DOCTOR, DOCTOR, I AM SICK
CHAPTER ONE
“SABI nina Lloyd at Karina, `yong sales commission na suppose to be ay ibibigay sa mga agents, ibabawas na sa presyo and a discount of ten percent more para kumuha ka lang ng unit, Lorna.” Dibdiban ang pangungumbinsi ni Viola kay Dra. Lorna Madriaga na kumuha na ng unit sa Preciousland Palace. “I’m having second thoughts, Viola. Kasi nag-‐‑ iisa naman akong titira sa napakalaking bahay nàyon” “Think of it as an investment na puwede mong ibenta in the future at a higher cost. Tutubo pa ang pera mo kesa ilagay mo sa time deposit na napakaliit ng interest.” “Kung sabagay, may punto ka,” sang-‐‑ayon niya. “Huwag ka nang mag-‐‑isip nang matagal para makakuha ka ng magandang puwesto. Kami nga ni Jig ay nag-‐‑iisip na kumuha ng bagong unit at pauupahan na lang namin ang aming unit sa Pre-‐‑ ciousville.” “Just give me more time to think it over. Talagang plano kong mag-‐‑invest sa house and lot.” Napangiti si Viola. “Para naman ang isusunod mong problemahin, eh, husband na.” Napangiti na rin si Lorna. “Hindi naman ako nagmamadali. Besides, nag-‐‑e-‐‑enjoy pa ako sa pagiging single. And mind you, I’m still young pa, `no!” “Hoy, twenty-‐‑nine ka na,” buska nito. “Malapit ka nang magtreinta.” “Mukha lang naman akong sixteen, `di ba?” Napabungisngis na rin siya. “At saka wala pa akong napupusuan.” “Masarap ang may asawa, Lorna. May nag-‐‑ aalala at nagmamahal sa iyo,” pang-‐‑iinggit pa nito. “Ang yabang mo! Porke, natagpuan mo na ang nagmamay ari sa iyo—” “Naku, Lorna, hindi mo alam ang istorya namin ng husband ko. Like you, wala pa akong planong mag-‐‑asawa. Engrossed ako sa aking profession at feeling ko’y hindi ko kailangan ang lalaki sa buhay ko. Dumating nga itong husband ko na sa maniwala kàt sa hindi ay ang kinaiinisan kong kababata noon.” “Really?” Amused na napangiti si Lorna. Hindi roon natapos ang kuwento ni Viola. Detalyadong ikinuwento nito sa kanya kung paanong nabuo ang love story nito at ng asawang si Jig. “Ang cute naman ng love story mo,” tila nangangarap na sabi niya nang matapos ito sa pagkukuwento. “Pero noong estudyante pa lang ako at dito kami sa ospital ninyo nag-‐‑intern, hindi kita nakikita.” “Sa ibang ospital kasi ako nag-‐‑intern. Ganoon kasi ako ka-‐‑independent noon, Lorna.” “Pareho pala tayo. Actually, kaya ako naririto sa Maynila ay dahil ayoko ring umasa sa parents ko. Modesty aside, may sinasabi rin naman sa buhay ang family ko. May mga negosyo ang parents ko sa Cebu pero ayokong magtrabaho roon. Kaya naririto ako sa malayo kasi may gusto akong patunayan sa sarili ko.” “Kaya tamang-‐‑tama na bumili ka ng sarili mong unit. Mahirap din `yong nangungupahan, `no!” “It will come eventually,” aniyang tila ini-‐‑ imagine ang sinasabi nitong Preciousland Palace. Nakita na niya ang naturang lugar at humanga na siya sa kagandahan at katahimikan niyon. Talagang maituturing na dream house ang mga nakatayong bahay kaya naman nagkaroon siya ng desire na magmay-‐‑ari ng isang unit. Nasaksihan niya ang kasal nina Lloyd at Karina na ginanap sa Preciousland Palace. Somehow, nangarap siyang maging bride din. Kaya lang, sa kasalukuyan niyang sitwasyon, malayong mangyari iyon. Sa sobrang pressure ng kanyang propesyon, wala na siya halos panahon sa sarili. Ni wala na siyang social life. Hindi naman sa cold-‐‑hearted siya at hindi nangangailangan ng lalaki sa kanyang buhay. Pero wala pa siyang makitang lalaki na magpapatibok ng kanyang puso. Nang biglang maalala niya ang isang bahagi ng nakaraan at nilukob siya ng matinding kalungkutan. Naranasan ko nang magmahal noon. Pero nakakadala. . saisip niya. “HELLO, Lorna!” bati sa kanya ni Dr. Meneses nang araw na iyon. Sa tuwing darating ang butihing direktor ng ospital na pinaglilingkuran niya ay hindi nito kinakaligtaan na dumaan muna sa kinaroroonan niya. Parang tunay na ama ang turing niya sa matandang lalaki na isa ring mahusay na manggagamot ng naturang ospital. Mabait si Dr. Meneses, katulad din ng anak nitong si Viola, kaya nga close sila ng babae. Bandang hapong nang ipatawag siya ni Dr. Meneses. Off duty na siya. “Sit down, Lorna,” magiliw na alok nito. “Bakit po ninyo ako ipinatawag?” “Wala naman. Gusto ko lang makipagkuwentuhan sa iyo. Ang tagal na nating hindi nagkakausap. How’s your work?” “It`s very tedious, pero masarap ang feeling lalo na’t nakakatulong sa kapwa.” “Totoo ‘yan. Kaya nga nagsikap akong magkaroon ng sarili kong hospital. Ang naging unang goal ko ay para makatulong sa mga mahihirap na pasyente, and to give them free services kung kinakailangan.” “Kaya pala mabait ho kayo sa mahihirap nating pasyente.” “At nakita ko ring mabait ka sa kanila. Talagang totoo ang kasabihan sa Ingles na: birds of the same feather, flock together.” At nagkatawanan sila ng butihing direktor. Hindi sinasadyang napatingin siya sa isang blow-‐‑up picture na nakasabit sa dingding. Bago iyon sa kanyang paningin, subalit pamilyar ang mga mukha sa larawan. Napuna agad ng matanda na titig na titig siya sa larawan. “Nahalungkat kòyan sa file ko. Natatandaan mo ba ang group picture na ‘yan?” “Yeah. That was our farewell picture ng mga interns na kasama ko noong aming last day dito sa hospital.” “Precisely. Pinalakihan ko dahil nariyan ka. Look.. batang-‐‑bata ka pa riyan. Lagi ka pang naka-‐‑ponytail noon.” Inalis ni Dr. Meneses sa pagkakasabit ang larawan at iniabot nito iyon sa kanya. That picture was taken four years ago. Agad na hinagilap ng kanyang mga mata ang isang lalaki. And a sudden pain struck her. Nasaan na kaya siya? Two years ago, he tried to contact me, but I refused to answer his phone calls and letters. Why should I, in the first place? “Mukhang nalungkot ka nang makita mòyan. As if, may nakita ka na nagpasira sa iyong araw.” “Not really,” pagkakaila niya. “Pero nakaka-‐‑ miss din kasìyong mga dati kong mga kasama rito.” CALLING the attention of Dra. Lorna Madriaga, to the emergency room, please! Paulit-‐‑ulit ang panawagang iyon sa dalaga. Kasalukuyan siyang nagra-‐‑round sa mga pasyente sa third floor nang marinig niya iyon. Kaya hangos na bumaba siya sa ground floor kung saan ay naroroon ang emergency room. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang malaman kung sino ang pasyenteng pinagkakaguluhan ng mga nurses at resident doctors. “Doctora, si Dr. Meneses po. Inatake,” salubong agad sa kanya ng isang nurse. “Ha?” “Tawagan ninyo si Viola ngayon, din! Madali!” Buo ang loob na nagbigay siya ng instructions sa lahat. Wala silang inaksayang sandali upang mailigtas sa tiyak na kamatayan ang direktor. Makalipas ang mahigit na isang oras, dumating si Viola. Sinalubong niya agad ang babae. “How’s my father,” anitong bakas ang matinding pag-‐‑alala sa mukha. “Nasa ICU na siya, Viola,” tugon niya. “Oh, God! Is he that serious?” “For precautionary measures ay dapat na naroroon siya. Huwag kang mag-‐‑alala, mahigpit siyang binabantayan ng ating mga espesyalista.” Hindi nito napigilan ang pagbalong ng luha. Naging emosyonal na rin siya. “I know how you love my dad. But he’s gonna be fine, right?” Gustong makatiyak ni Viola. “Yes. He’s gonna be all right. Nalulungkot lang ako. Napakabait ng daddy mo para siya magkaganito.” “Hindi natin siya pababayaan, Lorna.” “Yes, with the help of our Lord.” NAGING isang malaking alalahanin ang pagkakaatake ni Dr. Meneses. Sa loob ng ilang araw, si Viola ang pansamantalang humalili sa posisyon ng ama. Subalit hindi pa man natatagalan ay nahihirapan na ito. “Hindi ko kaya ito, Lorna. Mawawalan na ako ng panahon sa pamilya ko kapag ako ang naupo sa posisyon ng Daddy. Ilang gabi na kaming hindi nagsasalo ni Jig sa hapunan dahil dis-‐‑oras na ng gabi kung makauwi ako,” daing nito sa kanya. “Anòng gagawin mo? Alangan namang pabayaan mo na ang management nitong ospital?” “Nag-‐‑iisip nga ako kung sino ang puwedeng mahingan ng tulong.” Nakatuon ang mga mata ni Viola sa blow-‐‑up picture na nakasabit sa dingding. Nang biglang mapatuwid ito ng upo, nangingislap ang mga matang napatingin kay Lorna. “Alam ko na kung sino ang capable na pumalit muna kay Papa. Si Brent, Lorna! Do you remember him?” bulalas nito habang nakaturo ang kamay sa picture. “Y-‐‑yes,” aniyang nanlalamig ang buong katawan. “I know his caliber at tiyak na hindi magdadalawang-‐‑isip ang Papa. Kailangang makontak ko ang lalaking `yon.” Oh, no! Not him, please? If ever, my life will never be the same kung si Brent nga ang mamamahala sa hospital na ito. NANG sumunod na mga araw, naging usap-‐‑ usapan sa loob ng ospital ang pagdating ni Dr. Brent Salgado. Sa mga nakakakilala sa binata, hindi madaling kalimutan ito. Because of his decent looks and strong sex appeal kaya maraming staffs ang nagka-‐‑crush dito noon. Maraming nurses ang kinilig sa kaalamang babalik ang dating heartthrob ng ospital na iyon. Sa pagkakaalam ni Lorna, nagawang i-‐‑pirate ni Viola si Dr. Salgado mula sa isang prestigious hospital kung saan ay assistant director ang binatang doktor. Si Brent ay dating medical student na nakasabay ni Lorna sa internship sa ospital. Nalaman niyang classmate ito ni Viola. Matalino ang binata, katunayan ay topnotcher ito sa medical board exam. Marami ang nangalog ang tuhod dito nang maging head ng medical team na nag-‐‑training sa ospital nina Viola. He was given a higher position. Naging head ito ng mga aspiring surgeons ng kanilang grupo. Seryoso at metikuloso, laging nakapuna at nakabantay sa kilos nila ang binata. Perfectionist was the right word to describe him. Idagdag pa ang pagkaarogante nito at conceited. Naisip ni Lorna, kailangan na niyang ikondisyon ang sarili sa nakatakdang paghaharap nila ni Brent. Wala siyang dapat ipangilag dito. Isa siyang surgeon na ang popularidad at kapasidad sa ospital na iyon ay hindi na matatawaran. May kakaiba siyang karisma sa mga pasyente. Being sweet and accommodating kaya maraming pasyente ang nalulugod sa kanya. Karamihan sa mga pasyente nila ay mayayaman, gayumpaman pantay lang ang treatment niya sa mga ito at sa mga mahihirap na pasyente. Kaya naman, isa siya sa well-‐‑loved doctors sa ospital na iyon. “Doktora, alam na ba ninyo ang good news?” natutuwang salubong sa kanya ng isa niyang kasamahan. “Tungkol saan?” “Sa bagong consultant na kinuha ni Director Meneses para mag-‐‑run nitong hospital?” “I have an idea, pero hindi ko alam kung tama ako,” kaswal na sabi niya. “Si Dr. Brent Salgado. `Yong dati nating kasamahan dito. At balita namin, single pa rin! Kinikilig na nga si Eva. Crush kasi niyàyon. Matagal na.” At itinuro nito ang katabing nurse na medyo chubby. “Kailangan siguro ay simulan mo na ang pagdidiyeta mo, Eva. Baka hindi type ni Dr. Salgado ang mataba,” biro niya. “Ay, sinabi mo pa, Doc. Very cautious na nga ako sa aking pagkain. No fats, no oil, no rice. Nagsisimula na akong mag-‐‑wheat bread at tea.” Napilit niya ang sariling ngumiti. But deep inside, nasa dibdib niya ang malaking takot sa muling paghaharap nila ni Brent.
