pa silang nagtawanan.
"Sinabi mo pa girl! Balita ko sponsored ng mga Villarama kaya nakapasok siya sa School na ito kapalit ng pagiging sex slave ng isang Rafael Villarama!" sagot naman ng isa pa. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang kamao ko. Ang mga tao nga naman. Ang bilis nilang manghusga.
Napapitlag pa ako ng biglang hampasin ni Beatrice ang sulatan nito.
Sabay-sabay na napatitig sa kanya ang halos lahat ng classmates namin!
"Halatang halata talaga ang inggit sa budhi mo noh Jennifer? Ang hilig sa chismis. Lahat ginagawan ng kwento! Palibhasa kasi kahit maghubad ka sa harap ng isang Rafael Villarama hindi ka papansinin!" wika ni Beatrice. Nagulat ako sa ginawa nito. Hindi ko akalain na ipagtanggol nya ako sa grupo nila Jennifer.
"Totoo naman ah! Imposibleng siseryosohin siya ni Rafael! Sa dami ng mga nagagandahang babae na nakapalibot doon tiyak na itatapon lang din sya na parang isang basahan. Hindi uso ang Cinderella love story sa panahon ngayun!" natatawang sagot ni Jennifer. Tinapunan pa ako ng nakakainsulto na tingin. Agad akong napayuko.
"Eh di wow! Hindi mo lang maamin sa sarili mo bitter ka Palibhasa kasi mas hamak na mas maganda sa iyo si Veronica! Mas hamak naman na mas malinis ang kaibigan ko kaysa sa iyo noh!" muling sabat ni Beatrice. Hinawakan ko na ito para tumigil na.
"Hayyy naku, ang hirap talaga kapag puro kainggitan ang namayani sa puso ng isang tao. Hindi na lang masaya sa achievement ng ibang tao." sabat naman ni Randy sabay labas ng kanyang cellphone.
"Hindi kailangan ang opinyon mo bakla ka kaya manahimik ka!" pang- aaway naman ni Jennifer. Parang ayaw pa nitong tumigil. Nasaan na ba ang subject teacher namin? Sana dumating na siya para matigil na ang gulong ito.
"Bakla nga ako sa iyung paningin pero mas hamak na mas maganda ako sa iyo! Uso naman sana ngayun ang retoke pero hindi mo mapaayos-ayos iyang ilong mo na naapakan yata ng kalabaw sa palayan. Walang budget te?
"pang aasar na sagot ni Randy. Agad kong narinig ang tawanan sa buong paligid. Nang tingnan ko si Jennifer ay halos umusok na ang ilong nito sa galit. Pulang-pula na ang kanyang mukha at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Randy.
"Suntukan na lang kaya tayo bakla ka!" galit na sigaw ni Jennifer sabay tayo. Tumayo na din si Randy at mukhang handa din nitong patulan ang maldita namin na ka-clasmates. Agad naman akong napatingin kay Beatrice para sana magpatulong na awatin ang dalawa.
"Hayaan mo silang magrambulan. Lamang tayo dahil lalaki pa rin si Randy kahit saan tingnan." sagot ni Beatrice at nag-umpisa na itong kumuha ng video. Parang baliwala lang dito ang bangayan sa pagitan nila Jennifer at Randy. Hindi naman ako mapalagay at agad na hinawakan sa braso si Randy. Hindi ko kayang may nakikitang nagsasakitan.
Huli na ng mapansin ko ang paglapit ni Jennifer. Itinulak ako nito kaya naman nawalan ako ng balanse at natumba sa isang upuan. Tumama pa ang ulo ko sa itaas na bahagi ng upuan. Agad akong nakaramdan ng sakit ng ulo ko.
"Diyos ko Veronica! Sabi ko sa iyo hayaan mo na silang magrambulan eh.
" agad na wika ni Beatrice. Agad ako nitong dinaluhan at tinitigan sa mukha. Napansin ko ang biglang pamumutla nito habang nakatitig sa akin.
"Bakit?" tanong ko habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Nakakaramdam na din kasi ako ng pagkahilo.
"Ma-may dugo ka sa ulo!" sagot nito. Wala sa sariling nahawakan ko ang aking ulo at agad akong nagulat. May dugo nga ako. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding kaba.
"Pe-pero relax ka lang. Tumawag na ang ilan sa mga classmates natin ng guard!" sagot nito. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Abala pa rin si Randy sa pakikipagbakbakan sa grupo nila Jennifer. Kung titingnan kahit lalaki, mukhang dehado si Randy dahil pinagtutulungan siya ng apat na mga kaibigan ni Jennifer.
Mabuti na lang at nagsipagdatingan na ang ilan sa mga guard ng School. Inalalayan akong makabangon ni Beatrice pero dahil nahihilo ako agad akong umiling.
"Na-nahihilo ako!" sagot ko sabay pikit ng mata ko. Agad kong narinig ang paghingi ng tulong ni Beatrice. Bago ako nawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang pakakagulo ng lahat.
Chapter 221
VERONICA POV
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay. Basta nagising na lang ako na nakahiga pa rin ako dito sa sahig ng classroom namin. Nakasalampak sa tabi ko si Beatrice at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. May pinapaamoy ito sa akin kaya siguro bumalik ako sa ulirat.
"A-anong nangyari?" tanong ko. Sinapo ko pa ang ulo ko sabay dahan- dahan na bumangon. Agad naman akong pinigilan ni Beatrice.
"Huwag ka munang bumangon Veronica. Binigyan ka na ng first aide ng nurse. Nilinis na din ang sugat mo sa ulo. Maliit lang naman pero tumawag pa din kami ng ambulansya para madala ka sa hospital" nag- aalalang pigil sa akin ni Beatrice. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
Kinapa ko ang ulo at agad kong napansin na medyo basa nga ang buhok ko. Siguro dahil sa dugo na lumabas kanina. May nakapa din ako na parang benda. Hindi ako sure kung gaano kalaki ang sugat ko doon.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Tahimik na ang mga classmates ko habang nakatingin sa gawi ko. Dumating na din pala ang English teacher namin. Kaya pala nanahimik na ang mga classmates ko.
"Ayos ka lang ba Miss Mendoza? May masakit ba sa iyo? Ang ulo mo?" nag- aalala nitong tanong. Sinipat pa ako ng tingin kaya hindi ako nakasagot.
"Huwag kang mag-aalala, ipapatawag sa guidance office ang mga mga magulang na involve sa gulong ito."
muling wika ni teacher. Hindi pa rin ako umiimik. Hindi maayos ang pakiramdam ko. Kumikirot ang sugat sa ulo ko.
Napatingin pa ako sa kinaroroonan nila Jennifer at ng grupo nya. Tahimik silang nakaupo sa isang sulok at nakaismid na nakatingin sa gawi ko. Marahan akong napabuntong hininga bago binalingan si Beatrice at nakikiusap na nagwika.
"Beatrice pasuyo naman ng cellphone ko." nakikiusap na wika ko sa kanya. Tuluyan na din akong naupo sa sahig. Mabuti na lang at hindi na ako nakakaramdam ng hilo. Hindi katulad kanina. Agad naman itong tumango at kinuha ang bag ko at iniabot sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-dial.
Nakailang ring din bago ko narinig ang boses ni Rafael sa kabilang linya.
"Sunshine! Kumusta ka? Dont tell me na na-miss mo kaagad ako?"
malambing na sagot nito. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan nila Jennifer bago nagsalita.
"Rafael, nabagok ako. Ayaw kong sumakay ng ambulansya.''" sagot ko. Agad kong narinig na may kumalabog sa kabilang linya. Nagtaka naman ako.
"Nasaan ka? Bakit ka nabagok? Na out of balance ka ba? Sabi ko naman sa iyo huwag ka na munang pumasok eh." wika nito na bakas ang pag-aalala sa boses. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad naman akong dinaluhan ni Beatrice.
"Bakit ka umiiyak? Masakit ba ang ulo mo? Huwag kang mag-alala, ipapakulong natin ang malditang Jennifer na iyan. Kasalanan nya ang lahat!" wika ni Beatrice.
"Arte lang iyan! Malay ko bang lampa pala ang babaeng iyan. Kaunting tulak tumba kaagad? Ano iyan?" sabat naman ni Jennifer. Agad naman sumabat ang teacher namin.
"Miss Santos, stop it! Huwag mo ng
dagdagan ang kasalan mo! Pinapatawag na namin ang parents mo kaya humanda ka!" saway ng teacher namin kay Jennifer. Umismid lang ito at inirapan ako.
"Sorry! Dapat pala hindi na talaga ako pumasok. Nagkagulo tuloy dito sa classroom namin dahil sa akin."
muling wika ko. Para tuloy akong bata na nagsusumbong dito. Wala eh, wala naman akong pwedeng tawagan. Bilin din naman nya kanina, tawagan ko siya kapag may kailangan ako. Ayaw ko talagang sumakay ng ambulansya. Marami daw multo doon.
Napansin ko ang biglang pananahimik ni Rafael sa kabilang linya.. Mukhang pinapakinggan nito ang salitan ng pagsasalita nila Beatrice at Jennifer.
"Mukhang may idea na ako kung bakit ka natumba. Parating na ako. Ang dont worry, ako ang bahala sa lahat. Sisiguraduhin ko na mananagot ang sino mang may kasalanan." sagot nito. Bakas ang galit sa kanyang boses kaya hindi ko maiwasan na kabahan. Agad na nawala sa kabilang linya si Rafael kaya pinindot ko na din ang end botton.
"Miss Santos, mauna na kayo sa guidance office. Miss Gonzales, kaya mo na ba ang sarili mo? Kina-contact na din ng guidance ang guardian mo kaya ano mang sandali nandirito na din sila. "wika ng teacher namin. Agad naman akong nagulat. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago muling nagsalita.
"Si-sinong guardian po?" hindi ko mapigilang tanong.
"Carissa Villarama?" sagot nito. Pagkatapos agad na napakunot ang noo. Muling tumitig sa akin at agad kong napansin ang pamumutla ng mukha ng teacher.
"Carissa Villarama? Kaano-ano mo siya?" tanong nito. Hindi naman ako nakasagot. Wala pa man si Tita hindi ko na maiwasan na makaramdam ng hiya. Nadamay pa talaga sila sa gulo na ito. Kung bakit naman kasi hindi muna nila ipinaalam sa akin na tatawagan pala nila ang mga guardian na sangkot sa gulo. Ayos na kung si Rafael na lang. At least nagkakaintindihan na kami. Pero sila Tita, masyadong nakakahiya iyun.
"Mommy po ni Rafael Villarama. Nobyo ni Veronica!" sabat naman ni Randy. Hindi ko naman maiwasan na pandilatan ito. Saan kaya nito nasagap ang balitang nobyo ko si Rafael. Hindi pa naman ako nagkukwento sa kanilang dalawa ni Beatrice tungkol dito. Tumawa naman ito.
Nang sumulyap ako sa mga ka- classmates ko ay kita ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Mukhang sobrang famous nga ng pamilya Villarama dito sa Pilipinas para makilala nila ng ganito.
"Bakit si Misis Villarama pa? Chimimay lang naman iyan sa mansion. Hindi ako maniniwala na girl friend siya ni Rafael. Baka inakit nya lang." muling sabat ni Jennifer. Kahit kailan talaga pasmado ang bunganga ng babaeng ito. Isusumbong ko talaga ito kay Rafael mamaya. Total naman mukhang proud pa siya sa ginawa sa akin. Imbes na magsorry, kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig nito.
Mahina akong napabuntong hininga at dahan dahan na akong tumayo. Ngayun ko lang napansin na may sapin pala ako. Mabuti na din para hindi masyadong madumihan ang uniform ko
And speaking of dumi, may ilang bahid ng dugo ang blouse ko. Hindi ko mapigilan na mapangiwi at sumulyap kay Beatrice.
"Matagal ba akong nawalan ng malay? " bulong ko habang dahan-dahan na nauupo na sa aking upuan. Inalalayan ako nito bago sumagot.
"Saglit lang. Mga ten mins. lang. Uyy, kailangan mo pa ring magpatingin sa Doctor ha? Although maliit lang naman ang sugat mo pero tumama pa rin ang ulo mo sa silya at dumugo pa.' sagot nito sa nag-aalalang boses. Agad naman akong tumango.
"Oo naman, pero ayaw kong sumakay sa ambulansya. Natatakot ako." sagot ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at unti- unti ng nagsidatingan ang mga magulang nila Jennifer at ng ilang mga istudyante na sangkot sa gulo. Agad kaming pinatawag ng guidance councilor sa office nito.
First time na nangyari sa akin ito kaya naman hindi ko maiwasan na
makaramdam ng kaba. Nakaalalay naman sa akin ang school nurse habang papunta kami sa office kaya naman maayos kaming nakarating. Dumating na din ang ambulance pero dahil ayaw kong sumama, umalis na din kaagad ito ng masiguro ng mga medical staff na kasama nito na maayos naman ang kalagayan ko. Hihintayin ko na lang si Rafael.
"HIndi pa ba tayo mag-uumpisa? Ano daw ba ang demand? Gusto bang sagutin namin ang medical expenses ng nakaaway ng anak namin?" agad na tanong ng isa sa mga magulang. Kung hindi ako nagkakamali, ina ito ni Jennifer. Halos kamukha nya kasi. Dapa din ang ilong na syang hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Randy.
"Hintayin na lang po muna natin ang iba pang guardian na sangkot pagkatapos mag-umpisa na tayo sa discussion." sagot ng Guidance
Councilor. Nayayamot na napabuntong hininga ang Ina ni Jennifer at tumitig sa gawi namin.
"Hindi makakarating sila Mommy at Daddy. Nasa Europe sila ngayun. Hindi ko na din pinapunta si Yaya. Wala din naman kwenta!" muling bulong ni Randy. Napatitig dito si Beatrice bago sumagot.
"Iyung stepbrother ko ang darating. Kainis nga eh. Tiyak sasabunin ako noon. May date pa naman iyun sa bago niyang babae." bulong naman ni Beatrice.
"Ano na! May hinihintay pa ba tayo dito? Sayang ang oras!" galit na muling angal ng Nanay ni Jennifer. Agad naman itong sinigundahan ng iba pa.. Kung makapag demand akala mo naman walang nagawang kasalanan ang mga anak nila. Napatingin naman sa aming tatlo ang guidance councilor.
Bago pa ito nakapagsalita bumukas na ang pintuan ng office. Agad na pumasok ang taong kanina ko pa inaasahan. Si RAfael at kasama nito si Tita Carissa. Parang gusto ko naman lumubog sa kinauupan ko dahil sa nararamdamang hiya kay Tita. Lalo na ng tumitig sa akin ang nag-aalala nitong mga mata.
"Diyos ko Veronica! Anong nangyari? Bakit may dugo ang damit mo?" agad na wika ni Tita sabay lapit sa akin. Tinitigan ako nito sa mukha kaya napayuko ako.
"Anong nangyari? Ganito ba kapabaya ang iskwelahan na ito para hayaan na may istudyanteng masaktan?" galit na wika ni Rafael. Pulang pula ang mukha nito at kita ko ang matinding galit sa kanyang mga mata. Hindi naman ako makapanawilang napatitig dito. Lalo na ng lapitan ako nito at eksaminin.
"Yes parang iniksamin nya talaga ako. Tinitigan ang buo kong mukha pati na din ang ulo ko na may sugat.
"Bakit ba napaka-iresponsable ng iskwelahan na ito? Hindi nyo ba napansin ang sugat ni Veronica at hindi nyo kaagad dinala ng hospital?" muling sigaw ni Rafael. Agad naman itong hinawakan ni Tita. Pilit na pinapakalma. Samantalang walang ni isang nakaimik sa mga magulang ng classmates ko. Parang natameme din ang Mommy ni Jennifer na kanina pa putak ng putak. Namumutla itong hindi makatingin sa amin.
"A-ayaw po ni Miss Gonzales magpadala ng hospital Sir. Pa- pasensya na po. Bin-binigyan na po siya ng first aide ng nurse at tiningnan na din siya ng mga medical staff na kasama ng ambulance kanina." sagot ng Guidance officer. Muling tumitig sa akin si Rafael at umiling. Galit ito pero hindi pa rin maitago ang matinding pag -aalala sa mukha nito.
"Bakit nangyari ang ganitong gulo? Kulang ba kayo ng security dito? Kailangan pa ba namin magpasama ng bodyguard sa istudyante namin para masiguro namin ang kanyang kaligtasan?" sabat naman ni Tita Carissa. Naupo na ito sa tabi.
"Ikinalulungkot po ng buong iskwelahan ang mga nangyari Madam. Gagawin po namin ang lahat para managot ang may kasalanan. Patawad po sa mga pagkukulang namin. Pipilitin po namin na hindi na mauulit ang mga nangyari." sagot ng guidance. Halata ang nerbiyos sa boses nito.
"Nelson, tutukan mo ang kaso na ito. Gusto kong may managot sa lahat ng mga nangyari ngayun." wika ni Rafael at agad na lumapit sa akin. Tumitig muna ito sa Ina tsaka ako inalalayan na makatayo.
"Pa-pasensya na po kayo Misis Villarama, Boss Rafael. Ha-hayaan
niyo po, didisiplinahin namin ng maigi ang mga anak namin. Hindi namin kukunsintihin ang ginawa nilang kasalanan ngayun. Sana magkaroon ng puwang sa puso nyo ang pagpapatawad." narinig kong wika ng Mommy ni Jennifer. Agad naman ginatungan ng iba pa. Puro sorry ang aking naririnig sa paligid. Mukhang natakot talaga sila sa presensya ng mga Villarama.
Ganoon ba talaga sila makapangyarihan? Malaki ang respito sa kanila ng halos lahat ng tao.
Akmang lalapit pa ito kay Tita Carissa pero naudlot iyun dahil kaagad na humarang ang isa sa mga bodyguard. Wala na itong nagawa pa kundi bumalik na lang sa kanyang upuan.
Parang wala lang din namang narinig sila Tita Carissa at Rafael. Hindi na din sila umimik pa at itinoon ang attention sa akin.
"Kaya mo na ba ang maglakad?"
masuyo nitong tanong. Agad akong tumango.
"Kailangan kang madala sa Doctor. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa iyo." wika nito at agad akong hinawakan sa baywang. Nahihiya naman akong napatitig kay Tita Carissa.
"Ang secretary na ng anak ko ang magrereport sa amin kung anong action ang gagawin ng School na ito para sa mga nangyari. Mister Guidance, alam nyong mainipin kaming tao. Kapag hindi kami kontento sa action na gagawin niyo, hindi kami magdadalawang isip na idemanda pati ang iskwelahan na ito." seryosong wika ni Tita at diretso na kaming lumabas ng office.
Chapter 222
RAFAEL POV
Magkahalong galit at pag-aalala ang nararamdaman ko ng biglang tumawag sa akin si Veronica at sinabing naaksidente daw ito sa classroom.
Alam kong hindi maayos ang pakiramdam nito dahil sa nangyari sa amin. Kaya nga pinipigilan ko itong huwag na munang pumasok ng School at magpahinga na lang muna. Kaya lang may katigasan din ang ulo nito. Gusto talagang pumasok ng School dahil kakaumpisa pa lang daw ng klase at ayaw umabsent.
Nasa kasagsagan ako ng meeting ng matanggap ko ang tawag na iyun. Kaya ng nalaman kong naaksidente ito agad akong umalis ng meeting room. Sobrang nag-aalala talaga ako sa kalagayan ng babaeng pinakamamahal ko.
Samot saring mga bagay ang bumabagabag sa aking isipan. Paano kung mapahamak ito? Paano kung malubha ang kalagayan nito.
Lalo akong nakaramdam ng galit ng marinig ko ang conversation ng mga classmates nito habang nag-uusap kami na hindi naman talaga ito natumba. Talagang itinulak kaya hindi ako papayag na hindi mananagot ang may kasalanan.
"Nasa kotse na ako ng tumawag si Mommy. Ibinalita nito sa akin na tumawag daw ang staff ng iskwelahan sa kanya at sinabi ang mga nangyari. Nasa kotse na daw ito at papunta na din ng School. Hindi na ito masamahan ni Daddy dahil may importante daw na ginagawa sa mansion.
Sinabi ko na lang dito na magkita na lang kami sa iskwelahan. Sinabi ko din na alam ko na ang nangyari at pinayuhan akong kumalma na muna.
Kasama daw talaga sa buhay istudyante ang mapaaway.
Pero hindi...hindi palaaway ang mahal ko. Gayunpaman hindi na ako umimik at itinoon ang attention sa labas ng sasakyan.
Pagdating ng School, halos madurog ang puso ko ng mapansin kong nakaupo si Veronica sa isang silya. Magulo na ang buhok nito at may bahid pang dugo ang kanyang blouse.
Naikuyom ko ang aking kamao. Tumitig ako sa kabilang bahagi at doon ko napansin ang iba pang mga istudyante at mga magulang. Mga istudyante na alam kong sila ang may gawa kaya nasaktan ang mahal ko.
Gusto kong magwala sa galit. Kaya lang ayaw kong makita iyun ni Mommy. Ayaw ko din tuluyang ma-stress si Veronica. Kaya pagkatapos kong pagsabihan ang Guidance ay agad kong hinawakan si Veronica. Mas importanteng madala ito ng hospital at matingnan ng specialista. Ayaw kong magbakasakali lalo na kung ang tungkol sa kalusugan nito ang pag- uusapan.
Si Nilson Lee na ang bahala....siya ang aking bagong executive secretary. Alam na nya ang gagawin niya.
Bubuhatin ko na sana si Veronica ng tumanggi ito. Kaya naman daw nyang maglakad. Marahan akong napabuntong hininga at inalalayan na lang ito. Tuluyan na kaming lumabas ng opisina ng kanilang guidance.
Naglalakad na kami sa hallway ng makasulubong namin si Arthur. Nagmamadali ito at mukhang sa guidance office din ang punta. Nang mapansin kami nito ay nagmamadali itong lumapit.
"Sangkot din si Veronica sa rambulan? " tanong nito sabay sulyap kay Veronica bago nito batiin si Mommy. Kilala ng mga kaibigan ko si Mommy at nakita ko kung paano nila iginagalang ito. Lagi nga nilang nababanggit sa akin noon na ang swerte ko daw. May kompleto at masaya akong pamilya na syang labis ko din na ipinagpasalamat. Hindi katulad sa pami-pamilya ng mga kaibigan ko na watak-watak na.
"Bakit ka nandito? May bago kang chick dito?" nagtataka kong tanong. Tumawa ito bago sumagot.
"Iyung step sister ko, nagpasaway na naman. Kainis! Kung hindi lang dahil kay Daddy, hindi talaga ako pupunta dito." sagot nito.
"Sino? Si Beatrice? Ikaw iyung tinutukoy niyang stepbrother?" tanong naman ni Veronica. Mukhang ang babaeng nasa tabi nito kanina ang tinutukoy nito.. Kaagad namang tumango si Arthur.
"Nabanggit nya na ako sa iyo?" tanong nito kay Veronica. Napansin ko pa ang tuwa sa mga mata nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko mapigilang mapiling.
"Oo, masama daw ang ugali mo." diretsahang sagot ni Veronica. Kaagad naman nawala ang ngiti nito kaya hindi ko mapigilan ang mapangisi. Pagkatapos hinarap ito.
"Kailangan kong dalhin sa hospital si Veronica. Ikaw na muna ang bahalang umayos sa problemang ito. Nandoon pa si Nelson sa opisina ng Guidance. Gusto kong maparusahan ang may kasalanan. " wika ko at nilagpasan na namin ito.
"Mom, ako na po ang bahala kay Veronica. Bumalik na lang po kayo ng mansion at baka hinihintay na kayo ni Daddy." wika ko kay Mommy pagkarating namin ng parking. Agad naman itong sumang-ayon.
"Balitaan mo ako sa resulta tungkol sa check-up ni Veronica. Mag-ingat kayo. "wika nito at nagpaalam na. Agad akong tumango at inalalayan na si Veronica na makasakay na ng kotse.
Noon pa man ay alam nila Mommy at Daddy at ng mga kapatid ko ang nararamdaman ko tungkol kay Veronica. Hindi naman sila tumututol kaya lang nakiusap sila sa akin na hayaan munang makatapos ito bago ko ligawan. Kaya lang hindi na ako nakapaghintay pa. Nag honeymoon na nga kami eh.
Ang pagpapa-pirma ko ng marriage contract ay hindi pa nila alam. Tanging kaming dalawa lang ni Veronica at ang lawyer ko na nag-aasikaso ang nakakaalam noon. Sosorpresahin ko na lang siguro sila. Tiyak na hindi sila makapaniwala kung gaano ako ka- sigurista. Na tuluyan ko ng inasawa ang babaeng hindi ko alam kung anong meron at kung bakit hindi ito maalis- alis sa puso at isipan ko.
"Galit ka ba sa akin dahil hindi kita sinunod?" narinig kong wika ni Veronica. Malapit na kami sa hospital. Napansin marahil nito ang pananahimik ko kaya natanong nya ang tungkol sa bagay na iyun.
Tinitigan ko ito sa mukha. Pagkatapos inayos ko pa ang ilang hibla ng buhok.. Matamis ko itong nginitian bago ito sinagot.
"Nope! Bakit naman ako magagalit? Wala ka namang kasalanan." sagot ko. Agad itong napangiti. Pagkatapos humilig sa balikat ko.
Pagdating ng hospital ay agad inasikaso si Veronica. Iniksamin ito ng maigi ng mga Doctor at ng sabihin nito na wala naman daw malaking epekto sa kalusugan nito ang pagtama ng ulo nito sa matigas ng bagay ay agad na
nakaramdam ako ng kapanatagan.
Maliit lang naman ang sugat. Kaya lang dumugo pa rin iyun at niresitahan na lang ito ng ilang gamot ng kanyang Doctor. Pagkatapos pinayuhan kami na bumalik sa susunod na araw para sa follow-up check up nito.
Muli kaming sumakay ng kotse. Ihahatid ko muna ito sa mansion bago bumalik ng opisina. Maraming trabaho akong dapat tapusin at marami pa akong magagawa ngayung araw.
"Pasensya ka na Rafael. Naabala pa tuloy kita." wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Napansin kong kanina pa ito nagi-guilty. Puro paghingi ng pasensya ang lumalabas sa bibig nito.
"Dont worry Sunshine...ayos lang. Walang problema." sagot ko at hindi ko mapigilan na halikan ito sa labi. Saglit lang naman iyun. Baka bigla na naman akong matangay ng init ng katawan at kung saan pa mapunta ang halik na iyun. Dobleng bugbog na ang inabot ni Veronica simula kagabi hanggang ngayun.
Paparusahan ko talaga kung sino man ang nagtulak dito kanina. Hindi ko papalagpasin ang nangyari sa classroom. Siguro, sinubukan ng sino man na i-bully ito kaya hindi ko mapapayagan iyun.
Hindi na ito kumibo pa at itinoon na nito ang attetion sa labas ng kotse.
Pagkauwi ng mansion ay agad kaming sinalubong ni Mommy. Nag-aalala pa rin ito sa kalagayan ni Veronica at ng ibalita ko dito na maayos naman ang kalagayan nito ay agad na itong napangiti. Pagkatapos sinabihan ko na iakyat ko daw muna sa kwarto nito para makapagpahinga na muna.
Pagdating ng kwarto ay agad ko itong pinaupo sa kama. Tinitigan sa mga mata at seryosong kinausap.
"Magpahinga ka muna Sunshine dahil hanggat hindi ka pa magaling, hindi ako papayag na papasok ka muna sa School. Ako na ang bahalang magpaalam sa iskwelahan mo. Alam nilang injured ka kaya ipanatag mo muna ang kalooban mo." wika ko. Kaagad itong tumango.
"Opo Sir!" sagot nito. Hindi ko maiwasan na muling mapangiti. Pagkatapos hinaplos ang pisngi nito bago nagpaalam na lalabas na muna.
Pagkalabas ng kwarto ay napansin kong nakaabang si Mommy. Seryosong nakatitig sa akin.
"Pwede ba tayong mag-usap Rafael?" tanong nito. Kaagad akong tumango at sabay na kaming naglakad papuntang living room.
Chapter 223
RAFAEL POV
"What is it Mom?" tanong ko kay Mommy pagkadating namin ng Living area. Agad kong napansin ang pagiging seryoso ng mukha nito.
"Saan mo dinala si Veronica kagabi? May nangyari na ba sa inyo?"
diretsahan nitong tanong. Saglit akong natigilan. Agad na sumeryoso ang mukha ko bago sumagot.
"Mahal ko siya Mom. Siya ang isa sa mga dahilan kaya nagsisikap akong pamunuan ang Villarama Empire. Kung ano man ang nangyari sa amin handa ko siyang panagutan. " sagot ko. Tinitigan ako ni Mommy sa mga mata tsaka dahan-dahan na tumango.
"Mukhang hindi ka na nga makapaghintay anak....ano ang plano mo ngayun sa kanya? Kung may nangyari na sa inyo, dapat lang na pakasalan mo na sya..." sagot nito. Saglit akong natigilan.
"Ayos lang ba sa inyo na pakasalan ko na sya? Hindi po kayo nagagalit dahil hindi ko nasunod ang pakiusap nyo sa akin noon na hayaan muna siyang makatapos?" tanong ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Mommy. Tinitigan muna ako nito bago sumagot.
"Kilala kita Rafael dahil anak kita. Inaasahan ko na ang tungkol sa bagay na ito. Alam kong walang sino man ang makakapigil sa gusto mo. Pero masaya na din ako dahil kahit papaano pinaabot mo ng taon. Maghanda ka, kailangan na nating mamanhikan sa pamilya ni Veronica. Hindi ako papayag na hindi kayo maikasal bago tuluyang magsama bilang isang tunay na mag-asawa,." sagot ni mommy.
Hindi naman ako makapaniwala. Unti- unting sumilay ang masayang ngiti sa labi ko. Pagkatapos lumapit ako dito at hinawakan sa mga kamay.
"Talaga po? Pero pinapirma ko na sya kagabi ng marriage contract at inaasikaso na ngayun ni Attorney Cruz ang mga pinirmahan namin para iparehistro sa city hall." sagot ko. Kaagad na rumihistro ang pagkagulat sa mga mata ni Mommy. Hindi ito makapaniwalang napatitig sa akin.
"At ginawa mo iyun ng hindi man lang sinasabi sa amin Rafael?" tanong nito. Atubili akong tumango.
"Pasaway ka talagang bata ka! Pwede naman kayong magpakasal na kasama kami ah? Kahit na sa huwes lang muna. At least may ritual at palitan ng I do's." sagot ni Mommy.
"Kayo na din po ang palaging nagsasabi na sigurista ako eh. Ginawa ko iyun para wala ng kawala sa akin si Veronica. Mahirap na, baka maagaw pa siya ng iba sa akin. Kapag mangyari iyun, baka magkaroon pa kayo ng anak na kriminal," natatawa kong sagot. Kaagad naman akong nahampas ni Mommy sa balikat..
"Ewan ko sa iyong bata ka! Tiyak na magtatampo sa iyo ang mga kapatid mo sa mga pinanggagawa mo. Hindi ka man lang kumunsulta sa amin tungkol sa mga ganitong bagay. Talagang ginawa mo kung ano ang gusto mo." sagot ni Mommy.
"Hindi po kasi ako sure kung papayag kayo kaya inunahan ko na. Pero huwag po kayong mag-alala. Pag-uusapan pa namin ni Veronica ang pagpapakasal sa simbahan. Of course kasama na kayo doon sa pagpaplano." natatawa kong sagot. Napapailang na lang si Mommy. Kilalang kilala nito ang ugali ko at kapag gusto ko ginagawa ko talaga.
"Basta siguraduhin mo lang na mahal mo talaga si Veronica. Ayaw ko ng makarinig pa na kung sinu-sinong mga babae ang nilalandi mo! Huwag na huwag mo siyang sasaktan dahil kahit na anak kita hindi talaga kita kakampihan kapag may kabulastugan kang ginawa." seryosong wika ni Mommy. Natatawang tumango naman ako at itinaas ko pa ang kanan kong kamay na parang nanunumpa.
"Promise po! Sigurado na ako Mom. Mahal na mahal ko siya at sigurado na ako na siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." sagot ko. Agad naman napangiti si Mommy. Pagkatapos nakangiting hinaplos nito ang mukha ko.
"Parang kailan lang. Alam mo bang hindi namin akalain na may isang Rafael na darating sa buhay namin? Kaya nga sa iyo natoon lahat ng attention namin. Lumaki kang spoiled at barumbado.. Pero look at you now, alam kong dahil kay Veronica kaya ka nagtino. Kaya ka pumayag na pamahalaan ang Villarama Empire na siyang labis ikinatuwa ng iyong ama. wika nito na may ngiti sa labi.
"Mom,, hindi po ako barumbado!" wika ko na may halong lambing sa boses. Natawa ito.
"He! Anong hindi? Nakalimutan mo na ba ang mga pinanggawa mo noon?" wika ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Pagkatapos tumayo na ako at nagpaalam na dito.
"Basta Mom, mabait na po ako ngayun. Malapit ko na din kayong mabigyan ng apo ni Daddy." wika ko sabay kindat dito. Agad naman itong natawa at tumayo na din.
"Mas matutuwa ako kapag mabigyan mo kami ng isang dosenang apo Rafael. Masyadong kakaunti ang miyembro ng pamilya Villarama. Iyung mga kapatid mo wala na yatang balak pang dagdagan ang mga anak nila." wika ni Mommy.
Tumawa lang ako at tuluyan ng umalis. Kailangan kong makabalik ng opisina. Kailangan ko din alamin kung ano ang desisyon ng iskwelahan sa ka-klase ni Veronica na nanakit dito. Hindi ako papayag na papasok ng School si Veronica na may banta ng pambu-bully dito. Gusto ko ng tahimik na kapaligiran para dito.
Saktong palabas na ako ng mansion ng masalubong ko ang isa sa mga pamangkin ko na si Jeann. Agad kong napansin ang pamumula ng mga mata nito kaya naman napahinto ako sa paglalakad at hinintay ko na tumapat sa akin.
"Good Morning Uncle!" agad na bati nito sabay yuko. Gusto yatang itago ang pamumula ng mga mata nito.
"Ang aga mo yata ngayun? Wala kang pasok sa School?" tanong ko. Saglit itong natameme bago sumagot.
"Nandyan po ba si Veronica?" tanong nito. Mataman ko itong tinitigan bago sinagot
"Hindi siya pwedeng isturbuhin. Nasa kwarto siya nagpapahinga." sagot ko. Napasulyap muna ito sa akin bago muling nagsalita.
"Nag- -nagtext na po ako sa kanya na darating ako. Ini-expect nya na ako Uncle." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapailing bago sumagot.
"bahala ka na nga! Basta huwag mo siyang isturbuhin ha? Kailangan nyang magpahinga."Sagot ko at kaagad ko na itong tinalikuran. Alam ko naman na hindi din susunod sa sinabi ko si Jeann. Diretso na akong naglakad papuntang kotse at sumakay. Agad kaming bumyahe pabalik ng opisina.
VERONICA POV
Napa-idlip na ako ng marinig ko ang marahan na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Kaagad akong napasulyap sa orasan na nasa bedside table ko at bumangon. Wala akong idea kung sino ang nasa labas. Imposibleng si Rafael iyun dahil hindi naman marunong kumatok ang lalaking iyun. Bigla na lang itong pumapasok ng kwarto ko.
Kahit na tinatamad, wala na akong nagawa kundi ang bumangon na. Baka importante ang kailangan ng taong nasa labas.
Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ay agad kong nakita si Jeann. Nagtataka akong napatitig dito lalo na ng mapansin ko na mukhang galing ito sa pag iyak.
"Jeann, napadaan ka?" tanong ko at kaagad itong pinapasok. Kaagad naman itong naupo sa kama ko sabay hikbi. Tulalang napatitig ako sa kanya.
A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Napagalitan ka ba nila Ate Arabella?' tanong ko at kaagad itong dinaluhan. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa kanya para mapatahan siya.. Ngayun ko lang din kasi nakitang umiyak si Jeann. Kadalasan nakatawa ito kapag dumadalaw dito sa mansion ang buong pamilya.
"Nica, ano ang gagawin ko?" tanong nito. Naguguluhan akong napatitig sa kanya.
"Ano ang ibig mong sabihin? Teka, linawin mo nga, ano ang problema mo? tanong ko. Napahid muna ito ng luha sa mga mata bago tumitig sa akin.
"Bu-buntis ako."sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Jeann.
Teka prank ha ito? Jeann naman hindi nakakatuwa iyang sinasabi mo!" sagot ko. Lalo itong umiyak.
"Sa-sana nga nagbibiro lang ako....pero talagang buntis ako!" wika nito sa kabila ng paghikbi. Hindi naman ako makapaniwala. Ilang saglit din akong hindi nakaimik bago ito sinagot.
"Buntis ka? Pero paano? I mean, wala kang nababanggit na may boyfriend ka diba?" tanong ko.
Nakakapagtaka! Halos linggo-linggo kaming nagkakausap tatlo nila Charlotte at never nabanggit ang tungkol sa pagkakaroon nito ng kasintahan. Ni crush nga wala itong nababanggit pagkatapos sasabihin nya ngayun na buntis siya? Grabe naman!
Chapter 224
VERONICA POV
"Sino ang ama?" tanong ko kay Jeann na noon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Naaawa na ako dito pero ano nga ba ang pwede kong maitulong.
"Si Drake!" sagot nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
"Si Drake? Drake Davis? Isa sa mga kaibigan ni Rafael?" tanong ko para makasiguro. Paanong si Drake. Eh simula noong pagkatapos ng birthday party ni Peanut hindi ko na nakikita ang mga iyun. Wala din naman itong nabanggit na niligawan siya ni Drake. Kaswal lang naman ang turingan nila noong nasa Yate kami.
"Oo. Si Drake Davis. Ano ang gagawin ko? Ayaw kong madis-apppoint sila Mommy at Daddy sa akin. Natatakot ako sa posible nilang maging reaction kapag malaman nila ito." sagot nito.
Hindi pa rin ako makapaniwalang napatitig dito.
"Boyfriend mo pala siya? Alam ba ito ni Rafael?" tanong ko. Kaagad itong umiling.
"Hi-hindi ko siya boyfriend." sagot nito. Nagulat naman ako. Posible ba iyun? Paano siya nabuntis kung hindi nya boyfriend si Drake? Hay ang gulo ni Jeann.
"Teka....Paano ka nabuntis kung hindi mo siya boyfriend? Tsaka wala kang nababanggit sa amin tungkol dito Jeann kaya naguguluhan ako." sagot ko. Kaagad itong nagpunas ng kanyang mga mata tsaka tumitig sa akin.
"Nagkayayaan kaming mag bar ng mga classmates ko two months ago. Sa bar kami ni Drake napadpad. Nalasing ako pagkatapos nagising na lang ako na katabi ko na siya sa kama doon sa condo niya." umiiyak na sagot nito.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito.
"Ano? Teka, ibig mong sabihin ni-rape ka ni Drake?" Hindi ko mapigilan na mapalakas ang boses ko ng tanungin ko ito. Kaagad naman itong suminyas na hinaan ang boses ko.
"Hindi...gi-ginusto ko din ang nangyari." sagot nito. Lalo naman akong naguluhan sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala.
"Paanong ginusto? Jeann, klaruhin mo nga. May nangyari sa inyo ni Drake sa condo at paano ka napunta sa condo nya?" tanong ko.
"Kusa akong sumama sa kanya." sagot nito. Napakamot na ako sa aking ulo dahil sa gulo ng kwento ni Jeann.
"Sumama ka sa kanya dahil lasing ka?" tanong ko.. Kaagad itong tumango.
"Jeann naman, hindi mo pala siya nobyo pero pumayag kang may mangyari sa inyong dalawa tsaka bakit ka sumama sa kanya. Lalaki siya, babae ka..." sagot ko.
"Hindi ko naman akalain na may mangyayari sa amin eh. Akala ko hahayaan nya lang akong matulog. Pero nagising ako na hinahalikan nya na ako at nadala ako." sagot nito.
"Paano ngayun iyan? Alam ba ni Drake na buntis ka?" tanong ko. Kaagad itong umiling.
"Hindi nya alam dahil pagkatapos ng may nangyari sa amin hindi na kami nagkita ulit. Isa pa, may girl friend na siya at balita ko magpapakasal na sila.' sagot nito sa kabila ng pag-iyak. Kaagad naman akong nakaramdam ng awa para dito.
"Gago pala siya eh. Pagkatapos ka nyang pakialaman parang wala lang sa kanya ang lahat? Baliw ba ang Drake na iyun? Isusumbong ko siya kay Rafael." Naiinis kong sagot. Kaagad naman itong tumitigil sa pag iyak at umiling.
"Huwag! Baka...baka awayin siya ni Uncle." sagot nito.
"Jeann, sooner or later malalaman din ito ni Rafael at ng buong pamilya. Ano ang plano mo ngayun? tanong ko. Muli itong naluha.
"Hindi ko nga din alam eh. Bakit ba kasi nabuntis ako. Isang beses lang naman na may nangyari sa amin eh." sagot nito at halata sa boses ang pagsisisi. Natigilan naman ako at hindi maiwasan na kabahan ng sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Rafael kagabi. Paulit-ulit na may nangyari sa amin at baka mabuntis din ako.
Sa isiping iyun bigla lalo akong kinabahan. Paano nga ba kung mabuntis ako? Paano ang pag-aaral ko? Ano na lang ang iisipin nila Tita at Tito sa akin?
"Bakit ka natulala na dyan? Sabi ko ano ang gagawin ko? Paano ko sasabihin kina Mommy at Daddy ito?" tanong nito at kinalabit pa ako. Sandali din kasi akong napatulala.
"Hi-hindi ko din alam. Paano nga ba?" tanong ko "Veronica naman eh. Kaya nga ako pumunta dito para hingin ang opinyon mo eh. Hindi ko din alam ang gagawin ko." sagot nito.
"Kay Tita Carissa na lang muna natin sabihin ang problema mo. At least kung sa Grandma mo baka maintindihan ka nya. Sa buong Villarama, si Tita Carissa ang pinakamabait.:" suhistiyon ko. Sandali itong nag-isip bago sumagot.
"Baka magalit sa akin si Grandma." sagot nito.
"Ikaw...pwede naman sa Mommy Arabella mo muna sabihin." sagot ko. Kaagad itong umiling.
"hindi pwede! Magagalit si Mommy at baka kalbuhin ako noon. Mabait lang iyun kapag wala kang kasalanan na nagawa." sagot nito. Napailing naman ako.
"Eh kanino nga natin unang sasabihin ang problema mo. Hindi pwedeng itago mo ito ng matagal Jeann. Paano kung lumaki na iyang tiyan mo? Malalaman at malalaman din nila kaya hanggat maaga pa sabihin mo na." sagot ko.
"paano kung tanungin nila ako kung sino ang ama? Ano ang isasagot ko:" tanong nito.
"Siyempre, sabihin mo ang totoo. Ituro mo si Drake. Siya ang ama diba? Hindi naman pwedeng suluhin mo ang problemang iyan. Kayong dalawa ang gumawa sa batang iyan kaya dapat pareho niyong panindigan." sagot ko.
"Ma-maiintindihan kaya ako ni Grandma? Nica, gulong gulo na ako. Ilang araw na akong hindi mapakali dahil sa problemang ito." sagot nito.
"Jeann, blessings ang batang iyan. Wala ka ng magagawa pa kundi harapin ang lahat. Malalagpasan mo rin ito, magtiwala ka lang." sagot ko.
'Sige, basta....basta samahan mo akong ipagtapat ito kay Grandma." Kaagad naman akong tumango.
"Hindi bat sabi mo ikakasal na si Drake? Paano ngayun iyan? Ready ka ba na maging single mother?" tanong ko. Lalong lumungkot ang awra nito. Naaawa naman akong napatitig sa kanya. Bakit ba napaka-komplikado ng sitwasyon ni Jeann. Kawawa naman.
"Hayaan na lang natin siya. Hanggat maari ayaw kong pilitin ang taong ayaw sa akin." malungkot nitong sagot. Ilang saglit akong napatitig sa kanya bago nagtanong.
"Mahal mo ba siya?" seryoso kong tanong. Kaagad na umiwas ang tingin nito sa akin.
"Hindi ko alam." sagot nito.
"Jeann, pumayag kang may mangyari sa inyo na hindi mo alam kung may nararamdaman ka sa kanya?" tanong ko. Tumitig ito sa akin.
"Bakit, ikaw ba may mahal ka na din ba? i mean, nakakaramdam ka na ba ng pagmamahal sa isang lalaki?" tanong nito. Tingnan mo itong babaeng ito, siya ang tinatanong ko pagkatapos ibabalik nya sa akin ang tanong na iyan.
"Oo naman, may minamahal na ako." pag-aamin ko sabay ngiti. Napatitig ito sa akin.
"Si Uncle?" tanong nito na habang may ngiting nakaguhit sa kanyang labi. Nahihiya naman akong napabaling ang tingin sa may bintana. Paano nya kaya nalaman?
"Huwag ka ng magkaila. Alam kong si Uncle. Noon pa man alam na namin na may something sa inyong dalawa." sagot nito. Hindi ako nakasagot.
"Sana all na lang talaga. Buti pa kayo mukhang nagkakaintindihan na. Paano kaya ako nito, hindi na nga ako mahal ng lalaking gusto ko, nabuntis pa ako." malungkot nitong wika.
"Tatanggapin mo na lang ba na mapunta siya sa iba? Na hindi nya pananagutan ang batang nasa sinapupunan mo?" tanong ko.
"Ano nga ang gagawin ko? Sa sarili ko ngang pamilya hindi ko masabi-sabi ang problemang ito eh...kay Drake pa kaya." sagot nito. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.
"Isusumbong natin siya kay Rafael.
Sabihin natin na binuntis ka ng kaibigan nya. Baka makatulong ang Uncle mo sa problemang ito. Kaysa naman makalbo ka ni Ate Arabella kung wala kang maiturong ama ng anak mo." sagot ko. Napaisip ito.
"Sa palagay mo kaya may maitutulong si Uncle?Baka naman bugbugin niya si Drake at magalit sa akin iyun?" tanong nito. Napangiti ako.
"Subukan natin. Hintayin natin siyang makauwi. Kung hindi mo kaya na magsabi sa kanya, ako na lang." wika ko. Alanganin itong napatango. Pagkatapos mataman akong tinitigan kasabay ang pagkunot ng noo. "Ano nga pala ang nangyari sa iyo? Bakit ka napaaway?" tanong nito. Wala sa sariling kinapa ko ang aking ulo na may benda bago ko ito sinagot.
"Natumba ako sa classroom namin. Itinulak ako ng classmate kong maldita. Pero tapos na din iyun, inaayos na ni Rafael ang problemang iyan. Papasok ulit ako ng School kapag magaling na ako." sagot ko. Napatango ito.
"Ngayung girl friend ka na ni Uncle, huwag kang pumayag na ibully ka ng iba diyan. Hindi mo deserve iyun." sagot nito. Nagtaka naman ako. Paano niya nalaman na girl friend na ako ng Uncle nya. Hindi ko pa naman nababanggit iyun.
"Teka, paano mo nasabing magshota na kami ni Rafael?" tanong ko. Natawa ito ay itinuro ang leeg ko.
"Paano mo maipapaliwanag iyang nasa leeg mo? Talo mo pa ang sinipsip ng bampera." tatawa-tawa nitong sagot. Mukhang nakalimutan nito na kanina lang ay todo ang emote nito dahil sa problema nya. Bigla akong nahiya at napatakbo sa vanity mirror ko. Kaagad kong sinipat ang leeg ko at napangiwi ako na nagkulay violet na pala ang bahaging ilang beses sinipsip ni Rafael kagabi.
"Yari ka..mukhang sabay tayong mamimili nito ng maternity dress." tawa ng tawa ito ng sinabi nya ang bagay na iyun. Napalunok naman ako sa kaba na nararamdaman ko. Paano nga pala kung mabuntis ako nito? Maraming beses kaming nagtalik ni Rafael kagabi?
Chapter 225
RAFAEL POV
Sa wakas natapos din ang oras ng trabaho. Excited akong lumabas ng opisina at diretsong naglakad palabas. Kaagad akong pinagbuksan ng pintuan ng kotse ng isa sa mga bodyguard ko ng mapansin nito ang paglabas ko. Mabilis naman akong sumakay at inutusan ang driver na magdrive na pauwi ng mansion.
Sobrang na miss ko na si Veronica. Gusto ko na itong makita at mayakap. Kung pwede nga lang isama ko ito kahit saan ako magpunta gagawin ko. Siguro nga nababaliw na ako sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.
Sana lang maayos na ito ngayun at nakapagpahinga na. Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog mamayang gabi at sa mga susunod pang mga gabi.
Bahala na, hindi talaga ako papipigil kahit kanino. Pwede na kami magsama bilang isang tunay na mag-asawa dahil sa pinirmahan namin pareho na marriage contract na naisubmit na kanina ng lawyer ko sa city hall.
"Pagdating ng mansion kaagad akong bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok sa loob. Umakyat ng hagdan at diretsong naglakad patungo sa kwarto ni Veronica.
Hindi na ako kumatok pa. Diretso ko ng binuksan ang pintuan at pumasok para lang madismaya dahil may kasama si Veronica dito sa kwarto. Walang iba kundi si Jeann at sa ayos ng mga ito mukhang kanina pa sila nag- uusap.
"Uncle...ano ba iyan, pasok ng pasok hindi marunong kumatok." kaagad na reklamo ni Jeann pagkakita sa akin. Very relax itong nakupo sa kama at mukhang may importante silang pinag-uusapan.
Hindi ko ito pinansin. Diretso akong naglakad patungo kay Veronica at hinalikan ito sa labi. Napansin ko kaagad ang pamumula ng pisngi nito pagkatapos kong halikan sabay sulyap kay Jeann.
Siguro hindi pa ito sanay na nakikita kami ng ibang tao na ganito ka- intimate. Well, step by step masasanay din siya dahil ngayun pa lang gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ako ka sweet pagdating sa kanya.
"Kumusta ang maghapon mo?" masuyo kong tanong dito. Kaagad itong napangiti sa akin. Ngiti na halos tumunaw sa puso ko. Ngiti na hindi ako magsasawang makita sa kanya.
"Ayos lang naman. Nandito lang kami sa loob ng kwarto ni Jeann. May pinag- uusapan kasi kami....importante."
sagot nito kasabay ng paghawak sa kamay ko. Umusog ito para makaupo ako sa tabi nya na siyang kaagad kong ginawa. Sumandal ito sa headboard ng kama habang magkahawak ang aming kamay.
"Sweet naman ni Uncle. Sana all na lang talaga." narinig ko pang sambit ng pamangkin ko. Tinapunan ko ito ng istriktong tingin at kaagad kong napansin ang pamamaga ng mga mata nito. Hindi ko mapigilan ang magtaka. Ano kaya ang problema ng babaeng ito? Maghapon na siyang nandito sa mansion ah?
"What are you doing here Jeann? Dont tell me wala kang balak na umuwi sa inyo?" tanong ko sa pamangkin ko. Kaagad kong napansin ang pagyuko nito. Mukhang may problema nga itong itinatago sa pamilya.
"Rafael, huwag mo siyang sungitan." narinig kong bulong ni Veronica.
Masuyo ko itong tinitigan. Ang sarap pa sana halikan ng halikan ng mahal ko. Kaya lang may ibang tao dito sa kwarto. Ayaw kong mailang ito kaya mamaya na lang siguro pagkaalis ni Jeann.
"Ano ba ang problema Jeann? Bakit nandito ka? Wala kang pasok sa School?
tanong ko sa pamangkin ko. Baka mamaya may balak pa itong dito matulog sa kwarto ni Veronica. HIndi ako papayag. Gusto kong makatabi sa pagtulog ang mahal ko. Total alam na ni Mommy ang tungkol sa aming dalawa and for sure nabanggit na din ito ni Mommy kay Daddy.
Napansin ko ang kaagad na pagtitig ni Jeann kay Veronica kaya nagtaka ako. Muli akong napatingin kay Veronica. Mukhang may alam na ito sa problema ng kaibigan.
"Anong problema nya Sunshine? Nabanggit nya ba sa iyo?" masuyo kong tanong. Kaagad kong napansin ang muling pagsulyap ni Veronica kay Jeann bago sumagot.
"Buntis si Jeann." maya-maya narinig kong wika ni Veronica. Kaagad akong nagulat. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa pamangkin ko. May boyfriend ba ito? Ang alam ko pihikan ito. Hindi nga nagpapaligaw? Tapos ngayun buntis? Paano nangyari iyun?
"Ano? Buntis? Jeann, sino ang ama?" kaagad na tanong ko. Tinitigan ko ito habang nakayuko at kaagad kong napansin ang kaagad na pagtulo ng mga luha nito sa mga mata. Napakunot ang noo ko.
"Si Drake daw." muling sagot ni Veronica. Lalo akong nagulat. Paanong si Drake. Wala itong nababanggit sa akin na pinupormahan nito ang pamangkin ko. Wala itong nababanggit na may relasyon sila ni Jeann. Lahat ng babae na dumating sa buhay namin na magbabarkada, alam na alam namin. Walang taguan ng sekreto kung baga.
"Si Drake Davis?" tanong ko. Lalo itong umiyak.
"Come on Jeann! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon? Bakit hindi ko ito alam?" galit kong tanong. Lalo itong napahagulhol ng iyak.
""Sorry po Uncle. Wala po kaming relasyon at hindi ko po akalain na mabubuntis ako."
sagot nito. Hindi ko maiwasan na maikuyom ang aking kamao. Drake Davis...ilang beses ko ng sinabi sa mga kaibigan ko na huwag ang mga pamangkin ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit.
Pamangkin ko si Jeann at alam ko kung ano ang karakas ng mga kaibigan ko. Kaya nga kinausap ko sila noon na huwag na huwag ang mga kadugo ko ang biktimahin nila. Huwag silang magtangka na makipaglapit sa kahit isa sa kanila dahil alam kong wala silang balak na magseryoso. Sa aming apat ako pa lang yata ang nagseryoso sa isang babae. Dahil iyun kay Veronica.
"Ginawa ka nyang ka-fling? Ganoon ba? At pumayag ka naman?" Gigil kong tanong ko. Lalong napayuko si Jeann. Tumayo ako at naglakad.
Humanda sa akin ang gago na iyun!"Mahina kong wika na hindi nakaligtas sa pandinig nilang dalawa. naikuyom ko pa ang kamao ko dahil sa sobrang gigil.
"Uncle, hindi nya pa alam na buntis ako. Hindi na kami nagkikita simula ng may nangyari sa amin. Promise, isang beses lang iyun." muling wika ni Jeann sa kabila ng pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mapaismid.
"Alam na ba ito nila Ate at Kuya?"
tanong ko. Kaagad itong umiling.
"kayong dalawa pa lang ni Veronica ang nakakaalam. Uncle, ano ang gagawin ko? Magagalit sila Mommy at Daddy kapag malaman ito. Ayaw kong madis-appoint sila sa akin." umiiyak na muling wika nito. Naiiling naman ako.
"Sa palagay mo matutuwa sila sa mga pinaggagawa mo Jeann? Hindi pwedeng hindi panagutan ni Drake ang batang iyan. Kakausapin ko siya."
naiinis kong sagot. Hindi ko akalain na may problema pala na sasalubong sa pag-uwi ko dito sa mansion. Paano ko masusulo nito si Veronica kung sumingit ang problema ng pamangkin ko,
"Uncle...No! Huwag nyo po siyang awayin!" pigil pa sa akin ni Jeann. Tiningnan ko ito ng masama kaya nanahimik ito.
"Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa. Nagpadala ako ng mensahe sa aking mga kaibigan na magkikita kami mamaya sa mismong bar ni Drake. Lagot talaga sa akin ang lalaking iyun. SA dinami-daming babae na pwedeng buntisin, pamangkin ko pa talaga.
"Doon ka na muna sa labas. Maghanap ka ng lugar kung saan ka pwede magpahinga dahil sasama ka mamaya. Pupuntahan natin ang Drake na iyun.!" utos ko kay Jeann. Kaagad itong nagpahid ng luha sa kanyang mga mata.
"Uncle, hindi pa ako ready na makita siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko." sagot nito.
"Ngayun pa lang magpractice ka na kung ano ang sasabihin mo sa kanya Jeann. Teka, ano ang gusto mo? Tatawagan ko ang mga magulang mo at ako mismo ang magsabi sa kanila tungkol sa mga pinanggagawa mo? Na buntis ka?" nafinis kong tanong. Maluha-luha itong umiling.
"Pwes...maghanda ka! Aalis tayo mamaya! Sa ngayun maghanap ka ng ibang lugar kung saan mo gustong tumambay. Huwag dito sa kwarto ni Veronica dahil kailangan din nyang magpahinga." wika ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag- ismid nito. Hindi ko na lang pinansin.
"Pwede bang dito na lang ako Uncle. At least kapag nandito ako alam kong may karamay ako sa problema ko." reklamo nito. Napailing ako.
"Jeann, kung gusto mong tulungan kita diyan sa problema mo, sumunod ka. Lumabas ka muna. Natural, bigyan mo kami ng kahit kaunting privacy ng asawa ko." naiinis kong wika. Kaagad itong natulala habang nagpapalipat- lipat ang tingin sa aming dalawa ni Veronica.
"Asawa? Tsk! Nananaginip ka na naman Uncle!" sagot nito sabay tayo.
"Nica...sa labas na muna ako. Good luck sa presensya ng masungit kong Uncle." wika nito bago tuluyang lumabas ng Kwarto. Napapailing na lang ako bago naglakad papuntang pintuan. Ini-lock ko iyun. Baka bumalik pa ang makulit kong pamangkin.
"Paano ngayun iyan Rafael. Buntis si Jeann. Paano kung mabuntis din ako?" tanong ni Veronica sa akin. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang takot sa mga mata nito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Eh ano ngayun kung mabuntis ka. Mag -asawa na tayo Sunshine at normal lang ang ginagawa natin. Magbunga man eh di mas maganda." Nakangiti kong sagot bago ito hinalikan sa labi. Kanina ko pa ito gustong gawin sa kanya. Napigilan lang dahil sa presensya ni Jeann.
Matagal na magkalapat ang aming labi. Halos ayaw ko na itong pakawalan lalo na at naramdaman ko na marunong ng tumugon si Veronica. Natuto na din ito.
"Hmmmm, masakit pa ba ang katawan mo?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong paghiwalayin ang labi namin. Parang gusto ng kumawala ang anaconda sa brief ko. Gusto kong angkinin ulit ito.
"Medyo." sagot nito. Hindi ko mapigilan na mapabuntong hininga at hinalikan ito sa kanyang leeg.
"Pero kaya ko naman siguro. Dahan- dahan lang katulad kaninang umaga." wika nito. Kaagad akong napangiti. Hudyat iyun para tanggalin ko lahat ng saplot sa katawan nito.
Lalo kaming naging mapusok sa mga susunod na sandali. Asawa ko na ang babaeng ito kaya pwede na namin gawin ang ganitong bagay hanggat gusto namin.
Hindi ko pa rin maiwasan na humanga kapag ganitong hubot hubad na ang mahal ko. Ang ganda talaga ng katawan nito. Nakakapaglaway. Nakakagigil!
Kaagad akong umalis ng kama at nagmamdaling tinanggal lahat ng saplot ko sa katawan. Kailangan kong bilisan ang mga kilos ko. Kanina pa nagwawala ang aking anaconda.
Lalo akong nakaramdam ng pag-iinit ng mapansin ko na namumungay ang mga matang nakatitig sa akin ni Veronica. Sinusundan nito ng tingin ang bawat galaw ko. Hindi ko maiwasan na mapangisi ng muli kong sulyapan ang pagkababae nito. Ano man sandali muli ko na naman matitikman ang masikip nitong lagusan.
Napansin ko pa ang paglaki ng mga mata ni Veronica ng tuluyan ko ng mahubad lahat ng saplot ko sa katawan. Titig na titig ito sa anaconda ko.
"Dont worry Sunshine, paliligayahin ka ulit nito." wika ko at kaagad na pumwesto sa paanan niya. Inamoy ko ang kabibe nito at hindi ko maiwasan na mapapikit ng malanghap ko ang kakaibang amoy noon. Ilang saglit lang ay kaagad akong sumubsob sa bahaging iyun kasabay ng impit na pag -ungol ni Veronica.
"Rafael, teka ano ang gingagawa mo?" wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko na naglulumikot ang katawan nito. Halos mapaliyad ito tuwing sipsipin ko ang kanyang perlas.
"Teka, tama na...hindi ko na kaya..." wika nito na may halong ungol sa kanyang boses. Parang walang narinig na itinuloy ko lang kung ano ang naumpisahan ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na may lumabas na dito. Kaagad ko iyun sinipsip at walang itinira. Ahh sweet! Hindi ako magsasawa na gawin ito sa kanya palagi.
"Ako naman ang paligayahin mo Sunshine." nakangiti kong wika dito nang muli akong bumalik sa kanyang ibabaw. Namumungay ang mga mata tumitig sa akin.
"Paano?" tanong nito. Napangiti ako. Umalis ako sa ibabaw nya at pinatalikod ito sa akin. Gusto kong angkinin ito ng patalikod. Ibang posisyon naman.
Kaagad nitong nakuha ang ibig kong sabihin. Nakatuwad ito kaya naman dali -dali kong itinutok ang aking anaconda sa kanya. Basang basa ito kaya hindi na ako nahirapan pang pasukin ito. Hindi ko maiwasan na mapaungol ng maramdaman ko kung gaano pa rin ito kasikip ng tuluyan ng pumasok ang anaconda ko sa kaloob-looban nito.
Veronica, you're so tigh talaga! "wika ko habang madiin na nag-atras - abante sa kanyang likuran.
Hinawakan ko ito sa kanyang baywang kaya naman lalong naging madiin ang salpukan ng aming katawan.
"Rafael....ughhhh" impit na ungol nito.
"Ganyan nga, sambitin mo ang pangalan ko Sunshine..I love you! I love you very much!" sambit ko.
Chapter 226
VERONICA POV
"Sigurado ka ba na gusto mong komprontahin ngayun si Drake? Baka magkasakitan kayo nyan." wika ko kay Rafael pagkatapos ng mainit na sandali na nangyari sa aming dalawa.
Pareho kaming hubot hubad na nakahiga sa kama habang nakaunan ako sa kanyang braso.
Natatakpan kami ng makapal na comforter kaya naman komportable ang paghiga ko at kahit papano hindi nakabuyangyang ang mga hubad namin na katawan.
"Tiyak na magkakagulo kapag malaman ng pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann. Lalo na ni Ate Arabella. Alam ko kung gaano kasungit ang kapatid kong iyun. Tiyak na magwawala iyun kapag malaman niyang nabuntis ang unica iha nila na walang kasiguraduhan kung pananagutan ba ito ng lalaking nakabuntis sa kanya." sagot ni Rafael. Kaagad ko naman naintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Ibig mong sabihin pupuntahan mo talaga siya sa bar mamaya?" muling tanong ko. Hanggat maari gusto ko itong pigilan. Baka kasi magkasakitan ang magkaibigan at kung ano pa ang mangyari.
"No choice. Kailangan kong makausap ang gagong iyun bago pa magkagulo. Kailangan nyang panagutan si Jeann sa ayaw at gusto nya." sagot ni Rafael. Tinitigan ako nito sa mga mata at hinalikan sa tuktok ng ilong ko. Napapikit naman ako.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagbangon nito. Dumiretso ito sa loob ng banyo at ilang saglit lang ay lumabas din kaagad na may dala- dalang basang bimpo. Kaagad naman
akong napabangon ng mahulaan ko kung ano ang susunod nitong gagawin.
"Magbabanyo ako." wika ko habang nagtatalo ang isipan ko kung aalis ba ng kama at patakbong papuntang banyo na hubot hubad or ibabalot ang sarili ko sa comforter ang hubad kong katawan? Kahit ilang beses ng may nangyari sa amin, nahihiya pa din akong ibalandra dito ang hubad kong katawan. Ah ewan mas pinili ko na lang ang nauna. Hubot hubad kong tinakbo ang pintuan ng banyo bago mabilis na pumasok at isinara. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Rafael dahil sa ginawa ko.
Pagpasok ko sa loob ng banyo agad akong humarap sa salamin. Una kong napansin ang pulang pula kong mukha. Kumakabog din ang dibdib ko. Hindi ko din maiwasan na mapangiwi ng mapansin ko na nadagdagan ang mga kissmark ko mula leeg hanggang dibdib ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Rafael na lagyan ako ng ganitong marka. Sana lang matanggal kaagad ito.
Kaagad akong naglinis ng katawan. Sinugurado ko na maayos ang pagkakasuot ko ng roba bago lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at wala na si Rafael kaya naman mabilis akong pumasok sa loob ng walk in closet para maghanap ng komportableng damit na pwedeng isuot.
Mas pinili ko ang ternong pajama at blause na pambahay. Alam ko din na marami akong kissmark sa leeg kaya nagpasya akong takpan iyun ng cream at foundation. Iyung nga lang visible pa rin kahit anong gawin kong pagpahid kaya wala na akong nagawa pa kundi hayaan na lang. Hindi naman masyadong halata kapag hindi titigan.
Mabilis akong lumabas ng kwarto. Mabuti na lang kaagad kong
nakasalubong si Ate Maricar pagbaba ng hagdan kaya kaagad ko itong tinanong.
"Ate...nakita nyo po ba si Jeann?" tanong ko. Saglit itong tumitig sa akin bago sumagot.
"Ahhh si Jeann ba? Nasa living room kausap nila Madam at Sir pati na din ni Sir Rafael." sagot nito. Kaagad naman akong nagpasalamat at diretsong naglakad papunta doon.
Pagbungad ko pa lang ng living room narinig ko na kaagad ang impit na pag- iyak ni Jeann. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa dito. Mukhang alam na nila Tita at Tito ang tungkol sa pagbubuntis nito.
"Basta ka na lang nagpabuntis sa lalaking hindi mo nobyo? Ano ba ang nangyayari sa iyo Jeann? Kaya pala kanina ka pa nakatambay sa kwarto ni Veronica! Kanina ka pa dito at hindi mo man lang nabanggit sa amin ang problemang iyan!" narinig kong galit na wika ni Tito Gabriel. Sa tono ng boses nito mukhang disappointed ito sa apo.
"Gabriel, tama na iyan. Wala na tayong magagawa kundi tulungan ang apo mo na maayos ang problema na ito. Nakakaawa naman kung pagagalitan pa natin." narinig kong sabat ni Tita Carissa.
"Sorry po! Hindi ko po talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko din po alam kung paano ito sasabihin kila Mommy at Daddy." sagot naman ng umiiyak na si Jeann. Hindi ko tuloy malaman kung papasok ba ako sa living room o hindi. Sa huli nagpasya na lang akong huwag na lang muna. Hahayaan ko na lang muna silang makapag-usap magpapamilya.
Diretso akong naglakad palabas ng mansion Mamaya ko na lang
dadamayan si Jeann pagkatapos siyang sabunin ng kanyang Lola at Lola. Wala din naman akong maitulong para mapahupa ang galit na nararamdaman ng Lolo at Lola sa kanya.
Isa pa kampante ako na hindi naman siguro siya sasaktan ng mga ito physically. Sa loob ng mahigit isang taon na pagtira dito sa mansion, never ko pang nakita na nagsakitan sila.
Chapter 227
VERONICA POV
Nagpasya na lang akong pumunta ng garden. Malapit na dumilim ang buong paligid at masarap na sa balat ang dampi ng hangin. Napakabango pa ng paligid dahil sa mga bulaklak na nag- uumpisa ng mamukadkad.
Talagang alagang-alaga ni Tita Carissa ang lugar na ito. Ang galing talaga nitong mag-alaga ng mga halaman.
Halos mag-iisang oras na akong nanatili sa garden ng marinig ko ang boses ni Manang Espe. Ang
mayordoma ng mansion.
"Diyos ko! Nandito ka lang palang bata ka. Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Rafael?" kaagad na wika nito pagkakita sa akin. Nagulat naman ako. Ang alam ko nasa living room lang si Rafael. Marahil tapos na silang mag- usap.
"Ganoon po ba? Nasaan po siya ngayun. Puntahan ko na lang po." sagot ko.
"Nasa living room sila kasama si Jeann. Teka lang, alam mo na ba ang tungkol sa pagbubuntis ng kaibigan mo?" tanong ni Manang Espe. Kaagad naman akong tumango.
"Naku, nakakaawang bata. Talagang pinagalitan siya ng todo ni Sir Gabriel. Sige na Iha, puntahan mo na sila sa living room." wika ni Manang Espe at kaagad na itong nagpaalam. Kakaba- kaba naman akong naglakad papuntang living room.
Pagkapasok ko ay kaagad akong napatingin kay Rafael. Nakaupo ito sa kabilang bahagi ng sofa at ng mapansin nito ang pagdating ko ay kaagad akong sinenyasan na maupo sa tabi nya.
"Good evening po Tita, Tito!" bati ko sa mag-asawa bago ako naupo sa tabi ni Rafael. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang seryosong mukha ni Tito Gabriel gayundin ni Tita Carissa. Si Jeann naman ay tahimik lang sa kabilang bahagi ng sofa habang nagpupunas ng luha.
"Ikaw naman Rafael, ano ang plano mo kay Veronica? Akala mo ba hindi ko alam iyang mga pinanggagawa mo?" seryosong wika ni Tito. Nagpapalipat- lipat ang tingin nito sa pagitan naming dalawa ni Rafael kaya kaagad akong napayuko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya.
"Seryoso po ako kay Veronica Dad. Alam nyo naman po siguro iyan noon pa diba?" sagot naman ni Rafael sa kanyang ama.
"I know pero....hayyy ewan ko. Bahala ka na nga. Nasa tamang edad ka na para magdesisyon. Pero hindi pwede ang ganito ha? Magready kayo pareho dahil kailangan natin mamanhikan sa mga magulang ni Veronica kapag maayos ang problema kay Jeann."
sagot ni Tito Gabriel. Hindi ko namam maiwasan na makaramdam ng hiya. Sumabay pa talaga ang lahat sa problema ni Jeann..
"Bweno, wala na tayong magagawa. Mukhang totoo ang nabanggit mo noon Gab, pagkatapos ng problema ni Chistian sa lovelife mukhang lovelife ng mga apo natin ang reresulbahin natin. Nauna sa kanilang lahat si Jeann. Mabuti na lang talaga at nagkakaintindihan na itong si Rafael at Veronica. Hindi ganoon ka-complikado ang pag-iibigan nila" sagot ni Tita Carissa.
"Ano pa nga ba ang magagawa natin Sweetheat kundi ang intindihin sila. Mga kabataan nga naman ngayun...kay pupusok!" sagot ni Tito gabriel sa asawa.
"Dad naman, parang hindi ka din naman dumaan sa ganitong edad. At least kaming dalawa ni Veronica, legal na kung batas ang pag-uusapan. Naayos na ni Attorney Cruz ang tungkol sa pagpaparehistro ng kasal namin." katwiran ni Rafael sa kanyang ama.
"Huwag mong ipagmalaki sa akin iyan Rafael. Hindi pa rin sapat iyan. Kailangan mong iharap sa dambana si Veronica dahil iyan ang importante para magkaroon kayo ng payapang pagsasama. Oo, sa huwes kami unang ikinasal ng Mommy mo. Pero pinakasalan ko din siya sa simbahan dahil mahal na mahal ko siya!" sagot ni Tito Gabriel at inakbayan pa nito ang asawa at matamis na nginitian.
Sa totoo lang, wala pa akong alam kung paano nag-umpisa ang love story nila tita Carissa at Tito Gabriel. Pero alam kong exciting iyun at masarap pakinggan kung may magkikwento lang. Napaka-perfect kasi nilang tingnan. Napaka-sweet din nila sa isat isa.
Pangarap ko na maging katulad din nila kami ni Rafael hanggang sa pagtanda. Sana kahit maputi na ang buhok namin kami pa rin dalawa ang magkasama. Katulad nila Tita Carissa at Tito Gabriel.
"Rafael, tawagan mo na ang magaling mong kaibigan. Gusto ko magpakita siya ngayun din dito sa mansion. Huwag na nya kaming hintayin na ako pa ang gumawa ng paraan para mapilitan siyang magpakita sa atin dahil malilintikan talaga sa akin ang lalaking iyun!" wika ni Tito Gabriel. Kaagad naman tumango si Rafael.
"Dad, ako na ang bahala tungkol sa bagay na iyan. Tinawagan ko na siya at papunta na dito." sagot ni Rafael. Nakahinga ako ng maluwang kahit papaano. Hindi na pala kailangan pang pumunta ng bar ni Rafael para makausap ang kaibigan.
"Grandpa, huwag nyo naman po sanang saktan si Drake! Please...hindi nya pa po alam ang tungkol dito." nakikiusap naman na sagot ni Jeann.
"Hindi kayang madala sa maayos na usapan ito Jeann. Kailangan kang panagutan ng lalaking iyun sa ayaw at gusto nya." maawtoridad na sagot ni Tito Gabriel. Kaagad naman napayuko si Jeann.
"Sweetheart, pakitawagan na sila arabella at Kurt. Papuntahin mo sila dito sa mansion ngayun din. Kailangan nandito din sila mamaya sa pagdating ng Drake na iyun." wika ni Tito kay Tita Carissa. Kaagad naman tumango si Tita at kinuha ang kanyang cellphone.
"Grandpa, No...baka po kalbuhin ako ni Mommy kapag malaman niya ito. Nakakatakot po siyang magalit."
muling sagot ni Jeann. Kitang kita sa mukha nito ang pagkabalisa.
"Wala ka ng choice kundi harapin ito Jeann. Malalaman at malalaman ito ng mga magulang mo kahit na anong gawin mong tago." sagot naman ni Tita Carissa. Napatingin naman si Jeann sa kanyang Tito Rafael pero hindi na ito nagkomento. Tumayo ito bago muling nagsalita.
"Malapit na si Drake Dad. Aabangan ko lang po siya sa labas." paalam nito sa ama. Kaagad naman tumango si Tito
Gabriel.
"Padiretsuhin mo siya dito sa living room pagdating nya. Gusto ko ng makaharap ang lalaking iyun." sagot ni Tito Gabriel. Kaagad naman tumango si Rafael at hinila ako patayo.
"Veronica, huwag ka ng sumama sa kanya. Dito ka lang." pigil pa ni Jeann ng mapansin nito na isasama ako ni Rafael paglabas. Kaagad itong tinitigan ng masama ni Rafael bago nagsalita.
"Dito ka lang. Huwag kang magtangka na sumunod sa amin." wika nito sa pamangkin. Kaagad kong napansin ang pag-ismid ni Jeann kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Eh bakit kayong dalawa...illegal din naman ang ginagawa nyo ah? Parang mag-asawa na kayo kung magturingan pero hindi ko narinig na pinagalitan kayo nila Grandmama at Grandpapa." angal ni Jeann. Hindi ko mapigilan ang mapasulyap kina Tita at Tito.
Kaagad kong napansin ang pigil na pagngiti ng mag-asawa kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng galak. Ibig lang sabihin nito, hindi sila tutol sa kung ano mang namagitan sa aming dalawa ngayun ni Rafael.
Hawak kamay kaming lumabas ni Rafael ng mansion. Naglakad kami papuntang pool at naupo sa isa sa mga upuan na nandoon.
"Talagang masyadong natakot si Jeann sa sitwasyon nya ngayun. Kawawa naman siya." wika ko kay Rafael pagkaupo namin. Mataman akong tinitigan sa mukha sabay ngiti.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang sugat sa ulo mo?" imbes na sagutin nito ang tungkol sa sitwasyon ni Jeann iba ang katagang lumabas sa bibig nito.
"Ok na. Hindi na sya masakit. Hindi katulad kanina." sagot ko. Kaagad itong tumango at hinaplos ako sa mukha.
"Alam mo ba kung gaaano ka kaganda Veronica? Alam mo ba kung gaano kita kamahal?" malambing nitong wika. Para naman akong namamagnet na napatitig sa gwapo nitong mukha.
"Mahal na mahal kita higit pa sa kung anong meron ako ngayun. Ilang araw ka pa lang dito sa mansion noon pero alam ko na sa aking sarili na ikaw na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Kaya nga nagsikap para matuto kaagad na pamahalaan ang Villarama Empire. Gusto ko na kahit gaano ako ka-busy marami pa rin akong time na maibigay sa iyo." masuyo nitong sagot. Napakurap ako ng makailang ulit bago ko nagawang magsalita.
"Mahal din naman kita kahit palagi mo akong sinusungitan. Kahit naman kang galit, sinisegurado mo pa rin na ibigay lahat ng pangangailangan ko.
Nararamdaman ko ang pag-aalaga mo kahit wala ka. Iyun nga lang... ang tagal mong hindi nagpakita sa akin. Pagkatapos mo akong landi-landiin noon bigla ka na lang naglaho." sagot ko. Hindi ko mapigilan na mapatitig sa diamond ring na suot ko. Ang ganda talaga nito. Kumikinang sa tama ng liwanag ng ilaw.
"At nagtatampo ka dahil doon?" sagot nito. Tumitig muna ako sa mukha nito tsaka tumango. Muli itong napangiti.
"Talagang sinadya ko iyun. Aware sila Mommy at mga kapatid kong babae tungkol sa nararamdaman ko sa iyo. Kinausap nila ako. Sinabi nila na masyado ka pang bata para ligawan. Na kung pwede hayaan muna kitang ma-grow at matupad muna lahat ng pangarap mo. Isa pa, kailangan ko munang pagtoonan ang kumpanya namin. Nag-aalburuto na si Kuya Christian at gusto nya na talagang kumawala sa Empire dahil may sarilng negosyo din ang kanyang pamilya na dapat nilang pagtulungan ni Ate Carmella....."
"No choice kundi sundin ko muna sila at tutukan ang Empire sa loob ng halos isang taon. Hindi naman nasayang ang sakripisyo ko at kaagad akong natuto.... pero alam mo bang ilang beses kitang pinasok sa kwarto mo tuwing umuuwi ako ng mansion? Grabe ka kasi matulog kaya hindi mo ako
nararamdaman..." mahabang wika nito. HIndi ko naman maiwasan na magulat sa huli nyang sinabi.
"Palagi kang pumapasok ng kwarto ko? Bakit hindi mo ako ginigising para makita din kita?" tanong ko.
"Baka kasi sungitan mo ako eh..... hehehe!" natatawa nitong sagot..
nagkunwari akong napasimangot.
"Ang daya nito. Alam mo bang miss na miss kita noon? Nakakainis ka talaga! Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa iyo...na bakit bigla mo na lang akong iniwasan...pagkatapos pasekreto kang pumapasok ng kwarto ko? Ang unfair mo!" sagot ko. Napahalakhak ito kaya hindi ko maiwasan na mapangiti na napatitig sa gwapo nitong mukha. Ibang Rafael na talaga ang nakikita ko ngayun.
"Sorry na po Sunshine. Kailangan kong maging masunuring anak at kapatid noon. Pero tingnan mo naman. Hindi pa rin ako nakatiis. Sinunod ko pa rin ang gusto ko. Bahala na sila...basta masaya ako dahil tuluyan ka ng naging akin." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na muling mapangiti.
Para akong nasa alapaap ng mga
sandaling ito. Kay sarap pala makipag- usap sa taong mahal mo.
Akmang sasagot pa sana ako ng mapansin namin pareho na may tatlong sasakyan na magkasunod na pumasok sa loob ng vicinity ng mansion.
"Talagang nagdala pa ang loko ng back -up." narinig kong wika ni Rafael. ko maiwasan na hawakan ito sa kamay para sana ipaalala na huminahon ito. Huwag sanang magkagulo. Ramdam ko kasi ang galit nila dahil sa pagbubuntis ni Jeann.
"Dont worry, bibigyan ko lang ng leksiyon ang magaling kong kaibigan." wika nito sabay tayo. Saglit ako nitong tinitigan bago nagmamadali na nilapitan ang kakarating lang na mga kaibigan. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Kaagad silang nagbatian. Napansin ko pa na masaya pa ang lahat na nagkamay pero ilang saglit lang ay kaagad na sinapak ni Rafael si Drake. Kaagad akong napatayo at nagmamadali silang nilapitan.
"Bro, ano ba ang problema. Bakit bigla mo na lang sinapak si Drake?" kaagad na awat ni Peanut kay Rafael. Si Arthur naman kaagad dinaluhan ang
natumbang si Drake. Mabuti na din at kaagad akong nakalapit sa kanila at hinawakan ko sa braso si Rafael.
"Gago ang kaibigan natin na iyan. Hindi bat binalaan ko na kayo na huwag ang mga pamangkin ko? Pero bakit binuntis nya si Jeann?" bakas ang galit sa boses ni Rafael ng
sambitin nya ang katagang iyun. Kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan nito.
Lalong lalo na si Drake na patayo na
sana habang alalay ito ni Arthur.
"What? Binuntis mo Jeann?" gulat na tanong ni Peanut kay Drake.
"Buntis siya? Ibig sabihin magkakaanak na kami?" pabulong na tanong ni Drake. Kapansin-pansin ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Kumislap ang mga mata at mukhang bigla nitong nakalimutan ang sapak na natanggap mula kay Rafael.
"Oo! Drake! Hindi bat sinabi ko sa inyo na huwag ang pamangkin ko? Anong klase kang kaibigan! Pati ba naman kadugo ko tataluhin mo?" galit na sagot Rafael. Namumula na ang mukha nito at nakakuyom ang kamao.
"Grabe ka Drake? Hindi mo nabanggit sa amin ito ah? Pinupormahan mo pala si Jeann? Kailan pa?" tanong ni Arthur. Imbes na sagutin ni Drake ang tanong na iyun si ang binalingan nito.
"Handa kong panagutan ang lahat. Sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." sagot naman ni Drake. Mukhang biglang nawala ito sa sarili. Hindi man lang ininda ang sapak na natamo mula sa kaibigan.
"Sorry? gago! Ayusin mo ito Drake ha kung hindi kakalimutan ko talaga kitang naging kaibigan!" galit na singhal ni Rafael dito.sumagot Kaagad naman si Drake.
"Of course! Aayusin ko ito. Kakausapin ko si Jeann." Nakangiting sagot nito. Kung gaano kagalit si Rafael, ganoon naman ito ka-kalmado si Drake. Mabuti na lang talaga at hindi ito gumanti sa sapak na natanggap kay Rafael.
"No need! Sumama ka sa akin sa loob!
Gusto kang makausap ni Daddy! At payong kaibigan, ayusin mo ang sagot mo kung hindi lalabas ka sa lugar na ito ng walang ulo!" inis na muling wika ni Rafael kay Drake. Bigla itong namutla.
"Si...si Tito Gabriel?" tanong nito. Kaagad na tumango si Rafael.
"Naku yari ka Bro! Bakit ba kasi sa dami ng babaeng pwede mong buntisin bakit si Jeann pa? Kailan pa kayo nagdidate? Bakit hindi namin ito alam? "sabat naman ni Peanut. Kitang kita sa mga mata nito ang curiosity.
"Pwede bang sumama nila Peanut at Arthur? Para naman may pwedeng umawat kung sakaling bugbugin ako ni Tito Gabriel." sagot ni Drake. Kaagad na umiling si Rafael. Hinawakan ako sa kamay at hinila papasok ng mansion
"Dito lang kayo! Walang makikialam!
Huwag din kayong magtangka na ipagtanggol ang Drake na iyan!' Bilin ni Rafael kina Peanut at Arthur at sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng mansion. Tahimik naman na nakasunod lang sa amin si Drake.
Pagpasok pa lang ng living room kaagad napatayo si Jeann pagkakita kay Drake. Tumingin pa ito sa gawi ko na parang nanghihingi ng tulong.
"Dad, nandito na si Drake." wika ni Rafael sa ama. Seryosong tinitigan ni Tito Gabriel si Drake na noon ay kita sa mukha ang tension. Bantulot itong lumapit kina Tita at Tito tsaka nagmano.
"Mano po Tita Carissa....Tito Gabriel..." narinig ko pang wika nito. Kaagad naman itong pinagbigyan nila Tita at Tito. Pagkatapos sininyasan itong maupo sa tabi ni Jeann na noon ay hindi mapalagay.
Samantalang kaming dalawa ni Rafael tahimik lang din na naupo sa kabilang bahagi ng sofa.
"Ikaw lalaki, alam mo naman siguro ang dahilan kaya kita pinatawag diba? Alam mo na siguro ang tungkol sa pagbubuntis ng apo ko?" seryosong wika ni Tito Gabriel. Masyadong seryoso ang mukha nito at matalim na tumitig kay Drake. Sumulyap muna si Drake kay Jeann bago sumagot.
"Sorry po Tito! Actually, kanina ko lang din po nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann. ang alam- "hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Drake ng muling sumabat si Tito Gabriel.
lalaki! Hindi mo man lang inalam ang kalagayan ng apo ko pagkatapos ng may nangyari sa inyo?
Anong klaseng lalaki ka? Siguro naman aware ka kung sino si Jeann diba?" sagot ni Tito. Kaagad na napayuko si Drake.
"Grandpapa, hindi po kami magshota kung iyan ang iniisip niyo po... nagkataon lang na may---" naputol ang sasabihin ni Jeann ng muling sumabat si Tito.
"Wala kayong relasyon? Pero nabuntis ka ng lalaking iyan? Jeann, nasa matino ka pa bang pag-iisip? Ano ang ginagawa ng Mommy at Daddy mo at hindi yata nila alam ang mga
pinanggagawa mo!" galit na wika ni Tito Gabriel. Sa pagkakataon na ito, namumula na ang kanyang mukha sa galit kaya kaagad itong inawat ni Tita Carissa.
"Gabriel, huminahon ka! HIndi pwedeng idaan sa init ng ulo ang lahat.
Hayaan mong magpaliwanag ang mga bata tungkol dito. Siguro naman nasa tamang edad na sila para malaman kung ano ang tama at mali." mahinahon na sagot ni Tita Carissa. Hinila pa nito ang asawa na paupo kaya kahit papaano kumalma ng kaunti si Tito Gabriel.
"Kayong dalawa...ano ngayun ang plano nyo?" seryosong tanong ni Tito. Nagkatinginan si Jeann at Drake. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkalito.
Akmang sasagot na si Drake ng biglang dumating si Ate Arabella, Kasunod nito ang asawang si Kurt Santillan. Kitang kita ko ang galit sa mukha nito at ng dumako ang tingin nito kay Drake at Jeann kaagad na naningkit ang mga mata nito at sinugod si Drake. Hinila sa buhok at pinagkakalmot.
"Walang hiya kang lalaki ka! Ang lakas ng loob mong buntisin ang anak ko!" galit na wika nito. Kaagad naman napatayo si Jeann para awatin ang nagwawalang ina. Umawat na din si Kuya Kurt at Rafael.
"Arabella, stop it! Hindi masusulusyonan ang problemang ito kung idadaan mo sa dahas!" galit na sigaw ni Tito Gabriel. Napatayo na din ito. Natigil naman sa pagwawala si Ate Arabella at maluha-luha na hinarap ang ama.
"Dad, masyadong pang bata ang anak ko para buntisin ng lalaking iyan! Ni hindi ko nga alam na nanliligaw ang taong iyan sa anak ko!" galit na wika ni Ate Arabella. Hindi ko naman mapigilan na maawa sa hitsura ni Drake. Magulo ang buhok nito at may kalmot sa mukha.
Chapter 228
VERONICA POV
"So ano ang plano? Hindi pwedeng hindi mo panagutan ang anak ko. Hindi ako papayag na lumaki ang tiyan nya ng hindi kayo maikasal." Narinig kong wika ni Kuya Kurt. Ang ama ni Jeann.
Kaagad kong napansin ang pagtutol sa mukha ni Jeann ng sambitin ng ama nito ang tungkol sa kasal. Mukhang hindi pa ito ready tungkol sa bagay na iyun. Mukhang wala pa itong balak na magpatali.
"Dad, hindi pwede! Wala po kaming relasyon ni Drake. Aksidente lang po ang lahat." sagot nito. Kaagad itong pinanlakihan ng mata ng ama. Sa hitsura ni Kuya Kurt mukhang hindi ito masaya sa sinabi ng anak samantalang si Ate Arabella naman lalong naningkit ang mga matang tumitig sa anak.
"Anong aksidente? Ano iyun, natisod ka lang sa lalaking iyan tapos nabuntis ka kaagad? Jeann, naririnig mo ba iyang sarili mo?" galit na asik ni Ate Arabella kay Jeann. Kagat labing napayuko ito.
"Sorry po! Pero hindi pwede ang sinasabi ni Daddy na dapat ikasal kami. Hindi porket nabuntis ako magpapatali na ako sa kanya." sagot nito sabay sulyap kay Drake. Kaagad kong napansin ang biglang pagseryoso ang mukha ni Drake.
"Pasensya na po kayo. Pero paninindigan ko ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann. Hindi din po ako papayag na mailabas ang anak namin na walang kikilalaning kompletong pamilya. Ayaw ko pong matulad sa akin ang anak ko na lumaking wala ang mga magulang sa tabi." sagot ni Drake. Halata ang lungkot sa boses nito.
"Nababaliw ka na ba? Paano ang girl friend mo?" Galit naman na sagot ni Jeann kay Drake.
"Handa ko siyang talikuran alang- alang sa iyo at sa anak natin? Ano ba ang ikinakatakot mo. Tama silang lahat...dapat lang panagutan ko kung ano man ang nangyari sa atin Jeann. Ang mahirap kasi sa iyo pagkatapos mong panggigilan ang katawan ko ng gabing iyun basta ka na lang umalis. Ilang beses kitang kinontact pero iniiwasan mo ako." diretsahang wika ni Drake. Nagiging mas malalim pa yata ang takbo ng usapan na ito. Hindi man lang naisip ni Drake na kaharap nito ang mga magulang ng babaeng nabuntis nya.
Kaagad na namula ang mukha ni Jeann dahil sa sinabi nito. Napangiwi pa ito sabay sulyap sa mga magulang na noon ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa anak. Kung hindi lang siguro kaharap sila Tita Carissa at Tito Gabriel baka sinugod na ni Ate Arabella ang anak at sinabunutan sa sobrang gigil.
"Huwag po kayong maniwala sa kanya Mommy, Daddy...sinisiraan nya lang ako. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nya dahil lasing po ako noon." sagot nito sabay hawak sa bibig. Huli na ng marealized nito ang mali nyang sinabi. Ayaw na ayaw ng pamilya Villarama na umiinom ng alak ang mga babaeng miyembro ng pamilya kung hindi pamilya ang kasama. Lalo na kapag kabarkada ang kasama.
"Anong sabi mo? Kailan ka pa natutong uminom? Sino ang kasama mo?" galit na sagot ni Ate Arablella sa anak. Lalong napangiwi si Jeann. Hindi malaman kung paano sasagutin ang ina.
"Mukhang naging suwail ang batang iyan. Mabuti pa siguro pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng dalawang iyan. Hindi pwedeng lumaki ang tiyan ng apo ko na walang asawang aalalay sa kanya." sabat naman ni Tito Gabriel.
"Pero Grandpapa, hindi po pwedeng ang iniisip nyo. Ayaw ko pa pong magpakasal. Hindi pa po ako ready." sagot ni Jeann.
"Sana inisip mo iyan bago ka bumukaka Jeann. Bweno, since nandyan na iyan, wala na tayong magagawa pa kundi itakda ang kasal nila sa lalong madaling panahon. Wala akong pakialam kung gusto mo o ayaw mo pang magpakasal Jeann!" sagot naman ni Ate Arabella. kaagad kong napansin ang pagsilay ng masayang ngiti sa labi ni Drake.
"Ikaw naman lalaki, nasaan ang pamilya mo? Gusto namin sila makausap." wika ni Tito Gabriel kay Drake. Kaagad na bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Drake bago sumagot.
"Wala na po akong aasahan sa kanila Tito. Pero huwag po kayong mag-alala. Papakasalan ko po si Jeann at kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan niya dahil may mga negosyo naman po ako." sagot nito.
"Anong negosyo? Bar? Kalokohan!" sabat naman ni Jeann.
"Jeann!" kaagad na sigaw ni Ate Arabella sa anak. Kaagad naman napaismid si Jeann. Matalim na tinitigan si Drake.
Kahit tutol si Jeann tungkol sa usaping kasal wala itong magawa kundi ang makinig na lang sa pag-uusap. Nakatakda silang ikasal pagkalipas ng dalawang buwan. Sakto lang din hanggat hindi pa lumalaki ang tiyan nito.
"Pasensya na po talaga kayo sa mga nangyari at salamat po dahil pumayag kayo na pakasalan ko si Jeann." narinig kong wika ni Drake pagkatapos maplantsa ang tungkol sa kasal nilang dalawa.
"Mabuti na din at mukhang responsable ka naman lalaki. Mabuti na din na ikaw ang maging asawa ng apo ko. Alam kong hindi mo pababayaaan si Jeann kahit na may pagkamaldita ang batang iyan." sagot naman ni Tito Gabriel. Kaagad naman tumayo si Drake at nilapitan sila Tito Gabiel, Kuya Kurt at Rafael. Nakipagkamay ito.
"Isa-isa naman nitong hinalikan sa pisngi sila tita Carissa at Ate Arabella. Noong papunta na sa akin si Drake pinanlakihan na ito ng mata ni Rafael. Kinabig pa ako nito at inakbayan.
"Subukan mo lang..." pagbabanta ni Rafael. Natawa naman ang lahat. Kahit papaano naging magaan ang mga sumunod na sandali. Tumawag din si Drake sa pag-aari nitong restaurant at nagpadala ng mga pagkain dito sa mansion para mapagsaluhan.
"Ang lakas mo talaga Drake. Imagine, napaamo mo ang Mommy ni Jeann. narinig kong kantyaw ni Peanut kay Drake habang nakaupo kami dito sa pool. Magkatabi kami ni Jeann habang umiinom ng juice.
"Kapag malinis naman ang hangarin mo sa isang babae, paRasaan ba at matatanggap din nila ang lahat." ngingiti-ngiting sagot naman ni Drake. Kaagad naman napaismid si Jeann.
"Ang sabihin mo, natakot ka lang kanina kaya hindi ka makahindi sa kasal natin. Kainis ka! Masyado kang pabida!" sagot ni Jeann.
"Hindi naman sa ganoon Jeann. Narinig mo naman siguro ang dahilan ko kanina diba? Ayaw kong lumaki ang anak natin na hindi magkasama ang mga magulang nila. Pinagdaanan ko iyan at ayaw kong maranasan ng anak natin iyan." sagot ni Drake. Malamlam ang mga matang nakatitig kay Jeann.
"Ang mabuti pa, bigyan muna namin kayo ng privacy para makapag-usap. Drake, ayusin mo ito. Mukhang nag- aalburuto pa rin ang magiging bride mo." sagot ni Peanut at tumayo na. Sumang-ayon naman kaming lahat.
"Mukhang mahaba ang gabing ito. Mag -inuman na lang kaya tayo habang hinihintay ang pagkain na inorder ni Drake?" muling wika ni Peanut. Kaagad naman pumayag si Rafael.
"Aakyat na muna ako sa kwarto Rafael, gusto kong magpahinga muna.' paalam ko kay Rafael. Nakakaramdam na din kasi ako ng hiya kahit papaano. Kanina pa kami magkasama. Lagi itong nakaakbay sa akin kahit na nasa harap kami ng pamilya nito at mga kaibigan nito. Isa pa gusto ko din ito bigyan ng
time na mag-enjoy kasama ang mga kaibigan.
"Ihahatid na kita." sagot nito. Kaagad akong umiling.
"Asikasuhin mo na ang mga kaibigan mo Rafael. Kaya ko ang sarili ko." sagot ko. Tinitigan muna ako nito sa mga mata bago tumango.
"Okay Sunshine!" masuyo nitong wika at kinintalan ako ng halik sa labi. Kaagad naman akong tumalikod at nagmamadaling naglakad papasok ng mansion.
Akmang aakyat na ako ng hagdan ng marinig ko na nagsalita si Ate Arabella. Nakatayo ito sa hindi kalayuan habang may hawak na kopita ng red wine.
Ngayun ko lang ito nakitang umiinom. Mukhang malungkot ito sa nalalapit na kasal ng anak. Sabagay, kahit naman siguro sino magugulat sa biglaang pagbubuntis ni Jeann. Pihikan ito pagdating sa mga lalaki at hindi nagpapaligaw.
"Kumusta ka na?" tanong nito sabay titig sa mukha ko. Kimi akong lumapit sa kanya.
"Ayos naman po. Kayo po kumusta po? sagot ko. Kaagad itong ngumiti.
"Maayos naman. Mabuti na din at naayos kaagad ang problema kay Jeann..Nakakalungkot nga lang dahil mag-aasawa na ang anak ko... napaghahalataan tuloy na tumatanda na nga kami." sagot nito.
"Mukhang mabait naman po si Drake. Isa pa matalik syang kaibigan ni Rafael. Magiging maayos din si Jeann sa piling ni Drake Ate kaya walang dapat na ipag-aalala. HIndi naman po siguro hahayaan ni Rafael na masaktan ang pamangkin niya sa piling ng matalik nyang kaibigan." mahaba kong sagot. Kaagad naman napatango si Ate Arabella.
"Sana nga...of course, kailangan namin sila bigyan ng chance na magkakakilanlan. Kapag mapatunayan din naman namin na maalagaan ng maayos ni Drake ang anak namin, hindi kami manghihimasok sa pagsasama nila." sagot nito. Kaagad naman akong napangiti.
"Sya nga pala, balita ko nagkakamabutihan na daw kayo ni Rafael ah? Mabuti naman kung ganoon..... ikaw lang pala ang makakapagpatino sa bunso namin eh." maya-maya ay pag-iiba ng usapan namin. Kaagad naman akong napayuko.
"Huwag kang mahiya Veronica, noon pa man alam na namin ang tungkol sa nararamdaman sa iyo ni Rafael. Pinipilit namin siyang pigilan na hayaan ka munang makatapos pero matigas din ang ulo. Hindi talaga siya mapigilan. Mabuti na din at mukhang mapigilan. Mabuti na din at mukhang masaya naman kayo sa isat-isa. So, ano pa nga ba ang masasabi ko kundi....... "welcome to our family Veronica...." nakangiti nitong wika sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko naman mapigilan ang maluha. Malaking bagay na tanggap ka ng pamilya ng lalaking pinakamamahal mo.
"Salamat po. Hindi nyo lang po alam kung gaano ako kasaya dahil sa kabila ng pagiging mayaman ng pamilya nyo, natanggap nyo pa rin ako para maging girl friend ni Rafael." sagot ko. Kaagad kong napansin ang pagtawa nito.
"Hindi mahalaga sa amin kung saan nagmula ang mga napupusuan ng bawat miyembro ng pamilya Veronica... as long as matino kang tao at mahal nyo ang isat isa, welcome ka sa pamilyang ito." nakangiti nitong sagot. Parang gusto naman malunod ang puso ko sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng ganito kabait na pamilya. Kaya naman gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng kabutihan nila sa akin
"Teka, alam na ba ito ng mga magulang mo?" tanong nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi pa po ako nakapagkwento sa kanila. Pero nangako naman sa akin si Rafael na uuwi kami sa amin para pormal nyang mahingi ang kamay ko kila Nanay at Tatay. " sagot ko. Kaagad naman tumango si Ate Arabella.
"Diyan talaga ako bilib kay Rafael. Talagang ipinapakita nya sa amin na kaya ka nyang panindigan. Bweno, dadating din pala sila Christian at Miracle ngayun. Gusto mo bang magpahinga muna?" tanong nito. Kaagad akong tumango, Mukang mahaba-habang gabi ang mangyayari ngayun. Siguro diretso celebration na ito sa nalalapit na kasal ni Jeann.
"Sige na Veronica...pwede ka ng magpahinga muna. Mukhang napuruhan ka nga talaga kanina ng bully doon sa iskwelahan mo." wika nito sabay sulyap sa aking ulo ng may benda pa. Wala sa sariling nakapa ko iyun.
"Sige po Ate Arabella, mauna na po ako. sagot ko at kaagad na naglakad palayo dito. Paakyat na ako ng hagdan ng mapansin ito na naglakad palabas ng mansion. Binaliwala ko na lang at diretso na akong umakyat at diretsong pumasok ng kwarto. Gusto kong matulog na muna. Hindi pa ako masyadong nakapagpahinga dahil sa maghapong presensya ni Jeann dito sa kwarto ko.
Nagising ako ng maramdaman ko na may humahalik sa pisngi ko. Kahit antok na antok ako pilit kong idinidilat ang aking mga mata para lang tumampad sa paningin ko ang namumungay na mga mata ni Rafael.
"Rafael?" mahina kong bulong bago nito panggigilan ang labi ko. Uhaw na uhaw nitong ginalugad ang labi ko na syang tuluyang nagpagising sa natutulog kong diwa.
Mukhang naparami ang nainom nito. Amoy alak ito at napansin ko kung gaano kapungay ng mga mata nito kanina habang nakatitig sa akin.
"Lasing ka?" muli kong tanong pagkatapos nitong pakawalan ang labi ko. Bumangon ako ng kama at sumandal sa headboard. Sinulyapan ko ang relo sa bedside table at napansin ko na halos alas diyes na pala ng gabi. Napasarap nga ang tulog ko at kung hindi ako ginising ni Rafael baka bukas na ng umaga ako magigising.
"Hinahanap ka nila Mommy at mga kapatid ko. Nagkakasayahan na sa labas." sagot nito sabay sampa sa kama at tumabi sa akin. Niyakap pa ako nito.
"Ibig mong sabihin nandiyan na ang iba mo pang mga kapatid?" tanong ko. Kaagad itong tumango.
"Yup! Sini-celebrate nila ang nalalapit na kasal nila Jeann at Drake." sagot nito. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin at isinubsob pa ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
"Gaano ba kadaming alak ang nainom mo? Gusto mo na bang matulog?"
tanong ko dito. Kaagad kong naramdaman ang pag-iling nito.
"nope...hindi pa ako lasing. Nautusan lang ako ni Mommy na gisingin ka para makakain ka na daw. Maraming food sa baba dahil dinala ni Drake pati Chief nya at ilang tauhan dito sa mansion para dito na magluto." sagot nito.
"Kung gaoon kailangan na pala natin bumaba. Teka lang, mag-aayos lang ako." sagot ko kasabay ng pagkalas sa pagkakayakap dito. Bumaba ako ng kama at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.
Kaagad akong naghilamos at naglinis ng katawan. Nang maayos na ang lahat muli akong lumabas ng banyo at kaagad kong napansin na maayos ng nakahiga ng kama si Rafael. Mukhang tulog na ito.
Hindi ko na lang pinansin at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng walk in closet para maghanap ng maisusuot na damit. Mas pinili kong magsuot ng Floral Elegant.
Jumpsuit Wide leg pants. Sakto lang ang size nito sa akin at never ko pa itong nasuot simula ng naisama ito sa pinamili ni Rafael para sa akin noon. Sleeveless ito at bagay na bagay sa mapuputi kong balikat. Parang isinukat sa katawan ko dahil saktong sakto ito sa akin.
Tinakpan ko ulit ng concealer at powder ang mga kissmark na si Rafael ang may gawa sa leeg ko. Mahirap kasi talaga itong itago. Nagpasya na din ako na ilugay na lang muna ang mahaba kong buhok.
Nang makontento ako sa aking hitsura kaagad na akong lumabas ng walk in closet. Naabutan ko pa ang kakabangon lang ng kama na si Rafael. Kaagad itong tumitig sa akin pagkalabas ko ng walk in closet.
"Wow, ganda ng Misis ko ah?" bulalas nito habang titig na titig sa akin. Hindi ko naman maiwasan na manangiti.
Chapter 229
VERONICA POV
Kahit kailan talaga hindi ito nagkulang para lalo akong magkaroon ng tiwala sa sarili ko.
"Akala ko tulog ka na?" sagot ko sabay lapit dito. Ngumiti ito.
"Nagpapahinga lang.....so ready ka na? Lets go?" tanong nito. Kaagad akong tumango.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto hanggang sa makalabas ng mansion. Kaagad na sumalubong sa paningin ko ang masayang atmospera sa labas. Ang nagkakatuwaan na mga kaibigan ni Rafael pati na din ang mga apo nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Parang naging reunion ang ganap. Biglang naging kompleto ang buong pamilya.
"Veronica!" kaagad na tawag sa akin ni Charlotte. Nagmamadali itong sumalubong sa aming dalawa ni Rafael habang palapit kami sa lahat.
Hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa buong paligid. Dumako ang tingin ko sa iba pang mga apo ng mapansin ko ang presensya ni Elijah. Kaagad itong kumaway sa gawi namin. Nginitian ko lang ito. Medyo matagal na din itong hindi nakakadalaw ng mansion. Naging busy ito sa negosyo ng pamilya.
Akmang bibitaw ako sa pagkakahawak ni Rafael pero naramdaman ko ang lalong paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.. Napatitig ako dito.
"Sumama ka muna doon sa table ng mga kapatid ko. Gusto nila tayong i- congratulate." wika nito.
"Pero hindi naman tayo ang ikakasal ah?" hindi napigilang sagot.
"Well, hindi naman ang tungkol sa bagay na iyun kaya iko-congratulate tayo." nakangiti nitong sagot. Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang.
"Later na lang Charlotte ha? Pupuntahan ko kayo mamaya ni Jeann. " sagot ko dito. Nakakaintindi naman itong tumango.
Kumakabog ang puso ko habang palapit kami sa table ng mga magulang at mga kapatid ni Rafael. Kumpleto sila. Ang kambal na sila Ate Miracle at Kuya Christian at si Ate Arabella. Kasama din nila ang kani-kanilang mga asawa.
Sa totoo lang sa kanilang lahat si Ate Arabella lang ang pinaka-close ko at palaging nakakausap. Ang iba sa kanila ay hindi masyado. Although palagi silang nandito sa mansion kapag weekend pero hanggang batian lang kami. Alam kong mababait sila pero hindi ko alam kung gusto ba nila ako para sa bunso nilang kapatid.
"Ohhh Hi Veronica! Come on...dito na kayo maupo!" kaagad na wika ni Ate Miracle. Kamukhang kamukha ito ni Tita Carissa. Bakas ang kabaitan sa mga mata nito lalo na kapag tumititig.
Kaagad naman akong ipinaghila ng upuan ni Rafael at pinaupo. Naupo na din ito sa tabi ko.
"So kailan ang balak niyong magpakasal? Mukhang sunod-sunod na kasalan ang magaganap sa pamilya ah?" wika ni Kuya Christian. Mukhang istrikto itong tingnan pero never pa naman akong sinungitan nito.
"Well, wala tayong magagawa. Lumalaki na ang mga bata at sa pag- aasawa talaga ang bagsak nilang lahat. Nauna na nga si Rafael. Dugong Villarama talaga. Napaka sigurista!." sagot naman ni Tito Gabriel.
"Why? Nagpakasal na ba si Rafael?" naguguluhang sagot naman ni Ate Miracle. Hindi ako nakaimik at kaagad naman natawa si Rafael.
"Hulaan mo Ate. Basta isa lang ang nasisiguro ko, hinding hindi ko na pakakawalan ang babaeng katabi ko." nakangiting sagot ni Rafael sa kapatid.
"Sabagay, Huwag mo na pakawalan si Veronica. Hindi ka na makakahanap ng babaeng katulad nya." sagot naman ni Ate Miracle.
"Of course, hindi ko na siya pakakawalan. Nairehistro na ni Attorney Cruz ang marriage contract na pinirmahan namin pareho." proud na sagot ni Rafael. Kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mukha ng halos lahat. Liban lang kina Tita Carissa at Tito Gabriel.
"ibig mong sabihin nagpakasal kayo ng hindi man lang sinasabi sa amin?"
tanong ni Kuya Christian. Kaagad akong napayuko. Nakaramdam ako ng hiya. Dapat siguro hindi ko na muna pinirmahan ang marriage contract na iyun. Baka isipin nila na masyado kaming nagmamadali na maitali sa isat isa.
"Yup! Pero hindi pa naman talaga masasabi na kasal talaga. I mean, gusto ko lang ma-make sure na hindi na maagaw ng iba si Veronica. At least sa batas natin dito sa Pinas nakatali na sya sa pangalan ko." kaswal na sagot ni Rafael sa kanyang Kuya at hinawakan ako nito sa kamay. Kaagad na tumawa ang halos lahat sa kanila.
"Cant I believed it! Ganyan ka kasigurista? Ni hindi mo man lang binigyan ng chance si Veronica na tanggihan ka?" natatawang sagot ni
Ate Miracle.
"Well, sigurista lang talaga ang bunso natin. Wala tayong magagawa kundi suportahan silang dalawa." sagot naman ni Tita Carissa.
Marami pa kaming napag-uusapan. Hanggang sa nagpasya nang magkumpulan ang mga kalalakihan at mga kababaihan. Nahati kami sa dalawang lamesa at puro kwentuhan at tawanan ang nagaganap. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nakabonding ko ang halos lahat. Lalo na sila Ate Carmela at Ate Miracle. Si Ate Arabella kasi mukhang malungkot pa rin. Hindi pa rin siguro nito sukat akalain na ikakasal na ang kanyang panganay.
Umabot ng halos alas dos ng umaga at nagpasya na ang halos lahat ng magpahinga na. Naiwan kami nila Jeann, Charlotte at Rafael kasama ng mga kaibigan nito dito sa may pool. Napasarap pa ang kwentuhan ng magkakaibigan at dahil wala akong balak na iiwan si Rafael dinamayan na ako nila Charlotte at Jeann.
May mga tama na kasi sila ng alak. Lalo na si Drake na hindi na tuwid kung magsalita..
"Hindi ba kayo naiinggit sa akin Bro? Mauuna akong ikakasal sa inyo!" wika nito. Bakas sa boses nito ang pagmamalaki. Kaagad kaming napatingin kay Jeann na kanina pa nakasimangot.
"Uyyy patulugin mo na si Drake. Lasing na oh" Bulong ko kay Jeann. Sa totoo lang gusto kong isa sa kanilang magkakaibigan ang sumuko na sa kanilang kuwentuhan. Nag-aalala na ako kay Rafael. Marami na din itong nainom na alak.
"I agree! Isa pa hindi pwedeng magdamag tayo dito sa labas. Specially sa iyo Jeann. Kailangan mo ng magpahinga dahil buntis ka." sagot ni Charlotte.
"Fine! Magpapahinga ako pero hahayaan ko ang Drake na iyan ma- overdose sa alak!" yamot na sagot nito sabay tayo. Kaagad naman itong hinawakan ni Charlotte sa kamay.
"Malalagot ka kila Grandmama at Grandpapa kapag mangyari iyun. Ayaw na ayaw nila na walang makikilalang ama ang unang apo nila sa tuhod!" pananakot ni Charlotte. Inis na tumitig si Jeann kina Drake. Mabilis itong nagmartsa sa kinaroroonan ng magkakaibigan at saktong iniangat ni Drake ang baso ng alak para inumin ng tabigin ito ni Jeann.
"Pwede ba! Tama na! HIndi ko pangarap na magkaroon ng asawa na lasinggero!" inis na wika nito. Kaagad naman napatulala ang magkakaibigan. Gulat na napatitig sa kanilang dalawa ni Drake at Jeann.
"Hehehe! Galit na si Misis mga Bro. Matutulog na daw kami!" nakangising wika ni Drake sabay tayo. Inakbayan nito si Jeann kaya kaagad namin napansin ang pagngiwi ng huli.
"Magandang simula iyan Bro! Concern kaagad ang fiancee mo sa iyo." natatawang sagot naman ni Peanut. Itinaas pa nito ang hawak na baso na may lamang alak bago ininom.
"Ganyan nga. Kainggitan nyo ako. Magkakaanak na kami nitong Baby ko eh." wika naman ni Drake na aktong hahalikan pa si Jeann pero kaagad itong umiwas.
"Yuck! Ang baho mo ha? Subukan mong manghalik. Itutulak talaga kita sa pool para mahimasmasan ka!" masungit na wika ni Jeann. Parang tanga na natawa lang si Drake.
"Saan tayo matutulog baby? Saan dito ang kwarto mo?" wika ni Drake sa magiging asawa nito. Bakas ang lambing sa boses nito kaya nagulat ako ng mahina akong hampasin ni Charlotte sa balikat. Nang tingnan ko ito kita ko ang kilig sa kanyang mga mata. Napangiti naman ako.
"Ayyy ang sweet nila! Parang nagmamahalan naman sila eh." pabulong na wika nito. Kaagad akong napatango.
Oo nga naman. Bagay na bagay sila Jeann at Drake. Kaya siguro hindi nahirapan ang pamilya Villarama na tanggapin kaagad ang lahat-lahat. Ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann.
"Mga Bro! Mauna na kami sa inyo. Galit na ang Baby ko eh!" pahabol na wika ni Drake ng hilain ito ni Jeann papasok ng mansion. Napasunod na lang ang tingin namin ni Charlotte sa mga ito.
"Nagulat pa ako ng may biglang humawak sa kamay ko. Napaangat ang aking tingin at kaagad kong napansin ang nakatayong si Rafael sa harap ko. Pulang pula na talaga ang kanyang mukha dahil sa dami ng nainom na alak.
"Lets go na Sunshine! Inaantok na din ako!" pagyaya nito sa akin. Hindi ko mapigilan na tapunan ng tingin ang dalawa nitong kaibigan na natira. Sila Peanut at Arthur. Kung lasing na si Rafael, mas lasing na ang mga ito tingnan.
"Paano sila?" tanong ko. Napasulyap muna ito sa mga kaibigan bago binalingan si Charlotte.
"Pakigising sila Manang Espe. Sabihin mo sa kanila na pakiasikaso ang dalawang tukmol na iyan!" utos ni Rafael sa pamangkin. Kaagad naman tumalima si Charlotte.
"And one more thing Charlotte. After na ma-inform mo sila Manang Espe, matulog ka na din. Huwag kang lalapit- lapit sa mga iyan lalo na kay Peanut! Delikado ang taong iyan!" Pahabol na wika nito sa pamangkin at sabay na kaming naglakad papasok ng mansion. Hindi naman na nagkomento pa si Charlotte.
Nagpasya ako na sa kwarto na lang ni Rafael kami dideretso. Halos pumikit na kasi ito habang paakyat kami ng hagdan. Mukhang umepekto na talaga sa sistema nito ang ispiritu ng alak.
Pagdating ng kwarto kaagad ko itong pinahiga sa kama. Mukhang nakatulog kaagad ito pagkasayad pa lang ng likod sa malambot na kama. Iiling-iling ako habang tinititigan ito.
Sa huli nagpasya akong punasan na lang muna ito para maginhawaan. Papalitan ng damit para makatulog ng maayos. Iyun kasi ang nakikita ko noon na ginagawa ni Nanay tuwing nalalasing si Tatay. Pwedeng pwede kong gawin iyun kay Rafael ngayun.
Chapter 230
VERONICA POV
Pagkatapos kong linisan at palitan ng damit si Rafael nagpasya na din akong mahiga sa tabi niya. Lasing ito at ayaw ko naman iiwan itong mag-isa dito sa kwarto niya. Isa pa baka hahanapin din ako nito pagkagising niya.
Pagkahiga ko sa tabi ni Rafael hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Niyakap ko na ito at pinilit na makatulog. Pero talagang mahirap matulog lalo na at mahaba na ang naitulog ko kanina. Wala na akong nagawa pa kundi tulala na titigan ang gwapo nitong mukha at umaasa na sana dalawin din ako ng antok.
hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kinaumagahan sa mabining sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto ni Rafael.
Nang tingnan ko ito mahimbing pa rin itong natutulog. Masyado nga siguro itong napuyat kagabi. Wala naman akong magawa kundi titigan itong muli.. Ang sarap pala sa pakiramdam na pagkagising sa umaga, kayakap mo ang taong nagpapatibok ng puso mo. Ang lalaking hindi ko akalain na mamahalin din ako ng ganito.
"Eheemmm! alam kong pogi ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan." nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita. Wala sa sariling napatingin ako sa mga mata nito at hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya ng mapansin na gising na ito. Huling huli nya pala ako na nakatitig sa kanya.
"Gising ka na?" wala sa sarili kong tanong. Napahiya eh kaya ang katagang iyun lang ang biglang
lumabas sa bibig ko.
"Hindi, tulog pa po ako...tingnan mo, nakapikit pa ako oh?" nakangiti nitong sagot sabay pikit. Pabiro ko naman itong kinurot sa kanyang tagiliran. Ang kulit talaga nito.
"Hmmmppp gising ka na eh. Niluluko mo ako." kunwari nagtatampo kong sagot. Tumawa ito at bigla itong umibabaw sa akin. Pagkatapos naramdaman ko ang biglang paghalik nito labi ko. Wala naman akong nagawa pa kundi ang kaagad na tumugon.
Pareho naman kaming hindi pa nakapagmumog kaya ayos lang. Basta nagmamahalan kaming dalawa at ang halik na ito ang isa sa mga paraan para maiparamdam namin sa isat isa iyun.
"Good Morning Sunshine!"
malambing nitong wika pagkatapos
nitong paghiwalayin ang aming mga labi.
"Good Morning din po Sir Rafael!" nakangiti kong sagot. Talagang nilagyan ko ng 'Sir' ang pagtawag dito. Isa sa mga paraan ng paglalambing ko sa kanya iyun.
"Anong sabi mo? 'Sir?' gusto mo yata talaga ng parusa ah?" nakangisi nitong wika at kaagad na pinanggigilan ang aking leeg. Napahagikhik naman ako.
Nasa ganoong lambingan kami ng pareho naming narinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Kaagad kong napansin ang pagbalatay ng inis sa mukha nito bago umalis sa ibabaw ko. Nagmamadali itong naglakad papuntang pintuan at binuksan iyun.
"Good Morning po Sir...Pasensya na po, pinapababa na po kayo nila
Mommy at Daddy mo. Nasa dining area na po sila." narinig kong wika ng isa sa mga kasambahay ng mansion. Tanging tango lang ang naging tugon ni Rafael bago isinara ang pintuan.
Kaagad naman akong bumangon ng kama. Halos alas otso na ng umaga at mukhang hinihintay kami sa dining room.
"Magbibihis muna ako." paalam ko kay Rafael. Pilit ang ngiting tumango ito.
"I think hinihintay na tayo sa ibaba. Dapat pala gumising tayo ng mas maaga eh. Nabitin tuloy ako." nakangisi nitong sagot. HIndi ko naman napigilan na irapan ito. Pagkatapos kaagad akong naglakad papuntang pintuan at binuksan iyun.
"Sa kwarto na ako mag-aayos." paalam ko dito at nagmamadaling
lumabas na ng kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Rafael. Baka kasi bigla na naman akong landiin nito eh. Nakakahiya dahil naghihintay sa amin ang mga magulang nito sa ibaba.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng maayos na damit. Nang mapansin ko na maayos na ang lahat ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto.
Siguro nauna na sa baba si Rafael kaya naman halos takbuhin ko na ang hagdan pababa. Baka dinaanan niya na ako kanina pero nasa banyo ako kaya hindi na ako nahintay.
"Good Morning po!" kaagad kong bati sa lahat ng makarating ako sa dining. Nandito na pala ang halos lahat.
"Good Morning! Hindi mo kasama si Rafael?" sagot naman ni Tita Carissa. Nagtaka naman ako at inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala nga si Rafael.
"Akala ko po nandito na siya...Saglit lang po, puntahan ko lang siya sa kwarto." sagot ko at nagmamadali ng tumalikod. Akala ko talaga nandito na siya sa ibaba eh. Bakit kaya wala pa siya?
"Dumiretso na ulit ako sa kwarto ni Rafael. Hindi na ako kumatok pa at kaagad na akong pumasok sa loob. Nagulat pa ako dahil kaagad ko itong nakita na nakahiga sa kama. Mukhang nakatulog ulit ito?
"Rafael?" kaagad kong lapit dito. Mahinang tinapik ko ang kanyang mukha para magising ito. Kaagad naman itong dumilat.
"Galing na ako sa ibaba. Ayos ka lang ba?" tanong ko. Dahan-dahan itong bumangon ng kama sabay sapo ng kanyang ulo.
"Parang tinamaan na ako ng hangover sunshine. Biglang sumakit ang ulo ko." sagot nito. Kaagad naman akong nakaramdam ng matinding pag-aalala dito. Dinama ko pa ang ulo nito at napansin ko na hindi naman ito mainit. Mukhang nagka- hangover nga ito dahil sa dami ng nainom kagabi.
"Ikukuha kita sa ibaba ng kape or mainit na sabaw? Dito ka lang ha... hintayin mo ako." wika ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto nito. Halos takbuhin ko ang hagdan pababa.
"Anong nangyari?" tanong ni Tita Carissa sa akin ng muli akong nakarating ng dining room.
"Masama po ang pakiramdam ni Rafael. Napadami yata ang nainom nya kagabi." sagot ko. Kaagad naman napatayo si Tita Carissa. Mabilis itong lumabas ng dining area at mukhang pupuntahan nito si Rafael sa kwarto.
Ate, may mainit po ba tayo na sabaw?" tanong ko kay Ate Maricar. Sa sobrang pag-alala ko hindi ko na pinansin pa ang mga taong nandito sa dining area. Ang gusto ko lang sa ngayun ay ng pagkain at magamot ang hangover ni Rafael.
"Naku wala pa Veronica...pero pwede mo muna siyang dalhan ng kape at tubig. Nalasing na din iyan noon si Sir Rafael at iyan lang ang nirequest niya sa amin noon." sagot ni Ate Maricar. Kaagad naman akong nagpatulong dito para makagawa ng kape.
Wala kasi talaga akong idea kung ano ang pwedeng ibigay kay Rafael ngayung umaga. Wala din akong idea kung ano ang gamot sa hangover.
"Iyan..inom pa more!" narinig kong bulong ng kung sino. Hindi ko na lang pinansin pa at nagmamadali ko ng kinuha ang bagong templang kape at isang pitchel ng tubig at nagmamadali ng lumabas ng dining area. May sinasabi pa si Ate Maricar pero hindi ko na pinansin pa. First time ko talagang mataranta ng ganito dahil lang sa isang lalaki.
"Pagdating ng kwarto ay naabutan ko si Tita Carissa na inaasikaso ang anak. Napansin ko din na sumusuka si Rafael sa kama mismo. Natataranta akong lumapit sa kanila.
"Tita, may tubig at kape po akong dala. "kaagad kong wika dito ng makalapit. Saglit kong ipinatong sa bedside table ang hawak kong tray at nagsalin ng tubig sa baso. Kaagad akong lumapit kay Rafael at inalalayan namin itong makainom ng tubig.
"Marami ka bang nainom na alak kagabi? Ikaw talagang bata ka...sinabi ko naman sa iyo na magdahan-dahan ka pagdating sa alak. Hindi ka pa ba nadala sa mga nangyari sa iyo noong High School ka pa lang?" Narinig kong kastigo ni Tita sa anak. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Sorry Mom. Hindi na po mauulit. Masyado lang talaga kaming nag- enjoy kagabi." sagot nito.
"Ewan ko sa iyong bata ka! Huwag kasing matigas ang ulo mo. Tingnan mo ang nangyari..Halos madapa ang asawa mo kanina para kuhaan ka ng pwede mong mainom mula sa kusina." sagot ni Tita. Kaagad naman napatitig sa akin si Rafael. Napansin ko ang pamumula ng mga mata nito. Dahil siguro sa kakasuka niya kanina.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina na masama pala ang nakiramdam mo?
"Halos maiyak kong tanong dito. Kung alam lang nito na halos mahimatay ako sa sobrang kaba. Natatakot ako na baka kung mapaano na ito.
"Hayy ewan ko sa iyong bata ka. Bweno, kukuha lang ako ng gamot sa kwarto na pwede mong inumin. Maiwan ko muna kayo." wika ni Tita at nagmamadali na itong lumabas ng kwarto.
Ilang minutong katahimikan din ang namagitan sa aming dalawa. Napansin ko ang dahan-dahan na pagtayo nito sa kama kaya kaagad ko itong inalalayan.
"ipapalinis na lang natin sa mga kasambahay itong kwarto. Pwede bang doon na muna ako sa kwarto mo?" tanong nito sa akin. Hindi na ako nag- isip pa. Kaagad akong tumango.
Sa sobrang dami ng nagkalat na suka sa kama nito kailangan nga siguro ng major na paglilinis. Palabas na kami ng kwarto ng biglang dumating si Tita Carissa.
"Sa kwarto ko na muna siya tita. Kailangan po kasi malinis ang kwarto na ito." paalam ko dito. Kaagad naman itong tumango kaya naman inalalayan ko ito hanggang sa sarili kong kwarto. Diretso kami ng kama.
"Palagi bang nangyayari sa iyo ito kapag nalalasing ka?" kaagad na tanong ko dito. Tumitig lang ito sa akin habang may ngiting nakaguhit sa labi.
"Ngayun lang ulit nangyari sa akin ang ganito. Senyales na nga siguro ito na dapat umiwas na ako sa alak." sagot nito.
"Dapat lang noh! Wala naman talagang magandang maidulot sa iyo ang alak eh. Nakakasira lang sa kalusugan mo iyun." sagot ko.
"Galit ka ba?" tanong nito na may halong lambing sa boses. Saglit naman akong natigilan. Kapansin-pansin kasi ang guilt sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Galit ka nga! Sorry na po Sunshine... promise, hindi na mauulit!" muling wika nito at hinawakan ako sa kamay. Nilaro-laro pa nito ang daliri ko pagkatapos pilit akong hinihila paupo sa tabi nito.
"Kung alam mo lang kung paano ako natakot kanina! Bakit kasi sa umpisa pa lang hindi mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramam mo!" sagot ko dito kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Sorry na! Huwag ka ng umiyak... Promise..maayos na ang kalagayan ko at hindi na ako iinom ng alak para hindi na mangyari ulit ito." wika nito at kaagad akong niyakap. Napahagulhol naman ako ng iyak.
"Kainis ka kasi eh! Ayaw na ayaw kong nakikita kang nagkakasakit!" umiiyak kong sagot. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Promise...aalagaan ko na ang sarili ko...Huwag ka ng umiyak! Maayos na ang kalagayan ko! Kaunting pahinga lang at babalik din kaagad sa dati ang lakas ko." sagot nito. Tanging paghikbi lang ang naging sagot ko kaya naman hindi na ito umimik pa. Naramdam ko na lang ang paghagod nito sa likod ko.
Chapter 231
VERONICA POV
Sa wakas...mabuti na din at muling nakatulog si Rafael pagkatapos itong painumin ng gamot ni Tita Carissa. Hindi ko akalain na ganito kalala ang hangover nito. Hindi maikakaila na labis akong nag-alala sa kalagayan ni Rafael. Ayaw ko itong iwanan dito sa kwarto kahit na ilang beses na akong sinabihan nila Tita Carissa na hayaan na munang magpahinga si Rafael at makipagbonding muna kina Charlotte at Jeann para naman malibang ako.
Para akong tanga habang titig na titig sa natutulog na si Rafael ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Ayaw ko man umalis sa tabi nito wala na akong nagawa pa kundi pagbuksan iyun. Agad na bumungad sa paningin ko si Charlotte. May dala itong isang tray ng pagkain.
"Nag volunteer na ako na dalhan ka ng pagkain. Anong oras na at hindi ka pa kumakain eh." wika nito at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. Lumapit ito sa study table at inilapag ang dalang pagkain. Kaagad naman akong napasunod sa kanya lalo na ng maamoy ko ang masarap na amoy ng pagkain pagdaan nito sa harap ko.
"Pasensya ka na Charlotte ha....Pati ikaw naisturbo ko. Natatakot kasi akong iiwan si Rafael dito sa kwarto eh. Baka hanapin nya ako kapag magising siya." wika ko. Kaagad naman itong ngumiti. Mataman akong tinitigan sa mga mata bago nagsalita.
"Ayos lang. Masaya ang buong pamilya sa pinapakita mo kung paano ka nag- aalala sa kalagayan ni Uncle. Hay si Uncle talaga...iinom-inom hindi naman pala kaya ng katawan nya."
wika nito sabay sulyap sa natutulog na tiyuhin.
"Oo nga eh. Akala ko simpleng pagkalasing lang ang nangyari kagabi. Maayos pa naman siya kanina noong nagising kami, kaya lang noong iniwan ko na sya sa kanyang kwarto masama na pala ang kanyang pakiramdam. Pilit nya lang na itinatago sa akin." sagot ko. Napailing naman si Charlotte at muling tumingin sa gawi ni Rafael.
"Magiging maayos din iyan si Tito. Nagkaganyan na din iyan siya noon. Huwag ka ng masyadong mag-alala. Baka mamaya ikaw naman dyan ang magkasakit. Hindi pa nga magaling ang sugat mo sa ulo eh dumagdag pa ang pasaway na si Uncle." sagot nito. Napangiti ako kasabay ng pagkapa sa sugat sa ulo ko.
"Sige na. Kumain ka na muna habang mainit pa ang pagkain. Pagkatapos magkwentuhan tayo habang tulog si Uncle para malibang ka naman. ." wika nito.
"Salamat Charlotte ha? Nag-abala ka pa talaga! Bababa din naman ako kapag hindi ko na kaya ang gutom." sagot ko. Nakakahiya dahil may rules ang mansion na bawal kumain sa kwarto. Kung gutom dapat pumunta ng dining area para kumain. Pero mukhang exempted na naman ako ngayung araw.
"Naku! Tama na ang kakabigkas ng pasasalamat. Dapat nga kami ang magpasalamt sa iyo dahil nakita namin kung paano mo alagaan si Uncle....Alam mo bang masayang masaya kami dahil nakikita namin kung paano kayo nagmamahalan ni Uncle. Sa wakas nagtino na din siya. Hindi na sya pumapatol sa kung kani-kaninong babae simula ng makilala ka nya."
nakangiti nitong wika. Nahihiya naman akong napayuko dito.
"Hindi ko nga din alam kung bakit minahal ko siya ng ganito Charlotte. Basta nagising na lang ako isang umaga na hinahanap ko na siya." pag- aamin ko kay Charlotte.
"GAnyan talaga siguro ang Love. Grabe, hindi ko akalain na halos magsasabay kayo ni Jeann. Ang bilis nyong nahanap ang forever nyo. Ako na lang tuloy ang single sa ating tatlo. Si Jeann ikakasal na.....tapos sabi nila Grandmama at Grandpapa nagparegister na daw kayo ng marriage contract sa city hall." sagot nito. Napangiti ako.
"Oo nga eh. Ang kulit kasi ni Rafael. Gusto daw nyang makasigurado na sa kanya lang ako." sagot ko. Kaagad na natawa si Charlotte.
''"Ganyan talaga siguro ang mga Villarama. Mga sigurista. Hayyy buhay pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat makuha lang ang gusto." tatawa- tawang wika ni Charlotte. Naglakad ito papuntang banyo at pumasok sa loob. Hinayaan ko lang ito at inumpisahan na ang kumain.
Mabuti na lang at nandito si Charlotte. Kahit papaano malilibang ako sa kadaldalan nito.
"Naikwento na ba sa iyo ang love story nila Grandmama at Grandpapa?" abala ako sa kakanguya sa kinakain ko ng muling nagsalita si Charlotte. Kakalabas lang nito ng banyo at naupo sa tapat ko.
"Not yet! Hindi ko pa alam ang tungkol doon. Pero alam mo, nakakatuwa ang ka-sweetan nila Tita at Tito noh! Parang mga teenager pa rin sila kung maglambingan." sagot ko. Natawa naman si Charlotte.
"Complicated din ang takbo ng love Story nila noong kapanahunan nila. Naikwento na sa amin na mga apo nila kung paano nagkakilala sila Grandmama at Grandpapa noon. Napaka- intense ng pinagdaanan nila.
Pero alam mo ba ang pinaka- natutunan ko....Love wins talaga palagi. At totoo talaga ang true love." wika ni Charlotte habang nakangiti. Kaagad naman akong kinain ng curiosity. Parang gusto ko din malaman ang love story nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Kung paano nag-umpisa ang kanilang pag-iibigan.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at niyaya si Charlotte na sa sofa na kami maupo. Maganda doon dahil komportable. Masarap magkwentuhan habang nakaupo at nakasandal sa malambot na foam.
"Ano ready ka na ba na marinig ang love story nila Grandmama at Grandpapa?"tanong ni Charlotte. Excited naman akong tumango.
"Alam mo kung magaling lang akong magsulat ng love story, gusto kong isulat ang mga pinagdaanan nila Grandmama at Grandpapa para gawing inspirasyon ng lahat. kaya lang hindi ako nabibiyaan ng malawak na imahinasyon eh. Kaya ikikwento ko na lang sa iyo habang hinihintay natin magising si Uncle." muling wika nito. Excited naman akong nakikinig sa mga susunod nyang sasabihin.
"Hindi talaga dumaan sa pagiging magboyfriend at mag-girlfriend sila Grandmama at Grandpapa. Actually, they dont know each other talaga noon...ang nobya noon ni Grandpapa iyung kapatid ni Grandmama."
paunang kwento ni Charlotte. Gulat na gulat naman ako sa nalaman. Umpisa pa nga lang complicated na. Hindi sila magkasintahan noon? Bakit grabe sila ka-sweet ngayun?
"Pareho silang may ibang kasintahan?
" tanong ko. Kaagad na umiling si Charlotte.
"Si Grandpapa lang. Si Grandmama bata pa noon. Eighteen pa lang siya at NBSB.." muling wika ni Charlotte, Lalo akong na-excite sa takbo ng kwento ni Charlotte. Kumakabog ang dibdib ko sa mga susunod nitong sasabihin. Sa pagdedetalye nito sa mga pangyayari ng nakaraan sa buhay nila Tita at Tito.
Sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Charlotte hindi ko maiwasan na mamangha. Hindi ko akalain na kahit na gaano pa kahirap ang pinagdaanan ng isang tao malalagpasan at malalagpasan din pala sa paglipas ng mga araw.
Nalaman ko din na hindi pala anak nila Tita at Tito si Ate Arabella. Parang inampon nila ito although pamangkin ito ni Tita Carissa. Kaya lang parang hindi na halata sa ngayun kasi nakikita ko naman kung gaano kapantay ang pagtrato nila sa mga anak nila.
"Hindi hamak naman kasi na mas maganda si Grandmama compare doon pananamantala na kapatid. Kaya siguro na-inlove din si Grandpapa sa kanya. Isa pa biktima talaga siya ng sarili nyang pamilya kaya naman dapat lang na maranasan niya ang pagmamahal ng isang Villarama. Kaya look at them now...sila at sila pa rin talaga ang magkasama." proud na wika ni Charlotte. Hindi ko naman maiwasan na mamangha sa mga nalaman. Kung paano nabuo ang pagmamahalan nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Sobrang nakaka-amaze.
Kaya pala ganito kabait si Tita Carissa. Ipinanganak pala talaga siyang mabait at hindi matapobre na minana ng kanyang mga anak at mga apo ngayun. Truely Love wins nga talaga pala kahit na ano pang unos ang dumating sa buhay. Kaya ang swerte ng pamilyang ito dahil pinatatag ng pagmamahal ang pagsasama ng buong pamilya.
Alam kong pahapyaw lang ang kwento ni Charlotte sa love story ng kanyang lolo at Lola. Pero ang sarap ilagay sa isang libro at ingatan para malaman ito ng kanilang mga kaapo-apuhan sa paglipas ng panahon. Ang sarap gawing inspirasyon. Ang sarap gawing nobela.
Halos hindi ko na nga namalayan ang oras. Mabilis na lumipas ang tatlong oras na pagkikikwento ni Charlotte at hindi man lang ako nakaramdam ng pagkainip. Hindi ko akalain na dumaan din pala sila Tita at Tito sa napaka- complicated na sitwasyon bago nila nakamit ang tunay na kaligahan at katahimikan. Ang tapang pala nila pareho. Lalo na si Tita Carissa.
Natigil lang sa pagkikikwento si Charlotte ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagmamadali nyang binasa ang mensahe at tumingin sa akin.
"Pinapauwi na ako ni Mama. Nandyan na iyung sundo ko sa ibaba. Tsaka na lang ulit ako magkwento. Mukhang magigising na din siguro si Uncle maya -maya lang." paalam nito sa akin sabay tayo at nagmamadaling naglakad papuntang pintuan. Kaagad naman akong napasunod dito..
"Ingat Charlotte. Salamat!' wika ko bago ito nakalabas.. Hindi na ito sumagot at nagmamadali na itong bumaba ng hagdan kaya naman isinara ko na ang pintuan at muli akong naglakad patungong kama. Tinitigan ko ang gwapong mukha ni Rafael bago ngumiti.
""Buti na lang pala at naihabol ka pa ng mga magulang mo. Buti na lang pala muling nabuntis si Tita. Kaya pala ang layo ng agwat ng edad mo kompara sa mga kapatid mo. Nakakabilib pala ang love story mga mga magulang mo Rafael." nakangiti kong wika. Kahit alam kong hindi nya naririnig iyun gusto ko pa din sabihin sa kanya. Masaya ako dahil nagiging bahagi ako ng pamilyang ito.
Dahil walang magawa, nagpasya na lang akong magbasa-basa na lang muna ng libro dito sa sofa sa loob ng kwarto. Ayaw ko talagang iiwan si Rafael dito sa kwarto kahit na anong mangyari. First time kong nakita itong nagkasakit kaya aalagaan ko siya. Hangat maaari ayaw kong mawalay siya sa paningin ko.
Abala ako sa pagbabasa ng may biglang tumakip sa mga mata ko. Kaagad ko naman nabitawan ang hawak kong libro at hinawakan ang mga kamay na nakatakip sa aking mga mata.
"Rafael?" nangingiti kong tanong. Kahit na hindi ko ito nakikita, naamoy ko naman siya kaya alam kong si Rafael ito. Nagising ito ng hindi ko man lang namamayan.
"Ang galing ng Sunshine ko manghula ah?" wika nito sabay tanggal ng kanyang mga kamay sa mga mata ko. Kaagad ko itong nilingon at agad kong napansin ang maaliwalas na nitong hitsura. Mukhang magaling na nga.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" nakangiti kong tanong. Tumayo ako at dinama ko pa ang noo nito kaya natawa ito.
"Maayos na po ako. Ang galing kasi mag-alaga ng nurse ko eh." sagot nito sabay yapos sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti sa kanyang ginawa. Simpleng yakap mula sa kanya pero napakalaking bagay sa pagkatao ko.
"Huwag ka ng uminom ulit ng alak ha? "malambing kong wika dito sabay tingala sa kanya para titigan ang kanyang mukha. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito habang nakatitig din sa akin tsaka tumango.
"Opo! Promise...hindi na ako maglalasing dahil ayaw ko ng nakikita kang umiiyak dahil sa sobrang pag- aalala sa akin. Hindi ko kayang nakikita na lumuluha ang mga matang ito." Nakangiting wika nito sabay halik sa tuktok ng aking ilong. Muli akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam na yakap-yakap ka ng lalaking mahal mo.
"Asahan ko iyan. Magagalit na talaga ako sa iyo kapag maglasing ka pa ulit. Ayaw ko ng nakikita kang nahihirapan ka Rafael. Ako ang mas nasasaktan." sagot ko. Tumango ito. Pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa akin at inilibot ang tingin sa paligid.
"Nagugutom ako Sunshine. Tanghali na pala." wika nito. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan. Halos alas dos na ng hapon at wala pang kain si Rafael. Tiyak na gutom na ito.
"Gusto mo bang handaan kita ng
pagkain?" tanong ko. Tumitig muna ito sa akin bago sumagot.
"Marunong ka ba?" may halong biro ang boses na sagot nito
"Siyempre naman! Marunong akong mag-init ng mga pagkain noh!"
natatawa kong sagot. Init ang ginamit kong salita dahil alam kong maraming pagkain sa kusina at iinitin na lang. Hindi ko din kailangan ipagluto ito dahil may sarili silang taga luto.
"Oo nga pala. Okay, lets go! Gutom na talaga ako eh." pagyaya nito sa akin. Kaagad akong tumango at humawak sa braso nito at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
Masyadong tahimik ang buong mansion. Sabagay, kapag ganitong oras halos nagsisyesta na ang lahat. Mamayang alas singko pa ulit ang umpisa ng trabaho ng mga kasambahay.
Diretso kami ng kusina. Nanghalungkat ako sa ref para maghanap ng makakain at napangiti ako dahil ang dami ngang left over. iinitin na lang.
"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ko kay Rafael habang nakatitig sa loob ng ref. Hindi ko ito narinig na sumagot bagkos naramdaman ko ang pagdikit ng katawan nito sa likod ko. Niyapos ako nito habang hinihimas ang tiyan ko.
"Rafael, ano ang ginagawa mo? Akala ko ba nagugutom ka?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa kanyang ginagawa. Isa pa bigla ko rin naramdaman ang kakaiba nitong haplos.
"Parang iba ang gusto kong kainin Sunshine!" sagot nito. Nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko na lumapat ang labi nito sa leeg ko. Talagang hinawi nya pa ang mahaba kong buhok kaya naman malaya niyang nahahalikan ang bahaging iyun.
"Teka lang...ikaw talaga baka nakakalimutan mo na nasa kusina tayo! Baka may makakita sa atin." halos pabulong kong wika. Ano ba kasi ang tumatakbo sa utak nito. Kung saan nasa kusina kami tsaka naman siya nagkakaganito.
"Nagpapahinga na ang lahat diba, wala naman ibang tao eh. Isa pa, halik lang naman. Ikaw ang gagawin kong appetizer Sunshine!" wika nito gamit ang paos na boses. Wala na...talagang tuluyan na itong sinakop ng init ng katawan. Hindi pwede ang ganito.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Ginamit ko ang aking lakas para pilit na lumayo dito. Hindi pwede ang iniisip nito. Nakakahiya kapag may nakakita sa amin.
Ano ba itong si Rafael...balak pa yatang angkinin ako dito sa loob ng ref. Nararamdaman ko na kasing itinataas na nito ang suot kong blouse.
"Sandali lang! Maghunos dili ka! Anong appe-appetizer ang sinasabi mo. Ano ako pagkain?"" tanong ko dito at pinanlakihan ito ng mga mata. sa wakas nakakalas din ako dito at bahagyang nakalayo. Nagulat naman ako ng bigla itong tumawa.
Pagkatapos ito na ang pumalit sa pwesto ko kanina. Naghalungkat ito sa loob ng ref at kaagad kong napansin na may kinuha itong tupperware na may lamang pagkain. Naglakad ito papunta sa kinalalagyan ng microwave at inilagay nya ito sa loob.
Muli itong bumalik sa ref at muling naghalungkat. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa. Mukhang alam na alam naman nito kung paano ipaghanda ng pagkain ang sarili. Kaysa naman ako itong abala at nanonood
lang siya. Baka gawin na naman niya ang ginagawa niya at baka hindi ko na siya kaya pang pigilan.
"Kumuha ka na ng pinggan Sunshine. Pagkatapos dalhin mo na sa dining area." may halong lambing sa boses na utos nito sa akin. Kaagad nitong tinanggal ang iniinit na pagkain sa loob ng microwave nang matapos ang timer na naka-set doon. Dinala nya iyun sa dining kaya napasunod ako.
Chapter 232
Veronica pov
"Ang galing mo palang maghanda ng pagkain eh!" wika ko sabay kuha ng pinggan. Tumingin ito sa akin sabay kindat.
"Syempre! Sanay ako magpainit Sunshine. Pagkatapos natin kumain, ikaw naman ang paiinitin ko!" wika nito at mabilis na bumalik ng kusina para kunin ang iba pang pagkain na iniinit nya. Tulala naman na napasunod ang tingin ko dito.
Ano ang ibig nyang sabihin na ako naman ang susunod nyang painitin? hayst mahirap pala talaga magkaroon ng hangover si Rafael. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.
Sa wakas, natapos din ang initan na nangyayari sa pagkain. Pareho na kaming nakupo dito sa dining at nag- umpisa ng kumain. Bilib na talaga ako sa mga mayayaman. Maraming mga ready to eat na mga pagkain na nakalagay sa ref. Hindi ka talaga magugutom.
"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?" nag-uumpisa na kaming kumain ng muling nagsalita si Rafael. Napatitig ako dito. Hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.
"Sasaglit ako ng opisina. Ngayun ko lang naalala may mga dapat pala akong pirmahan na mga papeles. Dapat kanina ko pa natapos ang mga iyun. Kaya lang masama ang tama ng alak sa
sistema ko at hindi ako nakaalis.." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pag-alala dito. Kakagaling lang nito sa matinding hang over pagkatapos papasok siya? Mas gusto ko sana na magpahinga na muna siya at bukas na magreport sa opisina. Isa pa, anong oras na?
"Kaya mo na ba ang sarili mo?" tanong ko. Saglit itong tumitig sa akin bago sumagot.
"Hindi pa. Pero may mga dapat tapusin na pirmahan eh." sagot nito.
Mukhang tama nga ang narinig ko noon pa. Masyadong busy si Rafael. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat nito at hindi pwedeng pigilan ko siya sa mga desisyon nya.
"Kung hindi naman ako nakaabala, why not! Wala naman akong gagawin dito sa mansion." sagot ko. Gusto ko pa rin ito bantayan. Gusto kong makasiguro na maayos na ito. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Good! Para ganahan din akong magtrabaho!" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Pagkatapos namin kumain kaagad kaming gumayak. Mabuti na lang at may driver na palaging nakaantabay kay Rafael kaya hindi na nito kailangan pang humawak ng manibela. Diretso kami sa Villarama Empire.
Halos alas kwatro na ng hapon kami nakarating ng Villarama Empire. Malapit na mag-uwian ang mga empleyado pero parating pa lang ang kanilang Boss.
Kaagad kong napansin kung paano igalang si Rafael ng lahat. Halos yumukod sa kanya lahat ng mga nakakasalubong namin. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang nagtatakang tingin na ipinupukol sa akin ng ibang mga empleyado.
Sabagay, sino ba naman ang hindi magtataka. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kamay ko. Parang ipinapakita nito sa lahat na ako ang kanyang one ang only love! Charrr!!
Pagdating ng opisina hinayaan ko na lang siya na gawin ang kanyang mga trabaho. Kaagad nitong inatupag ang sangkatutak na papeles na nasa kanyang lamesa. Naglibot-libot na lang ako sa paligid ng kanyang opisina para hindi mainip.
Abala ako sa kakatitig sa mga paintings na nakasabit sa wall ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina. Kaagad na pumasok ang isang sexing babae na halos kasing edad lang ni Rafael. Diretso itong naglakad papunta sa table ni Rafael at yumukod. Hindi ko naman maiwasan na pagmasdan ito.
"Good afternoon Sir! Ito na po ang mga reports na kailangan nyo." wika nito sa malambing na boses. Saglit itong sinulyapan ni Rafael tsaka tumango.
"Okay Miss Rakan. Pwede ka ng lumabas. " narinig kong sagot ni Rafael sa malamig na boses. Patuloy ko lang silang inoobserbahan. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakikita ko si Rafael na nakikipag- usap sa kanyang empleyado. Sa isang sexing empleyado.
"Ahmmm Sir... Tumawag nga po pala ang J...." hind na natuloy pa ang sasabihin ni Miss Rakan ng muling nagsalita si Rafael.
"I dont have time para sa ganyang report. Kay Mister Lee mo sabihin iyan at siya na ang bahalang magsabi sa akin!" wika ni Rafael sa seryosong boses. Napataas ang kilay ko ng napansin ko
na hindi man lang natinag si Miss Rakan. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng masama.
May gusto ba siya kay Rafael? Nagpapa -cute ba siya dito? Ilang beses na siyang sinabihan na pwede na siyang umalis pero wa epek sa kanya. Mukhang gusto nyang akitin ang mahal ko.
Kung ganoon, kahit saang lugar may ahas talaga! Nakakainis!
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa! Kaagad na akong lumapit kay Rafael na noon ay muling itinoon ang attention sa kanyang pinipirmahan na mga papeles at yumapos dito. Kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata ng higad na babae pagkakita sa akin. Hindi marahil nito inaasahan na may kasama ang Boss niya dito sa opisina.
"Matagal pa ba iyan?" malambing kong tanong kay Rafael. Kunwari hindi ko napapansin ang presensya ng higad na babae. Hinalik-halikan ko pa sa pisngi nya si Rafael na kunwari naglalambing. Gusto ko lang naman ipakita sa babaeng ito na may nagmamay-ari na sa lalaking gusto nyang akitin.
"Naiinip ka na ba?" tanong nito sa malambing na boses. Nag-angat ito ng tingin sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Napangiti ako.
"Hindi naman!" sagot ko sabay pukol ng tingin kay Miss Rakan. Kaagad naman nakuha ni Rafael ang ibig kong sabihin.
"Miss Rakan, ano pa ang ginagawa mo dito? Go back to your work!" Mataas na ang boses ni Rafael na wika dito. Kaagad naman naglakad papuntang pintuan si Miss Rakan. Sumulyap pa ito sa akin bago tuluyang lumabas.
"Nilalandi ka ng babaeng iyun."
kaagad kong tanong kay Rafael.
pagkaalis ni Miss Rakan. Kaagad kong napansin ang pagngisi ni Rafael at tinitigan ako.
"Nagseselos ka sa kanya?" tanong nito. Parang bigla naman nag-init ang pisngi ko sa tanong na iyun. Muling natawa si Rafael.
"Nagseselos ka nga! Dont worry Sunshine...hindi oobra sa akin ang mga ganoong klaseng panglalandi!" natatawa nitong wika sabay tayo. Idinikit nito ang kanyang katawan sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
"Hindi ko hahayaan na may pagseselosan ka dito sa opisina. Bukas na bukas din tatanggalin ko na si Miss Rakan. Sisante na siya!" seryoso nitong wika bago ako hinalikan sa labi.
Chapter 233
VERONICA POV
Paano nga pala matapos ni Rafael ang kanyang trabaho kung naglalandian kami? Iyun ang unang pumasok sa isip ko ng maramdaman ko na nag- uumpisa na naman sa kanyang mapusok na galaw si Rafael. Napapansin ko lang....sa tuwing nagkakadikit ang aming katawan para kaming magnet na ayaw nang maghiwalay.
"Rafael, akala ko ba kailangan mong tapusin ang mga nakatambak na mga papeles na iyan?" halos pabulong kong wika ng pansamantala nitong iiwan ang labi ko. Wala talaga itong kasawaan. Halos ayaw nang ihiwalay ang labi nya sa labi ko.
"Sandali lang naman Sunshine! Nakakatakam ka kasi!" wika nito at inumpisahan na naman nitong suyurin ng halik ang leeg ko. Naglulumikot na din ang mga palad nito sa katawan ko.
"Anong sandali? Baka gabihin na tayo niyan!" reklamo ko. Iba ang purpose nito kaya kami nandito sa opisina. Hindi kong ano pa man. Isa pa, nag aalala ako na baka hanapin na kami sa mansion. Hindi pa naman kami nakagpagpaalam. Ang alam nila Tita at Tito may sakit si Rafael at kailangan ng pahinga.
Hindi ko maiwasan na mapatili ng buhatin ako nito. Ano na naman kaya ang naisip ng taong ito? Baka kung saan na naman hahantong ang landian namin. Naku, hindi pwede dito sa opisina. Nakakahiya!
"Dito ka muna sa sofa habang nagtatrabaho ako Sunshine. Iba talaga ang epekto mo sa akin tuwing nakikita ko iyang legs mo eh. Bakit ba kasi ganyan ang suot mo ngayun?" halos paos ang boses na wika nito sabay pisil
sa legs ko na nakalantad sa harap nito.
Naka floral dress ako na lampas tuhod. Desente naman tingnan at ano ang pinagsasabi nito na kita ang legs ko. Lagpas tuhod nga eh at ngayun lang lumantad dahil nakalilis ang laylayan nito dahil sa ginawa nitong pagpapaupo sa akin dito sa sofa.
Pabirong tinampal ko ang kanyang kamay bago nagsalita.
"Tapusin mo na ang trabaho mo. Nagugutom na ako eh." pagdadahilan ko para naman tantanan niya na ako. Masyado na kasi akong pinapakilig nito eh. Grabe ang mga banat at nakakilig na Sabi mula sa bibig nito.
Alam ko naman na mahal nya ako. Nararamdaman ko iyun sa mga haplos at salita nya. Kaya lang may mga bagay na dapat nyang unahin ngayun. Baka kasi abutin kami ng hating gabi dito sa
opisina na hindi nya pa natatapos ang trabahong dapat nyang tapusin.
"Okay Sunshine! Dito ka lang... sandaling sandali na lang iyun." wika nito sabay kindat sa akin. Nasundan ko na lang ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa kanyang swivel chair. Hindi ko pa mapigilan na mapangiting muli itong tumingin sa akin sabay kindat.
Matiyaga ko na lang na hinintay si Rafael. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos. Muli akong naglagay ng lipstick dahil nabura lahat ng iyun sa ginawa niyang paghalik kanina. Naglagay din ako ng manipis na make up sa aking mukha. Si Tita Carissa ang nagturo sa akin kung paano ayusan ang sarili. Simple lang naman din iyun. Sakto lang na presentable akong tingnan sa mata ng ibang tao.
Laging sinasabi ni Tita sa akin na hindi na kailangan na heavy make un.
Maganda na daw ako na siyang nagbibigay sa akin ng self confidence.
Halos isang oras na seryosong inaasikaso ni Rafael lahat ng tambak ng papeles sa kanyang mesa ng napansin kong tumayo na ito. Uminat inat pa ito bago muling tumingin sa akin.
"Natapos din!" wika nito. Awtomatiko akong napangiti sabay tayo.
"Talaga! Wow...ang galing mo naman Rafael." sagot ko.
"Nangangalay nga ang kamay ko sa kakapirma eh. Walang hiya itong si Mister Lee tinambakan ako ng mga papeles dito sa mesa ko." sagot nito. Natawa ako.
"Aalis na ba tayo?" tanong ko. Saglit itong nag-isip bago tumango.
"Date muna tayo! Tatawagan ko sila Mommy na hindi na tayo sasabay sa kanila sa dinner. Mamasyal na muna tayo bilang bonding natin." sagot nito. Kaagad akong nakaramdam ng excitement. Kung nagkataon, ito ang kauna-unahang date naming dalawa bilang couple.
"Sure...excited na ako." sagot ko. Kaagad kong napansin na kinuha nito ang kanyang coat at isinukbit sa kanyang balikat. Pagkatapos hinawakan na ako nito sa kamay at lumabas na kami ng opisina nito.
"Gusto sana kitang i-kiss ngayun eh... kaya lang huwag na lang. Ayaw kong burahin ang lipstick na iyan!" tatawa- tawa nitong wika. Parang bigla ko naman naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Itong mga hirit talaga ni Rafael, tagos hanggang puso ko. Nakakakilig.
Nagulat pa ako dahil pagbaba namin ng parking hindi ko na nakita pa ang driver ni Rafael. Ibang kotse na din ang aming sinakyan.
"Kaya mo na bang magdrive? Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" hindi ko mapigilang tanong dito. Pareho na kaming nandito sa loob ng sasakyan. Tumitig muna ito sa akin tsaka tumango.
"Kayang kaya na Sunshine! Dont
worry, hangover lang ang tumama sa akin kanina at 100% ayos na ako." nakangiti nitong sagot at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan. Tumitig muna ako dito tsaka tumango.
"Mabuti naman kung ganoon. Ito ang first date natin kung sakali." nakangiti kong sagot. Hindi ito kumibo bagkos pinaarangkada na nito ang sasakyan. Tahimik na lang din akong itinutok ang aking panigin sa daan.
Nagulat pa ako ng maramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa kamay ko. Nang tingnan ko ito nakatutok ang kanyang paningin sa daan. Pinisil pa nito ang palad ko na siyang nagbigay ng kakaibang kiliti sa puso ko.
"Ayos lang ba kung sa Villarama Shopping Centre muna tayo pupunta? Doon na lang muna tayo kakain habang pinag-iisipan natin ang susunod na pupunatahan dahil hindi ko alam kung saang lugar dito sa Manila magandang mag-date." wika nito.
"ayos lang naman sa akin kung sa Villarama Shopping Centre tayo. Marami din resto doon at maiikutan. Ang importante, magkasama tayo." sagot ko. Kaagad kong napansin ang muling paguhit ng matamis na ngiti sa labi nito pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun.
Hindi naman nagtagal, namalayan ko na lang na pumapasok na kami sa loob ng parking ng mall. Sa VIP slot kami pumarada pagkatapos hawak kamay kaming pumasok sa loob ng mall.
Pang sosyal ang mall na ito. Puro mamahalin ang mga tinitinda ng mga shops. Mga mamahaling restaurant din ang nandito sa loob.
"Ang ganda talaga ng shopping centre na ito Rafael nito. Nabanggit sa akin ni Charlotte regalo daw ito ni Tito Gabriel kay Tita Carissa noon." wika ko. Muling napangiti si Rafael bago sumagot.
"Yup! Aware ako doon. Gusto kasi ni Daddy na matutong magshopping si Mommy. Kung alam mo lang...hindi mahilig magshopping si Mommy noon. Hindi din ito mahilig sa mga mamahaling bagay...eh iba si Daddy eh.. gusto nyang ibigay ang lahat ng pinaka - da best kay Mommy. Gusto niyang makabawi sa lahat ng mga kasalanan nya na nagawa noong bagong mag- asawa pa lang sila." mahabang wika ni Rafael. Napaka-interesting talaga ng love story nila Tita Carissa at Tito Gabriel.
"Naikwento ni Charlotte sa akin ng pahapyaw ang tungkol sa love story nila Tita at Tito. Nakaka-inspired nga eh. Hindi ko akalain na dumaan din pala sila sa matinding pagsubok noon." nakangiti kong sagot.
"Yup! Kung alam mo lang. Napakagulo ng pagsasama nila noon. Kaya siguro napaka-strong ng pagsasama nila ngayun. Kaya siguro naging inspirasyon din sila ng mga kapatid ko at ganoon na din ako ngayun." sagot nito. Mariin akong tinitigan sa mga mata bago luminga-linga sa paligid.
"Dito ka lang Sunshine ha? Iihi lang ako. Hintayin mo na lang muna ako dito." paalam nito sa akin. Kaagad akong tumango kaya naman nagmamadali na itong tumalikod. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
"Veronica?" narinig kong tawag ng kung sino sa akin. Kaagad akong napalingon at tumampad sa paningin ko sila Lorie at Claire. Mga kababata ko at buti naalala pa ako ng mga ito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mapanuring tingin ng dalawa sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkailang. Ano ang ginagawa ng dalawang ito dito sa shopping center na ito? Sa dinami- dami ba naman na pwede kong makita ngayun gabi silang dalawa pa talaga na noon pa man hindi ko na kasundo.
Oo, magkababata kami. Pero never ko silang naging kaibigan. Puro masasakit na salita ang naririnig ko sa kanila noon pa man. Puro panlalait! Basura ang tingin nila sa amin. Si Ate Ethel lang ang kasundo ko at wala ng iba. Dahil siguro sobrang hirap ng buhay namin kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin noon sa probensya. Dagdagan pa na hindi ako nakapag-aral.
"Lorie...Claire? Kumusta kayo?"
napilitan kong tanong. Pilit din akong ngumiti sa kanilang dalawa.
"OH MY GOSH! Ano ang ginagawa ng anak ng mangingisda at magsasaka sa mamahaling mall na ito?" narinig kong wika ni Claire. May halong pandidiri sa boses nito ng sambitin nito ang tungkol sa ikinabubuhay ng aking pamilya. Parang biglang kinurot ang puso ko. Ang baba talaga ng tingin ng mga ito sa amin. Palibhasa kasi nakakaangat sila sa buhay kahit papaano.
"Baka naghahanap ng mabibiktima. Hindi bat kalat na kalat sa lugar natin na nagtitinda daw ng panandaliang aliw ang panganay na anak nila Venus at Aldrin? Ito na iyun...huling huli na natin siya. Kaya pala biglang nakabili ng lupain at ipinapagawa ngayun ang bahay." nakangisi namang sagot ni Lorie.
"Grabe naman kayo sa akin. Ngayun nga lang tayo nagkita-kita ulit parang tangan niyo pa ako ng hindi maganda." sagot ko. Halos tumulo na ang luha sa aking mga mata dahil sa mga naririnig ko sa kanila. Ang hirap talaga maging mahirap. Mamatahin ka ng kapwa mo.
"Bakit hindi ba totoo? Sa ayos mo pa lang ngayun, tiyak na marami ka ng nabingwit na mga matatandang mayaman. Imposible naman na mahigit isang taon ka pa lang dito sa Manila pero asensado na ang pamilya mo sa probensya. Sabagay, mabilis talaga ang pera sa mga prostitute na katulad mo!" muling wika ni Claire sabay tawa. Bigla akong nakaramdam ng paghihimagsik ng aking kalooban. Sumusubra na talaga ito.
VERONICA POV
Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao. Hanggang dito ba naman sa Manila sinusundan nya pa rin ako ng mga bully na ito? Nakakairita na sila. Porket hindi ako lumalaban sa kanila noon aapihin na lang nila ako palagi?
At ano itong sinasabi nila na nakabili na ng lupain sila Nanay sa probensya? Wala naman silang nababanggit sa akin tuwing tumatawag ako sa kanila ah? Ang alam ko nagsipagbalik iskwela na ang mga kapatid ko. Pero yung bahay at lupain na sinasabi ng mga ito malabo iyun.
"Oh ano? Hindi ka nakaimik noh? Dahil guilty ka! Grabe ka...talagang ginamit mo ang ganda mo para magkapera ka! Ikinakahiya ka ng mga kalugar natin." natatawang muling wika ni Claire. Pigil na pigil ko naman ang sarili ko na patulan ito.
"Bakit ka ba nakikialam sa buhay ng may buhay? Naiinggit ka ba dahil hindi mo akalain na makakarating ng Manila ang isang katulad ko? At ano ang pinagsasabi mo na prostitute ako dito? Baka gawain niyong dalawa iyun at ibinibintang nyo lang sa akin." hindi ko mapigilan na sagot. Ayaw ko nang magpaapi sa kanila noh? Tuluyan ko ng kinalimutan sa sistema ko ang mahinang si Veronica. Ang Veronica na palagi nilang pinapaiyak at tinatawanan noon dahil mangmang at baduy.
Iba na ako ngayun. Hindi na ako mangmang at hindi na baduy. Tinuruan ako ng mga Villarama kung paano kumilos at magkaroon ng tiwala sa sarili. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi ng tao lalo na kung hindi naman totoo.
"Hahahahah! Nakakatawa ka talaga! May lakas ka na ng loob na sumagot sagot ngayun ah? Dahil ba kumikita ka na ng malaking pera gamit ang katawan mo?" sagot naman ni Lorie. Hindi ko talaga alam kung ano ang mga pinagsasabi ng mga ito. Hindi ko talaga sila maiintindihan sa sinabi nila na ginagamit ko ang katawan ko para kumita ng salapi.
"Kung wala na kayong magandang sasabihin pwede bang umalis na kayo? Wala akong time para makipag-usap sa inyo dahil hindi naman tayo magkaibigan." inis kong wika. Nagkatawanan pa ang dalawa pagkatapos tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.
Inismiran ko na lang sila at inilibot ang tingin sa paligid. Bakit ba napakatagal ni Rafael. iihi lang siya eh at hanggang ngayun wala pa rin siya.
Kasing nipis na ng sinulid ang
pasensya ko sa dalawang ito. Hindi ko deserve na ganituhin nila ako dahil wala silang naging ambag sa buhay ko. Sawang sawa na ako sa pangmamata nila. Sawang sawa na ako sa panglalait na gingawa nila hindi lang sa akin kundi pati na din sa aking mga magulang at kapatid.
"BAkit, nakakaabala ba kami sa pangha -hunting mo ng mayaman sa lugar na ito? Grabe ka, pati mamahaling mall dinadamay mo pa sa ginagawa mong kalandian." muling wika ni Claire. Inis ko itong tinitigan. Below the belt na ang ginagawa nilang pang-aalipusta sa akin at hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Bakit ba ang init ng dugo nila sa akin noon pa?
"Ang cheap niyan noh? Ambisyosa!" sagot naman ni Lorie. Malalim akong napabuntong hininga at pilit na iniignora ang kanilang presesya. Baka hindi ko na makayanan ang mga lumalabas sa bibig nila at mapaiyak na naman nila ako. Ayaw ko ng nakikita nila ako kung gaano ako kahina. Hindi ko sila dapat bigyan ng satisfaction.
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang parating na si Rafael. May bitbit na itong isang bouquet na red roses.
Nakangiting naglalakad palapit sa akin kaya naman kahit papaano nabuhayan ako ng loob. Biglang bumalik ang self confidence ko na kanina lang ay unti- unting naglaho dahil sa pinagsasabi ng dalawa kong kababata. Pakiramdam ko biglang dumating ang kakampi ko.
"Sunshine!" nakangiting lapit ni Rafael sabay abot sa akin ng bouquet. Halos matunaw naman ang puso ko dahil sa kanyang ginawa. Hindi ako makapaniwala. Kaya siguro matagal itong nawala dahil binilhan ako ng bouquet of roses,
"Para kompleto ang date natin. Iba pa rin na may bitbit ka na flowers kahit saan tayo magpunta para ipaalam sa lahat ng pag-aari na kita." wika at kinintalan pa ako ng halik sa labi. Parang gusto ko naman maluha. Talagang palaging may pa-surprised itong si Rafael.
"Thank you! Kaya pala ang tagal mo eh. sagot ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Talagang naluha ako dahil sa matinding kaligayahan na nararamdaman ng puso ko.
"So lets go? Saan mo gustong kumain? Or gusto mong magshopping muna?" tanong nito kasabay ng masuyong pagpahid ng luha sa akin mga mata. Ikinawit nito ang kanyang braso sa baywang ko kaya naman kaagad na pumanatag ang aking kalooban.
"Kahit saan! Isa pa, hindi ko kailangan magshopping ngayun. Ang dami ko ng mga gamit sa mansion." sagot ko.
"Pareho talaga kayo ni Mommy!" wika nito sabay haplos nito sa pisngi ko. Napangiti ako at muli kong naalala na kausap ko pala ang mga matapobre at mapang-asar kong mga kababata. Napasulyap ako sa kanila at kita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata habang nakatitig kay Rafael. Napatingin naman sa kanila si Rafael.
"Who are they?" tanong ni Rafael Nakatitig kina Lorie at Claire na wari binabasa nito ang kanilang pagkatao. Kaagad ko naman napansin ang pagkailang sa hitsura ng dalawa.
"Ahmmm malayong kakilala." sagot ko. Nagtataka na napatitig sa akin si Rafael. Hindi marahil nito maintindihan ang ibig kong sabihin. Ngayun ko lang din narealized na mali pala ang nasagot ko.
"Ah I mean....mga dating kakilala."
sagot ko sabay pakawala ng pilit na ngiti. Kaagad na napakunot ang noo nito tsaka tumango.
"Rafael Villarama? Ikaw nga! Sir pwede po bang magpapicture sa inyo?" Si Claire ang unang nakabawi sa pagkagulat. Abot ang ngiti nito hanggang tainga kaya napaismid ako. Bigla yatang bumait ang bruha.
Mukhang sikat nga talaga ang pamilya Villarama. Kilala ng dalawang bruha eh. Sabagay hindi na ako nagtataka. Alam ko naman kung gaano kayaman sila Rafael. Ang mall na kinatatayuan namin ngayun ay pag-aari nila.
"Friend mo ba sila Sunshine?" imbes na paunlakan ni Rafael ang hiling ni Claire ako ang hinarap nito. Kaagad akong umiling sa tanong nito.
"Hindi! Kakilala ko lang sila. Hindi kami closed." sagot ko. Hindi ko na ako nagtangka pang sulyapan ang dalawa. Sariwa pa rin sa isip ko ang ginagawa nilang pang-aalipusta sa akin.
"Veronica...kaano-ano mo si Rafael Villarama? Bakit magkasama kayo?" sa kauna-unahang pagkakataon mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Biglang naging mabait ang tono ng boses ni Claire sa akin. Dati kasi puro pang- aalipusta ang lumalabas sa bibig nito ngayun iba na. Nagtatanong na siya at naging interesado sa buhay ko.
"She is my wife! Why?" si Rafael na ang sumagot. Kaagad kong napansin ang pagkulay papel ng mukha ng dalawa. Gulat na gulat.
"Wife? As in....." hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Claire ng muling putulin ito ni Rafael.
"Lets go Sunshine! Alam kong gutom ka na!" wika ni Rafael sa akin at hinawakan ako nito sa baywang at iginiya palayo sa dalawa kong kababata. Kaagad naman akong nagpaubaya. Kanina ko pa gustong makalayo sa presensya ng dalawang mapanglait na iyun.
"Mukhang hindi maganda ang encounter mo sa dalawang iyun ah?' wika ni Rafael. Nagulat naman ako.
"Ha? Paano mo nasabi?" sagot ko.
"Of coure...kahit hindi mo sabihin kilalang kilala na kita Sunshine. Alam ko kung komportable ka o hindi sa mga kaharap mo. Tell me...kababayan mo sila?" tanong nito. Saglit akong nag- isip bago sumagot.
"Mga bully sila. Palagi nila akong inaaway noon." malungkot kong sagot. Napatango ito at sandaling nanahimik.
"So, saan mo gustong kumain?" pag- iiba nito ng usapan. Napansin marahil nito ang lungkot sa boses ko. Saglit akong nag-isip bago sumagot.
"Parang gusto ko ng rice," sagot ko. Natawa si Rafael.
"Rice lang?" tanong nito. Tumango ako.
"Rice talaga ha? Sige doon tayo sa may rice." natatawa nitong sagot at pumasok kami sa isang restaurant. Kaagad naman kaming inasikaso ng waiter at dinala sa isang parang kwarto. Walang ibang tao sa loob kundi kaming dalawa.
"Wow....ang galing naman. Talagang may paganito pa sila ha?" wika ko. Natawa si Rafael.
"Yup...para may privacy tayo.:" sagot nito sabay kindat sa akin. Ipinaghila ako nito ng upuan at pinaupo ako. Kinuha din nito ang hawak kong bouquet at ipinatong sa lamesa.
"So, tell me...hindi mo pa nakikiwento ang naging buhay niyo sa probensya... bigla kasing akong naging interesado noong narinig ko sa iyo na binubully ka ng mga kababata mo" tanong nito. Kakatapos lang nitong umorder ng
aming kakainin.
"Ha? Naku, hindi mo na kailangan pang tanungin iyun Rafael. Hindi naman interesting ang mga pinagdaanan ko eh." sagot ko. Wala naman talaga akong maikwento dito liban lang kung gaano kahirap ang buhay namin. Kung tutuusin hindi talaga ako bagay sa pamilya nila. Maswerte lang ako dahil mababait sila at wala silang pakialam kung anong istado ng buhay ang magugustuhan ng mahal nila sa buhay.
"Bakit naman. Nabanggit sa akin nila Mommy na minsan na daw silang nakapunta sa lugar niyo. Doon din daw nila unang nalaman na ipinagbubuntis na pala ako ni Mommy." sagot ni Rafael. Muli akong napangiti.
"OO. iyun din ang nabanggit sa akin ni Ate Arabella. Kaibigan nya daw si Nanay at totoo iyun. May nakikita kasi akong picture ni Ate Arabella sa bahay namin ehh. Lumang picture....." nakangiti kong sagot.
"Pero alam mo...mahirap lang kami Rafael....sobrang hirap. Kung walang huli sa dagat si Tatay, hindi kami kakain. Kaya nga hindi ako nakapag- aral eh. Kaya nga si Ate Ethel lang ang kaibigan ko. Ayaw kasi ng mga kasing edad ko sa akin. Wala daw akong pinag- aralan at baka mahawa sila sa kamalasan ng pamilya namin."
malungkot kong kwento dito. Seryoso naman akong tinitigan ni Rafael.
"Kaya ba napadpad ka sa amin?" tanong nito. Kaagad akong tumago.
"Oo, handa kong pasukin kahit na anong trabaho noon para lang kumita. Naging madamot ang kapalaran sa akin noon. Dahil wala akong pinag- aralan hindi ako matanggap-tanggap sa trabaho. Hanggang sa nag-apply akong kasambahay sa isang agency at swerte naman na naipadala ako sa mansion".
"Naiyak pa nga ako noon eh. Ang akala ko talaga ayaw akong tanggapin ni Mommy mo. Ayaw daw nila sa mga batang kasambahay. Umiyak ako kaya siguro naawa sa akin si Mommy mo at hindi ako pinabalik sa agency." wika ko. Titig na titig sa akin si Rafael at napangiti.
"At sinungitan kita kaagad dahil sa swimming pool ka kumuha ng tubig para ipangdilig?" tanong nito. May halong panunudyo sa boses nito. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya ng maalala ang katangahan na ginawa ko noon. Napahalakhak si Rafael.
"bakit ka namumula Sunshine? Huwag kang mahiya sa mga nangyari noon dahil iyun ang isa sa mga dahilan kung bakit patay na patay ako sa iyo ngayun. "wika nito sabay hawak sa kamay ko. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Ramdam ko kung gaano ito ka-sinsero sa kanyang sinasabi.
"Alam mo ba simula ng araw na iyun hindi ka na nawala sa isip ko? Kaya nga panay papansin ko sa iyo eh. Kaya nga sinusungitan kita para mapagtakpan ang pagkagusto ko sa iyo noon. Napaka -inosente mo. Para kang isang bata na walang muwang sa mundo." mahaba nitong wika.
Parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko habang pinapakinggan ang mga salita na lumalabas sa bibig ni Rafael. Ako na siguro ang pinaka-maswerteng babae sa mundo dahil nakamit ko ang pagmamahal ng isang Rafael Villarama.
"Sorry!" wika ni Rafael habang titig na titig sa akin. Hindi ko maiwasan na mapakurap.
"Tungkol saan?" nagtataka kong tanong.
"Sa lahat ng hirap na pinagdaanan mo. Hindi ko akalain na sa kabila ng karangyaan na tinatamasa ko, kabaliktaran naman ang nangyari sa iyo. Sana noon pa tayo nagkakilala." sagot nito. Muli akong naluha. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang awa at sinsiridad sa kanyang mga sinasabi.
"Masaya naman ako kahit mahirap kami eh. Mahal na mahal kami ng mga magulang namin. Inalagaan nila kaming magkakapatid at pinalaki ng maayos." sagot ko.
"I know...at simula ngayun hindi ko na hahayaan pa na maranasan niyo ang hirap ng buhay." sagot nito.
"Kaya nga gusto kong makapagtapos sa pag-aaral para matulungan sila. Ayaw kong makita na habang buhay na naghihirap ang pamilya ko Rafael." sagot ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito.
"I know....I know!" sagot nito.
"Teka lang...bakit ang lungkot ng topic natin ngayun? Dapat masasayang topic lang dahil ito ang kauna-unahang date natin." pilit ang ngiti na wika ko dito.
"Oo nga pala! First date natin ngayun kaya dapat pareho tayong masaya!" sagot nito at matiim akong tinitigan sa mukha.
Unti-unti na naman akong nakakaramdam ng pagkailang dahil sa mga titig nito at mabuti na lang dumating na ang inorder namin na pagkain. Masaya naming pinagsaluhan iyun at habang kumakain kami ramdam na ramdam ko ang pag- aalaga ni Rafael. Halos subuan na kasi ako nito.
"So saan tayo ngayun pupunta?" tanong nito pagkatapos namin kumain. Talagang nabusog ako. Ang sarap kausap ni Rafael. Ang sarap nitong kasama. Para akong prinsesa kung ituring nito.
"Hmmm hindi ko din alam eh. Saan nga ba?" tanong ko. Saglit na nag-isip at seryoso akong tinitigan.
"Gusto mo bang makita ang mga magulang mo?" tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
Napakurap ang aking mga mata na napatitig dito.
"Bakit?" tanong ko.
"Naisip ko lang....siguro na-miss mo na sila." sagot nito.
"Pero kaya ko pa naman tiiisin eh. Isa pa hindi ako pwedeng lumiban sa klase. " sagot ko.
"Pwede naman tayong bumiyahe sa weekend." sagot nito. Halos hindi naman ako makapaniwalang napatingin dito.
"Mahigit isang taon ka na sa amin at hindi ka pa nakakauwi. I think ito na iyung right time para bisitahin sila kasama ako. Gusto kong makilala ang mga magulang mo Veronica." Masuyo nitong wika habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Pero paano?" Malayo ang lugar namin." sagot ko.
"Walang malayo o malapit sa akin Veronica. Siguro naman may eroplano malapit sa inyo diba?" tanong nito. Saglit akong nag-isip bago tumango.
Walang airport sa lugar namin pero meron sa mga kalapit na lugar. Siguro aabot ng halos limang na oras ang byahe kung sasadyain. Sasakay pa kasi ng Roro kaya ganoon.
"Great! Kayang kaya ng oras natin iyan sa weekend. Mag chopper na lang tayo mula dito sa Manila hanggang sa malapit na airport sa lugar niyo. Basta ako na ang bahala sa lahat.
Magpapapaalam tayo kila Mommy na babyahe tayo ngayung weekend."
nakangiti nitong sagot. Lalong hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kung alam lang nito kung gaano ako kasaya.
Chapter 235
VERONICA POV
"Sigurado ka?" tanong ko. Nakangiti itong tumango at pinahid ang luha sa aking mga mata.
"Lahat ibibigay ko sa iyo Sunshine! Ganyan kita kamahal! Isa pa gusto kong pormal na hingin ang mga kamay mo sa mga magulang mo. Gusto ko ipakita sa kanila kung gaano ako ka- seryoso sa iyo." sagot nito.
"Rafael...thank you! Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya! Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganitong klaseng pagpapahalaga mula sa lalaking mahal ko." sagot Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. Hinaplos ang pisngi ko bago ako niyakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita Veronica! Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ganito ka-positibo ang tingin ko sa buhay ngayun." nakangiti nitong wika. Naisubsob ko naman ang mukha ko sa dibidib nito habang hindi mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi.
Nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto bago kumalas sa isat isa.
"So, lets go! I think may direksyon na ang date natin ngayun. Bibili na tayo ng pwede natin ipasalubong sa pamilya mo na magiging pamilya ko na din." nakangiti nitong wika. Hindi ko mapigilang matawa. Tawa ng kaligayahan.
"Naku, nakakahiya! Huwag na! Sapat na ang presensya natin para maging masaya sila." sagot ko. Kaagad na umiling si Rafael.
"Iyan ang hindi ko mapapayagan Sunshine! Iba pa rin na may mga pasalubong sila mula sa atin...so Lets go?" ngingiti-ngiti nitong wika. Kaagad kong kinuha ang bouque na nakapatong sa lamesa bago humawak sa braso nito at sabay na kaming lumabas ng restaurant.
"Ano ang magandang regalo sa parents mo?" Hmmm I think jewelry is much better." narinig ko pang wika nito at hinila ako sa isang shop na puro alahas ang mga nakadisplay. Hindi ko maiwasan na tumutol. Mamahaling bagay ang tumatakbo sa isip ni Rafael at hindi ako papayag. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nito.
"Rafael...NO! Nakakahiya! Iba na lang." wika ko para pigilan ito. Pwede naman mga damit na lang. Pero alahas talaga? Mahal ang mga iyun at nakakahiya. Binalingan ako ng tingin tsaka nginitian.
"Deserved nilang makatanggap ng regalo mula sa kanilang son in law Sunshine!" nakangiti nitong wika at pinisil pa ang pisngi ko bago ako iginiya papasok sa loob ng shop. Kaagad naman kaming binati ng mga staff.
"Good Evening Mister Villarama! Good Evening Mam!" bati ng mga ito. Tanging tango lang ang naging tugon ni Rafael at naupo na kami sa isang sofa na may center table sa harap.
Pilit kong hinuhuli ang tingin ni Rafael para sana tumutol sa gusto nito. Kaya lang ayaw talaga nitong tumingin sa akin. Bagkos inutusan nito ang staff na magdala ng ibat ibang set ng alahas na kaagad naman tumalima.
"Sigurado ka ba talaga?" tanong ko pa dito ng maiwan kami. Binalingan ako nito tsaka nginitian.
"Maliit na bagay kumpara sa pagpapalaki nila sa iyo ng maayos Sunshine!" sagot nito.
"Pero..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita.
"NO more 'PERO' Sushine! Huwag mong kalimutan na maraming pera ang asawa mo." nakangiti nitong bulong at mabilis akong hinalikan sa labi. Nagulat naman ako dahil sa ginawa nito. Halos lahat ng mga mata dito sa loob ng shop nakatingin sa amin kaya nahihiya akong napayuko.
"Tsk! Tsk!...sige isa pang pagtanggi at hindi lang mabilisang halik ang matitikman mo sa akin." nakangiti nitong pagbabanta. Lalo ko naman naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago dumating ang ilang mga staff na may hawak na mga kahon. Kasama ng mga ito ang kanilang Manager.
"Good Evening Mister Villarama!" kaagad na bati nito habang may nakaguhit na matamis na ngiti sa labi nito. Binalingan din ako nito at binati.
"May mga new set of Jewelry po kaming bagong dating Sir...sana magustuhan niyo po." wika nito at naupo na sa katapat namin na upuan. Kinuha nito ang isang kahon na hawak ng isa sa kanyang mga staff at binuksan iyun at inilipag sa center table.
Hindi ko naman maiwasan na mamangha ng tumampad sa paningin ko ang isang kulay gintong kwentas, hikaw, bracelet at singsing. Isang set talaga! Napahawak pa ako kay Rafael dahil gusto ko na naman tutulan ang gusto nito pero hindi ako nito pinansin.
"Okay...I will take this!" Wika nito at nagturo pa ng nagturo. Hindi na ako umiimik sa tabi nito. Nahihiya man pero wala na akong magagawa. Mapilit talaga ito eh. Isa pa baka magtampo na ito sa akin kung patuloy ko itong pipigilan. Alam ko kung gaano ito ka- seryoso.
"May gusto ka pa bang bilihin Sunshine?" narinig ko pang tanong nito. Kanina pa marahil nito napapansin ang pananahimik ko. Umiling ako kaya naman muli nitong itinoon ang pansin sa mga alahas.
"Idagdag nyo na din iyan." Narinig ko pang wika nito bago isa-isang umalis ang mga staff dala-dala ang mga alahas na napiling bilhin ni Rafael. Parang wala lang sa kanya na binayaran lahat ng iyun gamit ang kanyang card.
"Galit ka?" tanong nito ng palabas na kami sa shop. Natapos din ang pamimili nito at pakiramdam ko na- stress ako sa laki ng binayaran nito. Para daw lahat sa pamilya ko ang mga iyun.
"Ha? Naku...bakit naman ako magagalit? Dapat nga magpasalamat ako sa iyo eh. Nag-abala ka pa tuloy.. Isa pa napapagastos ka pa na hindi naman dapat." nahihiya kong sagot sabay sulyap sa bitbit nito.
"Maliit na bagay! Sa nasabi ko na... pamilya ko na din ang pamilya mo Sunshine!" "ngingiti-ngiti nitong sagot.
"I think we need to go home na! Si Mister Lee na lang ang uutusan ko sa mga bagay na dapat pang bilhin para dalhin sa pag-uwi natin sa probensya nyo." wika nito at kaagad na kaming naglakad papuntang parking.
Nagpatianod na lang din ako.
Hayayaan ko na lang si Rafael sa gusto nya. Siya din naman ang magagastusan. Basta sa ngayun, excited akong makita ulit sila Nanay at Tatay pati na din ang mga kapatid ko. Parang gusto ko na tuloy hilain ang araw para mag-weekend na.
Pagdating ng mansion sakto naman na naabutan namin sa living room sila Tita Carissa at Tito Gabriel. Agad sinabi ni Rafael ang balak namin ngayung weekend. Noong una bakas ang pagtutol sa mga mukha ng mga ito dahil bakit biglaan daw ang desisyon namin na pagdalaw sa probensya na kinalikihan ko. Pero hindi naman nagtagal pumayag na din ang mga ito basta magsama daw kami ng ilang mga bodyguards. Ayaw daw kasi nilang ipagsawalang bahala ang kaligtasan namin ni Rafael.
Naiintindihan ko naman iyun. Alam kong nag-aalala sila sa kaligtasan ng bunso nila. Malayo ang probensya namin at istranghero pa rin si Rafael sa lugar na iyun kahit na kasama nya ako. Isa pa iba pa rin ang may magtatanggol dito kahit na ano pa ang mangyari.
Gusto sanang sumama nila Tita Carissa para diretso pamanhikan na din sana. Kaya lang kailangan munang unahin ang sitwasyon ni Jeann. Isa pa biglaan talaga ang desisyon namin in Rafael at hindi naman kami magtatagal sa probensya. Halos dalawang araw lang kami doon at babalik kaagad kami ng Manila dahil may pasok sa opisina si Rafael at hindi din ako pwedeng lumiban sa School.
Chapter 236
VERONICA POV
"Good Night Sunshine!" kaagad na wika ni Rafael sa akin pagkatapat namin sa kwarto ko. Hinalikan pa ako nito sa labi bago binuksan nito ang pintuan ng kwarto ko at sininyasan na akong pumasok sa loob.
"Good Night Rafael! I love you!" sagot ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito at hinaplos pa ang aking pisngi bago sumagot.
"I love you too Veronica!" sagot nito bago tuluyang tumalikod para pumunta sa kanyang kwarto. Kaagad ko naman isinara ang pintuan habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Sobrang nakakakilig ang nangyari sa amin ngayung araw.
Mabilis akong naglinis ng aking
katawan para makatulog na. Sinadya ni Rafael na hindi muna kami magtabi ngayun para pareho daw kaming makapagpahinga ng maayos. Mabuti na din iyun dahil gusto kong matulog ng maayos ngayun. Papasok ako ng School bukas at ayaw ko naman na aantok-antok ako habang nasa classroom ako
Nakapwesto na ako ng kama ng marinig ko na tumutunog ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinagot ng mapansin ko na si Jeann ang tumatawag.
"Jeann?" tanong ko. Kaagad kong narinig ang marahan nitong paghikbi sa kabilang linya kaya hindi ko maiwasan na mag-alala.
"May....may problema ba?" tanong ko.
"Nica...ano ang gagawin ko?" kaagad na tanong nito. Lalo naman akong nagtaka.
"Ha? Bakit may problema ba?" tanong ko ulit.
"Palagi naman akong may problema eh! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayun! Kung bakit umiiyak ako!" sagot nito. Lalo naman akong naguluhan.
"Ano ba ang ibig mong sabihin? Diretsahin mo nga ako?" tanong ko.
"Nahuli ko si Drake na kasama niya sa condo ang current girlfriend nya. Nagsasama na sila Nica! Parang mag- asawa na ang turingan nilang dalawa." sagot nito. Nagulat naman ako.
"Ha? Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Pumunta ako kanina sa condo nya para makipag-usap sana sa kanya tungkol sa nalalapit naming kasal. Kaya lang iyung babae ang naabutan ko doon. Kinausap nya ako at sinabi nyang lubayan ko na daw si Drake!
Napipilitan lang siyang magpapakasal sa akin dahil buntis ako at kaibigan siya ni Uncle Rafael." sagot nito. Kaagad akong nakaramdam ng matinding awa kay Jeann. Buntis ito at hindi nya dapat pagdaanan ang ganitong klaseng problema
"Baka naman gumagawa lang ng kwento ang babaeng iyun. Imposibleng kaagad na pumayag si Drake sa kasal nyo kung hindi bukal sa kanyang kalooban." sagot ko. Lalo kong narinig ang malakas nitong pag-iyak. Napasulyap ako sa orasan at napansin kong halos alas onse na ng gabi. Nasira ang balak kong matulog kaagad ngayung gabi.
"Totoo ang sinasabi nya. Nakapantulog pa siya kanina habang nag-uusap kami. sagot nito. Halata sa boses nito ang pagkadismaya kaya hindi ko maiwasan na maawa sa kanya.
"Ano ngayun ang plano mo?" tanong ko. Sandali itong nanahimik bago sumagot.
"Hindi ko alam. Gusto kong makausap si Drake tungkol dito. Ayaw kong pumasok sa buhay pag-aasawa kung ganito naman kagulo ang sitwasyon. Nakarinig ako ng masasakit na salita mula sa kasintahan ni Drake at tagos iyun hanggang kaluluwa ko." sagot nito. Ramdam ko ang pigil na pag-iyak nito habang sinasabi nya ang katagang iyun. Lalo akong naawa kay Jeann. Napakabait nito at hindi niya deserve na masaktan ng ganito.
"Jeann, sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang maipapayo ko sa iyo. Pero mas mabuti siguro na kausapin mo sila Tita at Tito pati na din ang mga magulang mo tungkol dito. Unfair sa parte mo kung pareho naman kayong hindi masaya ni Drake sa pagpapakasal niyo." sagot ko.
"Hindi ko alam. Ilang beses ko ng
kinausap si Mommy tungkol dito. Gusto talaga nilang makasal kami ni Drake para mapanagutan ang batang nasa sinapupunan ko. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi sana ako pumayag na may mangyari sa aming dalawa." Humihikbi nitong sagot. Lalo naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko akalain na darating ang ganitong klaseng problema sa buhay ni Jeann.
"Gusto mo bang kausapin ang Uncle Rafael mo tungkol dito? Baka may maitulong siya total naman kaibigan niya si Drake." tanong ko. Suminghot singhot muna ito bago sumagot.
"SA palagay mo ba may maitutulong siya? Natatakot ako Nica...baka lalong magkagulo. Nasasaktan ako sa mga nangyari ngayun. Natatakot ako na baka saktan nila si Drake. Kilala ko ang pamilya ko at ayaw nilang may madihado na kahit isa sa mga
miyembro.." sagot nito.
"Hindi ako mapalagay. Masakit na marinig sa ibang tao na sasabihin nila na malandi ako. Na mang-aagaw! Alam mo naman na hindi totoo iyun diba? Nakalimot lang talaga ako at hindi ko alam kung paano ito lusutan." muling sagot nito. Napabuntong hininga ako.
"Mabuti pa siguro kausapin mo si Drake tungkol dito. Sabihin mo sa kanya ang gusto mong sabihin. Kayong dalawa lang ang makaka-solve sa problemang ito Jeann." sagot ko dito. Bigla tuloy akong namroblema. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maitulong sa kanya.
Nagtatalo din ang aking isipan kung babanggitin ko ito kay Rafael. Matalik nyang kaibigan si Drake at pwede nyang alamin kung bukal ba sa kalooban ni Drake na pakasalan si Jeann. Kung ibinahay na nito ang kanyang girlfriend bakit mukhang masaya naman siya habang pinag- uusapan ang detalye ng kasal nila Jeann? Magaling lang ba talaga siyang magtago ng nararamdaman niya o natakot lang talaga siya sa mga Villarama?
"Pasensya ka na kung naabala kita Nica. Sige na...matulog ka na. Tatawag na lang ulit ako bukas." Malungkot na wika nito at hindi na ako hinintay na makasagot. Kusa na nitong pinatay ang tawag.
Malalim akong napabuntong hininga at nagpasya ng mahiga sa kama. Gusto kong tulungan si Jeann sa kanyang problema pero hindi ko alam kung papaano.
"Kinaumagahan...katulad ng gusto ni Rafael, ito na mismo ang naghatid sa akin sa School.
"Are you sure na ayos ka na?" tanong pa nito sa akin habang nasa byahe kami. kaagad akong tumango.
"Yes...mababaw lang naman ang sugat sa ulo ko. Isa pa tatawagan naman kita kung sakaling magkaproblema ulit ako. "nakangiti kong sagot sabay hilig sa balikat nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Wala ng matatangka na mambully sa iyo Sunshine. Siguro naman hindi nila gugustuhin na ma-kick-out katulad noong isa mong ka-classmate na nambully sa iyo." sagot nito.
"Kick out? Ibig mong sabihin, nakick- out si Jennifer?" naguguluhan kong tanong.Ngumiti lang ito sa akin at namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa harap ng School. Nagmamadali itong bumaba para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse.
"Mag-ingat ka Sunshine! See you later! "wika nito at mabilis akong hinalikan sa labi. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya lalo na ng mapansin ko na may iilang istudyante ang nakatingin sa gawi namin. Masyado talaga kasing pansinin ang presensya ni Rafael lalo na mamahalin ang kotse na gamit nito palagi. May ka- convoy pang mga bodyguard.
"Mag-ingat ka din! See you later!" matamis kong ngiti at tinalikuran na ito. Nagmamadali akong naglakad patungo sa aking classroom.
"Veronica! Kumusta ka na? Nakita ko iyun ha?" nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Beatrice. Malawak ang pagkakangiti nito kaya naman napagtanto ko na nasa mood ito ngayun. Hindi katulad noong huling pagkikita namin na parang pasan nito ang mundo.
"Ayos lang naman. Hindi ako pinayagan ni Rafael na pumasok kahapon eh." sagot ko. Alam ko ang tumatakbo sa isip ni Beatrice. Nakita marahil nito ng halikan ako kanina ni Rafael base na din sa panunudyo nito sa akin ngayun.
"Dapat lang na magpahinga ka muna! Uyy alam mo bang na-expelled sa School si Jennifer? Hindi na siya binigyan ng second chance ng iskwelahan dahil sa ginawa niyang gulo. Halos magngangawa nga ang bruha sa pagmamakaawa na huwag siyang ikick out!." kwento nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Ganito ba talaga kahigpit ang iskwelahan na ito pagdating sa mga away? Kung ganoon, ngayun pa lang dapat mag-ingat ako. Kakaumpisa pa lang ng klase pero may tinanggal na kaagad silang istudyante.
"Kawawa naman pala siya." hindi ko maiwasang bulong. Kung ako lang ang masusunod willing akong bigyan ng second chance si Jennifer. Kaya lang nakapagdesisyon na ang iskwelahan at wala na akong magagawa pa. Dapat lang din siguro na pagbayaran ni Jennifer ang kasalanan niya.
"Tama lang iyun sa kanya! Noon pa man bully na talaga siya! Ngayun lang siya nakatagpo ng katapat." sagot ni Beatrice. Napatitig naman ako dito. Sabagay, hindi ko naman din alam ang records ni Jennifer sa School na ito. Ngayun ko lang sila nakasama.
Naging tahimik ang buong araw ko sa School. Kinakausap na din ako ng iba ko pang mga classmates na labis kong ipinagtaka. Mukhang bigla silang bumait lahat sa akin.
Kakatapos lang ng last subject ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong sinagot ng mapansin ko na Jeann na naman ang tumatawag.
"Hello! Jeann!" kaagad kong sagot.
"Nica...pwede mo ba akong samahan." sagot nito. Natigilan ako.
"Kakatapos lang ng klase ko. Saan mo gustong pumunta para makapagpaalam ako kay Rafael pati sa tutor ko.:" sagot ko. Maaga dapat akong uuwi ngayun dahil naghihintay ang tutor ko sa mansion.
"Pasensya ka na kung nakaabala ako sa iyo. Wala lang talaga akong ibang mayaya eh. Saglit lang naman tayo sa pupuntahan natin. Tinawagan ko na din ang driver mo na huwag ka ng sunduin dahil dadaanan kita." sagot nito sa malungkot na boses.
"Saan mo ba gustong pumunta? TApos na ang klase ko ngayun at pwede mo na akong puntahan." sagot ko. Magtitxt na lang din ako kay Rafael para ipaalam dito na kasama ko si Jeann. Gabi na din ito makakauwi ng mansion dahil may impotanteng kliyente itong kakausapin mamayang alas kwatro ng hapon.
"Nakapagdesisyon na ako. Kakausapin ko si Drake tungkol sa sitwasyon namin. Ayaw ko ng magpakasal sa kanya." sagot nito.
Chapter 237
VERONICA POV
Hindi nagtagal ang paghihintay ko at kaagad naman dumating si Jeann. May sarili itong kotse kaya naman walang problema dito kung gusto nitong gumala kung saan. Mukhang hindi na din yata ito pumasok ng School dahil ang alam ko hanggang alas singko ng hapon ang klase nito.
Pagkasakay ko ng kotse ay kaagad kong napansin ang lungkot sa mukha nito. Kapansin-pansin din ang pamamaga ng mga mata nito palatandaan na galing ito sa matinding pag-iyak. Lalo tuloy akong nakaramdam ng awa sa kanya.
Sa mahigit isang taon kong pagtira sa mansion wala itong ipinakita sa akin kundi kabutihan. Kaya mahirap para sa akin na nakikita ko kung gaano ito kalungkot ngayun. Naninibago ako sa kanya dahil masyado itong masayahin tuwing nagkakasama kami.
Sigurado ka na ba?" kaagad na tanong ko kay Jeann pagkahinto ng sasakyan namin sa tapat ng bar ni Drake. Masyado pang maaga at hindi namin alam kung nasa loob na ito. Ayaw din kasi nitong bumalik kami sa condo na alam nyang pag-aari ni Drake dahi ayaw nyang makaharap ang girlfriend nito.
"Sigurado na ako. Gusto ko siyang makausap para sabihin sa kanya na ayaw ko ng magpakasal pa. Nahihirapan na ako sa sitwasyon at ayaw ko ng dagdagan iyun." malungkot nitong sagot. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya.
"Sabagay, kung wala namang love na namagitan sa inyong dalawa mabuti pa nga siguro na ngayun pa lang umatras ka sa kasal na iyan. Baka pareho lang kayong magsuffer bandang huli." sagot ko at tinanggal na ang pagkakabit ng set belt sa katawan ko ng napansin ko na bumaba na si Jeann ng kotse.
Kapansin-pansin ang kaba sa mukha nito habang naglalakad na kami papunta sa entrance ng bar. Kinakabahan din ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaapak sa ganitong lugar. Bahay, mansion at mall lang ang napupuntahan ko sa loob ng isang taon. Isa pa hindi din ako nakapagpaalam kay Rafael at baka magalit ito sa akin kapag malaman nito na pumunta ako sa ganitong lugar.
"Mam, mamayang alas sinko pa po kami magbubukas." kaagad kaming hinarang ng guard ng tumapat kami sa salamin na pintuan. Napatingin ako kay Jeann at nang mapansin ko na wala itong balak na magsalita ako na mismo ang sumagot.
"Nandiyan ba si Drake? Pwede ba namin siyang makausap." tanong ko sa guard.
"Naku po...hindi po tumatanggap si Sir Drake ng bisita Mam. Busy po siya sa loob." sagot nito. Kaagad akong nabuhayan ng loob. Ibig sabihin nandito si Drake at kailangan namin mapakiusapan ang guard na papasukin kami sa loob para makausap ang amo nito.
"Importante po kasi ang kailangan namin. Pwede po bang pakitawagan siya?" tanong ko. Kaaagad naman umiling ang guard.
"Pasensya na po Mam! Mahigpit pong ipinagbawal ng amo namin na huwag siyang istubuhin. Pasensya na po!"
sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga. Ganito ba talaga kahirap makaharap ang mga taong nakakaangat sa lipunan?
"Hindi siya humaharap kahit na sabihin mo sa kanya na nandito sa labas ang fiancee nya?" seryosong tanong ni Jeann. Kaagad naman natigilan ang guard.
"Pakitawagan po siya Manong. Sabihin mo nandito sa labas si Jeann Villarama Santillan at gusto siyang makausap." seryoso kong utos dito. Hindi pwedeng umalis kami sa lugar na ito ng walang napapala. Kinancel ko pa naman ang lesson ko ngayun kay Teacher May pagkatapos magsasayang lang pala ako ng oras. Isa pa masyado na akong naawa kay Jeann.
Buntis ito at baka maapektuhan nito ang ipinagbubuntis kung palagi itong mag-iiyak.
"Sige po, sandali lang po Mam. Inform ko lang kay Sir na nandito kayo." sagot nito at kaagad na isinara nito ang salamin na pintuan. Ni hindi man lang nag-abala na papasukin muna kami sa loob. Ang init pa naman dito sa labas.
Wala kaming choice kundi matiyagang maghintay. Kung ayaw pa rin kaming papasukin sa loob mapipilitan akong tawagan na lang muna si Rafael para makahingi ng tulong. Wala akong choice kundi sabihin ko dito kung nasaan ako.
Muli akong napasulyap kay Jeann. Parang nagpipigil na itong maiyak. Bigla ko tuloy namiss ang dating Jeann na matapang. Ang laki ng ipinagbago ng ugali nito ngayun
"Mahal mo siya?" hindi ko mapigilang tanong. Maang itong napatitig sa akin.
"Siguro mahal mo siya.... Hindi ka naman siguro magkakaganyan kung hindi diba?" seryoso kong wika. Kilala ko ang ugali ni Jeann. Hindi naman siguro ito basta-basta makikipagsex kung hindi nito gusto ang lalaki.
Napansin ko ang bahagyang pagtulo ng luha sa mga mata nito at tumitig sa kawalan.
"Hindi ko alam. Naguguluhan din ako.
" sagot nito. Marahan akong napabuntong hininga. Aaminin man nya o hindi alam kung may gusto din ito kay Drake. Sasagot pa sana ako ng mapansin namin na muling bumukas ang salamin na pintauan. Muling lumabas si Manong guard.
"Pasensya na po kayo kung medyo matagal kayong naghintay Mam. Pwede na daw po kayong pumasok. Nasa second floor po ang opisina ni Sir Drake." imporma sa amin nito at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Kaagad naman kaming pumasok ni Jeann.
Bumungad sa paningin ko ang ilang mga tao na abala sa paglilinis. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakapasok sa ganitong lugar at hindi ko maiwasan na kainin ng kuryusidad. Ano kaya ang hitsura nito kapag nag- ooperate na? May mga babae din kayang sumasayaw katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula?
Kaagad kaming umakyat ng second floor. Mabuti na lang at may nakasulubong kaming staff at kaagad nitong tinuro ang opisina ni Drake ng tanungin namin ito.
Palapit pa lang kami ng opisina ni Drake ng kaagad na bumukas ang pintuan nito. lumabas ang isang seksing babae at kaagad na tumigil si Jeann ng makita nya ito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Bakit?" tanong ko dahil huminto ito sa paglalakad.
"Nandito ang girlfriend ni Drake." sagot nito at napansin ko ang pagtitig ng babae sa amin. Nakataas ang kilay nito ng naglakad palapit sa amin kaya hind ko maiwasan na maalarma.
"So, ano ang ginagawa ng isang Jeann Santillan sa lugar na pag-aari ng fiancee ko?" kaagad na tanong nito. Bakas sa kanyang boses ang pang- iinsulto kaya hindi ko maiwaan na makaramdam ng pagkainis.
"Fiancee?" tanong ko. Binalingan ako nito ng tingin at matalim akong tinitigan.
"And who are you?" tanong nito sa galit na tinig. Matalim ko din itong tinitigan.
"Hindi kami na-inform na kaya palang pagsabayin ni Drake ang dalawang babae sa buhay niya. Paano iyan... fiancee nya din ang kasama ko ngayun?
" sagot ko. Bakas sa boses ko ang pang- iinis dito. Wala siyang karapatan na inisin si Jeann. Kung fiancee din ito ni Drake, ngaun pa lang dapat pumili siya kung kanino ba talaga siya seryoso.
Masyado naman yata siyang gwapo para pagsabayin ang dalawang babae. Mabuti na lang at hindi ganito ang Rafael ko.
"Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan! Mang-aagaw ang kasama mo kaya kung ako sa iyo iwasan mo na siya bago ka pa mahawa sa kakatihan nya!" sagot nito. Parang bigla naman umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa sobrang inis. Hindi ako papayag na may babastos sa mga taong tinanggap ako ng buo at itinuring akong bahagi ng pamilya nila. Lalo na at anak at apo ito ng taong tumulong sa akin upang unti-unti kong makamit ang aking mga pangarap.
Kung hindi kayang ipagtanggol ni Jeann ang sarili nya, pwes ako ang magtatanggol sa kanya. Ipaglalaban ko ang karapan niya bilang fiancee ni Drake.
"Really? Well tingnan lang natin kung sino ang mas pipiliin ni Drake. Dont worry, nandito kami dahil kakausapin namin si Drake tungkol sa issue na ito.. Excuse us!" wika ko at kaagad na hinila si Jeann papuntang opisina ni Drake. Hindi na ako kumatok pa. Kaagad kong pinihit ang siradura ng pintuan ng mapansin ko na nakasunod sa amin ang girlfriend ni Drake.
Kaagad naman napatayo si Drake mula sa pagkakaupo ng mapansin nito ang presensya namin. Kaagad itong lumapit kay Jeann.
"Jeann...napadalaw kayo!" kaagad na wika nito. Napasulyap muna si Jeann sa girlfriend nito na pumasok pa talaga dito sa loob ng opisina bago sumagot.
"Pwede ba tayong mag-usap?" sagot ni Jeann Kaagad na napasulyap si Drake sa girlfriend nito bago sumagot.
"Bakit nandito ka Abril. Hindi bat pinaalis na kita?" wika nito sa malamig na boses. Kaagad na napataas ang kilay ko. So Abril pala ang pangalan ng bruha.
"Drake...siya ba ang dahilan kaya bigla mo akong hiniwalayan?" tanong nito. Pareho naman kaming nagulat ni Jeann.
"Abril, matagal na tayong wala. Mahirap bang intindihin na ayaw ko na sa iyo! Please..itigil mo na ang kakahabol! Ikakasal na ako!" sagot nito. Kaagad na nanlisik ang mga mata ni Abril na tumitig kay Jeann. Mukhang gets ko na ang mga pangyayari. Hinahabol ng babae na ito si Drake. Hiniwalayan na pala sila eh pero bakit nandito pa rin siya? Kung ganoon walang dapat na ipagselos ang kaibigan ko. Tuloy ang kasal!
"Hindi mo siya fiancee?" tanong ni Jeann. Sa wakas mukhang nakabawi na ito at nagawa ng magsalita. Kaagad na tumango si Drake!
"No! Bakit ko siya maging fiancee gayung malapit na tayong ikasal at magkakaanak na tayo." sagot nito at masuyong tinitigan si Jeann sa mukha. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Kung tama ang nakikita ko mukhang mauuwi talaga sa kasalan ang lahat.
Nagpasya na lang muna akong lumabas ng opisina. Hahayaan ko na lang muna silang mag-usap. Balak kong magmessage kay Rafael para sabihin dito na nandito kami sa bar na pag aari ni Drake.. Baka kasi magtampo sa akin kung hindi ko maipaalam sa kanya. Isa pa mukhang magtatagal pa kami sa lugar na ito.
"Uyyy! Alis na daw!" wika ko kay Abril at sininyasan ko si Jeann na lalabas muna ako.
Malay mo naman, baka simula ngayung araw magiging maayos din ang buhay pag-ibig ni Jeann. Kulang lang siguro sila sa communication at kailangan nilang aminin sa isat isa kung ano ang kanilang nararamdaman.
Nasa labas na ako ng opisina ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Abril. Napailing ako. Hindi ko alam kung ano ang history ng relasyon nilang dalawa ni Drake kaya wala akong karapatan na makialam. Bahala silang mag-usap basta huwag lang nilang sasaktan ang Jeann namin. Hindi talaga ako mangingimi na isumbong sila sa mga Villarama.
Napasulyap ako sa suot kong relo at ng mapansin ko na halos alas singko na ng hapon nagpasya akong tawagan si Rafael. Tapos na siguro ang meeting nito. Nakakailang ring pa lang ng sumagot ito
"Hello! Sunshine!" malambing nitong wika sa kabilang linya. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko.
"Kumusta ka? Tapos na ba ang meeting mo?" tanong ko.
"Kakatapos lang. Uuwi na din ako maya -maya! Magready ka for me dahil talagang na-miss kita ng sobra!" sagot nito. Kaagad naman akong kinilig sa sinabi nito.
"Na-miss din naman kita ng sobra! Kaya lang wala pa ako sa mansion eh. Sinamahan ko si Jeann dito sa bar ni Drake." sagot ko at hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.
"Sa bar? Bakit diyan kayo nagpunta Veronica? Pwede nyo naman tawagan si Drake at makipagkita sa ibang lugar. " sagot nito sa seryosong boses. Hindi ko naman maiwasan na mapakagat ng labi ko. Mukhang hindi nga ito masaya sa pagpunta namin dito sa bar ni Drake.
"Ehhh naaawa kasi ako kay Jeann eh. Panay ang iyak at gusto niya daw makausap si Drake." sagot ko. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago muling nagsalita.
"Hintayin mo ako! Pupuntahan kita diyan!" sagot nito at kaagad na pinatay ang tawag. Kinabahan tuloy ako.
Hindi ko maiwasan na magulat ng marinig ko ang malakas na pagkakasara ng pintuan ng opisina ni Drake. Galit na lumabas si Abril at matalim akong tinitigan ng dumako ang tingin nito sa akin.
Chapter 238
VERONICA POV
Mahina akong napabuntong hininga habang nasundan na lang ng tingin ang ex girlfriend ni Drake. Babae din ako at kahit papaano nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pero ganoon talaga siguro ang buhay. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano ka- mapaglaro sa mga babae noon si Rafael pati na ang mga kaibigan nito.
Mabuti na lang at nagbago na ang Rafael ko ngayun. Ako lang ang LOVE nito kaya proud ako doon. Isa pa hindi ko siguro matatanggap kapag may iba pa itong babaeng kinalulukuhan. Dapat ako lang at wala ng iba. Alam ng Diyos kong gaano ko siya Kamahal at handa ko siyang ipaglaban. Lalo na ngayung nakuha niya na ang lahat sa akin.
Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong naiisip ko? Bakit ko ba hinahayaan ang sarili ko na mag-isip ng ganito. Pinapabigat ko lang ang kalooban ko eh. Nangako na sa akin si Rafael na hindi niya ako lolokohin. Na ako lang ang babaeng mamahalin niya at gustong makasama habang buhay. Kaya dapat na hindi ako mag-isip ng ganito ngayun.
"Mam, sa VIP room niyo na lang daw po hintayin si Sir Rafael. Parating na daw po." nagulat ako ng bigla akong lapitan ng isa sa mga babaeng staff ng bar na ito. Nagtaka pa ako sa sinabi nito dahil paano nito nalaman na parating sa lugar na ito si Rafael.
Nag-aalangan akong tumitig dito. Baka mamaya binubudol lang ako nito eh. Baka mamaya may masama itong balak. Mahirap pa naman magtiwala sa ibang tao sa panahon ngayun lalo na at nandito ako sa isang lugar na hindi familiar sa akin.
"Naku, ayos lang ako dito Ate. Dito ko na lang hihintayin si Rafael." Pilit ang ngiti kong sagot. At least kong dito ako maghihintay malapit lang ako sa opisina ni Drake. Makakahingi ako ng tulong kaagad kung sakaling may mangbastos sa akin.
"Naku Mam, baka mangalay po kayo dito. Sa VIP room po pwede kayong makapagrelax doon." sagot ulit ng staff. Mabait naman ito. Pero mahirap talagang magtiwala sa panahon ngayun. Ito ang mahirap sa akin, hindi talaga ako sanay na makipag-usap sa mga istranghero. Nasanay kasi akong ang pamilya Villarama ang laging kasama kapag lumalabas ako.
"Ayos lang. Nasa loob ng opisina ng Boss mo at ang kaibigan ko at hihintayin ko na lang siya dito. Sige na Ate, pwede nyo na po akong iiwan." seryoso kong sagot. Bakit ba napakakulit nito.
"Siguro po ba kayo Mam? Baka po mapagalitan ako ni Boss Drake kapag hahayaan ko lang kayo dito na nakatayo." muling sagot nito. Kaunti na lang talaga at mauubusan na ako ng pasensya eh. Inis ko itong tinalikuran at naglakad papunta sa opisina ni Drake. Kaagad akong kumatok.
"Mam, bawal po silang isturbuhin sa loob. Pasensya na po kung nakukulitan kayo sa akin. Tumawag po kasi si Sir Drake kanina sa akin at inutusan ako na asikasuhin daw kita at siguraduhing kumportable kayo hanggang sa dumating si Sir Rafael." muling wika ng staff. Hindi ko ito pinansin at patuloy lang ako sa pagkatok sa pintuan ni Drake. Nagtaka pa ako dahil ilang minuto din akong naghintay bago bumukas ang pintuan ng opisina.
Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng tumampad sa harap ko si Drake. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang baliktad na pagkakasuot ng tshirt nito at nang mapasulyap naman ako kay Jeann magulo na ang buhok nito. Wala na din sa ayos ang suot nitong damit.
"Veronica naman, pwede bang bigyan mo muna kami ng time na makapag- usap ni Jeann bago dumating ang asawa mong si Rafael! Please!" kaagad na wika ni Drake. Tinitigan ko ito. Bakit parang may lipstick ang labi nito. Nagdududa kong tinitigan si Jeann at nahihiya itong napayuko.
"Hmmmp ewan ko sa inyo! Teka lang, tauhan mo sya? Saan dito ang VIP room nyo?" tanong ko. Sumulyap si Drake sa kanyang staff bago ito tumango.
"Yes...and please, sumama ka muna sa kanya. Hayaan mo naman kaming makapag-usap ng kaibigan mo." nakikiusap na wika nito sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti. Base sa mga hitsura ng mga ito mukhang may milagro silang ginagawa. Marupok din pala itong si Jeann eh. Mukhang tapos na ang tantrums ng buntis at napaamo na ni Drake.
"Dalhin mo siya sa pinaka komportableng VIP room. Ibigay mo sa kanya lahat ng gusto nya." narinig kong utos ni Drake sa staff.
Hindi ko maiwasan na mapangiti. Sabagay, babae naman itong nag- aassist sa akin at mukhang sumusunod lang ito sa utos ni Drake. Not bad kung sa VIP room ko nga hihintayin si Rafael. Mukhang naisturbo ko pa kung ano mang ginagawang milagro ng dalawang ito sa loob ng opisina. Bahala na nga sila. Total naman ikakasal na sila eh. Support-support lang ako sa kaligayahan ni Jeann.
Pareho namang walang mawawala sa mga ito. Buntis na nga si Jeann eh at gusto yata nilang masulo ang isat isa.
Sino ba naman ako para isturbuhin sila. Mukhang nagkakaintindihan na ang dalawang ito kaya naman masaya ako para sa kanila. Sana hindi na umiyak pa itong si Jeann. Ayaw pa kasing umamin na may nararamdaman din pala kay Drake dahil kung wala hindi ito papayag na magiging tabingi ang suot nitong maikling palda.
"Fine...bahala na nga kayo diyan. Basta Drake ha...huwag na huwag mo na talagang hayaan pa na muling umiyak si Jeann. Isusumbong talaga kita kay Rafael." wika ko dito at nagmamadali ng tumalikod. Sininyasan ko pa ang staff na mauna na sa akin dahil wala naman akong idea kung saan dito ang VIP room.
Pumasok kami sa isang kwarto na halos puro salamin ang paligid. Una kong napansin ang sofa na nakapaikot sa isang pahabang mesa. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi ako makapaniwala sa nakita.
Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang mga tao sa ibaba. Lalo na ang stage at napansin ko na may mga taong abala sa pag-aayos ng mga music instrument. Mukhang may concert yata sa lugar na ito at ang swerte ko dahil kitang kita ko sila mula sa kinatatayuan ko.
"Mam, may gusto po ba kayong inumin or kainin?" kaagad akong napalingon sa staff ng bigla na naman itong nagsalita. Akala ko talaga iniwan na ako nito.
"Hmmm hindi ko alam eh. Pero ibigay niyo na lang po sa akin kung ano ang pinaka best seller niyo." nakangiti kong sagot. Nakangiti itong tumango at iniwan na ako dito sa VIP room.
CHAPTER 239
VERONICA POV
Inabala ko ang sarili ko sa kaka- browse sa youtube habang hinihintay ko si Rafael nang marinig ko ang tatlong beses na pagkatok sa pintuan at pagbukas nito. Kaagad na pumasok ang tatlong naka-unform na staff na may bitbit na mga tray na may lamang pagkain. Hindi ko na sana sila papansinin ng mapansin ko ang mga familiar na mukha ng dalawa sa mga ito.
"Veronica!" gulat na tanong ni Claire! Yes...si Claire ang bully kong kababata at kasama nito si Lorie. Kung ganoon dito nagtatrabaho sa bar ni Drake ang dalawang ito. Kung makaasta sila sa akin kahapon akala mo kung sino sila. Sadyang mayayabang lang talaga ang dalawang ito.
"Small world!" sagot ko sabay ngiti.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkagulat ng dalawa habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ka nandito? Isa pa bakit ganyan ang suot mo? Sa International School ka ba nag-aaral? tanong naman ni Lorie. Natigilan ako at wala sa sariling sinipat ko ang aking suot. Oo nga pala may logo ng iskwelahan ang suot kong uniform ngayun.
Hindi ko na nagawa pang magpalit ng uniform dahil sinundo lang pala ako ni Jeann kanina pagkatapos ng huling klase ko. Grabe ang galing talagang mang- obserba nitong si Lorie. Mana, sa Nanay niyang numero unong tsismusa sa lugar namin. Kahit wala kang masamang ginawa ipinipilit nitong meron may maitsismis lang.
"Ano ba kayong dalawa? Bakit ganyan kayo makipag-usap sa guest natin? Hindi nyo ba alam na asawa siya ni Mister Villarama? Tandaan nyo, dapat satisfied siya sa serbisyo natin kung hindi malalagot tayo kay Boss Drake!" sabat naman ni Ella.. Ang staff na kanina pa nag-aassist sa akin. Nakaukit ang pangalan nito sa nameplate nya. Bigla naman akong kinilig ng banggitin nito na asawa ako ni Rafael. Ang sarap pakinggan.
"Ka-ka---" sasagot pa sana si Claire ng titigan ito ng masama ni Ella. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Ang daldal kasi. Ayaw makinig sa kasama nya. Mukhang mas superior sa kanila si Ella at wala silang choice kundi sundin ito.
"Pasensya na po Mam kung medyo natagalan ang mga pagkain. Sinigurado po kasi ng chief namin na bago ang pagkain na ihahain sa inyo since isa po kayo sa mga VIP guest namin." nakangiting baling sa akin ni Ella. Tinanguan ko lang ito.
"No worries! Hindi pa naman ako
nagugutom. Isa pa hindi pa naman dumadating si Rafael." sagot ko. Kaagad na sininyasan nito ang dalawa na ilapag ng maayos ang mga dala nilang pagkain sa lamesa. Kaagad na naagaw ng attention ko ang isang bote ng wine. Bigla tuloy akong kinain ng curiosity. Balak kong tikman iyun habang hinihintay si Rafael.
"Kapag may kailangan pa po kayo Mam huwag po kayong mag-atubili na pindutin ang botton na iyan. Pupuntahan po kaagad namin kayo dito." nakangiting muling wika ni Ella sa akin. Kaagad akong tumango at hindi ko mapigilang muling sulyapan ang dalawang kababata ko na hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa akin pagkatapos na mailapag ng mga ito ang mga pagkain sa mesa.
"A-anong ginagawa mo dito Veronica?
"Hindi talaga nakatiis ang tsismosang si Lorie kundi magtanong ulit.
Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya na hinihintay ko si Rafael eh nabanggit ko na kanina iyun.. Isa pa hindi naman kami closed para pag-aksayahan ko sila ng oras. Sisiraan at sisiraan pa rin nila ako sa probensya namin.
"Stop it Lorie! Nasa rules ang regulations ng bar na ito na bawal magtanong nang kung anu-ano sa guest natin. Gusto mo bang masisante? "muling pigil ni Ella dito. Muli akong nakangiti.
"Dont worry Ella, ayos lang. Hindi naman ako ganoon ka sensitive pagdating sa ganitong bagay.. Nagkataon lang siguro na mga kababata ko sila sa isang malayong lugar kaya nagtataka sila kung ano ang ginagawa ko dito.." nakangiti kong sagot. Ipinatong ko ang hawak kong cellphone sa lamesa at tumayo. Tinitigan ko ang dalawa kong kababata bago muling nagsalita.
"Hindi ko akalain na dito pala kayo nagtatrabaho sa bar na pag-aari ng kaibigan ng asawa ko. Ikinagagalak kong muli kayong makita, Lorie, Claire! Alam ba ng mga magulang niyo na nagtatrabaho kayo sa ganitong lugar? Ang alam din ng mga kalugar natin nag-aaral kayo sa mga sikat na iskwelahan dito sa Manila?" nakangiti kong wika at isa isang tinitigan sila sa kanilang mga mata.
Alam kong wala ako sa lugar na tanungin sila tungkol sa bagay na ito. Walang masama sa trabaho nila pero sa gaspang ng ugali na ipinapakita nila sa akin noon pa, pagkakataon ko na siguro na makaganti. Para naman maramdaman din nila ang nararamdaman ko noon sa tuwing binubully nila ako.
"Pasensya ka na kung hindi maganda ang mga nangyari sa nakaraan natin." sagot ni Claire sabay yuko. Hindi ko maiwasan na mapangiwi. Lutang yata ang bruha. Kung anu-ano na ang lumalabas sa bunganga nito.
"Its okay. Kinalimutan ko na ang lahat. Never naman akong nagkimkim ng galit sa inyo. Masaya na ako sa kung ano mang klase ng buhay meron ako ngayun." seryoso kong wika kasabay ng pagbukas ng pintuan ng VIP room. Kaagad na pumasok ang seryosong mukha ni Rafael. Kaagad na tumitig ito sa akin pati na din sa tatlong staff ng bar na kasama ko.
"Thank you nga pala sa pag-serve sa mga pagkain." wika ko at kaagad na naglakad papunta sa harap ni Rafael. Nakangiti akong tumitig dito dahil napansin ko na mukhang mainit ang ulo nito. Alam ko na kung ano ang dahilan at willing naman akong magpaliwanag sa kanya. Siguro naman maiintindihan ako nito.
"Iiwan niyo na kami dito." utos ni Rafael sa tatlo. Kaagad naman silang tumalima at isinara ang pintuan ng VIP room pagkatapos nilang makalabas.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala kayo sa lugar na ito?" seryoso nitong tanong. Mukhang galit nga. Hindi pa kasi ako hinahalikan eh. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaunting kurot sa puso ko.
"Sorry...nabigla lang din ako ng yayain ako ni Jeann kanina eh." sagot ko sabay yuko. Kaunti na lang at tutulo na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang nakikitang nagagalit sa akin si Rafael. OA na kung OA pero nasasaktan ako sa ipinapakita nitong pag-uugali ngayun.
"Nasaan siya?" seryoso nitong tanong.
"Nasa office ni Drake." sagot ko.
"Alam mo ba kung gaano ka-delikado sa inyo na pumunta dito? Lalo na at hindi nyo kilala ang mga pumupuntang mga tao dito. Hindi pa kayo nagsama ng bodyguard! Paano kung mapahamak ka! Kayong dalawa ni Jeann!" kastigo nito sa akin. Hindi ako nakasagot.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ilang saglit lang narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga at ang pag-angat nito ng mukha ko. Nakakunot pa rin ang noo nito ng magtama ang aming paningin kaya hindi ko na napigilan pa ang luha sa aking mga mata.
"Sorry!" mahina kong sagot. Kaagad na lumamlam ang pagkakatitig nito sa akin kasabay ng mahigpit niyang pagyakap. Tuluyan na din akong napaiyak.
"Naawa kasi ako kay Jeann eh. Kausap ko siya kagabi habang umiiyak. Gusto nya daw makausap si Drake kaya noong tinawagan niya ako kanina para magpasama dito sa bar hindi na ako nag-atubili pa na samahan siya dito. Akala ko sandali lang kami kaya hindi na ako nagpaalam sa iyo bago kami nagputa dito. Sorry talaga!" wika ko kasabay ng paghikbi. Kaagad kong naramdaman ang paghagot nito sa likod ko.
"Ssshhhh! Tama na iyan! Huwag ka ng umiyak! Nagbibiro lang naman ako eh! " sagot nito sa malambing na boses. Natitigilan ako. Muli kung iniangat ang aking tingin patungo sa mukha nito. Kaagad kong napansin ang tipid na ngiti sa labi nito habang nakatitig sa akin.
"Hi-hindi ka na galit?" malambing kong tanong. Kaagad itong umiling.
"Nope! Ang never akong magagalit sa iyo! Nagtatampo....I think Yes pero ang magalit never Sunshine! Ikaw ang prensisa ng buhay ko.
Chapter 240
VERONICA POV
Pagkatapos ng mahigpit na yakap mula kay Rafael iginiya na ako nito papuntang upuan. Uupo na sana ako ng bigla akong nitong kabigin bago nagsalita.
"Kakandungin na kita Sunshine!" puno ng lambing ang boses na wika nito. Hindi ko naman maiwasan na kiligin.
"Ha? Pero mabigat ako." sagot ko.
"Nope! Kayang kaya ko iyang weight mo." nakangisi nitong sagot at kaagad akong hinila papunta sa kanyang kandungan. Wala akong choice kundi sundin ang gusto nito. Mahirap na, baka magtampo na naman sa akin eh.
"Sure ka ha? Alam kong pagod ka sa trabaho at kailangan mo din magrelax. " sagot ko habang pinipilit ang sarili ko na maging kompurtable sa kandungan nito.
Iginalaw-galaw ko pa ang puwit ko para hanapin ang pinaka- kumportableng pwesto ng marinig ko ang mahinang pag-ungol ni Rafael. Nagtaka naman ako at the same time hindi ko maiwasan na mag-alala. Sa klase kasi ng ungol nito para itong nasasaktan.
"Ahhh dont move Sunshine! Baka lalong tumigas ang alaga ko!" bulong nito sa punong tainga ko. Hindi ko naman mapigilan ang kilabutan. May pa ganoon talaga? Kakandungin lang ako eh magagalit agad ang alaga niya?
Hind ko tuloy maiwasan na mailang ng marealize kung ano ang ibig nitong sabihin. Kaya ayaw ko sa kandong- kandong na iyan eh. Baka kung saan mapunta ang kandungan na nagaganap ngayun sa aming dalawa.
Pakiramdam ko tuloy biglang nag-init ang pisngi ko ng maramdaman ko na may bumukol na matigas na bagay sa hinaharap nito na tumutusok sa pwetan ko.
"Shit! Tumigas na nga!" narinig kong bulong nito. Hinapit ako nito sabay dukwang at kinuha ang bote ng wine sa harap namin. Binuksan niya iyun at nagsalin sa isang baso at tuloy-tuloy na ininom.
"Teka lang....hindi bat bawal ka ng uminom ng alak?" sita ko dito. Hindi ito sumagot bagkos muli itong nagsalin ng alak sa baso. Halos kalahati lang naman iyun kaya kaagad kong kinuha. Diretso kong dinala sa aking bibig at ininom ang laman niyon.
Kaagad akong napangiwi ng gumuhit sa lalamunan ko ang lasa ng alak. Hindi ko maintindihan ang lasa nito. Mapait na mapakla na may kaunting tamis. Paano ba nagustuhan ng manginginom ang lasang ito? Parang gusto ko tuloy magsisi. Hindi na talaga ako uulit.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Rafael dahil sa ginawa ko. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayapos sa akin mula sa aking likuran.
"Naughty girl! Hindi mo ba alam na nakakalasing ang alak na tinungga mo ngayun lang? Lalo na sa isang baguhan na katulad mo?" bulong nito sa akin at naramdaman ko ang paghagod ng dila nito sa leeg ko. Hindi ko maiwasan na mapahagikhik. Nakikiliti kasi ako.
"Sinabi ko naman sa iyo na ayaw ko ng uminom ka pa ng alak eh. Kaya ako na lang ang uminom. Ang pangit pala ng lasa." sagot ko. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagkahilo at pag-ikot ng paningin ko. Mukhang nalasing yata kaagad ako ah. Ang init na din ng pakiramdam ko.
"Hmmmm...really? Napaka- maalalahanin talaga ng asawa ko! Kaya mahal na mahal kita eh!" pabulong na wika nito kasabay na paglulumikot ng mga palad nito sa katawan ko. Naramdaman ko na lang na nasa loob na ng suot kong School uniform ang kanyang isang palad at humahaplos sa dibdib ko.
"Teka lang...Rafael nandito tayo sa bar.. baka may makakita sa atin dito."
saway ko. Mukhang nakalimot na ito. Kahit nasa impluwensya na ako ng alak may kaunting kahihiyan pa naman na natitira sa katawan ko noh.
Laking pasalamat ko dahil sandaling natigilan si Rafael. Mukhang narealized din nito na hindi ito ang tamang lugar para gawin namin ang bagay na nasa isip nito. Nakakahiya kung may makakita sa amin.
Dumadami pa naman ang mga tao sa labas. Tanaw na tanaw kasi namin mula sa kinauupuan namin.
Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong-hininga at naramdaman ko na gusto nitong tumayo. Umalis na ako sa kandungan nito at umupo ng maayos sa sofa. Lasing na nga yata ako. Umiikot na ang paningin ko eh.
Nakasunod lang ang tingin ko dito ng naglakad ito papunta sa pintuan at hindi ko maiwasan na magtaka dahil inilock nya iyun. Muling bumalik sa kinauupan ko at tinitigan ako sa mukha.
"Walang pwedeng mang-isturbo sa atin sa room na ito. At wala din makakakita sa atin sa kung ano man ang gagawin natin ngayun." nakangiti nitong wika sabay kindat sa akin. Nagtataka naman akong napatitig dito. Sigurado ba ito? Dito talaga?
Ikinurap kurap ko pa ang aking mga mata habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagnanasa na nakaukit sa mga mata nito. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago sumagot.
"Pero..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla itong lumapit sa akin at hawakan ako sa aking pisngi. Bigla din nitong inangkin ang aking labi. Hindi na ako nakapalag.
Mapusok akong hinalikan kaya naman kaagad akong napapikit. Hindi ko alam kung epekto lang ba ng alak ang lahat pero lalo akong nakaramdam ng pag- iinit ng katawan ko. Kusang umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg ni Rafael.
"hmmm!" ungol ko habang tinutugon ang halik nito. Lalo naman lumalim ang halikan namin. Naging mapangahas na ulit ang mga palad ni Rafael at pumasok na ito sa loob ng blouse ko. Kinapa ang suot kong bra at tinanggal. Nakalimutan ko na ang
tumutol. Bigla na din nawala sa isip ko kung nasaan kami ngayun. Gusto ko na din kasing mailabas kong ano man ang nararamdaman ko ngayun. Init na init na ako.
Ilang saglit din pinagsawa ni Rafael ang labi nito sa labi ko bago nito itinaas ang suot kong blouse. Kaagad na tumampad sa harap nito ang boobs ko. Napapikit ako ng biglang sakupin ng bibig niya ang kaliwang bahagi ng nipple ko at hinahaplos naman nito ang kanang bahagi.
"Sure ka bang walang makakita sa atin dito?" tanong ko ulit kay Rafael ng idilat ko ang aking mga mata. Gusto kong makasigurado. Tumingin ako sa salamin na dingding at tumampad sa paningin ko na buhay na buhay na ang ilaw sa labas. Mula sa kinaroroonan namin ni Rafael kita ko ang mga nagkakatuwaan na mga customers. Natatakot ako na baka makita nila ang ginagawa namin ni Rafael ngayun.
"Dont worry Sunshine! Totally tinted ang lugar na ito at 100% na hindi nila tayo nakikita. Tayo lang ang may kakayahan na makita sila. Kaya nga nasa VIP room tayo para malaya nating gawin lahat ng gusto natin." sagot nito at sandaling iniwan ang kaliwang bahagi ng nipple ko at lumipat sa kanan. Pigil akong napaungol.
Napuno ng ungol ang apat na sulok ng VIP room mula sa aming dalawa ni Rafael. Kasabay ng nagkakasayahang tao sa labas ay muling pinag-isa ni Rafael ang aming mga katawan.
Ibayong ligaya ang dulot sa aming dalawa ang naramdaman namin pareho sa pagkakataon na iyun. Hindi ako magsasawang paulit-ulit na ibigay ang katawan ko dito dahil mahal na mahal ko siya.
"I love you Veronica!" bulong nito sa akin habang nakapatong ito sa akin. Nakahiga na ako dito sa sofa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"I love you too Rafael! Ikaw lang habang buhay!" nakangiti kong sagot.
Chapter 241
VERONICA POV
Pagkatapos ng mainit na tagpo na nangyari sa amin ni Rafael tinulungan pa ako nito na ibalik sa katawan ko lahat ng saplot na natanggal nito kanina.
Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil sa hiyang nararamdaman. Ngayun ko lang narealized kung gaano kalakas ang ungol ko kanina. Dahil siguro sa epekto ng alak or baka dahil sobrang nadala ako sa mainit na tagpo na nangyari sa amin? Aaminin ko na masyado din akong nag-enjoy sa nangyari sa aming dalawa.
Ah basta, iyun na iyun! Kahit ilang beses ng may nangyari sa amin hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng pagkailang dito. Lalo na kapag nakikita ko ito kung paano niya pagmasdan ang hubad kong katawan.
Pagkatapos kong mag-ayos kaagad na nabaling ang attention ko sa pagkain. Hindi ko maiwasan na mapangiwi lalo na ng mapansin ko lumamig na ang mga ito. Kaya lang ano pa nga pa ang magagawa namin, kailangan kainin ang mga pagkain dahil nakakaramdam na ako ng gutom.
"Gusto mo bang papalitan na lang natin ang mga foods na iyan?" tanong ni Rafael sa akin. Kaagad akong umiling.
"No! Ayos na ito. Mukhang masarap naman eh." sagot ko. Mukhang nawala na sa sistema ko ang nainom kong alak kanina. Balik sa normal ang lahat. Gutom na nga ako eh.
May kasamang malinis na pinggan ang ibinigay sa akin kanina kaya kinuha iyun ni Rafael at nilagyan ng pagkain. Inilapag nito sa harap ko kaya napangiti ako.
"Kumain na tayo?" nakangiti nitong wika. Kaagad akong tumango.
Nagtaka pa ako dahil muling tumayo si Rafael at naglakad papunta sa pintuan. Tinanggal niya ang pagkaka-lock at muling naupo sa tabi ko.
"Nasaan nga pala ulit si Jeann?" tanong nito sa akin sabay kuha ng kanyang cellphone.
"Nasa office ni Drake." maikli kong sagot. Abala ako sa kakanguya ng aking kinakain. Talagang gutom na gutom na ako. Ramdam na ramdam ko na din ang pagod ng buo kong katawan.
"Where is Jeann? Nandito na ako sa VIP room" napalingon pa ko kay Rafael ng magsalita ito.. May kausap na ito sa kanyang cellphone. Kung hindi ako nagkakamali si Drake ang nasa kabilang linya. Hinahanap nya dito ang kanyang pamangkin na si Jeann.
Ilang saglit din itong nakinig sa kanyang kausap sa kabilang linya bago pinatay ang tawag. Tumitig ito sa akin na may ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
"Gutom na gutom ang Sunshine ko ah? " tanong nito. Naglagay ako ng kanin at ulam sa isang kutsara at inunang na isubo dito. Kaagad naman itong napanganga kaya lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.
"Parang gusto ko ang ganito ah? Lalong sumasarap ang pagkain kapag sinusubuan mo ako Sunshine! Isa pa nga!" nakangiti nitong wika. Muli akong naglagay ng pagkain sa kutsara at muling isinubo dito. Alam kong naglalambing sa akin si Rafael at hindi ako magsasawang subuan ito ngayun. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Patapos na kaming kumain ni Rafael ng magbukas ang pintuan ng VIP room. Kaagad na pumasok ang magkahawak kamay na Jeann at Drake. May ngiting nakaguhit sa mga labi nilang dalawa kaya naman napahawak tuloy ako sa braso ni Rafael ng wala sa oras. Nakakatuwa kasing pagmasdan ang dalawang ito. Mukhang
nagkakaintindihan na silang dalawa at masaya ako para kay Jeann. Importante talaga ang communication sa isang relasyon.
"Rafael...Bro! Kumusta? Kanina ka pa ba?" nakangiting wika ni Drake at inalalayan nito si Jeann na makaupo sa sofa na nasa harap namin.
"Bakit mo pa sila pinapunta dito? pwede mo naman dalawin si Jeann sa bahay nila ah? Alam mo naman na ayaw na ayaw kong i-exposed sa ganitong lugar si Veronica!" Kaagad na wika ni Rafael kay Drake. Nagkatitigan naman kami ni Jeann.
Kaagad kong nginitian si Jeann. Naglaho na ang lungkot sa mga nito ngayun. Isa pa parang may nabago sa awra nito ngayun na hindi ko lang mawari kong ano.
"Possessive ka talaga pagdating kay Veronica! Dont worry, kaagad siyang dinala ng staff ko dito sa VIP room kanina. Isa pa 100% safe ang mahal mo dito kaya huwag ka ng mag-alala."
natatawang sagot ni Drake. Mukhang wala lang dito ang pag-aalburuto ng kanyang kaibigan.
"Kahit na! Masyadong delikado ang panahon! Ilang beses na bang may nag- away dito sa loob ng bar mo? Nag- aalala lang ako na baka madamay ang asawa ko pati na iyang si Jeanh. Buntis pa man din at pinapayagan mong magpunta sa lugar na ito." sagot ni Rafael.
"Uncle naman eh. Hindi naman alam ni Drake ang pagpunta namin dito. Isa pa, wala pang katao-tao dito sa bar noong dumating kami kanina ni Veronica! Dont worry, walang aagaw sa iyo kay Veronice noh! Ang takot lang siguro nila sa iyo!" natatawang sagot ni Jeann.
"Hindi ko tinatanong ang opinyon mo! Sa susunod huwag mo ng dalhin si Veronica sa lugar na ito na hindi mo ipinapaalam sa akin. Magiging asawa ka na ni Drake at alam kong kaya mo ng maglabas - pasok sa bar na ito kapag gustuhin mo." sagot ni Rafael kay Jeann. Kaagad naman napaismid si Jeann at hindi na nito sinagot pa ang kanyang Uncle.
Nagtagal lang kami ng ilang minuto sa bar ni Drake at nagpasya na din umuwi. Nagpresenta na din si Drake na ito na ang maghahatid kay Jeann sa bahay ng kanyang mga magulang. Gusto din daw niyang makausap ang mga magulang ni Jeann tungkol sa nalalapit nilang kasal.
Hinayaan na lang namin ni Rafael total naman ilang buwan na lang ang bibilangin at ikakasal na sila. Isa pa buntis na si Jeann at mukhang kailangan din nito ang presensya ni Drake.
Pagkadating ng mansion kaagad kaming naghanda ni Rafael matulog. Naglambing pa ito sa akin na gusto nya daw na magkasama kaming matulog sa iisang silid. Total naman daw, kung totoosin mag-asawa naman na kami.
Kaagad ko naman itong pinagbigyan dahil ang sarap kaya sa pakiramdam na sa pagmulat ng iyung mga mata kinaumagahan ang lalaking mahal mo ang una mong masisilayan.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating na din ang araw na pinakahihintay ko! Ang araw ng pagdalaw namin sa aking mga
magulang.
Madaling araw pa lang inihatid na kami ng driver ni Rafael sa Villarama Empire. may helipad ang matayog na building na iyun at gusto ni Rafael na mapadali ang byahe namin pauwi ng probensya kaya nagpasya itong magpahatid sa isa sa mga pag-aaring chopper plane hanggang airport malapit sa aming lugar.
Mabuti na din iyun. Hindi na namin kailangan pang maghintay ng mahabang oras sa airport. Isa pa ito ang kauna-unahang beses ko na sumakay sa isang sasakyan na pang- himpapawid kaya magkahalong excitement at kaba ang aking nararamdaman.
Bus lang kasi ang sinakyan ko noong nagpunta ako dito sa Manila. Matagal ang biyahe pero sulit naman dahil wala pa halos isang buwan na nadito ako sa Manila nakilala ko na ang pamilya Villarama. Nakadaupang palad ko pa ang lalaking mahal ko at walang iba kundi si Rafael Villarama.
Kakaupo pa lang namin sa loob ng chopper biglang tahip ng ng kaba ang puso ko. Hindi pa man kami nakakaalis pero parang bumabaliktad na ang sikmura ko sa takot. Pinagpapawisan na din ang mga kamay ko dahil siguro sa nerbiyos.
"Heyyy relax ka lang! Nandito lang ako sa tabi mo at hindi kita hahayaan na mapahamak." nakangiting wika ni Rafael sa akin habang pinipisil nito ang pinagpapawisan kong kamay. Ganito ako kapag nakakaramdam ng nerbiyos.
"First time kung sumakay ng lumilipad na sasakyan Rafael. Natatakot ako!" pabulong kong sagot dito. Nakangiti ako nitong kinabig kaya naman napasubsob ako sa dibdib nito. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang pag-angat namin.
Chapter 242
VERONICA POV
"Open your eyes Sunshine!" narining kong bulong sa akin ni Rafael kasunod ng paghalik nito sa buhok ko. Nasa himpapawid na kami at maayos naman ang lipad ng chopper plane. Ganoon pa man hindi ko pa din maiwasan na matakot sa isiping baka bumagsak ang sinasakyan namin. Nakakatakot isipin na milya-milya ang layo namin sa kalupaan.
"Na--natatakot ako!" sagot ko sa kanya.
"Sige na....para naman ma-enjoy mo din ang mga nakikita ko!" sagot nito. Kaagad akong umiling kaya narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
"Sige ka...kapag ganyan ka, pababalikin ko na lang ang chopper sa Manila. Ayaw ko pa naman na nakikita kang ganyan." wika nito sa akin. Natigilan ako. Miss na miss ko na sila Nanay at Tatay. Ito na iyung araw na pinakahihintay ko upang muli silang makita.
"Hindi ba nakakatakot?" tanong ko.
Hindi na ito sumagot pa kaya dahan- dahan akong kumalas sa kanya. Tumitig muna ako sa mukha nito bago ko dahan-dahan na inilibot ang tingin sa paligid. Hindi ako makapaniwala sa aking nasilayan.
"Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Napakaganda ng mga nakikita ko at hindi ako makapaniwala na muling mapatitig sa nakangiting mukha ni Rafael.
"See? Hindi bat ang ganda ng mga tanawin? Dont worry, mababa lang naman ang lipad ng chopper. Unlike sa mga international airline na hindi mo maaapreciate ang mga dinadaanan at wala kang ibang nakikita kundi ang mga kasamahan mo sa loob ng eroplano." natatawa nitong paliwanag. Mangha na muli kong inilibot ang tingin. Ang ganda pagmasdan ng kapaligiran.
Halos tatlong oras lang naman kami sa himpapawid at lumanding na ang chopper sa isang malawak na lupain. Hindi ko naman malaman kong nasaan na kami pero tahimik na lang akong sumunod kay Rafael.
Alam kong alam nito ang kanyang ginagawa. Naglakad lang kami ng ilang distansya mula sa chopper at kaagad kaming nakarating sa isang nakahintong mga sasakyan. Nakatayo doon ang ilan sa kanyang mga bodyguard. Mukhang nauna na silang nakarating sa lugar na ito at hinihintay na lang nila ang kanilang amo.
Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng bagay. High profile ang pamilya Villarama at hindi papayag ang mga magulang nito na dadayo sa malayong lugar ang kanilang anak na walang kasamang bodyguards. Bale tatlong sasakyan ang nakikita ko na may malalaking gulong at isa sa mga ito ang nilapitan namin ni Rafael at kaagad akong pinagbuksan ng pintuan at inalalayan na makapasok hanggang sa makaupo sa loob.
Pakiramdam ko tuloy para akong isang prinsesa na pinaka-iingatan ng isang prinsepe.. Safe na safe ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko si Rafael.
Kaagad na umusad ang sasakyan ng masiguro ng driver nito na maayos na kaming nakaupo ni Rafael sa loob. Wala na din akong time na bilangin pa ang mga kasamang bodyguards nito.
Nagtaka pa ako dahil habang tumatagal ang biyahe namin sa lubak lubak na daan naging familiar na sa mga mata ko ang ilan sa mga dinadaanan namin. Hindi ko mapigilan ang muling mapatitig kay Rafael at nagtanong.
"Nasaan na tayo?" tanong ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Hindi ko din alam. Pero hindi bat dapat alam mo din ang lugar na ito dahil dito ka lumaki?" nakangiting sagot nito sa akin sabay pisil sa pisngi ko. Nagtatakang nagpapalinga-linga ako.
Hindi talaga ako maaaring magkamali. Nandito na kami sa lugar na kinalakihan ko. Pwede na palang dumiretso ang chopper dito? Ngayun ko muling napatunayan na wala talagang imposible sa mayayamang tao. Napupuntahan ang mga lugar na gustong puntahan sa maiksing oras lamang.
"Nandito na tayo sa lugar namin?" hindi ko mapigilang bulong kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Nakalabas na ang sasakyan sa lubak-lubak na daan at simentadong kalsada na ang tinatahak namin. Naging abala na ang mga mata ko sa kakatingin sa labas. Maliit lang ang lugar namin at familiar sa mga mata ko ang mga nadadaanan namin. Pati na din ang mga mukha ng ilang mga tao na naglalakad sa gilid ng daan.
"Sure ka Rafael? Ang bilis natin? Akala ko talaga sasakay pa tayo ng Roro." muli kong wika. Tanging pagpisil lang sa palad ko ang naging sagot nito.
Hindi nagtagal huminto ang sasakyan sa harap ng may dalawang palapag na bahay. Muli akong napatulala at muling inilibot ang tingin sa paligid? Sa lugar na ito nakatayo ang bahay namin noon pero bakit wala na? Nasaan ang bahay namin? Nasaan ang pamilya ko? Bakit ibang bahay ang nakikita ko ngayun?
Naramdaman ko na lang ang pagbaba ni Rafael ng kotse. Umikot ito sa kabilang bahagi at pinagbuksan ako ng pintuan at inalalayan na makababa. Naguguluhan akong nagpapalinga- linga ng tingin.
Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang mga bahay ng mga kapitbahay namin. Pati na din ang mga nagtataka nilang mukha na nakatingin sa gawi namin. Nagtaka siguro sila kung sino kami? Tatlong mamahaling sasakayan ba naman ang sabay-sabay na huminto sa tapat ng bahay na ito.
Napakurap ako ng makailang ulit at hindi malaman kong saan pupunta. Nasaan na ba ang bahay namin? Nasaan sila Nanay at Tatay? Pwede naman siguro akong magtanong sa mga kapitbahay namin.
Pero hindi namin sila ka-closed! Hindi pa ako ready na makarinig ng pang- iinsulto mula sa kanila. Siguro pupunta na lang ako sa bahay nila Ethel mamaya para tanungin kung nasaan sila Nanay at Tatay. Sila lang naman ang kasundo namin sa lugar na ito. Mapagmataas kasi ang ilan sa mga kapitbahay namin. Puro panglalait ang naririnig ko sa kanila noon.
"Whats wrong? Nandito na tayo sa inyo." napukaw ako sa malalim na pag- iisip ng marinig kong nagsalita si Rafael. Muli kong ibinalik ang attention ko sa kanya.
"Rafael, mukhang hindi na dito nakatira sila Nanay at Tatay. Wala na ang bahay namin." sambit ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot.
Baka dinimolish na ang barung-barong namin at pinalayas na sila Nanay ng mga mapagmataas naming kapitbahay. Bago kasi ako umalis noon para lumuwas ng Manila iyun na ang usap-usapan na naririnig ko sa aming mga kapitbahay, Masyadong masakit daw sa mata ang bulok na bahay namin. Hindi mapaayos-ayos. Paano nga naman mapaayos nila Nanay at Tatay eh halos wala nga kaming makain noon.
"Ate...?" nagulat pa ako ng marinig ko ang familiar na boses na iyun. Kaagad akong napalingon at tumampad sa mga mata ko ang pangatlo kong kapatid. Si Angelo.
"Ate, ikaw nga!" nakangiti nitong wika ng makalapit sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Kaagad akong napayakap sa kanya.
"Angelo? Kapatid ko? Nasaan sila Nanay at Tatay? Nasaan na ang bahay natin.?" sunod-sunod kong tanong.
"Ate? Naku, wala sila Nanay at Tatay. Nasa palengke at ang mga kapatid ko naman pumasok nasa palaruan kaya walang tao sa bahay. Hindi kasi namin alam na darating kayo." sagot nito ng makakalas sa pagkakayap ko sabay sulyap kay Rafael.
"Biglaan lang ang uwi ko. Siya nga pala, siya si Kuya Rafael mo at Rafael kapatid ko si Angelo!" pakilala ko sa dalawa.Kaagad naman itong nginitian ni Rafael.
"Hello po Kuya! Pasok na po kayo sa loob ni Ate pupuntahan ko sila Nanay sa palengke. Tiyak na matutuwa sila kapag malaman nilang nandito kayo." ngiti-ngiti nitong wika at hinawakan ako sa kamay sabay hila sa akin papasok sa loob ng may dalawang palapag na bahay. Mukhang bagong gawa pa lang ito base na din sa nakikita kong mga gamit sa loob ng makapasok kami. Napalingon pa ako sa kay Rafael na noon ay nakangiti na nakasunod sa amin.
"Angelo, teka lang..huwag mong sabihin na...;' hindi ko na natuoy ang sasabihin ko ng muli itong sumagot.
Bakas sa boses nito ang sobrang tuwa.
"Oo Ate...wala na iyung barung-barong natin. Ito na ang bagong bahay natin. Hindi na tayo magsisiksikan katulad noon." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapatanga. Muli akong napalingon kay Rafael na nakatayo lang sa likuran naming magkapatid.
"A-anong sabi mo?? Bahay natin ito? Paanong nangyari iyun?" tanong ko sabay libot na tingin sa paligid. Kaagad na umagaw sa pansin ko ang mga picture frame na nakakabit sa dingding.
Nilapitan ko iyun at sinipat ng tingin. Mga larawan nga namin ito. At ang labis kong ipinagtaka sa iilang larawan, kasama dito si Ate Arabella pati na din ang asawa nitong si Kuya Kurt. Huwag nilang sabihin na nagpunta sila dito ng hindi man lang nababanggit sa akin? Bagong kuha kasi ang mga larawan na ito eh.
"Oo nga Ate. Kulit naman eh! Talagang hindi binanggit sa iyo nila Nanay at Tatay ito. Gusto ka kasi nilang surpresahin." sagot ni Angelo. Fourteen years old na ito at alam kong alam na nito ang nangyayari sa paligid.
"Paanong nangyari iyun?" tanong ko. Napalingon si Angelo kay Rafael kaya naman nagtatanong ang mga matang tumitig ako kay Rafael.
"Nanay at Tatay mo na lang ang tanungin mo." ngingiti-ngiti nitong sagot ni Rafael sa akin. Pero kahit na ayaw nitong magtapat ngayun alam kong sa pamilya nila nanggaling ang pera para sa maipatayo ang bahay na ito. Hindi ko maiwasan na maluha kaya kaagad akong dinaluhan ni Rafael.
"Sorry...hindi talaga namin binanggit ang tungkol dito. Ayaw na kasi namin na guluhin pa ang isipan mo. Remember, nagiging abala ka sa pag-aaral ng time na iyun at mismong si
Ate Arabella ang gumawa ng paraan para makausap ng maayos ang mga magulang mo at tanggapin ang offer namin na maipaayos ang dati niyong bahay." salaysay ni Rafael. Lalo akong napaiyak. Hindi ko akalain na habang abala ako sa pag-aaral ko abala naman sila sa pagtulong sa pamilya ko dito sa probensya.
Nang nagpakawala yata ng grasya ang langit sinalo ko na yata lahat. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Sulit ang hirap na napagdaanan ng pamilya namin noon. Hindi ko akalain na may dadating na malaking tulong sa aming pamilya. Sa isang iglap, biglang nagbago ang buhay namin. Dahil iyun sa tulong ng mga Villarama.
"Rafael, hindi ko alam kung ang masasabi ko tungkol dito. Hindi ito ang ini-expect ko sa pag-uwi kong ito. Nakakahiya na sa inyo! Ang laki na ng naibigay nyong tulong sa amin." lumuluha kong wika. Seryoso akong tinitigan sa mga mata at pinahiran ang luha na dumaloy sa pisngi ko gamit ng kanyang mga palad.
"Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na ito Veronica. Pera lang iyan. At marami kami noon. Tumutulong nga kami sa ibang tao, sa pamilya pa ba ng babaeng mahal ko?" sagot nito.
"Pero sa sobrang dami ng naitulong niyo sa amin hindi ko na alam kung paano kayo mapasalamatan." sagot ko.
"Hindi namin kailangan ang pasasalamat mo Veronica. Palagi mong tandaan, hindi pa man tayo naikasal sa simbahan pero mag-asawa na tayo diba? Pumirma na tayo pareho ng marriage contract at nairehistro na iyun sa gobyerno. Kaya sa batas ng bansang ito mag-asawa na tayo kaya may karapatan ka na sa kung ano mang meron ako ngayun....:
"Kaya nga nagsisipag ako na lalong mapalago ang kumpanya ng pamilya para mabigyan kita ng magandang buhay." nakangiti nitong wika. Pinisil pa nito ang pisngi ko. Para naman akong natameme at napatitig na lang dito. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang mindset ng isang Rafael Villarama.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Kaagad akong napayakap kay Rafael. Hindi ko na din alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kulang ang katagang pasasalamat para ipadama dito kung gaano ako kasaya ngayun.
"Pasensya na po kayo Kuya Rafael, ganyan na talaga iyan si Ate noon pa. Iyakin!" napakalas ako sa pagkakayakap kay Rafael ng marinig ko ang nang-aasar na boses ng kapatid kong si Angelo. Pinukol ko ito ng masamang tingin kaya pareho silang natawa ni Rafael.
"Ikaw Angelo ha? Kanino mo nakuha ang ganyang pag-uugali? Akala ko ba pupuntahan mo sila Nanay sa palengke? Bakit nandito ka pa?"
kunwari ay naiinis kong tanong. Napakamot naman ng ulo niya si Angelo at mabilis na tumalikod. Muli akong napahawak kay Rafael at ako na mismo ang tumingkayad para bigyan ito ng mabilis na halik sa labi.
Kaagad kong napansin ang pagkagulat nito dahil sa aking ginawa. Ngumiti ito at hinawakan ang pisngi ko at gumanti ito sa ginawa ko kanina. Ginawaran ako ng mapusok na halik sa labi na siyang kaagad ko naman tinugon.
Mabuti na lang at nakaalis na ang kapatid ko at kami na lang ang naiwan dito sa loob ng bahay. Ang mga kasamang tauhan ni Rafael ay nasa labas lang. Matiyagang naghihintay sa kung ano ang iuutos ng kanilang amo. Mabuti na lang at malawak lawak ang harap ng bahay namin kaya kahit papaano may mapipwestuhan sila.
"Teka lang. Baka maabutan tayo nila Nanay at Tatay." protesta ko kay Rafael ng pakawalan nito ang labi ko at aktong leeg ko na naman ang kanyang gustong pagtoonan ng pansin. Narinig ko pa ang mahina na pagbuntong hininga nito bago ako pinakawalan. Natatawa naman akong tumitig sa kanya. Mukhang may isang nilalalang na naman na nabitin ngayun araw.
Chapter 243
VERONICA POV
Hinahaplos ni Rafael ang pisngi ko ng marinig ko ang muling pagbukas ng pintuan ng bahay at pumasok ang mangiyak-iyak na si Nanay at Tatay.
"Anak! Diyos ko! Ikaw nga!" kaagad na wika nito. Hindi ko naman maiwasan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko kasabay ng pag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.
"Nay! Tay!" sambit ko at kaagad silang sinalubong. Kaagad akong hinalikan sa pisngi at niyakap ni Nanay ng magpang -abot kami. Hindi ko na mapigilan pa ang mapaiyak. Kung alam lang nila kung gaano ako ngayun kasaya.
"Salamat sa Diyos at nagawa mong dalawin kami anak. Miss na miss ka na namin!" sagot ni Nanay at ramdam ko sa boses nito na umiiyak na din. Hindi naman ako nakasagot. Kung alam lang din nila kung gaano ko sila na miss ng sobra.
"Nay, sobrang na-miss ko din po kayo! Masayang masaya ako ngayun dahil muli tayong nagkita." sagot ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya at si Tatay naman ang binalingan. Hinawakan ko ang kamay nito habang nakangiti.
"Veronica, anak! Salamat dahil nagiging maayos ang buhay mo sa Manila. Kahit papaano nabawasan ng kahit kaunti ang pag-aalala na nararamdaman namin sa iyo."
mahinahon na wika ni Tatay. HIndi ko na napigilan pa ang aking sarili. Napayakap na ako dito.
"Tay, salamat po dahil naging maayos ang kalagayan niyo dito habang wala ako. Mahal na mahal ko po kayo ni Nanay! Pati na din ang mga kapatid ko.
" sagot ko at kumalas na sa
pagkakayakap sa kanya. Binalingan ko ng tingin si Rafael para pormal na ipakilala sa aking mga magulang.
"Siya nga po pala Nay, Tay, si Rafael nga pala. Kapatid ni Ate Arabella at kasintahan ko po." pakilala ko at kaagad naman lumapit si Rafael sa amin. Una nitong hinakawan ang kamay ni Tatay at nagmano. Sumunod naman ang kay Nanay.
"Diyos ko! ito na ba iyung bunsong anak nila Madam Carissa at Sir Gabriel?
"gulat na tanong ni Nanay. Kaagad akong napatango.
"At may relasyon kayong dalawa?"
muling tanong ni Nanay. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito kaya hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Opo. Unang kita ko pa lang po sa anak ninyo minahal ko na siya ng sobra! Huwag po kayong mag-alala... nagbabalak na din akong pakasalan siya sa simbahan." si Rafael na ang sumagot.
"pe-pero ayos lang ba sa mga magulang mo Iho? Pasensya ka na... hindi nabanggit sa amin ni Arabella ang tungkol dito noong dumalaw siya dito sa amin. Ang nabanggit niya lang nag-aaral daw si Veronica at maayos naman ang kalagayan niya sa mansion. Pero hindi niya nabanggit na---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Nanay ng muli akong sumagot.
"Nay! Hindi nya talaga sasabihin iyun dahil hindi naman po sila nakatira sa mansion. Hindi din po kasi uso ang mga marites sa pamilya nila Rafael." sagot ko na may halong biro sa tono ng boses. Pinunasan ko na din ang luha sa aking pisngi. Napangiti naman si Rafael sabay akbay sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po lolokohin si Veronica kung iyan ang iniisip nyo. Sumama po ako dito para pormal na hingin ang kamay ng anak nyo Mahal na mahal ko po siya at siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Isa pa po alam nila Mommy at DAddy ang tungkol sa relasyon namin at sila ang mas unang magagalit kapag sasaktan ko ang anak nyo. Mas mahal nga po yata ni Mommy si Veronica compare sa akin eh." mahabang sagot ni Rafael.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti dahil sa mga katagang naririnig dito. Napakasarap pakinggan ang mga sinabi nito ngayun lang. Nagkatingin naman sila Nanay at Tatay bago tumango.
"Ano pa nga ba ang magagawa namin. Pasensya ka na Rafael. Hindi lang talaga namin maiwasan na magulat. Mahirap lang kami at mayaman kayo. Hindi maalis sa amin na mag-alala." sagot ni Nanay.
"Huwag na kayong mag-alala. Hindi po mangyayari ang kinatatakutan niyo Nay. Mahal ko si Veronica at ipaglalaban ko siya kahit kanino." seryosong sagot ni Rafael. Nakiki- Nanay at Tatay na din ito da mga magulang ko na siyang lalo kong ikinatuwa.
"Salamat naman kung ganoon Rafael. Masaya kami para sa anak namin. Hindi lang namin akalain na mangyayari ang ganito. Hindi din namin akalain na dalagang dalaga na pala talaga ang Veronica namin. May Ipinapakilala ng boyfriend eh. At hindi basta-bastang lalaki. Kay gandang lalaki." nakangiting sagot naman ni Tatay. Nagkatawanan naman kami ni Rafael.
"Siya nga pala. Sinu-sino ba iyung mga kalalakihan sa labas? Halos lahat ng kapitbahay natin dito sa bahay natin nakatingin. Nagtataka silang lahat kung sino ang aming bisita ngayun."
tanong ni Nanay.
"Mga bodyguard ni Rafael Nay. Alam niyo naman po na hindi siya pwedeng umalis na walang kasa-kasamang magbabantay sa kanya." ako na ang sumagot.
"Pasensya na po kayo Nay! Gusto lang din kasing masiguro nila Mommy at Daddy na ligtas kaming makarating ni Veronica sa lugar na ito. Huwag nyo na lang po sanang pansinin ang mga kasama ko. Mababait po ang mga iyan at wala po kayong magiging problema sa kanila." nakangiting sagot naman ni Rafael. Napatango naman silang dalawa tanda ng pagsang-ayon.
"Teka lang, kumain na ba kayo? Sandali lang at ipaghahanda na muna namin kayo ng pagkain. Teka lang gusto nyo bang kakanin na lang muna? Aldrin, bumalik ka na muna ng palengke. Padagdagan mo iyung mga karne na binili natin sa suki natin. Pati
na din ang mga isda. Daanan mo na din ang mga bata sa palaruan para naman may tutulong sa akin dito sa paghahanda ng mga pagkain."
Mahabang wika ni Nanay kay Tatay. Sa dami ng sinabi nito hindi lang ako sure kung natatandaan lahat ni Tatay iyun.
"Nay, relax lang. Hindi niyo po kailangan ang mataranta ng ganiyan. Malapit lang po ba ang palengke dito? Sasama kami ni Veronica doon." awat na ni Rafael. Umiling naman si Nanay.
"Naku, huwag na anak. Kaya na ng Tatay Aldrin mo ang mga iniutos ko sa kanya. Ang mabuti pa magpahinga na lang muna kayo habang hinihintay ang pagkain. Pasensya na kayo at hindi talaga kami nakapaghanda. Kung alam ko lang na darating kayo kagabi pa sana ako nagpaluto ng mga pagkain!" sagot ni Nanay.
"Nay, ayos lang po kami. Hindi naman kami napagod sa byahe. Naka-chopper kami kaya ang bilis namin nakarating dito. Sige na po, sasama na kami kay Tatay sa palengke. May kotse naman sa labas at pwede namin gamitin para makarating kaagad kami." nakangiting sagot muli ni Rafael. Wala ng nagawa pa si Nanay kundi ang pumayag na lang. Alam kong nahihiya lang ito kay Rafael kaya parang natataranta ito ngayun.
Pagkalabas namin ng bahay ay kaagad kong napansin ang mga kapitbahay namin na nakadungaw sa kani- kanilang bintana. Kaagad naman akong hinawakan ni Rafael sa kamay at iginiya patungo sa isa sa mga sasakyan na gamit namin.
"Malapit lang naman ang palengke dito anak. Pwede na din natin lakarin." wika ni Tatay. BAkas ang pag-aalangan sa mukha nito habang nakatitig sa kotse.
"Mas maigi na po na magkotse tayo TAy. Hindi po bat maraming pinapabili si Nanay na mga karne at isda? Baka masyadong mabigat kapag manu- mano nating buhatin pauwi."sagot ko, Wala ng nagawa si Tatay kundi pumayag na din.
Pinagbuksan muna ako ng pintuan ni Rafael at pinapasok sa loob. Kinausap nito ang kanyang isa sa mga bodyguard bago na din sya tuluyang naupo sa tabi ko. Si Tatay naman pumuwesto na sa tabi ng driver.
"Sigurado ba kayo na hindi kayo napagod sa biyahe?" muling wika ni Tatay ng umusad na ang sasakyan. Kaagad naman sumagot si Rafael.
"Ayos lang po Tay, Isa pa balak ko din talaga mag-ikot sa lugar na ito mamaya kasama si Veronica. Babalik din po kami kaagad bukas ng Maynila dahil may pasok si Veronica sa School sa Monday. Talagang sumaglit lang po kami dito sa probensya para naman
magkita kayo at makilala ko na din kayo.." sagot ni Rafael Pinipisil-pisil pa nito ang palad ko habang nagsasalita kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Kung ganoon dapat pala sulitin niyo ang araw habang nandito kayo sa probensya. Masaya kami dahil nagawa niyo kaming dalawin sa kabila ng pagiging abala niyo sa Manila." sagot naman ni Tatay.
Wala pang sampung minuto narating na namin ang palengke na tinutukoy ni Nanay. Hawak kamay kaming bumaba ni Rafael ng kotse at sumunod kay Tatay hanggang sa makapasok sa loob.
"Sure ka ba na ayos lang sa iyo na pupunta sa ganitong lugar? Hindi ka pa man din sanay." wika ko kay Rafael habang naglalakad. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panakaw na pagtitig sa amin ng aming nadadaanan. Alam kong kahit papaano natatandaan ako
ng ilan sa mga kababayan namin.
Maliit lang ang lugar na ito at halos lahat magkakakilala. Iyun nga lang, iilan lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ng pamilya namin kaya iilan lang din ang mga kaibigan nila Nanay at Tatay noon. Hindi ko lang alam kung nagbago na ba ang sitwasyon ngayun.
"Aldrin...si Veronica ba iyan? Nakauwi na pala siya galing Manila?" natigil sa paglalakad si Tatay ng may biglang nagtanong dito. Nabaling naman ang attention namin ni Rafael sa babaeng nagtanong.
"Ayyy oo. Kakarating lang nila. Gustong sumama kaya pinagbigyan ko na." sagot ni Tatay at itinuloy na ang paglalakad. Kaagad naman kaming napasunod ni Rafael dito hanggang sa nakarating kami sa isa sa mga pwesto ng meatshop. Pilit namin inii-ignora ang mga titig na ipinupukol sa amin ng aking mga kababayan.
Isang nakangiting mukha ng medyo may edad na babae at lalaki ang bumungad sa amin. Kaagad nilang binati si Tatay. Kakilala namin sila noon pa. Si Aling Marina at Mang Gregor.
Kaagad na sinabi ni Tatay kung ano ang kanyang pakay. Bumili ito ng maraming karne at kaagad itong tinulungan ni Rafael na bitbitin ang mga iyun. Natuwa naman ako dahil hindi ko nakikitaan na kahit na ano mang pandidiri sa mukha nito habang nandito kami sa loob ng palengke. Alam kong sa tanang buhay nito never itong nakakakaapak sa ganito klaseng lugar.
"Sir ko na po ang magbibitbit. Dadalhin ko na po sa kotse." Hindi na ako nagulat pa ng may biglang lumapit sa amin. Isa sa mga bodyguard na kasama ni Rafael at kinuha nito sa kamay ng kanyang amo ang mga bitbit nitong plastik. Sunod nitong kinuha ang mga bitbit ni Tatay kaya naman kaagad nila itong ibinigay.,
"Si Veronica na ba iyan Aldrin? Abat ang gandang bata talaga!" narinig ko pang wika ni Aling Marina. Nakangiti itong nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Rafael.
"Ayyy oo! Kakarating lang nila kanina. Sinurpresa kami. Gusto daw kaming makilala ng nobyo niya." proud na sagot ni Tatay sabay sulyap sa aming dalawa ni Rafael.
"Bagay silang dalawa. Ang gwapo din ng kasama ng anak mo. Mukhang mayaman." sagot ulit nito. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko kay Aling Marina at umalis na din kami sa pwesto nila.
"Bumalik na kayo ng kotse anak. Pupunta pa ako sa isdaan. Maputik doon at baka madumihan lang kayo." baling sa amin ni Tatay. Tiningnan ko muna si Rafael bago tumango.
"Sige po...pasusunurin ko na lang po sa inyo ang isa sa mga tao ko para may tumulong sa inyo sa pagbibitbit sa mga pinamili niyo po." si Rafael na ang sumagot. Muli ko itong tinitigan at hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa dito ng mapansin ko na tagaktak na ng pawis ang noo nito. Hindi nga ito sanay sa ganitong lugar.
"Abay ikaw ang bahala. Sya nga pala Veronica, dumaan kayo sa Dencieta. Tindahan ng mga kakanin iyun. Mamili kayo ng mga gusto nyong kainin ni Rafael at hindi pa pala kayo kumakain ng agahan." wika ni Tatay sa amin bago ito tumalikod. Alam ko ang pwesto ng bilihan ng kakainin na iyun kaya kaagad kong hinila si Rafael papunta doon.
"Veronica? Ikaw nga? Uyyy kumusta ka na?" Palabas na kami ng palengke at tinatahak na namin ang daan patungo sa bilihan ng kakanin ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Wala sa sariling napalingon ako at kita ko ang isa ko pang kababata. Si Akira! Nakangiti itong naglalakad palapit sa akin na may kargang sanggol. Hindi ko din ito naging kaibigan pero nginitian ko ito.
"Akira! Kumusta?" tanong ko.
"Ayos lang. Grabe, mukhang sosyalin
ka na ngayun ah? Sinong kasama mo?" direkta nitong tanong. Hindi pa rin ito nagbabago. Pakialamera pa rin. Sabagay, napapaligiran pala kami ng mga marites kaya naman wala akong choice kundi ipakilala si Rafael dito. Para matigil na ang mga mapanirang kwento tungkol sa akin na lumaganap sa lugar na ito. Bigla ko kasing naalala ang mga sinabi sa akin nila Lorie at Claire noong nagkita kami.
"Asawa ko, Si Rafael." sagot ko at kaagad ko naman naramdaman ang pag akbay sa akin ni Rafael.
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Akira. Matamis ko itong nginitian at tuluyan ng nagpaalam sa kanya.
Hindi ko maiwasan na mapasulyap sa mga nadaanan namin na mga pwesto. Halos lahat yata nakatitig sa amin. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang paghanga na ipinupukol ng mga kababaihan habang nakatitig kay Rafael.
Sorry na lang sila. Pag-aari ko na ang puso ng lalaking kasama ko ngayun. Mainggit sila sa akin hanggat gusto nila dahil parang basura ang turing ng karamihan sa kanila sa amin noon.
"Ganito ba talaga ang mga tao dito sa inyo Sunshine! Grabe kung makatingin. " bulong sa akin ni Rafael. Napansin nya din pala iyun.
"Huwag mo na lang pansinin.
Napopogian lang iyan sila sa iyo. Tingnan mo ang hitsura ng mga kababaihan. Parang gusto ng tumulo ang laway. Masyado ka kasing gwapo para pumunta sa lugar na ito."
pagbibiro kong sagot. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ako hinapit sa baywang at diretso na kaming naglakad papunta sa shop na sinasabi ni Tatay na bilihan ng mga kakanin.
Bumili nga kami ng maraming kakanin. Hindi lang naman kami ang kakain kundi pati na din ang mga kasamang tauhan ni Rafael.
Pagkatapos namin mamili ng pagkain dumiretso na kami ng kotse. Parehong tagaktak ang pawis namin ni Rafael ng pumasok kami sa loob.
"Grabe! Ang init pala dito sa inyo Sunshine!" Angal pa nito sa akin at kumuha ng tissue at ito na mismo ang nagpunas ng pawis sa noo ko. Simpleng gesture pero nakakataba ng puso.
Chapter 244
VERONICA POV
Hindi naman nagtagal ang aming paghihintay kay Tatay at kaagad naman itong lumabas sa loob ng palengke kasama ang dalawa sa mga bodyguard ni Rafael. Pagkasakay nito kaagad na kaming umuwi ng bahay.
Kaagad akong nakaramdam ng tuwa nang nakita ko ang ilan sa mga kapatid ko sa labas ng bahay. Mukhang inaabangan nila ang pagbalik namin dahil kaagad na gumuhit ang kanilang ngiti sa labi ng mapansin nila ang pagdating ng sasakayan.
"Ate!" pagkababa ko pa lang ng kotse kaagad na akong sinalubong ng mga kapatid ko. Unahan sila sa paglapit sa akin at isa-isang nagsipagyakap.
"Ate... Ikaw na nga...ang ganda-ganda mo na lalo!" kaagad na bulalas ni Charmaine. Twelve years old at pang-apat sa aming magkakapatid. Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Sa aming magkapatid ito ang pinakamadaldal sa lahat.
"Matagal ng maganda si Ate. Kahit naman hindi pa siya ganoon kaputi noon maganda na siya!" Nakalabing sabat naman ni Ana. Ang panglima sa aming magkakapatid.
"Alam ko naman iyun. Pero mas maganda siya ngayun. Kita mo nga ang kinis na nya at ang puti tapos ang bango pa." muling sagot ni Charmaine. Ayaw talaga nitong patalo. Bago pa magkainitan ang dalawa pumagitna na ako.
"oohhh tama na iyan! Baka kung saan- saan na naman mapunta ang usapan na iyan. Siya nga pala, mag 'hello' muna kayo sa Kuya Rafael niyo! May pasalubong pa naman siyang dala para sa inyo!" nakangiti kong sagot at binalingan si Rafael na nakatayo sa tabi ko. Kita ang tuwa sa mga mata nito habang nakatingin sa mga makukulit kong kapatid.
"Jowa mo siya Te?" Muling tanong ni Charmaine. Si Rafael na ang sumagot dito.
"Nope...asawa na ako ng Ate mo!" sagot ni Rafael at kaagad akong hinalikan sa pisngi. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. Pabirong nakurot ko naman si Rafael sa kanyang tagiliran. Pilyo talaga ito. Pati mga kapatid ko gusto pa yatang pagtripan. Ang dami pa namang mga Marites na nakatingin sa gawi namin.
"Ayyyiiii! Ang sweet nila!" Kinikilig na wika ni Charmaine sabay napatakip ng bibig nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa pagitan naming dalawa ni Rafael.
"Halaka! Lagot ka Ate. Nag-asawa ka na pala! Sabi ni nanay kanina boyfriend lang eh." sabat naman ni Ana. Sabay pa kaming natawa ni Rafael dahil sa naging reaction nito. Samantalang ang iba ko pang mga kapatid nagsipasok na sa loob ng kotse.
"Bakit ayaw mo ba akong maging asawa ng Ate mo? Mabait naman ako at pogi pa." nagbibirong sagot ni Rafael. Muli akong natawa. Ni sa hinagap hindi ko akalain na makikipag-usap ito ng ganito sa makulit kong kapatid.
"Gusto na lang..... kasi totoo naman talagang pogi kayo eh tsaka sabi ni Nanay kanina mabait daw po kayo! Kuya na lang ang itawag namin sa iyo ha? Maiinggit talaga nito ang mga kaibigan ko dahil may Kuya na akong pogi!" Si Charmaine na naman ang sumagot.. Natawa naman si Rafael dahil sa sinabi nito. Simpleng salita na lumabas sa bibig ng kapatid ko pero tuwang tuwa ito. Nakikinita ko na mukhang magiging mabuting ama ito ng mga anak namin kapag nagkataon. Hindi ko naman maiwasan na ipilig ang ulo ko dahil sa naisip ko.
Ano ba itong tumatakbo sa isip ko. Kakaumpisa pa lang naming dalawa ni Rafael sa aming relasyon napunta na kaagad sa pagkakaroon ng anak ang imahinasyon ko. Nakakahiya kapag malaman ni Rafael ito. Hindi pa nga ako nakakaapak sa college kung anu- ano na ang tumatakbo sa isip ko.
"Tama na muna iyan! Charmaine, tigilan mo muna iyang Ate at Kuya mo. Huwag ka muna mangulit at tulungan mo si Kuya Angelo mo na magbalat ng mga gulay sa Kusina." Narinig kong saway ni Nanay kay Charmaine na noon palagay kaagad ang loob kay Rafael. Nagawa na nitong makipagkulitan sa Kuya niya. Sabagay, sa aming lahat ito lang ang hindi mahiyain.
"Veronica anak, dalhin mo na dito sa loob si Rafael. Sa sala na lang muna kayo kumain dahil masyadong magulo ang kusina." ako naman ang binalingan ng tingin ni Nanay kaya
kaagad na akong tumalima. Nakakaramdam na din ako ng gutom at isa pa kanina pa ako natatakam sa mga kakanin na binili namin.
Katulad ng sinabi ni Nanay sa sala na kami pumwesto ni Rafael. Sa sobrang dami ng mga binili na lulutuing pagkain ni Tatay kanina mukhang kailangan ni Nanay ng makakatulong doon.
Iyung mga bodyguard naman binigyan na din namin ng makakain. Napansin ko din kanina si Angelo na inaasikaso nya ang mga ito. May napansin na din akong mga tasa na may lamang kape kanina kaya nasisiguro ko na hindi naman sila magugutuman dito sa amin.
Ang iniisip ko lang ngayun kung kaya bang kumain ng kakanin ni Rafael. Never pa kasi akong nakakita ng ganitong pagkain sa mansion kaya hindi ko alam kung mapapakain ko ito ngayun dahil hanggang ngayun hindi pa nag-umpisang magluto sila Nanay. Nasa proseso pa lang sila ng paghihiwa.
"Gusto mo bang maghanap tayo ng ibang pagkain sa labas?" tanong ko kay Rafael sabay lapag ng black coffee sa kanyang harap. Naglagay na din ako ng isang pitcher ng malamig na tubig. Ang mga kakanin naman ay nakapatong na sa center table at may dalawang platito na din na nakalagay.
Suman, biko at palitaw ang nabili namin kanina. Iyung na lang kasi ang available doon sa store. Hindi ko talaga sure kung magugustuhan ito ni Rafael.
"Mukhang masarap naman. Dont worry, nakakain na ako ng ganitong pagkain noong bata pa ako." wika nito habang nakatitig sa suman. Nagulat pa ako ng kumuha ito ng isang piraso, binalatan at diretsong isinubo.
"Sure ka?" tanong ko. Kaagad itong tumango.
"Yup! Palaging inuutusan noon ni Ate Arabella ang dati namin na cook na gumawa ng ganito sa mansion. Pero noong nagresign na dahil sa katandaan nahinto na din ang pagkain namin ng mga ganito hanggang sa nakalimutan na namin." sagot nito at kumagat ulit ng suman.. Kinuha nito ang tasa na may kape at sumimsim ng kaunti.
Natutuwang sinabayan ko na din itong kumain. mabuti na lang at hindi naman pala maarte itong mahal ko. Kahit na ipinanganak itong nakahiga sa salapi nagawa pa din nitong makibagay sa kung ano man ang meron sa kanyang paligid. Gusto ko siyang ipagmalaki sa lahat.
Paubos na ang kape ng biglang lumapit sa amin si Angelo. Tinanong pa ito ni Rafael kung nakakain na ba ito pero kaagad itong tumango.
"Ate, nasa labas si Mayor." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Paanong nandito ang Mayor namin? Ano ang kailangan nito?
"Ha? bakit daw?" tanong ko.
"Hindi ko po alam. Kausap po ni Tatay ngayun sa labas." sagot ni Angelo. Napatitig ako kay Rafael ng tumayo ito. Hinawakan ako sa kamay at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Pagkalabas namin kaagad na tumampad sa paningin ko ang Mayor nga ng lugar namin. May mga kasama ito habang kausap ni Tatay. Ang mga bodyguard naman ni Rafael tahimik lang na nakamasid.
Nang mapansin ni Mayor ang paglabas namin ni Rafael dito sa loob ng bahay kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito. Mabilis kaming sinalubong sabay lahad ng kanyang kamay.
"Mister Rafael Villarama! Bunsong anak ng magaling na business tycoon na si Gabriel Villarama. Ikinagagalak kong maging bisita kayo sa lugar namin." nakangiti nitong wika. Kaagad naman tinanggap ni Rafael ang pakikipagkamay nito.
"Thank you po! Sinamahan ko lang ang wife ko na bumisita dito. Ikinagagalak ko din po kayong makilala."
nakangiting sagot naman ni Rafael.
"Ikaw na ba si Veronica? Abat kay gandang bata!" nakangiting wika naman ng babaeng katabi nito. Ito iyung asawa ni Mayor at himala kilala ako nito.
"Salamat po Mam." nakangiti kong sagot. Nagulat pa ako at hinawakan ako sa kamay sabay nakipagbeso sa akin. Nahihiya man pero nagpatianod na lang ako.
"Hindi pa pala kayo nagsabay ng kapatid mo. Si Misis Arabella Villarama Santillan at Kurt Santillan. Kausap ko sila kagabi at sinabi nila na bibisita daw sila ngayun para i- finalized ang pagbili sa isang resort na napupusuan ni Misis Santillan noong nakaraang pagbisita nila dito." Nakangiting muling wika ng Mayor. Kaagad naman kaming nagkatingin ni Rafael.
Wala kasi kaming idea tungkol dito. Isa pa walang nababanggit si Ate Arabella tungkol sa balak nitong pagpunta dito sa lugar namin. Kung alam ko lang sana nagsabay na lang kami. Mukhang wala din alam si Rafael dahil kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mukha nito.
"Well, masyadong busy ang pamilya namin. Hindi nabanggit ni Ate ang balak nilang mag-asawa. Gayunpaman we are willing to support naman kung ano ang gusto nila. Mahilig talaga sa nature ang kapatid kong iyun." sagot naman ni Rafael.
"Kung may time pa kayo Mister Villarama, iimbitahan sana namin kayo bahay namin." muling wika ni Mayor. Tumingin muna sa akin si Rafael bago sumagot.
"Kakarating lang po namin. I think gusto ng wife ko na sulitin ang time sa pamilya ngayung araw. But dont worry, kapag may time kami, kami na mismo ang dadalaw sa bahay niyo. Masaya ako sa mainit na pagtanggap mo sa amin sa lugar na ito Mayor!"
Nakangiting sagot ni Rafael.
"Mister Villarama, mas natutuwa kami sa inyong presensya sa lugar namin. Bihira lang makarating sa lugar namin ang mga taong kagaya niyo na tinitingala sa lipunan. Kapag may kailangan ka pa para mas lalong maging kumportable ang pag-stay niyo sa lugar namin huwag kang mahiya na magsabi sa amin Mister Villarama." muling sagot ni Mayor.
Ngayun ko lang napatunayan na kapag mapera ka pala igagalang ka ng kahit sino. Napatunayan ko palagi iyan sa tuwing kasama ko si Rafael.
Natigil lang ang pag-uusap ni Mayor at Rafael ng may humintong sasakyan sa harap ng bahay. Kaagad na lumabas si Kuya Kurt kasunod ni Ate Arabella. Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Rafael at masaya silang sinalubong.
"Ate Arabella!" nakangiti kong wika. Kaagad ako nitong niyakap ng magkaharap na kami.
"Grabe, kung alam ko lang na pupunta din kayo dito sumabay na lang sana kayo sa amin." nakangiti nitong wika.
"Hindi po kasi namin alam Ate eh. Kay Mayor lang po namin nalaman na pupunta din kayo ngayun " nakangiti kong sagot. Iniwan na kami ni Kuya Kurt at lumapit na ito sa nag-uusap na si Rafael at Mayor.
"Oo, kailangan eh. May bibilhin kaming beach resort malapit dito. Samahan niyo kami mamaya para tingnan ulit bago namin bayaran."" nakangiti nitong sagot. Kaagad naman akong tumango.
"Talaga po! Naku, excited na ako. Teka lang po pala, hindi po ba kasama si Jeann? tanong ko. Kaagad itong umiling.
"Hindi na muna. Inaatake na palagi ng morning sickness at ayaw kong sa yate pa siya magsusuka." nakangiti nitong sagot. Yate pala ang sinakyan nila. Kung ganoon nga? nauna pala silang umalis ng Maynila compare sa amin ni Rafael. Mas mabilis makarating kapag chopper ang sasakayan.
"Ate, alam niyo po kanina ko lang nalaman na pumupunta pala kayo dito palagi. Ang daya nyo po, hindi nyo man lang nababanggit sa akin." maya-maya wika ko dito. Sa mahigit isang taon ko na pagtira ng mansion at nakakasama sila tuwing weekend naging palagay na ang loob ko sa kanya. Sa kanya ako pinaka-closed kumpara sa ibang mga kapatid ni Rafael.
"Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa iyo dahil alam kong sasama ka. Alam kong malaki ang pagkagusto sa iyo ni Rafael at ayaw pumayag ng lokong iyun na umaalis ka ng mansion ng hindi siya kasama." natatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
"Salamat po Ate Arabella ha? Sa dami ng naitulong mo kila Nanay hindi ko po alam kung paano kayo pasalamatan." pag-iiba ko ng usapan.
"Anong ako? Hindi mo ba alam na galing kay Rafael ang mga kaperahan na pinapadala dito sa pamilya mo?"
sagot nito. Hindi ko maiwasan na magulat.
"Galing kay Rafael lahat ng ginastos sa pagpapagawa ng bahay ninyo Veronica. Ako lang ang inuutusan niyang mag- asikaso ng lahat dahil masyado siyang busy. Hindi nya ba nabanggit sa iyo?" nagtataka nitong tanong. Kaagad akong tumango. Nagulat naman si Ate Arabella at napakagat pa ito sa kanyang labi. Kaagad kong napansin ang paguhit ng guilt sa mga mata nito.
"Naku sorryy.. Lagot ako nito sa kapatid ko. Akala ko talaga alam mo na eh." muling wika nito.
Chapter 245
VERONICA POV
Hindi ko maiwasan na mapasulyap kay Rafael pagkatapos kong malaman mula kay Ate Arabella ang tungkol sa pagbibigay nito ng tulong financial sa aking pamilya. Parang may kung anong bagay na biglang humaplos sa puso ko sa isiping kahit ang pamilya ko hindi nito nakalimutang bigyan ng tulong sa paraang alam nito.
"Huwag kang magalit sa kanya ha? Gusto ka lang naman siguro nya bigyan ng surprise kaya hindi niya nababanggit sa iyo ang tungkol dito. Rafael loved surprises kahit noon pa. Mahal na mahal ka lang talaga ng kapatid ko kaya gusto nya din bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo. At hindi lang iyun, alam mo bang nagpagawa din siya ng limang classrooms dito sa lugar niyo dahil naaawa siya sa mga istudyante na walang maayos na silid aralan? Of course lahat ng iyun ako ang nag- asikaso at alam ito ng buo naming pamilya." mahabang wika ni Ate Arabella. Parang gusto kong maluha sa mga ikinikwento nito.
"Hindi po. Walang dahilan para magalit ako sa kanya. Masyadong malaki ang nagawa niyang tulong hindi lang para sa amin kundi sa ibang mga bata dito kaya walang dahilan na magalit ako. Kung alam niyo lang po, gusto ko siyang ipagmalaki kahit kanino. Napakabuti ng puso nya Ate." sagot ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Hindi naman iyun nakaligtas sa kanina pa pasulyap-sulyap sa amin na si Rafael. Nagpaalam ito sa mga kausap at lumapit sa amin.
"Ano na naman iyan Ate? Bakit mo pinapaiyak ang mahal ko?" kaagad na tanong nito. Sinipat muna ko ng tingin bago tinitigan ang kanyang Ate Arabella.
"Hmmmp ewan ko sa iyo! Kasalanan mo iyan!. Ang hilig mo kasing magsekreto. Ikwento mo na kasi sa kanya kung ano ang totoo. Hindi ko na kasalanan kong magalit sa iyo iyan!" pabirong sagot ni Ate Arabella. Hinalikan muna nito sa pisngi ang kapatid at tinapik ang balikat bago lumapit sa mga kausap ni Kuya Kurt na sila Mayor at ang asawa nito.
"What's wrong? Pinagalitan ka ba ng kapatid kong iyun?" tanong nito at masuyo akong tinitigan. Kaagad akong umiling.
"Ang daya mo! Hindi mo man lang nabanggit sa akin na ikaw pala ang nagpagawa ng bahay at nagbibigay ng pera kila Nanay at Tatay." sagot ko. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito.
"Kita mo na kung gaano kadaldal ang kapatid kong iyan? Walang sekre- sekreto sa kanya!" sagot nito. Hinawakan ako sa mga kamay at masuyo akong tinitigan.
"Hindi ko na binanggit sa iyo dahil alam kong tatanggi ka! Alam kong kaya ka nag-aaral ng maayos ngayun dahil gusto mo silang mabigyan ng magandang buhay. Ako na ang kusang nagbibigay ng lahat ng iyun dahil gusto ko na talagang maging asawa ka! Hindi na ako papayag na pagtatrabahuan mo pa ang pera na ibibigay mo sa pamilya mo dahil kaya kong ibigay ang lahat ng iyun Veronica!" nakangiti nitong sagot sa akin.
Wala na akong pakialam pa kung may mga matang nakatutok sa amin. Ako na ang kusang yumayakap dito dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman ng puso ko.
"Thank you! Alam kong hindi sapat ang salitang iyan para ipakita sa iyo na labis kong na- appreciate lahat ng ginagawa mo sa akin kaya lang yan ang masasabi ko ngayun." sagot ko kasabay ang pagyugyog ng balikat ko dahil hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak.
"Heyyy! Bakit ka umiiyak ngayun? Sunshine! Hindi ito ang iniexpect ko mula sa iyo!" malambing na sagot nito sa akin.
"Eh ikaw kasi eh! Gusto mo talaga akong paiyakin! Grabe naman itong surprise mo sa akin. Ang laki ng halaga! Baka isipin ng iba diyan piniperahan lang kita eh." sagot ko. Malakas itong natawa. Tinitigan ako sa mukha at pinindot ang ilong ko.
"Sa gwapo kong ito iyan pa talaga ang akala mo iisipin ng tao sa iyo? Hindi ba pwedeng masyado lang akong pogi kaya ka na-inlove sa akin ng todo?" tanong nito. Ako naman ang napangiti.
".Syempre naman....iyan talaga ang dahilan. Ang gwapo mo kaya at napaka maasikaso pa! Alam ko din na maraming naiinggit sa akin ngayun dahil nabihag ko ang puso ng pinaka- gwapong lalaki sa buong mundo." sagot ko.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya naman napakalas ako sa pagkakayakap mula dito. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko kung gaano ito kasaya ngayun.
"Tandaan mo Sunshine.....lahat ng makakapag-papasaya sa iyo handa kong ibigay. Makita ko lang na palaging nakangiti ang labi na iyan!" sagot nito at ito na mismo ang nagpahid ng ilang butil ng luha sa aking pisngi.
"I love you Rafael!" sagot ko "And I love you too Veronica ko!" ngiting ngiti din nitong sagot. Hinawakan ulit ako sa kamay at tinitigan sa mga mata.
"Ganito ba talaga dito sa inyo? Ang daming mga matang nanonood. Gusto sana kitang halikan sa lips eh!" nakangiti nitong sagot sabay pasimpleng luminga-linga. Hindi ko na napigilan ang matawa.
"Yes...ganito talaga sa probensya namin. Kapag may bagong mukha silang nakikita hindi iyan sila titigil sa kakasilip sa kani-kanilang bintana." sagot ko.
"Kung ganoon pasok muna tayo sa loob ng bahay niyo! Gusto kong matikman ulit ang labi mo Sunshine!"
paglalambing na sagot nito. Muli akong natawa.
"Hindi din pwede sa loob ng bahay. Nagkalat ang mga kapatid ko doon."
sagot ko.
"Eh di sa kwarto! Sige na please... pagbigyan mo na ako.." nagniningning ang mga mata nitong wika.
"Hmmmp hindi din pwede doon. Baka kung ano ang isipin nila sa atin. Tinatawag ka na nila Kuya Kurt ohhh." wika ko dito sabay tingin sa gawi nila Kuya Kurt. Nakaupo na silang dalawa ni Mayor kasama si Tatay habang nag- uusap. May lamesa na din sa kanilang harapan. Hindi na nila kasama sila Ate Arabella at asawa ni Mayor kaya naisip ko na baka pumasok na sila sa loob ng bahay para puntahan si Nanay.
"Well, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magtiis. Pero magready ka dahil kapag magkaroon ako ng chance na masolo ka lagot ka sa akin." sagot nito. Nginitian ko lang ito at sabay na kaming naglakad pabalik. Dumiretso si Rafael kina Kuya Kurt at nagpasya naman akong dumiretso sa loob ng bahay para makausap pa si Ate Arabella.
"Venus grabe isa talaga ito sa binabalik -balikan ko sa lugar na ito. Ang sarap talaga ng ganitong klaseng pagkain. Naalala ko pa, ito iyung pinaka-una kong natikman ng pagkain pagkarating pa lang namin ni Mommy sa lugar na ito noon. Hanggang ngayun hinahanap- hanap ko pa rin ang lasa nito" narinig kong wika ni Ate Arabella pagkapasok ko pa lang sa loob ng kusina. Nakaupo silang tatlo sa harap ng mesa kasama na nila ang asawa ni Mayor na si Misis Andra Legaspi.
Mukhang sanay naman si Nanay sa kanyang mga kaharap dahil relax lang din naman itong nakikipag-usap sa dalawang bisita.
"Naku, gustuhin ko man na padalhan ka sa Manila pero napakahirap. Baka sa daan pa lang sira na ang mga iyan. Baka masira pa ang tiyan mo Bella kapag ipilit pa natin." nakangiting sagot naman ni Nanay.
Nagpasya na akong lapitan sila para makijoin na din. Kaagad akong nginitian ni Ate Arabella at pinaupo ako nito sa kanyang tabi.
"Kayganda talaga ni Veronica....hindi na ako nagtaka na nabihag nya ang puso ng bunso niyo Bella." sabat naman ni Misis Andra.
"Maganda ang Nanay eh. Halos ayaw ng pakawalan ng kapatid ko iyan unang pagkikita pa lang nila noon sa Mansion. Ang easy go lucky kong kapatid biglang nagtino at naging seryoso sa buhay. Kaya laking pasasalamat ng buong pamilya na dumating sa buhay namin si Veronica dahil hindi namin alam noon kung paano patitinuin si Rafael. Puro barkada at pambabae ang inaatupag." nakangiting mahabang wika ni Ate Arabella.
Mukhang ako ang magiging topic nila ngayun kaya nagpasya na akong magpaalam na muna sa kanila. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng antok. Siguro dahil maaga kaming gumising kaninang umaga. Napasulyap pa ako sa orasan at hindi ko maiwasan na magulat.... halos mag-aalas dose na din pala ng tanghali.
"Nay, pahinga na po muna ako."
paalam ko sabay tayo. Tumayo na din si Nanay at nagpaalam sa mga kausap para samahan ako sa taas ng bahay at ituro kung saang kwarto ako pwedeng magpahinga.
Pagkabukas pa lang sa isa sa mga pintuan ng kwarto dito sa taas kaagad na hinarap ako ni Nanay at nginitian. HInaplos nito ang pisngi ko bago nagwika.
"Thank you sa lahat ng ito anak. Natupad na ang pangarap mo para sa amin at masaya Kami ng Tatay mo na masaya ka sa piling ni Rafael." nakangiti nitong wika.
"Nay...." tanging nasagot ko na lang at napayakap na din dito.
"Nasurpresa din po ako ngayung araw Nay. Hindi ko din po akalain na ganito ang madadatnan ko dito sa bahay natin. " sagot ko.
"Mabait kang bata Veronica kaya ka binigyan ng ganito kalaking biyaya ng panginoon. Hangad namin ng TAtay mo ang iyung kaligayahan. Huwag mo na kaming isipin pa dahil maayos na ang kalagayan namin dito. Masaya na kami sa kung anong meron kami ngayun at habang buhay namin itong ipagpapasalamat sa iyo at sa pamilyang kumupkop sa iyo. Sa asawa mo na si Rafael na hindi nagsasawang alamin kung ano ang mga pangangailangan namin dito sa probensya......."
"Nahihya din kaming tanggapin ang lahat ng tulong nila anak...pero mapilit sila...Lalo na ang Ate Arabella mo.
Pakisabi kina Madam Carissa at Sir Gabriel...salamat kamo ha?" mahabang wika nito habang hinahaplos ang likod ko. Nakangiti naman akong kumalas sa pagkakayakap dito sabay tango.
"Hayaan nyo po Nay, sasabihin ko sa kanila at personal din akong magpapasalamat sa kanila dahil sa ginawa nilang ito sa pamilya natin." sagot ko. Kaagad itong tumango at inilibot ang tingin sa paligid.
"Sa iyo talaga ang kwarto na ito. Dito natutulog minsan si Charmaine at huwag kang mag-alala...palagi nya itong nililinisan. Alam mo naman siguro na sa lahat ng mga kapatid nya ikaw ang paborito niya." nakangiting wika ni Nanay. Hindi ko maiwasan na matawa.
Iginala ko ang tingin sa paligid. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng lahat. Ang ganda na din ng bahay namin. May kama na din kami...hindi katulad noon na sa lapag lang kami natutulog at tabi- tabi pa.
"Sige na anak, pahinga ka na muna diyan at ako na muna ang bahala sa mga bisita." paalam na wika ni Nanay. Hinalikan pa ako sa pisngi bago tuluyan iniwan dito sa kwarto.
Kaagad naman akong lumapit sa kama Naupo at muling inilibot ang tingin sa paligid. Hindi nagtagal, nagpasya na akong mahiga na muna para umidlip kahit sandali lang. Hinihila na talaga ako ng antok.
Chapter 246
VERONICA POV
Hindi ko na namalayan pa na napahimbing na pala ang tulog ko, Naalimpungatan na lang ako nang may biglang nahiga sa tabi ko kaya kaagad akong napadilat. Napansin ko pa ang malamlam na ilaw na nagmula sa lampshade sa gilid ng kama kaya napabangon ako.
Ang balak kong pag-idlip lang sana ay nauwi pala sa mahimbing na pag- tulog. Tumingin ako sa bintanang salamin at kaagad kong napansin na madilim na nga sa labas. Kung ganoon napahaba talaga ang tulog ko. Nararamdaman ko na din ang pagkalam ng aking sikmura. Hindi pa pala ako nakakain ng lunch.
Nilingon ko pa kung sino ang biglang tumabi sa akin at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Rafael. Nakapikit na ito kaya naman hindi ko mapigilan ang magtaka. Ang bilis naman nakatulog nito. Wala pang ilang minuto ng maramdaman ko ang pagtabi nito eh.
"Rafael?' pabulong kong wika. Kung talagang tulog na ito ayaw ko na sanang isturbuhin pa pero nang mapansin ko na amoy alak ito hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tapikin ito sa kanyang mukha. Unti-unti naman itong dumilat.
"Uminom ka na naman? tanong ko. Tumitig ito sa akin at muling pumikit. Marahan akong napabuntong hininga at tuluyan ng bumaba ng kama.
Mukhang nalasing na naman ito at kailangan ko siyang palitan ng damit at punasan. Kaya lang nasa kotse pa yata ang mga gamit namin. Hindi pa ito naipasok simula ng dumating kami kaninang umaga.
"Sandali lang, ipapakuha ko muna ang mga gamit natin para mapunasan kita at makapagpalit ka na din ng damit.." bulong ko na wika dito. Kinumutan ko muna ito bago ako lumabas ng kwarto.
Pababa na ako ng hagdan ng kaagad kong napansin si Nanay na kausap pa rin nito si Ate Arabella. Mukhang nakaalis na ang asawa ng Mayor. Sabay pa silang tumitig sa akin habang palapit ako sa kanila.
"Good evening po!" bati ko sa kanilang dalawa. Sabay naman silang tumango.
"Kumusta anak? Hindi ka na namin ginising dahil mukhang ang sarap ng tulog mo kanina." kaagad na wika ni Nanay. Pilit akong ngumiti bago sumagot.
"Oo nga po! Hindi ko po talaga namalayan ang oras. Balak ko sanang umidlip lang kaya lang napasarap ang tulog ko. Lalabas lang po muna ako Nay. Kukunin ko lang ang mga gamit na dala namin dahil kailangan kong punasan si Rafael, nalasing po yata siya." sagot ko dito at akmang lalabas na ng bahay ng magsalita ito.
Inakyat na ng mga bodyguard niyo ang mga gamit na dala niyo. Inilipat kasi nila ang kotse dahil medyo dumadami ang tao sa harap ng bahay. Nakisaya na din kasi ang mga kapitbahay natin." sagot ni Nanay. Natigilan naman ako Hindi nga nakaligtas sa pandinig ko na nagkakaingay na sa labas. Mukhang nauwi sa pary-party ang lahat. Kaya siguro nalasing si Rafael.
Sa kakamadali ko kanina hindi ko napansin ang mga gamit namin. Naiakyat na pala. Sabagay, tuloy-tuloy ko kasing tinahak ang hagdan pagkalabas ng kwarto. Masyado kasi akong nataranta sa isiping nalasing na naman ang lalaking mahal ko.
"Ganon po ba? Pasensya na po...
nataranta po kasi ako eh. Baka sumuka na naman ng sumuka si Rafael, Sabi ko bawal na siyang uminom eh." sagot ko naman. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang paguhit ng ngiti sa labi ni Ate Arabella bago sumagot.
"Hey...relax ka lang. Normal lang sa isang lasing ang magsuka. Ayaw nga sanang uminom ni Rafael kaya lang nakikisama siya sa mga bisita. Hayaan mo na lang muna. Malakas si Rafael at sanay malasing ang taong iyun." nakangiti nitong sagot. Pilit akong
ngumiti at nagpaalam na sa kanila.
Wala akong time para makipag-usap ngayun. Uunahin ko munang
asikasuhin ang mahal ko at baka kung mapaano na naman.
Kasalanan ko din naman eh. Hindi ko siya nabantayan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko eh.
Muli akong umakyat ng second floor.
Napakamot pa ako ng aking ulo ng mapansin ko ang mga dala naming bags malapit sa pintuan nang inuukupa naming kwarto. Hindi man lang nahagip ng mga mata ko kanina dahil sa pagmamadali ko.
Kaagad kong nilapitan ang mga bags at isa-isang hinila papasok sa loob ng kwarto. Kaagad akong naghalungkat sa loob nito at nang makita ko ang dala naming damit pantulog kaagad kong inilabas. Kumuha na din ako ng face towel at muling lumabas ng kwarto. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at muling nagtanong kay nanay.
Nay, may mainit na tubig po ba tayo?" kaagad kong tanong. Kaagad naman itong tumango.,
"Oo naman! Teka, gusto mo bang magkape?"" tanong nito. Umiling ako.
"Pupunasan ko po si Rafael para maginhawaan." sagot ko. Tumango naman ito at nagpaalam muna kay Ate Arabella na maiiwan muna dito sa sala dahil sasamahan daw ako sa kusina para tulungan na makakuha ng mainit na tubig. Naghagilap na din ito ng malinis na planggana at ito na din ang naglagay ng pinaghalong mainit at malamig na tubig.
"Ayos na siguro iyan. Punasan mo kaagad siya at pagkatapos bumaba ka dito para naman makakain ka na din ng hapunan." wika nito sa akin. Tumango lang ako a mabilis na tumalikod bitbit ang maliit na planggana na may lamang maligamgam na tubig. Hindi ko na pinansin pa si Ate Arabella at diretso na akong umakyat ng hagdan.
"Masyadong nag-aalala kay Rafael! Napaka-swerte talaga ng kapatid ko."
dinig ko pang wika ni Ate Arabella kay Nanay pero hindi ko na pinansin pa. Ang gusto ko lang naman sa ngayun mapunasan si Rafael para kahit papaano mawala ng kaunti ang pagkalasing nito.
Kaagad akong bumalik ng kwarto at nilapitan si Rafael. Una kong pinunasan ang mukha nito. Umungol pa ito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na kausapin ito.
"Bakit ka na naman kasi naglasing? Tingnan mo tuloy ikaw na naman ang mahihirapan niyan eh!" wika ko.
Pinag-igihan ko ang pagpupunas dito ng bigla nitong hawakan ang aking kamay. Unti-unting dumilat sabay ngiti.
"Hey...relax...hindi ako lasing... inaantok lang talaga ako!" nakangiti nitong wika. Nagulat naman ako. Tinitigan ko pa ang nakangiti nitong labi at namumungay nitong mga mata.
"Sure ka? Hindi ka lasing?" tanong ko.
"Yes...uminom lang ako ng kaunti bilang pakikisama sa mga kababayan mo." nakangiti nitong sagot. Hinila pa ako kaya napahiga ako sa ibabaw nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ako niyapos.
"Matulog muna tayo Sunshine! Kahit mga isang oras lang." bulong nito sa akin.
"Ayaw mo bang magbihis ng kahit pantulog man lang? Para naman maginhawaan ka?" tanong ko dito.
"Natatamad na akong maghalungkat sa mga gamit na dala natin. Iyung mga pasalubong din natin hindi pa natin nabibigay kila Nanay at Tatay pati na din sa mga kapatid mo." sagot nito.
"Huwag mong isipin ang bagay na iyan. Pwede naman natin ibigay ang mga iyun bukas ng umaga. Masyado din silang abala ngayun. Hindi ko din alam kung nasaan ang mga kapatid ko.
Baka tulog na din sila.... Siya nga pala nakaready na ang pantulog mo. Sige na...magbihis ka na muna. Marumi na itong suot-suot mo eh. Baka mamaya mangati ka pa." sagot ko. Umalis na ako sa pagkakadagan sa ibabaw nito kaya naman dahan-dahan na itong naupo ng kama.
Kaagad ko naman inilipag sa tabi nito ang kanyang damit na ipapalit sa kanyang suot. Ako na din mismo ang nagtaas ng t-shirt na suot-suot nito. Nagulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin.
"Hmmm ang sweet talaga ng Sunshine ko! Napaka-maalalahanin pa! Kaya mahal na mahal kita eh..." mahina nitong wika. Sakto lang na narinig ng dalawa kong tainga. Kaagad akong napangiti.
"Akala ko ba inaantok ka na? Bitaw na para mapalitan na kita ng damit." sagot ko.
"Ayaw! Parang gusto ko ang ganitong klaseng posisyon eh." sagot nito. Hindi ko na mapigilan pa ang matawa. Alam kong nagkukunwari lang itong hindi lasing.. Ayaw lang siguro talaga nitong mag-alala ako sa kanya.
"Ako na ang kusang bumitaw sa pagkakayakap dito. Gusto ko pa sana itong punasan bago isuot ang t-shirt nito pero nagbago na ang isip ko. Mukhang antok na antok na talaga ito kaya naman kailangan ko ng bilisan ang aking kilos.
Tapos ko ng isuot ang tshirt nito ng mapansin ko ang suot nito sa pang- ibabang bahagi ng katawan. Naka- maong pants pala ito at mukhang mahirap hubarin iyun kung ako lang.
'Kaya mo ba talagang bihisan ako mag- isa?" nanunudyo nitong tanong. Iniiwas ko ang tingin dito bago sumagot.
"Oo naman!" nag-aalangan kong sagot.
Aaminin ko na madali lang itong palitan ng damit sa pang-itaas na bahagi ng katawan pero sa pang- ibabang bahagi hindi ko alam. Kaya ko ba siyang palitan ng underware? Kaya ko bang titigan ang kanyang alaga? Ayyy ewan ko lang!
Nagulat pa ako ng tumayo si Rafael. Kasunod noon ay ang paghubad nito sa kanyang suot na pantalon. Isinunod nito ang kanyang brief kaya hindi ko mapigilan ang mapatulala ng masilayan ko na ang alaga nito. Halos lumabas ang ugat niyon dahil sa sobrang tigas. Napalunok pa ako ng makailang ulit habang hindi ko maiwasan na titigan iyun.
Grabe ang taong ito...wala man lang ritwal-ritwal. Talagang naghubad siya sa harap ko na walang pasabi. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko. Lalo na ng tumitig sa akin ang
namumungay nitong mga mata.
"Relax Sunshine! Pwede mong titigan pero hindi ka dapat matakot!" natatawa nitong wika. Napakurap muna ako ng makilang ulit bago sumagot.
"Sira! Nagulat lang ako! Ito na iyung pamalit mo. Bilisan mo na para makatulog ka na ulit!" sagot ko. Muli itong natawa. Mataman akong tinitigan at lumapit sa akin.
"Parang ayaw ko ng matulog Sunshine! Parang nawala na ang antok ko lalo na ng nakita kita! Parang may ibang gusto na akong gawin." malambing nitong sagot at tinitigan ako sa mga mata.
Hinawakan nito ang aking kamay at iginiya patungo sa kanyang pagkalalaki. Parang biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan. Pilit na pinapahawakan sa akin ni Rafael ang kanyang alaga.
Sinunod ko naman ang kanyang gusto. Hinaplos ko iyun pero nararamdaman ko na lalo itong tumigas. Parang dumuble pa lalo ang laki.
"Ganyan nga....hawakan mo Sunshine. Haplusin mo! Galit na galit na siya diba?" bulong na wika nito sa akin. Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata kasabay ng pagtango. Muling gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito. Kitang kita ko na sa kislap ng mga mata nito ang matinding pagnanasa.
Ilang saglit lang naramdaman ko na lang ang pagsayad ng labi nito sa labi ko. Maingat ang ginagawa nitong paghalik sa akin. Parang nanantiya. Hindi ko mapigilan ang mapapikit sabay bitaw sa galit nitong alaga at pinagsiklop ko ang braso ko sa kanyang leeg. Mainit kong tinugon ang kanyang halik.
"Kanina pa ako gigil sa iyo eh." mahina nitong wika. Mabilis nitong hinubad ang pang-itaas kong damit. Nadarang na din ako sa init na aking nararamdaman kaya nagpaubaya na din ako. Gusto ko din naman ang ginagawa niyang ito sa akin at wala ng dahilan pa para mag-inarte.
Naging abala kami sa susunod na sandali. Namalayan na lang namin pareho na nasa ibabaw na kami ng kama. Hubot hubad at parehong pinagsasaluhan ang init ng pagmamahalan.
"I love you Sunshine! I love you sooo much!" bulong nito habang walang humpay na pagtaas baba sa ibabaw ko. Kita ko ang panggigil sa mukha nito kaya naman hindi ko na napigilan pang haplusin ang pisngi nito.
"I love you too Rafael! Mahal na mahal kital" sagot ko. Hindi na ito sumagot pa at nag-cocentrate na lang sa kanyang ginagawa hanggang sa sabay namin narating ang roruk ng kaligayahan.
Pareho kaming habol ang hininga ng humiga ito sa tabi ko. Kaagad nitong hinila ang kumot para itakip sa aming kahubdan.
"Akala ko ba inaantok ka?" maya- maya tanong ko dito. Muli kong narinig ang mahina nitong pagtawa.
"biglang nawala eh. Nakakapang-init kasi ang simpleng pagdikit ng kamay mo sa balat ko." sagot nito at tumagilid paharap sa akin at mahigpit akong niyakap. Narandaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng ilong ko.
"Why sooo beautiful Sunshine?" tanong nito. Napahagikhik ako.
"Siguro dahil love mo ako kaya ganoon. Ako naman ang magtanong....Why soooo handsome my love Rafael?" sambit ko. Muli itong natawa.
"Nasa lahi na namin iyan! Isa pa
beautiful ang mahal ko kaya dapat pogi din ako." sagot nito. Hinalikan pa ako nito sa pisngi kaya lalo akong nakaramdam ng kilig.
"Teka lang...maghapon ka nga palang tulog Sunshine...hindi ka pa kumakain ah?" maya-maya tanong nito. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Hayaan mo na...hindi pa naman ako gutom." pagkakaila kong sagot pero ang totoo mukhang kinakain na ng large intestine ang small intestine ko.
"Nope...hindi pwede ang ganyan. Halika na, magbihis na muna tayo. Sasamahan na kita sa ibaba para nakakain ka." wika nito.
"Ayaw mo na bang matulog? Akala ko ba inaantok ka?" tanong ko. Umiling ito.
"Nawala na ang antok ko nang masilayan ko ang ganda mo." wika nito at kaagad ng bumangon. Hinila pa ako nito kaya wala na akong choice kundi magpatianod na lang. Gutom na gutom na din talaga ako.
Nag bihis lang kami at magkahawak ang kamay na lumabas ng kwarto at kaagad na bumaba ng hagdan. Nagulat pa sila Nanay at Ate Arabella ng mapansin kaming dalawa ni Rafael na magkasama.
"Akala ko ba lasing ka?" kaagad na tanong ni Ate Arabella ng makalapit kami. Nginitian muna ito ni Rafael bago sinagot.
"Sa sobrang ganda ng asawa ko biglang nawala ang tama ng alak sa sistema ko.
Sagot nito. Kaagad naman nakatinginan sila Nanay at Ate Arabela at sabay pang tumawa.
Chapter 247
VERONICA POV
Nahihiya man sa mga pinagsasabi ni Rafael ngayun sa harap nila Nanay at Ate Arabella, wala na akong nagawa pa kundi ngumiti na lang.
Kailangan ko talaga sigurong masanay sa kanya. Alam ko naman kung gaano nya ako kamahal kaya nasasabi niya ang mga katagang ito sa harap ng mga taong malapit sa akin.
"Dapat talaga magpakasal na kayo sa simbahan eh." wika ni Ate Arabella. Nakangiti itong nakatingin sa amin ni Rafael.
"Iyan ang susunod naming pagpaplanuhan Ate. Hindi pa namin pareho maasikaso ang tungkol diyan dahil alam niyo naman po itong mahal ko, halos ayaw lumiban sa klase nya."
nakangiti namang sagot ni Rafael.
Totoo naman kasi talaga ang sinasabi nito. Alam kong maraming oras ang dapat namin gugulin sa pagpaplano ng kasal. Wala pa akong oras tungkol doon. Mas priority ko ngayun ang aking pag-aaral dahil gusto kong ipagmalaki ako ni Rafael sa kahit kanino. Lalo na ngayun na hindi lingid sa kaalaman ko kung anong klaseng estado ng buhay ang ginagalawan niya sa lipunan.
Sa panahon ngayun, iba na ang nakatapos sa pag-aaral. Hindi ako ipinanganak na mayaman katulad ni Rafael at gusto kong kahit papaano may maipagmalaki ako sa ibang tao. Na kahit papaano nakatapos ako sa aking pag-aaral. Kapag mangyari iyun, siguro ako na ang magyayaya sa kanya para magpakasal kami sa simbahan.
Sapat na sa akin na may pinang-
hahawakan na kaming papel na mag- asawa na kami sa batas ng bansa. Malaki ang tiwala ko kay Rafael at alam kong hindi niya ako sasaktan. Kahit na anong mangyari pareho na kaming nakatali sa isat isa. Legal ang pagsasama namin dahil may pinirmahan kaming marriage contract at ang importante buong puso akong tinanggap ng mga Villarama lalong lalo na nila Tita Carissa at Tito Gabriel.
"Isingit niyo sa schedule nyo. Iba pa rin ang may basbas ng simbahan ang pagsasama niyo. Lalong titibay ang pagmamahalan niyong dalawa." sagot naman ni Nanay.
"Ibig nyo pong sabihin Nay, pumapayag na po kayong maging asawa ko na si Veronica?" excited na tanong ni Rafael. Muling nagkatinginan si Ate Arabella at Nanay.
"Bakit, hindi pa ba kayo mag-asawa? Bakit kwento ni Bella nagpakasal na daw kayo sa huwes sa Manila?" nagtataka namang tanong ni nanay. Kaming dalawa naman ni Rafael ang nagkatinginan sabay na napangiti.
"Naku! Mukhang hindi mo pa ito nasabi sa mga magulang ni Veronica ah. Sa Maynila kalat na kalat na ang pagiging mag-asawa niyo kaya wala ng dahilan pa para isekreto nyo dito sa probensya." muling wika ni Ate Arabella.
Kaagad naman napakamot ng kanyang ulo si Rafael. Nakangiti nitong hinarap si Nanay at hinawakan sa kamay. Hindi naman ako makapaniwala na nakatingin lang kay Rafael. Ni sa hinagap hindi ko akalain na makikita ko itong ganito kabait sa harap ng mga magulang ko. Kita ko ang pagrespito nito kay Nanay ngayun.
"Pasensya na po kayo kung nagawa ko iyun. Masyado lang po talaga akong dispirado! Mahal ko po ang anak nyo at ibibigay ko po ang lahat ng makapag- papaligaya sa kanya." buong pagpapakumbaba na wika ni Rafael. Parang may kung anong mainit na bagay ang biglang humaplos sa puso ko.
SA kabila ng mataas na antas ng buhay na meron ito nagawa nitong makipag- usap kay Nanay na puno ng respito. Tinitingala sa lipunan ang pamilya nito. Isa sa mga tagapagmana ng Villarama. Pagkatapos nakikita ko sya kung paano ngayun magpakumbaba kay Nanay? Muli na naman akong pinahanga ng isang Rafael Villarama. Hindi ko na napigilan pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko.
"Salamat Rafael. Alam naming lahat kung gaano ka ka-seryoso sa anak namin. Alam namin kung gaano mo kamahal si Veronica. Masaya kami dahil sa kabila ng kahirapan ng buhay meron kami tinanggap niyo si Veronica ng walang pag-aalinlangan."
seryosong sagot ni Nanay. May ilang butil pa ng luha na biglang lumabas sa mga mata nito kaya naman bigla akong nakaramdam ng pag-aalala para dito.
"Nay naman, bakit po kayo naiiyak? Akala ko po ba ayos lang sa inyo na mag -asawa na ako?" wika ko sa kanya sabay lapit at hinimas ang kanyang likod. Bumitaw naman ito sa pagkakahawak ni Rafael. Hinarap ako ni Nanay at kita ko ang pinaghalong lungkot at saya sa mga mata nito.
"Hindi ko lang talaga akalain na babalik ka sa lugar natin na may kasama nang asawa. Umalis ka noon na halos hindi ka pa marunong magsuklay ng maayos sa buhok mo." wika nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Kailangan pa ba nyang sabihin na hindi ako marunong magsuklay ng buhok noon? Nakakahiya kay Rafael.
"Nay naman! Wala namang ganyanan!
"Nagmamaktol kong sagot. Kaagad naman ako nitong pinandilatan.
"Hep! Hep! Hindi pa ako tapos. Huwag kang sumagot hanggat hindi ko sinasabi!" istrikta nitong wika. Muli akong napangiwi at napasulyap kay Rafael. Kita ko sa mukha nito ang pagpipigil na matawa. Wala naman akong magawa kundi manahimik na lang muna. Baka mamaya makurot pa ako sa singit ni Nanay eh. Patapusin ko daw muna siya...Eh di sige.....
"Ibang iba na din ang pananamit mo kumpara noon. Hindi ko akalain na may mas igaganda ka pa! Halos hindi kita nakilala kanina! Ang laki na ng ipinagbago mo at masayang masaya kami ni Tatay mo dahil doon. Pasensya ka na kung hindi ka namin masyadong naalagaan noong bata ka pa.
Nagkataon kasi na hindi namin alam ng Tatay mo ang salitang family Planning. Dumami tuloy ang mga kapatid mo kaya kahit pag-aaral mo hindi na namin naging priority."
lumuluha na wika ni Nanay.
Hindi ko na din mapigilan pa ang maiyak. Akala ko pa naman hindi ako maiyak sa sasabihin nito. Akala ko talaga ikikwento nito kung gaano ako ka-baduy noon.
"Nay naman, akala ko ba happy-happy lang tayo. Hindi naman na dapat pang ungkatin ang nakaraan. Tapos na tayo sa kabanatang iyun. Hindi po ako nakakaramdam ng kahit anong galit at pagtatampo sa inyo....."
"Masaya po ako na kayo ang nagiging mga magulang ko. Kahit na naghihirap tayo ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal niyo sa akin. Pinalaki niyo ako bilang isang mabuting anak at kahit na ano pa man ang mangyari, kayo pa rin ang pipiliin kong maging mga magulang...."
"Salat man tayo sa yaman pero hindi naman kayo nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay sa amin ng mga kapatid ko! Kaya tama na iyan! Dapat magsaya tayo ngayun. Nandito kami ni Rafael, nandito din ang bestfriend mong si Ate Arabella, tanggap ako ng pamilya ng lalaking mahal ko...kaya wala ng dahilan pa para umiyak kayo diyan." mahaba kong wika sabay pahid ng luha sa aking mga mata na hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala. Bakit ba ganito ang topic namin ngayun. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha.
"oo nga naman Venus. Hindi matapobre ang pamilya Villarama. Maswerte din kami na si Veronica ang minahal ng kapatid namin. Malinis siyang babae at nakita namin kung paano niya alagaan si Rafael. Wala siyang ibang bukang bibig noon kundi kayo at ang mga kapatid nya. Nagsisikap siyang mag-aral ngayun para sa inyo. Kung tingin niyo maswerte ang anak nyo kay Rafael, mas maswerte ang kapatid ko. Nakatagpo siya ng babaeng responsable. Nagbago ang pananaw sa buhay niyan simula ng dumating ang anak nyo sa buhay niya." nakangiting sabat naman ni Ate Arabella. Bigla tuloy napatikhim si Rafael.
"Ate naman! Huwag mong sabihin na pati ang nakaraan ko naikwento mo na kay Nanay. Baka mamaya magbago ang isip nyan at ilayo nya sa akin ang Veronica ko! Habang buhay talaga kitang sisisihin." apila ni Rafael. Lalong natawa si Ate Arabella.
"Ang alin? Ang pagiging babaero at basagulero mo noon? Hindi mo dapat ikahiya ang lahat ng iyun dahil bahagi na iyun ng pagiging easy go lucky mo!" pang-aasar na sagot ni Ate Arabella. Matalim naman na tinitigan ni Rafael ang kanyang kapatid.
"Hayy Ate talaga! Kapag ganyan ka palagi, iba-ban kita sa kasal naming dalawa ni Veronica sa simbahan." pagbabanta na wika ni Rafael sa kapatid. Lalo naman natawa si Ate Arabella.
"Well, Kung kaya mong tiisin ang Ate mo ayos lang." nang-aasar na muling sagot ni Ate Arabella. Bago pa mapikon ng tuluyan si Rafael nilapitan ko na ito. Hinawakan ko sa kanyang braso para matigil na ang nag-uumpisang bangayan nilang dalawa ni Ate Arabella.
"hindi naman na ako apektado sa pagiging babaero mo noon. Huwag mo lang uulitin dahil malalagot ka sa akin. nakangiti kong sagot kay Rafael. Tumitig ito sa mga mata ko at napatango.
"Promise ikaw lang!!! Saksi sila Nanay at Ate! Hindi ko na babalikan pa ang dating gawain ko! Hindi na ako titingin sa iba. Ikaw lang sapat na!!!" nakangiti nitong sagot. Bigla naman akong kinilig.
"Naku, humahaba na ang usapan na ito. Sige na mga anak baka maihi pa kami sa sobrang kilig habang pinapanood kayong dalawa! Kayo na ang bahala sa mga sarili niyo, may mga pagkain sa kusina... Bahala na kayong maghanap ng mga gusto nyong kainin dahil lalabas kami ng Ate Arabella mo. Hinihintay na kami ng mga bisita natin sa labas.." pag-iiba ni Nanay nang usapan na siyang sinang-ayunan naman kaagad ni Ate Arabella.
Sabay kaming tumungo ni Rafael at nag -excuse na sa kanila dahil kanina pa talaga nag-aalburuto ang tiyan ko sa sobrang gutom. Bigla kasing naging seryoso ang usapan namin kaya naunsyami ang balak kong kanina pa maghalungkat ng makakain sa kusina. Hawak kamay kaming nagpaalam ni Rafael sa kanilang dalawa at tinunton ang pinto ng kusina.
Tama nga si Nanay, ang daming pagkain na nasa lamesa. Ibat ibang putahe at lutong probensya kaya hindi ko maiwasan ang matakam.
Masaya kaming kumain ni Rafael. Nagsusubuan pa kaming dalawa. Masaya kaming nagkikiwentuhan at halos hindi namin namalayan na paubos na pala ang pagkain na nasa aming pinggan.
"Nagyaya nga pala bukas ng umaga si Kuya Kurt na samahan natin sila sa bibilhing beach resort. Ayaw ko nga sana dahil balak kong umuwi na tayo ng Manila after lunch pero mapilit siya. Gusto daw niyang kunin ang opinyon ko kung worth it ba na bilihin nila ang property na iyun. What do you think Sunshine? Baka gabihin na tayo bukas kong sasama pa tayo sa kanila"
Patapos na kaming kumain ng sabihin iyun sa akin ni Rafael. Saglit akong natigilan.
"Baka magtampo sila kapag hindi natin sila sasamahan. Actually, nabanggit na din ni Ate Arabella ang tungkol dito kanina at umuo na ako." sagot ko naman.
"So, okay lang sa iyo na medyo late na tayong makauwi ng Manila? Knowing to Ate Arabella, may pagkamakulit siya at baka kung saan-saan pa tayo dadalhin. Ayos lang naman sa akin pero ikaw ang inaalala ko. May pasok ka sa School sa monday at need na talaga natin makauwi bukas para naman medyo makapagpahinga ka pa ng mas mahabang oras." mahabang sagot ni Rafael.
May punto ang sinasabi nito. Hanggat maari ayaw kong umabsent sa School. Pero mahirap naman na hindian si Ate Arabella. Nakakahiya at baka sumama na ang loob sa amin. Excited na naman sa bibilhing resort.
"I think hindi naman masama kung aabsent ulit ako sa Monday kung sakaling ma-late ang balik natin ng Manila. Isang araw lang naman siguro iyun at maghahabol na lang ako ng lessons. Ang inaalala ko lang ay ikaw... hindi bat may pasok ka sa office? Baka mapagalitan ka ni Tito Gabriel kapag hindi ka makapasok." sagot ko. Kaagad itong napangiti.
"Sunshine, ako na ang boss ng Villarama Empire. Walang problema kung papasok ako o hindi. Hawak ko ang oras ko at pwede kong gawin ang trabaho ko kahit wala ako sa opisina." sagot nito. Bigla tuloy akong napaisip. Kung ganoon wala nang problema. Kapag galuhin kami ng oras liliban na lang siguro ako sa klase kahit isang araw lang.
"Sige..ayos lang din sa akin kahit late na tayo makauwi. Bahala na. Hindi naman siguro ako babagsak sa klase kung sakaling aabsent na naman ako. Tatawagan na lang din natin bukas sila Tita at Tito. Baka mag-alala sila sa atin eh.": sagot ko.
"Sure! Iyan din ang balak ko. Alam mo naman si Mommy, hindi mapakali iyun hanggat hindi tayo kumpleto sa mansion. Huwag mo na din isipin ang tungkol sa absent mo. Ako ang bahala sa iyo. Makakapag-college ka next year kahit palagi kang absent."
makahulugan nitong sagot. Hindi ko na pinansin pa.
Busog na ako at kailangan ko ng magligpit ng aming pinagkainan. Tumayo na din si Rafael at tinulungan ako nitong dalhin ang mga ginamit naming pinggan papuntang lababo.
"Ako na ang maghugas ng mga ito Sunshine. Maupo ka na lang diyan dahil alam kong pagod ka." nakangiti nitong wika.
