Bulong ng Puso
Synopsis
Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso.
Chapter One
Mahinang tapik sa kanyang balikat ang gumising kay Louise. Nakangiting mukha ng flight stewardess ang kanyang namulatan. "Please fasten your seatbelt, we'll be touching down in Manila shortly".
Umayos ng pagkakaupo si Louise at ikinabit ang seatbelt sa kanyang bewang. She opened the window to look outside and gave out a sigh. 6 years. It's been 6 years since she decided to leave the Philippines. Kung hindi lamang dahil sa ama ay hindi niya maiisip na bumalik ng Pilipinas lalo na ng Santa Martha.
2 araw na ang nakalilipas ng matanggap niya ang tawag ng kanyang yaya Adela. Her dad had suffered a heart attack at kritikal ang kalagayan nito. She shivered a bit just thinking about that night. For the first time in her life, she was so scared that she was mentally blocked. For a few minutes she couldn't even respond sa kausap sa telepono.
"hello? hija, nandiyan ka pa ba? hello?" humihikbi pa din ang yaya Adela niya sa kabilang linya.
Ang yaya Adela niya ang mayordoma sa mansyon at para na rin niyang pangalawang ina. Her mom, Eloisa, passed away when Louise was only 5 years old. Plane crash. Her mother was a doctor and she was attending a conference in Japan. Hindi na ito nakabalik pa ng buhay sa kanila nang mag crash ang eroplanong sinasakyan nito pabalik ng Pilipinas. She couldn't really remember a lot of things about her mom, all she ever had growing up were pictures of them together.
Mas natatandaan niya how devastated her dad was. For a few months, halos hindi man lamang niya ito malapitan. When he finally passed the mourning stage, ibinuhos naman nito ang buong atensyon sa mga negosyo nila, perhaps to distract himself. While she was growing up, she remembered that it was her yaya Adela who has always been there for her, hindi na ito nakapag asawa at sa halip ay iniukol na ang buhay sa kanilang mag-ama. Hindi naman niya masasabing naging
masamang ama si Enrique sa kaniya, hindi naman siya nito pinabayaan. Lahat ng kanyang pangangailangan o gusto ay ibinigay lahat nito. Oras nga lamang siguro ang naging pagkukulang nito sa kanya. Despite her father's shortcomings, mahal niya ito, afterall, ito na lamang ang nag-iisang kadugo
niya. She couldn't bear the thought of losing another parent.
"ye..yes yaya... I'm here" pinahid niya ang mga luha. "magpapa book po ako ng flight right away yaya. I will be home the soonest I can."
Ibinaba niya ang receiver ng telepono at umiyak. She feels guilty. For the last year or so ay hindi sila nagkita ng ama. Enrique always makes it a point na puntahan siya nito sa San Francisco at least twice a year, dahil na rin sa palagian niyang pagtangging umuwi. Last year ay nakiusap ang amang siya naman ang umuwi, wala daw sa kundisyon ang katawan nitong magbyahe lalo pa at nagkakaedad na ito.
Kahit ano pang pakiusap ng ama ay nanatiling
matigas si Louise sa desisyong huwag nang bumalik sa Santa Martha. Alam ng ama ang dahilan kung bakit hindi niya gustong bumalik ng bayan nila pero ganoon pa man ay umaasa itong naghilom na sa anim na taon ang anumang sugat na mayroon siya.
Kinabukasan ay walang inaksayang oras si Louise at inasikaso ang lahat ng mga bagay na maiiwan niya sa San Francisco. She asked her good friend and colleague Rhea, na siya na munang tumingin tingin sa kanyang apartment habang wala siya. She filed for an indefinite leave of absence sa pinapasukang publishing house. She actually wanted to resign pero mahigpit itong tinanggihan ni Lloyd. Lloyd is the CEO and owner of the small publishing house she's been working for since she moved to LA 6 years ago.
She considers herself really lucky dahil kahit fresh from college at walang experience ay binigyan siya ni Lloyd ng opportunity. She started off as a copy writer and after 2 years, Lloyd decided to give her a try and write on her own little column on the SF Herald. Mainit ang naging pagtanggap ng mga mambabasa sa kanyang column which was about fashion and lifestyle, kaya naman napagpasiyahan ng management na gawing regular ang column niya. Although she respects Lloyd, alam din niyang matagal na itong may gusto sa kanya.
Hindi iilang beses siyang sinubukang yayain nito na lumabas. Rhea thinks she is crazy for always turning him down. Kahit daw sinong babae sa kanilang opisina ay tiyak
na hindi palalagpasin ang pagkakataon, well maliban nga sa kanya. Tanging ngiti na lamang ang naisasagot niya sa kaibigan kapag tungkol na sa dating ang usapan. Baliw nga siguro siya for turning Lloyd down. Mabait, gwapo, mayaman. Ano pa nga ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?
A memory suddenly flashed in her mind. Those piercing set of eyes, passionately staring at her. Ipinilig niya ang ulo. stop it! saway niya sa sarili.
*******
6 years ago...
"Louise!!!" patakbo siyang sinalubong ng kaibigang si Cindy. Iniangkla nito ang braso sa kanya, kaylapad ng ngiti nito na animo ba'y nanalo sa lotto.
"Ano bang meron at ganyang ang aura mo ngayon" tanong niya rito, kipkip niya ang mga libro sa dibdib.
"nakita ko na kanina yung guwapong bagong transfer sa Engineering department na pinag uusapan ng lahat" kilig na kilig na balita nito sa kanya.
She rolled her eyes "akala ko naman kung ano na at para kang bulateng nakuryente diyan!"
"Ang KJ mo talaga!" padabog na inalis nito ang pagkakaangkla ng kamay sa kanya "paano ka magkaka boyfriend niyan? 4th year na tayo hanggang ngayon NBSB ka pa din" inirapan siya nito
"anong NBSB?"
"hay naku! eh di no boyfriend since birth!" muli nitong ikinawit ang braso sa kanya at excited na bumulong sa kanya "ayun oh! ayun" sabay nguso nito sa lalaking nakatayo hindi kalayuan, kausap nito ang isa sa mga kaklase nilang babae, si Marcie.
Sinipat niya ang lalaking itinuro ng kaibigan. He's sporting faded blue jeans na medyo may punit sa mga hita, plain white shirt and...leather black boots?Who the hell wears boots anyway? Sino to? Si Antonio Banderas? Gusto niyang matawa sa naisip nang hindi sinasadyang napatingin sa gawi nila ang
lalaki. This will sound totally overacting pero totoo pala yung sa mga pelikula yung parang nag slow motion ang paligid. Napahinto siya sa paglakad at nanatili lamang nakatayo at nakatingin dito. There's something about him. She can't exactly explain but she felt mesmerized. She can't help but examine
his features more.
Humigit kumulang ay isang dipa lamang ang layo nito sa kanya. Mahaba ang buhok nito na sa tantiya niya ay jaw length. He tied it back in a pony tail. Louise hates guys with long hair, but somehow this guy actually pulled off the look effortlessly. He is rugged and very manly in every way - moreno, matangkad na sa tingin nya ay nasa humigit kumulang 6 na talampakan, bakat sa suot nitong t-shirt ang malapad na dibdib at
matitipunong braso.
Matamis sya nitong nginitian ng mapansing nakatingin sya dito. Embarassed to death, she looked away, sigurado niyang mapula pa
sa kamatis ang mukha niya.
"see! I told you" kinikilig na bulong ni Cindy.
"halika na" halos kaladkarin niya ang kaibigan, mabilis ang lakad and with her head still down, she walked past the man.
"Hi Louise" napatigil at bigla ang paglingon niya sa likod pagkarinig sa baritonong tinig na iyon. Sa biglang lingon ay halos nabangga siya sa dibdib ng lalaki na naroroon na pala sa likod niya.
"oopps" mabilis ang pag alalay ng mga kamay nito sa kanyang braso. Just by that mere touch, for the very first time in her 16 years of existence, pakiramdam ni Louise ay may kuryenteng naglandas sa kanyang mga braso. Tinabig niya ang kamay nito "h..how di..did you know my...my name?"
damnit Louise! why did you have to stammer and look like an idiot even more? she cursed herself silently.
She looked up to his face only to see his charming smile, she gasped. gosh! this man is truly devilishly handsome! no wonder almost everyone in high school department and even college department are already talking about him kahit pa isang linggo pa lamang itong naka transfer sa Saint Martha University.
"Sino ba naman ang hindi may kilala sa isang Louise Saavedra?" nakangising sagot nito.
She opened her mouth only to close it again dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. It's true. Who doesn't know her in this school? Everyone knows who she is, even the whole town of Santa Martha knows her and her clan. Siya ang unica hija ng pinaka maipluwensyang tao sa bayan na iyon.
Her family owns at least 40% of the entire town's businesses, from the rural bank to cafes. Most importantly, the Saavedras own the biggest hacienda in the region. Hacienda Saavedra is the largest producer of sugar cane in the country and provides most of the jobs for the people in their town. Even their school's largest shares are owned by their family. So right, who will not know her?
"I'm Gael... Gael Aragon. It's nice to meet you" inilahad nito ang kamay sa kanya.
Gustong sipain ni Louise ang sarili dahil tila siya tangang nakitingin lamang sa kamay nito.
Isang kurot sa tagiliran ang nagpabalik sa huwisyo niya "Girl, nakikipagkamay yung tao" disimuladong bulong ni Cindy, habang nakangiti.
"Nice to meet you Gael, ako nga pala si Cindy" iniabot ng kaibigan ang kamay
to save her from embarassment. "Pasensiya ka na, masama kasi pakiramdam nitong kaibigan ko eh" palusot nito.
"ayos ka lang ba?" tanong ni Gael sa kanya.
"ah..o - oo" alanganing tango niya "s..sorry, I'm Louise. Nice to meet you" sa wakas ay nasabi niya. Tinanggap niya ang kamay nitong kanina pa nakalahad sa kanya. Sa kanyang pagkabigla, he lowered his head to kiss her hand softly, not taking his gaze off her face. Nag-init ang pisngi ni Louise at biglang binawi ang kamay.
"late na kami sa klase. bye!" and like an idiot, she turned and ran away.
Sa halip na dumeretso sa kanilang klase ay nagtungo sya sa banyo and locked herself in one of the cubicles. Sumandal sya sa pintuan, breathless, dinama niya ng mga kamay ang puso what was that?
Chapter Two
Matuling lumipas ang araw na iyon na hindi man lamang halos namalayan ni Louise. Tila
lumilipad maghapon ang isip niya sa mga pangyayari kaninang umaga. His face keeps crossing her mind. Yes, he is very attractive indeed. Strong square jaws, mga matang tila matutunaw ka kapag tinitigan ka, full sensous lips. He exudes sexiness and... danger? She somehow felt a tingle of fear sa lalaking ito.
Meanwhile, hindi matigil tigil ang kaibigang si Cindy sa katatanong sa kanya kung na love at first sight daw ba siya kay Gael. She fiercely said no! How could Cindy even think of that?