CHAPTER TWO
DAIG pa ni Lorna ang hinahabol ng
maligno sa bilis ng naging kilos. Tinanghali siya ng gising. Paano’y napuyat siya kagabi sa pag-‐‑iisip kay Brent. Heto siya ngayon at nagmamadali sa
paggagayak ng sarili. Ang oras sa table clock ay eight-‐‑fifteen. Ilang sandali pa’y tinatalunton na niya ang mahabang pasilyo habang isinusuot ang kanyang
white coat. Nakaupo na ang lahat sa conference room nang bumungad si Lorna.
Nakuha niya ang atensiyon ng mga ito. “Good morning everybody!” bati niya na
hindi tumitingin sa matangkad na lalaking nakatayo. “You have not changed, Dra.
Madriaga. You’re still late in reporting for work,” malamig ang tonong saad ni
Brent. Pormal na pormal ang anyo nito. Pakiramdam ni Lorna ay namula ang pisngi
niya. Hindi pa rin nagbago ang hudyo, nagpupuyos ang kaloobang wika niya sa
sarili. Tahimik na tahimik ang lahat. Pagkaraan ng ilang minuto, si Viola naman
ang dumating. Subalit walang-‐‑anuman iyon kay Brent. “Good morning, Viola!” bati nito. “Good morning, Brent. Am I late?” “We’re just starting.” Naningkit ang mga mata ni Lorna at
tila gustong tupukin sa tingin si Brent. The nerve! Si Viola ay nagawa niyang
batiin. . samantalang ako.. hiniya sa lahat! Sa tabi niya naupo si Viola. “Kanina ka pa?” tanong sa kanya ng babae. “Nauna lang ako nang isang minuto sa
iyo, Viola.” “Bakit ka nakasimangot?” “Wala lang,” pagkakaila niya. Habang
nagsasalita si Brent ay nakasimangot siyang nakatingin dito. “I will be
discussing certain new rules with Dr. Meneses and Viola. When I resume my
office by next week, I want the new rules to be implemented. Punctuality is the
number one requirement. Especially sa mga resident doctors.” Too much of my
agony. Mag-‐‑resign na lang kaya ako at maghanap
ng bagong ospital na mapapasukan? Natapos ang orientation. Walang kangiti-‐‑ ngiting lalabas na sana siya kasabay ng iba pa nang pigilan
siya ni Viola. “Sandali lang, Lorna. Nagpahanda ng breakfast si Daddy para sa
ating apat.” “Busog ako, Viola. Sabihin mo na lang kay Dr. Meneses na nag-‐‑round ako.” “Baka sumama ang loob ni Daddy.
Kabilin-‐‑ bilinan pa naman na isama ka sa breakfast na ipinahanda
niya for Dr. Salgado.” Noon ay palapit
na sa kanila si Brent kaya hindi na siya nakapag-‐‑react.
“How are you, Dra. Madriaga?” bati ni Brent sa kanya. “I’m not fine, Dr. Salgado. Not very very fine,” tugon niya saka binalingan si Viola.
“I’ll go ahead, Viola. Hihintayin ko na lang kayo sa kuwarto ni Dr.
Meneses.” Hindi na niya hinintay ang sagot ni Viola. She was so irritated at
gusto na niyang makawala sa presensiya ni Brent nang mga sandaling iyon.
NANGINGILID ang mga luha ni Lorna nang pumasok sa kuwarto ni Dr. Meneses.
Nakaayos na ang dining table na halatang naka-‐‑prepare
para sa apat na tao. Heavy breakfast iyon na binubuo ng beef steak, egg omelet,
fried rice, espesyal longganisa, ripe papaya and mango juice. May espesyal na
putahe para kay Dr. Meneses. Inihaw na tilapya at gulay na walang sahog. “You
look awful today, Dra. Madriaga. Why?” concerned na tanong ng matanda. Mabilis
naman itong naka-‐‑recover at kailangan na lang ng
complete rest. Kahit inatake ito, hindi naman naapektuhan ang pananalita. “Napuyat lang ho ako kagabi.” “Dapat pala’y nag-‐‑extend ka na lang ng tulog mo kahit man lang isang oras.” “May orientation ho kami kanina with Dr. Salgado. Kinailangan kong
gumising nang maaga. Actually, na-‐‑late pa ako nang fifteen minutes.”
“That’s tolerable. I hope, Dr. Salgado would understand.” “But he did not. In
fact, hiniya pa niya ako sa harap ng lahat.” Amused na napangiti ang matanda.
“Mukhang hindi yata kayo magkakasundo ni Brent, Hija.” “So your lovely doctor
is already here,” anang baritonong tinig. Natigagal si Lorna nang makitang
bumungad sa pinto sina Brent at Viola. “Well, shès my dad’s favorite lady
doctor, Brent,” sang-‐‑ayon ni Viola. “And our patient’s favorite, too. She is sweet, kind,
and devoted. The reason why I requested her to stay in this hospital matapos
siyang maka-‐‑ graduate ng college.” “But it seems, hindi gusto ni Dr. Madriaga na makasama ako,” sahod ni Brent sa sinabi ni Dr.
Meneses. “I never said that!” nabiglang reaksiyon ni Lorna. “Kumain muna tayo. Lalamig na ang
pagkain,” pamamagitan na lamang ni Dr. Meneses
nang madama ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Napangiti naman si Viola na
nakahalata sa iringan nina Lorna at Brent. Dumaan ang mahabang sandali na
magkakasalo ang apat sa masaganang almusal. Manipulado ni Brent ang
kumbersasyon. Nanatili lamang nakikinig si Lorna. Mayamaya’y nagpaalam na siya.
“Kailangan ko nang bumalik sa duty. Please excuse me.” At nagtuluy-‐‑tuloy na siyang lumabas ng private suite ni Dr. Meneses na
nasa fourth floor. KATATAPOS lang mag-‐‑round ni Lorna sa mga pasyente nang
ipasya niyang magmeryenda muna sa canteen. Um-‐‑order
siya ng egg sandwich at juice. Patungo na siya sa bakanteng mesa nang marinig
niyang may tumatawag sa kanya. “Join us here,
Lorna.” Si Dr. Gino Alejar iyon at may
kasama ito sa table, mga resident doctors. Napilitan siyang pagbigyan ang
lalaki. “Curious lang kami kung bakit magkakilala kayo ni Dr. Salgado, Lorna,”
tanong sa kanya ni Dr. Eric Madrid. “Nakasabay ko kasi siyang mag-‐‑intern dito noon.” “Eh, de alam mo na ang kanyang
kalibre?” “Not really. Ang alam ko lang, eh, may pagkaistrikto at metikuloso ang Dr.
Salgado nàyon.” “Nahalata kasi namin na nainis ka sa
kanya kanina,” ani Dr. Gino Alejar. “Hindi ko lang nagustuhan ang naging
remark niya nang dumating ako. It`s quite embarassing, you know.” “But for us,
you’re still the most beautiful and sweetest lady doctor we’ve ever met.”
“Thank you, guys. Pero kumain na kayo at lalamig ang soft drinks ninyo,”
natatawang biro niya sa mga kaharap. “Lalamig?” “I mean, mawawalan ng lamig.”
Nabili ng grupo ang joke niya. Patapos na siyang kumain nang dumating ang isang
matabang babae at nang makita siya ay agad itong lumapit. “Mabuti at nakita
kita, Lorna.” “Bakit ho Mrs. Santos?” Isa itong dietician sa naturang ospital
at isa sa mga close friends niya. Ilang araw itong absent sanhi ng pressure sa
family at ngayon lang nakapag-‐‑report. “Ilang araw akong nag-‐‑baby sit sa mga apo ko, Lorna. Ura-‐‑urada kasing umalis ang yaya at hindi naman puwedeng um-‐‑absent sa trabaho ang aking anak dahil candidate na siya for
promotion sa opisina nila.” Nagbuntong-‐‑hininga ito. “Mahirap ang maging lola. Hindi ako makatiis kapag mga apo ko na ang
sangkot.” “Ano itong naririnig ko na may hahalili muna kay Dr. Meneses at iyon ay si
Dr. Brent Salgado?” “That’s correct, Mrs. Santos. By next week ay magsisimula
na siyang pangasiwaan itong ospital.” “How do you feel nang makita mo siya?”
“Wala lang.” “Oh, come on, Lorna. Huwag kang maging ipokrita. Nakalimutan mo na
ba ang insidenteng naganap sa ospital na ito four years ago nang ipasok dito
ang isang maarteng pasyente na nagtangkang i-‐‑discredit
ka dahil na-‐‑insecure sa iyo na baka inaagaw mo
na ang boyfriend niyang si Brent?” “Matagal ko na hong kinalimutan `yon,” aniyang nagkibit-‐‑balikat. “I just charge it to experience.” “Ano ang naging
reaksiyon niya nang makita ka?” “Hindi pa rin siya nagbago. Tactless pa ring
magsalita at walang pakialam kung makasakit ng kapwa. I was a victim this
morning dahil na-‐‑late ako nang fifteen minutes sa
meeting.” “How I wish nakadalo rin ako sa meeting. Guwapo pa rin ba si Brent?” “Ewan ko.” Inakbayan siya ni Mrs. Santos. “Talagang you still hate that guy,
huh?” “Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin.” “Akala ko ba, kinalimutan mo na?” “Ngayong nakita ko siya uli, muling
nabuhay ang galit ko sa kanya.” Nanunudyo ang ngiti ni Mrs. Santos. “Hindi kaya
nabuhay ang pagsinta mo sa kanya?” PABILING-‐‑BILING si Lorna sa kama. Mailap ang
antok sa kanya. Hindi niya gustong isipin si Brent, subalit parang tuksong
lumilitaw na lamang sa imahinasyon niya ang kaguwapuhan nito. His tall lean
figure, his expressive eyes, his soft lips — ang mga iyon ang masyadong vivid sa isipan niya. Four years ago, ginulo
ng lalaking ito ang kanyang puso. Lihim niya itong minahal at itinangi sa
kabila ng mga negatibong ugali na nakita niya rito. Ang hindi niya alam,
interesado rin pala sa kanya si Brent. O mas tamang sabihing binalak pala
siyang paglaruan ni Brent. At kaya sila nagkalapit ng dietician na si Mrs.
Santos, ito ang ginamit ni Brent na tulay upang mapalapit sa kanya. Ang babae
ang naghahatid ng mga sulat at mensahe ng binata para sa kanya. Ang babae ang
tanging saksi sa pagkakaunawaan nila ni Brent. Ito ang kanyang first boyfriend.
Ipinalasap nito sa kanya ang tamis ng unang halik. First time na nasayaran ng
mga labi ng isang lalaki ang kanyang mga labi. Pakiramdam niya nang mga
sandaling iyon ay nilukob siya ng bolta-‐‑boltaheng kuryente. Hanggang sa
dumating ang isang pangyayari. . Nagpa-‐‑confine sa ospital si Antonette.
Wala naman itong sakit maliban sa ubo; gayumpaman ipinilit pa rin nito na
kaagad maasikaso ng doktor. “Please call Dr.
Salgado. Siya ang gusto ng anak ko na titingin sa kanya,” makapangyarihang utos ng ginang, ang
mama ni Antonette sa nurse. Ang daming doktor na subok nang mahusay, bakit ang
isang intern na katulad ni Brent ang hinahanap? Saka lang niya nalaman ang
dahilan. Ang nasabing babae ay nobya pala ni Brent. Nagpa-‐‑confine ang babae nang sapilitan dahil nababalitaan nito na
may kinalolokohan ang boyfriend na isa ring intern. Walang kaalam-‐‑alam ang mga kasamahan ni Lorna na siya ang tinutukoy ni
Antonette. At natuklasan niya ang katotohanan nang puntahan niya ang
kinaroroonang silid ng babae. Kitang-‐‑kita ng mga mata niya ang eksenang
inabutan sa loob ng silid ng pasyente. Nakayapos si Antonette kay Brent at
magkadikit ang mga labi. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para
harapin ang mga ito sa halip na takbuhan. Pormal ang anyong ipinaramdaman niya
sa dalawa ang kanyang presensiya. “Ipinatatawag ka ni Dr. Meneses. May
emergency meeting tayo,” aniya. Nakasimangot ang babae. Ganoon din si Lorna.