"Ayos lang. Hindi mo gawain ang maghugas ng pinggan. Ako na ang bahala dito. Mahaba na ang naitulog ko kanina kaya dapat ikaw ang magpahinga." nakangiti kong sagot at hinila ito papunta sa isang upuan at pilit na pinaupo. Wala na itong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang. Kinintalan pa ako ng mabilis na halik sa labi bago binitiwan ang kamay ko.
Iilang piraso lang naman ang huhugasan kong kubyertos kaya mabilis din akong natapos. Muli kaming bumalik na sala at kaagad naming napansin na wala na sila Nanay. Nagpasya na lang kaming dalawa ni Rafael na lumabas na lang muna para tingnan ang mga kaganapan sa labas.
Nagulat pa ako ng mapansin ko na marami ngang bisita dito sa labas. Nagkalat din ang bote ng alak sa paligid. May napansin din akong mahabang lamesa na may mga pagkain na nakalatag. Namataan ko pa sila nanay at Ate Arabella na nakaupo sa isang lamesa at kausap ang ilan sa aming mga kapitbahay.
"Kabati na ba nila Nanay ang mga Marites namin na mga kapitbahay?" hindi ko maiwasang sambit na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Rafael. Nagulat pa ito nang marinig ko ang malakas nitong pagtawa.
Chapter 248
VERONICA POV
Hindi ko mapigilan na makurot sa tagiliran si Rafael. Kung makatawa naman kasi ito wagas. Napatingin tuloy sa amin ang lahat ng mga bisita. Kaagad naman akong kinawayan ni Ate Arabella kaya hinawakan ko sa kamay niya si Rafael at halos hilahin palapit doon.
"Mabuti naman at tapos na kayong kumain. Teka, umiinom ka ba nito?" kaagad na tanong ni Ate Arabella nang makalapit kami. Itinaas pa nito ang isang bote ng alak. Usong inumin na nakakalasing dito sa probensya namin. Lambanog at sa tanang buhay ko never ko pang natikman iyun at wala akong balak na tikman.
"Ate, huwag mo nang idamay ang Veronica ko sa pagiging lasenggera mo. Uminom ka lang hanggat gusto mo.
Magyayaya pa eh." kaagad naman na sabat ni Rafael. Nakahinga naman ako ng maluwag. At least todo rescue ito ngayun sa akin. Ayaw ko din naman uminom eh. Nakakahiya kay Rafael pero nakakahiya din naman tanggihan si Ate Arabella.
"Sus! Lumalabas na naman ang pagiging possessive mo. Hayaan mo nga minsan mag-enjoy iyang love of your life mo. Punta ka doon sa pwesto ng mga lalaki oh? Hayaan mo muna si Veronica dito sa amin.... Hindi mo ba napansin kanina ka pa tinatawag ng Kuya Kurt mo?" sagot naman ni Ate Arabella. Napalingon naman ako sa kinaroroonan nila Kuya Kurt na noon ay maraming alak na nakalagay sa kanilang lamesa.
Wala sa sariling napahigpit ang hawak ko kay Rafael. Hanggat maari ayaw ko nang uminom ito. Baka malasing na naman at mahihirapan na naman ang kanyang katawan.
"Hey relax...hindi na ako iinom ngayun. Puntahan ko lang sila saglit pero babalikan din kaagad kita dito." malambing na bulong nito. Pinisil pa nito ang palad ko at tuluyan nang tumalikod. Nasundan ko na lang sya ng tingin.
"Lalong gumanda si Veronica. Tama ang hula ko noon, makakabingwit talaga siya ng mayaman sa Manila. Grabe...hindi lang basta mayaman... bilyonaryo pa!" Mula sa pagmamasid ko kay Rafael naagaw ang attention ko nang biglang nagsalita si Manang Milagros. Kapitbahay din namin siya at numero unong tsismosa. Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito ito ngayun. Wala itong pinapalagpas na okasyon. Kusa itong dumadating kapag may naaamoy na handaan.
"Hindi lang maganda. Napaka- maalalahanin pa. Kaya nga botong boto ang mga magulang namin sa kanya eh. " nakangiting sagot naman ni Ate Arabella. Dito talaga ako bilib kay Ate, ang galing nitong makibagay. Napaka- makatao nito at wala itong kaarte-arte sa katawan. Kaya siguro naging kaibigan ito ni Nanay dahil hindi ito matapobre. Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat mapamayaman man at mahirap.
"Mabuti na din kung ganoon. Hayyy ang swerte nga naman ng isang tao hindi mo malalaman kung kailan darating. Kaya nga palagi kong pinapangaralan ang mga anak ko na huwag munang mag-boyfriend. Dapat gawin nilang inspirasyon si Veronica. Sa sobrang bait nakasilo ng bilyonaryo. " madaldal naman na sagot ni Aling Milagros. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
"Pangarap ko din na makapag-asawa ng mayaman ang mga anak ko. Sa sobrang hirap ng buhay ngayun iba ba ang ma-pera. Baka naman may kakilala kayong mayaman na naghahanap ng shota... Ireto niyo naman ang anak ko." muling banat ni Manang Milagros.
Parang ako na ang nahihiya sa mga lumalabas sa bunganga nito ngayun. Wala sa sariling napatingin ako kay Nanay at kaagad kong napansin ang pasimpleng pag-ismid nito samantalang si Ate Arabella naman ang pigil sa kanyang pagtawa. Walang kahihiyan talaga itong si Aling Milagros. Sigurado, bukas ng umaga ako ang headline ng balita dito sa lugar namin. Alam kong irereport niya sa lahat ng makakausap niya ang mga nangyari ngayung gabi.
Kung bakit naman kasi nauwi sa party- party ang lahat. Balak ko pa naman sanang makasama at makausap ng matagal sila Nanay at Tatay pero parang hindi na mangyayari iyun. Magiging busy ulit kami bukas. Ang mga pasalubong nga na dala-dala namin hindi pa namin naiabot sa kanila.
Siguro babawi na lang ako sa susunod na pag-uwi namin. Hindi na din muna ako magbabakasyon dito kung hanggang dalawang araw lang din naman. kulangin talaga kami sa oras. Mabibitin lang kaming lahat.
"Hindi din naman natin mapipigilan ang mga anak natin kung gusto na din talaga mag-asawa. Sa amin naman ni Kurt hindi namin panghihimasukan
kung sino ang gusto ng mga anak
namin. Susuportahan namin sila kung sakaling may mga napupusuan man sila. Mayaman man o mahirap. "sagot naman ni Ate Arabella.
"Ilan ba ang anak mo Mam?" tanong naman ni Manang Milagros. Tuwing nagsasalita ito hindi ko maiwasan na kabahan. Baka kung anu-ano ang lalabas sa bibig nito. Wala pa naman itong preno kung magsalita.
"Dalawa lang. Iyung panganay ko malapit ng ikasal." nakangiting sagot ni Ate Arabella.
"Bakit? ilang taon na ba ang panganay mo? May anak na pala kayong dalawa ng asawa mo? Akala ko talaga bagong kasal lang din kayo ng asawa mo. Napakabata mo pa tingnan Mam Bella. " sagot ulit ni Manang Milagros.
"Ano po ba kayo Manang!. Matanda lang ng isang taon kay Veronica ang panganay kong anak. Babae siya at malapit niya na kaming mabigyan ng apo." nakangiting sagot ni Ate Arabella. Mabuti na lang talaga at parang ayos lang dito ang mga tanong na ibinabato sa kanya ni Manang Milagros.
"Ayyy ganoon ba? Naku...siguro bilyonaryo din ang magiging asawa ng anak nyo? Ang swerte niyo talaga Mam. Siguro nang magpaulan ng swerte ang langit sinalo mo lahat at ng pamilya niyo!" muling sagot ni Manang Milagros. Talo talaga nito ang reporter kung mag-ungkat ng buhay ng may buhay. Interesado siya sa buhay ng pamilya ni Ate Arabella eh hindi naman sila masyadong magkakilala.
"Siguro nga! Pero ang mga mayayaman katulad lang din ng isang ordinaryong tao. Marami din kaming pinagdadaanan. Marami din kaming nailuha bago kami sumaya."
makahulugang sagot ni Ate Arabella. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig dito. Lalo na nang mapansin ko ang lungkot na biglang gumuhit sa mga mata nito.
"Naku, mukhang pagod ka na Ate ah? Baka gusto mo nang magpahinga.
Sasamahan ko po kayo. Mukhang wala pang balak tapusin nila Kuya Kurt ang pag-iinuman eh." sumagot na ako sa pag-uusap nila. Baka kung saan na mapunta ang topic eh. Bigla ko kasing napansin ang pagbabago ng mood ni Ate Arabella.
"Oo nga naman Bella. Magpahinga ka na muna. Mukhang nag-i-enjoy pa ang mga asa-asawa natin sa kanilang inuman. Malinis na ang kwartong tinutulugan niyo palagi." sagot naman ni Nanay.
"Sige...pagod na nga siguro ako. Paano ba iyan, mauuna na ako sa inyo. Siguro yayayain ko na din si Kurt. Hindi ako matatanggihan ng taong iyan eh." pilit ang ngiti na wika ni Ate Arabella at tumayo na ito. Kaagad ko naman itong hinawakan sa kanyang braso. Hindi naman ito lasing pero bakit parang ang lungkot nya ngayun?
Hindi ko maisip na ang isang
masayahing tao na katulad nito ang may itinatago din palang lungkot. Gusto ko man alamin iyun pero nakakahiyang magtanong dito.
Sabay na kaming naglakad patungo sa mga nag-iinuman na kalalakihan. Kaagad naman tumayo si Rafael nang mapansin nito na palapit kami ni Ate Arabella sa kinaroonan nila. Nagtataka naman na napatayo na din si Kuya Kurt!
"Kuya, gusto na daw matulog ni Ate." ako na ang nagsalita. Kaagad naman lumapit si Kuya Kurt at hinawakan sa kamay ang asawa.
"Ganoon ba? Sige...mabuti pa nga siguro at masyadong late na." sagot naman ni Kuya Kurt at binalingan ang mga kainuman at nagpaalam na. Wala naman nagawa ang lahat kundi ang sumang-ayon.
"Well, I think mauna na din ako sa inyo mga kaibigan, Tay!" paalam
naman ni Rafael. Tumingin pa ito sa gawi ni Tatay na sa tingin ko lasing na din. Wala kaming choice kundi hayaan na din ito. Hindi naman siya pababayaan ni Nanay. Baka yayain na din ni Nanay ito na magpahinga na din lalo na at nagpaalam na sila Rafael at Kuya Kurt.
Nagpasya na kami ni Rafael na pumasok na din sa loob ng bahay. Naabutan pa namin sila Ate ARabella at Kuya Kurt na paakyat na ng hagdan. Tahimik ko na lang silang nasundan ng tingin.
"So, paano ba ito? Kailangan na din siguro nating matulog. Inaantok na din ako eh." pagyaya sa akin ni Rafael. Kaagad naman akong tumango at hawak kamay naming binaybay ang hagdan paakyat patungo sa inuukupa naming kwarto.
Mabuti na din at kahit papaano may banyo dito sa second floor ng bahay.
Sabay na kaming naglinis ng katawan ni Rafael dahil iniisip namin na baka gagamit din ng banyo sila Ate Arabella at Kuya Kurt. Iniiwasan na din namin na magharutan muna para mapabilis kami. Nakakahiya sa mga susunod na gagamit ng banyo kung matatagal pa kami dito sa loob.
Pagkatapos namin gawin ang aming evening routine ay magkatabi na kaming nahiga ni Rafael sa kama. Nakaunan ako sa kanyang braso habang nakayakap naman ako sa kanya. Kumportableng kumportable ako sa posisyon namin kaya kaagad akong nakatulog.
Kinaumagahan...mataas na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto ang nagpagising sa akin. Kaagad na dumako ang tingin ko sa mahimbing pa rin na natutulog na si Rafael. Napakaamo ng mukha nito at hindi ko maiwasan na haplusin iyun.
Grabe...parang sa tanang buhay nito hindi man lang yata ito tinubuan ng tagihawat. Wala man lang kahit na kabakas-bakas na peklat. Mas makinis pa nga yata ang mukha nito sa mukha ko eh.
"Good Morning Sunshine!" nagulat pa ako ng bigla itong dumilat at tumitig sa akin. Huling huli tuloy ako nito na tulalang nakatitig sa mukha niya. Inilapit pa nito ang kanyang mukha sa mukha ko at kaagad na sumayad ang labi nito sa labi ko. Kaagad naman akong nakaramdam ng pagkailang.
Hindi pa ako nakakapagmumog. Baka mamaya bad breath ako. Nakakahiya kay Rafael.
"Teka lang...bakit kiss kaagad? Hindi pa ako nakakapag-toothbrush eh!"
angal ko at pilit na lumalayo sa kanya. Kaya lang mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayapos sa akin. Nginitian ako bago nagsalita.
"Sino ang nagsabi sa iyo ng bad breath ka? Ang fresh nga ng hininga mo eh." malambing na sagot nito at muli akong hinalikan sa labi. Wala na akong nagawa pa kundi hayaan na lang siya. Hindi naman daw ako bad breath kaya bahala siya.
Nag-umpisa na naman lumikot ang mga kamay ni Rafael nang sabay namin marinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Wala tuloy sa sariling napalayo ako kay Rafael at napabangon. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Rafael.
"Hey, relax! Bakit ba napaka- magulatin mo. isa lang sa mga kapamilya mo ang kumakatok."
natatawa nitong wika at bumangon na din ito ng kama. Nakayapak na naglakad ito patungo sa pintuan ng kwarto at binuksan iyun. Kaagad ko naman narinig ang pagbati ng kapatid kong si Angelo dito.
"Good Morning Kuya Rafael, pinapatawag na po kayo ni Ate Arabella. Sabay na daw po kayong kumain." wika ni Angelo. Nilingon muna ako ni Rafael bago sinabihan nito si Angelo na susunod na kami. Kaagad naman nagpaalam ang kapatid ko kaya naman muling isinara ni Rafael ang pintuan ng kwarto at naglakad pabalik sa kina-uupuan ko.
Chapter 249
VERONICA
Bitbit ni Rafael ang bag na may lamang mga pasalubong para sa pamilya ko tinahak namin ang hagdan pababa. Hindi ko nga alam kung ano pa ang mga laman sa loob kasi hindi ko naman nakita kung paano niya iyun inimpake. Hindi ko alam kung ano ang mga pinamili nito maliban lang sa mga alahas na binili namin noon sa mall.
"Good Morning Nay! Good Morning Tay!" halos sabay pa kaming bumati ni Rafael sa kanilang dalawa ni Nanay at Tatay nang maabutan namin sila dito sa loob ng kusina. Dito na kasi kami dumiretso ni Rafael dahil wala naman kaming naabutan nang kahit na sino sa sala.
"Good Morning din sa inyo mga anak! Mabuti naman at nakababa na kayo.
Nasa labas na ang Ate Arabella at Kuya Kurt nyo. Hinihintay kayong magising dahil pupuntahan niyo daw ang beach resort na gusto nilang bilhin." mahabang sagot ni Nanay.
"Opo, Pasensya na po medyo napatanghali ang gising namin. Hindi po kasi nabanggit ni Ate kagabi na maaga pala kami aalis ngayun." sagot naman ni Rafael.
"Ayos lang. Halos lahat naman tayo napuyat kagabi." sagot naman ni Tatay. Kaagad na dumako ang tingin nito sa bag na dala ni Rafael.
"Teka lang...bakit may dala pa kayong bag? Hindi na ba kayo dadaan dito mamaya pagkatapos niyong puntahan ang resort na gustong bilhin ni Bella? Nabanggit sa akin kanina ni Bella na medyo magtatagal sila dito dahil kapag matuloy daw ang bayaran aayusin daw kaagad nila ang mga papeles.' Muling mahabang wika ni Nanay. Nakatitig din ito sa bag na dala ni Rafael na sa pagkakataon na ito inilapag niya sa gilid ng pintuan ng kusina.
"Mga pasalubong po ito sa inyo ni Veronica. Hindi na po namin naiabot kahapon sa inyo dahil bigla po tayong naging busy lahat." nakangiti namang sagot ni Rafael sabay luminga-linga sa paligid.
Hindi ko naman maiwasan na magulat. Anong pasalubong ko? Sa kanya naman galing ang mga iyun. Gayunpaman hindi na ako nagkumento pa. Mapapahaba lang ang usapan namin at baka magtampo pa si Rafael sa akin.
"Pa-para sa amin lahat ang laman ng bags na iyan? Ang dami naman niyan. Naku, masyado ng nakakahiya. Nag- abala pa talaga kayo." sagot naman ni Nanay.
"Huwag po kayong mahiya Nay. Maliit lang po na bagay ito. Biglaan lang ang desisyon namin na dumalaw dito kaya ito lang ang bitbit namin. Pagpasensyahan niyo na po sana."
sagot namang muli ni Rafael. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang pag- uusap.
"Teka po pala, nasaan po ang mga bata. May pasalubong din ako para sa kanila." muling wika ni Rafael.
"Nasa labas. Kausap ang Ate Arabella niyo. Kapag nandito iyan sa bahay halos nakapalibot ang mga batang iyan sa Ate Arabella nila. Hindi ko din akalain na napakahilig pala sa bata ang kapatid mong iyan Rafael. Napakabait pa."
sagot ni Nanay.
"Ganyan lang po talaga iyan si Ate Nay. Mabait talaga iyan sa mga bata. Sa sobrang hilig sa mga bata kapag birthday niyan sa mga bahay ampunan palagi ginaganap. " sagot ni Rafael. Napatango naman ako. Naalala ko nga na noong birthday ni Ate Arabella hindi ito nagpa-party. Iyun pala nasa bahay ampunan sila. Kung alam ko lang sana sumama ako.
"Ganoon ba? Naku, talagang walang katulad ang ugali ng kapatid mong iyan. Kaya lalong pinagpapala eh." muling sagot ni Nanay.
"Sige na...kayo na muna ang bahala dito. Tatawagin ko muna ang mga bata. Kain muna kayo diyan habang hinihintay sila. May mga pagkain nang nakahain sa mesa kayo na ang bahalang pumili nang gusto niyong kainin." muling sagot ni Nanay at sabay pa silang dalawa ni Tatay na naglakad palabas ng kusina.
Kaagad naman kaming naupo ni Rafael sa harap ng mesa at isa-isang tiningnan ang mga pagkain na nakahain.
Talo pa ang may fiesta sa sobrang daming pagkain na nakahain sa mesa. May mga ibat ibang klaseng kakain, may sinangag at ulam na din. Siguro sobrang aga gumising nila Nanay para lang mailuto lahat ng mga ito.
"Anong gusto mong kainin??Rafael? Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ko dito nang kami na lang dalawa ang naiwan dito sa kusina.
Hindi ko ito masyadong napapansin na nagkakape sa mansion pero naalala ko na ininom nito ang kape na tinimpla ko kahapon.
"Ikaw!" sagot nito.
"Anong ako?" nagtataka ko ding sagot sa kanya. Mukhang kulang pa sa tulog ang mahal ko. Hindi masagot-sagot nang maayos ang simpleng tanong ko.
"Ikaw ang gusto kong kainin!"
pabulong na wika nito sabay kindat. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam nang pag-iinit ng mukha.
"Sira ka talaga!. Ang aga-aga eh. Hindi pwede iyang iniisip mo. Alalahanin mo hinihintay tayo nila Ate sa labas." sagot ko. Mahina itong natawa.
"Sige na nga kape na lang muna. Tsaka na ako babawi kapag ma-solo kita ulit.! " nakangiting muling banat nito at nag -umpisa nang kumuha ng kakanin.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti habang naglakad ako papunta sa kinalalagyan ng mga kape at mainit na tubig para ipagtimpla na ito ng gusto niyang kape.
Hinahalo ko na ang kape nang bigla na lang nagsidatingan ang mga kapatid ko. Sabay-sabay pa silang bumati ng Good Morning sa aming dalawa ni Rafael. Nilapitan pa ako ni Charmaine at hinalikan ako sa pisngi.
Kung titingnan malayong-malayo na sa dati ang mga kapatid ko. Hindi na sila gusgusin at malinis na silang tingnan. Ang lulusog na din sila at halatang alagang alaga sa pagkain na syang labis kong ipinagpasalamat.
"Kuya...sabi ni nanay may dala daw po kayong pasalubong sa amin? Nasaan na po?" kaagad na tanong ni Charmaine pagkatapos nitong makalapit kay Rafael.. Tumabi pa ito sa kay Rafael at kung umasta akala mo matagal na nyang nakakasama ang Kuya Rafael niya. Sabagay, sa nasabi ko na si Charmaine ang pinaka vocal sa amin. Ito lang din ang hindi mahiyain sa lahat ng mga kapatid ko.
"Uyyy Charmaine..patapusin mo muna ang Kuya at Ate niyo sa pagkain. Mamaya na kayo mangulit." kaagad na saway ni Tatay sa mga ito. Kakapasok lang nito ng kusina at sinaway kaagad niya ang mga kapatid ko nang
mapansin na nakapalibot ang mga ito kay Rafael. Hindi na nga ako makasingit eh.
"Naku, hayaan niyo na po. Kakanin lang naman ang gusto kong kainin. Kahapon pa nga sana namin gustong ibigay sa kanila itong mga pasalubong namin kaya lang naging abala naman po tayong lahat." sagot naman ni Rafael sabay tayo. Naglakad ito patungo sa maleta at binuksan iyun. Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang ibat ibang klaseng mamahaling Chocolates.
"Wow! Ang dami! Ang sarap nito."
kaagad na wika ni Charmaine. Kaagad itong kumuha ng isa kaya kaagad naman sinaway ni Tatay.
"Ayos lang po Tay. Para po talaga sa inyo itong mga dala namin. Kayo na po ang bahalang maghalungkat. Lahat nang nasa loob ng maleta na iyan sa inyo po lahat." sagot ni Rafael. Tumayo
ito at muling bumalik sa pagkakaupo sa harap ng lamesa. Kaagad ko naman napansin ang paglapit ni Nanay sa nakabukas ng bag at gulat na muling napatitig sa gawi ni Rafael.
"Naku, Diyos ko! Mukhang mamahalin ang mga ito ah?" kaagad na sambit ni Nanay. Itinaas pa nito ang ilang box na naglalaman ng mga alahas na binili ni Rafael noong minsan na nagdate kami.
Bitbit ang isang tasa ng kape lumapit na din ako kay Rafael. Naupo ako sa tabi nito at nag-umpisa ng maglagay ng sinangag at ulam sa pinggan ko.
"Masyado nang nakakahiya itong mga pasalubong niyo mga anak. Nag-abala pa talaga kayong bilhan kami ng mga ganito. Hindi naman namin siguro ito magagamit." muling wika ni Nanay.
"Talagang binili ni Rafael para sa inyo iyan Nay kaya wala kayong choice kundi gamitin ang mga iyan kung hindi magtatampo sa inyo iyan." natatawa kong sagot. Kaagad naman akong hinawakan sa kamay at kita ko ang ngiti sa labi nito. Mukhang masayang masaya ito ngayung umaga.
"Totoo pala talaga ang sinabi ng mga kapitbahay natin na mayaman ang asawa mo Ate. Ang dami niyong pasalubong sa amin. Ang daming chocolates at ano ito? Tablet? Wow! Meron na tayong tablet!." sabat na naman ni Charmaine. Halos mapasigaw na ito sa sobrang tuwa. Nagtatakang napatitig naman ako kay Rafael. Hindi ko akalain na binilhan niya din pala ng mga gadgets ang mga kapatid ko. Nangibit balikat lang ito at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Baka naman ma- spoiled mo masyado ang mga kapatid ko. Ikaw din, baka masanay ang mga iyan at palagi kang hahanapan ng pasalubong tuwing dadalaw tayo dito." pabulong kong wika kay Rafael. Mahina lang itong tumawa sabay subo sa akin ng hawak nyang kakanin. Awtomatiko tuloy akong napanganga.
Kita naman ang hiya sa mukha nila Nanay at Tatay at hindi ko na halos mabilang kung ilang beses silang nagpasalamat kay Rafael. Tanging pagngiti lang naman ang naging sagot ni Rafael.
Alam kong first time magkaroon ng ganitong kamamahalin gamit ang mga magulang ko kaya naman hindi ko din maiwasan na makaramdam ng matinding tuwa para sa kanila.
Pagkatapos kumain kaagad kaming sumama kina Ate Arabella papunta sa beach resort na gusto nilang bilhin. Malapit lang naman ito sa amin kaya ilang oras lang ang byahe gamit ang bankang de makina. Inaasahan ko na maganda ang lugar dahil minsan na kaming naligo noon sa lugar na ito.
Wala naman kasing bayad dahil hindi pa develop ang lugar.
"What do you think? Hindi bat ang ganda?" kaagad na tanong ni Ate Arabella sa akin. Nakatayo kami dito sa may buhanginan samantalang kausap naman ni Kuya Kurt si Rafael. Sa kabilang dako naman kausap nila Tatay at Nanay ang may-ari ng resort at nagtatampisaw naman sa dagat ang mga kapatid ko.
Mukhang hinihingi ni Kuya Kurt ang openyon ni Rafael kaya naman ganoon na lang ka-seryoso ang kanilang pag- uusap ngayun.
Inilibot ko muna ang tingin sa paligid. Halos puro puting buhanginan ang natatanaw ko. Ang linaw din ng tubig dagat.
"Maganda po talaga ang lugar na ito Ate. Hindi pa siya masyadong naabot ng mga turista kaya sobrang linis pa ng paligid.." sagot ko naman.
"Kaya nga gusto kong bilhin ito eh. Magbibigay ito ng maraming trabaho sa mga tao dito sa Isla kapag maipa- develop namin ito ng maayos."
nakangiting sagot ni Ate Arabella.
Hindi ako makapaniwala. Isa sa mga purpose pala nito kaya niya gustong bilhin ang lugar na ito dahil gusto niyang makatulong sa mga mahihirap na tao dito sa lugar na namin. Tama ito, kapag madevelop ang lugar na ito dadayuhin ito ng mga turista at lubos na makikinabang ang aming mga kababayan.
"Siguro nagtataka ka kung bakit ko ginagawa ito? Simple lang naman... gusto kong maging iba sa lahat. Noon ko pa na-realized na ang swerte ko pa din. Kahit na anak ako sa pagkakamali namuhay akong masagana at iginagalang ng lahat." malungkot na pagpapatuloy na wika nito. Lalo akong nagtaka sa sinasabi nito. Hindi ko ma- gets ang ibig sabihin nito ngayun.
"Sorry po, pero hindi po kita maiintindihan. Ano po ang ibig mong sabihin?" hindi ko maiwasan na tanong. Parang bigla kasi akong kinain ng curiousity dahil sa mga sinasabi nito ngayun. Kagabi ko pa napapansin ang pag-iiba ng mood nito.
"Hindi ako tunay na Villarama. Hindi ako anak nila Mommy at Daddy." mahina nitong sagot. Sapat lang iyun para marinig ko. Gulat naman akong napatitig kay Ate Arabella. Kaagad kong napansin ang pagpatak ng luha sa mga mata nito na kaagad naman nyang pinunasan gamit ang kanyang palad.
"A-ano po?" Hindi po kayo tunay na anak nila Tita at Tito?" tanong ko. Dahan-dahan itong tumango. Humarap ito sa akin at pilit itong ngumiti kahit na kitang kita ko ang
lungkot sa kanyang mga mata.
"Yes...akala ko noon ayos na ako. Akala ko noon magiging masaya na ako. Lalo na nang naikasal kami ni Kurt. Natupad ang pangarap kong maging asawa ang lalaking pinapangarap ko.... Pero nagkakamali ako. Hanggang ngayun.... pakiramdam ko may kulang pa rin sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano iyun pero alam kong may dapat akong gawin para magkaroon ng katahimikan ang puso at isipan ko." sagot nito. Naguguluhan akong muling napatitig kay Ate ARabella.
Napakamasayahin nitong tao. Napakabait din. Siya ang kauna- unahan kong naging kasundo sa mansion. Pero hindi ko akalain na sa kabila ng mga ngiti sa labi nito na palagi kong nakikita may lungkot palang nakatago sa likod niyon.
"Kung ganoon, sino po ang mga magulang mo? Kilala niyo sila?"
tanong ko.
"Patay na ang tunay kong Ina...hindi ko din kilala ang ama ko. Bunga ako nang pagkakasala." sagot nito kasabay ng muling pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"Kung tutuusin, pinsan ko lang si Rafael. Tiyahin ko si Mommy Carissa. Inampon nila ako pagkatapos akong ipanganak ng tunay kong Ina sa loob ng kulungan." sagot nito. Lalo naman akong nagulat. Bigla akong nakaramdam ng matinding awa kay Ate Arabella.
"Pilit kong itinatago sa lahat ang kalungkutan ko sa paglipas ng panahon. Pinapakita ko sa kanila na ayos lang ako. Alam kong walang ibang hangad sila Mommy at Daddy pati na din sila Kuya Christian at Ate Miracle kundi ang maging masaya ako. Na kalimutan ko na ang nakaraan ko. Na dapat itanim ko sa utak ko na isa akong
tunay na Villarama. Pero hindi eh.... hindi ko maitindihan ang sarili ko. Hanggang ngayun hindi ko matanggap na anak ako ng isang kriminal!" sagot nito. Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa kinikwento nito ngayun.
"Alam mo ba kung sino ang tunay kong Ina?
Siyempre hindi pa....iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng mansion, Si Mommy Carissa lang din ang palaging dumadalaw sa puntod niya. Si Mommy Carissa na hindi ko alam kung bakit napakabusilak ng puso niya. Nagawa niyang patawarin ang Nanay ko sa kabila ng mga pinagagawa sa kanya noon na lalong nagpapasakit ng kalooban ko ngayun. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal nila. "humahagulhol na wika nito. Kaagad ko naman hinawakan sa kamay nya si Ate Arabella. Tinitigan ko siya sa kanyang
mga mata bago mahigpit na niyakap.
"Ate...napakabait niyo po. Tama po silang lahat. Sana, kung ano man ang nakaraan na meron kayo, sana ibaon niyo na lang sa limot. Siguro, kaya kayo ganyan ngayun dahil hindi mo pa rin siya napapatawad. Hindi mo pa rin napapatawad ang taong nagluwal sa iyo dito sa mundo." sagot ko.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang payong iyun sa kanya. Hindi ko man alam ang tunay na isturya ng kanilang nakaraan pero nararamdaman ko na masyadong masakit iyun. Kahit man lang sana sa yakap ko maibsan ang nararamdamang sakit ng kalooban na nararanasan ngayun ni Ate Arabella.
Hindi nya deserve na masaktan ng ganito. Hindi nya deserve na magkimkim ng guilt sa puso niya sa mahabang panabon. Napakabait niyang tao para habang buhay na dalhin sa kalooban niya ang nakaraan.
Chapter 250
VERONICA POV
Lalo akong nakaramdam ng awa kay Ate Arabella. Sa mga naririnig at nakikita ko ngayun sa kanya alam kong hindi pa ito naka-moved on sa kanyang nakaraan.
"Ate...tama na! Masyado mo lang pinapahirapan ang sarili mo niyan eh. Palagi mong tandaan, mabuti kang tao. Kung ano man ang kasalanan ng tunay mong mga magulang, sa kanila lang iyun. Hindi iyun naililipat sa iyo."
sagot ko. Malungkot itong napatitig sa kawalan habang pigil ang paghikbi. Lalo akong nakaramdam ng pagkahabag dito.
"Kung kailangan mo ng palaging makakausap, nandito lang ako. Kaya ka siguro nagkakaganyan dahil matagal mong itinago ang lahat sa puso mo.
Ate...kung gusto mo ng katahimikan, sana palayain mo na ang sarili mo.. Hindi ka dapat mabuhay sa nakaraan." muli kong wika sa kanya. Tumitig ito sa akin at pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi.
"Nasabi mo lang siguro iyan dahil wala ka sa katayuan ko. Pero thank you sa sinabi mo ngayun sa akin. Siguro, kulang lang ako nang mapagsasabihan ng nararamdaman ko. Sa iyo ko lang ito nabanggit. Kahit si Kurt hindi nya alam ito. Ayaw ko din kasi siyang mag- alala sa akin." sagot nito.
"Ate palagi niyo po sanang tandaan, nasa sa iyo na ang lahat. Kahit na lumaki ka sa yaman, nakaapak pa rin ang mga paa mo sa lupa. Kina- iinggitan ka ng kung sino sa kung anong istado ng buhay meron ka ngayun. Huwag niyo pong hayaan na habang buhay niyong maging anino ang hindi masayang nakaraan.
Masyado po kayong mabuting tao para maging malungkot." sagot ko. Kaagad kong napansin ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi nito. Nabuhayan naman ako ng loob dahil doon.
"Ganyan din ang palaging sinasabi sa akin ni Mommy Carissa. Na ako daw ang pinaka-sweet niyang anak. Kahit hindi ako nanggaling sa kanyang sinapupunan, alam mo bang never kong naramdaman na tinrato nila akong iba kumpara sa mga tunay nyang anak. Naging pantay ang pagtingin sa amin nila Daddy at Mommy. Tinanggap din ako ng mga anak nila bilang tunay nilang kapatid. Siguro nga napaka-unfair ko sa ganitong aspeto.." sagot nito.
"Kaya sila ganyan sa iyo dahil kinalimutan na nila ang lahat. Matagal na nilang pinatawad ang tunay mong Nanay. Sana ganun din ang gagawin mo. Para sa katahimikan ng puso at isipan mo. Ang nakaraan ay mananatiling nakaraan kailan man. Hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na." sagot ko.
"Yup! Alam ko iyun. At habang buhay kong ipagpapasalamat ang lahat. Hindi matatawaran ng kahit na anong materyal sa mundo ang ibinigay nilang pagmamahal sa akin.." sagot nito. Hindi ako nakaimik.
"Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa tuwing naalala ko kung gaano. kasama ang taong nagluwal sa akin hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng guilty. Kung hindi lang siguro siya namatay kaagad at nakita kong nagbago siya, baka maiintindihan ko pa siya eh." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapatitig kay Ate Arabella. Aaminin ko, labis akong naawa sa kanya. Napakahirap nga naman sa sitwasyon kung habang
buhay mong hindi masisilayan ang taong nagluwal sa iyo.
"Pero wala pa rin namang pinagbago diba? Kadugo mo pa rin pala si Tita Carissa. Lumalabas pa rin na tiyahin mo siya. Sapat na siguro na sa kanya mo namana ang ugali mo. Anak ka man niya o hindi pareho lang iyun. Halos parehong dugo lang naman ang nananalaytay sa inyong ugat. "
nakangiti kong sagot. Narinig ko ang muling mahina nitong pagtawa.
"Teka.. Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip iyun? tanong nito. Ako naman ang natawa. Kakaiba talaga si Ate Arabella sa lahat. Ang bilis nitong makibagay.
"Well, alam mo worth it talaga ang pakikipag-usap kong ito sa iyo. Kahit papaano lumuwang ang pakiramdam ko. Pero pwede bang humiling sa iyo?" tanong nito. Tumango naman ako.
"Pwede bang pagbalik natin ng Manila samahan mo ako sa puntod ng tunay kong Ina? Kay Ara Perez.... Last na dalaw ko yata sa kanya noong hindi ko pa naipanganak si Jeann." sagot nito. Kaagad akong tumango.
"Sure Ate. Basta kapag kailangan mo ako, puntahan mo lang ako sa mansion or i-message mo ako" nakangiti kong sagot.
"Talaga? Salamat naman kung ganoon. Pero alam mo ngayun ko lang na- realized.. Tama ka ako lang din ang nagpapahirap sa sarili ko eh. Dapat talaga siguro maging busy din ako.
Kailangan ko din siguro dalawin palagi ang puntod ng taong nagluwal sa akin dito sa mundo para namam matahimik na din siya at matahimik na din ako. Kaya lang naman iniiwasan kong dalawin siya dahil natatakot akong maging kagaya nya. Ayaw kong maging masama kaya kahit larawan niya iniiwasan kong makita. Para kasi akong nananalamin kapag ginagawa ko iyun eh." sagot nito.
"Kamukhang-kamukha mo siya?" tanong ko. Kaagad itong tumango.
"Para kaming pinagbiyak na bunga. Kaya nga ayaw kong gumamit ng pulang lipstick eh. Tatak nya kasi iyun noong nabubuhay pa siya. Halos lahat ng larawan na nakikita ko naka-pulang lips stick siya. Dati siyang model at ma- iimagine mo na siguro kung gaano siya kaganda. Maganda si Mommy Carissa eh. Pero ang laki daw ng pinagkaiba ng ugali nya. Kung anghel si Mommy Carissa, demonyita naman ang tunay kong Ina.." sagot nito. Parang bigla naman akong kinilabutan. Ganoon ba kasama ang babaeng iyun?
"Baka hinihintay nya lang na dalawin mo siya Ate. Ibigay mo sa kanya ang kapatawaran para sa katahimikan niya na din siguro. Matagal na pala siyang patay at baka nagtatampo na siya dahil hindi mo man lang siya nadalaw. Ipagtirik mo man lang sana siya ng kandila. Patawarin mo na siya kung ano man ang naging kasalanan niya noon." sagot ko.
"Iyan siguro ang gagawin ko pagbalik natin ng Manila. Pero gusto ko samahan mo ako." sagot nito. Kaagad akong tumango. Curious din kasi akong makita ang hitsura ng tunay nitong Nanay. Kahit sa picture lang. Siguro tama ito. Maganda din dahil ang ganda ni Tita Carissa.
"Ikaw pala ang kukunin naming maid of honor sa kasal ni Jeann. Teka nabanggit na ba niya sa iyo?"maya- maya pag-iiba nito sa usapan na siyang labis kong ipinagpasalamat. Kaagad akong umiling.
"Naku ang batang iyun talaga. Sinabi ko na sa kanya na banggitin na sa iyo eh. Di bale, at least nabanggit ko na sa iyo. Isa iyan sa mga dapat nating asikasuhin sa pagbabalik natin ng Manila. Personal kong inaasikaso ang kasal ni Jeann dahil buntis siya kaya sasamahan kita na magpasukat ng damit na isusuot mo. Si Rafael din naman ang Best Man kaya walang problema." nakangiti nitong sagot.
Kaagad naman akong nakaramdam ng excitement. Ngayun ko muling napatunayan na hindi na iba ang tingin nila sa akin. Talagang binigyan niya pa ako ng mahalagang papel na dapat gampanan sa kasal ng nag-iisa niyang anak.
"So, ano babayaran na ba natin?"sabay pa kaming napalingon ni Ate Arabella ng biglang magasalita si Kuya Kurt mula sa likuran namin. Kasama nito si Rafael na noon ngiting ngiti sa akin.
"I love this place talaga! Parang nakinita ko na dadayuhin ito ng mga turista. Pero kaya ba talaga natin ito i-develop or baka kailangan natin maghanap ng investors para masunod natin ang gusto nating gawin sa lugar na ito." sagot ni Ate Arabella. Kaagad ko naman naramdaman ang paglapit sa akin ni Rafael sabay akbay. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi nito na siyang labis kong ipinagtaka.
"Hindi na natin kailangan ng investors. Willing si Rafael na tulungan tayo na ma-develop ang lugar na ito." sagot ni Kuya Kurt. Hindi naman makapaniwalang napatitig si Ate Arabella sa kapatid nya.
"Bakit pa kayo maghahanap ng investors kung ang Villarama Empire pa lang sigurado ka ng masusunod lahat ng gusto mo sa lugar na ito Ate." nakangiting wika ni Rafael.
"Pe-pero kailangan mo pa itong ikunsulta kay Daddy diba? Nahihiya ako " sagot ni Ate Arabella.. Umiling si Rafael.
"Hindi na kailangan. At bakit ka mahiya? Anak ka din naman ah? Isa pa ako ang CEO ng Villarama Empire at ibinigay na ni Daddy sa akin lahat ng desisyon tungkol sa kumpanya. Nagawa ko ngang mag-invest sa kumpanya ng iba, sa sariling kadugo ko pa kaya at sa mabait ko pang Ate."
nakangiting muling sagot ni Rafael. Kaagad naman natawa si Ate Arabella.
Kaagad nitong nilapitan si Rafael at buong gigil na hinawakan sa pisngi.
"Kaya ikaw ang favorite ko sa lahat eh. Napakabait mo talaga!" wika nito. Humalakhak naman si Rafael.
"Talaga lang ha? Mabait na ako ngayun? Kung ipaalala ko kaya sa iyo kung paano mo ako inaasar-asar noon?
" nakangising sagot naman ni Rafael. Napakagat naman sa kanyang labi si Ate Arabella. Tumingin pa ito sa asawa na parang nanghihingi ng tulong. Kaagad naman napakamot ng ulo niya si Kuya Kurt.
"Tingnan mo Kuya Kurt...alam mo na siguro kung gaano kahilig mambola ng magaling mong asawa." tatawa- tawang muling wika ni Rafael kay Kuya Kurt. Hinawakan nito ang kamay ng kapatid at pilit na iniaalis sa kanyang pisngi. Kaagad naman napasimangot si Ate Arabella.
"Hindi kita binibira. Galing talaga sa puso ko ang sinasabi ko ngayun. Mabuti na lang talaga at ikaw na ang CEO ng Empire....hindi ka katulad ni Kuya Christian na napaka-istrikto pagdating sa mga desisyon." sagot nito.
"Mabuti na lang at kaagad na pumayag ang kapatid mo dahil kung hindi kakapusin talaga tayo sa budget. Ang hirap magdevelop ng lugar kung kulang sa budget. Baka masayang lang. Isa pa, sa sobrang lawak ng lugar tiyak na kailangan natin ng limpak-limpak na salapi matapos lang kaagad ang contstruction." sagot ni Kuya Kurt.
"Walang problema sa budget Kuya. Kayang ibigay iyan ng Empire. May mga magagaling na architect at engineers na din ang empire. Sila na ang bahalang gumawa ng plano sa kung anong gusto ni Ate. Nakikita ko din naman na magbibigay ito ng magandang income sa Villarama Empire. Malayo sa kabihasnan ang lugar na ito at hindi lang sa beach resort tayo kikita. Kikita din tayo sa transportation." sagot ni Rafael.
"Thats my kapatid. Napaka-business minded mo na talaga! Kaya pala tuwang tuwa si Daddy sa iyo eh. Balita ko lalong tumaas ang kita ng Villarama Empire simula ng hinawakan mo." sagot ni Ate Arabella.
"Maliit na bagay Ate. Wala pa ako sa kalahati ng gusto kong maabot. Of coure, ginagawa ko ito dahil inspired ako. Gusto kong ibigay lahat ng gusto ng mahal ko." Nakangiting sagot ni Rafael sabay hawak sa kamay ko. Nahihiya naman akong napayuko.
"Hmmp talagang si Veronica pa ang idinahilan mo. Hindi materialistic ang asawa mo kaya tumigil ka." sagot ni Ate. Muling tumawa si Rafael.
"Hayaan mo na Ate. Huwag mo na lang sirain ang moment na ito dahil baka magbago ang isip ko at mag-back out ako." pabirong muling sagot ni Rafael. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Ate Arabella sabay iling.
"Hindi ka na pwedeng mag-back out. Pagbalik namin ng Manila. Papupuntahin ko kaagad si Kurt sa opisina mo para magpirmahan na kayo sa mga legalities. Hindi pwedeng ma- unsyame ang pagdedevelop sa lugar na ito." wika ni Ate Arabella.
Chapter 251
VERONICA POV
Mahirap magpaalam sa mga mahal mo sa buhay lalo na kung masyado kang nabitin sa bakasyon mo. Pero wala akong magagawa. Kahit gusto ko pa silang makasama kailangan kong magpaalam sa kanila. Kailangan na naming bumalik ng Manila dahil may mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin pagdating doon.
Dumidilim na ang paligid ng magpaalam kami kila Nanay at Tatay. Nakiusap pa sila Nanay na ipagpabukas na lang daw muna namin ang aming pag-uwi. Pero dahil may pasok ako ng School kinabukasan at may time pa naman para bumyahe hindi na kami nagpapigil pa. Isa pa ayaw kong umabsent ng School.
Hanggat maari ayaw kong pabayaan ang aking pag-aaral. May pasok din si Rafael sa opisina niya. Alam kong abala itong tao pero nag-effort talaga siya para samahan ako dito sa amin na syang labis kong ipinagpasalamat sa kanya.
Sila Ate Arabella naman nagpaiwan muna ng Probensya. Marami silang aasikasuhin kaya naman hinayaan na namin ni Rafael. Aayusin na daw nila ang mga papeles ng beach resort. Bukas din ang dating ng lawyer ni Kuya Kurt galing Manila para lalong masigurado ang legalities ng transaction.
"Happy?" kaagad na tanong ni Rafael habang hawak nito ang aking kamay. Kakababa lang namin ng chopper at naglalakad na kami papuntang sasakyan.
Nakangiti ko itong nilingon. Kita ko ang pagod sa mukha nito kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya.
"Super! At salamat dahil imbes na magpahinga ka nitong weekend sinamahan mo ako na makita ang pamilya ko." nakangiti kong sagot. Pinisil lang nito ang palad ko at inalalayan akong makapasok sa loob ng sasakyan pagkatapat namin doon.
Tahimik kaming bumyahe pabalik ng mansion. Ramdam na din ng katawan ko ang pagod. Nakasandal ako sa balikat ni Rafael habang nakayapos ito sa akin. Ang sarap lang ng ganitong pakiramdam. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya na syang labis kong ipinagpasalamat.
Pagdating ng mansion, isang nakangiting mukha ni Tita Carissa ang sumalubong sa amin. Kaagad nitong niyakap ang anak na si Rafael at hinalikan naman ako nito sa pisngi. Masayang masaya ang puso ko sa mainit na pagsalubong nito sa amin.
Kakalis lang daw nila Kuya Christian at Ate Miracle kasama ang mga anak- anak nila.
"Alam kong pagod kayo. Umakyat na kayo sa inyong kwarto at magpahinga. Tsaka niyo na lang ako balitaan sa mga nangyari sa lakad niyo." nakangiting wika ni Tita Carissa. Kaagad naman sumang-ayon si Rafael.
"May mga pinadala pala sila Nanay para sa inyo Tita. Pagpasensyahan niyo na lang daw po at sana magustuhan niyo." wika ko kay Tita. Nagpadala sila Nanay at Tatay ng ibat ibang klaseng mga kakanin at mga fresh seafoods. May yelo iyun kaya alam namin ni Rafael na hindi basta-basta masisira ang mga iyun.
"Naku, nag-abala pa talaga ang Nanay mo. Pero pakisabi na din at salamat. Namimiss ko na din ang mga pagkain sa probensya nyo. " nakangiti nitong sagot.
Hawak kamay kaming dalawa ni Rafael na naglakad papasok ng mansion. Nagpasya na din ako sa kwarto nya na dumiretso. Bigla kasi itong naglambing sa akin na gusto daw nya akong makatabi sa pagtulog ngayung gabi.
Pagkatapos naming maglinis ng katawan kaagad kaming nahiga ng kama. Dahil sa sobrang pagod ay pareho kaming nakatulog kaagad.
Umaga na kami pareho nagising kinabukasan. Gustuhin man namin matulog pa pero nang sulyapan namin ang orasan ay halos alas sais na ng umaga. Kailangan ko ng maghanda sa pagpasok sa School ganoon din si Rafael pagpasok ng opisina.
Pagkabangon ko ng kama kaagad akong nagpaalam dito na babalik na sa sariling kwarto. Nandoon ang aking uniform sa sarili kong kwarto at sa klase ng titig sa akin ni Rafael ngayun parang may ibig na naman itong gustong ipahiwatig. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip niya kung hindi pareho talaga kaming hindi makakapasok.
"Are you sure? Hindi bat pwede ka naman lumiban ngayun? Kakausapin ko ang teacher mo." malambing pang wika nito sa akin habang malagkit na nakakatitig sa aking mukha. Akmang lalapit pa ito sa akin pero kaagad akong umiwas. Mahirap na. Ang bilis ko pa naman madarang sa mga panlalandi nito sa akin.
"Kaya nga tayo nagmadali na umuwi diba dahil may pasok tayo ngayun. Sige na maligo ka na din. Nakakahiya kina Tita at Tito. Baka hinihintay nila tayo sa dining." nakangiti kong sagot. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago tumango.
"Sige na nga. Pero mamayang gabi ha?
Dito ka ulit matulog malambing na wika nito. Kaagad akong tumango.
"Oo naman! Gusto din naman kita makatabi palagi ng tulog eh. Sumarap ang tulog ko lalo kapag naamoy kita." sagot ko. Tumawa ito kaya naman kahit papano nakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban. Kahit papaano alam kong hindi ito nagtatampo sa akin dahil hindi ko napagbigyan.
Mabilis akong lumabas ng kwarto ni Rafael at pumasok sa sarili kong kwarto. Kinuha ko ang aking School uniform sa loob ng walk in closet at nagpasya ng maligo. Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko dahil kukulangin na kami sa oras. Ang bilis pa naman umikot ng orasan kaya kailangan magmadali kung hindi mali- late talaga ako sa School.
Sa dining area na kami nagkita ulit ni Rafael. Ang gwapo nitong tingnan sa suot niya. Kasabay namin kumain ng agahan sila Tita at Tito pero dahil masyado na kaming nagmamadali ni Rafael hindi na kami masyadong nakakapag-usap.
Katulad ng nakagawian, idinaan na ako ni Rafael sa School. Kailangan ko ng masanay sa presensya nya palagi. Nangako din ito sa akin na siya ang susundo sa akin mamayang uwian. HInayaan ko na lang dahil iyun ang gusto nya. Alam kong pilit niya akong sinisingit sa busy niyang schedule na siyang labis kong ikinatuwa.
Pagdating ng School kaagad na akong dumiretso ng classroom. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang klase ng first subject ko. Naabutan ko pa sila Beatrice at Randy na parehong nakasunod ang tingin sa akin pagkaupo ko sa aking upuan.
"Alam mo, lalo kang naging blooming ngayun. Napansin mo ba Ranz?" pukaw sa akin ni Beatrice. Wala pa si Teacher kaya may time pa kami para magkwentuhan.
"Yup, iba na talaga ang inlove. Rafael Villarama ba naman ang nag-aalaga sa kanya eh. Ewan ko lang kung hindi ka maging blooming everyday." malanding sagot naman ni Randy. Iningusan ko lang silang dalawa. Wala akong balak na magkwento ngayun. Alam kong kapag magkikwento ako lalo lang nila akong aasarin.
Mabuti na din at hindi nagtagal dumating na din ang teacher namin. Nanahimik na din ang dalawa kong kaibigan na syang labis kong ipinagpasalamat. Alam ko kasi na kung anu-ano na namang katanungan ang ibabato nila sa akin eh.
Pagpatak ng alas diyes ng umaga nagpasya kaming tatlo na sa canteeen na lang muna tumambay. Nagugutom daw si Beatrice kaya kaagad namin itong sinamahan ni Randy papunta doon at para makapamili na din kami ng snacks. Nakapila na kami papuntang counter ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nagtatakang kinuha ko iyun sa aking bag at sinagot kaagad lalo na ng napansin ko na si Tita Carissa ang tumatawag.
"Hello po Tita!" kaagad na sagot ko. Saglit na katahimikan ang namayani sa kabilang linya kaya naman hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko. Sininyasan ko si Beatrice na lalabas muna ako ng canteen at siya na ang bahalang umorder.
"Tita...napatawag po kayo?" wika ko ulit pagkalabas ko ng canteen.
"Veronica, pwede bang lumiban ka na muna ngayun? Ipapasundo kita sa driver ngayun din." sagot nito na halata sa kanyang boses ang pigil na pag-iyak. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.
"Ha? Bakit po? Teka lang..umiiyak po ba kayo?" tanong ko.
"Papunta na ang driver na susundo sa iyo diyan. Kahit huwag ka ng magpaalam sa mga teachers mo. Kakausapin ko na lang sila sa mga susunod na araw. Kailangan ka ni Rafael. Hihintayin kita dito sa lobby ng hospital." naiiyak ng sagot nito. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa naring.
" Po Hospital? Bakit sa hospital? Tita... anong nangyari kay Rafael?" hindi ko mapigilang sagot. Pakiramdam ko biglang nanginig ang tuhod ko sa matinding takot. Kasama ko lang kanina si Rafael pagkatapos nasa hospital na sila ngayun? Agad-agad! Joke ba ito?
Chapter 252
VERONICA POV
Katulad ng sinabi ni Tita Carissa sa akin kanina, kaagad na dumating ang driver na susundo sa akin para ihatid ako sa hospital kung nasaan sila ngayun.
Hanggang ngayun wala pa rin akong idea kung ano ba talaga ang nangyari. Pero sa tono ng pananalita ni Tita Carissa sa akin kanina hindi ko mapigilan na makaramdam ng matinding kaba at takot.
Halos hindi ako mapakali. Halos maiyak na ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na nga ako nakapagpaalam kina Beatrice at Randy. DireTSo na kasi akong nagkalad palabas ng School kanina pagkatapos kong makausap si Tita Carissa para abangan ang sasakyan na susundo sa akin.
Pagkasakay ko ng kotse kaagad ng umalpas ang luha sa mga mata ko na kanina ka pa pinipigilan. Hindi ko maiwasan makaramdam ng takot lalo na ng maalala ko ang umiiyak na boses ni Tita Carissa kanina. Hindi pa man ako nakakarating ng hospital parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang pag- aalala na nararamdaman.
"Mam, may tumatawag po yata sa inyo. " nakatanaw ako sa labas ng bintana habang patuloy sa pagluha ng marinig ko ang boses ng aming driver. Sinulyapan ko lang ito at kinapa ang cellphone ko na nasa loob ng aking bag. Kaagad ko iyung sinagot.
"Nica..I know na mas mahirap sa iyo ang mga nangyari, pero magpakatatag ka! Matapang si Uncle at kaya nyang labanan kung ano man ang nangyari sa kanya kanina." kaagad na wika ng nasa kabilang linya. Si Charlotte.
"Charlotte...anong ibig mong sabihin?"
sagot ko. Sa tono ng mga pananalita nito ngayun alam kong may nangyari kay Rafael na mahirap tanggapin.
"Nasa operating room pa raw si Uncle. Lumalaban siya. Nasalpok ng truck ang sasakyan nila kanina at dead on the spot ang driver at dalawa niyang bodyguard na kasama niya sa loob ng kotse." sagot nito. Para naman biglang lumubo ang ulo ko sa narinig ko sa kanya ngayun lang. Hindi ako makapaniwala.
Ito ba ang dahilan kaya umiiyak si Tita Carissa kanina? Ito ba ang dahilan kaya kanina pa ako hindi mapakali? Diyos ko! Bakit napakasama naman yata ng balitang ito? Bakit siya pa? Bakit si Rafael pa!
Hindi ko na namalayan pa ang pagdausdos ng cellphone na hawak ko mula sa aking kamay. Bumagsak ito sa sahig ng sasakyan habang patuloy ang pagtulo ang luha sa aking mga mata. Para akong biglang nawalan ng lakas. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang isang masamang balita na narinig ko ngayun lang. Parang biglang namanhid ang buo kong katawan.
Kasama ko pa lang siya kanina. Katabi ko pa lang siya kagabi sa pagtulog. Pareho pa kaming masaya kanina pero bakit ang bilis nagbago ng mga nangyari. Paanong naaksidente siya?
Hindi! Hindi ko matatanggap ito. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling may masamang nangyari sa kanya.
Sana, pinatulan ko na lang sa paglalambing niya sa akin kaninang umaga. Sana hindi ko na lang ipinilit sa kanya noong sinabi niyang huwag na akong pumasok sa School. Hindi sana siya naaksidente.
Hindi ko mapigilan na mapahagulhol ng iyak. Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na iyun sinagot pa. Natatakot ako. Paano kong may mangyaring masama sa lalaking mahal ko? Hindi ko kaya! Hindi ko matatanggap iyun.
"Mam, nandito na po tayo sa harap ng hospital. Naghihintay po sa inyo si Madam Carissa sa loob." narinig kong wika ng driver. Ikinurap-kurap ko pa ang aking mga mata bago tumitig dito.
"Manong, mga anong oras naakasidente si Rafael?" halos pabulong kong tanong dito. Sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko akaalin na darating ang ganitong sakuna sa buhay ni Rafael.
"Mga ilang minuto lang po pagpkatapos kayong ihatid. Nawalan ng preno ang truck at sumalpok iyun sa sasakyan nila Sir Rafael." sagot nito. Halos madurog naman ang puso ko dahil sa narinig. Mariin ko pang naipikit ang aking mga mata at dahan- dahan na binuksan ang pintuan ng kotse.
Wala sa sariling naglakad ako papasok sa loob ng hospital. Wala na nga akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko. Patuloy lang ang pagtulo ang luha sa aking mga mata hanggang sa naramdaman ko na may biglang yumakap sa akin.
"Veronica, ang anak ko...ang anak ko!" pabulong na wika nito habang mahigpit na nakayakap sa akin si Tita Carissa. Hindi naman ako makasagot.. Gusto kong sumigaw para kahit papaano mabawasan man lang ang paninikip ng dibdib ko ngayun. Patuloy lang din ako sa pag-iyak habang yakap -yakap ako ni Tita Carissa.
"Nasa loob pa rin siya ng operating room. Tulungan mo akong ipagdasal siya anak. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa kanya." umiiyak na wika nito ulit sa akin. Napakurap-kurap ako. Lalong nag- uunahan sa pagtulo ang luha sa aking mga mata.
Bakit ganito naman ang isinukli ng kapalaran sa amin. Akala ko wala ng katapusan pa ang kaligayahan na nararamdaman ko sa piling niya. Pero bakit kailangan pang mangyari sa amin ito? Bakit?
"Tita...kasalanan ko. Sana hindi na lang ako pumayag na ihatid nya. Sana nakinig---na lang---ako sa sinabi niya --kaninang umaga na ---huwag na munang --pumasok ng School" umiiyak kong wika. Kahit na nahihirapan akong magsalita dahil sa sobrang sakit na nararamdan ng puso ko pinilit ko pa rin sabihin sa kanya iyun. Kaagad kong naramdaman ang pagkalas sa pagkakayakap sa akin ni Tita Carissa at hinawakan ako sa pisngi. Seryoso akong tinitigan sa mga mata.
"Ssshhhh, huwag mong sisihin ang sarili mo! Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya.! Hindi natin alam lahat na mangyayari ito!" sagot nito sabay haplos sa pisngi ko. Lalo akong napaiyak. Naramdaman ko pa ang pag- akay ni Tita sa akin papunta sa isang upuan. Umupo ito doon kaya naman napaupo na din ako sa tabi nito.
Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay habang patuloy sa pagluha. Natatakot ako sa posibleng mangyari.
Sana ayos lang si Rafael. Sana ayos lang ang lalaking mahal ko.
"Dad, Mom, kumusta ang kapatid ko?" natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyun. Si Ate Miracle. Nakasunod sa kanya si Charlotte at kita ko sa mga mukha nilang dalawa ang matinding pag-aalala. Kaagad na tumayo si Tita Carissa mula sa pagkakaupo at niyakap si Ate Miracle. Samantalang nilapitan naman ako ni Charlotte at hinaplos ako sa likod ko. Lalo akong napahagulhol sa pag-iyak..
"Charlotte, ang Uncle mo! Ang Uncle mo....." wika ko. Kita ko ang pinaghalong awa at pag-aalala sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Fighter si Uncle Nica! Hindi siya basta -basta sumusuko. Ipagdasal natin ang kanyang kaligtasan." sagot nito. Hindi ko na napigilan pa. Napayakap ako mahigpit dito. Patuloy naman ito sa pag -alo sa akin.
Chapter 253
VERONICA POV
Nandito ako sa maliit na chapel ng hospital. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaluhod dito. Kaagad akong niyaya papunta dito kanina ni Charlotte para kahit papaano magkaroon ako ng katahimikan. Gusto ko din ipagdasal at hilingin sa Diyos na sana iligtas Niya si Rafael sa kapahamakan.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling tuluyan itong mahamak. Iisipin ko pa lang na baka tuluyan siyang mawala sa akin para na akong mababaliw.
"Nica...sana ipagpalagay mo lang ang kalooban mo. Kanina ka pa umiiyak eh. Magiging maayos din ang lahat. Hindi hahayaan ni Uncle na masasaktan ka ng ganito." wika sa akin ni Charlotte. Tinapik pa nito ang balikat ko para iparamdam sa akin na hindi ako nag- iisa sa laban na ito.
"Charlotte...hi-hindi ko alam. Ang sakit! Hindi ko kayang magrelax kung hanggang ngayun patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa buhay nya. Kanina pa siya sa loob ng operating room pero hanggang ngayun wala pa ring balita kung kumusta na siya? Ganoon ba talaga siya kalala ngayun?"
naghihinagpis kong wika. Natigilan si Charlotte. Bakas ang awa sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Wala tayong choice kundi ang maghintay. Ginagawa ng mga Doctor ang lahat para mailigtas si Uncle. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Huwag kang bumitaw. May awa ang Diyos at makakayanan nya ang lahat ng ito.": sagot nito. Lalo akong naluha.
"Sana nga. Dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko ang Uncle mo at kaya kong talikuran ang lahat gumaling lang siya. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya" sagot ko.
"Sshhh Tahan na! Masyado ka ng maraming iniluha. Baka mamaya ikaw naman ang mapaano diyan. Baka magalit sa akin si Uncle kapag malaman niya na hinayaan kitang umiyak ng umiyak. Tingnan mo ang mga mata mo, halos naningkit na dahil sa kakaiyak mo." sagot nito.
Nararamdaman kong nag-aalala din ito sa kalagayan ng kanyang Uncle pero pilit itong nagpapakatatag. Hindi katulad sa akin na halos magbreakdown na sa kakaiyak.
"Ang mabuti pa, puntahan natin sila Grandmama. Baka lumabas na ang Doctor at may maganda na siyang balita tungkol sa kalagayan ni Uncle." sagot nito at kaagad akong hinawakan sa kamay.
Pilit ako nitong hinila patayo dahil hanggang ngayun nakaluhod pa rin ako. Parang manhid na din ang katawan ko sa pagkakataon na ito. Hindi man lang ako nakaramdam ng pangangalay gayung pagkatayo ko kaagad kong napansin ang pamumula ng tuhod ko dahil sa tagal ng pagkakaluhod.
Tahimik akong nagpatianod kay Charlotte. Para akong rubot na sumasabay sa bawat paghakbang nito. Pakiramdam ko naubos na ang buo kong lakas. Kauting kaunti na lang talaga at magba-block out na ako.
Malapit na kami sa operating room ng matanaw namin si Elijah. Wala na sila Ate Miracle At Tita Carissa sa kanilang kinauupuan kanina. Wala na din si Tito Gabriel.
Kaagad na tumayo si Elijah ng mapansin ang pagdating namin. Nilapitan ako nito at tinitigan sa mukha.
"Nailipat na ng private room si Uncle. Inoobserbahan na lang siya ng mga Doctor niya at magiging maayos na din ang kalagayan niya. Hindi mo na kailangan pang umiyak ng ganyan." titig na titig na wika nito sa akin. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko. Lalo akong napahagulhol ng iyak.
"Ta-talaga? ayos na siya? ayos na si Rafael?" halos pabulong kong sagot. Kaagad na tumango si Elijah.
"Yes! Magiging maayos na siya. Sabi ko naman sa iyo fighter siya eh. Hindi siya papayag na maiiwan kang masasaktan. Mahal na mahal ka niya at nakakabit na sa iyo ang buhay niya. Kaya magpakatatag ka. Huwag mong ipakita sa kanya na pinanghihinaan ka ng loob dahil sa nangyari ngayun." sagot nito. Wala sa sariling napunasan ko ang luha sa aking mga mata. PInilit ko ding pinapakalma ang aking paghinga.
"Fighter si Kuya Rafael at kahit na ano pa mang pagsubok na dumating sa kanya, malalagpasan at malalagpasan niya iyun. So, Kuya Elijah, saang kwarto naroon si Uncle? Puntahan na natin siya para naman muli nating masilayan ang ngiti ng Veronica natin. Kanina pa naghihirap ang kalooban ko habang pinapanood siyang umiiyak eh. " sagot naman ni Charlotte. Bakas na sa boses nito ang sigla. Alam kong masayang masaya din ito sa balitang hatid ni Elijah. Lalo na ako.
Parang bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Masaya na ako sa kaalamang ligtas na ang lalaking pinakamamahal ko.
Salamat sa Diyos. Wala talagang imposible sa kanya. Ipinapangako ko na mas lalo ko pang mamahalin si Rafael. Hindi na ako papayag pa na muli itong mangyari sa kanya. Hindi na ako papayag pa na muling malagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay. Pakiramdam ko mauuna akong malalagutan ng hininga kapag may masamang mangyari dito dahil sa matinding pag-aalala.
"So ano pa ang ginagawa natin dito. Puntahan na natin si Uncle. Gusto ko na din siyang makita." nakangiting sagot naman ni Charlotte. Kaagad naman nagpatiuna sa paglalakad si Elijah at tahimik kaming nakasunod ni Charlotte habang nakahawak ito sa braso ko.
Pagtapat namin sa isang pintuan hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding kaba. Aaminin ko sa aking sarili na natatakot akong makita si Rafael ngayun. Hindi ko alam kung ano ano ang mararamdaman ko kapag makikita ko siya sa hindi maayos na sitwasyon.
Dahan-dahan na pinihit ni Elijah ang siradura. Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang seryosong mukha nila Tita Carissa at Tito Gabriel habang nakatunghay sa kinahihigaan ni Rafael. Hindi ko naman maiwasan na mapasulyap doon at kaagad na nanlumo ako sa aking nakita.
May benda ito sa ulo. Wala sa sariling naglakad ako palapit sa kanyang higaan at lalong nag uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata nang mapansin ko kung gaano ito kaputla ngayun. May galos ito sa kanyang pisngi at kaagad ko din napansin ang benda nito sa kanyang bente at kaliwang braso.
Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko ngayun sa kanya. Sa isang iglap biglang nagbago ang lahat. Hindi ko akalain na makikita ako sa ganitong sitwasyon ang lalaking pinakamamahal ko.
"Masyadong napinsala ang buto niya sa kaliwang paa niya. Uubserbahan pa ng mga Doctor kung maibabalik pa ba sa dati. Hihintayin pa natin siyang magising para masiguro natin na nasa maayos na siyang kalagyan." malungkot na wika ni Tita. Mukhang mas kalmado ito ngayun kumpara sa akin. Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa masakit na balita na narinig ko dito. Ang hirap tanggapin ng sitwasyon niya ngayun.
"Huwag ka masyadong mag-alala Nica. Maayos din ang lahat. Nakaligtas na siya sa matinding kamahamakan at magtutuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang kalagayan. Huwag mong dibdibin ang lahat dahil kanina ka pa umiiyak. Baka kung mapaano ka na niyan." narinig kong wika ni Charlotte. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likod ko kaya impit akong napaiyak.
"Elijah, siguro ihatid mo muna si Veronica sa mansion. Hayaan mo muna siyang makapagpahinga. Kami na muna ang bahala kay Rafael." narinig kong utos ni Tito Gabriel kay Elijah. kaagad akong umiling.
"No! Please...gusto ko siyang bantayan. Ayaw ko siyang iiwan dito. Hindi ko kayang mawalay siyang muli sa paningin ko." nakikiusap kong sagot. Wala na akong pakialam pa sa sasabihin nila. Basta ang importante sa akin ngayun ay mabantayan ang lalaking mahal ko. Ngayun niya ako lubos na kailangan.
"Kung iyan ang gusto mo, wala kaming magagawa. Pero, huminahon ka lang Iha. Huwag ka masyadong magpadala sa bugso ng damdamin mo. Ligtas na sa kapahamakan si Rafael at hihintayin na lang natin siya na magising." sagot ni Tito Gabriel. Kaagad akong tumango.
"Pangako! Pipilitin ko pong maging mahinahon. Basta po, dito lang ako. Dito lang ako sa tabi nya. Mahal na mahal ko siya at gusto kong nandito ako sa tabi niya paggising nya." umiiyak kong wika. Isang malalim na buntong hininga naman ang isinagot sa akin ni Tito Gabriel tsaka nito muling ibinalik ang tingin sa wala pa ring malay na anak.
Chapter 254
VERONICA POV
Nandito ako ngayun sa tabi ng higaan ni Rafael. Hawak ang kanyang kamay habang nakatitig sa mukha nito. Kahit papaano nakakaramdam na ako ng kapanatagan ng aking kalooban. Iiwasan ko na dapat ang umiyak. Baka mamaya magising ito at matakot sa hitsura ko. Alam kong magang maga na ang aking mga mata dahil sa matinding pag-iyak kanina pa.
Hindi ko maiwasan na mapasulyap sa sofa ng hospital. Kaagad na sumalubong sa paningin ko ang natutulog na si Charlotte. Ayaw ako nitong iiwan dito sa hospital.
Nagpasyang umuwi muna ng mansion sila Tita Carissa at Tito Gabirel para magpahinga samantalang sila Ate Miracle at Kuya Christian, kaaalis lang din pagkatapos nilang dumalaw kasama ang kanilang asawa at anak. Si Ate Arabella naman ay nasa probensya pa rin. Hindi ko lang alam kung alam na nila ang nangyari kay Rafael.
Malaki naman ang kwarto na ito. VIP room daw ito at kasya kahit ilan pang bisita ang darating. Nagmessage sa akin kanina ang ilan sa mga kaibigan ni Rafael at sinabi na dadalaw daw sila bukas ng umaga.
Hindi ko maiwasan na mapatingin sa orasan na nakasabit sa wall ng room na ito. Halos ala una ng madaling araw. Masyadong tahimik na ang buong paligid at ako na lang yata ang gising.
Hindi ko maiwasan na muling haplusin ang mukha ni Rafael. Kahit marami itong benda sa ibat ibang parte ng katawan hindi pa rin nababawasan ang gandang lalaki nito.
Hindi ko maiwasan na mapahikab. Ilang saglit lang hindi ko na namalayan pa na napasubsob na pala ako sa higaan nito at nakatulog.
Nagising na lang nang may humaplos sa ulo ko. Antok na antok ang buong sistema ko at saglit pa akong natulala ng sumalubong sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Charlotte.
"Umaga na. Nandito na sila Grandmama at Grandpapa para sila naman ang magbantay kay Uncle. Uwi muna tayo ng mansion para makapagpahinga ka din ng maayos. Balik na lang kaagad tayo dito mamaya pagkatapos mong makapagpahinga." pagyaya nito sa akin. Kumurap kurap ako ng makailang ulit bago sumagot.
"Hindi ba pwedeng dito na lang muna tayo? Ayaw ko siyang iiwan." sagot ko.
"Veronica, Iha, huwag naman sanang matigas ang ulo. Masyadong haggard na ang hitsura mo. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit. Umuwi na muna kayong dalawa ni Charotte para magpahinga. Baka mamaya magalit iyang si Rafael kapag mapansin ang hitsura mo. Baka isipin niya pinapabayaan ka namin...Sige na...uwi na muna kayo at balik kaagad dito pagkatapos nyong makatulog." mahabang wika ni Tita Carissa. Napasulyap ako sa walang malay na si Rafael bago dahan-dahan na tumango.
"Sige po...pero babalik po kaagad ako." sagot ko. Kaagad naman na tumango si Tita Carissa habang may pilit na ngiti na nakaguhit sa labi nito.
"Oo naman. Masyado lang kaming nag- aalala sa iyo. Wala kang maayos na tulog at tamilmil ka din daw sa pagkain. Huwag mong pabayaan ang sarili mo iha. Alam mo naman siguro kung gaano ka kamahal ni Rafael diba? Tiyak na hindi niya magugustuhan ang mga pinanggagawa mo sa sarili mo." nakangiti nitong sagot.
Wala na akong nagawa na kundi sundin ang gusto nila. Gustuhin ko man na manatili sa tabi ni Rafael pero nakakahiya din naman na tanggihan sila Tita. Baka isipin nila na masyadong matigas na ang aking ulo.
Pagdating ng mansion kaagad akong dumiretso sa aking kwarto. Nagpasya na lang kaming dalawa ni Charlotte na magtabi sa pagtulog. Mas pabor sa akin iyun dahil sobrang lungkot kapag nag- iisa. Baka kung saan-saan na naman ako dadalhin ng imagination ko.
Mabilis na lumipas ang oras. Kahit papaano nakatulog naman ako ng maayos.Nagising na lang sa mahinang kalabit sa akin ni Charlotte. Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga.
"Kanina pa ako gising. Bumangon ka na muna diyan Nica. Kaninang umaga pa walang laman ang sikmura mo. Ni kahit gatas hindi ka din uminom. Mamaya mo na lang ituloy ang tulog mo pagkatapos mong kumain." wika nito sa akin. Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata bago ako luminga- linga sa paligid. Sinulyapan ko pa ang orasan na nasa bedside table ko at nagulat ako ng mapansin ko na halos alas tres na pala ng hapon.
"Biglang dagsa sa isip ko ang reyalisasyon at katotohanan tungkol sa nangyari kay Rafael. Muling ragasa sa puso ko ang matinding lungkot. Tumitig ako kay Charlotte bago nagasalita.
"Maliligo muna ako. Gusto kong makabalik ng hospital. Kailangan ako ni Rafael." malungkot kong wika dito. Natigilan ito at marahan na napabuntong hininga.
"Walang problema tungkol diyan. Pwede tayong magpahatid kahit anong oras mo gusto. Pero kailangan malagyan muna ng laman na pagkain ano sikmura mo. Hindi ka pwedeng magpagutom at baka magkasakit ka." sagot nito. Tumango ako at mabilis na bumaba ng kama.;
Nagmamadali akong naglakad papunta ng banyo. Kailangan kong makaligo at makakain. Gusto ko na makita ulit ang kalagayan ni Rafael. Gusto kong masiguro na ayos lang siya.
Habang naliligo, hindi ko maiwasan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kung pwede nga lang na akuin ko na lang ang nararamdaman nitong sakit ngayun. Hirap na hirap na ang kalooban ko na nakikita ito sa kanyang sitwasyon ngayun.
"Nica, bilisan mo na! Bakit ang tagal mo?" napakurap pa ako ng makailang ulit nang marinig ko ang malakas na katok mula sa pintuan ng banyo. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Tuloy-tuloy din ang pag- agos ng tubig galing sa shower kaya naman kaagad ko iyung pinatay bago ko sinagot si Charlotte.
"Nandyan na! Sandali na lang." sagot ko dahil mukhang wala itong balak na tumigil sa kakakatok sa pintuan. Hindi ko naman ito masisisi. Nag-aalala marahil ito sa akin dito sa loob.
Mabilis kong tinapos ang paliligo ko. Kailangan namin makaalis kaagad ngayun. Baka gising na si Rafael at gusto kong nasa tabi niya ako palagi sa ganitong sitwasyon. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Katulad ng gusto ni Charotte, kumain muna ako bago kami umalis ng mansion. Kahit na wala akong gana pinilit ko pa rin ang sarili ko. Alam kong nag-aalala na ito sa akin. Nakakahiya din naman kung pati ako maging pasanin pa nila. Umabsent na nga ito ngayung araw sa kanyang klase para lang masamahan ako.
Mabilis kaming nagpahatid sa driver papuntang hospital pagkatapos namin makakain. Excited ako na muling masilayan si Rafael. Babantayan ko siya buong gabi. Hindi ko siya iiwan at ngayun ko higit na ipaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Pagkarating namin ng hospital kaagad kaming dumiretso sa kwarto ni Rafael. Kinakabahan man sa maabutan ko ngayun pero kailangan kong tatagan ang aking sarili. Hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko ngayun. Kailangan kong maging matapang para sa kapakanan ng lalaking mahal ko.
Pagkapasok namin sa loob nagulat pa ako dahil halos kumpleto ang buong pamilya. Nandito ang kambal na sila Kuya Christian at Ate Miracle. Wala sa sariling napatingin ako sa higaan ni Rafael. Nagulat pa ako ng mapansin ko na nakadilat na siya at direktang nakatitig sa akin.
"Gising na siya?" gulat kong bulong. Kaagad na tumango si tita Carissa.
"Yes...kanina pa. Lapitan mo na siya Iha. Ngayun ka lubos na kailangan ng anak ko." sagot nito. Nilingon ko pa ang kambal na magkapatid at sabay silang tumango sa akin. Pigil ang luha sa aking mga mata na naglakad ako papalapit sa kinahihigaan ni Rafael.
"Rafael....." bulong ko. Hindi pa rin nito iniaalis ang pagkakatitig sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Kaagad ko itong hinawakan sa kanyang kamay habang hindi ko na mapigilan ang maiyak.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na diba? Magpapagaling ka na lang?" wika ko sa kanya. Wala na akong pakialam pa sa mga kasama namin dito sa loob ng kwarto. Ang importante sa akin ngayun ay siya lang. Si Rafael...umaasa ako na sana tuloy-tuloy na ang pagaling niya.
"Umalis ka na muna. Ayokong makita ka ngayun!" malamig na sagot nito sa akin. Nagulat ako. Napakurap pa ako ng makailang ulit bago pilit na ngumiti.
"Ano ka ba? Hindi ka pa masyadong okay para magbiro ng ganyan." sagot ko. Lalo itong naging seryoso na siyang ikinatakot ng puso ko.
"Sa palagay mo ba may oras ako para makipagbiruan sa iyo? Inutil na ako Veronica. Kung ano man ang namagitan sa atin noon, kalimutan mo na lahat iyun. Hindi na kita kailangan sa buhay ko!" sagot nito sa akin.
Pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig sa kanya ngayun. Hindi ako makapaniwalang tinitigan ito sa kanyang mga mata. Kita ko kung gaano ito ka-seryoso ngayun. Pakiramdam ko hindi si Rafael ang kausap ko ngayun. Ibang iba siya.
Kasabay ba ng aksidente na nangyari sa kanya ay ang pagkawala ng pagmamahal niya sa akin? Bakit hindi ko na makita pa ang kislap ng pagmamahal nito para sa akin? Bakit parang isa na isyang istranghero ngayun?
Chapter 255
VERONICA POV
Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Rafael. Kitang kita ko sa kanyang mga mata kung gaano ito kaseryoso. Dahan-dahan kong nabitawan ang kanyang kamay at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Umalis ka na muna. Ayaw na muna kitang makita." mahina nitong wika sa akin. Ramdam ko sa boses nito ang sobrang pait. Muli ko itong tinitigan mula ulo hanggang paa.
"Rafael...a-anong nangyari? Ba-bakit ka ganyan sa akin? Galit ka ba? Hi- hindi mo na ba ako mahal?" naiiyak kong sagot. Wala na akong pakialam pa sa mga taong kasama namin dito sa kwarto.
Hindi ito umimik bagkos ipinikit nito ang kanyang mga mata. Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko at ng lumingon ako kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Elijah.
"Hayaan mo muna siya. Baka naman epekto lang ng gamot kaya masyado pang mainit ang kanyang ulo."
mahinang wika ni Elijah sa akin. Muli akong napatitig kay Rafael at kaagad kong napansin ang galit na titig nito na ipinupukol sa aming dalawa ni Elijah.
"hey Uncle, relax! Kakagaling mo lang sa aksidente mainit na kaagad ang ulo mo! Huwag kang ganyan. Magpakagaling ka- hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Elijah ng pagalit na sumabat si Rafael.
"Shut up! Kayong dalawa, lumabas muna kayo sa kwarto ko at ayaw ko muna kayong makita!" galit na sagot nito.
"Kidding? Gusto mo ng baliwalain
ngayun si Veronica? Naaksidente ka lang nagbago kaagad ang pananaw mo sa buhay?" sagot ni Elijah. Bakas na sa boses nito ang pinipigil na inis. Kaagad ko namang nararamdaman ang paglapit ni Tita Carissa sa amin. Napansin marahil nito na hindi maayos ang mood ng kanyang anak.
"Rafael, anak. Hindi sila kaaway? Ano ka ba? Kanina, hindi din maayos ang pakikitungo mo sa mga kaibigan mo? Ano ba ang nangyari sa iyo anak? May masakit ka bang nararamdaman sa katawan mo? Gusto mo bang ipatawag ko ang Doctor mo?" mahinahong wika ni tita Carissa.
Hindi ito sumagot. Muli itong pumikit kaya naman napailing na lang si Tita habang nakatitig sa anak.
"Hayaan mo na muna Iha. Pagpasensyahan mo muna si Rafael ha? Baka naman stress lang siya dahil sa nangyari sa kanya pero huwag ka ng mag-alala. Sinigurado na ng Doctor na maayos na ang kanyang kalagayan." wika ni Tita Carissa. Hinawakan ako nito sa kamay habang hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig ko kay Rafael.
Baka nga siguro. Baka epekto lang ng gamot at sakit ng katawan na kanyang natamo kaya siya nagkakaganyan. Sa ngayun, kailangan ko siyang intindihin. Hindi ako dapat magtampo dahil alam ko kung gaano kahirap ang kanyang pinagdaanan.
"Iginiya ako ni Tita papuntang sofa. Naupo ako sa tabi ni Charlotte samantalang naupo naman si Tita sa tabi ni Tito Gabriel. Ilang saglit din na katahimikan ang namayani sa amin bago nagsalita si Ate Miracle.
"Sinabi nga pala ng Doctor na masyadong naapektuhan ang kaliwang bente ni Rafael. Maayos naman naisagawa ang operasyon pero kailangan pa rin ng masusing monitoring para bumalik sa dati ang lahat. Lalo ang kanyang paglakad." wika nito.
"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" sagot ko.
"Mga ilang buwan ang bibilangin bago siya muling makalakad ng maayos. Malaki ang pinsala na nakuha niya sa aksidente at kapag hindi siya cooperative may tendency na tuluyan niya ng hindi magagamit ang kaliwa niyang bente." sagot nito. Para naman akong nawalan ng lakas dahil sa sinabi nito. Awang awa akong muling napatitig kay Rafael.
"A-alam nya na po ba ang tungkol dito? "tanong ko. Sabay-sabay silang tumango
"Hindi pwedeng isikreto kay Rafael ang tungkol sa mga ganitong bagay. Siya mismo ang nagtanong kanina sa Doctor niya dahil hindi nya daw maramdaman ang binti nya. Kaya sa ngayun, kailangan natin siyang tulungan para maka-recover kaagad." sagot naman ni Tito Gabriel.
"I think ako na muna ang hahalili sa kanya Dad sa opisina habang nagpapagaling siya. Wala namang problema iyun dahil nandyan naman si Carmela na hahalili para asikasuhin ang negosyo namin.." sagot naman ni Kuya Christian.
Marami pa silang napag-usapan pero hindi ko na masyadong inintindi. Lumilipad ang utak ko tungkol sa kundisyon ngayun ni Rafael. Gusto ko siyang lapitan ulit at damayan sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayun kaya lang baka magalit siya ulit.
Napukaw lang ako sa malalim na pag- iisip ng maramdaman ko na isa-isa ng nagpaalam ang kambal. Uuwi daw muna sila para makapagpahinga na kaagad naman sinang-ayunan nila Tita at Tito. Nagpaiwan naman sila Elijah at Charlotte na siyang ipinagpasalamat ko. Kahit papaano may makakausap ako lalo na ngayung ayaw akong pansinin ni Rafael.
Muling namayani ang katahimikan sa aming lima. Ilang beses akong napatingin sa nakahigang si Rafael at kaagad kong napansin na mukhang nakatulog na ito. Ilang minuto din na katahimikan ang namayani sa aming lahat bago muling nagsalita si Tita Carissa.
"Siya nga pala...balak namin na umuwi muna ng mansion para makapagpahinga. Gusto niyo bang sumama na lang muna sa amin?" wika nito. Kaagad akong umiling.
"Tita...magpapaiwan po ako. Gusto ko pong bantayan si Rafael." kaagad kong sagot. Saglit itong natigilan napasulyap sa asawa bago tumango.
"Nagpaalam din po ako kay Daddy kanina. Willing din po akong samahan si Veronica na bantayan si Uncle. Sige na po Grandpapa, Grandmama, tatawagan ko na po ang driver para makauwi na kayo ng mansion at makapagpahinga." sagot ni Elijah. Kaagad naman silang tumango.
Nilapitan muna ni Tita Carissa si RAfael na noon ay tulog na at hinalikan sa noo. nagbilin pa ito sa amin ni Charlotte na kapag may kailangan daw kami tawagan daw kaagad sila. Kaagad naman kaming sumang-ayon.
Inihatid muna ni Elijah sila Tita at Tito palabas kaya naiwan kaming dalawa ni Charlotte. Kaagad ko itong kinausap.
"Hindi ka ba hahanapin ng Mommy at Daddy mo sa bahay niyo? Dapat pala sumabay ka na din sa kanila kanina.
Ayos lang naman ako eh. Kaya kong bantayan si Rafael kahit mag-isa lang ako dito." wika ko dito. Nakangiti itong umiling.
"ano ka ba, ayos lang. Gusto ko din bantayan si Uncle. Isa pa, ang hirap kaya walang nakakausap. Hindi mo naman pwedeng kausapin si Uncle ngayun dahil nagpapahinga pa. Mabuti nga at sasamahan tayo ni Kuya Elijah ngayung gabi eh. At least hindi ka masyadong ma-bobored." sagot nito. Hindi na ako umimik pa.
Tumayo ako at nagpasyang muling lapitan si Rafael sa kanyang higaan. Tinitigan ko ito sa kanyang mukha. May benda pa rin ito sa kanyang ulo pero sinabi na ni Ate Miracle na ang binti lang naman nito ang may matinding pinsala. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding lungkot lalo na ng maalala ko ang mga pinagsasabi nito sa akin kanina.
Sana nga epekto lang iyun ng mga gamot sa katawan niya. Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag ipagtabuyan niya ulit ako. Handa ko siyang pagsilbihan sa abot ng aking makakaya dahil alam kung mas kailangan nito ang presensya ko ngayun.
"Nica...labas lang ako ha? Bili lang ako ng snacks natin para mamaya." saglit akong napalingon kay Charlotte ng mapaalam ito sa akin.
"Sige.pero mag-ingat ka ha? Balik ka kaagad..hindi kita pwedeng samahan dahil walang magbabantay kay Rafael. " sagot ko.
"ayos lang dito ka na lang. Baka makasalubong ko sa labas si Kuya Elijah, sa kanya na lang ako magpapasama." sagot nito. Kaagad naman akong tumango kaya nagmamdali na itong lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong pinagsawa ang mga mata ko sa mukha ni Rafael.
Hindi na ako nakatiis pa. Unti unting umangat ang palad ko at akmang hahaplusin ko ang kanyang mukha ng muli itong dumilat. Matiim akong tinitigan sa mga mata.
"Bakit nandito ka pa? Hindi bat sinabi ko sa iyo kanina na umalis ka na? Ayaw kitang makita hanggat nandito ako sa ganitong kundisyon." mariin na wika nito sa akin. Ramdam ko kung gaano ito ka-seryoso. Parang may libo-libong karayom ang biglang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi nito.
"Bakit ganyan ka ngayun sa akin? Gusto lang naman kitang pagsilbihan eh. Mahal kita at nasasaktan din ako sa kalagayan mo ngayun." sagot ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Matiim ako nitong tinitigan. Napansin ko ang ilang butil ng luha na biglang tumulo sa gilid ng mga mata nito. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Tuluyan ko ng hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang aking palad.
"Sunshine!" Pabulong na wika nito. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Ayaw ko mang umiyak sa harap niya ngayun pero masyado yata akong emotional ngayun. Hindi ko na napigilan pa ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata at ang mahina kong paghikbi.
"Natatakot ako. Paano kung habang
buhay na akong maging pabigat sa iyo? Ayaw kong mangyari iyun Veronica. Hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan." sagot nito. Ramdam ko ang pait sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun.
"Nakausap ko kanina ang Doctor. May tendency na habang buhay kong hindi na magagamit ang kaliwa kong binti.
Ayaw kitang ikulong sa pagiging inutil ko. Kaya habang maaga pa, iwan mo na ako." sagot nito. Kaagad akong umiling.
"Hindi! Ayaw ko! dito lang ako sa tabi mo. Nakalimutan mo na ba? Nangako ka sa akin diba? Nangako ka sa akin na habang buhay mo akong aalagaan? Gagaling ka pa... Tutulungan kita, nasa tabi mo lang ako palagi. Hinding hindi kita iiwan." umiiyak kong wika.
Sa sandaling ito gustong gusto ko na itong yakapin. Wala akong pakilam kung magalit man siya sa akin. Ang importante ngayun maramdaman niya ang presensya ko. Maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal.
Chapter 256
VERONICA POV
"Rafael, nakalimutan mo na ba ang lahat ng pangako mo sa akin? Bakit ka ba ganyan? Bakit mo ako sinasaktan ngayun? Alam mo bang takot na takot ako ng malaman ko na na-aksente ka? Ayaw kong mawala ka sa akin. Hindi ko kaya!" umiiyak kong wika. Wala na akong pakialam pa kung ano man ang iisipin nito. Kung ayaw niya na sa akin ang importante nasabi ko sa kanya kung ano ang laman ng puso ko.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang lungkot na biglang gumuhit sa mukha nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kaagad akong napasubsob sa kanyang dibdib. Mukhang iyun lang naman ang walang sugat eh kaya hindi naman siguro siya masasaktan. Isa pa, hindi naman ako magpapabigat.
Wala na akong pakialam pa! Ibinuhos ko ang bigat na nararamdaman ng puso ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Bahala na! Basta gusto kong umiyak ng umiyak ngayun. Ang sakit kaya habang pinagtatabuyan ka ng lalaking mahal mo.
Wala naman akong ibang hangad kundi alagaan siya ngayun eh. Wala akong ibang gusto kundi ang makasama siya. Kahit na palayasin nya ako hindi ko siya susundin. Bahala siya. Hindi naman siya makatayo para kaladkarin niya ako palabas ng kwartong ito. Isa pa kakampi ko ang kanyang pamilya.
Ilang saglit lang unti-unti kong naramdaman ang kamay nito na humahaplos sa buhok ko. Hindi ko maiwasan na mapapikit habang dinadama iyun. Hindi ko din mapigilan ang lalong pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Huwag-huwag ka ng magalit sa akin please. Hayaan mong pagsilbihan kita.
Hayaan mong ako mismo ang personal na mag-aalaga sa iyo." Wika ko habang patuloy sa pag-iyak. Grabe naman kasi itong luha ko. Walang pigil sa pag- agos. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago sumagot.
"Ssshhhh tahan na! Sorry na..... pagpasensyahan mo na ako." malambing nitong wika. Natigilan naman ako.
"Tama na ang iyak. Papangit ka na niyan eh. Sabi ni Mommy kahapon ka pa daw umiiyak. Magdamag mo din daw akong binantayan. Baka mapaano ka na niyan eh." muling wika nito. Sapat lang ang lakas ng boses nito para marinig ko lahat ng sinasabi niya ngayun. Mukhang hindi na ito galit kaya kagad akong napaangat ng ulo at tinitigan ito sa mukha.
"Hindi ka na galit sa akin? Hindi mo na ako itataboy?" sagot ko sabay punas ng luha sa aking mga mata. Gusto kong matitigan ng maayos ang mukha nito.. Dahan-dahan itong tumango.
"Sorry! Sorry na Sunshine! Hindi na mauulit! Hindi na kita susungitan! Hindi na! Dito ka lang sa tabi ko. Tulungan mo ako hanggang sa gumaling ako." sagot nito. Imbis na tumigil na ang luha ko sa pagtulo dahil sa sinabi nito ngayun lang lalo naman akong napaiyak. Bakit ba napaka- emotional ko! Nakakainis na ang luhang ito eh. Ayos na nga eh pero tulo pa rin ng tulo!
Iniangat pa nito ang kanyang isang kamay at dahan-dahan na dumampi sa pisngi ko sabay punas ng aking luha.
"Tama na iyan. Nanalamin ka pa ba? Hindi mo ba napansin iyang mga mata mo? Pulang pula na ohhh?" malambing nitong wika.
"Ehhh kasi naman ikaw eh....bakit ka ba nagagalit sa akin? Bakit mo ako sinusungitan?" sagot ko. Malamlam ako nitong tinitigan habang may pilit na ngiti na nakaguhit sa labi nito bago sumagot.
"Bakit nga ba? Dahil duwag ako. Natatakot ako na baka iiwan mo ako ngayung nasa ganito akong kundisyon. "malungkot nitong sagot. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
"Hindi ako ganoong tao Rafael. Hindi ako ganoon kababaw. Ang sama ng ugali mo para pag-isipan ako ng ganyan." sagot ko at ako na mismo ang nagpunas ng sarili kong luha. Suminok sinok pa ako dahil sa tagal ko sigurong pag-iyak.
"I know....and I am sorry! Huwag ka ng umiyak okay? Lalo akong nagi-guilty eh. Pinaiyak na naman kita. Mahal kita! Mahal na mahal kita at hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot na baka iiwan mo na ako dahil sa kundisyon ko ngayun." sagot nito.
"Mahal na mahal din naman kita eh. Kita mo nga kahit itinaboy mo ako kanina hindi kita sinunod. Dahil ayaw kong umalis sa tabi mo. Gusto ko dito lang ako" sagot ko. Kaagad naman itong tumango.
"Yes...dito ka lang sa tabi ko. Promise.. gagawin ko ang lahat para gumaling kaagad. Hindi ang lintik na aksidenteng iyun ang dahilan para hindi magiging maayos nag pagsasama nating dalawa." sagot nito. Kaagad akong tumango.
"Aalalayan kita! Simula ngayun, ako ang bahala sa iyo. Magpagaling ka kaagad! Ayaw kong nakikita kita sa ganyang kundisyon eh. Sumasakit ang kalooban ko. Miss na miss ko na nga ang panglalambing mo sa akin eh."
sagot ko na may kalakip ng lambing sa boses ko. Napangiti ito bago dahan- dahan na tumango.
"Kiss mo kasi ako para naman gumaling kaagad ako. Kanina ka pa nakaupo diyan pero hindi mo pa ako na kiss eh." malambing nitong sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na matawa habang abala ako sa pagpupunas ng aking luha sa mga mata. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng kilig. Heto na nga at nakahiga pa siya dito sa kama, kiss kaagad ang naiiisip.
Kaagad akong dumukwang para pagbigyan ito. Baka magtantrums na naman eh. Alam kong sa kundisyon niya ngayun kailangan ko talagang habaan ang aking pasensya. Alam kong magiging mainitin ang ulo nito dahil siguro sa sakit na nararamdaman ng katawan.
Kaagad kong sinunod ang gusto nito. Ako na mismo ang humalik sa kanyang labi na kaagad naman nitong tinugon. Matagal din na magkalapat ang labi namin at mukhang walang balak itong tumigil. Ako na mismo ang kumalas mula sa kanya at baka kung ano pa ang mangyari. Ayaw kong madagdagan ang sakit na nararamdaman nito sa katawan ngayun. Makakapaghintay naman ako kung kailan ulit pwede.
"Bakit ka lumayo. Gusto ko pa ng kiss. "nagmamaktol na reklamo nito. Ngumuso pa ito na parang isang bata kaya natawa ako. Grabe din pala maglambing itong mahal ko. Kung makapag-alburuto akala mo isang paslit na hindi naibigay ang gustong candy.
"Tama na! Tsaka na lang ulit kapag maayos na ang kalagayan mo. Magpalakas ka muna para magawa mo na ulit lahat ng gusto mo." nakangiti kong sagot.
"Pero nagrereact na ang alaga ko eh. Paano ba iyan? Nagagalit siya dahil nabitin daw." sagot nito. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng marealized ko kung ano ang ibig nitong sabihin. Naramdaman ko din ang pag- iinit ng pisngi ko bago ko narinig ang mahinang pagtawa ni Rafael.
"At least sure ako na hindi naapektuhan ang alaga ko dahil sa aksidente." natatawa pa nitong wika. HIndi ko naman maiwasan na mapabungisngis ng tawa dahil sa sinabi nito.
"Sira ka talaga! Nakahiga ka na nga diyan kung saan pa nakarating iyan wild mong imagination. Natural, hindi talaga maapektuhan iyan dahil nakatago palagi eh." sagot ko. Lalo naman itong napangiti na siyang lalong ikinatuwa ng kalooban ko.
Kung kanina halos ipagtabuyan ako nito iba na ngayun. Muli kong
hinawakan ang kamay nito at masuyong tinitigan sa kanyang mukha. Ang gwapo pa rin naman niya eh. Kahit nasangkot na nga sa aksidente at may ilang galos sa mukha at mga benda sa katawan pero hindi pa rin nababawasan kung gaano ito kagandang lalaki.
Kaya naman gagawin ko ang lahat para makarecover kaagad ito. Ayaw kong nakikita ko siyang malungkot dahil sa kundisyon niya ngayun. Simula ngayung araw, gusto kong sa akin siya kumuha ng lakas.
Akmang magsasalita pa sana si Rafael ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.
Kaagad naman akong napalingon sa pintuan para makita kung sino ang dumating. Pumasok naman kaagad sila Charlotte at Elijah na may bitbit na mga pagkain. Sabay-sabay pa silang tumitig sa gawi ni Rafael at sabay pang napangiti. Ipinatong nila ang dala-dala nila sa isang maliit na lamesa at kaagad na naglakad palapit sa amin si Elijah samantalang si Charlotte naman naupo sa sofa habang hawak ang cellphone.
"Ohhh gising na pala si Uncle eh. Tamang tama, may dala akong porridge dito. Nakasalubong namin kanina ang Doctor mo diyan sa labas at pwede ka na daw kumain ng light foods. "kaagad na wika ni Elijah pagkalapit sa amin.
"Okay na kayong dalawa? Nica, inaaway ka pa ni Uncle? Ibigay mo na kaya ang gusto niya para madala! Layasan mo, tingnan natin kung sino ang mawalan" wika nito na may halong pang-aasar sa boses. Kaagad itong sinamaan ng tingin ni Rafael kaya naman kaagad na natawa si Elijah.
"Shut up! Bakit ba napakadaldal mo. Ikaw ang lumayas sa harap ko dahil nakakainis iyang mukha mo!" inis na sagot ni Rafael. Muling natawa si Elijah.
"hayyy naku Uncle.. Hindi ka pa rin nagbabago. Masama pa rin ang ugali mo kahit muntik mo ng makaharap si San Pedro!" nang-iinis na sagot ni Elijah. Tatawa-tawa pa kaya naman hindi ko na naiwasan na titigan ito ng masama. Lalo itong tumawa sabay taas ng kanyang kamay.
Kainis naman kasi itong si Elijah. Kita na nga niya ang hindi magandang kundisyon ng mahal ko iniinis pa! Nasaan kaya ang common sense ng taong ito.
"Fine...sorry! Sa hitsura niyong dalawa alam ko naman na bati na kayo eh. Sige na...dito lang ako sa sulok. Hindi ako pwedeng umalis dahil nagpromise ako kina Grandmama at Grandpapa na samahan kayong dalawa ni Charlotte na bantayan ang masungit na iyan ngayung gabi." sagot nito.
"Hindi ko kailangan ang presensya mo. Sapat na si Veronica na nandito sa tabi ko." sagot naman ni Rafael. Kaagad ko naman itong inawat. Tatawa-tawa naman si Elijah na naupo na sa sofa. Kaharap nito si Charlotte na kita ko ang pinipigil na matawa na din.
"Tama na iyan. Huwag mo nang patulan pa ang pamangkin mo. Alam mo naman na noon pa mahilig ng mang -asar iyan.....Teka lang gusto mo, subuan kita? May porridge daw silang dala eh." malambing kong wika kay Rafael. Akmang tatayo na sana ako pero mahigpit ako nitong hinawakan sa kamay kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.
"Dito ka lang. Hayaan mo ang bugok na iyan na iabot sa iyo ang pagkain ko at ng mapakinabangan ko man lang ang pagtambay niya dito." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Chapter 257
VERONICA POV
"Go home!" muling wika ni Rafael sa dalawa niyang pamangkin. Halos alas dyes na ng gabi at tapos ko na din itong pakainin. Masaya ako dahil nagiging magana ito sa pagkain kanina. Lahat ng isinusubo ko sa kanya kinakain niya naman. Mabuti na din iyun para lumakas kaagad siya.
Natingnan na din ito ng kanyang Doctor kanina at sinabi nitong ayos naman na daw ang kanyang kalagayan Kailangan na lang nitong pagalingin ang kanyang mga sugat at suriin ng maayos ang kanyang kaliwang binti para magawan ng paraan na manumbalik ang lakas niyon para makalakad ng maayos ulit.
"Uncle, bakit ba atat kang pauwiin kami? Dito lang kami, sasasamahan namin si Veronica na bantayan ka." sagot ni Elijah. Hindi ko naman maintindihan itong si Rafael. Bakit ba parang inis ito sa presensya ng dalawa nyang pamangkin? Buti na nga lang at hindi ako nadamay sa init ng ulo nito ngayung gabi. Kung hindi iiyakan ko talaga ito eh.
"Bahala na nga kayo. Basta huwag kayung magulo ha? Ayaw ko ng harutan dito sa loob ng kwarto. Ayaw ko din ng nag-iingay!" supladong sagot ni Rafael. Kaagad ko naman itong hinawakan sa kamay at nginitian.
"Hayaan mo na sila. Nag-aalala lang naman sila sa kalagayan mo eh. Gusto ka din nilang makasama ngayung gabi. " mahinahon kong wika sa kanya. Tumingin pa ito sa gawi ng kanyang mga pamangkin bago mahinang nagsalita.
"Gusto kasi kitang masolo eh. Kapag nandyan ang mga iyan hindi ako makakapag-lambing sa iyo." sagot nito. Nagulat naman ako...Ayun! Lumabas din ang tunay na purpose kaya gusto nitong paalisin ang mga pamangkin. Napasulyap ako kina Charlotte at Elijah na noon kanya- kanyang higa na sa sofa.
"Kakausapin ko na lang sila. Ngayung ayos ka na kaya na kitang bantayan mag-isa dito sa hospital. Isa pa darating naman bukas sila Mommy at Daddy mo." sagot ko. Nginitian ako nito sabay pisil sa palad ko.
Sabagay, may punto din ito. Hindi na kailangan pang makipagsabayan sa pagpupuyat ang mga pamangkin nito para bantayan siya. Naaawa na din ako kay Charlotte...dalawang araw na itong hindi pumapasok ng School nya para lang samahan ako.
Tumayo ako mula sa pagpakakaupo dito sa kama at nilapitan ang dalawa na noon ay naghahanda na yatang matulog. Sa posisyon ng pagkakahiga nilang dalawang mukhang hirap talaga silang makatulog ng maayos. Iba pa rin ang kumportable na naibibigay ng sariling kama lalo na kapag gabi.
"Elijah, Charlotte, I think....tama si Uncle niyo. Uwi na lang kayo para makapagpahinga kayo ng maayos... kaya ko na siyang bantayan." nakangiti kong wika. Kaagad na napabangon si Charlotte at tinitigan ako.
"Are you sure? Nag-aalala ako...baka sungitan ka na naman niyan."
pabulong na sagot ni Charlotte. Sumulyap muna ako kay Rafael bago sumagot.
"Wala naman siyang magagawa kahit sungitan nya ako eh. Hindi niya din ako mapapaalis dahil hindi naman iyan nakakabangon sa higaan niya...Isa pa, bati na kami at nagpromise siya sa akin na hindi nya na ako susungitan...kaya sige na uwi na muna kayong dalawa ng kuya mo para kumportable kayong makatulog pareho ngayung gabi." sagot ko.
"Sabagay, sinigurado naman na ng Doctor kanina na nasa maayos ng kondisyon si Uncle...Safe din naman itong hospital kahit mag-isa ka lang na nagbabantay dito. May mga bodyguards din ang pamilya na nagkalat sa paligid....Babalik na lang siguro kami bukas ng umaga para makita ulit ang kalagayan ni Uncle." sang ayon naman ni Elijah. Tuluyan na din itong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa at nilapitan ang kanyang Uncle.
"Uncle, tawagan mo kami kapag may kailangan ka. Magpagaling ka kaagad para makauwi ka na ng mansion." narinig kong wika nito.
"Salamat! ihatid mo ng maayos si Charlotte. Huwag mo akong problemahin dahil maayos na ang lagay ko. Nandito si Veronica at gusto ko na siya lang ang magbantay sa akin ngayung gabi. Alam mo naman siguro na hindi ako nakakatulog ng maayos kapag may ibang tao sa kwarto. Pwede kayong bumalik dito anytime at please.. pakitawagan din pala si Mommy bukas ng umaga. Pakisabi na padalhan niya ng mga damit at iba pang gamit si Veronica dito sa hospital. Siya ang gusto kong makasama hanggang sa makalabas ako dito." mahabang sagot ni Rafael. Kaagad naman napangiti si Elijah bago tumango.
"Sige po Uncle...gagawin po namin ni Kuya ang sinabi mo. Basta po huwag mo ng awayin si Nica ha?" sagot naman ni Charlotte at lumapit na din. Humalik pa ito sa pisngi ng kanyang Uncle bago nagpatiuna ng lumabas ng kwarto. Kaagad naman napasunod dito si Elijah pagkatapos nitong kumaway sa akin tanda ng pamamaalam.
"Kita mo na kung gaano ka din kamahal ng mga pamangkin mo? Gusto ka talaga nilang bantayan ngayung gabi. Baka magtampo ang mga iyun sa iyo, ikaw din mahirap pa naman suyuin ang mga iyun, lalo na si Charlotte." baling ko kay Rafael pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan sa aming dalawa. Muli akong lumapit dito at naupo sa upuan sa gilid ng kama nito. Nginitian lang ako nito at muling hinawakan ang aking kamay, Tinitigan pa nito ang aking daliri sabay napangiti.
"Hayaan mo silang magtampo. Noon pa man alam na nila ang ugali ko at hindi naman lumalayo ang loob nila sa akin." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan na muling mapangiti. Mabuti na lang talaga at ayos na ito ngayun. Palagi nang maganda ang kanyang mood at hindi na siya nagagalit sa akin.
"Siya nga pala..sabihin mo sa akin kung may mga kailangan ka pa ha? Simula ngayun, ako ang mag-aalaga sa iyo. Pero siyempre kailangan mong bumawi kapag magaling ka na... please lang iwasan mo na ang pagtatantrums na parang bata." wika ko sa kanya na may halong biro.. Muling gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin ko. Pigil ko ang sarili ko na panggigilan ang gwapo nitong mukha. Kung hindi lang ito naaksidente baka pinisil ko na ang pisngi nito sa sobrang gigil.
Sa totoo lang hindi ko talaga maiintindihan ang sarili ko. May mga bagay akong napapansin sa sarili ko pagkatapos maaksidente si Rafael. Nagiging iyakin din ako at palagi akong nakakaramdam ng pangangasim. Para bang may mga pagkain akong gustong kainin na hindi ko naman mawari kung ano.
"Okay.. aasahan ko iyan ha? Dito ka lang sa tabi ko palagi kahit ano ang mangyari?" sagot nito. Kaagad akong tumango.
"Well, actually kaya ko sila pinaalis dahil kanina pa ako may gustong ipagawa sa iyo eh. Alam kong hindi mo gagawin iyun kapag may ibang tao dito sa loob ng kwarto kaya no choice ako kundi paalisin ang dalawang asungot na iyun." muling wika nito.
"Ano iyun? Pwede mo ng sabihin ngayun. Dalawa na lang tayo dito sa kwarto." sagot ko.
"Gusto kong kiss mo ulit ako. Nabitin kasi ako kanina eh." malambing na sagot nito. Hindi ko naman maiwasan ang matawa kaya kaagad kong napansin ang pagsimangot nito.
"Bakit ayaw mo ba? Sige, kung ayaw mo bahala ka na nga! Siguro hindi mo na talaga ako Love kaya ka ganyan ngayun sa akin. Tinatawa-tawanan mo na lang ako ngayun." nagtatampo nitong wika. Kita ko ang biglang pagbabago ng mood nito kaya naman kaagad ko itong hinawakan sa kanyang pisngi sabay dukwang para sundin ang gusto nito.
Nag-uumpisa na naman kasing mag- alburuto itong mahal ko. Ang bilis talaga nito magalit kaya kailangan ko talaga itong intindihin. Tsaka na lang siguro ako babawi kapag tuluyan na itong gumaling.
Pagkasayad pa lang ng labi ko sa labi niya kaagad niya akong pinanggigilan. Para itong hindi dumaan sa matinding injury dahil sa kanyang ginawa. Kung panggigilan ang labi ko akala mo wala ng bukas.
Abala kami sa ginawaga naming dalawa kaya hindi na namin pareho namalayan ang muling pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. Kung hindi pa tumikhim ang bagong dating na mga bisita hindi pa kami matinag- tinag sa aming halikan.
"Ehhemmm! Ehemmm! naka-isturbo yata tayo! Balik na lang tayo bukas Kurt!" kaagad akong napakalas kay Rafael ng marinig ko ang boses ni Ate Arabella. Tama si Ate Arabella kaya kaagad akong napatayo at nahihiyang humarap sa kanila. Ang akala ko nasa probensya pa sila pero tingnan mo nga naman. Nandito na silang dalawa sa harap namin at huling huling pa talaÅŸ kami sa akto ni Rafael.
Imbes na matuwa...mukhang nainis pa si Rafael sa presensya ng kanyang Ate. Hindi kasi nakaligtas sa pandinig ko ang pagpalatak nito. Mukhang may isang tao na naman ang nabitin sa gusto niya.
"A-ate...Naku, pasensya na po kayo.. hindi ko po napan-sin ang ---ang pagdating-niyo!" utal utal kong wika dahil sa hiya. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin lalo na ng makita ko kung paano ito ngumiti. Huling huli talaga kami ni Rafael. Dapat pala nilock ko muna ang pintuan bago nakipaghalikan sa kanya eh. Nakakahiya tuloy.
Chapter 258
VERONICA POV
Hiyang hiya ako sa harap nila Ate Arabella ngayun. Parang gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko dahil hindi ko man lang naisipan na maglock muna ng pintuan bago pagbigyan si Rafael sa hiling niya. Hindi ko man lang naisip na kapag halikan ang pag-uusapan, walang makakapigil sa kapusukan nitong mahal ko.
Aaminin ko na masyado din akong nag- enjoy sa halikan namin. Nakakahiya tuloy. Baka kong ano pa ang isipin sÉ™ akin ngayun ni Ate Arabella. Baka isipin pa nito na masyado kong nilalandi ang kanyang kapatid gayung nagpapagaling pa lang ito mula sa matinding injury dulot ng aksidente.
Although, nakangiti ito sa harap ko ngayun pero hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng sobrang hiya sa kanya. Nakipagbeso pa nga ito sa akin bago lumapit sa higaan ni Rafael. Si Kuya Kurt naman ay diretsong naupo sa sofa. Mukhang pagod na pagod ito.
"Kumusta ka na bunso? Sabi ko sa inyo huwag muna kayong bumalik ng Manila eh. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo! Buti na lang hindi ka napuruhan." narinig ko pang wika ni Ate Arabella sabay lapit sa nakahigang si Rafael. Hinaplos pa nito ang noo ng kapatid bago sinuri ang buong katawan.
"Dont worry, maayos na ang sitwasyon ko ngayun. By the way, bakit gabi niyo na naisipan dumalaw? Kung saan patulog na ako tsaka naman kayo nang- iisturbo." sagot ni Rafael na may halong reklamo ang tono ng boses. Inirapan ito ni Ate Arabella bago sinagot.
"For your information kakabalik lang namin ng Manila. Nag-eroplano na nga lang kami para mapabilis ang byahe namin, Gusto ko nang makita ang kalagayan mo dahil masyado akong nag -alala noong nabalitaan ko ang nagyari sa iyo. Huwag ka ngang magsungit diyan. Hindi bagay sa iyo lalo na at hindi ka pa ganoon kalakas." sagot ni Ate Arabella.
"Well, maayos na ang kalagayan ko ngayun. Thank you sa pag-aalala. Tsaka na lang tayo muling mag-usap kapag hindi na ganoon kakirot ang mga sugat ko sa katawan." prangkang sagot ni Rafael. Parang bigla naman kinurot ang puso ko sa narinig ko sa kanya ngayun. Kung ganoon nagkukunwari lang ito sa akin na walang masakit sa kanya. Tinitiis lang nito para hindi na siguro ako mag-alala.
Napansin ko pa ang paghikab nito pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun kaya kaagad ko itong dinaluhan. Alam kong inaantok na ito dahil halos ilang oras na din itong gising. Ang bilin pa naman ng Doctor nito na hayaan lang daw namin magpahinga si Rafael para kaagad na makabawi ng lakas ang katawan nito.
"Naku Ate..mukhang inaantok na ang pasyente natin. Pasensya na po kung medyo nagsusungit siya sa ngayun, maybe epekto ng gamot na ininom niya kanina.." hinging paumanhin ko kay Ate bago ko ibinigay ang buong attention ko kay Rafael. Alam kong kulang lang ito sa lambing kaya nagsusungit na naman. Ayaw daw kasi talaga nito na may ibang tao dito sa kwarto. Gusto niya ako lang ang nakikita niya which is naiintindihan ko naman.
"Inaantok ka na talaga siguro noh? Ang mabuti pa matulog ka na muna. Ako na muna ang haharap kila Ate Arabella." malambing kong wika kay Rafael para tumigil na sa pag-aalburuto. Hindi ko maintindihan ang ugali nito ngayun.
Bakit ba galit siya sa bisita?
"Are you sure? Sobrang inaantok na talaga ako. Maybe sa mga gamot na ininom ko kanina. Mauna na akong matulog sa iyo Sunshine. Tumabi ka na lang sa akin dito sa kama mamaya kapag tapos ka ng kausapin nila Ate." sagot nito. Kita ko ang pamumungay ng mga mata nito dahil siguro sa matinding antok.
"Oo na! Basta promise, nandito lang ako sa tabi mo. Sige na matulog ka na muna. Ako na ang bahala dito." nakangiti kong wika sa kanya. Hinaplos ko pa ang noo nito kaya naman muli itong napangiti at dahan- dahan ng pumikit.
Nanatili pa ako ng halos isang minuto sa tabi nito bago ko muling binalingan sila Ate Arabella na noon ay tahimik na nakaupo sa sofa kasama si Kuya Kurt. Kaagad akong naglakad palapit sa kanila para makausap sila at makapag- pasalamat na din sa kanilang pagdalaw kay Rafael.
"Ikaw lang ba ang mag-isang magbabantay ngayun?'" kaagad na sabe ni Ate Arabella pagkaupo ko sa kanilang harapan..
"Nandito po kanina sila Charlotte at Elijah kaya lang pinauwi na sila ni Rafael. Ayaw nya daw po na may ibang tao dito sa loob ng kwarto." sagot ko.
"tskt! Tsk! Ibang klase talaga ang ugali ng kapatid kong iyan. Mabuti na lang talaga at mahaba ang pasensya mo Nica. Kita mo naman kanina, imbes na magpasalamat sa pagdalaw namin sinungitan pa ako." sagot nito.
"Ako na po ang humihingi ng pasensya sa kagaspangan ng ugali niya Ate. Hayaan niyo po kakausapin ko siya ulit mamaya paggising niya tungkol dito." sagot ko naman.
"Naku, huwag na Veronica! Sanay na kami sa ugali ng batang iyan. Hindi kumpleto ang araw niyan kung hindi makapagsungit." nakangiti namang sabat ni Kuya Kurt. Tahimik naman akong umusal ng pasasalamat dahil sa kabaitan nilang dalawa.
"Siya nga pala...kapag may time ka, tawagan mo ang Nanay mo sa probensya. Masyadong nag-alala ang mga iyun ng mabalitaan nila ang nangyari kay Rafael. Isasama ko nga sana kanina ang Nanay at Tatay mo kaya lang hindi pwede iiwan ang mga kapatid mo. Lahat sila may pasok sa School." imporma ni Ate Arabella. Kaagad naman akong tumango at nagpasalamat. Siguro, bukas ko na lang tawagan sila Nanay. Masyadong gabi na at isa pa inaantok na din ako.
"By the way! Hindi na pala kami magtatagal. Babalik na lang siguro kami bukas ng tanghali para makausap ulit si Rafael. Ayaw na din namin isturbuhin ang tulog niya ngayung gabi. Alam namin na kailangan niya ng mahabang pahinga para manumbalik ang kanyan lakas." muling wika ni Ate Arabella na kaagad naman sinang- ayunan ni Kuya Kurt.
Hinalikan muna ako sa pisngi ni Ate bago sila tuluyang lumabas ng kwarto. Sinabi pa nito sa akin na masaya daw siya sa pag-aalaga na ginagawa ko kay Rafael ngayun.
"Nakaalis na sila?" napapitlag pa ako ng marinig ko na biglang nagsalita si Rafael. Bakit parang nakabukas na naman ang kanyang mga mata at direktang nakatitig sa akin?
"Oo eh! Mukhang pareho silang pagod sa byahe at gusto na din magpahinga." nakangiti kong sagot sabay lapit sa kinahihigaan nito. Masuyo ko pa itong tinitigan at naupo sa upuan na nasa gilid ng kama nito.
"Salamat naman kung ganoon. Bukas na bukas maglalatag ako ng rules. Pwede nila akong dalawin pero dapat sa tamang oras. Paano ako gagaling nito kung ganyan sila diba?" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa. Napaka-reklamador talaga nitong mahal ko. Masyadong allergy pagdating sa mga bisita. Kahit sariling mga kapatid at mga pamangkin gustong pagbawalan.
"Ikaw talaga! Akala ko ba inaantok ka na? Bakit gising ka pa ngayun." pag- iiba ko sa usapan namin. Gusto ko na din talagang matulog dahil pakiramdam ko pipikit na ang aking mga mata.
"Kunwari lang iyun para umalis na kaagad sila Ate. GAbi na at alam kong kailangan mo na din magpahinga kaya humiga ka na dito sa tabi ko." wika nito sa akin. Nagulat ako sabay titig sa kanyang higaan.
"Pero, baka madaganan kita. Dito na lang ako sa upuan. Hindi pa naman ako inaantok at balak ko talagang bantayan ka buong magdamag." Nagkukunwari kong sagot. Pilit ko pang pinapasigla ang mga mata ko pero talagang wala na eh. Alam kong papikit-pikit na ako ngayun sa kanyang harap base na din sa kanyang expression ngayun habang nakatitig sa akin..
"Hind mo na ako kailangan pang bantayan Sunshine! Kailangan mo din matulog ng maayos. Alam kong masyado ka din napuyat dahil sa sitwasyon ko. Huwag ka ng mag-alala maayos na ako at pwede ka na din makipagsabayan sa akin sa pagtulog ngayung gabi. Sige na, malaki itong higaan ko at hindi mo naman siguro ako dadaganan diba"? seryoso nitong wika. Nag-aalangan naman akong tumitig sa kanya.
"Pero Rafael, natatakot ako. Alam mo naman na malikot ako matulog minsan diba? Paano kong masagi ko iyang mga sugat mo sa katawan? Masyado pang sariwa ang mga iyan at hindi pa pwedeng galaw-galawin sabi ng Doctor mo para maghilom kaagad." sagot ko. Seryoso itong tumitig sa akin sabay iling.
"No worries...ako ang bahala sa iyo." nakangiti nitong wika sabay tapik ng higaan. Senyales na gusto talaga nitong matulog ako sa kanyang tabi. Wala na akong nagawa pa kundi sundin ang gusto niya. Isa pa, mas masarap mahiga sa kama kumpara sa sofa. Makakatabi ko pa ang lalaking mahal ko.
"Gisingin mo lang ako kapag nasasagi ko na iyang mga sugat mo ha?" wika ko pa sa kanya sabay tumigilid paharap dito. Halos magkapantay lang ang aming mukha kaya hindi ko ito maiwasan na titigan ang gwapo nitong mukha.
"Sure...sige na, matulog ka na. Wala munang yakap ngayun dahil medyo masakit pa ang mga sugat ko. Ang importante lang naman sa akin ngayung gabi, makatabi ka sa pagtulog. "nakangiti nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na bigyan ito ng magaan na halik sa kanyang labi bago pumikit.
Sa totoo lang..kanina pa talaga ako hinila ng antok. Balak ko na sanang magpaalam kay Rafael kanina na gusto ko ng matulog bago pa nakarating sila Ate Arabella.
Hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulog pero nagising na lang ako na parang may humahalukay sa aking sikmura. Parang naduduwal ako na ewan.
Akmang babangon na ako ng kama ng masilayan ko ang mukha ni Rafael. Mahimbing itong natutulog kaya naman tutop ang aking bibig, dahan- dahan akong bumaba ng kama at patakbong pumasok sa loob ng banyo.
Pagkapasok pa lang ng banyo kaagad akong lumapit sa toilet bowl at dumuwal ng dumuwal. Nangangasim ang sikmura ko at pakiramdam ko hinang hina ang buo kong katawan.
"Bakit ba sumabay pa ito? Na food poison ba ako? Sira ba ang pagkain na dala nila Charlotte kagabi dito sa hospital?" hindi ko pa maiwasang tanong habang pilit na pinapakalma ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng makita ni Rafael sa ganitong sitwasyon. Baka mag-alala pa ito sa akin. Ayaw kong maging pabigat sa kanya lalo na at alam kong iniinda pa rin nito ang mga sugat at galos niya sa katawan. Gusto kong gumaling kaagad ito para naman hindi na ako mag-alala ng sobra sa kalagayan niya ngayun.
Chapter 259
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang nakatayo dito sa loob ng banyo. Pilit kong inaalala kong may nakain ba akong mali pero sa huli sumakit lang ang ulo ko.
Alam kong hindi basta-basta bumibili ng pagkain sila Charlotte sa kung saan -saan lang. Baka naman nagkataon lang kaya bigla akong nagkaganito. Baka din nasobrahan lang din ako ng iyak.
"Nagmumumog at naghilamos na lang muna ako bago nagpasyang lumabas ng banyo. Baka gising na si Rafael at hinahanap ako nito.
"Sunshine..maaga pa ah? Hindi ka ba kumportable dito sa tabi ko?" kaagad na salubong ni Rafael sa akin pagkalabas ko pa lang ng banyo. Sinipat ko ang orasan na nasa wall ng kwarto at kaagad kong napansin na halos alas sais pa lang ng umaga Kaagad akong lumapit kay Rafael at dinama muna ang noo nito bago sunagot.
"Nasanay siguro ako sa mansion na kapag may pasok sa School maaga akong nagigising. Hindi bat ganitong oras din tayo gumigising noon?" sagot ko sa kanya. Pilit akong nagpaskil ng ngiti sa labi.
"Are you sure? I mean may masakit ba sa iyo? Bakit parang may kakaiba sa mukha mo ngayun?" sagot nito habang titig na titig sa akin. Kaagad ko naman nahawakan ang pisngi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
"Ha? Ah Eh, wala..baka kulang lang ako sa tulog. Teka, nagugutom ka na ba? Gusto mo ibili kita ng makakain?" wika ko sa kanya. Hinawakan muna ako sa kamay nito bago sumagot.
"Ayos lang ako. Ang sarili mong kalusugan ang dapat mong intindihin. Huwag mo ng stressin ang sarili mo dahil sa nangyari sa akin...Promise, magiging maayos din ang lahat. Babalik din ulit tayo sa dati." sagot nito. Kaagad naman akong napangiti.
"Siyempre naman! Alam kong kaya mo ang lahat ng ito Rafael. Nandito lang ako sa tabi mo....of course, pati ang buo mong pamilya...... ." sagot ko.
"At pamilya mo na din. Halika nga dito Sunshine.. Yakapin mo nga ako, gusto kong madama ang init ng katawan mo ngayung umaga!" paglalambing na wika nito. Mabilis kong hinalikan ito sa labi sabay magaan na niyakap. Natatakot kasi ako na baka masagi ko ang sugat niya.
"I love you Sunshine ko!" narinig ko pang bulong nito sa akin. Awtomatiko na napangiti naman ako.
"I love you too Rafael!" sagot ko pa habang nakapikit.
Halos nanatili din kami ng ilang sa ganoong posisyon bago ko naisipang kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos pa nito ang pisngi ko bago nagsalita.
"Nagugutom ka na ba? Mag-order ka na lang ng makakain online hanggat wala pa sila Mommy....and dont worry, magrerequest din ako mamaya ng isa pang bed dito sa loob ng kwarto para naman kahit papaano makatulog ka ng maayos habang binabantayan mo ako dito sa hospital." malumanay na wika nito.
"Hmmm parang gusto ko lang ng hot drinks. And regarding naman sa bed, Bakit ayaw mo na ba akong katabi sa pagtulog? Huwag mo akong isipin Rafael, ayos lang talaga ako.
Nagkataon lang siguro na naninibago ako sa environment or dahil late na din ako nakatulog kagabi kaya medyo hindi maayos ang pakiramdam ko ngayun." pag-amin kong sagot sa kanya. Tumitig muna ito sa akin bago tumango.
"Mamaya pagdating nila Mommy, pwede ka na umuwi muna ng mansion para makapagpahinga ka ng maayos. Ayaw ko naman na pati ikaw magkasakit dahil palagi kang napupuyat sa pagbabantay sa akin dito. "bakas sa tono ng boses nito ang pag- aalala. Kaagad akong umiling.
"No, Gusto ko dito lang ako sa tabi mo palagi. Huwag mo na akong isipin pa Rafael...ayos lang talaga ako. Ayaw kitang iiwan. Maliit lang na bagay ito kumpara sa laki ng pasasalamat ko dahil sa pagkakaligtas mo sa aksidente sagot ko. Pinisil muna ang palad ko bago ito tumango.
"Are you sure?" nanantiya nitong sagot. Kaagad akong tumango.
"Yes... Lalong hindi din ako makapagpahinga ng maayos sa mansion. Lalo lang akong hindi mapalagay doon. Iba pa rin na palagi akong nasa tabi mo." nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Katulad ng pangako ko kay Rafael hindi ko talaga ito iniwan dito sa hospital. Kahit na anong pilit nila Tita Carissa at Tito Gabriel na umuwi muna ako ng mansion para makapagpahinga pero magalang kong tinanggihan lahat iyun. Ewan ko ba, pakiramdam ko nakakabit na ang buhay ko sa buhay ni Rafael.
Ganoon talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Kaya mong gawin lahat makapiling lang siya palagi.
Tuluyan na din akong hindi nakapasok ng School pero sinabi nila Tita Carissa na gagawan na lang daw nila ng paraan para makapag-aral pa rin ako once na tuluyan ng gumaling ang mahal ko. Ayos lang naman sa akin kung huminto muna ako ngayung taon dahil mas matimbang pa rin sa akin si Rafael.
Gusto ko na ako mismo ang personal na mag-aalaga sa kanya. Pag-uusapan na lang daw namin lahat ng ito once na tuluyan ng makalabas ng hospital si Rafael.
Nagpapasalamat na din ako dahil mabilis lang din nakarecover si Rafael sa mga nangyari. Halos pagaling na din lahat ng sugat nito sa katawan. Maliban na lang siguro sa kanyang binti na napuruhan talaga. Pero sinigurado naman ng Doctor nito na magagawan naman daw ng paraan para makalakad ulit si Rafael ng maayos. Aabot nga lang ng ilang buwan kaya lang kapag pursigido talaga ang pasyente na tulungan ang sarili wala namang imposible doon.
"Sa wakas makakauwi na din tayo Sunshine! Tapos na din ang staycation natin dito sa hospital. Nakakasawa na din ang environment dito. Promise hindi na talaga ako babalik pa sa lugar na ito." pagbibiro na wika sa akin ni Rafael. Nakaupo na ito sa wheelchair at hinihintay na lang namin sila Mommy na nakikipag-usap sa Doctor para tuluyan na kaming makalabas.
Halos mahigit isang linggo din kami dito sa hospital. Sobrang na-miss ko na ang mansion at mahiga sa malambot na kama. Mabuti na lang at sa buong pananatili namin dito sa hospital hindi na ulit sumama ang pakiramdam ko. Hindi na nasundan ang pagsusuka ko.
Pakiramdam ko talaga nakakain lang ako ng sirang pagkain eh. Oh baka naman nalipasan ako ng gutom kaya nasira ang aking tiyan kinaumagahan.
"So ayos na....pwede na tayong umuwi?. "nakangiting wika ni Tito Gabriel habang papasok dito sa loob ng kwarto. Nakangiting nakasunod sa kanya si Tita Carissa.
"Anong sabi ng Doctor Mom, Dad?" kaagad na tanong ni Rafael sa mga ito. Nilapitan ni Tita Carissa ang anak bago sinagot.
"Puro possitive. Huwag kang mag- alala. Ilang buwan lang ang bibilangin balik sa dati ang lahat." nakangiting sagot ni Tita. Kaagad kong napansin ang excitement sa mga mata ni Rafael habang hawak nito ang kamay ko.
"Naku, SAlamat naman po kung ganoon. At least wala ng dahilan para palaging uminit ang ulo niya." nakangiti kong sagot. Kaagad naman nagkatawanan sila Tita at Tito samantalang si Rafael naman ay hinapit nito ang baywang ko.
Oh diba, nakaupo pa iyan sa Wheelchair pero may paganyan pa siya. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko dahil sa wakas muli naming nalagpasan ang isang malaking dagok na nangyari sa aming buhay.
Mabilis lang naman kaming nakauwi ng mansion. Kita ko ang saya sa mukha ni Rafael habang inililibot nito ang tingin sa paligid. Kumpleto ang buong pamilya at mukhang magkakaroon pa yata ng family day celebration kahit hindi naman weekend. Pagkababa pa lang namin ng kotse kaagad ng sumalubong si Jeann at Charlotte sa amin pati na din ang iba pang mga pamangkin ni Rafael.
Kanya-kanya silang bigay ng pagbati sa kanilang Uncle. Nagwish din sila na sana tuloy-tuloy na ang pagaling ni Rafael na siyang lalo kong ikinatuwa. At least ramdam ko na iisa lang ang hangarin namin lahat ngayun. Ang tuluyang maka-recover ang mahal ko mula sa aksdenteng iyun.
"Uncle, pasensya na, hindi ako nakadalaw sa iyo sa hospital. Pinagbawalan kasi ako ni Mommy eh." wika ni Jeann ng isa-isang nagsipag- alisan na ang mga pinsan nito. Hinalikan pa nito sa pisngi ang kanyang Uncle kaya naman kaagad itong inasikan ni Rafael.
"Its Okay!" matipid na sagot ni Rafael. Pasimple pa nitong pinunasan ang kanyang mukha. Tingnan mo nga naman, ang arte talaga nito. Pamangkin lang naman ang humalik sa kanya.
"Paanong hindi kita pagbabawalan. Halos mamatay ka na sa morning sickness mo. Napakahirap mo din pakainin dahil lahat ng kinakain mo isinusuka mo." sagot naman ni Ate Arabella. Kaagad naman napasimangot si Jeann.
""Tsk! Tsk! Kaya pala ganyan ang hitsura mo. Para ka ng buhay na bangkay! Buti napagtatiyagaan ka pa ni Drake!" sagot naman ni Rafael. Bakas sa boses nito ang pang-aasar para sa pamangkin. Hindi naman namin maiwasan ni Charlotte ang matawa.
"Uncle naman! Normal lang sa nagliliihi ang ganitong hitsura at hindi mangyayaring pagsawaan ako ni Drake! Mahal ako noon!" inis naman na sagot ni Jeann. Inirapan pa nito ang kanyang Uncle bago nag-walk out. Napapailing na lang si Ate Arabella na nasundan ng tingin ang anak.
"Pagpasensyahan niyo na ang malditang iyun. Hindi ko na nga malaman ang gagawin ko sa batang iyun. Habang tumatagal lalong pumapangit ang ugali. Siguro dala lang sa hirap na nararanasan niya sa kanyang paglilihi ngayun." hinging paumanhin ni Ate Arabella. Nakakaunawa naman akong tumango.
"Ayos lang po Ate. Ito din kasing si Rafael walang preno kung mang-inis eh." sagot ko.
"So ayos ka na Bro? Kaunti na lang at balik na sa dati ang lahat." wika naman ni Ate Miracle. Naglalakad ito palapit sa amin at kaagad hinalikan sa pisngi si Rafael. Nakangiti din ako nitong binalingan ng tingin at nakipagbeso pa sa akin.
"Salamat nga pala NIca at napagtyagaan mo ang ugali nitong kapatid ko." pahabol na wika nito.
"Ayos lang po Ate. Wala naman po tayong ibang hangad sa ngayun kundi tulungan na gumaling kaagad si Rafael. " nakangiti kong sagot.
"Ano nga pala ang sabi ng Doctor niya?
'tanong naman ni Ate Miracle.
"Kailangan daw po sumailalim sa therapy si Rafael para bumalik sa dati ang paglakad niya. Pero kailangan munang hintayin maghilom lahat ng sugat niya bago gawin iyun." sagot ko. Kaagad na napatango si Ate Miracle bago sumagot.
"Mabuti naman kung ganoon. At least inassure ng Doctor na magagamit niya pa rin ng maayos ang na-injured nyang binti." nakangiti nitong sagot.
Ilang bagay pa ang napag-usapan bago nagyaya si Rafael na pumasok muna ng kanyang kwarto. Gusto daw muna nitong magpahinga. Kaagad ko naman itong sinamahan.
Mabuti na lang at may mga bodyguard ito at sila na ang bumuhat kay Rafael habang nakaupo sa wheelchair paakayat ng second floor. Kung hindi baka mahirapan talaga kami. Ang bigat pa naman nitong mahal ko.
Chapter 260
VERONICA POV
Sa tulong ng mga bodyguards na nagbuhat kay Rafael maayos itong nakaakyat ng kanyang kwarto. Mula sa wheelchair kaagad na din itong nagpalipat ng kanyang kama. Mukhang katulad ko na-miss din yata nito ang kanyang sariling higaan kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa habang pinagmamasdan ito.
Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil tuluyan ng natanggal ang halos lahat ng benda sa katawan nito. Maliban na lang sa kaliwang binti na napuruhan talaga dahil sa sa aksidente.
Gayunpaman masaya ako dahil alam kong babalik din sa dati ang lahat.
Matapang si Rafael at alam kong walang pagsubok ang hindi nito kayang malagpasan.
"Ano nga pala ang gusto mo? Gusto mo bang ikuha kita ng makakain sa kusina para naman malamnan ang sikmura mo bago ka matulog?" malambing kong tanong sa kanya nang kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa kanyang kwarto.
Abala ang halos lahat ng miyembro ng pamilya sa ibaba. Gustong ipagdiwang nila Tita Carissa at Tito Gabriel pati na din ng mga kapatid ni Rafael ang kanyang agarang paglabas sa hospital. Mas mabuti nga iyun para naman magkaroon pa lalo ng motivation si Rafael na magpagaling.
"Nope! Busog pa ako. How about you? Gusto mo bang kumain? Parang kakaunti lang yata ang nakain mo kanina sa hospital." sagot nito sa akin. Umiling din ako. Ganito naman talaga ito palagi, marami or kaunti ang kakainin ko palaging bukang bibig nito na kaunti lang daw ang kinakain ko. Nasanay na ako sa kanya.
"Kung ganoon siguro kailangan mo ng magprepare para matulog para makapagpahinga ka bago tayo ulit bababa mamaya. Hinihintay ka din ng mga kapatid mo.. Teka lang, punasan muna siguro kita at palitan ng damit pantulog. Para naman magiging kumportable ka." nakangiti kong sagot kanya.
"Kung ayos lang sa iyo why not! Of course, masaya ako na maramdaman ang pag-aalaga mo sa akin Sunshine ko. Iyun nga lang, hindi ko muna masusuklian ang ginagawa mong pag aalaga sa akin ngayun. Hindi pa kasi ako makakilos na maayos eh." sagot nito. Nakakaunawa ko naman itong nginitian.
"Ayos lang iyun. Huwag kang mag- alala, ililista ko lahat ng utang mo sa akin para masingil kita paggaling mo." pabiro kong sagot habang nakangiti. Kaagad naman itong tumawa. Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ito sa kanyang mukha.
Kahit siguro maghapon kong titigan ang mukha nito hindi ako magsasawa. Lalo kasi itong gumwapo sa paningin ko. Pakiramdam ko nga napaka-swerte ko sa kanya. Kahit na nasa ganitong itong sitwasyon hindi pa rin ito nagkulang para iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya.
Lalong naging istrikto sa ibang tao si Rafael pero kapag ako ang kaharap nito palagi itong nakangiti. Lalo tuloy naramdaman ng puso ko kung gaano ako ka-special sa kanya. Kaya naman susuklian ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin ng higit pa. Aalagaan ko ito sa abot na aking makakaya.
"Ohhh Sunshine..natulala ka na diyan ah? Matagal ko ng alam na pogi ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan " tatawa-tawa nitong wika.
Mahina pa nitong pinisil ang ilong ko kaya naman hindi ko maiwasan na mapakurap. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Nakakahiya tuloy sa kanya.
"ha? Ahhh! Ehhh! Hehehe! Sorry, ano nga uli iyun Mahal kong Rafael?" nakangiti kong tanong kahit na ang totoo nakaramdam ako ng kaunting hiya sa kanya. Baka kong anong isipin nito sa akin. Mabuti na lang at hindi tumulo ang laway ko habang nakatitig sa kanya kanina.
"Sabi ko, akala ko ba balak mo akong punasan? Bakit ka nakatulala diyan?' nakangiti nitong tanong. Bakas ang panunudyo sa mga mata nito kaya naman kaagad akong napaiwas ng tingin. Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang tabi dito sa kama at nagmamadaling naglakad patungo sa banyo para kumuha ng basang bimpo at gamitin para pagpunas sa katawan nito.
"ahhh oo nga pala...hehehe! Sorry po... wait lang at kukuha lang ako ng gamit. " sagot ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo. Sobrang lakas ng kabog na dibdib ko. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ako nagkakaganito ngayun. Sanay naman na ako na palaging katabi si Rafael pero iba ang epekto niya sa akin ngayun. Siguro dahil hindi na kami halos naghihiwalay kaya ganoon.
Mabuti na lang at kumpleto sa mga gamit itong banyo ni Rafael. Lahat yata ng mga kailangan nito nandito na sa loob kaya naman kaagad akong kumuha ng bimpo at itinapat sa gripo para basain. Kung may palanggana sana mas mabuti pero dahil wala magtatiyaga na lang ako na magpabalik balik ngayun dito sa banyo.
Pagkalabas ko ng banyo kaagad kong napansin na nakapikit na si Rafael.
Mukhang natagalan yata ang paglabas ko mula banyo at nakatulog na ito. Gayunpaman nagpasya na muna akong pumunta sa kanyang walk in closet para kumuha ng pantulog na pwedeng ipamalit sa suot niya ngayun. Pipilitin kong mapunasan ang buo nitong katawan para naman makaramdam din siya ng kaginhawaan at makapagpahinga ng maayos.
"Rafael? Tulog ka na ba?" mahina ko pang tawag dito ng muli akong makalapit ng kama. Unti-unti naman itong dumilat sabay tango.
"Yah...so pupunasan mo na ba ako?" nakangiti nitong tanong. Kaagad akong tumango.
"Oo, pero kailangan muna nating hubarin ang tshirt mo. Papalitan na din kita ng kasuotan para mas lalo kang maging kumportable." nakangiti kong sagot, sabay kuha ng remote ng aircon at hininaan ito. Ayaw kong lamigin ito habang ginagawa ko ang proseso ng pagpupunas sa kanyang katawan. Akma naman na babangon ito ng kama pero kaagad ko itong sinaway.
"Huwag na! ako na ang bahala sa iyo. Relax ka lang at sinabi ng Doctor na hindi dapat mapwersa iyang binti mo. Kailangan gumaling kaagad ang sugat para maumpisahan na ang therapy mo.: "nakangiti kong awat sa kanya. Hinawakan ako nito sa aking kamay sabay tango.
"Thank you! Napaka-maalalahanin mo talaga! Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng nangyari sa akin nandito ka pa rin sa tabi ko. Ginagawa mo ang lahat para maalagaan mo ako ng maayos. Thank you Sunshine ko! Sa totoo lang, takot na takot ako sa nangyaring ito sa akin. Mabuti na lang at nandito ka palagi sa tabi ko. Palagi mong ipinaparamdam sa akin na ayos lang kaya naman lalo akong naging matapang para tulungan ang sarili ko na gumaling kaagad." madamdamin nitong sagot sa akin. Pigil ko naman ang sarili ko na maluha dahil sa sinabi nito sa akin ngayun.
"Ano ka ba...hindi mo na kailangan pang magpasalamat sa akin Rafael. Masaya ako na pagsilbihan ka! Kahit na anong mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo dahil kahit na injured ka ngayun ramdam na ramdam ko pa rin ang pag- aalaga mo sa akin." sagot ko. Kaagad lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaagad ko siyang niyakap at mabilis na hinalikan sa labi.
"Ipangako mo sa akin, kahit na anong pagsubok na dumating huwag ka basta- bastang sumuko. Kailangan kita! Kailangang kailangan kita Rafael." halos pabulong kong wika sa kanya. Kaagad kong naramdaman ang mahigpit na pagyakap nito sa akin.
Hinalikan pa ako nito sa noo bago sumagot.
"Kailangan din kita Sunshine. Promise, gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang sa piling ko." sagot nito.
"Presensya mo pa lang masaya na ako eh. Sige na nga, masyadong delayed na ang pagpupunas kong ito sa iyo. Bitaw na at nang mapalitan na kita ng damit. "malambing kong wika sa kanya sabay kalas sa pagkakayakap. Masyado pa namang mababaw ang luha ko nitong mga nakaraang araw at baka maiyak na naman ako. Inabot ko na ang bimpo at inumpisahan itong punasan sa kanyang mukha.
Nakangiti naman itong hinayaan akong gawin ang trabaho ko. Hindi din ito umaangal at nagiging cooperative naman hanggang sa hubarin ko na ang kanyang suot na tshirt at inumpisahan ko ng punasan ang kanyang katawan.
"Ohhh I really love it!" narinig ko pang bulong nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Patapos ko ng punasan ang katawan nito nang maramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. Namumungay ang mga matang tumitig ito sa akin
"Gusto kong punasan mo din ako sa ibaba." wika nito sabay senyas sa ibabang parte ng katawan. Kaagad naman akong tumango.
Iyun naman talaga ang balak ko. Ang punasan ito mula ulo hangang paa. Kaya lang masyadong atat itong mahal ko. Tinatantiya ko pa nga kung paano ko gagawin eh. Kahit naman papaano first time kong gagawin ito sa kanya na hindi siya masasaktan. Na hindi masasagi ang ilang mga sugat nito na hindi pa masyadong magaling. Sa hospital kasi hanggang mukha, leeg, braso at paa lang ang ginagawa kong pagpunas dito. Ngayun nagdedemand na sya sa buong katawan.
Kaya ko naman sigurong gawin. Dalawa lang naman kami dito sa kwarto at ilang beses ko na din naman nasilayan ang hubad nitong katawan.
"Maingat kong hinawakan ang suot nitong cotton shorts at unti-unti iyung ibinababa. Ramdam ko pa ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa ginagawa ko. Kailangan kong mag- ingat dahil baka masagi ko pa ang kaliwa nitong binti. Hindi pa magaling iyun at ayaw ko siyang masaktan.
"Hindi ba masakit?" wika ko sa kanya pagkatangal ko ng kanyang shorts. Tumango ito. Napansin ko pa ang malagkit na pagtitig nito sa akin kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagkailang.
"Hubarin mo din ang brief ko Sunshine. Sobrang sikip na kasi eh.
Hindi na makahinga ang alaga ko." wika nito. Kaagad na dumako ang tingin ko sa gitnang bahagi ng katawan nito. Partikular sa parte na natatakpan pa ng brief nito at hindi ko maiwasan na magulat. Kaagad kasing tumampad sa mga mata ko na bumubukol na iyun. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago muling tumingin sa mukha ni Rafael.
"Ba-bakit ganiyan?" pabulong kong tanong.
"Kanina pa siya ganiyan. Namimiss ka na talaga siguro eh." sagot nito na may halong panunudyo ang boses. Hindi ako nakasagot.
"Sige na Sunshine...gusto ko din magpalit ng underware. Ang init na kasi eh." nakangiti nitong wika. Tumango ako at gamit ang nanginginig kong kamay dahan-dahan kong hinawakan ang garter ng kanyang brief. Bahala na nga. Maraming beses ko Ng Makita ang alaga nito at hindi ako dapat kabahan Ng ganito.
Chapter 261 (WARNING: SPG)
VERONICA POV
Well, dahil mahal ko si Rafael, handa kong gawin ang lahat ng makakapag- paligaya sa kanya. Buong puso kong ibibigay lahat ng gusto nito.
Pagkababa ko ng brief ni Rafael kaagad na bumulaga sa paningin ko ang tayong-tayo nitong pagkalalaki. Kaagad kong naramdamdaman na pag- iinit ng pisngi ko dahil sa nasaksihan. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa at ang paghawak nito sa kamay ko.
Nang dumako ang tingin ko sa mukha ni Rafael kaagad kong napansin ang matinding pagnanasa sa mga mata nito. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
"Kiss me Sunshine!" halos pautos na wika nito. Para naman akong robot na kaagad na napasunod sa gusto nito.
Dinukwang ko ito at mabilis na kinintalan ng halik sa labi na mapusok naman kaagad niyang tinugon.
Hindi na ako nagtaka pa kung gaano ito kapusok ngayun. Basta ang alam ko lang masaya ako sa ginagawa naming dalawa ngayun.
Parang hindi man lang ito dumaan sa matinding aksidente kong panggigilan niya ako. Hindi ko akalain na sa kabila ng injury na natamo nito may mas ipupusok pa pala na natira sa sistema ng isang Rafael Villarama.
"Teka lang..baka kung mapaano ka niyan. Hindi pa pwede at baka mabinat ka." pigil ko dito ng mapansin ko na nag-uumpisa ng maglumikot ang mga kamay nito. Mas lalo pa itong naging agrisibo ngayun.
"Kaunti na lang Sunshine. Sobrang na- miss ko itong gawin sa iyo. I need you now!" sagot nito sa habang ang leeg ko naman ang pinagkakaabalahan nitong papakin.
Hinayaan ko na lang siya. Aaminin ko na nakakadarang din ang ginagawa nitong paghalik sa akin. Gustong gusto ko din naman itong pagbigyan. Gusto kong ipadama din dito kung gaano ko siya kamahal.
"Pwede bang pakihubad din ng lahat ng iyung saplot sa katawan? I want to see your naked body." mahinang anas nito sa akin. Kahit sa boses nito ramdam ko ang kanyang pagnanasa. Hindi ko na namalayan pa na nakadagan na pala ako dito kaya naman kaagad akong bumangon. Isa- isa kong hinubad ang lahat ng saplot ko sa katawan habang tahimik naman itong nakatitig sa akin.
Gusto kong ibigay sa kanya lahat ng makakapag-paligaya sa kanya. Lahat gagawin ko para kay Rafael. Gusto kong maramdaman nito na nasa tabi lang ako nito palagi.
Pagkatanggal ko ng sarili kong saplot sa buo kong katawan muli akong tumitig sa mukha nito. Kitang kita ko sa mga mata nito ang matinding paghanga.
Hindi ko naman mapigilan na sipatin ng tingin ang galit na galit na nitong alaga. Ramdam ko na ang kagustuhan nitong maangkin ako ngayung araw at hindi ko ito bibiguin. Ako ang magpapaligaya sa kanya ngayun dahil alam kong wala itong kakayanan na kumilos katulad ng dati dahil hindi pa ito masyadong magaling dahil sa aksidenting kinasangkutan.
Alam kong kaya kong gawin ang ginagawa niya sa akin noon. Kakayanin ko alang-alang sa pagmamahal ko sa kanya.
Seryoso kong tinitigan si Rafael. Naupo ako sa tabi nito at kaagad na umangat ang kamay nito. Diretso sa magkabilaan kong bundok kaya hindi ko maiwasan na mapaiktad lalo na ng maramdaman ko na salitan nitong nilaro-laro ang magkabilaan kong nipple. Humugot pa ako ng malalim na buntong hininga upang maiwasan ko ang pag-ungol kasabay ng paghawak ko sa kamay nito para pigilan siya sa kanyang ginagawa.
"Hayaan mong ako naman ang magpapaligaya sa iyo ngayun."
nakangiti kong wika habang hawak ang kanyang kamay. Nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin. Sinulyapan ko pa ang nanggagalit nitong pagkalalaki bago nakangiting hinawakan iyun. Ramdam ko ang pag- iktad ni Rafael dahil sa aking ginawa.
"ohhh shit! Sunshine...come on what are you doing?" mahina nitong anas sa akin. Kaagad naman akong umusog papunta sa pagkalalaki nito. Hinaplos ko iyun gamit ang dalawa kong kamay kaya naman lalong dumuble ang laki at haba nito. Lalo kong naramdaman ang paglulumikot ng katawan ni Rafael dahil sa aking ginawa.
Kung noon siya ang palaging kumikilos para pareho kaming maging masaya sa ibabaw ng kama... ngayun ako naman. Gagawin ko sa kanya ang ginagawa niya din sa akin bago ito naaksidente.
Hindi na ako nag-atubili pa. Hinagod ko ng tingin ang pagkalalaki nito at inamoy iyun. Bahala na. Susubukan ko lang naman kung kaya ko bang gawin sa kanya ang tumatakbo sa isip ko ngayun.
Wala ng hiya-hiya pa. Dinilaan ko ang ulo ng pagkalalaki nito at kaagad kong narinig ang impit na pag-ungol nito. Hudyat iyun para lalo akong ganahan sa aking ginagawa.
"Ohh shit! Veronica! You dont need to do this!" halos paungol nitong wika sa akin. Hindi ko ito pinakinggan pa. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na meron ako ngayun para gawin ko ito ngayun kay Rafael.
"Aghhh! Shit Sunshine! what are you doing?" bulong ulit nito at lalo kong naramdaman ang lalong pagtigas ng ari nito. Hindi na ako nakapagpigil pa. Marahan kong isinubo ang kahabaan nito at lalo kong naramdaman ang hindi mapakaling katawan ni Rafael. Mukhang nagtagumpay ako sa plano kong pagpapaligaya sa kanya ngayun. Kita naman sa reaction ng kanyang katawan.
"Ohhh God! Enough Sunshine...A-ayaw kong sumabog sa bibig mo. Please!" narinig ko pang wika nito. Sinunod ko naman ang gusto niya. Alam kong kaunti na lang ay lalabasan na si Rafael. Kabisado ko na ang galaw ng katawan nito sa ilang ulit na may nangyari sa amin.
"As you wish Rafael ko" nakangiti kong wika at kaagad na pumesto sa ibabaw nito. Daha-dahan kong inupuan ang naghuhumindig niyang pagkalalaki at dahil basang basa na din ako hindi ko maiwasang mapaungol ng dahan-dahan itong pumasok sa loob ko.
"Oohhh! Ang galing mo Sunshine!' Narinig ko pang bulong ni Rafael at hinawakan ako sa baywang.
Tinulungan ako nitong magtaas baba sa ibabaw nito. Hindi naman ako nahirapan dahil nakaalay ito sa akin hanggang sa nasanay na ako sa ginagawa ko sa kanya.
Kusang kumikilos ang katawan ko sa ibabaw nito. Ginaya ko lang naman ang ginagawa niya sa akin kapag nasa ibabaw ko ito noon kaya naman alam kong pareho kaming satisfied sa pagniniig namin ngayun.
"Oh Shitttt Sunshine...kaunti na lang... Faster! Faster! Malapit na ako!" wika ni Rafael sabay bitaw sa baywang ko at hinawakan ako sa magkabilaan kong bundok. Umaalog-alog kasi iyun sa tuwing nagtataas baba ako sa kanyang ibabaw.
Ilang saglit lang kaagad kong naramdaman na may kung anong bagay na biglang namuo sa puson ko kasabay ng pagsirit na masaganang katas ni Rafael sa kaloob-looban ng pagkababae ko. Hingal na hingal akong bumagsak sa ibabaw nito dahil sa matinding pagod. Kaagad ko naman naramdaman ang paghila nito sa makapal na comforter para itakip sa hubad naming katawan.
Ilang saglit na katahimikan din ang namayani sa aming dalawa. Hingal na hingal kami pareho kaya naman hindi ko maiwasan na mapapikit at lalo kong isinubsob ang mukha ko sa leeg ito.
Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa likod ko at ang buong pagsuyo nitong paghalik sa aking noo.
"I am sorry! Napagod ka ba?" narinig ko pang wika ng makabawi na ito. Umangat ang ulo ko at tumitig sa mukha nito.
"Kaunti lang...gusto mo round 2 pa eh. " sagot ko na may kasamang biro. Kaagad kong narinig ang malakas nitong pagtawa sabay pisil sa pisngi ko.
"Pilya ka! Ginulat mo ako doon ah?" nakangiting wika nito. Kaagad din akong napangiti at tuluyan ng umalis sa kanyang ibabaw. Alam kong mabigat ako at ayaw kong mahirapan ito. Nahiga ako sa kanyang tabi at niyakap ito.
"Sobrang napagod ako sa perfomance natin ngayun Rafael. Pwede bang dito na lang ako matulog sa tabi mo?" naglalambing kong wika. Masuyo nitong hinaplos ang mukha ko bago sumagot.
"Sure...simula ngayung araw, dito ka sa kwarto ko. Ipapalipat ko na lahat ng gamit mo dito sa kwarto ko Sushine dahil simula ngayung araw gusto kong katabi kita sa pagtulog palagi.." sagot nito. Hindi na ako nakaimik pa. Dahil sa pinaghalong pagod at puyat sa ilang araw at gabi na pagbabantay sa hopital kaagad akong nilamon ng antok. Huli kong naramdaman ang masuyo nitong paghalik sa labi ko at ang pagbulong nito ng 'I love you' sa akin.
Chapter 262
VERONICA POV
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang marahang haplos sa pisngi ko mula kay Rafael. Pagkadilat ko kaagad na sumalubong sa akin ang nakangiti nitong mukha.
"Anong oras na? Hindi ka ba nakatulog?" kaagad kong tanong sa kanya.
"Kakagising ko lang din. Inaantok ka pa ba? Kung pagod ka, huwag na muna tayong lumabas. Kailangan mo din magpahinga. Maiintindihan ng lahat kung hindi muna tayo makiki-join sa celebration sa ibaba." nakangiti nitong wika.
Saglit akong natigilan. Iniisip ko kung ano ang ibig nitong sabihin at ng ma- realized ko na nasa ibaba pala ng
Mansion ang pamilya Villarama hindi
ko maiwasan na mapabalikwas ng bangon. Nakakahiya! Baka kanina pa nila kami hinihintay.
"Naku....sorry, nakalimutan ko! Teka lang, ikukuha kita ng kumportableng damit sa walk in closet mo." wika ko kay Rafael at halos patakbong naglakad patungo sa walk in closet nito. Hindi ko na napansin pa na wala pala akong ni kahit isang saplot sa katawan. Narinig ko na lang ang mahina nitong pagtawa bago ako tuluyang nakapasok sa loob ng walk in closet kaya nagtatakang napalingon ako dito.
"Sunshine...may ilang gamit ka na din na nasa loob ng closet ko. Magbihis ka muna at baka magalit na naman itong alaga ko at tuluyan na tayong hindi makalabas dito sa loob ng kwato."
bakas ang biro sa boses na wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka at ng maramdaman ko ang lamig na dampi ng hangin mula sa aircon, wala sa sariling napayakap ako sa sarili kong katawan.
Huli na ng marealized ko na hubot hubad pa rin pala ako. Diyos ko! Ano ba itong nangyayari sa akin. Nakakahiya kay Rafael kaya naman mabilis na akong pumasok sa loob ng walk in closet nito at mabilis na isinara ang pintuan niyun.
Biglang dagsa ng realisasyon sa isip ko ang ginawa ko kani-kanina lang. Kung gaano ako ka-wild kanina sa kama. Hindi ko tuloy maiwasan na matapik ang noo ko. Kaya pala kakaiba ang titig at ngiti na ibinibigay sa akin ni Rafael. Siguro naman satistfied siya sa performance ko noh?
Kagat labi na naghanap na din ako ng pwede kong maisuot. Tama si Rafael, may ilang gamit na pala ako dito sa loob ng kanyang walk in closet. Pinili ko ang pinaka-kumportableng damit at mabilis na nagbihis.
Mamaya ko na iisipin ang hiya ko. Kailangan kong unahin na mabihisan si Rafael dahil baka kung ano na ang iniisip ng pamilya nito sa amin. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko. Kaya nga kami umakyat dito sa kwarto para makapagpahinga ito pero kabaliktaran naman ang nangyari. Ako itong napahimbing sa pagtulog.
Desente na ang hitsura ko pagkalabas ko ng walk in closet. Kaagad kong hinagilap ang bimpo at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.
"Naghilamos at toothbrush na lang ako. Gustuhin ko man maligo muna pero kailangan ko ng magmadali. Pagkatapos kong gawin ang sarili kong routine muli kong sinabon ang bimpo at nagmamdaling lumabas ng banyo.
"Pupunasan muna kita bago kita
bihisan." wika ko sa kanya. Kaaagad naman itong tumango.
"Sure... basta ingatan mo lang na hindi masagi ang alaga ko ha? Baka magalit na naman eh." pilyo naman nitong sagot. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mahina ko itong kinurot sa kanyang tagiliran kaya natawa ito.
"Pilyo ka talaga! Pagod pa ako kaya wala akong balak na patulan iyang alaga mo!" pabiro kong sagot sa kanya. Muli itong tumawa kaya hindi ko mapigilan na titigan ito sa mukha. Dalangin ko na sana ganito kami palagi.
Na sa kabila ng mga pinagdaanan namin, heto pa rin kami....Masaya at nagkakaintindihan at higit sa lahat nagmamahalan.
Pagkatapos kong bihisan si Rafael kaagad kong tinawagan si Tita gamit ang cellphone ni Rafael. Nanghihingi kami ng tulong para may magbuhat
kay Rafael pababa ng hagdan. Ayaw naming lahat na pwersahin ni Rafael ang sarili niya although sinabi ng Doctor na kaliwang binti lang naman ang masyadong naapektuhan dahil sa aksidente.. Makakalakad pa rin naman ito gamit ang saklay kung gusto niya.
Pero since, gusto talaga namin siyang ingatan at iniiwasan din namin na baka ma-out of balance ito hindi na namin sinunod pa ang sinabi ng Doctor nito. Uupo si Rafael sa wheelchair hanggang sa tuluyan ng maghilom ang sugat at gumaling ang binti nito.
Katulad kanina, binuhat ulit si Rafael ng dalawa nitong bodyguard pababa ng hagdan. Nagboluntaryo na din ako na ako na ang magtutulak ng wheelchair nito hanggang sa makalabas kami ng harden.
Kaagad kaming sinalubong nila Tita Carissa ng mapansin nila ang paglabas namin. Tinanong na ng mga ito si Rafael sa kanyang nararamdaman at nang sinabi naman nito na ayos lang ay kaagad kong napansin ang tuwa sa mga mata nito at niyaya na kami sa isang mesa na puno ng pagkain kung saan naabutan namin na nakaupo ang lahat ng kapatid ni Rafael pati na din ang mga asa-asawa ng mga ito. Sa kabilang lamesa naman ay ang mga pamangkin na abala sa pagkain.
"Since, ikaw ang personal na nag- aalaga kay Rafael, kailangan mong damihan ang pagkain Nica." narinig ko pang wika sa akin ni Ate Miracle. Tipid naman akong napangiti. Nakaramdam kasi ako ng hiya lalo na at sa amin nakatutok ang pansin ng lahat ng miyembro ng pamilya. Mula sa kambal na kapatid ni Rafael kasama na sa mga asa-asawa ng mga ito. Dagdagan pa nila Ate Arabella at Kuya Kurt.
"Swerte pa rin ang lokong iyan pagdating sa babae. Sa dami ng
pinaiyak noon, hindi man lang tinablan ng karma." narinig ko namang sabat ni Kuya Christian, Hindi naman ako makapaniwala. Marunong palang magbiro ang kakambal ni Ate Miracle? Palagi kasi itong seryoso sa tuwing nakikita ko.
"Kuya! Kailangan pa bang ibalik ang nakaraan? Baka mamaya maniwala sa iyo ang asawa ko eh.!" paangil na sagot ni Rafael sa kanyang Kuya. Nagkatawanan naman ang lahat.
"Totoo naman eh. Masaya kaming lahat dahil nagtino ka na!" sagot ni Kuya Christian. Mukhang nasa mood ito ngayun para asarin si Rafael. Napansin ko pa ang pagkalabit dito ng kanyang asawa na si Ate Carmela pero wa epek yata.
"Kaya ikaw Veronica...kapag may aali- aligid diyan na babae kay Rafael, huwag kang magdalawang isip ha?
Kalbuhin mo kaagad! Nasa likod mo
lang kami palagi." nakangiting muling wika ni Kuya Christian. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa.
"Hindi na mangyayari iyun. Graduate na ako sa ganyang bagay. Kontento na ako sa asawa ko noh? And besides, Kuya Christian, kapag hindi ka pa tumigil diyan, sisiguraduhin ko talaga na ma-stock ka ng matagal sa Villarama Empire. Hihilingin ko kay Daddy na magbabakasyon muna kami ni Veronica sa ibang bansa hanggang sa tuluyan akong gumaling. Maybe, one year is enough para naman kahit papaano mas mabigyan ko ng tamang time ang mahal ko." pang-aasar na wika ni Rafael. Kaagad kong napansin ang biglang pagseryoso ng mukha ni Kuya Christian. Mukhang tutol ito sa sinabi ni Rafael ngayun lang.
"No! Hindi ako papayag diyan! Dad, huwag kang pumayag ha? Busy din kami sa sarili naming negosyo." sagot ni Kuya Christian. Naiiling naman na nagpapalipat-lipat ng tingin si Tito Gabriel sa dalawa niyang anak. Tumitig ito kay Rafael bago sumagot.
"Tsaka na natin pag-usapan ang tungkol dito. Ang importante sa ngayun ay ang agarang pagaling ni Rafael para bumalik na sa normal ang buhay niya." sagot ni Tita Gabriel. Marahan naman na napabuntong hininga si Kuya Christian at masuyo nitong tinitigan ang bunsong kapatid.
"Bro...nagbibiro ka lang diba? Pwede niyo naman ienjoy ang isat-isa ni Nica kahit na nandito lang kayo sa Pinas. Pwede mo naman pagsabayin ang pag- ibig at ang pagiging CEO diba? Teka lang...bibili pala ako ng yate, surpresa ko sana sa iyo iyun sa parating mong birthday.......diba ang bait kong Kuya? Pero since nandito na tayong lahat at gusto kong inggitin ang iba pa nating kapatid, sinabi ko na din...at hindi pa iyan, kapag balak nyo nang ikasal sa simbahan ni Nica sagot ko na din ang lahat-lahat. Mula sa pag-aayos sa simbahan hanggang sa reception. Huwag lang ganito. Magagalit na sa akin ang mga byanan ko eh..." bakas sa boses ni Kuya Chrisitian ang pakiusap. Natatawa naman na nagkatinginan sila Tita Carissa at Tito Gabriel. Samantalang si Rafael naman nginisihan nito ang kanyang Kuya.
''"Grabe, ang haba ng sinabi mo Kuya... First time yan ah?" Well, Dont worry, pag-iisipan ko iyan proposal mo." natatawang sagot ni Rafael.
"Bro naman...gusto ko ng assurance ngayun. Hindi talaga pwedeng hawakan ko ng matagal ang Empire...sa sobrang ganda ng performance mo natatakot akong mabaliwala lang lahat ng naumpisahan mo na." muling sagot ni Kuya Christian. Sumulyap muna si Rafael sa kanyang mga magulang bago sumagot.
"Well, since nakikiusap na si Kuya ayos lang naman sa akin. Binti ko lang ang napuruhan at kaya ko naman magtrabaho. Kaya ko din pumirma ng mga papeles. Give me one week. Babawi lang ako ng lakas and you're free na Kuya. Ako na ulit ang bahala sa Villarama Empire." sagot ni Rafael sa kapatid. Kaagad naman gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito.
"Wow! Sabi ko na nga at hindi mo ako matitiis eh. Iyan ang gusto ko sa iyo bunso! Kaya ikaw ang favorite ko sa lahat kong kapatid dahil sobrang bait mo!" nakangiting sagot ni Kuya Christian. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang sabay-sabay na pag- ismid nila Ate Miracle at Ate Arabella. Nagkatawanan naman ang lahat.
Chapter 263
VERONICA POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Tuluyan ng naghilom ang mga sugat sa buong katawan ni Rafael. Inuumpisan na din ang therapy ng kanyang binti. Kahit na hindi pa masyadong maayos ang kanyang lagay balik trabaho siya.
Katwiran nito isang binti lang naman ang apektado sa kanya. Hindi naman buong katawan at kaya naman daw niyang pangatawan ang pagiging CEO ng Villarama empire kahit na hindi ito pumasok sa opisina palagi. Pumupunta lang ito ng opisina kapag may mga importanteng meetings na dapat daluhan. Kadalasan, dinadala na lang ng executive secretary nito dito sa mansion ang mga papeles na dapat niyang pirmahan.
Ginagamit din nitong office ang library ng mansion. Nagkukulong ito palagi doon lalo na kapag oras ng trabaho.
Online din ito nakikipag-usap sa kanyang mga empleyado at ibang kliyente.
Walang imposible sa mga taong gustong gumaling. Iyan ang napatunayan ko kay Rafael. Hindi man ito nakakalakad ng maayos pero pinipilit nitong tulungan ang kanyang sarili. Kaliwang binti lang ang apektado sa kanya kaya hindi naman ito nahihirapan. Kaunting panahon pa at babalik din sa dati ang lahat.
Katulad ngayun, tahimik ako habang pinapanood si Rafael na inaasikaso ng kanyang therapist dito sa garden. Malapit na silang matapos at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang tagaktak ng pawis nito sa kanyang noo.
Actually, nakaready na ang pamunas para sa kanya. Magaling ang therapist nito at nakikitaan ko na kaagad ng improvement si Rafael.
"Kumusta Iha?" wala sa sariling napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Tita Carissa. Nakangiti itong naglalakad palapit sa akin habang nakasunod sa kanya si Ate Maricar na may dalang isang tray ng miryenda.
"Ayos lang po Tita. Natutuwa po ako sa ipinapakita ni Rafael na dedikasyon para magamit nya ulit ang kaliwa niyang binti." nakangiti kong sagot. Naupo ito sa tabi ko at tumingin din ito sa kinaroroonan nila Rafael at ng therapist nito.
"Sobrang bilis ng pagaling ni Rafael. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na gusto na niya talagang makalakad ng maayos. All thanks to you Iha dahil nasa tabi ka nya sa lahat ng oras."
nakangiting wika ni Tita Carissa.
"Naku po. Kung alam nyo lang po kung gaano ako kasaya na pagsilbihan si Rafael. Ngayung palagi kaming magkasama, lalo naming nakikilala ang isat-isa Tita." nakangiti kong sagot.
"I know...at napaka-swerte ng anak ko sa iyo Iha. Alam kong magiging masaya kayo ni Rafael habang buhay."
nakangiti nitong wika sabay kuha ng isang baso ng juice at iniabot sa akin.
"Magmiryenda ka muna habang hinihintay natin silang matapos."
nakangiti nitong wika. Kaagad naman akong nagpasalamat at sumimsim ng kaunting juice mula sa baso. Busog pa kasi ako at ilang oras na lang kakain na naman kami ng tanghalian.
"Sa susunod na linggo na ang kasal nila Jeann. Nabanggit sa akin ni Bella na ayaw mo ng maging maid of honor niya. Sigurado ka ba Iha? Huwag kang mag-alala kay Rafael. Kami ang bahala sa kanya sa buong ceremonya." pag- iiba sa usapan ni Tita Carissa.
"Ayos lang po Tita. Kinausap ko na si
Ate Bella at Jeann tungkol dito. Ayaw ko pong maging maid of honor kung hindi din lang si Rafael ang Best Man." nakangiti kong sagot.
"Naku, ikaw talagang bata ka! Ang dami mo nang sinakripisyo. Ayos na naman na si Rafael kaya naman magrelax ka din minsan. Hayaan, mo, ipapaalam kita bukas sa kanya. Mamasyal tayo para makapagrelax ka din. Pati pag-aaral mo tuluyan mo ng iniwan." sagot nito.
"Naku Tita...ayos lang po talaga ako. Huwag mo po kayong mag-alala sa akin. Basta po para kay Rafael, kaya ko pong ipagpaliban muna ang lahat Tita. Mas kailangan niya po kasi ako ngayun at gusto ko po talagang tutukan ang pagaling niya." nakangiti kong sagot.
Alam ko namang sayang ang pag-aaral ko. Pero walang choice eh. Ayaw ko din naman iiwan dito si Rafael sa mansion habang nagpapagaling. Balik Iskwela
na lang siguro ulit ako kapag magiging maayos na ang lahat. Kahit naman papaano pangarap ko pa din na makapagtapos.
"Mukhang seryoso ang pinag-usapan niyo ah?" kaagad akong napatayo ng marinig ko ang boses na iyun. Si Rafael, nakangiting paika-ikang naglalakad palapit sa amin. May gamit na itong saklay at sa hitsura nito mukhang satisfied ito sa kanyang therapy session.
Kaagad akong tumayo at ipinaghila ito ng upuan. Kinuha ko ang bimpo na inihanda ko para dito upang tulungan itong magpunas ng ng kanyang pawis. Ganitong routine ang ginagawa ko sa kanya at sanay na kami pareho.
"Pinag-usapan namin ang tungkol sa kasal nila Jeann. Idedeliver na mamayang hapon ang mga damit na susuutin natin. Hindi pwedeng hindi kayo umattend dalawa. Tiyak na
magtatampo ang mga bagong kasal." nakangiting wika ni Tita Carissa. Kaagad naman akong napatingin kay Rafael.
"I dont know if I can make it Mom. Alam niyo naman po na ayaw kong magpakita sa ibang tao na ganito ang kondisyon ko." sagot ni Rafael.
"Walang problema sa kung ano man ang kondisyon meron ka ngayun Rafael. Malapit ka ng makalakad ng maayos na hindi na kailangan ang saklay na iyan. Importanteng araw ang kasal para sa pamangkin mo kaya kailangan na masaksihan natin lahat iyun." sagot ni Tita Carissa.
"I dont know Mom. Pag-uusapan na lang namin ito ni Veronica," sagot ni Rafael sabay kuha ng isang basong juice at diretsong ininom. iiling-iling naman si Tita Carissa na tinitigan ang kanyang anak.
Ilang araw pa ang lumipas. Naging abala ang lahat sa pag-aasikaso sa nalalapit na kasal ni Jeann samantalang si Rafael naman abala sa responsibilty sa Villarama Empire at sa kanyang Therapy. Nasa tabi niya ako palagi kaya naman nakikita ko kung gaano ito ka-possitive sa mga bagay- bagay na siyang labis kong ipinagpasalamat.
Umaga, nagising ako na sobrang sama ng pakiramdam ko. Parang may kung anong bagay na humahalukay sa sikmura ko. Dali-dali akong bumangon at mabilis na naglakad papuntang banyo habang nakatakip ang kamay ko sa aking bibig.
Nasusuka ako na parang ewan kaya naman mabilis akong lumapit sa toilet bowl at inilabas ang gustong lumabas mula sa kaloob-looban ng aking sikmura.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Ilang beses ko na itong naranasan lalo tuwing umaga. Nagduduwal ako pero wala naman akong mailabas. Ang nakakainis lang habang tumatagal pakiramdam ko lalong lumala ang kondisyon ko. Kung hindi lang sa kondisyon ni Rafael ngayun baka matagal na akong nagpatingin sa Doctor.
Hindi ko kasi masabi-sabi kay Rafael dahil ayaw kong magiging dagdag isipin pa ito. Minsan tuloy nagdududa na ako sa sarili ko. Natatakot ako sa isiping baka may sakit ako at maging dahilan pa iyun para panghinaan ng loob niya si Rafael. Gusto kong tuluyan muna itong gumaling bago ko ipagtapat sa kanya ang kakaibang nararamdaman ko sa sarili ko.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pagkatapos kong dumuwal ng dumuwal. Mariin akong pumikit bago dahan-dahan na tumayo mula sa
pagkakaupo dito sa harap ng toilet bowl. Naglakad ako papuntang sink at wala sa sariling tinitigan ang sarili kong reflexion sa salamin.
Kapansin-pansin ang pangangayayat ko. Nangangalumata na din ako at halatang kulang sa tulog. Pinunasan ko pa ang pawis sa aking noo at butil ng luha sa aking mga mata dahil sa sobrang pwersa ng pagsusuka hindi ko na namalayan pa na naluluha na pala ako.
Naghuhugas na ako ng aking mga kamay ng mapansin ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo at ang pagpasok ni Rafael dito sa loob gamit ang kanyang saklay.
"Are you okay? Bakit parang namumutla ka?" kaagad na tanong nito sa akin pagkalapit nito. Dinama pa nito ang aking noo kaya naman kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Na-naku, ayos lang ako.....hindi lang siguro maganda ang gising ko pero ayos lang ako. Teka lang, Bakit ang aga mo yatang gumising ngayun? Linggo ngayun at wala ka namang appointment diba?" tanong ko sa kanya. Matiim muna ako nitong tinitigan bago sumagot.
"Naramdaman ko kasing wala ka sa tabi ko kaya hinahanap kita. Tapos ka na ba? Halika na...kailangan mo pa sigurong matulog dahil
nangangalumata ka pa. May problema ba? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" bakas ang pag-aala sa boses na wika nito.
"Ayos lang ako. Dont worry!" wika ko at sabay na kaming lumabas ng banyo. Napansin ko pa rin na hindi nito inaalis ang tingin sa akin kaya naman pilit akong ngumiti sa kanya at umaktong normal.
Ayaw ko din kasi talaga na mag-alala ito sa akin.
"Tulog na ulit tayo?" tanong ko sa kanya. Tumango ito at naupo na sa gilid ng kama. Hinawakan ako nito sa kamay at tinitigan sa mga mata.
"Are you sure na ayos ka lang? May family doctor naman tayo.. Pwede natin siya tawagin para matingnan ka. "wika nito. Umiling lang ako at naupo na din sa tabi niya.
"Ayos lang talaga ako. Huwag kang mag -alala. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kanina kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Huwag ka ng mag- alala. Ang mabuti pa matulog muna tayo ulit." sagot ko sa kanya at nahiga na sa kama. Nakakaramdam na naman kasi ako ng pag-ikot ng paligid. Kailangan ko nga sigurong umidlip ulit at umaasa ako na magiging maayos ang pakiramdam ko pagising ko.
Chapter 264
VERONICA POV
Muli akong nagising na hindi pa rin maayos ang aking pakiramdam. Pero wala akong ibang choice kundi ang umakto ng maayos sa harap ni Rafael.
"Are you sure ayos ka lang?" muling tanong nito sa akin. Gamit ang kanyang saklay sabay kaming naglakad papuntang dining area. Late na nga kami at tiyak na naghihintay na sa amin sila Tita Carissa at Tito Gabriel.
"Yes...Dont worry, Ayos lang ako!" sagot ko sa kanya habang pilit na pinasigla ang boses ko. Tinitigan muna ako nito bago dahan-dahan na humakbang papasok ng dining.
"Katulad ng inaasahan, naghihintay na nga sa amin sila Tita Carissa at Tito Gabriel. Nag-uumpisa na nga silang kumain kaya naman kaagad kaming humingi ng paumanhin sa kanila bago kami naupo sa aming pwesto.
"Are you okay iha? Bakit parang namumutla ka yata ngayun? Nahahalata na kita ha...Kailangan mo muna sigurong kumain ng heavy meal sa umaga, napapansin ko na parang tamilmil ka kung kumain nitong mga nakaraang araw. Nangangayayat ka din. May nararamdaman ka bang kakaiba sa sarili mo?" Kaagad na tanong ni Tita Carissa. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala ito nakatitig sa akin.
"Ayos lang po ako Tita. Medyo nawawalan po ako ng gana kumain nitong mga nakaraang araw pero wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa sarili ko." pagkakaila ko habang pilit na nakangiti. Pero ang totoo nag-uumpisa na naman umikot ang paningin ko. Nasusuka na naman ako lalo na ng maamoy ko ang sinangag na inilalagay ni Rafael sa pinggan ko.
"I think tama si Mommy. Kailangan mo muna sigurong kumain ng mga heavy meal every morning. Tsaka ka na lang mag cereals kapag bumalik na sa dati ang katawan mo. For now, ito muna ang sinangag ang kainin mo ha?
"malambing naman na wika nito. Kumuha na din ito ng isang sunny side up egg at akmang ilalagay sa pinggan ko ng bigla akong nagtakip ng aking ilong.
Bakit ba napakabaho ng buong paligid? Naduduwal ako kaya naman mabilis akong napatayo at nagmamadaling tumakbo papuntang Kusina. Wala na akong pakialam pa. Diretso ako sa lababo at doon dumuwal ng dumuwal.
Halos mapugto ang hininga ko mailabas ko lang ang gustong ilabas ng sikmura ko pero bigo ako. Puro likido lang naman ang lumalabas sa bibig ko. Siguro dahil wala namang laman na kahit anong pagkain ang sikmura ko kaya ganoon.
Tama si Tita Carissa. Ilang araw na akong tamilmil sa pagkain at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit na anong pilit kong itago sa kanilang lahat talagang sinusumpong ako ng pagkahilo.
"Are you okay? Ano ba ang nangyari sa iyo? I think kailangan mo ng magpatingin sa Doctor. Baka kung ano na iyan." narinig ko pang wika ni Rafael sa akin. Sinundan pala ako nito dito sa kusina. Naramdaman ko din ang paghaplos nito sa likuran ko.
"Hindi mo ba naamoy? Bakit ang baho ng paligid?" sagot ko at muling dumuwal ng dumuwal. Kaagad ko naman naramdaman ang pagyakap sa akin ni Rafael mula sa aking likuran. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagkatao nito kaya naman pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Huwag kayong mag-alala. Tinawagan na ng Daddy niyo ang family Doctor. Ano ba ang nangyari? Matagal mo na ba itong itinatago sa amin Iha?" wika naman ni Tita Carissa. Binuksan ko mung ang faucet tsaka nagmumumog. Ramdam ko na din ang pawis sa aking noo bago ako lumingon.
"Hindi ko din po alam Tita. Basta po hindi ko po gusto ang amoy ng mga pagkain na nasa table." sagot ko habang nararamdaman ko ang pagpunas ni Rafael ng pawis sa noo ko. Wala na akong choice kundi ang umamin sa kanila. Hirap na din akong itago kung ano man ang nararamdaman ng katawan ko ngayun. Muli kong sinulyapan si Rafael at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatitig sa akin.
"I think, kailangan ko muna siyang ibalik sa kwarto Mom. Mukhang hindi na po maayos ang kalagayan niya." sagot naman ni Rafael sa Ina. Nakaalalay ito ngayun sa akin habang nag-uumpisa na akong humakbang. Parang gusto kong mahiga na muna para matakasan ang pagkahilo ko.
"Sure.....papadalhan ko na lang kayo ng pagkain sa kwarto niyo. Teka lang... kaya mo na bang maglakad ng walang saklay anak?" sagot naman ni Tita at nagtatakang tinitigan ang anak. Kunot noo naman akong tumitig kay Rafael. Partikular sa kaliwang paa nito na maayos ng nakalapat sa sahig.
"Magaling ka na?" sambit ko habang titig na titig kay Rafael. Kaagad kong napansin ang pagngiti nito bago dahan -dahan na tumango.
"I think yes. Kaya ko ng tumayo na walang saklay eh. Halika na...kumapit ka sa akin. Balik muna tayo ng kwarto habang hinihintay natin ang Doctor."
sagot nito sa akin habang akay-akay
ako. Wala na akong lakas pa para tumutol kaya naman nagpatianod na ako. Gustuhin ko man na i-celebrate ang tuluyang pagaling ni Rafael kaya lang wala na akong lakas para gawin iyun.
"Rafael...hindi ko na kaya ang umakyat ng hagdan. Nahi---- "hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Bigla kasing nagdilim ang buo kong paligid kasabay ng pagtawag ni Rafael sa pangalan ko. Ramdam ko ang pag- aalala sa boses nito kasunod ng pagtawag niya kina Tita Carissa At Tito Gabriel para humingi ng tulong. Huli kong naramdaman ang pag-angat ko bago tuluyang nagdilim ang buong paligid.
Muli akong nagising sa banayad na paghaplos sa noo ko ni Rafael. Hindi ko alam kung anong oras na pero nang sumulyap ako sa orasan na nasa bedside table napansin ko na halos alas diyes na ng umaga. Kung ganoon, napasarap ang tulog ko.
"Tell me? Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos na ba? Nahihilo ka pa ba?" narinig kong sunod-sunod na tanong ni Rafael sa akin kaya naman napatingin ako dito. Kita ko ang pag- aalala sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"A-anong nangyari?" tanong ko. Mariin akong tinitigan bago sumagot.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam mo? Nahimatay ka kanina at kung hindi kita nasalo baka nabagok ka pa."
malumanay nitong sagot. Napakurap ako ng makailang ulit bago nag-iwas ng tingin.
"Sorry. Ayaw ko kasing mag-alala ka sa akin." sagot ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Heyyy bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo? Gusto mo ipatawag ko ulit ang Doctor?" natataranta nitong wika. Pinahiran nito ang luha ko na hindi ko na mapigilan ang pagtulo.
Hindi ko alam kung bakit napaka- emotional ko. Hindi naman ako dating ganito. Feeling ko talaga may nabago sa sarili ko na hindi ko mawari kong ano iyun.
"Huwag ka ng umiyak. Baka mamaya makasama pa iyan sa inyong dalawa ni Baby." wika nito. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung nagdedeliryo lang ba ako o ano pa man. Pero parang umalingawngaw sa pandinig ko ang huling kataga na nabanggit nito sa akin. Hindi ko maiwasan na mapatitig kay Rafael.
"Baby? A-anong----" hind ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng kaagad itong ngumiti.
"Yes..Baby! Hindi mo ba alam na unti- unti ng nabubuo sa sinapupunan mo ang bunga ng pagmamahalan natin?" sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Kaagad naman akong niyakap ni Rafael kasabay ng pagyugyog ng balikat nito. Palatandaan na umiiyak ito habang yakap ako.
Chapter 265
VERONICA POV
Biglang ragasa ang tuwa sa puso ko dahil sa narinig ko na magandang balita mula kay Rafael. Buntis ako at malapit na kaming magkaanak. Nagbunga ang pagmamahalan namin. Kung ganoon wala akong sakit?
Normal lang ang nararamdaman sa isang buntis na kagaya ko ang palaging nahihilo at nagsusuka.
Hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Kasabay ang unti-unting pagtulo ng luha sa aking mga mata. Halos hindi kayang iabsorb ng utak ko na magkakaroon na kami ng anak ng lalaking mahal ko.
Kaagad kong naramdaman ang pagyakap ni Rafael sa akin. Ramdam ko ang pagtaas baba ng balikat nito katunayan na umiiyak ito ngayun. Iyak ng tuwa. Iyak ng isang lalaking malapit ng maging ama.
"I am so happy Sunshine! Alam mo ba kung gaano ako kasaya noong sinabi ng Doctor ang tungkol sa kalagayan mo? Magkaka-baby na tayo! Malapit na akong maging Daddy!" wika nito. Ramdam ko ang galak sa boses nito kaya naman hindi ko maiwasan na mapapikit.
Hinaplos ko ang likuran nito habang nakayapos ito sa akin. Patuloy din sa pagtulo ang luha sa aking mga mata.
"Rafael, totoo ba? Alam mo bang masayang masaya din ako ngayun? Totoo ba na magkakababy na tayo? Hindi ba ito isang panaginip lang?" tanong ko sa kanya.
Ito ang kauna-unahang baby namin ni Rafael at kahit papaano hindi ko din naman maiwasan na makaramdam ng kaba. Nineteen pa lang ako at hindi ko alam kung kaya ko na bang mag-alaga ng sarili naming baby.. Natutuwa din ako dahil ilang buwan na lang ang bibilangin masisilayan ko na ang bunga ng pagmamahalan namin ni Rafael.
"Yes Sunshine! Hindi ito isang panaginip. Magkakababy na tayo." Sagot nito at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nakangiti itong tinitigan ako sa mukha sabay haplos ng pisngi ko. Para naman akong namamagnet habang nakatitig sa gwapong mukha ni Rafael kasabay ng paghaplos ko sa aking impis na tiyan.
"Magiging mga magulang na tayo. Malapit na tayong magkaanak.''" sagot ko at hindi ko maiwasan ang tuloy- tuloy na pagpatak ng luha sa aking mga mata. Luha ng matinding kaligayahan. Parang nakikita ko na kung gaano kaganda ng anak namin. Ang gwapo kasi ni Rafael eh.
"Excited ka ba? Promise...ako naman ang mag aalaga sa iyo ngayun. Gagawin ko ang lahat para maging masaya kayong dalawa ng anak natin." nakangiti nitong sagot. Pinunasan pa nito ang luha na tumulo sa aking pisngi. Parang may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi at ipinapakita nito sa akin ngayun. Hindi nga ako nagkamali na si Rafael ang pinili kong mahalin.
Nakikita ko na kung gaano ito ka- responsableng ama sa aming magiging anak at gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat sa kanya. Magiging huwaran akong asawa at magiging mabuting Ina ng aming anak.
"Alam na ba ito nila Tita at Tito? Ano ang reaction nila?" tanong ko habang dahan dahan na sumasandal sa headboard ng kama. Kaagad naman ako nitong inalalayan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hanggat maari ayaw ko ng maluha. Nakakahiya kay Rafael. Baka mamaya kung ano ang isipin nito sa akin. Baka sabihin nito hindi ako masaya sa pagbubuntis ko.
"Of course, alam na nila. Kung gising ka lang sana kanina...nasaksihan mo sana kung gaano sila kasaya. Matutupad na ang matagal nilang pangarap na magkaroon ng baby sa mansion na ito. Malalaki na kasi ang mga apo nila sa mga kapatid ko." natatawa nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
"Teka lang...ano ang gusto mong kainin? Sinabi ng Doctor na hindi ka daw pwedeng magpalipas ng gutom." muling wika nito. Saglit akong nag- isip pero wala talaga akong ganang kumain ngayun.
"Hindi ko alam eh. Lahat ng nakahain sa mesa kanina hindi ko gusto." sagot nito. Nag-aalalang tinitigan ako ni Rafael bago sumagot.
"Hindi pwedeng ganyan ka palagi Sunshine! Magkakasakit ka niyan eh. Sabihin mo sa akin...lahat ng gusto mong kainin gagawin ko ang lahat para maibigay ko lang." sagot nito. Saglit akong nag-isip bago unti-unting napangiti.
"Gusto ko ng maasim na pagkain. Kahit ano basta maasim." sagot ko. Kaagad itong napangiti at mabilis na inabot ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Nagtipa ito kaya naman hinayaan ko na lang.
Hindi ko maiwasan na mapangiti habang hinahaplos ko ang tiyan ko. Malapit na pala akong maging Ina na hindi ko man lang namamalayan. Hindi man lang sumagi sa isip ko na posible nga pala akong mabuntis lalo na at halos hindi na kami naghihiwalay ni Rafael ng higaan.
Muli kong tinitigan si Rafael. Saglit pa akong natulala ng mapansin ko na maayos na itong naglalakad patungo sa bintana ng kwarto. Hinawi niya ang makapal na kurtina kaya kaagad na tumampad sa paningin ko ang maaliwas na kalangitan.
Muling sumagi sa isipan ko ang aksidenteng nangyari sa kanya. Kung ganoon, magaling na ang binti nito. Nakakalakad na siya ng maayos kaya naman lalo akong nakaramdam ng galak. Ang bait ni Lord sa amin. Dobleng blessings ang ibinigay niya sa amin ngayung araw. Tuluyan ng gumaling si Rafael pagkatapos nalaman pa naming dalawa na buntis ako.
"Rafael, talaga bang magaling ka na?" may ngiting nakaguhit sa labi ko habang nakatingin dito. Sobrang proud ako para kay Rafael dahil sa maiksing panahon nalagpasan nito ang isang malaking pagsubok.
"Yup! Nagulat nga din ako eh. Sa Sobrang pagkataranta ko kanina ng mapansin ko na sumusuka ka sa kusina, hindi ko napansin na bigla na pala akong napatayo na walang gamit na saklay at napatakbo papunta sa iyo. Huli na ng maalala ko na pilay pala ako. " natatawa nitong wika. Kaagad din naman akong natawa dahil sa sinabi nito ngayun.
Masayang masaya ang puso ko habang tinititigan si Rafael. Sa hitsura nito ngayun mukhang kuntento na ito sa kanyang buhay. Sa mahigit na isang taon na nakilala ko ito ang laki na talaga ng ipinagbago ng kanyang ugali.
"Pero kailangan mo pa rin magpacheck up sa Doctor para makasigurado tayo. Isipin mo na malapit na tayong magkakaanak at dapat pareho tayong malakas para maalagaan natin ng maayos ang baby natin." nakangiti kong wika sa kanya. Muli itong naglakad palapit sa akin at seryoso akong tinitigan sa mga mata.
"Kaya nga kailangan mo din pilitin ang sarili mo na kumain. Simula kaninang umaga walang laman ang sikmura mo. " sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng guity. Tama ito... paano nga pala maging healthy ang baby namin kung halos lahat ng pagkain dito sa mansion ayaw kong kainin.
Akmang sasagot pa sana ako ng sabay namin narinig ang mahinang katok sa pintuan. Kaagad na naglakad patungong pintuan si Rafael at binuksan iyun. Tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Tita Carissa na may nakasunod na isa sa mga kasambahay na may bitbit na isang tray ng pagkain.
"Personal ko ng dinala ang pagkain para sa asawa mo Rafael. Nakausap ko si Doctor Cruz kanina at may mga list siya na ibinigay na mga pagkain na posibleng magustuhan ni Veronica." nakangiting wika ni Tita Carissa sabay lapit sa akin. Nakangiti ako nitong tinitigan bago hinawakan ang aking kamay.
"Congratulations Iha. Alam mo ba kung gaano kasaya si Daddy Gabriel niyo sa magandang balita na hatid ng Doctor? It should be a double celebration. Biglang gumaling si Rafael kaninang umaga." nakangiting wika ni Tita Carissa. Hindi ko naman maiwasan na matawa sabay sulyap sa isang tray ng pagkain na nakalapag na sa ibabaw ng kama. Bigla akong nakaradamdam ng pagkatakam.
"Para po ba sa akin ang mga iyan Tita?
" imbes na sagutin ang sinabi nito sa akin ibang kataga ang lumabas sa bibig ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom habang nakapako ang tingin ko sa croissant at cheese. Simpleng pagkain pero parang gustong tumulo ng laway ko.
"Yes...para sa iyo iyan." sagot ni Tita. Kaagad na lumapad ang pagkakangiti sa labi ko at mabilis na inabot ang pagkain. Kumuha ako ng isang pirasong croissant at kaagad na isinubo.
Chapter 266
VERONICA POV
Nakatatlong croissant na yata ako ng muli kong narealized na pinapanood pala ako nila Tita Carissa at Rafael. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng hiya lalo na ng mapansin ko na ngiting-ngiti silang dalawa habang nakatoon ang buong attention sa akin.
"I think kailangan kong magpabili ng maraming croissant. Kailangan marami tayong stocks dahil iyun lang pala ang gustong kainin ni Veronica eh. " nakangiting wika ni Tita. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pagtawa ni Rafael.
"Parang ganoon na nga siguro Mom." sagot ni Rafael at marahan na naglakad palapit sa akin. Naupo ito sa gilid ko at kinuha ang orange juice na nasa tray at ibinigay sa akin. Kaagad ko naman iyun inabot at sumimsim ng kaunti.
"Bweno, inutusan ko na pala sila Maricar na bilihin sa botika ang mga nirestang vitamins ng Doctor para kay Veronica...Rafael, palagi mong gabayan ang asawa mo na makainom ng vitamins sa tamang oras. Huwag mo din kalimutan na tanungin from time to time kung ano ang gusto niyang kainin." bilin ni Tita kay Rafael. Kaagad naman itong tumango.
"Yes Mom. Kahit hindi mo ipaalala gagawin ko talaga iyan." nakangiting sagot ni Rafael sa ina. Tumango naman si Tita at ako naman ang hinarap nito.
"Iha, iwasan mo muna ang ma-stress ha? Bawal din ang magpuyat. Kapag may mga gusto ka sabihin mo kaagad sa asawa mo. Naranasan ko din iyang mga naranasan mo ngayun noong ipinagbubuntis ko din iyang si Rafael at alam kong kayang kaya mong malagpasan lahat iyan. Ganyan talaga sa mga unang buwan ng pagbubuntis... medyo mahirap. Huwag kang mag- alala. Nandito lang kami para alalayan ka." mahabang wika ni Tita Carissa. Kaagad naman akong napangiti.
Ang bait talaga ni Lord sa akin. Mabait na ang asawa ko, mabait pa ang byanan ko. Ano pa nga ba ang mahihiling ko?
"Salamat mo po Tita!" nakangiti kong sagot.
"Anong Tita? Hanggang ngayun pa ba naman iyan pa rin ang itatawag mo sa akin? Magkakaanak na kayot lahat nitong si Rafael kaya simula ngayung araw 'Mommy' na ang itawag mo sa akin at Daddy na din kay Gabriel." nakangiti nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin kay Rafael.
"Naku Sunshine, hindi pwedeng hindi mo sundin ang gusto ni Mommy.
Magtatampo sa iyo iyan." nakangiting sabat naman ni Rafael. Seryoso naman na nagpapalipat lipat ng tingin si Tita, este si Mommy pala sa aming dalawa.
"Opo Mom--Mommy." sagot sabay yuko. Wala eh, hindi pa ako sanay. Kahit papaano may hiya pa rin naman akong nararamdaman sa katawan ko. Talagang hindi na iba ang tingin nila sa akin. Talagang itinuring na nila ako bilang bahagi ng kanilang pamilya.
"Sige, maiwan ko muna kayo. Ipapahatid ko na lang dito sa kwarto niyo ang pinabili kong mga vitamins para kay Veronica...and Rafael, huwag mong kalimutan ang bilin ko." wika ni Tita Carissa sabay titig sa anak. Kaagad naman tumango si Rafael.
"Sure Mom! Dont worry, ako ang bahala sa kanya. Dodoblehin ko ang pag -iingat ko sa asawa ko Mom lalo na at magkakaanak na kami." nakangiting sagot ni Rafael sa ina kaya naman tuluyan ng nagpaalam si Tita. Lumabas na ito ng kwarto namin kaya ako naman ang hinarap ni Rafael.
"Nabusog ka ba sa kinain mo?" tanong nito. Kaagad akong tumango.
"Hindi lang yata ako ang nabusog...pati na din ang baby natin. Parang nakikikain na rin sa tyan ko. Paglaki nitong anak natin tiyak na croissant ang paborito niyang kainin." nakangiti kong sagot. Matiim naman akong tinitigan ni Rafael sa mga mata bago sumagot.
"Sorry ha?" mahinahon nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Sorry? Para saan?" tanong ko.
"Sa nangyayari ngayun. Ramdam ko ang hirap na nararanasan mo ngayun dahil sa pagbubuntis mo." sagot nito. Muli akong napangiti.
"Ano ka ba! Akala ko kung ano na ang nagawa mong kasalanan at nagsosorry ka sa akin eh. " natatawa kong sagot.
Hinawakan ko ito sa kanyang kamay at dinala sa tiyan ko.
"Malapit na tayong magkaka-baby. Hindi mo ba narinig ang sinabi kanina ni Mommy Carissa. Normal lang sa isang buntis na makaramdam ng ganito. Huwag mo akong alalahanin. Kayang kaya ko ito." nakangiti kong sagot.
"Alam kong kayang kaya mo iyan Sunshine. Pero hindi mo maalis sa akin na makaramdam ng pag-aalala. Alam mo naman na nahihirapan din ako tuwing nakikita kitang nahihirapan." sagot nito.
"Ikaw talaga! Huwag mo akong alalahanin. Ang mabuti pa hanapan mo ako ng manggang hilaw. Parang gusto kong kumain noon." sagot ko. Tinitigan ako nito bago sumagot.
"Iyan na ba iyung tinatawag na cravings?" tanong nito. Alangan naman akong tumago.
"Samahan mo na din ng bagoong alamang ha? Gusto ko iyun." pahabol kong wika. Kaagad naman itong napatayo at diretsong naglakad palabas ng kwarto. Nasundan ko na lang ito ng tingin habang may nakaguhit na masayang ngiti sa labi ko.
*
Mahirap pala talaga ang magbuntis. Iyun ang napatunayan ko. Kahit gaano pa kasarap ang mga pagkain na ibinibigay sa akin hindi ko naman kayang kainin. Isinusuka ko lang lahat iyun na siyang labis na ipinag-alala ni Rafael pati na din nila Mommy Carissa at Daddy Gabriel.
"Katulad ngayun. Umagang umaga at nakaupo na ako dito sa garden habang pinagmamasdan ang mga halaman ni
Mommy Carissa na nag-uumpisa ng mamulaklak. Ito ang gusto kong gawin tuwing umaga. Nababawasan ang nararamdaman kong pagkahilo tuwing nakakalanghap ako ng sariwang hangin.
Halos dalawang araw na din akong hindi sumasabay sa pagkain nila dahil naduduwal ako kapag naaamoy ko kung ano ang nakahain sa mesa.
Mamayang hapon ang kasal nila Jeann. Dalangin ko na sana bumuti ang pakiramdam ko para naman makadalo ako. Baka kasi magtampo sa akin ang kaibigan ko at tiyak na hindi din dadalo si Rafael kung hindi ako makakasama. Nakaready pa naman na ang mga isusuot namin.
"Kumusta ang pakiradam mo?" kaagad akong napalingon ng mapansin ko ang papalapit na si Rafael. Naka casual na kasuotan habang nakangiting nakatitig sa akin. May hawak itong isang basong orange juice at isang balot ng croissant. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Croissant, iyan lang ang kaya kong kainin ngayun na hindi ko isinusuka. Mabuti na lang at hindi ako nagsasawa sa pagkaing ito. Nag suggest si Tita Carissa kahapon na kung umayos-ayos ang pakiramdam ko isasama niya daw ako sa supermarket. Para makapamili daw ako ng mga gusto kong kainin.
"Para sa akin ba iyang dala mo?"
nakangiti kong tanong. Kaagad naman itong tumango sabay halik sa noo ko ng tuluyan na itong nakalapit sa akin. Inilapag nito ang hawak sa mesa at naupo sa tabi ko. Kumuha ng isang pirasong croissant at tinanggal ang nakabalot na plastic.
"Yes...wala tayong choice. Ito pa lang ang kaya mong kainin." nakangiti nitong sagot. Croissant with cheese. Sabagay, wala naman akong ibang gusto talaga. Kapag ibang flavor ng croissant ang ibibigay nito tiyak na hindi ko naman makakain.
"Here...kumain ka na pagkatapos akyat na tayo ng kwarto. Mamaya ng kaunti masakit na ang sikat ng araw. Nagpaluto pala si Mommy na sinigang na isda. Sana magustuhan mo para naman may laman ang sikmura mo mamaya sa kasal ni Jeann." nakangiti nitong wika. Kinuha ko ang ibinigay nitong croissant at inumpisahang kainin.
Medyo maayos naman na ang pakiramdam ko. Siguro matutulog lang ako ng kaunti bago tayo aalis mamaya. " sagot ko. Tumango naman si Rafael at nakangiti akong pinagmasdan. Kitang kita ko sa mga nito ang pagmamahal na nararamdaman nito para sa akin.
Chapter 267
VERONICA POV
ARAW NG KASAL NI JEANN
Mabuti na lang at umayos ang pakiramdam ko pagkatapos namin kumain ng lunch. Sinigang na isda ang ipinaulam sa akin at himala na nagustuhan ko iyun. Tinanggap ng sistema ko ang lahat ng kinain ko at hindi man lang ako naduwal.
Ganoon daw talaga iyun minsan. Hindi naman daw lahat ng oras nagiging picky eater ang isang buntis. Bigla na lang daw nararamdaman iyun sa mga hindi inaasahan pagkakataon hanggang matapos ang first trimester ng pagbubuntis ko.
Nakapagbihis na din ako ng damit na pasok sa dress code ng kasal ni Jeann. Pink and blue ang color motif nito kaya naman kulay pink ang suot ko ngayung dress na lagpas tuhod. Pinarisan ko iyun ng two inches sandal samantalang gwapong gwapo naman ako kay Rafael sa suot nitong color dark blue suit.
"Si Mommy Carissa na din ang naglagay ng make up ko kanina. Talagang pinili nitong gamitin ang mga make up na pasok sa panlasa ng isang kagaya kong nakakaranas ng maselan na pagbubuntis. Talagang pinaamoy pa nito sa akin kanina ang lahat ng pwedeng gamitin sa aking mukha bago iniapply sa akin.
"Huwag kang mahiya magsabi kong may nararamdaman kang kakaiba sarili mo Iha ha?" bilin ni Tita sa akin pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng simbahan.
"Sweetheart, ilang beses mo ng binanggit iyan. Parang mas kabado ka pa yata compare sa anak mo." narinig ko naman sabat ni Daddy Gabriel sa kanyang asawa. Sabagay, ilang beses ng nasabi ni Mommy ang katagang iyun kaya siguro nagreact na ng ganoon si Daddy.
"Nagpapaalala lang ako Gabriel. Naranasan ko ang hirap sa pagbubuntis kaya hindi mo mawala sa akin na mag alala sa kalagayan ngayun ni Veronica. " sagot naman ni Mommy. Nakangiti naman kaming dalawa ni Rafael na pinapanood ang dalawa.
"Naku, ikaw talaga. Huwag kang magalit Sweetheart. Pinapaalala ko lang naman sa iyo na ilang beses mo ng nababanggit iyang bilin mo." Katwiran ni Daddy.
"Hayyy naku! So tingin mo sa akin ulyanin na ako? Na paulit-ulit na lang ako? Ewan ko sa iyo Gabriel. Huwag mo akong kausapin!" gigil naman na sagot ni Mommy sa asawa. Pigil ko naman ang sarili ko na mapangiti. Ang cute kasi nila tingnan kapag nagtatalo.
"Naku, awat na nga! Hindi ito ang tamang time para magtalo! Ako na ang bahala sa asawa ko Mom, Dad. Hindi ko siya pababayaan. Isa pa kasal ngayun ng apo niyo kaya huwag na kayong mag- away!".malambing naman na sabat ni Rafael sa dalawa.
"Ito kasing Mommy niyo masyadong high blood. Pinapa-----"hindi na natapos ni Daddy ang sasabihin ng biglang sumabat si Mommy.
"Ikaw yata itong paulit-ulit eh. Gabriel ha, huwag mong hintayin na mag walk out ako dito! Masyado ka ng makulit." banta ni Mommy.
"Sweetheart naman! Huwag naman ganyan. Nagbibiro lang naman ako."
sagot naman ni Daddy. Sa kanilang dalawa ito iyung kalmado lang. Mukhang sanay naman si Daddy Gabriel sa mga tantrums ni Mommy. Sabagay ganoon talaga siguro kapag mahal niyo ang isang tao. Isa pa sa tagal nilang magkasama talagang kabisado na nila ang ugali na isat isa. Hindi ko alam pero natutuwa akong pinagmamasdan sila habang pilit na sinusuyo ni Daddy si Mommy Carissa.
"Uyy Rafael, huwag mong kalimutan ang bilin ng Mommy mo. Isapuso niyo iyun lalo na at first baby niyo iyan." wika ni Daddy sa aming dalawa ni Rafael sabay ngiting ngiti na sinulyapan si Mommy. Napaismid naman si Mommy at nagpatiuna ng naglakad papunta sa direksyon ng simbahan.
"Talagang nag-aaway sila?" hindi ko maiwasang bulong kay Rafael. Nasundan na lang din ng tingin ang mga magulang bago sumagot.
"Normal lang iyan sa kanila. Sanay na ako. Pansinin mo, wala pang limang minuto bati na naman agad iyan silang dalawa. Hayaan mo na lang." sagot nito at hinawakan na ako sa kamay. Nag -umpisa na din kaming humakbang papuntang simbahan.
"First time ko kasi silang napansin na magtalo eh kaya nag aalala din ako kanina." muling wika ko kay Rafael. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Hindi nila iyan ipinapakita sa amin kapag nagkakatampuhan silang dalawa. Pero sure naman ako na love na love nila ang isat isa." sagot ni Rafael. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti habang iginagala ang tingin sa paligid.
Unti-unti na din palang nagsipag- datingan ang mga bisita. Wala pa ang bride pero napansin ko na ang groom sa may bungad ng simbahan kaya naman kaagad akong niyaya ni Rafael na pumunta doon.
"Rafael, long time no see!" kaagad na bati sa amin ni Peanut. Ito ang pumalit kay Rafael para maging Best man ni Drake.
"Kumusta? Nagmukha kang tao ngayun ah?" nakangiting biro naman ni Rafael kay Peanut. Nagtapikan pa sila ng balikat at nagkamay kaya naman natutuwa akong pinapanood sila.
"Ang harsh mo naman sa akin Pare. Palibhasa katulad ka din ni Drake na malapit ng maging ama." Natatawa nitong sagot sabay sulyap sa akin. Nakangiti ako nitong tinanguan sabay lahad ng kamay sa akin.
"Congratulations sa inyo Veronica! Ninong ako diyan sa first baby niyo nitong kaibigan ko ha?" wika pa nito. Nagulat pa ako dahil tinabig ni Rafael ang kamay nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig kay Rafael.
"Ulol! Hindi mo na kailangan pang makipagkamay sa Misis ko. Maselan ang pagbubuntis nya at baka may germs pa iyang kamay mo." diretsahan na wika ni Rafael. Kaagad ko naman narinig na nagkatawanan ang mga kaibigan nito. Kasama na doon si Peanut na mukhang hindi man lang apektado sa ginawa ni RAfael ngayun lang sa kanya.
"Ang sabihin mo possessive ka lang talaga. Dinahilan pa ang germs."
natatawang sagot ni Peanut. Kahit papano, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko magkakainitan ang magkakaibigan eh. Akala ko talaga magagalit si Peanut sa pagtabig ng kamay nito gayung gusto lang naman nitong mag-congratulate sa akin.
"Whatever!" sagot ni Rafael at si Drake naman ang binalingan.
"By the way, congratulations sa inyong dalawa ng pamangkin ko. Huwag na huwag ko lang mabalitaan na sinasaktan or niluluko mo siya. Kung hindi mananagot ka sa akin!" seryosong wika ni Rafael sa kaibigan. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi ni Drake. Seryoso din nitong tinitigan si Rafael bago tumango.
"Asahan niyo po Uncle. Mamahalin ko ng buong puso ang pamangkin niyo." sagot nito. Kaagad naman napahalakhak si Peanut sa narinig.
"Come again? Anong sabi mo? Uncle?" nagtatakang tanong ni Rafael sa kaibigan. Bakas sa boses nito ang tinitimping inis.
"Putek na iyan! Uncle daw???" sabat naman ni Peanut.
"Ulol Drake! Huwag mo akong matawag-tawag na Uncle dahil mas matanda ka pa sa akin ng isang taon!" gigil naman na wika ni Rafael sa kaibigan. Lalong natawa si Peanut. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti sa kulitan ng magkakaibigan,
"Ano po ba ang dapat? Tiyuhin po kayo ng asawa ko at dapat lang po na iyun din ang itawag ko po sa iyo." sagot naman ni Drake. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o hindi. Talagang may ' po' pa sa bawat salita na lumalabas sa bibig nito. Lalo naman naningkit ang mga mata ni Rafael dahil sa inis.
"Gago! Subukan mo lang ulit na tawagin akong Uncle. Haharap ka talaga sa altar ng basag ang mukha mo! "gigil na sagot ni Rafael at akmang uupakan na nito ang kaibigan ng bigla itong nagsalita.
"Hey! Hey relax! Grabe ka naman! Binibiro lang naman kita eh. Ang init ng ulo nito. Ikaw ba ang naglilihi sa inyong dalawa?" pabirong sagot ni Drake at umatras pa ito. Takot yata na tutuhanin ni Rafael ang banta na babasagin ang kanyang mukha.
"Loko ka! Umayos ka kung gusto mo pang ma-mentain iyang kapogian mo.
" sagot ni Rafael at iginiya na ako papasok ng simbahan. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang pag high five ng dalawa nitong kaibigan na sina Peanut at Drake. Sa hitsura ng mga ito, nagkasundo marahil para asarin si Rafael.
Chapter 268
VERONICA POV
Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang tahimik na pinapanood si Jeann na naglalakad sa gitna ng Isle. Kasama nito ang kanyang mga magulang na sina Ate Arabella at Kuya Kurt.
Gandang ganda ako kay Jeann. Malayo ang hitsura nito noong mga panahon na kinu-comfort ko pa lang ito noong nalaman niya na may ibang nobya si Drake. Sa ngayun nakikita ko na kung gaano ito kasaya. Mukhang mahal na mahal din nito si Drake kaya naman alam kong magiging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa.
"Kapag ikasal tayo, gusto ko mas maganda pa dito." narinig ko pang wika ni Rafael. Hawak nito ang aking kamay habang tahimik na nag- oobserba sa mga kaganapan sa buong paligid.
Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng tuwa dahil sa sinabi nito. Lalo na ngayun at sa mismong bibig nito ko narinig na may balak din pala akong pakasalan sa simbahan.
Siyempre naman, katulad ng ibang mga kababaihan pangarap ko din maglakad sa gitna ng isle habang nakasuot ng puting traje de boda. Pangarap ko din na sabay kaming manumpa ni Rafael sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa habang saksi ang buo naming pamiya at ilang malalapit na mga kaibigan.
Mabilis na lumipas ang oras. Natapos din ang seremonya ng kasal nila Jeann at Drake. Kita ko ang tuwa sa mga mata ng bagong kasal pati na din ng lahat ng mga bisita. Kita ko din kung paano ka- proud sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel sa kanilang apo.
"Gusto ko silang personal na i- congratulate Rafael." nakangiti kong bulong kay Rafael. Kanya-kanya nang lapit sa mga bagong kasal ang ilang bisita para bumati. Kaagad naman akong inalalayan ni Rafael palapit kina Jeann.
"Jeann, congratulation. Sa wakas proud Misis Jeann Santillan Davis ka na. " nakangiti kong wika dito at kaagad na nakipagbeso. Medyo halata na pala ang umbok ng tiyan ni Jeann. Sabagay, nasa four months na pala ang tiyan nito ngayun. ilang buwan na lang at masisilayan na nila ang kanilang. panganay na anak.
"Thank you Nica. Naku, sana kayo naman ni Uncle RAfael ang isusunod na ikasal sa simbahan." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapasulyap kay Rafael na noon ay abala din sa pagbati kay Drake.
"Well, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan, pero isa iyan sa mga pangarap ko." Halos pabulong kong sagot. Iniiwasan ko na marinig iyun ni Rafael. Nakakahiya kasi. Baka isipin nito na masyado naman yata akong atat na ikasal kami sa simbahan.
"I know na mangyayari din iyan and excited na ako. Sya nga pala, hindi pa pala kita personal na na-congratulate tungkol sa pagbubuntis mo. Ilang buwan lang ang bibilangin at pareho na pala tayong maging Mommy." nakangiti nitong wika sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa.
"Oo nga eh. Hayyy medyo hirap ako ngayun sa morning sickness pero kakayanin para kay baby at sa Daddy niya." nakangiti kong wika.
"Truth! And besides, alam kong hindi ka naman pababayaan ni Uncle. Nakikita ko nga kung paano ka nya alagaan eh." sagot nito.
"At iyan ang lubos kong ipinag- pasalamat. Halos ayaw ng umalis sa tabi ko ang Uncle mo. Minamadali palagi ang trabaho sa opisina para lang mabantayan ako." sagot ko.
"ahhh Ang sweet nila noh? Ganyan din sa akin si Drake." nakangiti nitong wika.
"Yess... kaya super swerte tayo sa mga asa-asawa natin." nakangiti kong sagot.
Hindi pa sana kami titigil ni Jeann sa pagkukwentuhan kaya lang inanunsyo na ng organizer ng kasal na mag- uumpisa na daw ang picture taking. Muli akong hinawakan ni Rafael at bumalik sa dating kinauupuan namin para hintayin na tawagin kami para sa picture-picture. Kailangan daw kasi magpapicture buong pamilya by batch.
"Nica!" nakatoon ang buong attention ko sa mga bagong kasal ng marinig ko ang boses ni Charlotte. Ito ang maid of honor at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang gown. Parang sa lahat ng apo ng Villarama, siya ang nakakuha ng malaking pagkakahawig kay Mommy Carissa. Para tuloy bigla kong na-imagine ang hitsura ni Mommy Carissa noong kasing edaran din nito si Charlotte.
"Charlotte! Ang ganda-ganda mo talaga! Bagay sa iyo ang suot mo!" nakangiti kong wika. Kaagad kong napansin ang pagkislap ng tuwa sa mga mata nito. Kung tutuusin, napakabata pa ni Charlotte. Sixteen pa lang ito pero kung kumilos parang dalagang dalaga na. Parang buhay na manika ito sa sobrang ganda.
Siguro masyadong malakas ang dugo ni Mommy Carissa. Halos lahat ng apo nito may pagkakahawig sa kanya. Sabagay, ang gwapo din kasi ni Daddy Gabriel. Sa kanya nagmana si Rafael kung hitsura rin lang ang pag- uusapan. Maganda at gwapo din ang mga asa-asawa ng mga anak nila. Kaya siguro lumabas na parang mga artistahin ang hitsura ng mga apo nila.
Hayyy sino kaya ang susunod na ikakasal sa mga apo nila. Halos mga dalaga at binata na din ang karamihan. Bibilang pa siguro ng ilang taon matutupad din siguro ang pangarap nila Mommy Carissa at DAddy Gabriel na punuin ang mansion ng mga paslit. Mga apo na nila sa tuhod.
"Grabe ka naman makapuri sa akin. Baka mamaya maging kamukha ko iyang first baby niyo ni Uncle." natatawa nitong sagot sa akin sabay nakipagbeso-beso sa akin. Muli akong napangiti dito. Kaagad naman nakuha nito ang attention ni Rafael. Masamang tinitigan ang pamangkin bago nagsalita.
"Ohhh come on...huwag ka ng umasa.
Magiging kamukha ko ang baby namin kasi ako ang Daddy." wika nito. Halatang hindi ito sang ayon sa sinabi ni Charlotte kani-kanina lang. Tingnan mo nga naman ang lalaking ito. Pati dalagitang pamangkin gustong inisin. Maano ba naman na mananahimik na lang muna at hayaan kaming mag- usap ni Charlotte. Isa pa kung magiging kamukha ng baby namin si Charlotte wala namang problema. Ayaw niya pa noon magiging kamukha din ni Mommy Carissa ang first baby namin.
"Well, tingnan natin paglabas niya. "
sagot naman ni Charlotte. Mukhang game na game itong makipag-asaran sa kanyang Uncle.
Sasagot pa sana si Rafael pero tinawag na kami ng organizer. Picture-picture na daw ng buong pamilya. Kaagad naman akong inalalayan ni Rafael papunta sa bagong kasal. Napansin ko din na naglalakad na ang buong pamilya Villarama para sa group picture.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa ng masulyapan ko sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel. Mukhang bati na silang dalawa. Tama nga ang sinabi ni Rafael sa akin kanina na mabilis lang ang mga ito pagkatapos ng kauting pagtatalo.
Natapos din sa wakas ang picture taking. Masaya ako dahil feel na feel ko na talaga na bahagi na ako ng pamilya Villarama. Lalabas daw sa mga pahayagan ang tungkol sa kasal ng apo ng mga Villarama. Hindi naman nakapagtataka iyun dahil tinitingala talaga sa lipunan ang pamilyang kinabibilangan ko na ngayun.
Sa hotel ang reception kaya naman muli kaming bumalik ng kotse.
"Are you sure na kaya mo pang pumunta ng reception?" kaagad na tanong ni Rafael sa akin. Nandito na kami sa loob ng sasakyan at hinihintay na lang namin ang pagsakay nila Mommy at Daddy. May kausap pa ang mga ito sa labas ng simbahan.
"Kaya ko pa. Mukhang ang bait ng baby natin. Nakikisama siya sa importanteng araw ng kanyang pinsan. " nakangiti kong sagot. Kaagad naman napatango si Rafael sabay hawak sa aking tiyan.
"Hmmm oo nga eh. Mabuti na din iyun para ma-enjoy mo din ang kasal ng best friend mo." sagot nito sabay kabig sa akin. Pinasandal ako nito sa kanyang balikat na siyang kaagad ko naman ginawa.
"Pikit mo muna ang mga mata mo para makapagpahinga ka ng kahit kaunti." nakangiti nitong wika. Kaagad ko naman ginawa iyun habang ninanamnam ang init ng katawan na nagmumula dito.
Chapter 269
VERONICA POV
Sa reception pa lang ay kita ko na kung gaano kasaya ang lahat. Lalong lalo na sa mga bagong kasal.
Hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin ko sa paligid. Sa ayos pa lang ng lugar halatang hindi basta-bastang tao ang nagcecelebrate ngayun. Mula sa mga bulaklak hanggang sa mga pagkain halatang pinagkagastusan talaga.
"Sabagay mayaman din naman si Drake. Kahit galing ito sa broken family balita ko never na ito nagkaroon ng kapatid sa side ng kanyang ama. Kaya naman noong namatay ang ama nito sa kanya napunta lahat ng ari- arian na mga naiwan samantalang ang Nanay naman nito may iba ng pamilya.
"Hey, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Gutom ka na ba? Ikukuha kita ng food. Ano ang gusto mong kainin?"
Narinig kong wika ni Rafael. Mula sa pagkakaupo dito sa tabi ko dahan- dahan itong tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Kaagad naman akong humawak sa braso nito at tumayo na din.
"Sasama ako para makapili ako." nakangiti kong sagot.
Actually, kahit hindi kami tatayo may mga waiter na nag-aassist sa mga bisita. Pwede irequest sa kanila ang gustong kainin kaya lang dahil maselan ako pagdating sa pagkain at gusto kong makapamili kailangan naming pumunta sa buffet table.
Game naman si Rafael sa gusto ko. Kaagad akong inalalayan nito at sabay na kaming naglakad patungo sa mga nakahandang pagkain.
Pwede din namam magpaluto. May mga chief na nakaantabay sa iba pang request na pagkain ng mga bisita. Since ang dami naman ng naka-display na pagkain inspired mula sa ibang ibang cuisine, doon na lang ako namili ng pwede kong kakainin. Sayang naman kung magpapaluto pa kami pagkatapos hindi ko man makain dahil hindi pasok sa panlasa ko dahil sa sobrang selan ko ngayun.
"Are you sure na iyan lang ang gusto mo?" nakangiting tanong ni Rafael sa mga pagkain na nasa pinggan na hawak niya. Kaagad naman akong tumango.
"Oo. Parang iyan ang tinuturo ng baby natin na kainin ko ngayun eh." sagot ko sa kanya.
"Well kung may iba ka pang gusto mamaya sabihin mo lang para maikuha kita kaagad." sagot nito. Kaagad naman akong tumango.
"Okay...akin na pala iyang pinggan. Kumuha ka na din ng gusto mong
kainin." wika ko sa kanya at akmang kukunin ang pinggan na hawak nito pero iniwas nya iyun sa akin.
"Hindi pwede. Baka mamaya magalit sa akin si Baby kung hahayaan kitang mabitbit ng food niya eh." nakangiti nitong sagot. Nagbibiro ko naman itong inirapan.
"Kidding! Oorderin ko na lang sa mga nakakalat ng mga waiter ang kakainin ko." nakangiti nitong wika at sabay angkla ng braso nito sa baywang ko at bumalik na kami ng table kong saan abalang kumakain ang ilang miyembro ng Villarama Clan kasama na sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel.
"Bakit pa kayo tumayo? Pwede nyo naman i-request sa mga staff dito kung ano ang gusto niyong kainin." wika ni Mommy Carissa habang direktang nakatingin sa amin. Ipinaghila muna ako ng upuan ni
Rafael at inalalayan na makaupo bago sumagot.
"Gusto makita ni Veronica ang mga food. Tinatanong niya muna kay Baby kung pwede niyang kainin ang mga iyan." nakangiting sagot ni Rafael sa Ina sabay tingin sa mga pagkain na nasa harapan ko.
"Gaano po ba talaga kahirap magbuntis? Si Jeann noong nasa kasagsagan pa ng paglilihi niya halos naging butot balat na siya. Buti na lang at nakabawi siya kaagad." sabat naman ni Charlotte. Mukhang tapos na itong kumain dahil hawak na nito ang kanyang cellphone.
"Hindi mo ma-imagine kung gaano kahirap. Kaya umiwas ka muna sa mga mahaharot na lalaki dahil bata ka pa." sagot naman ni Mommy Carissa at pinukol ng seryosong tingin ang apo.
"Grandma naman, sixteen pa lang ako at hindi po talaga pwede. Gusto ko pong sundan ang yapak ni Mama noon na maging sundalo." nakangiti nitong sagot. Sabay naman lahat naming narinig ang pag-ubo ni Daddy Gabriel. Mukhang nasamid ito kaya tudo rescue naman si Mommy Carissa sa kanyang asawa. Hinimas-himas kaagad niya ang likuran nito sabay abot na isang basong tubig.
"Easy Gabriel! Dahan-dahan kasi sa pagkain. Ma choke ka pa niyan eh." wika ni Mommy Carissa na may kalakip na lambing ang boses. Mukhang nahimasmasan naman kaagad si Daddy at seryoso nitong tinitigan ang apo.
"Anong sabi mo? Gusto mong mag sundalo? Gusto mong sundan ang yapak ng Mama mo noon?" tanong ni Daddy. Kaagad naman tumango si Charlotte.
"Yup Grandpa...Bakit ayaw niyo po ba? Ayaw niyo po bang magkaroon ng astig na apo?" nakangiti nitong tanong. Napansin ko ang pag-iling ni Mommy. Sa hitsura nito mukhang hindi din ito sang ayon sa gusto ng apo.
"Yes po...hindi naman ako mahihirapan na makapasok sa military dahil may Ninang ako doon. Iyung friend ni Mama. Si Ninang Lucy, General na siya ngayun." sagot nito. Sa boses nito mukhang sobrang proud nito at gusto din nitong magtagumpay sa larangan na gusto nitong tahakin.
"Teka lang iha...akala ko ba gusto mong maging lawyer na lang? Wala pang lawyer sa pamilya natin." sagot naman ni Daddy Gabriel. Saglit na natigilan si Charlotte bago muling ngumiti.
"Iyan po ang gustong kunin ni Christopher Grandpa." sagot nito. Ang tinutukoy nitong Christopher ay ang isa sa mga ka- triplets niya. Hindi din naman lingid sa kaalaman ko na dating sundalo ang Ina ni Charlotte. Si Ate Carmela. Matigas din daw ang ulo noong kabataan pa nito at hindi nakikinig sa mga payo ng magulang. Ginagawa kong ano ang tumakbo sa isipan. Kaya naman hindi na din ako nagtataka kung iyan din ang gustong tahakin na landas ngayun ni Charlotte.
Nasa dugo na din talaga siguro nito ang maglingkod sa bayan. Pero aaminin ko sa sarili ko, tutol ako sa gusto ni Charlotte. Marami naman na ibang propesyon diyan. Bakit pagsusundalo pa talaga?
"Pero iha...kailangan mong pag-isipan iyan. Mahirap ang buhay ng isang sundalo. Kaya mo bang matulog sa kagubatan na walang kama? Kaya mo bang tiisin ang mga kagat ng lamok? Paano kung mapahamak ka?" sagot ni Mommy Carissa. Tuluyan na nitong iniwan ang pagkain. Seryoso itong nakatitig sa apo.
"Grandma, iyan din ang dahilan ko kaya gusto kong pumasok ng military. Gusto kong subukan ang ganyang buhay. Dont worry po, nagresearch na po ako kung ano ang mga posible kong kakaharapin kung sakaling tuluyan ko ng pasukin ang propesyon na iyan." nakangiti nitong sagot. Kaagad naman napailing si Mommy Carissa. Harap- harapan nitong ipinakita sa apo na hindi ito sang-ayon sa gusto nitong pasukan.
"Even though! Hindi pa rin ako papayag. Ayos lang sana kung naging lalaki ka. Dapat sa mga beauty pageant ka sumali hindi iyung paghawak ng armas ang gusto mong tahakin na landas." seryosong sagot ni Mommy. Kaagad naman bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Charlotte.
"Pero Grandama-----" hindi na natuloy pa si Charlotte ang sasabihin ang sasabihin ng itaas ni Grandma ang kamay.
""Tsaka na natin ito pag-uusapan. Sixteen ka pa naman at may dalawang taon pa na mapag-isipan mo ang tungkol sa bagay na ito. Hanggang minor ka pa hindi ka pa pwedeng gumawa ng mga desisyon na walang consent mula sa mga magulang mo." seryosong sagot ni Mommy. Muli nitong itinoon ang pansin sa pagkain.
Napasulyap naman ako kay Rafael na noon ay parang walang pakialam sa paligid. Na-serve na pala ang pagkain na inorder nito kanina. Buong pansin nito nasa pagkain lang at wala man lang pakialam sa diskusyon na namamagitan sa magulang at sa pamangkin na si Charlotte.
"Tama si Grandma mo Charlotte. Masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol dito. May possibilities pa na magbago ang desisyon mo." sagot naman ni Daddy. Kaagad naman bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Charlotte.
"Pero Grandpa..much better na ngayun pa lang alam niyo na po ang gusto ko." muling sagot ni Charlotte. Malalim na napabuntong hininga si Daddy sabay iling.
Chapter 270
VERONICA POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Sa wakas nalagpasan ko din ang aking mga morning sickness.
Nalagpasan ko din ang mga pagsusuka at pagkahilo.
Balik sa dati ang appetite ko or higit pa nga. Napansin ko na naging matakaw ako nitong mga nakaraang linggo.
Nakakain ko na ang mga pagkain na dapat kong kainin para maging healthy ako at ang baby namin.
Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakaharap sa salamin. Himas ko ang medyo may kalakihan ko ng tiyan at excited na akong ilabas siya upang masilayan naming lahat.
Excited na din kasi sila Mommy at
Daddy. Ramdam ko ang pag-aalaga
nila sa akin na siyang labis kong ipinagpasalamat.
Sinipat ko ang orasan na nasa bedside table ko. Kakatapos ko lang kumain ng lunch at nasa opisina pa si Rafael.
Yes..balik opisina na siya ng masiguro niya na maayos na ako. Lalo itong naging masipag sa pagpapalakad ng kumpanya. Inuumpisahan na din nilang i-develope ang beach resort na inasikaso nila Ate Arabella noong nagbakasyon kami.
Masaya ako dahil nabanggit ni Nanay sa akin na marami daw sa mga ka- lugar namin ang nabigyan ng trabaho. Kapag matapos ang beach resort na iyun, mga taga doon din daw sa amin ang mas bibigyan ng priority na i-hire para maging empleyao.
Nararamdaman ko kung gaano ka- excited si Rafael na maging Daddy. Kung masipag ito noon bilang CEO ng kumpanya mas masipag ito ngayun. Kailangan niya din daw kasi munang tapusin ang mga importanteng projects bago ako makapanganak.
Akmang papunta na ako ng kama para sandaling maka-idlip ng biglang nag ring ang aking cellphone. Dinampot ko iyun at ng mapansin ko na si Ate Ethel ang tumatawag kaagad ko iyung sinagot.
Simula ng mabuntis ako hindi ko na ito nakakausap. Sa sobrang hirap na nararanasan ko sa pagbubuntis nakalimutan ko na itong tawagan para kumustahin.
"Ate, kumusta?" kaagad kong bungad sa kanya. Katahimikan ang namayani sa kabilang linya kaya napakunot noo ako.
"Ate..ikaw ba iyan? Napatawag ka?" muli kong tanong. Excited pa naman ako na makausap siya.
Lalong napakunot ang noo ko ng marinig ko ang mahina nitong paghikbi. Nagtataka pa ako na muling tinitigan ang monitor ng cellphone para masiguro kung si Ate Ethel ba ang kausap ko ngayun. Muli kong ibinalik sa aking tainga ng masiguro ko na siya na nga.
"Veronica...hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Ang sakit! Sobrang sakit!" sagot nito. Halata sa boses nito ang pigil na pag-iyak.
"A-ate..ano po ang problema? Sabihin mo sa akin? May nangyari ba?" nag- aalala kong tanong. Sa boses nito ngayun halatang may malubha itong pinagdadaanan. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng kaba. Sabagay, sa nabanggit ko na medyo matagal na din kaming hindi nakakapag-usap. Siguro may mga bagay-bagay na nangyari na kailangan niyang ipaalam sa akin ngayun. Kailangan din siguro niya ng may mapagsabihan ng sama ng loob na nararamdaman niya ngayun.
Katahimikan ang muling namayani sa kabilang linya kaya dahan-dahan na akong napaupo ng kama. Sumandal ako ng headboard habang himas ko ang aking tiyan at seryoso ang mukha habang matiyagang naghihintay sa sagot nito.
Mukhang wala itong balak na sumagot kaya muli akong nagsalita. Hindi naman pwedeng habang buhay kaming magpapakiramdaman. Mahirap kaya makipag-usap sa taong ayaw naman magsalita.
"Ate...sabihin mo sa akin. Ano ang problema mo? Bakit ka umiiyak?" tanong ko ulit. Narinig ko pa ang paghikbi nito bago muling sumagot.
"Na-nakipaghiwalay na ako kay Elijah.
" sagot nito. Nagulat naman ako. Elijah? Si Elijah na anak nila Ate Miracle? May relasyon sila ng makulit na si Elijah na pamangkin ni Rafael? Bakit hindi ko yata ito alam?
"A-anong sabi mo? Hiwalay? Bakit may relasyon ba kayo?" naguguluhan kong tanong. Katahimikan ang muling namayani kaya naman malalim akong napabuntong hininga.
Sa totoo lang nahihirapan akong. makipag usap sa kanya. Putol-putol ang kwento kaya hindi ko tuloy malalaman kung paano ito mapapayuhan. Isa pa, hindi pa ako ready sa mga ganitong balita. Gusto ko kasing ibigay ang buong attention ko sa ipinagbubuntis ko ngayun.
"Veronica, sorry kung hindi ko nababanggit ito sa iyo. Pero matagal na akong tumigil sa pagtatrabaho. Kumuha siya ng condo para sa akin at nag-live in na kami." muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
Wala talaga akong idea tungkol dito. Sabagay, simula ng nakalabas ng hospital si Rafael pagkatapos nitong naaksidente hindi ko na muling nakita si Elijah. Busy daw kasi sa trabaho. Hindi lang ako sure kung iyun lang ang dahilan. Baka naging abala lang ito kay Ate Ethel.
"A-ano ang pwede kong maitulong? Nasaan ka ngayun?" tanong ko sa kanya. Humikbi pa ito ng makailang ulit bago sumagot.
"Nandito pa rin sa condo na pag-aari niya. Halos dalawang linggo na siyang hindi umuuwi dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko." umiiyak na wika nito.
"Teka lang...ano ang gusto mong gawin ngayun? Honestly, halos ilang buwan ko na din hindi nakikita si Elijah." sagot ko. Palaging absent ang lalaking iyun tuwing family day. Sa totoo lang hindi ko din alam kung paano ito matutulungan.
"Pasensya ka na Veronica ha? ikaw lang kasi ang bigla naisip ko na pwedeng hingan ng tulong. Hindi ko na din kasi talaga ang alam ang gagawin ko eh." sagot nito. Marahan akong napabungtong hininga bago sumagot.
"Hayaan mo. Titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Hindi din ako. makakilos ng maayos ngayun. Maselan ang pagdadalang tao ko at nagulat ako dahil ngayun mo lang nabanggit sa akin na may relasyon pala kayong dalawa." sagot ko sa kanya. Tanging paghikbi lang naman din ang naging sagot nito sa akin.
Marami pa kaming napag-usapan bago ako nagpaalam para makapagpahinga muna. Pero bago iyun ilang beses ko din itong binilinan na magpakatatag. Baka naman may mga bagay lang silang hindi napagkasunduan at nauwi sa tampuhan.
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ito matutulungan. Bahala na, siguro babanggitin ko na lang ito kay Rafael para siya na ang bahalang kumausap kay Elijah. Pamangkin niya iyun at pwede nyang pagsabihan at siguro naman makikinig iyun. Mabait naman si Elijah. Iyun nga lang nakakahiya naman kung ako mismo ang kakausap dito tungkol sa problema nilang dalawa ni Ate Ethel.
Duda din ako kung alam ito nila Ate Miracle. Mukhang wala silang idea na may ibinabahay ng babae ang anak nila. Parang bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa mga nalaman. Hindi ko din maiwasan na makaramdam ng awa para kay Ate Ethel.
Pabaling-baling ako sa kama ng tumunog muli ang cellphone ko. Sinipat ko iyun ng tingin at ng mapansin ko na si Rafael ang tumatawag kaagad akong napangiti.
"Sunshine...kumusta ka diyan? Pauwi na ako ngayun, ano ang gusto mong pasalubong." kaagad na bungad nito sa akin. Matamis akong napangiti sabay sulyap sa orasan.
Halos alas tres pa lang ng hapon. Maaga siguro natapos ang mga appointments ng mahal ko kaya maaga itong nakauwi ngayun.
"Wala eh. Nandito na sa mansion lahat ng gusto kong kainin. Mas importante sa akin ngayun na makasama ka. Namimiss ka na ng baby natin eh."
malambing kong sagot. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya.
"Talaga bang namimiss ako ng baby natin...or baka namn namimiss ako ng Mommy...." malambing na wika nito. Hindi ko man siya nakikita ngayun alam kung may ngiti na nakaguhit sa labi nito.
"Ah basta! Gustong gusto na kitang makita ngayun. Ang lungkot dito sa mansion...palagi na lang akong naiiwan mag-isa. Ano ba kasi ang
pinagkakaabalahan nila Mommy at Daddy? Bakit palagi na lang silang busy nitong mga nakaraang araw?" tanong ko sa kanya. Saglit itong natigilan bago sumagot.
"I dont know.....siguro may mga importanteng inaasikaso. Wala din akong idea eh." sagot nito.
Nasa resort sa Batangas na naman kasi sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel ngayun. Ewan ko ba, hindi naman sila ganoon kaabala noon. Umaalis lang sila ng mansion noon para mamasyal or magshopping. Ngayun, kapag galing sila sa labas, pareho silang pagod at walang kahit na anong bitbit palatandaan na nagshopping sila.
Imposible din na umattend sila ng party dahil kadalasan before lunch sila umaalis. Hindi din naman sila nakapagbihis ng pamparty.
Wala pang tatlumpong minuto nasa harap ko na si Rafael. May dala pa itong napakagandang bouquet of flowers. Sabagay, hindi na ako nagulat pa. Simula ng balik opisina ito, palagi itong may dalang flowers pag-uwi. Ilang beses ko nga itong pinagsabihan na tama na. Masyado na siyang nag- aaksaya ng pera. Pero ayaw talaga makinig. Iyun daw kasi ang isa sa mga paraan niya para ipakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.
"So, kumusta ng maghapon mo? Siya nga pala...Magli-leave ako buong linggo sa opisina next week. Balak kong magbakasyon muna tayo sa Carissa Villarama Resort this coming weekend hanggang buong linggo." nakangiti nitong wika. Malambing itong nakayakap sa akin. Kaagad naman akong napangiti.
Bigla akong nakaramdam ng excitement ng banggitin nito ang tungkol sa balak na bakasyon sa Carissa Villarama beach resort. Hindi ko lang maamin sa kanya na nababato na ako dito sa mansion. Wala akong ibang ginagawa kapag nasa work siya kundi tumunganga habang kinakausap ang baby na nasa sinapupunan ko. Swerte na lang minsan kung walang lakad sila Mommy at Daddy.
Ngayung sa mismong bibig na nito nanggaling na magbabakasyon kami biglang nabuhay ang dugo ko sa aking katawan. Isang beses pa lang akong nakapunta doon at hindi na nawaglit sa isipan ko kung gaano kaganda ang lugar na iyun.. Pagkakataon ko na din siguro ito para makapaglakad sa buhanginan at makasimoy na sariwang hangin.
Chapter 271
VERONICA POV
Linggo, araw ng alis namin papuntang Carissa Villarama Beach Resort. Excited ako habang nag-aayos. Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement. Nasa banyo pa si Rafael at tinatapos pa nito ang paliligo kaya naman inabala ko ang sarili ko sa pag- aayos ng sarili ko.
Ilang beses ko pang sinipat ang sarili ko sa salamin. Naka-floral dress ako hanggang sakong. Super fresh ng pakiramdam ko. Hindi maalis -alis ang ngiti sa labi ko.
"Mukhang ready na ang Misis ko ah? Hindi masyadong halata na excited." narinig kong wika ni Rafael. Kakalabas lang nito ng banyo at mabilis itong lumapit sa akin. Sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago matamis na napangiti.
"Ang ganda talaga ng Misis ko." wika nito at akmang yayakapin pa ako nito pero kaagad akong umiwas.
"Ano ka ba...tapos na akong mag-ayos eh. Baka magusot ang damit ko. Isa pa basa ka pa oh?" kunwari reklamo ko sa kanya. Napakamot naman ito ng kanyang ulo at tinalikuran ako. Hindi ko naman maiwasan na sundan ito ng tingin.
Hindi ko alam kung nagtatampo ba ito sa akin. Hindi naman siguro. Muli kong sinipat ang sarili kong reflexion sa salamin.
Akmang dadamputin ko ang lipstick na paborito kong gamitin ng maramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Rafael mula sa likuran ko.
"Huli ka! Hindi ka na makakapalag ngayun sa akin." Biglang wika nito sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko naman mapigilan na matawa lalo na ng dumako ang halik nito papuntang leeg ko.
'Rafael, ano ba? Nakikiliti ako!" natatawa kong wika sa kanya at akmang lalayo na pero mahigpit itong nakayapos sa akin. Ramdam ko ang init ng hininga nito na tumatama sa balat ko.
"Hmmm, hindi kita pakakawalan ngayun. Parang ang sarap mo kasing papakin eh." wika pa nito sa malanding boses. Kinagat-kagat pa nito ang leeg ko kaya lalo akong nakaramdam ng kiliti.
"Mali-late na tayo eh. Hindi bat maaga tayong----" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng lumapat na ang labi nito sa labi ko. Ramdam ko sa galaw ng labi nito ang kapusukan. Kaagad naman akong napapikit ng maramdaman ko ang mainit itong palad na bigla na lang sumapo sa kabila kong bundok.
Grabe talaga itong asawa ko. Masyadong mapusok. Hayst alam naman niya na hindi ako makakatanggi kapag mga ganitong the moves ang ginagawa niya sa akin eh. Alam niya naman ang bilis kong madarang sa init ng katawan.
Ewan ko ba...simula ng nabuntis ako mas nagiging active na din ako
pagdating sa pakikipagtalik. Kaya ko na ngang makipagsabayan kay Rafael. Nag search din naman ako at nalaman ko din naman na normal lang iyun. Mainit daw talaga ang katawan ng isang buntis. Nagiging manyak daw....
Ilang saglit lang napuno ng ungol ang bawat sulok ng aming kwarto. Mukhang kailangan kong maghanap ng ibang isusuot mamaya. Ginusot na kasi ni Rafael iyun dahil sa sobrang kapusukan. Basta niya na lang inihagis sa kung saan pagkatapos niya iyung tanggalin sa katawan ko.
"I love you Veronica ko!" paulit-ulit nitong bulong sa akin habang walang tigil sa pag ulos. Tanging ungol lang naman ang naging sagot ko sa kanya.
Ilang saglit pa napuno na ng mga anas at ungol namin ni Rafael ang bawat sulok ng kwarto. Hindi naman hadlang ang pagbubuntis ko para hindi namin magawa ang mga bagay na makapagpapaligaya sa aming dalawa.
Pagkatapos ng mainit na sandali, parehong may ngiti sa mga labi na magkayakap na nakahiga kaming dalawa sa kama. Kailangan naming magpahinga kahit saglit lang bago bumyahe paputang resort.
Nauna na sila Mommy Carissa doon. Pati na din ang iba pang miyembro ng pamiya. Every weekend dapat nandito ang mga kapatid ni Rafael sa mansion pero since nasa resort sila Mommy kahapon pa hindi muna nangyari iyun. Kaya nga naisipan namin ni Rafael na sumunod doon para makapagbakasyon na din.
"I am tired!" bulong ni Rafael habang nakapikit. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
"Kulit mo kasi eh. Nakita mo na nga na nakabihis na ako kanina, hinubad mo pa talaga!" sagot ko naman. Dumilat ito at tinitigan ako,
"Bakit ba kasi napakaganda ng asawa ko? Ang sexy pa ng suot mo kanina. Hindi ko tuloy napigil ang sarili ko." malambing na sagot nito sa akin sabay haplos ng pisngi ko. Kunwari sumimangot ako.
"Kailangan ko na naman tuloy magbihis at mag-ayos nito eh. Okay na ako kanina. Ready na iyung OOTD ko." sagot ko. Natawa ito at nagpatiuna ng bumangon.
"Dito ka lang muna. Lilinisan muna kita at kukunin ko iyung damit na pwede mong ipalit sa damit na hinubad ko sa iyo kanina." nakangiti nitong wika sabay kindat sa akin. Mabilis itong pumasok sa loob ng walk in closet. Sandali lang naman siya doon at paglabas nito may dala na itong pwede kong suutin. Muli akong napangiti.
"Rafael, gagamit muna ako ng banyo." wika ko sa kanya. Kaagad naman akong nilapitan nito at halos kargahin ako papuntang banyo. Kung hindi pa ako nagsabi sa kanya na kaya ko naman ang sarili ko baka tuluyan na akong bubuhatin nito eh.
"Prinsesang prinsesa ako kung ituring ni Rafael na siyang labis kong ipinagpasalamat. Ni sa hinagap hindi ko akalain na darating ako sa ganitong kasarap ng sitwasyon. Kuntento na ang puso ko sa kung ano man ang meron ako ngayun.
Mabilis akong naglinis ng katawan partikular na ang nanlalagkit kong pagkababae. Kailangan ko na din bilisan ang kilos ko. Tinanghali na kaming dalawa ni Rafael. Sobrang pilyo kasi talaga ng asawa ko eh.
Pagkalabas ko ng banyo maayos ng nakabihis si Rafael. Naka jogging pants at t-shirt lang naman ito.
Gayunpaman, alam kong kahit sinong babae, kaagad na mabibighani sa kanya sa tindig niya pa lang. Mabuti na lang talaga at hindi babaero itong asawa ko. Kayang kaya niya talaga akong palitan sa isang pitik niya lang kung gustuhin niya.
Hindi din naman lingid sa kaalaman ko na hanggang ngayun marami pa rin ang mga malalanding babae na aali-aligid sa kanya. Naghahanap lang ng tiyempo na masilo ang mahal ko.
Naku! Subukan lang talaga nila. Hindi talaga ako nangingimi na sundin ang sinabi ni Kuya Christian sa akin noon. Talagang kakalbuhin ko sila kapag mapansin ko na harap-harapan nilang inaakit ang lalaking mahal ko.
Naipilig ko pa ng ulo ko sa isiping iyun. Ayaw kong mag-isip ng ganoong bagay. Isa pa malabong gawin sa akin ni Rafael iyun. Nakita ko at nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal.
"Here Sunshine! Tutulungan na kitang magbihis at mag-ayos." nakangiti nitong wika.
"Tapos ka na bang mag-ayos? Kaya ko na ang sarili ko." nakangiti kong sagot sa kanya. HIndi naman ako nito pinakinggan. Nilapitan ako nito at iniabot sa akin ang aking underware.
Mabilis akong nagbihis. Tatanghaliin na talaga kami nito. Sana walang traffic ngayun. Para naman tuloy-tuloy ang byahe namin.
Sakay ng kotse, kaagad na naming tinahak ang kalsada papuntang Batangas. As usual magkatabi kami ni Rafael sa likurang bahagi ng sasakyan. Palagi na itong nagsasama ng driver tuwing umaalis. Naka-convoy din sa amin ang mga bodyguards nito.
"Umidlip ka muna Sunshine. Aabutin din siguro tayo ng dalawang oras bago makarating sa resort." narining ko pang bulong nito sa akin. Nakasandal ako sa dibdib nito habang nakatingin sa dinadaanan namin.
"Hindi pa naman ako inaantok. Baka ikaw, kailangan mong umidlip. Ikaw itong napagod kanina eh." sagot ko sa kanya. Muli nitong pinisil ang pisngi ko bago sumagot.
"Kiss lang ng Sunshine ko tanggal agad lahat ng pagod ko. Isa pa maliit na bagay lang iyung ginawa natin kanina. Gusto ko pa ngang ulitin pagdating natin ng Batangas eh." natatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan na kurutin ito sa tagiliran. Napaka-pilyo talaga nitong asawa ko.
Eksakto alas dose ng tanghali kami dumating ng resort. Nagulat pa ako sa dami ng sasakyan na nakaparada. Mukang kumpleto lahat ng Villarama Clan. Pati yata lahat ng mga apo nandito na din. May mga ilang bagong mukha na mga bisita din akong nakikita.
Kakaiba din ang ayos ng paligid. Parang may malaking party na pinaghahandaan. Hindi ko naman mapigilan na mapalingon kay Rafael na noon ay nakangiting inililibot ang tingin sa paligid.
"Anong meron? May gaganapin bang party?" tanong ko kay Rafael. Hindi ito sumagot. Nakangiti lang ako nitong iginiya papasok sa loob ng Villa. Ang bahay bakasyonan kung saan naglalagi ang kung sino mang miyembro ng pamilya kapag nagbabakasyon sa lugar na ito.
"Naku, mabuti naman at sa wakas dumating din kayo. Traffic ba at tinanghali kayo?" kaagad na salubong ni Mommy Carissa sa amin. Kaagad akong humalik sa pisngi nito bago binalingan si Rafael. Bahala siyang magpaliwanag kay Mommy niya.
"A-ano pong meron Mom? bakit ang ganda ng mga decorations sa labas? May party po ba?" hindi ko mapigilang tanong.. Sa sobrang bait ni Mommy Carissa hindi na ako nakakaramdam ng kahit na anong pagkailang sa kanya. Nasasabi ko na din ang mga gusto kong sabihin.
Sa tanong kong iyun kaagad kong napansin ang paguhit ng matamis sa labi ni Mommy. Tumitig muna ito sa anak bago muling nagsalita.
"Hindi mo pa nabanggit sa kanya? Hindi mo pa ba nasabi sa kanya kung ano ang ginagawa natin sa resort na ito?" tanong ni Mommy kay Rafael. Naguguluhan naman akong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Ano ba talaga ang meron? May mga bagay ba akong dapat na malaman? Bakit mukhang ako lang yata ang hindi nakakaalam sa mga kung ano mang kaganapan meron sa paligid ko.
Nagulat pa ako ng biglang lumuhod sa harap ko si Rafael. Kita ko ang pagiging seryoso ng mukha nito habang direkta na nakatitig sa akin.
"Sunshine...let's get married again. Sa pagkakataon na ito gusto kong buong pamilya natin ang maging saksi. Gusto kong ipakita sa kanila kung gaano natin kamahal ang isat isa. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ako ka-swerte na nakilala kita!" wika nito sa akin. Kaagad ko naman nasapo ang bibig ko. Hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Sa nanlalabo kong paningin dahil sa luha napansin ko na may kung anong bagay na inilahad si Rafael sa harap ko. Isang kumikinang na engagement ring. Napahagulhol naman ako ng iyak. Hindi ko akalain na makakatanggap ako ng ganito kalaking surpresa mula sa lalaking mahal ko.
Chapter 272
VERONICA POV
Saglit pa akong natulala habang nagpapalipat-lipat ng tingin ko kay Rafael at sa hawak nitong singsing. Hindi ko akalain na may sorpresa pala itong inihanda para sa akin. Ni sa hinagap hindi ko akalain na pormal itong magpo- propose ng kasal sa akin ngayun.
"I want to spend the rest of my life with you Sunshine! I love you very much!" seryosong wika nito sa akin. Ramdam ko ang senseridad sa boses nito kaya napaiyak ako sabay tango.
"Rafael, God! Of course! Yes! I love you too! Ikaw lang din ang gusto kong makasama habang buhay." umiiyak na sagot ko sa kanya. Kaagad na gumuhit ang ngiti nito sa labi. Hinawakan ang kaliwang kamay ko at isinuot sa palasingsingan ang kumikinang na singsing. Masuyo niya pa iyung hinalikan bago tumayo at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you Sunshine! Ako na siguro ang pinaka-maswerteng tao sa mundo. Alam mo ba kung gaano ako kasaya tuwing gumigising sa umaga na ikaw ang una kong nasisilayan? Alam mo ba kung gaano ako kasaya noong mga panahon na nasa tabi kita palagi habang nagpapagaling ako dahil sa aksidente. Kung alam mo lang, ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko! Mahal na mahal kita at gusto ko ngayung araw ding ito, sabay tayong manumpa sa harap ng Diyos na magsasama at magmahalan habang buhay." madamdamin nitong wika sa akin. Lalong nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Luha na simbolo ng kaligayahan.
"Rafael, Salamat! Salamat sa lahat! Walang pagsidlan ang tuwa ng puso ko tuwing sa araw-araw na magkasama tayo. Mahal na mahal kita! Salamat dahil hindi ka nagkulang na iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa iyo. Salamat dahil tinanggap mo ng buong buo ang pagkatao ko, pati na din ang pamilya ko." sagot ko sa kanya. Marahan pa itong kumalas sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan ako sa mga mata sabay binigyan ako ng halik sa noo.
"Tandaan mo Sunshine...mas maswerte ako dahil nakilala kita. Binago mo ang lahat sa akin. Binago mo ang buo kong pagkatao. Nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko simula ng nakilala kita." sagot nito.
"Hep! Hepp! Tama na muna iyan. Mamaya pati kami maiyak sa inyong dalawa eh. Wala akong balak na maki- party na namamaga ang mga mata ko.
Rafael kailangan ng ayusan si Veronica.
Isang oras na lang at mag-uumpisa na ang seremonya ng kasal niyo." Napakalas pa ako sa pagkakayakap kay Rafael ng marinig ko ang katagang iyun. Nagtataka akong napalingon at kaagad napansin si Ate Arabella. Nasa tabi na ito ni Mommy Carissa na nakalimutan ko na kanina pa pala nanonood sa aming dalawa ni Rafael. Ngiting ngiti ito habang nagapalipat- lipat ang tingin sa aming dalawa ni Rafael.
Hindi ko naman maiwasan na mapaisip sa huling sinabi ni Ate Bella. Seremonya? Ngayun na kaagad ang kasal namin?
"Ate naman! Nakita mong nag-uusap pa kami eh." nagpoprotestang wika ni Rafael kay Ate Bella. Pilit ko namang hinuhuli ang tingin nito. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin ni Ate Arabella.
"Mamaya nyo na ituloy iyan! Iyung hindi ko nakikita. Pati ako naiiyak sa inyong dalawa eh. Ang mabuti pa siguro hayaan mo munang maayusan iyang asawa mo Rafael. Nakakahiya kung pahihintayin natin ng matagal ang pari na magkakasal sa inyong dalawa." sagot naman ni Mommy Carissa.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang araw na ito. Oo, nagulat ako pero may magagawa pa ba ako? Sanay na ako sa mga ganitong set up eh. Noong una akong inangkin ni Rafael pinapirma niya kaagad ako ng marriage certificate. Kaagad nya din iyung pinarehistro kaya bigla kaming naging legal na mag-asawa.
Mag-iinarte pa ba ako gayung ano mang sandali magsusuot na ako ng white gown at sabay na kaming manumpa sa harap ng altar. Para
gawing official sa mata ng Diyos ang aming pagsasama.
"Okay Iha, lets go? Tsaka na ang mga katanungan....kailangan mo ng maayusan. Unti-unting nagsipagdatingan ang mga bisita niyo. Nakakahiya naman kung maghintay sila." nakangiting wika ni Mommy Carissa. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig kay Rafael. Ngiting ngiti ito habang nakatingin din sa akin.
Bago ako sumama kay Mommy niyakap at hinalikan muna ako nito sa pisngi.
"Naku, pasaway talaga ang batang iyan. Ilang beses kong binilinan na agahan ang pagpunta dito para makapagpahinga ka pa bago ang seremonya pero late na naman dumating. Mabuti pa kahapon na lang kayo pumunta dito Iha. Teka lang, kaya mo ba ang sarili mo? Sabihin mo lang kung pagod ka, pwede naman natin iusog ang time ng kasal niyo." narinig ko pang wika ni Mommy.
Hindi ko na nga pinagtuunan pa ng pansin ang iba pang sinabi nito ngayun. Abala ang isip ko sa sorpresang kasal na magaganap pagitan namin ni Rafael ngayung araw.
"Mommy, hindi po ba ako nananaginip? Talaga po bang ikakasal kami ngayun ni Rafael?" hindi ko pa maiwasang tanong kay Mommy. Mula sa paglalakad huminto kami pareho. Seryosong tinitigan ako ni Mommy sa mga mata.
"Yes...hindi ka nananaginip Iha. HIndi kami papayag na lumbas ang apo namin dito sa mundo na walang pormal na kasalan na nangyari sa inyong dalawa ni Rafael." nakangiti nitong sagot.
Hindi naman ako makapaniwala. Wala talaga akong idea tungkol dito. Kaya siguro nagiging abala sila Mommy nitong nakaraang araw dahil dito. Ganito ba nila ako kamahal. Nakakataba naman ng puso ang ginawa nilang ito sa akin kung ganoon.
"Talagang sinadya ni Rafael ang ganito. Ang gusto niya talaga supresahin ka dahil ayaw din niyang ma-stress ka sa paglalakad ng kasal niyo. Kilala ka ng anak ko iha at hanggat maari ayaw ka nyang mahirapan." pagpapatuloy na wika nito.
Muling nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala.
"Pe-pero, nakakahiya pa rin po sa inyo. Halos kayo po ang naglakad ng, lahat ng ito." sagot ko. Muling napangiti si Mommy Carissa.
"Palagi mong tandaan Iha: Nag-eenjoy kami sa ginagawa namin. Soonest, mabibigyan mo na kami ng apo. Magkakaroon na ulit ng baby ang mansion. Sapat na iyun para makabawi kayong dalawa ni Rafael sa lahat ng ginagawa namin ngayun." sagot nito. Hindi ako nakaimik.
"Huwag kang mag-alala. Sinigurado ko na maging perfect ang kasal niyong dalawa ni Rafael...so, ready ka na bang maayusan?" muling wika nito. Kaagad naman akong tumango.
Hinawakan pa ako ni Mommy sa braso at sabay na kang pumasok sa isa pang kwarto. Naghihintay na ang mga mag- aayos sa akin.
Sabay-sabay silang bumati sa amin ni Mommy Carissa ng mapansin nila ang pagpasok namin. Tanging ngiti lang, naman ang sagot ko samantalang si Mommy Carissa sinabihan pa ang mga mag-aayos na ingatan ako dahil buntis ako.
Maliit na bagay mula sa bibig ng byanan ko pero nakakataba ng puso.
Gusto talaga nilang ibigay sa akin ang pinaka the best.
Mabilis lang naman ang ginagawang pag-ayos sa akin. Light make up lang ang inilagay at inayos lang ang buhok ko. Kaunting linis sa mga kuko ko at ayos na. Hindi nga kami inabot ng tatlumpong minuto.
"Ang ganda niyo po talaga Mam. Sa lahat yata ng naayusan ko na ikakasal kayo ang pinakamaganda. Kahit hindi na siguro kayo make-apan lulutan at lulutang pa rin ang ganda niyo lalo na kapag suot niyo na ang wedding gown niyo." narinig kong wika ng make up artist. Binuksan nito ang isang parang kurtina at kaagad na tumampad sa mga mata ko ang puting wedding gown na ayon dito iyun ang isusuot ko para sa gaganaping wedding namin ni Rafael maya-maya lang.
Hindi ako makapaniwala. Sobrang
ganda at halos mapuno iyun ng mga kumikinang na mga bato. Gusto ko na naman sanang maluha kaya lang ng maalala ko ang make up ko napahinga ako ng malalim para tangGalin ang bumabara sa lalamunan ko. Para hindi ako muling maiyak.
Tinulungan nila akong isuot ang wedding gown ko at pinaharap sa isang full body mirror. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Saktong sakto lang sa akin ang sukat ng gown at gandang ganda ako sa sarili ko.
"Wow, ang ganda niyo po talaga Mam. Congratulation po ulit." nakangiti pang wika sa akin ng make up artist ko. Nakangiting binalingan ko din ito ng tingin para makapagpasalamat.
Ilang saglit lang nagulat pa ako ng bumukas ang pintuan at pumasok ang mga taong hindi ko inaasahan na darating. Si Nanay at Tatay at
nakangiting naglakad palapit sa akin. Hindi ko alam kung iiyak o tatawa ba ako sa sobrang tuwa. Lalo na ng maramdaman ko ang parehong paghawak nila sa kamay ko.
"Anak....napakabait talaga ng Diyos sa iyo. Palagi mong tandaan na masaya kami sa mga nangyari sa buhay mo dito sa Manila. Mabait kang bata kaya ka pinapagpapala ng Diyos."
nakangiting wika ni Nanay sa akin. Kitang kita sa mukha nito ang tuwa. Pigil naman ni Tatay ang maiyak na ngayun ko lang nakita sa kanya.
"Nay, Tay, salamat po dumating kayo. Masasaksihan niyo din po ang importanteng kaganapan sa buhay ko." nakangiti kong wika.
"Noong pinaplano pa lang ang kasal niyo ni Rafael, pinaalam na sa amin nila Arabella. Nakausap din namin ang byanan mo. Ang bait nila, gusto nilang hingin ang opinyon namin tungkol sa pagpapakasal niyong dalawa ni Rafael... eh wala naman kaming idea kaya sinabi namin na sila na ang bahala." wika ni Nanay. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
"Ang daya niyo naman po. Ilang beses akong tumawag sa inyo pero hindi niyo man lang nabanggit sa akin ito." sagot ko.
"Eh supresa nga daw kasi. Sabi ng mga byanan mo malapit mo na daw sila mabigyan ng apo kaya deserve mo ang ganito kalaking supresa." sagot naman ni Tatay. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Siya...siya....mamaya na natin ituloy itong pag-uusap natin. Naghihintay na ang groom sa harap ng altar. Halika na at ng maumpisahan na ang seremonya. " nakangiting wika ni Nanay sa akin.
Nasa gitna nila ako habang naglalakad kami palabas. Mukhang ready na ang lahat paglabas ko. Hindi ko pa isa- isang nakikita ang lahat ng Villarama Clan pero mukhang kumpleto naman sila. Mula sa mga kapatid ni Rafael pati na din sa kanyang mga pamangkin.
Habang naglalaakad sa red carpet papuntang altar hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Talagang hindi nagkulang ang lahat na iparamdam sa akin kung gaano ako ka-special.
Chapter 273
VERONICA POV
Hilam ng luha ang mga mata, dahan dahan akong naglakad sa red carpet direksiyon kung saan matiyagang naghihintay sa akin si Rafael. Ramdam ko sa titig nito na puno ng pagmamahal kaya hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nagpromise na ako sa sarili ko kanina na hindi ako iiyak dahil ayaw kong masira ang make up ko. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko eh. Talagang ang babaw ng luha ko.
Pakiramdam ko nasa alapaap ako ng mga sandaling ito. Nasa akin din ang buong attention ng lahat ng mga bisita pati na din ng aming mga pamilya.
Walang pagsidlan ng tuwa ang
nararamdaman ng puso ko ngayun. Ni sa hinagap hindi ko akalain na kaagad na matutupad ang matagal ko ng pinangarap. Ang makapagsuot ng maganda at mamahaling wedding gown habang buong pagmamahal na nakatitig sa akin ang lalaking mahal ko.
Habang palapit ako sa kinatatayuan ni Rafael ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kita ko ang pinaghalong tuwa at pananabik sa mga mata nito. Lalo naman nag-uunahan sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang at natatakpan ang mukha ko ng wedding veil kaya hindi masyadong halata. Wala na din akong pakialam kung masira man ang make up ko.
Pagkalapit namin sa kanya kaagad itong nagmano kina Nanay Tatay. Pagkatapos muling natoon ang attention ni Rafael sa akin.
"Iho, alam namin na mabait kang bata. Patuloy naming aasahan na aalagaan at mamahalin mo si Veronica habang buhay. Wala kaming ibang hangad kundi ang maging masaya kayo habang buhay." narinig ko pang wika ni Tatay.
"Salamat po Tay, Nay! Mahal na mahal ko po si Veronica. Magiging perfect husband po ako sa anak niyo. Huwag po kayong mag-alala sisiguraduhin ko na magiging masaya siya sa piling ko. Ipinapangako ko din po na aalagaan ko siya habang buhay." nakangiting sagot ni Rafael. Ramdam ko sa boses nito ang sensiridad. Kusa namang iniabot ni Tatay ang kamay ko kay Rafael na kaagad naman niyang tinanggap.
"Promise, I will love you forever Sunshine!" sambit pa nito sa akin. Napatitig naman ako dito bago sabay na kaming naglakad papuntang altar kung saan matiyagang naghihintay ang pari na magkakasal sa aming dalawa.
Naging mabilis ang pag-usad ng oras. Namalayan ko na lang na nag-uumpisa na kaming manumpa ni Rafael sa isat- isa habang saksi ang mga mahal namin sa buhay at ilang mga bisita,
"I Rafael Perez Villarama, take thee, Veronica Mendoza, to be my wedded wife, to have and to hold from this day forward, for better and for worse, for richer ang poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part-------" madamdaming wika ni Rafael. Hindi ko na nga napakinggan pa ang ibang sinabi nito. Napahikbi na kasi ako. Gayunpaman ramdam ko sa boses nito ang matinding sensiridad. Hindi ko tuloy maiwasan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata kaya noong ako naman ang nanumpa halos hindi yata maintindihan ng mga nakakarinig ang mga binanggit kong salita dahil may kasama ng hikbi.
Wala eh..hindi ko talaga mapigilan ang maging emotional. Umaapaw ang nararamdamang tuwa ng puso ko at pigil ko ang sarili ko na mapahagulhol ng iyak dahil sa matinding kaligayahan.
Hindi ko na nga alam kung paano ko natapos ang panunumpa ko. Kung nasabi ko ba ng maayos. Basta, para akong wala sa sarili. Basta ang alam ko lang, hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko kay Rafael. Ang lalaking simula ngayung araw, magiging legal na ang pagsasama namin hindi lang sa mata ng mga tao kundi pati na din sa mata ng Diyos.
"Now that Rafael and Veronica have given themselves to each other by the promises they have exchange, I pronounce them to be husband and wife -----I ask you now to seal the promises you have made with each other this day with the kiss!" finale na wika ng nagkasal sa amin. Lalo naman akong naluha ng dahan-dahan na itinaas ni Rafael ang Veil ko at matamis akong nginitian.
"I love you Wife!" wika pa nito at naramdaman ko ang masuyong pagpahid nito ng luha sa aking mga mata bago dahan-dahan na naglapat ang aming mga labi. Kaagad kong naipikit ang aking mga mata para namnamin ang halik na iyun. Walang kasingtamis ang halik na pinagsaluhan namin dahil alam namin pareho na ito na ang umpisa para bumuo ng sariling pamilya.
Hindi ko namalayan pa kung gaano katagal na magkalapat ang aming mga labi ni Rafael. Basta narinig ko na lang ang palakpakan sa buong paligid at hiyawan. Bigla tuloy akong nagising at wala sa sariling napakalas sa pagkakayakap kay Rafael at nahihiyang inilibot ko ang tingin sa paligid.
"Grabe, akala ko hindi na kayo maghihiwalay eh. Para naman kayong hindi magkasama palagi." narinig ko pang kantyaw ni Elijah.
"Truth, nakakainggit! Hindi naman ganyan si Drake sa akin noong ikinasal kami eh." Narinig kong sagot ni Jeann.
Parang bigla naman nag-init ang pisngi ko dahil sa narinig. Sobrang nakakahiya. Gaano ba kami katagal naghalikan sa harap nila? Ngiting- ngiti naman sa amin sila Mommy Carissa at Daddy habang nakatitig sa amin kasama na din sila Nanay at Tatay. Pati pala ang mga bisita. Lahat sila nakangiti sa amin. Nakakahiya... baka kung ano ang isipin nila sa aming dalawa ni Rafael.
"Heyy, relax Sunshine...Inggit lang ang mga iyan kaya ganyan ang mga reactions nila." nakangiti pang bulong sa akin ni Rafael. Hinapit ako nito sa baywang nang mag-umpisa ng magsilapitan ang halos lahat ng naging saksi sa kasalan namin para i-congratulate kami.
Ibat ibang pagbati ang narinig ko sa mga bisita pati na din sa mga kaibigan at pamilya. Puro ngiti lang naman ang naging sagot ko. Kahit papaano hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya sa kanila. Lalo na at hindi naman ako sanay na makihalubilo sa ibang tao.
Aaminin ko na majority sa mga bisita hindi ko kilala. Maliban na lang sa mga Villarama Clan. Siguro ang iba sa kanila ay mga business partners ng mga Villarama. Hindi lang ako sure.
May mga nag-vivideo din akong nakikita. Lahat yata ng kilos namin ni Rafael ay kinukunan nito. Naging conscious tuloy ako sa mga kilos ko.
Hindi din nagpahuli ang mga kapatid at mga pamangkin ni Rafael. Isa isa silang nagsilapitan para bumati na din. Ramdam ko ang saya ng bawat isa kaya lalong nagdiwang ang aking kalooban.
Hindi naman nagtagal at natapos din ang pagdumog sa amin ng mga bisita. Kahit papaano nakahinga na ako na maluwang. Nakakaramdam na din ako ng pagod. Dagdagan pa na nagdadalang tao at hindi ako dapat magpagod ng sobra.
"Naku Bestie, hindi na talaga mapigilan ang pagtanda natin."
narinig ko pang wika ng babaeng kasama ni Mommy Carissa habang naglalakad sila palapit sa amin. Sinipat ko ito ng tingin at hindi ko mapigilan na mapangiti ng makilala ito.
Ang Mommy ni Ate Carmela. Si Tita Roxie na kaagad lumapit sa aming dalawa ni Rafael at nakangiting sinipat kami ng tingin bago ako niyakap at hinalikan sa pisngi pagkatapos magbigkas ng salitang pagbati.
"Congratulations sa inyong dalawa.
Ang bilis ng paglipas ng panahon. Parang kailan lang nakikikarga pa ako dito kay Rafael noong baby pa siya tapos bigla na lang akong makakatangGap ng wedding invitations galing sa inyong pamilya Bestie." nakangiti nitong wika kay Mommy Carissa. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Mommy bago sumagot.
"Ganoon talaga Bestie. Siguro ang hihintayin ko na lang mula sa iyo ay ang invitation mo sa kasal ng bunso mong anak." nakangiting sagot ni Mommy Carissa.
"Naku, mukhang malapit na din
mangyari iyun Bestie. Hayyyy talaga
naman...parang kailan lang ang bilis ng paglipas ng panahon. Pareho na tayong senior citizen at malapit ka ng magkakaroon ng apo sa tuhod Bestie. Naunahan mo na naman ako." nakangiting sagot naman nito kay Mommy Carissa.
"Eeheem! Since tapos na ang ceremony, papasok na muna kami ng Villa Mom, Tita. Kailangan makapagbihis ni Veronica ng kumportableng damit." paalam ni Rafael habang magkahawak kamay kami. Mabuti na lang at natapos din ang batian na nangyayari at nasa kanya -kanyang nakalaan na table ang mga bisita para kumain.
"Sige...bumalik kaagad kayo ha?
Kailangan niyong iistima ang mga bisita niyo. Isa pa nabanggit ng Daddy niyo na pormal din natin na ipakilala si Veronica sa ating mga malalapit na kaibigan at mga kasusyo sa negosyo." nakangiting sagot ni Mommy Carissa. Tumango lang si Rafael at iginiya na ako palayo sa lahat. DireTSo kaming naglakad patungo sa Villa para makapagbihis ako ng damit. Medyo mabigat kasi itong wedding gown ko at napansin marahil ni Rafael na hindi na ako kumportable.
Chapter 274
RAFAEL POV
Gusto kong maluha habang tinititigan ang babaeng pinakamamahal ko na naglalakad palapit sa akin. Si Veronica... napakaganda niya sa suot na wedding gown.
Sa wakas dumating na din ang araw na matagal ko ng pinakahihintay. Ang araw ng aming kasal.
Alam kong nabigla ito dahil wala itong kaalam-alam sa mangyayari ngayung araw. Wala din itong kamalay-malay na pasikreto naming inaasikaso ang masayang araw na ito. Ang alam lang ni Veronica ay magbabakasyon lang kami ngayun dito sa resort.
Well, deserved niya ang ganito kalaking surpresa. Mabuti na lang at
very cooperative sila Mommy at Daddy pati na din ang mga kapatid ko sa plano kong ito. Walang ni isa man sa kanila ang nadulas para mabanggit kay Veronica ang tungkol sa plano kong surprised wedding namin.
Pinili ko talaga na dito sa resort ganapin ang wedding namin dahil alam ko kung gaano ka- memorable kina Mommy at Daddy ang lugar na ito.
Gift ni Daddy ang resort na ito kay Mommy noon pagkatapos nilang malagpasan ang masalimoot na nangyari sa kanilang buhay at gusto kong maging inspirasyon ang pagsasama nila para maging masaya din kami ni Veronica hanggang sa pagtanda namin.
Piling-pili ang mga bisita na imbetado. Gusto ko sanang gawing private ang kasal namin at tanging pamilya at malalapit lang na kaibigan ang iimbitahan pero since nag-insist ang mga kapatid ko at sila Mommy at Daddy na ilabas ito sa publiko para naman malaman ng lahat na ikinasal na ang bunsong anak ng mga Villarama. Nag-imbita din sila ng ibang media personnel para kumuha ng ilang detalye tungkol sa kasal namin.
Aware ako kung ano ang katungkulan ng pamilya namin sa lipunan. Isa kami sa pinakamayaman at pinaka- makapangyarihang pamilya ng bansa at ang pagpapakasal kong ito ay malaking balita sa business world. Alam ko din na maraming magtataas ng kilay sa biglaang kasalan na nangyari pero wala na akong pakialam pa. Ang importante sa akin ngayun ay ang makasama habang buhay ang babaeng mahal ko.
Pagkalapit nito sa akin kasama ng kanyang mga magulang pigil ko ang sarili kong yakapin ito. Ewan ko ba, palagi naman sana kaming magkasama pero hindi talaga ako nagsasawa na titigan ang maganda nitong mukha.
Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang gown. Lalong nangibabaw ang ganda nitong taglay kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.
Si Tatay na mismo ang nag-abot ng kamay ni Veronica sa akin. Nakangiti ko naman itong tinangap at pagkatapos ng madamdaming palitan ng promises sabay na kaming humarap sa altar.
Sa sobrang tuwa na nararamdaman ng puso ko hindi ko na tuloy napagtuunan pa ng pansin ang mga sinabi ng pari sa amin. Wala kasi akong ibang ginawa kundi sulyapan na sulyapan ang babaeng mahal ko.
Pagkatapos ng seremonya ng kasal masaya ako sa natanggap naming pagbati mula sa lahat ng bisita at pamilya. Nararamdaman ko ang pagod ng asawa ko pero nakangiti pa rin ito sa harap ng maraming bisita. Alam kong katulad ng nararamdaman ko, masayang masaya din ito.
Muli kong hinawakan ang kamay nito. Kaagad kong nakapa ang wedding ring nito kaya naman itinaas ko ang kamay niya at tinitigan ang kanyang daliri.
Bagay na bagay sa kanya iyun. Isang patunay lang na pag-aari ko na siya. Na bawal nang pagpantasyahan ng kahit sinong lalaki si Veronica dahil nakatali na siya sa akin.
May mga ilang bachelors businessman din kaming mga bisita. Mga anak-anak na din sila ng mga kasosyo ni Daddy noon at hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano nila titigan ang asawa ko. Alam kong gandang-ganda sila sa asawa pero sorry na lang sila, pag-aari ko na ang babaeng nasa tabi ko ngayun.
"Tired?" masuyo kong tanong kay
Veronica habang naglalakad kami pabalik ng Villa. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak nito sa palad ko kaya naman pinisil ko iyun. Saglit itong huminto sa paglalakad at tumitig sa akin sabay tango.
"Yes....pero masaya! Grabe ka, ang hilig mo talaga akong i-surprised!" sagot nito. Hinawi ko muna ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa kanyang noo bago ako sumagot.
"I loved surprises! At kaya kita gustong palaging i-surprised dahil lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag nagugulat ka." nakangiti kong sagot sa kanya. Kunwari inirapan ako nito at nagpatuloy na sa paghakbang kaya kaagad akong napasunod sa kanya.
"Mabuti na lang nagkasya sa akin ang wedding ring natin dahil kung hindi, hindi talaga ako sasagot ng I do kanina. Ipapa-re schedule ko talaga itong kasal natin." seryosong sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Ngayun ko lang kasi narinig sa kanya ang mga ganitong linyahan. Hindi ko namalayan na napatigil na pala ako sa paglalakad habang nakatitig kay Veronica.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Seryoso yarn?" sagot nito. Ngiting ngiti ito sa akin na parang tuwang tuwa sa nakikitang expression ng mukha ko. Marahan akong napabuntong hininga.
Nagulat pa ako ng bigla nitong pitikin ang ilong ko. Pagkatapos narinig ko ang malakas na pagtawa nito.
"Napaka-seryoso ng asawa ko. Bawal ba akong mag-joke? Hindi ba nakakatawa?" Narinig ko pang wika sabay taas ng kanyang daliri na may suot na wedding ring.
"Ang ganda kaya ng ring na ito. Lahat naman na binigay mong alahas sa akin lalo na kapag singsing kasya eh." natatawa nitong wika. Unti-unti ko namang narealized ang ibig nitong sabihin...
Hayst bakit nga ba napaka-serious ko sa mga ganitong usapin? Maybe because hindi ako sanay na binibiro ng ganito ng mahal ko? Minsan nga lang pala ito magbiro kaya sakyan ko na. Baka mamaya magtampo pa sa akin eh.
Moody pa naman daw ang mga buntis. Pabago-bago ang hormones kaya ang bilis din magbago ng ugali. Nabanggit nga ni Mommy sa akin na maswerte pa rin ako dahil hindi ako nakakatikim ng pagsusungit mula kay Veronica. Hindi din ako nito pinapahirapan na hanapin ang kanyang mga cravings. Sila Ate daw kasi noon kawawa sa kanila ang kanilang mga asa-asawa dahil kung anu-anong hinahanap na mga pagkain kapag naglilihi.
Ibang iba na ngayun ang ugali ng Veronica ko. Mas lalo itong naging sweet sa akin. Mas lalo nitong ipinapakita sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya.
"Ikaw talaga! Nagulat lang ako. May itinago ka palang kapilyahan ha? Baka kung ako ang magbiro sa iyo hindi ka makakatayo kinabukasan sa kama?" nakangisi kong sagot sa kanya. Kaagad kong napansin ang pamumula ng pisngi nito kaya natawa ako.
"Joke lang...hindi pa mangyayari ang nasa isip mo ngayun. Baka tamaan ang ulo ni Baby eh." natatawa kong wika sabay kindat sa kanya. Kaagad naman ako nitong pinaningkitan ng mga mata kaya naman lalo akong natawa. Ang cute talaga tingnan ng asawa ko. Kung hindi lang buntis baka hindi ko ito palabasin ng kwarto buong duration ng honeymoon namin eh.
Natapos din ang kulitan naming dalawa hanggang sa nakarating kami ng kwarto ko. Naka-ready na ang damit na pamalit nito kaya naman tutulungan ko na lang siyang maghubad ang kanyang wedding gown.
Para kasing pati ako nabibigatan sa suot niyang gown. Kawawa naman ang mahal ko kung magtatagal pa sa kanyang katawan ang wedding gown niya. Alam kong init na init na din ito eh.
"Kaya mo bang bumaba ulit para makihalubilo sa mga bisita? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya... maiintindihan naman nila tayo."
nakangiti kong wika sa kanya habang ibinaba ko ang zipper ng kanyang gown sa likuran. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok ng tumampad sa mga mata ko ang makinis nitong likod.
"Ayos lang ako. Isa pa, Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mommy kanina?
After kumain may short program pa daw na gaganapin." nakangiti nitong sagot. Mukhang excited naman ito kaya hindi na ako nakaimik pa.
"Ito ba ang isusuot ko? Ang ganda naman nito. Mukhang pinaghandaan talaga nila Mommy ang araw na ito. Nakakahiya dahil hindi man lang ako nakatulong." muling wika nito sa akin. Hindi pa rin ako nakaimik lalo na ng tuluyan ng nahubad ang suot nitong gown. Tanging bra at panty na lang ang natira kaya naman bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking katawan. Nag react na din ang aking pagkalalaki.
Ewan ko ba...hindi pa rin yata ako sanay na nakikitang naked itong asawa ko. Ang ganda kasi talaga at hindi hadlang ang pagiging buntis nito para mabawasan ang kanyang kasexyhan.
"Rafael, ano na ang nangyari sa iyo.... tulala ka naman diyan!' narinig ko pang wika ni Veronica sa akin. Pinitik pa ako nito sa aking ilong kaya naman kaagad akong nakabalik sa huwesyo.
"Ikaw yata itong pagod eh. Bakit hindi ka na nakaimik dyan?" tanong nito habang may pilyang nakangiti sa labi. Pinamaywangan pa ako nito kaya muli akong napalunok ng aking laway.
"Matulog na lang kaya tayo Sunshine. Hindi naman siguro nila tayo hahanapin sa labas diba?" sagot ko sa kanya. Kaagad ako nitong tinaasan ng kilay sabay dampot sa damit na pamalit sa wedding gown na nahubad na.
"Hindi pwede. Bilin ni Mommy na bumaba kaagad tayo." sagot nito at akmang isusuot na ang white dress nito ng hawakan ko siya sa kanyang kamay.
"Kahit one round lang. Galit na ang anaconda ko eh." sagot ko sa kanya. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito at dahan-dahan na bumaba ang tingin sa gitnang bahagi ng aking katawan. Ilang saglit lang narinig ko ang malakas nitong pagtawa.
"hahahaa! Ikaw talaga...wala kang pinipiling oras! Pakalmahin mo muna iyan dahil hindi ako papayag na hindi tayo makabalik ng party. Hinihintay na tayong dalawa doon." sagot nito sa akin sabay naglakad papuntang vanity mirror. Nasundan ko na lang ito ng tingin habang dahan-dahan na nitong isinusuot ang white dress niya.
Napahinga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Wala eh...Alam kong hindi ko mapipilit si Veronica. Isa pa tama ito, hinihintay kami sa labas. Kasal naming dalawa ito kaya dapat lang na kami ang personal na mag-aasikaso ng mga bisita.
Isa pa ito na din ang pagkakataon na makilala ng lahat ng babaeng mahal ko. Malapit na kaming magkaanak at dapat lang na makuha din ni Veronica ang kaparehong pagkilala at paggalang ng lipunan katulad ng tinatamasa ng buong Villarama Clan.
Chapter 275
RAFAEL POV
Hindi nasunod ang gusto ko. Kanina pa ako gigil sa asawa ko pero dahil gusto niya talagang i-enjoy ang party kasama ng mga bisita at Villarama clan wala akong choice kundi pagbigyan ito. Baka magtampo sa akin eh. Mamaya na lang ako babawi kapag matapos na ang party. Isang linggo kaming mananatili sa resort na ito at sa loob ng linggong iyun susulitin ko talaga ang araw na kasama ko siya...ang babaeng mahal ko na si Veronica.
Kakatapos lang namin ikutin ang mga bisita. Ipinakilala na din namin si Veronica sa mga kaibigan at mga business partners namin. Puro possitive naman ang naririnig namin kaya alam kong masayang masaya ito. Parang hindi nga nauubusan ng energy.
Kung kanina medyo nahihiya pa ito hindi naglaon nasanay na din siya sa prensensya ng ibang tao.
Katulad na lang ngayun, kausap niya ang dalawa kong pamangkin at isang kaibigan niya. Kita ko ang ngiti sa labi nito habang may kung anong masaya silang pinag-uusapan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti na din.
"Hey dont tell me na hindi ka na umiinom ngayun? Hayaan mo muna si Misis. Hindi naman ibang tao ang kausap niya. Si Charlotte at Jeann at Beatrice lang ang mga iyan. Walang aagaw sa asawa mo kaya focus ka muna sa inuman natin ngayun."
narinig kong wika ni Peanut. Napansin marahil nito na kahit sila ang kaharap ko nasa kay Veronica pa rin ang buo kong attention. Kaharap nito ang mga pamangkin ko at stepsister ni Arthur.
Sa totoo lang wala talaga akong balak na uminom ngayun. Ayaw kong tumikim ng kahit na anong alak at baka maging dahilan pa ng stress ni Veronica. Hindi na kasi nito nakalimutan ang nangyari sa akin noon nang minsan na nalasing ako kaya iwas alak muna lalo na at buntis ito ngayun.
"Hindi ba pwedeng na-aamaze lang ako? Alam niyo iyun? Hindi pa rin ako makapaniwala na natagpuan ko na ang babaeng para sa akin" Wala sarili kong sagot. Kaagad ko naman narinig ang pagtikhim ni Peanut.
"True love exist talaga! Tingnan mo ako, hindi ko akalain na ma-iinlove ako kay Jeann. Akala ko noong una na- challenge lang ako sa mga pagsusungit niya sa akin eh...pero hindi ko na namalayan ang sarili ko na ini-stalk ko na pala siya nang hindi niyo alam lahat.
"tatawa-tawa namang sagot ni Drake.
Hindi ko naman maiwasan na
mapangiti.
Ibang klase talaga kapag tumama si Kupido. Napapatino ang kahit na sino. Katulad nalang sa nangyari sa buhay ko, akala ko talaga noon habang buhay akong magiging easy go lucky eh. Hindi ko man lang naisip na posible din pala akong magtino sa piling ng isang babae. Ang babaeng hindi ko yata alam kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling iwan ako. Parang bigla na lang kasi nitong nakuha ang malaking bahagi ng puso ko nang hindi ko man lang namamalayan.
"Ganyan ba talaga kayo? I mean...si Drake noong bagong kasal din ganyan na ganyan din sa iyo. Basta na lang natutulala habang nakatitig sa asawa." narinig kong wika ni Peanut. Napasulyap ako dito at kaagad kong napansin ang naglalarong ngiti sa labi nito. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga.
"Gago! Malalaman mo din iyan kapag ikasal ka na! Kapag matagpuan mo na ang babaeng para sa iyo!" Sagot naman ni Drake. Sunod-sunod ang pagtungga ng alak nito kaya hinayaan na lang namin.
"As for me naman, siguro malapit na. Bubuntisin ko muna ang babaeng mahal ko bago ko pakasalan para siguradong walang kawala sa akin." nakangisi namang sabat ni Arthur. Kaagad naman natawa si Peanut.
"Buntisin? Sino ang malas na babaeng iyun na pumapayag sa ganyang set up? Paano kung inutil ang matris at walang kakayahang mabuntis eh di lugi siya?" narinig kong sagot nito. Sa boses nito halatang diskumpyado ito sa pananaw ni Arthur.
Sabagay, kahit ako hindi kumbinsido sa sinabi ni Arthur ngayun lang. Napaka -selfish na dahilan.
Sa aming magkakaibigan si Peanut
talaga ang pinakamadaldal. Ito din ang pinaka-playboy. Siguro dahil isa siyang model kaya kung sinu-sino ding mga babae ang mga pinapatos. Karamihan mga nasa showbiz kaya naman talo pa ang mga collector kung makapangulekta ng mga babae.
Nagkaroon na din ito ng sex scandal noon. Mabuti na lang at kaagad na naagapan ng kanyang manager. Maliban sa pagiging isang model, isa din itong businessman. May mga apartments at mga hotels ito na nagkalat hindi lang dito sa Manila kundi pati na din sa karatig na mga probensya.
"Basta! Magtiwala lang kayo sa akin. Baka sa mga susunod na buwan baka ako naman ang ikasal." nakangiting sagot ni Arthur at sinabayan pa nito ng pagtungga ng alak. Hinayaan ko na lang sila sa topic nila.
Wala akong pakialam kung balak ba nilang bumuo ng pamilya or hindi. Basta ang importante sa akin ngayun, masaya ako dahil tuluyan ng naitali sa pangalan ko ang babaeng mahal ko.
Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ng pamangkin kong si Jeann. Naglalakad ito palapit sa amin habang matalim na nakatitig kay Drake. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga at muling napasulyap sa kinaroroonan ng asawa ko. Tahimik din itong nakatingin sa akin kaya kaagad ko itong kinindatan. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kaagad na pamumula ng pisngi nito.
"Drake...ano ba! Hindi bat sinabi ko sa iyo na bawal kang uminom? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gusto mo ba tuluyan na akong magalit sa iyo?"
narinig kong wika ng pamangkin kong si Jeann. Wala talagang pinipiling lugar at oras ang katarayan nito. Kaya pala parang sabik itong si Drake na uminom ng uminom ng alak kanina dahil pinagbawalan pala nitong pamangkin ko.
"Honey, sorry. Kaunti lang naman. Isa pa hindi ko mahindian ang mga kaibigan ko eh. Lalo na ang Uncle mo." sagot naman ni Drake. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Pati ako dinamay pa sa walang kwenta niyang katwiran. Nagpapatunay lang na takot ito sa pamangkin ko.
Sabagay, kaugali na yata nitong si Jeann ang Mommy Arabella niya. Lumalabas na ang pagkamasungit eh. Mabuti na lang at mabait itong si Drake. Isang sigaw lang mula kay Jeann nanginginig na kaagad.
"Totoo ba Uncle?" narinig ko pang tanong ni Jeann sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin sabay tayo.
"Ewan ko sa iyo. Talo mo pa ang
Mommy mo sa sobrang higpit. Bawas- bawasan mo ang pangit mong ugali. Baka mamaya magising ka na lang isang umaga iniwan ka na ni Drake!" nang-iinis kong sagot. Tulala naman itong napatitig sa akin kaya kaagad ko itong tinalikuran.
Diretso akong naglakad patungo kay Veronica. Hindi ko na kaya pang magtiis. Gusto ko ng umpisahan ang honeymoon namin. Nagsipag-uwian na din ang ilang mga bisita kaya wala ng dahilan pa para manatili kami dito sa labas. Doon na lang kami sa kwarto namin para malaya naming magawa ang lahat ng gusto namin.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaagad na pagngiti sa akin ni Veronica pagkalapit ko sa kanya. Masuyo ko itong hinawakan sa kamay at bago ko pa naibuka ang aking bibig para yayain ito sa kwarto namin nauna na itong magsalita.
"Rafael, nagugutom na ako." wika nito sa akin. Nagulat naman ako. Oo nga pala, sa sobrang abala namin pareho nakaligtaan ko itong yayain na kumain. Hindi din naman ito nagsasabi sa akin kanina. Wala sa sariling sinipat ko ang suot kong relo at ngali-ngaling batukan ko ang sarili ko dahil halos alas sais na pala ng hapon.
'Ganoon ba? Naku, pasensya ka na Sushine, hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Ano ang gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya. Muli ako nitong nginitian bago sumagot.
"Gusto ko ng beef burger. Gusto ko maraming vegetables sa loob." sagot nito. Saglit naman akong napaisip. May kasama bang burger sa mga handa namin?
"Pwedeng mag-request ng burger sa chief uncle." nakangiting sabat naman ni Charlotte. Kaagad akong nabuhayan ng loob. Mabuti naman at meron. Sa dami ng pagkain na pwedeng irequest nitong asawa ko burger pa talaga. Sabagay, mas okay na din iyun. Kung sakaling wala dito marami namang restaurant na pwedeng orderan ng burger.
"Iyan lang ba ang gusto mo? How about drinks?" tanong ko sa kanya. Saglit itong nag-isip bago sumagot.
"Hmmm gusto ko kiwi juice. Iyung maasim na maasim ha?" sagot nito. Kaagad akong tumango at sininyasan si Charlotte na siya na muna ang bahala kay Veronica. Kaagad naman itong tumango.
Burger na lang din ang kakainin ko kaya naman dinagdagan ko na ang pinapagawa ko sa chief. Hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa paligid. Iilan na lang ang mga naiwang bisita. Sa hindi kalayuan nakita ko si Mommy at Tita Roxie na masayang nag-uusap samantalang ang mga byanan ko naman ay kausap ng mga kapatid ko.
Alam kong napaka-memorable ng araw na ito hindi lang sa aming dalawa ni Veronica kundi pati na din sa buong pamilya. Kaya naman sisiguraduhin kong magiging masaya ang buhay may asawa ko. Magiging pefect husband ako at ama ng aking mga anak. Magiging katulad ako ni Daddy Gabriel na sa lahat ng oras, Pamilya ang pinaka- priority.
Chapter 276
VERONICA POV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinusundan ko ng tingin si Rafael. Nakakatuwa lang dahil kahit isa itong Villarama willing nitong sundin ang lahat ng gusto. Katulad na lang sa pagkain....pwede naman sana akong kumuha or magrequest sa mga nagkalat na mga waiter at waitresses para ipaserve na lang ang kung ano mang gusto kong kainin pero dahil gusto kong maglambing sa kanya hinintay ko pa talagang lapitan niya pa ako para sabihin na gutom na ako.
"Ang bait na talaga ni Uncle. Isang sabi mo lang nagkakandarapa na kaagad siyang sundin ka. Pero alam mo ba na hindi mautusan iyan dati? Napaka- makasarili kaya niyan noon at napaka- masungit pa!." narinig kong pang sambit ni Charlotte. Hindi ko tuloy maiwasan na lalong mapangiti.
"Talaga? Mabait naman si Uncle niyo. Siguro hindi niyo lang masyadong napapansin noon." sagot ko.
"Sa iyo lang iyan mabait. Kasi Love ka niya. Ikaw talaga ang swerte niya. Napalambot mo ang bato niyang puso. Kaya kung sakaling ma-inlove man ako balang araw...gusto ko iyung katulad kay Uncle. Iyung medyo badboy pero willing magbago dahil sa akin." narinig kong wika nito. Kita pa ang kilig sa mukha nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa ulit.
Pati mga mata nito nangingislap sa tuwa habang nagsasalita. Sa sobrang ganda ni Charlotte tiyak na marami ang nagkakagusto dito. Pero siyempre dahil minor pa ito ngayun hindi pa talaga pwedeng tumanggap ng manliligaw. Tiyak na magwawala ang Mommy nito na dating miyembro ng military.
"Hindi naman masama ang mangarap. At least ngayun pa lang alam mo na kung anong klaseng ugali ng isang lalaki ang gusto mo. Iyun nga lang hindi ka pa pwedeng ma-inlove. Minor ka pa lang at huwag kang magmadali." sagot ko. Narinig ko pa ang paghagikhik nito bago muling itinoon ang pansin sa akin.
"Sabihin mo nga sa akin...ano ang feeling ng isang babaeng inlove?" tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Ano bang klaseng tanong iyan? Bakit nakakaramdam ka na ba ng ganyang bagay sa opposite sex mo? May crush ka na ba?" nanunudyo kong tanong sa kanya.
Mabuti na lang at kaming dalawa lang magkaharap ngayun. Pagkaalis ni Rafael kanina, nagpaalam din si Beatrice na magbanyo muna samantalang si Jeann ayun kausap ang asawa niyang si Drake. Nagalit yata dahil nakita niyang umiinom ng alak ang asawa niya.
Vocal naman itong si Charlotte sa lahat ng bagay pagdating sa akin. Madaldal din ito. Sabagay, noon pa man malapit na talaga ang loob nito sa akin. Siya ang una kong nakapalagayan ng loob noong unang dating ko sa pamilya Villarama.
"Hmmm not sure but curious lang ako. "nakangiti nitong sagot sabay tingin sa kung saan. Kaagad kong napansin na nakatitig ito sa gawi nila Peanut at Arthur. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
Ibig bang sabihin isa kanila ang crush nitong si Charlotte? Well, hindi malabong mangyari iyun...katulad ni Rafael saksakan naman talaga ng
gwapo ang dalawang lalaking iyun. Kaya lang mukhang hindi pa yata ready ang dalawang iyan na magseryoso pagdating sa pakikipagrelasyon..
"Well, madali lang naman malaman kung sakaling inlove ka...." paumpisa kong wika. Wala akong nakuha na kahit na anong reaction mula kay Charlotte kaya kinalabit ko na ito.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong pa nito sa akin ng makabawi sa huwesyo. Kunot noo ko itong tinitigan bago ako napatingin sa gawi nila Peanut. Huling huli ko din si Peanut na nakatitig sa gawi namin. Partikular na kay Charlotte.
Huwag niyang sabihin na may gusto din ang Peanut na iyun kay Charlotte. Naku, lagot na! Minor pa lang si Charlotte at tiyak na mag-aalburuto si Ate Carmela at Kuya Christian kapag malaman nila na dahan-dahan ng nagkakagusto ang anak nila sa isang lalaki.
"Hmmmm parang may idea na ako kung sino ang crush mo ah?" halos pabulong kong tanong kay Charlotte. Parang ang sarap din tudyuin nito. Kaagad kong napansin ang biglang pamumula ng pisngi nito. Hindi ko na naman tuloy maiwasan na muling matawa. Ang cute kasi tingnan ng reaction nito eh.
"Sixteen ka pa lang naman kaya hindi pa LOVE iyang nararamdaman mo sa kanya. Nag-uumpisa ka pa lang nagkaka- CRUSH sa isang lalaki which is normal lang sa mga teenager na kagaya mo." nakangiti kong wika. Lalo naman namula ang pisngi ni Charlotte. Wala na, mukhang tinamaan na talaga ito kay Peanut..
"Ang pogi niya kasi eh... Pero NO, ayaw ko sa kanya. Mas priority ko ang makapasok sa military." sagot nito. Muli akong napatitig dito. Kung
ganoon, talagang hindi na magbabago ang desisisyon nito.
Alam kong tutol ang halos lahat sa gusto ni Charlotte na pumasok sa military. Lalo na sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel. Ayos lang naman sana kung naging lalaki ito. Mas mabilis tanggapin iyun ng buong pamilya.
"Sure ka na ba diyan? I mean, marami namang mas magandang course diyan. Iyung hindi mo na kailangan pang lumayo sa pamilya mo." sagot ko kay Charlotte. Tumitig ito sa akin bago dahan-dahan na ngumiti.
"Dont tell me na isa ka din sa hindi sang-ayon sa gusto ko?" nakangiti nitong tanong. Wala naman akong nababakas na tampo sa tono ng pananalita nito kaya natawa ako.
"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang... siyempre, nag-aalala din ako. Paano kung mapahamak ka? Hindi biro ang papasukin mong career Charlotte. Sana matuto ka ding makinig sa mga taong nakapaligid sa iyo. Kasi kapag may mangyaring masama sa iyo...sila ang unang masasaktan." sagot ko. Tinitigan muna ako nito bago sumagot.
"I dont know...well, matagal pa naman iyun. Marami pang time para makapag- isip." sagot nito. Kinawayan nito ang padaan na waiter at nag-utos ng maiinom na juice. Tinanong pa ako nito kung ano ang gusto ko pero tumanggi ako. KUmuha na ng makakain ko si Rafael at iyun na lang ang hihintayin ko.
Muli kong iginala ang tingin sa paligid. Muli pa akong napangiti ng mapansin ko sila Nanay at Tatay na abala sa pakikipag-usap kina Ate Arabella. Mabuti na lang talaga at kapalagayan ng loob ng mga ito sila Ate Bella. At least hindi sila mabo-bored habang nandito sa Resort.
"Hmmp akala mo naman ang gwapo. Kainis! May bago na namang babae na kinakalantari." nagulat pa ako ng marinig ko ang sinabi ni Charlotte. Hindi ko alam kung sino ang pinatatamaan nito pero nang sundan ko ng tingin kung sino ang tinititigan nito hindi ko maiwasan na matawa. Direkta itong nakatitig kay Peanut na noon ay abala na sa pakikipag-usap sa isang sexing babae.
Nagtatawanan pa ang dalawa kaya lalong nagsalubong ang kilay ni Charlotte.
"Akala ko ba crush lang? Bakit parang selos na selos ka diyan?" pabiro kong wika dito. Gusto kong makuha ang attention nito dahil baka may makapansin na isa sa kanyang mga pinsan at maging tampulan pa ito ng tukso.
"Kainis kasi. Akala mo kung sinong pogi." muling bulong nito. Mukhang biglang nasira ang mood nito. Hayaan ko na lang muna dahil natatanaw ko na ang bulto ni Rafael. Naglalakad na ito papunta sa akin habang dala ang nirequest kong pagkain.
Pagkarating ni Rafael kaagad itong naupo sa tabi ko pagkatapos nitong ilapag sa kaharap naming mesa ang tray na puno ng pagkain. Liban sa Burger na request ko may pasta din itong dala. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkatakam at ngiting ngiti ako habang kinukuha ko na ang isa sa mga burger at kaagad na isinubo.
"Masarap ba? Dahan-dahan lang at baka mabulunan ka!" narinig ko pang wika ni Rafael sa tabi ko. Iniabot pa sa akin ang kiwi juice na nirequest ko sa kanya kaya kaagad ko naman iyun tinanggap.
"Kumain ka na din." yaya ko sa kanya. Tumango ito sabay dampi ng tissue paper sa gilid ng bibig ko. Gosh, kumalat pala ang sauce ng burger pagkagat ko kanina kaya siguro niya pinunasan kaagad.
Kaunting gesture mula kay Rafael pero sobrang tuwa ang nararamdaman ng puso ko. Hindi talaga ito nagkulang na ipakita at iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Ramdam na ramdam ng puso ko ang pag-aalaga niya sa akin..
"I think pagkatapos mong kumain, pwede na tayong mag rest. Baka masyado mo ng pinapagod ang sarili mo nyan eh." wika pa nito. Kaagad naman akong tumango.
Kailangan ko na nga itong pakinggan. Buntis ako at alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko.
"Sure...kaya sabayan mo na ako sa
pagkain. Ang dami mong dala... burger lang naman ang nirequest ko." nakangiti kong wika sa kanya. Kinindatan uli ako nito bago kinuha ang pinggan na may lamang pasta. Naglagay ito sa kutsara at sinubuan ako. Kaagad ko naman tinanggap iyun.
"Hayyy sana all na lang talaga! Kulang na lang langgamin kayo sa sobarang ka -sweetan niyo sa isat isa." narinig ko pang bigkas ni Charlotte. Muli naman akong napatingin dito.
"Tsk! Bata ka pa para mainggit." sagot naman ni Rafael. Kaagad naman napaismid si Charlotte at nagmamadaling nagpaalam.
"Ikaw talaga! Ang hilig mong mang asar sa mga pamangkin mo." sita ko kay Rafael.
"Effective naman diba? Hindi ko na kailangan pang ipagtabuyan siya para iiwan tayo. Aba! Kanina ka pa wala sa tabi ko ah? Halos ayaw niya ng humiwalay sa iyo eh! Kanina pa kita gustong ma-solo noh?" sagot naman ni Rafael. Hindi ko tuloy mapigilan na makurot ito sa tagiliran. Napaka- demanding talaga nitong asawa ko.
Chapter 277
VERONICA POV
Maayos na natapos ang selebrasyon ng kasal namin ni Rafael. Parehong may ngiti sa aming mga labi habang magkahawak kamay kaming dahan- dahan na umakyat ng hagdan para magpahinga na muna sa aming kwarto.
"Happy?" tanong pa nito sa akin pagkapasok namin ng kwarto. Hinapit ako nito sa baywang habang titig na titig sa mukha ko.
"Hmmm Yes! Grabe...akala ko talaga pagbabakasyon lang ang pakay natin dito eh." nakangiti kong sagot sa kanya. Matamis na nginitian din ako nito bago ko naramdaman ang pagsayad ng labi nito sa noo ko.
Saglit pa akong napapikit dahil sa
kanyang ginawa.
Mabuti naman at na-surprised kita. Palagi mong tandaan Sunshine mahal na mahal kita at mamahalin kita habang buhay nakangiti nitong wika sa akin.
"Sure ba iyan? Baka mamaya papatol ka sa mga babaeng aali-aligid sa iyo ha? Akala mo hindi ko alam na hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng marinig ko ang malakas nitong pagtawa.
Na ano?" ngiting-ngiti nitong tanong, Halata sa mga mata nito ang panunudyo.
"Na maraming mga sexing babaeng aali-aligid sa iyo kapag nasa opisina ka. Naghihintay lang sila ng tamang oras para masilo ka nila. Hayst ngayun pa lang nagseselos na ako eh." kunwari nagmamaktol kong wika Napahalakhak naman ito.
"Nagseselos ka sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari at never na mangyayari?" Nakangiti nitong wika. Napasimangot ako.
"Cute talaga ng asawa ko! Malabong mangyari ang iniisip mo. Takot ko lang na magalit ka sa akin eh!" nakangiti nitong wika sabay haplos sa pisngi ko. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti.
"Teka nga lang sino ba ang nagbigay sa iyo ng ganyang idea? Malabo mong masabi sa akin ang ganyan ngayun kung walang nagsusulsol sa iyo? May issue ba na pinapakalat ang taong iyun? Gusto niya akong siraan?? nakangiti nitong tanong. Mukhang hindi ito galit kaya naman palagay ang loob ko na pag-usapan namin ang ganitong issue.
"Sabi sa akin ni Jeann eh." kunwari nagtatampo kong sagot.
Alam ko naman na iniinis lang ako ni Jeann kanina. Malaki ang tiwala ko kay Rafael at alam kong hindi ako nito lulukuhin. Kaya lang gusto ko siyang subukan ngayun. Gusto kong marinig sa sarili nitong bibig ang kanyang katapatan.
"Naku..huwag kang maniwala doon. Baka iyung experience niya kay Drake iyung kinikwento niya sa iyo... Iyun talaga...maraming sexy na babae ang aali-aligid sa asawa niya dahil bar ang isa sa mga negosyo ng taong iyun eh." Natatawang sagot ni Rafael. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
Sasagot pa sana ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Puno ng pagmamahal ang halik na nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko. Kaagad akong napakapit dito habang tinutugon ang mainit nitong halik.
"Ahhmmm!" hindi ko maiwasang
ungol ng maramdaman ko ang pagbaba ng halik nito sa leeg ko. Alam kong kanina niya pa gustong gawin ito kaya naman hinayaan ko na lang. Gusto ko din naman eh.
Ilang saglit lang napuno na ng pinaghalong ungol naming dalawa ang silid namin. Pareho kaming game na ipadama sa isat isa ang init ng aming pagmamahalan.
Pareho kaming nakatulog na may ngiti sa labi habang magkayakap. Nagising ako kinaumagahan na mataas na ang sikat ng araw. Nang kapain ko sa tabi ko si Rafael wala na ito kaya naman tulala pa akong napatitig sa kisame bago nagpasyang bumangon.
Nakatulog ako ng maayos dahil sa sobrang pagod kagabi. Mabuti na lang at nagawa pa din akong bihisan ni Rafael ng damit pantulog. Naging kumportable buong gabi ko.
Nagpasya na akong maligo muna. Baka nagjogging lang si Rafael sa paligid ng resort kaya wala siya sa tabi ko.
Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko. Kumakalam na din ang sikmura ko at nakakahiya naman sa mga kasamahan namin kung ako lang ang wala sa ibaba. For sure tapos na ang halos lahat kumain ng breakfast.
Knowing Mommy Carissa at Daddy Gabriel, maaga lagi silang nagigising. Isa pa nandito din sila Nanay at Tatay at mga kapatid ko at gusto ko din silang maka-bonding muna bago sila bumalik ng probensya.
Kakatapos ko lang magbihis ng kumportableng summer dress ng bumukas ang pintuan ng kwarto. pumasok ang pawis na pawis na si Rafael at kaagad na gumuhit nag matamis na ngiti sa labi nito ng makita akong nag-aayos sa harap ng vanity mirror.
"Good Morning Sunshine! "kaagad na bati nito sa akin. Tagaktak ang pawis nito sa noo kaya naman kaagad akong naghagilap ng bimpo at lumapit dito.
"Pawis na pawis ka ohh? Hindi ka man lang nagdala ng pamunas mo." sagot ko sa kanya at ako na mismo ang nagpunas ng pawis nito sa noo. Naramdaman ko pa ang paghapit ng dalawang kamay nito sa baywang ko kaya hinayaan ko na lang. Ganito naman palagi ito eh.
"Sorry naman po. Nakalimutan ko eh." sagot nito. Seryoso ko itong tinitigan bago ako sumagot.
"Next time gisingin mo ako kung balak mong magjogging para maipaalala ko sa iyo ang mga kailangan mong dalhin. "seryoso kong wika sa kanya. Kaagad naman itong tumango bago ako hinalikan sa labi.
"Maliligo lang ako tapos sabay na
tayong bumaba" nakangiti nitong wika. Nakangiti naman akong tumango kaya naman nagmamadali na itong naglakad patungong banyo.
Para hindi mainip inayos ko na lang muna ang kama namin. Sinalansan ko ng maayos ang mga unan pati na din ang takip ng kama. Pwede namang hindi ko gawin iyun pero ayaw ko din naman iasa ang mga ganitong gawain sa mga kasambahay. Kung kaya ko naman gawin ginagawa ko na lang.
Kakatapos ko lang mag-ayos ng kama ng makarinig ako ng mahinang katok sa pintuan. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya kaagad ko itong sinabihan na pwede niyang buksan iyun.
"Mam, pinapatanong po ni Madam Carissa kung gusto niyo daw pong dalhan ko na lang kayo ng pagkain dito. Medyo late na daw po kasi at kailangan niyo na daw pong makakain." wika nito sa akin. Muli kong nasipat ng tingin ang relos sa beside table. halos alas nwebe na pala ng umaga.
"Pakisabi bababa na kami. Hinihintay ko lang na matapos maligo si Rafael." sagot ko. Kaagad naman itong tumango at nagmamadali ng nagpaalam.
Nagpasya na din akong icheck ang walk in closet para maghanap ng damit na pwedeng isuot ni Rafael. Para pagkalabas niya ng banyo magbibihis na lang siya. Mabuti na lang at marami pala itong damit dito sa closet nya kaya hindi na ako nahirapan pang mamimili.
Sakto naman na pagkalabas ko ng walk in closet lumabas na din ito ng banyo.
"Magbihis ka na. Naka-ready na ang damit na isusuot mo." nakangiti kong wika habang lumalapit sa kanya. Muli kong napansin ang pagguhit ng masayang ngiti sa labi nito bago
tumango.
"Wow...ang sweet naman ng asawa ko! Pa kiss nga ulit." sagot nito. Akmang hahapitin ako nito ng bigla akong lumayo sa kanya. Mga ganitong banat ni Rafael alam na alam ko kung saan mapupunta eh.
"Hinihintay na tayo sa ibaba kaya magbihis ka na." nakangiti kong wika dito. Walang sabi-sabing tinanggal nito ang suot niyang roba. Napapailing na lang ako na tinitigan ito. Wala man lang intro-intro. Talagang hubot hubad sa harap ko. Pilyo talaga!
"Abat talagang gusto mo pa akong akitin ha? Magbihis ka na nga...kanina pa tayo hinihintay nila Mommy eh." natatawa kong wika sa kanya.
"Hindi ka na affected sa gandang katawan ko Sunshine?" tanong nito sa akin. Hindi ko maiwasan na mapasulyap sa tayong tayo na naman nitong pagkalalaki. Hindi ba nauubusan ng energy ang asawa ko? Bakit palaging galit ang snake niya?
"Affected..pero hindi pwede ang iniisip mo asawa ko dahil gutom na ang baby natin." nakangiti kong sagot. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha nito kasabay ng mabilis na pagkilos nito para maisuot na ang mga damit na inihanda ko para sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na matawa habang napapaupo na lang sa kama.
Chapter 278
VERONICA POV
Naging maayos ang mga sumunod na mga araw namin sa resort. Wala kaming ginawa ni Rafael kundi ang magbonding. Ipinasyal nya din ako sa buong paligid ng resort lalo na at pagkatapos ng tatlong araw nagsipag- alisan na din ang halos lahat ng miyembro ng pamliya.
Ang mga kapatid ni Rafael ay nagsipag- uwian na din ng Manila. May mga negosyong dapat asikasuhin at balik iskwela ang iba pang mga pamangkin kaya gustuhin man nilang magtagal dito sa resort hindi pwede.
Balik probensya na din sila Nanay at Tatay pati mga kapatid ko. Pero nangako naman si Nanay sa akin na
once na manganak ako, babalik daw siya ng Manila. Personal niya daw akong aalagaan.
"Rafael, ingatan mo ang asawa mo ha? Iwasan niyo muna ang lumabas ng gabi lalo na at buntis iyang asawa mo." bilin pa ni Mommy sa amin. Paalis na din silang dalawa ni Daddy dahil may importante daw silang aasikasuhin sa Manila. Kaming dalawa na lang talaga ni Rafael ang maiiwan dito sa resort. Wala naman din dapat na ikabahala dahil marami naman kaming makakasama na mga kasambahay at ilang mga bodyguards.
"Dont worry Ma. Ako ang bahala sa asawa ko. May halos four days pa kami para mag-stay dito. Nagustuhan ni Veronica ang lugar kaya gusto kong sulitin namin pareho ang mga araw na wala akong pasok sa opisina para masamahan siyang makapamasyal" nakangiting sagot ni Rafael. Tumango naman si Mommy at ako naman ang binalingan ng tingin.
"Iha, kapag may hindi ka nagustuhan sa ugali ni Rafael, huwag kang mag- atubili na magsumbong sa amin ha? Para madisiplina ko kaagad." wika nito. Kaagad ko naman narinig ang pagtawa ni Rafael.
"Ma naman, of course, ako na ang bahala sa kanya. Susulitin namin sa pamamasyal ang mga araw na magkasama kami dito. Ako mismo ang personal na mag-aalaga sa kanya."
nakangiting sagot ni Rafael. Nakangiting tumango naman si Mommy at tuluyan na silang nagpaalam sa amin para mauna ng umuwi ng Manila.
"So, saan mo ngayun gustong mamasyal?" nakangiting tanong sa akin ni Rafael ng kami na lang dalawa ang naiwan. Kunwari nag-isip pa ako bago ko tinuro ang maputing buhanginan sa dalampasigan. Muling lumawak ang ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Sure..pero hindi ka pwedeng maligo sa dagat ha? Tsaka na lang siguro pagkapanganak mo." sagot nito.. Kaagad akong tumango at hawak kamay kaming naglakad patungo doon.
Maraming puno ng niyog sa gilid ng dalampasigan kaya kahit na tirik ang sikat ng araw hindi naman masyadong ramdam. Pumuwesto kaming dalawa ni Rafael sa lilim ng isang malagong puno bago kami naupo.
"Wow...ang sarap ng simoy ng hangin. Ibang iba kumpara sa Manila." halos pabulong kong wika. Pareho kaming nakaupo sa buhanginan at ilang saglit lang naramdamam ko ang pagkabig sa akin nito. Pinapasandal niya ako sa kanyang dibidb na siyang kaagad ko naman ginawa.
"Yup! Super ganda ng lugar na ito..... Marami din mga cottages dito at pwede tayong magpalipas ng gabi sa isa sa mga iyun mamaya kung gusto mo." nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapasubsob sa dibdib nito.
Suminghot-singhot pa ako. Walang kahit na anong pabango na gamit si Rafael pero gustong gusto ko ang amoy nito. Ewan ko ba, kapag kasama ko ito nakakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban. Kumpleto ang araw ko basta nasa tabi ko sya.
"Bakit ang bango mo?" wala sa sarili kong tanong. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Sunshine pareho pa tayong hindi naliligo. Paanong naging mabango?" tanong nito.
"Ah basta, mabango ka!" sagot ko at talo ko pang hinigpitan ang
pagkakayapos dito. Naramdaman ko naman ang paghagod nito sa likuran ko kaya hindi ko maiwasang mapapikit. Ang sarap talaga ng ganito. Parang napakalutang ako sa alapaap.
"Mukhang hindi naman ang mga tanawin ang pakay mo eh. Pasok na lang tayo ng kwarto Sunshine!" narinig ko pang bulong nito. Naramdam ko pa ang labi nito na nakadikit sa noo ko. Muli akong napadilat at umayos ng upo. Bigla ko kasing naramdaman ang kaagad na pagbabago ng temperatura ng katawan nito. Alam na alam ko ang mga ganitong style ni Rafael eh.
"Sira ka talaga! Kasalanan mo dahil ang sarap sa ilong ng amoy mo." nakangiti kong sagot. Narinig ko pa
ang mahina nitong pagtawa sabay kabig sa akin ulit. Hindi na din ito nagsalita pa kaya muli kong itinoon ang pansin sa malawak na dalampasigan.
Natoon din ang attention ko sa kulay asul na karagatan. Napakatahimik ng paligid at ang sarap damhin ang dampi ng hangin sa balat ko.
"Parang ayaw ko sa cottage. Mas masarap pa rin kasi talaga matulog sa kwarto ng Villa eh. Kita ang karagatan kapag nakabukas ang sliding door papuntang balcony." nakangiti kong sagot. Tanging pagdampi ng halik sa tuktok ng ulo ko ang ginawa nito kaya nanahimik na din muna ako. Napaka- tahimik ng paligid at gusto kong busugin ang mga mata ko sa magagandang tanawin.
Hindi naman nagtagal ang pagtambay namin sa dalampasigan. Napagpasyahan na lang namin pareho na umuwi na muna ng Villa para makapagpahinga ako. Medyo nakakaramdam na din kasi ako ng gutom gayung ang dami ko namang nakain kaninang breakfast.
"Balik na lang tayo dito mamayang hapon. Sabay nating panoorin ang paglubog ng araw." narinig ko pang wika ni Rafael sa akin. Kaaagad naman akong sumang-ayon sa sinabi nito. Mas maganda pa nga siguro para naman mayaya ko itong maglakad mamaya sa dalampasigan. Hindi kasi namin magagawa ito ngayun dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw.
Papasok na kami ng Villa nang kaagad kaming salubungin ni Manang Bering. Siya ang katiwala ng Carissa Villarama Beach Resort at halos dalawang dekada na din daw itong naninilbihan sa pamiya Villarama kaya naman hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano ito itrato ng maayos ni Mommy Carissa. Halos pamilya na ang turing sa kanya ng lahat ng miyembro ng pamilya.
"Sir, Mam nandyan po si Sir Elijah, ilang minuto pagkaalis nila Madam at Senior kanina dumating din po siya" balita nito sa amin. Pareho naman kaming nagulat ni Rafael.
After ng kasal namin kaagad na nagpaalam si Elijah sa lahat na babalik na siya ng Manila. May importante daw siyang aasikasuhin kaya naman nakakapagtaka ang presensya nya ngayun dito sa resort.
"Nasaan po siya?" tanong ni Rafael. Kaagad na itinuro ni Manang Bering ang isa sa mga cottage malapit sa pool. Mula sa kinaroroonan namin tanaw namin si Elijah na tahimik na nakatitig sa kawalan habang may hawak na kopita na kung hindi ako nagkakamali alak ang laman niyon.
"May problema ba ang pamangkin mo?
"hindi ko maiwasang bulong kay Rafael. Umiling naman ito at muling binalingan ng tingin si Manang Bering.
"Manang, sa cottage na po kami kakain ng lunch." nakangiting imporma ni Rafael. Kaagad naman tumango si Manang Bering at nagpaalam na.
"Ano kaya ang nakain ng kulukoy na iyan at talagang bumalik pa dito?"
narinig ko pang bulong ni Rafael. Hinawakan ako nito sa kamay at sabay na kaming naglakad patungo sa kinaroroonan ni Elijah na noon hindi man lang napansin ang paglapit namin.
"Himala...muli ka yatang bumalik ng resort...and besides ang aga ng alak na iyan ah? Dont tell me na tinamaan ka na din ng problema?" kaagad na wika ni Rafael sa pamangkin pagkalapit namin. Kaagad na napalingon ang tingin sa amin si Elijah at hindi nakaligtas sa paningin ko ang namumula nitong mga mata. Mukhang ilang araw na itong hindi nakakatulog ng maayos at may ilang bakas na din ug bigote ang nag-uumpisang tumubo sa mukha nito palatandaan na napapabayaan nito ang sarili.
"Uncle...ganito ba talaga kasakit kapag mabigo sa pag-ibig?" diretsahan nitong tanong. Hindi ko alam kung matatawa o maawa ba ako kay Elijah. Huwag nyang sabihin inlove siya at talagang pinuntahan pa kami dito sa resort para sabihin iyun kay Rafael.
"A-anong sabi mo? Broken hearted ka? "tanong ni Rafael. Seryoso pa nitong tinitigan ang pamangkin na noon nag uumpisa ng maluha.
"Sino ang maswerteng babae?" tanong ko. Muling sumagi sa isip ko si Ate Ethel. Oo nga pala, bago kami pumunta dito sa resort nakausap ko pa sya. Umiiyak dahil sa relasyon nilang dalawa ni Elijah. So, posible kayang si Ate Ethel ang iniiyak-iyakan ngayun ni Elijah? Gosh, bakit ba napaka- mas iireto nila. Sa buong Villarama mukhang ako pa lang ang nakakaalam na ibinahay niya na si Ate Ethel
"Tell me..sinong malas na babae ang nakasilo sa loko-loko mong puso?" tanong ni Rafael. Kaagad ko naman itong kinalabit sa tagiliran. Sa tono ng pananalita nito mukhang gusto pa yata nitong asarin ang pamangkin.
"Si Ate Ethel ba?" diretsahan kong tanong. Mukhang ayaw magkwento ni Elijah kaya naman wala na akong choice kundi banggitin ang pangalan ni Ate Ethel.
Hindi naman ako nabigo dahil kaagad na ibinaling ni Elijah ang tingin sa akin. May ilang butil ng luha sa mga mata nito habang tumatango.
"Paano mo nalaman?" tanong nito. Eh di confirm si Ate Ethel nga ang iniiyakan nito.
"Iniwan niya na ako. Umalis na siya ng condo at hindi ko alam kung saan siya nagpunta." muling wika rito. Hindi ko alam maiwasan na magulat. Takang-taka naman si Rafael habang nakatitig sa pamangkin.
"Ha? Bakit daw? I mean, tumawag siya sa akin bago kami pumunta dito sa resort...nagsusumbong dahil hindi mo na daw siya pinuntahan sa condo...bad ka Elijah, pasekreto mo na palang ibinahay ang kaibigan ko? Ano ba ang plano mo sa kanya?" hindi ko na maiwasang tanong. May halong panunumbat sa tono ng boses ko pero wala na akong pakialam pa. Naku, huwag na huwag nyang lokohin ang babaeng nag-iisa kong kaibigan at tagapagtanggol noong nasa probensya pa kami.
Chapter 279
VERONICA POV
Pansin ko ang inis sa mukha ni Rafael habang pinagmamasdan ang lasing na pamangkin. Sabagay, nasa honeymoon stage kami at hanggat maari ayaw talaga niya ng isturbo. Pagbalik daw kasi namin ng Manila magiging abala na naman siya sa opisina kaya gusto niyang sulitin ang mga oras na magkasama kami. Gusto niyang ibuhos lahat ng oras niya sa akin.
"Lasing ka na! Magpahinga ka na! Mag -uusap tayo kapag maayos na ang takbo ng isip mo." sagot ni Rafael kay Elijah. Kahit papaano nakakaramdam din naman ako ng awa dito. Ano ba kasi ang nangyari? Sa sobrang abala ko hindi ko na tuloy nagawang tawagan ulit si Ate Ethel.
"Nica...sabihin mo nga sa akin, saan
kaya siya posibleng nagpunta? Pupuntahan ko siya kaagad! Miss na miss ko na talaga siya eh." imbes na sundin ang suggestion ng kanyang Uncle ako ang pinagbalingan nito.
"I dont know..pero titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Tama ang Uncle mo, magpahinga ka muna. Ang aga- aga pa lasing ka na kaagad! Huwag kang mawalan ng pag-asa, maayos din ang lahat." sagot ko.
"Saan ba kasi siya nagpunta? Ayaw ko ng ganito eh. Hindi ko kayang mawala siya sa akin...kapag tumawag siya sa iyo, pakisabi naman na kapag tuluyan niya akong pagtataguan, magpapakamatay ako!" diretsahang wika ni Elijah...hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito or ano pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaagad akong napatitig kay Rafael.
"Stop it Elijah! Ini-stess mo si Veronica dahil sa mga pinagsasabi mo eh! Huwag kang gumawa ng mga bagay na ikakapahamak mo! Kung gusto mong tulungan kita sundin mo muna ako ngayun. Magpahinga ka at kapag hindi ka na lasing mag-usap ulit tayo." maawtoridad na wika ni Rafael sa pamangkin.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako or ano pa man pero kaagad kong napansin ang pag-iyak nito. Siguro nga mahal din nito sa Ate Ethel.
at hindi lang sila nagkakaintindihan. Hay mabuti na lang talaga at hindi kami dumaan ng Rafael ko sa ganitong klaseng sitwasyon. Hindi namin naranasan na magkaroon ng malalang tampuhan.
"Fine...pero ipangako mo sa akin Uncle...tulungan mo ako ha? Hindi ko kayang mawala siya sa akin..mamatay talaga ako Uncle." sagot naman ni Elijah. Makulit na din ito siguro dahil lango na sa alak.'
Napansin ko naman ang bahagyang pagngiwi ni Rafael dahil sa narinig niya. Sabagay, sa sobrang pagiging pilyo nitong si Elijah noon hindi namin akalain na makikita namin ito sa ganitong sitwasyon. Easy go lucky lang ito at kapag nagkikita kami....palagi itong masaya at ni hindi yata naranasan sa tanang buhay nito na magkaproblema. Ngayun lang at dahil pa sa isang babae.
Kahapon ko pa hindi nahahawakan ang cellphone ko kaya naman pagkatapos naming kumain ng lunch balak kong tawagan si Ate Ethel. Pareho silang kawawa ni Elijah kong magtitikisan lang sila. Pareho naman nilang mahal ang isat isa bakit kailangan pa nilang pahirapan ang mga sarili nila?
"Dito ka lang muna Sunshine.... aalalayan ko lang ang makulit na ito sa loob ng villa. Mukhang walang tulog kaya hindi nakakapag-isip ng matino."
paalam ni Rafael sa akin. Nakaalalay na ito sa kanyang pamangkin para ihatid na sa isa sa mga bakanteng kwarto ng Villa. Nakangiti naman akong tumango.
Nasundan ko na lang sila ng tingin habang papasok sila ng Villa. Hindi ko rin naman maiwasan na mag-alala sa isiping saan pala nagpunta si Ate Ethel? Kung umalis ito ng condo saan siya tumutuloy ngayun.
Hayyy bakit ba nakaligtaan ko ang tungkol sa kanya. Kung alam ko lang na aalis siya ng condo dapat pala niyaya ko na lang siya dito sa resort.
Nakapagbonding pa sana kami at nakapag usap pa sana sila ng maayos ni Elijah.
Hindi sana broken hearted ang Elijah na iyun ngayun.
Hindi naman nagtagal muli akong binalikan ni Rafael dito sa cottage.
Kaagad naman daw nakatulog si Elijah kaya wala ng dapat pang ipag-alala.
Naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating na din ang pagkain namin dito sa cottage kaya kaagad naman kaming kumain habang pinag- uusapan namin ang tungkol sa sitwasyon ni Elijah,.
"Hindi bat kaibigan mo ang Ethel na iyun? Alam mo ba kung nasaan siya ngayun para ipasundo natin siya?" nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang marinig ko ang tanong na iyun ni Rafael. Saglit akong natigilan bago umiling.
"Hindi ko alam kung nasaan siya ngayun pero pwede ko siyang tawagan. "nakangiti kong sagot.
"Nag-aalala ako sa sinabi ni Elijah kanina eh. Baka totohanin niya. Baliw pa naman iyun minsan mag-isip."
sagot nito. Natigilan naman ako. Oo nga pala, kalog at may pagkapilyo si Elijah pero nakakatakot pa rin ang nabanggit niya kanina. Ayaw ko naman siyang mapahamak kung pwede naman namin siyang matulungan.
"Alam kaya ito nila Ate Miracle? I mean, mabait si Ate Ethel, at kung nagmamahalan silang dalawa dapat maging legal din sila sa mga mata ng mga kapatid mo. Sa Mommy at Daddy ni Elijah. Nakausap ko si Ate Ethel before tayo pumunta dito sa Batangas at nabanggit niya sa akin na pa-sekreto na daw silang nagsasama ni Elijah..... may pinag-aawayan sila kaya ilang linggo ng hindi nagpapakita sa kanya si Elijah kaya siguro napuno na siya at umalis na ng tuluyan ng condo." mahaba kong sagot. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Rafael dahil sa sinabi nito.
"Walang nababanggit sila Ate Miracle at Kuya Roldan tungkol dito. Gagong Elijah..may pasekre-sekreto pang nalalaman at ngayung iniwan siya basta na lang siya maglalasing? Pati tayo idinamay pa sa pagiging broken hearted nya?" sagot ni Rafael. Bakas sa boses nito ang inis. Kaagad ko naman itong hinawakan sa kamay para pakalmahin.
"Hayaan mo na muna. Tatawagan ko na lang si Ate Ethel at aalamin ko kung nasaan siya. Tutulong ako sa kanilang dalawa hanggat kaya ko." nakangiti kong sagot.
"Nagkaroon ka pa tuloy ng obligasyon. Imbes na relax ka lang sana nadamay ka pa sa problema ng pamangkin ko." sagot ni Rafael.
"Hayaan mo na. Hindi na din naman iba sa akin si Elijah. Mabait din naman siya at maayos ang pakikitungo niya sa akin. Si Ate Ethel naman, ganoon din... tagapag tanggol ko kaya siya laban sa mga nambu-bully sa akin noon...siguro ito na din ang chance ko para makabawi sa kanila." nakangiti kong
sagot. Buong pagmamahal naman akong tinitigan nito sabay haplos ng pisngi ko.