Sino ba naman hindi mag iisip ng ganon sayo eh mukha kang engot kanina! bulong ng tinig sa isip niya. Nagulat lang ako sa ginawa niya. hmp! may pagka presko! katuwiran naman ng kabilang bahagi ng isip nya.
Marahan niyang ipinilig ang ulo na tila naiingayan sa nagsasagutang tinig sa sariling utak. She gave a sigh. Napatingin sa kanya ang kaibigan na noon ay abalang nag b-browse sa facebook habang hinihintay sunduin ng nobyong si Renz. Siya naman ay hinihintay ang sundo niya. Ewan ba kasi sa Papa niya, ilang ulit na nilang pinag awayan ang kagustuhan nitong ipa sundo at ipahatid pa siya kay mang Erning, she knows how to drive already pero she's not yet in the legal age to have her full license kaya't hindi pa niya madala ang pulang top down Benz na iniregalo ng ama for her 16th birtdhay. She begged her dad to let her drive the car since meron naman siyang student license and she will only use it in town, she swore she'll be careful pero hindi niya ito mapapayag. In the end, nagbigay na rin siya sa kagustuhan ng ama dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang pakikipagtalo tutal naman, 2 taon na lang ang hihintayin niya then the car is all hers to drive.
Hindi nagtagal ay dumating na si Renz upang sunduin ang kaibigan.
"Hatid ka na kaya namin?" tanong ng kaibigan habang inabot ang pintuan ng passenger side ng sasakyan "mukhang late si mang Erning ngayon ah". "Naku huwag na, baka may dinaanan lang. For sure, maya maya andito na yun"
"sigurado ka ba? mukhang uulan oh"
Tiningala ni Louise ang kalangitan. Medyo makulimlim nga pero hindi naman siguro biglaang bubuhos ang ulan. Panigurado maya maya lang ay narito na si Mang Erning. He was always on time, minsan nga ay mas maaga pa kesa sa dapat na oras.
"okay lang ako. Sige na mauna na kayo at alam ko may date pa kayo eh"
Kilig na napatawa si Cindy. "Ewan ko kung ano daw sorpresa nitong si Renz ngayon. Ayaw sabihin kung saan eh!" lumabi ito at humalukipkip
"kaya nga surpresa" sagot naman ni Renz "hi Louise" nakangiting bati nito sa kanya. Renz is a 2nd year Business Administration student sa kabilang
unibersidad.
"O sige bes kung hindi kita mapipilit eh mauuna na kami. See you" isang kaway ang itnugon ni Louise sa kaibigan. Tinanaw niya ang papalayong kotse ng mga ito.
Kinse minutos pa ang matuling lumipas ngunit wala pa rin si Mang Erning.
Dinukot ni Louise ang telepono mula sa bulsa. Mabuti pa ay tawagan niya ang yaya Adela. She groaned in dismay ng makitang patay ang telepono, empty battery pala. She glanced at her watch, 6:45 na. Madilim dilim na rin ang pailigid at tila gusto nang bumagsak ng ulan. Well, at this rate mukhang hindi na yata darating si Mang Erning, kung bakit ito naantala ng sobra ay hindi niya alam pero sana naman ay walang masamang nangyari dito. Nagsimula siyang maglakad patungong paradahan ng tricycle, hindi naman ito kalayuan mula sa kanilang eskuwelahan.
Binilisan ni Louise ang paglakad ng maramdaman ang maliliit na patak ng ulan sa kanyang balat. Nagulat pa si siya nang biglang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan. Naka helmet ang sakay nito kaya't hindi niya agad makilala. Sinakmal ng kaba ang dibidb niya, Diyos ko kidnapper ba to? Hapon na kaya't wala na halos mga estudyanteng naglalakad sa kalyeng iyon. Nakaakma na sanang tatakbo pabalik si Louise nang magsalita ang sakay nito and for some reason, she only heard that voice once pero pakiramdam niya ay kilalang kilala niya ito.
"Louise, hatid na kita" baritono ang tinig na iyon, her heart skipped a beat hearing that voice again. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. There he was, looking like a modern day greek god. Hinubad nito ang helmet na suot, at hinagod ang buhok pasuklay sa likod.
"mag t-tricyle na lang ako" nilagpasan niya ito kahit pa matindi ang kabog ng kanyang dibdib.
Hinawakan nito ang braso niya na nagpatigil sa kanyang paglakad.
Pakiramdam niya ay nakuryente siya dahilan upang biglaan niyang binawi ang braso mula rito. He chuckled, seeming to enjoy her reaction. Tiningala nito ang kalangitan and softly smiled at her, revealing a set of perfectly white teeth.
Seriously! Is there anything not good looking about this guy?!
"Relax, hindi ako masamang tao Louise. Lumalakas na ang patak ng ulan, malamang abutan ka ng buhos bago ka pa makarating sa paradahan" he stated matter of factly.
Totoo naman ang sinabi nito, mas bumilis na nga ang pagpatak ng ulan. Hindi malaman ni Louise kung ano ang isasagot. She doesn't want to be soaking wet pagdating sa paradahan, medyo manipis pa naman ang puting blusang suot niya. Besides, karaniwan na ay naarkila na halos lahat ang mga tricyle pag ganitong masama ang panahon at nagmamadaling makauwi ang lahat ng tao sa bayan, so who knows kung mayroon ba siyang daratnan doon.
"It's okay, you can wear my helmet" itinaas nito ang itim na helmet na hawak sa kanang kamay
and charmingly smiled at her. She glanced at the watch on her wrist, almost 7:00. Siguradong nag aalala na ang ama at yaya Adela niya lalo pa at hindi makokontak ng mga ito ang kanyang telepono. Alanganin niyang inabot ang helmet mula kay Gael ang wore it.
"okay lang bang wala kang helmet?" tanong niya rito matapos makaupo sa likod ng motorsisklo
"don't worry sweetheart" nilingon siya nito "I'm a pro" and winked at her. Naipagpasalamat ni Louise na suot niya ang helmet upang hindi makita nito ang pamumula ng kanyang pisngi. He called her sweetheart. No one has ever called her that, and for goodness sake! why does it sound so perfectly good coming from him? Mahinang ipinilig ni Louise ang ulo. ano bang nangyayari sayo Louise? she remembered how one of her suitors tried calling her babe and she actually grimaced and turned him down right then and there.
Ang muling pagkabuhay ng makina ng motorsiklo ang nagpabalik ng huwisyo niya sa kasalukuyan.
"Hold on tight, sweetheart" and he softly reached out for her hands na nasa mga balikat nito and placed it around his waist. Napasinghap si Louise sa ginawa nito. She is practically hugging him! She could smell his scent, muscular with a hint of cologne.
"h-hindi ba pwedeng sa balikat na lang ako h-humawak?" she gulped.
Gael chuckled " it's safer this way, lalo na medyo bumpy ang daan patungong hacienda niyo" he glanced at her again over his shoulders "don't worry, I'm harmless. I've never done anything to a woman...unless she wants it".
Nag init ang pisngi ni Louise and again, she was thankful for the helmet na suot.
For the next 15 minutes ay nanatili si Louise na nakayapos sa baywang nito, all the while the rain was pouring down like crazy. Hindi niya mapigilan ang mapatili kapag sumusulpot ang matalim na kidlat at malakas na kulog. After a few minutes, he turned left onto an unfamiliar road. Dapat ay matakot si Louise lalo na at hindi naman niya ito talaga kilala except that he's a the hot transferee at SMU, but for some reason, hindi niya makapa ang takot sa dibdib. Makalipas ang ilan pang minuto ay nasa harap na sila ng isang lumang bahay kastila.
Ipinarada nito ang motorsiklo sa harap ng bahay "I think it's better na palipasin ang lakas ng ulan, Louise" he helped her get down the motorcycle at hinubad mula sa kanya ang helmet.
He held her hand at tinakbo maliit na distansya patungo sa bahay, walang nagawa si Louise but to run with him towards the house.
"This is where I live. Tara sa loob at makapag punas" he was still holding her hand but she refused to move. Natigilan ito at nilingon siya.
"I-ikaw lang mag isa dito sa bahay?" alanganing tanong niya habang
sinulyapan ang papasok sa kabahayan, trying to see if there's anyone else in the house.
"Nandito rin ang tiyahin ko, siguro ay hindi lamang narinig ang pagdating natin dahil sa buhos ng ulan" humarap ito sa kanya at itnukod ang dalawang kamay sa pader sa likod niya, niyuko siya nito so that their faces meet. Louise was trapped between Gael and the wall behind her.
Hindi niya malaman ang gagawin ng ilapit nito ang mukha sa kanya, she could smell his breath
fanning her face.
"I told you sweetheart... I'm harmless and I won't do anything to you...na hindi mo gusto" he was looking at her with those piercing eyes. Sa kabila ng lamig na nararamdaman ni Louise dala ng basang damit, dama niya ang pag iinit ng mga pisngi. She clutched her handbag on her chest, as if to protect her from him. He gave out a soft laugh, enjoying her reaction ngunit hindi nito inalayo ang mukha mula sa kanya at hindi rin inalis ang mga kamay na nakatukod sa pader.
Halo halo ang emosyon niya at tila lalabas na yata ang puso niya mula sa kanyang dibdib sa lakas ng kabog nito. Tila nahihipnotismo din siyang hindi maialis ang tingin mula rito.
"Andito ka na pala Gael" napapitlag si Louise sa tinig na nagmula sa kabahayan. Gael didn't seem to be concerned kahit pa naroon pa rin sila sa ganoong posisyon.
Louise finally found the courage na itulak ito palayo sa kanya. Bahagya lamang itong natinag but he gave way so she could pass through.
"G-good evening po" nauutal niyang bati sa babaeng nakatayo sa entrada ng kabahayan.
She's porbably in her 60's, balingkinitan ito at may kaputian. Despite her age, mababakas pa rin ang kagandahan nito.
"Magandang gabi naman hija" the lady greeted her back kahit na naroroon sa mga mata nito ang pagtataka. Pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Gael.
Lumapit si Gael dito at nagmano "tiyang, siya ho si Louise... Louise Saavedra" Hindi alam ni Louise kung imahinasyon lamang ba niya ang nakitang reaksyon mula sa tiyahin ni Gael. Sa tingin kase ni Louise, she became uneasy upon hearing her name.
"S-Saavedra?" ulit nito sa apelyido niya. Tingnan nito ang pamangkin and Louise almost saw disbelief in the lady's eyes.
"Tiyang, maaari niyo ho bang bigyan ng mapagpapalitang damit si Louise?" pag-iiba nito ng usapan. Mahinang tango ang itinugon ng matandang babae.
"Halika hija, sumunod ka sa akin" at nauna na ito papasok sa kabahayan. She looked at Gael
uncertainly. Isang ngiti at tango ang isinagot nito sa kanya.
Tahimik siyang sumunod sa tiyahin nito.
"Naku eh sana kasya sa iyo ito" inilapag nito sa harap niya ang isang bestidang kulay puti. Cotton iyon at may eyelet design.