Tila pa nga nagbubuga ng asido ang kanyang titig sa dalawa. Wala siyang
pakialam kung mahalata ni Antonette na nagseselos siya. Bago tumalikod ay
pinukol muna niya ng matalim na irap si Brent. Alam niyang hindi iyon
nakaligtas sa matalas na paningin ni Antonette. Makirot na makirot ang puso
niya nang mga sandaling iyon. Pinaglaruan lamang pala ni Brent ang kanyang
damdamin. Hindi na siya nagdalawang-‐‑isip, agad siyang nakipagkalas sa
binata. Sa pamamagitan ng sulat, na si Mrs. Santos ang nag-‐‑abot kaya naipaalam niya kay Brent ang kanyang galit. Mula
noon ay iniwasan na niya ito. “Why not give him
a chance to explain, Lorna?” “Ayoko na siyang kausapin. He cheated
me! At hinding-‐‑hindi ko siya mapapatawad.” Hindi rin niya makalimutan ang
insidenteng dumaan pa sa harapan niya sina Brent at Antonette. Palabas na ang
babae sa ospital. Feeling niya ay pinagmamalakihan siya ni Brent. Ewan kung
nahalata sa mukha niya ang sakit. At dahil sa pangyayaring iyon kaya lalo
siyang napoot dito.
CHAPTER THREE
FIRST day ng assumption ng office ni
Dr. Brent Salgado. As expected, everybody were on their proper places nang
dumating ang binata nang araw na iyon. May malalaking streamers na nakasabit sa
pinaka-‐‑lobby ng ospital bilang pagwe-‐‑welcome
kay Brent. Lahat sila ay required na tumayo sa lobby upang sa pagdating ni
Brent ay sasalubungin nila ng mainit na pagbati. Nang dumating nga ito, marami
ang bumati at nakipagkamay. Samantalang si Lorna, dead-‐‑ma lang sa isang tabi. Wala siyang pakialam kung napupuna na
siya ng mga kasamahan. Mas lalong hindi siya makikipagplastikan kay Brent. “I hope na welcome ako sa lahat ng mga
naglilingkod sa ospital na ito,” anito na ang mga mata ay nakapokus sa kanya.
Nagkunwari siyang hindi narinig ang sinabi nito. Subalit siniko siya ni Mrs.
Santos. “Nakatingin sàyo.. ” bulong nito. “I don’t care,” nakairap niyang
sagot. “Galit ka pa rin ba kay Brent hanggang ngayon?” mahinang usisa sa kanya
ng babae. “Hindi lang basta galit. Kung maaari lang, ayoko na siyang makita
kahit na kailan.” “Naiintindihan ko ang damdamin mo, Lorna. Pero dahil siya na
ang head natin ngayon, you are ought to give him respect and submit to his
commands.” Nagpawala siya ng malalim na buntong-‐‑
hininga. “Kung puwede nga lang na ura-‐‑uradang lumipat sa ibang ospital, ginawa ko na sana.” Napangiti ito. “But the truth is. . mas nangingibabaw
sàyo ang kagustuhang muli siyang
makasama. Aminin na kasi,” buska pa nito. “Of course not. Who is he anyway? Ang
daming mas higit ang katangian sa kanya.” “Hold your feelings, my dear. Baka
maapektuhan ang trabaho mo. Ikaw din,” paalala nito sa kanya. Talagang hindi siya dapat paapekto sa presensiya
ni Brent. After all, kapag nangyari iyon, siya na naman ang talo. NAGKATOTOO
ang sinabi ni Mrs. Santos. Buong maghapon ay hindi mapakali si Lorna. Dati-‐‑rati ay masaya siya sa ginagawang pagra-‐‑ round sa mga pasyente. Nag-‐‑e-‐‑enjoy siya sa pakikipag-‐‑usap sa mga ito. Pero ngayon,
kapansin-‐‑pansin ang pagiging tahimik niya at
katamlayan. “Dahil single pa rin si Brent kaya
nag-‐‑decide na dito na rin mag-‐‑stay
sa ospital. Anyway, may bakanteng room sa fourth floor at iyon ang ipinagamit
sa kanya ni Dr. Meneses. Malayo nga naman kung araw-‐‑araw ay uuwi pa siya sa Bulacan.” Hindi niya alam kung sinasadya ni
Mrs. Santos na maging topic nila si Brent gayong alam naman nito ang
pagkadisgusto na pag-‐‑usapan pa ang binata. I am not
interested na makarinig ng anumang tungkol sa kanya, dikta ng isip niya. Ngunit
ang totoo’y ang buong atensiyon niya ay nasa
sinasabi ni Mrs. Santos. Kailagang matutuhan ko kung paano ko siya iiwasan.
Hindi ako tatagal na palagi siyang nakikita. Noon sumaksak sa isipan niya si
Viola at ang house and lot na iniaalok nito sa kanya. PRECIOUSLAND Palace
Subdivision. The name itself suggested kung gaanong kaelegante ang mga units na
nakikita ni Lorna. Ang mga nakatayong bahay ay may touch of class at may
kakaibang privacy kaya naman hindi na siya nagdalawang-‐‑isip sa pagdedesisyon na kumuha na ng unit. Personal siyang
sinamahan ni Viola sa lugar na iyon sa Cavite para makapamili na siya ng ideal
place ng bahay. “Higit na maganda
ito at regal na regal sa Preciousville Place. Look at the houses. Very modern
at wala pang katulad niyan dito sa Pilipinas.” Naroon ang dalawang babae sa
isang unit. Matapos nilang libutin ang loob ng bahay ay ang labas naman ang
inusyoso nila. “You’re right. At gustung-‐‑gusto ko ang yari. Palagay ko ay
makakabili na nga ako ng sarili kong bahay.” “Gaya na nga ng nasabi ko sa iyo, it`s
one of the best decisions na magagawa mo sa ngayon. Wise investment ang house
and lot. Kapag inayawan mo na, you can sell it at a higher price pa. Wala kang
lugi.” “I agree with you. And I really like the place. Kompleto na sa lahat ng
bagay. Hindi ka na lalayo.” “Well, mahusay ang mga taong nasa likod ng proyekto
nito. Moderno ang mga amenities nito compared sa Preciousville. I think,
magtatayo pa yata ng mall dito. Under negotiation na raw sabi ni Karina.”
“Bilib na ako sa yari at disenyo ng mga bahay.” “Kapag nakabili ka ng unit mo
dito, magiging magkapitbahay na tayo. Who knows, baka dito mo rin matagpuan ang
iyong Prince Charming.” “Matagpuan ko pa kaya siya, Viola? Lagi akong
nakakulong sa ospital. Ni hindi ko na makuhang mag-‐‑relax.” “Bakit ako? Hindi ko naman hinanap ang
husband ko,” anitong maluwang ang ngiti. “Kusa siyang dumating.” “Kung sabagay,” patiayon niya.
Nang araw ding iyon, nagtungo sila sa opisina nina Lloyd at Karina. Ganoon na
lang ang katuwaan ng mag-‐‑asawa sa naging desisyon ni Lorna. “Hindi ka magsisisi sa pagi-‐‑invest sa aming bagong subdivision,” saad ni Lloyd nang pumirma ang
dalaga sa mga kaukulang papeles para sa proseso ng bilihan. “Kailan ako puwedeng maglipat,
Karina?” usisa niya rito pagkaraang maiabot ang tseke. “Maybe next month. Pero
pipilitin naming mapadali ang pag-‐‑aayos ng mga papeles.” “Just tell me kung kailan. Excited na kasi akong makalipat, Karina.” Ngumiti ito. Gusto ko ng tahimik na
lugar, aniya sa sarili. Hindi iyong puro ospital na lang ang mundo ko. NAGING
hectic ang schedule ni Lorna nang mga sumunod na araw. Sunud-‐‑sunod ang pasyenteng isinusugod sa emergency room. Ganoon na
lang ang pasasalamat niya dahil hindi niya napagkikita si Brent. Nang araw na
iyon ay katatapos lang niyang operahan ang isang pasyenteng may cyst sa obaryo.
Patungo na siya sa kanyang quarter para magpahinga. Ngunit hindi niya akalaing
masasalubong niya sa pasilyo si Brent. Parang walang nakikita na iniwas niya
ang tingin at lilihis sana ng daan, subalit nabigla siya nang humarang ito sa
kanyang daraanan. “Mukhang hindi ka naging successful na iwasan ako sa araw na
ito, Lorna. At last, nahuli rin kita. Para kang daga na takot makakita ng
pusa.” Mabuti na lang at walang ibang staff sa pasilyo, may ilang pasyente na
naghihintay ng kanilang oras sa pagpapagamot. “Will you please excuse me?
Naaabala mo ang oras ko,” mataray niyang sabi rito. “Is that how you treat your
immediate superior?” “Depende. Hindi ako ganito kay Dr. Meneses.” “Then I have
to tell Dr. Meneses na you are being unfair sa akin.” “How dare you! Ano ba’ng
problema mo?” “I think, ikaw ang may problema. Ginagawa mong masikip ang mundo
para sa ating dalawa.” “At ano ang gusto mong gawin ko?” “Gusto kong makita ang
Lorna na nakilala ko noon. Sweet and affectionate. . a lovable woman na—” “Dr.
Salgado!” tawag-‐‑pansin ng isang nurse na humahangos
na lumapit sa kanila. “Bakit?” kunot ang noong usisa rito ni Brent.
“May pasyente ho sa emergency room at
biktima ng car accident. Kayo ho ang hinahanap ng anak ng pasyente.” “Sino raw siya?” “A certain Antonette Villanueva.” Nang marinig ang pangalang iyon ay
hangos na lumayo ang binata para magtungo sa emergency room. Naiwan si Lorna na
parang natuklaw ng ahas. Pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit ng nurse. So
hanggang ngayon ay sila pa rin ng babaeng iyon. ANG NAAKSIDENTE ay si Mr. Harry
Villanueva, isang milyonaryo at ama ni Antonette. Masuwerte pa rin ang lalaki
dahil hindi ito napuruhan. Ligtas na ito sa panganib. Kinailangan na lamang i-‐‑cast ang isang paa. “Napakasungit naman ng anak ng pasyenteng iyon. Porke malakas kay Dr.
Salgado,” wika ng isang nurse na nasa likuran
ni Lorna. Walang kamalay-‐‑malay ang dalawang nurse na
naririnig niya ang pinag-‐‑uusapan ng mga ito. “Mukhang may
relasyon ang dalawa. Very attentive si Dr. Salgado sa babae.” “Nakita mo rin
pala. Kakainis nga, eh. Wala na tayong tsansang magpa-‐‑cute kay Dr. Salgado, mukhang mataray pa naman ang
girlfriend niya.” “Oo nga. Wala na pala tayong pag-‐‑asa.” Napangiti siya
sa narinig. Bigla siyang lumingon sa mga ito. “Ay si Dra. Madriaga pala!” Natutop ng isa
ang bibig at hiyang-‐‑hiyang ngumiti sa kanya. Matapos
ngitian ang dalawang nurse ay nagtungo na siya sa canteen para magkape. Wala
siyang ganang kumain ng agahan bagaman nakakaramdam siya ng pangangalam ng
sikmura. Hindi niya inaasahan na daratnan sa kainan sina Dr. Gino Alejar, Brent
at kasama si Antonette. Huli na para umiwas dahil nakita na siya ni Gino. “Oh,
come here, Lorna.” Kaagad na tumayo si Gino at humila ng upuan. Napilitan
siyang paunlakan ito. “Maupo ka na lang at ako na lang ang bahalang magtimpla
ng coffee mo. Without cream?” “Yeah. Kagaya pa rin ng dati.” Umangat ang kilay
ni Antonette nang makita siya. Sa sulok ng kanyang mga mata, alam niyang pinag-‐‑aaralan ng babae ang kabuuan niya. Wari’y kinikilala siya nito. “Natatandaan mo ba siya, Antonette?” tanong ni Brent. Umiling ang babae. “Siya si Dr. Lorna Madriaga. Remember
noong ma-‐‑confine ka rito four years ago? Isa
siya sa mga kasamahan kong interns.” “I see. Doktor na pala siya ngayon.
How come?” Lihim na tumaas ang kilay niya sa
sinabing iyon ng babae. “Kung hindi mo pa
alam, Miss, Dra. Madriaga is one of our best surgeons here,” pagtatanggol naman sa kanya ni Gino.
Hindi iyon pinansin ni Antonette at hinarap ang binata. “Let’s leave, Brent.
Kanina pa naghihintay sa atin si Daddy.” “ALAM mo ba kung ano ang latest news
dito sa atin?” bungad ni Mrs. Santos kay Lorna. Nagkasabay sila sa pasilyo ng
babae. “Wala na akong time makipagtsikahan sa ating mga nurses. Ano ba ang
headline?” patianod niya. “Naiimbiyerna ang mga nurses. Committed na raw pala
si Dr. Salgado. Natatawa ako sa mga babaeng iyon. Inis na inis kay Antonette.