Chapter 280
VERONICA POV
Pagkatapos kumain balik kwarto kami ni Rafael. Kaagad kong hinagilap ang aking cellphone at tinawagan si Ate Ethel. Mabuti na din at kaagad itong sumagot at nang tanungin ko siya kung nasaan siya nasa isang kumpanya daw siya. Nakapila dahil nag-aaply ng trabaho.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad ko itong niyaya na puntahan ako dito sa resort. Noong una parang ayaw pa nitong pumayag dahil malapit na daw tawagin ang pangalan niya for interview pero noong sinabi ko na namimiss ko siya napapayag ko din. Mabait si Ate Ethel at alam kong hindi nya ako bibiguin.
"Diyan ka lang...ipapasundo na lang
kita sa isa mga driver ng Villarama. Private road ang daanan patungo dito sa resort at baka mahirapan ka kapag mag-commute ka lang." sagot ko sa kanya.
"Ano ba kasi ang meron? I mean, bakit biglaan naman ang pagyayaya mo sa akin?" sagot nito. Of course, iniiwasan kong banggitin sa kanya ang tungkol sa problema nilang dalawa ni Elijah. Baka kapag malaman niyang nandito din si Elijah hindi ako pupuntahan eh.
"Basta! Punta ka na lang.... Surprised wedding ang nangyari sa akin at nakukunsensya ako dahil hindi kita naimbitahan. Ikaw pa naman ang isa sa mga best friend ko tapos wala ka sa importanteng okasyon ng buhay ko." sagot ko. Mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng magandang dahilan.
"Nabalitaan ko nga na ikinasal kayong dalawa ni Rafael. Kalat na kalat ang balita sa mga newspaper at na-feature din sa mga telebisyon. Akalain mo, nagkaroon na ako ng friend na tinitingala na din sa lipunan? Masaya ako para sa iyo Nica! Congratulations!"
sagot pa nito sa kabilang linya. Kaagad naman akong napangiti.
"Well, kung talagang masaya ka para sa akin, huwag mo akong biguin ngayung araw. Huwag kang mag-alala, kung kailangan mo ng trabaho, kakausapin ko si Rafael tungkol diyan. Baka matulungan ka niya na makahanap kaagad na hindi na kailangan pang pumila ng matagal." sagot ko. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Sige..promise mo iyan sa akin ha? Kailangan ko na kasi talagang makahanap ng trabaho. Mauubos na ang ipon ko eh at kailangan ko din makapagpadala ng pera sa probensya." sagot nito.
Hindi naman nagtagal ang aming pag- uusap. Kaagad kong sinabi kay Rafael kung saan pipick-apin si Ate Ethel kaya kaagad nitong tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Sila na ang bahalang maghatid kay Ate dito sa resort.
"Hayst nasa honeymoon stage pa tayo pero inaayos pa natin ang love life ng iba. Pasaway talaga itong si Elijah." narinig ko pang reklamo ni Rafael pagkatapos nitong makipag-usap sa telepono. Kakatapos lang itong kausapin ang isa sa kanyang mga tauhan na susundo kay Ate Ethel.
"Hayaan mo na. At least nakatulong tayo sa pamangkin mo." nakangiti kong sagot habang himas-himas ko ang medyo may kalakihan ko nang tiyan.
"Sabagay, nandito na eh. Wala tayong magagawa kundi tulungan sila. Baka totohanin pa ni Elijah ang sinabi niya kanina." nakangiti nitong sagot.
Ilang oras din kaming naghintay bago muling nakatanggap ng tawag mula kay Ate Ethel na nasa ibaba na daw sila.
Kaagad kong niyaya si Rafael pababa para salubungin siya. Mukhang hanggang ngayun tulog pa si Elijah kaya naman chance na naming dalawa ni Ate Ethel na makakapag-kwentuhan muna.
"Kumusta ang byahe?" nakangiti kaagad kong tanong sa kanya pagkalapit ko. Hinawakan ko pa ito sa dalawang kamay at binigyan ng masayang ngiti sa labi. Iniwan muna kami ni Rafael para makapag-usap daw kami ng maayos.
"Ayos naman. Naku, Congrats ulit, malapit na pala kayong magkaanak ni Rafael. Ang swerte mo talaga Nica." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na matawa dahil sa sinabi nito.
"Siya nga pala..pasensya ka na kung hindi na ako nakapag-return call sa iyo noong last natin na pag-uusap. Ano ba talaga ang nangyari? Ikaw ha.
nakakapagtampo ka..nagawa mo pa talagang mag-sekreto sa akin." kunwari nagtatampo kong sagot sa kanya.
Kaagad itong natameme kasabay ng pagbabago ng expression ng mukha nito Nagtataka naman akong napatitig dito.
"Hindi ako sure kung seryoso ba talaga sa akin si Elijah... Hindi ko din alam kung mahal nya ba ako or gusto niya lang akong gawing parausan." maluha- luha nitong sagot. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Na shock yata ang buo kong pagkatao dahil sa narinig kong salita mula dito. Mukhang may mas malalim pa na dahilan kaya nagawang umalis ni Ate Ethel ng condo. Mukhang may mga bagay na dapat kong malaman tungkol sa kanilang dalawa.
"Wala naman talaga akong balak na
patulan siya eh...hindi lahat ng tao kasing swerte katulad mo Nica.....kaya lang dumating talaga sa punto na kailangan ko siya noon...Naaksidente si Tatay at kailangan niya ng malaking halaga para maoperahan." kwento nito.
Nagulat man pero hindi na ako nakaimik. Hahayaan ko na lang muna siyang magkwento. Bihira lang din kasi kaming nagkakausap kaya naman wala akong kaalam-alam sa mga nangyari kay Ate Ethel.
"Noon pa man kinukulit nya na ako. Hindi bat siya din ang tumulong sa akin noon para makapasok ako sa isang restaurant? Noong nalaman niya na kailangan ko ng malaking halaga..... inofferan niya ako... indecent proposal pero pinatos ko pa rin. Pumayag akong ibigay ang katawan ko sa kanya kapalit ng mga gastos para sa operasyon ni Tatay. Iniwan ko na din ang trabaho ko dahil iyun ang gusto niya. Gusto niyang magfocus lang ako sa kanya dahil bayad na daw ako..hindi ako pwedeng umatras dahil may kuntrata siyang pinapirmahan sa akin. Hindi ako pwedeng umalis hanggat hindi siya magsasawa sa akin." mahaba nitong sagot. Sunod-sunod din ang pagtulo ng luha sa mga mata nito habang nagkwento.
Lalo akong nagulat. Hindi ko akalain na may mga ganitong nangyayari na pala sa buhay niya. Sa buhay nilang dalawa ni Elijah.
"A-anong sabi mo? Nagawa ni Elijah iyan sa iyo?" sagot ko. Hindi ako makapaniwala na may ganoong pag- uugali si Elijah. Ni sa hinagap hindi man lang sumagi sa isip ko na magagawa nitong mag take advantage sa kalagayan noon ni Ate Ethel. Imbes na tulungan niya na lang nagawa niya pa talagang gawing sex slave ang bestfriend ko kapalit ng pera.
Sa mga nalaman, pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko. Nakaramdam din ako ng panlalamig ng buo kong katawan. Narealized ko na hindi ko pa pala lubusang kilala si Elijah. Hindi pala siya mabait na tao dahil nagawa niyang pagsamantalahan ang kahinaan ni Ate Ethel.
"At pumayag ka? Bakit? I mean hindi mo ito nababangit sa akin noon. Gago ang Elijah na iyan...dapat nga pala talaga sa kanya iiwan mo eh. Hindi nya man lang naisip kong ano ang posibleng epekto sa iyo ng ginawa niya. "naiinis kong sagot. Hindi ko maiwasang maawa kay Ate Ethel. Hindi na nito napigilan pa ang lalong maiyak. Awang awa naman akong napatitig sa kanya.
Pakiramdam ko biglang sumakit ang ulo ko sa mga nalaman ngayun. Kung kailan hindi ako pwedeng ma-stress dahil buntis ako mukhang hindi ko ito maiiwasan ngayun.
Humanda sa akin ang Elijah na iyan. Hindi pwedeng hindi siya maparusahan sa ginawa niya kay Ate Ethel.
"Kasalanan ko din naman dahil pumayag ako. Pero alam mo, sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng mga nangyari sa aming dalawa...mukhang ako pa rin yata ang mas talo dahil lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko namalayan na minahal ko na pala siya ng sobra." narinig kong wika ni Ate Ethel.
Chapter 281
VERONICA POV
Sa mga narinig ko kay Ate Ethel hindi ko tuloy malaman kung tama ang naging desisyon ko na papuntahin ito ngayun dito sa resort. Napaka-unfair naman pala talaga ni Elijah sa kanya. Hindi ko akalain na sa kabila ng kabaitan na ipinapakita nito sa akin may itinatago pala itong ganoong ugali.
For sure hindi ito alam nila Ate Miracle. Lalong hindi din siguro ito alam nila Mommy at Daddy. Haysst hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng lungkot. Hindi ko akalin na sa kabila ng kasiyahan na nararanasan ko may isa pa lang tao na malapit sa akin ang nagdurursa.
"Mahal ko siya kaya nagawa ko ring pumayag sa mga kondesyunis niya. Umaasa ako na matutunan niya din akong mahalin pero nalaman ko na
lang na may iba na siyang gusto." napukaw ako mula sa malalim na pag- iisip ng muling magsalita si Ate Ethel. Awang awa ako dito dahil kita ko sa kanyang mukha ang paghihirap ng kanyang kalooban.
"I dont know...nagulat ako Ate. Hindi ko akalain na may mga ganitong nangyayari na pala sa iyo. Dapat noong nangangailangan ka ng pera sinabi mo din sa akin. Siguro naman matutulungan din kita eh. Na hindi na kailangan pang pumayag sa gusto ng Elijah na iyun." sagot ko. Kaagad itong napayuko. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga dahil parang gusto ko na din maiyak sa sobrang awa na nararamdaman ko sa kanya.
"Sorry, nahihiya din kasi ako eh. Oo, magkaibigan tayo pero ayaw kong isipin ng ibang tao na oportunista ako. Kailangan din ng pamilya mo ang tulong at ayaw ko ng dumagdag pa."
sagot nito sabay punas ng luha sa kanyang mga mata.
"Ate naman! Para ano pa at magkaibigan tayo. Nakalimutan mo na ba na ikaw ang palagi kong tagapag- tanggol noon? Malapit ka sa puso ko at nasasaktan din ako sa mga nangyari sa iyo ngayun." sagot ko sa kanya. Pilit itong nagpakawala ng ngiti sa labi. Hinawakan pa ako nito sa kamay bago nagsalita.
"Laban ko ito! Kakayanin ko! Huwag mo akong isipin..ayaw kong maapektuhan ang pagbubuntis mo dahil sa akin."
sagot nito. Lalo naman akong humanga sa ipinapakita nitong katapangan. Grabe pala ang fighting spirit ni Ate Ethel.
"Alam mo naman na wala akong kapatid diba? Parang kapatid na ang tingin ko sa iyo Nica. Kaya nga lahat
ginawa ko noon para maipagtanggol kita eh. Hindi mo dapat problemahin ang mga problema ko. May awa ang Diyos at malalagpasan ko din ito." nakangiti nitong wika. Hindi ko namam maiwasan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. Sa lahat ng mga masasayang nangyari sa buhay ko nakakalimutan kong imbitahan ito. Napakalinis ng pagmamahal na ibinigay nito sa akin. Noon pa man parang Ate ko na nga siya. Although two years lang ang tanda nito sa akin pero napakabait ng pakikitungo niya sa akin.
"Ate salamat! Parang kapatid na din ang turing ko sa iyo. Nakakalungkot nga lang dahil dumaan ka sa matinding pagsubok na wala ako sa tabi mo. Hindi man lang kita nadamayan." sagot ko sa kanya. Pilit itong ngumiti sa akin kahit na sobrang hirap ng nararamdaman ng
kalooban nito.
"Huwag mong isipin iyan. Masaya ako sa naging kapalaran mo. Masaya akong nakikita na nasa maayos kang kalagayan Nica." nakangiti nitong sagot.
"Salamat Ate...Teka...anong oras na ba? Hindi ka pa yata kumakain eh... sasamahan kita sa dining area para malagyan ng laman ang sikmura mo.''' yaya ko dito. Pilit kong pinapasigla ang boses ko para naman gumaan pareho ang aming pakiramdam. Muling sumilay ang pilit na ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Sure..kanina pa nga ako gutom eh.
Kaya siguro napaka-emotional ko." sagot nito. Kaagad naman akong tumayo at hinawakan ito sa kamay. Sabay na din kaming naglakad papasok ng Villa.
Diretso kami ng dining area. Pahinga time ng mga kasambahay kaya naman ako na mismo ang naghalungkat ng pwedeng makain sa loob ng ref. Mabuti na lang at marami pang mga left over kaya isa-isa ko iyung nilabas.
"Ate, pili ka na kung ano ang gusto mong kainin." nakangiti kong wika. Ima-microwave na lang namin ang mga ito para makakain kami pareho. Muli na naman kasi akong nakaramdam ng gutom.
"Ang dami niyan ah. Teka, ako na lang ang mag-iinit ng mga ito. Maupo ka na lang at ako na ang bahala," nakangiti nitong sagot sa akin. Kaagad naman akong umiling.
"Guest kita Ate kaya dapat pagsilbihan kita." natatawa ko namang sagot.
"Naku, baliktad yata. Hindi mo ako dapat pagsilbihan dahil nakakahiya sa iyo. Ikaw na ngayun ang pinagsisilbihan ng lahat Nica."
natatawa naman nitong sagot. Naglalagay na ito ng mga pagkain sa pinggan para maumpisahan na naming initin sa microwave.
"Susss hindi totoo iyan. Ako pa rin ang Nica na nakilala mo Ate." sagot ko. Kaagad ko naman napansin ang pagtango nito.
"Alam ko...dahil kung talagang nagbago ka na hindi mo ako naiisip ngayun."natatawanan nitong sagot. Kinuha ko naman ang bowl na may lamang pagkain at ako na mismo ang naglagay sa loob ng microwave.
"Hindi ako magbabago noh...asawa ko lang ang mayaman at ako pa rin ito."
sagot ko. Kaagad ko naman narinig ang malakas na pagtawa ni Ate Ethel kasabay ng pagpasok ng isang pigura dito sa loob ng dining area.
Walang iba kundi si Elijah. Sapo nito ang ulo. Magulo ang buhok at mukhang kagigising lang at parang tanga na natulala na nakatitig sa gawi ni Ate Ethel.
"ohh Elijah..gising ka na pala? Masakit ang ulo? Inom pa more!" wika ko para mapukaw ang attention nito. Parang bigla kasi itong naging tood. Pareho pa talaga silang dalawa ni Ate Ethel na walang kakukurap kurap na nakatitig sa isat isa. Ano ito, may sarili na silang mundo ngayun? Silang dalawa lang ang tao dito sa loob ng kusina?
"E-Ethel...Honey, nandito ka? Sinundan mo ako dito? Hindi ka na galit sa akin?" narinig ko pang bigkas ni Elijah. Parang gusto ko naman itong batukan. Pagkatapos ng mga ginawa niya kay Ate Ethel nagawa niya pa talagang magtanong ng ganito?
Feelingero pa! Sino siya para sundan ni Ate Ethel dito. Sa mga nalaman ko na pinanggagawa niya kay Ate Ethel hindi ko hahayaan na saktan niya ulit ito.
Kung talagang mahal niya si Ate dapat paninidigan niya. Hindi pwedeng basta na lang niyang ibahay na hindi niya pinapakasalan.
Chapter 282
VERONICA POV
Hindi ko maiwasan na magpapalipat- lipat ng tingin sa dalawa. Kanina pa titig na titig sa isat isa na akala mo sampung taon hindi nagkita.
"Nandito ka din?" narinig kong tanong ni Ate Ethel. Napansin ko pa ang pag- uunahan sa pagpatak ng luha sa mga mata nito.
"O---oo! God! Hindi mo ba alam kung gaano kita na miss?" sagot naman ni Elijah. Kaagad pa itong naglakad papunta kay Ate Ethel at niyakap ng mahigpit. Tahimik naman akong nanonood sa kanilang dalawa. Hindi ko pa maiwasan na mapataas ng kilay ng mapansin ko na biglang nagpumiglas si Ate Ethel. Galit nga talaga kay Elijah at dapat lang na mag extra effort ito kung gusto niyang magkabati pa silang dalawa.
"Pwede ba Elijah! Bitawan mo nga ako! "narinig ko pang wika ni Ate Ethel. Halata sa boses nito ang pagdaramdam.
Bahala na..tsismosa na kung tsismosa pero curious talaga ako kung nagmamahalan nga ba ang dalawang ito. Sayang naman kung ngayun pa sila maghihiwalay gayung may gusto naman pala sila sa isat isa. Kung willing naman magbago si Elijah at mangako siyang pakasalan si Ate Ethel why not diba?
"Honey, Ethel, let me explain!" nagsusumamo pang wika ni Elijah.
"Wala ka ng dapat pang ipaliwanag. Tapos na tayong dalawa. Hindi mo na ako kailangan. Wala akong nagawang kasalanan sa iyo dahil ikaw ang sumira sa kontrata natin." humihikbi na sagot naman ni Ate Ethel. Napapalingon pa ito sa akin na parang nahihiya. Sa hiya ko din sa kung anong iisipin nito bigla kong itinoon ang buong pansin ko sa mga pagkain. Kailangan kong mailagay isa-isa ang mga ito sa loob ng microwave para mainit.
"No! I am sorry! Pinagsisihan ko na ang lahat. Magsimula tayo ulit! Promise, babawi ako. Hindi na ako
gagawa ng bagay na makakasakit sa damdamin mo. Magiging tapat ako sa iyo basta huwag mo lang akong iiwan." sagot nito.
"Kung gusto niyong magkaliwanagan pwede kayong mag usap sa garden or sa isa sa mga cottages. Huwag lang dito sa kitchen dahil nagugutom na ako." singit ko naman sa dalawa. Nakakahiya naman kung nasasagap pa ng dalawa kong tainga ang pinag-uusapan nila. Privacy na dapar nila iyun eh.
Hindi naman ako ganoon ka-tsismosa noh. Mamaya ko na susumbatan si Elijah sa pinanggagawa niya kay Ate Ethel kapag tapos na silang mag usap. Hindi pwedeng palagpasin ko ang ginawa nya sa Ate Ethel.
"I am sorry Nica...pumunta ako dahil para sa iyo. Hindi sa kung kahit kanino. " sagot naman ni Ate Ethel at nagmamadaling naglakad palapit sa
akin. Pasimple pa nitong pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig kay Elijah na noon kita ang pait sa mga mata.
"Give her time. Hayaan mo munang humupa ang galit niya." wika ko kay Elijah. Tumitig muna ito sa akin at akmang lalapit kay Ate Ethel ng umiwas ito. Napapailing naman ako habang tinitingnan silang dalawa.
"Alam ko naman na kasalanan ko eh. Sige na please, patawarin mo na ako. Ilang araw na tayong hindi okay at nahihirapan na ako." nagsusumamong wika ni Elijah.
"Hindi! Wala na tayong dapat pang pag -uusapan. Sinaktan mo na ako at ayaw ko ng maulit iyun." sagot naman ni Ate Ethel. Akmang kukunin nito ang pagkain na nasa microwave ng bigla itong yakapin ni Elijah mula sa likuran.
Kikiligin na sana ako kaya lang pareho ng umiiyak ang dalawa. Natameme tuloy ako.
Hikbi at iyakan ang namayani sa buong paligid. Para tuloy akong nanonood ng live na pelikula. Mabuti na lang at dumating si Rafael. Masarap manood ng mga ganitong eksena kapag may kasama.
"Nagkita na sila? Nagkabati kaagad at dito pa talaga sa kusina?" tanong ni Rafael sa akin. Imbes na maiyak din sa nasaksihang eksena hindi ko tuloy maiwasan na matawa.
"Tingin mo, mukha naman silang nagmamahalan diba? Bakit kailangan pang idaan sa mga ganitong bagay? Bakit kailangan pang idaan sa pera ng nakakainis mong pamangkin ang lahat?
"bulong kong sagot kay Rafael. Naguguluhan naman itong napatitig sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.
"Wala ako sa mood magkwento. Nagugutom ako. Basta pagkatapos nito pangaralan mo iyang pamangkin mo ha? Magagalit talaga ako sa kanya kapag lolokohin niya si Ate Ethel." sagot ko at naglakad papunta sa kinaroroonan ng microwave. Inilabas ko ang medyo mainit ng ulam na isinalang ko kanina at dinala sa dining table.
"Kayong dalawa! Lumabas kayo dito sa dining area. Hindi ito ang lugar para mag-iyakan kayo." narinig ko pang saway ni Rafael kina Elijah at Ate Ethel. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Panira talaga sa moment itong asawa ko. Pwede naman niyang hayaan na lang muna dahil hindi naman nakakasagabal.
"Naku, sorry po!" narinig ko pang wika ni Ate Ethel sabay bitiw sa
pagkakayakap sa kanya ni Elijah. Matalim pa nitong sinulyapan si Elijah sabay yuko. Pigil ko naman ang sarili kong matawa.
Parang nakikita ko na magkakabati din ang dalawang ito. Of course bago mangyari iyun dapat talaga mangako itong si Elijah na huwag nya ng sasaktan si Ate Ethel. Hindi ko kayang nakikita na umiiyak ito.
"Uncle naman, moment namin ito kaya pwede bang iwan niyo muna kami? Hayaan niyo muna kaming magkausap."sagot naman ni Elijah. Kaagad naman itong tinitigan ng masama ni Rafael.
"Fuck off! Sa labas kayo mag usap! Hindi dito! Lugar ito ng kainan at hindi pwedeng dito pa kayo mag iyakan. Isa pa akala mo ba hindi ko alam ang mga pinanggagawa mo? Humanda ka dahil tiyak na malalagot ka sa mga magulang mo dahil sa mga kabulastugan na ginawa mo!." seryoso naman sagot ni Rafael. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Nakikinig ba ito habang nag-uusap kaming dalawa ni Ate Ethel kanina? Kung hindi paano niya nalaman ang tungkol dito.
Seryoso pa akong napatitig kay Rafael na kaagad naman akong kinindatan.
"Sumabay ka muna sa pagkain dito
Miss. Hayaan mo iyang pamangkin ko para magtanda sa ginawa niyang
kasalanan sa iyo." muling wika ni
Rafael. Aalma pa sana si Elijah kaya lang pinukol ito ng masamang tingin ni Rafael. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Base sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Rafael, mukhang alam na alam na niya ang kasamaang ginawa ng kanyang pamangkin kay Ate Ethel. Buti nga sa kanya. Pabor ako sa sinabi nito.
Dapat pahirapan muna si Elijah para magtanda.
"Ate...kain na tayo." nakangiti kong yaya kay Ate Ethel. Nahihiya itong tumitig sa gawi namin bago dahan- dahan na naglakad palapit sa amin.
"Elijah, ano ang ginagawa mo? Isalang mo ang ibang pagkain sa microwave! Abat kung talagang nagsisisi ka sa mga ginawa mo patunayan mo!." utos ni Rafael sa kanyang pamangkin. Muli akong napangiti. Mukhang nagpapraktis na ang asawa ko na mangdisiplinahin ah?
"Uncle, hindi mo ako alipin. Nasaan ba ang mga kasambahay? Tatawagin ko sila." sagot naman ni Elijah at akmang lalabas na ng pigilan ito ni Rafael.
"Nagpapahinga sila. Ikaw na ang gumawa kung ayaw mong magkalitse- litse iyang buhay mo!" asar naman na sagot ni Rafael. Kakamot-kamot naman ng ulo si Elijah na kaagad na napasunod. Wala siyang choice kundi ang sumunod dahil hindi ko talaga siya kakampihan dahil sa mga ginawa niyang kasalanan kay Ate Ethel.
Chapter 283
VERONICA POV
Pagkatapos namin kumain nakuha din sa pakiusapan si Ate Ethel ni Elijah. Pumayag din itong makipag-usap upang magkalinawan silang dalawa. Pabor naman ako sa bagay na iyun dahil pareho naman silang mahalaga sa akin. Wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan nilang dalawa.
Kung sakaling silang dalawa ang magkakatuluyan pabor ako sa bagay na iyun. Kailangan lang din talaga siguro nilang mag-usap ng maayos para malaman nila pareho kung ano man ang nararamdaman nila sa isat isa.
"I think kailangan muna nating magpahinga. Gusto mong mamasyal mamaya sa tabing dagat diba?"
masuyong tanong sa akin ni Rafael. Kakapasok lang namin ng kwarto at bigla akong nakaramdam ng antok.
Ang hirap pala talaga kapag buntis ka. Nakakaramdam na din ako ng bigat ng aking katawan.
"Oo nga eh. Parang ang sarap matulog lalo na at ganitong busog na busog ako. "nakangiti kong sagot.
Kaagad akong inalalayan nito na makahiga ng maayos ng kama.
"Rafael, palagay mo, magkakaayos din kaya sila Ate Ethel at Elijah? Tingin ko naman nagmamahalan silang dalawa eh." wika ko habang nakahiga na ako ng kama. Pumuwesto ito sa paanan ko para masahiin ang paa ko. Kontento ako sa mga ganitong gesture niya sa akin. Kahit papaano nababawasan ang hirap ng pagbubuntis ko dahil sa mga ginagawa niyang ito sa akin.
"Tingnan natin. Dont worry, sisiguraduhin kong hindi maaagrabyado sa laban nito ang Ate Ethel mo. Huwag mo na silang isipin
pa. Ako ang bahala." nakangiti nitong sagot. Kaagad ko naman itong nginitian bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Ang planong pamamsyal kinahapunan hindi na nangyari pa. Madilim na nang muli akong nagising at nag-iisa lang ako dito sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon ng kama at diretsong naglakad patungong banyo para umihi at maglinis ng katawan.
Pagkatapos kong gawin lahat ng mga dapat gawin sa sarili ko kaagad na akong lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong paligid kaya naman naisip ko na nasa labas silang lahat. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalabas ko ng Villa kaagad kong natanaw sila Elijah at Rafael na seryosong nag-uusap. Nagtataka pa akong nagpapalinga- linga sa paligid para hanapin si Ate Ethel.
Akmang lalapit na sana ako kina Rafael at Elijah ng matanaw ko ang isa sa mga kasambahay na parating. May bitbit itong inumin kaya kaagad ko itong sinalubong.
"Napansin niyo po ba si Ate Ethel? Iyung babaeng kausap ni Elijah kanina? "kaagad kong tanong. Saglit pa itong nag-isip bago sumagot.
"Ahhh si Mam Ethel po ba Mam?, nasa kwarto po yata ni Sir Elijah. Nagpapahinga po." sagot nito. Nagulat naman ako. Hindi ko maiwasang isipin na baka bati na silang dalawa.
"Sige po Manang...thank you po." nakangiti kong sagot. Tumango lang ito at nagmamadali na akong tinalikuran.
Nagpasya na lang akong tumambay na muna ng garden. Ayaw kong isturbuhin ang mag-uncle kung ano man ang kanilang pinag-uusapan ngayun. Sana nga lang maayos na ang lahat.
Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang bilog na buwan. Ang sarap sa pakiramdam na nandito ako ngayun sa isang tahimik na lugar. Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala na mararanasan ko ang ganitong kasayang buhay. Iyung hindi na kailangan pang mamroblema kung may kakainin kami kinabukasan?
"Kanina ka pa ba gising?" dahan- dahan akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyun. Si Rafael at nakangiting nakatayo sa likuran ko.
"Tapos na ba kayong mag-usap ni Elijah?" tanong ko sa kanya. Kaagad naman itong lumapit sa akin at hinapit ako.
"Yes...at ayos na. Bigyan na lang muna natin ng time na magkasarilinan silang dalawa. Huwag kang mag-alala sa kaibigan mo. Nangako na si Elijah na hindi niya na paiiyakin." nakangiti nitong sagot. Kaagad naman akong
nakaramdam ng kapantagan ng kalooban.
"Mabuti naman kung ganoon. Dapat talaga bumawi siya kay Ate Ethel." nakangiti kong sagot. Hindi naman ito nagsalita pa at naramdaman ko na lang ang pagsayad ng labi nito sa tuktok ng ulo ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naunang umalis sila Ate Ethel at Elijah sa resort. Nagkabati din ang dalawa at nangako naman si Elijah na magiging responsable na siya sa mga desisyon na gagawin niya. Balak na din nyang ipakilala si Ate Ethel sa kanyang mga magulang na sila Ate Miracle at Kuya Roldan. Mukhang sa kasalan din ang hantong nilang dalawa na syang labis kong ikinatuwa.
Kaming dalawa naman ni Rafael tuluyan ng bumalik ng mansion pagkatapos ng honeymoon namin. Balik sa dati ang lahat at ramdam ko
ang pag-aalaga ng mga taong nasa paligid ko.
"Congratulations Mister and Misis Villarama! Kaya pala malaki sa inaasahan natin ang tiyan ni Misis dahil twins pala ang nasa loob." nakangiting balita sa amin ng OB Gyn ko. Pareho pa kaming natulala ni Rafael sa sinabi nito.
"A-anong sabi niyo po? Twins? Kambal ang magiging baby namin?" tanong ni Rafael sa Doctor. Kita sa mukha nito ang pamumutla. Nakangiting tumango naman ang Doctor kaya hindi ko maiwasang maluha.
"Ka-kaya pala ang bigat na ng tiyan ko. Dalawa pala sila?" wala sa sarili kong sagot. Kaagad ko naman naramdaman ang mahigpit na paghawak ni Rafael sa kamay ko. Kita ko sa hitsura nito ang pigil na pag-iyak.
"Yes, Misis Villarama. Kaya dapat po
doble ingat ang gagawin niyo dahil dalawang buhay ang nasa sinapupunan mo. Dont worry, pareho naman silang healthy pero kailangan pa din ng mahigpit na monitoring. Dapat nating imonitor ang health mo. Iwasan mo munang kumain na hindi pabor sa pagbubuntis mo." nakangiting paliwanag ng Doctor. Hindi naman ako nakasagot.
"Ibig po bang sabihin nito Doc mas lalong lalaki pa ang tiyan niya sa mga susunod na buwan bago siya manganak?" tanong ni Rafael. Kaagad naman tumango ang Doctor.
"Mas malaki ang tyan niya compare sa mga nagdadalang tao na iisa lang ang baby sa sinapupunan. Since twins ang dala-dala ni Misis mas mahihirapan siyang kumilos kaya dapat may nakaalalay sa kanya palagi. Dont worry Mister Villarama, kayang kaya ni Misis iyan, Maraming mga Mommy's diyan na dumaan sa pagbubuntis ng kambal. Triplets pa nga minsan eh." paliwanag ng Doctor.
Pagkatapos namin pakinggan ang maraming advice ng Doctor nagpaalam na kami sa kanya. Of course sinigurado namin na mabibili lahat ng mga vitamins na kailangan ko. Kailangan na din daw bantayan ang mga kinakain ko.
Pagdating ng mansion, kaagad naming binalita ang magandang balita kina Mommy at Daddy. Sa sobrang tuwa nila gusto pa nga nilang magpaparty pero pareho na kaming tumutol ni Rafael. Tsaka na lang siguro pagkapanganak ko.
Sa paglipas ng araw, ramdam ko ang kalbaryo ng hirap sa pagbubuntis. Hindi din ako nakakatulog ng maayos dahil maya-maya ang pag-ihi ko. Halos dumuble na din ang timbang ko kaya naman hirap talaga ako sa pagkilos. Naawa na nga din ako kay Rafael dahil hindi din ito nakakatulog ng maayos. Gumigising kasi talaga ito lalo na kapag nararamdaman niyang bumabangon ako ng kama para umihi. Ang resulta, palagi itong puyat kapag pumapasok ng opisina.
"Kapag may kailangan ka pindutin mo lang ang bell na iyan ha?" bilin sa akin ni Rafael isang umaga. Nakahanda na itong pumasok ng opisina at ilang beses niya na ding nabanggit sa akin ang tungkol sa bell. Nakangiti naman akong tumango.
"Dont worry, in one week, eight months pa lang ang tiyan ko. May mahigit one month pa bago manganak. "nakangiti kong sagot sa kanya. Nakahiga ako ng kama habang haplos ko ang malaki kong tiyan. Nitong mga nakaraang araw tamad na tamad na talaga akong magkikilos. Ganito pala ang pakiradamdam ng buntis. Palagi
kong nararamdaman ang pagkirot ng tiyan ko lalo na kapag gumagalaw ang babies sa loob.
"Naninigurado lang ako. Dont worry, sisiguraduhin kong matapos lahat ng mga kailangang gawin sa opisina bago ang kabuwanan mo. Gusto kong ako ang personal na mag-aasikaso sa iyo pagkapanganak mo." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na matawa. Ilang beses na din kasi niya itong nababanggit sa akin eh. Tuwing pumapasok ito ng opisina ganito lagi ang linyahan niya. Alam kong tamad na tamad na itong pumasok ng opisina at ayaw niyang maalis ako sa paningin niya.
"Opo, sige na...alis na! Mali-late ka na naman niyan eh." nakangiti kong sagot.
"Matulog ka na muna ha? Kapag iihi ka tawagin mo ang kasambahay na nakaantabay sa iyo ha? Huwag kang
pumasok ng banyo na mag-isa ka lang. "bilin pa nito sa akin. Kaagad akong tumango at ako na mismo ang humalik sa labi nito. Kaagad naman niya iyung tinugon bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Naiwan naman akong ngingiti na lang. Mahigit isang na pagtitiis pa at makakaahon din ako sa hirap na nararanasan ko ngayun. Sobrang hirap kasi talaga.
Katulad ngayun...nagboboxing na naman yata ang mga babies ko. Ang likot nilang dalawa at napapangiwi ako sa sakit.
Hindi ko na nga namalayan na muli akong nakatulog. Nagising na lang ako na nakakaramdam ng sobrang
pananakit ng tiyan ko. Iyung tipong halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang sakit.
Chapter 284
VERONICA POV
"A-ARAY!" Hindi ko maiwasang bulong habang sapo ko ang aking tiyan. Ramdam ko kasi ang paghilab niyun sa sobrang sakit.
Gustuhin ko mang bumangon ng kama hindi ko magawa. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas.
Bakit ako nagkakaganito? Normal pa ba ang sakit na ito? Bakit parang hindi kaya ng katawan ko ang ganitong klaseng sakit? Bakit parang malalagutan ako ng hininga. Bakit ganito?
Ramdam na ramdam ko na din ang butil-butil na pawis sa noo ko. Kung alam ko lang na magkakaganito ako pinigilan ko sana si Rafael na pumasok ng opisina kanina.
Hindi ko na maiwasan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang kauna- unahang beses na nakaramdam ako ng ganitong sakit...oo masakit kapag kumikilos ang babies ko sa tiyan pero sobra naman yata ang sakit ngayun.
Hindi na ako nag-atubili pa. Sunod- sunod kong pinindot ang bell na nasa gilid lang ng kama at umaasang kaagad na may pupunta sa akin dito sa kwarto para i-check ang kalagayan ko.
Kailangan ko na din sigurong maitakbo sa pinakamalapit na hospital. Habang tumatagal kasi padagdag ng padagdag ang sakit.
Hindi naman nagtagal kaagad kong naramdaman ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. pumasok si Mommy Carissa kasunod ni Ate Maricar.
"Mommy! Tulungan niyo po ako...ang sakit! Huhuhu!" umiiyak kong wika. Taranta naman itong lumapit sa akin at pareho nila akong inalalayan na maihiga ng maayos sa kama.
Namamaluktot na kasi ako sa sakit habang sapo ang tiyan ng maabutan nila ako.
"Iha...Diyos ko! A-anong nangyari? Higa ng maayos iha..." wika nito sa akin. Dahan--dahan ako nitong pinatihaya at hinimas ang tiyan ko.
"Hindi mo pa naman kabuwanan ah? Teka lang....daldalhin ka namin sa Doctor." Wika ni Mommy. Sunod ko namang naramdaman ang pagdampi ng malambot na bagay sa noo ko. Si Ate Maricar, pinupunasan ang pawis ko.
"Madam, baka manganganak na si Mam Veronica...hindi po ba may nanganganak kahit seven months pa lang ang tiyan?" narinig ko namang wika ni Ate Maricar. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi pwede... Ayaw kong ilabas na premature ang mga anak ko. Delikado iyun!
"Mommy, ang sakit! Ang sakit....sakit po! Ang baby ko! Sabihin nyo po...ayos lang sila diba" umiiyak kong wika. Kaagad kong npansin ang pamumutla ni Mommy habang nakatingin sa paanan ko. Wala sa sariling napatitig din ako doon at parang gusto kong mahimatay ng mapansin ko ang mantsa na kulay pula sa bedsheet. Hindi ko namalayan na dinudugo na pala ako.
"Diyos ko! Mukhang manganganak ka na nga Iha....sandali da-dalhin ka namin sa hospital." wika ni Mommy Carissa at halos pasigaw na inutusan nito si Ate Maricar na tumawag ng tulong sa ibaba.
"Puntahan mo ang mga bodyguards. Daanan mo din ang Sir Gabriel mo sa kwarto namin! Papuntahin mo dito dahil kailangan mabuhat si Veronica para maisakay sa kotse. Bilisan mo Maricar!" utos ni Mommy. Kaagad naman itong tumalima at halos inilang hakbang lang palabas ng kwarto.
"Ma-Mommy, hindi ko pa po kabuwanan! Manganganak na po ba ako? Ang--baby---babies ko! Baka mapaano sila! Gawin niyo po ang lahat para mailigtas sila." nanghihina kong sagot. Muli akong dinaluhan ni Mommy at hinaplos ang pisngi ko. Kita ko sa mukha nito ang matinding kaba.
"Huwag mong isipin iyan! Walang masamang mangyayari Iha. Relax ka lang ha? Nadito lang si Mommy. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa inyo ng mga babies!"
malumanay nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan na mapasigaw dahil sa sobrang sakit. Wala na din tigil ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Ssshh! Tahan na! Tahan na iha! Everything well be okay. Tatagan mo lang ang kalooban mo. Malalagpasan mo din ang lahat ng ito!" wika ni Mommy. Pilit itong nagpapakahinahon sa harap ko pero alam kong natataranta na din ito. Hindi naman nagtagal dumating ang ilang mga bodyguards. Pinaupo nila ako sa wheel chair at binuhat pababa.
"Hinga ng malalim iha. Kaya mo iyan! Nandito lang si Mommy.......Maricar! Maricar! Tawagan mo si Rafael... ngayun din!" naririnig kong wika ni Mommy. Nakasunod ito sa akin habang walang tigil ang pag-iyak ko. Hindi ko na din alam kung saan ko ihahawak ang kamay ko. Sa sobrang sakit hindi ko na namamalayan na ilang beses na akong napapasigaw!
Dumating pa sa time na wala na akong pakialam pa sa paligid. Kung anu- anong mga salita na din ang lumabas sa bibig ko para lang mabawasan ang sakit. Pero wala eh...walang epekto. Basta naramdaman ko na lang na
nandito na kami sa loob ng kotse at tumatakbo na iyun.
"HIndi nya pa kabuwanan diba?" narinig ko pang tanong ni Daddy Gabriel. Hindi ko na nga napansin ang pagsakay nito ng kotse at pagtabi sa akin. Ang alam ko si Mommy lang ang kausap ko kanina.
"Hindi pa nga pero posibleng
manganganak na siya. Ayos lang iyan...
hindi bat ganyan din ang nangyari noon kina Christian at Miracle? Seven months pa lang inilabas na sila sa akin? " narinig ko pang sagot ni Mommy. Kahit papaano nabuhayan ako ng loob. Posible nga sigurong mapapaaga ang panganganak ko.
"Inhale----exhale! Laban iha ha? Tibayan mo ang loob mo. Kaunting kaunti na lang at malapit na tayo sa hospital." wika ni Mommy Carissa. Naipikit ko ang mga mata dahil nakakaramdam na ako ng nagdidilim ng paligid.
Bumalik lang ako sa tamang hwesyo ng marinig ko ang pagsigaw ni Mommy. Sinisigawan nito ang driver na bilisan ang pagpapatakbo ng kotse.
"Huwag kang matulog iha...huwag kang matulog! Malapit na tayo." narinig ko pang wika ni Mommy.
Naramdaman ko pa ang pagtapik nito sa mukha ko kaya muli akong napadilat. Lumuluha si Mommy habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapahawak ng mahigpit dito.
Tama ito! Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangan kong lumaban para sa mga anak ko. Ayaw ko silang biguin... ayaw kong biguin ang mga taong nagmamahal sa akin. Lalong lalo na si Rafael.
Sana lang makarating na kami ng hospital! Pagod na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ganito pala ang feeling kapag manganganak na. Ramdam ko ang paghilab at paninigas ng tiyan ko palatandaan na lalabas na ang mga babies ko.
Sa awa ng Diyos maayos naman kaming nakarating ng hospital. 10% na lang yata ang natitira kong lakas at laking pasalamat ko dahil may nakaantabay na sa amin na mga medical staff. Kaagad nila akong isinakay sa stretcher at ipinasok sa loob ng isang kwarto.
Aware pa ako sa mga nakikita ko sa paligid ko pero hinang hina na ako. Pagod na pagod na din ako.
Chapter 285
RAFAEL POV
Kakalabas ko lang ng conference room ng bigla akong salubungin ni Mister Lee. Ang executive secretary ko at halata sa mukha nito ang pag-aalala.
""Mister Villarama, Sir...may tawag po para sa inyo." kaagad na wika nito sabay abot ng hawak na cellphone. Kaagad ko iyung tinaggap sa kanya at sinagot. Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ni Mommy sa kabilang linya. Halata sa boses nito ang pagkataranta
kaya hindi ko maiwasang
makaramdam ng kaba.
"Mom! Napatawag po kayo?" kaagad kong tanong.
"Rafael, nasaan ba ang cellphone mo? Bakit hindi mo sinasagot? Alam mo bang kanina ka pa namin tinatawagan?
"kaagad na bungad nito. Hindi ko mapigilang mapakamot ng aking ulo.
"Nasa office po Mom. Hindi ko po nabitbit kanina sa conference room. Napatawag po kayo? May nangyari po ba? Kumusta pala ang asawa ko? tanong ko. Narinig ko pa ang marahan na pagbuntong hininga nito bago sumagot.
"Magmadali ka! Nandito kami sa hospital. Dinala namin si Veronica dahil sumasakit ang tiyan niya! Nasa operating room na siya ngayun at kailangan niyang ma-CS." kaagad na sagot nito. Parang biglang nanlaki ang ulo ko sa mga narinig. Ramdam ko din ang malakas ng pagkabog ng dibdib ko.
"Po? Manganganak na ang asawa ko? Hi-hindi pa naman niya kabuwanan ah?" sagot ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang oras sa akin. Pinagpawisan ako ng malapot at pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas. Hinang- hina akong napasandal sa dingding.
"Hindi pa nga! Pero kailangan ng mailabas ang babies sa kanyang sinapupunan. Pumunta ka na ngayun din dito sa hospital! Bilisan mo!" sagot ni Mommy. Hindi ko man ito nakikita pero ramdam ko ang pagpapanic sa boses nito. Lalo akong nakaramdam ng matinding kaba.
"Mister Villarama! Ayos lang po ba kayo?" narinig ko pang tanong ni Mister Lee sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Hindi ko din namalayan kung paano natapos ang pag -uusap namin. Napansin ko na lang na nasa sahig na ang cellphone na hawak- hawak ko lang kanina. Nabitawan ko pala dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Parang hindi din kayang iabsorb ng utak ko ang natanggap na balita ngayun lang.
"Mister Lee...safe ba manganak kahit seven months pa lang?" wala sa sarili kong tanong. Napansin ko pa ang pagkatulala nito bago sumagot.
"Marami naman pong nanganganak ng seven months pa lang ang tiyan Sir." sagot nito. Napakurap pa ako ng makailang ulit bago seryoso itong tinitigan.
"Tawagan mo ang driver. Ipahanda ang kotse. Pupuntahan ko ang asawa ko sa hospital." sagot ko at mabilis na naglakad patungo sa elevator. Marami akong naka-line up na meetings buong maghapon pero wala na akong pakialam pa. Ang importante lang sa akin ng mga sandaling ito ay ang aking mag-ina. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanila.
Habang nasa sasakyan hindi ako mapakali. Parang gusto kong hilahin ang oras makarating kaagad ng hospital. Dapat talaga hindi na ako pumasok ng opisina kanina. Dapat talaga hindi ko ito iniwan mag isa sa kwarto.
Kumusta na kaya ang asawa ko? Sana ayos lang siya. Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya.
Papasok pa lang ako ng hospital ng makasalubong ko si Maricar. Kasambahay namin na kasundong kasundo ni Veronica. Kaagad naman nitong tinuro kung nasaan sila Mommy kaya kaagad akong tumakbo paputan doon.
"Mom, kumusta ang asawa ko? Ano ang balita sa kanya at sa mga anak namin?" kaagad kong tanong ng makalapit ako. Stress na stress si Mommy kaya naman si Daddy na ang sumagot.
"Nasa loob pa rin siya. Inaasikaso na siya ng mga Doctor kaya huwag kang mag-alala. Matapang ang asawa mo at kayang kaya niya ang procedure na gagawin sa kanya.
"Ano po ba ang nangyari? Ayos naman siya kaninang umaga ah?" tanong ko.
"Bigla na lang sumakit ang tiyan niya. Hindi ko din alam kung paano nangyari iyun? Hindi ba kaka-pacheck- up niyo lang noong nakaraang linggo? Ano ba ang sabi ng Doctor niya? Bakit nagkaganito?" tanong ni Mommy. Hindi ko mapigilang mapasabunot sa aking buhok.
"I dont know....I dont know!" hopeless kong sagot sabay napaupo. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong asawa. Hindi ko man lang napansin na posibleng may nararamdaman na siya kanina bago ako umalis. Knowing Veronica, talagang tinitiis nito ang lahat hanggat kaya niya. Sana lang walang mangyaring masama sa kanya dahil hindi ko talaga alam kong anong mangyayari sa akin kung sakaling mapahamak ito.
Habang patuloy ang pag-usad ng orasan padagdag ng padagdag ang kaba na nararamdaman ng puso ko. Hindi na din ako mapakali. Ilang beses na akong palakad-lakad, uupo at kung anu ano pa. Ilang beses ko na din narinig kay Daddy na huminahon daw ako.
"Bakit ang tagal? Mga professional ba ang mga iyan?" hindi ko maiwasang wika. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Daddy bago sumagot.
"Huminahon ka muna Rafael. Wala tayong choice kundi maghintay. Akala mo ba ikaw lang ang nag-aalala sa mga nangyari ngaun? Kami din naman ah? Umupo ka nga muna dahil pati ako lalong ninerbiyos eh." naiinis na wika ni Daddy. Wala akong choice kundi maupo sa tabi niya at para lang mapatayo ulit ng mapansin ko ang pagbukas ng operating room. Kaagad na LUmabas ang isang babaeng nakasuot ng kulay puti at naglalakad palapit sa amin. Kaagad ko itong sinalubong.
"Doc, kumusta nag mag ina ko? Sabihin mo sa akin, ayos lang sila diba? Ayos lang ang asawa ko?" natataranta kong tanong. Saglit akong tinitigan ng Doctor bago sumagot.
"Dont worry Mister Villarama, fighter si Misis, nakayanan nya ang ginawang operasyon. Regarding naman sa twins kailangan muna nilang ilagay sa NICU para obserbahan. Medyo mahina ang isa sa kanila dahil sa kakulangan ng buwan." sagot nito. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakaramdam ng sobrang takot.
"Pwede ko po ba siyang makita?" tanong ko. Kaagad na tumango ang Doctor kaya nagmamadali na akong pumasok sa loob ng operating room.
Naabutan ko si Veronica na walang malay. Sobrang putla nito at bakas sa maganda nitong mukha ang hirap na dinanas. May nakakabit pa ring dextrose dito. Nanginginig ang tuhod ko na lumapit dito at hinalikan sa noo.
"Sorry Sunshine! Sorry! Wala ako sa tabi mo habang naghihirap ka!"
mahina kong wika. Hinawakan ko ang kamay nito at parang batang hindi na napigilan pa ang malakas na pag-iyak. Wala na din akong pakialam pa sa mga taong nakapaligid sa amin. Sa kauna- unahang pagkakataon hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa harap ng ibang tao.
"Pangako, hindi na mauulit ito. Hindi na! Hindi na asawa ko!" paulit-ulit ko pang bulong. Umaasa ako na sa pamamagitan niyun maibsan man lang ang sakit na naranasan nito habang inilalabas sa katawan niya ang mga anak namin.
"Sir..hayaan na lang po muna nating magpahinga si Mam. Mamaya lang po ng kaunti ililipat na din po sya sa private room nya. Sinigurado po naming lahat na 100% ayos na siya. First time na manganak ni Mam tapos twins pa kaya medyo nahirapan po ang katawan niya." narinig kong wika ng Doctor. Pinaalis ko ang luha sa mga ko at binalingan ito.
"Nasaan ang twins?" tanong ko.
"Nasa Neonatal intensive care unit na po Sir. Mananatili sila doon habang inoobserbhan. Dont worry po, normal lang po sa mga premature newborn infants na ilagay muna doon habang inoobserbahan ang health nila. Pwede niyo na din silang silipin. Sasamahan po kayo ng staff namin." nakangiti nitong sagot. Tumango ako at binalingan ng tingin si Veronica na wala pa ring malay. Parang nadudurog ang puso ko habang tinititigan ang naging sitwasyong nito ngayun.
Masaya pa kaming dalawa kaninang umaga habang nagpapaalam ako sa kanya. Pagkatapos, nakikita ko na siya sa ganitong sitwasyon. Hindi ako sanay na makikita ko siyang ganito.
"Pangako Sunshine...magpagaling ka! Babawi ako sa iyo!" hindi ko maiwasang bulong at muling hinalikan ito sa kanyang noo. Kahit ilang beses nang sinabi ng Doctor na ayos lang naman siya hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Patuloy akong makakaramdam ng takot hangat hindi pa ito nagigising.
Chapter 286
RAFAEL POV
Hindi ko na nagawang iwan pa si Veronica hanggang sa maitransfer ito sa VIP room ng hospital. Tulog pa din ito at durog na durog ang puso ko habang pinagmamasdan ito.
"Dont worry Sunshine...everything will be okay. Hindi ko na hahayaan pa na maulit ang mga nangyari ngayun. HIndi ko na hahayaan pa na masasaktan kang muli." hindi ko maiwasang bulong dito. Hindi pa rin nawawala ang agam-agam sa puso ko. Natutulog lang si Veronica dahil kailangan niyang ipahinga ang kanyang katawan pero natatakot ako. Gusto ko nang hilahin ang oras para magising na ito.
"Rafael, hayaan mo muna ang asawa mong magpahinga. Huwag mo munang hawakan at baka ma-isturbo ang tulog niyan." narinig ko pang wika ni Mommy. Ilang beses na marahil nitong napansin ang paulit-ulit kong paghalik sa halos buong mukha ni Veronica kaya hindi na nakatiis at sinita na ako. Eh hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko eh. Gusto ko nang makita na muli nitong idilat ang kanyang mga mata at personal na sabihin sa akin na ayos lang siya.
"Ang mabuti pa samahan mo na lang muna ako. Silipin natin ang mga apo ko sa NICU. Nakita ko na sila kanina at parang ayaw ko silang ihiwalay sa mga mata." narinig kong wika ni Daddy. Biglang dagsa din sa reyalisasyon sa isip ko. Hindi ko pa pala nasilip ang mga anak namin ni Veronica.
"Kumusta po sila Dad." tanong ko.
"Ayos naman ang mga twins. Halika! Baka magtampo ang mga iyun sa iyo. Simula ng iniluwal sila dito sa mundo hindi ka man lang nag-abalang silipin sila. Hayaan mo muna si Veronica na matulog para makapag- pahinga." sagot ni Daddy. Napasulyap naman ako kay Mommy at kaagad naman itong tumango sa akin.
"Ako na muna ang bahala sa asawa mo. Huwag mo siyang alalahanin. Normal lang sa isang bagong panganak ang makatulog. Epekto na din siguro sa gamot na itinurok sa kanya."
nakangiting sagot naman ni Mommy. Dahan-dahan naman akong tumango at muling sumulyap kay Veronica bago nagpatiuna ng lumabas ng kwarto.
Tahimik ako habang tinatahak namin ang hallway patungo sa NICU. Excited akong makita sa kauna-unahang pagkakataon ang babies ko.
Pagdating namin sa NICU kaagad na itinuro ni Daddy ang magkatabing baby sa loob ng incubator. Premature sila at kailangan talaga nilang manatili sa loob para mamonitor ang health nila.
Hindi ko maiwasang maluha habang tinititigan ang dalawang anghel. Mga anak ko sila at lahat gagawin ko ma- protektahan lamang sila. Hindi kayang ilarawan ng kahit na anong salita ang galak na nararamdaman ng puso ko. Ganito pala kasaya ang pakiramdam ng isang taong sa kauna-unahang pagkakataon nasilayan ang kanyan mga anak.
"Ang ku-cute ng mga apo ko! Excited na akong makarga ang mga babies na iyan sa aking bisig." narinig ko pang sambit ni Daddy. Nakangiti itong nakatitig sa mga babies kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
"Yes..ang gaganda nila Dad. Ang galing ng Diyos! Ang galing ng asawa ko!" naluluha kong sagot.
"This is the best gift from God anak!
Pahalagahan at mahalin mo lalo ang asawa mo. Kita mo naman kung paano niya ni-risk ang sarili niyang buhay para lang mailuwal ng maayos ang mga anak niyo. Ang bunga ng inyong pagmamahalan." sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa kambal.
"Kaya ba ganoon mo na lang kung alagaan niyo si Mommy?" tanong ko.
"Yes...at naiintindihan ko ang pag- aalalang nararamdaman mo ngayun. Maswerte ka pa rin, ilang araw lang ang hihintayin at magiging maayos na ang lagay ng asawa mo. Unlike sa Mommy mo noon...halos lumuha ako ng dugo sa kakadasal para lang pagbigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na makasama siya habang buhay." sagot nito. Bakas sa boses ang lungkot nito habang binabalikan ng tanaw ang nakaraan.
Alam ko naman ang tungkol dito. Alam ko kung ano ang mga nangyari sa nakaraan nila ni Mommy. Fighter lang siguro talaga si Mommy kaya nalagpasan niya lahat ng pagsubok na iyun. Hindi ko din ma-imagine kung anong hirap ng kalooban ang naranasan ni Daddy habang nakikita nitong nahihirapan si Mommy noon. At mabait talaga ang Diyos...walang imposible sa kanya. Kaya niyang ibigay ang lahat..
"I know...and I promise...magiging katulad ako sa iyo Dad. Magiging mabuti akong asawa at ama. Aalagaan ko ang mag ina ko. Sila ang magiging una kong priority habang buhay."
sagot ko. Tinapik naman ako nito sa balikat at nagpatiuna ng naglakad paalis. Muli kong sinulyapan ang twins at sumunod na din dito.
Pagkabalik ko ng kwarto naabutan ko si Charlotte at Ate Carmela sa loob. May mga prutas at bulaklak at ibat ibang klaseng pagkain ang nakalapag sa mesa.
"Gusto kong makita ang mga babies. Excited na ako!" narinig ko pang wika ni Charlotte. Hindi ko na pinansin pa at akmang babalik ako sa upuan sa gilid ng higaan ni Veronica ng magsalita si Mommy.
"Kumain ka muna Rafael. May dalang pagkain ang Ate Carmela mo kaya sabay na kayong kumain ng Daddy mo. "wika nito.
"Yup! Hayaan mo munang makatulog si Nica. Ang galing...kambal agad ang first baby niyo! Congratulations sa inyong dalawa!" nakangiting sagot naman ni Ate Carmela. Kaagad naman akong sumagot ng pasasalamat at muling napasulyap kay Veronica.
"Ang hirap pala kapag manganak noh? Parang ayaw ko na tuloy mag asawa at magbuntis. Si Jeann din noong nanganak kailangan i-CS. Hayst parang nakakatakot!" wika pa ni Charlotte.
"Pero mas nakakatakot kapag tamaan ka ng bala sa bakbakan. Tingnan mo nga ang ugali mo bata ka! Ang lakas ng loob mong mag-enroll sa military eh sa panganganak nga lang takot ka na!" sita naman ni Ate Carmela sa anak nya. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Huwag ka ng magsundalo. Tulungan mo na lang kaming alagaan ang twins. Mag Doctor ka na lang. Physician Doctor." nakangiti kong sagot. Kahit ako hindi pabor sa gustong pagsusundalo ni Charlotte. Kung naging lalaki sana ito ayos lang.
"Eh iyun po kasi ang sinisigaw ng puso ko eh. Ang astig kasi tingnan lalo na kapag nakasuot ng uniform. Katulad ng Ninang ko. " nakalabing sagot naman ni Charlotte. Kaagad naman itong tinitigan ng masama ni Ate Carmela.
"Kalimutan mo na ang pangarap mo na iyan dahil hindi na magbabago ang isip ng Daddy mo. Hindi ka niya papayagan. " sagot ni Ate Carmella. Kaagad naman itong napasimangot kaya sinaway ito ni Mommy.
"Tama na iyan. Kahit ako hindi pabor sa pagsusundalo mo apo. Masyado kang maganda para sa propesyon na iyun. Tama si Uncle mo, mag Doctor ka na lang." nakangiting sabat ni Mommy.
Hindi naman nakasagot si Charlotte. Bakas sa mukha nito na hindi ito masaya sa narinig niya kani-kanina lang. Napapiling na lang ako na muling napasulyap kay Veronica. Nagulat pa ako ng mapansin ko na nakadilat na ito kaya naman nagmamadali ko itong nilapitan.
"Sunshine...are you okay? Kumusta ang pakiramdam mo?" kaagad kong tanong. Napansin ko ang pagtitig nito sa akin at ang pahawak nito sa kanyang tiyan.
"Ang babies? Ang mga anak natin? Kumusta sila?" sagot nito. Kitang kita ko ang kaba sa mukha nito kaya naman kaagad kong hinawakan ito sa kanyang kamay.
"Dont worry...ayos lang sila. Nasa NICU sila pareho pero maayos ang lagay nila. "nakangiti kong sagot sabay yakap dito. Narinig ko pa ang mahina nitong paghikbi kaya muli ko itong tinitigan sa mukha.
"May masakit ba sa iyo? Tatawagin ko ang Doctor?" tanong ko. Kaagad naman itong umiling.
"Hindi..ayos lang ako. Natakot lang sa isiping baka may nangyaring masama sa babies natin. Hindi ko pa dapat sila ipanganak eh." sagot nito habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata. Kaagad ko naman iyun pinunasan at nakangiting sinagot.
"Ayos lang iyun! Ligtas ang mga babies at walang may kasalanan kung napaaga ang paglabas nila sa tummy mo. Ayaw mo ba noon, mas maaga, mas masaya. Makita at mahahawakan na kaagad natin sila." sagot ko habang titig na titig sa mukha nito.
"Hindi ka galit sa akin? Kasi...feeling ko kasalanan ko kung bakit nailabas ko silang premature." sagot nito.
"No! Bakit naman ako magagalit sa Sunshine ko? Ikaw nga ang dapat na magalit sa akin dahil wala ako habang nahihirapan ka!" sagot ko. Narandaman ko pa ang pagpisil nito sa kamay ko bago sumagot.
"Hindi naman eh. Siguro nagsasawa na ang babies natin sa kakaboxing sa loob ng tiyan ko at gusto na talaga nilang lumabas." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa. Haysst, sino ba ang hindi ma-iinlove kung ganito ka- cute ang babaeng nasa harap ko.
Chapter 287
RAFAEL POV
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Halos hindi ako umaalis sa tabi ni Veronica hanggang sa unti-unting naghilom ang sugat nito dulot ng Caesarian operation. Pina- cancel ko lahat ng mga meetings at appointments ko sa opisina para lang matutukan ito. Gusto kong bumawi sa kanya sa mga oras na wala ako sa tabi niya noong kailangang kailangan niya ako. Gusto kong ako mismo ang personal na mag-aalaga sa kanya.
"Are you sure busog ka na?" tanong ko sa kanya. Sinusubuan ko ito ngayun para mabantayan ko ang dami ng kanyang kinain. Ilang beses kasi nitong sinabi sa akin na wala daw syang ganang kumain pero mapilit ako.
Kahapon pa ito walang kain at minsan naririnig ko ang kanyang dibdib na masakit daw ang kanyang sugat. Hirap din itong bumangon ng kama at kahit pagpunta ng banyo kailangan ko pa itong buhatin huwag lang ma-pwersa ang tahi niya.
"Busog na ako. Tingnan mo, halos maubos ko na ang laman ng pinggan. Isa pa kanina ko pa gustong puntahan ang babies natin. Miss na miss ko na sila." sagot nito. Kaagad akong napangiti.
"Sure...dahil marami kang kinain ngayun pupuntahan natin ang babies natin. Gusto ko din silang makita eh." nakangiti kong wika.
"Ano nga pala ang sabi ng Doctor? Kailan sila pwedeng ilabas sa incubator para maiuwi na natin sila sa mansion? Ayaw ko na dito eh, hindi ako kumportable." sagot nito. Masuyo ko itong hinawakan sa kamay at nakangiting sinagot.
"Dont worry, maayos ang baby natin.
Kagaya mo fighter din sila. Kailangan lang ng karagdagang obserbasyon sa kanila and after that ilalabas na sila sa incubator. Huwag kang mag isip ng ano pa man dahil maayos ang lahat -lahat sa kanila at kaunting tiis na lang makakauwi din tayo sa mansion." sagot ko. Kaagad ko naman napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito.
"Salamat naman kung ganoon. Sorry kung naging makulit ako. Hindi lang talaga mawala sa akin ang mag-alala sa kanila eh. Kulang sa buwan ko silang isinilang at pwede silang mapahamak. " sagot nito.
Kaagad ko naman itong hinaplos sa kanyang pisngi para ipahiwatig dito na ayos lang talaga. Hindi nya dapat isipin ang mga ganitong bagay dahil walang sino man ang may gusto sa mga nangyari. Para sa akin, ayos na din na nakapanganak na siya. At least hindi na ako masyadong nag-aalala. Alam ko din kasi na hirap siya sa kanyang pagbubuntis sa kambal.
"No worries...kulang or sakto sa buwan it doesn't matter at all. Ang importante ligtas kayo ng mga babies natin. Hindi mo lang alam kung paano mo ako pinasaya Sunshine. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinahanga sa ipinakita mong katapangan. Habang buhay kong ipagpapasalamat sa iyo ang lahat-lahat ng ito. Naging kumpleto ako dahil sa iyo." nakangiti kong sagot. Napakurap pa ito ng makailang ulit bago sumagot.
"Masaya din naman ako. Alam kong magiging mabuti kang ama sa mga anak natin kaya ano pa nga ba ang mahihiling ko? Thank you for everything Rafael." sagot nito at pasimple pa nitong pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Muli akong napangiti.
"Tama na nga iyan...baka kung saan pa mapunta ang usapan natin. Baka maabutan ka ni Mommy na lumuluha ako na naman ang sisisihin noon. Sasabihin na naman noon na pinapaiyak kita." nakangiti kong sagot.
Pagkatapos kong linisan si Veronica kaagad ko itong pinaupo sa wheel chair. Pupuntahan namin sa NICU ang kambal.
Balak namin na huwag munang umuwi ng mansion hanggat hindi pa pwedeng ilabas ang kambal sa incubator. Ayaw namin silang iiwan dito sa hospital. Mas mabuti na nasa paligid lang kami para hindi kami mag-alala sa kanila. Lalong lalo na si Veronica.
"Ang gaganda nila." narinig ko pang wika ni Veronica habang titig na titig sa mga anak namin.
"Yes....mana sa atin." nakangiti kong sagot.
Maayos naman ang naging kalagayan ng kambal kaya after two weeks inilabas din sila sa incubator at pinayagan kami ng Doctor na makauwi na ng mansion.
**
***
*
VERONICA POV
Kahit na anong hirap ang napagdaanan ko sa pagbubuntis hanggang sa naipanganak ko ang kambal sulit lahat ng iyun. Lalo na kapag nakikita mo kung gaano ka-healthy sila ngayun.
Halos 2 weeks din nanatili sa incubator ang kambal. Mabuti na lang at fighter din sila kagaya ko kaya nalagpasan nila ang lahat ng test. Walang kahit na anong kumplikasyon silang pinagdaanan hanggang sa makauwi kami ng mansion.
Sabagay, sinigurado namin lahat na maibibigay sa kambal lahat ng serbisyong medical. As in lahat-lahat Kaya nang ideclare ng Doctor na pwede na namin silang isama pag uwi ng mansion lahat kami masaya, Lalo na si Rafael.
"Pwede ko ba siyang kargahin?" narinig kong tanong sa akin ni Rafael. Nandito kami sa kwarto namin at nasa tabi ko ang kambal.
"Of course...sa ating lahat ikaw pa lang yata ang hindi nakakarga sa kanila eh." nakangiti kong sagot. Maingat kong iniangat ang isa sa mga kambal....si Moira Kristina, pangalan na kinuha namin sa namayapang si Grandma Moira samantalang Ralph Alexander naman ang ipinangalan namin sa isa pa. Tribute namin ito sa mabait na Lolo at Lola ni Rafael. Sayang nga lang at hindi ko na sila nakilala. Bata pa daw si Rafael pareho na silang nagpaalam dito sa mundo.
"Hi-hindi ba nakakatakot? Baka...baka mabitawan ko eh." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa lalo na ng mapansin ko ang kaba sa mukha nito.
"Hindi nakakatakot. Basta mag- concentrate ka lang. Kaya mo iyan." nakangiti kong sagot at tuluyan ng inilapag sa braso nito si Moira Kristina. Kita ko ang biglang pamumuo ng pawis sa noo ni Rafael. Kitang kita ang nerbiyos mukha nito.
"Ralax ka lang kasi. Bakit ka ba natatakot?" wika ko. Namumutla na ito kaya naisipan kong kunin sa bisig niya si Baby Moira Kristina. Mahirap na.. baka maibagsak niya eh. Ano ba naman kasi itong asawa ko...paghawak nga lang sa anak namin kinatatakutan pa.
"Kailangan mo muna ng masusing practice." nakangiti kong wika. Pilit itong ngumiti.
"Nakakatakot! Parang ang lambot niya. Hihintayin ko na lang na medyo lumaki -laki pa sila tsaka ko sila bubuhatin ulit." nakangiti nitong sagot.
"Huwag kang matakot! Lahat naman pwedeng madaan sa practice eh." nakangiti kong sagot. Dahan-dahan kong inilapag ang baby sa kama at tinitigan ito.
"Alam mo diyan talaga ako bilib sa iyo. Ang bilis mong matuto na alagaan ang babies natin." nakangiti nitong sagot.
"Mother instinct!" nakangiti kong sagot. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago naupo sa tabi ko. Kinabig pa ako nito payakap sa kanya kaya hindi ko maiwasang lalong kiligin. Ang sweet talaga ng asawa ko. Hindi talaga siya nagkulang sa akin para iparamdam kung gaano ako kahalaga sa kanya.
Chapter 288
VERONICA POV
Dalawang taon ang mabilis na lumipas. Kakauwi lang namin galing simbahan pagkatapos ng binyag ng kambal.. Yes.. pinagsabay namin ang 2 years old birthday at binyag nila sa kadahilanang premature baby sila at gusto namin masigurado na maayos ang kanilang kalusugan bago sila ilabas sa publiko.
Pagkababa pa lang namin ng sasakyan kaagad na nagpaalam si Rafael na magbabanyo muna. Pagkalabas pa lang namin ng simbahan nagrereklamo na ito sa akin na naiihi na daw siya. Hindi namin kasabay sila Mommy Carissa sa iisang sasakyan dahil may dinaanan pa ang mga ito.
Hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa paligid. HIndi ko mapigilang mapangiti ng bumungad sa mga mata ko ang magandang ayos ng garden. Talagang pinaghandaan namin ang araw na ito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magce- celebrate ng bonggang birthday sila Ralph Alexander at Moira Kristina.
"Wow! Ang ganda! Ang swerte naman ng mga inaanak ko na pinsan ko na din! " narinig ko pang bulalas ni Charlotte. Ilang araw din kami nitong kinukulit bago ang binyag na kunin daw syang Ninang ng kambal. Since pursigido ito at nasa tamang edad na pinagbigyan na namin. Mahirap na, baka magtampo pa eh.
"Ang galing ng mga decorations noh? Kahit ako nagulat din." sagot ko naman. Karga-karga ng kani-kanilang mga Yaya's ang kambal kaya kahit papaano hindi ako hirap na alagaan sila.
"Nica, pwede ko bang kargahin si Ralph Alexander? I mean, gusto kong ipagmalaki sa lahat na karga-karga ko ang isa sa mga inaanak ko at celebrant na din. Dont worry, iingatan ko siya." nakangiti nitong paalam sa akin. Kaagad naman akong tumango.
Why not! Sa lahat ng pamangkin ni Rafael si Charlotte ang pinakamalapit sa amin. Halos dito na ito tumira ng mansion lalo na kapag walang pasok sa School para makita daw niya palagi ang kambal. Nagiging mahilig ito sa bata nitong mga nakalipas na taon na siyang ikinatuwa naman nila Mommy at Daddy. Kahit papaano malaki ang naitutulong nito lalo na kapag day off ang mga Yaya's ng kambal.
"Of course, malaya mo siyang makarga hanggang gusto mo." nakangiti ko namang sagot.
"Yes! Thank you!" sagot nito. Excited nitong kinuha sa bisig ni Yaya Meling si Baby Alexander pagkatapos kaagad itong naglakad patungo sa kumpulan ng kanyang mga pinsan.
"Katulad ng inaasahan, kaagad na pinagkaguluhan si Baby Alexander ng kanyang mga pinsan. Natatawa kong binalingan ng tingin ang naiwang si Baby Kristina. Karga-karga ito ni Yaya Lora kaya nakangiti ko itong kinuha sa kanyang bisig.
"Magpahinga na muna kayong dalawa. Ako na ang bahala sa mga bata." nakangiti ko pang wika sa kanila.
Kaagad naman silang nagpasalamat at sabay na silang naglakad paalis.
Akmang maglalakad ako papunta kina Charlotte ng mapansin ko si Rafael na naglalakad palapit sa akin. Nakangiti nitong kinuha sa bisig ko si Baby Kristina.
"Ako na ang magkakarga kay Baby. Teka lang, gusto mo bang magpahinga na muna? May isang oras pa bago mag- umpisa ang party kaya may time pa tayo para umidlip." wika nito pagkatapos niyang makuha sa akin si Baby. Kaagad naman akong umiling.
"Ayos lang ako. Isa pa, mabilis lang ang isang oras na iyan.
Nagsisipagdatingan na din ang ilang mga bisita at nakakahiya naman kung wala tayo para i-welcome sila."
nakangiti kong sagot. Saglit na nag- isip si Rafael bago tumango.
"Sabagay, importanteng okasyon sa buhay ng kambal ito kaya dapat lang na sulitin natin. Isang araw lang naman ito kaya ibigay na natin sa kanila ang pinaka-the best para sa kanila."
nakangiti nitong sagot.
Sabay pa kaming napatingin ni Rafael sa gate ng mapansin namin na nagsipagdatingan na ang ilang mga bisita.
"Well, mukhang naparami ang inimbitahan nila Mommy at Daddy ah?
" narinig ko pang wika ni Rafael.
Tanging ngiti lang ang naging sagot at sabay pa kaming natawa ng mapansin namin ang parating na si Peanut. May dala-dala itong malaking box ng regalo at kaagad na naglakad palapit sa amin.
"Happy Birthday at Happy Christining sa mga babies niyo Pare, Nica! Pasensya na at hindi na ako nakapunta ng simbahan. Alam niyo na kakagaling ko lang ng Japan at pagkalapag pa lang ng eroplano dito kaagad ako nagpunta. "nakangiti nitong wika. Nakangiti naman itong tinapik ni Rafael sa balikat.
"Ayos lang,, at least ikaw ang unang nakarating sa lahat ng mga kaibigan natin. Para ba sa mga babies ko iyang dala mo?" sagot naman ni Rafael. Kaagad naman tumango si Peanut kaya sininyasan ni Rafael ang nakaantabay naming tao na kunin ang dala ni Peanut at ilagay sa pwesto ng mga regalo.
"So, ang bilis lumaki ng mga babies niyo ah. Hay naku, talaga naman, parang gusto ko na din tuloy mag- asawa." nakangiti naman nitong wika.
"Mag-asawa ka na kasi. Ikaw na lang ang hindi nag asawa sa ating apat ah? Si Drake magdadalawa na ang anak samantalang si Arthur naman buntis ang asawa niya ngayun. Kailan mo ba balak lumagay sa tahimik? Baka naman sa sobrang mapili mo mapunta ka sa bungi niyan ha?" nakangiti namang sagot ni Rafael.
"Hindi ko alam eh. Naguguluhan ako.
Actually, matagal na akong may
napupusuang babae. Kaya lang hindi ko alam kung gusto niya din ba ako.
Kumplekado kasi eh. Medyo malayo ang agwat ng edad naming dalawa at hindi ko alam kung kaya ba akong tanggapin ng pamilya niya." nakangiti naman nitong sagot. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Rafael.
"Teka lang..bago yata ito ah? Sino ang malas na babae?" nagbibirong sagot ni Rafael. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap ni Peanut sa kinaroroonan nila Charlotte kaya naman hindi ko maiwasang magduda.
"Kilala namin?" nakangiti ko namang sabat. Mabait si Peanut at sa loob ng mga taong nakalipas hindi na din iba ang tingin ko dito. Sa lahat ng mga kaibigan ni Rafael, masasabi ko na ito ang pinakamabait kahit na minsan ay sobrang daldal.
"Ha? Ah! Change topic!' nakangiti nitong sagot habang kakamot-kamot sa kanyang ulo. Lalo naman akong kinutuban.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Naging masaya ang kauna-unahang party ng kambal. Kabi-kabilang pagbati ang narinig namin sa mga bisita na lalong nagbigay sa amin ni Rafael ng ibayong saya. Malaking
responsibilidad ang magkaroon ng mga anak at alam namin pareho ni Rafael na kaya naming malagpasan ang lahat-lahat.
"Happy?" nakangiting wika ni Rafael sa akin. Kakatapos lang naming maglinis ng aming mga katawan at naghahanda na kami sa pagtulog.
Sinipat ko ang orasan na nasa bedside table namin. Halos alas onse na ng gabi. Nakangiti naman akong tumango.
"Siyempre! Successful ang first party ng kambal at ano pa nga ba ang mahihiling ko? Masayang masaya ako. " sagot ko.
"I love you Veronica!" nakangiti nitong wika. Kita ko kung gaano ito ka- seryoso kaya hindi ko maiwasan na maluha.
"Mahal na mahal din kita Rafael! Salamat sa lahat....Salamat dahil naging kumpleto ang buhay ko dahil sa iyo." nakangiti kong sagot.
Pagkatapos kong bigkasin ang salitang iyun kaagad na naglapat ang aming labi. Bago kami natulog muli naming pinagsaluhan ang tamis na pag-ibig....
Chapter 289 (CHARLOTTE AND PEANUT STORY)
CHARLOTTE POV
Binyag at birthday party ng kambal kong pinsan na anak nila Uncle Rafael at kaibigan kong si Nica kaya naman masayang masaya ako. Sa wakas, may sarili na akong inaanak. May dahilan na para bumili ng regalo every christmas party at birthday party nila.
Sa isiping iyun bigla akong nakaramdam ng excitement. Alam kong magiging exciting ang buhay ko sa mga susunod na araw. Ninang na ako at magiging responsable na ako sa mga desisyon na gagawin ko.
Nagsiuwian na din ang mga bisita. Umakyat na din sa kanilang kwarto sila Uncle at Nica pati na din sila Grandma at Grandpa kaya naman kaming magpipinsan na lang halos ang natira dito sa garden.
"Join ka na sa amin Charlotte. Dont tell us na uuwi ka na din." narinig ko pang sigaw ni Kenneth. Kapatid siya ni Jeann at halos kasing edad lang naming triplets na magkakapatid. Bale apat lang naman sila kasama na si Kuya Elias. Kakambal ni Kuya Elijah na umuwi na din kasama ang kanyang asawa na si Ate Ethel.
"Nope...matutulog na ako. Enjoy lang kayo diyan dahil uuwi na ako." tanggi ko sa kanila. Nakaka-bored makipagsabayan sa kanila. Sa aming magpipinsan kaming dalawa ni Jeann ang close sa isat isa pero hindi na ito makakasama sa mga ganitong okasyon. Nag-asawa na din kaya naman wala na akong makaka-bonding. Ayos lang din naman iyun, kahit papaano masaya ako sa isiping masaya sila sa kani- kanilang buhay-buhay.
"Are you sure? Umuwi na sila Mama at wala ka namang dalang kotse dahil ayaw kang payagan ni Daddy na magdrive. Hintayin mo na lang kami para sabay-sabay na tayong umuwi." sagot naman ni Christopher. Sa aming triplets ito ang pinaka-sweet pagdating sa akin. Medyo masungit si Charles at siya ang pinaka-seryoso sa aming tatlo.
"Ayos lang ako. Maga-grab or try kong mag-abang ng taxi sa labas. Huwag niyo akong isipin...kaya ko ang sarili ko. "kumpiyansa kong sagot. Kaya ko naman talagang ipagtanggol ang sarili ko.
Noong elementary days ko sumali ako sa taekwondo class at noong nag- high school naman ako nag enroll din ako sa martial arts. Kaya naman masasabi ko sa sarili ko na kayang- kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pagdating sa mga masasamang loob. Pinaghandaan ko na talaga ang pagpasok sa military at since ayaw pumayag nila Mama at Papa wala akong choice kundi sundin muna sila. Ayaw ko silang ma- dis-appoint sa akin. Magdo-doctor na lang muna ako. Tutuparin ko muna ang pangarap nila Grandma at Grandpa na magkaroon ng Doctor sa pamilya namin.
"Hindi mo na kailangan umuwi. Dito ka na lang muna matulog sa mansion at gigisingin ka na lang namin kapag uwian na." sagot naman ni Charles. Kaagad naman akong umiling.
May exam kami kinabukasan at kailangan kong magreview. Gusto kong maging responsable sa takbo ng sarili kong buhay. Ayaw kong biguin sila Mama at Papa.
"Sige na, enjoy lang kayo diyan at ako na ang bahala sa sarili ko." ngiting ngiti ko pang wika sabay naglakad paalis. Diretso akong naglakad ng gate at kaagad naman akong binati ng dalawang guard on duty.
"Good Evening Mam." bati ng mga ito. Tanging tango lang ang naging sagot ko at diretso na akong naglakad papuntang kalsada.
Hindi delikado ang lugar na ito. Kahit dis-oras na ng gabi sobrang liwanag ng paligid at kakaunti lang ang mga dumadaan na sasakyan. Kung hindi ko lang naisip ang exam ko kinabukasan sa mansion na talaga ako matutulog. Kasama ng mga inaanak ko.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Pwede naman sana akong magpahatid sa driver ng mansion kaya lang mukhang tulog na din sila. Ayaw ko na silang isturbuhin kung makakagawa naman ako ng paraan na makauwi mag-isa. Alam ko din naman na malabong makauwi ang mga kapatid ko ngayung gabi. May mga tama na sila ng alak at sigurado ako na kinabukasan pa sila makakauwi lahat.
Akmang kukunin ko ang cellphone ko sa bag ng mapansin ko ang paghinto ng isang luxury car sa harap ko. Nagtataka pa akong napatitig doon habang unti- unting bumukas ang bintana niyon.
"Charlotte! Pauwi ka ba? Sakay na, ihahatid na kita!" wika ng driver. Nagulat ako dahil kaagad kong namukhaan si Peanut. Ang alam ko kanina pa ito umuwi dahil pagod daw sa byahe. Kakauwi lang galing ibang bansa at hindi na nga tinapos ang party kanina at umuwi kaagad ito.
"Are you sure? I mean, kaya ko ang sarili ko. Nakakahiya, baka makaabala pa ako sa iyo." sagot ko. Mabait naman si Peanut pero hindi ko masyadong close sa kanya. Ayaw ko din siyang maging kaibigan. Ewan ko ba, hindi talaga ako kumportable sa kanya noon pa. Wala naman itong ipinapakita na masama sa akin pero ayaw ko lang.... siguro dahil nakakailang ito minsan kung tumitig.
"Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Gabi na at willing naman kitang ihatid sa inyo. Isa pa delikado ng mag- isa sa daan lalo na sa kagaya mong babae." insist nito. Napahinga ako ng malalim bago ko inilinga ang tingin sa paligid. Gabi na nga talaga at malabong may dumaan pa na taxi. Isa pa inaantok na din talaga ako.
Napansin ko pa ang pagbaba ni Peanut at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng pintuan ng kotse. Para naman akong naistatwa na napatitig dito. Iba na ang kanyang suot kumpara kanina sa party. Ang gandang lalaki talaga nito.
Oo nga pala hindi nakakapagtaka iyun dahil model pala ito. International model si Peanut kaya naman kung sinu -sinong mga babae na lang ang nalilink dito. Isa yun sa dahilan kung bakit ayaw kong makipagkaibigan sa kanya.
Pinagbuksan pa ako nito ng pintuan at sumenyas pa ito sa akin na pumasok na daw ako sa loob ng kotse. Tipid ko itong nginitian at nagpatianod na lang.
Aayaw pa ba ako? Siya na ang kusang nag-alok at sino ba naman ako para tumanggi. Ang totoo marunong naman akong magdrive kaya lang ayaw akong payagan ni Daddy magdrive mag isa. Kaskasera daw kasi ako at natatakot daw silang baka mapahamak ako.
"So kumusta ang party? Sobrang pagod ko kanina kaya hindi na ako nakapag- stay ng matagal." wika nito ng mag- umpisa nang magdrive. Marahan lang naman ang pagpapatakbo nito ng naman ang pagpapatakbo nito ng sasakyan. Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Ewan ko ba...bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ang sarap sa ilong ng amoy niya.
Masculine na masculine ang amoy sa loob ng kotse nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapasulyap ng makailang ulit kay Peanut. Ang gwapo niya talaga...marami akong nakakasalumahang gwapo sa University na pinapasukan ko ngayun pero iba talaga si Peanut. Ang lakas ng sex appeal niya. Perfect na perfect din ang shape ng kanyang mukha.
CHAPTER 290
CHARLOTTE POV
"Teka, alam mo ba ang way papunta sa bahay namin?" putol ko sa namayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa. Simula pa kanina hindi na ito nagsasalita. Nakakailang tuloy.
"Alam ko na ang bahay nyo. Minsan na akong isinama ng Uncle Rafael mo noon pa at naalala ko pa naman." sagot nito.
Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay. Kailan iyun? Bihira lang magkaroon ng okasyon sa bahay namin dahil kapag weekend nasa Villarama Mansion ang buong pamilya at kapag may birthday party sa aming magkakapatid kadalasan sa Carissa Villarama Beach resort ginaganap. Gayunpaman hindi na ako nagkomento pa.
"So kumusta ka na pala. Balita ko papasok ka daw sa military ah?" narinig kong tanong nito. Muli akong napasulyap dito bago sumagot.
"Ayos lang naman. Hindi na siguro muna matutuloy ang pagpasok ko sa military. Alam mo na, ayaw akong payagan ng lahat." sagot ko.
"Nice! I mean kung hihingin mo ang opinyon ko much better nga na huwag na. Masyado kang maganda para sa career na iyun. Baka hindi makapag- concentrate ang mga kasamahan mo kapag kasama ka nila. Imbes na galingan nila sa trabaho baka wala silang ibang gawin kundi titigan ka na lang." nakangiti nitong sagot. Nagulat naman ako. Hindi ko alam kung compliment ba iyung nabanggit niya or gusto niya lang may mapag-uusapan.
"Grabe ka naman sa akin. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko dahil sa mga pinagsasabi mo." sagot ko. Pilit akong nagpakawala ng tawa para naman kahit papaano mapagtakpan ko ang pagkailang sa kanya.
"Hindi ako nagbibiro. Talagang maganda ka naman ah." Seryoso nitong sagot sabay sulyap sa akin. Pakiramdam ko biglang nag-init ang punong tainga ko dahil sa sinabi niya. Talaga lang ha, nagagandahan din siya sa akin. Pogi din naman siya at kung hindi nga lang siya playboy baka matagal na akong nagka-crush sa kanya.
Katahimikan ang muling namayani sa pagitan naming dalawa. Ayaw ko na din dagdagan ang conversation namin. Pagkatapos ng gabing ito, alam kong taon na naman ang bibilangin bago kami muling magkita. Swerte ko lang siguro kanina dahil nadaanan niya ako at isinabay na lang since best friend siya ni Uncle Rafael.
Sa totoo lang. gusto ko ng makarating sa bahay. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dis oras na ng gabi nasa labas pa rin ako at kasama ang isang lalaki. Bahay, School at mansion lang ang routine ko at palagi kong kasama ang driver namin or isa sa mga ka-triplets ko.
Lihim na din akong nagpasalamat nang hindi na ito umimik pa. Mabuti na din iyun dahil wala din ako sa mood na sagutin ang mga tanong niya.
Dumadagundong na din kasi sa kaba ang dibdib ko.
Muli akong napasulyap sa kanya ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone nito. Dali-dali niyang sinagot ang tawag ng naka-loud speaker kaya hindi ko maiwasang mapataas kilay ng kaagad na nagsalita ang boses babae sa kabilang linya.
"Hon, nasaan ka na? Akala ko ba pupuntahan mo ako ngayun dito sa condo ko? Kanina pa ako nakaabang sa iyo eh." kaagad na wika ng isang boses babae, Siguro girl friend niya. Grabe, sobrang lambing ng boses.
Kaagad kong ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Ayaw kong isipin ni Peanut na nagmamarites ako sa usapan nila ng kanyang girl friend.
Confirm.....girlfriend dahil "hon" ang tawag sa kanya eh.
"Saglit lang....on the way na ako." malamig na sagot ni Peanut.
So, kaya pala nasa kalsada ito ng dis- oras ng gabi dahil may kakatagpuin itong babae. Playboy nga talaga. Hindi talaga siguro ito nabubuhay ng walang babae na kinakalantari.
"Bilisan mo. Kanina pa ako sabik na sabik sa iyo eh. Sabi ko naman kasi sa iyo kanina, dito ka na lang dumiretso sa akin para mamasahe kita.. Sabik na ako sa romansahan natin." bulgar na sagot ng babae sa kabilang linya.
Parang ako na ang nakaramdam ng hiya sa narinig mula sa babae. Grabe, ganoon siya ka-bulgar? Hindi nya man lang naisip na baka may kasamang iba ang boyfriend nya at marinig ang sinabi niya ngayun lang? Romansa talaga!
Parang gustong manayo ang balahibo ko sa buo kong katawan habang na- iimagine ang posibleng mangyari kay Peanut at sa girl friend niya mamaya. Hindi naman ako ganoon ka-inosente para hindi alam ang tungkol dito. Magdo-Doctor nga ako eh kaya alam ko na ito. Lalo na sa usapang sex.
"Fine...see you later! "narinig kong sagot ni Peanut na nagpaangat ng kilay ko. Mukhang na-isturbo ko nga talaga ang gago. Sex pala ang pupuntahan nito ngayung gabi at talagang na- isturbo ko pa yata. Dapat pala hindi na ako sumakay kanina sa kotse nya ng yayain niya akong ihatid.
"Itabi mo na lang ang kotse. Bababa ako at mukhang marami namang dumadaan ng taxi sa lugar na ito." Kaagad kong wika kay Peanut ng mapansin ko na tapos na itong makipag -usap sa girl friend nya. Seryoso lang ako nitong sinulyapan bago sumagot.
"Nag promise ako na ihatid kita ngayung gabi kaya ihahatid kita." maiksi nitong sagot. Kaagad naman akong napatanga at tumitig dito.
"Kanina ka pa hinihintay ng girl friend mo. ikaw din baka magalit sa iyo iyun." sagot ko naman. Kaagad naman itong umiling.
"Hayaan mo siya. Makakapaghintay siya hanggang sa pagdating ko. Ang importante ngayun ligtas kang maihatid sa inyo." sagot nito sabay tapak sa gas ng sasakyan. Naramdaman ko na ang mabilis na pagtakbo ng kotse kaya hindi na ako umimik pa.
Pinilit pa rin nitong magpaka- gentleman gayung hindi naman kailangan. Bahala na nga siya. Ayaw ko pa ba noon, hindi na ako mahihirapan hanggang sa makauwi ako ng bahay.
"Siya nga pala..birthday ko pala sa susunod na lingo. Pwede ba kitang imbitahan na umattend?" muling wika nito. Nagulat naman ako. Hindi ko inaasahan ang tungkol dito. Talagang ini-invite niya ako gayung hindi naman kami magkaibigan.
"Thank you sa invitation pero hindi ako sure kung makaka-attend ako. Pero I will ask Uncle regading this matter. Siguro aattend din naman sila diba?" sagot ko naman. Sa totoo lang wala akong balak na umattend. Ayaw ko lang itong sagutin ng "no"
Nakakahiya...nag effort siya na ihatid ako ngayun tapos tatanggihan ko ang invitation niya. Nasaan ang konsensya ko kung ganoon.
"Simpleng handaan lang naman ang magaganap. Sa bahay ko lang din gaganapin ang party." insist nito. Hindi ko na ito sinagot pa lalo na ng mapansin ko na malapit na kami sa bahay. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate namin at binalingan ako.
"Aasahan ko na dadalo ka. Pwede kang magsama ng mga kaibigan mo kung gusto mo." nakangiti pa nitong wika. Tanging tango lang ang naging sagot ko at binuksan ko na ang pintuan ng kotse at mabilis na akong lumabas.
Nagulat ako dahil bumaba din ito ng sasakyan at naglakad palapit sa akin. Nakakailang na naman ang kanyang pinapakawalang titig kaya hilaw ko itong nginitian.
"Thank you nga pala sa paghatid mo sa akin. Hayaan mo, makakabawi din ako sa iyo sa kabutihan na ginawa mo sa akin ngayung gabi." wika ko sa kanya. Tipid itong tumango at nagulat pa ako ng biglang lumapat ang labi nito sa pingi ko. Hindi ko iyun inaasahan kaya tulala akong napatitig dito.
"Good night Charlotte! See you again!" wika nito at muling sumakay sa loob ng kanyang kotse. Tulala kong nasundan ito ng tingin habang hawak ko ang pisngi na hinalikan niya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may humalik sa akin na isang lalaki na hindi ko naman kaanu-ano. Meaning hindi bahagi ng pamilya namin.
Akmang kukumprontahin ko sana ito pero huli na...umusad na ang kotse nito paalis. Nasundan ko na lang iyun ng tingin at tulalang pumasok sa loob ng gate na kanina pa pala binuksan ng guard namin.
Chapter 291
PEANUT SMITH POV
Hindi ko maiwasang mapangiti habang dinadama ko ang sarili kong labi. Malaking epekto sa pagkatao ko ang ginawa kong paghalik sa pisngi ni Charlotte kanina. Matagal ko na siyang gusto kaya lang masyado pa itong bata at hindi pwedeng basta na lang gumawa ako ng maling hakbang dahil tiyak na makukulong ako.
Apo ng mga Villarama si Charlotte at pamangkin siya ng best friend ko na si Rafael Villarama. Hindi talaga pwede na basta ko na lang siya landiin dahil lang sa mahal ko siya....Yes...finally, aminado ako sa aking sarili na tuluyan ng naangkin nito ang pihikan kong puso.
Iyun nga lang hindi ko alam kung paano ko ito ipagpat sa kanya. Kung paano ko siya liligawan. Wala akong idea tungkol sa panliligaw at baka lalong maging kumplikado ang sitwasyon.
Maraming dapat isaalang-alang at dapat talaga nasa timing ang lahat. Hindi pwedeng magpadalos-dalos dahil baka hindi pa ako nag-uumpisa basted na kaagad ako.
Habang nakahinto ako dito sa traffic light hindi ko maiwasang makapa ang aking pagkalalaki. Kanina pa ito tayong tayo habang bumabyahe kaming dalawa ni Charlotte. Makikita ko pa lang ang mukha nito talaga namang nagre-react kaagad itong litte borther ko. Ganito kalaki ang epekto sa akin ng isang Charlotte Villarama. Noon pa man pinagnanasaan ko na sya. Noon pa man mahal ko na siya kaya lang hindi pwede.
Naipikit ko ang aking mga mata at muling lumabas sa balintataw ko ang magandang mukha ni Charlotte. Walang tapon sa physical appearance nito. Maganda na nga ang mukha ang ganda pa ng katawan. Napaka-unfair ng pagkakataon. Paano ko kaya liligawan ang isang Charlotte
Villarama na hindi ako mapapahamak.
Kung tutuusin, kaya ko siyang bigyan ng magandang buhay. Marami na akong investment at isa ako sa mga shareholders ng kilalang bangko dito sa Pinas. May mga investments din ako sa real state at cargo. May ibat ibang properties din akong nagkalat dito sa Piliipinas. May rest house ako sa tagaytay at Boracay. Tahimik lang ako pero marami akong pera. Hindi ko man matumbasan ang yaman ng mga Villarama pero kayang kaya mamuhay sa piling ko si Charlotte na parang isang prinsesa.
Ang pagmomodelo ko ngayun ay past time ko lang. Malaki ang offer at sayang kung tanggihan ko. Nakakapagtravel pa ako sa ibang bansa na hindi na kailangan pang gumastos ng malaki. Iyun nga lang, kung gaano naman ako ka-successful, ganoon din naman kalungkot ang buhay ko.
Bata pa lang ako hiwalay na ang aking mga magulang. American ang aking ama at pinay naman ang aking Ina na pareho ng may kanya-kanyang pamilya. Noon pa man malayo na ang loob ko sa kanilang dalawa. Mga kaibigan ko na sina Arthur, Drake at Rafael ang itinuturing kong pamilya simula pa noon. Sila ang takbuhan ko tuwing may problema ako.
" Kailangan kong may mapaglabasan ng init ng aking katawan. Tama, pupuntahan ko si Maureen. Hinihintay niya na ako sa sarili niyang condo. Kailangan ko ng isang tao na mapagbalingan ng init ng aking katawan ngayung gabi. Para mahimasmasan ako.
Pagka-green ng signal light kaagad kong pinaharurot ang aking kotse. Diretso kong tinahak nag condo ni Maureen. Alam kong kaya niyang punan ang init ng aking katawan ngayung gabi.
Pagdating ng condo nito kaagad ako nitong sinalubong. May malanding ngiti na nakaguhit sa labi nito at halos luwa na ang kanyang dibdib dahil sa kanyang suot.
Katulad ko, isang model si Maureen at nagkakilala kami sa isang fashion show a year ago. Naging regular na ang aming pagkikita para mag-sex.
"Sa wakas, dumating ka din. Alam mo bang kanina pa ako init na init?" kaagad na wika nito pagkapasok ko palang sa loob ng condo unit nito. Nanguyapit kaagad ito sa akin pagkatapos kong ilock ang pintuan ng kanyang unit.
Pareho kaming walang sinayang na pagkakataon. Kaagad ko din siyang sinunggapan at iginiya papuntang sofa. Hindi na namin kailangan pang pumasok ng kwarto para maisakatuparan ang gusto ng aming mga katawan.
"Remove my clothes." utos ko dito ng sandali kaming naghiwalay. Alam niya na ang ibig kong sabihin kaya kaagad itong tumalima. May naglalarong ngiti sa labi nito habang lumuluhod sa harap ko para tanggalin ang suot kong pantalon.
Naramdaman ko pa ang pagbaba nito ng zipper ng aking pantalon. Tuluyan niyang tinanggal iyun kasabay ng pagbaba ng aking boxer short. Kaagad na tumampad sa kanyang harapan ang tayong-tayo ko nang pagkalalaki.
Nakita ko ang pamimilog ng mga mata nito habang pinagmamasdan niya iyun. Hindi ko maiwasang mapaismid. Alam kong ang pagkalalaki ko ang isa sa kinababaliwan ni Maureen kaya hindi nito nagawang maghanap ng iba. Magaling akong magpaligaya ng babae sa kama at proud ako doon.
"Awww! Come on! ito ang gusto ko sa iyo Peanut, Darling..masyado kang hot! "narinig ko pang bulong nito bago niya sinunggaban ang aking pagkalalaki. Parang gutom na gutom itong isinubo at nilalaro gamit ang kanyang dila. Hindi ko maiwasang mapaungol.
Magaling sa ganitong laro si Maureen. Eksperto na din ito kung ano ang gusto ko. Kailangan niya din na ma-satisfied ako para hindi ko siya ipagpalit sa iba. Mabilis lang makahanap ng babae na pwedeng parausan ng init ng katawan. Kaya nga ako ang pinaka-babaero sa aming magkakaibigan dahil sa nature ng mindset ko.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagtagal ako na makipag-fling kay Maureen. Kaya nitong punan ang init na nararamdaman ng aking katawan. In short, katulad ko magaling din ito sa kama. Kaya nitong gawin lahat ng gusto ko ma-satisfied nya ang ang libog ko.
"Do you like it my Peanut!" bulong pa nito ng saglit niyang iniluwa ang aking pagkalalaki. Nginisihan ko ito at hinawakan sa kanyang ulo.
"I will kick you right there and then." wika ko at umulos-ulos. Napasinghap ito na para bang nabubulunan. Wala kong pakialam. Gusto kong makaraos gamit ang kanyang bibig.
Patuloy ako sa pag-ulos. Napansin ko pa nga na naluluha ni si Maureen. Pero, kahit na kaunting awa wala kong nararamdaman sa kanya. Pareho naming gusto ito at alam kong nag- eenjoy din siya kahit na umaabot yata hanggang lalamunan niya ang aking pagkalalaki na patuloy sa paglalabas- pasok sa kanyang bibig. Sanay na siya sa ginagawa naming dalawa kaya walang dapat na ikabahala.
"Ahhwwkkk! narinig ko pang bigkas nito. Tumulo na din ang kanyang laway. Muli akong napangisi hanggang sa naramdaman ko na may kung anong bagay ang biglang namuo sa puson ko. Sasabog na ako at diricho kong pinakawalan iyun sa loob ng bibig ni Maureen. Sarap na sarap naman siya habang nilulunok lahat ng katas ko.
Hinimod-himod niya pa ang pagkalalaki ko pagkatapos kong labasan. Muli niyang nilaro-laro iyun habang mapungay ang mga matang nakatitig sa akin.Alam ko na ang ibig nitong sabihin kaya naman nagsalita na ako
'Give me the condom." utos ko sa kanya. Kaagad itong tumayo at akmang hahalikan ako sa labi pero umilag ako. Natatawa itong naglakad patungo sa banyo. Napapailing na nasundan ko na lang ito ng tingin bago ako naupo ng sofa habang nilalaro-laro ang tayong tayo ko na namang pagkalalaki.
Malakas ang stamina ko pagdating sa pakikipagtalik. Nakakailang round ako sa isang gabi lalo na kapag nasa mood ako. Siguro dahil sa pagiging playboy ko kaya ganoon. Or dahil na din sa tuwing nakikipagtalik ako bigla na lang lumilitaw sa balintataw ko ang mukha ni Charlotte. Sa paanong paraan ko kaya maipadama ang panggigil ko sa kanya.
Napatitig ako kay Maureen ng muli itong lumabas galing sa banyo. Hubot hubad na ito at iniabot nito sa akin ang hawak niyang condom. Napangisi ako.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang gumamit ng ganyan. Willing na akong lumagay sa tahimik kasama ka Peanut, Darling. Willing na akong magpabuntis sa iyo." malanding wika nito. Napangisi ako at seryoso itong tinitigan.
"Are you kidding me? Kung gusto mo pang matuloy ang mahabang gabi na ito huwag mong i-bring up ang tungkol diyan Maureen!" inis kong sagot sa kanya. Kaagad itong natigilan habang may pilit na ngiti na biglang gumuhit sa kanyang labi.
"Sorry!" sagot nito. Sa inis ko kaagad kong ibinato ang hawak kong condom.
"Alam mo naman na mabilis akong mawalan ng gana diba? Alam mo naman na mabilis akong mawala sa mood. Aalis na ako.!" inis kong wika sa kanya at kaagad na hinagilap ang nauhad kong pantalon. Kaagad ko namang naramdaman ang pagyakap nito mula sa likuran ko.
"Sorry! Sorry! Huwag kang umalis.. Promise, hindi ko na babanggitin ang tungkol dito. Please!" nagsusumamo nitong wika. Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko at hinarap ito.
"Ganyan nga..ayaw ko sa mga demanding na babae kaya umayos ka. Kilala mo ako Maureen. Alam mo kung ano ang ang gusto ko! Huwag kang lumagpas sa boudary na inilagay ko sa pagitan nating dalawa dahil mabilis kitang palitan." wika ko sa kanya. Kaagad itong tumango kaya naman muli kong hinagilap ang ibinato kong condom at isinuot na iyun sa aking pagkalalaki.
"Tuwad!" seryoso kong utos. Wala ng iba pang seremonya...last round na din naman ito at uuwi na ako. Ilang araw na akong walang matinong tulog at kaya lang naman ako pumunta dito para lang may mapagbuhusan ng init ng aking katawan.
Kaagad itong tumalima. Kaagad ko itong nilapitan at hinawakan sa kanyang baiwang. Walang sabi-sabing ipinasok ko ang galit na galit kong pagkalalaki sa kaloob-looban niya. Basang basa na din ito kaya hindi na ako nahirapan pa.
"Ahghhh! Peanut! Shit! Dahan-dahan, masakit!" angal pa nito. Pero hindi ko ito pinakinggan. Huwag siyang umasta na parang virgin at nasasaktan dahil ito ang palaging ginagawa ko sa kanya sa tuwing nagkikita kami.
Parang bingi ako at buong gigil na nag- atras abante. Salpukan ng mga katawan namin at mahinang
halinghing ni Maureen ang namayani sa buong paligid. May pagkakataon na napasisigaw pat ito sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko lang alam kong nasasaktan ba or nasasarapan. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang naman ay makaraos.
Chapter 292
PEANUT POV
Pagkatapos kong makaraos tinanggal ko ang condom at kaagad na itinapon sa basurahan. Mapungay ang mga matang nakatitig sa akin si Maureen habang nagsusuot ako ng saplot sa aking katawan. Bakas sa mukha nito ang pagod dahil sa ilang oras namin na
"Aalis ka na kaagad? Akala ko ba dito ka matutulog?" malambing na tanong nito sa akin. Tinapunan ko lang ito ng tingin habang inaayos ko ang aking damit.
Sinipat ko pa ang orasan na nasa wall ng sala. Halos alas singko na ng umaga at ayaw kong abutan ng umaga sa unit nito. Iniiwasan ko din na may makakita sa akin paglabas ng building. Mahirap na, baka ma-tsismis pa ako. Hind lang model si Maureen, sikat na aktres din ito dito sa Pilipinas at kapag may makakakita sa akin na reporter sa paligid baka ma-tsismis pa kami na may relasyon na syang iniiwasan ko.
"Pagod ako. Gusto kong magpahinga ng ilang araw." malamig kong sagot at hinagilap ang susi ng aking kotse. Akmang lalabas na ako ng unit nito ng muli itong nagsalita.
"Peanut..I mean it! Seryoso ako sa sinabi ko sa iyo kanina. Gusto ko ng lumagay sa tahimik. Gusto ko ng magpakasal." wika nito. Saglit akong natigilan bago dahan-dahan na hinarap ito.
"So, last na natin ito? Fine.... Whatever you want! Get married and have a family." malamig kong sagot.
Nagtaka pa ako ng bigla itong naglakad palapit sa akin. Hubot hubad pa rin siya at hindi man lang nag-abalang takpan ang kanyang nakabuyangyang na katawan.
"No! Not like that! I mean, kailan mo ba ako yayayain na magpakasal? Peanut, matagal na din tayong on and off. Nagkikita lang tayo kapag gusto natin mag-sex. Ayaw ko na ng ganitong set up. Bakit hindi na lang tayo magpakasal at bumuo ng pamilya. Total naman na-eenjoy na natin ang isat-isa diba?" sagot nito. Hindi na ako nagtaka sa naging takbo ng usapan na ito.
So, iniisip nya na seseryusuhin ko siya. Porket na-eenjoy ko ang katawan nya may lakas ng loob siya na sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na ito. Hidi ko maiwasan na mapangisi.
Kungsabay, Ini-expect ko na ang ganitong linyahan galing sa isang babae. Ilang babae na ba ang nag-offer na pakasalan ko sila? Na seryusuhin ko sila? Nah! Hindi ko na mabilang.
"Naririnig mo ba ang sanasabi mo Maureen? Kasal? Nagpapatawa ka ba?" nang-iinsulto kong tanong. Gulat itong tumitig sa akin. Kumibot-kibot pa ang labi nito pero walang lumabas na kahit na anong salita.
"Noon pa man alam mo kung ano ang rules ko diba? Wala sa bokabularyo ko ang salitang kasal at pag-aasawa Maureen!'" diretsahan kong wika sa kanya. Wala akong pakialam kung masasaktan man ito sa mga lumalabas sa bibig ko. Bago nag-umpisa ang fling at sex escapades namin nilinaw ko na sa kanya kung ano ang rules ko. Well, hindi lang naman sa kanya pati na din sa mga iba pang mga babaeng dumaan sa buhay ko.
"This is nonsense! Kalimutan mo na ako! Maghanap ka ng lalaking pwede kang seryosohin at katulad ng mindset sa iyo!" seryoso kong wika at nagmamadali akong naglakad patungo sa pintuan.
"Hanggang dito na lang ba tayo? Kahit
kaunti wala ka man lang bang
nararamdaman na kahit katiting na
pagmamahal sa akin? Peanut naman, halos isang taon kang nagpakasasa sa katawan ko! Bakit ganito?" basag ang boses na wika nito. Mukhang mag-umpisa na syang magdrama kaya napaismid ako.
"Rules is rules Maureen. Nag-enjoy ka din naman diba? Pareho tayong nag- enjoy kaya huwag kang umarte na parang lugi ka..." pranka kong sagot. Tulala itong napatitig sa akin. Nag- uunahan na din sa pagpatak ang luha sa kanyang mga mata. Tiim bagang ko naman itong tinitigan.
Sa tototoo lang, mga ganitong senaryo ang iniiwasan ko. Hindi ko gustong magpaiyak ng babae. Kaya lang, dumadating talaga sa mga ganitong sitwasyon minsan. Karamihan sa mga babaeng dumadaan sa buhay ko ganito palagi ang linyahan bago kami naghihiwalay.
"No hurt feelings, pure sex lang ang namagitan sa ating dalawa. Ngayun, kung nahulog man ang loob mo sa akin, hindi ko na kasalanan iyun. Sisihin mo ang sarili mo dahil imbes na i-enjoy mo lang kung ano man ang namagitan sa ating dalawa, gusto mo pang magdemand ng higit pa!" dagdag na wika ko pa sabay pihit ng seradura. Tanging impit na paghikbi nito ang narinig ko bago ako tuluyang nakalabas sa unit nito. Iiling-iling naman akong naglakad patungo sa elevator.
Alam ko sa sarili ko na ito na ang kahuli -hulihan kong pagpunta sa lugar na ito. Kung ano man ang narangyari sa aming dalawa, tapos na iyun. Katulad lang din si Maureen sa mga babaeng dumaan sa buhay ko na kapag magdemand ng higit pa hindi ako nanghihinayang na iiwan.
Mabilis akong nakarating ng parking area at sumakay ng aking kotse. Wala pang ilang minuto tinatahak ko na ang daan patungo sa aking bahay. Dahil maaga pa at wala pang traffic mabilis akong nakarating na aking bahay. Nagshower lang ako at kaagad na nahiga sa aking kama para ipahinga ang pagod kong katawan.
Tanghali na ng muli akong nagising dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Pupungas-pungas akong bumangon at kaagad na sinagot iyun.
"Peanut, mabuti naman at na-contact kita!
Ano ba itong mga lumalabas sa pahayagan at telebisyon?" kaagad na bungad sa akin ng aking manager na bakla na si Tito Rodney. Siya ang nagha -handle sa modeling career ko noon pa man. Nasa showbiz talaga ito at noon pa at kinukuha nya din ako para mag- artista pero mariin kong tinanggihan iyun. Nasa modeling lang talaga ang linyahan ko.
"Its too early! Alam niyo naman po na ayaw ko munang tumangap ng kahit na anong trabaho dahil marami pa akong aasikasuhin personal." yamot kong sagot. Narinig ko pa ang pagpalatak nito bago sumagot.
"Kakagising mo lang ba? Saan ka galing kagabi? Sa condo ni Maureen Alvarado?" tanong ito. Nagulat naman ako. Napatayo ako ng aking kama at naglakad patungong bintana.
"Paano mo nalaman?" seryoso kong tanog.
"Alam ko dahil may mga paparazzi na nakakita s iyo! Nagkalat ang larawan mo sa pahayagan na magdamag kang tumambay sa unit ni Maureen. Balak mo na bang ilabas sa publiko ang relasyon ninyong dalawa kaya hindi ka nag-iingat ngayun? Totoo ba ang lumabas na mga balita na engaged na kayong dalawa?" sagot nito. Kaagad naman akong nagulat.
"! sino ang nagpapakalat ng balitan iyan!" galit kong sagot.
"i dont know! Mag-ingat ka sa palabas -labas mo dahil hina-hunting ka ng mga reporter. Haayyy pati sa akin ang daming tumatawag para i-confirm kung totoo ba ang mga lumalabas na balita tungkol sa pagitan niyong dalawa ng aktres na iyun!" sagot nito.
Kaagad kong naikuyom ang aking mga kamao. Ngaun pa talaga lumabas ang ganitong balita kung saan balak ko ng bakuran si Charlotte!
"Of course, hindi totoo! Parang hindi niyo naman ako kilala. Walang kami ni Maurenn Alvarado kaya tigilan na nila ang issue na iyan!'" galit kong wika. Pambihira, kakagising ko lang at ito kaagad ang bumungad sa akin? Nasaan ang hustisya?
Chapter 293
CHARLOTTE POV
Kinaumagahan,
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko na tumunog ang alarm clock ko. Antok na antok pa ako pero kailangan ko ng gumising. May pasok pa kasi ako sa School.
Kung bakit naman kasi hindi kaagad ako nakatulog. Late na nga ako nakauwi hindi naman ako nakatulog kaagad. Kung bakit ba naman kasi tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata mukha ni Peanut ang nakikita ko.
Ano bang meron sa lalaking iyun? Ano bang meron sa halik niya? Bakit feeling ko nakadikit pa rin ang labi niya sa pisngi ko? Ilang beses ko na ngang sinabon at kinuskos ang mukha ko bago ako natulog pero wa epek pa rin. Feeling ko nakadikit pa rin sa mukha ko ang malambot niyang labi.
Diyos ko, kung paghanga man itong nararamdaman ko sa kanya...huwag naman sana. Ayaw kong ma-inlove sa isang playboy. Ayaw ko sa lalaki na marami akong kaagaw. Baka maging kriminal ako ng wala sa oras.
Litse kasing halik sa pisngi na iyun eh! Kung bakit naman kasi hindi ako nakailag. Kainis!
Pero bakit nga ba hinalikan niya ako? Hayyy, pakiramdam ko mabubuang ako sa kakaisip. Baka normal lang kay Peanut ang humalik kapag nagpapaalam?
Ako lang siguro itong marumi ang takbo ng isipan. Binibigyan ko ng malisya ang lahat. Baka wala naman talagang ibig sabihin iyun pero kung saan-saan na napupunta ang imagination ko.
"Lord, promise, hindi na talaga ako didikit-dikit sa Peanut na iyan. Ayaw ko talaga sa kanya. Ayaw ko sa lalaking may masamang reputasyon tungkol sa mga babae at nagkaroon ng sex scandal.
Malalim akong napabuntong hininga at napasulyap sa orasan na nasa bedside table ko. Oras na para mag- ayos ng sarili. Puyat man pero sanay na ako sa ganitong routine. Babawi na lang ako ng tulog mamaya pagkauwi ko galing School.
Mabilis akong naligo at ginawa ko ang morning routine ko. Mamayang alas nwebe pa naman ang pasok ko pero kailangan kong bumaba ng maaga para sumabay sa breakfast. Isinuot ko na din ang aking School Uniform para tuloy- tuloy na ang pag alis ko.
Sukbit ang aking School bag lumabas na ako ng aking kwarto ng masiguro ko na maayos na ang aking appearance.
"Good Morning Ate!" awtomatikong napangiti ako ng marinig ko ang pagbating iyun mula sa bunso kong kapatid na si Cassandra or Cassy kapag tawagin namin....sampung taong gulang pa lang siya pero kung umawra akala mo dalagang dalaga na.
"Good Morning!" nakangiti kong bati sa kanya. Katulad ko nakasuot na din ito ng School Uniform at mukhang ready na sa pagpasok sa School.
Kaagad ko itong nilapitan at hinalikan sa pisngi. Yumakap naman ito sa akin.
"Akala ko hindi ka umuwi kagabi Ate eh. Hindi po bat nagpaiwan kayo kagabi kila Uncle Rafael?" tanong nito.
"Umuwi din ako. Mas gusto ko pa rin matulog sa sarili kong kama." kaswal kong sagot at humakbang na papuntang hagdan. Kaagad kong naramdaman ang pagsunod nito sa akin.
"Sayang! balak ko pa naman sana sa kwarto mo din matulog. Magpapaturo sana ako sa Math eh." sagot nito. Nakangiti ko itong binalingan bago sinagot.
"Marami pa namang next time. Isa pa, hindi din naman kita matuturuan kagabi. Pagod tayong lahat galing sa party at hindi ka din makakapag- concentrate." nakangiti kong sagot at nag-umpisa ng ihakbang ang aking mga paa sa baitang ng hagdan.
Pagkadating namin ng dining area nadatnan namin sila Mama Carmela at Papa Christian na nakaupo na pareho sa hapag. Nagulat pa si Mama ng makita ako. Kaagad kaming lumapit ni Cassandra sa kanila at isa-isang hinalikan sa pisngi tanda ng pagalang.
"Akala ko sa mansion ka na matutulog? Sino ang kasama mo umuwi kagabi?" tanong ni Mama sa akin.
"Idinaan po ako ni Kuya Peanut kagabi Ma. Hindi ko na inisturbo sila Charles at Christopher dahil mukhang nag- eenjoy pa sila." sagot ko. Napansin ko na kaagad na nagkatinginan sila Mama at Papa. Hindi ko na lang iyun binigyan ng kahulugan bagkos itinoon ko ang attention ko sa pagkain.
"Dapat binanggit mo sa amin kagabi na balak mo din pala umuwi. Pinasundo ka na lang sana namin sa driver." sagot ni Mama. Kaagad naman akong umiling.
"Ayos lang po Ma. Isa pa mabait naman si Kuya Peanut. Bestfriend siya ni Uncle Rafael at hindi na din siguro iba ang tingin niya sa akin....Ayaw ko na din isturbuhin ang driver natin. Late na din po kasi." sagot ko. Tumango tango naman si Papa bago muling nagsalita.
"Kumusta pala ang studies mo?" nakahinga ako ng maluwag ng ibang topic na ang lumabas sa bibig ni Papa. Ang totoo hindi ako kumportable na pag-usapan namin ang tungkol kay Peanut.
"Ayos naman po Pa! May exam po ako mamaya." kaswal kong sagot.
"Good! Galingan mo ha? Kapag mataas ang mga grades mo this semester baka payagan na kitang magdrive ng kotse." n?kangiting sagot ni Papa. Kaagad naman namilog ang mga mata ko dahil sa galak.
"Talaga po? Ma, Cassy, narinig niyo iyan ha? Papa, wala ng bawian!' excited kong bigkas. Kaagad naman napangiti si Mama.
"Kilala mo ako anak. May isang salita ako at kapag ipinangako ko, tutuparin ko!" nakangiting sagot ni Papa. Lalong gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko.
"Promise po, gagalingan ko! Ilang taon na lang ang bibilangin at magkakaroon na kayo ng anak na Doctor." nakangiti kong sagot. Kaagad naman natawa si Papa. Palatandaan na masaya ito sa desisyon ko na hindi na muna i-pursue ang pagpasok sa military.
Pagkatapos ng masayang breakfast kaagad kaming nagpalaam kina Mama at Papa na papasok ng School. Sabay kaming dalawa ni Cassandra or Cassy minsan kung tawagin ko dahil magkalapit lang naman ang School na pinapasukan namin. Hindi na din talaga dumating ang mga ka-triplits ko at baka sa School na lang kaming tatlo magkikita.
"Ate, hindi po ba si Kuya Peanut iyun?" putol sa katahinikan sa loob ng kotse ng biglang nagsalita si Cassy. May itinituro ito kaya kaagad kong sinundan ng tingin iyun at natigilan ako ng mapatingin ako sa isang billboard kung saan mukha ni Peanut ang naka-imprinta! Well, hindi nakakapagtaka iyun dahil sikat siyang model at marami din kumukuha na kumpanya sa kanya para i-endorse ang kanilang produkto.
"Ang galing ni Uncle Peanut Ate noh? Ang pogi niya talaga! Alam niyo po ba na crush siya ng isa kong teacher?"
muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Sino nga ba ang hindi mahuhulog sa isang Peanut Smith.Maraming sumasamba na kababaihan sa kanya dahil sa angking kagwapuhan.
"Really?" walang gana kong sagot at muling itinoon ang attention ko sa harap ng sasakyan.
Nanahimik na din si Cassandra hanggang sa ibinaba na namin siya sa School. Pareho kami ng pasok sa umaga pero nagkakatalo lang sa uwian. Mas mahaba kasi ang oras ko.
Pagdating ng School kaagad akong naglakad patungos sa room ng first subject ko. Napakunot pa ang noo ko ng mahagip ko sa isang unipukan ng mga istudyante ang kaibigan at clasmate ko na si Marian. Pilit itong ngumiti sa akin ng mapansin nya ang presensya ko at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo?" kaagad kong tanong sa kanya ng makalapit ito sa akin.. Malungkot itong tumitig sa akin bago nagsalita.
"Hayyssst! Hindi ko alam kung paano matatangap ito!" sagot nito na akala mo naman ang laki ng problema niya.
"Bakit ba kasi? Ano ang problema?" tanong ko.
"Ang lungkot lang...engaged na pala si Peanut may love! Wala na talaga akong pag-asa sa kanya." sagot nito. Nagulat naman ako.
"Ha? Engaged na siya?" halos pabulong kong tanong ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko.
"Look! Girl friend nya pala ang model x actress na si Maureen Alvarado. Nakita siya kaninang umaga habang palabas sa condo building kung saan nakatira ang hitad na Maureen na iyan!" inis nitong sagot at kaagad na ipinakita sa akin ang kanyang cellphone.
Hindi na ako nagulat. Si Peanut nga ang nasa larawan habang naglalakad palabas ng building. Inumaga na nga ang playboy.
Kahit hindi masyadong malinaw ang larawan pero naalala ko pa rin naman ang suot niyang damit. Kung ganoon si Maureen Alvarado ang girl friend niya. Siya din ang kausap ni Peanut kagabi at pinuntahan pagkatapos niya akong inihatid.
Engaged na pala siya! Tama lang ang desisyon ko na huwag kong hahayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya.
Chapter 294
CHARLOTTE POV
Lutang ako buong araw dahil sa balitang nasagap ko tungkol kay Peanut. Engaged na pala siya? Eh, wala naman sana akong pakialam tungkol doon. Ano ngayun kung magpapakasal na siya? Wala naman kaming relasyon at wala akong karapatan na makaramdam ng ganito. Bakit parang kinu- kurot ang puso ko? Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit pakiramam ko nasasaktan ako?
Hayy nakakainis naman! Bakit ba ako apektadong -apektado sa mga nasagap kong balita tungkol sa kanya?
Palagay ko talaga nag-umpisa ang ganitong pakiramdam ko dahil sa halik na iyun eh. Nag-umpisa lang naman na hindi siya mawala sa isip ko simula ng halikan nya ako sa pisngi. Ano iyun bigla na lang akong na-inlove dahil sa halik na iyun? Hayyyy, iyun talaga ang hindi pwede!
Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kaibigan classmate kong si Marian. Katulad ko mukhang malungkot din siya. Ang pogi ni Peanut. Daming nagkakagusto sa kanya at isa na yata ako doon.
"Hindi bat best friend siya ng Uncle mo? Itanong mo kaya? I-confirm mo kung talagang engaged na siya kay Maureen." pukaw nito sa akin. Katulad ko lutang din ang isipan niya buong maghapon.
"Bakit ba kasi affected ka? Kalimutan mo na kasi siya at itoon mo na lang sa iba ang pansin mo." sagot ko. Kaagad itong umiling.
"Hindi ko kaya eh. LOVE na talaga siguro itong nararamdaman ko para sa kanya. Ano ba iyan, hindi ko pa nga siya na-meet sa personal broken hearted na kaagad ako." malungkot nitong wika. Hindi ko maiwasang mapangiwi.
Noon pa man, kinukulit na ako nitong si Marian na tulungan ko daw siyang ma-meet niya ng personal si Peanut. Gustuhin ko man na i-grant ang request nya hindi ko naman alam kung paano gawin iyun.
Hindi naman kami closed ni Peanut at bihira lang din kaming nagkikita dahil balita ko busy ito sa kanyang modeling career. Nitong mga nakaraang buwan nasa labas ng bansa palagi si Peanut para sa mga fashion show. Iyun ang naririnig ko minsan kina Uncle at Veronica dahil gusto sana nilang kunin na Ninong si Peanut noong binyag ng kambal nilang anak.
Iyun nga lang hindi sure kung makakarating siya kaya hindi na lang siya isinama sa listahan. Pero nagpakita naman ito sa mansion after ng binyag at dahil hindi naman kami magkaibigan nahihiya akong lapitan siya para batiin. Isa pa baka kantyawan ako ng mga pinsan ko at hawak ko din noon si Baby R. Alexander.
"Walang patutunguhan ang nararamdaman mo sa kanya. Sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay niya huwag ka ng dumagdag." pranka kong sagot sa kanya. Malungkot akong tinitigan ni Marian bago umiling.
"Ginawa ko na iyan dati kaya lang hindi ko kaya. Siya talaga ang sinisigaw ng puso ko."malungkot na sagot nito Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
Haysst pag-ibig nga naman. Kaya dapat talaga hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na lumalim pa ang nararamdaman ko para kay Peanut. Ayaw kong masaktan. Mas maraming lalaki diyan sa paligid na karapat- dapat na pag-alayan ng pagmamahal. Iyung walang bahid na pagiging babaero at mapaglaro sa mga kababaihan.
Hindi ko namalayan ang palipas ng oras. Basta ang alam ko bored na bored ako ngayung araw na siyang nakakapagtaka. Araw-araw naman sana akong inspired sa pag-aaral pero iba na ngayun. Siguro dahil sa mga kumakalat na balita tungkol kay Peanut.
Pagkatapos ng klase kaagad akong nagpaalam kay Marian. Nasa parking na ang sundo ko at balak kong dumiretso na muna ng mansion. Doon na lang din siguro ako magrereview. Alam ko sa aking sarili na kapag uuwi ako sa bahay namin hindi din naman ako makakatulog. Malungkot ang pakiramdam ko at kung sa mansion ako didiretso nandoon si Veronica.
May makakausap ako at malalaro ko pa ang kambal.
Eksakto alas kwatro ng hapon ng makarating ako ng mansion. Ibinaba lang ako ng driver at sinabi ko na huwag nya na akong sunduin mamaya. HIndi ko din alam kung anong oras ako makakauwi. Baka dito na lang din ako matulog sa mansion dahil pwede naman ako magreview dito dahil dala ko naman ang mga notes ko.
"Good Afternoon Mam." bati sa akin ni Manong guard habang pinagbubuksan ako ng gate. tanging ngiti at tango lang ang naging sagot ko bago ito tinanong.
"Nandiyan ba si Nica?" tanong ko. Kaagad naman itong tumango kaya tuloy-tuloy ko ng binaktas ang malawak ng lawn ng mansion.
"Charlotte!" napahinto pa ako sa paglalakad ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Nakangiti ko itong nilingon at kaagad kong napansin ang nakangiting mukha ni Veronica.
"Nica! Hi! Wow, habang tumatagal lalo kang naging blooming ngayun ah?" nakangiti kong wika dito. Natawa ito at kaagad akong hinawakan sa kamay.
"Masaya lang ako. Alam mo bang galing kaming dalawa ng Uncle mo kanina sa Doctor?" excited na sagot nito. Naguguluhan naman akong napatitig dito.
"Ikaw lang yata ang galing sa Doctor na masaya ah?" May good news ba?" nakangiti kong tanong. Kaagad naman itong tumango.
"Yes...Charlotte, buntis ulit ako! Masusundan na ang kambal."
pagbabalita nito. Unti-unting gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko. Sinipat ko ang tiyan nito bago tumitig sa mukha ni Nica. Kaya pala ang saya ng mukha niya ngayun may hinihintay na naman pala silang bagong miyembro ng pamilya. Ang galing! Balak yata nilang bumuo ng isang basketball team eh. Nagpaparami yata sila. Dalawang taon pa lang ang kambal at balak kaagad nilang sundan.
"Wow! Congratulations! Nakakatuwa naman kayong dalawa ni Uncle." ngiting ngiti kong sagot sa kanya. Ganitong mga balita ang hindi ako magsasawang pakinggan.
"Thank you Charlotte. Actually, wala pa sana kaming balak sundan ang kambal. Natatakot din kasi si Uncle Rafael mo na baka maulit ang nangyari dati..Iyung inilabas ko na premature ang kambal. Kaya lang nandito na ito eh. Wala siyang choice kundi tibayan niya ang loob niya." nakangiti nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Chapter 295
CHARLOTTE POV
Sa sobrang saya naming dalawa ni Veronica hindi na namin namalayan ang oras. Kung anu-ano na lang din kasi ang napag-uusapan namin. Nasa opisina pa si Uncle kaya naman marami kaming time para makapag- usap.
Minsan kasi kapag nasa paligid lang si Uncle hindi kami masyadong nakakapag-tsismisan ni Veronica. Gusto kasi ni Uncle palaging nasa tabi niya ang asawa niya.
Well, hindi naman nakapagtataka iyun dahil saksi ako kung gaano nila kamahal ang isat isa. Saksi din kaming lahat na miyembro ng pamilya Villarama kung paano nila alagaan ang isat isa.
"Naku, hindi ko pala namalayan ang oras. Hindi man lang kita natanong kung gusto mo bang mag-miryenda. Ang selfish ko noh?" maya-maya narinig kong bulalas ni NIca. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Ayos lang ako. Nakalimutan mo yata na nilapitan tayo kanina ng kasambahay para alukin ng miryenda. Pareho tayong tumanggi...remember?" nakangiti kong sagot. Natatawa naman ito sabay tango.
"Siya nga pala, maiba tayo ng topic, dinig ko si Peanut ang naghatid sa iyo kagabi pauwi ng bahay niyo?" tanong ni Veronica. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
"Sino ang may sabi sa iyo?" tanong ko. Huwag nyang sabihin na nabanggit kaagad nila Mama at Papa sa kanila?
"Mga kapatid mo at mga pinsan mo. Sinundan ka daw nila kagabi palabas dahil nag-aalala sila sa iyo. Bago pa sila nakalapit nakasakay ka na daw sa kotse ni Peanut kaya hinayaan ka na lang daw nila." nakangiti ntiong sagot.
"Tsismoso talaga ang mga iyun. Hindi ko alam iyun ha?" sagot ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya.
"Ayos lang naman iyun. Mabuti nga at isinakay ka niya. Ano ba kasi ang nakain mo kagabi? Bakit ka lumabas ng mansion na mag-isa ka lang? alam mo ba kung gaano ka-delikado iyun?"
sagot nito. Ito ang gusto ko kay Veronica...ramdam ko ang pagki-care nito sa akin.
Parang kapatid na talaga ang turing niya sa akin. Kaya nga gustong gusto ko siya eh. Mas closed pa nga ako sa kanya compare kay Jeann. Si Jeann kasi simula ng bumuo ng pamilya bihira na lang din kaming nagkikita. Unlike Veronica na puntahan ko lang siya dito sa mansion tiyak na makakausap ko na sya.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa safe naman ang paligid ng mansion at kung sakaling hindi ako nakasakay babalik din naman ako dito sa loob at huwag ng magpumilit na umuwi." nakangiti kong sagot.
"Sabagay, safe ka naman nakarating sa bahay niyo. Iyun nga lang, hindi pa rin maiwasan lalo na ng Grandpa at Grandma mo na mag-alala. Huwag mo ng ulitin iyun ha? Tatlo ang driver na nakaantabay dito sa mansion at pwede ka nilang sunduin at ihatid anytime na gusto mo. Iba pa rin ang nag-iingat." nakangiti nitong sagot. Kaagad naman akong tumango.
Nasa masayang pag-uusap kami ni Veronica dito sa garden ng mapansin namin pareho ang dalawang sasakayan na magkasunod na pumasok ng gate. Napukaw ang attention naming dalawa doon ni Nica at ng mapansin na dumating na si Uncle kaagad itong tumayo at nakangiting sinalubong ang asawa.
May yakap at kiss na namagitan sa kanilang dalawa na siyang nagpakilig sa akin habang tahimik na pinapanood silang dalawa.
"Hello Uncle!" Bati ko kay Uncle Rafael pagkatapos nitong pakawala si Nica sa pagkakayakap.
Hindi ko maiwasan na magulat ng mapasulyap ako sa isa pang kotse at mula doon bumaba si Peanut. Ano ang ginagawa niya dito?
"Kanina ka pa ba? Tamang tama nandito si Peanut. Mang-iinvite daw siya sa ating lahat para sa birthday party niya next week." sagot naman ni Uncle. Pilit naman akong napangiti.
"Hi Nica...Hi Charlotte! Happy to see you again guys!'" bati pa ni Peanut sa aming dalawa ni Nica ng makalapit ito sa amin. Isang pilit na ngiti ang isinagot ko dito bago ko muling ibinaling ang tingin kina Uncle at Nica.
"I think sa Gazebo na lang muna tayo Pare habang hinihintay natin sila Drake at Arthur." narinig ko pang wika ni Uncle. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Anong meron? Mag-iinuman kayo?" tanong naman ni Nica. Nakangiting pinisil muna ni Uncle Rafael ang ilong ng kanyang asawa bago sumagot.
"Sila lang. Advance birthday celebration ni Peanut. Isa pa gusto niya manghingi ng payo sa amin. Tungkol sa kumakalat na issue sa kanya ngayun. natatawang sagot ni Uncle. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay bago tumitig kay Peanut. Issue? Tungkol sa engagement niya? Wow, parang bigla tuloy akong naging interesado.
Isang maling hakbang ang pagtitig ko kay Peanut dahil nahuli kong nakatitig din ito sa akin. Hindi ko na naman tuloy maiwasan na maramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
'Gosh! Ano ba ito? May sakit ba ba ako sa puso? Bakit feeling ko nagpapa- palpitate ang puso ko sa mga titig niya?
'sigaw ng isipan ko. Hindi ko tuloy malaman kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Hindi ko din malaman kung paano umaktong normal sa harap niya. Parang gusto ko na ngang kutusan ang sarili ko eh. Kainis ang ganitong klaseng pakiramdam. First time ko itong naransan sa tanang buhay ko.
"Eheemmm Charlotte!" Napapitlag pa ako ng marinig ko ang malakas na pagtikhim ni Uncle sabay tawag sa pangalan ko. Wala sa sariling napatingin ako dito.
"Samahan mo na lang muna si Peanut sa Gazebo. Magbibihis lang ako." wika ni Uncle sa akin. Wala sa sariling napatango ako..
"Pare...bababa kaagad ako. On the way na daw ang dalawa kaya makakakuha ka talaga ng matinong advice tungkol sa problema mo." nakangiting wika ni Uncle at tinapik pa nito ang kaibigan sa balikat bago tumalikod kasama si Veronica.
"Sa Gazebo tayo?" pilit ang ngiti na pagyayaya ko kay Peanut. Hindi ako makatingin ng diretso dito. Mas nakakailang pala ang ganito. Dalawa na lang kami at nagrarambulan pa rin ang puso ko sa sobrang kaba.
"Sure..." sagot nito at nagulat pa ako ng hawakan ako nito sa kamay. Kaagad ko namang binawi ang kamay ko ng maramdaman ko na may mainit na parang kuryente ang biglang tumulay doon paputan sa puso ko.
"Sorry!" narinig ko pang bulong nito. Hindi ko iyun pinansin bagkos diretso na akong naglakad patungo sa Gazebo. Tahimik naman na nakasunod lang ito sa akin na siyang ipinagpasalamat ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya pakikiharapan. Dahil talaga sa lintik na halik na iyun kaya ako nagkakaganito eh.
Chapter 296
CHARLOTTE POV
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Peanut habang hinihintay sila Uncle at Veronica na muling bumaba. Walang sino man ang gustong magsalita sa aming dalawa kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa hawak kong cellphone
"Kumusta ka na?" Sa wakas nagsalita din ito. Saglit akong tumitig dito bago sumagot.
"Ayos lang..Thank you nga pala sa paghatid mo sa akin kagabi sa bahay." sagot ko. Tipid itong ngumiti bago mataman akong tinitigan.
"Dont mention it! Pamangkin ka ng Best friend ko at willing kong gawin iyun kung kinakailangan." sagot nito. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin at lihim na nagdarasal na sana dumating na sila Uncle. Hindi kasi ako kumportable na kausap si Peanut.
"Well, maiwan na muna kita. Kailangan ko na sigurong umuwi. Medyo gabi na at magrereview pa ako. Alam mo na, buhay istudyante." pagdadahilan ko. Balak ko sanang dito na lang muna sa mansion matulog kaya lang nagbago ang isip ko. May mga bisita si Uncle at ayaw ko ng mapuyat ulit.
"Are you sure? I mean, stay ka muna kahit saglit lang. Dont worry, willing akong ihatid ka ulit mamaya." nakangiti nitong sagot. Kaagad naman akong umiling.
"Sorry, pero hindi na kasi pwedeng magpuyat eh. May exam pa ako bukas at gustuhin ko man mag stay hindi talaga pwede!" nakangiti kong sagot. Kailangan kong panindigan ang gusto ko. Ayaw kong tuluyang mahulog sa kanya lalo na at may fiancee na ito. "Well, okay... but please, sana makarating ka sa birthday party ko. Ipagpapaalam na din kita sa Uncle mo at pwede ka naman sumabay sa kanila kung nahihiya ka talaga." nakangiti nitong muling wika. Tipid akong ngumiti sabay tango.
"Kapag hindi busy sa School sasama ako. Thank you sa invitation." nakangiti kong sagot sabay tayo.
Napansin ko pa ang kakaibang pagkakatitig nito sa akin pero mabilis na akong naglakad palayo. Sobrang lakas na kasi ang kabog ng dibdib ko.
Nagbago ang plano ko ngayung gabi kaya magpapahatid na lang siguro ako sa isa sa mga driver dito sa mansion. Wala pa sila Grandma at Grandpa dito sa masion kaya kila Veronica na lang ako magpaalam para sila na ang bahalang mag-utos sa bakante nilang driver para ihatid ako.
"Hey, bakit nandito ka? Nagugutom ka na ba? Gusto mong kain muna tayo?" akmang aakyat na ako ng hagdan ng mula sa likuran ko biglang nagsalita sa Veronica. Mukhang galing ito sa kusina.
"Magpapaalam sana ako. Uwi muna ako, naalala ko kasi ang dami kong dapat aralin ngayung gabi dahil may exam ako bukas." sagot ko sa kanya. Saglit ako nitong tinitigan bago sumagot.
"Akala ko dito ka matutulog." nakangiti nitong sagot. Kaagad akong umiling.
"Iyun sana ang balak ko kaya lang kailagan ko palang magpuyat ngayung gabi sa pagre-review. Isa pa, hindi ako nakapag-paalam kila Mama at Papa.."
pagdadahilan ko. Saglit itong natigilan bago dahan-dahan na tumango.
"Well, may magagawa pa ba ako? Sige... ipapahatid na lang kita sa isa sa mga driver kung gusto mo na talagang umuwi." sagot nito. Pilit naman akong ngumiti at nagpasalamat sa kanya.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa sobrang abala ko sa School hindi na muna ako nakakadaan sa mansion. Buo na din ang desisyon ko na huwag ng umattend sa birthday party ni Peanut. Balita ko din kasi, pormal na ipapahayag ang engagement niya sa kanyang nobya. Masakit sa akin iyun kaya isa iyun sa mga dahilan kung bakit gusto kong iwasan ang nasabing party.
"Tumawag nga pala kanina si Nica.... ipinagpaalam ka this coming Sunday na kung pwede sumama ka daw sa kanila sa party na pupuntahan nila." panimulang wika ni Mommy. Nagulat naman ako.
"Po? Kailan po sya tumawag?" tanong ko. Kumakain kami ng dinner at kumpleto kaming lahat.
"Kaninong Birthday M a! ^ prime prime tanong naman ni Christopher.
"Best friend ng Uncle mo. Iyung model? sagot ni Mama.
"Wow! Si Kuya Peanut? Pwede din ba akong sumama?" sagot naman ni Christopher. Hindi ko maiwasang mapasulyap dito. Sa aming tatlo na magka-triplets ito ang mahilig sa party. Mahilig din ito sa adventure at makihalubelo sa iba.
"You can ask your Uncle kung gusto mong sumama. I think maganda din iyun para naman mabantayan mo ang kapatid mo." sagot naman ni Papa sabay sulyap sa akin. Hindi pa nga ako nag-confirm sa kanila kung sasama ba ako or hindi pinangunahan na nila ako. Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga.
"Pero wala po akong balak na pumunta. Ikaw na lang siguro Chirs ang pumunta on behalf of me." sagot ko naman. Kaagad naman itong umiling
"No! Ayaw kong maging proxy. Dalawa na lang tayong pupunta doon. Gusto kong umattend ng mga ganiyang klaseng party. Expected na kasi na maraming magaganda dahil siguradong karamihan sa mga bisita diyan mga galing sa showbiz."
nakangiting sagot ni Christopher. Hindi ko naman maiwasan na mapaismid.
"Whatever!" sagot ko. Napansin ko pa kung paano napapailing si Daddy dahil sa narinig niya sa kanyang anak samantalang si Charles naman tahimik lang. Madaldal lang ito kapag nakainom ng alak.
"Ayyy sasama din po ako Ate, Kuya."
Sabat naman ng bunso namin na si Cassy. Kaagad naman itong hinaplos ni Mama sa pisngi bago sinagot.
"Next time baby. Hindi ka pwede sa mga ganiyang party. Para lang iyan sa mga adult." sagot ni Mama. Kaagad naman napasimangot si Cassy bago muling itinoon ang pansin sa pagkain.
"Ano, attend tayo?" nakangiting tanong ni Christopher sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin kaya natawa ito.
"Sige na...attend na tayo. Ilang araw ka din stress sa School kaya ito na ang chance mo para mai-released ang stress mo. Pumayag naman na sila Mama at Papa eh." pangungumbinsi nito sa akin. Napatingin ako kina Mama at Papa at kita ko ang pagtango nila.
Ito ang kagandahan sa mga magulang ko. Hindi sila mahigpit sa aming magkakapatid at ramdam ko ang tiwala nila sa amin. Kapag mga ganitong party-party at kilala naman nila ang celebrant pumapayag kaagad sila kung gusto namin umattend. Basta huwag lang magpa-umaga ayos lang sa kanila.
Chapter 297
CHARLOTTE POV
Hindi na ako nakaligtas pa sa pangungulit ni Christopher. Halos araw -araw talaga kasi ako nitong nire- remind tungkol sa birthday party ni Peanut kaya naman no choice ako kundi ang pumayag ng umattend. Isa pa, hindi na kailangan pang daanan ako nila Uncle dito sa bahay dahil may sariling sasakayan na si Christopher. Kaya na naming pumunta sa bahay ni Peanut na kaming dalawa lang.
Muli kong sinipat ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin. Sinisigurado ko na maayos ang pagkakalagay ko ng make up.
Alam ko naman na bagay sa akin ang suot ko. Formal party at kailangan talaga naka formal na suot ng mga bisita. Karamihan din sa mga possible na mga bisita ay mga celebrities kaya nakakahiya naman kung hindi tugma ang pananamit ko ng ayun sa theme ng party.
Nakasuot ako ngayun ng color purple elegant knee-length cocktail dress.
Pinarisan ko iyun ng two inches high heels sandals at ilang beses na akong umikot sa harap ng salamin bago nagpasyang bumaba para puntahan na sa labas ang kanina pang naghihintay kong kapatid.
Sobrang excited nito kaya hinayaan ko na lang. Pinagbigyan ko na dahil alam kong hindi din ako nito matitiis kapag may kailangan din ako sa kanya.
"Sa palagay mo, marami kayang magaganda at single na mga bisita si Kuya Peanut?" tanong sa akin ni Christopher habang nakatutok ang paningin nito sa harap. Binabaktas na namin ang abalang kalsada at sa sobrang traffic tiyak na nag-uumpisa na ang party pagdating namin.
"I dont know. Malalaman natin mamaya." sagot ko. Napansin ko pa ang makailang beses na pagsulyap nito sa akin bago sumagot.
"Bakit nga pala wala kang gana na umattend. Pupunta din naman sila Ate Veronica at Uncle kaya hindi ka din naman mabo-bored doon eh. Tapos na din naman ang mga exams mo kaya pwede ka ng magliwaliw." wika nito.
"Para namang hindi mo ako kilala. Active lang ako sa mga party ng pamilya pero kapag ibang tao wala akong gana." sagot ko. Napataas ang kilay nito sa akin bago sumagot.
"Sabagay, hindi ka nga pala party- goer. Well, thank you dahil napilit kita. Kung hindi ka pumayag na pumunta hindi din sana ako makakapunta ngayun. Sayang naman, pagkakataon ko na din ito na makadaupang palad ang crush ko." nakangiti nitong sagot sabay kindat. Inirapan ko naman ito.
"Talaga lang ha? Kaya pala halos araw- araw mo akong kulitin. Sino ang malas na babaeng iyun?" seryoso kong tanong. May hina-hunting palang babae kaya gustong gusto umattend sa party ni Peanut. Pati ako dinamay. Pwede naman sana siyang umattend dahil siguradong present din naman sila Uncle at Veronica. Isa pa kilala naman siya ni Peanut.
"Basta, makikilala mo din siya. Hindi pa naman din ako sure sa sarili ko kung magugustuhan ko siya eh. Siyempre sa tv ko lang siya nakikita at hindi ko pa alam kung anong klase talaga siyang babae sa likod ng camera." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay.
"'Whatever! Bahala ka na nga! Pero hindi tayo pwedeng magtagal ha? Two hours lang tayo mag stay at uwi din kaagad tayo." sagot ko. Kaagad naman itong tumango.
"Sure......iyan kung makakaalis tayo. Subukan mo din kasi mag-enjoy. Dagdagan mo ang circle of friends mo para naman lumawak ang mundo mo."
sagot nito sa akin. Naniningkit ang mga matang tinitigan ko naman ito. Muli itong natawa. Anong palagay niya sa akin...Loner? Hindi ako ganoon. Sadyang mapili lang talaga ako pagdating sa pakikipag-kaibigan
Pagdating namin sa bahay ni Peanut, hindi na ako nagtaka pa ng maabutan namin na marami ng bisita sa paligid. Sabagay, hindi nakakapagtaka iyun dahil marami talagang kakilala si Peanut. Model ito at taga showbiz ang kanyang girl friend kaya talagang marami ang aattend.
"Nandito na kaya sila Uncle?" muling tanong ni Christopher sa akin pagkapasok namin sa loob. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi ko maiwasang mapangiti ng mapansin ko ang mga pamilyar na mukha sa isang mesa.
Kaagad kong hinila si Christopher kaya kaagad itong napasunod sa akin.
"Sis naman, dahan-dahan naman. BAka malukot ang suit ko." narinig ko pang reklamo nito. Hindi ko iyun pinansin at kita ko kung paano napangiti si Nica ng mapansin nito ang pagdating ko.
"Charlotte, mabuti naman at dumating ka. Gusto ko na nga sanang magpauwi eh. Hindi ko kayang mag-enjoy sa mga ganitong party kapag wala masyadong nakakausap na kakilala ko talaga."
nakangiti nitong wika at nakipag-beso sa akin. Nandito din si Drake pero wala ang pinsan kong si Jeann.
"Si Jeann nga pala?" tanong ko. Sumulyap muna si Nica kay Drake bago sumagot.
"Ayaw daw sumama eh. I dont know kung anong reason. Try ko na lang siyang tawagan bukas." sagot nito sa akin. Napansin ko naman na ipinaghila ako ng upuan ng kapatid ko kaya kaagad na din akong naupo.
"Grabe, ang daming tao noh? Nasaan daw ba ang celebrant? Hindi pa ba mag uumpisa ang program?" tanong ko. Umiling naman si Nica palatandaan na hindi niya din alam.
"Nasa paligid lang siya kanina. Baka ini -istima pa ang ibang mga bisita. Grabe, pansin mo ba halos mga celebrities ang mga nandito. Akala ko mga close friends lang ang iimbitahan niya at ganito yata kadami ang closed friends ni Peanut eh." nakangiti nitong sagot.
Hindi na ako umimik pa hanggang sa naramdaman ko na naiihi ako. Kaagad naman akong nagpaalam na iihi muna ako. Tango lang ang naging tugon ni Nica sa akin.
Naghahanap ako ng mga staff na pwede kong mapagtanungan kung nasaan ang banyo ng marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko.
"Charlotte???" tawag pa nito. Wala sa sariling napalingon ako at hindi ko maiwasan na magtaka ng mapansin ko ang isang matangkad at gwapong lalaki na naglalakad palapit sa akin. Siguro kasamahan din ni Peanut sa trabaho niya dahil sa tindig nito.
"Yes?" nag-aalangan kong tanong. Nakangiti nitong inilahad ang kanyang kanang kamay sa akin palatandaan na gusto niyang makipag-shake hands. Naweweirduhan naman akong tumitig dito.
"Grabe ka...hindi mo na ako naaalala? Nagkakilala tayo ilang taon na ang nakalipas... Sa birthday party dinni Peanut? Sa Yate?" nakangiti nitong sagot. Pilit ko naman inisip ang sinasabi nitong party hanggang sa may isang alaala ang biglang lumitaw sa isipan ko.
Yes..Birthday party ni Peanut ilang taon na ang nakakaraan. Three years or four years na yata. Muli akong napatitig sa kaharap ko na noon ay nag -uumpisa ng natawa.
"Grabe ka sa akin...parang gusto ko ng magtampo sa iyo ah? Naaalala kita tapos ako hindi mo maalala? Partida pa iyan, may ongoing teledrama pa ako sa telebisyon." nakangiti nitong wika. Pilit kong inaalala ang pangalan nito pero wala talaga akong maisip.
"I am Lucas...Luca Martinez. Apat kaming magkakaibigan na nakilala niyong magpipinsan sa yate ni Peanut noon." natatawa nitong sagot.
"Awww! sorry! Yah, i remember na... Ang tagal na kasi at hindi ko akalain na naalala mo pa ako. " nakangiti kong sagot sa kanya.
"Siguro naman pwede ka ng ulit makipag-shake hands sa akin diba?" nakangiti nitong sagot. Natatawa naman akong inabot ang kamay niya para pagbigyan ito. Nakakahiya, kanina pa nakalahad ang kamay niya pero hindi ko pa tinatangap. Buti hindi ito nabastusan sa akin.
"Parang gusto ko na tuloy magtampo sa iyo eh Grabe ka..ang bilis mong nakalimot." wika nito. Bakas sa boses nito ang pagbibiro kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Pasensya na po.....one time lang tayo nagkita at hindi ko na din ini-expect na mulng magkrus ang landas natin. Nasaan na pala ang iba mo pang mga friends?" nakangiti kong tanong sa kanya. Katulad sa kanya, hindi ko na din maalala ang kani-kanilang mga pangalan. Basta ang alam ko, apat silang lahat.
"Iyung dalawa sa kanila nasa ibang bansa na at ang isa naman nag-asawa na.....ako lang din ang nagpatuloy sa showbiz." nakangiti nitong sagot.
Napatango naman ako
Mukhang mabait naman si Lucas... nakakatuwa lang dahil naalala niya pa ako. Ang tagal na kaya noong nagkakilala kami at isang beses lang iyun. Imagine, alam na alam niya pa rin ang pangalan ko? Artista na pala siya....hindi ko alam iyun dahil hindi naman ako mahilig manood ng
telebisyon at lalong hindi ako mahilig sa mga telenovela.
Chapter 298
CHARLOTTE POV
Muli kong sinipat ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin. Nagreapply lang ako ng lipstick at muling lumabas ng banyo.
Katulad ng sinabi sa akin ni Lucas, hinintay niya talaga ang muli kong paglabas. Nakangiti itong nakatitig sa akin bago nagsalita.
"Ikaw na lang ang partner ko ngayung gabi. Boring ang party kapag walang masyadong nakakausap." nakangiti nitong wika sa akin. Natigilan naman ako. Seryoso ba ito?
"Why, dont tell me hindi mo kasama ang girl friend mo?" tanong ko. Muli kong narinig ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Yes...nasa showbiz ako pero wala akong girl friend....pero meron akong ka-love team." nakangiti nitong sagot.
"Hayy naku, pati ba naman ako lolokohin mo pa. Hindi ako maniniwala na wala kang kasama na babae ngayung gabi...by the way kasama ko pala sila Uncle at ang asawa niya. Maiiwan na muna kita." nakangiti kong paalam sa kanya. Akmang tatalikuran ko na ito ng maradaman ko ang paghawak nito sa kamay ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na magulat. Ganoon ba kapalagay ang loob niya sa akin upang basta niya na lang akong hawakan kung gusto niya?
"Sorry, pero gusto pa sana kitang makausap ng mas matagal pa eh...you know, gusto kitang maging kaibigan Charlotte." seryoso nitong wika kasabay ng pagbitaw nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig dito.
"Well, basta lang magpromise ka sa akin na walang babaeng sasabunot sa akin ha? Baka mamaya kasama mo ang girl friend mo at basta na lang akong aawayin." nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad naman itong umiling.
"Nope...nagsasabi ako ng totoo...wala akong girl firend kaya walang mang- aaway sa iyo." nakangiti nitong sagot.
"Okay, sama ka na lang sa table namin kung ganoon. Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko eh." nakangiti kong sagot. Kaagad naman itong tumango kaya sabay na kaming naglakad pabalik ng mesa kung saan ko iniwan sila Veronica at Uncle kasama na si Kuya Drake at kapatid kong si Christopher.
Nagulat pa ako ng pagbalik namin ng mesa naabutan kong kausap na nila Uncle si Peanut. Nang bumaling ang tingin nito sa aming dalawa ni Lucas, hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pagkunot ng noo nito. Hindi ko alam pero feeling ko tuloy hindi ako invited ngayun dahil sa klase ng pagkakatingin niya sa akin.
"Happy Birthday ulit Boss Peanut!" nakangiting bati ni Lucas sa kanya. Tango lang naman ang naging sagot ni Peanut dito kaya binati ko na din ito. Nagtaka pa ako dahil lumapit si Lucas kay Christpher at nakipag high five. Magkakilala ba sila?
"Happy Birthday Kuya! Thank you sa invitation!' wika ko din at naupo sa tabi ni Christopher. Hindi na din ako nag-abalang makipag shake hands sa kanya. Bahala siya....iiwasan ko ng makipagdaupang palad sa kanya. Baka hindi na naman ako makatulog eh. Iyung simpleng halik sa pisngi nga lang ilang gabi ding ininda ko iyun. Ilang gabi ding hindi ako pinatulog.
"Thank you nga pala sa pag-attend niyo sa party ko. Mahalaga sa akin ang presensya ng lahat. Lalo na ng mga closed friends ko!" kaswal naman na sagot ni Peanut. Nagtaka pa ako dahil naupo pa ito sa katapat kong upuan samatalang nakipagpalit naman ng upuan si Christpher kay Lucas pagkatapos nitong makipag-shake hands kina Uncle at Drake. Magkatabi tuloy kami ngayun.
"Pare, mukhang naparami ang bisita mo ah?" tanong naman ni Kuya Drake. Pilit na ngumiti si Peanut bago sumagot.
"Yahh..alam mo na. Hindi talaga maiwasan lalo na sa klase ng propesyon meron ako ngayun. Pero balak ko ng tapusin lahat ng contract ko at magreresigh na ako sa pagmomodeling." pilit ang ngiting sagot naman ni Peanut. Tahimik lang akong nakikinig hanggang sa napansin ko na nagpaalam na ito para istimahin ang iba niya pang bisita.
Kahit paano nag-enjoy naman ako sa party. Siguro dahi sa presensya ni Lucas. Game kasi ito kung makipag- usap. Masyado din itong ma-vocal na kahit sila Uncle Rafael at Veronica kinakausap nito.
"Ikaw na ba iyung nakilala namin sa yate before?" narinig ko pang tanong ni Veronica kay Lucas. Nakangiting tumango naman si Lucas.
"Opo...ako po iyun. Hindi nga din po ako naalala kanina ni Charlotte eh. Sabagay, matagal na din kasi iyun. Hindi pa ako artista noon. Nag-start pa lang din ako sa modeling career ko noong mga panahon na iyun at si boss Peanut ang mentor ko." nakangiti naman sagot ni Lucas.
"Ang galing nga eh...Nakaka-amaze ka. Hindi ko talaga akalain na may nakakakilala pala sa akin na sikat na artista." nakangiti ko namang sabat.
"It's my big pleasure din naman na makakadaupang palad kong muli ang isang Charlotte Villarama." May halong pagbibiro na sagot ni Lucas. Ang galing lang. Ang gaan niya talaga kausap kaya tiyak na magkakasundo kami.
Mabiils na lumipas ang mga oras. May short program na ginanap sa party ni Peanut pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin iyun. Abala kasi kami ni Lucas sa pag-uusap. Kung anu-ano na kasi ang mga kini-kwento ni Lucas sa akin. Feeling ko tuloy ang tagal na naming magkaibigan. Hinayaan lang naman kami nila Uncle, Veronica at Christopher.
Sabagay, masaya si Christopher dahil hindi natupad ang sinabi ko kanina na two hours lang kaming mag-stay.
Nakita ko na siya na kung sinu-sino ang mga kausap samatalang sila Uncle at Veronica naman nakihalubelo na din sa iba pang bisita. Si Kuya Drake naman nauna ng umuwi dahil hindi nya kasama si Jeann. Talagang sumaglit lang siya para hindi naman daw magtampo sa kanya si Peanut.
Kaming dalawa na lang ni Lucas ang nandito sa table at hindi ko maiwasan na matawa sa mga kwento nito. Kini- kwento kasi nito ang mga experiences niya noong baguhan pa siya sa showbiz. Pati mga indecent proposal sa kanya ng mga kilalang personality sa showbiz na-ikwento na din yata niya sa akin. Ganoon siya ka-vocal kaya naman halos hindi kami naghihhiwalay ngayun.
'Grabe...kung pinatulan mo pala ang mga propasal na iyun baka bilyonaryo ka na...or baka higit pa." nakangiti kong sagot sa kanya. Napansin ko ang pandidiri sa mukha nito kaya naman muli akong natawa.
"Sorry na lang sila...kaya kong kumita ng pera sa sarili kong sikap...and besides hindi naman ako naghihikahos. Nasa US ang mga magulang ko at kapag hindi nag-click ang career ko dito sa Pinas susunod ako sa kanila kaya hindi ko na kailangan pang magpakalunod sa kasalanan." sagot nito.
Hindi na ako nakasagot dahil biglang umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na music. May banda na tumutogtog at mukhang mag-uumpisa na ang sayawan. Naglakad na din paputan sa gawi ko sila Uncle at Veronica kaya naman nakangiti akong tumayo.
"Mauna na kaming uuwi sa inyo. Mag- ingat kayong dalawa ni Christopher." wika ni Uncle sa akin sabay sulyap kay Lucas
"Opo Uncle....uuwi na din siguro kami maya-maya. Hahanapin ko lang si Christopher." Wika ko sabay inilibot ang paningin ko sa paligid.
Imbes na si Christopher ang makita ko sumalubong sa paningin ko ang galit na titig ni Peanut sa gawi namin. Hawak kamay nito ang babaeng kung hindi ako nagkamali, si Maureen Alvarado. Ang napapabalitang girl friend niya.
"Okay...nakapag-paalam na din naman kami kay Peanut....Again, mag-ingat pag uwi. Huwag mong hayaan si Christopher magdrive kung may tama na siya ng alak." muling wika ni Uncle. Nakipagbeso muna si Veronica sa akin bago sila tuluyang tumalikod.
"Lets go! Lets join them. Sayaw tayo Charlotte." narinig kong wika ni Lucas ng kaming dalawa na lang ang naiwan.
"Hindi ba nakakahiya? I mean, hindi ako marunong sumayaw eh."
napapangiwi kong sagot. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi talaga ako marunong sumayaw dahil hindi ako mahilig sa disco.
"Dont worry, ako ang bahala sa iyo. Magaling akong teacher." sagot nito at akmang hahawakan na ako nito sa kamay ng marinig ko ang boses ni Peanut sa tagiliran namin.,
"Pwede bang ipaubaya mo muna siya sa akin Lucas. Sa lahat ng mga bisita ko, si Charlotte lang ang hindi ko pa masyadong nakakahalubilo ng medyo matagal." bakas ang sobrang pagka- seryoso sa boses ni Peanut habang sinasabi ang katagang iyun. Muli ko tuloy naramdaman ang biglang pagkabog ng dibdib ko.
Tiningnan muna ako Lucas bago dahan -dahan na tumango.
"Sure..why not! " nakangiti nitong sagot. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Peanut sa aking kamay at pilit akong hinihila patungo sa bulwagan. Pinalitan na ang maharot na music ng malamyos na music kaya naman magkayakap na ang ilang mga bisita habang nagsasayaw. Hindi ko maiwasan na mapalunok sa isiping gagawin din namin ni Peanut iyun.
Chapter 299
CHARLOTTE POV
Kaagad naman nagbigay daan si Lucas sa pakiusap ni Peanut. Tumango pa ito at nagpaalam sa akin na magbabanyo na lang daw muna siya. Hindi ko alam pero nase-sense ko na ilag si Lucas kay Peanut or baka iginagalang niya lang dahil nabanggit niya kanina na si Peanut ang kanyang mentor.
Ganunpaman hindi ko na lang pinansin ang tungkol sa bagay na yun
Kaswal kong hinarap sa Peanut para tanggihan ang pagyayaya nito na magsayaw kami. Ayaw ko at kahit na ano pang mangyari ayaw ko talaga.. Kung karate or taekwondo pa iyan baka patulan ko pa kaagad.
"Sorry, pero kinalulungkot ko...hindi kita mapagbigyan sa nais mo." sagot ko kay Peanut at pasimpleng hinila ang kamay ko na hawak-hawak pa rin nito.
Wala yata siyang balak ang bitawan ang kamay ko kaya ako na ang kusang humila. Naiilang na din ako dahil nakatingin sa gawi namin ang iba pa niyang mga bisita. Sa hindi kalayuan kita ko din ang girlfriend niyang nakamasid sa amin. Baka mapag- initan pa ako ng wala sa oras.
Well, oo celebrant siya at gusto niya akong isayaw. Pero wala naman sigurong pilitan diba? Hindi ko kayang may hahawak sa baiwang ko sa gitna ng bulwagan habang may mga taong nanonood sa amin. Nakakahiya iyun.
Isa pa nandyan naman ang fiance niya. Pwede silang magsayaw hangat gusto nila. Bakit pa kailangan niya akong yayain?
"Why? I mean, ang pagsasayaw kapag may party normal lang diba? Bakit ayaw mo?" seryosong tanong naman nito. Mukhang wala siyang balak na sumuko. Gusto talaga akong maisayaw. Bakit kaya? Sa dami ng mga bisita niya ako pa talaga ang gusto niyang pagtripan? Hayyy ewan! Nasaan na ba itong si Christopher? Bakit hindi ko siya mahagilap.
"Hindi ako sanay. Isa pa hindi din ako marunong. Pasensya na talaga." sagot ko.
"I am a good teacher...pwede kitang turuan." insist nito. Pilit ang ngiting umiling ako.
"Thank you na lang talaga, pero hindi po talaga pwede eh. Marami naman diyan na willing silang isayaw mo. Sorry talaga." sagot ko sabay iwas ng tingin dito. Pasimple kong hinagilap ng tingin ang kinaroroonan ni Christopher. Nasaan na kaya iyun? Yayayain ko na sana siyang umuwi eh.
"Well, kung ayaw mo ayos lang.... sasamahan na lang kita dito sa table."
narinig ko pang wika nito. Hindi na ako umimik pa. Hindi ko alam kung may tama na ba ng alak itong si Peanut. Ngayun ko lang din kasi napansin na may itinatago din pala itong kakulitan.
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ni Peanut. Wala akong balak na kausapin ito. Ipinagdarasal ko na nga na sana umalis na siya. Hindi na tuloy ako binalikan ni Lucas.
"Paano kayong nagkakakilala ni Lucas? I mean, napansin ko kasi na parang closed kayong dalawa." maya-maya wika nito. Napasulyap ako dito at kita kong kung gaano siya ka-seryoso sa tanong niyang iyun.
"Una ko siyang nakilala noong birthday mo ilang taon ng nakalipas. Tapos nagkita kami ulit ngayun, nagkumustahan..... Masaya siyang kausap kaya naman nag-enjoy ako." honest kong sagot sa kanya. Kita ko ang pagbago ng templa ng mukha nito. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng paningin ko pero biglang nanlisik ang mga mata nito. Hindi ko naman malaman kung ano ang dahilan.
"Do you like him?" seryosong tanong nito. Pakiramdam ko gusto kong kilabutan sa ginamit niyang tono ng boses. Ngayun ko lang kasi narinig iyun. Parang hindi si Peanut ang kaharap ko. Bakit parang galit siya?
"Of course...i like him! Hindi ako magtatagal sa company niya ngayung gabi kung hindi ko siya gusto. Ang gaan --" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng padabog itong tumayo. Hindi ko maiwasan na magtaka. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao nito. Palatandaan lang na nagtitimpi ito sa galit.
"Are you okay? Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?" tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot bagkos mabilis ako nitong tinalikuran.
Nasundan ko na lang siya ng tingin.
"Ano kaya ang problema ng taong iyun? Weird! Bakit ang bilis nagbago ng mood niya? Nag-away ba sila ng fiance niya?" hindi ko maiwasang bulong habang muling inililibot ang tingin sa paligid. Tumayo na din ako dahil balak kong mag-ikot-ikot. Kailangan ko na talagang mahanap si Christopher dahil lumalalim na ang gabi. Wala ng dahilan pa para manatili ako sa party na ito.
Sa kakahanap ko kay Christopher hindi ko na namalayan pa na nakarating na pala ako sa may pool. Ayos lang naman iyun dahil marami pa rin namang mga bisita sa hindi kalayuan. Sinipat ko ng tingin ang paligid pero kahit anino ni Christopher hindi ko talaga makita.
Ilang sandali din akong nanatili sa pagkakatayo sa gilid ng pool ng marinig ko na may nagsaita mula sa likuran ko.
"Are you Charlotte Villarama?" tanong ng boses babae sa akin. Kunot noo akong napalingon at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang fiance ni Peanut. Si Maureen Alvarado.
"Yes?" nagtataka kong sagot. Wala akong maisip na dahilan para lapitan niya ako.
"Wala naman...kanina pa kita gustong makausap...you know...gusto kong magtanong sa iyo kung may something ba na namamagitan sa inyong dalawa ng finace kong si Peanut.." tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
"What? What are you talking about? I mean...anong something?" nagtataka kong tanong.
"Huwag ka ng magmaang-maangan pa...babae din ako at sa mga kilos mo pa lang alam kong may gusto ka na sa kanya." sagot nito. Lalo naman akong nagulat.
Hindi ko akalain na may itinatago palang ka-praningan ang girl friend ng Peanut na iyun. Hindi ko akalain na pagbibintangan niya ako sa isang bagay na hindi naman nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-init ang ulo ko. First time ko kasing ma-bastos ng ganito.
"Miss...Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin pero ito lang ang masasabi ko...hindi ko type ang boyfriend mo. Nandito ako dahil best friend siya ng Uncle ko." inis kong sagot sa kanya. Kaagad itong napangisi. Mukhang hindi ito satisfied sa sinabi ko ngayun. Pigil ko naman ang sarili ko na bigyan ito ng flying kick para matauhan.
"Ohh really? Iba yata ang sinasabi ng mga mata mo kumpara sa bibig mo. Hindi ko akalain na ang isa sa mga apo ng Villarama clan ay may itinatago din palang kalandian." nakangisi nitong wika. Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko sa sinabi nito. Walang sino man ang nangahas na pagsabihan ako ng ganoon kabastos na salita. Hindi ako malandi at lalong wala akong nilandi.
"Shut up! Hindi ko akalain na mas mabaho pa pala sa imburnal ang kayang ilabas ng bibig mo Miss. hindi ko din alam na kaya mo palang magselos ng walang basehan...huwag mong ubusin ang pasensya ko, hindi mo ako kilala." halos pabulong kong wika ko sa kanya. Talagang ipinakita ko sa kanya na galit ako. Muli itong napangisi bago sumagot.
"Really, I know mabango ang pangalan ng pamilya mo sa lipunan...pero sa gagawin ko ngayun tingnan ko lang kung hindi ka mapag-usapan ng buong bansa...." nakangisi nitong wika bago sumulyap sa pool. Hindi ko naman nakuha ang ibig nitong sabihin pero nagulat ako ng bigla na lang itong tumalon...Medyo malayo kami sa lahat kaya alam kong walang sino man ang nakakita sa ginawa ng baliw na si Maureen maliban sa akin.
"Help! Help!" malakas na sigaw nito. Tulala naman akong napatitig dito. Akmang tatalunin ko na ito para tulungan ng mapansin ko ang pagdating ni Peanut. Diretso itong tumalon sa pool para sagipin ang baliw niyang nobya.
Chapter 300
CHARLOTTE POV
Tahimik kong pinagmamsdan habang iniaahon ni Peanut si Maureen mula sa pool. Todo iyak ang babae na parang nagpapaawa kay Peanut. Hindi ko maiwasan na maiyukom ang aking kamao.
Ako pa talaga ang pag-iinartehan niya? Ano ang palagay niya sa akin ganoon lang kadaling i-bully?
"Ohh my Gosh! Anong nangyari." narinig ko pang tanong ng kung sino.
Nang ilibot ko ang tingin sa buong paligid napansin ko na ang umpukan ng ilang bisita. Lahat nakikiusyuso kung bakit nasa pool si Maureen. May nakita din akong ilang media personel na tahimik na kumukuha ng footage.
Napapailing akong akmang tatalikod na ng marinig ko ang sinabi ni Maureen "Itinulak niya ako...Itinulak ako ni Charlotte Villarama!" malakas na wika nito kasabay ng malakas ng pag-iyak. Pakiramdam ko bigla akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Malakas na bulungan ang umalingawngaw sa buong paligid. Nilingon ko si Maureen na noon mahigpit pa rin na nakakapit kay Peanut.
"Anong pinagsasabi mo? Bakit naman kita itutulak!" pasenghal kong sagot sa kanya. Lalong nagdrama si Maureen. Umiyak ito lalo na parang aping api.
Piste....artista nga talaga ang bruha. Iyun pala ang purpose niya kaya tumalon siya sa pool. Gusto niyang magmukha akong masama sa mga mata ng ibang tao. Gusto niyang palabasin na itinulak ko siya sa pool para magmukha akong kontrabida sa lahat.
Napansin ko pa ang nagtatanong na mga tingin ni Peanut sa akin. Muli
akong umiling.
"Hindi ko siya itinulak. Hindi ka naman siguro ganoon ka-tanga para maniwala diba? Mag imbestiga ka bago ka maniwala sa babaeng iyan!" malakas ang boses na wika ko.
Bulungan ang narinig ko sa buong paligid. Ibat ibang reactions. May pabor at hindi pabor sa akin. Napahalukipkip ako.
"What have you done?" tanong ni Peanut sa akin. Bakas sa boses nito na nagtitimpi ito sa galit. Muli akong napabuntong hininga.
"Hindi tayo closed pero alam mo kung paano ako pinalaki ng mga magulang ko. Hindi ko kilala ang babaeng iyan at walang dahilan para itulak ko siya sa pool. Lumuwang yata ang turnilyo ng utak nya at kusa siyang tumalon." inis kong wika kay Peanut. Huwag na huwag niyang ipakita sa akin na kinakampihan niya ang baliw nyang girl friend dahil hindi ako basta-basta nagpapaapi kung kani-kanino lang..
"Tingnan mo, ayaw niya talagang aminin. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin sa akin ito.. nilapitan ko lang naman siya dahil natuwa ako sa kanya...pero hindi ko akalain na itutulak niya pala ako sa pool." humahagulhol ng wika ni Maureen. Pigil ko naman ang sarili ko na sugurin ito at bigyang ng mag- asawang sampal.
Talagang inuubos ng babae ng ito ang pasensya ko. Sige lang...sisiguraduhin ko na hindi matatapos ang gabing ito na hindi lalabas ang katotohanan.
"Ayyy ang sama pala ng ugali. Akala ko ba mababait ang mga Villarama. Bakit mukhang kulang yata sa disiplina ang apo nila." narinig ko pang bulong ng kung sino. Hindi ko na lang iyun pinansin pa. Wala akong ginawang masama para magpaliwanag.
"Charlotte please...kung may problema ka pwede mong direktang sabihin sa akin. Hindi mo na kailangan pang manakit." wika ulit ni Peanut. Napahalukipkip ako at seryoso itong tinitigan.
Isa pa ito...mukhang paniwalang paniwala ang gago sa pinagsasabi ng girl friend nya. Naku, tigilan niya ako!
"How dare you! Sa palagay mo ba magagawa ko ang ibinibintang ng babaeng iyan? Well, siguro naman may CCTV diba? Dont tell me na wala!" inis kong sagot sabay titig ng masama kay Maureen. Kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha nito. Para itong kinabahan na hindi ko mawari. Lihim akong napangiti.
"No need! I understand! Siguro nakulitan lang kanina sa akin si Ms.
Villarama kaya nya ako naitulak. No big deal at all!" sagot naman ito.
"No I insist! Review your CCTV. I am willing to stay hangat hindi mo nasusunod ang request ko." inis ko namang sagot. Tumitig muna sa akin si Peanut bago binalingan si Maureen.
"Tell me the truth, tinulak ka ba talaga niya? Kilala mo ako Maureen, sa lahat ng ayaw ko ay iyung niluluko ako!" Seryosong wika ni Peanut. Tahimik lang akong nanonood sa kanilang dalawa. Napansin ko pa ang pag-iling ni Maureen kaya naman kaagad na naningkit ang mga mata ko dahil sa inis.
Kaunting-kaunti na lang talaga at makakatikim na talaga ng flying kick sa akin ang babaeng ito. Hindi ko alam kung ano ang purpose niya at bakit kailangan niyang magsinungaling. Unang-una hindi kami magkakilala para pagtripan ng ganito.
Well, sorry na lang siya. Kinanti niya ako at hindi ko palalagpasin ang gabing ito na hindi nya mapagbabayaran iyun.
"What happened here?" Hindi na ako nagtaka pa ng biglang sumulpot ang kanina ko pa hinahanap. Si Christopher at hindi ko alam kung saan galing ang lokong ito. Mukhang galing sa mahabang pagtakbo dahil pawis na pawis ito.
"Bakit ngayun ka lang? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" galit kong tanong dito. Nagulat naman ito bago dumako ang tingin kay Maureen na noon ay yukong yuko.
"What happened?" tanong nito sa akin. Umiling ako bago ito sinagot.
"Tanungin mo sila....pagsabihan mo ang Peanut na iyan na huwag siyang mambintang!' inis kong sagot. Kaagad na napakunot ang noo ni Christopher at hinarap na nito si Peanut.
"Kuya, anong nangyari? Bakit galit si Charlotte." tanong nito. Umiling si Peanut bago sumagot
"Misunderstanding! But dont worry, aayusin ko ito." sagot nito.
"Well, ayusin mo na! Hindi ako uuwi hangat hindi ito maayos or kailangan ko na bang tawagan ang lawyer namin? Maraming media sa buong paligid at hindi ko maatim na pagising ko bukas ng umaga sirang sira na ang pangalan ko.
Ang apelyedo ko!" galit kong sagot. Muling natameme si Peanut. Napabuntong hininga pa ito bago dahan -dahan na kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan.
"Okay, dont worry, aayusin natin ito. Kung wala kang nagawang kasalanan, wala kang dapat na ipangamba Charlotta!" mahinahon nitong sagot.
Tinaasan ko lang ito ng kilay sabay humalikipkip.
"May dapat akong ipangamba dahil hindi ko matatangap na pagbintangan ako sa isang kasalanan na hindi ko ginawa." galit kong sagot dito. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin sa akin ng mga taong nasa paligid. Ang gusto ko lang ay mailabas ang inis na nararamdaman ko sa kanya.
Humanda siya...kapag lumabas ang CCTV footage, sisiguraduhin ko na pagsisihan ng Maureen na ito ang ginawa niyang pagkanti sa akin. Makikita talaga niya!
"Peanut...Darling, No need. Birthday party mo ngayun and supposed to be dapat mag-enjoy tayong lahat. Really, I am okay. HIndi naman ako nasaktan eh.
"katwiran naman ni Maureen. Halata sa boses nito na kinakabahan ito. Napaismid ako.
"No! Kalma ka lang diyan! Kukunin ko lang ibedensya na kailangan ko bago kita ihabla!" galit kong sagot sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumutla nito kaya lihim akong napangiti.
Sisiguraduhin ko na luluhod ngayung gabi ang babaeng ito. Gusto niyang subukan kong gaano ako ka-m*****a, pwes pagbibigyan ko siya.
Chapter 301
CHARLOTTE POV
Sinipat ko ang suot kong relo. Mag aalas dose na ng hating - gabi at kung hindi lang ako nabiktima sa pag- iinarte nitong si Maureen, nakauwi na sana kami.
Piste kasi talaga ang Maureen na ito. Kung hindi ba naman isa at kalahating kinain ng katangahan ang utak. Akala niya siguro basta-basta niya na lang akong mabubully? Well, malas niya dahil wala sa ugali ko ang basta-basta na lang na nagpapatalo.
Hindi ako ipinanganak ng mga magulang ko na maging mahina. Nag- aral ako ng martial arts para madispensahan ko ang sarili ko kaya naman hindi ko mapapalagpas ang ginawang ito ni Maureen sa akin. Magbabayad siya!
"No need na! Hindi na kailangan. Lets enjoy na lang! Magbibihis lang ako at tuloy ang party!" malambing na wika Maureen. Napataas ang kilay ko. Talagang takot ang bruha na malaman ng lahat ang katotohanan.
Binigyan lang ito ng balabal para hindi masyadong lamigin dahil hindi ako pumayag na umalis siya sa eksena na ito para makapag-bihis. Ginusto niyang tumalon sa pool kaya magdusa siya. Buti na lang at kahit papaano nakinig si Peanut sa gusto ko.
May tinawagan na din ito kanina para i -check ang CCTV. Alam nya siguro na hindi ko siya titigilan. Isa pa, hindi ako nangingimi na isumbong siya kay Uncle Rafael kapag hindi niya masunod ang gusto ko.
Aba, kung walang CCTV, ako talaga ang talo sa laban na ito. Lalabas akong kahiya-hiya at tiyak na lagot ako nito kila Mama at Papa. Umattend lang ako ng party tapos, may maiuuwi pa akong iskandalo? Hindi ako makakapayag na mangyari iyun. Ayaw kong ako ang maging dahilan para madungisan ang pangalan ng pamiya namin.
"Ngayun pa lang, humihingi na ako ng despensa sa mga nangyari. Kaunting minuto na lang at makukuha na natin ang hinihintay natin." narinig kong wika ni Peanut. Hindi ko ito sinagot bagkos masama ko itong tinitigan.
"Alam kong ayaw mong maghintay ng ganito katagal. Pasensya na sa abala." muling wika nito.
"Ikaw na din ang nagsabi na naabala ako diba? Hindi ako basta-basta tumatangap ng pasensya lang Peanut. Hihintayin ko lang ang kuha ng CCTV at uuwi na din kaagad ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, pinanindigan ko na sana ang hindi pag-attend sa party mo." prangka kong sagot.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero kita ko ang lungkot na gumuhit sa mga mata nito dahil sa sinabi kong iyun.
Narinig ko pa ang pagsinghap ng ibang mga bisita na nakapaligid sa amin. Siguro napatunayan na nila kung anong klaseng ugali meron ako. Bahala na sila, ito ang totoong ako at hindi ako magbabait-baitan ngayung para lang ipakita sa kanila na mabait akong tao.
Alam kong hinusgahan na ako ng karamihan kanina. Ang galing kasi talagang umakting ng Maureen na ito eh. Sabagay, sikat na artista siya at hindi siya magtatagal sa industriya kung hindi siya magaling mag-drama.
Pero sorry nalang sya. Huwag niya akong itulad kay Cinderella na nagpapaapi. Hindi ako ganoon. Alam ko kung ano ang mga karapatan ko at hindi ako papayag na aapi-apihin lang ako ng kahit na sino.
"Kuya, hindi magagawa ni Charlotte ang ibinibentang ng girl friend mo. Come on, parang hindi niyo naman kilala ang pamilya namin. Hindi siya pinalaking spoiled ng pamilya namin para basta na lang manulak ng kung sino." narinig ko pang wika ni Christopher. Napansin ko na din ang pagkainis sa mukha nito. Kilala ko ang kapatid kong ito, ayaw nitong naghihintay dahil lang sa walang kwentang bagay.
"I know, pero kailangan natin ng proof na hindi niya talaga ginawa iyun. Para naman malinis din ang pangalan niya sa mga bintang na ibinabato sa kanya." sagot naman ni Peanut.
"I have a proof na hindi tinulak ni
Charlotte si Maureen." nagulat pa ako ng biglang dumating si Lucas. Hindi ko alam kung saan ito galing pero kaagad akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niyang iyun.
"Sorry, Pero may hawak akong video na nagpapatunay kung ano ba talaga ang nangyari kanina" muling wika ni Lucas.
Kita ko kung paano natigilan si Maureen. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa aking narinig. Mukhang hindi ko na kailangan pa ang video mula sa cctv. Mukhang kay Lucas pa lang, mabibigyan ko na ng leksyon ang Maureen na iyan.
"Really... That's good!" nakangiti kong sagot. Kaagad naman na iniabot ni Lucas ang kanyang hawak na cellphone kay Peanut. Hindi ko maiwasang mapangisi habang masamang tinitigan si Maureen na noon ay halos magkulay papel na ang hitsura dahil sa takot.
"Boss Peanut...nakita ng dalawa kong mga mata ang buong pangyayari. Nakita ko kung paano lapitan ni Maureen si Charlotte kanina. Hindi siya itinulak at kusa siyang tumalon sa pool." nakangiting paliwanag ni Lucas habang titig na titig naman si Peanut sa hawak niyang cellphone. Hindi ko naman maiwasan na mapa-ismid.
Kita ko ang pagtiim bagang nito at masamang tinitigan si Maureen. Kuyom ang kamaong nilapitan niya pa ito bago nagsalita.
"Ano na naman ba ito Maureen? Sa birthday ko pa talaga? Ano ba ang pumasok sa kukote mo at bakit kailangan mong gawin ito?" galit na wika ni Peanut. Mataas ang tono ng boses nito kaya kaagad na napaiyak si Maureen.
"Peanut, please...sorry...sorry! Hindi ko sinasadya. Nagulat din ako kanina... Sorry!" wika nito at akmang hahawak pa ito kay Peanut pero kaagad nitong tinabig ang kamay ni Maureen. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Grabe, sabi ko naman sa iyo, may itinatago talagang ugali ang Maureen na iyan eh. Primadona pa at talagang gumawa pa siya ng iskandalo sa pary ng kanyang fiancee. Good luck na lang sa kanya." narinig kong wika ng isa sa mga bisita.
Sabagay, ibat ibang komento ang naririnig ko sa buong paligid. Mga komento na pabor sa akin at pangungutya para kay Maureen.
"Hinding hindi ko mapapalagpas ang ginawa mong ito Maureen. Hindi mo ba alam na isa si Charlotte sa mga special guest ko? Bakit ginawa mo ito sa kanya? "narinig ko pang wika ng galit na boses ni Peanut.
Hindi naman ako makapaniwalang marinig sa mismong bibig nito na isa ako sa itinuring niyang special guest ngayun gabi. Bakit?
"Sorry, ready akong humingi ng dispensa sa kanya. Patawarin mo lang ako." Umiiyak naman na wika ni Maureen. Umiiyak itong naglakad palapit sa akin at akmang hahawakan ako sa kamay pero kaagad akong umiwas.
"Charlotte, aminado akong nagkasala ako sa iyo. Patawad!" umiiyak na wika nito. Hindi ko maiwasang mapangisi. Ramdam ko na hindi sincere ang paghingi niya ng dispensa kaya naman wala akong balak na patulan ang sinasabi niya ngayun.
"Really? Pero hindi ako ganoon kadali magpatawad Maureen. Ang laking oras ang nasayang sa akin dahil sa kagagahan mo kaya gusto kong pagbayaran mo iyun." seryoso kong sagot sabay hakbang papuntang gilid ng pool. Kaagad naman itong napasunod sa akin.
"Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Hindi ko talaga sinasadya ang lahat. Aminado ako na nagkamali ako kaya please lang kalimutan na natin ang mga nangyari..." nagpapakumababa nitong sagot. Tinaasan ko ito ng kilay sabay sulyap sa mga taong nanonood sa amin.
"Kung ganoon ready ka bang tanggapin kung ano ang gusto kong ibigay na parusa sa iyo ngayung gabi?" tanong ko. Walang pag-aalinlangan naman na tumango ito. Napangiti ako.
"Kung ganoon gusto kong totohanin ang bintang mo sa akin kanina na itinulak kita." wika ko at mabilis kong iniunat ang aking dalawang kamay at buong pwersa itong itinulak pabalik ng pool.
Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid mula kay Maureen.
Nagulat naman ang lahat ng nakasaksi sa aking ginawa.
Chapter 302
CHARLOTTE POV
"Ooops! Sorry! Hindi ko sinasadya!" plastic kong bulalas habang nakatingin kay Maureen.
Parang gusto kong matawa habang pinagmamasdan si Maureen na nasa pool. Hindi marahil nito akalain na magagawa ko siyang itulak kanina. Ang akala niya siguro ganoon lang kadali sa akin ang patawarin siya sa ginawa niyang abala sa akin ngayung gabi.
Well, sorry na lang siya. Nagkakamali siya ng taong kinalaban. Nasa mood akong patulan ang kagagahan niya ngayung gabi.
Gusto niya ng gulo? Pwes buong puso kong ibibigay sa kanya iyun. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako napaaway at mukhang exciting din pala sa pakiramdam.
Pinagbigyan ko lang naman siya sa gusto niyang mangyari. Ang hindi ko lang maintindihan sa bruha na ito, sa dinami-dami ng mga tao na nandito sa party na ito, ako pa talaga ang kinanti nya.
Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Samut saring reaction ang nakikita ko sa mukha ng mga nakiki-usyuso.
"Oh my God! Si Maureen!" dinig kong sambit ng isa sa mga bisita. Marahil nagulat din sa bilis ng pangyayari.
"Hmmp buti nga sa kanya! Hindi naman pala siya itinulak kanina ni Ms. Charlotte eh!" narinig ko pang wika ng isa pa.
"Charlotte, come on..ayos na! Solve na ang problema! Bakit kailangan mo pang gawin ito?" wika naman ni Peanut sa akin. Bakas sa boses nito ang matinding pagka-dismaya dahil sa ginawa ko.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at muli kong ibinaling ang tingin kay Maureen na parang basang sisiw na nasa pool pa rin. Hinihintay marahil na i-rescue siya ulit ni Peanut. Pinaghalong pagkagulat at galit ang nakalarawan sa mukha nito habang nakatitig sa akin.
"Ngayun, hindi mo na kailangan pang gumawa ng kwento na itinulak kita. Ginawa ko na ang wish mo. Ano ngayun ang susunod mong gagawin? Mag-papaawa ka na naman? Feeling mo inapi kita?" Nang-iinis kong wika dito. Talagang nilakasan ko ang boses ko para marinig ng lahat.
"Nag-sorry na ako sa iyo kanina! Bakit ba kailangan mo pang palakihin ang issue na ito?" galit naman na sagot nito sa akin.
"oohhh nag-sorry ka ba? sorry ha? Wala akong naramdaman na sensiridad! Ang besides, gusto mo pala pool party bakit hindi mo ito sinabi sa boyfriend mo? Eh di sana na-inform lahat ng guest na magdala ng swimsuit para makijoin sa iyo!" nakangisi kong sagot.
"Charlotte, please tama na! Masydo mo ng pinalaki ang issue. Tapos na dapat ito kung hindi mo iyun ginawa." awat naman ni Peanut. Seryoso ko itong tinitigan
"Sorry sa nangyari...Aware ako na isa ako sa mga dahilan kung bakit nasira ang party mo. Kung gusto mong hindi na maulit pa ang nangyari ngayun, turuan mo ng leksyon ang girl friend mo. Hindi biro ang ginawa niya sa akin kanina. Gusto niya akong ipahiya sa lahat ng bisita mo!" sagot ko.
Iiling-iling naman na pinagmasdan ako nito. Sa klase ng tingin nito ngayun, ako pa yata ang lumabas na masama.
"Hindi ko akalain na magagawa mo ito. Pinilit kong ayusin ang problemang ito tapos gusto mo pang dagdagan!' wika nito sa akin.
"Ginawa ko lang kung ano ang alam kong tama. Hindi ako santa para hindi marunong pumatol sa mga taong nagmamaldita sa akin. Hindi ko kilala ang babaeng iyan at lalong wala akong ginawang masama sa kanya para pag- initan niya. Ngayun, kung gusto niya. akong ihabla dahil sa ginawa kong paganti sa kanya hindi ako natatakot!" pranka kong wika dito. Hindi naman ito nakaimik kaya naman itinuloy ko na ang gusto ko pang sabihin sa kanya.
"Isa pa, ano ba ang ipinuputok ng butse niya? Gusto ko lang naman i- fulfilled ang pangarap nya na itinulak ko siya sa pool. May mali ba sa ginawa ko?" tanong ko. Matiim ako nitong tinitigan bago mabilis na nilusong si Maureen sa pool.
Kita ko kung paano yumakap si Maureen dito. Umiyak pa ito sa dibdib ni Peanut na parang aping api. Nakita ko pa kung paano ito buhatin ni Peanut paalis ng pool.
Pakiramdam ko may libo-libong karayom ang biglang ibinaon sa puso ko dahi sa nasaksihan. Masakit sa mga mata ko ang nakikita ko ngyaun at parang gusto kong maiyak.
"Peanut, tingnan mo, ang sama ng ugali niya. Naghingi na nga ako ng sorry, pero itinulak niya pa rin ako!" narinig kong sumbong ni maureen. As usual umiiyak pa rin ito. Nagpapaawa.
"Lets talk about this issue later. Sa ngayun kailangan mo ng makapagpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa!"
sagot naman ni Peanut habang buhat- buhat si Maureen naglakad ito papasok ng bahay. Kuyom ang kamao na nasundan ko na lang sila ng tingin.
Hindi ko akalain na masasaktan ako sa mga nasaksihan ko ngayun lang.
Well, ano pa nga ba ang dapat kong ang i-expect ko? Nobya ni Peanut ang babaeng iyun at kahit na nagkamali ang Maureen na iyun kakampi at kakampihan niya pa rin.
Mananatiling kontra bida ako sa paningin niya at sino ba naman ako para kampihan niya? Pamangkin lang naman ako ng best friend niya at kaya lang naman siguro niya ako ininvite dahil inihatid niya ako noon sa bahay. Walang ibig sabihin iyun kaya hindi ako dapat umasa. Hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko ngayun.
Siguro, mula ngayun mag-iiba na ang tingin niya sa akin. First time niya akong nakitang nagmaldita at alam kong iiwas na siya sa akin.
Masama pa rin ang loob ko na binalingan si Christopher para yayain ng umuwi. Dapat talaga pinanindigan ko na ang hindi pagpunta sa party na ito eh. Wala talagang magandang maidulot sa akin ang pagdalo-dalo ng mga ganitong klaseng pagtitipon.
"Lets go home! Masyadong late na. Baka hinihintay na tayo sa bahay." wika ko bago ko binalingan si Lucas para magpasalamat.
"Pasenya ka na sa mga nangyari at maraming salamat sa tulong mo!" pilit ang ngiting wika ko dito. Kaagad naman itong tumango.
"No problema Chalortte! Nagkataon lang na na-vedieohan ko ang mga pangyayari sa pagitan niyong dalawa kaya naman lumapit ako." nakangiti nitong sagot sa akin. Tumango naman ako at akmang tatalikuran na siya ng muli itong nagsalita.
"Sana, hindi ito ang huli nating pagkikita!" wika nito. Binalingan ko ito at pilit na nginitian.
"Of course...maliit lang ang mundo at alam kong muling magku-krus ang landas nating dalawa." sagot ko naman sa kanya bago ako humawak sa braso ng kapatid ko at sabay na kaming naglakad paalis.
Matiwasay naman kaming nakaalis ng bahay ni Peanut. Aminado ako na masama ang loob ko dahil sa mga nangyari. Imbes na mag-enjoy ako sa party, konsumisyon pa yata ang napala ko.
Chapter 303
CHARLOTTE POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kung ano man ang nangyari noong birthday party ni Peanut hindi na lumabas ang mga iyun sa media. Mabuti na din kung ganoon. Ayaw ko din naman makaladkad ang pangalan ko sa issue. Ayaw ko din naman pag- usapan ng ibang tao.
Sa wakas, pinayagan na din ako ni Papa Christian na magkaroon ng sariling kotse. Masaya ako dahil ito ang matagal ko ng pinapangarap. Makakaalis na ako ng bahay na hindi na kailangan pang tawagan palagi ang family driver namin. Nag-promise naman ako sa mga magulang ko na iiwasan ko nang pagiging kaskasera.
"Charlotte, may lakad ka ba after class? " tahimik akong nakaupo dito sa loob ng classroom ng bigla akong i- approach ng isa sa mga classmates ko.
Si Jecille. Isa sa itinuturing kong kaibigan. Actually, marami akong naging kaibigan sa School na ito. Iyun nga lang hindi ako nakakasama sa mga gimmick nila. Ayaw ko dahil wala akong hilig.
"Why?" tanong ko. Matamis itong ngumiti sa akin bago sumagot.
"Malapit na matatapos ang semister. Yayayain ka sana namin mag-bar. Sayang naman kasi. Next sem na naman tayo magkikita-kita tapos hindi ka man lang nakakasama sa amin tuwing night out namin." nakangiti nitong wika. Tinitigan ko muna ito bago sinagot
"Sinu-sino ba ang mga makakasama natin?" tanong ko.
"Sila Marco, Jasper, Hairo at Abril lang naman. Tayong anim lang naman. Ayaw ko din ng maramihan tayo, masyado ng magulo iyun." nakangiti nitong sagot. Hindi ako nakasagot
Kilala ko ang mga pangalan na binigkas niya. Kagaya ko, ang ilan sa kanila ay magdo-doctorate din. Masasabi kong mga kaibigan ko sila dahil maraming beses na kaming nagsasabay kumain sa restaurant kapag lunch time.
"Ano, sama ka? Sige na please? Kapag tumanggi ka tuluyan na talaga kaming magtatampo sa iyo." nakangiti nitong muling wika. Wala na akong choice kundi dahan-dahan na tumango.
"Sure, pero kung papayagan ako ni Mama. Alam mo naman, medyo strict ang parents ko kaya sa bawat kilos ko dapat kong ipaalam sa kanila."
nakangiti ko namang wika sa kanya. Kita ko ang biglang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito bago tumango.
"Sure naman! Kahit ako hindi pa nakapag-paalam kay Mommy eh. Pero sure naman na papayag iyun. Malaki ang tiwala ni Mommy sa mga makakasama natin kaya walang dapat na ipag-alala ang mga magulang mo. Naku! Naku, excited na ako!" nakangiti nitong sagot at kaagad na umayos ng upo dahil dumating na ang professor namin. Hindi ko naman maiwasan na mapailing.
Sabagay, walang masama kung pagbigyan ko sila. Nakakahiya naman kung aayaw ako. Baka sabihin nila masyado na akong killjoy.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Nag- message na ako kay Mama tungkol sa plano naming magkakaibigan after class at kaagad naman itong pumayag. As usual sinabihan ako nito na huwag masyadong magpagabi. Kaagad naman akong sumang-ayon.
Since, halos lahat sa amin ay may kanya-kanyang sasakyan nag convoy na lang kami papuntang bar. Excited ako siyempre dahil ito ang kauna- unahang pagkakataon ko na pumasok sa ganitong lugar. Never talaga kasi akong sumasama sa kanila tuwing niyaya nila ako.
Pagdating sa bar talagang pinili namin ang pwesto malapit sa stage. May magpeperform daw kasi na banda ngayung gabi at talagang isa iyun sa inaabangan nila Jecille. Nagpatianod na lang ako dahil mas sanay silang kumilos sa mga ganitong lugar.
"Ayun oh...hanggang ngayun hindi pa rin kami makapaniwala na kasama ka namin ngayun Charlotte!" kaagad na untag ni Hairo habang hinihintay namin ang aming mga orders. Tanging ngiti lang ang naging sagot habang inililibot ang tingin sa buong paligid.
Mukhang malakas ang bar na ito. Unti- unti na kasing nagkakaroon ng mga tao ang kaninang mga bakenteng mesa.
"Uyyy sayaw tayo mamaya ha? Bawal ang killjoy!" narinig kong wika ni Abril. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
"Naku, mukhang hindi ko yata keri ang sumayaw. Parehong kaliwa ang paa ko eh." sagot ko.
"Kahit na! Espiritu lang ng alak ang katapat mo at mapapasayaw ka din namin." natatawa namang sagot ni Jecille. Hindi na ako nakasagot pa dahil isa-isang nagsipagdatingan na ang mga orders namin. Beer para sa mga boys at Margarita naman sa aming mga girls. May mga inorder na din kaming ibat ibang klaseng pulutan.
Actually, hindi naman ito ang first time kong uminom ng alak. Nakakatikim naman ako ng ganitong klaseng inumin kapag may party sa pamilya namin. Hindi naman ako pamilya namin. Hindi naman ako pinagbabawalan uminom nila Mama at Papa lalo na noong tumuntong ako ng eighteen years old.
"Cheers!" masayang wika ni Marco sabay taas ng baso nito. Ginaya namin siya at sabay-sabay kaming nagbigkas ng salitang "Cheers"!
"Sana ganito tayo palagi. Kahit mga Doctors na tayo huwag pa rin natin kalimutan na magbonding! Lalo ka na Charlotte! Dapat bumawi ka sa amin eh. Ngayun ka lang sumama sa amin!" malakas ang boses na wika ni Abril.
Sumasaliw sa tugtugin ang katawan nito kahit na nakaupo. Nag-uumpisa ng kumanta ang banda at may ilan na din sa mga guest ang nag-uumpisa ng umindak.
Sabagay, halos dalawang oras na pala ang nakalipas. Hindi ko namalayan iyun dahil nag-enjoy ako sa pakikipag- usap sa mga kaibigan ko.
Pakiramdam ko bigla akong nakaramdam ng kalayaan. Ganito pala ang feeling kapag nakaka-bonding mo ang halos kasing edad mo. Ang gaan sa pakiramdam.
"Ano sayaw na tayo?" tanong naman ni Jecille. Tumayo pa talaga ito at umindak-indak sa harap namin. Hindi ko mapigilan ang matawa.
"Kayo na lang guys! Mukhang hindi ko kaya eh. Parehong kaliwa ang mga paa ko." natatawa kong sagot. Nagulat pa ako ng bigla akong hawakan ni Abril sa dalawang kamay.
"Charlotte, ano ka ba! Hindi bat sabi ko sa iyo, bawal ang killjoy? Lets go Jecille, turuan natin si Charlotte kung paano igiling ang kanyang mala- diyosang katawan!" tatawa-tawang wika ni Abril. Sabay pa talaga nila akong hinila patungo sa umpukan ng mga taong nagsasayaw. Tatatawa- tawang nasundan na lang din kami ng tingin ng mga kasama naming mga boys. Wala na akong choice kundi ang magpatianod na lang.
Masasabi kong eksperto pagdating sa Disco itong dalawa kong kasama. Ang galing kasi nilang gumiling.
"Come on Charlotte! Dance!'" malakas pang wika ni Abril. Wala akong choice kundi igalaw-galaw ang katawan ko. Dahil na din siguro sa epekto ng alak na nainom ko kanina kaya nawala ang inhibesyon ko sa katawan.
Ilang saglit lang sumasabay na ako sa indak ng tugtugin. Tuwang tuwa naman ang dalawa kong kasama.
Sinabi pa nila na wala naman daw tao ang hindi marunong sumayaw.
Sadyang ayaw ko lang daw talagang subukan.
Aaminin ko na nag-enjoy ako. Sobrang saya at ilang saglit lang nakijoin na din sa amin sila Hairo at Jasper.
Nagpaiwan naman si Marco sa table dahil ka-text daw nito ang kanyang girl friend na nag-aaral sa US.
"Oh My God! Ang galing mo naman palang sumayaw eh. Tuwing pagkatapos ng exam natin ganito ang gawin natin. Pampa-release ng stress! "sigaw ni Hairo at talaga namang ayaw magpakabog sa aming mga girls. Magaling din palang sumayaw ang loko. Lalo tuloy akong ginanahan na igiling pa ang aking katawan.
Nakakatangal pala talaga ang alak ng hiya sa katawan. Iyun ang napatunayan ko dahil kayang kaya ko nang makipagsabayan sa mga kasama ko.
Natigilan lang ako ng mula sa likuran ko may biglang humawak sa baiwang ko kaya wala sa sariling napalingon ako para sana kumprontahin pero pakiramdam ko biglang nanigas ang buo kong katawan ng mapagsino ang taong iyun....
"Pe-Peanut? Hindi ko maiwasang bulong kasabay ng pagdampi ng labi nito sa pisngi ko.
Chapter 304
CHARLOTTE POV
Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Pinilit kong kumawala sa pagkakayapos niya sa akin pero talagang mas malakas ito sa akin.
Paanong nandito din siya bar? Bakit bigla na lang siyang lumapit sa akin?
Simula noong pagkatapos ng birthday party niya hindi ko na ulit ito nakitang muli. Huling balita ko pa nga ay lumabas ito ng bansa. Hindi lang din ako sigurado dahil talagang iniwasan ko na din ang makibalita tungkol sa kanya. Ayaw ko kasing i-entertain kung ano man ang umuusbong na damdamin ko para sa kanya. Hindi talaga pwede!.
"Sabi ko na nga ba eh...ikaw iyan!' narinig kong bulong sa akin. Talagang itinapat pa niya ang bibig niya sa punong tainga ko kaya naman ramdam ko ang init ng hininga nito at parang libo-libong boltahe ng kuryente na biglang tumulay sa buo kong pagkatao.
"Peanut? A-ano ang ginagawa mo dito? "hindi ko maiwasang sambit at pilit pa rin na kumakawala sa mahigpit niyang pagkakakapit sa akin. Patuloy lang ang mga kaibigan ko sa pagsayaw at mukhang hindi nila napapansin ang struggle ko mula sa bisig ni Peanut.
"Of course, sinusundan kita. Dance with me Babe! Sabi mo sa akin noong birthday party ko hindi ka marunong sumayaw. Parang gusto ko na tuloy magtampo sa iyo!" nakangiti nitong bulong sabay galaw ng kanyang palad sa may tiyan ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyun at pilit na kumakawala sa kanya.
Patuloy naman sa kanilang pag-indak ang mga kasama ko. HIndi pa rin nila napansin ang presensya ni Peanut.
"Pwede ba! Umalis ka nga dito! Kasama ko ang mga friends ko at ayaw kitang makasayaw! Angal ko dito at inipon ko ang buo kong lakas para makawala. Mabuti na lang at napag- tagumpayan ko ang bagay na iyun. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.
Baka ano pa ang iisipin ng mga taong makakilala kay Peanut. May girl friend na ito at hindi pwedeng basta na lang nya akong yapusin.
"Can I talk to you?" tanong nito. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo ko dahil doon.
"For what?" tanong ko. Akmang sasagot ito ng biglang may humawak sa kamay ko. Si Hairo?
"Peanut Smith?" tanong nito. Bigla kong napansin ang pagseryoso ng mukha ni Peanut sabay titig sa kamay ni Hairo na nakahawak sa kamay ko.
"Yah! Nice to meet you guys!... Inapproach ko lang si Charlotte. Hindi ko akalain na nandito din pala siya sa lugar na ito." sagot nito at mabilis na naglakad paalis. Hindi ko naman mapigilan na sundan ito ng tingin.
"Wow, si Peanut ba iyun? Grabe, ang pogi niya pala sa malapitan!' narinig ko din komento ni Abril. Huminto na ito sa pagsasayaw ng napansin niya din ang presensya ni Peanut.
"Nag 'Hi' lang siya sa akin. Alam mo na, best friend siya ng Uncle ko at kilala niya din ako kahit papaano." nakangiti kong sagot. Tinitigan muna ako ng dalawa bago sabay na tumango.
"Sige na..balik muna ako sa table natin. Nakakangalay din pala ang sumayaw!" pilit ang ngiting bigkas ko at naglakad na pabalik ng table. Naabutan ko si Marco na hawak niya pa rin ang kanyang cellphone. Mukhang kausap pa rin nito ang kanyang girl friend.
Nginitian lang ako nito ng napansin nito ang pagdating ko at muling ibinalik ang kanyang buong attention sa kanyang hawak na cellphone.. Hinayaan ko na lang siya at muling inilibot ang tingin sa paligid.
Muling bumalik sa kanilang pagsasayaw ang mga kaibigan ko. Mahilig pala talaga sila magdisco. Kaya pala ang gagaling nilang umindak eh.
Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga ng muli kong maalala si Peanut. Ano ang ginagawa niya dito sa bar? Totoo ba ang sinabi niya sa akin kanina na sinusundan niya ako?
Pilit kong hinahagilap ang presesya ni Peanut. Hindi ko talaga akalain na mangangahas itong yakapin ako kanina. Grabe, hanggang ngayun, ramdam ko pa rin ang init ng kanyang katawan. Wala sa sariling nainom ko tuloy ang alak na nasa harap ko.
Bakit ba ang sarap din sa ilong ng amoy niya? Lalaking lalaki si Peanut at sa tindig pa lang nito siguradong maraming mga babae ang nahuhumaling dito.
Kung wala lang itong girl friend baka pinatulan ko na ito eh. Kaya lang hindi pwede...ayaw kong makasira ng relasyon ng ibang tao.
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng biglang magsalita si Marco. Nagpaalam lang ito sa akin na magsi- CR lang daw siya. Kaagad naman akong pumayag.
"Sure! Ako na ang bahala sa table natin. Sige lang..." sagot ko pa sa kanya sabay ngiti. Nginitian din muna ako nito bago mabilis na tumalikod. Kaagad ko namang tinawag ang waiter para umorder ng panibagong inumin.
Tiyak na maghahanap ng alak ang mga kasama ko pagkatapos nilang sumayaw. Nag-order ako ng panibagong set ng inumin pati na din ng pulutan. Isang oras pa siguro at mauuna na akong umuwi sa kanila.
"So, may mga kasama ka pala? Sino sa kanila ang manliligaw mo?" napaiktad pa ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Mabilis akong napalingon at muling tumampad sa paningin ko si Peanut. May hawak itong kopita na naglalaman ng alak at seryosong nakatitig sa akin.
"Ano ka ba? Ang hilig mo namang manggulat! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot diyan?" inis kong wika sa kanya. Napansin ko pa ang pag-ismid nito bago naupo sa tabi ko.
"Masyado ka lang sigurong abala sa mga kasama mo kaya hindi mo ako napapansin." sagot nito sabay tungga sa hawak niyang kopita na may lamang alak. Wala sa sariling napatitig ako dito at mukhang marami na itong nainom na alak base na din sa kanyang hitsura. Namumungay na kasi ang kanyang mga mata at pulang pula na din ang kanyang mukha.
"May mga kasama ka ba? Lasing ka na yata eh. Umuwi ka na kaya!" inis kong wika sa kanya. Natawa ito at matiim akong tinitigan.
"Nag-aalala ka ba sa akin?" tanong nito. Teka, lasing ba talaga ang Mani ( Peanut) na ito? Bakit parang bangag kong makipag-usap.
"Uuwi lang ako kapag sasama ka sa akin...you know, hindi mapapanatag ang loob ko hangat nandito ka ра. HIndi bagay sa iyo ang tumambay sa mga ganitong lugar...Bakit ka pinayagan ng mga parents mo?"
muling wika nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay bago sumagot.
"Malaki ang tiwala sa akin ng mga parents ko. Alam nilang lahat na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." naiinis kong sagot sa kanya. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ko naramdaman ang biglang pag-akbay nito sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa kaya wala sa sariling napatitig ako dito.
"Alam mo ba na matagal na kitang pinapangarap? Bakit ba napaka-hirap mong abutin? Dahil ba apo ka ng isa sa pinakamayaman na tao ng bansa? Dahil ba pamangkin ka ng Best friend ko?" Mahinang wika nito sa akin.
Sakto lang na marinig ng dalawa kong tainga ang katagang binigkas niya kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng kilabot. Lalo na ng mapansin ko ang kakaibang titig nito sa akin
CHAPTER 305
CHARLOTTE POV
Lalo akong nakaramdam ng pagka- asiwa dahil sa sinabi niya ngayun lang.
Bakit kaya ganito ang Mani (Peanut) na ito ngayun? Bakit habang tumatagal lalo itong nagiging weird sa paningin ko.
"Naku! Naku! Baka mamaya marinig ka ng girl friend mo. Baka pagbintangan na naman ako ng babaeng iyun!" sagot ko sa kanya at umayos ng upo.
Pasimple ko pang hinawakan ang kamay nito para sana tanggalin ang kanyang braso na nakaakbay sa akin.
Kaya lang hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Pinagsalikop niya ang palad namin at pinisil pisil pa iyun. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Kung kanina, wagas itong makayapos sa akin ngayun naman para itong boyfriend ko sa kanyang ginagawa. Aba, mukhang lumuwag na yata ang turnilyo sa utak nito. Kung anu-ano na ang naiisip na gawin. Ako pa talaga ang gusto niyang pagdiskitahan.
"No worries, hiwalay na kami. May iba na akong napupusuan kaya hiniwalayan ko na siya." sagot nito sa akin kaya naman hindi ko maiwasang mapaisimid.
"Eh di wow! Congratulations! Grabe ka, ang bilis mo talagang magsawa sa mga babae." sagot ko sa kanya at pasimpleng umusog palayo dito para makawala mula sa pagkakaakbay niya. Hinila ko na din ang kamay ko na wala yatang balak na bitawan iyun. Shit! Bakit nakakapaso ang init ng palad niya?
Mabuti na lang at napag-tagumpayan ko ang nais ko. Tuluyan akong nakawala sa kanya. Sinabi ko naman kasi...ayaw kong magdidikit-dikit sa playboy na ito. Hindi ko talaga hahayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya.
"Ang sama naman pala ng reputasyon ko pagdating sa iyo. Hindi ko naman siguro kasalanan kung hinahabol ako ng mga kababaihan. Pinilit ko naman sila iwasan paminsan-minsan pero sila talaga ang kusang lumalapit sa akin eh. " narinig ko pang sagot nito. Hindi ko alam kung nagyayabang ba ito or hindi sa kanyang sinabi pero ng titigan ko ang mukha nito kita ko kung gaano ito ka-seryoso.
"Eh di wow! Ikaw na ang gwapo! Ikaw na ang pinagkakaguluhan ng lahat!"
naiinis ko namang sagot. Sa hindi inaasahang pagkakataon bigla itong tumawa. Umusog ulit papunta sa akin na parang gusto talaga niyang idikit ang katawan niya sa katawan ko.
Muli tuloy akong nakaramdam ng pagkaasiwa. Gustuhin ko man na umusog palayo sa kanya pero dead end. Wala ng space....Hayysst, ano ba ang gustong patunayan ng Mani (Preanut) na ito? Inaakit nya ba ako?
"Ano ba! Bakit ka ba usog na usog papunta sa akin...Lumayo ka nga sa akin! Gusto mo bang pitpitin ang katawan?" nandidilat kong saway sa kanya.
Piste talaga! Supposed to be nag- eenjoy ako ngayun eh. First time ko ngang pumasok sa ganitong lugar pero mukhang kukunsimihin pa ako nitong si Peanut. Ano ba ang nangyayari sa taong ito?
"Bakit? Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko ah? Bakit ba ang sungit mo palagi pagdating sa akin?" sagot naman nito.
"Ano ba Peanut? Tigilan mo nga ako!
Wala ako sa mood para makipagbiruan sa iyo! Sino ba ang kasama mo? Umalis ka na dito dahil baka makita ka pa ng mga friends ko." sagot ko naman sa kanya. Hindi naman ito nakaimik. Napansin ko pa na inalog-alog nito ang ilang mga bote ng alak na nasa mesa at ng mapansin nito na may laman iyun isinalin niya iyun sa sarili niyang baso. Naiiling na lang akong pinagmamasdan ito.
"Dont worry! Wala akong kasama ngayun. Wala akong matawagan na pwedeng sumama sa mga kaibigan ko dahil lahat sila may mga asa-asawa na! Ako na lang yata itong napag-iiwanan ng panahon." seryoso nitong sagot. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya naman muli akong napatitig dito. Sakto naman na inisang lagok na naman niya ang alak na nasa baso niya.
Talaga bang gustong maglasing ang Mani na ito? Wala pala siyang kasama pero ang lakas ng loob niyang uminom na uminom ng alak.
"Eh wala ka palang kasama tapos maglalasing ka! May kasama ka bang driver?" muli kong tanong sa kanya. Kaagad naman itong umiling.
"Hindi mo naman siguro ako hahayaan kung sakaling malasing ako diba? Medyo marami na din akong nainom na alak at hindi na ako pwedeng magdrive. Kaya nga nilapitan kita dahil ikaw na lang ang pag-asa ko na makauwi ng matiwasay ngayun. Hindi ko na kayang magdrive!" sagot nito at muling tinungga ang laman ng bote. Hindi na ito nag abala pang isalin man lang sa kanyang kopita ang alak.
Ano ba ang problema ng Peanut na ito? Bakit parang ang laki ng problema niya? Huwag nyang sabihin na bibigyan niya pa ako ng responsibilidad ngayun gabi? Naku naman!
"Hmmp! Bahala ka dyan! Sige lang, magpakalunod ka sa alak. Hindi kita responsibilidad kaya huwag mong asahan na tutulungan kita kapag hindi ka na makatayo diyan sa kinauupuan mo sa sobrang kalasingan!" inis kong sagot sa kanya. Hindi naman na ito nagsalita pa bagkos ibinaling ang tingin sa mga sumasayaw.
Ilang saglit lang naman ay napansin ko ng nagsipagbalikan na sa table namin ang mga kasama ko. Pawis na pawis ang mga ito at mukhang nag-enjoy talaga sa pagsasayaw.
Napansin ko pa ang pagkagulat sa kanilang mga mukha ng mapansin nila ang presensiya ni Peanut.
"Pa-pasensya na kayo guys! Naki-join na akho! Wala kasi akhong mga kasa- ma at si Char-lotte lang ahang
kakhilala ko di-to!" naringi ko pang paliwanag ni Peanut sa mga kasama ko. Kapansin-pansin na lasing na ito dahil bulol na kung magsalita. Naku naman, pasaway talaga ang Mani ( Peanut) na ito.
"Ayos lang..Masaya kaming makainuman ang isang sikat na personalidad na kagaya mo Mr Smith!" nakangiting sagot naman ni Hairo sabay naglahad ng kanyang kamay kay Peaut para makipag-shake hands. Kaagad naman itong pinagbigyan ni Peanut kaya nagsipagsunuran na din ang iba ko pang mga kaibigan.
"Ang gwapo niya! Naku crush ko na yata siya!" narinig ko namang bulong ni Abril sa akin. Parang gusto ko tuloy itong kurutin sa singit. Sa dami ng lalaking pwede niyang magustuhan kay Peanut pa talaga na saksakan ng playboy!
Dahil sa presensya ni Peanut lalong naging masaya ang mga susunod na kaganapan sa aming table. Tuwang tuwa ang lahat. Nakalimutan yata ng mga ito na maghinay-hinay sa pag- inom ng alak dahil maya-maya ang ginagawa nilang pag-order. Nakakaloka talaga!
"Mukhang naparami na tayo ah? Baka mamaya mahirapan na kayong magdrive niyan!" awat ko pa sa kanila. Kaaga naman sumabat si Peanut.
"Hindi mo naman shiguro akho pababayaan kung sakaling malashing ako diba? Dapat kahshi turu-an mo na ang sharili mo na maha-lin akho dahil mstagal na kitang Lo--Love!" ngiting ngiti nitong sagot. Parang gusto ko naman lumubog sa kinauupuan ko dahil sa sobrang hiya. Napansin ko kasi ang makahulugang tingin sa akin ng mga kaibigan ko.
Ano ba ang gustong palabasin ng Peanut na ito? Bakit ganito ito kung bumanat ng salita sa akin ngayun?
Nakakahiya! Baka mamaya iisipin ng mga kaibigan ko na may relasyon kami. Baka bigla akong ma-tsismis sa buong campus namin kapag mangyari iyun. Marami pa naman ang nagkaka-crush dito kay Peanut at baka makuyog ako ng wala sa oras.
Chapter 306
CHARLOTTE POV
"Parang gusto ko din maging model noon kaya lang hindi ako makapasa- pasa sa audition. Masyadong mataas ang qualifications nila. Hindi lang pala ka-pogihan ang labanan diyan. Kailangan din pala ng ganda ng katawan!" narinig ko pang wika ni Jasper. Bulol na din ang loko at mukhang unti-unti ng tinamaan ng ispiritu ng alak. Good luck nalang talaga mamayang uwian nito.
"Naku, paano ba iyan, lasing na sila. Tinatawagan na ako ni Mommy. Pinapauwi na ako! " narinig kong wika ni Jecille kay Abril.
"Paano ba ito, Charlotte lasing na din si Mr. Smith oh? Paano uuwi iyan pati na din sila Jasper at Hairo?" sagot naman ni Abirl. Parang gusto ko naman sabunutan si Peanut sa sobrang inis
Siya ang dahilan kaya napadami ng inom itong mga kasama ko eh. Bakit ba kasi nakijoin pa ang Mani na ito sa amin? Iyan tuloy, problema pa ngayun kung paano makakauwi sa kani- kanilang bahay itong mga kasama namin.
Mabuti na lang itong dalawang babaeta naging alalay ang pag-inom nila. Itong mga lalaki lang talaga ang problema namin ngayun.
"Ako na ang bahalang maghatid kina Jasper at Hairo." boluntaryong wika ni Marco. Sa kanilang apat na kalalakihan, ito lang yata ang hindi nalasing.
"Are you sure? Kaya mo pa bang magdrive?" kaagad ko namang tanong. Tumango naman ito.
"Kaunti lang naman ang nainom ko. Dont worry, kaya ko pa naman. Problema lang natin ngayun ay ang maghahatid kay Mr. Smith. Mukhang lasing na lasing na siya eh." sagot naman ni Marco. Muli akong napatitig kay Peanut na noon ay halos nakayukyok na sa mesa.
"Naku! Paano ngayun iyan..hindi pwedeng iwan natin siya dito. Ang ganda pa naman niyang lalaki. Baka mamaya ma-rape siya dito." sagot naman ni Jecille. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
Kung sakaling ma-rape man ang Peanut na ito tiyak na hindi ito magrereklamo. Alam ko ang karakas ng taong ito. Sa sobrang hilig nito sa mga babae baka matuwa pa ito eh.
"Alam ko ang bahay niya kaya ako na ang maghahatid sa kanya." sagot ko naman. Wala eh...wala na akong lusot. Hindi naman pwedeng pabayaan ko siya dito sa bar. Kaibigan pa rin siya ng Uncle ko at baka ako pa ang masisisi kapag may mangyaring masama dito.
"Tyun naman pala eh. So okay na! Kailangan ko na talagang makauwi. Baka mamaya hindi na ako papayagan nila Mommy na lumabas sa susunod kapag magtagal pa ako dito." sagot ni Jecille.
"Patulong na lang tayo sa mga staff para madala natin sila ng kotse. Pambihira naman...ang sarap pag- untugin nitong si Jasper at Hairo eh. First time nilang nalasing ng ganito!" sagot naman ni Abril
"Paano ba naman kasi, nakikipagsabayan ba naman sa pakikipag-inuman kay Peanut!
Akala mo naman ang tataas ng tolerance pagdating sa alak." sagot naman ni Jecille. Napapailing na lang ako habang pinagmamsdan si Peanut. Hayyy binigyan nga ako ng obligasyon ng lalaking ito.
Wala kaming choice kundi magpatulong sa mga bouncer para madala sa kotse ang mga lasing naming mga kasama. Mabuti na lang talaga at safe naman daw mag-iwan ng kotse dito sa parking ng bar kaya kotse ko na lang ginamit ko. Mabuti na lang din at natatandaan ko pa ang way papunta sa bahay ng Mani na ito dahil hindi ko talaga alam kung saan ito ihahatid. Alangan naman iuwi ko siya sa bahay namin...ako naman itong malalagot kina Mama at Papa.
Humugot pa ako ng malalim na buntong hininga habang pasulyap- sulyap ako kay Peanut. Nasa likuran na bahagi siya ng sasakyan at nakatulog na yata.
Kung hindi lang talaga ako nag-aalala sa kalagayan nito hindi ko talaga ito gagawin. Pasalamat talaga siya at hindi ko siya matititiis eh.
Pagdating namin sa kanyang bahay nagulat pa ako dahil walang nagbubukas ng gate. Napababa tuloy ako ng kotse at inilibot ko ang tingin sa paligid para siguraduhin kung ito ba talaga ang bahay ni Peanut.
"Wala ba siyang mga kasama dito? Bakit walang nagbubukas?" bulong ko pa. Wala akong choice kundi buksan ang likurang bahagi ng sasakyan kung nasaan kumportableng natutulog si Peanut at kinapa-kapa ang bulsa ng suot na pantalon nito. Kaagad akong nakahinga ng maluwang ng maramdaman ko ang susi sa kanyang bulsa,
"Naku, ikaw na Mani ka! Humanda ka sa akin! Hinding hindi na talaga ako papayag na muli mo itong gawin sa akin. Ginawa mo pa akong personal alalay mo!" naiinis ko pang bulong at naglakad papuntang gate. Mabuti na lang at unang try ko sa susian ng gate at nagbukas kaagad ito. Hindi na ako pinahirapan pa.
Wala akong choice kundi ang magsariling sikap. Binuksan ko ang gate at ipinasok ang kotse. Mukhang wala ngang kasama sa bahay ang Mani na ito. Napakatahimik ng buong paligid eh. Sinigurado ko pang naisara ng mabuti ang gate bago ko muling binalikan si Peanut na nasa loob pa rin ng kotse at nahihimbing na yata sa pagtulog
"Uyy Peanut! Gumising ka na diyan dahil uuwi na ako! Huwag mong sabihin na magpapabuhat ka pa sa akin? Masyado ka naman na yatang sini -swerte kung ganoon!" talagang sinadya kong lakasan ang boses ko habang sinasabi ang katagang iyun. Walang kahit na anong reaction akong nakuha dito kaya naman parang gusto ko ng sabunutan ang sarili ko.
Huwag niyang sabihin na problema ko pa din kung paano ko siya dadalhin papasok sa loob ng bahay niya? Hayysst kung minamalas ka nga naman.
Masyadong late na at kapag mapansin ni Mama na hindi pa ako nakauwi malalagot talaga ako nito. Bakit ba ako umabot sa ganitong sitwasyon? Ang gusto ko lang naman ay mag-enjoy ngayung gabi kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko naman akalain na aalalay pala ako sa taong lasing.
Humugot pa ako ng malalim na buntong hininga bago ko tinapik sa kanyang pisngi si Peanut. Kailangan na talaga nitong magising. Hindi ko siya kayang buhatin mag-isa papasok ng bahay
"Mani! Mani! Peanut! Gumising ka nga! Tatadyakan kita diya eh!" halos pasigaw ko pang wika sa kanya. Tanging ungol lang ang naging sagot nito kaya naman naiinis akong malakas na tinapik ito sa kanyang mukha. Wa epek pa rin kaya wala akong choice kundi hilahin ito palabas ng kanyang kotse.
Pagkalabas nito ng kotse hinayaan ko na isampay niya ang braso niya sa balikat ko. Halos yakapain ko na ito at dahan-dahan na hinila papasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at nagawa kong ipark ang kotse ko sa malapit sa pintuan ng bahay kaya kaunting lakad lang nandito na kami sa loob ng bahay.
"Ang bigat mong loko ka! Bakit ka ba naglasing?" galit ko pang bigkas sabay itinulak ko ito papuntang sofa. Nakapikit pa rin ang loko at hindi man lang naramdaman kung gaano ako naghirap maiuwi lang siya.
"Ngayung nandito ka na sa loob ng bahay mo, bahala ka na sa buhay mo! Siguro naman safe ka na dito dahil uuwi na ako!" wika ko pa sa kanya at akmang aalis na ng marinig ko ang biglang pagbigkas nito sa pangalan ko.
"Charlotte, water! Nauuhaw ako!"
wika pa nito habang nakapikit. Sinipat ko muna ito ng tingin bago ko inilibot ang tingin sa buong paligid.
First time kong nakapasok sa bahay na ito at hindi ko alam kung saan dito ang kusina. Naku talaga naman! Namimihasa na talaga ang Mani na ito. Ang sarap patikimin ng kahit isang flying kick lang makabawi man lang sa perwisyo na ginawa niya sa akin ngayun gabi!
Chapter 307
CHARLOTTE POV
Pipihitin ko na lang ang seradura at makakalabas na ako eh. Pero bigla namang nagrequest ang lasing na ito ng tubig! Nasaan ang konsensya ko kung hindi ito pagbibigyan? Paano kung ma-dehydrate ito at ako pa ang masisisi dahil simpleng tubig hindi ko siya nabigyan?
"Hayssst! Ano ba naman iyan Peanut! Kung anu-ano ang nirerequest mo eh. Mag-isa ka lang ba dito sa bahay?" hindi ko mapigilang sambit habang inililibot ang tingin sa paligid.
Pambihra! Nasaan ba ang kusina ng bahay na ito? Mabuti na lang at may nahagip akong isang nakasaradong pintuan kaya mabilis akong naglakad papunta doon. Binuksan ko iyun at tumampad sa paningin ko ang dining area.
Mabilis akong pumasok. Ilang hakbang pa ay kaagad kong napansin ang isang malaking ref kaya naman kaagad kong binuksan iyun at naghagilap ng tubig. May nakita akong bottled water kaya kaagad kong kinuha at nagmamadaling binalikan si Peanut.
Kung anong posisyon nito kanina ng iniwan ko ganoon pa rin ngayun. Malakas akong napabungtong hininga at tinapik ito sa kanyang pisngi.
"Peanut! Heto na ang tubig mo! Uminom ka na!" malakas na wika ko. Hindi ito umimik kaya naman binuksan ko na ang bote ng tubig at itinapat sa kanyang bibig.
"Hindi bat gusto mong uminom? Bilisan mo na dahil uuwi na ako!"
naiinis kong wika at nilakasan ko na ang pagtapik nito sa kanyang pisngi. Sa lakas niyun lumikha pa ito ng tunog kaya napadilat ito.
"A-aray naman! Bakit ka ba nana- nakit?" reklamo pa nito. Inismiran ko ito at itinapat sa kanyang mukha ang hawak kong tubig.
"Nirequest mo ito kanina diba? Inumin mo na ito dahil uuwi na ako! Lalasing- lasing hindi naman pala kaya!" naiinis kong wika sa kanya. Hindi ito nakaimik bagkos pahablot nitong kinuha sa kamay ko ang tubig.
Tinaasan ko lang ito ng kilay sabay halukipkip.
"Siguro ayos ka na dito sa bahay! Nag- effort pa ako na ihatid ka kaya quits na tayo sa paghatid mo sa akin noon!'" wika ko pa sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang sagot nito. Mabilis ko na itong tinalikuran at akmang lalabas na ako ng marinig ko ang mahinang d* **g nito at ang pagsuka.
Wala sa sariling napalingon ako. Tama nga ang narinig ko. Sumusuka ang lasing na si Peanut habang nakaluhod sa sahig. Kahit na naiinis sa sitwasyon hindi ko naman ito kayang pabayaan. Baka mamaya kung ano pa ang mangyari dito kung iiwan ko siya sa ganitong sitwasyon.
Kahit amoy na amoy ko ang baho ng suka nito wala akong choice kundi ang lapitan pa din ito at hinagod ang likod nito.
"Peanut naman! Nagkalat ka pa! Deni- delay mo talaga ang pag-uwi ko!" reklamo ko pa dito. Hindi naman ito sumagot pa kaya pinabayaan ko na lang.
Nang mapansin ko na tapos na itong sumuka inalalayan ko na itong makahiga kahit sa sofa man lang. Dito na lang siya magpalipas ng oras hanggang sa mahimasmasan siya. Ang problema nga lang, kailangan niyang magpalit ng damit para maginahawaan siya. Amoy suka na din ito kaya kailangan din nitong malinisan.
Nandito na rin lang ako lubos-lubusin ko na din siguro ang pagtulong sa kanya. Kahit anong gawin ko talagang late na ako makakauwi ng bahay. Wish ko lang na hindi ito mapansin ni Mama kundi malalagot talaga ako.
Isa pa kailangan ko din linisin ang kalat nito. Ang problema nga lang hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.
Sa huli muli akong bumalik ng kusina. Kinuha ko iyung kitchen towel at iyun ang ginamit kong pamunas sa suka na nagkalat sa sahig. Binuhusan ko ng maraming alcohol para mawala ang amoy at diretso kong itinapon sa basurahan
Pagkatapos kong gawin ang bagay na iyun muli kong sinulyapan si Peanut. Napahimbing na yata ang tulog nito kaya naman nagpasya akong mag- explore sa bahay nito. Umakyat ako ng second floor at hinanap ang kanyang kwarto.
"Last na talaga ito, promise. Pupunasan ko lang siya at papalitan ng damit tapos aalis na ako. Siguro naman magiging ayos na siya sa gagawin kong ito. Kaysa naman wala akong ginawa para mapabuti ang kalagayan niya diba?" bubulong-bulong ko pang wika habang isa-isang binuksan ang mga pintuan ng silid dito sa second floor. May tatlong silid at hindi ko alam kung saan dito ang kwarto ni Peanut.
Wala naman akong gagawing masama. Kukuha lang ako ng damit na pamalit nito pati na din towel para mapunasan ito. Pagkatapos, sisibat na talaga ako dahil halos alas dos na nag madaling araw.
Mabuti na lang talaga at wala akong pasok bukas. Iyun nga lang, kailangan pala naming bumisita ng mansion pero baka magdahilan na lang ako. Balak kong matulog buong araw dahil napuyat ako ngayung gabi.
Sa pangatlong pinto na binuksan ko tumampad sa akin ang kwarto na inaakala ko na ginagamit ni Peanut. sa lahat ng kwarto ito kasi ang pinakamalaki.
"Wow! Ito pala ang kwarto ni Peanut! Napaka-boring naman ng ayos." hindi ko pa mapigilang bulong sa aking sarili habang inililibot ang tingin sa paligid. Malinis ang buong kwarto at sa sobrang laki nito wala man lang akong nakita na kahit na anong naka-display. Wala ni kahit abubot. Ni paintings wala din. Tanging malaking kama, sofa at side table lang ang nandito sa loob.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kaagad akong pumasok sa loob at hinanap ang walk in closet nito. Pagkapasok ko sa loob kaagad na bumungad sa akin ang maraming personal na gamit ni Peanut. Maayos ang pagkasalansan ng lahat ng iyun at mukhang mitikuluso naman ito pagdating sa kaayusan. Mas maayos pa nga yata ang walk in closet nito kumapra sa akin eh.
Naghalungkat ako ng pwedeng pamalit ni Peanut pero wala kong nakitang pantulog. Maliban sa mga damit marami akong nakikitang mamahaling gamit nito. Mahilig yata mangulekta ng relo at eyeglasses si Peanut dahil halos mapuno na ng mga ito ang isa sa kanyang mga drawers. Iyun nga lang, ang pantulog na hinahanap ko hindi ko mahagilap.
"Hindi siya nagsusuot ng pantulog? Ano ang isinusuot niya tuwing natutulog siya? Naghuhubad siya?"
hindi ko napigilang tanong sa aking sarili. Binuksan ko na yata lahat ng cabinet wala talaga akong nakitang pantulog.
Maraming damit pero wala ang hinahanap ko kaya sa huli nagpasya na lang akong kumuha ng white t-shrit at shorts. Pumasok na din ako ng banyo para kumuha ng face towel. Balak kong punasan muna siya bago palitan ng damit.
Bago ako lumabas ng kwarto binitbit ko pa ang isang unan at kumot bago nagmamdaling bumaba. Naabutan ko si Peanut na nakahiga pa rin sa sofa at naghihilik na.
"Paano ko ba umpisahan ang pagpupunas dito. First time ko itong gagawin eh." bulong ko pa habang hawak ko ang basang face towel. Malakas akong napabuntong hininga at nilapitan ito.
Inumpisahan kong punasan ang kanyang mukha. Umungol pa ito at mukhang nagising ito.
"Mag-behave ka! Pasalamat ka nga at nag-effort pa akong punasan ka eh." angil ko sa kanya. Napansin ko ang dahan-dahan nitong pagdilat sabay ngiti.
"My Charlotte, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh." wika nito at mabilis akong kinabig. Hindi ko napaghandaan iyun kaya naman napasubsob ako sa dibdib nito.
"Ano ba! Umayos ka nga!'" pagalit ko pang wika sa kanya at pilit na nagpupumiglas. Kahit lasing siya mas malakas pa rin siya sa kumpara sa akin.
Chapter 308
CHARLOTTE POV
Nalintikan na! Paano ko maiiwasan ang mga ganitong klaseng eksena? Kahit naman may nararamdaman ako kay Peanut hindi ako basta-basta magpapadala sa mga ganitong the moves niya. Mas matimbang pa rin naman ang dikta ng isipan ko kaysa sa dikta ng puso ko.
"Litse naman Peanut! Ano ba iyang ginagawa mo! Ang baho mo eh!" naiinis ko pang reklamo dito at ibinuhos ko buong lakas ko para makawala sa kanya.
Mabuti na lang at nagawa ko naman iyun. Naiinis ko itong tinitigan at ibinato ko sa kanya ang hawak ko pa rin basang face towel.
Ngayung gising ka na, linisan mo na iyan sarili mo dahil uuwi na ako!" galit kong wika sa kanya at mabilis itong tinalikuran. Bahala na siya sa buhay niya! May malay tao na siya at siguro naman nahimasmasan na siya dahil nakasuka na. Hindi naman pwedeng buong gabi ako nitong gawing alipin.
"Ingat!" narinig ko pang wika nito sa akin bago ako nakalabas ng pintuan. Padabog kong isinara ang pintuan at mabilis na naglakad papunta sa aking kotse.
Ini-start ko na ang makina ng kotse ng maisip ko na kailangan ko palang buksan ang gate. Walang magbubukas noon dahil walang ibang tao dito sa loob ng bahay. Wala akong ibang aasahan kundi sarili ko lang. Naiinis akong bumaba at mabilis na naglakad papuntang gate para buksan iyun.
"Ano ba naman itong Peanut na ito! Mag-isa lang ba talaga siya sa bahay na ito? Ang kunat naman niya kung ganoon. Sa laki ng bahay na ito wala ba siyang balak na mag-hire kahit isang kasambahay man lang?" frustrated ko pang bulong habang binubuksan ang gate. Nang magawa ko iyun mabilis akong bumalik ng kotse at dahan- dahan akong nagdrive palabas, Mukhang walang balak lumabas ang Peanut na iyun kaya naman pagkalabas ng kotse bumaba ulit ako para isara ang gate.
Sariling sikap talaga ito! Si Peanut na siguro talaga ang pinaka-kuripot na tao na nakilala ko. Walang kasambahay eh. Wala man lang mautusan.
Ang ending, halos alas kwatro na ng madaling araw ako nakauwi. Kailangan ko pang kuntsabahin ang security guard na huwag akong isumbong kina Mama at Papa kung sakaling tanungin sila kung anong oras ako nakauwi. Baka masabon ako ng wala sa oras. Nag -aalala din ako na baka pagbawalan na naman akong gumamit ng kotse. Ayaw ko ng bumalik sa dati na kahit saan ako magpunta kailangan pa akong ipadrive ng driver namin.
Pahamak talaga itong Peanut na ito! Talagang sinira nito ang buong gabi ko!
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makapasok na ako sa loob ng kwarto. Wala na akong sinayang na oras, kaagad akong naglinis ng katawan bago nahiga sa kama para matulog na. Ngayun ko lang naramdaman ang pagod at antok.
Pagkahiga ko ng kama kaagad naman akong nakatulog at nagising lang sa mahinang katok sa pintuan ng kwarto ko.
Pupungas-pungas akong bumangon at pasimpleng sinulyapan ang orasan na nasa bedside table ko. Halos alas diyes na pala ng umaga. Siguro sa mga oras na ito nasa mansion na sila Mama. Himala at hindi nila ako ginising ng mas-maaga. Kaagad akong bumaba ng kama at naglakad papuntang pintuan para pagbuksan ang kumakatok.
"Good Morning po Mam! Pinapagising na po kayo ng Mama niyo!" kaagad na bati sa akin ng isa sa aming mga kasambahay pagkabukas ko pa lang ng pinto.
"Good Morning din po Manang. A-ano po ang sabi nila Mama at Papa. Kanina pa po ba ako hinahanap?" kaagad na tanong ko. Guilty talaga ako dahil inumaga na ako sa labas. Takot akong mapagalitan.
"Hindi naman po siguro Mam. Maaga din po silang umalis para bumisita sa Lolo at Lola niyo. Tumawag lang po sila kanina para tanungin kung gising na daw po kayo dahil kanina pa daw kayo tinatawagan pero hindi daw po kayo tinatawagan pero hindi daw po kayo sumasagot." sagot naman ni Manang.
Natigilan naman ako at mabilis na naglakad pabalik ng kama. Hinagilap ko ang aking cellphone at ng maalala ko na nasa bag ko pala kaagad kong kunuha ang bag ko at inilabas ang aking cellphone.
Tama si Manang, maraming miss calls ang nakaregister sa cellphone. Lahat galing kay Mama at talagang hindi ko maririnig dahil naka-silent ang phone ko. Mukhang malalagot talaga ako nito. Magtataka iyun dahil first time kung nagising ng ganito ka-late.
"Ihahanda ko na po ang pagkain niyo Mam." muli akong napatingin kay Manang ng muli itong nagsalita. Dahan -dahan naman akong tumango.
"Sige po Manang! Susunod din po kaagad ako!" pilit ang ngiting sagot ko dito. Kaagad naman itong umalis pagkatapos niyang maisara ang pintuan ng aking kwarto.
Parang gusto ko naman sabunutan ang sarili ko ng mapag-isa ako. Dapat pala talaga hindi na ako sumama sa mga kaibigan ko na mag-bar eh. Ayan tuloy, malalagot talaga ako nito kay Mama kapag malaman niya kung anong oras na ako nakauwi.
Kahit naman binilinan ko na ang gurad namin kanina na huwag magsusumbong, wala pa rin akong ligtas sa cctv. Malalaman at malalaman pa rin ni Mama kung anong oras ako nakauwi kapag i-check niya ang footage. Hindi pa rin ako pwedeng magsinungaling kung sakaling tatanungin ako nito.
Kakamot-kamot ako'ng ulo na nagpasyang pumasok ng banyo para gawin ang aking morning routine. Nagpasya na din akong maligo para gumaan ang pakiramdam ko. Kulang pa rin ako sa tulog at kailangan kong maging alive dahil balak kong sumunod kila Mama sa mansion. Isa pa, gusto kong makita sila Grandma at Grandpa pati na din ang mga baby pinsan ko na mga anak nila Veronica at Uncle Rafael.
Pagkatapos kong maligo at magbihis kaagad akong bumaba ng dining area para kumain. Sakto naman na may pagkain ng nakahanda kaya kaagad na akong kumain. Balak ko din tawagan si Mama mamaya bago ako umalis dito ng bahay. Kailangan kong malaman kung ano ang mood ni Mama. Mahirap na, baka masabon ako nito eh. Wala pa namang preno minsan ang bunganga noon.
Nasa kalagitnaan ng ako ng pagkain ng napansin ko ang pagpasok ng isa pa sa mga kasambahay namin na hawak- hawak ang isang wireless telephone. Kunot noo ko itong tinitigan habang iniaabot niya sa akin ang telepono.
"Mam, gusto daw po kayong makausap ng Mama niyo." wika nito. Mabilis ko namang tinangap ang telepono at itinapat sa aking tainga.
"Ma, Good Morning po! Kumakain lang po ako tapos susunod ako diyan sa mansion." kaagad na wika ko sa kanya. Bahagya pa akong kinabahan ng marinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito. Palatandaan na malalagot ako.
"Mabuti naman at gising ka na! Alam mo ba na kanina pa ako tumatawag sa iyo?" sagot nito. hindi naman kaagad ako nakaimik. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Mukhang makakatikim yata ako ng diiplina mula kay Mama.
"Sorry po!" sagot ko.
"Sorry? Pumunta ka ngayun din sa mansion. Gusto kang makausap ng Grandma at Grandpa mo. Bilisan mo Charlotte!: wika nito. Lalo naman akong nakaramdam ng kaba.
"Ba-bakit po? I mean, tungkol po saan? " tanong ko.
"Tungkol saan? Hindi mo ba alam ang kung ano ang ginawa mo kagabi sa bar? Bakit nagkalat sa mga newspapers ang picture nyong dalawa ni Peanut Smith sa bar kagabi na magkayakap? At isa pa, anong oras ka ng nakauwi?" bakas sa boses nito ang tinitimping galit habang sinasabi ang katagang iyun. Natameme naman ako at pilit na binabalikan ng isipan ko ang mga nangyari kagabi.
Chapter 309
CHARLOTTE POV
Pagkababa ko ng tawag kaagad kong tinapos ang pagkain at nagmamdaling nag-drive papuntang mansion.
Sa tono ng boses kanina ng ina kong si Mama Carmella alam kong seryoso ito. Lagot na talaga ako! Ano ba ang sinasabi nito kanina na nakuhaan daw kami ng larawan sa bar ni Peanut na magkayakap? Paanong nangyari iyun? Ibig bang sabihin kahit nasa loob ng bar may mga paparazzi na nagkalat?
Hindi naman ako celebrity para idamay nila sa mga bali-balitang showbiz. Alam kong sikat si Peanut pero hindi nila ako dapat idamay dahil isa akong private citizen.
Haysst, ngayun pa lang na-iimagine ko na ang mala- armaLite na bunganga ni Mama. Lagot na talaga ako nito. Baka pagbawalan na naman akong magdrive ng sarili kong kotse. Bakit ba kasi nangyari ito sa akin? Hindi na talaga pupunta sa mga bar na iyan. Last na talaga iyung kagabi.
Pagkaraparada ko pa lang ng sasakyan kaagad kong napansin ang paglapit ni Mama sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan lalo ng ng mapansin ko kung gaano ito ka-seryoso. May hawak pa itong news paper na kaagad na iniabot sa akin.
"Bago ka humarap kina Mommy Carissa at Daddy Gabriel, pwede bang paki-explain sa akin ito?" kaagad na wika nito. Sinipat ko ng tingin ang ibinigay nitong news paper at kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa mga nakita.
Kaming dalawa ni Peanut! Magkayakap? Naalala ko na, ito iyung time na sumasayaw ako kasama ng aking mga kaibigan at bigla akong hinawakan ni Peanut. Sino ang kumuha ng larawan na ito?
"Mayroon ka bang hindi sinasabi sa amin? May relasyon ba kayo ng lalaki na iyan? Siya ba ang kasama mo kaya inumaga ka na ng uwi?" sunod-sunod na tanong ni Mama. Nag-uumpisa na itong magbunganga kaya hindi ko mapigilang mapalunok.
"Charlotte, ilang beses ko bang sinabi sa iyo na kapag magpaligaw ka, dapat sa bahay! Hindi sa kung saan-saan!" muling wika nito. kaagad naman akong umiling..
"No Ma! Hindi! Nagkamali po kayo! Wa -wala akong relasyon sa lalaking iyan! Hindi po siya nanliligaw sa akin!" sagot ko naman. Tinitigan lang ako nito sabay iling.
"Sa palagay mo ba maniniwala ako? Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang mga nangyayari ngayun! Kilala kita dahil
anak kita at hindi ka basta-basta papayag na yakapin ka ng lalaking iyan ng walang dahilan!" galit na sagot nito. Natameme naman ako
Muli kong sinipat ng tingin ang newspapaer. Sa mga kuha namin, kahit sino ang makakakita, mapagkakamalan talagang may relasyon kami. Ang sweet namin tapos nakasubsob pa ang mukha ni Peanut sa balikat ko.
'Shit! TAma si Mama, kahit sino ang makakakita sa larawan naming dalawa ni Peanut, iba ang kanilang iisipin. May kuha din ng larawan habang nakaupo kaming dalawa at naka-akbay sa akin si Peanut.
"Ma, hindi po totoo ang nasa larawan. Promise, wala po akong relasyon sa Peanut na iyan! Hindi ko po alam kung paano kami nakunan ng larawan pero wala po talaga! Ni hindi nga nanligaw sa akin iyan eh." muling wika ko. Umaasa ako na maniniwala ito sa akin.
"Huwag mo akong pinag- luluko Charlotte! Inumaga ka ng uwi kanina. Kasama mo sya diba? Kasama mo ang Peanut na iyun! Saan kayo nakarating? " muling tanong nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala talagang maitatagong sekreto kay Mama. Dating miyembro ng Military ito kaya naman magaling itong mag- imbistiga.
"Ma naman! Wa-wala po akong ginawang masama kagabi. Promise, hindi ko na po ito uulitin. Hindi na po ako lalabas kapag gabi. Hindi na ako magba-bar!" sagot ko.
"Ang tanong ko ang sagutin mo Charlotte! Bakit umaga ka na nakauwi? Ang Peanut na iyun ba ang kasama mo halos buong gabi?" muling tanong nito!
Kita ko kung gaano ka-seryoso si Mama ngayun. Hindi ko maiwasang mapayuko. Wala na, suko na ako at wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.
"Na-nalasing po si Peanut! ni-hindi niya po kayang umuwi mag-isa kaya inihatid ko siya." mahina kong sagot. Sapat lang iyun para marinig ni Mama. Kaagad naman nanlaki ang mga mata nito.
"Ano? Ikaw pa mismo ang naghatid sa kanya? Saan? Sa sarili niyang bahay?" sagot nito at sinipat ako ng tingin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkailang.
Alam kong may ibig sabihin ang mga tingin na iyun ni Mama sa akin.
"Ma naman, mali po iyang iniisip niyo! Dalagang pilipina po itong anak niyo at hindi po ako basta-basta bumibigay! Promise, hinatid ko lang talaga si Peanut tapos umalis din po kaagad ako. " sagot ko naman.
Parang gusto kong sisihin si Peanut ng mga sandaling ito. Kung hindi sana sa kanya, wala sana ako sa ganitong sitwasyon
"May nangyari sa inyong dalawa o wala, wala akong pakialam. Isa kang Villarama at dapat kang umiwas sa mga ganitong klaseng iskandalo. Hindi lang sa newspapers lumabas ang larawan niyong dalawa pati na din sa internet. Lumikha iyun ng sari-sarilng ispikulasyon sa mga tao at alam mong malaking iskandalo ito sa pamilya natin. Lalo na at alam ng halos lahat kung gaano ka-playboy ang Peanut na iyan." sagot ni Mama. Hindi ko naman alam kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Hindi papayag si Grandpa Gabriel mo na hayaan na lang ang issue na ito. Kung ano man ang maging desisyon ng pamilya kailangan mong sundin sa ayaw at gusto mo!" muling wika nito.
"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko. Sa hindi malamang dahilan bigla akong nakaramdam ng kaba. Alam kong may laman ang sinabi ni Mama. Sa sinasabi nito ngayun, mukhang mas mahigit pa sa pagbabawal muli na magdrive ang maging hatol nito sa akin.
Kung bakit naman kasi nadamay pa ako sa iskandalong ito. Apo ako ng isa sa pinaka-mayamang tao dito sa bansa at alam kong hindi talaga sila papayag na makaladkad sa iskando ang isa sa mga miyembro ng pamiya. Ngayun pa lang, kinakabahan na ako sa posibleng maging hatol sa akin
Sino ba kasi ang kumuha ng larawan na iyun? Bakit ba napakamalas ko kagabi? Kainis naman kasing Peanut na ito? Bakit ba bigla na lang siyang nangyayayakap. Nadamay pa tuloy ako sa katangahan niya!
Chapter 310
CHARLOTTE POV
Naguguluhan man sa mga nangyari sa kapaligiran, wala akong choice kundi ang sumunod kay Mama papasok ng mansion. Ilang beses ako nitong binilinan na huwag sumuway sa kung anong sasabihin ni Grandpa. Para naman daw sa kabutihan ko ang gagawin nila
Ewan ko lang talaga, kinakabahan talaga ako sa mga susunod na mangyari. Pakiramdam ko may mga desisyon na mangyayari na labag sa kalooban ko.
Pagkapasok namin sa loob ng living room kaagad na napako ang tingin ko isang lalaki na nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa. Nagulat pa ako ng mapagmasdan ang hitsura nito dahil may pasa ito sa kaliwang bahagi ng pisngi.
Si Peanut, paanong nagkapasa siya? Ang natatandaan ko, wala siyang kapasa-pasa kaninang madaling araw bago ko siya iniwan sa bahay niya. Isa pa, ano ang ginagawa niya dito sa mansion?
Kinakabahan at nagtataka man sa presensya niya dito sa mansion, wala akong choice kundi ang lumapit kay Grandpa at Grandma para magbigay galang. Samantalang si Mama naman ay naupo na sa tabi ni Papa na kanina pa seryosong nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Peanut.
"Good Morning po Grandma, Grandpa! "wika ko sabay halik sa kanilang pisngi. Pagkatapos kong gawin iyun sumenyas si Grandpa na maupo na ako. Itinuro nito ang espasyo sa tabi ni Peanut kaya wala akong choice kundi sundin ang nais nito.
Malaki ang respeto ko kay Grandpapa Gabriel. Pero sa mga sandaling ito hindi ko maiwasang matakot sa seryosong hitsura nito. Mukhang big deal talaga sa kanila ang tungkol sa kumakalat na larawan namin ni Peanut sa pahayagan at internet.
Bago ako naupo, tinitigan ko pa ng masama si Peanut. Ano ang ginagawa niya dito? Sana lang makatulong siya para mabawasan ang parusa na ibibigay sa akin ni Grandpa. Pati na din ng mga magulang ko.
Mabuti pa si Grandma Carissa. Nginitian ako nito pagkadating ko kanina. Sabagay, sa buong Villarama clan, sa Grandma Carissa ang pinakamabait. Kaya nga Love na love ko siya eh at alam kong ipagtatangol ako nito kahit na anong mangyari.
"Bweno, mabuti naman at dumating ka na! Tapos ng magpaliwanag si Peanut sa amin, ang side mo na naman ang pakikinggan ko!" kaagad na untag ni Grandpa pagkaupo ko. Sumulyap muna ako kay Mama at Papa bago ko ibinaling ang tingin kay Grandpa.
"Granpa, wa-wala pong ibig sabihin ang tungkol sa kumakalat na larawan. Nagkita lang po kami ni Peanut kagabi sa bar.." paunang wika ko. Nagulat pa ako ng biglang sumabat si Peanut.
"Grandpa, I am sorry! Pero kung ano man ang nangyari, hindi ko po tatakbuhan iyun. Willing po akong panagutan kung ano man ang namagitan sa aming dalawa ni Charlotte!" wika nito na siyang labis na nagbigay sa akin ng matinding pagkagulat.
Ano ba ang sinasabi ng Mani na ito? Anong panangutan? Sa naalala ko wala namang nangyari? Nagkita kami sa bar, niyakap niya ako pagkatapos hinatid ko siya sa bahay niya dahil nalasing siya!
"Iyan ang gusto kong marinig sa iyo.
Iyan ang tunay na lalaki! Hindi basta- basta tumatakbo sa responsibilidad!'" sagot naman ni Grandpa. Hindi ko namang maiwasang umalma
"A-ano po? Pananagutan? Hoy Mani, ano bang pinagsasabi mo? Walang nangyari at walang dapat panagutan!" naiinis kong sagot. Sa sinabi nito kanina, kulang na lang na sabihin niya kina Grandpa na may nangyari sa amin.
"Charlotte! Sinusubukan naming ayusin ang gulong nangyari kaya huwag ka ng sumabat! Kung ito ang paraan para matigil na ang iskandalong ito, wala kang choice kundi pumayag sa gusto naming mangyari. Isa pa, hindi kami papayag na hindi ka panagutan ng lalaking iyan. Kasalanan mo din naman eh, kung nag -ingat ka kagabi hindi mangyayari ito! sagot naman ni Mama. Natameme naman ako.
Ngali-ngaling sabunutan ko naman si Peanut dahil sa mga sinabi nito. Pwede naman nyang sabihin sa lahat na walang nangyari. Wala kaming relasyon kaya hindi pwedeng mangyari sa aming dalawa ang inisip ng lahat ng tao na nandito sa living room.
"Bweno, gusto kong makausap ang pamilya mo Peanut Smith. Gusto kong idaos kaagad ang engagement niyong dalawa ni Charlotte. " sagot ni Grandpa na lalong nagpawindang sa utak ko. Hindi kayang tanggapin ng sestima ko ang takbo ng usapan ngayung araw.
"Po? No! Grandpa, please, hindi po bat gusto niyong magkaroon ng Doctor na apo? Hindi pa ako ready na magpakasal lalo na sa lalaking iyan!'" kaagad kong tutol. Umaasa ako na pakinggan nila ako. Kung alam ko lang na mangyayari ito, nag-insist na lang sana ako na pumasok sa military. Mas gustuhin ko pang tumira ng bundok kaysa naman
magkaroon ng ganitong klaseng problema.
Hindi ba pwedeng ayusin sa ibang
paraan ang tungkol sa kumakalat na
picture na iyun? Engagement kaagad? Wala ba akong right para tumutol? Kinabukasan ko ang nakataya dito at kahit na may gusto ako sa Mani na ito hindi ako papayag na maging asawa niya.
Baka mamaya habang mag-asawa kami kung sinu-sinong babae ang ikakama nito. Alam ng lahat kung gaano ito kababaero. Kung magpalit nga daw ito ng babae, parang nagpalit lang ng damit eh. Tapos papayag silang lahat ng ipakasal ako sa kanya? Nasaan ang hustiya?
"I insist! Alam nating dalawa kung ano ang nangyari sa pagitan natin at tama sila Grandpa...hindi pwedeng pabayaan kita! Paano kung magbunga iyun?
Ayaw kong isilang ang magiging baby natin na wala ako sa tabi mo. Na hindi man lang kita naiharap sa altar! Gusto kong ayusin ang buhay ko kasama ka. Kaya please lang, huwag ka ng tumanggi!" nakangiti pang wika ni Peanut. Kaagad ko naman naikuyom ang aking kamao. Parang gusto kong dagdagan ang pasa nito sa pisngi para tumigil na siya.
Sobrang advance niyang mag-isip. Walang nangyari at paano ako mabubuntis? Gago ba siya? Naka- drugs ba ang Mani na ito? Kainis! Ang sarap suntukin sa nguso para tumigil na!
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Anong mabubuntis? Nahihibang ka na ba? Baliw ka ba?" galit kong sigaw sa kanya. Sa sobrang inis ko dito nakalimutan ko na kaharap pala namin si Grandpa. Sinitsitan lang ako ni Mama kaya kahit papaano bumalik ako sa huwesyo.
"Grandpa, wala pong nangyari! Promise, kahit na ipacheck-up niyo po ako, hindi po totoo ang sinasabi ni Peanut!" nakikiusap kong wika kay Grandpa. kaagad naman itong umiling.
"Wala ng dahilan pa para pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Since, gusto ka namang panagutan ni Peanut, kailangan nating ma-iset ang engagement niyo sa lalong madaling panahon!'" finale na wika ni Grandpa at kaagad na tumayo. Tumiting pa ako kay Grandma para humingi ng tulong pero tinanguan lang ako nito at hawak kamay na lumabas sila ni Grandpa dito sa living area. Nagpapaawa naman akong tumingin kina Mama at Papa.
"Mag-usap kayong dalawa. Kung ano man ang napag-usapan ngayun, hindi na mababago iyun....and ikaw lalaki, aasahan namin na kung ano man ang sinabi mo ngayun lang, hindi na mababago iyun." seryosong wika ni Papa at tumayo na din. Sabay silang dalawa ni Mama na lumabas ng living room kaya naman naiwan kaming dalawa ni Peanut dito sa loob.
Sa sobrang inis na nararamdaman ko kaagad ko itong hinarap at malakas na sinampal sa kanyang pisngi. Kanina ko pa ito gustong gawin sa kanya at dahil kaming dalawa na lang ang naiwan dito gagawin ko kung ano man ang naisip kong gawin sa kanya.
"Ano ba? Talagang gusto mo pang dagdagan ang pasa sa pisngi ko?" inis naman nitong wika pagkatapos makabawi sa pagkagulat. Inismiran ko lang ito at dumistansya sa kanya. Maganda na ang maging alerto. Baka bigla akong gantihan eh.
"Kulang pa iyan sa mga pinanggagawa mo! Imbes na tulungan mo akong kumbinsihin silang lahat na wala naman talagang nangyari sa atin, ginatungan mo pa talaga! Ano ba ang gusto mong palabasin? Natatakot ka ba kaya hindi ka maka-hindi?" galit kong wika sa kanya. Kaagad kong napansin ang pagsalubong ng kilay nito. Palatandaan na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko ngayun.
"Hindi mo pa nga ako kilala Charlotte. Ako ang taong walang kinatatakutan at may prinsipyo! Ihanda mo ang sarili mo dahil wala kang choice kundi magpakasal sa akin!'" sagot naman nito habang bakas sa boses nito ang tinitimping pagkainis sa akin.
"Bakit? Naubusan ka na ba ng babae at ako naman ang pinagdiskitahan mo? Peanut, ano ba! Hindi kita type at lalong ayaw kitang maging asawa!" galit kong sagot sa kanya.
Bahala na pero ilalaban ko ang karapatan ko! Hindi ako papayag na
maitali sa isang playboy na kagaya niya! Ang pagpapakasal kay Peanut ay maging sakit lang ng ulo ko. Kailangan kong makumbinsi sila Grandpa na huwag ituloy ang kanilang plano. Ako ang magdedesisyon kung magpapakasal ba ako or hindi!
"Wala kang choice kundi ang pumayag Charlotte. Matatali ka sa akin at ako ang puputol sa sungay mo! Hindi ka pwedeng umayaw dahil gagawin ko ang lahat para ma-iset ang kasal natin sa lalong madaling panahon!'" naiinis na sagot nito. Hindi naman ako makapaniwala.
Talaga bang seryoso siya sa mga sinasabi niya ngayun? Bakit?
"No! walang kasalan na mangyayari at papatunayan ko kina Grandpa na wala naman talagang nangyari sa ating dalawa. Isa pa hindi ikaw ang lalaking pangarap ko na makasama habang buhay!" galit kong wika sa kanya. Kita ko ang lungkot na biglang rumehistro sa mga mata nito pero hindi ko na pinanasin pa iyun. Ang mahalaga sa akin ngayun ay ang matakasan ang problemang ito. Masyado pa akong bata para pumasok sa buhay may- asawa.
"Hindi mo gusto? Pwes, gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako! Wala pang babae ang tumatanggi sa akin Charlotte at hindi ako papayag na hindi ka maging akin!'" sagot naman nito.
"Oh, really? Well, sorry ka dahil hindi ako katulad sa mga babaeng nakilala mo. Hinding hindi kita magugustuhan at ayaw ko sa iyo!' diretsahan kong wika sa kanya. Lahat gagawin ko mapaniwala lang ito na wala akong naramdaman sa kanya. Para naman ma -discouraged siya sa akin. Maraming babae diyan na pwede iyang pagtripan.
Hindi ako papayag na maisama niya ako sa listahan niya.
"Tingnan natin! Magpakasal ka sa akin at tingnan ko kung hanggang saan ang tapang mo! Remember, nasa likod ko ang pamilya mo, mukhang boto sila sa akin kaya kaagad silang pumayag sa suggestion ko kanina. Dont worry, sisiguraduhin ko na hindi mo
pagsisisihan ang pagpapakasal sa akin. " nakangisi naman nitong wika. Lalo ko namang naikuyom ang aking kamao dahil sa matinding pagkainis.
Chapter 311
CHARLOTTE POV
Kung pwede lang tirisin sa sarili kong mga palad ang Peanut Smith na ito kanina ko pa sana ginawa. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Bakit sa dinami-daming babae na pwede niyang pagdiskitahan, bakit ako pa talaga?
"Bahala ka! Pero isa lang ang nasisiguro ko! Walang kasalan na mangyayari dahil ayaw ko!" galit kong wika at akmang tatalikuran ito ng bigla nya akong hawakan sa braso.
"Where are you going? Hindi mo ba narinig ang sinabi sa iyo kanina nila Mama at Papa? Mag-uusap daw tayo!"" sagot naman nito gamit ang seryosong boses. Galit ko itong tinitigan sa kanyang mga mata sabay piksi.
"Ano pa ba ang pag-uuspan natin? Walang patutunguhan ang lahat at hangat hindi mo binabawi ang mga kasinungalingan na itinanim mo sa utak ng pamilya ko ayaw kitang makausap!'" galit kong sagot sa kanya. Kaagad naman itong napangisi.
"Ang akala mo ba ganoon lang kadali sa akin ang lahat para bawiin ang nasabi ko na ? May paninindigan ako Charlotte at lahat ng nasabi ko na hindi na magbabago. Magpapakasal ka sa akin sa lalong madaling panahon at walang dahilan para tumutol ka!" Giit nito.
"In your dreams! Hindi ako ganoon kadaling diktahan Peanut! Isa pa, bakit ba atat kang magpakasal? Dahil ba naiinggit ka sa mga kaibigan mo na may mga asawa na? Ayaw mong mapag - iwanan?" sagot ko sa kanya. SAglit itong natigilan bago dahan-dahan na sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Isipin mo ang mga gusto mong isipin, wala akong pakialam!" sagot nito at akmang lalabas na ng living area ng muli akong nagsalita.
"Bakit ako? Marami namang babae diyan na pwede mong maging asawa, bakit ako pa?" tanong ko sa kanya. Hindi ito nakaimik.
"May fiancee ka na diba? Si Maureen? Bakit hindi na lang siya ang yayain mong magpakasal? Bakit gusto mo pa akong isali sa kalokohang ito?" galit kong tanong sa kanya.
Hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa. Kaagad ako nitong kinabig at mahigpit na hinawakan sa likod ng aking ulo at pinaglapat ang aming labi. Hindi naman ako nakapalag sa bilis ng pangyayari.
Ito ang first kiss ko at aaminin ko na nagulat talaga ako? Bakit ang bilis kumilos ng Peanut na ito? Ganito ba talaga siya ka-expert pagdating sa mga babae?
Halos nawindang ang takbo ng utak ko ng maramdaman ko ang mabining galaw ng labi nito sa bibig ko. Parang bigla akong nawalan ng lakas na tumutuol. Bakit pakiramam ko bigla akong nakarating sa alapaap dahil sa simpleng halik na ito? Ano ang meron kay Peanut na hindi ko mahindian?
Hindi ko na namalayan pa kung ilang minuto nang magkalapat ang aming labi. Basta ang alam ko, nag-eenjoy ang buo kong sistema sa mga nangyayari sa aming dalawa ngayun. Gustong gusto ko ang lasa ng labi ni Peanut. Ang tamis at parang biglang huminto ang oras sa pagitan naming dalawa.
"Charlotte, pinapa-----" Kaagad kong naitulak si Peanut ng marinig ko ang boses na iyun. Si Mama at huling huli kaming dalawa ni Peanut sa nakakahiyang sitwasyon.
Napansin ko din ang pagkagulat sa mga mata ni Mama habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Peanut. Sa dinami-dami ng tao dito sa loob ng mansion, siya pa talaga ang nakahuli sa amin.
"Tita, sorry po! Hi-hindi lang po namin napigilan ang silakbo ng damdamin namin. Promise po, papakasalan ko po siya sa lalong madaling panahon." si Peanut ang unang nakabawi sa pagkagulat kaya ito ang unang nakapagsalita.
Parang gusto ko naman lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa mga nangyari? Paano pa nito maniniwala si Mama sa akin na walang nangyari sa aming dalawa gayung huling huli niya kaming dalawa ni Peanut. Bakit ba feeling ko, hindi umaayon ang pagkakataon sa akin. Bakit ba lagi na lang akong pumapalpak.
"Mukhang nagkakagustuhan talaga kayo ng anak ko, kaya kahit mahirap sa amin, wala kaming choice kundi ang ibigay sa inyo ang basbas. Kailangan niyong maikasal bago magkaroon ng laman ang tiyan ng anak ko. Ayaw kong iharap mo siya sa dambana na buntis na Peanut!'"seryosong sagot ni Mama. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig.
"O-opo Tita! Kung papayag po kayo, gusto kong sa susunod na buwan na idadaos ang kasal naming dalawa ni Charlotte. Ayaw ko din pong makaladkad ang pangalan niya sa kontrobesiyal kaya naman po gagawin ko ang lahat para maiayos po ito kaagad!" sagot naman ni Peanut.
Parang gusto ko naman maiyak sa mga naririnig. Pakiramdam ko, wala na talaga akong kawala. Pinagkaisahan na nila ako at pakiramdam ko wala man lang kumakampi sa akin. Walang gustong maniwala sa akin.
"Bweno, sumunod na kayong dalawa sa dining area. Lunch time na at gusto nila Daddy Gabriel na sabay-sabay tayong kumain para mapag-usapan ang detaltye na kasal niyong dalawa ni Charlotte!" wika naman ni Mama sabay talikod. Kaagad naman akong napasunod dito pero nagulat na lang ako ng pasimple akong hinawakan ni Peanut sa kamay at pinagsiklop niya pa talaga ang aming palad.
Muli akong nakaramdam ng pagkailang. Libo-libong bultahe ng kuryente ang naramdaman ko na biglang tumulay sa buo kong pagkatao dahil sa simpleng pagdikit ng aming balat.
Wala ako sa aking sarili hanggang sa natapos kaming kumain ng tanghalian. Lutang ako at wala na akong panahon pa na tumutol lalo na ng muling i- declare ni Peanut na sa susunod na buwan gagaanapin ang aming kasal,
Masyadong mabilis para sa akin iyun. Ayaw din akong pakinggan nila Mama at Papa. Mas mahalaga sa kanila ang reputasyon ng aming pamilya. Hindi din nila matangap ang mga kumakalat na balita na nagkaroon ako ng relasyon sa kilalang playboy na si Peanut Smith.
Labag man sa loob ko ang mga nangyayari, wala akong choice kundi ang umaasa na walang kasalang mangyayari sa pagitan naming dalawa.
Chapter 312
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kumain ng lunch kaagad akong umiskapo. Pasimple akong lumabas ng mansion at mabilis na sumakay ng taxi.
Walang sino man ang nakapansin sa pag-alis ko dahil naging abala ang lahat. Kausap ni Peanut si Uncle Rafael at nasa nursery room naman si Veronica para asikasuhin ang kambal. Sila Mama at Papa ay kausap ang mga Tita's at Tito's ko pati na din sila Grandma at Grandpa.
Gusto kong mapag-isa at magmuni muni. Gusto kong mag-isip at at ayaw kong makarinig ng karagdagang salita mula sa pamilya ko.
Nagpahatid ako sa driver malapit sa tabing dagat. Palagi kong nadadaanan ang lugar na ito pero hindi ako nag- abalang bumaba noon. Maraming tao ang namamasyal sa buong paligid at may nakita akong coffee shop kaya kaagad akong pumasok doon.
Pagkatapos kong umurder ng kape kaagad akong naghanap ng bakateng mesa. May bakante pa sa bandang sulok kaya iyun ang pinili ko. Isa pa, mas maganda ang pwesto dahil mula doon kita ko ang kalmadong karagatan.
Medyo mahal ang kape na sini-serve dito kaya kaunti lang ang mga tao na pumapasok. Pabor sa akin iyun dahil gusto ko ng tahimik na lugar. Mas maraming tao sa labas, lalo na sa tabing dagat. Karamihan mga pami- pamilya kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.
Pakiramdam ko biglang nagbago ang lahat sa akin. Bigla din nagbago ang pagtrato sa akin ng sarili kong mga magulang. Ayaw din nila akong pakinggan.
Aaminin ko, may gusto din ako kay Peanut pero hindi ibig sabihin noon na magpapatali ako sa kanya. Na basta na lang ako papayag na maging asawa niya.
Alam ko ang karakas ni Peanut. Hindi ito nawawalan ng babae at hindi ako sigurado kung magbabago ba ito pagkatapos naming ikasal.
Nasa malilim akong pag-iisip ng maramdaman ko na may umupo sa tapat ko. Kaagad akong napatitig dito at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang isang lalaki na nakasuot ng facemask at sunglass.
"Charlotte?" patanong pang wika nito habang nakaharap sa akin. Kaagad naman napakunot ang noo ko. Inaanalisa ko kung sino ang kaharap ko ngayun dahil hindi naman kita ang kanyang mukha.
"Sorry, ako ito si Lucas! Lucas Martinez!" muling wika at kaagad na tinanggal ang suot niyang facemask at salamin. Nagulat naman ako.
Yes, Si Lucas, naalala ko na. Siya ang actor na nakilala ko noong birthday party ni Peanut. Siya din ang nagligtas sa akin sa kahihiyang gustong ibigay sa akin ni Maureen.
Kaagad akong napangiti sabay tayo. Mabait si Lucas at walang dahilan para isnabin ko ito. Sa totoo lang, gusto ko siyang maging kaibigan.
"Lucas? Hi! Kumusta?" kaagad na sambit ko sabay lahad ng kamay sa harap nya. Kaagad naman niyang tinangap iyun.
"Ayos lang...Kakatapos lang ng shooting ko malapit sa lugar na ito kaya naisipan kong dumaan dito sa coffe shop. Swerte naman at nakita kita kaya kaagad kitang nilapitan."
nakangiti nitong sagot. Hindi ko maiwasang mapangiti
Kahit papaano, nakaramdam ako ng gaan ng kalooban. Sana lang, mag stay si Lucas para naman may makausap ako.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Sino ang kasama mo?" tanong nito. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at malakas na napabuntong hininga.
"Mag-isa lang ako. Wala eh....gusto kong mag-isip. Masyadong toxic na ang buhay at gusto kong lumanghap ng sariwang hangin." sagot ko naman sa kanya. Natigilan ito. Tinitigan muna ako nito bago na din naupo sa harap ko.
"Parang alam ko na ang pinuproblema mo ah? Tungkol ba ito sa mga larawan na kumalat kaninang umaga? Sa pagitan niyong dalawa ni Peanut Smith?" tanong nito. Natigilan naman ako.
Kung ganoon, kalat na kalat na pala talaga ang larawan na iyun. Kaya pala nawindang ang pamilya namin. Kaya pala gusto nila akong ipakasal kay Peanut para matapos na ang issue na iyun.
"Yes...iyun nga! As you can see, hindi ako sanay sa mga issue na ganiyan. First time din nakaladkad ang pangalan ko sa ganitong iskandalo." sagot ko naman.
"Naku, maliit na bagay lang naman iyun. Wala naman talagang malisya ang larawan na iyun. Isang click lang ng picture iyun at kayo lang dalawa ni Peanut ang nakakaalam kung ano ba talaga ang istorya sa likod ng larawan na iyun. Hayaan mo na lang, ilang araw lang ang itatagal ng issue na iyan at matatapos din." sagot naman nito.
Showbiz ito at ganoon lang ka-simple ang pananaw niya. Paano naman sa akin na isang private citizen? Hindi pwedeng baliwalain iyun lalo na at may iniingatang pangalan ang pamilya na kinabibilangan ko.
"Hindi pwedeng baliwalain dahil gusto ng pamilya ko na ipakasal kaming dalawa ni Peanut Smith!" sagot ko. Magaan ang loob ko kay Lucas at pwede ko naman sigurong sabihin sa kanya kung ano ang problema ko. Hindi ito lalapit sa akin kung ayaw niya din akong maging kaibigan.
"What? Kasal? Kay Peanut Smith?" gulat naman na bulalas nito. Kaagad akong napatango.
"Ganoon kahigpit ang pamilya mo? At pumayag ka?" muling tanong nito? Kaagad naman akong umiling.
"Iyan ang gumugulo sa isipan ko ngayun. Ayaw ko sanang pumayag. Ang problema nga lang, ayaw din nila akong pakinggan.'" sagot ko naman. Blanko ang expression sa mukha nito habang nakatitig sa akin.
Dahil wala akong mapagsabihan ng sama ng loob ko sinabi ko lahat ang gusto kong sabihin kay Lucas. Pakiramdam ko siya lang ang karamay ko sa mga sandaling ito. Hindi ko na nga namalayan pa ang paglipas ng oras.
"I am sorry kung pati ikaw napagsabihan ko ng problema ko. Pakiramdam ko kasi down na down ako ngayun. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko." wika ko sa kanya. Kaagad naman ako nitong nginitian.
"Dont worry! Masaya ako dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo, ako pa talaga ang napili mo na bahagian ng iyung problema. Dont worry, maayos din ang lahat ng ito. Masyadong sariwa pa kasi ang mga nangyari pero pasasan ba at pakikinggan ka din ng pamilya mo. Huwag ka lang panghinaan ng loob.
" sagot pa nito sa akin. Pilit naman akong ngumiti.
Sinipat ko ang suot kong relo at kaagad na napatayo lalo na ng mapansin ko na halos alas singko na ng hapon. Baka hinahanap na ako sa mansion. Wala din akong dalang cellphone na pwede nilang tawagan.
"Salamat talaga Lucas. Malaking tulong sa akin na nandiyan ka. Salamat dahil kahit na bagong magkakilala pa lang tayo nandyan ka kaagad para damayan ako." wika ko sa kanya. Tumayo muna ito bago sumagot.
"So, ihahatid na kita sa inyo?" patanong nitong wika. Muli kong naalala na wala pala akong dalang sasakyan kaya dahan-dahan akong napatango.
"Hindi ba ako makakaabala sa iyo? Baka mamaya busy ka. Ayos lang ako, marami namang taxi sa labas. Kaya ko ng umuwi mag-isa." sagot ko naman
"Charlotte, please..magkaibigan tayo diba? Hayaan mo akong ihatid kita. Mas mahalaga sa akin ang sandaling ito kumpara sa aking trabaho kaya huwag mo sanang isipin na pabigat ka sa akin." sagot naman nito. Tipid akong tumango at nagpatiuna ng naglakad palabas ng coffee shop.
Dahil talagang nag-insist ito na ihatid ako wala akong choice kundi pumayag na lang. Isa pa mas pabor sa akin ang offer nito. Mahirap din ang mag- commute lalo na at mag-isa lang ako.
Sa mansion na ako nagpahatid kay Lucas dahil nandoon ang aking kotse. Nasa kotse din ang aking cellphone pati na din ang mga gamit ko sa School. Isa pa baka hinihintay ako nila Mama at Papa doon. Hindi pa naman ako nagpaalam at tiyak na malalagot na naman ako nito.
"Lucas, thank you sa paghatid ha?" kaagad na wika ko kay Lucas pagkababa ko sa kotse nito. Talagang bumaba pa ito ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan. Kahit nasa showbiz siya napaka-gentleman niya pa rin. Mabait din ang awra ng mukha nito kaya siguro kaagad naging palagay ang loob ko sa kanya.
"No worries! Hope na hindi ito ang huli nating pagkikita Charlotte!" nakangiti nitong sagot bago muling pumasok sa loob ng kotse.
Hinintay ko munang makaalis ang kotse ni Lucas bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng mansion. Pagkapasok ko ng gate kaagad kong napansin ang sasakyan ng mga magulang ko kaya baka after dinner pa kami nito uuwi ng bahay.
"So, lumabas ka! At sino ang naghatid sa iyo? Si Lucas? Matagal na kayong magkakilala?" nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Palingon ko kaagad na tumampad sa mga mata ko si Peanut. Namumula ang mga mata nito at mukhang nakainom na naman.
Hindi ko maiwasang mapaismid! Hindi pa man kami formal na mag-fiancee pero mukhang gusto na nitong pakialaman ang buhay ko. Eh ano ngayun kung kasama ko si Lucas Martinez?
Hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy akong naglakad papasok ng mansion. Simula ngayung araw, hindi ko na papansinin ang Peanut Smith na ito. Hindi ako papayag na paghihimasukan niya ang buhay ko.
"Charlotte, kinakausap pa kita! Bakit kasama mo ang kutong lupa na iyun? Saan kayo nagpunta? Hindi ka pwedeng mag-entertain ng kahit sino dahil malapit na kitang maging asawa!' " muling wika ni Peanut. Sa pagkakataon na ito ramdam ko na kung gaano ito ka-seryoso. Galit ko itong hinarap at pinamaywangan.
"Ano ba ang problema mo? Masyado kang feeling! Sa palagay mo ba papayag akong magpakasal sa siyo? Isa pa, wala kang karapatan para magtanong ng mga ganyang bagay! Hindi kita kapatid at lalong hindi tayo magkaanu-ano!' galit kong wika sa kanya.
Lalong nagdilim ang awra nito. Kita ko ang tinitimping galit sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Nilapitan ako nito at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Wala akong pakialam kung galing ka man sa isa sa tinitingalang pamilya ng bansa Charlotte. Ngayung na-plantsa na ang tungkol sa pagpapakasal nating dalawa hindi ako papayag na may iba pang lalaki na aali-aligid sa iyo.
Tandaan mo, hindi mo pa ako kilala at hindi mo alam ang pwede kong gawin sa mga taong gusto kang agawin sa akin." Seryoso nitong bigkas habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaunting takot dahil sa ipinapakitang asal nito sa akin.
Aminando ako na hindi ko pa nga masyadong kilala si Peanut. Ang alam ko lang best friend siya ni Uncle Rafael at maliban doon, wala akong ni kahit na anong impormasyon kung anong klaseng pagkatao meron siya.
Dapat ba akong kabahan sa kanya? Hindi na ba ako makakatakas pa sa kasal na ito dahil talagang pursigido siya na maikasal kaming dalawa? Pero bakit ako pa?
Chapter 313
CHARLOTTE POV
Ilang beses na pakiusapan at paliwanagan ang nangyari sa pagitan ko at ng mga magulang ko, walang nangyari.
Mabilis na na-iset ang kasal naming dalawa ni Peanut. Isang buwan na paghahanda at tuluyan na akong maging asawa nito.
Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin kapag tuluyan na kaming magsama bilang isang tunay na mag asawa. Pero ito lang ang nasisigurado ko, hindi ito ganoon kadali.
"Wow! Bagay na bagay po sa inyo ang gown Mam!" naipilig ko ang aking ulo ng marinig kong nagsalita ang isang staff na nag-aassist sa akin sa pagsusukat ng gown. Tama ang sinabi nito, bagay sa akin ang gown na suot ko pero hindi man ang ako nakaramdam ng saya. Ang pagpapakasal sa isang babaero ay isang malaking parusa para sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang pinakain ni Peanut sa mga magulang ko kung bakit niya napapayag kaagad na magpakasal kami. Kung tungkol sa kumakalat na picture ang dahilan mabilis lang naman sanang resulbahin iyun. Hindi na dapat humantong pa sa kasalan ang lahat lalo na at hindi pa ako ready.
Pagkatapos kong magsukat ng gown na isusuot ko sa kasal kaagad akong lumabas ng fitting room. Kaagad kong nakita ang matiyagang naghihintay na si Peanut. Sa hitsura nito mukhang kanina pa ito naiinip kaya kaagad ko itong nilapitan.
"Pwede mo na akong iiwan dito. May ilang detalye pa kaming pag-uusapan kaya baka matagalan pa." malamig kong wika dito.
Simula ng nai-set ang kasal naming dalawa naging malamig na ang pakikitungo ko sa kanya. Kinakausap ko lang ito kapag kailagang-kailangan at pagkatapos noon wala na.
"Isasama kita mamaya sa airport. Susunduin natin ang Mommy ko. Aattend siya sa kasal natin next week kaya sana magkasundo kayong dalawa. " sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka
Sa buong panahon na napag-usapan ang tungkol sa kasal namin walang iniharap na pamilya si Peanut. Bunga siya ng broken family at parehong may kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga magulang. Ang pagdalo ng Ina nito ay malaking bagay para sa kanya. Hindi din naman ako intersado na ma-meet ang Nanay niya. Pakiramdam ko ang kasalan na magaganap sa pagitan naming dalawa ay isang malaking parusa sa akin.
Naupo ako sa isang upuan bago tumango.
"Kung ganoon, magkita na lang tayo mamaya sa isang mall. Iwan mo na ako dito." sagot ko. Saglit itong natigilan habang seryoso akong pinagmamsdan. Nagulat pa ako nang naupo ito sa tapat ko.
"Hihintayin na kita. Wala naman akong ibang appointment na gagawin ngayung araw kaya masasamahan kita buong araw." sagot nito
Hindi ko na ito kinibo pa. Inabala ko ang sarili ko sa kakatingin sa mga magazine na nasa harap ko. Kunwari naging abala ako para maiwasan ang pakikipag-usap kay sa kanya.
"Alam kong hindi mo gusto ang nangyayari ngayun pero wala na akong magagawa pa para bawiin ko na ang nasabi ko na. Huwag kang mag-alala, kahit kasal ka na sa akin, bibigyan pa rin kita ng kalayaan para magawa mo lahat ng gusto mo." Napahinto ako sa aking binabasa ng marinig ko ang sinabing iyun ni Peanut. Nagtataka akong napatitig dito.
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Ibibigay ko sa iyo ang gusto mo, magiging kasal lang tayo sa papel pero hindi tayo magsasama bilang mag- asawa." sagot nito. HIndi naman ako nakasagot. Pilit na inaanalisa ng utak ko ang mga sinabi niya ngayun.
"Alam kong wala kang gusto sa akin. Napipilitan ka lang diba? Well, the feeling is mutual. Hindi din kita gusto at wala akong balak na itali ka habang buhay sa akin. Malaki lang ang respito ko sa grandma at grandpa mo kaya nag - offer kaagad ako ng kasal sa kanila para matigil na ang issue na pilit na pinapakalat tungkol sa ating dalawa ng media. "Muling wika nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinasabi niya ngayun pero bakit ganoon? Bakit may kirot sa puso akong nararamdaman sa mga sinasabi niya ngayun. Bakit lalo akong nakaramdam ng matinding lungkot?
Kung tutuusin, maganda ang sinasabi niya ngayun. Pabor dapat sa akin iyun. Pero bakit masakit sa kalooban?
"Bakit mo ito ginagawa? Kung napipilitan ka din sa kasalang ito, bakit ka pumayag? Bakit ka nagsinungaling sa kanila?" sagot ko sa kanya. Malungkot akong tinitigan nito bago sumagot.
"Dahil iyan ang pakiusap sa akin ng mga magulang mo. Iniisip nila na ang kasal na ito ang maging dahilan para tuluyan mo ng kalimutan ang pangarap mong pumasok sa military." sagot nito. Lalo akong nagulat sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" tanong ko.
"Yes, iyan ang totoo Charlotte! Alam kong nagtataka ka kung bakit sobrang bilis ng pagpayag nila sa kasal na ito. Kahit na hindi maganda ang reputasyon ko, sumugal pa rin sila. Ganyan ka nila kamahal. Itatali ka nila sa kasal na ito para tuluyan mo ng talikuran ang pangarap mo." sagot nito. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa sarili kong mga magulang. Hindi pa ba sapat sa kanila ang pangako ko na susundin ko muna ang gusto nila? Na hindi muna ako papasok sa military dahil iyun ang gusto nila. Pero bakit kailangan pang umabot kami sa ganito. Wala ba silang tiwala sa akin?
Gustuhin ko mang magalit pero ano pa nga ba ang saysay noon! Hindi na ako pwedeng umatras sa kasal na ito dahil lalo itong magbibigay ng malaking issue sa pamilya namin. Naka-ready na ang lahat at ang araw na lang ng kasal ang hinihintay. Hindi na pwedeng umatras dahil mas malaking issue ang mangyayari kung gagawin ko iyun.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating din ang araw na ayaw ko na sanang mangyari pa. Ang araw ng aming kasal.
Naayusan na ako at naisuot ko na din ang damit pangkasal ko habang wala kakurap-kurap kong tinitigan ang sarili kong reflexion sa salamin. Malungkot akong napangiti. Hindi ito ang pangarap kong kasal. Hindi sa ganitong paraan at hindi sa ganitong edad.
"Mam, kailangan na po nating pumunta ng simbahan. Kayo na lang po ang hihintay doon." napakurap pa ako ng makailang ulit habang pilit na pinapakalma ko ang sarili ko.
Kung tutuusin may oras pa ako para tumakas at gawin lahat ng gusto ko. Pwede kong ituloy ang pangarap ko na pumasok sa military na hindi na kailangan pang isaalang-alang ang opinions ng aking pamilya. Iyun ay kung kaya ko silang ipahiya. Iyun at kung kaya kung baliwalain ang kagustuhan nila. Iyun ay kung kaya kong talikuran ang pamilya ko dahil sa pangarap ko.
Sa totoo lang, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Prensipyo ko ba or kagustuhan ng mga magulang ko at mga taong nakapalibot sa akin? Hindi ko alam.
Chapter 314
CHARLOTTE POV
'Ang pagpapakasal ay isang sagradong bagay at hindi dapat gawing laro.' iyan ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad ako sa gitna ng isle. Present lahat ng mga mahal ko sa buhay at mga malalapit na kaibigan.
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayun. Lalo na ng makita ko si Peanut na nakatayo sa harap ng altar at seryosong nakatitig sa akin.
Pagkalapit ko sa kanya, walang emosyon na tinangap nito ang aking kamay. Hindi ko tuloy malaman kung masaya or malungkot ba ito.
Gayunpaman, hindi ko nalang binigyang pansin pa. Wala din namang halaga pa kung aalamin ko pa ang nararamdaman niya.
Natapos ang seremonya ng kasal na
wala akong naintindihan. Kahit nga ng sabihin na ng pari ang katagang 'you may now kiss the bride' hindi naging exciting sa lahat. Lalo na sa akin.Paano ba naman kasi, sa pisngi ulit ako hinalikan ni Peanut. Palatandaan lang na hindi naman talaga kami magsasama bilang tunay na mag- asawa.
Dapat nga maging masaya ako eh. Magiging malaya pa din naman ako after ng kasal na ito. Walang mababago sa buhay ko.
Pagkatapos ng kasal, kabi-kabilaang pagbati ang narinig ko. Puro ngiti at tango lang naman ang naging sagot ko.Pagkatapos, diretso kami sa isang hotel kung saang gaganapin ang reception at doon din kaming dalawa magpalipas ng gabi bago kami lilipad bukas ng umaga papuntang Japan para sa aming honeymoon.
Natatakot man sa mga posibleng
mangyari sa sandaling magkasama kami ni Peanut, pinilit ko pa rin magpakatatag. Mukha naman itong mabait at umaasa ako na paninindigan niya ang sinabi niya sa akin na mag- asawa lang kami sa papel. Na hahayaan niya akong maging malaya at magagawa ko pa rin lahat ng gusto kong gawin.
Sabay na kaming pumasok sa loob ng aming hotel room. Walang kahit na anong seremenoya na nangyari. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko? Iyung bubuhatin niya ako sa loob ng hotel room katulad na mga napapanood kong love story? Na maging sweet kami?
Of course, hindi mangyayari iyan at never na mangyari sa aming dalawa iyun.
"Mauna ka ng gumamit ng banyo. Alam kong kanina ka pa init na init
diyan sa suot mo." kaagad na wika nito sa akin pagkapasok pa lang namin. Tintigan ko muna ito bago tumango at mabilis na sinunod ang gusto niya.
Nakakailang pala talaga na may kasama kang lalaki sa iisang kwarto. Pero, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. Wala eh, kahit na ano pang sabihin ko, mag-asawa na kaming dalawa ni Peanut at hindi pwedeng magbangayan kami sa lahat ng oras. Masyadong toxic iyun.
Pwede naman siguro kaming mag- umpisa sa pagkakaibigan. Tama, pwede muna kaming maging magkaibigan hangat kinikilala pa namin ang isat isa. Malay mo naman, baka kaming dalawa talaga ang nakatakda sa isat isa diba?
Kaagad kong ipinilig ang ulo ko ng maisip iyun. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit biglang inasam ng puso ko na magkakaroon talaga kami ng tunay na romnace ni Penaut? Hindi dapat ako mag-isip ng ganito dahil baka ako lang ang umaasa ng ganoon. Baka nga mauwi lang din sa hiwalayan ang lahat eh.
Nagpasya na lang akong maligo at nagbihis ng pinaka-desente kong pantulog. Blouse at pajama at nagmamadaling lumabas ng banyo pagkatapos kong gawin ang evening routine ko.
Nagtaka pa ako dahil walang Peanut akong naabutan. Inilibot ko pa ang tingin sa paligid ng hotel room pero wala talaga siya.
"Saan siya nagpunta ng ganitong oras? " hindi ko pa napigilang bulong sa aking sarili at kaagad na napakunot ang noo ko ng mapansin ko na may note na nakapatong sa bedside table. Kaagad iyung kinuha at binasa.
Sinabi lang nito na lalabas daw siya. Pwede na daw akong magpahinga dahil maaga pa ang alis namin bukas.
Sa nabasang iyun, bigla akong nakaramdam ng kurot sa puso. First night naming dalawa ngayun pero kung saan-saan siya magpupunta.
Pwede naman siyang mag-stay dito sa hotel room namin. Kahit hindi namin pwedeng gawin ang ginagawa ng tunay na mag-asawa, pero gusto ko pa din siya makasama. Gusto ko sanang maka -kwentuhan ang isang Peanut Smith hanggang sabay kaming makatulog.
Pero, mukhang malabo mangyari iyun. Hindi siguro talaga ako dapat na umasa na maging maayos ang pagsasama namin.
Dahil sa sobrang pagod, kaagad na akong nakatulog. Naalimpungatang lang ako sa sunod-sunod na tunog ng aking cellphone. Noong una, nagtataka pa ako kung nasaan ako, pero noong sumagi sa isip ko na ikinasal na pala ako kay Peanut at nandito ako sa isang hotel kaagad kong inabot ang cellphone ko para alamin kung sino ang nag-memessage sa akin.
Messenger message. isang video clip at kaagad kong binuksan. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko kung sino ang nasa video. Si Peanut, may kahalikang babae at walang iba kundi ang ex fiance nitong si Maureen.
Bago lang ang video na ito dahil kung ano ang suot ni Penaut kanina, iyun din ang nasa video. Parang may kung anong bagay ang biglang kumurot sa puso ko. Hindi ako makapaniwala na sa unang gabi na pagsasama namin bilang mag-asawa, ibang babae ang gusto nitong makatabi sa kama.
Hindi ko na mapigilan pang maluha
ang maluha ng mag-send ito ng panibagong message kung saang hotel ito nangyari. Dito lang din sa hotel na kinaroroonan namin at kung hindi ako nagkamali number iyun ng katapat na room lang namin. Kaagad akong napatayo at naglakad patungo doon.
Room 603, iyun ang nakalagay kaya
naman pagkalabas ko ng pintuan ng
room naming dalawa ni Peanut iyun kaagad ang nahagip ng tingin ko. Nagmamdali akong naglakad patungo doon at dahan-dahan na itinulak ang pintuan.. naka-lock iyun at wala akong choice kundi ang kumatok ng kumatok hanggang sa magbukas iyun at ang nakangising mukha ni Maureen ang una kong nasilayan.
"Oh, Hi! Nandito pala ang mang aagaw? Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong pa nito sa akin na bakas sa boses ang pang-iinis. Tinitigan ko ito at malakas na itinulak na siyang dahilan para mapaupo ito at mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto.
Parang gusto kong umiyak ng malakas ng makita ko si Peanut sa gitna ng kama. Tulog na tulog at kung wala lang itong kumot sa pang-ibabang bahagi ng katawan, iisipin ko na hubot hubad ito. Magulo ang kama at mukhang katatapos lang maganap ang matinding bakbakan sa pagitan nilang dalawa ni Maureen katulad ng video clip na isenend nito sa akin.
"Tingnan mo nga naman, ikaw ang pinakasalan, pero ako pa rin ang hinahanap niya. Hindi mo ba alam kung bakit ka pinakasalan ni Peanut? Gusto niyang maging mabango ang pangalan niya. Maraming tao dito sa Pilipinas na nangangarap na maging bahagi ng pamilya niyo kaya noong nagkaroon ng chance si Peanut, hindi niya na pinalagpas pa!" nang-uuyam na wika ni Maureen. Hindi ko maiwasang maikuyom ang kamao ko. Ibayong sakit ang nararamdaman ng puso ko ngayun.
Hindi ko akalain na sa unang gabi na pagsasama naming dalawa ni Peanut, ito kaagad ang sasalubong sa akin.
Chapter 315
Charlotte POV
Wala naman talagang kami pero bakit pakiramdam ko aping api ako ngayun? Bakit nasasaktan ako sa isiping imbes na ako ang kasama ni Peanut, ibang babae ang gusto niyang makatabi?
Worst! Sa unang gabi pa talaga ng kasal namin. Pigil ko ang sarili kong huwag maiyak. Bagkos hinarap ko si Maureen at ubod tamis na nginitian.
"Well, Sa palagay mo ba magagalit ako kapag malaman ko na ikaw ang kasama niya ngayung gabi? Hindi ka yata aware na napipilitan lang din naman akong magpakasal sa kanya. Hindi porket kasal na kami, pagbabawalan ko na siyang makasama ka o kahit na sinong babae na type niya! Para sabihin ko sa iyo, wala akong pakialam kung ubusin niyo man pareho ang lakas niyo ngayung gabi sa p********k! Maganda nga iyan eh...
hindi na ako kukulitin pa ng Peanut na iyan na ikama dahil sa iyo pa lang, mukhang satisfied na siya!" mahabang wika ko kay Maureen.
Tigagal siyang napatitig sa akin. Hindi marahil niya inaasahan na ganito ang magiging reaction ko. Muli kong sinulyapan si Peanut na nahihimbing pa rin sa kanyang pagtulog.
manyak nga talaga ang Gago! Ni hindi man lang pinalipas ang ilang araw pagkatapos maganap ang kasal naming dalawa. Masyadong excited sa pakikipagtalik sa ibang babae. Well, talagang ganyan na siguro siya at kahit masakit sa akin, kailangan kong magbulag-bulagan.
"May gusto ka pa bang sabihin sa akin? Kung wala na, babalik na ako sa kwarto ko. Huwag kang mag-alala, ipapaubaya ko siya sa iyo ngayun at sa mga susunod na araw. Iyun nga lang, hangat kasal na siya sa akin, mananatili kang kabit sa paningin ng ibang tao. Nakakahiya iyun diba? Lalo na at may iniingatan kang pangalan." nakangisi kong muling wika bago taas noong naglakad papuntang pintuan
Oo, mukha akong matapang ngayun. Pero kung may kakayahan sigurong makita ni Maureen ang nilalaman ng puso ko, baka magdiwang siya sa sobrang saya. Durog na durog ako ngayun at hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ako maging matapang. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi maging madali ang maging asawa ni Peanut Smith.
"Bilib din naman ako sa fighting spirit mo! Hindi ko akalain na ganito ka pala katapang. Well, since sa mismong bibig mo na din nanggaling na wala kang pakialam kay Peanut, itutuloy-tuloy ko na ang pakikipaglaro ng apoy sa kanya. " nakangisi nitong sagot.
"Dont worry Maureen, wala kang
maririnig na kahit na anong salita sa akin. Pero payo ko lang din sa iyo, tigilan mo ang kaka-send ng video clip niyong dalawa ni Peanut. Baka mamaya, hindi ako makapagpigil at mai-share ko ito sa social media. Alam mo na siguro ang mangyayari sa iyo kapag gagawin ko iyun diba?"
nakangisi ko namang sagot sa kanya. Kaagad na nagsalubong ang kilay nito dahil sa sinabi ko. Palatandaan lang na hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig ko ngayun.
"Isang simpleng pagbabanta ba ito Charlotte Villarama? Sa palagay mo ba matatakot ako? Kapag ilabas mo sa social media ang video clip na nai-send ko sa iyo kanina, sa palagay mo ba, pangalan ko lang ang masisira? Kasiraan mo din ito Charlotte dahil ibig lang sabihin noon, hindi kontento ang asawa mo sa iyo kaya siya naghanap ng iba!" nakangisi naman nitong sagot Kaaagad ko itong tinaasan ng kilay.
"Oh really? Sa palagay mo ba may pakialam ako? Gusto mo bang gawin ko na ngayun din ang sinasabi mong pagbabanta ko? Total naman, magandang issue ito sa paparazzi. Wala pang halos bente kwatro oras kaming kasal ni Peanut, nasa kandungan mo na siya kasi malandi ka!
" natatawa kong sagot sa kanya. Lalong namula ang mukha nito at nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Mukhang affected ang bruha.
"Kung talagang wala kang gusto sa kanya, bakit kailangan mong pumayag na magpakasal sa kanya? Kami dapat ang ikinasal kung hindi ka umiksena!' galit na wika nito sa akin. Inismiran ko ito.
"Bakit hindi si Peanut ang tanungin mo? Wala sa forte ko ang magpaliwanag sa iyo dahil hindi naman tayo closed diba? Hindi din tayo magka-level! Pero payo ko lang sa iyo bilang isang babae, sa susunod na may gagawin pa kayong milagro, huwag mo ng ipaalam sa akin. Hindi ako apektado at wala akong pakialam sa inyong dalawa." sagot ko sa kanya at mabilis na naglakad palabas ng silid na iyun.
Pigil na pigil ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Dapat wala akong pakialam eh. Hindi kami magtuturingan na mag-asawa ni Peanut at dapat lang na hindi ko siya pakialaman dahil hindi din ako papayag na papakialaman niya!
Pagkapasok ko sa loob ng hotel room namin, kaagad akong nahiga sa kama. HInayaan kong tumulo ng tumulo ang luha ko sa aking mga mata hanggang sa hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako sa mahinang tapik sa aking pisngi kinaumagahan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagulat pa ako ng masilayan ko si Peanut. Nakatunghay ito sa akin at mukhang bagong ligo na.
"Good Morning! Mukhang napasarap ang tulog mo ah? Kailangan mo na sigurong maghanda. Baka maiwan tayo ng flight!'" nakangiti nitong wika sa akin.
Hindi ko naman maiwasan na mapatitig dito. Kung tutuusin, napaka- gwapo nito. Iyun nga lang, hindi talaga pwedeng mahalin siya. May iba ng nagmamay-ari sa kanya at hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko dahil alam kong ako din ang maging talo pagdating ng araw.
"Kailangan pa ba nating umalis ng bansa? Tinatamad ako at kung gusto mong umalis, pwede mong gawin iyun. " sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pagbabago ng expression ng mukha nito. Mariin akong tinitigan kaya kaagad akong bumangon at bumaba ng kama.
"Bakit ayaw mo ba? Sayang naman ang tiket kung hind natin gagamitin." sagot nito.
"Pwede mo pa din naman gamitin kung gusto mo. Pero wala akong balak na sumama. Marami akong rereviewhin lalo na at patapos na naman ang isang semister." sagot ko sa kanya. Ilang saglit din ako nitong tinitigan bago umiling.
"Charlotte, gusto kong makilala pa kita. Mag-asawa na tayo at siguro ang trip na ito ang paraan para makilala natin ng lubos ang isat isa.' sagot nito. Bakas sa boses nito ang tinitimping inis kaya naman kaagad kong dinampot ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table.
"No! hindi ako interesado! Huwag na tayong maglukuhan pa Peanut. Alam kong hindi ako ang gusto mong makasama. Dont worry, pwede niyong gamitin ni Maureen ang honeymoon ticket. Total naman, siya ang kasama mo buong magdamag. Lubus-lubusin niyo ang pagkakataon. Isipin niyo na kayong dalawa ang ikinasal. Na hindi ako nag-eexist sa buhay niyo!' direktang sagot ko sa kanya habang pigil ko na naman ang sarili ko na maiyak.
Gulat na gulat akong tinitigan ni Peanut. Pinamywanang ko ito at binigyan ng piking ngiti.
"Nagulat ka ba? Bilib din naman ako kay Maureen, talagang isinend niya pa sa akin ang ginawa niyo kagabi. Pinuntahan ko pa nga kayo sa kabilang
Chapter 316
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kong maligo at pakalmahin ang sarili ko tsaka pa lang ako lumabas ng banyo. Naabutan ko pa si Peanut na nakaupo sa kama at mukhang may malalim na iniisip.
"Sorry!" narinig ko pang wika nito sa akin ng mapansin nito ang paglabas ko. Titig na titig ito sa akin na parang may gustong sabihin.
"For what?" sagot ko.
"For what happened! Alam kong napipilitan ka lang na magpakasal sa akin. I am sorry!" sagot nito. Seryoso ko itong tinitigan bago sinagot.
"Dont mention it! Nangyari na ang lahat at wala na tayong magagawa pa kundi sundin kung ano man ang napag- usapan natin." sagot ko sa kanya habang isa-isa kong inilalagay sa bag ang mga personal na gamit ko.
"Ayaw mo ba talagang gamitin ang ticket natin para sa honeymoon? Look, maaga pa, pwede pa tayong humabol." muling wika nito. Kaagad naman akong umiling.
"Buo na ang desisyon ko. Hindi ako lalabas ng bansa. Kung nanghinayang ka sa tickets, pwede niyong gamitin ni Maureen iyun." kaswal kong sagot pero sa totoo lang, masakit sa kalooban ko ang sinasabi kong iyun.
"Charlotte, please, pwede bang huwag mo na siyang isali sa usapang ito? Wala akong balak na gamitin ang ticket sa ibang babae. Mag-asawa na tayo at ikaw lang ang gusto kong makasama sa buong period ng honeymoon natin." sagot nito. Natigilan ako sa aking ginagawa at seryoso itong tinitigan.
"Sigurado ka ba diyan? Bakit iba ang lumalabas sa bibig mo kumpara sa
ginagawa mo?" sagot ko. Natigilan ito.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ito.
"Peanut, please...huwag ka ng magkunwari pa! Alam kong mas gusto mong makasama si Maureen kumpara sa akin. Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pa tayong humantong sa ganito. Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit kailangan mo pa akong pakasalan gayung ibang babae naman pala ang gusto mong makasama!" sagot ko sa kanya. Sa pagkakataon na ito, gusto kong malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari.
Imagine, kahit naman may usapan kami na hindi kami magsasama bilang isang tunay na mag-asawa, ang pangit naman ng ugali niya para i-check-in niya sa kabilang room lang si Maureen. Malaking insulto sa akin iyun kung tutuusin.
"Sorry!" Muling wika nito. Sa totoo lang, nakakaumay na ang kakahingi nito ng sorry. Hindi kayang bawasan ng salitang iyun ang sakit na nararamdaman ng kalooban ko.
"Sana hindi makarating kila Mama at Papa ang tungkol sa hindi pagamit natin ng ticket. Maghahanap ako ng apartment na tutuluyan dahil wala na akong balak pa na umuwi sa amin." sagot ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan pang gawin iyan. Kung talagang gusto mo ng tahimik na buhay pwede mong gamitin ang isa sa mga bahay ko. Charlotte, huwag mo sanang kalimutan na sa mata ng ibang tao, legal na tayong mag -asawa. Hindi tayo pwedeng maghiwalay ng tinitirhan." sagot nito.
"At bawal din ang kabit diba? Well, pwede siguro pero sana itago niyo naman. Huwag namang harap- harapan." sagot ko. Kaagad naman
itong nag-iwas ng tingin. Palatandaan na guilty ang gago!
"Sorry, hindi na mauulit pa ang nangyari kagabi. Nalasing lang talaga ako at hindi ko namalayan na sa kwarto ni Maureen ako nakatulog." sagot nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapaisimid. Natulog lang ba talaga siya? Bakit iba ang nakikita ko sa video na isinend sa akin ni Maureen?
"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. Hindi ako interesado." sagot ko. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun. Mahirap tangapin na nakipag- sex kaagad siya sa ibang babae gayung ako ang asawa niya. At talagang may video pa. Sanay talaga sa sex scandal ang Peanut na ito.
Hindi na natuloy pa ang trip to abroad honeymoon namin. Hindi niya ako mapilit. Nang umagang iyun, nilisan namin ang hotel at dumiretso kami sa isa sa mga bahay ni Peanut. Ibang bahay ito at may makakasama na akong mga kasambahay.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kahit papaano nasanay na ako sa bagong buhay ko. Bihira lang din. naman kung umuwi si Peanut sa bahay kung saan ako nakatira ngayun. Kung tutuusin, wala talagang kwenta ang kasal namin. Parang inilayo lang ako ng kasal na ito sa tunay kong pamilya.
Balik iskwela din ako. Pinilit kong ibaling buong attention ko sa pag- aaral ko. Balak kong mangibang bansa pagka-graduate ko. Malaki ang tampo ko sa mga magulang ko kaya naman bihira lang din akong sumisipot sa family day namin. Hind na din kami masyadong nag-uusap ni Veronica dahil nagiging maselan ang pangalawa niyang pagbubuntis. Naka-bedrest ito hanggang sa makapanaganak at ayaw ko ng dumagdag pa sa stress niya.
Tahimik buong gabi at sinadya ko talagang matulog ng mas maaga nang maalimpungatan ko na may biglang tumabi at yumakap sa akin. Noong una, hindi ko pinansin iyun pero nang maramdaman ko na may mainit na hininga na dumadampi sa pisngi ko, unti-unti kong naimulat ang aking mga mata at kaagad na sumalubong sa paningin ko si Peanut. Seryoso ang mukha nito habang titig na titig sa akin.
"Peanut? Anong ginagawa mo? Paano kang nakapasok sa kwarto ko?" kaagad na tanong ko dito at akmang babangon na ng bigla ako nitong daganan. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil s pagkagulat.
"Correction! Kwarto nating dalawa! Hindi pwedeng sa iyo lang dahil mag- asawa tayo!" sagot nito.
Mukhang nakainom ang mani (Peanut) na ito. Amoy alak ang hininga nito kaya naman pilit akong nagpumiglas para makabangon. Lalo naman niyang idiniin ang kanyang katawan sa akin.
"Ano ba? Umalis ka nga diyan! Hindi ka na nakakatuwa ha? Kung umuwi ka lang dito para mang-inis, pwede ba? Huwag ako! Gusto ko pang matulog at kung gusto mong makipag-usap sa akin hintayin mo ang umaga para mag- usap tayo." sagot ko sa kanya. Hindi naman ako nito sinagot bagkos titig na titig pa rin ito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagkailang.
"Sino ang nagsabi sa iyo na ang pakikipag-usap ang pakay ko? Iba ang gusto kong gawin kaya ako nandito Charlotte." wika nito kasabay ng pagbaba ng mukha nito sa mukha ko. Hindi ko inaasahan ang kaagad na paglapat ng labi nito sa labi ko. Hindi ko iyun inaasahan kaya hindi ako nakapag-react kaagad at biglang naging blanko ang utak ko.
Ito ang pangalawang pagkakataon na hinalikan niya ako sa labi at pakiramdaman ko nagugustuhan ko iyun. Para akong idinuduyan sa alapaap na hindi ko maintindihan.
Ni hindi man lang ako nakakaramdam ng pagtutol sa kaloob-looban ng puso ko. Bagkos excited ang katawang lupa ko sa mga susunod na mangyayari sa aming dalawa.
Hindi ko na nga namalayan kung ilang minuto ng magkalapat ang aming labi. Parang uhaw na uhaw si Peanut na ginalugad bawat sulok ng bibig ko. Wala itong kasawaan at pakiramdam ko nga nangangapal na ang labi ko sa sobrang tagal nang halikan naming dalawa.
Yes...naming dalawa dahil natuto na din akong tumugon. Ginagaya ko lang naman ang galaw ng labi niya. Masaya ang puso ko kung ano man ang ginagawa namin ngayun.
Gusto ko pa ngang magprotesta ng maramdaman ko na umangat ang mukha nito dahilan para magkahiwalay ang kaninang magkalapat naming labi. Muli akong tinitigan sa aking mga mata habang may ngiti sa kanyang labi.
"Bakit hindi na lang natin tutuhanin ang lahat. Pwede naman talaga tayong magsama bilang tunay na mag-asawa diba? Pwede tayong bumuo ng isang masayang pamilya" narinig kong sambit nito. Hindi naman ako nakaimik.
Posible kaya ang sinasabi nito ngayun? Magiging masaya kaya kami? Kung mahal niya ako, posible iyun pero kung pag-aari ng ibang babae ang puso niya handa ba akong maging panakip butas?
Kahit kailan, hindi nababanggit ni Peanut ang tunay nyang nararamdaman para sa akin. Oo, pinakasalan niya ako pero hindi ibig sabihin noon na mahal niya ako.
Paano kung katawan ko lang din ang habol niya sa akin? Kaya ko bang matulad sa ibang mga babae na dumaan sa buhay niya? Na pagkatapos niyang pagsawaan basta niya na lang itinapon na parang basahan.
Chapter 317
CHARLOTTE POV
"No! kaagad kong wika kay Peanut at mabilis akong nakabangon at bumaba ng kama. Para akong napapaso na biglang lumayo sa kanya.
Hindi ko dapat pairalin kung ano man ang sinisigaw ng puso ko. Hindi pwede! Ayaw kong sumugal sa isang bagay na alam kong bandang huli ako din ang magiging talo.
"Ano ang ginagawa mo? Akala ko ba sa umpisa pa lang nagkasundo na tayo na walang pakialaman at hindi natin pwedeng gawin ang ginagawa ng isang tunay na mag-asawa? Ano ito? Bakit may mga ganitong moves ka? Oo, hindi porket ikinasal tayo pwede mo ng gawin sa akin ang gusto mong gawin. Mag-asawa tayo sa papel lang at huwag mo naman sana akong itulad sa mga babaeng dumaan na sa buhay mo!' seryoso kong sagot sa kanya.
Kita ko ang biglang pagbabago ng expression ng mukha nito. Akmang lalapit ito sa akin pero umatras ako. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang marahas nitong pagbuntong hininga.
"Charlotte, gusto mo din naman diba? Ano ba ang pumipigil sa iyo? Pwede nating gawin ang ginagawa ng tunay na mag-asawa dahil ikinasal na tayo." sagot naman nito sa akin. Kaagad ko itong pinanlakihan ng mga mata.
"Gago ka ba? Ano ba ang pinagsasabi mo? Nakalimutan mo na ba ang pinag- usapan natin noon?." galit ko namang sagot sa kanya. Hindi naman ito nakasagot kaya muli akong nagsalita.
"Hindi ko kayo pinakikialaman ni Maureen kaya huwag mo din sana akong pakialaman!"
"Charlotte, hanggang kailan ka maging ganito? Kalabisan ba para sa iyo ang gusto kong mangyari sa ating dalawa? Hanggang kailan tayo mamuhay na parang isang istranghero ang turingan sa isat isa?" sagot nito.
"Ano ba ang sinasabi mo? Peanut, nagpapatawa ka ba? Alam natin pareho na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Hindi ka pa ba kontento sa mga babae mo at pati ako gusto mo pang pakialaman?" diretasahan kong sagot. Tigagal itong napatitig sa akin.
"Papalipasin ko lang ang dalawa or tatlong taon at magpa-file ako ng divorce or legal separation. Sapat na siguro iyun para matapos na ang lahat ng kalokohan na ito. Hindi na din naman siguro ako lalabas na masamang anak dahil naging masunurin naman ako sa mga magulang ko diba?" muling wika ko sa kanya.
"Anong sabi mo? Divorce? Legal
separation? Nagpapatawa ka ba? Wala sa usapan natin ang tungkol sa bagay na iyan." sagot naman nito. Kita ko sa mukha nito ang tinitimping galit.
Galit? Tama ba ang nakikita ko? Galit siya? Bakit? Sa pagkakaalam ko, sa hiwalayan din ang patutunguhan naming dalawa dahil sa sitwasyon namin ngayun.
"Teka lang...bakit? Ayaw mo? At ano ang gusto mo? Habang buhay mo akong itatali sa kasal na ito na alam mo naman na sa umpisa pa lang, tutol na ako!' inis ko din na sagot sa kanya. Muli itong natigilan. Blanko ang mukha nito na tumitig sa akin. Hindi naman ako nagpatinag. Nakipagtitigan ako dito. Matira ang matibay sa aming dalawa.
Tama lang ang ini-insist ko sa kanya ngayun. Walang dahilan para magsama kami ng matagal. Wala akong balak na buruhin ang sarili ko sa kanya. Hintayin nya lang na maka-graduate ako at hindi ako magdadalawang isip na iiwan ng tuluyan kung ano mang buhay meron ako dito sa Pilipinas.
Mukhang hindi na ito nakapagtimpi at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa at mabilis akong hinawakan sa magkabilang balikat. Ramdam ko ang gigil sa mga hawak nito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.
"No! Hindi ako papayag. Walang hiwalayan na mangyayari sa ating dalawa! Tandaan mo! Pinaghirapan ko ang lahat ng ito kaya naman hindi ako papayag na basta-basta mo na lang akong iiwan." galit na wika nito sa akin. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
"Charlotte, alam mo ba ang rason kung bakit kita pinakasalan? Noon pa man, may gusto na ako sa iyo at naipangako ko na sa sarili ko na ikaw lang ang kaisa -isang babae na ihaharap ko sa altar!'" muling wika nito sa akin na lalong nagpagulat sa aking sistema. Ano ang ibig niyang sabihin?
"A-anong sabi mo?" sagot ko.
"Noon pa man, gusto na kita! Ikaw palagi ang laman ng isipan ko. Noon pa man gusto na kitang ligawan. Gusto na kita Charlotte Villarama at talagang hinintay ko na dumating ka sa tamang edad para ma-umpisahan ko na sana ang manligaw sa iyo." sagot nito na lalong nagpalito sa nararadaman ko ngayun.
Sinasabi ba ni Peanut ngayun na noon pa man mahal niya ako? Pero bakit hindi ko iyun napansin? Bakit kabi- kabilang babae ang nauugnay sa kanya noon pa man.
Parang bomba na sumabog sa pandinig ko lahat ng rebelasyon niya kaya naman nakatanga lang akong napatitig dito. Wala man lang akong naapuhap na kahit na anong salita na pwedeng isagot sa kanya.
"Kung gusto mo ng masayang buhay, ngayun pa lang turuan mo na ang sarili mo na matutunan akong mahalin dahil mananatili ka sa piling ko habang- buhay.!'" muling wika nito.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya ngayun. Baka mamaya hindi naman talaga para sa akin ang binabanggit niyang salita.
Imposible! Sa dinami-daming babae na dumaan sa buhay niya, sa akin pa talaga siya ma-iinlove? Baka naman ginu-goodtime nya lang ako. Baka naman gusto niya lang akong ikama kaya niya nasasabi ang mga ganitong kataga. Sanay na magpaikot ng babae si Peanut dahil playboy ito. Kaya dapat lang na mag-ingat ako. Hindi ako dapat magpadala sa mga matatamis na salita mula dito.
Akala siguro niya hindi ko alam na kapag wala siya dito sa bahay, si Maureen palagi ang kasama niya. Na parang asawa ang turing niya kay Maureen samantalang bihira lang nya akong maisipan dalawin dito sa bahay.
"Akala mo ba maniniwala ako sa mga sinasabi mo? No! Basang basa ko na ang mga lalaking kagaya mo Peanut! Nagtatahi ka lang mga ganyang salita dahil gusto mong pati ako mahulog sa mga kamay mo. Tandaan mo, huwag mo ako itulad sa mga babae mo na kaunting kalabit mo lang, bumibigay kaagad! Ibahin mo ako sa kanila!" gigil kong sagot sa kanya na lalong nagpadikit sa mga kilay nito.
"Let see Charlotte! Wala din naman akong pakialam kung maniniwala ka or hindi eh! Ang importante sa akin ngavun, kas ka na sa akin. Hindi mo
ako pwedeng iwan ng basta-basta. Bihag na kita! Asawa na kita at bubuo tayo ng pamilya kapag ready ka na!" sagot nito sa akin. Kaagad ko itong pinanlakihan ng aking mga mata.
"Isa pa, ano ba ang ini-expect mo sa kasal na ito? Isang laro? Na aayaw ka na lang bigla kapag hindi pabor sa gusto mo ang mga nangyari? No! Nagkakamali ka! Kung talagang may paninindigan ka, noon pa man pinanindigan mo na sana ang pagtanggi sa kasalang naganap sa ating dalawa! Pero hindi eh...pumayag ka na ikasal ka sa akin kaya wala kang choice kundi harapin lahat nang ito." sagot nito sa akin.
"Hayop ka! Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ka pa ba kuntento sa mga babae mo? Kay Maureen? Bakit kailangan pang pati ako bwesitin mo ng ganito?? "halos pasigaw kong wika sa kanya. Nginisihan lang ako nito habang makahulugan akonh tinitigan.
Chapter 318
CHARLOTTE POV
Gabing-gabi na at dapat masarap pa ang tulog ko ngayun, pero heto ako. Inisturbo lang naman ako ng Peanut na ito at pinakulo ang dugo ko.
Ano ba ang gusto niyang ipaglaban tungkol sa kasal naming dalawa? Gusto niya daw akong makasama habang buhay? Sinong masamang ispiritu ang biglang sumanib sa Mani (Peanut) na ito at biglang nagbago ang kanyang mga linyahan?
Wala sa hitsura nito ang magseryoso sa iisang babae. Imagine, si Maureen naman talaga ang kanyang fiance pero ako ang kanyang pinakasalan. Diba, ang gulo ng takbo ng utak. Sa dami sigurong babae na nakapila dito, hindi na niya malaman kung anong desisyon ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Sabagay, alam kung halos lahat ng babaeng iyun nagdedemand din ng
kasal sa kanya. Kaya siguro ako ang pinakasalan niya dahil alam niyang hindi ako maghahabol sa kanya.
"Umalis ka na! Hindi na magbabago ang desisyon ko. Two to three years from now, tatapusin ko na ang kalokohang ito. Pwede ka ng magpakasal sa iba na pasok sa standard mo!" sagot ko sa kanya. Kaagad na nagsalubong ang kilay nito at akmang hahalikan na naman ako nito pero kaagad akong umiwas.
"Tigilan mo na ang kakahalik sa akin dahil baka kung ano pang germs ang dala mo at baka mahawa pa ako. Nakakadiri ka! Kung sinu-sinong babae na ang dumaan sa buhay mo tapos ako itong nananahimik, gusto mo pang guluhin!" malamig kong wika sa kanya sabay piksi. Muli akong umatras palayo sa kanya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanyang mukha. Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang marahil dahil sa sinabi ko.
"Ag ganoon? Ganyan ang tingin mo sa akin? Tingnan natin kung hanggang kailan ang tapang mo! Hindi ako ganoon kadali mapasuko Charlotte. Kapag ginusto ko ang isang bagay, nakukuha ko kaagad sa isang iglap kaya humanda ka!' sagot naman nito. Muli ko itong inismaran at masamang tinitigan.
"Hindi ikaw ang pangarap kong lalaki. Ayaw kong makasama habang buhay ang isang lalaki na kung kani-kanino lang pumapatol kaya sorry ka na lang.. " muling wika ko at mabilis na naglakad papasok ng banyo. Kaagad kong inilock iyun para masiguro na hindi niya ako masusundan.
Alam kong nagkakainitan na kaming dalawa at bago pa lumala iyun kailangan ko ng umiwas. Baka lalo lang kaming magkasamaan ng loob kapag patuloy pa kaming mag-uusap. Mas maganda na huwag na muna siyang magpakita sa akin para naman magkaroon kahit papaano ng katahimikan ang mundo ko.
Hindi ko maiwasang sipatin ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin. Alam ko sa aking sarili na malaki na ang ipinagbago ko. Wala na ang dating Charlotte na masayahin at easy go lucky. Alam kong marami ang nagbago sa akin simula ng ikasal ako kay Peanut.
Pagkatapos ng mainit na pagtatalo sa pagitan naming dalawa ni Peanut hindi na ulit ito nagpakita sa akin. Lumabas ako ng banyo na wala na siya. Hindi ko na lang pinansin pa dahil alam kong bumalik na iyun sa kandungan ni okMaureen. Pumunta lang talaga ito sa bahay para inisin ako.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kasalukuyan akong nasa books store nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Kaagad akong napalingon at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapansin ko si Lucas. Naka- disguise pa ito para siguro hindi makilala ng kanyang mga fans.
Simula ng aksidente naming pagkikita sa coffee shop, ngayun lang ulit nagkatagpo ang aming landas. Alam kong busy ito. Isa pa, mahirap ang sitwasyon nito. Sikat ito at hindi ito pwedeng tumambay sa mga matataong lugar dahil tiyak na kukuyugin ito ng kanyang mga fans.
'Anong ginagawa mo dito? Naku, baka mamaya makilala ka at pagkaguluhan ng mga fans mo." nakangiti kong wika sa kanya pagkalapit nito. Matamis muna akong nginitian bago sinagot.
"Hayaan mo sila! Na excite ako ng makita kita kanina kaya kaagad kitang sinundan. Ibigay mo na kasi sa akin ang phone number mo para naman matawagan kita." natatawa nitong sagot.
"Hayy naku, ikaw talaga! Sandali lang, magbabayad lang ako para makaalis na tayo dito. Lipat tayo sa coffee shop para naman makapag-usap tayo ng maayos.
" nakangiti kong sagot sa kanya. Tumango naman ito at talagang sinamahan pa ako sa counter para magbayad.
"Ikinasal ka na pala kay Peanut Smith? Ang daya mo, hindi mo man lang ako inimbitahan.!" naglalakad na kami palabas ng bookstore ng marinig ko ang sinabi niya. Natigilan naman ako.
"Pasensya na....." malungkot kong sagot na siyang kaagad naman nitong napansin.
"Teka..iyun lang ba ang masasabi mo? Sorry kung tunog pakialamero ako pero may problema ba ang pagsasama niyo? tanong nito. Hindi ko na muna ito sinagot hanggang sa makapasok kami sa loob ng isang coffe shop.
"Alam mo naman siguro na bago kami ikinasal ni Peanut, si Maureen ang fiance niya diba. A-alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." malungkot kong sagot. Blanko ang expression ng mukha nito na tinitigan ako.
"Bakit ka kasi pumapayag?" tanong nito. Nagtataka naman akong napatitig dito.
"Ikinasal nga kayo, pero nakakapagtaka naman na tuluyan ng ibinahay ni Peanut si Maureen. Buntis siya ngayun kaya nga tinanggihan niya ang ilang mga projects na ino-offer sa kanya." sagot nito habang hindi inaalis
ang pagkakatitig sa akin. Kaagad na nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat.
Pakiramdam ko biglang yumanig sa buong pagkatao ko ang balitang iyun ni Lucas. Hindi ko ini-expect na aabot sa ganito ang lahat. Kaagad kong naikuyom ang kamao ko kasabay ng sunod-sunod na pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
Bahala na kung makita man akong umiyak ngayun ni Lucas. Sobrang sakit ng balita na dala niya at hindi ko na kaya pang magpigil ng emosyon.
"Ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa? Bakit ang bilis niyan lokohin ka Charlotte?" muling wika nito. Bakas sa hitsura nito ang simpatiya sa akin.
"Sorry kung nabanggit ko kaagad ito sa iyo. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Hindi mo deserved na masaktan ng ganito at lokohin niya kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa na ipaalam sa iyo ang lahat ng nalalaman ko." muling wika nito. Kaagd akong umiling.
"Hindi...ayos lang ako. Dapat ko pa ngang ipagpasalamat sa iyo na sinabi mo ito sa akin. At least, hindi ako magmumukhang tanga sa harap ng ibang tao." sagot ko naman sa kanya at pasimpleng pinunasan ang luha sa aking mga mata.
Chapter 319
CHARLOTTE POV
Balik tabing dagat ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lucas. Nakakahiya nga, dahil hindi maampat-ampat ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang nagpapalam ako sa kanya.
Ilang beses pa ako nitong pinaalalahanan na huminahon ako pero walang epekto ang salitang iyun sa isang pusong sugatan.
Inalok pa nga ako nito na ihahatid niya daw ako sa pupuntahan ko dahil baka kung mapano ako pero mahigpit ko iyung tinanggihan. Gusto kong mag- isa. Ayaw ko ding umiyak na may nakakatingin sa akin. Gusto kong sarilinin ang pait ng pagkasawi sa pag- ibig. At least ngayun, malaya kong mailabas ang hinanakit ko sa mundo.
Umaasa ako na sa pamamagitan ng luha na ito maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ng kalooban ko.
Mahirap tanggapin ang lahat. Kahit naman na hindi kami nagsasama ni Peanut katulad ng isang normal na mag -asawa, masakit pa rin tanggapin na nakabuntis siya ng ibang babae.
Nabuntis ni Peanut si Maureen! Ang babaeng dapat niyang pinakasalan sa umpisa pa lang.
Dapat ko pa bang hintayin ang dalawa or tatlong taon para makipag-divorce sa kanya? Ano ba talaga ang silbi ng pagpapakasal niya sa akin? Bakit masyadong masakit ang lahat ng ito?
Pakiramdam ko ng mga sandaling ito nag-iisa ako. Wala akong makausap at wala man lang magpapayo sa akin kung ano ang dapat kong gawin.
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Wala sa sariling kinuha ko iyun sa loob ng aking bag para icheck kung sino ang tumatawag.
Lalo akong napaiyak ng mapansin ko na si Peanut ang tumatawag. Sa kauna- unahang pagkakataon, tumawag ito sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpasyang sagutin ang tawag niya.
"Hello!" wika ko sa pinaka-kaswal na boses. Iniiwasan ko na huwag niyang mahalata sa boses ko na umiiyak ako ngayun. Baka pagtawanan pa ako nito
"Nasaan ka?" kaagad na tanong nito sa akin. Luminga-linga ako sa paligid bago ito sinagot.
"Nasaan ako? Pakialam mo ba! Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.
"May pakialam ako dahil asawa kita! Nakalimutan mo yata ang oras. Kanina pa tapos ang klase mo! Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong nito.
Nagulat naman ako. Kahit kailan hindi ko nabanggit sa kanya ang schedule ko sa aking klase. Hindi din nito alam kung anong oras ako umuuwi.
Huwag niyang sabihin mino-monitor niya bawat kilos ko? Pero bakit niya naman gagawin iyun eh abala siya kay Maureen. Kay Maureen palagi umiikot ang mundo niya at madagdagan pa siguro iyun ngayun dahil magkakaanak na sila.
"Mind your own business Peanut! Huwag mong pakialam ang lakad ko. Uuwi ako kapag gusto ko!" naiinis kong wika sa kanya kasabay ng pag-off ng tawag. Hindi ko na kasi mapigilan pa ang muling mapahikbi. Baka marinig niya iyun at kung ano pa ang iisipin niya sa akin.
Ilang beses pang nagtangkang tumawag si Peanut sa akin pero hindi ko na sinagot pa. Ilang text message din ang natangap ko mula sa kanya pero hindi ko na din inabala pang basahin. Basta ang alam ko lang, gusto kong mapag-isa. Gusto kong namnamin ang sakit ng unang kabiguan.
Nakakahiya kung tutuusin. Iniiyakan ko ngayun ang isang lalaki na iniwasan kong mahalin. Iniiyakan ko ang isang lalaking malabong maging akin.
Halos dalawang oras pa akong nanatili sa lugar bago ako nagpasyang bumalik sa aking kotse. Nagdrive ako ng walang naiisip na destinasyon. Wala akong balak na umuwi ngayung gabi sa bahay ni Peanut. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala din naman akong balak na umuwi sa amin.
May tampo pa rin akong nararamdaman para kina Mama at Papa. Kung hindi sana nila ako pinilit na ipakasal kay Peanut baka hindi ko
mararanasan ngayun ang matinding sakit ng kabiguan.
Sa kakadrive ko bigla kong naisip si Grandmama Carissa. Tama, si Grandma. Mahal ako noon at alam kong handa siyang makinig sa akin.
Wala akong choice kundi umuwi ng mansion. Ang lugar kung saan alam kong may isang tao na maiintindihan ako at handa akong damayan. Ang taong alam kong walang ibang hangad kundi ang aking kaligayahan. Si Grandmama Carissa.
Pagkadating ng mansion kaagad kong pinarada ang aking kotse at mabilis na naglakad papasok sa loob. Nakasalubong ko pa ang isa sa mga kasambahay at tinanong ko kaagad kong nasaan si Grandmama. Sinabi nito sa akin na nasa labas pa daw kasama si Grandpapa Gabriel pero pauwi na daw.