"Pasensya na po kayo sa abala" tugon ni Louise " nagmagandang loob lamang po kase si Gael na ihatid ako pero bumuhos naman po ang malakas na ulan"
"Walang abala iyon hija... doon nga pala ang banyo, naglagay na rin ako doon ng bagong tuwalya para makapag patuyo ka" itinuro nito ang direksyon ng banyo. Muling nagpasalamat si Louise at tingungo na ang banyo upang makapag palit. Matapos makapag palit at patuyuin ang buhok ay itinklop niya ang basang damit na hinubad.
She looked at herself in the mirror, the dress fits her perfectly. Simple lamang iyon, may disenyong pa ribbon sa harapan, short sleeved at ang laylayan nito ay
lampas ng tuhod niya.
She combed her hair at matapos ay lumabas na ng paliguan, bitbit sa isang kamay ang damit na hinubad.
Hindi mapigilan ni Louise na igala ang mga mata sa loob ng kabahayan. Luma na ito ngunit naalagaang mabuti. Puro antigo na ata ang gamit sa kabahayan ngunit malinis lahat. Makintab ang Narrang sahig. She can't help but admire the beauty of the old house.
Napahinto si Louise nang mapatapat siya sa isang kwarto na bahagyang nakabukas ang pinto. Curiosity got the best of her and she slowly walked towards the room to gently peek. She very carefully pushed the door.
This must be Gael's room. Simple lamang iyon. Nasa isang gilid ang kama na natatakpan ng asul na kobre kama, asul din ang mga punda ng unan. She noticed there's a guitar hanging on one wall.
She knows it's not right but she can't help but step in the room. She wanted to find out more about this guy. She's being a creep now, but she can't even help it. It feels like there's a strong force pulling her in. She carefully went in the room, almost on a tiptoe. Iginala ang mga mata sa loob ng kwarto. Hindi siya nagkamali, silid nga ito ni Gael. Nasa ibabaw ng bedside table nito ang isang larawang naka frame, must be taken when he was just 16 or so. He was smiling so widely sa larawan habang naka akbay ang kamay sa isang babae, who was equally smiling so bright. It was taken under a a tree, mukhang stolen shot lang dahil wala ni isa sa dalawa ang nakatingin sa camera.
She picked up the photo to look at it more carefully. Hindi niya maipaliwanang kung bakit pero may bahagyang kirot siyang naramdaman. She must be an ex- girlfriend. They looked sweet in the photo.
"You know the saying curiosity killed the cat?"
Muntik nang mabitawan ni Louise ang larawang hawak sa gulat. Awtomatiko siyang napatingin sa direksyong pinanggalingan ng tinig, and there he was, standing by the door. Magka krus ang mga kamay nito sa dibdib, at ang likod ay nakasandal sa hamba ng pinto. Nakapag palit na rin ito ng damit. He was wearing faded blue jeans and a white V neck shirt. He was barefoot like her kaya siguro hindi niya namalayan ang pagdating nito.
Louise was embarassed, agad niyang ibinalik sa bedside table ang larawan. She panicked a little nang makitang nagsimula itong lumakad papasok ng kwarto, closing the door behind him.
Chapter Three
Louise tried to hide the slight panic she was feeling dahil patuloy ito sa paglapit sa kanya
"sorry!" naibulalas niya sa pagkapahiya. "ah ano kase.. uhmm..." c'mon Louise think of something to say! giit ng isip niya
"well?" untag ni Gael nang wala pa siyang maidugtong sa sentence niya.
"ah ano kase..nakita ko yung gitara. Tama! yung..yung gitara na yun oh" itinuro niya ang gitarang nakasabit sa dingding.
phew! buti may naisip siyang palusot because she'd rather die than tell him she was curious as hell about him.
Tumango tango si Gael but he looked unconvinced sa palusot niya. May isang dipa na lamang ang layo nito sa kanya. Pinag ekis nito ang braso sa harap ng dibdib, and looked at her from head to foot, admiration evident in his eyes.
"I never knew an old dress can look so pretty. Then again, kahit yata basahan ang isuot mo, sweetheart, you will still look lovely" he complimented
"s-salamat" she replied trying to ignore his gaze.
"sorry ulit, mauuna na ako" she tried to pass through and head for the door pero mabilis na ihinarang nito ang kanang braso sa kanyang dadaanan.
"not so fast miss curiosity" Gael said in a low voice.
Louise's heart started beating more erratic, heto at kaylapit na naman ng lalaking ito sa kanya. Gael slowly walked towards her, closing the small distance between them. Hindi malaman ni Louise ang gagawin kundi umurong upang makaiwas sa paglapit pa nito sa kanya. Sa kakaiwas ay hindi niya napansing nasa likuran na niya ang kama. Isang mahinang tili ang kumawala mula sa kanyang lalamunan nang mapaupo siya sa kama.
Before she knew it, naroon na si Gael sa kanyang harapan, both his hands were on her sides, trapping her again. He was atop of her, staring at her face so intently that she thought she would melt.
Awtomatikong naiharang ni Louise ang dalawang kamaya sa pagitan nila, pushing them against his chest. He could feel his heart beating beneath her palm. Napatingin siya sa mukha nito nang maramdaman ang puso nitong tila nagwawala sa pagtibok, nasa mga mata ni Louise ang pagkalito at tanong. Gael was staring at her face intently yet with such tenderness na lalo lamang dumagdag sa pagkalito niya.
He surveyed her face, his eyes landed on her lips. "You're gonna drive me mad
sweetheart" he said, his breathing was heavy.
Napasinghap si Louise sa sinabi nito and unkowingly parted her lips. He let out a groan at muling ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata, their eyes met, sa mga mata ni Louise ang pinaghalong pagkalito, excitement at takot habang ang kay Gael ay... hindi niya maipaliwanag. Nakatingin ito sa kanya
na tila galit " be careful, Louise" babala nito "Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili ko if you do that again" he inhaled
deeply before moving his body away from her.
Damang dama ni Louise ang pag iinit ng mga pisngi. She gently got up from the bed and sat there silently habang si Gael ay tinungo ang pintuan ng silid upang lumabas. "I'll wait for you outside to take you home. Huminto na ang ulan" he said without even looking at her.
It took a few minutes bago siya tumayo mula sa pagkakaupo. May nagawa ba siya para magalit ito sa kanya? His words still echoed in her head be careful, Louise... it gave her goosebumps.
Ipinilig niya ang ulo, huminga ng malalim at nilisan ang silid na iyon.
Chapter Four
Narating nila ang hacienda nang wala silang imikan habang daan. Galit nga ito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.
She gently removed her helmet and handed it back to him "salamat..." halos hindi lumabas ang kanyang tinig. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata nito at sa halip ay itinuon ang panignin sa kanyang mga paa.
"you can keep it with you" tugon nito.
"h-ha? bakit?" gulat niyang tanong, lifting her head up to look at him.
He smiled and gently pinched her cheek sa kanyang pagkabigla "you have no idea how pretty you are, don't you?"
Louise bit her lower lip sa tindi ng kabog ng kanyang puso. She's almost surprised kung bakit hindi pa ito lumabas mula sa kanyang dibdib.
"I'm saying keep it with you for next time"
"next time?" her voice went up an octave. Napatawa si Gael ng malakas.
"niloloko mo ba ako?" nakasimangot niyang tanong, her voice now a little irritated.
Sumeryoso ito and reached out for her chin and gently lifted her face up to meet his gaze "hindi po, senyorita. Hinding hindi kita lolokohin. You have my word. Now go, nag aalala na siguro ang papa mo". He glanced at the mansion at muling binuhay ang makina ng motorsiklo.
"see you tomorrow, love. Dream of me" pinaharurot na nito paalis ang motorsiklo.
Naiwan si Louise na nakatingin pa rin sa daan kahit hindi na niya ito matanaw. "Louise! naku itong batang ito!" boses ni yaya Adela ang pumukaw sa atensyon ni Louise. Papalapit ito sa kanya dala ang malaking payong "ano ba ang ginagawa mong bata ka? aba eh nagsisimula na ulit umulan!" naroon ang pag aalala sa tinig nito, dali dali siya nitong pinayungan at iginiya papasok sa
malaking gate.
Kinuha nito mula sa kanya ang plastic bag niyang dala na kinalalagyan ng unipormeng basa "saan ka ba nanggaling na bata ka? malapit nang mag hurumentado sa galit ang papa mo!" sinipat nito ang kanyang suot
"saan mo nakuha ang damit na yan?"
"hi-hinatid po ako ng kaibigan ko yaya. Wala na po kasing tricycle sa
paradahan.." paliwanag niya. Yeah, she lied a little bit. Ang totoo ay hindi pa
naman niya alam kung mayroon pa bang masasakyan pauwi o wala. Napapayag lang talaga siya ng binatang ihatid. hmp! kunwari ka pa, eh gusto mo naman! usig
ng kunsensya niya.
"ku...eh siguraduhin mong magpalit muna ng damit bago ka humarap sa papa mo" paalala nito
Hindi birong sermon ang inabot ni Louise mula sa ama, galit na galit din ito kay mang Erning at muntik itong sisantehin. Si mang Erning ay hindi magkamayaw sa paghingi ng paumanhin, na aksidente pala ang anak nito sa kabilang bayan kaya't imbes na sunduin siya ay dumertso ito papunta sa San Martin dala ang sasakyan. Malamang, sa kalituhan nito ay hindi na naisip pang tumawag. Siya na mismo ang nakiusap sa ama na huwag sisantehin ang
driver, sa kabutihang palad ay naging resonable pa rin naman ito sa kabila ng galit.
Pinindot ni Louise ang orasan sa kanyang night table, it illuminated, displaying the time 12:45. Inis niyang binuksan ang night lamp at padabog na umupo sa kama, yakap pa din ang kanyang teddy bear. Kanina pa siya biling baliktad sa higaan pero hindi siya dalawin ng antok. Kahit anong gawin niya ay mukha ni Gael ang nakikita niya. She turned her bear to face her at kinausap ito na tila ba ito si Gael "what was that about earlier huh?" she let out
a sigh at mahina itong sinuntok "nakakainis ka!" matapos ay niyakap itong muli. you have no idea how pretty you are, do you? a smile slowly crossed her lips pagkaalala sa tinuran nito. Hindi na namalayan ni Louise kung anong oras siya iginupo ng antok. Ang tanging sigurado niya ay ang binata pa rin ang
laman ng kanyang isip hanggang sa pagpikit ng kanyang mga mata ng gabing iyon.
Kinabukasan ay may siglang nag ayos siya patungong eskuwela. Unlike other days ay naisipan niyang magpahid ng manipis na pink na lipstick at ilugay ang lagpas balikat na buhok na madalas ay ipinupusod lamang niya.
She's always hated her natural curls. Ilang ulit na niyang pinag isipang ipa- rebond ito kaya nga lamang ay mahigpit ang protesta ng kanyang yaya Adela. Pinaraanan niya ng tingin ang sarili sa salamin at smiled at herself, pleased at the reflection she saw there.
It was Friday - the only day of the school week na maaaring magsuot ang mga estudyante ng "civilian clothing" kung tawagin nila. She had a harder time
than usual picking out an outfit today. Jeans at t-shirt lamang ang malimit niyang isuot kapag ganitong Biyernes but she
wanted to look extra pretty today. She chose a light pink fit and flare floral printed dress. Ang laylayan nito ay above the knee pero hindi matatawag na maiksi. She paired it with her white low cut chuck taylors. Isang ikot pa sa salamin ang kanyang ginawa bago bumaba mula sa kanyang silid.