Lagi raw nakabuntot kay Brent. Kapag nainis daw sila ay pagtutulung-‐‑tulungan nilang sabunutan.” Natawa siya. “Marami talagang
luka-‐‑luka sa ospital na ito.” “At kabilang ka roon, Lorna.” “O, bakit ako nadamay?” Nanlaki ang mga
mata niya. “Pinahihirapan mo ang iyong sarili.
Kahit anong gawin mong pag-‐‑iwas kay Brent dahil nasa iisang
mundo kayo, magkikita’t magkikita
kayo. Sa ginagawa mo’y lalo kang
nahahalata.” “Nahahalatang ano?” “Na mahal mo pàyong tao,” tugon nito. Natumbok ni Mrs. Santos
ang katotohanan at hindi na siya nakapangatwiran. “Iwas ka nang iwas kay Brent. But you
can’t do that forever!” “I still hate him.” Hindi naniniwala ang babae sa
sinabi niya. “The question is, may basehan ba ang galit na itinago mo sa iyong
dibdib para sa kanya?” They were heading to the pathway paliko sa suite ng mga
pasyenteng mayayaman nang makasalubong nila si Brent. Kausap nito si Antonette
na parang tukong nakakapit sa braso ng binata. Nakita sila ni Brent, pero hindi
man lang sila pinansin ng binata. “See that, Mrs. Santos? Akala mo kung sino.
Paano mabubura ang galit ko sa kanya?” “You have to talk to him.
Makipagliwanagan ka sa kanya,” payo nito bago sila naghiwalay. She headed to
the right wing samantalang si Mrs. Santos ay sa kaliwa. PATUNGO si Lorna sa
canteen nang sabayan siya ni Gino at ng dalawa pang doktor na nagngangalang
Eric at Luis. “Suwerte natin. Makakasabay uli natin sa pagkain si Dr.
Madriaga,” chorus ng tatlong lalaki. “Kayo talaga parang hindi naghihiwalay.
Para kayong mga pagkit.” “Buddy-‐‑buddy kasi, eh. At saka sino pa ba
ang magkakasundo kundi ang puro guwapo,” biro ni Gino at saka humalakhak. “Ang
yayabang ninyo,” kantiyaw niya sa mga ito. “Totoo naman, ah. Kaya nga marami
tayong mga pasyenteng nagpapatingin, eh. Puro mga dalaga at magaganda.” “Dahil
sa inyong tatlo, ganoon ba?” “Medyo.” Natutuwa siya sa pagiging palabiro ng
tatlong doktor. Masaya silang kumakain sa isang mesa. Nalibang naman siya sa
pakikipagbiruan sa mga ito. Hindi namalayan ni Lorna na may isang pares ng mga
matang nagmamasid sa kanya. Hindi na ito nakatiis kaya lumapit na sa mesa nina
Lorna. “Hindi kayo dapat na sabay-‐‑sabay na naririto. Paano kung
biglang may emergency cases?” sita ni Brent
sa grupo ni Lorna. “Sampu kaming
resident doctors dito and we are only four. May anim pang natitira to attend to
the patients habang naririto kami,” walang takot na paliwanag ni Lorna. “Ano ang magagawa ng anim kung biglang dumating ang sampung pasyente? Or
twenty? Hindi natin dapat na pinaghihintay ang mga pasyente. From now on, see
to it na hindi kayo nagsasabay-‐‑sabay sa pagmimiryenda. One at a
time lang ang punta ninyo rito. I’ll instruct the secretary na gumawa ng
schedule ng inyong mga breaktime.” “Imposible ang iniisip mo. How come na
bibigyan mo kami ng oras? Kung kasalukuyan ba akong nasa operating room ay
iiwanan ko ang inooperahan ko dahil mayroon akong scheduled breaktime na dapat
sundin?” gigil na rason niya. “For every rule, there is an exception. Once a
policy is implemented, there is always a room for excuses in some areas beyond
our control. What is important is that we are still guided by the rules.” The
nerve! Hindi pa sana matatapos ang diskusyon nang dumating sa lugar na iyon si
Antonette. “Naririto ka lang pala. I was looking for you kanina pa,” maarteng
sabi nito kay Brent. “Bakit mo ako hinahanap?” kunot-‐‑noong tanong dito ng binata. “Nagpa-‐‑order na ako ng miryenda nating
dalawa. Naroon na sa room ni Daddy.” Napatingin kay Lorna ang babae. “Oh, you’re here, Doktora. Alam mo pamilyar sa
akin ang mukha mo. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita.” Pigil niya ang inis. “Dito rin sa
ospital na ito. Noong ma-‐‑confine ka rito?” “Ohh. . I remember you na nga. Wala pa ring nabago sàyo,” nang-‐‑iinsultong sabi nito. “Halika na, Antonette,” saway ni Brent. “Baka hinihintay na tayo ng daddy mo,” ani Brent. Namintas pa ang bruhang ‘yon! Kundi pa puro makeup ang mukha
niya ay mapagkakamalan siyang binudburan ng arina sa mukha sa kagagamit ng
pampaputi. At least ako, natural ang puti ko, sa loob-‐‑ loob niya. “Hey, mukhang bad
trip ka sa babaeng iyon,” puna sa kanya
ni Gino. “Hamak na mas maganda ka sa kanya. .
at seksi!” Ngunit nang mga oras na ‘yon, mababang-‐‑ mababa ang morale ni Lorna. Hindi niya alam kung ano ang
nakita ni Brent sa babaeng iyon na nuknukan sa kaartehan. Kunsabagay, bagay nga
siguro kayo. Isang maarte at isang mayabang! NAGULAT si Lorna nang mapagbuksan
niya ng pinto ng kanyang quarter si Gino. Nakasandal ito habang naghihintay sa
kanya. “Bakit ka naririto?” usisa niya. “May sasabihin sana ako sa iyo.” “Anòyon?” curious na tanong niya. First time na ginawa ni Gino na abangan siya sa
paglabas ng kanyang quarter. “I just want to invite you to dinner tonight.”
“Ha? Naku, hindi yata puwede.” “Please naman, Lorna. Birthday ko kasi ngayon,
eh. Pagbigyan mo naman ako,” seryosong wika ng binata. Nakonsiyensiya naman
siya sa nakitang kalungkutan sa anyo nito. “O sige na nga. Anong oras ba?”
“Okay na ba sàyo ang seven o’clock? Tiyak na nakapag-‐‑rest ka na nòn.” “Okay. I’ll be ready at seven.” Eksaktong alas-‐‑siyete ng gabi ay nakabihis na si Lorna. Simpleng evening
dress na spaghetti straps at ang haba ay lampas tuhod. Napanganga si Gino nang
makita siya. “Wow! Sabi ko na nga bàt may itinatago kang kaseksihan,”
nangingislap ang mga matang sabi nito. “Thanks anyway. Shall we go?” “My
pleasure. .” Iniumang ni Gino ang braso para kumapit siya roon. Palabas sila
nang pasilyong iyon patungo sa car park nang masalubong nila si Brent. “Mukhang
may lakad yata kayo ni Dr. Madriaga, Dr. Alejar.” “May date kami,” liyad ang
dibdib na sagot ni Gino. “Birthday ko ngayon at si Dr. Madriaga ang aking
special guest.” “Saan mo naman siya balak i-‐‑treat?” “A lady like her deserves something
special,” tugon ni Gino at binanggit nito ang
pangalan ng isang sikat na restaurant sa pusod ng Makati. “Good luck sa inyong date, Dr. Alejar,” ani Brent subalit kay Lorna nakatuon
ang paningin. Eat your heart out, Dr. Salgado, sa loob-‐‑loob niya dahil napuna niyang titig na titig sa kabuuan niya
si Brent.
CHAPTER FOUR
ANG RESTAURANT na pinagdalhan sa
kanya ni Gino ay isa sa mga paborito ng mga Filipino at gayon din ng mga
turista. Serving an array of traditional Filipino foods and international
cuisine. Lorna was very delighted. Tiyak na masasarap ang in-‐‑order na pagkain ni Gino na kinabibilangan ng roast beef,
sinigang na beef spare ribs, fried pancit bihon, escabecheng lapulapo at
pinakbet. “Ang dami naman nito, Gino. Baka hindi
natin maubos,” natatawang sabi niya. “Eh, de i-‐‑take-‐‑home natin. Maraming kakain niyan
bukas.” Masayang kausap si Gino. Nasisiyahan
siya sa pakikinig sa mga kuwento nito. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang
matawag ang pansin nila ng isang pareha na bagong dating at ngiting-‐‑ngiti sa kanila. Napaunat sa kinauupuan si Lorna. “What a small world! Dito rin pala ang
punta ninyo,” bati ni Brent sa kanila, kasama nito
si Antonette. Antonette was wearing a red fitted dress. Tingin niya sa babae ay
nagse-‐‑celebrate ng Valentine’s day. Pula rin kasi ang sapatos at handbag. Maging ang lipstick nito ay
kulay dugo. “Why not join us here, Dr. Salgado?
Naparami ang in-‐‑order na pagkain namin,” imbita ni
Gino sa dalawa. “Mas maganda nga siguro kung foursome tayo. Anyway, birthday mo
naman pala ngayon. Happy Birthday.” “Thank you, Sir.” Nadismaya si Lorna nang
paunlakan ni Brent ang anyaya ng kasama niya. Naki-‐‑join nga sa kanila sina Brent at Antonette. Magkatapat sila
ng upuan ni Antonette samantalang sa gilid niya naupo si Brent. “You seem to enjoy the company of Dr.
Madriaga, Dr. Alejar,” simula ni
Brent. “She is a darling, Doc. And beautiful.” “Pareho silang maganda ni Antonette,” tugon ni Brent. Lihim na napangiwi si Lorna. Hindi totoong nagseselos
ako. No. Bakit naman ako magseselos? sabi niya sa sarili. Naasiwa siya sa
sitwasyon. Gusto na niyang magpaalam sa kasama at mauna nang umuwi. Sapat na
ang presensiya ni Brent para makaramdam siya ng paghihirap ng kalooban.
Pakiwari niya’y magkakasakit siya. “Brent, mag-‐‑disco
naman tayo pagkatapos nito,” mayamaya’y sabi ni Antonette sa katabi. “Sure, Sweetheart. May disco ba rito,
Gino?” “Of course. Sa second floor nitong restaurant.” “Will you please join us? It`s my treat for your birthday,” patuloy ni
Brent. “I don’t know kung gusto ni Lorna.” Tumingin sa kanya si Gino.
Naghihintay ito ng pagsang-‐‑ayon niya. “Tingin ko kay Gino ay gusto pang mag-‐‑enjoy, Lorna,” baling sa kanya ni Brent. “Tatanggihan mo ba ang imbitasyon ko?” Napalunok siya. Kung tatanggi naman siya, lalabas siyang killjoy at
maaaring ma-‐‑disappoint si Gino. Labag man sa
kalooban, napilitan siyang pagbigyan ang imbitasyon ni Brent. “Wala akong hilig sa disco, pero
alang-‐‑alang kay Gino, papayag ako.” “Thanks, Sweetie,” ani Gino na biglang lumiwanag ang
anyo. Pinisil pa nito ang kanyang palad. Napatingin siya kay Brent. Nagtama ang
paningin nila. Nakita niya ang tila galit sa mga mata nito. Subalit inignora
niya iyon. Naisip ni Lorna na matagal na rin naman niyang kilala at kasama sa
ospital si Gino kaya walang masama kung paminsan-‐‑minsan
ay mag-‐‑ enjoy siya sa company nito. Matagal na itong nagpapahalata
sa kanya ng damdamin. Pilit nga lang niyang iniignora. But this time, para lang
hindi mainggit kina Brent at Antonette kaya pipilitin niyang maging extra
attentive kay Gino. “Are you sure, okay lang sàyo, Lorna?” paniniyak ni Gino.