Si Veronica naman, nasa kwarto kasama si Uncle Rafael. Hindi naman sila ang sadya ko kaya nagpasya akong dumiretso na lang muna sa isa sa mga guest room na palagi kong ginagamit kapag nandito ako sa mansion para makapag-pahinga. Wala akong ibang gustong makausap ngayun kundi si Grandmama lang.
Siya lang ang gusto kong pagsabihan ng sama ng loob ko. Alam ko din na siya lang ang magiging kakampi ko at karamay ko.
Pagkapasok ko sa loob ng guest room tinanggal ko lang ang suot kong sapatos at nahiga ng kama. Nagtalukbong pa ako ng makapal na comforter habang hinayaan ko ang muling pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Pisteng pag-ibig na ito. Bakit sa kanya pa? Hindi ba pwedeng ang isip na lang ang pumili ng lalaking
pwedeng mahalin? Sa dinami-dami ng lalaking pwede kong mahalin, bakit ba sa playboy na iyun?" sigaw ng isipan ko habang patuloy sa pag-iyak. Para tuloy akong isang bata na inagawan ng laruan at nag-ngangawa ngayun.
CHAPTER 320
PEANUT SMITH POV
Kanina pa ako paroon at parito sa harap ng gate. Kanina ko pa hinihintay si Charlotte. Alas otso na ng gabi at hindi pa rin ito nakakauwi.
"Shit! Nasaan ka na ba? Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?" galit kong sambit at parang gusto kong magwala dahil sa pinaghalong galit at pag- aalala. Muli kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko at muling tinitigan ang picture na isenend sa akin kanina ng isang anonymous na account. Picture iyun ni Charlotte habang kausap si Lucas sa isang coffee shop.
Tinitigan ko iyun at hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding selos.
Ano ba ang gustong patunayan ni Charlotte. Na wala akong kwenta at mas gusto niyang makipag-usap sa labas kasama si Lucas?
Simula ng ikinasal kami ni hindi ko nga ito mayaya sa labas eh. Takot akong ireject nito. Hindi din kami nakakapag-usap ng maayos dahil palagi ako nitong binabara. Palagi niyang isinasali sa usapan si Maureen gayung simula ng ikinasal kaming dalawa iniiwasan ko na ang babaeng iyun.
Kaya lang naman hindi ako umuuwi sa bahay na ito dahil alam kung hindi komportable si Charlotte na kasama ako. Gusto kong maging palagay ang loob nito sa akin bago ko siya suyuin. Pero sa mga nakikita ko ngayun, hindi pala ako dapat magpapakampanti. Baka magising na lang ako isang umaga na naagaw na pala siya ng iba sa akin.
Muli kong tinawagan ang number nito pero hindi nya na sinasagot. Halos ma- lowbat na ang cellphone ko sa kakatawag sa kanya pero nagsayang lang ako ng oras. Wala talagang Charlotte na sumagot at mukhang wala talaga itong balak na makipag-usap sa akin. Naiinis akong napabuntong hininga para man lang mabawasan ang galit na nararamdaman ko ngayun.
"Nasaan ka na ba! !" galit kong sigaw at naihagis ko ang aking cellphone sa sobrang galit ko. Sobrang kinain na ng selos ang puso ko at sa sobrang lakas ng pagkahagis ko kaagad iyung naghiwa-hiwalay sa sahig. Galit akong napasabunot sa aking buhok at nagmamadaling naglakad patungo sa aking kotse.
Hindi pwedeng wala akong gagawin. Hindi pwedeng maghintay lang ako dito sa loob ng bahay habang hindi ko alam kung saan nagpunta ang babaeng mahal ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para mahanap siya sa lalong madaling panahon dahil baka mabaliw ako sa kakaisip kung saan siya nagpunta.
Pagkasakay ko ng kotse, kaagad kong pinaharurot iyun palabas ng gate. Isang lugar lang ang napili kong puntahan. Iyun ay ang bahay kung saan nakatira si Lucas.
Baka mamaya kung saan na nya dinala si Charlotte! Hindi ako papayag na basta na lang akong aagawan ng kutong lupa na iyun. Kaya nga nagpursige akong pakasalan si Charlotte para hindi na ito makawala sa akin tapos biglang i-eksena ang Lucas na ito? Hell, maghahalo ang balat sa tinalupan. Talagang makakapatay ako kapag mangyari iyun.
Pagkatarating ko sa bahay ni Lucas, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sunod-sunod kong pinindot ang Doorbell hanggang hindi iyun nagbubukas. Wala akong pakialam kung mabulabog man ang mga nakatira sa loob. Ang gusto ko lang ay mahanap si Charlotte.
"Ayyy Sir! May...may kailangan po ba kayo?" kaagad na tanong sa akin ng nagbukas ng gate. Katulong ito ni Lucas at galit ko itong tinitigan.
"Nandyan ba ang amo mo?" galit kong tanong. Kaagad naman itong napatanga habang nakatitig sa akin.
"Nandyan ba ang amo mo?" Muli kong tanong. Sa pagkakataon na ito lalo ko pang nilakasan ang boses ko para maintindihan niya.
"Po? Si Sir Lucas po? Na-nasa kwarto niya po! Nag--nag- papahinga!" pautal -utal na sagot nito. Akmang magsasalita pa ako ng mapansin ko ang pagdating ng nakangiting si Lucas.
Galit ko itong tinitigan habang hinihintay na makalapit ito sa akin.
"Ano ang maipag---" hindi na nito natuloy pa ang kanyang sasabihin ng walang sabi-sabing sinapak ko ito. Plakda ito sa sahig habang umaagos ang dugo sa kanyang ilong. Sa sobrang lakas ng pagkakasapak ko dito mukhang nayanig yata buo niyang pagkatao. Samantalang ang kasambahay naman nito ay impit na napahiyaw at kaagad na dinaluhan ang kanyang amo.
"Sa susunod na lumapit ka pa ulit sa asawa ko, hindi lang iyan ang matitikman mo sa akin!" galit kong wika sa kanya habang inaalalayan ito ng kanyang kasambahay na makabangon.
"Peanut Smith! Hindi ka pa rin nagbabago! Mainitin pa rin ang ulo mo! '" wika pa nito nang tuluyan ng makatayo. Nginisihan ko ito bago sinagot.
"Yes...hindi ako nagbabago at never akong magbago. Mas magiging
mabagsik ako kapag may gustong umagaw sa babaeng mahal ko!" galit kong wika sa kanya na kaagad naman nagpahalakhak dito. Kaagad ko namang naikuyom ang aking kamao.
"So, naniwala pala ang inosente mong asawa sa akin kanina? Good news! Nakikipaghiwalay na ba siya sa iyo?" nakangiti nitong sagot sa akin.
"Ikaw ang kausap niya kanina? Ano ang sinabi mo sa kanya?" nagtitimpi sa galit na tanong ko dito. Muli itong napahalakhak kaya naman muli ko itong nilapitan at sinipa. Muli itong napahiga sa sahig dahil sa aking ginawa.
"Peanut Smith! Kahit ano pa ang gawin mo, unti-unti kong aagawin sa iyo si Charlotte Villarama. Hindi ako papayag na palagi mo na lang akong malalamangan sa lahat ng bagay!"
Galit na wika nito habang iniinda ang
sakit ng muling pagbagsak.
"Subukan mo lang....Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko sa iyo kanina Lucas. Kayang-kaya kitang pabagsakin kapag tuluyan mong maubos ang pasensya ko!' galit kong sagot sa kanya.
Galit naman itong tumitig sa akin. Nginisihan ko naman ito.
"Pwede kitang patanggalan ng mga projects kapag gustuhin ko. Hawak ko ang career mo sa showbiz at kapag gumawa ka ng mga bagay na hindi ko magustuhan, aasahan mo na sa kangkungan ka pupulutin.... Now tell me...ano ang sinabi mo kay Charlotte kanina? Bakit hindi siya umuwi?"
tanong ko sa kanya habang mariin na inapakan ang kanyang isang kamay. Napahiyaw ito sa sakit. Hindi naman ako nagpatinag at galit kong tinitigan habang hinihintay ang kanyang sagot.
Gusto pa nga sana itong daluhan ng
kanyang kasambahay pero masama ko iyung tinitigan. Natatakot itong napaatras.
"Shit! Peanut! May balak ka bang patayin ang kuko ko?" galit na hiyaw nito dahil sa sakit.
"I am waiting...Kapag hindi ako makontento sa sagot mo ngayun..... aasahan mo na bukas na bukas din, wala ka ng babalikan pang trabaho." nakangisi kong sagot sa kanya habang nanlilisik ang aking mga mata.
"fine...fine...sasabihin ko na! Sinabi ko lang naman kanina na nabuntis mo si Maureen. Iyun lang at----
ahhhhh!' hindi na natuloy pa ang sasabihin nito ng muli ko iton sapain sa kanyang tagiliran. Napaubo pa ito sa sakit pero ni kahit na kaunting awa, wala akong nararamdaman sa kanya. BAgay lang sa kanya ito. Gusto niyang sirain ang pagsasama naming dalawa ni Charlotte, pwes sisirain ko din ang buhay nito.
"Kaya pala nagalit ang asawa ko! Kaya pala hindi siya umuwi kanina... Well, now I know! Pero payong kaaway lang Lucas....sa susunod na gawin mo pa ito ulit...hindi ako mangingimi na paputulan ka ng dila para mabawas- bawasan iyang kadaldalan mo! Isa ka lang sisiw sa paningin ko Lucas. Subukan mong lumapit ulit sa kanya dahil sisiguraduhin ko na susunod na pagkikita natin, paglalamayan ka na!" pagbabanta ko dito at mabilis akong naglakad pabalik ng aking kotse.
Chapter 321
PEANUT POV
Tulero ang isipan pero wala akong choice kundi dumiretso ng mall at bumili ng cellphone. Pamalit sa cellphone na nabasag ko kanina. Iyun na lang kasi talaga ang paraan para ma -contact ko si Charlotte. Kung bakit naman kasi biglang umiral ang pagiging bayolente ko, wala sana ako sa mall na ito para bumili ng bago. Pati tuloy cellphone ko, napagdiskitihan ko. Pwede naman pala si Lucas.
"Mabilisang pagbili ng bagong cellphone lang ang ginawa ko pagkatapos mabilis akong naglakad pabalik ng aking kotse. Napakunot pa ang noo ko ng mapansin ko ang familiar na mukha na naglalakad pasalubong sa akin. Tinitigan ko ito at bahagya akong nabuhayan ng loob ng ngumiti ito sa akin.
"Kuya Peanut? Good evening. Ano po ang ginaggawa mo dito?" kaagad na bati nito. Pilit ko naman itong nginitian.
"Charles?" sambit ko. Hindi ako sigurado kung si Charles or Christopher ba ito. Magkamukha kasi silang dalawa. Siguro, dahil triplets sila. Si Charlotte lang ang naiiba sa kanila dahil babae iyun. Itong dalawa talaga hirap na hirap akong kilalanin kung sino si Charles or Christopher sa kanila.
"Christopher po Kuya. Ako po si Christopher. Mas hamak na pogi ako kaysa sa kapatid ko." pabiro nitong sagot sa akin. As usual, mali ako. Si Christopher nga pala ito. Siguro mula ngayun, pag-aaralan ko na kung ano ang pwede kong maging palatandaan sa kanila. Palagi na lang akong nagkakamali sa pagtawag sa pangalan nila. Mabuti na lang at hindi sila nao-offend sa akin. SAbagay, hindi din nila ako masisisi. Carbon copy kasi talaga ang dalawang ito eh.
"Teka lang, nag-iisa po yata kayo? Hindi niyo po isinama ang pasaway kong kapatid?" nakangiti pa nitong tanong sa akin.
"Ah hindi eh. Katunayan nga hinahanap ko siya. Nagtampo kasi sa akin." sagot ko naman. Kaagad naman itong natigilan.
"Naglayas si Charlotte?" tanong nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi naman siguro. Walang dalang gamit eh. Baka nagpapalamig lang." sagot ko naman. Pumalatak muna ito bago sumagot.
"Ang hirap ispelingin ng kapatid ko minsan noh? Pagpasensyahan mo na lang. Medyo may katigasan kasi ang ulo noon eh. Teka lang, ano ang
ikinagalit niya? Naku, delikado, baka hindi na magpapakita sa iyo iyun. Sa aming tatlo na halos sabay-sabay na iniluwal dito sa mundo, siya ang may pinakamatigas ang ulo." muling sagot ni Christopher.
Bigla tuloy akong kinabahan. Pansin ko nga, sa kanilang tatlo, si Charlotte ang pinaka-m*****a at pinaka-mainitin ang ulo. Normal lang naman siguro iyun dahil babae siya. Isa pa, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko kapag nagagalit siya eh. Lalo siyang naging cute lalo na kapag namumula na ang kanyang mukha.
"Ang mabuti pa, sumama ka na lang muna sa akin Kuya. Magkikita kaming magpipinsan sa bar. Birthday ngayun ng isa kung pinsan at balak namin mag happy-happy sa bar. Hayaan niyo muna si Charlotte. Uuwi din po iyun kapag malamig na ang ulo." pagyaya naman nito sa akin na kaagad ko namang tinanggihan.
"Naku, huwag na. Hahanapin ko pa siya bago pa lalong uminit ang ulo noon." sagot ko naman. Hindi ako basta -bastang mapapakampante ngayun. Kailangan ko munang i-priority si Charlotte higit kanino pa man.
"Okay....pero malabong uuwi iyun ng bahay namin. Ang alam ko nagtatampo pa rin kina Mama at Papa iyun eh. For sure nasa mansion iyun, wala namang ibang mapupuntahan iyun kundi doon lang. Suyuin mo na lang. Mahilig sa white roses ang white chocolates iyun kaya pasalubungan mo bilang peace offerings. Samahan mo na din ng one bucket ng fried chicken na galing sa fast food chain na may mascot na bubuyog. For sure mawawala kaagad ang init ng ulo noon." mahabang litanya nito na siyang ikinatuwa ko naman. Nasabi na kasi nito ang mga impormasyon na dapat kung malaman tungkol sa asawa ko.
Kung siswertehin ka nga naman. Tama si Christopher, tiyak nasa mansion ng mga Villarama si Charlotte. Ang pagkakaalam ko sa ugali nito, hindi naman talaga ito mahilig lumabas kasama ang mga barkada. Mas gugustuhin pa daw nito ang tumambay sa mansion para makipag-usap sa asawa ni Rafael. Mabuti na lang at nakasalubong ko itong si Christopher.
"Paano ba iyan Kuya. Mauna na ako. Baka hinihintay na nila ako. Good luck sa pagsuyo s kapatid ko." paalam pa nito sa akin sabay tapik sa aking balikat. Kaagad naman akong nagpasalamat dito at mabilis na naglakad pabalik ng mall. Maghahanap ako ng white roses at white chocolate pati na din ng 1 bucket fried chicken. Iyun pala ang paborito ng asawa ko na kung hindi pa nabanggit ng kapatid niya hindi ko talaga malalaman.
Mabilis kong nabili ang mga bagay na hinahanap ko. Ngingiti-ngiti pa akong naglakad pabalik ng aking kotse. Kahit papaano naibsan ang pag-aalala ko para kay Charlotte sa isiping nasa mansion lang ito at kailangan ko lang suyuin para bumalik sa bahay ko. Hindi talaga ako mapalagay hangat hindi ito umuuwi sa bahay namin.
"Litse kasing Lucas iyun. Alam kong may gusto siya kay Charlotte kaya niya nagawang magtahi ng istorya. paano ako makakabuntis ng babae gayung maingat ako. Isa pa, simula ng nagpakasal ako kay Charlotte iniiwasan ko ng makipagtalik kahit kanino. Ilang buwan na nga akong tigang at nagtitiis eh. Gusto kong maging loyal sa asawa ko kaya nagpapakatino ako ngayun tapos gagawan ako ng istorya ng Lucas na iyun na nakabuntis ako?
Humanda talaga sa akin ang lalaking iyun. Kapag mabalitaan ko pa na aali- aligid pa siya ulit kay Charlotte, pipilayan ko na talaga siya.
Mabilis akong nakarating ng mansion Villarama. Dahil itinuring na akong bahagi ng pamilya Villarama at kilala na ako ng mga guard kaagad akong pinagbuksan ng gate at pinapasok sa loob. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapansin ko ang sasakyan ni Charlotte na maayos naka-park sa parking area ng mansion.
Kung ganoon, positive. Nandito sa loob ang asawa ko kaya naman may dahilan na talaga para kumalma ako.
"Peanut! Bro!" malawak pa akong napangiti ng mapansin ko ang pagsalubong sa akin ng best friend kong si Rafael. Tatay na tatay na talaga itong tingnan dahil karga-karga nito ang isa sa kambal niyang anak na si Ralph Alexander. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inggit.
Hayy, kailan kaya ako magkakaanak? Halos magkasing edad lang kami ni Rafael at heto siya, malapit ng maging tatlo ang kanyang anak samantalang ako, ni pagsasama namin ni Charlotte, hindi ko pa maayos-ayos.
Chapter 322
CHARLOTTE POV
Sa kakahintay kay Grandma at kaka- emote ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa banayad na haplos sa aking noo at pagmulat ko ng aking mga mata kaagad kong nasilayan ang nakangiting mukha ni Grandmama.
Kaagad akong napabangon at napayakap dito.
"Grandmama!"pabulalas kong wika kasabay ng pag-iyak. Naguguluhan naman itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.
"Teka lang, may problema ba ang maganda kong apo? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala pa nitong bigkas. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak. Sa pagkakataon na ito, ramdam ng puso ko na may kakampi na ako.
"Gradmama, please help me po! Gusto ko na pong makipag-divorce sa kanya. Ayaw ko na po kay Peanut!" sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mukha nito. Mataman pa ako nitong tinitigan bago sumagot.
"Anong sabi mo? Gusto mo ng makipaghiwalay sa asawa mo? Why? Sinasaktan ka ba niya? Inaapi ka ba niya?" seryosong tanong nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi po kaya lang hindi ko na kaya pa na nakikitang maraming umaali- aligid na babae sa kanya. Masyado po siyang gwapo para sa akin Grandmama at pakiramdam ko ang dami kong karibal sa kanya!" naiiyak kong sagot na kaagad namang nagpangiti kay Grandma. Hindi ko tuloy malaman kung kakampi ko pa ito or hindi na dahil sa reaciton ito ngayun.
"Ha? Iyun lang at gusto mo nang makipag-divorce sa kanya?" sagot naman nito sa akin at ito na mismo ang nagpunas ng luha ko sa pisngi ko. Dahan-dahan naman akong tumango.
"Sweetie, hindi porket maraming babaeng aali-aligid sa kanya magseselos ka na kaagad. Normal lang iyun. Mapa-gwapo or pangit man ang isang tao, once na may makating babae na magkagusto sa kanya, wala tayong choice kundi ipaglaban ang taong mahal natin." nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig kay Grandmama Carissa.
Sana, nakuha ko ang ugali niya. Napaka -positive kasi talaga nito sa lahat ng bagay. Isa pa, napaka-sweet din nito sa akin. "Sweetie" talaga ang tawag nito sa akin simula noong maliit pa ako. Ayaw man niyang aminin pero alam kong ako ang kanyang pinaka- paboritong apo.
"Ano po ba ang gagawin ko? Alam niyo naman po na ikinasal kami ni Peanut na labag sa kagustuhan ko diba? Kasi nga playboy siya! Kahit kasal na kami marami pa rin ang nagpapa-cute sa kanya at ayaw ko ng ganoon, Grandmama!' sagot ko naman. Kaagad naman ako nitong hinawakan sa magkabilang balikat. Seryoso akong tinitigan sa aking mga mata bago ito muling nagsalita.
"Ikaw ang pinakasalan kaya ibig sabihin noon, ikaw ang mahal niya. Apo, huwag kang magpatalo. Ipaglaban mo ang karapatan mo! Isa kang Villarama at sa lahat ng laban mo, nasa likod mo kami." sagot naman nito. Naguguluhan naman akong napatitig dito.
"Hindi niya ako mahal Grandmama. Ibang babae ang gusto niya.? Tsaka may ugnayan pa rin sila ng dating niyang fiance " sagot ko.
"Dating fiance? Nahuli mo ba sila na magkasama kaya nasabi mo iyan?" tanong nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi po, pero alam kong doon siya pumupunta kapag hindi siya umuuwi ng bahay." malungkot kong sagot. Kaagad naman na natawa si Grandmama.
"Ikaw talagang bata ka! Iyan ang sisira sa relasyon niyo eh. Tamang hinala ka palagi." sagot nito.
Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng lungkot. Ano kayang relasyon ang tinutukoy ni Grandmama. Wala kami noon eh. Ni hindi ko nga alam kung anong papel ba talaga and dapat gampanan ko kay Peanut. Nakabuntis na nga ito ng ibang babae at hindi ko naman malaman kung paano ito isusumbong kay Grandmama. Baka kasi malaman ito ni Grandpapa at parusahan nila si Peanut.
Hindi ko din naman kayang makita na masaktan si Peanut. Mahal ko na ang playboy na iyun at tanging pag-iwas sa kanya ang alam kong paraan para makalimutan sya.
"Look Sweetie. mag-usap kayong dalawa. Dapat maging open ka sa kanya sa lahat ng nararamdaman mo." muling wika nito. HIndi naman ako nakasagot.
"Kanina ka pa daw dito sa mansion. Alam ba ng asawa mo na nagpunta ka dito? BAka hinahanap ka na noon." patuloy na wika ni Gradmama. Kaagad naman akong umilig.
"Malabo po na hahanapin niya ako Grandmama. For sure, wala din sya sa bahay ngayun." malungkot kong sagot na siyang kaagad na nagpailing kay Gradmama.
"Bakit ba napaka-negative mong bata ka? Ang hilig mong manghusga sa asawa mo. Hindi pwedeng palaging ganyan. Tiyak na hindi kayo magkakasundo niyan at hindi kami papayag na mauuwi sa hiwalayan ang pagsasama niyong dalawa." muling wika ni Grandmama.
"Paano nga po kami magkakasundo Grandmama, marami po akong karibal sa kanya. Sobrang daming babae ang nali-link sa kanya." sagot ko naman.
"Normal lang iyan iha. Alam mo namang model iyang asawa mo. Marami talagang babae ang maghahabol diyan. Kaunting pasensya at pakikipaglaban sa mga babaeng aali- aligid sa asawa mo at maayos din ang lahat." nakangiti namang sagot ni Grandamama. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa. Paano naman ako aastang asawa ni Peanut eh hindi naman kami nagsasama bilang isang tunay na asawa.
"Oh siya, sige na...kanina ka pa pala dito, Kumain ka na ba? Tulog ka daw kanina kaya hindi ka na ginising noong kumain sila Rafael at Veronica. Kami naman ng Grandpapa mo kumain na din kami sa labas kanina. Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo Sweetie? Para naman malamnan iyang sikmura mo." Muling wika nito. Kaagad naman akong umiling.
Brokenhearted ako at hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Parang mas gusto kong itulog nalang muna ang sama ng loob ko.
"Ayos lang ako Grandmama. Kumain na po ako kanina bago ako nagpunta dito." nagsisingungaling kong sagot. Kapag hindi iyun ang sasabihin ko tiyak na pipilitin ako nitong bumaba ng dining area para kumain.
"Sigurado ka ba? Okay, magpahinga ka na at medyo gabi na. May pasok ka pa bukas sa School." sagot naman nito at hinalikan pa ako sa pisngi bago tuluyang nagpaalam.
Bago lumabas ng kwarto, ilang beses pa ako nitong binilinan na bumaba daw ako sa dining area kapag nakakaramdam ako ng gutom para kumain. Tanging pagngiti na lang ang sagot ko kay Grandmama. Alam kong pagod din ito kaya ayaw ko na siyang kulitin.
Pagkalabas ni Grandama muli akong nakaramdam ng lungkot. Pinilit kong iwaglit sa isip ko si Peanut. Unfair kung isipin ko pa siya. Baka nga nasa kandungan na naman iyun ni Maureen.
Grabe...halos dalawang buwan pa lang kaming ikinasal pero nakabuntis na kaagad siya ng ibang babae?
Muli akong nagtalukbong ng kumot at pilit na matulog ulit. Hindi pwedeng isipin ko pa ang Mani na iyun. Ayaw ko ng umiyak.
Hindi ko alam kung ilang minuto ng dilat ang aking mga mata sa ilalim ng comforter ng maramdaman ko ang pagbukas-sara ng pintuan ng kwarto. Dahil inaakala ko na si Grandma lang iyun, kaagad kong ipinikit ang aking mga mata at nakiramdam. Baka pipilitin na naman ako nitong bumaba ng dining para kumain eh. Wala talaga kasi akong gana ngayun at ayaw ko namang mag-alala ito sa akin
Naramdaman ko pa ang pag-upo nito sa gilid ko kaya naman iniiwasan kong gumalaw. Papanindigan ko ang pagtutulog-tulugan ko. Akmang ididilat ko ang aking mga mata ng nagulat pa ako ng bigla itong nagsalita.
"Charlotte, tulog ka na ba?" tanong nito. Nagulat naman ako. Bakit boses lalaki? Bakit parang boses ni Peanut?
Hayssst, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi ko dapat isipin ng isipin si Peanut. Kahit hindi siya ang kaharap ko ngayun, boses niya pa rin ang naririnig ko.
"Muli akong napapikit ng maramdaman ko ang paghawi nito ng comforter na nakatakip sa akin. Baka mahuli ako ni Grandma na gising ako eh.
Nagulat pa ako ng may dumamping palad sa pisngi ko. Humahaplos ito doon papunta sa ilong ko.
Nagtaka pa ako dahil bakit parang hindi naman iyun kamay babae. Hindi ganito ang texture ng kamay ni Grandma eh. Magaan lang ang kamay ni Grandma samantalang itong humahaplos sa akin ngayun, bakit ang bigat naman yata ng kamay niya? Bakit parang kamay lalaki?
Sa isiping iyun bigla kong naimulat ang aking mga mata. Muntik pa akong napasigaw ng pagdilat ko, mukha ni Peanut ang kaagad na sumalubong sa akin.
Shit! Si Peanut nga! Hindi ako nagha- hallucinate. Hindi si Grandmama ang nandito sa kwarto ko. Hindi si Grandma ang humahaplos sa pisngi ko. Si Peanut! Paano niya nalaman na nandito ako sa mansion? Paano siya nakapasok dito sa kwarto?
Kaagad akong napabangon at galit na tinitigan ito. Napababa pa nga ako ng kama ng wala sa oras eh. Mabuti na lang at tapos na ang pag-iiyak ko. Kung hindi mas nakakahiya iyun sa parte ko.
"Anong ginagaw mo dito? Sino ang may sabi sa iyo na pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?" galit kong tanong sa kanya. Pinamaywangan ko pa ito para effective ang galit- galitan kong ito sa kanya.
"Bakit hindi ka umuwi? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo ako sinagot. " sagot nito sa akin.
"Eh ano ngayun. Pakialam mo kung dito ako umuwi. Isa pa, hindi ko obligasyon na sagutin palagi ang mga tawag mo. Busy din ako kaya huwag kang istorbo." inis ko pa ring sagot sa kanya. Kaagad naman akong pinagtaasan nito ng kilay.
"Busy ka? Kanino? Kay Lucas?" tanong nito. Kaagad naman akong natameme.
Paano niya nalaman na nakausap ko kanina si Lucas? Wala naman akong pinagsabihan tungkol doon eh.
"Pakialam mo ba? Mas hamak na matinong kausap si Lucas kumpara sa iyo!" nakalabi kong sagot. Kaagad ko namang narinig ang pagpalatak nito.
"Yahh...kailan pa naging matino ang sinungaling? Iwasan mo na ang gagong iyun. Hindi mo siya kilala kaya huwag kang magtiwala sa kanya." sagot nito na siyang napgpataas ng aking kilay. Talagang may time pa siyang siraan si Lucas sa akin.
"Bakit? Dahil ibinuko ka niya sa akin na nabuntis mo si Maureen?" sagot ko naman. Parang gusto ko na naman tuloy maiyak. Nasasaktan talaga ako isiping makakaanak na sa ibang babae ang playboy na ito eh.
"Yah....pero hindi ibig sabihin noon,
totoo ang sinasabi niya. Gusto niya
lang akong siraan sa iyo kaya niya nasabi ang tungkol sa bagay na iyun." seryosong sagot naman nito sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magtaka.
Bakit siya sisiraan ni Lucas? Eh ang bait kaya ni Lucas para magsinungaling.
Chapter 323
CHARLOTTE POV
"Umalis ka na nga dito. Hindi ka welcome dito at dito ako matutulog ngayung gabi kaya huwag kang ano diyan! Ayaw muna kitang makita." naiinis kong wika sa kanya.
Kung nagpunta lang siya dito para manira ng kapwa niya at mapagtakpan ang kalokohan na ginawa niya, wala akong time na makinig sa kanya. Hindi na mibabalik pa ang mga nangyari na. Nakabuntis na siya at hindi ako papayag na hindi ma- annulled ang kasal namin. May basehan na para mag-file ng divorce dahil mahigpit na pinagbabawal sa batas ng bansang ito ang pakikiapid.
"Tsk! Sa iyo lang ako hindi welcome, pero sa lahat ng mga taong nakatira dito, masaya nila akong tinangap..." sagot naman nito. Kaagad naman akong napahalukipkip.
"Gabi na...naisturbo mo na naman ang tulog ko. Pwede bang umalis ka na!" gigil ko namang sagot sa kanya. Nagulat pa ako dahil malakas lang itong tumawa. Sinipat pa ako nito ng tingin bago ito nagsalita.
"Teka lang...bakit namamaga ang mga mata mo? Dont tell me, umiyak ka? Iniyakan mo ang paninirang kwento ni Lucas tungkol sa akin?" may halong panunudyo ang boses na wika nito. Kaagad tuloy akong napaiwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya kapag malaman niyang iniyakan ko nga ang pagkakabuntis ng kabit niya. Baka lalong bumilib sa sarili niya ang Mani na ito at kung ano pa ang isipin sa akin.
Kahit anong mangyari, hindi talaga ako aamin na may gusto ako sa kanya.
Ano siya siniswerte? Iniiwasan ko talaga na matulad sa mga babaeng dumaan sa buhay niya.
"Bakit naman ako iiyak? For your information, na-isturbo mo ang tulog ko kaya mukhang puyat ngayun ang mga mata ko." pagdadahilan ko na nagpatawa ng malakas sa kanya.
Nagtataka naman akong napatitig dito? May saltik ba talaga ang Peanut na ito? Bakit parang hindi siya apektado sa mga sinasabi ko ngayun? Lahat ginagawa niyang biro gayung durog na durog na nga ang puso ko.
"Anong nakakatawa Mani?" nandidilat ang mga matang tanong ko sa kanya. Muli akong nitong nginitian sabay higa ng kama.
"Halika na! Masyadong mainit ang ulo mo eh. Matulog na tayo or umpisahang na nating gawin ang panganay natin. Para naman hindi ka magpapaniwala sa mga sinasabi ni Lucas sa iyo. Isa pa, iwasan mo na ang taong iyun. Hindi maganda ang hangarin noon kaya sinisiraan niya ako."muling wika nito.
Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kilabot dahil sa sinabi niya.
Anong panganay ang tinutukoy niya? Nagpapahiwatig ba siya na gusto niyang magturingan na kami na parang tunay na mag asawa? Shit, hindi pwede iyun! Ayaw kong i- entertain kaya hindi ko na binigyang pansin.
"So, ibig mong sabihin, pinapabulaan mo ang sinabi ni Lucas sa akin? Na dene deny mo ang pagkakabuntis kay Maureen?" tanong ko
"Bakit buntis daw ba si Maureen? Hindi ko alam iyun ha?" sagot naman nito na. Pigil ang sarili ko na lapitan ito at pagsasampalin. Ang hirap niyang kausap.
"Pwede ba Peanut, tigilan mo na nga iyang mga pagkukunwari mo! Pinapaikot mo lang ako eh. Paanong hindi mo alam na buntis si Maureen gayung siya ang palagi mong kasama sa tuwing hindi ka umuuwi ng bahay?" nandidilat ang mga matang tanong ko dito. Kaagad naman itong napabangon ng kama at seryoso akong tinitigan.
"Sino ang may sabi sa iyo na si Maureen ang kasama ko tuwing umaalis ako ng bahay? Si Lucas? tsk! Dapat pala pinutulan ko na ng dila ang hayop na iyun eh! Kung anu-anong mga kasinungalingan ang tinatanim diyan sa utak mo!" naiinis namang sagot nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
Bakit kailangan niya pang ikaila ang lahat ng ito? Isa pa, putulan ng dila. May tinatago din yatang pagka- bayolente ang Mani na ito. Hindi ako nagptinag at talagang nakipagtitigan pa ako sa kanya.
"Sinungaling! Lumayas ka na kasi! Ano pa ba ang ginawa mo dito!" asar kong wika at hindi na ako nakatiis pa. Nilapitan ko ito at hinawakan sa kanyang kamay at hinila patayo ng kama.
Nagulat pa ako ng malakas niya din akong hilain pabalik na siyang dahilan ng sabay na pagbasak namin ng kama. Nasa itaas niya ako at halos magdikit ang labi namin dahil sa nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway habang patuloy na nakipagtitigan sa kanya.
"God! Ang ganda mo talaga!" bulong pa nito at kaagad na sinakop ng bibig niya ang labi ko. HIndi naman ako nakapalag dahil sa bilis ng pangyayari. Namalayan ko na lang na naipasok na nito ang dila niya sa bibig ko.
Sobrang ng lakas ng tibok ng puso ko. Hindi tuloy ako makapag isip ng matino lalo na ng maramdaman ko ang mga palad niya na nag-uumpisa ng humaplos sa likuran ko.
Lahat ng dipensa ko, biglang naglaho. Naging sunod-sunuran ako sa lahat ng ginawa niya at hindi ko na namalayan pa na tinutugon ko na pala ang halik niya.
Nagising lang ako sa katotohanan nang naramdaman ko na nasa loob na ng blouse ko ang kanyang isang palad at pumipisil-pisil ito doon. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Bigla akong bumalik sa huwesyo at nagkukumahog na umalis sa ibabaw niya.
'Diyos ko! Nakakahiya! Bakit ba nawala ako sa sarili ko?' sigaw ko isipan ko habang mabilis na inayos ang suot ko. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa at kahit hiyang hiya sa mga nangyari, pinukol ko ito ng masamang tingin.
"Manyak!" gigil ko pang wika para mapagtakpan ang kahihiyan na tinamo ko ngayun lang. Baka isipin niya na wala akong pinagkaiba sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Na easy to get din ako.
"Tsk! Manyak! Come on, Charlotte, bakit ba ayaw mo pang aminin sa sarili mo na nagustuhan mo din ang ginawa natin kanina." nang-aasar na wika nito. Kaagad ko naman itong inirapan
"Ano ba kasi ang kailangan mo! Ayaw na kitang makita at makausap kaya lumayas ka na kasi!" galit kong sagot. Muli itong natawa bago dahan-dahan na tumayo at naglakad patungo sa pintuan.
"Huwag mo akong itaboy dahil nandito ako para suyuin ka. Wala akong pakialam kung buntis man si Maureen or hindi. Basta ang alam ko, wala na kaming ugnayan simula noong gabi after natin ikinasal." sagot nito
"Eh di inamin mo din. May nangyari sa inyo ng gabing iyun kaya posbile na ikaw ang Tatay." sagot ko naman. Abat, huwag niya akong pinagloloko. Hindi ako pinanganak kahapon para utuhin niya ngayun.
"Bakit, tinapos mo ba ang video?" seryoso nitong tanong. Natameme naman ako
Hindi ko tinapos ang video dahil sumasakit ang kalooban ko kapag patuloy ko pang panoorin iyun. Narinig ko pa ang marahan na pagbuntong hininga ni Peanut bago ito nagsalita.
"Lasing ako ng gabing iyun, at kapag lasing ako, malabong makapag- perform pa ako. Iniinis ka lang ni Maureen dahil masama ang loob niya dahil ikaw ang pinakasalan ko." muling wika nito. Hindi tuloy ako nakasagot.
Parang gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko. Na-delete ko na ang video na hindi ko man lang tinapos panoorin. Hindi ko tuloy malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo ngayun or hindi.
"Sagrado para sa akin ang nangyaring kasal sa pagitan nating dalawa at hindi ako gagawa ng kahit na ano mang hakbang na ikakasira ng kasal natin. Maniwala ka man or hindi, nagbagong buhay na ako. Hindi na ako ang dating Peanut na mahilig sa mga babae..." muling wika nito.
"At alam mo ba kung bakit? Dahil iyun sa iyo Charlotte! Mahal na kita at sana naman, sa pagkakataon na ito, maniwala ka naman sa akin." muling wika nito na siyang nagpayanig sa buo kong pagakatao.
Chapter 324
CHARLOTTE POV
Muli akong napatulala dahil sa sinabing iyun ni Peanut sa akin. Hindi pa nga ako sigurado kung tama ba iyung narinig kong salita mula sa kanya. Nagdududa na tuloy ako sa sarili ko. Baka naman sa sobrang stress ko kung anu-ano na ang naririnig ko mula sa kanya.
Pagkasabi niya ng katagang iyun, mabilis na itong lumabas ng kwarto. Nasundan ko na lang ito ng tingin. Sinasabi ko na nga ba eh. Ibang kataga ang sinabi niya kanina. Mali ang narinig ko.
Malungkot akong muling napaupo ng kama. Ganoon-ganoon na lang ba iyun? Pagkatapos niya akong isturbuhin at banggitin ang salitang mahal kita basta niya na lang akong iniwan. Pero, nabanggit niya ba talaga yun? Baka naman guni-guni ko lang.
"Haysst! Charlotte. Sabi ko naman kasi sa iyo iwasan mo na ang kakaisip sa kanya. Wala talagang magandang maidulot sa akin ang Peanut na iyun. Hindi magandang palagi ko siyang iisipin.
Akmang tatayo na ulit ako para pumasok ng banyo upang umihi ng muling bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Saglit pa akong napatanga ng muling bumungad si Peanut. Sa pagkakataon na ito, may bitbit na ito. Isang white roses bouquet at ano iyung naaamoy ko? Bakit amoy pagkain?
Ngiting-ngiti itong naglakad palapit sa akin at kaagad na iniabot sa akin ang hawak niya. Noong una, atubili pa akong tanggapin iyun pero ng medyo dumikit na ito sa akin, kaagad ko namang tinangap ang bulaklak at pasimpleng dumistansya sa kanya.
Ano kaya ang nakain ng Mani na ito? Bakit may pabulaklak siya ngayun? Isa pa, bakit kulay puti? Sinipat ko pa ito ng tingin at hindi din nakaligtas sa paningin ko na may kasama din pala itong white chocolates.
"For you! Iyan iyung sign ko na simula ngayun, mag-uumpisa na akong suyuin ka...I mean ligawan ka!" nakangiti nitong wika sa akin na nagpatayo yata ng lahat ng balahibo ko sa katawan kasabay na malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Ha? anong sabi mo?" lutang kong tanong sa kanya. Muling naging blanko ang takbo ng utak ko. Bakit ba pa- bigla -bigla naman itong si Mani? Aware ako na isa ako sa pinaka-matalino sa klase namin pero itong sinasabi ni Peanut ngayun, bakit kay hirap yatang initindihin ng utak ko?
"I said, simula ngayung araw na ito, uumpisahan ko ng manligaw sa iyo."
ngiting-ngiti pa rin nitong sagot. Wala sa sariling napatitig ako sa hawak kong bulaklak. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ako makapag-isip ng tama.
Ano ba ang isasagot ko sa kanya? Liligawan niya daw ako? Paano ko iha- handle iyun?
Mula sa pagkakatitig sa mga bulaklak na hawak ko, muling bumalik ang tingin ko kay Penaut. Nakangiti pa rin itong nakatitig sa akin habang hawak niya pa rin ang isang plastic bag. Sigurado ako na doon nagmumula ang amoy pagkain na kumalat na yata sa buong silid ko.
"Liligawan? Ako? Bakit?" parang tanga kong sagot. Talo ko pa ang nag- telegrama dahil sa sobrang tipid ng salita na lumabas sa bibig ko.
"Because, I love you! Yes, kasal na tayo, pero gusto ko pa rin na ligawan ka! Para naman wala kang masabi sa akin at may maikwento ka din sa magiging anak natin kung sakaling tanungin ka nila kung paano ako manligaw sa iyo." sagot naman at sinabayan niya pa talaga ng pagkindat na lalong nagpagulo ng sistema ko
"Ha? Mahal mo ako? Kailan pa at bakit? "muli ay lutang kong sagot. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito sa akin. Pakiramdam ko nga pinagtatawanan niya na ako sa naging expression ko ngayun. Piste talaga, bakit pakiramdam ko bigla akong nilisan ng utak ko? Hindi ako makapag -isip ng tama.
"Yes..mahal kita! Simula ngayung araw, pagbabawalan ko na ang mga lalaking gustong umali-aligid sa iyo." muling sagot nito.
"Well, dinig ko paborito mo daw itong pagkain na ito. Dinalhan na din kita dahil baka hindi ka pa kumakain eh." muling wika nito. Hindi na kasi ako nakaimik eh. Para akong naistatwa sa aking kanatatayuan habang yakap- yakap ko pa rin ang bigay niyang bulaklak.
Nakasunod lang ang tingin ko dito habang binubuksan niya ang plastic na kanina niya pa bitbit at kaagad na bumungad sa paningin ko ang isang bucket ng fried chicken na galing sa isang kilalang fast food chain. May mga ibat-ibang pagkain pang kasama iyun.
'Really, talagang nagdala pa siya niyan? Ano iyan, pasalubong niya sa akin?' naglalaro sa isipan ko habang isa -isa niyang nilalabas kung ano mang nasa loob ng plastic. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Hindi ako mahilig sa fried chicken pero in fairness ang bango. Nakakatakam!
"Teka, anong ginagawa mo?" hindi ko maiwasang bulalas. Lalo na ng mapansin ko na isa-isa niya ng nilalatag ang mga pagkain. Mabilis tuloy akong napalapit sa kanya at kinuha sa mga kamay niya ang plastic na hawak-hawak nya at muling ibinalik sa loob ang mga pagkain.
"Teka...ayaw mo? Hindi mo gusto?" tanong pa nito sa akin. Kaagad ko itong sinimangutan.
"Gusto..kaya lang bakit dito sa loob ng kwarto? Alam mo bang isa sa mga rules dito sa mansion ay ang pagbabawal ng pagdadala ng mga pagkain sa loob ng kwarto?" sagot ko naman sa kanya. Kaagad naman itong natigilan. Kitang kita ko ang pagpakapahiya sa mukha nito dahil siguro sa sinabi ko.
"May ganoong rules dito?" sambit niya. Kaagad naman akong tumango.
"Yes..at bakit fried chicken pa talaga? Iniiwasan ko pa namang kumain ng mga oily foods dahil nakakatagihawat!! muling wika ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mga mata nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti habang unti-unting bumalik ang kumpyansa ko sa sarili ko.
"Ha? Hindi ka mahilig sa fried chicken? Pero, bakit sinabi sa akin ng kapatid mo na iyan daw ang favorite mo?" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
Huwag niyang sabihin na nakakapag- usap sila ng kapatid ko? Bakit hindi ko yata alam ito?
"Sinong kapatid?" nagtataka kong tanong.
"Si Christopher. Nakasalubong ko kanina sa mall." sagot nito. Hindi ko maiwasan na matawa. Kaya naman pala. Lahat kasi ng dala nito ngayun, opposite sa mga gusto ko.
Chapter 325
CHARLOTTE POV
Kahit anong pigil ko sa aking sarili, hindi ko talaga mapigilan ang matawa. Tinitigan ko ulit ang mga bulaklak at white chocolates. Hindi nga talaga alam ni Peanut na hindi ako mahilig sa mga white roses. Mas gusto ko ang pink roses dahil masarap sa mata. Napaka-plain kasi talaga ng kulay na white at boring tingnan.
Gayunpaman, dahil ayaw kong mainsulto ito sa naging reaction ko pinilit kong magseryoso. Baka mamaya mainis ito sa akin at bigla na lang bawiin ang sinabi niya sa akin kanina na liligawan niya daw ako. Gusto ko pa naman ma- experience kung paano manuyo at manligaw ng isang babae ang isang Peanut Smith.
Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya diba? Isa pa, kahit anong gawin ko, mag-asawa na ang tingin sa amin ng mga taong nakakakilala sa amin. I-enjoy ko na lang siguro kaysa naman palagi na lang akong magmumomok at magkunwari na hindi ako masaya kapag kasama siya.
"Ayaw mo? Hindi mo fav ang mga dala kong pagkain?" seryoso nitong tanong. Parang gusto ko ulit matawa sa hitsura nito ngayun. Kitang kita ang pagkadismaya sa mukha nito.
Big deal ba talaga sa kanya kung fav ko or hindi ang dala niya? Bakit kasi mali- mali ang impormasyon na ibinigay ng magaling kong kapatid sa kanya?
At bakit ngayun ko lang napansin ang ganitong side ni Peanut? Lalo tuloy itong naging cute sa paningin ko.
Parang hindi talaga ito ang ini-expect niya na magiging reaction ko sa mga dala niyang pasalubong sa akin.
Eh, alangan naman maglulundag ako sa tuwa dahil sa mga pasalubong niya diba? Eh, gusto ko lang naman magpakatotoo. Kapag hindi ko gusto ang isang bagay, talagang sinasabi ko.
Baka mamaya, palagi niyang gawing pasalubong sa akin ang mga ganitong bagay. Ayaw kong magpaka-purga sa fried chicken at hindi ako nagagandahan sa white roses. Maganda na ngayun pa lang, aware na siya sa mga ayaw at gusto ko para naman kumpleto ang saya na mararamdaman ng puso ko tuwing nag -eeffort siya na bigyan ako ng regalo or pasalubong.
Gusto pa naman daw niya akong ligawan. Ibig sabihin noon, marami- maraming pasalubong pa ang pwede kong matangap mula sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin. Paano kaya manligaw ang isang Peanut Smith? Totoo kaya na wala na silang ugnayan ni Maureen?
Kung ganoon, nagsisinunaling pala si Lucas. Pero bakit kailangan niyang gawin iyun? Mukha pa naman siyang mabait pero ubod naman pala ng sinungaling. Minsan pala talaga, mahirap pa rin magtiwala sa isang tao na minsan mo lang nakikita at nakakausap.
Pero bakit nga ba kailangan niyang magtahi ng kwento? Kung talagang hindi totoo na nabuntis ni Peanut si Maureen, nagsasayang lang pala ako ng luha. Nagsayang lang din ako ng sama ng loob. Wala naman pala talagang dahilan para mag-emote ako sa tabing dagat. Hayssst, sa lahat pa naman ng ayaw ko iyung niluluko ako.
"Hey, hindi ka na sumagot diyan? Okay fine...kung ayaw mo talaga, papalitan na lang natin. Bibili na lang ako ulit ng kung anong gusto mong kainin ngayung gabi." wika nito na nagpabalik ng aking ulirat.
"Hindi! Ayos na ito. Isa pa, gabi na... halos lahat ng mga restaurant sarado na sa ganitong oras. Dont worry, kakainin ko ang mga pagkain na ito dahil hindi pa ako kumakain ng dinner. " sagot ko sa kanya. Muli ko itong tinitigan sa kanyang mukha at kita ko na hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi ko. HIndi ko na naman tuloy mapigilan ang mapangiti.
"Actullay, hindi naman sa ayaw ko ang mga pakain na ito.. Katunayan nga, bigla akong nagutom eh. Sabayan mo na lang akong kumain sa dining area. Hindi pwede dito sa kwarto dahil bawal iyun." muli kong wika sa kanya at kaagad na binitbit ang plastic na may lamang pagkain at mabilis na akong naglakad palabas ng pintuan ng kwarto. Kaagad naman itong napasunod sa akin.
Tahimik itong nakasunod sa akin hanggang sa nakababa kami ng dining area. Tahimik na ang buong mansion at mukhang kaming dalawa na lang ni Mani ang gising.
Mabilis kong inilabas ang mga pagkain na dala niya at inilapag sa dining table. Fried chicken, burgers at spaghetti. Mga pagkain na taliwas sa gusto ko pero wala akong choice kundi tikman lahat ng ito dahil pinaghirapan itong dalhin ni Peanut sa akin. Ayaw ko din naman magsayang ng grasya. Para sa akin ang mga pagkain na ito kaya titikman ko. Tikim lang naman, sa sobrang dami nito hindi ko din naman ito kayang ubusin.
"Kakain ka din..." wika ko sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha nito. May inner tantrums yatang nararamdaman ang loko.
"Pwede tayong lumabas at maghanap ng mga pagkain na gusto mong kainin.
"wika ulit nito na kaagad na nagpataas ng aking kilay. Hindi niya na ba naintindihan ang sinabi ko sa kanya kanina na kakainin ko ang mga dala niyang pagkain?
"Hindi...Ayos na ito. Sa susunod, mag- research ka kasi ng maayos." pabiro kong sagot at naupo na para maumpisahan nang kumain.
Nagulat pa ako dahil naupo din ito sa tabi ko. Muli tuloy akong nakaramdam ng matinding pagkaasiwa lalo na ng maramdaman ko ang hindi maiwasang pagdidikit ng aming braso. Ibayong sensasyon ang nararamdaman ko sa buo kong katawan dahil doon.
Para mapagtakpan ang pagkailang ko, ako na mismo ang naglagay ng mga pagkain sa pinggan niya. Sinadya kong damihan para naman maging abala siya. Natuwa pa ako dahil hindi man lang ito umangal.
"Kumain ka na! Walang tatayo hangat hindi natin maubos lahat ito." nakangiti kng wika sabay kuha ng isang fried chicken at inumpisahang kainin. Wala naman akong narinig na kahit na anong reaction mula sa kanya. Nang sulyapan ko ito, nakatutok ang mga mata nito sa kanyang mga pagkain kaya naman kaagad na naging palagay ang loob ko.
Ilang minuto din ang lumipas ng bigla na lang nitong itinaas ang kanyang hawak na tinidor na may spaghetti at kaagad na isinubo sa akin. Hindi ko napaghandaan iyun kaya naman kaagad akong napanganga para tanggapin ang pagkain. Pagkatapos niya akong subuan, ngingiti-ngiti itong muli niyang ibinalik ang pansin sa pagkain.
Muli tuloy akong nakaramdam ng pagkailang habang nilulunok ko ang pagkain. May itinatago din palang ka- sweetan ang Mani na ito. Mukhang kailangan ko pa siyang kilalanin para hindi naman ako mangangapa kapag kasama ko siya.
Dahil sa hindi maipaliwanag na saya na nararamdaman ng puso ko, hindi ko na namalayan pa na naparami na pala ang aking nakain. Busog na busog ako at mukhang mahihirapan na ako nitong makabalik sa pagtulog.
Masayang masaya ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasabay kaming kumain ni Peanut simula noong ikinasal kami.
Chapter 326
PEANUT POV
Laking pasalamat ko dahil pagdating ko kanina, masaya akong sinalubong ng best friend kong si Rafael. Kaagad nitong nabanggit sa akin na nandito nga raw si Charlotte at natutulog sa isa sa mga guest room na paborito niyang gamitin tuwing dumadalaw siya dito sa mansion.
Nakausap ko din si Grandma Carissa al nabanggit niya nga sa akin na nagagalit daw si Charlotte dahil nakabuntis daw ako ng ibang babae na mahigpit ko namang itinanggi. Kaagad kong pinabulaan ang tungkol sa issue at sinabi ko kay Grandma na wala sa bokabularyo ko ang lokohin si Charlotte. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa ng kung anu-ano at mukhang naniwala naman kaagad ito sa mga paliwanag ko.
Bwesit talaga ang Lucas na iyun. Nananahimik na ako pero gusto niya pa rin guluhin ang buhay ko. Alam kong may gusto siya Kay Charlotte kaya gusto niyang sirain ang pagsasama naming dalawa. Mabuti na lang at mabait ang pamilya Villarama at willing silang makinig sa mga paliwanag ko. Kapag nagkataon, baka nagkalabo-labo na. Kung naging ibang pamilya ito, baka habang buhay ko na sigurong hindi makikita si Charlotte.
Buti na lang at open minded ang mga kamag-anak ng babaeng mahal ko. Si Charlotte lang yata ang mahirap paliwangan dahil ang bilis sumama ng loob niya, Ang hirap din nitong suyuin. Sabagay, sino ba namang asawa ang matutuwa kapag may kumakalat na tsismis na nakabuntis ng ibang babae ang lalaking pinakasalan mo? Kahit sino talaga magagalit at kapag hindi pa kami makapag-ayos ni Charlotte, babalikan ko talaga ang Lucas na iyun at lalo siyang malilintikan sa akin.
Dahil mag-asawa kami ni Charlotte kaagad akong pinayagan na makapasok sa kwarto kung saan ito nagpapahinga. Naabutan ko pa nga itong nakatalukbong ng comforter at mukhang tulog. Mabuti pa siya at relax na relax samantalang ako halos atakihin na sa puso sa sobrang pag- aalala sa kanya. Kung hindi ko siguro nakasalubong si Christopher kanina baka hanggang ngayun hindi ko pa alam kung saan ito hahanapin.
Hindi ko na napigilan pa na hawiin ang comforter na nakatakip dito. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng masilayan ko ang napakaganda nitong mukha. Kung ganda ang pag-uusapan, napaka- perfect nito. Walang wala sa taglay na ganda ni Charlotte ang mga model na nakakasama ko tuwing may fashion show ako. Kaya siguro unang kita ko pa lang sa kanya noon talagang nabihag niya na kaagad ang puso ko.
Ang tagal ko kayang naghintay na humantong ito sa tamang edad para maligawan ko. Kaya lang, napakahirap pala nitong lapitan. Napaka- aloof at napakataray. Mahirap din pormahan lalo na at pamangkin siya ng best friend ko.
Kaya nga noong napansin ko ito sa bar kasama ang kanyang mga kaibigan. hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad ko itong nilapitan at hindi ko maiwasan na makaramdam ng selos dahil may mga kaibigang lalaki itong kasama. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot sa isiping baka isa sa kanila ay nililigawan na si Charlotte.
Wala tuloy akong choice kundi bakuran ito. Niyakap-yakap ko pa siya para ipakita sa mga kasama niya na hindi nila pwedeng pormahan ang babaeng matagal ng gusto. Mukhang nakikiayon sa akin ang pagkakataon ng gabing iyun dahil may reporter din pala sa bar at kinakunan kami ng larawan. Nag trending at pagkakataon ko na iyun para makausap ang kanyang mga magulang.
Nasapak pa nga ako ng ama ni Charlotte na si Papa Christian pero hindi ko iyun ininda. Masarap kaya sa feeling na masapak ka ng taong malapit mo ng maging beyanan. Malaki ang respeto ko sa kanila kaya hindi ako umangal. Hindi din ako nakaramdam ng galit at pagtatampo. Kahit ilang beses niya pa akong sapakin, tatanggapin ko basta mapasa- akin lang ang anak nila.
Of course, kaagad kong inamin sa kanila kung ano ang intentions ko sa anak nila. Hindi ko na din itinama ang pagdududa nila na may nangyari sa aming dalawa ni Charlotte. Dagdag points ko kaya iyun para mapasa-akin ang babaeng mahal ko.
Inamin ko din naman sa kanila na mahal ko si Charlotte at lahat kaya kong gawin para mapaligaya ito. Nagulat pa nga ako dahil kaagad silang pumayag sa alok kong kasal. Siguro, malaki din ang tiwala nila sa akin at naniniwala sila hindi ko sasaktan ang anak nila na siyang gagawin ko naman.
Bubusigin ko ng pagmamahal si Charlotte. Gagawin ko din ang lab upang matutunan ako nitong mahalin. Walang ibang lalaki ang magmamay- ari dito kundi ako lang.
Ngayung gabi, bahagya pa akong nadismaya ng sabihin nito na hindi naman daw pala niiya paborito ang dala kong pagkain. Mukhang naisahan ako ng isa sa mga ka-triplets niya at maling impormasyon ang naibigay nito sa akin.
Pero kahit papaano masasabi kong mabait pa rin naman ito. Pinilit niya pa rin ang kanyang sarili na kainin ang mga dala kong pagkain. Tinanggap din naman niya ang bulaklak kong dala kaya naman kahit papaano gumaan ng kahit kaunti ang pakiramdam ko. Akala ko talaga, bokya ako ngayung gabi eh. Mabuti na lang din at mukhang naniwala ito sa akin sa sinabi ko na hindi ko naman talaga nabuntis si Maureen.
Kahit simpleng pagkain ang dala ko sa kanya, masasabi ko pa rin na ito ang pinaka-masarap na dinner na nakain ko. Sino ba ang hindi gaganahang kumain kung katabi mo lang ang babaeng mahal mo. Nagawa ko pa siyang subuan kanina kaya masasabi kong kumpleto na buong gabi ko.
"Hindi ka na ba galit? Pwede ka na bang sumama sa akin pauwi ng bahay? "kakatapos lang namin kumain ng sa wakas nasabi ko din kung ano ba talaga ang pakay ko. Iyun ay ang muli itong miuwi sa bahay.
"Gabi na! Bukas na lang siguro ako uuwi pagkatapos ng klase ko." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng lungkot. Ibig sabihin nito, kapag iiwan ko siya dito sa mansion, bukas ng hapon ko na siya ulit makikita.
"Ganoon ba? Well, okay...bukas na lang din pala ako uuwi. Gabi na at parang hindi ko na kayang magdrive pauwi eh. " pagdadahilan ko. Sana lang talaga pumayag siya. Gusto ko sana siyang makatabi sa pag-tulog buong gabi. Never pa kasing nangyayari sa amin iyun simula ng ikinasal kami
Hindi naman ito nakasagot. Sabay pa kaming napalingon sa pintuan ng dining area ng makita namin ang pagdating ni Grandma Carissa. Napangiti pa ito ng makita kaming dalawa ni Charlotte na parehong nakaup sa harap ng dining table.
"Naku naman! Mabuti naman at napilit mo iyang asawa mo na kumain ng dinner." wika nito. Kaagad naman akong napatayo at yumukod dito tanda ng pagalang.
"Good Evening po Grandma!" bati ko. Kaagad naman lumapit si Charlotte dito at tinanong niya ang kanyang Lola kung bakit gising pa ito. Sinabi nito na kukuha lang ng tubig kaya naman si Charlotte na mismo ang kumuha ng botteled water sa ref at iniabot nito kay Grandma.
"Bukas ng umaga na kayong dalawa umuwi. Magpapahanda ako sa cook natin na magluto ng special na agahan para sabay-sabay na tayong kumain ng breakfast." bilin pa nito sa aming dalawa ni Charlotte bago kami iniwan dito sa dining area. Naiwan nman kaming dalawa na nagkatinginan.
"Saan ka ngayun niyan matutulog? Hindi ko alam kung nakaready ba ang mga guest room." kaagad na sambit nito sa akin. Halata sa mukha nito ang pagkailang. Hindi marahil nito ma- imagine na magsasama kami sa iisang silid ngayung gabi.
"Pwede naman ako sa kwarto mo diba? Isa pa kapag maghihiwalay tayo ng kwarto baka kung ano ang isipin nila sa ating dalawa." sagot ko naman sa kanya.
Umaasa ako na pumayag siyang makatabi ko siya sa kama kahit ngayung gabi lang. Sobrang excited ko na talagang makatabi siya sa pagtulog at ang mukha niya ang unang masilayan ko pagkagising ko kinaumagahan.
"Pero, hindi ako sanay na may kasamang ibang tao sa loob ng room eh. Mas sanay akong mag-isa." sagot naman nito.
"Ayos lang naman kahit sa sahig ako. Sa kama ka, sa sahig ako. Dont worry, harmless ako at hindi naman kita gagahasain noh!" pabiro kong sagot sa kanya. Kaagad kong napansin ang biglang pamumula ng pisngi nito. Lalo tuloy itong naging cute sa paningin ko.
"Sige na nga! Pero, ipangako mo na mag-behave ka ha? Black belter ako at hindi mo naman siguro hahayaan na lumabas ng kwarto bukas ng umaga na sira-sira ang mukha mo diba?"
sagot nito na nagpakaba sa akin.
Oo nga pala, muntik ko ng nakalimutan. Magaling sa self defense si Charlotte dahil mahilig itong mag- enroll noon sa mga martial arts. Sumali pa nga daw ito sa taek wondo noon. Hindi talaga malabong magkalasog-lasog ang boto ko sa kanya kapag gumawa ako ng bagay na hindi niya magustuhan.
Chapter 327
CHARLOTTE POV
Hindi ko akalain na mag-eenjoy ako sa mga pagkain na dala ni Peanut. Halos maubos nga namin eh.
lyun nga lang, problema ngayun kung paano ako makatulog. Busog na busog ako dagdagan pa na kailangan kong patulugin si Peanut sa kwarto ko. Hindi ko talaga ma-imagine sa sarili ko kung paano ang magiging pwesto namin nito sa pagtulog.
First time ko yatang matulog sa iisang silid na may kasamang lalaki at ngayun pa lang nakakaramdam na ako ng matinding pagkailang.
Tahimik kami pareho na umakyat ng hagdan para bumalik sa kwarto pagkatapos naming pagtulungan ligpitin ang aming mga pinagkainan. Kahit naman maraming kasambahay dito sa mansion, hindi din naman
pwedeng iiwan na makalat ang buong dining area. Kahit papaano, tinuruan naman ako ni Mama Carmela na maglinis at huwag iasa lahat sa kasambahay.
"Malaki naman itong kama kaya ayos lang kung sa kabilang gilid ka pumuwesto at dito naman ako sa kabila. "kaagad kong wika sa kanya pagkapasok pa lang namin ng kwarto. Hindi ko naman maatim na patulugin ito sa sahig. Hindi naman ako ganoon kasamang tao na hayaan na sumakit ang kanyang likod na matulog sa matigas na sahig.
"Are you sure? I mean malapit naman na mag-umaga. Kaya kong i-handle ang tigas ng sahig maging komportable ka lang sa iyung pagtulog." sagot naman nito. Pigil ko naman ang sarili ko na mapaismid.
Huwag niyang sabihin na ayaw niya akong makatabi sa kama? Ako na nga itong nagmamagandang loob, siya pa itong may ganang mag-inarte.
"Pero kung hindi naman makakaapekto sa pagtulog mo, of course buong puso kong tatanggapin ang suggestion mo. Medyo pagod din ako at naghahanap ang katawan ko ng medyo malambot na kama." nakangiti nitong muling wika sa akin na siyang nagpataas ng aking kilay.
Ang arte talaga nito. Gusto niya din naman pala pero ang dami niya pang pasakalye.
Hindi ko na ito sinagot pa. Kaagad kong inayos ang kama. Naglagay pa ako ng unan sa gitna para siguradong may boundary kami sa isat-isa.
Meaning bawal lumagpas ang isa sa amin sa unan na iniharang ko.
"Gets mo na siguro ang ibig kong sabihin diba?" wika ko pa sa kanya sabay turo ng unan sa gitna ng kama. Nangingiti naman itong tumango.
"May kumot ka na diyan. May unan na din. Isang rules lang kailangan mong sundin. Bawal kang lumagpas sa boundary na iyan. Kapag mangyari iyun, hindi ako nangingimi na tadyakan ka para malaglag ka sa kama! " muling wika ko na nagpahalakhak dito. Kunot ang noo ko naman itong
tinitigan.
"Sorry! Sorry! Natawa lang ako. Kailangan ko nga pala talagang mag- ingat kung ayaw kong ma-balda." sagot nito. Inirapan ko lang ito at naglakad na papunta sa pwesto ko.
"Mauna ka ng gumamit ng banyo. Nakatulog na ako kanina kaya hindi pa naman ako inaantok." wika ko sa kanya. Kaagad naman itong tumango at nagmamadali ng pumasok sa loob ng banyo. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Mukhang harmless naman si Peanut. Maayos din itong kausap kaya mukhang wala akong dapat na ipag- aalala. Mukha naman itong gentleman at hindi bastos. Babaero lang siguro talaga ito pero hindi naman yata ito marunong mang-harass ng babae.
Sabagay, mangha-harass pa ba ito gayung babae na ang kusang lumalapit sa kanya? Liban sa pagiging pogi nito, ano pa ba ang meron sa isang Peanut Smith para kabaliwan siya ng mga babae?
"Baka naman magaling lang siyang magpa-ikot ng babae sa kama? Sa sobrang dami ng babae na dumaan sa buhay niya, tiyak expert na itong playboy na ito sa pagpapaligaya sa mga babae eh." hindi ko maiwasang bulong habang nakatitig sa pintuan ng banyo.
Nagtataka lang talaga ako. Marami namang pogi diyan sa paligid pero hindi naman katulad niya na habulin talaga ng mga babae. Hindi kaya masyadong malaki ang k ^ **** a niya kaya nababaliw sa kanya ang nakakatikim noon?
Sa isiping iyun, hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-iinit ng aking pisngi. Kung anu-ano ang tumatakbo sa utak ko. Kung saan-saan na din nakakarating ang wild imagination ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na masabunutan ko ang sarili kong buhok. Ano ba ang nangyayari sa akin, bakit ba iyun ang tumatakbo sa utak ko? Nakakahiya!
Oo, wala pa akong experience sa sex pero hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman ang ibat iba sizes ng ari ng tao. Magdo-doctor ako kaya napag-aaralan ko iyun.
Ilang minuto din itong nanatili sa loob ng banyo at nang lumabas ito na nakasuot na ng bathrobe. Maraming malinis na bathrobe sa loob ng banyo kaya normal na lang iyun. Ang problema nga lang wala pala itong dalang damit na pamalit. Huwag niyang sabihin na matutulog siyang nakasuot ng bathrobe?
Gustuhin ko man siyang hiraman ng pamalit na damit kay Uncle Rafael pero dis oras na ng gabi. Hindi pwedeng kumatok na lang ako sa kwarto nila dahil tyak tulog na ang mga iyun. Hindi pwedeng isturbuhin lalo na at maselan ang pagbubuntis muli ni Veronica. Baka makutusan pa ako ni Uncle kapag isturbuhin ko pa sila.
"Wala ka bang dalang pamalit?" hindi ko maiwasang tanong kay Peanut. Kaagad naman itong umiling.
"ibig mong sabihin matutulog kang naka-bath robe?" tanong ko. Nangingiti muna ako nitong tinitigan bago umiling.
"Nope! Sanay akong natutulog ng n***
****d kaya ayos lang kung walang pamalit." sagot nito na siyang nagpalaki ng aking mga mata. Wala sa sariling napatitig tuloy ako sa gitnang bahagi ng katawa niya. Parang na- iimagine ko tuloy na roba lang talaga ang suot nito at nakalawit ang anaconda nito dahil wala siyang underware.
Parang gusto ko tuloy sabunutan ulit ang sarili ko. Ano ba itong naiisip ko. Ang tanga-tanga ko. Dapat pala hindi na ako nag-offer na sa kabilang side siya matulog ng kama. Paano kaya ma- relax ang utak ko gayung ang katabi ko mamaya walang ni isa mang saplot sa katawan?
"Sanay ka naman siguro matulog ng walang ilaw diba? Dont worry, hindi ako lalagpas sa boundary na ginawa mo." untag na wika nito na nagpabaik ng ulirat. Nagmamadali tuloy akong tumayo ng kama at mabilis na naglakad patungong banyo. BAgo ako pumasok sa loob muli akong nagsalita.
"Kung gusto mo ng matulog, patayin mo na lang ang ilaw. Buksan mo na lang ang lampshade." wika ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang sagot nito. Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng banyo at ini-lock iyun.
Wish ko lang talaga na sana, paglabas kong muli ng banyo tulog na ito at nakabalot ang hubad niyang katawan sa kumot. Hindi ko kayang makita ang buhay na anaconda ni Peanut. Baka mahimatay ako ng wala sa oras.
Chapter 328
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kong gawin ang evening routine ko, nagtatalo pa ang isipan ko kung lalabas pa ba ako ng banyo. Kung pwede nga lang sana na dito na ako matulog sa loob ng banyo ginawa ko na sana huwag lang makasama sa iisang kama si Peanut.
Duda na din kasi ako sa sarili ko. Alam kong kaunting kalabit lang nito bibigay na din ang katawan ko at iniiwasan kong mangyari iyun. Hindi pa ako ready na tuluyang magpaka-baliw kay Peanut.
Pagkabukas ko ng pintuan, dahan- dahan pa akong sumilip para masiguro kung ano ang ginagawa nito?
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin ko na tanging lampshade na lang ang nakabukas at nakahiga na siya sa pwesto niya at mukhang tulog na.
Dali-dali akong lumabas ng banyo at sinipat ito ng tingin. Mukhang nahihimbing na siya kaya naman dahan -dahan na din akong nahiga sa pwesto ko at agad na nagtalukbong ng kumot.
Tama nga ang kanina ko pa na ipinag- aalala. Hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Kahit na nakahiga na ako dito sa kama, pinapakiramdaman ko pa din si Peanut.
Nakaramdam lang ako ng kapanatagan ng kalooban ng marinig ko na ang mahina nitong paghilik. Ibig lang sabihin noon na nahihimbing na siya sa kanyang pagtulog na siyang kabaliktaran naman sa nangyayari sa akin ngayun.
"Haysst, Charlotte, ano ba iyan. Matulog ka na! May pasok ka pa sa School bukas eh." mahina ko pang sambit para lang makumbinsi ko ang sarili ko na matulog na. Hindi pwedeng magdamag akong dilat. Tiyak na mangingitim na naman ang ilalim ng aking mga mata dahil sa puyat.
Kung saan-saan na ako dinala ng imagination ko hanggang sa hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako kinaumagahan sa isang mainit na hangin na dumadampi sa aking pisngi. Noong una, ayaw ko pa sanang pansinin iyun pero nang maalala ko na may pasok pala ako sa School, kaagad kong naidilat ang aking mga mata at nagulat pa ako dahil mukha ni Peanut ang kaagad na sumalubong sa akin.
"Good Morning!" kaagad na anas nito nang mapansin niya na nakatitig na din ako sa kanya. Mukhang nauna itong nagising sa akin base na din sa kanyang hitsura ngayun.
Diyos ko, bakit ba napaka-pogi ng taong ito? Kahit kakagising niya lang hindi man lang nabawasan ang taglay niyang karisma.
Tulala pa akong napatitig dito hanggang sa sumagi sa isipan ko na katabi ko pala siyang natulog kagabi dito sa kama. Sinundan niya ako dito sa mansion para magpaliwanag sa akin na hindi niya daw nabuntis si Maureen.
Pero teka, bakit magkadikit na kami ngayun? Tsaka, Tama ba ito? Bakit nakayapos na siya sa akin? Halos magkaamauyan na nga kami ng hininga eh. Ang huli kong natatandaan, may unan akong iniharang sa pagitan naming dalawa. Bakit nakayakap na siya sa akin ngayun at halos magdikit na ang aming mukha?
Sa isiping iyun, hindi ko maiwasang maitulak si Peanut palayo sa akin. Hindi marahil nito inaasahan ang aking gagawin kaya naman dire- diretso itong nahulog sa kama.
"BAstos! Hindi bat sinabi ko sa iyo na bawal kang lumagpas sa boundary?" halos pasigaw kong wika sa kanya.
"Charlotte, ano ba! Balak mo ba akong pilayan?" angal naman nito habang nakaupo sa sahig. Hindi naman ako makatingin ng diretso dito dahil wala itong suot na damit pang-itaas. Kitang kita ko tuloy ang yummy nitong dibdib pati na din ang kanyang abs.
Mukhang maalaga talaga sa katawan iton si Mani. No wonder, kung bakit nag -uumapaw ang kanyang sex appeal.
"Bakit ba kasi hindi ka sumunod sa usapan natin? Hindi bat sinabi ko sa iyo na bawal kang lumagpas? Bakit mo ginawa iyun? Minamanyak mo ba ako? " galit kong muling wika. Hindi ko tuloy maisip kung paano ako nakatulog ng mahimbing habang nasa bisig niya.
Hanggang ngayun, ramdam pa rin ng katawan ko ang init ng kanyang katawan.
"Bakit ako ang sisisihin mo? Ikaw kaya ang lumagpas sa boundary?" sagot naman nito kaya naman hindi ko mapigilang ilibot ang tingin sa paligid.
Kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko na nandito nga ako sa pwesto ni Peanut.
Kung ganoon, ako itong hindi sumunod sa usapan? Ako itong malikot matulog at napunta sa pwesto niya?
Parang gusto kong lumubog sa aking kina-uupuan dahil sa naramdamang pagkapahiya. Ang lakas ng loob ko na itulak siya sa kama gayung ako naman ang may kasalanan.
"So-sorry! mahina kong bikas sabay iwas ng tingin dito. Isang malakas na buntong hininga naman ang narinig ko sa kanya bago ito d*****g ng malakas na parang nasasaktan.
"Ouch! Ang sakit ng likod ko! Napuruhan vata ako!" sambit pa nito na kaagad na nagpababa sa akin sa kama. Kaagad ko itong dinaluhan at hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot ng mapansin ko na nakahawak na ito sa kanyang likod at parang may iniinidang sakit ang kanyang mukha.
"Naku! Naku! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya!" sagot ko naman at hindi ko alam kung saan ito hahawakan.
Shocks! Wala siyang kahit na ibang sapot sa katawan maliban lang sa kanyang boxer short. Parang gustong manginig ang aking laman ng napako ang tingin ko sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Partikular na sa bahaging natatakpan lang ng karampot na tela. Bumubukol iyun at mukhang galit na galit ang kanyang anaconda.
"Tulungan mo ako Charlotte! Pakiramam ko nabalian ako dahil sa pagkakalaglag ko sa kama!" wika pa nito sa akin. Napalunok pa ako ng maka -ilang ulit bago ko ito hinawakan.
"Ha? Naku, sorry talaga! Sandali, tatawag lang ako ng tulong. Kailangan mong madala sa hospital." taranta ko namang sagot sa kanya
"NO! I mean, tulungan mo muna akong makaupo sa kama. Gusto kong i-relax muna ang likod ko bago tayo humingi ng tulong. Na dis-locate yata ang buto ko at hindi ako makakilos ng maayos." Nagpapaawa pang sagot nito.
Naiilang man na maidikit ko ang katawan ko sa hubad niyang katawan wala akong nagawa kundi hayaan ito na isampay niya ang kanyang braso sa balikat ko para tulungan itong makatayo. Kasalanan ko din naman ito kaya kahit sobrang bigat nito wala akong choice kundi magtiis hanggang sa makaupo ito sa kama.
"Pasensya na talaga! Haysst bakit ba ang lampa mo? Hindi ka man lang kumapit sa kama para hindi ka mahulog." paninisi ko pa sa kanya. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat pero gusto ko pa din ibangon ang pride ko. Ako na nga itong lumabas na kahiya-hiya at nasaktan ko pa siya.
"So kasalanan ko pa rin? Simpleng ' g' sorry'mula sa iyo, masaya na ako!" angal nito. Kaagad naman akong natameme at nakaramdam ng guilt.
"Dito ka lang, hihingi lang ako ng
tuong para madala ka sa hospital." sagot ko naman sa kanya at akmang iiwan ko na ito pero mabilis niya akong nahawakan sa braso.
"Dito ka lang...huwag mo akong iiwan. " wika pa nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot.
"Hindi ko kailangan ng Doctor. e massage mo ang likod ko at baka naipit lang ang ugat at gagaling din naman kaagad." wika pa nito. Hindi ko naman maiwsan na pagtaasan ito ng kilay.
Nahulog siya sa kama tapos pagkaipit ng ugat ang posibleng epekto? May saltik nga talaga ang Mani na ito!
Chapter 329
CHARLOTTE POV
"Ibaba mo pa! Ganiyan nga! Nice!" d** *g ni Peanut habang patuloy ako sa kakapisil sa likod nito. Wala akong choice kundi pagbigyan siya sa kanyang ka-pritso. Pagiging masahesta niya ang bagsak ko ngayung umaga. Nakadapa na ito ngayun sa kama habang patuloy sa kakareklamo na napasama daw ang bagsak niya at parang napuruhan daw ang isa sa kanyang ribs.
Ang problema lang talaga, kahit anong pilit ko na dalhin ko na lang siya sa hospital ayaw niya namang pumayag. Hindi daw niya gusto ang atmospera doon at lalo lang daw siyang magkakasakit.
Noong una nakakaramdam pa ako ng pagkailang nang sumayad ang palad ko sa likod niya, pero sa dami ng request niya ngayun parang gusto ko na lang pilipitin ang leeg nito para matigil na siya sa kakarequest niya.
Anong tingin ng Mani na ito sa akin? Professional massager? Kainis! Lakas ng tupak!
Kung hindi lang mukhang yummy ang likod nito, never ko talaga itong pagbigyan.
"Ayos ka ba? Bakit ba ayaw mong magpadala hospital. May pasok pa ako sa School mamaya at kailagan ko nang mag-ayos." reklamo ko sa kanya.
"Hindi naman kita pinipilit kung masama ang loob mo eh. Pero kapag may masamang mangyari sa akin, hindi ka sana patutulugin ng iyung konsensya." sagot nito sa akin. Kaagad naman akong napairap
Ginagawa na akong bata ng Mani na ito eh. Porket kasalanan ko ang pagkahulog niya sa kama gagawin niya na akong masahesta ngayun at talagang kinu-konsensya pa ako.
"Pagod na ako! Maliligo pa ako at maghahanda sa pagpasok sa School. Isa pa, baka hinihintay na tayo nila Grandma sa ibaba." sagot ko sa kanya at kaagad na dumistansya dito.
"OKay...Fine! Pero last na lang...iyung dibdib ko ang masahiin mo. Para kasing biglang kumirot eh." wika nito at mabilis na tumihaya. Nagulat ako sa kanyang ginawa lalo na at muling tumampad sa paningin ko ang kanyang medyo mabalahibong dibdib at nakumutok na abs.
Wala sa sariling tinitigan ko ito mulu ulo hanggang paa. Sino ba ang hindi mawiwindang gayung nasa harap mo ang isang mala-adonis na katawan. N* ******d at tanging boxer short lang ang kanyang soot habang may bumubukol sa harap nito na tanging kakarampot na tela lang ang takip noon.
"Mahabaging Diyos! Ilayo mo ako sa tukso!" hindi mapigilang sigaw ng isipan ko habang titig na titig sa katawa ni Peanut. Patikular na sa pagkalalaki nito. Paano ba naman kasi, sa lahat ng parte ng katawan nito, iyun ang may pinakamagandang view.
"Enjoying the view? Ano na, halika na dito! Baka mamaya ma-late ka na sa School eh." wika nito sabay tapik sa higaan.
Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkapahiya. Nahuli yata ako ni Peanut kung paano pagmasdan ang anaconda niya. Bakit ba masyadong napaka-makasalanan nitong mga mata ko? Baka kung ano pa ang iisipin ng Peanut na ito.
Pero, curious talaga ako! Bakit parang dumubli ang laki noon? Oo, bumubukol ang bahaging iyun kanina pero hindi ganoon kalaki. Ano kaya ang totoong hitsura noon kapag wala ang takip na boxer shorts?
Sa isiping iyung parang gusto ko na tuloy kaltukan ang sarili ko. Kung saan saang dimension na ako dinala ng aking makasalanang utak. Pero bakit ba walang kahihiyan itong si Peanut. Hindi man lang kasi ito nakikitaan ng pagkailang habang nakabuyangyang ang katawan niya sa harap ko.
"Ano na Charlotte? Akala ko ba nagmamdali tayo? Halika na! Umpisahan mo na para matapos na!" wika nito na muling nagpagising sa aking natutulog na diwa. Tinitingan ko ito at inriapan para mapagtakpan ang pagkapahiya ko.
Alam kong pinagluluko lang ako nitong si Mani pero para naman akong tanga na muling naglakad palapit dito. Naupo pa ako sa tagiliran niya at gamit ng nanginginig na kamay, dahan-dahan ko iyung inilapat sa kanyang dibdib.
"Pa-paanong masahe ba? Likod lang tumama at hindi dibdib bakit pati ito gusto mo pang gawin ko!" Angal ko pa sa kanya habang nakalapat ng palad ko sa dibdib niya. Kailangan ko ng katakot -takot na tapang at pagkontrol sa sarili ko para hindi haplusin ang matigas nitong dibdib.
"Hindi ganiyan, ganito dapat!' wika nito at mabilis na gumalaw at malakas akong hinila dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Kaagad kong naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa baiwang ko na siyang dahilan para hindi ako makagalaw.
"Charlotte, please, pagbigyan mo na ako. Hindi ko na kayang magpigil. Ilang buwan na akong tigang." narinig ko pang bulong ito. Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng punong tainga ko dahil sa sinabi niya.
"A-ano ba ang sinasabi mo. Bitawan mo nga---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng kaagad na sinakop ng labi niya ang labi ko.
"I want you now Wife! Mababaliw ako kapag hindi mo ako mapagpbigyan ngayun. Mag-asawa tayo kaya normal lang ang gagawin natin ngayun." mahinang wika nito pagkatapos niyang pansamantalang iwan ang labi ko.
Hindi ako nakaimik. Nakakalunod kasi ang halik na pinapakawalan ni Peanut ngayun. HIndi ako makapg-isip ng tama lalo na at ramdam ko ang kakaiba nitong kapusukan ngayun.
Hindi na ako nakaangal pa ng bigla nitong pagpalitin ang pwesto namin. Nasa itaas ko na siyang ngayun, habang ako naman ay nasa ilalim niya.
Patuloy ito sa pagbibigay ng mapusok na halik sa aking labi.
Gustuhin ko mang tutulan ang ginagawa niya ngayun sa akin, hindi ko naman malaman kong paano gawin. Unti-unting nauubos na kasi ang dipensa ko.
Nang maramdaman ko ang paglisan nito sa labi ko ay kaagad akong nagsalita.
"Teka lang..hi---" hindi ko na natulog pa ang sasabihin ko ng muli nitong balikan ang labi ko at muling binigyan ng mapusok na halik. Lalo tuloy akong nadala sa darang ng init ng katawan. Hindi na ako nakapalag pa kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.
Tama ito, wala ng dahilan pa para tumutol. Mag-asawa kami at normal lang na gawin namin ito. Sino ba naman ang hindi madadala sa mga halik at haplos nitong si Peanut. Ang tamis ng labi nito at ang bango ng hininga. Para akong nasa alapaap.
"Hmmm, hindi ko mapigilang ungol habang patuloy na nakikipag-halikan kay Peanut. Baliw na baliw na ako sa mga nangyari sa amin at excited na ang katawan ko sa mga susunod pang magaganap.
Naging mapusok ang mga sumunod na sandali sa aming dalawa. Biglang nawala sa isipan ko ang tungkol sa pagpasok ko sa School. Biglang naging abala ang bibig ko sa papgpapakawala ng ungol lalo na ng mag-umpisa ng maglakabay nag labi nito patungo sa aking leeg at sinipsip ito doon.
"Oh God! Charlotte!" Bulong pa nito habang isa-isang tinatagal na ang botones ng aking blouse. Hindi na ako umimik pa habang seryosong nakatitig lang sa kanyang mukha. Lalong naging kaakit-akit sa mga mata ko ang hitura ni Peanut
Oo na..sige na..Ready na akong ipagkaloob sa kanya ang perlas na silangan ko, Bahala na!
Chapter 330 (SPG)
CHARLOTTE POV
Wala akong ibang ginawa kundi pumikit at umungol habang abala naman si Peanut sa pagsamba sa katawan ko.
Tuluyan niya ng natangal ang botones ng aking blouse at inuumpisahan niya ng panggigilan ang aking dalawang bundok. Halos mamilipit ang daliri sa aking paa habang walang humpay nitong sinipsip ang aking pasas na pink at naging abala naman ang isang kamay nito sa paghimas sa aking kabilang bundok.
S****p, banayad na pagkagat at salitan pinagpapala niya ang pagkabilaan kong pasas na pink. Hindi ko mapigilang mapaarko ang katawan ko sa kakaibang sensasyong hatid na ginagawa niya sa akin.
"Shit! Ganito pala ang pakiramdam!
Ang sarapp!" hindi ko mapigilang sigaw ng aking isipan. HIndi na ako nakatiis pa. Kusa ko ng hinawakan ang buhok ni Peanut na noon ay parang gutom na sanggol na patuloy sa pagsipsip sa aking pasas na pink. Ilang minuto na siyang namalagi doon at halos mapugto na ang aking hininga dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman.
Ilang saglit lang, naramdaman ko na ang pagbaba ng halik nito patungo sa aking tiyan. Pababa ng pababa hanggang sa hawakan nito ang garter ng aking pajama at kusa niyang ibinaba iyun. Kusang umangat ang aking puwitan para tuluyan niyang mahubad iyun at maipagpatuloy ang na-umpisahan niya ng gawin.
"Peanut! Anong balak mong gawin! Huwag diyan!" hindi ko pa maiwasang bigkas ng bigla itong naupo sa paanan ko habang titig na titig sa gitnang bahagi na aking katawan. Tanging mainipis na panty na lang ang aking suot at hindi ko maiwasang mapaigtad ng biglang sinalat ng isang palad niya ang aking hiwa.
Kahit na may suot pa akong panty, ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang palad. Lalong nawindang ang isipan ko at lalong nakaramdam ng matinding excitement.
"Dont worry, Gagawin ko ang lahat para hindi mo makalimutan ang gabing ito." wika nito at muling bumaba ang labi nito sa gilid ng garter ng aking panty.
Gamit ang kanyang ngipin, ibinaba niya ang garter noon hanggang sa tumampad sa kanya ang wala ng saplot kong perlas na silangan. Hindi ko mapigilang maipikit ang aking mga mata lalo na ng mapansin ko kung paano niya iyun pagmasdan.
Oo, aminado ako. Masyado akong maselan sa bahaging iyun kaya inaahit ko ang buhok sa parteng iyun. Kalbo ang bahaging iyun kaya alam kong kitang kita ni Peanut kung ano ang hitsura ng hiwa ko.
"shit! Charlotte! Ang sarap nito!" anas pa nito at muli akong napatili ng bigla siyang sumubsob sa bahaging iyun.
Ramdam na ramdamn ko ang pagpapala ng labi niya sa perlas na silangan ko kaya naman lalo akong nag-ingay. Hindi ko na din alam kung saan ko ikakapit ang aking kamay.
"Uggghh! Shit! Peanut ano iyan...tama na!" hingal kong sambit pero parang wala itong narinig. Bagkos naramdaman ko pa ang dila nito na pilit na isiniksik sa hiwa ko. Ilang beses niya iyung ginawa hanggang sa kinagat kagat niya ng magaan ang perlas ko. Habol ang hininga ko habang ninanamnam ang sarap na una ko lang naranasan at sa playboy pa talagang si Peanut.
Kahit na malamig dito sa kwarto, ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko dahil sa ginagawa ni Peanut sa akin. Walang humpay ang pagpapala nito sa kweba ko. Napapaarko na lang ang buo kong katawan tuwing nasasagi ng dila nito ang clitoris ko. Ang sarap sa pakiramdam ....habang unti-unti ko ng naramdaman na may kung anong namuo sa puson ko na gustong lumabas.
"OH God! Umalis ka diyan! Naiihi akooo!" halos pagsigaw kong wika sa kanya kasabay ng pag-angat ng balakang ko at ang pagsabog na kung ano mula sa kaloob-looban ko.
Hindi iyun ihi. Orgasm ko iyun at hindi man lang natinag si Peanut. Patuloy pa rin siya sa pagsipip sa bahaging iyun habang lumpaypay naman akong napahiga ng maayos sa kama.
Grabe..hingal na hingal ako. Para akong nagjogging ng tatlong oras dahil sa lakas ng tibok ng puso. Pinunasan ko pa gamit ng palad ko ang pawis na nasa noo ko.
Nagulat pa ako ng muling dumagan sa akin si Peanut. Sa pagkakataon na ito, may nakaguhit ng masayang ngiti sa labi nito habang titig na titig sa akin mga mata.
Napakunot ang noo ko ng maramdaman ko ang kaselan nito na dumidikit sa isa kong hita. Ibig sabihin noon, nahubad na din niya ang sarili niyang boxer short ng hindi ko man lang namalayan.
Magsasalita pa sana ako pero hindi na natuloy iyun ng muling sakupin ng labi niya ang labi ko. Nalasahan ko pa nga sa labi niya ang katas na inilabas ko kanina. Kakaiba ang lasa at hindi ko alam kung bakit parang addict si Peanut kanina. Sinaid niya kasi ang lahat ng katas na inilabas ko.
Muling bumaba ang halik niya sa leeg ko patungo sa dalawa kong bundok. Lalo itong naging mapusok at ramdam na ramdam ko pa rin ang gigil mula sa kanya habang patuloy ito sa paglapirot sa bahaging iyun. Napaliyad na lang ako dahil sa kakaibang sarap na nararamdaman.
"Ughh Peanut1 Peanut!" hindi ko maiwasang bigkas. Saglit itong natigilan at muli akong tinitigan sa mga mata. Kinintalan pa nito ng halik ang noo ko bago ito nagsalita.
"I love you Charlotte! Hindi mo lang alam kung gaano ako ka-excited na maangkin ka!' wika nito kasabay ng pagdiin ng pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan sa katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapapikit ng maramdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa aking tiyan. Ang anaconda ni Peanut at kahit na hindi ko pa nakikita iyun, alam kong galit na galit iyun.
Muli nitong binalikan ang s ^ C ko. Walang kasawaan niyang paulit-ulit na s******p ang magkabilaan kong pasas na pink. Napaigtad pa ako ng maramdaman ko ang palad niya na sumasalat sa basa ko ng kaselan.
Yes..basang basa na ako sa bahaging iyun. At nagtataka ako dahil hindi pa ako kontento sa ginagawa sa akin ngayun ni Peanut. May gusto pang maabot ang katawan ko na hindi ko mawari.
"You're so wet Charlotte. Nakakagigil ka!" anas nito sa akin habang patuloy sa paghaplos ang palad niya sa perlas na silangan ko. Tinatantya na marahil ang kahandaan ko at ng mapansin niya na hindi ako umiimik kusa niya nang pinaghiwalay ang hita ko at kaagad na ipinosisyon niya ang kanyang sarili sa akin.
Napadilat pa ako ng maramdaman ko ang pagkiskis ng anaconda niya sa labi ng aking perlas na silangan. Kaagad na sumalubong sa paningin ko ang seryosong mukha nito habang titig na titig sa akin. Nababasa ko ang matinding pagnanasa sa kanyang mga mata na siyang nagpakaba sa akin.
Oo, excited ako na kinakabahan sa mga
susunod na mangyari sa aming dalawa. Ano kaya ang pakiramdam kapag tuluyan ng maging isa ang katawan namin.
"Masakit sa una, pero dadahan- dahanin ko lang..." malambing na bulong pa nito sa akin. Dahan-dahan naman akng tumango.
Ready na ako ng ipagkaloob ng buo ang sarili ko sa kanya. Tuluyan ko ng paninindigan ang pagiging Mrs. Charlotte Villarama Smith. Hindi ako papayag na pagkatapos nito may iba pang babae na makisawsaw sa pagitan naming dalawa.
Chapter 331 (SPG)
CHARLOTTE POV
Hindi ko na kaya, may kulang pa! Iyun ang naglalaro sa isipan ko habang ipinuposisyon ni Peanut ang sarili niya sa ibabaw ko.
Ramdam ko ang pagkiskis ng mainit at matigas niyang anaconda sa bukana ng aking perlas na silangan at ang alalay na pagtapat nito sa butas ko at ang dahan-dahan nitong pagkadyot.
Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sakit. Pakiramdam ko biglang may napunit sa kaloob-looban ng perlas na silangan ko na siyang nagbigay sa akin ng matinding sakit.
"Oh Shit! Sabi mo dadahan-dahanin mo lang. Pero bakit ang sakit!" galit kong wika kay Peanut. Pigil ko ang sarili ko na bigwasan ito. Parang gusto ko itong itulak para maalis siya sa ibabaw ko.
"Sorry! Ganito talaga sa una. Pero masasanay ka rin." malambing nitong wika at tumigil siya pagalaw sa ibabaw ko. Kinintalan pa nito ng halik ang tuktok ng ilong ko kasabay na paghaplos nito sa pisngi ko. Hindi ko naman maiwasan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Ang sakit talaga! Pakiramdam ko may kung anong bagay ang nakabara sa bukana ng aking perlas na silangan. Ni hindi ko alam kung gaano na kahaba ang naipasok niya. Pero sa hitsura ngayun ni Peanut, kita ko ang pagpipigil niya.
Kahit papaano, hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa dito. Alam kong bitin na bitin na ito pero gusto niya pa rin isaalang-alang ang nararamdaman ko.
"Ulo pa lang ang nakapasok Charlotte! Kaunting tiis lang at mawawala din iyan. Magugustuhin mo din kapag masanay ka na." sagot naman nito.
Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito.
Ulo pa lang iyun? Bakit pakiramdam ko nakapasok na ng buo? Ganoon ba kalaki ang anaconda niya? Shocks! Baka sobrang sira na ng kabibe ko pagkatapos nito.
Sa isiping iyun, pilit kong pinakalma ang sarili ko. Nag-inhale at exhale pa ako at umaasa na maibsan man lang ng kahit kaunti ang sakit. Para maipagpatuloy niya na ang kanyang nasimulan.
"Okay...Sige...pwede mo ng ituloy."
sagot ko naman sa kanya sabay pikit. Titiisin ko na lang. Sandali lang naman siguro ito. Total naman, siya na din ang nagsabi na mawawala din ito. Kailangan lang siguro makapasok ng buo para mawala ang sakit.
Isang mabilis na halik sa labi ko ang ginawa niya bago ko naramdaman ang malakas at buong gigil nitong pag- ulos. Naipasok nya na yata ng buo pero hindi na yata mai-drawing ang mukha ko dahil sa sakit na nararamdaman. Sobrang sakit at pahirap itong ginagawa ni Peanut sa akin.
"Ouchhh! shit naman Peanut! Ang sakit talaga!" umiiyak kong wika. Sa kauna-unahang pagkakataon, hinayaan ko itong makita akong umiyak. Lintik na anaconda iyan, gaano ba kalaki at bakit ganito ang epekto sa akin? Akala ko ba mawawala din ang sakit? Pero bakit parang kalbaryo na itong nararanasan ko ngayun?
Parang ayaw ko na tuloy itong ulitin. Kung ganito naman kasakit, last na talaga ito. Never na talaga akong magdidikit sa Mani na ito.
Hindi ako nito sinagot bagkos muli ako nitong hinalikan sa pisngi. Tinuyo niya ang luha nagkalat sa aking pisngi sa pamamagitan ng kanyang labi. Ilang saglit lang, muling naglapat ang aming labi. Hindi na din muna ito gumalaw para siguro hayaan na masanay ang perlas na silangan ko sa laki niya.
Ramdam na ramdam ko ang laki nito sa loob ko. Ilang saglit din itong hinayaan akong manahimik hanggang sa dahan-dahan itong muling gumalaw. Sa pagkakataon na ito, kaunti na lang ang sakit. Tolerable na kaya naman hindi na umangal pa ng dahan-dahan nitong ilabas at ipasok ang anaconda niya sa akin.
"Ughh...Ugmmm!" hindi ko maiwasang ungol. Nawala na ang sakit bagkos kakaibang kiliti na ang nararamdaman ko ngayun. SA wakas, nasanay na din ako sa laki nya.
Mula sa banayad na pag-ulos, naging mapusok na ito. Pabilis ng pabilis hanggang sa napayakap na ako sa kanya.
"Ohh Charlotte! You're so tight! I love you so much!" paulit-ulit na bigkas nito sa akin. Hindi naman ako magkamayaw sa kakaungol. Hanggang sa naramdaman ko nang may kung anong bagay ulit na namuo sa puson ko. Mahigpit na din akong nakakapit kay Peanut habang parehong tumatagaktak ang pawis sa aming noo. Wala na kaming pakialam pa sa aming paligid. Ang importante sa ngayun ay ang ma-satistifed ang isat isa sa amin.
"I am coming Baby! Oh God!" halos paungol na sambit nito at ang kasunod niyun ay ang mainit na katas na sumirit sa aking sinapupunan. Kasabay ng kung anong bagay na lumabas din sa kaloob-looban ko. ILang ulos pa ang ginawa nito bago ito pabagsak na nahiga sa tabi ko.
Parehong habol namin ang aming hininga. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas at hindi man lang makakilos. Kung hindi pa ako kinumutan ni Peanut baka hayaan ko na lang ang sarili ko na nakabuyangyang ang hubad na katawan sa kama.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Walang ni isa man sa amin ang gustong magsalita. Ayaw ko din magsalita.
Pagkatapos ng ilang sandali, biglang dagsa ng reyalisasyon sa aking utak. Wala na, naipagkaloob ko na ang pagiging birhen sa kanya. Hindi na maibabalik pa ang nangyari sa aming dalawa.
Sa isiping iyun, hindi ko mapigilan ang muling pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bigla akong nakaramdam ng takot. Paano kung isang laro lang pala ang lahat kay Peanut. Gaano ba siya ka- seryoso sa akin?
"Hey...are you okay? Bakit ka umiiyak?
Masakit pa rin ba?" natigil ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ako ang mahina nitong anas. Patunghay itong tumitig sa akin habang bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Wala sa sariling napunasan ko ang luha sa aking mga mata.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba napaka-emosyonal ko? Wala naman dapat na ipag alala dahil mag-asawa naman kami. Normal lang ang nangyari sa aming dalawa.
"Ngayung may nangyari na sa ating dalawa, may permit na ba ako para mang-kalbo ng mga malalanding babae?" tanong ko sa kanya. SA dinami -dami ng pwede kong sabihin sa kanya iyun pa talaga ang unang namutawi sa labi ko.
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahina nitong pagtawa kasabay ng pagpindot ng ilong ko. Kaagad ko itong sinimangutan.
"Of course, malaya kang gawin iyun. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Tandaan mo, nasa likod mo ako palagi at ako ang magiging alalay mo sa tuwing may gusto kang kalbuhin."
nakangiting sagot pa nito sa akin na siyang ikinataas na aking kilay.
"Sure ka? Walang samaan ng loob?" tanong ko. Kaagad itong tumango.
"Sure...pero sa isang kondisyon....ayaw na ayaw ko din makita na may ibang lalaki na aali-aligid sa iyo." sagot nito at mabilis akong kinintalan ng halik sa aking noon. Hindi ako nakaimik kaya seryoso ako nitong tinitigan.
"Kapag may mapansin akong lalaki na lalapit sa iyo, hindi ako magdadalawang isip na basagin ang kanilang mukha. I mean it!" wika nito. Tinitigan ko ito bago dahan-dahan na tumango.
"Deal!" sagot ko. Hind nakaligtas sa paningin ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito at mahigpit akong niyakap. Iniangat pa nito ang ulo ko at pilit na pinapaunan sa kanyang braso. Hinayaan ko na lang dahil feeling ko, safe na safe ako sa ganitong posisyon.
Pagkatapos ng mainit na sandali na nangyari sa aming dalawa, parang gusto kong bumalik sa pag- tulog. Pagod na pagod ang katawan ko at wala akong ibang gustong gawin ngayung araw na ito kundi ang magpahinga.
Chapter 332
CHARLOTTE POV
Hinayaan kong nakayakap sa akin si Peanut hanggang sa nakatulog ako. Gusto ko na din kasi buwagin ang hindi maayos na samahan naming dalawa.
Nandito na eh. Siguro naman magtitino na ang Mani (Peanut) na ito. Kung hindi pa ba naman siya magtanino, baka mag ala dragon na ako sa pagsugpo sa mga babae niya. Hindi siya pwedeng magloko habang nagsasama kami.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta nagising na lang ako na masama ang pakiramdam ko at tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Dagdagan pa ng pananakit ng buo kong katawan.
Kinapa ko pa ang katabi ko pero kaagad na napukunot ang noo ko ng mapansin ko na wala na si Peanut sa tabi ko.
Kung gaanon, saan siya nagpunta? Basta niya na lang akong iniwan pagkatapos ng mainit na sandali na nangyari sa aming dalawa?
Kaagad akong nakaramdam ng lungkot. Dahan-dahan akong bumangon ng kama at muling napahiga ng maramdaman ko ang pagkirot ng katawan ko. Partikular na sa gitnang bahagi ng aking katawan. Manhid din ang balakang ko at sobrang kirot ng perlas na silangan ko.
Napuruhan talaga siguro ako ni Peanut kanina. Teka anong oras na ba? Wala sa sariling napatitig ako sa orasan na nasa bedside table at nagulat pa ako ng halos ala una na pala ng hapon.
May isang basong tubig na nakapatong malapit sa akin kaya naman dali-dali kong kinuha at ininom iyun. Gumaan ng kahit kaunti ang pakiramdam ko pagkatapos kong maubos ang isang baso ng tubig.
Muli akong umayos ng higa at nagtalukbong ng kumot. Ngayun ko lang napansin na hubot hubad pa rin pala ako. Sobrang lamig ng buong paligid at pakiramdam ko tatrangkusuhin pa yata ako.
Naku! Naku, humanda sa akin ang Mani na iyun. Basta-basta niya na lang akong iniwan pagkatapos niyang magpakasarap kanina? Malilintikan talaga siya sa akin!
liyak na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napatitig ako doon at hindi ko mapigilan ang malakas ng pagtibok ng puso ko ng iniluwa ang gwapong mukha ni Peanut. May bitbit itong isang tray na kung hindi ako magkamali, pagkain ang laman noon.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaagad na paguhit ng masayang ngiti sa labi nito nang dumako ang tingin niya sa akin. Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Good Afternoon! Gising na pala ang Baby ko!" wika nito at ipinatong sa side table ang dala niya at lumapit sa akin. Dumukwang pa ito at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi.
Baby? Baby ang endearment nya sa akin? Ano ang itatawag ko sa kanya? ' Mani?' Naglalaro sa isipan ko habang hindi maalis-alis ang pagkakatigtig sa kanyang mukha.
Sa tindig pa lang, lalaking lalaki talaga itong si Peanut! Alam ko iyun dahil nakita ko na ang buo niyang katawan kagabi. Hindi ko man nakita or nahawakan ang nasa pagitan ng kanyang hita pero ramdam ko naman kung gaano kalaki iyun. Anaconda nga talaga at feeling ko, wasak na wasak talaga ang perlas ko.
Sa isiping iyun parang gusto kong kaltukan ang sarili ko. Sobrang sama na nga ng pakiramdam ko, naisip ko pa talaga ang kanyang anaconda! Napaka- laswa ko na yata!
"Gusto mo bang mag-banyo muna bago kumain? Tutulungan kita!" muling wika nito at akmang hahawiin niya na ang kumot na nakatakip sa kahubdan ko ng gulat kong natabig ang kanyang kamay. Nagtataka itong napatitig sa akin.
"Ka-kaya ko na!" tipid kong sagot sabay iwas ng tingin sa kanya. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha.
"Ngayun ka pa ba mahihiya sa akin? Nakita ko na lahat iyan ah?"
nanunudyo nitong sagot. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bigla ko tuloy nakalimutan na masama pala ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niyang iyun.
Ganito ba talaga ka-chessy si Peanut? Haysst lalo tuloy akong na-iinlove sa kanya eh.
"HMmmp, hindi porket nakita mo na ang lahat sa akin, masanay ka ng titigan iyun!" sagot ko sa kanya. Isang malakas na pagtawa ang naging sagot nito sa akin. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
Si Peanut ba talaga ang kaharap ko ngayun? Bakit ang saya-saya niya? Isa pa ngayun ko lang ito nakitang tumawa ng ganito. Sabagay, hindi nga pala kami closed noon.
"Halika na! Huwag nang maarte ang baby ko. Alam kong hindi mo kayang maglakad mag-isa papuntang banyo kaya tutulungan na kita! Alam kong kasalanan ko kung bakit muntik ka ng malumpo eh." wika nito sabay kindat sa akin at malagkit akong tinitigan. Kaagad ko naman itong pinanlakihan ng mata na siyang nagpahalakhak ulit sa kanya.
Hindi ko tuloy mapigilan na muli itong titigan. Ang gwapo talaga! Ang sarap sa tainga ng tawa niya. Parang ayaw ko na tuloy lumabas ng kwarto. Parang gusto ko na sya na lang palagi ang aking makakasama.
Impit akong napatili ng bigla niyang hawiin ang kumot na nakatakip sa kahubdan ko. Kasabay noon ang pag- angat ko mula sa kama dahilan para hubot huba niya akong kinakarga ngayun papuntang banyo.
Diyos ko! Hindi kaya ng powers ko ito! Para akong bagong panganak na sangol na kinakarga niya ngayun na walang kahit na isang saplot sa katawan. Napansin ko pa ang pag-igting ng panga niya habang nakatitig sa akin.
"You're so beautiful Baby! Ang nangyari sa ating dalawa kani-kanina lang ang hindi ko makakalimutan habang buhay." wika nito sa akin. Hindi ko na nga namalayan pa na nakapasok na pala kami ng banyo.
Titig na titig kami sa isat isa habang nararamdmaan ko ang dahan-dahan nitong pagbaba sa akin sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig at mahalimuyak na sabon. Nagulat pa ako ng pagkababa niya sa akin, kusa din niyang nilubog ang sarili sa bathtub at niyakap ako ng mahigpit.
Chapter 333
CHARLOTTE POV
"Teka lang, maliligo ka din?" wala sa sariling tanong ko kay Peanut. Kaagad kong naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa katawan ko. Pareho kaming nakaupo dito sa bathtub na puno ng bula at nakakandong ako sa kanya.
Parang gustong manginig ang katawan ko ng maramdan ko ang isang matigas na bagay na tumutusok sa puwetan ko. Alam kong kay Peanut iyun kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding pag-iinit ng aking katawan kahit na pareho kaming nakalubog ngayun sa bathtub.
"Hmmm, nope! Papaliguan kita!" sagot nito kasabay ng pagdampi ng labi nito sa punong tainga ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sariling laway.
Papaliguan niya daw ako? Pero bakit parang iba ang gusto niyang mangyari? Bakit iba ang ipinapahiwatig ng mga haplos niya?
Hindi ako nakaimik ng maramdaman ko ang muling paghaplos ng palad nito sa dalawa kong bundok. Parang minamasahe niya ako sa parteng iyun kasabay ng pagkagat-kagat niya sa punong tainga na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang init sa katawan.
"Hmmm! Peanut! Akala ko ba maliligo lang?" hindi ko maiwasang sambit. Wala akong nakuhang sagot sa kanya bagkos pinasandal niya ako sa kanyang dibdib at mabilis na hinuli ang labi ko.
Mapusok ako nitong hinalikan. Hindi ko na nga namalayan pa ang pagbabago ng pwesto namin. Magkaharap na kami ngayun, habang patuloy na magkalapat ang aming labi.
"Charlotte, Baby! Nakakagigil ka!"
bulong pa nito sa akin habang dahan- dahan na dumausdos ang halik niya papunta sa leeg sa ko. Hinayaan ko na lang siya dahil sarap na sarap din naman ako sa kanyang ginagawa hanggang sa dumako ang labi niya sa dibdib ko. Para na naman itong uhaw na sanggol habang sinipsip niya ng salitan ang dalawa kong pasas na pink.
"Teka lang...akala ko ba maliligo tayo? " hindi ko maiwasang bulong sa kanya. Sobrang nag-iinit na din kasi talaga ang katawan ko ngayun. Gusto ko ng tapusin ang paliligo namin para muli kaming makabalik ng kama.
"OKay..Leave ito to me. Ako ang magpapaligo sa iyo." paos ang boses na sagot nito. Dahan-dahan akong iniangat sa bathtub at tinapat sa shower. Hinayaan ko na lang siya ng umpisahan niyang shampuhin ang buhok ko at sabunin ang buo kong katawan.
Sa bawat hagod ng kamad niya sa katawan ko habang sinasabon niya ako hindi ko maiwasan na makaramdam ng ibayong init sa buo kong pagkatao. Hubot hubad ako samantalang si Penaut tanging naka-short ito at puting t-shirt ang suot niya. Bumabakat ang maskulado niyang dibdib at ang kanyang anaconda.
"Maliligo ka din diba? Bakit ayaw mo pang hubarin ang mga saplot mo?"
tanong ko sa kanya at ako na mismo ang humawak sa laylayan ng kanyang t -shirt habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata nito. Isang matamis na ngiti ang naging hudyat niya para itaas ko ang kanyang tshirt para tuluyang mahubad.
Kaagad kong kinuha ang sabon sa kanyang kamay at inihagod ko iyun sa kanyang dibdib. Para itong na-istatwa na hindi makakilos.
"Ikaw ang magpapaligo sa akin? Kaya mo ba?" taong nito. Isang tipid na ngiti ang naging sagot ko sa kanya at nag- concentrate sa pagsabon sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan.
"Ohh God! More Baby! Ang galing mong humagod!' bulong pa nito at habang hinahaplos ang pisngi ko. Nginitian ko lang ito hanggang sa dumako ang kamay ko sa garter ng kanyang shorts.
"I got it! Ako na ang maghuhubad niyan." wika nito. Kaagad akong umiling
"Ako na! Ako nga ang magpapaligo sa iyo diba kaya hayaan mo na ako."
kunwari naiinis kong sagot. Isang malagkit na titig ang pinakawalan nito sa akin kaya naman muli kong itinoon ang pansin ko sa suot niyang short. Mahigpit kong hinawakan ang garter noon at dahan-dahan na ibinaba.
Muntik pa akong napatili ng kaagad na tumampad sa mga mata ko ang galit na galit niyang anaconda. Naglalabasan ang halos ugat nito sa sobrang tigas.
"Ga-ganito siya kalaki kanina?" wala sa sariling tanong ko. Kaagad kong naramdaman ang paghawak ni Peanut sa kamay ko at ang pagiya nito papunta sa kanyang anaconda.
"Hawakan mo! Gustong gusto niyang hinahawakan.'" sagot nito hanggang sa sumayad ang kamay ko doon.
Kahit pareho kaming nakababad sa tubig ramdam ko ang init na nagmumula sa pagkalalaki nito. Sobrang tigas din at kailangan ko pang gumamit ng dalawang kamay para mahawakan ng buo iyun.
"Oh God! Haplusin mo Baby! Gustong gusto niyang hinapalos." wika nito habang ramdam ko ang diin ng paglapirot nito sa isa kong pasas na pink. Buong gigil niya din s******p ang kabila kaya hindi ko maiwasang mapahigpit ang kapit sa kanyang anaconda na siyang lalong nagpasiklab sa sobrang kapusukan ni Peanut at muling balikan nito ang labi ko para bigyan ako ng makapugtong hininga na halik.
"I love you! Say, you love me too Baby! Say it!" Pautos na wika nito habang habol ang hininga na nakatitig sa akin. Kaagad akong ngumiti at kinintalan ito ng halik sa ilong bago ko ito sinagot.
"I love you too Penaut! Simula ngayung araw na ito, akin lang ito ha?" sagot ko na may halong landi ang boses. HIndi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyun. Pero makasarili ako. Kung ano ang para sa akin, akin lang talaga
"Promise, hindi na ako titingin sa iba." sagot nito na siyang nagpangiti sa akin kasabay ng pag-upo ko sa harap niya. Nakatayo ito at nakaupo ako ngayun habang nakatapat sa mukha ko ang kanyang galit na galit na anaconda.
"What are you doing! Baby! Hindi mo dapat gawin iyan." nagpapanic na wika pa nito sa akin. Hindi ko siya pinakinggan bagkos hinalos-haplos ko ang kanyang alaga na siyang nagpadaing dito. D***g na nasasarapan.
"Shit, ang sarap niyan. Ang sarap ng palad mo Baby!" wika pa nito. Hindi ko mapigilang mapangiti. Gusto kong ako naman ang magpapaligaya sa kanya. Para naman hindi niya na kailangan pang tumingin sa iba.
Wala sariling inamoy-amoy ko ang ulo ng kanyang anaconda na may kaunting katas ng lumabas. Dinilaan ko iyun na parang ice cream na siyang lalong nagpalakas ng ungol ni Peanut. Hinawakan pa ako nito sa ulo ko bilang pahiwatig na nagugustuhan niya ang ginawa ko "Bakit ganito ang lasa? Bakit parang ang sarap?" hindi ko maiwasang bigkas. Siguro gutom lang ako kaya naman kahit ang kauting katas na lumabas sa anaconda nito pinagdiskitan kong dilaan at lunukin.
" Anong ginagawa mo Baby! Tumayo ka na! I will hunt you..... hard now!" wika ni Penaut. Bastos na ang lumabas sa bibig ito pero hindi ko na iyun pinansin pa.
Gusto ko pa sanang subukan na isubo ang anaconda niya pero mabilis na ako nitong itinayo. Pinatalikod sa kanya at itinaas ang isa kong hita.
"What are you doing? Hindi pa ako tapos!" pagpoprotesta ko.
"Naughty girl! Huwag mo akong sisihin kung hindi ka makalakad ngayung araw." sagot nito sa akin at mabilis na kumadyot. Sapol ang kabibe ko na kanina pa basang basa.,
Dire-diretsong pumasok sa kailaliman ko ang kahabaan ni Peanut. Hindi ko mapigilang mapasigaw ng malakas!
Chapter 334
CHARLOTTE POV
"Say Ahhh Baby!" malambing na wika ni Peanut sa akin habang nakasandal ako sa headboard ng kama. Sinusubuan niya ako ngayun dahil pakiramdam ko naubos ang buo kong lakas dahil sa nangyari sa amin kanina. Masakit ang buo kong katawan at lalong sumama ang pakiramdam ko.
Awtomatiko naman akong napanganga. Kailangan ko talagang kumain ngayun para manumbalik kahit kaunti lang ang lakas ko. Hindi ko na binigyan pansin ang rules dito sa mansion na bawal kumain sa loob ng kwarto. Hindi ko pa nga alam kung paano nakapuslit ng pagkain ang Mani (Peanut)na ito mula sa kusina. Kanina niya pa ito dala bago niya ako dinala sa banyo para maligo lang sana pero nauwi naman sa mainit na sandali.
Paulit-ulit niya akong inangkin sa loob ng banyo. Wala itong kapaguran at ako na nga lang ang sumuko.
Halos dalawang oras yata kaming nanatili sa banyo. Napaka-halimaw pagdating sa sex nitong asawa ko! Ako na nga ang naunang sumuko dahil sobrang hapdi na talaga ng perlas na silangan ko at nanginginig na ang tuhod ko, pero siya parang hindi man lang napagod. Para ngang lalo itong lumakas. Katulad na lang ngayun, talagang asikasong-asikaso ako ngayun at sinusubuan pa.
Isa pang inaalala ko ngayun ay ang hindi ako makatayo ng maayos.
Talagang pati balakang ko napuruhan yata. Ni ayaw ko ngang magkikilos dahil sumasakit talaga. Hindi naman pwedeng ganito ako lalo na at nandito kami sa mansion. Nakakahiya sa lahat ng nakatira dito kapag malaman nilang hindi ako halos makatayo pagkatapos namin mag sex ni Peanut.
"Teka lang....gu-gusto ko na sanang umuwi sa bahay." mahinang wika ko kay Peanut pagkatapos kong lunukin lahat ng isinubo niyang pagkain. Nakangiti akong tinitigan nito.
"Well, uuwi tayo. Kung ano ang gusto ng Baby ko, susundin ko! Teka, kaya mo bang bumiyahe?" malambing na tanong naman nito. Kaagad naman akong tumango.
Siyempre, kakayanin ko talaga! Baka magtaka sila Grandma na hapon na hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto.
"Oo naman! Kaya ko!" sagot ko sabay iwas ng tingin dito. Hanggang ngayun, hindi pa rin ako makapaniwala na naipagkaloob ko na ang sarili ko sa kanya. Hindi lang isang beses kundi makailang ulit pa. Kinain ko din ang pangako ko sa sarili ko na hindi ako mahuh¨¹log sa kanya.
Haysst, magtiwala na lang talaga ako ngayun sa instinct ko. Panghahawakan ko na lang ang pangako niya na hindi na siya titingin sa ibang babae.
"Good! Much better kung nasa bahay ka natin Baby! Iyan naman talaga ang gusto ko kaya sinundan kita dito eh. Magandang bonus na lang talaga dahil sa wakas natupad din ang matagal ko ng inaasam." nakangiti nitong sagot sabay kindat sa akin. Tulalala na naman tuloy akong napatitig dito.
Kung hindi pa ako nito pinunasan sa bibig gamit ang tissue baka kung saan- saan na naman ako dadalhin ng imagination ko.
"Pwede na tayong umuwi ngayun pagkatapos mong kumain kung gusto mo. Mahirap maabutan ng rush hour sa daan. Mahirap sumuong sa traffic." nakangiti nitong wika sa akin na kaagad ko namang sinang-ayunan.
"Teka lang.....hindi ba ako hinanap nila Grandma kaninang umaga?" maya- maya ay tanong ko sa kanya. Kaagad naman itong umiling.
"Hindi ko ba nabanggit sa iyo? Nasa Carissa Villarama Beach Resort sila ngayun. Mga tatlong araw daw silang mananatili doon." imporma nito sa akin na kaagad ko namang ikinatuwa. Ibig lang sabihin nito, ligtas ako mamayang paglabas ko ng kwarto. Ayaw kong makita ni Grandma na iika- ika ako sa paglakad. Nakakahiya! Iyan kasi talaga ang kanina pa na isa sa mga gumugulo sa isipan ko.
"Talaga? Kung ganoon, uuwi na tayo!' sagot ko sa kanya at nagmamdaling bumaba ng kama pero kaagad din natigilan ng maramdaman ko ang pagkirot ng perlas na silangan ko. Hindi ko maiwasan na mapangiwi dahil sa hapdi.
Feeling ko talaga, magang maga iyun eh. Napuruhan ba naman ng
dambuhalang anaconda ni Peanut Feeling ko talaga, isang linggo ko itong ihihiga sa kama. Ibig lang sabihin nito, isang linggo din akong absent sa School.
Bakit naman kasi ganito? Sarap na sarap ako habang ginagawa namin ang bagay na iyun at pagkatapos tsaka naman ako nakaramdam ng ibayong sakit. Kainis talaga! Kailangan ko na talaga sigurong uminom ng anti- inflammatory na gamot para mawala kaagad ang pamamaga ng perlas na silangan ko.
"Hey, dahan-dahan lang. Alam mo naman na hindi pa maayos ang kondisyon mo eh." malambing naman nitong pagpigil sa akin. Muli akong inalalayan nito makabalik sa dating pwesto. Seryoso ko naman itong tinitigan.
"Kailangan na nating makaalis!" sagot ko naman sa kanya. Seryoso ko pa itong tinitigan sa kanyang mga mata. Puno ang pagtataka sa mukha nito habang nakatitig din sa akin
"Why? I mean...anong reason? Bakit ka nagmamadali? Hmmm Baby?" nagtataka naman nitong tanong na may lakip na paglalambing sa tono ng boses nito. Naiinis naman akong napahalukipkip.
"Bakit ba dami mo pang tanong? Basta uwi na tayo. Ayaw kong makita nila Grandma sa ganitong kondisyon."
sagot ko naman sabay iwas ng tingin sa
kanya. Umamin din ako sa reason ko. Sabagay, walang dahilan para maglihim ako sa kanya dahil kasalanan naman niya kung bakit halos malumpo ako ngayun. Kaagad kong narinig ang mahina nitong pagtawa. Lalo tuloy akong napasimangot.
"I got it! Okay, fine...dont worry, liligpitin ko lang ang mga kalat natin tapos uuwi na tayo." sagot nito
"Okay.....doon na ako sa sofa. Ikaw na ang bahalang magligpit. Dapat malinis na malinis ha? Tangalin mo din itong bedsheet dahil may bahid na dugo ohhh? Iuuwi natin." sagot ko naman sa kanya at akmang bababa ulit ng kama ng maagap niya akong pinigilan. Bagkos, kaagad ako nitong binuhat at iniupo sa sofa. Hindin naman ako nakapagsalita dahil sa matinding pagkagulat.
Ramdam na ramdam ko talaga ang pag -aalaga niya sa akin. Parang normal na lang sa kanya na buhat-buhatin ako. Ngayun ko lang napatunayan na ang sarap niya pala talagang magmahal. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin.
"Dito ka lang muna Baby! Aayusin ko lang ang kalat natin tapos uuwi kaagad tayo." nakangiti pa nitong wika sa akin at mabilisan akong kinintalan ng halik sa labi. Tanging tango na lang din ang naging sagot ko sa kanya. Umaapaw na naman kasi ang ligaya at pag-ibig sa puso ko.
Chapter 335
CHARLOTTE POV
Pagkatapos magligpit ni Peanut dito sa loob ng kwarto at ayusin ang mga dapat ayusin, nagpasya na kaming umuwi na. Wala daw sa paligid ang halos lahat ng miyembro ng pamilya at tanging si Veronica lang daw ang naiwan dito sa mansion. Pabor sa akin iyun dahil ayaw kong makita nila ako sa ganitong kondisyon
"Sigurado ka ba na kaya mong maglakad Baby? Bubuhatin na lang kaya kita?" muling wika sa akin ni Peanut habang nakasilip ako dito sa pintuan ng kwarto. Sinisgurado ko talaga na walang tao. Ayaw kong may makakita sa hirap ng paglalakad na pinagdadaanan ko ngayun.
Ilang ulit nang sinabi ni Peanut sa akin na bubuhatin niya na lang daw ako pero mariin kong tinanggihan. Kahit masakit pa rin, kakayanin kong maglakad.
"Kaya ko nga! Bakit ba ang kulit mo?" naiirita ko pang sagot sa kanya. Bitbit nito ang bag ko at isang plastic bag na laman ang bedsheet na may bahid ng dugo. Ayaw ko talagang iiwan iyun dito. Gusto kong ako ang maglaba noon.
"Okay..sabi mo eh. Alam mo naman, kahit na anong gusto mo susundin ko." sagot naman nito na niluwagan na ang pagkakabukas ng pintuan. Nagpatiuna na itong humakbang palabas kaya kaagad na akong napasunod dito.
Sa bawat paghakbang ko, hindi ko mapigilang mapangiwi. Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doctor. Mukhang hindi lang pamamaga ang natamo ko. Parang may sugat na din eh.
Mas pahirapan pa talaga ang paghakbang sa hagdan. Nakakailang hakbang pa lang ako at parang gusto ko ng sumuko. Haysst, promise..hindi na muna ako uulit. Hindi muna ako magpapagalaw ulit sa Mani na ito. Baka sa susunod mapuruhan na ako at
hindi na ako makabangon.
"Are you okay? Sabi ko naman sa iyo, bubuhatin na kita eh." nag-aalalang wika nito. Kanina pa pala ito nakatitig sa akin nang hindi ko man lang napapansin.
"Ayos lang ako. Dont worry!'" sagot ko at pilit na ngumiti. Iiling-iling naman ito at impit pa akong napatili ng bigla ako nitong hawakan sa baywang at kinarga.
Princess style ang ginawa nitong pagbuhat sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na muling mapatitig sa seryoso nitong mukha. Hindi siguro ito natuwa sa pagpapakipot ko gayung kapansin-pansin naman na nahihirapan ako.
"Pwede mo naman sabihin sa akin kung hindi mo kaya eh. Dedericho muna tayo ng hospital bago tayo umuwi. Ayaw kitang nakikitang nahihirapan." wika nito at nag-umpisa ng humakbang. Kaagad naman akong napakapit sa leeg nito. Mahirap na... baka mahulog ako eh.Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit ng katawan ko.
"Kailangan pa ba iyun? I mean, hindi na siguro kailangan. Kaya ko na ang sarili ko." sagot ko sa kanya pero kaagad itong umiling. Huminto ito sa paghakbang ng tuluyan na kaming nakababa ng hagdan. Seryoso ako nitong tinitigan sa mga mata.
"Hindi porket nagpromise ako sa iyo kanina na susundin ko ang lahat ng gusto mo, hindi na ako pwedeng magdecide kung ano ang mas makakabuti sa iyo. Kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan ngayun, kaya hayaan mo munang ako ang magdesisyon kung ano ang mas makakabuti sa iyo." seryoso naman nitong sagot. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng aking laway.
Nakakalunod ang mga titig na pinapakawalan niya sa akin. Medyo nakakatakot pala itong maging seryoso.
Pero hindi eh...dadalhin niya ako sa hospital, so ibig lang sabihin nito makikita ng ibang tao ang kondisyon ng kabibe ko? Gosh..nakakahiya!
"Pero, pahinga lang siguro ang kailangan ko at magiging maayos din ako..Sige na please..uwi na tayo!" sagot ko sa kanya. Nilakipan ko pa ng lambing ang boses ko na kauna- unahan kong ginawa sa kanya. Pilit din akong nagpaskil ng matamis na ngiti sa labi ko para mas kapani-paniwala.
"Hasst, still No! Ang gusto ko ang masusunod ngayung araw." sagot nito at nag-umpisang humakbang. Kaagad naman akong napasimangot habang nakakapit na mariin sa leeg nito.
Palabas na kami ng mansoin ng marinig ko na may bigalng nagsalita sa likuran namin. Kaagad naman pumihit paharap si Peanut dito at parang gusto kong mahimatay sa hiya ng sumalubong sa paningin ko si Veronica. Haplos-haplos nito ang kanyang medyo may kalakihan nang tiyan at nagtatakang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin.
"wow! Ang Sweet niyo naman!" kaagad na wika nito. Siguro, sobrang sweet nga namin tingnan dahil karga-karga ako ni Peanut.
"Hello! Kumusta ka na?"" bulalas ko naman. Gusto kong mapagtakpan ang nararamdaman kong hiya ngayun pero hindi ko alam kung paano.
"Ang daya mo ha? Kagabi ka pa pala nandito pero hindi ka man lang nagpakita sa akin." sagot nito na bakas sa boses ang pagtatampo. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig kay Peanut.
Seriously? Wala ba talaga siyang balak na ibaba ako?
"Pasensya na Nica..nagtatampo kasi sa akin eh, kaya walang balak na makihalubilo sa iba." sagot naman ni Peanut. Buti na lang at mukhang valid ang sagot niya. Hindi na ako mahihirapan pa na mag-isip ng palusot.
"Hmm okay, kanina ko pa sana kayo gustong katukin eh. Hindi kayo lumabas kaninang lunch time. Lumamig tuloy ang mga pagkaing ipinahanda ko para sa inyo." nakangiti nitong sagot.
Hindi ko maiwasang mapatitig kay Veronica..kahit ang laki na ng tiyan , nito pero hindi man lang nabawan ang angkin nitong kagandahan. Tingin ko nga, mas lalo pa itong gumanda eh. Sobrang ganda ng shape ng mukha nito dagdagan pa ng napaka-inosenteng tingnan ng mga mata nito. Kaya siguro, halos mabaliw-baliw sa kanya si Uncle Rafael. Mapapa-sana all na lang talaga ako.
Paano kaya kung ako ang mabuntis? Ano kaya ang hitsura ko? Hindi malabong mabuntis kaagad ako, ilang beses akong pinaputukan sa loob ng Mani na ito. Sa sobrang dami ng katas na ibinaon niya sa bahay bata ko, tiyak na hindi aabutin ng taon, mabubuntis talaga ako nito. Wala pa naman kami parehong kaprote-proteksiyon.
"Uuwi na ba kayo? Hintayin niyo na si Rafael. Dito na kayo kumain ng dinner. " nakangiti nitong pagyayaya sa amin. Sinenyasan ko si Peanut na ibaba niya muna ako pero patay malisya lang ito. Bagkos siya na ang sumagot kay Nica.
"Gusto sana namin....kaya lang dadalhin ko pa sa Doctor si Charlotte." sagot nito na kaagad na ipinanlaki ng aking mga mata. Gusto niya ba akong ibuking kay Nica. Gosh!
"Ha? Bakit? " nagtatakang tanong ni Nica sabay titig sa akin. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago naiinis na tinitigan si Peanut na noon ay alam kong nagpipigil na matawa.
"Parang naglilihi na din eh. Matindi kong maglambing na hindi niya naman ginagawa dati sa akin. " sagot naman nito na lalong ikinangiti naman ni Veronica. Piste, naglilihi kaagad eh kanina lang kami nagchukchakan? Grabe ang palusot ng ulupong na ito. Halatang hindi pinag-isipan.
"Talaga? Ibig niyong sabihin, malapit na din kayong magka-baby?" ngiting ngiting sagot naman ni Veronica. Halatang na-excite ito sa kasinungalingan ni Mani.
Himas-himas pa nito ang kanyang malaking tiyan. Kaagad ko naman naramdaman ang pagtango ni Peanut.
"Yup! Pareho na nga kaming excited. Kaya gustuhin man namin mag-stay hind talaga pwede eh..dadaan pa kasi kami ng hospital" sagot ni Peanut. Na kaagad naman ikinatango ni Veronica. Wala akong choice kundi sakyan ang kalokohan nito kung gusto kong makaalis kaagad ng mansion.
"Okay, sige....wala ng dahilan para pigilan ko kayo..Mag ingat kayo ha? Congratulations in advance sa inyong dalawa." nakangiti namang sagot ni Nica. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
Chapter 336
CHARLOTTE POV
"Inga kayo!" nakangiting kaway pa ni Veronica sa amin habang palabas ang kotse na sinasakyan namin sa gate ng mansion Villarama. Hindi talaga ito pumayag na hindi kami ihatid sa labas. Mabuti na lang hindi na din ito nagtanong pa kung bakit buhat-buhat ako ni Peanut. Baka hindi ko na talaga alam kung ano ang isasagot sa kanya.
"Uwi na tayo?" baling ko kay Peanut ng nasa kahabaan na kami ng highway. Tutok ang mga mata nito sa kalsada habang ang kanyang kamay ay palipat- lipat ang paghawak sa kamay ko at sa brake ng sasakyan. Ewan ko ba sa taong ito, akala mo naman tatakbuhan kung umasta. Kung hindi lang ito nagdadrive baka hindi na talaga nito pakakawalan ang aking kamay.
"Sa hospital muna tayo. Hindi maayos ang kalagayan mo kaya kailangan mo ng attention medical." sagot naman nito sa akin. Hindi ko maiwasan na mapasimangot.
Hindi nya pa rin pala nakakalimutan ang tungkol sa pagpapa-hospital na iyan. Ayaw ko sanang pumayag.
Nakakahiya na may makakita ng ibang tao sa kalagayan na kabibe ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Talagang pursigido siya eh! Hindi ko talaga ito mapipigilan sa gusto niya.
Sabagay, baka masyado lang siyang nag -aalala sa kalagayan ko.
"Sa bahay na lang kasi. Kaunting pahinga lang at magiging maayos din ang kalagayan ko." sagot ko naman. Sinulyapan lang ako nito at muling itinoon ang kanyang attention sa kalsada. Naiinis naman akong napabuntong hininga lalo na ng mapansin ko na ibang daan na ang tinatahak namin. Hindi ito ang daan pauwi ng bahay namin.
"Dont worry, babaeng doctor din ang titingin sa iyo. HIndi ka dapat mahiya dahil kailangan talagang matingnan iyan at marisetahan ka ng gamot. Hindi ako mapalagay kapag nakikita ka sa ganyang sitwasyon. Ako ang mas nahihirapan eh." sagot naman nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Haysst, siguro may pampaamo iyung pinakain niya sa akin kanina. Ang bilis kasi magbago ng mood ko eh. Haysst ganito talaga siguro ang in-love. Napapangiti kaagad sa simpleng salita lang mula sa minamahal.
Isa pa, talagang nag-aalala pala siya sa akin. Sige na nga...itatago ko na lang muna ang hiya ko. Sanay naman na siguro ang doctor na makakita ng namamagang kabibe. Mas okay nga ivun para naman maibsan itong sakit na nararamdaman ko.
Pagkarating namin ng hospital kaagad naman akong inasikaso ng doctor. Tiningnan ang dapat tingnan sa akin kahit na hiyang hiya ako. Hindi naman umaalis sa tabi ko si Peanut na siyang labis kong ipinagpasalamat.
Malaking tulong sa akin ang presensya niya. Pampalakas loob.
Iyun nga lang, parang bad news sa kanya ang sinabi ng doctor. Masyado daw namamaga ang kabibe ko at bawal daw muna ang sex hangat hindi maghilom ang sugat. Siguro mga one month daw. Halos matawa nga ako sa hitsura niya kanina pagkatapos makausap ang Doctor. Halatang hindi niya matangap ang sinabi ng Doctor.
Well, sorry na lang siya. Masyado niya akong pinuruhan kaya magtiis siya.
Sandali kaming nanatili sa hospital.
May inilagay lang na parang cream ang doctor sa kabibe ko at may pinainom na gamot at pagkalipas lang ng halos isang oras bumuti-buti na ang pakiramdam ko. Malaking tulong sa akin iyun kaya naman hindi niya na dapat pa akong buhatin nang payagan na kami ng doctor na umuwi na.
May mga niresta na gamot kaya naman balak naming dumaan sa botika nang mapansin ko ang babaeng naglalakad pasalubong sa amin.
Nagulat pa ako habang tinititigan ito. Hindi ako maaring magkamali. Si Jeann iyun habang parang wala sa sarili na naglalakad pasalubong sa amin. Ano kaya ang ginagawan niya dito sa hospital? Magpapa-check up din ba siya? Kaagad ko naman tinawag ang pangalan nito ng mapatapat sa amin ni Peanut.
"Jeann?" sambit ko. Natigilan ito at blanko ang mukha na tumitig sa akin Halos hindi ko ito makilala. Sa hitsura nito, halata ang pagiging problemado. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na halatang kulang sa tulog.
"Ano ang ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Drake?" tanong ko kanya. Dahan-dahan itong umiling. Kaagad kong na-sense na may problema ito kaya kaagad kong binalingan si Peanut.
"Hmmm pwede bang ikaw na lang muna ang bumili ng mga gamot na niresta ng doctor? Magkita na lang tayo sa kotse. Sasamahan ko lang si Jeann." nakikiusap na wika ko kay Peanut. Halata sa mukha nito ang pagtutol pero wala itong choice kundi ang tumango. Binuksan nito ang bag ko na hawak niya pa rin at kinuha ang aking cellphone at iniabot sa akin.
"Tawagan mo ako kapag may problema." wika pa nito sa akin at hinalikan ako sa noo. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
"Aasikasuhin ko lang saglit si Jeann. Hindi niya pala kasama si Drake kaya ako na lang muna ang bahala sa kanya. " sagot ko. Kaagad naman itong tumango at iniwan na kaming dalawa ni Jeann.
"So, sino ang doctor mo? Magpapa- check up ka din ba? Sasamahan na kita para makapag-usap pa tayo..."
nakangiti kong wika sa kanya. Nagulat pa ako nang mapansin ko na may ilang butil na ng luha na nalaglag sa pisngi nito. Kaagad ko itong hinawakan sa kamay.
"May problema ba? Bakit ka umiiyak?" nag aalala kong tanong. Kaagad ko itong hinila malapit sa medyo kubling lugar. Sa lugar kung saan bihira lang ang may dumadaan na tao.
"Hi-hindi ko na alam ang gagawin ko! Pakiramdam ko mababaliw na ako Charlotte!" sagot nito.
"Ano ang ibig mong sabihin? Nasaan si Drake? Bakit ka hinahayaan mag isang pumunta dito sa hospital? Sabihin mo sa akin, kailan ka pa nagkakaganito?" tanong ko. Kaagad naman itong nagpunas ng luha sa kanyang mga mata at puno ng lungkot na tumitig ito sa akin.
"Gusto ko ng makipag-divorce kay Drake. Hindi ko na kaya!" sagot nito na lalo kong ikinagulat.
Matagal kaming hindi nagkita ni Jeann at wala talaga akong balita sa sitwasyon ng pagsasama nila ni Drake. Bago ako ikasal, hindi na ito umaattend sa family day sa mansion dahil muli itong nabuntis. Wala sa sariling napatitig ako sa tiyan nito at hindi ko maiwasan na magduda. Nanganak na ba si Jeann? Isinalang niya na ba ang pangalawang anak nila ni Drake? Pero bakit walang umbok sa tiyan niya? Ang naaalala ko, halos sabay lang silang dalawa ni Veronica nagbuntis? Nakunan ba siya, kaya ganito ang hitsura nito ngayun?
Chapter 337
CHARLOTTE POV
Anong sabi mo? Gusto mo ng hiwalayan si Drake? Bakit?" Gulat na gulat kong tanong kay Jeann. Hindi ito ang inaasahan ko sa muling pagkikita namin. Hindi ko din akalain na may pinagdadaanan ito ngayun.
Mabuti na lang at maunawain si Peanut. Pumayag ito na hayaan muna kaming mag-usap ni Jeann. Sabagay, wala naman siyang magagawa dahil talagang i-insist ko ang gusto ko. Pinsan ko si Jeann at talagang may pakialam ako sa mga nangyayari sa buhay niya.
"Masyado ng masakit ang pagsasama namin. Hindi ko na kaya. Ayaw ko ng maging martir. Hindi ko na siya kayang pagtakpan sa pamilya ko." lumuluha na sagot nito.
"Alam ba ito nila Tita at Tito?" tanong ko naman. Durog na durog ang puso ko sa nakikita ko sa kanya ngayun. Kung may magagawa lang sana ako para maibsan man lang ang pighati na nararamdaman ng puso niya ginawa ko na sana.
"No! Itinago ko ito sa kanila. Isa pa busy sila Mommy at Daddy sa resort na ipinapatayo nila malapit sa probensya nila Veronica, Puspusan ang construction dahil malapit ng matapos kaya naging hands-on sila Mommy at Daddy doon. Which is akala ko mas okay para hindi nila mapaghimasukan ang pagsasama namin ni Drake..pero nagkamali ako. Nagkamali ako Charlotte. Ngayun ko sila higit na kailangan!" sagot nito sa kabila ng paghikbi. Seryoso ko naman itong tinitigan.
"Tell me...ano ang reason? Bakit gusto mong makipaghiwalay? Sinasaktan ka ba niya?" tanong ko.
"Hindi niya ako mahal. Bumalik na -bumalik na---ang childhood sweetheart niya at ----at halos hindi niya na ako inuuwian." pautal-utal na sagot nito. Bakas sa boses ni Jeann ang paghihirap ng kalooban. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat.
Hindi ko akalain na magagawang saktan ni Drake ng ganito ang pinsan ko. Nangako siya sa pamilya namin na aalagaan niya so Jeann. Hindi ko akalain na magdurusa ng ganito si Jeann sa mga kamay niya.
Ang walang hiyang iyun!! Ang kapal ng mukha niyan para lokohin ang pinsan ko! Ang kapag ng mukha niya para saktan ng ganito si Jeann.
Hindi ito deserve ni Jeann. Hindi siya dating ganito. Sa aming tatlong magkakaibigan ni Veronica, siya ang pinaka-matapang. Siya ang pinaka- palaban. Nabuntis lang talaga ito ni Drake kaya siya napilitan magpakasal sa lalaking iyun. Pero bakit ganito? Bakit nagawang saktan ni Drake ang pinsan ko?
"Na-nakunan ako da-dahil sa sobrang --stress! Nagalit siya at lalo siyang nakipag-tikisan sa akin. Ang--ang balita ko nagsasama na sila ni Jasmin...
ayaw na sa akin ng asawa ko Charotte. Ayaw niya na!" umiiyak na muling wika nito. Hindi na ako nakapagpigil pa. Kaagad ko na itong niyakap.
Sa pagkakataon na ito, alam kong ako lang ang karamay nito. Ako pa lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya. Hindi ko akalain na makikita ko ito sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na darating sa ganitong punto ai Jeann.
"Namatay ang anak ko dahil masyado akong nagpaapekto sa mga nangyayari. HIndi ko siya---hindi ko siya naalagaan. Kung hindi lang sana ako naging tanga sa kakabuntot sa ama niya, hindi sana siya nawala sa akin. Malapit ko na sana siyang maipanganak..Malapit ko na sana siyang masilayan....." lalong lumakas ang iyak nito habang sinasabi ang katagang iyun. Ramdam ko ang sakit ng kalooban ni Jeann.
Gusto kong sumigaw sa galit. Gusto kong hanapin si Drake para pagsasampalin. Pero alam ko kung saan ako lulugar. Hindi pwede dahil away mag-asawa ito.
Akala ko talaga maayos ang pagsasama nila. Ngayun ko lang napatunayan na kahit gaano pa kaayos ang pagsasama ng mag-asawa, posibleng darating din pala sa ganitong sitwasyon ang lahat. Magkakaroon din pala talaga ng lamat ang lahat.
Dapat ko bang iready ang sarili ko? Paano kung mangyari din sa akin ang ganitong bagay? Kaya ko bang tanggapin?
Mukhang suko na si Jeann. Mukhang hindi niya na kaya. Sabagay, kung masyadong masakit na, wala ka naman talagang magagawa kundi ang sumuko. Hayaan na lang ang lahat at pilitin na muling mabuo ang sariling pagkatao.
"Pakiramdam ko, wala ng halaga sa akin ang lahat. Kung hindi nga lang sa panganay naming anak ni Drake, bakal matagal ko ng kinitil ang sarili kong buhay." muling wika nito na lalong nagpabigat ng kalooban ko. Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap dito at tinitigan ito sa mga mata.
"No! Huwag mong gawin iyan. Jeann, matapang ka! Nandito kami na pamilya mo! Hindi mo kailangan maglihim. HIndi mo kailangang sarilinin ang problema mo! Maiintindihan ka ng lahat!" sagot ko naman sa kanya. Muli ko itong tinitigan
Hindi ako makapaniwala. Parang tumanda si Jeann ng ilang taon kumpara sa edad niya. Kung gaano ka- blooming si Veronica, siyang ka- miserable naman ni Jeann. Swertehan lang siguro talaga ang pag-aasawa. At isa si Jeann ang isa sa mga hindi pinalad.
"Charlotte, ano ang gagawin ko? Halos isang buwan ng hindi umuuwi si Drake sa bahay namin. Hindi ko na kaya ang magtagal doon. Pakiramdam ko, mababaliw ako sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Hindi na! Masakit isipin na nasa kandungan siya ng ibang babae habang naghihirap ang kalooban ko!'" muling wika nito. Kaagad akong umiling
Kahit parang gusto kong magpahinga ngayun dahil masama din ang pakiramdam ko, wala akong choice kundi tulungan ito. Pinsan ko si Jeann at hindi kayang dalhin ng konsensya ko na makita ito sa ganitong sitwasyon.
"Nasa Carissa Villarama Beach Resort sila Grandmama Carissa at Grandpapa Gabriel. Pwede ka naming dalhin ni Peanut doon. Kasama si Baby of course. Kailangan mong sabihin sa kanila ang sitwasyon mo. Sila lang ang mas makakatulong sa iyo Jeann." sagot ko naman. Biglang gumuhit ang pag- aalangan sa mukha nito sabay iling
"Hindi ko kaya. Natatakot ako!" sagot nito.
"Bakit naman? Jeann, mabait sila. Kayang kaya ka nilang ipagtanggol laban sa Drake na iyun." sagot ko naman.
"Iyan din ang inaalala ko. Kahit gaano pa kasama ang ginawa ni Drake sa akin, hindi ko kayang makita itong mapahamak. Ibang klase magalit si Grandpa. Alam kong igaganti niya ako kapag malaman niya ang panloloko na ginawa ni Drake sa akin. Baka ipapatay niya ang asawa ko Charlotte." sagot nito
Parang gusto ko naman itong kutusan. Niloko na nga siya lahat-lahat ni Drake, kaligtasan pa rin ng animal na iyun ang kanyang inaalala.
"Huwag ka namang ganiyan. Mabait si Grandpa. Hindi siya mamamatay tao gaya ng iniisip mo." sagot ko. Kaagad naman itong napayuko. Sapol yata sa sinabi ko.
"Tutulungan mo ako?" parang bata nitong tanong. Kaagad naman akong tumango.
"Tutulungan ka namin ni Peanut. Pwede ka namin dalhin sa resort ngayun din. Ito na ang pagkakataon mo para iiwan ang walang kwenta mong asawa. Ayusin mo ang sarili mo Jeann. Sa nangyayari sa iyo ngayun, alam mong walang ibang higit na masasaktan kundi ang Mommy mo. Si Tita Arabella.
Chapter 338
CHARLOTTE POV
Pagkatapos ng madamdamin na pag- uusap, sinamahan ko si Jeann sa kanyang doctor para sa kanyang check up. Hanggang ngayun, hindi ko lubos maisip na mauuwi sa ganitong sitwasyon ang buhay mag-asawa nila ni Drake. Ang akala ko talaga, nagmamahalan sila, pero nagkamali ako.
"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" nagulat pa ako ng bigla akong lapitan ng Doctor. Inaasikaso ng isang nurse si Jeann kaya naman malaya kaming makakapag-usap. Pabor sa akin iyun para malaman ko din ang totoong kalagayan ng pinsan ko. Balak ko din tawagan mamaya si Tita Arabella para malaman din nila ang kalagayan ng kanilang anak. Sila ang higit na kailangan ni Jeann ngayun.
"Nagsa-suffer ng postpartum depression ang pasyente. May mga pinapakita siyang sign na hindi maganda. May mga pagkakataon din na nababanggit niya sa akin na gusto niya ng tapusin ang paghihirap niya. Nag-aalala ako sa posibleng gawin ni Mrs. Jeann Santillan Davis. Kailangan niya ng palaging may nakakausap at mapag-lilibangan para maibsan ng kahit kaunti ang paghihirap ng kanyang kalooban." wika nito na lalong nagpagulo sa sistema ko.
Hinid ko akalain na ganito na pala kalala ang pinsan ko. Wala man lang kaming kamala-malay sa paghihirap niya sa kamay ni Drake.
Bakit ba siya naglihim? For sure hindi din ito alam nila Tita Arabella at Tito Kurt. Hindi nila alam kung ano ang sitwasyon ng unica iha nila ngayun. Sabagay, masyado nga pala silang busy. Hindi marahil din nila naisip na Dosible pa lang maging demonyo si
Drake at saktan si Jeann hindi man physically, pero emotionally at mentally.
"Ano po ang maipapayo niyo Doc? May problema siya sa asawa niya kaya siya nagkakaganyan. Dagdagan pa ng pagkalaglag ng kanyang second baby." sagot ko.
"Kailangan ng matinding monitoring sa kanya. Iwasan na iwan syang mag- isa. May posibilidad na tuluyan niyang saktan ang sarili niya. Hindi sapat ang mga synthetic na gamot na niresata ko para mapawi ang sakit na nararamdaman ng sugatan niyang puso.'" sagot nito. Hindi ko na namalayan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Muli akong napasulyap kay Jeann. Awang awa ako sa nakikitang sitwasyon niya ngayun. Katulad ng napansin ko kanina nang magkasulubong kami, tulala na naman ito at parang wala sa sarili. Naging responsive lang siya habang nag-uusap kami kanina. Pero alam kong pinipilit niya lang ang sarili niya para maging okay sa paningin ko. Kahit na ang alam niya durog na durog na sya. Na masyadong masakit na ang lahat.
"Salamat po Doc! Pamilya Villarama na ang baliala sa pasyente." sagot ko-at pasimpleng pinunasan ang luha sa aking mga mata. Tumango naman ang Doctor at binalikan na nito si Jeann. Naiwan naman akong dahan-dahan na napaupo na parang nauupos na kandila.
"What happened?" Napalingon ako ng may biglang nagsalita. Si Peanut at nag -aalalang nakatitig sa akin. Na-bored na siguro ito sa paghihintay sa akin sa kotse kaya binalikan ako.
"Alam mo ba kung ano ang pinang- gagawa ng magaling mong kaibigan?" kaagad na tanong ko sa kanya.
Natigilan ito. Kita ko ang pagkatigagal sa mga mata ni Peanut dahil sa sinabi kong iyun.
Best friend niya si Drake kaya alam kong may idea siya sa ibig kong sabihin. Best friend nilang dalawa ni Uncle Rafael si Drake, pero hindi ko alam kung may nalalaman din si Uncle Rafael tungkol dito. Siguro naman hindi niya hahayaan na masaktan ang sarili niyang pamangkin diba?
"Sorry, ilang beses ko nang pinaalalahanan si Drake pero ayaw niyang makinig. Oo magkaibigan kami, pero hindi ko pa rin hawak kung ano man ang desisyon niya sa buhay. Hindi ko nga lang talaga lubos maisip na magawa niyang saktan ng ganito ang pinsan mo." sagot nito.
"So, totoo pala ang sinabi ni Jeann kanina sa akin. Na tuluyan ng nagsasama si Drake at ang childhood sweetheart niya. Alam ba ito ni Uncle Rafael?" tanong ko. Kaagad naman itong umiling.
"No, hindi niya alam. Sa aming apat na magkakaibigan, ako lang ang nakakaalam. Malihim si Drake at nagkataon lang na nahuli ko siya kaya wala siyang choice kundi ang umamin sa akin. Childhood sweetheart niya si Jasmine at matagal silang nagkarelasyon. Akala nga namin, mauwi sa kasalan ang lahat noong sila pa pero nagkamali kami. Biglang nakipag hiwalay si Jasmine para sundan ang kanyang mga magulang na naka-base na sa italy." sagot nito.
"Kung ganoon, hindi totoong minahal niya si Jeann. Ginamit niya lang pinsan ko para makalimot sa una niyang pag- ibig?" tanong ko. Awang awa ako sa pinsan ko. Hindi niya talaga deserve ito. Masyado siyang matinong babae para lang lokohin ng kung sino lang.
"I dont know. Parati niyang nababanggit noon na mahalaga sa buhay niya si Jeann. Lalo na ng nagkaanak na sila. Hindi ko lang alam kung bakit nagkaganito ang lahat. HIndi din ako pabor sa ginawa ni Drake. Kahit kaibigan ko siya, hindi ko siya kukunsintihin sa mga mali niyang nagawa." sagot nito habang titig na titig ito sa mga mata ko. Para bang sinasabi niya na hindi siya tutulad sa manloloko niyang kaibigan
Sana nga lang talaga, dahil kung sa akin mangyari iyun, hinding hindi ko talaga siya mapapatawad.
"She needs our help. Gusto niya ng umalis muna sa bahay nila. Of course, sa pagkakataon na ito, gusto kong matulungan si Jeann para manumbalik sa dati. Hindi ko kayang nakikita siyang ganyan." sagot ko naman sa kanya.
"Kaya mo ba? I mean, hindi maayos ang kalagayan mo." sagot nito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong hindi okay si Jeann. Tulungan muna natin siya. Gusto ko siyang dalhin muna sa resort. At least nandoon sila Grandma at mapapayuhan siya ng mga elders namin. Pwede din naman tayo mag- stay doon?. Hindi ka naman busy diba? " sagot ko sa kanya.
Kung hindi ito pwede, wala akong choice kundi kay Uncle Rafael hihingi ng tulong. Hindi pwedeng basta pabayaan ko na lang si Jeann. Masyado siyang fragile ngayun at kailangan niya talaga ang pag-unawa ng buong pamilya.
"Okay...sige. Dadalhin natin siya sa resort. Dont worry Baby! Ako ang bahala sa lahat." nakangiti naman nitong sagot sa akin sabay haplos sa pisngi ko. Biglang ragasa ng tuwa ang puso ko. Hindi ko akalain na ganito pala kabilis pakiusapan ang asawa ko.
"Talaga? Tutulong ka?" excited kong tanong. Kaagad itong tumango.
"Of course....Paano at naging asawa mo pa ako kung hindi man lang kita matulungan sa ganitong problema. Dont worry, isa ako sa magpaparusa kay Drake. Hindi nakakatuwa ang ginawa niyang ito kaya gagawa ako ng paraan para ma-reallized niya ang kamalian na nagawa niya." sagot nito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapakapit sa braso nito. Buong lambing naman na hinalikan ako nito sa noo.
Chapter 339
CHARLOTTE POV
"Thank you ha?" bigkas ni Jeann habang tinatahak namin ang kalsada pauwi ng bahay nila. Nasa passenger sit ako, katabi ni Peanut samantalang nasa hulihan naman ito na bahagi ng sasakyan. Ngayun ko lang ulit narinig ang boses nito simula nang umalis kami ng hospital
"Nasaan pala ang kotse mo? Nag-taxi ka lang ba kanina?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang naman may mapag-usapan kami. Actually, marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano umpisahan. Baka mas lalo lang siyang ma-stress kapag uungkatin ko pa ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Drake. Isa pa, alam kong iinterviewhin din siya mamaya nila Grandma at Grandpa.
"Hindi! Iniwasan ko nang magdrive.
Minsan ko ng naibangga ang kotse ko. Sayang nga eh hindi pa ako napuruhan. Hindi ko man lang kasi nakitaan ng pag-aalala si Drake nang mangyari iyun. Bagkos puro paninisi pa ang naririnig ko mula sa bibig niya." sagot nito. Damang dama ko sa boses niya ang sobrang lungkot. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalingon dito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang muling pagtulo ng luha sa mga mata nito. Mabuti pa siguro, tumabi na lang ako sa kanya kanina. Mayakap ko man lang sana siya habang nasa biyahe kami. Maiparamdam ko man lang sana sa kanya na hindi siya nag-iisa.
Naaksidente siya at wala man lang ni isa sa amin ang nakakaalam? Bakit ba napaka-malihim niya?
Lintik ang Drake na iyun. Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin kung hindi tatanggalan ko talaga siya ng bavag. Kainis siya! Pinakasalan niya pa si Jeann kung hindi naman pala siya sigurado kung mahal niya ba!
"Gago talaga ang asawa mo! Alam mo, tama lang ang desisyon mo na iiwan na siya eh. Hindi mo deserved na saktan niya ng ganito!." sagot ko naman. Ayaw ko na sanang pag-usapan muna namin ang tungkol kay Drake kaya lang hirap magpigil eh. Nanggigil ako!
Ang balak namin na magpahinga ni Peanut sa bahay at kilalanin pa ang isat isa ay hindi na muna matutupad. Sabagay, marami pa namang araw. Ang importante sa ngayun ay ang matutulungan namin si Jeann. Mahirap nang mauwi sa depression ang nangyari dito. Hindi kayang tangapin ng konsensya ko na mapahamak ito.
Kailangan naming iligtas si Jeann dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili niya.
Alam kong hindi din masaya si Peanut sa mga nangyayari. Kanina ko pa kasi ito napapansin na tahimik. Sabagay, kulang nga pala sa pahinga itong asawa ko! Ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ito kanina eh. Tatanungin ko na lang siya mamaya kapag wala si Jeann sa tabi namin.
"Charlotte, kung sakaling hindi ko makayanan ang lahat nang ito, pwede bang mangako kayong dalawa ni Peanut, kayo na ang ang mag-alaga sa baby ko? Ayaw kong mapunta kay Drake ang anak namin. Baka api- apihin lang siya ni Jasmine." mahinang sambit ni Jeann. Kaagad naman akong kinilabutan. Ano ang ibig niyang sabihin? Gusto niya na bang sumuko?
Ramdam ko sa boses niya ang pakikiusap. Para namang kinurot ang puso ko dahil sa narinig. Ramdam na ramdam ko talaga ang paghihirap ng kalooban ng pinsan ko. Sa pagkakataon na ito, wala akong ibang hiling na sana malagpasan niya ito.
Mukhang tama ang findings ng doctor na tumingin kay Jeann kanina. Sobrang depressed na nito at mukhang may balak talaga siyang saktan ang sarili niya
"Ano ka ba? Bakit mo ba nasasabi ang ganiyan. Jeann naman, matapang ka eh. Walang ibang pwedeng mag-alaga sa baby mo kundi ikaw lang. Hindi pa katapusan ng mundo kaya huwag kang magsalita ng ganiyan." sagot ko. Hndi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Sobrang hirap nang pinagdadaanan niya ngayun at hindi ko alam kung ano ang pwede kong maitulong para malagpasan niya iyun.
"Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko, hindi ko na din maalagaan ng maayos ang anak ko eh. Pagod na ako! Hindi ko na kayang lumaban pa." sagot nito at tuluyan ng napahagulhol ng iyak.
Kaagad ko namang sininyasan si Peanut na ihinto muna sa tabi ang sasakyan. Lilipat ako sa likurang bahagi para madamayan ko si Jeann. Para maipadama dito na hindi naman siya nag-iisa.
Kaagad naman tumalima si Peanut. Mabuti na lang talaga at masunurin pala ito. Bumaba pa nga ito ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan. Oh diba, gentelman pa rin kahit sa ganitong kahirap na sitwasyon. Magrerequest pa sana ako ng isang kiss eh, kaya lang baka mainggit si Jeann.
Masarap sanang maglambing kay Peanut pero kailangan muna naming ipag-paliban. Isa pa, kailangan ko din talaga munang magpagaling. Hindi pa kaya ng katawan ko ang addtional na harutan.
"Pasensya na kayo ha? Na-isturbo ko pa yata kayo." kaagad na sambit ni Jeann pagkaupo ko sa tabi niya. Kaagad ko naman itong hinawakan sa kanyang kamay.
"Ayos lang...pareho naman kaming hindi busy kaya marami kaming time para samahan ka." sagot ko naman. Nag-uumpisa na ulit umusad ang sasakyan. Hindi na umimik ulit si Jeann bagkos tumitig ito sa labas ng koste. Nag-uumpisa ng dumilim ang buong paligid pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang malamlam na mga mata ni Jeann.
Ano ang ginawa ni Drake? Bakit pakiramdam ko biglang naglaho ang masayahing si Jeann? Bakit niya pinabayaan ang pinsan ko?
Ang sarap ipakain sa buwaya nang Drake na iyun sa totoo lang. Lagot talaga siya sa buong pamilya Villarama. Alam kong hindi basta- basta mananahimik ang buong angkan namin dahil sa ginawa niyang ito.
Mabilis kaming nakarating ng bahay. Kaagad na sumalubong sa amin ang isa sa mga kasambahay nila Jeann. Karga- karga nito ang umiiyak na halos dalawang taon pa lang nilang anak ni Drake. Kaagad naman itong kinuha ni Jeann at inalo-alo ang anak para tumigil na sa kaiiyak.
"Bakit po umiiyak si Baby Manang?" Hindi ko mapigilang tanong sa kasambahay. Sa hitura nito, halatang stress din ito sa alaga. Baka nga kanina pa umiiyak ang bata at hindi nito mapatahan.
"Ganiyan po palagi si Baby Rusell Mam. Mawala lang saglit ang Mommy niya, hinahanap niya kaagad.: sagot naman nito. Natigilan naman ako.
Kung ganoon, lalong hindi pwedeng manatili sa ganyang kondisyon si Jeann. Kawawa ang anak nilang dalawa ni Drake.
Muli kong hinarap si Manang. Pilit ko itong nginitian.
"Manang, pwede bang makisuyo? Gusto ni Jeann magbakasyon. Pwede bang pakihandaan sila ng ilan nilang gamit? Isasama na din po namin kayo. Para may makakatulong pa rin siya sa pag-aalaga kay Baby." nakikiusap na wika ko kay Manang. Kita ko ang pag- aalangan sa mukha nito kaya mariin ko itong tinitigan.
"Ikaw ang mas higit na nakakaalam kung ano ang sitwasyon ng pinsan ko ngayun. Kailangan ko po ang cooperation mo Manang. Please...." nakikiusap kong wika.
"Sige po Mam. Noon pa man nasa kay Mam Jeann na po ang loyalty. Mas maganda na din ito, para naman hindi na siya mahirapan pa." sagot naman nito. Kaagad naman akong napangiti at nagpasalamat. Marami din akong gustong itanong kay Manang. Tiyak na marami itong nalalaman sa sigalot sa pagsasama ng kanyang mga amo na sila Jeann at Drake.
Mukhang pati sa pag-iimpake, hindi na kayang gawin pa ni Jeann. Pagkatapos kasi nitong kargahin si Baby Rusell, basta na lang ito naupo at parang wala ng balak umalis kaya naman nagpasama na din ako kay Manang sa kwarto ni Jeann at ako na mismo ang kumuha ng ilang mga gamit na pwedeng mapakinabangan habang nasa resort siya. Ilang pirasong damit at undies lang naman dahil pwede naman namin siya ipag- shopping anytime.
Pagkatapos ng mabilisang empake muli kaming lumarga. Tama lang pala na isama namin si Manang dahil mag- isa lang naman pala siyang kasambahay. Mapera naman sana si
Chapter 340
CHARLOTTE POV
"Alam kong pagod ka na. Mauna ka na
munang magpahinga sa akin....
kakausapin ko lang sila Grandpa." nakangiti kong wika kay Peanut nang saglit kaming nagpaalam kina Grandma at Grandpa.
Of course, kailangan ko din asikasuhin ang asawa ko. Baka magtampo na ito sa akin eh. Nag-uumpisa pa lang kaming magkamabutihan tapos mauuwi din sa tampuhan ang lahat? Hindi naman ako papayag noon.
"How about you? Alam kong pagod ka din at hindi mo pwedeng baliwalain ang sigaw ng iyung katawan na kailangan mo na din magpahinga."
sagot naman nito. Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Natigilan naman ako at pilit itong nginitian.
"Nakalimutan mo na ba? Nakatulog ako kanina. Ikaw yata ang hindi nakatulog eh, kaya magpahinga ka na muna sa kwarto." nakangiti ko namang sagot. Tinitigan naman ako nito at buong pagsuyo na hinaplos ang aking mukha.
"Fine...pero samahan mo muna ako sa kwarto Baby. Gusto pa kasi kitang i- kiss eh. Baon lang sa pag-tulog ko." malambing nitong sagot. Natawa naman ako. Muli akong napasulyap kina Grandma at Grandpa na noon at seryosong kausap si Jeann.
"Okay..sabi mo eh! Malakas ka sa akin kaya sasamahan kita!" natatawa kong sagot. Kaagad itong napangiti at hinawakan pa ko sa baiwang at sabay na kaming umakyat ng kwarto.
Malaki ang Villa. May mga kwarto kaming nagagamit tuwing nagbabakasyon kami dito. Marami ding cottages sa labas kung hindi namin bet na mag-stay sa kwarto. As in super comportable ang lugar na ito kaya naman paborito itong bakasyonan ng buong pamilya Villarama.
Dito din ginaganap ang mga special na celebration ng pamilya. Regalo ito ni Grandpa Gabriel noon kay Grandma Carissa kaya maraming magagandang memories ang nangyari sa resort na ito.
Pagdating ng kwarto kaagad nang nahiga sa kama si Peanut. Pagod nga talaga siguro ito kaya hahayaan ko na lang muna siyang magpahinga. Isa pa, very good siya ngayung araw dahil pumayag siyang ihatid namin si Jeann dito sa resort kahit na halos tatlong oras din ang itinagal ng pagda-drive niya. Ni wala man lang akong narinig na reklamo dito kaya naman masaya ako sa ipinapakitang ugali ni Peanut.
Siguro nga, mabait naman talaga ito. Hindi ko pa lang marahil siya masyadong kilala kaya naman kikilalanin ko siya sa mga susunod na araw.
Kahit na anong mangyari, mag-asawa na kami. Legal ang aming kasal kaya naman dapat lang na magpaka-asawa din ako sa kanya.
"Lalabas ka pa ba? Gusto sana kitang pigilan dahil alam kung kailangan mo din ng pahinga eh." wika pa nito sa akin. Kahit nakahiga na ito, hawak- hawak niya pa rin ang kamay ko na para bang ayaw niyang umalis ako sa tabi niya. Gustuhin ko mang mag-stay, hindi din talaga pwede...kailangan din ako ni Jeann sa labas at kailangan ko din tawagan sila Tita Arabella at Tito Kurt. Sila ang mas higit kailangan ni Jeann ngayun.
"Kailangan eh. Alam mo na, kailangan ni Jeann ang presensiya ko. Kailangan ko din tawagan sila Tita at Tito para naman aware sila sa nangyayari sa anak nila." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Eh, kailangan din kita eh...." naglalambing na sagot nito. Para pa itong bata na nakausli ang nguso habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa..
Ang cute kasi talaga niyang maglambing eh. Mas lalo akong nai - inlove sa kanya.
"Ikaw talaga! Kailangan mo munang magpahinga. Paubos na ang lakas mo oh?" Pabiro kong sagot. Kaagad naman itong napangiti.
"Fine...alam kong ayaw mong papigil. I understand! Dont worry, igaganti ko si Jeann kay Drake sa paraan na alam ko." Nakangiti nitong wika. Kaagad naman akong napasimangot.
"Haysst, nakakainis ang taong iyun!
Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Jeann. Mag enjoy na kamo siya at magdasal na hindi niya ako makakasalubong dahil babalian ko talaga siya ng buto!" galit kong sagot. Kaagad naman itong napabangon.
"NO! Hindi ako papayag. Hindi mo na kailangan pang gumawa ng effort para makaganti kay Drake. Ako na ang bahala sa kanya, or should I say, kami nang dalawa ni Rafael ang bahala sa kanya." nakangiti nitong sagot sa akin sabay haplos sa pisngi ko. Para naman akong namamagnet na napatitig sa mga mata nito.
Parang ayaw ko na tuloy lumabas. Parang gusto ko na lang mag-stay muna dito sa tabi niya. Ang sarap kasi talaga niyang kasama eh. Bakit ba ngayun ko lang ito nalaman? Haysst, matapos lang talaga ang problemang ito, susulitin ko talaga ang mga araw na kasama ko si Peanut. BAbawiin namin ang mga araw na sinayang namin na hindi kami nagsasama bilang isang tunay na mag-asawa.
"Okay...sabi mo iyan ha? Aasahan ko iyan!" sagot ko. Kaagad naman itong tumango at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi. Pagkatapos noon mabilis na itong bumalik sa pagkakahiga sa kama.
"Yah...sige na. Asikasuhin mo na muna si Jeann. Ipapahiram muna kita sa kanya ng ilang oras." nakangiti nitong sagot sabay kindat sa akin. Nangingiti akong umalis sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang kumot para kumutan ito.
"Thank you Baby! See you later!" anas pa nito. Tumango naman ako bago ako naglakad palabas ng kwarto.
Mabilis akong naglakad palabas ng villa. Natanaw ko pa sila Grandma at Grandpa na pilit inaalo si Jeann. Kulang na lang maglupasay na ito sa kakaiyak. Muling binalot nang lungkot ang puso ko dahil sa nasaksihan habang dahan-dahan na kinuha ang cellphone sa aking bulsa.
Ayaw ko nang magsayang ng oras. Kailangan ko ng matawagan sila Tita Arabella. Malaki ang maitulong nila para maging maayos ang kalagayan ng unica iha nila.
Nakakailang ring din muna bago may sumagot sa kabilang linya. Mukhang busy talaga siguro sila kaya hindi kaagad nila naasikaso ang tawag.
"Hello, Charlotte. Ikaw ba ito Iha? Napatawag ka?" kaagad na bungad ni Tita Arabella sa kabilang linya. Marahan akong bumuntong hininga bago sumagot.
"Tita..pwede po bang pumunta muna kayo dito sa Villa. May nangyari po kasi...kailagan po kayo ni Jeann!!"
direktahan kong wika. Hindi yata uso sa akin ang paligoy-ligoy na salita. Lalo na sa ganitong sitwasyon.
"A-ano? Why? May nangyari ba kay Jeann?" nagtataka naman nitong tanong. Medyo mataas na ang tono ng boses nito gayunpaman hindi maikakaila ang pag-aalala sa boses nito. Unica iha nila si Jeann at alam kong hindi sila papayag na basta na lang may mang-aagrabyado dito.
"May---may babae po si Drake. Gusto ng makipaghiwalay-----" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Tita Arabella.
"Whattttt? Anong sabi mo?? Nambabae ang lintik na Drake na iyun? Niloko niya ang anak ko????" sagot nito sa kabilang linya. Hindi ko man nakikita si Tita Arabella ngayun pero alam kung nanlilisik na ang mga mata nito sa galit. Kung mataas ang tono nito kanina...mas mataas ngayun. Parang sumisigaw na nga ito eh.
Haysst, Bakit ba nakalimutan ko? Ganito talaga ang ugali ni Tita Arabella. Ito ang pinaka-tigre sa lahat at ngayung nasa hindi maayos na kalagayan si Jeann, mukhang malalagot talaga nito si Drake.
"Sagutin mo ako Charlotte. Niluko ng gagong iyun ang anak ko?" muling tanong nito. Napalunok pa ako ng sarili kong laway bago sumagot.
"Opo! Nandito siya ngayun sa villa. Umiiyak at pilit na pinapatahan nila Grandma. Uwi na po muna kayo Tita! Hindi na po namin alam ang gagawin sa kanya eh. Nagkita lang kami kanina sa hospital at kanina ko lang din nalaman ang problema niya. Nakausap ko din po ang doctor niya at may nabanggit ang Doctor na dapat niyo din pong malaman." sagot ko naman
"Paanong nangyari ito? Hindi namin alam ito at wala namang nababanggit si Jeann na may problema siya sa asawa niya." sagot naman nito sa kabilang linya.
"Iyun nga po eh. Kanina ko lang din po nalaman ang lahat. Nakakaawa po si Jeann Tita. Ang laki ng ipinayat niya at halatang stress siya. Sige na po Tita... uwi na po muna kayo. Kailangan niya po kayo." sagot ko naman.
"Sige..babyahe kami ngayun. Charlotte, alagaan mo siya. Ikaw ang nandiyan kaya sana naman kasuapin mo siya. Baka mapaanak ng wala sa oras iyan." sagot naman nito na lalo kong
ikinagulat. Kung ganoon, hindi pa alam nila Tita at Tito na nakunan ang anak nila?
Muli akong napatitig kay Jeann. Bakit ba siya naglihim? Gaano niya ba kamahal si Drake at nagawa niyang magpaka-martir at maglihim sa sarili niyang mga magulang?
"Teka po Tita...hindi niyo pa po ba alam na nakunan si Jeann?" Wala sa sarili kong bigkas. Sapat lang na hindi nakaligtas sa pandinig ni Tita Arabella. Lalo tuloy itong napasigaw.
"Ano? Nakunan si Jeann? Kailan pa? Bakit hindi namin alam ito? Ano ang ginawa ng gagong iyun sa anak ko? " sagot naman nito sa kabilang linya. Pakiramdam ko talaga, naghihistirikal na ito. Nakakatakot pa naman magalit si Tita Arabella. May dugong amasona iyun kaya mahirap makaaway.
"Uwi na lang po kayo. Tsaka na lang po ako magki-kwento kapag nandito na kayo." sagot ko naman.
"! Humanda sa akin ang Drake na iyun. Papatayin ko siya! Hindi ako papayag na basta-basta niya na lang kakawawain ang anak ko! Humanda sila ng kabit niya!! " galit na sagot nito sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Parang mababasag na kasi ang ear drum ko sa lakas ng boses ni Tita eh.
"O-opo. Sige po! Kami na muna ang bahala sa kanya." sagot ko naman at kaagad ng nagpaalam dito. Hindi ko na kaya pang makausap ng matagal si Tita. Baka mabingi pa ako sa lakas ng boses niya.
Chapter 341
CHARLOTTE POV
Pagkatapos makausap si Tita Arabella, kaagad akong naglakad palapit kina Jeann. Wala na yatang katapusan ang pag-iyak nito habang pinapayuhan nila Grandma at Grandpa.
"Natawagan mo na ba ang Tita Arabella mo?" kaagad na bungad na tanong ni Grandpa Gabriel sa akin. Kaagad naman akong tumango.
"Po? Tinawagan niyo po si Mommy?" sagot naman ni Jeann. Bakas sa mukha nito ang pagtutol.
"Karapatan nilang malaman ang sitwasyon mo ngayun Jeann. Bakit ka ba naglihim sa kanila? Bakit kailangan mo pang magtiis sa mga kamay ni Drake?" ako na ang sumagot. Sa pagkakataon na ito, manghihimasok na kami. Sa sobrang pagmamahal nito kay Drake, hindi na makakapag-isip ng maayos which is hindi naman siya ganito dati.
"Grandma, Grandpa, ako na po ang bahala kay Jeann. Magpahinga na po muna kayo." nakangiti kong baling kay Grandma Carissa at Grandpa Rafael.
"Ganoon ba? Abat sige at papadalhan ko na lang kayo ng miryenda dito. Basta Jeann, tandaan mo ang sinabi ko. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa lalaking hindi karapat-dapat mahalin. Hindi nakakahiya ang magiging single parent." wika ni Grandma bago nila kami tuluyang iniwan. Nagtataka namang napasunod ang tingin ko sa kanila.
Sabagay, tama naman talaga ang sinabi ni Grandma. Bakit pa kailangang ipagpilitan na mabuo ang isang relasyon kung may third party nang involved.
"Haysst, ano na..iiyak ka na lang ba diyan? Jeann naman eh...Cheer up! Hindi pa katapusan ng mundo!" baling ko kay Jeann nang tuluyan ng makapasok ng villa si Grandma at Grandpa. Sa totoo lang, nakakaramdam na ako ng inis dito. Hindi pa ba ito sawa sa kakaiyak? Kailan ba siya titigil? Kapag tuluyan na siyang madehydrate dahil naubusan na siya ng tubig sa katawan?
"Hindi mo lang alam kung gaano kasakit ito. Mahal ko si Drake. Mahal na mahal!" sagot nito habang lumuluha.
"Oo! Alam ko iyan. Hindi ka naman magtitiis sa toxic niyong relasyon kung hindi mo siya mahal diba? Pero ang tanong, mahal ka ba niya? Jeann naman, tulungan mo ang sarili mo na kalimutan siya. Niluko ka niya at hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo!" sagot ko. Bahala siya kung sasama ang loob niya sa mga sasabihin ko ngayun. Ang gusto ko lang naman magising siya sa katotohanan. Nakakasawa nang pakinggan ang iyak niya!
"May iba na siya! Siguro nga hindi nya ako mahal..or hindi niya ako minahal!" malungkot na sagot nito. Paulit-ulit? Haysst, nasaan na ba ang dating Jeann? Bakit biglang nawala ito sa direksyon?
"Eh, oo nga...iyun ang sinabi ko sa iyo kanina......Jeann naman, matagal ka nang nagluksa sa pagmamahal na iyan para sa kanya. Nawalan ka pa nga ng anak ohh at dahil din iyun sa kanya! Move on, move on din kung may time!" sagot ko. Natigilan ito. Seryoso akong tinitigan sa mga mata bago nagsalita.
"Nasabi mo lang iyan ngayun dahil hindi mo naranasan ang nararanasan ko ngayun. Mahirap mag-moved on lalo na at ikinasal kami. Sobrang sakit sa kalooban!" sagot nito.
Marahan akong umiling. Oo, hindi ko pa nararansan ang nararanasan niya ngayun, pero kung sa akin mangyari iyun, hindi ako tutulad sa kanya na basta nalang iiyak sa isang tabi. Ipaglalaban ko kung ano ang karapatan ko.
Siguro nga, magkaiba kami ng pananaw sa buhay. At hindi ko masisisi si Jeann kung hanggang ngayun, umaasa pa rin siya na babalikan siya ni Drake.
"Fine...hindi ko pa nga nararansan ang nararanansan mo ngayun pero tama ba na basta ka na lang umiyak diyan samantalang ang asawa mo nagpapakasarap sa kandungan ng ibang babae? Jeann naman, Wake up! Lumaban ka! Legal wife ka diba? Ipakita mo sa kanila kung sino ka!"
sagot ko naman. Hinawakan ko pa ito sa kamay para lang maramdaman niya ang presesnya ko. Natigilan ito.
Huminto din sa pag-iyak at tumitig sa akin. Hindi din ito nakasagot.
"Hindi ka dating ganiyan. Matalino ka! Mas matapang ka pa nga sa akin eh... pero bakit ka nagkakaganyan sa isang walang kwentang lalaki? Huwag mong sayangin ang luha mo sa lintik ng Drake na iyun. Hindi ikaw ang nawalan kundi siya!" seryoso kong muling wika. Umaasa ako na sana naman hipuin ang puso niya ng kanyang anghel dela guardia at makinig sa akin.
Miss na miss ko na ang dating Jeann. Miss na miss ko na ang pagiging masayahin nito. Hindi ako papayag na lamunin siya ng kalungkutan habang buhay.
"Charlotte, sabihin mo sa akin, ano ang pwede kong gawin para makalimutan siya? Pakiramdam ko mababaliw ako sa sobrang sakit na nararamdaman ng puso ko" sagot nito. Sa wakas, tumigil din sa pag-iyak. Nakuha ko kata ang buo niyang attention.
"Eh di gumanti ka! Nasa sa iyo ang lahat ng capacity para makaganti. Nasa sa iyo ang anak nyo at nasa likod mo ang buong Villarama Clan. Tiyak na susuportahan ka ng lahat sa mga bagay na gusto mong gawin." nakangiti kong sagot. Natigilan naman ito. Napatingin sa malayo at parang nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Naiinitindihan kita sa sitwasyon mo ngayun. Pero, Jeann may anak ka. Kailangan ka niya. Kailangan mong magpakatatag para sa kanya. Wala na nga siyang Daddy, pati ikaw mawawala pa diba? Hindi mo man lang ba naisip na siya ang mas kawawa sa laban na ito?" muling tanong ko. Napakurap pa ito ng makailang ulit bago blanko ang mukha na tumitig sa akin.
"Paano ako ulit mag-uumpisa? Hindi na ako katulad ng dati Charlotte. Mahirap nang ibalik ang dating Jeann.
Masyado na akong nasaktan at pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko!" sagot nito. Hindi ko mapigilan ang mapa-buntong hininga.
"Much better! Dapat mo na ngang kalimutan ang dating ikaw! Iyung hindi basta-basta maluluko! Iyung Jeann na mas matatag at matapang!" nakangiti kong sagot.
"Hindi ko alam. Hindi ko yata kaya!" malungkot na sagot nito at muling tumitig sa kawalan. Ngani-nganing kaltukan ko naman ito para maalog ng kaunti ang utak at magising sa katotohanan.
Wala na...naubos na yata lahat ng baon kong payo sa kanya pero mukhang wa epek. Pabalik-balik lang kami. Ang ending nang usapan na ito ay ang pagmamahal niya sa Drake na iyun. Na masakit ang ginawang panluluko sa kanya at hindi niya kayang kalimutan si Drake.
"Charlotte, pagod na ako, gusto ko munang magpahinga!" maya-maya wika nito. Kaagad naman akong tumango. Mabuti pa nga siguro magpahinga muna siya para malinawan ang pag-iisip niya.
"Ganoon ba? Well, okay..mas mabuti pa nga. Para naman makapgrelax ka. Sasamahan na lang kita sa kwarto mo." sagot ko sa kanya at nagpatiuna ng maglakad. Kaagad naman itong sumunod sa akin.
"Pasensya ka na ha? Naisturbo ko pa tuloy kayo ni Peanut. Hayaan mo, ito na ang last. Magiging maayos din ang lahat." maya-maya ay wika nito. Hindi ko namam maiwasan ang muling mapangiti.
Ito na ang last, so ibig sabihin nito tangap niya na hindi talaga sila ni Drake para sa isat isa? Haysst, mabuti naman kung ganoon.
"Nasaan nga pala si Baby Rusell? Gusto ko muna siyang makita. Feeling ko, napabayaan ko na ang Baby kong iyun. "maya-maya ay wika nito. Kaagad k naman itong nilingon.
"Nasa isa sa mga kwarto. Kasama niya si Manang. Pwede natin siyang daanan ngayun. Gusto mo ba syang itabi sa pagtulog mo?" masuyo kong sagot sa kanya. Kaagad naman lumarawan ang malungkot na ngiti sa labi nito.
"No...mas magandang masanay siya na hindi ako katabi niya sa pagtulog. Gusto ko lang siyang makita ngayun." sagot naman ito. Kaagad naman akong tumango.
Mabilis kaming nakaakyat. Dumiretso kami sa kwarto kung saan nagpapahinga si Baby Rusell at si Manang. Naabutan naming tulog si Baby kaya naman hinalikan lang ito sa noo ni Jeann at kaagad na din kaming lumabas ng kwartong iyun at dumiretso sa isa pang kwarto kong saan pwede siyang magpahinga.
"Gusto mo bang samahan kita dito?" tanong ko pa sa kanya nang makaupo na ito ng kama. Kaagad naman nitong umiling.
"Ayos lang ako Charlotte. Mas gusto kong mapag-isa. Hayaan mo muna ako. sagot nito at pilit pang ngumiti sa akin. Wala naman akong nagawa pa kundi tumango na lang.
"Okay, fine..babalikan na lang kita mamaya kapag oras na ng pagkain ng dinner. Matulog ka muna Jeann. Ang laki ka ng eyebags mo oh!? Huwag mo siyang isipin. Oo, masakit pero kailangan mong tanggapin." wika ko. Tango lang naman ang naging sagot nito at nahiga na ng kama. Pumikit pa ito kaya hindi ko maiwasang mapabuntong hininga at naglakad patungo sa pintuan para iwan na muna ito.
"Charlotte, thank you ha? Thank you sa pagdamay sa akin." naudlot pa ako sa tuluyan kung paglabas ng muli itong nagsalita. Sa pagkakataon na ito, nakatitig na sa akin ang malamlam nitong mga mata.
"Ano ka ba! Ayos lang. Magpinsan tayo at walang ibang magdadamayan kundi tayong dalawa lang." sagot ko naman. Tumango naman ito at muling pumikit.
Wala na akong nagawa pa kundi tuluyan ng lumabas ng kwarto. Hahayaan ko muna siya. Mamaya ko na lang siya ulit kakausapin at babalik na muna ako sa kwarto namin ni Peanut para makapag-pahinga.
"Oh, iha, nagpapahinga na ba si Jeann?
"Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto na inuukupa namin ni Peanut ng marinig ko na may nagsalita mula sa likuran ko...Si Grandmama Carissa.
"Opo Grandmama. Gusto niya daw po munang magpahinga." sagot ko naman.
"Mabuti naman kung ganoon. Hayyy, kawawang bata! Matagal na pala siyang pinapahirapan ng Drake na iyun, ni hindi man lang natin nalaman.
" sagot nito.
"Oo nga po eh...hayaan niyo po Grandma, matapang po si Jeann at kayang kaya niya pong malagpasan ito.
" sagot ko naman.
"Sana nga iha. Sobrang sakit sa kalooban na nakikita ko siyang ganiyan. Huwag ang mag-alala. May dadating bukas ng psychiatrist. Nirekomenda ng Mama Carmela mo. Kailangan ni Jeann iyun para sa kanyang mental conditon. Para may makatulong sa kanya upang matangap kung ano man pinagdadaanan niya ngayun." sagot naman ni Grandma.
"Alam na po ba ito ni Uncle Rafael Grandmama? Best Friend niya ang Drake na iyun at dapat lang na bigyan niya ng leksiyon. Hindi po pwedeng ganoon-ganoon na lang. Sinaktan niya si Jeann at hindi ako papayag na hindi tayo makaganti sa kanya." sagot ko naman.
"Alam na ng Uncle mo. Kausap siya ngayun ng Grandpapa mo. Oh, siye sige magpahinga ka din muna. Ipapatawag na lang kita kapag kakain na ng dinner. " wika ni Grandma sa akin. Nakangiti naman akong tumango.
"Thank you po Grandma. See you later na lang po." nakangiti ko pang wika at lumapit muna dito para humalik sa pisngi.
Sa sobrang dami ng nangyari kanina, nakalimutan ko palang humalik dito pagkadating namin. Hind na kasi kumawala si Jeann sa pagkakayakap dito kanina kaya hindi ako nagkaroon ng chance.
Pagkapasok ko ng kwato, naabutan ko pa si Peanut na mahimbing na natutulog. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa dito. Mukhang pagod na pagod talaga siya at ayaw ko na siyang isturbuhin kaya naman dahan -dahan akong naglakad patungong banyo para maglinis muna ng katawan bago mahiga sa tabi niya.
Pakiramdam ko nanlalagkit na ang katawan ko. Ngayun ko lang din nararamdaman ang pagod ko. Kailangan ko din magpahinga habang nagpapahinga si Jeann.
Balak kong bumalik kaagad ng Manila pagkadating nila Tita Arabella. Kaya na nilang asikasuhin si Jeann. Hindi din kasi pwedeng umasent ng umabsent sa School. Malapit naman na ang sem break kaya kaunting tiis na lang.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan, kaagad akong nahiga sa tabi ni Peanut. Nagising pa nga yata ito at kinabig ako ng yakap. Hinayaan ko na lang siya at hindi na din ako nagsalita. Gusto kong sulitin ang oras na makapagpahinga muna kasama ito.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaidlip pero naalimpungatan ako sa malakas na katok sa pintuan. Naramdaman ko pa ang pagbangon ni Peanut kaya naman kahit antok na antok pa, wala akong choice kundi ang idilat ang aking mga mata.
"Mam, Sir, pasensya na po. Pero pinapatawag po kayo nila Madam Carissa at Senyor Gabriel...si Mam Jeann po kasi- tarantang wika ng isa sa mga kasambahay ng villa. Biglang sumigid ang kaba sa puso ko at wala sa sariling napabangon ako at halos takbuhin ko ang kwarto kung saan iniwan ko kanina si Jeann para magpahinga.
Narinig ko pa ang tanong ni Peanut sa kasambahay kung ano ba ang nangyari pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Mabilis akong nakarating sa kwarto ni Jeann at para lang magulantang dahil naabutan ko si Grandma Carissa na yakap-yakap niya ang walang malay na katawan ni Jeann. May nagkalat na dugo sa kama nito kaya kaagad akong naluha.
Para akong biglang nawalan ng lakas. Hindi ako makapaniwala na magagawang saktan ni Jeann ang sarili niya.
Hindi siya ganito. Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magawa niyang saktan ang sarili niya dahil lang sa walang kwentang lalaki.
Hindi siya nakinig sa mga payo namin. Tuluyan na siyang nagpatalo sa lungkot na nararamdaman ng puso niya.
Nanginginig ang tuhod ko naglakad palapit dito kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga Mata.
Chapter 342
CHARLOTTE POV
Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko habang pinagmamsdan ang walang malay na katawan ni Jeann na halos kandungin na ni Grandma Carissa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sugat na nasa pulso nito na patuloy sa pagdurugo. Kung ganoon, naglaslas siya? Gusto niyang kitlin ang sarilli niyang buhay dahil lang sa walang kwentang Drake na iyun?
Hindi ko maiwasan na maluha. Pinaghalong takot at pag-aalala ang kaagad na naramdaman ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang magawang saktan ni Jeann ang sarili niya.
"Jeann...why?" mahina kong bigkas kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ngayun ko lang lalong narealized ang hirap na pinagdaanan nito ngayun.
Kaagad kong hinawakan ang braso nito na may laslas. Kaagad akong naghagilap ng tela at binalutan iyun. Para kahit papaano, maampat man ang pagdurugo ng sugat nito.
"Kailangan natin siyang madala ng hospital ngayun din! Bilisan niyo ang kilos. Ihanda ang kotse." halos pasigaw naman na wika ni Grandma Carissa. Kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha habang makailang ulit na tinatapik ang pisngi ni Jeann. Pilit nya itong ginigising.
"Bubuhatin ko na po siya. Ako na din po ang magda-drive. Hindi tayo pwedeng magsayang ng oras." kaagad na sabat ni Peanut. Ni hindi ko na namalayan pa ang pagpasok nito dito sa loob ng kwarto. Mabilis nitong binuhat si Jeann at patakbong lumabas ng kwarto. Wala sa sariling kaagad
akong napasunod dito
Pagdating ng kotse, kaagad akong nag-boluntaryo na ako na ang kumandong at umalalay kay Jeann. Mabilis naman nagsikapg-sakayan ang nag-aalalang sila Grandma at Grandpa. Hindi ko naman maiaalis ang tingin ko sa mukha ni Jeann. Lihim akong nagdarasal na sana malagpasan niya ang pagsubok na ito.
Hindi ko akalain na ganito ito karupok. Hindi ko akalain na sa kabila ng mga payo na narinig niya kanina hindi lang galing sa akin kundi galing na din kina Grandma at Grandpa nagawa pa rin nitong magpakamatay.
Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw! Ano ang ginawa ni Drake sa pinsan ko? Maayos na ipinagkatiwala sa kanya si Jeann ng buong pamilya pero bakit nagawa iyang lokohin? Gaano ba siya kawalang-kwentang lalaki?
"Jeann, please lumaban ka! Malapit na tayo sa hopital. Kailangan mong kayanin ang lahat! Huwag kang madaya! Kailangan ka namin..may anak ka na dapat mo pang gabayan hanggang sa kanyang paglaki." hindi ko maiwasang sambit kasabay ng sunod- sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata. Hindi na iba sa akin si Jeann, simula ng nagkaisip ako, siya na ang palagi kong nakakasama.
Siya ang kalaro ko at siya ang kabiruan ko. Palibahasa solong anak na babae ito ni Tita Arabella kaya naman sobrang lapit nito sa akin to the point na imbes na tawagin ko itong Ate dahil mas matanda ito sa akin, pero first name basis na lang dahil para na din kaming matalik ng magkaibigan.
"Ang daya mo naman eh...BAkit ba hindi ka nakinig sa akin kanina. Sabi ko naman sa iyo, nasa likod mo kaming lahat kung gusto mong gumanti kay Drake eh...bakit mo ito nagawa sa sarili mo Jeann?" Umiiyak kong sambit. Walang kasing sakit na ang taong palagi mong kasama mula mga bata pa kayo, nandito sa ganitong sitwasyon. Ang taong masayahin ay sa isang iglap makikita mo sa ganitong sitwasyon.
"Kung alam ko lang na gagawin mo ito, nag-insist na lang sana ako na samahan ka. Hindi na lang sana kita iniwan kanina. Kaya pala gusto mong mapag-isa eh...may balak ka na palang masama sa sarili mo." muling bigkas ko. Hindi ko talaga matatangap kong may masamang mangyari dito.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko na lang na huminto na ang sasayan sa harap ng hospital.
Kaagad naman lumapit sa amin ang ilang medical staff at mabilis ang kilos na itrinasfer nila si Jeann sa stretcher. Mabilis ang pagkilos ng lahat at walang gustong magsayang ng oras.
Mabilis na naipasok ng emergency room si Jeann. Tahimik lang kaming nakaantabay sa labas habang hinihintay ang paglabas ng Doctor.
"Hey, relax lang...everything will be okay." narinig ko pang sambit ni Peanut sa akin. Para naman akong nauupos na kandila na napasandal dito.
"May kasalanan din ba ako? Dapat talaga hindi ko na siya iniwan kanina eh. Dapat talaga sinamahan ko na lang siya sa kwarto kahit na ipagtabuyan niya ako! Hindi nya sana maisip na magpakamatay!" mahina kong bigkas. Sapat lang para marinig ni Peanut ang katagang iyun.
"No! Baby please, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil pagbabalik-baliktarin man ang mundo, kasalanan lahat ni Drake ito. Na-depress si Jeann dahil sa pambababae niya." seryosong sagot ni Peanut. Hindi ko naman maiwasan na maikuyom ang aking kamao.
Hwag na huwag magpapakita ang Drake na iyun dahil mapapatay ko talaga siya! Demonyo siya sa lahat ng demonyo dahil sa ginawa niya kay Jeann.
Kaagad akong napatingin sa pintuan ng emergency room ng biglang bumukas iyun. Mula doon, may lumabas na nakaputing lalaki at kung hindi ako nagkakamali ito iyung Doctor na nag assist kay Jeann.
"Sino po dito ang pamilya ng pasyente? "kaagad na tanong ng doctor.
"Apo ko siya! Kumusta ang kalagayan niya? Doc, gawin niyo ang lahat mailigtas lang siya sa tiyak na kapahamakan. Handa akong magbayad ng kahit na magkano, masiguro lang ang kaligtasan ni Jeann!" kaagad naman na sagot ni Grandpa Gabriel.
Napatitig tuloy sa kanya ang Doctor. Mukhang nakilala pa yata siya. Kilala sa business world si Grandpa kaya hindi nakakapagtaka kung mamukhaan din siya ng Doctor na ito.
"Mr. Gabriel Villarama?" sambit pa nito. Nagulat nga. Hindi marahil inaasahan ng Doctor na may mapapadpad na mga Villarama sa hospital na ito. Sabagay, maliit na hospital lang ito at ito marahil ang pinakamalapit na hospital mula sa resort kaya dito kami napadpad.
"Opo, gagawin ko ang lahat para mailigtas ang apo niyo. Pero kailagan pong masalinan ng dugo ang pasyente sa lalong madaling panahon. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya at kung hihintayin pa natin ang dugo galing blood bank baka hindi na kayanin ng pasyente." sagot naman ng doctor. Kaagad naman akong sumabat.
"Type +B si Jeann. Magkapareho kami ng blood type. Willing po ako na mag donate ng dugo sa kanya. Kahit na gaano pa kadami iyun, basta maililigtas niyo lang po siya." sagot ko naman. Kaagad naman akong hinawakan ni Peanut sa braso. Wala sa sariling napalingon ako dito.
"No! BAka may iba pang paraan. Hindi pwede. Baka hindi mo kayanin." tutol naman nito. Kaagad akong umiling.
"Peanut, please! Buhay ni Jeann ang
nakataya dito at lahat kaya kong gawin mailigtas lang sya sa kapahamakan. Dont worry, hindi ko ito ikapapahamak. Wala ng time para maghanap pa tayo ng ibang donor. Hindi ko matangap na may masamang mangyari kay Jeann. "sagot ko naman. Unti-unti naman nitong binitiwan ang braso ko at binalingan ang Doctor.
"Kung ganoon, magbabantay ako. Gusto kong masigurado ang kaligtasan mo Charlotte." seryoso nitong sagot.
Tumango na lang ako para wala ng marami pang debate. Binalingan ko muna sila Grandma at Grandpa bago kami sumundo ni Peanut sa Doctor na nagptiuna ng naglakad pabalik ng emergency room. Umaasa ako na sa pamamagitan ng dugo, muling madugtungan ang buhay ni Jeann.
Chapter 343
PEANUT POV
"Kailangan lang pong magpahinga ni Misis para muling manumbalik ang dati niyang lakas." kaagad na imporma ng Doctor sa akin pagkatapos nitong makunan ng dugo si Charlotte.
Nagpasya na din akong kumuha ng private room para dito upang makapag -pahinga muna siya ng maayos.
Nagrereklamo kasi ito kanina na nahihilo daw na siyang labis kong ipinag-aalala.
Kung pwede nga lang na ako na lang ang nagpakuha ng dugo para hindi na ito mahirapan kaya lang hindi ganoon kadali ang lahat. Si Charlotte lang talaga ang pwede dahil magkapareho sila ng blood type ni Jeann.
Hindi talaga ako pabor sa pagdo- donate ng blood ni Charlotte. Nag- aalala ako dahil kahapon pa ito walang maayos na pahinga. Puyat din ito dagdagan pa ng sakit sa katawan na naranasan nito mula sa akin dahil sa aming p********k. Ang gusto ko lang naman sana mangyari pagkatapos itong angkinin ay iuwi sa bahay at pagsilbihan ito hangat sa umayos ang kanyang kalagayan. Hindi ko naman akalain na sasabay pa ang problema ni Jeann at Drake.
Humanda ang Drake na iyun. Itatakwil ko na talaga siya bilang kaibigan. Pati kaming dalawa ni Charlotte na nananahimik, nadamay pa sa kabulastugan niya eh. Ano pa ba ang nagustuhan niya sa Jasmine na iyun eh makailang ulit na siyang niluko?
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng mapansin ko ang pagalaw ni Charlotte. Nakatulog kasi ito pagkatapos kunan ng dugo. Kaagad ko itong dinaluhan at hinapos ang medyo maputla nitong pisngi. Epekto yata sa dami ng dugo na nawala sa kanya.
"Peanut, nahihilo talaga ako eh. I need water. Nauuhaw ako." Narinig kong sambit nito.
"Water? Okay, kaya mo na bang maupo para makainom ka ng maayos?"
malambing kong tanong sa kanya at ini
-adjust ko ang hospital bed nito para makasandal siya ng maayos. Mas maganda siguro na ganito ang posisyon niya lalo na at nahihilo pa rin siya ngayun
Inabot ko ang tubig sa gilid lang ng higaan nito at tinulungan itong makainom. Nagpadala ng ibat ibang klaseng Juice sila Grandma at Grandpa kanina sa kanilang mga kasambahay habang kinukunan ng dugo si Charlotte kanina. Iyun daw kasi ang kailangan ni Charlotte para manumbalik kaagad ang kanyang lakas.
Of course, hindi naman din papayag ang mga Villarama na may masamang mangyari sa isa sa kanilang mga apo. Kung may choice lang din siguro kanina, hindi din siguro sila papayag na si Charlotte ang magpa-extract ng dugo para ibigay sa pinsan.
"Kumusta nga pala si Jeann? Ayos na ba siya?" tanong pa nito. Napaka- maaalahanin talagang pinsan ni Charlotte. Nahihirapan na nga siya eh, si Jeann pa rin ang kanyang inaalala.
"Sinasalinan na siya ng dugo ngayun. Dont worry, magiging maayos din ang kalagayan niya. Ang kailangan mo ngayun ay magpahinga para manumbalik ang lakas mo." sagot ko naman sa kanya habang pinipisil ang isa nitong palad.
"Hmmm, wala nga talaga siguro akong ibang pwedeng gawin kundi itulog muna ang pagkahilo ko. Pasensya ka na Peanut ha? Imbes na ikaw ang inaasikaso ko ngayun, heto ako iniisip ang kalagayan ni Jeann." sagot naman nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Hindi ko naman iniisip ang tungkol sa bagay na ito. Proud nga ako sa kanya dahil nakita ko kung gaano siya kabait sa pamilya niya.
Karapat dapat lang talagang mahalin ang isang Charlotte Villarama. Napa- busilak ng puso nito. Noong unang kilala ko dito, panalo ito sa pagiging m *****a. Lagi din ako nitong binabara kesyo playboy daw ako at may sex scandal. Ayaw niya daw sa isang lalaking katulad ko.
Pero tingnan mo naman ngayun. Ang galing talagang maglaro ng tadhana. Imagine mo iyun, ang babaeng pangarap ko lang noon, asawa ko na ngayun. Natupad din ang ilang taon ko ng pangarap.
Pinainom ko muna ito ng juice at pagkatapos lang ng ilang minuto, muli kong ini-adjust ang hingaan nito pahiga. Kapag bumuti-buti na talaga ang kalagayan nito, yayayain ko muna itong umuwi ng resort para mas lalo siyang makapag-pahinga. Iba pa rin ang atmospera kapag nasa labas ng hospital. Papayag naman na siguro ito dahil darating na din naman ang mga magulang ni Jeann pati na din ang iba pang mga Villarama family.
Pinagmasdan ko muna si Charlotte at nang mapansin ko na nahihimbing na ito sa pagtulog hindi ko maiwasan na mapangiti. Umaasa ako na sana pagising niyo nasa mas maayos na siyang sitwasyon. Ang gagawin ko ngayun, tatanungin ko ang doctor kung ano ang mas magandang pagkain na pwedeng ipakain dito para kaagad na makabawi.
Halos hindi ko na maalis -alis ang pagkakatitig sa mukha ni Charlotte ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Kunot noo ko iyung kinuha at kaagad na nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ko na si Drake ang tumatawag. Yamot ko iyung sinagot.
"Napatawag ka?" malamig kong wika. Humakbang ako palayo sa higaan ni Charlotte dahil ayaw kong ma-isturbo ito sa pagtulog. Alam kong labas na ako sa problema nila Drake at Jeann pero kailangan ko pa ring manghimasok lalo na kung pati si Charlotte ay apektado. Ngayun ko lang higit na mas napatunayan kung gaano niya kamahal ang pinsan niya
"Bro, nilayasan na ako ni Jeann. Nandito ako ngayun sa bahay namin at hindi ko naabutan ang mag-ina ko. Baka naman may alam ka, sabihin mo sa akin para mapuntahan ko ang mag- ina ko!" sagot naman ni Drake sa kabilang linya. Halata sa boses nito ang pagka-taranta.
"Bakit ako ang tinawagan mo? Bakit hindi mo tawagan ang mga kamag-anak ng asawa mo?Sila ang mas higit na nakakaalam kung nasaan ang asawa mo ngayun." yamot ko namang sagot sa kanya. Ilang saglit din itong hindi nakasagot. Natatakot din siguro ang gago na malaman ng pamiya ng asawa niya ang pinanggagawa niya.
"Hind ako nagkulang sa iyo Drake sa pagpapaalala na tigilan mo na ang kabaliwan mo kay Jasmine. Ngayun, pwede ka ng mamimili kung sino ang mas mahalaga sa iyo. Si Jasmine ba or ang asawa mo at anak mo! Mamili ka Bro hindi iyung isa sa kanila ang pinapahirapan mo!" muli kong wika.
Alam kong hindi din ako perpektong tao pero ngayung may asawa na din ako, hindi ko tutularan si Drake. Magiging tapat ako kay Charlotte habang buhay.
"May alam ka kung nasaan si Jeann ngayun diba? For sure, nabanggit sa iyo ni Charlotte--" muling wika nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ito sinagot.
"Yes..alam ko kung nasaan si Jeann. Nandito siya sa hospital dahil tinangka niyang kitlin ang buhay niya dahil sa kagaguhan na ginawa mo!" Walang paligoy-ligoy kong sagot. Bahala na siya kung tamaan man siya ng konsensya. Ang importante malaman niya ang naging bunga sa ginawa niyang kawalang-hiyaan sa asawa niya.
Chapter 344
PEANUT POV
"A-ano? Si Jeann, nasa hospital? Kailan pa? Bakit hindi mo ako tinawagan? Alam mo bang kanina ko pa sila hinahanap?" tanong naman kaagad ni Drake. Ramdam ko ang pagkataranta sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. May naririnig din akong kumakalampag say backgroud nito na parang nagbukas sara na pintuan. Sa wakas, mukhang nagising ang loko sa katarantaduhang ginawa niya sa asawa niya.
"Hinahanap? Nagbibiro ka ba? Bro, kung hindi pa namin nakasalubong ni Charlotte sa hopsital ang asawa mo hindi pa malaman ng buong Villarama ang pinanggagawa mo! Ano ba ang nagyayari sa iyo? Bakit ka ba patay na patay sa Jasmine na iyan na walang ibang ginawa kundi saktan ka!" naiinis ko namang sagot sa kanya. Noon pa man, hindi talaga ako pabor sa mga pinang-gagawa nito. Ninong ako ng anak nila ni Jeann at ngayun pa lang naaawa na ako sa bata. Mukhang matutulad sa amin na lumaki na walang kumpletong pamilya.
Parang kapatid na ang turing ko kay Drake. Pareho kami ng halos na istorya ng buhay. Pareho kaming galing sa broken family at bago pa namin nakilala sila Arthur at Rafafel, talagang matalik na kaming magkaibigan. Kinder pa nga lang kami magkakilala na kami dahil magkakilala din ang aming mga Ina. Hindi ko lang talaga akalain na maliligaw ng ganito si Drake. Na mas gugustuhin niyang talikuran ang anak niya dahil lang sa isang babae katulad ng ginawa ng ama niya sa kanya noon.
Matagal ko ng alam ang tungkol sa pakikipag-balikan nito kay Jasmine. Ilang beses ko na din itong pinagsabihan pero ayaw makinig. Mahal niya daw eh at wala naman daw magagawa si Jeann kung hindi niya ito uuwian. Ipinagmamalaki niya pa nga na patay na patay si sa kanya si Jeann at wala daw itong ginawa tuwing magkikita silang dalawa kundi magmakaawa at pagsilibihan siya.
Oo, playboy din ako. Aminado ako doon. Pero simula ng ikinasal kami ni Charlotte never na akong tumingin sa ibang babae. Hiniwalayan ko na lahat ng ka-fling ko. Lalo na si Maureen na hanggang ngayun ipinagkakalat niya pa rin sa buong madla na ako daw ang ama ng kanyang anak. Isa pa nga iyan ngayun sa pinu-problema ko. Baka malaman ni Charlotte ang issue na ito at baka magwala ito. Lalo na ngayun at balita ko hindi daw tumitigil si Maureen na magpa-interview kung kani-kanino at pinaninindigan na ako daw talaga ang ama ng bata.
Paano mangyari iyun eh napakaingat ko. Hindi ako nakikipag sex sa kanya kapag wala akong gamit na protection. Palagi akong may dalang condom noon kahit saan ako magpunta.
Haysst problema talaga ito. Kailangan talaga namin mag usap ni Maureen para magkalinawan lalo ka at mqgkasundo na kami ni Charlotte ngayun. Baka kapag hindi pa rin mamatay-matay ang issue na ito tuluyan nang magalit sa akin si Charlotte na hindi ko mapapayagan.
"Well, ayos lang naman kung magalit ang asawa ko sa akin. Normal lang din siguro iyun. Pwede niya akong saktan physically pero huwag na huwag niya lang akong iiwan. Mababaliw talaga siguro ako kapag mangyari iyun kaya naman pagbalik namin ulit ng
Maynila, aasikasuhin ko talaga muna ang tungkol sa Maureen na iyun. Kung kinakailangan magsampa ako ng kaso dahil sa paninira niya s akin gagawin ko. Kaysa naman kaming dalawa ni Charlotte ang magkasiraan.
"Bro, please, kailan pa? Hi..hindi ko kailangan ang panghuhusga mo ngayun pero kahit na ano pa ang mangyari, asawa ko pa rin si Jeann. May karapatan akong malaman kung kumusta ang sitwasyon niya!" muling wika ni Drake sa kabilang linya. Hindi ko alam kung nagkakamli lang ako ng dinig, pero nahihimigan ko ang lungkot sa boses nito. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga.
"Kanina lang at hanggang ngayun hindi pa rin tapos ang pagsalin ng dugo sa kanya. Mabuti na lang at kaagad namin siyan naitakbo dito sa hospital" sagot ko.
"Kumusta na siya? ayos na ba siya? Malayo na daw ba siya sa piligro?" tanong nito.
"I dont know. Wala pang balita kina Grandma at Grandpa! Sila ngayun ang naka-monitor sa tunay na kalagayan ni Jeann. Binabantayan ko din ngayun ang asawa ko dahil siya ang nagbigay ng dugo kay Jeann kanina. Kung hindi ka ba naman tanga, hindi sana mangyayari ito!" naiinis ko pa ring sagot sa kanya.
"Kung ganoon, alam na nila ang sitwasyon namin? A-ano ang reaction nila? galit ba sila?" tanong nito.
"Natural! Kahit naman siguro sino, hindi matutuwa sa mga pinang- gagawa mo! Kaya naman kung talagang mahal mo si Jasmine kumpara sa asawa mo, magtago ka muna. Tiyak na babalikan ka ng mga Villarama. Grabe ang perwisyon na ginawa mo kay Jeann. Grabe ang pahirap na ginawa mo sa asawa mo Drake. Ano ba ang nangyayari sa iyo? Kung si Jasmine talga ang makakapg- pasaya sa iyo bakit hindi mo na lang siya hiniwalayan sa tamang paraan? Bakit kailangan mo pa siyang paasahin at saktan?" sagot ko naman. '
Wala na akong pakialam pa kung nagmumukha na akong nanghihimasok sa problema nilang mag-asawa. Ang ayaw ko lang talaga kasing makita ay pati si Charlotte nagiging apektado sa problemang ito,
"Nasaang hospital siya ngayun? Pupuntahan ko siya. Asawa niya ako at dapat lang na nasa tabi niya ako."sagot nito.
"Ano? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Drake, ikaw ang dahilan kung bakit nagawang saktan ni Jeann ang sarili niya. Mabuti pa sigurong huwag ka na munag magpakita. Galit sa iyo ang mga Villarama at baka magkagulo pa kung makita ka nila." sagot ko.
"No! Kasalanan ko ang lahat at hindi ako naduduwag na makaharap sila. Gusto ko lang masiguro na nasa maayos na kalagayan si Jeann. Mag- asawa kami kaya dapat lang na kaming dalawa ang magdadamayan." sagot nito
"Sana noon mo pa ginawa iyang sinasabi mo. Pero nangyari na ang lahat Drake! Besides, kung talagang gusto mong malaman kung nasaan ngayun si Jeann, mag-effort kang hanapin dahil hindi ko sasabihin sa iyo. Mga magulang niya ang magdedesisyon kung pwede mo pa ba siyang makita." sagot ko sabay patay ng cellphone. Walang patutunguhan ang pag-uusap namin. Sapat na sigurong malaman niya na napahamak ang asawa niya dahil sa mga kalokohan niyang ginawa.
Nakatulong na kami. Lalo na si Charlotte. Sapat na muna siguro iyun para sariling buhay naman namin ang aming aatupagin.
Ilang beses pang nagtangkang tumawag si Drake sa akin pero hindi ko na siya sinagot. Kung gusto niya kay Rafael siya tumawag at magtanong.
Gumawa-gawa siya ng problema kaya dapat alam niya din kung paano lusutan.
Chapter 345
CHARLOTTE POV
Nagising ako na medyo nanghihina pa ako. Medvo mav pagkahilo pa akong nararamdaman pero tolerable naman na. Hindi katulad kanina pagkatpos kong makunan ng dugo.
Kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid. Alam kong nandito pa rin kami sa hospital pero mag-isa lang ako dito sa kwarto. Nasaan kaya si Peanut.
Muling sumagi sa isip ko ang nangyari kay Jeann. Hindi ko maiwasan na makaradam ng lungkot. Sana lang naging sapat ang dugo ko para mailigtas ito sa kapahamakan.
Dahan-dahan akong bumangon. Maraming katanungan sa isipan ko na nangangailangan ng kasagutan. Kung kumusta na si Jeann at kung dumating na ba sila Tita Arabella at Tito Kurt.
Parang gusto ko munang umuwi ng resort at magpahinga. Pakiramdam ko, magkakasakit ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang gusto kong matulog nang matulog muna.
"Ohhh Baby! Gising ka na pala. Sandali, huwag ka munang bumangon at baka matumba ka!" kasabay ng pagbukas ng pintuan ay ang pagsasalita ni Peanut. May bitbit itong mga plastic bags na kaagad na ipinatong sa maliit na lamesita at nagmamadaling lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo.
"Gusto mo bang mag-banyo?" tanong naman nito sa akin. Para akong malulunod sa klase ng pagkakatitig nito sa aking mga mata. Kaagad akong tumango kahit na ang totoo wala naman talaga akong balak na mag- banyo.
"Oo eh..pero dont worry kaya ko na!' sagot ko naman. Pero wala yata itong balak makinig. Naramdaman ko na lang kasi ang biglang pag-angat ko. Diyos ko! Parang wala lang sa kanya ang buhatin ako.
Gustuhin ko mang magprotesta pero wala naman na akong magawa. Nandito na kami sa loob ng banyo eh.
Kaya mo bang maglinis ng sarili mo?" tanong pa nito sa akin. Kunot noo ko naman itong tinitigan.
"Nakalimutan mo na ba? May cream na ibinigay sa iyo ang Doctor. Bumalik pa ako ng resort para kunin iyun. Kailangan nating pahiran ng cream iyan 'ano' mo para tuloy-tuloy ang pagaling." sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ko malaman kung tatawa ba ako or hindi. Diyos ko, naalala niya pa talaga iyun sa kabila ng mga nangyaring kaguluhan?
May niriseta ang Doctor sa akin na isang uri ng cream na dapat daw ipahid ko sa namamaga kong perlas na silangan. Sa sobrang dami nang nangyari nawala na sa isip ko. Aminado akong nakakaramdam pa rin ako ng sakit at kirot pero pilit ko na lang binabaliwala..
Lalo na at sobrang nataranta talaga kami dahi sa ginawa ni Jeann.
"Huwag ka ng mahiya sa akin. Gawin mo na muna ang mga gusto mong gawin dito sa banyo para malagyan na natin ng gamot ang 'kuwan" mo." sagot nito at mabilis na akong iniwan dito sa loob ng banyo.
Nasundan ko na lang ito ng tingin sabay naglakad ako patungo sa harap ng salamin. Wala sa sariling napahaplos ako sa pisngi ko. Pulang pula kasi iyun dahil sa biglang hiya na nararamdaman kay Peanut.
"Dioyos ko, seryoso ba siya? Siya daw ang maglalagay ng cream sa kabibe ko? Hindi ba nakakahiya iyun?" hindi ko maiwasang sambit. Bigla tuloy akong namroblema. Kaya ko bang bumukaka sa harap ni Peanut?
Gosh..parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Oo, may nangyari na sa amin pero hindi pa rin ako sanay na basta bumukaka sa harap niya noh? Sobrang nakakahiya iyun!
Pero ano nga ba ang pwede kong gawin? Hindi ko din naman kaya na ako lang mag-isa ang mag-apply ng gamot. HIndi ko makita iyun kung saan banda ko ipapahid.
Haysst naman! Bakit ba ngayun ko lang naisip ito? Dapat pala talaga oral na gamot na lang ang pinaresita ko sa doctor. Ilang pahid pa ba ang kailangang gawin ni Peanut para tuluyang gumaling ang kabibe ko?
Hindi ko tuloy maiwasan na maipikit ang aking mga mata. Muling nanariwa sa isip ko ang mga nangyari sa aming dalawa ni Peanut sa mansion. Kung hindi lang siguro ako naging abala baka iyun ang palagi kong naiisip. Hindi ko pa rin lubos maisip na naisuko ko na kaagad ang Bataan ko sa lalaking hindi ko alam kung kaya ba talagang magpakatino.
Baka mamaya bigla na lang siyang magbago pagkatapos niya akong pagsawaan? Naku! Naku, huwag niya talagang gawin iyun kung ayaw niyang ako mismo ang puputol sa kaligayahan niya
Sa sobrang hirap na pinagdaanan ko sa mga kamay niya noong una niya akong angkinin hindi ko talaga deserved na lokohin niya.
"Done?" napaigtad pa ako ng muling bumukas ang pintuan ng banyo at pumasok si Peanut. Hindi ko maiwasan na mapangiwi. Nasaan na ba ako? Wala pa pala akong nagagawa sa sarili ko dito ba banyo dahil nakatulala akong nakatitig ngayun sa harap ng salamin. Haysst!
"Ha? Ah...eh, hindi pa eh. Hintayin mo na lang ako sa labas." sagot ko at pilit na ngumiti dito. Hindi ito sumagot bagkos tinitigan ako nito.
"Nahihirapan ka ba? Dont worry, ako ang bahala. Ako na din ang maglilinis bago natin lagyan ng gamot." sagot nito at muli akong binuhat. Impit naman akong napatili lalo na at nag- umpisa na itong humakbang pabalik ng kwarto.
Inihiga niya ako sa hospital bed kasabay ng paglilis nito sa hospital gown na suot ko. Wala sa sariling napahawak tuloy ako sa kamay nito bilang tanda ng pagpo-protesta.
"Te-teka lang. Sure ka? Hindi ba nakakahiya?" tanong ko. Alam kong pulang pula na ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi ko yata kayang bumukaka sa harap niya ngayung araw.
"Bakit ka mahihiya? Nakita ko na iyan at ako pa nga ang dahilan kaya namamaga iyan eh. Dont worry, dadahan-dahanin ko lang. Hindi ka masasaktan sa gagawin natin." sagot nito. Kaagad niya ng naitaas ang suot ko at hinawakan na nito ang garter ng panty ko. Muli tuloy akong napahawak sa kanyang kamay.
"Teka lang ulit..baka may pumasok. " sagot ko sabay tulyap sa pintuan ng kwarto. Natawa ito ng mahina.
"Dont worry. Naka-lock na iyang pintuan. Hindi naman ako papayag na may ibang taong makakita sa isang treassure na ako lang dapat ang magmamay-ari. " buong tamis nitong sagot sabay kindat sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiwi.
Bakit ba napakasarap sa tainga ang mga salitang lumalabas sa bibig niya? Haysst mas lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya eh!!!
Chapter 346
CHARLOTTE POV
Alam kong pulang pula ang mukha ko habang nakahiga at nakabukaka sa harap ni Peanut. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bed sheet ng hospital bed.
Sa bawat dampi kas ng daliri niya sa pwerta ko nagbibigay iyun sa akin ng kakaibang pakiramdam. Feeling ko naman, malapit ng gumaling dahil hindi na masyadong masakit.
"Ta-tapos na ba?" hindi ko maiwasang tanong. Para kasing ang tagal na niyang nakatunghay sa Treasure ko. Ayaw niya na yatang umalis sa paanan ko eh. Ano pa kasi ang tinititigan niya diyan.
"Ka-ka-kaunti na lang. Matatapos na! " miksi nitong sagot. Pansin ko ang pamamalat ng boses niya habang nagasasalita. Wala naman itong ubo or sipon pero bakit nag iba ang boses niya? Hindi ko tuloy maiwasan na napapatitig dito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang kislap ng pagnanasa sa mga mata nito. Sabagay, sino ba namang lalaki ang hindi mag-iinit kung may perlas na nakabuyangyang sa harap niya.
"Tapusin mo na kasi. Ano pa bang tinitingnan mo diyan? tanong ko naman. Kung alam niya lang, kanina ko pa talaga nilalalabanan ang hiya ko eh.
"Baby, pwede bang kahit kiss lang? Promise kiss lang talaga! Parang ang yummy kasi talaga eh." sagot nito na kaagad na ipinanlaki ng aking mga mata.
Seryoso ba siya? Baka naman nakalimutan nyang nandito kami sa hospital? Tsaka ano ang makukuha niya sa kiss? Isa pa, nakakahiya dahil feeling ko ang baho niyan. Hindi pa ako nakapaghugas at punas-punas lang ang ginawa niya kanina bago niya nilagyan ng gamot. Feeling ko amoy bagoong na eh dahil kahapon pa ang last ligo ko at kaninang umaga pa ang last hugas ko.
"Peanut, tumigil ka diyan ha! Ibalik mo na ang panty ko. Ang lamig na kaya at isa pa, huwag mong kalimutan na nandito pa tayo sa hospital?"
nandidilat ang mga mata ko habang sinasabi ang katagang iyun. Napadasal tuloy ako ng wala sa oras na huwag niyang ituloy ang iniisip niya.
Pero sadyang pasaway talaga ang asawa ko. Naramdaman ko na lang ang pagsayad ng labi nito sa labi ng kabibe ko. Napaangat tuloy ang puwet ko sa pagkagulat. Pangahas na nilalang pero kahit namamaga at may sugat ang kabibe ko bakit ang sarap pa din?
"Peanut, ! Ano ang ginagawa mo! Umayos ka nga!" hindi ko mapigilang bigkas. Halos mapunit na kasi ang bed sheet dahil sa mahigpit kong pagkakakapit. Isa pa, hindi ko na pinansin pa ang bastos na salita na lumabas sa bibig ko Nakakataranta naman kasi itong ginagawa ni Peanut. Walang pinipiling lugar ang pagiging hayok sa laman. Kaya pala playboy dahil mahilig sa kabibe.
"Shit, ang sarap! Pagaling ka kaagad Baby! Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapagtimpi!" bigkas pa nito sabay tayo. Nagpupunas pa ito ng labi habang nakatitig sa akin. Kaagad ko naman itong inirapan at ako na mismo ang nagbaba ng hospital gown ko para matakpan ang kabibe ko.
Tatawa-tawa naman itong naglakad patungong banyo. Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko, kanina ko pa kinaltukan itong si Peanut eh. Parang tanga!
liling-iling na lang akong bumaba ng higaan. Hinagilap ko ang damit ko na maayos na nakatupi sa isang upuan at kaagad na pinalitan ang hospital gown na suot ko. Unti-unting bumubuti na ang kalagayan ko at gusto ko din malaman kung kumusta na ang sitwasyon ni Jeann. Although, inassure ng Doctor kanina na out of danger naman na si Jeann pero gusto ko pa rin makasiguro.
Nagulat pa si Peanut ng pagkalabas nito ng banyo napansin niyang nakabihis na ako. Kaagad ko itong pinagtaasan ng kilay lalo na ng mapansin ko na namumula ang mukha nito. Kahit na hindi ko itanong, alam kong may milagro itong ginawa sa banyo base na din sa kanyang hitsura ngayun..
Sabagay, kahit ako hindi pa rin kasi maka-get over sa ginawa niya kanina. May saltik talaga. Next time, ako na lang talaga ang maglalagay ng gamot sa sarili ko. Baka sa susunod, kung saan -saan pa makakarating ang pagpapahid na iyan eh.
"Are you sure ayos ka na? Hindi ka na ba nahihilo?" tanong nito sabay lapit sa akin. Kaagad naman akong tumango at nag-iwas ng tingin dito.
"Medyo ayos na ako. Kaya lang feeling ko lalo akong nanghihina kapag nakahiga lang ako. Gusto kong kumilos kilos. " sagot ko
"Okay....pero kailangan mong kumain muna. Hindi na tayo nakapag-dinner kanina at halos mag-uumaga na."
sagot nito sabay titig sa relo na naka- hang sa wall. Kaagad naman akong napasulyap doon at nagulat ako dahil halos alas kwatro na pala ng madaling araw. Ang bilis ng oras.
Napansin ko pa na kaagad na naglakad si Peanut patungo sa isang lamiseta at hinalungkat ang isang plastic na nakapatong doon. May inilabas siyang mga tupper ware na kung hindi ako nagkakamali, mga pagkain ang laman noon.
"Halika na! Kumain ka muna. Huwag mo na munang isipin si Jeann. Nasa maayos na siyang kalagayan at ano mang oras, ililipat na siya ng kwarto." muling wika nito. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.
"Talaga? Ligtas na siya kapahamakan? " masaya kong tanong. Kaagad naman itong tumango.
"Dumaan ako sa emergency room kanina. Wala pa sila Tita Arabella at Tito Kurt pero nandoon na si Kenneth. Siya ngayun ang nagbabantay kay Jeann dahil sila Grandma at Grandpa, umuwi muna sa resort para makapag pahinga. Hind din sila pwede mag-stay ng matagal dito sa hospital." sagot nito. Ang Kenneth na tinutukoy niya ay ang nag-iisang kapatid ni Jeann. Dalawa lang sila at si Kenneth ang panganay.
"Mabuti naman kung ganoon. Balak ko din umuwi muna ng resort para makapagpahinga. Balik na lang siguro tayo kapag bumalik na ng 100% ang lakas ko. Parang gusto ko pang matulog eh." sagot ko. Kaagad naman itong tumango.
"Sure....pero kumain ka muna. Kahapon ka pa walang matinong kain eh. Baka mamaya, ikaw naman ang magkasakit niyan. Lalo na at medyo- medyo madami-dami ding dugo ang nawala sa iyo." sagot nito na kaagad ko namang sinang-ayunan.
Chapter 347
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kumain kaagad akong nagyaya kay Peanut na puntahan na kaagad si Jeann. Tamang tama ang pagdating namin dahil ililipat na ito sa private room. Si Kenneth lang ang naabutan namin na matiyagang nagbabantay sa kanyang kapatid habang bakas sa mukha nito ang pagiging seryoso.
Sabagay, kahit sino sasama talaga ang loob sa nangyari sa kapatid niya. Naiinitindihan ko kung ano man ang nararamdaman nya ngayun.
"Kumusta siya?" kaagad na tanong ko pagkalapit sa kanya. Pilit naman itong ngumiti nang mapansin niya ang presensya naming dalawa ni Peanut.
"Nakausap ko kanina ang Doctor. Maayos na siya physically pero kailangan pa rin i-monitor ang mental health niya. Pwede kasing ulitin niya ang ginawa niya sa sarili niya." malungkot na sagot nito. Awang awa naman akong nasulyap kay Jeann. Sobrang laki talaga ng epekto sa kanya ang ginawa ni Drake sa kanya.
"'Salamat nga pala Charlotte. Mabuti na lang magkapareho kayo ng type ng dugo ng kapatid ko. Baka may masamang nangyari na sa kanya kung hindi kaagad siya nasalinan ng dugo kanina." muling wika ni Kenneth. Tipid ko naman itong nginitian.
"Ayos lang! Magpinsan tayo at walang ibang magtutulungan kundi tayo-tayo lang." sagot ko naman.
"Yah at thankful ako diyan! Parang gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Kasalanan ko din siguro dahil masyado kaming naging busy. Nakalimutan namin siyang kumustahin nitong mga nakaraang buwan dahil busy kaming lahat sa negosyo. Hindi ko akalain na niluluko na pala siya ng asawa niya na hindi nya man lang nababanggit sa amin!'" Tiim bagang na muling wika ni Kenneth. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbalasik ng awra nito. Grabe talaga siguro ang tinitimping galit nito sa kanyang puso dahil sa nangyari kay Jeann.
Sabagay, hindi ko talaga siya masisisi. Mahirap tangapin na sa dinami-dami ng pwedeng lokohin ni Drake, si Jeann pa talaga na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.
"Tumawag sa akin kanina si Drake. Hinahanap niya si Jeann. Of course, sinabi ko kung ano ang nangyari pero hindi ko sinabi kung saang hospital siya. Kayo na ang magdesisyon kung papayagan niyo siyang dumalaw! Kahit kaibigan ko siya, hindi ko kukunsintihin ang ginawa niyang ito."
sabat naman ni Peanut. Pilit naman itong nginitian ni Kenneth.
"I understand! Patatapusin ko lang ang problemang ito at magtutuos kaming dalawa. Hindi ako papayag na hindi makakaganti ang kapatid ko sa katarantaduhan na ginawa niya. Halos ayaw naming padapuan ng langaw si Jeann pagkatapos ganito lang ang gagawin niya? Mananagot siya sa akin! Ako mismo ang magbibigay ng hustisya sa nangyari sa kapatid ko."
gigil naman na sagot Kenneth. Kita ko ang nag-aapoy na galit sa mga mata nito habang sinasabi ang katagang iyun.
Oo, mabait si Kenneth pero kapag ang kapakanan na ni Jeann ang pag- uusapan nag-iiba ang ugali nito. Palibhasa dalawa lang silang magkapatid kaya super closed sila sa isat isa.
Sa aming magpipinsan si Kenneth din ang pinaka-matapang at pinaka- barumbado! Ilang beses na nga itong nakick-out sa School noon dahil palaging napapaaway. ibang iba ang ugali ni Kenneth sa lahat at ngayun pa lang mukhang kailangan nang magtago ni Drake kung ayaw nitong maputukan sa galit ni Kenneth.
Hinintay muna naming mailipat si Jeann sa private room bago kami nagpasya ni Peanut na umuwi muna ng resort. Wala pa ring malay si Jeann pero alam namin na hindi naman ito pababayaan ni Kenneth. Isa pa malapit na daw makarating sila Tita Arabella. Marami na ang magbabantay kay Jeann at ito na din siguro ang chance namin ni Peanut para makapagpahinga.
Alam kong hindi lang ako ang napagod sa mga nangyari. For sure, puyat din si Peanut. Buong gabi na naman yata itong hindi natulog. Kailangan talaga namin makabawi ng lakas.
"Thank you sa ginawa niyo kay Jeann. Ako na muna ang bahala sa kanya.
Pakisabi kina Grandma at Grandpa na huwag na silang mag-alala." huling bigkas ni Kenneth bago kami tuluyan naglakad palabas ng private room ni Jeann. Tanging tapik sa balikat ang naging tugon ni Peanut bago namin siya tuluyang iniwan.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng hospital ng mamataan namin ang isang familiar na bulto. Si Drake at palinga-linga itong naglalakad habang pasalubong sa amin. Hindi ko naman maiwasan na mapakapit ng mahigpit sa braso ni Peanut dahil sa biglang pag-usbong ng galit sa puso ko.
"Akala ko ba hindi mo sinabi sa kanya ang kinaroonan ni Jeann? Bakit nandito ang kumag na iyan?" halos pabulong na tanong ko kay Peanut.
"Ma-pera si Drake. Hindi nakakapagtaka kung ma-lolocate niya kaagad si Jeann." sagot naman ni Peanut.
Bago pa kami nakalapit isang nagmamadaling si Kenneth ang biglang dumaan sa harap namin ni Peanut at diretsong naglakad papunta kay Drake. Hindi namin namalayan na nakasunod pala ito sa amin.
Biglang sinugod ni Kenneth si Drake at malakas na binigwasan sa mukha. Sapol si Drake habang hawak ang dumudugong ilong. Saglit akong natulala dahil sa nasaksihan. May alam ako sa martial arts pero ngayun lang ako nakakita ng tunay na laban.
"Ang kapal ng mukha mo na magpakita sa kabila ng ginawa mong kawalang-hiyaan sa kapatid ko!" Galit na wika ni Kenneth, Kaagad naman kaming napalapit ni Peanut sa kanya. Kitang kita ko ang nagliliyab sa galit ang mga mata ni Kenneth habang nakatitig sa nakahandusay na si Drake na sandaling nahilo yata dahil hindi kaagad nakabangon. Kaagad itong dinaluhan ni Peanut at pilit na pinapaupo
"Umalis ka dito! Hindi ka kailangan ng kapatid ko! Simula ngayung araw, pinuputol na ng buong pamilya Villarama-Santillan ang kung ano mang ugnayan sa iyo! Tandaan mo Drake, tatapusin ko lang ang problema sa kalusugan ni Jeann at gagantihan kita. Mata sa mata, ngipin sa ngipin... > hinding hindi ka mapapatawad ng buong pamilya dahil sa ginawa mo!"
muling wika ni Kenneth. Halos maghistirikal na ito sa galit kaya kaagad ko itong hinawakan sa braso at hinila palayo kay Drake.
Si Peanut naman ang umalalay kay Drake hanggang sa tuluyan itong nakatayo. Dumudugo ang ilong nito at mabuti na lang napukaw ang attention ng mga guards ng hospital at kaagad na nagsipaglapitan para na din umawat.
"Asawa ko ang ipinunta ko dito at may karapatan ako na makita at kumustahin siya! Kung ano man ang problema naming dalawa, labas ka na doon Kenneth. Huwag kang makialam! "At talagang sumagot pa ang Drake na ito. Kainis! Ayaw na lang manahimik, gusto pa yata madagdagan ang dugo sa ilong niya.
"Asawa? Kailan pa? Kailan ka pa naging asawa sa kanya? Talaga bang minahal mo ang kapatid ko? O baka naman ginawa mo lang siyang trophy? " galit namang sagot ni Kenneth. Kaagad namang natameme si Drake. Sapol yata sa mag katagang lumbas sa bibig ni Kenneth.
"Malalaman at malalaman ko din ang mga katarantaduhan na ginawa mo sa kapatid ko! At kahit na ano pa ang mangyari, hindi kami papayag na muli mong mahawakan kahit na ang dulo ng buhok ng kapatid ko!" muling wika ni Kenneth na nagpalambong sa expression ng mukha ni Drake. Kaagad ko namang hinila si Kenneth pabalik ng kwarto ni Jeann bago pa lalong magkainitan.
Hindi pa nga ako nakakabawi ng lakas, heto na naman! Ang akala ko matiwasay kaming makaalis ng hospital ngayung umaga pero nagkakamali ako. Baka nga kailangan muna naming hintayin sila Tita Arabella para naman may makasama si Kenneth sa pagbabantay kay Jeann. Masyadong mainitin ang ulo nito at baka mapatay niya pa si Drake kapag patuloy pa itong mangungulit.
Chapter 348
CHARLOTTE POV
Mabuti na lang at matiwasay na naayos ang gusot sa problema nilang dalawa ni Drake at Kenneth. Ang pamunuan at security ng hospital na din ang nakiusap kay Drake na umalis na muna siya para humupa ang tension sa pagitan nilang dalawa ni Kenneth.
"Kenneth, relax! Hindi pwedeng basta ka na lang magpadala sa galit mo. Alalahanin mo na si Jeann ang mas apektado kapag magkasakitan pa kayong dalawa ni Drake!" kaagad na bigkas ko pagkabalik namin sa private room ni Jeann. Mabuti na lang talaga at wala pang malay si Jeann. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag makita niyang nagsasakitan ang asawa niya at ang kapatid niya?
Baka mas lalo nya pang ika-stress iyun. Haysst, bakit ba kasi sugod nang sugod ang Drake na iyun? Ayaw na lang manahimik sa kandungan ng kabit niya! Kung sumagot-sagot kay Kenneth akala mo naman isa siyang ulirang asawa.
"Bakit ba kasi ang hilig niyong magpapatol sa mga playboy?" narinig kong bigkas ni Kenneth. Kaagad akong napatanga dito. Mabuti na lang at wala si Peanut dito sa kwarto. Baka mamaya pati ang asawa ko, sasama ang loob kapag marinig niya ang katagang lumabas sa bibig ni Kenneth. Playboy din kasi si Peanut eh.
"Eh sa na-inlove kami eh. Isa pa, mas hamak naman na matino ang asawa ko compare kay Drake noh!" sagot ko naman. Naiiling namang tinitigan ako ni Kenneth. Parang hindi yata kumbinsido sa sagot ko kaya kaagad ko itong pinagtaasan ng kilay. Ano ang gusto niyang iparating sa akin sa sinabi niya? Na mag-ingat din ako? Na baka mangyari din sa akin ang nangyari Kay Jeann dahil playboy din si Peanut? Haysst isipin ko pa lang iyun sumasakit na ang kalooban ko.
"Sorry! Hanggang ngayun naiinis pa rin kasi talaga ako eh. Ang lakas ng loob niyang magpakita dito sa hospital. Ang sarap balian ng buto ng hayop na Drake na iyun!" muling wika ni Kenneth. Naiiling na tinitigan ko lang ito.
Masyadong mainitin ang ulo. Ako itong kahapon pa gigil na gigil kay Drake eh, pero siya itong unang nakapanakit! Hasst! Sana lang talaga matapos na ang gulong ito sa lalong madaling panahon.
Pati kami kasi ni Peanut apektado na eh. Imbes na sariling problema namin ang inaasikado ko ngayun, problema pa nila Jeann at Drake. Hindi ko naman sila pwedeng talikuran dahil mga kadugo ko sila.
Sabay pa kaming napalingon ni Kenneth nang marinig namin ang mahinang pag-ungol ni Jeann. Nagmamadali akong tumayo at nilapitan ito sa kanyang hospital bed at laking tuwa ko ng napansin kong gising na si Jeann.
"Jeann! Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka ka na ba? May masakit ba sa iyo? Tatawagin namin ang Doctor mo? "kaagad kong bigkas. Hinawakan ko pa ito sa kanyang kamay at pinisil. Kaagad naman itong napatitig sa akin.
"A-anong nangyari? Nasaan ako?" tanong nito. Napasulyap muna ako kay Kenneth bago ko ito sinagot.
"Nandito ka sa hospital. Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit ba nagawa mo iyun Jeann?" sagot ko. Natigilan ito. Tumingin sa malayo kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata.
"Sana hinayaan niyo na lang akong mamatay eh. Hindi ko na alam kung paano haharapin ang problemang ito Charlotte." sagot nito. Muli kong pinisil ang palad nito para makuha ang attention nito.
"Jeann naman! Huwag ka namang ganiyan! Alam mo bang halos maubos ang dugo ko para lang mailigtas ka? Sana naman huwag mong sayangin ang effort naming lahat. Huwag mo naman sanang hayaan ang sarili mo na kay Drake lang umikot ang mundo mo. Nandito kami na pamilya mo at sana huwag mo din kalimutan na may anak na nangangailangan ng iyung aruga." mahaba kong sagot. Umaasa ako na sana tumalab na sa kanya ang payo na lumabas sa bibig ko.
Muli itong nanahimik. Patuloy lang ito sa pagluha na parang walang ipinagbago. Kung paano ito umiyak kahapon, ganoon pa rin hanggang ngayun! Haysst, sana lang dumating na sila Tita Arabella. Payo na nila ang kailangan ni Jeann para magising ito sa katotohanan.
"Pa-pasensya ka na Charlotte ha? Ang laking abala na ang ginawa ko sa iyo. Nahihiya na ako sa inyong dalawa ni Peanut!" sagot nito. Pilit ko naman itong nginitian.
"Wala namang ibang magdadamayan kundi tayo lang eh. Jeann, magpinsan tayo. Alam kong matapang ka! Please, huwag ka namang magpadala sa lungkot. Huwag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa Drake na iyun!" muli kong wika. Kaagad kong naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.
Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi nito bago seryosong nagsalita.
"Okay....susubukan ko. Pero sa isang kondisyon!" malungkot na sagot nito. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako dito.
"Pwede bang ipalabas mo kay Drake na patay na ako? Gusto kong makita kung ano ang magiging reaciton niya." sagot nito. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Kenneth.
"Anong sabi mo? Jeann? Ano ba ang pumasok sa isip mo at gusto mong ipalabas sa lahat ng patay ka na?" sagot naman ni Kenneth. Bakas sa boses nito ang tinitimping inis.
"Kung gusto niyong maka-moved on kaagad ako, ipalabas mo sa lahat na patay na ako. Na hindi ako naka- survived." sagot naman ni Jeann. Naguguluhan akong napatitig dito.
Posible ba yung hinihiling niya? Pero bakit? Paano namin gawin iyun? Ang tanong, papayag kaya ang buong pamilya sa nais ni Jeann?
"Gusto kong magbagong buhay. Gusto ko nang kalimutan ang dating ako. Kaya kung gusto niyong maka-moved on ako, ipalabas mo kay Drake na natuluyan ako. Or kahit na kanino. Kung kinakailangang ibalita niyo ito sa diaryo, ayos lang." sagot ni Jeann.
"At ano ang sasabihin namin? Na namatay ka dahil nagpakamatay ka? Jeann, hindi mo ba naisip kung gaano kalaking epekto ito sa pamiya natin?" sagot naman ni Kenneth.
"I dont care! Basta ang gusto ko ang susundin mo Kuya Kenneth! Magpapalakas lang ako at lalayo ako. Kami ng anak ko! Gusto ko na din makalimot Kuya! Gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nangyari sa buhay ko!' sagot ni Jeann. Muling pumatak ang luha sa mga mata nito kay naman kaagad na napatango si Kenneth.
"Fine.....kakausapin ko ang Doctor mo." sagot nito sa kapatid. Kaagad naman napangiti si Jeann. Ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata nito.
"Charlotte, may mga make up ka bang dala? Sige na, make-apan mo ako! Galingan mo! Iyung make up na katulad sa mga patay tapos kunan mo ako ng larawan. Iyung makatotohan ha? Gusto ko kumplito rekado ang akting natin." ako naman ang binalingan nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
Mukhang malapit ng maka-moved on si Jeann. Nakakapag isip na ng kabaliwan eh. Imagine, gusto niyang ipalabas sa madla na natuluyan siya? Bakit? Dahil ba umaasa siya na makokonsensya ang Drake na iyun?
Pero imposible! Sa hilatsa ng mukha ni Drake, mukhang malabo ang ini- expect ni Jeann. Baka mamamya magpaparty pa ang gagong iyun kapag malaman niya na natuluyan ang asawa niya eh....
Chapter 349
CHARLOTTE POV
Gusto ng pasyente naming broken hearted na si Jeann kaya dapat sundin. Kung ang hiling niya ay makatulong para maka-moved on siya kaagad sino ba naman kami para pigilan siya. Ang gusto lang naman naming lahat ay maging maayos si Jeann at magkaroon ng katahimikan ang buhay nito. Kaya naman wala akong choice kundi tulungan siyang lagyan ng make up ang kanyang mukha na katulad daw sa isang patay para sa picture taking.
Oh diba...kahit broken hearted may itinatago pa ring kabaliwan. Kaya naman pagdating nila Tita Arabella at Tito Kurt, kita ko ang gulat sa mga mata nila dahil sa hitsura ni Jeann.
Dahil sa make up para itong walang dugo. Muntik na ngang atakihin si Tita Arabella buti na lang naipaliwanag namin sa kanya kung ano ang gusto ng kaniyang unica iha.
Noong una, katakot-takot pang pagtatalo pero hindi naglaon pumayag din naman. Hindi naman talaga nila matitiis si Jeann eh. Noon pa man, lahat ng gusto ni Jeann ay nasusunod. Ganoon ito ka-spoiled sa kanila kaya nga hindi namin maiwasang masaktan nang malaman namin ang mga katarantaduhan ginawa ni Drake.
Pagkatapos ng picture taking, si Tita Arabella na ang naglinis ng mukha ni Jeann. Nagpasya na din kaming magpaalam ni Peanut dahil parang pipikit na talaga ang mata ko. Bahala na sila. Nagampanan ko ang tungkulin ko at bahala na silang dumiskarti na ipalabas sa publiko ang kunwaring kamatayan ni Jeann. Si Tita Arabella na din siguro ang bahala magpliwanag sa lahat at sa buong pamilya. Labas na kami doon at sasakay na lang sa agos ng mga pangyayari.
Wish ko lang, mapanindigan ni Jeann ang pag-iwas kay Drake. Tsaka ko na lang ulit aasikasuhin ang problemang ito kapag makapagpahinga na ako.
"Mag-ingat kayo..and Charlotte thank you sa ginawa mo!" nakangiting wika pa ni Tita Arabella bago kami nakaalis. Tanging ngiti na lang din ang naging sagot ko dahil parang lumulutang na ako sa alapaap sa sobrang pagod at antok. Mabuti na lang at nakaalalay sa akin si Peanut kung hindi baka mapipilitan akong dito muna magpalipas ng buong maghapon sa hospital para matulog.
Kaagad kaming naglakad patungong parking. Pagkasakay ko pa lang ng kotse kaagad ko ng ipinikit ang aking mga mata. HInayaan lang naman ako ni Peanut. Naramdaman din marahil niya ang pagod ko. Ibayong panghihina din talaga ng katawan ang nararamdaman ko siguro dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin.
Pero ayos lang...sulit naman ang pagsasakripisyo ko. Nailigtas sa kapahamakan si Jeann at masaya na ako doon.
HIndi ko na namalayan pa ang pagdating namin ng mansion. Basta nagising na lang ako na nandito na ako sa isang kwarto, komportableng nakahiga sa kama habang nakaunan sa braso ni Peanut.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa orasan na nasa bedside table. Napansin ko na halos alas sais na ng gabi. Kung ganoon, sobrang haba ng tulog ko. Hindi ko na din pala namalayan ang pagdating namin kanina ni Peanut dahil sa kotse pa lang, tuluyan na akong nakatulog. Siguro binuhat na lang ako ni Peanut paakyat dito sa kwarto.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa payapa nitong mukha habang nahihimbing sa pagtulog. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Ngayung nasa maayos na kalagayan si Jeann, siya naman ngayun ang aatupagin ko. Gagampanan ko na ang papel nang pagiging asawa dito. Pipilitin kong maging masaya kaming dalawa at hindi ako tutulad kay Jeann na hindi marunong lumaban sa hamon ng mga kabit.
Magiging matatag akong may -bahay ni Peanut. Of course, hindi ako papayag na magkaroon ng kahati sa kanya noh? Maghahalo ang balat sa tinalupan.
"Bakit ba kasi ang gwapo mo?" hindi ko maiwasang bigkas habang nakatunghay sa gwapo nitong mukha. Hindi na ako nakapag-pigil, pinisil ko ang matangos nitong ilong na siyang nagpagising dito.
"Hmmm, gising ka na pala? Kumusta ang pakiramdam ng Baby ko?" malambing pa nitong bigkas. Lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap nito sa akin kaya hindi ko maiwasang mapahagikhik.
"BAkit hindi mo ako ginising kanina? For sure nahirapan ka sigurong iakyat ako dito sa kwarto. Ang bigat ko pa naman!" naglalambing ko namang sagot. Kaagad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito bago ako mabilisang kinintalan ng halik sa tuktok ng ilong ko.
"Nope! Walang mabigat sa akin basta Baby ko ang karga-karga ko!"
malambing nitong sagot. Natawa ako! Akmang babangon na ako ng lalo nitong hinigpitan ang pagkakapit sa akin. Dinantayan pa ako nito kaya hindi ako makakilos.
"Teka lang...gagamit ako ng banyo eh." nagpoprotesta kong wika sa kanya.
Natawa ito at sa wakas pinakawalan din ako. Dali-dali naman akong bumangon ng kama at halos takbuhin ko ang banyo dahil ihing ihi na talaga ako.
Mabuti na lang at sa wakas nagiging maayos din ang pakiramdam ko. Medyo mahaba ang tulog ko kaya naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Pagkatapos kong umihi, nagpasya akong mag-shower na lang din muna para lalong ma-energized ang katawan ko. Nakakaramdam na din kasi ako ng panlalagkit ng katawan kaya naman nagpasya na akong maligo muna para ma-preskuhan. Isa pa, nakakahiya na kay Peanut kung mangangamoy ewan na ako.
Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko dahil baka magtaka si Peanut kung bakit ang tagal ko dito sa banyo. Bukas ng umaga, balak kong yayain si Peanut na mag-swimming sa dagat. Susulitin namin ang mga oras na nandito kami sa resort dahil pagbalik namin ng Manila, tiyak na magiging abala na naman kami.
Pagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng bath robe at kaagad na lumabas ng banyo. Naabutan ko pa si Peanut na may kausap sa kanyang cellphone kaya dahan-dahan ko itong nilapitan para makiusyuso.
"I am sorry Drake. Kahit kami, nasaktan din sa nangyari kay Jeann. Hindi namin siya nabantayan. Masakit ito lalo na sa asawa ko dahil hindi lang sila magpinsan, kundi sobrang malapit din sila sa isat isa! Pero gayunpaman, wala akong rights para panghimasukan ang kagustuhan ng pamilya ng asawa mo. Wala din ako sa poder na magsalita tungkol sa nangyari kay Jeann." narinig ko pang wika ni Peanut.
So, si Drake pala ang kausap niya. Nakikibalita na naman siguro ang kumag sa sitwasyon ni Jeann.
"Yah..kung ano ang lumabas na mga balita, iyun ang totoo. Ayaw ko ng mag- comment tungkol sa bagay na iyan bilang respito sa pamilya ng asawa mo. Hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na kaya tanggapin mo na lang.
" muling wika ni Peanut na kaagad na napataas ang aking kilay.
Chapter 350
CHARLOTTE POV
Mukhang nailabas na sa publiko ang fake na pagkamatay ni Jeann. Ang bilis ha? Masyadong excited. Bilib na talaga ako sa bilis kumilos nila Tita Arabella at Tito Kurt. Basta para kay Jeann, ang bilis nilang tumalima.
Haysst, para sa akin, isang malaking kalokohan ang naging desisyon ni Jeann pero sino ba nama ako para kontrahin iyun? Siguro nga, iintindihin na lang namin ang naging desisyon nila.
"Naligo ka?" tanong ni Peanut sa akin ng mapatingin ito sa gawi ko. Kaagad nitong tinapos ang pakikipag-usap kay Drake at lumapit sa akin.
"Nanlalagkit kasi ako eh. Sino pala ang kausap mo?" kaswal kong tanong sa kanya.
"Si Drake..umiiyak! Lumabas na kasi ang balita tungkol sa fake na pagkamatay ni Jeann. Mukhang inuusig ng konsensya si Drake ngayun. Nagluluksa!" sagot ni Peanut. Hindi ko maiwasang matawa.
"Bagay sa kanya iyun. Makonsensya siya hangat gusto niya! Hindi na babalik sa kanya si Jeann." sagot ko. Hindi talaga ako maniniwala na magluluksa ang Drake na iyun.. Baka nga magpapa-party pa ang kumag na iyun dahil sa wakas malaya na siya. Pwede niya ng pakasalan ang kabit niya sa pag-aakala na patay na talaga si Jeann.
"Yah..and tumawag pala sila Tita Arabella. Sa Paradise Garden daw gaganapin ang lamay." wika nito na kaagad na nagpalaki ng aking mga mata. Parang bigla akong kinilabutan sa mga kalokohan ni Jeann.
"Lamay? tanong ko. Malakas na tumawa si Peanut.
"Yes...request ng pinsan mo na si Jeann. Para daw mas makatotohanan!" sagot nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiwi.
Habang tumatagal, lalong nagiging weird si Jeann. Bumalik ang pagiging pilya nito or mas matindi ang mga kalokohang naiisip ngayun.
"Pero paano iyun? I mean...hihiga siya sa kabaong para mas makatutuhanan? " nanlalaki ang mga matang sagot ko. Kaagad naman napahalakhak si Peanut. Tawang tawa sa naging reaction ko. Kaagad nitong pinisil ang pisngi ko na parang gigil na gigil.
"Of course not! May naisip na ibang paraan ang pinsan mo!" sagot nito. Kaagad naman akong napatitig dito. Naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Pinalabas nila na pina-cremate kaagad ang katawan ng pinsan mo." sagot nito na lalong nagpagulat sa akin. Kung kaharap ko lang siguro si Jeann baka kinaltukan ko na iyun. Ang taba ng utak kung mag-isip ng kalokohan. Partida, hindi pa masyadong naka-moved on sa paghihiwalay nila ni Drake kung anu- ano na ang naiisip.
"By the way, dumating pala kanina sila Rafael at Veronica. Hinihintay nila tayo sa baba para sabay-sabay na daw tayong pumunta sa Paradise Garden para suputahan ang kalokohan ni Jeann. " muling wika ni Peanut. HIndi ko naman maiwasan na muling mapangiwi. Baliw talaga ang Jeann na iyun. Inabala buong clan para lang pagbigyan ang kanyang kalokohan.
Sa daming pwedeng pagkaabalahan para maka-moved on kaagad ito pa talaga ang naisip niyang gawin.
"Okay..so, maligo ka na din para sabay na tayong bumaba." sagot ko naman sa kanya. Nagulat pa ako dahil makahulugan ako nitong nginitian sabay taas ng isa niyang kamay na may na cream na pinapahid sa perlas na silangan ko. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata.
Imagine, hindi nya talaga nakakalimutan ang pahiran portion na iyan? Sobrang active niya sa pagamot ng namamaga kong kweba.
"Ako na ang maglalagay. Kaya ko na!'" sagot ko sa kanya at kulang na lang pandilitan ito dahil sa pagkapahiya na - lumukob sa pagkatao ko. Ngayung nasa maayos na kalagayan ang katawan ko, hindi ko na siya hahayaan na makita ang nakakahiya at medyo namamaga ko pa ring kipay noh? Masyado nang nakakababa ng dignidad ko iyun.
Nagulat pa ako ng malakas itong tumawa. NIlapitan ako at hinawakan sa kamay at pilit na hinila papuntang kama.
"Hindi pwede! Gusto kong masiguro na nagagamot ng maayos iyan dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapagtimpi!" seryoso nitong sagot habang titig na titig sa mga mata ko.
Kaagad kong nabasa ang pinaghalong damdamin sa mga mata nito. Kita ko kung gaano ka-seryoso ang kanyang mukha.
"You mean..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihn ko ng mabilis akong pinahiga ng kama. Nasa paanan ko ito at talagang itinaas niya pa ang bathrobe ko sabay pinaghiway ang aking hita. Wala akong suot na underware kaya alam kong kaagad na tumapad sa kanya ang namamaga ko pang kabibe.
"Ako na nga lang kasi eh." muling protesta ko kasabay ng pag-iktad ko ng sumayad ang kanyang daliri sa aking hiwa. Parang may libu-libong bultahe ng kuryente ang biglang dumaloy sa buo kong pagkatao dahil sa ginawa niyang iyun
"Huwag kang malikot! Sandali lang ito.
"sagot nito sa akin kasabay ng pagsagi nito sa aking nakaumbok na perlas. Ibayong kiliti ang naramdaman ng buo kong pagkatao dahil sa ginawa nyang iyun. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang mga nangyari sa amin sa mansion. Pakiradamdam ko biglang nag-init ang buo kong pagkatao dahil doon.
"Peanut naman! Bakit ang tagal? Isa pa bakit may pasagi-sagi pa!" reklamo ko pa. Hindi ito umimik bagkos bigla ko na lang napansin ang makahulugan na pagtitig nito sa mga mata ko.
"Bilin ng Doctor mo, bawal muna tayong mag-sex. Pero pwede namang kahit kiss lang diba?" wika nito na kaagad na nagpatayo ng halos lahat ng balahibo ko sa katawan.
Wala na..tuluyan na nga sigurong nilukob ng pagnanasa si Peanut. Kaya ayaw ko na siya ang maglagay ng gamot sa akin dahil sa mga ganitong galawan niya eh.
Naipikit ko na lang ang aking mga mata ng maramdaman ko ang dila nito na biglang sumayad sa bukana ng kweba ko.
Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang bibig dahil sa ginawa niyang iyun. Para akong mahihimatay sa tindi ng antisipasyon at wala sa sariling nahawakan ko ito sa kanyang ulo para lalong idiin sa perlas na silangan ko na buong puso niya namang sinunod.
"Ughhh! Peanut! Ano ba...sabi ko sa iyo ako na ang maglalayag ng gamot eh." hindi ko maiwasang bigkas habang patuloy ito sa pagpapala sa aking namamaga pang perlas na silangan. Wala na kahit na katiting akong naramdamang sakit bagkos kakaibang ligaya biglang lumukob sa buo kong pagkatao.
Napapaangat pa nga ang puwit ko lalo na ng maramdaman ko ang dila nito na pilit niyang isiniksik sa lagusan ko. Ibayong kiliti ang nararamdaman ng buo kong pagkatao dahil sa ginawa niyang iyun.
"Come on Peanut! Wait lang! Lalabas naaa!" halos pasigaw kong bigkas kasunod ng panginginig ng tuhod ko at ang paglabas ng katas ko mula sa aking sinapupunan.
Lupaypay akong napahiga ng maayos sa kama habang abala naman sa pagsaid si Peanut sa katas na inilabas ko. Para iyung isang masarap ng inumin dahil kita ko kung paano siya nag-enjoy sa kanyang ginagawa.
"Hoyyy! Maligo ka na!" nanghihina ko pang wika sa kanya. Para kasi akong biglang nawalan ng lakas dahil sa ginawan iya. Isang mahinang pagtawa ang narinig ko mula dito ng tuluyan nang iwan ng labi niya ang kweba ko.
"Hehehe! Mamaya! Pagkatapos kong malagyan ng gamot ang treasure mo." nakangisi nitong wika habang nangingintab ang labi nito dahil sa sarili kong katas.
Bahala siya. Mas lalo niyang pinapahirapan ang sarili niya eh. Alam kong siya din naman ang talo sa laban na ito. Siya itong nabibitin dahil hindi pwedeng ipasok niya ang sandata niya sa akin. Kailangan ko munang magpagaling dahil yun ang bilin ng Doctor.
CHAPTER 351
CHARLOTTE POV
Sa dining area ang diretso naming dalawa ni Peanut pagkalabas namin ng kwarto. Naabutan ko pa sila Grandma at Grandpa na masayang kausap sila Veronica at Uncle Rafael. Ang tungkol sa pagbubuntis ni
Veronica ang kanilang topic kaya naman ramdam ko ang saya sa buong paligid.
"Hello Charlotte, Peanut!" kaagad na bigkas ni Veronica nang mapansin nito ang pagdating naming dalawa ni Peanut. Nginitian ko muna ito sabay lapit kina Grandma at Grandpa sabay halik sa kanilnag pisngi tanda ng pagbibigay galang bago ako lumapit kay Veronica para makipagbeso. Ginaya naman ni Peanut ang ginawa ko at nakipag-shake hands naman ito kay Uncle at kay Veronica.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kay Veronica habang pinagmamasdan ito. Bakit ba ang ganda niya pa rin tingnan kahit buntis? Napaka-blooming nito at kahit hindi ko sila nakakasama sa iisang bubong, halatang halata na alagang alaga talaga siya ni Uncle Rafael.
Si Peanut kaya? Magiging maalaga pa rin ba siya sa akin kahit na umabot ng taon ang pagsasama namin? Aaminin ko na nakakaramdam din ako ng takot na baka magsawa ito sa akin. Katulad nila Jeann at Drake.
"Hey Baby! Saan ka na nakarating? Upo ka na oh?" naputol lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Peanut. Kanina niya pa pala ako pinapaupo pero hindi ko iyun napansin. Kung saan saan na naman ako dinala ng imagination ko.
"Ayos ka lang ba iha? Huwag ka na lang din sumama sa kanila kung hindi pa rin maayos ang pakiramdam mo. Hindi naman pwedeng sa lahat ng oras pagbibigyan natin ang kapritso ng pinsan mo." Narinig ko pang wika ni Grandpa Gabriel. Kita ang pagiging seryoso sa awra nito at mukhang hindi ito pabor sa ginawa ni Jeann
"Naku, ayos lang po ako Grandpa. Nakatulog na po ako kanina kaya maayos na ang pakiramdam ko." nakangiti ko namang sagot.
"Napaka-nonsense naman kasi ng gusto ni Jeann. Ano ba ang ginagawa nila Ate Arabella? Bakit kailangan nilang konsintihin ang anak nila sa kalokohang ito?" sagot naman ni Uncle Rafael. Katulad ni Grandpa Gabriel, mukhang hindi din ito masaya sa mga nangyayari.
"Hayaan niyo na! Gusto lang siguro niyang konsensyahin si Drake dahil sa ginawa sa kanya." sagot naman ni Grandma Carissa.
"Nasa hospital pa din po ba si Jeann Grandma?" tanong ko naman. Kaagad naman itong umiling.
"Nakalabas na at dinala muna nila sa Farm." sagot ni Grandma. Nagtaka naman ako kung anong farm ang tinutukoy nila. Ang alam ko kasi resort ang pinagkakaabalahan ngayun nila Tita Arabella.
"Isang maliit na isla iyun. Farm lang tawag dahil sagana sa mga pananim at mga alagang hayop ang lugar. Matagal ng pag-aari ng Tito Kurt niyo ang property na iyun at sa sobrang layo, bihira lang nila kung bisitahin dahil kapag may special occasions dito naman sa resort ginaganap."
pagpapatuoy na wika ni Grandma. Dahan-dahan naman akong napatango. Hindi ko alam ang lugar pero parang gusto ko tuloy puntahan. Siguro ang ganda ng lugar na iyun dahil base sa pagkakalarawan ni Grandma, mukhang malayo sa kabihasnan.
Pagkatapos kumain ng dinner kaagad na kaming lumarga. Hindi na sumama sila Grandma at Grandpa dahil hindi sila pwedeng magpuyat dahil lang sa kapritso ni Jeann.
"Paano ba iyan? Required bang umiyak mamaya?" narinig ko pang tanong ni Veronica kay Uncle Rafael habang nasa byahe kami. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Hindi pa naman ako magaling sa actingan kaya malabong maiyak ako mamaya.
"No need! Sapat na ang presensya natin. No reason para magsayang ng luha dahil lang sa kapritso ni Jeann." sagot naman ni Uncle Rafael. Halata sa boses nito ang hindi maisatinig na pagkainis. Sabagay, masyadong busy si Uncle Rafael at malaking abala talaga itong ginagawa ni Jeann.
Mabilis kaming nakarating ng Paradise Garden. Napansin pa namin na medyo maraming tao. Hindi ko mga kilala at hindi ko alam kung saan sila nahugot nila Tita Arabella at Tito Kurt. Tanging si Kenneth lang ang namukhaan ko na naninigarilyo sa hindi kalayuan at nang mapansin ang pagdating namin kaagad nitong pinatay ang sigarilyo at mabilis na naglakad palapit sa amin.
"Finally, dumating din kayo. Alam niyo bang kanina pa ako antok na antok?" kaagad na wika nito. Kaagad ko itong pinagtaasan ng kilay. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanya na magpuyat siya? Nakalabas na pala ng hospital si Jeann at dapat pinaubaya nalang nila sa mga taong nandito ang lamay kuno ni Jeann.
Sisilip lang kami. Kuhanan mo kami ng larawan na dumating kami at uuwi na din kaagad kami." nakaismid naman na sagot ni Uncle Rafael. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa dahil wala din akong balak na magtagal sa lugar ng ito. Nakakakilabot at kahit fake lang na lamay ito para kay Jeann hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng pananayo ng balahibo.
"Dont worry, pagdating niyo pa lang, may kumukuha na sa inyo ng larawan. Well prepared yata kami dahil sa kapritso ng kapatid ko." natatawa namang sagot ni Kenneth. Mukhang maayos na nga talaga siguro ang kalagayan ni Jeann dahil nakakatawa na din ito ngayun.
Wala pang thirty minutes ang pananatili namin sa fake na lamay ni Jeanri ng nagyaya na si Uncle Rafael na umalis na. Katwiran nito, hindi pwedeng magtagal sa ganitong lugar ang buntis niyang asawa na si Veronica. Kaagad naman kaming sumang-ayon ni Peanut at nagpaalam na kay Kenneth.
Noong una, ayaw pa ni Kenneth pumayag pero wala din naman itong choice lalo na at si Uncle Rafael ang nag -insist. Mas mahalaga sa kanya ang sitwasyon ng buntis niyang asawa na si Veronica kaysa sa kapritso ni Jeann.
Pabalik na kami ng aming kotse ng namataan namin ang parating na si Drake. Kaagad kong napansin ang lungkot na nakalarawan sa mga mata nito habang naglalakad palapit sa amin.
"What are you doing here?" kaagad namang sambit ni Uncle Rafael at nagulat na lang kaming lahat ng bigla nitong sugurin si Drake at walang sabi- sabing sinikmuraan. Gulat kaming lahat at kaagad na napakalas sa pagkakahawak sa akin si Peanut para awatin sila Uncle at Drake.
"Hindi bat sinabi ko na sa iyo na tinatapos ko na ang ugnayan natin?
Hindi ka kailangan ng pamangkin ko kaya umalis ka na!" galit na wika ni Uncle. Hindi ko nga malaman kung umaakting ba ito or ano pero kita ko ang pamumula ng mukha nito palatandaan na galit talaga ito dahil sa mga nangyari.
Sabagay, kahit na hindi napuruhan si Jeann mahirap pa rin tangapin sa panig namin ang ginawang panloloko ni Drake sa aming kadugo. Walang kapatawaran ang ginawa niya kaya dapat lang na umiwas na siya sa pamilya namin. Simula ng niloko niya si Jeann, kaagad din naputol ang ugnayan niya sa angkan namin.
"I know na kasalanan ko ang mga nangyari...but please, asawa ko pa rin ang pinag-uusapan natin dito. Hayaan niyong makita ko siya..kahit ngayun lang..kahit sadali lang, maipadama ko man lang sa kanya na pinagsisisihan ko ang lahat!" umiiyak na sagot ni Drake.
Hindi ko maiwasang magtaka. Sa laking tao nito nagawa niyang lumuha sa harap naming lahat at magmakaawa. Akmang luluhod pa ito sa harap namin pero kaagad itong sinipa ni Uncle Rafael. Bagsak sa lupa si Drake habang patuloy sa pagtangis.
Chapter 352
CHARLOTTE POV
"Nakikiusap ako! Hayaan niyo akong makita siya kahit sa huling sandali lang! Hayaan mo akong maipakita sa kanya ang pagsisisi ko!" muling wika ni Drake. Bakas sa boses nito ang pakiusap. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya.
"Hayaan? Kahit na ano pa ang gawin mo, hindi na maibabalik pa ang nangyari na Drake. Sinira mo ang tiwala ng buong pamilya sa iyo! Kung hindi mo pala mahal ang pamangkin ko sana ibinalik mo na siya sa amin! Sana, hindi mo siya pinahirapan!" galit naman na sagot ni Uncle Rafael. Kaagad naman itong nilapitan ni Veronica para pakalmahin.
"Rafael, please..hayaan mo na siya. Total, last na din naman ito. Ibigay natin sa kanya ang kanyang karapatan kay Jeann kahit saglit lang" wika naman ni Veronica. Ayaw niya din naman na magkasakitan pa ang dating magkakaibigan. Hindi magandang tingnan iyun lalo na at may mga magaganda din naman silang pinag- samahan.
"Well, sasamahan na po namin siya ni Peanut! Nangako naman si Drake na saglit lang naman sya dito kaya hayaan na lang po natin Uncle." sabat ko naman. Baka kapag hindi pa namin ito samahan ngayun, baka muli din itong masaktan ni Kenneth. Ayaw ko din naman maging kriminal ang isa sa mga kapamilya namin dahil lang sa isang walang kwentang tao.
"Mabuti pa nga siguro! And Drake, sana ito na ang huli nating pagkikita! Walang kapatawaran ang ginawa mo sa kadugo ko kaya magkalimutan na lang tayo!" wika ni Rafael at mabilis na inalalayan ang buntis na asawa paalis.
Tinapik ni Peanut si Drake sa balikat bago kami nagpatiuna nang naglakad palapit sa altar kung saan makikita ang larawan ni Jeann at isang urn jar.
Hindi ko ulit maiwasan na makaramdam ng kilabot. Sa kagustuhan ni Jeann na makonsensya si Drake, nagawa niya talagang mag- isip ng kalokohan. Ako ang kinikilabutan sa mga pinaggagawa nang pinsan kong ito eh.
"Bakit pina-cremate siya kaagad? Ganoon na ba ako kasama sa lahat para tanggalan ng karapatan sa asawa ko?" mahinang wika ni Drake. Bakas sa boses nito ang pagluluksa kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito.
Gusto ko lang masiguro kung nagdadrama lang ba ito. Pero sa nakikita ko ngayun sa awra nito, kita ko ang pait sa buo niyang mukha. Nangangalumata na din ito at may ilang balbas na din ang nag-uumpisang tumutubo sa kanyang mukha. Dagdagan pa ng pasa nito na nasa kaliwang pisngi galing sa sapak kahapon ni Kenneth.
Pero bakit? Huwag niyang sabihin na huli niya nang narealized na mahalaga pala sa kanya si Jeann? Ang galing naman niyang umakting kong nagdadrama siya ngayun?
"Iyun ang gusto nila Tita Arabella. Hindi daw nila kayang makita si Jeann sa ganoong kalunos-lunos na sitwayon. "Hindi ko maiwasang sagot. Hindi ko lang alam kung nahahalata ba ni Drake na nagsisinungaling ako dahil hindi ko maiwasang manginig ang aking boses.
Lensyak naman kasi! Hindi kaya ako sanay na magsinungaling at dahil sa Jeann na ito, nagagawa ko na ngayun. Haysst, sana matapos na ito. Hindi ko na kaya pang pagtakpan si Jeann sa mga kalokohan niyang naiisip.,
"I understand! Kasalanan ko din naman kaya humantong ang lahat sa ganito! Pinabayaan ko siya! Nagdusa siya sa mga kamay ko!" sagot ni Drake kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata. Bakas din sa boses nito ang matinding paghihinagpis.
Patuloy ang sunod-sunod sa pagtulo ang luha sa kanyang mga mata habang hinahaplos ang picture frame ni Jeann.
Pigili ko naman ang sarili ko na sumigaw ng "It's a prank!" nakakaawa na din kasi si Drake pagmasdan. Ramdam ko na galing sa puso ang kanyang pag-iyak kaya hindi ko maiwasan na mapakapit kay Peanut.
"Hayaan na muna natin siya dito. Bigyan muna natin siya ng time na magluksa!" wika ni Peanut sa akin. Tinapik niya pa sa balikat si Drake at tuluyan na namin itong iniwan sa harap ng altar kung saan nakapatong ang larawan ni Jeann at Urn Jar na hindi ko nga alam kung may laman ba or wala.
Palabas lang ang lahat nang ito pero mukhang may isang puso na labis na nagsisisi. Wala naman akong magawa kundi panoorin na lang ito. Masyadong masakit ang pinagdaanan ni Jeann sa mga kamay ni Drake at tanging si Jeann na lang ang makakapag-pasya kung mapapatawad niya pa ba ito.
Nasa kalagitnaan ng pagluluksa si Drake ng napansin ko ang paglapit ni Kenneth dito. Mukhang hindi mainit ang ulo ni Kenneth dahil maayos na itong nakipag-usap kay Drake. Mabuti na din kung ganoon. Baka malamog ang katawan ni Drake sa kakasapak nila. Baka mamaya si Drake naman ang magpakamatay dahil sa labis na paninisi nila.
Napansin ko pa ang pagtapik ni Kenneth sa balikat ni Drake bago ito iniwan at naglakad palapit sa amin.
Nagtatanong ang mga matang tinitigan ko ito.
"Si Drake na ang bahala dito. Kanina pa ako antok na antok at siya na ang tatapos ng lamay dahil gusto niyang gampanan ang pagiging asawa ni Jeann. "wika ni Kenneth nang makalapit sa amin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Nakiusap siya sa akin na siya na muna ang bahala sa Urn Jar na iyan. Iuuwi daw niya sa bahay nila. Pabor sa akin dahil gusto ko na din matapos ang kalokohan na ito. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng magpahinga at matulog sa malambot kong kama."
sagot ni Kenneth. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig kay Drake. Grabe pa rin ang iyak nito ngayun. Para itong batang nag-aalburuto na hindi nakuha ang gusto.
Kahit papaano, nakakaawa din naman siyang tingnan. Isang malaking panloloko sa emosyon niya ang ginawa naming ito. Pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya kay Jeann, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng galit dito.
"Baka naman magtaka siya dahil bigla mo na lang ipinaubaya sa kanya ang lahat." sagot ko naman Kay Kenneth.
"Bahala siya! Ayaw din naman ni Jeann magpakita sa kanya kaya baka habang buhay niya na din dadalhin sa konsensya niya ang ginawa niya sa kapatid ko.. Sapat na siguro iyun na ganti dahil sa ginawa niyang kalapastangan sa kapatid ko." sagot ni Kenneth at nagpatiuna na itong naglakad palayo sa venue. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Peanut at naglakad palapit kay Drake
para magpaalam na din.
Ngayung gabi, matatapos na ang dramang ito pero alam kung may isang tao na patuloy na magluluksa at uusigin ng konsensya sa pag-aakala niyang siya ang dahilan ng pagkasawi ng kanyang asawa.
Chapter 353
CHARLOTTE POV
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Nagiging masaya ang mga araw na lumipas sa buhay ko dahil tuluyan na nga naming napagkasunduan ni Peanut na magsasama na bilang isang tunay na mag-asawa. Nangako kami sa isat isa na uumpisahan na namin ang pagbuo ng isang masayang pamilya.
Abala ako sa harap ng salamin habang nag-aapply ng kaunting make up sa aking pisngi. Nandito ako sa loob ng banyo ng pinapasukan kong university. Kakatapos lang ng klase ko at susunduin ako ni Peanut kaya naman nagpapaganda ako ngayun. Gusto ko kasing magandang maganda ako sa paningin niya.
"Charlotte, bilisan mo na! Baka kanina pa tayo hinihintay ng mga sundo natin sa ibaba." nariniig ko pang wika ni April sa akin. Siya lang ang kasama ko dito sa banyo dahil nauna ng lumabas ang iba pa naming mga kaibigan at ka- classmates.
"Sure, sandali na lang ito. Pinapantay ko lang ang kilay ko.!" sagot ko naman at nagmamadaling inilagay sa loob ng make-up kit ko ang mga pampaganda na ginagamit ko sa aking mukha.
"Haysst, grabe ka. Para namang hindi kayo palaging nagkakasama ng asawa mo! Kailangan talaga perfect ang make up at mukhang fresh tuwing susunduin ka niya?" natatawang tanong ni April. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Maraming nakakasalamuha na magaganda ang asawa ko sa nature ng work niya kaya dapat lang na mag stand out ang ganda ko sa lahat. Hindi pwedeng lulusyang-lusyang at baka magsawa siya sa akin at palitan na lang ako bigla." sagot ko naman. Kaagad naman itong napaismid.
"Malabong papalitan ka noon. Ang ganda mo kaya. Kahit na hindi ka maglalagay ng mga make up na iyan, lulutang at lulutang pa rin ang ganda mo. Walang wala ang mga artista dito sa Pilipinas kung ganda rin lang ang pag-usapan noh kaya ipagpalagay mo ang kaooban mo Charlotte!" sagot naman ni April. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga.
Oo, maganda ako, pero hindi pa rin maiaalis ang nararamaman kong insecurities. Lalo na at alam kong maraming haliparot ang aali-aligid kay Peanut. Model ito at puro model din ang halos makakasalamuha nito sa kanyang trabaho. Natatakot akong isipin na baka maakit ito sa ibang babae at maiiwan akong luhaan.
Although, nangako naman si Peanut sa akin nang maka-ilang ulit na iiwan niya na ang pagmomodeling pagkatapos ng kanyang contract. May mga naipatayo na din kasi itong mga negosyon at doon na lang daw siya magpo-focus. Gayunpaman, halos isang taon pa ang bibilangin ng contract na iyun at marami pa ang mga posibleng mangyari.
"Ewan ko ba! Basta, hindi mo naman siguro ako masisisi April. Maraming haliparot ang nakapaligid sa asawa ko at natatakot ako na magising na lang isang umaga na may iba na siyang gusto!" sagot ko. Kaagad ko namang narinig ang pagpalatak ni April.
"Hayy naku Charlotte. Tinatakot mo lang ang sarili mo eh. Magtiwala ka lang kasi sa asawa mo! Malabong lolokohin ka noon dahil nakikita ko naman sa mga mata niya kung gaano ka niya kamahal." sagot nito. Kahit papaano, bahagya namang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Sana nga magdilang anghel siya at wala ng kahit na ano pang problema ang dumating sa pagsasama naming dalawa ni Peanut.
Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko kaagad na kaming lumabas ni April ng banyo. Pagkadating namin ng parking area sakto naman na dumating na si Penaut kaya kaagad akong nagpaalam kay April na mauuna na ako na kaagad naman niyang sinang -ayunan.
Nakangiti akong naglakad palapit ng kotse ng mapansin ko na bumaba si Peanut at sinalubong ako. Kaagad ako nitong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Kumusta ang School?" nakangiti nitong tanong sa akin. Kumalas muna ako sa pagkakayakap dito bago sumagot.
"Ayos naman. Medyo mahirap pero kakayanin." nakangiti kong sagot. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ako inalalayan papuntang kotse. Binuksan ang passenger set at inalalayan akong makapasok at makaupo sa loob bago ito umikot at naupo sa driver set.
"Kung nahihirapan ka, pwede ka namang magdrop out na lang. Kayang kaya ko namang ibigay lahat ng pangangailangan mo Baby!" Nakangiti naman nitong wika sa akin. HIndi ko maiwasan na muling mapangiti. Ito kasi ang palagi niyang bukang bibig sa akin sa tuwing d*******g ako sa kanya na nahihirapan ako sa School.
"Hindi ako pwedeng huminto dahil nangako ako kina Grandma at Grandpa na magtatapos ako. Isa pa, nag-eenjoy din naman ako sa pag-aaral ko kahit na medyo mahirap kaya ayos lang." sagot ko naman.
"Pero paano kung magbuntis ka?
Papasok ka pa rin ba ng School?" tanong nito habang may nakaguhit na ngiti sa labi. Maang naman akong napatitig dito.
"Bakit? Bubuntisin mo ba ako?" maang ko namang tanong sa kanya. Isang mahinang pagtawa ang narinig ko sa kanya bago ito sumagot.
"Bakit? Hindi na ba masakit ang ano mo? Pwede na ba ulit?" tanong nito at malagkit pa akong sinulyapan. Kaagad ko naman nakuha ang ibig nitong sabihin kaya hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng kilabot.
Hindi ako tanga para hindi makuha ang gusto niyang ipabatid. Alam kong mahigit isang linggo na itong nagpipigil para muli akong maangkin.
"Hindi pa! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ng Doctor na maghintay muna tayo ng isang buwan bago mag---" hindi ko na natuloy ang susunod ko pang sasabihin ng bigla itong sumabat.
"Isang buwan? Baby naman, wala akong narinig na isang buwan. Ang sabi ni Doc, kapag maghilom na pwede na!" Nagmamaktol nitong sagot. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa lalo na ng matitigan ko ang nangungunsumi nitong mukha.
Chapter 354
CHARLOTTE POV
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang dumaan muna tayo ng resto para makakain muna bago umuwi ng bahay? " narinig kong tanong ni Peanut habang naka-focus ang mga paningin nito sa harap ng kalsada. Patuloy sa mahinang pagtakbo ang kotse at feeling ko wala naman talaga itong balak na umuwi ng bahay muna.
Sabagay, maaga pa naman at weekend din kinabukasan. Parang gusto ko din magliwaliw at magtanggal ng stress sa buong linggo na wala akong ibang inatupag kundi bahay at iskwelahan lang.
"Hmmm, parang gusto ko ang idea na iyan. May alam ka bang restaurant na nagseserve ng masarap na mga pagkain?" tanong ko. Saglit itong nag- isip at tumango
"Yes...meron. Sa Manila Peninsula hotel. Makakapag bonding tayo ng maayos sa lugar na iyun." nakangiti nitong sagot sabay kindat sa akin. Kaagad ko namang nabasa ang ibig niyang sabihin kaya naman kaagad ko itong pinanlakihan ng aking mga mata.
"Peanut, seryoso ako! Kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa kukute mo eh!" nakalabi kong sagot sa kanya. Natawa ito at mabilis na pinaarangkada ang sasakyan sa kahabaan ng expressway. Palabas ng Metro Manila ang daan na tinatahak namin kaya hinayaan ko na lang.
"May alam akong isang lugar kung saan pwede tayong magpalipas ng oras. Isa siyang bar and restaurant at karamihan sa mga parokyano nila ay mga celebrities at tinitingala sa lipunan." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng excitement. Ibig sabihin, pwede pala akong tumikim ng alak ngayung gabi.
"Talaga? Kung ganoon, doon na lang tayo." hindi maitago ang excitement sa boses ko habang sinasabi ang katagang iyun. Ngiting ngiti naman itong tumango at muling nagfocus sa kanyang pagdadrive.
Halos dalawang oras din ang itinagal namin sa pagbabyahe at nakarating kami sa Bar and Resturant na sinasabi ni Peanut kanina. Over looking ang lugar at mula sa napili naming pwesto, kitang kita ang buong paligid.
"Wow! Ang ganda naman dito. Mabuti naman at isinama mo ako dito Peanut. Sa susunod, yayayain ko din sila Veronica at Jeann dito. Parang ang sarap magbonding dito eh." nakangiti ko pang bigkas habang inililibot ang tingin sa paligid.
Kung sino man ang may ari ng bar and restaurant na ito, parang gusto kong i-congratulate. Sobrang ganda kasi talaga ng concept niya at kahit nasa medyo mataas na lugar ang negosyong ito, kapansin-pansin na dinadayo pa rin ito ng mga tao.
"Peanut, saan dito ang CR?" maya- maya tanong ko kay Peanut. Naiihi kasi ako at parang gusto ko din mag- retouch ng make up ko.
"Sasamahan ba kita Baby?" kaagad naman nitong tanong sa akin. Kaagad naman akong umiling.
"Huwag na! Umorder ka na lang ng food dahil nagugutom na ako." sagot ko naman sa kanya at mabilis na tumayo at tinahak ang way papuntang banyo.
Patuloy sa pagdagsa ang nga customers. Nag-uumpisa na din tumugtog ang banda na nasa maliit na stage. Nag-uumpisa na din ang ilang mga customers na magkasiyahan.
Feeling ko talaga, magiging masaya ang gabi kong ito. First time din namin lumabas n Peanut na kami lang dalawa kaya excited ako. Susulitin ko ang gabing ito para pareho kaming maging masaya.
Pagkatapos kong umihi ay kaagad akong naghugas ng kamay upang mag- retouch ng make up. Maayos pa namsn ang hitsura ko pero gusto kong maging perfect sa paningin ni Peanut. Marami daw mga artistang guest ang resto na ito at ayaw ko namang magpakabog. Asawa ako ng isang sikat na model at dapat lang presentable ako sa paningin ng lahat ng tao na nakakakilala kay Peanut.
Pagkatapos kong masigurado na maayos na ang hitsura ko ay akmang lalabas na sana ako ng banyo ng matigilan ako.
Mula sa nakasarang pintuan, biglang bumukas at iniluwa ang taong ayaw na ayaw ko sanang makasalubong. Si Maureen at hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa expression nito ng mapansin ang presensya ko bago ito nagpakawala ng nang-uuyam ng ngiti.
"So, nandito pala ang mang-aagaw?" madiin na bigkas nito. Kaagad naman nagpanting ang tainga ko dahil narinig na kataga mula sa kanya. Hindi kayang tanggapin ng sistema ko na pagbintangan niya akong inagaw ko sa kanya si Peanut.
"Anong sabi mo loser?" nang-iinis ko ding sagot sa kanya. Kaagad na nagsalubong ang kilay nito at halatang pikon na pikon sa bwelta ko sa kanya. Huwag na huwag niya akong umpisahan dahil hindi ako nagdadalawang isip na patulan siya.
"Loser? Tama ba iyung narinig ko sa isang malandi at mang-aagaw na babae?" malakas na sigaw nito at nagulat pa ako dahil bigla nitong hinablot ang buhok ko. Malakas nya iyung hintak kaya kaagad naman akong napaigik sa sakit. Feeling ko talaga, gusto akong kalbuhin ng bruha na ito kaya kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay at pinilipit para matanggal niya iyun sa mahigpit na pagkakahawak sa buhok ko.
"Baliw ka ba? Akala mo ba hindi kita papatulan? Gusto mo ng sakitan, pwes pagbibigyan kita!" galit kong bigkas ng sa wakas natangal ko ang kamay nito na nakahawak sa buhok ko at malakas itong itinulak. Kaagad itong napaupo sa sahig habang sapo ang kanyang balakang.
Kaagad na namilipit ito sa sakit habang galit na nakatitig sa akin. Narinig ko pa ang malakas na pag-ungol nito bago sumigaw kasabay ng pagdaloy ng pulang likido mula sa kanyang legs patungo sa sahig. Nagulat ako at ngayun ko lang na-realized na nagdadalang tao pala si Maureen at posible pala siyang makunan dahil sa malakas kong pagkakatulak sa kanya.
Wala sa sariling napaatras ako at nagmamdaling lumabas ng banyo para lang matigilan ng kaagad na sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Peanut. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa takot at kaagad na yumakap dito.
"Hindi ko sinasadya! Si Maureen---- " hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng hinawakan ako ni Peanut sa pisngi at mariin na tinitigan sa mga mata.
"Ano ang ginawa mo? Anong nangyari kay Maureen?" tanong nito. Sunod sunod naman ang pagtulo ang luha sa aking mga mata bago namin narinig ang mahinang pagsigaw ni Maureen mula sa banyo na nanghihingi ng tulong. Binitiwan ako ni Peanut at nagmamadaling pumasok sa loob at kaagad na nagsalubong ang kilay nito ng makita niya ang sitwasyon ni Maureen.
"Anong ginawa mo Charlotte?"
ramdam ko ang galit sa boses ni Peanut ng walang sabi-sabing nilapitan niya si Maureen at binuhat. Para namang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso ko sa nasaksihan.
Chapter 355
CHARLOTTE POV
Kasalanan ko ba talaga? iyun ang tumatakbo sa isipan ko habang hinihintay ko ang result ng pagkakatulak ko kay Maureen.
Galit si Peanut! Ramdam ko iyun habang walang tigil ito sa pagpaparoon at parito sa hallway ng hospital. Sinisisi niya ako sa mga nangyari.
Kaagad akong napatayo ng mapansin ko ang paglabas ng Doctor. Nagmamdali namang lumapit dito ang nag-aalalang si Peanut.
"Mr. Smith! Maraming dugo ang nawala sa kanya at kailangan niya pong masalinan sa lalong madaling panahon." wika ng Doctor kay Peanut. Lalo naman akong kinabahan at wala sa sariling napatitig sa seryosong mukha ng Doctor.
Kung ganoon, malubha si Maureen at kasalanan ko iyun. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa biglang sundot ng konsensya. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para hindi usigin ng konsensya lalo na at may batang nasa sinapupunan ang involved dito.
"Kung ganoon, magkapareho din pala sila ng blood type ni Charlotte. Siya na lang, basta iligtas niyo ang mag ina ko!
" narinig kong sagot ni Peanut na siyang nagpanginig ng buo kong laman
Ano ang ibig niyang sabihin? Mag ina? Ibig sabihin, confirm na siya ang ama ng ipanagbubuntis ni Maureen? Hindi ko tuloy maiwasan na maluha lalo na ng naglakad ito palapit sa akin at seryoso akong tinitigan.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito kaya wala kang choice kundi ibigay ang dugo mo kay Maureen." malamig ang boses na wika nito. Kaagad kong pinalis ang luha na tumulo sa aking pisngi bago ito tinitigan.
"Kung ganoon, ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya? Hindi nagsisinungaling sa akin si Lucas?" sagot ko. Seryoso akong tinitigan bago may hinugot na papel sa kanyang bulsa at iniabot sa akin.
Noninvasive Prenatal Paternity (NIPP) at sa nabasa kong mga figure na nasa papel, positive na si Peanut ang ama ng anak ni Maureen na nasa sinapupunan pa lang nito. Kaya pala kanina pa ito tarantang taranta dahil sa nangyari kay Maureen. Kaya pala halos isumpa ako nito ngayun.
Parang bigla akong nawalan ng lakas habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi ako
makapaniwala dahil ilang beses nang nai-deny sa akin ni Peanut ang tungkol dito pagkatapos malalaman ko ngayun na siya pala talaga ang ama?
Kung saan, naipangako ko na sa sarili ko na siya lang ang kaisa-isang lalaki na gusto kong makasama habang buhay. Ang sakit naman magbiro ng tadhana. Sobrang sakit at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maibsan iyun.
"Mga dugo mo ang magliligtas sa mag ina mo kaya wala kang choice kundi ang pumayag. Mas mahalaga ang anak ko higit kanino pa man." narinig kong wika ni Peanut. Kaagad kong naikuyom ang aking kamao. Kaka-donate ko lang ng dugo kay Jeann at hindi ko alam kung kakayanin ko ba na magpa- extract ulit ng dugo. Baka ikapahamak ko iyun.
Isa pa, ngayun ko lang napatunayan na hindi ko pala 100% pag-aari ang puso ni Peanut. Napaka-unfair niya. Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang 100% kong tiwala sa kanya ganito ang gagawin niya sa akin?
"Wala na pong time para mag-isip. Nasa critical na kondisyon ang pasyente at maari niyang ikapahamak kapag magtagal pa tayo." narinig kong wika ng Doctor. Atat lang? Wala sa sarilng tinitigan ko ito at kung hindi ako magkamali, kasing edad lang din ito ni Peanut.
Walang akong choice kundi ang pumayag na lang. May kasalanan din naman akong nagawa at wala akong choice kundi ang sundin kung ano ang kagustuhan ni Peanut. Hindi ko naman siguro ito ikamamatay.
Mabilis ang naging proseso. Naramdaman ko na lang na namamanhid na ang aking braso sa dami ng dugo na nawala sa akin. Walang hiya, bakit feeling ko gusto nilang sairin ang dugo ko? Kung hindi ko pa narinig ang pag-alma ni Peanut baka ayaw pa nila akong tigilan. Pagkatapos ko din kasi kuhaan ng ilang bag ng dugo. kaagad din akong nakatulog.
Naalimpungatan na lang ako sa mahinang pag-uusap ng mga nurse na nasa paligid ko.
"Kawawa naman siya noh? Hindi makatarungan ang ginawa sa kanya nila Doctor Carlos at ng artistang Maureen na iyun. Palibhasa kasi magkaibigan sila kaya
pinagkakaisahan nila ang kawawang babae na iyan." narinig ko pang wika. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Kaya nga...pinalabas talaga nila na magkapareho sila ng type ng dugo ng babaeng iyan para mauto nila. Naawa ako sa kanya kanina eh, feeling ko talaga gusto nilang ubusin ang dugo niya at kung hindi pa nawalan ng malay baka ayaw pa nilang tigilan." sabat naman ng isa pa.
"Nasaan pala ang dugo na iyun? Ang pagkakaalam ko, hindi naman kailangan ng dugo ang Maureen na iyun. Pinalabas lang nilang critical para mag-aalala ang asawa ng babae na iyan." narinig ko pang sagot ng isa pa. Hindi ko maiwasang maikuyom ang kamao ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi kayang tangapin ng sistema ko na naisahan ako ni Maureen at baka nga kasabwat pa si Peanut.
Kung hindi lang ako nanghihina ngayun, parang gusto kong magwala sa galit. Hindi ako papayag na magaya ako sa nangyari kay Jeann. Mas matatag ako at pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito sa akin.
Dahil mahina pa ako at wala akong lakas, nagkunwari akong umungol. Kaagad naman napalingon sa akin ang mga nurse na kanina pa nagti- tsimisan at nilapitan ako. Mukhang nandito ako sa ward dahil may mga kasama akong ibang mga pasyente.
Lalong nagpuyos sa galit ang puso ko sa isiping hindi man lang nag-effort si Peanut na kuhaan ako ng private room para makapagpahinga ako ng maayos.
"Mam, gising na po pala kayo. Kumusta po ang pakiramdam niyo?" kaagad na tanong nito sa akin.
"Nasaan ang asawa ko?" imbes na sagutin ang tanong nito si Peanut kaagad ang hinahanap ko. Umaasa ako na nasa paligid siya at hindi niya ako iniwan dito sa maliit na hospital na ito..
"Umalis na po Mama. Mga talong oras na din po ang nakalipas. Nadis-charge na din po kasi si Ms. Maureen." sagot ng nurse na kaagad na nagpatulo ng luha sa aking mga mata. Awa -awa namang napatitig ito sa akin.
"Nasaaan ang mga gamit ko? Pwede . bang pakiabot sa akin ang cellphone ko? " tanong ko. Kaagad naman itong tumalima at ibinigay sa akin ang aking cellphone.
"Salamat!" mahina kong bigkas bago ako nagdial. Kailangan kong makaalis sa hospital na ito dahil mukhang hindi ako ligtas dito. Kakilala ni Maureen ang Doctor na nakausap namin kanina at baka gawan ako ng masama.
Nakailang ring lang ako ng marinig ko na may nagsalita sa kabilang linya. Si Lucas ang tinawagan ko dahil hangat maari, ayaw kong ipaalam sa pamilya ko ang ginawa sa akin ni Peanut. Kakatapos lang ma-solved ang problema kay Jeann at ayaw ko na munang dagdagan iyun. Sarili ko itong laban kaya dapat lang na maging matapang ako.
Yes, matapang ako... at hindi lang ang isang katulad ni Maureen or ni Peanut ang magpapabagsak sa akin. Sisingilin ko sila sa lahat ng ginawa nilang kalapastanganan sa akin. Lahat sila pati na din ang Doctor na nag-assist kay Maureen kanina dahil sa panloloko nila sa akin.
"Lucas....pwede bang makisuyo sa iyo? "wala ng paligoy-ligoy kong bigkas ng marinig ko ang excited na boses nito sa kabilang linya.
Chapter 356
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kong makausap si Lucas, pinilit kong patatagin ang sarili ko habang hinihintay ko ito. Walang ibang higit na mas makakatulong sa kain ngayun kundi ang sarili ko lang.
Wala sa sariling tinitigan ang nurse na kanina pa din nakatitig sa akin. Bakas sa hitsura nito ang pakikisimpatiya sa akin. Mukha naman itong mabait kaya pilit ko itong nginitian. Halos kasing edad lang din yata ito ng iba ko pang mga pinsan.
"Matagal ka na bang nurse dito?" kaswal kong tanong sa kanya. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Magpa-five months pa lang po Mam. Kakapasa ko lang din po kasi ng board exam. Pasensya na po kung kanina niyo pa po napapansin na nakatitig ako sa
inyo. Para po kasing familiar ang hitusra niyo sa akin eh." sagot naman nito.
"Eh si Doctor Carlos, matagal na ba siyang Doctor sa hopital na ito?" muli kong tanong sa kanya. Natigilan ito at mabilis na lumapit sa akin.
"Medyo matagal na din Mam. Kaya lang, maraming mga nurses ang galit sa kanya. Jini-jowa niya po kasi ang ilan sa mga empleyado dito pagkatapos bigla niyang hinihiwalayan. Malayong kamag anak daw kasi noong aktres na si Maureen kaya masama din ang ugali. "halos pabulong naman na sagot nito. Kahit nanghihina pa ako, hindi ko naman maiwasan ma mapataas ang aking kilay.
Walang dahilan para palagpasin ko ang Doctor na iyun sa balak kong paganti. Lahat ng mga taong sangkot sa masakit na nangyari sa akin ngayun, babalikan ko.
Hindi pa nila tunay na kilala ang isang Charlotte Villarama. Sisiguraduhin kong luluhod silang lahat sa akin.
Sa isiping iyun hindi ko maiwasan ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata. Luha ng galit kasabay ng pag- usbong ng pagkamuhi sa puso ko.
"Kung sakaling oofferan kita ng trabaho, tatanggapin mo ba?" hindi ko namang maiwasang tanong dito. Kailangan ko ang nurse na ito para sa paghihigante ko. Ayaw kong magsayang ng oras. Hihintayin ko lang na muling manumbalik ang lakas ko at babalikan ko silang lahat.
"Po? Naku, gustuhin ko man kaya lang.. " hindi na natuloy pa ang sasabihin nito nang seryoso ko itong tinitigan.
"One million sa loob ng isang buwan. Alam mo naman siguro kung ano ang kondsisyon ng kalusugan ko ngayun diba? Kailangan ko ng makakasama
hanggang sa tuluyang gumaling ako." sagot ko sa kanya. Kaagad na rumihistro ang pagkagulat sa mga mata nito habang tinititigan ako. Inabot ko ang bag ko sa gilid ng hospital bed at kinuha ang wallet ko.
"I am Charlotte Villarama. Isa sa mga apo ng business tycoon na si Gabriel Villarama. Name your price nurse Ellaine dahil ikaw ang isa sa mga saksi sa mga nararanasan ko ngayun at kailangan kita para mapabilis ang paganti ko sa kanilang lahat." sagot ko habang titig na titig sa mga mata nito habang iniabot ko sa kanya ang isa sa mga Id's ko bilang patunayan sa kanya na hindi ako nagsisinugaling. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat.
"Charlotte Villarama? Kayo po ang isa sa mga anak ni Christian Villarama? Apo po kayo ni Sir Gabriel?" sagot nito. Tumango naman ako. Kaagad naman
itong ngumiti.
"Naku Mam, ikinagagalak ko po kayong makilala sa personal. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo dahil ang pamliya Villarama po ang nag sponsor sa akin para makatapos ako sa pag- aaral ko." sagot nito na kaagad ko namang ikinangiti. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
Sabagay, aware ako na maraming mga indibidwal at foundations ang tinutulungan ng Villarama clan. Nag- umpisa ang lahat ng iyun pagkatapos magretiro ng tuluyan si Grandpa Gabriel bilang CEO ng Villarama Empire. Hindi nakakagulat na isa sa mga nurse na kaharap ko ngayun ang nabibiyayaan ng pagtulong na iyun. Kaya naman, pagkatapos ng problemang ito, ipinapangako ko na magtatapos ako sa pag-aaral para makatulong din sa mga kapus-palad.
Kung ganoon, may malaking utang na loob ang nurse na ito sa pamilya namin. Malaking tulong sa akin iyun para makuha ko ang loyalty niya.
"I understand na kailangan niyo po ng tulong Miss Charlotte. Lalo na sa usaping medical. Huwag po kayong mag-aalala. Kahit na walang 1 Million, handa ko po kayong pagsilbihan sa abot ng aking makakaya mabayaran ko man lang po ang kabutihan ng pamilya niyo sa akin." nakangiti nitong sagot. Muli akong napangiti at nagpasalamat dito.
Tinanong ko na din ito kung may mga babayaran pa ako para ma-discharge. Sinabi niyang siya na ang bahala at sakto naman ng ilang oras na lang, matatapos na din ang duty nito. Napag- usapan namin na sasama siya sa akin at mag-a AWOL kung hindi siya papayagan ng hospital na magresign ng ura-urada. Wala siyang dapat ikabahala dahil matutulungan siya ng pamilya namin na makapasok sa isa sa mga malalaking hospital sa Metro Manila.
Hindi naman nagtagal, dumating na din si Lucas. Nagulat pa ito ng mapansin niya ang sitwasyon ko pero hindi na din nagtangkang magtanong pa. Napansin niya marahil na wala ako sa mood para magkwento.
Isinabay ko na si nurse Ellaine sa pag- alis sa hospital na iyun. Pero nangako ako sa sarili ko na babalik ako.
Babalikan ko ang Doctor na iyun at pagbabayarin sa kasalanan na ngawa niya. Laht sila magbabayad pati na din si Maureen at Peanut. Lintik lang ang walang ganti.
"Lucas, pasesnya ka na kung naistorbo kita. Ikaw kasi ang bigla kong naisip kanina na hingan ng tulong. Salamat dahil hindi mo ako binigo." kaagad na sambit ko habang tumatakbo ang kotse
na sinasakyan namin.
"Naku, ayos lang Charlotte. Magkaibigan tayo at walang ibang magdadamayan kundi tayo-tayo lang." sagot naman nito. Nakaupo ito sa tabi ng driver samantalang magkatabi naman kami ni Nurse Ellaine na kanina pa nakaalalay sa akin. Hindi talaga ako nagsisisi na kunin ang serbisyo nito. Matutulungan niya habang nagpapalakas ako.
"I think, kailagan muna natin dumaan ng hospital para matingnan ng mga eksperto ang kalagayan mo Miss Charlotte. Nag-aalala po ako.
Maraming dugo ang nawala sa inyo at para na din makakuha po tayo ng medical report niyo." narinig ko namang suggestion ni Ellaine na kaagad ko namang sinang-ayunan.
Dumaan nga kami ng hospital at dahil sa sitwasyon ko, kaagad na inirekomenda ng Doctor na i-confine muna ako. Pumayag na din ako dahil latang lata ang katawan ko at kailangan ko talaga ng seryosong medical attention. Kailangan kong maibalik ang dugo na nawala sa akin kung hindi baka magkakaproblema ako sa aking kalusugan. Malaking pasalamat ko dahil sa lahat ng sandali, nagiging karamay ko si Ellaine na sa unang araw pa lang na nagkakilala kami, hindi niya ako binigo at handa niya akong pagsilbihan sa lahat ng oras.
Ilang beses din akong kinumbinsi ni Lucas na sabihin sa pamilya ko ang nangyari sa akin pero tumanggi ako. Laban ko ito kaya haharapin kong mag- isa. Sisiguraduhin ko na makakaganti din ako sa kanilang lahat. Lalo na kay Peanut na nagawa akong lokohin sa kabila ng tiwala na ibinigay ko sa kanya.
Chapter 357
PEANUT POV
Alam kong malaking kalapastanganan ang nagawa ko kay Charlotte pero wala na akong gustong gawin ngayun kundi itama ang pagkakamali na nagawa ko sa kanya.
Pagkaalis pa lang ni Charlotte sa table namin kagabi ay dumating si Maureen at kaagad akong kinausap. Ininsist nito na ako daw talaga ang ama ng bata na nasa sinapupunan niya at nagpakita pa ito ng Pre Natal DNA certificate na ang nakasulat ako talaga ang biological father ng bata. Nagulat ako pero mas nagulat ako ng naglakad si Maureen papuntang banyo para umihi.
Sakto naman na hindi pa lumalabas si Charlotte kaya kaagad ko itong sinundan. Pero huli na dahil nagpang- abot na ang dalawa at nasaktan na si Maureen.
Knowing Charlotte, hindi din talaga ito nagpapatalo kapag ganitong bagay ang pag-uusapan. Palaban ito kaya siguro nasaktan niya si Maureen na siyang dahilan kung bakit muntik ng napahamak ang sanggol na nasa sinapupunan ni Maureen. Ang sanggol na iniinsist nito na anak ko daw.
Alam kong naging unfair ako kay Charlotte sa aspitong iyun pero wala na akong magagawa pa. Nangyari na ang lahat at susuyuin ko na lang ito at tatangapin ang galit niya. Ang importante ngayun, ligtas na si Maureen at ang bata na nasa sinapupunan nito.
Pagkahatid ko sa bahay kay Maureen ay nagmamdali akong nagdrive pabalik ng hosptal. Walang malay tao si Charlotte ng iniwan ko ito at hindi ko maiwasang mag-alala na baka mapahamak ito dahil sa dami ng dugo na nakuha sa kanya kanina. Kapag mapahamak ito, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Pagdating ng hospital, nagulat pa ako dahil kaagad na sinabi sa akin ng receptionist na nakaalis na daw si Charlotte. Pinigilan daw nila ito dahil delikado pa dito ang lumabas ng hosptal dahil sa kanyang sitwasyon pero ayaw daw nitong papigil. Ini- expect ko na iyun dahil alam ko kung gaano katigas ang ulo ni Charlotte. Lahat ng gusto nitong gawin ay ginagawa niya at hindi ito basta-basta nakikinig kahit kanino.
Sa sobrang pag-aalala, muli akong bumalik ng kotse at kaagad na tinawagan ang number nito. Kaagad akong nakaramdam ng frustrations ng nakapatay ang phone nito at hindi ko malaman kung saan ito hahagilapin. Delikado sa kanya ang magpagala-gala sa labas lalo na at sa kondisyon nya ngayun. Baka mapamahamak ito ng tuluyan.
Dapat talaga hindi ko na lang siya iniwan kanina. Pwede naman akong magtawag ng kaibigan para sunduin si Maureen pero hindi ko nagawa.
Ngayung biglang umalis si Charlotte dito sa hospital, saan ko siya hahagilapin?
Nagmamdali akong nagdrive pauwi ng bahay. Abot-abot ang aking dasal na sana umuwi na lang ito ng bahay at magpahinga. Willing naman akong tanggapin ang galit niya kung sakali dahil alam ko naman kung ano ang pagkakamali ko.
Pagdating ng bahay, kaagad akong dumiretso ng kwarto namin. Muli akong nakaramdam ng frustrations at takot ng mapansin ko na walang bakas ni Charlotte ang umuwi ng bahay. Para akong nauupos na kandila na napaupo sa kama habang sinasabunutan ang sarili ko.
"! Charlotte! Nasaan ka na ba? God! Ang tanga-tanga ko! Bakit ko ba siya iniwan sa hospital kanina?" hindi ko maiwasang bigkas at nagmamadaling tumayo ng kama at mabilis na naglakad pabalik ng aking kotse. Hindi pwedeng manatili lang ako sa bahay at maghintay kung kailan siya uuwi. Baka mapahamak si Charlotte at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag mangyari iyun.
Wala akong choice kundi magdrive papuntang mansion. Naalala ko ang sinabi ng ka-triplets nito na si Christopher na kapag masama daw ang loob ni Charlotte, sa mansion ito dumideretso. Safe akong pumuta doon dahil alam kong nasa resort pa sila Grandma Carissa at Grandpa Gabriel, samantalang si Rafael naman tiyak nasa opisina.
Magtatanong- tanong lang naman ako kung nagawi si Charlotte doon. Tiyak din kasi na malaking gulo kapag malaman nila na nawawala si Charlotte.
Pagdating ng mansion kaagad akong pinagbuksan ng gate ng gwardiya. Hindi na ako nagtangka pang ipasok ang kotse ko sa loob bagkos bumaba na lang ako at nilapitan ng guard. Kilala na nila ako bilang asawa ni Charlotte kaya madali na lang akong makakuha ng impormasyon na kakailanganin ko.
"Manong, nagawi po ba dito si Mam Charlotte niyo?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Saglit pa itong nag-isip bago umiling.
"Hindi po Sir. Wala pa pong dumadating na kahit sinong bisita ng mansion." sagot naman nito. Tumingin muna ako sa loob bago tumango.
"GAnoon po ba? Kung ganoon, salamat na lang po. " sagot ko naman at nagmamadali ng bumalik ng kotse.
Mahigpit kong hinawakan ang manibela at mabilis na nagdrive paalis.
Magulo ang isipin ko. Saan ko hahanapin si Charlotte? Alangan naman na umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya? Kung umuwi nga siya doon, malalagot ako nito sa mga byanan ko. Tiyak na malalaman nila ang ginawa ko sa anak nila at sigurado akong kamumuhian nila ako dahil pinagkatiwala nila sa akin ang anak nila.
Muli kong dinampot ang aking cellphone. Tinatawagan ka ng makailang ulit ang number ni Charlotte kaya lang hindi talaga nito sinasagot. Parang gusto kong magwala sa galit.
Dinala ako ng mga paa ko pauwi ng bahay. Kumuha ng alak at pumasok sa loob ng kwarto. Binilinan ko pa ang kasambahay ko na kapag dumating si Charlotte kaagad nila akong katukin.
Hindi ako makakapag-isip ng tama dahil sa nangyari.
Hindi ko na namalayan pa ang pagkalasing ko. Nakatulog ako at muling nagising na madilim ang buong paligid. Walang palatandaan na umuwi si Charlotte kaya mabilis akong nagpalit ng damit at bumalik ng kotse.
Hindi ako pwedeng manatili ng bahay hangat hindi ko siya mahahanap! Baka iyun pa ang ikabliw ko.
Akmang magdadrive na sana ako ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun at hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa ng marinig ko ang boses ni Charlotte sa kabilang linya.
Lahat ng pag-aalala sa puso ko biglang naglaho at napalitan ng galak sa isiping nasa mabuting kalagayan siya.
"Baby nasaan ka ba? Binalikan kita ? kanina sa hospital pero nakaalis ka na daw? Alam mo bang kanina pa ako nag- aalala sa iyo? Sabihin mo sa akin kung nasaan ka, susunduin kita kaagad!" excited kong wika. Nilakipan ko pa ng lambing ang boses ko para maramdaman niya na walang nagbago sa damdamin ko para sa kanya. Ilang oras lang kaming hindi nagkasama pero miss na miss ko na siya. Mahal na mahal ko ito at ipinapangako ko na
itatama ko ang pagkamali kong ito.
Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko dito bago ito sumagot.
"Hindi na kailangan! Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang isang manloloko at walang kwentang lalaki na kagaya mo Peanut!" sagot nito. Ramdam ko ang galit sa boses nito pero hindi ako nagpatinag. May kasalanan akong nagawa sa kanya kaya normal lang na magalit siya sa akin.
"Charlotte naman! Dont do this! Mag- usap tayo..please!" sagot ko. Hindi ito umimik bagkos naramdaman ko ang pagkawala nito sa kabilang linya. Kaagad ko itong tinatawagan pero dini- decline niya ang tawag ko. Katunayan lang na ayaw niya na akong makausap. Kaagad ko namang pinaghahampas ang ma kamay ko manibela ng sasakyan dahil sa matinding galit.
Chapter 358
CHARLOTTE POV
Halos tatlong araw din akong nag-stay ng hospital bago ako pinayagan ng Doctor ko na makalabas. Kaagad akong dumiretso sa condo unit ko na niregalo nila Mama at Papa sa akin noong nakaraang 18th birthday ko. Noong hindi pa ako kasal kay Penaut, ginagawa naming tambayan ito ng mga classmates ko kapag may mga projects kaming dapat tapusin
Hindi ko pa nababanggit kay Peanut ang tungkol sa condo ko na ito kaya safe akong tumira dito hanggang sa tuluyan nang maging maayos ang kalagayan ko.
Wala pa akong balak ng umuwi sa bahay namin ni Peanut. Nag-iipon pa ako ng tapang at lakas ng loob sa muling paghaharap naming dalawa. Mahal ko siya at sa pagkakaton na ito ayaw ko ng pairalin kung ano man ang nararamdaman ng puso ko.
Sariwa pa rin sa puso at isip ko ang gingawa niyang kawalang hiyaan sa akin. Mas pinaburan niya pa ang Maureen na iyun compare sa akin na asawa niya. Hinitayin niya lang talaga na makarecover ako ng tuluyan at magtotoos kami.
Hanggang ngayun, hindi pa rin ako makapaniwala sa mabilis na pagtatapos ng magandang samahan namin ni Peanut. Hindi man lang kami umabot ng isang buwan. Ni hindi pa nga ako masyadong nag-enjoy sa mga bisig niya.
Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga at tumitig sa kawalan.
Hanggang ngayun, nagtatalo pa rin ang kalooban ko kung sasabihin ko ba ito sa pamilya ko. Pero ayaw ko din talagang makaabala sa kanila. Buhay ko ito at dapat lang na harapin kong mag-isa.
Natigil lang ako sa pagmumun-muni ng tumunog ang door bell ng condo unit ko. Tumingin pa sa akin si Nurse Ellaine bago ito naglakad patungo sa pintuan para tingnan kung sino ang nasa labas.
"Miss Charlotte, lalaki po ang nasa labas. Parang siya po yata ang hinihintay niyong bisita." imporma sa akin ni nurse Ellaine habang nakasilip ito sa loophole ng pinto para makita kung sino ang nasa labas.
"Baka ang pinsan ko iyan. Pakibukas na lang ng pintuan." sagot ko. Kaagad naman itong tumalima at kaagad na pumasok si Kenneth habang seryoso ang mukhang inilibot ang tingin sa paligid.
Sa dinami-dami ng pwede kong tawagan, siya ang unang sumagi sa isip ko. Alam kong malaki ang maitutulong sa akin ni Kenneth. Isa pa, alam kong magaling din itong magtago ng sekreto at kahit hindi man kami ganoon ka- closed na magpinsan, alam kong hindi niya ako bibiguin.
"Kenneth!." kaagad kong tawag sa kanya kaya kaagad na dumako ang tingin nito sa akin. Kunot noong naglakad papunta sa akin at naupo sa tapat ko.
"Anong nangyari" Bakit ganyan ang hitsura mo? May sakit ka ba?" sunod- sunod na tanong nito. Hindi ko mapigilan ang maluha at biglang nakaramdam ng awa sa sarili ko. Feeling ko talaga hindi ko deserve na magkaganito eh.
Kaagad naman tumayo si Kenneth mula sa kanyang pagkakaupo at lumapit sa akin at tinabihan ako.
Kaagad naman akong napayakap dito at umiyak ng umiyak sa balikat nito.
"Si Peanut...niluko niya ako!" sambit ko sa kanya. Para akong bata na nagkaroon ng kakampi sa pagkakataon na ito. Kaagad ko namang naramdaman ang paghagod nito sa likod ko kaya naman lalo akong naiyak.
"What happened? Niluko ka niya? Akala ko ba 100% ka ng sure na hindi ka nya sasaktan?" tanong nito sa akin. Kaagad naman akong napakalas sa pagkakayakap dito at pasimpelng pinunsan ang luha sa aking mga mata.
"Iyun din ang akala ko. Pero niluko niya ako. Muntik niya na akong ipahamak dahil sa ex girl friend niya." sagot ko naman. Seryoso itong tumitig sa akin bago malakas na napabuntong hininga.
Si Kenneth ang tinawagan ko dahil sa aming lahat ito ang pinaka-astig. Isa pa, magaling itong magtago ng sekreto. Hindi kasi pwede ang mga ka- triplets ko na sila Charles at Christopher dahil tiyak magsusumbong kaagad ang mga iyun kina Mama at Papa kapag malaman nila kung ano ang nangyari sa akin. Hangat maari, ayaw kong makaladkad sa iskandalo ang pamilya namin dahil lang sa akin.
"Sabi ko naman sa iyo eh...kapag playboy, playboy talaga....hindi dapat pagkatiwalaan. Sa panahon ngayun, mahirap ng makahanap ng tapat at tunay na pagmamahal!" narinig kong pasaring ni Kenneth.
"Oo na...alam ko na iyan..huwag mo ng ulit-ulitin." sagot ko sa kanya habang pigil ko ang sarili ko na muling maluha.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang ipaalam kina Tita at Tito ang problema mo. Mahal ka ng mga iyun at maiintindihan ka nila." muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapatitig dito bago ito sinagot.
"Sabihin na lang natin na ayaw kong makita nila ako sa ganitong sitwasyon. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Isa pa, nandito ka naman eh..tutulungan mo naman ako diba?" sagot ko. Malalim itong napabuntong hininga bago nagsalita.
"Yah..willing akong tumulong sa iyo. Para saan at naging businessman at soon to be lawyer ako kung hindi kita matutulungan sa simpleng problema na ito." nagyayabang pa nitong sagot.
Oo, kahit na nag-aasikaso ito sa mga negosyo ng pamilya mga magulang nito, patuloy pa rin itong pumapasok ng School para matuloy ang pangarap ng maging abogado. Sa aming magpipinsan, si Kenneth din ang may pinakamataas na pangarap. Mayaman naman na sana sila dahil ito na ngayun ang namamahala sa kompanya na naipundar ni Tito Kurt, pero hindi ito nakonteto. Mahilig ito sa mga challenges at marami itong pangarap.
Kinuha ko ang papel na nakapatong sa lamesita at iniabot dito. Kaagad nya namang iyung tinagap.
"Nabuntis ni Peanut ang isa sa mga ex girlfriend niya. Si Maureen! Iyan iyung katunayan, at dahil din sa lintik na papel na iyan kaya muntik na nilang ubusin ang dugo ko." muling wika ko dito. Kaagad naman napakunot ang noo nito at tinitigan ang papel na hawak nito.
"Non- Invasive Prenatal Paternity?" bigkas nito. Kaagaad akong tumango.
"And positive na si Peanut ang ama? Wow? Ang galing na ng technology ngayun ah. Fetus pa lang, nalalaman na kaagad kong sino ba talaga ang Tatay?" muling bigkas nito. Napansin ko pa na pinakatitigan nito ang hawak na papel. Biglang nangunot ang noo nito at tumitig sa akin.
"Napa check mo na ba ang legitimacy ng papel na ito?" maya-maya ay seryoso nitong tanong. Kaagad naman akong umiling.
"Iniabot lang sa akin ni Peanut iyan doon sa hospital. Bakit? May problema ba sa papel na iyan?" tanong ko. Kaagad itong umiling. Seryoso akong tinitigan bago ibinulsa ang papel na ibinigay ko sa kanya.
"Hindi pa ako sure pero titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Siya nga pala..sigurado ka na ba na gusto mo ulit makausap ang Doctor na kasabwat ni Maureen? Ready ka na ba na muli siyang makaharap?" tanong nito. Kaagad akong tumango
"Maraming dugo ang nasayang sa akin kaya siya ang uunahin ko. May magagawa ka ba para maiharap mo siya sa akin?" tanong ko sa kanya. Natawa pa ito bago tumango.
"Of course....huwag kang mag-alala. Ako ang bahala. Magpapatulong ako sa mag ka-fraternity ko para magawa kaagad kung ano ang gusto mo."
nagyayabang na sagot na naman nito. Kaagad akong napangiti. Hindi talaga ako nagsisisi na ito ang nilapitan ko. Alam kong hindi ako bibiguin ni Kenneth.
Chapter 359
CHARLOTTE POV
"Dont worry, willing akong magbayad kahit magkano. Kahit naman hindi pa ako nag-uumpisang mag work, may malaking savings na ako sa banko. Pwede kong bawasan ang mga iyun para mabayaran kita Kenneth." muling wika ko kay Kenneth. Natawa ito at ginulo ang buhok ko. Kaagad naman akong napasimangot.
"Ano ba iyang sinasabi mo na babayaran mo ako? Alam mo, feeling ko hindi ka pa masyadong nagma- matured. Bakit ba ipinakasal ka nila Tita at Tito sa playboy na iyun kung ganiyan pa rin ang takbo ng utak mo?" natatawa nitong wika. Naiinis ko naman itong hinampas sa balikat.
"Nag-ooffer lang ako ng bayad. Alam kong sa panahon ngayun wala ng libre. Isa pa, gusto kong makaganti sa Doctor at Matireen na iyun!" naiinis kong sagot. Halos maluha -luha naman ito sa kakatawa.
Ito ang isa sa mga possitive vibes ni Kenneth. Basagulero pero mabilis patawanin. Malambot din ang puso nito kapag kapakanan na ng pamilya ang pinag-uusapan.
"No need! Hindi naman kita sisingilin eh. Kayang kaya kong gawin ang pinagagawa mo na hindi na kailangan gumastos ng malaki." sagot nito.
"Siya nga pala! Sino siya?" maya- maya bulong nito sa akin. Napasulyap ako kay Nurse Ellaine na noon ay abala sa kusina bago ko muling itinoon ang tingin ko kay Kenneth.
"Siya ang tagapag alaga ko. Nurse iyan sa hospital kung saan ako
pinagkaisahan nila Peanut at nakiusap lang ako sa kanya na sumama sa akin dahil kailangan ko ng may makakasama habang nagpapalakas ako.." kaswal ko namang sagot.
Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi nito habang nakatitig kay Nurse Ellaine bago ibinalik ang attention sa akin.
"Pwede ko ba siyang maging personal secretary ko kapag hindi mo na siya kailangan?" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Basang basa ko na ang mga ganitong galawan ni Kenneth eh.
"Hoyyy! Mabait iya..huwag mo ng pagtripan!" sagot ko. Natawa ito at nagmamdali ng tumayo.
"Basta! Parang iyan na lang din ang maging bayad mo sa akin kapag magawa ko ng maayos ang trabaho na pinapagawa mo sa akin. Kahit nurse siya..pwede pa din siyang maging secretary ko." natatawa nitong sagot.
"Ah basta! Hindi ako papayag. Nurse si nurse Ellaine at sa hospital lang siya pwedeng magtrabaho." kunwari ay seryoso kong sagot sa kanya. Kaagad itong napasimangot at nagmamadaling naglakad papuntang pintuan ng unit ko. Natatawa ko na lang itong nasundan ng tingin.
"Charlotte naman...iyan ang gusto kong kapalit sa pagtulong ko sa iyo eh. "natatawa pa nitong muling wika at nagmamdali ng lumabas ng unit ko. Natatawa ko na lang itong nasundan ng tingin.
Kahit papaano, gumaan nag pakiramdam ko sa presensya ni Kenneth. Ang sarap kasi talaga nitong kausap. Ramdam ko ang pakikisimpatiya niya sa akin kahit loko loko ito. Sabagay, parang kapatid naman na din kasi ang turingan naming magpipinsan. Naging parang " Kuya" ko na din kasi ito habang lumalaki ako.
Naging mabilis ang pag-usad ng araw. Sa wakas, naging maayos din ang kalagayan ko. Sa lahat ng mga nangyari sa aming dalawa ni Peanut, may mahalagang bagay akong na-give up. Iyun ay ang aking pag-aaral.
Yes...tuluyan kong napabayaan ang aking pag-aaral. Hindi na ako
nakakapasok ng School at tangap ko ng mapag iiwanan na ako ng mga kaibigan / classmates ko. Ganoon talaga siguro ang buhay. Hangat hindi ako makakaganti sa mga taong ginwang miserable ang buhay ko, hindi talaga siguro ako makakapg focus sa pangarap ko.
Mabuti na lang at naging smooth ang lahat sa akin. Nandiyan din si Nurse Ellaine na handang umalalay sa lahat ng oras.
"Miss Charlotte, tumawag nga po pala si Sir Kenneth habang naliligo kayo. Gusto niya daw po kayong makausap."
kakalabas ko lang ng kwarto ng bigla akong salubungin ni Nurse Ellaine tungkol sa pagtawag ni Kenneth sa akin. Kaagad naman akong nagpasalamat dito at kaagad na nag return call kay Kenneth.
Wala namang ibang sinabi si Kenneth kundi ang maghanda daw ako. Susunduin niya daw ako at may sorpresa daw siyang gustong ibigay sa akin. Kaagad naman akong naghanda at excited sa pagdating nito.
Simula ng dumating ako dito sa condo ko, hindi na din kasi talaga ako nakakalabas. Si Ellaine ang palaging inuutusan ko tuwing may mga kailangan akong bilihin. Malaking epekto talaga sa kalusugan ko ang ginawang pagkuha sa akin ng dugo noon sa hospital. Hanggang ngayun, masasabi kong hindi pa rin ako totally recovered.
"Are you ready?" kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng dumating si Kenneth. Kaagad akong tumayo sabay tango.
"Anong surprised ba iyan inihahanda mo sa akin?" kaagad na tanong ko sa kanya. Tumitig pa ito sa gawi ni Nurse Ellaine bago ibinaling ang tingin sa akin.
"Malalaman mo din mamaya! Hwag kang atat!" natatawa nitong sagot at nagptiuna ng naglakad palabas ng condo unit ko. Kaagad naman akong napasunod dito.
Nagulat pa ako nang pagkababa namin sa parking area, isang puting van ang naghihintay sa amin. Nahihiwagaan tuloy akong napatitig kay Kenneth. Natawa naman ito habang dahan- dahan na binubuksan ang pintuan at tumampad sa paningin ko ang seryosong mukha ng mga ka-triplets ko. Seryoso ang mga mukha ng mga ito habang titig na titig sa akin.
"Teka lang....a -- ano ang ibig sabihin nito?"
bigkas ko. Kaagad na bumaba si Charles at Christopher mula sa loob ng van at nilapitan ako sabay yakap sa akin.
"Silly girl! Bakit ba kailangan mong ilihim sa amin lahat ng mga nangyari sa iyo? Ganoon na ba kami kawalang kwenta sa paningin mo para isekreto mo sa amin kung ano man ang problema mo?" wika ni Charles sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapahikbi.
"Mukhang astig ka lang Sis, pero mahina ka pa rin. Ikaw ang naunang lumabas sa ating tatlo dito sa mundo kaya mga "Kuya' mo kami na dapat magtatanggol sa iyo sa mga ganitong klaseng sitwasyon." wika naman ni Christopher. Lalo tuloy nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na tuloy malalaman pa kung ano ang sasabihin ko.
"Ssshhhh, tahan na! Gusto mong makaganti diba? Nandito na kami... gaganti ka! Gagawin namin ang lahat para makaganti ka! And regading naman sa tanga mong asawa...kami na ang bahala sa kanya." wika ulit ni Charles na nagpakalas sa pagkakayakap ko dito.
"Alam na din ba ito nila Mama at Papa?
" tanong ko. Sabay naman silang umiling.
"Nope! Nasa Europe siila Mama at Papa ngayun. Remember, tuwing nalalapit ang wedding anniversary nila, nagbabyahe sila abroad kaya kaming bahala sa mga taong nanakit sa iyo Sis. Pagbabayaran nila ang lahat ng ito at simula ngayung araw...mag- uumpisa na tayong maningil." wika ni Christopher.
"Dont worry, walang ibang nakakaalam tungkol dito kundi tayo tayo lang. Paglalaruan natin ang mga taong gumawa nito sa iyo hanggang sa lumuhod sila sa harapan mo Charlotte. "sabat naman ni Charles. Bakas sa boses nito ang panggigil kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.
Sabay pa nila akong inalalayan pasakay ng van. Nagpatianod na lang ako habang hindi ko mapigilan na makaramdam ng excitement sa mga susunod na mangayayari. Kahit na hindi ako ang kumilos...may mga taong kikilos para makaganti ako sa mga nang api sa akin.
Chapter 360
CHARLOTTE POV
Tahimik akong nakatitig sa labas ng bintana ng kotse habang bumibyahe kami ng maagaw ang attention ko ni Kenneth. May iniabot ito sa aking envelope na kaagad ko namang tinangap.
"Ano ito?" tanong ko sabay bukas ng envelope. Hindi naman sumagot na si Kenneth kaya itinoon ko na lang ang attention ko sa laman nito.
Familiar sa akin ang mga papel. Ito iyung Pre-Natal Test na binigay sa akin ni Peanut. Kaagad na napakunot ang noo ko ng mabasa ko kung ano ang nilalaman niyon. Biglang sumikdo ang dibdib ko sa kaba dahil sa pinaghalong emosyon at wala sa sariing napatitig ako kay Kenneth.
"Fake...naisahan na naman ang tanga mong asawa." seryosong wika nito.
Halatang gigil na gigil ito kay Peanut base na din sa expression ng mukha nito habang sinasabi ang katagang iyun. Muli kong tinitigan ang papel nang hindi makapaniwala.
"Gawa-gawa lang ng karibal mo kung ano man ang nakasulat sa papel na iyan. Pinuntahan at nagpa-imbistaga na ako tungkol sa clinic na iyan pero hindi nag-eexist. Lahat ng mga nakasulat diyan ay peke." muling wika ni Kenneth. Hinid ko tuloy maiwasan na mapahigpit ang paghawak ko sa papel. Samot saring emosyon ang biglang naramdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.
"Tingnan mo nga naman. Hindi ko akalain na may pagka-tanga din pala si bayaw. Ang bilis mapaniwala sa isang kasinungalingan. Huwag mo na syang balikan Charlotte ha? Hindi kayo bagay. 11 sagot naman ni ng ka-triplets ko na si Charles. Hindi ko tuloy maiwasan na maluha.
"Ibig sabihin, posibleng hindi anak ni Peanut ang ipinagbubuntis ngayun ni Maureen?" hindi ko maiwasang tanong. Kaagad naman tumango si Kenneth.
"Posible iyun! Nagpaimbistiga na din ako tungkol sa bagay na iyan at maliban sa tanga mong asawa, may iba pang dini-date si Maureen. Isang politiko na may asawa din." sagot ni Kenneth. Kaagad naman akong napatitig dito.
"So, may posibilidad na siya ang Tatay ng ipinagbubuntis ngayun ni Maureen? " sagot naman ni Christopher. Kaagad naman tumango si Kenneth.
"Yes. Posible iyun. Hayyyy, mga babae nga naman. Ang hirap ispelingin. Napaka-unfair nila. Imagine, lahat gagawin makuha lamang ang gusto." muling wika ni Kenneth. Kaagad ko namang pinalis ang luha sa mga mata ko bago ako sumagot.
"Napadalhan niyo na ba ng kopya tungkol dito si Peanut." tanong ko naman. Kaagad naman nagkatinginan ang tatlo bago sumagot si Kuya Charles.
"Hayaan mo siya. Tatanga-tanga at hayaan mo siyang maniwala na magkaanak na sila ng babaeng iyun." wika pa nito. Bakas sa boses nito ang inis kaya naman hindi ko maiwasan na maipikit ang aking mga mata.
Pakiramdam ko biglang sumakit ang ulo ko sa mga nalaman. Pakana pala lahat ito ni Maureen at talagang pinahirapan pa ako ng bruha dahil sa walang kwenta niyang paratang. Humanda talaga siya akin
"Sino ang politikong iyun? Ano ang pangalan ng asawa?" mahina kong tanong. Kaagad naman napatikhim si Charles bago sumagot.
"Bakit? Kalimutan mo na ang tungkol dito. Hayaan mo ang Peanut na iyan na maloko ng isang babae habang buhay. Pagkauwi nila Mama at Papa, ako na mismo ang magkikwento sa kanila tungkol sa ginawa sa iyo ng magaling mong asawa. For sure sila na din mismo ang gagawa ng paraan para makalaya ka sa kasal niyong dalawa ni Peanut." mahaba namang wika ni Charles. Sa kanilang dalawa ni Christopher, mas nararamdaman ko sa kanya na hindi ito boto kay Peanut.