"Good morning!" masiglang bati ni Louise pag pasok sa dining area, naroon na ang ama at kasalukuyang nagkakape. Umupo na siya sa kanyang pwesto sa kabisera at umabot ng pancake. Agad na lumapit ang katulong sa kanya at sinalinan ng juice ang baso niya.
"aba, maaga ka yata hija" puna ng ama sa pagitan ng paghigop nito ng kape "may practice po kami ngayon sa cheering squad" she answered and took a bite of her pancake
"ku... practice nga ba?" makahulugang tingin na may halong panunukso ang ibinigay sa kanya ng yaya Adela niya.
"yaya!" may pag aalalang sinulyapan niya ang ama. Laking pasasalamat niya na tila hindi naman nito binigyan ng pansin ang sinabi ng mayordoma. Pinandilatan niya ng ito ng mata ngunit isang mapanuksong ngiti ang naging tugon nito sa kanya.
"sino nga pala ang naghatid sa iyo kahapon?" tanong ng ama habang kaswal an binubuklat buklat ang pahayagan, she was glad na hindi ito nakatingin sa kanya dahil pakiramdam ni Louise ay namutla siya sa tanong na iyon.
"ah...yung..yung..schoolmate ko po Papa" she took a gulp from her juice glass Tumango tango lamang si Don Enrique at kapagkuway ibinaba ang diyaryo sa mesa at mapanuri siyang tinignan "a guy?"
Muntikan nang maibuga ni Louise ang laman ng bibig. She tried her best to act natural "yes, Pa" she then glanced at her wristwatch "Gosh, it's time for me to go" sinabayan niya iyon ng tayo at hinagkan sa pisngi ang ama " see you later Pa"
"hinatyin mo si Erning mamaya kahit anong mangyari. And make sure your phone is charged" pahabol na bilin nito.
"Bes!" masiglang kaway ng kaibigang si Cindy ang sumalubong sa kanya sa practice grounds, naroon ito kasama ang ilang mga kasamahan nila sa cheering squad. Agad siyang nilapitan nito and as usual, iniangkla ang braso sa kanya "ano itong nababalitaan kong meron daw magandang dalaga ang inihatid ng
isang uber hunk na transferee gamit ang motorbike kahapon?" malapad ang ngiti nito sa kanya
"paano mo nalaman?" takang tanong niya
"hay naku! Nina Louise Saavedra! meron ba namang nakakalusot sa radar ng mga tsismosa dito sa SMU?" eksaheradong tugon nito. Kung sabagay, tama naman ang tinuran nito, wala ngang nakakalusot sa mata at tenga ng ilang kaklase nilang tila mga reporter, lalo na kapag involved si Gael o kaya naman ay siya.
"oh ano?" untag ni Cindy sa kanya "totoo hano?" kinikilig na tanong nito
"it's not like what you think bes"
"not what you think ka diyan! nagtatampo nga ako sa kase hindi mo ako tinawagan para balitaan!"
"may date ka kaya kagabi, remember?"
"kahit pa!" nakalabing protesta nito "things like these are like emergency! hindi dapat ipinagpapabukas at dapat agad na sinasabi sa BEST FRIEND" binigyang diin nito ang word na best friend.
"o sige, next time po promise..."
"uy, may next time na agad? nanliligaw na ba sayo?"
"ikaw talaga bes, daig mo pa may bulate jan sa pwet mo kung kiligan ka" natatawa niyang sagot "kahapon ko lang nakilala, nanliligaw na agad?" naiiling na lang siya sa bilis ng imahinasyon ng kaibigan
"Oh eh bakit? Hindi na uso yung pinatatagal ngayon noh. Kung gusto ka at gusto mo rin, ano'ng problema dun?"
"nagmagandang loob lang yung tao bes, baka naman mabait lang talaga sya ganun"
"naku, I doubt it bes! he's totally into you! You'll see" masiglang sagot nito. Is he? she can't deny na may galak siyang naramdaman sa dibdib sa kaisipang baka nga gusto siya nito. But then again, hindi naman niya gustong maging
assumera.
Mabilis na natapos ang cheer practice nila ng araw na iyon, matulin ding lumipas ang hapon ngunit hindi man lamang niya nakita ni anino ni Gael. She was feeling disappointed at hindi niya naitago ito sa kaibigan na agarang napansin ang pag iiba ng mood niya sa hapon. She went from ecstaticly happy to silent.
"alam mo bes, yang halo-halo mo, durog na" puna ni Cindy sa kanya.
Kasalukuyan silang nasa canteen para sa 3 o'clock break nila sa klase. Ni hindi niya
napansin na kanina pa pala niya hinahalo iyon ngunit hindi naman kinakain. Bahagya siyang napahiya sa kaibigan, she really looks like an idiot.
Napansin din niyang nagbubulungang nakatingin sa kanya ang isang grupo ng mga babae sa katapat na mesa, medyo naghahagikgikan ang mga ito, with them of course was Marcie Gonzales, ang babaeng pwedeng maging presidente ng hate club niya sa SMU, if only there was one. She and Marcie had been classmates from as long as she could remember at mga bata pa lamang sila ay malaki na ang disgusto nito sa kaniya, for reasons only Marcie will know. She tried to be nice to her and even offered friendship but hate was the only response she got back from her. By the time they reached high school, Marcie was trying to compete with her with everything. Noong bata pa siya ay hindi niya maintindihan ang pag uugali nito sa kanya, as she grew up she slowly realized that it was probably envy. Sa ganda ay hindi naman magpapahuli ang dalaga ngunit sa estado sa buhay, Marcie was way behind her. Anak ito ng katiwala ng Mayor ng bayan nila. The mayor has really been good with the family, dahilan kung bakit nakapag aral ito sa Saint Martha University. Hindi nagtagal ay tumayo si Marcie mula sa kinauupuan nito at maarteng naglakad patungo sa mesa nila ni Cindy. Walang paalam itong umupo across from her at the table at nakakalolokong kumalumbaba sa mesa, directyly eyeing her "well. It looks like her highness is disappointed. Hindi ba nagpakita ang prince charming?" maarteng tanong nito sa kanya, a smirk on her face. "hoy Marcie! lumayas layas ka nga dito ha! kung hindi baka sabunutan talaga kita" gigil na sagot ni Cindy bago pa siya nakatugon
Marcie chuckled "really Louise, hindi ko maintindihan how you became best friends with someone who clearly has no breeding or class" painsulto nitong tiningnan si Cindy mula ulo hanggang paa.
"look who's talking" she snapped at Marcie.
Nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan siya "ano'ng sabi mo?!"
Louise stood up and met her gaze, halos magdikit ang mukha nila. Si Marcie ay nagngangalit ang mga bagang sa kanya.
"I said..." sadyang ibinitin niya ang kasunod na salita "look. who's. talking" she said in the bitchiest tone she could muster.
"aba't!" bago pa siya nakapag react ay mabilis na naitaas ni Marcie ang kamay at akmang sasampalin siya.
"so unlady like to resort to violence" gulat na napatingin si Louise sa pinanggalingan ng baritonong tinig na iyon. Her heart skipped a beat. Si Gael, holding Marcie's wrist in the air.
Chapter Five
"G-Gael!" gulat na bulalas ni Marcie, sa pagkamangha ni Louise ay iglap na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng dalaga, gumuhit doon ang lungkot na tila ba ito batang inapi. Tila ito sawang pumulupot sa bisig ng binata.
"I..I was just defending myself... you see... Louise is making fun of me dahil...dahil sampid lang daw ako sa bahay ni Mayor!" puno ng hinanakit ang tinig nito. Louise couldn't believe her eyes na naroon talaga ang luha sa mga mata nito! Bravo! best actress!
Kumunot ang noo ni Gael at tinitigan siya, as if waiting for an explanation. Sa halip na paliwanag ay isang buntong hininga ang kanyang ginawa at iningusan ito. Dinampot niya ang kanyang bag at tinalikuran ang mga ito. Gael can believe anything he wants to! Tutal naman mukhang close naman ang mga ito, judging by the way Marcie wrapped her arms around him! Mabilis siyang naglakad palayo sa canteen.
Tuluyang humagulgol si Marcie "see what I mean? She's a spoiled, selfish, bit..."
"That's enough!" mariing putol ni Gael sa anumang sinasabi ng dalaga. Halos dumagundong ang tinig nito sa buong cafeteria. Ang ibang estudyantend naroroon ay inilabas ang mga telepono ang nagsimulang i-video ang nangyayarii. Kinalas ni Gael ang pagkakayakap ng dalaga mula sa
braso at mabilis na sinundan si Louise.
"Gael wait!" tawag ni Marcie ngunit tila walang narinig ang binata. She gritted her teeth. may araw ka rin sakin, Louise!
"Louise, sandali!" narinig niya ang tinig ni Gael ngunit ni hindi nag abalang lingunin ni Louise ang binata,at sa halip ay lalo siyang nagmadali sa paglakad. "Louise!"
Mabilis na kumanan si Louise papasok sa library. She knows she's acting like a kid pero hindi niya gustong makita or makausap ngayon ang binata. Naiinis din siya sa sarili kung bakit matinding inis ang umahon sa kanyang dibdib ng makitang niyapos ito ng malditang si Marcie. Hindi niya gustong mahalata ni Gael ang pagkairita at disgusto sa kanyang mukha.
Tila isang batang nagtago si Louise sa pagitang ng naglalakihang talaksan ng mg libro, peeking at the spaces between them to see if he had followed her.
Makalipas ang ilang minuto ay nakahinga siya ng maluwag nang hindi makita kahit saan ang binata.
Looks like she lost him.
She gave a sigh of relief. She turned around ready to leave, only to bump into a huge figure na hindi niya napansin naroon na pala sa kanyang likuran.
"ay!" medyo nawalan siya ng panimbang dala ng pagkabigla at pagbangga sa pigurang nakatayo pala sa kanyang likuran.
Instantly, she felt strong arms swooped her waist.
Awtomatikong naitukod niya ang magkabilang palad sa dibdib ng lalaki, kasabay ng pagtingala niya sa mukha nito.
Louise inhaled sharply. Si Gael!
Chapter Six
Louise was dumbfounded. Gael is holding her so close to him that she could literally feel his breath almost fanning her face.
She slightly opened her lips to say something but for the life of her, tila walang gustong lumabas na salita mula sa kanyang lalamunan!
Gael surveyed Louise's face. Nasa ganoon pa rin silang posisyon at wala siyang pakialam kung sino man ang makakita sa kanila. He could hold her like this forever if only she will let him.
Napalunok siya ng makita ang pagbuka at muling pagtikom ng mga labi nito na tila walang maapuhap na sasabihin. She innocently bit her lower lip na tila isang batang napahiya.
He inhaled sharply at dahan dahang pinakawalan ang baywang nito mula sa pagkakayakap.
God knows how he wanted to crush her lips with a kiss right there and then! He felt a sudden surge of heat from his groins up to his spine. Matinding pagpipigil ang kinailangan niyang gawin upang hindi ito halikan.