“Kailan ba ako tumanggi sàyo?” ganting-‐‑ tanong niya rito na matamis ang
pagkakangiti. “Thank you again, Sweetie. Ito na ang
pinakamasayang birthday ko.” Hindi nakatiis
ay sumabat si Antonette. “Well, game naman
pala si Dr. Madriaga. Akala ko’y you’re the conservative type.” Nag-‐‑init
ang pisngi niya sa sinabi ng babae. Nais na niyang singhalan ito, ngunit nagawa
pa rin niyang magpigil. “O paano?” untag ni Brent. “Mabuti nàyong mauna tayo sa
loob ng disco para makahanap tayo ng magandang puwesto.” Heaven’s sake,
parehong kaliwa ang mga paa ko! naaalarmang tili ng isip ni Lorna. Hindi siya
marunong sumayaw. My goodness! Puwede pa siguro akong mag-‐‑acrobat, huwag lang ang sumayaw! SWING, Chacha, Tango,
Rumba, at marami pang sayaw na isa-‐‑isang ipinapaliwanag ni Gino kay
Lorna habang naka-‐‑focus ang mga mata nila sa dance
floor. Pinapanood nila ang iba’t ibang pareha dancing to a non-‐‑stop ballroom music. Pagkaraan ng mahabang sandali, niyayaya
siya ni Gino na magsayaw. “Oh, I’m sorry. Wala talaga akong alam ni
isa man sa mga dance steps nàyan,” tanggi niya. “What about you, Brent? Let`s dance.” Narinig niyang niyaya ni Antonette
si Brent. “Well, it`s good na pareho pala kami
ni Lorna na hindi marunong. Kayo na lamang ni Gino at manonood na lang kami,” mungkahi ni Brent. Narinig iyon ni
Lorna. Napatingin si Gino kay Antonette. “Shall we dance?” Tumingin muna si Antonette kay Brent. “Okay. .” Ilang
sandali pa’y nasa gitna na ang dalawa. Bakas sa mga mukha ang kasiyahan. Hindi
mapakali sa upuan si Lorna. Pilit niyang iniiwas ang paningin kay Brent.
“Tumingin ka sa akin at baka magka-‐‑stiff neck ka,” anito. Hindi niya ito pinansin. “Hey, talk to me. I’m still here,” pambubuska sa kanya nito. Napaigtad
siya nang bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw
ng mesa. Galit niyang binawi ang kamay. “Pakialam ko kung naririto ka!” “We could discuss things. . habang wala
sila.” “Si Gino ang kasama ko at hindi ikaw. Kung mayroon man akong gustong
kausapin, si Gino iyon.” “Mukhang nag-‐‑e-‐‑enjoy
si Gino kay Antonette. C’mon, Lorna,
walang masama kung mag-‐‑usap man tayo.” “Namimili ako ng kausap,” gigil niyang
sabi rito. “Galit ka ba?” Hindi siya sumagot. “Hmm. . galit ka nga. Nagseselos ka ba
dahil ang boyfriend mo’y ibang babae
ang kasayaw?” “Hindi ko boyfriend si Gino.” Ngumisi ito. “Really? Pero
kung makadikit ka sa kanya’y parang pag-‐‑aaari mo na siya.” Napabuntong-‐‑hininga siya. “Malisyoso ka lang!” “Am I?” ganti nito. Tuluyang humulagpos ang
galit ni Lorna. “Ano naman ngayon
kung boyfriend ko nga si Gino? Does it matter to you?” “E, de inamin mo rin,” madilim ang
anyong sabi nito. Kapwa sila natahimik. “You have changed a lot, Lorna.” At ikaw naman, walang pagbabago, sabi ng isip niya. Para lang makaiwas
sa nakakapasong titig ni Brent, umiba siya ng posisyon. Naiinip na siya sa
paghihintay kay Gino. Napakayabang ng lalaking ito para sabihing nagbago ako.
Kung bakit nagkaganito ako, dahil iyon sa kanya. Nakalimutan na yata ang ginawa
niyang panloloko sa akin. Wala sa loob na napatingin siya sa gawi nito. “O
bakit ganyan ang tingin mo sa akin? May nasabi ba akong masama?” “Will you
please stop talking. I’m beginning to lose my temper,” babala niya. “And if
you’ll lose your temper, what are you going to do?” “I’ll. walk out.” Hinanap
ng mga mata niya si Gino at nang makita ito ay walang kaabug-‐‑abog na nilapitan at saka tinapik sa balikat. “Masakit na
ang ulo ko. Pero kung nag-‐‑e-‐‑enjoy
ka pa, mauuna na akong umuwi sàyo!” sabi niya rito sa malakas na tono. “No, my dear. Sabay na tayong uuwi.” “What’s the matter?” yamot na tanong ni Antonette. “Masakit ang ulo ni Lorna. I’m sorry, Antonette. We have to leave.
Mauuna na kami sa inyo.” Nagpupuyos ang
kaloobang sumimangot si Antonette. Pinukol nito ng matalim na tingin si Lorna.
Nilapitan ni Gino si Brent para magpaalam. Sa tama ng malamlam at makikislap na
ilaw, hindi niya matiyak kung nagagalit nga ang binata. His face was red, hindi
niya alam kung dahil sa iniinom na alak. Tumiim ang anyo ni Brent. As if, gusto
siya nitong sunggaban just to wring her neck. “Dr. Salgado, we’ll go ahead.
Biglang sumakit ang ulo ni Lorna.” “Kung sakit lang ng ulo ang problema niya,
may baon akong gamot sa bulsa ko. Just stay here for a while.” Halatang pigil
ang galit sa tinig ni Brent. “Lorna.. ?” konsulta sa kanya ni Gino. “Gusto ko
na talagang umuwi. Sumasakit ang ulo ko sa ingay dito. Uminom man ako ng gamot,
wala ring silbi.” “I’m sorry. I have to bring her back to the hospital.”
“Sabay-‐‑sabay na tayong umuwi kung gayon,” pormal ang anyong wika ni Brent.
Napansin ni Lorna na halos kaladkarin ng binata si Antonette patungo sa car
park. “Mukhang na-‐‑bad trip si Dr. Salgado. Kanino kaya nagagalit?” “Baka hindi niya gustong isinasayaw ng ibang lalaki ang kanyang
girlfriend,” sagot niya. “Siya naman ang nagbuyo sa amin ni
Antonette para magsayaw. Kung alam ko lang na magseselos siya, hindi na sana
kita iniwan sa mesa.” “Hayaan mo na lang sila. Let`s go at talagang napapagod
na ako.” “ANG INIT ng ulo ni Dr. Salagado. Daig pa ang may `mens’. Naangilan
nga ang dalawang nurse na na-‐‑late lang nang five minutes sa
pagpasok.” Naglalakad si Lorna sa pasilyo para
mag-‐‑round nang umagang iyon nang naulinigan niya ang pag-‐‑uusap ng dalawang nurse na kasalubong niya. “Hey, Lorna!” Tinig iyon ni Gino at umagapay sa
kanyang paglalakad. “Good morning!
How are you?” “Too bad, ang aga ng sermon ko.” “Bakit?” “Pinagsabihan ako ni Dr. Salgado.
Paano, nabunggo ko siya. Huwag raw akong masyadong paapekto sa damdamin ko na
nagiging dahilan ng pagkawala ko sa aking sarili. Kung in love raw ako sa isang
babae, kalimutan ko raw muna lalo pa’t sa oras ng duty.” “Sinabi niya yon?” “To
my surprise, yes. Hindi ko alam kung sino ang babaeng tinutukoy niya. At alam
mo, parang gusto kong paniwalaan ang sinabi mo na. . he was jealous dahil kay
Antonette.” “See? Mag-‐‑ingat ka na lang at baka mapag-‐‑ initan ka pa.” “Not today. Umalis siya kasama si Dr.
Viola Ay salamat! Para siyang nabunutan ng tinik. Plano pa naman niyang
makipag-‐‑hide and seek kay Brent. Sa nangyari sa kanila sa disco
house kagabi, hindi pa siya handang harapin ang binata. Baka anino pa lang nito
ay ma-‐‑high blood na siya. DAKONG tanghali, humahangos na tinawag
siya ng isang nurse. “Dr. Madriaga,
nagwawala ho si Mr. Villanueva sa kanyang room. Accidentally nahiwa niya ang
kanyang daliri at medyo malalim ang sugat.” “Teka, saan naman siya nakakuha ng
patalim?” “`Yong pag-‐‑shave n`ya ho yata. At ang gustòy asikasuhin siya kaagad.” “Hindi ba’t si Dr. Salgado ang personal na
umaasikaso sa pasyenteng iyon?” “Yes, Doc. Pero nagagalit na nga ho.
Ayaw naman sa aming mga nurse para mabigyan ng first aid ang sugat niya. At
saka hindi pa ho dumarating si Dr. Salgado.” Napilitang puntahan ni Lorna sa room nito si Mr. Villanueva. “Anong klaseng hospital ito? Ang tagal
ng serbisyo! Paano kung naubusan na ako ng dugo sa kahihintay sa inyo!” Hindi kumibo si Lorna. Nagtimpi sa
magaspang na inasal ng pasyente. Nilapitan niya si Mr. Villanueva at kaagad
nilinis ng Betadine solution ang sugat nito. “Ikaw? Hindi ba binabayaran ka
rito? At kung hindi sa mga pasyenteng katulad ko ay wala sana kayong mga
trabaho! Dapat maasikaso kayo sa mga pasyente rito!” “Hindi ho kami utusan
rito, Mr. Villanueva. Mga doktor kami. At isa pa, hindi ko kayo pasyente na
puwede ko na lang basta pakialaman. For professional ethics, hindi ko dapat na
pangunahan ang inyong attending physician; but since wala siya rito, kaya
ginagampanan ko ang tungkulin niya sa inyo.” “Palasagot ka pa! Makikita mo.
Isusumbong kita sa consultant ninyo!” “Magsumbong kayo. Wala naman akong
ginagawang masama sa inyo. Ayan ho, malinis na ang inyong sugat.” Manang-‐‑mana sa doktor niya ang pasyenteng ito. NANG sumunod na
araw, ginulantang si Lorna nang mararahang katok sa pinto ng kanyang quarter.
Fifteen minutes bago ang takdang oras ng duty niya at kasalukuyan siyang
nakaharap sa salamin. Kasalukuyan siyang naglalagay ng face powder sa kanyang
pisngi. “Yes, nurse?” “Doc, ipinatatawag po kayo ni Dr. Salgado. Importante raw
po.” Kumunot ang noo niya. “Sige. Susunod na ako.” Pero hindi siya sumunod
kaagad. Tinapos niya ang pag-‐‑aayos sa sarili. Bakit ba ako
magmamadali? Maghintay siya. Nang magtungo siya sa opisina ni Brent, dinatnan
niyang madilim ang mukha nito. “Sit down.” Naupo siya sa harap nito. Nakataas
ang kanyang kilay. “Kinausap ako ni
Mr. Villanueva. And he complained about your being rude to him yesterday.” “It’s because, naging rude din siya sa
akin at sa mga nurses. Tinrato niya kaming mga utusang bayaran at
pinagsisigawan pa kami na tila ba siya ang nagbabayad sa amin.” “Assuming that
what you are saying are true, dapat na maging mahinahon ka pa rin, Dr. Madriaga.
Remember, isa kang doktora. Kailangang maging maganda ang repleksiyon mo sa mga
pasyente. Not too strict, but kind and loving.” “Depende sa pasyente. Paano
naman kung binabastos na ako?” “Still, kailangang maging humble ka pa rin at
mabait sa kanila. We are servants, not the master. Whether you accept it or
not, but it’s our role in the society. Otherwise, hindi tayo dapat naging
doktor kung magiging matapang tayo sa mga tao na nangangailangan ng ating
serbisyo.” Napapahiyang napayuko siya. May punto si Brent at nasundot ang
kanyang konsiyensiya. “I’m sorry. Nabigla ako. Masyado kasing masungit ang
pasyenteng iyon.” “If I were you, humingi ka ng apology kay Mr. Villanueva, Dr.
Madriaga.” “Pero—” “It`s an order, Dr. Madriaga. Or else, pararatingin ko kay
Dr. Meneses ang complain ni Mr. Villanueva not because hindi ka sumunod sa
sinabi ko, but to be fair to our patient. Hindi ko puwedeng bale-‐‑walain ang complain niya.” Namutla siya. Nahihiya siya na makarating kay Dr. Meneses ang ginawa
niya. Labag man sa kalooban, napilitan siyang sundin ang kagustuhan ni Brent.
CHAPTER FIVE
WALA na ang bangis sa mukha ni Mr.
Villanueva nang pumasok siya sa suite nito. “Come in, Dr. Madriaga,” malambing na
bati nito sa kanya. “Good morning,
Mr. Villanueva.” “It`s good you came. I owe you an
apology. Naging rude ako sa iyo kahapon. Hindi ko na naisip na bilang doktor,
hindi lang naman ako ang pasyente rito na nangangailangan ng inyong aten-‐‑ siyon. Ìm very sorry.