"Charles..please! Hayaan niyo muna akong i-solve ang problemang ito. Huwag niyo munang ipaalam kina Mama at Papa lalo na ngayun na hindi pa ako nakakaganti. Ang tanong ko na lang kasi ang sagutin mo. Ano ang pangalan ng politiko na iyun." sagot ko. Kaagad naman sumabat si Kenneth sabay abot sa akin sa hawak nitong cellphone.
"Panoorin mo na lang. Kung mahilig ka sa politics, mamumukhaan mo ang lalaking kasama ni Maureen sa video." wika pa nito.
Kaagad ko namang naitakip ang kamay ko sa bibig ko habang nakatitig sa naturang video. Walang hiya...si Maureen, may ka-sex na naman? Ibang lalaki at hindi ko kayang panoorin iyun. Wala sariling nabitawan ko ang cellphone na hawak ko at namumutlang nagpaplipat-lipat ng tingin sa tatlo kong kasama na noon ay nagkatawanan na dahil siguro sa reaksyon ko.
"Hindi ko kayang panoorin. Walang hiya..bakit ba ang hilig nilang gumawa ng kahalayan tapos bini-video." sagot ko. Kaagad naman pinulot ni Kuya Charles ang cellphone sa sahig ng kotse. May ngiti sa labi nito habang pinagmamasdan ang video at ilang saglit lang ay naging abala na ito sa kakapindot sa cellphone.
"Make it sure na mai-share mo sa lahat ng social media outlet ang video na iyan. Maghintay lang tayo ng ilang oras at tiyak na may malaking gulo ang sisiklab sa mundo ng showbiz at sa pamilya ng politiko na iyan." natatawa namang wika ni Kenneth. Nagulat ako at kaagad kong tiningnan kong ano ang ginagawa ni Charles at nagulat ako dahli abala nga ito sa kaka-upload.
"Hi-hindi kaya natin ito ikakapahamak?" hindi ko maiwasang bigkas. Malawak ang mundo ng internet at siguro magbibilang lang kami ng minuto at kakalat kaagad ang scandal video na ito lalo na at isang sikat na personalidad ang sangkot nito. Baka din malagay kami sa alanganin kapag magpa-imbistiga ang kampo ni Maureen kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng naturang mga videos.
"Dont worry. Hindi natin ito ikakapahamak dahil cellphone mismo ng Maureen na iyun ang gamit natin ngayun." natatawang sagot ni Kenneth sa akin.
"Ta-talaga? Pati cellphone ni Maureen, nakuha niyo? Paano niyo nagawa iyun?" tanong ko.
"We have our way! Mabilis kumilos kapag may perang involved. Halos naman lahat ng tao na nakapalibot sa kanya, mabilis masilaw sa pera kaya kaunting tapal lang, babaliktad kaagad. "natatawang sagot ni Kenneth.
Parang normal na lang sa kanya ang ginagawa niya. Pwede na palang maging detective itong pinsan ko sa sobrang bilis gumawa ng trabaho. Muli konng tinitigan si Charles habang abala pa rin ito sa cellphone ni Maureen. Patuloy ito sa pag-upload ng video at ilang oras lang ang bibilangin tuluyan ng masira nag reputasyon ng babaeng iyun.
NI wala man lang akong effort na ginawa para makaganti sa Maureen na iyun. Sapat na pala ang mga kapatid ko at pinsan ko na gumawa ng hakbang para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin.
Chapter 361
PEANUT POV
Halos dalawang linggo na akong walang balita kay Charlotte at sa bawat araw na nagdaan ay parang unti-unti akong pinapatay. May mga taong binayaran na din ako para hanapin ito pero wala pa ring balita tungkol sa kanya. Parang bigla na lang itong naglaho na parang bula at ang ipinagtataka ko pa, hindi siya hinahanap ng mga Villarama sa akin. Ibig sabihin lang noon, hindi nagsumbong si Charlotte sa kanila.
Parang gusto kong magpakamatay sa tindi ng pag-usig ng konsensya ko sa akin. Hindi na din ako halos makatulog at makakain.
"Baby! Nasaan ka na ba? Umuwi ka na oh? Miss na miss na kita!" wika ko habang titig na titig sa wedding picture namin. Ilang ulit ko na bang sinasabi ang katagang iyun? Hindi ko na mabilang at para na akong mababaliw dahil sa mga nangyari.
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ako ng mahinang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Kaagad akong tumayo at binuksan iyun at bumungad sa akin ang seryosong mukha ng isa sa mga kasambahay ko.
"May damating pong sulat sa inyo Sir." wika nito sa akin sabay abot sa akin ang isang sobre. Kaagad ko naman iyung kinuha sa kanya at muli kon isinara ang pintuan ng kwarto.
Muli akong naupo ng kama habang binubuksan ang sobre na naglalaman ng sulat.
Pagkabukas ko sa sobre kaagad na napakunot ang noo ko ng may mapansin akong isang familiar na papel. Ito iyung papel na ibinigay sa akin ni Maureen na ibinigay ko din kay Charlotte. Ang Pre Natal DNA Test at sa likod ng papel ay may nakatatak na katagang "fake result, clinic doesn't exist!".
Parang biglang nanlaki ang ulo ko sa mga nabasa. Pinakatitigan ko pa ang papel habang pilit na mini-memorized sa isip ko ang address ng naturang clinic na nagsagawa ng DNA test.
Kinuha ko ang susi ng aking kotse at hawak pa rin ang naturang papel, mabilis akong lumabas ng kwarto at diretso sa aking kotse at nagdrived paalis.
May gusto lang akong i-verify. Kung talgang fake ang papel na ibinigay sa akin ni Maureen, malinaw pa sa sikat ng araw na naloko niya ako at si Charlotte ang nag suffer dahil doon. Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa salamin ng bintana ng kotse ko dahil ngayun ko lang narealized kung gaano ako ka-tanga.
Mabilis akong nakaratating sa address na nakasulat sa papel. Nagtanong - tanong pa ako sa mga katabing istablishemento at hinanap ang clinic na nagsagawa ng DNA Test. Kahit sinuyod ko na ang buong lugar, walang makapagturo kaya naman lulugo-lugo akong naglakad pablalik ng aking kotse.
"Shit! Naisahan ako ni Maureen? Niloko niya ako?" bigkas ko habang nanlilisik ang aking mga mata na nakatitig sa Pre Natal DNA Test! Hindi kayang tangapin ng kalooban ko na naluko ako ng isang walang kwentang babae at ang malala pa nito, iyun ang naging dahilan kung bakit hindi ko mahanap-hanap ngayun si Charlotte.
Mabilis kong ipinaarangkada ang sasakyan paalis ng lugar. Ayaw kong magsayang ng oras. Pupuntahan ko si Maureen at magtotoos kami. Hindi ako papayag na hindi siya mabigyan ng leksiyon dahil sa ginawa niyang ito sa akin. Hindi ako papayag na lokohin niya ako ng ganoon ganoon na lang.
Dumiretso ako kung saan posibleng nandoon si Maureen sa mga oras na ito. May sinu-shoot ito ngayun na isang teleserye sa isa sa mga sikat na pasyalan sa Manila. Hindi na ako makapaghintay pa. Pupuntahan ko siya at matitikman niya ang galit ko.
"Halos paliparin ko ang aking kotse habang hindi malaman kung paano ilalabas ang galit ng kalooban ko. Pakiramdam ko pa nga, makakapatay ako ng tao dahil sa tindi na emosyon ko ngayun.
"Baby, promise...igaganti kita..... Kukunin ko sa Maureen na iyun kung ano man ang nawala sa iyo." sambit ko pa habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa manibela. Hindi ko na nga namalayan pa ang patulo ng luha sa mga mata ko.
"Alam ng Diyos kong gaano kita na- miss Baby. Please umuwi ka na. Umuwi ka na Charlotte!" sambit ko pa at kung hindi ko kaagad naapakan ang brake ng kotse ko baka sumalpok na ako sa kasunuran ko. Nanlalabo na kasi ang mga mata ko dahil sa luha.
Mas dobleng sakit ang nararamdaman ng puso ko ngayun lalo na ngayung nalaman ko kung paano ako pinaikot ni Maureen at ang naging kabayaran ay posibleng tuluyang mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Si Charlotte
Pakiramdam ko hindi na ako makakatagal pa sa ganitong sitwasyon. Kailangan ko siya. Ayaw kong masayang lahat ng effort at pinaghirapan ko na maging asawa ko siya. Hindi ko kayang tangapin na mawawala siya ng tuluyan sa akin. Baka iyun pang ikabaliw ko!
Pagdating sa lugar kung nasaan ang shooting ni Maureen pabalagbag kong ipinark ang aking kotse at mabilis na naglakad kung saan makikita ang mga umpukan ng mga productions at artista.
Napansin ko pa na nagkakagulo sa set kaya mabilis akong naglakad patungo doon. Kaagad pa nga akong sinalubong ng isa sa mga staff at kaagad na may ibinalita sa akin
"Boss Peanut, mabuti naman at nandito ka. Iyung fiance mo, si Maureen...binubugbog ng isang babae." taranta pa nitong wika. Kaagad na napakunot ang noo ko at naglakad palapit at laking gulat ko dahil hila- hila ng isang babae ang buhok ni Maureen na noon ay hindi makapanlaban dahil may nakahawak sa kanya na dalawang lalakin na kung hindi ako maaring magkamali mga kasamahan din ng babaeng pulang pula ang mulkha dahil sa galit
"Walang hiya ka! Ilang beses na kitang binalaan na tantanan mo ang asawa ko, pero makati ka pa rin! Papatayin kita at wala akong pakialam kung buntis ka!": Wika ng babae na kaagad na nagpalito sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin?
Tumitig pa ako sa direktor na noon hindi din malaman-laman ang gagawin. Ngayun ko lang din napansin na maraming kasama ang babaeng halos lumabas na ang litid sa leeg dahil sa galit. Mukhang malaking tao din ito base na din sa mga bodygurads na kasama.
"Siya pala ang asawa ni Congressman? Haysst, makati kasi talaga iyang si Maureen kaya bagay lang sa kanya iyan! "narinig ko pang wika ng isa sa mga staff ng production na nagpakuyom sa kamao ko.
Chapter 362
PEANUT POV
Hindi ako makapaniwala na nagawa akong paikutin ng isang babae. Kilala akong playboy pero masakit pala kapag maloko ka ng isang babae na minsan mo din pinaikot at baka siya pa ang
dahilan kung bakit nagkakasira kami ngayun ni Charlotte. Ang asawa ko na hanggang ngayun hindi ko alam kung nasaan na.
"Peanut, help! Baliw ang babaeng iyan. Pinagbibintangan niya ako!" pang- hihingi ng tulong ni Maureen sa akin. Napansin na nito ang presensya ko kaya naman mabilis ko itong nilapitan at kaagad naman itong binitiwan ng dalawang lalaking may hawak dito samantalang ang babaeng galit na galit kay Maureen ay ako naman ang hinarap.
"Ipagtatangol mo siya? Hindi mo ba alam kung gaano kalandi ang babaeng iyan? Inakit niya ang asawa ko kaya naman may kalalagyan siya sa akin." galit pang wika nito. Nanlilisik ang mga matang dinuro-duro niya ulit si Maureen na kaagad namang lumapit sa akin at akmang yayakapin ako kaya lang kaagad kong tinangal ang kamay nito at nandidiri na lumayo sa kanya. Kita ang pagkagulat sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Peanut, maniwala ka sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Huwag kang maniwala sa kanya! Inosente ako!" wika ni Maureen kasabay ng pag uunahan sa pagpatak ang luha sa kanyang mga mata. Kung hindi ko lang alam ang karakas nito, baka maniwala na ako sa drama niya. Pero iba na ngayun, hindi na ako papayag na patuloy niya akong paiikutin sa kanyang mga palad.
"Anong ibig nitong sabihin Maureen?
Akin ba talaga ang batang nasa a
sinapupunan mo? Bakit ka gumawa ng pekeng Pre Natal DNA Test." nang uusig na wika ko sa kanya. Pigil ko ang sarili ko na saktan ito lalo na at maraming mga matang nakamasid sa amin. Kita ko naman ang pagkagulat sa mga mata ni Maureen ng marinig niya ang sinabi ko. Hindi ito nakaimik at kita ko ang pamumutla niya.
"Malandi ang babaeng iyan at hindi dapat pagkatiwalaan. Ang kati naman talaga niya! Sinabi niya din sa asawa ko na siya ang ama ng batang nasa sinapupunan niya!" galit naman na sigaw ng babae. Mabilis itong nakalapit kay Maureen at kaagad na binigyan ng mag asawang sampal. Kahit naman harap-harapan ng sinasaktan si Maureen, wala na akong pakialam pa. Kung talagang manloloko siya, dapat lang sa kanya ito.
Ngayun ko lang lubos na napatunayan na malabo pa sa sikat ng araw na ako ang ama ng bata. Pinaglaruan lang ako ni Maureen at hindi lang ako ang itinuro niyang ama ng kanyang ipinagbubuntis kundi pati na din ang asawa ng babaeng galit na galit ngayun
"Ano ba! Tumigil ka na! Inuubos mo talaga ang pasensya ko! Wala kaming relasyon ng asawa mo dahil may fiance na ako!" galit naman na sigaw ni Maureen. Naramdaman ko pa ang pagkapit nito sa akin habang umiiyak. Kaagad ko namang pinalis ang kamay nito at muling lumayo sa kanya. Kahit na patayin pa siya ng babaeng kaharap niya ngayun wala na akong pakialam pa.
"Walang relasyon? Kung talagang wala kayong relasyon ng asawa ko bakit may mga kumakalat ng video online sa mga kalaswaan niyo?" muling sigaw ng babae at kaagad na sininyasan ang kanyang isang kasama at iniabot dito ang isang makapal na printed papers at inihagis sa pagmumukha ni Maureen. Wala sa sariling pinulot ko ang isa sa mga larawan at pinakatitigan kasabay ng pagtitig ko ng masama kay Maureen.
Lalong napaiyak si Maureen. Nag- uumpisa na din akong makarinig ng pangungutya sa buong paligid patungkol sa kanya. Na kesyo manloloko, malandi at p ^ ****k .
Maliwanag pa sa sikat ng araw kung anong klaseng babae siya. Nandito na ang ibidensya at may gana pa siyang magkaila ngayun. Kita ko naman kung paano nataranta si Maureen habang isa isang pinupulot ang mga nagkalat na mga larawan sa sahig.
"Hindi totoo ito! Gusto mo lang akong siraan sa fiance ko!" umiiyak na wika ni Maureen sa babae habang masama din ang tingin sa kanya.
"Talagang nag effort ako na pina-print ang mga larawan na iyan kahit nagkalat na online ang kalaswaan mo dahil gusto ko magtago ng ebidensya laban sa inyo ng asawa ko. Mga manloloko kayo! Mga immoral! Tingnan ko lang kung pagkatapos ng araw na ito, may mukha ka pang ihaharap sa mga tao. Artista ka pa man din at asahan mo na magsasampa ako ng kaso dahil sa mga kawalang hiyaan na ginawa niyong dalawa ng asawa ko!
"galit na wika ng ginang.
"Video? Anong video?" wala sariling tanong ni Maureen. Hindi ko naman alam kung anong video ang tinutukoy nila kaya kaagad akong natingin sa mga staff ng production at may isang matapang na lumapit sa amin.
"I think kaka-upload lang ng mga video's na ito. Look, Boss Peanut! Hindi po bat si Maureen itio?" wika pa nito sa akin sabay pakita sa hawak niyang cellphone. Kaagad ko namang tinitigan iyun at lalo akong nagulat ng makumpirma ko na si Maureen nga ang nasa video. Familiar sa akin ang mukha ng lalaking kaniig nito at mukhang ang kaharap namin ang asawa dahil halos umuusok ang mga mata nito sa galit.
"Yes...ang malanding iyan ang nasa video kasama ang asawa ko! Hindi bat napaka-immoral nila? Hindi ko alam kung saan humuhugot ng kakapalan ng mukha ang babaeng iyan para pumatol sa kung kani-kaninong lalaki.
Nagkagulo ang pamilya ko dahil sa kanya kaya papatayin ko siya!" galit na wika ng babae at akmang susugurin ulit si Maureen pero may biglang dumating na lalaki para umawat.
Kung hindi ako nagkakamali, ito iyung lalaking kaniig ni Maureen. Napansin ko kasi kaagad ang reaction ni Maureen ni ng makalapit ito. Bahagya pa itong tumalikod at pilit na itinatago ang
kanyang mukha.
"Bitiwan mo ako! Malandi ang hitad na iyan at papatayin ko iyan!" galit naman ng sigaw ng babae. Pero wala na siyang nagawa pa nang hilahin siya palayo ng lalaki at mabiilis na dinala sa nakahintong sasakyan.
Kaagad naman sumunod ang mga kasamahan nitong mga bodyguards samantalang naiwan naman si Maureen sa harap ko na hindi malaman ang gagawin.
"Peanut, hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Maniwala ka sa akin, inosente ako at ikaw lang ang lalaking minahal ko!" nagmamakaawa nitong wika sa akin habang patuloy sa pag-iyak. Kaagad kong naikuyom ang kamao ko at nginisihan ito.
"Ganoon na ba ako katanga sa paningin mo para maniwala sa iyo? Maureen, hindi ako ipinanganak kahapon para maniwala sa sinasabi mo ngayun. Tandaan mo, oras na may mangyaring masama kay Charlotte, babalikan kita at ako mismo ang pipilipit sa leeg mo hanggang mawalan ka ng hininga." pagbabanta na wika ko dito at mabilis itong tinalikuran. Naiwan naman itong nag iiyak habang sinisigaw ang pangalan ko.
"Peanut! Mahal kita! Mahal na mahal! Maniwala ka naman sa akin!:" dinig ko sa kanya pero wala na akong pakialam pa. Simula ngayung araw, pinuputol ko na ang ugnayan kahit sa kaninong babae at tanging kay Charlotte ko lang itotoon ang attention ko.
Chapter 363
CHARLOTTE POV
Hindi ko maiwasang mapaismid habang nakatitig sa mga kaganapan sa shooting nila Maureen. Kitang kita ko kung paano sabunutan ng babaeng asawa ng politiko si Maureen at ipahiya sa lahat. Para lang akong nanonood ng live na teledrama habang patuloy sa paguhit ang masayang ngiti sa labi ko.
Tama ang mga kapatid ko at si Kenneth. Minuto lang ang bibilangin namin at kaagad na kumalat ang mga scandals na ini-upload nila. Politiko at aktres ba naman ang sangkot kaya talagang pinag uusapan ito sa social media.
Napawi lang ang ngiti sa labi ko ng mapansin ko ang pagdating ni Peanut. Halos dalawang lingo ko din itong hindi nakita kaya inaamin ko sa sarili ko na sobrang na-miss ko siya. Pakiramdam ko may kung anong matulis na bagay ang biglang tumusok sa puso ko habang pinagmamasdan ito habang naglalakad palapit sa
nagkakagulong si Maureen at ang legal wife ng politiko na kasama niya sa sex scandal.
"Wow! Double kill! Nandito din pala ang tanga mong asawa Charlotte."
madiiin na bigkas ni Charles. Bakas sa mga mata nito ang galit habang nakasunod ang tingin kay Peanut at akmang bababa pa ito ng kotse pero bigla ko itong hinawakan.
"Please..huwag ka ng makialam. Hayaan na muna natin sila."
nakikiusap kong wika. Tinitigan muna ako nito bago dahan-dahan na tumango kaya muli kong itinoon ang aking attention sa gulo na nangyayari sa labas.
Kung hindi lang siguro dumating ang asawa ng babaeng nagwawala baka hindi lang bugbog ang inabot ni Maureen. Masyado na din talagang nagkakainitan at hindi ko maiwasan na magtaka dahil hindi man lang nagtangkang ipagtanggol ni Peanut si Maureen laban sa babaeng ipinaglihi yata sa tigre dahil sa sobrang tapang. Wala ding pakialam ang mga taong tahimik lang na nanonood sa gulo. Baka natatakot din silang makialam dahil mukhang hindi basta bastang tao ang babaeng nagwawala. Marami itong kasama at mukhang ready talaga na sumabak sa giyera.
"Wow! Dumating si Congressman! Feeling ko pati career sa pulitika niyan, sirang sira na din. Nakipag-relasyon ba naman sa isang starlet at collector ng mga lalaki eh." tatawa-tawa pang wika ni Kenneth. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko kung
matutuwa or malulungkot ba ako sa mga nakikita kong gulo.
"Ito ba iyung surpresa na ipinagmamalaki niyo sa akin?" hind ko mapigilang tanong habang titig na titig kay Peanut. Hindi ko masyadong maaninag ang kabuuan nito pero pansin ko na parang nangangayayat ito. Hindi lang ako sure dahil medyo malayo itong kinaroroonan namin sa kanya.
"Siyempre...isa lang ito sa mga surpresa na inihanda namin sa iyo. Bahala na ang mga tauhan ko sa Maureen na iyan...punta tayo sa pangalawang supresa namin sa iyo." nakangising wika ni Kenneth at sininsyasan nito ang driver na magmaneho na kaagad naman
tumalima.
Sa isang medyo malayong lugar kami napadpad. Malayo sa kabahayan at maayos naman ang kapaligiran. Pumasok kami sa isang bahay na may mataas na bakuran at kung sisipatin sa labas ay hindi makikita ang loob. Kung talagang privacy ang pag-uusapan, talagang magkakaroon ng privacy kung sino man ang may ari ng lugar na ito.
"Kaninong bahay ito?" hindi ko maiwasang tanong ng tuluyan ng pumasok ang kotse sa loob ng bakuran at nag uumpisa ng magsibabaan ang mga kasamahan ko.
"Akin...Ibinenta ito sa akin ng kaibigan ko a year ago. Binili ko na lang dahil maganda ang lugar at kumpleto na sa mga kagamitan." sagot ni Kenneth. Bakas sa boses nito ang pagiging proud.
Wow lang..as in wow! Sa batang edad nito, may mga investments at mga property na pala itong naipundar. Mukhang sa aming magpipinsan ito yata ang mas seryoso sa lalong pagpapayaman.
Nagulat pa ako dahil may basement ang naturang bahay at doon kami dinala ni Kenneth. Ngiting ngiti pa ito sa akin habang itinuturo niya ang sorpresa na kanina niya pa ipinagmamalaki.
"Doctor Carlos?" hindi ko maiwasang bigkas. Gulat na gulat ako lalo na ng mapansin ko na mukhang binugbog muna ito bago iginapos sa isang sulok habang wala pa yatang malay tao.
"Na surprised ka ba? Dont worry, nagfile na din kami ng kaso sa Medical Association. Lalakarin natin na matangalan siya ng lisensya at tuluyang maghirap." sagot naman ni Charles. Hindi pa rin ako makapaniwala habang titig na titig kay Doctor Carlos na walang malay tao.
"Hi-hindi kaya tayo mapapahamak nito? I mean paano kung ireklamo niya tayo? Kidnapping itong ginawa natin sa kanya. Labag sa batas at baka balikan niya tayo at baka ito pa ang dahilan ng pagkakakulong natin." sagot ko. Kaagad ko namang naramdaman ang pabirong pagpingot ni Christopher sa tainga ko. Naiinis ko naman itong tinitigan.
"Alam mo napaka-advance mong mag isip. Akala ko ba matapang ka?" Natatawa pa nitong wika. Kaagad akong napasimangot.
"Huwag mong isipin iyan Charlotte. Kami ang bahala. Hindi tayo mababalikan ng gagong iyan dahil puputulan natin ng dila, paa at kamay ang taong iyan." tatawa tawang wika ni Kenneth. Parang normal lang sa kanya ang sinasabi niyang iyun pero sobrang kinikilabutan ako.
Willing ba sila na maging kriminal dahil sa akin? Shocks! Hindi ako
papayag.
"Gawin mo sa kanya lahat ng gusto mong gawin hanggang sa makaganti ka. Huwag mong isipin ang tungkol sa batas at rekamo ng gagong iyan dahil kami na ang bahalang gumawa ng paraan tungkol diyan." wika ni Kenneth sabay senyas nito sa isang lalaking may dalang timba na may lamang tubig at walang sabi-sabing ibinuhos kay Doc Carlos na kaagad naman nagising.
"Its showtime! Go Charlotte, kaya mo iyan. Kapag wala kang gagawin sa kanya, kami na lang tatlo ang magpaparusa sa kanya hanggang sa mawalan siya ng hininga." wika naman ni Charles habang mabilis ang hakbang na nilapitan si Doc Carlos na noon ay nag-uumpisa ng magmakaawa.
"Hindi ko kayo kilala. Maawa kayo sa akin. Huwag niyo akong saktan." wika nito habang umiiyak. Nakikita ko ang sobrang takot sa hitsura nito kaya hindi ko maiwasan na maikuyom ang kamao ko lalo na ng maalala ko ang ginawa niya sa akin sa hospital.
Halos ubusin niya ang dugo ko na siyang muntik ko ng ipahamak at naging dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ng school kaya hindi din naman ako papayag na hindi ako makaganti sa kanya. Doctor siya at hindi siya dapat gumawa ng kahit na anong hakbang na posibleng ikakapahamak ng kanyang pasyente.
Chapter 364
CHARLOTTE POV
"Paanong wala kang kasalanan? Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo sa kapatid ko? Ha?" galit naman na sagot ni Charles kay Doc Carlos at binatukan pa ito.
"Kapatid? Sinong kapatid? Wala akong kasalanam...hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyo!" sagot nito. Dahdan dahan naman akong naglakad palapit sa kanila at kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata ni Doc Carlos ng mapansin niya ako.
"Alam mo na siguro kong sinong kapatid ang tinutukoy nila diba?" seryoso kong tanong sa kanya. Lalo naman itong namutla habang titig na titig sa akin.
"Totoong isa kang Villarama? Patawad! Hindi ko alam. Wala akong alam!" sagot nito. Nginisihan ko naman ito at binalingan si Kenneth.
"Bigyan niyo ako ng gamit sa pagkuha ng dugo. Kung gaano kadami ng dugo ang nakuha niya sa akin noong gabing iyun, ganoon din ang kukunin ko sa kanya ngayun." nakangiti kong wika. Nagkatinginan pa ang tatlo bago dahan dahan na tumango.
"Sure..magpapabili ako. Mukhang exciting ito!" Sagot ni Kenneth at kaagad na may tinawagan. Samantalang hindi naman makatingin ng diretso sa akin si Doc Carlos.
"Miss, maniwala ka sa akin. Wala akong alam. Inutusan lang ako ni Maureen at dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya, wala akong choice kundi pagbigyan siya!" wika pa nito.Kaagad ko naman itong nginisihan.
"Okay...naiintindihan ko! Pero sana, maintindihan mo din ang gagawin ko sa iyo ngayun." sagot ko sa kanya at naglakad palayo dito. Hihintayin ko ang mga kagamitan na iniutos ko kay Kenneth at itutuloy ko na ang balak ko sa Doctor na iyun. Walang labis, walang kulang. Dugo ko ang kinuha niya kaya iyun din ang hihingiin kong kabayaran sa kanya.
"Are you sure na iyan lang ang gagawin mo sa kanya? Magdo-Doctor ka din diba? Pwede mo siyang pagpraktisan! Tanggalan mo siya ng laman loob at idonate natin sa mga nangangailangan " nakangising wika pa sa akin ni Charles. Masyadong brutal ang suggestion nito at hindi ko kayang gawin. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para pumatay ng taong kagalit ko.
Parang kinukumbinsi ako nitong maging kriminal. Kulang na lang na sabihin sa akin na patayin ko si Doc Carlos na hindi ko naman kayang gawin. Ayaw kong mabahiran ng pagiging criminal ang mga kamay ko noh?
"Ayos na sa akin na ibalik sa kanya ang ginawa niya sa akin." sagot ko naman at naupo sa isang bakanteng upuan. liling iling naman na pinagmasdan lang din ako ni Charles at naupo na din ito sa tabi ko. Samantalang si Christopher naman at Kenneth ay mukhang may seryosong pinag - uusapan sa hindi kalayuan sa amin.
"Kung ako lang ang masusunod, gusto kong ibaon sa hukay ang taong iyan. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa iyo kaya kung ano man ang nais mong gawin sa kanya, nasa likod mo lang kami palagi." wika nito sa akin. Kaagad naman akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na lungkot sa puso ko.
Bakit nauwi sa ganito ang lahat? Sa totoo lang, hindi ito ang pangarap ko at ang gusto ko lang naman ay tahimik at masayang buhay. Wala akong balak na mandukot ng tao para maghiganti. Hindi ako dating ganito at nagiging maayos naman akong mamayan pero bakit parang sinusubukan yata ako ng tadhana.
Kung hindi sana kay Peanut at sa Maureen na iyun hindi sana ako aabot sa ganitong sitwasyon. Hindi sana ako nakakaramdam ng sobrang lungkot ngayun.
Hindi ko maiwasang maluha na kaagad naman napansin ni Charles.
"What? May masakit ba sa iyo? Bakit ka umiiyak?" nag aalala nitong tanong sa akin. Kaagad naman akong umiling.
"Wala, ayos lang ako. Naguguluhan lang ako sa mga nangyari sa buhay ko." sagot ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Charlotte, kung ano man ang magiging desisyon mo pagkatapos nito, handa kaming suportahan ka! Wala kaming ibang hangad kundi magiging maayos ang buhay mo!" wika nito sa akin. Lalo naman akong naluha.
"Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako. Ang sakit ng ginawang panloloko sa akin ni Peanut. Kung saan naman tuluyan ko na siyang pinagkatiwalaan tsaka naman niya ako
niluko!" sagot ko sa kanya.
"Dont worry! Bata ka pa naman at makakalimutan mo din ang mga nangyari sa iyo ngayun. Huwag kang mag alala. Ako ang bahala. Ako ang kakausap kina Mama at Papa tungkol dito." sagot naman ni Christopher. Tapos na siguro sila mag-usap ni Kenneth kaya muli itong lumapit sa amin.
"No! PLease, huwag niyo na itong banggitin kina Mama. Ayaw kong pati sila mag-alala pa sa akin." sagot ko. Pagkagulat ang rumihistro sa mukha nila Charles at Christopher kaya muli akong nagsalita.
"Sana maintindihan niyo ako. Promise, aayusin ko ito." sagot ko naman. Nakakaunawa namang tumango ang dalawa kong kapatid kahit na alam kong labag sa kalooban nila ang sinabi ko ngayun.
Ewan ko ba! Basta, natatakot din kasi ako na malaman nila Mama at Papa ito. Sa kaloob looban ng puso ko natatakot ako na baka ikapahamak ito ni Peanut. Tiyak na babalikan ng mga magulang ko si Penaut at mahihirapan talaga akong pigilan sila.
Kahit naman niluko ako ni Peanut, hindi ko din naman hinagad na mapahamak ito. Mahal ko eh at kahit masakit, palalayain ko na siya.
Naging mabilis ang pag usad ng oras.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na makailang ulit ko ng tinusok ng karayom ang kamay ni Doc Carlos para kunan din ng dugo. D*******g ito sa sakit pero wala na akong pakialam pa. Gusto kong ibuhos lahat ng galit at pagkadismaya na nararamdaman ng puso ko ngayun.
Masamang maghiganti, pero kung ito naman ang ikakaluwag ng puso ko, gagawin ko. Sana lang pagkatapos nito, magkaroon na ng katahimikan ang puso ko.
"Babalikan ko kayo! Tandaan niya iyan! Wala akong pakialam kung anak man kayo ng mga makapangyarihang tao! Bawal sa batas itong ginawa niyo at ipakukulong ko kayo!" wika ni Doc Carlos. Hindi ito makagalaw dahil nakagapos ito habang patuloy sa pagdaloy ang kanyang dugo patungo sa blood bag.
"Iyan kung makakalabas ka pa ng buhay dito sa hideout namin!" sagot naman ni Kenneth at tinapik tapik pa ang pisngi ni Doc Carlos.
"Tandaan mo Carlos...pagkalabas mo dito, sisiguraduhin namin na wala ka ng babalikan. Ikaw ang idedemanda namin dahil sa ginawa mo sa kapatid ko. Ikaw ang mabubulok sa kulungan! Kayong dalawa ng kasabwat mong si Maureen, kaya kong ako sa iyo, maging cooperative ka sa amin. Kung gusto mo mabuhay, magpakabait ka!" nakangisi namang wika ni Christopher. Natigilan naman ang Doctor at tumitig sa akin
"Ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako. Hindi ako ang dapat niyong balikan kundi si Maureen. Ang kasalanan ko lang ay naging tanga ako at sumunod sa utos niya. Please, tama na..mahina ang puso ko at bawal itong ginagawa niyo sa akin. Promise, lahat ng gusto niyo susundin ko! Hayaan niyo lan akong mabuhay!"
wika nito na kaagad namang nagpangiti sa akin. Binunot ko ang karayom na naka-connect sa ugat nito para matigil na ang pag extract ng dugo sa kanya. Baka mamatay ito at maging kriminal pa ako ng wala sa oras.
"Lahat ng gusto ko gagawin mo? Sigurado ka ba?" tanong ko. Kaagad naman itong tumango
"Okay...mabilis akong kausap eh...pero oras na hindi ka tumupad sa pangako mong ito ngayun, gagawin ko ulit ang ginawa ko sa iyo ngayun at wala na akong pakialam pa kung ikamatay mo man iyun." seryoso kong wika sa kanya. Nag aalangan naman itong tumango. Nababasa ko ang takot sa kanyang mukha kaya lalong nagdiwang ang kalooban ko.
Chapter 365
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kong makipag deal kay Doc Carlos kaagad namin itong iniwan para makapag pahinga muna.. Ayaw pa nga sanang pumayag ng mga kapatid ko pero wala na din silang nagawa pa dahil iyun ang gusto ko. Si Doc Carlos ang pakikilusin ko para makaganti ako kay Maureen. Mas masakit iyun dahil magkamag anak sila.
Muli akong hinatid nila Kenneth at mga kapatid ko sa condo. Umalis din naman kaagad sila pagkahatid sa akin kaya imbes na dumiretso sa unit ko kaagad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay ni Peanut.
"Yes, sa bahay ni Peanut kung saan magiging tirahan ko na din sana kung hindi niya lang ako niluko! Alam kong katangahan itong gagawin ko pero hindi na ako makapaghintay pa para komprontahin ito. Gusto ko siyang makausap para personal ng makipag hiwalay sa kanya. Gusto ko na din tapusin ang kasal namin.
Pagkahinto ng taxi sa tapat ng bahay ni Peanut kaagad akong bumaba. Binuksan ang gate ng bahay at mabilis na pumasok sa loob.
Nagulat pa ang isa sa mga kasambahay na si Manang ng mapansin niya ang presensya ko. Kaagad na lumapit sa akin at kinumusta ako.
"Mam Charlotte? Naku, salamat naman po at umuwi na kayo. Si Sir Peanut po kasi, walang ibang ginawa kundi ang uminom ng alak. Halos hindi na kumakain at kayo na lang palagi ang hinahanap!" kaagad na pagbabalita ni Manang. Nagulat naman ako. Hindi kasi ito ang inaasahan kong maging balita tungkol kay Peanut.
"Nasaan po siya Manang?" tanong ko.
"Nasa kwarto po. Wala naman po siyang ginawa kundi magkulong sa kwarto Mam!" sagot nito. Kaagad ko naman itong tinanguan at mabilis ng umakyat ng hagdan at dahan-dahan na naglakad patungong kwarto.
Sa totoo lang, magkahalong damdamin ang bumabalot sa puso ko.
Kinakabahan ako na na-eexcite na muling makita si Peanut. Halos dalawang linggo din akong hindi nagpakita sa kanya at sobrang namiss ko siya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago dahan-dahan na binuksan ang pintuan ng kwarto. Amoy alak ang kaagad na sumalubong sa pang amoy ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Baby? Ikaw ba iyan? Umuwi ka? Sabi ko na nga ba eh, hindi mo talaga ako matitiis." wika pa nito na kaagad tumayo at pasuray-suray nang naglakad palapit sa akin.
Biglang nanigas ang buo kong pagkatao ng bigla ako nitong yakapin at paghahalikan sa mukha.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Ang baho mo! Amoy alak ka!" gigil kong sigaw sa kanya at malakas itong itinulak. Dahil sa ispiritu ng alak mabilis lang akong nakawala sa kanya habang tulala itong napatitig sa akin.
"Baby sorry na! Hindi ko sinasadya ang mga nangyari! Patawarin mo ako!" wika nito sa akin habang ramdam ko sa boses niya ang pagsisisi.
"Maghiwalay na tayo!" malamig na wika ko sa kanya. Kaagad na gumuhit ang pait sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Galit ka pa rin sa akin? Sorry na Baby! Promise, hindi ko na uulitin. Oo, ang tanga-tanga ko pero huwag mo na akong iiwan. Promise, babawi ako sa iyo. Pwede mong gawin lahat sa akin, mapawi lang ang galit na nararamdaman ng puso mo huwag mo lang akong iiwan." wika pa nito sa akin at akmang lalapit ulit pero mabilis akong nakaiwas. Naiinis ko itong tinitigan.
"Kahit sino, magagalit sa ginawa mo Peanut! Alam mo bang muntik ko ng ikamatay ang ginawa niyo sa akin ng Maureen na iyun? Umuwi ako dito hindi para makipagbati sa iyo. Umuwi ako dahil gusto ko ng makipaghiwalay sa iyo at bukas na bukas din, magpa- file ako ng divorce or legal separation sa iyo!'" galit kong wika sa kanya at kaagad na naglakad papuntang pintuan ng kwarto pero mabilis itong humarang doon. Ni lock niya pa iyun kaya kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa inis.
"Hiwalay? No! Hindi ako papayag.
Galit ka lang kaya nasasabi mo iyan pero pangako, hind na mauulit ang ginawa ko sa iyo Baby! Promise, babawi ako! Pwede mong gawin lahat ng gusto mo sa akin. Pwede mo din akong alipinin hanggang sa mawala ang galit sa puso mo." seryosong sagot nito. Ramdam ko ang pagsisisi sa boses nito kaya kaagad akong napaismid.
"Nakapagdesisyon na ako at wala kang magagawa kung gusto ko ng putulin kong ano man ang ugnayan natin. Sa sobrang laki ng kasalanan mo sa akin, hindi iyun mawawala sa simpleng " Sorry" lang Peanut!" sagot ko naman. Malalim itong napabuntong hininga at mabilis na naghalungkat sa drawer. Nagulat na lang ako dahil may inilabas itong cutter blade at mabilis na naglakad palapit sa akin.
"Baby, alam ko naman na walang kapatawaran ang ginawa ko sa iyo, pero maniwala ka sa akin...sobrang pinagsisisihan ko ang lahat. Mahal na mahal kita at handa kong ibigay ang buhay ko sa iyo...here, saktan mo ako.. kung gusto mo patayin mo ako gamit nito gawin mo! Mabayaran ko man lang ng kahit kaunti ang kasalanan na nagawa ko sa iyo....dahil kapag iiwan mo ako ng tuluyan, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin." madamdaming wika nito sa akin at hinwakan ang isang kamay ko at ipinatong doon ang cutter. Tulala naman akong napatitig sa mukha ni Peanut.
Mukhang napabayaan talaga nito ang kanyang sarili. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya kaninapero ngayun ko lang na-kumpirma na sobrang haggard ng hitsura nito. Medyo mahaba na ang balbas nito na ngayun ko lang nakita sa kanya. Humpak ang pisngi at mukhang ang laki na talaga ng ipinayat niya.
"Alam mo bang ginawa ko ang lahat para maikasal ka sa akin? Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin Charlotte! Please, bigyan mo ako ng isa pang chance, ipapakita ko sa iyo na pinagsisisihan ko na ang nagawa kong pagkakamali sa iyo....isang chance lang!" wika nito at nag-uumpisa ng umiyak.
Para namang may kung anong bagay ang biglang tumusok sa puso ko dahil sa nakikita ko sa kanya ngayun. Sobrang naninibago ako kay Peanut. Nasasaktan akong nakikita siyang nahihirapan.,
"Patawarin mo ako Baby! Please...
parusahan mo ako pero huwag mo naman akong iiwan." wika pa nito at mahigpit akong niyakap. Naradamdaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko habang paulit- ulit na binibigkas ang katagang patawad. Hindi ko na namalayan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Chapter 366
CHAROTTE POV
"No! Sorry! Buo na ang desisyon ko! Ayaw ko na! Red flag sa akin ang isang lalaki na hindi ako kayang alagaan at pagkatiwalaan." sagot ko sa kanya at mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Maang itong napatitig sa akin habang kitang kita ko ang pait sa kanyang mga mata.
"Baby! Please, kahit isang chance lang... babawi ako! Pinagsisisihan ko na ang mga pagkakasala ko sa iyo at gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako, huwag ka lang umalis sa tabi ko!!"
nagmamakaawa nitong wika. Nagulat pa ako dahil tuloy tuloy na ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Talagang umiiyak siya ngayun makuha niya lang ang kapatawaran na nais niya.
"Hindi ko kaya!" sagot ko at mabilis na itong tinalikuran kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Gustuhin ko mang pagbigyan ito pero natatakot na akong muling masaktan. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin at hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin sa puso ko ang mga nangyari na. Minsan niya na akong tinalikuran at natatakot ako na baka mangyari ulit iyun.
"Baby! Please, hindi ako papayag na iwan mo ako. Hindi ako papayag na tuluyan kang mawala sa akin. Sabihin mo sa akin, ano ang gusto mong gawin ko para mawala ang galit mo sa akin? Ano ang gusto mong gawin ko mapatawad mo lang ako?" muling wika nito kasabay na mahigpit na pagyakap nito muli sa likuran ko.
Yakap na wala na yata akong balak pang pakawalan. Hindi naman ako nakaimik. Ayaw kong magsalita dahil baka mahalata niya na umiiyak na din ako.
"Alam mo bang ginawa ko ang lahat maikasal ka lang sa akin? Unang kita ko pa lang sa iyo noon, minahal na kita! Alam kong bawal dahil masyado ka pang bata at ginawa ko naman ang lahat para makalimutan ko pero habang tumatagal, lalong yumayabong ang pagmamahal na nararamdaman ko sa iyo...." narinig kong muling bigkas nito. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko na napigilan pa ang aking paghikbi dahil sobrang sikip na talaga ng dibdib ko.
"Kaya nga naging playboy ako dahil akala ko iyun lang paraan para makalimutan kita. Nakakahiya kasing aminin noon ang nararamdaman ko sa iyo dahil masyado kang bata kumpara sa akin at isa pa pamangkin ka ng Best friend ko na si Rafael. Ayaw kong pag isipan ako ng masama ng lahat...."
pagpapatuloy na wika nito.
Kaagad naman niyang nakuha ang buong attention ko sa mga sinasabi niya kaya naman hindi ko maiwasang ma excite sa mga susunod niyang sasabihin.
Nagiging interesado ako lalo na ng sabihin niya na noon pa man minahal niya na ako. Bigla ko tuloy naalala ang mga araw na nagkikita kami noon. Akala ko talaga papansin lang siya kaya naiinis ako sa kanya at palagi kong inuungkat ang pagkakaroon niya ng sex scandal bilang pang asar.
"Pero alam mo bang nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na bakuran ka noong ikinasal sila Jeann at Drake? Naisip ko, pwede naman pala kitang mahalin eh. Pwede naman akong maghintay hanggang sa humantong ka sa tamang edad! Noong araw ng kasal nila Jeann at Drake, ipinangako ko sa sarili ko na tayong dalawa na ang susunod na ikakasal at masayang masaya ako dahil nangyari iyun." pagpapatuloy na wika nito.
"Pero sinaktan mo ako! Sinisisi mo sa akin ang isang kasalanan na hindi ko naman nagawa. Alam mo bang sobrang saya ko ng gabing iyun? lyun sana ang unang date natin simula nang ikasal tayo pero nagbanyo lang ako, nasira ang lahat! Mas naniwala ka kay Maureen kumpara sa akin na asawa mo!" hindi ko napigilang sagot. Kaagad naman akong pinihit nito paharap sa kanya at tinitigan sa mga mata.
"I know! Walang kapatawaran ang nagawa ko sa iyo ng gabing iyun at nandito ako sa harap mo para humingi ng 'sorry' at humihiling na bigyan mo pa ako ng second chance. Mahal kita BAby! Wala akong ibang babae na hinangad na pakasalan at makasama habang buhay kundi ikaw lang..." sagot
nito. Ramdam ko ang sensiridad sa boses nito kaya lalo akong napaiyak.
Sa totoo lang, naguguluhan ako. Magkahalong takot ang nararamdaman ng buo kong pagkatao ngayun. Naniniwala ang puso ko sa mga sinabi ni Peanut ngayun pero tumututol naman ang utak ko.
Parang sinasabi ng puso ko na pagbigyan ko siya pero natatakot naman ang utak ko na baka saktan niya ulit ako. Kahit mahirap, tangap ko naman na hindi talaga kami para sa isat isa. Isang malaking pagkakamali na ikinasal kaming dalawa.
"Masyado lang akong nataranta ng gabing iyun at iyun ang kinuhang chance ni Maureen para mapaikot niya ako. Alam ko na ang totoo at kahit ano pa ang mangyari, simula ngyaun, ikaw na lang ang paniniwalaan ko! Basta bumalik ka lang sa akin Baby! Huwag mo akong iiwan! Huwag kang makipaghiwalay sa akin...please! please! Mag uumpisa tayo ulit at bubuo tayo ng isang masayang pamilya!" nakikiusap na wika nito. Lalo naman akong naluha kasabay ng pag iling ko.
"Pwede bang bigyan mo muna ako ng space para mapag isipan ito? Hindi ganoon kadali sa akin ang kalimutan ang mga nangyari na. Nasira ang pag aaral ko dahil dito at sobrang laking epekto sa akin ang ginawa niyo sa akin ng gabing iyun. Hindi basta-bastang matangap ng isip ko na nagawa mo akong ipagkalulong Penaut. Hindi ko alam kung kaya pa ba kitang pagkatiwalalan kaya hayaan mo muna akong makapag isip." malungkot kong sagot sa kanya kasabay ng pagkalas sa pagkakayakop sa kanya at mabilis itong tinalikuran.
Nagmamdalli na akong naglakad palabas ng kwartong iyun. Ayaw ko ng magtagal pa dahil baka bigla na lang akong kainin ng karupukan ko at muling maniwala sa mga pangako niya.
Ayaw kong magmadali. Gusto kong magmuni muni muna. Gusto kong makalimutan ng kahit kaunti lang ang sakit na naranasan ko sa mga kamay niya. Hindi ko din kasi talaga alam kung kaya ko pa ba siyang makasama sa kabila ng mga masasakit na
nangyari sa akin. Hindi ko alam at ayaw kong magmadali. Tama na ang isang beses na nasaktan ako.
Chapter 367
CHARLOTTE POV
Masakit man pero kailangan kong magpakatatag. Sa mga nangyari sa relasyon naming dalawa ni Peanut hindi dapat ako magpadala sa karupukan.
Mabilis kong tinahak ang daan palabas ng bahay. Halos mahigit dalawang buwan din akong nanatili sa bahay na ito at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako.
Masakit! Sobrang sakit! Ni sa hinagap, hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng maagang kabiguan.
Akala ko matatag ako! Pero sa nangyayari ngayun parang gusto ko na lang magkulong sa apat na sulok ng kwarto at umiyak.
"Charlotte! Wait! No! Huwag mong gawin ito. Mag usap pa tayo!" narinig ko pang sambit ni Peanut mula sa likuran ko. Malungkot akong napangiti at mabilis nang naglakad palabas ng gate pero mas maagap si Peanut. Muli akong hinakan sa braso at malakas na kinabig payakap sa kanya.
"Huwag mo akong iiwan Baby! Miss na miss na kita! Bubuo pa tayo ng masayang pamilya. Please!" muling bigkas nito pero sarado na ang utak ko sa lahat ng pakiusap niya. Ilang beses ko ng narinig ang katagang iyun sa bibig niya pero parang wala ng epekto sa akin iyun. Masyadong masakit ang mga nangyari at ayaw kong magkunwari sa harap niya na ayos lang ako. Na pwede kong kalimutan lahat ng kasalanan na nagawa niya sa akin.
"Bitiwan mo ako! Kahit na ano pa ang gawin mo, buo na ang desisyon ko Peanut! Pinakinggan kita dati sa paliwanag mo tungkol sa ugnayan niyo ni Maureen pero bigo kang iparamdam sa akin kung sino ba talaga ang mas mahalaga sa iyo. Kung ang ibang babae kaya mong paikutin ng ganoon ganoon na lang...ibahin ko ako! Hayaan mo muna ako at huwag ka na munang magpakita sa akin!" malungkot kong wika sa kanya at kaagad na kumawala sa pagkakayakap dito.
Hindi ko na din ito nilingon pa at mabilis na akong naglakad palayo. Umaasa na sana malagpasan ko ang sakit na nararanasan ko ngayun.
Mabilis akong nakasakay ng taxi at nagpahatid sa condo ko. Buong byahe wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak kaya naman hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na nagpakita kay Peanut ngayung araw. Para kasing na doble ang sakit na nararanasan ng puso ko ngayun.
Pagkababa ko sa harap ng building ng condo kaagad akong naglakad papasok. Sumakay ng elevator at pinindot ang floor kung saan ako pansamantalang titira habang pinag iisipan ko pa ang susunod na hakbang na gagawin ko.
Gusto ko ng katahimikan. Pipilitin kong buuhin muli ang sarili ko at kalimutan ang kabiguang nangyari sa akin. Matapang ako at kakayanin ko ang lahat ng ito.
Akmang pipihitin ko na ang siradura ng pintuan ng unit ko ng bigla iyung bumukas. Nagulat pa ako dahil kaagad na tumampad sa paningin ko ang taong hindi ko inaasahan na makakaharap ngayung araw. Walang iba kundi ang mga magulang ko. Sila Mama Carmela at Papa Christian.
"Charlotte! Anak!" mahinang bulong ni Mama sa akin at mabilis akong niyakap. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Kaagad akong napaiyak sa balikat nito.
"Ma! Ang sakit po! Ang sakit---sakit!"
sambit ko na parang isang batang nagsusumbong sa kanyang ina. Kaagad ko namang naramdaman ang paghaplos nito sa likod ko palatandaan na pilit niya akong pinapatahan sa aking pag iyak.
"I know...and I am sorry Sweetie!" sagot naman ni Mama Carmela sa akin. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata.
"Ang baby ko! Bakit nagkaganito? Bakit hindi mo kami tinawagan para madamayan ka sana namin sa problema mo!" wika ni Mama Carmela sa akin kasabay ng pagpahid ng luha sa aking mga mata. Lalo naman akong napaiyak habang dahan dahan na inaakay nito papasok sa loob ng unit ko. Hindi ko namalayan na nandito pa pala kami sa labas at hindi man lang ako nahiya sa isiping baka pinapanood ako ng mga kapitbahay namin habang umiiyak.
"Ma! Niluko niya ako! Pinagkaisahan nila ako!" pagsusumbong ko. Kaagad ko namang naramdaman ang paglapit ni Papa Christian sa akin at ang mahigpit nitong pagyakap.
"I know and I am sorry kung isa kami sa dahilan ng paghihirap mo anak! Sa kagustuhan namin na mabigyan ka ng magandang buhay pinilit ka naming magpakasal sa kanya. Patawad sa pakikialam namin sa buhay mo anak!" wika ni Papa Christian. Muli akong napahaguhol ng iyak. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko. Basta ang alam ko, punong puno ang puso ko ng pinaghalong damdamin. Masaya ako dahil sa kabila ng kalungkutan na nararanasan ko ngayun, nandito ang mga magulang ko at handa akong damayan.
"Huwag kang mag alala! Sisiguraduhin namin na magbabayad lahat ng mga taong sangkot sa paghihirap mo!'
narinig ko pang bulong ni Papa Christian sa akin. Inalalayan pa ako nitong makaupo sa sofa habang kaagad naman akong inabutan ni Mama ng isang basong tubig.
"Inumin mo muna ito. Tama na iyang kakaiyak na iyan anak. Narinig mo ba ang sinabi ng Papa mo? Magbabayad ang lahat ng sangkot sa pagpapahirap sa iyo. Walang sino man ang pwedeng kumanti sa inyo. Hindi namin pinapahihintulutan ang kahit na sino na saktan ka!" wika naman ni Mama Carmela. Bakas sa maganda nitong mga mata ang galit.
Kaagad ko namang tinangap ang tubig na binigay nito at inisang lagok. Kahit papaano nakatulong iyun para makaramdam ako ng kaunting ginhawa.
"Hayaan niyo na lang muna ako Ma, Pa. Pasasaan ba at makakalimutan ko din ang sakit na nararanasan ko ngayun." sagot ko naman na kaagad namang ikinailing ni Papa.
"No! Bago kami bumalik ng Pilipinas, ipinahanda na namin sa abogado ang kasong pwedeng kakaharapin ng mga taong nang api sa iyo." sagot naman ni Papa.
Sa hindi malamang dahilan bigla akong nakaramdam ng takot. Lahat ng tao..so ibig sabihin, posibleng madamay si Peanut. Hindi ako papayag! Kahit naman galit ako sa kanya ayaw ko din naman makulong siya. Hindi pwede....
"Ma, Pa...please...nakikusap ako! Hayaan niyo na lang muna. Ayaw ko po ng gulo!" sagot ko naman sabay yuko. Ayaw ko kasing mabasa ng mga magulang ko ang damdamin na biglang lumukob sa buo kong pagkatao. Nahihiya ako na makita nila na sa kabila ng kasalanan na nagawa ni Peanut sa akin, hindi na rin maikakaila na may pakialam pa rin ako sa kaligtasan niya.
Chapter 368
CHARLOTTE POV
"Okay, as you wish. Pero kailangan mong umuwi ng bahay. Alam kong masyadong masakit ang mga nangyari sa iyo kaya mas maiging umuwi ka na muna para mabantayan ka din namin." sagot ni Mama. Kaagad naman akong nakahinga ng maluwag. Kung hindil lang sana madadamay si Peanut sa balak nilang paghabla, ayos lang sa akin na ipakulong ang lahat eh. Kaya lang, hindi pwede.... Hindi kayang tangapin ng kalooban ko na mapapahamak din si Peanut. Gusto ko pa rin siyang protektahan sa kabila ng mga kasalanang nagawa niya sa akin.
Kahit naman malaki ang kasalan niya sa akin, mahal ko pa rin siya! Hindi ko pa rin kayang nakikitang nahihirapan ito.
"Okay po, pero parang mas gusto ko kina Lola Roxie at Lolo Jonathan na lang muna Ma, Pa." suhistiyon ko naman. Kaagad naman nagkatinginan sila Mama at Papa. Nagulat marahil sa sinabi ko dahil matagal nang nilisan nila Lolo at Lola Roxie ang Metro Manila. May minanang hasyenda sila Lolo at Lola mula sa mga magulang ni Lolo Jonatahan kaya naman nang tuluyan na nilang ipinasa ang responsibilidad ng kumpanya sa mga kamay nila Papa at Mama tuluyan na silang bumalik ng hasyenda at nanirahan doon.
"Are you sure? Masyadong malayo ang lugar na iyun at baka ma bored ka lang.
" sagot naman ni Mama. Kaagad naman akong umiling.
"Mas gusto ko nga pong lumayo muna dito sa Metro Manila. Gusto ko pong magmuni muni at hanapin ang sarili ko." sagot ko naman. Napansin ko pa ang bahagyang pagtango ni Papa Christian at seryoso akong tinitigan.
"Kung ano ang gusto mo, ibibigay namin sa iyo. Mabuti pa ngang doon ka muna habang inaayos namin ang kaguluhang ito." seryosong sagot ni Papa.
"Pero Pa...mangako kayo sa akin.. huwag niyo pong sasaktan si Peanut ha?" nahihiya ko namang wika. Nagkatinginan pa silang dalawa bagb sabay na ibinaling ang tingin sa akin.
"Depende pa rin sa pag-uusap namin. Dont worry, tuturuan lang namin siya ng leksiyon pero hindi ko siya papatayin." seryosong sagot naman ni Mama. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot.
"Maghanda ka na! Kapag ready ka na ipapahatid ka namin kaagad sa hasyenda. Doon ka muna hanggang sa maka-recover ka.'" wika naman ni Papa kaya kaagad naman akong napatango.
Naging mabilis ang mga sumunod na sandali. Namalayan ko na lang na sakay na ako ng chopper at tinatahak na namin ang way papuntang hasyenda. Alam kong magiging maayos din ang lahat kaya naman magpapalamig na muna ako at magpapalipas ng sama ng loob.
Pagkababa ko pa lang ng chopper, Isang nakangiting mukha ni Lola Roxie ang sumalubong sa akin. Nagtaka pa ako dahil mag isa lang ito at hindi niya kasama si Lolo Jonathan gayung hindi nga sila halos mapaghihiwalay noon.
"Naku, lalong gumanda ang apo ko ah? Mabuti naman at naisipan mong dalawin kami dito." nakangiting kaagad na salubong sa akin ni Lola
Roxie at kaagad akong niyakap. Kasing edad lang din nito si Grandma Carissa pero parehong malakas pa rin. Parang hindi man lang ito senior citizen kung kumilos. Maliksi pa rin at mukhang masaya sa kanyang buhay.
"Bigla ko po kasi kayong namiss ni Lolo eh. Bakit ba kasi kailangan nyo pang lumipat dito?" kunwari nagmamaktol kong tanong. Iiling iling naman akong tinitigan nito.
"Mas masaya dito Apo! Tahimik at sariwa ang hangin. Perfect na lugar para muli mong buuhin ang nawasak mong puso. "sagot nito na kaagad ko namang ikinagulat.
Para kasing may idea si Lola sa mga nangyari sa akin. Gayunpaman, hindi ko na binigyan ng pansin. Ayaw ko na din kasi magkwento muna. Lalong sumasakit ang kalooban ko.
"Nasaan nga pala si Lolo, La? tanong ko sa kanya para malipat sa ibang bagay ang topic namin.
"Naku, nasa palayan apo. Pero nandito din iyun maya-maya. May kinakusap lang na tao. Teka, kumain ka muna bago magpahinga." wika niyo at mabilis akong hinawakan sa braso at iginiya papuntang dining area.
Kumain lang ako at kaagad na nagpahinga sa isa sa mga kwarto. Nakaramdam din naman ako kahit papaano ng kapanatagan ng kalooban. Sabagay, malaking tulong din siguro ang tahimik na kapaligiran para makalimot.
Hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa tunog ng aking cellphone kaya kaagad akong napabalikwas ng bangon at pasimpleng sinulyapan ang orasan na nasa bedside table. Halos alas nwebe na pala ng gabi at kaagad kong tiningnan ang cellphone ko kung sino ang tumatawag at ng mapansin ko na si Christopher iyun kaagad kong sinagot.
"Yes? Nandito ako kina Lolo at Lola? Napatawag ka?" kaagad na bungad ko pagkasagot ng tawag.
"Charlotte, I am sorry kung na-isturbo kita. Pero kailangan mong malaman ito.." sagot naman ni Christopher sa kabilang linya. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko ng maramaman ko kung gaano ka-seryoso ang boses niya ngayun.
"Bakit? May problema ba? Nasaan ka ba ngayun?" nagtataka kong tanong. Sa hindi malaman na dahilan, bigla akong kinabahan. Ewan ko ba...feeling ko may nangyari na dapat kong malaman.
"Charlotte, I think kailangan mo munang bumalik ng Manila. Si Peanut... "hindi na natuloy pa ang sasabihin nito ng bigla akong sumabat.
"Si Peanut? Bakit? Christopher,
direstsahin mo nga ako..huwag mo naman akong bitinin. Ano ang nangyari kay Peanut?" kinakabahan kong tanong.
"Ipapasundo kita ngayun din..Nasa hospital ang asawa mo dahil naaksidente siya kanina." sagot nito na kaagad na ikananlaki ng aking mga mata. Pakiramdam ko biglang nanginig ang buo kong kalaman dahil sa masamang balita na sinabi ni Christopher
"A-anong sabi mo? Si Peanut? Na- naaksidente?" sagot ko sa nanginginig na boses. Muling napabuntong hininga si Christopher bago sumagot.
"Yes...driving under the influence of alcohol. Pumunta daw kanina sa bahay ng nakainom at hinarap sila Mama at Papa at hinanap ka. Noong nalaman niya na wala ka sa bahay mabilis daw na umalis at iyun na nga, sumalpok ang sasakyan niya sa poste ng kuryente. " sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na maluha sa isiping baka mapahamak ito. Bigla akong nakaramdam ng takot sa isiping ano na lang ang mangyayari sa akin kapag may masamang mangyari kay Peanut?
"Kung gusto mo siyang makita, pababalikin ko diyan ngayun din ang chopper para sunduin ka." muling wika nito.
"Kumusta siya? Kumusta si Peanut?" umiiyak ko namang tanong.
"Inoobserbahan pa siya. Dont worry, ako muna ang bahala sa kanya habang wala ka." sagot nito at kaagad ng nagpaalam. Para naman akong nanlalata na muling napaupo ng kama habang hindi mapigilan ang umiyak ng umiyak.
Chapter 369
CHARLOTTE POV
Dali-dali akong nag ayos ng aking sarili at hinanap sila Lola Roxie para makapag-paalam. Ayaw ko maghintay pa ng kinabukasan para muling masilayan si Peanut. Masyado akong nag-aalala sa kalagayan niya at kailangan kong makauwi sa lalong madaling panahon para mabantayan kung ano man ang sitwasyon niya ngayun.
"Hey, relax!! Everything will be okay.
Manalig ka lang sa Diyos at hindi Niya pababayaan ang asawa mo apo!" kaagad na sambit ni Lola sa akin. Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. Hindi na nga yata masyadong nagpa- function ang utak ko sa tamang direksiyon. Puro Peanut na lang ang laman ng isip ko.
Paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya?
"Lola, masyado po ba akong naging malupit sa kanya? Ilang beses po siyang nakiusap at humingi ng tawad sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Feeling ko po kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. Hinanap niya ako La at pilit niyang hinihingi ang kapatawaran ko! Kasalanan ko po talaga kung bakit siya naaksidente!" umiiyak na wika ko kay Lola.
Ewan ko ba, sa aksidenteng nangyari kay Peanut, wala na akong pakialam pa sa mga kasalanan na nagawa niya sa akin. Burado na lahat iyun sa isip at puso ko at wala akong ibang hangad ngayun kundi ang kaligtasan niya.
Bigla akong nakaramdam ng takot na baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Na hindi ko na talaga siya makita or masilayan habang buhay.
"Charlotte, apo! Huwag mong sisihin ang sarili mo! Walang sino man ang may gusto na napahamak siya. Ang kailangan mong gawin ay magdasal na sana gabayan siya ng Diyos para makaligtas siya sa pagsubok na ito." sagot naman ni Lola. Ito na din ang nagpunas ng luha sa aking pisngi na hindi yata maubos- ubos dahil panay ang paglabas nito mula sa aking mga mata.
Mabilis na dumating ang chopper na susundo sa akin. Hindi na ako napigilan pa ni Lola sa muli kong pag alis. Hindi pa din daw kasi dumadating si Lolo Jonathan dahil may ongoing meeting daw ito sa mga tauhan ng hasyenda. Tiyak na hahanapin daw ako nito pero hindi na ako nagpapigil pa. Nangako naman ako na babalik din kaagad para muli silang makasama.
Pagkatarating ko ng Manila, wala na akong sinayang na sandali. Mabilis akong nagpahatid sa hospital kung saan ginagamot daw si Peanut. Umaasa ako na good news ang sasalubong sa akin. Umaasa ako na sana walang malubhang nangyari sa kanya.
"Mabuti naman at dumating ka na! Nailabas na siya sa emergency room at nilipat siya ng ICU para obserbahan." kaagad na salubong sa akin ni Christopher ng mapansin nito ang pagdating ko sa hospital.
"ICU? Bakit kailangan siyang ilagay doon? Ganoon na ba siya kalubha? " Hindi ko maiwasang bigkas. Parang gustong manginig pati laman ko. May idea ako sa sitwasyon ng isang pasyente kapag sa ICU ilagay. Malubha iyun at posibleng hindi siya maka- survived.
Sa isiping iyun muli akong napahgulhol ng iyak. Napayakap pa nga ako kay Christopher para kumuha ng kahit kaunting lakas. Pakiramdam ko drain na drain na ako at mauuna yata akong malagutan ng hininga dahil sa pinaghalong pag aalala at takot na nararamdaman ng puso ko.
"Halika! Tiyak na hinihintay niya. Sa ilang araw na hindi ka niya nakasama ikaw palagi ang hinahanap niya Charlotte." Wika pa nito at hinila ako papuntang ICU.
lalong nag uunahan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata ng masilayan ko ang kawawang hitsura ni Peanut. Balot ng benda buong ulo nito pati na din ang kanyang mga binti. Marami ding mga aparato ang nakakabit sa kanyang katawan.
"Pwede mo siyang lapitan at kausapin. Maririnig ka niya. Pilitin mong pakiusapan siya na lumaban." muling wika ni Christopher. Kaagad naman kaming nilapitan ng isang nurse at sinabi sa amin na isa sa aming dalawa lang daw ang pwedeng pumasok sa loob ng ICU para makita ng malapitan ang pasyente. Kaagad akong nagpresenta kaya kaagad akong nagsuot ng blue gown at facemask dahil masyado daw maselan ang pasyente sa kahit na kaunting bacteria at pwede niyang ikamatay iyun.
"Mam, pwede niyo siyang kausapin. Kadalasan po sa mga pasyente namin na nasa critical na condition kinakausap ng mga mahal nila sa buhay at hinihikayat na lumaban sa kung ano mang nararanasan niya ngayun. Subukan niyo po Mam, baka sakaling pakinggan kayo ni Sir Peanut. "bilin pa ng nurse bago ako nito tuluyang iniwan sa ICU
Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Naupo ako sa upuan na nasa gilid ng hospital bed nito at gamit ang nanginginig kong kamay, kaagad kong hinaplos ang pisngi ni Peanut. Medyo mahaba na ang balbas nito at halata talaga na napapabayaan niya ang sarili niya.
"Peanut, sabi nila posibleng naririnig mo daw ako. Sorry...hindi kita pinakinggan sa mga pakiusap mo! Sorry kung masyado kitang sinisi sa mga nangyari... masakit kasi ang ginawa mo sa akin eh..hindi ko matangap pero mas masakit pala na nakikita kita sa ganitong sitwasyon." umpisa kong wika kasabay ng paghikbi.
"Lumaban ka naman ohh! Please, ngayun ko lang na realized na hindi ko pala kaya na mawala ka sa akin ng tuluyan. Nagpapalamig lang naman ako eh. Hindi porket Iniiwasan kita, hindi na kita babalikan. Siyempre, hangat kasal tayo, patuloy tayong magkakaroon ng koneksiyon sa isat isa. Mahal na mahal kita! Mahal kita!"
patuloy Kong sambit at hindi ko napigilan pa na mapasubsob sa dibdib nito habang patuloy sa pag - iyak.
"Kapag ba maging maayos ang kalagayan ko, hindi mo na ako iiwan? Mananatili ka na ba sa tabi ko?" wala sa sariling napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang katagang iyun. Hindi ko alam kung nananaginip lang ako pero bakit parang sumasagot si Penaut? Sinipat ko pa nga siya ng tingin pero nakapikit pa rin ito. Walang ipinagbago sa hitsura nito at nang ilibot ko ang tingin sa paligid kaming dalawa lang naman ang nandito sa loob ng kwarto.
Hindi ko tuloy maiwasan na napabuntong hininga. Malapit na siguro akong masisiraan ng bait dahil sa sunod sunod na stress na naranasan ko kaya kung anu-ano na ang naririnig ko.
Muli kong itinoon ang buong attention ko kay Peanut. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil-pisil. Kaagad akong nakaramdam ng pinaghalong tuwa at lungkot ng mapansin ko na suot niya pa rin ang wedding ring naming dalawa.
Kung ganoon, totoo talaga na wala siyang ibang babaeng minahal kundi ako lang. Totoo talaga na ako lang ang gusto niyang makasama habang bugay.
Chapter 370
CHARLOTTE POV
Parang hinihiwa ang puso ko habang pinagmamasdan ang walang malay na si Peanut. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari sa kanya. Kung pinakingan ko lang sana siya, siguro hindi siya naaksidente. Isa na lang ngayun ang hinihiling ko na sana gumising na siya. Sa sitwasyon niya ngayun, ipinapangako ko sa aking sarili na pagsisilbihan siya at tulungang maka-recover sa kung ano man ang sitwasyon niya ngayun.
"Please, gising na kasi!" muling bigkas ko sa nakapikit pa rin na si Peanut! Tinapik-tapik ko pa ang pisngi nito sa pag asang magigising na siya upang tuluyang mawala ang pag aalalang nararamdaman ng puso ko.
"Promise, maka-survived ka lang, kakalimutan ko na lahat ng kasalanan mo sa akin! As in lahat lahat basta gumaling ka lang para muli kitang makasama. Oo, nagalit ako sa iyo pero hindi ibig sabihin noon na tuluyan na kitang iiwan. Please idilat mo na ang mga mata mo! Please!" muli kong bigkas kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Wala na din akong pakialam pa sa paligid ko at ilang beses ko na din pinaghahalikan ang kamay nito. Hindi ko na din matantiya kung gaano na kadami ang aking nailuha. Basta ang alam ko sobra akong natatakot sa sitwasyon niya ngayun.
Parang naninikip ang puso ko tuwing pinagmamasdan ang sitwasyon niya. Masakit! Sobrang sakit na parang gusto ko na lang palitan ang sitwasyon niya ngayun.
"Peanut! Peanut naman eh! Bakit ba kasi hindi ka nag iingat? Siguro galit ka talaga sa akin dahil ayaw mo pa rin gumising. Sorry na kasi!" muli kong bigkas habang patuloy sa pagluha. Nagulat pa ako dahil bigla kong naramdaman ang pagpisil nito sa palad ko.
"Bakit ba ang ingay ng Baby ko?'' narinig kong bigkas nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito habang pilit na inaanalisa ng sarili ko kung siya ba talaga ang nagsasalita. Diskumpyado ako dahil baka pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko. Critical nga siya diba tapos bigla siyang magsasalita ngayun.
"Te-teka lang...bakit?" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng mabilis itong bumangon ng higaan at mahigpit akong niyakap. Hindi naman ako nakakilos dahil sa matinding pagkabigla.
Bakit parang hindi naman napinsala ang katawan niya dahil sa aksidente?
Bakit ang lakas- lakas niya naman yata ngayun?
"Hindi ka na galit sa akin? Pinapatawad mo na ako? Hindi mo na ako iiwan Baby diba? God! Miss na miss kita! Thanks God dahil sa wakas nandito ka na Baby ko!" muling bigkas nito kasunod ng pagdampi ng labi nito sa noo ko. Hindi ko naman maiwasan na maluha dahil sa mga ginagawa niya ngayun. Ngayun ko lang biglang na- realized kung ano ba talaga ang mga nangyayari sa paligid ko.
"Teka lang....Paanong----Peanut... niluluko mo ba ako? Bakit----"'hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla itong kumalas sa pagkakayakap sa akin. Isa-isa nitong inaaalis ang mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan. Para akong namamalikmata habang pinapanood ang kanyang ginagawa.
"Hi--hindi ka totoong naasidente??!!!
bigkas ko habang mataman itong nakatitig sa akin at may ngiting nakaguhit sa kanyang labi. Natatawa naman itong tumango.
"At effective naman diba? You're here now! Alam mo bang halos hindi ako makatulog simula ng mawala ka sa akin? Baby, alam kong sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko sa iyo pero bigyan mo naman sana ako ng chance na iparamdam sa iyo ang pagsisisi ko." wika nito. Kaagad naman akong naluha at mabilis itong pinaghahampas sa kanyang dibdib!
"Baliw ka talaga! Alam mo ba kung gaano ako natakot ng ibinalita sa akin ni Christopher na naaksidente ka? Sobrang natakot ako sa isiping baka tuluyan ka ng mawala sa akin."
umiiyak kong bigkas. Natatawa naman itong hinawakan ang dalawa kong kamay at mabilis na dumampi ang labi nito sa labi ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
Talagang dinadaan ako ng Mani na ito sa biglaang galawan. Lahat talaga ng tsansa na nakukuha niya talagang hindi pinapalagpas. Dinadaan talaga sa galawang mabilisan.
"Mahal na mahal kita Baby ko! Kapag hindi ka pa bumalik sa piling ko, totohanin ko na talaga kung ano man ang nangyari sa akin." wika pa nito kaya mabilis ko itong hinampas. Naiinis ko itong tinitigan.
"Narinig ko ang sinabi mo sa akin kanina. Wala ng bawian!" muling bigkas nito. Malinaw pa sa sikat ng araw na nakipag-sabwatan si Christopher dito para pagkaisahan ako. Hayyy ang nakakainis lang, muntik na akong atakihin sa puso dahil sa mga kalokohan nila. Kung hindi lang ako natatakot na baka tuluyan itong magtampo sa akin, gusto ko sana itong awayin ngayun.
"Hayssst! So drama lang lahat at nakipagsabawatan pa talaga sa iyo ang kapatid ko? Ano ba ang pinakain mo doon at ang bilis mong paamuhin? Ang natatandaan ko galit din siya sa iyo pero magkasundo kaagad kayo ngayun? "seryoso kong tanong sa kanya at sinipat ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Dahil tangal na lahat ng naka benda dito, kaagad kong napansin na wala man lang itong kagalos-galos sa katawan maliban lang sa mukha nito na nakalimutan yata nitong ahitan.
"Baby naman eh...Nagpromise ka na kanina sa akin na hindi ka na magagalit. Wala ng bawian." nakangiti nitong sagot kaya kaagad kong inirapan. May magagawa pa ba ako? Wala na eh, tuluyan ng bumigay ang marupok kong puso.
"Fine, pero hindi ibig sabihin noon hindi ka na ligtas sa mga parusa na pwede kong gawin sa iyo. Remember, hindi ganoon kadali kalimutan ang mga kasalanan na nagawa mo sa akin." Kunwari nagtatampo kong wika sa kanya. Matiim naman akong tinitigan sa aking mga mata bago sumagot.
"Promise! Babawi ako! Mahal na mahal kita at habang buhay kong pagsisihan lahat ng mga pagkakamali ko." madamdamin nitong sagot habang damang dama ko ang sensiridad ng kanyang boses. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Mahal ko siya kaya naman muli akong aasa na magiging maayos din ang pagsasama namin. Bibigyan ko siya ng chance na iparamdam sa akin kung gaano ba talaga ako kahalaga sa kanya.
Chapter 371
CHARLOTTE POV
Sakay ng sasakyan ni Peanut tahimik ako habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay. Tulad ng inaasahan hindi ko na nakita pa kahit ang anino ni Christopher pagkalabas namin ng ICU. Mukhang tinakasan na ko dahil alam niyang makakatikim siya sa akin ng flying kick.
Akala ko talaga galit siya kay Peanut eh. Pero tingnan mo nga naman, talagang tinawagan niya ako para pagbigyan ang gusto nitong luko- luko kong asawa. Talagang nakipag- sabwatan siya sa kalokohan na naisip ni Peanut para muling makuha ang loob ko
Wala eh. Wala na talaga akong lusot nito. May paiyak-iyak pa kasi ako kanina na patawarin ko na siya basta gumaling lang siya. Na kakalimutan ko na lahat ng kasalanan niya sa akin basta gumaling lang siya. Sino ba naman kasi ang nag aakala na nagdadrama lang pala ito at talaga namang napaniwala niya ako.
Sabagay, may maganda din namang nangyari. Heto na nga kami at magkasama ulit. Ang pag iisipan ko lang ngayun ay kung anong parusa ang ibibigay ko sa kanya. Kailangan talaga ng parusa para magtanda siya sa kasalanan niyang nagawa.
Hindi ko maiwasang mapapitlag ng maramdaman ko ang kamay nito sa may hita ko. Naka maong pants ako ngayun pero ramdam ko pa rin ang init na nagmumula sa kanyang palad. Wala sa sariling napatingin ako dito at napansin kong nakatutok pa rin ang mga mata nito sa daan. Hindi ko maiwasang mapangiti ng may idea na biglang pumasok sa akin.
Sisiguraduhin ko pa ring hindi pa rin ligtas ang Mani na ito. Hindi lahat ng gusto niya ay masusunod. Pasimple kong hinawakan ang kanyang kamay at inialis sa pagkakapatong sa hita ko. Napansin ko pa ang pagkunot ng noo nito sabay sulyap sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangisi
"Why naman Baby? Galit ka pa rin ba sa akin?" May tampo sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hilaw ko naman itong nginitian bago sinagot.
"Of course not! Nakikiliti kasi ako eh." Sagot ko. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi nito nang marinig niya ang sinabi ko. Parang may kumikiliti dito sa klase ng ngiti na nakaguhit sa labi nito na hindi ko mawari. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa.
Alam na alam ko na kung ano man ang tumatakbo sa isip ng Mani na ito eh. Well, sisiguraduhin ko na mabibigo siya. Hindi niya magagawa sa akin kung ano man ang naiisip niya dahil hindi ako papayag. Kailangan muna niyang mag effort ng todo bago ko siya pagbibigyan. Hindi naman sa lahat ng oras, ibibigay ko ang gusto niya. Tama nang nakipagbati ako sa kanya ngayun.
Mabilis kaming nakarating ng bahay. Masaya kaming sinalubong ng mga kasambahay sa pangunguna ni Manang Milagros.
"Welcome back po Mam Charlotte." Sabay sabay na bati nila sa akin.
"Thank you po sa inyong lahat... Hmmmmm...manang, pwede po bang pakilinis ng guest room?" Kaagad ko namang bigkas at kaagad na namang napatitig sa akin si Peanut.
"Why?" Kunot noo nitong tanong sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Well, naisip ko lang. Maybe sa guest room muna ako matutulog. I need privacy." Ngiting ngiti ko namang sagot sa kanya. Kaagad naman lumarawan ang matinding pagtutol sa mga mata nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko.
Dahil malaki ang kasalanan niya sa akin, magtiis siya. Hindi naman pwedeng ibigay ko ang gusto niya gayung hindi pa nga napaparusahan ang mga taong may kasalanan sa akin. Actually, ito iyung isa sa mga parusa na naisip ko para sa kanya. Masyado naman yatang siniswerte ang Mani na ito kung makukuha niya agad agad ang gusto niya.
"But Baby, hindi naman ako papayag doon. I need you at sobrang namiss kita sa maraming araw na hindi tayo magkasama. Huwag mo naman itong gawin sa akin. Hindi ako papayag!" Pag aapila nito. Matamis ko itong
nginitian. Gusto kong ipakita sa kanya na seryoso ako. Hindi niya ako mapipilit kung ano man ang magiging desisyon ko ngayun.
"Pero ito ang gusto ko! And besides you need rest! We need rest! Kaya hayaan mo muna ako...please!" may lambing sa boses na bigkas ko. Malalim itong napabuntong hininga habang titig na titig sa akin.
"Fine... Pero ngayung araw lang. Bukas ba bukas dapat nasa kwarto ka na natin. Alam mo naman siguro kung paano ako nagtiis habang wala ka. Gusto kitang makasama sa kwarto at makatabi sa pag-tulog Baby ko!."
bakas sa boses nito ang lungkot habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Thank you!" sagot ko sa kanya. Pilit ko naman ang sarili ko na huwag matawa sa harap nito. Para kasing nalugi ang hitsura nito ngayun. Hindi yata matangap ng kalooban niya na hindi niya ako makakatabi sa pag- tulog at magawa kung ano man ang tumatakbo sa isip niya.
"Palagi naman pong malinis ang guest room Mam. Pwede niyo po iyung gamitin anytime." nakangiti namang sagot ni Manang. Kanina pa ito sa harap namin pero ang mga kasamahan nito ay kanina pa nagsisialisan. Ngayun lang nagsalita dahil ngayun lang yata nakasingit para ipaalam sa akin na malinis naman ang guest room.
Alam ko naman din talaga ang tungkol doon dahil napapansin ko naman na regular silang naglilinis sa buong bahay. Metikuluso si Peanut pagdating sa kalinisan kaya hindi na ako nagtataka tungkol doon.
"So, paano ba iyan. Pasok muna ako sa guest room. Pakibigay na lang kina Manang ang ilang mga gamit ko para dalhin nila sa guest room. Gusto kong magpahinga muna." nakangiti kong wika at nagpatiuna ng umakyat ng hagdan.
Ngarinig ko pa na tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ko na pinansin pa. Paninindigan ko ang pagpaparusa na naisip ko sa kanya para magtanda siya. Bahala siya!
Chapter 372
Charlotte POV
Halos takbuhin ko ang hagdan paakyat papuntang guest room. Alam ko kasing nakasunod ang tingin sa akin ni Peanut at alam kong labag sa kalooban niya ang desisyon ko na sa guest room muna ako matutulog.
Pagkapasok ko ng ng guest room kaagad kong inilock ang pintuan. Mahirap na, baka pasukin ako ni Peanut eh. Hindi pwede lalo na at umiiral din paminsan minsan ang karupukan ko kapag nasa tabi ko siya.
Akmang hihiga na ako ng kama para makapag relax muna habang
hinihintay ko ang mga gamit ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Dali dali kong sinagot iyun ng mapansin ko na si Charles ang tumatawag.
"Hello Brother! Napatawag ka?" Sagot ko.
"Charlotte, Nasaan ka ngayun? Alam mo na ba ang kumakalat na balita?" Kaagad na sagot nito sa kabilang linya.
"Bakit? May nangyari ba?" Nagtataka kong tanong. Mukhang seryosong balita ang hatid nito base na din sa tono ng kanyang boses kaya hindi ko maiwasan na mag alala.
"Natagapuang patay si Doc Carlos sa kanyang bahay. Pagpapakamatay ang tinitignang angulo ng mga pulis dahil sa baril na nasa kamay niya ng ma- recover ang walang buhay niyang katawan." Sagot nito sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Ni sa hinagap hindi ko lubos maisip na nagpakamatay ang Doctor na iyun. Wala sa character niya.
"Nagpakamatay? Imposible naman yata yun." Hindi ko maiwasang bigkas. Nararamdaman ko na may mali sa mga nangyari.
"Iyan din ang naisip naming tatlo nila Kenneth at Christopher. Imposibleng nagpakamatay siya gayung kitang kita namin ang takot niya noong dinukot namin siya. Ilang beses din niyang nabanggit na gusto niya pang mabuhay at handa siyang ilaglag si Maureen pakawalan lang namin siya." Sagot nito. Lalo tuloy akong napaisip. Sino naman kaya ang posibleng pumatay sa kanya? Imposible namang si Kenneth at silang dalawa ni Christopher.
Sa isiping iyun hindi ko maiwasan na makaramdam ng kilabot. Paano nga ba kung isa sa kanila? Pero hindi eh...dahil hindi naman kami pinalaking criminal ng mga magulang namin.
"Pwede bang pa-imbestigahan natin ang nangyari sa kaniya? I mean---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ito.
"Iyun ang ginawa ngayun namin ni Kenneth. Hindi din kami naniniwala na nagpakamatay siya. May pumatay sa kanya at posibleng kakilala niya lang din dahil maayos ang pagkakagawa at sa loob pa talaga ng bahay niya." Sagot nito.
"Much better na tumulong na din tayo sa imbistigasyon. Seryosong kaso ito at posibleng may dahilan kung bakit siya pinaslang. Kahit naman gaano kasama ang ginawa niya sa akin dapat din siyang mabigyan ng hustisya..." Sagot ko.
"Don't worry, aalamin namin kung sino ang nasa likod ng pagkamatay niya. May tinawagan na kaming tao na magaling humawak sa mga ganitong kaso. Tumawag lang ako para ibalita ang pagkamatay ng taong iyun para aware ka din. As of now kailangan mo munang mag doble ingat. Sana nagkamali lang kami ng suspetsa pero mukhang may kinalaman si Maureen sa pagkamatay niya." Sagot ni Charles. Hindi ko naman maiwasan na napabuntong hininga.
Iyun din ang tumatakbo sa isipan ko. Mukhang may taong gustong patahimikin si Doc Carlos kaya siya pinaslang. Liban na lang kung meron siyang ibang kaaway na hindi namin alam. Pero kung wala, walang ibang susupect kundi si Maureen talaga kaya kailangan naming makakuha ng ibedensiya habang sariwa pa ang kaso.
Kahit papaano, naawa pa din naman ako sa kinahantungan ni Doc Carlos. Nagkasala man siya sa akin pero hindi ko naman hinangad na mapahamak siya. Hindi naman ako ganoon kasama para maging masaya sa sinapit niya.
"Kung ganoon balitaan mo na lang ako kung ano man ang development ng imbistigasyon ninyo ni Kenneth. Sana makamit niya ang hustisya sa lalong madaling panahon." Sagot ko bago ko tinapos ang pag-uusap namin.
Saktong kakatapos lang namin mag usap ni Charles nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng guest room. Dali dali akong naglakad papunta doon at nagulat pa ako dahil si Peanut ang nasa labas. Bitbit nito ang mga personal na gamit na kailangan ko.
"Bakit ikaw ang nagdala niyan dito? Dapat inutos mo na lang kina Manang. "Bigkas ko sa kanya sa kawalan ko ng masasabi. Kaagad naman bumalatay sa mukha nito ang lungkot.
"Bakit? Ayaw mo na ba akong makita?" Sagot nito. Bakas sa boses ang tampo kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaunting konsensya. Wala naman sanang ibig sabihin ang sinabi kong iyun pero bakit ba napaka- sensitive niya? Grabe talaga ang Mani
na ito. Ang bilis magtampo.
"Hi-hindi naman sa ganoon pero ayaw ko na din kasing maabala ka. You need to rest right kaya sana inutos mo na lang kina Manang." Pilit ang ngiting sagot ko. Kaagad naman itong napabuntong hininga bago ako malungkot na tinitigan.
"Bakit kasi kailangan mo pang humiwalay ng kwarto. Masyadong malaki ang kwarto natin at kung ayaw mo akong makatabi sa pag-tulog pwede mo naman itong sabihin sa akin ng diretsahan." Malungkot na wika nito. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng awa dito. Pero hindi eh, kailangan ko talagang panindigan ito. Hindi ako dapat magpadala sa awang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan talaga niyang matuto ng leksiyon.
Pagkatapos namin mag usap iniwan niya na ako dito sa guest room. Naaawa naman akong nasundan ito ng tingin bago ako nagmamadaling bumalik sa loob ng kwarto dala ang mga gamit na ibinigay niya sa akin
Naligo lang ako at kaagad na natulog. Nagising lang ako sa mahinang katok ng pintuan at ng pagbuksan ko ito sinabi ng isa sa mga kasambahay na ready na daw ang dinner. Sinabi din nito sa akin na umalis daw si Peanut at hindi daw nabangit kung anong oras ito uuwi. Mukhang nagtampo talaga ang Mani sa desisyon ko na humiwalay muna ng silid sa kanya.
Chapter 373
CHARLOTTE POV
Pagkatapos kumain ng dinner, tumambay lang ako sa gilid ng pool para magpahangin. Kung tutuusin, halos kasing laki lang din ng bahay namin ang bahay na ito ni Peanut. May sariling pool at malawak na garden. Perfect sa isang malaking pamilya kung totoosin.
Marami naman din akong naririnig na naipundar ni Peanut. Ayun sa mga balita may mga negosyo na din itong naipundar na hindi ko na inalam. Nag iisang anak na galing sa isang broken family kaya playboy. Masyadong malungkot ang kanyang childhood at lumaki daw sa mga tagapag alaga dahil bata pa lang naghiwalay na ang kanyang mga magulang.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Nasaan na kaya ang Mani ( Peanut) nasun? Ni hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis pala siya. Sabagay, masama nga pala ang loob niya sa desisyon ko na sa guest room na lang muna mananatili.
Akmang papasok na ako ng bahay nang marinig ko ang malakas na busina sa labas ng gate. Kaagad na naagaw ang attention ko doon habang dahan dahan na binubuksan ng guard ang gate. Kaagad na napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang isang hindi familiar na kotse na dahan dahan na pumapasok sa loob.
Tahimik akong nakamasid hanggang sa huminto iyun at nagulat pa ako ng mapansin kong si Drake ang lumabas mula sa driver set. Umikot ito sa kabilang bahagi ng pintuan ng sasakyan at binuksan iyun at kaagad akong naglakad palapit sa kanila ng mapansin ko na si Peanut ang inaalayan nito palabas ng kotse.
"Anong nangyari?" kaagad na tanong ko pagkalapit ko sa kanila.
"Lasing. Pinigilan ko pero ayaw makinig. Hindi pa nga bukas ang bar ko nandoon na siya at umiinom mag-isa. " sagot ni Drake sa akin.
Kaagad ko namang sinipat ng tingin si Peanut. May malay tao naman pero halata ang kalasingan dahil mapungay ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga.
Mukhang mag aalaga ako ng lasing na asawa ngayung gabi. Grabe naman kasi ang Peanut na ito, kaya pala matagal nawala dahil naglalasing pala. Mabuti na lang sa kabila ng mga sigalot na nangyari between kay Drake at sa angkan namin, nagawa pa rin nitong ihatid si Peanut sa bahay namin. Kung hindi, baka kung saan na pupulutin ang Mani na ito "Ganoon ba. Thank you sa paghatid sa kanya. Pwede bang pakialalayan na lang muna siya hanggang kwarto?" sagot ko naman. Tumango naman si Drake at akmang ihahakbang na nito ang mga paa patungo sa pintuan ng bahay nang magsalita si Peanut.
"Wife---Baby...huwag ka na--kasi- kashing maghalit sa akinn! hik! Nag- Nagsishi na akho eh...." pabulol pa nitong bigkas sa akin habang inaabot ang kanyang kamay pero hindi ko na binigyang pansin pa. Bagkos sininyasan ko ang isa sa mga guard na tulungan si Drake sa pag-alalay kay Peanut paakyat ng kwarto na kaagad naman tumalima.
Mahihirapan talaga si Drake na iakyat mag isa ng kwarto itong si Peanut. Malaking tao kasi ito at mas
matangkad din ng kaunti kay Drake. Isa pa, parang ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Drake ngayun. Ang laki ng kanyang ipinayat kaya dehado talaga siya kung tindig ang pag uusapan.
Baka apektado talaga ito sa pinanggagawa ni Jeann. Papaniwalain ka ba naman ng isang tao na namatay dahil kasalanan mo, ewan ko lang kung hindi ka ma-stress. Well, sana maging maayos ang lahat at matigil na ang gulo sa pagitan nilang dalawa lalo na at may anak din sila.
Iyun nga lang, kung talagang may iba na si Drake, habang buhay na talaga sigurong hindi din babalik si Jeann sa piling niya. Pero may iba na ba talaga ang Drake na ito? Para kasing ayaw kong maniwala base na din sa hitsura ni Drake eh. Halatang napapabayaan nito ang sarili. Mahaba na ang buhok nito ngayun at mukhang hindi pa naliligo dahil gusot-gusot din ang damit niyang suot.
Bahala na nga sila. Basta ang priority ko ngayung gabi ay ang Mani na ito. Lasing at mukhang ako ang magiging tagapag alaga nito ngayung gabi.
Sa tulong ni Drake at ng isa sa mga gwardiya mabilis na naipasok sa loob ng kwarto si Peanut. Pagkadikit pa lang ng likod nito sa malambot na kama, kaagad itong nakatulog.
"Salamat Drake ha?" kaagad na sambit ko kay Drake nang naglalakad na ito palabas ng kwarto. Isang tango at tipid na ngiti lang ang naging tugon nito sa akin bago ito tuluyang umalis. Naiwan naman akong iiling iling habang tinititigan ang sitwasyon ni Peanut.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Basta ang alam ko kailangan ko siyang linisan at palitan ang kanyang suot na damit para maging kumportable ang kanyang pagtulog.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagpasyang pumasok ng banyo at naghagilap ng malinis na bimpo. Binasa ko lang iyun gamit ang warm water at nagmamadaling bumalik ng kwarto.
Tinitigan ko muna ang gwapong mukha ni Peanut bago ko inumpisahang punasan buong mukha nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pag ungol pero hindi ko na pinansin pa. Lalasing lasing siya kaya magtiis siya. Tiyak matinding hang over ang sasalubong dito bukas ng umaga.
Pagkatapos kong punasan ang buong mukha nito, sinunod ko na ang kanyang katawan. Hinubad ang tshirt niya at pinunasan mula dibdib hanggang tiyan. Hindi ko pa nga maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway ng mapagmasdan ko kung gaano ka perfect ng abs nito. Sobrang yummy niya talaga at walang tapon kung kagwapuhan at tindig ang pinag uusapan. Kaya nga ang daming babaeng nagkakagusto sa kanya eh. Isa na doon si Maureen na gusto yatang pikutin si Peanut dahil sa pagbibigay ng fake na DNA test.
Pantalon na lang ang sunod kong huhubarin kay Peanut nang magbago ang isip ko. HIndi ko kaya at natatakot ako sa posibleng makikita sa loob ng kanyang underware. Tama na iyung nagawa ko na siyang punasan sa mukha at katawan. Sapat na din na napalitan ko na siya ng tshirt. Ayaw ko na din kasing isturbuhin ang mahimibing niyang pagtulog.
Chapter 374
CHARLOTTE POV
Nang masiguro ko na maayos na ang kalagayan ni Peanut, nagtatalo naman ang isipan ko kung iiwan ko na ba ito ng kwarto mag isa. Gusto ko na din kasing bumalik ng guest room para makapag pahinga na din.
Okay naman na siya. Napunasan ko na siya at nakumutan na din. Mahimbing na ang kanyang pagtulog at bukas na ng umaga ang gising nito.
Akmang maglalakad na ako papuntang pintuan ng marinig ko ang mahinang paghilik nito. Muli akong napalingon dito at sa huli nagpasya akong manatili na lang muna dito sa loob ng kwarto. Baka kung mapaano itong Mani na ito kung hahayaan ko lang siyang mag isa dito sa loob ng kwarto lalo na at lasing siya.
Pwede naman akong mag stay kahit ngayung gabi lang. Wala din naman sigurong mangyayari lalo na at tulog na tulog na din naman ito dahil sa matinding kalasingan.
Nagmamdali akong naglakad patungo sa walk in closet para maghanap ng pan tulog na isusuot.
Pagkatapos kong gawin ang aking evening routine kaagad na akong nahiga sa tabi ni Peanut. Inaantok na di n kasi talaga ako at balak kong gumising ng maaga kinabukasan para bumisita kina Mama Carmela at Papa Christopher. Hindi ko pa nababangit sa kanila na nandito na ulit ako sa Manila. Ang alam nila, nasa hasyenda pa ako kasama nila Lola Roxie at Lolo Jonathan.
Nasa kasarapan na ako ng aking pagtulog na maramdaman ko ang mainit na bagay na dumadampi sa aking pisngi. Dahan dahan akong napadiliat para lang magulat ng kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang mukha ni Peanut. Nakangiti itong nakatitig sa akin kaya kaagad akong napabangon sabay baba ng kama.
"Teka...a-anong ginagawa mo? Anong oras na ba?" sambit ko pa sabay dako ng tingin ko sa bed side table. Napansin ko na halos alas siyete na pala ng umaga at mukhang napahimbing ako sa aking pagtulog.
"Good Morning Baby! Maaga pa. Tulog pa tayo!" malambing nitong bigkas. Parang wala kaming pinagdaanan pareho kung umasta siya ngayun. Mablis ang kilos nitong bumaba din ng kama at nilapitan ako sabay hila sa akin pabalik ng kama. Impit naman akong napatili sa sobrang bilis ng pangyayari. Namalayan ko na lang na nakahiga na ako ng kama at nakapatong na ito sa akin.
"Teka lang ano ba Peanut! Gigising na ako. Babalik na ako ng guest room." angal ko pa sa kanya. Parang wala itong narinig bagkos mas lalo pa nitong idiiin ang kanyang katawan sa akin. Pilit ko naman itong itinutulak.
"Peanut ha? Hindi ka na nakakatuwa." sambit ko pa. Gustuhin ko man na makawala sa ilalim nito pero masyado itong mabigat at mas hamak na malakas kaysa sa akin.
"Stay! Gusto lang naman kitang mayakap eh. Huwag kang malikot baka lalong magalit ang little brother ko!" wika pa nito gamit ang paos niyang boses. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway lalo na ng maramdaman ko ang init ng katawan nito na bumabalot sa buo kong sistema. Dagdagan pa ng mainit nitong hininga na dumadampi sa pisngi ko.
"Pero--- ang bigat mo eh! Bakit kasi may pagdagan-dagan ka pa diyan!" angal ko naman sa kawalan ko ng masabi. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa habang pinakatitigan niya ako sa aking mga mata. Kaagad naman akong nag iwas ng tingin dito.
Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya. Para akong nalulunod na ewan. Parang hinihigop nya pati kaluluwa ko.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" malambing na tanong nito. Hindi naman ako nakaimik.
Sino ba naman ang makakaimik gayung unti unti ko ng nararamdaman ang bumubukol sa harap niya. Ngayun ko ang na-realized na naka boxer shorts na ito gayung hindi ko naman hinubad ang pantalon niya kagabi nang pinunasan ko siya.
"Hi-hindi na! U-malis ka na diyan ka- si!" sagot ko naman sa pautal-utal kong boses. Hindi pa rin ito natinag bagkos nanatili pa rin itong nakatitig sa akin. Hindi ko na tuloy maiwasan na mapakagat ako ng sarili kong labi dahil sa tensiyon na nararamdaman ko.
"Paano kung ayaw ko? Magagalit ka ba kung hahalikan kita ngayun? God! Kanina pa ako nanggigil sa iyo. Kanina ko pa gustong tikman ang labi na iyan... Baby...please, dont bite your lips. Ako lang dapat ang kakagat niyan." sambit nito kasabay ng pagsayad ng labi niya sa labi ko. Lalo naman akong hindi nakagalaw dahil sa kanyang ginawa.
Biglang naging blanko ang isip ko. Hindi na ako makapag isip ng tama dahil bigla na naman akong sinakop ng karupukan ko.
Chapter 375
CHARLOTTE POV
"Peanut, kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo, huwag mo ng ituloy. Mabibigo ka lang!" pagbabanta ko pa sa kanya. Pilit kong nilalabanan ang karupukan ko. Bakit ba kasi may ganito pang eksena ang Mani na ito? Kung alam ko lang iniwan ko na ito kagabi dito sa room na ito pagkatapos ko siyang punasan eh.
"Are you sure? Paano kong gusto ko pa rin? Na itutuloy ko pa rin kung ano man ang nais ko. Magagalit ka ba? Hindi mo na ba ako kakausapin after this?" nanunudyo nitong tanong. Muli tuloy akong napalunok ng sarili kong laway. Bakit ba ang hot na Mani na ito? Ang hirap niyang tangihan.
Pasalamat siya at mahal ko siya. Ngayun ko lang napatunayan na ang hirap palang kalabanin ang nararamdaman ng puso. Kaunting haplos at suyo bigla na lang naglaho ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Napalitan ng pag asa na magiging maayos din ang lahat.
Well, mag asawa kami at normal lang naman siguro na pagbigyan ko siya dib?. Pero paano kung muling maulit ang mga nangyari noon? Matatangap ko kaya ulit iyun?
"Okay...fine..pero before anything else, pwede bang mag promise ka muna sa akin na hindi mo na uultin lahat ng mga kasalanan na nagawa mo sa akin? " tanong ko habang titig na titig sa kanyang mga mata.
Marami ang nagsasabi na ang mga mata ay ang bintana ng kaluluwa ng isang tao. Doon mo nakikita kong nagsasabi ba ng totoo ang taong kausap mo or hindi. Gusto kong malaman kung gaano siya ka- sensiridad sa mga sasabihin niya ngayun. Gusto kong malaman kung gaano ba ako kahalaga sa kanya.
"Promise, hindi na mauulit lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sa iyo. Lahat yun buong puso ko ng pinagsisisihan at wala na akong ibang paniniwalaan sa ngayun kundi ikaw lang." nakangiti nitong wika sa akin habang titig na titig din sa aking mga mata.
Talagang ipinapakita sa akin ng Mani na ito kung gaano siya ka-sensiridad kaya hindi ko na maiwasan na mapangiti.
"Iyun lang ba? Wala ka na bang ibang sasabihin para ma-sastisfy ako at muling bumalik ang tiwala ko sa iyo?" muli kong sagot. Kaagad itong natawa.
"Mag-reresign na ako sa pag- momodeling. Hindi ko na hihintayin na matapos ang kontrata ko. Hindi na ako tatangap ng bagong trabaho at magpo- focus na lang ako sa ilan kong mga negosyo. Kaya pa rin naman kitang bigyan ng magandang buhay kahit wala na ako sa trabahong iyun." nakangiti nitong bigkas.
Hindi naman ako makapaniwala na napatitig dito. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang trabahong iyun pero kaya niya talagang iiwan dahil lang sa akin? Isa pa, ang alam ko malapit ng matapos ang kanyang mga contracts at iyun na lang ang hinihintay niya para tuluyan na siyang mag retiro.
"Magreresign? Sure ka ba? Sayang naman ang mga kikiitain mo pa."
kagat labi kong bigkas. Hindi naman ako ganoon kasama para harangan kung ano ang passion niya. Alam kong malaking bahagi ng pagkatao niya ang pagiging model at ayaw kong ipagkait sa kanya iyun. Ayaw kong magretiro siya para ipakita niya sa akin kung gaano siya ka-sensiro sa mga sinasabi niya ngayun.
"Kailan pa naging mukhang pera ang asawa ko?" natatawa naman nitong bigkas sabat pisil sa ilong ko. Hindi ko naman maiwasan na mapairap. Hindi ba nangangalay ang Mani na ito sa ibabaw ko? Wala ba siyang balak umalis muna para naman makapag usap kami ng matino? Ang hirap kayang makipag usap na nandiyan siya sa itaas ko habang nararamdaman ko ang isang bagay na kanina pa bumubukol sa harapan niya. Hindi ako makapag-concentrate at hindi ako makapag isip ng maayos.
"Natatakot lang akong magutoman habang mag asawa pa tayo. You know, ayaw kong mapagkamalang pinaka- poorita sa aming magpipinsan." sagot ko. Kaagad naman itong napahalakhak ng tawa. Tawa na ngayun ko lang narinig mula sa kanya. Kaagad akong napaismid.
"No! Of course hindi mangyayari iyun. Hindi ko hahayaan na magutuman ang Baby ko. Mahal na mahal kita at magtatayo ako ng maraming restaurant para pwede mong kainin lahat ng gusto mo anytime, anywhere! "bigkas nito at mabilis na sumayad ang labi niya sa labi ko. Hindi na ako nagprotesta pa. Buong puso kong tinangap ang halik niya at pilit na tinutugon at ginagaya ang bawat galaw ng labi niya.
No more questions na. Handa kong ibigay kung ano man ang gusto ng Peanut na ito. Kontento na ako sa kung ano man ang narinig ko sa kanya ngayun. Simula ngayung araw, hindi na din naman ako papayag na may ibang babaeng aali-aligid sa kanya. Ako ang legal wife at ako ang may mas higit na karapatan sa kanya. Hindi ako papayag na may isang Maureen pa ang muling magpapaikot sa aming dalawa.
"God! Ito ang matagal ko ng inasam. Ang maangkin ka ulit Baby!" narinig ko pang usal ni Penaut habang abala na ang mga kamay nito sa pagtatangal ng botones ng aking suot na blouse na pantulog. HInayaan ko lang siya habang hinahagilap ko naman ang laylayan ng kanyang suot na t-shirt at itinaas iyun para mahubad. Gusto kong maramdaman ang matigas nitong abs. Ang mainit nitong katawan.
Naramdaman marahil ni Peanut ang gusto kong mangyari kaya saglit itong umalis sa ibabaw ko at isa isang tinangal lahat ng saplot niya sa katawan. Una ang kanyang tshirt at kaagad na sinunod ang kanyang boxer shorts. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng aking laway nang muling tumapad sa mga mata ko ang galit na galit niyang alaga. Tayong tayo iyun at alam kong ano mang sigundo, ready na siyang manakmal.
Chapter 376
CHARLOTTE POV
Pagkatapos ng mainit na sandali sa aming dalawa ni Peanut, pareho kaming nakatulog. Tanghali na nang muli akong nagising at wala na ito sa tabi ko. Lulugo-lugo akong bumangon ng kama at nagmamdaling naglakad patungong banyo para mag toothbrush at maghilamos.
"Saan na naman kaya nagpunta ang asawa ko?" hindi ko maiwasang bigkas habang tinititigan ang sarili kong reflexion sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapansin ko ang maaliwalas kong awra. Iba talaga kapag kabati mo na ang taong nagmamay ari ng puso mo.
Pagkatapos kong magbihis kaagad na akong lumabas ng kwarto at diretsong bumaba ng hagdan. Sakto namang pagkababa ko ng hagdan kaagad akong sinalubong ng isa sa mga kasambahay namin.
"Good Morning Maam. Nasa kusina po si Sir." Imporma pa nito. Mabuti naman at iyun kaagad ang sinabi niya.
Hindi ko na kailangan pang magtanong.
Pagkatapos kong magpasalamat sa kasambahay diretso na akong naglakad patungong kusina. Naabutan ko pa si Peanut na abala sa kung anong niluluto niya. Hindi ko tuloy maiwasan na humanga dito.
Marunong pala siyang magluto at base sa amoy ng kanyang niluluto, mukhang masarap iyun. Complete package talaga ang asawa ko. Ang pogi na at magaling pa sa kusina.
Dahan dahan akong naglakad palapit dito at walang sabi sabing niyakap ko ito mula sa kanyang likuran habang abala ito sa paghahalo sa kanyang niluluto.
Pwede namang maging showy paminsan-minsan diba? Bakit ba, gusto ko lang naman maglambing sa asawa ko. Pwede ko naman siya yakapin anytime kahit pinagpapawisan siya dahil mabango pa rin naman siya.
Kaagad nitong nabitawan ang hawak na sandok at kaagad na humarap sa akin. Kitang kita ko ang ngiting nakaguhit sa labi nito bago ako mabilisan na hinalikan sa aking labi at mahigpit ng niyakap.
"Good Morning! Gutom na ba ang Baby ko?" masuyo nitong tanong. Kaagad akong bumitaw sa pagkakayakap dito at pasimpleng tiningnan ang kanyang niluluto. Kaagad akong napangiti ng mapansin ko na beef steak ang nakasalang. Ang bango at parang kay sarap lantakan lalo na at gutom na ako.
"Gutom na ako eh....maluluto na ba iyan?" tanong ko. Natawa ito at muling kinuha ang sandok at muling hinalo ang pagkain habang ang kanyang isang braso ay nakapulupot sa baywang ko. Parang ayaw niya na akong pakawalan gayung sobrang busy niya sa kanyang niluluto.
"Malapit na ito Baby. Kaunting tiis na lang." sagot nito sabay kindat sa akin. Kaagad naman gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko bago ako pasimpleng lumayo sa kanya para icheck kung may kanin na.
"Siguraduhin mo lang na masarap iyan ha? Gutom na ako at gusto kong kumain ng marami." wika ko at muling napangiti ng mapansin ko ang bagong saing na kanin sa rice cooker. Kanin si life ika nga at kakain talaga ako ng marami ngayun. Ilang araw na din kasi akong walang matinong kain dahil sa mga sigalot na nangyari kaya naman babawi ako ngayun.
Mabilis na natapos ni Peanut ang kanyang niluluto. Masasabi ko na masarap itong magluto na alam kong bihirang talent ng isang lalaki kagaya niya na abala sa kanyang career.
"How is it? Kumusta ang lasa? Masarap ba?" ngiting ngiti pa nitong tanong sa akin. Kaagad naman akong nag thumbs up kasabay ng pagtango ko.
"Approved! Ang sarap!" sagot ko sabay subo. Kita ko naman ang kislap ng tuwa sa mga mata ni Peanut habang pinapanood ako.
"Parang gaganahan na ako nitong magluto kung ganyan kagana kumain ng Baby ko ah?" nakangiti nitong bigkas. Kaagad naman akong tumango
"Thank God! Hindi mo na ako pinahirapan na kumbinsihin ka na palagi mo akong ipagluto. Kailan at kanino ka natutong magluto?" tanong ko naman sa kanya.
"Sa Culinary School. Unang negosyo kong itinayo ay isang restaurant kaya nag aral akong magluto noon kapag ay free time ako." nakangiti nitong sagot. Kaagad namang namilog ang aking mga mata sa pagkagulat
Talaga lang ha? May time pa pala talaga siyang mag aral noon kahit gaano pa siya ka-abala. Ang galing naman. Tsaka ang dami ko pa palang mga bagay na dapat alamin sa asawa ko.
"Kung ganoon, hindi ka lang model, Chef ka din pala?" tanong ko. Kaagad itong natawa.
"I dont know. Hindi ko naman masyadong nagagamit ang talent ko sa pagluluto dahil may sarili naman akong chef sa resto." sagot nito. Muli akong natigilan. Anong resto kaya iyun? Haysst dapat talaga dalas- dalasan namin ang mag usap ni Peanut para naman may idea ako kung ano ba ang meron sa kanya.
Sabagay, hindi din pala kami nagdi- date sa labas. Hindi ko pa rin naranasan kumain sa isang restaurant na kasama siya. Ang daming mga bagay na dapat pa naming gawin para makilala ko siya.
"Parang gusto ko tuloy kumain sa resto na iyun. Dapat libre mo ako dahil ako naman ang Misis mo." sagot ko naina
"Sure...kailan mo gusto? Mamayang dinner? Much better na din iyun para makilala ka ng mga staff ko at ipapaluto ko sa kanila lahat ng specialty para matikman mo at ikaw na din ang mag judge kung masarap ba or hindi." nakangiti nitong sagot.
"Sure...pero kailangan muna nating dumaan sa bahay namin. May dapat kang ipaliwanag kina Mama at Papa." seryoso ko namang sagot.
Ilang sigundo muna itong natigilan bago dahan-dahan na tumango.
"I know, at handa akong magpakumbaba at lumuhod sa harap nila mapatawad lang nila ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa iyo." seryosong sagot nito habang titig na titig sa aking mga mata.
Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng tuwa dahil sa sinabi niya. Pero siyempre, hindi naman ako papayag na luluhod siya kila Mama at Papa. Alam kong mauunawaan nila si Peanut dahil wala naman silang hangad kundi ang maging masaya ako.
Chapter 377
CHARLOTTE POV
Kapansin pansin ang pagiging seryoso ng mukha ni Peanut habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay ng aking mga magulang.
Nararamdaman ko ang pag - aalinlangan nito pero mukhang nilalakasan niya lang talaga ang loob niya. Kahit papano masaya ako sa ginagawa niya dahil ramdam ko kung gaano siya ka-seryoso sa akin ngayun. Kumbaga, handa niyang suungin ang panganib magiging maayos lang ang lahat.
Hindi ko napigilan na hawakan ang isang kamay nito habang tumatakbo ang kotse. Kaagad itong napasulyap sa akin sabay ngiti.
"Are you okay? Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya. Lalong lumawak ang pagkakangiti sa labi nito sabay pisil sa palad ko.
"Walang hindi ko kayang gawin para sa iyo Baby! Alam kong galit din sa akin ang mga magulang mo dahil sa mga nangyari at handa akong magpakumbaba ngayun at humingi ng sorry sa kanila para muling manumbalik ang tiwala nila sa akin." sagot nito. Awtomatiko naman akong napangiti. Kaysarap pakingan ang mga katagang lumalabas sa bibig niya ngayun. Nakakatuwa!
Mabilis kaming nakarating ng bahay. Kaagad akong inimporma ng isa sa mga kasambahay na sumalubong sa amin na nasa living room daw sila Mama at Papa. Kanina pa raw kami hinihintay kaya naman hawak kamay kaming naglakad ni Peanut papunta doon.
"Ma! Pa!" kaagad kong bigkas pagkapasok namin ng living room.
Naabutan pa namin sila Mama at Papa na seryosong nag uusap. Sabay pa silang napalingon sa aming dalawa ni Peanut ng marinig nila ang pagtawag ko kaya kaagad akong bumitaw kay Peanut at nakangiting lumapit sa kanila at humalik sa pisngi tanda ng pagalang.
Naramdaman ko pa nga ang mahigpit na pagyakap ni Mama sa akin tanda ng masaya ito sa pagdating ko.
"Kasama ko po si Peanut. May gusto daw po siyang sasabihin." nakangiti ko pang bigkas nang napansin ko na hindi gumagalaw sa Peanut sa iniwan kong pwesto kanina. Nakatayo lang ito at bakas sa mukha ang hiya at pag- aalinlangan.
Sa huli nagpasya itong lumapit kay Mama at kinuha ang kamay nito para magbigay ng galang. Tipit lang namang ngumiti si Mama Carmela dito kaya kay Papa Christian na naman lumapit si Penaut para sana magmano pero kaagad akong nagulat sa mga sumunod na kaganapan.
Si Peanut...kaagad na sinikmuraan ni Papa Christian. Dahan dahan pa itong napaupo sa sahig habang namimilipit sa sakit. Taranta ko naman itong dinaluhan.
"Pa naman! Wala naman pong ganyanan! Nagsisisi na nga po ang tao eh! Nandito po siya para humingi ng sorry!"" angal ko kay Papa. Parang gusto kong maiyak sa sobrang awa na nararamdaman ko para kay Peanut. Hindi ko inaasahan na ito pala ang ipapasalubong ni Papa sa asawa ko. First time ko din itong nakita na nanapak ng tao kaya nagulat ako and worst sa asawa ko pa talaga.
"Sinong ama ang matutuwa sa mga kalokohang pinanggagawa ng gagong iyan! Muntik ka ng mapahamak sa kamay ng taong iyan at gusto mo pa rin makisama sa kanya?" kaagad na sambit ni Papa. Bakas sa boses nito ang galit para kay Peanut kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
Bihira lang itong magalit at kung magalit man, sobrang nakakatakot!
"Sorry po Pa! Promise po, hindi na mauulit. Bigyan niyo pa po sana ako ng isa pang pagkakataon na mahalin at ma -protektahan si Charlotte. Pangako... babawi po ako!" sabat naman ni Peanut. Bakas sa boses nito ang katapatan at akmang luluhod na ng bigla ko itong hilain patayo.
"Siguraduhin mo lang dahil sa susunod na magkamali ka pa hindi ko na hahayaan pa na makalapit ka pa sa anak ko!' galit naman na sagot ni Papa. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Sila nga ang may gusto na makasal kami kaagad ni Peanut eh. Ngayung ayos na kami, tsaka naman siya magagalit nang ganito.
Sabagay, ganito talaga siguro ang mga magulang. Nagagalit talaga kapag naaagrabyado ang kanilang anak. Mabuti na lang at matapang itong si Peanut ko na humarap sa kanila at humingi ng 'sorry'. At least ngayun pa lang, alam kong magiging maayos din ang lahat.
"Umayos ka ng tayo at mangako ka na hindi mo na sasaktan ulit ang anak ko! Na po-protektahan mo na siya sa abot ng iyung makakaya!" maawtoridad na wika ni Papa Christian kay Peanut na kaagad naman tumalima at sinunod ang gusto ni Papa. Tumayo ito ng tuwid at kaagad na itinaas ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Pangako po! Hindi ko na ulit sasaktan pa si Charlotte! Aminado po ako sa mga pagkakamali ko pero labis ko na pong pinagsisisihan lahat iyun. Si Charlotte lang po ang mamahalin ko habang buhay at maraming salamat po sa inyong muling pagtitiwala sa akin.." wika naman ni Peanut.
"Good! Mabuti naman at nagkakaliwanagan na tayong lalaki ka! Tandaan mo, oras na mabalitaan namin ulit na sinaktan mo ang anak namin, matitikman mo kung paano magalit ang angkan namin!" sagot naman ni Mama Carmela. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Mabuti na lang at mabilis paliwanagan ang mga magulang ko. Simula ngayung araw alam kong magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa ni Peanut. Makakapamuhay na kaming dalawa ng maayos at matiwasay.
Bubuo kami ng masayang pamilya.
Chapter 378 (SPG)
CHARLOTTE POV
Naging maayos ang mga sumunod na sandali sa aming dalawa ni Peanut. Naging masaya ang aming pagsasama. Sinusulit namin ang bawat araw na nagdaan para makapag-bonding at i- enjoy ang isat isa.
"Hmmm! Peanut, inaantok pa ako eh... " malambing kong bigkas nang maramdaman ko ang palad ni Peanut na nakasapo sa isa kong dibdib. Kakatapos lang ng mainit na sandali sa aming dalawa at heto na naman siya. May gusto na namang ipahiwatig ang kanyang mga haplos.
Hindi naman ito nakaimik bagkos patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Ganito na talaga siguro ang magiging buhay ko. Palaging may nangangalabit sa tuwing kasarapan ng tulog ko.
Sabagay....kung totoosin, nasa honeymoon stage pa lang naman kaming dalawa. Hindi ko siya masisisi dahil pareho pa talaga kaming sabik sa isat isa.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang labi nito sa leeg ko. Nag-uumpisang nabubuhay ang pagnanasa ko sa tuwing hinahalikan niya ako sa bahaging iyun habang ang isang palad naman nito patuloy sa paghaplos sa magkabilaan ko ng boobs.
"Ahmmm! Peanut! Anong oras na ba ? " bigkas ko pa. Bago ako nakatulog kanina, kakatapos lang naming magtalik tapos heto na naman siya ngayun. Gusto na namang makaisa.
"I dont know! Pero bigla na lang tumayo si little brother ko. Gusto pa daw niya ng isa pang round!"
malambing na sagot nito sagot sabay hawak sa isa kong kamay at iginiya nito sa kanvang pagkalalaki.
Hindi ko pa maiwasang mapangiti ng maramdaman ko kung gaano katigas iyun. Napansin kong wala na naman itong soot na kahit brief lang kaya malaya kong nahahawakan ang mahaba at mataba niyang ari. Narinig ko pa ang mahina nitong pag ungol ng umpisahan kong laruin iyun sa pamamagitan ng paghaplos ko.
Ang totoo, sanay na ako sa ganitong bisyo ni Peanut eh. Bigla na lang nanggigising sa hating gabi para lang maka-score. Napakahilig talaga!
Well, ayos lang naman sa akin. Nag eenjoy din naman ako sa tuwing may nangyayari sa amin. Normal lang naman itong ginagawa namin dahil mag asawa naman kami.
Iyun nga lang...baka mabubuntis din kaagad ako nito. Wala kaming ginagamit na proteksyon at talagang diretso sa sinapupunan ko kung magpaputok itong si Peanut.
Hindi na ako nagprotesta pa ng umpisahan na naman nitong hubarin ang soot kong pantulog. Sabagay, siya din naman ang nagsoot noon sa katawan ko pagkatapos naming mag sex kanina kaya siya na ulit ang nagtatangal ngayun.
Nagiging sunod sunuran ako sa mga sumunod na sandali. PInaghiwalay ni Peanut ang hita ko kasabay ng pagsalat nito sa basang basa kong perlas na silangan.
Hindi ko maiwasang mapaungol lalo ng ng umpisahan na nitong laruin ang perlas ko.
"Ready?" malambing pang tanong nito sa akin habang titig na titig ito sa mukha ko habang patuloy niyang nilalaro ang kuntil ko. Kaagad naman akong napatango.
Daliri niya pa lang, napakasarap na! Paano pa kaya kung ang little brother niya na ang pumasok sa kweba ko.
Bigla tuloy akong na-excite.
Kaagad akong tumalima ng igiya ako ni Peanut patalikod sa kaniya. Alam ko na ang gusto niyang iparating kaya kaagad kong itinukod ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng kama bilang suporta at naghihintay sa susunod na kaganapan na mangyayari sa aming dalawa.
Hindi ko maiwasang mapaungol ng malakas ng maramdaman ko ang pagkiskis ng pagkalalaki nito sa bukana ko kasabay ng dahan dahan na pagpasok nito sa loob ng kweba ko. Para akong mababaliw sa sarap.
"Peanut! Gosh! Ang sarap!" hinid ko maiwasang bigkas habang patuloy ito sa pagkadyot sa likuran ko. Basang- basa ako sa bahaging iyun kaya walang kahirap-hirap na kaagad itong nakapasok sa kaloob-looban ko. Ramdam ko ang pagbaon at paghugot na ginagawa niya sa perlas na silanganko. Hindi ko maiwasang mapakapit ng mahigpit sa bed sheet ng kama dahil sa hindi maipaliwanag na sensasyon na nararamdaman.
"Yahh I know! Ang sarap mo Baby! You're so tight! Habang tumatagal lalo akong nababaliw sa iyo." bigkas pa nito sa akin habang walang humpay ang ginagawa niyang pag ulos. Salpukan ng aming mga katawan ang naririnig sa buong paligid.
"Malapit na akooo!" halos pahiyaw kong bigkas nang maramdaman ko na parang naiihi na ako na hindi ko mawari. Lalo namang binilisan ni Peanut ang pagkadyot niya kaya naman halos mamilipit na pati daliri ng paa ko dahil sa matinding tension na nararamdaman ng buo kong pagkatao.
"Sabay tayo Charlotte! Malapit na din ako!" bigkas din nito sa akin hanggang sabay naming narating ang r***k ng kaligayahan. Ramdam ko ang muling pagbulwak ng katas nito diretso sa sinapupunan ko kaya naman hindi ko maiwasang mapapikit ng mariin.
Pagod na naman ako at mukhang tanghali na naman akong magising nito kinabukasan. Mabuti na lang at magaling magluto itong si Peanut kaya kaagad akong nakakabawi ng lakas ko.
KINAUMAGAHAN.....
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Pupungas pungas akong bumangon ng kama at nagmamdaling sinagot ang tawag.
"Hello?" kaagad kong bigkas pagkatapos kong idikit sa tainga ko ang cellphone.
"Charlotte, alam mo na ba ang kumakalat na balita?" kaagad naman na tanong sa akin ng taong nasa kabilang linya. Ang ka-triplets kong si Charles.
"What is i t^ prime prime tanong ko naman.
"May person of interest na ang mga kapulisan sa pagkamatay ni Doc Carlos.
" sagot nito. Kaagad akong napaupo ng kama dahil sa sobrang pagkagulat. Biglang nagising ang dugo ko sa hatid na balita sa akin ni Charles.
"Who?" tanong ko.
"Si Maureen! Nakita sa CCTV na siya ang huling lumabas sa bahay ni Doc Carlos pagakatapos siyang natagpuan ng mga kasambahay na wala ng buhay.
" sagot nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.
"Ano? Talaga ba?" sagot ko.
"Yes...at pinaghahanap na siya ng mga pulis para makunan ng salaysay. Ilang araw na siyang hindi sumisipot sa kanyang mga rehearsals, workshops at mga tv guesting. Bigla na lang siyang naglaho na parang bula." sagot nito sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pangamba. Hangat gumagala pa sa labas si Maureen tiyak na hindi din kami matatahimik ni Peanut. Baka bigla na lang siyang bumalik at manggulo.
Chapter 379
CHARLOTTE POV
May pictorial si Peanut ngayun sa isa sa mga produktong kanyang ini- endorse at dahil wala naman akong ginagawa kaagad akong pumayag na sumama sa kanya papuntang studio.
Ito ang kauna-unahang pagkakaton na mapapanood ko ang asawa ko kaya kahit papaano kaagad akong nakaramdam ng excitement. Gustong gusto ko din kasi talagang makita kung gaano ka-proffessional si Peanut pagdating sa trabaho.
Lalo pa akong nakaramdam ng tuwa nang proud niya akong ipinakilala sa mga kasamahan niya at mga kakilala pagdating ng studio. Sa kauna- unahang pagkakataon, nakilala ko din ang kanyang manager na nag aayos ng lahat ng schedules at contracts ni Peanut. Professional naman itong kausap kaya alam kong magkakasundo kami. Tawagin ko daw siyang Mama Lou ma game ko namang pinagbigyan.
"Ang ganda naman kasi talaga ng asawa nitong alaga ko eh kaya siguro gusto na talagang magretiro!" narinig ko pang bigkas ni Mama Lou habang kausap nito ang isa sa mga staff dito sa studio. Lihim naman akong napangiti.
"Alukin mo na din kasing mag artista. Tingnan mo naman, ang kinis at ang ganda niya at kaunting rehearsals and trainings tiyak na sisikat kaagad iyan." narinig ko namang sagot ng kausap nito. Lihim naman akong napangiti.
Hindi ako pwede sa ganyang propesyon dahil wala akong talent. Hindi din ako marunong mag pose sa harap ng camera. Ganda lang ang meron ako! Charrr!
Kung hindi ko sana pinigilan si Peanut sa kaagad niyang pagreretiro baka wala kami ngayun dito sa studio. Dapat pa nga silang magpasalamat sa akin dahil nagiging maunawain akong asawa ng alaga nila eh.
"Are you sure ayos ka lang? Saglit lang talaga ito and after this joyride na tayo pa-tagaytay!" nakangiti pang wika ni Peanut habang nakaupo ako dito sa loob ng studio. Kailangan na daw niyang pumasok sa loob ng dressing room para maayusan at makapagbihis na. Ayaw ko naman sumama sa kanya doon sa loob dahil gusto kong makapag focus ito sa kanyang ginagawa.
"Ayos larig ako. Bago sa mga mata ko ang mga kaganapan sa paligid kaya alam kong mag-ienjoy ako." nakangiti kong sagot sa kanya. Kinintalan muna ako nito ng mabilisang halik sa labi bago ako nito tuluyan iniwan para pumasok na sa loob ng dressing room. Naiwan naman akong hindi mapigilan ang mapangiti habang inililibot ang tingin sa paligid.
Ako lang yata ang naka setting pretty ngayun. Busy ang lahat sa kani- kanilang gawain. May mga kasamang models at artista din na makakasama si Peanut ngayun kaya medyo maraming tao ang nasa paligid.
"Charlotte! Ikaw ba iyan?" Kaagad akong napalingon ng marinig ko ang taong tumawag ng pangalan ko.
"Lucas! Hello! Kumusta ka na?" nakangiti ko namang sambit sabay tayo at inilahat ang kamay ko sa kanya para makipag shake hands.
Awkward naman kung makipag beso- beso ako sa kanya. Aware pa naman ako na pinagseselosan ito ni Peanut noon kaya kailangan kong mag ingat.
Ngingiti-ngiti naman itong tinagap ang pakikpag-kamay ko bago ito nagsalita.
"So kumusta na ang isang Mrs. Smith? Ang tagal nating hindi nagkita ah? Ini- ignore mo din ang mga messages ko." bakas ang pagtatampo sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng sundot ng konsensya. Nag effort pa naman ito noon na tulungan ako noong mga panahon na kailangang-kailangan ko ng tulong.
"Pasensya ka na....super busy talaga nitong mga nakaraang araw eh." sagot ko naman. Pilit naman itong ngumiti sabay tango.
"Ayos lang. Naiintindihan ko. Sino ba naman ako para pag aksayahan mo ng oras diba?" sagot naman nito. Hindi ko naman maiwasan na mahampas ito sa braso dahil sa sinabi niya. Parang tanga kausap. Sa sobrang laki ng naitulong niya sa akin noon, gusto ko din naman siyang maging kaibigan.
Mabait naman si Lucas. Magaan nga ang loob ko sa kanya. Kaya lang kailangan ko din manimbang lalo na at may asawa na ako. Hindi naman pwedeng makipag best friend ako sa kanya gayung alam kong mabigat ang dugo sa kanya ni Peanut sa hindi ko malamang dahilan.
"You're late!' Sabay pa kaming napalingon ng pareho naming narinig ang seryosong boses ni Penaut. Nakabihis na ito at mukhang ready na sa kanyang photo shoot. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapansin ko kung gaano ito ka-gwapo ngayun. Para itong Greek God sa sobrang kisig. Lalo tuloy akong na-inlove sa Mani na ito.
"Paano ba iyan Charlotte. Maiwan na muna kita. Nandito na pala ang bantay mo!" nakangiti pang paalam ni Lucas sa akin. Talagang nilakasan niya pa talaga ang boses niya para siguro asarin si Peanut. Parang gusto ko tuloy itong batukan.
Kaya hindi sila palaging nagkakasundo ng asawa ko dahil palagi niyang inaasar eh. Akala ko nga si Peanut ang menthor niya pero bakit parang hindi naman sila magkasundo ngayun?
Napansin ko pa ang pagkuyom ng kamao ni Peanut at aktong susugurin pa nito si Lucas pero kaagad ko itong hinawakan. Hinawi ko pa ang ilang hibla ng buhok nito na nalaglag sa kanyang noo bago ako nagsalita.
"Ang gwapo naman talaga ng asawa: ko! Kaya naman pala ang daming gustong makabingwit sa iyo eh. Masyado mong ginalingan ang pormahan." malambing ko pang bigkas. Hindi ko nga alam kong tama ba iyung lumalabas sa bibig ko ngayun. Basta iyun na iyun. Gusto kong i-boost ang confidence niya kahit na alam kong sisiw na lang kay Peanut ang ganitong klaseng trabaho.
"Ano ba ang sinabi sa iyo ng gagong ?yun? Bakit ka niya nilapitan?" nakakunot ang noo nitong tanong sa akin. Ramdam ko ang selos sa boses niya kaya naman hindi ko maiwasang matawa.
"Wala...nangungumusta lang. Parang hindi ka naman sanay sa ugali ni Lucas eh." sagot ko. Hindi naman ito nakaimik.
"Bakit? Nagseselos ka ba sa kanya?" lakas loob kong tanong. Kaagad naman itong napatitig sa akin sabay haplos sa aking pisngi.
"Of course! Magseselos talaga ako kapag may ibang lalaki na aali-aligid sa iyo. Lalo na ang Lucas na iyan na alam kong matagal ng may gusto sa iyo. " sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Talagang selos na selos itong asawa ko kay Lucas na wala namang ibang ginawa ang taong iyun kundi gusto lang makipag kaibigan sa akin.
Chapter 380
CHARLOTTE POV
Naging maayos naman ang sumunod na kaganapan sa loob ng studio. Masasabi kong napaka-proffessional ni Peanut pagdating sa trabaho. Maayos niyang nagampanan ang kanyang parte hanggang sa natapos nag pictorial at kaagad ako nitong niyaya paalis para mag joyride daw kami papuntang tagaytay. Hindi na nga ako nakapag paalam kay Lucas.
Sakay ng kotse, excited ako sa unang date naming dalawa ni Peanut. Alam kong magiging masaya kaming dalawa ngayung araw.
"Are you sure na ayos ka lang. Hindi ka pa ba gutom?" tanong pa sa akin ni Peanut habang tumatakbo ang sasakyan namin sa kahabaan ng expressway. Kaaagad naman akong napailing.
"Ayos lang. Ito kaya ang first date natin simula noong ikinasal tayo kaya walang makakapigil sa akin para i- enjoy ang araw na ito." nakangiti kong sagot.
Mabilis kaming nakarating ng tagaytay. Kumain lang kami sa isang sikat na bulaluhan at nagpalipas ng oras. Niyaya kasi ako ni Peanut doon sa dati naming pinuntahang over looking na bar and restaurant. Iyung resto kung saan nag away kami ni Maureen.
"Ayos lang naman sa akin kung hindi ka komportable na balikan ang lugar. Nanghihinayang lang din ako kasi alam kong nagustuhan mo iyung lugar pero nasira dahil sa mga pinanggagawa ni Maureen." narinig kong muling wika ni Peanut. Kaagad naman akong umiling.
Gusto ko ng kalimutan ang mga nangyari. Gusto ko ng mag-moved on. Tinangap at pinatawad ko na si Peanut kaya naman ayaw ko nang ungkatin namin ang mga nangyari na.
"Ayos lang talaga ako. Hindi ibig sabihin na may masamang nangyari sa akin doon, hindi ko na babalikan. Ang ganda ng lugar at hindi ko sisirain ang pagkakataon na ito para ma-enjoy natin." nakangiti ko namang sagot sa kanya.
"Thank you Baby! Alam mo bang sising sisi ako sa mga nangyari. Salamat dahil nandiyan ka pa rin at handa mo pa rin akong tangapin sa kabila ng mga nagawa ko sa iyo. Pangako, hinding hindi na mauulit ang lahat ng iyun.'" nakangiti nitong sambit. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi ko kasabay ng pagdukwang ko sa kanya para bigyan ito ng matamis na halik sa labi.
Mabuti na lang at dark tinted ang koste kaya walang makakita sa amin.
Malakas ang loob kong gawin ito lalo na at alam kong pareho naman kaming nagmamahalan.
Pagkalapat ng labi ko sa labi ni Peanut kaagad naman nitong nabitawan ang kamay ko kasabay ng paghawak nito sa likod ng ulo ko. Mapusok nitong tinugon ang halik ko kaya naman lalo akong ginanahan.,
"Baby! God! Your lips is so sweet!" sambit pa nito ng sandaling naghiwalay ang aming labi. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang namumuong pagnanasa kaya umayos na ako ng upo. Baka kung saan pa mapunta ang halikan namin.
Narinig ko naman ang pagtikhim ni Peanut at ang pagtangal nito ng sarili niyang setbelt. Nagtataka naman akong napatitig dito at nagulat na lang ako ng muli niya akong kabigin payakap at muling inangkin ang labi ko.
"Hindi pa tayo tapos BAby. Inumpisahan mo kaya tatapusin ko.:" nakangiti pa nitong bigkas ng saglit niyang bitawan ang labi ko habang titig na titig sa aking mga mata. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Hindi pwede iyang iniisip mo. Nandito tayo sa kotse. Baka may makakita sa atin." sagot ko. Kaagad naman itong natawa sabay pisil sa ilong ko.
"Of course hindi pwede dito sa kotse. Kaya hahanap tayo sa komportableng lugar." nangingiti nitong sagot sabay kindat sa akin. Ito na din ang nagkabit ng aking set belt at mabilis na pinaarangkada ang sasakyan paalis ng parking ng restaurant.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Peanut kaya naman hinayaan ko na siyang magdrive. Iyun nga lang ilang beses na siyang muntik makasagi ng ibang kotse dahil sa pagmamdali.
Parang may humahabol dito na hindi ko maintindihan. Naghahabol ng time para muli siguro naming ma-solo ang isat isa.
Hayssst kung umasta naman ito akala mo naman hindi palaging nakaka- score eh. Mukhang late na kami nito makakapunta sa overlooking na bar. Mukhang iba na ang priority ng asawa ko eh.
"Bakit dito? May unit ka ba building na ito?" nagtataka kong tanong kay Peanut ng ihinto nito ang sasakyan sa parking area sa isang matayog na building. Hindi ito hotel kundi isang mga condo units.
"Basta...magtiwala ka lang sa akin." ngiting ngiti nitong sagot at nagmamadali ng bumaba ng sasakyan. Kaagad ko namang inilibot ang tingin ko sa paligid. Maganda ang lugar at puro puno ang makikita sa buong paligid. Typical na nasa tagaytay ang lugar at alam komg puro mga may sinabi sa buhay lang ang makaka- afford bumili ng kahit isang unit sa building na ito.
"Lets go?" narinig kong wika ni Peanut matapos nitong buksan ang pintuan sa gawi ko. Hinawakan pa ako nito sa kamay para alalayan na makalabas ng kotse.
Hinayaan ko na lang si Peanut na igiya ako papasok sa loob. Sumakay kami ng elevator at lumabas ng third floor at tinahak ang isang pintuan at binuksan niya iyun gamit ng pass code. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay.
Walang duda. Mukhang pag aari nga ng Mani na ito ang condo unit na ito. Ayos din pala. At least hindi na kami mahihirapan kapag gusto namin mamasyal sa lugar na ito. Hindi na namin kailangan pang mag check in sa hotels at bumyahe na matagal para makapag-pahinga.
Nagulat pa ako ng pagkabukas ng pintuan bigla ako nitong hilain papasok sa loob ng unit. Nagmamdali ang kilos nitong isinara ang pintuan at sa akin kaagad ibinaling buo niyang pansin.
"Now...pwede na diba? Pwede na nating gawin lahat ng gusto nating gawin dito." nakangiti nitong wika at mabilis akong hinawakan sa baiwang at siniil ng halik sa labi. Hindi naman ako nakapalag. Alam kong kanina pa gigil na gigil sa akin ang asawa ko at sino ba ako para hindi ibigay kong anong nais siya.
Chapter 381 (SPG)
CHARLOTTE POV
Ang sanang balak naming pamamasyal ni Peanut ay nauwi sa mainit na sandali. Ngayun ko lang talaga higit na napatunayan na wala talaga itong kasawa-sawa pagdating sa kama.
Pagkapasok pa lang naming dalawa dito sa loob ng kanyang condo unit kaagad ako nitong sinibasib ng halik. Mainit, mapusok pero puno ng pagmamahal. Buong puso ko namang tinutugon ang halik niya kaya naman lalong nagiging mainit ang sumunod na tagpo sa aming dalawa.
Hindi ko pa nga maiwasang mapakunot ang noo ko ng saglit ako nitong pakawalan at binuhat niya ang center table dito sa sala. Pilit ko pang inaanalisa ang gusto niyang mangyari hanggang sa muli niya akong binalikan at giniya niya ako papuntang carpet at dahan dahan na inihiga. Kaagad naman akong nagpaubaya.
Mukhang alaga naman ng linis ang buong paligid kaya ayos lang. Medyo matigas sa likod pero keri naman.
Ito na din ang naghubad ng saplot ko sa buong katawan. Hinayaan ko na lang siya total kasama naman ito sa proseso ng aming paglalaro ng apoy.
Teka lang..Bakit dito? Wala bang kwarto?" hindi ko mapigilang tanong nang muli itong dumistansya sa akin upang hubarin na din ang sarili niyang saplot sa katwan..
"Meron...pero much better kung dito tayo mag start sa sala. Para naman maiba ang environment." Nakangiti nitong bigkas. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiwi. Talagang may environment-environment pa siyang naiisip ha?
Sabagay, ayos din ito. First time naming mag sex sa sala dahil hindi naman namin pwedeng gawin ito sa bahay namin dahil maraming katulong doon. Sa kwarto lang talaga kami nagsesex. Minsan din sa banyo kapag nagsasabay kaming maligo.
Pagkatapos nitong hubarin ang sariling saplot sa katawan kaagad ako nitong dinaganan. Pareho na kaming hubot- hubad kaya ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa aming mga katawan.
Hagod dito, hagod doon ang ginagawa ni Peanut sa akin. Para akong isang masarap na putahi na wala niyang sawa kung papakin. Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat hagod niya kaya naman walang sawa ko namang tinutugon ang bawat haplos niya.
"Ahhh Shit...Peanut!..." Anas ko ng maramdaman ko ang labi nito sa tuktok ng dibdib ko. Salitan nitong
sinuso ang magkabilaan kong bundok na parang sanggol kaya naman hindi ko mapigilang mapaungol sa sobrang sarap. Ramdam na ramdam ko ang mainit na labi nito na siyang nagpasiklab lalo sa nararamdan kong pagnanasa.
Pagkatapos nitong pagsawaan ang magkabilaan kong bundok unti-unting bumaba ang halik nito papunta sa aking tiyan. Sinipsip ng bibig niya ang bawat madaanan na parte ng aking katawan. Ramdam ko ang gigil sa bawat paghagod niya sa katawan ko kaya feeling ko, pagkatapos ng tagpong ito puno siguro ng kissmark ang buo kong katawan.
Pababa ng pababa ang ginagawa nitong paghalik sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang ang labi nito sa tapat ng aking perlas na silangan. Dahan- dahan nitong ibinuka ang aking mga hita at hindi ko mapigilang mapahiyaw nang lumapat ang labi nito sa aking kaselan na noon ay basang-basa na din.
"Peanut, ahhhh... Uhmmm..ughhh!!" ungol ko habang hindi ko alam kung saan kakapit at ibabaling ang aking paningin. Halos pasabunot ko pa siyang hinawakan sa kanyang buhok sa tindi ng sensasyon na aking nararamdaman. Para akong kakapusin sa paghinga na hindi ko maitindihan.
Ramdam ko ang bawat paghagod ng labi at dila nito sa kaselan ko. Napapaangat pa nga ang puwitan ko sa tuwing sinipsip nito ang perlas ko. Lalo yatang naging wild itong si Peanut.
"Peanut, !! Ano ang ginagawa mo! Tama na... Hindi ko na yata kaya."
Hinihingal kong wika. Nakakabaliw ang sarap na patuloy niyang ginagawa sa akin. Dagdagan pa na may kung anong bagay na akong nararamdaman sa aking puson na gustong kumawala.
Malapit na akong labasan pero patuloy pa rin ito sa pagpapaligaya sa ibabang parte ng aking katawan.
Halos napasigaw ako ng maramdaman ko na lumabas na ang kung anong namuo sa aking sinapupunan. Kasunod nito ang panginginig ng aking tuhod.. Wala pa rin itong kasawa-sawa sa pagdila sa aking perlas na silangan
. inuubos nito ang katas na lumabas sa akin kaya naman sinabunutan ko ito para tumigil na.
Agad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin kaya naman nakangiti itong muling umibabaw sa akin.
"How is it? Ayos ba ang performance ko?" usisa nito na may nakapaskil na ngiti sa labi. Napangiwi pa ako ng makita ko ang nangingintab nitong labi. Galing iyun sa katas ko na halos sairin niya kanina kung hindi ko pa pinigilan.
Akmang hahalikan ulit ako nito sa labi pero kaagad akong umiwas. Nakakadiri ang labi niya. Galing iyun sa perlas na silangan ko tapos ihahalik niya sa akin?
"Pwede bang magmumog ka muna?" hindi ko maiwasang bigkas. Kaagad naman itong natigilan at natawa.
"Why?" natatawa nitong bigkas at talagang dinilaan pa nito ang sariling labi. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Bastos talaga itong asawa ko!
"Basta...pagkatapos mong ingudngod sa 'ano' ko iyang nguso mo hahalikan mo ako?" sagot ko naman. Lalo itong napahalakhak kaya hindi ko hindi maiwasang titigan ito. Sa sobrang gwapo ng asawa ko, tiyak na artistahin din ang magiging anak namin nito.
"No! Ayos na ito Baby! Hindi mo ba naramdaman? Galit na ang little Brother ko eh.. Ikaw din...lalo pa naman itong lumalaki kapag nabibitin."
nakangiti nitong sagot at kaagad na inangkin ang labi ko. Wala na akong nagawa pa kundi kaagad na tinugon ang halik niya. Nalasahan ko pa ang sarili kong katas pero wala na akong pakialam pa lalo na ng muli kong naramdaman ang muling paglalakbay ng mga palad nito sa katawan ko.
Chapter 382
PEANUT POV
Mabilis na lumipas ang anim na buwan. Nagiging masaya ang pagsasama naming dalawa ni Charlotte. Laking pasasalamat ko dahil wala na kaming na-encounter na kahit na anong problema sa aming pagsasama.
Wala na din akong naging balita pa kay Maureen. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Napaikot niya man ako pero dalangin ko na huwag na siyang magpakita sa akin dahil hindi ako mangingimi na ipakulong pa rin siya once na magkrus ang aming landas.
HInding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang panloloko sa akin. Muntik nang ikapahamak ni Charlotte ang ginawa niyang kalokohan kaya habang buhay ko talaga siyang hindi mapapatawad kaya galingan niya ang pagtatago niya dahil alam kong hina- hunting din siya ng mga alagad ng batas dahil sa pagkamatay ni Doc Carlos.
Siya na kasi ang prime suspect lalo na at bigla na lang siyang naglaho.
"Are you sure na ayaw mo na talagang pumirma ng panibagong contract? Maraming mga kumpanya na naka line up na mga projects para sa iyo at sayang naman kung basta-basta mo na lang tatalikuran lahat!'" kaagad na salubong sa akin ni Mama Lou ng bisitahin ko ito sa kanyang opisina. Ngayun ang huling araw ko under her supervision sa career modeling ko at nandito ako para personal na magpaalam sa kanya.
Kagaya sa pangako ko kay Charlotte, tuluyan ko ng iiwan ang modeling career ko. Hindi naman kami magugutom dahil marami na akong naipundar na negosyo sa ibat ibang bahagi ng bansa. Isa na dito ang fourteen branches ng jewelry shop na nag-aakyat sa akin ng limpak-limpak na salapi kahit nasa bahay lang ako at inaalagaan si Charlotte. May dalawang restaurant din akong pag aari na paborito naming puntahan kapag weekend.
Maliban sa pag-aaring mga bahay at condos pati na din Yate at mamahaling kotse, may malaking lupain din akong pag-aari na inoopahan ng mga malalaking negosyante para patayuan ng warehouse at gasoline station. Lahat ng iyun galing sa katas ng pagmomodeling ko kaya kahit na huminto ako alam kong maibibigay ko lahat ng pangangailang ni Charlotte pati na din ng magiging anak namin.
"Thank you sa gabay Mama Lou pero buo na po ang desisyon ko, gusto ko munang ibigay ang buong oras ko sa asawa ko." nakangiti ko namang sagot. Kaagad naman gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi nito bago tumango.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko! Desisyon mo iyan at naiinitindihan kita. Hindi ko lang kasi talaga maiwasan na malungkot lalo na at ikaw ang pinakamatagal kong alaga at pinaka-successful." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Nandiyan naman po si Lucas. Magaling din naman iyun at seryoso sa trabaho niya." sagot ko naman.
Kaya lang naman ako naiinis noon kay Lucas dahil nagseselos ako. Alam ko kasing may gusto ito kay Charlotte kaya nagagalit ako tuwing nakikita ko ito na lalapit lapit sa asawa ko. Pero iba na ngayun, malaki ang tiwala ko sa asawa ko at kahit na ilang pang lalaki na aali-aligid sa kanya, alam kong ako pa rin ang pipiliin niya.
Hindi na din ako nagtagal pa sa opisina ni Mama Lou. Kaagad na akong nagpaalam dahil may dadaanan pa ako at isa pa hinihintay ako ni Charlotte sa bahay. Nitong mga nakaraang araw ang hirap pa naman ispelingin ng ugali noon.
Pagkagaling ng opisina kaagad akong dumiretso ng supermarket. May pinapabili sa akin si Charlotte at kabilin -bilinan niya pa, bawal daw akong magpakita sa kanya kung hindi ko dala ang bagay na gusto niyang kainin.
Diretso ako sa fruit section at kaagad na hinanap ang request na prutas ni Charlotte. Pumunta ako sa mga hilira ng isang partikular na prutas at kaagad na kumuha ng tatlong piraso at kaagad na pumunta sa counter para magbayad.
Pagkalabas ng grocery store, kaagad akong nagdrive pauwi ng bahay. Hindi nagtetext or tumatawag si Charlotte kaya alam kong naghihintay ito sa akin na siyang nangyari dahil pagkapasok ko pa lang ng sasakyan sa loob ng garahe, kaagad kong natanaw na naglalakad na ito palapit sa akin.
"Hello my Baby! Miss me ?^ prime prime prime kaagad ko pang sambit ng makalapit ito sa akin. Niyakap ko ito at ginawaran ng matamis na halik sa labi.
"Bakit ang tagal mo?" kaagad na tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagtatampo kaya pabiro kong pinisil ang matangos nitong ilong. Kaagad naman itong napasimangot.
"Sorry po! Medyo natagalan ako sa office ni Mama Lou at dumaan pa ako ng supermarket para bilihin ang gusto mong ipasalubong ko sa iyo." nakangiti kong bigkas. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi nito kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag.
"Talaga? Wow! Thank you! Alam mo ba na kanina pa ako natatakam sa pagkain na iyan?" excited na sagot nito. Mahina naman akong natawa bago ko binuksan ang pintuan sa likurang bahagi ng kotse at kinuha ang prutas na binili ko kanina sa supermarket. Kaagad naman humawak sa braso ko si Charlotte at niyaya na ako nitong pumasok sa loob ng bah
Diretso kami sa kusina. Mabigat ang tatlong pirasong pakwan na hawak ko sa kabila kong kamay pero hindi na ako nagreklamo pa...yes, pakwan ang pinabili niya sa akin dahil three months pregnant na si Charlotte.
Nagbunga din ang pagmamahalan naming dalawa at excited ako na masilayan ang magiging baby namin.
Isa ito sa mga dahilan na kahit na anong pilit sa akin ni Mama Lou na mag extend pa ng contract sa kanya hindi na ako pumayag pa. Gusto ko kasing itoon ang buong attention ko kay Charlotte hanggang sa pagkapanganak nito.
Although, maayos naman ang kanyang pagdadalang tao, pero iba pa rin kung nasa tabi niya ako palagi. Iba pa rin na napagsisilbihan ko siya lalo na at hindi biro ang mga nararanasan niyang morning sickness.
Chapter 383
PEANUT POV
"Bakit may mga seeds? Ayaw ko niyan! "kaagad na deklara ni Charlotte pagkahati ko pa lang ng pakwan. Kaagad naman akong natigilan at gulat na napalingon dito.
Titig na titig ito sa pakwan habang may bahid nang luha sa mga mata. Taranta ko namang nabitawan ang hinihiwa ko at nag-aalalang hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"Why? Baby, normal lang sa prutas specially sa pakwan ang may buto!" mahinahon kong wika. Kaagad naman itong umiling habang sunod-sunod na ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata. Para namang kinukurot ang puso ko dahil sa awa ko sa kanya.
Pambihira? Kakaibang cravings ito? May pakwan ba na walang buto? Bakit hindi ko yata alam iyun?
"HIndi ka nakikinig eh! Ang pangit niyan! Ayaw ko nyan! Ayaw ko ng pakwan ng may buto! Huhuhu!"
humahagulol na bigkas nito. Para itong batang biglang nagtatantrums dahil hindi naibigay ang gusto. Kaagad ko naman itong niyakap para sana patahanin.
"Baby naman! May buto talaga ang pakwan. Hindi naman nakakaapekto sa lasa iyan eh." sagot ko at kaagad na humiwa ng maliit at iniabot sa kanya. Tinabig lang niya iyun na siyang dahilan ng pagkalaglag ng prutas sa sahig. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga.
Kaka-start pa lang kung maglihi itong asawa ko pero feeling ko makakalbo na ako ng maaga dahil sa stress. Noong nakaraang araw naghanap siya ng kulay pula na manga. Ang ending, hindi ako nakahanap kaya hindi ako nakapasok sa kwarto namin. Sa
sobrang pag alala ko, sa labas ng pintuan ako nakatulog. Mukhang kailangan ko na namang ihanda ang sarili ko ngayung araw dahil hindi na naman nakuha kung ano ang gusto nitong kainin.
"Sorry na Baby! Huwag ka ng umiyak. Masarap din ito promise! Pakwan din ito eh! Hindi naman alam na may pakwan pala na walang buto.! Huwa ka ng umiyak oh! Sorry na Baby ko! sorry na!" paulit-ulit kong hinging paumanhin at umaasa ako na baka makinig siya. Hinalikan ko pa ito sa noo para tumigiil lang sa kakaiyak pero wala epekto. Bagkos naramdaman ko pa ang pagtulak nito sa akin palatandaan na ayaw niyang hawakan ko siya.
Mahina akong napa-buntong hininga. Ganito ba talaga ka-selan sa mga bagay -bagay ang babaeng buntis? Feeling ko nga pinagti-tripan ako ni Charlotte eh pero kapag nakikita kong umiiyak ito dahil hindi niya nakuha ang gusto niya, bigla na lang nagbabago ang isip ko. Seryoso nga at napakababaw ng luha niya ngayung buntis siya.
"Hindi mo na yata ako love eh! Ayaw mong ibigay ang gusto ko!" nang- uusig nitong bigkas. Kaagad ko namang pinunasan ang luha nto sa pisngi bago ko ito sinagot.
"Sino ang nagsabi sa iyo na hindi na kita love? Of course, love na love kita! Ikaw lang ang Baby ko eh. Sorry na! Kung gusto mo, lalabas ulit ako.
Maghahanap ako ng pakwan na walang buto." Malambing kong sagot. Umaasa ako na makinig siya sa akin at tumigil na siya sa pag-iyak.
Sumasakit ang kalooban ko kapag nakikita itong lumuluha.
Pambihira naman kasi. Saan kaya ako maghahanap nito ng pakwan na
+35 BONUS
walang buto kung sakali.
Ngayun ko lang napatunayan na mahirap palang ispelingin ang buntis. Masyadong maselan at kaunting bagay, iniiyakan!
"Hindi na! Thank you na lang!" sagot nito at padabog akong tinalikuran. Kaagad ko naman itong sinundan. Baka kung ano ang maisip gawin lalo na at nagta-tantrums na naman eh.
"Diretso ito sa loob ng kwarto at kaagad na nahiga ng kama at nagtalukbong ng kumot. Ganoon pa man, Dinig na dinig ko pa rin ang bawat paghikbi niya. Parang gusto ko naman sabunutan ang sarili ko dahil sa stress na nararamdaman. Hinugot ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng suot kong pantalon at lumabas ng kwarto para tawagan ang taong pwede kong hingan ng tulong para makahanap ng pakwan na walang buto.
Kaagad akong nag-dial sa number ni Christopher. Ang kapatid ni Charlotte na naging kaibigan ko na din.
"Hello Bayaw! Napatawag ka?" mabuti na lang at sumagot din kaagad ito ng ilang ring lang. Kaagad ko namang sinabi sa kanya ang pakay ko at narinig ko na lang ang malakas nitong pagtawa sa kabilang linya.
"Bayaw naman! Wala pa akong nakikitang pakwan na walang buto. Pambihira pala maglihi ang kapatid ko. Malalagot ka diyan kapag hindi mo maibigay ang gusto niya. Baka bigla na lang iyang maglayas!" wika nito.
Imbes na matulungan ako nitong si Christopher lalo pa yata akong nai - stress. Lalo na nang sambitin nito ang salitang paglalayas.
"So, wala kang maitulong? Baka naman pwede kang magbakasakali diyan sa place mo ng pakwan na walang boto. Hanapan mo naman ako. Hindi ko kayang nakikita ang kapatid mo na umiiyak dahil hindi niya nakuha ang gusto niya!" sagot ko naman. Kaagad kong narinig ang pagpalatak nito bago sumagot.
"Fine..susubukan ko pero hindi ako mangangako na makakahanap ako! Pero since, excited na akong makita ang pamangkin ko sa inyong dalawa ni Charlotte gagawa ako ng paraan!"
sagot nito at kaagad na nagpaalam. Muli akong pumasok sa loob ng kwarto at naabutan ko na si Charlotte na nakaupo ng kama habang nakasadal sa headboard.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na at seryoso itong nakatitig sa akin habang may pilyang ngiti na nakaguhit sa labi nito.
Bago ako lumabas ng kwarto kanina naririnig ko pa itong umiiyak pero iba na naman ang mood niya ngayun. Parang may naglalaro sa isipan nito na hindi ko mawari.
Chapter 384
PEANUT POV
"Baby? Hindi ka na galit diba?" alanganin kong tanong sa kanya. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito bago dahan-dahan na bumaba ng kama at naglakad palapit sa akin.
"Galit pa rin! Pero kaunti na lang!" nakangiti nitong sagot. Nagtataka man sa ipinapakita niyang pag-uugali sa harap ko pero hinayaan ko na lang hanggang sa makalapit ito sa akin at naglalambing na ikinawit ang kanyang dalawang kamay sa leeg ko.
Kaagad ko naman itong hinawakan sa kanyang magkabilaang baiwang at akmang hahalikan ito sa labi ng bigla itong nagsalita.
"Ako ang magtatrabaho ngayun. Relax ka lang okay?" nakangiti nitong bigkas. Takang taka naman akong napatitig dito dahil hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Banayad ang ginawang paghalik nito sa akin pero hindi ako kontento sa ganoong bagay. Mapusok kong tinugon ang halik niya kaya kaagad itong napakalas sa pagkakayakap sa akin.
"Anong ginagawa mo? Hindi bat sabi ko, ako ang magtatrabaho? Wala kang ibang gawin kundi hayaan ako!" wika nito. Bakas ang inis sa boses niya kaya nagtataka akong napatitig dito.
"Baby naman! Natural, magrereponse ako sa kiss mo! Ang lambot kaya ng labi mo tapos ang tamis pa." sagot ko naman
Kakaiba talaga ang trip nitong Baby ko! Kung anu-ano ang naiisip na gawin. Napansin ko pa ang pag-ismid nito bago naglakad palapit ng kama at naupo.
"Fine sige na nga! Hubarin mo na iyang lahat ng suot mo tapos gumiling ka sa harap ko." pautos na wika nito. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa sinabi niya.
Ako, gigiling sa harap niya? Ano ang akala nya sa akin sexy dancer? Oo, model ako magaling mag-pose sa harap ng camera at rumampa pero hindi ako marunong gumiling. At ang gusto niya pa, hubot hubad daw ako?
Teka lang kasama pa ba ito sa paglilihi niya? Akala ko ba pagkain lang ang tanging cravings ng mga buntis. Bakit kakaiba naman yata ang gusto nitong baby ko?
"Peanut! Bilisan mo na kasi! I am waiting!" narinig ko pang muling bigkas nito. Nang titigan ko ito bakas na ang inis sa kanyang magandang mukha. Hindi ko maiwasang mapangiwi bago dahan-dahan na hinawakan ko ang laylayan ng aking tshirt para umpisahang hubarin iyun.
"Bilisan mo na kasi! Kapag ganyan ka, iiyak na talaga ako!" muling bigkas nito. Parang gusto ko namang matawa sa sinabi niya. Talagang tinatakot pa ako nitong pilya kong asawa.
Hayssst, kung ganito ito palaging magbuntis baka tatanda kaagad ako nito eh. Kung anu-ano ang naiisip gawin.
"Heto na Baby! Ikaw naman, masyado ka namang mainipin!" sagot ko at nagmamdali ko ng hinubad ang aking tshirt pati na din ang pantalon.
Nang muli kong sulyapan ito, kita ko ang matamis nitong ngiti sa labi habang pinapasadahan nito ng tingin ang buo kong katawan.
Ewan ko ba, nabuntis lang itong
asawa ko feelin ko, minamanyak na ako eh. Kakaibang cravings ito!
"Bakit hindi mo pa hinubad ang brief mo? Hubarin mo na din tapos umpisahan mo ng gumiling." muling wika nito.
Napalunok pa ako ng sarili kong laway bago dahan-dahan kong ibinaba ang aking brief. Wala akong choice kundi sundin ang gusto niya dahil baka magtantrums na naman. Mahirap pa naman itong amuhin.
Pagkahubad ko ng aking brief kaagad na kumawala ang nag-uumpisa pa lang na tumigas kong alaga. Napansin ko pa ang paglunok ni Charlotte ng sarili nitong laway habang titig na titig sa alaga ko.
"Sige na..giling na! Excited na ako!" pautos na wika nito. Parang normal lang sa kanya ang inuutos niya sa akin. Gusto pa yata akong gawing dancer.
"Pero Baby, hindi ko alam iyang pinapagawa mo. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa naranasan ang gumiling." sagot ko. Kaagad kong napansin ang pag-iba ng awra nito at ang panunubig ng kanyang mga mata. Akmang liyak na naman ito kaya kaagad kong iginiling ang matigas kong katawan.
"Heto na Baby! Gigiling na!" taranta kong wika habang iginagalaw-galaw ko ang aking baiwang.
Kakaiba ito. Never pa akong gumiling sa harap ng babae before at ang malala pa gumigiling ako sa harap ni Charlotte na wala namang music. Kung hind lang ito buntis, never ko talaga itong pagbibigyan.
"Galingan mo naman Peanut! Bakit ba ang tigas ng katawan mo!" narinig ko pang reklamo nito. Kung hindi lang ito buntis, papatulan ko na talaga ang kapilyahan nito eh. Nagrereklamo pa gayung alam niya naman na hindi ko forte ang gumiling.
Aminado naman talaga ako na matigas ang katawan ko sa mga ganitong bagay. Hindi ako dancer at hindi ako mahilig gumiling.
"Ito lang talaga ang kaya ko Baby eh... " sagot ko naman. Napansin ko naman ang kaagad na patayo nito at paglapit sa akin kasabay ng pagsayad ng kamay niya sa pagkalalak ko.
Parang may dalang kuryente ang palad na iyun na kaagad na nagpabuhay sa aking dugo. Kaagad na nanigas ang aking alaga lalo na ng tuluyan nitong hawakan at pisilin.
"Hindi ka marunong gumiling...sige mahiga ka na lang sa kama. Walang kwenta iyang pagiling mo. Parang ewan! Ang sagwa!" mahina nitong bigkas at pinakawalan muna nito ang alaga ko bago ako dahan-dahan na
inakay papuntang kama.
Excited kong sinunod ang gusto niya. Mas pabor sa akin ang sinabi niya ngayun kumpara sa gumiling. Kaagad akong tumihaya sa kama samantalang pumwesto naman itong si Charlotte sa ibaba ko kasabay ng pagdakma niya ulit sa alaga ko. Nilaro-laro niya iyun kaya hindi ko mapigilang mapaungol ng malakas.
Sana ganito na lang ang cravings na hinahanap ng asawa ko. Kamay niya pa lang, parang gusto ko ng labasan.
Chapter 385
PEANUT POV
Para akong nilalagnat na hindi ko mawari ng nag-umpisa na akong paghahalikan ni Charlotte simula sa aking pisngi papunta sa aking labi.
Ang problema lang, nagrereklamo ito kapag tiutugon ko ang halik niya. Ayaw niya dahil siya daw ang magtatrabaho ngayun kaya kahit na gusto ko ng s ^ *** ***n ang malambot nitong dila hindi ko magawa.
Basta tihaya lang daw ako at siya na ang bahala. Kakaiba talaga. Feeling ko nga, pinagtitripan ako nitong si Charlotte eh.
Katulad na lang ngayun, ginagalugad ng bibig niya ang bibig ko. S******** p nito ang dila ko at ayaw niyang tugunin ko iyun.
Init na init na ako sa pinanggagawa ng asawa kong ito! Gusto ko ng hawakan at paglaruan ang kanyang pasas na pink pero hindi pwede. Bawal daw.
Pagkatapos nitong pagsawaan ang labi ko, unti-unting bumaba ang halik nito patungo sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Isinubo pa nito ang pasas na pink ko at bahagyang s******p kaya hindi ko maiwasang mapa-ungol dahil sa kakaibang kiliti na nararamdaman.
"Baby, baka pwede na! Please, I want to taste your pasas na pink too!:"
nagsusumamo kong bigkas sa kanya. Kaagad naman itong natigilan bago seryoso akong tinitigan sa mga mata.
"Sure......pero saglit lang ha?" sagot nito. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mapagbigay naman pala itong asawa ko eh kaya susulitin ko na.
Kaagad kong pinagpalit ang pwesto namin. Itinaas ko ang hindi pa nahubad nitong blouse at kaagad na hinagilap ang kanyang pasas na pink at mabilis na pinapagpala iyun gamit ang aking kanina pa na natatakam na bibig. Narinig ko naman ang mahinang pag- ungol nito palatandaan na nagustuhan nito ang aking ginagawan.
"Ughh Peanut! More! More!" sambit pa nito habang mariin na nakapikit ang kanyang mga mata.
Wala na akong inaksaya pang sandali. Kaagad ko ng inumpisahan na hubarin lahat ng saplot sa kanyang katawan. Wala akong itinira kahit isa. Lahat- lahat kasama na ang kanyang undeware kaya malaya kong pinalandas ang aking mga kamay sa makinis niyang katawan.
Nag-umpisa sa kanyang magkabilaang dibdib na salitan kong hinahalikan patungo sa namamasa niya nang pagkababae.
Nag-umpisa ko ng haplusin iyun at ng bitawan ko na ang kanyang pasas na pink para pababain na ang aking halik patungo sa kanyang tiyan nang kaagad kong naramdaman ang pagtulak nito sa akin.
Namalayan ko na lang na nagkapalit na kami ng pwesto. Nasa ibabaw ko na naman ito habang may ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
"Ako naman! Pinagbigyan na kita diba? "sagot nito habang nakaupo ito sa aking tiyan. Damang dama ng buo kong pagkatao ang init na nagmumula sa kanyang pagkababae. Mamasa-masa na iyun at parang kay sarap ng pasukin
"Okay...galingan mo Baby ha?" sagot ko naman sa kanya. Tumango ito at inumpisahan na nitong pinaglandas ang kanyang labi mula sa dibdib ko pababa ng pababa.
Ginagawa nito ang ginagawa ko sa kanya tuwing nagsi-sex kami.
Nakakabaliw ang init na nagmumula sa labi nito na siyang dahilan kaya lalo akong kinain ng matinding pagnanasa.
"Baby, you dont have to do this!" malambing ko pang bigkas dito ng napansin ko na nakatunghay na ito sa tayong-tayo ko ng alaga. Kita ko ang pilyang ngiti sa labi nito bago niya dinilaan ang ulo noon. Hindi ko naman maiwasan na mapaungol dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman.
Grabe, dampi pa lang ng labi niya parang gusto ng manginig ang aking laman. Paano pa kaya kung isubo niya iyun.
"Baby! Come on, dont do this! Hindi mo kailangang gawin ito!" sambit ko pa at hindi ko maiwasang muling mapaungol ng s******n nito ang ulo ng aking alaga. Para itong dumidila ng ice cream kaya hindi ko maiwasang
hawakan ito sa kanyang ulo para idiin pa patungo sa aking pagkalalaki.
Kakaiba ang pagiging wild nitong asawa ko ngayun kaya susulitin ko na lang siguro. 1-enjoy ko na lang total nasasarapan din naman ako.
Mariin pa akong napapikit ng subukan nitong isubo ng buo ang aking alaga pero kaagad din nitong niluwa kasabay ng pag-ubo niya. Nabilaukan yata ang wild kong asawa kaya nag-aalala akong muling napatitig dito at akmang babangon ako pero maagap niya akong pinigilan.
"Hindi ko kaya! Bakit ba kasi ang laki nito?" reklamo nito. Hindi ko maiwasang matawa kasabay ng paghaplos ko sa pisngi nito.
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyan Baby! Tingnan mo, galit na siya ohhh, gusto niya ng pasukin ang kweba mo." malandi kong bigkas.
Napabungisngis ito ng tawa kaya hindi ko maiwasang mapangiti bago ko ito dahan-dahan na hinila patungo sa ibabaw ko.
Nakaalalay ako sa kanya habang daha- dahan nitong inuupuan ang galit kong alaga. Hawak ko ito sa kanyang baiwang para hindi ito mabigla habang dahan-dahan kong ipinasok ang aking alaga sa kanyang basang basa na lagusan.
"Ughhh! Peanut, wait lang...ang laki niya na lalo." rekamo nito gayung kalahati pa lang ang nakapasok.
"Yahhh, malaki pero masarap iyan Baby!" sagot ko naman habang mariin ko itong hinawakan sa kanyang baiwang sabay kadyot. Kaagad kong naramdaman ang pagbaon ko sa kailaliman niya kasabay ng malakas na pag ungol ni Charlotte.
"Gumalaw ka Baby! Kaya mo iyan."
wika ko pa sa kanya na kaagad nitong sumunod. Umindayog ito sa ibabaw ko kasabay ng pagyugyog ng kanyang dalawang bundok. Lalo tuloy akong nakaramdam ng libog kaya sa tuwing indayog niya sa ibabaw ko, sinasabayan ko iyun ng malakas na pagkadyot.
"Peanut, shit! Malapit na ako! Kaunti na lang." wika nito kasabay ng malakas nitong paghingal. Kaagad ko namang binaliktad ang aming pwesto habang hindi naghihiwalay ang aming mga kaselan. Alam kong pagod na si Charlotte kaya ako naman ang nasa kanyang ibabaw ngayun.
"Ughhh! Peanut! I'm cumming!" halos pasigaw na bigkas ni Charlotte kasabay ng lalong pagkabasa ng kanyang pagkababae. Alam kong nilabasan na ito pero patuloy pa rin ako sa gigil na gigil kong pag ulos sa kanya.
Chapter 386
PEANUT POV
Katapos ng pagsirit ng mainit kong katas sa kaloob-looban ni Charlotte hingal na hingal akong napahiga sa tabi niya. Sobrang intense ng bakbakan naming dalawa at parang mas gusto kong palaging buntisin itong asawa ko para magiging active pa lalo sa sex.
Hindi ko mapigilan ang paguhit ng ngiti sa labi ko ng mapansin ko nakapikit na ito. Bakas ang pagod sa maganda nitong mukha kaya kaagad kong hinila ang makapal na comforter para itakip sa mga hubad naming katawan. Masuyo ko pa itong binigyan ng halik sa kanyang noo para ipadama ko sa kanya ang labis kong pagmamahal.
"Tired?" malambing ko pang bigkas ng mapansin ko ang dahan-dahan na pagdilat nito. Nagsusumiksik ito sa katawan ko kaya mahigpit ko itong niyakap.
"A little bit!" sagot nito. Hindi ko maiwasang matawa habang hinahaplos ang maganda nitong mukha.
Litte bit daw pero kitang kita ko ang pagod sa kanyang awra. Mapagkunwari talaga itong asawa ko.
"Well, lets sleep first para makapagpahinga tayo pareho." sagot ko. Kaagad naman itong tumango bago ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig dito hanggang sa dalawin ako ng antok.
Muli akong nagising ng marinig ko ang tunog ng aking cellphone. Nang tingnan ko si Charlotte, tulog na tulog pa rin ito kaya dahan-dahan akong bumangon at inabot ang aking cellphone para sagutin.
Nagtaka pa ako dahli sa Kenneth ang tumatawag. Ang future lawyer na apo ng mga Villarama.
"Hello! Kenneth, napatawag ka?" mahina kong bigkas habang hindi inaalis ang pagkatitig ko sa mukha ni Charlotte. Sa pagod nito ni hindi man lang ito nagising sa pagtunog ng aking cellphone.
"May good news ako sa iyo...naaresto na ng mga pulis si Maureen."
diretsahang sagot naman ni Kennet sa kabilang linya. Muli kong sinulyapan si Charlotte bago dahan- dahan akong bumaba ng kama. Inayos ko pa ang makapal ng comforter na tumatakip sa katawan nito bago ko hinagilap ang roba at isinoot iyun. Diretso akong naglakad patungo sa balcony na kadugtong lang ng kwarto namin.
Hindi masyadong pansinin iyun lalo na at natatakpan ng makapal ng kurtina ang sliding door na palabas ng balcony.
"That's good news. Tiyak na matutuwa nito si Charlotte." sagot ko naman.
Sa wakas, nahuli din si Maureen. Siya ang dahilan kung bakit ayaw ni Charlotte maglalabas ng bahay. Baka daw abangan kami ni Maureen at kung ano ang gawin.
Siya talaga ang prime suspect sa pagkamatay ni Doc Carlos. Kung ano man ang naging dahilan niya, siya lang din ang nakakaalam noon.
"Nagbigay na siya ng statement. Inamin niya na siya ang pumatay kay Doc Carlos. Kausap ko siya kanina at nakiusap siya sa akin na dalawin mo daw siya." muling wika ni Kenneth. Hindi ko naman inaiwasan na mapataas ang aking kilay.
May dahilan pa ba para mag usap kaming dalawa ni Maureen? Muntik niya ng sirain ang buhay mag asawa namin ni Charlotte kaya dapat lang na pagbayaran niya iyun lalo na at nakapatay siya.
"I dont have time to visit her. Mas kailangan ako ni Charlotte kumpara sa kapritso niya." walang gana kong sagot ko.
"But...ito daw ang last request niya para sa iyo. Beside, nakapanganak na pala siya at pansamantalang nasa pangangalaga ng DSWD." sagot nito. Nagulat naman ako.
Oo nga pala. Buntis si Maureen bago ito nagtago. Posible ngang nakapanganak na siya sa mga sandaling ito.
Of course, sure ako na hindi ako ang ama noon. Pero kung may batang involved sa sitwasyon na ito sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang hiling ni Maureen. For the last time, kailangan din siguro namin mag usap total, may pinagsamahan din naman kami.
Magpapaalam na lang siguro ako kay Charlotte. Maiintindihan niya naman siguro ang lahat lahat.
"Okay...fine...tingnan ko. Kailangan muna naming pag usapan ni Charlotte ang tungkol dito." sagot ko at kaagad na nagpaalam kay Kenneth.
Kahit papaano, gumaan din naman ang kalooban ko sa dalang balita ni Kenneth. Mapagbabayaran na nI Maureen lahat ng kasalanan na nagawa niya.
Mabilis akong bumalik sa loob ng kwarto. Pambihira naman itong si Kenneth. Halos alas dos na pala ng madaling araw kung tumawag. Mabuti na lang at hindi nagising si Charlotte.
Pinagmasdan ko muna si Charlotte bago ako dahan-dahan na nahiga ng kama. Mahimbing pa rin itong natutulog at feeling ko bukas na ng umaga ang gising nito.
Kinaumagahan.........
Nagising ako sa mahinang tunog na nagmula sa banyo. Napabalikwas pa ako ng bangon ng mapansin ko na hindi ko na katabi si Charlotte kaya nagmamdali akong bumaba ng kama at naglakad patungo sa banyo.
Naabutan ko si Charlotte na nakasalampak ng upo sa harap ng toilet bowl at nagsusuka.
"Baby! What happened? Masama ba ang pakiramdam mo?" kaagad kong bigkas at mabilis itong dinaluhan. Hindi ito nakaimik kaya nag aalala kong hinaplos ang kanyang likod.
"Its okay...Its okay!" bigkas ko pa pero nanginginig na ako sa takot at matinding pag aalala. Alam kong nahihirapan na ito sa sitwasyon niya. Tuwing umaga ganito ang palaging routine ni Charlotte.
Kung pwede nga lang na akuin ko na lang muna ang hirap na pinagdadaaanan niya ngayun, ginawa ko na sana. Ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan ko ng tinalikuran ang pagmomodeling ko. Gusto kong ako mismo ang personal na mag aalaga hanggang sa pagkapanganak niya. Magiging hands on Daddy din ako sa baby namin na never kong naranasan noong bata pa ako dahil maagang naghiwalay ang mga magulang ko.
Chapter 387
CHARLOTTE POV
Ang magbuntis pala kay hindi biro. Iyun ang napatunayan ko habang nakasalampak ako dito sa tiles ng banyo at halos yakapin ko na ang toilet bowl dahil sa matinding panghihina. Nagsusuka ako pero wala namang lumalabas maliban na lang sa mapait ng likido sa mula sa aking bibig.
Parang may kung anong bagay ang humahalukay sa aking sikmura na hindi ko maintindihan. Tagaktak na nga ang pawis ko mula sa aking noo.
Mabuti na lang at nasa tabi ko palagi ang aking very loving husband. Kung nagkataon, hindi ko ma-imagine ang sarili ko kung paano ba ang mangyayari sa akin sa ganitong sitwasyon kung sakaling wala siya.
"Are you okay? Sorry Baby kung wala man lang akong magawa para maibsan man lang ng kahit kaunti ang nararanasan mo ngaun. Sorry!" narinig ko pang bigkas ni Peanut habang patuloy ito sa paghaplos sa likod ko. Kahit na hirap na hirap ako, hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Lalo na ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa buhok ko.
"Dont worry, kakayanin ko. Relax ka lang diyan." sagot ko bago muli akong nasuka.
Kasabay ng pagsusuka ko ay ang tension na nararamdaman ko mula kay Peanut. Ramdam na ramdam ko na ang panginging ng kamay nito na patuloy na humahaplos sa likuran ko. Kung hindi lang siguro sa hirap ng sitwasyon ko ngayun, baka kanina ko pa ito tinawanan.
Halos limang minuto pa akong nanatili sa hindi magandang sitwasyon dahil sa pagsusuka ko bago ako dahan- dahan na tumayo at naglakad patungo sa lababo para makapag-hilamos at makapag mumog.
Nakaalalay sa akin si Peanut buong oras ng pananatili ko sa banyo. Mumog lang din muna ang kaya kong gawin kapag umaga dahil hindi ko talaga gusto kahit ang lasa ng toothpaste.
Tuwing morning lang naman sobrang selan ng panlasa ko. Kapag tanghali at hapon naman kaya ko namang magtoothbrush na hindi na naduduwal.
Sa mga pagkain naman, may mga specific na pagkain akong gustong kainin. Hangat maari, gusto ko iyung mga maasim kaya halos lahat yata ng klase ng siningang, nailuto na ni Peanut or hindi kaya ng sariling cook namin dito sa bahay.
Halos kargahin na ako ni Peanut pabalik ng kwarto namin. Maayos niya akong inilapag sa kama at ipinatong patong niya pa ang unan para pwede kong sandalan. Ganito ako tuwing umaga. Kailangan ko munang magrelax bago bumaba ng garden para magpaaraw.
"Anong gusto mong kainin?" narinig ko pang muling tanong ni Peanut nang masiguro nito kontento na ako sa posisiyon ko.
"Katulad pa rin ng dati..." nakangiti kong sagot. Kaagad na gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nagsalita.
"Iyun pa rin? Hindi mo pa rin ba kayang kumain ng mga solid foods? Like bread, sinangag-----" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Peanut dahil sunod-sunod na akong umiling.
"Nope...as of now, iyan lang talaga ang kaya ko." malambing kong sagot sabay ngiti dito. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon na ito. Pati na din siya kaya nga hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanya. Nangangalumata na din ito at halatang kulang sa tulog.
Alam kong stress din ito minsan sa mga pagkain ng gusto kong kainin. Kung bakit naman kasi kakaiba ang mga naiisip kong pagkain eh. Mga mahihirap pa talagang hanapin at sa sobrang babaw ng luha ko nitong mga nakaraang araw, ang bilis kong umiyak kapag hindi ko makuha ang gusto ko.
"Okay...ikukuha kita ng makakain mo. Sandali lang.." sagot nito at mabilis akong dinampian ng halik sa labi bago ito nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Sa kusina lang ang punta, may pahalik-halik pa eh.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko. Muling bumalik si Peanut dito sa loob ng kwarto. Nagulat pa ako dahil marami itong dalang pagkain na alam niya naman na posibleng hindi ko rin kayang kainin.
Hindi ko na nga mapigilang mapangiti dahil maliban sa skyflakes at warm water na kaya ko lang kainin tuwing umaga, may dala itong isang tray na may laman na ibat ibang klase ng prutas tulad na lang ng strawberries, saging at marami pang iba. Maliban sa skyflakes may napansin din akong croissant na kaagad na ikinataas ng aking kilay.
"Bakit may croissant?" tanong ko. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Narinig ko kina Rafael at Veronica na okay din daw ang croissant sa mga maseselan na buntis kagaya mo. Ito din daw ang palaging kinakain ni Veronica kaya naman naisip ko na baka pwede mo din subukan. Hindi iyung palagi na lang skyflakes laman ng sikmura mo tuwing umaga. Pwede mo din subukan ibang fruits Baby. Baka kaya mo ng kainin ang mga iyan." mahabang paliwanag ni Peanut.
Parang gusto ko tuloy kiligin sa isiping lahat kaya niyang gawin magiging kumportable lang ako.
Hindi talaga ako nagsisisi na binigyan ko pa ito ng isa pang chance. Hindi ko sana nararanasan ang kakaibang kaligayahan ng puso ko ngayun kung pinairal ko ang galit ko sa kanya.
Lahat naman tayo nagkakamali eh. Pinilit naman ni Peanut ituwid ang pagkakamaling iyun kaya sino ba naman ako para hindi siya pagbigyan diba.
Malapit na naming masilayan ang unang bunga ng pagmamahalan namin at alam kong lalo pang titibay ang pagmamahalan at pagsasama namin sa paglipas ng mga panahon.
"Bakit nga pala napatawag si Kenneth kagabi?" hindi ko mapigilang tanong kay Peanut habang inuumpisahan ko ng tikman ang croissant. In fairness mukhang tama si Peanut.
Nagugustuhan ko ang lasa. Mukhang graduate na ako sa skyflakes kong breakfast tuwing umaga. Mukhang nagugustuhan din ng baby namin dahil wala akong naramdaman na bad reaction mula sa kanya. Hindi ako naduduwal katulad ng palagi kong reaction tuwing may nakakain akong hindi angkop sa panlasa ko.
Chapter 388
CHARLOTTE POV
"Tumawag sa iyo kagabi si Kenneth diba? Ano ang sabi niya?" kaswal kong tanong kay Peanut.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkagulat nito dahi sa tanong kong iyun.
Kahit gaano ako kapagod kagabi, aware ako na may tumawag sa kanya kagabi. Narinig ko pa ang ang pagbangit niya ng pangalan ni Kenneth kaya alam kong importante talaga ang kailangan ng pinsan kong iyun dahil kahit dis oras na ng gabi, nagawa pa ring tumawag at mang-isturbo ng taong tulog na.
"Narinig mo? Sorry, akala ko mahimbing kang natutulog eh..." gulat na wika ni Peanut. Kaswal naman akong napatango.
"Yes...si Kenneth ang tumawag kagabi diba? Bakit daw?" nagtataka kong muling tanong. Huwag niyang sabihin na gusto niyang isekreto sa akin ang pagtawag ng pinsan ko na iyun sa kanya? Hindi ako makakapayag noon.
"Ahmmmm, nothing serious. Kumain ka muna." sagot naman nito sa akin sabay iwas ng tingin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapataas ang aking kilay kasabay na pagbaba ko sa kinakain kong croissant.
"May sinisekreto ka sa akin diba? Ano ba kasi iyun? Bakit tumawag sa iyo ang pinsan ko kagabi? muli kong tanong. Kaagad naman itong napaupo sa tabi ko at muling dinampot ang binitiwan kong croissant at isinubo sa akin. Nakasimangot ko namang tinangap ang pagkain.
"About Moreen! Ibinalita niya na nahuli na daw si Maureen." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
Nahuli na si Maureen? Sa wakas!
Tama lang iyun dahil mapagbabayaran niya na din sa wakas ang lahat ng mga kasalanan na nagawa niya.
"Talaga? Mabuti naman kung ganoon. At least hindi na ako kakaba-kaba na baka bigla na lang siyang lumitaw at muli kang agawin sa akin." sagot ko. Nagulat pa ako dahil kaagad na napahalakhak si Peanut.
"May nakakatawa ba?" Kaagad na tanong ko sa kanya. Parang gusto nang manlaki pati butas ng ilong ko dahil sa inis.
Ano kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman ah? Nitong mga nakaraang buwan kaakibat ng saya na nararamdaman ko ay ang takot na baka biglang umitaw si Maureen at muling ipagdiina. nito na si Peanut talaga ang ama ng Baby nya. Itinanggi na ang issue na iyan ni Peanut nang makailang ulit pero ewan ko ba. Hindi pa rin ako kontento.
"Nothing. As if naman, magpapaagaw din ako diba? Ikaw yata ang love ko kaya malabo iyang iniisip mo Baby." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapaismid.
Talaga lang ha? Well, malalaman ko iyan kapag muli naming makaharap si Maureen.
"Ano ngayun ang plano mo? Ano ba ang sabi ni Kenneth sa iyo?" tanong ko. Muling natigilan si Peanut at kita ko ang pag aalangan sa hitsura nito.
"Sabihin mo na kasi. Promise, kung ano man ang magiging desisyon mo, nandito lang ako para sumuporta." muli kong bigkas.
"Nasa kulungn na siya ngayun pero gusto niya daw tayong makausap." sagot nito. Hadi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay.
Pagkatapos ng mga kasalanan na nagawa niya sa akin, may gana pa siyang mag request ng mga ganitong bagay? Tingnan mo nga naman kung gaano kakapal ang mukha ng babaeng iyun.
"Fine...kapag umayos ang pakiramdam ko mamayang tanghali, pupuntahan natin siya." sagot ko na kaagad naman ikinagulat ni Peanut.
"Pero Baby! Hindi ka pwedeng pumunta sa mga ganiyang lugar. Baka makakasama sa iyo lalo na sa kondisyon mo ngayun." sagot nito. Halata sa boses nito na tutol ito sa gusto kong mangyari kaya kaagad akong umiling.
"Hindi pwedeng ikaw lang ang pupunta doon. Baka mamaya kung anong pang aakit na naman ang gawin sa iyo ng Maureen na iyun. Maganda na iyung nasabi mo ako para masampal ko kaagad ang babaeng iyun kapag gumawa siya ng mga hakbang na hindi ko magugustuhan." seryoso kong sagot.
Sa totoo lang, may tiwala naman ako kay Peanut. Kaya lang naman ito napaikot ni Maureen noon dahil sa pagpapaniwala nito na magkakaanak na sila. Gayunpaman, gusto kong sumama dahil curious din kasi akong makita kung ano na ang hitsura ng babaeng iyun ngayun pagkatapos ng ilang buwan niyang pagtatago.
"Okay, much better na din na kasama kita pagpunta doon. Magpapasama na lang din siguro tayo kay Kenneth." sagot nito. Kaagad naman akong napangiti at muling itinoon ang buong attention ko sa pagkain.
Kahit papaano, naging maayos naman ang buo kong umaga. Maliban sa pagsusuka na naranasan pagkagising ko, wala a akong naramdaman na kakaiba. Patapos kong kumain, kaagad akong nagyaya kay Peanut sa garden para magpaaraw.
Eksakto pagkatapos namin kumain ng lunch, dumating si Kenneth sa bahay para samahan kami sa presento.
Nakausap na daw niya si Maureen kagabi bago siya tumawag kay Peanut. May ipinapakiusap
daw ito sa kanya na labis kong ikinagulat.
"Gusto niyang ipaampon sa isa sa miyembro ng pamilya natin ang anak niya? Pero bakit? Wala ba siyang pamilya na pwedeng mag alaga sa baby " muli kong tanong. Hindi ko maiwasan na magtaka. Wala bang ibang kapamilya si Maureen na pwede niyang pag iwanan sa baby niya habang nasa kulungan siya?
"I don't know. Hindi ko na natanong sa kanya ang tungkol sa bagay na iyan. " sagot ni Kenneth. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa sa anak ni Maureen. Napaka- bata niya pa para pagdaanan ito.
"Na-nasaan daw ba ang tatay ng batang iyun? I mean, sino ba talaga ang ama ng baby niya? " hindi ko maiwasang tanong habang hindi ko maiwasang mapasulyap kay Peanut. Hindi kasali ang inosenteng bata sa gulong ito kaya hindi siya dapat madamay.
"Dont worry Pinsan....confirm na hindi si Kuya Peanut ang ama ng anak niya, inamin niya sa akin kagabi." sabat naman ni Kenneth. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Malaking bagay para sa akin ang sinabi ngayun ni Kenneth. At least, sure na talaga ako na hindi magkakaroon ng anak sa labas ang asawa ko.
Chapter 389
CHARLOTTE POV
Dali-dali na kaming bumyahe papuntang police station kung saan pansamantalang nakapiit si Maureen. Sa totoo lang, hindi ko akalain na darating siya sa ganitong sitwasyon. Isa siyang kilalang artista pero umabot siya sa ganito kalungkot na pangyayari ng buhay niya.
Hindi naman ako ganoon kasamang tao para maghangad ng hindi maganda sa kapwa. Nagkataon lang na hindi naging maayos ang una naming paghaharap kaya naging magka-away kami dahil lang sa iisang lalaki.
Pero kahit na ano ang mangyari, hindi ko matatangap sa sarili ko ang mga paratang niya sa akin noon na inagaw ko sa kanya si Peanut.
Si Peanut na din ang palaging nagsasabi sa akin na wala silang relasyon. Na never niyang niligawan si Maureen pero may nangyayari sa kanila kagaya na lang din sa iba pang mga babaeng dumaan sa buhay niya.
Kumbaga, ako ang pinaka special sa lahat. Hinintay nya nga daw ako na umabot sa tamang edad para maligawan. Siya din daw ang gumawa ng paraan para maikasal ako sa kanya na hinding hindi ko pagsisisihan lalo na at masaya ako sa piling niya at malapit na kaming magkakaanank.
"Are you sure ayos ka lang?" muling tanong sa akin ni Peanut habang nandito kami sa waiting area ng police station. Si Kenneth na ang nakikipag usap sa mga kapulisan at hinihintay na lang namin ang approval para makausap namin si Maureen.
"I am fine...a little hot pero ayos lang talaga ako." pilit ang ngiting sagot ko at pasimple ko ng pinunasan ang pawis sa aking noo.
May electric fan naman na nakatutok sa amin pero ewan ko ba, init na init talaga ako. Kung ganito kainit dito sa labas paano pa kaya sa loob ng kulungan.
Sa isiping iyun, hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng awa kay Maureen. Alam kong hindi din siya sanay sa ganitong kainit na lugar dahil namuhay din naman siyang may pera at nabibili lahat ng gusto niya.
"SAbi ko naman kasi sa iyo, huwag ka ng sumama baby eh." narinig kong sagot ni Peanut sabay abot sa akin ng bottled water. Ilang beses ko ng narinig sa kanya ang mga katagang iyun dahil siguro nag aalala ito sa sitwasyon ko. Pero matigas din talaga ang ulo ko. Excited din akong makita ang sitwasyon ni Maureen ngaun.
Kaagad ko naman kinuha sa kanyang kamay ang bottled water at uminom ng kaunti.
"Hmmmp, maliit na bagay. Isa pa, gusto ko din makausap si Maureen." sagot ko kasabay ng paglabas n Maureen habang may nakaagapay sa kanya na dalawang pulis. Dahan dahan itong naglakad palapit sa amin habang bakas sa mukha nito ang hindi maisatinig na paghihirap.
Hindi ko maiwasang magulat sa hitsura niya ngayun. Ang dating Maureen na actress na palaging naka- postura ay biglang naglaho. Ibang Maureen na ngayun ang kaharap ko kung awra lang ang pag uusapan. Para din itong tumanda ng ilang taon sa hitsura niya ngaun.
Sabagay, sino ba naman ang hindi tatanda sa stress kung alam mong pinaghahanap ka ng batas. Ni ang pag aayos sa sarili ay nakalimutan niya na sigurong gawin dahil sa takot.
Iyung nga lang, kahit naman malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya lalo na ng nakaposas pa rin ito at malungkot na nakatingin sa amin ni Peanut. Hindi ko na siya sasampahan ng kaso sa ginawa niya sa akin pero alam kong makukulong pa rin siya dahil siya ang prime suspect sa pagkamatay ni Doc Carlos and umamin na nga daw pala ito sa mga kapulisan.
Napakapit tuloy ako kay Peanut ng wala sa oras. Hinanap ng mga mata ko si Kenneth pero kausap nito ang isa sa mga pulis sa medyo hindi kalayuan sa amin kaya muli kong ibinaling ang tingin kay Maureen na noon ay inalalayan ng makaupo ng mga pulis sa harap namin.
"Salamat naman at pinagbigyan niyo ang hiling ko." paumpisa nitong wika kaya muli akong napatitig dito.
Ramdam ko din kasi ang lungkot sa kanyang boses kaya hindi ko tuloy malaman kung maawa or malulungkot ba ako sa sitwasyon niya ngayun.
"May gusto ka daw sabihin sa amin? Pwede mo ng sabihin ngayun dahil hindi kami pwedeng magtagal." seryosong sagot ni Peanut. Bakas sa boses nito ang kawalang interes sa sitwasyon ngayun ni Maureen.
"Una, gusto kong humingi ng sorry sa mga nangyari...Miss Villarama, alam ko kung ano ang mga pagkakamali ko... kinain ako ng pride ko at hindi ko matangap na ikaw ang minahal ni Peanut." paumpisang wika ni Maureen habang nakatitig sa akin kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Nagulat naman ako sa tinawag niyang pangalan sa akin. Miss Villarama talaga? Hindi ba pwedeng Mrs. Smith na lang total legal wife na ako ni Peanut. Huwag nyang sabihin na kahit nakakulong na siya, hindi niya pa rin matangap na ako ang pinili ni Peanut. Hayssst, parang ayaw ko na tuloy siyang kaawaan ngayun.
"Stop it Maureen! Hindi kami pumunta dito para marinig iyang feelings mo. Alam mo naman na never na naging tayo. Sa umpisa pa lang, alam mo na kung ano ang papel mo sa buhay ko diba?" bakas na ang pagkabagot sa boses ni Peanut habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko tuloy maiwasan na mapataas ng kilay. Kailan pa naging mainipin ang asawa ko?
"Paanong nangyari ito? Ikaw ba talaga ang pumatay kay Doc Carlos?" hindi ko maiwasang tanong. Kaagad kong napansin ang paglambong ng awra ni Maureen bago dahan dahan na tumango. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Peanut.
"Why...magkamag anak kayo diba? Magkakampi!" naguguluhan kong tanong.
'No! Hindi kami magkamag anak. Pinalabas lang namin ang ganoong istorya dahil ayaw kong pagpistahan kami ng media." sagot naman ni Maureen. Naguguluhan naman akong napatitig dito.
"Noong last na punta ko sa bahay niya, nagtalo kami. Inutusan niya ako na ilabas ko daw sa press ang katotohanan kung sino ba talaga ang tatay ng baby ko. Of course, hindi ako pumayag! Ayaw ko! Gusto kong habang buhay na paniniwalaaan ng mga tao at ng mga fans ko na si Peanut ang ama ni Baby. Umaasa pa rin ako na kaming dalawa pa rin ni Peanut hanggang huli. Na babalik pa rin siya sa akin!"
Umiiyak ng sambit ni Maureen.
Hindi ko naman maiwasan na maikuyom ang aking kamao. Ang sarap pagsasampalin ng Maureen na ito para magising siya sa katotohanan na hindi lahat ng gusto niya ay pwede niyang makuha.
Chapter 390
CHARLOTTE POV
Imagine, sa kabila ng mga nangyari, wala pa rin pala talaga siyang plano na sumuko. Gusto niya talagang sirain ang pagsasama naming dalawa ni Peanut. Hayssst! Maitim pala talaga ang budhi ng Maureen na ito kaya dapat lang siguro na hindi ko siya kaawaaan. Dapat lang talaga na makulong siya para matahimik na kami.
"Mahal mo siya pero nagawa mong magpabuntis sa iba?" hindi ko maiwasang bigkas. Nang uusig ang mga matang tinitigan ko ito. Pinunasan muna nito ang luha sa kanyang mga mata bago niya ako sinagot.
"Si Peanut na din ang nagsabi sa akin noon pa na walang label ang relasyon namin. Malaya siyang makipag- mabutihan sa ibang babae ganoon din ako. Doctor si Carlos at gusto niya talagang magkaaanak kami kaya ginawa niya ang lahat para ma-buntis niya ako." sagot nito
Well, confirm na nga! Si Doc Carlos nga pala talaga ang ama ng anak niya. Kapal ng mukha niya para ipaako kay Peanut ang bata.
Masyadong liberated. Pumapatol kasi sa walang label na relasyon kaya siya din ang talo sa huli. Alam naman pala niya na sa umpisa pa lang, naglulukuhan na silang dalawa ni Peanut pero patuloy pa rin na umaasa na silang dalawa ang forever.
Eh paano naman ako? Ako ang pinakasalan ni Penaut kaya ipaglalaban ko talaga ang karapatan ko!
"Ikaw ba ang pumatay kay Doc Carlos? Ikaw ba ang pumatay sa ama ng sarili mong anak?" hindi ko maiwasang tanong. Kahit naman may binitiwan na siyang salaysay tungkol sa pagkamatay ni Doc Carlos, gusto ko pa rin marinig sa sarili niyang bibig ang katotohanan.
"Aksidente lang ang nangyari. Alam ng Diyos na wala akong balak na patayin siya. Tinakot niya ako. Pinagbantaan na kapag hindi daw ako mapupunta sa kanya, papatayin niya daw ako. Kaming dalawa ng anak niya! "Umiiyak na sagot nito. Muli naman kaming nagkatinginan ni Peanut.
"Yes...siya ang ama! Kaya nga lahat ng iniuutos ko sa kanya sinusunod niya eh! Alam kong masyado akong naging masamang tao. SAbagay, wala naman siyang ibang choice kundi ang sumunod sa kung ano ang gusto ko dahil palagi ko siyang tinatakot noon na ipapalaglag ko ang bata kapag hindi matupad lahat ng plano ko. Iyun ay masira kayong dalawa ni Peanut para muli siyang bumalik sa akin." mahabang salaysay nito.
Kung wala lang siguro kami dito sa presento baka kanina ko pa ito sinabununtan eh! Nakakagalit pala talaga ang mga niisip nitong plano. Napaka-makasariling babae!
"Alam kong hindi na ako makakalabas dito sa kulungan. Malaki ang nagawa kong kasalanan at kailangan kung mapagbayaran iyun! Pero sana..sa hihilingin ko sa inyo ngayun, sana mapagbigyan niyo ako" muling bigkas ni Maureen. Pigil ko naman ang sarili ko na pagtaasan ito ng kilay. Sa lahat ng mga kasamaan na nagawa niya sa akin, may gana pa talaga itong humiling sa amin? Saan kaya siya kumukuha ng kapal ng mukha para gawin ito?
"Ito na lang ang last wish ko sa inyo at haharapin ko nang buong puso kung ano man ang parusa sa akin ng batas!" muling bigkas ni Maureen. Bakas sa boses nito ang pakiusap.
"Ano iyun? Maliban sa mga kini- kwento mo ngaun ano pa ang kailangan mo sa amin? Tama na ang paligoy-ligoy Maureen dahil wala na kaming time para manatili pa ng matagal sa lugar na ito." walang ganang sagot naman ni Peanut. Bakas pa rin sa boses nito ang kawalan ng interes. Ni hindi man lang ito nakikitaan ng pagiging apektado sa pag iyak ni Maureen ngayun.
"Pwede bang kayo na ang bahala sa anak ko? Alagaan niyo siya at sana ituring niyo siyang parang tunay niyo na ding anak!" umiiyak na pakiusap ni Maureen na labis kong ikinagulat.
Kung ganoon, totoo ang sinabi ni Kenneth na gusto niyang ipaampon ang baby at sa amin pa talaga! Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin kay Peanut sabay iling.
Naawa ako sa anak nito pero hindi pa ako ready mag alaga ng anak ng iba. Ni hindi ko pa nga alam kung paano alagaan ang magiging anak namin ni Peanut eh. Alam kong mangangapa pa ako kaya ayaw ko munang dagdagan kung ano man ang responsibiliad ng isang baguhang mga magulang.
"No! I am sorry, pero hindi pwede!" si Peanut na ang sumagot. Lalo namang nag uunahan sa pagpatak ang luha sa mga mata ni Maureen. Hindi ko na tuloy mapigilan pa ang makaramdam ng awa sa kanya.
Alam kong torture para sa kanya ang pagkakahuli niya ngayun at pagkawalay sa kanya ng kanyang anak. Lalo din yatang magpapahirap ng kalooban niya sa isiping walang mag aalaga sa kanyang baby.
Sabagay, nasa pangangalaga nga daw ng DSWD. Pero iba pa rin na lumaki ang anak nya na may kikilalaning kumpletong pamilya.
"Please, kayo lang ang alam kong pwede kong mapag iwanan sa kanya. Sa kabila ng mga nangyari sa atin, gusto ko pa rin ipagkatiwala sa inyo ang baby ko. Wala akong ibang hangad kundi ang kapakanan niya." umiiyak na sambit ni Maureen. Bakas sa boses nito ang pagmamakaawa. Para namang pinipiga ang puso ko dahil sa naramdaman kong habag sa kanya.
Malapit na din akong maging Mommy at parang ramdam ko na din ang nararamdaman niya ngayun. Pero hindi ko talaga kayang pagbigyan kung ano man ang hinihiling niya ngayun dahil hindi ko pa talaga kaya ang mag alaga ng anak ng iba. Lalo na ng anak nang taong minsan kung naging karibal sa puso ni Peanut.
"Aalis na kami! Kung gusto mong ipaampon ang anak mo, maghanap ka ng iba! Huwag kami!" malamig na sagot ni Peanut sabay tayo. Inalalayan din ako nitong makatayo kaya kaagad na din akong nagpaubaya.
"I am sorry Maureen. Dont worry, gagawa ako ng paraan para makahanap ng pwedeng umampon sa anak mo. Sorry"!" malungkot kong bigkas at sabay na namin siyang iniwan ni Peanut.
Alam kong malaking kasalanan ang pagtanggi sa gusto niyang mangyari pero wala kaming choice. Sariwa pa ang sugat sa mga nangyari at hindi ganoon kabusilak ang puso ko para pagbigyan kung ano man ang gusto niya.
Gusto ko kapag mag-alaga or mag ampon ako, gusto ko iyung bukal sa puso ko. Isang malaking responsibilidad ang pag aalaga ng bata lalo na kapag hindi naman siya nangaling sa iyo. Isa pa, malapit na din kaming magkaanak ni Peanut at gusto kong ibigay sa baby namin ang buo kong attention at pagmamahal.
"Dont worry, maghahanap ako ng tao na pwedeng umampon sa anak niya." narinig ko pang sambit ni Peanut habang naglalakad kami pabalik ng kotse. Ramdam niya din marahil ang bigat ng kalooban ko kaya niya nasabi ang katagang iyun.
Chapter 391
CHARLOTTE POV
"Apo, kumusta na ang maganda kong apo?" kaagad na salubong sa amin ng nakangiting si Grandmama Carissa habang papasok kami ng mansion
Family day ng Villarama clan ngayun at talagang inagahan namin ang pagpunta naming dalawa ni Peanut dito sa mansion dahil gusto kong sulitin ang araw na makasama ng buong pamiliya at mga mahal sa buhay.
Isa pa dadalaw din daw si Jeann ngayun kaya excited kaming lahat. Sa ilang buwan na pananahimik nito talagang excited na ako na muli itong makasama at makausap.
"Hello Grandmama! Good Morning po!" nakangiti kong bati sabay yakap dito. Kaagad ko namang naramdaman ang paghalik nito sa pisngi ko kaya naman lalong lumawak ang pagakakangiti ko sa aking labi.
"Kumusta na kayo mga apo? Naku, parang kailan lang at heto ka na... mabibigyan mo na din kami ng apo sa tuhod ng Grandpa mo!" nakangiting sagot ni Grandmama Carissa at kumalas pa ito sa pagkakayakap sa akin sabay haplos sa aking tiyan.
Four months pregnant pa lang naman ako pero halata na ang umbok ng aking tiyan. Kung noong mga nakaraang buwan napaka-selan ko sa pagkain, iba naman ngayun...sobrang takaw ko at wala akong inaayawan. Graduate na din ak sa aking mga morning sickness na siyang labis naming ipinagpasalamat ni Peanut.
"Good Morning Grandmama!" narinig ko namang bati ni Peanut sabay halik sa pisngi nito
"Thank you iho at napadalaw kayong dalawa dito sa mansion! Hindi ka naman ba masyadong pinapahirapan ng apo ko?" tanong ni Grandmama kay Peanut na kaagad na ikinangiti nito.
"Hindi na po Grandmama. Graduate na po kasi siya sa kaka-request ng kung anu-anong mga pagkain na minsan hindi ko kayang hanapin dito sa Pilipinas." ngiting ngiti namang sagot ni Peanut. Parang gusto ko tuloy kutusan itong asawa ko. Gusto pa yata akong siraan kay Grandmama.
"Ganiyan talaga sa unang trimester ng pagbubuntis. Kung anu-ano ang mga hinahanap na mga pagkain na hindi din naman kayang kainin."
nakangiting sagot naman ni Grandmama. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Peanut.
"Ayyy siya...sakto ang dating niyo. Sumabay na muna kayong kumain ng breakfast. Mamaya nang kaunti nandito na din iyung iba nyong mga pinsan kasama na si Jeann at ang mga Tito's at Tita's niyo." nakangiting Dagvavava ni Grandmama at nagpatiuna na itong naglakad papasok ng mansion.
Naglalambing naman akong humawak sa braso ni Peanut at kaagad na kaming sumunod kay Grandmama hanggang sa makarating kami ng dining area kung saan naabutan namin si Grandpapa Gabriel na halatang hinihintay kami.
"Good Morning Grandpapa!" sabay pa naming bati ni Peanut dito at kaagad akong naglakad palapit dito para halikan ito sa kanyang pisngi tanda ng pagbati at pagalang.
Naramdaman ko pa ang pagtapik ni Granpa sa balikat ko bago masaya akong tinitigan sabay haplos sa nakaumbok ko nang tiyan.
"Masaya kami at sa wakas nakadalaw din kayo sa amin mga apo." wika ni Grandpapa kasabay ng paglapit ni Peanut dito para magmano.
"Pasensya na po kayo Grandpapa kung ngayun lang kami nakadalaw." magalang na sagot naman ni Peanut dito. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi ni Grandpapa at sinenyasan kami nito na pwede na kaming maupo kaya kaagad naman kaming tumalima ni Peanut.
"Minsan talaga ang pag-aasawa ay hindi maiiwasan na magkaroon ng problema. Pero masaya kami ng Grandma niyo na nakikita kayong dalawa na masaya ang magkasundo na. "nakangiting wika ni Grandpa sa amin.
"Pasensya na po kayo sa mga nangyari Grandpa, Grandma. Promise po, kung ano man ang mga pagkakamali na nagawa ko, hindi na po mauulit iyun." nagpapakumbabang sagot ni Peanut.
"Aasahan namin iyan Iho. Hindi talaga kami pumapayag na may manakit sa aming mga apo pero kung ito naman ang way para mas matuto pa sila sa buhay, wala kaming choice kundi intindihin na lang ang lahat. Pero sana, iwasan mo ng paiyakin ang apo namin. Mahal namin iyan at hindi kami papayag na aapakan siya ng kung sinu-sino lang." mahabang wika ni Grandpapa.
Kita ko naman ang sinserong pagtango ni Peanut at itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Promise po, hinding hindi ko na hahayaan pa na muling masaktan si Charlotte." wika nito na kaagad namang ikinangiti ni Grandmama at Grandpapa.
Sobrang saya ng puso ko nang marinig ko ang pangakong iyun ni Peanut. Sana nga wala ng problemang darating sa aming pagsasama.
Pangarap ko din talaga na magkaroon ng masayang buhay kasama siya. Sana ang buhay mag asawa namin ni Peanut ay matulad kina Grandma at Grandpa na sa paglipas ng maraming taon nakikita naming lahat kung gaano sila ka-kontento at kasaya sa isat isa.
"Good Morning everyone!" naputol ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang masayang boses na kakapasok palang dito sa kusina...
Si Uncle Rafael at Veronica habang nakagiting naglakad palapit kina Grandma at Grandpa para humalik sa pisngi bago ibinaling ang tingin sa aming dalawa ni Peanut.
"Well, sa wakas dumalaw din kayo! Ilang family day na ba ang absent kayo?
"si Uncle Rafael na ang unang nagsalita samatalang nilapitan naman ako ni Veronica para makipag beso- beso sa akin.
"Pasensya na Bro. Sa dami ng
problema na dumating sa amin ng Baby ko ngayun lang nagkaroon ng time na makadalaw." sagot naman ni Peanut na noon ay nakatayo na para makipagshake hands kay Uncle Rafael.
Napansin ko pa ang pag ismid ni Uncle Rafael at malakas nitong tinapik sa balikat si Peanut na kaagad namang ikinangiwi ng asawa ko.
"Sa susunod na gumawa ka pa ng kalokohan sa pamangkin ko, matutulad talaga ang kapalaran mo kay Drake. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para liwan ka ng martir kong pamangkin." narinig kong banta ni Uncle. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay.
Chapter 392
CHARLOTTE POV
Hindi ko naman maiwasan na maitaas ko ang aking kilay dahil sa sinabi ni Uncle Rafael. Martir talaga? Hindi ba pwedeng nagmahal lang ako at pilit na umaasa na sana maging maayos din kami? Hindi naman ako nabigo dahil naging okay ang pagsasama naming dalawa ni Peanut at malapit na nga kaming magkakaanak.
Nakakulong na din si Maureen kaya nakuha ko na ang hustisya na para sa akin. Although, hindi na ako nag abala pang magsampa ng kaso pero mabubulok pa rin siya sa kulungan dahil nakapatay siya. Tuluyan na din nasira ang career ni Maureen na matagal na panahon niyang iningatan.
Ang hindi ko lang maiwasang ipagtaka ay sobrang tahimik ni Uncle Rafael noong nagkaproblema kaming
dalawa ni Peanut. Ang akala ko talaga wala itong alam sa problema ko dahil masyado itong abala sa Villarama Empire pero base sa lumalabas sa bibig nito ngayun, mukhang may alam ito at ramdam ko na gusto nitong saktan si Peanut ngayun.
"Uncle naman..kung makatapik ka naman sa asawa ko parang tatangalin mo na ang balikat niya eh." apila ko pa. Nakakaawa kaya ang Peanut ko. Wala na nga siyang ginawa sa araw-araw kundi pagsilbihan ako eh tapos sasaktan niya pa.
"Iyan, ganiyan ka! Akala ko ba matapang ka! Pagkatapos kang saktan ng gunggong na ito talagang ipagtatangol mo pa siya ngayun!" sagot naman ni Uncle sa akin na ikinangiwi ko.
Bakit parang late na yata ang galit niya? Sabagay, ngayun lang pala kami nagpakita sa kanya kaya ngayun lang siguro niya nailabas ang galit niya.
Pambihira talaga itong si Uncle. Hindi nga nagagalit si Grandpapa Gabriel at Grandmama Carissa tapos siya itong gusto pa yatang disiplinahin si Peanut gayung mag bestfriend naman sana sila.
"Rafael, enough....ikaw talaga! Hindi na kailangan pang ibalik ang nakaraan na! Tapos na iyun at masaya na silang dalawa oh..." sabat naman ni Veronica at hinawakan pa nito sa kamay si Uncle para siguro pakalmahin. Naniningkit na kasi ang mga matang nakatitig kay Peanut at kung hind lang siguro sa presensya nila Grandmama at Grandpapa kanina pa nakatikiim ng sapak si Peanut dito.
"Kumain na muna tayo!" sabat naman ni Grandmama Carissa kaya kaagad nang naupo si Uncle Rafael at Veronica sa tapat namin. Hindi ko naman maiwasan na makahinga ng maluwag dahil natapos din ang tensiyon. Nakakatakot pa naman kung magalit si Uncle. Nambubugbog talaga minsan!
"So kumusta ka na Charlotte! Ilang buwan na nga ba ang tiyan mo?"
tanong ni Veronica sa akin. Kita ko ang excitement sa kanyang mga mata habang sinasabi ang katagang iyun.
Hindi ko tuloy maiwasan na mahawa sa ngiti niya. Kakapanganak pa lang din nito pero ang ganda niya pa rin. Napaka-masayahin at kita ko na kontento talaga ito sa attention at pagmamahal na ibinibigay ni Uncle Rafael dito.
"Four months na. Excited na nga kaming dalawa ni Peanut na masilayan siya eh." nakangiti kong sagot habang nilalagyan ni Peanut ang pingan ko ng pagkain.
"Good! Dont worry mahirap talaga ang magbuntis pero kapag makaraos ka na, walang kapantay na saya ang hatid noon sa atin lalo na kapag mahawakan na natin ang baby natin." sagot naman ni Veronica na lalo kong ikinangiti.
Yes.....nararanasan ko ngayun ang hirap sa pagbubuntis pero hindi ako susuko. Plano ko kayang bigyan ng maraming anak si Peanut para mas masaya.
Saktong kakatapos lang namin kumain ng dumating si Jeann kasama ang anak nilang dalawa ni Drake.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapansin ko ang malaking pagbabago ng awra ni Jeann. Bumalik na ang dati nitong katawan na siyang nagpalutang ulit ng kanyang angking kagandahan.
Hindi katulad noong kakahiwalay lang nilang dalawa ni Drake na puro problema ang nakikita sa mga mata nito. Nakakangiti na ito although, bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata pero masasabi ko na unti- unti na itong nakaka-moved on sa kanyang pinagdaanang pagkabigo kay Drake.
"Kumusta ka na? Wow! Totoo nga... buntis na ang Charlotte namin!" ngiting ngiting wika ni Jeann at mahigpit akong niyakap. Ilang buwan lang naman kaming hindi nagkita pero sobrang na-miss ko siya.
"Kumusta ang bakasyon?" nakangiti ko namang tanong sa kanya at kumalas na ako sa pagkakayakap dito. HIndi pwedeng patagalin ang higpit ng yakap ni Jeann sa akin dahil baka mapitpit ang baby namin ni Peanut.
"Bakasyon talaga? Hindi ba pwedeng sandali lang akong umalis para maka- moved on?" natatawa nitong sagot. Sabay naman kaming napahagikhik ni
Veronica sa sinabi nito.
Sa wakas, bumalik na din ang dating Jeann. Hindi man totally healed ang sugat sa puso nito pero alam namin na magiging matapang na ito para harapin lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay.
Nanghihinayang man kaming lahat dahil mabilis na natapos ang masayang pagsasama nilang dalawa ni Drake, wala naman kaming ibang hangad kundi matagpuan ni Jeann kung ano man ang makakapag-paligaya sa kanya
Hindi man ngayun pero sana sa mga susunod na buwan or taon.
"Grabe Jeann, sobrang na-miss ka namin. Nabangit nga pala nila Tita Arabella na dito ka na daw ulit sa Manila mag stay!" wika ni Veronica na kaagad na nagpangiti sa akin
"Talaga? Dito ka na ulit sa Manila?
Wow, as in Wow! Ibig lang sabihin nito, pwede na tayong mag-bonding tulad noon." nakangiti ko namang sabat.
"Hmmm, pwede din kaya lang sa kondisyon mo ngayun parang hindi ka muna pwedeng sumama." natatawang sagot naman ni Jeann na sinigundahan naman ni Veronica. Naka-moved on na nga ang pinsan ko dahil marunong nang mang-asar eh!
Hindi ko tuloy maiwasan na mapasimangot. Oo nga pala..hindi pa ako makakasama sa kanila sa ngayun dahil buntis pa pala ako. Kailangan ko munang iiri ang baby ko bago ako makasama sa mga bondings nila.
Haysst, kung noon halos hindi ako makasama sa kanila dahil minor pa ako, iba na naman ngayun. Hindi ako pwedeng sumama dahil buntis ako. Kailan kaya sasakto ang schedule ko sa kanila?
"Oooops! Huwag malungkot... nagbibiro lang si Jeann. Maraming mga outdoor bondings na pwede nating gawin na hindi naman makakaapekto sa pagbubuntis mo." natatawang wika ni Veronica na kaagad ko namang ikinangiti.
Chapter 393
CHARLOTTE POV
"So, kumusta ka na? I mean, naka- moved on ka na ba nangyari sa inyong dalawa ni Drake?" hindi ko mapigilang tanong kay Jeann. Nandito kaming tatlo sa garden samantalang kausap naman ni Uncle Rafael si Peanut sa hindi kalayuan sa amin.
"Ayos na ako...nasasaktan pa rin pero kakayanin. Minsan na akong naging baliw sa matinding pagmamahal ko kay Drake kaya magiging malaking lesson na iyun sa akin. Kailan ko lang din narealized na kailangan ko din palang magtira para sa sarili ko para kung sakaling lokohin man tayo ng lalaking mahal natin, hindi na sigu ganoon kasakit ang lahat. Kasalanan ko, minahal ko ng sobra si Drake at dumating pa sa point na hindi ako nagtira sa sarili ko kaya noong niluko niya ako, feeling ko wala ng bukas na naghihintay sa akin." madadaming sagot ni Jeann. Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses niya kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa dito.
"Of course, kaya ka nga nagbalik dahil kaya mo ng ihandle ang sakit diba?" sagot naman ni Veronica. Pilit ang ngiting tumango naman si Jeann.
"Yes...nagbalik ako dahil gusto kong ipagpatuloy ang buhay ko. Malungkot kaya tumira ng bukid. Kahit papaano, namimiss ko din ang buhay dito sa siyudad." pabirong bigkas ni Jeann kahit na bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata pilit pa rin nitong pinapasigla ang kanyang boses.
Sabagay, hindi ganoon kadaling maka moved on. Ilang buwan pa lang naman ang nakalipas kaya alam kong sariwa pa rin ang sugat sa puso ni Jeann.
"Ready ka na ba kung sakaling
magkrus ulit ang landas niyong dalawa ni Drake? In fairness ha, ang alam niya deads ka na talaga at dinig ko talagang nagluksa siya." sagot ko naman na kaagad na ikinataas ng kilay ni Jeann.
"Huwag kang maniwala sa lalaking iyun. Magaling magkunwari at magpaikot ng tao. Bahala na siya sa buhay niya!" sagot naman ni Jeann na kaagad naman naming ikinangiti ni Veronica.
Sa wakas, naging palaban na si Jeann. Ang laki na ng ipinagbago niya simula noong last kaming nagkita. Mukhang nagbalik na ang malditang Jeann.
Haayyy ano kaya ang magiging reaction ni Drake kung sakaling magkita sila ulit? Magagalit kaya siya dahil niluko siya ng buong Villarama Clan dahil pinaniwala siya ng lahat na patay na si Jeann or mas matutuwa siya dahil hindi naman pala talaga totoong binawian ng buhay si Jeann?
Well, mukhang exciting ang mga susunod na kabanata ah?
Gayunpaman, bahala na nga sila. Basta ako, masaya na sa piling ni Peanut. Nagmamahalan kaming dalawa at bubuo kami ng masaya at malaking pamilya.
Before lunch halos nagsidatingan na din ang halos lahat ng miyembro ng pamilya Villarama kasama na ang aking mga magulang na sila Papa Christopher at Mama Carmela.
Masayang kumustahan at batian ang maririnig sa buong paligid. Akala mo naman hindi palaging nagkikita kung makaasta eh!
Well, super swerte ako dahil nagiging bahagi ako ng pamilyang ito. Isang pamilyang nagkakasundo at puno ng pagmamahalan.
"Hindi pa ba dumadating si Kenneth? " narinig kong tanong ni Grandpa Gabriel sa lahat habang nakaupo kami sa mahabang dining table. Mag uumpisa ng kumain ng lunch at present na ang halos lahat ng pamilya maliban kay Kenneth.
"Sorry Dad! Baka mali-late lang." hinging paumanhin ni Tita Arabella.
"Gaano ba kaabala ang batang iyan at nakakalimutan yata ang routine ng buong pamilya kapag weekend?" sagot naman ni Grandma Carissa.
"Marami talagang drama sa buhay ang kapatid kong iyun Grandma. Hayaan niyo po, yari sa akin iyan mamaya pagdating niya." si Jeann naman ang sumagot. Dalawa lang silang magkapatid ni Kenneth pero akala mo mga aso at pusa. Palaging nag aaway at hindi magkasundo. Pero alam naman namin na sa kabila ng mga away nilang magkapatid, nakatago doon ang pagki-care at respito sa isat isa.
"Bweno, mauna na tayong kumain. Hindi pwedeng paghintayin ang grasya dahil lang sa isang taong walang disiplena pagdating sa oras." sagot ni Grandpa Gabriel na kaagad na ikinangiwi ni Tita Arabella. Mukhang may pinsan akong madidisiplina ngayung araw.
"Good afternoon everyone. Sorry I'm late!" sabay-sabay kaming napalingon nang marinig namin ang masiglang boses ni Kenneth. Kung makaasta akala mo naman hindi late dumating.
"Diyos Mio! Ano iyan...kaninong baby iyan?" narinig kong histirikal na tanong ni Tita Arabelle. Dali-dali itong tumayo at sinalubong ang parating na anak. Lahat kami ay nakatingin lang sa gawi ni Kenneth habang naghihintay ng kasagutan.
"Mom naman! Hinaan mo ang boses mo! Baka magugulat si Baby eh!"
saway naman ni Kenneth sa Ina.
"Ken...kaninong anak iyan? Bakit hindi mo man lang nabangit sa amin na nakabuntis ka pala?" kaagad namang sabat ni Tito Kurt. Halos lahat sa amin nawala ang attention sa kinakain. Kahit sila Grandpapa Gabriel at Grandmama Carissa ay kay Kenneth nakatoon ang buong attention.
"Dad naman! Hindi po ako nakabuntis...pero magiging anak ko na siya. Palalakihin ko siya at ibibigay ko sa kanya ng pangalan ko." nakangiti namang sagot ni Kenneth na lalong nagpagulo ng sitwasyon,
Hindi ko tuloy maiwasan na mapakalabit kay Peanut nang may biglang sumagi sa isipan ko. Si Maureen....ang anak ni Maureen...hindi kaya???
Kaagad akong napatayo at naglakad palapit kay Kenneth. Tinitigan ko ang mukha ng baby at napatitig kay Kenneth.
"Dont tell me, ikaw ang umampon sa anak ni Maureen?" diretashahan kong tanong. Kaagad namang napangiwi si Kenneth at sininyasan pa ako ma huwag maingay. Kaagad ko naman itong sinimangutan.
"Maureen who? Iyung actress na dating ka-fling ni Peanut?" si Uncle Rafael na ang sumagot na lalo kong ikinasimangot. Kailangan pa ba niyang kaladkarin ang pangalan ni Penaut sa ganitong usapin? Haysst, kung hindi ko lang ito Uncle, ang sarap bigyan ng flying kick kahit buntis ako.
Chapter 394
CHARLOTTE POV
"Ano ba ang pumasok sa kukute mo at bakit ka nag ampon ng bata?" bulyaw ni Tita Arabella sa anak. Kaagad namang napakamot ng ulo si Kenneth habang nakatingin kina Grandmama at Grandpapa na parang nagpapasaklolo.
"Eh, naawa po kasi ako eh... nakakulong na nga ang nanay niya baka kung saan-saan pa siya mapunta!
"katwiran ni Kenneth. Lalo naman itong pinaningkitan ng mga mata ni Tita Arabella dahil sa sobrang inis.
"Ibalik mo iyan! Ibalik mo ang batang iyan kung saan mo siya kinuha!"
malakas ang boses na wika ni Tita Arabella habang pulang pula ang mukha dahil sa galit.
"Mom! Hindi na siya pwedeng ibalik. Magiging kaawa-awa ang kanyang paglaki kapag hindi ko siya aampunin.
" sagot naman ni Kenneth. Talagang desidido itong ampunin ang bata.
Sabagay, sino ba namang Ina ang hindi mawindang kung ganitong bigla na lang nag uwi ang anak nila ng sanggol na hindi naman nila kaanu- ano.
Matatangap pa yata ni Tita Arabella na nakabuntis si Kenneth kaysa mag ampon and worst anak pa talaga ni Maureen.
"Aalagaan? Kenneth naman! Nag iisip ka ba? Kaya mo na bang mag alaga ng sanggol? Ni hindi ka pa nga halos marunong magligpit ng higaan mo tapos kukuha ka ng bata? Hindi mo ba alam kung gaano kalaking responsibilidad itong ginawa mo?"
naiinis na sagot ni Tita Arabella.
Kaagad naman napatayo si Jeann at nilapitan na din ang Ina at kapatid na nag uumpisa ng magtalo.
"Ma naman, ayaw niyo po ba noon. Magiging Daddy na ako at magiging responsible na ako sa bawat kilos ko. Pagibigyan niyo na po ako Mom. Kahit ngayun lang. Promise, magiging mabuting Daddy ako kay Baby at palalakihin ko siya na dala ang pangalan at apelyedo natin."
nakangiting sagot naman ni Kenneth. Parang hindi ito apektado sa galit ng Ina.
Wala na lang tuloy magawa si Tita Arabella kundi ang bumalik sa kanyang kinauupuan. Problemadong problemado ang mukha nito dahil kay Kenneth. Imbes na masayang family day ito para sa lahat naging malaking debate pa tuloy ang nangyayari ngayun.
"Hayaan niyo na! No choice tayo kundi suportahan na lang kung ano ang gusto ni Kenneth. Anghel din iyan at ngayung nandito na siya, wala tayong choice kundi tangapin siya sa pamilya natin." si Tita Miracle na ang sumagot na kaagad namang ikinangiti ni Kenneth. Nag thumbs up pa si Kenneth kay Tita Miracle na parang tuwang tuwa dahil sa wakas may kakampi na siya.
"Ohhh, kaya naman pala eh..ang cute naman pala ni Baby!" narinig ko namang sambit ni Jeann na lalong ikinataas ng kilay ni Tita Arabella. Hindi pa rin nito tangap ang desisyon ng anak. Kinuha pa ni Jeann ang baby si bisig ni Kenneth at inihihili.
Cute at maganda talaga ang batang iyan dahil anak ng dating artista eh. Maganda naman talaga si Maureen kaya lang nagiging lukaret dahil sa pagiging makasarili.
Sabagay, mukhang tama ang desisyon ni Kenneth na siya na lang ang umampon sa bata. Iwas sundot ng konsensya sa akin iyun dahil sa amin unang inalok ni Maureen ang pag aalaga na tinangihan ko. Ang problema lang talaga sa ngayun ay mukhang tutol si Tita Arabella tungkol dito.
"Hayaan niyo na! Anghel din ang batang iyan. Mas maganda nga yan para before mag asawa itong si Kenneth, may alam na siya kung paano mag alaga ng bata." si Grandmama Carissa na ang pumagitna. Mukhang sang ayon sila ni Grandpma sa gusto ni Kenneth kaya lalong lumapad ang pagkakangiti ni Kenneth. Feeling nanalo sa debate eh...
"For sure....100% hindi mo pa kayang alagaan ang batang iyan Kenneth. Haysst, feeling ko mamumuti ang buhok ko sa kunsumiyon sa iyong bata ka!" himutok na sagot naman ni Tita Arabella.
"Hayaan mo na! Marami naman tayo na pwede aalalay kay Kenneth sa pag aalaga sa bata. Ibigay niyo na kung ano an gusto niya total masaya naman siya sa ginagawa niya ngayun. Mas magiging maayos ang kinabukasan na naghihintay kay Baby kung si Kenneth ang kikilalanin niyang Daddy." sagot naman ni Grandpa.
"Pero Dad, sobrang abala sa buhay niyan, baka mapabayaan lang din ang baby na iyan at kung ano pa ang mangyari. Hindi iyan tuta...tao iyan at malaking responsibilidad iyan." ayaw pa pa rin papigil na sagot ni Tita Arabella.
Kung ganoon, magiging dalawa na pala ang apo niya. Isa kay Jeann at isa naman kay Kenneth. Magiging busy Lola na pala ito kaya siguro grabe ang pagtutol niya. Pero mukhang wala na siyang magawa dahil nakuha na ni Kenneth ang approval nila Grandpa at Grandma.
Malambot ang puso nila Grandma at Grandpa pagdating sa Baby kaya hindi talaga iyan sila magdadalawan isip na ibigay kung ano ang nais ni Kenneth. Kung tutuusin, marami naman talaga ang pwedeng mag alaga ng baby. Baka kukuha lang ng yaya itong si Kenneth at ayos na....
Ang importante ngayun nasa mabuting kamay na ang anak ni Maureen. Magiging palagay na din ang kalooban ko nito.
"Thank you Grandmama. Sabi ko na nga ba at maiintindihan niyo ako eh." nakangiting sagot ni Kenneth kina Grandmama at naglakad ito palapit para humalik sa pisngi. Humalik din ito kay Grandpapa bilang tanda ng pagalang bago naupo sa isang bakanteng upuan.
Samantalang karga pa rin ni Jeann ang baby nang muli itong bumalik sa kanyang kinauupuan kanina.
"Nandito tayo sa harap ng grasya. Tapusin muna natin ang pagkain bago ituloy ang pag usap sa issue na ito." Sambit ni Grandpapa kaya kaagad na naming tinuloy ang naudlot na pagkain.
Pagkatapos kumain muling pinag uspan ang desisyon ni Kenneth sa pag ampon sa anak ni Maureen. Hati ang opinyon ng bawat isa lalo na at pangalan ni Maureen ang sangkot dito pero hindi naman naglaon napapayag din ang lahat.
Aalalalayan na lang siguro si Kenneth sa pag aalaga at pagpapalaki sa bata. Nangako naman si Jeann na tutulungan niya palagi ang kapatid niya sa ganitong bagay kaya kahit labag sa kalooban nila Tita Arabella ang tungkol sa issue na ito wala na din silang nagawa pa kundi pumayag na lang.
Chapter 395
CHARLOTTE POV
Mabilis na natapos ang buong maghapon. Masasabi ko na ito ang isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko. Pagkatapos nang nangyaring unos na pinagdaanan ko, masasabi kong maswerte pa rin ako dahil lahat ng iyun ay napag-tagumapayan kong harapin at sa bandang huli ako pa rin ang nagwagi sa puso ni Peanut.
"Tired?" narinig kong sambit ni Peanut sa akin pagkauwi namin ng buhay. Kaagad naman akong tumango.
Wala naman sana akong ibang ginawa kanina sa mansion kundi ang makipag- kwentuhan lang kina Jeann at Veronica pero feeling ko ngayun pagod na pagod ako.
Siguro dahil sa pagbubuntis ko kaya mabilis na naubos ang energy ko.
Impit akong napatili ng maramdaman ko ang pag angat ko sa ire. Bigla kasi akong kinarga ni Peanut kaya hindi ko maiwasang magulat lalo na at feeling ko, dumuble na ang timbang ko ngayun dahil sa katakawan ko.
"Te-teka lang... Peanut mabigat ako. Kaya ko pa naman maglakad eh." nagpo -protesta kong saway dito. Hinalikan lang ako nito sa pisngi at nag umpisa na itong naglakad papasok ng bahay. Wala na akong nagawa pa kundi hayaan na lang siya at nanguyapit sa kanya habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanyang mukha
Bahala siya. Magtiiis siya sa bigat ko tutal ito naman ang gusto niya. Pabor nga sa akin ito para hindi na madagdagan ang pagod ko.
Sa kwarto na ako ibinaba ni Peanut. Bilib din naman ako sa strength nito dahil kinaya niya akong buhatin hanggang dito sa loob ng kwarto. Sana lang hindi siya magbabago at magiging sweet pa rin siya hanggang pareho nang pumuti ang mga buhok namin.
Sana matulad ang relasyon naming dalawa ni Peanut kina Grandma at Grandpa na hindi man lang kumupas ang pagmamahalan na nararamdaman nila para sa isat isa sa paglipas ng panahon.
Sila ang perfect example na true love at habang buhay ko silang iidolohin at aasa ako na magiging katulad kami ni Peanut sa kanilang dalawa.
"Where are you going" kunot noong tanong nito sa akin nang pagkababa nito sa akin sa kama muli akong bumangon.
"Magto-toothbrush at maglilinis ng katawan. Alangan namang matulog ako nang nakaganito lang." sagot sa kanya. Kaagad naman itong natawa sabay kamot sa kanyang ulo.
"Ahhh ganoon ba? Sorry, nakalimutan ko...akala ko matutulog na tayo eh!" Sagot nito. Pabiro ko naman itong inirapan. Mga ganitong drama ng asawa ko basang basa ko na eh. Alam na alam ko kung ano ang gusto nitong ipahiwatig.
"Hmmmp! Kunwari ka pa eh." bigkas ko at nagmamdali ng naglakad patungong banyo. Hindi ko na nga pinansin pa ang pagtawag nito sa pangalan ko dahil pagod ako at gusto ko nang maglinis ng katawan para makatulog na.
Paggkapasok ko sa loob ng banyo, kaagad kong hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan. Wala akong tinira na kahit isa dahil balak kong mag half bath para maginhawaan.
Nag-toothbrush lang ako at mabilis na itinapat ang katawan ko sa maligamgam na agos ng shower. Hindi ko pa nga maiwasan na mapapikit ng kaagad akong nakaramdam ng ginhawa sa buo kong katawan. Feeling ko kasi nanlalagkit na ako kanina kaya hindi ako mapakali.
Ang balak kong half bath lang ay nauwi na sa tuluyang paliligo. Masyado akong nag-enjoy sa pagbababad ng tubig galing sa shower kaya hindi namalayan pa ang paglipas ng sandali.
"Baby! Ang tagal mo naman yata diyan! "Hindi ko malaman kung ano ang unang tatakpan ko nang biglang pagkadilat ko ng aking mga mata, mukha ni Peanut ang una kong nasilayan. Pinasok na naman ako dito sa banyo na wala akong kamalay- malay.
"Peanut, ano ba! Hindi mo ba nakikita? Naliligo pa ako eh!" bulyaw ko sa kanya para mapagtakpan ang pagkapahiya ko. Kahit naman mag asawa na kami, hindi pa rin ako sanay na nakikita niyang nakahubot hubad sa harap niya noh. Lalo na ngaun at feeling ko hindi na ako sexy dahil sa umbok ng aking tiyan.
"Baby, hanggang ngayun pa ba, mahihiya ka pa rin sa akin? Ang tagal mo kasi eh.. kaya sasabay na lang ako sa paliligo mo." sagot nito sabay kindat sa akin at mabilis na hinubad ang kanyang mga kasuotan. Walang itinira kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng aking sariling laway nang kaagad na tumampad sa mga mata ko ang nakasaludo nitong alaga na nag- uumpisa ng tumigas.
"Peanut...lumabas ka muna! Patapusin mo------" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang kaagad itong lumapit sa akin sabay yapos sa likuran ko. Pareho nang nakatapat ang aming mga hubad na katawan sa patak ng tubig galing sa shower. Lalo akong nakaramdam ng pag iinit ng buo kong katawan ng maramdaman ko ang alaga ni Peanut na kumikiskis sa ibabaw ng puwitan ko.
Mainit-init iyun na parang pumipintig -pintig. Shocks talaga! Imbes na balak kong magpahinga ng maaga ngayun, mapapasabak pa yata ako sa bakbakan.
Haysst, bakit ba napakahilig nitong asawa ko? Feeling ko nga, madikit lang ang balat nito sa balat ko, nagrereact kaagad ang kanyang Manoy. Ayos na din dahil nagiging m*****g na din ako ngayun. Siguro epekto ng pagbubuntis kaya ganoon.
Ang tahimik na paliligo ko ay nauwi na naman sa mainit na sandali sa pagitan naming dalawa ni Peanut. Game na game naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nagiging mahilig na din ako nitong mga nakaraang araaw. Sabi nang OB ko, normal lang daw iy un dahil sa hormone ko
"Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang kumain muna?" narinig kong tanong ni Peanut pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan naming dalawa. Alam kong pagod na din ito pero nagawa niya pa talagang itanong sa akin kung nagugutom daw ako.
"Nope! Ayos lang ako. Marami akong nakain sa mansion kanina kaya bukas na siguro ulit ng umaga ang susunod kong kain." sagot ko kasabay ng mahigpit na pagyapos ko sa kanya
Naramdaman ko naman ang masuyong paghaplos ni Peanut sa likuran ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti.
"I love you my Baby Charlotte!" nakangiti nitong bigkas na kaagad ko namang ikinakilig.
"I love you too Peanut!" nakangiti kong sagot bago ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko...............
Chapter 396 (JEANN AND DRAKE STORY)
JEANN POV
"Finally, I'm back!" iyun ang tumatakbo sa isipan ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid ng kwarto ko sa mismong bahay ng mga magulang ko dito sa Alabang. Ang bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip.
Wala namang nabago. Nandito pa rin ang mga kagamitan ko noong bago ako nag asawa. Maayos ang buong paligid at mukhang alagang alaga pa rin sa linis
Sabagay, hindi naman nakakapagtaka iyun dahil metikulusa si Mama pagdating sa kalinisan.
Kaagad akong humarap sa vanity mirror na paborito kong gawin noong dalaga pa ako. Pilit ngumiti sa harap ng salamin pero kaagad ding napa- seryoso nang dahan-dahan na pumatak ang luha sa aking mga mata.
Sa aming pamilya, ako yata ang pinaka -malas na babae. Minsang nagtiwala sa isang lalaki pero nabigo din kaagad. Hindi man lang umabot ng tatlong taon ang pagsasama namin ni Drake at ipinagpalit niya lang ako sa ibang babae. HIndi niya man lang naisip lahat ng sakirpisyo ko maging masaya lang ang aming pagsasama.
Minsan, napapatanong na lang ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang kulang sa akin? Maganda naman ako, desenteng babae at galing sa kilalang pamilya. Pero bakit nagawa akong lokohin ni Drake na akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay.
Impit akong napahikbi! Akala ko ayos na ako. Akala ko naka-moved on na ako! Hindi pa pala! Masakit pa rin pala!
Hinayaan ko muna ang sarili ko na umiyak ng umiyak. Wala namang nakakakita sa akin kaya ayos lang!
Hindi ganoon kadaling makalimot sa kabiguan sa pag-ibig. Minahal ko si Drake ng sobra-sobra pero ito ang napala ko.
Ipinapangako ko, hinding hindi ko na ulit hahayaan pa na paiikutin ako ng ibang tao. Ni ang sarili ko ngang pamilya hindi ako nagawang saktan ni kahit pitik lang...tapos sasaktan lang ako ng ibang tao? Mayado naman yatang unfair para sa akin iyun at sa buo kong pamilya.
Natigil lang ako sa pag iyak ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan. Dali-dali kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at isinuot ang aking salamin na wala namang grado. Sa pamamagitan nito, maitatago ang mga mata kong namumula na naman dahil sa pag iyak
Pagka-bukas ko ng pintuan ng kwarto kaagad na tumampad sa akin si Manang. Karga-karga nito ang Baby Rusell ko na noon ay nahihimbing nang natutulog sa kanyang braso.
Ang anak ko na kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaan na malapitan ng ama niyang si Drake. Makasarili na kung makasarili pero iyan ang gusto ko.
Hindi ko siya bibigyan ng kahit na anong karapatan sa anak namin. Niluko niya ako at walang kapatawaran iyun. Pwede naman siyang mag anak sa babaeng ipinalit niya sa akin hanggat gusto niya at hindi ko siya papakialaman basta huwag lang siyang lumapit sa anak namin.
Magdadalawang taon pa lang si Baby Rusell at naunsyami ang pagkakaroon nito ng kapatid dahil nakunan ako noon. Dahil iyun sa kagagawan ni Drake. Kung hindi sana siya nagloko, hindi sana ako ganito ka-miserable.
"Ihiga niyo na lang po siya sa kama Manang at pwede na din po kayong magphinga." sagot ko. Kaagad naman itong tumalima at maingat na inihiga si Baby sa kama.
"Ipi-prepare ko po muna ang milk bottle ni Baby Mam baka kasi maghanap ng milk mamaya ang anak niyo." nakangiting sagot naman ni Manang na kaagad ko namang sinang- ayunan.
Hindi talaga ako nagsisisi na isinama ko ito noong hiniwalayan ko si Drake. Napaka-maalaga niya kay Baby Rusell kaya malaki ang tiwala ko sa kanya na maaalagaan niya ng maayos ang anak ko kahit wala ako sa paligid.
Naging maayos ang mga araw na lumipas sa buhay ko. Wala pa ring nagbago at palaging nakaalalay si Mama sa akin.
Hindi na din muna ito umaalis. Palaging nakabantay sa akin dahil natatakot pa rin siya na baka gawin ko ulit ang ginawa ko noon which is never nang mangyari. Hindi na ako ganoon katanga at ka-vulnerable para maisip ko na saktan ang sarili ko ulit.
"Ma...ayos lang talaga ako dito. Pwede niyo nang bisitahin ang under constraction na resort ninyo sa visayas kung gusto niyo." Monday morning at kaharap ko si Mama at Papa dito sa dining area. Nandito din ang kapatid kong si Kenneth na halata sa mga mata nito ang puyat dahil sa kakaalaga siguro sa ampon niyang si Baby Jillian.. Well, ginusto niya ito kaya bahala siya.
"Mom, balak ko pong kumuha ng Yaya ni Baby Jillian. Ayos lang po ba?" pagpapaalam nito kay Mama. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay. Hindi na nga nasagot ni Mama ang sinabi ko kanina tapos bigla naman siyang sumingit. Pero ayos lang din naman. Mas mahalaga ang concern niya compare sa akin.
Kapag may pasok itong si Kenneth sa office, isa sa mga kasambahay ang pansamantalang nagbabantay kay Baby Jillian. Iyun nga lang, katabi niya sa pagtulog kapag gabi. Sa sobrang hirap mag alaga ng baby, palagi itong puyat at nangangalumata.
Ayaw ni Mama sa desisyong ito ni Kenneth kaya pinapabayaan niya ang kapatid ko.
'Bakit pa? Kaya mo diba? Kayanin mo! " sagot ni Mama. HIndi ko naman maiwasan na mapangiwi.
"Bella, hanggang ngayun pa ba, against ka pa rin sa desisyon ng anak mo? Hayaan mo siya sa desisyon niya na kumuha muna ng Yaya dahil baka sa kakapuyat nyan, mapabayaan niya ang trabaho sa kumpanya." sagot ni Daddy Kurt.
Si Kenneth ang nakatakdang pumalit bilang CEO ng kumpanya na ilang taon ding pinaghirapan ni Daddy.
Mataas ang IQ ni Kenneth kaya sa batang edad nito, malaki na ang tiwala ni daddy sa kanya lalo na sa usaping negosyo. Kahit nagtatrabaho na sa kumpanya nag aaral din ito ng law sa isang sikat na University dito sa Metro Manila.
Sa sobrang abala nito, nagawa pa talagang mag ampon ng bata na siyang hindi namin maintindihan.
"Hayysst! Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi pagbigyan ang batang iyan! Tatawagan ko mamaya ang agency para magpadala ng Yaya dito." sagot ni Mama. Kaagad namang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Kenneth.
CHAPTER 397
JEANN POV
"Thank you Mom, Dad! Naawa lang talaga ako kay Baby Jillian kaya hindi na ako nagdalawang isip na ampunin siya. Lalo na ngayun at wala na ang Nanay nya." sagot naman ni Kenneth. Nagtataka naman kaming lahat na napatitig dito.
"What you mean? Paanong wala na? Hindi bat nasa kulungan nga at pinagbabayaran lahat ng mga kasalanan niya?" tanong ko naman sabay sulyap kay Mommy. Nakita ko na natigilan din ito at seryosong tumitig kay Kenenth.
"Patay na siya. Natagpuan na lang siya sa kanyang selda na wala ng buhay. Ayun sa imbistigasyon nagpakamatay daw dahil sa suicide note na nasa tabi niya." sagot nito. Kaagad naman kaming nagtinginang tatlo. Sikat na personalidad si Maureen pero bakit hindi man ito naibalita sa social media.
"Alam na ba ito nila Charlotte?" tanong ko. Uminom muna ng tubig si Kenneth bago sumagot.
"Alam ni Peanut pero hindi niya pa ipinaalam kay Charlotte. Ayaw niya na kasing guluhin ang isipan ng pinsan natin. Kaya ikaw Ate Jeann, huwag na huwag mo itong mabanggit sa kanya ha? " sagot naman ni Kenneth. Kaagad naman akong tumango.
Kawawa pala talaga ang sitwasyon ng anak ni Maureen. Mabuti na din siguro at sa pamilya namin ito napunta dahil simula ngayung araw, pipilitin ko na maging bahagi ako sa paglaki niya.
"Dont worry Bro, kapag puyat ka na talaga at wala pang mahanap na Yaya, sa kwarto ko na lang muna patulugin si Baby Jillian. Diretso namang matulog sa gabi si Baby Rusell kaya ayos lang." nakangiti kong sambit. Ngayun higit na kailangan ng kapatid ko ang suporta naming lahat.
"Talaga Ate? Naku, thank you talaga! Sabi ko na nga ba eh...ikaw ang the best Ate in the world!" sagot nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
Oo, Kung the Best Ate in the world ako, the best kapatid ko naman siya. Ramdam ko kaya ang suporta niya noong down na down ako. Kung dati, palagi kaming nagbabangayan, mukhang magbabago na ang ihip ng hangin ngayun. Pareho na kaming nag matured kaya dapat lang na suportahan namin ang isat isa.
"Okay....sige na! Ayos na sa amin ng Daddy niyo ang lahat. Kailan niyo nga pala pabinyagan ang bata? Kami na ng Daddy niyo ang tatayo na legal parents ni Baby Jillian para naman makapag focus itong si Kenneth sa mga pangarap niya sa buhay." sagot naman ni Mommy Bella. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Kenneth.
"Ibig sabihin niyo po ba nito Mom na magiging little sister na namin si Baby Jillian? Na hindi na ako ang magiging bunso niyo?" tanong ni Kenneth na kaagad ko namang ikinangiti.
Bakit feeling ko masama ang loob ng kapatid ko na hindi na siya ang bunso sa pamiya? Huwag niyang sabihin na hindi sya papayag sa suggestion ni Mama? Naku, huwag naman sana dahil baka imbes na magiging maayos na ang lahat, baka lalo pang magkagulo.
Bihira lang si Mommy tumanggap ng suggestion. Kung ano ang gusto nito talagang kailangan pa naman sundin kung hindi matindi pa naman ito kung magtampo.
"Hi--hindi naman po! Kaya lang nakakapanibago kung hindi na ako ang bunso ng pamilya natin." nakangiwing sagot ni Kenneth. Kaagad naman itong pinagtaasan ng kilay ni Mommy samantalang si Daddy naman na kanina pa nakikinig ay hindi na napigilan pa ang matawa.
"Ito ang gusto mo diba? Bakit parang nagdadalawang isip ka na yata ngayun? "tanong ni Daddy. Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Kenneth bago alanganing tumango.
"Well, may magagawa pa po ba ako? Okay na din ito, kaysa naman magiging batang ama pa ako. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga maalagaan ng maayos si Baby Jillian dahil masyado akong abala. Sige na nga po, payag na ako..." sagot nito na parang masama pa ang loob. Kaagad naman kaming nagkatawanan.
Ang lakas ng loob mag ampon gayung napaka-bata niya pa. Mabuti na lang at pumayag na sila Mommy at Daddy kung hindi baka hindi ma-enjoy nitong kapatid ko ang pagiging buhay binata sa mga susunod na mga araw at taon.
Natapos ang masayang breakfast namin. Kaagad na nagpasya sila Mommy at Daddy na ipaayos ang nursery room ng bahay para maging kwarto nila Baby Jillian. Nakatakda din itong binyagan sa susunod na linggo kaya magiging abala na naman ulit kaming lahat.
"Mom, ako na lang po ang bibili ng milk ni BAby Jillian. Balak ko pong pumunta ng mall para mabili din po ang mga kailangan ni Baby Russell."
paalam ko kay Mommy pagkatapos naming kumain ng agahan. Nakaalis na sila Daddy at Kenneth ng bahay para pumasok ng opisina at kaming dalawa na lang ni Mommy at ang mga katulong ang naiwan dito sa bahay.
"Ahhh sige anak! Ako na muna ang bahala sa dalawang bata. Bilihin mo na lahat ng mga kailangan ng mga apo ko para naman hindi na tayo magkakaproblema pa sa mga susunod na araw." nakangiti nitong sagot habang karga-karga nito si Baby Jillian. Si Baby Rusell naman ay nagpapaaraw sa garden kasama ni Manang kaya alam kong hindi mahihirapan si Mommy kapag lumabas muna ako ngayun para bumili ng lahat ng mga pangangailangan ng mga bata.
Gamit ang bago kong kotse na binili ni Daddy para sa akin noong nagpasya akong bumalik dito sa Manila, kaagad akong nagdrive papuntang Villarama Mall. Ang Mall kong saan pag aari ng Villarama Empire. Mataas ang security ng mall na iyun kaya safe akong pumunta doon kahit mag isa lang ako.
Pagkadating ng mall kaagad na muna akong dumiretso sa department store. Bibili lang muna ako ng maraming damit ni Baby Jillian pati na din ni Baby Russell bago ako pupunta ng grocery story para bumili na din ng milk.
Pagkabayad ko sa lahat ng mga pinamili ko kaagad kong narinig na may tumawag sa pangalan ko. Wala sa sariling napalingon at kaagad na tumampad sa paningin ko ang nagtatakang hitsura ni Arthur. Isa siya sa mga bestfriend ni Uncle Rafael, Peanut at Drake.
"Diyos ko! Jeann, ikaw nga...tinakot mo naman ako...akala ko multo ang, nakikita ko ngayun!" muling bigkas ni Arthur na nagpangiwi sa akin.
Ang alam ng lahat patay na ako maliban lang sa buo kong angkan. Dapat pala nagsuot ako ng facemask at salamin para walang makakakilala sa akin...hayyy!
Chapter 398
JEANN POV
Sa dami ng pwedeng makakita sa akin dito sa mall, bakit si Arthur pa na best friend ng Drake na iyun?
"Jeann? Hindi ba ikaw 'yung asawa ni Drake Davis? Hi-hindi ka patay? Bu- buhay ka?" singit naman ng babaeng buntis sa harap ko. Namimilog ang mga mata nito sa gulat habang sapo niya ang kanyang may kalakihang tiyan. Sa naalala ko, Beatrice ang pangalan nito..,,, asawa ni Arthur.
Hindi ko tuloy malaman kung ngingiti ba ako sa kanila or hindi. Yari na...alam kong bago matapos ang araw na ito, malalaman at malalaman na ni Drake na nilululuko ko lang siya. Na buhay naman talaga ako at drama lang ang kunwaring patay na ako.
"Yes...ako nga..... si Jeann Villarama Santillan! Kumusta kayo?" hilaw kong sagot lalo na kay Arthur. Sa naalala ko, ang asawa ni Arthur na si Beatrice ay classmate ni Veronica noong nag aaral pa siya. Hindi ako closed sa kanya pati na din kay Arthur kaya alam kong kahit na pakiusapan ko sila na huwag sabihin kay Drake na nakita nila ako hindi din mangyayari. Nasa kay Drake ang loyalty ng Arthur na ito dahil mag- best friend sila.
"Paanong nangyari? Dont tell me na palabas lang ang lahat?" tanong ni Arthur. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkalito.
Parang gusto ko tuloy ito barahin. Nakita niya nga na buhay ako, magtatanong pa ng ganiyan. Siyempre, palabas lang talaga ang kunwaring kamatayan ko noon. Malala ang pagiging broken hearted ko noong ng pagkakataon na iyun kaya kung anu- ano ang naiisip ko.
"Ito ang alam kong paraan para maka-moved-on sa lahat ng mga panloloko na ginawa ni Drake sa akin."
seryoso kong sagot kaya kaagad namang nagkatinginan ang dalawa.
"We understand! Dont worry, ang pagkikita natin ngayun ay mananatiling sekreto sa mga mata ni Drake hanggat gusto mo. Kahit kami, hindi din sang-ayon sa ginawa ni Drake sa iyo, pero alam mo ba noong nalaman niya na namatay ka, labis siyang nagluksa. Kahit nga ang jar ng urn mo...I mean....iyung Jar na may laman daw na abo na ipanagkatiwala ni Kenneth sa kanya ay pinagawan niya sa isang mamahaling mausoleo para kahit wala ka na daw, magiging kumportable ka pa rin." sagot ni Athur.
Kaagad naman akong kinilibutan. Ipinagluksa daw so ibig sabihin ipinagtirik niya na din ako ng kandila? Ano ba ang pumasok sa isipan ko at bakit ko naisip ang ganong klaseng palabas? Buti na lang hindi ako natuluyan kung hindi kawawa ang anak kong si Russell.
Ilang beses pa naman sinabi ni Mommy sa akin na gusto daw makuha ni Drake ang custody ng anak namin. Hindi lang makaporma dahil natakot sa angkan namin at si Uncle Rafael na daw mismo ang nagsabi kay Drake na kapag itutuloy niya ang plano niya, magkakagulo daw talaga!
Mabuti nalang talaga marami akong kakampi. Hindi ako papayag na mapunta kay Drake ang custody ng anak namin noh. Baka mamaya paalagaan niya lang sa kabit niya ang anak ko at kakawawain. Maghahalo talaga sa balat ang tinalupan kapag mangyari iyun.
Ngayun ko lang din na-realized na nakakatakot pala ang palabas kong iyun. Imagine, ipinagluksa pa raw ako ng manloloko kong asawa? Baka naman tinablan ng konsensya!
Noong magkasama pa kami sa iisang bubong halos ayaw niya na akong pansinin simula noong bumalik sa buhay niya ang lintik na Jasmine nayun! Kaya hinding hindi na talaga ako madadala sa mga drama ng Drake na iyun!
Kaya siguro nagpagawa ng magandang mausoleum para ipakita sa lahat na mabuti siyang asawa! Huwag talaga siyang susumbat-sumbat sa akin kapag malaman niyang buhay pala ako kung hindi baka siya ang ilagay ko sa mausoleum na iyun kasama ang kabit niyang si Jasmine.
Hinding hindi na talaga ako maniniwala pa sa mga pautot ng Drake na iyun. Tama na ang minsan niya akong niluko at pinaikot sa palad niya. Hinding hindi na talaga ako papayag na maluko niya ulit.
"Maniwala naman kayo doon. Once a cheater is always a cheater." sagot ko at kaagad ng nagpaalam sa kanila. Pupunta pa ako ng grocery store para bumili ng milk ng mga bata.
"Okay Jeann. Nice to see you again Dont worry, kampi ako sa iyo at sana magkaroon tayong apat nila nila Veronica at Charlotte ng chance na makapag hang out sa labas." wika ni Beatrice sa akin bago ako umalis. Isang tipid na ngiti lang naman ang naging sagot ko at tuloy-tuloy na akong naglakad palabas ng mall para ilagay muna sa aking kotse ang mga pinamili ko dito sa department store bago ako pupunta sa grocery store.
Wala na akong pakialam kung sasabihin nila kay Drake ang pagkikita naming ito. Alam ko namang sooner or later, malalaman din ni Drake na palabas lang ang kamatayan ko. Wala din akong plano na habang buhay na magtago sa anino niya. Wala na akong pakialam sa kanya at huwag na huwag siyang magpapakita sa akin lalo na kapag kasama niya ang kabit niya.
Chapter 399
JEANN POV
Abala ako sa kakahanap ng milk sa shelves ng maramdaman ko ang pagkalabit ng kung sino sa akin. Nang iangat ko ang aking tingin ang nakangiting mukha ni Beatrice ang sumalubong sa akin.
"Nandito ka din." nakangiti nitong bigkas. Kaagad kong napansin na hindi niya na kasama si Arthur kaya kaagad akong napangiti..
"Mag isa ka lang?" tanong ko. Kaagad itong tumango.
"Bumalik na sa restaurant si Arthur. Bibili sana ako ng yakult kaya lang napansin kita dito kaya nilapitan kita kaagad." nakangiti nitong sagot. Kaagad naman akong napatango.
"Halos kasing edad lang ni Veronica si Beatrice pero parang spoiled ito mag isip. Gayunpaman, mukha itong mabait at mapagkakatiwalaan kaya naging palagay na din ang loob ko sa kanya.
"Pwede ba kitang yayain sa resto after mo mamili? I mean, medyo nakaka- bored kasi at kinulit ko kanina si Veronica na magkita kami pero busy daw siya eh. Check up daw ng Baby nila ngayun kaya hindi siya pwede." pagyayaya nito.
Mukha nga itong bored dahil alam kong kaya siya nandito sa grocery store dahi sinundan niya ako. Hayyy, mabait naman siya kaya pagbibigyan ko na lang siguro. Baka naghahanap lang talaga ito ng makakausap.
"Sure...total gutom na din naman ako eh. Magbabayad lang ako tapos punta na tayo sa resto niyo." nakangiti kong sagot kaya hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito at mabilis akong hinila papuntang counter. Kaagad naman akong nagpatianod.
Pagkatapos magbayad, sa restaurant na pag aari ni Arthur kami pumunta. Halatang pang mayaman na restaurant at sa sobrang lawak ng buong paligid, may mga VIP room at conference room dito mismo sa loob ng restaurant. Dinala ako ni Beatrice sa isa sa mga VIP room at kaagad akong binigyan ng menu.
"Order ka na. Kahit mayaman ka, lilibrehin pa rin kita ngayun."
nakangiti nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Mukhang magkakasundo kaming dalawa. Mabilis akong nakaorder ng mga pagkain kaya muli kong itinoon ang buong attention ko kay Beatrice.
"Alam mo ba kung gaano kalandi ang babaeng iyun?" muling wika nito.
Naguguluhan naman akong napatitig sa kanya.
"I mean..si Jasmine! Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpalit ka ni Drake sa babaeng iyun. Eh girl friend ng bayan iyun eh." muling wika nito na halata ang inis sa mukha. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa. Sa tono ng pananalita nito, halatang kilalang kilala niya ang Jasmine na iyun.
"Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ko. Imbes na masasaktan ako dahil napag uusapan namin ang tungkol sa pagluluko ni Drake sa akin, mas lalong naging interesado ako sa susunod na sasabihin ni Beatrice. Ano ba talaga ang meron sa Jasmine na iyun at bakit humaling na humaling sa kanya si Drake.
Ang alam ko lang, childhood sweetheart ni Drake si Jasmine. Umalis ng bansa dahil nag-migrate ang buong pamilya sa Europe at noong nagbalik ng Pinas, parang asong ulol si Drake na buntot ng buntot sa kanya na siyang dahilan ng palagi ang pag aaway namin ni Drake na nauwi sa pagkakalalaglag ng ipinagbubuntis ko noon.
Iyun din ang mga time na hindi na ako inuuwian ni Drake. Tuluyan na siyang nakisama sa Jasmine na iyun na lalong nagpa-trigger ng emotional at mental condition ko.
Ilang beses ko pa ngang kinwestiyon ang sarili ko kung ano ba talaga ang kulang sa akin? Bakit hindi ma- kontento sa akin ang asawa ko?
"Dahil naging sila din ni Arthur noon. " sagot nito na kaagad na ipinanlaki ng aking mga mata. Napatitig pa ako kay Beatrice kung ginu-goodtime niya ba ako pero kita ko kung gaano siya ka- seryoso ngayun.
"Paano mo nasabi? I mean, paanong naging sila?" tanong ko.
"Eh malandi nga kasi...hindi makontento sa iisang lalaki kaya kung kani-kanino pumapatol. Hindi lang talaga nagku-krus ang landas namin eh. Pero kapag bigyan ako ng chance ni Lord, kakalbuhin ko talaga siya kapag muli niyang aakitin ang asawa ko."
sagot nito. Ramdam ko sa boses niya ang pangigigil kaya nagtatanong ang mga matang tinitigan ko ito.
"Kaya alam ko ito dahil ampon ako ng mga magulang ni Arthur...I mean, sila na ang halos nagpalaki sa akin. Tauhan nang hasyenda nila ang mga magulang ko at noong pareho silang binawian ng buhay, inampon ako ng mga magulang ni Arthur at sila na ang nagpaaral sa akin...." pagki-kwento nito. Kaagad naman napukaw ni Beatrice ang interes ko kaya tahimik ko itong pinakingan.
"Minsang inuwi ni Arthur ang babaeng iyan sa bahay. Ipinakilala niyang fiance kina Mommy at Daddy at ikakasal na daw sila. Of course, sixteen years old pa lang ako noon kaya wala akong pakialam pero alam mo bang ako ang ginawang dahilan ng babaeng iyan kaya hindi natuloy ang kasal nila? Mainit ang dugo niya sa akin dahil alam niyang ampon ako at palagi akong pinagdidiskitahan." pagkiki- kwento nito.
"Palagi akong inaaway ng Arthur na iyan noon dahil kinakampihan niya ang malanding Jasmine na iyan. Nagtitiis na lang ako dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Pero alam mo pagkatapos noon, hindi ko akalain na ako pa rin pala ang pipiliin niya... heheheh!" natatawa nitong bigkas. Kaagad naman akong napangiti. Magulo ang kwento nitong si Beatrice pero parang gets ko na din...
Natigil lang sa pakiki-kwento si Beatrice nang dumating ang mga pagkain. Sabay na din kaming kumain dahil busy daw masyado si Arthur,
"Oh my God! Nakita mo ba ang nakikita ko?" natigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang pagpalatak ni Beatrice. Nakatingin ito sa salaming dingding na VIP room at kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko ang pagpasok ni Drake kasama ang babaeng ipinalit niya sa akin. Halata na ang umbok sa tiyan ni Jasmine kaya alam kong nagdadalang tao na ito.
"Ang kapal ng mukha nila para pumunta dito sa restaurant!" Narinig kong bigkas ni Beatrice kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Masakit pa rin pala na makita ang asawa mo na may kasama nang iba. Sabagay, ang alam niya patay na ako kaya malaya niya nang ma-idisplay ang kabit niya sa ibang mga tao. Ang sakit! Mukhang tuluyan na nga akong ibinaon sa limot nI Drake.
Chapter 400
JEANN POV
"Jeann, ayos ka lang ba? Pasensiya ka na ha? Hindi ko akalain na pupunta sila ngayun dito. Nasa kabilang branch si Arthur kaya baka kakain lang talaga sila." narinig ko pang wika ni Beatrice. Biglang bumalik ako sa huwesyo at pasimple kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at pilit itong nginitian.
"Ayos lang...nagulat lang ako." sagot ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara at tinidor. Pigil ko din ang sarili ko na lumabas at puntahan si Drake at ang babae niya para kumprontahin. HIndi na ako ang dating Jeann na basta na lang manunugod at mang-iiskandalo. Binago na ako ng mga karanasan ko at wala ng dahilan pa para habulin ko si Drake.
"Saglit lang. Paaalisin ko na sila. Hindi sila welcome sa restaurant na ito kaya pagsasabihan ko ang mga staff ko na huwag silang istimahin." wika ni Beatrice at akmang tatayo na ito ng bigla ko itong pigilan.
"Ayos na. Hayaan mo na sila. Customer sila at karapatan nilang pagsilbihan. Isa pa, hindi pwedeng ihalo ang personal na damdamin sa negosyo." sagot ko at pilit na ngumiti dito.
"Pero Jeann, hindi pwede! Ikaw ang legal wife at lahat ng karapatan nasa sa iyo. Actually, pwede mo nga sila ipakulong kung gustuhin mo lalo na ngayung buntis ang hitad na Jasmine na iyan!" sagot naman ni Beatrice.
Hindi ko naman mapigilan na mapatitig sa kinaroroonan nila Drake. Nakaupo na sila pareho sa isang bakanteng mesa habang seryosong nag uusap. Sa hitsura nilang dalawa para silang may pinagtatalunan na hindi ko mawari.
"Beatrice, pwede bang humingi ng favor? May make up ka ba diyan? Bibilihin ko na lang." maya maya wika ko kay Beatrice. Napansin ko pa ang pagkagulat sa hitsura nito bago kinuha ang kanyang bag at inilabas ang kanyang mga make up kit.
"Hindi ka naman siguro maselan diba? "tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Ako na nga itong nanghihiram, mag iinarte pa ba ako? Baka nga si Beatrice ang maselan eh. Nakakahiya dahil personal na gamit itong hinihiram ko sa kanya.
"Dont worry, lahat ng magagamit ko ngayun, papalitan ko na lang." wika ko naman habang isa-isang tinitingnan ang mga make up na pwede kong gamitin.
"No need! Katulad mo, hindi din ako maselan." nakangiting sagot ni Beatrice. Nakikalkal na din ito sa mga make up na nasa harap ko bago nagsalita.
"Magaling akong mag make up! Gusto mo, ako na lang ang mag ayos sa iyo?" nakangiting tanong ni Beatrice. Kaagad naman akong tumango kaya kaagad niya akong inumpisahang ayusan.
Humanda sila sa akin. Wala akong plano na habang buhay silang papaniwalain na patay na ako. Ito na ang tamang pagkakaton para muling magtagpo ang aming landas. Makikita nila kung sino ba talaga si Jeann Villarama Santillan. Unica Iha ako ng mga Santillan kaya walang dahilan para magtago ako sa isang patay.
"Perfect! Ang ganda mo talaga Jeann! Anong shades ng lipstick ang gusto mong gamitin ko?"Naputol ako sa aking pagmumuni-muni ng muling nagsalita si Beatrice. Tapos niya na pala akong ayusan habang nakatulala ako sa kawalan.
"I think mas bagay sa iyo ang pulang lipstick na ito. Mas seductive at bagay sa make up mo." nakangiti nitong wika. Tumango lang ako kaya kaagad niya ng inaply sa akin ang red lipstick. Pagkatapos niyang gawin iyun iniabot niya sa akin ang salamin at kaagad kong tinitigan ang sarili kong reflexion.
Magaling mag make up si Beatrice. Napatunayan ko ngayun ito lalo na at feeling ko ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Hindi ako ito lalo na at never akong gumagamit ng red lipstick. Parang kamukha ko na tuloy ang tunay na Ina ni Mommy Arabella....
Si Ara Perez! Hindi lingid sa kaalaman naming lahat ang nakaraan ni Mommy Arabella. Hindi siya tunay na anak nila Grandmama Carissa at Grandpapa Gabriel bagkos anak siya ni Ara Perez na nakikita ko ang mukha niya sa mukha ko ngayun.
Kung ano ang hitsura ko ngayun, ganoon din ang hitsura niya doon sa picture frame na nakalagay sa kanyang libingan. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako gumagamit ng pulang lipstick dahil feeling ko, ako siya at siya ay ako! Para kaming pinagbiyak na bunga.
"So, ano ang plan mo? Susugurin na ba natin sila? Sayang naman ang red lipstick na iyan kung mananahimik lang tayo dito." naputol ako sa aking malalim na pagmumuni- muni ng muli kong narinig nag boses ni Beatrice. Dali-dali kong binitiwan ang salamin sabay tayo.
"Bagay ba sa make up ko ang suot kong damit?" tanong ko pa kay Beatrice. Naka-jeans t-shirt ako at hanging blouse. Ganito ako manamit noong dalaga pa ako.
"Ayos na iyan. Sexy nga eh. So ano ang plano? labas na tayo?" excited na tanong ni Beatrice. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago tumango.
"Dont worry! Kahit buntis ako, ako pa rin ang magiging back up mo ngayung araw!" muling wika ni Beatrice bago ako naglakad palabas ng VIP room.
Ngayun na ang tamang panahon para muli kaming magtotoos ng manloloko kong asawa. Sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin ko na ako ang magwawagi!
Dire-diretso akong naglakad patungo sa table nila Drake at Jasmine. Ni hindi man lang lumingon sa gawi ko ang manloloko kong asawa at nasa kay Jasmine lang ang buo niyang attention.
"Husband! Tama nga pala ang nabalitaan ko na ibinulgar niyo na sa publiko ang relasyon niyong dalawa!" wika ko kasabay ng pag upo sa katapat ng mesa nila. Kaagad na nag angat ng tingin si Drake at diretsong tumitig sa akin.
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nito kasabay ng pagbanggit niya sa pangalan ko. Kaagad naman akong napaismid.
"Je-Jeann! I--ikaw!" gulat na gulat na bigkas ni Drake. Para itong nakakita ng multo sa paraan ng pagkakatitig sa akin. Talagang paniwalang-paniwala talaga ang manluluko na patay na ako.
Well, sorry na lang siya! Ngayung nagbalik na ako, hindi ako papayag na hindi ko maibalik sa kanila ang
pagdurusa na nararanasan ko noon sa mga kamay niya!
Chapter 401
JEANN POV
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang pamumutla ni Drake habang nakatitig sa akin samantalang si Jasmine naman ay kaagad na nagsalubong ang kilay habang kita ko ang pagka-digusto sa kanyang mukha. Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko.
Ganiyan nga...magulat kayo sa muli kong pagbabalik. Pagbabayaran niyong dalawa ang lahat ng mga kasalanan na nagawa niyo sa akin. Hindi ako
papayag na ganoon-ganoon na lang at basta na lang mananahimik sa isang tabi at hayaan na maging masaya ang pagsasama nilang dalawa.
"Jeann, buhay ka? Hindi totoong namatay ka?" gulat na tanong ni Drake. Sa gulat nito, napatayo pa ito at naglakad palapit sa akin na hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha. Muli akong tumayo at matalim itong tinitigan.
"Disappointed?" tanong ko sa kanya sabay taas ng aking kilay. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula ng mga mata nito at ang biglang pagtaas ng kanyang kamay sabay haplos sa aking pisngi pero kaagad ko iyung tinabig.
"Don't touch me with your dirty hands!" nanglilisik ang mga matang wika ko sa kanya. Hindi ito makapaniwalang napatitig sa akin.
"Bakit? Bakit mo ako niluko? Bakit mo pinalabas na wa-wala ka na?" tanong nito na kaagad ko namang ikinaismid. Naglakad ako ng ilang distansya sa kanya bago ito sinagot.
"Wala lang...trip ko lang! Besides, hindi mo masasabing panluluko ang ginawa ko sa iyo. Talagang namatay ako Drake....pinatay mo ako sa panluluko na ginawa mo sa akin!" galit kong sumbat sa kanya. Pigil ko ang sarili ko na maiyak sa harap nito. Hindi ko na hahayaan pa na umiyak sa harap niya at magmukhang kaawa-awa. Hindi na ako ang dating Jeann na mahina.
"Kahit ano pa ang sabihin mo, niluko mo ako Jeann. Pinaniwala mo ako na wala ka na at alam mo bang halos ikamatay ko iyun? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo pero sana man lang hinayaan----" naputol ang sasabihin nito ng bigla akong nagsalita.
"Oh come on Drake. Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin na niluko kita! Baka nakalimutan mo na nasa harap na nating dalawa ang ibedensya ng panluluko mo sa kasal natin? Ayan ohhh, buntis na nga diba?" galit kong bigkas sa kanya sabay duro kay Jasmine. Kaagad namang natigilan si Drake at napasulyap kay Jasmine na noon ay kaagad na napatayo habang galit na nakatitig sa akin.
"Hindi ka niluko ni Drake. Ako ang una niyang minahal kaya wala akong inagaw sa iyo!" galit na bigkas nito. Ang kapal ng mukha para sumabat sa pag uusap naming dalawa. Ganito na ba katapang ang mga kabit sa panahon ngayun?
"Oh really! Ikaw ang minahal? Well, bakit hindi ka pinakasalan?" taas noo kong tanong sa kanya habang pigil ko ang sarili ko na sugurin ito at sabunutan. Kating kati na talaga ang palad ko na saktan ito pero hindi ko gagawin. Lalo na at nakapukaw na kami ng attention ng ibang mga customers. Maraming nang mga nakikiusyuso na gustong gusto ko naman. Tingnan lang namin kung sino ang mas mapapahiya sa aming tatlo.
"Jeann, please huwag dito! Mag usap tayo na tayong dalawa lang. Magpapaliwanag ako!" si Drake na ang sumagot. Akmang hahawakan ako nito pero kaagad kong tinabig ang kanyang kamay.
"Bakit? Ito na nga ohhh...magkaharap na tayong tatlo na hindi ko kayang gawin noon! Bakit pa tayo hahanap ng ibang lugar gayung pwede namang dito tayo mag usap-usap diba?" nang iinis kong tanong. Kaagad naman natigilan si Drake at pasimple nitong inilibot ang tingin sa paligid. Peke akong tumawa.
"Nahihiya ka na malaman ng lahat ang pangangabit mo Drake?" talagang nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ng mga usyusera at usyusero. Effective naman dahil lalong nakuha namin ang attention ng mga Marites sa paligid.
Ito ang gusto ko. Ang gumawa ng eksena sa maraming tao para malaman ko kung sino ang mas may kasalanan sa amin.
"Jeann, hindi kita niluko! Not here! Sumama ka sa akin...mag usap tayo, iyung tayo lang! Magpapaliwanag ako! " sagot ni Drake at akmang hahawakan ulit ako nito pero kaagad ng umangat ang isa kong kamay. Lumagapak iyun sa pisngi ni Drake na siyang lalong nagpalakas sa mga bulungan sa aming paligid mula sa mga audience namin.
"Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong hawakan! Walang kasing dumi ang kamay na iyan at nandidiri ako sa iyo!" galit kong singhal kay Drake. Tulala itong nakatitig sa akin habang mabilis naman na nakakapit sa kanya si Jasmine.
"Ano ba! Ayaw na nga sa iyo ni Drake diba? Umalis ka na nga!" galit naman na singhal sa akin ni Jasmine. Kaagad ko naman itong pinaningkitan ng aking mga mata sabay titig sa kamay nito na mahigpit na nakahawak sa braso ni Drake.
"Yes...tangGap ko na ayaw ni Drake sa akin and ayaw ko na din naman sa kanya. Sa iyo na siya hanggat gusto mo at kung pwede, itago mo siya sa ilalim ng iyung kipay para hindi na maagaw ng iba!." Nang-iinsulto kong sagot kay Jasmine na kaagad na ikinagalit nito.
Akmang sasampalin ako nito pero maagap kong nahawakan ang kanyang kamay kasabay ng pagpilipit na siyang dahilan ng malakas na pagsigaw ni Jasmine.
Todo rescue naman ni Drake at ito na mismo ang humawak sa kamay ko para mabitiwan ko si Jasmine. Pero hindi ako nagpatinag, sinipa ko si Drake diretso sa kanyang pagkalalaki at kaagad itong napaupo sa sahig habang namimilipit sa sakit.
"Hindi pa ipinanganak ang taong pwedeng manampal sa akin Jasmine. Kabit ka ng asawa ko kaya wala kang karapatan na idapo sa maganda kong pisngi iyang marumi mong palad!"
nanglilisik kong wika kay Jasmine sabay bitaw sa kanyang kamay nat sinampal ito. Tulala itong napatitig sa akin habang tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.
Taas noo ko namang tinitigan si Drake na noon ay hindi pa rin nakakabawi sa ginawa kong pagsipa sa kanya.
"Kung gusto mo ng tahimik na buhay, magfile ka na ng divorce!" Huling wika ko kay Drake bago ako nagmamdaling nag-martsa pabalik ng VIP room.
Chapter 402
JEANN POV
Pagkapasok ko sa loob ng VIP room hapong hapo akong napaupo. Kinuha ko ang isang basong tubig at kaagad na nilagok. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala sa sariling napatitig ako sa kinaroroonan nila Drake at kita ko kung paano alalayan ito ni Jasmine na makaupo sa upuan.
Wish ko lang na sana nilakasan ko pa ang pagsipa sa kanya kanina para tuluyan na nitong hindi mapakinabangan ang kanyang alaga at hindi na maghasik ng lagim sa sanlibutan.
"Perfect! Alam mo, pinahanga mo ako! Alam mo bang ang galing-galing mo kanina?" napukaw ulit ang buo kong attention ng biglang dumating si Beatrice. Malapad ang pagkakangiti sa labi habang nakasunod sa kanya ang dalawang waitress na may mga bitbit na mga pagkain. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti lalo na ng maamoy ko ang masarap na aroma mula sa pagkain.
Kanina pa ako nagugutom at naudlot lang iyun dahil sa presensiya nila Drake sa labas. Muli akong napatingin sa kinaroroonan nila at napansin kong wala na ang dalawa. Umalis na at marahil at gustong takasan ang kahihiyan na dinulot ko sa kanilang dalawa. Mabuti naman dahil masyadong masakit sa mga mata ko ang presensya nilang dalawa.
"Ang kakapal ng mukha! Hindi pa ako tapos sa kanila! Makikita nila!" sagot ko naman habang pinapanood ang mga waitress na isa-isang inilalagay sa harap ko ang ibat ibang putahe ng mga pagkain.
lisa lang ang inorder ko pero ang daming naka-served. Anong palagay ni Beatrice sa akin? Masiba??
"Tama lang ang ginawa mo. Nakita mo ba ang reaction ni Drake kanina?
Para siyang nakakita ng multo. Saglit na nagkulay papel ang kanyang mukha habang nakatitig sa iyo." nakangiting sagot naman ni Beatrice. Nagkibit balikat lang ako at kaagad na akong naglagay ng pagkain sa aking pingan dahil kanina pa nag-aalburuto ang aking mga bituka sa tiyan.
Ngayung maraming masasarap na pagkain sa harap ko, ito na din ang chance ko na kumain ng marami. Nadagdagan ang gutom ko sa paghaharap naming dalawa ni Drake kanina kaya dapat lang na magpaka- busog ako ngayun.
Pagkatapos kumain, kaagad na akong
nagpaalam kay Beatrice na umuwi na. Kaagad naman itong pumayag sa kondisyon na masusundan ang pag uusap naming ito. Masyado daw kasi siyang nag-enjoy sa presensya ko.
"Sure...dont worry, isasama ko na next time sila Veronica at Charlotte. Para naman mas masaya!" nakangiting sagot ko kay Beatrice bago umalis. Sandaling oras lang kaming nagkasama pero palagay na kaagad ang loob ko sa kanya. Siguro dahil sa mabait nitong awra.
Kasalukuyan akong naglalakad patungong parking nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Dali- dali akong napalingon at halos magdikit ang kilay ko nang mapagtanto ko na si Drake ang nasa harap ko.
"Ano pa ba ang kailangan mo?Bitiwan mo nga ako!" paangil na wika ko sa kanya sabay hila ko sa sarili kong braso. Feeling ko nagkapasa ako sa bahaging iyun dahil sa higpit ng pagkakawak nya sa akin kanina.
"Mag usap tayo! Hindi pwedeng hindi tayo mag-uusap!" sagot naman ni Drake sa akin at akmang hahawakan ulit ako nito pero kaagad ko nang tinabig ang kanyang kamay.
"Ano pa bang gusto mong pag usapan natin? Kung tungkol sa divorce, magfile ka na at ipadala ko sa bahay at pipirmahan ko kaagad!" galit kong bulyaw sa kanya. Natigilan ito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin
May nababasa akong kakaibang damdamin sa kanyang mga mata pero ayaw ko nang bigyan ng kahulugan. Masyado ng masakit ang mga nangyari at ayaw ko ng balikan iyun.
"Jeann, alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. Bigyan mo naman sana ako ng chance na makausap ka at maipaliwanag ang side ko! Please!" nakikiusap na sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanyang mga mata.
"Talaga lang ha? At ano ang gusto mong ipaliwanag? Ano pa ang gusto mo? Hindi bat ilang beses na kitang binigyan ng chance noon makapag- paliwanag sa ginawa mong panluluko sa akin? Sabihin mo sa akin Drake...ano ang kulang sa akin? Bakit nagawa mo akong lokohin?" halos pasigaw kong tanong sa kanya. Wala na akong pakialam kung nasaan man kami ngayun at kung may nanonood man sa amin.
Muling binuhay ng Drake na ito ang sakit ng kalooban ko na pilit kong itinatapon sa ilang buwan kong paglayo sa kanya! Akala ko naka- moved on na ako pero heto na naman! Nakakaramdam na naman ako ng awa sa sarili.
"Jeann...sorry! Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali na nagawa ko! Aminado ako na kasalanan ko ang lahat-lahat at handa kong tanggapin lahat kahit anong parusa ang gusto mong ipataw sa akin. Mapagbayaran ko man lang ang mga kasalanan na nagawa ko!" sagot nito. Peke ko naman itong tinawanan.
"Sorry??? No! Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit nakunan ako noon. Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagdurusa ko! Hindi mo tinupad ang mga pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay. Na ako lang at wala ng iba!! I hate you Drake at kamumuhian kita hanggang sa huli kong hininga!" galit kong sigaw sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Tulala namang nakatitig sa akin si Drake habang bakas ang pait sa mga mata nito. Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at galit na nagsalita.
"Masyado ka ng nakakaisturbo sa akin! Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako!" sagot ko at kaagad itong tinalikuran. Nakakailang hakbang pa lang ako ng muli ko itong lingunin.
"Hihintayin ko ang divorce papers. Huwag mo nang hintayin na ako ang magfile noon dahil sisiguraduhin kong hindi lang pangalan mo ang makaladkad sa iskandalo na ito!"
makaladkad sa iskandalo na ito!" nagbabanta kong wika sa kanya at mabilis na tinahak ang parking space kung saan naka-park ang aking kotse.
Chapter 403
JEANN POV
Pagkapasok ko sa loob ng aking kotse tsaka ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ng puso ko.
Hindi ko akalain na hanggang nagyun masakit pa rin pala! Bakit ba ang hirap niyang kalimutan? Bakit ba sa kabila ng mga panluluko na ginawa niya sa akin.....bakit siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko!
"I HATE YOU DRAKE! Dapat lang na kamuhian kita! Hindi ka kaibig-ibig dahil manluluko ka!!!" galit kong sigaw sa loob ng kotse habang patuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Hinampas hampas ko pa ng sarili kong palad ang aking dibdib dahil pakiramdam ko nahihirapan na akong huminga dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
Akala ko matatag na ako! Akala ko matapang na ako! Pero bakit ganito? Bakit ang sakit - sakit pa rin!
Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang paghihirap ko noong mga unang araw na dinala ako nila Mama sa farm. Halos mabaliw ako noon. Ilang beses ba akong nagtangkang magpakamatay?
Ahhh! Hindi ko na mabilang! Maraming beses at hindi lang nagpo- prosper dahil sa mga taong nakabantay sa akin. Pero kung hindi lang siguro kami mayaman..kung wala lang sana kaming pera...baka inu-uod na ang katawan ko sa ilalim ng lupa.
Gumaling lang ako dahil sa psychiatrist na nag alaga sa akin.
Sumailalim ako sa ibat ibang klaseng therapy habang hindi umaalis sa tabi ko sila Mama at palagi din akong binibisita ni Papa at minsan naman sila Grandma at Grandpa. Noong mga unang mga buwan, lahat ng mga pangaral nila hindi tinatanggap ng utak ko. Ang utak ko noon ay nakatoon lang sa kamatayan at wala ng iba.
Pakiramdam ko ng mga sandaling
iyun, nag iisa lang ako kahit na halos lahat ng mga mahal ko sa buhay ay nasa tabi ko na.
Si Drake lagi ang laman ng isip ko. Ilang beses kong kinwestion ang sarili ko kung bakit niya ako nagawang saktan ng ganito! Kung pwede nga lang bumili ng bagong puso at ipalit sa kasalukuyan kong puso, ginawa ko na sana. Matakasan ko man lang lahat ng paghihirap ng kalooban ko.
Tapos, ngayun! Heto na naman! Masakit pa rin pala dahil umiiyak pa rin ako kapag nakikita siya!
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang puso ko. Hindi ako dapat maging mahina. Hindi ko na dapat pang balikan ang mga masasakit na alaalang iyun. Maraming nagmamahal sa akin! May kumpleto akong pamilya at sinusupurtahan ako ng mga relatives ko. At higit sa lahat, may anak na umaaasa sa akin
"Nang masiguro kong maayos na ako ay kaagad kong pinaatras ang aking kotse para sana umuwi na
Pero sa hindi inasahan na pagkakataon, bigla akong nakarinig ng lagabog sa hulihang bahagi ng kotse kaya napalingon ako at napakagat pa ako sa aking labi ng makita ko na may naatrasan akong kotse.
"Kung mamalasin ka nga naman!" naiinis ko pang sambit sabay baba. Wala na akong pakialam pa kung namumula man ang mga mata ko galing sa matinding pag iyak. Ang gusto ko ngayun ay makauiwi na dahil hinihintay na ako ng anak ko.
"Miss, ano ba iyan! Naatrasan niyo po ako!" kaagad na salubong sa akin ng lalaking kung hindi ako nagkakamali siya ang nagda-drive ng kotse.
Hindi ko siya pinansin dahil kaagad kong tsinik ang sarili kong sasaktan at kaagad akong napasimangot sa yupi na nakita ko. Bagong bili pa naman ito ni Daddy para sa akin tapos nabanggaan kaagad!
"Ano ba kasi ang ginagawa mo? Bakit ka ba naka-double parking?" halos pasigaw kong tanong sa lalaking nasa harap ko. Tulala naman itong napatitig sa akin. Hindi marahil inaasahan ang pagtataray ko.
"Eh Mam! Kasalanan niyo naman po eh. Tahimik po kaming naghihintay ng mapaparkingan dito pagkatapos bigla po kayong umatras." paliwanag nito sa akin kaya kaagad ko itong inirapan.
Tinitigan ko pa ang dahan dahan na pagbukas ng passenger ng kotse na naatrasan ko at mula doon, iniluwa ang isang matangkad at maputing lalaki. Naka sunglass ito at facemask kaya hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha.
"Sino iyan?" tanong ko kay Manong driver. Kaagad naman itong sumagot na Boss niya daw kaya kaagad akong naglakad palapit dito para makipag- negosasyon.
"Ikaw ang may ari ng kotse na ito?" tanong ko kaagad sa lalaking naka- shades. Sinipat ko pa ito ng tingin pero negative talaga. Mukhang may pinagtataguan dahil talagang tinakpan ang mukha. Baka naman pangit kaya ganito ang attire niya?
'Ako nga! Ikaw ang nakabanga diba? I think liable ka para ipagawa kung ano man ang damage sa kotse ko." sagot nito. Malalim naman akong napabuntong hininga at kaagad na naglakad pabalik ng aking kotse at kumuha ng papel at ballpen. Isinulat ko ang aking cellphone number at iniabot dito.
"Fine..tawagan mo ako kung magkano ang babayaran ko." wika ko sa kanya pero kaagad itong umiling. Lalo tuloy akong napasimangot dahil sa inis.
"Hindi pwedeng ganyan lang Miss. Paano kung takbuhan mo ako?" sagot nito. Pigil ko naman ang sarili ko na bigwasan ito. Ang dami niyang arte! Isa pa, ano ang palagay niya sa akin, tumatakbo sa responsibilidad?
"Kung ayaw mo, tumawag ka nalang ng pulis. Sa presinto na lang tayo mag usap." naiinis kong sagot sa kanya at muling bumalik sa aking kotse at pumasok sa loob.
Tanggap ko na sa sarili ko na mali-late ako ng uwi ngayun. Unang beses kong nag malling at imbes na mag enjoy ako, kunsumisyon pa ang inabot ko! Hayssst! hanggang ngayun hindi pa nga ako naka-get over sa pagkikita namin ni Drake, dumagdag pa ito.
Kaagad akong napatitig sa salaming bintana ng kotse nang may kumatok. Ang lalaking naka shades ang kumatok kaya kaagad ko itong pinagbuksan.
"What?" angal ko sa kanya. Hindi ito sumagot bagkos dahan-dahan nitong tinangal ang facemask at shades. Nagulat pa ako ng tumampad sa mga mata ko ang perfect nitong awra habang nakangiti sa akin.
"Nagkita na ba tayo before?" tanong nito. Kaagad ko itong tinaasan ng kilay. Mga ganitong pautot, basang basa ko na eh...
Chapter 404
JEANN POV
"Naalala ko na! Naalala na kita! Sabi ko na nga ba nagkita na tayo eh!" muling wika nito habang may masayang ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Familiar din sa akin ang kanyang awra pero hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita.
Hindi ko maiwasang mapatitig dito ng tumampad sa mga mata ko ang gwapo niyang mukha. Nakangiti ito at hindi ko maiwasang ma-amaze ng matitigan ko ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin na lalong nagpadagdag sa taglay nitong ka-gwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip kung model ba ng toothpaste itong kaharap ko ngayun. Napaka-perfect kasi ng ngipin niya. Nakaka-inggit!
"Nagkita na ba tayo before?"
nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi ba't pinsan ka ni Charlotte
Villarama? Iyung asawa ni Peanut Smith? Naku, magtatampo na ako sa inyo ha. Unang kita ni Charlotte sa akin, ganyan na ganyan din ang reaction niya! Hindi nyo ba talaga ako naalala? Ako iyung isa sa mga pogi na na-meet niyo sa yate before!" sagot nito na kaagad na nagpakunot ng noo ko.
"Sa Yate? Kaninong Yate? Sa amin ba? "tanong ko. Kaagad itong natawa. Parang tanga lang, tirik na tirik ang araw pero nasa labas siya ng kotse ko at tumatawa na parang baliw.
"Sa Yate ni Peanut. Nakalimutan mo na nga! Sabagay, sobrang tagal na noon pero never kong makalimutan ang araw na iyun. Malaking bagay kaya sa akin na na-meet ko ang mga apo ng businessman na si Gabriel Villarama."
sagot nito. Kaagad naman akong napa- isip at kaagad na sumagi sa isip ko ang isang partikular na pangyayari ilang taon na ang nakalipas.
Oo nga. Birthday ni Peanut noon. Iyun din ang kauna-unahang pagkakaton na inamin ko sa sarili ko na may crush ako sa manlolokong si Drake. Grabe naman pala ang memory ng taong ito. Pero ano nga ba ulit ang pangalan nito? Hayy, hindi ko na talaga maalala.
"Naalala mo na? By the way, ako nga pala si Lucas. Lucas Martinez." nakangiti nitong wika at talagang isiniksik niya pa ang kamay niya sa mallit na awang ng bintana ng kotse ko para makipag-shake hands sa akin.
"Jeann...Jeann Villarama Santillan." nag aalangan kong sagot sabay abot ng kamay niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti sa labi ni Lucas habang titig na titig ito sa akin.
"Nice to meet you ulit Jeann! Sabi ko na nga ba ikaw si Jeann eh. Mukha ka lang suplada pero alam kong mabait ka. " wika pa nito. Hindi ko tuloy malaman kung tatawa ba ako or sisimangot sa sinabi niya. Galing ako sa pag iyak kaya mukha akong suplada ngayun noh!
"Naku, ako yata ang dapat na humingi ng pasensya sa iyo. Naatrasan ko ang kotse mo." sagot ko naman. Wala namang masama kung aamin sa pagkakamali. Isa pa mabait naman itong kaharap ko at mukhang magkakasundo kami. Lalo na at isang beses lang kaming nagkakilala noon pero naalala niya pa rin ang unang pagkikita namin.
"Ayos na! Walang problema! Ako na ang bahalang magpagawa ng kotse ko pero in one condition. Dapat ilibre mo ako ng lunch minsan!'" nakangiti nitong wika. Alanganin naman akong tumango dahil hindi naman ako sigurado kung mapagbibigyan ko ito.
"Well, isi-save ko na ang number mo ha? Huwag kang magulat kung isang araw, bigla na lang kitang tatawagan. Paki-kumusta na lang pala ako kay Ms. Charlotte!" nakangiti nitong wika at naglakad na ito palayo sa akin.
Nasundan ko na lang ito ng tingin at nagulat pa ako dahil muli itong lumingon sa gawi ko at malapad na ngumiti bago sumakay sa kanyang kotse. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti habang sinusundan ng tingin ang kotse nito paalis.
Pagkatapos ng ilang sandali, mabilis naman akong nagmaniobra at nagdrive pauwi ng bahay. Sa sobrang dami ng nangyari ngayun, parang ubos na ubos ang energy ko at gusto kong makapag- pahinga na muna.
Pagkarating ko ng bahay ang nag- aalagang mukha ni Mommy ang kaagad na sumalubong sa akin. Napansin din nito ang yupi sa likurang bahagi ng kotse kaya lalo itong nag alala.
"Ano ba ang nangyari? Bakit ngayun ka lang?" tanong ito. Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago ko ito sinagot.
"Marami po akong nakasalubong na kakilala sa labas Mom. Nag-
kwentuhan at hindi ko na namalayan pa ang oras." nakangiti kong sagot. Kaagad naman akong tinitigan nito sa mukha bago napapailing.
"Sige na...maghilamos ka muna. Feeling ko tuloy hindi ikaw ang kaharap ko ngayun. Bakit ka ba naka- make up ng ganiyan? Siya nga pala nagpahanda ako ng paborito mong miryenda kina Manang kaya bumaba ka din kaagad ng dining para makakain. " wika ni Mama sa akin. Hindi ko naman maiwasan na matawa. Alam ko kung ano nag iniisip nito. Nakikita niya sa katauhan ko ang tunay nyang Nanay.
Si Ara Perez.
Hayyy, bakit ba kuhang kuha ko ang hitsura ni Ara Perez. Hindi man masabi ng mga taong nakapaligid sa akin alam kong para kaming pinagbiyak na bunga ng tunay kong Lola. Minsan nga napapaisip ako kung reincarnation niya ba ako.
Although, maganda naman talaga si Lola Ara Perez kung tutuusin. Model and actress nga daw noong nabubuhay pa kaya lang naligaw ang landas kaya maagang kinuha ni Lord.
Kung saan man siya ngayun, siguro masaya na din siya. Lumaki si Mommy sa poder ng mga Villarama bilang isang mabuting tao. Ramdam ko din na hindi naman iba ang trato nila kay Mommy kaya hindi talaga namin ramdam na outsider kami sa pamilyang iyun. Isa pa, kadugo ko din naman ang mga pinsan ko dahil kapatid ni Grandma ang tunay na Ina ni Mommy Bella.
"Okay Mom! Thank you!" sagot ko at nagmamadali ng naglakad papasok ng bahay. Bahala na ang mga kasambahay magbaba sa lahat ng mga pinamili ko. Magpapahinga muna ako para may lakas ako na lumaban sa buhay.
Chapter 405
DRAKE POV
Pagkatapos ng mainit na kumprontasyon namin ni Jeann, kaagad akong nagdrive papuntang mausoleum kung saan nakahimlay ang pag aakala kong abo niya.
Kung ganoon, niluko niya lang pala ako. Pinaniwala niya akong patay na siya para pagdusahan ko lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa kanya.
Hindi ko naman siya masisisi kung iyun ang naisip niyang gawin sa akin. hanggang langit ang galit niya kaya siguro niya nagawa iyun.
Ang mausoleum na ito ay tanda ng pagtataksil ko kay Jeann. Ang mausoleum na ito ang naging libingan ng pag ibig na nararamdaman niya para sa akin. Ito ang din ang simbulo kung gaano ako kawalang kwetang asawa!
Hindi ko maiwasang titigan ang portrait nito. Ibang iba ang hitsura niya sa portrait na ito kumpara kanina sa restaurant. Wala na ang nakangiti nitong mga mata sa tuwing tumititig sa akin. Wala na ang maamo nitong mukha at palaging nakangiting labi sa tuwing nakikita ako.
Ang nakikita ko ngayun sa kanyang mga mata at mukha ngayun ay puno na ng galit. Ibang iba na siya at alam kong kahit na anong gawin ko hinding hindi niya ako mapapatawad sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko.
Hindi ko mapigilang haplusin ang jar na naglalaman ng kunwaring abo nito kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Wala siya sa loob ng jar na ito. Buhay siya at nagbalik sya para ipamukha sa akin ang lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa pagsasama namin.
Sinira ko ang sarili kong pamilya! Ako ang dahilan kung bakit nakunan siya. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang pangalawang baby namin na nasa kanyang sinapupunan.
Gaano ba ako kasamang asawa at ama? Bakit ganito ang nangyari sa buhay ko? Wala din ba akong ipinagkaiba sa ama ko na basta na lang kaming iniwan noon at sumama sa ibang babae? Katulad niya rin ba ako?
"Jeann! Jeann!" sambit ko habang umiiyak. Kinuha ko ang picture frame nito at itinapat sa aking dibdib. Sana pwede pang ibalik ang mga nangyari na. Sana may rewind pa para naman maitama ko pa lahat ng mga pagkakamali ko.
Huli na ba ang pagsisisi kong ito? Tuluyan nang lumayo ang loob niya sa akin. Gustuhin ko man siyang suyuin pero hindi ko alam kung paano umpisahan. Wala akong mahihingan ng tulong. Alam kong masama ang loob sa akin ng mga kaibigan ko. Lalo na si Rafael.
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang pagkikita namin. Na-surprised talaga ako. Pero aaminin ko man sa sarili ko or hindi, lalong gumanda ang asawa ko. Lalo siyang naging kaakit-akit kahit wala na ang masayang ngiti sa labi niya.
Of course para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ko siya. Buhay si Jeann at may chance pa ako na ipakita sa kanya kung gaano ako nagsisisi sa lahat ng mga pagkakamli na nagawa ko.
Pagkatapos ng mahabang pagmumuni -muni at pag iyak kaagad na akong bumalik ng sasakyan. Nagdrive ako papunta sa pag aari kong bar at dumiritso sa opisina.
Wala pang pumapasok na customer sa bar ko dahil maaga pa pero gusto ko silang unahan sa pag inom. Gusto kong magpakalasing para kahit papano, makalimutan ko man ang lahat ng kagaguhan na nagawa ko sa buhay ko.
"Ikuha mo ako ng alak." kaagad na utos ko sa isa kung mga staff ko. Maaga talaga ang pasok ng ilan para masigurado ang kalinisan at kaayusan ng bar bago magbukas. Kaagad naman itong tumango at tumalima paalis para kunin ang iniutos ko sa kanya.
Wala akong ibang ginawa kundi ang magpakalunod sa alak. Oo, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa isiping buhay pa pala siya pero, sumasakit ang kalooban ko sa ipinapakitang galit niya sa akin. Lalo na ng sabihin niya na gusto niya na ng divorce.
Hindi ko akalain na maririnig ko ang katagang iyun sa bibig mismo ng hahaana walang ibang ginawa noon kundi pagsilbihan ako.
Naging mabait na asawa si Jeann pero ginago ko siya. Ni hindi ko man lang pinahalagahan lahat ng effort at pag aalaga na ibinigay niya sa akin. Ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig pero pilit niyang pinag aralan lahat ng gawain sa bahay pati ang pagluluto ma-satisfied niya lang ako. Gusto niyang ipakita sa lahat ng isa siyang ulirang asawa pero nagawa ko pa rin siyang lokohinl. Nakipag relasyon ako kay Jasmine.
Nang malaman iyun ni Jeann, nakiusap siya sa akin na aayusin namin ang pagsasama namin. Handa niyang tanggapin ang lahat lahat ng mga pagkakamli ko basta bumalik lang ako sa kanya. Pero hindi ko siya pinakinggan. Naging bingi ako sa lahat mga pakiusap niya.
Minsan siyang naging martir sa nagsasama namin hanggang sa umabot na sa sukdulan ang lahat. Hindi na ako halos nakakauwi sa bahay namin at nagawa ko pang bumili ng isa pang bahay para doon itira si Jasmine at nagsama kami.
Tuluyan ko ng hindi inuuwian noon si Jeann. Ni hindi ko nga alam na nagdadalang tao pala siya at nakunan dahil sa sobrang stress at wala akong ibang ginawa noon kundi ang magpakasarap sa piling ni Jasmine. Kinalimutan ko ang sarili kong pamilya dahil makasarili ako.
Ni hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya dahil sa mga pinang-gagawa ko.
'Gago! Ang tanga-tanga ko! Bakit ba nagawa ko ito sa kanya" Bakit ko siya niluko?" galt kong sigaw kasabay ng paghagis ko sa baso na hawak ko. Lumikha iyun ng malakas ng ingay dahil sa pagkabasag. Hindi ko iyun
pinansin bagkos lahat ng nakapatong dito sa mesa, pinaghahagis ko.
Hindi ko alam kung paano pa ako makabangon sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ko pa aayusin ang buhay ko. Ako mismo ang sumira sa sarili kong pamilya kaya dapat lang na magdusa ako ngayun.
Chapter 406
DRAKE POV
Pagkatapos kong magkalat kaagad ko din naman pinalinis sa staff ko ang mga kalat. Balik ako sa plano ko na maglasing at muling nagpadala ng alak dito sa loob ng opisina.
Sobrang lungkot ng pakiramdam ko at umaasa ako na sa pamamagitan ng pag inom maibsan man lang ang sama ng loob na nararamdaman ng kalooban ko.
"Boss, nasa labas po ang asawa niyo."
tulala akong nakatitig sa kawalan ng ibalita sa akin ng isa sa mga staff ko ang tungkol sa bagay na ito. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng excitement.
Alam ko sa sarili ko na tinamaan na ako ng ispiritu ng alak. Wala na ako sa maayos na huwesyo at gusto ng pumikit ang mga mata ko.
Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko? Ni wala man lang akong matawagan para hilingin na damayan nila ako sa sitwasyon ko ngayun.
"Asawa? Si Jeann? Bakit hindi mo pa siya pinapasok." naiinis kong sagot sa aking staff. Kailangan pa bang ipaalam sa akin bago niya papasukin ang asawa ko? Eh asawa ko iyun eh at ano mang oras pwede niya akong puntahan.
Sa sobrang inis ko pasuray-suray akong tumayo at naglakad patungong pintuan ng opisina. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi talaga ako matitiis ni Jeann. Mahal niya ako at nandyan siya palagi para intindihin ako.
Pagkabukas ko ng pintuan kaagad na naglaho ang excitement na nararamdaman ng puso ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ang asawa na tinutukoy ng staff ko ay hindi si Jeann.
"What are you doing here?" malamig kong tanong kay Jasmine at mabilis na naglakad pabalik at naupo sa swivel chair ko. Nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyun. Kaagad naman naglakad palapit sa akin si Jasmine at malandi akong nginitian.
"Nag alala ako sa iyo. Kanina pa kita hinihintay sa bahay kaya nagbakasakali akong pumunta dito sa bar. Umiinom ka? May problema ka ba? " nakangiti nitong tanong. Matiim ko naman itong tinigan bago umiling.
"No! Nothing! Hndi ka na sana pumunta sa lugar na ito. Alam mo namang buntis ka diba? Makakasama sa bata ang pagpunta mo dito." seryoso kong sagot. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at akmang iinumin ko na nang biglang agawin iyun sa akin ni Jasmine. Kaagad naman akong nakaramdam ng inis.
"Drake..marami ka ng nainom!
Chapter 407
Umuwi na tayo!" wika nito sa akin kasabay ng malanding paghimas nito sa balikat ko. Kaagad naman akong napatayo at tumingin sa salamin na dingding para tingnan ang mga customers na nagkakasayahan na sa ibaba.
"Umuwi ka na! Bawal kang magpuyat. Hayaan mo muna akong makapag isip! "malamig kong sagot sa kanya. Natigilan ito at malakas ng napabuntong-hininga. Nababasa ko na ang pagkainis sa mukha niya pero pilit ko na lang binabaliwala. Wala ako sa mood ngayun para makipag-talo sa kanya.
"Drake ano ba ang problema? Bakit affected ka ba sa pagkikita niyong dalawa ng ex-wife mo? Drake naman, huwag mong sabihin mahal mo na siya kumpara sa akin?" naiinis na tanong nito. Kaagad naman nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Masakit marinig sa bibig ng isang tao ang salitang ex wife gayung hindi pa naman kami divorce ni Jeann.
"Jasmine...I told you, leave me alone!! "galit kong wika sa kanya. Maang itong napatitig sa akin habang may iilang butil na ng luha ang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata. Lalo naman akong nakaramdam ng inis.
"Mahirap bang intindihin sa iyo ang sinabi ko? Sabi ko, ewan mo muna ako. Uuwi ako ng bahay kapag gusto ko!" muli kong bigkas at pahablot kong kinuha sa kamay niya ang baso ng alak at mabilis na tinunga ang laman. Tulala namang napatitig sa akin si Jasmine.
"Nagbago ka na! Huwag mong sabihin sa akin na mas mahal mo pa ang babaeng iyun kumpara sa akin? Drake naman, kung saan malapit na tayong magkaanak, tsaka ka naman nagkakaganito!" galit na wika nito sa akin kasabay ng tuloy tuloy na pag agos luha sa mga mata.
Lalo naman akong nakaramdam ng inis at dinampot ang bote ng alak at malakas ng inihagis sa pader. Lumikha ito ng malakas na ingay kasabay ng pagsigaw ni Jasmine dahil sa mitinding pagkagulat.
"Isa pang salita na lalabas sa bibig mo ay hindi ako mangingimi na sa iyo na ipatama ang kasunod na bote na ihahagis ko! Umalis ka sa harap ko Jasmine!" galit kong sigaw sa kanya. Natigilan naman ito at nang akmang hahawakan ko na ulit ang bote ng alak, halos takbuhin nito ang pintuan makalabas lang. Matalim ang mga matang nasundan ko na lang ito ng tingin.
lisang babae lang ang gusto kong
makasama ngayung gabi. Hindi si Jasmine or kahit sino pa man. Si Jeann lang. Yes...si Jeann, ang asawa ko! Kailangan ko siya. Kailangan ko ang asawa ko!!!
Hapong hapo akong napaupo sa swivel chair habang hinahayaan ko na ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata. Kung ito ang karma ko, malugod kong tatanggapin basta bumalik lang si Jeann sa akin. Handa kong ituwid lahat ng pagkakamali ko basta maging maayos lang ulit kami.
Miss na miss ko na siya! Miss na miss ko na ang asawa ko!!!
Chapter 408
JEANN POV
Kakatapos lang ng binyag ni Baby Jillian at napagkasunduan naming lahat na sa bahay na gaganapin ang celebration. Ninong si Uncle Rafael at iba pang mga pinsan samantang Ninang naman ang mga Titas ko at ilang malalapit na kaibigan.
Sa bahay lang namin ginanap ang celebration pagkatapos ng binyag dahil halos kami-kami lang naman at wala namang ibang bisita na inimbitahan. Simpleng selebrasyon lang naman ang aming ginawa bilang pag welcome na din sa bagong miyembro ng aming pamilya.
"Ang ganda naman talaga ng Baby Jillian na iyan." masayang wika ni Veronica habang pinipisil nito ang malusog na pisngi ng batang karga- karga ko.
Pagkatapos ng binyag, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Baby Jillian. Akala niya siguro ako ang Mommy nya. Ayos lang naman din dahil nag-ienjoy din ako sa pag aalaga sa kanya.
Mabuti na nga lang at hindi nagseselos ang anak kong si Baby Russell. Sabagay, nitong mga nakaraang araw napapansin ko na mas malapit ang anak ko kay Daddy kaya kapag nasa paligid ito hindi na halos humihiwalay si Russell sa kanya. Ayos lang naman sa akin iyun at least nagkaroon ng father figure ang anak ko at umaasa ako na sana hindi na siya maghanap ng ama paglaki niya.
Wala talaga akong plano na sabihin kay Baby Russell kung sino ang Daddy niya. Hindi din ako papayag na malalapitan siya ng ama niyang si Drake. Makasarili na kung makasarili pero buo na ang desisyon ko na susuluhin ko ang responsibilidad sa
pagpapalaki sa anak ko total naman nandiyan lang ang aking mga magulang para suportahan ako sa lahat ng desisyon ko sa buhay.
"Kung pwede nga lang, ako na sana ang aampon sa kanya eh. Ang ganda niya kasi tapos ang lambing pa."
nakangiti ko naman sagot kay Veronica habang isina-sayaw ko si Baby Jillian. Halatang inaantok na dahil namumungay na ang kanyang mga mata.
Nang mapansin ko na nakatulog na si Baby Jillian sa bisig ko kaagad ko na siyang iniabot sa yaya niya para dalhin na sa nursery room upang makapagpahinga ng maayos.
"Siya nga pala Jeann, may lakad ka ba bukas?Magpapasama sana ako sa iyo sa Villarama Mall. May importanteng meeting kasi bukas si Rafael at hindi niya ako masasamahan." maya maya
pagyaya ni Veronica sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Nabitin ako sa pamamasyal sa mall noong nakaraang linggo kaya ito na din siguro ang chance ko para magliwaliw. Nakakaramdam na din naman ako ng bored dito sa bahay. Timing talaga itong pagyayaya ni Veronica sa akin. Balak ko din kasing magshopping ng iba pang mga pangangailangan namin ng mga bata. Kailangan ko din pala bumili ng mga bagong damit at make up.
Ngayung tanggap ko na sa sarili ko na hiwalay na ako kay Drake, wala akong ibang gustong gawin kundi ang magpaganda. Mas lalo kong mamahalin ang sarili ko dahil iyun naman talaga ang tama.
"Sure...free naman ako everyday. Mga anong oras ba ?" tanong ko sa kanya. Kaagad naman itong napangiti.
"Before ten ng umaga! Mas maganda na maaga tayo para makarami tayo. Huwag ka na lang pala magdala ng kotse...dadaanan na lang kita dito bukas." nakangiti nitong sagot sa akin. Masaya naman akong tumango.
"Well, much better! Noong nakaraang labas ko nakadisgrasya ako ng ibang sasakyan eh. Mabuti na lang at mabait iyung may ari at hindi ako pinagbayad. Kaya lang, hindi muna ako pinapayagan ni Daddy na magdrive ngayun kaya required ka talaga na daanan ako." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Pero naisip ko din. Paano kaya kung yayaain natin si Charlotte? You know, bonding na din siguro natin ito diba?" tanong nito. Kaagad naman akong napaisip.
Sabagay, may punto ito. Medyo matagal na din kaming hindi nakakalabas na kami lang. Masyado kaming naging busy nitong mga nakaraang taon at wala namang masama kung lalabas kami na kami- kami lang.
Noong mga dalaga pa kami, kami palagi ang magkakasama. Nahinto lang nang naging asawa ni Uncle itong si Veronica at naging busy na din ang lahat. Siguro ito na ang chance para muli naming ibalik ang dati naming samahan.
"Sure, ako na ang bahala magsabi kay Charlotte. Tiyak na hindi iyun tatanggi. "excited kong sagot sa kanya
Hindi nakarating si Charlotte at Peanut sa binyag ni Baby Jillian dahil sa mga personal na kadahilanan at naiintindihan naman namin iyun. Isa pa, mahirap talaga magkikilos kapag buntis.
Kinabukasan, katulad ng napag- usapan namin ni Veronica, dinaanan niya ako dito sa bahay at diretso na kami ng mall. Pumayag na din si Charlotte at sa mall na lang daw kami magkikita dahil ihahatid daw siya ni Peanut doon.
Nadtanan pa nga namin sa meeting place namin si Charlotte na nagmamaktol na.
"Veronica, Jeann, ang tagal niyo naman! Kanina pa ako naghihintay sa inyo eh ." angal ni Charlotte pagkalapit namin sa kanya. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Veronica. As usual hindi pa rin nagbabago ang pinsan kong ito. Reklamador pa rin.
"Anong matagal? Sakto lang naman ang dating namin ah?" sagot naman ni Veronica.
"Bawal ang boys ha? Bonding ng mga girls ito kaya pauwiin mo na muna si Peanut." nakangiti ko namang singit. Araw namin ngayun kaya dapat kami-kami lang na mag best friends ang magkakasama. Bawal haluan lalo na ng mga asa-asawa. Tsaka lugi ako noh...sa aming tatlo ako lang ang hiwalay sa asawa at baka mainggit lang ako kapag isasama nila ang mga asawa nila sa bonding naming ito. Baka lalabas ng third wheel lang ako at hindi ko ma- enjoy ang araw na ito.
Kaagad kong napansin ang pag ismid ni Charlotte kaya hindi ko maiwasan na matawa. Mukhang hindi approved sa kanya ang sinabi ko.
"Kailan ka pa bitter pagdating sa mga lalaki. Buntis ako noh at wala namang gagawin ang asawa ko kaya hayaan na natin siyang sumama sa atin."
nakalabi pang sagot ni Charlotte. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi pwede. Kawawa siya eh. Mabo- bored lang siya. Hayaan mo muna siyang mag day off sa kakulitan mo." natatawa kong sagot na kaagad namang sinigundahan ni Veronica.
Chapter 409
JEANN POV
"Tama si Jeann. Hayaan mo muna si Peanut makapag pahinga noh! Puro tayo mga babae at awkward sa kanya na isasama natin siya. Mabuti sana kung nandito si Rafael at ayos lang na isama mo si Peanut. Pero wala siya eh.. may importante siyang meeting ngayun sa opisina." natatawa namang sagot ni Veronica.
Sabay pa naming narinig ang marahas na pagbuntong hininga ni Charotte bago tumango. Halatang masama pa rin ang loob pero hindi na namin pinansin pa. Sanay na kami sa ugali niya noh.
"Ingatan niyo ang Misis ko ha? Buntis iyan at tawagan niyo kaagad ako kung tapos na ang bonding niyo." paalam naman ni Peanut sa amin. Sabay naman kaming tumango ni Veronica.
"Dont worry Peanut. Kami ang bahala sa kanya. Pag aari ng Villarama Empire ang mall na ito kaya safe kami dito. Isa pa, may mga tauhan na inutusan si Rafael na bantayan kami kaya ipagpalagay mo ang kalooban mo." sagot ni Veronica. Kaagad namang tumango si Peanut at hinalikan pa nito sa labi ang asawa bago kami iniwanan.
"So, saan tayo ngayun?" kaagad na tanong ni Charlotte. Kaagad naman kaming napatingin kay Veronica.
"Birthday ni Grandmama Carissa next month. Gusto ko munang tumingin ng pwede iregalo sa kanya." sagot naman ni Veronica. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Charlotte.
Mukhang pareho kami na muntik ng makalimutan ang birthday ni Grandmama. Buti na lang ipinaalala ni Veronica. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, nawala sa isip ko na malapit na pala ang kaarawan ni Grandma.
Hindi naman required magregalo pero iba pa rin ang may maiiabot na regalo sa mabait at mapagmahal naming abwela.
"Oo nga pala noh? Buti pinaalala mo. Sige, hanap tayo ng shop. Unahin muna natin ang regalo ni Grandma bago tayo magliwaliw." sagot ni Charlotte at nag umpisa na kaming humakbang para maghanap ng shop na pwedeng puntahan para makapamili ng pwedeng iregalo. Isisingit ko na din siguro ang pagsa-shopping ko para makarami din ako.
"Oh my God! Nakikita mo ba ang nakikita ko?" nagulat pa ako nang biglang huminto sa paglalakad si Veronica habang seryosong nakatitig sa isang shop sabay may itinuro. Kunot noo kong nasundan ng tingin ang itinuturo niya at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang isang tao na hindi ko inaasahan na makikita sa lugar na ito. Walang iba kundi si Jasmine. Ang kabit ni Drake na abala sa kakasukat ng high heels sa isang katapat ng store.
Hayy, sobrang liit talaga ng mundo. Akalain mo iyun, nakita ko naman ang babaeng umagaw kay Drake sa akin.
"Akala ko ba buntis ang bruha na iyan? Bakit high heels ang gustong bilihin?" tanong naman ni Charlotte. Kaagad naman akong napaisip. Ano nga ba ang gagawin ni Jasmine sa mga high heels na sinusukat niya ngayun?
Naiinis kong pinapanood si Jasmine habang aligaga namang pinagsisilbihan ng staff. Kung anu- anong design kasi ang hinihingi nito kaya ang ending, tambak na ang ibat ibang design ng sandals sa harap niya at lahat iyun mukhang rejected sa panlasa ng malanding si Jasmine. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na lapitan ito.
"Wow! Hindi ko akalain na mapili ka pala pagdating sa mga bagay-bagay, pero nagawa mong pumatol sa lalaking may asawa na!" kaagad kong bigkas habang naglalakad palapit sa kanya. Kinuha ko ang isang sandals na naka- display at kunwari'y kinikilatis iyun sabay sulyap kay Jasmine na noon ay masama ng nakatitig sa akin.
Parang gusto kong matawa sa hitsura ngayun ni Jasmine. Halos lumuwa ang mga mata nito sa sobrang galit sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa high heels na isusukat niya na naman sana.
"What? Galit ka?" nang iinis kong tanong sa kanya. Padabog na binitawan nito ang kanyang hawak habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Bakit ba napaka-bitter mo? Hindi mo pa rin ba matanggap na ako ang pinili ni Drake?" maanghang na sagot nito. Kaagad naman akong napangisi.
"Sino ang nagsabi sa iyo na naghahabol pa rin ako? Sa iyo na siya at kung gusto mo, isaksak mo siya sa baga mo! Total naman, iyan ang talent ng mga kabit diba? Cheap na, mang aagaw pa!" nakangisi kong sagot sa kanya.
Lalo namang nagliyab ang mga mata nito sa galit. Kaagad namang nagdiwang ang kalooban ko sa sobrang tuwa.
Mukhang nasagi ko ang kanyang pride. Galit na talaga eh. Gusto nang manakit.
"Walang hiya ka! Hindi ako Cheap at hindi ako mang aagaw dahil una siyang naging akin!" galit na sagot nito. Mataas na din ang tono ng boses nito at nakakaagaw na din kami ng attention sa ibang mga shoppers.
Napasulyap pa ako sa kinaroronan nila Veronica at Charlotte at kaagad kong napansin na nakatitig sila sa gawi namin ni Jasmine. Pareho pang nakangiti ang dalawa at halatang excited sa mga susunod na kaganapan na gagawin ko. Lalo naman akong ginanahan na mang asar.
"Ah talaga lang ha? Bakit hindi ko yata alam iyan? Paki-klaro nga? Baka naman naging reserba mo lang si Drake sa dami ng lalaking dumaan sa buhay mo. By the way, kanya ba talaga ang batang nasa sinapupunan mo? Baka naman sa dami ng mga lalaking dumaan sa buhay mo, hindi mo na nalaman kung sino ba talaga ang tunay na tatay ng batang iyan." nang iinsulto kong sagot sabay titig sa umbok ng kanyang tiyan.
"Walang hiya ka! Hindi totoo iyan!;" galit na bigkas nito at akmang sasampalin ako pero kaagad kong
nahawakan ang braso nito.
"Oopss! Walang ganiyanan! Alam mo bang kahit kurot, hindi ako nakatikim sa mismong mga magulang ko? Tapos sasampalin lang ako ng kabit ng asawa ko? Ang unfair naman yata ng mundo kung gagawin mo iyan sa akin." galit kong wika sa kanya at kaagad itong itinulak. Nawalan ito sa balanse kaya napaupo ito. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid sa amin kaya natigilan ako.
Oo nga pala, buntis itong kaharap ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na sa isiping baka mapahamak ang ipinagbubuntis nito. Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya dahil napaupo pa ito sa sahig.
Chapter 410
JEANN POV
Sa lakas ng pagkakatulak ko kay Jasmine napaupo pa ito sa sahig na labis kong ipinangamba dahil baka kung mapaano ang baby na nasa kanyang sinapupunan.
Parang gusto tuloy humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa matinding kabang nararamdaman. Hindi ako ganoon kasamang tao para pumatay ng bata sa sipapupunan ng kanyang ina. Oo galit ako sa Jasmine na ito pero ayaw kong madamay ang ipinagbubuntis niya.
"Walang hiya ka talaga! Bakit ba ayaw mo na lang manahimik na malinaw naman sa iyo ang lahat! Ako ang pinili ni Drake kaya wala ka ng magagawa pa! "galit na sigaw nito sabay tayo. Hindi ko naman maiwasan na magtaka habang nakatitig sa kanyang tiyan.
Parang wala lang sa kanya ang pagkakatulak ko. Parang hindi man lang ito nasaktan.
"Inaano ba kita? Ikaw nga diyan ang galit na galit dahil nakita mo ako eh? Natatakot ka ba na baka bumalik sa akin si Drake kaya ka nagkakaganyan?" sagot ko naman ng makabawi sa pagkabigla. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip. Ang galing naman ng bruha na ito, ni hindi man lang ininda ang malakas na pagkakatulak ko sa kanya.
"Never ng babalik sa iyo si Drake kaya huwag ka ng umasa pa! Ako na mahal niya kaya tsupi ka na sa buhay niya. Magpa-file na siya ng divorce sa iyo kaya hintayin mo!" sagot naman nito.
"Eh di wow! Eh ikaw na ang mahal niya! Pakialam ko at pakisabi sa kanya na bilis bilisan niyang mag file ng divorce dahil kapag ako ang mainip, pareho ko talaga kayong ipapakulong!" galit kong sigaw sa kanya. Kaagad naman itong natameme at namutla. Takot pala ang bruha na ito kapag kulungan ang pag uusapan eh. Oh diba parang nalunok niya ang sarili niyang laway? Biglang nanahimik eh.
Hindi na sumagot pa si Jasmin kaya itinoon ko na ang buo kong attention sa mga bagay na nakadisplay dito sa shop. Parang tood na nakasunod lang ang tingin nito sa lahat ng gagawin ko kaya muli ko itong binalingan ng tingin at nginisihan. Parang hindi pa rin humuhupa ang inis na nararamdaman nito sa akin base na din sa kanyang hitsura ngayun. Nasa mode pa naman ako mang inis kaya pagbibigyan ko talaga siya.
"Wala ka pa bang napipili? Tingin ko kanina mo pa ini-isturbo ang mga staff dito. Hindi ka ba binigyan ni Drake ng budget pang shopping?" nang uuyam kong tanong sa kanya. Kaagad kong napansin ang pamumula ng mukha nito. Hindi ko na naman maiwasang matawa dahil hindi ito nakasagot.
Halatang napahiya sa sinabi ko kaya kaagad kong binalingan ng tingin ang staff na nag aassist sa kanya kanina na nasa akin na din ang buong attention para alalayan ako sa mga bagay na gusto kong bilihin.
"Nasaan ba ang manager dito? Bakit hinahayaan niyo na may tumambay sa shop niyo na hindi naman pala bibili? Sa dami ng isinukat niya kanina natakot tuloy ako na baka magkalat siya ng germs ng kakatihan. Kawawa naman ang mga customers na mahahawa niya." wika ko sa staff.
Nilakasan ko talaga ang boses ko para lalong inisin si Jasmine. Isa pa, gusto ko din marinig ng ibang mga shoppers ang mga sinasabi ko. In short, gusto ko talagang ipahiya si Jasmine sa lahat makaganti man lang ako sa lahat ng sakit ng kalooban na ibinigay nya sa akin noon.
"Walang hiya ka! Wala kang pakialam kung tatambay ako dito! Isa pa hindi ako makati! Bitter ka lang dahil ipinagpalit ka ni Drake sa akin!' sagot nito na naging bulong bulongan sa paligid namin. Kapal talaga ng mukha ng babaeng ito, ipinagmamalaki pa talaga sa lahat ng ang pagiging kabit niya.
"Ouch! Nag react? Tinamaan ba? Bakit hindi ka na lang kaya umalis dito? Nagiging kahiya-hiya ka na dito. Wala ka namang budget na pambili sa mga isinukat mo dahil alam kong hindi ka binigyan ng pera ng ex husband ko!" Nang-iinsulto kong wika at muling itinoon ang attention sa mga items na nasa harap ko pero kaagad kong naramdaman ang malakas na paghablot ni Jasmine sa buhok ko na kaagad ko namang ikinasigaw dahil sa sakit.
Lintik na babaeng ito. Nagawa pa talaga akong sabunutan. Sinabi ng huwag na huwag niyang idantay sa akin ang marumi niyang mga kamay eh. Litse talaga! Ang sakit ng anit ko. Gusto pa yata akong kalbuhin ng babaeng ito eh!
Abala ako sa kakapiglas para tangalin ang kamay ni Jasmine sa buhok ko ng marinig ko ang galit na boses ng taong biglang dumating. Nagulat ako dahil hindi ko ito inaasahan.
"Jasmine...stop it! Ano ang ginagawa mo kay Jeann!" maawtoridad ang boses na wika ni Drake. Kahit sino siguro ang makakarinig ay kakabahan dahil sa galit nitong boses. Kaagad ko namang naramdaman ang pagbitaw sa buhok ko ni Jasmine kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga makakalbo na a ko eh. Nasaan na ba iyung mga kasama ko? Ni hindi man lang sila nagtangkang tulungan ako.
"Drake, kasalanan niya. Masyado niya akong pinahiya kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Siya ang nauna at gumanti lang ako." sagot naman ni Jasmine pero hindi iyun pinansin ni Drake. Bagkos kaagad kong naramdaman ang paghawak nito sa magkabilaan kong balikat at nag aalala akong tinitigan sa mukha.
"Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong nito sa nag aalalang boses. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko inaasahan ang mga ganitong klaseng eksena. Ako talaga ang una niyang pinagtoonan ng pansin instead ang kabit niya?
Chapter 411
JEANN POV
Parang biglang na-blanko ang utak ko dahil sa ginawa ni Drake. Paano ba naman kasi kita ko ang sobrang pag aalala sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Tunay kaya itong ipinapakita niya sa akin ngayun or baka naman pakitang tao lang dahil na-realized niya kung gaano kalaki ang kanyang kasalanang nagawa sa akin. Gayunpaman wala talaga akong balak na makipagbati sa kanya. Graduate ha ako sa pagiging martir at ayaw ko ng balikan iyun.
Mahirap para sa akin ang makalimutan lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya. Akala ko talaga siya na ang forever ko pero nagkamali ako. Isang pangarap na lang talaga sa akin ang bumuo ng masaya at kumpletong pamilya.
Namatay ang magiging pangalawang anak namin dahil tinalikuran niya ako at ipinagpalit niya ako sa babaeng kung makatingin sa akin ngayun akala mo papatay ng tao dahil sa selos. Bakit ba kasi may pahawak-hawak pa itong si Drake. Pagkatapos niyang makipag lampungan ng makailang ulit sa Jasmine na ito, may gana pa talaga siyang hawakan ako ng ganito sa magkabilang balikat?
"Bitiwan mo nga ako!" paasik kong wika kay Drake nang makabawi ako sa pagkabigla. Litse na pamamasyal na ito. Hindi ba pwedeng mag-enjoy kahit minsan lang sa pamamasyal? Bakit ba napakaliit ng mundo para sa aming tatlo? Mabuti pa siguro nagpaka buro na lang ako sa farm. Feeling ko mas tahimik ang buhay ko doon kumpara dito sa Metro Manila.
"Jeann, hwag mo naman sanang masamain ang tanong ko sa iyo. Nag-aalala ako na baka nasaktan ka!" sagot naman nito sa akin habang bakas pa rin ang pag aalala sa kanyang mga mata habang masuyong nakatitig sa akin. Sa hitsura ngayun ni Drake, parang wala siyang nakikitang iba tao kundi ako lang.
Kung hindi lang ito nakagawa ng malaking pagkakasala sa akin baka kanina pa ako namimilipit sa kilig. Kaya lang wala na eh...wala ng lugar sa akin ang kilig-kilig na iyan. Dahil para sa akin, ang kapalit ng kilig ay walang hanggang pagdurusa.
"Pakialam mo ba kung nasaktan ako? Noon pa man wala ka ng pakialam sa akin diba? Bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? Huwag mong sabihin na nakukunsensya ka na sa lahat ng mga pinagagawa mo dahil hindi ako maniniwala." galit kong sagot sa kanya. Kaagad naman itong natigilan. Kita ko ang pait na nakaguhit sa kanyang mga mata habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Alam kong hanggang ngayun galit ka pa rin sa at hindi kita masisisi. Aware ako na masyado akong naging unfair sa iyo. Sana mapatawad mo ako Jeann at bigyan mo ako ng chance na makausap ka ng masinsinan. Iyung tayo lang dalawa." sagot nito. Buong lakas ko itong intinulak kaya nabitawan niya ako. Kaagad naman akong umatras palayo sa kanya.
"No need! Wala ng dahilan pa para mag usap tayo. Simula ng iniwanan kita, tinapos ko na din kung ano man ang ugnayan natin." paasik kong sagot sa kanya. Lalong gumuhit ang sakit sa mga mata nito habang pagkakatitig sa akin. Kaagad naman akong nabutong hininga at akmang tatalikuran ko na ito ng bigla niya akong hawakan sa kamay.
Nagulat ako pero kaagad akong napapiksi para mabitawan niya pero mas malakas sa akin si Drake. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin at mukhang wala itong balak na pakawalan ako.