He knows he must have gone crazy, acting like a teenage boy around a teenage girl! For goodness sake! he is 21! Ilang babae na rin ang dumating at umalis sa kanyang buhay ever since he was a teenage boy but none of them made him feel the way Louise had made him feel. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. For the first time in his 21 years of existence, kagabi lang niya naranasang hindi makatulog dahil sa isang babae! Is he obsessed?
Maybe he is. That would explain it! Maybe she's someone he should have para muling tumino ang isip niya.
I will make her mine then.
It took Louise a few seconds bago nakahuma mula ginawang pagtanggal ni Gael ng bisig.
Her heart pounding wildly in her chest.
For a moment while they were standing that close to each other, she thought he would kiss her.
The thought scared and excited her at the same time. She saw his gaze roam around her face and then stopped at her lips. She swears there was something
that crossed his eyes although she cannot be sure what it was. Was it perhaps, anger?
Nakita niyang biglang sumeryoso ang mukha nito and his eyebrows came together in frown. That was the moment he let go of her. She was dazed and confused for a second.
What just happened? Naalala ba nito si Marcie kaya tila nagalit sa kanya?
"s..sorry about Marcie" she casually said. Dammit! Louise! she silently cursed at herself.
She really shouldn't be saying sorry for anything! she didn't do anything wrong for crying out loud! pero ano ba ang pwede niyang sabihin sa lalaking ito just to break the ice between them? besides, hindi ba't tila galit ito sa kanya kani kanina lang? must be because of Marcie. Maybe they are... friends?
To her surprise, Gael burst out laughing.
"sshhh!" agad niyang tinutop ng kamay niya ang bibig nito without even thinking.
Luminga siya sa paligid upang makita kung narinig ba sila ng librarian.
"Gusto mo bang mapa trouble kay Ms. Amado?" nanlalaki ang matang tanong niya rito. Ang tinutukoy niya ay ang matandang dalagang librarian na ubod ng sungit. Kapag sinuwerte kang natyempuhan ito ay malamang ma ban ka sa library for the rest of the school year.
Of course she probably won't do that to Louise but she's pretty sure makakarating sa papa niya na may kasama siyang lalaki sa tagong parte ng aklatang iyon. Sure, wala siyang ginagawang masama but her over protective father for sure will not believe her. Baka padalhan na siya ng bodyguard sa susunod!
Gael stopped laughing, at masuyong hinawakan ang palapulsuhan niya at marahang inalis ang pagkakatakip niya sa bibig nito. Amusement in his eyes." I didn't know you could be a little aggressive, sweetheart. I like it..." without taking off his gaze at her ay muli nitong inilapit ang kamay niya sa labi nito and gave her palm a wet kiss!
Chapter Seven
Tila bolta boltaheng kuryente ang nanulay sa pagkatao ni Louise! She instantly tried to pull her hands off ngunit humigpit ang pagkakahawak nito sa
palapulsuhan niya.
"I like you, Louise" walang gatol na pahayag nito. He was staring at her with those piercing eyes, halos hindi magawa ni Louise na salubungin ang tingin nito. Muli niyang tinangkang bawiin ang kamay at muli ang paghigpit ng hawak nito.
"be my girl" it was more of a statement than a question.
"wow ha! ang bilis mo!" she blurted out. She had thought he was joking sa sinabi nito but when she looked at his eyes, she only saw seriousness and sincerity in them.
"hindi ako nagbibiro" he let go of her hand at isinuklay ang isang kamay sa buhok nito, pagkatapos ay ginagap ang dalawang kamay niya "be my girl, sweetheart" tila nangungusap ang mga mata nito.
Sunod sunod ang tibok ng puso ni Louise na pakiramdam niya'y nagwawala ito sa kanyang dibdib at maaring lumabas ano mang oras. She doesn't know what to say at maang lamang na napatitig sa binata. Tila nahihipnotismo siya ng mga mga nito. Kahit pa ng makita niyang unti unting lumapit ang mukha nito sa kanya ay hindi niya nagawang tuminag. Tumakas na yata pati kaluluwa niya ng mga sandaling iyon. She knew he was going to kiss her, magkahalong takot at excitement ang sumakmal sa pagkatao niya. Gael stopped when his lips were just an inch away from hers.
Ramdam niya ang hininga nito sa kanyang mukha "If I kiss you sweetheart, that will seal the deal. You're mine" mahinang bulong nito.
Napalunok siya sa sinabi nito but like a fool closed her eyes intead.
She felt his lips on hers but it was so delicate it was like a soft feather brushing against hers.
This is her first kiss! It was so tender and special that she felt her eyes began to tear up. Matapos ang ilang sandali ay marahan nitong inilayo ang mukha sa kanya. Her eyes remained shut, as if she's afraid to open them again.
Gael held her chin "look at me sweetheart" he commanded. She opened her eyes and met his gaze.
"you're mine from now on... never forget" a satisfied smile crossed his lips.
She blinked, as if trying to wake up from this trance. He held her right hand at marahan iyong hinila "late ka na sa klase mo".
He led her out of the library, nasa kalahatian na siguro sila ng pasilyo patungo sa kanyang silid ng mapansin niyang nagbubulungan ang lahat ng mga kababaihang nadadadaanan nila. Ang iba ay tila kinikilig, ang iba naman ay tila galit na iniingusan siya at mayroon din namang bakas sa mukha ang panghihinayang. It was then that she realized that Gael was still holding her hands. Bigla ang ginawa niyang paghinto sa paglakad at dagliang binawi ang kamay na hawak nito. Gael stopped and turned around to look at her "what's wrong?" tanong nito, amusement in his eyes.
"I..I'll walk on my own" nakayukong sagot niya, hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. How can she? after that... that... kiss?
Dinalawang hakbang nito ang pagitan nila at walang anumang inakbayan siya. Gulat siyang napatingin dito, malapad ang ngiti nito "ihahatid na kita. nahihiya ka ba?"
"a-ano kase..."
"alam kong hindi ka pa nagkaka nobyo, Ms. Nina Louise Saavedra" nanunuksong deklara nito "pero wala kang dapat ikahiya".
She blushed. She only wished na hindi narinig nga mga estudyanteng malapit sa kanila ang sinabi nito.
Trying to fake anger, she removed his arm around her shoulder "kaya ko ng mag isa. bye!" she turned around and almost ran away from him.
Hindi pa siya nakakalayo ay narinig niya ang nanunuksong tinig nito "I'll see you later, love!" sigaw nito. Louise pretended she didn't hear him at lalo pang binilisan ang lakad.
Chapter Eight
"what?!" pinanlakihan ng mata ang kaibigan sa narinig na sinabi niya.
"ssh.." mahinang saway niya dito, bahagyang tiningan ang ibang kaklase kung may nakapansin sa eksaheradong reaksyon ng kaibigan. Bukod kasi sa napalakas ang boses nito, napatayo pa mula sa kinauupuan.
"hinalikan ka niya?" pabulong na tanong nito.
She softly nodded, biting her lower lip.
"so ano na? kayo na? may boyfriend ka na?" kilig na tanong nito, ang ngiti ay tila nakaplaster na sa mga labi.
"e-ewan ko..."
"ayy!!! may boyfriend na ang bestfriend ko!" bulalas nito sa pinipigil na tili. "tsk! wag ka sabing maingay! baka may makarinig sayo" mabuti na lamang at abala ang iba nilang kaklase sa sari-sariling chismisan at asaran ng mga ito, huling subject na nila para sa araw na iyon at hindi pa dumarating ang prof nila.
"eh ano kung marinig nila? inggit lang ng mga iyan! you got the hottest guy in campus bes! dapat nga proud ka" may katotohanan naman ang sinabi nito. Eversince Gael transferred to SMU, mahigit ata kalahati ng campus from High School to college department ay may crush dito. He's got that certain charm. Hindi ito yung tipong gwalo na parang makikita mo sa mga Korean actors na kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngayon. He is the opposite. Gael is very manly - moreno, matangkad and he has that hint of danger na hindi niya maipaliwanag na lalo lamang nakadagdag sa appeal nito.
"naguguluhan kasi ako bes. I just met him the other day, literally" nagbuntong hininga siya.
"now is your chance to get to know him" Cindy softly smiled at her "I can feel that he's a good guy. Hindi dahil gwapo siya, pero basta! Parang feel ko you're meant for each other"
Hindi siya sumagot. Ang totoo, gulo pa rin ang isip niya. She just met the guy for crying out loud! hindi naman siya easy to get na babae, sa katunayan ay marami na ang sumubok na manligaw sa kanya na puro rin naman may mga istura at sinabi sa buhay pero wala siyang binigyang interes ni isa sa mga ito. But with Gael, ewan ba niya pero whenever he's around, all her good reasoning seem to go up in the clouds.
Natapos ang maghapon na iyon na pakiramdam ni Louise ay tila pa rin sya
nanaginip lamang. Kainis pa dahil tinawag siya ni Mr. Gonzales kanina at hindi siya nakasagot sa tanong nito ukol sa kanilang topic. Nakakahiya! She is one of the top students in her class. Marami nga ang nag a-anticipate na siya ang magiging valedictorian sa nalalpit na graduation. She needs to refocus kung gusto niyang gumraduate with honors.
Eto kasing Gael na to eh! mahinang paninisi ng isip niya.
She gave a sigh nang marinig ang ring ng bell, hudyat na tapos na ang klase. It's been a long day, she feels emotionally tired. Ang gusto niya ngayon ay makauwi na ng bahay at makapag babad sa bath tub. Isa isa niyang sinamsam ang mga gamit at isinilid sa bag. No need to rush, hinihintay pa naman niya si Cindy na nagpaalam munang magbabanyo. Muli muna siyang umupo at wala sa loob na binuklat buklat ang libro niyang nakalapag sa kanyang
mesa.
"eherm.." isang tikhim ang nagpaangat ng kanyang ulo.
Her jaw almost dropped ng makita ang lalaking laman maghapon ng kanyang utak na naroroon sa pintuan ng kanilang silid, ang likod nito ay
nakasandal sa hamba habang ang mga braso ay ipinagkrus sa dibdib. Tila itong isang modelong naghihintay kuhanan ng litratista para sa isang photo shoot. Damn! he really is hot! sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang lalong humanga.
"tara na?" nakangiting tanong nito.
"h-huh?" she blinked her eyes. Once, twice, hindi na niya mabilang in fact. Thinking that he would disappear in front of her if she blinked enough.
"ihahatid na kita" lumakad ito palapit sa kanya.
"m..may sundo ako" nauutal niyang sagot. Tahimik na ang buong silid at mukhang sila lamang dalawa ang naroroon.
Tumango tango ito pagkatapos ay umupo sa kanyang desk. Napatuwid ng upo si Louise. Her small "desk" was a part of her chair kaya naman feeling niya ay ang lapit na naman nito sa kanya.
Cindy, nasan ka na ba? sinulayapan niya ang relo.
"may hinihintay ka ba?" kaswal na tanong nito.
"uhm, si Cindy. sabay kasi kami laging lumalabas ng campus." she stood up and gathered her things.