Nag-‐‑flare up ako at maling tao ang napagbuntunan ko.” “Actually, I am also here to apologize. Naging impatient ako sa inyo.” “You have nothing to worry, Hija. Hindi ako nagagalit sa iyo.” Napangiti siya. “Mabait naman pala kayo. Akala ko ay
talagang masungit kayo.” “Masyado lang akong nape-‐‑pressure ng aking kalagayan. Akala ko kasi ay dalawang
linggo lang ako rito. But Brent advised me na aabutin ako rito nang four weeks
kaya medyo nara-‐‑rattle ako. Hindi ako sanay na
maospital. This is the first time, actually.” “Your doctor is only concerned of your
welfare, Sir. He knows what’s best for you.” “Siguro nga. By the way, marami akong mga prutas dito. Halika at bibigyan
kita.” “Naku, huwag na po. Bawal po sa amin `yan.” “Huwag kang tatanggi, Hija. Sasama ang
loob ko sa iyo.” Nilagyan nga ni
Mr. Villanueva ng mansanas, ubas, at ponkan ang isang supot na plastic na nasa
tabi nito. “Ibig sabihin niyan, nagpatawaran na tayo sa isa’t isa.” “Salamat
po. Hindi na ako magtatagal.” “Salamat.” Palabas na siya ng pinto nang tawagin
siyang muli ni Mr. Villanueva. “Yes, Sir?” “Puwede ba, kapag may libreng oras
ka, dalawin mo ako uli rito?” “Sure. Iyon lang pala, eh.” NAGING madalas ang
pagbisita ni Lorna sa silid ni Mr. Villanueva. And the old man seemed to enjoy
her company. At ganoon din naman siya. Marami itong kuwento sa kanya, maging
ang personal na buhay nito ay sinabi na sa kanya. “Naging successful ako sa
aking business, Lorna. But sad to say, bigo ako pagdating sa aking family.”
“Bakit naman ho, Mr. Villanueva?” “Kasalanan ko. Hindi ko sinunod ang tibok ng
puso ko noon. I fell in love sa isang babae, ngunit hindi ko siya pinakasalan
for the simple reason na naging mahirap siya. Sa halip, nagpakasal ako sa isang
babaeng nabibilang sa alta-‐‑sosyedad. But I was wrong. Hindi ako
naging masaya. My wife is a person who only cares for herself. Parehung-‐‑ pareho sila ng anak kong si Antonette.” “Mahirap ho pala ang magpakasal sa hindi gusto, ano?” “Tumpak, Hija. Kaya ikaw, huwag na huwag kang magkakamaling magpakasal sa
lalaking hindi mo mahal. Ke ano pa man ang pagkatao ng lalaking nagugustuhan
mo, siya na ang pakasalan mo para hindi ka magsisi.” “Paano kung babaero ang nagustuhan ko? Bah, mahirap naman ho yata ang ganòn. Ayoko ho ng may kaagaw.” “Alam mo, Hija, natutuwa ako sa iyo. Kasi, pinagtitiyagaan mo akong
kausapin” Hindi siya tumutol nang hawakan ni
Mr. Villanueva ang kanyang kamay. “Maraming-‐‑maraming salamat, Hija. Alam mo,
para akong mamamatay sa lungkot sa pagkaka-‐‑ confine ko rito. Ni hindi na ako
maalalang bisitahin ng anak ko. That’s why nag-‐‑flare up ako.” “Mabuti naman ho at nakatulong ako sa inyo kahit na sa simpleng
pamamaraan.” Ang tagpong iyon ang inabutan ni
Antonette nang pumasok ito sa silid. Napasimangot ito nang makitang hawak ng
ama ang kamay ni Lorna. “Good afternoon,
Dad!” malakas ang tonong lumapit ito sa
ama at saka humalik sa noo. “Kilala mo na ba si Dr. Madriaga, Antonette?” “Yes,
Dad. By the way, bakit ba siya naririto? What’s her business in this room?”
“Nag-‐‑uusap lang kami. Nag-‐‑request ako kay Dr. Madriaga na kung
puwede, kapag libre siya ay dalawin niya ako rito.” “How come nagkakilala kayo ni Dr. Madriaga samantalang hindi naman siya
ang attending physician mo?” “Siya ang available na doctor noong
minsang masugatan ko ang sarili ko, Antonette.” Umangat ang kilay ni Antonette. Mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ng
ama. “Excuse me, Mr. Villanueva, aalis na ho ako. May haharapin pa akong
pasyente sa ibaba,” paalam niya. Tila gusto niyang mainis pagkakita kay
Antonette. “Thanks a lot, Hija. Bumalik ka, ha?” ANG MADALAS na pagbisita ni
Lorna sa suite ni Mr. Villanueva ay lumikha ng alingasngas. Maging si Mrs.
Santos ay naalarma sa naririnig na balita. “Be careful my dear. Mukhang ikaw
ang nasa headline for this week,” paalala ng ginang sa dalaga. “Bakit ho?”
“Hindi mo ba alam na natsi-‐‑tsismis na kayo ni Mr. Villanueva na
mayroong affair?” Umakyat yata ang dugo niya sa kanyang ulo. “Sinong makating
dila naman ang nagkalat niyan?” “I know na hindi mo magagawa ang nababalitaan
ko. Pero hindi mawawala na may mga taong maniniwala.” “My goodness!” hindik na
bulalas niya. “I’m just giving you a warning. Hindi ko gustong makaladkad ang
pangalan mo sa hindi tama. I’ve known you from the start. You’re a decent
woman. Pero mabuti nàyong habang maaga ay maiwasan ang paglala ng sitwasyon.”
Hindi niya malaman kung matatawa o magagalit. “God, bakit nilalagyan nila ng
malisya ang pagiging malapit ko sa taong `yon?” “You know why? Iniisip kasi
nila na dahil mayaman si Mr. Villanueva, kaya ka nagkainteres na
makipagmabutihan sa matanda.” “Ganoon katindi ang tsismis?” “One piece of
advice, Lorna. Iwasan mo na ang pagpunta sa suite ni Mr. Villanueva to save you
from further trouble.” “MY GOODNESS! Hindi sa pagyayabang, mayaman ang parents
ko sa Cebu, Viola kaya hindi ko kailangang mang-‐‑akit
ng DOM para lang yumaman!” mataas ang
tonong pagsusumbong ni Lorna sa kaibigan. “Sino naman kaya ang nagkalat ng
balitang `yan?” Napabuntong-‐‑hininga siya. “Ewan ko. Wala akong alam.” “Hindi puwedeng walang pinagmulan ang balitang `yan.” “Pero sino ang puwedeng gumawa ng balita sa amin ni Mr. Villanueva?” “Think it over.” Hindi kaya si
Antonette? Pumasok sa isip niya ang babae. “I’M SORRY, Mr. Villanueva, ito na ho
siguro ang huling punta ko sa silid ninyo,” malungkot na paalam ni Lorna sa matanda. “Bakit naman, Hija?” “May kumakalat na ho kasing hindi
magandang tsismis sa ating dalawa. Ayokong malagay kayo o ako sa alanganin.”
“Sino naman ang nagkalat ng tsismis?” “Hindi ko po alam.” “I wonder kung sino
ang nagkalat ng tsismis na ‘yan.” Nag-‐‑isip ito. “I think may kinalaman dito si
Antonette.” “Ho?” Napamulagat siya. Iisa sila ng
iniisip ni Mr. Villanueva. Talagang makamandag ang dila ng babaeng iyon. Parang
lason na sumisira ng dangal sa magiging biktima niya, sa loob-‐‑loob niya. “Lorna, please?
Huwag ka namang magagalit sa akin.” “Doctors are not allowed to have an
intimate relationship with their patients, Mr. Villanueva. And the fact that
you are not her patient, mas lalong hindi dapat na naririto sa suite ninyo si
Dr. Madriaga.” Hindi nila namalayan ang pagpasok ni Brent. Bigla na lang itong
nagsalita. “Brent. .” bulalas ng matanda. “Kumusta ka na?” “Kayo ho ang
kukumustahin ko, Mr. Villanueva.” “Okay naman ako. Masigla. At `yon ay dahil
kay Lorna.” “Mabuti naman at nagkakasundo kayo ni Dr. Madriaga. But there’s a
hospital rule that forbids doctors to be close to their patients. You see,
marami nang hindi magandang balitang lumalabas sa inyong dalawa ni Dr.
Madriaga, Mr. Villanueva.” “Wala kaming ginagawang masama. Ako ang nakiusap sa
kanya na kapag maluwag ang schedule niya ay kung maaari, pasyalan niya ako
rito. You see, nakakainip `yong wala akong kausap dito.” “Pero hindi niya kayo
pasyente,” seryosong saad ni Brent pagkuwày binalingan ang dalaga.
“Ipinatatawag ka ni Dr. Meneses. Dumating siya kanina.” Isang matalim na irap ang
ipinukol niya sa binata. “Excuse me, Mr. Villanueva,” paalam niya sa matanda
bago nilisan ang silid na iyon. Hindi niya alam na sumunod sa kanya si Brent.
Nabigla pa siya nang may pumigil sa kanyang braso. “Nakakahiya ang ginagawa mo,
alam mo bàyon?” usig nito. “Bakit? Anòng ginawa kong masama?” “Kadalaga mong
tao ay nakikitungo ka sa isang matandang may asawa!” “Ano bàng problema mo?
Hindi ba’t ikaw ang nag-‐‑utos sa akin na humingi ako ng
dispensa kay Mr. Villanueva? Sinunod lang naman kita, ah. Ngayong naging
malapit ang matanda sa akin, nagagalit ka!” “Iwasan mo siya.” “At bakit ko siya
iiwasan? Mabait naman ‘yong tao.” Pilit siyang nagkukumawala sa pagkakahawak
nito. “Mabait?” tila nakalolokong reaksiyon ni Brent. “Bakit. . anu-‐‑ano na bang pabor ang naibigay niya sàyo, ha?” Tumaas ang isang kamay niya para isampal, ngunit naagapan iyon ng
binata. “How dare you! Baka ikaw ang
nabibigyan ng pabor ng anak ni Mr. Villanueva, binabaligtad mo pa ako!” Nagtagis ang mga bagang ni Brent. “Whatever your motive, iwasan mo siya.
May asawang tao si Mr. Villanueva at hindi malayong eskandaluhin ka ng misis
niya sa sandaling abutan ka sa loob ng silid ng asawa niya.” “Wala akong dapat
ipag-‐‑alala dahil wala kaming ginagawang masama ni Mr. Villanueva,” matapang niyang sagot. “Bitiwan mo nga ako!” “Gusto ko na yatang maniwala sa balita. Wala akong makitang dahilan para
pag-‐‑ukulan mo ng oras ang matandang `yon.” “Wala akong pakialaman kung anuman ang iniisip mo sa akin!” Iyon ang tagpong inabutan ni Viola. “Hey, what’s the matter? Nag-‐‑aaway ba kayo?” Noon lang binitiwan ni Brent ang braso ng dalaga. “Ang hirap sa ospital na ito, Viola,
kalalaking tao at naturingang doktor, tsismoso!” Nagpupuyos ang kaloobang iniwan niya ang dalawa para puntahan ang
private office ni Dr. Meneses. “I UNDERSTAND.
Nag-‐‑alala lamang si Dr. Salgado na baka lumikha ang tsismis ng
hindi magandang reputasyon sa ospital at maapektuhan ang buong organisasyon.” “Sir, ang ginagawa ko ay pakikitungo sa isang pasyente who requested me to
visit him once in a while. The old man is very depressed.” “Ang trabaho natin
ay gamutin sila at bigyan lamang sila ng tamang instructions sa kanilang
medication. . but not to meddle in their private life. Mabuti pang sundin mo na
lang si Dr. Salgado. Kapakanan mo at ng ospital ang concern niya. Is that
clear, Dra. Madriaga?” Nakangiti ang matanda at hindi niya magagawang bigyan
ito ng alalahanin. “Y-‐‑yes, Dr. Meneses.” HINDI mapakali sa loob ng doctor’s quarter nang mga sandaling iyon si
Lorna. Nanggigigil pa rin siya sa nangyari. Of all people, bakit sa kanya lang
mainit ang mga mata ng bagong direktor? Feeling niya, namemersonal na sa kanya
si Brent. May pakiramdam siyang gusto nitong mawala siya sa ospital. Pawang mga
negatibo ang naiisip niya. Tuloy parang sasabog ang dibdib niya sa tindi ng
sama ng loob. Hindi na siya nakatiis, naglalatang sa galit ang kanyang dibdib
na sumugod sa opisina ni Brent. “This is a surprise! What’s your business here?”
bulalas nito nang makita siyang papalapit sa mesa nito. Nangilid ang luha niya.
Hindi siya kaagad nakapagsalita. “Lorna.. ?” Nataranta si Brent nang makitang
umiiyak siya. “Bakit ba pinag-‐‑iinitan mo ako? Wala akong
ginagawang masama at lalong wala akong atraso sàyo para tratuhin mo ng ganito!” “Who gave you that idea?” “Galit ka sa akin, alam ko.. ” “Stop it, Lorna. I hate to see you
crying.” Naghi-‐‑hysteria
na siya. Hindi na niya alam kung anu-‐‑ano na ang pinagsasabi niya. Nagawa
niyang ilabas ang sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim sa dibdib. “Lorna.. please.” Nalilitong niyakap siya ni Brent.