Sa kabila ng mga nangyari, alam kong malaki pa rin ang epekto ni Drake sa buo kong pagkatao. Patunay na dito ang biglaang pagkabog ng dibdib ko sa simpleng paghawak niya sa kamay ko. Para tuloy akong napapaso at malakas na muling hinila ang kamay ko para lang mabitawan niya. Nakakailang na din kasi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Drake! Paano naman ako!" muli akong nagising sa katotohanan nang biglang nagsalita si Jasmine. Oo nga pala. Saglit kong nakalimutan na nasa harap pala namin si Jasmine at kanina pa yata nagseselos sa mga palitan namin ng salita ni Drake.
"Anong paano ka? Jasmine....hindi bat sinabi ko sa iyo na bawal kang lumabas ng bahay? Ano ito? Ano ang ginagawa mo dito sa mall?" Naiinis naman na sagot ni Drake sa kanya sabay pisil sa palad ko na hanggang ngayun mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya. Wala sa sariling napatitig ako kay Drake para sabihin sa kanya na bitawan niya na ang kamay ko pero nasa kay Jasmine na ang buo niyang attention. Hindi ko tuloy maiwasan na mapasimangot.
"Drake naman! Dont tell me na siya pa rin ang kakampihan mo ngayun gayung siya ang nauna. Pinahiya niya ako sa maraming tao kaya na-trigger ang galit ko! Wala akong kasalanan!" naiiyak na namang sabat ni Jasmine. Hindi ko na maiwasan na mapaismid. Feeling ko talaga nagdadrama ito eh. Gusto niya sigurong siya ang kampihan ni Drake. Well, wala naman akong pakialam doon. Magsama sila hanggat gusto nila! Kaya lang bakit ganito?
Bakit ayaw niya pa rin akong bitawan?
"Alangan naman na ikaw ang
kakampihan gayung kabit ka!" nakalabi ko namang sagot kay Jasmine. Kaagad naman napabaling ang tingin nito sa akin. Kung kanina ay naiiyak na ito, sa isang iglap lang biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Nanlilisik na ang kanyang mga matang tumitig sa akin at kung wala lang siguro si Drake, baka sinugod na naman ako.
"Jasmine! How many times I told you na iwasan mo si Jeann. Ano ang ginagawa mo?" galit na wika ni Drake sa kabit niya. Napansin niya marahil ang galit sa mga mata ng kanyang kabit habang nakatitig sa akin. Lihim naman na nagdiwang ang kalooban ko.
Tunay man or hindi ang pag aalala na ipinakita ni Drake sa akin, wala na akong pakialam pa. Masaya ako na nakikitang nagseselos ngayun si Jasmine. Tama lang iyan dahil gusto ko din maramdaman niya kung ano ang naramdaman ko noong inagaw niya sa akin si Drake.
"Mag sorry ka sa kanya!" Pautos na wika ani Drake kay Jasmine. Parang gusto ko namang matawa dahil parang batang napapadyak sa sahig si kabit. Hahawak pa sana ito sa braso ni Drake pero kaagad itong nakaiwas. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa lalo na ng mapansin ko ang pagkasdismaya sa mukha ng malanding kabit.
"I am waiting. Mag sorry ka sa kanya. " muling utos ni Drake Kay Jasmine habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Chapter 412
JEANN POV
Gustuhin ko mang kumawala sa pagkakahawak ni Drake pero ayaw nya talaga akong bitawan. Bakit ba kailangan niya pang pilitin na mag sorry ang isang tao kung hindi naman bukal sa kalooban. Isa pa, hindi kayang burahin ng sorry ang lahat ng mga pasakit na ginawa nila sa akin ng malanding Jasmine na iyan.
"Drake, No! Wala akong kasalanan na ginawa kaya bakit ako magso-sorry sa kanya?" nag aalburuto namang sagot ni Jasmine. Matalim naman itong tinitingan ni Drake sabay hila dito papunta sa harap ko. Mukhang seryoso talaga si Drake na pagsorihin ang kanyang kabit. Para ano pa? Feeling niya siguro, mababawasan lahat ng mga pagkakamali na ngawa nila sa akin kung sakaling sundin siya ni Jasmine.
Kahit na pareho pa silang lumahod sa harapan ko, hinding hindi ko talaga sila mapapatawad. Minsan ko na siyang inunawa noon. Minsan na din akong umasa na magiging maayos pa ang pamilya namin pero nabigo ako. Kahit na magbago pa siguro si Drake, hindi na mabubura pa ang pagtataksil na ginawa niya sa akin.
"No need! Hindi ko kailangan ang sorry niya. Masyado nang nang nasayang ang oras ko dahil sa kapritso ng kabit mo! Pagsabihan mo siya na sa susunod na magkrus ang landas namin, marunong siyang lumugar kung saan siya nababagay." seryosong wika ko kay Drake kaya muli itong napatitig sa akin.
"I am sorry sa mga nangyari. Promise, aayusin ko ito." sagot nito. Kaaagad naman akong napairap.
Ano pa ba ang aayusin nya? Wala na. Sirang sira na ang pamilya namin at hindi na mabubuo kahit na anong gawin niya.
Galit ko itong tinitigan bago ko malakas na hinila ang kamay ko. Sa pagkakataon na ito, binitiwan niya na ako kaya naman matalim kong sinulyapan si Jasmine at taas noo silang tinalikuran. Wala din naman akong mapapala kung patuloy akong makikipag usap sa kanila. Sinasayang ko lang ang oras ko sa walang kabuluhang bagay.
Diretso na akong naglakad patungong counter kung saan naabutan ko pa sila Veronica at Charlotte na nagbabayad na din sa kanilang mga pinamili.
Parang gusto ko na tuloy magtampo sa kanila. Imagine, nagawa pa rin pala nilang makapag shopping sa kabila ng struggle na naranasan ko kani-kanina lang.
"Done?" kaagad na tanong ni
Charlotte ng mapansin niya ang presensiya ko sa likuran nila. Kung makatanong akala mo simple lang ang ginawa kong pakikibaka. Hindi man lang nila ako tinulungan. Muntik na nga sana akong nakalbo ng Jasmine na iyun kung hindi lang dumating si Drake.
"Not yet! Dumating si Drake. Magtutoos pa kami ng Jasmine na iyan sa mga susunod na araw. HIndi ko siya lulubayan hanggat hindi ko malalaman kung ano ang sekreto niya!"
makahulugan kong sagot kay Charlotte. Kaagad naman itong natawa at pasimpleng sumulyap sa kinaroroonan nila Drake at Jasmine na noon ay parang nag aaway na. Mula sa kinaroroonan namin kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Drake sa sobrang galit.
"Hmmm, mukhang alam ko na ang ibig mong sabihin ah? Gusto mo bang tulungan kita na alamin kung ano nga ba ang sekreto ng babaeng iyan?" nakangiti namang sagot nito. Lalo namang lumapad ang ngiti sa labi ko.
"Sure...napansin mo naman siguro kung gaano kalakas ang pagkakatulak ko sa kanya kanina diba? Ni hindi man lang siya umaray kahit buntis siya? Palagay mo buntis ba talaga ang hitad na iyan?" halos pabulong ko ng tanong kay Charlotte. Natawa naman ito kaya naman kaagad ko itong pinandilatan.
"I dont know..pero nakita din namin iyun kanina. Pareho pa ngang napataas ang kilay naming dalawa ni Veronica eh." sagot naman nito. Muli naman akong napalingon kina Drake at Jasmine pero napansin ko nang hila- hila na ni Drake ang kabit niya palabas ng shop. Hindi ko maiwasang mapataas ang aking kilay. Tama lang na umalis na silang dalawa dahil masyado ng masakit sa mga mata ko ang presensiya nila.
Hindi ko na muna sinagot pa ang sinabi ni Charlotte. Hahaba lang ang usapan at hanggat maari, ayaw ko na munang pag usapan namin ang tungkol sa bagay na ito. Masyadong sensitive at baka may ibang makarinig sa amin.
Pagkatapos magbayad nila Charlotte at Veronica, ako naman ang inistima ng cashier. Nang lumabas na ang total ng babayaran ko kaagad kong hinugot sa bag ko ang wallet at akmang kukunin ko na ang debit card ko, isang kamay ang kaagad kong napansin na nag abot ng card sa cashier. Nang lingunin ko ito, nagulat pa ako dahil nasa tabi ko na pala si Drake nang hindi ko napapansin.
Saglit pa akong nagtaka dahil napansin ko pang hila hila niya kanina palabas ng shop si Jasmine tapos nandito na kaagad siya sa tabi ko? Ang bilis naman niyang nakabalik?
"Ako na ang magbabayad sa mga pinamili mo." seryosong wika nito sa akin. Kaagad namang napataas ang aking kilay at inagaw sa cashier ang card na iniabot niya. Hindi ako papayag na siya ang magbabayad sa lahat mga pinamili ko. Kaya kong bayaran lahat ng gusto kong bilihin.
"No need! Kayang kaya kong bayaran lahat ng mga pinamili ko. Hindi ko kailangan ang pera mo!" sagot ko kay Drake at kaagad kong iniabot sa cashier ng sarili kong debit card.
"Jeann, bakit ba napakahirap mong pakiusapan. I am your husband at responsibilidad kong ibigay sa iyo lahat ng mga pangangailangan mo!"
seryosong wika nito. Peke naman akong natawa habang ibinabalik ko sa kanya ang card na ibinigay niya kanina sa cashier.
"Asawa? Ang bilis mo namang nakalimot! Hindi bat naghiwalay na tayo?" naiinis kong sagot.
"Sino ang nagsabi sa iyo na hiwalay na tayo? Bakit pumayag ba ako?" sagot nito. Kaagad naman akong natameme.
Chapter 413
Jeann POV
Gulat na napatitig ako kay Drake dahil sa sinabi niya. Ano ba ang pinagsasabi niya na hindi pa kami hiwalay? Ilang buwan ko na nga siyang nilayasan tapos sasabihin niya ngayun sa akin na hindi pa kami hiwalay? Napaka unfair naman niya kung nagkataon. Gusto niyang mag stay ako sa kanya as a legal wife habang harap-harapan na ibinabalandra niya sa harap ko ang kanyang kabit?
"Hindi ko naalala na pumayag ako sa hiwalayan natin Jeann. Mag asawa pa rin tayo kaya sana naman maintindihan mo lahat ng effort na ginagawa ko ngayun." sagot nito at muli niyang inagaw ang aking debit card sa kamay ng cashier. Ibinigay nya ulit ang sarili niyang debit card at inutusan ang cashier na bilisan dahil nagmamadali daw kami.
Pigil ko naman ang sarili kong murahin ito dahil sa kanyang mga pinanggagawa. Nahihiya lang ako sa mga customers na nasa likuran namin kaya pinili ko na lang na manahimik muna.
Pagkatapos nitong bayaran lahat ng mga pinamili ko nagmamdali na akong lumabas ng store. Siya na din ang nagbitbit ng lahat ng mga pinamili ko. Hinayaan ko na lang dahil nakakapagod ding makipagtalo sa taong may sariling gustong gawin sa buhay.
"Akin na ang card ko!" kaagad kong bigkas kay Drake pagkalabas namin ng shop. Para itong bodyguard ko na nakasunod lang sa akin. Pagkatapos niyang kunin ang card ko sa cashier hindi niya na iyun ibinalik sa akin kanina.
"Hindi bat sinabi ko sa iyo na ako ang magbabayad lahat ng mga gusto mong bilihin ngayung araw. Dont worry, pagkatapos mong magshopping, ibabalik ko sa iyo ang debit card mo." seryosong sagot nito. Parang gusto ko namang magpapadyak dahil sa inis. Ano ba talaga ang gustong mangyari ng Drake na ito. Bakit niya sinisira ang araw ko?
Wala sa sariling napatingin ako sa kina Veronica at Charlotte. Tahimik lang ang dalawa at mukhang wala talagang balak na makisawsaw sa problema ko. Talagang iniwanan nila ako at sabay pang pumasok sa katapat ng shop.
"Pwede ba Drake. Akin na ang debit card ko at lumayas ka na sa harap ko!" muli kong wika kay Drake. Talagang pinandilatan ko pa ito para marealized nya na hindi ako masaya sa presesnya niya pero wa epek pa rin sa kanya. Para lang itong walang nakita bagkos naglakad na ito patungo sa shop kung saan pumasok sila Charlotte at Veronica. Wala na akong nagawa pa kundi sundan na lang ito.
Wala akong choice. Mukhang nasa mode talaga si Drake na sirain ang araw ko. Dalangin ko lang na huwag na munang magpakita ulit ang kabit niya kung hindi may mangyayari talagang hindi maganda lalo na at mainit ang ulo ko ngayun.
Pagkapasok ko sa loob ng shop hindi ko na pinansin pa si Drake. Tahimik naman itong naupo sa isang sofa habang naghihintay sa akin. Ilang beses akong napapasulyap sa kanya pero hindi ko maiwasang mailang lalo na ng marealized ko na wala itong ibang ginawa kundi sundan ako ng tingin.
Sa totoo lang first time niya itong ginawa na samahan akong mag-
shopping. Kung maayos lang sana ang pagsasama namin baka ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Pero hindi eh. Malabo dahil ang lalaking nakatitig sa akin ngayun ay ang lalaking nagwasak sa puso ko.
"Uyyy...Jeann, akala ko ba bawal ang asawa isama sa bonding na ito? Ano ang ginagawa ni Drake dito? Dont tell me nagkabati na kayo?" sa sobrang lalim ng iniisip ko, nagulat pa ako ng bigla akong kalabitin ni Charlotte at nagtanong tungkol kay Drake.
"Hindi ah! Hindi pa ako nakikipagbati sa kanya. Kanina ko pa nga iyan pinapaalis pero ayaw eh. Isa pa, nasa kanya ang debit card ko kaya wala akong magagawa kundi hayaan na lang muna siya." sagot ko naman kay Charlotte. Kaagad naman itong napaismid.
"Kung ganoon, papupuntahin ko na
lang ang Peanut ko. Mas palagay ang loob ko kapag kasama ko siya dito sa mall total nandito din naman ang Drake mo eh...." nakangiting sagot nito sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi tumango na lang. Wala eh...ako na mismo ang nag break sa rules namin ngayung araw dahil sa presensya ni Drake na first time kong nalaman na may itinatago din palang kakulitan.
Ano ba kasi ang nakain ng manlolokong iyun at bakit balak yatang samahan ako kahit saan ako magpunta. Makikita niya talaga, since gusto niyang bayaran lahat ng isa-shopping ko ngayung araw, bibilihin ko lahat ng gusto ko.
Sa isiping iyun hindi ko maiwasang mapangiti. Tama! Ang galing ko talagang mag isip. Ito ang pinaka- sweet revenge na pwede kong magawa sa kanya. Nabilihan niya nga ng sarilng
bahay ang kabit niya, siguro naman kaya niyang bayaran lahat ng gusto kong bilihin sa shop na ito.
Kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid. Puro mga luxury items ang nakikita ko. Pagkakataon ko na ito para matapyasan ng malaking halaga ang bank account ng manluluko kong asawa.
"Miss, pwede patingin ng bag na iyan? "kaagad na tanong ko sa sales lady na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. Naka-padlock ang naturang istante at alam kong mamahalin ang bag na nasa loob noon.
"Ito po ang limited edition ng Hermes birkin na collection namin Mam. "
nakangiti namang sagot sa akin ng sales lady. Hindi ko maiwasan na mapangisi.
"Okay, add to cart ko na iyan." matamis ang ngiti kong sagot sa sales lady. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi ko. Sabagay, sino ba naman ang hindi magugulat gayung hindi ko pa nga nahahawakan ang naturang bag pero gusto ko ng bilihin.
Hindi ako pinalaki nga mga magulang ko na maging maluho at first time kong bibili ng bag na ganito kamahal kahit na mapera ang pamilya ko. May collections ako ng mga mamahaling bag pero regalo iyun ng mga Tita's and Tito's ko kapag may special occations. Pero since, willing naman si Drake magbayad, talu-talo na lang. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pasensya niya ngayung araw.
Chapter 414
JEANN POV
"I am done!" anunsiyo ko kay Drake nang mapansin ko na nasa counter na sila Veronica at Charlotte para magbayad. Mula sa pagkakaupo, nakangiti itong tumayo habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkailang. Para kasing may napapansin akong kakaiba sa mga titig niya.
"Wala ka na bang ibang nagustuhan? Kunin mo na lahat kung ano man ang gusto mo at hwag kang mag aalala. Kaya kong bayaran lahat basta maging masaya ka lang." sagot pa nito sabay sulyap sa mga items na napili kong bilihin sa shop na ito. Nakangisi akong umiiling.
Tingnan ko lang kung hindi siya magugulat sa babayaran nya mamaya.
Kung hindi ako nagkamali, kasing presyo ng bahay na iniregalo niya kay Jasmine ang babayaran niya mamaya at madagdagan pa iyan kung patuloy siyang bumuntot buntot sa akin.
Sabay na kaming naglakad patungong counter para magbayad na. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanunudyong tingin nila Charlotte at Veronica sa akin pero ayaw ko na lang pansinin. Isipin nila kung ano man ang iisipin nila. Hindi porket magkasama kami ngayun ni Drake, bati na kami.
"Sa iyo lahat iyan?" pabulong na tanong sa akin ni Charlotte habang pareho naming hinihintay na matapos magbayad si Veronica. Nakangisi naman akong tumango.
"Yes! Hindi bat sabi ko sa inyo, magsa shopping ako ngayung araw. Medyo matagal din akong nawala at gusto kong sulitin ang araw na ito para makapamili. Isa pa, hindi naman ako ang magbabayad noh!" nakangiti kong sagot. Kaagad naman akong tinaasan ng kilay ni Charlotte at pigil ang sariling matawa.
"Talaga lang ha?Dont tell me na bati na kayo? Napatawad mo na ba siya? Paano ang kabit niya? Payag kang dalawa kayo sa buhay niya?" sunod- sunod naman na tanong ni Charlotte. Kung hindi lang ito buntis baka kinutusan ko na ito eh. Hindi naman ako ganoon kababaw na babae para muling bumalik kay Drake at magpaluko ulit.
Kaya nga nilayasan ko ito noon dahil ayaw ko ng kahati eh. Ang akin ay akin lang at alam kong si Jasmine ang nagmamay ari sa puso ni Drake kaya nga halos magpakamatay ako noon sa sama ng loob eh. Tapos sa isang iglap lang, papatawarin ko ang manluluko kong asawa? No Way!!!!
"No and never!" maiksi ko namang sagot. Kaagad namang napahagikhik si Charlotte. Natigil lang ito nang pareho naming napansin ang pagdating ni Peanut.
Talaga palang tinutuo niya ang sinabi niya kanina na papupuntahin niya si Peanut. Sabagay, buntis ang pinsan ko and nasa period pa yata sya ng paglilihi at isa doon ang ayaw niyang mawalay sa tabi niya si Penaut kahit saglit lang.
HIndi ko pa naiwasan na mapataas ang aking kilay nang mapansin ko kung paano nagbatian sila Drake at Peanut. Mag best friend nga pala silang dalawa kaya normal lang na magbatian sila na akala mo ang tagal nilang hindi nagkita. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos nilapitan ko si Drake para kausapin.
"Ikaw na ang pumila dito. Upo muna ako doon." wika ko sa kanya. Walang pagdadalawang isip na tumango ito kaya kaagad akong naglakad sa waiting area para ipahinga ang paa ko. Alam kong marami pa kaming pupuntahan at pagkatapos nila magbayad, balak kong yayain muna silang kumain sa restaurant nila Arthur at Beatrice.
Yes...si Beatrice nga pala. Ngayun ko lang naalala. Dapat pala dinaanan namin siya kanina para makasama sa amin. Haysst, bakit ba nakalimutan ko? Baka magtampo sa akin iyun kapag malaman niya na nandito kami sa mall at hindi namin siya niyaya.
Wala sa sariling napantingin ako sa counter. Napansin ko na si Drake na ang iniistima ng cashier. Hindi ko maiwasan na mapataas ng kilay lalo na ng mapansin ko kung paano ang ginagawang pagpapa-cute ng dalawang staff kay Drake habang hinihintay naman nito ang total ng babayaran.
Ngayun ko lang narealized na mahirap pala talaga magkaroon ng gwapong asawa. Ang daming gustong umagaw. Hayssst...tama lang talaga ang desisyon ko na ipursue ang pakikpag-divorce sa kanya. Walang magandang patutunguhan ang pagiging mag asawa namin ni Drake lalo na at may Jasmine na ito sa buhay niya at may mga babae pang handang maghubad ng panty sa harap ni Drake mapansin lang.
"Dont worry, mas maganda ka sa mga iyan. Ipagpalagay mo ang kalooban mo. "naputol lang ako sa pagmumuni- muni ko ng mapansin ko na nasa tabi ko na pala si Chalotte. May nanunuksong ngiti sa labi nito habang nakatitig sa akin."
"Anong sabi mo?" tanong ko naman. Kaagad naman itong naupo sa tabi ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Masyado ka pa ring halata noh? Siya pa rin diba? Sa kabila ng mga panluluko na ginawan niya sa iyo, mahal mo pa rin siya?" tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga bago ito sumagot..
"Hind naman kaaagad iyan mawawala diba? Kaya nga napakasal ako sa kanya noon dahil mahal ko siya. Pero hindi ibig sabihin na magpapadala ako sa nararamdaman ko ngayun. Hindi na talaga kami pwede dahil natatakot na akong masaktan ng sobra." malungkot ko namang sagot kay Chalotte.
"Bakit kasi ayaw mo munang subukan na ipaglaban siya. I mean, feeling ko mahal ka din ni Drake. Tingnan mo nga, nandito siya ngayun. Sinasamahan ka para magshopping. Ibig lang siguro sabihin nito, may pagpapahalaga pa rin siya sa iyo. Bakit hindi mo subukang ipaglaban siya?" sagot ni Charlotte. Nagulat naman ako.
Wala sa sarilin napatitig ako kay Chalortte. Mas bata ito kumapara sa akin pero hindi ko inaasahan ang lumalabas sa bibig niya ngayun. Oo, kalog ito at parang hindi seryoso kapag kausap ko pero bakit ang laki yata ng ipinagbago niya? Dahil ba sa mga naranasan niya din bago naging maayos ang pagsasama nila ni Peanut?
Chapter 415
JEANN POV
Wala naman akong nakitang pagkadismaya sa mukha ni Drake pagkatapos nitong bayaran lahat ng mga nagustuhan kong bilihin sa shop na ito. Inisip ko na lang na baka sanay siyang ipagshopping ang kabit niya sa mga mamahaling boutique kaya normal na lang sa kanya ang magbayad ng mahal.
Sabagay, hindi lang naman iisang branch ng bar na pag-aari niya. Maliban sa bar, meron din siyang dalawang jewelry shop dito mismo sa loob ng Villarama mall at isa naman sa bandang QC. Isang Filam ang ama ni Drake na naka base sa US pero palagi naman daw umuuwi dito sa Pinas dahil sa negosyo at nasa Australia naman ang Ina niya na may sarili nang pamilya. Bunga ng isang broken family si Drake at ang pagkakaalam ko hindi maayos ang relasyon niya sa kanyang ama at ina. Never ko pa din na-meet ang kanyang mga magulang kaya wala din talaga akong idea kung ano ang hitsura nila.
"So saan tayo ngayun? Kakain muna tayo? Parating din si Rafael. Hintayin na lang natin." kaagad na wika ni Veronica ng makabayad na ang lahat.
"Talaga? Mabuti naman at darating din si Uncle. Awkward naman kung ikaw lang ang walang partner." sagot naman ni Charlotte kay Veronica na kaagad na ikinataas ng aking kilay. Ganito talaga siguro ito dahil buntis. Kung anu anong mga ka-romantikan ang naiisip.
Umiiwas pang tumingin sa akin para sana masenyasan ko sana na itikom niya muna ang bibig niya. Huwag niya na sana akong idamay sa topic nila.
Hindi na ako nagasalita pa bagkos kaagad na akong nagpatiunang naglakad papunta sa restaurant nila Arthur at Beatrice. Pilit na dumidikit sa akin si Drake habang naglalakad kami pero lumalayo naman ako sa kanya. Malaki ang kasalanan niya sa akin kaya huwag siyang feeling close sa akin porket siya ang nagbayad sa mga pinamili ko.
Katulad ng inaasahan, nadatnan namin ang mag asawang Beatrice at Arthur sa sarili nilang restaurant. Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Beatrice na mapansin nito ang padating namin at nakangiti kami nitong sinalubong. Isang oras pa bago ang lunch pero marami na ding mga costumers ang kumakain.
"Wow! Nandito ang mga Villarama ah? Kumusta?" bigkas ni Beatrice at unang lumapit kay Veronica para makipag beso-beso. Hindi na nakakapag tataka iyun dahil magka-classmates sila at magkaibigan noong college.
Pagkatapos nitong makipag kumustahan kay Veronica si Charlotte naman ang kanyang nilapitan at pang huli ako. Masaya kaming nagbeso na akala mo matagal ko na siyang kaibigan.
"Uyyy, kasama mo siya? Bati na ba kayo?" tanong pa nito sa akin na ang tinutukoy ay si Drake. Saglit akong napasulyap kay Drake na noon ay naglalakad na patungo sa VIP room kasama si Arthur at Peanut. Nakasunod sa kanila sila Veronica at Charlotte kaya muli kong hinarap si Beatrice na umandar na naman yata ang pagiging usyusera.
"Hindi ah? Never! Makulit lang talaga ang taong iyan kaya kasama namin siya. Isa pa, parang may importante silang pinag uusapa ni Peanut," sagot ko.
"Ganoon ba? Akala ko talaga bati na kayo eh. Pero take your time lang. Kung ano ang sinisigaw ng puso mo, iyun ang sundin mo." sagot nito sa akin. HIndi ko naman maiwasan na matawa. Itong mga ganitong payo ang mahirap sundin. Hindi ganoon kadali ang lahat na magpatawad lalo na at magkakaanak na sa ibang babae si Drake.
Hanggang dito na lang talaga kami. Hindi na masusundan ang romantic naming pagsasama kasi nagloko siya.
"Halika na! Pasok na tayo sa loob para maka order ka na ng gusto mong kainin." nakangiting pagyayaya nito na kaagad ko namang pinagbigyan.
Pagdating namin sa VIP room nakaupo na sila sa pahabang mesa. Kaagad akong naghagilap ng mapu- pwestuhan ko pero laking pagkadismaya ko na ang tabi na lang ni Drake ang bakante Hanggat maari, ayaw ko sanang dumikit dikit sa kanya pero may choice ba ako? Wala eh...Ayaw ko namang may masabi ang mga kasama ko kaya wala akong choice kundi ang naglakad patungo kay Drake at naupo sa tabi niya.,
"So, order na kayo? Malapit na daw ba si Rafael?" tanong ni Arthur pagkaupo ko pa lang sa tabi ni Drake. Pilit kong iniignora ang presensya ni Drake sa tabi ko gayung hindi ko maiwasang ma -distract sa amoy niya. Bakit ang bango ng taong ito? Hindi naman ganito ang amoy niya kanina ah? Bakit naaamoy ko na naman sa kanya ang paborito niyang pabango na gustong gusto kong maamoy sa kanya noong nagsasama pa kami?
"Ano ang gusto mong kainin Love?" tanong ni Drake na kaagad na nagpatayo sa halos lahat ng balahibo ko sa katawan. Noong una nagtataka pa ako kung sinong 'LOVE' ang tinatawag niya pero noong nasulyapan ko na nakatitig siya sa akin doon ko lang napagtanto na ako pala ang kinakausap nya.
Love talaga? Baka naman nagkamali lang siya ng tinawag na LOVE. Baka naman akala niya si Jasmine ang kasama niya ngayun.
Sa isiping iyun bigla akong nakaramdam ng inis. Mahirap talaga ang maging assuming. Masyadong masakit at makirot sa puso.
Pahablot kong kinuha sa kamay ni Drake ang menu na iniaabot niya sa akin. Wala lang, gusto ko lang iparamdam sa kanya na galit ako kaya huwag siyang feeling closed sa akin at huwag niya akong matawag-tawag na Love.
Habang hinihintay ang mga pagkain na inorder namin pilit ko namang iniignora sa tabi ko si Drake. Hindi ko alam kung sinasadya niya talaga pero hindi naiiwasan na nagkasagian ang aming siko. Kapag tinitingnan ko naman ito parang hindi naman niya sinasadya dahil nasa kay Peanut ang buo niyang attention.
May mga pinag-uusapan sila na hindi ko naman pinapakingan dahil hindi ako interesado. Dalangin ko na sana dumating na ang order namin at makakain na para makalayo na ako kay Drake. Naiilang na talaga akong dumikit dikit sa kanya. Kinakabahan ako na ewan. Siguro dahil malaki pa rin ang epekto niya sa akin. Siguro dahil mahal ko pa rin siya.
Bago na-iserve ang mga pagkain dumating din sa wakas si Uncle Rafael.
Napansin ko pa na hindi nito binati si Drake. Mas gusto ko ang ganoon dahil kahit ano pa ang mangyari, pamangkin niya ako at niluko ako ng lalaking katabi ko ngayun.
"Sa wakas, nagkatipon-tipon din tayo. Sana palaging ganito. Para naman bonding din nating lahat." kaagad na sambit ni Arthur habang inisa-isa ng inilalagay sa mesa ang mga pagkaing inorder namin. Lalo ko tuloy naramdaman ang pag aalburuto ng aking tiyan. Gutom na ako at gusto ko ng kumain.
"Pwede naman natin itong gawin palagi. Kapag hindi busy. Ayaw ko din kasi maging unfair minsan sa asawa ko. Kapag may time ako mas gusto kong sulitin iyun para makasama siya. "si Uncle Rafael ang sumagot. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Ang tagal na nilang nagsasama ni Veronica pero hindi man lang ito nagbago. Hindi kagaya namin ni Drake na kaagad na naghiwalay dahil sa pangangabit.
"Same here. Buntis ang wife ko kaya malabo pa talaga na palagi tayong magkakasama. Pero kapag may extra time, why not. Katulad ngayun, kumpleto tayo." sagot naman ni Peanut.
"At masusundan pa ito for sure. We are planning na magdaos ng baby shower party. Hope na hindi niyo kami indyanin ni Beatrice dahil magtatampo talaga kami." sabat naman ni Arthur. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin kay Beatrice na noon ay mahigpit ang pagkakapit kay Arthur. Larawan siya ng isang kontento at masayang asawa. Sana all nalang talaga. Hindi kagaya ko na sawi sa pag ibig at pinagsawaan kaagad ng asawa.
Sa buong oras ng kwentuhan, kaming dalawa lang yata ni Drake ang hindi sumasagot sa pag uusap. Lalo na si Drake na tahimik na simula ng dumating si Uncle Rafael. Sabagay, wala naman siyang dapat ipagmalaki. Wala din dapat ikwento dahil nakakahiya ang kanyang ginawa at kahit na sino pa ang yara ang tanungin mali talaga ang mangabit.
"Love..tikman mo ito. Masarap ito." sa kabila ng pagiging abala ng mga kaharap namin muling naagaw ni Drake ang attention ko nang may inilagay itong pagkain sa pingan ko. Hindi niya ito dating ginagawa sa akin kaya hindi ko maiwasang
makaramdam ng sakit ng kalooban. Ngayun niya pa talaga ito ginawa kung saan wala nang pag-asa na magiging maayos ang relasyon namin. Hindi ko din naman siya masaway dahil napatingin sa gawi namin ang aming mga kasamahan.
"Okay lang..ayos na ako. Busog na ako. "halos pabulong kong sagot kay Drake sabay tayo. Muli akong nakaagaw ng attention ng lahat kaya pilit akong ngumiti
"Magsi-CR lang ako." wika ko at hindi ko na hinintay pa ang sumagot ang isa sa kanila. Nagmamadali na akong tumalikod at tinahak ang daan patungong CR. Ewan ko ba, parang gusto ko na naman maiyak. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko lalo na ng mapansin ko kung gaano ka- sweet sa isat isa ang mga nasa harapan ko.
Failed marriage! Sa aming lahat ako lang ang sawi sa pag aasawa.
Pagkapasok ko sa loob ng CR kaagad kong pinakawalan ang luha na kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Heto na naman ako. Ilang beses ko ng ipinangako sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero hindi ko talaga maiwasan.
Dumadating talaga ako sa time na bigla na lang akong nakakaramdam ng self pity.
Bakit ba sa kabila ng mga nangyari, ang hirap pa rin makalimot. Ang hirap pa rin mawala sa puso si Drake. Siya pa rin ang sinisigaw nito sa kabila ng panluluko na ginawa niya sa akin.
Wala sa sariling napaupo ako sa toilet bowl habang hinahayaan ko lang ang luha ko na patuloy pa rin sa pagpatak. Kailangan ko itong ilabas para naman gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko pwedeng pigilan dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa akin.
Sabi nga ni Mommy Arabella, ayos lang naman umiyak eh. Hindi ibig sabihin na mahina ako. Nasasaktan lang talaga ako kaya ako nagkakaganito.
ilang minuto din akong nanatili sa banyo bago nahimasmasan.
Pagkatapos umiyak at mag self pity kaagad akong naghilamos pero kahit na anong gawin ko, hindi na mawawala ang pamumula ng mga mata ko. Siguro kailangan ko ng umuwi muna kaysa naman patuloy akong maiinggit sa mga kasama ko na masaya sila habang kasama nila ang kani-kanilang mga asa -asawa.
Nagpahid lang ako ng kaunting make up at lipstick bago ako lumabas ng banyo. Pinilit kong ibalik sa dati ang sarili ko pero alam kong kahit na na anong pilit kong tago sa mga kasamahan ko, malalaman at malalaman pa rin nila na galing ako sa pag iyak.,
"Jeann, ayos ka lang ba?" si Veronica na ang unang nagtanong sa akin pagkabalik ko sa aming table. Pilit ko naman itong nginitian.,
"Hi-hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari sa akin eh. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo ko. Siguro dahil sumumpong na naman ang migraine ko." pagdadalahilan ko naman. Kaagad ko pang napansin ang pagkunot ng noo ni Drake habang nakatitig sa akin.
"Migraine? Kailan ka pa nagka- migraine?" seryosong tanong nito. Kaagad naman akong nag iwas ng tingin bago sumagot.
"Matagal na...hindi mo talaga alam dahil busy ka sa pangangabit mo!"
diretsahan kong sagot at kaagad na naglakad palapit kay Uncle Rafael. Sa lahat ng tao dito sa loob ng VIP room kay Uncle Rafael lang ako hihingi ng pabor sa kanya. Uuwi ako at magpapahatid ako sa driver nila para maiwasan na muna si Drake.
Chapter 416
JEANN POV
"Mauna na po ako sa inyo Uncle. Bigla pong sumama ang pakiramdam ko eh." kaagad kong sambit paagkalapit ko kay Uncle Rafael. Tinitigan muna ako nito bago tumango.
"Why? Okay ka naman kanina ah? Bakit biglang sumama ang pakiramdam mo?" kaagad naman na sabat ni Charlotte. Bakas sa boses nito ang hindi maisatinig na pagtutol kaya nakangiti ko itong sinagot.
"Ganito talaga kapag biglang sinusumpong ng migraine. Hayaan niyo babawi ako next time." sagot ko.
"Wala kang dalang sasakyan diba? Tatawagan ko lang ang driver at ilang mga tauhan ko para ihatid ka nila sa bahay niyo. Hindi ka pwedeng mag- commute lalo na at hindi maayos ang pakiramdam mo." si Uncle Rafael naman ang sumagot na kaagad ko namang ikinangiti.
Kaya ako lumapit sa kanya sa kadahilangang magpapahatid ako sa driver nila at mabuti na lang at siya na ang unang nag open up sa akin tungkol dito. Hindi na ako pinahihirapan pang makiusap.
"Dont worry Rafael. Ako na ang maghahatid kay Jeann." kaagad nmang sabat ni Drake. Hindi ko naman maiwasan na mapalingon dito at nagulat pa ako dahil nakatayo na ito habang seryosong nakatitig sa akin.
"NO need! Driver na nila Uncle ang maghahatid sa akin. Huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo." seryoso kong sagot sa kanya.,
"I am still your husband at sana maisip mo din na nag-aalala ako sa kalagayan mo. Nandito ako para ihatid ka sa kung saan mo gusto kaya sana pagbigyan mo ako." katwiran naman nito kaya kaagad naman akong umiling.
"Hiwalay na tayo Drake kaya wala ka ng obligasyon sa akin. Makakauwi ako ng bahay na hindi na kailangan ang tulong mo kaya pwede ba...stop pretending na mabuti kang asawa sa akin dahil alam nating lahat kung ano ang ginawa mo." seryoso kong sagot. Mga ganitong bagay, ayaw ko na sana sabihin sa kanya lalo na at may ibang nakakarinig. Since makulit siya, wala akong choice kundi sabihin sa kanya kung ano man ang nararamdaman ko.
Sa sobrang sakit na naranasan ko sa mga kamay niya hinding hindi talaga ako magsasawa na ipaalala sa kanya kung ano man ang nagawa niya sa aking pagkakamali. Hanggat may nararadaman pa akong kirot sa puso ko, ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang maluko.
"Tama si Jeann. Hiwalay na kayo kaya huwag ka ng mag-pretend na mabuti kang asawa sa kanya. You didn't keep your promise na mamahalin at aalagaan mo siya Drake. Huwag mo din sanang kalimutan na pamangkin ko siya kaya sana lubayan mo na sya dahil masyado ng masakit sa kanya ang mga nangyari. Nagdusa na siya dahil sa mga pinanggagawa mo at kahit kami na pamilya ni Jeann, hindi na kami papayag pa na muli siyang bumalik sa iyo." seryoso namang sagot ni Uncle Rafael habang ramdam ko ang gigil sa kanyang boses. Hindi maikakaila ang galit nito sa kaibigan at kung wala siguro sa paligid ang asawa nitong si Veronica baka kanina pa nagkagulo.
Sa totoo lang, nagulat ako sa naririnig ko sa kanya ngayun.. Akala ko talaga walang pakialam sa akin si Uncle Rafael pero sa naririnig ko sa kanya ngayun, masasabi kong ang swerte ko dahil naging Uncle ko siya.
"Rafael, magkaibigan tayo at iginagalang kita bilang best friend ko. Pero sana, sa pagkakataon na ito, huwag mo naman akong husgahan. Huwag mo naman sanang ipaaramdam sa akin kung gaano ako kawalang kwentang asawa kay Jeann....00, aminado ako na nagkamali ako pero pinipilit kong ituwid iyun. Kagaya mo, gusto ko din ng masaya at kumpletong pamilya." sagot naman ni Drake. Bakas ang pait sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun.
"Drake, mag bestfriend tayo mula pagkabata. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Alam mong itinuring kitang kapatid pero bakit nagawa mong magluko. Bakit kay Jeann? Bakit sa pamangkin ko pa?" seryosong sagot naman ni Uncle.
Para namang may kung anong bagay ang biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Uncle. Hindi ko man naramdaman ang pagdamay niya sa akin noon pero ipinapakita naman niya sa akin ngayun na kaya niya pala akong ipagtangol kay Drake. Ang sarap lang sa pakiramdam at isipin na marami pa rin palang nagmamahal sa akin.
Hindi magbabago iyun kaya super grateful pa rin ako at dapat pa rin na piliin kong maging masaya sa kabila ng mga nangyari.
"I am okay....Uuwi ako dahil ihahatid ako ng driver nila Uncle. Huwag ka ng mag-abala Drake at sana sa mga susunod na araw, aasa ako na uumpisahan mo ng magfile ng divorce dahil kung hindi, ako na mismo ang kikilos para mapawalang bisa kaagad ang kasal natin." sabat ko naman..
"Jeann, No! Hindi ako papayag. Nangako na ako sa iyo na aayusin ko ang lahat ng problema na ito. Please, bigyan mo naman sana ako ng time.
Alam kong ako na ang pinakamasamang asawa sa mundo, pero pangako....bigyan mo lang ako ng chance...aayusin ko ito. Muli nating bubuuhin ang naumpisahan na nating pagsasama Jeann. Please!" Puno ng pakiusap ang boses ni Drake habang sinasabi ang katagang iyun pero parang wala na lang sa akin.
Pagod na akong umasa. Once a cheater always a cheater ika nga. Nagawa niya na akong ipagpalit sa iba sa kabila ng mga ginawa kong effort maging maayos lang ang pagsasama namin.
"Okay, alam kong mainit pa ang lahat at wala akong magagawa kung galit kayong lahat sa akin. Kasalanan ko naman talaga eh. Nasira ang pamilya ko dahil din sa akin!" malungkot na wika ni Drake at kaagad na naglakad palapit sa akin. Nagulat pa ako dahil iniabot nito sa akin ang debit card ko bago laglag ang balikat na naglakad palabas ng VIP room. Para namang pinipiga ang puso ko habang nasundan na lang ito ng tingin.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Drake, lalo naman akong nasasaktan.
Chapter 417
JEANN POV
"Nakaalis na si Drake. I think, pwede ka ng mag stay at ipagpatuloy ang pagsa-shopping natin." muling naagaw ang attention ko ng magsalita si Charlotte. Tama ito, since wala na si Drake, pwede ko ng ituloy ang pagsashopping ko. Pwede ko ng i-enjoy ang araw ko na malayo sa presensya ng manloloko kong asawa.
"Yes..iyun lang naman ang gusto ko eh. Ang umalis ang asungot na iyun. Hindi talaga ako mapalagay kapag nasa paligid sya. Feeling ko, hindi ako safe sa kabit niya at ano mang sandali bigla na lang lilitaw at manabunot. Katulad na lang kanina, imagine, nakatikim ako ng sabunot sa hitad na iyun.
Humanda talaga siya sa akin, gaganti talaga ako." sagot ko naman at muling naglakad patungo sa dati kong kinauupuan kanina at muling naupo.
Pilit kong iwinawaglit sa isipan ko ang malungkot na hitsura ni Drake kanina pag alis niya. Hindi ako mag eenjoy kapag hahayaan ko ang sarili ko na makaramdam ng awa sa kanya.
"So, dahilan lang pala ang migraine na iyan?" sabat naman ni Uncle Rafael. Nakangiti naman akong tumango kaya kaagad itong napailing
"Huwag ka ng gumanti pa sa kabit ng Drake na iyun. Ako na ang bahala sa kanya." muling wika ni Uncle na kaagad ko namang ikinagulat.
"Ano ang ibig mong sabihin? Uncle, dont tell me ipapatay mo siya? Gosh! Kailan ka pa naging kriminal?" hindi ko maiwasang tanong kasabay ng pag alingawngaw ng tawanan sa paligid. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiwi nang marealized ko kung anong katangahan ang nasabi ko ngayun lang.
"Anong ipapatay? Jeann ha, pwede bang itikom mo ang bibig mo. Baka mamaya may makarinig sa iyo na ibang tao eh, makulong pa ako ng wala sa oras." naiinis naman na sagot ni Uncle Rafael. Muling umugong ang tawanan sa buong paligid.
Kung kanina ay sobrang seryoso ng paligid, ibang iba naman ngayun. Nagawa nang magtawanan ng lahat dahil sa akin. Kahit papaano, nakatulong iyun para gumaan ang aking pakiramdam.
"Ano ba kasi ang gagawin mo Uncle? Ayaw mo kasing linawin eh. Isa pa, hindi mo na kailangan pang ipaghiganti ako dahil kaya ko na ang sarili ko noh!" nagmamalaki kong sagot. Kaagad kong narinig ang pagpalatak nito. Katunayan na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko ngayun lang.
"Kaya? I dont think so! Kalimutan mo na ang Drake na iyan ha? Maraming lalaki diyan na higit pa sa kanya. Huwag mong sayangin ang oras mo sa lalaking manluluko dahil hindi mo deserve na basa-basta na lang paiyakin ng kung sino lang. Marami akong mga business partners na mga binata at ipapakilala kita sa isa sa kanila." sagot naman nito. Hindi ko naman maiwasan na mapaismid dahil sa sinabi niya.
Sino ba ang nagsabi sa kanya na may plano pa akong pumasok sa isang relasyon? Wala na akong planong magpaligaw noh! Pagkatapos kay Drake, wala na akong balak pang pumasok sa panibagong relasyon kasi nadala na ako. Nagka trauma na ako. Mas okay ang ganito. Single at pwede kong gawin lahat ng gusto ko.
Pagkatapos kumain, muli kaming nag ikot sa paligid. Ang mga pinamili kanina ni Drake sa akin ay dinala na sa kotse ni Uncle Rafael. Sila din naman ang maghahatid sa akin mamaya kaya ayos lang.
"Guys, CR lang ako ha? Babalik din kaagad ako." paalam ko sa lahat ng maramdaman ko na parang naiihi ako. Kaagad naman silang nagsipag tanguan kaya nagmamadali akong naglakad palabas ng shop para maghanap ng CR.
Pagkatapos kong gumamit ng banyo, kaagad akong naglakad pabalik ng shop at bago pa ako nakarating nagulat pa ako dahil may tumawag ng pangalan ko. Nang lingunin ko ito, kaagad na sumalubong sa akin ang isang familiar na mukha.
"Jeann! Jeann Villarama Santillan... sabi ko na nga ba eh. Ikaw yung nakasalubong ko kanina." kaagad na sambit nito habang bakas sa boses niya nag tuwa. Wala sa sariling napatitig ako dito at kaagad din na napangiti ng maalala ko ang lalaking may ari ng sasakyan na naatrasan ko sa parking area noong nakaraang lingo.
Wala itong suot na facemask at salamin kaya malaya kong napagmamasdan ang gwapo nitong mukha.
Yes...super gwapo pala talaga ng taong ito. Hindi ko masyadong naappreciate ang kapogian niya noong unang kita namin sa parking area dahil sa facemask at salamin na suot niya pero ngayun para itong isang adonis sa harap ko.
"Lucas...Lucas Martines right?" tanong ko. Lalong lumapad ang pagkakangiti sa labi nito dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya.
"Sa wakas! Naalala mo din ako... Masaya ako dahil nagkita ulit tayo Jeann!" nakangiti nitong wika kasaby ng paglitaw ng biloy nito sa magkabilaang pisngi na lalong nagpalakas sa nag uumapaw niyang sex appeal.
Kung hindi lang siguro ako inlove kay Drake, baka sa kanya na bibigay ang puso ko eh. Sa sobrang gwapo nito, napansin ko pa na sa amin na banda nakatingin ang halos lahat ng mga kababaihan na nasa paligid namin.
"Ano ang ginagawa mo sa mall na ito? Dont tell me, na may date ka ngayun?" nakangiting tanong nito kaya kaagad naman akong umling.
"Wala akong date. Kasama ko ang mga pinsan ko at nagsa-shopping kami." nakangiti kong sagot sa kanya.
Ewan ko ba. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Lucas. Ang sarap siguro nitong maging kaibigan. Para kasing ang bait ng mukha niya at palagi pang nakangiti. Isa pa, ang bango niya din.
"Talaga! Wow! Pwede ba akong sumama sa inyo. I mean, nakakalungkot kasi mag ikot kapag mag isa lang eh. Iba pa rin ang may kasama habang nagsa-shopping." sagot nito.
"Sure...dont worry! Ako ang bahala sa iyong magpakilala kay Uncle Rafael at sa mga best friend nya na kasama namin. Medyo marami kami ngayun at tiyak na mag-eenjoy ka!" nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad naman gumuhit ang excitement sa mukha nito na siyang lalo kong ikinatuwa.
Chapter 418
JEANN POV
Mabilis kong hinila si Lucas patungo sa shop kung saan abala ang mga kasamahan ko sa pagsa-shopoing. Halatang kilala nila Peanut at Charlotte si Lucas dahil napansin ko ang pagkagulat sa kanilang mukha ng makita nila ito.
"Lucas? Magkakilala kayo ni Jeann?" Kaagad na tanong ni Charlotte ng makabawi sa pagkagulat. Sabay naman kaming dalawa ni Lucas na tumango.
"Yes...nagkita kami last week sa parking area at small world dahil nagkita ulit kami ngayun." nakangiti namang sagot ni Lucas sabay lahad ng kamay kay Peanut. Seryoso ang mukhang tinangap ni Peanut ang pakikipagkamay at pagakapos, isa isang nilapita ni Lucas sila Uncle Rafael at Arthur para makipag-kamay na din. Binati niya din sila Veronica, Charlotte at Beatrice.
"Nice to meet you guys! Wow! Totoo pala talaga ang sinabi ni Jeann sa akin na marami kayong magkakasama ngayun.." nakangiti nitong sambit.
"Wow Jeann, kilala mo pala ang sikat na actor/model na si Lucas. Ang gwapo naman pala niya sa personal eh."
masayang sagot naman ni Beatrice. Kaagad naman itong hinapit sa baiwang ni Arthur na parang nagseselos. Hindi ko maiwasang muling mapangiti.
"Nice to meet you too Lucas Martinez.
" narinig ko namang wika ni Uncle Rafae. Kaswal ang pakikiharap nito kay Lucas kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag. Ibig sabihin lang nito ayos lang sa kanya na sasama sa amin si Lucas sa pagsa-shopping.
Naging maayos ang sumunod na
sandali sa aming lahat. Masasabi ko na nag-enjoy din ako kahit papaano. Ngayun ko lang na-realized na masaya pala talaga lumabas-labas kapag may sama ng loob kang nararamdaman. Feeling ko talaga mas makaka-moved on kaagad ako nito sa hiwalayan namin ni Drake eh. Lalo na at napapalibutan ako ng mga masasayang tao.
"Are you sure na sa kanya ka na magpapahatid?" tanong ni Uncle Rafael ng ideklara ni Veronica na uuwi na daw kami. Hinahanap na daw kasi sila ng kanilang mga anak sa mansion.
Willing si Lucas na ihatid ako na kaagad ko namang pinaunlakan. Iyun nga lang kailangan ko pa rin ng approval ni Uncle Rafael tungkol dito at sana lang pumayag siya. Gusto kong maging kaibigan si Lucas dahil mabait naman ito at masayang kasama. Kahit na sikat na artista/model ito, wala itong ka-kyeme-kyeme sa katawan.
Ang gaan din nitong pakisamahan.
Nauna ng umalis sila Charlotte at Peanut samantalang si Beatrice at Arthur naman ay bumalik na sa kanilang restaurant.
"Yes Uncle. Ayos naman si Lucas. Isa pa, maganda naman ang reputasyon niya sa publiko kaya hindi naman siguro ako mapapahamak kung siya na lang ang maghahatid sa akin." nakangiti kong sagot. Saglit na nag isip si Uncle bago ito tumango.
"Okay, basta imessage mo ako mamaya kapag nakauwi ka na.. Huwag ka masyadong magpabagabi dito sa labas." sagot nito. Nakangiti akong tumango bago ko binalingan si Veronica at nakipag-beso sa kanya. Sinabi din nito na mag ingat ako at i- enjoy ko lang daw ang oras na kasama ang bago kong kaibigan.
Pagkaalis nila Uncle at Veronica
instead na umuwi na din kaagad akong niyaya ni Lucas na mag ikot-ikot pa. Pumayag naman kaaagad ako dahil feeling ko bitin pa ako sa pamamasyal.
Mas lalo kong napatunayan na masarap pala talaga itong kasama. Palagi din itong nakaalalay sa akin lalo na kapag gumagamit kami ng escalator. Hindi ko na feel na bastos siya kaya lalong naging palagay ang loob ko. Ni hindi ko nga naramdaman na halos maghapon na pala ako dito sa mall eh.
"I think pagod ka na! Hanap muna tayo ng coffee shop para maipahinga ang mga paa mo." maya-maya
pagyaya sa akin ni Lucas. Muli ko itong pinaunlakan kaya kaagad kaming pumasok sa isang kilalang coffee shop at umorder ng kape.
"Sorry to ask this, pero kumusta pala ang isang Jeann Santillan?" maya maya ay tanong nito pagkaupo pa lang namin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Ito na din siguro ang chance na makilala niya ako ng lubusan ganon din siya sa akin. Total naman isang kaibigan na ang turing ko sa kanya. Liban kasi sa mga pinsan at kay Veronica wala na akong masasabi pang kaibigan.
"Ano pa nga ba ang pwede kong ikwento sa iyo. Na hiwalay ako sa asawa ko dahil nagluko siya?"
diretsahan kong sagot. Kita ko naman ang pagkagulat sa mga mata nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman
maiwasan na makaramdam ng pag- aalinlangan. Baka kasi bigla ako nitong iwasan kapag malaman niya ang status ng marriage ko.
"Kidding? Impossible! Hindi naman yata kapani-paniwala iyan Jeann. Bulag ba ang asawa mo? Sa ganda mong iyan, nagawa ka pa talaga niyang ipagpalit sa iba?" tanong nito. HIndi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga.
Hanggat maari ayaw ko talaga sana munang isingit ang tungkol kay Drake eh. Pero dahil gusto kong maging kaibigan si Lucas at mabait naman ito wala nang dahilan pa para maglihim sa kanya. Nasa kanya na lang iyun kung matatanggap niya ako bilang kaibigan niya. Basta ang importante sa akin ngayun, may mapagsasabihan ako ng sama ng loob.
Malaking tulong din iyun sa akin para gumaan ang aking pakiradamdam.
"Cheater nga diba? Pero may anak naman kami. Nasa akin siya at masaya na ako doon." sagot ko naman.
"Hayyy, may isang cheater na naman pala na hindi makontento sa asawa. pati tuloy kaming matitino, nadadamay eh." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman malaman kung tatawa ba ko or hindi sa sinabi niya. Siguro, gusto niyang ihighlight sa akin na hindi siya kagaya ni Drake.
"Ganoon talaga siguro ang buhay... kung successful ang buhay pag aasawa ng mga kamag anak ko, kabaliktaran naman ang sa akin. Hindi sa lahat ng oras mawerte pagdating sa pag ibig. Karamihan nagtatapos sa happy ending ang relasyon pero meron ding sawi..." natatawa kong sagot. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Lucas sa kamay ko. Masuyo akong tinitigan bago ito nagsalita.
"Dont worry! Malalagpasan mo din ang lahat ng iyan. Darating din ang time na makakalimutan mo din siya."
nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na muling mangiti habang wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko pa maiwasang magulat ng mapansin ko na parang may kumukuha sa amin ng larawan. Nakatutok kasi banda sa amin ni Lucas ang lente ng camera nito kaya sigurado ako na kami ang kinukunan nito ng larawan.
Sa pagkataranta ko, wala sa sariling nahila ko ang sarili kong kamay na hawak pa rin ni Lucas.
Chapter 419
DRAKE DAVIS POV
Hindi naman talaga ako umuwi. Nakasunod lang ko kina Jeann kanina pa hanggang sa nagsipag-uwian na ang mga kasamahan nito sa pangunguna ng kanyang Uncle na si Rafael Villarama.
Mula sa pagkikita nila ng lalaking kasama niya ngayun na kung hindi ako maaaring magkamali ay isang actor hanggang sa kusa silang nag paiwan sa lahat para magpatuloy sa pamamasyal, matiyaga kong binabantayan iyun. Kanina pa din ako pigil na pigil sa sarili ko na sugurin sila at ilayo si Jeann sa lalaking kasama niya.
Yes...ang hirap palang pagmasdan na ang babaeng pilit mong sinusuyo para muling bumalik sa iyo ay makita mong may kasama ng iba. Iyan ang nararanasan ko ngayun.
Mabuti pa ang lalaking ito. Naranasan siyang ngitian ni Jeann ng ubod tamis samantalang kapag ako ang kausap nito, palagi itong nakasimangot at ipinaparamdam sa akin ang galit niya.
Aminado naman sana ako sa pagkakamli ko at handa naman sana akong magbago pero malabo na talaga siguro siyang bumalik sa akin. Wala na nga yata ang pagmamahal na nararamdaman niya sa akin kundi puro galit na lang.
Tahimik pa rin akong nakasunod sa kanila hanggang sa pumasok sila sa loob ng coffee shop. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinagmamasdan ang masayang ngiti ni Jeann tuwing may binibigkas na kataga ang lalaking kasama niya. Parang gusto kong magwala dahil sa naramdamang selos.
"Hello Handsome! Pwede maki-share ng table?" Naputol lang ang pagtitig ko sa gawi nila Jeann ng marinig ko na may nagsalita sa gilid ko. Nakaukupa ako sa pandalawang mesa at mukhang may gustong maki-share. Nang titigan ko ang mukha ng babaeng nasa harap ko ngayun hindi maikakaila na maganda din ito. Gayunpaman alam ko sa sarili ko na mas maganda si Jeann... ang asawa ko.
"Get lost!" Malamig kong sagot dito habang pasimple kong inililibot ang tingin sa paligid. Marami pang bakanteng mesa dito sa loob ng coffee shop kaya bakit siya makiki-share. Wala na akong ganang makipag flirt kahit kanino kung iyan ang gusto niyang ipahiwatig kaya siya lumapit sa akin.
"Hmmmp sungit! Makiki-share lang naman eh." sagot nito at padabog akong tinalikuran. Hindi ko na lang pinansin at muli kong ibinalik ang tingin sa table nila Jeann at kasama nito.
Kaagad pa akong napatayo ng mapansin ko na nagmamdali na silang lumabas ng coffee shop. Para silang hinahabol ng kung sino dahil sa mabilis nilang paghakbang kaya kaagad ko silang sinundan hanggang sa makarating sila ng parking area.
Kahit papaano, kakampi ko pa rin ang pagkakataon dahil malapit lang din sa kotse ng lalaking kasama ni Jeann ang kinapaparadahan ng kotse ko. Mabilis akong nakalipat sa kanila at kaagad na hinawakan sa braso si Jeann na noon ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mga mata habang nakatitig na sa akin.
"What are you doing? Bakit nandito ka pa rin?" naiinis pang wika nito sabay piksi pero hindi ko hinayaan na makawala siya sa pagkakahawak sa akin. Tama na ang kanina ko pang pagtitimpi. Hindi ko na hahayaan pang pati sa kotse ng lalaking ito, sasakay si Jeann. Lalaki ako at wala akong tiwala sa kapwa ko lalaki lalo na kung tungkol kay Jeann ang pag uusapan.
"Sumama ka sa akin. Dont forget na ako ang asawa mo at hindi kita binibigyan ng pirmiso para makipag date kung kani-kanino lang." galit kong sagot.
"Pare..bitiwan mo ang kasama ko. Huwag kang bastos." sumabat na ang lalaking kasama ni Jeann na lalong nagpa-usbong galit na kanina ko pa tinitimpi dahil sa selos. Binitiwan ko si Jeann at galit itong hinarap.,
"Sino ka ba? Nililigawan mo ba ang asawa ko? Pwes hindi ako papayag dahil ako ang asawa niya!" galit kong singhal sa lalaking atribido. Wala siyang karapatan na kwestiyunin ako lalo na at kahit na ano pa ang sabihin ng iba diyan, asawa ko pa rin si Jeann at hindi magbabago iyun.
"Kaibigan ko siya at ayaw niyang makausap ka! Huwag kang bastos Mister Davis. Maaring ikinasal kayo ni Jeann pero hindi mo pa rin ba tanggap na hiwalay na kayo? Ayaw niya na sa iyo kaya palayain mo na siya." sagot naman nito. Kaagad na naningkit ang mga mata ko sa galit at akmang bigyan ito ng malakas na sapak ng mapansin ko na naglakad na palayo sa amin si Jeann. Masamang tinitigan ko ang kaharap ko ngayun at mabilis itong tinalikuran upang sundan si Jeann.
"Jeann, wait. Mag usap tayo. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng hindi tayo magkalinawan. Sino ang lalaking iyun? Bakit masaya ka habang magkasama kayo? Siya na ba ang gusto mong ipalit sa akin?" tanong ko sa kanya habang mabilis itong sinusundan. Wala na akong pakialam pa kung may makakarinig sa akin. Ang importante lang sa akin ay mailabas ang ilang mga katanungan na kanina pa gumugulo sa isipan ko.
Hindi lumingon si Jeann bagkos mas lalo pa nitong binilisan ang paglakad. Napansin ko pa ang pag-para nito sa parating na taxi at kaagad na sumakay pagkahinto noon. Hindi ko na naabutan pa dahil mabilis ng sumibat ang taxi palayo. Wala na akong nagawa pa kundi ang nasundan na lang ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko. Laglag ang balikat na muli akong naglakad pabalik ng kotse. Pigil ang sarili ko na sumigaw dahil sa matinding galit.
Chapter 420
DRAKE DAVIS POV
Sakay ng kotse kaagad akong nagdrive patungo sa bahay ng mga magulang ni Jeann. Gusto ko lang makasigurado kung nakauwi ba ng ligtas ang asawa ko. Nag taxi lang ito at sa dami ng luko
-lukong tao ngayun sa mundo mas mabuti na din na i-check ko muna kung safe ba siyang nakauwi ng bahay.
Saktong approaching ako sa harap ng bahay nila at sakto din ang pagbaba ni Jeann ng taxi. Kaagad akong nakahinga ng maluwag habang nakatanaw lang sa kanya. Hindi ako pwedeng lumapit lalo na at galit sa akin ang kanyang mga magulang. Tiyak na masasaktan lang ako kapag ipilit ko ang gusto ko.
Masyado pang sariwa ang mga nagyari at tanggap ko na galit sa akin ang lahat. Kahit nga ang best friend kong si Rafael alam kong hanggang langit ang galit niya sa akin. Sabagay, hindi ko siya masisisi. Pamangkin niya si Jeann at nangako ako sa kanya na mamahalin ito ng buong puso. Hindi ko natupad kaya expected na kamumuhian niya din ako.
Malungkot akong nakatanaw kay Jeann hanggang sa nakapasok ito sa loob ng gate. Gusto ko din sanang makita ang anak namin pero alam kong mas lalo itong magagalit kapag malaman nito ang presensya ko dito sa labas. Ayos na din....ang importante lang naman sa akin ay masiguro ko na ligtas syang nakauwi dito sa bahay.
Masaya na din ako kahit papaano. Nailayo ko siya kahit saglit lang sa Lucas Martinez na iyun. Masakit man isipin pero alam kong may gusto sa kanya ang lalaking iyun base na din sa mga titig niya kay Jeann kanina.
Aashan na talaga na lalo akong maging praning sa susunod na araw sa kakaisip kung wala na ba talaga akong halaga sa asawa ko. Kung bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Bakit ba nagawa ko siyang lukuhin?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagdrive pauwi ng bahay. Sa bahay kung saan ko siya itinira noon. Nitong mga
nakaraang araw doon ako naglalagi imbes sa bahay na binili ko para kay Jasmine
Yes..si Jasmine...akala ko siya talaga ang babaeng para sa akin. Kaya ako nagluko dahil akala ko mahal ko pa rin siya. Pero nagkamali ako. Sobrang mali ang ginawa kong panluluko kay Jeann. Walang kapatawaran iyun at habang buhay kung pagdudusahan.
Kung hindi ko lang sana nabuntis si Jasmine, baka hiniwalayan ko na din ito eh. Kaya lang magkakaanak na din ako sa kanya at hindi ako ganoon kasamang tao para pabayaan siya.
Marami ding mga masasayang alaala na nangyari sa aming dalawa at mahirap para sa akin na talikuran iyun.
Pagkadating ng bahay didiretso na sana ako sa kwarto namin ni Jeann para sana magmukmok. Kaya lang bigla akong hinarang ng isa sa mga kasambahay ko at sinabi nito na may naghihintay daw sa akin sa living area. Wala akong inaasahan na kung sinong bisita kaya kaagad akong naglakad papunta doon at nagulat pa ako dahil kaagad kong naabutan ang isang tao na hindi ko inaasahan na bibisitahin ako. Walang iba kundi ang aking ama na si Andy Davis na kahit matagal kong hindi nakita, kilalang kilala ko pa rin siya dahil sa kanya ako nanggaling.
"What do you want?" walang gana kong tanong sa kanya.. Mula sa pagkakaupo, kaagad itong tumayo at lumapit sa akin. Isang mahigpit na yakap ang kasunod kong naramdaman mula sa kanya.
"Drake...kumusta ka na anak? Sa tagal na panahon na hindi tayo nagkita, galit ka pa rin ba sa akin? Hindi mo pa rin ba napapatawad ang Daddy?" tanong nito. Kaagad akong kumawala sa pagkakayakap niya at parang hapong hapo na napaupo sa sofa.
"Simula ng naghiwalay kayo ni Mommy, tinanggap ko na sa sarili ko na mag isa na lang ako." malamig kong sagot sa kanya. Kaagad naman sumeryoso ang mukha nito at naupo sa katapat ng sofa habang bakas ang pait sa mga mata nito.
Kahit papaano, hindi ko din naman maiwasan na makaramdam ng konsensya. Ngayun ko lang na-realized na tumatanda na pala si Daddy. Maputi na ang kanyang buhok at kulubot ang balat. Mukhang malabo na din ang mga mata dahil sa mataas na grado ng
eyeglass na suot nito ngayun.
"I know! Malaki ang pagkukulang na nagawa ko sa iyo anak. Hindi kita masisisi kung bakit ganyan ngayun ang pakikiharap mo sa akin. Pero maniwala ka man or hindi..ilang beses akong nagtangkang lapitan ka pero ikaw mismo ang lumalayo sa akin....Iyung nangyari sa amin ng Mommy mo pareho naming ginusto at hindi namin naisip na ikaw pala ang mas magiging apektado...." naluluha nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik.
"Drake, anak ko. Matanda na ang Daddy mo. Hayaan mong makabawi ako sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa iyo."pagpapatuloy na wika nito. Blanko ang mga matang tinitigan ko ito habang hinihintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"Sa kabila ng hiwalayan namin ng Mommy mo, never akong nagpakasal sa ibang babae. Hindi din ako nagkaanak. Hindi man ako naging ulirang ama sa iyo, sana tanggapin mo kung ano man ang regalo na ibibigay ko sa iyo." muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka sa sinabi niya.
"Alam mo naman siguro na nasa real estate ako diba? Ang negosyong iyan ang dahilan kaya nawalan ako ng oras sa Mommy mo at dahilan ng
paghihiwalay namin. Masyado kong ibinuhos oras ko sa itinayo kong kumpanya noon at kasabay ng pag- angat ko sa mundo ng pagnenegosyo ay ang pagkasira ng pamilya natin...Drake.. matanda na ako. Ikaw lang ang nag iisa kong anak at gusto kong iiwan sa iyo lahat ng mga pinaghirapan ko!"
Madamdaming wika nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
Chapter 421
DRAKE DAVIS POV
"Ikaw lang nag nag iisa kong tagapagmana because you are my only child. Whether you agree or not, I will leave all my property and businesses under your name. Nasa sa iyo iyan kung palalaguin mo lalo or hahayaan mong bumagsak." muling wika nito. Para namang naumid ang dila ko dahil sa sinabi niya.
Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko kung naging perpekto din ba akong anak sa kanya or hindi. Kung tutuusin nga, mas matindi ang ginawa ko sa sarili kong asawa na si Jeann kumpara sa ginawa niya kay Mommy. Hindi niya niluko si Mommy kaya sila naghiwalay. Masyado lang talaga siyang naging obsess noon sa negosyo nya kaya nawalan siya ng time sa amin na siyang naging dahilan kung bakit naghanap ng iba si Mommy.....
Hindi niya kami niluko. Hindi nya din ako pinabayaan. Ibinigay niya sa akin lahat ng mga pangangailangan ko habang lumalaki ako. Nagkaroon ako ng mga negosyo dahil sa kanya pero sa kabila ng lahat ng mga effort na ginawa niya, nagawa ko pa rin siyang tikisin gayung kahit gaano siya kaabala sa pagpapayaman, naging mabuti din naman siyang ama sa akin. Hindi ko man siya nakakasama pero may mga tao naman siyang binayaran para alagaan ako.
Hindi siya naging masamang ama sa akin. Hindi din siya naging masamang asawa kay Mommy. Mas masahol pa nga ako eh. Mas masahol pa ang ginawa ko sa sarili kong pamilya lalo na kay Trexie. Sinaktan ko ang asawa ko kaya kami nagkahiwalay ngayun. Kaya ako nagdurusa.
"Da-Dad! Sorry!" Mahina kong sambit at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Wala ng dahilan pa para maglagay ako ng mataas na harang sa pagitan naming dalawa. Pagbabali-baliktarin ko man ang mundo, ama ko pa rin sya at kung tutuusin wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
Tama ito. Sa kabila ng hiwalayan nila ni Mommy never kung narinig na nagpakasal ito sa ibang babae. May narinig akong mga naging ka live in niya noon pero lahat iyun hindi nagtagal ang pagsasama nila.
Naghihiwalay din sila siguro dahil nga sa pagiging abala nito at ang lahat ng mga pinaghirapan at sakripisyong
ginawa niya noon gusto niya pa ring iiwan sa akin sa kabila ng pagiging walang kwenta kong anak sa kanya.
Napakasama ko naman pala talagang anak sa kanya. Lahat ginawa nito para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Lahat ng meron ako ngayun ay galing sa kanya. Kaya siguro nagkalitse-litse ang buhay ko ngayun dahil sa pagiging makasarili ko. Nakaya kong tikisin ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Nagawa kong talikuran ang sarili kong ama dahil sa pagiging makasarili ko.
"Dad! 1 am sorry!" umiiyak kong bigkas kasabay ng pagluhod sa harap niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang iilang butil ng luha na biglang tumulo sa mga mata nito.
"Son! God! its okay...its okay. Hindi mo kailangang lumuhod sa harap ko. Naiinitindihan kita anak!" wika nito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa balikat ko. Kaagad ko naman iyung hinawakan at hinalikan.
Para akong batang paslit na umiyak sa harap niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. Pinilit niya naman akong itayo kaya nagpatianod na lang din ako at mahigpit na yumakap sa kanya.
"Dad...patawad po! Naging swail akong anak sa inyo. Ni hindi ko man lang nainisp na lahat ng mga ginagawa niyo ay para din pala sa akin. Patawad Daddy!" Paulit-ulit kong hingi ng kapatawaran niya. Ilang tapik sa likuran ang naramdaman ko bago ito bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Its okay son! Inisip ko na lang na hindi ka pa nga siguro nagma- matured. Lahat ng mga ginagawa mo ay never akong nagalit sa iyo. Anak kita. Karugtong ka na ng puso ko. Mahal kita at malaking bagay na sa akin ang marinig kang tinatawag mo akong Daddy." nakangiti nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko sa sarili ko na hindi pala ako nag iisa. Na may nagmamahal pala sa akin. May ama ako na masasandalan ko sa lahat ng oras.
"Thank you Dad! Promise, babawi po ako sa inyo." sagot ko naman. Kaagad ko naman narinig ang masayang pagtawa nito.
"Bawing bawi ka na anak. Masaya na ako na kasama kita ngayun. Masaya na ako na hindi ka na galit sa akin. Walang ibang importante sa buhay ko maliban sa negosyo na pinaghirapan kong itayo kundi ikaw lang. Ikaw lang na nag iisa kong anak." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti kasabay ng pagpahid ng luha sa aking mga mata.
Ang sarap pala sa ganitong pakiramdam. Ang sarap pala kapag hindi mo hahayaan na magalit sa taong naging dahilan kaya nandito ako ngayun sa mundo. Sa kabila ng sama ng loob na nararanasan ko ngayun,
masasabi ko na maswerte pa rin ako dahil may isang ama pala ang handa akong damayan.
Chapter 422
DRAKE POV
"Dad, maraming bakanteng kwarto dito sa bahay. Medyo gabi na po, pwede kayong mag stay dito hanggat gusto niyo." pagkatapos ng masinsinang pag uusap kanina at pagpapatawaran kaagad akong nagpahanda ng dinner sa aking cook. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, muli kong nakasabay sa pagkain ang aking ama.
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Mas masarap pala talaga ang magpatawad at kalimutan ang samaan ng loob na nangyari sa aming nakaraan.
"Hindi pa rin ba kayo nagbabati ng asawa mo? Drake, huwag kayong gumaya sa amin ng Mommy mo. Hanggat kaya pa, ayusin mo ang pamilya mo." maya-maya ay muling wika ni Daddy. Natigilan naman ako at muling bumaha ang lugkot na nararamdaman ng puso ko ng maalala ko si Jeann at ang anak namin.
"Dad, kasalanan ko kung bakit niya ako iniwan. Niluko ko siya, sinaktan ko siya kaya naman hanggang langit ang galit niya ngayun sa akin." malungkot kong sagot. Natigilan naman si Daddy Andy at seryoso akong tinitigan.
"Apo ni Gabriel Villarama ang napangasawa mo diba?" tanong nito. Kaagad naman akong tumango at hindi maiwasang magtaka ng napansin ko ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito.
"Bakit po? Kilala niyo po ba personally si Mr. Gabriel Villarama?" nagtataka kong tanong. Kung tutuusin ngayun ko lang din napansin na halos kasing edad lang pala ni Daddy ang ama ng best friend kong si Rafael. Late nang nag asawa si Daddy kaya hindi na din ako nagtataka kung hindi na ako nasundan pa kahit na kabi-kabilaang babae ang pinatulan nito pagkatapos ng hiwalayan nila Mommy.
Gayunpaman kahit na halos kasing edad lang ni Daddy si Mr. Gabriel Villarama di hamak na mas batang tingnan si Mr. Gabriel Villarama sa kanya. Siguro dahil tumanda siyang may masaya at kumpletong pamilya unlike kay Daddy na tumandang mag isa at walang pamilyang nag aalala sa kanya.
"Yes, best friend ko siya noong kabataan namin. Apat kaming magkakaibigan...Si Jonathan, Gabriel, Kyzer at ako. Kaya lang nag umpisang mawala ang communication namin sa isat isa noong nag migrate ako sa US at noong bumalik naman ako naging abala na ako sa negosyo ko." nakangiti nitong sagot pero nang pagmasdan ko ang kanyang mga mata, nababakas ko ang labis na lungkot. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya.
Ngayun ko lang narealized na ayaw kong tumanda na kagaya niya na nag iisa. Kailangan talaga akong gumawa ng hakbang para mapatawad ni Jeann.
Sure naman na ako sa sarili ko na siya na ang babaeng mahal ko. Na siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.
"Hindi naman sila lumipat ng bahay Dad. Nasa mansion pa rin sila nakatira kaya pwede kang dumalaw doon." nakangiti kong sagot.
"Iyan din ang balak kong gawin. Huwag kang mag aalala anak, gagawa ako ng paraan para muling bumalik sa iyo ang mag ina mo. Basta ipangako mo lang sa akin huwag mo ng ulitin lahat ng pagkakamali na nagawa mo sa kanya. Ayusin mo ang tungkol sa babaeng na-involved sa iyo dahil ayaw kong magaya ka sa akin. Hangad ko para sa iyo ang magkaroon ka ng masaya at kumpletong pamilya." mahabang wika nito. Para namang may kung anong bagay ang biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"Promise Dad! Aayusin ko ang lahat at ipapakilala kita sa apo mo." sagot ko.
Pagkatapos kumain ng dinner kaagad kong inihatid si Daddy sa kwarto kung saan pwede siyang mag stay hanggat gusto niya. Ngayung napatawad ko na siya gagawin ko ang lahat para mabawi ang mga araw na hindi ko siya kasama. Nasa dapit hapon na siya ng kanyang buhay kaya ito na din ang chance ko para iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Kung gaano ko siya kamahal.
Naligo muna ako ako at nagsuot ng boxer short bago nahiga sa kama. Gusto ko munang ipahinga ang puso at isipan ko ngayung gabi para makapag isip ako ng maayos kung ano ba talagang hakbang ang pwede kong gawin para muling mapaamo si Jeann.
Paidlip na ako ng marinig ko ang biglang pag ring ng aking cellphone. Nagtataka akong iniabot ang cellphone ko sa night stand at tiningnan kung sino ang tumatawag at kaagad na nagsalubong ang aking kilay ng pangalan ni Jasmine ang nakarehistro sa screen. Naiinis akong bumangon.
"What!!!" paangil kong sagot. Hikbi ang isinagot nito sa akin kaya hindi ko maiwasang mapasabunot sa aking buhok.
"Jasmine, pagod ako. Pass muna sa mga drama mo pwede ba?" galit kong usig sa kanya. Lalo naman lumakas ang paghikbi nito na lalo kong ikinairita.
"Drake...nasaan ka? Kanina pa kita hinihintay." umiiyak na sagot nito.
Kaagad ko namang naikuyom ang aking kamao bago ito sinagot.
"Huwag mo na akong hintayin na umuwi. Matulog ka na!" walang buhay kong sagot sa kanya.
"Pero...hindi ako makatulog hanggat wala ka sa tabi ko. Look, masama ng pakiramdam ko at nakakaramdam na din ako ng kirot sa aking tiyan. Pwede bang umuwi ka muna dito? Please Drake, natatakot ako. Baka kung mapaano ang baby natin kung hindi ka umuwi ngayun." umiiyak na bigkas nito.
"Jasmine, stop it! Huwag mo ng idahilan pa sa akin ang pagbubuntis mo para masunod lang ang gusto mo. Uuwi ako diyan kung gusto ko at huwag mo akong pilitin." galit kong angil sa kanya kasabay ng pagdisconnect ko sa tawag. Ilang beses pang nag ring ang aking cellphone pero hindi ko na sinagot pa bagkos tuluyan ko ng inooff iyun at muling bumalik sa pagtulog.
Chapter 423
DRAKE POV
Muli akong nagising sa mahinang katok sa pintuan ng aking kwarto. Naiinis akong bumangon habang wala sa sariling sinulyapan ang orasan na nasa night stand. Halos alas sais pa lang ng umaga at first time sa buhay ko na may nang isturbo sa aking pagtulog simula noong naghiwalay kami ni Jeann.
"Who is that naiinis kong tanong habang hinagilap ng tingin ang aking tshirt at shorts para isuot bago pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
"Drake, please open the door." narinig kong sagot ng boses babae sa may pinatuan. Kaagad na napakunot ang noo ko at nagmamdaling naglakad patungong pintuan pagkatapos kong maisuot ang aking damit.
Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto kaagad na tumampad sa paningin ko ang mukha ni Jasmine. Malandi itong nakangiti sa harap ko.
"Drake, babe...bakit hindi ka umuwi kagabi sa bahay? Dont tell me na naaalala mo pa rin ang ex wife mo kaya dito ka umuwi?" kaagad na tanong nito at ak?mang idadantay nito ang kanyang palad sa dibdib ko kaya kaagad ko itong hawakan sa braso. Napansin ko pa ang pagkatigagal sa mukha nito at maang na napatitig sa akin.
"What are you doing here? Sino ang may sabi sa iyo na pwede kang pumunta dito?" galit kong tanong sa kanya habang halos pilipitin ko na ang braso nito dahil sa matinding galit.
Kung saan pinilit kong magpalapad ng papel kay Jeann para sana muli na siyang bumalik sa akin tsaka naman pumunta sa bahay na ito si Jasmine. Paano na lang kapag malaman ito ni Jeann? Baka lalo niya akong iwasan.
"Drake, ano ba! Nasasaktan ako!" halos mangiyak-iyak na wika nito sa akin. Halos pilipitin ko ang braso nito dahil sa matinding inis na nararamdaman ko.
"Umalis ka dito! Hindi mo ba naiintindihan kagabi ang sinabi ko na pupuntahan kita ng bahay kapag gusto ko?" halos pasigaw kong tanong sa kanya. Kita ko ang pagkatigagal sa mukha nito habang nakatitig sa akin. Ang ilang butil ng luha na napansin kong unti-unting pumapatak sa kanyang mga mata ay lalo pang nadagdagan. Lalo naman akong nakaramdam ng iritasyon.
"Drake naman! Dont do this to me! Bakit ka ba nagagalit sa akin? Nakalimutan mo na ba na buntis ako at hindi ako pwedeng mag-stress?
Napilitan lang naman akong pumunta dito dahil masyado kitang na-miss. Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko!" patuloy ito sa pag iyak habang sinasabi ang katagang iyun. Parang gusto ko naman iuntog ang sarili ko sa pader para matapos na itong konsumisyon na nararanasan ko ngayun.
Hindi ko na kaya ang ganitong buhay. Masyado nang nakaka-stress. Wala akong ibang gusto ngayun kundi ang bumalik sa akin si Jeann pero ano ba ang pwede kong gawin kay Jasmine? Nabuntis ko ito at hindi naman ako ganoon kasamang tao para basta na lang itong talikuran.
"Umalis ka na! Uuwi din ako ng bahay mamaya." walang gana kong sagot sa kanya. Kaagad naman itong umiling
"No! Hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama!" seryoso nitong sagot. Lalo namang nagpanting ang tainga ko at ang inis na naramdaman ko sa kanya ay napalitan na ng galit. Wala sa sariling hinablot ko ito sa braso at halos kaladkarin ko ito pababa ng hagdan. Kaagad namang napatili si Jasmine at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ko pero parang bingi na ako. Wala na akong pakialam pa kung nasasaktan man siya. Ang gusto ko lang ay makaalis siya sa bahay namin ni Jeann.
"Drake, ano ba bitawan mo ako! Nasasaktan ako! Hindi ako aalis sa bahay na ito hanggat hindi kita kasama!' "galit na sigaw ni Jasmine kasabay ng pagkagat niya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya kaya nabitawan ko siya.
"Shut up! Pwede ba? Tumigil ka na Jasmine! Hindi kita mahal para magdemand ng sobra sa pwede kong ibigay sa iyo!" galit kong sigaw sa kanya. Natigilan ito pero bakas ko na ang galit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
"Hindi mo ako mahal? Bakit? Dahil ba sa walang kwenta mong ex wife?
Narealized mo na ba na mas mahalaga siya kumpara sa akin?" galit na tanong nito sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Kaagad na lumapat ang isang palad ko sa pisngi niya na siyang dahilan ng pagkawala nito ng balanse at tuloy-tuloy itong dumaosdos pababa ng hagdan. Gulat naman ako sa nasaksihan.
"Jasmine...Fuck!" nag aalala kong sigaw at mabilis itong dinaluhan. Mabuti na lang at nasa ikatlong baitang na lang kami ng hagdan. Hindi ganoon kataas kaya alam kong hindi naman ito nasaktan ng sobra pero paano ang baby namin? Tama, buntis ito at baka may masamang mangyari sa anak ko.
"Ouchhh! Drake! Fuck you!" galit ng sigaw nito sa akin habang hawak niya ang kanyang paa. Mukhang napuruhan siya sa bahaging iyun. Hindi ko malaman kung saan siya hahawakan dahil sa matinding pag aalala ko sa sangol na nasa kanyang sinapupunan.
"Jasmine, sandali...dadalhin kita sa hospital. Relax ka lang at baka mapaano ang baby natin." nag aalala kong wika at akmang bubuhatin ko na ito ng marinig ko ang boses ni Daddy.
"Sandali! May personal Doctor ako. Tatawagan ko siya ngayun din para matingnan ang bisita mo. Huwag mong buhatin at baka mas lalong makasa?na sa kanya.." wika nito. Wala sa sarilng nabitawan ko si Jasmine. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong pakialam sa babaeng ito pero mas may pakialam ako sa baby namin.
"Dad, nagdadalang tao siya. Baka mapaano ang apo niyo." sagot ko.
Kaagad ko namang napansin ang pagkunot ng noo ni Daddy. Mataman nitong tinitigan si Jasmine bago umiling.
"Nagdadalang tao? Delikado nga sa kanya ang nangyari kanina. Ilang buwan na ba ang tiyan niya?" tanong nito.
"Sevenmonths! Seven months na po!' 'nag aalala kong sagot. Kaagad kong napansin ang pag upo ni Daddy at akmang hahawakan nito ang tiyan ni Jasmine pero kaagad itong pumiksi.
"What are you doing? Drake, sawayin mo nga ang matandang iyan!" galit na sigaw ni Jasmine.
Kung titingnan ng maigi, maliban sa dinadaing nito sa sakit ng paa, wala na akong napapansin na kakaiba sa kanya. Hindi man lang ito nagreklamo na masakit ang kanyang tiyan. Malakas ng pagkakabagsak niya kanina, pero bakit parang ayos lang naman siya?
Chapter 424
DRAKE POV
"Tatawagan ko ang personal Doctor para matingnan siya." narinig kong wika ni Daddy at nagmamadali itong umakyat ng second floor. Nagulat pa ako dahil mabilis akong hinawakan ni Jasmine sa kamay.
"Do--doctor? No...hindi pwede! Hi- hindi naman ako napuruhan eh. Iuwi mo na lang ako ---" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya ng bigla akong sumabat.
"No! Hindi pwede! Kailangan mo munang matingnan ng Doctor para malaman natin kung ayos lang ba ang sanggol na nasa sinapupunan mo. Hindi maganda ang pagkakabagsak mo kanina kaya natatakot ako na baka mapaano ang anak ko." seryoso kong sagot. Kaagad naman itong umiling at mahigpit akong hinawakan.
"Drake..Look! Hi-hindi pwede! Ayoko! " sagot nito. Ramdam ko ang tense sa boses niya kaya hindi ko maiwasang magtaka. Kailan pa siya takot sa Doctor?
"At bakit?Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit ayaw mong magpacheck up? Alam mo naman siguro na walang ibang mas mahalaga sa akin kundi ang batang nasa sinapupunan mo Jasmine. Nanatili ako sa tabi mo dahil diyan kaya huwag ka ng umangal. Hintayin mo ang Doctor bago kita iuwi sa bahay. "seryoso kong sagot. Mangiyak-iyak naman itong umiling.
"Hi-hindi! Ayaw ko...hindi ko kaya!" sagot nito at akmang tatayo pero muli itong napaupo dahil sa nasaktan niyang paa. Mukhang napilayan ito kaya naman hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.
Sa totoo lang...kanina pa ako
nagtataka dito. Wala naman siyang dapat ikatakot sa doctor kong totoosin. Titingnan lang naman ang kondisyon niya at ng bata na nasa kanyang tiyan kaya wala naman dapat siyang ikabahala. Hindi naman siya kakatayin ng Doctor.
Gayunpaman, hinayaan ko na lang. Kilalala ko sa pagiging madrama ang ugali nitong si Jasmine pero ang kagustuhan ko pa rin ang masusunod. Ang gusto ko lang masiguro ngayun ay ligtas ang anak ko. Wala ng iba dahil wala naman akong pakialam pa sa kanya.
"Parating na si Doctor Shen. Isa siyang magaling na Doctor at matagal ko na siyang kilala." maya-maya ay wika ni Daddy. Naglalakad na ito pababa ng hagdan habang may hawak na cellphone.
"Salamat Dad. Masakit daw po ang ankle niya kaya hindi siya makatayo. Pero sana ayos lang si baby." sagot ko. Kaagad namang tumango si Daddy habang hindi inaalis ang tingin nito kay Jasmine.
"Ilang buwan na nga ulit ang ipinagbubuntis niya? Seven months?" narinig kong tanong ni Daddy. Muli akong napasulyap kay Jasmine at kaagad kong napansin ang pagiging uneasy nito. Namumutla na din ito at parang gusto ng maiyak.
"Si-sinabi ko na naman kasi sa inyo na hindi ko kailangan ng Doctor! May sarili akong OB na tumitingin sa akin. Sure naman na ayos lang si Baby dahil nararadaman kong sumisipa siya ngayun!" naiinis na sagot ni Jasmine. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Sinabi niyang sumisipa daw si Baby. Kung ganoon gusto kong maramdaman iyun. Gusto kong iparamdam dito na kahit hindi ko mahal ang kanyang ina, mamahalin ko pa rin siya ng buong puso. Naalala ko pa nga noong ipinagbubuntis ni Jeann si Baby Russell, hilig kong haplusin ang tiyan nito at ibayong saya ang nararamdaman ko tuwing nararamdaman ko ang pagalaw ng baby sa kanyang sinapupunan.
"Gumagalaw si Baby? Talaga? Teka, pahawak nga!" bigkas ko at kaagad na idinantay ang isang palad ko sa tiyan ni Jasmine. Hinaplos haplos ko pa ang kanyang tiyan pero kaagad na napakunot ang noo ko ng wala naman akong naramdaman. Nang pisilin ko ang kanyang tiyan napansin kong medyo matigas iyun. Ibang iba sa tiyan ni Jeann noong nagdadalang tao sya.
"No---no---need! Huminto na siya sa pagalaw." wika nito na halata ang kaba sa kanyang mukha. Pansin ko din ang panginginig ng kanyang kamay ng humawak sa kamay ko at pilit na inaalis sa tiyan niya. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagdududa.
"May itinatago ka ba sa akin?" seryoso kong tanong kay Jasmine. Lalo itong namutla sabay iling. Sa sobrang inis ko kaagad kong itinaas ang maternity blouse niya at doon tumampad sa paningin ko ang lihim na halos pitong buwan niya ding itinago sa akin.
"Anong ibig sabihin nito Jasmine?" galit kong tanong kanya? Kaagad na nangatal sa takot ang kanyang labi kasabay ng pag iyak.
"Drake...let me explain....please! I love you! I love you very much kaya nagawa ko ito sa iyo!' umiiyak na sagot nito. Halos hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang natuklasan ko ngayun lang. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig ko sa tiyan niya at umaasa ako na sana panaginip lang ang lahat.
"Hi-hindi ka buntis? Niluluko mo lang ako?" galit kong sigaw sa kanya kasabay ng pagtulak dito. Kaagad itong nawalan ng balanse kasabay ng pagkatihaya nito sa sahig habang umiiyak. Nilapitan ko ito at pahaklit na tinangal ang parang belt na nakalagay sa kanyang tiyan para papaniwalain ang lahat ng buntis siya. Parang gusto kong magwala sa galit ng kaagad na tumampad sa aking paningin ang impis niyang tiyan.
"Niluko mo ako? Pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan?" galit kong sigaw sa kanya.
Simula noong iniwan ako ni Jeann, never na akong nakipagtalik kay Jasmine. Katunayan nga nakipaghiwalay na ako sa kanya pero idinaklara niyang buntis siya at hindi ako ganoon kasama para talikuran siya. Pagkatapos ito lang pala ang malalaman ko? Hindi naman pala talaga siya buntis at niluluko niya lang ako! Sobrang sakit lalo at marami na akong magiging plano sa anak namin.
"Drake! Sorry! Mahal kita! Ayaw kong mawala ka sa akin.." patuloy ang pag iyak na sagot naman nito. Kaagad ko itong nilapitan at mahigpit na hinawakan sa leeg.
"Papatayin kita! Ilang buwan mo akong niluko at pinaniwala sa mga kasinungalingan mo!" galit kong sigaw habang sinasakal ito. Pilit naman na inaalis ni Jasmine ang kamay ko dahil nahihirapan na siyang huminga pero bigo siya. Wala siyang panama sa lakas ko at sa sobrang galit ko ngayun mas gugustuhin ko pang paglamayan siya para mapagbayaran niya lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa akin.
"Drake, Iho Tama na iyan! Baka mapatay mo siya." nabitawan ko lang ang pagkakasakal sa leeg ni Jasmine ng hilain ako ni Daddy kasama ng isang lalaki palayo kay Jasmine. Para naman akong nahimasmasan at wala sa sariling napatiningin kay Jasmine na noon ay habol pa rin ang kanyang paghinga dahil sa matagal kong pagkakasakal sa kanya kanina.
Chapter 425
DRAKE POV
"Umalis ka na at huwag na huwag ka ng magpakita sa akin kahit kailan!" galit kong sigaw kay Jasmine habang nakaupo na ako dito sa sofa. Tapos na ding gamutin ng Doctor ang na-injured niyang paa pero kahit hirap pa rin itong tumayo wala na akong pakialam pa. Para sa akin, walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpapaikot sa akin sa halos pitong buwan naming pagsasama.
Ngayun ko lang narealized kung gaano ako katanga! Kaya pala mas gusto nitong si Jasmine na sa guest room matutulog kapag inuuwian ko siya dahil may itinatago pala ito sa akin. Isang fake na womb ang koleksiyon niya at inilalagay nya lang sa tiyan niya para paikutin ako.
Well, wala din naman talaga akong
balak ng makipag talik sa kanya simula noong akala ko namatay na si Jeann. Katakot-takot na sundot ng konsensya ang naranasan ko noon at kahit pakikipag sex sa ibang babae hindi ko nagawa. Nabawasan lang lang naramdaman kong sundot ng konsensya noong nalaman ko na buhay naman talaga si Jeann at nag umpisa akong muling mangarap na makasama siya.
"Drake, hindi na ba magbabago ang isip mo? Bumalik ako ng bansa dahil sa iyo. Nangako ka sa akin na aalagaan mo ako habang buhay!" umiiyak na muling wika ni Jasmine. Kaagad naman akong napiling.
"Iyan ang pangako ko sa iyo noon bago mo ako niluko. Dahil sa iyo nagkasira kami ni Jeann kaya hinding hindi kita mapapatawad. Umalis ka na sa harap ko at lisanin mo na din ang bahay kung saan ka nakatira ngayun."
sagot ko. Kita ko naman ang pagtutol sa mga mata niya sabay iling.
"NO! Kung---kung paaalisin mo ako doon saan ako titira? Drake alam mo naman na wala akong ni isang pamilya dito sa Pinas. Hwag mo naman sana itong gawin sa akin...Oo, inaamin ko na nagkasala ako pero sobra ka naman yata kung tuluyan mo akong talikuran sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko sa iyo." umiiyak na sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangisi.
"Mahal? Talaga bang mahal mo ako or baka naman gusto mo lang ako dahil alam mong mabubuhay ka ng sagana kapag nasa tabi mo ako?" seryoso kong tanong sa kanya. Nagulat naman ito. Hindi niya marahil inaasahan ang salitang lumabas sa bibig ko ngayun.
"Hindi mo ako mahal Jasmine. Talagang sanay ka lang na dumikit dikit sa mga mapeperang lalaki. Hindi lang naman ako ang lalaking sinabihan mo na mahal diba? Nakalimutan mo na? High School pa lang tayo dumikit ka na kay Rafael at noong nalaman mo na hindi siya interesado sa iyo, dumikit ka din kay Arthur. Naging kayo pero ipinagpalit mo siya sa isang
matandang mayaman na taga ibang bansa na siyang dahilan ng pag alis ng buong pamilya mo dito sa bansa. Tapos ngayun, sasabihin mo na mahal mo ako? Bakit? Balak mo ba talagang tikman lahat kaming magbe-best friend?" mahaba kong wika sa kanya. HIndi ito nakaimik.
"Tama na ang minsang naluko mo ako. Umalis ka na sa buhay ko bago pa kita mapatay. Maraming mas mayaman sa akin na kaya mong paikutin. Hwag ako dahi natuto na ako sa buhay." galit kong wika at kaagad na tumayo.
"Lumayas ka na sa buhay ko at huwag na huwag ka ng magpakita pa sa akin kahit kailan!" panghuli kong wika bago ko ito iniwan. Narinig ko pa ang pagmamakaawa nito ng makailang ulit sa akin pero hindi ko na pinansin pa. Masyadong nasaktan ang ego ko dahil sa panluluko niya sa akin. Tama ang mga kaibigan ko. Ang tanga-tanga ko. Ipinagpalit ko ang asawa ko sa maruming babae na walang ibang habol kundi ang magkaroon ng maalwan na buhay sa pamamagitan ng pakikipag-relasyon sa mga mayayaman.
Mabilis akong bumalik ng kwarto at nagmukmok. Ilang beses din kumatok si Daddy sa kwarto ko para kausapin ako pero hindi ko na pinansin pa. Feeling ko, ako na yata ang pinaka- miserableng tao sa mundo. Ito na nga siguro ang karma ko dahil sa panluluko ko kay Jeann.
Halos dalawang araw din akong
walang ibang ginawa kundi ang magmukmok. Hindi umaalis si Daddy sa tabi ko at pilit akong kinakausap pero wala itong nakuhang reaction sa akin. Masyado kong dinamdam ang lahat-lahat at feeling ko, useless ng lumaban sa buhay
"Drake, iho. Hindi pwedeng ganito. Halos hindi ka na kumakain at natutulog. Pinapatay mo na ang sarili mo niyan eh. Alalahanin mo, hindi pa katapusan ng mundo. May tsansa pa na muling bumalik sa iyo ang asawa mo!" narinig kong wika ni Daddy.
"Paano DAd? Galit siya sa akin. Halos isumpa niya ako." sagot ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kahit gaano pa katapang ng isang lalaki kapag usapang puso ang pag uusapan, talagang manghihina at iiyak na lang sa isang tabi kagaya ko.
"Nakalimutan mo na ba na kaibigan ko ang Lolo ng asawa mo na si Gabriel Villarama? Pwede ko siyang puntahan at personal na kausapin tungkol sa inyong dalawa ni Jeann." sagot nito.
"Paano? May ibang lalaki na ang aali- aligid sa asawa ko at posible siyang ma -inlove sa gagong iyun." malungkot kong sagot.
"Hahayaan mo lang ba ng mangyari iyun. Drake, iho ikaw pa rin ang asawa niya sa batas ng tao at ng Diyos.
Ikinasal kayo kaya huwag mong hayaan na ma inlove sa ibang lalaki ang asawa mo. Huwag mo akong gayahin Drake na hinayaan kong ma inlove ang Mommy mo sa ibang lalaki kaya tumanda akong mag isa." malungkot na sagot nito.
Para naman akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Talagang tagos sa puso ko ang pangaral niyang ito at para akong sinampal ng makailang ulit sa isiping ako ang nagkasala sa relasyon namin ni Jeann kaya dapat lang na akong ang mas gumawa ng effort para muli siyang bumalik sa akin.
Chapter 426
JEANN POV
"Good Morning Mom, Dad!" bati ko sa mga magulang ko ng maabutan ko sila dito sa dining area. Himala, late na at wala yatang balak pumasok ng opisina si Daddy samantalang hindi ko na mahagilap ang presensya ng nag iisa kong kapatid na si Kenneth.
"Good Morning! Mabuti naman at maaga kang bumaba. Hinihintay ka talaga ng Daddy mo." sagot naman ni Mommy Arabella sabay sulyap kay Daddy Kurt. Hindi ko naman maiwasan na magtaka lalo na ng mapansin ko kung gaano sila ka-seryoso ngayun lalo na si Daddy. May hawak itong news paper na inilapag niya sa isang tabi bago seryosong tumitig sa akin.
"Totoo bang boyfriend mo na ang Lucas Martiniez na iyun?" kaagad na tanong ni Daddy. Nagulat naman ako.
Hindi ko pa nga nai-kwento sa kanila ang tungkol kay Lucas tapos tatanungin nila ako ngayun kung nobyo ko ba siya? Why oh why? Sino ang nag-tsismis? Alangan namang si Charlotte or Veronica eh hindi naman tsismosa ang mga iyun.
"Dad! No! Paano ko naman maging boyfriend si Lucas Martinez gayung hindi naman nanliligaw sa akin iyung tao! Friend ko lang po siya at wala pa ngang isang buwan noong na-meet ko siya eh." sagot ko naman. Napasin ko pang nagkatinginan sila Mommy at Daddy bago kinuha ni Mommy ang news paper na binabasa ni Daddy kanina at inilapag sa harapan ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat lalo na ng mapansin ko ang isang familiar na kuha ng larawan sa news paper.
"A-ako ito ah?" hindi ko maiwasang sambit habang hindi inaalis ang tingin ko sa larawan na nasa news paper. Nasa coffee shop kami ni Lucas at hawak nito ang kamay ko. Kung ganoon, tama nga ang napansin ko noong nasa coffee shop kami.. May kumukuha ng larawan para gawan kami ng tsismis ni Lucas.
"Mom, Dad hindi po totoo iyang nakikita niyo. Hi-hindi po totoo ang nakasulat diyan sa news paper. Hindi po ako girl friend ni Lucas." nakangiwi kong sagot habang binabasa ko ang caption ng nakasulat sa larawan namin ni Lucas. May nakalagay na non showbiz girl friend daw ako ni Lucas at kuha daw ang larawan sa isang lugar kung saan makikita kung gaano kami ka-sweet sa isat isa. Sabagay, kahit sino ang makakita sa picture na ito iispin talaga na may relasyon kami dahil sa mga ngiting nakaguhit sa labi namin ni Lucas habang nakatitig sa isat isa.
Parang gusto ko tuloy sugurin kung sino man ang pangahas na taong kumuha ng larawan at talagang ipinablish niya pa sa news paper para lang may mapag usapan.
"Kalat na kalat ang balitang iyan hindi lang sa diyaryo kundi pati na sa telebisyon. Jeann anak, wala kaming pakialam kung ma inlove ka man ulit. Kaya lang, masayado pang maaga! Huwag mong kalimutan na kasal ka pa rin kay Drake at baka ikaw pa ang mabaliktad ng sitwasayon. Baka isipin ng mga nakakabasa nito na ikaw ang nagluko kaya kayo naghiwalay ni Drake. " mahabang wika ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapakamot ng ulo.
Mahirap palang makipag kaibigan sa isang artista. Lahat ginagawan ng issue ng mga paparazzi. Porket magkasama kami sa isang coffee shop girl friend kaagad? Hayssst!
"Ayusin mo ito Jeann. Hindi pwedeng kumalat ang tungkol dito dahil tiyak na madidismaya ang Grandpa mo. Ayaw na ayaw nilang masangkot sa iskatandalo ang kahit na sinong miyembro ng pamilya. Lalo na at babae ka pa man din at lalabas dito na lalakero ka dahil may asawa ka na! Hanggat hindi pa napapawalang bisa ang kasal niyo ni Drake, iwasan mo muna ang makipag date kahit kanino dahil hindi magandang tingnan." wika naman ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi lalo na ng marinig ko sa kanya ang salitang lalakero. Ang sagwa pakingan. Hindi kayang tanggapin ng pride ko. Nakakababa ng dignidad pakingan.
Tsaka bakit ako ang pagbibintangan ng mga taong walang nagawa sa buhay? Si Drake ang unang nagluko kaya kami naghiwalay. Porket nakipag usap ako sa iba pagbibintangan na nila kaagad ako ng hindi maganda?
"A-ano po ang gagawin ko Mom? Naguguluhan po ako. Ayaw ko pong ako ang magiging dahilan na makaladkad ang pangalan ng pamilya natin sa kontorbersya." sagot ko naman. Narinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga ni Daddy bago ito sumagot.
"Mahirap pigilan ang pagkalat ng mga ganitong tsismis dahil na din sa power ng social media. Kalat ng kalat na ito sa internet lalo na at sikat na actor ang nali-link sa iyo. Kahit pa siguro gamitin ko ang koneskyon ko, hindi kaagad mapapatay ang issue kaya simula ngayung araw paki-iuwasan mo muna ang Lucas na iyun." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na mapayuko.
Sa totoo lang, nagi-guilty ako sa mga nangyari. Tama si Mama, ang alam ng lahat may asawa akong tao tapos lalabas sa peryodiko na nakipag relasyon ako sa isang actor. Kasiraan ito hindi lang sa akin kundi pati na din sa buong angkan.
Hindi uso ang divorce sa pamilya namin. Hindi din uso ang pangangaliwa. Iniingatan namin ang dangal namin kaya nakakahiya talaga lalo na kapag malaman ito nila Grandpa. Ngayun pa lang parang ayaw ko na munang dumalaw ng mansion.
"Sige po. Iiwas na po ako sa kanya. Baka po sa susunod mas higit pa diyan ang magiging chismis eh." nahihiya kong sagot. Kaagad naman napatango si Mommy habang mataman akong tinitigan.
"Tumawag pala kanina si Grandma Carissa mo. Kailangan mo daw sumama sa amin sa mansion ngayung weekend. Kakausapin ka daw ni Grandpa." muling wika ni Mommy.
"Ba-bakit po? Alam na din po ba nila ang tungkol sa issue na ito?" tanong ko. Kaagad naman napabutong hininga si Mommy.
"I dont know. Malalaman mo ngayung weekend. Basta sa ngayun, iwsan mo munang maglabas-labas. Mahirap na... baka makuyog ka ng mga reporters." sagot ni Mommy. Malungkot naman akong napatango.
Chapter 427
JEANN POV
Kaagad kong sinunod ang payo nila Mommy at Daddy na huwag munang maglalabas-labas para makaiwas sa kung ano pang issue. Ilang beses din akong tinawagan ni Lucas pero lahat iyun ay hindi ko na sinagot. Parang gusto kong iwasan na muna siya para hindi na lalala pa ang kontrobersiya sa pagitan naming dalawa.
Tahimik ako habang tinatahak namin ang daan patungo ng mansion. Weekend at nakatakdang magkita-kita ang Villarama clan kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang iniisip ko kung ano ang idadahilan ko kina Grandma at Grandpa tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ko ngayun.
Mabait naman sila Grandma at Grandpa kaya lang nakakahiya pa rin.
Ako na riga itong pinakamalas pagdating sa pag aasawa nasangkot pa ako sa kontrobersya. Hayssst, kainis!
Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pag buntong hininga ko. Kaagad ko namang napansin ang paglingon ni Mommy sa akin. Tinaasan pa ako nito ng kilay habang kandong niya si Baby Sofia samantalang si Daddy naman ay katabi ng personal driver at hawak niya din ang anak kong si Baby Russell.
Mga ganitong eksena ayos na talaga sa akin eh. Kahit nasa bahay kami hindi humihiwalay kay Daddy ang anak ko kaya hindi ako hirap mag alaga. Para na ngang sila ang tumatayong mga magulang ng dalawang bata dahil sa maiksing panahon kaagad na din namapamahal kina Mommy ang ampon ng kapatid kong si Kenneth na si Baby Jillian. Bunsong anak na nga talaga ang turing nila dito. Siguro dahil
medyo matagal din na panahon na walang baby sa bahay namin kaya ganito sila kaalaga sa bagong miyembro ng aming pamilya.
"Anong problema?" Tanong ni Mommy sa akin. Muli akong napabuntong hininga.
"Palagay mo My, papagalitan kaya ako nila Grandpa? Natatakot po ako eh. " sagot ko naman. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Mommy bago ito sumagot
"Bakit ka natatakot? Wala ka namang ginawang masama diba? Hindi ka naman nakipag boyfriend sa Lucas na iyun?" tanong nito. Kaagad akong napasimangot sa isiping hindi pa rin pala ito naniniwala sa ilang beses kong pagsabi sa kanila na never nanligaw sa akin si Lucas at kahit na ligawan niya pa ako, wala akong balak na sagutin iyun.
Mas lalong gugulo ang buhay ko sa taong iyun. Si Drake nga na hindi masyadong exposed sa mga babae nagawa akong lokohin eh...kay Lucas pa kaya na artista at napapaligiran ng magaganda at mga sexy na mga babae.
Isa pa, hindi ko type si Lucas...masyado siyang makinis tingnan kumpara sa akin.
Mas gusto ko pa rin ang mga kagaya ni Drake na lalaking lalaki tingnan. Iyun bang kahit saan kayo mapadpad kaya kang ipagtangol.
Muli akong napabuntong hininga.
Paano ko nga pala makakalimutan ang Drake na iyun kung palagi ko siyang kinukumpara sa iba? Kahit na manloloko ang gagong iyun siya pa rin ang nagmamay ari ng puso ko eh. Kahit siguro humilira pa sa harap ko lahat ng mga gwpong lalaki sa buong mundo, hindi ko pa rin magugustuhan dahil si Drake lang ang mahal ko.
Kung hindi lang sana ito nagloko masaya pa sana kami eh. Dalawa na din sana ang anak namin. Hindi ko tuloy maiwasan na mainggit kay Charlotte at Veronica. Mabuti pa sila, perfect ang pamilya nila samantalang ako malapit ng maging deborsiyada.
"Jeann! Jeann!" napaksilot pa ako ng maramdaman ko ang pagkalabit ni Mommy sa akin. Tulala akong napatitig dito at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nagtataka nitong hitsura.
"Ano ba ang nangyari sa iyong bata ka? Bakit tulala ka diyan? Bumaba ka na dahil nandito na tayo sa mansion. Dont tell me na wala kang balak na bumaba ng kotse dahil hanggang ngayun iniisip mo pa rin na baka pagalitan ka nila Grandpa at Grandma? "nagtatakang tanong ni Mommy sa akin. Wala sa sarilng nailibot ko ang tingin sa paligid at nagulat pa ako dahil nandito na pala kami sa parking area ng mansion. Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami dahil siguro sa lalim ng iniisip ko.
"sorry po! Bababa na po!" sagot ko naman. Hindi na umimik pa si Mommy bagkos nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin. Pilit ko naman itong nginitian para ipakita s kanya na ayos lang ako.
Naglalakad na kami papunta sa main door na mansion ng kaagad kaming salubungin ng isa sa mga kasambahay. Sinabi nito na nasa Gazebo daw sila Grandma at Granpa kaya nagpasya kami ni Mommy na doon na muna dumiretso para bumati sa kanila.
"Good morning Dad, Mom!" narinig kong kaagad na bati ni Mommy kina Grandma at Grandpa pagkadating namin sa Gazebo kaya gumaya na din ako a lumapit pa nga kaming dalawa ni MOmmy sa kanila para humalik sa pisngi.
"Mabuti naman at dumating na kayo. May mga bisita pala kami. Kilala niyo naman na siguro ang mga magulang ni Carmela diba?" nakangiting wika ni Grandma. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi ko. Oo naman, kilala ko sila Lola Roxie at Lolo Jonathan. Nakiki - Lolo at Lola na din kami sa kanila lalo na at family friend sila ng Villarama at present sila sa lahat ng importanteng okasyon ng Villarama clan. Kaagad akong lumapit sa kanila at binati sila sabay halik sa kanilang pisngi.
"Ito na ba si Jeann? Aba lalo yatang gumanda ah?" narinig ko pang wika ni Lola Roxie. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabuti pa ito, palagi niyang sinasabi na maganda ako. Nadadagdagan tuloy ang self confidence ko.
"Kanino pa ba magmamana iyan kundi sa amin din! Lahat naman ng mga apo ko ay magaganda at gwapo. Hayy ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang at heto na, isa isa na silang bumubuo ng sariling pamilya. "narinig ko namang sagot ni Grandpa Gabriel. Lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa aking labi.
Kung tutuusin wala akong dugong Villarama pero hindi na talaga iba ang turing nila sa amin. Never kong naramdaman sa tanang buhay ko na sampid kami sa pamilya nila. Isa pa rin ito sa maraming bagay na dapat kong ipagpasalamat. Hindi man naging successful ang pag-aasawa ko hindi naman nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Nasa tabi ko sila sa mga panahong kailangang kailangan ko ng karamay noon.
Chapter 428
JEANN POV
Kaagad akong nakahinga ng maluwag ng hindi naman inungkat nila Grandpa ang tungkol sa issue na kinasangkutan ko. Siguro dahil sa presensya nila Lola Roxie at Lolo Jonathan.
"So, kumusta ka na? Ikaw ha, hindi ka pala umuwi kaagad noong nag- shopping tayo. Iyan tuloy nagka-issue ka na kaagad." nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Nandito kami sa garden kung saan nakaupo kami sa mahabang mesa na puno ng pagkain. Kanina pa kami nanginginain dito habang nagki-kwentuhan. Si Veronica naman ay nasa kwarto pa daw at inaasikaso ang mga anak samantalang ang iba pa naming mga pinsan ay nasa gilid ng pool at abala sa pag uusap.
Ganito palagi ang senaryo kapag family day. Kanya-kanya kaming umpukan. Nakahiwalay ang mga magulang at magpipinsan. Ibat iba ring mga pagkain ang nakalatag sa mesa at talagang sinisigurado nila Grandma Carissa at Grandpa Gabriel na naihahain ang lahat ng paboritong pagkain ng mga anak pati na din ng mga apo.
"Nagyaya pa kasi si Lucas. Iyan tuloy, nakuhaan kami ng larawan ng taong walang magawa sa buhay." hindi ko mapigilang himutok kay Charlotte. Kaagad ko namang narinig ang malakas nitong pagtawa.
"Ayaw mo pa ba noon? iisipin ng lahat ng nakakakilala sa iyo na naka moved on ka sa hiwalayan niyong dalawa ni Drake. Nagawa mo ng makipag date sa ibang lalaki." bakas ang panunudyo sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot. Sana ganoon lang kadali ang lahat. Pero hindi eh..ayaw ko din naman magbigay ng false information at isa pa sikat si Lucas, ayaw kong makaladkad ang pangalan ko sa kontrobersya.
"Hindi bale na lang. Hindi ko din naman type si Lucas eh. Para kasing ang lambot niya at ang kinis. Hindi siya lalaking lalaki tingnan. Hindi katulad ni Drake." wala sa sarili kong sagot. Lalong lumakas ang pagtawa ni Charlotte na siyang nakakuha ng attention ng iba pa naming mga pinsan. Kaagad ko itong sinenyasan na itikom niya ang kanyang bibig.
"Sorry...hindi ko lang maiwasan na matawa. Talaga naman! Sa kabila ng mga pinanggagawa ng Drake na iyun, nagawa mo pa talaga siyang isingit sa usapan natin? Love mo pa rin pala talaga siya. Sabagay, mahirap talagang maka-moved on lalo na at mahal mo iyung tao." Nakangiti nitong sagot. Hindi naman ako nakaimik.
"Pogi ang mga napili nating asawa. Hindi talaga nakakaligtas sa mga makakating babae. Naransan ko din kung ano man ang naranasan mo kung ano man ang naranasan mo ngayun, kaya lang strong ako at mabilis lang naming nalagpasan ni Peanut lahat ng iyun.." muling wika nito. Hindi ko namang maiwasan na mapatitig dito.
Nabalitaan ko kung ano ang nangyari sa kanila ni Peanut noon. Isa nga iyun sa ginamit kong motivation na kahit na anong pagsubok ay malalagpasan ko basta magiging matapang lang ako. At lalong walang pagsubok na hindi kayang lagpasan sa tulong ng mga mahal sa buhay.
Bilib din ako kay Charlotte. Kinaya niya ang lahat ang mga pagsubok na iyun at kita ko na ang matinding kaligayahan sa kanyang mga mata ngayun. Hindi kagaya ko na hanggang ngayun feeling ko kulang na ang buhay ko. Hindi ko na kayang ngumiti ng tagos sa puso. Kailan kaya ako maging masaya? Habang buhay na lang ba akong mag iisa?
Hayyy ang lungkot siguro noon. Lalo na kung lumaki na si Baby Russell at mag aasawa na din. Tiyak na mag isa akong mamuhay hanggang sa mamatay ako. iisipin ko pa lang ang ganitong bagay para na akong hindi makahinga. Naninikip ang puso ko dahil hindi ko siguro kayang mag isa hanggang sa tumanda ako.
"Bakit ayaw mong bigyan ng chance si Drake na magpaliwanag. Siguro naman may dahilan siya kung bakit siya nangbabe diba? Sa nakikita ko, para naman siyang nagsisisi na eh. Panay nga ang buntot sa iyo noong nasa mall tayo. Tsaka ikaw ang kinampihan niya noong nagkumprontahan kayo ni Jasmine." maya-maya ay wika ni Charlotte. Blanko ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
Hanggang ngayun, nagtatalo pa rin ang puso at isipan ko kung kaya ko bang patawarin si Drake. Kung kaya ko bang pakingan ang mga paliwanag niya. Haysst, ang hirap ng ganito. HIndi ko talaga alam ang gagawin ko.
*Masakit isipin na mas mahal niya ang Jasmine na iyun kumpara sa akin. Narinig ko mismo sa bibig niya ang katagang iyun noong nagsasama pa kami. Nakaka-trauma at natatakot akong baka muli kong marinig sa bibig niya kung sakaling bigyan ko man siya ng chance na mag usap kami. BAka mamaya ang anak lang namin ang habol niya at hindi ako. Mas nakakatakot iyun. Si Baby Russell na nga lang ang isa sa mga lakas ko para magpatuloy sa buhay eh.
Si Baby Russell ang lahat sa akin at hindi talaga ako papayag na malapitan siya ni Drake. Baka mahawaan ang anak ko sa ugali ni Drake na manluluko.
"Oh my God! Nakikita mo ba ang nakikita ko? Hindi bat si Drake iyan?
Ano ang ginagawa niya dito? Sino iyang kasama niya?" narinig kong sambit ni Charlotte na muling nagpapukaw ng aking attention. Wala sa sariling napatingin ako sa mga bisitang kakarating lang at kaagad na nagsalubong ang kilay ko ng mapansin si Drake.
Hindi ko maiwasan na maikuyom ang aking kamao. Ang kapal ng mukha ng Drake na ito na magpakita dito sa mansion. Akmang lalapitan ko sana ito para kumprontahin ng mapansin ko ang biglang pagsalubong ni Grandpa Gabriel at Lolo Jonathan sa kanila. Malapad ang pagkakangiti sa kanilang mga labi at mabilis na hinawakan ang matandang lalaki na kasama ni Drake.
"Pare! Andy...Ikaw na ba iyan? Aba at akala ko matagal ka ng hindi na nag- eexist dito sa mundo! Kumusta ka na?" narinig kong bigkas ni Grandpa. Bakas sa boses nito ang galak.
"Pareng Gabriel... Pareng Jonathan, abat parang hindi lang kayo tumanda ah? Iba na talaga kapag successful ang marriage. Hindi uso ang pagtanda!" sagot naman ng bagong dating. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Drake na noon ay nakatitig na din sa gawi ko. Bakas sa mga mata nito ang lungkot kaya kaagad ko itong inirapan sabay lihis ng tingin sa kanya.
Hindi ko kayang makikipag titigan kay Drake. Para akong nalulunod na ewan dahil sa lakas ng kabog na dibdib ko.
Chapter 429
JEANN POV
"Jeann, sino iyang lalaki na kasama ni Drake? Bakit parang closed sila ni Grandpa?"narinig kong tanong sa akin ni Charlotte. Kaagad naman akong umiling. Hindi ko alam dahil simula ng maging mag asawa kami ni Drake wala siyang ipinakilala sa amin na pamilya niya. Basta ang palagi niya lang nababangit noon na ulila na siya at mag isa na lang sa buhay.
"Hi-hindi ko alam eh." sagot ko. Napansin ko na sa kanila nakatingin ang halos lahat ng miyembro ng pamilya at lahat ay nagtataka. Maliban na lang kay Uncle Rafael na masama ang tingin kay Drake.
Sabagay, hindi ko ito masisisi. Ayaw na din talaga niya magkaroon ng kahit na kaunting ugnayan sa dati niyang best friend. Kakampi ko kaya ang Uncle
ko at alam kong masama talaga ang loob nito sa kaibigan dahil sa panluluko na ginawa sa akin. Kung baga nagkasaulian na sila ng kandila simula noong niluko ako ni Drake.
"Anak mo si Drake? Abat, kailan pa...I mean, bakit hindi namin alam?"
narinig kong tanong ni Grandpa na nagpagulat sa akin. May ama si Drake? Pero bakit inilihim niya iyun sa amin? Wala sa sariling napalapit tuloy ako kay Uncle para tanungin ito. Para kasi bigla akong kinain ng curiosity. Simula pa lang hindi na pala naging proud sa akin si Drake dahil never niya akong ipinakilala sa kanyang pamilya. Nagsinungaling siya sa akin ng sabihin niya na ulila na siyang lubos.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kaagad na pagyaya ni Grandpa Gabriel sa mga bagong bisita papasok sa loob ng mansion. Tulala ko naman silang nasundan ng tingin hanggang sa nawala sila sa paningin ko.
"Uncle, Tatay ni Drake iyung matanda?" kaagad na tanong ko kay Uncle habang nakatitig pa rin sa pintuan ng mansion. Feeling ko lalong nadagdagan ang sakit ng kalooban ko. Simula pa lang ng pagsasama namin, inilihim na sa akin ng manloloko na iyun ang tungkol sa pamilya niya.
"Hindi ko din alam na siya ang ama ni Drake. Ngayun ko lang din nakita ang ama niya. Ang alam ko hiwalay ang mga magulang niya at pareho daw walang time sa kanya hanggang sa lumaki siya at nakapatayo ng sariling negosyo." sagot naman ni Uncle Rafael. Hindi naman ako makapaniwala.
Grabe namang lihim iyun? Inabot ng dalawang dekada? Pero bakit? Dahil ba hiwalay ang mga magulang niya at dahil sa galit kaya pinili na lang ni Drake na mamuhay mag isa? Haysst, ang gulo!!!
And small coincidence. Kakilala pala ni Grandpa Rafael ang ama niya? Kitang kita ko naman kasi ang galak sa mga mata ni Grandpa Gabriel habang nakipag kumustahan sa bagong dating kanina.
Wala sa sariling naglakad ako pabalik kay Charlotte. Bumalik ako ng upo sa pwesto ko at tulalang napatitig sa mga pagkain na nasa harapan ko. Mukhang marami pa akong hindi alam sa tunay na pagkatao sa lalaking pinakasalan ko.
Lumipas ang ilang oras. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpasulyap-sulyap sa main door ng mansion. Hinihintay ko ang paglabas ni Drake at ang ama nito pero wala talaga. Saan na kaya nakarating ang pag uusap nila?
"Jeann, pinapatawag ka ng Grandpa mo." narinig kong wika ni Mommy Arabella. Kagagaling niya lang sa loob dahil sinilip niya si Baby Jillian at Baby Russell sa nursery room ng mansion kung gising na ba.
"Ba-bakit daw po? Nasa loob pa po si Drake diba?" hindi ko maiwasang tanong. Lalo akong nakaramdam ng kaba.
"I dont know. Binanggit lang sa akin ni Grandma mo. Nasa library daw sila ngayun kasama ang ama mo. Puntahan mo na lang." sagot ni Mommy. Wala sariling tumayo ako at sa mahinang hakbang kaagad akong naglakad patungo sa library.
Samut saring katanungan ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad. Ano ba ang kailangan nila at bakit kailangan pa ang presensiya ko. Haysst naman...nakakainis! Kaka recover ko pa nga lang sa stress tapos heto na naman. Kailan kaya matatapos itong mga pinagdadaanan ko? Kailan kaya ako magkaroon ng peace of mind.
Pagkatapat ko sa pintuan ng library kumatok lang ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang seradura. Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang seryosong mukha ni Grandpa at Grandma pati na din si Daddy na direktang nakatingin sa akin. Nang sumulyap ako sa kabilang bahagi, kaagad kong napasin ang presensya ni Drake at ang ama niya.
"Hello po Grandpa. Pinatawag niyo daw po ako?" kinakabahan kong tanong.
"Maupo ka muna Jeann. May importante lang akong itatanong sa iyo. " sagot naman ni Grandpa. Kaagad naman akong naglakad patungo sa tabi ni Daddy at naupo. Pigil ko ang sarili kong muling mapasulyap kay Drake.
"A ano po ang itatanong niyo Grandpa?" kinakabahan kong tanong. Sa tanang buhay ko ngayun ko lang ito nakitang ganito kaseryoso. Baka pagalitan na ako nito sa mismong harap ni Drake dahil sa kontrubersiyal na nangyari sa akin itong mga nakaraang araw.
"Ano nga ba ulit ang dahilan kung bakit mo nilayasan noon si Drake?" si Daddy na ang nagsalita. Kaagad naman akong napaangat ng tingin dahil sa pagkagulat. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Drake na noon ay titig na titig pa rin sa akin. Kaagad ko naman itong sinimangutan.
"Jeann, huwag kang mahiya. Since nandito na din ang ama ni Drake willing siyang pakinggan ang side mo para naman makastigo niya ang anak niya.. Sige na, sabihin mo na sa amin ang dahilan mo. Dont worry, ano man ang sasabihin mo ngayun, maiintindihan namin." mahinahon namang sabat ni Grandma Carissa.
"Eh ano po kasi...nangbabae po siya!"
sagot ko. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa paligid bago binasag ?yun ni Grandpa.
"May dahilan ang apo ko Pare kaya hiniwalayan niya ang anak mo. Kung ano man ang magiging desisyon niya, hindi namin paghihimasukan iyun lalo na at binibigyan namin sila ng kalayaan na magdesisyon ng mga bagay -bagay na makakapag-paligaya sa kanila" wika ni Grandpa. Kahit papaano, kaagad akong nakaramdam ng kapanatagan ng kalooban dahil sa sinabi ni Grandpa. Wala naman pala akong dapat na ikatakot dahil tungkol sa hiwalayan namin ni Drake ang pag uusapan namin ngayun.
"Pero, pinagsisisihan na ng anak ko ang mga nangyari. Katunayan nga hiniwalayan niya na ang babaeng iyun dahil niluko lang din siya." sagot ng ama ni Drake na kaagad na nagpakuha ng attention ko.
Chapter 430
JEANN POV
Naguguluhan akong napatitig sa ama ni Drake ng marinig ko ang sinabi niya ngayun lang. Paano niya nasabing niluluko ang anak niya ni Jasmine? May mga bagay ba na dapat kong malaman? Kung totoosin ang Jasmine na iyun ang isa sa mga dahilan kung bakit nararanasan ko ang ganitong kalbaryo sa buhay ko. Hindi pa ako nakakaganti sa babaeng iyun pero sana soon!
"Aware ako sa mga kasalanan na nagawa ng anak ko sa apo niyo Pare.. pero maniwala man kayo or hindi.... nakita ko sa anak ko ang matinding pagsisisi at nangako na siya sa akin na magbabago na siya. Lalo na ngayung tuluyan niya nang hiniwalayan ang babaeng iyun." muling wika ng ama ni Drake. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ako kay Drake at kaagad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya ng mapansin ko na nakatitig din pala sa akin ang nangungusap niyang mga mata.
"Hindi ganoon kadali sa amin ang patawarin ang anak nyo. Pasensya na po kayo pero kung ako lang ang masusunod hindi ko na hahayaan pa na muling bumalik sa anak mo si Jeann. Masyadong sinaktan ni Drake ang anak namin at ayaw na naming maulit pa iyun!" seryosong sagot naman ni Daddy Kurt.
"Nasa kay Jeann na kung pagbibigyan niya ang anak mo Pare. Hindi namin siya pwedeng pilitin kung ayaw niya na talaga. Isa pa, malaki ang kasalanan na nagawa ng anak mo. Hindi basta-basta mabubura iyun ng simpleng sorry lang. Kahit sino sa amin, galit diyan sa anak mo dahil sa ginawa niya." sagot naman ni Grandpa.
"Sorry po Grandpa, Daddy Kurt! Pangako po, babawi ako sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko. Basta po, bigyan niyo lang ako ng chance na makausap muna si Jeann ng masinsinan." sagot naman ni Drake. Kaagad ko itong pinukol ng masamang tingin. Mangangatwiran pa eh. Kahit mahal ko siya, hinding hindi niya ako madadala sa mga ganitong klaseng drama niya.
"Sorry po....pero buo na ang loob ko. Makikipag divorce na po ako kay Drake. " sagot ko naman. SAbay-sabay pa silang napatingin sa akin dahil siguro sa gulat. Hindi nila marahil inaasahan ang sasabihin ko.
Since nasabi ko na, paninidigan ko na lang talaga. Wala ng bawian at saksi silang lahat na nandito sa library kung ano ba talaga ang hatol ko sa nasirang relasyon namin ni Drake.
"Jeann, No! Hindi ako papayag sa
gusto mo! Walang divorce na mangyayari! May anak tayo at sana isipin mo ang kapakanan niya." sagot naman ni Drake. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay.
"Talaga lang Drake ha? Iniisip mo talaga ang anak natin? Bakit noong nagluko ka at ilang gabi mo din kaming hindi inuwian, naisip mo ba na may asawa at anak na naghihintay sa iyo? Nawala ang pangalawang anak natin dahil sa kagaguhan mo pagkatapos ngayun, tututol ka sa gusto kong mangyari? Ganiyan na ba talaga kakapal ang mukha mo?" galit kong sagot sa kanya.
Sa biglang pag usbong ng galit sa puso ko, saglit kong nakalimutan na nasa harapan ko pala sila Grandma at Grandpa. Mataas ang respito ko sa kanila at ayaw kong nakikita nila ako sa ganitong sitwasyon. Kaya lang, sinusubok talaga ako ng pagkakataon.
Inuubos talaga ng Drake na ito ang pasensya ko. Ano pa ba ang kailangan niya? Bakit ba ayaw niya pa akong patahimikin kung saan pinipilit ko na ang sarili ko na maka-moved on sa pagkabigo ko sa kanya.
"Sorry, aminado ako na naging masama akong asawa at ama sa anak natin. Aminado ako sa mga nagawa kong pagkukulang. Pero sana naman, sa pagkakataon na ito, bigyan mo ako ng chance na ipakita sa iyo na pinagsisisihan ko na ang lahat. Handa kong gawin ang lahat, basta mapatawad mo lang ako Jeann." sagot naman ni Drake. Bakas sa boses nito ang lungkot kaya kaagad akong napaismid.
"Kung talagang pinagsisisihan mo lahat ng mga pagkakamali mo, palayain mo na ako! Ayaw ko na Drake. Masyado ng masakit ang mga nangyari sa atin. Mas gugustuhin ko pang mabuhay mag isa kaysa makasama ka na alam kung hindi naman ako ang nagmamay ari ng puso mo." sagot ko naman kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Litse talaga! Ayaw ko na nga sanang umiyak eh pero heto na naman! Muli na namang nanariwa sa isipan ko ang mga bagay na gusto ko ng kalimutan. Hindi talaga magandang idea na palagi kong nakikita si Drake. Walang magandang maidulot sa akin ang presensya niya.
"No! Nagkakamali ka Jeann. Mahal kita! Mahal na mahal! Alam kong ako na siguro ang pinaka-tangang lalaki sa mundo dahil masyado akong nabulag sa presensya ni Jasmine, pero maniwala ka man sa akin or hindi...
pinagsisishan ko lahat iyun at handa kong gawin ang lahat, mapatawad mo lang ako." sagot naman ni Drake.
Ramdam ko sa boses niya ang
katapatan at ng titigan ko ito, kita ko na nag uumpisa na din mamula ang kanyang mga mata. Palatandaan na nagpipigil na ito sa pag iyak. Para namang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko.
Bakit parang gusto ko ng bumigay sa nakikitang paghihirap ngayun ni Drake? Kung talagang mahal niya talaga ko, bakit late niya ng nalaman? Bakit hinayaan niya akong saktan ng makailang ulit hanggang sa ako na mismo ang sumuko.
Chapter 431
JEANN POV
"No! Hi-hindi mo ako mahal! Hindi ko iyan naramdaman sa iyo Drake!" malungkot kong sagot. Kaagad namang napatayo si Drake at akmang lalapit sa akin ng kaagad itong hawakan ng kanyang ama sa kamay. Natigilan naman ito at nagtatanong ang mga matang tumitig sa ama. Umiling ang ama kaya walang choice si Drake kundi ang muling bumalik sa pagkakaupo.
"I am sorry! Sa harap ng mga mahal natin sa buhay na nandito sa harapan natin, ipinapangako ko na hindi na kita lolokohin. Na hindi na kita sasaktan at magiging tapat ako sa iyo habang buhay!" Madamdaming sagot ni Drake.
"Promises meant to be broken Drake.
Minsan na tayong nangako sa isat isa noong araw ng ating kasal na
magsasama tayo sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan pero binigo mo ako. Niluko mo ako at hinding hindi ko makakalimutan iyun. Nakatatak na sa puso at isipan ko ang lahat kaya saksi ang lahat ng naririto, hindi na ako babalik sa iyo. Hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na masaktang muli dahil maayos na ako ngayun. Na overcome ko na ang sakit ng kabiguan kaya sana, huwag mo ng ipilit pa kung ano ang gusto mo! Palayain mo na ako Drake tutal, ikaw naman ang nag umpisa nito eh." mahaba kong sagot.
"I am sorry Jeann, buo na din ang desisyon ko, kahit na patayin mo pa ako, hindi ako papayag na ipawalang bisa ang kasal natin." sagot naman ni Drake. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao. Kung wala lang sigurong ibang tao sa harap namin baka kanina ko pa ito sinugod at pinukpok ang ulo eh. Para sana magising siya sa katotohanan na hindi na madudugtungan pa kahit kailan ang pagsasama namin biglang isang tunay na mag asawa.
"Kung ayaw mo, bahala ka! Basta makikipag hiwalay na ako sa iyo para malaya mo ng maidisplay ang Jasmin mo kahit saan man kayo magpunta!" nanlilisik ang mga matang sagot ko sa kanya. Aba, ayaw kong magpatalo sa kanya noh...matira ang matibay dahil bukas na bukas din aasikasuhin ko na ang pagpa-file ng divorce namin. Ayaw niyang kumilos, pwes ako ang gagawa noon!
"Wala na si Jasmine, hiniwalayan ko na siya. Dapat noon pa nga eh, kaya lang, bigla niyang sinabi sa akin na nagdadalang tao siya kaya na delay." sagot nito. Kaagad naman napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Kanina, sinabi ng ama niya na niluko ang Drake na ito ng Jasmine na iyun, tapos sasabihin naman ni Drake ngayun na hiwalay na sila. Something fishy!
"Nagkunwaring buntis ang babaeng iyun para mahawakan niya sa leeg ang anak ko kaya bilang ama...ako na mismo ang personal na lumalapit sa inyo para makiusap na bigyan ninyo sana ng chance ang anak ko na makapagpaliwag. Pareng Gabriel, bilang ama ni Drake, hiyang hiya ako sa ginawa niya sa apo niyo. Kaya nga nandito ako ngayun sa harapan niyo at nakikiusap na sana isang chance lang... hayaan niyong makausap ng anak ko ang apo niyo." mahabang wika naman ng ama ni Drake.
Hindi ko naman maiwasan na magulat sa sinabi niya? Nagkunwaring buntis si Jasmine? Paano niya nagawa iyun?
"Nagkunwari siyang buntis? Paano?" wala sa sarili kong tanong.
Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas dahil sa mga narinig. Paanong napaikot ng Jasmine na iyun si Drake?
"Paanong? Imposibleng hindi niya man lang nahalata na fake ang pagbubuntis nya? Hindi mo ba sinasamahan ang babaeng iyun na magpacheck up? Never mo din nakita ang tiyan niya sa loob ng ilang buwan?
"sabat naman ni Grandma. Bakas sa boses nito ang matinding pagtataka.
"Hi-hindi ko po napapansin dahil sa loob ng mga buwan na iyun, never na akong tumabi kay Jasmine. Iniiwasan ko na din na magkaroon kami ng physical contact sa isat isa dahil bigla kong narealized na si Jeann po talaga ang mahal ko!" sagot naman ni Drake.
Kaagad naman napatingin sa akin si Grandma pero kaagad akong umiling. Kahit na ano pa ang sasabihin ni Drake ngayun, pursigido na talaga akong
makipag hiwalay sa kanya. Wala daw physical contact eh doon na nga siya halos umuuwi sa bahay kung saan niya itinira ang babaeng iyun eh. Hindi niya na ako maluluko. Hanggat hindi personal na makikita ng dalawa kong mga mata ang tiyan ni Jasmine, hindi ako maniniwala sa mga naririnig ko ngayun. Malay ko ba kung binibilog lang ni Drake ang ulo ko.
"Sorry po! Pero ayaw ko na! Hindi ko na kaya pang makipag balikan sa manluluko niyong anak. Patawad!" wika ko sa ama ni Drake sabay tayo. Hindi ko na matagalan pa ang pag uusap naming ito. Para na akong nasu- suffocate. Kapag magtagal pa ako dito baka mahimatay na ako sa labis na tention na nararamdaman.
"Grandpa, Grandma, Dad...mauna na po ako! Maraming salamat po dahil nainitindihan niyo ako!' sagot ko at kaagad na naglakad palabas ng library.
Ang luha na kanina ko pa pinipigilan na lumabas ay tuluyan ng nalaglag mula sa aking mga mata patungo sa aking pisngi. Impit akong napaiyak habang mabilis ang hakbang palayo sa library.
"Jeann, please, mag usap tayo. Iyung tayong dalawa lang....." natigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Drake. Nagawa niya pa talaga akong sundan. Talagang umiral na naman ang kanyang kakulitan na siyang nagustuhan ko sa kanya noon.
Lintik kasi eh...ang umpisa lang kami sa one night stand noon tapos ito ang balik sa akin. Hindi talaga maganda ang makipag mabutihan ka sa lalaki na walang basbas mula sa mga magulang. Basta na lang kasi akong nagpabuntis kay Drake noon kaya ito ang naging kabayaran ngayun. Nasasaktan ako ng todo dahil sa katigasan ng ulo ko.
Pasimple kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ko ito hinarap. Siguro ito na din ang time para magkalinawan kami. Ito na din siguro ang time para mapagbigyan siya na mag usap kami ng masinsinan. Iyung kaming dalawa lang at walang ibang nakakarinig.
"Ano pa ba ang gusto mong sabihin Drake? Hindi ka pa ba pagod sa larong ito? Kailan ka ba titigil?" galit kong sigaw sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang lungkot na nakalarawan sa kanyang mukha. Nagulat pa ako dahil halos inisang hakbang niya lang ang pagitan namin at ng makalapit sa akin, kaagad itong lumuhod sa harap ko. Para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.
Chapter 432
JEANN POV
'Never akong mapapagod! Hinding hindi ako susuko hanggang sa makamit ko ang kapatawaran mo." sagot nito sa akin. Lalo namang hindi ko napigilan ang aking pagluha.
Kung ganoon lang sana kadali ang magpatawad ginawa ko na sana. Pero paano? Masyado ng maraming nangyari at masyado na akong nasaktan. HIndi ko na talaga kaya pang magtiwala sa kanya.
"Kaya naman kitang patawarin kung gugustuhin ko Drake eh. Pero may kapalit iyun dahli wala ng libre ngayun sa mundo. Ayusin mo ang divorce natin at kakalimutan ko na kung ano man ang mga pasakit na naranasan ko sa iyo." sagot ko. Mula sa pagkakaluhod kaagad itong napatingala siya sa akin habang bakas na ang luha sa kanyang pisngi. Para namang tinutusok ng libo- libong karayom ang puso ko dahil sa nakikita ko sa kanya.
"Jeann, pwede bang iba na lang ang hilingin mo? Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo, huwag ka lang makipag hiwalay sa akin ng tuluyan. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya pang mawala ka sa akin." sagot nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi kaya pero nagawa mo akong lokohin? Ang sakit ng ginawa mo sa akin Drake! Hindi mo ako masisisi kung ito ang naging desisyon ko. Kasalanan mo ang lahat! Hindi ka nakontento sa akin noon." umiiyak kong sagot sa kanya. Hindi naman ito nakaimik pero bakas sa mga mata nito ang pait.
"Divorce lang ang susi kung gusto
mong magkaroon tayo ng katahimikan.
Hindi ko na kaya pa ang lahat Drake.
Kung masakit sa iyo ang mga nangyari, mas masakit sa akin iyun. Ako ang naluko! Ako ang nawalan ng anak. Kaya tama na please...tumigil ka na!" sagot
ko naman habang tuloy tuloy ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nag uumpisa na ding manikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko.
"Hindi mo na ba ako mahal Jeann? Bakit ba ang hirap mong pakiusapan? Hindi ka naman dating ganiyan! Hindi naman ganiyan katigas ang puso mo! " sagot nito.
"Lahat ng tao nagbabago kapag masyado ng nasakan. Lahat ng pag intindi binigay ko sa iyo Drake. Sa iyo lang umikot ang mundo ko noon kaya hayaan mo sana ako ngayun. Hindi ko na kaya pang bumalik sa iyo dahil sa tuwing nakikita kita, lalong nananariwa sa isipan ko lahat ng mga panluluko na ginawa mo sa akin."
umiiyak kong sagot.
"I know! Nagkamali ako! Isang chance lang ang hinihingi ko Jeann. Isa lang!!! Hiniwalayan ko na si Jasmine. Wala ng balakid sa pagsasama natin. Babawi ako Jeann. Pipilitin kong maging masaya ang pamilya natin. Hindi na ako titingin pa sa ibang mga babae. Please, isa pang pagkakataon...isa na lang at kapag magkasala ulit ako, pwede mo na akong talikuran habang buhay." sagot nito. Kitang kita ko ang sunod sunod na pagptak ng luha sa kanyang mga mata. Kaagad naman akong umiling.
"Sorry, hindi ko kaya. Hindi na kita gusto!" sagot ko at tuluyan na siyang tinalikuran. Mabilis ang hakbang ko paalis pero nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pagyapos nito mula sa likuran ko. Para namang biglang naninigas ang buo kong katawan dahil sa pagkagulat.
"Jeann, Love, hindi ko kaya! Mahal kita at ayaw kong mapunta ka sa ibang lalaki." wika nito habang ramdam ko ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakaimik.
"Kung kinakailangang gumawa ako ng dahas para muli kang bumalik sa akin, gagawin ko Jeann. Hindi ako papayag na tuluyan kang mawala sa akin.." muling bulong nito. Ramdam ko sa boses niya ang pagiging seryoso kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway. Para ko namang nalulon ang dila ko dahil hindi na ako nakasagot pa sa kanya.
"Alam kong hindi mo na ako mahal kaya ganoon na lang sa iyo kahirap na muli akong pagkatiwalaan. Pero hindi ako papayag na mapunta ka sa ibang lalaki. Mag asawa pa rin tayo sa batas ng tao at Diyos at ako lang dapat ang mahalin mo." muling bigkas nito. Napakislot pa ako ng maramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg.
"Isa ba iyang pagbabanta Drake? Ganiyan ka na ba kawalang hiya para sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyan?" sagot ko naman habang pilit na nagpupumiglas mula sa mga bisig niya. Kaagad naman ako nitong binitiwan kaya mabilis akong naglakad paalis. Para kasing bigla akong kinabahan sa sinabi ni Drake ngayun. May gusto siyang ipahiwatig na hindi ko maarok.
"Tandaan mo Jeann. Akin ka lang! Kung kinakailangan na papatay ako ng tao para muli kang bumalik sa akin gagawin ko!" muling bigkas nito pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Hindi mamatay tao si Drake kaya malabo ang sinasabi niya. Tinatakot niya lang ako!
Chapter 433
JEANN POV
"Ayos ka lang ba?" kaagad akong napaangat ng tingin ng marinig ko ang boses ni Veronica. Pagkatapos ng pag uusap naming dalawa ni Drake dito sa likod ng mansion ako dinala ng aking mga paa para makalanghap ng sariwang hangin.
Nakakaramdam na din kasi ako ng paninikip ng dibdib dahil sa matinding tension na nararamdaman ko kanina. Pakiramdam ko, nahihirapan na akong huminga kaya kaagad akong naghanap ng lugar kung saan pwede akong makalanghap ng sariwang hangin at itong likurang bahagi ng mansion ang napili kong lugar puntahan para makapag muni-muni na din.
"O-okay lang ako. Masyado lang akong na stress sa pag uusap naming dalawa ni Drake kanina." sagot ko.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago muling nagsalita si Veronica.
"Magiging maayos din ang lahat. Kasama sa buhay natin ang napakaraming pagsubok kaya huwag kang panghinaan ng loob Jeann. Nandito lang kaming mga mahal mo sa buhay na handang umalalay sa iyo at kung ano man ang magiging desisyon mo, ibibigay namin ang buo naming suporta sa iyo." nakangiting wika ni Veronica. Pigil ko naman ang sarili ko na muling maluha.
"Sa palagay mo ba magiging masama akong ina kay Baby Rusell kung sakaling tuluyan ko syang ilayo sa ama niya?" mahina kong tanong.
"I dont know! Masyado pang bata ang anak mo para maintindihan niya ang nangyayari sa inyong dalawa ni Drake. Ikaw ang Ina at nasa iyo ang lahat ng karapatan para magdesisyon kung ano
ang mas makakabuti sa anak mo. Pero Jeann, payong kaibigan lang, dapat maging handa ka rin sana kung sakaling dumating ang panahon na hahanapin ng anak mo ang ama niya." mahaba nitong sagot. Wala sa sariling napatitig ako kay Veronica.
Parang bigla kasi akong sinampal ng katotohanan. Tama ito, darating at darating ang time na maghahanap ng ama ang anak ko at ngayun pa lang dapat ko ng paghandaan iyun. Habang lumalaki si Baby Russell, magiging mas kumplikado ang lahat kung sakaling ngayun pa lang, iiwas ko na siya sa kanyang ama.
Hindi ko maiwasang mapapikit. Napakahirap ng sitwasyon ko ngayun. Gustuhin ko mang maging makasarili pagdating sa kustudiya ng anak namin ni Drake natatakot naman ako sa posibleng maging consequences nito sa hinaharap. Minsan lang maging bata at
kapag hindi ko hahayaan si Baby Russell na maka-bonding niya ang kanyang ama hanggang sa paglaki niya, baka ako pa ang lumabas na masama.
"Hindi ko na talaga alam kung ano
ang gagawin ko. Gulong gulo na ang isipan ko sa mga nangyari sa buhay ko.
Gusto ko lang namang makalimot pero bakit ayaw pa rin akong tantanan ni Drake? BAkti ayaw niya pa rin akong patahimikin?" sagot ko naman. Kaagad
ko namang naramdaman ang
paghawak ni Veronica sa kamay ko kaya napatitig ako sa kanya.
"Kailangan mong timbangin ang sarili mong nararamdaman Jeann. Hindi porket galit ka ngayun hindi mo na kayang patawarin pa ang taong nanakit sa iyo. Kung gusto mong magkaroon ng katahimikan ng kalooban, matuto ka din minsan magpatawad." sagot nito
"Ibig mo bang sabihin. patatawarin ko si Drake? Kahit na sinaktan niya ako noon? Kahit na siya ang dahilan kaya nakunan ako noon?" sagot ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Hindi kita pwedeng utusan sa kung ano ang pwede mong gawin. Pero sana, piliin mo ang landas kung saan ka maging masaya Jeann. Mahirap mabuhay kapag puro galit ang pinapairal sa puso. Kasama na sa buhay natin ang napakaraming pagsubok na dumating kaya dapat lang na maging handa tayo sa lahat ng oras." muling bigkas nito kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko. Tipid niya akong nginitian bago ito dahan-dahan na naglakad palayo sa akin. Nasundan ko na lang siya ng tingin.
Nang muli akong mapag isa, hindi ko mapigilang mapatitig sa kawalan. Samut saring mga bagay ang gumulo sa isipan ko kaya naman nagpasya na akong bumalik sa loob ng mansion. Sakto naman dahil papasok ako ng mansion siyang paglabas naman ni Drake kasama ang ama nito. Parehong malungkot ang kanilang mga awra kaya kaagad akong nag iwas ng tingin ng mapansin ko na pareho silang napatitig sa akin.
"Iha, hindi pa kita masyadong kilala pero alam kong mabait kang bata. Sana maging maayos na ang lahat para naman may pagkakataon na din akong masilayan ang apo ko." Malungkot na wika ng ama ni Drake. Napatigil naman ako sa paghakbang at hindi ko maiwasang mapatitig kay Drake na noon ay kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig din sa akin.
"Sorry po, alam kong nagiging madamot ako kapag si Baby Russell ang pag uusapan. Masakit man sa akin ang mga nangyari, pero kung gusto niyo po talagang makita ang apo niyo, pagbibigyan ko po kayo." sagot ko.
Tama si Veronica, para sa kapakanan ni Baby Russell handa akong mabigay ng daan kay Drake para maging ama nito. Papayag akong makasama niya ang anak namin dahil gusto kong bigyan ng masayang childhood memories ang bata. Minsan lang dumaan sa pagiging bata kaya ibibigay ko kung ano ang pinaka the best para sa anak ko.
"Talaga Jeann? Pumapayag ka na makita namin at makasama ang anak ko? God! Thank you very much! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayun." sabat naman ni Drake at nagmamadali pa itong naglakad palapit sa akin. Hinawakan ako nito sa kamay kasabay ng pagdampi ng labi niya sa kamay ko. Wala sa sariling nahila ko ang kamay ko dahil sa pagkataranta.
"Ikaw pa rin ang ama niya kaya may karapatan ka sa kanya. Pagod na akong magalit Drake! Masyado ng masakit sa dibdbi ang mga nangyari sa atin at gusto ko ng maka-moved on." malungkot kong sagot.
Chapter 434
DRAKE POV
Sa totoo lang, nawawalan na ako ng pag asa pa na makuha kung ano ang nais ng puso ko. Sa nakikita kong galit sa mga mata ni Jeann alam kong malabo talagang mapatawad ako nito. Pagsisisihan ko man lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa kanya, huli na. Naging bato na ang puso niya at hindi ko siya masisisi tungkol sa bagay na iyun.,
Wala namang nangyari sa pag uusap kaya kaagad na din kaming nagpaalam ni Daddy sa mga Villarama. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Grandpa Gabriel pero nag insist na din akong umalis na. Maaaring welcome ang ama ko sa bahay na ito pero kabligtaran iyun sa akin. Wala akong lugar sa mansion na ito dahil halos lahat ng mga taong nasa paligid ay galit sa akin. Kasama na doon ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Rafael.
"Pwede kayong magpa iwan dito Dad para makasama mo pa ang mga kaibigan mo! Susunduin ko na lang kayo mamaya." sagot ko at kaagad tumayo. Buong galang akong yumukod sa lahat bago ako nagmamadaling naglakad patungo sa pintuan ng library. Napahinto lang ako sa pagpihit ng seradura ng pintuan ng marinig na ang sinabi ni Daddy.
"Mauna na ako sa iyo Pareng Gabriel. Babalik na lang ako sa susunod na araw para makipag kumustahan sa inyong lahat." wika nito. Lalo naman akong nakaramdam ng lugkot lalo na ng marinig ko kung paano pigilan ni Grandpa Gabriel si DAddy na mag stay muna ng kahit ilang oras para makapag kumustahan sila. Pero nanindigan si Daddy na mas kailangan ko daw ng karamay.
Pagkatapos ng ilang beses na pagpaalamanan, sabay na kami ni Daddy lumabas ng library. Sobrng lungkot ng puso ko pero wala akong choice kundi tanggapin iyun at magpakatatag. Hindi pa katapusan ng mundo at alam kong dadating din ang oras na muli kong makasama si Jeann at ang anak namin.
Palabas na kami ng mansion ng sa hindi inaasahan nakasalubong naman namin ang babaeng inaasam ko na mayakap muli. Si Jeann namamaga ang kanyang mga mata at alam kong galing ito sa matinding pag iyak. Pigil ko naman ang sarili ko na yakapin ito dahil baka ma- mis interpret niya at lalo siyang magalit sa akin.
Akala ko nga ayaw na nitong makausap kami pero nagulat ako dahil sa ilang palitan ng salita nila ni Daddy, bigla itong pumayag na makita namin ang anak ko. Siguro nga lucky charm ko si Daddy ngayung araw dahil bigla nitong napa-lambot ang puso ni Jeann.
"Ikaw pa rin ang ama niya kaya may karapatan ka sa kanya. Pagod na akong magalit Drake! Masyado ng masakit sa dibdib ang mga nangyari sa atin at gusto ko ng maka-moved on."
maungkot na sagot nito bago nya kami sinabihan na sundan daw siya.
Maghintay lang daw kami sa harden at kukunin niya daw ang anak namin para makilala ni Daddy. Bago tumalikod si Jeann hinawakan ko pa ito sa kamay para makapag pasalamat.
"Jeann, thank you so much! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun." seryoso kong wika sa kanya. Naramdaman ko pa ang dahan-dahan na pagbawi niya sa kamay niya na hawak ko kaya kaagad ko na din itong binitawan.
"Pumapayag ako na makita mo ang anak natin hindi dahil gusto kong pagbigyan ka. Ginagawa ko ito dahil gusto kong mabigyan ng masayang childhood memories ang anak natin. Ayaw kong maging makasarili. Hindi man magiging maayos ang relasyon nating dalawa, gusto kong iparamdam sa anak natin na may kumpleto siyang mga magulang habang lumalaki siya." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Ano man ang maging katwiran niya ngayun, umaasa ako na sana ito na ang umpisa para magkabati ulit kami.
Gustong gusto ko na talaga silang makasama at maiparamdam sa kanya na sila na lang ang mas mahalaga sa akin at wala ng iba. SA lahat ng mga kasalanan na nagawa ko, gusto kong ipakita sa kanya na pinagsisisihan ko ang lahat -lahat.
"Dito lang kayo. Kukunin ko lang ang bata." wika nito at nagmamadali ng tumalikod. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Habang naghihintay kami ni Daddy, kaagad naman kaming nilapitan ni Rafael at ang byanan kong babae na si Mommy Arabella. Seryoso ang kanilang mga mukha pero hindi na ako nagpaapekto pa.
"Good morning po Mommy!" bati ko pa sa kanya. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Daddy kaya kaagad ko itong ipinakilala sa kanila.
"Ang ama ko nga pala. Si Daddy Andy... DAd, si Mommy Arabella po, Mommy ni Jeann at ang best friend ko naman na si Rafael. Bunsong anak po siya nila Grandpa at Grandma." pagpapakilala ko. Game naman na kaagad na naglahad ng kamay si Daddy sa kanila na kaagad naman nilang tinanggap. Masakit din kasi sa akin kung sakaling tangihan nila ang pakikipag kamay ni DAddy. Tao kaming pumunta dito at nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit na alam kong galit sila sa akin, maayos pa rin ang kanilang pakikiharap.
"Nice to meet you too. Ako ang ina ni Jeann at malungkot sa amin ang ginawa ng anak nyo kaya hindi mo naman siguro kami masisisi kung bakit galit kami kay Drake." prangkang wika Mommy Arabella kay Daddy. Kaagad naman akong napayuko.
Sa totoo lang, nahihiya talaga ako sa mga nangyari. Ngayun ko lang din narealized kung gaano ako kawalang kwentang tao. Kung maibabalik ko lang ang lahat, hinding hindi na talaga ako gagawa ng kaparehong kasalanan.
"Sorry Mom! Kasalanan ko po at alam kong hindi sapat ang salitang sorry sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko. Pero sana hayaan niyo po akong ipakita sa inyo ang pagsisisi ko." Nagpapakumbaba kong sagot.
"Binigo mo kaming lahat Drake. Hindi ka naging tapat sa anak ko. Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko na sanang makita pa kahit na ang anino mo. Sinaktan mo ang anak ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka." wika naman ni Mommy Arabella. Lalo naman akong napayuko dahil sa nararamdaman kong pagsisisi at hiya.
Chapter 435
DRAKE POV
"Saksi ako sa pagsisisi at paghihirap ng kalooban ng anak ko ngayun. Ang pagtanggap niyo sa amin dito sa mansion ay isang malaking bagay na sa amin. Ako na mismo ang humihingi ng kapatawaran sa inyo sa lahat ng mga nagawang pagkakasala ng anak ko." nagpapakumbaba namang sabat ni Daddy.
Mabuti na lang talaga at sinamahan niya ako dito sa mansion. Presensya niya ang dahilan kung bakit hindi ako masugod ni Rafael. Kung hindi ko siguro siya kasama ngayun, baka kanina pa ako nakahiga sa lupa. Baka kanina pa ako nabugbog ng besf friend ko.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang tiyaga ng anak mo. Kung ano man ang magiging desisyon ng anak namin, hindi namin iyun pakikialaman.
Patatawarin man ni Jeann si Drake or hindi, hindi namin iyun panghihimasukan." sagot naman ni Mommy Arabella. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Ibigi sabihin nito, kailangan kong magfucus kay Jeann para muli siyang bumalik sa akin.
Wala ng problema sa mga inlaws ko. Kailangan ko talagang gumagawa ng paraan para muling mahulog ang loob sa akin ni Jeann.
"Pwede ka bang makausap?" naputol lang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Rafael. Kanana pa pala ito tahimik kaya naman kaagad na akong tumango
"Sumunod ka sa akin. May sasabihin lang ako sa iyo." malamig na wika nito. Halata pa rin sa boses nito ang galit sa akin pero hindi ko na binigyang pansin pa. Masaya na ako sa isiping kaunting kaunti na lang, alam kong mapapatawad din ako ng mga magulang ng asawa ko. Si Jeann na lang talaga ang dapat kong pagtoonan ng pansin.
Nagpatiuna ng naglakad palayo si Rafael kaya kaagad ko itong sinundan. Pagkarating sa likurang bahagi ng mansion huminto ito sa paglalakad kaya kaagad akong tumayo sa tabi nito. Nagulat na lang ako dahil mabilis itong humarap sa akin kasabay ng pagtama ng kanyang kamao sa aking panga.
Malakas ang sapak na natamo ko kay RAfael na siyang dahilan na kaagad kong pagkatumba. Sandali pa nga akong nakaramdam ng paghilo dahil nakaramdam ako ng pag ikot ng buong paligid.
"Kulang pa iyan sa ginawa mo sa pamangkin ko! Kung hindi lang sa presensya ng ama mo kanina, baka kanina ka pa nanghiram ng mukha sa aso eh! Hindi sana kita hahayaan na makapasok ng mansion." galit na bigkas ni Rafael. Wala akong plano labanan ito kaya naman kaagad akong
humingi ng dispensa sa kanya.
""Sorry Bro! HIndi kita masisisi kung hanggang langit ang galit mo sa akin ngayun dahil sa mga katangahan kong nagawa. Pero maniwala ka man sa akin or hindi, labis ko na akong nagsisisi sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko." sagot ko naman.
"Nagsisisi? Sa palagay mo ba ganoon lang kadali para paniwalaan ka? Halos mamatay si Jeann dahil sa mga panluluko mo sa kanya! Pinagkatiwalaan kita! Itinuring na kitang parang kapatid pero bakit mo nagawa ang lahat ng iyun?" galit na sagot ni Rafael. Ramdam ko sa boses nito ang galit kaya kaagad akong napatitig sa kanya.
"Pwede mo akong saktan ngayun. Pwede mo din akong patayin kung iyan ang paraan para gumaan ang pakiramdam mo. Hindi ako lalaban Bro. Patawarin niyo ako! Nagkamali ako!" sagot ko naman kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Katulad sa pagka-miss ko kay Jeann, sobrang na miss ko na din ang mga kaibigan ko. Hindi katulad ng dati ang trato nila sa akin hindi lang ni Rafael kundi na pati din nila Peanut at Arthur at dahil doon, masyadong masakit sa akin ang lahat-lahat. Parang magkapatid na ang turingan namin at magkasama kami noon sa kasiyahan at mga kalokohan.
"Kung talagang nagsisisi ka sa lahat ng mga pakakamali mo, ipakita mo sa amin iyun. Hindi lang sa salita Drake." sagot naman ni Rafael. Hindi ako nakaimik kaya muli itong nagsalita.
"Ibalik mo ang dating Jeann! Mahalin mo siya ng buong puso at huwag mo na siyang paiyakin." sagot nito. Para namang may kung anong bagay ang biglang humaplos sa puso ko. Para akong batang hindi mapigil-pigil ang
pagluha. Never akong umiyak dati pero ngayun, bakit parang napaka- emotional ko. Dahil ba ramdam ko na sarili ko na hindi naman pala ako kayang tiisin ng best friend ko sa kabila ng mga pagkakamali na nagawa ko?
"Bro...promise! Siya lang at hindi na ako titingin sa ibang babae. Babawi ako sa kanya..mahal ko siya..Mahal na mahal ko si Jeann!" sagot ko naman sa kabila ng patuloy na pagluha. Kung may iba lang sigurong makakita sa amin ngayun, baka kanina pa tumaas ang kilay. Nakasalampak kasi ako dito sa sahig at parang batang inagawan ng laruan na lumuluha.
"Okay....asahan ko iyan. Pero once na muli mo kaming biguin Drake, ako na mismo ang gagawa ng paraan para tuluyan ka ng layuan ni Jeann."sagot ni Rafael kasabay ng paglahad ng kanyang kamay sa akin. Kaagad ko iyung tinangap kaya mabilis niya akong inalalayan na makatayo. Tinapik pa ako nito sa balikat bago niya ako iniwanan dito sa likod ng mansion.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagmamdaling bumalik kung saan ko iniwanan si Daddy. Bago pa ako nakalapit sa kanila, kaagad na gumuhit ang galak sa puso ko ng mapansin ko na yakap-yakap na ni Daddy ang anak namin ni Jeann.
Chapter 436
JEANN POV
Medyo natagalan ako na makabalik ng harden dahil nanghingi pa ako ng approval kina Grandma at Grandpa kung pwede ko bang ipakita si Baby Russell kay Drake at sa ama nito. Sinabi ng mga ito na nasa akin ang lahat ng desisyon at kung ano man ang magiging pasya ko nasa likuran ko lang daw sila para suportahan ako na labis kong ipinagpasalamat.
Kinausap ko din si Daddy Kurt tungkol sa desisyon ko pero sinabi nitong kay Mommy daw ako magpaalam dahil wala naman daw problema sa kanya. Mas gustuhin daw niya na makilala ni Baby Russell ang kanyang ama habang lumalaki siya para naman maramdaman ng bata na may kumpleto siyang pamilya. Hinanap ko si Mommy Arabella pero hindi ko na ito nakita kaya nagpasya na akong bumalik ng garden dahil baka naiinip na sila Drake sa paghihintay sa akin.
Karga ko si Baby Russell habang naglalakad ako pabalik sa hardin. Wala naman akong pagtutol na naramdaman sa kalooban ko sa desisyon kong ipakita sa kanila ang bata. Mas mabuti na din siguro ito dahil alam karapatan pa din naman ng anak ko na makilala at makasama niya ang kanyang ama.
Pagkadating ko sa hardin kung saan pansamantala kong iniwan sila Drake at ang ama nito hindi ko na naabutan pa si Drake. Bagkos naabutan ko si Mommy Arabella na seryosong kausap niya ang ama ni Drake. Kaya pala hindi ko siya mahanap-hanap dahil nandito pala siya sa garden. Nag aalala pa nga ako noong una na baka tinarayan niya ang ama ni Drake pero nang marinig ko na nagkatawanan pa silang dalawa kaagad naman akong nakahinga ng maluwag.
"Oh, nandito na pala si Jeann." narinig ko pang sambit ni Mommy kaya kaagad na napalingon sa gawi namin ang ama ni Drake. Actually, byanan ko pala siya dahil kasal pa rin naman ako sa anak nila pero awkward naman sa panig ko na tawagin itong Daddy gayung hindi na maayos ang relasyon ko sa anak niya.
"Siya na ba ang apo ko? Ang cute na bata!" narinig kong bigkas nito at nagmamadaling naglakad palapit sa amin. Napansin ko pa ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata habang mahigpit na niyakap si Baby Russell. Takang taka naman ang anak ko na napatingin sa akin kaya kaagad kong hinaplos ito sa likuran niya habang yakap pa na siya ng kanyang Lolo.
"Its okay Baby! Siya ang Lolo mo. Give him a hug. He loves you!" mahina ko pang bigkas para naman hindi mabigla ang anak ko sa kung sino ang bagong mukha na nasa harap niya.
"Ang pogi ng apo ko! Ang cute niya! Mana sa Lolo!' narinig ko pang bigkas ng Daddy ni Drake. Hindi ko tuloy mapigilan na mapatingin kay Mommy at kita ko ang pag ismid nito. Hindi ko naman maiwasan na mag alala na baka magalit ito sa akin dahil hindi ako nakapag paalam sa kanya tungkol sa desisyon ko.
"Mom!" sambit ko pa kaya napatingin din ito sa akin. Sininyasan pa ako nito na sumunod daw ako sa kanya kaya napatiitig pa ako sa anak ko na yakap pa rin ng kanyang Lolo at ng masiguro ko na palagay na ang loob ni Baby Russell sa Lolo nya kaagad na akong sumunod kay Mommy.
"Mom! sorry! Galit po ba kayo sa akin dahil pinayagan ko sila na makita si BAby?" kaagad kong bigkas ng huminto ito sa paglalakad. Kilala ko si Mommy, kaunting pagkakamali nagagalit ito kaagad! Lalo tuloy akong
kinabahan ng hindi ito umimik.
"Sorry po. BAgo ko ibinaba si Baby Russell, nagpaalam ako kina Grandma at Grandpa. Pati na din kay Daddy. Pumayag sila. Hinanap kita kanina para sana magpaalam din sa iyo pero hindi kita nakita." Muling wika ko. Kaagad itong humarap sa akin at saglit pa akong kinabahan dahil nakataas na ang dalawa nitong kilay. Mukhang hindi talaga ito masaya sa naging desisyon ko.
"Narinig mo ba ang sinabi kanina ng ama ni Drake? Kamukha niya daw ang apo ko! Kanino sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang katagang iyun sa mismong harapan ko!" wika nito na kaagad ko naman ikinagulat. Parang gets ko na ang ibig nitong sabihin. Huwag niyang sabihin na nagseselos siya sa Tatay ni Drake? Sabagay, unang apo nila si Baby Russell at nakita ko talaga kung gaano nila kamahal ang anak ko.
"Mom naman! Maliit na bagay! Baka naman sa sobrang tuwa niya kaya nabanggit niya ang katagang iyun. Wala naman akong nakitang mali sa sinabi niya." sagot ko naman. Kaagad naman itong umiling.
"Anong maliit na bagay? Jeann, tayo ang kamukha ng anak mo kaya pagsabihan mo iyang byanan mo ha?" wika nito kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Itong mga katwiran ni Mommy minsan wala sa lugar eh. Nagseselos sa isang bagay na hindi naman dapat. Kung hindi ko lang kilala ang ugali nito, baka iisipin kong pinagtitripan ako nito eh.
"Mom, kahit sino pa ang kamukha ni Baby Russell hindi pa rin mababago ang katotohanan na apo niyo siya! Walang dapat ipagselos dahil kung unang apo niyo si Baby Russell, ganoon
din ang Daddy ni Drake." sagot ko.
Hayyy si Mommy talaga! M*****a na may pagka childish pa! Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ni Daddy. Napagtatiyagaan niya ang ugali nito.
"Ayy ewan! Basta hindi ako papayag ha? Tsaka diba hiwalay kayo ni Drake? Kapag hiramin nila si Baby Russell dapat kasama kami sa pag uusap." sagot nito. Tumango na lang ako para matapos na ang usapan.
"Oh sige na...asikasuhin mo muna sila at babalik na ako sa umpukan namin. Yayain mo silang kumain ha?" wika pa nito at tuluyan na akong iniwan.
Yayain daw kumain? Eh paano kung magkagulo? Hindi pa naman pabor si Uncle Rafael sa presensya ni Drake. Baka magkasakitan lang kung papakainin ko pa sila. Pagkatapos nilang makumusta si Baby Russell, paalisin ko na sila noh? Kahit apo ako ng mga Villarama, bisita din naman ako dito sa mansion kaya wala akong karapatan na mag imbita ng kapwa ko bisita.
Pabalik na ako sa kinaroroonan ng ama ni Drake at Baby Russell ng mapansin ko na nakabalik na si Drake at karga niya na ang anak namin. Nag aatubili pa ako na lumapit pero hindi naman pwedeng hindi ko sila lapitan dahil nasa kanila ang anak ko. Nagulat pa ako ng pagkalapit ko kaagad kong napansin ang pasa ni Drake sa kanyang panga.
Chapter 437
JEANN POV
Napansin kong fresh pa ang pasa ni Drake sa kanyang pisngi at wala iyun kanina noong iniwan ko sila dito sa garden para kunin si Baby Russell sa nursery room.
"Ano ang nangyari diyan?" hindi ko pa maiwasang tanong sa kanya. Tipid itong ngumiti habang titig na titig sa akin kanya kaagad akong nailang at iniiwas ang tingin sa kanya. Mahirap pa rin pala makipagtitigan sa taong nagmamay ari ng puso mo. Isa pa, wala akong nakuhang sagot sa tanong ko sa kanya kaya muli akong nagsalita para naman hindi ako mapahiya.
"Akin na si Baby Russell! Kumain daw muna? kayo!" wika ko habang hindi ko pa rin maiwasan na mapatitig sa pasa nito sa kanyang pisngi. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Sino kaya ang sumapak sa kanya? Kaya ba wala siya kanina dito dahil napaaway siya?
Haysst, bakit ba hindi niya sinagot ang tanong ko kanina?
Kahit papaano, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng awa kay Drake. Malaki ang kasalanan niya sa akin pero hindi din naman tama na saktan ito physically.
"Masaya na ako dahil pinayagan mo kaming makita ang anak ko Jeann. Pasensya ka na sa mga nangyari ha? Pasensya ka na kung masyado na kaming nakakaabala sa iyo." sagot nito. Para namang may kirot akong nararamdaman sa puso ko dahi sa sinabi niya. Hindi naman siya nakakaabala dahil para naman sa anak namin ang ginagawa ko ngayun. Isa pa, nakakaramdam ako ng gaan ng kalooban kaya alam kong tama lang itong ginawa ko.
"Ayos lang. Ang importante muli kang nakasama ng anak natin." sagot ko naman at akmang kukunin ko na si Baby Russell sa kanya pero kaagad itong humakbang paatras. Halatang gusto niya pa sigurong makasama ng matagal ang anak namin at sino ba naman ako para pagbawalan siya. Binigyan ko na siya ng chance na makasama ang anak namin kaya lubus lubusin niya na dahil hindi ko din naman alam kung kailan ko sya mapagbibigyan ulit.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng mapansin ko ang paglapit ng isa sa mga kasambahay. Pinapatawag daw kaming lahat ni Grandpa Gabriel at naghihintay daw ito sa Gazebo. Nagpatiuna ng naglakad ang ama ni Drake kaya sumunod na din ako.
Naramdaman ko naman ang mga titig ni Drake mula sa likuran ko pero pilit ko na lang na hindi pinapansin.
Pagod na akong makipag bangayan sa kanya dahil feeling ko ako din naman ang talo dahil sa huli ako pa rin naman ang iiyak. Lahat kasi ng lumalabas sa bibig ko na masasakit na salita patungkol kay Drake ay sinasalo ng puso ko. Nasasaktan akong nakikitang nahihirapan ang manlulukong Drake na ito tuwing sinusumbatan ko siya.
Pagkadating ng gazebo kaagad na sinalubong ni Grandpa ang kaibigan niyang si Daddy Andy. Daddy na lang din ang itawag ko sa kanya dahil legal na mag asawa pa naman kami ng anak niyang si Drake.
"Ikaw na muna ang bahala kay Baby Russell. Kakain muna ako." baling ko kay Drake. Karga-karga niya pa rin si Baby Russeell habang hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. minsan nga, nagdududa na ako sa sarili ko. Feeling ko may mali sa akin kaya ganito kung makatitig sa akin ang manluluko kong asawa eh.
Nakakailang ang mga titig niya. Para kasing may ibig sabihin eh. Para kasing nangungusap ang kanyang mga mata.
"Hindi mo ba ako yayayain? Gutom na din ako at isa pa, kumikirot ang pasa sa pisngi ko." sagot nito. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya. Saan nga ba nakuha ang pasa niya? Bakit bigla na lang siyang nagkaroon ng pasa?
"Ano ba ang nangyari diyan?" muli kong tanong. Curious talaga ako eh. Nahaplos niya naman ang pasa sa kanyang pisngi bago tipid na ngumiti.
"Deserve ko ito. Kulang pa nga ito
bilang kabayaran sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa iyo eh." sagot nito. Kaagad namang napataas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Para kasing ipinapahiwatig niya na ako ang dahilan kung bakit siya nagkapasa gayung hindi ko naman alam kung sino ang sumapak sa kanya.
"Deserved? Well, kung sino man ang gumawa niyan sa iyo, baka may matinding galit dahil masama kang tao. Deserve mo nga iyan kaya dapat lang na hindi ka kaawaan." nakalabi kong sagot. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Para bang
hindi niya naman iniinda kung ano man ang nangyari sa kanya. Gayunpa man, gusto ko pa rin malaman kung sino ang may gawa noon.
"Sino ba kasi ang sumapak sa iyo? Saan ka ba galing kanina?" ginamit ko ang pinaka kaswal kong boses para hindi niya mahalata na nakakaramdam din naman ako ng awa sa kanya. Hindi ako pabor sa physical na sakitan na pamamaraan dahil kahit na niluko ako nito noon, never niya akong sinaktan physically. Ni sampal, hindi ko natikman sa kanya. Emotionally drained lang talaga ako dahil sa mga panluluko na ginawa niya sa akin kaya ako lumayo.
"Huwag mo ng alamin. Hindi mo din naman ako ipagtatangol sa kanya eh. Dont worry, malayo sa bituka ito."
sagot nito. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay. Wala na akong masabi. Feeling ko kasi, bigla ng nagbago ang ihip ng hangin.
Nakakaramdam ng saya ang puso ko ngayun dahil sa presensya nya. Feeling ko, tina-traydor na ako ng sarili kong puso.
"Nakatulong talaga siguro ang sinabi niya kanina na hindi niya naman pala nabuntis ang Jasmine na iyun. Niluko lang daw siya na pinatutuhanan naman ng kanyang ama. Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Malay ko ba naman kung pinapaikot lang ako nitong si Drake para makuha niya ulit ang loob ko. Kailangan ko pa ring makita ng sarili kong mga mata kung talagang nagdadalang tao ba talaga ang babaeng iyun.
"Bahala ka na nga! Kung gusto mong kumain, kumuha ka ng pagkain mo. Huwag kang mag alala, walang mang aaway sa iyo lalo na at nasa paligid lang sila Grandpa." sagot ko sa kanya at kaagad ko na itong tinalikuran. Wala na din akong pakialam kung susundin niya ang sinabi ko. Bahala siya. Huwag siyang pakipot dahil may kasalanan siya sa akin. Lunukin niya ang sarili niyang pride dahil hindi naman lahat ng mga tao dito sa mansion galit sa kanya.
Chapter 438
JEANN POV
Bati na kayo?" kaagad na tanong sa akin ni Charlotte pagkabalik ko sa pwesto namin kanina. Si Drake ang tinutukoy nito dahil napansin marahil na magkasama kaming naglakad papunta dito.
"Porket magkasama bati na kaagad? Hindi ba pwedeng sumama lang siya sa akin dito dahil nagugutom siya?" sagot ko naman at naupo na din. Napansin kong nilapitan ni Peanut si Drake at niyaya kung saan sila naka-pwesto ni Uncle Rafael.
"Diyan naman nag uumpisa ang lahat eh. Sa kunwari pag-uusap pero hindi magtagal, magiging maayos din kayo." sagot ni Charlotte. Hindi ko akalain na may pagka manghuhula din pala itong pinsan ko. Sabagay, tama ito.
Nararamdaman ko din kasing unti-
unti ng lumalambot ang puso ko kay Drake. Lalo na ngayung halos ayaw ng humiwalay sa kanya ang anak namin.
Sinabi niya sa akin kanina na hindi niya naman daw nabuntis si Jasmine. Na niluluko lang din daw siya at hiniwalayan niya na daw." sagot ko kay Charlotte. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha nito bago sumagot.
"Ha? Hindi buntis? Paano nangyari iyun? Eh mas malaki pa nga ang tiyan niya kumpara sa akin eh." nagtataka nitong sagot.
"Fake daw eh. Pero alam mo, feeling ko nagsasabi ng totoo iyang si Drake eh. Naalala mo ba noong namasyal tayo? Naitulak ko si Jasmine pero nagulat talaga ako dahil parang hindi man lang siya nasaktan noong napaupo siya sa sahig. Parang wala lang sa kanya noong tumayo na siya." pagkiki- kwento ko. Saglit na nanahimik si Charlotte bago sumagot.
"Ahmmm, well, nagsasabi man si Drake ng totoo or hindi, ikaw pa rin naman ang legal wife niya at nasa sa iyo ang lahat ng karapatan. Dapat naman talaga m*****i na kayo at ikaw na mismo ang magpatalsik sa kabit niya eh. Hindi pwedeng kabit ang palaging manaig Jeann. Dapat din nating ipaglaban ang ating mga karapatan as a legal wife." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na pagtaasan ito ng kilay.
"Tayo nga ang legal wife, pero paano naman kung hindi na tayo mahal? Paano kung mas mahal nila ang kabit nila." malungkot kong sagot.
"At naniwala ka naman! Hindi nila tayo pakakasalan kung hindi nila tayo mahal. Mas magaling lang talaga humarot ang mga kabit. Ngayung alam mo na nanloloko lang pala ang Jasmine na iyun, hanapin natin at kapag mapatanuyan natin na hindi buntis ang bruha na iyun, dapat talaga makipag- bati ka na kay Drake dahil kawawa ang anak niyo." sagot nito. Wala sa sariling napatitig ako kay Drake at kita ko kung paano yumapos sa kanya si Baby Russell. Halata sa bata ang saya habang nasa bisig ito ng kanyang ama.
"Naisip ko din naman iyan. Pero hindi mawawala sa akin ang matakot lalo na kapag maisip ko na baka lokohin niya ulit ako. Paano kung muli akong masaktan? Paano kung gawin niya ulit ang ginawa niya dati?" sagot ko naman. Seryoso naman akong tinitigan ni Charlotte bago ito nagsalita.
"Iyan din ang tumatakbo sa isipan ko noong niluko din ako ni Peanut. Ang pag ibig ay parang sugal talaga Jeann. May nananalo, may natatalo. Kaya nga dapat marunong tayong lumaban eh. Pupuntahan ka kaya ni Drake dito sa mansion kung sakaling hindi ka niya mahal? Susuyuin ka kaya niya ng ganito kung sakaling wala siyang pagpapahalaga sa iyo? Magkakaroon kaya siya ng lakas na harapin lahat ng kamag anak natin kung hindi siya seryoso?" sagot nito. Natigilan naman ako.
Ilang beses ko ng itinaboy si Drake pero pilit pa rin siyang lumalapit sa akin. Napapansin ko naman sa mga mata niya ang sensiridad tuwing humihingi siya ng tawad sa akin. Talagang sarado lang ang isipan ko sa tuwing nagkakausap kami.
Siguro dahil sa trauma na nararanasan ko sa kanya kaya natatakot na ulit akong magtiwala. Pero tama naman si Charlotte, ano man ang magiging desisyon ko, dapat kong isaalang- alang palagi ang kapakanan ni Baby Russell. Hindi talaga pwede na palagi akong makipag bangayan kay Drake. Baka maapektuhan ang paglaki ng anak namin.
"Mabait naman si Drake eh. Napansin mo ba ang pasa sa mukha niya? Si Uncle Rafael ang may gawa niyan pero tingnan mo naman, para namang hindi siya nagtanim ng sama ng loob kay Uncle." muling wika ni Charlotte. Muli na naman akong napasulyap kay Drake na noon ay seryosong kausap si Uncle pati na din si Peanut.
"Si Uncle ang may gawa sa pasa ni Drake sa pisngi?" wala sa sarili kong tanong.
"Ang taong nagsisisi ay hindi basta magpapasapak iyan kapag hindi talaga malinis ang intentions niya sa taong kanyang sinusuyo. Tingnan mo nga oh... parang gusto nilang lasingin si Drake. Panay tagay ni Uncle ng alak at panay naman inom ang tanga mong asawa." sagot ni Charlotte. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras at mabilis na naglakad patungo sa tatlong magkakaibigan.
"Jeann, mabuti naman at lumapit ka din. Kunin mo muna si Baby Russell dahil may importante kaming pag uusapan." kaagad na wika ni Uncle ng makalapit ako. Sinimangutan ko naman ito at pigil ko ang inis ko ng titigan ko siya.
"Uncle naman. Hindi pa kumakain si Drake eh. Bakit parang gusto mo siyang lasingin?" tanong ko. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Drake sa kamay ko pero kaagad akong pumiksi. Maraming mga mata ang nakatingin sa amin at baka kung ano pa ang isipin nila.
"This is what we called celebration! Balik ang pagkakaibigan namin kaya dapat lang talaga may inuman na magaganap. Sige na....kunin mo na sa kanya si Baby Russell. Ibalik mo sa nursery room dahil inaantok na." wika ni Uncle. Pigil ko ang sarili ko na irapan ito. Wala akong choice eh. Uncle ko siya at mataas ang respito ko sa kanya. Dinidisiplina niya lang siguro si Drake kaya gusto niyang painumin ng alak. Hindi niya naman siguro lalasingin.
Kinuha ko na nga si Baby Russell sa bisig ni Drake na noon ay ayaw pa nga sanang sumama sa akin. Mabuti na lang at naniwala ang bata noong sinabi ko na kukuha lang kami ng laruan at babalik din kaagad sa ama niya. Kung hindi, wala talagang choice si Drake kundi ang makipag bonding sa mga kaibigan niya habang karga-karga ang anak namin.
Chapter 439
JEANN POV
Sinamahan ko muna si Baby Russell dito sa nursery room hanggang sa makatulog. Pabor naman din sa akin ang dalhin siya dito para naman makapagpahinga na din muna ako kahit kaunti lang.
Dahil malawak naman ang nursery room at may dalawang malaking kama, magkatabi kaming nahiga ni Baby Russell. Hindi ko namalayan na napaidilip na pala ako at nagising na lang ako sa mahinang yugyog sa balikat ko.
"Jeann, gising! Ano ka bang bata ka! Bakit mo tinulugan ang mga pinsan mo!" narinig kong bigkas ng kung sino sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ang mukha ni Mommy ang kaagad na sumalubong sa akin.
"Mom, bakit po? Inaantok pa ako eh."
wala sa sarili kong sambit. Sa totoo lang, antok na antok pa talaga ako at parang gusto kong matulog na lang muna.
"Ano ka bang bata ka! Kailangan mong bumaba. Lasing na si Drake." sagot nito. Napakusot pa ako sa aking mga mata at muling napatitig kay Mommy.
"Lasing? Bakit po siya nalasing? Kahit may pag-aaring bar ang taong iyun hindi naman siya masyadong umiinom ah?" sagot ko naman. Pinilit kong magpaka-kaswal sa harap ni Mommy kahit na ang totoo, kumakabog na sa kaba ang dibdib ko sa sobrang pag aalala. Ano ba ang gustong palabasin ng Drake na iyun? Bakit siya naglasing?
Haysst, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakapag-pahinga nga ako, kunsumisyon naman ang sumalubong sa akin pagkagising ko. Wala akong choice kundi ang bumangon na dahil bigla din naman nawala ang antok ko. Pasimple ko pang sinulyapan ang orasan at nagulat pa ako dahil halos alas singko na pala ng hapon. Baka ang ibang mga Tito's at Tita's ko nagsi- uwian na eh. Hayssst!
"Puntahan mo muna si Drake. Ako na muna ang bahala kay baby Russell." muling wika ni Mommy. Natigilan naman ako at sinulyapan ang baby crib kung saan natutulog kanina si Baby Jillian pero wala na ito.
"Nasaan po si Baby Jillian My?" pag iiba ko sa usapan namin. Ayaw kong puntahan si Drake. Bahala siya. Ang lakas ng loob niyang maglasing tapos aasa siya na aasikasuhin ko siya? NO WAY!
"Kinuha ni Kenneth. Nauna na siyang umuwi ng bahay kasama ang girl friend niya." sagot nito. Nagulat naman ako. Kailan pa nagkaroon-ag girl friend ang kapatid kong iyun? Pumapag ibig na din pala ang mokong na hindi man lang nababangit sa akin.
"Girl friend? May girl friend na si Kenneth My?'" nagtataka kong tanong. Kaagad naman itong tumango.
"Yes...nagulat din kami pero mukhang inlove ang kapatid mo doon sa babae. Halos ayaw niyang palapitan sa mga pinsan niyong mga lalaki. Masyadong protective sa girl friend niya." sagot nito. Kaagad namang napataas ang kilay ko. Talaga lang ha? Sa wakas, nagka girl friend din ang kapatid ko na pihikan pagdating sa mga babae.
"Kumusta naman ang ugali noong babae? Mapagkakatiwalaan ba? Baka naman pangit ang ugali ha? Hindi talaga kami magkakasundo." sagot ko naman. Kaagad naman sumiryoso ang mukha ni Mommy dahil sa sinabi ko.
"Subukan niya lang na mag attitude, ako mismo ang puputol ng sungay niya. Nakausap ko kanina si Vina at mukhang mabait naman. Pero hindi pa rin ako sure sa ugali niya. Baka kikilanin ko pa siya ng lubos. Mahirap ng mapunta ang kapatid mo sa walang kwentang babae." seryosong sagot niya. Muli pa sana akong sasagot ng muli itong nagsalita.
"Teka lang...bakit ba napunta sa kapatid mo ang pag uusap natin. Sige na, puntahan mo na si Drake at ako na ang bahala kay Baby Russell. Sobrang kulit na ni Drake at baka madagdagan pa ang pasa niya kapag mainis sa kanya ang Uncle mo." balik si Mommy sa totoong pakay niya kaya nandito siya ngayun. Hindi ko naman maiwasan na muling mapabuntong hininga.
"Kailangan ko ba talaga siyang babain? Marami namang mga
kasambahay dito na pwedeng umalalay sa kanya ah? Bakit ako pa gayung hiwalay na kami?" sagot ko naman. Bakit parang feeling ko, itinutulak ako ni Mommy sa Drake na iyun? Dont tell me, kinalimutan na nila ang pagkamuhi nila kay Drake. Dont tell me na napatawad na nila ang manluluko na iyun?
"Jeann, huwag ka na ngang magreklamo. Hindi pa kayo hiwalay ni Drake dahil hindi pa kayo divorce. Isa pa, wala ka na bang natitirang kahit concern sa ama ng anak mo? Paano kung mapahamak iyung tao? Kaya mo bang tingnan sa kabaong ang ama ng anak mo dahil pinabayaan mo siya?"
sagot naman nito. Para namang gusto kong kilabutan sa salitang lumabas sa bibig ni Mommy. Talagang kinu- konsensya pa ako sundin ko lang ang sinabi niya. Wala na.
Mukhang nakuha ulit ni Drake ang
loob ng mga magulang ko.
Advance talaga itong mag isip si Mommy. Nalasing lang si Drake tapos nasali kaagad sa usapan ang kabaong? Nakakamatay ba kapag nalasing? Hindi naman siguro dahil malakas naman si Drake. Macho pa rin naman ang manloloko na iyun at ang ganda pa rin ng katawan. Siguro present pa rin ang matigas niyang abs na paborito kong haplusin noong nagsasama pa kami.
Sa isiping iyun parang gusto ko naman batukan ang sarili ko. Kung saan saan na naman ako dinala ng imagination ko. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko.
Dahil sa kakulitan ni Mommy wala akong choice kundi puntahan si Drake. Naabutan ko pa itong nakayukyok na sa mesa at halatang lasing na. Parang gusto kong mainis dahil parang si Drake lang ang nalasing samantalang ang mga kainuman nito na sila Peanut at Uncle Rafael ay wala man lang kabakas-bakas na uminom sila ng alak.
"Uncle...bakit niyo naman siya nilasing? Hayssst!" kaagad kong bigkas ng makalapit ako. Napansin ko pa ang pigil na pagngiti ni Uncle bago nito tinitigan si Drake.
"Hindi namin siya nilasing. Nagkataon lang talaga na mahina ang alcohol tolerance niya. Iuwi mo na iyan. Hindi siya pwede mag stay dito sa mansion dahil uuwi kami ng resort mamaya." sagot nito.
"Iuwi? Saan ko siya iuuwi?Tsaka kasama niya ang Daddy niya diba? Siya ang dapat mag uwi sa anak niya."
Angal ko. Bakit feeling ko para akong pinagkakaisahan ng lahat. Bakit feeling ko itinutulak nila ako kay Drake.
"Kanina pa umuwi ang Daddy niya. Tsaka, asawa mo pa rin naman ang gagong iyan. Bahala ka na kung saan mo siya iuwi. Pwede sa bahay ng mga magulang mo or pwede din sa bahay niyo kung saan kayo nakatira noong maayos pa ang relasyon niyo. BAhala ka na! Malaki ka na para magdesisyon! sagot naman ni Uncle. Kung hindi ko lang ito Uncle, kanina ko pa ito binatukan eh. Kaya lang Uncle ko siya kaya dapat lang na igalang ko siya.
"Naman! Kainis!" bigkas ko at kaagad kong niyugyog sa balikat niya si Drake. Hindi man lang ito natinag at mukhang napahimbing na ito sa pagtulog dahi sa kalasingan.
"Tulungan ka na namin na dalhin siya sa kotse. Uuwi na din maya-maya sila Peanut kaya iuwi mo na din iyang asawa mo!" muling wika ni Uncle Rafael at halos sabay pa silang tumayo ni Peanut. Pinagtulungan nilang binuhat si Drake na noon ay wala ng malay. Mukhang kung saan-saan na ito dinala ng kanyang panaginip dahil sa sobrang pagkakahimbing. Wala akong choice kundi sundan na lang sila Uncle papuntang kotse kung saan kaagad nilang ipinasok si Drake.
"Hindi ba pwedeng ipahatid niyo na lang siya sa driver nyo Uncle. Wala ako sa mood na mag alaga ng taong lasing noh? Paano kung sumuka iyan? Tsaka hindi kami okay para alagaan siya. Galit ako diyan at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya eh!" muli kong angal. Umaasa ako na sana mahabag sa akin si Uncle. Ayaw ko na sanang maglalapit-lapit kay Drake eh.
Baka mamalayan ko na naman na nasa bisig niya na ako dahil sa traydor kong puso.
"Pwede mong gawin sa kanya lahat ng gusto mo. Ayaw mo pa niyan, pagkakataon mo na para makaganti sa kanya kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon Pamangkin. Bahala ka na diyan at ako na ang magsabi kina Ate at Kuya tungkol dito." sagot ni Uncle at nagmamadali na silang umalis sa harapan ko. Naiwan naman akong nag aatubili pang pumasok sa loob ng kotse.
"Drake! Kainis ka naman! Bakit ka ba naglasing kung hindi mo naman pala kayang ipagdrive ang sarili mo! Perwisyo ka talaga eh!" sambit ko pa at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan.
Ihahatid ko lang si Drake sa bahay kung saan niya ako itinara dati at aalis din kaagad ako. Wala akong balak na magtagal sa tabi niya at alagaan siya. Kaya niya na ang sarili niya total naman kasama niya naman siguro ang Daddy niya.
Mabilis kong pinaarangkada ang sasakyan paalis. Dahil wala naman masyadong traffic, mabils kong narating ang bahay kung saan akala ko, magiging tahanan ko na habang buhay. Ang bahay kung saan nabuo arig masasaya at malulungkot na alala ng buhay ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng lungkot habang ipinapasok ko ang kotse sa loob ng parking area. Medyo matagal din akong nawala sa bahay na ito pero halos wala namang ipinagbago. Buhay pa rin ang mga halaman na inaalagaan ko noon. Maayos at maaliwalas ang kapaligiran.
"Pagkahinto ng kotse kaagad akong bumaba. Binuksan ko ang pintuan ng kotse kung saan naka-pwesto si Drake at muli itong niyugyog. Umaasa ako na magigising ito pero wa epek.
"Good evening Mam Jeann!" napabaling pa ang tingin ko ng may biglang bumati sa akin. Sa suot na uniform nito, alam kong isa itong kasambahay. Siguro bagong kasambahay ni Drake dahil ngayun ko lang ito nakita. Himala, kilala niya ako kahit na first time pa lang kaming nagkita.
"Bago ka dito?" kaagad kong tanong. Nahihiya naman itong tumango. Kung tutuusin, halos kasing edad ko lang siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit kumuha ng napakabatang kasambahay ang Drake na ito.
"Opo Mam. Dalawang buwan pa lang po ako dito. Bale tatlo po kami na halos sabay-sabay na na hire ni Sir Drake." sagot nito. Tumango naman ako at
sinabihan ko ito na tawagin ang iba pang mga kasama niya para tulungan ako na buhatin si Drake papasok ng bahay dahil lasing ito. Dumating naman ang medyo may edad na babae at isang medyo may edad na din na lalaki.
Si Aling Pasing na cook at si Mang Henry naman ay gardener. Samantalang ang dalagang kasambahay ay Ella daw ang pangalan. Himala, nagawa yatang mag hire ng maraming kasambahay itong si Drake. Noong nagsasama pa kami, isang katulong lang ang kasama ko at isinama ko din noong naglayas ako. Nakabakasyon ngayun si Manang pero sa bahay na ng mga magulang ko uuwi dahil sa kanya ko lang pwedeng ipagkatiwala si Baby Russell.
"Tulungan niyo akong buhatin ang Sir niyo papuntang kwarto. Lasing siya at hindi ko kaya kung mag isa lang ako."
wika ko. Kaagad naman tumalima-si Mang Henry at inalalayan si Drake palabas ng kotse.
Chapter 440
JEANN POV
Kaagad naman ibinigay ni Aling Pasing ang request kong face towel at maligamgam na tubig. Balak kong punasan si Drake para naman mahimasmasan at maginhawaan siya. Sisiguraduhin ko muna na maayos ang kalagayan nito bago ko iiwan.
"Hayysst, paano ba mag alaga ng lasing? Kainis naman!" hindi ko maiwasang bigkas habang dahan- dahan akong naglakad patungo kay Drake. Amoy alak ito at nag umpisa ng kumalat ang amoy niya dito sa loob ng kwarto. Hindi ako mahilig uminom ng alak kaya hindi ko din talaga gusto ang amoy. Masyadong masaktit sa ilong.
"Drake, pupunasan kita ha? Be cooperative!' sambit ko pa sa nahihimbing nang tulog na si Drake. Susundin ko na lang ang napanood ko sa pelikula kung paano magpunas sa lasing. Uunahin ang mukha bago ang buong katawan.
Pagdampi pa lang ng face towel sa pisngi ni Drake kaagad na itong umungol. HIndi ko alam kung nasasaktan ba ito dahil sa pasa niya o talagang unti-unti na itong nahihimasmasan. Ano man ang dahilan niya ayaw ko ng bigyang pansin. Kailangan ko na siyang mapunasan dahil aalis na din ako. Baka hinihintay na ako nila Mommy sa bahay. Isa pa, gusto kong makilala ang bagong girlfriend ng kapatid kong si Kenneth.
"Love...My Love! Nandito ka? Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh."
sambit pa nito kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Napatanong pa ako sa aking sarili kung ako ba talaga ang tinatawag niya sa endearment na Love. Baka naman assuming lang ako at
ibang babae pala iyun. Baka naman si Jasmine ang hinahanap niya kaya walang dahilan para kiligin ako.
"Drake. Umayos ka nga. Huwag kang malikot at mahiga kalang diyan para matapos tayo." kunwari naiinis kong wika. May pahawak-hawak pa siya ng kamay. Hirap na nga ako sa ginagawa ko tapos ganiyan pa siya.
Nanahimik naman ito at hindi nagtagal bigla itong tumagilid at nakita ko na lang na sumusuka na siya. Para akong napapaso na biglang napalayo sa kanya sa takot ko na baka pati ako masukahan niya!
"Drake! Ano ba! Ang dugyot mo talaga! Bakit ka sumuka dito sa kwarto? 'halos pasigaw kong bigkas. Kung hindi lang sana ito lasing ang sarap tuktukan eh. Grabeng pahirap talaga ang ginagawa niya sa akin. Ang hirap mag alaga ng taong lasing!
Parang gusto kong maduwal sa baho ng suka niya. Naghahalo doon ang amoy alak at amoy ewan. Basta hindi kaya ng sikmura ko kaya naman dali- dali na akong lumabas ng kwarto.
Hihingi ako ng tulong sa mga kasambahay. Aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni Drake. Para itong nahihirapan habang tinatawag ang pangalan ko kaya wala akong choice kundi ang balikan siya.
"My Love...Jeann! Huwag mo akong iiwan. Masakit ang ulo ko. Umiikot ang buong paligid ko." sambit nito. Kahit papaano, kaagad naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Lalo na ng bangitin niya ang pangalan ko. Na confirm ko na sa sarili ko na Love nga ang endearment niya sa akin ngayun? Parang gusto kong kiligin tuloy. Parang ginanahan tuloy ako ng pagsilbihan siya.
Nasobrahan nga talaga ito sa alak kaya wala akong choice kundi tiisin ang amoy ng buong kwarto at umpisahang linisin ang suka niya.
Diring diri man sa suka wala akong magagawa kundi ang maglinis. Kung hindi ko kasi gagawin, lalo kaming mangangamoy dito sa loob ng kwarto. Humanda talaga ang Drake na ito kapag mahimasmasan siya. Sisingilin ko talaga siya sa lahat mga pahirap na ginawa niya sa akin
Si Drake naman ang hinarap ko ng masiguro ko na nalinis ko na ang kanyang isinuka. Nag umpisa ako sa umpisa. Pinunasan ko ang mukha nito papunta sa kanyang leeg. Pero ungol lang naman ang naging sagot kaya hinayaan ko na lang.
"Umayos ka Drake ha? Huwag kang magpabigat. Huhubarin ko na iyang t- shirt at pantalon mo!" wika ko pa. Ni hindi ko nga sure kung magagawa ko. Pero dahil mag asawa namin kami at ilang beses ko ng nakita ang kabuan niya, dapat nga wala ng malisya eh.
Normal lang itong gagawin ko kay Drake. Pupunasan ko lang siya at tangalin lahat ng saplot sa katawan para maginhawaan siya.
Ginawa ko na nga ang naisip kong gawin. Gamit ang nanginiginig kong kamay inumpisah ko ng hubarin ang mga kasuotan niya. Nag umpisa ako sa tshirt hanggang sa suot pambaba niya.
NO wonder kung bakit hinahabol ang Drake na ito ng Jasmine na iyun. Ang ganda naman kasi ng katawan ng asawa ko. Nakakapang init kaagad ng laman at tama nga ang naisip ko kanina. Kumpleto pa rin ang abs niya! Ang kinis ng balat niya pero lalaking lalaki pa rin tingnan. Lalo na ng mapasulyap ako sa bumubukol niyang harapan na natatakipan na lang ng kakarampot na underware.
Bukol pa lang ng underware niya parang gusto na akong dalhin ng imagination ko sa kabilang dimension. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nakakahiya. Hindi ako dapat nananamantala ng taong lasing.
Balak ko din siyang hubaran ng underware pero mamaya na lang. Pagkatapos ko siyang punasan at baka ma distract ako lalo sa alaga niya. Hehehe!
Patay malisya na natapos ko din punasan si Drake. Kahit malamig dito sa loob ng kwarto, tagaktak an pawis sa noo ko. Ito na yata ang pinaka mahirap na trabaho na ginawa ko.
Pagkatapos ko siyang punasan hindi na ako nag abala pang palitan siya ng damit. Tinakpan ko na lang ng makapal ng comforter ang kanyang katawan at hininaan ang temperature ng aircon. Pagod na pagod ako kaya wala akong choice kundi maupo muna ng sofa habang inililibot ang tingin ko sa paligid.
Chapter 441
JEANN POV
Wala namang ipinagbago sa kwarto namin maliban na lang sa isang malaking portrait na nakasabit sa wall. Portrait namin noong ikinasal kami at hindi ko alam kung kailan inilagay ni Drake iyun. Wala kasi ang portrait na iyan noong umalis ako. Siguro pinagawa niya noong nilayasan ko siya! Pero bakit? Huwag niyang sabihin na totoong pinagsisisihan niya ang lahat ng mga pagkakamli na nagawa niya?
Sa isiping iyun parang gusto kong maluha. Muling nanumbalik sa alaala ko ang mga masasakit na pinagdaanan ko. Niluko niya ako kaya kung ano man ang nakikita ko ngayun, hindi dapat ako basta-basta magpapaniwala.
Isang malakas ng buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako napasulyap sa orasan na nasa bedisde table. Maayos na ang kalagayan ni Drake kaya uuwi na lang siguro ako. Marami naman siyang mga kasama dito sa bahay kaya hindi na ako mako- konsensya nito kung iiwan ko na siya.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at diretsong naglakad palabas ng bahay. Diretso akong naglakad papunta sa kinapaparadahan ko ng kotse at kaagad na napakunot ang noo ko ng wala na ang aking kotse sa parking area. Luminga-linga pa ako pero sa dami ng kotse na naka-park dito sa garahe iyung kotse ko talaga ang nawawala.
"Mam...nandito po pala kayo. May iuutos po ba kayo?" natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Aling Pasing. Tinitigian ko ito bago ko ito sinagot.
"Nasaan ang kotse ko Manang? Diyan ko lang iyun ipinark ah?" sagot ko naman. Saglit itong hindi nakaimik kaya tinitigan ko ito.
"Gi-ginamit po ni Sir Andy Mam."
sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa dami ng kotse na pwedeng gamitin dito sa garahe, kotse ko pa talaga? Ano ba ang nakain ng byanan kong iyun? Bakit niya pinakialaman ang kotse ko?
Hayysst! Ano ang gagawin ko nito? Paano ako makakauwi kung wala ang kotse ko. Hindi naman pwedeng mag commute ako dahil mahalaga sa akin ang kotse na yun. Regalo sa akin ni Daddy iyun at ayaw ko sanang ipagamit sa iba.
Masamang masama ang loob ko ng muli akong naglakad pabalik sa kwarto namin ni Drake. Wala akong choice kundi hintayin si Daddy Andy na muling makabalik. Sinabi sa akin ni Aling Pasing na tatawagin niya daw ako kung sakaling nakauwi na si Daddy Andy. Kainis...hindi ko akalain na pakialamero pala sa gamit ang ama nitong si Drake. Hindi ko akalain na sa dinami dami ng kotse ni Drake na hindi nagagamit, kotse ko pa talaga ang nagawa niyang gamitin nang hindi man lang nagpapaalam
Wala akong choice kundi ang mahiga muna ng sofa habang hinihintay si Aling Pasing na katukin ako. Bumili lang naman daw ng gamot si Daddy Andy kaya makakabalik din daw kaagad. Hindi ko naman akalain na sa pagkahiga ko pa lang kaagad na akong dinalaw ng antok. Hindi ko na tuloy namalayan pa na nakatulog na pala ako.
Nang magising ako hindi ko maiwasan mapakunot noo dahil maayos na akong nakahiga sa kama. Mataas na ang sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana kung saan nakahawi ang makapal na kurtina. Wala sa sariling babangon na sana ako pero muli ding natigilan ng maramdaman ko na may isang matikas na bagay ang nakayapos sa akin.
"Love...masyado pang maaga! Matulog pa tayo." narinig kong sambit ng walang iba kundi si Drake. Paos ang boses nito kaya nagtataka akong napatitig sa kanya at kaagad na nagkasalubong ang aming mga paningin
Halata sa kanyang mga mata ang antok at nagising lang siguro ito noong nagtangka akong bumangon.
"Ano ang ginawa mo sa akin? Pakawalan mo nga ako!" angil ko sa kanya. Parang wala naman itong narinig at lalong hinigpitan niya pa ang pagkakayapos sa akin. Parang gusto ko namang mag alburuto habang pilit na kumakawala sa pagkakayapos niya.
"Drake, ano ba! Tanghali na! Uuwi na ako" naiinis kong bigkas sa kanya. Parang wala naman itong narinig hangan sa narinig ko na lang na mahina na itong naghihilik. Gustuhin ko mang kumawala mula sa pagkakayapos niya pero mas malakas siya sa akin.
Masama man ang loob wala na akong nagawa pa kundi ang muling ipikit ang mga mata. Bahala na! Hindi naman siguro ako gagawan ng masama ng Drake na ito. Maano ba naman ang ilang oras na pananatili sa tabi niya kaya hayaan ko lang muna siya sa trip niya hanggang sa magising siya.
Chapter 442
JEANN POV
Muli akong nagising sa mahinang tapik sa pisngi ko. Nang imulat ko ang aking mga mata, nagtaka pa ako dahil mukha na ni Mommy Arabella ang una kong nasilayan. Wala sa sariling napabangon ako habang hindi ko maiwasan na muling ilibot ang tingin sa buong paligid.
"Jeann, ano ang ginagawa mo? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Dont tell me na nagkabalikan na kayo ni Drake?" tanong ni Mommy. Saglit naman akong natameme. Pilit na inaabsorb nag utak ko ang sinasabi niya ngayun.
Ano ang ginagawa ni Mommy dito sa kwarto namin ni Drake at nasaan na ang Drake na iyun? Bakit hindi niya ako ginising?
"My naman! Sorry po. Nakatulog kasi ako. Kuwan kasi eh..uuwi sana ako-- "Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko ng sumabat si Mommy.
"Nasa ibaba si Baby Russell, Dinala ko siya dito dahil simula ngayung araw, dito na kayo titira sa bahay na ito. Tutal naman mukhang nagkabalikan na kayo ni Drake kaya panindigan niyo na lang." sagot ni Mommy. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Ano ba ang iniisip nila? Porket dito ako natulog sa kwarto namin ni Drake magdedesisyon na kaagad sila ng mga bagay-bagay na hindi man lang ako nakapag - paliwanag.
"My naman! Walang nangyari sa amin ni Drake. Inalagaan ko lang siya kagabi at dito na ako nakatulog. Isa pa, tinataboy niyo na ba ako? Ayaw niyo na ba akong pauwiin sa bahay natin?" sagot ko naman. Saglit na natigilan si Mommy at seryoso akong tinitigan sa mga mata.
"Dito ka muna. Kapag hindi ka mabuntis sa loob ng dalawang buwan pwede ka ng bumalik sa bahay natin at kami na mismo ang mag aasikaso sa divorce ninyo." sagot nito na kaagad ko namang ikinanganga. Anong klaseng kondisyones ito? Bakit may buntisan na kaagad na napag uusapan.
"Buntis? Ako? My naman...paano ako mabubuntis gayung hiwalay na kami ni Drake!' sagot ko.
"Paano ka mabubuntis? Naabutan namin kayong magkatabi sa iisang kama tapos tatanungin mo ako kung paano ka mabubuntis? Jeann naman, hinayaan mo ang sarili mo na tumabi ulit sa asawa mo kaya may tendency ka talagang mabubuntis ulit. Kami ang mga magulang mo at hindi kami papayag na ikaw na lang ang palaging agrabyado." sagot ni Mommy.
Advance talaga ito mag isip. Gets ko na din. Iniisip niya na may nangyari sa amin ni Drake kaya ganito ang desisyon niya. Ano ba naman ito! Bakit ba nakatulog ako kagabi. Haysst, pahamak talaga itong paglalasing ni Drake kagabi eh. Mukhang mapapasubo na naman ako nito.
"My naman.....ang dumi naman ng isip niyo. Hindi ako basta-basta bubukaka kay Drake noh? Natulog lang talaga kami. Walang nangyari sa amin kaya imposibleng mabubuntis ako. Tsaka kung may nangyari man sa amin, wala naman dapat na ipaglaban eh. Hindi naman na ako virgin at ilang beses ng may nangyari sa amin. Hindi na din ako dalaga para maging ganito kayo kahigpit sa akin. Isa pa, niluko ako ng Drake na iyan at wala na akong balak pa na makipagbalikan sa kanya!" mahaba kong sagot.
Lahat ng gusto kong sabihin nasabi ko na yata makaligtas lang ako sa gusto nila mangyari. Hindi ko maimagine ang sarili ko na muling makakasama sa iisang bubong si Drake. Baka kunsumisyon ang aabutin ko nito kung nagkataon. Lalo na at hindi ko pa na confirm kung talagang hiwalay na silang dalawa ng Jamine na iyun.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaagad na pag iling ni Mommy kaya alam kong wala na talaga akong lusot. Mukhang desisyon nila ang masusunod sa pagkakataon na ito kaya ano pa nga ba ang magagawa ko?. Halata na hindi siya naniniwala sa akin. Talagang pinaninindigan niya na ang iniisip niya na may nangyari sa aming dalawa ni Drake.
"Dont worry! Personal kong imomonitor ang pagsasama niyong dalawa ni Drake. Hindi naman ako papayag na sa pagkakataon na ito, ikaw ang maaagrabyado! Oras na malaman ko na muli siyang bumalik sa dati niyang gawain, ako mismo ang puputol sa kaligayahan ng asawa mo!" muling wika ni Mommy.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Kakaiba talaga itong si Mommy Arabella. Napaka-tapang! Kakaiba ang mindset na parang gusto kong manahin ang kanyang pag uugali. Parang ina-idolized ko na siya ngayun. How I wish na sana katulad niya ako mag isip
"Ayusin mo ang sarili mo. Mag uusap tayong lahat tungkol dito at huwag ka ng umapila. Ako ang bahala sa iyo!" muling wika nito kaya hindi na ako sumabat pa. Tuluyan na akong bumangon ng kama dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Hindi talaga ako mananalo kay Mommy kaya susunod na lang muna ako sa agos ng panahon. Bahala na kung ano man ang magiging kapalaran ko sa mga susunod na araw.
Naghalungkat ako ng damit na pwede kong isuot sa walk in closet at parang gusto kong iuntog ang sarili ko kung gaano ako ka-tanga noon. Kaya pala nagawang tumingin sa ibang babae si Drake dahil nakalimutan ko na palang mag ayos ng sarili ko. Puro pang manang at hindi naayon sa style ang mga damit ko na nandito sa loob ng walk in closet. Kinalimutan ko ang ang sarili kong fashion simula ng maging asawa ako ni Drake. Hayssst, hindi na talaga ito mauulit. Hindi na ka magpaka losyang at aalagaan ko na ang sarili ko.
Muli akong lumabas ng walk in closet na masama ang loob. Paano ako
makapag ayos nito kung wala akong nagustuhan sa mga damit ko? Mabuti pa huwag ng maligo at magpalit ng damit. Mas type ko ang suot ko ngayun.
"My, nagdala ba kayo ng damit ko?" tanong ko kay Mommy ng mapansin ko na nadito pa rin siya loob ng kwarto. Abala nag mga mata nito sa kakatingin sa paligid.
Chapter 443
JEANN POV
"Bakit, wala ka bang damit sa loob ng walk in closet na iyan? Ano ang kwenta ng closet na iyan kung wala ka naman palang gamit. Aba at napakawalang kwenta naman pala ng asawa mong iyan. Nakaka-kulo siya ng dugo!" sagot naman nito. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Si Mommy talaga...walang tatalo dito kung advance sa pag iisip ang pag-uusapan.
"Mommy! Relax! May mga damit ako sa loob ng walk in closet pero hindi ko type!" sagot ko naman. Natigilan naman ito.
"Bakit iyun ang binili mo kung hindi mo type? Jeann, bilisan mo na! Hinihintay na tayo ng ama mo sa ibaba! " sagot nito. Halata na ang inis sa boses nito kaya naman kaagad na akong naglakad patungo sa pintuan ng kwarto.
"Saan ka pupunta? Mag ayos ka ng muna! Ni paghihilamos ang pagto- toothbrush hindi mo pa ginawa. Kailan ka pa naging burara?" muling wika ni Mommy. Sa totoo lang nakakatorete na din itong si Mommy eh. Lahat na lang napupuna.
"Dont worry Mom! Kahit hindi ako magtoothbrush hindi ako bad breath. Kung gusto niyo po na maligo ako ngayung araw, pakisabi kay Kenneth na ihatid niya dito ang mga damit ko. Ayaw kong isuot ang mga dating damit ko na nasa walk in closet. Ang babaduy at hindi na sakto sa taste ko." wika ko at nagmamadali ng lumabas ng kwarto. Wala namang choice si Mommy kundi ang sundan ako.
Kapag mga ganitong usapan, alam niyang hindi niya ako mapipilit. Gusto nilang bumalik ako kay Drake...pwes, sisiguraduhin ko na si Drake ang unang susuko. Gagantihan ko ang mokong na
iyun! Humanda talaga siya!
Pagkababa namin naabutan namin sila Drake, Daddy Kurt at Daddy Andy sa may pool. Seryoso ang kanilang mga mukha habang nag uusap kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng curiosity.
Sigurado ako, tungkol sa amin ni Drake ang pinag uusapan nila. Halata naman dahil tumigil sila noong napansin na parating kami ni Mommy.
"Good Morning Dad!" kaagad na bati ko kay Daddy pagkalapit ko. Humalik pa ako sa pisngi nito bago ako naupo sa tabi niya. Wala akong balak maupo sa tabi ni Drake noh!
"Good Morning iha." bati naman sa akin ni Daddy Andy. Tipid na ngiti ang isinagot ko dito. Kung hindi niya sana ginamit ang kotse ko kagabi, hindi sana ako haharap sa ganitong sitwasyon eh.
"Napag usapan na namin ang tungkol sa inyong dalawa ni Drake. Siguro nasabi na ng Mommy mo sa iyo ang mga kondisyones namin diba? Wala kaming ibang hangad kundi ang iyung ikakabuti Jeann. Lahat gagawin namin para maging maasaya ka!" wika ni Daddy sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga. Nakapag desisyon na sila, ano pa nga ba ang magagawa ko? Naiinitindihan ko naman sila eh. Baka gusto nilang isalba ang sirang sira nang relasyon namin ni Drake.
"Opo Dad! Naiintindihan ko po!" sagot ko. Ayaw ko na din naman ng mahabang usapan. Maganda nga ito dahil magkaroon ng challenge ang buhay ko. Two months lang naman ang hihintayin ko at makakawala din ako sa problemang ito. Isa pa, hindi naman para sa akin ang pagpayag kong ito. Para din ito kay Baby Russell.
Parang gusto ko din makipaglaro sa mga babaeng pwedeng ma link kay Drake eh. Lalo na sa Jasmine na iyun na matagal ng nangangati ang mga kamay ko dahil gusto ko talagang makaganti sa kanya. Kung nasa tabi ko si Drake, malakas ang pakiramdam ko na muling magku-krus ang landas naming dalawa ni Jasmine.
Naging mabilis ang pag uusap sa pagitan nila Daddy Kurt at Daddy Andy! Pareho ang gusto nang dalawa na wala silang ibang hangad kundi maging maayos ang pagsasama namin ni Drake. Well, tingnan lang natin. Hindi talaga ako nangangako! Sa ngayun, wala akong ibang target kung hindi malagpasan ang challenge na ibinigay sa akin ni Mommy.
"Tumawag nga pala sa akin si Manang kahapon. Hindi pa daw siya makakabalik dahil may emergency daw sa kanila. Wala tayong choice kundi maghanap ng ibang yaya para kay Baby Russell." balita sa akin ni Mommy bago sila umalis. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng lungkot. Si Manang ang isa sa mga karamay ko noong down na down ako. Sa kanya ko lang din pwedeng ipagkatiwala si Baby Rusell.
"Ayos lang Mom. Kaya ko namang alagaan si BAby Russell." sagot ko naman. Hinalikan muna ako ni Mommy Arabella sa pisngi bago sila tuluyang umalis. Ilang beses pa ako nitong binilinan na tawagan ko daw siya kapag may hindi magandang mangyari.
Tanging tango lang naman ang naging sagot ko sa lahat ng mga bilin niya. Iisipin ko na lang na nagbabakasyon lang ako sa bahay na ito. Susunod ako sa agos ng buhay at matira ang matibay sa aming dalawa ni Drake.
"Ano nga pala ng gusto mong kainin? Magluluto na ng lunch si Aling Pasing. "pagkaalis ng kotse na sinasakyan nila MOmmy siyang lapit naman sa akin ni Drake. Nasulyapan ko pa si Baby Russell na kalaro ang kanyang Lolo Andy bago ko muling itinoon ang buo kong attention kay Drake.
"Hindi naman ako mapili sa pagkain. Kung ano ang gusto niyang lutuin, iyun na lang." sagot ko. Natigilan naman ito. Bakas sa mukha niya ang pait habang nakatitig sa akin
"Salamat nga pala sa pag aalaga mo sa akin kagabi. Dont worry, hindi na mauulit iyun. Hindi na ako maglalasing. " muling wika nito. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay at seryosong tinitigan sa mga mata.
"Gawin mo kung ano ang gusto mo dahil wala akong pakialam. Siya nga pala, kailangan ko ng mga bagong damit. Aalis ako mamaya para makapag -shopping. Bantayan mo si Baby Russell ha!" maangas kong sagot sa kanya. Sinadya ko talaga yun para ma feel niya na hindi pa kami bati!
Chapter 444
JEANN POV
Napansin ko ang pagkatigagal ni Drake dahil sa sinabi ko. Hindi marahil niya inaasahan na aangasan ko siya ngayun. Pakialam ko din ba sa nararamdaman niya. Kung hindi sana siya naglasing-lasingan kagabi, wala sana ako ngayung sa harapan niya.
"Nandito naman si Daddy para
bantayan niya si Baby Russell. Sasamahan na kita." sagot nito. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay at mabilis na naglakad patungo sa loob ng bahay. Hahayaan ko na muna si Baby Russell na maka-bonding niya ang kanyang Lolo. Maghahalungkat ulit ako sa loob ng walk in closet para maghanap ng maisusuot para makaligo muna bago pupunta ng mall para mag shopping.
Ipapadala naman daw ni Mommy ang iba kong mga gamit dito sa bahay pero mamaya pa siguro. Hindi na ako makapag hintay kaya guguluhin ko ang walk in closet namin ni Drake para makahanp ng pwedeng isuot.
Katulad ng plano ko, hinalukay ko ang mga damit na maayos na nakasalansan. Sa kaloob-looban ng cabinets may nakita naman akong mga damit ko na ginagamit ko noong dalaga pa ako. Ito iyung mga damit na dala- dala ko bago ako lumipat dito sa bahay.
Pwede ko na din pagtyagaan. Pwede na akong maligo dahil alam ko naman na kasya sa akin ang mga damit na ito. Isang sleeveless spaghetti strap mini dress ang kaagad na nagpapukaw ng attention ko. Regalo pa ito sa akin noon ni Charlotte noong ikinasal kami Drake. Ibat ibang kulay at ibat ibang style para daw lalong ma inlove sa akin si drake. Hindi ko naman naisuot dahil pumayat ako ng sobra noong
nagbubuntis ako tapos tumaba naman ako noong nakapanganak na ako hanggang sa nakalimutan ko na.
Ito na siguro ang chance para isuot ko ito. Kasyang kasya na ito sa akin eh dahil bumalik na sa dati ang katawan ko tapos magsa-shopping pa ako mamaya. Iyang mga tshirt at mahahabang shorts na paborito kong gamitin noong mag asawa pa kami ni Drake, itatapon ko na lang siguro.. Hindi ko na kailangan dahil wala na akong balak pa na suutin. Masyadong makaluma at hindi bagay sa akin at ngayun ko lang din narealized na nakakabaduy pala kapag sobra kang nabulagan sa pag-ibig.
Hindi na ako nag abala pa na ipasok sa loob ng cabinet ang mga damit na ayaw ko ng gamitin. Ikinalat ko ito dito sa loob ng walk in closet. Balak kong ipatapon mamaya sa mga kasambahay. Mamahalin ang mga damit na iyan
pero wala na akong balak na gamitin. Simula ngayung araw, mamumuhay ako kagaya noong dalaga pa ako.
Mabilis akong pumasok ng banyo at naligo. Mukhang pinaghandaan naman ni Drake ang muli kong pagbabalik dahil kumpleto ang mga gamit ko sa banyo. Naka sealed lahat at mukhang kabibili lang. Mula toiletries hanggang sa mga personal na gamit na paborito kong gamitin ay nandito.
Mabilis akong naligo. Sasamahan man ako ni Drake or hindi aalis ako. Magsa- shopping ako ngayung araw. Magliliwaliw ako tutal naman may willing naman na magbantay kay Baby Russell. Bibigyan ko ng chance si Daddy Andy na makasama niya ang apo niya.
Itinapis ko lang ang tuwalya sa katawan ko at kaagad na akong lumabas ng banyo pagkatapos kong maligo. Nagulat pa ako ng pagkalabas ko naabutan ko si Drake dito sa loob ng kwarto. Abala ito sa kakatupi ng mga damit na ikinalat ko kanina at hindi nakaligtas sa paningin ko ang matiim na pagkakatitig niya sa akin ng mapansin niya ang paglabas ko ng banyo. Kaagad naman kumabog ang dibdib ko ng mapansin ko kung paano niya ako titigan.
"Hindi mo na kailangan pang tupiin ng maayos ang mga damit na iyan. Itatapon ko din naman ang lahat ng iyan kaya huwag ka ng mag abala."
kaswal na wika ko sa kanya at mabilis na dinampot ang damit na isusuot ko. Pilit kong iniignora ang klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin.
"Bakit mo itatapon? Maayos pa naman ang mga gamit na ito ah? Iyung iba dito hindi mo pa nga naiususuot eh. " sagot nito. Kaagad naman akong napaismid.
"Simple..hindi ko na type at wala na akong balak na isuot. Kaya nga gusto kong magshopping mamaya eh. Tsaka simula mamayang gabi, sa guest room kami ni Baby Russell matutulog." sagot ko naman. Kaagad naman itong natigilan at kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatitig sa akin.
"Sa guest room? Bakit doon? Malaki ang kwarto at kasya naman tayong tatlo dito sa kama ah? Hindi ako papayag!" sagot nito habang patuloy ang paglakbay ng mga mata niya sa kabuuan ko. Pasimple akong naglakad patungo sa loob ng walk in closet dahil nakakaramdam na ako ng pagkailang sa mga titig niya. Para akong unti- unting natutunaw na ewan.
"Kahit na singlaki pa ng palasyo itong kwarto mo wala akong pakialam. Ayaw kitang makasama sa iisang silid dahil hiwalay na tayo. Isa pa, wala na akong balak pa na makipag balikan sa iyo
noh? Kagustuhan nila Mommy kaya nandito ako kaya hwag kang assuming!! 'sagot ko sa kanya
"Hindi ako papayag Jeann! Para ano pat bumalik ka sa bahay na ito kung hihiwalay ka din lang naman ng higaan sa akin. Nakalimutan mo na ba na kasal tayo at may responsibilidad ka sa akin! " sagot naman nito. Bakas na ang inis sa kanyang boses kaya kaagad naman akong napangiti.
"Kasal? Responsibilidad? Drake naman! Nakalimutan mo na ba na simula noong bumalik ka sa ex mong makati, kinalimutan ko nang may asawa ako! Hiwalay na tayo at tatapusin ko lang ang dalawang buwan na ibinigay sa akin ni Mommy at tuluyan na kitang lalayasan! Aalisin na kita sa buhay ko forever kaya huwag kang mag demand ng kung anu-ano mula sa akin dahil mabibigo ka lang!" naiinis kong bigkas at mabilis na
pumasok sa loob ng walk in closet.
Inilock ko pa iyun dahil alam kong susundan ako ng Drake na iyun at hindi nga ako nagkamali. Napansin ko kasi ang pagpihit ng seradura pero bigo niyang nabuksan iyun dahil naka lock.
"Jeann, buksan mo ang pintuan. Mag usap pa tayo! Buksan mo ito!" sigaw pa nito mula sa labas. Hindi ko naman pinansin pa bagkos kaagad ko ng tinangal ang tuwalya na nakatakip sa katawan ko at mabilis nang nagbihis. Balak kong umalis kaagad pagkatapos kong mag ayos. Sa mall na din ako kakain ng lunch.
Chapter 445
JEANN POV
Tama nga ang tantiya ko. Kasyang kasya sa akin ang mini dress. Hanggang tuhod lang ito at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapansin ko na bagay na bagay sa akin. Lalong lumutang ang angkin kong ganda at magandang hugis ng katawan.
Dito na din ako sa loob ng walk in closet nag ayos ng sarili. Naglagay lang ako ng kaunting make up at lipstick. Nagwisik na din ako ng paborito kong pabango. Pinili ko ang pinakapaborito kong heels bago ako nagpasyang lumabas ng walk in closet. Napagod na siguro si Drake sa kakakatok kaya naman pagkalabas ko ng walk in closet naabutan ko ito na nakaupo na sa kama habang nakaharap sa akin.
Lalong nagsalubong ang kilay nito ng mapansin ako. Sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.
"Aalis ka na ganyan ang suot mo?" tanong nito. Nang iinis ko naman itong nginitian. Pinamaywangan ko pa ito bago ko dinampot ang aking cellphone na nasa gilid ng kama.
"Yes...BAkit may mali ba? Maganda naman ah? BAgay sa akin at ang mga ganitong damit ang type kong isuot." sagot ko naman at akmang maglalakad na ako papuntang pintuan ng bigla itong tumayo. Mabilis ako nitong niyapos kaya hindi ako nakapalag.
"No! Hindi ako papayag na ganiyan ang suot mo. Magbihis ka! Magpalit ka ng damit!' sagot nito. Kaagad akong pumiksi.
"Huwag ka ngang pakialamero Drake! Bakit ka ba apektadong apektado sa suot ko? Hindi ba bagay sa akin?" sagot ko naman. Nagpupumiglas ako mula sa
pagkakayapos niya pero mas malakas siya sa akin.
"Of course, bagay sa iyo! ang ganda mo nga eh! Pero hindi ako papayag na iyan ang isuot mo sa labas. Baka mamaya pagpistahan ka ng mata ng mga kalalakihan eh. Baka mamaya kung ano ang magawa ko kapag may mang bastos sa iyo. Magpalit ka ng mas desenteng damit.... please!" wika nito. Pilit naman akong tumawa.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Tsaka huwag ka ngang pakialamero. Kung nanghinayang ka sa mga damit na itatapon ko, ikaw na lang ang magsuot!!" pabulyaw kong sagot sa kanya.
"Alam mo! Namumuro ka na eh. Pinilit kong maging mabait sa iyo pero lalo naman humahaba ang sungay mo! Ano ba ang pwede kong gawin sa iyo para bumalik ka lang sa dati. MIss na miss ko na ang dating Jeann. Miss na miss ko na ang mga paglalambing mo! "wika nito kasabay ng pagdampi ng labi niya sa punong tainga ko. Hindi ko naman maiwasan na mapapikit sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ko.
"Di--Drake! Pwede ba! Huwag ganiyan...ayaw ko!" sagot ko naman habang pilit na kumakawala sa kanya. Parang biglang nagtayuan lahat ng balahibo ko sa simpleng pagkakadikit ng aming katawan. Naka spaghetti strap ako tapos kaunting yuko lang lilitaw na ang cleavage ko.
"No! Stay! Matagal ko ng gusto kang mayakap Jeann! Bumalik ka na sa dati. Bumalik ka na sa akin...please!" wika nito. Puno ng pakiusap ang boses niya kyaa sandali akong natameme.
"Sorry! Sorry sa lahat! Hirap na hirap na na ang kalooban ko Love. Ayaw ko na ng ganito. Ayaw ko na muli kang mawalay sa akin." muling bigkas nito. Kaagad naman akong nakaramdam ng lungkot.
Ayaw niyang mawalay ako sa kanya pero nagawa niya akong lokohin. Nasaan ang hustisya?
"Drake...ikaw ang nag umpisa nito. Alam mo naman siguro kung paano kita minahal kita diba? Kung paano ko inalagaan ang pamilya natin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Masyado akong nasaktan at hindi pa talaga ako ready na muling ibigay ang buong tiwala ko sa iyo." sagot ko naman habang dahan- dahan na kumakawala sa kanya.
Hindi naman na ito nagmatigas pa. Mabilis akong nakawala mula sa pagkakayapos niya at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto. Nang lingunin ko ito, kaagad kong napansin ang lungkot sa mga mata niya habang nakatitig pa rin sa akin kaya mabilis na akong lumabas.
Unang araw pa lang ng pagsasama namin ulit pero hirap na hirap na din ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang presensya ni Drake sa paligid pero kailangan ko din talagang kayanin. Hindi lang para sa sarili ko ang ginagawa kong ito kundi para na din ito kay Baby Russell. Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak namin.
"Jeann...sandali! Sasamahan na kita kung saan mo man gustong magpunta!' "pababa na ako ng hagdan ng muli kong narinig ang boses ni Drake. Kaagad akong napalingon at hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo nitong mukha ng mapansin ko kung gaano ito ka-seryoso ngayun.
"Magsa-shopping lang ako Drake!
Kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, baka mapagod si Daddy kung dalawa tayong aalis dito sa bahay. wala siyang kapalitan sa pag aalaga kay Baby Russell." sagot ko naman. Hindi na ito nagsalita pa bagkos mabilis itong naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapabutnogn hininga.
May magagawa pa ba ako? Desisdido na talaga siguro siyang samahan ako. Since, kailangan ko talagang mamili ng mga gamit ko, wala akong choice kundi hayaan na lang sya. Ayaw ko pa ba noon, may bodyguard na ako, may tagabitbit pa. Pwede kong bilihin lahat ng gusto ko.
Si Drake na din ang nagdrive papuntang mall. Makulit at gusto niya talaga akong samahan kaya wala akong choice kundi pagbigyan. Nandiyan naman si Daddy Andy na willing mag alaga kay Baby Russell kaya ayos na din. Tsaka binilinan din ni Drake ang pinakabata na kasambahay na si Ella na tingnan-tingnan ang mag Lolo at kung sakaling may problema kaagad niya kaming tawagan.
"Sa Villarama Shopping Center na din kami pumunta. Itong mall lang din naman na ito ang paborito kong puntahan at pasyalan. Mataas ang security dito dahil halos mga vip shoppers ang nagsa-shopping sa mall na ito dahil dito din makikita ang halos lahat ng luxury items na gustong bilihin or makita ng mga taong nasa alta sa siyudad.
"Saan mo gustong mamili. Baka gusto mong kumain muna para may energy ka sa pagsa-shopping mo." wika ni Drake sa akin. Mukha namang full support siya sa shopping galore ko kaya ayos na din talaga na samahan niya ako. Never niya kasing ginawa ito noong maayos pa ang relasyon namin. Sabagay, kasalanan ko din naman dahil mas gusto kong mag stay ng bahay noon kaysa lumabas at mamasyal. Iba na rin talaga kapag may anak ka. Nakakalimutan ang mga hilig noong dalaga pa.
Wala sa sariling napatingin ako sa suot kong relo. Halos ala una na ng hapon at wala pa akong matinong kain. Oo, gusto kong i-maintain ang sexy kong katawan pero hindi naman ibig sabihn na magpapa-butot balat ako. Pangit na iyun. Iba pa rin ang may kaunting laman.
"Sure!" sagot ko naman at nagpatiuna na akong pumasok sa pinaka unang restaurant kong nakita. Kaagad ko namang naramdaman ang pagsunod sa akin ni Drake.
Medyo maraming costumers ang nasabing restarurant kaya kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid para maghanap ng bakanteng mauupuan. Sakto naman at nilapitan kami ng isang staff at iginiya kami sa pandalawahang mesa. Kaagad na kaming umupo at tiningnan ang menu para umorder na ng makakain.
Kaagad na din kaming umurder ni Drake. Hindi ko masasabing date ba namin ito pero ngayun ko lang din napansin na puro lovers or magpapamilya ang nakapaligid sa amin. Parang gusto ko tuloy maingit sa dalawang lovers na sweet na sweet sa isang sulok. Halos mag honeymoon na sila dito sa loob ng restaurant kaya hindi ko maiwasang mapangiti na
hindi naman nakaligtas sa paningin ni Drake. Sinundan niya ng tingin at tinitingnan ko bago ito nagsalita.
"Ang sweet nila noh? Ganiyan tayo dati....noong bago pa tayong kasal. Nakalimutan mo na ba?" tanong nito sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya.
Oo nga. Tama siya. Ganiyan kami dati noong hindi pa nagbalik sa buhay niya si Jasmine. Noong hindi pa kami nagkaka problema dahil sa presensya ni Jasmine. Noong mga panahon na akala ko siya na talaga ang lalaking para sa akin habang buhay. Noong mga panahon na akala ko mahal niya ako kaya niya ako pinakasalan.
"Yah, ganiyan tayo dati pero mabilis din natapos ang lahat noong iniwanan mo kami at ipinagpalit sa babaeng iyun. "bakas ang lungkot sa boses na sagot ko. Hindi naman nakaimik si Drake. Pilit akong napangiti at muling inilibot ang tingin sa paligid. Kailangan kong libangin ang sarili ko habang hinihitay namin ang mga pagkain na inorder namin bago pa ako maiyak.
"Sorry!" Narinig kong bigkas nito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa palad ko na nakapatong sa mesa. Para naman akong napapaso na kaagad na hinila ang kamay ko na hawak niya na. Hindi na talaga ako comportable na kasama siya. Siguro dahil sa trauma na naranasan ko sa kanya noon..
Lumalabas kasi na ako ang talunan. Wala pa ngang three years ang pagsasama namin ipinagpalit niya na kaagad ako sa iba. Aminado naman ako sa sarili ko na maganda ako eh. Kaya lang may mga lalaki pala talaga siguro na hindi kayang makuntento sa iisang babae. May mga lalaki talaga sigurong maghahanap at maghahanap ng iba. Isa na sa kanila si Drake.
Pagkatapos kumain, diretso na kami sa isang boutique. Kaagad akong nagsukat ng mga damit na naayon sa aking taste. Walang choice si Drake kundi ang maghintay ng maraming oras. Hindi ko naman siya nakikitaan ng pakainip. Wala din itong reklamo kahit na siya ang nagbayad sa lahat ng mga pinamili ko.
"Hey Miss Beautiful! Ang ganda mo naman! Pwede bang makuha ang number mo?" abala ako sa kakatingin sa mga naka-display sa harapan ko ng marinig ko na may biglang nagsalita sa likuran ko. Wala sa sarilng napalingon ako at kaagad kong napansin ang lalaking ngiting ngiti na nakatitig sa akin. Gwapo naman sana at halos kasing edad din ni Drake pero napansin ko na mataas ang kumyansa niya sa kanyang sarili.
Pasimple pa ako nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa bago niya inilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Rustom..ako nga pala si Rustom. Pwede ko bang makuha ang pangalan ng magandang dilag sa harapan ko?" nakangiti nitong wika. Halata sa mga mata nito na interesado talaga siya na malaman ang pangalan ko. Pero bakit? Dahil ba nagagandahan siya sa akin?
"I am sorry MIster! Nandito ako para magshopping at hindi kumulekta ng mga bagong kakilala." malamig kong sagot sa kanya. Sinulyapan ko lang ang nakalahad nitong kamay bago ko ito muling tinalikuran. Pero nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at malakas akong hinatak. Napaigik naman ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin at feeling ko talaga nagkapasa ako sa braso dahil sa ginawa ng istrangherong ito.
Chapter 446
JEANN POV
"Miss, kinakausap pa kita eh. Bakit ba ang bastos mo! Gusto ko lang naman makipag kilala sa iyo eh." wika pa nito sa akin. Nanggigigil naman akong kaagad na humarap sa kanya at papiksi kong hinila ng braso ko na hawak niya pa rin. Masakit ang paraan ng pagkakahawak niya sa akin at tiyak magkakapasa kaagad ako nito.
Napakaselan pa naman ang balat ko pagdating sa mga ganitong bagay. Mabilis akong magkapasa kaya nga ingat na ingat sila Mommy noong bata pa ako na masaktan ako.
"Ano ba Mister! Hindi kita kilala at wala akong balak na makipag kilala sa iyo kaya pwede bang magkaroon ka naman ng kaunting kahihiyan?" naiinis kong singhal sa kanya. Wala akong pakialam kung sino ang kaharap ko ngayun. Nandito ako sa mall na pag aari ng mga abwuelo ko kaya walang sino man ang pwedeng mambastos sa akin.
"Abat...iyan ang gusto ko sa babae! Matapang na palaban pa! Ang sarap mo siguro. Ang kinis mo at ang ganda mo! Nakakapag- -" hindi na natuloy pa ang sasabihin nito ng may isang kamay ang biglang humablot dito at malakas siyang sinapak sa panga.
Hindi ko naman maiwasan na mapasigaw sa bilis ng pangyayari. Nakahandusay na sa sahig ang lalaking nambastos sa akin at walang humpay na pinagsusuntok siya ni Drake.
Yes...si Drake, todo rescue siya sa akin mula sa kamay ng lalaking bastos. Nagkagulo sa loob ng shop at kaagad na nagsipasukan ang mga security guard. Pilit nilang inaawat si Drake dahil duguan na ang lalaking bastos
pero ayaw pa rin siyang tantanan ni Drake.
"Kilala mo ba kung sino ang binastos mo huh? Asawa ko ang binastos mo kaya papatayin kita!" galit na sigaw ni Drake. Hawak na ito ng dalawang guard pero patuloy ito sa
nagpupumiglas na parang gusto talaga nitong pumatay ng tao. Wala sa sariling napalapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay para sana kumalma siya.
"Drake...tama na! Kumalma ka! Ayos lang ako! Hi-hindi naman talaga siya nagtagumpay sa gusto niyang gawin sa akin eh..tama na! Isipin mo ang anak natin kung sakaling makapatay ka!" wika ko. Kaagad naman napatitig sa akin si
Drake. Ang kaninang galit nitong mga mata ay kaagad na lumamlam habang nakatitig sa akin.
Dahan-dahan naman itong binitiwan ng mga gwardiya ng masiguro nilang kalmado na si Drake. Hinawakan naman ako ni Drake sa magkabilang balikat at sinipat ng tingin bago ako niyakap ng mahigpit.
"Thanks God! Walang nangyaring masama sa iyo. Sorry, hindi ko kaagad napansin na binabastos ka na pala ng gagong iyan!" wika nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Damang dama ko kasi ang sobrang pag aalala niya sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon na naghiwalay kami ni Drake muli ko siyang na-aappreciate.
Ngayun ko lang napatunayan na kaya niya pala talaga akong ipagtangol kahit kanino. Ngayun ko lang din napatunayan na kahit na gaano pa kagaspang ang pag uugali na ipinakita ko sa kanya, nandiyan pa rin siya para alagaan ako.
"Ayos lang ako! Hayaan na natin ang mga pulis ang magbigay ng hatol sa taong iyan!' sagot ko naman kasabay ng pagtapik sa likuran niya. Kaagad niya naman akong binitiwan at sinipat ng tingin.
"Talaga bang ayos ka lang? Huwag kang matakot. Hindi ko na hahayaan pa na may mambastos sa iyo ulit..'" sagot nito kaya kaagad akong napangiti.
Ngiti na walang halong galit. Ngiti na puno ng pasasalamat para kay Drake.
"Ayos lang talaga ako! Medyo masakit ang braso ko dahil sa pagkakahawak niya kanina pero alam kong gagaling din kaagad ito." sagot ko naman.
Kung kanina ay napansin kong kalmado na ito, bigla naman nangunot ang noo niya. Kaagad niyang sinuri ang braso ko at ng mapansin niya na may pasa nga ay galit nitong tinitigan ang lalaking nakahandusay at dinuro.
"Sisisguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!" galit na sigaw ni Drake. Nahihilo naman na dahan-dahan na bumangon ang lalaking bastos pero naging maagap si Drake. Sinipa niya ulit ito kaya muli itong napahiga sa sahig habang sinasambit ang katagang sorry'
Ilang saglit lang dumating na din naman kaagad ang mga kapulisan at hinuli ang salarin. Lalo kong napansin ang takot sa mga mata ng lalaking bastos ng malaman nito na apo ako ng may ari ng mall at hindi ko na din mabilang kung ilang beses siyang humigi ng tawad sa akin pero hindi na ako binigyan pa ni Drake ng pagkakataon na makalapit sa kanya. HInila niya ako palayo sa umpukan at ang abogado niya na lang daw ang bahala para masampahan ng kaso ang lalaking nambastos sa akin.
"Isuot mo ito. Baka makapatay na ako ng tao kapag may mambastos ulit sa iyo!" wika ni Drake sa akin habang nakaupo ako dito sa upuan ng boutique. Saglit niya akong iniwanan dahil kailangang ng bayaran ang mga natipuhan kong bilihin. Gusto niya na nga akong hilahin pauwi kanina pa pero hindi ako pumayag. Sayang naman iyung mga nagustuhan kong damit kung hindi ko maiuwi.
Balak ko na din naman namin umuwi pagkatapos nito dahil aaminin ko man or hindi, labis din kang natakot sa nangyari kanina.
"Pero, ayos naman itong suot ko Drake. Tsaka mainit iyan eh." sagot ko naman habang sinisipat ko ng tingin ang medyo may kahabaang jacket na iniabot niya sa akin. Ayaw ko nga. Masisira ang attire ko noh! Ang ganda ng suot ko tapos patatakpan niya lang sa jacket na iyan.. Hindi ako papayag! Hindi naman kabastos-bastos ang suot ko sadyang may mga manyakis lang talagang mga lalaki na hindi mapigilan ang sarili na mambastos ng babaeng kasing ganda ko.
Chapter 447
JEANN POV
Pagkatapos magbayad, napagpasyahan na naming umuwi na lang. Nakaka-trauma man ang nangyari kanina, gayunpaman kailangan kong magpakatatag. Hindi naman pala ako pababayaan ni Drake sa mga ganitong klaseng sitwasyon. Hanggang ngayun din kasi, ramdam ko pa rin ang tension kay Drake habang naglalakad kami palabas ng mall.
Gustuhin ko mang ituloy ang pagsa- shopping ko, halos ayaw niya na din naman humiwalay sa tabi ko. Nagiging istrikto siya pagdating sa mga taong nakapaligid sa amin. Hindi tuloy ako makapamili ng maayos dahil nakabuntot ito sa akin palagi kaya ang ending uuwi na lang. Total, ayaw ko din naman abutan kami ng gabi dito sa labas lalo na at baka hinahanap na kami ni Baby Russell.
Pagdating ng bahay, sakto namang tulog daw si BAby Russell sa kwarto ni Daddy Andy. Hinayaan ko na lang muna at akmang tatahakin ko na ang way papunta sa isa sa mga guest room ng hawakan ako ni Drake sa kamay.
"Sa kwarto ka na lang. Ako na lang ang gagamit ng guest room." wika nito sa akin. Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi niya iyun kaya kaagad akong umiling.
"Hindi pwede! Doon ka na sa kwarto at ako na ang bahalang maghanap ng magiging kwarto namin ni Baby Russell. Hanggat maaari ayaw kong makaabala Drake!" seryoso kong sagot. Kaagad naman itong umiling.
"Sino ba ang nagsabi sa iyo na nakakaabala kayo sa akin? Asawa kita at gusto kong kumportable ka dito sa bahay. Hayaan mong ako ang mag adjust Jeann." seryosong sagot nito. Kaagad naman akong napabuntong hininga sabay tango.
"Fine...kung talagang nag iinsist ka, sige! Sa kwarto kami ni Baby Russell, sa guest room ka!" sagot ko. Pigil ko ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Kaagad naman itong tumango.
Kaagad na akong sumibat. Hindi ko na din kasi talaga kayang labanan ng tingin si Drake eh. Para na din kasi akong naaawa sa kanya. May utang na loob na ako sa kanya dahil sa nangyari kanina tapos iba-ban ko pa siya sa kwarto namin? Hayssst! Masyado na ba akong masama? Masyado na bang OA ang ginawa kong pagtrato sa kanya?
Si Drake na din mismo ang nag akyat sa lahat mga personal na gamit na pinang shopping ko. Pwede naman sana niyang iutos iyun sa mga kasambahay pero ayaw daw niya. Gusot daw niyang personal akong pagsilbihan. Sino ba naman ako para tatanggi diba? Bahala na siya.
Kung sa tungkol sa effort lang ang pag uusapan, sobra-sobra na ang ibinigay sa akin ni Drake. Tapos evicted pa siya sa room namin? Wala man lang siyang natanggap na reward mula sa akin?
Nang naipasok na ni Drake ang last na paper bag na naglalaman ng mga wardrobe na pinamili ko kaagad ko na itong pinigilan. Hindi naman ako ganoon kasama para magawang tiisin siya. Mahal ko ang lalaking ito at hindi ko din naman kayang nakikita na nahihirapan siya. Magsasama lang naman kami sa iisang kwarto at wala namang mangyayari. Magkatabi na nga kami sa kama kagabi pero hindi niya naman ako ginawan ng masama. Gentleman pa rin naman ang asawa ko at wala sa forte nito ang mamimilit ng babae pagdating sa kama.
"Hmmmm Drake..naisip ko lang.... pwede ka naman pala mag stay sa room natin. Para...para makasama mo din si Baby Russell." nauutal kong wika. Kagustuhan ko ito kaya dapat lang talaga na panindigan ko. Nasabi ko na at wala ng bawian pa.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang unti-unting paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Para itong nanalo sa pustahan na ewan. Mabilis pa nga itong naglakad palapit sa akin at masaya akong tinitigan sa mga mata.
"Jeann? Sigurado ka ba diyan? Pwede akong mag stay dito sa kwarto para makasama kayo ng mga bata?" masaya nitong tanong. Kaagad naman akong tumango.
"Yes! Eh oo naman! pwede talaga! Gusto ko din naman na palagi kang makasama ng anak natin eh. Tska, hindi ka naman gagawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan diba?" tanong ko naman. Hindi ko pa nga maiwasan na mapakagat sa sarili kong labi dahil sa hiya sa kanya. Ewan ko ba... ako itong nagyaya sa kanya na sa kwarto na siya mag-stay ako pa itong nahihiya. Hayssst!
"Of course! Of course! Promise, hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi mo magugustuhan! Thank you Jeann! Thank you so much! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun!" nakangiti nitong sagot. Pilit naman akong ngumiti sa kanya dahil sa sa totoo lang, kanina pa kumakabog sa kaba ang dibdib ko.
"So, aayusin ko muna ang mga pinamili ko. Bahala ka na kung ano ang gagawin mo dito sa kwarto. Pwede kang magpahinga or what. Promise, magdahan-dahan lang ako ng kilos para hindi ka maisturbo sa pagpapahinga mo." nakangiti kong wika sa kanya. Ngiti na walang halong kaplastikan.
"Sure...kahit na mag ingay ka pa dito sa loob ng kwarto, ayos lang sa akin. Ang importante, kasama kita ngayun...' ngiting ngiti naman nitong sagot at tinitigan ako sa mga mata. Pilit naman akong nag iwas ng tingin sa kanya. Ewan ko ba, sa tuwing titig niya sa akin, para namang gusto nang kumawala ang puso ko sa sobrang pagkabog nito. Parang gusto ko na tuloy pagsisisihan ang ginawa kong pagyayaya sa kanya dito sa kwarto. Baka mamaya hindi ko mapanindigan at ako din ang maging talo sa bandang huli.
"Si---sige! Rest well!" wika ko sa kanya at mabilis kong binitibit ang iilan sa mga papers bags na nasa harapan ko at mabilis na akong nagkalakad patungong walk in closet para ayusin na lang muna ang mga pinamili ko. Hindi ko na din kasi talaga matatagalan pa ang pag uusap namin ni Drake. Feeling ko, para akong isang teenager na nakikpag usap kay crush.
Chapter 448
JEANN POV
Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga gamit ko mabilis na akong lumabas ng walk in closet. Naabutan ko pa si Drake na nahihimbing na sa pagtulog sa kama.
Hindi ko maiwasang lapitan ito para matitigan ng malapitan. Kaagad na gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko ng matitigan ko ang kanyang gwapong mukha.
Mahal ko naman talaga siya eh.. Mahal na mahal! May mga bagay lang talaga na mahirap kalimutan. May takot pa rin talaga akong naramdaman sa puso ko kaya nahihirapan akong muling magtiwala sa kanya.
Sa totoo lang, hindi ko pa naman talaga tuluyang isinasara ang puso ko sa kanya kaya ako pumayag na bumalik sa bahay na ito. May gusto lang din talaga akong patunayan kaya nandito ako. Gusto ko lang din naman masiguro kung talagang wala na silang ugnayan ni Jasmine. Ayaw ko kasing magbakasakali at sa bandang huli ako din ang masasaktan. Childhood sweetheart niya ang kalaban ko at wala akong panama doon kasi mas naunang dumating ang Jasmine na iyun sa buhay ni Drake kumpara sa akin.
Sobrang haba ng pasensya ni Drake sa akin nitong mga nakaraang araw. Kahit na ilang beses na itong nakarinig ng maangahang na salita mula sa akin, nandiyan pa rin siya at pilit akong sinusuyo.. Sana nga nagsisisi na siya sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya. Sana nga, hindi niya na ulit ako lolokohin.
"Hmmm Love...nandiyan ka pala? Tapos ka na bang mag ayos?" kaagad akong napaiwas ng tingin ng biglang dumilat si Drake at direktang tumitig sa akin.
"Ha? Ah! Eh, tapos na akong mag
ayos. Ka-kanina pa sana kita gu- gustong gisingin dahil yayayain sana kita nag puntahan si Baby Russell sa kwarto ni Daddy." pautal-utal kong sagot. Nagmamdali naman itong bumangon habang naghihikab kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya. Naisturbo ko pa yata nag tulog niya.
Tsaka ano iyung tawag niya sa akin kanina? 'Love'? Kakamulat pa lang ng mga mata niya Love kaagad ang tawag niya sa akin? Para sa akin ba talaga iyun? Ilang beses ko na kasing narinig ang katagang iyun mula sa bibig niya. Parang normal lang sa kanya na tawagin ako sa ganitong endearment.
"Saglit lang Love, maghihilamos lang ako at mag toothbrush tapos puntahan na natin si Baby.'" sagot nito at mabilis ng naglakad patungong banyo. Nasundan ko na lang siya ng tingin habang hindi ko mapigilan ang unti- unting paguhit ng ngiti sa labi ko. Ewan ko ba! Kinikilig talaga ako sa tuwing tinatawag niya ako sa ganung endearment.
Habang hinihnitay si Drake nagpasya akong ligpitin na muna ang kalat sa kama. Tinupi ko ang mga dapat tupiin at inilagay ko sa tamang lagayan ang mga iilang gamit na nakakalat.
Abala ako sa ginawa ko ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa si Drake na nakatapis lang ng tuwalya at basang basa ang buhok nito. Halatang bagong ligo at fresh na fresh tingnan. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin at amuyin ang mabango niyang katawan.
Hindi ko maiwasang sipatin ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang gwapo talaga ng asawa ko! Kaya siguro na-inloved ako sa kanya ng sobra!'
"Ehem...magbibihis lang ako Love. Saglit lang ito." boses niya ang muling nagpabalik sa aking huwesyo. Kumurap-kurap pa ako bago ako nakasagot.
"Ha? Ah...Eh sige...hihintayin kita!" sagot ko naman at kaagad na tumalikod sa kanya. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Nakakahiya ang ginawa kong pagtitig sa kabuuan ni Drake. Baka kung ano ang isipin niya sa akin! Baka napansin niya ang pagkatulala ko sa harap niya kanina.
Hindi na din naman nagtagal ang paghihintay ko kay Drake. Lumabas ito mula sa walk in closet na nakabihis na ng damit pambahay. Naka cotton short lang ito na lagpas tuhod at puting t- shirt. Gayunpaman, hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko kung gaano ito kakisig. Hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko kung gaano kalakas ng kanyang sex appeal at malaking epekto iyun sa akin.
Naabutan namin si Baby Russell sa kwarto ni Daddy na gising na. Halata sa mukha ng bata ang tuwa ng makita niya ang pagdating namin ni Drake. Kaagad naman itong binuhat ni Drake at sabay na namin siyang dinala sa gaden.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kapaligiran kaya hindi na ganoon kainit. Kaagad nagharutan ang mag ama ko habang tahimik lang akong nanonood sa kanila. Nag eenjoy ako sa kakapanood sa kanila kaya hindi na namin namalayan ang paglipas ng oras.
Masaya ako na nakikita kong masaya ang mag ama ko. Dalangin ko na sana ganito kami palagi. Dalangin ko na sana wala ng problemang darating para tuluyan na kaming magkabati ni Drake.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko nang mapansin ko ang paglapit kay Drake ng isa sa mga guard na nagbabantay sa gate. Hindi ko tuloy maiwasan na makiusyuso ng itinuro ni Manong Guard ang gate at mula sa kinaroroonan ko, kaagad kong napansin ang isang babaeng nakatayo. Bakas sa mukha ng naturang babae ang galit habang kinakatok ang bakal na gate at parang gusto niyang pumasok dito sa loob.
Hindi ko maiwasang magsalubong ang aking kilay ng mapag-sino ang naturang babae. Ang kapal ng mukha niya na pumunta-punta dito sa pamamahay namin ni Drake. Ang kapal ng mukha niyang sumugod dito gayung siya ang dahian kung bakit nasira ang pamilyang pilit kong binuo.
"Drake....Babe! Kausapin mo naman ako ohhh! sorry na! Alam kong nagkamali ako pero pinagsisisihan ko na ang lahat! Sorry Babe!'" narinig ko pang sigaw nito habang nasa labas ng gate. Kaagad akong tumayo at mabilis na naglakad para lapitan siya.
Hindi siya pinapapasok ng mga guard kaya obvious na hindi siya welcome sa bahay ito!
Chapter 449
JEANN POV
"Papasukin niyo siya!" utos ko sa guard pagkalapit ko sa gate. Kaagad ko namang nakuha ang attention ni Jasmine at kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Hindi niya marahil inaasahan ang presensya ko sa bahay na ito. Lihim naman akong natawa.
Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko! Sisiguraduhin ko na pagsisisihan niya ang lahat ng ginawa niyang panggugulo sa pamilya ko. Huwag lang makialam ang Drake na ito sa posible kong gagawin sa kerida niya kung hindi maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Unti-unti pa namang bumabalik ang loob ko sa kanya kaya umayos siya!
"Scared? Gusto mong pumasok diba? Dont tell me na biglang nabahag ang buntot mo? Pinapasok ka na nga, aayaw ka pa ngayun? Bakit? Natatakot ka ba?" sunod-sunod kong tanong. Pinilit akong magpaka-hinahon kahit na ang totoo kanina pa kumukulo ang dugo ko. Gusto ko na siyang sabunutan. Gusto kong matikman niya ang galit ko na matagal ko ng kinimkim sa puso ko.
"A-anong ginagawa mo dito? Hindi bat hiwalay na kayo ni Drake? Ayaw niya na sa iyo bakit nagbalik ka pa?" sagot naman nito. Bakas sa boses nito ang pagkadismaya kaya hindi ko maiwasan na matawa. Kaagad naman nagsalubong ang kilay nito dahil sa naging reaction ko.
"Bakit ayaw mong pumasok? So, totoo pala ang balita ko na fake ang pagbubuntis mo? Nakakaawa ka naman! Hindi ko akalain na nagawa mong magsinungaling mapaikot mo lang sa palad mo ang asawa ko! Hindi ko akalain na ganyan ka ka dispirada para lang makuha ang gusto mo!"
nakangisi kong wika sa kanya.
Hindi ito nakaimik kaya tinalikuran ko na ito. Nakakailang hakbang palang ako palayo ng gate ng marinig ko ang boses ng guard na kinakausap si Jasmine.
"Papasok po ba kayo Mam? Kung hindi po, isasara na namin ang gate. Huwag na po sana kayong bumalik dahil naka ban na po kayo dito. Mahigpit na ibinilin ni Mr. Davis na bawal po kayo sa lugar na ito." narinig kong wika ng guard. Hindi ko naman mapigilan na mapangisi at napatingin pa ako sa gawi ni Drake na tahimik lang na nakamasid sa akin. Kandong niya pa rin si Baby Russell.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi sa naging action nya kahit na alam niyang nasa labas si Jasmine at for sure siya ang hinahanap. Parang wala na lang sa kanya si Jasmine ngayun na siyang dahilan ng sobrang saya na nararamdaman ng puso ko. Totoo nga siguro na tuluyan niya nang binura sa buhay niya si Jasmine. Totoo nga siguro na napilitan lang siyang pakisamahan ang babaeng iyun dahil nabuntis niya ng minsang may nangyari sa kanila.
Haysst, hindi kasi marunong magpigil at kahit may asawa na, nagawa niya pa rin makipag talik sa ibang babae.
Sabagay, baka nabulagan lang din si Drake dahil ex niya nga si Jasmine at childhood sweetheart pa. Meaning to say, may malalim na silang pinagsamahan at hindi kaagad iyun mawala-wala sa puso at isipan ni Drake. Pero mukhang iba na ngayun, kung talagang mahal ng Drake na ito si Jasmine, kanina niya pa siguro pinapasok dito sa bahay. Hindi niya sana ito ipapa ban sa mga guard.
"Drake! Ano ba! Kausapin mo naman ako oh! Mahal kita! Mahal na mahal!"
narinig kong sambit ni Jasmine. Ang kapal talaga ng mukha niya at nagawa niya pa talagang pumasok. Hindi man lang natakot sa titig ko.
"Hep! Hep! Saan ka pupunta!" kaagad ko namang sambit at kaagad na sinalubong si Jasmine. Pilit pa itong umiiwas sa akin pero naging maagap ako. Kaagad ko siyang hinarang habang nanlilisik ang mga matang tinitigan ito.
"Ang lakas din naman ng loob mo na pumasok sa teritoryo ko! GAnyan ka na ba kawalang hiyang babae ka? Talaga bang wala ng natitira pa na kahit kaunting delikadisa sa katawan mo?" galit kong sigaw sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang pagtulak ni Jasmine sa akin kaya saglit akong napaatras. Mabuti na lang at malakas ang reflexes ko at hindi ako natumba. Naging daan iyun para lalong mag init ang ulo ko at kaagad na gumanti sa kanya. Nang saglit na makabawi mas
malakas ko siyang itinulak na siyang dahilan kaya napaupo ito sa lupa. Hindi ko maintindihan pero mas bumagsak ang katawan ni Jasmine ngayun kumpara noong last kaming nagkita. Para itong nag addict sa sobrang kapayatan ngayun.
"Drake ano ba! Ako ang mahal mo diba? Bakit hinahayaan mo ang babaeng iyan na saktan ako? " bigkas ni Jasmine habang umiiyak. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na pala si Drake. Hindi niya na karga si Baby Russell kaya kaagad ko itong hinanap at napansin ko na lang na nasa kay Ella na ito. Naglalakad na sila papasok ng bahay na siyang labis kong ipinagpasalamat. Hanggat maaari, ayaw kong makita ng anak ko ang kumusyon na nangyayari dito sa labas.
"Jasmine...ano pa ang gusto mo? Ilang beses ko ng sinabi sa iyo na tantanan mo na ako! Wala na akong pananguatan sa iyo dahil sa umpisa pa lang, niluko mo na ako!" si Drake na ang nagsalita. Lalo namang lumakas ang pag iyak ni Jasmine. Hindi ko nga alam kung tunay na pag iyak ba iyun dahil pilit niyang kinukusot ang kanyang mga mata para siguro lumabas ang luha. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaismid.
Kung naging artista lang siguro itong si Jasmine, baka nanalo na itong best actress. Alam ko kasing nagdadrama lang ito eh. Sa hitsura niya ngayun alam kong naghihirap siya. Ang payat niya at mukhang kulang sa nurtisyon ang katawan. Ang laki ng ipinagbago niya simula noong last kaming nagkita sa mall.
"Mahal kita Drake! Pinalayas mo na ako sa bahay kung saan ako nakatira. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta! Drake naman, huwag mo naman sana itong gawin sa akin. Alam kong nagkasala ako pero sana naman pakingan mo ako!" nakikiusap na wika ni Jasmine kay Drake. Kung wala lang sigurong malaking atraso sa akin ang Jasmine na ito, baka naawa pa ako sa kanya eh. Kaya lang hindi eh...siya ang isa sa mga dahilan kaya nagkalabo- labo ang buhay mag asawa namin ni Drake. Kung hindi sana siya umiksena, masaya sana kami ngayun.
Chapter 450
JEANN POV
"Umalis ka na Jasmine. Wala na akong maitulong sa iyo. Tapos na ang obligasyon ko at ilang beses na kitang tinulungan pero wala akong nakikitang pagbabago sa buhay mo. Hayaan mo na ako na ang pamilya ko naman ang aasikasuhin ko. Nagkasala ako sa asawa at anak ko at pilit akong bumabawi sa kanila ngayun kaya sana huwag mo ng ipilit ang gusto mo!" narinig kong wika ni Drake.
"Pero Drake, hindi ko kaya! Alam mo naman siguro na simula noong bumalik ako dito sa Pinas, nakadepende na ako sa iyo diba? Tapos pinaalis mo pa ako sa bahay na tinitirhan ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na alam kung ano nag gagawin ko!"
pagpapaawa ni Jasmine kaya muling napataas ang kilay ko.
Alam na this! Feeling ko pera lang talaga ang habol ng babaeng ito kay Drake eh. Ramdam na ramdam ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Tapos na tayo Jasmine at wala na akong magagawa pa. Bata ka pa! Ayusin mo na ang buhay mo at itigil mo na ang nakasanayan mo. Magtrabaho ka! Buhayin mo ang sarili mo! Kaya mo iyan!" sagot naman ni Drake.
"Drake, alam mo naman siguro na hindi ako marunong diba? Hindi ako nakatapos at nasanay ako walang ibang ginawa kundi ang maglakwatsa.
Nasanay na din ako na nasa tabi kita. Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Akala ko ba hindi mo ako susukuan? Ano ito? Porket nagkamali ako, iiwan mo na lang ako ng basta-basta? Aminado naman ako sa lahat ng mga kasalanan ko eh. Aminado ako- -" hindi na natuloy pa ang sasabihin nito ng kaagad akong pumalakpak.
"Magaling! Magaling! And the best actress award goes to Jasmine! Palakpakan!" pasigaw ko pang bigkas. Malakas akong pumalakpak kaya nabaling sa akin ang attention ni Jasmine. Inirapan ako nito kaya kaagad ko naman itong inambahan. Amba lang naman. Gusto ko lang siyang takutin.
"Drake, ano ba! Kung hindi mo pa papalayasin ang babaeng iyan, kami ng anak mo ang aalis dito at hindi mo na kami makikita pa kahit kailan!"
seryoso kong wika kay Drake. Masuyo naman ako nitong hinawakan sa kamay. Nakikiusap ang mga matang tumitig sa akin.
"Sorry, promise last na ito. Hayaan mong kausapin ko siya at simula bukas, hinding hindi mo na makikita kahit na ang anino niya kahit kailan." wika naman sa akin ni Drake. Bakas sa boses nito ang pakiusap kaya hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.
"Okay...sabi mo eh!" sagot ko naman at naiinis na tinitigan si Jasmine. Hindi pa nga ako nakapagpigil at binatukan ko pa ito bago ako tuluyang umalis. Napasigaw pa ang bruha at halatang nagpaakampi kay Drake pero hindi naman siya pinansin. Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko at diretso na akong naglakad kung saan naka pwesto si Drake kanina.
Papanoorin ko kung ano ang gagawin nii Drake. Isang pagkakamali at maghahalo ang balat sa tinalupan. Napataas pa ang kilay ko dahil kaagad namang napatayo si Jasmine at akmang yayakap kay Drake pero mabilis nakailag ang asawa ko.
"Umalis ka na Jasmine. Isang malaking pagkakamli ang pagpatol ko sa iyo noon kaya tumigil ka na!
Patahimikin mo na kami! Wala ka ng aasahan sa akin dahil nagising na ako sa katotohanan na hindi kita mahal!" narinig ko pang wika ni Drake. Wala sa sariling napadi kwatro tuloy akong naupo. Sininyasan ko pa si Manang na nakaantabay sa hindi kalayuan para manghihingi ng maiinom. Para kasing nanonood ako ng live na palabas eh. Sa parte ni Jasmine, siya ang bida at ako ang kontrabida.
"Pero Drake, hindi ka ba naaawa sa akin? Wala akong mapupuntahan! Wala akong pangastos. Walang wala na ako ngayun. Naguguluhan ka lang eh. Ako naman talaga ang mahal mo diba? Hindi mo naman mahal ang Jeann na iyan eh. Takot ka lang sa pamilya niya kaya binalikan mo siya diba?" umiiyak na sagot ni Jasamine. Parang gusto ko tuloy itong sugurin at kalbuhin gamit ang garden scissors. Ang kapal ng mukha niyang makipag-kumpitensiya sa akin!
"Nagkamali ka! Mahal ko si Jeann! Mahal ko ang asawa ko! Umalis ka na dahil wala kang lugar sa puso ko!" wika ni Drake. Lalo namang napahagulhol ng iyak si Jasmine. Hindi na nga ito nakapagsalita.
"Ang laking pera ang ibinigay ko sa iyo noong pinaalis kita sa bahay. Ginamit mo man iyun sa mabuti or masamang paraan kaya naubos kaagad wala na akong pakialam. Tapos na ang obligasyon ko sa iyo Jasmine kaya umalis ka na. Ano man ang maging buhay mo pagkatapos nito, wala na akong pakialam." sagot ni Drake at kaagad na sininyasan ang dalawang guard. Sabay-sabay namang nagsilapitan ang mga ito.
"Ilabas niyo na siya. Kahit ang pagtayo niya sa labas ng gate ay matindi kong ipinagbabawal. Bukas ng umaga, magdadagdag ako ng isa niyo pang makakasama dito." wika ni Drake. Patuloy sa pagmamakaawa si Jasmine hanggang sa bitbitin na ito ng mga guard palabas ng gate pero parang naging bingi na si Drake. Wala na nga siguro talaga itong pakialam sa kabit niya at pinaninindigan na nito na talagang hiwalay na sila.
Magkahalong damdamin naman ang kaagad na bumalot sa puso ko dahil sa nasaksihan. Ano man ang pakay ni Jasmine kaya siya pumunta dito sa amin, siya na lang ang nakakaalam. Basta sa kaibuturan ng puso ko, galit ako sa kanya dahil sa pag agaw nya sa attention ni Drake sa amin. Nagbalik siya sa Pinas para guluhin ang relasyon namin ni Drake kaya kailangan niyang pagbayaran iyun.
"Pasok na tayo sa loob?" naputol lang ako sa pagmumuni-muni ko ng mapansin ko na nakatayo na pala sa harapan ko si Drake. Muli akong napasulyap kay Jamine na hindi pa rin umaalis sa tapat ng gate namin.
"Hindi ka ba naawa sa kanya?" tanong ko kay Drake. Saglit itong nanahimik at tinitigan ako.
"Wala na akong obligasyon sa kanya Jeann. Nagkasira tayo dahil sa pagpatol ko sa kanya at bago siya umalis sa buhay ko binigyan ko siya na malaking halaga para makapag bagong buhay. Siguro naman, hindi na ako uusigin pa ng konsensya dahil pinabayaan ko na siya diba?" sagot nito. Hindi ko naman malaman kung ano ang magiging reaction ko.
Kung pera lang talaga ang habol ni Jasmine hindi ko talaga siya pwedeng kaawaan. Pero kung umiiyak man siya ngayun sa labas ng gate dahil mahal niya si Drake hindi ko naman papahintulutan na siya ang piliin ni Drake. Sa pagkakataon na ito, dapat na akong matutong ipaglaban kung ano ang sa akin.
Chapter 451
JEANN POV
Sabay na kami ni Drake pumasok ng bahay nang masiguro namin pareho na nakaalis na si Jasmine.. Pagkatapos sa mga nasaksihan ko ngayung araw, himala na gumaan ang pakiramdam ko.
Nalulungkot din naman akong makita ang pagkalugmok ni Jasmine pero mas mahirap naman yata sa parte ko kung siya ang magwagi sa puso ni Drake. Mas mahirap sa akin kung siya ang
piliin ni Drake kumpara sa akin. Kahit na pagbabalik-baliktarin pa ang mundo, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na hindi naman siguro ako pakakasalan ni Drake kung hindi ako mahalaga sa kanya.
Mahal ko si Drake at minsan na akong nagparaya. Since nagpakita siya ng effort sa akin ngayun na muli kaming magkabalikan ito na din siguro ang tamang panahon para pagbigyan siya.
"Umalis na ba ang babaeng iyun?" sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan pa na nakahawak na pala sa kamay ko si Drake. Sabay na din kaming pumasok dito sa living area at ang tanong ni Daddy Andy ang kaagad na sumalubong sa amin.
"Nakaalis na Dad! Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kay Jasmine para tigilan niya ang panggugulo."
sagot ni Drake Iginiya niya pa ako paupo sa pandalawahang sofa at halos dumikit na ito sa katawan ko noong tumabi siya ng upo sa akin.
"Bakit ba nanggugulo ang babaeng iyun? Hindi healthy sa pagsasama niyong mag asawa kung palagi siyang nagpupunta dito sa bahay. Kailangan siguro bigyan mo siya ng pera para lumayas na. Para hindi ka na niya guluhin." sagot naman ni Daddy Andy.
Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula kay Drake bago nito pinisil-pisil ang aking palad. Nagbigay naman iyun ng kakaibang sensasyon sa buo kong pagkatao.
Para akong napapaso at pilit na binabawi ang palad na hawak niya pero hindi ako nagwagi. Para kasing biglang nagtayuan lahat ng balahibo ko sa aking katawan dahil sa kakaibang pakiramdam. Para akong kinakapos sa aking paghinga na ewan.
"Ginawa ko na iyan Dad. Binigyan ko na siya ng 2 Million noong pinaalis ko siya doon sa bahay na tinitirhan siya. Hindi yata magandang desisyon ang ginawa ko dahil lalo yatang nalulong sa ipinagbabawal na gamot si Jasmine." sagot ni Drake. Nagulat naman ako sa aking narinig.
Kaya siguro ang payat ni Jasmine ngayun. Kaya siguro ang laki ng
ipinagbago ng kanyang katawan dahil nalulong pala siya sa bawal na gamot.
lyan na nga ang sinasabi ko eh! Kailangan palang madala sa rehab center ang babeng iyun. Baka kung ano pa ang maisip niyang gawin lalo at ganitong natutuyo na pala ang utak niyan dahil sa droga." sagot ni Daddy Andy. Hindi naman nakaimik si Drake.
"Ta-talaga bang nag aaddict si Jasmine? Kailan pa?" hindi ko maiwasang tanong. Muli kong naramdaman ang pagpisil ni Drake sa palad ko bago ako nito sinagot.
"Matagal na! Bago pa siya nagkunwaring nabuntis ko siya, lulong na sa drugs si Jasmine. Akala ko talaga magbabago na siya pero hindi nangyari. Gusto kong isalba ang future ni Jasmine dahil may pinagsamahan din naman kami noon kaya lang nabigo ako. Hanggang sa nalaman mo na nga ang tungkol sa pagkakaroon namin ng relasyon na siyang dahilan ng palagi nating pag aaway noon at humantong pa sa hindi inaasahang pangyayari!" sagot ni Drake. Para naman akong namamalikmata na napatitig sa kanya. Parang bigla kong nalulon ang dila ko dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Muli kasing nanumbalik sa balintataw ko ang mga nangyari noon. Ang sobrang hirap ng pinagdaanan ko.
"Hanggang sa idiniklara niyang nagdadalang tao siya. Maniwala ka man sa akin or hindi, isang beses lang may nangayari sa aming dalawa. Lasing pa ako noon at natukso lang talaga ako!" pagpapatuloy na wika ni Drake. Hindi ko naman napigilan ang unti-unting pagpatak ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo pero isa lang ang nasisiguro ko, naniniwala ako sa sinasabi niya ngayun.
"Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan noong ibinalita sa akin nila Peanut at Rafael na wala ka na! Hindi ko matanggap Jeann. Hindi kayang tanggapin ng puso ko na nagawa mong saktan ang sarili mo dahil sa katangahan ko! Binigo kita! Bigo akong tuparin ang pangako ko sa mga magulang mo na aalagaan kita at mamahalin. Sinaktan kita kaya hindi ko masisisi kung galit man ang lahat sa akin. Kung bakit halos isumpa ako ng buo mong angkan." wika ni Drake sa akin. Lalo naman akong naluha. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Daddy Andy at suminyas sa akin na maiiwan nya muna kami. Siguro gusto niyang bigyan ng privacy ang pag uusap naming dalawa ni Drake.
"Hindi ko alam! Sorry! Basta ang alam ko lang, masyadong masakit ang ginawa mong panluluko sa akin Drake.
Hindi ko kayang tanggapin na nagawa mo akong ipagpalit sa ibang babae sa kabila ng mga effort ko para maging maayos ang pagsasama natin" sagot ko. Kaagad ko namang naramdaman ang mahigpit na pagyakap nito sa akin. Yumuyugyog na ang balikat nito palatandaan na umiiyak na din.
"No! huwag kang mag sorry sa akin dahil pagbabalik-baliktarin man natin ang mundo, ako ang nagkasala sa relasyon natin Sweetheart! Ako ang dahilan kung bakit ka nagdurusa ngayun! Ako ang dahilan kung bakit ka lumuluha! Sorry! Patawarin mo ako sa lahat ng mga pagkakamali ko!
Patawarin mo kung naging marupok ako sa tukso. Pangako! Hindi na mauulit ang lahat ng iyun! Isang chance lang at papatunayan ko sa iyo na nagbago na ako!' sagot nito sa akin. Lalo tuloy akong napahgulhol ng iyak habang nakasubsob sa dibdib nito.
Oo, masakit para sa akin ang ginawa niya noon pero hindi pa rin pwedeng ikaila ang katotohanan na mahal ko siya. Sa kabila ng mga kasalanan na nagawa niya sa akin, hindi ko pa rin siya kayang kalimutan kahit na pilit kong isinisiksik sa isipan ko na hindi siya karapat dapat na mahalin.
Chapter 452
JEANN POV
Pagkatapos ng masinsinang pag uusap namin ni Drake parehong may ngiti sa aming labi habang hawak kamay kaming naglalakad palabas ng living area. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayun dahil sa wakas, nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Nailabas ko na sa kanya ang sama ng loob na nararamdaman ko na ilang buwan ko din kinimkim sa puso ko.
Masakit ang maluko pero mas mahirap kung hindi ka marunong magpatawad. Handa kong kalimutan lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya sa akin basta huwag nya na lang ulitin. Isang beses na pagkakamali ay kaya kong palagpasin pero kapag maulit pa ito, hindi na talaga siguro kami magkakasundo.
"Sir, Mam, ready na po ang mesa. Pwede na po kayong kumain ng dinner.
" imporma sa amin ni Manang pagkalabas pa lang namin ng living area. Balak sana naming puntahan si Baby Russell sa kwarto kung saan binabantayan siya ni Ella pero mukhang kailangan muna namin kumain ng dinner dahil medyo late na. Gusto ko na din magpahinga. Sa dami ng nangyari ngayung araw, medyo nakakaramdam na din ako ng pagod.
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko kay Manang bilang tanda ng pagsang ayon bago kami sabay naglakad patungo sa dining area. Naabutan pa namin si Daddy Andy na matiyagang naghihintay sa amin. Kaagad naman kaming humingi ng paumanhin ni Drake sa kanya at isang nakakaunawang ngiti lang din naman ang naging sagot nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon, masaya kaming nagsalo ni Drake ng hapunan. Ito na din ang kauna- unahang pagkakataon na nagkasabay kami sa pagkain simula ng naghiwalay kami.
"Try this one Sweetheart! Hindi ba at paborito mo ito?" sambit pa ni Drake sa akin habang inilalapag niya sa pingan ko ang hinimay na hipon. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Hindi niya pa rin pala nakalimutan ang isa sa mga paborito kong pagkain. Kanina pa siya asikasong asikaso sa akin. Nahihiya na nga ako kay Daddy Andy na kasabay namin sa pagkain ngayun dahil wala nang inatupag ang anak niya kundi pagsilbihan ako.
"Drake, tama na! Masyado ng marami itong mga nahimay na hipon. Atupagin mo na din ang pagkain mo." saway ko kay Drake. Ako na mismo ang personal na kumuha ng pagkain at inilagay iyun sa kanyang pinngan. Wala yatang balak kumain ang asawa ko dahil wala siyang ibang inaatupag kundi bantayan ang kinakain ko.
"Ayos lang ako, Makita lang kitang maganang kumain, mabubusog na din ako nito." sagot nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kilig. Kung hindi lang namin kaharap si Daddy Andy, baka kanina ko pa ito n** *****n eh. Nakakakilig naman kasi ang banat niya eh!
Talaga naman! May panahon pa talaga akong bulahin nito ngayun na hindi naman niya dapat pang gawin dahil napatawad ko na siya sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya sa akin.
"Hmmmp, tigil ka na nga! Ayos na itong mga pagkin na nasa pingan ko. Kumain ka na din para makapag ligpit na at makapag pahinga na din ang lahat!" sagot ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa pero hindi ko na binigyang pansin. Nagpasalamat na din ako dahil kaagad niya namang sinunod ang gusto ko. Itinuon na nito ang buong attention niya sa pagkain.
Masasabi ko na ito na siguro ang
pinaka memorable na dinnner na naranasan ko sa buong buhay ko. Masaya ako na muli kong nakasabay ang lalaking nagmamay ari ng puso ko at umaasa ako na sana ito na ang umpisa ng masaya naming pagsasama. Sana wala nang dumating na kahit na anong unos sa aming buhay.
Ayaw ko din naman kasi talagang tumandang mag isa. Mas maganda pa rin na may katuwang sa buhay at may matawag na kumpletong pamilya ang anak namin. Kaya dalangin ko na sana wala ng panibagong Jasmine ang dumating sa pagsasama namin. Sana wala ng makakating babae ang muling pumagitna sa relasyon namin ni Drake at sirain ang kung ano man ang numpisahan namin ngayun.
"Mam, nasa labas po ang kapatid niyo. Papapasukin ko po ba?"
Kakatapos ko lang uminom ng tubig ng marinig ko ang sinabi ni Manang.
"Kapatid? Si Kenneth po ba ang
tinutukoy niyo?" tanong ko kay Manang. Kaagad naman itong tumango.
"Opo Mam! Nasa garden po. Ayaw ko naman pong papasukin dito sa bahay dahil ngayun ko lang po siya nakita." sagot naman ni Manang. Napatingin naman ako kay Drake bago ako ngumiti.
"Kapatid ko po siya! Hindi bale po, pupuntahan ko na lang siya." nakangiti ko namang sagot.
"Sasamahan na kita?" tanong naman ni Drake sa akin. Kaagad naman akong umiling.
"No! Ayos lang. Ako na ang bahala! Puntahan mo na lang si Baby Russell sa kwarto para makakain na din ng dinner si Ella." nakangiti ko namang sagot sa kanya. Nakakaunawa naman itong tumango.
Katulad ng sabi ni Manang, naabutan ko ang kapatid kong si Kenneth sa garden na may kasamang babae. Ito siguro ang nabangit ni Mommy Arabella sa akin na girl friend nito. Well, not bad, maganda naman pala talaga ang babae. Maganda ang tindig at halatang may sinabi sa buhay.
"Jeann, ang tagal mo naman lumabas! May date pa kami ni Vina eh." kaagad na angal nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapaismid. Hindi pa nga niya personal na ipinakilala sa akin ang kanyang girl friend isang nakakainis na pananalita ang kaagad kong narinig mula sa bibig niya. Minsan talaga, napapatanong ako sa sarili ko kung kapatid ko ba ito eh!. Paiba-iba ang takbo ng pag uugali. Minsan mabait, minsan naman ang gaspang ng ugali.
"Tigilan mo ako Kenneth ha! Kaninang umaga ko pa ipinapahatid sa iyo ang mga gamit na kailangan ko tapos anong oras na? GAbi na! Nawalan na nga ako ng pag asa na maihatid mo sa akin iyan eh! Isa pa, siya ba ang girlfriend mo na nababangit sa akin ni Mommy kanina? In fairness ha, ang ganda niya! Bilib na din talaga ako sa panlasa mo! Ang galing mong pumili ng babae." nang iinis ko namang sagot. Napansin ko pa ang pagngiwi nito bago hinawakan sa kamay ang kanyang girlfriend.
"Hehehe! Oo nga pala, nakalimutan ko! Siya pala si Vina,...girl friend ko! May date pa kami at wala talaga akong time na mag stay ng matagal. Ipabitbit mo na lang sa mga kasama mo sa bahay ang mga gamit mo! Aalis na kami!" sagot naman ng magaling kong kapatid. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay. Hindi pa nga kami nagbatian ng girl friend niya aalis kaagad sila? Ni hindi rin ako binati ng magaling na babaeng iyun?
Mukhang minus points sa akin ang babaeng iyun ah? Parang hindi din kasi interesado na makipag kilala sa akin samantalang ako lang naman ang nag iisang kapatid ni Kenneth.
Chapter 453
JEANN POV
Wala na akong nagawa pa kundi sundan na lang ng tingin ang paalis kong kapatid na si Kenneth kasama ang kanyang girl friend.
Ewan ko ba. Maganda naman sana ang girl friend ng kapatid kong iyun pero parang malayo ang loob ko sa kanya. Parang hindi sila bagay ng kapatid ko. Parang may something sa babaeng iyun na hindi ko maintindihan.
Siguro dahil unang meet pa lang namin ay parang wala lang sa kanya. Meaning to say, hindi man lang ako binati. Ni hindi niya man lang ako nginitian.
Maybe because, nahihiya lang siya? Ah ewan, bahala na nga! Malaki na ang kapatid ko para magdesisyon ng mga bagay-bagay kaya hahayaan ko na lang siya. Wala naman akong karapatan na
panghimasukan ang buhay pag ibig niya. Kung saan siya masaya eh doon siya!
Wala sa bokabularyo ko ang manghimasok ng relasyon nang may relasyon. Mas gugustuhin ko pang itoon ang buo kong attention sa mag ama ko. Lalo na ngayung nag uumpisa na kami ni Drake na magkabati.
Pabalik na ako sa loob ng bahay ng mapansin ko ang pagdating ni Ella. Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ito mula ulo hanggang paa. Kung tutusin, maganda naman talaga ang batang ito. Kay liit ng kanyang mukha at kahit na hindi ito marunong mag ayos ng sarili, lutang pa rin ang nakapaka inosente nitong ganda.
"Mam, si Sir Drake na lang daw po ang bahala kay Baby Russell. May iuutos pa po ba kayo sa akin?" magalang na tanong nito. Hindi ko maiwasang manangiti.
"Wala na! Bukas mo na lang iakyat ang mga gamit na iyan sa kwarto. Kumain ka na muna at magpahinga!" sagot ko naman sa kanya. Kimi naman itong ngumiti sa akin.
May pagkamahiyain din pala ang batang ito. Hindi ko lang napapansin noon dahil siguro sa galit ko sa amo nila. NI hindi pa ako ready na iappreciate ang mga mababait na tao sa paligid ko kasi iniisip ko noon na hindi naman ako magtatagal sa bahay na ito.
Pero ngayung bati na kami ni Drake, ito na din siguro ang pagkakataon ko na kilalanin at pakisamahan sila ng maayos. Tinuruan naman kami ni Mommy Arabella kung paano makisama sa mga kasambahay. Ayaw kong maging unfair sa kanila at kung maayos ang binibigay nilang serbisyon why not. Magiging mabait din ako sa kanila.
"Teka lang, ilang taon ka na ba Ella?"
tanong ko sa kanya ng akmang tatalikod na ito. Muli itong humarap sa akin sabay yuko. Mas matangkad ito sa akin ng ilang pulgada pero dahil mahiyain hindi tuloy nito nabibigyan ng justice ang maganda nitong pangangatawan.
"Eighteen po Mam." maiksing sagot nito. Mahiyain nga! Hayssst, kawawa naman! Mga ganitong edad niya dapat nasa School siya eh. Well, gusto ko siyang mas makilala pa at titingnan ko kung may maitutulong ako sa kanya. SAyang naman kasi kung habang buhay siyang maging kasambahay.
"Okay..pwede ka ng pumasok sa loob at kumain ng dinner. Salamat nga pala sa pagbabantay kay Baby Russell. Teka lang, may experience ka ba sa pag aalaga sa mga bata? Since ikaw ang nauna dito at kung marunong ka naman mag alaga ng bata, kung papayag ka ikaw na lang ang kukunin kong yaya ni Baby Russell. Kukuha na lang ako ng isa pang kasambahay na gagawa sa mga maiwan mong trabaho. "Wala ng patumpik tumpik kong wika sa kanya.'
Kailangan ko talaga ng mapagkakatiwalaan na tao para mag alaga kay Baby Russell. Hindi naman sa lahat ng oras na mababantayan ko ang anak ko. Mas maigi pa rin na may katulong ako na maalagaan siya.
"Ma-marunong naman po Mam. Ako po ang nag aalaga sa tatlo ko pang maliliit na kapatid kapag nasa bukid sila Nanay at Tatay." sagot nito. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Perfect! Well, simula bukas, ikaw na ang mag aalaga kay Baby Russell. Dadagdagan ko din ang sahod mo basta alaagan mo lang siya na maayos."sagot ko naman. Nakayuko pa rin ito kaya naman kailangan ko siguro itong isama
sa mga lakad namin para magkaroon ng self confidence. SAyang naman kung habang buhay itong maging mahiyain.
"Sa-salamat po Mam. Pero pwede ko pa din naman po ituloy ang mga trabaho ko kapag tulog si Baby Russell. Kaya ko naman po." nahihiya nitong sagot. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi ako papyag. Simula bukas, kay baby Russell mo lang itoon buong attention mo. Kukuha kami ng isa pang kasambahay na papalit sa mga trabaho mo. Sige na...pumunta ka ng kusina para makakain ka na. Aasahan ko ang maganda mong serbisyo sa anak ko Ella." seryoso ko namang sagot. Tumango naman ito at buong kimi na naglakad papasok ng bahay. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Pagbalik ko sa kwarto namin naabutan ko si Drake na nagtetempla na ng milk ni Baby Russell. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti dahil mukhang gamay niya na kung paano mag alaga ng bata. Never niya kasi itong ginawa noong nagsasama pa kami kaya lahat ng mga ginagawa niya ngayun ay bago sa paningin ko.
Chapter 454
Jeann POV
Nang mapansin ni Drake ang pagdating ko dito sa kwarto buong tamis ako nitong nginitian. Parang may ibig sabihin ang mga titig nito sa akin kaya kaagad ko itong tinaasan ng kilay
"Ako na ang bahalang magpatulog kay Baby Russell. Gawin mo na ang mga gusto mong gawin para maaga tayong makatulog." wika pa nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Masarap talaga sa pakiramdam na may katuwang ka sa buhay. Gumagaan ang mga bagay-bagay. Mukha namang nag matured na ang Drake na ito kaya dapat lang talaga na bigyan ko din siya ng chance na ipakita niya iyun sa aming dalawa ni Baby Russell.
"Are you sure? Marunong ka
talaga magpatulog ng bata? Baka mamaya wala kayong ibang gagawin kundi ang maglaro ha?" sagot ko naman.
"Trust me Love! Bago matapos ang evening routine mo, mapapatulog ko na si Baby Russell." Nakangiting sagot nito sa akin sabay kindat. Tinaasan ko lang ito ng kilay pero sa totoo lang, kanina pa nagreregudon sa kaba ang puso ko. Ang sarap palang kiligin. Kung wala lang si Baby Russell, kanina ko pa gustong sugurin si Drake at papakin eh...Hayssst!
"Hmmp...well, let's see!" sagot ko naman sa kanya at kaagad na akong naglakad patungo sa banyo. Maghapon kami sa labas kaya nanlalagkit ang buo kong katawan kaya balak kong maligo na lang muna para presko ang pakiramdam at makatulog ako ng maayos.
Pagdating ng banyo, nagtooth brush muna ako habang pinunupuno ko ng tubig ang bathtub. Balak kong ibabad ang katawan ko sa maligamgam na tubig gamit ang bathtub kaya kahit na alam kong matagal magpuno ng tubig sa bath tub willing naman akong maghintay. Gagawin ko na lang ang iba ko pang nakasanayang beauty routine dito sa banyo para hindi ako mainip.
Pagkatapos kong mag toothbrush, mga pampaganda naman ang inatupag ko. Inapply ko sa mukha ko ang mga nakasanayan kong iaapply noon. Ito iyung mga ginagawa ko noong dalaga pa ako kapag tinatamad akong pumunta ng salon para magpa beauty.
Nang halos mapuno na ang tubig sa bathtub naglagay ako ng mabangong showel gel kaya kaagad na kumalat ang mabangong amoy sa paligid. Pinabula ko muna iyun para sulit ang pagghihintay ko bago ko inilublob ang hubot hubad kong katawan sa bathtub kaya kaagad akong nakaramdam ng kaginhawaan ng katawan.
"This is life! Ang tagal ko na din itong hindi ginagawa!" hindi ko maiwasang bigkas. Hindi ko pa maiwasang mapapikit dahil gusto kong namnamin ang tamang temperatura lang ng tubig na bumabalot sa buo kong katawan.
Relax na relax akong naliligo ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan ng banyo. Natigilan naman ako at kaagad nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko si Drake.
"Drake, ano ba! Hindi pa ako tapos maligo eh." kaagad kong angal sa kanya. Nakangiti naman itong naglakad palapit sa akin kaya lalo kong inilublob ang hubad kong katawan sa bathtub. Buti na lang natatakpan ako ng mga bubbles kaya hindi masyadong awkward ang sitwayon ko. Imagine,
hubot hubad ako tapos papasok siya na alam niya naman siguro na naliligo ako!
"Kanina pa natutulog si baby Russell kaya hindi na ako nakatiis na pasukin ka dito. Bakit ba kasi ang tagal mo?" sagot naman nito. Paos ang boses niya kaya hindi ko maiwasang kilabutan. Mga ganitong boses ni Drake ay alam na alam ko na eh.
Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple. Palatandaan na nagpipigil ito. Palatandaan na may gusto itong mangyari.
Sa halos tatlong taon naming pagsasama, kilalang kilala ko na siya. Hindi nga ako nagkamali dahil napansin ko na lang na isa-isa na nitong hinuhubad ang lahat ng kanyang saplot sa katawan. Nag umpisa ito sa kanyang tshirt hanggang sa kanyang shorts.
"Di-Drake...a-ano ka ba! Hi-hindi ka ba makapag hintay? Na-naliligo pa ako oh!" pautal-utal kong bigkas. Pilit kong nilalabanan ang kakaibang damdamin na lumulukob sa buo kong katawan. Para akong biglan nauhaw na ewan lalo na ng mapansin ko na dahan- dahan na nitong tinatangal ang kahuli- hulihang saplot sa kanyang katawan.
"Pwede naman tayong magsabay diba? Malaki ang bathtub at kasya tayong dalawa diyan." bigkas nito habang may naglalarong ngiti sa labi. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko. Hindi naman pwedeng umahon ako sa bathtub dahil hubot hubad ako. Mas nakakahiya iyun pero kakayanin ko ba kung sabay kaming maligo? Hayyy!
Halos lumuwa ang mga mata ko ng napansin ko na tuluyan na din nitong nahubad ang kahuli-hulihang saplot ng kanyang katawan. Tumampad sa mga mata ko ang matigas nang alaga ni Drake.
Actually, matigas na kaagad gayung wala pa nga kaming ginagawa? Ang alam ko kailangan muna ng foreplay para tumigas iyun!
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Drake kaya kaagad kong binawi ang tingin ko sa kanyang matigas na alaga. Nakakahiya! Huling huli niya ako na titig na titig sa bahaging iyun at baka akung ano ang isipin niya.
"Sa-saglit lang.. Ta-tapos na ako. Aahon na ako!" pautal-utal ko pang bigkas at akmang aahon na ako nang siya namang paglapit niya at namalayan ko na lang na nakalubog na ang kanyang katawan dito sa bathtub. Halos magkadikit ang aming mga katawan kaya ramdam na ramdam ko ang init na mula sa kanya. HIndi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway.
"Hindi mo abot ang likod mo diba? Hihiluran na kita Love!" narinig kong bigkas nito. Pumuwesto pa ito sa likurang bahagi ko kaya naman madali lang sa kanya na idantay ang palad niya sa likod ko. Humahaplos-haplos ito sa bahaging iyun na kaagad na nagbigay sa akin ng kakaibang init sa buo kong pagkatao.
Swabi ang ginawang paghimas ni Drake sa bahging iyun hanggang sa lumagpas na na ang kamay nito. Mula sa likuran ko, tumulay iyun patungo sa aking dalawang bundok at banayad niya iyung minamasahe. HIndi ko naman maiwasan na mapaliyad kasabay ng mahina kong pag ungol.
Walang hiya...hilod lang sa likuran ko ang inooffer niya kanina eh! Bakit pati dalawa kong bundok dinamay niya! Para tuloy akong lalagnatin na ewan!
Chapter 455
JEANN POV
"Te-teka lang...Drake naman! Saglit... hi-hindi pwede! Malili" --hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng kaagad nitong inangkin ang labi ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat.
Walang hiya! Talaga bang balak niya akong idaan sa paspasan? Hindi pa nga ako naka-get over sa ginawa niyang pagmamasahe sa dalawa kong bundok tapos labi ko na naman ang pinagdiskitahan niya? Tsaka ano ito? Bakit may matigas at mainit na bagay ang dumudungol sa puwitan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway ng marealized ko kung ano iyun! Hindi naman na ako virgin para hindi ko malaman kung ano iyun!
Sabagay, hindi ko na nga pala
namalayan na nakakandung na pala ako sa kanya.
"Ugmmm! Jeann! Love!" narinig ko pang sambit ni Drake ng saglit nitong pinakawalan ang aking labi. Namumungay ang mga matang tumitig ito sa akin. Iniwan na ng dalawa niyang kamay ang magkabilaan kong bundok pero patuloy pa rin naman ito sa paghaplos sa buo kong katawan.
"Drake! Gosh! A-ano ang ginagawa mo? Ba-baka magising si Baby Russell. Hahanapin tayo noon! Uggghh!" bigkas ko sa kanya at halos mapahiyaw ako ng dumako ang isang palad niya sa gitna ng aking pagkababae. Humahaplos- haplos ito doon sa bukana ng aking kweba pero hindi naman nagtagal ang aking perlas naman ang kanyang pinagdiskitahan.
Nakalublob kami pareho dito sa tubig pero parang gusto kong pagpawisan ng malapot. Nakakaramdam na din ako ng sobrang init gayung sakto lang naman sana ang temperatura ng tubig noong una akong lumusong.
Walang hiya! Alam na alam talaga ng Drake na ito kung paano gisingin ang natuutulog kong pagnanasa. Hindi ko na nga namamalayan na napapaungol na pala ako kapag nasasagi ng daliri niya ang clitoris ko.
"Ughh! Ahmm! Drake...ang sarap!" hindi ko maiwasang bigkas habong patuloy nitong nilalaro ang aking pagkakababae. Napapaangat na nga ang puwitan ko dahil sa matinding sensasyon na nararamdaman.
Hindi din naman nakaligtas sa pandama ko na parang dumuble na din ang laki ng matigas na bagay na nakadikit sa pwitan ko. Mainit iyun at parang pumipintig pintig pa! Lalo tuloy akong nilukob ng matinding init ng katawan. Para akong mababaliw na ewan at kaagad akong nakaramdam ng excitement sa hindi malamang dahilan.
Nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa niya ngayun at parang may gustong maabot ang katawan ko na hindi ko din mawari. Init na init na din ako hanggang sa maramdaman ko ang pagtayo ni Drake mula sa likuran ko.
Umalis ito sa bathtub kaya hindi ko maiwasang titigan ang tayong tayo niya ng pagkalalaki. Tama nga ang naramdaman ko kanina, halos dumuble ang laki nito kumpara kanina bago siya lumusong sa bathtub. Halos nanggagalit na iyun at parang gusto ng lumabas pati ugat. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway.
"Hey...relax! Kung makatitig ka naman, akala mo ngayun mo lang ito nakita!" bakas ang panunudyo sa boses na sambit nito. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako or mahihiya sa sinabi niya. Tama siya, para naman akong others! Palagi ko naman sana itong nakikita pero bakit sobrang na-surprised pa ako. Wala tulo sa sariling napaiwas ako ng tingin sa kanya kaya muli kong narinig ang mahina nitong pagtawa kasabay ng paghawak niya sa kamay ko.
Pilit niya akong hinihila paahon sa bathtub. Parehong puno ng bula ang aming katawan pero parang hindi iyun naging hadlang kay Drake dahil pagkatapos ko din umahon sa bathtub binuksan nito ang shower at sabay kaming tumapat doon. Hindi ko naman maiwasan na mapapikit ng aking mga mata ng maramdaman ko ang muling paglapat ng labi niya sa labi ko
Sa pagkakataon na ito, mas naging mapusok pa ito. Nadala na din ako sa init at wala sa sarilnig tinugon ko na din ang halik niya. Naging mapangahas na din ang kamay ko at wala sa sariling pinagsalikop ko ang aking braso sa kanyang leeg. Lalo namang naging mapangahas si Drake sa ginagawa niya.
Hindi ko na nga namalayan pa ang patuloy na pag agos ng tubig sa aming mga katawan mula sa shower. Init na init ako at parang may gustong maabot ang katawan ko na hindi ko maintindihan.
Nang pareho kaming magsawa sa aming lips to lips kaagad na bumaba ang halik ni Drake patunog sa aking leeg. Naramdaman ko pa na kumakagat -kagat pa siya sa bahaging iyun. May pasipp-sip pa siya at alam kong mag iiwan iyun ng bakas pero hindi ko na binigyan pansin pa. Nakakakiliti na masakit pero masarap! Ah, basta, iyun na iyun!
"Jeann, kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito! Sobrang na miss ko ito! Sobrang na-miss kita!" sambit nito kasabay ng pagpatay nito sa tubig na nagmamula sa shower. Naging sunud-sunuran naman ako sa gusto niyang mangyari. Naramdaman ko na lang na pinupunasan niya na ng tuyong tuwalya ang basa kong katawan.
Parang gusto kong magprotesta dahil para akong nabitin na ewan...
Hindi ko pa nga maiwasan na tanungin ang sarili ko kung iyun na ba iyun? Ayaw niya ba akong angkinin dahil pagkatapos niya akong punasan, sariling katawan niya na naman ang pinatuyo niya gamit ang tuwalya. Pero tayong tayo pa rin naman ang alaga niya! Kung nabitin ako, alam kong mas nabitin ito!
"Lets go! Sa kwarto tayo! Gusto kong kumportable ka habang inaangkin kita! Lets go Love!" narinig kong sambit ni Drake sa akin. Hinawakan ako nito sa kamay at pareho kaming hubot hubad na lumabas ng kwarto. Nadatnan ko pa na nakahiga sa baby crib! Although, medyo malaki naman ang crib na iyun pero hindi papayag ang anak ko na mahiga doon hanggang umaga. Tiyak na iiyak siya!
Hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Drake na makapag reklamo. Naramdaman ko na lang ang pag akay nito sa akin papuntang kama. Patihaya akong napahiga kasabay ng pagdagan niya sa akin at ilang saglit lang, muling naglapat ang aming labi.
Wala ng inihibisyon pa. Muli kong tinugon ang mainit niyang halik habang ang mga kamay nito ay abala sa pagalugad sa buo kong katawan. Muli nitong sinalat ang namamasa ko ng pagkababae at nang maramdaman niya ang kahandaan ko, iniangat niya ang isa kong hita kasabay ng pagpwesto niya ng sarili niya sa akin.
Chapter 456
JEANN POV
Mabilis na lumipas ang mga araw! Masasabi kong naging perfect naman ang pagsasama namin ni Drake. Hindi ito nagkulang na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Ibang iba na siya kumpara noon. Mas gugustuhin nitong manatili sa tabi naming mag ina kapag weekend or kapag wala itong importanteng trabaho sa opisina.
Nagiging abala din naman ito sa paglipas ng mga araw. Gusto na kasing ilipat ni Daddy Andy sa kanya ang pagpapatakbo ng negosyo na naipundar niya sa mahabang panahon. Wala namang ibang magiging tagapag -mana kundi si Drake lang at ngayung maayos na ang relasyon namin, makakapag focus na daw ito para pag aralan ang naturang negosyo.
Paalis -alis din naman ng bahay
namin si Daddy Andy. May sarili din pala itong tirahan pero mas gustuhin din naman namin ni Drake na sa amin na lang siya titira tutal matanda na siya. Masyadong malaki ang bahay namin at nagdagdag pa nga si Drake ng mga kasambahay para mas maging kumportable daw kami. Sa akin, ayos lang naman basta umuwi lang siya palagi sa akin.
Ang bar na negosyo nito na matagal niya ding pinagyaman ay tuluyan niya ng ipinaubaya sa kanyang isa sa pinakamatagal niya nang tauhan. May mga branches din kasi ang bar na iyun sa ibat ibang lugar kaya sayang din kung mapabayaan. Nag aakyat din kasi Kay Drake iyun ng malaking kita. Nagrereport naman ang manager kay Drake sa mga kaganapan na nangyayari sa bar at kung minsan binibisita din naman namin kapag may extra time kami.
Masarap ang ganitong klaseng pagsasama. Mas lalong naging open sa akin si Drake sa lahat ng bagay. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal at paggalng sa akin na siyang nagbigay sa akin ng kapanatagan ng kalooban. Lalong naging magaan ang pagsasama namin at ready na ulit ako kung sakaling may mga pagsubok pang dumating sa aming buhay.
"Sorry Love...may dapat akong asikasuhin sa opisina eh. Alam mo naman itong negosyo ni Daddy, walang pinipilng oras ang mga kliyente. Pwede naman kayong mauna sa mansion, susunod na lang kaagad ako doon."
sabado ng umaga at bihis na bihis si Drake ng attire niya pang opisina. Family day din ngayun at balak naming dumalaw sa mansion para makihalubilo sa iba pa naming angkan. Kaya lang, katulad noong mga nakaraang sabado, busy si Drake dahil may kikitain itong kliyente.
"Ayos lang naman. Naiinitindihan ko naman ang tungkol diyan. Basta, tapusin mo kaagad ang meeting na iyan ha? For sure, hihintayin ka din nila Uncle at Peanut!" Nakangiti ko namang sagot sa kanya.
Masuyong halik sa labi ang kasunod kong naramdaman mula sa kanya bago ito sumagot.
"Yes...of course, dont worry, before lunch nasa mansion na ako." nakangiti nitong bigkas. Hinaplos pa nito ang pisngi ko bago ito naglakad patungo sa kanyang kotse.
Ngiting ngiti naman akong nasundan na lang ito ng tingin. Ang laki na din talaga ng ipinago ni Drake kung sa pananamit din ang pag uusapan. Kung dati, naka tshirt at maong na pantalon lang ito, ngayun naka corporate attire na ito. Akalain mo iyun, ang dating playboy kung manamit, biglang pang CEO na ang atake ng kanyang attire.
Wala na siyang ipinagkaiba kina Daddy pati na din kina Uncle.
May personal driver na din si Drake ngayun. Matagal na ding tauhan ito ni Daddy Andy kaya palagay na kaagad ang loob namin sa kanya. Alam naming magiging loyal ito kay Drake gaya ng pagigign loyal niya kay Daddy Andy.
Wala na din akong naging balita kay Jasmine. Ang alam ko mas lalo itong nalulong sa ipinagbabwal na gamot. Ilang beses pa itong nagtangkang pumunta dito sa bahay para makausap si Drake pero hindi na ito hinaharap ni Drake. Pinapalayas din naman kaagad ito ng mga guards kapag napapansin ang kanyang presensya sa paligid.
Hindi naman nagtagal, nagsawa din ito. Siguro narealized din niyang wala na siyang pag asa kay Drake.
"Ella, ihanda mo si Baby Russell aalis tayo ngayun!" Kaagad kong wika kay Ella ng mapansin ko itong karga-karga niya si Baby Russell. Mukhang balak nitong paarawan ang bata. Ito ang gusto ko kay Ella, hindi talaga ako nagsisi na kinuha ko itong Yaya ni Baby Russell dahil magaling itong mag alaga ng bata. May kusa din ito at hindi na kailangan pang utusan sa mga dapat niyang gawin.
"Hindi ko na po ba siya paaarawan muna Mam?"magalang naman na tanong nito. Kaagad naman akong umiling.
"No need na. Sa bakuran ng mansion din naman gaganapin ang party-party kaya maarawan na din si Baby Russell doon. Siya nga pala, ako na lang pala ang magbibihis kay Baby. Maghanda ka na din at ihanda mo na din ang mga gamit niya. Aalis na din tayo kaagad after an hour." sagot ko sa kanya. Balak ko talagang umalis ng maaga ngayun. Kung maaga ako baka mas maaga pa si
Charlotte at balak kong makipagkulitan ngayung araw sa kanya. Sobrang na-miss ko na din talaga ang babaeng iyun at alam kong malapit na itong manganak.
Tiyak na marami ding ipinahandang pagkain si Grandma kaya gusto kong sulitin. Isa pa, simula noong nagkabalikan kami ni Drake, ngayun lang ulit ako makakadalaw ng mansion. Paano naman kasi, masyadong busy si Drake nitong mga nakaraang araw at kapag nasa bahay ito, mas gustuhin niya pang magkulong kaming dalawa sa kwarto. Mabuti na lang at hiwalay na ang kwarto ni Baby Russell at sinasamahan
ito ni Ella kaya nagagawa na namin ni Drake ang gusto namin na hindi natatakot na baka magising ang bata at makita kami sa nakakahiyang sitwasyon.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Ako na din ang drive papuntang mansion. Malapit lang naman ang mansion sa tinitirhan namin kung tutuusin kaya mabilis lang din naman kaming nakarating. Nagulat pa ako dahil ang nakangitng mukha ni Veronica ang kaagad na sumalubong sa akin. Halata ang excitement sa mga mata nito kaya hindi ko maiwasang magtaka.
"Anong meron?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wala! Hindi ba pwedeng maging masaya dahil sa wakas nakadalaw ka din sa amin? Parang gusto na nga naming magtampo sa iyo eh. Ilang weekend na ba ang pinalipas mo bago mo kami naisip na dalawin dito?" nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang matawa
Ang akala ko kung ano na eh. Susumbatan lang pala ako nitong kaibigan ko.
"Sorry naman! Naging abala lang kami ni Drake nitong mga nakaraang araw. Pero heto na ako ohh, hwag mo na akong kantiyawan, pwede ba?" natatawa kong sagot sa kanya. Sinipat naman ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa at huminto pa ito sa may leeg ko. Bakas na ang panunudyo sa mga mata nito sabay bawi ng tingin sa akin.
"Naiinitindihan ko na kung bakit hindi ka man lang makapasyal sa amin. Siguro, gusto niyo lang sulitin ang mga panahon na nagkalayo kayong dalawa ng asawa mo. May laman na ba ang tiyan?" ngiting ngiti nitong tanong. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakapa pa ako sa sarili kong leeg at hindi ko maiwasang mapangiwi dahil kaagad kong naramdaman ang kissmark na inilagay sa akin ni Drake sa bahaging iyun kagabi lang.
Hayssst! Nakakahiya talaga ang asawa ko! Bakit ba ang hilig niyang lagyan ako ng kissmark? Iyan tuloy, huling huli ako ni Veronica at tiyak puro tukso ang makakamit ko nito sa iba ko pang mga pinsan.
Chapter 457
JEANN POV
"Halika na! Marami tayong pag uusapan! Naku, mabuti na lang dumating ka! Hindi daw kasi makakarating si Charlotte eh. Masyado na daw mabigat ang tiyan niya at nahihirapan na siyang kumilos!" excited na wika ni Veronica sa akin habang hawak ako nito sa braso. Akmang hihilahin niya na ako ng maagaw ang attention niya kay Baby Russell na karga-karga ni Ella.
"Bagong tagapag alaga ni Baby?" kaagad na tanong nito sa akin. Si Ella ang tinutukoy niya kaya kaagad akong tumango
"Yes....kahit bata pa, magaling mag alaga ng baby iyan!" proud ko namang sambit. Sininyasan ko si Ella na lumapit sa amin at kaagad naman itong tumalima.
"Siya si Mam Veronica mo. Asawa siya ng Uncle ko. Kapag may mga kailangan ka tapos hindi mo ako makita, pwede mo siyang tanungin. Huwag kang mahiya sa kanya. Mabait iyan" wika ko. Nahihiya naaman itong ngumiti kay Veronica.
"Kumusta po kayo Mam?" kimi nitong bati. Matamis naman itong nginitian ni Vernonica at sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi na ako nagtataka pa dahil maganda naman talaga si Ella. Gandang hindi nakakasawa at nanghihinayang talaga ako dito kung habang buhay siyang ganito ang trabaho. Mabuti na lang din at kami ang naging amo niya kung hindi delikado para dito kapag magkaroon ng manyakis na amo. Baka mapagsamantalahan ang pagiging inosente nito.
Napaka-inosente pa naman nito kung kumilos. Mahiyain pero wala akong masabi kapag ang pag aalaga kay Baby Russell ang pag uusapan. Bata pa pero alam niya na kung ano ang responsibilidad niya.
"Hello! Naku! Napakabata mo pa pala! Mag ingat ka sa mga kabinataan dito ha? Tiyak na maraming magka crush sa iyo dito." wika ni Veronica na kaagad ko naman ikinangiti. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula ng pisngi ni Ella. Halatang hindi ito sanay na makarinig ng mga papuri mula sa iba.
Naisip ko na ang tungkol dito noon pa man. Maganda si Ella at alam kong kapag ma exposed ito sa mga kalalakihan marami talaga ang magkagusto dito. Kung hindi lang talaga magaan ang loob ko sa kanya dahil magaling itong mag alaga ng bata, hindi ko talaga ito kukuning yaya. Mas gusto ko iyung Yaya na medyo may edad na. Katulad ni Manang kaya
lang umalis na siya. Hindi na siya makakabalik kaya walang choice kundi maghanap ng iba.
"Naku, hindi ako papayag na may pupurma-purma kay Ella noh! Alam ko ang karakas ng mga pinsan ko kaya hindi talaga pwede! Tsaka mabait si Ella at wala iyan siyang time sa mga taong nagkaka-crush sa kanya. May pangarap iyan kaya no muna!" nakangiti ko namang sagot. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay ni Veronica. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko.
"Oh siya! Pasok na kayo sa loob. Ella, huwag kang mahiya ha? Feel at home. Maraming mga pagkain na nakahain sa mesa at kapag nagugutom ka pwede kang kumuha anytime. Pwede mong kainain dito lahat ng gusto mo." wika ni Veronica at pinisil pa nito ang pisngi ng anak kong si Russell na mahigpit ang pagkakapit sa kanyang Yaya.
Sa maiksing panahon, kaagad nakuha ni Ella ang loob ni Baby Russell which is magandang senyales para sa akin.
Tahimik lang na nakasunod si Ella sa amin hanggang sa makapasok kami sa loob ng living room. Walang katao-tao at mukhang kami ang pinakaunang dumating sa lahat ng Villarama Clan. Sabagay, maaga pa naman talaga! Ayos na din para makabawi ako sa lahat ng mga absent ko nitong mga nakaraang family day namin.
"Balita ko, gusto ng magpakasal ng kapatid mo ah?" kaagd na bigkas ni Veronica pagkaupo pa lang namin. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Hindi ko kasi talaga ito alam dahil hindi din naman ako interesado sa girl friend ng kapatid ko.
"Kasal? Si Kenneth? Hindi ko alam iyan ah?" sagot ko naman. Walang nababangit sa akin si Mommy tungkol dito tuwing tumatawag ako sa kanila.
Kung hindi pa nabangit ni Veronica hindi/ko malalaman.
"Yes...noong nakaraang saturday kasama niya ang girl friend nyang pumunta dito. Hinihingi ni Kenneth ang approval nila Grandma at Grandpa. Mag aasawa na daw siya kung ayos lang." sagot naman nito. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot ng muli kong maalala ang una naming pagkikita ng girl friend ng kapatid kong si Kenneth.
Parang hindi ko kasi talaga type ang ugali ng babaeng iyun. Parang may attitude na ewan. Haysst, kaya lang hindi ko naman pwedeng panghimasukan ang buhay ng kapatid ko. Kung saan siya masaya eh no choice..doon siya at tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya.
"Ano ang sagot nila Grandpa?" tanong ko.
"Okay daw! Alam mo naman iyan sila Daddy At Mommy, puro oo lang naman ang sagot nila. Hindi iyan sila marunong humindi. " sagot nito. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Unti -unti na ding nagsipagdatingan ang iba pang miyembro ng pamilya. Walang katapusang batian at kumustahan. Before lunch, dumating na din si Drake na labis kong ipinagpasalamat.
Hindi dumating ang magaling kong kapatid pero nabangit nila Mommy sa akin na totoo daw ang balitang nasagap ko. Mag aasawa na daw si Kenneth at mamamanhikan na daw sila kinabukasan.
"Sure na ba talaga si Kenneth sa babaeng iyun Mom? Bakit parang ang bilis naman yata nilang nagplanong magpakasal?" hindi ko maiwasang tanong kay Mommy. Ngayun lang kami nagkaroon ng time na magkausap ng masinsinan. Si Drake naman ay nag eenjoy habang kausap sila Uncle Rafael at Peanut. Simula noong nagkalabalikan kami, maayos na ulit ang pakikitungo ni Uncle sa kanya. Balik pagkakaibigan na sila.
"Iyan ang gusto niya eh. Mabait naman si Vina at mukhang nagmamahalan naman sila." sagot naman ni Mommy sa akin. Mukhang ayos lang naman sa kanila na mag aasawa na din si Kenneth kaya sino ba naman ako para kumuntra pa.
Chapter 458
JEANN POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Parang kailan lang pero heto ako ngayun. Abalang abala ako sa harap ng salamin habang inaayusan ko ang sarili ko. Ngayun ang araw ng kasal ng kapatid kong si Kenneth at ako pa talaga ang kinuha nilang maid of honor dahil nag iisang kapatid ako ng groom kaya kahit na mabigat ang dugo ko sa bride wala akong choice kundi ang pumayag.
Actually, may na hire naman silang make up artist para sa mga kasali sa entourage ng kasal pero kaya ko namang ayusan ang sarili ko. Ayaw ko kasing maghabol ng oras. Ayaw ko na din dumaan ng hotel para ayusan dahil balak namin ni Drake na dumiretso na ng simbahan.
"Love, tama na iyan. Sobrang ganda mo na oh! Baka mamaya mapagkamalan ka pang dalaga ng ibang mga bisita. Hindi talaga ako papayag na may magpapalipad pa ng hangin sa iyo." si Drake at kanina pa ito nakatayo sa likuran ko. Kanina niya pa ako pinapanood habang nag aayos ako at hindi ko na mabilang pa ang mga papuri na naririnig ko mula sa kanya. Sinulyapan ko lang ito habang tinatapos ko ang paglalagay ng lipstick sa labi ko.
"Hayaan mong kainggitan ka ng lahat! Malas mo, nag asawa ka ng maganda eh! Kaya dapat nga maging proud ka!." pabiro kong sagot sa kanya habang may nakaguhit na ngiti sa labi ko. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ito naglalakad palapit sa akin. Mahigpit akong niyakap mula sa likuran at hinalikan ako sa leeg.
Kaagad naman akong napakislot at napatapik sa kanyang dalawang kamay na nakapulupot sa baiwang ko.
"Drake ha? Huwag mo akong lagyan ng kiss mark! Baka kung ano ang isipin ng ibang mga bisita ng kasal kapag makita iyan sa leeg ko." saway ko sa kanya. Muli itong natawa at malambing na inihilig ang mukha niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa leeg ko na nagbigay sa akin na kakaibang kiliti.
"Drake! Enough na! Mali-late na tayo oh!" pabulong kong bigkas sa kanya. Binigyan niya muna ako ng mainit na halik sa pisngi bago niya ako pinakawalan. Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa harap ng salamin bago hawak kamay kaming naglakad palabas ng kwarto.
Naabutan namin si Ella at baby Russell na matiyagang naghihintay sa amin dito sa garden. Isasama namin sila sa simbahan. Sanay naman na si Ella na isinasama namin kahit saan kami magpunta kaya ayos na din.
Nang masiguro namin na ayos na kaagad na kaming bumiyahe papuntang simbahan. Halos kasabay lang din namin dumating sila Mommy Daddy at Kenneth. Kaagad kaming lumapit sa kanila para bumati.
"Hello Mom, Dad!" wika ko at at kaagad na humalik sa pisngi nila. Nakipag kamay din si Drake kay Daddy at nakipag beso naman kay Mommy. Pagkatapos nakipag high five ito kay Kenneth.
"Ready ka na bang magpatali? Grabe? Ang bilis ng desisyon mong magpakasal ah? Wala ng bawian ha?" May halong pang aasar na wika ko kay Kenneth. Masama naman ako nitong tinitigan.
"Jeann, pwede ba? Not now! Kasal ko ngayun at gusto mo pa yatang sirain ang araw ko eh!" reklamo nito. Kaagad naman akong napaismid.
"Nag aalala lang ako sa iyo! Parang kailan mo lang siya ipinakilala sa amin tapos kasalan kaagad? Abat, ang bilis naman! Nabuntis mo na ba?" hindi ko naman paawat na tanong. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Drake sa kamay ko palatandaan na inaawat niya na ako. Inirapan ko lang si Kenneth at mabilis itong tinalikuran.
Nakalimutang kong sabihan si Ella na pasok na muna sila sa simbahan. Masyadong mainit dito sa labas at baka mapaano si Baby Russell. Naka stroller ang anak ko dahil ayaw ko na din naman pumayag na palagi nitong karga ang bata. Bumibigat na si Baby Russell at ayaw kong sanayin ito sa karga. Marunong ng maglakad ang anak ko at gusto ko siyang sanayin na huwag umasa sa Yaya niya.
Mabilis na lumipas ang ilang sandali. Ready na ang lahat at tanging bride nalang ang hinihintay para mag umpisa na. Naka-pwesto na nga sa harap ng altar ang groom. Hindi pa man nag uupisa ang kasal iretable na ako dahil halos sampung minuto ng late ang bride.
"Mom, tanungin mo nga sa mga magulang ng bride kung nasaan na ang anak nila. Bakit ang tagal?"
nagrereklamo kong sambit. Ako ang maid of honor at dapat kasama ko ito pero since hindi naman kami closed dito ko na lang siya sa simbahan hintayin. Willing ko naman gampanan ang papel ko bilang maid of honor sa kasal nila eh.
"Saglit lang. Tatanungin ko! Ito ang ayaw ko eh. Late at nakakahiya sa lahat! " sagot naman ni Mommy sa akin at mabilis na itong naglakad patungo sa mga magulang ni Vina. Nasundan ko na lang ito ng tingin at hindi ko mapigilang mapataas ng kilay ng mapansin ko na parang aligaga ang mga ito.
"Wala pa ba? Bakit ang tagal?" napabaling lang ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Drake. Hindi siya kasama sa entourage kaya nasa loob ito ng church kasama ang iba pang miyembro ng pamilya Villarama. Ang ikinakainis ko lang, kung kinuha sana na isa sa mga abay si Veronica may kasama sana ako ngayun dito sa pwesto ko. Kaya lang mas priority ng angkan ni Vina ang mga kamag anak nilang maging abay.
"Wala pa nga eh. Ang arte talaga ng babaeng iyun! Hindi ko talaga siya makakasundo kapag ganito siya!"
halata na din ang iretable sa boses kong sagot kay Drake. Kahit na may aircon dito sa pwesto namin, feeling ko nanlalagkit na ako dahil sa suot kong gown.
"Relax love! Kaunting tiis na lang at darating din iyun." sagot nito sa akin. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng panyo nito sa noo ko. Pawis na din ako sa bahaging iyun kaya iretable na talaga ako ngayun. Nakakahilo ang init sa labas kanina.
"Walang bride na darating!" Sasagot pa sana ako kay Drake ng marinig ko ang salitang lumabas sa bibig ni Mommy. Nakalapit na pala ito sa amin ni Drake ng hindi ko namamalayan. Halata sa boses nito ang pinaghalong pagkadismaya at galit. Malakas ang pagkakabigkas niya kaya kaagad na napatingin sa kanya ang ibang mga bisitang nakarinig sa sinabi niya.
"Walang bride na darating? Bakit daw? Nababaliw na ba ang Vina na iyun?" naiinis kng sagot. Malaking kahihiyan para kay Kenneth kung
sakaling hindi sisipot ang bride. Kahit naman hindi ko gusto ang ugali ng Vina na iyun, hindi ko din naman gusto na mapahiya ang kapatid ko at ang pamilya namin.
"Nagbago daw ang isip. Ayaw niya ng pakasal dahil narealzied niya na hindi pa raw siya ready na magpatali!" sagot ni Mommy at kaagad na iniabot sa akin ang papel na may nakasulat. Binasa ko ito at kaagad na naningkit ang mga mata ko sa galit. Sulat galing kay Vina at nakasaad dito ang pag atras niya sa kasal. Wala sa sariling napatingin ako sa harap ng altar at hindi ko maiwasang maawa sa kapatid ng mapansin ko ang pagkabalisa sa kilos nito.
Alam kong nag aalala na din ito dahil wala pa ang kanyang bride! Hindi basta -basta ang ginastos ng pamilya namin sa kasal na ito. Sinigurado namin na engrande at marami din kaming inimbitahan na mga bisita. Kapag hindi matuloy ang kasal, siguradong malaking dagok ito sa part ni Kenneth.
Chapter 459
JEANN POV
"Paanong nagbago ang isip niya? Hindi niya man lang ba naisip kung gaano kalaking kahihiyan itong ginawa niya sa pamilya natin?" hindi ko maiwasang bigkas habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kapatid kong si Kenneth.
Hindi ko man masyadong napapansin ang love story nilang dalawa ng girl friend niya, alam kong mahal niya ito kaya nga niyaya niya itong magpakasal eh. Kaya lang ang mabilisang nabuong love story nila ay ganoon din naman kabilis na naglaho.
"Kurt! Do something! Ikaw na ang kumausap sa pamilya ng Vina na iyan! Palutangin nila ang anak nila kung hindi idedemanda ko sila!" narinig kong galit na wika ni Mommy.
Alam ko ang reason kung bakit hindi niya kayang makipag usap ng personal sa mga magulang ng bride. Mababaw ang temper ni Mommy at alam niyang magkakagulo lang lalo kaya hanggat maari, umiiwas na ito at gusto niyang si Daddy ang mag solve sa problemang ito.
"Stay here! Ako ang bahala! Jeann, pakipuntahan ang kapatid mo at sabihin mo sa kanya ang problema. Ikaw naman Bella, talk to the priest! Sabihin mo na wala ng kasalan na magaganap!" si Daddy na ang nagsalita. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ni Mommy. Halatang hindi ito sang ayon sa sinabi ni Daddy ngayun.
"No! Hindi pwede! Mapapahiya ang anak natin kapag hindi matutuloy ang kasal." sagot ni Mommy. Narinig ko naman ang marahas na pagbuntong hininga ni Daddy at seryosong tinitigan si Mommy.
"May magagawa pa ba tayo? Wala ang bride! Ayaw niyang pakasalan ang anak mo! Hindi pwedeng ipilit kung ano man ang gusto ni Kenneth dahil lalo lang magiging kumplikado ang lahat!" seryosong sagot ni Daddy! Napansin ko naman ang pag iwas ng tingin ni Mommy bago dahan-dahan na tumango.
"Makikinig ang kapatid mo sa iyo Jeann. Ikaw na ang magsabi sa kanya at ako na din ang kakausap sa mga pari at iba pang mga kamag anak natin at mga bisita. Drake, samahan mo ang asawa mo!" malungkot na wika ni Mommy at nagpatiuna na itong tumalikod. Kaagad naman kaming nagkatitigan ni Drake.
"This is life. Siguro hindi sila para sa isat isa. Dont worry, ako na ang bahalang aalalay kay Kenneth! Masakit ang nangyari sa part niya pero kailangan niyang tanggapin." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga. Hawak kamay kaming naglakad patungo kay Kenneth na noon ay walang kamay-malay sa lahat ng mga kaganapan.
"Jeann, dumating na ba si Vina? Late na at kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot!" kaagad na tanong ni Kenneth pagkalapit namin sa kanya. Napatingin pa ako sa kanyang best man na kamag anak ni Vina bago ko inabot kay Kenneth ang liham na galing kay Vina na naglalaman ng pag atras nito sa kasal.
"A-ano ito? Is it a prank?" tanong ni Kenneth pagkatapos nitong basahin ang naturang liham. Kaagad naman akong umiling.
"No! Walang lugar ang prank sa mga ganitong klaseng okasyon. Walang kasalan na mangyayari dahil umatras ang bride mo." sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbagsik ng hitsura ni Kenneth kasabay ng pagpunit nito sa hawak ni papel.
"Umaatras siya? Ngayun pa? Ngayun pang naka ready na ang lahat?" sagot nito habang bakas ang pait sa kanyang boses. May iilang butil na din ng luha ang unti-unting dumadaloy sa mga mata nito.
Ang kaninang masaya at excited na mukha nito ay napalitan ng sobrang lungkot. Hindi ko naman maiwasan na hawakan ito sa kamay upang iparamdam sa kanya na hindi siya nag iisa sa laban na ito.
"Ganito talaga siguro ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin." wika ko.
"Pe-pero Jeann! Mahal ko siya! Mahal na mahal ko si Vina at sa kanya lang umiikot ang mundo ko nitong mga nakaraang buwan. Kaya nga niyaya ko siyang magpakasal dahil gusto kong matali siya sa akin habang buhay! Bakit?" Bakit sa akin pa?" napahagulhol ng iyak na wika ni Kenneth. Para namang pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita kong paghihirap niya ngayun. Kaagad ko itong niyakap at umaasa ako na maibsan man lang ng kahit kaunti ang sakit na nararanasan niya ngayun.
Kasabay ng pagyakap ko kay Kenneth ay ang pag anunsiyo ni Mommy Arabella mismo sa lahat ng mga bisita na hindi na matutuloy ang kasalan. Bulungan ang kaaagad kong narinig sa buong paligid. Ibat ibang reaction mula sa mga bisita. Halos lahat ay nagpapakita ng pagkaawa sa groom.
"Jeann hindi ko kaya! Hindi ko alam ang gagawin ko! Ang sakit! Sobrang sakit at sa mismong araw pa talaga ng kasal namin. Pupuntahan ko si Vina. Kakausapin ko siya. Baka naguguluhan lang siya sa bilis ng pangyayari!" wika ni Kenneth at mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Halos takbuhin nito ang paglabas sa simbahan. Marami kami na tumatawag sa pangalan niya para sana pigilan ito pero parang wala itong narinig. Kaagad naman akong napasunod dito habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan.
"Kenneth! Where are you going? Hintay!" wika ko. Wala na akong pakialam sa paligid. Kailangan kong maabutan ang kapatid ko at baka mapahamak ito.
"Love dito ka na! Ako na ang bahalang sumunod kay Kenneth. Tulungan mo sila Mommy na asikasuhin ang mga bisita." natigil alng ako sa paghakbang ng maramdaman ko ang paghawak ni Drake sa kamay ko. Napasulyap pa ako kay Kenneth na noon ay nagalalakad na patungo sa parking area. Mukhang pupuntahan nga nito si Vina.
"Sige...sundan mo siya Drake. Kahit na anong mangyari, huwag mong hayaan na mapahamak ang kapatid ko!" nag aalala ko namang sambit. Masuyo pa akong hinalikan ni Drake sa aking noo at nagmamadali na nitong sinundan si Kenneth. Napansin kong umarangkada na ang sasakyan ni Kenneth paalis kaya walang choice si Drake kundi gamitin ang sarili naming kotse para sundan ito.
"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi sumipot ang bride? Nag away ba sila?" isang seryosong tanong mula kay Uncle Rafael ang narinig ko kaya napabaling ang attention ko sa kanya.