"sige, mauuna na ko" she needs to get away from him ASAP, hindi niya alam kung paano pa niya matatagalang umaktong normal sa harap nito kahit pa tila
tambol ang puso niya sa pagkabog.
"Ihahatid na kita" Pinal na anito, as he grabbed the books from her without warning.
"hey! give them back" protesta niya at tinangka niyang kuhanin ang mga libro mula rito. Mabilis nito iyong itinaas gamit ang isang kamay. Sa taas nitong anim na talampakan, she probably looked like Samson trying to grab the books from Goliath. Sa pagpipilit niyang makuha ang mga libro mula rito ay
hindi niya napapansing lalo lamang siyang napapalapit dito.
A smile crossed his lips "I kinda like this sweetheart" nanunuksong sambit nito.
Agad niyang inilayo ang sarili dito. "Psh!" inirapan niya ito, pretending to be annoyed, kahit pa ang totoo ay tila mabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
Nagpatiuna siyang lumabas ng silid at sinubukang iwanan ito, but based on the footsteps behind her, alam niyang nasa likod niya si Gael. Lalo niyang binilisan ang lakad at hindi ito nilingon, baka magsawa din ito sa pagsunod sa kanya. Habang naglalakad ay tinawagan niya ang kaibigang si
Cindy upang sabihing nauna na siyang lumabas ng classroom. Naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin nag sabihin niyang "emergency".
"Hey Louise!" nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Si Mark. Magiliw siya nitong kinawayan, palabas ito ng sariling klase. Pareho silang nasa senior nito sa high school, magkaiba nga lamang sila ng section. Mark is the son of the mayor, at lantaran ang pagpapahayag nito nang pagkagusto sa kanya.
Ilang ulit na nga niya itong binasted kung tutuusin, pero sadyang makulit ito at tila hindi napapagod na manligaw sa kanya. Mark is good looking, rich at playboy, mabait din naman daw ito pero may pagka spoiled brat lalo pa dahil maipluwensya sa bayang iyon ang ama nito.
She hesitantly stopped to greet him. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito.
Nilapitan siya nito at may paghanga sa mga mata siyang tiningnan "lalo kang gumaganda ah!" papuri nito sa kanya.
Ngiti lamang ang naging tugon niya. Hindi niya napansin ang pagkulimlim ng mukha ni Gael, ganoon pa man ay nanatili itong walang kibo.
gna
"Listen, I was thinking...maybe we could go to the movies together? showing na yung - "naputol ang sinasabi nito ng walang sabi sabi siyang inakbayan ni Gael at banayad na kinabig palapit dito. Gulat din siyang napatingin dito, hindi malaman ang gagawin.
"I'm afraid she can't go to the movies with you, kid" seryoso ang baritonong tinig nito
Kid! OMG! he called Mark a kid! kitang kita niya ang pagguhit nang pagka insulto sa mukha ni Mark.
"Louise sino ba to ha? bodyguard mo?" galit na tanong nito na tinitigan din si Gael.
"Hindi. Boyfriend niya" walang gatol na sagot nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, she tried to remove his arms around her, pero tila bakal iyon na hindi matinag.
"Boyfriend?" nakaka insulto itong tumawa.
Gael let go of her at nilapitan si Mark. Walang sabi sabi nitong kinwelyuhan ang binata and pressed him against the wall "don't mess with my girl. Wala akong pakialam kung anak ka ni mayor" his voice was full of danger na gustong panayuan ng balahibo ni Louise.
Nakita ni Louise na gumuhit ang takot sa mukha ni Mark. Hindi ito nakasagot kay Gael but he tried hard to maintain his composure. Matapos ang ilang sandali ay binitawan ito ni Gael.
"Pagsisisihan mo ito, Aragon!" banta ni Mark, pinipilit pagtakpan ang pagkapahiya sa nangyari.
"Looking forward to it" sagot ni Gael in a calm voice. Isa isa nitong pinulot mula sa sahig ang mga libro niyang binitawan nito roon. He then
grabbed her hand at hinila siya paalis sa sa lugar na iyon.
Mabilis ang lakad nito at walang magawa si Louise kundi sumunod. She tried to free her hand from his grasp pero mahigpit ang hawak nito sa kanyang kamay na tila ba siya tatakas.
"L-let go of me!"
Wala itong kibo at madilim pa rin ang mukha. Hindi niya alam kung saang parte ba ng campus sila papunta, hanggang sa marating nila ang maliit na espasyo sa likod ng Engineering building.
Halos humangos si Louise mula sa mabilis na paglakad. May kalayuan din ang Engineering building mula sa high school building.
"ano ba problema mo?!" iritadong tanong niya.
He gave her a dangerous look at inilang hakbang ang pagitan nila. Itinukod nito ang magkabilang kamay sa pader, trapping her yet again. Strangely, obvious man na galit ito pero hindi takot kundi excitement ang naramdaman ni Louise.
"I thought I told you that you are mine sweetheart..." he said huskily.
Napalunok si Louise. Awtomatikong nag flashback sa isip niya ang halik nito sa library. She blushed.
Gael's face softened nang makita nito ang pamumula ng pisngi niya. He lifted her chin with his thumb and forefinger "look at me" he commanded.
Louise slowly met his gaze. Sino nga bang babae ang hindi matutunaw kapag tinitigan nito nang ganito? Tila nangungusap ang mga iyon.
"You're mine sweetheart. At ayokong may mga gagong umaaligid sayo" nagtiim ang bagang nito.
"I don't know Gael... I didn't think you were serious sa nangyari kanina sa..sa....library" hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin.
"Oh hell I am serious!" Muli siyang tinitigan nito "I've never been more serious in my life, Louise. And I've never wanted any woman as much as I want you" seryosong pahayag nito, marahang hinaplos nito ang pisngi niya.
She looked straight into his eyes, trying to find the right answers there. Gaano man kumontra ang isip niya, tila hindi niya makontra ang puso niya.
Dahan dahan lumapit ang mukha nito sa kanya. She knows what's coming and she does not have any desire na iwasan iyon. Ipinikit niya ang mga mata at hinantay ang mga labi nito. Just like earlier today, sa library, his lips were so gentle on hers. It brushesd softly against hers, ang hininga nito ay nasa
mukha niya. Naramdaman niya ang isang kamay nitong bumama sa kanyang baywang at hinapit siya palapit rito, ang paraan nang paghalik nito ay tila nag iba, his kiss seems to be seeking for something. Unkowingly, she slightly parted her lips....
Gael silently groaned in delight when Louise slightly parted her lips, he
deepened the kiss, tasting and exploring every sweet corner of her mouth with his tongue.
He heard her inhale sharply. He knows this is her first real kiss and he didn't want to scare her away. He had to restrain himself and kiss her as gently as he can. God! he wants to take her right here and now, if only he can. He can feel the heat course through his body and he felt that familiar kind of "pain" in between his thighs, that he had to slightly move his body away from hers. The last thing he wants to do is to scare her away.
Tila nalulunod si Louise sa ginawa nito, ang mga tuhod niya ay tila biglang naging kandila. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas upang tumayo mag
isa. Hindi pa siya nahalikan ng kagaya ng halik na iginawad nito sa kanya. It was a very gentle and very sensual kiss.
Matapos ang ilang sandali ay pinakawalan nito ang mga labi niya ngunit nanatiling hapit ang kanyang baywang. Idinikit nito ang noo sa kanyang noo "there. I hope this time, it's enough seal proving that you're my girl now"
Louise felt like she's floating on cloud nine, ang puso niya ay wala na yatang balak tumahimik sa kanyang dibdib.
"It's official now, right?" paniniguro nito, bahagyang inilayo ang mukha sa kanya upang tignan siya.
Isang nahihiyang tango ang naging tugon niya, she raised her head and tried her best to meet his gaze.
"Parang wala naman na akong choice eh" birong sagot niya, smiling shyly.
Tumawa ito ng malakas sa sinabi niya.
"yess!!!" malakas na sigaw nito, itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere na akala mo nanalo sa isang patimpalak.
Magkasabay nilang nilisan ang parte ng campus na iyon, hawak nito ang kamay niya. What will it be from here? Hindi niya alam. Saka na niya iisipin kung paano maiiwasang malaman ito ng ama. For now, she will just give this a chance. Kung mayroon man siyang hindi maitatanggi, iyon ay ang atraksyon na mayroon siya para kay Gael. Hindi basta atraksyon, ngunit matinding
atraksyon.
Oh my! be still, you foolish heart! bulong niya sa sarili.
Chapter Nine
"Okay class, it's time to select our representative for the upcoming Prom Night" deklara ni Mrs. Alvarez, ang homeroom teacher nila.
Next month na ang Junior & Seniors Prom nila, one of the biggest events in the campus that everyone is looking forward to.
"Anyone wants to nominate?" tanong ulit ng guro. Ilang mga kaklase nilang lalaki at mga kababaihan ang sabay sabay nagsipag taasan ng kamay.
"Yes, Mr. Santos?" the teacher pointed at one of the students.
"Ma'am, I nominate Ms. Louise Saavedra as our class representative for Ms. Prom!" nagkaingay ang klase, everyone cheering and supporting the
nomination.
Sa totoo lang, hindi naman siya mahilig magsasali sa mga ganitong contest, kahit pa nga mula elementarya ay ilang ulit na rin siyang napilitang sumali dahil lagi siyang nano-nomenate bilang muse ng klase.
"Okay" isinulat ng kanilang teacher ang pangalan niya sa black board "any other nominations?"
Leana, one of the girls in Marcie's "mean girls" squad stood up and nominated Marcie. She almost wanted to roll her eyes. Marcie was acting as if hindi nito alam na ino-nomenate siya ng kaibigan. Whatever. Marcie can have it. Hindi naman siya interesado. There were still a few names nominated before the whole class voted. Out of the 4 names, it narrowed down sa kanilang dalawa ni Marcie. She almost wanted to tell her classmates not to vote for her,
but that would make her look arrogant kaya't nanahimik na lamang siya. In the end, she won in the voting. Landslide. Siguradong lalong magpuputok ang butsi nitong malditang to sa kanya. The class also voted for a male representative para maging "Prom King", and Arthur Atienza won. Well, he deserved it. Ito naman talaga ang pinaka may hitsura sa kanilang klase.
After class, ipinaiwan silang dalawa ni Mrs. Alvarez to debrief them kung anong kailangang gawing preparations. This is like a full-on beauty contest.
Iniisip pa lang ni Louise ay na e-exhaust na siya. There will be rehearsals after school and even on the weekends! Ipinaliwanag sa kanila ni Mrs. Alvarez na 50% ng score ay manggagaling sa talent portion, swimsuit and evening gown competition at question and answer, habang ang natitirang 50% ay
galing sa boto ng buong eskwelahan.
"It looks like we're gonna be spending more time together from here on,
Louise" nakangiting sabi sa kanya ni Art habang palabas sila ng silid matapos ang briefing na ang tinutukoy ay magiging mga rehearsals nila. Bilang mga representative ng section nila ay sila ang magkapareha.
"Looks like it" nakangiting tugon niya.