Subalit hindi siya nagawang i-‐‑pacify nito. Sa halip, parang batang
nag-‐‑iiyak pa siya sa dibdib nito. “I don’t want to see you crying.” Inangat ni Brent ang mukha niya at
buong kapangahasang inangkin ang kanyang mga labi. Nanginig ang mga labi niya.
At the back of her mind, gusto niyang tutulan ang ginawang iyon ng binata.
Ngunit wala siyang lakas para gawin ang nasa isip. At sa halip, nagpatangay
siya sa matamis na halik na ipinalalasap sa kanya ng binata. Her second time na
naangkin ng mga labi nito ang kanyang mga labi. The same old feeling was still
there. Damdaming kay tagal na ikinulong ngayon ay ganap na nakalaya. Sunud-‐‑sunod na katok ang nagpagulantang sa dalawa. Mabilis silang
naghiwalay. Si Brent ay nagbalik sa upuan nito. Samantalang si Lorna ay kaagad
na inayos ang sarili. “Come in,” anang binata. Bumukas ang pinto at
iniluwa si Antonette. Napasimangot ito nang makita si Lorna. Lumapit ang babae
kay Brent at akmang hahalik. Ngunit mabilis na umiwas ang binata. “May kailangan ka sa akin, Antonette?”
“Wala naman. Gusto lang kitang makita.” “Please excuse me, Dr. Salgado. Lalabas
na ako,” napilitang paalam ni Lorna. Magiging kalabisan na siya sa dalawa.
“Sandali lang,” pigil ni Brent. Lumingon siya nang nasa pinto na. “Thanks. .”
nakangiting wika ng binata. Namula ang pisngi niya sa kahulugan ng ngiting
iyon. The nerve! Nagmamadali na siyang lumabas ng silid.
CHAPTER SIX
PAANO pa siya makakaharap sa lalaking
iyon na nakataas ang noo? Nakipag-‐‑break na siya kay Brent four years
ago. Tinaray-‐‑tarayan niya at pinagmasungitan.
Ipinahalata niya rito na wala na siya ni katiting na pagmamahal para rito.
Pagkatapos, pumayag siyang magpahalik! Gaga ka, Lorna! Lalo kang tatapakan ng
mayabang na ‘yon! At kaya nagpapasalamat `yon sa
iyo ay dahil napatunayan niyang hindi totoo ang mga ipinakikita mong galit sa
kanya. Na love mo pa rin siya sa kabila ng lahat, kastigo niya sa sarili.
Nanggigigil na naupo siya sa kama. Sinasabi ko na nga ba at gulo ang ihahatid
ng lalaking iyon sa buhay ko! Kinabukasan, iniwasan na nga niyang makasalubong
si Brent, heto’t papalapit sa kanya. Maluwang ang ngiti ng binata at
nagniningning ang mga mata. “Good morning, Lorna! I suppose you had a good
sleep last night.” “Excuse me. Hindi ako nakatulog kagabi,” pagtataray niya
sabay lakad nang mabilis. Subalit nakaagapay sa kanya si Brent. “Nakatulog ako
nang mahimbing,” pambubuska nito. “Pakialam ko!” asik niya. “Pero may pakialam
ka.” Bigla siyang nagpreno sa paglalakad. “Kung iniisip mong sineryoso ko ‘yong
nangyari kagabi, nagkakamali ka. Wala lang ako sa sarili ko kaya nangyari ‘yon.
At alam mo na, diring-‐‑diri ako. Naubos ko ang isang buong
toothpaste at bote ng mouthwash para maalis ang lahat ng mikrobyo!” Pagkasabi niyon ay mabilis niya
itong tinalikuran. Madilim ang anyong humabol si Brent. Nang maabutan si Lorna
ay bigla na lang siya nitong pinigilan sa braso ang dalaga. “Anòng palagay mo sa akin, may dalang virus?” “Malay ko!” “Eh, kung halikan kaya kita uli?” pananakot nito. “Subukan mo lang.” Subukan raw, eh de sinubukan! Ang
kaso, sa una lang pumalag si Lorna. Mayamaya’y tumutugon na siya sa halik ng
binata. At iyon ang pagkakamali niya. Bakas ang tagumpay sa mga mata ni Brent
nang bumitiw ito. Nakapikit pa siya. “Ngayon mo sabihing nandidiri ka, Lorna.”
At malakas itong humalakhak bago siya iniwan. Ang hudyo! Magbabayad ka!
Nagpupuyos ang kaloobang sinundan niya ito ng tingin. TINAWAGAN ng CA
Landholdings si Lorna nang umagang iyon para ipaalam na ready na for occupancy
ang napili niyang unit. Kahit paano ay nakahinga siya. Magagawa na niyang
makaiwas kay Brent. May plano na siyang lumipat ng ibang ospital na
paglilingkuran o di kaya ay magtatayo na lang siya ng sariling clinic sa
Preciousland. Walang inaksayang oras si Lorna. Agad niyang inasikaso ang
paglilipat ng mga gamit. Nagbigay si Lorna ng isang munting salu-‐‑salo nang makalipat siya sa kanyang bagong bahay. Ang mga
kasalo niya ay ang malalapit niyang mga kaibigan at kapwa doktor. Present din
si Mrs. Santos at ilang nurses na malapit sa kanya. “Napakaganda nitong bahay
na nabili mo, Hija,” nasisiyahang sabi ni Mrs. Santos. “Asawa na lang ang
kulang, “ dugtong naman ng isang nurse. “Paanong magkakaasawa ay wala pa naman
siyang boyfriend?” sabi ni Mrs. Santos. Page 19 2 of 346 “May isang available
riyan sa tabi-‐‑tabi, panunukso ni Dr. Eric Madrid. “Bakit ka nakatingin sa akin?” kunwa’y biro ni Gino. “Mabuti pa’y magsikain na tayo. Lalamig ang mga
pagkain,” putol ni Lorna sa usapan. Ayaw
niyang bigyan ng maling ideya si Gino sa maaaring ibunga ng tuksuhang iyon.
Mabait si Gino, pero wala siyang makapang ibang damdamin dito. Kaibigan lang
ang turing niya sa binata. Kasalukuyan silang kumakain nang dumating ang grupo
ni Viola, kasama ang asawa nitong si Jig, sina Lloyd at Karina, si Dr. Meneses
at isang lalaking hindi naman niya inimbita subalit kasama ng mga ito. Ang
lakas ng loob ng lalaking ito na magpakita sa akin matapos na bastusin ako.
“Late na ba kami?” tanong ni Viola. “We’re just starting. Tuloy kayo. Marami
pang pagkain. Puwede pa kayong mag-‐‑uwi,” tugon ni Lorna. Nakatawa siya sa lahat ng mga bisita bagaman hindi siya
tumitingin kay Brent. “Bahay na bahay
na pala itong unit mo, Hija. Kompleto na sa gamit,” ani Dr. Meneses. “Humingi na ho ako ng saklolo sa mga
magulang ko sa Cebu. Nanghiram ako sa daddy ko ng pera. Ayaw nga hong
pabayaran, but I told him na utang ‘yon at babayaran ko,” aniya habang
naghahain ng karagdagang pagkain sa mahabang mesa. “Talagang independent ka, ano? Ayaw na
ayaw mong makabigat sa kapwa mo.” “That’s me since the very beginning, Sir.” Sinimulan niyang abutan ng plato ang
mga bagong dating na bisita. Panghuli si Brent na hindi pa rin niya tinitingnan
sa mga mata. Matapos ang masayang kainan, isa-‐‑isang
nagsiuwi na ang mga bisita. “Maiiwan na muna
ako rito, Dr. Meneses. May mahalaga kaming pag-‐‑uusapan
ni Dr. Madriaga.” Sa pagkagulat
niya ay sinabi iyon ni Brent sa matanda. “Business pa rin? Hindi mo ba pagpapahingahin si Lorna, Brent? Tiyak na
pagod `yan sa pag-‐‑aasikaso sa kanyang mga bisita.” “Importante ho ang sasabihin ko sa kanya,” pagpapaunawa ni Brent sa
matanda. “Sige. Bahala ka. Paano, Lorna.. tutuloy na kami?” “Sige ho, Dr.
Meneses. Salamat sa inyong lahat,” nakangiting wika niya. Pagkaalis ng mga
bisita, nabura ang ngiti niya. Pormal ang mukhang hinarap niya si Brent. “Anòng
gusto mong palabasin at nagpaiwan ka pa rito?” sita niya rito. “Bakit? May
masama ba?” “May masama. Una, baka matsismis tayo at makarating sa girlfriend
mo. Pangalawa, wala akong panahong makipag-‐‑usap sàyo!” Natawa nang malakas si Brent.
“Natatakot kang matsismis tayong dalawa, pero hindi ka natakot nang matsismis
ka kay Mr. Villanueva.” “Wala kaming ginagawang masama. At hindi ako dapat
magpaapekto sa mga balitang walang basehan.” “Kung gayon ay hindi ka rin dapat
na maapektuhan kung sakaling may lumabas na balita tungkol sa ating dalawa. At
lalong hindi ako naniniwala na hindi mo ako gustong makita, Lorna.” Naningkit
ang mga mata niya. “Masyadong malaki ang bilib mo sàyong sarili! Puwes, kung
anuman ang motibo mo sa pang-‐‑iinis sa akin, wala na akong
pakialam. Dahil hindi na rin naman ako magtatagal sa ospital nàyon!” “Sa
palagay mo ba’y matatakasan mo ako?” “A-‐‑anòng ibig mong sabihin?” “Come with me,” anitong basta na lang siya hinawakan
sa kamay at hinila palabas ng bahay. “Ano ba? Bitiwan mo ang kamay ko!” protesta niya. Nakarating sila sa katabing unit. “Wala pang nakakaalam nito kundi ako
at si Viola lamang.” Kumunot ang noo
niya. Hindi niya alam kung ano ang ibig palabasin ng binata. Mula sa bulsa ay
may dinukot na susi si Brent at pagkuwa’y binuksan ang pinto ng nasabing unit.
Namutla si Lorna. Pakiwari niya ay huminto ang kanyang paghinga. “Maganda ba?”
untag nito. Malinis na malinis ang loob ng bahay. Kasangkapan na lang ang
kulang. Naumid ang dilang napatingin siya kay Brent. “This is mine, Lorna. I’m
glad na maging kapitbahay ka.” “Oh, no!” “HINDI ka na puwedeng lumipat ng ibang
bloke, Lorna. Pawang mga naka-‐‑reserve na ang ibang mga bakanteng
unit.” “Paano ba ‘yan?” “Saang lugar ba siya napapunta, Karina?” Tinig iyon ni Mr. Dueñas na inabutan ni Lorna na bisita ng mag-‐‑asawang Lloyd at Karina. Nakaupo ito sa katapat na silya ng
dalaga. “Nasa Block 2 siya, Ninong. Kasunod ng
blokeng nabili ninyo” “Aba, maganda ang location ng bahay
mo, Hija.” “Maganda hong talaga ‘yon, Mr. Dueñas at gustung-‐‑gusto ko. Kaya lang—” “Kaya lang ay ano?” “Wala. Never mind na lang ho.” “Huwag ka nang magbago ng isip sa unit
mo, Hija. Sige ka. Kapag binitiwan mo ‘yon, ako ang bibili.” “Huwag ho kayong magbiro. Baka isang
araw ay ialok ko nga sa inyo ang unit ko.” “Hindi ako nagbibiro, Hija. Herès my
calling card. Just in case na magbago ang isip mo, tawagan mo lang ako.”
Atubiling kinuha niya ang calling card ni Mr. Dueñas. “Hindi ba marami nang
nabiling unit ang lalaking iyon sa Preciousland?” usisa ni Lorna sa kaharap na
babae nang makaalis si Mr. Dueñas. “Oo. Pero talagang nag-‐‑i-‐‑invest siya ng money sa house and
lot. Good investment daw kasi,” tugon ni
Karina. Napabuntong-‐‑hininga siya. Labag talaga sa
kalooban niya na umalis sa kasalukuyang tinitirhan niya. Kaya lang, hindi siya
magkakaroong ng katahimikan kapag hindi siya umalis sa lugar na iyon. Kaya nga
siya nagsikap na magkaroon ng sariling bahay ay para makalayo sa presensiya ni
Brent. Malay ba naman niyang magiging kapitbahay niya ito. “Eh, Karina,”
aniyang may naalala itanong, “‘yong magiging neighbor ko, kailan niya nabili
ang unit niya?” “Sino roon? Yung nasa kanan o nasa kaliwa?” “Yung sa kanan,”
aniya na ang tinutukoy niya ang unit na hindi kay Brent. “Ah, matagal na ‘yon.