"Hindi ko din po alam Uncle! Basta, nagpadala ng letter ang bride na ayaw nya na daw pakasal. Nag aalala ako na baka mapaano ang kapatid ko!" sagot ko naman. Kaagad namang napailing si Uncle bago ito nagsalita.
"Kaya pala masyado ng late at hindi pa dumadating ang bride. Masyado nakakahiya at traumatic ito sa kapatid mo kaya gagawa din ako ng paraan para hindi na kumalat ang balitang ito sa publiko." wika ni Uncle sa akin. Kaagad naman akong nagpasalamat.
Bahagi kami ng alta sa siyudad at lalabas talaga ang issue na ito sa publiko.
Chapter 460
JEANN POV
"Bakit mo hinayaang umalis ang kapatid mo? Paano kung mapahamak siya?" kaagad na tanong ni Mommy sa akin nang mapansin nito ang agarang pag alis ni Kenneth. Naiinis man sa mga nangyari, pilit pa rin akong nagpaka- hinahon sa harapan ni Mommy.
"Mom! Ayaw niyang papigil. Basta niya na lang din akong tinalikuran. Pupuntahan niya daw si Vina. Pero walang dapat na ipag-alala. Sinusundan siya ni Drake ngayun. Hindi naman siguro hahayaan ng asawa ko na mapahamak si Kenneth eh. Gusto lang siguro ng kapatid ko na makausap ang girl friend niya." sagot ko naman. Kaagad naman itong napahilot sa kanyang sintido. Halata sa hitsura nito ang stress dahil sa mga nangyari. Parang gusto ko tuloy
isumpa ang Vina na iyun.
"Okay fine...ang mabuti pa tulungan mo na lang ako sa pag istima sa mga bisita. Naka ready naman ang reception party at pinapadiretso ko doon ang mga bisita para naman hindi masayang ang mga pagkain. Dont worry, nagpresenta na si Veronica at Uncle Rafael mo na samahan ka. Hayaan mo na lang muna ang anak mo at Yaya niya na sumabay kina Mommy at Daddy pauwi ng mansion." mahabang wika ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga.
May magagawa pa ba ako kung hindi sundin ang sinabi nito. Kahit hindi natuloy ang kasal, responsibilidad pa rin namin ang mga bisita. Bonga pa naman ang reception party at sayang naman kung hindi mapakinabangan.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Naging maayos naman ang mga
nangyari sa reception party. Of course, walang program at kainan lang talaga. Maliban kay Uncle Rafael, tumulong na din sila Uncle Christopher sa pag iistima sa mga bisita pero kaagad din silang umalis ng masiguro nila na nasa ayos na din ang lahat. Walang dahilan na mag stay dahil majority sa mga bisita ay hindi naman nila kilala
"Hayy, kainis! Ang sakit na ng paa ko. "hindi ko maiwasang reklamo kay Veronica habang pareho kaming nakaupo dito sa isang sulok. Mas lalong nadagdagan ang galit ko kay Vina. Hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa kukute ng babaeng iyun at bakit hindi siya sumipot sa kasal.
Walang ibang gagawin ang mga bisita na tumuoy dito sa hatel para sa reception party kundi ang kumain. Ito na siguro ang pinaka-malungkot na party na nadaluhan ko. Perfect ang lahat at sa unang tingin pa lang ay talagang pinagka-gastusan ang venue pero sinayang lang ng bride.
Cancelled na lahat ng program dahil hindi naman natuloy ang kasal. Iyun nga lang, hindi ko pa rin maiwasan na mapagod. Ilang oras din akong nakatayo kanina sa simabahan at hindi naman kaagad kami makakaupo dito sa venue ng reception dahil iistimahin pa namin ang mga bisita.
"Ano na ang balita kay Kenneth?" tanong ni Veronica sa akin. Kaagad ko namang tinitigan ang hawak kong phone. Hindi pa tumatawag sa akin si Drake para ibalita kung nasaan na si Kenneth ngayun. Kung nasundan niya ba ito or ano na!
Kaagad kong nag dial. Tatawagan ko na lang si Drake para alamin dito kung ano na ang kondisyon ng kapatid ko. Hindi naman ako nabigo dahil naka tatlong ring pa lang kaagad nang sumagot si Drake.
"Drake, kumusta? Ang kapatid ko? Nahabol mo ba siya?" kaagad na tanong ko. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa buong paligid bago sumagot si Drake.
"Patawarin mo ako Jenn. Pero sa bilis ng pagpapatakbo ni Kenneth ng kotse niya, hindi ko siya nasundan. Kakatapos ko lang kausapin si Mommy Arabella kanina at kinuha ko ang address ng girl friend ng kapatid mo. On the way na ako papunta doon. Dont worry, iuuwi ko sa bahay ang kapatid mo ng ligtas." sagot ni Drake. Parang biglang nanlamig ang buo kong katawan dahil sa sinabi nito.
Kung hindi niya nahabol ang kapatid ko, nasaan na siya? Baka mapahamak iyun. Sa isiping iyun, kaagad na kumabog ang puso ko dahil sobrang kaba. Gayunpaman, hindi ko pwedeng sisihin si Drake. Ginawa niya ang lahat para sundan ang kapatid ko.
Pagkababa ko pa lang ng tawag ni Drake ay muling nag ring ang aking cellphone. Nkaregister ang pangalan ni Daddy kaya kaagad ko itong sinagot.
"Bella, nasaan ka ngayun?" kaagad na tanong nito sa kabilang linya.
"Dad, dito pa po sa hotel. Kumusta po? May balitan na ba kay Kenneth?" tanong ko. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago ito sumagot.
"Wala pa rin. Tumulong na din ang iba mo pang mga pinsan sa paghahanap sa kanya. Kung sakaling may balita ka sa kapatid mo, tawagan mo kaagad ako. Pauwi na kami ngayun ng bahay dahil biglang sumakit ang ulo ng Mommy mo." sagot nito.
"Okay Dad! Siguro, mga bente minutos pa at matatapos din siguro kami dito sa hotel. Pakisabi po kay Mommy na huwag po siyang mag alala masyado." sagot ko naman.
Maliban kay Kenneth, alam kong mas apektado din si Mommy sa mga nangayari. Hindi birong kahihiyan ang natamo ng aming pamilya. Huwag lang na magpapakita ang Vina na iyun sa akin kung hindi babalatan ko talaga siya ng buhay dahil sa ginawa niyang kahihiyan at gulo sa pamilya namin ngayung araw.
"Pagkatapos naming mag usap ni Daddy muling tumunog ang aking cellphone. Si Drake ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot.
"Love, huwag kang mabibigla... nabangga ang kotse na minamaniho ni Kenneth!" wika nito. Ayaw man ipahalata ni Drake, pero bakas sa boses nito ang pagpa-panic
"A-anong sabi mo? Nabanga si Kenneth?" Nag aalala kong tanong. Parang gustong manginig ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.
"Patawarin mo ako Jeann kung hindi ko siya naprotektahan. Sinusundan ko na ang ambulance kung saan siya isinakay papuntang hospital. Tatawagan na lang kita ulit kapag makarating na kami ng hospital."
sagot nito at kaagad itong nawala sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Para akong nauupos na kandila na muling napaupo sa tabi ni Veronica.
"Anong nangyari? Bakit?" napabaling ang tingin ko kay Veronica ng marinig ko ang tanong nito. bakas sa mga mata nito ang pagtataka habang nakatitig sa akin.
"Si Kenneth! Naaksidente siya!" sagot ko at hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Pagkagulat naman ang kaagad na rumhistro sa mga mata ni Veronica dahil sa narinig. Sininyasan pa nito ang asawang si Rafael na lumapit sa amin na kaagad namang tumalima.
Si Veronica na din ang nagbalita kay Uncle Rafael sa nangyari kay Kenneth dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko.
Muling tumunog ang aking cellphone pero si Uncle na ang sumagot. Si Drake ang tumatawag at sinabi nito kung saang hospital dinala si Kenneth. Para naman akong robot na wala sarili habang inaakay ako nila Uncle Rafael at Veronica palabas ng hotel.
Ilang beses pa akong sinabihin ni Veronica na kumalma at magiging maayos din ang lahat pero parang bigla akong naging bingi. Minsan parang aso at pusa kami ng kapatid kong si Kenneth, pero mahal ko iyun eh. Nag iisa ko lang siyang kapatid at hindi ko talaga matatanggap kong mapahamak siya.
Chapter 461
JEANN POV
Pagkadating namin ng hospital diretso na kami ng emergency kung saan kaagad na ginagamot si Kenneth. Naabutan namin si Mommy Arabella, Daddy Kurt at Drake na matiyagang naghihintay sa labas. Kaagad akong lumapit sa umiiyak na si Mommy at yumakap.
Ramdam ko kay Mommy ang matinding paghihinagpis dahil sa nangyari sa kapatid ko. Namamaga na din ang mga mata nito palatandaan na kanina pa ito umiiyak.
"Jeann, ang kapatid mo! Hindi ko matatanggap kung sakaling may masamang mangyari sa kanya." wika nito habang lumuluha. Hindi naman ako nakaimik. Masama din ang loob ko at ipokrita ako kung sasabihin ko kay Mommy na huminahon siya.
Ilang minuto din kaming magkayakap ni Mommy at parehong umiiyak ng maramdaman ko ang pananahimik nito. Bumigat din ito at bago ko siya nabitawan, kaagad namang napalapit sa amin si Daddy. Puno ng pag aalala ang boses nito habang binabangit ang pangalan ni Mommy.
"Bella! Ano bang nangyari sa iyo? Doctor! Tumawag kayo ng Doctor!" Tarantang wika ni Daddy.
Si Uncle Rafael na mismo ang tumawag ng Doctor. Hindi ko na nga namalayan ang presensya nila simula noong dumating kami ng hospital. Si Veronica naman ay tahimik lang sa isang tabi habang matiyaga ding naghihintay ng balita mula sa mga Doctor na gumagamot kay Kenneth.
Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Para akong rubot na naging sunod-sunuran hanggang sa pati si Mommy ay ipinasok na din sa loob ng emergency room. Kaagad itong inasikaso ng mga Doctor at nilapatan ng paunang lunas.
Masyado daw over fatigue si Mommy kaya kailangan niya ng pahinga. Walang malay itong nilabas ng emergency room at idiniretso sa isang private room na kaagad na kinuha ni Daddy.
Naiwan naman kami ni Drake matiyagang hinihintay ang paglabas ng Doctor na gumagamot kay Kenneth. Nagpaalam din kasi sila Veronica at Uncle Rafael na lalabas na muna para bumili ng makakain.
Pakiramdam ko, ito na yata ang pinakamahabang oras ng buhay ko. Ang bawat pag ikot ng kamay ng orasan ay isang nakakabagot na pangyayari sa buhay ko. Puno ng takot ang nararamdaman ko ngayun dahil sa kalagayan ng nag iisa kong kapatid.
"Love, Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari kay Kenneth pero magpakatatag ka! Hindi pwedeng maging mahina ka din. Ngayun ka lubos kailangan ng pamilya mo lalo na ni Mommy." narinig kong wika ni Drake. Hindi ko naman maiwasan na mapasandal sa dibdib niya. Patuloy lang sa pagdaloy ang luha sa aking mga mata.
"Hindi ko alam Kung kaya ko ba talaga lahat ng ito! Mahal ko si Kenneth at hindi ko matanggap kung sakaling mawala siya sa amin." umiiyak kong bigkas. Kaagad ko namang naramdaman ang paghaplos nito sa likod ko.
"Hindi mawawala sa inyo si Kenneth! Ginagamot na siya ng mga Doctor ngayun at alam kong lumalaban siya! Huminahon ka dahil hindi din siguro gugustuhin ni Kenneth na nakikita kang nagdurusa dahil sa kanya."
malambing na sambit ni Drake. Hinalikan pa ako nito sa aking noo at mahigpit ng niyakap. Lalo naman akong napahagulhol sa pag iyak.
Pinipilit naman akong nagpakahinahon pero sa tuwing naiisip ko ang kondisyon ni Kenneth bumibigat ang kalooban ko. Hindi ko kayang magpakahinahon lalo na at patuloy pa rin siyang ginagamot ng mga Doctor.
"Drake, bakit ang tagal ng mga Doctor? Masama ba talaga ang tama ni Kenneth?" tanong ko sa kanya. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ito sumagot.
"Bumangga siya sa kasalubong na bus at wasak ang unahang bahagi ng kotse niya. Ipagdasal natin ang kaligtasan niya Jeann." sagot nito. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak. Natigil lang ako ng mapansin ko ang paglabas
ng isa sa mga Doctor na gumagamot kay Kenneth. Kaagad akong napatayo at sinalubong ito.
"Doc, kumusta ang kaptid ko?" kaagad kong tanong pagkalapit sa kanya. Tinanong pa ako kung kaanu- ano ko daw ba ang pasyente at sinabi ko namang kapatid ako. Kaagad naman itong napatango
"Critical ang kondisyon ng kapatid mo at kailangan niya pang obserbahan sa loob ng bente kwatro oras. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya at napinsala din ang dalawa niyang paa dahil sa aksidente."
sagot nito sa akin. Mahigpit naman akong napahawak kay Drake para umamot ng kahit kaunting lakas.
"A ano po ang ibig niyong sabihin?" kinakabahan kong tanong.
"Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na baka hindi na makalakad ang kapatid mo. Durog ang mga buto niya sa binti hanggang sa kanyang mga paa kaya kailangan ng masinsinang obserbasyon kung makakalakad pa ba siya ulit or hindi na!" sagot nito. Lalong nag uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.
HIndi ko ma-imagine kung anong buhay ang naghihintay sa kapatid ko. Ang kapatid kong puno ng pangarap ay sa isang iglap lang ay nasira ang buhay dahil sa isang aksidente at kasalanan ito ng Vina na iyun! Sa isiping iyun kaagad na binalot ng galit ang puso ko. Hindi sana naaksidente si Kenneth kung sumipot lang sa kasal nila si Vina. Hindi sana ito mangyayari.
Kaagad na inilipat sa ICU si Kenneth para obserbahan. Durong na durog ang puso ko habang pinagmamasdan ang nakaawa nitong kondisyon. Ang dating matikas na si Kenneth ay parang isang lantang gulay na nakahiga sa hospital bed. Maraming mga aparatu ang nakakabit dito sa buong katawan. Sobrang putla niya din at bakas sa mukha nito paghihirap.
Marami din itong benda lalo na sa ibabang parte ng kanyang katawan.
"Malakas si Kenneth! Kaya niyang labanan lahat ito Love! Manalig lang tayo sa maykapal dahil walang imposible sa Kanya!" narinig kong muling sambit ni Drake. Dahan-dahan naman akong tumango.
Chapter 462
JEANN POV
Pagkatapos kong makita ang kondisyon ni Kenneth, kaagad kong pinuntahan sila Mommy at Daddy.
Naabutan namin na tulog pa si Mommy kaya kay Daddy ko na lang sinabi kung ano ang napag usapan namin ng Doctor. Isang malakas na buntong hininga ang naging reaction ni Daddy pero nakikita ko sa mga mata nito ang sobrang lungkot.
"Magiging maayos din ang lahat." sagot nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Mommy. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid bago namin narinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Si Drake na ang tumayo para pagbuksan iyun at kaagad ba tumampad sa amin ang magkamukha na sila Christopher at Charles. Mga ka- triplets ni Charlotte na anak nila Tita Carmela at Tito Christian.
Kaagad nila kaming binati bago binangit kung ano ang pakay nila
"Tito, Good evening po! Kami na po muna ang bahala dito para makapag pahinga na muna kayo." si Charles na ang unang nagsalita. Kahit naman halos magkamukha silang dalawa, kilalang kilala pa rin namin sila. Siguro dahil sa kanilang personality at gupit ng buhok. Mas matangkad din si Charles ng kaunti kumpara kay Christopher.
"Maraming salamat sa inyo mga tho at dumating kayo. Pasensya na kayo kung naabala namin kayo ha?" sagot naman ni Daddy. Kaagad naman napailing si Christopher.
'Wala pong problema Tito. Pamilya po tayo, at walang ibang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din naman. Kami na po muna ang bahala dito para makapag pahinga na din kayo." wika ni Christopher. Sinulyapan pa ako nito sabay ngiti.. Napabaling naman ang tingin ni Daddy sa akin.
"Jeann, since nandito na ang mga pnisan mo, umuwi na muna kayo para makapag-pahinga. Hihintayin ko lang na magising ang Mommy niyo tapos susunod na din kami." wika ni Daddy. Kaagad naman akong umiling.
"No Dad! Hindi po ako aalis dito hanggat hindi nagigising si Kenneth!": sagot ko. Kaagad namang sumiryuso ang mukha ni Daddy sabay iling.
"Hindi pwede ang iniisip mo! Masyado nang nakakapagod sa iyo ang araw na ito at kailangan mo din ng pahinga. Huwag mong hayaan na matulad ka sa Mommy mo na basta na lang nahimatay dahil sa pagod at stress. Umuwi na muna kayo at bumalik na lang kayo kapag ayos na ang lahat." seryoso namang sagot nito. Kaagad naman akong napatingin kay Drake at tanging pagtango lang naman ang naging sagot nito.
"Dont worry Insan. Kami na muna ang bahala kay pinsan Kenneth! Pwede niyo kaming tawagan anytime kung gusto nyong makibalita sa kondisyon niya. Sa ngayun, kailangan niyo munang umuwi para makapag pahinga. Huwag mo masyadong abusuhin ang sarili mo dahil baka ikaw naman ang magkasakit!"wika naman ni Charles sa akin.
Labag man sa kalooban pumayag na lang din ako. Tama naman sila eh...mas mahirap kung pati ako ay magkasakit. Dadagdag pa ako sa suliranin ng pamilya.
Bago kami umuwi, muli kong sinilip si Kenneth sa ICU. Tinawagan ko din sila Grandma na sila na muna ang bahala kay Baby Russell. Hindi naman sila mahihirapan sa pag aalaga dahil kasama naman nito ang kanyang Yaya.
Diretso kami ni Drake sa bahay. Kahit na masama ng loob ko, pinilit ko pa ring kumilos ng normal. Ayaw ko din naman maging unfair sa asawa ko. Alam kong gumagawa din ito ng paraan para maibsan ang lungkot na nararanasan ko.
Kumain lang kami at diretso na kami sa aming kwarto para matulog. Dahil sa sobrang pagod sa maghapong stress at sama ng loob kaagad din naman akong nakatulog habang nakaunan sa bisig ni Drake.
Nagising ako kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Halos alas diyes na ng umaga kaya dali-dali akong bumangon. Wala na si Drake sa tabi ko kaya kaagad kong hinagilap ang aking cellphone. Tinawagan ang pinsan kong si Christopher at kaagad naman itong sumagot.
"Anong balita sa kapatid ko?" tanong sa kanya.
"Huwag kang mag alala. Tinatanggap ng katawan ni Kenneth ang lahat ng mga gamot na ibinibigay sa kanya. Ayon sa kanyang Doctor, magandang senyales daw iyun sa kanyang pagaling. Hinihintay na lang na magising siya at ililipat din kaagad ng private room." sagot nito. Kaagad naman akong nabuhayan ng loob.
Ano man ang maging kondisyon ni Kenneth ngayun ang importante ligtas siya! Ang balita ng pinsan kong si Christopher ay malaking bagay sa akin dahil kahit papaano, naibsan ang pag aalala na nararamdaman ng puso ko.
"Mabilis akong nagligpit ng kama bago nagmamadaling pumasok ng banyo. Maliligo lang ako para ready na ulit ako pagpunta ng hospital. Gusto kong nasa tabi ako ng kapatid ko bago siya magising.
Madaliang ligo lang naman ang ginawa ko at kaagad na nagbihis. Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko nang pumasok si Drake sa loob ng kwarto. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.
"Gising ka na pala? Nakabihis ka yata? Aalis na ba tayo?" tanong nito. Kaagad naman akong tumango.
"Pupunta ako ng hospital." sagot ko. Saglit itong hindi nakaimik bago dahan -dahan na lumapit sa akin.
"Tumawag si Ella! Hinahanap daw tayo ni Baby Russell. Pwede bang puntahan muna natin ang bata sa mansion bago tayo pumunta ng hospital?" malumanay nitong tanong. Saglit akong natigilan at kaagad na bumaha ang guilt sa puso ko. Sa sobrang pag aalala na nararamdaman ko para sa kapatid ko, saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Baby Russell.
"Okay, pupuntahan muna natin siya. Pasensya ka na Drake, sa sobrang dami ng gumugulo sa isipan ko, nawala sa isip ko ang tungkol kay Baby Russell." sagot ko naman. Nakangiti naman itong tumango.
"Ayos lang. Naiinitindihan kita! Kung tapos ka na, sumama ka na sa akin sa dining area. Kain muna tayo bago tayo aalis." sagot nito sa akin. Tumango ako at hawak kamay kamig lumabas ng aming kwarto.
Mabilis na lumipas ang oras. Kasalukuyan kaming nasa mansion nang tumawag si Charles sa akin at ibinalita nitong gising na daw si Kenneth. Halos maiyak naman ako sa sobrang tuwa.
Kaagad kong ibinalita kina Grandma at Grandpa ang tungkol sa kondisyon ni Kenneth at pati sila ay para din daw nabunutan ng tinik sa dibdib. Sila pa mismo ang nagsabi sa amin ni Drake na iiwan muna si Baby Russell sa kanila at puntahan na daw muna namin ang kapatid ko. Kaagad naman kaming tumalima ni Drake.
Chapter 463
JEANN POV
Kasama si Drake, mabilis kaming nakarating ng hospital. Excited akong naglakad patungo sa kwarto kung saan naka-confine ang kapatid kong si Kenneth.
Ngayung gising na siya, umaasa ako na sana tuloy-tuloy na ang kanyang pagaling
Malapit na kami sa kwarto nang sa hallway pa lang kaagad kung natanaw ang bulto ni Mommy Arabella. Tahimik itong nakaupo sa isang mahabang upuan habang umiiyak. Dumuble tuloy ang hakbang ko para malapitan kaagad ito.
"My, bakit nandito ka? Akala ko ba gising na si Kenneth?" kaagad kong tanong pagkalapit sa kanya. Isang malungkot na titig ang ibinigay nito sa akin bago dahan-dahan na tumango.
"Oo, gising na siya. Gising na ang kapatid mo. Puntahan mo na siya." malungkot nitong bigkas. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Drake. Hindi ganito ang inaasahan kong reaction mula kay Mommy. Bakit parang ang lungkot niya pa rin?
"Sige po. Pasok muna kami sa loob My! Gusto ko na po talagang makita ang kondisyon ni Kenneth!" nakangiti kong sagot at si Drake na mismo ang pumihit ng seradura.
Pagkabukas ng pintuan kaagad na akong pumasok sa loob. Matamis ang ngiting nakaguhit sa labi ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
Tanging si Daddy lang ang napansin ko at nakaupo ito sa upuan na nasa gilid ng higaan ng kapatid ko. Nagmamdali naman akong lumapit.
"Kenneth! Bro! Kumusta ka na?" kaagad kong bigkas. Sabay pa silang napalingon ni Daddy sa akin kaya nagmamadali akong lumapit.
Kaagad na napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang blankong tingin na ipinukol sa akin ni Kenenth. Although, napansin ko na bumalik na sa dati ang kulay nito pero bakas pa rin sa katawan niya ang aksidenteng natamo. Lalo na sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
"Ano ang ginagawa mo dito? Dapat hindi niyo na ako hinayaan pang mabuhay. Wala na din namang saysay ang lahat ng ito diba?" salitang lumabas sa bibig ni Kenenth na dumurog sa puso ko. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako kay Daddy at kaagad naman itong umiling.
"Bro! Kenneth! Ano ba ang sinasabi mo? Nagbibiro ka ba?" tanong ko. Napansin ko ang pag ismid nito bago sumagot.
"Sa palagay mo, may panahon pa
akong magbiro? Jeann, look at me! Iniwan na nga ako ang babaeng pinakamamahal ko, naging inutil pa ako! Sino ang gaganahan sa ganitong klaseng buhay?" puno ng pait ang boses na bigkas nito. Natameme naman ako.
Magkahalong damdamin ang kaagad na bumalot sa puso ko. Awa at pag- aalala para sa nag iisa kong kapatid.
Kung ganoon, alam niya na ang kondisyon niya. Alam niya na may tendency na tuluyan siyang malumpo.
"Leave me alone! Kung talagang nag aalala kayo sa kondisyon ko, hayaan niyo akong mamatay!" salitang lumabas sa bibig nito na nagpatulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko naman iyung pinunasan dahil ayaw kong iparamdam sa kanya na naaawa ako sa kanyang kondisyon. Baka kasi lalo itong mag self pity.
"Ano ba iyang pinagsasabi mo? Bro naman! Ano ba ang nangyayari sa iyo! Hindi ka naman dating ganiyan ah? Huwag mong sabihin ang mga katagang iyan dahil nasasaktan kami. Kung ano man ang problema natin ngayung araw, darating at darating din ang oras na masusulusyunan natin iyan. Nakalimutan mo na ba? Habang may buhay may pag asa kaya hwuag kang mawalan ng pag asa sa sarili mo! " sagot ko naman at akmang hahaplusin ko sana ang noo nito pero kaagad itong umiwas. Matalim ang mga matang tinitigan ako nito.
Pag asa? Wala na akong pag asa Jeann! Inutil na ako at habang buhay na akong magiging pabigat sa inyo!" bakas ang galit sa boses na sagot nito. Hindi ko na napigilan pa ang paghagulhol ko ng iyak.
Hindi ko inaasahan na marinig ko sa mismong bibig niya ang mga katagang iyun. Ang dating malambing at mabait na Kenneth ay biglang naglaho sa isang iglap lang. Ang inaasahan na masayang araw ng kanyang buhay ay nauwi sa disaster.
"Ano ka ba! Hindi mo kami kaaway para magalit ka sa amin. Kapatid kita at mahal na mahal kita! Siguro, naguguluhan ka lang sa mga nangyari. Magpagaling ka at hayaan mo kaming alagaan ka!" sagot ko. Hindi naman ito nakasagot. May ilang butil ng luha ang lumabas sa gilid ng mga mata nito sabay pikit.
Naiinitindihan ko naman eh. Broken hearted siya at napagdaanan ko din iyun. Walang ibang makakaintindi sa kapatid ko kundi kami lang kaya kahit na susungitan niya ako, hinding hindi ako magagalit sa kanya dahil pilit niya din akong inintindi noong mga sandaling kailangan ko ng karamay.
Mas matindi ang pinagdadaanan ni Kenneth ngayun kumpara sa napag daanan ko noon kaya willing akong tulungan ito para muling makabangon.
Chapter 464
JEANN POV
Mabilis na lumipas ang araw. Masasabi ko na malaki ang ipinagbago ng ugali ni Kenneth simula noong naaksidente ito. Naging bugnutin ito at halos ayaw kaming kausapin. Mabilis na naghilom ang kanyang mga sugat pero hindi siya makatayo dahil malaking bahagi ng buto sa kanyang binti ang napuruhan dahil sa aksidente.
Nakalabas kami ng hospital na naka- wheel chair ito. Masakit sa aming lahat ng makita ito sa mahirap na sitwasyon pero wala kaming magagawa kundi ang magdasal na sana maging maayos ang lahat. Hindi naging cooperative si Kenneth at talagang ipinapakita nito sa amin na wala na itong ganang magpatuloy sa buhay.
Naging tahimik ito at mas gugustuhin niya pang magkulong sa kanyang kwarto. Kaunting pagkakamali ng mga . kasambahay lagi itong nakasigaw.
Iniintindi na lang namin dahil alam na alam namin ang kanyang pinagdadaanan.
Katulad na lang ngayun. Nagpasya akong dalawin ito pagkaalis ni Drake para pumasok sa office. Naabutan ko ito sa kanyang kwarto na binubulyawan ang isa sa mga kasambahay.
"Idiot! Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na dagdagan mo ng asin ang pagkain na iyan! Matabang at bakit ba ang tanga-tanga mo!" Paakyat pa lang ako ng hagdan ng marinig ko ang galit na pagsigaw ni Kenneth. Para itong may kaaway na ewan. Napabilis tuloy ang paghakbang ko at naabutan ko ito sa kwarto na nakakalat ang pagkain sa sahig. Para ding dinaanan ng bagyo ang kanyang kwarto.
"Get lost!" angil pa nito sa mangiyak- iyak na kasambahay. Kaagad naman akong napalapit para sawayin ito.
"Kenneth! Ano ba? Pwede mo namang idaan sa mahinahon na usapan kapag may gusto ka eh. Hindi mo kailangang manigaw. Ano ba ang nangyari sa iyo? Hindi ka naman dating ganyan ah?" wika ko at kaagad na sinenyasan ang mangiyak-iyak na kasambahay na lumabas muna. Mamaya ko na lang ipalinis ang kwarto nito kapag mahinahon na ito. Mahirap paamuhin ang taong biglang nawalan ng direksyon sa buhay.
"Ano ang kailangan mo? Hindi ka ba nagsasawang makita ako sa ganitong sitwasyon?" ako naman ang pinagbuntunan nito ng init ng ulo. Malakas naman akong napabuntong hininga.
Wala na talaga itong pinipiling taong pwedeng awayin. Kapag dinadalaw ito ng iba pa naming mga pinsan, halos ayaw nitong harapin. Laging salubong ang kilay nito at never ko na itong nakitang ngumiti
"Ken, huwag naman ganiyan! Hindi mo kami kaaway dito sa bahay. Nakausap namin ang Doctor mo at sinabi niya sa amin na may tsansa ka pa raw na makalakad basta tulungan mo lang ang sarili mo!" wika ko. Ni hindi man lang ito nagpakita ng reaction sa sinabi ko. Parang wala lang sa kanya ang hatid kong balita kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding lungkot.
"Huwag niyo na akong bigyan ng false hope dahil alam kong hindi mangyayari iyan. Habang buhay na akong maging inutil at kahit na ano pa ang gawin niyo, hindi na ako babalik sa dati!" malamig na sagot nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi! Hindi ka namin susukuan dahil bahagi ka ng pamilya na ito. Kailangan mo lang tulungan ang sarili mo na makalakad ulit. Hihintayin lang natin ang Go signal ng Doctor para muli kang sasailalim sa operasyon. Sana naman magiging cooperative ka Kenneth!" seryoso kong wika sa kanya. Kaagad naman itong umiling.
"No! Hindi ako papayag! Hayaan niyo na lang ako! Masyado na akong maraming hirap na napagdaanan at ayaw ko ng dagdagan pa ang sugat sa katawan ko. Total, wala na din namang saysay ang lahat. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa gumaling." seryoso nitong sagot.
"Hanggang ngayun pa ba hindi mo pa rin siya nakakalimutan? Kenneth, wake up! Hindi ka mahal ng babaeng iyun! Nagpa imbistiga kami ni Drake at alam mo ba kung bakit hindi sumipot ang babaeng iyun sa kasal niyo? Binalikan lang naman niya ang kanyang ex boyfriend at masaya na silang nagsasama ngayun!" hindi ko na napigilan pang bigkas.
Actually, wala na sana akong balak pang sabihin sa kanya ang tungkol dito, pero since na matigas ang ulo niya, mas mabuti pang harapin niya ang tunay na hamon ng buhay. Para naman huwag na siyang umasa pa na muling bumalik sa kanya ang Vina na iyun or kahit na magtangka pang bumalik ang babaeng iyun kami na mismo ang haharang
"Hmmpp! Good for her! Good for her! "malungkot na sagot nito. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mga mata nito palatandaan na nagpipigili ito sa pag iyak kaya parang gusto kong pagsisisihan na binangit ko pa sa kanya ang tungkol sa babaeng mahal niya.
"Move on Ken! Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Palagi mong tandaan na nandito lang kami na pamilya mo na handang umalalay sa iyo sa lahat ng oras.'" sagot ko. Blanko ang ekspresyon ng mukha na tinitigan lang ako nito.
"Pwede bang iwan mo muna ako? Gusto kong mapag-isa!" sagot nito. Umiling naman ako.
"No! Napag-usapan na namin nila Mommy at Daddy na pansamantala ka muna naming ikukuha ng personal na tagapag alaga! Lahat ng mga kasambahay natin, takot ng pumasok dito sa loob ng kwarto mo dahil sinisigawan mo. Sa ngayun wala kaming choice kundi ikuha ka ng personal nurse mo na mag aalaga sa iyo buong araw at gabi." wika ko. Kaagad naman nagsalubong ang kilay nito dahil sa sinabi ko.
"No! Hindi niyo pwedeng gawin sa akin yan at wala kayong karapatan na paghimasukan ang privacy ko!" Galit na namang sagot nito. Hindi naman ako nagpatinag. Unti-unti na akong nasasanay sa ugali niya kaya walang dapat na ikabahala. Isa pa, wala naman siyang magagawa kapag ginusto namin.
"Kung ayaw mong panghimasukan namin ang buhay mo, tulungan mo ang sarili mong gumaling Ken! Huwag kang magkulong sa apat na sulok ng kwartong ito at asikasuhin mo ang sarili mo!" Naiinis ko namang sagot sa kanya. Oo, nandoon na ako. Nakakaawa siya pero kung ganito rin lang katigas ang ulo niya, wala akong choice kundi patulan siya para naman maramdaman niya na may pakialam kami sa buhay niya.
Ilang araw din ang matulin na lumipas. Nasunod din ang gusto namin na ikuha si Kenneth ng sarili niyang tagapag alaga pero hindi nagtatagal ang isang linggo at nagreresign din kaagad! Kahit na doblehin pa namin ang sahod wala talaga eh. Hindi daw talaga nila kaya. Ang matinding dahilan, hindi nila kayang i-handle ang masamang ugali ng kapatid ko! Basta na lang daw ito naninigaw ng walang dahilan at nambabato kapag hindi nasusunod ang gusto.
Chapter 465
JEANN POV
Dahil sa problema kay Kenneth, tuwing papasok ng opisina si Drake sumasaglit ako sa bahay namin para tulungan si Mommy na alagaan ang nagsusungit kong kapatid. Hindi na namin alam ang gagawin sa kanya. Walang nagtatagal na tagapag-alaga nito dahil sinusungitan.
Hindi din namin pwedeng utusan nang utusan ang mga kasambahay dahil takot na din sa kanya at kapag pilitin namin na pagsilbihan si Kenneth baka pati kami ay layasan din kaya ang ending kaming dalawa ni Mommy ang salitan na nag aalaga kay Kenneth
Hindi naman kasi pwedeng pabayaan ito. Para itong mabangis na lion na ayaw magpalapit sa ibang tao. Kahit nga kaming dalawa ni Mommy ay sinusungitan niya pero hindi naman siya uubra sa katarayan namin. Talagang pinapatulan narnin siya.
Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung magbabago pa ba ito. Wala itong balak gumaling dahil kahit ang paglabas ng kwarto para sana makapag paaraw man lang ayaw niyang gawin. Nagmumukmok lang ito sa loob ng kwarto sa mahigit tatlong buwan pagkatapos niyang naaksidente.
Pati si Daddy Kurt sumusuko na din sa ugali ng anak niya. Hindi niya ito mapagsabihan dahil kapag kinakausap niya si Kenneth hindi din siya sinasagot. Laging dinadahilan ni Kenneth na pagod na siya at gusto niyang magpahinga.
Ganitong senaryo ng buhay pamilya namin ay hindi na namin alam kung paano malulutas. Kung cooperative lang sana si Kenneth, pwede pa siguro siyang makalakad pero parang wala na talaga siguro itong ganang mabuhay.
Napabayaan na din nito ang sarili. Ang dating clean cut niyang buhok at makinis na mukha ay wala na. Hanggang balikat na ang buhok nito at puro balbas na din. Ibang iba na talaga siya simula noong naaksidente siya. Nawala ang Kenneth na puno ng pangarap sa buhay.
"Mam, nakaready na po ang mga gamit na dadalhin ni Baby Russell!" natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Ella. Dahil weekend bukas, isasama ko silang dalawa ni Baby Russell sa bahay ng mga magulang ko. Napag usapan na namin ni Drake kagabi pa na pagkatapos niyang lumabas ng opisina sa bahay na ng mga magulang ko siya didiretso. Balak naming doon magpalipas ng gabi.
Masyadong stress na si Mommy sa mga nangyari. Hindi niya na nga halos maalagaan ang ampon nilang si Baby Jillian. Nakadepende na din ito sa Yaya dahil naagaw na ni Kenneth ang buong oras nito.
"Okay na iyan. Aalis na tayo." sagot ko sa kanya. Kaagad naman itong tumango.
Mabilis lang naman kaming nakarating ng bahay. Papasok pa lang ang sasakyan ko sa gate nang mapansin ko si Mommy na matiyagang nakaantabay sa amin. Mukhang hinihintay nito ang aking pagdating.
"Mabuti naman at dumating ka na! Hindi ko na alam ang gagawin sa kapatid mo. Kanina pa sya nagwawala at lahat ng pagkain na ipinapasok sa kwarto niya ayaw niyang kainin." wika nito. Kita ko sa mukha ni Mommy ang sobrang stress.
"Bakit ayaw niya? Sinasaniban na naman ba siya ng masamang ispiritu? Dapat talaga siguro, tumawag na tayo ng pari eh. Hindi na normal ang ugaling ipinapakita ni Kenneth. Habang tumatagal, lalo siyang naging bayolente." sagot ko naman.
"Ilang beses ko na syang kinausap pero ayaw niyang makining. Kagabi, nanghihingi siya ng alak sa isa sa mga kasambahay pero hindi siya binigyan kaya nagwala. Pinagsisira niya lahat ng pwedeng masira sa loob ng kwarto niya. Kausapin mo nga iyang kapatid mo. Kapag magtagal pa siya ng ganiyan, baka bigla nalang akong atakihin sa puso dahil sa konsumisyon sa kanya." sagot naman ni Mommy sa akin. Wala akong choice kundi tumango.
"Ibig po bang sabihin hindi pa siya kumakain ng agahan hanggang ngayun? " tanong ko.
"Kagabi pa siya walang kain. Pumasok ng opisina si Daddy mo na kulang sa tulog dahil halos magdamag naming binabantayan iyang kapatid mo. Kulang na nga lang, itali na namin iyan eh. Baka sa susunod, sarili niya na ang sasaktan niya dahil sa mga kalokohan na ginagawa niya." sagot ni Mommy. Parang biglang sumakit ang sentido ko dahil sa sinabi niya. Ang hirap palang mag alaga ng kapatid na singtigas ng aspalto ang bungo dahil sa sobrang katigasan ng ulo.
"May nakaready nang pagkain sa mesa. Ikaw na ang bahalang mag akyat. Ako na muna ang bahala kay Baby Russell. Si Ella na lang ang isama mo dahil lahat ng mga kasambahay dito ay takot na sa kanya." muling wika ni Mommy. Napapailing na lang ako bago ko sinabihan si Ella na samahan niya ako. Walang pag aalinlangan na kaagad naman itong tumango.
Sana hindi ito matulad sa ibang kasambahay na na-trauma dahil sa ugali ni Kenneth. Wala na din kaming makuhang tagapag alaga ng nagsusungit kong kapatid kaya walang choice kundi kami talaga ni Mommy ang magsasakripisyo.
Dinaanan lang namin ang pagkain na nakalagay na sa tray at kaagad na kaming umakyat ng second floor para puntahan si Kenneth sa kanyang kwarto. Pagdating sa tapat ng kwarto ni Kenneth, kumatok lang ako ng tatlong beses bago ko binuksan.
"What!" kaagad na singhal nito bago kami nakapasok ng kwarto. Kaagad ko naman itong sinamaan ng tingin. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang may hawak na libro.
"Anong what? Kung kinain mo lang sana itong breakfast mo, hindi na sana kita iisturbuhin ngayung umaga! Ano ba Ken...ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo? Si Mommy, nadatnan ko ngayun lang na stress na stress! Bakit ba ang hirap mong intindihin!" hindi ko na napigilan pang bigkas sa kanya.
"Sinabi ko naman kasi sa inyo na pabayaan niyo na ako. Bakit ba napakahirap para sa inyo na gawin iyun? Kung pagod na kayo, mas pagod na ako! Umalis ka na sa kwarto ko at hindi ko kailangan ang awa niyo!" galit naman na sigaw ni Kenneth. Shock akong napatitig sa kanya. Sa totoo lang, sa tanang buhay ko, ngayun niya lang ako nasigawan ng ganito. Nagbago na nga siya! Tuluyan nang kinain ng galit ang puso niya.
Hindi ko tuloy maiwasan na maluha. Kita ko naman ang guilt sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"BAkit? Ken, hindi mo kami kaaway! Kapamilya mo kami kaya sana huwag ka namang ganiyan. Hindi mo man lang naisip ang effort na ginagawa namin araw-araw para sa iyo. Kung ayaw mo akong makita...sige...ayos lang. Pero sana, kainin mo ang
pagkaing dala ko!" sagot ko sa kanya at nagmamadali nang lumabas ng kwarto. Hilam nag luha sa aking mga mata na bumaba ng hagdan at hindi ko man lang namalayan na hindi pala nakasunod sa akin si Ella.
Chapter 466
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
Mahirap tanggapin sa akin na ang inaasahan kong babaeng makasama ko habang buhay ay hindi sumipot sa mismong araw ng aming kasal.
Sa maikling panahon na nakilala at nakasama ko si Vina, alam kong minahal ko ito. Kaya nga noong nagkaroon ako ng pagkakataon na yayain itong pakasal sobrang saya ko dahil kaagad itong pumayag. Hindi ko naman akalain na isang malaking kahangalan ang pagbibigay ko ng buong tiwala ko sa kanya.
Hindi niya ako sinipot sa mismong araw ng kasal at parang gusto kong malusaw sa sobrang kahihiyan na naramdaman ko. Saksi lahat ng mga mahal ko sa bahay kung paano akong naghintay sa tapat ng altar pero hindi dumating ang aking bride. Hindi ko naman alam na wala naman palaga talagang balak na magpakasal sa akin si Vina.
Sobrang hirap. Gusto ko lang naman sana siyang makausap kaya ako umalis kaagad ng simabahan pero pagkadating ko sa bahay nila, natanaw ko siya mula sa labas na may kahalikang lalaki. Para akong pinagsakluban ng langit ang lupa. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, niluluko niya lang pala ako. Sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko, kaagad akong nagdrive paalis.
Sinadya ko talagang ibangga nag kotse ko sa kasalubong na bus. Alam kong kahangalan ang ginawa kong iyun dahil posibleng may mga inosenteng taong madamay pero wala akong pagpipilian. Pakiramdam ko ng mga sandaling iyun, wala ng halaga ang buhay ko!
Kasalanan ko kung bakit nakaupo ako ngayun sa wheelchair. Sa mahigit tatlong buwan pagkatapos kong naaksidente, aware naman ako sa sarili ko na malaki ang ipinagbago ko. Na hindi na ako ang dating Kenneth.
Alam kong nahihirapan na ang lahat sa akin. Lalo na sila Mommy at Daddy. Pati na din ang nag iisa kong kapatid na si Jeann. Kaya lang kapag nakikita ko ang awa sa kanilang mga mata, lalong nadadagdagan ang galit sa puso ko. Kung hindi lang sana ako niluko at pinaasa ni Vina, hindi sana mangyayari sa akin ito.
Alam kong nagiging worst na ako nitong mga nakaraang araw. Takot na A sa akin ang lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko talaga makontrol ang sarili ko at talagang yamot na yamot ako sa mga taong lumalapit sa akin at nag eextend ng tulong. Feel na feel ko talaga ang pagigign inutil ko.
Katulad na lang ngayung umaga. Wala naman sana akong balak na sigawan si Jeann. Kaya lang dahil sa bad temper ko, nagawa ko na naman at huli na para magsisi at ayaw ko din naman humingi ng sorry. Mataas ang pride ko eh. Parang mas gusto kong kamuhian na lang nila ako at hayaan na lang na mamatay.
"Tssssk! Ang sungit!" natigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang bulong ng babaeng kasama ng kapatid kong si Jeann. Kung hindi ako nagkakamali, yaya ito ng pamangkin kong si Russell na anak ng nag iisa kong kapatid.
Kaagad na naagaw ang attention ko sa kanya. Wala sa sariling tinitigan ito habang hawak niya pa rin ang tray na may lamang pagkain.
"What are you doing here? Bakit hindi ka pa sumunod sa amo mo! Umalis ka na at dalhin mo ang lintik na pagkain na iyan dahil wala akong balak na kumain!" bulyaw ko sa kanya. Parang wala naman itong narinig at naglakad pa talaga sa kalapit na lamesa at inilapag ang dalang pagkain. Pahalukipkip ako nitong tinitigan.
"Ang pangit niyo na pala talaga Sir! Kaya siguro takot ang lahat ng kasambahay nyo sa inyo. Para po kasi kayong ermitanyo!" prangkang wika nito na nagpagulat sa akin.
Kahit na binulyawan ko na siya parang wala lang sa kanya. Ibang mga kasambahay nga, titigan ko lang nanginginig na ang tuhod eh. Pero itong kaharap ko ngayun, parang matapang ah? Kaya siguro kasundo ito ng kapatid kong si Jeann.
"Hoy! Idiot! Hampaslupa! Lumayas ka ng kwarto at dalhin mo iyang pagkain na dala mo kung hindi baka may kalalagyan ka sa akin!" nagbabanta kong wika sa kanya. Matalim ko itong tinitigan pero nagulat ako dahil pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Haissst! Hilig magbanta! Sino ang tinatakot mo! Ni hindi ka nga makatayo diyan sa wheelchair mo eh! Kung hindi lang ako naawa kay Mam Jeann, kanina pa kita nilayasan eh. Hindi naman ikaw ang amo ko!" sagot nito sabay irap. Tulala naman akong napatitig sa kanya.
Saan ba napulot ang kutong lupa na ito ng kapatid ko? Ang lakas ng loob niyang sagut-sagutin ako! Hindi ba siya natatakot na mawalan ng trabaho?
Chapter 467
KENNETH POV
Wala sa sariling napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. Ewan ko ba, kahit na ang galing niyang sumagot- sagot sa akin ni hindi man lang ako nakakaramdam ng inis sa kanya. Hindi katulad sa mga naunang na-hire nila Mommy na mag alaga sa akin. Nakikita ko pa lang na papasok sila dito sa kwarto ko, umaakyat na ang dugo ko sa ulo ko kaya ang ending palagi ko silang nasisigawan.
Pero itong Ella na ito na Yaya ng pamangkin ko hindi ko mawari kung anong meron sa kanya. Ngayun ko lang din ito napagmamasdan ng maayos. Although, palagi ko itong nakikita noon pa dahil isinasama ito ng kapatid ko kahit saan magpunta pero palagi lang itong nakayuko. Parang hindi ito nag eexxist sa paningin ko.
Alam kong wala itong nilagay na kahit na anong kulorete sa mukha pero ang ganda niya pa rin. Maliit ang mukha at medyo matangos ang ilong. Ang kilay nito na hindi man lang yata inayos bumagay naman sa mga mata nito na na may mahahaba at malalantik na pilik mata. Dagdagan pa ng labi na parang kay sarap halikan dahil sa natural nitong kulay. Mamula-mula iyun at alam kong walang bahid na lipstick.
Ang swerte naman ng pamangkin ko. Imagine, nagkaroon siya ng magandang Yaya. Bata pa lang, maganda na ang nag aalagang babae. Paano pa kaya kung lumaki na ito.
Sa isiping iyun parang gusto kong kutusan ang sarili ko. Kung saan-saan na napupunta ang isipan ko. Bigla ko din nakalimutan kung ano ang sitwasyon ko ngayun. Hindi dapat ako magpadala sa mga ganitong klaseng pag iisip. Yaya ng pamangkin ko itong nasa harapan ko kaya hindi ko siya dapat pagpantasyahan
"Ehemmm! Tapos na po ba kayong titigan ako? Baka gusto niyo na pong kumain." narinig kong wika nito. Nakahalukipkip ito pero nakataas na ang kilay. Bakit ang cute niya pa ring tingnan? Dapat nga mainis ako dahil parang hindi niya naman ako iginagalang. Sino ba siya? Ang lakas ng loob nyang utusan akong kumain! Hindi nga ako mapilit nila Mommy at Jeann siya pa kaya gayung sini- swelduhan lang naman siya ng kapatid ko!
"Ilabas mo na ang mga pagkain na iyan. Wala akong gana." malamig kong sagot sa kanya at kunwari muli kong itinoon ang attention ko sa hawak kong libro. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya muli kong itinaas ang aking paningin at nagulat pa ako dahil
nakaupo na ito sa gilid ng kama ko. Ngingiti-ngiti habang nakatutok ang mga mata sa kanyang cellphone. Parang gusto manlaki pati butas ng ilong ko habang pinagmamasdan ito.
"What are you doing?" halos dumagundong ang boses ko dito sa loob ng kwarto kaya hindi nakaligtas sa paningin ko na muntik na nitong nabitawan ang cellphone dahil sa pagkagulat. Takang taka na tumitig sa akin habang kumikibot-kibot ang kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok ng aking laway.
"Ano ba iyan! HIndi niyo naman po kailangang sumigaw Sir! Hindi naman po ako bingi! Tsaka, bakit po ba kayo nagagalit? Alangan namang habang buhay akong tatayo na pwede namang maupo. Kung kinain niyo na sana ang pagkain na iyan, kanina pa sana ako naglaho sa paningin mo!" nakaingos nitong sagot. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
Hindi ko talaga lubos maisip kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sumagot-sagot sa akin. Kung titingnan kasi ito parang napakaamo ng kanyang mukha. Para din itong mahiyain pero kung sumagot-sagot sa akin parang hindi ako ang amo ah?
Sabagay, hindi pala ako ang amo niya. Yaya ito ni Baby Russell at si Jeann ang nagpapasahod sa kanya. Kaya siguro walang galang pagdating sa akin.
"Lumayas ka na! Layas kung ayaw mong makatikim ng galit ko!"
pagbabanta kong wika sa kanya.
Pinaningkitan ko pa ito ng aking mga mata katulad sa mga ginawa ko sa mga naunang nag aalaga sa akin. Pero parang walang effect sa kanya bagkos tinaasan lang ako nito ng kilay bago naglakad patungo sa pagkain na nakapatong sa mesa.
"Hmmmmp! Nagbabanta! Paano niya magagawa iyung sinasabi niya eh hindi nga siya makatayo!" Halos pabulong nitong bigkas pero hindi naman ako bingi para hindi marinig iyun.
"Anong sabi mo?" galit kong tanong sa kanya. Talagang sinusubukan ako ng babaeng ito. Kung may sakit lang ako sa puso, baka kanina pa ako inatake eh. Pambihira, ngayun lang ako nakakita na kasambahay na sumasagot-sagot at parang hindi man lang takot na mawalan ng trabaho.
"Wala po! Sabi ko kumain na po kayo para hindi na mag alala sila Mam Jeann at ang Mommy niyo sa inyo. Kagabi pa raw po kayo hindi kumakain eh. Baka daw po kung ano na ang mangyari sa inyo. Alam niyo po ba dinig ko, parang gusto na nga po kayong itali eh, dahil sa sobrang galit niyo sa mundo, baka sarili niyo na naman ang saktan niyo!" nakaismid nitong wika sa akin. Hindi ko man lang nahihimigan sa boses niya na nag aalala siya sa akin. Kaswal lang kung magsalita at parang marites sa kanto ang tono ng kanyang boses. Ni hindi niya man lang naisip na posible akong magdamdam sa sinabi niya ngayun....
Isa pa, ano ang palagay ng pamilya ko sa akin?Isang baliw? Ganoon na ba kalala ang tingin nila sa akin? Hindi na tuloy ako nakasagot sa kaharap ko. Parang gusto ko ng sukuan ang kakulitan nito eh.
"Tsaka Sir! Hindi niyo po ba naaamoy ang kwarto niyo? Ang baho kaya! Kanina pa nga ako naduduwal, tinitiis ko lang. Kailan ba huling nalinisan itong kwarto niyo?" muling bigkas nito. Talagang ipinakita niya pa sa akin na itinakip niya ang kamay niya sa kanyang ilong at parang diring diri na inililibot ang tingin sa paligid.
Kung nakakatayo lang ako, kanina ko pa ito kinaladkad palabas eh. Lahat napapansin! Buti napagtiyagaan ni Jeann ang ugali ng kotong lupa na ito.
Kasalanan ko naman din kasi. Hindi ko pinapalinis itong kwarto ko kaya siguro nangangamoy na! Bihira lang din akong maligo dahil nga hirap akong kumilos at ayaw kong pinagsisilbihan ako.
"Akin na ang pagkain para tumigil ka na!" sumusuko kong wika sa kanya. HIndi nakaligtas sa paningin ko ang pagkislap ng tuwa sa mga mata nito. Para itong nanalo sa lotto na ewan. Wala eh, gusto ko ng lumayas ang babaeng ito sa kwarto ko!
Chapter 468
ELLA CRISOSTOMO POV
Masasabi ko na maswerte na ako sa aking mga amo. Broken hearted pa si Sir Drake noong na hire niya ako bilang taga-linis ng bahay nila at ilang buwan ang nakalipas, nakilala ko naman ang asawa niyang mabait na si Mam Jeann.
Galing ako sa malayong probensya at wala akong choice kundi ang makipag- sapalaran dito sa Metro Manila para maghanap ng trabaho. Kailangan ko kasi tustusan ang pangangailangan ng aking pamilya na hobby yata ng Nanay at Tatay ko ang magkalat ng lahi sa sanlibutan dahil mahirap na nga ang buhay, anak pa ng anak at dumating pa sa point na halos wala na kaming makain.
Oo, imbes na nasa School ako sa mga ganitong edad ko, wala akong choice kundi ang sumama sa kapitbahay namin na lumuwas ng Manila. Natatakot kasi ako na baka makapag asawa lang ako ng maaga kapag mag stay ako ng probensya. Ganoon na kasi ang nangyari sa panganay kong kapatid at ang sumunod sa akin. Kahit minor de edad pa lang, pag aasawa na ang inaatupag para matakasan ang hirap ng buhay.
Pangalawa ako sa labing tatlo naming magkakapatid. Ang Ate ko na isang taon lang ang tanda sa akin ay nag asawa kaagad noong fifteen years old pa lang siya at ang sumunod naman sa akin ay nag-asawa naman last year lang. Ewan ko ba, kababata pa pero masyadong excited na bumuo ng sariling pamilya. Sabagay, hindi ko sila masisisi dahil gusto lang nila marahil takasan ang hirap ng buhay
Pero iba ako. Ayaw kong sundan ang yapak nila. May pangarap ako at kaya ako nagtatrabaho dahil gusto kong makakain ng tatlong beses sa loob ng isang araw ang mga magulang ko pati na din ang mga bata ko pang kapatid para naman hindi na nila maisip na ang pag aasawa ang solusyon para matakasan nila ang hirap ng buhay
Actually, hindi sila Sir Drake at Mam Jeann ang una kong naging amo. Bago ako nakapasok sa kanila, una akong nagtrabaho sa isang pamilya pero tumakas din ako dahil muntik na akong magahasa. Nagbigay sa akin ng matinding trauma pero kailangan kong magpatuloy sa buhay. Hanggang sa nag apply ako sa isang agency na
nagdedeploy ng mga kasambahay sa mga mayayaman na pamilya at swerte ako dahil kay Sir Drake ako napunta. Wala akong masabi sa ugali nito.
Mabait sila sa aming mga kasambahay at hindi masyadong nakakapagod ang trabaho.
Noong dumating si Mam Jeann,
inofferan ako nitong maging Yaya ng kanilang anak. Tinanggap ko kaagad dahil sisiw lang naman sa akin ang mag alaga ng bata. Sa dami ng kapatid ko na naalagaan ko na, parang wala na lang sa akin ang ganitong trabaho. Tinaasan din nito ang sweldo ko na siyang kaagad ko namang pinapadala sa mga magulang ko tuwing sahod kaya nasisiguro ko na nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw sila Nanay at Tatay pati na din ang sampu ko pang kapatid na nasa poder nila.
"Hello! Naririnig mo ba ako? Sabi ko iabot mo sa akin ang pagkain!" natigil lang ako sa aking pagbabalik tanaw ng marinig ko na naman ang boses ng kapatid ni Mam Jeann na si Sir Kenneth. Naaksidente ito dahil hindi sinipot ng girl friend niya sa kasal nila kaya mainitin ang ulo.
Pati si Mam Jeann, apektado na sa ugali nito eh. Talo pa ang tigre kong magalit. Simula noong naaksidente ito, ngayun lang ulit ako nakalapit sa kanya at masasabi ko na ang laki na ng ipinagbago ng ugali nito. Oo, hindi ako malapit sa kanya noon pero hindi ko naman ito narinig kahit na isang beses na sumigaw or magalit. Ngayun lang talaga!
Kung noon, gwapong gwapo ako dito, iba na ngayun. Sobrang haba na kasi ng buhok niya at parang hindi man lang nadaanan ng suklay dagdagan pa ng balbas niya na tumatakip na sa kanyang bibig. Para na talaga siyang ermitanyo!
Sa totoo lang, natatakot din ako sa kanya. Kapatid siya ng amo ko at dapat ko siyang igalang pero dahil sakit na ito ng ulo at alam kong palalayasin niya din ako sa kwarto niya na hindi siya kumakain, tinatagan ko na lang ang kalooban ko. Nagkukunwari lang naman akong matapang sa harap niya
para hindi niya ako mapalayas katulad ng ginagawa niya sa mga naunang nag aalaga sa kanya.
"Heto na po Sir! Saglit lang." sagot ko naman sa kanya. Pigil ko ang sarili kong mapangiti. Mukhang ako ang nagwagi ngayung araw. Napilit ko siya kumain na hindi nagawa nila Mam Jeann at Madam Arabella. Parang gusto ko tuloy purihin ang sarili ko habang kinukuha ang isang bowl ng oatmeal at iniabot sa kanya.
"Subuan mo ako!" pautos na wika nito sa akin. Matalim ang mga matang nakatitig sa akin kaya pilit ko itong nginitian. Kailangan ko pa rin dumistansya sa kanya at baka kung ano ang gawin niya sa akin. Kanina pa naman ito naiinis sa akin. Baka mamaya bigla niya na lang akong saktan. Hindi ko pa naman nababasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.
"Ha? Teka, ang alam ko po paa lang naman ang naapektuhan sa inyo? Bakit kailangan pa ng subo-subo?" sagot ko sa kanya. Halos magdikit na ang kilay nito palatandaan na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Susunod ka ba or kakausapin ko ang kapatid ko na sisantihin ka na lang. Ang dami mong rason imbes na sumunod ka sa utos ko! Tsimay ka lang naman ah bakit ba ang arte mo?" maanghang nitong wika sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Na real talk pa ako ng masungit na ito. Masakit iyun ha, pero wala akong time na magdamdam.
"Hmmmp! Fine...pero dapat bigyan mo ako ng extra bayad ha? Hindi kita amo kaya walang dahilan na pagsilbihan kita!" sagot ko naman pero sa totoo lang, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
Gusto ko talagang ipakita sa kanya na palaban ako para huwag niya na akong pilitin na lumabas ng kwarto hangat hindi pa siya nakakakain. Ang ginagawa kong ito ay tulong ko na lang sa mabait kong amo na si Mam Jeann! Pinaiyak na naman kasi ng Kenneth na ito eh...
Chapter 469
KENNETH POV
Pigil ko ang sarili kong mapangiti dahil sa sinabi niya. Bigyan ko daw siya ng extra bayad?
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang salitang subo. Dapat nga ipakita ko sa kanya na galit ako at naiinis ako sa presensya niya pero habang tumatagal siya dito sa loob ng kwarto ko, lahat ng pagdaramdam at galit sa puso ko unti- unting nalulusaw.
Dahil ba sa angkin nitong ganda or sa pagiging palaban nito kung sumagot sagot sa akin or dahil sa innocent look nito pero may itinatago din palang kapilyahan? Kung una ko lang siguro itong nakilala kay Vina baka sa kanya ako nagkagusto eh. Baka siya na lang ang niligawan ko.
Hindi ko na naman maiwasan na
makaramdam ng matinding lungkot ng muli kong maalala si Vina. Lahat ng pangarap ko sa babaeng iyun biglang naglaho. Manloloko pala at dahil sa kanya kaya ako nakakulong ngayun sa wheelchair.
"Ahhhhh...." automatiko akong napanganga habang iniumang na ni Ella ang isang kutsarang oatmeal sa bibig ko. Susunod din naman pala sa utos ko na subuan ako dami pang sinasabi. Sabagay, may bayad nga pala ito kaya dapat kong sulitin.
Gaano kaya kalaking pera ang kailangan ng babaeng ito at bakit pati ako gusto niyang hingan ng bayad. Gayunpaman, wala naman akong nakitang mali doon. Cute nga eh at mahirap ang buhay. Kailangan talagang kumita.
"Bakit ang tabang?" reklamo ko pagkatapos kong lunukin ang isinubo nitong oatmeal. Napansin ko na kaagad na nalukot ang mukha nito. Bumulong- bulong pa bago niya ako peke na nginitian. Para naman akong nahihipnotismo lalo na ng lumitaw ang biloy niya sa magkabilaan niyang pisngi.
"Aba ewan! Nakaready na ito kanina noong kinuha ko sa dining table eh. Hindi ko naman alam kung ano ang lasa nito eh hindi naman ako kumakain nito. Para kasing cerelac. Iyung pagkain ng baby?" sagot nito. Hindi ko alam kung matatawa or maiinis ba ako sa sinabi niya.
Pagkain ng baby? Simula noong naaksidente ako iyan na iyung kinakain ko eh. Iyung nga lang, hindi nila makuha-kuha ang lasa ng gusto ko kaya naiinis ako.
"Nganga!" hindi pa nga ako nakakabawi ng akmang muli niya na naman akong subuan. Tinabig ko ang kutsara na may lamang oatmel kaya nabitawan niya iyun at lumanding sa kandungan ko.
Kinuha kong pagkakataon para muling magalit-galitan. Kahit gaano pa kaganda at ka-sweet ang babaeng nasa harapan ko ayaw ko ng magkaroon pa ng connection kahit papaano. Ayaw ko ng magtiwala pa kahit kanino.
"What have you done? Tingnan mo nga ang ginagawa mo dahil sa katangahan mo? Gusto mo ba akong paliguan ng lintik ng oatmeal na iyan? Idiot!" galit kong bulyaw sa kanya.
Taranta naman itong kumuha ng tissue at gamit ang nanginginig na kamay ipinunas niya iyun sa kandungan ko. Naka cotton pajama lang ako kaya ramdam ng alaga ko ang pagdampi ng kamay niya sa bahaging ivun. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.
"Na-naku! Naku! Sorry po! Kasalan niyo naman po kasi eh. Bakit niyo kasi tinabig ang kamay ko?" natataranta nitong bigkas. Nakayuko ito ngayun habang patuloy nitong pinupunasan ang kandungan ko na natapunan ng oatmeal. Lalong nadagdagan ang kakaiba kong naramdaman ng aksisente kong nasilip ang dalawa niyang bundok. Nakayuko siya ngayun habang taranta akong pinupunasan na siyang dahilan ng pagbuka ng neckline ng suot niyang t-shirt kaya nasilip ko tuloy ang hindi dapat masilip.
hindi ko maiwasang bigkas. Unti-unti ko kasing naramdaman ang pagtayo ng alaga ko. Napapalunok pa ako ng sarili kong laway.
"Grabe naman po kayo Sir! Bastos niyo po! Kasalanan niyo naman kaya kayo natapunan ng oatmeal eh. Kakain na nga lang dami nivo pang seremonya. Alam niyo po ba na ang swerte niyo pa rin? Inaayawan niyo ang pagkain tapos hindi niyo man lang naisip na halos wala ng makain ang ibang tao diyan." parang naninirmon ang boses na bigkas nito. Umayos na din ito ng tayo kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag.
Hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin. Iyung salitang bastos lang kasi ang tumatak sa isipan ko eh. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip ng baka naramdaman niya ang pagtigas ng alaga ko kaya sinabihan niya akong bastos.
"Out!" naiinis kong bigkas sa kanya. Wala lang, gusto ko lang na umalis siya dahil feeling ko, umiinit na ang buong paligid. Nakakaramdam ako ng matinding pagnanasa na ngayun ko lang muling naramdaman pagkatapos kong maaksidente.
"Agad-agad? Hindi ka pa nga tapos kumain eh." sagot naman nito. Napansin ko pa ang pagsipat nito ng tingin sa akin kaya muli akong napalunok ng sarili kong laway.
"Sir..bakit po kayo namumula? May masakit po ba sa inyo?" tanong nito. Bakas talaga sa mukha nito ang pagiging inosente. Kaagad kong inilipag sa kandungan ko ang hawak kong libro para itago sa mga mata niya ang matigas ko nang anaconda. Shit...ang gusto ko lang naman lumabas muna siya habang pinapalambot ko pa ang pasaway kong alaga.
"Wala! Wala na akong ganang kumain kaya lumabas ka na!" sagot ko. Hindi na ako nakapalag pa ng mabilis itong lumapit sa akin at sinalat ang noo ko. Gusto yatang icheck ang temperatura ng katawan ko para siguro masiguro kung may sinat ba ako or ano. Dali-dali ko namang hinawakan ang kanyang kamay at inialis sa aking noo.
"Anong ginagawa mo? Hindi porket pinayagan kitang subuan ako, pwede mo ng gawin lahat ng gusto ko. Hindi ko pinapahintulutan ang kahit na sino na hawak-hawakan ako!" galit kong singhal sa kanya. Natigilan naman ito at mabilis na hinila ang kamay na hawak-hawak ko pa rin. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya naman kaagad kong napansin sa mukha nito ang pagpa-panic.
"Naku, sorry po Sir! Hindi na mauulit! Bigla po kasi kayong namula kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na salatin ang noo mo! Sorry po talaga!" taranta nitong bigkas.
"Alam mo ba na hindi ako tumanggap ng salitang 'sorry'?" seryoso kong tanong sa kanya. Kaagad naman itong namutla at nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin. Patuloy din nitong hinahablot ang kamay niya na hawak ko pa rin pero kahit naman nakaupo ako dito sa wheelchair, mas malakas pa rin ako sa kanya.
"Po? Gu-gusto niyo po akong parusahan?" inosente nitong tanong. Pigil ko na naman ang sarili ko na matawa. Bakit ba nakakalibang siya? Bakit ibang iba siya sa lahat? May something talaga sa kanya na hindi ko alam dahil ang bilis niyang mapawi ang init ng ulo ko....
Chapter 470
ELLA POV
Ano ba naman itong katangahan na ginawa ko? Bakit ko ba sinalat ang noo niya? Ayan tuloy, gusto niya daw akong parusahan. Hayssst! Bakit ba ang hirap ispelingin ng ugali ng lalaking ito. Kakain lang eh, dami pang seremonya.
Tsaka mali na ba ngayun ang mag alala? Bigla na lang siyang namula kaya sinalat ko ang noo niya sa pag aakalang baka nilalagnat eh. Para may maireport ako mamaya sa Mommy niya at kay Mam Jeann. Kanina pa ako dito sa kwarto niya at wala kaming ginawa kundi ang magbangayan lang. Hayssst! Hirap pala mag alaga ng
taong matigas ang ulo. Mas okay pa talaga na mag alaga ng bata eh. Kaya siguro ito inaayawan ng mga nag aalaga sa kanya dahil sa masama niyang ugali.
"Ano? Tatanga ka na lang ba diyan?
Sabi ko, akin na iyang pagkain!" napukaw lang ako sa pagkatulala ko ng muli kong narinig ang boses niya. Sa wakas, binitiwan niya na din ang kamay ko.
Hayssst! Bakit kaya may pahawak- hawak pa siya ng kamay. Nakakakaba tuloy. Tsaka ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ang init ng kamay niya kanina? Parang may
kuryente eh. Ah...ewan! Kung anu-ano ang naiisip ko. Sa susunod, hindi na talaga ako magpapaka-hero. Hindi na ako magpapaiwan dito sa room ni Sir Keneth kapag isasama ulit ako ni Mam Jeann. Hirap palang pakiusapan ang lalaking ito.
Kaagad kong kinuha ang bowl na may lamang oatmeal na kanina niya pa sana naubos kong wala siyang maraming arte sa katawan. Kakain lang eh, pinapahirapan pa ako. Talaga naman!
Tahimik ko lang siyang pinapanood habang kumakain. Magana naman siya kumain pero hindi ko lubos maisip kong sapat na ba sa kanya ang oatmeal lang? Meydo pumayat itong si Sir Kenneth simula noong huli ko siyang nakita pero alam ko pa rin sa sarili ko na hindi sapat sa kanya ang oatmeal. Napatingin ako sa tray at ng mapansin ko na may tinapay kinuha ko iyun at iniabot sa kanya.
Wala naman akong reklamo na narinig mula sa kanyang bibig. Patuloy lang ito sa pagkain. Hinayaan ko na lang hanggang sa naubos niya lahat ng pagkain na dala ko. Mabait naman pala eh.
"Very good Sir Kenneth! Naubos niyo ang pagkain niyo!" Nakangiti kong wika. Wala lang. Masaya ako eh. Tiyak na matutuwa nito sila Mam Jeann. Sa wakas, kumain din ang masungit niyang kapatid.
Sunod kong iniabot sa kanya ang jiuce.
Ininom niya ulit iyum. Ubos at last ang tubig. Sold out ang dala ko kaya ngiting ngiti ako.
"Thank you Sir Kenneth. Ganiyan dapat eh! Kung kanina ka pa kumain, kanina pa tayo tapos." ngiting ngiti kong wika sa kanya habang inaayos ko ang mga pinagkainan nito sa tray. Tapos na at lalabas na ako. Baka hinahanap na ako ng alaga ko eh.
"And saan ka pupunta? Sinabi ko ba na pwede ka ng lumabas?" biglang wika nito. Natigilan ako at muling humarap sa kanya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot ng mapansin ko na seryoso itong nakatitig sa akin gayun. Ano pa kaya ang kailanga niya? Wala na akong gagawin dito sa kwarto kaya pwede na siguro akong lumabas.
"Bakit po Sir? May iuutos pa po ba kayo?" pilit ang ngiting tanong ko.
"Huwag mong sabihin nakalimutan mo na ang sinabi ko sa iyo kanina na paparusahan kita sa paghawak sa akin? "sagot nito sa akin. Parang gusto ko tuloy pagpawisan ng malapot dahil sa sinabi niya. Nagpaliwanag na ako kung bakit ko siya hinawakan tapos uungkatin niya ulit? Bakit hindi ba talaga siya pwedeng hawakan? Ang selan niya naman!
"Ano po bang parusa iyun? Bilisan mo na dahil nagmamadali ako." sagot ko naman. Sinenyasan ako nito na lumapit daw sa kanya kaya wala akong choice kundi sundin ito para matapos na. Hindi niya naman siguro ako sasaktan diba?
"May boyfriend ka na ba?" tanong nito na nagpanganga sa akin dahil sa pagkagulat. Anong klaseng tanong iyun? Bakit pati personal na buhay ko nasali na? Ang weird niya.
"Ha? Po? Naku, wala po!" sagot ko
naman habang umiiling. Sinipat ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko. Hindi naman mukhang manyakis si Sir Kenneth pero bakit ganito siya makatingin?
"Sigurado ka? Sa lahat ng ayaw ko iyung sinungaling!" diskumpyado nitong sagot. Hindi ko tuloy alam kung iiling or tatango ba ako eh. Ano ba! Bakit nauwi sa ganitong katanungan ang lahat?
"Wala nga po! Virgin pa po ako Sir pero muntik na akong na-rape ng dati kong amo. Pero promise, virgin pa po talaga ako!" wala sa sarili kong sagot pero kaagad ko din natakpan ang bibig ko ng dalawa kong kamay nang marealized ko kung ano iyung mga pinagsasabi ko.
Ang tanga-tanga ko! Bakit kailangan ko pang sabihin ang katagang iyun? Paki niya ha kung virgin na ako. Pero wala na eh, nasabi ko na at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pigil na pagtawa nito. Hayyys, pwede bang humiling na sana bumuka na lang ang lupa para kainin ako? Kasalanan ng bunganga ko. Walang preno kung magsalita eh....
"Muntik kang ma-rape? Sino iyun?" seryoso nitong tanong. Heto na naman! Lahat ba ng sasabihin ko may kasunod na tanong.
"Na-naku! Sorry! Wa-wala po Sir! Pasensya na po kung madaldal ako." nahihiya kong wika at akmang tatalilis na ng alis ng muli itong nagsalita.
"Tulungan mo akong makapaligo. Simula ngayung araw, gusto kong ikaw na ang mag alaga sa akin." wika nito na nagpagulat sa buo kong sistema.
Ano ito, nasa isang demo ako at nagustuhan niya kaya hire ako? Pero hindi naman ako nag aapply ng trabaho ah? Kontento na ako sa sahod na ibinibigay ni Mam Jeann sa akin.
"Naku Sir! hindi pwede! Patulong na lang po kayo sa ibang mga kasambahay dito. Baka po kasi hinahanap na ako ng alaga ko eh." taranta kong sagot sa kanya at nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko na din napigilan pa ang panginginig ng tuhod ko.
Chapter 471
ELLA POV
Halos wala ako sa sarili ko habang inihahakbang ko ang aking dalawang paa pababa ng hagdan. Hindi ko akalain na oofferan ako ni Sir Kenneth na ako na lang daw ang mag aalaga sa kanya. Tapos papaliguan ko daw siya? Kaya ko bang makakita ng hubad na katawan?
Yikes! Hindi ko kaya! Bata lang ang kaya kong alagaan noh! Tsaka, hindi pwede dahil sa ilang oras ko siyang nakakausap wala kaming ibang ginawa kundi ang magbangayan. Isa pa, kontento na ako sa sweldo na ibinibigay sa akin ni Mam Jeann kaya no-no talaga sa akin ang offer ng
masungit na si Sir Kenneth. Marami namang mga tao diyan na willing siyang alagaan eh. Hindi nga lang nagtatagal dahil sa ugali niya.
"Kumain siya?" natigil ako sa aking paghakbang ng marinig ko ang masayang boses ni Madam Arabella. Hindi ko na nga namalayan pa na nakababa na pala ako ng hagdan at nasa harapan ko na pala siya.
"Opo Madam. Kaya lang, ang dami pang sinasabi bago niya kainin!" sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko na naman tuloy maiwasan na makaramdam ng kaba.
"Alam mo bang sa dinami-dami ng mga na-hire kong mag aalaga sa kanya, ikaw pa lang ang nakapilit sa kanya na kumain? Ikaw lang din ang nagtagal sa kwarto niya." nakangiti nitong wika sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya sa kanya. Baka kasi kung anong negative ang isipin niya sa akin eh. Hindi niya naman ako inutusan pero ako itong bida-bida na basta na lang gumawa ng desisyon na magpaiwan kanina sa kwarto ng anak niya. Dapat pala talaga sumunod na ako kay Mam Jeann noong lumabas siya kanina eh. Hinayaan ko na sana si Sir Kenneth kung kakain ba siya or hindi.
"Baka---baka nakulitan lang po siya sa akin kaya napilit ko siyang kumain Madam." nahihiya kong sagot.
"Whatever the reason, masaya ako dahil napilit mo siyang kumain ngayung araw. Kagabi pa hindi kumakain nag batang iyan kaya masyado na kaming nag aalala sa kanya. Wala akong ibang hiling ngayun sa Diyos kundi na sana bumalik na sa dati ang pag uugali niya." malungkot na sagot nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa dito.
Kung sa kabaitan, mabait din naman itong si Madam Arabella. Hindi matapobre ang kanilang pamilya at maayos silang makisama sa katulad kong kasambahay. Kaya hangat kailangan ni Mam Jeann ang serbisyo ko, hindi talaga ako aalis sa kanila.
"Mabait naman po si Sir Kenneth Madam. Siguro, sariwa pa sa isipan niya ang mga nangyari kaya parang galit siya sa mundo." sagot ko naman. Ewan ko ba, kung tutuusin hindi naman nila kailangan ang payo ko pero bakit ginawa ko na naman ngayun? Siniswelduhan lang nila ako kaya dapat na lumugar ako kung saan nararapat. Pero since, kinakausap ako ngayun ni Madam Arabella, no choice ako kundi sabihin sa kanya kung ano ang laman ng isipan ko.
"Sana nga Ella. Siya nga pala, nasa kwarto ang alaga mo at si Jeann. Ilagay mo lang sa kusina iyang mga pinagkainan ni Kenneth at magpahinga ka muna." nakangiti nitong wika sa akin. Masaya naman akong tumango.
Ito ang gusto ko eh. Hindi pagod sa trabaho. Pwede na akong magpahinga kapag ganitong wala namang lakad si Mam Jeann dahil kadalasan nasa tabi niya si Baby Russell. Siya mismo ang nag aalaga sa anak niya at back up lang talaga ako. Pero ganoon pa man, hindi na nila ako pinapayagan na gumawa ng mga gawaing bahay. May iba nang gagawa dahil nagdagdag naman sila ng mga kasambahay.
"Salamat po Madam!" sagot ko kay Madam Arabella at tanging ngiti lang naman ang sagot nito tsaka ako tinalikuran. Palabas ito ng bahay kaya naman dumiretso na din ako ng kusina para hugasan itong mga pinagkainan ni Sir Kenneth. Nakakahiya naman kung itambak ko lang ito gayung wala naman na akong gagawin.
"Ella! Nandito ka lang pala! Bakit ikaw ang naghuhugas niyan!" Kakatapos ko hugasan ang mga pinagkainan ni Sir Kenneth ng marinig ko na may nagsalita sa aking likuran. Kaagad akong napalingon at tumampad sa mga mata ko ang isa sa mga kasambahay. Hingal na hingal ito kaya takang taka akong napatitig sa kanya.
"Kaunti lang naman po ito kaya hinugasan ko na! Bakit po? Hinahanap po ba ako ni Mam Jeann?" nakangiti kong tanong. Nagulat pa ako dahil kaagad ako nitong hinawakan sa kamay at halos kaladkarin ako palabas ng kusina. Nagtataka man, nagpatianod na lang ako.
"Ano ka ba! Pinapatawag ka ni Madam Arabella. Pumunta ka daw sa kwarto ni Sir Kenneth dahil may iuutos sa iyo." sagot nito. Kaagad naman akong napahinto sa paglalakad at seryoso ko itong tintigan.
"Sa kwarto ni Sir Kenneth? Kakatapos ko lang makausap si Madam Arabella kanina pero wala naman siyang nababangit ah?" nagtataka kong tanong sa kanya. Umiling ito at akmang hihilahin na naman ako pero kusa na akong bumitaw sa kanya. Bakit ba tarantang taranta siya? Epekto ba ito sa pagiging masungit ni Sir Kenneth sa kanila?
"Ah basta! Sumama ka na kasi! Baka magwala na naman si Sir Kenneth eh! Sige na Ella!" Wika nito. Ewan ko ba, mas hamak na mas matanda naman sana itong si Ate Armely pero siya itong tarantang taranta. Haysss, ano na naman kaya ito? Nawala lang ako saglit tapos heto na naman!
"Sige na nga! Pero relax ka lang. Baka madapa tayo eh." sagot ko sa kanya. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito sabay turo sa akin sa hagdan. Kunot noo ko naman itong tinitigan.
"Hindi na kita sasamahan! Nagka- trauma na ako kay Sir Kenneth eh." wika nito. Pigil ko ang sarili kong matawa. Wala akong choice kundi ang muling umakyat ng hagdan para bumalik sa kwarto ng masungit na si Sir Kenneth.
"Ella!" papunta pa lang ako sa kwarto ni Sir Kenneth ng marinig kong tinatawag ako ni Mam Jeann. Dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Pasensya ka na ha? Ewan ko ba pero nirequest ng kapatid ko na paliguan mo daw siya. Parusa niya daw sa iyo. Ano ba ang ginawa mo kanina?"
nagtatakang tanong nito sa akin. Nagulat naman ako.
"Po? Parusa? Papaliguan ko siya? Pero humindi na po ako eh." naguguluhan kong sagot. Hindi ko kasi talaga kaya na magpaligo ng lalaki. At hindi basta-bastang lalaki. Gwapong balbas sarado na lalaki!
Chapter 472
ELLA POV
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang nang-aarok na tingin sa akin ni Mam Jeann. Nahihiya naman akong napayuko.
"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit bigla kang ipinatawag ng kapatid ko? Ano ang nangyari kanina noong iniwan kita sa kwarto niya?" tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng tensiyon. Baka ito pa ang dahilan ng pagkakasisante ko eh. Bakit ba kasi kailangan pang gawan ni Sir Kenneth ng issue ang nangyari kanina? Bakit kailangan niya pa akong ipatawag para daw paliguan siya? May ganito bang kaparusahan?
"Ba-baka nakulitan po siya sa akin kanina Mam. Hindi ko po kasi siya tinantanan kanina hangat hindi niya kinain ang dala nating pagkain." mahina kong sagot habang nakayuko.
Hindi ko talaga kayang titigan si Mam Jeann. Natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Sobrang hirap pala maging pakialamera. May tendency pala na mapapahamak ako.
"Talaga? Napilit mo siyang kumain kanina?" bakas sa boses ni Mam Jeann ang tuwa habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig sa kanya. Para kasing hindi galit eh. Ibig sabihin, safe ako. Safe ang trabaho ko sa kanya at tuloy-tuloy ang sahod ko at safe din ang padala ko monthly sa mga magulang ko.
"Hindi po kayo galit Mam? Hindi niyo po ako papagalitan dahil kinulit ko ang kapatid niyo?" nagtataka kong tanong habang titig na titig sa mukha nito. May ngiting nakaguhit sa labi nito habang nakatingin din sa akin.
"Of course not! Bakit naman ako magagalit sa iyo? Alam mo bang sa dinami-dami ng mga na-hire namin na mag-aalaga sa kanya ikaw pa lang ang pinakingan niya!" nakangiti nitong wika. Natameme naman ako.
"The search is over. Mukhang malapit nang matapos ang problema namin kay Kenneth ah?" muling bigkas nito na labis kong ipinagtaka. Hinawakan pa ako nito sa kamay at hinila niya pa ako patungo sa kwarto ni Sir Kenneth. Nagtataka man, wala naman akong lakas ng loob para magtanong.
Naabutan pa namin si Madam Arabella sa kwarto ni Kenneth. Mukhang pinapangaralan nito ang anak pero kaagad ding ngumiti ng mapansin niya ang pagdating naming dalawa ni Mam Jeann. Samantalang si Sir Kenneth naman, kung ano ang expression ng mukha nito kanina, ganoon pa rin ngayun. Blanko at kay hirap basahin ng iniisip.
"Mabuti naman at dumating ka na Ella. Pasensya ka na kung hindi muna matutuloy ang pagpapahinga mo ngayun. Gusto kasing magpatulong ni
Kenneth sa iyo para makaligo siya." nakangiti nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik habang nakatitig kay Sir Kenneth na noon ay biglang nagbago ang expression ng mukha. Nakatitig din ito sa akin habang nakangisi. Wala sa sariling kaagad ko itong inirapan na hindi naman nakaligtas sa paningin nila Madam Arabella at Mam Jeann na makahulugan pang nagkatinginan.
"Sorry po Madam, pero wala po akong experience sa pag aalaga ng matanda na." Hindi ko maiwasang bigkas kay Madam Arabella. Nahihiya man pero kailangan kong magsabi ng totoo. Wala talaga akong alam. Marunong akong mag alaga ng bata, pero hindi ko yata kayang mag alaga ng binata na bugnutin.
"What did you say? Matanda? Sinong matanda?" hindi pa man nakasagot si Madam Arabella, boses na ni Sir Kenneth ang umalingawngaw sa buong paligid. May mali na naman yata akong nasabi dahil nag aalburuto na naman!
"Kayo po! Sino pa ba? Mas matanda po kayo kay Baby Russell at hindi ko po talaga alam kong paanong alaga ba ang gagawin ko sa iyo. Hindi ko po kayo kayang buhatin. Malaki na po kayo at kaya niyo na ang sarili niyo!" sagot ko sa kanya. Huli na ng ma-realized ko na nasa harapan pala namin ang Mommy nito at ang kanyan kapatid. Bakit ba pagdating kay Sir Kenneth, hindi ko talaga ma-kontrol ang pagiging palasagot ko! Baka kung ano ang isipin nila Madam Arabella at Mam Jeann sa akin eh. Baka sabihin nila bastos ako.
"For your information kutong lupa, matanda lang ako ng ilang taon sa iyo at hindi pa ako uugod-ugod para tawagin mo akong matanda! Ano ba! Malabo ba ang mga mata mo?" galit naman na sagot sa akin ni Sir Kenneth.
Nasagi ko na naman yata ang ego niya kaya umuusok na naman ang ilong sa sobrang pagkainis sa akin.
"Exactly! Mas matanda ka sa akin kaya matanda na ang tingin ko sa iyo!" sagot ko naman at hindi ko na naman napigilan pa ang sarili ko na irapan ito. Kaunting english lang din ang baon ko na napanood ko lang din sa isang teledrama at nagamit ko ngayun kay Sir Kenneth. Dapat siguro dalas- dalasan ko ang panonood noon para matuto ako ng kahit kaunti.
"Ang matanda, uugod-ugod na! Hindi ako matanda! Idiot!" halos sumigaw na ito habang sinasabi ang katagang iyun. Sa totoo lang, ano ba ang ibig sabihin ng idiot? Parang pangalawang beses ko ng narinig sa kanya eh. Hayssst! Baka mamaya minumura na ako nang hindi ko pa alam.
"Hep! Hep! Tama na iyan! Sigurado ka ba Kenneth na gusto mong si Ella ang mag alaga sa iyo?" si Madam Arabella na ang umawat sa aming dalawa. Nagtataka na nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Sir Kenneth.
Oo nga naman! Sure ba talaga ang ermitanyong Kenneth na ito na ako ang mag alaga sa kanya? Baka naman wala na kaming ibang gagawin kundi ang magbangayan! Mukhang hindi talaga kami magkasundo kaya hindi talaga pwede!
"Yes Mom! Siya lang ang pwede at wala ng iba! Gusto kong ako mismo ang didisiplina sa kutong lupa na iyan! Ilang oras ko pa lang siyang nakakausap pero ang dami niya nang nagawang kasalanan sa akin!" sagot ni Kenneth sa kanyang Ina. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Kutong lupa talaga? Nakakasakit ng kalooban iyun ha?
Tsaka anong sabi niya? Didisiplinahin niya daw ako? Paano niya kaya gagawin iyun eh lumpo na nga siya diba? Hindi niya na kayang tumayo although gagaling pa naman daw sana ito kung magpapagamot lang....
Chapter 473
KENNETH POV
Parang gusto kong matawa habang pinagmamasdan ang naging reaction ni Ella.
Ewan ko ba, ilang oras ko pa lang siyang nakakasama at nakakausap pero aaminin ko sa sarili ko na natutuwa ako sa kanya. Lahat ng mga alalahanin ko biglang nawala lalo na kapag nakikita ko sa mukha nito na naiinis siya sa akin.
Parang may something sa kanya na hindi ko maintindihan. Gumagaan kasi talaga ang kalooban ko tuwing pinagmamasdan ito.
"Naku Madam, hindi po talaga ako marunong mag alaga ng kagaya ni Sir Kenneth." sagot na naman nito. Hindi naman ako nababahala dahil wala naman itong pagpipilian eh. Ilang buwan nang sumasakit ang ulo nila Mommy at Daddy pati na si Jeann sa kakahanap ng taong pwedeng umalalay sa akin. At ngayung nagpakita ako ng interes kay Ella, alam kong hindi nila sasayangin ang pagkakataong ito.
"Pasensya ka na Iha ha? Wala na kasi talaga kaming ibang makuha na pwedeng mag alaga sa kanya eh. Sige na, pumayag ka na. Hindi naman mahirap alagaan si Kenneth. Aalalayan mo lang naman siya sa lahat ng kilos niya at wala ka nmang ibang gagawin kundi ang bantayan siya." pangungumbinsi ni Mommy dito.
Napansin ko pa ang pagsulyap ni Ella sa akin pero hindi ko na naman napigilan pa ang sarili ko. Kinindatan ko siya kaya kaagad na nanlaki ang mga mata niya sabay iwas ng tingin sa akin. Pigil ko na naman ang sarili kong matawa lalo na nang mapansin ko na pinamulahan ito ng mukha. Lalo tuloy siyang naging cute sa paningin ko.
"Dont worry Ella, kapag may ginawang kabulastugan iyang si Kenneth sa iyo, ako na mimso ang babawi sa iyo. Sa ngayun, sana pagbigyan muna natin ang hiling ni Mommy. Kahit na hindi ka na nagtatrabaho sa akin, tuloy-tuloy ka pa ring makakatangap ng sahod mula sa akin. Isipin mo na lang na part time itong ginagawa mo at i-enjoy mo lang. "sabat naman ng kapatid kong si Jeann. Tama, i-enjoy niya lang dahil alam kong mag-ienjoy din ako sa presensya niya sa buhay ko.
"Sige po! Susubukan ko!" narinig kong sagot ni Ella sabay yuko. Hindi na naiwasan pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Simpleng sagot mula sa cute na cute na si Ella, parang kaagad na napawi ang galit na nararamdaman ng puso ko sa hindi pagsipot ni Vina sa kasal namin. Ewan ko ba, nararamdaman ko ngayun sa sarili ko na malaki ang ipinagbago ko.
"Thank you Iha! Sinasabi ko na nga ba at mabait kang bata eh.!" narinig kong sagot ni Mommy dito habang nakatitig sa akin. Huling huli niya marahil ang pangiti ko. Pilit kong ibinabalik sa pagiging seryoso ang awra ko pero hindi ko pala kaya. Parang bigla na din kasing naglaho ang galit sa puso ko eh. Parang gusto ko na tuloy makipag- cooperate sa kanila na magpagamot para gumaling na ako at muling makalakad.
"So ayos na pala eh. Ipapahiram ko muna si Ella sa iyo Bro ha and oras na mabalitaan ko pinapahirapan mo siya, hindi talaga ako magdadalawang isip na bawiin siya sa iyo." si Jeann naman ang sumagot. Hindi ko na ito sinagot pa bagkos, sininyasan ko na ito na pwde na silang lumabas. Gusto ko nang masulo si Ella eh. Gusto ko din subukan kung hanggang saan ang pasesnya nito.
Nasunod naman ang gusto kong
mangyari at lumabas na din sila Mommy at Jeann ng kwarto. Nagpaiwan naman si Ella na hindi malaman kung ano ang gagawin niya. Kung saan siya nakatayo kanina noong nandito pa sila Mommy nandoon pa din siya. Pigil ko na naman tuloy ang sarili ko na matawa
"Tatayo ka na lang ba dyan? Hindi ka sinasahuran dito para maging tood at walang gagawin." pukaw ko sa kanya. Nakuha ko naman ang attention nito at tumitig sa akin.
"Wala naman po kayong iniutos at hindi ko alam ang gagawin ko. Utusan niyo kasi ako." sagot nito. Ibang iba na ang tono ng boses nito ngayun. Kung kanina, handa itong makipagbangayan sa akin, ngayun naman napaka-formal niya na. Titingnan ko kung hanggang saan ang pasensya nito.
"Paki-check ng banyo dahil maliligo ako." utos ko sa kanya na kaaagad namang tumalima. Pumasok ng banyo at halos wala pang isang minuto lumabas din kaagad. Puno nang pagtataka sa mukha nito na naglakad palapit sa akin.
"Ano po ang ihahanda ko Sir? Gusto niyo po bang punuin ko ng tubig ang bathtub?" tanong nito. Kaagad akong umiling.
Init na init na ako at gusto ko ng maligo. Enough na ang shower sa akin ngayung araw. Kung gusto kong magababad sa tubig, pwede naman sana sa pool. Siguro gagawin ko iyun sa mga susunod na araw.
Parang bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkabagot dito sa loob ng kwarto ko. Imagine, sa loob ng ilang buwan pagkatapos kong naaksidente wala na akong ginawa kundi ang magmukmok sa kwartong ito. Napaka-miserable kong tingnan at mula ngayung araw, gusto ko ng baguhin iyun.
Hindi ko na sinagot pa si Ella, bagkos pinagulong ko na ang wheelchait ko patungong banyo. Kailngan ko na talagang sigurong tulungan ang sarili ko na gumaling. Kay hirap ng ganitong sitwasyon.
Chapter 474
ELLA POV
Nag-aalangan man sa bago kong trabaho ngayun wala naman akong choice kundi ang kumilos ng normal sa harap ni Sir Kenneth. Simula ngayung araw, siya na muna ang amo ko at ako ang aalalay sa kanya sa lahat ng oras. Mukhang maayos naman ito dahil pagkaalis nila Mam Jeann at Madam Arabella kaswal na ang pakikitungo namin sa isat isa. Amo siya at katulong niya ako.
"Ella, I need your help!" narinig kong sigaw ni Sir Kenneth. Nasa loob na ito ng banyo samantalang nandito ako sa may pintuan. Hindi ko kasi talaga alam kong ano ang gagawain ko. Maliligo daw siya at ano ba ang pwede kong maitulong?
"Sir? Andiyan na po!" sagot ko naman at mabilis itong nilapitan. Nakaupo pa rin ito sa kanyang wheelchair pero may isang upuan din akong nakikita sa may shower area. lyun yata an uupuan niya mamaya habang naliligo siya.
"Tulungan mo akong makaupo sa upuan na iyan. Tulungan mo akong makapaligo at huwag mo nang hintayin na tawagin pa kita!" sagot nito. Nababakas ko na naman sa boses niya ang pagkayamot. Kung kanina ay ayos na ito pero biglang nagbago na naman ngayun. Mabilis talaga uminit ang kanyang ulo kaya dapat lang na mag ingat ako.
"Po? baka mabigat po kayo Sir? Baka hindi ko po kaya!" sagot ko naman! Kahit naman na medyo pumayat itong si Sir Kenneth, di hamak na malaki pa rin ang pangangatawan niya. Kahit naman medyo pumayat siya, macho pa rin siyang tingnan at parang kay sarap tangalan ng balbas para lalong lumitaw ang taglay na kagwapuhan nito.
"Bakit ba nagrereklamo ka kaagad? Hindi mo pa nga sinabukan diba? Isa pa, hindi mo naman ako totally bubuhatin. Alalayan mo lang ako na maka-transfer sa lintik na upuan na iyan!" yamot nitong bigkas. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Kailangan ko talaga magbaon ng maraming pasensya sa taong ito. Ayaw ko na siyang patulan sa pagiging suplado niya para hindi niya din ako pahirapan. Siya na nga kasi ang amo ko.
"Sige po! Kapit kayo ha? Hindi ko kasalanan kung bumagsak kayo sa sahig!" sagot ko sa kanya at akmang hahawakan ito sa kanyang kamay para sana igiya ito patayo pero kaagad itong pumiksi. Hindi ko naman maiwasan na mapasimagot.
Nagpapatulong siya diba pero bakit may ganyang klaseng gesture. Hayssst, hirap niyang intindihin. Feeling ko, last day ko na ngayun sa trabaho.
"Sa baiwang mo ako hawakan!" pautos nitong wika. Tumututol ang kalooban ko pero ero wala akong choice kundi sundin ang sinabi niya. Awkward tingnan ang posisyon naming dalawa ngayun dahil feeling ko halos nakayakap na ako sa kanya pero wala akong choice kundi tiiisin iyun.
narinig kong bigkas nito habang halos nakayakap na din ito sa akin. Hindi naman siya ganoon kabigat dahil tinutulungan niya naman ang sarili niya na makatransfer sa upuan pero ramdam ko na may kakaiba sa kanya. Para kasing may isang matigas ng bagay na sumundot sa tiyan ko eh. Galing kay Sir Kenneth iyun at hindi ko mawari kung ano....
Successful naman siyang nakatransfer sa isang parang upuan na nasa tapat ng shower area. Kahit na naiilang tinulungan ko pa rin itong hubarin ang t-shirt niya noong napansin ko na
dahan-dahan niya nang itinataas iyun. Baka uminit na naman ang kanyang ulo kong hindi ko siya tutulungan.
"Hmmm, Sir..siguro kaya niyo na pong maligo noh? Pwede ko na siguro kayong iiwan dito..." wika ko sa kanya pagkahubad ko ng tshirt niya. Lalo kasi akong nakaramdam ng pagkailang ng tumampad sa mga mata ko ang mabalbon nitong dibdib. Tama ang hinala ko, macho pa rin si Sir Kenneth sa kabila ng sitwasyon niya ngayun.
"At sino ang magpapaligo sa akin kung aalis ka? Kaya ka nandito dahil paliliguan mo ako tapos iiwan mo ako dito?" sagot nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Talaga palang seryoso siya sa sinabi niya kanina pa na ako ang magpapaligo sa kanya.
Sa inis ko walang pasabi na pinihit ko ang shower. Kaagad na lumagaslas ang tubig mula sa shower at direktang
bumuhos kay Sir Kenneth. Isang malutong na mura ang narinig ko sa kanya pagkatapos noon.
What are you doing?" galit na singhal nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng takot dahil kita ko ang nagpupuyos ito sa galit.
"Sabi niyo po, ako ang magpapaligo sa inyo. Bakit po ba kayo nagagalit? Natural na mababasa kayo kung bubuksan ko na ang shower!" sagot ko naman at hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi ng marealized ko ang sinabi ko ngayung lang. Ano ba? Ang tanga-tanga ng sagot ko dahil lalong naningkit ang mga mata nito dahil sa galit.
"Papaliguan mo ako na suot-suot ko pa rin ang pajama ko?" singhal nito. Kaagad namang nanlaki ang aking mga mata ng ma-realized ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Huhubaran ko daw siya sa pang ibabang bahagi ng kanyang kasuotan. So, ibig sabihin, makikita ko ang potutuy niya? Shocks... kaya ko ba?
"Po? Huhubarin ko ang pajama mo?" parang nanghihina kong tanong kay Sir Kenneth. Napansin ko naman ang kaagad na pagbabago ng expression ng mukha nito habang nakatitig sa akin.
"Natural! May naliligo ba na balot na balot ang katawan?" sagot nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway. Pang itaas ng bahagi ng katawan niya palang ang walang saplot, nakakaloka na nga sa panig ko, how much more pa kaya sa pang ibabang bahagi? Kaya ko bang makita ang hindi dapat makita sa kanya?
"Pe-pero Sir! Sigurado po kayo? Virgin pa ang mga mata ko at hindi pa ako ready na makakita ng hu-hubad na katawan ng tao." walang pag aalinlangan kong sagot sa kanya. Nagulat naman ako dahil kaagad itong ngumisi.
"Hindi pa ba? Well, sanayin mo na ang sarili mo ngayun dahil simula ngayung araw, ito na ang trabaho mo!" "nakangisi nitong sagot sa akin. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway at gamit ng nanginginig kong kamay, hinawakan ko ang garter ng kanyang pajama at dahan-dahan na ibinaba. Nagdadasal ako na sana walang halimaw na bumulaga sa inosente kong mga mata.
Chapter 475
ELLA POV
Grabe ang konsentrasyon ko habang dahan-dahan kong ibinababa ang pajama ni Sir Kenneth. May papikiit- pikit pa ako ng aking mga mata dahil natatakot ako na baka kung ano ang sumalubong sa aking inosenteng paningin. First ko itong gagawin kaya natatakot talaga ako.
"Hoy! Bakit may papikit-pikit? Ayusin mo ang trabaho mo!" Kaagad akong napamulat ng aking mga mata ng maramdan ko ang daliri ni Sir Kenneth na dumudunggol sa noo ko. Hindi ko maiwasang mapasimangot habang tinititigan ito.
"Ano ba? Bakit ka ba nang-aano?" naasar kong tanong sa kanya. Tinaasan lang ako nito ng kilay kaya tuluyan ko ng hinubad ang kanyang pajama. Nakahinga ako ng maluwang ng liban sa pajama may suot pa pala itong boxer shorts. Hindi bumulaga sa mga mata ko ang inaasahan kong halimaw. Pero ang tanong, huhubarin ko din ba ang boxer shorts niya? Tsaka ano kaya iyung nakikita kong bumubukol sa manipis na tela ng boxer shorts niya?
Wala naman akong narinig na kahit na anong salita kay Sir Kenenth kaya sunod kong hinawakan ang garter ng kanyang boxer shorts. Maliligo siya at expected kong dapat hubot hubad siya diba. Pero nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at inilayo sa garter ng kanyang boxer shorts.
"Anong ginagawa mo, Ella?" tanong nito. Kaagad naman akong napabitaw sa pagkakahawak niya. Para kasing may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Parang may kung anong mainit na kuryente ang biglang tumulay mula sa kanyang kamay papunta sa akin.
Tsaka, bakit parang biglang nag iba ang titig sa akin ni Sir Kenneth? Lalong naging matiiim na para bang may ibig sabihin
"Huhubarin ko po! Pa-para makaligo na kayo!" sagot ko sa kanya habang hindi ko na naman mapigilan pa na kagatin ang sarili kong labi. Napatitig ito sa akin at napansin ko ang pagalaw ng adams apple nito.
"Hindi mo alam kung ano ang gusto mong mangyari. 1-on mo na ang shower dahil gusto ko nang maligo."
garalgal ang boses na wika nito kasabay ng pag iwas ng tingin sa akin. Napansin ko din na namumula ang kanyang magkabilaang tainga. Tatanungin ko sana siya kung masama ba ang pakiramdam niya kaya lang naunahan na ako ng hiya.
Wala na akong choice kundi ang
paliguan na siya. Ako na ang nag-
shampoo ng kanyang buhok at
nagsabon ng halos buo niyang katawan. Tumutulong naman siya kaya lang ang hindi niya kayang abutin kaya ako ang gumagawa. Ang labis ko lang na ipinagtataka masyadong nang tahimik si Sir Kenneth. Hindi niya na din ako sinisita at ang bukol sa boxer shorts niya kanina ay lalo pa yatang domuble.
"Sir, ayos na po! Tapos na po!" wika ko sa kanya habang inio-off ko na ang tubig sa shower. Kumuha ako ng malinis na towel at ipinunas sa kanyang basang katawan. Parang gusto ko din sanang ahitin ang balbas nito kaya lang baka mabulyawan niya ako eh....
"Pwede bang lumabas ka na muna? Balikan mo na lang ako dito after ten --minutes!" sagot nito sa akin. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Ano kaya ang gagawin niya sa banyong ito sa loob ng ten minutes gayung tapos naman na siyang maligo. Dont tell me na iibak siya? Ang tanong, kaya niya naman kayang lumipat papuntang toilet bowl mag isa?
"PO? Naku, hindi po pwede Sir! Basa na po ang sahig at baka kung mapaano kayo kung iiwan ko kayong mag isa dito sa banyo." sagot ko naman sa kanya. Matalim ang mga matang tinitigan ako nito bago itinuro ang pintuan ng banyo.
"Get out! Lumabas ka na muna at hayaan mo akong mag isa! Now!" galit na sigaw nito sa akin. Gusto ko na talaga siyang patulan eh. Nakakarami na siya! Nag aalala lang naman ako sa kalagayan niya kaya ayaw ko sana siyang iiwan dito sa banyo, pero since na nagsusungit na naman siya, wala akong choice kundi hayaan na muna siya. Bahala na nga siya.
Maghahalungkat na lang siguro ako sa walk in closet niya na pwede niyang isuot. Hindi pa ready ang damit niya eh..
"Okay, fine! Huwag magalit! Mabilis lang naman akong kausap eh." sagot sa kanya at inilapag sa kandunga niya ang towel na ginamit kong pamunas sa kanya kanina. Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya kaya diir- diretso na akong lumabas ng banyo. Bahala na nga siya. Baka may unfinished business siya na gustong gawin na ayaw niyang ipakita sa akin. Baka kailangan niya ng kahit kaunting privacy. Well, kung ano man iyun, malalaman ko din siguro sa mga susunod na araw lalo na at simula ngayung araw, ako na ang tagapag- alaga niya.
Pinakailaman ko na ang mga damit niya dito sa kanyang walk in closet. Kumuha ako ng pajama, boxer shorts at puting t-shirt bilang pamalit. Balak kong sa banyo na lang siya bihisan
dahil medyo malamig pala dito sa kwarto niya dahil sa malamig na buga ng hangin na mula sa aircon.
Pagkalabas ko ng walk in closet, inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Malawak at maayos naman ang kwarto ni Sir Kenneth at kahit masungit ito, mukhang nalilinisan din naman. Magulo nga lang ang mga beddings ng kanyang kama kaya inayos ko na din muna. Inamoy ko pa nga kung marumi na para sana palitan pero ayos pa naman pala. Amoy Sir Kenneth nga eh.
"Haysst, ano kaya ang ginagawa niya sa loob ng banyo. Bakit kaya kailangan niya pa akong palabasin. Ten minutes daw eh! Ten minutes bago ko siya balikan ulit? Haysst, ilang minutes na nga ba ang lumipas?" sigaw ng isipan ko habang maayos na tinutupi ang comforter ng kanyang kama.
Nakalimutan kong minutuhan si Sir Kenneth at baka kanina niya pa ako hinihintay. Sa isiping iyun, kaagad kong dinampot ang pamalit niyang mga damit at diretsong naglakad patungong banyo. Binuksan ang pintuan at hindi ko maiwasang mapanganga ng makita ko kung ano ang ginagawa ng magaling kong amo.
"Si--Sir?" tawag ko sa kanya. Gulat itong napalingon sa akin. Pulang pula ang kanyang mukha pero kaagad ding dumako ang aking mga mata sa kanyang kandungan. Hawak-hawak niya pa rin ang kanyang matigas na putotoy at kaya niya siguro ako pinalabas ng banyo kanina dahil may kababalaghan nga itong gustong gawin.
Chapter 476
¦Âª¦¥¦¦¦¥¦³¦§ POV
Nasa kalagitnaan na ako ng kasarapan sa pagsasarili ng maramdaman ko ang biglang pagbukas ng pintuan ng banyo. Gusto ko lang naman ilabas ang namuong init ng aking katawan dahil din sa babaeng tulalang nakatitig sa akin ngayun pero bakit kay hirap?
"A-anong ginagawa mo? Sino ang may sabi sa iyo na pwede ka nang pumasok?" singhal ko kay Ella. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat habang nakatutok pa rin ang kanyang tingin sa naghuhumindig ko pa rin pagkalalaki. Yes......
Nagsasarili ako at malapit na sana akong labasan pero bigla naman itong pumasok. Huling huli niya ako sa akto at hindi ko tuloy malaman kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Mabilis kong hinablot ang puting towel at kaagad na itinakip sa galit kong alaga.
Kaya ko nga siya pinalabas muna pagkatapos ako nitong paliguan dahil kanina pa galit na galit ang alaga ko. Sa bawat haplos na ginawa niya kanina sa katawan ko habang sinasabon ako, katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa ko. Simula noong naaksidente ako, ngayun lang ulit nagreact ng ganito ang junior ko at kay Ella lang talaga. Ngayun ko lang din lubos na napatunayan na hindi naman pala naapektuhan ang junior ko sa aksidenteng iyun. Tumitigas pa rin naman pala.
"So--sorry po! Hi-hindi mo kasi sinabi na nag--nag- -a-ano pala kayo eh." pautal-utal na sagot nito. Pulang pula ang kanyang mukha dahil na-shock siguro siya sa nakita niya kani-kanina lang.
"Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo na nag aano ako para huwag mo akong istubuhin?" sagot ko naman sa kanya. Natameme naman ito. Parang gusto ko namang kastiguhin ang sarili ko. Inosente nga pala itong kaharap ko at baka isipin niya na manyakis ako.
"Pakilagyan lang ako ng lotion at tulungan mo akong makapag bihis." pautos kong wika sa kanya. Kaagad naman itong tumalima pero ramdam ko sa kanyang kilos ang pag aalinlangan. Parang gusto ko tuloy matawa. Feeling ko, natatakot ito sa akin eh gayung hindi ko naman siya sasakmalin.
Kung naiilang siya sa akin, mas lalong nag iinit naman ako sa bawat pag- dampi ng kanyang palad sa balat ko habang nilalagyan niya ako ng lotion. Seryoso ang kanyang mukha pero curious din ako kung anong pabango ang gamit niya. Ang sarap sa ilong.
Parang amoy baby! At ang labi niya.... , parang kay sarap halikan. Sabi ko na eh, hindi ito gumagamit ng lipstick pero mamula-mula pa rin.
Tinulungan niya nga akong magsuot ng t-shirt pero pagdating sa under pants muli ko itong pinalabas. Kaya ko naman eh. Hindi lang ako
makapaglakad pero kaya kong bihisan ang sarili ko. Gusto ko lang sanang bwisitin si Ella pero tama na muna ngayung araw. Baka mamaya, bigla niya na lang akong layasan. Gagawin ko pa naman sana siyang motivation para muli akong makalakad. Natutuwa kasi talaga ako sa kanya.
Nang masiguro ko na maayos na ang aking pananamit muli ko itong tinawag. Nagpatulong ako sa sa kanya na makatransfer sa wheelchair.
Mukhang kailangan ko nang kausapin ng masinsinan ang doctor ko. Gusto ko nang kalimutan ang mga masasamang nangyari sa akin at magfocus para makalakad ulit.
May ilang pursyento pa naman daw na natitira para makalakad ako at gagamitin ko ang porsyento na iyun para muling manumbalik ang dating ako. Kay hirap din pala ng ganitong sitwasyon. Hindi ko na nagagawa ang kung ano man ang gusto ko.
Katulad kanina, mahigpit ang kapit sa akin ni Ella habang inalalayan niya ako na makalipat sa aking wheelchair. Amoy na amoy ko pa rin ang mabangong samyo na galing sa kanyang katawan. Nakaka-adict at parang gusto ko tuloy siyang tanungin kung anong klaseng pabango ang gamit niya. Nakaka-relax kasi sa part ko eh.
Ako na mismo ang nagpagulong ng wheelchair ko pabalik ng kwarto. High tech itong wheelchair ko pero hindi ko na pangarap pa na magtagal sa pagamit nito.
"Mabuti naman at nakaligo ka na!
Gusto mo bang bumaba muna ng garden? Medyo tanghali na pero makulimlim ang kalangitan. Hindi din ganoon kainit." Si MOmmy ang kaagad na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng banyo. Ilang beses niya na akong niyayaya noon na magpaaraw kahit saglit lang at lumanghap ng sariwang hangin sa garden pero palagi ko siyang tinatangihan.
"Okay po! Gusto ko din po kayong makausap ng masinsinan tungkol sa kondisyon ko ngayun." sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaagad na paguhit ng masayang ngiti sa labi ni Mommy.
"Talaga? Kung ganoon, tatawagan ko ang driver mo pati na din ang guard para tulungan kang makababa. Naku, tiyak na matutuwa ang kapatid mong si Jean pati na din ang Daddy mo!"
tuwang tuwa nitong sagot sa akin. Tipid kong nginitian si Mommy
hanggang sa muling naagaw ang attention ko sa paglabas ni Ella mula sa banyo. May ilang butil ng pawis ang namuo sa noo nito at kaagad nitong binati si Mommy.
"Sige na Ella. Magpahinga ka muna at ako na muna ang bahala sa alaga mo. Iyung kwarto mo pala ay ang nasa right side. Iyun muna ang gamitin mo para mabilis mong mapuntahan itong si Kenneth kapag kailangan ka niya." narinig kong wika ni Mommy. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Ang kwarto na tinutukoy ni Mommy ay ang katabi lang ng kwarto ko. Pwede ko pala talagang makita si Ella kapag gustuhin ko.
Chaptet 477
ELLA POV
Pagkababa ni Sir Kenneth ng garden, kaagad ko ding inihanda ang pagkain niya for lunch. Hindi siya sumabay kina Mam Jeann at Madam Arabella sa pagkain. Mas gusto niya daw sa garden kumain kaya naman pinagbigyan na lalo na at iniiwasan nilang masira ang mood ni Sir Kenneth. Simula noong naaksidente ito, nagiging moody na daw kasi kaya hangat maaari, ayaw nilang kuntrahin kung ano ang gusto nito.
First time daw kasi itong lumabas ng kwarto at sumilip ng garden kaya kailangan nilang pagbigyan. Baka magsungit na naman daw eh.
Ako na lang ang kumuha ng pagkain nito sa kitchen. Medyo dinamihan ko na ayun na din sa kagustuhan nila Madam Arabella. Binilinan pa nila ako na habang kumakain daw si Sir Kenneth, pwede ko naman daw ito iiwan para makakain na din daw ako. Kaagad naman akong nagpasalamat sa kanila dahil kahit papano, naiisip pa rin ng mga amo ko ang kalagayan ko. Bawing bawi sila kung kabaitan ang pag-uusapan kahit na palagi pa akong susungitan ni Sir Kenneth.
"Heto na po ang food niyo Sir." pukaw ko kay Sir Kenneth habang bitbit ko ang isang tray ng pagkain. Naabutan ko itong tulala na nakatingin sa kawalan. Para itong may malalim na iniisip at saglit pa itong napakurap ng maramdaman niya ang aking presensiya. Ilang saglit pa kasi ako nitong tinitigan sabay tango. Para itong nagising sa isang malalim na panaginip.
Ipinatong ko ang dala kong pagkain sa kalapit na table. Pinagulong naman nito ang kanyang wheelchair palapit
kaya inayos ko na ang mga pagkain sa mesa para makakain siya ng maayos.
"Sabayan mo na ako!" sagot nito na ikinagulat ko naman. Tinitigan ko pa ito dahil gusto kong arukin kung seryoso ba ito pero nang mapansin ko na seryoso ang mukha nito ay pilit akong ngumiti.
"Naku, huwag na po Sir! Nakakahiya! " sagot ko sa kanya. Kahit saang angulong tingnan, hindi ko talaga kayang sumabay sa kanya sa pagkain. Hindi ko kaya!
"Sa sobrang dami nitong pagkain na dala mo, palagay mo ba mauubos ko ito? Maupo ka na diyan at sabayan ako sa pagkain!" masungit nitong wika.
"Pe-pero, busog pa po ako eh!" naiilang kong sagot sa kanya pero ang totoo, nag aalburuto na ang mga bituka ko. Kanina pa ako nagugustom dahil halos hindi naman ako kumain ng agahan kanina at medyo late na din. Ala -una na ng tanghali.
"Ella! Stop it! Huwag mo nang hintayin na mawalan pa ako ng gana dahil dito. Maupo ka na at sabayan mo akong kumain." muling wika nito kaya wala na akong choice kundi ang maupo na din. Para kasing bubuga na naman ng apoy ang dragon kaya walang choice kundi pagbigyan ito.
Nilagyan ko ng pagkain ang pingan niya at muli akong tumayo. Kunot noong tumitig ito sa akin. Pilit ko naman itong nginitian.
"Kukuha lang po ako ng isa pang pingan Sir!" wika ko sa kanya. Alangan namang magsalo kami sa iisang pingan diba? Foul na iyun! Sobrang nakakahiya na talaga iyun lalo na kapag may makakita sa amin.
"Sit down! Ako na ang bahala!" saogt naman nito sa akin sabay senyas sa isa sa mga kasambahay sa hindi kalayuan sa amin. Nag aalangan naman itong lumapit kaya kaagad itong inutusan ni Sir Kenneth na kumuha ng isa pang pingan sa kusina. Tahimik lang naman akong nakikinig dahil nahihiya talaga ako.
Hindi naman nagtagal ang inutusan ni Sir kenneth at kaagad din itong bumalik na may dala nang pingan at dagdag na pagkain.
"Kumain na tayo!" wika nito. Tango lang ang naging sagot ko at wala akong choice kundi ang pagbigyan siya. Since, nag insist siya pwes, ibigay kung ano ang nais niya! Gutom na din naman ako eh! Mabait naman pala itong bago kong amo lalo na kung tungkol sa pagkain ang pag uusapan. Ayaw niya din sigurong magutom ang tagapag- alaga niya.
Tahimik lang naman din si Sir
Kenneth sa buong oras ng pagkain namin na siyang labis kong ipinag- pasalamat. Pabor sa akin iyun dahil unti-unti din namang nawala nag hiya ko sa kanya. Nakakain din naman ako ng maayos.
Pagkatapos namin kumain, muli nitong inutusan ang malapit na kasambahay na iligpit ang aming pinagkainan. Tututol pa sana ako dahli msayado nang nakakahiya at kaya ko namang magligpit pero muli akong pinigilan ni Sir Kenneth
Gusto niya na daw kasi umakyat na ng kwarto. Kaagad ko namang tinawag ang guard pati na din ang drvier nito para buhatin na siya paakyat.
Pagdating ng kwarto, sila na din ang inutusan ni Sir Kenneth para ma- itransfer sa kama. Hinayaan ko na lang at nang masiguro na nilang maayos na si Sir Kenneth, sabay-sabay na silang lumabas ng kwarto. Naiwan naman ako na hindi malaman ang gagawin.
"Magpahinga ka na din! Ipapatawag na lang kita mamaya!" pautos na wika nito. Llhim naman akong umusal ng pasasalamat dahil kanina pa talaga ako nakakaramdam ng pagod. Tsaka, kapag ganitong busog ako ay parang ang sarap matulog.
Kaagad akong lumabas ng kwarto ni Sir Kenneth at binuksan ang katabing kwarto na sinabi ni Madam Arabella na magiging pansamantalang kwarto ko habang inaalagaan ko si Sir kenneth.
Swerte ko pa din pala dahil pagkapasok ko sa loob ng kwarto, saglit pa akong namangha. Ang ganda kasi talaga at may sarili pang banyo. Nag-survey pa ako sa banyo at laking tuwa ko dahil kumpleto na sa gamit. May mga gamit na kasi panligo at pang personal hygiene. Since ako ang
gagamit sa kwartong ito, may karapatan na din akong gamitin ang lahat ng gamit na nakikita ko dito sa loob ng banyo.
Sa totoo lang, hindi pa rin ako naka moved on sa nasaksihan ko kay Sir Kenneth kanina pagkatapos nitong maligo. Gayunpaman, kailangan ko pa ring pilitin ang sarili ko na kalimutan ang lahat nang iyun. Baka normal lang naman talaga sa kanya ang gumawa ng ganoon dahil lalaki siya. Baka hinahanap-hanap ng katawan nya ang nangyari sa kanila noong girlfriend niya.
Walang sabi-sabi na kaagad kong inihiga ang pagod kong katawan sa malambot na kama. Kung tutuusin, may maids quarter naman sana ang bahay na ito pero since gusto siguro nilang malapit lang ako sa anak nila, ito na munang kwartong ito ang pinagamit nila sa akin. Pabor naman sa akin para hindi na din ako mahirapan. Mabilis ko lang mapuntahan si Sir Kenneth kapag kailangan niya ako.
Hindi ko na namalayan pa na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako sa mahinang katok ng pintuan. Pupungas-pungas akong bumangon at kaagad akong napatalon ng aking kama ng mapansin ko na madilim na sa paligid. Napasarap ang tulog ko at hindi ko man lang namalayan ang oras.
Chapter 478
ELLA POV
Pagkababa ko ng kama halos takbuhin ko ang pintuan at kaagad na binuksan. Laking pasalamat ko dahil isa sa mga kasambahay ang nabungaran ko. Nakakahiya kasi kung si Madam Arabella pa ang kakatok sa akin dahil sa mga ganitong oras, alam kong umuwi na si Mam Jeann sa sarili nitong tirahan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko.
"Ella, hinanahanap ka na ng alaga mo! "kaagad na balita sa akin ni Manang Ising. Isa siya sa maraming kasambahay sa bahay na ito. Tipid ko naman itong nginitian.
"Ganoon po ba? Pasesnya na po, nakatulog ako. Teka lang kanina pa po ba kayo kumakatok Manang?" tanong sa kanya. Tumango naman ito.
"Pangatlong balik ko na dito sa
kwarto mo Ella. Umalis nga pala sila Madam at Sir. May dadaluhan daw na party!" sagot nito sa akin na labis kong ipinagpasalamat. Nakakahiya din kasi sa kanila kapag malaman nilang napabayaan ko si Sir Kenneth dahil nakatulog ako.
"Gusto na nga sana kitang pasukin eh kaya lang naka-lock iyang pintuan mo. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Kenneth. "muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya. Kung kanina pa ako hinahanap ni Sir Kenneth tiyak na mainit na naman ang ulo nito. Lagot na naman siguro ako nito.
Hindi ko na sinagot pa si Manang at mabilis na akong naglakad patungo sa kalapit ng pintuan. Ang kwarto ni Sir Kenneth. Kumatok lang ako ng tatlong beses at binuksan na din ang pintuan at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Naabutan ko itong abala sa kanyang binabasang libro at nang mapansin niya marahil ang pagpasok ko ng kwarto niya ay dahan-dahan itong nag angat ng tingin at direktang tumitig sa akin.
"Bakit ngayun ka lang?" seryoso nitong tanong. Lalo tuloy akong kinabahan. Mukhang sisante na yata ako at kailangan ko nang tawagan si Mam Jeann para magpasundo.
"Sorry po Sir...nakatulog po kasi ako! Hindi ko po namalayan ang oras."
nahihiya kong sagot sa kanya sabay yuko. Ewan ko ba, parang hindi ko na kasi talaga kayang makipagtitigan sa kanya. Parang may something talaga kay Sir Kenneth na hindi ko maintindihan.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ko narinig ang mahina nitong pag tikhim. Unti-unti naman akong nag-angat ng tingin at nahuli ko siyang titig na titig sa akin.
"Okay...pero ayaw na ayaw ko nang maulit ito ha? Gutom na ako at ikuha mo ako ng pagkain." seryoso nitong wika. Kaagad naman akong tumango at mabilis na lumabas ng kwarto niya.
Nagulat pa ako ng maabutan ko si Aling Ising sa labas ng kwarto. Mukhang hinihintay nito ang paglabas ko base na din sa expression ng kanyang mukha.
"Kumusta? Napagalitan ka ba? Naku, masungit talaga iyang si Sir Kenneth! Simula noong naaksidente siya at hindi natuloy ang kasal nila ng fiance niya ang laki na din ng ipinagbago ng ugali niya. Parang hindi na siya ang dating mabait na si Sir Kenneth na palaging nakangiti." Kaagad na wika nito sa akin. Sininyasan ko naman siya na sumunod sa akin. Baka kasi marinig kami ni Sir Kenneth eh. Tiyak na mas
lalong magalit sa akin iyun.
"Talaga po? Kung ganoon, ngayun lang pala talaga siya nagsusungit." sagot ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan patungong kusina. Ikukuha ko ng pagkain si Kenneth kaya wala sana akong panahon na makipagtsismasan kay Aling Ising pero dahil game ito magkwento hahayaan ko na lang. Ang importante, kumikilos pa rin naman ako.
"Pero alam mo ba kung ano ang mas totoo? Hindi boto sila Madam Arabella at Sir Kurt sa babaeng iyun? Pinilit na nga lang nilang magustuhan alang- alang kay Sir Kenneth pero hindi naman sumipot sa kasal. Sumama pala sa ibang lalaki ang bruha!" pagki- kwento pa ni Manang Ising. Napahinto tuloy ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Nagpalinga-linga sa paligid bago ito hinarap.
"Talaga po? Hindi boto sila Madam kay Vina? Bakit daw?" tanong ko.
"Sino namang mga magulang ang matutuwa kung ang babaeng napupusuan ng kanilang anak ay isang bilmoko at gold digger!" sagot nito. Hindi iko naman maiwasan na mapakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko gets kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'BILMUKO'. Ngayun ko lang narinig kaya kaagad kong hinila si Manang sa isang tabi at seryosong tinitigan.
"Bilmuko? Ano po iyun?" tanong ko sa kanya. Tuluyan niya nang nakuha ang buo kong attention. Biglang nawaglit sa isipan ko ang utos sa akin ni Sir Kenneth na ikuha ko siya na makakain. Hassst, kapag ganitong tsismis, lumalapad din ang antena ng pandinig ko. Wala naman sigurong masama since ako ang nag aalaga kay Sir Kenneth, dapat lang na malaman ko din kung ano ang past niya.
"Hindi mo alam ang salitang iyun? Bilmuko, means BILI MO AKO NG GANITO AT GANIYAN! Sa gwapo ni Sir Kenneth gusto niya yatang gawing sugar Daddy? Alam mo ba kung magkano ang ginastos nila Madam noong kasal nila na hindi man natuloy?? Milyones tapos inisnab lang ng Vina na iyun! Nagsayang lang sila ng pera at panahon sa gagang Vina na iyun kaya halos isumpa siya nila Madam at Sir!" sagot naman ni Manang Ising. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Talaga naman! Hindi naman ako tsismosa pero kaagad nabuhay ang dugo ko sa kwento sa akin ngayun ni Manang Ising. Imagine, pumayag si Sir Kenneth na perahan siya noong Vina na iyun? Akala ko ba matalino siya?
"Atin-atin lang ito Ella ha? Huwag na huwag kang magkwento nito sa iba pang mga kasambahay. Mahigpit na ipinagbawal sa pamamahay na ito ang pagbangit ng pangalang Vina. Naka ban ang gaga na iyun sa bahay na ito kaya in the future, kapag makita mo siya sa labas, iwasan mo siya ha? huwag ba huwag mong hayaan na makalapit siya kay Sir Kenneth!" muling wika ni Manang Ising. Wala sa sariling napatango ako.
Chapter 479
ELLA POV
Pakialam ko ba kung muling magpakita ang Vina na iyun kay Sir Kenneth! Hayyy and speaking of Sir Kenneth, halos takbuhin ko ang kusina nang maalala ko na hinihintay pala nito ang kanyang pagkain. Pahamak na Manang Ising ito.
Mabuti na lang at hindi niya na ako sinundan pa. Ang galing kasi magkwento kaya nadadala ako.
Mabilis akong kumuha ng pagkain at inilagay sa isang food tray. Sinamahan ko na din ng malamig na tubig at juice at nagmamdalali nang bumalik ng kwarto ni Sir Kenneth. Naabutan ko itong abala pa rin sa kanyang binabasa kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag.
"What takes you so long? Kanina pa kita hinihintay ah?" kaagad na tanong nito sa akin habang inilalapag ko ang mga pagkain sa mesa. Hindi naman ako nakaimik. Alangan namang sasabihin ko sa kanya na nakipag- tsismisan ako diba?
Mukhang gutom na ito kaya siguro naiinis na naman. Hahayaan ko na lang na magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman. Late na nga akong nagising tapos ang tagal ko pang bumalik para dalhan siya ng makakain.
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko sa bahay ng mga Santillan. Kaswal din ang pakikitungo sa akin ni Sir Kenneth. Bihira na lang kami kung magtalo dahil iniiwasan ko na din. Hangat maari, pinag- papasensyahan ko talaga siya. Hindi din naman ako mananalo sa kanya kung sasagot-sagutin ko siya eh.
"Nabawasan na din naman ang pagiging bugnutin nito. Nagiging
cooperative na din ito sa lahat ng bagay at lalo na kapag kalusugan niya ang pag uusapan. Noong nakaraang araw nga lang, galing kami ng Doctor at katulad ng inaasahan ng buong pamiya kailangan daw munang sumailalim sa panibagong operasyon si Sir Kenneth para maisaayos daw ang mga tissues at boto na napinsala sa kanyang binti.
Nalaman ko din na isang binti lang pala nito ang mas napuruhan. Iyung isa naman, kaunting exercise at therapy, makaka-recover din naman agad- agad. Unlike sa isa pa na kailangan talaga ng surgery para magiging maayos na ang lahat.
Nagpa-schedule na kaagad si Sir Kenenth ng surgery at gaganapain iyun sa susunod na lingo. Kung excited ang lahat, mas excited ako. Kapag muling makalakad si Sir Kenenth,. ibig lang sabihin nito, pwede na akong bumalik kay Mam Jeann. Matatahimik na ulit ang buhay ko.
Kahit naman medyo umayos ang pakikitungo ni Sir Kenneth sa akin hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng pagkailang sa mga titig niya. Para kasing may ibig sabihin eh. Dagdagan pa na ilang beses ko itong nahuhuli na nakatitig sa akin. Minsan, nangingiti ito at minsan naman seryoso.
Hindi ko na din naman ito nahuli na nagsasarili na siyang labis kong ipinagpalasamat. Siguro ginagawa niya iyun kapag gabi. Mga panahon na hindi ko siya mahuhuli. Hehehe!
"Sir, pinapatawag po kayo ni Madam Arabella. Kakain na daw po!:" kaagad na wika ko kay Sir Kenneth habang naglalakad ako palapit sa kanya. Nandito ulit siya sa garden. Tahimik na nakatitig sa kawalan.
Pumwesto ako sa likurang bahagi ng kanyang wheelchair para sana personal na itulak iyun. Kahit naman automatic itong wheelchair niya gusto ko siyang pagsilbihan. Hinahayaan niya naman ako.
"Ella, ano sa palagay mo? Makakalakad pa kaya ako?" tanong nito sa akin na siyang labis kong ikinagulat. First time niya kasing nagtanong sa akin tungkol sa mga ganitong bagay.
"Oo naman po! Nakalimutan niyo na po ba ang sinabi sa inyo ng Doctor niyo? Kaunting tiis na lang at makakalakad daw ulit kayo. Kaya lang, kailangan niyo pa ring tulungan ang sarili niyo Sir!" sagot ko naman sa kanya.
Hindi na ito umimik pa kaya tuluyan ko ng itinulak ang kanyang wheelchair papasok ng bahay. Diricho sa dining area at naabutan namin ang Mommy Arabella at Daddy Kurt nito na halatang si Kenneth na lang ang hinihintay para makakain na.
Ipinuwesto ko si Sir Kenneth at kaagad na inasikso ang mga kakainin nito. Hinahayaan niya ako na ang maglagay ng pagkain sa pingan niya at inuubos niya naman iyun kaya naman nakasanayan ko ng gawin sa kanya.
"Pagkatapos niyan Ella, maupo ka na din at sumabay ka na sa pagkain."
narinig kong wika ni Madam Arabella. Kaagad naman akong namutawi ng salitang pasasalamat. Sanay na akong sumabay sa kanila sa pagkain dahil na din kasi kay Sir Kenneth. Pagkatapos kasi nitong kumain, aalalayan ko pa ito sa kanyang mga evening routine bago matulog. Meaning, ito lang din ang time na makakain ako ng medyo maaga.
"Siya nga pala Mom, Dad, simula
mamaya sa guest room na muna ako." narinig kong wika ni Kenneth. Ang guest room na tinutukoy nito ay ang kwarto na matatagpuan laman dito sa unang palapag ng bahay. Sawang sawa na daw siyang magpabuhat sa mga kasama namin dito sa bahay kaya nagrequest ito last week pa na iyun na muna ang gagamitin niya habang nagpapagaling siya. Nagkaroon lang ng kaunting renovation ng kwarto kaya medyo na-delay pero mukhang naayos na ang naturang kwarto.
"Of course, malinis na ang kwarto at pwede mo nang gamitin ngayung gabi. "narinig kong sagot no Madam. Panibagong set up na naman at mukhang kailangan ko din lumipat ng kwarto na mas malapit kay Sir Kenneth.
Chapter 480
Ella POV
Pagkatapos kumain, kaagad na din nagpahatid si Sir Kenneth sa bago nitong kwarto. Pabor naman sa akin ang tungkol sa bagay na ito dahil hindi ko na kailangan pang magtawag ng tulong sa mga kasamahan namin dito sa buhay para buhatin ito para lang maiaksyat at maibaba ng hagdan.
Ngayung pansamantala muna niyang gagamitin ang kwarto dito sa baba, mas mapibilis ang mga bagay-bagay kapag may naiisip itong gawin. Mabilis ko din siyang mailabas-pasok ng bahay para makapag-paaraw at makapag- relax ng garden.
Habang nagpapa-antok si Sir Kenneth, nagpaalam naman ako sa kanya para kumuha ng ilan niyang mga gamit sa dati niyang kwarto. Magbaba ako ng ilang pirasong damit niya para
hindi ako mahirapan kapag kailangan niyan nang magpalit ng damit at para naman hindi na din ako mag-akyat baba ng kwarto niya sa tuwing may mga kailangan siya.
Saktong pagkalabas ko ng kwarto, siya namang pagdating ni Madam Arabella. Kasunod niya si Manang Ising at ang dalawa pang kasambahay at may bitbit silang kung anu-ano.
"Ella, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Madam Arabella habang may ngiting nakaguhit sa kanyang labi. Nahihiya naman akong nagbaba ng tingin bago ito sinagot.
"Kukuha lang po ako ng mga gamit ni Sir Kenenth sa dati niyang kwarto Madam!" magalang kong sagot sa kanya. Nagulat pa ako dahil hinawakan ako nito sa kamay at matamis na nginitian.
"Ganoon ba? Kung ganoon, iready mo na lang muna ang mga kailangan ni Kenneth at bahala na ang mga kasama natin dito sa bahay ang magbaba ng mga gamit na iyun para naman hindi ka mahirapan" sagot nito sa akin.
"Naku, kaya ko naman na po Madam! " nahihiya kong sagot sa kanya. Maliit na bagay at kaya ko naman kaya walang dapat na ipag alala sa akin si Madam.
"Bahala ka na nga! Pero huwag ka nang magbaba ng mga damit mo. Ibinili na kita ng mga bago mong gamit. Kunin mo na lang ang kabilang bahagi ng walk in closet ng kwatro ninyong dalawa ni Kenneth!" sagot nito na kaagad ko namang ipinagtaka.
"Po? Kwarto?" tanong ko. Ibig niya bang sabihin, magsasama kami ni Sir Kenneth sa iisang kwarto? Aba, hindi yata magandang pabor sa akin iyun.
"Kung hindi mo kayang mahiga sa
kama kasama ni Kenneth, magpapadala ako ng isa pang higaan. Napag usapan na namin ito ni Kurt, hanggang nasa stage ng pagpapagaling si Kenneth, gusto namin na samahan mo muna siya twenty four seven sa kwarto niya. Ella, tinapat na kami ng Doctor ni Kenneth, kahit na maisagawa ang operasyon sa napinsala niyang binti, wala pa ring kasiguraduhan kung babalik siya sa dati. Kung makakalakad pa ba siya ulit...kaya sana maintindihan mo ang ibig naming sabihin."
mahabang wika ni Madam Arabella. Hindi ko naman maiwasan na magulat.
Ang alam ni Sir Kenneth, pagkatapos ng oprerasyon, 100% na makakalakad siya ulit. Pero bakit iba naman yata ang sinasabi ni Madam Arabella ngayun.
"Puro positive ang sinasabi namin kay Kenneth ngayun dahil ayaw namin siyang mawalan ng pag asa. Sa iyo lang din siya umamo ng ganito kaya sana tulungan mo kami Ella. Tulungan mo si Kenneth na matangap niya lahat ng mga posibleng mangyari after the operation." Bakas sa boses nito ang pakiusap habang sinasabi ang katagang iyun. Wala naman akong choice kundi dahan-dahan na tumano.
Bigla akong nakaramdam ng awa kay Sir Kenneth. Nararamdaman ko na kasi sa kanya na gusto niya na din talagang makalakad. Kaya lang, wala pa rin palag kasiguraduhan ang lahat. May posibilidad pa rin pala na tuluyan itong matali sa wheel chair habang buhay.
"Kung hindi sana sa babaeng iyun, hindi sana magkakaganito ang anak ko. Kaya lang, wala na akong time na mang usig ng tao ngayun. Wala kaming ibang gusto ngayun kundi ang makitang muling maging masaya ang anak namin kaya sana, tulungan mo kami Ella. Huwag mong sukuan ang anak namin at manatili ka sa tabi niya
hanggang kailangan ka niya." muling wika nito. Wala sa sarilling muli akong napatango.
Tama ito. Hindi ko talaga susukuan si Sir Kenneth. Kailangan niya ang kalinga at pang unawa mula sa mga taong nakapaligid sa kanya kaya kahit na nagusungit siya sa akin, hinding hindi ko talaga siya susuukuan. Gagamitin ko ang maliit na porsyento na iyun para muli siyang makalakad.
"Sige po Madam! Ibibigay ko po ang best ko para mapagsilbihan si Sir Kenneth ng maayos!" sagot ko naman. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paguhit ng masayang niti sa labi nito. Nilingon niya si Manang Ising at sinabi niyang ipasok na sa loob ng kwarto ang mga dala-dala nilang paper bags.
"Maliit na bagay na regalo mula sa amin. Malaking kaginhawaan sa aming lahat ang presensya mo dito sa bahay Ella." nakangiti nitong sagot sa akin bago nito binitiwan ang aking kamay at pumsok na din ito sa loob ng kwarto. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Hanggang ngayun, hindi ko pa rin lubos maisip na nagkaroon ako ng mababait na amo kaya naman susuklian ko din ito ng kabutihan. Malaki ang sahod ko sa kanila at malaking tulong iyun sa mga magulang at mga kapatid ko. Plus, may mga regalo na dala si Madam Arabella para sa akin, pero mamaya ko na siguro kakalkalin ang mga iyun. Sa ngayun, pupunta muna ako sa dating kwarto ni Sir Keneth para kumuha ng ilang gamit nito.
Mabilis na lumipas ang oras. Maayos nang nakahiga ng kama si SIr Kenneth pero hindi niya pa rin binibitawan ang hawak niyang libro. Napakahilig talaga nitong magbasa. Ang mga dala-dalang regalo nila Madam Arabella sa akin kanina hindi ko pa rin nabubuksan. Bukas nalang siguro dahil inaantok na ako.
Iyun nga lang, hindi ko alam kung saan ako pi-pwesto ngayun. Dito daw ako matutulog eh...hayasst parang wala pa namang idea si Sir Kenneth sa gusto nang mga magulang nito na simula ngayung araw, sasamahan ko siya sa kwartong ito twenty four seven
"Ano pa ba ang ginagawa mo? Hndi ka pa ba matutulog?" hindi ko maiwasang mapapitlag sa gulat nang bigla itong nagsalita. Nakatitig na ito sa akin ngayun habang punong puno ng pagtataka ang nakalarawan sa mukha.
"Sa sofa na lang po ako Sir!" sagot ko sa kanya at mabilis na kinuha ang isang unan at comforter na maayos na nakasalansan sa gilid ng kama nito at akmang maglalakad na paputang sofa ng bigla itong nagsalita.
"Nabangit na ni Mommy sa akin kanina ang tungkol dito. Mas malaki ang kamang ito kumpara sa datin kong kwarto at pwede mong okupahin ang kabilang bahagi." sagot nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya..
Alam niya pala pero bakit hindi niya man lang nabangit kanina pa? Tsaka, ayos lang ba talaga na tatabi ako sa kanya?
Chapter 481
ELLA POV
"Naku Sir, ayos lang po ako. Kumportable naman po ako sa sofa eh. Kasya naman po siguro ako." nakangiti kong sagot kay Sir Kenneth. Matiim ako nitong tinitigan na para bang inaarok nito pati ang pagkatao ko. Heto na naman ang pakiramdam ko na parang humihilab ang tiyan ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Naiilang din ako sa mga titig niya. Ewan ko ba, simula nang halos araw- araw naming pagsasama sumasabay naman ang pag usbong na kakaibang pakiramdam sa tuwing tinititigan niya ako ng ganito. Para akong nakakaramdam ng nerbiyos na ewan na una kong naramdaman kay Sir Kenneth sa tanang buhay ko.
"I insist. Tsaka sino ba ang amo sa ating dalawa? Ang gusto ko ang sundin mo! Bakit ba ang hirap mong pasunurin?" Bakas na naman ang inis sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi habang dahan -dahan na naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kama. Inayos ang unan na gagamitin ko at kiming naupo.
Tama naman siya...kung tutuusin, malaki talaga ang kama. Halos doble ng laki ng kama nito sa second floor. Kasya nga ang halos pitong katao eh. Iyung sapin nito, alam kong pinasadya pa nila Madam eh. Kung tatabi ako sa kanya, malabo pa sa sikat ng araw na magkasagian kami kaya wala naman siguro akong dapat na ipag-aalala diba? Tsaka, mabait naman si Sir Kenneth. Mukhang hindi naman din siya manyakis.
Sa isiping iyun parang gusto kong kutusan ang sarili ko. Kung saan-saan na kasi nakakarating ang imagination ko. Ako lang din ang nagpaphirap ng sitwasyon gayung alam ko naman na malabong pumatol sa kagaya ko si Sir Kenneth.
Ang mga type ni Sir Kenneth na babae ay iyung kagaya ni Vina. Matangkad, mistisa at payat. Hindi kagaya ko na hindi na nga ganoon katangkaran, hindi din ganoon kaputi at walang special sa hitsura ko. Kung nakakatayo lang siguro itong si Sir Kenneth, feeling ko nga hanggang balikat niya lang ako. Mag mimistula akong unano kung sakaling magkasama kami.
Unlike ni Vina na pang model ang tindig at feeling ko mahal pa rin siya ni Sir Kenneth kasi tuwing tinitigan ko itong amo ko, kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot.
Sa isiping iyun malungkot akong napabuntong hininga. Muli kong na- realized ang mga naiisip ko ngayun. Bakit ba kailangan kong i-compare ang sarili ko kay Vina? Mahal ko na ba siya? Mahal na ba ang amo ko?
Sa isiping iyun wala sa sariling napahiga ako ng kama. Hindi ko na muliing tiningnan si Sir Kenneth. Tahimik na din kasi ito kaya feeling ko ayaw niya din ako makausap. Sabagay, sa ilang lingo kong pinagsisilbihan siya, amo at katulong ang turingan namin. Siya ang amo at ako ang katulong niya kaya kung ano man ang feelings ang unti-unting umuusbong sa puso ko ngayun, hindi ko dapat i- entertain dahil hindi talaga kami bagay at malabong magustuhan niya ang kagaya ko.
Naging mailap ang antok sa akin ng gabing ito. Hindi ako makatulog kahit na anong pilit ko. Sabagay, sino ba naman ang nakakatulog gayung sa kauna-unahang pagkakataon, may katabi akong lalaki sa isang malambot na kama and worst amo ko pa. Isang
masungit pero ubod ng gwapong lalaki.
Wala sa sariling napatagilid ako ng higa paharap kay Sir Kenneth. Kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang payapa nitong mukha. Mukhang tulog na tulog na siya dahil naririnig ko na din ang mahina nitong paghilik.
"Hayyst, buti pa siya. Nakatulog na habang ako, tiyak na bangag na naman nito bukas dahil sa puyat." mahina ko pang sambit habang titig na titig sa mukha ni Sir Kenneth. Kung wala lang siguro itong balbas, lalo talaga
sigurong lulutang ang taglay nitong ka- gwapuhan. Matangos ang ilong at mas mahaba pa yata kumpara sa akin ang pilik mata niya. Kung pareho lang kami ng istado ng buhay, ang sarap siguro nitong mahalin.
Wala sa sariling napabangon ako ng kama at napasabunot sa sarili kong buhok. Feeling ko nababaliw na ako dahil pinag-papantasyahan ko na ang amo ko! Para na akong tanga! Haayyst!
Dahil hindi ako makatulog, bumaba na lang ako ng kama at pumasok sa loob ng banyo. Para akong tanga na tinitigan ang sarili kong reflexion sa salamin. Nag uumpisa nang mamula ang mga mata ko dahil dis oras na ng gabi gising pa rin ako!
Umihi lang ako, naghugas ng kamay at muling lumabas ng banyo.
Mahinang hilik ni Sir Kenneth ang naririnig ko sa buong paligid kaya kaagad kong kinuha ang unan at comforter ko sa pwesto ko kanina. Pumwesto ako ng sofa at kaagad na nahiga. Nagtalukbong na din ako ng comforter at hindi nagtagal, nakatulog na din ako.
Nagising ako kinaumagahan sa galit na boses mula kay Sir Kenneth. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa carpet na sahig dahil sa matinding gulat.
"What are you doing? Bakit nasa sofa ka?" ani nito. Dahan-dahan naman akong naupo sabay sulyap sa orasan. Alas singko pa lang ng madaling araw at nag iingay na siya!
"Sir, hindi po kasi ako makatulog kaya nagtransfer na muna ako kagabi dito sa sofa!" paliwanag ko sa kanya. Napansin ko na nakaupo na ito ng kama kaya dali-dali akong tumayo at nilapitan siya.
"Maaga pa po. Gagamit po ba kayo ng banyo?" tanong ko sa kanya. Sanay na ako sa pasigaw-sigaw nito minsan kaya hindi ko na dinamdam.
"Hindi ka ba nasaktan?" tanong nito sa akin na labis kong ipinagtaka. Ibang salita kasi ang lumabas sa bibig niya imbes na sagutin ang tanong ko kaya hindi ko din'gets.
"Po?" nagtataka kong tanong.
"Sabi ko hindi ka ba nasaktan sa pagkakalaglag mo sa sofa?" tanong nito.
Hindi ko naman maiwasan na mapakagat sa sarili kong labi. All of the sudden bigla kasi itong naging concern sa akin.
Nasaktan nga ba ako sa pagkakalaglag ko ng sofa kanina? Parang hindi naman! Carpet ang binagsakan ko tsaka mababa lang naman kaya hindi masakit.
Chapter 482
ELLA POV
Pero bakit kaya biglang naging concern sa akin itong amo ko? Ano kaya ang nakain nito at bigla na lang naging mabait? Ah, baka naman maganda lang ang gising niya. Kung ano man ang reason niya, bahala na nga siya. Basta ako, kailangan kong gawin ang best ko para mapagsilbihan ko siya ng maayos.
"A-ayos lang po ako Sir! Hindi po masakit!'" sagot ko sa kanya habang hinihintay ko kung ano ang gusto niyang iutos sa akin. Maaga pa at gusto ko pang matulog. Seven in the morning talaga ang palaging gising nito pero mukhang napaaga yata ngayun. Baka naman nanibago din sa kwarto niya.
"Mabuti naman kung ganoon. Tulungan mo ako...gusto kong mag- banyo muna!" sagot naman nito sa akin.
Kaagad naman akong tumalima. Inilapit ko ang kanyang wheel chair sa kanyang kama at tinulangan itong maka-transfer. Kung noong una ay naiilang pa ako sa paghawak sa kanya, well, hanggang ngayun naiilang pa rin naman ako. Walang ipinagbago. Lalo na kapag dumadampi sa balat ko ang kamay nitong si Sir Kenneth. Minsan kasi sa baiwang ko siya humahawak eh.
Nang maayos ko na itong naipwesto sa kanyang wheel chair ako na din ang nagtulak sa kanya papasok ng banyo. Alam na alam ko na kung ano ang gagawin nito sa umaga. Magto- toothbrush at ako ang maglalagay ng toothpaste bago ko iabot sa kanya.
Tapos maghihilamos din ito at pagkatapos noon lalabas muna ako para hayaan siyang gumamit ng toilet bowl.
Hightech naman ang toilet bowl niya at kaya niya na din...Hindi ko din carry na makitang wala siyang salawal kung sakali. Baka kasi makita ko na naman ang hindi dapat makita.
Maliban sa suot niyang boxer shorts, sanay na akong nakikita siyang n***** **d. Ako din kasi ang nagpapalit ng damit niya kay naman wala ng problema. Pero tulad nang nabangit ko na, nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang. Lalo na at minsan nahuhuli ko ito na kakaiba kung tumitig. Parang may gusto ipahiwatig.
"Pagkatapos nito, ihatid mo na muna ako ng garden. Dalhan mo lang ako ng kape at pwede ka na munang bumalik sa pagtulog kung gusto mo." narinig kong wika nito habang naghihilamos siya. Tango lang ang naging tugon ko. Nakabantay ako sa kanya habang hawak ko ang malinis na puting towel na gagamitin niya mamaya para punasan ang mukha niya.
"Ella, hindi ka ba nahihinrapan sa pag aalaga sa akin?" narinig na namang tanong niya. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti or seseyoso ba ako. Kakaiba kasi talaga ngayung umaga itong si Sir Kenneth! Kakaiba din ang mga tanong niya.
"Sanay na po ako Sir!" sagot. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay nito at sa pamamagitan ng reflexion ng salamin, napansin kong nakatitig ito sa akin.
"So, ibig sabihin, mahirap akong alagaan at nasanay ka na lang?" sagot nito. Kaagad naman akong umiling.
"Ikaw po ang nagsabi niyan Sir Kenneth kaya walang samaan ng loob." sagot ko sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko itong ngumiti.
Yes...nakangiti nga siya habang nakaharap sa salamin. Shocks ang gwapo niya pala kahit balbas sarado siya! Sana, wala na lang ang balbas na iyan para makita ko din ang kissable lips niya. Hayssst!
"Oo at hindi lang naman ang isasagot mo pero ang dami mong pasakalye. Ilang taon ka na nga ulit?" natatawa na nitong wika. Para naman akong biglang napatanga habang nakatitig sa kanya. Para kasi talagang may nabago kay Sir Kenneth ngayung umaga eh. Nagagawa na din itong tumawa na hindi niya naman ginagawa dati. Palagi kaya itong nakasimangot sa akin noon.
"Ella...Ano na! Tulala ka na diyan!" napakurap pa ako ng makailanga ulit ng marinig ko ang boses nito. Sa pagkakataon na ito, nagawa niya nang humarap sa akin kahit nakaupo pa rin siya sa wheel chair
"Bakit pulang pula ang mukha mo? may masakit ba sa iyo?" tanong na naman nito sa akin. Naka-ilang tanong na ba siya at anu-anong tanong ba iyun at nang masagot ko na? Tsaka, bakit ganito...bakit nag iinit ang pisngi ko?
"Ha...Ah...ehh, wala po Sir! Nakakagulat po kasi ang kadaldalan niyo ngayung umaga. Hindi po ako sanay!" nahihiya kong sagot sa kanya.
Ano ba self! Bakit ako nagkakaganito! Ang aga-aga! Para akong sira na kinikilig sa harap ni crush! Teka lang... may garter ba itong panty ko? Para kasing malalaglag na eh...Charrr! Kung anu-ano ang naiisip ko at parang gusto ko nang kaltukan itong sarili ko eh. Para akong tanga na ewan..haysst!
"Talaga lang ha? Siguro nasusungitan ka sa akin noon noh? Well, pasensya ka na Ella ha? Pero teka hindi mo pa pala sinasagot ang tanong ko...ilang taon ka na ba ulit?" tanong nito.
"Eighteen po! Eighteen years old na po ako Sir!" kaagad kong sagot sa kanya. Oo nga pala, iyun ang parang narinig kong tanong mula sa kanya kanina pa
"Good, ibig lang sabihin nito, hindi ako makakasuhan ng child abuse kung nagkataon." sagot nito na kaagad kong ipinagtaka. Hindi ko na naman gets ang ibig niyang sabihin.
"Po? A-ano po ang ibig niyong sabihin Sir? Tsaka, bakit po kayo makakasuhan?" nagtataka kong tanong. Muli itong tumawa na siyang muli ko namang ikinatanga sa harap niya.
"Sir..ayaw niyo po ba talaga na ahitin iyang balbas mo? Kung gusto niyo po ako ang gagawa!" Wala sa sarili kong bigkas. Huli na nang ma-realized ko kung ano ang sinabi ko ngayun lang. Narinig na ni Sir Kenneth at bigla na namang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Kung kanina tumatawa ito, ngayun naman ay seryoso na ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.
Sabi ko na, ang pagiging pakialamera ay wala talagang magandang maidulot.
Chapter 483
ELLA POV
"Na--naku! Sorry po Sir! Hindi ko po sinasadya! Sadyang madaldal lang po ako minsan kaya hindi ko napigil ang sarili ko na sambitin ang katagang dinidikta ng isipan ko na hindi ko masyadong pinag-iisapan." hilaw ang ngiting wika ko. Ewan kung nainitindihan niya ang sinsabi ko pero iyun na iyun.
Ano ba naman! Pati balbas gusto ko pang pakialaman! Nasa mood pa naman sana si Sir Kenneth kanina pero sinira ko lang! Bakit ba itong bunganga ko hindi mapigilan minsan. Nauunang kumuda bago ma-realized ng isipan kung tama ba or mali ang nasabi ko. Hayssst!
"Well, why not! Marunong ka bang mag-ahit? Kaya mo ba?" tanong nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
"Po? Ako? Bakit ako..eh balbas niyo naman iyan. Kaya niyo nga po mag- toothbrush at maghilamos ng kayo lang tapos pag ahit hindi niyo po kaya? " Hndi ko na naman mapigilang sagot. Muli akong napakagat ng aking labi ng maramdaman ko na halos nagreregudon na ang puso ko sa sobrang pagkabog.
Ano ba naman... bakit habang tumatagal, feeling ko lumalala itong nararamdaman ko! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Na-sobrahan ba ako sa 3 in 1 na kape na paborito kong inumin tuwing umaga? Masarap naman kasi kaya hindi ko pwedeng tigilan. Isa pa, libre at wanto sawa at buhay na buhay ang dugo ko kapag nakakainom ako noon.
"Ikaw ang nag-suggest kaya ikaw ang gumawa! Siguraduhin mo lang na hindi mo ako masusugatan kung hindi lagot ka sa akin." sagot nito na may halong pagbabanta sa boses nya. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
Ito na talaga ang resulta ng pagiging pakialamera eh. Hindi porket maayos ang mood ni Sir Kenneth, pwede na akong magpapa-kampante. Moody pa naman ito at baka masigawan na naman ako kapag hindi niya magustuhan ang gagawin kong pag ahit sa kanya.
"What are you waiting for? Umpisahan mo na para maaga tayong matapos." muling bigkas nito. Bantulot naman akong pumunta sa cabinet at binuksan iyun. Maghahanap ako ng Gillette or ano pa man na pwedeng gamitin pangtangal ng bigote.. Pero saan nga ba ako mag uumpisa? Ano ang first step?
"Eeerr Sir! Hindi po talaga ako marunong. Hindi ko po alam kung paano." muling kong bigkas habang isa - isa kong tinitingnan ang laman ng cabinet. Totoo naman kasi wala akong kahit isang idea kung paano ba.
"Ang lakas ng loob mong mag suggest hindi ka naman pala marunong." narinig kong bigkas nito. Pinagulong na nito ang wheelchair patungo sa akin at ito na ang naghalungkat sa loob ng cabinet. May iilang gamit siyang inilabas na ngayun ko lang din nakita at hindi ko alam kung paano gamitin kaya tahimik ko lang siyang pinapanood.
"Dalhin mo itong mga inilabas ko doon sa sink. Ikaw na lang ang assistant ko since sa iyo galing ang idea na ito." narinig kong wika nito at muli nitong pinagulong ang wheelchair patungong lababo. Tahimik kong dinampot ang mga gamit na inilabas niya mula sa cabinet.
Sa totoo lang, excited ako. Sa wakas, mag aahit na siya at makikita ko na ang totoong gandang lalaki ng amo ko. Gwapo naman siya kahit may balbas pero alam kong mas gwapo siya kung wala na siyang buhok sa kanyang mukha at bibig. Kapag successful ang ahit portion namin ngayun, buhok niya na naman ang susunod kong isa- suggest sa kanya.
Tahimik ko lang na pinapanood si Sir Kenneth habang inuumpisahan na nito ang proseso ng pag aahit. Naghilamos ulit ito pagkatapos may inilagay siyang mabulang bagay sa kanyang bigote. Ilang saglit lang, ini- on niya na ang isang machine na may blade at inumpisahan niya nang tangalin ang bigote niya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood ang buong proseso ng pagtatangal niya ng balbas.
SA bawat pagbagsak ng buhok sa sahig ay ang kislap ng tuw tuwa sa aking mga mata. Hindi din ako makapaniwala na papakingan ni Sir Kenneth ang suggestion ko.
Nagtagal lang naman ng ilang minuto at tuluyan na nga nitong natangal ang balbas niya. Ang matagal ko nang pangarap na makita ang buong mukha ni Sir Kenneth na wala nang buhok ay
natupad na. Pero bakit ganito? Bakit feeling ko lalo siyang pumugi.
Tumampad na kasi sa paningin ko ang mamula-mamula nitong labi. Ang mala -Leonardo Di Carpio nitong hugis ng mukha at ang matangos nitong ilong. Shit na malagkit...para siyang artista na nakikita ko lang sa cover ng notebook nang mga ka-classmate ko noong nag aaral pa ako ng elementary...
Kahit naman palagi ko itong nakakasalubong si Sir Kenneth noong hindi pa ito naaksidente, iba pa rin talaga ang impact niya sa akin ngayun. Bakit parang ang sarap panggigilan ang gwapo niyang mukha?
Kahit na medyo mahaba pa rin ang buhok nito hindi iyun kabawasan sa ganda nitong lalaki. Kapag mag artista itong si Sir Kenneth, mag aapply pa rin talaga ako kahit alalay niya. Parang Love ko na nga siya eh..shocks!
"Ella...Ella! Hello!" napakurap ako ng makailang ulit ng bigla ako nitong sabuyan ng tubig. Bigla akong nagising sa katotohanan na nagdi-day dreaming na pala ako. Parang gusto ko naman tuloy sapukin ang sarili ko dahil hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Para na naman akong tanga sa harap ni Sir Kenneth. Nakakaiinis!
"Sir...ano po iyun? Haysstt, bakit po ba kayo nangsasaboy? Wala pa po akong balak maligo eh... "
nakasimangot kong sagot habang pinupunasan ko ang nabasa kong mukha.
"Kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka sa sarili mo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Puyat ka ba at nakatulog nang nakatayo?" tanong nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiwi.
No! Hindi ako aamin na pinag- papantasyahan ko siya! Nakakahiya iyun!
"Eh...ang tagal niyo po kasi natapos. Nagugutom na ako!" pagdadahilan ko Kaagad kong napansin ang biglang pagsalubong ng kilay niya.
"So iyun lang...pagkatapos mo akong himukin na mag-ahit wala man lang akong narinig na kahit anong salita mula sa iyo? Gutom ka at gusto mo nang umiskapo?" naiinis na sagot nito. Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya...Ano raw...bakit, ano ba ang dapat kong sabihin pagkatapos niyang mag ahit liban sa lalo siyang pumugi?
"Ha....ehh bagay naman po sa inyo Sir. Para po kayong naging tao...hindi na po kayo mukhang ermitanyo!"
kinakabahan kong sagot. Sa gulat ko, bigla nitong ibinato ang hawak niyang towel sa akin. Mabilis na pinagulong ang kanyang wheel chair palabas ng banyo at naiwan naman akong naguguluhan.
"Ano na naman? Bakit nagalit? May mali na naman ba akong nagawa or sinabi?" hindi ko maiwasang bigkas at kaagad ko itong sinundan. Mamaya ko na lilinisin ang kalat niya dito sa banyo. Uunahin ko munang suyuin ang tinutupak ko na namang amo.
Chapter 484
ELLA POV
"Sir, saglit lang naman po! Huwag naman kayong magalit sa akin!" wika ko pa at mabilis na din na lumabas ng banyo para sundan ang nagta- tantrums ko na naman na amo.
Naabutan ko siyang palabas na ng silid kaya kaagad ko itong sinundan. Nandito na pala kami sa ibabang bahagi ng bahay at makakalabas na siya ng bahay nang hindi na kailangan ng alalay. Wala akong choice kundi sundan ito pero napahinto din nang marinig ko ang boses ni Madam Arabella. Pababa ito ng hagdan kaya natigil na din si Sir Kenneth sa pagpapagulong ng kanyang wheel chair.
"Good Morning Madam!" ako na ang naunang bumati. Hindi kasi nakaligtas sa paningin ko ang gulat sa mga mata ni Madam Arabella habang nakatitig sa anak.
BAka naninbago dahil wala nang bigote si Sir Kenneth eh. Wish ko lang na sana matuwa din siya.
"Kenneth, anak. Ikaw ba iyan! Abat, bagay sa iyo ah? SA wakas, mabuti naman at naisipan mong ahitin na iyang balbas mo! Ang pogi ng anak ko ah?" masiglang wika ni Madam Arabella. Tuwang tuwa ito sa hitsura ni Sir Kenneth kaya hindi ko na din maiwasan na mapangiti habang naglalakad na din palapit sa kanila.
"Good Morning Mom! Wala namang nabago. Kailan lang ako nagpatubo ng balbas tapos kung maka-react kayo parang first time niyo akong nakitang walang balbas." sagot naman ni Sir Kenneth.
"Ah basta, masaya ako! Kung pwede nga lang na ako na ang aahit sa lintik na bigote mong iyun eh, matagal ko na sanang ginawa!" sagot naman ni Madam Arabella.
"Oo nga po Madam! Lalong pumugi si Sir Kenneth noong tinangal niya na ang bigote niya. Hindi na po siya mukhang dugyot!" hindi ko maiwasang sabat na ikinatawa naman ni Madam Arabella. Napatingala pa sa akin si Sir Kenenth at masama akong tinitigan. Pilit ko naman itong nginitian at nag peace sign pa.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kanina pa mainit ang ulo niya sa akin. Wala naman akong naisip na dahilan dahil wala naman akong nagawang pagkakamali. Malinis ang konsensya ko kaya sana m*****i na kami.
"Ibig mong sabihin, mabaho ako noong may balbas pa ako?" bakas ang inis na tanong nito sa akin.
Tingnan mo nga naman imbes na ang Mommy niya ang kausapin niya, ako itong pinagbalingan ng pansin. Quite na nga lang siguro ako. Parang mainit na naman ang ulo nitong amo ko at tiyak na maghapon na naman itong nakabusangot sa akin.
"Hindi naman po kayo mabaho Sir. Pero promise, mas maayos po kayo tingnan ngayun kumpara noon. Siguro, bawas-bawasan niyo lang po ang kasungitan niyo para hindi po kayo kaagad tumanda. Ang gwapo niyo pa naman sana pero ang sungit-sungit niyo po!" nakangiti kong sagot. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang muling pagtawa ni Madam Arabella. Nakuha niya tuloy ang attention ko at hindi ko na napansin pa ang paguhit nang matamis na ngiti sa labi ni Sir Kenneth. Baka may nasabi akong ikinatuwa niya.
"Kayo talaga! Kayo na nga lang itong palaging magkasama, palagi pa kayong nagbabangayan. Ano na naman ba ang pinag aawayan niyo?" tanong ni Madam. Ang gaan talaga kausap ng amo kong ito. Parang nakikipag usap lang ito sa isang kaibigan at hindi sa isang kasambahay.
Hindi ko talaga ramdam sa kanila ang layo ng agwat ng istado ng buhay namin. Kaya nga kahit palagi akong sinusungitan nitong si Sir Kenneth, hindi ko talaga ito susukuan. Mananatili ako sa pamilyang ito habang kailangan nila ang serbisyo ko.
"Hindi kami nag-aaway Mom. Nagkataon lang na maagang tinupak itong assistant ko kaya sira din ang umaga ko. Pero ayos na ako ngayun. Maaga akong tatambay ng garden para naman makapag relax." narinig kong sagot ni Sir Kenneth.
Parang gusto ko itong barahin. Ako pa ngayun ang tinupak gayung siya itong bigla nalang nagsungit. Gayunpaman, pinalagpas ko na lang. Baka lalong magalit sa akin kung sagot-sagutin ko pa siya eh.
Tsaka, mukhang okay na ang mood niya ngayun. Hindi ko na ramdam ang inis sa boses niya eh. Hmmm baka naman dahil sa presensya ng Mommy niya.
"Well, ang mabuti pa, sumabay ka na sa amin sa pagkain ng agahan. Maya- maya bababa ang Daddy mo. Maaga siya papasok ngayun ng opisina dahil may meeting daw siya kay Mr. Choi."
nakangiting sagot ni Madam sa kanyang anak. Kaagad ko namang napansin ang pagtango ni Sir Kenneth kaya ako na mismo ang nagtulak ng kanyang wheelchair papuntang dining area.
Hindi naman nagtagal dumating na din si Sir Kurt na bakas ang tuwa sa kanyang mga mata nang mapansin nito ang presensiya ng kanyang anak. Tamang tama daw dahil medyo matagal niya nang hindi nakakasama si Sir Kenneth sa pagkain ng breakfast.
Kung noon, oatmeal at isang slice bread lang ang kinakain ni Sir Kenneth, kumain na ito ng inahain na sinangag, egg at bacon. Magana itong kumain ng breakfast na kauna-unahan niyang ginawa simula noong inaalagan ko siya. Narinig ko din na nagtatanong ito sa kanyang ama tungkol sa takbo ng negosyo na malugod namang sinagot ni Sir Kurt.
"Parang bigla kong na-miss ang pumasok ng opisina." wika pa ni Sir Kenneth. Nagkatinginan naman sila Madam at Sir Kurt na may ngiting nakaguhit sa labi.
"Kailangan mo munang magpagaling. Huwag kang magmadali, darating din ang oras na muli kang makakapasok ng opisina. Miss na miss ka na nga ng mga empleyado natin. Hinahanap ka na nila sa akin." sagot naman ni Sir Kurt.
"Hayaan niyo Dad, pagkatapos ng operation na ito, makakapasok din po ako kaagad ng opisina. Pwede po kayong mag bakasyon anywhere ni Mommy ay ako na muna ang bahala sa negosyo natin.." puno ng pag asa ang boses ni Sir Kenneth habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
IYun naman talaga ang hangad ng lahat eh. Ang muli siyang makalakad at muling manumbalik sa normal ang buhay niya. Sana lang maging successful ang lahat.
Chapter 485
ELLA POV
Mabillis na lumipas ang isang lingo. Araw ng operasyon ni Sir Kenneth at kita ko sa mga mata ng mga magulang ni Sir ang labis na pag aalala. Muli kasing sinabi ng Doctor na wala pa rin daw kasiguraduhan kung 100% successful ang operasyon at may tendency pa rin na hindi na muling makakalakad si Sir Kenneth. Depende pa rin daw iyun sa response ng katawan ng pasyente.
Pagkatapos ng operasyon kaagad din naman itong inilipat sa isang private room. Mananatili ito sa hospital hanggang sariwa pa ang kanyang sugat dulot ng operasyon. Siyempre, hindi ko siya pwedeng iwanan dahil ako ang tagapag-alaga niya.
"Mom, bakit hindi ko pa rin nararamdaman ang paa ko? Bakit pakiramdam ko wala pa rin akong lakas?" ilang araw nang naka-confine dito sa hospital si Sir Kenneth pero sa halos araw-araw na nagdaan ito palagi ang tanong niya sa kanyang Mommy. Bakas na din sa hitsura nito ang pagkayamot! Ako ang kinakabahan sa mga ganitong tanong eh.
"Iho, huwag kang magmadali! Nakausap ko ang doctor mo kanina as sinabi niya sa akin na hindi basta- basta ang proseso na pagdadaanan mo. Kailangan mo pang dumaan sa therapy para muling makalakad. Huwag kang mag-alala, magha-hire kami ng magaling na therapist para sa iyo. Ang kailangan nating gawin ngayun ay pagalingin muna ang sugat mo para maumpisahan na ang proseso."
mahabang paliwanay ni Madam Arabella.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang unti-unting pagbabago ng hitsura ni Sir Kenneth. Titig na titig ito sa kanyang Ina habang nababanaag ang sobrang lungkot sa mga mata nito.
"Sinasabi niyo po ba na wala pa ring kasiguraduhan na muli akong makalakad? Na posible akong maging lumpo habang buhay?" tanong nito sa INa. Hindi naman nakaimik si Madam Arabella.
"Alam ko naman MOm eh. Nararamdaman ko sa sarili ko na walang ipinagbago ang katawan ko. Wala pa ring nararamdaman ang binti ko at alam kong may mga bagay kayong inililihim sa akin!" galit na bigkas ni Sir Kenneth. Bakas na sa boses nito ang matinding pagdaramdam kaya kaagad akong napalapit sa kanila.
"Ehhh Sir...hwag naman po kayong magsalita ng ganiyan. Akala ko po ba wala kayong balak na sumuko? Nandito na po tayo, nag uumpisa na kayo at sana naman huwag po kayong mawalan ng pag asa." sabat ko sa pag uusap nilang mag ina. Napansin ko kasi na may namuong luha na sa mga mata ni Madam Arabella at nag aalala ako na baka kung ano pa ang masabi nito kay Sir Kenneth. Baka may masabi ito na mas lalong maging dahilan para pang hinaan ng loob ang anak niya.
"Nararamdaman ko na wala na akong pag asa. Alam ko iyun dahil katawan ko ito. Sana man lang, sa umpisa pa lang, hindi niyo na ako pinaasa pa. Sana man lang sinabi niyo sa akin na habang buhay akong maging inutil." halos sumigaw na si Sir Kenneth habang sinasabi ang katagang iyun. Sa isang iglap biglang naging mabangis ang kanyang awra. Pareho kaming hindi nakasagot ni Madam Arabella.
"Useless ang pananatili ko sa hospital na ito. Useless ang operasyon na ito kaya iuwi niyo na ako!" muling wika nito.
"No, anak huwag kang mawalan ng pag asa. May ilang porsyento ang ibinigay ang Doctor mo para makalakad ka ulit. Kaya nga nandito tayo sa hospital eh. Kaya nga--"
"Mom! Please, tama na! Huwag niyo na akong bigyan ng false hope. luwi niyo na ako sa bahay at gusto ko na lang ng tahimik na buhay!" galit nitong sagot sa Ina. Napatitig sa akin si Madam Arabella sabay tango.
"Sir...hindi----
"Shut up! Hindi ko kailangan ang opinyon mo kaya itikom mo na iyang bibig mo!" Galit na sigaw sa akin ni Sir Kenneth. Natameme naman ako. Sa kauna-unahang pagkakaon simula nang pinagsilbihan ko siya, ngayun niya lang ako napahiya ng ganito. Biglang naumid ang dila ko at hindi ako nakapagsalita kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Ken! Anak! Huwag ka namang
ganiyan kay Ella. Hindi mo ba alam na sa dinami-dami na dumaan na taga pag alaga mo siya lang itong nakatagal? Huwag kang magalit sa kanya..." saway naman ni Madam Arabella sa anak. Parang walang narinig si Sir Kenneth bagkos matalim akong tinitigan.
"Gusto ko ng umuwi ng bahay! Pakiasikaso na lang ng release paper ko. "Malamig na sagot nito sa Ina.
Wala nang nagawa sila Madam Arabella kundi iuwi si Sir Kenneth ng bahay. Nagwawala na din kasi talaga ito sa hospital at pati Doctor na gustong kumausap sa kanya ay nasigawan nya na. Feeling ko nga bumalik na naman ito sa dati or lumala pa nga eh
Mahigit anim na buwan ang matulin na lumipas. Balik sa dati si Sir Kenneth at hindi na muli itong lumalabas ng kwarto. Nakabantay naman ako buong oras sa kanya dahil baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya.
"Sir, ikukuha ko lang po kayo ng makakain. Dito lang po kayo." isang umagang wika ko sa kanya.
"Get lost! Sa palagay mo ba makakaalis ako sa lintik na silid na ito kung wala ang lintik na wheel chair na iyan? Ayaw na ayaw kong makikita ang pagmumukha mo sa silid na ito."
malamig ang boses na sagot nito. Halos araw-araw kong naririnig sa kanya ang katagang iyun kaya wala ng epekto sa akin.
Hindi ko na pinapansin dahil sanay na ako bagkos mabilis na akong lumabas ng kwarto para kumuha ng pagkain niya. May mga gamot kasi itong iniinom kaya kailangan niya talagang kumain sa tamang oras.
Pagkatapos kong makakuha ng pagkain nito ay muli akong bumalik ng kwarto. Hindi ko maiwasang mapasigaw ng mapansin ko na wala na sa kama si Sir kenneth. Nakahiga na ito sa sahig at namimilipit sa sakit!
"Ahyyyy! Sir, ano ang ginawa niyo? Bakit? Ano ang nangyari?" Taranta kong wika at kaagad na inilapag sa ibabaw ng mesa ang pagkain nito. Mabilis ko siyang dinaluhan at pilit na inaalalayan na makatayo para maibalik ng kama. Pero hindi ko kaya, ang bigat niya pala!
\ Inutil! Inutil!" Narinig kong bigkas niya. Pumiksi pa ito sa pagkakahawak ko kaya sa inis ko binitawan ko siya at galit na tinitigan.
Kung hindi ka lang sana duwag, baka nakakalakad ka na ngayun!" galit ko namang sigaw sa kanya.
Abat, huwag niya akong ma-ballshoot- ballshoot ngayung kaunting kaunti na lang ang reserba kong pasensya para sa kanya. Papatulan ko na talaga siya sa pagsusungit niya!
Chapter 486
ELLA POV
"Anong sabi mo? Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko ngayun kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganiyan.!" galit na naman na sigaw ni Sir Kenneth sa akin. Nagtatagis na naman ang kanyang bagang habang galit na galit na nakatitig sa akin kaya naman kaagad na akong tumayo at dumistansya sa kanya. Mahirap na. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya at baka kung ano ang magawa niya sa akin
"Ang alin po? Na ballshoot ka nga or iyung sinab ko na duwag po kayo? Totoo naman ah? Duwag po kayo dahil imbes na subukan niyo lahat ng payo ng doctor para gumaling na kayo mas gugusutuhin niyo pang magmukmok sa kwartong ito na mag-tantrums araw -araw na parang paslit!" sagot ko naman sa kanya. Pinamaywangan ko
pa ito pero lalong naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa akin dahil sa galit.
Ang lakas na loob mong sumagot sagot sa akin. Hindi ko na kailangan nag seribisyo mo kaya lumayas ka sa harapan ko! Out!" galit na sigaw nito sabay turo ng pintuan. Parang walang narinig at naupo lang ako sa kalapit na sofa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"ooops, hindi ikaw ang magdedesisyon kung sisante ba ako or hindi. Siya nga pala, wala sila Mommy at Daddy mo. Nasa resort sa Visayas kaya wala kang choice kundi pagtiyagaan muna ang maganda kong pagmumukha!" ngiting ngiti kong sagot sa kanya. Napansin ko naman na natigilan ito habang titig na titig sa akin. Hindi na ito sumagot pa pero may kakaiba akong nababasa sa mga titig niya. Parang may something na hindi ko mawari kaya muli kong
naramdama ang malakas na pagkabog ng puso kasabay ng pag iwas ng tingin ko sa kanya.
Tumayo na din ako para sana iwasan ang titig niya. Naglakad ako patungo sa mesa kung saan nakalagay ang kanyang pagkain at muli ko itong sinulyapan. Napansin ko na nagpupumilit na itong makatayo kaya naman mabilis akong napalapit sa kanya.
"Ano ang ginagawa mo? Alam mo bang pwede kang mabagok sa mga ginagawa mong iyan." sagot ko sa kanya at mabilis ko itong hinawakan sa baywang. Pilit ko isyang iniangat para sana maibalik siya sa kama. Naging cooperative naman ito at mahigpit din ang pagkakapit niya sa akin kaya kahit na sobrang bigat niya maayos naman siyang naibalik ng kanyang kama. Iyun nga lang halos maputol ang ugat ko ko dahil sa bigat niya at akmang lalayo na
ako sa kanya nang maramdaman ko ang biglang paghawak nito sa braso ko.
"Where are you going Amozana?" seryoso ang boses na tanong nito. Halos maduling na din ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway.
"Te-teka lang Sir! Harassment iyan. Hin-hindi na po ito kasa---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang biglang paglapat ng labi niya sa labi ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Para akong naging tood at hindi nakakilos. Pati yata utak ko biglang nag freeze at hindi na nakapag isip ng tama.
Basta ang alam ko, s********p ni Sir Kenneth ang bibig ko. Sobrang init ng kanyang hininga na dumadampi sa pisngi ko na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan na ngayun ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
SAbagay, first kiss ko nga pala ito! First kiss ko at feeling ko nangangapal na ang labi ko sa ginagawa sa akin ngayun ni Sir Kenneth. Para itong gutom na halimaw sa ginagawa niya lalo na at bigla kong naramdaman ang isa niyang palad na humahaplos sa kaliwa kong dibdib. Kahit na medyo makapal itong t -shirt na suot ko ramdam ko pa rin ang init na nagmumula sa palad niya kaya napasinghap ako at kaagad na napalayo sa kanya.
"Te-teka lang..First kiss ko iyun eh!" Wala sa sariling bigkas ko habang hindi hindi makatingin ng diretsho kay Sir Kenneth. Sobrang init ng mukha ko dahil sa hiya at parang gusto kong maiyak.
"Sabi ko nga, first kiss mo iyun! Kaya pala para kang tood eh. WAlang kabuhay-buhay!" narinig kong sagot nito. Napasulyap ako sa kanya at kaagad kong napansin ang kakaibang ngiti na nakaguhit sa labi nito. Hindi na siya galit at parang masaya na siya ngayun. Bakit kaya?
"Sir...bakit niyo po iyun ginawa? Hindi po iyun kasama sa kontrata!" Parang naiiyak kong sagot sa kanya. Feeling ko talaga namamaga ang labi ko dahil sa ginawa niya. Hanggang ngayun ramdam ko pa rin ang init ng kanyang labi na humaagod sa bibig ko.
"Hindi din naman kasama sa kontrata ang pagsagot-sagot mo sa akin, may narinig ka bang reklamo sa akin? Wala diba? Kaya quits na tayo!" ngiting ngiti nitong sagot sa akin. Hindi naman ako nakaimik.
"Kakain na ako and after this, samahan mo ko sa labas. Gusto kong maligo sa pool!" muling wika nito. Kaagad akong napaangat ng tingin at tinitigan siya.
"Po? Maliligo kayo ng pool? Marunong po ba kayong lumangoy?" nagtataka ko namang tanong sa kanya. Muli ako nitong nginisihan bago sinagot.
"Hindi mo naman siguro ako hahayaan na malunod diba?" makahulugan nitong sagot. Hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway. Bakit parang naging iba na naman siya ngayun?
Sa kauna-unahang pagkakataon, gusto niyang maligo sa pool? Tapos, ano ang magiging papel ko sa kanya... babantayan ko ba siya or sasamahan na magtampisaw sa pool? Ang tanong kaya ko ba siyang sagipin kung sakaling hindi siya marunong lumangoy. Hayssst, parang gusto kong magsungit na lang siya kaysa naman may pa-ganitong eksena pa siya.
"Ano na? Tatanga ka na lang ba? Its getting late kaya iabot mo na sa akin ang pagkain. And, gusto ko subuan mo ako para naman sulit ang pagpapa- sweldo sa iyo ni Mommy." muling bigkas nito na labis kong ikinagulat.
Ano daw? Susubuan ko daw siya? Mahabaging langit, baka epekto ito sa pagkakalaglag nya sa sahig kaya ganito na siya mag isip ngayun.
Chapter 487
ELLA POV
Hindi pa nga ako nakakarecover sa pagsipsip niya sa labi ko tapos gusto niyang subuan ko siya ngayun? Gosh... ano ba, bakit naging ganito si Sir Kenneth?
"Ella, bilis. Gutom na ako!" demanding na wika nito. Wala akong choice kundi ang kunin ang kanyang pagkain at muling lumapit sa kanya. Iniiwasan kong tumingin sa kanyang mga mata dahil feeling ko nalulunod ako sa mga titig niya.
"1-ito na po Sir!" sagot ko sa kanya sabay abot ng isang bowl ng oatmeal. Tinitigan niya lang ako at sininyasan na maupo sa tabi niya. Pilit ko naman itong nginitian.
"Kaya niyo na pong kumain mag-isa Sir. Hindi naman po siguro napuruhan ang kamay niyo para magpasubo pa kayo sa akin diba?" hilaw ang ngiti sa labi ko habang sinasabi ang katagang iyun. Tinaasan ako nito ng kilay bago ito nagsalita.
"Sino ba ang amo sa ating dalawa? Inuutusan kita kaya sundin mo ang sinabi ko. Gutom na ako Ella ha at kapag hindi ka pa kikilos, ikaw talaga ang kakainin ko!" seryosong wika nito habang may pagbabanta sa tono ng kanyang boses. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
Ano daw? Kakainin niya ako? Ano siya, cannibal? Kumakain ng tao? Wala din naman sa hitsura ng pamilya nila Madam Arabella na may pagka- aswang ah? Lalong hindi aswang itong si Sir Kenneth dahil hindi ko pa ito napapansin na nagbabago na anyo.
"Po? A-ako? Kakainin niyo? Bakit po, bampira po ba kayo?" nagtataka kong tanong. Kaagad naman umalingawngaw sa buong paligid ang malakas nitong pagtawa.
Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya tumatawa. Hindi ko din alam kung matutuwa ba ako dahil ito ang kauna- unahang pagkakataon na tumawa siya simula noong nakalabas siya ng hospital pagkatapos ng operasyon niya or malulungkot dahil alam ko naman sa sarili ko na ako ang pinagtatawanan niya eh. Pero ano man ang reason, kailangan ko siyang sakyan dahil baka sungitan na naman ako.
"Bampira? Are you kidding me? Saan ka bang lupalop ng planeta galing at hindi kayang intindihin ng utak mo ang sinasabi ko?" tawang tawa pa rin na sagot nito sa akin. Iningusan ko ito.
Mukhang lumuwag yata ang turnilyo ng amo ko dahil sa pagkakahulog niya sa kama. Biglang nag iba ang ugali eh. Nitong mga nakaraang buwan, galit ito sa mundo pero iba na ngayun. Tawa na nang tawa na parang baliw.
"Hmmmp! Ano ang hindi ko naintindihan? Sa susunod po kasi, huwag kang magsalita ng mga bagay- bagay na mahirap paniwalaan. Hindi naman po siguro kayo aswang para kaya niyo akong kainin." nakalabi kong sagot. Lalo naman itong napahalakhak ng tawa.
Puno ng patatakang tinitigan ko lang siya. Ano ba? Ano ang nangyari sa kanya? Kailangan ko na bang tawagan ang mga magulang niya para ibalita na nababaliw na ang anak nila? Wala na kasing ginawa kundi ang tumawa eh. Ngiti lang ang request ko sa kanya nitong mga nakaraang araw pero sobra -sobra naman yata ang ibinigay niya sa akin ngayun!
"Si-Sir....a-ano po ang nakakatawa?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Sumenyas naman ito sa akin na lapitan ko daw siya kaya kaagad naman itong tumalima. Hindi ko pa maiwasang mapangiti ng kunin niya sa kamay ko ang bowl na naglalaman ng pagkain at inilapag sa isang maliit na table na nasa gilid lang ng kayang kama.
Matutuwa na sana ako pero impit akong napatili ng hawakan niya ako sa dalawa kong kamay at malakas na hinila palapit sa kanya. Dahil sa gulat, nawalan ako ng balanse at diretsong napasalmpak sa katawan niya na siyang dahilan ng pakabuwal nito sa kama kasunod ako.
"Ahhhyy! Sir! Ano ba ang ginagawa niyo!" nagrereklamo kong wika sa kanya at pilit na umaalis sa pagkakadagan ko sa kanya ng maramdaman ko ang mala-bakal nitong braso na nakapulupot sa likuran ko. Sa higpit noon hindi ako makakilos sa ibabaw niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.
"Stay still! Hayaan mong ikaw na lang ang kainin ko ngayung umaga! Total naman simpleng instructions hindi mo kayang sundin eh." malat ang boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Puno ng pagtataka sa isipan ko habang hindi inaalis ang pakakakatitig ko sa kanyang mga mata. Para kasing nangungusap iyun na hindi ko maintindihan. Parang may gustong ipahiwatig na hindi ko mawari.
"Kakainin niyo ako? Pa-papatayin niyo po ako?" hindi ko maiwasang tanong. Gumuhit ang ngiti sa labi nito habang may napansin akong kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang dahan-dahan na lumalapit ang mukha nito sa mukha ko. Hindi ako nakakilos sa pinaghalong damdamin na lumulukob sa pagkatao ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
Sa ikalawang pagkakaon ngayung umaga, uling lumapat ang labi nito sa labi ko. Banayad ang ginawa niyang paghalik sa akin na parang nanunudyo.
"Sundin mo ang galaw ng labi ko Sweetheart! Kiss me back!" utos pa nito sa akin ng saglit niyang pakawalan ang labi ko pero kaagad din namang bumalik pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun.
Hindi ako marunong kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na dinudungol na ng dila niya ang bibig ko. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa ginawa niya kasunod noon ang pagpasok ng dila niya sa bibig ko.
Ginalugad niya ang bibig ko gamit ng kanyang dila. Para namang mauubusan ako ng hininga dahil sa ginawa niya. Hindi kasi ako makahinga ng maayos dahil dito. Naramdaman ko pa ang pagsisip niya sa dila ko na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon sa buo kong pagkatao.
Ewan ko ba pero ang halik na ito ang nagbigay sa akin ng kakaibang init sa buo kong katawan. Namalayan ko na lang na ginagaya ko na ang bawat galaw ng labi niya. Kusa ko ding inpinasok sa loob ng bibig niya ang dila ko kaya hindi nakaalpas sa pandinig ko ang mahinang ungol mula kay Sir Kenneth.
Nag umpisa na ding gumalaw ang palad nito sa buo kong katawan. Unang humahaplos iyun sa likuran ko hanggang sa naramdaman ko ang pagtaas niya sa suot kong blouse at pumaloob sa damit ko ang isa niyang palad.
Ang bawat madaanan ng palad niya ay nagbigay sa akin iyun ng kakaibang init na ngayun ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Patuloy ang ginawa naming halikan at hindi maiwasang makaramdam ng excited sa mga susunod na kaganapan na mangyayari sa aming dalawa.
Aminado kasi talaga ako na nag enjoy ako sa ginagawa naming dalawa. Ang sarap pala! Ang sarap ng labi ni Sir Kenneth.. Para akong idinuduyan sa alapaap.
Chapter 488
ELLA POV
Bago sa akin lahat ng mga ginagawa sa akin ngayun ni Sir Kenneth. Para akong lalagnatin na ewan. Hindi ko na nga napigilan pa ang mapaungol ng dumampi ang isang palad nito sa tuktok ng aking bundok.
Yes...ang aking bundok. Sinisimulan niya nang masahin na nagbigay sa akin ng kiliti sa buo kong pagkatao. Bigla akong nagising sa katotohanan at wala sa sariling napaigtad ako kasabay na pag-alis ko mula sa ibabaw niya. Nagmamadali akong bumangon at bumaba ng kama habang kinakastigo ang sarili ko na hindi dapat mangyari ang mga nangyari sa amin kani-kanina lang.
"Hey, where are you going Sweetheart? Hindi pa tayo tapos!" narinig kong reklamo ni Sir Kenneth.
Hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi. Hindi ko na ito sinagot bagkos patakbo akong pumasok sa loob ng banyo. Nakakahiya at feeling ko nabawasan ng ilang porsyento ang dignidad ko dahil sa pagpayag ko na magpahalik kay sa kanya.
'Ella! Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo!" impit kong sigaw habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko ma-imagine na nakipag-laplapan ako sa sarili kong amo. Ano nalang kaya ang iisipin niya? Na pakawala akong babae at basta na lang nagpadala sa halik at haplos niya!
"Nakakahiya! Nakakahiya talaga!' Paulit-ulit kong bigkas at nagmamadaling humarap sa salamin. Medyo namamaga ang labi ko kaya wala sa sariling nahaplos ko iyun sabay pikit. Hanggang ngayun, nararamdaman ko pa rin ang labi ni Sir Kenneth na nakadikit sa labi ko.
Kakaibang sarap na noon ko lang natikman sa tanang buhay ko
"Wala na ang first kiss ko! Kinuha niya na! Hyassst, wala na akong itatago sa amo ko. Nakapa niya na din ang bulkan ko at nahimas niya pa. Nakakainis!" sambit ko sa sarili kong reflexion sa salamin. Para akong tanga habang titig na titig ako sa sarili ko. Feeling ko tuloy ang laki nang nabago sa buo kong pagkatao.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ako nanatili sa loob ng banyo. Nahihiya na akong lumabas dahil wala na akong mukha na ihaharap pa kay Sir Kenneth. Bakit ba kasi ang bilis kong nagpaubaya?
"Hayst kainis! Pero kasalanan ko ba talaga? Hindi naman siguro diba? Hindi naman ako ang naunang humalik. Si Sir Kenneth ang naunang humalik sa akin kaya bakit nga pala ako mahihiya? Pero hindi eh....dapat pinigilan ko siya. Dapat umpisa pa lang hindi na ako pumayag! Ang tanga ko! Paano pala ako makakahindi gayung nag enjoy din naman ako? Na gusto ko din naman ang ginawa niya sa akin?" parang tangang kausap ko sa sarili ko.
Parang gusto nang sumakit ang ulo ko sa kakaisip kaya nagpasya na lang muna akong maghilamos para kahit papaano mahimasmasan sa mga nangyayari. Simula ngayung araw, dapat na talaga siguro akong magbigay ng boundary sa pagitan naming dalawa. liwasan ko nang sasagot- sagutin siya para hindi niya ako maparusahan.
Kaya lang naman niya siguro ako hinalikan dahil gusto niya akong parusahan. Grabe kasi kung sumagot- sagot ako eh. Kapag nag uutos siya, hindi ko masyadong sinusunod. Naubos na siguro ang pagtitimpi niya sa akin kaya nya siguro ako n******* n. Kaya niya siguro ginawa sa akin iyun.
Sa isiping iyun hindi ko maiwasang mapasimangot. Hindi din kasi ako kumbinsido eh. Pero hindi naman ako pwedeng magtagal dito sa banyo. Kanina pa ako dito eh at baka hinahanap na ako ng kumag na iyun. Kailangan ko pa pala siyang painumin ng gamot at lagot talaga ako nito kapag malaman nila Madam Arablella na pinapabayaan ko ang anak nila.
Tama, hindi dapat ako magpaapekto. Hindi ko kasalanan. Nadala lang ako ng curiosity at hindi na mauulit iyun.
Hindi na talaga dahil baka makikiusap nalang ako kay Madam Arabella na magreresign ako. Kakausapin ko na lang siguro si Mam Jeann kung pwede pa ba akong bumalik sa kanila.
Magdadahilan na lang siguro ako para pumayag sila total alam naman nila kung anong klaseng pag uugali meron ang kadugo nila eh.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako dahan-dahan na lumabas ng banyo. Nagulat pa ako dahil naabutan ko si Sir Kenneth na nakaupo na ng kama habang kinakain ang oatmeal niya. Saglit na tumitig ito sa akin sabay iling.
"Bakit ang tagal mo sa banyo?" kaswal na tanong nito. Kaagad ko naman siyang sinimangutan. Magre-resign na ako kaya huwag niya akong susungit- sungitan.
"Wala po! Nag isip-isip lang."
malamig na sagot ko sa kanya. Nag angat ito ng tingin at direktang tumitig sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Sir....mag---magreresign na po ako!" mahinang wika sa kanya. Sapat lang iyun para marinig niya. Sa totoo lang, nag aalanga din naman ako. Sayang kasi ang sinasahod ko tapos mabait naman sila Madam. Kaya lang paano naman ang dignidad ko?
Nakadalawang halik na sa siya akin ngayung araw lang at ayaw ko ng masundan iyun. Nakakahiya hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng mga taong nakapalibot sa amin. Lalo na sa kanyang mga magulang na labis akong pinagkatiwalaan.
"Resign? Why?" tanong nito habang dahan-dahan na inilalapag sa bedside table ang bowl na walang ng laman.
Hindi ko naman maiwasan na
mapairap. Why daw? Ramdam ko pa ang pamamga ng lips ko ngayun tapos tatanungin niya ako ng why? May topak ba siya?
"Basta!" Sagot ko dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nakakahiya naman kung sabihin ko na ang halik niya ang dahilan kaya magreresign na ako. Baka pagtawanan na lang ako nito bigla dahil napansin ko sa kanya na parang wala lang naman sa kanya ang nangyari sa aming dalawa kani-kanina lang.
"Paano kung ayaw kong pumayag? Magpupumilit ka pa rin ba?" tanong nito.
"Bakit ayaw niyo? Hindi bat ayaw niyo naman na may mag aalaga sa inyo? Ilang beses niyo nga po akong itinataboy eh." nakalabi kong sagot. Mahina itong tumawa na ikinagulat ko.
"Magbabago na ako. Hindi na kita sisigawan! Huwag ka nang umalis. Ang bilis mo naman magtampo!"
seryosong sagot nito na labis kong ipinagtaka.
Hindi niya na ako sisigawan so ibig sabihin, bati na kami? Pero ang tanong...kaya ko pa ba talaga siyang alagaan?
Chapter 489
ELLA POV
"Bati na tayo at magbabago ka na? Magiging mabait ka na ba hindi lang sa akin kundi pati na din sa mga kasama natin dito sa bahay?" nag aalangan kong tanong. Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito bago tumango.
"Yes...magbago na ako. Hindi na ako magagalit. Mag stay ka lang please!" sagot nito na may kalakip pa na lambing sa kanyang boses. Hindi ako umimik at kunwari malalim na nag isip.
"Kung papayag ako, may isa pa akong kondisyon na gustong i-set sayo. At kapag hindi ka pumayag, magre- resign na talaga ako!" pananakot kong wika sa kanya. Natigilan ito habang titig na titig sa akin.
"What is it? Dagdag sahod? Kung sa pera walang problema. Magkano ba ang kailangan mo?" tanong nito. Hindi ko naman mapigilan ang pagtaasan siya ng kilay ko. Ngayung pinipigilan niya ako ayos na din siguro na ibalik ko din sa dati ang trato ko sa kanya. Nasanay na kasi ako eh at mahirap pigilan ang sarili kapag hindi ko ma- express ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
"Pera agad? Hoy! Mr Kenneth Villarama Santillan, hindi sa lahat ng oras pera-pera lang. Oo mahirap ako pero mas gusto kong kumita galing sa pinagpaguran ko noh!" nakalabi kong sagot sa kanya. Isang mahinang pagtawa ang narinig ko mula sa kanya bago ito sumagot.
"Okay. fine! Ano ba ang kondisyones mo?" tanong nito. Napatitig muna ako sa kanya. Nagtataka kasi ako dahil ang bait niya ngayun eh. Sana lang wala nang expiration ang kabaitan niya para naman everybody happy.
"Kailangan mong tulungan ang sarili mo na gumaling! Ibig kong sabihin, pumayag ka na ipagamot ka para muli ka ng makalakad." diretasahan kong sagot sa kanya habang titig na titig sa kanyang mukha. Interesado kasi akong makita kung ano ang magiging reaction niya. Bahagya akong kinabahan ng kumunot ang noo nito at naningkit ang mga matang tumitig sa kin.
"Kung ayaw mo di h'wag mo! Aalis na lang ako!" inunahan ko na siya kaysa naman pagalitan na naman niya ako. Isang malakas na buntong hininga ang narinig kong muli sa kanya bago ito malungkot na tumitig sa kawalan.
"Bakit ko pa ita-try gayung alam ko naman sa sarili ko na mabibigo din naman ako. Wala na akong pag asa pa Ella kaya humiling ka na lang ng iba." malungkot na sagot nito. Kaagad naman akong napasimangot. Napaka-negative niya talaga. Dinig ko kay Mam Jeann matalino naman daw ito pero bakit bobo pagdating sa mga ganitong bagay?
"Iyan ang mahirap sa iyo. Hindi mo pa nga sinusubukan, sumusuko ka na kaagad! Ikaw lang naman ang
nagsasabi na hindi ka na gagaling eh. Hindi din naman sinabi ng doctor mo na isang daang porsyento na hindi ka na gagaling. Ginagawa mo lang na kumplikado ang lahat gayung kaya niyo namang mag hire ng pinaka- magaling na eksperto para muli kang makalakad!" sagot ko sa kanya. Natigilan naman ito habang titig na titig sa akin. Isang kiming ngiti ang pinakawalan ko sa kanya bago ulit ako nagsalita.
"Patunayan mo sa lahat na hindi pa katapusan ng mundo Sir Kenneth. Hindi mo ba naiisip ang mga pangarap mo? Ayaw mo na bang i-pursue ang mga nasimulan mo na?" muling wika ko. Malungkot itong napailing at muling tumitig sa akin.
"Paano kung mabigo ako? Nagsasayang lang tayo ng oras." sagot nito.
"Makakalakad ka ulit! Nakalimutan mo na ba ang payo sa iyo ng Doctor mo. Ikaw lang ang makakakagawa ng paraan para muli kang makalakad. Kailangan mong tulungan ang sarili mo Sir Ken. Dont tell me na naduduwag ka?" sagot ko sa kanya.
SA nasabi ko na gusto kong sabihin sa kanya kung ano man ang laman ng isipan ko. Nakakapanghinayang naman kung habang buhay siyang magmumukmok dito sa kwarto. Ang pogi niya tapos siya ang first kiss ko. Kaya naman dapat talaga muli siyang makalakad at bumalik sa normal ang buhay niya.
"Maliit na porsyento. Mas malaki ang porsyento na mabibigo lang ako." sagot nito.
"Bahala ka na nga! Bakit ba ang hirap mong kausapin? Kung ayaw mo eh di aalis na lang ako. Ang bigat mo kaya! Hirap na hirap na ako sa kakaalalay sa iyo mula kama hanggang wheel chair. Tapos kiniss mo pa ako kanina!" walang preno kong sagot at mabilis na naglakad patungong pintuan ng kanyang kwarto. Bahala na nga siya, magpapalaming muna.
"Okay, fine! Susubukan ko! Susubukan natin!" bago ko naipihit ang seradura ng pintuan ng kanyang kwarto muli itong nagsalita. Natigilan ako at dahan-dahan na muling humarap sa kanya.
"Ibig mong sabihin, magpapagaling ka na? Papayag ka nang dumaan sa mga proseso para muli kang makalakad?" nakangiti kong tanong.
Dahan-dahan naman itong tumango. Lalo namang lumawak ang pagkakangiti ko sa kanya.
"Yes! Dapat ganiyan! Positive lang palagi! walang mangyayari kapag hindi kikilos. Walang mangyayari kapag uupo ka lang diyan at magta-tanrums palagi na parang bata!" ngiting-ngiti kong wika sa kanya.
"Kapag hindi ako magtagumpay, hindi mo ba ako susukuan?" tanong nito. Walang pag aalinlangan na nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilaang balikat. Pinisil-pisil ko pa iyun na parang minamasahe.
"Tagumpay or hindi tagumpay, nasa tabi mo lang ako palagi hanggang kailangan mo ako Sir." nakangiti kong sagot sa kanya. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago ko naramdaman ang paghapit niya sa baiwang ko.
Parang bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Wrong move! Bakit nga pala ako lumapit sa kanya? At bakit ganito ako itrato ni Sir Kenneth. Naramdaman ko pa ang pagdikit ng pisngi niya sa tiyan ko habang naririnig ko mula sa kanyang bibig ang salitang pasasalamat.
Siguro, kung may ibang nakakakitang tao sa amin, baka iisipin nila na may relasyon kami eh. Pero tama ba talaga itong nangyayari sa amin? Nag kissing kami kanina, tapos heto na naman. Kung makayakap siya para talaga kaming mag jowa!
Chapter 490
ELLA POV
"Hmm, Sir pwede bang bitaw muna. Kukunin ko lang ang gamot na dapat mong inumin." kinakabahan kong wika sa kanya. Ano ang nangyayari? Bakit may ganito na sa pagitan naming dalawa?
"Okay!" narinig kong sagot nito sabay bitaw sa akin. Kaagad naman akong lumayo sa kanya at kinuha ang isang baso ng tubig at gamot at kaagad na iniabot sa kanya. Walang sabi-sabing kaagad naman niyang ininom iyun.
Hindi katulad noon na pahirapan pa ang pagpapainom ng gamot sa kanya. Sana ganito palagi.
"Kumain ka na ba ng breakfast?"
tanong nito sa akin. Natigilan naman ako. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Ganito naman palagi ang senaryo tuwing umaga...aasikasuhin ko muna siya bago ako pupunta ng kusina
para kukuha ng makakain.
"Hindi pa po Sir. Mamaya na lang siguro." nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad naman nagsalubong ang kilay nito.
"Bakit hindi pa? Alas nweba na tapos hindi ka pa kumakain?" bakas ang inis sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Natameme naman ko. Bakti parang galit na naman siya eh hindi naman siya ang nagugutuman. Magalit siya kung hindi ko siya napagsilbihan ng maayos.
Nagtaka pa ako ng napansin ko na dinampot niya ang kanyang celllphone at may tinawagan. Lalo akong nagulat ng napagtanto ko kung sino ang kanyang kausap.
"Manang, mag akyat kayo ng pagkain ni Ella dito sa kwarto!" utos nito kay Manang. Hindi ko naman maiwasan na mapaawang ang bibig ko dahil sa gulat.
"Ano daw ang gusto mong kainin!" nahimasmasan lang ako sa pagkagulat ng marinig ko ang tanong niya. Kaagad naman akong umiling.
"A--ako na lang po ang bababa para kumuha ng pagkain. Hindi niyo na po kailangan iutos Sir." taranta kong sagot sa kanya. Nakakahiya! baka kung ano ang iisipin sa akin ng mga kasamahan ko.
"Kung anong availble na pagkain diyan sa kusina iyan ang iakyat niyo dito. Bilisan niyo!" narinig kong utos ni Sir Kenneth sa kausap niya at kaagad na pinatay ang tawag. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
Talaga bang seryoso siya? Gusto niya akong padalhan ng pagkain dito sa kwarto gayung pwede naman akong bumaba. Hindi ako amo para pagsilbihan ng mga kasamahan ko. Nakakahiya sa kanila.
"Nex time ayaw ko ng marinig pa na hindi ka kumakain sa tamang oras. Paano kung ikaw naman ang magkasakit?" kastigo nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapakagat ng sarili kong labi.
"Sanay naman po ako sa ganitong oras ng kain Sir. Sa probensya nga namin, kape lang ayos na eh. Tapos mas mabigat kumpara dito ang trabaho ko." sagot ko sa kanya.
"Bakit, ano ba ang ginagawa mo sa probensya niyo? Ano ba ang trabaho mo doon bago ka lumuwas dito sa Manila?" tanong nito.
"Tumutulong po kina Nanay at Tatay para makitanim ng palay sa mga magsasaka na may sariling lupa. Arawan ang sahod at sayang din kasi. Pambili din ng bigas ang kikitain ko." nahihiya kong sagot sa kanya. Kunot noo ako nitong tinitigan.
"Nagtatanim ka ng palay? Hindi ba mahirap para sa iyo ang trabahong iyun?" tanong nito.
Bakas sa boses nito ang hindi makapaniwala.
"Kapag mahirap ka lahat gagawin mo malagyan lang ng laman ang kumakalam naming sikmura. Sa dami ng mga kapatid ko, kailangan ko talagang tulungan sila Nanay at Tatay para kumita ng pera." nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi ito nakaimik. Ilang saglit pa ako nitong tinitigan na para bang may malalim na iniisip. Ilang saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago ito muling nagsalita.
"bakit, ilan ba kayong magkakapatid? "Interesadong initeresado nitong tanong.
"Labing tatlo po." sagot ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata habang titig na titig ito sa akin. Parang hindi ito makapaniwala
"Labing tatlo? Are you kidding mo? Kabisado pa ba ng mga magulang mo ang pangalan ng mga kapatid mo?" tanong nito. Hindi ko maiwasang mapangiwi.
Sabagay, sino ba naman kasi ang hindi magulat. Ang hirap na nga ng buhay, anak pa ng anak si Nanay. Buti na nga lang at menopause na siya eh. Wala ng kakayahan na magbuntis si Nanay ngayun.
"Kabisado naman po. Ewan ko nga ba kila Nanay, masyadong yata silang nag enjoy sa kakagawa ng bata. Hindi nila naisip kung gaano kahirap ang buhay." wala sa sarili kong sagot.
"Well, mas marami, mas masaya! Baka nakalimutan lang nila ang mag family planning." nakangiti nitong sagot.
"Mahal ko naman lahat ng kapatid ko pero kung hindi sana nag-anak ng nag anak ang mga magulang ko hindi sana kami nakakaranas ng ganito kahirap ng buhay. Dumating pa sa point na halos wala na kaming makain. Ang dami kasi namin at nag sipag-asawa na nga ang iba kong kapatid para matakasan nila ang hirap ng buhay." parang nagsusumbong Kong wika kay Sir Kenneth.
"So totoo pala ang sinabi sa akin ni Jeann na kapag araw ng sahuran ipinapadala mo lahat sa mga magulang mo ang sweldo mo? Hindi ka nagtitira ng para sa iyo?" tanong nito. Nahihiya naman akong tumingin sa kanya.
"Mas kailangan po kasi nila iyun Sir. Hindi ko naman kailangan ng pera dahil libre naman ako lahat ng mga pangangailangan ko dito." sagot ko sabay sulyap sa kanya. Titig na titig pa rin ito sa akin habang may nababasa na akong kakaiba sa mukha niya.
"You're in a million! Hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan ka." narinig kong bigkas nito. HIndi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Hindi ko kasi gets kung ano ang ibig niyang sabihin eh.
Chapter 491
KENNETH POV
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarilli ko kung bakit nagawa kong halikan si Ella kanina. Para kasing may nag udyok sa akin na gawin iyun. Para akong biglang nahipnostimo sa angkin nitong ganda at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Simula nang dumating siya sa buhay ko alam ko sa sarili ko na malaki ang ipinagbago ko dahil sa presensya nya.
Tinikman ko ang labi niya at hindi nga ako nagkamali dahil iyun na yata ang pinaka-masarap ng labi na natikman ko sa tanang buhay ko.
Yes...amindo ako na bigla akong nawala sa sarili ko kanina. Kung may lakas lang siguro ang paa ko baka hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Baka naangkin ko na siya ng paulit-ulit! Nakakagigil naman kasi ang angkin niyang ganda at ka-inosentehan.
Pinilit kong itago sa kanya ang
nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka ma-basted lang ako dahil sino ba namang tanga ang papatol sa isang inutil na kagaya ko. Pero hindi eh... hindi ko pala talaga kayang magtimpi. Hindi ko pala kayang supilin ang nararamdaman ng puso ko. Habang tumatagal lalong yumayabong ang paghanga na nararamdaman ko para sa kanya.
Aminado ako na kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko! Napaka- natural niya at kung magsalita siya ramdam kong hindi niya ako pinaplastik. Sinasabi niya kung ano man ang laman ng isipan niya at mahilig siyang pumatol sa akin kapag alam niyang galit ako. Amazona kung minsan at ayaw mag- patalo na siyang una kong napansin sa kanya. Isang napakagandang amazona minsan. Para akong kinikiliti kapag iniirapan niya ako. Ewan ko ba....lalo kasi siyang naging cute sa paningin ko eh.
Sa kabila pala ng hirap ng buhay na naranasan niya napaka-positibo niya pa rin. Ilang beses niya akong hinikayat na magpagamot at huwag mawalan ng pag asa sa buhay pero ako itong palaging nagmamatigas. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya niya at hindi niya ako sinukuan. Nandyan pa rin siya kahit palagi ko siyang nasisigawan at nasusungitan. Parang walang epekto sa kanya ang galit- galitan ko eh bagkos ang lakas pa ng loob niyang sagot-sagutin ako.
Parang tama yata ang palagi niyang sinasabi sa akin. Para akong isang batang nagta-tantrums dito sa loob ng kwarto ko habang hinahayaan ko ang sarili ko na malugmok. Ayaw kong
tulungan ang sarili ko na gumaling at manumbalik ako sa dati. Tama naman kasi talaga siya....silang lahat, walang sino man ang makakatulong sa akin para makalakad ulit kundi ako lang.
Kailangan kong maging positibo sa lahat ng bagay kung gustong bumalik sa dati ang buhay ko at kung gusto kong maangkin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko ay hindi dapat ako magpabaya at pang-hinaan ng loob.
Si Ella na habang tumatagal lalong gumaganda sa paningin ko at habang tumatagal malaking bahagi ng puso ko ang inuukupa niya na. Namalayan ko na lang na tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.
Tama siya bakit hindi ko pala subukan magpagamot? Wala namang mawawala diba? Kung gumaling ako, eh di mas mabuti pero kung hindi, kailangan ko na talaga sigurong tanggapin ang katotohanan na makukulong na ako sa upuang gulong habang buhay.
Muli akong napasulyap kay Ella. Magana na nitong kinakain ang
pagkaing iniutos ko kay Manang kanina. Kumakain pala siya ng late para lang sa akin. RAmdam ko din na ibinibigay niya ang best niya para mapagsilbihan ako.
I think kailangan ko nang kausapin ang doctor ko. Gusto kong malaman ang next step para maumpisahan na ang proseso para makalakad ako ulit. Promise, simula ngayung araw... gagamitin ko ang maliit na posyento na natira sa akin para makalakad ulit. Hindi lang para sa sarili ko kundi para na din kay Ella.
Yes, kay Ella na naman! Siya na lang palagi! Ang makulit na si Ella na nagpapangiti sa akin araw-araw. Ang taong nagbigay sa akin ng lakas para lumaban. Ang babaeng nagbigay sa akin ng reyalisasyon na hindi pa katapusan ng mundo.
Aminado naman ako na tinamaan
talaga ang ego ko nung sabihin niya sa akin kanina na masyado daw akong mabigat. Kawawa naman pala talaga ang mahal ko. Ni hindi ko man lang napapansin dahil abala ako sa kakaself- pity.
Promise, simula ngayung araw...hindi nalang sarili ko ang palagi kong iisipin. Si Ella na! Gagawin ko siyang matovation sa pang araw-araw kong buhay.
Sa isiping iyun hindi ko maiwasang mapangiti na hindi naman nakaligtas sa paningin niya. Habang kumakain kasi napansin kong pasulyap-sulyap pa rin ito sa akin. Kanina niya pa ako
inaalok na saluhan ko daw siya pero tumangi ako. Kaunti lang kasi ang dala ni Manang na pagkain at nagluluto pa raw sila. Rice pala ang gustong kainin ni Ella kapag umaga kaya ayaw ko na isyang agawan para mabusog naman siya.
"Sir Ken...ang cute niyo po kapag nakangiti kayo!" narinig ko pang wika nito. Hindi ko alam kung binubula niya lang ako dahil natatawa siya habang sinasabi niya ang katagang iyun pero nag marka pa rin sa puso ko ang sinabi niya. Simpleng salita na nakakatulong para gumaan ang pakiramdam ko..
"Bilisan mo nang kumain. Mamaya na ang daldal." kunwari istrikto kong sagot sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsimangot nito sabay irap sa akin. Napansin ko pa na kikibot kibot ang labi nito na alam kong may sinasabi siya pero ayaw niyang iparinig sa akin. Napapailing na lang ako habang pinipigilan ko ang muling mapangiti.
Ang cute talaga! Ang sarap niya sigurong panggigilan. Ang sarap niya sigurong ihiga dito sa kama ko at paliguan ng halik ang buong katawan? Haysst, sana lang talaga gumaling na ako para magawa ko na iyun. Sana lang talaga bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon ni Lord para makalakad ulit.
Chapter 492
ELLA POV
Habang kumakain ako hindi nakaligtas sa panginin ko ang pangiti- ngiting si Sir Kenneth. Ilang beses ko din siyang nahuhuli na pasulyap- sulyap sa akin pero kahit na pilit kong ignorahin iyun hindi ko talaga kaya. Feeling ko talaga may mali sa kanya eh. Baka tuluyan ng lumuwag ang turnilyo sa utak niya at napasukan ng hangin ang pag iisip. Para kasing ang laki ng ipinabago niya eh. Hindi tuloy ako makaka-concentrate sa kinakain ko.
"Sir...anong nakakatawa? Baka gusto mong kumain? Huwag ka lang mahiya magsabi dahil hindi ko naman po ito kayang ubusin." muling alok ko sa kanya. Baka kasi gutom eh. Feeling ko nga binabantayan niya ang bawat pagsubo ko dahil patingin-tingin siya sa akin. Hindi ko tuloy nalalasahan ang pagkain ko. Nahihiya ako sa kaniya dahil baka kasi isipin niya na masiba ako.
Kung bakit naman kasi nagpumilit pa siyang padalhan ako ng pagkain dito sa kwarto. Pwede naman akong bumaba ng kusina anytime para kumain. Ewan ko ba kung ano na naman ang drama nitong amo ko. Kakaiba talaga kung mag isip minsan.
Baka mamaya kung ano ang iisipin ng mga kasamahan kong katulong dito sa bahay. Ilang beses pa naman nagpaparinig sa akin ang ibang mga katulong dito na kung ano daw ba ang sikreto ko. Bakit ko daw napapaamo si Sir Kenneth
"Bilisan mong kumain Ella. Naiinip na ako. Gusto kong pumunta ng garden para makapag paaraw!" sagot nito. Hindi ko maiwasang mapasimangot. Bilisan ko daw...eh paano kung mabulunan ako. Isa pa, bakit kailagan niya pa akong hintayin gayung kaya niya naman na sana lumabas ng bahay kahit mag isa siya. High tech ang wheelchair niya at kaya niyang ioperate kahit mag isa lang siya.
"Ayan na po! Dapat kasi tinulungan niya ako para maubos kaagad eh.". reklamo ko sa kanya. Hindi niya na siya sumagot pa dahil biglang tumunog ang cellphone nito. Si Mam Arabella ang tumatawag kaya muli kong itinoon ang buong attention ko sa kinakain ko.
Iniiwasan ko na din na mapasulyap sa kanya. Nakakalunod kasi talaga ang mga titig niya eh. Parang may gustong ipaabot sa akin.
Habang abala si Sir Kenneth sa pakikipag usap sa kanyang Ina, binilisan ko na din ang pagkain. Nang matapos ako kaagad akong sumenyas sa kanya na lalabas muna bitbit ang aking pinagkainan ko. Abala pa rin kasi talaga ito sa pakikipag usap sa kanyang Ina.
Inopen up na nito kay Madam Arabella ang balak niyang magpagamot at nagpapatulong siya para papuntahin ang doctor dito sa bahay para makausap niya at makahingi ng payo para sa susunod na step na gagawin niya. Huli kong narinig ay ang assurance ni Madam Arabella na uuwi daw mamayang hapon para personal nilang maasikaso si Sir Kenneth. Siyempre, alam kong walang mas excited sa lahat ng desisyon ni Sir Kenneth kundi ang buong pamilya.
Masaya akong lumabas ng kwarto habang bitbit ko ang mga pinagkainan ko. Nakasalubong ko pa si Marites, ang labandera. Nagulat pa ako ng napansin ko ang pag irap niya sa akin.
"Hmmp! Akala mo kung sinong Mahinhin! Malandi din naman pala!"
narinig kong bulong nito. Bigla naman akong makaramdam ng inis. Feeling ko, ako ang pinaparingan niya dahil kaming dalawa lang naman. Walang ibang tao sa paligid
"Anong sabi mo? Sino ang malandi?" inis kong kumpronta sa kanya. Kahit saan talaga siguro, may kontrabida eh. Sa lahat ng katulong itong si Marites lang ang hindi namamansin. Palagi kasing busy sa nga labahin niya at alam kong noon pa man mainit na ang dugo niya sa akin. Siya lang kasi ang hindi kumakausap sa akin eh.
"Anong pinagsasabi mo? Ako ba ang kausap mo?" Asik nito habang pailalim akong tinitigan. Parang gusto nang manlaki pati butas ng ilong ko. Hindi ako pinalaki na palaaway pero parang sinusubukan yata ako ng Marites na ito ah?
"May sinabi ka kanina at dinig na
dinig ko iyun! Sino ang malandi?" mataas na ang boses na tanong ko sa kanya. Muli ako nitong inirapan. Kung hindi lang ako takot na baka pabayaran sa akin itong hawak kong pingan baka naibato ko na sa tagihawatin niyang pagmumukha eh. Ang sama ng ugali niya.
"Bakit tinamaan ka ba? Sapol ka ba? HIndi ka nakailag noh?" sagot naman nito sa akin. Kaagad ko itong pinaningkitan ng mga mata. Talagang gusto akong subukan ng babaeng ito.
"Hindi ka na nakaimik kasi guilty ka! Palibahasa kasi s****p ka kaya lahat ng pabor ibinibigay sa iyo.. Kaya pala di hamak na mas malaki ang sahod mo kumpara sa sahod namin dahil may extra service kang ibinibigay sa inaalagaan mo. Akala mo hindi ko kayo nakita! Humanda ka sa akin, isusumbong talaga kita pag uwi nila Madam Arabella" nang iinis na sagot
nito sa akin. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Hindi niya man direktang sabihin alam kong may nakita itong hindi kanais- nais sa pagitan naming dalawa ni Sir Kenneth. Shocks...anong eksena kaya iyun? Iyung unang paghalik ba ni Sir Kenneth or ang pangalawa? Gagi... paano niya nakita? Huwag niyang sabihin na naninilip siya gayung palagi namang sarado ang pintuan ng kwarto ni Sir.
"Hindi ako s****p! Tsaka kung ano man ang sinasabi mo hindi totoo iyan. Masyado ka lang talagang atribida dahil malaki ang ingit mo sa akin dahil mas malaki ang sahod ko kumpara ng sa iyo!" inis kong sagot sa kanya at mabilis itong tinalikuran.
"Hindi ako naiingit! Malandi ka lang talaga kaya napapaikot mo si Sir Kenneth! Pero huwag kang pakaka-kampanti kung ano man ang nangyayari sa inyong dalawa ni Sir, hindi ka niya sisiryosohin. Gagawin ka lang niyang parausan dahil walang wala ka sa kalingkingan ng girlfiriend niyang si Vina." sagot nito.
At talaga naman, ikinumpara niya pa ako kay Vina. HIndi na ako nakatiis pa at inilapag ko na ang dala kong pingan sa sahig at mabilis itong sinugod. Kung kay Sir Kenneth, mahaba ang pasensya ko pero sa katulad kong tsimay na ang galing manghusga, wala akong time para pahabain ang pisi ko noh!
"Ano! Ano! Lalaban ka! Gusto mo sabunutan na lang eh. Para maingudngud ko iyang malandi mong mukha sa sahig." nanghahamon din na wika nito at binitiwan niya na din talaga ang bitbit niyang labahin.
Chapter 493
ELLA POV
Aba at nanghahamon pa ang bruha! Akala niya siguro papatulan ko siya. No! No! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para makipag away. Nakakahiya sa amo namin kung makipag-rambulan ako kay Marites dito mismo sa loob ng bahay ng mga Santillan. Baka ito pa ang dahilan na pagkakasisante ko sa trabaho ko. Kung nakaligtas ako sa pasagot-sagot kay Sir Kenneth baka sa pakikipag away sa kasamahan ko, hindi na ako makakaligtas.
"Anong pinagsasabi mo? Waka akong panahon para makipag-sabunutan sa iyo Marites kaya umayos ka diyan. Maglaba ka na dahil pauwi mamaya sila Madam at baka mapagalitan ka pa dahil hindi mo matapos-tapos ang trabaho mo sa takdang oras." nang- iinis kong sagot sa kanya at akmang dadamputin ko ang mga pingan na inilapag ko kanina ng maramdaman ko ang paghila ng kung sino sa buhok ko. Hindi ko maiwasang mapahiyaw dahil sa sakit ng anit ko.
Walang hiya! Tinutuo niya talaga ang banta niya sa akin kanina. Hindi ako nakapagready kaya halos makaladkad niya ako dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko.
"Marites...ano ba! Nababaliw ka na ba? Ano ba ang problema mo?" galit kong sigaw ko sa kanya at pilit na hinahawakan ang kanyang kamay. Ito pa yata ang magiging dahilan ng pagkaka-kalbo ko. Hindi ko naman akalain na ganito kalaki ang galit niya sa akin. Hindi ko naman akalain na susugod siya. Hindi ako nakapaghanda.
"Malandi ka kasi kaya ito ang bagay sa iyo. Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sa iyo eh. Kung umasta ka akala mo kung sino ka eh inaakit mo lang naman si Sir Kenneth!" sagot nito sa akin habang mahigpit niya pa ring
hawak ang buhok ko. Naramdaman ko pa ng ang pagkabunot ng ilang hibla ng buhok ko kaya natatakot ako na baka pagbitaw niya kalbo na ako. Ano na lang ang mangyayari sa akin? Hindi ako sanay sa physical na away at first time din itong nangyari sa akin sa tanang buhay ko.
"Diyos ko...Marites, anong ginagawa mo?" laking pasalamat ko dahil sa wakas dumating si Manang. Mabilis itong lumapit sa amin at kaagad nitong hinampas ang kamay ni Marites na mahigpit pa rin na nakahawak sa buhok ko kaya naman kaagad niya akong nabitawan. Kaagad naman akong nakahinga ng maluwag at kinapa ang buhok ko kung naubos ba at laking pasasalamat ko dahil marami pa ring natira although may ibang strands ng buhok na napapansin ko sa sahig at alam kong galing sa akin iyun.
"Marites, ano ba ang ginawa mo kay Ella? Bakit mo siya sinasabunutan?" kastigo ni Manang kay Marites. Mabuti
na lang closed kami kaya alam kong ako talaga ang kakampihan niya.
"Huwag mo na nga siyang kampihan Manang. Tama lang sa kanya iyan dahil malandi siya. Inaakit niya si Sir Kenneth kaya maghintay siya pag uwi nila Madam at Sir dahil isusumbong ko talaga siya!" galit na sagot ni Marites at matalim pa akong tinitigan. Hindi ko siya maintindihan. Ang laki ng galit niya sa akin. Bakit ba nanggagalaiti siya sa akin at ano ngayun sa kanya kung totoong nilalandi ko si Sir? Ang importante napagsilbihan ko ng maayos si Sir Kenneth at kontento siya doon!
"At palagay mo ba matutuwa sila Madam kapag malaman nila na sinabunutan mo si Ella? Hindi ka ba nag iisip? Gawin mo ang trabaho mo at iwas-iwasan mong bantayan ang kilos ng ibang tao. Mas malalagot ka kapag malaman ito nila Madam kaya umayos ka!" sagot ni Manang. Hindi naman nakaimik si Marites pero matalim pa rin ako nitong tinitigan.
"Ano ang nangyayari dito? Ella...hindi bat sinabi ko sa iyo na bilisan mo dahil gusto kong magpa-araw sa garden? Bakti ang tagal mo?" sabay-sabay pa kaming napalingon ng marinig namin ang naiinis na namang boses ni Sir Kenneth. Hindi na marahil ito nakatiiis sa sobrang tagal kong bumalik kaya kusa na itong lumabas ng kwarto habang nakaupo sa kanyang wheel chair. Nakakunot pa ang noo nito habang sinisipat ako ng tingin bago nito seryosong tinitigan si Manang.
"Ano ang nangyari dito Manang at ano iyung naririnig kong sigawan kanina? Bakit may kalmot si Ella?" seryosong tanong nito kay Manang. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang takot at pag-aalinlangan sa mga mata ni Manang pati na din ni Marites kaya naman nagtaka ako. Hanggang ngayun pa ba takot pa rin sila sa kasungitan ni Sir Kenneth?
"Eeeer Sir! Ano po kasi eh...si Marites, sina "hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Manang ng i- interrupt ito ni Sir Kenneth at seryosong hinarap si Marites at dinuro.
"You're fired! Ayaw na ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo sa bahay na ito!'" galit na sigaw ni Sir Kenneth na sabay na nagpaigtad sa gulat kay Manang at kay Marites. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.
"Fired agad at hindi niya man lang binigyan ng pagkakataon na makapag- paliwanag si Marites? Sabagay, ano pa bang paliwanag ang dapat? Ang sakit ng anit ko at parang nakakaramdam din ako ng hapdi sa kaliwa kong pisngi. Napuruhan yata ako sa simpleng pagsabunot ni Marites sa akin kanina.
"Eeerr Sir! Maawa na po kayo! Huwaag po! Kailangan ko po ang trabahong ito." nagmamakaawang sagot ni Marites. Biglang naging maamong tupa ito. Biglang nawala ang tapang. Matalim nitong tinitigan ni Sir Kenneth si Marites bago nito ibinaling ang tingin kay Manang.
"Siguraduhin niyong makaalis ang babaeng iyan ngayun ding araw na ito. Ikaw na din ang bahalang kumuntak sa agency para magpadala ng magiging kapalit niya." utos nito kay Manang.
"O-opo Sir! Masusunod po!" Sagot ni Manang kay Sir Kenneth. Halata sa boses nito ang panginginig kaya naman parang gusto kong matawa. Hanggang ngayun yata may trauma pa rin si Manang sa pagiging masungit ni Sir Kenneth.
"Sir...hindi po pwede! Wala po akong mapupuntahan. Hihingi na lang po ako ng sorry kay Ella huwag niyo lang po akong palayasin. HIndi na po mauulit" nagmamakaawang wika ni Marites kay Sir pero parang wala itong narinig. Sininyasan lang nito si Manang na pwede na silang umalis sa harap namin na kaagad namang tumalima. Hila- hila nito si Marites at naiwan kaming dalawa ni Kenneth na hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko.
"Hindi ka ba marunong lumaban? Bakit hinayaan mo ang babaeng iyun na saktan ka?" galit na sita nito sa akin. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya.
"Bakit niyo siya tinangal sa trabaho? Hindi po ba kayo naaawa sa kanya?" tanong ko. Umiling ito at mabilis akong hinawakan sa kamay.
"Sa kwarto tayo. Gagamutin ko iyang sugat mo sa pisngi at baka kung ma- infection pa iyan." naiinis nitong bigkas sa akin.
Chapter 494
ELLA POV
"Aray! Dahan-dahan naman po Sir!" impit kong hiyaw sa bawat pagdampi sa pisngi ko ng cotton na may alcohol. Kaliit nang sugat pero ang hapdi.
"Bakit kasi hindi ka lumaban? Iyan tuloy muntik ng masira itong pisngi mo!" naiinis naman nitong bulyaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya itong galit na galit gayung hindi naman siya ang nasaktan.
"Hindi ko naman akalain na susugod siya eh. Malay ko ba naman na aatake pala siya sa akin ng patalikod."
nakalabi kong sagot sa kanya. Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko sa kanya habang hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Ano ba ang dahilan? Bakit ka niya sinaktan?" tanong nito. Hindi naman ako nakaimik. Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoong sinabi sa akin ni Marites. Alangan namang ipaalam ko sa kanya na pinagbintangan ako ni Marites na malandi daw ako.
"Masakit ba? Pagkatapos nito magbihis ka dahil pupunta tayo ng hospital. Kailangan matingnan ang sugat mo dahil mahirap na kapag ma- infection." sagot nito sa akin.
"Po? Hospital? Naku, hindi na po kailangan Sir! Heto na nga po oh, ginagamot niyo na ako. Ayos na iyan. Maliit na bagay at gagaling din kaagad iyan." nakangiti kong tanggi sa kanya. Ang OA ng mga mayayaman, kaunting galos hospital kaagad. Masyadong nagsasayang ng pera.
"Huwag ka ng magdahilan. Pupunta tayo ng hospital at ayaw kong makarinig ng pagtangi mula sa iyo. Bilisan mo na!" yamot nitong sagot sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi
ang tumayo na lang. Diretsong naglakad sa walk in closet para magpalit ng damit. Mamaya na lang siguro ako maliligo dahil baka mabulyawan na naman ako ng amo ko.
Ang bilis niyang magdesisyon ng mga bagay-bagay na hindi niya man lang kinokunsulta sa akin. Sinabi ko ng ayos lang ako pero ang kulit niya. Bahala na nga siya. Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko siya. Siya naman ang gagastos eh. Isa pa after niya ding maoperahan six moths ago ngayun lang pala ulit nagyaya si Sir Kenneth na aalis ng bahay. Parang gusto ko tuloy itong yayain na mamasyal muna kami ng mall pagktapos namin sa hospital. Para makakita naman siya ng ibang tao. Hindi iyung palagi nalang siyang nagmumukmok dito sa bahay.
Pagkatapos kong magpalit ng damit sakto namang narinig ko na may kumakatok sa pintuan ng kwarto. Abala si Sir Kenneth sa kanyang binabasang libro kaya diretso na akong naglakad patungo sa pintuan para silipin kung sino ang kumakatok pero nagulat ako dahil hindi familiar sa akin na mukha ang bumungad sa akin.
Isang mtangkad at gwapong lalaki. Sobrang seryoso ng kanyang awra kaya wala sa sariling napatitig ako sa kanya.
"Si-sino po sila?" nagtataka kong tanong. Bakit kaya basta na lang siyang pinapasok sa loob ng bahay? Kakilala ba siya ng pamilya Santillan?
"Ang who are you? Ikaw ba iyung nababangit nila Tita Arabella na nag aalaga sa pinsan ko? Elijah nga pala. Pinsan niya." seryoso nitong sagot sa akin at naglahad pa ng kamay sa harap ko. Hindi ko tuloy malaman kung tatanggapin ko ba ang pakikipag - kamay niya or hindi. Nakakahiya dahil kamag anak pala siya no amo ko.
"Pasensya na po Sir. Ngayun ko lang po kasi kayo nakita kaya hindi ko kayo nakilala." hinging paumanhin ko at imbes na tanggapin ang pakikipag- kamay niya niluwagan ko na lang ang pagkakabukas ng pintuan ng kwarto para makapasok ito na siyang kaagad naman nitong ginawa.
"Kenneth! Kumusta? Long time no see!" masaya pa nitong bati kay Sir Kenneth kaya kaagad naman napaangat ng tingin si Sir at direktang tumitig sa bagong dating.
"Elijah? Sa wakas, nagpakita ka din! KUmusta?" tanong nito. Isang mahinang pagtawa ang naging tugon ni Elijay at mabilis na nilapitan ang pinsan at nakipag high five.
"Heto, nangangapa pa rin! Malungkot ang buhay at hindi ko na alam kung paano ko ba maibalik sa dati ang lahat.
" sagot naman ni Sir Elijah. Hindi ko naman maintindihan ang pinag uusap nila kaya kunwari, nagliligpit-ligpit na lang ako ng mga kalat dito sa kwarto. Hindi ako pwedeng lumabas dahil baka may iutos sa akin si Sir Kenneth at isa pa, aalis daw kami ngayung araw.
"Hindi mo pa rin ba siya nahanap? Ilang taon na pero wala ka pa ring clue kung nasaan siya?" tanong naman ni Sir Kenneth sa kanyang kausap. Napansin ko pa ang pag iling ni Sir Elijah kaya kaagad tuloy napukaw nila ang attention ko. Hindi naman ako tsismosa pero kapag ganitong bored ako maganda yata sumagap ng tsismis mula sa ibang tao.
"WAla eh. Tinanong ko na din si Veronica kung nasaan na si Ethel pero hindi niya din daw alam. Kaya nga nagpasya akong sa america na lang muna ituloy ang pag aaral para makalimot pero hindi naman ako nagkaroon ng katahimikan ng kalooban. Hinahanap talaga siya ng puso at isipan ko Ken!" Damang dama ko ang lungkot sa boses ni Sir Elijah habang sinasabi ang katagang iyun. Mukhang katulad sa aking amo, broken hearted din ito.
"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo? Sa ating magpipinsan ikaw ang kauna- unahang nagkaroon ng love life pero ikaw din ang nawalan. Naunahan ka pang magpakasal nila Charlotte at Jeann." sagot naman ni Sir Kenneth. Tuluyan na nitong inilipag ang kanyang hawak na libro sa mesa at seryosong tinitigan ang bagong dating na si Elijah na kita ang sobrang lungkot sa mga mata habang nakatitig sa kawalan.
"Hindi ko nga alam eh. Ang gago ko kasi! Akala ko talaga laro lang ang lahat noon eh. Akala ko talaga hindi naman siya ang babaeng para sa akin dahil masyado pa akong bata noon pero nagkamali ako. Nagising na lang ako isang umaga na iniwanan niya na pala ako. Na sinukuan niya na ako dahil sa pagiging walang kwenta kong partner sa kanya noon." himutok na sagot ni Sir Elijah. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya.
Imagine, sa gwapo niyang iyan, nagawa siyang iwanan ng babaeng gusto niya? Bakit bulag ba ang babaeng iyun at nagawa niyang sayangin ang kagaya ni Sir Elijah or baka naman may mas malalim pang dahilan kaya sila naghiwalay? Baka malaki ang pagkukulang ni Sir Elijah kaya sumuko na ang babaeng pinag uusapan nila?
"Kaya ikaw pinsan kapag magmahal ka ulit...huwag na huwag mo nang pakawalan dahil ang hirap pala kapag sila na mismo ang susuko. Mahirap nang ibalik ang tiwala kapag tuluyan ng naglaho iyun. Huwag na huwag mo akong gagayahin na hanggang ngayun nangangapa pa rin at patuloy siyang hinahanap!" malungkot na wika ni Sir Elijah kaya hindi ko na tuloy maiwasan pa na makaramdam ng awa sa kanya.
Chapter 495
ELLA POV
Game pa sanang makipag-usap si Sir Elijah sa pinsan niyang si Sir Kenneth at ayos lang naman sa akin iyun pero mukhang hindi nakalimutan ng amo ko ang pangako niya sa akin na dadalhin niya daw ako sa hospital para matingnan ang galos ko. Kaya kahit na labag sa kalooban ko, kaagad na din akong pumayag kaysa naman sa kulitin niya ako nang kulitin.
Mukhang hindi busy si Sir Elijah dahil sinamahan na din kami nito. Liban sa driver, kaming tatlo ang magkakasama at wala naman silang ginawa dito sa loob ng kotse kundi ang mag usap. lisang babae ang palaging bukambibig ni Sir Elijah...iyun ay ang babaeng nagngagalang Ethel na sana ay muling magkrus ang landas nilang dalawa dahil mukhang mabait naman itong si Sir Elijah eh.
Pagkadating ng hospital, tiningnan lang ng doctora ang galos ko at niresitahan lang ako ng pampahid. Maliit na bagay pero mukhang hindi naman kami nagsayang ng oras dahil nagyaya na din si Sir Kenneth sa clinic ng kanyang Doctor para makausap ito. Katulad ng inaasahan, ang naging topic ay tungkol sa pagpapagamot ni Sir Kenneth para makalakad ulit.
May mga bagay silang pinag usapan na hindi ko naman masyadong naintinidhan pero ang mas tumatak sa isipan ko ay kailangan na daw ni Sir mag umpisa sa session ng therapy. Kailangan mag hire ng professional na tao na siyang gagabay sa pang araw- araw na gawain ni Sir Kenneth.
Number 1 ang exercise at ang pagpisil ng mga ugat niya sa binti para muli daw mabuhay ang mga natutulog ng mga ugat or joints. Ano man ang gagawin sa kanya sa mga susunod na araw, tahimik na lang siguro akong magmamasid dahil aabot daw ng ilang buwan ang session bago makita ang resulta.
Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Sir Kenneth nang lisanin namin ang hospital. Naging possitive ang kanyang pagtangap sa mga payo at sinasabi ng doctor niya sa kanya. Sana lang talaga tuloy-tuloy na ang pagiging cooperative niya para wala nang problema.
"May gusto pa ba kayong puntahan after this?" narinig kong tanong ni Sir Elijah. Nakaupo ito katabi ng driver at magkatabi naman kami ni Sir Kenneth dito sa likurang bahagi.
"May gusto ka bang puntahan?" imbes na sagutin ni Sir Kenneth ang tanong ni Sir Elijah ako pa ang tinanong nito. Wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang kanina ko pang plano.
"Kung gusto niyo po mag mall na lang tayo. Medyo matagal na din po kayong hindi nakakalabas." excited kong sagot. Gustong gusto ko din talagang mamasyal dahil simula noong nagtrabaho na ako kay Sir Kenneth hindi na ako nakakalabas. Hindi katulad noong kay Mam Jeann pa ako na palagi akong nasa mall dahil isinasama nila ako sa tuwing namamasyal sila.
"Good Idea! Sa mall na lang tayo at doon na lang tayo kumain. Gutom na din ako eh." sagot naman ni Sir Elijah. Hindi nakaligtas sa pandama ko ang pananahimik ni Sir Kenneth kaya napatingin ako sa kanya.
"Ayos lang po ba sa inyo Sir? Ayaw niyo po ba?" hindi ko maiwasang tanong. Tumitig ito sa akin tsaka bumuntong hininga bago dahan-dahan na tumango.
"May magagawa pa ba ako? 2 is to 1 ang butohan at talo ako." sagot nito na nagpangiti sa akin. Daming sinabi. Pwede niya namang sabihin kung gusto or ayaw niya. Hindi iyung parang nangungunsensya pa siya.
Pagdating ng mall, si Sir Elijah na ang nagpresenta na magtulak ng wheel chair ni Sir Kenneth. Napansin ko na pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Siguro nagwapuhan sila sa hitsura nila Sir Kenneth at Sir Elijah. Kahit naman nakaupo lang sa wheel chair itong si Sir Kenneth hindi nakakabawas iyun sa taglay niyang gandang lalaki.
Bakit sa atin sila nakatingin?" narinig ko pang bulong ni Sir Kenneth. Parang nag uumpisa na namang uminit ang ulo nito pero walang magawa dahil nandito na kami eh. Hindi din siguro papayag si Sir Kenneth na babalik kami ng kotse dahil mukhang gutom na din ito.
"Masyado daw po kasi kayong pogi mga Sir kaya hindi nila mapigilang mapatitig sa inyo!" nakangiti kong sagot kaya kaagad namang napatingala sa akin si Sir Kenneth. Nakakunot ang noo nito kaya kaagad akong nag-peace sign sa kanya gamit ang dalawa kong daliri.
Pero nagulat na lang ako ng itinaas niya ang isa niyang kamay. Parang iniaabot niya sa akin iyun kaya kahit nag aalangan, wala akong choice kundi abutin ang kanyang kamay at nagulat ako dahil mahigpit niya iyung hinawakan.
Para tuloy kaming mag shota habang naglalakad dito sa mall. Tulak-tulak ni Sir Elijah ang wheelchair niya tapos magkahawak kamay kaming dalawa ni Sir Kenneth. Bigla tuloy akong kinabahan kasabay ng pinaghalong damdamin ang lumukob sa buo kong pagkatao. Nahihiya ako na kinikilig na
ewan. Kasama pa naman namin si Sir Elijah at baka kung ano ang isipin niya sa aming dalawa ni Sir Kenneth.
Gustuhin ko mang hilahin ang kamay ko na hawak hawak nito pero nag aalala naman ako na baka magalit siya. Kaya kahit na nahihiya, pinilit ko na lang na magpatay-malisya hanggang sa nakapasok na kami sa isang restaurant.
Kaagad kaming inasikaso ng mga staff. Kilala nila si Sir Elijah at Sir Kenneth na siyag labis kong ipinagtaka. Lumabas pa nga ang manager at binati kami at ito na din mismo ang kumuha ng orders namin na presyo pa lang ng mga pagkain, nalula na ako.
Hindi ko na naman napigilan na ilibot ang tingin sa paligid. Sobrang cozy at ganda ng buong paligid at unang tingin pa lang alam kong mga mayayaman lang ang may kakayahang kumain sa mga ganitong klaseng restaurant.
Sabagay, ang mga katulad nila Sir
Elijah at Sir Kenneth ay hindi siguro papasok sa isang mumurahing restaurant.
"Ano ang plano mo after this? I think, tama ang Doctor mo, kailngan mong tulungan ang sarili mo na makalakad ulit! Para naman mapakasalan mo na ang babaeng nagppatibok ng puso mo ngayun." dinig kong wika ni Sir Elijah na may halong panunudyo ang boses. Wala sa sariling napatitig ako sa kanilang dalawa at huling huli ko si Sir Kenneth na titig na titig sa akin.
Parang gusto ko na lang tuloy lamunin ng lupa sa hiya na nararamdaman ko lalo na nang mapansin ko ang nanunudyong tingin ni Sir Elijah sa aming dalawa. Kahit na hindi nito sabihin, alam kong iniisip niya na may something sa aming dalawa ng pinsan niyang si Sir Kenneth.
Chapter 496
ELLA POV
"Ulol! Ano pa nga ba ang ginagawa ko ngayun diba? Tsaka huwag iyung lovelife ko ang pakialaman mo dahil sa pagkakataon na ito, hindi ko na hahayaan pa na makawala sa akin ang babaeng gusto ko!" narinig kong sagot ni Sir Kenneth at nahuli ko pang sumulyap siya sa akin. Bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko
Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit parang bigla akong kinabahan sa topic nila ngayun?
"Tsk! Oo na! Bilis-bilisan mo lang ang magpagaling para naman matulungan mo din ako sa paghahanap sa kanya." narinig kong sagot ni Sir Elijah at malungkot itong tumitig sa kawalan.
"Ayun! Lumabas din ang tunay na dahilan kaya naisipan mo akong dalawin. Bakit ka pa kasi nagpapakahirap! For sure, may kakilala sila Uncle Rafael na magaling na imbistigador. Magpatulong ka para mahanap mo na kaagad ang babaeng naging dahilan kaya ka malungkot ngayun." natatawang sagot ni Sir Kenneth. Kung titingnan, kaswal na lang ang pakikipag usap nya ngayun kay Sir Elijah. Parang hindi niya dinidibdib ang sarili niyang kalagayan.
"Plano ko din iyan. Pero alam mo naman si Uncle Rafael...aasarin ka muna bago ka tutulungan. Tsaka kailangan ko din kausapin si Veronica... masama din ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya." sagot ni Sir Elijah. Natawa naman si Sir Kenneth kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
SAna ganito na lang siya palagi. Tumatawa at hindi nagsusungit. Lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko.
Mabilis na lumipas ang ilang sandali. Kahit gaano pa kasarap ng mga pagkain na nasa harapan ko hindi ko talaga malasahan. Paano ba naman kasi, simula nang dumating ang pagkain, itinigil na din ni Sir Kenneth ang pakikipag usap niya sa kanyang pinsan at sa akin niya itinoon ang buo niyang pansin
"Hindi mo ba gusto ang mga pagkain? Bakit tamilmil ka yata?" narinig ko pang tanong nito. Para siyang boyfriend ko na todo asikaso sa akin na first time niyang ginawa. Halos mapuno na nga ang pingan ko sa kakalagay niya ng ibat ibat klaseng pagkain eh.
"Gusto po! Kaya lang ang dami na po nito eh. Hindi ko kayang ubusin ito." sagot ko sa kanya na may halong reklamo sa aking boses.
"Hayaan mo na kasi siyang kumain. Nako-conscious sa iyo si Ella eh."
natatawang sabat naman ni Sir Elijah. Lalo namang nag iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ano ba kasi ang nakain ng amo ko? Bakit bigla na lang siyang naging ganito?
Hiyang hiya man sa mga nasa harapan ko wala akong choice kundi ubusin ang mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Kenneth. Sayang din kasi lalo na at alam kong sobrang mahal ng mga pagkain.
Pagkatapos kumain, nagyayaya kaagad si Sir Elihjah na maglibot-libot pa daw sa paligid para daw magpababa muna ng kinain namin bago umuwi. Kaagad naman pumayag si Sir Kenneth. Wala naman daw problema dahil nakaupo lang naman siya sa wheel chair.
"Ella, pili ka na ng mga kailangan mo! "biglang wika ni Sir Kenneth pagkatapat namin sa isang
mamahaling boutique. Napahinto kaming dalawa ni Sir Elijah sa paglalakad at sabay na tumingin kay Sir Kenneth.
"Ipagsa-shopping mo si Ella?" kaswal na tanong ni Sir Elijah dito. Tumingin naman si Sir Kenneth sa akin sabay tango.
"Matagal na niya akong inaalagaan at wala pa akong kahit na anong regalo na naiibigay sa kanya. Since nandito na rin lang tayo, why not diba?" nakangiting sagot ni Sir Kenneth. Kaagad naman akong umiling tanda ng pagtutol
"Naku, ayos lang po ako. Nakalimutan niyo na po ba na ang dami nang ibinigay sa akin ng Mommy mo na mga gamit? Ayos na po iyun Sir. HIndi ko naman po masyadong nagagamit eh." sagot ko at umaasa ako na sana makinig siya sa akin. Ayaw kong mang abuso ng kabaitan ng amo ko.
Nakakahiya.
""Lets go inside!" sambit ni Sir Kenneth at aumatic naman na itinulak ni Sir Elijah ang wheel chair nito papasok sa loob ng boutique. Wala na akong choice kundi ang sumunod na lang sa kanila.
Alangan namang magpaiwan ako dito sa labas. Wala pa naman akong kahit ni isang singkong duling sa bulsa ko. Wala akong kapera-pera. Paano kung malingat ako at bigla na lang nila akong iiwan dito sa mall? Ano na lang ang mangyayari sa akin?
Pagkalapit ko sa kanila napansin ko na kausap na nila ang isa sa mga staff. Sabay-sabay pa silang napatingin sa akin kaya pilit akong ngumiti.
"Ibigay mo sa kanya lahat ng mga damit na bagay sa kanya." narinig ko pang utos ni Sir Kenneth sa isa sa mga staff. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat at akmang tatangi pa sana ako nang bigla akong hinarap ng staff at buong tamis na nginitian.
"Sa VIP room po tayo Mam, Sir. Marami po kaming mga bagong collections na dumating at tiyak na magugustuhan lahat ni Mam iyun." nakangiting pagyayaya ng staff sa amin.
"Siya na lang ang isama mo sa loob." seryosong sagot ni Sir Kenneth at sininyasan pa akong sumama na sa staff.
"Pero, ayos lang po talaga" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng muling nagsalita si Sir Kenneth.
"Ella, para sa iyo itong ginagawa ko! Please...pumayag ka na! Isipin mo na lang na paraan ko ito para magpasalamat sa iyo sa lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin kaya huwag ka ng tumangi please...." sagot nito sa akin. Nag aalagan man, wala akong choice kundi ang sumama na lang sa mag-a-assist sa akin.
Pumasok kami sa isang room at isa- isang dinala sa harap ko ang ibat ibang klaseng collections ng mga damit.
Isukat ko daw lahat. Noong una tumangi pa ako pero dahil magaling silang mamilit at mag sales talk nadala na din ako. Sukat lang naman ang gagawin at nasa kay Sir Kenneth pa rin naman ang huling desisyon kung bibilhin niya.
Chapter 497
ELLA POV
Pagkatapos kong isukat ang halos hindi ko na mabilang na mga damit, blouse, dress, sandals, shoes ako na din ang kusang sumuko dahil sa pagod. Feeling ko, pinaparusahan ako nitong si Sir Kenneth ehl. Hindi niya naman sinabi sa akin na halos buong laman ng store pala ang ipapasukat nila sa akin.
"Mam, ayaw niyo na po ba? May last batch pa po sana." narinig kong wika ng staff sa akin. Kung kanina, nag iisa lang siya ngayun lima na sila.
"Ayos na po iyun. Ang dami na eh. Next time na lang siguro ulit dahil baka naiinip na ang mga kasama ko." sagot ko sa kanila at akmang lalabas na sana ako ng pigilan ako ng isa sa kanila.
"Last na lang po talaga ito Mam. Palitan niyo na po ang damit niyo. Ito na lang po ang isuot niyo tapos aayusin natin ang buhok mo para mas lalo po kayong gumanda." nakangiting wika sa akin at talagang hinawakan pa ako sa braso hindi lang ako makalabas.
Wala akong choice kundi ang tumango na lang. May magagawa pa ba ako? Wala na eh. "Ito na lang po Mam. Ito na lang ang isuot niyo." exctied na wika sa akin ng
isa sa mga staff at iniabot niya sa akin ang isang kulay na pink ng dress. Naisukat ko na iyun kanina at lagpas tuhod siya. Magaan sa katawan at nagustuhan ko din.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng fitting room. Ang fitting room na hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong naglabas pasok. Hindi ko na nga maiwasan ang muling paguhit ng masayang ngiti sa labi ko ng bumagay sa akin ang suot kong dress. Parang isinukat sa aking katawan at nagmukha din yata akong mamahalin.
Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin bago nagpasyang lumabas. Naabutan ko pa ang ilan sa mga staff na nagkakatuwaan habang tinutupi ang mga damit na naisukat ko kani kanina lang. Inilalagay nila iyun sa isang paper bag kaya hindi ko na lang pinagtoonan pa ng pansin. Ang gusto ko lang sa mga sandaling ito ay ang makalabas na at mapuntahan si Sir Kenneth.
"Wow! Bagay talaga sa iyo Mam. Itong sandals na ito ang gamitin niyo po." masayang wika ng staff at siya na mismo ang umupo at naghubad ng suot kong tsinelas para ipalit ang sandals na gusto niyang ipasuot sa akin. Hinayaan ko na lang kaysa naman magtagal pa ako sa silid na ito. Tiyak na naiinip na sa kakahintay sa akin si Sir Kenneth.
Pagkalabas ko sa tinatawag nilang VIP room kaagad kong hinagilap ng tingin si Sir Kenneth. Kaagad kong napansin na may kausap na itong babae habang wala sa sa tabi niya si Sir Elijah. Sa sobrang pag-aalala na naramdaman ko mabilis akong naglakad palapit sa kanila at napahinto ulit ng marinig ko ang pangalan na binangit ni Sir Kenneth
"Hindi na kita kailangan pa sa buhay ko Vina. Wala ng dahilan pa para magpakita ka ulit." dinig kong sambit ni Sir Kenneth. Bakas sa kanyang boses ang sobrang lungkot kaya parang tinutusok ng libu-libong karayom ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"I am sorry Ken! Alam kong nagkamali ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagsipot sa kasal natin. Pinagsisisihan ko na lang lahat...lalo na nang malaman ko ang nangyari sa iyo. Hayaan mo naman sana na muli akong makabawi sa iyo. Please!" nakikiusap na sagot ni Vina. Kahit na nakatalikod siya sa akin, alam kong wala akong panama kung ganda ang pag uusapan.
"Hindi na kita kailangan pa sa buhay ko kaya umalis ka na. Baka makita ka pa ng kasama ko at magselos pa siya sa iyo. Umalis ka na at ayaw ko nang makita ka kahit kailan!" salitang namutawi sa labi ni Sir Kenneth na naging hudyat para tuluyan ko na silang lapitan.
Walang mas mahalaga sa akin kundi ang kagustuhan ng amo ko pero since narinig ko na mula sa kanyang bibig na ayaw niya nang makausap si Vina may dahilan na para i-interrupt ko ang pag uusap nila.
"Tapos na akong magsukat. Uuwi na ba tayo?" kaagad kong bigkas habang naglalakad palapit sa kanila. Nagulat pa ako dahil kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Sir Kenneth habang titig na titig siya sa akin.
Sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang bakas sa mga mata niya ang paghanga. Para tuloy akong biglang nawala sa sarili ko at hindi malaman kung ano ang gagawin.
"Oh here she is! My fiance Ella!" narinig kong bigkas ni Sir Kenneth habang may masayang ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Inilahad niya pa ang kamay niya sa gawi ko at wala sa sariling tinangap ko iyun. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang gulat na rumihistro sa mga mata ni Vina nang tuluyan ko nang matitigan ang kanyang mukha.
Parang gusto ko pang manliit sa sarili ko. Ang ganda niya kasi talaga. Walang wala ako sa kalingkingan niya.
Chapter 498
ELLA POV
"Kenneth, are you kidding me? Fiance mo? May fiancee ka na?" bakas ang sobrang gulat sa expression ng mukha ni Vina habang sinasabi ang katagang iyun. Parang gusto ko matawa sa hitsura niya. Namumutla siya at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Pero bakit? Huwag niyang sabihin na nasasaktan siya sa kaalamang tuluyan na nga siyang nakalimutan ng amo ko?
"Bakit parang nagulat ka yata? Hindi ba kapani-paniwala na tuluyan na kitang itinapon sa buhay ko? Vina...life must go on. Iniwan mo ako sa mismong araw ng kasal natin, napahiya ako, naaksidente at hanggang ngayun hindi ko pa alam kung babalik ba sa dati ang lahat-lahat sa akin, pagkatapos hindi ko ba deserve na magmahal ulit para sumaya naman ako?" mahinahong wika ni Sir Kenneth at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.
Hindi ko naman malaman kung ano ang ire-react ko. Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa isiping ginawa akong panakip butas ni Sir Kenneth ngayung araw. Kung totoo siguro ang sinasabi niya ngayun na ako na ang mahal niya baka ako na ang pinaka-masayang babae sa buong mundo.
Masakit pala ang ganito. Sabagay, sino ba naman ako para umasa na magugustuhan ako ng kagaya ni Sir Kenneth. Isang hamak na katulong lang ako at kaya nasa tabi niya ako ngayun dahil kailangan niya ang serbisyo ko. Hindi ko dapat hahayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kanya.
"Impossible! Ken, nangako ka sa akin na ako lang ang mamahalin mo pero bakit ang bilis mo naman yatang nakakita ng ipinalit sa akin?" puno ng hinanakit ang boses ni Vina habang sinasabi ang katagang iyun. May ilang butil na din ng luha ang nakikita kong nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata.
Hindi ko maintindihan. Bakit nasasaktan siya ngayun kung siya naman ang naunang tumalikod sa relasyon nilang dalawa ni Sir Kenneth?
"Impossible? Vina, walang imposible kapag mahal mo ang isang tao. Alam mo bang sa kabila ng mga nangyari, nagpasalamat pa rin ako sa mga nangyari dahil hindi ko akalain na makakahanap pa pala ulit ako ng babaeng mamahalin ko ng sobra at higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa iyo noon. Isang babaeng karapat dapat na mahalin at ipagmalaki sa kahit kanino!" sagot naman ni Sir Kenneth at masuyo ako nitong
tinitigan. Hindi naman ako nakaimik. Pinaghalong damdamin ang biglang lumukob sa buo kong pagkatao. Natutuwa ako na nalulungkot na ewan. Basta hindi ko maintindihan.
"Hindi totoo iyan. Galit ka lang kaya nasabi mo ang tungkol sa bagay na iyan. Ken, alam kong malaki ang pagkakamali na nagawa ko sa iyo pero alam kong hindi pa huli ang lahat sa atin. Nandito na ako. Nagbalik na ako at handa na akong pagsilbihan ka dahil alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit nasa ganiyang kalagayan ka ngayun. Mahal kita! Mahal na mahal kita!" Umiiyak na bigkas nito. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig kay Sir Kenneth.
Parang nadudurog ang puso ko nang mapansin kong titig din ito kay Vina. Sabagay, hindi ganoon kabilis kalimutan ang pinagsamahan nila. Kahit na pagbabalik-baliktarin man
ang mundo alam kong mahal pa rin ni Sir Kenneth itong si Vina.
Hind siya magsasayang ng oras na kausapin ito kung hindi niya na ito mahal. Hindi niya na sana ito kakausapin kung wala ng halaga sa kanya ang babaeng ito.
Hindi talaga pwede! Kung ano man ang nararamdaman ko ngayun, kung nasasaktan man ako sa mga nasasaksihan ko ngayun, kasalanan ko din yata. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog ako sa kanya.
Hindi ako bagay kay Sir Kenneth. Amo ko siya at katulong niya ako at hindi pwedeng maging kami.
"TApos ka na bang mag shopping Sweetheart?" Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko na mahigpit na hawak ni Sir Kenneth ng bigla itong tumingala sa akin at buong tamis akong nginitian. Nagawa niya pa akong tawaging Sweetheart na siyang labis kong ikinagulat. Gayunpaman alam kong walang dahilan para kiligin. Palabas lang ang lahat nang ito. Walang katotohanan at gusto niya lang papaniwalain si Vina na may iba na siya.
"Ha? Ah...Hmmm, oo tapos na!?" sagot ko sa kanya. Isang mahinang pagtawa ang naging sagot nito sa akin kasabay ng pagdampi ng labi niya sa aking kamay. Sa gulat ko nahablot ko tuloy ang kamay ko na mahigpit niyang hawak na siyang dahilan kaya nabitawan niya iyun.
"Okay..fine. I think tapos na nilang i- compute kung magkano ang dapat nating bayaran." nakangiti nitong sagot at sininyasan ang isa sa mga staff na malapit sa amin. Tinanong niya kung tapos na bang i-punch ang mga damit na nagustuhan ko kasabay ng pag abot niya dito ng kanyang card.
"Wala ka na bang ibang nagustuhan? Baka may nakaligtaan ka pa. Sabihin mo lang dahil magiging abala na tayo simula next week. Matatagalan ulit bago tayo makabalik dito sa mall." muling wika nito gamit ang malambing niyang boses. Kaagad naman akong umiling.
Kung sa actingan, hindi talaga ako siguro papasa. Sa mga kilos ko ngayun hindi malabong mahalata ni Vina na nagkukunwari lang si Sir Kenneth. Na tagapag-alaga lang ako ni Sir Kenneth at walang special na namamagitan sa aming dalawa.
"Ayos na! Sakto na lahat iyun." sagot ko pero wala akong idea kung alin ba sa mga isinukat ko kanina ang bibilihin niya. Basta niya na lang kasi ibinigay ang card niya sa isa sa mga staff and then umalis na.
Muli akong napatingin kay vina. Mukhang wala itong balak na umalis pero wala na sa kanya ang attention ni Sir Kenneth. Para ngang gusto niya pang makipag usap pero hindi na siya pinapansin ng amo ko. Mabuti na din iyun. Salawahan naman kasi ang Vina na ito at kung ako kay Sir Kenneth, iwasan niya na ang magpa- uto sa babaeng ito. Sumama na pala sa ibang lalaki eh tapos ang kapal ng mukha niya para bumalik.
Naputol lang ang pagmumni-muni ko ng muling bumalik ang staff na inabutan ni Sir Kenneth kanina ng card niya. Muli nitong iniabot sa amo ko ang card kasama na ang isang mahabang resibo. Puno ng pagtataka akong napatitig kay Sir Kenneth habang ngiting ngiti din itong nakatitig sa akin. Ilang saglit din na magkahinang ang aming mga paningin kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko.
Chapter 499
ELLA POV
Hindi na sumabay si Sir Elijah sa amin pauwi. May dadaanan pa raw kasi ito at bibisita na lang daw ulit sa bahay kapag may free time siya.
Nagpasalamat naman si Sir Kenneth sa kanyang pinsan dahil sa time na ibinigay sa kanya.
Sakay ng kotse, tahimik ako sa tabi ni Sir Kenneth. Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala dahil halos mapuno ang kotse ngayun sa dami ng mga pinamili ni Sir Kenneth. Actually, hindi naman para sa kanya ang mga iyun kundi para sa akin.
Huli na nang malaman ko na ang lahat pala ng isinukat ko kanina na mga damit na kasya sa akin ay inihihiwalay ng mga staff. Kaya pala ang dami nilang nag assist sa akin.
Kaya pala masayang masaya sila dahil halos ubusin na ni Sir Kenneth ang laman ng boutique nila.
Gustuhin ko mang umalma pero tapos na! Nabayaran niya na pala at kaya pala sobrang haba ng resibo dahil sa dami ng mga items na binili niya. Hindi ko akalain na kayang gumastos ng ganoon kalaki si Sir Kenneth para sa akin na isang hamak na tagapag-alaga niya lang. Feeling ko tuloy napaka-special ko.
Hindi nga nakaligtas sa paningin ko ang inggit sa mga mata ni Vina kanina habang isa-isang inilalabas sa shop ang mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili ni Sir Kenneth para sa akin. Nagsisisi na talaga siguro ang bruha sa ginawa niyang pag iwan kay Sir Kenneth sa mismong araw ng kanilang kasal. Sabagay, totoo talaga yata ang tsismis sa akin Manang, materialistic daw talaga ang babaeng iyun. Mahilig magpabili ng kung anu-ano at parang ginagawang sugar Daddy ang gwapong si Sir Kenneth.
Ang lubos na bumabagabag sa isipan ko ay kung ano nalang ang iisipin nila Madam Arabella at Sir Kurt. Sa dami nitong ipanang shopping sa akin ni Sir Kenneth tiyak na malalaman nila at natatakot akong baka magalit sila sa akin. Baka kasi mag isip sila ng masama eh. Ayaw ko pa naman ng ganoon.
Ipinanganak akong mahirap pero hindi ako materialistic na tao. Marunong akong makontento sa mga bagay-bagay.
'Hey...anong nagyari sa iyo. Bakit sobrang tahimik mo yata ngayun? Parang hindi ka naman dating ganiyan ah?" napukaw lang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig kong nagsalita si Sir Kenneth. Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga sabay titig sa kanya.
"Bakit nagawa mo iyun? Bakit mo ako ipinamili ng maraming gamit?" tanong ko. Isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa kanya. Masuyo akong tinitigan kasabay ng marahang pagpisil niya sa magkabilaan kong pisngi gamit ng dalawa niyang kamay. Ilang saglit din akong natigilan dahil sa kanyang ginawa.
"Nakakatuwa ka talaga Ella! Ikaw na nga itong ipnagshopping ikaw pa itong parang problemado? Bakit hindi mo ba nagustuhan ang mga nabili mo sa shop na iyun?" nakangiti nitong tanong sa akin at bahagya akong nakahinga ng maluwag ng sa wakas binitiwan niya din ang magkabilaan kong pisngi.
"Hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako. Ang mahal kaya ng mga damit na iyun. Tsaka imposible na magamit ko ang mga iyun noh...
nakalabi kong sagot sa kanya.
"Bakit naman hindi mo magagamit? Preferred mo bang maghubad kapag tayong dalawa lang ang magkasama sa loob ng kwarto?" nakangiti nitong tanong sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko nang ma- realized ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Ang bastos mo!" hindi ko maiwasang bigkas. Imbes na magalit ito sa sinabi ko, lalo itong natawa. Takang taka tuloy akong napatitig sa kanya.
Ano na naman ito? Bakit ang saya- saya niya na naman yata? Hindi naman siguro dahil kay Vina dahil halos ipagtabuyan niya iyun kanina. Pero para kanino ang tuwa sa mga mata niya na nakikita ko ngayun?
"Anong bastos? Ikaw ha..wala pa akong ginawa para sabihan mo ako ng ganyan!" tatawa-tawa pa rin nitong sagot sa akin. Hindi ako nakaimik dahil sa pinaghalong damdamin na kaagad na lumukob sa buo kong pagkatao.
"Dont worry, ikakaltas ko na lang sa sahod mo lahat ng nagastos natin ngayung araw. Tama, ganiyan na lang ang gagawin ko total naman parang hindi ka masaya sa mga regalo na ibinigay ko sa iyo eh. Simpleng pasasalamat wala akong narinig sa iyo. Bagkos parang galit ka pa yata eh.." muling wika nito na kaagad na ikinanalaki ng mga mata ko.
Sa sobrang mahal ng mga damit na binili niya sa akin malabong mabayaran ko siya kaagad. Isa pa, bakit niya pinapabayaran gayung hindi ko naman alam na gusto niya palang bilihin lahat para ibigay sa akin.
"Bakit mo ikakaltas? Hindi ko naman sinabi sa iyo na bayaran mo ang mga iyan eh!" naghihimutok kong sagot. Tinaasan lang ako nito ng kilay habang seryoso na akong tinitigan.
"Wala kang planong bayaran ako?" tanong nito. kaagad akong umiling
"Pwede pa bang isauli natin ang mga iyan?" tanong ko. Kaagad itong umiling
"Bawal! No return no exchange policy sila." sagot nito. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot
"Pero kung ayaw mo na may kaltas ang sahod mo, pwede mo naman ako bayaran sa ibang paraan!" nambibitin na muling wika nito. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya.
"Kiss lang at quits na tayo!" tanong nito na lalong ikinalaki ng mga mata ko at pati yata butas ng ilong ko.
Chapter 500
ELLA POV
"Kidding! IKaw talaga hindi kita maintindihan! Masyado kang seryoso nitong mga nakaraang oras. Ano ba ang nangyari sa iyo?" natatawa na naman nitong wika sa akin. HIndi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
Talaga lang ha? Marunong na siyang magbiro ngayun? Napapadalas na din ang kanyang pagtawa. Eh di magandang senyales talaga ito na magiging mabait na siya. Grabe naman, kinabahan talaga ako. Akala ko talaga sisinigilin niya ako eh. Mabuti na lang at biro lang ang lahat dahil wala din naman akong pambayad isa pa, hindi ko kayang mag-benta ng kiss noh....
Hindi ba talaga? Pero ilang beses na ba akong n*******n ni Sir Kenneth?
Hindi nga halik eh kundi lapa talaga ang ginawa niya sa akin dahil hanggang ngayun ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Feeling ko nga, hanggang sa pagtulog ko, mapapanaginipan ko pa rin eh.
Sa isiping iyun parang gusto ko na namang kaltukan ang sarili ko. Kung saan-saan na naman kasi nakakarating ang isipan ko. Ang halay kung minsan. Hindi ako ito eh. Lintik na halik iyun, dahil doon biglang nagulo ang sistema ko.
"Hmmmp! Kinabahan naman ako doon! Buti nalang binawi niyo kung hindi kayo po talaga ang mag susuot ng mga damit na iyan." pabiro ko namang sagot sa kanya. Napansin kong kaagad na nawala ang ngiti nito at seryoso akong tinitigan.
"Anong sabi mo? Ako ang magsusuot? Ano ang palagay mo sa akin, bading?" tanong nito. HIndi ko na napigilan pa ang mapahagalpak ng tawa. Sa totoo
lang, hindi naman iyun ang ibig kong sabihin.
"Hindi po! Hindi naman sa ganoon! Tsaka, porket nagsusuot ng damit pambabae ang isang lalaki bading na kaagad. Hindi ba pwedeng trip-trip lang?" sagot ko naman. Lalo namang sumeryoso ang kanyang mukha. Hindi na din ito sumagot pa kaya nanahimik na din ako.
Pikunin pala eh. Napaka-liit na bagay napipikon kaagad siya. Hayssst, parang gusto ko na naman tuloy kabahan.
"Halos isang oras din ang ginugol namin sa daan bago kami nakarating ng bahay. Sobrang traffic din kasi kaya ang ending madilim na ng dumating kami ng bahay at bago pa naibaba ng kotse si Sir Kenneth napansin kaagad namin ang presensya nila Madam Arabella at Sir Kurt. Parehong may ngiti sa labi at n*******n pa nga sa
pisngi ang kanilang anak na si Sir Kenneth.
"Oh come on guys! Malaki na ako para sa ganyang pa-welcome niyo!" angal ni Sir Kenneth. Hindi yata masaya sa pa -kiss ng mga magulang kaya nagrereklamo na naman. Pero kung maka-kiss sa akin akala mo wala nng bukas.
"Abat! Maarti ka na ngayun ah? Bakit sino ba ang gusto mong mag kiss sa iyo? Hindi ba pwedeng ikiss ka namin lalo na at masaya kami dahil sa wakas nagawa mo ding lumabas at mamasyal? " sagot naman ni Madam Arabella. May tonong pagmamaldita ang boses nito at imbes na mag aalala ako hindi ko maiwasan ang paguhit ng ngiti sa labi ko dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi para sa akin ang pagmamadita niya eh. Para iyun kay Sir Kenneth at buti nga sa kanya.
"Hindi naman sa ganoon Mom.
Feeling ko kasi, turing niyo sa akin ay parang seven years old pa rin eh. Malaki na ako and soon bubuo na din ako ng sarili kong pamlya at bibigyan ko kayo ng maraming apo." angal pa rin ni Sir Kenneth. Nagulat man sa sinabi ng amo ko pero hindi din nakaligtas sa paningin ko kung paanong nagkatinginan ng makahulugan sila Madam at Sir.
Siguro para kay Vina ang mga salitang binitiwan ni Sir. Nagkita na sila at baka willing siguro siyang patawarin ang hitad na iyun. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang sumisikip ang puso ko? Bakit parang masakit sa kalooban?
Hayssst, siguro ayaw ko lang sa Vina na iyun dahil siya ang dahilan kaya naaksidente si Sir. Masyado lang akong naawa kay Sir Kenneth kaya hangat maari ayaw ko na din sana na magkabalikan sila. Pero iyun ba talaga ang dahilan? Tsaka ano ang pakialam ko kung sakaling magkabalikan man sila?
Wala naman talaga diba? Nandito ako sa bahay na ito para pagsilbihan siya at hindi dapat pakialaman ang love life niya!
"So, saan kayo nakarating? Nag enjoy ba kayong dalawa?" Kung hindi pa ako tinanong ni Madam, hindi pa ako magising sa malalim na namang pag iisip. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Nalulungkot ako sa isang bagay na hindi ko naman mawari.
"Ha? Ah opo! Ka-kasama po namin si Sir Elijah kanina Madam." nauutal kong sagot. Muling gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Madam Arabella at napatango-tango.
"Yup, at ipinagshopping ko din si Ellla pero hanggang ngayun never pa akong nakarinig ng pasasalamat mula sa kanya. Parang kasalanan ko p§Ã‘ §Ã¢§Ã kung bakit ko siya ibinili ng maraming mga gamit." sabat naman ni Sir Kenneth. Parang gusto ko tuloy munang umalis sa harapan nila dahil sa naramdamang pagkapahiya.
Pati ba naman iyun kailangan pang sabihin sa mga magulang niya? Porket hindi ako nakapag-pasalamat, hindi na kaagad ako masaya sa mga bigay niya? Ang saklap naman! Grabe siya! Sama ng ugali.
"Talaga! Mabuti naman at ipinag- shopping mo si Ella. Ang tagal ka na niyang inaalagaan hindi mo man siya naisip bigyan ng regalo." nakangiting sagot ni Madam. Taliwas sa inasahan kong maging reaction niya, parang masaya pa siya na gumastos ang anak niya para sa akin. Ganito ba talaga kabait ang pamilyang ito? Ang swerte ko pala talaga dahil nagkaroon ako ng amo na kagaya nila.
"Mom, dami pang sinabi eh. Ayan na nga oh, binilhan ko na siya. Bumawi na nga ako eh...kaya sana mahanapan niyo kaagad ako ng magaling na taong makakatulong sa akin para makalakad ulit. Magaling na therapist actually dahil nakausap ko si Doctor Mendez kanina at sinabi niya sa akin na siya na daw ang bahalng mag-monitor sa bawat session ko." sagot naman ni Sir Kenneth sa kanyang ina.
"OF course, may nahanap na kami. Pipirma na lang siya ng contract at next week mismo mag uumpisa na siya. Kailangan niya din kasing pag aralan ang kondisyon mo bago siya gagawa ng mga hakbang. Kailangan din kasi nilang mag usap ng doctor mo kaya naman next week ang pinaka- idial na araw para makapag umpisa na. "nakangiting sagot naman ni Madam sa kanyang anak.
Wala pa man..sobrang excited na ako. Naniniwala akong magiging successful ang lahat at makakalakad ulit si Sir Kenneth.
Chapter 501
ELLA POV
"Thank you!" narinig kong bigkas ni Sir Kenneth habang nandito na kami sa kwarto. Nakahiga na ito sa kama at ready nang matulog.
Ako naman pinag-iisipan ko kung saan ko ba ilalagay itong mga pinamili niyang mga damit na regalo niya daw sa akin. Nandito din kasi sa loob ng kwarto at kahit na maayos ang pagkakasalansan ng mga iyun, gusto ko pa rin siyang iligpit.
"Tungkol po saan?" nagtataka kong tanong sa kanya. Nagpapasalamat sya sa isang bagay na hindi ko naman alam kung para saan.
"Tungkol saan? Dahil nandito ka pa rin sa tabi ko. Sa kabila ng pagtataboy ko sa iyo noon hindi mo pa rin ako sinukuan. Nandiyan ka at palaging pinapaalala sa akin na hindi pa katapusan ng mundo." seryoso nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko.
"Basta, kapag gumaling na po kayo, isakay niyo po ako sa big bike niyo ha? Gusto kong maranasan na makasakay noon kasi parang astig kasi ang datingan eh." natatawa kong sagot sa kanya.
"Sure...kahit na araw-araw pa eh." sagot nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi! Ayaw ko ng araw-araw. Baka mangitim ako eh. Sayang naman ang ginagamit kong sabon at mga pampaganda kung masisira lang dahil sa kakaangkas sa iyo." natatawa kong sagot sa kanya.
"Anong sabi mo? Angkas? Nakakaitim ba ang pag angkas?" natatawa naman nitong sagot sa akin. Hindi ko naman malaman kung may mali ba sa sinabi
ko! Para kasing tuwang tuwa siya eh.
'Bakit hindi ba?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Gusto ko sanang subukan natin ngayun pero parang hindi ko kakayanin eh. Tsaka na lang kapag medyo magaling na ako." natatawa nitong sagot.
Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot. Ano ba ang topic namin? Sa pag angkas lang naman sa motor niya diba? Bakit parang feeling ko may ibang ibig siyang sabihin na hindi ko naman din maisip kung ano?
"Hayyy naku! Matulog na po kayo Sir. BAwal daw po kayo magpuyat kaya ipikit niyo na po ang mga mata niyo. Tsaka na iyang angkas-angkas kapag magaling na kayo." sagot ko naman sa kanya.
"Sure...pero...pwede bang mag-
request?" sagot naman nito. Natigilan naman ako at napatitig sa kanya.
"Ano po iyun?"nagdududa kong tanong sa kanya. Ito kasi ang kauna- unahang pagkakaton na narinig ko sa kanya ang katagang request-request bago siya matulog.
"Lapit ka muna sa akin. Baka nakasilip si Marites at marinig ako eh." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
Talagang naisingit niya pa si Marites gayung alam niya naman na wala na iyung tao dito sa bahay. Nasisante na nga diba at siya mismo ang nagpalayas. Kaya bakit niya pa kailangan isali sa usapan si Marites? Ito talagang si Sir Kenneth kung anu-anong mga kalokohan ang naiisip.
Dahil interesado ako sa request niya at gusto ko na din matapos na ang pag uusap namin kaagad na akong lumapit sa kanya. Sumenyas pa ito na maupo daw muna ako sa gilid ng kama na siyang kaagad ko namang ginawa.
"Anong request iyun Sir?" kaagad ko pang tanong sa kanya pero nagtaka ako dahil kaagad niya akong hinawakan sa kamay. Seryoso itong tumitig sa akin kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng aking laway. Heto na naman kami sa ganitong scene. May nababasa na naman akong kakaiba sa mga titig niya.
"Nasabi ko na ba sa iyo kung gaano ka kaganda?" tanong nito sa akin habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking dalawang kamay.
"Ha? Ano po?" kinakabahan kong tanong. Isang tipid na ngiti ang gumuti sa labi nito habang titig na titig siya sa aking mga mata.. Kinakabahan naman akong kaagad na nag iwas ng tingin. HIndi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Nahihiya ako.
"Look at me Ella! Tumitig ka sa mga mata ko para makita mo kung ano ang nararamdaman ko ngayun." pautos na wika nito.
"Ha? Kailanga pa po ba iyun Sir?" Tsaka bakit parang ang weird niyo po? " sagot ko naman. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
"Hindi ako weird, nagkataon lang talaga na hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko." sagot nito sa akin habang dahan-dahan na bumaba ang mukha niya patungo sa mukha ko. Imbes na umiwas sa nagbabadyang posibleng mangyari, para naman akong naistatwa sa pagkakaupo. HIndi ako makagalaw hanggang sa naramdaman ko na lang ang banayad na pagdampi ng labi nito sa labi ko.
Noong una, padampi-dampi lang ang labi nito sa ibabaw ng aking bibig, patungo sa aking pisngi, pabalik sa aking labi hanggang sa naging mapusok na ito.
Naramdaman ko na lang na tinutugon ko na ang ginagawa niya. Kusang bumukas ang aking bibig para tanggapin ang marubdob niyang halik sa akin.
Naging mapangahas ang sumunod na sandali. Namalayan ko na lang na nag eenjoy na pala ako sa ginagawa niya. Dahan-dahan niyang binitiwan ang dalawa kong kamay kaya hindi ko na mapigilan pa ang manguyapit sa kanyang balikat. Para akong nalulunod na ewan. Init na init din ako at parang may gusto din akong maabot na hindi ko mawari.
" Ang sarap mo sigurong angkinin Sweetheart!" narinig kong bigkas nito nang pansamantala niyang iwan ang labi ko. Namumungay ang mga matang napatitig ako kanya. Lasing na lasing pa ako sa halik na pinagsaluhan naming dalawa kaya ako na mismo ang naglapit ng labi ko sa labi niya.
Muli naming pinagsaluhan ang mainit na halikan. Namalayan ko na lang na unti-unti na akong nabuwal sa ibabaw ng kama kasunod niya. Ramdam ko din ang pagtaas ng temperatura ko sa aking katawan.
Habang parehong abala ang aming mga labi, ramdam ko naman ang mapangahas nitong mga palad na dahan-dahan na naglalakbay sa aking katawan.
Ang bawat madaanan ng palad na iyun ay nag iiwan sa akin ng hindi maipaliwanag na kiliti. Ni hindi ko na nga namalayan na dahan-dahan niya na palang itinaas ang suot kong blouse kung saan kaagad na tumampad sa mga mata niya ang dalawa kong medyo may kalakihang bundok na natatakpan ng manipis na tela.
Lahat ng hiya sa aking katawan ay biglang naglaho. Hindi din ako nakaramdam ng hiya habang sinisipat ng tingin ni Sir Kenneth ang bahaging iyun ng aking katawan.
"Sir, bakit po?" nagawa ko pang itanong sa kanya kasabay ng pagsubsob nito sa isa sa mga bundok ko. Noong una, banayad lang ang ginawa niyang paghalik sa isa sa mga bundok ko hanggang sa maramdaman ko na dahan- dahan niya ng s********p ang isa sa mga korona noon. Pati yata daliri sa mga paa ko gusto nang mamilipit dahil sa kakaibang init na lalong lumukob sa buo kong pagkatao
Chapter 502
ELLA POV
Halos paliguan na ako ni Sir Kenneth ng halik sa buo kong katawan nang bigla akong nagising sa katotohanan na hindi pala pwede. Wala kaming relasyon para gawin naming dalawa ito.
Sa isiping iyun para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang kaninang nagniningas kong damdamin biglang napalitan ng takot at hiya. Dahan- dahan kong itinulak si Sir Kenneth at mabilis na bumangon ng kama. Hinila ko pa nga ng mabilisan ang isang manipis na kumot at mabilis na itinakiip sa halos hubad ko ng katawan.
Ano na naman ito? Bakit ko nagawa ko na namang magpaubaya? Nakakahiya!
"Why? Hindi mo ba gusto?" nagulat din yata ito sa biglaan kong pagtayo pero kaagad din naman siyang bumalik sa huwesyo. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Hindi! Hindi pwede!" halos maiyak na sagot ko sa kanya. Sa sobrang hiya na nararamdaman ko, halos tumakbo na ako papuntang banyo at mabilis na pumasok sa loob para lang matakasan ang mga titig sa akin ni Sir Kenneth.
Pagkapasok ko sa loob ng banyo parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!
Bakit ba ako nagpadala sa simpleng halik lang? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa amo ko. Baka isipin niya na easy to get ako. Na mabilis akong makuha ng kung sinu-sino lang.. hyassst! Nakakainis!
Wala sa sariling dahan-dahan kong tinangal ang nakabalal na kumot sa aking katawan. Mula sa harap ng salamin kita ko ang pamumula ng aking leeg. Kiss mark na si Sir Kenneth ang mismong may gawa at hindi ko alam kung paano tatakpan ito.
"Ella naman! Bakit ka ba nagpadala sa panlalandi niya! Bakit hindi ka dumistansya at hindi mo napigilang ang sarili mo? Natural, lalaki ang amo mo at mabilis din matukso. Isa pa, tigang iyun at ikaw ang kasama niya kaya ikaw talaga ang pagta-tiyagaan niya! Bakit ba ang tanga-tanga mo?" naiinis ko pang kausap sa sarili ko. Kung may ibang tao lang siguro ang makakita sa akin baka isipin nila na nababaliw na ako eh. Sino ba namang matinong tao ang kinakausap ang sarili?
Sa sobrang inis na nararamdaman ko sa sarili ko, binuksan ko ang shower at tumapat doon. Umaasa ako na sa pamamagitan ng malamig na tubig mula sa shower maibsan man lang ang kung anong bumabagabag sa kaloob- looban ko. Hindi ko kaya ang ganito. Feeling ko mababaliw na yata ako.
Halos tatlumpong minuto din akong nanatili sa ilalim ng shower bago ako nagpasyang tapusin na ang paliligo ko. Bigla na lang din kasi akong nakaramdam ng antok. Alam kong dis-oras na ng gabi at kapag mga ganitong oras, alam kong tulog na din si Sir Kenneth.
Pagkakataon ko na sigurong lumabas ng banyo na hindi niya nakikita. Wala talaga kasi akong lakas ng loob para harapin siya. Nahihiya ako.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko at nagsuot ng bathrobe bago ako lumabas ng banyo. Since, share naman kami ni Sir Kenenth ng banyo may mga gamit na din ako dito sa loob. Gusto kas¨Âª ni Madam Arabella na palagi akong nakabantay sa anak niya at iyun nga lang, hindi ako sure kung hanggang kailan ang kaya ko. Lalo na at nagkakaroon na kami ni Sir Kenneth ng physical attachment.
Siguro sa susunod mag iingat na lang ako. Ayaw ko nang maulit pa ang mga nangyari sa amin. Nakatatlo na siya at tama na iyun. Masyado na niyang nagulo ang sistema ko.
Dahan-dahan pa akong lumabas ng banyo at umaasa na sana tulog na siya pero nabigo lang din kaagad dahil pagtingin ko sa pwesto niya, nakasandal pa rin siya sa headboard ng kama at seryosong nakatitig sa gawi ko. Halatang hinihintay niya yata ang paglabas ko. Hindi ko na naman tuloy malaman kung ano ang gagawin ko. Nahihiya talaga ako sa kanya dahil halos nakita niya ang kung anong meron sa akin. Nahaplos pa nga eh!
"Bakit ang tagal mo? Kanina ka pa sa loob ng banyo ah? Masama ba ang pakiramdam mo?" seryosong tanong nito sa akin. Kahit nahihiya, hindi ko maiwasang napatitig sa kanya.
"Ha...ah eh, naligo kasi ako." nahihiyang sagot ko sa kanya. Tumangot tango pa ito bago niya itinuro ang walk in closet.
"Magbihis ka na para makatulog na tayo. Gabing gabi na at ipinagpabukas mo na lang sana ang paliligo mo." sagot nito sa akin. Kaagad naman akong napayuko at mabilis na naglakad patungong walk in closet.
"Bilisan mo Ella. Kanina pa ako inaantok. Kanina ko pa gustong matulog." muling wika nito na nagpahinto sa aking paghakbang.. Gulat na gulat akong napalingon sa kanya.
Ibig niyang sabihin, hindi siya matutulog hanggang hindi din ako nakahiga? Bakit?
"Mauna na po kayong matulog Sir. Susunod na lang po ako maya-maya." sagot ko sa kanya pero kaagad itong umiling.
"Hihintayin na lang kita. Malay ko naman na baka galit ka at magising na lang ako kinabukasan na nilayasan mo na pala ako. Maganda na iyung sigurado." sagot nito
"PO? Naku, hi-hindi po ako galit. Hindi po ako aalis." nauutal kong sagot.
Sino ba namang tanga ang nagbigay sa kanya ng idea na lalayas ako? Wala naman akong mapuntahan noh? Isa pa, kaunting tiis na lang naman dahil malapit na siyang makalakad at ibig sabihin noon hindi niya na kailangan ang serbisyo ko. Ibig lang sabihin noon pwede na akong bumalik kay Mam Jeann at matatahimik na ulit ang buhay ko.
"Hindi ka galit? Sigurado ka?" tanong nito. Kaagad naman akong tumango.
"Opo, hindi po ako galit Sir kaya matulog na kayo." sagot ko.
"Hihintayin na lang kita. Kaunting oras na lang naman iyan diba?" tanong nito.
Talaga naman! Ang kulit ng lalaking ito. Hindi ko na siya sinagot pa at mabilis na akong pumasok sa loob ng walk in closet.
Nagbihis lang ako ng damit pantulog. Ternong pajama at blouse.
Sanay na akong natutulog sa kabilang bahagi ng kama. Masyadong malaki ang kama at hindi kami nagkakasagian kaya walang malisya sa akin. Ang importante lang naman kasi sa akin ay ang makapag pahinga ng maayos at mabantayan si Sir. Iyun nga lang, hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng mahimbing ngayung gabi.
Chapter 503
ELLA POV
Katulad ng inaasahan, dilat na dilat pa rin si Sir Kenneth pagkalabas ko ng walk in closet. Mukhang pinanindigan talaga nito ang sinasabi niya sa akin na sabay na daw kaming matulog. Hindi naman ako pwedeng umangal dahil siya ang amo.
Inoff ko muna ang mga ilaw at hinayaang bukas ang lampshade bago ako naglakad patungong kama. Iniiwasan kong mapatingin sa gawi ni Sir Kenneth dahil nahihiya talaga ako sa kanya. Wish ko lang na sana makatulog ako ng mahimbing ngayung gabi. Sa dami ng nangyari kanina, talagang naguguluhan din ako.
"Sorry kung hindi ko napigilan ang sarili ko. Sana huwag kang magalit sa akin." narinig ko pang bigkas nito habang inaayos ko ang pagkakahiga ko sa kama. Nakatihaya ako habang nakatitg sa kisame.
"Sir, matulog na po kayo. Gabi na!" sagot ko naman sa kanya. Hangat maari ayaw ko na munang pag-usapan ang mga nangayari. Tsaka, bakit ba panay siya sorry? Ibig bang sabihin, pinagsisisihan niya din ang mga nangyari sa amin?
"Galit ka nga. Ayaw mo akong makausap eh." narinig ko na namang sagot niya. Mariin akong napapikit. Bakit ba ang kulit niya? Hindi niya ba naramdaman na ayaw ko munang makipag usap sa kanya? Hayssst, hindi talaga magandang idea na pati sa pagtulog kailangan ko siyang samahan.
Wish ko lang na sana dumating na ang time na muli siyang makalakad. Habang tumatagal kasi lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Katunayan doon ang muntik ko ng pagsuko ng bataan ko.
"Okay...matulog ka na. Bukas na lang ulit tayo mag-usap! Good night Ella!" muling wika nito nang mapansin niya marahil na wala siyang nakuhang sagot sa akin. Mariin akong napakagat sa sarili kong labi. Ayaw ko na siyang sagutin pa dahil ayaw ko nang humaba ang discussions namin. Baka kasi kung saan-saan na naman ang pag-uusap namin kung magtangka pa akong sagutin siya.
Lumipas ang ilang sandali pero heto ako ngayun. Dilat na dilat pa rin at kahit pilitin ko mang matulog hindi ko talaga kaya. Parang gusto ko na ngang mainggit kay Sir Kenneth eh. Nahihimbing na kasi siya sa pagtulog dahil naririnig ko na ang mahina niyang paghilik.
Nang hindi na ako nakatiis dahan- dahan na akong bumangon ng kama. Maingat akong naglakad patungo sa nakasarang pintuan ng kwarto.
Iniiwasan kong makalikha ng kahit na anong ingay dahil baka magising si Sir Kenneth at tatanungin niya na naman ako kung saan ako pupunta.
Balak ko kasing pumunta ng kusina at uminom ng gatas. Baka sakaling sa pamamagitan noon makatulog na ako. Medyo sumasakit na din kasi ang ulo ko dahil kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na makatulog pero hindi ko talaga kaya.
Maayos naman akong nakalabas ng kwarto at diretso akong naglakad patungong kusina. Una kong pinuntahan ay ang malaking ref at naglabas ng fresh milk. Inilagay ko muna sa baso at saglit na pina-init sa microwave. Mas masarap uminom ng gatas sa gabi kapag medyo maligamgam.
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa kusina bago ako nagpasyang bumalik ng kwarto. Medyo pumipikit-pikit na din kasi ang aking mga mata. Magandang seyales na makakatulog na ako ng mahimbing.
Pagkabalik ko ng kwarto, mahimbing pa ring natutulog si Sir Kenneth na siyang labis kong ipinag pasalamat. Bumalik ako sa dati kong pwesto at patuloy na nagdarasal na sana makatulog na ako at hindi nga ako nabigo. Sa wakas, inantok din at mabils akong nakatulog.
Nagising ako kinaumagahan sa marahang haplos sa pisngi ko. Dali dali akong nagmulat ng aking mga mata at ang nakangiting mukha ni Sir Kenneth ang kaagad na sumalubong sa akin. Nakatunghay siya sa akin habang titig na titig sa aking mukha.
"Si-Sir...lumagpas po kayo sa boundary?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paguhit ng ngiti sa labi niya.
"Good Morning Ella! Sobrang sarap ng tulog mo kaya nahihiya na akong gisingin ka." nakangiti nitong sagot sa akin. Para namang may kung anong bagay ang biglang humaplos sa puso ko. Bakit kaya feeling ko kaysarap pakingan kapag sinasambit niya ang pangalan ko? Parang feeling ko §Ã¡§Ã‘§Ã¢§Ã‘§Ãœ§Ã‘ -special ko.
"Ha? Naku, pasensya na! Late na yata akong nagising." sagot ko at akmang babangon na ng pigilan niya ako.
"Maaga pa. Dont worry, kahit mamayang alas diyes ka na magising ayos lang sa akin." nakangiti ntong sagot sa akin.
In fairness ang ganda ng mood niya ngayun ha? Mukhang maganda ang gising nitong amo ko.
"Bakit po kayo lumapit sa pwesto ko. Doon po kayo sa kabila ah?" hindi ko napigilang angal. Ayaw ko sanang sirain ang umaga niya pero may usapan kami na huwag lumagpas sa boundary eh.
"Ako ba ang lumagpas? Sa naalala ko hindi naman ako malikot matulog ah?" sagot nito. Hindi na ako nagpapigil pa. Dali-dali akong bumangon ng kama at nagpalinga-linga.
Tama siya. Hindi siya lumagpas sa bounday dahil ako itong nasa may pwesto niya. Wala na ako sa dati kong pwesto at sinakop ko na iyung kanya.
Nang ma-realized ko ang bagay na iyun parang gusto ko nang iuntog ang sarili ko sa pader. Diyos ko, kay aga- aga napahiya na naman ako. Sa sobrang himbing ng tulog ko hindi ko na yata napigilan pa ang sarili ko na maglulumikot sa kama. Hindi ko namalayan na pati pwesto ni Sir Kenneth narating ko na.
Chapter 504
ELLA POV
Ano na naman ito? Sabi ko iiwas ako eh pero bakit parang ipinagkanulo yata ako ng sarili kong katawang lupa? Hindi naman ako ganoon kalikot matulog pero paano ako nakarating dito sa pwesto ni Sir Kenneth?
"Natulala ka na diyan! Alam kong gwapo ako kahit wala pa akong hilamos pero huwag mo akong titigan ng ganiyan. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapaaga ang honeymoon natin eh!" wika ni Sir Kenneth kaya kaagad akong nag iwas ng tingin sa kanya.
Ano na naman kaya itong sinasabi niya? Honeymoon daw? Bakit kasal na ba kami or balak niya ba akong pakasalan? Pero hindi naman siya nanliligaw sa akin ah? Wala din kaming relasyon at imposibleng ma- inlove siya sa akin. Mayaman siya tapos dukha ako. Isa pa, nakakah?ya din sa mga magulang niya. Baka isipin nila bantay salakay ako eh!
"Ella...pwede bang ganito na lang tayo palagi? Makakapag hintay ka pa ba ng ilang buwan hanggang sa gumaling ako? "narinig kong tanong niya. Muli tuloy akong napatitig sa mga mata niya at kita ko na kung gaano siya ka-seryoso ngayun. Nangungusap ang mga mata niya na parang may gustong ipahiwatig sa akin.
Wala sa sariling napatitig ako sa kanyang lips. Ang labi niya na ilang beses ng dumampi sa labi ko. Parang gusto ko tuloy hilingin kay Lord na kung panaginip lang ang lahat huwag na muna niya akong gisingin. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasa bisig ni Sir Kenneth. Feeling ko nga ako na yata ang pinaka-maswerteng babae sa mundo dahil yakap niya ako ngayun.
"Oo naman! Hindi po ba at nag- promise ako sa inyo na hangat kailangan niyo ako hindi ako aalis sa tabi niyo? Asahan niyo po na tutuparin ko ang pangakong iyun!" sagot ko sa kanya habang titig na titig din sa kanyang mga mata.
"Talaga? Aasahan ko iyan at sana kahit na magaling na ako hindi ka pa rin magsasawa na intindihin ako. Hindi ako perpektong lalaki pero kapag magaling na ako hayaan mong ako naman ang mag aalaga sa iyo!" nakangiti nitong sagot sa akin.
Hindi ko naman maiwasan na magtaka dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ibig bang sabihin na kahit magaling na siya kailangan niya pa rin ako? Kailangan niya pa rin ang serbisyo ko?
Tsaka bakit parang ang sweet niya ngayun? Gosh, hindi kaya in love na din si Sir sa akin at ang ipinapakita niya ngayun ay paraan niya para mahulog na din ako sa kanya?
'Ano ba self! Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Relax lang...si Sir Kenneth ay amo mo kaya huwag kang ganiyan.' hindi ko mapigilang kastigo ko sa sarili ko ng ma-realized kong pinagpapantasyahan ko na naman siya.
Sa isiping iyun parang gusto ko na naman kaltukan ang sarili ko. Sa sobrang advance kong mag isip kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Malay ko ba kung kailangan lang pala ni Sir ng mag comfort sa kanya kaya yakap-yakap niya ako. Hangat hindi ko maririnig mula sa bibig nya ang three magic words na 'I love you' hindi ako maniniwala na may gusto din siya sa akin.
"So-sorry po Sir! Na-naisturbo ko ba kayo? Sorry po talaga!" hinging paumanhin ko sa kanya para maiba naman ang topic. Tsaka para ipa- realized sana sa kanya na kung pwede bitawan niya na ako. Para kasing wala siyang balak na pagkawalan ako eh.
"No! Ayos lang! No need to say 'sorry'. Ang sarap nga ng tulog ko eh. Masarap pala ang ganitong may kayakap."
ramdam ko sa boses niya ang lambing habang binibigkas niya ang katagang iyun kaya muli akong napatitig sa kanyang mukha.
Tama nga ako..nangingislap na naman sa tuwa ang kanyang mga mata. Kulang na lang din na halos magkaamuyan na kami ng hininga sa sobrang lapit ng aming mga mukha.
Parang gusto ko tuloy mahiya. Kumusta naman kaya ang amoy ng hininga ko? Buti itong si Sir Kenneth wala akong naaamoy na kakaiba sa kanya eh....fresh na fresh pa rin ang hininga niya!
"Ahmmm Sir...ba--bangon na po ako.
"bigkas ko sa kanya. Parang hindi ko na kasi talaga matatagalan itong pwesto naming dalawa eh. Talo pa namin ang bagong kasal.
"Hmmm, mamaya na! Kumportable pa ako sa ganitong pwesto eh." malambing na sagot nito kasabay ng pagdampi ng labi niya sa noo ko. Para naman akong mahihimatay na sa sobrang lakas ng kabog ng dibidib ko.
""Eh...hi-hindi pwede! Hi---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat
"Bakit hindi pwede? Ayaw mo ba sa akin? Nandidiri ka ba sa akin?" tanong nito na may kalakip ng lungkot sa kanyang boses. Kaagad naman akong umiling.
"Naku! Hindi naman po sa ganoon Sir! Ang bango niyo nga po tapos ang tigas ng ano niyo...nang--"
"Nang alin? Hmmm?" malambing na sagot nito habang titig na titig pa rin siya sa akin. Hindi ko na tuloy maiwasan pang mapalunok ng sarili kong laway. Parang gusto na tuloy kwestiyunin ang sarili ko kung tama pa ba itong nangyayari sa amin? Normal lang ba talaga sa mag- amo ang magkayakap sa ibabaw ng kama?
"Kuwan...ang muscle niyo po! Opo, matigas po siya." sagot ko sabay ngiti ng pilit. Nagulat na lang ako dahil bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Wala naman sa sariling napatitig ako sa kanya.
"Bakit po kayo tumatawa? Alin po ang nakakatawa?" nagtataka kong tanong.
"Wala naman...nakakatuwa ka kasi eh. Hintayin mo lang na gumaling ako at malalagot ka talaga sa akin!" sagot nito at lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Nagtataka man sa sinabi niya pero hindi na ako nag abala pang magtanong.
Sa totoo lang, sobrang kumportable ng posisyon namin ngayun. Ramdam ko din kasi ang init na nagmumula sa katawan niya. Nakak-relax at parang gusto kong matulog ulit.
Ganito pala talaga ang feelings kapag mayakap ka ng isang gwapong Kenneth Villarama Santillan. Para akong idinuduyan sa alapaap.
Iyun nga lang hindi habang buhay na ganito kami. Lalo na at kanina pa ako naiihi. Kailangan ko ng gawin ang morning routine ko para makakain na din siya ng breakfast niya. May iinumin din kasi siyang gamot.
"Ahmmm Sir...pwede bang bitaw muna? Ano kasi eh...naiihi na ako." nahihiya kong bigkas sa kanya. Wala naman kasi akong naisip na ibang idadahilan at totoo naman talagang kanina pa ako naiihi.
Chapter 505
ELLA POV
Mabuti na lang at natapos din ang yakapan portion namin ni Sir Kenneth at pinayagan niya akong makaihi. Iyun nga lang humirit pa ng isa pang kiss kaya wala akong choice kundi pagbigyan.
Mabilisang kiss lang naman kaya walang problema. Hindi na din kasi talaga ako pwedeng magtagal dahil naiihi na ako at mukhang ramdam niya din yata iyun kaya hindi niya na ako kinulit pa. Takot din yata na baka pumutok ang pantog ko dahil sa pagpipigil ng ihi ko noh.
Sa totoo lang nagtataka talaga ako sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa pero hindi naman pwedeng iyun na lang palagi ang iisipin ko. Ayaw ko din kasing mapabayaan ang trabaho ko.
Iniisip ko na lang na kaya siguro naglalambing si Sir Kenneth sa akin dahil maayos ang ginagawa kong pag aalaga sa kanya. Feeling ko, iniisip niya talaga na kakampi niya ako at hindi ko siya pababayaan kahit na ano ang mangyari.
Pagkalabas ko ng banyo napansin kong nakaupo na ito sa kanyang kama. Ito na din ang chance na siya na ang gagamit ng banyo. Nagagawa niya ang morning routine niya nang hindi niya na kailangan ang tulong ko. Iyun nga lang kailangan ko siyang i-monitor dahil kaligtasan pa rin niya ang top priority ko. Pagkatapos niyang gumamit ng banyo iyun naman ang chance ko para ihanda ko ang pagkain at gamot niya.
"Hintayin mo na lang ako Ella. Mabilis lang ako sa banyo. Sa dining area na ako kakain ng breakfast and after that tatambay ako ng garden para magkaroon ka din ng time na iligpit ang mga gamit na pinamili natin kahapon." nakangiti nitong wika sa akin bago niya pinagulong ang kanyang wheel chair papasok ng banyo. Tango na lang ang naging tugon ko sa kanya habang nakasunod ang tingin ko sa kanya.
Nang masiguro ko na ayos na siya sa banyo, nilligpit ko na lang muna ang kama namin. Tinupi ko ang mga ginamit namin na kumot at inayos ang beddings. Kung cooperative si Sir
Kenneth hindi naman talaga mahirap ang trabaho ko kung tutoosin. Mabilis lang naman siyang alagaan dahil wala naman siyang ginagawa buong maghapon kung hindi magbasa ng libro o di kaya nagla-laptop.
"Ella, can you help me...please?" natigil ako sa aking ginagawa ng marinig kong tinatawag ako ni Sir Kenneth. Dali-dali akong pumasok ng banyo at naabutan ko siyang naghuhubad na ng kanyang suot na tshirt.
"Maliligo na muna ako. Paki- tulungan naman akong maka-transfer oh?" Wika nito na kaagad naman akong tumalima. Tinulungan ko muna siyang mahubad ng tuluyan ang kanyang t-shirt bago ko siya inalalayan na makatransfer siya sa isa pang upuan na nasa ilalim ng shower.
Palagi ko naman sanang nakikita ang hubad niyang katawan niya pero ewan ko ba. Hindi pa rin ako sanay. Kinakabahan pa rin ako tuwing napapasulyap ako sa macho niyang dibdib. Kahit nakaupo pa rin itong si Sir Kenneth macho pa rin naman kasi eh. Parang ang sarap pisil-pisilin ng dibdib niya. Parang kay sarap panggigilan.
"Tutulungan na kita Sir. Medyo masyado pang maaga para maligo at hindi po kayo pwedeng magbabad ng matagal sa ilalim ng shower." wika ko sa kanya.
Nitong mga nakarang araw ayaw niyang pumayag na tinutulungan ko siyang maligo at sana pumayag na siya ngayun. Ito din kasi ang kauna- unahang pagkakataon na gusto niyang maligo nang sobrang aga pa. Wala pa ngang laman na kahit anong pagkain ang sikmura niya eh. Nag aalala ako na baka mapaano siya at hindi ko naman siya pwedeng pigilan kung gusto niya na talaga maligo. Baka isipin niya pakialamera ako at napaka-moody niya pa naman.
"Are you sure! Aba at hindi ko tatangihan iyan!'" nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng galak.
Sa wakas pumayag din. Ini-on ko na ang shower at tinimpla ko muna ng saktong temperatura ang tubig bago ko itinapat sa katawan niya.
"Ella, ano nga pala ang plano mo kung sakaling muli na akong
makalakad?" mina-massage ko ang shampoo sa kanyang buhok ng narinig ko ang tanong niya.
"Ano ang plano ko? Una...siyempre, iko-congratulate kita. Pangalawa, siguro hindi mo na kailangan ang serbisyo ko kaya makikusap ako kay Mam Jeann na kung pwede ako na lang ulit ang mag aalaga kay Baby Russell." sagot ko.
Ewan ko ba...habang sinasabi ko ang katagang iyun hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.. Nakaka- lungkot din palang isipin na malapit nang matapos ang pagseserbisyo ko sa kanya. Kahit na palagi siyang nagsusungit sa akin alam kong malaking bahagi ng puso ko ang naangkin niya na.
"Paano kung hindi ako papayag?" sagot nito. Napakunot noo naman ako dahil sa sagot niya. Hindi ko kasi gets kung bakit hindi siya papayag.
"PO? Anong hindi papayag? Bakit hindi kayo papayag?" naguguluhan kong tanong
"I mean, kahit na magaling na ako... paano kung ayaw kong umalis ka na sa tabi ko? Willing ka bang mag-stay?" tanong nito
"Mag stay...ibig niyong sabihin,
gagawin niyo po akong alalay?" nagtataka kong tanong. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago niya mabilis na hinawakan ang aking kamay at nagulat ako dahil dinala niya iyun sa kanyang dibdib at idinikit.
"Nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko Ella? Nararamdaman mo ba kung gaano kalakas ang kabog niyan?" tanong nito. Parang gusto kong pagpawisan ng malapot dahil sa mga pinang-gagawa niya.
Ano na naman kaya ito? Akala ko ba tapos na ang paglalambing niya tapos heto na naman. Ano ba talaga ang gustong ipakahulugan sa akin ni Sir Kenneth? Bakit napaka-cheesy ng pakikitungo niya sa akin?
"Paano kung sabihin ko sa iyo na mag stay ka hindi para maging tagapag- alaga ko kundi maging girl friend ko... papayag ka ba?" tanong nito na parang bomba na sumabog sa pandinig ko.
"Po? A-ano pong----"
"I love you Ella! Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa pero naramdaman ko na lang sa sarili ko na mahal na kita. Na ikaw ang dahilan kaya umaasa ako ngayun na gagaling ako at muling manumbalik sa dati ang aking lakas. Gusto kong makalakad ulit dahil sa iyo! " madamdamin na sagot nito habang hindi niya iniaalis ang pagkakatitig sa aking mukha.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil naramdaman ko na lang ang pagkabasa ng aking pisngi.. Hindi ko na pala namalayan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Chapter 506
ELLA POV
Sino ba naman ang hindi maluluha sa sinabi niya gayung hindi ko ito inaasahan. Ni sa hinagap hindi ko na- imagine na pwede din pala akong magustuhan ng isang kagaya ni Sir Kenneth. Pakiramdam ko tuloy ako na yata ang pinaka-masaya at pinaka- maswerteng babae sa balat ng lupa.
Imagine...mahal niya daw ako? Talaga bang pwede akong mahalin ng kagaya ni Sir Kenneth? Posible ba talagang humalik ang langit sa lupa?
Sabagay, ilang beses na nga ba kaming naghalikan? Kulang na lang talaga ang salitang I love You para maniwala ako na may gusto din siya sa akin at ngayung narinig ko na ang katagang iyun mula sa kanya hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot ko.
Para kasing hindi ako makapag isip ng tama eh. Ramdam ko din ang kilig sa buo kong pagkatao. Pero talaga bang gusto niya ako? Talaga bang mahal niya ako? Hindi kaya naguguluhan lang siya dahil wala naman siyang ibang nakikitang iba halos araw-araw kundi ako lang.
Sa isiping iyun ang tuwang naramdaman ko kanina lang ay kaagad na napalitan ng takot at pag aalinlangan. Paano kung nasabi niya lang ang katagang iyun sa akin dahil masyado lang siyang natuwa?
Haysst, ano ba ang isasagot ko kanya? Alangan naman na mag i love you too kaagad ako diba? Baka isipin niya ang bilis ko namang sagutin siya. Tsaka hindi ba talaga uso sa mga mayayaman ang panliligaw? N*******n niya na ako lahat-lahat tapos ngayun niya lang sabihin sa akin na mahal niya ako!
"Hey...hindi ka na nakasagot diyan.
Sana hindi ka nabigla sa sinabi ko ngayun lang. Actually wala naman talaga sana akong balak na sabihin sa iyo ito dahil gusto kong magaling na magaling na ako bago kita liligawan kaya lang hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko Ella. Mahal na kita! Mahal na mahal!" muling wika nito.
Parang may mainit na bagay ang humaplos sa puso ko habang binabangit niya ang katagang iyun. Kay sarap kasi talaga sa pandinig eh. Feeling ko nga ang ganda-ganda ko. Gayunpaman kailangan kong gumising sa katotohanan na imposible ang lahat ng sinasabi niya. Gusto ko pa din naman makasigurado kung talagang may gusto siya sa akin. Kung talagang mahal niya ba talaga ako.
"Sir... paano pong nangyari iyun? Baka- --baka naguguluhan lang po kayo! Imposible po kasi eh." nawiwindang kong sagot sa kanya.
"Bakit imposible? Dahil ba sa kondisyon ko? Hindi mo ba ako magugustuhan dahil hindi ako makalakad?" sagot niya. Sa pagkakataon na ito ramdam ko na ang lungkot sa kanyang boses. Kaagad naman akong umiling.
"Naku, hindi naman po sa ganoon Sir. Ang swerte kaya ng babaeng magugustuhan niyo. Kahit habang buhay pa kayong hindi makalakad talagang kaibig-ibig pa rin naman po kayo. Ang gwapo niyo kaya!" sagot ko naman sa kanya. Natigilan ito kasabay ng pagpisil niya sa palad kong hawak niya pa rin.
"Talaga? Ibig mong sabihin may chance talaga na magugustuhan mo din ako?" sagot nito habang titig na titig sa aking mga mata. Natameme naman ako.
Naguguluhan pa din kasi talaga ako kung aamin ba ako na gusto ko na din siya. Na parang mahal ko na din siya. Hindi naman siguro ako mag eenjoy sa kissing namin kung hindi ko siya gusto.
Kaya lang natatakot ako. Paano kung nagkamali lang pala siya sa nararamdaman niya para sa akin? Paano kung masyado lang siyang nadala sa init ng halikan namin? Ako ang palagi niyang kasama kaya siguro na-develop ang feelings niya sa akin. Pero paano kung makalakad na siya ulit? Paano kung hindi niya na ako kailangan?
Mayaman siya mahirap ako at kapag tuluyan na siyang gumaling iyun na din ang chance na muli siyang makikihalubilo sa ibang mga tao. Pati na din sa ibat ibang babaeng kapantay ng status ng buhay niya. Eh paano ako? Hindi niya ako maipagmamalaki sa ibang tao dahil dukha ako tapos walang pinag aralan.
Natatakot ako na baka sa bandang huli ako din ang talo. Baka sa bandang huli ako lang ang iiyak dahil minsan akong nagpaka-tanga at naniwala sa sinasabi niya ngayun.
Ayos lang sana kung ako lang ang masaktan! Pero paano naman ang mga magulang ko na umaasa sa akin?
Kawawa din sila kapag mabaliw ako sa pag ibig. Hindi ako pwedeng maging makasarili dahil may mga bibig na dapat kong pakainin na umaasa sa akin.
Hindi talaga pwede! Kahit siya ang sinisigaw ng puso ko hindi ko talaga siya pwedeng mahalin at bigyan ng chance. Ayos na ako sa ganitong klaseng istado ng buhay. Sumi-sweldo ako at napapadalahan ko ng pera ang mga magulang at kapatid ko. Masaya na ako na nakakakain na sila ng tatlong beses sa isang araw.
Iyun lang ang dapat kong isipin at hindi ang pag-ibig na iyan.
Nakakatakot talaga kasing sumugal sa taong hindi ko alam kung hanggang saan ang nararamdaman niyang pag ibig sa akin. Baka init lang ng katawan ang lahat at sa bandang huli ako ang maiiwan na luhaan.
"Hindi po pwede! Sorry po pero amo lang po talaga ang tingin ko sa inyo." mahinang sagot ko sa kanya at kaagad na nag iwas ng tingin. Natatakot akong baka ipagkanulo ako ng sarili kong nararamdaman.
"Hindi mo ako gusto? Wala kang nararamdaman na kahit na kaunting pagtingin sa akin?" narinig kong tanong niya. Bakas sa boses niya na ang pait kaya para namang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.
"Magpagaling po kayo Sir. Kapag magaling na kayo, doon niyo lang po mare-realized kung hanggang saan po ba ang nararamdaman niyo para sa akin. Sa ngayun, sana po ituring niyo akong katulong niyo para hindi po tayo magkailanganan." mahina kong sagot sa kanya.
Naramdaman ko naman ang dahan- dahan niyang pagbitaw sa kamay ko at buong pait akong tinitigan.
"So basted ako? Hindi mo ako type at ayaw mo sa akin?" malungkot na sagot nito. Hindi naman ako nakaimik.
Chapter 507
ELLA POV
Anong hindi ko siya gusto? Gusto ko siya? Mahal ko siya kaya lang natatakot ako! Naduduwag ako!
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang mapatingin ako sa kanyang buhok. Hindi pa pala siya nababanlawan at ngayun ko lang din na -realized na kailangan niya na palang tapusin ang paliligo niya
"Naku, kailangan niyo na pala magbanlaw Sir Kailangan niyo na pala tapusin ang paliligo niyo. Kanina pa po kayo nakababad sa tubig at baka magkasakit kayo." taranta kong wika at muling binuksan ang tubig sa shower. Hindi na ito umimik pa kaya naman itinuloy ko na ang pagpapaligo sa kanya
Ako na din mismo ang nagsabon sa buo niyang katawan. Pati nga paa niya hindi ko pinalagpas eh. Walang malisya pero sa kaloob-looban ng puso ko asiwang asiwa ako. Sino ba naman ang hindi maaasiwa kung ganitong mala-adones na katawan ang nasa harapan mo diba?
Hindi na ulit umimik pa si Sir Kenneth hanggang sa natapos siyang maligo. Pabor naman sa akin iyun dahil hindi ko talaga alam kong paano kikilos sa harapan niya. Bahala na siya kung nasaktan man siya sa pang- babasted ko kuno sa kanya pero panindigan ko ang desisyon ko dahil iyun naman talaga ang tama. Hindi pwedeng humalik ang langit sa lupa at hindi ako si Cinderella na magugustuhan ng poging prinsepe na kagaya ni Sir Kenneth.
Pagkatapos niyang magbihis kusa na din siyang lumabas ng kwarto. Malaking tulong talaga sa kanya ang high tech niyang wheel chair. Pwede siyang mag walk out anytime na gusto niya.
Hindi niya na din talaga ako inimik pa at sobrang seryoso ng kanyang mukha. Parang gusto ko na tuloy pagisisisihan ang 'pang-babasted' ko sa kanya dahil parang dinibdib niya talaga. Hindi din ako sanay na ganito siya katahimik. Parang mas tangap ko pa nga na sigaw- sigawan niya ako kaysa naman ngayung parang ayaw niya akong kausapin. Parang hindi ako nag-eexist sa paningin niya.
Siguro, hindi siya sanay na tanggihan ng mga babae. Hindi siya sanay ma- basted lalo na ng isang kagaya ko.
Sa isiping iyun lalo akong nakaramdam ng lungkot. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ng kwarto at nang dumako ang tingin ko sa mga pinamili niya sa akin kahapon para gusto ko na tuloy maiyak.
Nag effort siya na bilihin sa akin ang mga gamit iyun sa kabila ng kondisyon niya. Kung talagang mahal niya ako sana maintindihan niya kung ano man ang desisyon ko ngayun. Wala akong ibang hangad para sa kanya kundi ang gumaling siya. Iyun lang at wala ng iba.
Nagligpit lang ako ng kwarto at nang masiguro ko na ayos na mabilis na din akong lumabas ng kwarto. Hahanapin ko muna si Sir Kenneth at kapag masiguro ko na ayos na siya balak kong dumirecho ng kusina para makakain na din. Nakakaramdam na din kasi ako ng gutom eh.
Sa dining area lang ako dumirecho at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapansin ko na kumakain na si Sir Kenneth kasabay ng kanyang mga magulang. Mabuti naman at kusa na siyang pumunta dito sa dining area para makakain na siya. Kaya niya naman talaga kung tutoosin kaya lang pinapairal niya kasi talaga ang pagiging tupakin niya eh.
Akmang paalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni Madam Arabella. Tinatawag niya ako kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh, Ella..nandiyan ka pala. Kumain ka na ba? Kumain ka muna." nakangiting wika nito sa akin. Napatingin ako kay Sir Kenneth at hindi ko maiwasang masaktan dahil hindi naman siya tumingin sa gawi ko. Nasa pagkain ang buo niyang attention kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot.
Parang dinibdib niya talaga siguro ang sinabi ko sa kanya kanina. Hayssst, balik na naman siguro kami sa dati.
"Sa kitchen na lang po Mam. Sasabay na lang po ako kina Manang." pilit ang ngiting sagot ko.
"No, sumabay ka na sa amin. Maraming pagkain at balak yata ni
Maraming pagkain at balak yata ni Kenneth na tumambay ng garden pagkatapos nito kaya sumabay ka na para masamahan mo siya." sagot ni Madam. Hindi naman ako nakaimik.
"Hayaan niyo siya My. Hindi natin pwedeng pilitin ang taong ayaw!" narinig ko namang sabat ng seryosong si Sir Kenneth.
Hindi ko naman maiwasan na masaktan dahil sa sinabi niya. Wala na talaga siyang pakialam sa akin. Tama talaga siguro ako na hindi niya ako mahal at ego niya lang ang nasaktan dahil binasted ko siya.
Parang gusto ko nalang tuloy munang mag day- off para maiwasan muna si sir Kenneth. Feeling ko kasi talaga masama ang loob niya sa akin eh. Sabagay pagkakataon ko na din siguro na gamitin ang day off ko. Simula kasi ng mamasukan ako sa kanila never pa akong nakapag day off. Pagkakataon ko na sigurong magpaalam ngayun. Total naman mukhang walang lakad sila Madam at ayaw yata akong pansinin ni Sir Kenneth. Parang gusto ko tuloy sumama ka Ate Lani na mamasyal dahil day off niya din ngayun.
Chapter 508
ELLA POV
"Gusto mong mag day off? Bakit parang biglaan naman yata Ella?"
tanong sa akin ni Madam. Kinatok ko siya dito sa kwarto nila pagkatapos kong ihatid si Sir Kenneth sa garden. Hindi niya pa rin kasi ako kinikibo at feeling ko talaga hindi na ako nag eexist sa buhay niya kaya iniwan ko nalang siya doon. Bahala na siya. Porket basted siya sa akin ayaw niya na akong kausapin? Nakakasama naman siya ng loob!
"Kung pwede po sana Madam. Pero kung hindi naman po pwede ayos lang naman po!" nahihiya kong sagot.
"May importante ka bang pupuntahan? May gagawin ka ba kaya ka biglang nagpaalam? Pwede naman kitang pasamahan sa driver kung importante talaga ang lakad mo!" sagot ni Madam Arabella sa akin.
"Naku, hindi naman po ganoon ka importante po Madam. Ano po kasi... gusto ko po kasing sumama kay Ate Lani na lumabas. Mamimili daw po kasi siya sa Divisoria kaya gusto ko po sanang sumama sa kanya" nahihiya kong sagot.
Ito talaga siguro ang mahirap kapag sobrang bait ng amo mo eh.
Nakakatakot gumawa ng kasalanan. Tsaka...hindi ko din sure kung pupunta mamaya ng Divisoria si Ate Lani. Noong nakaraang day off kasi ipinagmalaki niya sa amin na doon siya galing kaya ang dami niyang bitbit noong umuwi siya kaya gusto ko din sana ma-experience iyun. Although marami naman na sanang ipinamili na mga gamit ko si Sir Kenneth pero wala akong balak na gamitin ang mga iyun lalo na at hindi niya ako kinikibo ngayun.
"Nakapag-paalam ka na ba kay
Kenneth? Pumayag ba siya?" seryosong tanong ni Madam. Parang ligwak yata. Parang ayaw niya akong payagan.
'Hindi po! Ayaw niya po kasi akong
kibuin." nahihiya ko pa ring sagot.
"Masanay ka na sa batang iyun. Tupakin talaga! Bweno, kung gusto mo talagang mag day off ngayun wala naman akong magagawa. Okay... sumama ka kay Lani at magliwaliw kayo. Kami na muna ang bahala kay Kenneth. Pero sa susunod kapag may balak kang mag day off ulit, magsabi ka in advance para aware din kami." sagot ni Madam. Nahihiya naman akong tumango.
"Pasensya na po kayo Madam. Hayaan niyo po, sa susunod magpapaalam po ako sa inyo ng mas maaga!" sagot ko.
"Okay...sige! Wala namang problema kung lalabas ka ngayun. Since weekend naman ngayun, isasama din naman namin si Kenenth sa mansion kaya wala ka din namang gagawin. Magrelax ka muna. Mag enjoy ka sa day off mo Ella!" nakangiting sagot ni Madam. Hindi ko naman napigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. SA wakas, makakalabas na din ako ng bahay na hindi kasama ang amo ko. First day off ko ito kung tutuusin kaya sisiguraduhin ko na mag eenjoy ako.
"Salamat po Madam! Salamat po!" excited kong sagot. Tumango si Madam at sininyasan niya akong maghintay muna at mabilis itong pumasok sa loob ng kwarto. Nagtaka na lang ako dahil pagkalabas niya may iniabot siya sa aking puting sobre.
"Naku, huwag na po Madam. May pera naman po ako." nahihiya kong tanggi. Nakakahiya naman kung bibigyan niya ako ng pera gayung ang laki na nga ng sinasahod ko sa kanya eh.
"Tanggapin mo ito. Isipin mo na lang ng ito iyung bayad sa mga day off na hindi mo nagamit." Nakangiting sagot ni Madam. Muli akong umiling.
"Ayos na po talaga Madam! Nakakahiya po!" sagot ko na may kasabay pang pag iling. Natawa naman si Madam sabay hawak sa kamay ko at ipinatong niya ang sobre na alam kong pera ang laman. Sa sobre na iyan kasi nilalagay ang pera kapag sahod namin.
"Huwag ka nang mahiya. Alam kong tuwing sahod mo diretso mong pinapadala sa mga magulang mo ang pera. Gamitin mo ang perang iyan at bilihin mo lahat ng gusto mo. Isipin mo na lang na advance Christmas bonus mo iyan sa amin. Sige na...magbihis ka na para maaga din kayong makabalik."
sagot ni Madam sa akin kaya wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lang. Nakakahiya talaga! Binigyan niya pa ako ng bonus gayung ako itong may pinakamalaking sahod kumapara sa mga kasamahan kong kasambahay.
Pagakatapos makapag paalam kay Madam, mabilis akong naglakad patungong servants quarter. Naabutan ko pa si Ate Lani na abala sa harap ng salamin. Naglalagay na ito ng lips stick at ano mang sandali mukhang paalis na sya. Nagulat pa siya ng mapansin niya ang pagdating ko.
"Ate Lani may date ka ba ngayun? Pwede ba akong sumabay sa iyo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Napatitig pa ito sa akin habang bakas ang pagtataka sa kanyang mga mata.
"Bakit, saan ka pupunta?" tanong nito. Hindi ko siya masisisi dahil simula noong natrabaho ako sa bahay na ito never pa din yata nila na napansin na nag day off nga ako. Kaya nga galit na galit sa akin si Marites dahil feeling nya nagsisipsip ako sa mga amo namin.
"Day off ko din ngayun Ate kaya balak ko sanang sumabay sa iyo." nakangiti kong sagot kasabay ng pamimilog ng mga mata nito dahil sa pagkagulat.
"Day off mo? May day off ka na?" nagtataka nitong tanong. Nakangiti akong tumango
"Oo...may day off na ako kaya kung pwede sasama sana ako sa iyo. Kung may date kayo ng boyfriend mo ayos lang na third wheel ako. Hindi ko kasi talaga kabisado ang Metro Manila kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iyan din ang isa sa mga dahilan kaya hindi ako nagdi-day off." nakangiti kong sagot.
"Naku Ella ayos lang iyan. Sige na, magbihis ka na para makaalis na tayo. Mas maganda nga na may kasama ako eh para mas masaya!" ngiting-ngiti na sagot ni Ate Lani. Mukhang masaya din ito na sasabay ako sa kanya.
"Sige Ate...sandali lang ako. Magbibihis lang ako tapos aalis na kaagad tayo." tuwang tuwa kong sagot at mabilis na nagalakad papasok ng bahay. isa pa sa kinaiinggitan sa akin ni Marites ay ang pagtira ko sa loob ng bahay imbes sa servants quarter.
Mabuti na lang talaga at sisante na siya dahil siya lang naman itong masama ang ugali. Ang iba namang mga kasamahan kong kasambahay katulad nila Ate Lani at Manang ay mababait naman.
Pagkatapos kong magbihis kaagad na kaming lumarga ni Ate Lani. Walang mas higit na excited kundi ako lang. Jeep at bus daw ang sasakayan namin kaya masayang masaya ako. Para kasing hinahanap na ng katawan ko ang polluted na usok ng tambutso ng jeep eh. Simula kasi ng naging kasambahay ako ni Madam Jeann tapos kay Sir Kenneth na ngayun hindi ko na talaga nararanasan iyun.
Chpater 509
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
Sino ba naman ang hindi sasama ang loob kong na-basted ka diba? Kainis! Katakot-takot na lakas na loob ang inipon ko para maamin ko sa kanya na mahal ko siya tapos babasterin niya lang ako?
Aminado talaga ako na nasaktan ako sa sinasabi ni Ella sa akin kanina! Ayaw niya daw sa akin dahil baka magbago pa ang feelings ko sa kanya or baka naman wala talaga siyang pagtingin sa akin dahil sa kalagayan ko ngayun? Pero hindi eh..pumayag siyang magpahalik sa akin ng makailang ulit tapos hindi niya ako gusto? Na wala siyang pagtingin sa akin?
Hindi niya ba alam na sobrang dami ng babaeng naghahabol sa akin?
Pasalamat nga siya dapat dahil mahal ko siya pero bakit ayaw niya sa akin?
Ayaw niya akong maging boyfriend at amo lang daw ang tingin niya sa akin?
Kung nasaktan ang ego ko dahil sa pag iwan sa akin ni Vina noon parang mas masakit ang pamba-based sa akin ni Ella ngayun. Kung saan naman sigurado na ako sa sarili ko na siya na lang ang mamahalin ko tsaka ko naman malaman mula sa kanyang bibig na wala siyang gusto sa akin. Ang sakit kaya! Ang hirap tanggapin.
"Bro...mainit na ah? Sasama ka ba sa amin sa mansion?" natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ng kapatid kong si Jeann. Hindi na ako nagtaka dahil maaga talaga siya minsan kung pumunta dito sa bahay para dumalaw.
"Kayo na lang! Wala pa ako sa mood na makiharap sa mga pinsan at mga kamag anak natin." malamig na sagot ko sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang nag ismid nito sabay sipat ng tingin sa akin.
"Mainit na naman ang ulo mo? Hayy naku, bilib na talaga ako kay Ella. Buti nalang at napagta-tyagaan ka niyang alagaan sa ugali mong iyan!" sagot naman nito sa akin. Naiinis na tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Kung pumunta ka dito para dagdagan mo ang inis na nararamdaman ko ngayun pwede bang umalis ka na sa harap ko? Wala ako sa mood para makipag usap ngayun." galit ko nang wika sa kanya. Hindi naman ito nagpatinag bagkos nginisihan pa ako.
"Hayyy naku! Hindi ka pa rin nagbabago. Mainitin pa rin ang ulo mo. Parang gusto ko na tuloy kunin si Ella sa iyo. Hinahanap na siya ni Baby Russell kaya kakausapin ko si Mommy mamaya na hanapan ka ng bagong alalay." sagot nito sa akin na lalong nagpasiklab sa inis na nararamdaman ko. As if naman papayag ako noh? Kahit binasted na ako ng Ella na iyun hindi ako papayag na umalis siya sa tabi ko. Mananatili sa tabi ko ang babaeng iyun hanggang sa matutunan niya akong mahalin.
Tama...hindi ako basta-basta susuko. Pasasaan ba at mahuhulog din sa mga kamay ko ang babaeng iyun. Ang dapat ko lang gawin ngayun ay maghintay ng perfect timing at magpagaling. Kapag magaling na ako hindi na ako mahihindian ng babaeng iyun. Pipilitin ko siyang mahalin niya din ako. Gagawin ko ang lahat para maging akin siya!
"Huwag mong subukan kung hindi habang buhay talaga kitang hindi kikibuin!" galit kong sagot kay Jeann. Nagulat na lang ako dahil malakas itong tumawa. Galit ko naman siyang tinapunan ng masamang tingin.
"May nakakatawa ba? Nababaliw ka na ba?" galit kong tanong sa kanya. Natatawang umiling naman ito ng makailang ulit.
"Hindi! Alam mo masayado kang halata eh. Huling huli na kita brother. Wala kang maitatago sa akin!" nangangantiyaw na sagot nito. Hindi naman ako nakaimik.
"May gusto ka na kay Ella noh? Na develop ang feelings mo sa kanya? Pinagnanasaan mo na siya?" natatawa pa rin nitong bigkas. Kung nakakatayo lang ako kanina ko pa sana ito nilapitan at tinakpan ang bibig niya. Napaka-bulgar talaga ng bunganga ng kapatid kong ito. Mabuti na lang at wala si Ella sa paligid kong hindi mapapahiya na naman ako!