Art has always been friendly and polite. Laking pasasalamat niya na hindi ang preskong si Justin Timoteo and nanalo, kung nagkataon ay hindi niya alam kung paano niya matatagalan ang makatrabaho ito. Justin courted her once, at ito na ang pinaka mayabang at feeling poging lalaking nakilala niya.
Like a routine, library ang punta niya kadalasan paglabas ng klase. Well, not to read books or study but to meet Gael. Gusto niyang mapahiya na ginagawa nilang "dating" place ang library pero sa ngayon ay hindi pa niya kayang maging public sila dahil hindi pa rin niya alam kung paano ipaliliwanag sa ama. Knowing how strict and conservative her dad is, natatakot siyang pagbawalan nito at maputol ang relasyon nila.
It seemed like only yesterday when Gael first kissed her, but it's been 4 months now. 4 months na pala silang mag nobyo. So far so good. It's been the happiest 4 months of her life. Gael is a perfect gentleman, although may pagka seloso at possessive ito kung minsan.She discovered so many things about Gael, mga bagay na hindi mo aakalain from him kung hindi mo ito kilala ng lubusan. Kagaya na lamang na napaka thoughtful pala nitong tao despite the bad boy image. Bagaman sinabi na nito sa kanya na ikatutuwa nito kung hindi na nila kailangang itago ang namamagitan sa kanila, naging
understanding ito sa kanyang sitwasyon at rason kung bakit hindi pa niya magawang ibunyag sa lahat ang relasyon nila.
"sweetheart, hindi na ako makapag intay na masabi ko sa buong Sta. Martha na akin ka. That Louise Saavedra is my girl" minsang sabi nito sa kanya habang nasa cafeteria sila. Kapag breaks ay nakakapag sabay naman sila sa cafeteria dahil madalas ay kasama nila si Cindy, kaya kahit paano ay hindi pa rin sila agad matsi-tsismis ng mga makakating dila sa campus.
She sweetly smiled at him bago hinigop ang iced tea niya "saglit na lang naman at graduation na, I promise, sa graduation, pwedeng pwede na"
"Hay nako ang sweet niyo naman! baka naman langgamin kayo niyan!" sabat ni Cindy habang inilalapag ang tray ng pagkain nito sa mesa nila.
"ikinakahiya yata ako niyang bestfriend mo Cindy eh"
"Sus! kung alam mo lang Gael, patay na patay sa'yo yan!"
"Bes!" she complained. Medyo napahiya sa sinabi ng kaibigan. Totoo namang
patay na patay siya sa nobyo pero siyempre, hindi naman niya gustong sabihin dito. Ni hindi pa nga nito sinasabing mahal siya nito,
Humagikgik si Cindy "bakit ba kasi hindi pa kayo mag out, nahihirapan tuloy kayong lagi akong kasabit sa mga lakad niyo eh"
"We enjoy having you around!" katwiran niya.
Pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Gael "really?" sarcastic na tanong nito at saka kumagat ng burger.
Nagkatawanan na lamang sila. Truth be told, syempre maraming mga pagkakataon na gusto nilang dalawa lang sila, kaya nga library na ang naging tagpuan nila for now. Konting tiis na lang naman, graduation na in 3 months. Hustong maka graduate siya, whether her dad likes it or not, she will tell the whole world that she is Gael's woman.
She is so looking forward to graduation, sabay silang ga-graduate ni Gael, ito ay sa kursong Engineering, at siya naman, high school. She couldn't wait for the day na legal na sila. She's planning to do so many things with him, kagaya halimbawa ng sumama dito on his motorbike at mag libot sa karatig bayan ng Sta. Martha o kaya naman ay yung simpleng dinner date sa isa sa mangilan ngilang restaurant sa bayan. Simple things na gingawa ng mag nobyo na hindi pa nila nagagawa dahil nga nagtatago pa siya.
"You're late" si Gael. Halatang bored na ito sa kakahintay sa kanya. She glanced at her watch, yes, he's right, she's almost an hour late. Tinext na kasi niya ito kanina na huwag na siyang hintayin pero hindi ito pumayag.
"Sabi ko naman kasi sayo kanina bukas na tayo magkita eh" she answered while sitting down from accross him.
"I can't let a day end without seeing you, sweetheart" he gave her a charming smile.
She touched his cheeks "sorry na po. May after class meeting kasi para sa Prom King and Queen representatives eh" paliwanag niya.
"I'm not surprised at all na ikaw ang napili. Ikaw naman talaga pinaka maganda sa buong SMU" nasa boses nito ang pagmamalaki
"hmp, sabi mo lang yan kase maha-" hindi niya naituloy ang sasabihin. Right. Hindi pa nga pala sinasabi nitong mahal siya nito. Yes, he told her numerous times that he likes her very much pero hindi pa nito binibigkas ang salitang 'i love you' sa kanya.
"...anyway, kami ni Arthur ang representative ng klase" pag iiba niya ng topic.
Tumango tango ito "so, madalas kayong magkasama niyan?"
"Kailangan eh. Madaming rehearsals"
Nakita niyang tumiim ang bagang nito. Kilala niya si Gael. Kahit gaano ito kaguwapo, he is the jealous type.
"Wala ka pong dapat ipag selos, Mr. Aragon" natatawang sabi niya.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka popormahan niyan, kung hindi baka samain siya sakin" seryosong sabi nito.
When he uses that tone and that expression on his face, he can be very intimidating. Lalo lamang nabibigyang justice ang pagkakaroon nito ng bad boy image. She heard that Gael was known sa kabilang unibersidad na pinanggalingan nito as someone you won't want to mess with. Ito yung tipo ng taong
walang pakialam sa estado mo sa buhay, he won't shy away from a fight, lalo na kapag nasa tama ito. Matunog din ang usap usapan na playboy daw ito.
Sa totoo lang, hindi naman niya na sense ito from Gael. Sure, there are always girls na nagpapapnsin dito pero hindi naman niya ito kinakitaan kahit kailan ng interes. She had asked him about the past relationships he had and he was honest in saying that most of them were just flings at hindi seryoso.
According to him, she's the second girl na nakarelasyon nito ng may label. His first girlfriend was the girl with him in the picture na nakita niya noon sa silid nito. Magkababata raw ang mga ito but the family migrated to the US 5 years ago, at dahil parehas pa raw bata ang mga ito noon, the long distance relationship did not work. She couldn't help feeling a little jealous na naka display pa rin sa silid nito ang larawan, pero minabuti niyang manahimik na lamang. That girl was his past and she is his present, no comparison needed. Ang sumunod na buwan ay lubhang naging abala para kay Louise. Sa halos araw araw na paghahanda para sa patimpalak ay halos wala siyang naging oras upang makasama ng mas matagal ang nobyo. She's can only be glad na sa wakas ay sumapit na ang gabi ng prom.
Louise took one last look at the mirror and inhaled deeply. Nasa backstage pa sila at naghihintay tawagin para i-anunsyo ang bagong Prom King & Queen ng SMU para sa taong ito. She was wearing a light pink off-shoulder, mermaid cut satin gown. The gown hugged her curves perfectly, lalong na emphasize nito ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Her hair was pulled up in a bun, while a few strands was left loose framing her face for a softer look.
"...and now, for the moment you have all been waiting for..." anunsyo ng MC ng gabing iyon. Binuksan nito ang hawak na envelope. Excitement filled the air.
There were a total of 12 female and male candidates for that evening, each representing their sections. Iginala ni Louise ang mga mata sa buong
stadium na iyon, trying to find a certain person. Ngunit bigo siya. Ni anino ni Gael ay hindi niya nakita. Hindi niya maitago ang disappointment, kahit pa alam niyang hindi nito nagustuhan na interpretative ballet dance ang talent niya for that evening, inasahan pa rin niyang pupunta ito.
Hindi naman niya kasi inasahan na isa pala sa requirement ng contest ay kailangan na collaboration between partners ang talent ng mga kalahok. Art is unfortunately abyssmal in singing but he was a terrific dancer, at siya naman ay marunong mag ballet. Their adviser came up with an
interpretative dance idea that everyone thought was fantastic. They were also running out of options, wala silang magiging talent presentation for their class and that would be embarassing. Gael didn't like it, lalo na at may pabuhat buhat pa raw ang sayaw. In the end, napapayag din niya ito, kahit pa nga
sinabi nito sa kanya na hindi nito alam kung makakapunta ito sa gabi ng patimpalak.
"...your 2010 St. Martha University Prom King and Queen are..." sabik na sigawan ng mga tao ang maririnig. "...Mr. Arthur Atienza and Ms. Nina Louise Saavedra!" dumagundong ang nakabibinging palakpakan at sigawan ng mga tao. Siya ay inalalayan ni Art papunta sa gitna kung saan naroon ang animoy dalawang tronong para sa hari at reyna. Inilipat sa kanila ng mga nanalo last year ang korona. From the crowd ay nakita niya ang ama at yaya
Adela niya. They're looking so proud of her. Her heart was breaking from the inside pero pinilit niyang ngumiti para sa mga pictures.
"Bes! congrats!" masaya siyang sinalubong ng yakap ni Cindy pagbaba niya ng entablado.
"Thank you bes" iniikot niya ang mga mata sa paligid. Still no sign of him. "hindi nagpunta?" tanong ni Cindy.
Isang malungkot na iling ang kanyang isinagot.
"Hayaan mo na bes... now's not the time to be sad! Magpalit ka na ng damit at nang makapag start na tayo ng party party!" masayang wika nito,
obviouslytrying to cheer her up.
Sinamahan siya nitong magpalit into a simplier prom gown. It was a red wrap around gown, backless at ang slit sa tagiliran ay
umabot sa kalahati ng kanyang hita, exposing perfectly shaped legs. She paired it with a Jimmy Choo strappy silver sandals na may taas na 3 pulgada.
"Weetweew" sipol ni Cindy nang makita siya "Gael doesn't know what he's missing tonight!"
She gave out a fake laugh. She doesn't want to ruin this night for Cindy. Matagal nang excited ang kanyang best friend para sa gabing ito.
Simula ng umupo sila ni Cindy sa kanilang mesa ay hindi na yata natapos tapos ang mga lalaking nag aalok na isayaw siya. She politely declined all of the them, pagod siya, pagdadahilan niya.
Ang kaibigan ay inimbitahan ang boyfriend nito bilang date, kaya naman halos walang pinalalampas na tugtuginang dalawa. Those two were having so much fun. She smiled. At least sa kanilang dalawang magkaibigan, isa man lang ay masaya tonight.
"May I have this dance?" si Art, nakalahad ang kamay nito sa kanyang harapan.
"Sorry Art, napagod talaga ako... " she took a sip from the punch she was drinking.
"Aww c'mon Louise. Simula kaninang natapos ang contest ay hindi pa kita nakitang tumayo ni minsan diyan sa upuan mo" he said in a friendly way
"please?" he gave her the puppy eyes
She smiled at him. He looked cute trying to look pitiful.
"Sige na nga" inabot niya ang kamay nito and let him lead her to the dance floor. Hustong naroon na sila sa gitna ng bulwagan ay nagpalit ang tugtugin, the lights were dimmed. Pumailanlang ang isang OPM na kanta. She felt a little uneasy when Art held her waist at bahagya siyang hinatak palapit dito.
"You're very beautiful tonight. Sayang at hindi ka nakita ng boyfriend mo ngayong gabi"
"Alam mong may boyfriend ako?" takang tanong niya.
"Well, I assumed" kibit balikat na sagot nito "I often see you two together on breaks. Well, actually tatlo pala kayo ni Cindy" tumawa ito.
She laughed as well. "You're a very good dancer kanina. I hope hindi ka nabigatan sa'kin"
"Are you kidding? you're paper weight" pagmamayabang nito.
"Okay, okay, eh di ikaw na ang malakas" biro niya. Nagkatawanan sila. Art seems to be a genuinely nice guy.
"Oh ayan na pala ang boyfriend mo eh" said Art na nakatingin sa likuran niya.
Louise turned around instantly and saw Gael making his way to the dance floor. He was wearing his trademark fitted blue jeans na ipinaloob ang laylayan sa black Dr. Martens boots nito, white shirt and leather jacket. His hair was combed back and tied into a knot. Nag echo ang kinikilig na tili nang mga kababaihang estudyante, each one wanting na sana sila ang puntahan nito.
Louise stood there. Tila tumigil ang paligid para sa kanya. She couldn't take her eyes off the man, na sa tingin niya ay isang rugged Greek god na bumaba mula Mount Olympus. No one in school, or rather no one in Sta. Martha can pull off this look but Gael.
Chapter Ten
Gael stopped right in front of her. Ramdam ni Louise ang mga mata ng estudyante na nakatuon sa kanila. Tila may mga naghahabulang daga sa dibdib niya. Ang paligid na kanina ay walang kulay, ngayon tila nabuhay lahat. Ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya. Limang buwan na niya itong nobyo, pero hindi pa rin nababawasan ang epekto nito sa sistema niya.
"May I have this dance?" tanong nito sa kanya.
Before she could even respond, he already placed his hand at her back and pulled her closer to him. He guided her hands towards his neck.
He was holding her so close that Louise felt she's going to hyperventilate. Nasasamyo niya ang amoy nito, musky cologne and his natural male scent. Gael bent his head down so that his face was on her neck. She felt his breath there at isang masarap na kilabot ang gumapang sa buo niyang katawan.
"You smell sweet" he whispered.
Iginiya siya nitong sumayaw sa malamyos na tugtugin, all the while holding her so close to him.
For a few moments they just stayed like that, not saying anything. Louise closed her eyes. She wished this moment would last forever.
Nanginginig na mga kamay
ang puso kong hindi makasabay
pwede ba kitang tabihan
at kahit na may iba ka nang kasama
ito nang gabing di malilimutan
nang dahan dahan tayong nagtinginan
Parang atin ang gabi
para bang wala tayong katabi
at tayo'y sumayaw
na parang di na tayo bibitaw
Maya maya ay bahagya siyang inilayo nito at may dinukot sa bulsa, he went behind her and placed something around her neck.
It was a necklace. Dinama ni Louise ang kuwintas sa kanyang leeg. It was a simple gold necklace, may hugis puso itong pendant.
"I love you, sweetheart" marahang bulong nito sa kanyang tenga... She froze. Tama ba ang narinig niya? He just told her the very words that she had longed to hear for the past 5 months.
Gael slowly turned her around to face him. She was still grasping the pendant on her neck. Her eyes instantly began to tear up.
"What's wrong?" he worriedly asked, yumuko ito sa kanya upang tignang maigi ang kanyang mukha. She looks like an idiot right now she knows, pero tila sasabog ang dibdib niya sa kaligayahan sa sandaling iyon.
Gael must have mistaken her reaction for something else. He grabbed both her hands "I'm sorry if I'm late tonight. I had to wait for the necklace
sa bayan at - "naputol ang kung ano mang sasabihin nito nang mabilis niya itong halikan sa mga labi. It was a short dab to the lips na ikinagulat nito. She gently wiped the tears from her eyes and smiled at him.
"I love you too, Gael" she confessed.
She knows that what she just did means na hindi na sikreto ang relasyon nilang dalawa, and right at this moment, she doesn't really care.
"Totoo? mahal mo rin ako?" paniniguro nito, his eyes glittering.
She nodded, nasa mga labi pa rin ang isang malapad na ngiti.
"hindi mo alam kung gaano ako kaligaya ngayon!" he exclaimed na para bang hindi pa rin makapaniwala sa narinig nito. Biglaan siyang binuhat nito mula sa kanyang baywang at iniangat paikot.
"Woohoo! Louise Saavdera loves me!" tila batang sigaw nito.
"Ibaba mo ko, Gael, ano ba!" she exclaimed laughing while feeling a little embarassed sa ginawa nito, they were still in the middle of the dance floor. Ang mga taong naroroon ay animo nanonood ng shooting ng isang pelikula.
Dahan dahan siyang ibinaba nito. His eyes met hers at pakiramdam ni Louise ay tumigil ang pag ikot ng mundo. Na para bang sila lang dalawa ang taong naroroon. She doesn't care what others will say, o kahit pa malaman ito ng ama. She's about to graduate in a couple of months from now, siguro ay mauunawaan naman ito ng ama. She's never taken her studies for granted anyway, sa katunayan ay nasabihan na siya ng adviser nila na siya ang mag uuwi ng valedictorian title sa graduation.
"Remember sweetheart, for as long as there is air to breathe, akin ka lang at sayo lang ako" he emotionally said. Bumaba ang ulo nito and gave her a short, sweet kiss on the lips.
Umalingawngaw ang kantyawan at palakpakan ng mga tao sa kanilang paligid, tila nag enjoy ang mga ito sa nasaksikhan. Most faces she saw were smiling and cheering for them although hindi maitago ng ilang kababaihan ang panghihinayang. The most wanted bachelor of SMU is now officially taken. Nakita niya si Marcie na padabog umalis ng dance floor, leaving her partner behind. Mabilis itong sinundan nina Leana at Chelsea, ang mga kaibigan nitong parte ng "mean girls squad" kung kanyang tawagin.
Pakiramdam ni Louise ay nangamatis sa pula ang mukha niya. She glimpsed at Gael, he seems to be enjoying this. Hindi ito kababakasan ng pagkapahiya, sa halip hinawakan nito ang kanyang kamay and playfully lifted it up, tila lalong pagkokompirma sa nasaksihan nila, as if to say "yes, we are official"
Ilang kaibigan ni Gael ang lumapit sa kanila "pare, epic yun ah!" nakangising sabi ni Jax na tinapik si Gael sa balikat.
"Finally, may nakabingwit din dito kay Gael" nanunuksong sabi naman sa kanya ni Ronald.
Kaibigan at kaklase ni Gael ang dalawa sa Engineering Dept.
Tila lalong nag init ang pisngi niya. Nanatili lamang siyang nakayuko. Louise! pull yourself together, will you? bulong niya sa sarili.
"Pare, mauuna na muna kami" paalam ni Gael sa mga ito "may ipakikita pa ako kay Louise"
"Naku pare! dise-sais lang yan ha, baka kung ano ipakita mo diyan" biro ni Jax.
"Gago!" natatawang sagot nito.
Gael led her out of the dance floor. It was only 11 in the evening, at dahil alas dos pa ang paalam niya sa ama, she has time to go with Gael. She will need to explain sa ama kinabukasan. Paniguradong nakarating na sa kaalaman nito ang mga pangyayari. Bukas na niya iisipin at haharapin ang kung ano mang backlash nito mula sa ama.
"Cindz, aalis lang muna kami ni Gael ha. I will be back before 2 at bago dumating si Mang Erning" paalam niya sa kaibigan na ang tinutukoy ay ang kanyang sundo
"Saan kayo pupunta?" tanong nito.
"Hindi ko din alam eh, supresa yata" nasisiyahan niyang sagot "look! he gave me this and told me he loves me!" ipinakita niya sa kaibigan ang kuwintas sa kanyang leeg.
"Aba! mabuti naman sa wakas at nagsabi din siya"
"Grabe bes, hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko. Alam mo yung parang nasa ulap lang?" she said dreamily.
"Hay naku! in love talaga ang bestfriend ko!" said Cindy "oh wag munang susuko ang Bataan ha?" paalala nito.
She blushed. Si Cindy talaga! pano nitong naiiisip agad ang ganoong mga bagay? Ni sa hinagap nga ay hindi nga iyon pumasok sa isip niya.
"Ikaw talaga bes!"
"Paalala lang sakin bes" si Cindy ulit. "I know na in love ka at unang boyfriend mo si Gael pero, just take care of yourself ok?"
"I will. thanks bes" bineso niya ito bago umalis.
Lihim niyang naipagpasalamat nang makitang sa halip na motorsiklo ay isang pick up truck ang dala ng binata. Kulay pula ito at may kalumaan na, ang mga gilid ay kakikitaan ng bahagyang pangangalawang. Still better instead of motorbike for tonight, considering what she's wearing! Naka pang promdress pa rin siya at naka heels pa!
Gael took off his leather jacket at ipinasuot iyon sa kanya "wear this" he commanded "malamig ang hangin at tiyak na lalamigin ka sa daan"
"Saan tayo pupunta?" Gael helped her get in the vehicle.
"You'll see" nakangiting sagot nito.
Umikot ito sa driver's seat at pagkatapos ay dumukwang sa kanya upang ikabit ang kanyang seatbelt. Nagkabit din ito ng sariling seatbelt.
"Are you scared?" he asked
Isang iling ang ginawa niya "I trust you"
"Good" a satisfied smile crossed his lips
They drove for about 20 minutes hanggang narating nila ang harapan ng isang lumang bahay. She was sure nasa San Martin sila, ang bayang karatig ng Sta. Martha.
Inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan at binuksan ang maliit na gate niyon para sa kanya.
Dalawang palapag ang bahay na iyon na gawa sa brick at kahoy. Ang bintana ay old style na yari sa capiz. Mayroong isang malaking punong mangga sa kanang bahagi ng bakuran, iba't iba ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid. It was
an old spanish style house ngunit maliwanag ito at maaliwalas, ang buong labas ng kabahayan ay naliliwanagan ng mga nakasabit na patio bulbs.
"Anong ginagawa natin dito? kaninong bahay 'to?"
"Nabili ko ang bahay na ito, Louise. With the little money that my parents left for me" Iginiya siya nito papasok sa kabahayan.
Oh yes, nabanggit nito sa kanya noon na namatay ang mga magulang nito when he was 14.
Iginala niya ang mata sa kabahayan, hindi iyon kalakihan at wala pang mga gamit. Ang sahig nito'y yari rin sa kahoy.
"What do you think?" nakangiting tanong nito.
"It's beautiful. Full of character... pero anong ginagawa natin dito?" for sure he didn't take her here para lang sabihing nakabili ito ng bahay.
Niyakap siya nito mula sa kanyang likuran "when you turn 18..." he hesitated for a bit then continued "...I want to ask you to marry me, sweetheart. Binili ko ang bahay na ito para sa atin"
"Huh?" ang tanging naiusal niya. Is he proposing right now?