"Pwede ba! Bunganga mo! Parang kang tanga!" inis na inis kong sagot. Lalo itong natawa at sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hindi naman na ako nagulat Bro. Ini- expect ko na talaga na mai-inlove ka sa kanya eh. Dont worry, hindi ako tututol. Kung gusto mo ako pa ang gagawa ng paraan para maging kayo eh. "muling wika nito.
"Nagtapat na ako sa kanya kaninang umaga. Hindi niya ako gusto kaya binasted niya ako." hindi ko na maiwasang pag amin ko kay Jeann. Napansin ko pa ang paglaki ng mga mata nito at ang pigil na pagtawa. Sa inis ko mabilis kong pinagulong ang wheelchair ko para talikuran siya.
Hindi talaga matinong kausap. Kung kailan ready na akong mag kwento at aminin sa kanya ang feelings ko para kay Ella tsaka siya tatawa-tawa sa harap ko. Hindi niya ba alam kong gaano ka-sakit kapag ayawan ka ng taong gusto mo? Halos mabaliw nga siya noong iniwanan siya ni Drake tapos tatawa-tawanan niya ako
ngayun? Nasaan ang hustisay sa kapatid kong ito.
"Hey...relax lang Bro. Sorry na! Sige.. hindi na ako tatawa. Magkwento ka pa! "Pigil niya sa akin. Hindi ko sya pinansin at akmang papasok na ako sa loob ng bahay nang siya namang paglabas nila Mommy at Daddy. Nakasunod sa kanila ang Yaya Mara habang karga nito ang ampon naming si Baby Jillian. Mukhang paalis na sila ng bahay para dumalaw sa mansion.
Weekend ngayun at family day. Lahat ng halos ng miyembro ng pamilya Villarama kailangan dumalaw sa mansion para magtipon-tipon. Simula noong naaksidente ako hindi na ako nakakadalaw kaya alam kong nagtatampo na sila Grandma at Grandpapa sa akin.
"Oh Jeann nasaan ang apo ko?" tanong ni Mommy. Pumwesto pa ito sa likuran ko na siyang labis kong ipinagtaka.
"Natutulog sa kotse kaya hindi makababa si Drake. Aalis na po ba tayo? "sagot naman ni Jeann.
"Yes alis na tayo!" sagot ni Mommy kasabay ng pagdampi ng kamay niya sa balikat ko.
"Kenneth, sumama ka na sa amin. Walang mag aalaga sa iyo dahil wala si Ella." muling wika ni Mommy na nagpagulat sa sistema ko lalo na ng banggitin niya ang pangalan ni Ella.
"Wala si Ella? Bakit nasaan siya?" alam kong masyadong halata ang pag Halala sa boses ko pa lang pero wala na akong pakialam. Saan nagpunta si Ella? Kasama ko pa lang siya kanina tapos sasabihin niya na wala siya dito sa bahay? Saan nagpunta ang babaeng iyun? Nag resign na ba? Nilayasan niya na ba ako dahil ayaw niya sa akin?
"Nag day-off! Nagpaalam siya sa akin kanina kaya pinayagan ko na din. Kawawa naman iyung bata. Unang beses magpaalam na magdi-day off daw siya at kawawa naman kung hindi papayagan." sagot ni Mommy. Hindi ko na naiwasan pa ang pagtagis ng aking bagang.
Nag day off tapos hindi nagpaalam sa akin? Kung nagsabi siya sa akin na gusto niyang lumabas, papayagan ko naman siya eh. Baka nga sasamahan ko pa siya!
"Mom naman! Bakit niyo pinayagan? Hindi sya pwedeng lumabas ng siya lang! Paano kung mapahamak siya?" naiinis kong sabat.
Kaagad naman silang nagkatinginan dahil sa sinabi ko. Kung masyado na akong obvious sa feelings ko kay Ella wala na akong pakialam pa.
Chapter 510
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
"Hindi mo daw kasi siya kinikibo kaya nagpaalam sa akin kanina na kung pwede mag day-off daw muna siya. Alangan namang hindi ko payagan gayung hindi naman talaga nagdi-day off ang batang iyun! Hayaan mo na munang mag enjoy iyung bata." sagot naman ni Mommy. Naiinis naman akong napatingin sa kawalan.
Kasalanan ko pa pala kung bakit naisip niyang magday-off ngayung araw? Porket hindi ko siya kinikibo basta na lang siya aalis nang hindi nagpapaalam sa akin? Hindi ako papayag. Paano kung mapahamak siya sa labas? Si Mommy na din ang nagsabi na hindi lumalabas si Ella kaya hindi siya sanay na gumala-gala sa labas.
"Hindi ako sasama sa mansion." malamig kong sagot at pinagulong ko na ang aking wheelchair papasok ng bahay. Diretso ako ng kwarto at kaagad na dinampot ang aking cellphone.
Tatawagan ko sana si Ella nang ma- realized ko na wala pala akong number niya. Sa isiping iyun ngali-ngali kong ibato ang cellphone at mabilis na pinagulong ulit ang wheel chair palabas ng kwarto. Bumalik ako kung saan ko iniwan sila Mommy kanina at mabuti na lang dahil hindi pa sila nakaalis.
"Sasama ka na ba? Mabuti naman at nagbago ang isip mo. Aalis na tayo dahil baka kanina pa tayo hinihintay nila Grandma." kaagad na wika ni Jeann ng mapansin niya ako. Kaagad naman akong tumiling
"May phone number ka ba ni Ella? Pakibigay sa akin dahil tatawagan ko siya." sagot ko. Hindi ko na pinansin pa ang nanunudyong tingin sa akin ni Jeann Ang importante sa akin matawagan si Ella para pauwiin.
"Kenneth, anak..hayaan mong mag enjoy iyung tao! Kailangan din ni Ella mag day off para makapag unwind. Huwag kang mag alala, hindi matatapos ang araw na ito uuuwi din iyun. Isa pa, kasama niya si Lani kaya hindi siya mapapahamak." sabat naman ni Mommy.
"Mom wala akong pakialam sa unwind-unwind na iyan. Hindi siya nagpaalam sa akin at mas kailangan ko siya. Kailangan niyang makauwi ngayun din dahil kung hindi ako ang lalabas para hanapin siya." determinado kong sagot. Kaagad naman silang nagkatinginan. Pailing- iling pa si Daddy habang titig na titig sa akin.
"Ibigay mo na ang number ni Ella para matapos na! After this, mauna na kayo sa mansion. Susunod na lang kami ng Mommy mo sa inyo." utos naman ni Daddy kay Jeann. Kaagad naman tumalima ang kapatid ko at ibinigay niya nga ang number ni Ella sa akin. Pagkatapos kong i-save sa aking cellphone kaagad din akong nag-dial.
Kung may hypertension lang siguro ako baka kanina pa ako inatake. Paano ba naman kasi, walang Ella ang sumagot. Nakailang ring na ang cellphone nito pero hindi talaga nito sinasagot. Sinadya niya man or hindi sagutin ang tawag ko...lalo namang naging dahilan iyun para lalo akong magalit
"She didn't answer the phone. Kailangan ko si Mang Jose...aalis kami. "tukoy ko sa driver namin. Before ako naaksidente driver ko na si Mang Jose kaya kasundo ko siya.
"Kenneth, iho...ano ba ang nangyayari sa iyo. Parang gusto na naming isipin na inlove ka kay Ella dahil sa pinang- gagawa mo. Uuwi si Ella mamaya kaya
hintayin mo na lang." muling wika ni Mommy. Sa pagkakataon na ito ramdam ko na ang inis sa boses niya. Nakukulitan na siguro siya sa akin pero hindi tatalab sa akin ang bagay na iyun. Nag aalburuto talaga ang kalooban ko at wala akong ibang gusto kundi ang maiuwi sa bahay si Ella.
"Tatawagan ko na po ba ang kaibigan nating judge Mom, Dad? Ipakasal na natin itong praning kong kapatid kay Ella para manahimik na siya." sabat naman ni Jeann. Kaagad ko naman itong pinukol ng masamang tingin. Wala talaga akong panahon na makipag -biruan ngayun. Nag aalburuto ang kalooban ko sa sobrang inis.
Humanda talaga ang Ella na iyun Imamaya. Paparusan ko talaga siya para hindi niya na uulitin ang pag alis ng bahay na hindi nagpapaalam sa akin. Hindi ko matatangap na nag eenjoy siya ngayun samantalang heto ako...
halos mamatay na sa sobrang pag aalala sa kanya.
"Bweno...sige...ipapahanap ko sa driver si Ella. All you have to do ay sumama ka na lang sa mansion para malibang ka. Pag uwi natin mamayang hapon baka nandito na din si Ella." sumusukong wika ni MOmmy na kaagad namang sinigundahan ni Daddy.
"Tama ang Mommy mo Ken! Sumama ka na lang muna sa mansion. Tiyak na miss na miss ka na ng mga Lolo at Lola mo! Huwag mong masyadong isipin si Ella, malaki na siya para protektahan ang sarili niya." sagot naman ni Daddy. Kaagad akong umiling.
"Buo na po ang desisyon ko Dad. Sasama ako kay Mang Jose sa paghahanap kay Ella." seryoso kong sagot. Wala na akong pakialam pa sa iisipin nila. Kapamilya ko sila kaya dapat lang na maintindihan nila ako.
"For God sake Kenneth! Saan mo hahanapin si Ella. Nabangit niya sa akin kanina na sa Divisoria daw sila pupunta pero ang laki ng lugar na iyun. Super crowded din at mahirap mahanap ang taong hindi natin sure kung nandoon ba talaga." sagot ni Mommy. Halatang tutol ito pero wala akong balak na makinig. Kung hindi sana nila pinayagan si Ella na mag day -off baka sumama pa ako ng mansion. Siyempre, basta kasama din ang Ella ko.
Nababaliw na nga siguro ako dahil ipinaglalaban ko talaga ang gusto ko. Hindi ko kayang maghintay ng maghapon dito sa bahay na wala si Ella. Baka mabaliw lang ako sa sobrang pag-iisip at pag-aalala sa kanya. Hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito sa isang babae gayung hindi ko naman ito naramdaman noon kay Vina.
Hindi ako ganito ka-praning
pagdating kay Vina noon...pero si Ella, feeling ko talaga sobrang laki ng bahagi ng puso ko ang inangkin niya. Ni hindi ko nga ma-imagine kung anong klaseng buhay meron ako kung sakaling mawala siya sa akin.
"May magagawa pa ba kami! Sige na nga...pero pagkatapos mo sa labas or kung mahanap mo man or hindi si Ella, sa mansion ka dumirecho ha? Hinihintay ka ng Lolo at Lola mo. Ang tagal mo nang hindi sila binibisita kaya utang na loob Kenneth, makinig ka naman sa amin." wika ni Mommy sa akin.
Chapter 511
ELLA POV
Imbes sa Divisoria ang punta namin, nagyaya si Ate Lani na sa Baclaran na lang daw. May kikitain din daw kasi siyang mga kaibigan at dahil wala naman akong idea sa lugar na ito pumayag na din ako.
Wala naman din kasi akong balak na mamili. Isa sa mga dahilan kaya ako sumama sa kanya dahil gusto kong takasan ang pagsusungit sa akin ni Sir Kenenth. Kahit sandali lang...gusto ko din kasi makapag isip ng tama eh. Gusto kong magmuni-muni dahil hanggang ngayun, gumugulo pa rin sa isipan ko ang katagang binitiwan ni Sir Kenneth sa akin.
Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niyang mahal niya daw ako. Ni hindi ko nga alam kung matutuwa or matatakot ba ako eh. Hindi ko din kasi alam kung hanggang saan at kailan ko kayang pigilan ang sarili ko na huwag siyang patulan.
Kaunting halik ang bilis kong bumigay. Nawawala din ako sa sarili ko once na lumapat na ang labi niya sa labi ko. Parang gusto ko na na ngang mag resign na lang para maiwasan ko na siya pero saan naman ako pupulutin kung gagawin ko iyun? Malaki ang sahod ko at isa pa, mabait sila Madam at Sir. Hindi sila katulad sa mga nauna kong amo na kung makatingin sa akin akala mo kakainin ako ng buhay.
Kaya nga malaki ang utang na loob ko kay Sir Drake at Mam Jeann eh. Sa kanila ko kasi talaga unang naranasan na igalang din ako bilang tao. Hindi ko naramdaman na mababa ang tingin nila sa aming mga kasambahay nila.
Kung hindi lang talaga mabait si Mam Jeann sa akin wala din talaga akong balak na tanggapin ang alok nila noon na ako na ang mag alaga kay Sir Kenneth. Ang sungit niya kaya. Ang hirap pakisamahan ng taong may ganoong pag uugali at galit sa mundo.
Pero ngayun parang gusto ko na lang yatang magsungit na lang siya palagi huwag niya lang akong landiin. Mas maganda kung ang turingan namin ay amo at alalay niya ako eh. Huwag lang sanang may involved na kiss.
"Ayy Ella, nandiyan na sila. Halika na! "naputol lang ka sa pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang boses ni Ate Lani. May itinuturo ito sa bandang simabahan kaya napatingin din ako sa gawing iyun at kaagad kong napansin ang dalawang lalaki na kumakaway din sa gawi namin.
"Sila ang kikitain mo Ate?" nagtataka kong tanong. Kaagad namang tumango si Ate Lani. Matanda lang siya ng ilang
taon sa akin pero ate pa rin ang tawag ko sa kanya tanda ng pagalang.
"Oo...si Simon at Ricky. Mga kababata ko sila at nanliligaw sa akin iyang si Simon. Diba ang gwapo niya?" kinikilig na wika ni Ate sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Akala ko kasi talaga boyfriend ni Ate Lani ang driver ng kapitbahay namin at ang lalaking iyun ang kakatagpuin niya ngayun pero mukhang nagkamali ako. Kumakaringking sa iba at ramdam ko ang kilig sa boses niya.
Bago pa ako nakasagot, nakalapit na ang dalawang lalaki sa aming dalawa ni Ate Lani. Mukhang mababait naman kaya wala naman siguro akong dapat na ipag-aalala.
"Mabuti naman sumama ka Ricky! Si Ella nga pala. Mabait iyan tsaka kasama ko sa trabaho...and Ella, si Ricky pala...kababata ko at magakasama silang dalawa nitong si Simon ko sa SM na nagtatrabaho." nakangiting pakilala ni Ate Lani sa aming dalawa ni Ricky.
"Nice to meet you Ella. Hindi ako nagkamali na samahan ko si Simon ngayun. Akala ko talaga magiging third wheel ako nilang dalawa mabuti na lang at nandiyan ka." nakangiting wika ni Ricky at kaagad na din itong naglahad ng kamay sa akin. Napasulyap pa ako kay Ate Lani bago ko tinangap ang pakikipag kamay ni Ricky sa akin.
Naisip ko lang...parang nagkaroon yata ako ng instant na ka-date ngayung araw ah? Wala naman sigurong problema dahil mukhang mabait naman itong si Ricky. Hindi naman siguro ito gagawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan.
"Sa SM na lang tayo kung ganoon! Ang init eh." narinig kong wika ni Ate Lani kaya hindi ko maiwasang
mapangiti. Kanina pa kasi talaga tagaktak ang pawis ko sa sobrang init. Naramdaman ko na din ang pagkabasa ng likod ko dahil sa pawis.
Nagpasya kaming sumakay ng jeep papuntang SM at habang nasa biyahe kami narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Ate Lani na kaagad niya namang sinagot. Hindi ko sana papansinin pero nagulat na lang ako dahil bigla niya akong kinalabit kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ko.
"Si Ella po?-----opo kasama ko siya Sir.....cellphone...---hindi ko po alam kung dala niya ang cellphone niya pero kasama ko po siya...opo!-opo Sir!" narinig kong wika ni Ate Lani habang hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba. Ewan ko ba...sa hitsura kasi ni Ate Lani ngayun halatang ninerbiyos eh. Bago kami bumaba ng jeep sinabi pa nito sa
kausap na nasa SM daw kami.
Nang tuluyan na kaming makababa ng jeep kaagad akong hinila ni Ate Lani palayo sa dalawang lalaki naming kasama. Nagtataka naman akong nagpatianod na lang. Mukhang importante ang gusto nitong sabihin sa akin.
"Ella, tumawag si Sir Sungit! Galit at parang malalagot din yata ako! Hindi ka ba nagpaalam sa kanya?" tanong niya sa akin na naging dahilan para makaramdam din ako ng nerbiyos.
"Ha? Si Sir Kenneth? Tu-tumawag sa iyo? Bakit daw po Ate?" nagtataka kong tanong.
"Hindi ko alam....Te-teka lang... nasaan ang phone mo. Kanina pa raw isya tumatawag sa iyo pero hindi mo sinasagot. Naku Ella, kahit na hindi ko nakikita si Sir, ramdam ko ang galit niya...paano na iyan?" kinakabahang tanong niya sa akin. Napalunok tuloy ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.
Ano na naman ba ang drama ni Sir Kenneth? Bakit niya ako hinahanap gayung nagpaalam naman ako sa Mommy niya kanina. Hyassst, panira naman ng moment itong si Sir eh. Pati si Ate Lani nadamay pa.
"Hindi ko dala ang phone ko. Nakalimutan kong bitbitin." kinakabahan kong sagot. Napansin ko pang napangiwi si Ate Lani at seryoso akong tinitigan.
"Dito lang tayo. Susunduin ka daw ni Sir Kenneth. On the way na daw sila." ramdam ko pa din ang kaba ni Ate Lani. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa sinabi niya.
Susunduin...ganoon na ba ka-praning ang lalaking iyun? Day off ko ngayun tapos susunduin niya daw ako? Eh halos tatlong oras pa lang ako dito sa labas ah? Pasaway talaga ang Sir Kenneth na iyun.
"Pasok na tayo sa loob! Masyadong mainit na at tagaktak na ang pawis ni Ella." naputol lang ang pag uusap namin ni Ate Lani ng marining namin pareho na nagalita si Ricky. Alanganing ngumiti si Ate sa kanila bago sumagot.
"Mamaya na lang...susunduin kasi si Ella ng amo namin." sagot ni Ate.
"Bakit? Hindi bat day off niyo?" nagtataka namang sabat ni si Simon. Hindi na din ako sumabat pa sa pag uusap nila. Hinayaan ko na lang na magpaliwanag si Ate Lani sa kanila dahil abala na ang isip ko kay Sir Kenneth.
Hindi nga nagtagal may humintong mamahaling sasakyan sa harap ko. Hindi ko maiwasang magulat dahil pagbukas ng bintana ng kotse, galit na mukha ni Sir Kenneth ang unang sumalubong sa akin.
Chapter 512
ELLA POV
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba nang mapansin ko ang galit na hitsura ni Sir Kenneth. Napasulyap pa siya sa dalawang lalaking kausap ni Ate Lani bago makahulugang tumitig sa akin. Lalong nadagdagan ang galit sa hitsura nito.
Teka, baka iniisip niya na ka-date ko ang isa sa mga lalaking iyun? Ang bilis pa naman mang-husga nitong si Sir Kenneth. Hmmp..bahala na nga siya! Basta ako, malinis ang konsensya ko at wala akong ginagawang masama. Isa pa, wala naman siguro siyang pakialam kung sakaling makipag-date ako diba?
"Hanap niyo daw po ako Sir?" pilit ang ngiting tanong ko sa kanya. Lalo namang nagsalubong ang kilay niya. Parang galit pa rin eh. Parang gusto ko na tuloy siyang patulan. Ayaw niya akong kibuin kanina tapos hahabul- habulin niya ako ngayun?
Tsaka kailangan niya ba talaga akong sunduin? Hindi niya ba kayang mabuhay na wala ako sa tabi niya? Ano iyun, nakadepende na talaga siya sa akin gayung noon pa man ayaw niya naman talaga na may mag aalaga sa kanya!
"Sino ang may sabi sa iyo na pwede kang lumabas ng bahay? Sakay na!" seryoso nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Nagtatalo pa rin kasi talaga ang kalooban ko kung susundin ko siya or hindi gayung day- off ko ngayun. Ibig sabihin malaya kong gawin lahat ng gusto ko at hindi niya ako pwedeng utos-utusan.
"Ayy Sir...nandiyan na pala kayo! Sorry po.....hindi ko naman po alam na bawal pala mag day-off si Ella."
narinig kong wika ni Ate Lani. Mabuti naman at napansin niya din ang pagdating ng kotse ni Sir Kenneth. Mas mabuti na siguro kung dalawa kami ang mapapagalitan. Hindi masyadong masakit sa kalooban!
"Pwede mong ituloy ang day-off mo. Si Ella lang ang iuuwi ko!" malamig na sagot ni Sir Kenneth kay Ate Lani. Parang lalo akong pinagpawisan dahil sa narinig ko mula sa kanya. Ang weird ng taong ito...ako lang talaga ang kailangan niya? Ang unfair niya ha?
"Salamat po Sir!" nakangiting sagot ni Ate Lani sabay senyas sa akin na sumakay na daw ako ng kotse. Hindi naman ako nakakilos. Nag-iisip ako ng idadahilan kay Sir Kenneth para sana ma-enjoy ko naman ang araw na ito na hindi muna siya nakikita.
"Ano na? Tatayo ka na lang ba diyan? Sumakay ka na?" narinig ko pang yamot na bigkas ni Sir Kenneth kaya naman hindi ko mapigilan ang mapa-simangot. Sobrang sama talaga ng ugali noya!
"Eh...Kuwan! Day-off ko po ngayun Sir tska nagpaalam pa ako kay Madam kanina." sagot ko naman sa kanya. Natigilan ito at matalim akong tinitigan.
"Sasakay ka ba or sasakay ka? Bilisan mo na dahil sobrang init at huwag mong ubusin ang pasensya ko Ella! Hindi ka nagpaalam sa akin at malabo din na papayagan kita!" masungit nitong sagot sa akin. Kaagad akong napaismid.
Eh di wow! Kaya nga hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil hindi n iya ako papayagan eh. Tsaka kaya ko lang naman naisipan na mag day off dahil hindi niya nga ako kinikibo kanina!
Tsaka, diyan naman siya magaling eh. Ang mang sindak. Hayssst, makikita niya! Isusumbong ko talaga siya kay Madam. Unang pagkakataon ko na mag day-off sinira naman ng asungot na Kenneth na ito. Kung hindi ko lang siya amo kanina ko pa sana ito gustong batukan eh.
"Ella, sumakay ka na! Baka mas lalong magalit at baka pati ako pauwiin niya. Sayang naman ang date namin ni Simon!" narinig kong bulong ni Ate Lani sa akin at parang gusto kong magpadyak sa inis. Napansin ko pa na bumaba na ng kotse ang driver ni Sir Kenneth na si Mang Jose at binuksan nito ang pintuan sa gawi ni Sir Kenneth.
"Pasok na Ella. Masyadong mainit at lalabas ang lamig ng kotse!" wika pa ni Mang Jose kaya nagpakunot noo ako. Paanong hindi lalabas ang lamig sa loob ng koste eh binuksan niya. Hayssst, paladesisyon naman itong si Mang Jose.
Wala na akong choice kundi ang maglakad palapit ng kotse at mabilis na sumakay. Kaagad naman isinara ni Mang Jose ang pintuan ng kotse. Napansin ko na naman ang kakaibang titig sa akin ni Sir Kenneth.
"Kaya pala gusto mong mag day-off dahil may date ka ngayun ha?" nang- iinis na wika nito sa akin kaya napatingin na din ako sa kanya. Salubong ang kilay na nakatitig ito sa dalawang lalaking kasama ni Ate Ethel. Sabi ko na nga ba eh! Mambibintang talaga! Sama ng ugali!
"Wala akong date! Kanina ko lang sila nakilala! Tsaka hindi ko naman din akalain na may kakatagpuin si Ate Lani eh." pagkakaila ko dahil hindi ko din matangap sa sarili ko na magkakaroon din sana ako ng instant ka blind date. Umismid naman ito sabay hagod ng tingin sa akin.
"Sure ka? Oras na malaman ko na niluluko mo ako, makikita mo talaga kung paano ako magalit at mag selos."
sagot nito.
"Wala nga eh. Wala akong ka-date! Ang kulit naman!" naiinis kong sagot. Kaagad naman itong nanahimik pero napapansin ko na patingin-tingin pa rin sa akin. Baka masyado lang siyang nagagandahan?
Napansin ko din na nag-umpisa nang mag-maniobra ng sasakyan si Mang Jose. Paalis na kami at talagang hindi na tuloy ang day-off ko. Nasulyapan ko pa si Ate Lani na nakatitig pa sa kotse kasama ng dalawang lalaking kaharap niya. Ano kaya ang inisip nila?
"Punasan mo iyang pawis mo. Mukha ka nang dugyot dahil sa katigasan ng ulo mo!" muling wika ni sir Kenneth sabay abot ng tissue. Lalo naman akong napasimangot. Sige, manlait ka lang! Kapag yumaman talaga ako hindi na talaga kita papansinin!
"Bakit niyo pa kasi ako sinundan.
Hindi niyo po ba alam ang salitang day -off? Araw ng pahinga ko ngayun eh." nagmamaktol kong sagot sa kanya. Nagulat nalang ako dahil naramdaman ko ang pagdampi ng tissue sa noo ko.
Gosh, pinupunasan niya ang pawis ko? Parang bigla ko tuloy nalunok ang sarili kong dila. Hindi ako nakapagsalita dahil kinikilig ako!
Ganito ba talaga ka-sweet ang isang Kenneth Villarama Santillan? Kung totoong mahal niya talaga ako, parang ang swerte ko naman yata. Talo ko pa ang nanalo sa lotto!
Chapter 513
ELLA POV
"Ayaw na ayaw ko nang mangyari ulit ito ha? Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay hangat hindi ko sinasabi. Pwede kitang samahan kung gusto mong magday-off! Alam mo ba na sobrang nag alala ako kanina noong nalaman ko na lumabas ka nga daw at sumama kay Lani?" seryoso niyang wika sa akin.. Hindi ko tuloy maiwasan na mapakagat sa sarili kong labi. Nag uumpisa na naman siyang manermon!
"Stop biting your lips kung hindi ako ang kakagat niyan!" saway niya na naman sa akin. Bigla tuloy akong napaayos sa pag upo at bahagyang lumayo sa kanya. Baka kasi tutohanin niya ang sinabi eh.
"Hindi na matatawag na day-off kapag sasama ka sa akin tuwing mag ooff ako! Tsaka, akala ko ba galit kayo sa akin? Bakit niyo ako hinanap?" sagot ko naman sa kanya.
"Bahala ka na kung ano man ang gusto mong isipin basta iyan ang gusto ko! Kahit na binasted mo ako kanina hindi pa rin ako susuko. Hindi ako titigil hangat---" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang kaagad kong takpan ang bibig niya. Napansin ko pa ang pagkagulat niya kaya naman kaagad ko siyang binulungan.
"Huwag kang maingay! Baka marinig ka ni Mang Jose! Baka isipin noong tao nilalandi mo ako eh!" mahinang wika ko.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko. Humahaplos-haplos iyun doon at akmang lalayo na sana ako sa kanya ng maramdaman ko ang malakas nitong pagkabig sa akin. Halos mapasubsob na tuloy ako sa kanya at parang gusto ko nang pagpawisan ng malapot dahil sa
pwesto namain ngayun.
Magkadikit na kasi ang aming mga katawan at halos magkaamuyan na din kami ng hininga dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa. Bigla din tuloy akong na-conscious sa amoy ko. Amoy araw at usok ako at baka mandiri sa akin si Sir Kenneth.
"Wala akong pakialam kung marinig niya man or malaman ng lahat na mahal kita! Ito ang tandaan mo Sweetheart, akin ka lang at walang pwedeng maglayo sa iyo nang kahit sino sa akin! Hindi ka makakatakas sa akin at palalambutin ko iyang bato mong puso hanggang sa mahalin mo din ako!" pabulong na bigkas niya sa punong tainga ko na nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti na kaagad na lumukob sa buo kong pagkatao.
Kung alam niya lang...hindi na kailangan pang turuan niya akong mahalin siya dahil matagal na siyang nakatatak sa puso at isipan ko!
"Oo na! Sige na! Mahal mo na ako! Pero ayaw pa rin kitang sagutin noh! Gusto ko manligaw ka muna para naman malaman ko din kung seryoso ka ba talaga sa akin or hindi!" sagot ko sa kanya. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi nito sabay tango.
"Oka..fine! Sabi mo eh. Pero one week lang ha? After a week kailangan mo na akong sagutin at gusto ko 'Oo' ang isasagot mo!" demanding na sagot nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
At siya pa talaga ang nagtakda ng araw kung kailan ko siya sasagutin. Grabe talaga ang Kenneth na ito. Ang kapal ng mukha! Ang lakas ng topak!
"Tsaka sa loob ng lingong iyan, dapat magkadikit na tayong nakahiga sa kama. Katulad kagabi! Mas napapasarap ang tulog ko kapag ganoon!" muling wika nito. Kaagad naman akong napangiwi. Request na naman? Kailan ba siya mauubusan ng request?
"Hindi mangyayari iyang iniisip mo dahil simula mamayang gabi irerequest ko na kay Madam na sa servants quarter na ako matutulog!" matamis ang ngiting sagot ko sa kanya para sana inisin siya at hindi naman ako nabigo. Muling nagsalubong ang kilay niya habang titig na titig sa akin.
"Hindi ako papayag! Sa kwarto ka matutulog sa ayaw at gusto mo!" galit na naman ang boses na bigkas niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi dahil napalakas na naman ang boses niya. Tiyak na narinig iyun ni Mang Jose dahil parang napansin kong napangiti siya eh. Haysstt, ito talagang si Sir Kenneth, ang sama ng ugali.
Baka malaman nila Madam na nagliligawan kami malalagot talaga ako nito. Haayyy naku!
"Boses mo! Lakasan mo pa!" naiinis ko nang wika sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi nito kasabay ng pagbukas niya ng bintanda ng kotse. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng malakas itong sumigaw.
"I LOVE YOU ELLA! OO NA, HINDI NA AKO TITINGIN SA IBANG BABAE! SA IYO LANG AKO AT IKAW LANG ANG AANAKAN KO! PANGAKO IYAN!"
Malakas na sigaw nito at sa gitna pa talaga ng ma-traffic na kalsada! Parang gusto ko nang maglaho sa mundo dahil sa sobrang pagkapahiya. Paano ba naman kasi, napatitig sa gawi namin ang mga taong naglalakad sa bangketa.
"Ano ba! Ano ba ang ginagawa mo?" wika ko sa kanya at ako na mismo ang pumindot sa botton para maisara ang binata. Halos daganan ko na siya maabot ko lamang iyun.
"Ano ba iyang ginagawa mo? Nabbaliw ka na ba?" halos pasigaw kong tanong kay Sir Kenneth. Nakalimutan kong amo ko pala siya at bumalik lang ako sa huwesyo ng tumikhim ang driver na si Mang Jose.
"Kaunting push pa Sir at pasasaan ba at bibigay din si Ella. Ganiyan na ganiyan ang ugali ng Misis ko noong kabataan pa namin. Paayaw-ayaw tapos gusto naman pala!" natatawang wika ni Mang Jose kaya lalo akong napasimangot. Natumbok niya kasi eh.
"Talaga Manong? Palagay niyo po ba may pag asa ako kay Ella?" ngiting ngiti na tanong ni Sir Kenneth.
"Abay oo naman Sir! Kayong dalawa ang magkakatuluyan at magkakaroon kayo ng maraming supling!"
nakangiting sagot ni Mang Jose. Hindi ko na naman tuloy maiwasan na mapakagat ng aking labi. Wala na... lagot na! Malalaman na nang mga kasamahan ko sa bahay at mga amo ko kung ano ang mga pinanggagawa ni Sir Kenneth.
"Kita mo iyan Sweetheart! Alam mo bang may pagka-manghuhula iyang si Mang Jose? Lahat ng sinasabi niya, nagkaka-totoo!" nakangiting wika niya sa akin sabay hapit niya sa baiwang ko palapit sa kanya. Hindi na ako pumalag pa. Baka lalong mag aalburuto ang makulit na ito. Baka kung ano na naman ang gawin niya. Medyo sanay naman na ako sa pahawak -hawak niya kaya hahayaan ko na lang muna siya hanggang sa makarating kami ng bahay!
Chapter 514
ELLA POV
"Sweetheart, amoy araw ka! Saan ka ba nagsususuot? Next time huwag ka nang umalis ng bahay kapag hindi ka nagpapaalam sa akin ha?" narinig ko na namang sambit ni Sir Kenneth. Inamoy-amoy niya pa ang tuktok ng ulo ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. Sino ba naman kasing matinong tao ang hindi mag-aamoy araw kung kanina pa ako nasa labas.
Tsaka ano daw? Sweetheart? Abat, parang nasanay na talaga siyang tawagin ako sa ganoong paraan ah? Wish ko lang na hindi ako nito mapagalitan nila Madam sa pinanggagawa ng anak nila. Malinis ang konsensya ko at hindi ako ang naunang nang-landi.
"Sir...ano ba! Tama na nga iyan. Alam mo naman na amoy araw ako eh tapos dikit ka pa ng dikit sa akin!" hindi ko maiwasang bigkas at akmang uusog palayo sa kanya pero buong pwersa niya akong hinapit sa baywang. Kulang na lang lingkisin niya ako huwag lang akong makawala sa kanya. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos.
"Saglit lang Sweetheart! Walang ganyanan. Kahit amoy araw ka na mabango ka pa rin sa pang-amoy ko." sagot nito sa akin at isinubsob niya pa ang mukha niya sa leeg ko. HIndi ko na naman tuloy mapigilan pa ang mapalunok ng sarili kong laway.
Ang lakas talaga ng tupak ng Sir Kenneth na ito. Hindi niya ba alam na gahibla na lang ang pagpipigil ko at kaunting-kaunti na lang papatulan ko na talaga ang panglalandi niya sa akin. Bahala na ang bukas basta ang importante nag-enjoy ako ngayun! Charr!
"Magpakasal na lang kaya tayo
Sweetheart! Asyos lang naman sa iyo kahit hindi pa ako makalakad diba? Malapit naman na akong gagaling." muling wika niya. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
Ibig bang sabihin nagpo-propose na siya ngayun sa akin gayung nag- uumpisa pa nga lang siyang manligaw. Grabe naman siya...ang bilis niya naman! Wala pa nga eh, tapos kasal kaagad?
'Ka-kasal? Agad-agad!" bigkas ko sa kawalan ko nang maisagot sa kanya. Iwan ko ba...nag umpisa na namang magrigodon ang puso ko. Kumakabog na naman at para akong ninirebiyos. Dapat siguro, iwas-iwasan ko na ang kakainom ng kape eh! Napapansin ko kasing ang bilis kong nerbiyosin nitong mga nakaraang araw.
"Yes....hindi ba at magandang idea ang naisip ko? Dont worry, kahit kasal na tavo liligawan pa rin kita. Gagawin kitang prinsesa at ibibigay ko ang lahat ng naisin mo. Basta lang huwag mo akong tangihan kapag may gusto din akong gawin sa iyo." nakangiti na naman niyang sagot sabay kindat sa akin. Kaagad na naman tuloy akong nag iwas ng tingin sa kanya.
Malandi talaga! Grabe....advance nga talaga siyang mag isip. Feeling ko dinadaan niya ako sa paspasang paraan eh! Parang may humahabol sa kanya at gusto niya yatang maka first base kaagad.
Sa isiping iyun parang gusto ko tuloy kaltukan ang sarili ko. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Tinatakot ko lang ang sarili ko eh gayung hindi naman ako sure kung gaano nga ba talaga ka-seryoso itong si Sir Kenneth. Baka mamaya ginu-goodtime niya lang ako..
Pero parang seryoso siya eh. Halos nakayakap na kasi siya sa akin ngayun!
"Hmmm, sir..pwede bang bitaw muna?" hindi ko na napigilan pang sambit sa kanya. Sana lang makinig siya sa akin. Kanina pa kasi hindi normal ang paghinga ko dahil sa kaba eh. Hindi talaga ako kumportable sa posisyon namin ngayun.
"Huwag na! Okay na ang ganito. Tsaka, ano iyung sabi mo kanina? 'Sir'? nanliligaw na ako lahat lahat Sir pa rin ang tawag mo sa akin? Hindi ba pwedeng Sweetheart na lang din or di kaya Kenneth na lang!" malambing nitong sagot sa akin habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa baiwang ko. Naramdaman ko pa nga na humahaplos-haplos na ang isa niyang kamay sa bandang tiyan ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang kiliti.
"Amo po kita kaya dapat lang na 'Sir' ang itawag ko sa inyo." sagot ko naman sa kanva. Hindi ko maimagine sa sarili kung kaya ko ba siyang tawagin sa pangalan niya. Ayos lang kung kaming dalawa lang pero paano naman kung may ibang taong makakarinig. Nakakahiya at baka ito pa ang dahilan para matangal ako sa trabaho.
"Hmmm...So, Sir pa rin ang itatawag mo sa akin? Ayaw mong sumunod sa gusto ko?" malambing na sagot niya sa akin. Kung makaasta siya ngayun akala mo girl friend niya na ako. Kaagad naman akong tumango sa tanong niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang yumuko at mabilis na lumapat ang labi niya sa labi ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
Dito mismo sa loob ng kotse at alam kong kita kami sa labas dahil hindi tinted ang naturang sasakayan walang pakundangan na inangkin niya muli ang labi ko. Ramdam ko ang kapusukan niya kaya hindi kaagad ako naka-react. Paano ba naman kasi, ang sarap niya talagang humalik at ang sarap at bango ng hininga niya!
"Sa susunod na marinig ko pa na tawagin mo pa akong Sir...hindi lang iyan ang ipapatikim ko sa iyo." mahinang bulong niya sa akin pagkatapos niyang pakawalan ang labi ko. Hiyang-hiya naman akong napaayos ng upo habang hindi ko mapigilang mapasulyap sa labas ng sasakayan.
Naka-stock pa rin kami sa traffic at maraming mga taong naglalakad paroon at parito sa mga banketa. May iipan ding mga nakatambay at ma- aaring naghihintay ng masasakyan. Siksikan ang mga sasakyan at alam kong maraming nakakita sa ginawa sa akin kanina ng Kenneth na ito. Ganoon ba talaga siya kahalimaw? Lahat ng maisipan niyang gawin ginagawa niya para lang mapasunod niya ang isang tao?
"Ba-bakit po ba kayo biglang nanghahalik? Nakakahiya dahil may nakakita yata sa atin!" hindi ko maiwasang angal sa kanya. Natawa lang ito at parang wala lang sa kanya ang sinabi ko.
"Maganda nga iyan para maraming saksi na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko sa iyo kanina. Huwag na huwag mo akong tawaging Sir dahil kahit kaharap natin ang buong mundo hindi ako mangingiming parusahan ka." seryoso niyang bigkas habang nangingislap ang mga mata nito sa sobrang tawa.
Hindi talaga magandang idea na magkasama kami sa iisang kotse at na- stock kami sa traffic. Parang gusto ko na tuloy pagisisihan kung bakit pa ako nakaisip na mag day-off. Buti pa nanahimik na lang ako sa bahay nila!
Chapter 515
ELLA POV
"Well, hindi ka na nakaimik diyan? Dont tell me na ngayun pa lang pinag iisapan mo na kung ano ang magiging future natin? Dont worry Sweetheart, sinisigurado ko sa iyo na gagaling ako sa lalong madaling panahon! Makakalakad ulit ako sa ipapasyal kita sa mga lugar na hindi mo pa napuntahan" nakangiting muling wika ni Sir Kenneth.
Hindi naman ako nakaimik dahil sa totoo lang hindi ko din kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko eh. Wala akong maapuhap na kahit na anong salita. Sobrang bilis kasi talaga ng mga pangyayari.
Parang kailan lang noong pumasok ako sa bahay nila. Parang kahapon lang iyun tapos ngayun naglalandian na kaming dalawa!
"Ahmmm Sir" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang mapansin ko na muling humigpit ang pagkakahapit niya sa akin. Muli kong na-realized na mahigpit niya pa lang ipinagbabawal na tawagin ko siyang ' Sir'. Baka maparusahan na naman ako ng wala sa oras.
"Sorry po...Ibig kong sabihin... Kenneth pala.. Tama! Kenneth!" nakangiwi kong bigkas. Mahina naman itong natawa na para bang tuwang tuwa din siya na natataranta ako ngayun.
"Ano iyun Sweetheart? May gusto ka bang itanong sa akin?" malambing niyang sagot. Hindi ko tuloy mapigilang ang sarili ko na mapangiti. Parang musika kasi talaga sa pandinig ko tuwing tinatawag niya akong Sweetheart eh. Feeling ko tuloy napaka -special ko!
"Kuwan saan ha tayo pupunta? Bakit parang ibang daan itong tinatahak natin?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Matiwasay naming nalagpasan ang buhol-buhol na traffic pero nagtaka naman ako dahil ibang daan na ang tinatahak namin. Hindi ito ang daan pauwi ng bahay kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapatanong sa kanya. Baka kasi kung ano na naman ang naisip niya at kung saan niya ako dadalhin.
"Sa mansion tayo. Ilang buwan na akong hindi nakadalaw doon at baka nagtatampo na sila Grandma at Grandpa." sagot niya sa akin kasabay ng pagdampi na naman ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. Hindi ko na siya sinaway pa total masarap naman sa pakiramdam. Hindi ko na din nilabanan pa ang sarili ko at kusa na din akong sumandal sa matigas niyang dibdib. Ayaw niya akong pakawalan, pwes bahala siyang mangalay ngayun. Sasandalan ko siya hanggang sa makarating kami sa distinasyon namin.
Weekend nga pala ngayun at kapag mga ganitong araw, napapansin kong nagtitipon-tipon ang buong Villarama clan. Hindi naman na ito ang unang pagkakataon na makaapak ako ng mansion dahil noong nasa kay Mam Jeann pa ako nagta-trabaho, palagi niya akong sinasama doon. Himala yata ngayun dahil naisip nitong si Sir Kenneth ng bumisita ng mansion. Baka nasa mood siya.
Nanahimik na din naman si Kenneth buong byahe namin na siyang labis kong ipinagpasalamat. Naubusan din siguro ng sasabihin pero panaka-naka niya pa ring hinapalos ang bandang tiyan ko.
Kahit na nakikiliti ako hinayaan ko na lang. Baka bahagi nang paglalambing ang ginagawa niya ngayun sa akin at wala na din akong lakas ng loob na sawayin siya. Baka magreklamo na naman at mapahaba ulit ang pag uusap namin. Ang bilis pa naman minsan magbago ng ugali niya.
Pagdating ng mansion kaagad namang nagsilapitan ang iba pang mga pinsan ni Kenneth nang mapansin nila ang pagdating namin. Sila na din mismo ang tumulong para ma- transfer sa wheel chair ang lalaking nagpapatibok na din ng puso ko ngayun. Hindi ko din alam kung kailan nag-umpisa pero alam ko sa sarili ko na mahal ko na din siya! Na malaking bahagi na din ng puso ko ang napasok at naangkin na din niya! Kung hindi lang ako nag-aalangan sa estado ng buhay meron kami baka ako namismo ang unang hahalik sa kanya kapag naglalambing siya sa akin.
Aminado naman ako sa sarili ko na mahal ko na talaga siya. Hindi ako papayag na hahaplos-haplusin niya ako or hahalik-hahalikan sa labi kung hindi ko siya mahal. Kaunting hilot na lang talaga at bibigay na ako sa kanya. Parang gusto ko na din siyang tawaging 'Sweetheart'!
"Ayan oh...sa wakas, dumating ka din! "naputol lang ako sa pagmumuni- muni ng marinig ko ang boses ng isa sa mga pinsan ni Kenneth. Hindi lang ako sure kung si Christopher or Charles ba ito. Magkamukha kasi ang dalawang iyun at wala akong makitang palatandaan sa kanilang dalawa para makilala ko kung sino ba sa kanila si Charles at Christopher.
"Para kasing naramdaman ko na nagtatampo na sila Grandmama at Grandpapa sa akin kaya dumaan na din muna ako dito. Kumusta kayong lahat? "nakangiting sagot naman ni Kenneth sa kanyang mga pinsan. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila habang
nagkukumustahan sila. Mukhang ang laki na nga talaga nang ipinagbago ng amo ko. Hindi na nagsusungit eh.
"Tamang-tama ang dating mo Insan! Balak naming mag-tagay ngayun. Sali ka sa amin!" narinig ko namang sabat ni Sir Elijah. Nakangiting naglalakad ito palapit sa amin kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa huling sinabi niya.
Tagay daw? As in inuman? Pwede na ba si Sir Kenneth makipag inuman ngayun?
"Hindi pwede iyang iniisip niyo mga pinsan! Bawal pa sa akin ang tagay! Hindi pa pwede!" nakangiting sagot naman ni Sir Kenneth. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kanya. Ang gwapo niya pala talaga lalo na kapag nakangiti siya. Lumilitaw ang mapuputi niyang ngipin na binagayan pa ng medyo pinkish na labi. Sabagay, hindi kasi naninigarilyo itong si Sir Kenneth kaya ganiyan kaganda ang makikita sa bibig niya! Kaya din siguro ang sarap niyang humalik!
"At bakit hindi pwede? Kahit ilang shots lang!"sagot ulit ni Sir Elijah. Parang gusto ko na tuloy magalit sa kanya. Sinabi na ngang hindi pwede, namimilit pa!
"Bawal pa. Tsaka na lang siguro kapag tuluyan na akong gumaling." sagot naman ni Kenneth. Napansin kong napasulyap pa si Sir Elijah sa akin at pilyong ngumiti.
"Bakit may nagbabawal ba? Pinag- babawalan ka na ba niyang uminom? Gusto mo, ipapaalam kita sa kanya. Papayag iyan, mukhang mabait naman eh!" pilyong sagot ni Sir Elijah na sinabayan pa ng malakas na pagtawa. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ako ang pinaparinggan niya! Haysst gusto pa yata akong idamay ng magpipinsan na ito sa kalokohan nila.
Gayunpaman, kung ako ang tatanungin, hindi pwedeng uminom ng alak si Kenneth. Bawal dahil hindi maganda sa kalusugan niya!!
Chapter 516
ELLA POV
"Sweetheart, paano ba iyan, iinom ba ako?" tahimik lang akong nanonood sa kanilang magpipinsan nang sa hindi inaasahan ako naman ang pinag- balingan ng tingin ni Kenneth at nagtanong kung pwede daw ba siyang uminom. Ang ending, sabay-sabay tuloy napatingin sa akin ang mga pinsan niya na sila Charles, Christopher at Elijah.
Parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin nalang sa matinding pagka- pahiya na nararamdaman ko.
Imagine...talagang nagpaalam siya sa akin kung pwede ba siyang uminom with matching pagtawag ng 'Sweetheart' habang kaharap namin ang mga pinsan niya! Ano na ba ang nangyayari kay Sir Kenneth? Bakit parang kinain na yata ng sistema ang utak niya! Bakit feeling ko super special ko na talaga sa kanya!
Parang gusto ko na tuloy maniwala ngayun na tunay at wagas ang pag-ibig na nararamdaman niya sa akin.
"Iyan tayo eh! Sweetheart ha? So ibig sabihin ba nito na kayo na? Na sinagot ka na niya?" kaagad na sabat ni Elijah na may halong panunudyo sa boses. Hindi ko na tuloy malaman pa kung ano ang gagawin ko. Nahihiya talaga ako sa kanilang lahat. Bakit ba napaka-bulgar nitong si Kenneth? Parang gusto niya yatang ipagmalaki sa lahat na mahal niya ako.
"Not yet...hindi niya pa ako sinasagot pero malapit na." buong kumpyansa habang nakangiti na sagot naman ni Kenneth. Hinawakan niya pa ako sa kamay sabay pisil.
"Wow! Inggit much naman ako nito. Makahanap na nga din ng magiging ' sweetheart'! tumatawang sabat naman nang hindi ko malamang si Christopher ba or si Charles. Basta, magkamukha nga kasi silang dalawa. Para silang pinagbiyak na bunga at ang hirap tandaan.
"Tama na nga iyan! Hindi sanay ang Sweetheart ko sa mga ganiyang biro niyo guys!" saway naman ni Kenneth sa kanyang mga pinsan. Naramdaman ko pa na nilalaro-laro niya ang daliri ko na nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti sa buo kong pagkatao.
Hayyy, ano na lang kaya ang gagawin ko nito? Ano kaya ang magiging reaction nila Madam kapag malaman nila na nilalandi ako ng anak nila? Magagalit kaya sila sa akin? Kahit saang angulo tingnan hindi talaga kami bagay ni Sir Kenneth eh. Kaya lang ang kulit naman kasi talaga ng anak nila! Ayaw Paawat! Masyadong makulit at talagang ipinagkalat niya pa sa pinsan niya. Nag aalala ako na baka malaman ito ng buong Villarama clan. Natatakot ako sa magiging reactions nila.
"Pumayag ka na Ella. Kami na ang bahala kay Kenneth. Much better na kilalanin mo muna ang pinsan namin bago mo sagutin. Lalasingin muna namin pagkatapos tanungin mo ulit siya kung mahal ka ba niya! Kung 'hindi' ang sagot niya, mag isip ka na!" natatawang sabat naman ni Elijah. Sa kanilang magpipinsan mukhang siya ang mapang-asar. Parang hind din brokenhearted dahil nagawa niya pang magbiro ngayun.
"Po? Ah, bakit ako? Hindi naman ako ang Doctor niya para magdesisyon kung pwede ba siyang uminom or hindi." naiilang kong sagot sa kanila. Ayaw ko ng pansinin muna ang iba niya pang pasaring. Basta ayaw kong uminom muna ng alak si Kenneth at final na ang desisyon ko!
Nagkatinginan muna ang magpipinsan bago ako muling binalingan ni Elijah.
"Kung halimbawa lang naman na ikaw ang tatanungin, payag ka ba? Papayag ka bang uminom si Kenneth kasama kami? Ella naman, come on...oo at hindi lang naman ang isagot mo. Huwag ka ng magturo ng ibang tao!" makulit na pangungumbinsi ni Elijah. Hindi ko naman maiwasan na mapakagat sa sarili kong labi. Ang kulit niya talaga! Hindi bagay sa appearance niya ang ipinapakita niyang pag-uugali ngayun.
"Hi-hindi eh. Bawal sa kanya!" mahina kong sagot. Kaagad namang umugong ang hiyawan na may kasamang pangangantiyaw.
"Iyan tayo eh. Iba na talaga kapag may sweetheart! May pumipigil na! Ikaw na insan. Ikaw na ang pumapag-ibig" sabay -sabay na kantiyaw nila. Imbes na mapikon si Kenneth tumawa lang din ito ng malakas. Para bang sinasabayan niya din ang pangungulit ng mga pinsan niya.
"Oo na at alam kong inggit na inggit kayo sa akin ngayun. Lalo ka na Elijah!" nang aasar pang bigkas ni Kenneth. Sa isang iglap, kaagad namang naglaho ang ngiti sa labi ni Elijah. Napalitan iyun ng lungkot sabay titig sa kawalan. Hindi ko tuloy napigilan na kalabitin si Kenneth kaya napatingin din siya sa akin.
"Ikaw talaga...bakit pinaalala mo pa?" mahina knog tanong sa kanya. Matamis lang ako nitong nginitian sabay pisil sa palad ko.
"Hayaan mo siya! Maganda nga iyung palaging ipaalala sa kanya para magkaroon siya ng courage na hanapin si Ethel." mahinang bulong niya din sa akin. Pagkatapos muli nitong binalingan ang kanyang mga pinsan.
"Paano ba iyan...ayaw ni Ella kaya hindi ako pwedeng uminom ngayun. Next time nalang mga pinsan. Kapag magaling na talaga ako. Maiwan ko na muna kayo, pupuntahan muna namin sila Grandma at Grandpa." muling wika ni Kenneth at inumpisahan niya nang i-operate ang kanyang wheelchair.
Papasok na kami sa loob ng mansion nang makasalubong namin si Madam Arabella. Kaagad pa siyang napangiti ng mapansin niya ang presensya ni Kenneth.
"Oh, mabuti naman at sinunod mo ang sinabi ko sa iyo kanina na dumaan ka dito sa mansion...nasa loob ng living room sila Grandma at Grandpa mo. Puntahan mo muna." wika ni Madam Arabella sa kanyang anak.
"Sure Mom! Magpapakita lang ako sa kanila at wala akong balak na magtagal.
Pagod si Ella at gusto kong pagpahingahin muna siya." sagot naman ni Kenneth sa kanyang Ina na siyang kaagad na ipinanlaki ng mga mata ko.
Bakti ako? Bakit ako na naman ang idinahilan niya sa kanyang ina. Hayyy! Pasaway talaga! Ang lakas ng tama ni Kenenth ngayung araw. Ilang oras lang akong nawala sa tabi niya ang laki na nang ipinagbago ng ugali niya. Palagi na lang ako ang idinadahilan niya. Grabe siya!!!
"Naku...ayos lang po! Wala pong problema! Hindi po ako pagod." sagot ko habang pilit kong hinuhuli ng tingin ni Kenneth. Gusto ko sana siyang pagsabihan pero nahihiya naman ako dahil kaharap namin ang kanyang ina. Kung totoosin, wala talaga akong rights para sumabat sa pag uusap nila. Masyado lang talagang pasaway itong si Kenneth kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumabat.
"Ayos lang iyan Ella! Walang problema! Naiintindhan ng lahat ang kondisyon ni Kenneth kaya walang problema kung gusto man niyang umuwi kaagad. Pasensya ka na pala.. hindi tuloy natapos ang day-off mo dahil sa pasaway na batang ito! Talagang tinuloy niya ang banta niya kanina na susunduin ka para pauwiin!" sagot naman ni Madam. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabuti na lang talaga at mabait itong si Madam Arabella.
Chapter 517
ELLA POV
Ang balak na pag uwi ni Kenneth ay hindi natuloy dahil naharang siya ng mga Tita's a at Tito's niya. Napasarap ang kwentuhan kaya ang ending, heto ako ngayun. Kaharap sila Mam Jeann habang kausap niya si Mam Veroinca dahil ayaw nang humiwalay sa akin ni Baby Russell.
Na miss daw ako ng sobra ng bata kaya wala naman akong choice kundi kandungin muna dahil baka mag iiyak eh. Isa pa, ayaw ko din naman ma-bored habang hinihintay si Sir Kenneth.
"Mabuti naman at hindi na ganoon kasama ang ugali ng kapatid mo Jeann. Hindi na ba naninigaw? Tumatatangap na ba ng bisita? Nagawa niya na ding dumalaw ng mansion eh." narinig kong wika ni Mam Veronica. Napasulyap pa siya sa kinaroroonan nila Kenneth na kausap naman ng asawa niyang si Sir Rafael.
"Hindi na! Pumapag-ibig na eh kaya hindi na masyadong nagsusungit." nakangiti namang sagot ni Mam Jeann. Hindi ko naman mapigilan ang mapayuko. Hindi naman lumalabas si Sir Kenneth at wala namang ibang babae ang nakakalapit sa kanya kundi ako lang...so paano nasabi ni Mam Jeann na pumapag- ibig na ang kanyang kapatid?
"Talaga? And who is the lucky girl? BAkit parang hindi yata namin ito alam? Sana naman, huwag na iyung ex ha? Super na- stress din sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel noong hindin natuloy ang kasal ng kapatid mo. Kaya sana huwag na ang babaeng iyun!" sagot naman ni Mam Veronica. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Marami na din pala talaga ang ayaw kay Vina. Mabuti na din iyun kung ganoon.
"Naku, hindi na makakabalik ang babaeng iyun sa buhay ng kapatid ko. Isinumpa na siya ng lahat noh!" sagot naman ni Mam Jeann. Sa mga narinig, lalo namang nagdiwang ang kalooban ko!
"So tell me...who is the lucky girl na napupusuan ni Kenneth? Kaya ba gusto niya nang umpisahan ang pagpapagaling para makalakad ulit? Gusto ko din makilala si girl para makilatis. Hindi naman sa pang-aano pero kay hirap humanap ng matinong babae sa panahon ngayun. Iyung babaeng pang forever talaga ba!" nakangiting sagot ni Mam Veronica.
Sobrang cute talaga niya lalo na kapag ngumingiti. Kaya pala patay na patay sa kanya si Sir Rafael. Pahapyaw na naikuwento sa akin ni Mam Jeann kung paano nabuo ang pag iibigan nilang dalawa ni Sir Rafael at aaminin ko na umaasa ako na sana maging kagaya niya ako. Mala cinderella ang love story at sana seryoso talaga sa akin si Kenneth.
Napasulyap pa ako kay Mam Jeann at ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko ng mapansin ko na nakatitig din pala siya sa akin habang may ngiting nakaguhit sa labi.
Bigla tuloy akong kinabahan. Para kasing may alam siya sa panglalandi na ginawa sa akin ng kapatid niya!
"Kilala mo siya. Actually, ini-expect ko na talaga na mahulog ang loob ng kapatid ko sa kanya dahil maganda din naman siya at sweet!" nakangiting sagot ni Mam Jeann.
"Talaga? Wow! First time iyan ah? Parang hindi ka ganiyan noong sila pa ni Vina. Mukhang super special naman pala ng babaeng iyan." sagot naman ni Mam Veronica.
"Of course, super special talaga! Hindi umuubra sa kanya ang kasungitan ng kapatid ko at
"Tsismosang Jeann, ano na naman ang pinagsasabi mo diyan?" hindi na natuloy pa ang medyo mahaba pa yatang paglilitanya ni Mam Jeann nang biglang dumating si Kenneth. Kahit ako hindi ko napansin ang paglapit niya dahil tutok na tutok ako sa pakikinig sa kwento ni Mam Jeann. Feeling ko talaga kasama ako sa iki -kwento niya eh. Feeling ko may alam na sya tungkol sa kung anong namamagitan sa aming dalawa ng kapatid niya.
"Ohhh...hello Bro! Wala, napa-kwento lang." nakangiting sagot naman ni Mam Jeann. Hindi ko mapigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Paano ba naman kasi halatang guilty eh.
"Tsk...bakit nasa kay Ella ang tiyanak mo? Hindi mo na dapat pinapabantayan sa kanya si Baby Russell! Dagdag pa sa pagod ni Ella iyan eh. Imbes na makapag- pahinga ang tao, pinapabantayan mo iyang makulit mong anak." nag-uupisa na naman yatang magsungit si Kenneth kaya kaagad na akong sumabat
"Naku, ayos lang. Nasanay kasi si Baby Russell sa akin kaya noong nakita niya ako kanina ayaw niya nang humiwalay sa akin. Huwag kang magalit, hindi ako pagod at sanay akong mag alaga ng bata!" nakangiti ko namang sagot. Nag-uumpisa na naman yatang uminit ang ulo eh. Nakakahiya kung pati dito sa mansion magsusungit siya gayung pamangkin niya naman ang binabantayan ko. Tska hindi
naman big deal sa akin iyun!
"Kahit na! Hindi ako papayag! Ibalik mo na iyang batang iyan sa Nanay niya! Siya ang dapat mag alaga at hindi ikaw Sweetheart!" sagot ni Kenneth kaya kaagad namang nagkatinginan sila Mam Jeann at Mam Veronica.
Linsyak na Kenneth na ito, tinawag na naman akong Sweetheart sa harap ng kapatid niya at ni Mam Veroinca? Malandi talaga! Walang kontrol ang bibig. Wala na, finish na...malalaman na ng lahat na naglalandian na kaming dalawa. Alam na din ng iba niyang pinsan kaya kakalat na talaga ang balita.
"Ang sungit? Bakit sinagot ka na ba ni Ella? Hindi pa naman diba? Naku, kung ako kay Ella, hindi ko i-entertain kayang pagsinta mong purorot eh. Turn-off dahil masama ang ugali mo." nang-iinis na sagot ni Mam Jeann. Hindi ko na tuloy mapigilan ang matawa. Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Sir Kenneth at halatang hindi ito masaya sa sinabi ng kapatid niya.
"Pagsintang purorot? Shit! Hindi ako ganiyan! Sweetheart ibalik mo na sa kanya iyang anak niya at ayaw na ayaw ko na makikita pa kahit kailan na inaalagaan mo iyan. Maraming pera iyan para kumuha ng kahit ilang yaya at huwag ikaw itong iniisturbo niya. Gagawa na lang tayo ng sarili nating baby para alagaan mo." sagot ni Kenneth na hindi ko alam kung totoo ba or hindi. Sa sobrang seryoso niya napansin ko pang muling nagkatinginan sila Mam Jeann at Mam Veronica at sabay na napabungisngis.
"Mag Sweetheart na pala eh. Dapat kasal na ang susunod na pag uusapan." nakangiting sagot ni Mam Veronica.
Hindi ko na tuloy malaman kung ano ang isasagot ko. Mas nakakahiya pala lalo na at parang normal na lang sa usapan ang mga lumalabas sa bibig ni Kenneth ngayun. Ipinaparamdam nila sa akin na walang dapat ikabahala dahil tangap naman nila ako.
Chapter 518
ELLA POV
Bago pa tuluyang magtalo ang magkapatid, ibinalik ko na si Baby Russell kay Mam Jeann at inasikaso na ang amo ko na nag uumpisa na naman yatang mag tantrums dahil lang kandong ko ang dati kong alaga. Imagine, pati bata pinagsi- selosan pa yata? Pati feelings niya naibulgar niya na yata sa lahat ng miyembro ng Villarama clan.
"Uuwi na ba? Gusto mo bang ipahanda ko na ang kotse kay Mang Jose?" pilit ang ngiting tanong ko kay Kenneth. Matamis ako nitong nginitian sabay hawak sa kamay ko.
"Sure....kanina ko pa sana gustong umuwi kaya lang kinausap pa ako ni Uncle eh." nakangiting sagot naman ni Kenneth sa akin. Kung titingnan para talaga kaming couple ngayun. Kung ituring kasi ako ni Kenneth parang hindi niya na alalay eh. Parang nobya niya na kaya naman pigil ko ang sarili ko na kiligin.
Nakakahiya sa mga kaharap namin eh.
"Ang sweet! Sana kayo na lang hanggang huli!" kinikilig na bigkas ni Mam Veronica. Parang gusto ko nang lisanin ang mansion matakasan lang ang panunudyo nila. Parang hindi ko keri ang ganitong klaseng eksena.
"Sure iyan! By the way, mauna na kami. Therapy ko na sa Monday at parang mas gusto kong mag stay na lang muna sa bahay at magpahinga!" sagot naman ni Kenneth. Ni hindi niya na tinapunan ng tingin ang mapang asar niyang kapatid at niyaya niya na ako papuntang kotse.
Kaagad na din naman akong pumayag dahil kahit ako, gusto ko na din talagang makauwi na muna. Gusto kong magmuni- muni at pag isipan kung tama ba itong nangyayari sa akin. Kung deserve ko ba talagang mahalin ng isang Kenneth Villarama Santillan
Hindi na binitiwan ni Kenneth ang kamay ko habang pareho na kaming nakaupo dito sa likurang bahagi ng kotse.
Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.
"Tahimik ka yata? May problema ba? May gumugulo ba sa isipan mo?" tanong ni Kenneth nang mapansin niya yata ang panahimik ko. Kaagad naman akong umiling. Marami kasi talaga akong gustong itanong sa kanya kaya lang ayaw kong dito sa kotse gawin iyun. Gusto ko walang ibang tao sa paligid naming dalawa. Gusto ko na kaming dalawa lang at sana talaga honest answer ang makukuha kong sagot mula sa kanya.
"Wala naman! Mamaya na lang." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya. Tinitigan niya ako sabay tango.
"Promise, gagaling ako! Gagawin ko ang lahat para muling makalakad at ang una kong gagawin ay ang pakasalan ka kaagad! Promise iyan Ella!" malambing na sagot niya sa akin at muli kong naramdaman ang pagpisil niya sa palad ko. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-sinsero sa sinasabi niya ngayun. Parang confirm na nga....mahal niya ako dahil iyun ang nakikita ko sa mga mata niya.
Pagdating ng bahay, kaagad na nagyaya si Kenneth sa kwarto. Gusto niya daw magpahinga muna kaya kaagad ko na din sinunod ang gusto niya. Kahit ako, nakakaramdam na din ng pagod. Parang gusto kong magpahinga na din muna.
"Sweetheart, ikuha mo naman ako ng damit oh!" malambing na utos ni Kenneth sa akin kaya kaagad akong tumalima. Pumasok ako sa loob ng walk in closet at kumuha ng damit niya. Pagkalabas ko napansin kong nakatitig siya sa gawi ko at mukhang hinihintay niya talaga ang paglabas ko.
"Heto na ang damit mo. Gusto mo bang punasan muna kita? Pinagpawisan ka yata kanina eh." sagot ko naman habang naglalakad palapit sa kanya. Ipinatong ko ang damit sa kama habang hinihitay ang magiging sagot niya pero nagulat na lang ako dahil mula sa bulsa niya may inilabas siyang maliit na box at iniabot sa akin.
"For you! Sana magustuhan mo." nakangiti niyang wika sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa box na iniabot niya sa akin bago ako tumitig sa kanyang mukha.
"Ano iyan? Para saan iyan?" nagtataka kong tanong. Nanghihina pa akong napaupo ng kama. Regalo na naman? Naka-ilang regalo na ba siya na naibigay sa akin?
"A gift. Sa monday mag-i-start na ang therapy ko at iyun na din ang paraan para muli akong makalakad. Gusto kitang bigyan ng regalo dahil nagawa mong manatili sa tabi ko sa kabila ng kagaspangan ng pag uugali na ipinapakita ko sa iyo noon." nakangiti nitong sagot sa akin.
"Pero, hindi bat ang dami mo nang pinamili na damit sa akin? Ayan oh...hindi ko pa nga nabubuksan. Ni wala pa nga akong nagagamit na kahit isa sa mga iyan. " sagot ko naman. Sa pagkakataon na ito,
gusto ko nang ayawan ang gift na gusto niyang ibigay sa akin pero deep inside my heart gusto ko din malaman kung ano ang laman ng nasa maliit na pulang kahon na iniaabot niya sa akin ngayun..
"Kaya kong ibigay sa iyo ang lahat-lahat Ella. Walang kapantay na kahit na magkanong halaga ang pag aalaga na ginawa mo sa akin." nakangiti niyang wika sabay bukas ng hawak niyang kahon. Hindi naman ako makapaniwala nang kaagad na tumampad sa mga mata ko ang isang kwentas.
Isang kwentas na unang tingin ko pa lang alam kong mamahalin. Pagkabukas pa lang kasi ng kahon, kaagad na kuminang ang kulay pink na bato na nasa pendant. Alam ko din na white gold ang chain niyun at medyo makapal.
"Pinabili ko ito kahapon kay Elijah para ibigay sa iyo." nakangiti niyang bigkas sa akin. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
"Pero mahal iyan diba? Hindi ko
kailangan iyan Kenneth. Ayos na ako sa mga damit na ibinigay mo sa akin. Hindi mo kailangan gumastos ng malaki para lang sa akin." maluha-luha kong sagot. Imagine..talagang nag utos pa siya ng tao para bilihin ang alahas na iyan? Ganoon niya ba talaga ako kamahal?
"Walang mahal at mura kapag gusto kong magbigay ng regalo sa babaeng iniibig ko. I love you so much at willing akong maghintay kung kailan mo ako sasagutin. Basta manatili ka lang sa tabi ko, masaya na ako at sana bigyan mo ako ng chance na iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi naman ako nakasagot. Samut-saring emosyon ang nararamdaman ko sa puso ko sa mga sandaling ito.
"Mahal mo ako kahit na hindi ako kagaya mo na ipinanganak na mayaman? Hindi tayo bagay at baka pagtawanan ka lang ng iba diyan dahil umibig ka sa alalay mo." sagot ko. Mahina itong natawa at mabilis na pinagulong ang wheelchair palapit sa akin.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ikaw ang mas mahalaga sa akin at wala ng iba." nakangiti niyang sagot sa akin sabay dukwang para isuot niya ang kwentas sa leeg ko. Hindi na ako umiwas pa. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin total mahal ko din naman siya!
Chapter 519
ELLA POV
"Perfect! Huwag na huwag mong hubarin iyan ha? Ang kwentas na iyan ay simbolo sa walang hanggang pagmamahal ko sa iyo Ella." nakangiting wika ni Kenneth sa akin. Hindi naman ako makapaniwalang napahawak sa kwentas na nasa leeg ko na. Ibayong tuwa ang nararamdaman ng puso ko dahil sa effort na ginawa niya.
Ipinanganak akong mahirap pero hindi ako materialistic na tao. Ang ginagawa niya ngayun ay isang palatandaan kung gaano ako kahalaga sa kanya. Wala na sigurong dahilan pa para kwentiyunin ko siya diba? Sa kabila ng kalagayan niya ngayun, talagang nag effort siya para pasayahin ako. Gumawa siya ng paraan para bigyan ako ng isang mamahaling regalo.
"Thank you!" naluluha kong bigkas. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong tumayo at kaagad na yumakap sa kanya.
Naramdaman ko ang pakagulat niya dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakialam pa. Gusto kong iparamdam sa kanya ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Hindi dahil sa regalo na natangap ko mula sa kanya kundi ang sensiridad na ipinapakita niya sa akin ngayun. Ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin sa kabila ng malayong agwat ng aming pamumuhay. Mayaman siya at mahirap ako pero nagawa niya pa rin akong mahalin.
Hindi siya nabigo na ipakita sa akin ang pagmamahal niya. Hindi din siya nahiyang aminin iyun sa kanyang mga pinsan. Baka nga alam na din ng iba pang Villarama Clan eh pero hanggang ngayun wala akong narinig na kahit na anong pagtutol mula sa kanila. Lalo na sa kapatid niyang si Mam Jeann....ni hindi man lang siya nagpakita ng negative na reaction ng sabihin ni Kenneth kanina sa kanila kung ano ang nararamdaman niya sa akin.
"For what? Teka, umiiyak ka ba?" natatawa niyang tanong sa akin. Mahigpit niya ding iniyapos ang kanyang dalawang braso sa aking baiwang kaya lalong hindi ko na tuloy napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata
"Eh kasi ang dami mo nang ibinigay na regalo sa akin! Tapos tapos--wala man lang akong maibigay na kahit na anong regalo sa iyo." napapahikbi kong bigkas. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Iyan ba ang pinu-problema mo kaya ka umiiyak ngayun? Bakit ano ba ang balak mo sanang iregalo sa akin?" malambing niyang tanong. Lalo namang humigpit ang pagkakayapos ko sa kanya. Hindi na ako mahihiya pang iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Ang importante, magkasama kami ngayun.
"Hindi ko alam! Ano ba ang gusto mo? Basta, huwag iyung mahal ha dahil hindi ko kayang ibigay sa iyo iyun." nahihiya kong sagot sa kanya. Ang lakas ng loob kong mag offer ng regalo kaya lang wala naman pala akong budget.
Tsaka ano ba ang pwede kong iregalo sa isang taong lumaki sa yaman? Nasa kanya na ang lahat eh. Kung sa mga damit, meron na siya at lahat ng mga iyun ay hindi biro ang mga presyo. Wala din talaga akong maisip kung ano ba talaga ang pwede kong ibigay sa kanya. Nakakahiya naman long puro tangap lang ako tapos wala akong mai-offer sa kanya
"Ano ang gusto ko? Well, ano nga ba ang pwede? Ano ba ang kaya mong ibigay sa akin?" nakangiti niyang bigkas at dahil nakaupo siya sa kanyang wheelchair at nakatayo ako naramdaman ko na isinubsob niya ang kanyang mukha sa tiyan ko. Para siyang isang paslit na naglalambing sa akin kaya hindi ko na tuloy maiwasan ang mapangiti.
"Pag-iipunan ko pa! Ano ba ang gusto mo?" nangingiti kong tanong sa kanya. Ilang saglit din siyang hindi nakaimik kaya matiyaga akong naghintay. Hindi ko na din pinansin pa kung ano ang posisyon namin ngayun.
"Kiss ayos na ako. Mga five minutes na kiss sa labi at quits na. Bawing-bawi ka na sa akin kapag gagawin mo iyun." pilyo niyang sagot. Wala tuloy sa sariling napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at kaagad na umatras. Natawa naman siya sa nagiging reaction ko.
"Bakit? Ayaw mo? Hindi mo kaya? kung yaw mo eh di huwag! Hindi mo kasi ako mahal kaya ganiyan ka sa akin!" wika niya na may halong panunumbat sa kanyang boses.
"Ha? Hindi naman sa ayaw ko! Nagulat lang kasi talaga ako eh. Tsaka, ano ba iyung sinasabi mo na five minutes. Hindi ba masyadong matagal iyun?" nahihiya kong tanong sa kanya. Nakakaramdam na din ako ng pag iinit ng aking pisngi. Unti- unti namang sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya habang titig na titig sa akin.
"Bakit ka namumula? Kiss lang naman Sweetheart. Tsaka much better na samahan mo na din nang pagbigkas ng salitang I love you para mas matuwa ako." naglalambing na bigkas niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba habang sinisipat ko siya ng tingin. Gusto kong masiguro kung seryoso ba talaga siya sa request niya sa akin at nang mapansin ko na seryoso nga siya hindi ko mapigilang mapalunok ng sarili kong laway.
"Okay...pero pagkatapos nito bawal na ang tsansing ha?" sagot ko. Natawa naman ito at talagang iniusli niya pa ang nguso niya patungo sa akin. Kailangan ko na daw umpisahan kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
Naupo pa ako ng kama para magpantay kami bago ko dahan-dahan na inilalapit ang mukha ko sa mukha niya.
"I love you!" mahina kong sambit habang titig na titig na din sa kanyang mga mata. Dahan-dahan na naglapat ang aming mga labi.
Five minutes daw kaya ibibigay ko ang nais niya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.
Chapter 520
ELLA POV
Pagkatapos ng halik na pinagsaluhan namin ni Kenneth lalo siyang naging malambing sa akin. Lahat ng sasabihin ko sinunsunod niya palagi na siyang labis kong ikinatuwa. Sana talaga tuloy-tuloy na. Sana talaga ganito palagi ang turingan naming dalawa. Ngayung nandito na ako sa ganitong sitwasyon handa na akong sumugal sa pag-ibig.
Nasunod din ang nais niya na dapat daw magkadikit kami sa kama habang natutulog total mag girlfriend at boyfriend naman daw kami. Hinayaan ko na lang dahil gusto ko din naman iyun eh. Ang sarap kaya sa pakiramdam na kayakap mo ang taong mahal mo.
"I love you Sweetheart!" mahinang bigkas niya sa akin kasabay ng mabilisang paghalik niya sa labi ko. Kilig to the bones naman ang nararamdaman ko habang nakatitig din sa kanyang mukha Wala kaming pakialam kahit na
nagkakaamuyan na yata kami ng hininga. Ang importante magkayakap kami ngayun sa ibabaw ng kama.
"I love you too Mr. Sungit!" nakangiti kong sagot kasabay ng pabirong pagpisil sa matangos niyang inong. Wala lang, nakakagigil kasi eh. Mas matangos pa yata ang ilong niya kumpara sa akin. At ang kutis, kumusta naman, mas makinis pa yata siya sa akin.
"Mister Sungit? Sure ka ba diyan sa tawag mong iyan sa akin? Parang ang sagwa eh!" reklamo niya pa. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapabungisngis. Ang cute kasi talaga niyang lalo na ngayung naglalambing siya sa akin
"Magpakabait ka na kasi palagi para hindi na kita tatawaging Mr. Sungit!" nakangiting sagot ko sa kanya. Lalo namang hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Para tuloy kaming bagong kasal ngayun na hindi halos mapag hihiwalay. Ano na lang kaya ang ¨¹sipin nila Madam Arabella kapag makita nila kami sa ganitong klaseng sitwasyon. Papagalitan kaya nila ako?
"Sure excited na akong gumaling Sweetheart! Sana, soon para naman masamahan na kitang ipasyal sa ibat ibang lugar." sagot niya sa akin
"Darating din tayo sa pagkakataon na iyan. Ang kailangan mong gawin, mag concentrate ka palagi sa therapy mo at nandito lang ako na palaging nakaalalay sa iyo." nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad naman siyang tumango
"Thank you Sweetheart! Alam mo bang hindi ko akalain na darating pa pala ako sa ganitong klaseng sitwasyon? Akala ko talaga wala na akong pag-asa eh. Akala ko talaga habang buhay na lang akong mabubuhay na mag isa. Ang bait pa rin ng tadhana sa akin dahil nakilala kita at Ibinigay ka Niya sa akin!" nakangiti niyang bigkas. Lalo naman akong nakaramdam ng kilig
Kung maswerte siya sa akin, aba't mas maswerte yata ako sa kanya. Sino ba naman ang nag-aakala na posible din pala akong mahalin ng isang Kenneth Villarama Santillan. Ang sarap niya kayang magmahal. Sa kabila ng sitwasyon niya ngayun, ramdam ko din talaga ang pag aalaga niya sa akin.
"It's getting late na sweetheart! Matulog na tayo." nakangiti niyang bigkas at mabilis akong kinintalan ng halik sa aking noo. Hinaplos ko naman ang kanyang pisngi at masuyo siyang tinitigan sa kanyang mga mata.
Ayaw ko nang magkunwari. Gusto ko ding ipakita sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Ngayung nagkakaintindihan na ang aming mga puso, wala nang dahilan pa para itago ko sa kanya ang nararamdaman ng puso ko. Wala nang dahilan pa para iwasan ko siya.
"Good night! I love you!" nakangiti kong bigkas at kaagad kong ipinikit ang aking mga mata. Late na at kaming dalawa na lang yata ang gising sa bahay na ito. H. kasi talaga kami nauubusan ng topic eh. Ilang beses na kaming nagpalitan ng salitang I love you at hindi kami matapos- tapos.
"Good night! Sweetdreams Sweetheart!" mahina niya ding bigkas kasabay ng lalong paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya na akong pakawalan pa.
Mabait naman siya at wala naman siyang ibang gustong gawin habang nakahiga kami sa kama. Kontento na siyang nakayakap siya sa akin at ganoon din ako hanggang sa naramdaman ko na nakatulog na pala siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang paguhit ng matamis na ngiti sa labi ko habang dahan-dahan kong muling idinilat ang aking mga mata sabay titig sa kanyang payapang mukha na nahihimbing sa pagtulog.
Walang duda, mahal ko na siya at sana kami talaga hanggang huli. Sana wala ng wakas ang kaligayahan na nararamdaman ng puso ko ngayun. Sana si Kenneth na ang lalaking para sa akin. Makakalakad man siya ulit or hindi, salagaan ko pa rin siya sa abot ng aking makakaya.
Punong-puno ng pagmamahal ang puso ko at hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng araw. Nagising isang umaga si Kenneth na excited dahil ito ang unang araw ng kanyang therapy.
"Ready ka na ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Kaagad naman siyang tumango.
"Of course! Habang nasa session ako huwag kang gumawa ng kahit na anong gawain ha? Huwag mo din akong panoorin dahil baka ma concious ako at hindi ako makapag-concentrate." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapasimangot.
"Bakit ba kasi ayaw mong panoorin kita? Baka kung ano na ang gawin nila sa iyo. Nag aalala ako." nakasimangot kong sagot sa kanya. Mahina siyang natawa kasabay ng paghaplos ng isang palad niya sa pisngi ko.
"Para sa ating dalawa itong ginagawa ko Sweetheart! Desidido akong gumaling para sa iyo dahil marami akong pangarap sa ating dalawa at matutupad lamang iyun kapag tuluyan na akong makalad ulit. Dont worry, bigyan mo ako ng ilang months at magiging maayos din ang lahat. " nakangiti niyang sagot sa akin. Unti- unti namang gumuhit ang ngiti sa labi ko kasabay na mahigpit na pagyakap ko sa kanya.
"Basta mangako ka sa akin...huwag mong masyadong pwersahin ang sarili mo. Nandito lang ako...kahit na habang buhay kang nakaupo diyan sa wheelchair na iyan, mamahalin pa rin kita. Aalagaan pa rin kita!" buong puso kong bigkas.
"Alam ko naman iyan Sweetheart! Pero hindi naman pwedeng palaging ikaw na lang ang mag-aalaga sa akin diba. Gusto ko din namang pagsilbihan kita eh. Gagawing prinsesa at paliligayahin!" nakangiti niyang sambit sabay kindat. Lalo naman akong nakaramdam ng kilig.
Chapter 521
ELLA POV
Uumpisahan sa garden ang unang session ng therapy ni Kenneth kaya inihatid ko lang siya doon at kaagad niya na din akong pinabalik ng kwarto. Ayaw na ayaw niya talagang papanoorin ko siya kaya pinagbigyan ko na. Ayaw ko din kasing ako ang maging dahilan para ma- delay ang therapy na gagawin sa kanya eh.
Nagpasaya na lang akong ayusin ang mga damit na pinamili niya sa akin ilang araw na ang lumipas. Hindi ko kasi ito maayos-ayos dahil sa walang katapusan niyang paglalambing sa akin. Kapag nandito kami sa kwarto, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang yakapin ako at iparamdam sa akin kung gaano ako ka-importante sa kanya
Ewan, wala siyang kasawa-sawa. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil hindi naman kami pareho lumagpas sa boundary. Hanggang yakap at halik lang naman siva! Kontento na siya sa ganoong set up! Hangat maaari din kasi gusto kong i-save ang virginity ko hanggang sa araw ng aming kasal.
Yes...iyun kasi ang gusto kong iregalo sa kanya sa unang gabi namin. Pinang- hahawakan ko ang pangako niya sa akin na kapag tuluyan na siyang gumaling, pakakasalan niya daw kaagad ako. Siyempre, sino ba naman ako para tumangi diba? lyan kaya ang isa sa pangarap ko. Ang maglakad ng nakasuot na puting gown sa simbahan habang hinihintay ako ng aking groom sa harap ng altar
"Abala ako sa kakatupi sa mga damit nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Puno ng pagtatakang naglakad ako papuntang pintuan at kaagad na binuksan. Nagulat na lang ako dahil si Madam Arabella ang aking nabungaran.
"Good Morning Madam!" kimi kong bati sa kanya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na nang mapansin ko kung gaano siya ka-seryoso ngaun.
"Good Morning!" seryosong sagot niya at kaagad na siyang pumasok sa loob ng kwarto. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ganito ka-seryoso si Madam nitong mga nakaraang araw at buwan kapag nakakaharap ko siya pero bakit parang iba yata ngayun. Alam niya na kaya kung ano man ang namamagitan sa pagitan naming dalawa ni Kenneth? Ano na lang kaya ang gagawin ko nito? Baka galit siya kaya napasugod siya dito sa loob ng kwarto. Pwede naman sana niya akong ipatawag kung may gusto siyang sabihin sa akin.
"Ella, I want an honest answer from you! May 'something' ba na namamagitan sa inyong dalawa ng anak ko?" seryoso at wala nang patumpik-tumpik niyang tanong na nagbigay sa akin ng takot. Sabi ko na nga ba eh.. ito talaga ang sadya niya sa akin. Parang hindi yata sa lahat ng oras, papabor sa akin ang tadhana. Dumanting na yata ang time na lubos kong kinatatakutan.
"Madam, sorry po pero maniwala man kayo or hindi...hindi ko po talaga sinasadya." kinakabahan kong sagot. Parang gusto ko na din maiyak dahil sa matinding tension na nararamdaman ko. Tapos na yata ang maliligaya kong araw na kasama si Sir Kenneth.
Napansin kong titig na titig si Madam sa akin kaya kaagad akong napayuko. Hindi ko kasi talaga kayang salubungin ang mga titig niya. Nahihiya ako. Naging mabait siya sa akin bilang amo niya kaya kalabisan naman siguro kung makikipag- relasyon ako sa anak niya. Kahit saang angulo tingnan, hindi kasi talaga kami bagay eh.
"Kayo na ba? Kasintahan ka na ba niya? May relasyon na ba kayong dalawa?" seryoso niyang tanong. Kahit na kinakabahan, dahan-dahan akong tumango. Wala akong planong magkaila at kung ano man ang maging hatol niya ngayun, tatanggapin ko ng buo sa kalooban ko.
"Opo Madam! Ka-kami na po. Sorry po...
hindi ko alam kung bakit nagawa ko siyang patulan. Sorry po dahil hindi ko nagawang umiwas." kinakabahan kong sagot. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ko napansin ang unti- unting paguhit ng matamis na ngiti sa labi ni Madam. Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan niya ako sa aking kamay.
"Well, congratulations! Kung nagkakaintindihan kayo ng anak ko, asahan mong nandito lang kami para suportahan kayong dalawa! Bilang ina ni Kenneth, wala akong ibang hangad kundi ang kanyang kaligayahan kaya sana magmahalan kayong dalawa ng buong puso." nakangiti niyang bigkas.
Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Ang inaasahan ko kasi ay magagalit siya pero bakit parang kabalikataran naman yata ang nakikita ko sa expression ng kanyang mukha ngayun? Bakit napaka supportive niya naman yatang Ina? Totoo nga yata ang naririnig kong tsismis na hindi naman pala sila mga mata-pobreng tao!
"Hi-hindi po kayo galit? Ayos lang po sa inyo ang tungkol sa relasyon namin ni Kenneth?" hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.
"Bakit naman ako magagalit? Dalaga ka, binata ang anak namin at normal lang kung magkagustuhan kayo! Matagal ko ng alam na may gusto sa iyo ang anak ko at wala kaming nakikitang problema doon! Ilang buwan pa lang kitang nakakasama pero alam kong mabuti kang bata Ella at walang dahilan para hindi kita i-welcome sa pamilya namin." nakangiti niyang bigkas. Hindi ko na napigilan ang luha sa aking mga mata.
"True love exist at kung ikaw ang babaeng para kay Kenneth buong puso ka naming tatanggapin sa pamilya namin." nakangiti niyang sagot. Hindi ko na tuloy napaigilan pa ang sarili ko na mapaiyak.
"Huwag mong lokohin ang anak ko ha? Ingatan mo ang puso niya dahil alam namin kung gaano ka kahalaga sa kanya."
nakangiting wika niya sa akin. Kaagad naman akong tumango. Sobrang saya ko ngayun lalo na at alam kong hindi naman pala sila hadlang sa relasyon namin ni Kenneth.
"Pangako po...hangat kailangan niya ako, mananatili ako sa tabi niya at handa akong pagsilbihan siya sa abot ng aking makakaya." naiiyak kong sagot sa kanya. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi niya.
"Aasahan ko iyan Ella at maraming salamat! Nang dahil sa iyo, naging pursigido ang anak namin para muling makalakad. Habang buhay ko itong ipagpasalamat sa iyo at kahit na ano ang mangyari, nandito lang kami para suportahan ang pag iibigan niyong dalawa." nakangiti niyang wika sa akin. Pigil ko ang sarili ko na yakapin siya dahil sa tuwa. Hindi sapat ang salitang pasasalamat para mailarawan ang saya na nararamdaman ng puso ko.
Chapter 522
ELLA POV
Mabilis na lumipas ang mahigit tatlong buwan. Lalong naging makulay ang pagsasama naming dalawa ni Kenneth. Lalo siyang naging open sa lahat tungkol sa relasyon namin. Alam na din ng halos lahat ng Villarama clan ang relasyon namin at wala akong kahit na anong narinig na pagtutol mula sa kanila. Feeling ko naman tangap nila ang relasyon naming dalawa ni Kenneth na siyang labis kong ipinag-pasalamat.
Puspusan din ang therapy ni Kenneth at maganda naman ang naging response ng katawan niya. Naka-suporta ang buong pamilya sa kanya kaya naman ganado siya sa bawat sessions niya. Paunti-unti na din siyang nakakalakad gamit ang saklay. Hindi naman daw masyadong malala ang isa niya pang binti kaya mabilis lang din naka-recover. Iyung isa na lang ang kailangan niyang palakasin at makakalakad na din siya ng maayos.
"Sweetheart! Gising na!" dahan-dahan kong imunulat ang aking mga mata ng maramdaman ko na may humapalos sa aking pisngi kasabay ng mabilisang halik sa aking labi. Kaagad na tumamapad sa mga mata ko ang nakangiting mukha ni Kenneth. Mukhang nakaligo na siya at nakabihis na din ng maayos na damit. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya.
"Ken, linggo ngayun. Wala kang therapy session. Bakit ka nakabihis? May lakad ka ba?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hay salamat! Buti naman at nagising na din ang Sweetheart ko! Maligo ka na dahil aalis tayo." nakangiti niyang sagot.
Ano na naman kaya ang naisip niyang gawin? Saan niya kaya ako dadalhin at biglaan yata ang pagyayaya niya. Palibhasa kasi hindi na siya nakaasa sa wheelchair at kaya niya nang maglakad ng nakasaklay kaya kung anu-ano na naman yata ang naisip niyang gawin.
"Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi mo yata ito nabangit sa akin kagabi?" nagtatakang tanong ko naman sa kanya habang dahan-dahan na bumabangon ng kama.
Sa ilang buwan namin na magkatabi na natutulog sa kama nasanay na ako. Parang normal na lang sa aming dalawa ang ganitong klaseng set up.
Masyadong maginoo si Kenneth at hindi talaga siya lumalagpas sa boundary. Kontento na siya sa pahaplos-haplos at pahalik-halik sa akin na siyang naging dahilan kaya lalo ko siyang hinangaan at minahal.
Ang lakas kasi talaga ng self control niya. Lalaki siya at alam kong katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa niya para lang walang mangyari sa aming dalawa. No sex involved kaya lubos kong napatunayan kung gaano kalaki ang pagalang at respito niya sa akin.
"1-surprised sana kita eh kaya lang mukhang mas gusto mong matulog ngayung araw. Sige na Sweetheart, mukhang tayo na lang ang hinihintay nila Mommy. Kasama din kasi natin sila kaya bilisan mo nang maligo. Naka-ready na din ang isusuot mo!" nakangiti niyang bigkas sabay turo sa isang pares na kasuotan na maayos na nakalapag sa sofa. Hindi ko tuloy mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Hindi pa nga siya masyadong magaling pero kung ituring niya ako ngayun para na akong prinsesa.
Mukhang gusto niya talagang totohanin ang pangako niya sa akin na ako naman daw ang pagsisilbihan niya.
"Thank you! Ang bait naman ng Kenneth ko! Muwahhhh!" nakangiti kong bigkas at mabilis siyang binigyan malutong na halik sa pisngi. Napansin ko pa ang pagkagulat niya kaya kinuha kong tsansa iyun para makababa ng kama at mabilis na naglakad patungong banyo para makaligo na.
Pagkapasok ko ng banyo, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis akong naligo at wala pang sampung minuto tapos kaagad ako. Tsaka na lang ako maligo ng matagalan kapag wala kaming lakad. Nakakahiya sa future in laws ko kung maghihintay sila ng matagal dahil sa akin. Hindi porket mabait sila sa akin, aabusuhin ko na. Hindi ako ganoong klaseng tao.
"Suot ng bathrobe, nagmamadali akong lumabas ng banyo. Hindi ko na naabutan si Kenneth dito sa loob ng kwarto. Mukhang kusa siyang lumabas para siguro mabigyan ako ng time na makapag ayos.
Mabilis kong isinuot ang damit na inihanda niya sa akin at nag ayos ng sarili. Ni hindi na nga din ako nag abala pang patuyuin ang buhok ko. Naglagay lang ng skin care sa aking mukha at lipstick at mabilis na din akong lumabas kwarto.
Katulad ng nabangit kanina ni Kenneth mukhang ako na lang yata ang hinihintay nila. Nasa kotse na kasi sila Madam Arabella at Sir Kurt pati na din si Kenneth. Nakakahiya! Ako na nga lang itong sampid, ako pa itong late. Pasaway kasi itong si Kenneth. Kung sinabi niya sana kaagad na aalis kami eh di sana alas tres pa lang ng madaling araw naghanda na sana ako.
"Oh, nandito na pala si Ella. Naka-ready na ba ang chopper? Bilisan na natin para makabalik din kaagad tayo mamayang hapon." narinig kong bigkas ni Madam Arabella.
"Sorry po kung natagalan ako." nahihiyang hinging dispensa ko. Nakangiting umiling naman si Madam Arabella.
"Huwag niyo siyang pagalitan Mom. Kasalanan ko. Hindi ko nabangit sa kanya kagabi na may lakad tayo ngayun."
nakangiting sabat naman ni Sir Kenenth. Prenteng nakaupo kaya kaagad na din akong sumakay ng kotse at naupo sa tabi niya.
"Wala naman akong sinabi ah? Ikaw na din ang may sabi na kasalanan mo kaya walang dahilan para pagalitan ko si Ella." sagot naman ni Madam Arablla. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti ng maramdaman ko ang paghawak ni Kenneth sa kamay ko. Nilaro-laro niya pa ang daliri ko bago niya iyun pinakatitigan. Hindi ko na lang pinansin dahil sanay naman na ako sa mga ganitong pakulo niya.
Sa domestic airport kami dumirecho at bahagya pa akong kinabahan dahi sa chopper nga pala talga kami sasakay. First time kung sumakay ng ganitong klaseng sasakyan kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Bus lang kasi ang sinakyan ko noong lumuwas ako ng Manila at limang oras lamang ang byahe.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" hindi ko mapigilang tanong kay Kenneth. Magkatabi pa rin kaming nakaupo dito sa chopper habang abot-abot ang kaba ko.
"Sa bagong resort na pag aari ng pamilya. Dont worry, maganda ang naturang lugar kaya tiyak na mag-eenjoy ka doon." nakangiti niyang sagot sa akin kasabay ng pagalaw ng chopper palatandaan na lilipad na ito.
Nag-uumpisa pa lang umangat sa ire ang naturang chopper hindi ko na napigilan pa na mapakapit ng mahigpit sa braso ni Kenneth. Para kasing kinakapos ako sa paghinga dahil sa sobrang kaba.
Chapter 523
ELLA POV
"Okay ka lang ba Sweetheart? Nahihilo ka pa rin ba?" nag-aalang tanong ni Kenneth. Pagkababa pa lang namin ng chopper kanina, hindi ko na talaga napigilan pa ang sumuka nang sumuka.
Nahilo ako sa byahe lalo na at first time kong sumakay ng sasakyang pang- himpapawid kaya hindi ko tuloy na-enjoy ang view mula sa itaas. Kahit anong pilit sa akin ni Kenneth kanina na tumingin daw ako sa ibaba hindi ko talaga kaya. Feeling ko kasi, lalabas pati bituka ko dahil sa pinipigil kong pagsusuka. Nakakahiya kasi kung sa chopper pa lang, magkakalat na ako.
Maganda daw ang view sabi ni Kenneth dahil puro white sand ang nakapalibot sa buong isla kung saan matatagputan ang Villarama-Santillan Beach Resort!
Nahihiya nga ako sa mga future in laws ko dahil nasukahan ko kaagad ang white sand nila pagkababa pa lang namin ng chopper kanina. Talagang nagulat pa silang lahat dahil napaluhod pa ako sa napaka-puting buhangin sabay suka. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang gustong lumabas mula sa sikmura ko.
"Nahihilo pa ako Ken! Dapat kasi, kagabi pa lang sinabi mo sa akin kung aalis tayo eh. Para naman naka-ready ako at nakapabili pa tayo ng gamot. Hiluin kasi talaga ako eh!" sagot ko sa kanya. Napansin ko ang guilt na kaagad na rumihistro sa mga mata niya habang patuloy siya sa paghimas sa likod ko. Bakas din sa mukha niya ang pag aalala dahil sa sitwasyon ko ngayun.
Nakasalmpak ako dito sa harap ng toilet bowl. Hindi muna ako lalabas dito sa loob ng banyo hangat may gusto pang ilabas ang sikmura ko. Sayang ang kwarto na ginagamit namin kung magkakalat lang ako.
"Kumusta si Ella? Masama pa rin ba ang pakiramdam niya?" kaagad akong napalingon sa pintuan ng banyo ng marinig ko ang boses ni Madam Arabella. Nakatayo siya doon habang halata sa kanyang mukha ang pag-aalala
"Medyo ayos na siya Mom! Hindi po bat may doctor tayo dito? Pahingi po ng contact number. Nagka-jetlag yata si Ella at hinid pa rin humuhupa ang pagsusuka niya." sagot naman ni Kenneth sa kanyang ina.
"Meron at tinawagan na siya ng Daddy mo kanina. Teka lang, hindi kaya buntis si Ella? Ganiyan na ganiyan ang simtomas ng babaeng nagdadalang-tao ah? Dont tell me na magkakaapo na kami sa inyong dalawa?" sagot naman ni Madam. Bakas sa boses niya ang galak kaya halatang halata talaga na gusto niyang mabuntis ako. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Kenneth.
Napaka-advance palang mag-isip ni Madam Arabella. Buntis kaagad? Hindi ba pwedeng nahilo lang sa byahe? Tsaka Imposible na mabubuntis ako gayung wala namang nangyayari sa aming dalawa ni Kenneth.
Kung ganoon iniisip pala nila Madam na nagchuchukchakan na kami ng anak nila? Sabagay, sino ba namang tao ang maniniwala kong sasabihin namin na wala pang nangyayari sa aming dalawa ni Kenneth. Eh palagi kaming magkasama sa kwarto eh.
"Imposible iyang sinasabi mo Mom! Hindi buntis si Ella at sadyang nahilo lang siya sa biyahe kanina dahil hindi nga siya sanay. Tsaka, malaki ang pagalang ko sa girlfriend ko. Wala munang mangyayari sa pagitan naming dalawa hangat hindi pa kami naikasal." nakangiting sagot ni Kenneth sa kanyang Ina.
Kaagad namang napaismid si Madam Arabella at halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ng kanyang anak. Mukhang gusto niya na yatang buntisin ako ni Kenneth ah? Baka naman excited na silang makita ang apo nila kay Kenneth?
Dahil medyo maayos na ang pakiramdam ko dahan-dahan na akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa tapat ng toilet bowl. Naglakad ako papuntang lababo para makapag-mumog at makapag-hilamos.
"Wala namang problema kung mabubuntis si Ella agad-agad! Maganda nga iyan para makarami kaagad kayo hangat mga bata pa kayo. Hindi pumapayag ang Daddy niyo sa iisang apo lang ha? Sila Drake at Jeann, ilang beses ng kinukulit ng Daddy niyo na sundan na si Baby Russell. Sana ganoon din kayo!" sagot naman ni Madam. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapngiwi. Yari na, lumabas din ang totoo na gusto na pala talaga nilang magkaapo kay Kenneth.
"Si Mommy talaga! Hindi naman masyadong halata na gusto niyo nang makita ang maging apo niyo sa akin. Sige...kapag mabuntis si Ella, kayo ang unang makakaalam." nakangiting sagot ni Kenneth kasabay ng pag-akbay niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Paano nga ba ako mabubuntis gayung ang lakas ng self control ni Kenneth.
Kapag humiling naman siya ng sex sa akin, pagbibigyan ko naman siya eh. Kaya lang hindi na matutupad ang pangarap ko na ibibigay ko lang ang virginity ko kung kasal na kami. Ayos lang din naman dahil s kanya naman talaga mapupunta.
"Magpapadala ako ng pagkain para sa inyong dalawa ni Ella. Mamaya na kayo lumabas ng unit niyo kapag maayos na talaga ang kalagayan ng nobya mo Kenneth." sagot ni Madam at mabilis na siyang naglakad paalis.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Mahiga ka muna ng kama para mapag-pahinga ka!" nakangiting sagot ni Kenneth ng kaming dalawa na lang ang naiwan. Kaagad naman akong tumango.
"Medyo maayos na ang pakiramdam ko Ken. Pasensya na talaga ha? Nakakahiya, imbes na eenjoy natin ang magandang tanawin dito sa resort, heto tayo, nakakakulong sa kwarto at hinihintay na bumuti-buti ang pakiramdam ko." nahihiya kong wika sa kanya. Kaagad naman siyang umiling.
"Dont worry, naiinitindihan naman ng lahat. Marami pa namang araw para makapag-enjoy tayong dalawa dito sa resort." nakangiti niyang sagot. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Mamayang hapon uuwi din kaagad kami ng Manila, paano niya nasabi na marami pang araw?
"Napag pasyahan ko na mag-stay muna tayo ng kahit ilang araw dito sa resort. Sayang naman kung uuwi kaagad tayo mamaya gayung hindi pa natin na-eenjoy ang lugar na ito." nakangiti niyang sagot sa akin.
"Ha? Eh paano ang therapy mo? Hindi ka pwedeng mag skip lalo na at kaunting- kaunti na lang makakalakad ka na ng maayos." nag-aalala kong sagot.
"Pwede kong gawin ang bagay na iyan dito sa resort. Tsaka iilang sessions na lang naman ang gagawin ko. Sweetheart, nahirapan ka sa byahe nating ito at hindi ako papayag na aalis din kaagad tayo. Isipin mo na lang na ito ang kauna- unahan nating bakasyon kaya i-enjoy na natin." nakangiti niyang sagot. Wala akong choice kundi ang tumango na lang kasabay ng paguhit masayang ngiti sa labi ko.
Sa lahat ng mga desisyon niya palagi niya talagang isinaalang-alang ang sitwasyon ko. Napaka-mapagmahal na boy friend at alam kong magiging mabuti siyang asawa sa akin pagdating ng araw.
Chapter 524
ELLA POV
Nagpasya muna akong mahiga ng kama para makapag-relax. Hindi ko naman akalain na nakatulog pala ako.
Nagising ako na maayos na ang pakiramdam ko. Kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid at hindi ko maiwasang mapangiti nang mapansin ko kung gaano kaganda ang kwartong ito. Napaka- aliwalas ng buong paligid.
Akmang babangon na sana ako nang maramdaman ko na may nakadagan na mabigat ng bagay sa may tiyan ko at nang tingnan ko ay si Kenneth pala. Nahihimbing din siyang natutulog sa tabi ko.
Hindi ko tuloy mapigilan na muling mapangiti habang titig na titig sa payapa niyang mukha. Napaka-bait din talaga kasi ng bukas ng mukha niya habang natutulog siya. Hindi mo akalain na sa tanang buhay niya minsan na siyang nagsungit. Ilang caregiver na ba ang na-reject niya? Ang dami na at ako lang ang nagtagal at sulit naman dahil naangkin ko ang puso niya.
Oo na....ilang beses ko na bang nabangit sa sarili ko na napaka-swerte ko sa kanya. Ang swerte ko dahil nagawa akong tanggapin at mahalin ng isang lalaking kagaya niya.
Parang gusto ko na tuloy maniwala na ang ganda-ganda ko nga. Isang simpleng probensyana lang naman sana ako at simple lang ang pangarap ko at iyun ay matulungan ang mga magulang ko sa hirap ng buhay. Liban sa pagkakaroon ng mabait na amo, hindi ko naman akalain na bibigyan ako ni Lord ng mas higit pa doon. Iyun ay ang ibigay Niya sa akin ang puso ni Kenneth.
"Buong ingat kong tinangal ang braso niya na nakapatong sa tiyan ko habang dahan-dahan na bumabangon. Ayaw ko kasing ma-isturbo ang pag-tulog niya.
Pagkababa ko ng kama, kaagad akong naglakad patungo sa isang parte na natatakpan ng makapal na kurtina. Hinawi ko ng kaunti at sumilip sa labas bago ko na-realized na ang kurtina pala na ito ay tumatakip sa isang salamin na sliding door patungo sa kanugnog na balcony.
Binuksan ko ng kaunti at nagmamadaling lumabas at napa-wow pa ako sa aking mga nakita. Pagkalabas ko kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang isang malawak na karagatan. Sa paglingon ko sa bandang kaliwa naman ay ang napaka-puting buhangin kung saan napansin ko na may iilan na mga turista na nakatambay.
Parang bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement. Sana magising na si Kenneth para mapuntahan na namin ang naturang spot.
"Ella---Sweetheart! Nasaan ka!" abala ako sa kakatitig sa magandang tanawin ng marinig ko ang boses ni Kenneth na tinatawag ako. Mukhang gising na siya kaya nagmamadali akong naglakad Dabalik ng kwarto at naabutan ko pa siyang nakaupo na ng kama at mukhang hinahanap ako.
"Hanap mo ako Mister Sungit?" nakangiti kong tanong sa kanya pagkalapit ko. Napansin kong pigil pa siyang napangiti kaya kaagad na din akong napaupo sa tabi niya. Hindi na ako nagulat ng maramdaman ko na kaagad siyang yumapos sa akin.
"Paano kaya kung sundin na lang natin ang nais ni Mommy. Uumpisahan na kaya natin gumawa ng baby Sweetheart!" narinig kong sambit niya. Sa sobrang gulat ko kaagad akong napakalas sa pagkakayakap niya at seryosong napatitig sa kanya.
"Anong sabi mo?" seryoso kong tanong. Gusto ko lang makasiguro. Baka mamaya, pinaglaruan lang pala ako ng pandinig ko at nakakahiya sa kanya.
"Ha? Ang alin?" tatawa-tawa niyang sagot. Wala sa sariling nahampas ko tuloy siya sa kanyang braso.
"Ano nga kasi ang sinabi mo kanina? Sabihin mo na, kunwari ka pa eh." kunwari naiinis kong tanong. Natawa naman siya at mabilis akong hinawakan sa aking dalawang kamay.
"Sa lagay na iyan, galit ka na ha? Pa-kiss nga sa Sweetheart ko!" natatawa niyang bigkas at akmang ilalapit niya na sana ng mukha niya sa mukha ko nang pareho naming narinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago ako mabilis na tumayo para pagbuksan ng pintuan ang kumakatok.
"Madam! Hello po!" gulat kong bigkas ng mabungaran ko si Madam Arabella. May nakasunod sa kanya na dalawang babaeng staff at parehong may hawak ng tray na alam kong pagkain ang laman.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo?" nakangiti niyang tanong. Kaagad naman akong tumango.
"Good! Starting today, ayaw na ayaw ko nang marinig mula sa iyo na tinatawag mo akong Madam, at 'sir' naman sa asawa ko. Magiging bahagi ka na ng pamilya namin soon kaya ngayun pa lang sanayin mo na kaming tawaging 'Mommy 'at 'Daddy naman kay Kurt'!" Seryoso niyang bigkas sa akin. Nagulat naman ako.
Panibagong rules na naman ang inilatag niya sa akin na gustong-gusto ko naman. Ibig lang sabihin nito, gusto niya talaga akong maging daughter in law. Biglang ragasa tuloy ang sobrang tuwa na nararamdaman ng puso ko.
"Opo, Ma-- Mommy!" magaan kong sagot habang nakangiti. Tumango naman si Mommy Arabella at sininyasan niya ang dalawa niyang kasamang staff na ipasok na daw sa loob ang dala-dala nila.
Nasundan ko pa ng tingin ang dala-dala ng isa sa mga staff dahil may napansin akong isang bote ng wine. Siguro, dahil nasa resort kami kaya kasama sa meal namin ang wine na iyun.
"Hindi na ako papasok sa kwarto niyo.
Kumain na kayong dalawa ni Kenneth para makapasyal tayong lahat mamaya." nakangiting sagot ni Madam at hindi na siya nag-abala pang silipin ang anak niyang si Kenneth sa loob ng kwarto. Nagtataka tuloy akong nasundan na lang ng tingin ang pag alis niya habang nakasunod ang dalawang staff na kasama niya.
Nang tuluyan na silang nakasakay ng elevator, nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kwarto at maayos na isinara ang pintuan. Pinindot ko pa nga ang lock dahil kahit pag aari nang pamilya Villarama-Santillan ang resort na ito, posible pa rin na may maligaw na mga outsider. Mas maganda na iyung safe kaming dalawa ni Kenneth sa lahat ng oras.
"Si Mommy ba iyun? Bakit parang nakalimutan yata akong kumustahin?" kaagad na tanong ni Kenneth habang naglalakad ako palapit sa kanya.
"Baka may pupuntahan. Ang sweet nga niva eh...talagang personal niya pang inihatid ang mga pagkain para sa ating dalawa." nakangiti kong sagot habang inalalayan ko na siyang makatayo ng kama at tinulungan siyang makalapit sa mesa kung saan naghihintay sa aming dalawa ang masasarap na pagkain.
"At may pa-wine pa ha?" nakangiting bigkas ni Kenneth at kaagad na nagsalin sa baso ng wine at sumimsim ng kaunti. Dahil sa curiousity, inagaw ko ang baso na may lamang wine at tinikman iyun.
Matamis na mapakla pero may kakaiba pang lasa na nagbibigay ng kakaibang sarap. Parang kalasa lang naman halos ng juice kaya kaagad kong inubos ang laman ng baso.
"Heyy! Ano iyan! Hindi pa nga tayo nakakain, baka malalasing ka na kaagad niyan." natatawang wika ni Kenneth habang titig na titig sa akin.
"Ang sarap kasi. Parang juice lang!" natatawa ko namang sagot at ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa aming mga pingan.
Tahimik kaming kumakain nang sa hindi malamang dahilan kaagad akong nakaramdam ng kakaiba sa aking sarili. Para kasing dumuble ang tingin ko kay Kenneth. Para din akong sinisilaban na hindi ko mawari dahil sa init na nararamdaman. Imposible naman na nalasing kaagad ako?
"Are you okay? Sabi ko naman sa iyo, dahan-dahan sa alak eh." wika ni Kenneth at mabilis akong hinawakan. Napasapo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko, lumulutang ako.
"Ken...bakit ang init? Naka-off ba ang aircon?" reklamo ko sa kanya at bago pa nakasagot si Kenneth, mabilis ko nang itinaas ang suot kong blouse. Parang gusto kong maghubad dahil nakakaramdam ako ng init sa buo kong katawan na hindi ko mawari kung saan galing.
Chapter 525
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
"Mainit? Bakit mainit? Ayos naman ang temperature na aircon ah?" nagtataka kong tanong kay Ella. Hindi nakaligtas sa observations ko ang biglang pag-iba ng kinikilos niya which is first time na nangyari sa kanya.
Namumula ng kanyang pisngi habang dahan-dahan niyang hinuhubad ang kanyang suot na blouse. Naiinitan daw siya which is nakakapagtaka dahil maayos naman ang buga ng aircon namin.
"Ang init Ken? Bakit ganito? Parang nahihirapan yata akong huminga." bigkas niya at kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan niya nang nahubad ang suot niyang blouse. Kaagad na tumampad sa paningin ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Hindi ko alam kong niluluko lang ba ako ni Ella pero sa napansin ko sa kanya ngayun para siyang may dinaramdam na hindi ko maintindihan. Imposible naman na inaakit niya ako dahil hindi niya naman gawain iyun. Conservative siyang babae at alam kong wala sa bokabularyo niya na akitin ako.
"Ang init! Ang init!" paulit-ulit niyang bigkas at ang suot naman niyang pajama ang kanyang pinagdiskitahan. Mukhang huhubarin niya na kaya kaagad akong napatayo.
Hindi ko na mapigilan pang mag-alala sa nakikita kong sitwasyon niya ngayun. Mabilis akong tumayo at halos inisang hakbang ko lang ang pagitan namin at kaagad siyang niyakap.
"Hindi pa nga siya nakakabawi halos sa jetlag na naranasan niya kanina tapos heto na naman. Huwag niyang sabihin na nalasing kaagad siya sa wine. Simpleng wine lang naman iyun at hindi naman basta-basta nakakalasing.
"Kenn...please! Please!" muling bigkas niya at nanguyapit siya sa aking leeg. Talagang dikit na dikit ang katawan niya sa katawan ko at ramdam ko ang malulusog niyang dibdib dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
Nag-uumpisa na ding maglumikot ang kanyang palad sa katawan ko. Naramdaman ko din na gusto niyang itaas ang aking t-shirt kaya pinilit kong makawala ng kaunti mula sa pagkakayakap niya sa akin para matitigan siya sa kanyang mukha. Gusto ko kasing masiguro kung seryoso ba talaga si Ella pero sa nakikita ko ngayun parang wala siya sa sarili niya. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa
akin.
"Ken, kailangan kita! Please! Halikan mo ako!" bigkas niya at mabilis na nanguyapit sa balikat ko. Mabuti na lang at magaling na ang inga binti ko kung hindi baka pareho kaming natumba sa sahig dahil sa mga pinanggagawa niya.
Oo. Magaling na ako pero ayaw ko munang sabhin sa kanya. Gusto ko kasing i-surprised siya para masukat kung hanggang saan ba talaga ang pasensya niya sa akin. Pero sa nangyayari ngayun, parang mabubuko niya na yata ako.
"Ella, sweetheart ano ba" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang kaagad na lumapat ang labi niya sa labi ko. Nagtataka ako dahil hindi naman ito dating ginagawa ni Ella sa akin. Mahiyain siya at ako ang laging nag-iinitiate sa halikan namin.
"Halikan mo ako! Sige na...." nakikiusap niyang bigkas. Mataman ko siyang tinitigan sa mga mata bago ako napasulyap sa wine na ininom namin kanina.
Bigla tuloy akong nagduda sa wine na iyun. Tikim lang naman ang ginawa ko kanina kaya siguro hindi ako apektado. May idea na ako kung ano ang inihalo doon at kung bakit nagkakaganito si Ella ngayun.
Wala akong choice kundi halos buhatin ko na si Ella patungong kama. Napaka- pusok niya at kung saan-saan na din nakakarating ang kamay niya sa katawan ko.
Lalaki ako at mahal ko siya kaya talagang mag iinit ako sa mga pinanggawa niya ngayun. Dadagan pa na wala na siyang damit pang-itaas kaya naman kaagad ding nabuhay ang pagkalalaki ko. Ako lang ang pwedeng gumamot sa kung ano mang nararamdaman ngayun ng babaeng mahal ko.
Pagkalapag ko kay Ella sa kama mabilis kong siyang kinubabawan at ginawaran ng mapusok na halik sa labi. Mapusok niya din akong tinugon kaya lalo akong ginanahan.
Tinapatan ko na din ang pagiging wild niya. Nag iinit na din kasi ang buo kong katawan lalo na nang dumako ang palad niya sa pagkalalaki ko. Kahit na may suot ako ramdam ko ang malambot niyang palad at ang pagpisil niya sa bahaging iyun.
Humahaplos-haplos pa ang palad niya sa bahaging iyun kaya lalo akong nakaramdam ng libog.
Mukhang walang balak si Ella na tapusin ang halikan namin kaya ako na ang bumitaw. Pinadausdos ko ang labi ko papunta sa kanyang leeg at kaagad akong napapikit ng maamoy ko ang mabango niyang aroma. S******p at kumagat pa ako ng kaunti para bigyan siya ng kissmark.
"Ken..bilisan mo na! Kailangan kita!" paungol na bigkas ni Ella. HIndi mapalagay ang katawan niya at pabaling- baling na din ang kanyang ulo.. Pinadausdos ko ang labi ko patungo sa isa niyang bundok at kaagad na sinipsip ang pasas na pink. Kaagad akong nakaramdam ng tuwa ng marinig ko ang malakas niyang pag ungol kasabay ng pagliyad niya.
Sa labanan naming dalawa, wala akong ibang hangad kundi ang ma-satisfied ang babaeng kaniig ko. Ang babaeng mahal ko kaya buo na ang desisyon ko. Aangkinin ko siya ngayung araw. Ipaparamdam ko sa kanya ang langit na alam kong never niya pang natikman sa tanang buhay niya.
Pinagsawa ko ang labi ko sa kanyang magkabilaang bundok. Salitan ang ginawa kong pagsipsip sa magkabilaan niyang pasas na pink kaya naging maingay na si Ella. Mukhang wala talaga siya sa sarili niya at may idea na ako kung sino ang may kagagawan nito kung bakit nangyari ito. Kung bakit biglang naging m*****g ang babaeng mahal ko.
"Shit! Ken...sige pa! Ang sarap! ughhh!" narinig kong bigkas niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Napaisip tuloy ako kung aware ba siya sa mga pinag-sasabi niya ngayun. Nang magsawa kasi ako sa dalawa niyang pasas na pink, bahagya akong lumayo sa kanya para umpisahang hubarin na ang kanyang pang ibabang kasuotan.
Hindi naman ako nahirapan na gawin iyun dahil naging cooperative naman si Ella sa mga gusto kong gawin. Hindi ko pa nga napigilan na mapalunok ng sarili kong laway nang tuluyan ng tumapad sa mga mata ko ang hubad niyang katawan. Kung sa swerte..talagang maswerte ako. Tayong tayo pa ang dibdib ng girl friend ko at alam kong ako lang ang kauna-unahang lalaki ang makakatikim sa kung ano man ang nakalatag ngayun sa harapan ko.
Hindi ko inaalis ang paningin ko sa hubad niyang katawan habang nag-uumpisa na din akong hubarin lahat ng kasuotan ko. Init na init na din ang pakiramdam ko at sobrang tigas na din ng alaga ko.
Chapter 526 (Warning! SPG)
ELLA POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Parang nauuhaw ako na parang ewan. May hinahanap ang katawan ko na hindi ko mawari. Nag iinit ako at sobrang nagugustuhan ko kung ano man ang ginagawa ni Kenneth ngayun.
"Ughh! Uhammm, Kenneth! Ganiyan nga, angkinin mo ako! Gusto ko iyan! Gusto ko iyang ginagawa mo!" hindi ko mapigilang bigkas habang nararamdaman ko na pababa ng pababa ang halik niya. Pareho na kaming walang saplot sa katawan at gustong-gusto ko ang init na nagmumula sa kanya. Sa bawat haplos at halik na ginagawa niya sa akin, nagbibigay iyun sa akin ng hindi maipaliwanag na ligaya.
Kusa nang naghiwalay ang hita ko nang maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng aking hita. Kakaibang ligaya ang hatid sa akin kaya hindi ko mapigilang
mapahalinghing sa sarap.
Halos tumirik na ang aking mga mata nang umpisahan niya nang laruin ang aking pagkababae. Gamit ang kanyang dila, nilaro-laro niya ang aking perlas ng silangan kaya hindi ko mapigilang mapakapit sa bed sheet.
"Ughh! Ken...sige pa! Ang sarap!" malandi kong bigkas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May gusto akong gawin ni Kenneth sa akin na hindi ko mawari. Parang may gustong maabot ang katawan ko na hindi ko maintindihan.
Alam kong masyado na akong wild ngayun. Ako ang nag umpisa kaya kami umabot sa ganitong klaseng sitwasyon. Marahil epekto ito ng alak na ininom ko kanina kaya ako nagkakaganito. Gayunpaman, wala nang atrasan. Naumpisahan na kaya kailangan na naming tapusin.
"Awww! Kenneth! Oh yes! yes! Ganiyan nga! Ang sahrap!" hindi ko maiwasang bigkas. Alam kong napaka-ingay ko na din pero hindi ko talaga kayang manahimik lalo na nang maramdaman ko ang dila ni Kenneth sa butas ng pagkababae ko. Pinipilit niyang isiksik ang kanyang dila sa bahaging iyun na nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti. Sinasalat ng sarili niya ding daliri ang aking perlas ng silangan kaya hindi na ako magkamayaw pa sa kakaungol.
Sobrang nagustuhan ko ang ginagawa niya sa akin. Para akong mababaliw sa sobrang sarap lalo na nang maramdaman ko na parang may gustong nang lumabas mula sa aking sinapupunan.
Para akong naiihi na ewan kaya hindi ko napigilang mapahawak sa ulo niya at mas idiniin ko pa siya sa pagitan ng aking hita.
Wala naman akong reklamong narinig mula sa kanya bagkos mas lalo niya pang pinag-igihan ang ginagawa niy sa akin kasabay ng panginginig ng tuhod ko dahil may bigla akong naramdaman na lumabas mula sa sinapupunan ko.
"Done? Nakaraos ka na?" nakangiting bigkas ni Kenneth pagkatapos ng unang orgasm ko. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. Para kasi akong biglang nakaramdam ng hiya. Para akong biglang nagising sa katotohanan at gusto kong kwestiyunin ang sarili ko kung bakit kami umabot sa ganitong sitwasyon.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kenneth kasabay ng pagdagan niya sa akin. Hindi ko mapigilang mapalunok ng aking laway lalo na nang matiim niya akong tinitigan sa mga mata kasabay ng pagdikit ng kung anong matigas na bagay malapit sa pagitan ng aking hita.
"Nag-uumpisa pa lang tayo Sweetheart! Tutuparin natin ang hiling ni Mommy. Bibigyan natin sila ng mga apo sa lalong madaling panahon!" nakangiti niyang bigkas kasabay ng pagdampi ng labi niya sa labi ko. Buong puso kong tinugon ang halik niya lalo na at muling nabuhay ang matinding pagnanasa sa kaloob-looban ko.
Yes....isang pagnanasa na hindi ko kayang kontrolin. Alam ko sa sarili ko na kulang pa at may gusto pang abutin ang katawan ko na si Kenneth lamang ang makakabigay noon. Ang lalaking labis kong minahal at handa kong pag alayan nang lahat sa akin.
"Ready ka na? Ipapasok ko na!" malambing niyang bigkas sa akin pagkatapos niyang pakawalan ang labi ko. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang mga mata at kaagad kong napansin ang kakaibang kislap. Matamis akong ngumiti sabay tango na naging hudyat sa kanya para paghiwalayin niya ang hita ko at mabilis na itinutok sa bukana ng aking kweba ang kanyang naghuhumindig at galit na galit na pagkalalaki.
Ikiniskis niya muna iyun sa basa kong kweba bago siya dahan-dahan na kumadyot.
"Ughhh! Ken...medyo masakit! Alalay lang." hindi ko maiwasang bigkas. Natigilan naman siya sa pagalaw sa ibabaw ko at tumitig sa akin.
"Nandito na tayo Sweetheart! Wala nang atrasan!" seryoso niyang sagot at matiim akong tinitigan sa mga mata. Dahan- dahan naman akong ngumiti sabay tango. Yumakop ako ng mahigpit sa kanya at ako na mismo ang kusang gumalaw para ipahiwatig sa kanya na pwede niya nang ituloy ang nasimulan niya na.
Napangiti naman si Kenneth kasabay ng pagdampi ng labi niya sa labi ko at inumpisahan niya ang muling umulos. Noong una banayad lang ang ginawa niyang pagalaw sa ibabaw ko hanggang sa naging mapusok na siya.
Pigil ko ang mapasigaw ng tuloy-tuloy na bumulusok sa kaloob-looban ko ang matigas niyang ari. Masakit pero sa ilang beses niyang pag-atras-abante sa ibabaw ko, napalitan na iyun na kakaibang kiliti hanggang sa nagustuhan ko na ang ginagawa niya.
Parehong pawis na pawis ang aming mga katawan habang ninamnam ang sarap ng kauna-unahan naming p********k. Kung alam ko lang na ganito pala kasarap, noon ko pa sana inakit si Kenneth. Noon ko pa sana ibinigay ang katawan ko sa kanya.
"Ella! Sweetheart! I love you! Ang sarap mo! Akin ka lang! Ako lang ang magmamay-ari sa iyo ha?" malambing na bigkas ni Kenneth habang kitang kita ko ang matinding pagnanasa sa kanyang mga mata. Mabilis ang ginagawa niyang pagkadyot sa akin na lalong nagbigay sa akin ng kakaibang ligaya.
"Yes Kenneth! I love you too! Sa iyo lang ako! Sa iyo lang!" kaagad kong bigkas habang mahigpit akong nakakapit sa kanya.
Chapter 527
ELLA POV
Pagkatapos nang mainit na sandali sa aming dalawa ni Kenneth kaagad na din naman akong nakatulog
Nagising nalang ako sa isang mabigat na bagay na nakadagan sa may tiyan ko. Pagmulat ko nang aking mga mata, nakangiting mukha ni Kenneth ang kaagad na sumalubong sa akin.
"Good Morning Sweetheart!" malambing niyang sambit. Kaagad namang napakunot ang noo ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid.
May kaunting hawi ang isang makapal na kurtina sa may bintana at kita kong madilim na sa labas. Tanging liwanag na lang na nagmumula sa poste ang tanging tanglaw sa madilim na kapaligiran.
"Madaling araw na?" nagtataka kong tanong kay kenneth. Gustuhin ko mang gumalaw pero nakadantay ang isang hita
niya sa hita ko dagdagan pa na nakayakap na siya sa akin ngayun. Para bang ayaw niya akong pakawalan kaya feeling safe naman ako sa mga niya.
"Gabi na...pero trip ko lang sa batiin ka ng Good Morning!" nakangiti niyang bigkas. Mukhang ang saya-saya niya! Sumasabay kasi sa ngiti niya ang pagkislap ng kanyang mga mata. Wala sa sariling naiangat ko ang aking kamay at buong pagmamahal kong hinaplos ang kanyang pisngi.
"Bakit parang ang saya-saya mo yata ngayun?" nakangiti ko namang tanong sa kanya. Napansin kong saglit siyang natigilan at makahulugan akong tinitigan sa aking mga mata.
"Bakit nga ba? Sigurado ka bang hindi mo alam ang reason kung bakit ako masaya ngayun Sweetheart? Hmmm?" nakangiti niyang tanong sa akin.. Kunwari saglit akong nag-isip nang biglang dagsa ng reyalisasyon sa isipan ko ang mga kaganapan sa aming dalawa bago ako nilamon ng antok kanina.
Hind ko mapigilang mapangiwi ng maramdaman ko ang epekto ng kapangahasan nagawa ko kanina Ako ang unang gumawa ng paraan para may mangyari sa aming dalawa kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng hiya.
"May...may nangyari na sa atin? Nag- nag 'ano' na tayo?" wala sa sarili kong tanong.
Actually, kahit na hindi ko na itanong ang tungkol dito alam kong may nangyari sa aming dalawa. HIndi panaginip ang lahat at totoong nangyari iyun. Totoong tuluyan ko nang ipinagkaloob ang sarili ko sa kanya.
"Ano sa palagay mo Sweetheart? Ano ang nararamdaman mo ngayun sa katawan mo?" nakangiti niyang tanong sa akin. Napalunok ako ng aking laway at akmang babangon na sana ako ng bigla akong naramdaman ang pananakit ng buo kong katawan.
Hindi lang ang katawan ko ang
nananakit kundi pati na din ang aking pagkababae. Mukhang napuruhan yata ako dahil ramdam ko ang hapdi sa bahaging iyun.
"So-sorry Ken! Hi-hindi ko sinasadya... hindi ko alam----" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niyang sakupin ang labi ko. Binigyan niya ako ng mapusok na halik sa labi at parehong habol ang aming paghinga bago niya pakawalan ang labi ko.
"Ito ang pinaka-memorable na araw na nangyari sa buhay ko Sweetheart! Thank you dahil pinaligaya mo ako. Asahan mo na simula ngayung gabi, mas lalo pa kitang mamahalin at aalagaan." nakangiti niyang bigkas sa akin. Hindi naman ako makapaniwala dahil sa narinig ko mula sa kanya.
Kung panaginip lang ang lahat parang ayaw ko na yatang magising pa. Parang gusto ko na lang matulog nang matulog basta kasama ko lang siya palagi.
Pero hindi eh...hindi ako nananaginip dahil totoong nasa tabi ko lang si Kenneth. Nakayapos siya sa akin habang nakadatany ang binti niya sa binti ko.
"I love you Ella. Now and forever!" nakangiti niyang bigkas sa akin. Hindi ko naman napigilan pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko bago ako tumango.
"I love you too Kenneth! Now and forever!" bigkas ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Luha ng kaligayahan dahil hindi ko akalain na darating ako sa ganitong punto. Na may isang lalaki palang magmamahal sa akin ng sobra-sobra.
"Hey...bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya? Galit ka ba?" nagtataka niyang tanong sa akin. Kaagad naman akong umilling.
"Hindi...masaya lang ako! Sobrang saya ko!" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Masaya ka? Eh bakit ka nga umiiyak? Ikaw talaga..." bigkas niya kasabay ng pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. Pagkatapos noon, siya na din mismo ang nagpunas ng luha na naglandas sa aking pisngi at buong pagsuyo niya akong hinalikan sa labi na buong puso ko namang tinugon.
Ang pagtugon ko sa halik ni Kenneth ay nagbigay ng hudyat para muling magningas ang init ng aming mga katawan. Lalong naging mapusok ang palitan namin ng halik sa isat isa hanggang sa naramdaman ko na lang na inuumpisahan niya na namang suyurin ang aking katawan.
Katulad sa mga naunang kaganapan na nangyari sa aming dalawa...buong puso akong nagpaubaya habang muling pinag- isa ni Kenneth ang aming mga katawan.
Hindi katulad noong una niyang pagpasok sa pagkababae ko, wala na ang sakit. Wala na ang hapdi, bagkos walang kapantay na sarap ang naranasan ko sa bisig niya. Paulit-ulit siyang kumadyot sa ibabaw ko hanggang sa maramdaman ko ang muling pagsabog ng katas n¨Âªya sa
loob ng sinapupunan ko.
Walang kapaguran at walang kasawa- sawa niyang ipinadama sa akin ang langit sa piling niya. Mahal ko siya at willing akong ipagkaloob ng paulit-ulit ang sarili ko sa kanya.
Chapter 528
ELLA POV
Kinaumagahan....
Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana. Kaagad kong kinapa ang katabi kong si Kenneth at hindi ko napigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko siya sa tabi ko na nahihimbing pa rin sa pagtulog.
Dahan-dahan akong bumangon at hindi ko mapigilang mapangiwi sa biglaang ragasa ng kirot sa gitnang bahagi ng katawan ko.
ilang beses nga ba akong inangkin ni Kenneth kagabi? Hindi ko na nabilang pero alam kong halos inumaga na kami. Kaya nga hanggang ngayun tulog na tulog pa rin siya sa tabi ko na never niya namang ginawa dati dahil palagi siyang nauunang magising sa akin noon.
Hindi ko mapigilan ang paguhit ng
masayang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kanyang mukha.
Hindi malabong mabubuntis niya kaagad ako lalo na at ilang beses siyang nagpaputok sa kaloob-looban ng aking sinapupunan. Kung sakaling magkaanak man kami, sana lang talaga maging kamukha niya. Gandang-ganda kasi talaga ako sa lahi nila eh.
Gusto ko sanang titigan pa si Kenneth hanggang sa magising siya pero tinatawag na ako ng kalikasan. Kailangan ko nang gumamit ng banyo para naman maginhawaan din ako. Sorang lagkit na din kasi talaga ng pakiramdam ko at parang gusto kong maligo muna para pagising mamaya nitong mahal ko fresh na fresh ako sa panginin niya.
Ginawaran ko pa ng mabilisang halik sa labi niya si Kenneth bago ako dahan- dahan na bumaba ng kama. Kahit na masakit ang buo kong katawan, walang dahilan para damdamin ko iyun. Ang Importante, busog ako sa pagmamahal ni Kenneth.
Lilipas din itong pananakit ng katawan ko pero ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya alam kong pang-habang buhay na iyun. Nakuha na ni Kenneth hindi lang ang katawan ko kundi pati na din ang puso ko at buo kong pagkatao.
Paika-ika akong naglakad patungong banyo. Ginawa ko ang dapat kong gawin sa toilet bowl bago ako nagpasyang maligo. Tinimpla ko muna ang tubig sa shower bago ko itinapat ang hubad kong katawan sa katamtamang temperatura ng tubig. Kaagad naman akong nakaramdam ng kaginhawaan.
Itong mga ganitong eksena sa umaga ang pinaka-gusto kong gawin. Nare- refresh kasi talaga ang katawan ko.
Naglagay ako ng shampoo sa buhok ko at minamasahe ng kaunti para kumalat ang bula. Nang masiguro ko na ayos na akmang bubuksan ko na ulit ang shower nang maramdaman ko ang mahinang pagbukas sara ng pintuan ng banyo. Mula sa salamin na dingding na tumatabing dito sa loob ng shower room kaagad kong napansin ang pagpasok ni Kenneth.
Hubot-hubad pa rin siya at magulo ang buhok. Mukhang kakakgising lang at ang labis kong ipinagtaka wala na siyang gamit na saklay. Diretso na ang kanyang lakad at napansin ko pa ang pagngiti niya habang sinisipat niya ng tingin ang loob ng shower roomm Mukhang naramdaman niya na nandito ako sa loob.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka - conscious. Para kasing nakikita niya ako eh. Kakaiba kasi ang ngiting nakaguhit sa labi niya na never kung napansin noon pa man.
"Teka lang...nakakalakad na siya na wala nang saklay? Kailan pa?" hindi ko maiwasang bigkas sa sarili ko. Bigla kong nakalimutan na naliligo pala ako at kailangan ko nang banlawan ang aking buhok. Hindi ko na kasi maalis-alis ang tingin ko kay Kenenth habang naglalakad siya palapit sa shower room.
Lalo siyang naging matikas sa paningin ko ngayung wala na siyang saklay. Mas lalong na- enhance ang ganda niyang lalaki. Mahigit 6ft ang tangkad ni Kenneth at hanggang balikat niya lang ako. Matangkad siya kung sa tangkad dahil wala namang pandak sa dugo ng mga Villarama-Santillan. Lahat magagandang lalaki at babae. Walang reject kung kagandahan at tindig ang pag-uusapan.
"Bulaga! Bakit hindi mo ako ginising ha? "tuluyan niya nang nabuksan ang sliding door na salamin ng shower area at kaagad kung napansin na naglakbay ng kanyang titig mula ulo hanggang paa. Hubot hubad ako at wala na akong maitago sa kanya. Para naman akong na-istatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko lalo na nang mapansin kong sinisipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Oh...Ella! Ang aga pa and supposed to be kakain muna tayo ng breakfast. Pero kapag ganito naman ang nakahain sa harapan ko sino ba naman ako para hindi
mag-init at magutom ng ganito diba?." bigkas niya at siya na mismo ang nagbukas ng tubig sa shower. Kaagad kong naramdaman ang pag-agos ng tubig sa buo kong katawan kasama ng bula na dulot ng shampoo na hindi ko pa nababanlawan dahil bigla akong nawala sa huwisyo nang mapansin kong pumasok siya dito sa loob ng banyo.
"Nakakalakad ka na?" hindi ko napigilang tanong sa kanya. Natawa naman siya kasabay ng pagdampi ng palad niya sa balikat ko. Humihimas sa parteng iyun pababa patungo sa aking dibdib.
"Bakit ayaw mo ba ang ganito? Hindi ka ba masaya na nakakalakad na ako? Pwede na nating gawin lahat ng gusto natin Sweetheart! Malakas na ang mga tuhod ko at wala nang hadlang para ipadama ko sa iyo ang langit." paos ang boses na bigkas niya kasabay ng mabilisang pag- angkin niya sa labi ko.
Basa na din siya dulot ng tubig mula shower. Balak din yata niyang maligo habang abala kami sa aming laplapan. Hindi ko mapigilang mapaliyad habang hinahaplos niya ang magkabilaan kong bundok.
"God...bakit ganito kalakas ang epekto mo sa akin Ella. Kahit na ilang beses ko nang natikman ang katawang ito kagabi pero hindi pa rin ako nagsasawa. Nakaka- addict ka!" bikas niya kasabay ng pagdausdos ng labi niya pababa sa aking leeg.
Parang musika naman sa pandinig ko ang katagang sinabi niya ngayun. Kung naa-aaddict siya sa aking katawan, ganoon din naman ako sa kanya. Kahit na medyo mahapdi pa ang kabibe ko, willing pa rin akong ibigay ng paulit-ulit ang sarili ko sa kanya.
Ganoon ko siya kamahal. Ibibigay ko ang nais niya sa abot ng aking makakaya.,
"Hindi ko na mapigilan pa ang pag ungol habang itinataas ni Kenneth ang isa kong hita. Kaagad akong napakapit sa kanya para umamot ng kahit na kaunting lakas dahil feeling ko nanginginig na ang tuhod ko nang maramdaman ko ang daliri niya na nag uumpisa nang humagod sa bukana ng aking pagkababae.
Chapter 529 (WARNING: SPG)
ELLA POV
"KEN! Uhmmm!" hindi ko mapigilang bigkas ng maramdaman kong inuumpisahan niya na namang laruin ang perlas ng silangan ko. Nararamdaman kong basang- basa na ako sa bahaging iyun hindi mula sa tubig ng shower kundi mula sa kailaliman ng aking pagkababae. Ready na namang tumangap ang kweba ko ng bisita Gosh bakit ganito kasarap ang ginagawa niya sa akin?
"Ella i love you!" bigkas ni Kenneth habang namumungay ang mga matang nakatitig sa akin. Salit niyang iniwanan ang magkabilaan kong bundok at mahigpit niya akong niyakap na siyang dahilan para maramdaman ko ang mainit -init niyang anaconda na dumikit sa may puson
"I love you too Ken!" malambing kong bigkas at kaagad ko ding pinagdausdos ang aking palad pababa sa gitnang bahagi ng kanyang pagkalalaki. Naramdaman ko pa ang pag-iktad niya nang sumayad ang palad ko sa tayong-tayo niyang anaconda samantalang ako naman hindi ko maiwasang mamahangha sa aking nahawakan.
"Gosh...ang laki pala talaga nito! Kaya pala sobrang sakit noong una niyang ipinasok sa akin.
"Ken..pwede ko ba siyang makita ng malapitan?" hindi ko mapigilang bigkas sa kanya. Napansin kong saglit siyang natigilan sabay tango. Binitiwan niya na din ako kaya naman naging dahilan iyun kaya ako napa-squat para pumantay ang mukha ko sa kanyang pagkalalaki at doon ko nga nasaksihan kung gaano na kagalit ang kanyang alaga. Halos magkulay pink ang pinaka-ulo at halos lumabas na din ang ugat sa buong bahagi nito.
Gamit ang nanginginig kong dalawang kamay, dahan-dahan kong hinawakan iyun. Lalo akong namangha nang maramdaman ko kung gaano katigas iyun. Mainint-init pa nga habang pumipintig-pintig pa.
"Ahhh, Ella, ang sarap ng kamay mo! Masahiin mo siya..please!" narinig kong bigkas ni Kenneth kaya wala sa sariling hinaplos-haplos ko ang alaga niya gamit ang dalawa kong kamay. Napansin ko pang may lumabas ng isang malapot na bagay sa dulo ng kanyang anaconda kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Itinapat ko ang aking bibig sa bahaging iyun at kaagad na dinilaan na siyang dahilan kung bakit biglang naglumikot ang kanyang balakang.
...No need Sweetheart! Hindi mo dapat gawin iyan. Come on...papasukin na lang kita!" hingal na hingal niyang sambit pero hindi ko siya pinakingan. Curious din kasi talaga ako dahil ang unang lumabas sa akin kagabi habang nilalaro niya ang pagkababae ko ay sinimot niya. Isa pa, nalasahan ko na ang kaunting katas na lumabas sa kanyang alaga at parang gusto ko pa kaya naman muli kong dinilaan ang dulo noon na siyang dahilan kaya napahawak si Kenneth sa buhok ko.
"God! Sweetheart huwag mo naman akong bigyan ng dahilan para may panibagong kaaadikan ako sa iyo." bigkas niya. Hindi ko na siya pinansin pa at lalo kong pinag-igihan ang ginagawa ko. Dinila-dilaan ko ang ulo noon at muli kong nalasahan ang kaunting bagay na lumabas sa kanya. Hindi nagtagal, tinangka kong isubo at nilaro-laro ng aking dila. Halos mapahiyaw naman si kenneth dahil sa ginawa kong iyun.
"Shit...kanino mo natutunan iyan ha? Ang sarap ng bibig mo! Sige pa Sweetheart! Sige pa!" bigkas niya. Hindi kasya sa bunganga ko ang alaga niya kaya nagkasya na lang ako na dilaan ang ulo noon at s******n. Nilaro-laro ko din ang dalawa niyang itlog gamit ang dalawa kong kamay.
Gusto ko kasing matikman ulit ang katas na lumalabas sa kanya. Hindi ko naman akalain na halos mabaliw na si Kenneth sa ginagawa kong ito.
Abala ako sa kakasipsip sa ulo ng anaconda niya nang maramdan ko ang paghawak niya sa dalawa kong braso at pilit niya akong pinapatayo.
"Tama na Sweetheart! Malapit na akong labasan. Ayaw na ayaw kong iputok iyan sa bibig mo!:" bigkas niya at mabilis akong iginiya patalikod sa kanya. Napansin ko din na nakapatay na ang tubig mula sa shower kaya mahigpit akong napahawak sa tiles na dingding ng banyo habang halos nakatuwad na ako at nasa likuran ko siya.
Nakabuka ang dalawa kong hita kaya alam kong kitang kita ni Kenneth ang pagkababae ko.
Naramdaman ko pa ang daliri niya sa bukana ng hiwa ko kaya kaagad akong napakislot. Nakikiliti kasi ako! Hinihimas -himas niya ang bahaging iyun at waring tinatantiya ang kahandaan ko.
...you're so wet na Sweetheart! Ang sarap nito!" bigkas niya kasabay ng pagkiskis ng anaconda niya sa bukana ko. Noong una sa paligid lang nang bukana ko at hindi nagtagal, tuloy-tuloy na iyun pumasok sa kaloob-looban ko sa makailang ulit na pag- kadyot pa lang na pinakawalan niya.
"Uhmmm Ken! Ang laki! Super laki!" bigkas ko. Ramdam ko ang kahabaan niya na kumikiskis sa dingding ng aking pagkababae. Nakakabaliw! Ang sarap
"Yah...ang sikip mo pa rin Sweetheart! Sinasakal mo ang alaga ko kaya lalong nagagalit eh." ramdam ko ang hingal niya habang sinasabi ang katagang iyun. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa baiwang ko at bawat pagkadyot niya sa likuran ko ay nagbibigay sa akin iyun ng hindi maipaliwanag na langit.
"Akin ka lang Ella! Nakakabaliw ka!" bigkas niya kasabay ng pagapang ng isa niyang palad patungo sa aking dibdib. Humahaplos-haplos iyun sa bahaging iyun na nagbigay sa akin ng dagdag na hindi maipaliwanag na damdamin.
Ginulat ako nitong si Kenneth. Ilang buwan kaming magkatabi sa kama na walang nangyayari sa amin pero heto siya ngayun. Napaka-init niya at parang hindi
nakakaramdam ng pagod. Feeling ko tuloy, hinihintay niya lang na tuluyan siyang gumaling bago niya ako angkinin. Gusto niya siguro ng outstanding performance. Gusto niya sigurong ipadama sa akin ang langit na walang kahit na anong balakid na kapansanan.
"Malapit na ako Sweetheart!" narinig kong bigkas niya. Malapit na din ako dahil muli ko na namang naramdaman na parang naiihi ako na ewan.
Ilang beses pang pag-atras-abante ni Kenneth sa likuran ko nang maramdaman ko ang pagsabog ng katas niya sa sinapupunan ko. Naghalo ang aming mga katas habang ramdam ko ang matigas niya pa ring anaconda sa kaloob-loban ko. Pumipintig-pintig iyun na para bang gusto pang sumabak sa gyera!
Chapter 530
ELLA POV
Pagkatapos nang mainit na sandali sa aming dalawa ni Kenneth sabay na kaming naligo. Siya na din ang nag effort na nagpatuyo sa buhok ko para daw makapag-pahinga ako habang hinihintay namin ang mga pagkain na inorder niya.
Sa ganitong sitwasyon para hindi ko kayang lumabas ng room namin at maglakad-lakad. Feeling ko walang lakas ang tuhod ko dahil sa walang kasawa- sawang pag-angkin sa akin ni Kenneth. Mabuti na lang at nandito kami sa resort dahil kung sa bahay ito nangyari, nakakahiya talaga sa lahat. Magugulat ang lahat kung bakit hindi ako makakalabas ng kwarto.
"Ken...bakit wala ka nang saklay? Ibig bang sabihin, magaling na magaling ka na?" hindi ko mapigilang tanong kay Kenneth. Pareho kaming nasa kama habang nakasandal ako sa may dibdib niya. Sinusuklay niya din ang buhok ko kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng sobrang kilig.
"Hindi ako magyayaya ng beach resort kung hirap pa akong maglakad." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi naman ako makapaniwala.
Akala ko talaga hindi pa tuluyang magaling ang isa niyang binti pero mukhang naisahan ako nitong si Kenneth. Gayunpaman, masaya ako dahil nalagpasan niya ang lahat-lahat at maayos na ang kanyang kalagayan.
Kumain lang kami at nagpahinga bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Medyo masakit pa ang katawan ko pero ayaw ko din kasing maging hadlang iyun para hindi ma-enjoy ang buong resort.
Villarama-Santillan Beach Resort dahil dalawang pamilya ang nagtulong-tulong para ma-develop ang isang malawak na isla patungo sa napakagandang beach na dinadayo na ngayun ng mga turista. Nabili nila Mommy Arabella ang isla pero ang bunsong anak naman ng mga
Villarama ang naglabas ng malaking budget para mabuo at masunod ang gusto nilang maging desensyo sa naturang lugar. At ito na nga ang kinalabasan ngayun. Dinadayo na ng mga turista ang naturang isla.
Hawak kamay kaming naglakad patungong dalampasigan. Napansin ko pang may mangilan-ilan sa mga turista ang naliligo sa kalmadong karagatan. Parang gusto ko din tuloy magtampisaw. Parang nakaka-enganyo kasi talaga ang kanilang tawanan.
"Dito ka lang Sweetheart! Kukuha lang ako ng maiinom natin." abala ako sa sa kakalibot ng tingin ko sa paligid ng biglang nagsalita si Kenneth. Tumititig muna ako sa kanya sabay tango.
"Bilisan mo ha? Gusto kong maglakad sa babayin ng naka-paa lang.'" malambing kong sagot sa kanya. Matamis niya akong nginitian sabay tango.
"Sure..dont worry, sandali lang ako." sagot niya at mabilis na siyang naglakad paalis. Nasundan ko naman siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo sa akin.
Inabala ko naman ang sarili ko sa kakatingin sa kapaligiran. Puting-puti ang buhangin at kay gandang pagmasdan. Nasa ganoong senaryo ako nang mapansin ko ang isang batang lalaki palusong sa dagat habang hinahabol niya ang isang bola. Napatingin pa ako sa paligid at nang mapansin ko na walang nakasunod sa batang lalaki kaagad akong napatakbo sa kinaororoonan niya.
"Nasaan ba ang mga magulang ng batang iyan?" hindi ko mapigilang bigkas habang mabilis ang kilos ko ng mapansin kong nasa dagat na ang bata at natumba ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa.... kaagad na akong lumusong sa dagat at hinawakan ito paahon.
"Who are you po?" kaagad na tanong ng batang lalaki na labis kong ikinagulat. Sa hitsura niya ngayun mukhang nagulat din siya sa paglapit ko.
"Ha? Teka, nasaan ang mga magulang mo? Bakit mag isa ka lang dito sa baybayin? Hindi mo ba alam kung gaano ka-delikado sa bata ang maglaro malapit sa dagat na nag-iisa lang?" kaagad ko namang sagot sa kanya. Basang-basta na siya at kung sino man ang mga magulang ng batang ito napaka-iresponsable niya.
"Si Mama, nasa work pa po siya eh. Para hindi ako mainip sa paghihintay sa kanya, nagpi-play muna ako ng ball kaya lang napalakas ang pagsipa ko kaya napunta dito sa dagat bola ko." sagot niya naman sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa batang kaharap ko.
Kung hindi ako maaring magkamali nasa five or sex years old pa lang ang batang lalaki na nasa harapan ko. Masyado pang bata para maiwan mag-isa sa ganitong lugar.
"Worker dito sa beach ang Mama mo?" tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango. Tinuro niya pa ang isa sa mga gusali na alam kong doon nagche- check-in ang ilan sa mga guest. Sa
kabilang gusali naman matatagpuan ang kwarto naming dalawa ni Kenneth. May nagkalat din na mga cottages sa paligid. Maraming choices ang mga guest kung saan-saan sila magche-check in.
Malawak ang beach resorts at may napansin din akong mga nagkalat na mga restaurant pati na din mga shops. Parang gusto ko tuloy ikutin buong paligid.
"What is your name nga pala? Ang cute mo naman! Hindi ka dapat maglalapit sa dagat kapag wala kang kasama." nakangiti kong sagot sa bata. Mukhang sanay sa tao ang batang ito dahil hindi naman siya umiwas sa akin. Sabagay, kung dito sa resort nagta-trabaho ang Ina niya tiyak na sanay nga sa tao ang batang ito.
"I am Ezekiel po!" nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na titigan siya. May dimple siya sa magkabilaang pisngi kaya ang cute cute niya!
"Ako naman si Ate Ella." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Hello Ate Ella! Mabait po kayo kaya pwede ko po ba kayong maging friend?" nakangiti niyang sagot. Nangingislap ang mga mata niya tuwing nagsasalita siya kaya naman halatang masayahin ang batang ito.
"Sure! Gustong-gusto kong maging kaibigan ang mabait na batang kagaya mo Ezekiel." nakangiti kong sagot sa kanya. Hinawakan ko na siya sa kamay at hinila palayo sa tubig. Hinayaan na namin ng bola niya dahil medyo malayo na iyun sa amin. Mabuti na lang at nalibang ko ang batang ito at naiwaglit ko sa isipan niya ang tungkol sa bola.
"Ezekiel! Baby! I missed you!" hawak- hawak ko pa rin si Ezekiel papunta sa spot kung saan ko hihintayin ang pagbalik ni Kenneth ng marinig kong may tumawag sa pangalan ng bata. Sabay kaming napahinto ni Ezekiel sa paglalakad habang hinahanap ng mga paningin namin ang tumawag sa pangalan ng bata.
"Tito Elias?" sambit ng bata at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak ko. Patakbo siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan sa amin.
"Tito!" narinig kong muling sigaw ni Ezekiel. Nakangiting sinalubong naman ng lalaki si Ezekiel at kaagad na kinarga. Pinupog niya pa ng halik sa pisngi ang bata na parang bang ilang taon silang hindi nagkita.
Chapter 531
ELLA POV
"Tito! I miss you so much po!" narinig kong bigkas ni Ezekiel sa lalaking may karga-karga sa kanya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na titigan ang naturang lalaki. Para kasing familiar sa akin ang hitsura niya. Kamukhang- kamukha siya ni Elijah pero parang hindi naman siya si Elijah.
Narinig kong tinawag siya ni Ezekiel sa pangalang Elias kanina kaya malabong si Elijah nga ang taong iyun. Pero sino siya? Bakit halos kamukha niya si Elijah?
"Sweetheart! Nandito ka lang pala!" natigil lang ako sa pagtitig sa gawi nila Ezekiel nang marinig ko ang boses ni Kenneth. May hawak na siyang isang inumin at kaagad niya namang iniabot sa akin.
"May bata kasi akong nakita kanina na palusong sa dagat. Sinaklolohan ko dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya!"
kaagad na sagot ko kay Kenneth sabay turo sa batang karga-karga ng lalaki na hanggang ngayun iniisip ko pa rin kung sino ba siya.
Napansin kong tumitig din si Kenneth sa itinuro ko at napansin kong kaagad na napakunot ang noo niya.
"Si Elias ba iyan?" narinig kong sambit ng nagtatakang boses ni Kenneth. Muli akong napatitig sa gawi nila Ezekiel at mukhang kilala ni Kenneth ang lalaking iyun dahil sakto ang pangalan na binigkas niya sa pagtawag ng bata kanina tungkol sa lalaking iyun.
"Sinong Elias?" nagtataka kong tanong.
"Si Elias, ang kakambal ni Elijah. Nakauwi na ba siya ng bansa? Bakit parang hindi ko yata ito alam?" muling sambit ni Kenneth. Napansin kong takang -taka siya hanggang sa naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
"Kakambal siya ni Elijah? Ah kaya pala magkamukha sila." kaagad ko namang sagot sabay tango. Alam kong may kakambal si Elijah pero hindi ko pa nakikita. Wala naman kasing Elias ang dumadalaw sa mansion simula noong namasukan ako kina Mam Jeann kaya hindi ko talaga siya kilala.
"Yes... let's go Sweetheart! Lapitan natin siya! Loko itong taong ito ah. Nandito na pala sa Pinas hindi man lang dumadalaw sa mansion. Ang akala ko talaga nasa US pa siya eh." bigkas ni Kenneth at nakisabay na ako sa paghakbang niya palapit sa tinutukoy niyang kakambal ni Elijah na noon ay abala na sa pakikipag - usap kay Ezekiel.
"Elias...pinsan long time no see!" kaagad na sambit ni Kenneth pagkalapit namin sa kanila. Kaagad naman itong napalingon at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya habang nakattig kay Kenneth.
"Ken...long time no see. Happy to see you again." nakangiting bigkas ni Elias pero halata sa mukha nito ang pagkataranta. Napansin kong tinitigan ni Kenneth ang batang karga-karga ni Elias bago niya
seryosong tinitigan ang pinsan niya sa mukha.
"Anak mo? Alam ba ito nila Tita at Tito?" diretsahang tanong ni Kenneth kay Elias. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha nito sabay sulyap sa batang karga niya.
"Ha? Ah hindi!" kaagad na sambit naman ni Elias. Napansin ko pang kaagad na nagsalubong ang kilay ni Kenneth at seryosong tinitigan ang pinsan.
"Hindi? Paanong hindi eh halos kamukha mo iyang bata? Wala naman sigurong problema kung may anak ka na basta sabihin mo lang kila Tita! For sure maiintindihan ka nila!" sagot naman ni Kenneth na parang siguradong-sigurado siya na anak nga ni Elias ang batang karga niya.
Sabagay, kahit sino ang tatanungin mukha kasi talaga silang mag-ama. Halos magkahawig eh.
"Hindi nga eh. Hindi ko sya anak at kung totoong anak ko siya walang dahilan para magkaila ako ngayun sa iyo pinsan." sagot naman ni Eijah.
"Ewan ko sa iyo! Nakarating ka dito sa beach resort pero mukhang hindi pa alam nila Tita na nandito ka na sa Pinas. Pati yata kakambal mo hindi din alam eh!" muling sagot ni Kenenth. Hindi naman nakasagot si Elias kaya naman narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga ni Kenneth.
"Pauwi ng Manila sila Mommy at Daddy bukas ng umaga. Kung gusto mo pwede kang sumabay sa kanila para hindi ka na mahirapan sa biyahe." muling wika ni Kenneth sa kanyang pinsan.
"Thank you Ken. Pero wala pa akong balak na umuwi eh! kakarating ko lang din kanina dito sa resort. Pinsan pwede bang makahingi ng pabor. Pwede bang huwag mo munang bangitin kina Mommy na nagkita tayo. Ang alam kasi nila nasa US pa ako eh." narinig kong sambit ni Elias na lalong ikinagulat ni Kenenth.
"May reason ka? Anong reason mo?
Hindi naman pwedeng pagbigyan kita sa hiling mo na hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan." sagot naman ni Kenneth. Saglit na natigilan si Elias bago namin napansin ang isang babaeng palapit sa amin. Kung hindi ako nagkamali isa siya sa mga staff ng beach reslort dahil sa suot niyang uniform.
"Mama!" kaagad namang bigkas ni Ezekiel habang nakangiting nakatingin sa babaeng palapit sa amin. Ibinaba naman siya ni Elias kaya naman nagtatakabo na ang bata palapit sa babae na kung hindi ako nagkamali siya ang Ina na tinutukoy ng bata kanina.
Napansin ko pa na na lalong nagsalubong ang kilay ni Kenneth habang nakatingin din sa babae bago niya ibinaling ang tingin sa kanyang pinsan.
"Gago ka talaga Elias! Alam mo bang kung saan-saan na hinanap ni Elijah si Ethel?" gulat na gulat na bigkas ni Kenneth sa kanyang pinsan. Nagulat naman ako. Napatitig ako kay Elias bago
ako tumitig sa gawi ng mag-ina.
"Kilala mo si Ethel?" wala sa sariling tanong ni Elias kay Kenneth. Halata ang kaba sa mukha nito at seryoso namang tumango si Kenenth.
"Natural! Ilang beses ko siyang na-meet noong girl friend pa siya ng kakambal mo! Lagot ka sa kakambal mo! Ikaw lang pala ang nakakaalam kung nasaan si Ethel tapos nagawa mong isekreto ito sa kanya?
"seryosong sagot ni Kenneth at timnapik niya pa sa balikat si Elias bago niya ako inakay palayo. Akmang hahabol pa sana si Elias pero tinawag na siya ni Ezekiel.
"Ibig bang sabihin nito posibleng anak ni Elijah ang batang iyun?" nagtataka kong tanong kay Kenneth nang makalayo na kami kay Elias. Tumigil naman sa paghakbang si Kenneth at nakangiti akong tinitigan.
"Posible! Noon pa man hindi na magkasundo sila Elias at Elijah. Magkakambal nga ang dalawa pero ang layo naman ng loob nila sa isat isa. Mukhang may nagbabadyang malaking gulo sa pamilya nila Tita Miracle. Dalawa na nga lang ang anak nila, mukhang nag- aagawan pa sa iisang babae." mahabang sagot naman sa akin ni Kenneth.
Hindi ko naman mapigilan ang muling mapatingin sa kinaroroonan nila Elias na kausap niya na ang babaeng matagal na palang hinahanap ng makulit na si Elijah. May bonus pa..mukhang may batang involved! Sino kaya ang Tatay ng bata sa kambal? Si Elias ba or Elijah? Kamukha kasi nilang dalawa ang bata eh!
Chapter 532
ELLA POV
Siya ba talaga si Ethel? Kilala mo siya?" nagtataka kong tanong kay Kenneth habang naglalakad kami sa maputi at pinong-pino na buhanginan. Napapalingon pa ako kina Ethel at Elias na puno ng pagtataka. Mukhang closed ang dalawa base na din sa nakikita ko. Napansin ko pa kanina na humawak si El¨Âªas sa kamay ni Ethel na may nakaguhit na masayang ngiti sa labi.
"Yup! Ilang taon na ding hinanap ni Elijah iyang si Ethel at mukhang mula umpisa alam ni Elias kung saan nagtatago si Ethel. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit hindi mahanap-hanap si Ethel eh." sagot naman ni Kenneth sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Sobrang sama naman ng ugali ni Elias kung nagkataon. Nagawa niyang traydurin ang kakambal niya kaya malaking gulo talaga siguro ito kapag malaman ni Elijah ang lahat-lahat.
"Ano ngayun ang gagawin mo? Sasabihin mo ba kay Elijah ang nalalaman mo ngayun?" seryosong tanong ko kay Kenneth. Huminto naman siya sa paglalakad kaya napahinto na din ako. Napansin kong ilang saglit siyang tumitig sa akin bago nagsalita.
"Ayaw kong ako ang isa sa maging dahilan para magkagulo ang kambal. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Gusto kong makausap muna ng masinsinan si Elias bago ako gagawa ng desisyon." sagot niya sa akin. Hindi naman ako nakaimik.
Hangat maari ayaw ko sana siyang sumawsaw muna sa problema ng iba. Lalo na at kakagaling niya lang sa matinding pagsubok sa buhay niya. Kaya lang, wala naman akong karapatan na pigilan siya lalo na at kadugo niya ang involved sa issue na ito.
"Hayaan mo na muna! Nandito tayo sa beach resort na ito para mag-enjoy. " nakangiti niyang bigkas sa akin habang nag-uumpisa na naman kaming
humakbang sa mahabang dalampasigan
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito Nakaka-relax ang mga nakikita ko sa paligid. Sobrang fresh ng kapaligiran at parang gusto kong magtagal sa lugar na ito. Sana kapag ikasal kami ni Kenneth, dito na lang ang honeymoon namin.
Sa isiping iyun hindi ko mapigilang mapangiwi. Honeymoon ang iniisip ko gayung hanggang ngayun mahapdi pa rin ang kabibe ko dahil sa walang sawang pag -angkin niya sa akin. Tsaka ko na nga lang siguro iisipin ang tungkol sa bagay na iyan kapag makabalik na kami ng Manila. SA ngayun gusto kong i-enjoy ang bawat minuto na kasama ang lalaking pinakamamahal ko! Si Kenneth!
Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa nakarating kami sa may batuhan. Malayo na kami sa nagkakasayahang mga turista at palubog na din ang araw. Lalong nagiging masarap sa pandama ko ang dampi ng hangin sa aking balat. Para bang napaka-payapa ng buong paligid.
"Kapag high tide maraming mga turista ang pumupunta dito para maligo" wika ni Kenneth sa akin. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Parang kaming dalawa lang ang tao sa batuhan na ito. Mula sa kinatatayuan namin, kitang kita ang palubog na araw. Sobrang sarap sa mata. Feeling ko tuloy nasa isang paraiso kami.
Kalmado ang karagatan at parang nakikiayon ang panahon sa bakasyon naming ito.
"Doon tayo Sweetheart!" wika ni Kenneth sa akin. Inalalayan niya akong makaakyat sa mataas na bahagi ng batuhan at lalo akong namangha sa aking nasaksihan. Halos makita na kasi namin ang kabuuan ng isla. Ang ganda!
"Ito ang paborito kong spot bago ako naaksidente. Ang ganda diba?" wika niya sa akin sabay pagpag sa isang nakausling bato at inalalayan akong makaupo. Naupo na din siya sa tabi ko at pinasandal niya ako sa kanyang dibdib. Hindi naman maalis-alis ang tingin ko sa papalubog na araw.
May iilan pa akong nakikita na mga ibon na nagliliparan sa kalangitan. Napaka- peaceful ng lugar at parang gusto ko na ditong tumira kasama siya. Para tuloy ayaw ko nang umalis sa lugar na ito.
Kaya lang hindi pwede! Nasa Manila ang trabaho ni Kenneth kung sakali. Alam kong matagal nang hiniihintay ng Daddy Kurt ang tuluyang pagaling ni Kenneth para palitan siya sa posisyon sa kumpanya at ngayung tuluyan ng nakakakalakad si Kenneth alam kong malaking bahagi ng buhay niya na ang mababago.. Sana lang talaga hindi magbabago ang nararamdaman niya para sa akin.
Kapag nasa labas na siya alam kong may tsansa na siyang makakahalubilo sa kapwa niya. Lalo na sa ibat ibang babae. Mga babaeng kagaya niya na tinitingala sa altas sa siyudad. Mga babaeng may maipagmamalaki sa buhay. Hindi kagaya ko na isang hamak na alalay niya lang.
Sa isiping iyun parang may matulis na bagay ang biglang sumundot sa puso ko.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba napaka-advance kong mag isip. Wala pa nga eh pero bakit nasasaktan na ako?
Sabagay, posible naman kasi talagang mangyari ang iniisip ko. Hanggang ngayun hindi pa rin ako sigurado kung mahal niya ba ako. Baka naman nadevelop lang siya sa akin dahil ako ang palagi niyang nakikita. Paano na kaya kapag may iba na siyang mga babaeng nakakasalamuha? Baka bigla niya na lang ma-realized na hindi niya naman pala ko gusto.
"Hey...may problema ba? Umiiyak ka ba? "bumalik lang ako sa huwesyo ng marinig kong nagsalita si Kenneth. Nagtataka kong idinampi ang palad ko sa pisngi ko at ngayun ko lang napansin na lumuluha na pala ako.
"Ha? Ah..eh wala! Nadala lang siguro ako sa ganda ng kapaligiran kaya naging emotional ako." pagkakaila ko sa kanya. Ayaw ko din kasing sabihin sa kanya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Ayaw kong sirain ang masayang bakasyon na ito dahil sa pagiging praning ko.
Chapter 533
KENNETH POV
"Gusto ko na pong mag-prupose ng kasal kay Ella." seryosong pahayag ko sa mga magulang ko habang nandito kami sa rooftop ng Villa. Bahagi ang Villa na ito ng Villarama-Santillan Beach Resort pero off limits ito sa mga outsider. Tanging legit na miyembro ng pamilya lang ang pwedeng pumasok.
Kahit nga si Ella bawal dahil hindi pa kami kasal kaya gustuhin ko man na dalhin siya dito hindi pwede. Iniwan ko siya sa unit namin kanina na natutulog. Pagkatapos namin mamasyal sa dalampasigan kumain lang kami at pumasok sa kwarto namin. Of course, nag sex kami at nang makatulog siya sakto naman na nag message itong si Mommy.
Rules ni Mommy Arabella na bawal ang outsiders kaya wala akong choice kundi sundin. Idea niya naman kasi talaga ang pagpapadevelop ng resort na ito. Mula sa kanyang malawak na imagination ang ilan sa mga disensyo kaya naman wala akong magagawa kundi igalang ang gusto niya.
Isa pa...malapit ko na din pakasalan si Ella kaya malapit na din siyang makapasok sa magandang Villa na ito.
"Kasal? Ken, anak matagal na naghintay ang Santillan Corporation sa iyo and 1 think hindi ganoon kadali ang pagpaplano ng kasal kasabay ng pagti train mo para pamahalaan ang kumpanya. "Kaagad na sagot ni Mommy. Nagulat naman ako.
Hindi pa nga ako nag-uumpisa na hawakan ang kumpanya ramdam ko na ang bigat ng responsibilidad sa aking balikat. Ayaw ko din naman maging unfair kay Daddy dahil alam kong matagal niyang hinintay ang pagaling ko pero paano naman si Ella? Papayag kaya siya na ipagpaliban muna namin ang planong pagpapakasal?
Nangako ako sa kanya na kapag tuluyan na akong gumaling papakasalan ko siya kaagad. Pero paano naman ang hiling ng mga magulang ko? Kailangan ako ng kumpanya dahil gusto nang mag retired ni Daddy. Gusto nilang mag stay sa isla na ito at i-enjoy ang kanilang buhay habang bata pa sila.
"We understand na mahal mo si Ella at alam namin na mahal ka din niya. Kaya lang hindi biro ang preparasyon ng kasal. Paano mo pagsasabayin ang pagiging husband mo sa kanya kung magiging busy ka na?" muling wika ni Mommy sa akin. Kaagad namang binalot ng lungkot ang puso ko habang iniimagine ko na darating at darating ang araw na baka mawalan ako ng time sa babaeng mahal ko!
"Dad, Mom 1 loved her! Nagpromised ako ng kasal right after na gagaling na ako. Natatakot akong madismaya siya." sagot ko naman.
"Mabait si Ella. Maiintindihan ka niya. Wala kang dapat na ikatakot dahil parang mag asawa na din naman ang turingan niyo diba? Mababawasan lang ang time
niyo sa isat-isa pero nandiyan ka pa rin naman eh." sagot naman ni Mommy Hindi ako nakaimik
"Isipin mo ang magiging kinabukasan niyong dalawa. Kapag matutunan mo na ang pasikot-sikot sa kumpanya itatransfer ko na sa pangalan mo ang lahat ng karapatan. Ikaw ang nag-iisang magmamana dahil hindi naman interesado si Jeann. May sariling negosyo din ang asawa niya. Matagal na panahon kong pinaghirapan na mabuo ang kumapanya natin at sana mas lalo mo pang mapalago. Dont worry anak, kapag gamay ka na sa pagpapatakbo sa kumpanya pwede mo nang pakasalan si Ella kahit na ilang beses pa." mahabang sagot naman ni Daddy.
"Dad, I understand! Pero hindi ba ako pwedeng humingi ng kahit tatlong buwan lang? Gusto ko munang ibigay kay Ella kung ano naipangako ko na sa kanya." nakikiusap kong wika. Kaagad naman umiling si Mommy.
"Kung si Ella ang iniisip mo ako ang kakausap sa kanya. Mabait na bata ang girl friend mo at maiintindihan ka niya. Ken, this is your chance para ipakita sa lahat ang kakayahan mo!" sagot naman ni Mommy.
"One year anak! In one year, pwede niyo nang planuhin ang kasal niyo! Alam namin na si Ella ang isa sa mga reason kung bakit pinilit mong makalakad ulit. Hindi dapat madaliin ang kasal dahil nandiyan lang iyan." nakangiting sagot naman ni Daddy.
"Kakausapin ko muna si Ella tungkol dito. Ayaw kong maging unfair sa kanya Dad, Mom. Gusto kong ibigay kung ano ang pinaka-the best sa kanya." sagot ko naman.
"Ibigay? Why not! Bakit hindi mo tulungan ang pamilya niya? I-surprised mo si Ella. Tutulungan natin ang pamilya niya na makaahon sa hirap nang hindi alam ni Ella para after a year kung sakaling dadalaw kayo sa lugar na iyun nasa maayos nang kalagayan ang mga magulang at kapatid niya!" sagot naman ni Mommy. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Napaka-brilliant talaga nitong Mommy ko kung mag isip. Bakit nga ba hindi ko gagawin iyun?
"Family oriented si Ella and I think magdadalawang isip din siyang magpakasal sa iyo kapag alam niyang hindi pa maayos ang kalagayan ng mga magulang niya. Ayaw niyang tumangap ng pera mula sa atin na hindi niya pinaghihirapan kaya bakit hindi na lang muna iyan ang gawi mo?" muling wika ni Mommy. Kung sa pautakan talagang panalo itong Ina ko eh. Ang galing mangumbinsi.
"Right! Why not! Okay Mom...gagawin ko iyang suggestion niyo. Mabait si Ella at maiintindihan niya ako. Kayo na din ang nagsabi na parang mag asawa na ang turingan namin." nakangiti kong sagot.
Gusto ko din naman na kapag ikasal kami ni Ella nasa maayos na kalagayan ang lahat. Ayaw kong may agam-agam sa puso niya. Gusto ko buo ang desisyon niya kapag magpakasal kami. Mabilis lang ang isang taon at kahit na gaano ako kaabala, ipinapangako ko na hindi ako magkukulang na iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.
"Alright! Payag na po ako! Bigyan niyo lang po ako ng one week na ma-enjoy naming dalawa ni Ella ang isla na ito at pagkabalik ko ng Manila sasabak na ako sa trabaho." sagot ko sabay tayo.
Napansin ko pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nila Mommy at Daddy. Mukhang masayang-masaya sila sa desisyon ko.
"Thank you anak! By the way, pwede mong dalhin si Ella dito sa Villa tomorrow morning. Magpapahanda ako ng masarap na pagkain." nakangiting sagot ni Mommy. Nagulat naman ako.
"Po? Pwede si Ella? Akala ko ba bawal ang outsider?" nagtataka kong tanong.
"Gusto kong bigyan ng exemption si Ella! "nakangiting sagot ni Mommy. SAbay naman kaming napahalakhak ni Daddy. Ang gulo din nitong Mommy ko eh...
Chapter 534
ELLA POV
Nagising ako na wala si Kenneth sa tabi ko. Nang tingnan ko ang orasan halos alas diyes pa lang ng gabi. Maaga kaming nakatulog kanina kaya alanganin din ang gising ko.
"Ken! Kenneth!" mahina kong sigaw habang dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Naglakad ako patungong banyo at sumilip kaya lang walang Kenneth akong nakita. Saan kaya siya nagpunta?
"Ken...nasaan ka?" bigkas ako at muling naglakad patungo sa balcony. Hinawi ko ang makapal na kurtina at binuksan ang sliding door. Lumabas ako at inilibot ang tingin sa buong paligid pero wala talaga siya. Mukhang lumabas siya ng kwarto namin habang tulog ako.
Marahan akong napabuntong hininga at naglakad sa pinakadulong bahagi ng balcony. Mula sa kinatatayuan ko tanaw
ko ang maliwanag na kapaligiran mula sa poste ng ilaw. Buhay na buhay pa rin ang buong paligid at nagkakasayahan pa rin ang ibang mga guest sa dalampasigan.
Hindi ko mapigilang mapayakap sa sarili ko nang maramdaman ko ang banayad na paghampas ng malamig na hangin sa aking katawan. Manipis ang suot kong pajama at blouse kaya ramdam ko talaga ang lamig ng simoy ng hangin.
Napapitlag pa ako ng maramdaman ko na may yumakap mula sa likuran ko. Hindi na ako pumalag dahil alam kong si Kenneth ito eh. Kabisado ko na ang hulma ng kanyang katawan pati na din ang kanyang amoy.
"Anong ginagawa mo dito? Dapat mga ganitong oras natutulog ka na eh! Hinahanap mo ba ako?" malambing niyang tanong sa akin. Dahan-dahan naman akong pumihit paharap sa kanya at seryoso siyang tinitigan.
"Saan ka galing?" nagtatampo kong tanong sa kanya. Napansin ko ang paguhit ng matamis na ngiti sa labi nito habang titig na titig sa akin.
"Tumawag kanina si Mommy habang tulog ka. Gusto daw nila akong makausap. Hindi na kita ginising para magpaalam dahil napansin kong nahihimbing ka na sa pagtulog" nakangiting sagot niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Gusto ko kasing mag-kwento pa siya eh.
"Hey, hindi ka na nakasagot? Galit ka ba? "muling wika niya. Napansin niya marahil ang pananahimik ko kaya matamis ko siyang nginitian.
"Ha? Ah wala! Gusto ko kasing mag- kwento ka pa eh! Tsaka, napansin mo ba? Ang ganda ng gabi noh?" nakangiti kong sagot at muling inilibot ang tingin sa paligid. Humakbang ako ng ilang beses palayo sa kanya habang pilit na ninamnam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang bakasyon namin na ito. Feeling ko nasa para¨Âªso ako kasama ang lalaking pinakamamahal ko.
"Yah....ang sarap ng gabi! Nakikiayon ang panahon sa bakasyon natin." narinig kong sambit niya at mula sa likuran ko mahigpit siyang yumapos sa akin. Nanatili din kami sa ganong posisyon ng ilang minuto. Walang sino man sa amin ang gustong magsalita basta ang gusto lang namin pareho ay iparamdam sa isat- isa ang aming presensya.
Sana ganito na lang kami palagi. Sana hindi siya magbabago sa akin.
"Parang lumalamig na yata Sweetheart! Pasok na tayo sa kwarto. May gusto din akong sabihin sa iyo eh." matapos nang ilang sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa sa wakas muling nagsalita si Kenenth. Nakangiti ko siyang nilingon pero naka-ready pala ang labi niya kaya naman sa paglingon kong iyun kaagad na naglapat ang aming labi.
Hindi na ako nakaimik pa. Kaagad na din akong pumihit paharap sa kanya at pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa leeg niya habang patuloy kami sa aming halikan.
Ewan ko ba...palagi kaming nag-uumpisa sa ganitong eksena hanggang sa pareho na lang naming namalayan na buhat-buhat niya na ako pabalik ng aming kwarto. Hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi.
Pagkapasok namin sa kwarto, maingat niya akong inilapag sa kama kasabay ng pagdagan niya sa akin.
Para kaming bagong kasal na walang kasawa-sawang ipinapadama namin sa isat-isa ang ang ilang beses na pag-iis ng aming katawan. Sa bawat pag-angkin ni Kenneth sa katawan ko, walang hanggang ligaya ang hatid nito sa puso ko. Paulit- ulit kong ipinapangako ko sa sarili ko na hangat kailangan niya ako, hinding hindi ako aalis sa tabi niya....
"Sweetheart! I love you! I love you so much!" bigkas niya habang patuloy siya sa pagalaw sa likuran ko. Naka-bend ako sa kama habang nasa likuran ko siya. Ramdam na ramdam ko ang kahabaan niya na patuloy na naglalabas-pasok sa aking pagkababae.
Ilang ulos pa at sabay na naming narating ang r***k ng tagumpay. Pareho kaming hingal na hingal na napahiga sa kama. Pagod pero masaya.
I love you Sweetheart!" narinig kong muling bigkas niya habang inaayos niya ang higa naming dalawa. Tinakpan niya ng makapal na comforter ang hubot hubad naming katawan at pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi naman mawala-wala ang masayang ngiti sa labi ko.
"I love you too Sungit!" malambing kong sagot sa kanya at lalong nagsumiksik sa kanya. Naramdaman ko pa ang banayad na paghalik niya sa noo ko bago siya muling nagsalita.
"Ngayun at kailanman?" malambing niyang sagot sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagikhik dahil sa sobrang kilig na nararamdaman.
"Ngayun at kailanman! Mahal na mahal kita Mr. Kenneth Villarama Santillan. Ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay! Promise!" nakangiti kong sagot sa kanya sabay taas ng kamay. Lalo naman siyang napangiti kasabay ng paghawak niya sa kamay ko ng mahigpit at dinala niya iyun sa kanyang dibdib.
"Kahit na anong mangyari, ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Lahat gagawin ko para sa iyo!" malambing naman niyang sagot sa akin.
Chapter 535
ELLA POV
Pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan naming dalawa ni Kenneth sabay na din kaming nakatulog. Nagising kami kinaumagahan na parehong may ngiti sa labi.
"Good Morning Sweetheart! I think, kailangan na nating maligo ng sabay. Sa Villa pala tayo kakain ng breakfast ngayung umaga." nakangiting bati niya sa akin.
"Villa? Saang Villa?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Malalaman mo mamaya. Ang kailangan natin gawin ngayun ay maligo na at tanghali na pala." nakangiti niyang wika sa akin.
Alas syete na ng umaga at tumatagos na ang sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto namin. Kung tutuusin tanghali na kumpara sa gising namin noong nasa sa
Manila kami dahil maaga din kasi ang start ng therapy niya.
Napansin kong mabilis na bumangon ng kama si Kenneth at nag-inat-inat sa harapan ko. Ni hindi man lang nahiya na hubot-hubad siya. Wala ni isang saplot sa katawan kaya walang ligtas sa makasalanan kong mga mata kung gaano kaganda ang hubog ng katawan ng boyfriend ko.
Lalong nakadagdag sa magandang view ang naka-saludo niyang pagkalalaki.
"Ken, mauna ka na sa banyo para maligo. Susunod na ako." wika ko sa kanya at kaagad na nag-iwas ng tingin. Nahuli niya kasi ako na nakatitig sa pagkalalaki niya at kita ko ang naglalarong ngiti sa labi niya. Wari ba ay tinutudyo niya ako dahil sa kapangahasan ng mga mata ko.
Hindi ko naman siguro kasalanan kung mapatingin ako sa bahaging iyun diba?. Nakabalandra eh. Sino ba naman ang hindi mapapatingin! Siya itong walang habas na tumayo sa harapan ko ng hubot hubad eh. Sino ba naman ako para iwasan ang magandang tanawin na nakahain sa harapan ko. Isang tanawin na kaaya-aya sa mga mata ko.
"Sabay na tayo para tipid sa tubig." nakangiti niyang bigkas at sa gulat ko hinawi niya ang comforter na nakatakip sa aking katawan. Kaagad na bumulaga sa mga mata niya ang hubot hubad kong katawan na siyang dahilan kaya mabilis akong napabangon ng kama.
"Ken..bastos!" hindi ko mapigilang bigkas. Malakas siyang tumawa kasabay ng paghapit niya sa katawan ko sabay buhat sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa dahil hindi ko akalain na kaya niya pala akong buhatin gayung kakagaling niya lang sa matinding pagsubok ng buhay niya.
"Ken...No! Ibaba mo ako! Kaya kong maglakad at hindi ka pa pwedeng magbuhat ng mabibigat." kaagad kong saway sa kanya. Pero parang wala naman siyang narinig. Buhat-buhat niya pa rin
ako hanggang sa makapasok na kami sa loob ng banyo.
"Kayang-kaya na kitang buhatin Sweetheart! Malakas yata ito!" nagmamalaki niyang sagot sa akin habang dahan-dahan niya akong ibinaba. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at mahina ko siyang nahampas sa kanyang balikat.
"Huwag mo na iyang ulitin ha? Hindi pa ganoon katibay iyang mga binti mo at baka kung mapaano ka!" naiinis kong sagot sa kanya. Tumawa lang siya sa akin habang binubuksan niya na ang tubig sa shower.
Sabay na nga kaming naligo. Ilang beses ko pang narinig sa kanya na kung hindi daw kami nagmamdali parang gusto niya daw akong angkinin ulit. Halata naman dahil sumasaludo na naman ang kanyang pagkalalaki at parang handa na namang manuklaw. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya lalo na at hinihintay daw kami nila Mommy Arabella sa Villa.
Pagkatapos namin maligo kaagad na kaming nagbihis at gumayak paalis. Saktong pagkalabas namin ng kwarto nag ring ang phone ni Kenneth at si Mommy Arabella ang nasa kabilang linya. Kanina pa daw kami hinihintay sa villa.
Ang Villa na tinutukoy ni Kenneth ay matatagpuan sa medyo mataas na bahagi ng resort. Napapaligiran iyun ng mataas na bakod at kapag nasa labas ka hindi mo akalain na may magandang istraktura pala ang nakatago sa loob.
Isang puti-puting bahay-bakasyonan. Pagkapasok pa lang amin sa loob ng mataas na gate ang seryosong mukha na ni Mommy Arabella ang sumalubong sa amin.
"Lumamig na ang mga pagkain. Bakit ang tagal niyo?" kaagad na angal niya pagkalapit namin. Nakipag-beso pa siya sa akin kaya kaagad akong nakaramdam ng pagkailang. Hindi kasi ako sanay.
"Napasarap ang tulog namin. Hindi ko narinig ang pag alarm ng cellphone."
sagot naman ni Kenneth. Tumango lang si Mommy Arabella at sabay na kaming naglakad patungo sa dining area kung saan may mga masasarap na pagkain ang naghihintay sa amin.
Naging smooth naman ang buong umaga namin. Nakatakdang lumipad pabalik ng Manila sila Mommy Arabella before lunch kaya naman nagpasya kami ni Kenneth na pagkaalis nila tsaka namin lilibutin ang buong isla.
Mabilis na lumipas ang ilang araw. Masasabi ko na ang experience namin sa isla ni Kenneth ay hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Ibinigay niya sa akin ang kanyang buong attention at oras. Itinuring niya akong parang prinsesa. Feeling ko nga ako na yata ang pinaka-maswerte at pinaka- magandang babae sa balat ng lupa.
"Ate Ella!" kasalukuyan kaming naglalakad ni Kenneth sa dalampasigan nang mapansin namin ang isang batang tumatakbo palapit sa amin. Hindi ko napigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko mapagtanto ko na ang batang si Ezekiel ang palapit sa amin. Ngayun ko lang siya ulit nakita pero kilala niya pa rin ako.
"Hello Ezekiel! Mag isa ka lang ba?' Nasaan si Mommy mo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Pa-squat na naupo ako para pumantay ang height niya sa akin at kaagad na napakunot ang noo ko nang mapansin ko na may pasa sa pisngi ang bata. Wala sa sariling napatingala ako kay Kenneth. Napakunot-noo din siya ng mapansin niya ang kung anong meron sa pisngi ni Ezekiel.
"Eze, what is this? Bakit may pasa ka?" nagtataka kong tanong sa bata sabay haplos sa pisngi nito. Napapitlag naman ang bata kaya nasiguro namin na bago lang ang pasa sa balat nito..
"Tamaan po ng ball Ate Ella." inosenteng sagot naman ni Ezekiel. Akmang magsasalita pa sana ito ng tawagin siya ng isang babae sa hindi kalayuan sa amin. Kaagad na napatakbo si Ezekiel papunta sa babae na kung hindi ako nagkakamali siya si Ethel. Ang babaeng matagal ng hinahanap ni Elijah.
Chapter 536
ELLA POV
"Samahan mo ako Sweetheart! Kakausapin ko lang siya." wika ni Kenneth sa akin kaya kaagad na din kaming napatango. Sabay kaming naglakad patungo kay Ethel na noon ay kausap niya na ang kanyang anak.
"Ethel, kumusta?" kaagad na bati ni Kenenth kay Ethel. Napansin namin ang pagkagulat sa mukha nito nang mapantingin siya sa mukha ni Kenneth.
"Kilala mo pa ba ako? Pinsan ni Elijah. KUmusta na?" muling bigkas ni Kenneth at makahulugan nitong tinitigan ang batang hawak ni Ethel. Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan.
"O-oo! Naalala kita Sir!" sagot nito sabay yuko.
"Matagal kang hinanap ng pinsan kong si Elijah. Dito ka lang pala sa resort nagtatago." muling wika ni Kenneth.
"Matagal na kaming tapos ni Elijah. Wala nang dahilan pa para hanapin niya ako." sagot ni Ethel habang hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagpipipigil nito ng emotion.
"Why...dahil ba kay Elias? Kayo na ba? Kung talagang nagmamahalan kayong dalawa ni Elias, I think wala naman na sigurong magagawa si Elijah doon. Ang kailangan lang noong tao ay closure mula sa iyo." muling bigkas ni Kenneth. Napansin kong nagpipigil na sa kanyang luha sa Ethel.
"Hindi! Hindi dahil kay Elias. Magkaibigan lang kami. Siya ang nasa tabi ko noong mga panahon na kailangan ko ng karamay." naluluha niyang sagot. Ramdam ko sa boses niya ang pait na pilit niyang itinatago sa mahabang panahon. Hindi ko nasaksihan ang pagmamahalan na namagitan sa kanilang dalawa pero alam ko at nararamdaman ko kung gaano siya kamahal ni Elijah. Sana lang muli nang magkrus ang landas nilang dalawa.
"Sa palagay mo ba hindi magkakagulo ang kambal kapag malaman ito ni Elijah? I understand na maraming kapaliyuhan na nagawa si Elijah sa iyo pero hindi naman siguro sapat para pati ang bata madamay dito diba?" muling wika ni Kenneth. Napansin kong napatigagal si Ethel at halos yakapin niya na ang anak niya na akala mo anytime may kukuha sa bata.
"Anong sabi mo? Bata? Paano ka nakakasiguro na----" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Ethel ng kaagad na sumabat si Kenneth.
"Alam niyang buntis ka bago ka naglayas. Isa pa, hindi maikakaila sa hitsura ng bata na may dugo siyang Villarama" sagot ni Elijah. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ni Ethel dahil sa gulat.
"Whatever your reasons hindi dapat madamay ang bata sa problema niyong dalawa ni Elijah. May dugong Villarama ang anak mo kaya sana naman huwag mong ipagkait sa kanya ang magandang kinabukasan na kayang ipagkaloob sa kanya ng angkan namin." sagot ni Kenneth. Kaagad naman umiling si Ethel.
"Hindi! Hindi ko kailangan ang pera nyo. Kaya kong buhayin ang anak ko! Hinding hindi ako papayag na malapitan siya ni Elijah." seryosong sagot ni Ethel kasabay ng paghila niya sa anak niya paalis. Napapailing naman si Kenneth na nasundan na lang sila ng tingin.
"Sadyang matigas talaga ang ulo ng babeng iyun. Bahala na si Elijah sa kanya. " wika ni Kenneth. Nagulat naman ako.
"Ano ang ibig mong sabihin? Nabangit mo na ba kay Elijah ang tungkol dito?" tanong ko. Umiling naman siya.
"Hindi pa! Nawala kasi sa isip ko nitong mga nakaraang araw." sagot niya sa akin at malagkit akong tinitigan. Pigil ko naman ang sarili ko na mag react. Nag- uumpisa na naman siya para landiin ako.
"Lets go! Medyo masakit na sa balat ang araw. Pahinga muna tayo tapos swimming tayo mamaya." muling wika niya na at kaagad ko naman sinang- ayunan.
Mabilis na lumipas ang ilang araw. Kahit na ayaw ko pa sanang tapusin ang bakasyon namin pero hindi pwede! Kailangan na naming bumalik ng Manila. Alam kong kailangan namin pareho harapin ang tunay na reyalidad ng buhay.
Pagkadating namin ng Manila nalaman namin na umalis ng bansa si Elijah kaya hindi na muna binangit ni Kenneth sa kanya ang tungkol kay Ethel. Ayaw niya kasing magulo ang isipan ng pinsan lalo na at business trip ang dahilan ng pag- byahe nito.
Isa sa mga regular employee si Ethel ng beach resort kaya malabong aalis siya sa lugar na iyun ng basta-basta. Isa pa, may itinalaga si Kenneth na dalawang tao para bantayan ang kilos ng mag-ina lalo na ng bata. Malaki kasi ang paniniwala ni Kenneth na anak ni Elijah ang naturang bata.
Nagpahinga lang kami ng ilang araw at kaagad na ding sumabak si Kenneth sa trabaho sa kumpanya. Noong mga unang araw naninibago pa ako dahil hindi ako sanay na wala siya tabi ko pero nitong huli unti-unti na din akong nasanay. Hindi naman kasi pwede na sa lahat ng oras nasa tabi namin pareho ang isat-isa. Kailangan na din bumalik ni Kenenth sa normal niyang buhay.
"Naku Mam, ano ang ginagawa mo? Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" tanong ni Manang sa akin habang nagdidilig ako ng mga halaman. Nasa beach resort sila Mommy Arabella at Daddy Kurt kasama ang adopted daugher nilang si Baby Jillian kaya sobrang bored ko talaga ngayung araw. Naubos ko nang basahin lahat ng
libro at magazine na binili sa akin ni Kenneth noong nakaraang lingo.
"Ano ka ba Manang. Nakakagulat ka naman eh. Tsaka anong sabi mo? Mam? Hindi niyo ako amo Manang ha, kaya tigil -tigilan niyo ako sa kakatawag na Mam." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Asawa na ang turing sa iyo ni Sir Kenneth kaya dapat lang na igalang ka namin! Tsaka pwede bang tigilan mo na ang pakikialam sa mga trabaho namin? Mapapagalitan na kami dahil sa mga pinanggagawa mo eh!" nagmamaktol na sagot ni Manang sa akin.
Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Kahit nalaman nilang lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Kenneth hindi ko man lang naramdaman sa kanilang lahat ang panghuhusga. Bagkos palagi nilang sinasabi sa akin na masaya sila sa nagiging kapalaran ko.
"Hindi niya naman malalaman na tumutulong ako Manang kaya ipagpalagay mo ang kalooban mo! Ako ang bahala kaya hayaan niyo na akong magtrabaho." nakangiti kong sagot. Muling umiling si Manang sabay turo sa isang direksyon kaya kaagad ko na ding sinundan ng tingin.
"May cctv sa bawat sulok ng bahay Mam Ella at tiyak ako na naka-monitor si Sir sa iyo ngayun. Sige na, bumalik ka na ng kwarto. May gardener naman na gagawa sa pagdidilig ng halaman kaya hindi mo na dapat pang gawin ito." sagot ni Manang sa akin na kulang na lang magmakaawa sundin ko lang siya.
Chapter 537
ELLA POV
Mabilis na lumipas ang mga buwan. Kahit papaano, nasanay na din ako sa routine naming dalawa ni Kenneth. Para na nga kaming mag-asawa kapag magturingan at kasal na lang talaga ang kulang sa aming dalawa para pwede nang sabihin na legal na talaga ang aming pagsasama.
Iyun nga lang iniisip ko pa rin kung paano ito sasabihin kila Nanay at Tatay. Wala pa rin namang mintis ang pagpapadala ko buwan-buwan ng pera sa kanila iyun nga lang hindi ko pa nababangit sa kanila na nakikipag-live in na ako. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanila.
Hinihintay ko din kung kailan ba magpo- proposed ng kasal sa akin si Kenneth. Pinanghahawakan ko din kasi talaga ang pangako niya sa akin na pakakasalan niya kaagad ako kapag makalakad na siya kaya lang nagiging abala naman siya sa kumpanya nila. Iniisip ko na lang na siguro sa sobrang busy niya nakaligtaan niya na ang pangako niya sa aking kasal.
Ayaw na ayaw ko na din kasi talagang mag isip ng mga negative na bagay. Mahal ko siya at masaya na ako na magkasama kami. Masaya na makasama siya gabi- gabi at katabi sa pagtulog
Tuluyan na kasi talaga siyang naging abala sa kumpanya. Gabi na siya kung umuuwi minsan pero pilit ko nalang na iniintindi. Tuwing uwi niya napansin kong pagod na pagod siya kaya diretso tulog na din. Kapag weekend naman pumapasok din siya minsan at gustuhin ko mang magtampo hindi pwede! Kung tutuusin mas hirap siya nganun kumpara sa akin.
"Manang, ready na ba ang lunch box ni Kenneth?" kaagad na tanong ko kay Manang nang maabutan ko siya dito sa kusina. Bihis na bihis ako dahil balak kong supresahin si Kenneth sa opisina niya. Sobrang bored ko kasi talaga ngayun at wala akong ibang maisip kundi ang lumabas na lang muna para makabili na din ng bagong libro na pwedeng basahin.
"Naka-ready na. Teka lang, magko- commute ka lang ba?" nagtataka niyang tanong sa akin. Kaagad naman akong tumango.
"Huwag kang ma-aalala Manang. Hindi ako maliligaw. Tsaka may cellphone naman ako. Kung sakaling maligaw man ako tatawag kaagad ako sa iyo." matamis ang ngiti kong sagot sa kanya.
Noong nakaraang buwan isinama ako ni Kenneth sa opisina niya kaya naman hindi na bago sa akin ang pumunta doon. CEO si Kenneth ng kumpanya at alam kong kilala din ako ng mga empleyado niya bilang girlfriend niya. Minsan parang gusto ko nalang mag aral kahit vocational course lang para makapasok ako sa kumpanya nila. Para palagi kong nakakasama si Kenneth.
Ang gwardiya na din ang mismo ang tumawag ng taxi na pwede kong sakyan.
Excited akong i-surpresa si Kenneth kaya naman pagkahinto ng taxi sa tapat ng building ng Santillan Corportion mabilis akong nabayad at bumaba.
Pumasok ako sa loob at diretsong naglakad palapit sa reception area. Kaagad nila akong binati kaya napangiti ako.
"Si Sir Kenneth po Mam? Kakaalis niya lang po." hindi pa ako nakapagtanong mukhang alam na nila kung sino ang sadya ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng kilig. Naalala pa nila ako at aware sila kung sino ba ako sa buhay ni Kenneth.
Kaya lang wala pala si Kenneth. Sa kagustuhan kong masurpresa siya hindi ko na siya natawagan. Napasulyap ako sa suot kong relo at halos alas dose na pala ng tanghali. Malabo pa sa sikat ng araw na makakain niya itong dala kong pagkain. Baka sa mga sandaling ito kumakain na din siya.
"Ganoon ba? Kung ganoon hindi na lang pala ako tutuloy. Salamat ha?" nakangiti kong bigkas at pilit na itinatago sa kanila ang aking pagkadismaya. Pasimple kong kinuha ang aking cellphone sa bag at nag- dial. Ilang ring lang naman sumagot na din kaagad si Kenenth.
"Hello..Sweetheart! Napatawag ka?" kaagad na tanong niya sa akin. May naririnig akong ingay sa background niya kaya naman nahihinuha ko na nasa mataong lugar siya ngayun.
"Ken...nasaan ka? Papunta sana ako sa office mo kaya lang umalis ka daw?" kaagad kong sagot sa kanya. Hindi siya nakaimik. Akala ko nga naputol na ang tawag pero nang tingnan ko ang screen ng phone ko connected pa din naman.
"Ken..nandiyan ka pa ba? Bakit parang ang ingay?" nagtataka kong bigkas.
"Yah...medyo mahina ang signal. Well, nasa office ka kamu? Mamayang hapon pa ang balik ko. Teka lang tatawagan ko si Regie para ihatid ka niya sa bahay. Balak kong umuwi ng maaga mamaya kaya sa bahay na lang tayo mag-usap." seryoso niyang sagot. Kaagad namang napakunot ang noo ko nang may mahagip ang pandinig ko na boses babae.
Ang Regie na tinutukoy niya ay ang kanyang personal assistant. Kung ganoon hindi niya pala isinama sa lakad niya. Ganunpaman hindi ko na lang pinagtoonan ng pansin. Ayaw ko na din kasing makadagdag pa sa alalahanin ni Kenneth.
Tsaka ano kaya iyung sinasabi niya na mahina daw ang signal? Imposible naman yata iyun dahil malinaw kong naririnig ang ingay sa background niya eh.
"Hello Ella! Sige na Sweetheart! Ibaba ko na ang tawag mo! Hintayin mo na lang si Regie para ihatid ka niya pauwi ng bahay. Mag-ingat ka!" muling bigkas niya kasabay na pagkawala niya sa kabilang linya. Napapailing na lang ako at muling hinarap ang receptionist. Mukhang nagmamadali si Kenneth dahil kahit ang pag 'i love you' nakalimutan niyang bangitin.
"Pakisabi na lang kay Regie na nakaalis na ako. Thank you!" wika ko sa receptionist at mabilis ng naglakad palabas ng building. Muli akong nag- abang ng taxi sa labas at hindi naman nagtagal nakasakay din kaagad ako. Nagpahatid ako sa pinakamalapit na mall. Bibili muna ako ng books na pwede kong pagkaabalahan.
Pagdating ng mall kaagad kong hinanap ang book store. Dahil hindi ko kabisado nagpaikot-ikot pa ako hanggang sa mapahinto ako sa paghakbang nang may mahagip ako ng tingin. Sinipat ko ng tingin ang isang lalaki na nakaupo sa loob ng coffee shop at ganoon na lang ang gulat ko ng mamukhaan ko si Kenneth.
Hindi ko tuloy mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko at ak?mang ihahakbang ko na din sana ang aking mga paa papasok ng coffee shop nang mapansin ko ang paglapit ng isang babae sa kanya.
Napansin kong yumapos pa ang babae kay Kenneth at humalik sa pisngi niya.
Para naman akong na-istatwa sa aking nakita!
Chapter 538
ELLA POV
Ilang saglit din akong nakatulala habang nakatitig sa dawalang magkapareha na nakaupo sa loob ng coffee shop. Nakikita ko ang tuwa sa mga mata ni Kenneth habang kausap niya ang isang babae na kahit na hindi ko pa siya na-meet ng personal alam kong siya si Vina.
Ang dati niyang fiancee na tinakasan siya sa mismong araw ng kanilang kasal. Kaya pala umalis siya ng opisina na hindi kasama ang kanyang personal assistant dahil may kakatagpuin pala siya.
Hindi related sa trabaho ang paglabas niyang ito kundi personal. Kung hindi ko siguro naisip na lumabas ngayun siguro hinding hindi ko talaga malalaman ito. Sa klase ng pag uusap nila Kenneth ngayun at Vina parang bati na sila eh!
Hindi ko na napigilan pa ang unti- unting pagpatak ng luha sa aking mga mata. Parang may libo-libong karayom ang biglang tumusok sa puso ko dahil sa nasaksihan ko. Bago sa akin ang ganitong pakiramdam!
Masakit pala na makikita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba! Nagseselos ako! Parang gusto ko silang sugurin pero hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas ng loob para gawin iyun.
Kaya siguro hindi na nagawang tuparin ni Kenneth sa akin ang pangako niya na pakakasalan kaagad ako once na makalakad na siya dahil nagdadalawang isip pa siya. Hindi pa siguro siya sugurado sa nararamdaman niya para sa akin!
"Miss...ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" nakabalik lang ako sa huwesyo ng marinig kong may nagsalita sa tagiliran ko. Tulala akong napatitig sa kanya at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nakangiting mukha ng isang lalaki.
Actually, gwapong lalaki! Dahil sa pagkakangiti niya kaagad na tumampad sa paningin ko ang mapuputi at pantay- pantay niyang ngipin.
"Ella!" bigkas niya. Pasimple kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at seryoso siyang tinitigan.
"Naaalala mo ako?" nagtataka kong tanong sa kanya. Kaagad naman siyang tumango habang may nakaguhit na ngiti sa labi niya.
Sa-totoo lang hindi ako sure kung si Christopher or Charles Villarama ba itong kaharap ko! Sa kanilang triplets na magkakapatid si Charlotte lang ang kilalang kilala ko. Siguro dahil babae siya kaya kaaagad ko siyang nare-recognized sa kanilang tatlo. Pero ang dalawang lalaki sa triplets hirap na hirap akong kilalanin sila. Wala akong makikitang palatandaan para malaman kung sino ba talaga sa kanila si Charles at Christopher Villarama.
"Of course! anong ginagawa ng gago kong pinsan sa loob ng coffee shop na iyan? Dont tell me na nakikipagbalikan siya kay Vina." bigkas niya na muling nagpasikip sa dibdib ko. Mabilis akong humakbang paalis pero kaagad ko din naman naramdaman na sinusundan niya ako.
"Kailan pa sila muling nagdi-date? Hindi bat kayo ang magkarelasyon? How come na nagawang tumingin sa ibang babae ang pinsan ko gayung di hamak na mas kaibig-ibig ka naman kumpara kay Vina?" muling bikas niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at masama siyang tinitigan. Kaagad niya namang itinaas ang kanyang dalawang kamay at matamis akong nginitian.
"Woow! Sorry...my mistakes! Sasamahan na lang kita! Huwag kang mag-aalala pwede mo akong gawing crying shoulder.
Mahirap sa isang kagaya mong babae na paikot-ikot dito sa loob ng mall na nasa hindi maayos na kondisyon. Broken hearted ka at baka kung ano ang maisip mong gawin." nakangiti niyang wika sa akin
Ngayun ko lang napatunayan na may itinatago din palang kakulitan ang taong ito. Kung hindi lang siguro pag-aari ni Kenneth ang puso ko baka magka-crush pa ako sa kanya eh. Ang pogi naman kasi at feeling ko nga mas pogi pa siya kaysa kay Kenneth eh!
"Sino ka nga ba?" hindi ko napigilang tanong ko sa kanya. Kaagad namang nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Nagbago ang expression ng kanyang mukha at salubong ang kilay na tinitigan ako.
"Really? Hindi mo ako kilala? Ilang beses na tayong nagkita pero hindi mo ako maalala?" nagtataka niyang tanong. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi eh! Acutally, kilala kita na parang hindi. Sino ka ba? Si Christopher ka ba or si Charles?" nagtataka kong tanong sa kabila ng sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun. Nagulat na lang ako dahil malakas siyang natawa na siyang dahilan kaya napatingin sa amin ang ibang mga tao.
"Sorry..magkamukha kasi kaming dalawa ni Charles kaya siguro hindi mo ako makilala. By the way ako si Christopher. Look at my ears..may hikaw ako samantalang si Charles wala. Isa pa mas hamak na malakas ang sex appeal ko sa kapatid ko at mas mabait ako sa kanya! "nakangiti niyang bigkas sa akin. Kaagad naman akong napatango at mabilis na humakbang paalis. Muli niya na naman akong sinundan.
"Break na ba kayo ng pinsan ko?" tanong niya na muling nagpahinto sa aking paghakbang. Medyo malayo na kami sa coffee shop kung saan naroroon si Kenneth kaya naglakad ako patungo sa isang restaurant at naupo sa isa sa mga bakanteng mesa. Muli akong sinundan ni Christopher.
"Kanina ko lang din nalaman na may contact pa sila ni Vina. Siguro tama ang gumugulo sa isipan ko noon pa man. Si Vina pa rin siguro ang mahal niya kaya sila magkasama ngayun." malungkot kong sagot sa kanya kasabay ng muling pagpatak ng luha sa akin mga mata. Napansin kong seryoso akong tinitigan ni Christopher sabay iling.
"Baka naman nagkakamali ka lang. Hindi porket nag-uusap ang dalawang tao nagkabalikan na! Hindi mo dapat iyakan ang isang bagay na hindi mo pa naman sigurado. Malay mo baka friends lang sila at kailangan nila ng closure sa isat-isa kaya sila nag-uusap ngayun. Ella, alam naming lahat ang ginawa mong sakripisyo para kay Kenneth at nakikita namin kung gaano ka niya kamahal!" bigkas niya na lalong nagpabigat ng kalooban ko.
Iyun kasi ang labis kong ikinatakot. Paano kung pinatulan lang ako ni Kenneth dahil ako lang naman ang nasa tabi niya noong mga panahon na kailangan niya ng karamay? Paano kung hindi niya naman pala talaga ako mahal?
Chapter 539
ELLA POV
"Saan ka galing?" kakapasok ko lang sa loob ng bahay at ang seryosong mukha ni Kenneth ang kaagad na sumalubong sa akin.
Sinadya ko talagang magpagabi sa labas dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan pagkatapos kong nakita kung sino ang kausap niya kanina sa isang coffee shop.
"Nagkita kami kanina ng kababayan ko at nagkumustahan kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Gabi na pala." nagsisinungaling kong sagot sa kanya. Umaasa ako na sana hindi na siya magtanong pa. Wala ako ngayun sa mood para makipag-usap sa kanya at parang gusto ko na lang sanang magpahinga.
Ang totoo si Christopher ang kasama ko buong maghapon. Makulit ang taong iyun kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanya na iwan niya na ako ayaw niya talaga. Nag-aalala daw siya na baka kung ano ang mangyari sa akin. Kumain lang naman kami sa labas at ipinasyal niya ako sa loob ng mall na never pang ginawa sa akin ni Kenneth. Simula noong bumalik kami dito sa Manila galing beach resort, never pa kaming nakapamasyal dahil nga masyado siyang abala.
Ayos lang naman sana sa akin iyun! Naiinitindihan ko na abala talaga siya sa kanilang kumpanya at nawawalan na siya ng oras sa akin pero ang makita kong kasama niya si Vina sa isang coffee shop kanina, masyadong masakit para sa panig ko iyun.
Buti pa si Vina nai-date niya sa labas samantalang ako, nandito lang sa bahay. Hindi niya naman ako pinagbababawalan na lumabas pero sa sobrang laki ng respito ko sa kanya at ayaw kong may masabi sya sa akin pinilit kong maging kontento dito sa loob ng bahay. Pero ngayung nalaman ko na nagdi-date pa rin pala sila ni Vina hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nasasaktan ako tuwing naiisip ko na may contact pa rin pala sila ng babaeng iyun.
"Inaasahan ko na nandito ka sa bahay pagdating ko pero wala ka. Hindi bat sinabi ko sa iyo kanina na hintayin mo si Regie dahil ihahatid ka niya dito sa bahay pero ano ang ginawa mo? Umalis ka at hindi kita ma-contact! Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala sa iyo?" seryoso niyang sagot sa akin.
Kung hindi ko lang siguro kanina sila nakita ni Vina na magkausap baka kikiligin pa ako sa sinabi niya ngayun eh.
"Sorry, hindi ko namalayan na-lowbat pala ang cellphone ko. Hayaan mo hindi na mauulit." mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Natigilan naman siya at seryoso akong tinitigan.
"May problema ka ba? Ano ba ang nangyari sa iyo? May nangyari ba na hindi ko alam?" nagtataka niyang tanong sa akin. Napansin niya marahil na wala akong gana na pakiharapan siya kaya niya naitanong ito. Pilit naman akong ngumiti pero sa totoo lang durog na durog ang puso ko.
"Ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko siguro dahil sa sobrang init sa labas kaya parang wala akong gana ngayun" pilit ang ngiting sagot ko sa kanya. Napatitig pa siya sa hawak kong paper bag at inagaw niya iyun sa kamay ko. Hinayaan ko na lang dahil mga libro lang naman ang laman noon. Mga libro na si Christopher ang pumili dahil wala talaga ako sa mood kanina para mamili. Napilitan lang ako para may idadahilan ako kay Kenneth kung bakit ako lumabas ngayun.
"Okay...fine. Magpahinga ka na muna. Papupuntahan na lang kita sa kwarto kapag ready na ang dinner." sagot niya sa akin. Tumango lang ako at mabilis nang naglakad paakyat ng hagdan. Ni hindi ko na napansin pa ang seryosong titig ni Kenneth habang sinusundan ako ng tingin.
"Pagdating ng kwarto naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit pantulog. Pinatay ko ang ilaw at binuksn ang lampshade at kaagad nang nahiga sa kama. Pinilit kong makatulog pero hindi
ko talaga magagawa. Patuloy na lumilitaw sa balintataw ko ang mga nakita ko kanina sa mall.
Mahigit isang oras na akong nakahiga ng kama ng maramdaman ko ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto. Alam kong si Kenneth ang pumasok pero pinanindigan ko ang pagtutulog-tulugan ko. Wala akong balak na sumabay sa pagkain sa kanya. Sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun sa kanya baka maiyak lang ako at ayaw na ayaw kong mangyari iyun. Ayaw kong ipakita sa kanya na nahihirapan ako.
"Ella...gising ka na muna. Kakain na tayo ng dinner." narinig kong sambit niya. Iniiwasan kong magpakita ng indikasyon sa kanya na gising pa ako. Wala akong ganang kumain. Ayaw ko din munang makausap siya.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa paligid bago ko muling narinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Kasabay ng pagsara ng pintuan ay ang pagmulat ng aking mga mata at
napatitig sa gawing iyun. Hindi ko na napigilan pa ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sobrang sumama ang loob ko sa kanya. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam ako ng takot sa relasyon naming dalawa. Hindi ko alam kung makakaya ko ba talaga kung sakaling mawala man siya sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang tikisin.
Dahan-dahan akong bumangon at naupo ng kama. Pinilit kong pigilan ang pag-iyak pero hindi ko talaga kaya. Nasasaktan ako sa isiping baka hindi nga talaga kami ang para sa isat isa. Hindi kami bagay at hindi lahat ng tao ay maswerte pagdating sa pag-ibig.
Chapter 540
ELLA POV
Kinabukasan, nagising ako na mag-isa na lang sa kama. Nakaalis na si Kenneth at mukhang pumasok na siya sa trabaho niya. Nag-inat muna ako bago mabilis na bumangon at diretsong naglakad patungo sa banyo para maligo na muna.
Balak kong magkulong dito sa kwarto buong maghapon habang nagbabasa ng libro.
Pinagbawalan nila akong gumawa ng mga gawaing bahay kaya wala talaga akong ibang pagkakaabalahan sa araw- araw kundi ang magbasa ng libro. Ayos na din dahil marami naman akong natutunan. Nalilibang ako at hindi ko din naman namamalayan ang paglipas ng oras.
Pagkatapos kong naligo, lumabas muna ako ng kwarto para kumain ng breakfast. Bread at kape lang naman ang kinain ko at akmang muli akong babalik ng kwarto
nang bigla akong lapitan ng isa sa mga kasambahay namin. Sinabi niya na may bisita daw na nanghahanap sa akin sa labas.
"Sinong bisita?" nagtataka kong tanong kay Manang. Nasa beach resort pa rin sila Mommy at mukhang ako nga talaga ang pakay ng taong nasa labas.
"Nasa garden. Kilala niyo po siya. Gustong gusto daw po kayong makausap. Ang kulit nga eh..."sagot ni Manang sa akin. Tumango nalang ako sa kawalan ko ng masabi. Naglakad ako palabas ng bahay at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko kung sinong bisita ang tinutukoy ni Manang na naghihintay sa akin sa garden
Na-expired na siguro ang ban niya dito sa bahay dahil pinapasok na siya ng mga guard. Ang natatandaan ko bawal siya sa pamamahay na ito simula noong hindi niya sinipot sa kasal nila si Kenneth. Malalim akong napabuntong-hininga habang dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya.
Ano kaya ang pakay ng babaeng ito sa akin? Sa natatandaan ko never pa kaming nag meet ng personal. Ngayun pa lang kung sakali kaya walang dahilan para puntahan niya ako at kausapin.
"Gusto mo daw akong makausap?" kaagad na tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Gulat siyang napalingon bago ako sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ella right?" bigkas niya. Kaagad akong tumango.
"Ako nga pala si Vina!" nakangiti niyang sagot sabay lahad ng kanyang kamay.
Atubili kong inabot ang kamay niya para makipag-shake hands. Sa totoo lang hindi ko alam kung para saan ba ang pakikipag-kamay niya sa akin? Gusto niya bang ipamukha sa akin na siya ang pinili ni Kenneth? Ang sakit noon ah?
Wala sa sariling sinipat ko siya ng tingin. Mukha naman siyang mabait kaya siguro na-inlove sa kanya si Kenneth ng todo. Kaya siguro kahit na anong gawin ko
bumabalik pa rin sa kanya si Kenneth.
"Sa wakas, nagkaharap din tayo! Matagal ko na sanang gusto kang makausap kaya lang natatalo ako ng hiya. Alam mo na...galit sa akin ang lahat dahil sa hindi ko pagsipot sa kasal naming dalawa ni Kenneth noon." sagot niya sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Muli ko siyang sinipat ng tingin at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng panliliit sa sarili ko dahil kahit saang angulo tingnan malaki talaga ang lamang niya sa akin. Tindig pa lang nagmumukha na akong alalay niya.
Oo! Aminado ako na kulang talaga ako sa tiwala sa sarili. Lumaki ako sa mahirap na pamilya na binabato kami ng pang- iinsulto ng mga taong nakapaligid sa amin. Kaya kung self confidence ang pag- uusapan, kulang talaga ako sa bagay na iyun. Tumataas lang ang level ng self confidence ko kapag kasama ko si Kenneth.
"Nagkausap na kami ni Kenneth at pinatawad niya na ako!" maya-maya muli niyang bigkas. Blanko ang mga matang tinitigan ko siya habang hindi ko napigilan ang sarili ko ang pagkuyom ng kamao ko.
Napatawad na siya ni Kenneth? Ibig bang sabihin nagkabati na sila? Kailan pa? Kaya ba sila magkasama kahapon? Isa ba siya sa mga dahilan kaya ginagabi ng uwi si Kenneth nitong mga nakaraang araw?
"Narealized ko ang malaking pagkakamali ko sa kanya at labis kong pinagsisisihan iyun. Nagkausap kami at nagkasundo na kung pwede muli naming subukan na mabuo kami. Mahal ko siya at sinabi niyang ako pa rin ang mahal niya-- -" bigkas niya na tuluyang nagpadurog sa puso ko. Pigil ko ang sarili ko na maiyak sa harapan niya.
"Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa iyo. Ikaw ang nag-motivate sa kanya noon para makalakad siya ulit kaya ayaw niyang masaktan ka. Wala siyang lakas ng loob ngayun para sabihin sa iyo na hindi ka na niya kailangan."
salitang binitawan na halos umalingawngaw sa pandinig ko. Nanghihina akong napaupo sa isang upuan habang hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Sorry Ella. Babae din ako at alam ko kung ano man ang nararamdaman mo ngayun! Pero kung talagang mahal mo siya..pwede bang palayain mo na siya? Marami na siyang mga pinagdaanan sa buhay at sana huwag na natin pang dagdagan. Balak niyang ituloy namin ang kasal namin kaya sana lang- -" hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nang bigla ko iyong putulin.
"Pwede bang umalis ka na? Wala akong pakialam kung nagkabalikan man kayong dalawa! Hangat hindi si Kenneth ang nagtaboy sa akin hindi ako aalis sa piling niya. Kung pinangakuan ka niya ng kasal, pinangakuan niya din ako!" sagot ko sa kanya at mabilis ko na siyang tinalikuran. Hindi ko na kaya pa ang pakiharapan siya. Hindi ko kayang makita ng ibang tao kung gaano ako ka-miserable ngayun.
Pagkagaling sa garden diretso akong naglakad patungo sa kwarto. Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako na masakit ang ulo ko at nakakaramdam ako ng pangangasim ng aking sikmura. Dali-dali akong bumangon ng kama at halos takbuhin ko ang banyo huwag lang akong magkalat. May kung anong bagay kasi ang gustong lumabas sa sikmura ko kaya pagkapasok ko sa loob ng banyo diretso ako sa toilet bowl at sumuka nang sumuka.
Wala naman akong naisip na ibang kinain kaninang umaga liban sa tinapay at kape lang. Kung sa pagkain, imposible namang magka-food poisoning ako.
Siguro dahil sa halos maghapon kong pag -iyak kaya ako nagkakaganito.
Chapter 541
ELLA POV
Pagkatapos kong sumuka, nagmumog at naghilamos lang ako at mabilis nang lumabas ng banyo. Sakto naman pagkalabas ko narinig ko ang pagtunog ng aking phone kaya dali-dali kong dinampot iyun at sinagot.
"Hello!" kaagad kong sambit. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tingnan kung sino ang tumatawag.
"Sweetheart?" kaagad naman na sambit ng nasa kabilang linya. Kahit na masama ang pakiramdam ko hindi ko napigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Sa wakas naalala niya din akong tawagan.
Biglang salakay ng tuwa ang kaagad na naramdaman ng buo kong pagkatao. Ibig lang sabihin nito na malaki pa rin ang pag -asa na ako pa rin ang pipiliin niya! Na baka hindi totoo ang sinasabi ni Vina sa akin kanina.
"Ken...napatawag ka? I missed you!" hindi ko napigilang bigkas kasabay ng paguhit ng masayang ngiti sa labi ko.
"I missed you too Sweetheart! Tumawag ako dahil may gusto sana akong sabihin sa iyo...may biglaang site visit kami for three days kaya baka sa weekend na ako makakauwi. Inutusan ko na si Regie na ikuha ako ng ilang pirasong damit diyan sa bahay. Pwede mo bang ihanda lahat ng mga kailangan ko?" sagot niya sa kabilang linya na kaagad na nagpabura ng masayang ngiti sa labi ko.
Sa isang iglap, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Biglang bumigat ang pakiramdam ko kasabay ng biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Ewan ko ba! Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na napakaiyakin ko na! Siguro dahil sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko! Masyado kasi talaga akong kinain ng takot na baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Na baka bigla na lang silang magkabalikan ni Vina at maiiwan akong luhaan. Ewan ko ba...masyado akong napa-praning ngayun! Natatakot akong isipin na baka sa isang iglap, tuluyan nang mawala sa akin si Kenneth.
"May site visit ka? Bakit biglaan naman yata?" mahina kong bigkas at pigil ko ang sarili ko na pumiyok. Ayaw kong ipahalata sa kanya na umiiyak ako.
"Ganito talaga minsan ang nature ng negosyo. May mga bagay minsan na hindi namin kontrolado. Pasensya ka na Sweetheart ha? Dont worry, babawi ako sa iyo pag-uwi ko. Sa ngayun kailangan ko talaga muna itong gawin dahil malaki ang maitutulong nito sa kumpanya."
mahabang sagot niya sa akin. Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at malungkot na napatitig sa kawalan.
Bwesit kasi talaga! Bakit ganito? Bakit may bahagi ng utak ko na nagsasabi na hindi naman talaga site visit ang dahilan kung bakit hindi siya makakauwi ng three days? Baka kay Vina lang siya umuwi at ayaw niya lang akong prangkahin eh!
Baka totoo ang sinabi ni Vina sa akin kanina na hindi niya kayang tapatin ako dahil ayaw niya akong masaktan.
"Hello! Ella! Sweetheart! Nandiyan ka pa ba?" muli akong bumalik sa huwesyo nang muli kong narinig ang tinig ng nagtatakang si Kenneth.
"Ha? Ah..ehhh, oo! Nandito pa ako! Sige, ihahanda ko lang ang mga gamit mo!" kaagad ko namang sagot sa kanya.
"Ano ba ang nagyayari sa iyo? Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit parang may sipon ka?" nagtataka niya namang sagot. Saglit kong inilayo sa tainga ko sang cellphone at huminga ako ng malalim.
"Ha? Hindi! Ayos lang ako! Kakagising ko lang kasi kaya medyo malat ang boses ko! Sige na Ken..ihahanda ko lang ang mga gamit mo! Bye!" sagot ko at kaagad na pinindot ang end button ng cellphone. Muling tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nagseselos ka. Lahat ng kilos ng taong mahal mo binibigyan mo ng masamang kahulugan. Feeling ko talaga hindi naman site visit ang pupuntahan niya eh. Baka nga si Vina ang dahilan kaya hindi siya makakauwi ng three days.
Hindi niya naman ito ginagawa dati eh. Kahit gaano pa siya kaabala sinisigurado niyang nakakauwi siya ng bahay tapos dumating lang ulit si Vina sa buhay niya biglang nagbago na ang lahat! Siguro, ayaw niya na talaga sa akin.
Kahit na lumuluha, naglakad ako patungo sa walk in closet. Kinuha ko ang may katamtamang laki ng luggage at naglagay ng ilang pirasong damit. Three days daw syang mawawala kaya naglagay na din ako ng pang three days niyang damit at iba pang mga gamit.. Wala naman siyang nabangit kung anong klaseng damit ang kailangan niya kaya pinili ko na lang ang mga pang office attire niya. Kung si Vina man ang kasama niya sa tatlong araw, tanging pag-iyak na lang siguro talaga ang magagawa ko.
Kakatapos ko lang i-ready ang mga gamit ni Kenneth nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Dali-dali akong naglakad patungo doon at binuksan ang pintuan. Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang isa sa mga kasambahay namin.
"Nasa ibaba na po si Sir Regie Mam." imporma niya sa akin. Tumango lang ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan ng kwarto.
"Pakibigay na lang sa kanya ang luggage na iyan. Hinihintay kamu ni Kenneth iyan. " sagot ko. Tumango naman si Manang at pumsok na siya sa kwarto para kunin ang luggage. Hinintay ko munang makalabas siya bago ko isinara ulit ang pintuan ng kwarto.
Chapter 542
ELLA POV
Masyadong matagal ang three days para sa akin na hindi nakakasama si Kenneth kaya para akong pusang hindi mapanganak sa paglipas ng oras. Hindi ako mapalagay at gusto ko nang hilahin ang araw para sana matapos na ang three days.
Ganito talaga siguro ang feeling na wala kang ginagawa sa buhay mo. Ang bawat minuto ay ramdam na ramdam ko! Wala din akong ganang kumain at palagi din sumasakit ang ulo ko. Siguro dahil hindi ako nakakatulog nang maayos.
"Mam, nakaready na ang lunch mo!" tulala akong nakatitig sa kawalan nang bigla akong lapitan ni Manang para iimporma na ready na daw ang pagkain ko. Bukas pa ang uwi ni Kenneth at missed na missed ko na siya.
Last na pag-uusap namin ay noong ipinahanda niya sa akin ang mga damit na susuutin niya dahil hanggang ngayun hindi na siya tumawag sa akin. Ni hindi niya man lang ako kinumusta. Ilang beses ko na din siyang sinubukang tawagan pero hindi ko siya ma-contact. Walang signal or di kaya naka-off ang cellphone niya!
"Busog pa ako Manang. Kakain na lang ako mamaya kapag nakakaramdam ako ng gutom." walang gana kong sagot. Saglit na natigilan si Manang habang seryoso akong tinitigan.
"Mam...ganiyan din ang sinabi mo kaninang umaga. Halos hindi mo din ginalaw ang pagkain mo. Teka lang... pasensya na kung matanong ko ito sa iyo pero...nagpa-check up k? na ba? Baka naman buntis ka?" narinig kong tanong ni Manang kaya kaagad niyang nakuha ang attention ko. Maang akong napatitig sa kanya.
"Huwag mong masamain ang tanong ko Mam. Amo na din ang turing namin sa iyo pero ganupaman hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo mo sa amin. Nagtataka lang kasi..ang laki ng ibinagsak ng katawan mo. Wala namang masama kung mag pregnancy test ka diba? Gusto mo bilhan kita sa botika ng pang-PT?" muling wika ni Manang.
Hindi ko napigilang mapaisip. Biglang dagsa ng reyalisasyon sa utak ko. Kailan nga ba ako huling dinatnan ng montly period ko?
"Kumain ka muna Mam tapos ibibili kita ng pang-PT mo. Para malaman natin kung talagang nagdadalang-tao ka. Naku, tiyak na matutuwa nito si Sir Kenneth!" nakangiting muling wika ni Manang. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok ng laway. Bigla akong nakaramdam ng takot.
Paano nga kung buntis ako? Ano ang gagawin ko?
"Sige po Manang. Pakisuyo na lang po sa pagbili ng PT! Salamat po" pilit ang ngiting sagot ko sa kanya. Nakangiting tumango si Manang kaya naman kaagad na akong naglakad patungong dining
area. Kung sakali mang nagdadalang-tao ako kailangan kong alagaan ang sarili ko. Kailangan kong kumain.
Hindi pwedeng palagi akong ganito!
Iyun nga lang pagdating naman sa dining area halos hindi ko naman makain ang mga pagkain na nasa harapan ko. Wala talaga akong appetite. Pinilit ko ngang tikman pero hindi talaga kaya. Ayaw tanggapin ng sikmura ko ang mga pagkain na nakahain sa harapan ko.
Wala akong choice kundi ang muling tumayo at nagmamadaling umalis ng dining area. Kahit sa amoy ng mga pagkain hindi ko din talaga gusto. Sumasakit ang ulo ko na parang naduduwal ako.
Mabilis akong nagkalad pabalik ng kwarto. Kailangan ko lang siguro itong itulog. Baka sa kakapuyat ko kaya ako nakakaramdam ng ganito.
Pagkadating ng kwarto kaagad na akong nahiga ng kama. Para na akong mababaliw sa nararamdaman kong ito. Malungkot ako na wala si Kenneth dagdagan pa na hindi ako makakain. Kapag magtuloy-tuloy ang ganito baka masisiraan na ako ng bait!
Tulala akong nakatitig sa kawalan nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Wala sa sariling dinampot ko iyun tiningnan. Napakunot pa ang noo ko nang mapansin ko na may message request ako. Kaagad kong binuksan at ganoon na lang ang lungkot na nararamdaman ko na larawan ni Kenneth kasama ni Vina ang sumalubong sa akin.
Hindi ko na napaigilan pa ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata habang titig na titig sa larawan. Pareho silang nasa kama habang parehong nakangiti. Selfie ang kuha ng naturang larawan kaya naman kitang-kita ang tuwa sa mga mukha nila pareho.
Lalo naman akong nakaramdam ng matinding selos. Impit na akong napahikbi kasabay ng pagbato ko sa hawak kong cellphone, Huli na nang
marealized ko ang kagagahan kong ginawa dahil nagkahiwa-hiwalay na ang aking cellphone pagtama pa lang sa pader. Para akong batang inagawan ng laruan habang hindi ko na napigilan pa ang malakas na pag-iyak.
Sira na ang cellphone ko wasak pa ang puso ko. Siguro nga tama si Vina...hindi na ako kailangan ni Kenneth sa buhay niya. Magiging malaking balakid lang ako sa kaligayahan niya kaya naman wala na sigurong dahilan pa para manatili ako sa bahay na ito. Wala nang dahilan pa para manatili ako sa piling niya!
Mahal ko siya at noong pa man wala na akong ibang hangad kundi ang kaligayahan niya! Wala akong ibang gusto kundi ang maging masaya siya. Kung ang paglayo kong ito ang maging sagot para sa katahimikan at kaligayahan niya handa kong gawin. Handa akong magparaya magiging masaya lang siya.
Kaagad akong bumaba ng kama at dinampot ang basag ng cellphone. Wasak ang screen kaya hindi ko na talaga ito mapakinabangan pa. Wala akong choice kundi itapon na lang sa basurahan.
Mabilis akong pumasok ng walk in closet at naghanda ng mga dadalhin. Ilang pirasong damit lang naman! Siguro naman hindi magagalit si Kenneth kung sakaling kukuha ako ng ilang pirasong damit na binili niya para sa akin.
Nang matapos kong mag-impake, nilagay ko lang sa katamtamang laki ng bag ang napili kong damit at mabilis nang lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Manang habang palabas ako ng bahay at mukhang nabili niya na ang ipinabili ko sa kanyang pregnancy test.
"Saan ka pupunta Mam Ella?" nagtataka niyang tanong sa akin sabay sulyap sa bag na dala-dala ko.
"Emergency po Manang. Kailangan ko na pong umalis." sagot ko sa kanya. Lalo naman siyang nagtaka.
"Emergency? Alam ba ito nila Madam at Sir?" nagtataka niyang tanong. Alanganin naman akong tumango.
"Opo...alam nila." nagsisinungaling kong sagot sabay iwas ng tingin.
"Ella, magtapat ka nga sa akin. Total naman hindi na din iba ang turing ko sa iyo...may problema ka ba? Ilang araw na kitang napapansin na wala sa sarili mo! Nag-away ba kayo ni Sir Kenneth?"
seryoso niyang tanong. Hindi ko na naman napigilan pa ang muling pagpatak ng luha sa akin mga mata dahil sa tanong niyang iyun!
CHAPTER 543
ELLA POV
"Hindi niya na ako mahal Manang. Nagkabalikan na si Kenneth at Vina." umiiyak kong bigkas. Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata ni Manang nang marinig niya ang sinabi ko. Wala namang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Magkasama sila ngayun! Siguro hindi niya na talaga ako kailangan! Siguro hindi niya naman talaga ako mahal! Kaya lang siya nagkagusto sa akin dahil inalagaan ko siya noong mga panahong helpless siya." umiiyak kong bigkas.
"Baka naman nagkakamali ka lang. Saksi kaming lahat kung gaano ka kamahal ni Sir Kenneth. Ella, hintayin mo muna siya. Pag-usapan niyo ito ng personal. Baka naman kulang lang kayo sa communication dahil diba nga, sobrang busy niya nitong mga nakaraang buwan?" sagot ni Manang. Kaagad naman akong
umiling.
"Hindi ko na talaga kaya Manang. Kapag magtagal pa ako sa bahay na ito baka mabaliw na ako sa kakaisip. Mas maganda na din siguro ang ganito. Mas mabuting ako na ang lumayo kaysa naman hintayin ko pang ipagtabuyan niya ako." sagot ko sa kanya.
"Hayy naku! Piste talaga ang Vina na iyun. Alam kaya ito nila Madam? Dapat pala hindi na lang kita hinayaan na makausap mo ang babaeng iyun eh! Ano ba ang sinabi niya sa iyo? Simula noong nagkausap kayo nagiging malungkutin ka na!" sagot ni Manang. Kaagad naman akong umiling.
Ayaw ko nang magkweto dahil mas lalo lang akong masasaktan. Ang gusto ko lang talaga ay ang makaalis muna sa bahay na ito. Gusto ko muna ng ibang environment. Baka kapag nakaalis na ako dito gumaan na ang pakiramdam ko.
"Hindi na po Manang. Basta, aalis na lang po ako!" malungkot kong bigkas at mabilis ng naglakad palabas ng bahay.
Nagtaka pa nga ang dalawang guard ng makita nila ang dala-dala kong bag pero hindi na sila nagtanong. Napansin marahil nila na wala ako sa mood at namamaga na ang mga mata ko. Isa pa, nakasunod sa akin si Manang hanggang sa nakalabas ako ng gate.
"Ilagay mo na lang sa loob ng bag mo itong pregnancy test na binili ko para sa iyo. Mag-ingat ka ha? Tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa pupuntahan mo!" wika ni Manang sa akin at siya na mismo ang nagbukas ng bag ko para ipasok sa loob ng isang plastic bag. Tanging pagtango lang ang naging sagot ko.
Paano ko kaya siya matatawagan gayung sira ang phone ko. Imposible na iyun at imposible na makabili ako ng bago dahil sakto lang din ang dala kong pera.
Si Manang na din ang nagpara ng taxi para sa akin. Nagpahatid ako sa bus terminal at sakto naman pagkadating ko paalis na din ang isang bus na ang byahe pauwi ng probensiya kung saan ako lumaki.
Oo, uuwi muna ako sa amin para makapag-isip-isip. Isa pa, kung sakaling nagdadalang tao man ako kailangan ko talaga ng pahinga. Kailangan ko ang pamilya ko para damayan ako.
Parang naghimala ang langit dahil buong byahe akong nakatulog. Siguro sa kakapuyat ko nitong mga nakaraang araw mabilis akong ginupo ng antok. Isa pa inabot na kami ng gabi sa daan at halos lahat ng kasakay ko tulog na din!
Nagising na lang ako na nasa bus terminal na ng probensya kung saan ako lumaki. Nag uumpisa ng sumilay ang haring araw sa silangan. Umaga na at muli kong nasilayan ang payak na lugar namin.
Kaagad kong kinuha ang mga gamit ko at nag-abang ng jeep na masasakyan papunta sa baryo namin.
Mula bus terminal hanggang sa bahay namin aabutin pa ng mahigit isang oras ang byahe. Kahit na nakatulog ako sa byahe, ramdam ko na ang pagod. Puro mga palayan at tubuhan na ang nadadaanan ng jeep kaya naman ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Malayong malayo sa klima ng Metro Manila.
"Sa tabi na lang po Manong!" malakas kong bigkas kaya kaagad nang pumara si Manong. Mula kalsada, maglalakad pa ako ng halos sampung minuto sa maliit na daan papasok sa baryo namin. Kabisado ko ang lugar na ito at halos magkakakilala ang mga tao kaya palagay naman ang loob ko.
"Ella, ikaw ba iyan?" inuumpisahan ko nang tahakin ang makipot na daan nang may tumawag sa pangalan ko. Wala sa sarilng napalingon ako at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang isang familiar na mukha.
"Nana Lagring?" bigkas ko. Kaagad naman siyang napangiti. Siya ang sinamahan ko noong lumuwas ako ng Manila. Nagkahiwalay lang kami ng landas dahil tumakas nga ako sa dati kong amo at napunta naman ako kina Sir Drake at Mam Jeann.
"Kumusta ka na? Bakasyon mo? Naku, mukhang asensado ka na ah?" nakangiti niyang tanong sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
"Naku, ayos lang ako Nana. Opo, bakasyon na muna ako. Namimiss ko na kasi sila Nanay at Tatay pati na din ang mga kapatid ko." nakangiti kong sagot.
"Ganoon ba? Sige....halika na..sabay na tayo. Ito ang mahirap sa lugar natin eh. Hindi pa kayang pasukin ng mga sasakyan! Tingnan mo, ganoon pa rin ang daan. Napakasukal pa rin!" reklamo niya.
Tama naman kasi si Manang. Right of way na ng mga tao sa baryo namin itong masukal na lugar. Mukhang maraming taon pa ang bibilangin bago uunlad itong lugar namin. Iilang tao lang kasi ang nagmamay-ari sa isang malawak na lupain!
Pagdating ko sa bahay, napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha nila Nanay, Tatay at mga kapatid ko dahil sa pagdating ko. Bumuhos ang luha dahil sobrang namiss daw nila ako. Ganoon din naman ako sa kanila.
Medyo umayos-ayos naman ang bahay namin. Hindi na butas-butas ang bubong ganon din ang mga dingding. Semintado na din ang sahig. Malayo na sa dati naming bahay. Siguro malaking tulong talaga ang pera na pinapadala ko buwan - buwan! Iyun nga lang, medyo nag-aalala ako ngayun. Paano kung buntis ako?
Paano kaya ako makapagtrabaho nito? Paano na ang mga kapatid ko na umaasa sa akin?
Chapter 544
ELLA POV
Kasalukuyan akong nakadungaw sa bintana ng bahay namin nang unang umagaw sa attention ko ang under construction na bahay sa medyo hindi kalayuan sa bahay amin. Hindi pa tapos pero halata nang mapera ang may-ari noon. Sino kaya sa mga kababaryo ko ang biglang yaman at naka-afford magpatayo ng malaking bahay?
"Ate...hindi ba't favorite mo ito?"
napukaw lang ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Thalia. Pang -lima sa aming magkakapatid. Malapit talaga siya sa akin at umalis lang saglit dito sa tabi ko para siguro bilhan ako ng kakanin. Alas tres na ng hapon at sa sobrang pagod ko sa byahe nakatulog kaagad ako kanina pagkasayad pa lang ng likod ko sa higaang papag na tanging banig lamang ang sapin. Malayong- malayo sa hinihigaan kong malambot na kama sa kwarto ni Kenneth.
"Saan mo binili ito?" nagtataka kong tanong kay Thalia. Kaagad naman siyang napangiti at naupo sa tabi ko. Nakidungaw na din sa bintana at direktang nakatitig sa ipinapatayong bahay.
"Sa tindahan nila Ondo! Iyung manliligaw mo dati Ate?" sagot niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi nang maalala ko kung sinong Ondo ang tinutukoy niya.
Si Remundo na kababata ko na walang ibang ginawa noon kundi ang magpalipad -hangin sa akin. Si Ondo na sobrang kulit at talagang pinipilit niya sa akin ang kanyang pagsintang purorot!
Nag try pa nga noon na mamanhikan dahil gusto niya na talagang ikasal kami pero todo tanggi talaga ako! HIndi ko naalalang sinagot ko siya or naging boyfriend siya para pag-alayan niya ako ng kasal. Isa din iyun sa dahilan kaya talagang pinursige ako na makaalis sa lugar na ito dahil sa kakulitan ni Ondo!
"Bakit doon? Ayaw kong kainin iyan! Baka may gayuma iyan!" sagot ko naman. Kaagad namang natawa si Thalia.
"Si Ate talaga! Hindi na uso ang gayuma ngayun. Tsaka hindi naman si Ondo ang nagluto niyan eh. Sige na, kainin mo na! Nasa bukid sila Nanay pati na din ang iba pa nating mga kapatid. Ibinilin ka ni Nanay sa akin na bilhan ka daw ng miryenda dahil hindi ka masyadong nakakain kanina! " sagot ni Thalia. Binalatan niya pa ang kakanin pero tinitigan ko lang iyun. Wala talaga akong gana.
"Ikuha mo na lang ako ng manga!" utos ko kay Thalia.
"Sige...may binibenta ding manga sila Ondo. Ibibili kita!" sagot niya at mabilis nang naglakad paalis. Naiwan naman akong muling napatitig sa under construction na bahay. Pangarap ko din sana na mapatayuan sila Nanay ng ganiyan kagandang bahay. Kaya lang paano ko kaya magagawa iyun? Back to zero na naman ako! Walang trabaho at hindi ko alam kung paano nga ba muling magsimula.
HIndi ko mapigilang maluha nang sumagi sa isipan ko si Kenneth. Hindi ko alam kung nakauwi na ba siya galing sa site visit ko no niya! Ano kaya ang magiging reaction niya kapag malaman niyang umalis na ako? Siguro masayang- masaya siya! Wala nang magiging balakid sa pagmamahalan nilang dalawa ni Vina.
Kainis naman kasi! Bakit ko ba siya pinatulan! Dapat talaga dumistansya na ako sa kanya eh! Wala sana ako sa ganitong sitwasyon. Hindi sana ako nasasaktan ngayun!
Dapat talaga hindi ako naniwala sa kanya noong sinabi niya na mahal niya daw ako! Dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko! Paano na kaya ako nito? Paano na ang buhay ng mga kapatid ko na umaasa sa akin? Hyaasst, ang hirap pa naman ng buhay!
"Ella, Sweet! I miss you!" nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ko na may sumigaw sa harapang bahagi ng aming bahay. Wala sa sariling pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Naabutan ko sa bakuran namin si Ondo na may pasan sa balikat niya na sako. Nakasunod naman sa kanya ang kapatid kong si Thalia.
"Ondo? Ano iyan?" nagtataka kong tanong. Imbes na makakuha ako ng sagot mula kay ONdo, para siyang naistatwa sa harapan ko na nakatitig sa akin. Ni hindi niya pa nga naibaba ang buhat-buhat niyang sako.
"Mga manga Ate! Sinabi ko sa kanya na gusto mo nang mangga kaya kaagad niyang binuhat ang manggang iyan mula sa tindahan nila at dinala dito sa atin." nakangiting sagot ni Thalia. Hindi ko mapigilang mapangiwi. Mukhang mag- uumpisa na namang ang konsumisyon ko nito kay Ondo eh. Ilang beses ko na ba siyang binasted noon pero bakit parang wala pa ring epekto sa kanya?
"Sweet, ang ganda mo na lalo!" narinig kong bigkas niya. Hindi ko tuloy malalaman kung matatawa ba ako sa hitsura niya or hindi. Tulala pa rin siya at kung hindi pa siya kinalabit ng kapatid kong si Thalia, baka tuluyan nang maging bato ang taong ito.
"Kuya Ondo...ibaba mo muna iyang sako! "narinig kong bigkas ni thalia. Napakurap ng makailang ulit si Ondo at buong ingat na ibinaba ang pasan-pasan niyang sako. Kaagad na sumalubong sa paningin ko ang sangkatutak na hilaw at hinog na manga.
"Sweet. nagbalik ka! Tamang-tama.. pwede nang katayin ang mga alaga kong baboy! Kakausapin ko si Tatay mo mamaya para makapamanhikan na kami! "narinig kong bigkas niya. Kaagad ko naman siyang pinanlakihan ng mga mata. Heto na naman kami. Balik sa dati at balik sa kakulitan niya!
"Hmm Ondo..baksyong lang ako! Babalik din ako ng Manila sa susuond na buwan." nagsisinungaling kong bigkas. Ano ba ang pwedeng gawin sa lalaking saksakan ng tigas ng ulo? Bakit parang hindi man lang nabawasan ang kakulitan ng Ondo na ito?
Chapter 545
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
"Inutil! Bakit ninyo hinayaan na makaalis!" galit kong singhal sa dalawang gwardiya namin. Kakarating ko lang galing site visit pero isang nakaka- stress at nakakagalit na balita ang kaagad na sumalubong sa akin. Umalis daw si Ella na may dala-dalang bag!
Lahat ng pagod sa byahe na nararamdaman ko biglang naglaho. Napalitan iyun ng pangamba at takot sa isiping umalis si Ella kahapon pa at ni hindi man lang nagpaalam sa akin.
"Eeerrr Sir...pa-pasensya na po! Pi--pinayagan namin dahil nagpaalam naman daw siya sa iyo!' pautal-utal na sagot ni Manang. Isa siya sa pinakamatagal na kasambahay namin at closed din silang dalawa ni Ella.
"Paano ko siya papayagan gayung wala ngang signal sa lugar na pinuntahan ko!" galit kong singhal. Nakalimutan ko na matanda pala itong nasa harapan ko.
"Ehhh, basta iyun ang sabi niya! Tsaka nag-away po ba kayo Sir? Ilang araw ko na siyang napapansin na umiiyak eh. Simula noong nagkausap sila ni Vina." sagot ni Manang. Lalong nagsalubong ang kilay sa narinig kong pangalan. Paanong nasali si Vina sa topic namin.
"Nagkausap sila? Kailan?" seryoso kong tanong. Nagkatinginan pa silang lahat na mga kasambahay na nakahilira sa harapan ko bago muling nagsalita si Manang.
"Noong unang araw na hindi kayo nakauwi." sagot ni Manang sa akin. Muli kong binalingan ang dalawang guard na noon hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Sino ang nagbigay sa inyo ng go signal para papasukin si Vina? Sino?" galit kong singhal sa dalawa.
"Sorry po Boss, nawala sa isip namin. Huli na nang ma-realized namin na bawal pala siyang papasukin!" sagot ni Manong guard. Nangininig ang laman ko at pigil ko ang sarili ko na manakit!
Hindi aalis si Ella ng basta-basta s kung walang nag-udyok. Nakakinis! Saan siya nagpunta? Saan ko siya hahanapin? Hindi ko kayang mabuhay na wala siya! Hindi ko kayang kumilos na wala siya sa tabi ko!
"Pasensiya na talaga Sir. Umalis lang ako saglit at bumili ng pang PT niya tapos pagbalik ko paalis na siya eh. Hindi ko na siya napigilan dahil nitong mga nakaraang araw hindi na din siya nagkakakain. Baka buntis kaya siya umalis Sir!" sagot ni Manang na siyang dahilan kaya kaagad na nanlaki ang mga mata ko.
"Buntis? Buntis si Ella?" tanong ko. Kaagad akong nilukob ng hindi maipaliwaag na damdamin. Kinakabahan ako na nasasabik. Natatakot din akong baka kung mapahamak siya sa pag-alis niyang ito! Hindi niya kabisado ang Metro Manila! Saan ko siya hahanapin?
"Hindi pa naman sure Sir. UMalis nga kasi si Mam Ella na hindi pa nagagamit ang pang PT." sagot ni Manang. Dali-dali kong hinugot sa bulsa ko ang cellphone ko at tinawagan siya pero ganoon na lang ang panlulumo ko nang hindi ko siya ma- contact. Naka-off pa rin ang phone niya!
"Hi-hindi niyo po talaga siya matawagan Sir! Sira po ang phone niya!" muling wika ni Manang. May dinukot siya sa kanyang bulsa at iniabot sa akin. Tinitigan ko iyun at doon ko napagtanto kung bakit hindi ko matawagan si Ella.
Basag ang cellphone niya! Paano nangyari iyun gayung maingat siya sa mga gamit niya?
Ibinulsa ko ang sirang phone ni Ella at muling nagdial. Sa pagkakataon na ito kaagad nang sumagot ang nasa kabilang linya.
"Gusto kitang makausap. Sa condo! Ngayun na!" walang paligoy-ligoy kong wika sa kanya. Kilala ko si Vina..kahit ang maliit na pag-asa gagawin niya magkabalikan lang kami. Kung nakausap niya si Ella, alam kong siya talaga ang dahilan kung bakit ito biglang naglayas. Lintik na Vina na ito...akala ko ba nagkapaliwanagan na kami! Tutulungan ko ang negosyo ng pamilya nila para muling makabangon kapalit nang iwasan niya na ako!
"Okay Ken..darating ako promise!" excited niyang bigkas. Kaagad namang tumaas ang sulok ng labi ko sa naging sagot niya. Binalingan ko si Regie pati na din ang driver ko.
"Sa kotse!" bigkas ko at mabilis naglakad pabalik ng kotse. Kaagad naman silang sumunod sa akin. Sinabi ko sa driver na sa condo ang punta namin. Ang condo kung saan palagi naming tinatambayan ni Vina noong bago ako nagpruposed ng kasal. Kasal na hindi natuloy dahil hindi naman sumipot si Vina na siyang labis kong ipinagpasalamat!
Huwag na huwag magkamali sa pagsagot sa akin ang babaeng ito kung hindi sisiguraduhin kong sa kangkungan siya pupulutin kasama na ang buong pamilya niya!
Mahirap pala talaga ang magpaka-hero! Habang nasa sasakyan ako muli akong nagdial at tinawagan si Uncle Rafael. Ngayun ko higit kailangan ang tulong niya.
"Uncle, I need your help! Nawawala si Ella. Hindi po bat may mga kilala kayong magaling na imbestigador? Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon!" bigkas ko!
Kaagad namang sinabi ni Uncle Rafael na papupuntahin niya daw dito sa bahay ang imbestigador bukas ng umaga. Aalma pa sana ako dahil masyado nang matagal
ang bukas ng umaga sa akin pero wala na akong nagawa pa. Pinatayan na din kasi ako ng phone.
Hindi ko masisisi si Uncle. Kapag mga ganitong oras, mahirap talaga siyang makausap lalo na kapag nasa mansion na siya. Mas gustuhin niya pa kasing makapag-bonding sa mga anak niya. Quality time ang tawag niya doon. Kapag nasa mansion na siya gusto niyang itoon ang buo niyang attention sa asawa at anak niya!
Pagdating ng condo unit ko naghihintay na sa akin si Vina. Halos maghubad na nga eh at naalarma lang nang mapansin niya na may kasama ako
"Ken, akala ko ba----" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang mabilis ko siyang nilapitan. Mariin ko siyang hinawakans sa braso at seryosong tinitigan sa mga mata.
"Ano ang ginawa mo sa bahay noong nakaraang araw? Ano ang sinabi mo kay Ella?" bigkas ko. Napansin ko ang takot na kaagad na rumihistro sa mga mata niya pero wala na akong pakialam! Kahit na katiting na damdamin, wala na akong naramdaman sa kanya. Tuluyan nang naangkin ni Ella ang isip at puso ko!
Chapter 546
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
"Oras na may masamang mangyari sa kanya, sisiguraduhin ko na hindi lang ikaw ang maghirap. Tandaan mo iyan!" galit kong bigkas kay Vina at halos patulak ko siyang binitawan. Tumama ng bahagya ang ulo nya sa gilid ng center table pero hindi ko na pinansin pa. Naupo ako ng sofa at seryoso siyang tinitigan.
"Magsalita ka! Ngayun pa lang sabihin mo na sa akin kung ano ang nagawa mong kasalanan! Hangat kaya ko pang magpigil Vina sabihin mo kung anong mga kasinungalingan ang pinagsasabi mo kay Ella!" galit kong singhal sa kanya. Isang malakas na pag-iyak naman ang narinig ko mula sa kanya kaya kaagad kong pinulot ang flower vase na nasa harapan ko at galit na ibinato. Naglikha iyun ng malakas na ingay dahil sa pagkabasag.
"Huwag na huwag mo akong idaan sa paiyak-iyak na iyan dahil hindi mo ako madadala diyan. Busy ako at wala akong panahon na kausapin ka ng matagal.
Since ayaw mong magalita...mabuti pa sigurong putulan na lang kita ng dila!" galit kong singhal sabay senyas kay Regie. Mabilis naman siyang naglakad palapit sa akin at iniabot niya ang gunting. Kaagad ko naman iyung tinangap.
"NO! Hindi! Huwag! Huwag mong gawin sa akin iyan....magsasalita na ako! Willing akong humingi ng sorryy sa kanya para maging maayos na kayo Pa-para maging maayos na ang lahat!" takot na takot na sagot ni Vina. Matalim ang mga matang tinitigan ko siya.
"Si-sinabi ko sa kanya na nagkabalikan na tayo! Ken..sorry! Alam mo naman siguro kung gaano ko pinagsisisihan lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sa iyo! Umaasa ako na muli kang bumalik sa akin kaya sinabi ko sa kanya na hindi mo na siya kailangan!" sagot niya na lalong nagpasiklab sa galit na nararamdman ko. Pigil ko ang sarili kong lapitan siya at pilipitin ang leeg.
Sinasabi ko na nga ba eh! May ginawa talagang kabulastugan ang babaeng ito kaya umalis si Ella.
Talaga bang hindi ka titigil? Ano pa ba ang gusto mo Vina? Sa kabila ng mga kasalanan na nagawa mo sa akin pinilit ko pa ring magpakatao sa iyo. Sa inyong lahat pati na din sa pamilya mo!" galit kong sigaw sa kanya. Halos lumabas na pati ang litid ko sa leeg dahil sa galit.
Miss na miss ko na si Ella! Gusto ko na siyang makita. Kaya pala noong huli ko siyang nakita masyado siyang malungkot! Hindi ko naman kasi pinansin! Akala ko pagod lang siya kaya hinayaan ko na lang! Iyun pala may malalim siyang dahilan!
Ah, ang tanga ko! Sobrang tanga ko! Mula ulo hanggang talampakan kilalang kilala ko si Ella. Nararamdaman ko kung masaya or malungkot siya! Bakit ba masyado akong nagpakalunod sa trabaho? Pwede ko naman sana siyang pakasalan kahit sa huwes na lang muna. At least sigurado ako na naitali ko na siya sa pangalan ko! At least legal na kami sa batas ng bansa at sa mata ng mga tao!
"Huwag mo nang asahan pa na itutuloy ko ang pagtulong sa kumapanya niyo para muling makabawi! Hinding hindi kita
mapapatawad sa ginawa mo Vina!" galit kong singhal. Lalo naman siyang napahagulhol ng iyak!
"Kenneth, alam kong malaki ang kasalanan na nagawa ko sa iyo! Patawarin mo ako! Kung galit ka man sa akin sana huwag mo silang idamay! Huwag mong idamay pati ang pamilya ko! Sa iyo na lang umaasa ang pamilya namin para muling makabawi. Maawa ka!" sagot niya sa akin. Pagak naman akong natawa.
"Sana inisip mo ang tungkol sa bagay na iyan bago ka gumawa ng kabulastugan! Tapos na ako sa iyo Vina! Huwag na huwag ka ng magpakita sa akin ulit sa akin kahit kailan!" galit kong singhal sa kanya. Tumayo ako at sininyasan si Regie na ilabas niya na si Vina. Kaagad naman itong tumalima.
Noong una nagpumiglas pa si Vina at patuloy na nagmamakaawa sa akin na patawarin siya pero biglang naging bingi na ako. Walang emosyon ko lang siyang tinitigan at pagkaalis niya kaagad na din akong umuwi ng bahay. Ibebenta ko na din ang condo na ito para tuluyan nang mabaon sa limot kung ano man ang namagitan sa amin ni Vina noon!
Pagkadating ng bahay naabutan ko sila Mommy na halatang hinihintay ako. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala at mukhang napilitan lang silang bumalik ng Manila dahil nabalitaan marahil nila kung ano ang nangyari.
"Ano ba ang nangyari? Naglayas daw si Ella?" salubong na tanong ni Mommy sa akin. Hapong hapo akong napaupo sa sofa. Halos alas dose na ng hating gabi pero buhay na buhay pa din ang diwa ko. Pakiramdam ko mababaliw na yata ako sa sobrang kakaisip kung nasaan na ba si Ella.
"MOm, sa palagay niyo po saan kaya nagpunta si Ella?" mahina kong tanong.
Saglit naman siyang natigilan. Seryoso akong tinitigan bago nagsalita.
"Saan pa ba ang akala mo? Wala naman siyang ibang mapupuntahan dito sa Metro Manila. Sa malamang baka umuwi ng probensya." walang pakundangan na sagot ni Mommy. Wala sa sariing napatuwid ako ng upo. Oo nga pala..bakit hind ko ito naisip! Pwede ko naman sana alamin ora mismo kung nakauwi ba ng probensya si Ella! Pwede kong tawagan ang project engineer na naka-assign sa pagpapatayo ng bahay ng mga magulang niya!
Pwede kong itanong sa kanya kung nasa probensya ba si Ella. Yes...why not!
Mabilis kong hinugot ang cellphone ko mula sa aking bulsa at nagdial. Wala na kong pakialam pa kung hating gabi na. Maisturbo na ang kahit sino ang maisturbo. Basta ang importante, magkaroon ako ng lead kung nasaan ba ang babaeng mahal ko.
Hindi ko na nabilang pa kung nakailang tawag ako kay Engineer Jules. Hindi niya kasi sinasagot ang cellphone niya. Mukhang tulog na tulog na ang taong iyun at hindi niya napansin ang tawag ko. Susuko na sana ako nang biglang may nagsalita sa kabilang linya.
"Sir Kenneth, napatawag po kayo? Pasensya na po, napahimbing ang tulog ko. Hindi ko namalayan kaagad na tumatawag pala kayo." ssgot niya sa akin.
Chapter 547
KENNETH VILLARAMA SANTILLAN POV
"May larawan akong isesend sa iyo. Sabihin mo sa akin kung napapansin mo ba ang babaeng ito sa lugar na iyan!" walang paligoy-ligoy kong sagot kay Engineer Jules. Ni hindi ko man lang nagawang humingi ng pasensya sa pang iisturbo na ginawa ko sa kanya. Iisa lang ang tumatakbo sa utak ko ngayun. Iyun ay kung nasaan si Ella!
"Okay Boss!" sagot niya. Kaagad kong pinatay ang tawag at nagbrowse sa cellphone ko para maghanap ng larawan na pwedeng isend kay Engineer Jude. Hindi niya kilala si Ella kaya kailangan ko itong gawin
"Nakita mo na? Napapansin mo ba siya lugar na iyan?" kaagad kong tanong pagkasend ko ng pictura. Halos ilang sigundo din itong hindi nagsalita kaya hinayaan ko na lang muna. Baka inaanalyze niya kung napapansin niya ba si Ella sa probensya kung nasaan siya ngayun
"Anak po ba ito ng pamilya na gusto niyong pagbigyan ng bahay Sir? Napansin ko siya kaninang hapon sa bakuran nila!" sagot niya na nagpasilay ng ngiti sa labi ko. Sa kauna-unahang pagkakataon simula noong dumating ako ng bahay bigla akong nakaramdma ng kapanatagan ng kalooban. Kung nasa probensya si Ella walang dapat na ipag-alala. Pwede ko siyang sundan doon agad-agad.
"Sigurado ka?" naninigurado kong tanong.
"Opo Sir! Hayaan niyo po, bukas na bukas din kukunan ko siya ng picture at isesend ko sa inyo. Parang kakarating niya nga lang kaninang umaga galing Manila. Maliit lang ang lugar na ito Boss at halos lahat ng tao magkakakilala. Kapag may bagong salta, balitang-balita iyan buong baryo!" sagot niya sa akin.
Mabilis naman akong nagpasalamat sa kanya at bago ko tinapos ang tawag binilinan ko pa siya na bantay-bantayan si Ella. Magbibigay ako ng malaking bonus sa kanila basta sigurado lang na nasa probensya si Ella.
"Anong sabi?" kaagad na tanong ni Mommy pagkapos naming mag-usap ni Engineer Jude.
"Napansin daw ni Engineer Jude si Ella sa probensya kanina!" sagot ko sabay tayo. Nagmamadali akong lumabas ng living area at umakyat ng kwarto. Mabilisang nagshower at nagsuot ng pinaka-kumportableng damit. Kinuha ang malita at nagsalansan ng ilang pirasong damit at wala pang halos isang oras simula noong umakyat ako nagmamadali na akong bumaba ng hagdan habang buhat-buhat ko ang aking maleta.
"SAan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mommy sa akin. Tinapunan niya pa ng tingin ang hawak kong maleta bago seryosong tumitig sa akin.
"Susundan ko si Ella Mom! Hindi din naman ako makatulog kapag hindi ko siya katabi." sagot ko. Napansin kong kaagad na umiling si Mommy.
"Ngayun na? Kenneth, dis oras na ng gabil Magpahinga ka muna dahil pwede mo naman sigurong ipagpabukas iyan diba?" sagot niya. Mabilis akong umiling at humalik sa pisngi niya bago ako nagmamdaling lumabas ng bahay. Kaagad namang umagapay si Mommy sa akin.
"Kurt...pagsabihan mo nga iyang anak mo! Hindi pwede iyang inisip niya! Gabi na at delikado kapag mga ganitong oras bumiyahe!" narinig kong tawag ni Mommy kay Daddy. Nanghingi pa talaga ng back up. Pero wala akong balak papigil. Kahit na dis oras pa ng gabi, susuungin ko makita at makapiling ko lang ulit ang babaeng mahal ko!
"Kenneth! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Pagod ka at magpahinga ka muna! Makinig ka naman sa mommy mo!"
maawtoridad na bigkas ni Daddy. Wala sa sariling napahinto ako sa paghakbang. Seryosong napatitig sa kanya.
"Kailangan kong makita si Ella Dad! Hindi ko na kaya pang maghintay ng ilang oras. Gusto ko na siyang makita at makasama." seryoso kong sagot.
"Nandiyan na tayo! Gusto mo na syang makita! Wala namang problema eh basta magpahinga ka na muna! Pwede naman bukas ng umaga diba?" sagot niya. Umiling pa rin ako. SArado ang utak ko sa mga ganitong klaseng diskusyon. Walang ibang laman ang utak ko kundi si Ella lang at gusto ko siyang makita ulit.
"Fine...maghintay ka dito! Maghahanda lang kami para masamahan ka!" sagot niya sa akin. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig kay Daddy.
"Gusto mo siyang pakasalan diba? Pwes kailangan mo kaming isama para diretso pamamanhikan na din!" muling wika ni Daddy. Hindi ko napigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Sino ba namana ng hindi aayaw sa ganitong kagandang offer. AT least kapag kasama ko silang dalawa ni Mommy may dahilan na para magpruposed kay Ella at pwede na kaming magpakasal ura-urada.
Mabilis na lumipas ang oras. Namalayan ko na lang na nasa biyahe na kami.
Tinatahak na namin ang mahabang high way pauwi ng probensya nila Ella. Ayun sa driver at ilang mga bodyguards na kasama namin, aabutin daw ng mahigit sampung oras ang byahe. Ganoon kaliblib ang lugar nila at ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak ako sa mahabang byahe.
Balak naming mag-chopper na lang sana pero hindi namin kabisado ang lugar. Medyo liblib daw at puro mga kakahuyan ang buong paligid!
Chapter 548
ELLA POV
Napabalikwas ako ng bangon habang sapo ko ang aking bibig. Halos takbuhin ko ang banyo namin at kaagad kong inilabas ang sobrang pangangasim ng aking sikmura. Sumuka ako nang sumuka pero puro laway lang naman ang lumalabas sa akin. Ang sagwa pa ng lasa... maasim na lalong nagti- trigger sa pangangasim ng sikmura ko.
"Dahil ba ito sa manga? Nasubrahan ba ako ng kain?" hindi ko napigilang tanong ko sa sarili ko. Muli akong dumuwal kasabay ng pagtapik ng kung sino sa balikat ko.
"Ayos ka lang ba anak? Anong nangyari? Ang aga-aga pa pero nagduduwal ka na ah? Buntis ka ba?" narinig kong tanong ni Nanay na nagpawindang sa isipan ko. Hindi ako nakakilos habang walang kakurap-kurap akong nakatitig sa kawalan. Paano nga pala kung buntis ako? Ano na lang ang mangyayari sa baby na nasa sinapupunan ko? Kaya ko ba siyang palakihin na walang ama?
"Nay...hi-hindi ko po alam! Basta parang -" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang muli akong sumuka. Kahit na anong pilit ko wala talagang mailabas na kahit na ano ang tiyan ko. Puro laway lang at naramdaman ko na lang din na tagaktak na ang malamig na pawis sa noo ko dahil sa sitwasyon ko ngayun
"Ganiyan din ako noong ipinagbubuntis ko kayong lahat! Nagduduwal tuwing umaga at nahihilo. Maselan pagdating sa pagkain at palaging nanghihina." sagot ni Nanay sa akin. Hindi ako nakaimik.
Mukhang confirm nga! Nagdadalang tao nga siguro ako. Kahit naman gaano pa kaabala si Kenneth sa opisina, nagkakaroon pa rin naman siya ng time minsan sa akin para may mangyari sa aming dalawa!
Wala sa sariling napahawak ako sa impis ko pang tiyan. Pinaghalong damdamin ang kaagad na lumukob sa pagkatao ko. Natutuwa ako sa kaalamang magkakaanak na kami ni Kenneth pero natatakot akong isipin sa kung anong klaseng buhay ang kaya kong ibigay sa kanya. May mga kapatid na umaasa sa akin tapos dadagdag pa siya. Anak siya ni Kenneth at hindi niya deserve na mabuhay siya sa hirap kagaya ko!
Pero ano ang gagawin ko? SAsabihin ko ba kay Kenneth? Ipapaalam ko ba sa kanya na nagbunga ang ilang beses na nangyari sa aming dalawa? Paano naman ang kaligayahan niya? Nilang dalawa ni Vina? Ayaw kong magiging balakid ako sa pagsasama nilang dalawa. Ayaw kong ako ang maging dahilan para muling masaktan si Kenneth.
Mahal ko siya at kaya kong magparaya para lang lumigaya siya!
"Huwag kang mag-alala anak! Kung sakaling buntis ka nga...maiintindihan namin ng Tatay mo iyan! Blessings galing sa itaas iyan kaya alagaan mo ang sarili mo! Hinding-hindi ka namin pababayaan. "muling wika ni Nanay kaya hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Lumuluhang humarap ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Hindi po kayo galit? Nakakahiya po kapag malaman ng mga tao dito sa lugar natin na nagdadalang tao ako. Magiging paborito na naman tayong itsisimis ng mga tsismosa!" umiiyak kong bigkas. Hinagot naman ni Nanay ang buhok ko bago siya nagsalita.
"Hindi ka pa ba sanay sa kanila? May ginawa ka mang tama or wala, hindi talaga mapipigilan ang mga tsismusa na iyan na magkalat ng maling kwento! Huwag mo silang pansinin! Ang dapat mong gawin ngayun, mas lalo mo pang alagaan ang sarili mo para healthy ang apo namin paglabas niya!" nakangiting bigkas ni Nanay. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak
Salat man sa yaman ang pamilya namin pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng pamilya na handa akong intindihin sa lahat ng bagay. Kahit na isang kahig isang tuka lang kami hinding hindi ko talaga sila ipagpapalit. Ngayun ko lubos napatunayan na hindi pala nila ako iiwan kahit na anong mangyari. Nandiyan sila para damayan ako sa lahat ng oras.
"Thank you Nay! Hayan niyo po, babawi ako sa inyo!" sagot ko sa kanya.
"Anak kita Ella at sinalo mo na lahat ng obligasyon mo sa pamilya natin. Ang laki nang naitulong mo sa mga kapatid mo. Hayaan mong kami naman ang tutulong sa iyo!" nakangiti niyang sagot. Pinunasan niya pa ang luha sa aking mga mata.
"Sige na...ituloy mo na kung ano man ang gagawin mo dito sa banyo. Ilalaga ko muna iyung mais para malagyan ng laman ang sikmura mo!" nakangiting wika ni Nanay. Tumango naman ako.
Pagkaalis ni Nanay mabilis na din akong bumalik ng kwarto. Kinuha ko sa bag ang pregnancy test na binili sa akin ni Manang at muling bumalik ng banyo.
Kung nagdadalang-tao man ako, gusto kong makasigurado!
Pinatakan ko lang ng urine ko ang maliit na butas at naghintay lang ako ng isang saglit. Muling pumatak ang luha sa aking mga mata nang lumabas ang dalawang guhit na kulay pula. Confirm nga... nagdadalang tao ako. Buntis ako at magkakaanak na kaming dalawa ni Kenneth.
Muli kong nahaplos ang impis ko pang tiyan. Kahit na anong mangyari, itatawid ko ang pagbubuntis kong ito! Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng magandang kinabukasan ang baby na nasa sinapupunan ko!
Chapter 549
ELLA POV
Naghilamos at nagmugmog lang ako bago ako lumabas ng banyo. Nag try akong mag-toothbrush kanina pero ayaw tanggapin ng sistema ko ang lasa ng toothpaste!
Muli akong bumalik ng kwarto at nagpalit ng kumportableng pambahay na damit.
Muli kong sinipat ng tingin ang hawak kong pregnancy test. Gumuhit ang masayang ngiti labi ko bago ko ipinasok sa loob ng bag. Itatago ko muna.... remembrance ba!
Akmang palabas na ako ng kwarto nang marinig kong may tao sa labas. Tahimik ang buong kabahayan at mukhang pumasok ng School ang iba kong mga kapatid.
"Tao po! Tao po! Mang Thelmo nandiyan po ba kayo?" narinig kong sambit ng kung sino sa labas. Mabilis akong sumilip sa bintana at ganoon na lang ang pagtataka ko ng mapansin ang tatlong istrangherong lalaki sa labas.
Dalawa sa kanila ay nakasuot ng kulay orange na suit at may parang sumbrero pa sa ulo. May mga kartons din akong napapansin sa lapag na parang dala-dala nila. May mataas na sasakyan din sa likuran nila na parang iyun ang pinagkargahan ng mga kartons na dala- dala nila.
Ang mas lalong nakakawindang ay ang mga utsusera at utsusero naming mga kapitbahay. Nakakatitig sila sa gawi ng bahay namin na parang nagtataka din sila kung sino ang mga taong nasa labas! Tiyak na tampulan na naman ako ng tsismis nito maya-maya lang!
"Sandali lang po!" kaagad kong sigaw kaya naman napatingin na sila sa gawi ko. Kapareha ang suot ng dalawang lalaki sa mga construction worker na gumagawa ng bahay na kahapon ko pa tinatanaw! Ano kaya ang kailangan nila?
"Bakit po? Wala si Tatay, nasa bukid yata pero maya-maya baka nandiyan na din iyun. May kailangan po ba sila?"
nagtataka kong tanong pagkalabas ko sa bakuran namin. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. Napansin kong napatitig pa sa akin ang isa sa kanila kasabay ng paguhit ng ngiti sa labi.
"Good Morning Mam Ella! May nagpapabigay po!" sagot niya sa akin na labis kong ipinagtaka. Paano niya ako nakilala eh kahapon lang naman ako dumating dito sa baryo namin? Tsaka ngayun ko lang din nakita ang taong ito!
"Ha? Kilala niyo po ako?" nakakunot ang noo kong tanong. Nakangiti naman siyang tumango.
"Ako po ang Engineer sa pinapatayong bahay na iyun. Silang dalawa naman mga tauhan ko. Napag-utusan lang po na ibigay daw namin sa inyo ito. Pasensya na po, galing pa kami ng bayan kaya medyo tanghali na namin naideliver!"
nakangiting sagot niya. Wala sa sarilng napatitig ako sa mga kartons na dala-dala nila.
"Ano po ba ang mga iyan? Tsaka, sino ang nagpabigay?" nagtataka kong tanong.
Bago pa ako nasagot ng lalaking nasa harapan ko siyang lapit naman ni Nanay. Katulad ko punong puno din ng pagtataka ang mukha nito habang sinisipat niya ng tingin ang mga bagay na dala ng mga itrangherong lalaki.
"Engineer Jude! Kayo pala!" bigkas ni Nanay. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mukhang kilala ni Nanay ang lalaking ito.
"Aling Rosita. Ipinapabigay po ng Boss ko para sa anak niyo! Pasensya na po at medyo tanghali na!" sagot ng nagngangalang Engineer Jude kay Nanay. Muli akong napatitig sa mga dala niyang kartons.
"Ganoon ba? Abat, kakarating lang kahapn ng anak ko may admirer na kaagad siya?" bigkas ni Nanay. Hindi ko naman napigilan ang mapangiwi. Huwag naman sanang madagdagan ang mga makukulit na tao sa paligid ko. Kay Ondo pa nga lang, parang mauubos na lahat ng pasensya ko sa katawan dahil sa kanya! Ayaw kong ma-stress habang ipinagbubuntis ko itong anak ko!
"Baka naman po nagkamali kayo ng bahay na pinuntahan! Kakarating ko lang po kahapon at imposible na kilala ko iyang Boss niyo!" sagot ko naman! Muli akong napatingin sa ginagawa nilang bahay. Sa sobrang laki ng bahay sigurado akong mayaman ang Boss ng taong ito
"Nai-confirm na namin sa kanya Mam Ella! Sige po....babalik na kami ng trabaho! Double time kami ngayun dahil gusto ng Boss namin tapusin kaagad ang bahay na iyan!" sagot ni Engineer Jude at sininyasan niya pa ang dalawa nyang kasama na ipasok sa loob ng bahay namin ang mga dala-dala nila. Tatangihan ko na sana pero mabilis ang kilos nila. Ininsist din talaga ni Engineer Jude na para sa akin daw talaga ang mga dala nila.
Nang maipasok nila lahat ng kartons mabilis na silang umalis. Todo pasalamat naman si Nanay habang takang-taka naman ako! Kung sino man ang Boss na tinutukoy ni Engineer Jude parang gusto ko na siyang makausap! Hindi pwedeng basta na lang siyang magpadala ng kung anu-ano sa bahay namin.
Muli akong naglakad papasok ng bahay. Napansin ko si Nanay na binubuksan niya na ang isa sa mga kartons at pareho kaming nagulat dahil puro mga pagkain galing sa groceries ang laman. Wala sa sarilng napalapit ako at nakihalukay na din!
"Grabe, sobrang galante naman ng admirer mo anak! Ang dami nito ah?" bigkas ni Nanay. Wala sa sariling napaupo ako sa upuang kahoy. Ang gulo na nga ng utak ko dumagdag pa ito!
"Nay, huwag niyo na po munang galawin iyan! Balak ko pong isauli sa kung sino man ang nagbigay niyan!" sagot ko kay Nanay. Hindi ko kayang tumangap ng regalo mula sa mga taong hindi ko kilala.
"Parang nakakatakot nga ito anak! Iyung may ari ng bahay na iyan, hindi pa rin namin nakikita! Rush daw ang pagpapagawa ng bahay na iyan kaya kahit gabi, tuloy-tuloy ang pagawa ng mga tao diyan!" sagot ni Nanay.
"Saglit akong nanahimik habang pinagmamasdan si Nanay habang muli niyang isinasara ang karton. Mabuti na lang at nakinig siya sa akin. Malaking tulong sa pamilya namin ang kung ano man ang nasa loob ng cartoons pero ayaw ko naman na malagay kami sa alanganin. Ayaw kong magpasilaw sa mga rega- regalo na iyan na hindi ko kilala kung sino ang nagbigay.
Pagkatapos isara ni Nanay ang isang karton na binuksan niya kanina, mabilis siyang bumalik ng kusina. Pagbalik niya may dala na siyang nilagang mais at tinimplang tsokolate na galing sa tablea. Paborito kong inumin ito noon kaya kaagad akong sumimsim. Nag-uumpisa ko na sanang i-enjoy ang hot chocolate ko ng muli akong nakarinig nang tumatawag na kung sino sa labas ng bahay.
Chapter 550
ELLA POV
"Uyyy Ondo? Ang aga mo naman! Wala ka bang trabaho ngayun?" narinig kong sambit ni Nanay nang labasin niya kung sino mang bisita ang tumatawag sa labas. Hindi ko na napigilan pa na mapahilot sa sarili kong sintido.
Kakatapos ko lang makipag-usap sa sugo ng tagahanga ko na nagbigay ng sangkatutak na regalo, heto na naman si Ondo. Ano ba? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay pero bakit lalong gumulo yata ang sitwasyon ko?
Walang gana akong tumayo at naglakad palabas ng bahay. Naabutan ko si Ondo na hindi magkanda-ugaga sa mga bitbit niyang ibat ibang klaseng prutas at gulay. Nag harvest yata ng mga pananim niya sa bukid para gawing pasalubong sa akin.
"Good Morning my lablab!" kaagad niyang bigkas pagkakita sa akin. Pigil ko ang sarili kong mapangiwi.
Yikes! Lablab talaga? Ang sagwa pala pakingan kapag hindi mo type ang taong tumatawag sa iyo ng endearment na ganiyan!
"Ang dami naman yata niyang dala mo Ondo? Baka magalit na sa iyo iyang Nanay Pilar mo dahil halos ubusin mo na ang tanim niyong produkto!" sagot ko naman sa kanya.
Napasulyap pa ako kay Nanay na kakamot-kamot sa kanyang ulo. Hindi namin kayang iconsume lahat ng mga dala ni Ondo. Tiyak na masisira lang iyan dahil nasa bukid din si Tatay ngayun at siguradong may dala-dala din iyung mga produkto pag-uwi mamaya.
"Mga pananim ko ito my lablab! Huwag mong intindihin si Nanay! Ako ang bahala sa kanya! Siya nga pala, nakausap ko ang Tatay mo kanina! Balak sana namin mamanhikan mamaya! Kukuntak na ako ng magkakatay ng mga baboy para may pagkain ang mga bisita natin." nakangiti niyang sagot sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Walang hiya! Boyfriend ko na ba siya? Mamamanhikan na naman siya? Hayssst, dapat pala hindi na lang ako naglayas eh! Dapat hindi na lang muna ako umuwi dito sa probensya kung ito din lang ang sasalubong sa akin! Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagod sa byahe ko tapos heto na naman!
Helpless akong napatingin kay Nanay na noon ay nakatitig na din sa akin. Sininyasan ko pa siya na kausapin si Ondo dahil hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya ngayun. Hindi ko sya boyfriend at wala akong balak magpakasal kahit kanino! Pero kung si Kenneth lang siya baka kanina pa ako naglulundag sa tuwa!
"Hmmm Ondo, alam na ba ng Nanay at Tatay mo itong desisyon mo? Baka mamaya bigla na lang sumama ang loob nila dahil pabigla-bigla din iyang desisyon mo!" wika ni Nanay. Hindi din yata niya alam kung paano awatin si Ondo eh. Hayssst, sakit talaga sa ulo ito!
Ayaw ko sanang ma-stress dahil
iniiwasan ko na ma-stress din ang baby na nasa sinapupunan ko pero itong ginagawa ni Ondo sa akin, parang gusto ko nalang bumalik ng Manila at aminin kay Kenneth na nagdadalang tao ako. Siguradong hindi niya ako pababayaan!
"Kakausapin ko pa po siya Nanay Rosita! Pero sigurado naman na papayag sila. Gusto kasi nilang magkaroon ng magandang apo eh!" parang kinikilit na sagot nito na hindi ko na talaga napigilan ang mapa-ismid. Talagang nakiki-nanay pa siya sa Nanay ko? Kapal ng mukha!
Tsaka ano daw? Naghahanap ang Nanay niya ng magandang apo? Grabeng ambisyon iyan! Kung pogi itong si Ondo hindi malayong mangyari iyun!
"Ayyy hindi pa pala alam eh. Sige na... sabihin mo muna sa kanila. Ipaalam mo muna!" pilit ang ngiting sagot naman ni Nanay. Kulang nalang ipagtabuyan niya na si Ondo at nang paalis na ito sinabi niya pa na iuwi na ang mga dala-dala niyang mga gulay at prutas pero kumaripas lang takbo. Kamot-ulo na lang tuloy si Nanay habang sinusundan ito ng tingin
"Tigas ng ulo ng batang iyun! Ano ba ang nakita niya sa iyo at noon pa man patay na patay na siya sa iyo?" bigkas ni Nanay. Naiinis naman akong napabungtong hininga.
"Pagdating ng mga kapatid ko mamaya Nay sabihin niyo po na dalhin sa bahay nila Ondo ang mga prutas at gulay na iyan! "bigkas ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa Ondo na iyun para tumigil na. Nakakasura na din kasi talaga eh! Kahapon pa siya nangungulit!
Pangalawang araw ko pa lang dito sa baryo namin pero puro kunsumisyon na ang inabot ko. May secret admirer ako na nagpadala ng sangkatutak ng regalo tapos dumagdag pa itong si ONdo!
"Iyan din ang balak kong gawin mamaya. Nakakahiya ang ginagawa ng batang iyun! Baka mapulaan pa tayo ng mga kapitbahay natin at isipin nila na ginagatasan natin ang manliligaw mong iyun Ella." bigkas ni Nanay. Hindi ko napigilan ang mapangiwi.
Dagdagan pa sa alalahanin ko itong mga marites namin na mga kapitbahay. Kapag malaman nila na buntis ako at hindi ko kasama ang ama ng batang nasa sinapupunan ko mas lalo akong malalagot. Magiging main topic talaga ako nito sa mga umpukan.
"Sige na anak. Ituloy mo na iyung pagkain mo. Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka ulit. Alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo!" nakangiting bigkas ni Nanay. Ngumiti naman ako sa kanya sabay tango.
"Sige po Nay. Salamat po! Pasensya na po kung hindi muna ako makakatulong sa mga gawaing bahay. Para pong nanghihina pa rin ako! Para po akong inaantok na ewan!" sagot ko sa kanya. Nakakaunawa namang tumango si Nanay.
"Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Kami na ang bahala. Magpahinga ka! Siya nga pala inutusan ko ang Tatay mo na bumili ng native na manok kina Mang Kardo. Ano nga pala ang gusto mong luto?" muling wika ni Nanay.
"Tinola na lang Nay. Tapos medyo maanghang ang templa!" bigkas ko. Bigla tuloy akong natakam sa isiping tinolang native na manok ang magiging ulam namin mamaya.
Chapter 551
ELLA POV
Pagkatapos kumain ng agahan muli akong pumasok sa kwarto at nahiga. Medyo mainit dito sa loob ng kwarto kaya itinutok ko talaga sa katawan ko ang nag- iisa naming electric fan. Ilang saglit lang kaagad na din naman akong nakatulog.
Nagising ako sa mahinang yugyog sa akin. Pupungas-pungas ko pang idinilat ang aking mga mata at kaagad na sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Thalia.
"Bakit?" nagtataka kong tanong. Dahan- dahan akong bumangon habang kinakapa ko ang aking mga mata. Tsini-check ko kung may muta ba ako.
Ang alam ko kasi napahimbing ang tulog ko! Napasulyap pa ako sa orasan na nasa dingding at doon ko napagtanto na halos alas dose na pala ng tanghali. Baka kakain na kaya ako ginising ng kapatid kong si Thalia.
"Ate...may mga bisita ka!" bigkas niya. Kaagad naman nagsalubong ang kilay ko. Bisita na naman? Nakailang bisita na ba ako ngayung araw?
"Si Ondo kasama niya ang mga magulang niya at ilang mga kalalakihan ng baryo natin para magkatay sa tatlong baboy na dala niya! Mamamanhikan na daw eh!" bigkas ni Thalia kaya ang antok na naramdaman ko ay biglang naglaho. Napalitan iyun ng matinding inis kasabay ng narinig kong ingay ng baboy sa labas.
"Diyos ko! Inuumpisahan na yata nilang katayin ang mga baboy Ate! Paano iyan! Wala ka na yatang ligtas kay Ondo!" sagot ni Thalia. Wala sa sariling napatakip ako sa sarili kong tainga at mabilis na bumaba ng papag. Sumilip ako sa bintana at ganoon na lang ang gulat ko nang mapansin ko ang ilang mga kapitbahay namin na nasa labas ng bahay namin. Napanasin ko din si Tatay na kausap ang ama ni Ondo na si Mang Carling.
"Ano ito? Bakit ganito? Nakatulog lang ako tapos may party-party na palang nagaganap sa labas ng bahay natin?" himutok ko kay Thalia.
"Paano iyan Ate? Magpapakasal ka na talaga kay Ondo? Papayag ka na lang ba?" bigkas ni Thalia. Napakamot ako ng aking ulo dahil sa sinabi niya. Dapat siguro bumalik na lang ako ng Manila para matakasan ko ang sitwasyon na ito eh.
Hayssst, Kenneth...bakit ba kasi bumalik ka pa sa Vina na iyun! Nakakainis na!
"Hindi! Ayaw ko! Hindi ko siya boyfriend para magpakasal sa kanya!" bigkas ko.
"Iyan din ang sinabi ni Nanay kanina sa mga magulang ni Ondo! Kaya lang pursigido daw talaga si Ondo na pakasalan ka! Boto naman ang Nanay niyang si Aling Pilar sa iyo dahil tiyak na magaganda daw ang magiging apo niya sa inyong dalawa ni Ondo kung sakaling magkaanak kayo!" bigkas ni Thalia. Ang tigas talaga ng ulo ng pamilyang iyun! Parang gusto ko na tuloy mag-walk out at umalis na ng baryo! Walang peace of mind.
"Lalabasin mo ba sila Ate?" muling tanong ni Thalia.
"Nagugutom ako! Naluto na ba ang tinolang Manok? Hayaan mo sila...walang kasalan na mangyari! Hindi ako magpapakasal sa Ondo na iyan!" bigkas ko sabay upo sa papag.
"Dalhan na lang kita ng makakain dito sa kwarto Ate. Ayaw ko din sa Ondo na iyan! Baka kapag magkaanak kayo, sunog ang magiging pamangkin ko kung sa kanya magmana. Ayaw ko din mahaluan ng hindi magandang genes ang lahi natin." nakaismid na bigkas ni Thalia. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Teenager na nga pala itong kapatid ko at marunong ng tumingin ng gwapo at pangit.
Mabait naman sana si Ondo kaya lang hindi ko talaga siya type. Ang kulit kasi talaga eh. Simula noong napansin niya na ang kagandahan ko hindi niya talaga ako tinigilan. Bahala sila diyan! Mamaya magla-lock ako ng kwarto dahil hindi talaga ako lalabas!
Nagkukotkot ang kalooban ko habang hinihintay ko si Thalia nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Gulat na napatayo ako at kaagad din naman akong huminahon nang mapagsino kung sino ang pumasok.
"Nay naman! Ano na naman ang
ginagawa ng Ondo na iyan! Bakit namamanhikan na?" reklamo ko kaagad kay Nanay! Parang gusto kong magmaktol dahil sa inis na nararamdaman ko
"Ilang beses na namin silang kinausap pero ayaw makinig. Pero teka lang, hindi iyan ang issue ngayun...may naghahanap sa iyo sa labas! May ini-expect ka bang bisita ngayun? Naka-kotse tapos nagdatingan din iyung mga trabahador doon sa ginagawang malaking bahay!" bigkas ni Nanay. Hindi ko naman napigilan ang magtaka. Mabilis akong tumayo at kaagad na sumilip sa bintana.
Tama si Nanay. May mga sasakyan sa labas. May mga taong nakatayo sa labas ng bakuran namin na hindi ko din kilala.
Ano ito? Anong meron? Bakit ganito? Bakit parang ang gulo na ng mundo?
"Sino daw sila Nay?" hindi ko mapigilang tanong kay Nanay.
"Hindi ko alam. Pagkahinto kasi ng sasakayan nila sa labas ng bakuran natin pinuntahan na kaagad kita dito." sagot niya.
Uamlis ako sa tapat ng bintana at muling naupo sa papag. Tensiyonado akong napakagat sa aking kuko!
"Hindi kaya siya iyung nagpadala sa iyo kaninang umaga ng maraming regalo anak?" bigkas ni Nanay. Halatang mayaman ang mga bagong dating base na din sa gamit nilang mga sasakyan! Hayssst, lalo tuloy akong na-stress!
"Ate! Ate! May naghahanap sa iyo sa labas! Ang gwapo grabe! Kausap siya ni Tatay ngayun! Crush ko na yata siya! Sino siya Ate? Ang gwapo!" sasagot pa sana ako kay Nanay pero biglang dumating naman itong si Thalia. Namimilipit sa kilig na akala mo nakakita ng night and shining armor sa labas.
"Sino daw?" tanong ko.
"Labasin mo na Ate. Ikaw ang hinahanap! Halika na!" excited na bigkas ni Thalia at hinila pa ako patayo. Napasulyap din ako kay Nanay na naglalakad na din palabas ng kwarto
"Sino ba kasi ang naghahanap sa akin? ano daw ang pangalan?" muli kong tanong kay Thalia. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya kaya pigil ko ang sarili kong masabunutan ito. Gaano ba ka- gwapo ang nasa labas at bakit bigla yatang na start -struck itong kapatid ko?
"Kenneth daw! Hayssst pangalan pa lang ang gwapo na!" bigkas niya na nagpahinto sa aking paghakbang. Tulala akong napatitig kay Thalia nang marinig ko ang pangalan na binigkas niya.
Chapter 552
ELLA POV
"Si Kenneth, nasa labas siya? Paanong-- -" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong kalabitin ni Thalia. Nagtatakang nakatitig siya sa akin.
"Oo, Kenneth nga daw ang pangalan! Kilala mo Ate?" tanong niya sa akin. Tumango ako at mabilis ang hakbang na lumbas ng bahay. Kaagad namang sumalubong sa akin si Ondo.
"My Lablab! Sa wakas, lumabas ka din!" narinig kong sambit ni Ondo pero parang wala akong nakita at nilagpasan lang siya. Diretso ang tingin ko sa nakahintong sasakyan sa labas ng bakod namin at ganoon na lang ang paglandas ng luha sa aking mga mata nang makita ko si Kenneth na nakatayo doon. Halos takbuhin namin ang pagitan namin para lang makalapit kami sa isat-isat.
"Ella!" narinig kong bigkas niya kasabay ng mahigpit niyang pagyakap sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapahagulhol ng iyak.
Ilang sandali din kaming nanatili sa ganoong sitwasyon. Naririnig ko pa nga ang bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin. Lahat sila nagtataka kung sino daw ba ang lalaking kayakap ko.
"Talaga bang--nanito ka? Talaga bang- - sinundan mo ako?" humihikbi kong bigkas kasabay ng pag-angat ng ulo ko. Gusto kong titigan ang kanyang gwapong mukha pero noong ginawa ko naman iyun labi niya ang kaagad na sumalubong sa akin. Binigyan niya ako ng makapugtong hiningang halik sa labi na kahit siguro ang mga tsismosa sa paligid namin, hindi makapaniwala sa nasaksihan.
"Yes...nandito ako! Sinundan kita Sweetheart!
Hndi ko kayang mawala ka sa akin!" bigkas niya sa akin pagkatapos niyang pakawalan ang labi ko. Hindi ko §Ã¡§Ã‘ napigilan ang sarili ko. Muli akong napayakap ng mahigpit sa kanya.
"Thank you! Akala ko talaga wala ka nang pakialam sa akin eh." muling bigkas ko. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa likuran ko
"Pwede ba naman iyun? Ikaw ang buhay ko kaya susundan talaga kita kahit saan ka magpunta." bigkas niya habang bakas sa boses niya ang galak.
Ayaw ko na sanang humiwalay sa kanya pero nang mapansin ko na nakatayo na sa tabi namin sila Mommy Arabella at DAddy Kurt wala na akong nagawa pa kundi ang kumalas sa pagkakayakp ni Kenneth. Nakakahiya naman kung hindi ko sila batiin at iwelcome sa baryo namin.
"Kumusta iha? Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis?" kaagad na seryosong tanong ni Mommy Arabella. Bakas sa maganda nitong mukha ang pagod dahil siguro sa mahabang byahe. Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdm ng hiya sa kanya.
Napabait niya sa akin para umalis na lang ng basta-basta na hindi man lang nagpapaalam sa kanila.
"Hayaan mo na! Ikaw nga noon, kaunting tampuhan natin bigla ka na lang din naglalayas." sabat naman ni Daddy Kurt. Pigil ko tuloy ang matawa. Napaismid naman si Mommy Arabella bago niya ako mahigpit na niyakap.
"Salamat naman at ligtas ka Iha. Alam mo bang sobrang sumasakit na ang ulo ko kay Kenneth? Mula kahapon walang ibang ginawa kundi ang mag-alburuto. Ikaw ang hinahanap niya!" bigkas niya pagkatapos niya akong pakawalan sa pagkakayakap sa kanya. Sasagot pa sana ako pero muli namang umiksena si Ondo.
Mabilis siyang nakalapit sa amin at akmang hahawakan niya sana ako sa kamay pero naging maagap si Kenneth.
" What are you doing!" galit na bigkas ni Kenneth sabay tulak kay Ondo. Akmang muli pa sanang lalapit si Ondo pero mabilis na itong binigwasan ni Kenneth. Kaagad tuloy akong napalapit sa
kanya at hinawakan ko siya sa braso.
Mabuti na lang at natakot yata ang mga kababaryo ko sa mga kasama nilang malalaking katawan na tao kaya walang sino man sa kanila ang nangahas na makialam. Tahimik lang silang nanonood habang takang-taka sa mga nasasaksihan nila.
Susugurin pa sana ulit ni Kenneth ang nakahandusay na si Ondo sa lupa pero kaagad ko nang inawat. Seryoso ko siyang tinitigan sa mga mata sabay iling.. Baka mapuruhan at maging kriminal pa ang future husband ko! Haysst, noong naghagis ng kakulitan ang langit, sinalo na yata lahat ni Ondo eh!
"Diyos ko! Nasuntok na nga!" narinig kong bigkas ni Nanay. Mabilis silang dalawa ni Tatay na naglakad palapit sa amin habang nakasunod naman ang umiiyak na si Aling Pilar. Nakahandusay ba naman sa lupa ang anak mo na walang malay, talagang maghihistirikal ka. Kinakabahan tuloy ako ngayun na baka napuruhan itong si Ondo sa kamao ni Kenneth.
"Who is he? Bakit gusto niyang hawakan ang girlfriend ko?" galit na bigkas ni Kenneth. Natigilan naman sila Nanay.
Mabuti na lang at mabilis na nakabawi sa pagkabigla sila Mommy Arabella. Nagkusa na siyang harapin sila Nanay at Tatay.
"Hello! Ako si Arabella and my husband Kurt and he is my anak! Kenneth Villarama Santillan! Nandito kami para hingin sa kamay niyo si Ella at nang maikasal na sila ng anak namin sa lalong madaling panahon." narinig kong bigkas nang sobrang ganda kong future byanan na si Madam Arabella. Halos kasing edad lang ito ni Nanay pero kung sa poise at pabataaan tingnan, milya-milya ang layo nito!
"Boyfriend ng anak ko ang anak mo?" wala sa sariling tanong ni TAtay. Nakangiting kaagad na tumango si Mommy Arabella. Kaagad naman sumabat si Daddy Kurt sabay lahad ng kamay kay Tatay.
"Kumusta balae?" bigkas ni Daddy Kurt
Hindi ko tuloy mapigilan ang mas lalong humanga sa kanila. Imagine, kaya pala nilang makibagay sa mga taong hindi nila ka-level? Mayaman sila mahirap kami at gusto niyang makipag-kamay kay Tatay.
Pansin ko ang hiya sa mukha ni Tatay st Nanay habang nakikipagkamay sila kina Daddy Kurt at Mommy Arabella.
"Yah...something like that! Acually, kasal na lang talaga ang kulang sa kanilang dalawa that's why nandito kami!"
nakangiting sagot ni Mommy Arabella. Nagulat naman ako dahil sa narinig. Sasagot pa sana ako ng kaagad na lumuhod sa harapan ko si Kenneth sabay lahad ng kanyang kamay kung saan may hawak na kumikinang na bagay.
"Totoo ang sinasabi ni Mommy! Nandito kami para sana magprupose at yayain kang magpakasal sa akin. Ella, will you marry me?" bigkas niya kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Pakiramdam ko, biglang tumigil sa pag- inog ang mundo dahil sa sinabi niya. Bigla ko din nakalimutan na maraming mga mata ang nakamasid sa aming dalawa. Naghihintay sa magiging sagot ko. Iyung iba amaze na amaze at hindi makalapinawala na ang isang katulad ko ay luhuran ng isang napaka-gwapo at disenteng lalaki na si Kenneth.
Chapter 553
ELLA POV
Para akong nakalutang sa alapaap habang pilit na inaabsorb ng utak ko ang sinasabi ni Kenneth ngayun. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong sitwasyon. Ang magpruposed sya ng kasal na aminado akong matagal kong hinintay.
"Oo naman! Siyempre! Gusto ko... gustong-gusto kong magpakasal sa iyo!"" bigkas ko habang walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko at kung panaginip man ang lahat nang ito ayaw ko na sanang magising. Basta ba kasama ko lang siya palagi.
Sa sagot kong iyun kaagad ding gumunit ang matamis na ngiti sa labi niya. Mabilis na isinuot sa palasingsingan ko ang diamond ring na kumikinang sa tama ng liwanag ng araw. Pero wala doon ang attention ko. Ang buo kong attention ay nasa mukha ng lalaking pinakamamahal ko na kahit mukha siyang haggard dahil sa haba ng byahe nila papunta dito sa baryo namin hindi man lang iyun nakakabawas sa taglay niyang gandang lalaki.
"Thank you Sweetheart! Thank you so much!" narinig kong bigkas niya at mula sa pagkakaluhod mabilis siyang tumayo at muli kong naramdaman ang labi niya sa labi ko. Ilang segundo din namin pinagsaluhan ang matamis na halik bago niya ako niyakap ng mahigpit. Hindi pa sana ako bibitaw sa pagkakayakap sa kanya pero biglang balik ng reyalidad ko!
May narinig kaming hiyawan at palakpakan sa paligid kaya wala sa sariling napakalas ako sa pagkakayakap kay Kenneth. Doon ko napansin ang tuwang-tuwa na reaction nila Tatay, Nanay, mga kapatid ko pati na din nila Mommy Arabella at Daddy Kurt. Lahat sila masaya habang pinapanood kami ni Kenneth.
Nang ilibot ko ang tingin sa paligid, halos lahat pala ng nandito ay tuwang-tuwa. Lahat nakikisaya sa nakakakilig na proposal ni Kenneth. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko ang genuine na ngiti ng mga kapitbahay at kakilala namin habang nagpapahayag ng pagbati.
"Naku, siya pala ang boyfriend ng anak ko? Kaya pala kahapon ko pa napapansin na malungkot! May pinagdadaanan pala! " narinig kong sambit ni TAtay. Nagulat pa siya nang lapitan siya ni Kenneth at hinawakan ang kamay niya para magmano.
"Ako po si Kenneth! Girlfriend ko po ang anak niyo! Pasensya na po kung hindi kaagad ako nakapagbigay galang sa inyo! "bigkas ni Kenneth kaya Tatay at kaagad na nagmano. Sunod na hinawakan niya ang kamay ni Nanay kaya ang ending kita ko ang hiya sa mukha ng mga magulang ko. Hindi din siguro sila makapaniwalan na magkakaroon sila ng gwapo at mabait na son in law.
"Naku! Naku, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Walang mas importante sa amin kung hindi ang kaligayahan ninyong dalawa. Kung talagang nagkakasundo at nagmamahalan kayong dalawa, sino ba naman kami para hindi makisaya diba?" nakangiting sagot naman ni Nanay.
"Salamat po. Asahan niyo po na mamahalin ko ang anak niyo ng buong puso!" sagot naman ni Kenneth.
"Malaki ang tiwala ko sa iyo Kenneth! Hindi ganiyan kasaya ang anak namin kung hindi mo siya naalalagaan ng maayos. Sige na...masyado nang mainit dito sa labas. Pasok na muna tayo!"
Paanyaya ni Tatay. Game na game naman sila Mommy Arabella at Daddy Kurt at kaagad na din silang sumunod kina Nanay at Tatay papasok ng bahay.
"Ano nga pala ang meron Sweetheart? Bakit ang daming tao? May party ba?"
nagpa-iwan naman kaming dalawa ni Kenneth dito sa labas habang nagtataka siya na inililibot ang tingin sa paligid. Samantalang sa tulong ng isa sa mga bodyguard na kasama nila kanina nagkamalay tao na si Ondo at halos kaladkarin na siya ng Nanay at Tatay niya paalis. Narinig marahil nila kung sino si Kenneth sa buhay ko.
"Ahmmm, ano...may taong gusto akong asawahin." mahinang bigkas ko. Hindi ko tuloy malaman kung tama ba iyung pagkakasabi ko. Basta iyun na iyun at mukhang nainitindihan naman ni Kenneth dahil kaagad na nagsalubong ang kilay niya.
"Who? Iyung nasapak ko kanina? Gagong iyun ah?" bigkas niya. Kagat labi naman akong tumango.
"Pero hindi ako pumayag ha? Kakagising ko nga lang noong dumating kayo eh. Tingnan mo ang ma mata ko? Diba, mukhang kakagising lang?" malambing kong bigkas kay Kenneth. Pina-pungay ko pa ang aking mga mata para magmukhang kapani-paniwala. Napansin ko naman na pigil siyang natawa sabay senyas sa isa sa nga bodyguard nila.
"Pakiutusan ang mga kasama mo na i-clear ang buong paligid. Ikaw na din ang kumausap sa iba pang mga residente na willing tumulong sa gagawin niyong trabaho. Maghanap din kayo ng lugar kung saan pwedeng mag-landing ang chopper para hindi ganoon kahirap sa pagtransport ng mga inorder namin na pagkain pati na din ang pagpunta ng iba pang mga bisita galing Manila." utos ni Kenenth dito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka. Hindi ko kasi talaga gets ang ibig niyang sabihin.
"Anong gagawin nila? Bukod sa pamamanikan may iba pa ba kayong pakay sa lugar namin?" nagtataka kong tanong kay Kenneth.
"Meron...mamamanhikan ako ngayun tapos bukas na bukas din gusto kong ikasal na tayo. Wala nang dahilan pa para patagalin natin ito. Unang kasal natin ito tapos pagbalik natin ng Manila, pakasal ulit tayo! Gusto kong ipaalam sa lahat na asawa na kita para wala nang sino man ang mangahas na agawin ka sa akin!" nakangiti niyang bigkas. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya.
Ang alam ko ang kasal ay medyo matagal na preperasyon. Sabagay, sa angkan nila Kenneth walang imposible. Lahat ng imposible kaya nilang gawing posible. Bahala na siya! Basta ako, susunod lang sa agos. Kontento na ako basta palagi ko lang siyang kasama.
Chapter 554
ELLA POV
"Anong sabi mo? Nagsinungaling si Vina sa akin?" kaagad na tanong ko kay Kenneth pagkapasok namin dito sa bahay. Nandito kami sa kusina at sabay na pinagsaluhan ang request kong tinolang manok kanina. Mabuti na lang at nakisama ang baby sa sinapupunan ko at tinagap lahat ng pagkain na isinubo ko ngayung tanghali kung hindi masisira ang plano kong isurpresa si Kenneth tungkol sa pagdadalang tao ko.
"Yup! Dont worry, kinumpronta ko na siya at matatakot na ang babaeng iyun na ulitin lahat ng mga kasalanan na nagawa niya." nakangiting sagot niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng sobrang inis kay Vina. Imagine...talagang gagawin pala talaga lahat ng babaeng iyun para magkasira kaming dalawa ni Kenneth. Sorry na lang siya...ako at ako pa rin pala ang pipiliin ni Kenneth bandang huli.
Muli akong napasulyap kina Nanay at Mommy Arabella. Malakas na nagkatawanan ang dalawa na para bang may nakakatuwang pinag-uusapan. Kung titingnan parang matagal na silang magkakilala. Siguro dahil hindi mahirap pakisamahan si Mommy Arabella kaya mabilis niyang nakuha ang loob ng mahiyain kong Ina.
Si TAtay at Daddy Kurt naman ay napansin kong lumabas kanina. Siguro tutulong sa kung anong gagawin sa labas.
Napansin ko din ang mga construction worker sa bagong ipinapatayong bahay na nasa labas na din. Iniwanan nila ang kanilang mga trabaho at tumulong sa mga gawain sa labas na labis kong ipinagtaka. Pati nga si Engineer Jude nasa labas na din eh. Biglang dami ng tao at lahat sila abala sa mga kanya-kanyang mga gawain..
Nagtatayo din sila ng mga pansamatalang silungan. Malalaking tent sa palibot ng bahay. Mukhang may malaking handaan ang magaganap. Paroon at parito din ang mga sasakyan. Sabagay, kahit siguro gaano kalubak ang mga dadaanan ng mga sasakyan na iyan kaya naman siguro. Ang laki ng mga gulong eh.
"Talaga? Buntis na? Magkakaapo na tayo sa kanilang dalawa?" narinig kong malakas na namang bigkas ni Mommy Arabella. Magkalapit lang ang sala at
kusina namin kaya naririnig talaga naming dalawa ni Kenneth ang pinag- uusapan ng dalawa. Napansin ko tuloy na napatingin din si Kenneth sa gawi nila Nanay habang punong-puno ng pagtataka ang nababasa sa kanyang mukha.
"Oo nga.... Alam mo ba Mare....nahuli ko iyang---
"Nay!" hindi na natuloy pa ni Nanay ang sasabihin niya nang tawagin ko siya. Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata nito na napatingin din sa gawi namin ni Kenneth.
"Ako ang magsasabi!" reklamo ko sabay tayo at hinila ang nagtatakang si Kenneth palabas ng kusina. Diretso kami sa kwarto habang nakasunod lang ang tingin nila Mommy Arabella at Nanay sa amin. Bago ko naisara ang pintuan narinig ko pa ang last na sinabi niya kay Mommy Arabella.
"Buntis nga! Magkakaapo na tayo! Nagsuka kanina kaya nga
nangangalumata iyang anak ko eh. Malapit na tayong magkaka-apo sa kanila!" bigkas ni Nanay kaya dali-dali ko nang isinara ang pintuan ng kwarto.Ang daldal talaga ni Nanay kapag nakapalagayan niya na ng loob ang taong kaharap niya.
"Anong sabi ni Nanay? Buntis? Buntis ka? Totoo bang magiging Daddy na ako?" excited na bigkas ni kenneth. Narinig niya pala kaya wala ng lusot. Naglakad ako patungo sa bag at inilabas ng pregnancy test na ginamit ko kanina. Inilagay ko sa kanyang palad kaya pinakatitigan niya iyun. Ilang saglit lang, maluha-luha na siyang tumitig sa akin habang may ngiting nakaguhit sa labi niya.
"Totoo nga? Buntis ka? Magiging Daddy na ako? Sa wakas, magiging Daddy na ako! " malakas na bigkas niya. Maluha-luha naman akong tumango.
"Kaya pala napaka-sensitive ko nitong mga nakaraang araw dahil buntis pala ako. Kaya pala nanghihina at nagduduwal ako dahil diyan.'" nakangiti kong bigkas.
"God...hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun. Thank you sweetheart! Thank you so much!" bigkas niya
Ramdam ko ang sensiridad sa boses niya kaya walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko. Muli kong naramdaman ang mahigpit niyang pagyakap sa akin kasabay ng muling pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Naramdaman ko na lang na pareho na kaming mapu?ok sa isat-isa. Nag uumpisa nang maglakbay ang palad niya sa buo kong katawan kaya kahit nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa niya sa akin mabilis akong lumayo sa kanya at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Sobrang lakas kasi ng kabog ng puso ko dahil sa kakaibang init na nararamdaman ng buo kong pagkatao.
"Saglit lang. Tanghaling tapat tapos bukas ang bintana. Baka may sumilip!" bigkas ko. Kaagad naman napatingin si Kenneth sa bintana ng kwarto at mabilis na naglakad patungo doon. Sumilip pa siya sa labas bago mabilis na isinara. Isinunod niya ang pintuan ng kwarto. Inilock niya iyun bago dali-daling naglakad pabalik sa akin.
"Ayos na ba? pwede na?" nakangiti niyang bigkas. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa. Sasagot pa sana ako pero mabilis niya na akong sinungaban ng halik. Naglaban ang aming mga dila bago niya pakawalan ang bibig ko saplot ko naman sa katawan ang pinagbalingan niya..
"Hahabulin natin! Baka sakaling makabuo ng kambal!" bigkas niya sabay subo sa isa sa mga pasas na pink ko. Pigil ko tuloy ang sarili ko na mapaungol. Natatakot ako na baka marinig kami ng mga tao sa labas na may ginagawa kaming kababalaghan ni Kenneth dito sa kwarto. Tanghaling tapat!
"Ken, teka lang. Saglit! Maingay itong papag. Baka-baka---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang mapansin kong kaagad niyang tinangal ang banig sa papag at inilatag sa sahig. Ipinangsapin niya din ang nahawakan niyang kumot bago niya ako pinahiga.
Oh diba..walang makakapigil sa taong gustong maka-score katanghaliang tapat!
Chapter 555
ELLA POV
Mainit na nga dahil katanghaliang tapat, lalo pang pinainit ni Kenneth ang buong sandali. Parehong naliligo kami sa pawis pagkatapos naming maiparamdam kung gaano kami kasabik sa isat-isat.
Mabuti na lang at maginoo itong asawa ko dahil siya pa talaga ang nagpunas ng pawis sa buo kong katawan bago niya ako binihisan ng panibagong damit. Gustuhin man namin mag shower pareho para ma- priskuhan, nasa labas naman ang banyo. Wala din shower kaya ang ending
pagkatapos namin magbihis, muli niyang binuksan ang bintana at sabay kaming nakatulog. Hindi na namin pareho pang ininda kung gaano kaingay ang paligid.
Gabi na nang magising kami pareho. Hindi ko pa napigilan ang sarili ko na tawanan siya dahil nirereklamo niya na masakit daw ang kanyang likod. Paanong hindi sasakit, hindi siya sanay mahiga sa matigas ng papag.
"Sanayan lang iyan!" nakangiting bigkas ko pa sa kanya. Napansin kong sinipat niya ako ng tingin sabay iling.
"Masakit naman talaga eh. Iyung performance ko kanina, kulang pa nga eh.. ang sakit na kasi ng tuhod ko dahil sa mainit na bagay." bigkas niya sabay turo sa namumula niyang tuhod. Muli akong natawa. Kung hindi niya sana pinairal ang init ng kanyang katawan hindi sana siya magrereklamo ng kahit na ano sa akin maliban sa pananakit ng likod niya.
"Nagugutom na ako!" bigkas ko sa kanya. Kaagad niya naman akong inalalayan na makatayo at sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto. Naabutan pa namin sila Nanay at Mommy Arabella na nasa salas pa rin. Mukhang simula kanina hindi pa natapos ang pag- uusap nila.
"Oh, mabuti naman at gising na kayo. Pwede na siguro umapisahan ang discohan noh Mare?" bigkas ni Mommy Arabella. Kaagad naman napakunot ang
noo ni Kenneth.
Nagulat naman ako! Aba't Mare na pala ang tawagan ng dalawa? Bilib na talaga ako kay Mommy Arabella, napaka-down to earth niya talaga.
"Hinintay niyong magising kami para sa discohan na iyan?" nagtatakang tanong ni Kenneth.
"Oo. Ayaw namin maistorbo ang pamamahinga niyo kaya hindi mo na nagpapatugtog. Tradition daw iyan dito sa probensya nila na kapag may ikinasal, dapat may sayawan. Parang disco kung sa Manila." sagot ni Mommy Arabella. Kuha ko na ang ibig niyang sabihin pero itong si Kenneth ay mukhang hindi pa. Sabagay, wala siyang alam sa mga tradisyon sa probensya dahil sa Maynila siya lumaki. Baka puro bars at diso ang napuuptahan niya. Dito sa probensya namin, kapag may fiesta, kasal at special na okayson lang nagkakaroon ng disco.
"Dumating pala kanina ang mga binata mong pinsan. Nasa tent sila at nagpapahinga. Gisingin niyo na para ma- exprience din nila ang buhay dito sa probensya." muling wika ni Mommy Arabella. Kaagad naman kaming tumalima ni Kenneth.
Pagkalabas namin ng bahay, nagulat pa ako sa ayos ng paligid. Ibang-iba at halatang may pinaghahandaan na malaking okasyon. Mukhang kumuha pa sila ng banda dahil sa discohan na tinutukoy nila.
"Ang tent na tinutukoy ni Mommy Arabella ay tent na mas maganda pa yata ang pagkakagawa kumpara sa bahay namin. Malamig din at may malambot na higaan. Bilib din talaga ako. Wala talagang imposible sa taong mapera. Lahat nagagawa sa isang iglap lang.
"Mag-uumpisa na daw ang discohan." kaagad na salubong ni Kenneth sa tatlong binata na naabutan namin. Si Elijah, Christopher at Charles. Sabay pang nangunot ang noo ng tatlo. Takang-taka sa salitang binanggit ni Kenneth.
"What is it?" tanong ni Elijah. Bigla tuloy akong napaisip kung nasabi na ba sa kanya ni Kenenth ang tungkol kay Ethel. Para kasing hindi pa eh. Naging busy nga itong si Kenneth nitong mga nakaraang buwan at nag-aalala ako na baka nawala sa isipan niya ang tungkol kay Ethel.
"Dicohan. Meaning...sayawan?" si Charles na ang nagalita. Feeling ko lang na si Charles. Nakasama ko si Christopher noong bago ako naglayas at bago ang haircut niya eh. Tama, sa haricut na lang ako mag-base sa dalawang ito para malaman kung ano ang pinagkaiba nilang dalawa.
"With liquor ang girls?" tanong naman ni Christopher. Mukhang mas interesado siya sa liquor at girls kaya biglang nabuhay ang dugo. Mabils na binulsa ang cellphone at inayos ang buhok. Napapailing na lang ang si Kenneth at Elijah na pinagmasadan ito.
"Yes girls! Probensyana Girls at ingat ka sa mga babaeng ganyan. Baka bigla ka na lang habulin ng mga tatay nila ng itak kapag may ginawa kang kabulastugan." sabat naman ni Elijah.
"Grabe siya..mababait ang mga tao dito sa amnin noh! Ganoon din ang mga girls. Mag ingat lang baka mapikot kayo!"
natatawa ko namang sagot. Hinawakan ko si Kenneth sa kamay at niyaya ng lumabas. Nagugutom na kasi ako eh.
Pagkapos namin kumain nag-umpisa na nga ang dicohan. Hudyat na din para umpisahan na ang party. Bukas kaagad ang kasal namin ni Kenenth at bukas daw darating ang ibang miyembro Villarama clan. Nagpasabi na hindi darating sila Grandma Carissa at Grandpa Gabriel dahil na din sa kanilang edad. Pero nagpaabot naman ng masayang pagbati kaya masaya na din kaming dalawa ni Kenenth.
Overwhelming pa rin ang tuwa na nararamdaman ko dahil gumawa talaga sila ng effort para maging posible ang pagtitipon na ito.
Dumating na din ang mga kapatid kong may asawa na at tumulong na din sa pag- iistima ng mga bisita. Masaya na kaming dalawa ni Kenneth na nanonood sa mga bisita na nag-uumpisa nang umindak sa tugtugin. Pinagbawalan akong makihalubilo sa kanila dahil nga sa kalagayan kong buntis ako kaya tamang panood lang kami ni kenneth ngayun. Siga sa dancefloor ang tatlong makikisig na binata. Mabuti na lang at game na game sila sa mga ganitong klaseng okasyon.
Nang mapagod sa kakapanood pumasok kaming dalawa ni kenenth sa isa sa mga tent at nagbalak nang matulog. Masyadong mahaba pa ang araw sa amin bukas kaya kahit maingay ang paligid, kailangan naming magpahinga.
Chapter 556
ELLA POV
Hindi man kami masyadong nakatulog ni Kenneth dahil sa sobrang ingay sa paligid, wala kaming choice kundi ang bumangon. Malambot na ang hinihigaan namin dito sa tent kaya hindi na nagreklamo pa si Kenneth na sumasakit ang likod niya. Pagkalabas namin ng tent, siyang papasok naman ang mga bagong dating galing Manila.
Pamilyang galing sa Villarama clan na gustong saksihan ang pag-iisang dibdib naming dalawa ni Kenneth. Dumating sila Tita Miracle at ang asawa niya...si Tito Christian at ang asawa niya din na si Carmela at lalong lalo na si Uncle Rafael at Veronica.
Talagang kahit gaano kalayo ang probensyang ito, gumawa talaga sila ng effort para lang makarating. Kasama na nila ang pari na magkakasal sa amin ni Kenneth kaya pagkatapos ng maiksing kumustahan at batian, pareho kaming naligo ni Kenneth para makapgbihis na daw ng damit pangkasal.
Ang dating amo ko na si Mam Jeann na mismo ang nag-ayos sa akin at tumulong para maisuot sa akin ang aking traje de boda. Kahit na biglaan ang kasalan na ito nakabili pa talaga sila ng traje para sa akin na sakto sa sukat ng aking katawan.
Parang kay bilis ng pangyayari. Namalayan ko na lang na nasa harap na kami ng pari at nagpapalitan ng ng I do's. Para akong wala sa sarili ko buong seremonya ng kasal. Para akong isang dahon na sumusunod lang sa agos ng tubig sa lawa. Namalayan ko na lang tapos na ang kasal at idiniklara na ng pari ang pagiging legal na naming mag-asawa ni Kenneth sa harap ng Diyos, ng tao at sa batas ng bansa.
Walang pagsidlan ang tuwa na naramramdaman ng puso ko. Sa harap ng mga kababaryo ko, sabay-sabay nilang nasaksihan ang pag-iisang dibdib naming dalawa ni Kenneth. Ang lalaking ni sa hinagap, hindi ko akalain na darating sa buhay ko!
Sa sobrang layo ng agwat ng buhay namin sa isat-isa, gumawa pa rin ang kapalaran para magkatagpo kami. Nabuo ang isang pag-iibigan sa hindi sinasadyang pagkakataon at heto kami. Bubuo na ng sarili naming pamilya.
Totoo pala talaga na walang pinipiling antas ng buhay ang pag-ibig. Kusa na lang itong dumating sa buhay mo ng hindi mo namamalayan. Sobrang swerte ko na din dahil kahit na sumuko ako at umalis sa bahay nila na walang pasabi, sinundan naman ko ng lalaking mahal ko.
Tradisyonal na kasal sa probensya ang nangyari kaya masaya. Bago natapos ang party, nagpamudmod pa ng mga regalo at pera sa kababayan ko ang pamilya Villarama. Tanda umano ng pasasalamat dahil sa kanilang mainit na pagtangap at pagtulong para mairoas ng maayos ang kasal.
Lahat ng mga kababayan ko umuwi ng masaya at may ngiti sa labi. Bukambibig nila na napaka-swerte ko daw sa lalaking napangasawa ko.. Gwapo na mayaman pa! At hindi lang iyan, mukhang mabait daw ang buong pamilya at hindi mata-pobre.
Pagkatapos mismo ng celebrasyon, kaagad na din naman nagsialisan ang mga bisitang galing Manila. Talagang sumaglit lang sila dahil nga sa kasal namin ni Kenneth. Nahihiya nga ako dahil wala man lang kaming mai-offer sa kanila. Wala kaming malaking bahay para mai- accommodate sila kahit ilang araw lang.
Chopper ang kanilang sinakyan papunta at paalis kaya bago dumilim halos nakauwi na din ang mga bisitang taga- Manila. Kahit sila Mommy Arabella at Daddy Kurt, sumabay na din. Biglaan kasi talaga ang kasalan na ito kaya naisingit lang talaga sa mga schedules nila.
Nandito pa kayo?" gulat na tanong ni Kenenth sa tatlo niyang pinsan na mga binata.
Si Elijah, Charles, Christopher na pwang prenteng nakakhiga dito sa loob ng tent. Halatang wala silang balak na umuwi dahil na din sa mga ayos nila.
"Balak namin mag stay ng mga ilang araw dito. Kanina, noong naglibot kami, may napansin kaming binibentang lupain. Mura lang..maganda siguro magpatayo ng rest house at golf course!" si Elijah na ang sumagot. Para namang biglang nakuha nila ang attention ni Kenneth kaya napaupo na din ito paharap sa mga pinsan.
"Saan banda? Ilang hectares?" interesado niyang sagot. May mga dugong negosyante nga talaga! Kapag investments ang pag-uusapan, buhay na buhay ang dugo.
"Diyan lang. Bukas, puntahan natin. Mga ganitong lugar, mura lang ang bintaan ng mga lupain. Tamang-tama, halos lahat ng mga tao dito walang trabaho kaya pwede natin silang kunin bilang worker ng lupa na mabili natin. What do you think guys?" si Elijah naman ang sumagot. Baka sa boses nito ang excitement.
"Hindi kaya tayo lugi nito? Sino ang mago-golf sa ganitong kalayong lugar? Baka tulog ang pera natin nito." si Charles ang sumagot.
"Hindi iyan. Ako ang bahala!" sabat naman ni Kenneth. Hindi ko na sila pinakialaman pa kung ano ang mga pinag -uusapan nila. Hindi ko din naman gets eh. Wala akong alam pagdating sa negosyo.
Pagkatapos makipag-usap ni Kenneth sa kanyang mga pinsan, kumain lang kami ng dinner tapos inukupa ulit namin ang isa sa mga tent. Mas mabuti dito dahil presko. Safe din naman tulugan dahil nag -iwan ng ilang mga bantay sila Mommy Arabella.
PInaninidigan ni Kenneth ang unang gabi ng honeymoon namin. Walang kapaguran na ipinadama namin ang pagmamahal sa isat-isa. Pagkatapos ng mainit na sandali, pareho kaming nakatulog na may ngiti sa labi.
Kinaumagahan, nagising na lang kami sa tilaok ng mga manok. Sabay kaming lumabas ng tent at naabutan namin sila Nanay at mga kapatid ko na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Mukhang tulog pa ang mga binatang pinsan ni Kenneth dahil tahimik pa sila sa kanilang tent. Hindi na namin pinansin, bagkos nauna na kaming kumain.
Pagkatapos kumain ng agahan, nagtaka pa kaming lahat ng nagyaya si Kenneth sa bagong pinapatayong bahay.
"Anak, ano ang ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ni Nanay. Kaunting- kaunti na lang at matatapos na ang bahay. Kahit ako nagtataka din kung bakit niyaya kami ni Kenneth dito.
"Dahil sa inyo po ito! Pasensya na po at hindi siya natapos bago ko pinakasalan ang anak niyo but we will make sure na matatapos ang bahay na iyan after a month para makalipat na din kayo!"
bigkas ni Kenneth na labis kong ikinagulat. Tinawag niya pa si Engineer Jude at kaagad na iniabot kay Kenneth ang hawak niyang folder.
"Nay, Tay, ito ang titulo ng lupa at iba pang mga legalities na ang bahay na iyan ay regalo namin sa inyo!" nakangiting bigkas ni Kenneth. Hindi naman ako makapaniwala na napatitig sa hawak niya? Gaano niya ba ako kamahal at bakit pati mga magulang ko binigyan niya ng ganito kalaking regalo?
Chapter 557
ELLA POV
Hindi ako makapaniwala habang titig na titig ako sa dokumentong hawak ni Kenneth. Hindi ko akalain na noon pa man, nagplano na pala siyang gawin ito. Na isurpresa ako at ang buo kong pamilya dahil sa malaki niyang regalo na hatid sa aming lahat.
"Naku, nag-abala ka pa! Nakakahiya! Sapat na sa amin na minahal at inalagaan mo ang anak namin. Masaya na kaming nakikita na masaya si Ella." nahihiyang sagot ni Nanay. Nanginiglid na ang luha sa kanyang mga mata at halata sa mukha nito na hindi siya makapaniwala sa magandang regalo na ibinigay ni Kenneth.
"Masaya po akong bigyan kayo ng isang napakagandang regalo Tay, Nay! Pamilya ko na kayo at gusto kong maibigay sa inyo ang maayos na buhay na pangarap ni Ella para sa inyo!" nakangiting sagot ni Kenneth. Hinawakan niya ang kamay ni Tatay na kanina pa hindi umiimik at ipinatong doon ang envelop na naglalaman ng mga papeles.
"Salamat po sa mainit na pagtangap niyo sa amin sa lugar na ito. Salamat po dahil pumayag kayong pakasalan ko ang anak niyo kahit sa mabilisang paraan."
nakangiting wika ni Kenneth kay Tatay! Nagulat na lang kami dahil sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata nito bago niya mahigpit na niyakap si Kenneth! Nagulat kaming lahat! Hindi namin akalain na ang aming padre de pamilya ay nagiging emosyonal ngayun.
"Salamat Iho! Diyos ko! Kahit siguro magpawis ako ng dugo at mapudpod ang mga kuko ko sa kakatrabaho sa bukid, hindi ko siguro kayang ibigay sa pamilya ko ang bahay na iyan. Salamat! Wala akong ibang hangad sa inyong dalawa ni Ella kundi ang magiging masaya ang pagsasama ninyong dalawa at itong regalo na ibinigay mo sa amin...aasahan mong iingatan namin ito. Salamat Kenneth!" bigkas ni Tatay.
Hindi ko na tuloy napaigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Bumitaw si Tatay sa pagkakayakap kay Kenneth at ako naman ang kanyang hinarap.
"Salamat anak! Mula noon, hanggang ngayun hinding-hindi mo nakalimutan na tulungan kami. Pasensya ka na kung hindi kayang ibigay ni Tatay lahat-lahat ng pangangailangan mo ha? Ngayung nag -asawa ka na, wala kaming ibang hangad kundi ang maging masaya kayong dalawa! Pagpalain kayo ng ating Panginoon anak!" bigkas ni Tatay at mahigpit akong niyakap. Hindi ko naman napigilan pa ang tuloy-tuloy na pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Pagkatapos ng masayang pag-uusap muli kaming umuwi ng bahay. Sinalubong kami ni Thalia at sinabi nito na umalis daw ang tatlong pinsan ni Kenneth! Mahilig talaga sa adventures ang mga taong iyun kaya naman hinayaan na namin. Gusto marahil nilang tuklasin kung ano ang meron sa lugar na ito.
Isa pa sumama naman daw ang dalawa sa mga bodyguards na iniwan ng Villarama clan para bantayan sila. Tiwala naman kami na hindi sila magpapaabot ng dilim sa labas. Isa pa, hindi sila nagdala ng sasakyan kaya alam namin na hindi din naman sila lalayo. Maliban sa pagiging tsismosa ng mga kababaryo namin, mababait naman sila pagdating sa mga dayo.
Gusto marahil nilang sulitin ang mga oras na nandito kami sa probensya dahil bukas na bukas din babalik na kami ng Manila. Hindi kami pwedeng magtagal lalo na at kailangan ko nang magpacheck up sa isang ob gyne dahil sa pagbubuntis ko.
Pagkatapos kumain ng lunch niyaya ko si Kenneth sa isang lugar na gusto kong puntahan at bisitahin. Sa may Falls, kung saan kami palaging nagtatampisaw ng mga kapatid ko noon. Sa ilalim nito ay may malinis na tubig kaya kaagad kaming nagtampisaw ni Kenneth pagkadating pa lang namin. Sakto din dahil walang ibang taong naliligo kundi kami lang.
"Ken, hindi ka ba nag-aalala kina Charles, Christopher at Elijah? Hindi nila kabisado ang lugar at baka kung saan na nakarating ang mga iyun!" tanong ko habang magkayakap kaming nakalublob sa malamig na tubig.
"Hayaan mo sila. Malaki na sila kaya naman alam na nila kung paano alagaan ang mga sarili nila." nakangiting sagot niya sa akin.
"Nasabi mo na ba kay Elijah ang tungkol kay Ethel? Ilang buwan na din ang lumipas at alam natin pareho na matagal nang hinahanap ni Elijah si Ethel. Sana magkita na sila lalo na at mukhang may anak silang dalawa." bigkas ko. Naawa lang kasi ako sa batang si Ezekiel. Noong last namin nakita ang bata may napansin akong pasa sa mukha nito.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya! Naguguluhan ako tungkol sa bagay na iyan." seryosong sagot niya sa akin. Nagtataka akong napatitig sa kanya.
"Hangat maari, ayaw ko na sanang dagdagan pa ang bigat na nararamdaman ng pinsan ko. Alam kong matagal siyang
umasa na mahanap niya si Ethel at muli silang magkabalikan pero parang malabo na yatang mangyari iyun." pagpapatuloy niyang wika. Hindi naman ako nakaimik.
"Naalala mo ba noong nasa resort tayo? May binarayan akong tao para imbistigahan kung ano ang ginagawa ni Ethel sa nakalipas na taon at nalaman ko na nagpakasal na siya. Nag-asawa na siya! "wika niya na labis kong ikinagulat. Kung nag-asawa na si Ethel....sobrang sakit nito sa panig ni Elijah. Paano na lang si Ezekiel. Kahit na sino siguro ang makakita sa batang iyun maraming magsasabi na anak siya ni Elijah. Kamukhang-kamukha eh.
"Sino ang naging asawa niya? Si Elias ba? Hindi ba't siya lang ang nakakaalam kung nasaan si Ethel nitong mga nakalipas na taon?" naguguluhan kong tanong. Kung si Elias ang pinakasalan ni Ethel, malaking gulo ito sa pagitan ng dalawang kambal.
"Nope! Hind si Elias. May malalim na dahilan kung bakit may communication si Elias at Ethel!"bigkas niya na lalong nagpagulo sa sistema ko. Pakiramdam ko biglang sumakit ang ulo ko dahil sa narinig ko mula kay Kenneth. Kung hindi si Elias...may iba pang lalaking involved?
"Kaya ayaw kong magkwento dahil alam kong pati ikaw mai-stress eh." natatawa niyang wika habang nagpapalinga-linga sa paligid.
"Kaya nga....parang bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa kwento mong iyan. Buti pa hindi na lang ako nagtanong eh."
natatawa kong sagot. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yapusin at halikan sa punong tainga.
"Tama! Huwag na nating pag-usapan ang problema nang ibang tao. Nasa honeymoon period pa tayo para problemahin ang problema ng iba. I think pwede natin ituloy ang honeymoon dito. Wala naman sigurong makakita diba?" bigkas niya at lalo iyang idiniin niya ang sarili niya sa akin. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang matigas na bagay na sumasayad sa may tiyan ko.
"Ken...baka may nanood sa atin.....baka-- - "hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng kaagad niyang sakupin ang labi ko. Binigyan niya ako ng makapugtong hininga na halik sa labi kasabay ng paghila niya sa medyo masukal na bahagi ng falls. Ayaw talaga papigil kaya wala akong choice kundi pagbigyan. Tiwala naman ako na walang ibang makakakita sa amin dahil tanghali na at kapag mga ganitong oras, nagpapahinga na ang mga tao pagkagaling ng trabaho mula sa bukid.