Kaya lang, hindi pa ikinakasal ang mga titira. Magnobyo pa lang at nagpaplano
pa lang magpakasal.” “Eh, `yong sa kaliwa?” “Ah, si Dr. Salgado. Referral siya
ni Viola. A month ago pa siya nag-‐‑down at baka next week ay makalipat
na rin siya. Teka, hindi mo ba kilala si Dr. Salgado? Magkasama yata kayo sa
ospital na pagmamay-‐‑ari nina Viola?” “Ah, hindi ko siya kilala,” kaila niya. “Ah—” “Sige, Karina. Tutuloy na ako.” “Sige. Hayaan mo at kapag may nag-‐‑back out na buyer sa lugar mo ay
pasasabihan kita kaagad.” “Salamat.” Gigil na gigil siya nang umuwi. Bakit ba
sa subdibisyong ito pa nakaisip bumili ng lupa at bahay ang hudyong ‘yon?
CHAPTER SEVEN
“THAT bastard! Malinaw na hina-‐‑harass na niya ako, Mrs. Santos. Kaya nga ako nagpaplanong
mag-‐‑resign dito sa ospital ay para magkaroon ako ng katahimikan
at para makaiwas sa kanya. Tapos, sa tabi ko pa pala kumuha ng bahay ang
magaling na lalaking ‘yon,” pagsusumbong ni Lorna sa kaibigan. “Ayaw mo ba nòn? Magkapitbahay na kayo,” panunukso nito. Sumimangot siya.
“Ayoko na nga siyang makita. Gusto ko na ngang tuluyan siyang burahin sa buhay
ko. Pero paano ko magagawa iyon kung lagi ko ring makikita ang pagmumukha ng
lalaking iyon!” “Kalimutan mo na kasi ang galit mo sa kanya.” “Siya naman itong
nanggugulo. Nananahimik na nga ako, eh, kung bakit para namang naninirya.”
“Hhmm. . hindi kaya gusto ni Brent na ligawan ka uli niya?” panghuhula nito.
Mulagat na napatingin siya kay Mrs. Santos. “That’s impossible! May.. may
girlfriend na siya.” “Malay mo naman kung totoo ngang nobya niya iyon.”
“Matagal na sila,” rason niya. “At saka ayoko na hong masaktan.” “Pero mahal mo
pa rin siya?” Huminga siya nang malalim. “C`mon, walang masama kung aaminin mo
sàyong sarili.” Nangilid ang luha niya. “Iyon na nga ho. . sa kabila ng lahat,
mahal ko pa rin ang lalaking `yon!” “Well, malay mo, mahal ka rin ni Brent.”
Umiling siya. “Ayokong umasa. Ang gusto ko’y mawala na itong nararamdaman ko sa
kanya.” “Let your heart decide for that matter. Bigyan mo ng tsansa ang sarili
mong lumigaya. Kung lumalapit si Brent sàyo, ibig sabihin, interesado siya
sàyo. Just give yourselves a second chance.” Ngunit alam ni Lorna na mahirap
ang sinasabi ni Mrs. Santos lalo pa nga’t may isang Antonette na nakapagitan sa
kanila ni Brent. May mga gabing nahihirapan siyang matulog. Okupado ng binata
ang kanyang isip. Deep inside her, kinikilig siya sa ideyang nasa malapit lang
ito. Ayoko sanang umasa. Minsan na niya akong niloko. BUMILI ng sariling kotse
si Lorna para magamit niya sa pagpasok sa ospital sa Makati. She was enjoying
her new life and privacy kung hindi nga lang ba siya ninenerbiyos sa
katotohanang magiging magkapitbahay sila ni Brent. Nang araw na iyon, dumating
siya sa ospital ng alas-‐‑diyes ng umaga. Kaagad siyang
sinalubong ni Gino. “Kanina ka pa
hinahanap ni Mr. Villanueva.” “Bakit?” “Ngayon siya lalabas at gusto ka raw
muna niyang makausap.” “Kung makakasaglit ka sa silid niya,
pakisabi na lang na magra-‐‑round muna ako at saka ko siya
pupuntahan,” bilin niya sa lalaki. “Okay, Sweetie pie. By the way, sabay
tayong mag-‐‑lunch, ha? Treat ko.” “Sure.” Sinimulan ni Lorna ang pagra-‐‑round sa mga pasyente na tumagal nang may isang oras.
Matapos iyon ay nagtungo na siya sa nurse’ station at nagsulat ng mga bagong instructions. Pagkatapos niyon ay saka
lang siya nagkaroon ng pagkakataong puntahan ang silid ni Mr. Villanueva.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ng matanda pagkakita sa kanya. “Kumusta ka na, Hija?” “I’m fine. So you are leaving now.” “Akala ko ay hindi mo na ako aabutan.” Ngumiti siya. “Well, good luck
and good health. God bless you.” “Salamat. Baka makapasyal ako sa bago mong
bahay kapag naayos ko na ang natambak kong trabaho sa opisina.” “Paano ninyo
nalamang may bahay na ako?” “Sinabi sa akin nina Brent at Antonette. Kumuha rin
yata ng unit doon si Brent in preparation sa kanyang pag-‐‑aasawa.” Saglit siyang
natilihan. Naisip niyang may balak na palang magpakasal nina Brent at
Antonette. Pakiwari niya‘y namanhid ang
kanyang buong katawan sa narinig. Tila libu-‐‑libong karayom ang sabay-‐‑sabay na tumusok sa dibdib niya. Makakaya ko kayang makita
sila? “Good morning, Dad.” Si Antonette at kasama si Brent. “Nariyan na ang
sundo mo, Daddy. Let`s go.” Sa kanya nakatingin ang babae habang nagsasalita.
“Mauna ka na. Ipabuhat mo na ang mga bagahe ko at mag-‐‑uusap lang kami ni Lorna sandali.” Hindi siya tumitingin kay Brent.
Ngunit hindi siya nakatiis ay sinulyapan niya ito. Madilim ang anyo nito. “Aalis na ako, Lorna.” Hinawakan ng matanda ang kamay niya.
“Be a good girl. And stay as sweet and
loving as you are.” “For you, I will.” “Can I kiss you goodbye?” paglalambing
ng matandang lalaki. “Sure.” Hinalikan siya ni Mr. Villanueva sa kanyang
pisngi. Nang mapatingin siya sa dalawa ay kapwa nagliliyab ang mga mata ng mga
ito sa hindi maintindihang galit. Hindi na niya nakita ang dalawa nang
maghapong iyon. At nakakainis isiping tila nasasaktan siya sa nalamang balita
hinggil sa nalalapit na pagpapakasal nina Brent at Antonette. “ARE YOU free
tonight?” “Ha?” Nabigla pa si Lorna nang malingunan si Brent sa likuran niya.
Kahapon lang ay kasama ito ni Antonette sa paghahatid kay Mr. Villanueva sa
sasakyan. Bakit ngayon ay tila hindi na galit at nakuha pang ngumiti? May
kasabihan na dapat akong mag-‐‑ingat sa ganitong klaseng ngiti. “Hey, malayo yata ang iniisip mo.” “No.” Naalala niya ang sabi ni Mrs.
Santos. Napilitan siyang ngumiti sa binata. “Iyan ang gusto ko. Ang ngitian mo naman ako kapag nakikita mo ako.” “Anything I can do for you?” Pinilit niyang maging kaswal sa paningin ng lalaki. “Gusto sana kitang i-‐‑invite sa bahay ko ngayong gabi.” “Ha?” “Hindi mo alam ay nakalipat na ako.” “Kailan?” “Yesterday. Pagkahatid namin ni
Antonette kay Mr. Villanueva ay nagtuloy na kami sa Cavite. Last night ay na-‐‑deliver na ang mga gamit na in-‐‑ order ko.” “Last night? Bakit hindi ko yata
namalayan?” “Tulog ka na siguro.” “Baka nga. Diretso ako sa kuwarto ko
pagdating ko kagabi at nakatulog na ako kaagad. Bakit mo nga pala ako
iniimbita?” “I want you to see my home para malaman ko kung ano pa ang mga kulang.” “Bakit ako? Bakit hindi si Antonette?” “Walang alam sa pag-‐‑aayos ng bahay si Antonette.” “At ako, may alam ba ako?” “I think so. Na-‐‑impress ako sa interior design ng
iyong bahay. May palagay akong matutulungan mo ako.” Matamang nag-‐‑isip siya kung pagbibigyan niya ito. “Please.. ” Nagsusumamo ang tinig nito. “S-‐‑sige,” napilitang paunlak niya. “Sabay na tayong umuwi.” “I have my own car. Hindi ako puwedeng
sumakay sa kotse mo.” “It`s okay. Wala naman diyan ang kotse
ko at ginamit ni Antonette.” Biglang nagbago
ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila gusto niyang bawiin ang ginawang
pagpayag. Sadista talaga! Mukhang aasarin lang yata ako ng lalaking ito. O baka
gusto lang makiangkas dahil ginamit pala ng bruhang girlfriend niya ang kanyang
kotse. Por delikadesa, hindi na niya magawang mag-‐‑ back out. Kaya nang oras ng uwian ay magkasabay silang
umuwi ni Brent. Ang lalaki ang nagmaneho ng kotse niya. “Hindi ka na dapat na bumili ng kotse.” “Kailangan ko kasi.” “Hindi ba dapat lang na ang magiging
asawa mo ang bibili nito para sa iyo.” “Wala pa akong nakikitang husband
material.” “‘Yan ang akala mo,” makahulugang tugon ni Brent. Napadaan sila sa
isang chicken house at inihinto roon ni Brent ang kotse. “Just wait for me
here. Bibili ako ng dinner natin.” Habang nasa loob ng chicken house si Brent
ay kung anu-‐‑ano ang naglalaro sa isipan ni
Lorna. Ano kaya at bigla kong paandarin ang kotse at iwanan ko ang lalaking
ito? Subalit siya na rin ang tumutol sa masamang binabalak. KUMAKABOG ang
dibdib ni Lorna nang sapitin nila ang Preciousland Palace. Parang gusto niyang
magtaka sa sarili kung bakit siya napapayag ng lalaking ito na tingnan ang
bahay nito. At nagawa pa niyang pasakayin sa kanyang kotse. “Here we are.”
Ipinagbukas siya ng pinto ng binata. Naramdaman niya na nangangalog ang kanyang
tuhod nang umibis siya. “P-‐‑puwede bang pumasok muna ako sa
bahay ko? M-‐‑magpapalit muna ako ng damit.” “Sure. Hihintayin kita sa loob, ha?” Bakit ba ako nakapayag-‐‑payag sa kagustuhan ng lalaking ito?
Dadalawa lang kami sa bahay niya. Malay ko ba kung ano ang binabalak niya kapag
naroon na ako. Bagama’t tutol ang isip niya, ngunit hindi ang dibdib niya.
Tumitindi ang nararamdaman niyang excitement habang nagmamadali sa pagpapalit
ng damit. Naghilamos pa siya at nag-‐‑ayos. Hindi niya rin kinalimutang
magpawisik ng pabango, Sabi niya kay Brent, sandali lang siya. Subalit may
kalahating oras na yata siya sa harap ng salamin. Napakislot siya nang
makarinig ng katok. Nabosesan niya si Brent. Maghintay ka, nakairap na sabi
niya sa isip. Tumayo na siya at saka sinipat-‐‑sipat
muna ang sarili sa harap ng salamin bago bumaba. Napangiti si Brent nang makita
ang kasuotan niya. Sleeveless na bestida, in prints of yellow, green and red,
at above-‐‑the-‐‑knee
ang haba. “Lalo ka talagang gumaganda kapag
hindi nakasuot ng uniporme sa ospital,” may paghangang wika nito. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Inalalayan
siya sa siko ni Brent habang papasok sa kabahayan nito. Pagpasok nila sa sala
ay may mga furniture na, ngunit halatang wala pa sa wastong ayos. “Come in.”
“Kompleto ka na rin pala sa gamit,” palinga-‐‑ lingang wika niya. “In preparation sa aking nalalapit na
pag-‐‑ aasawa. How I wish, kasama ko ang mother ko rito. Pero nasa
California na siya ngayon dahil nakapag-‐‑asawa ng isang Canadian na US based
ang aking nag-‐‑iisang kapatid na babae.” “Nag-‐‑iisa ka na pala sa buhay.” “Yeah. Kaya nga gusto ko na ring magkapamilya.” Napilit niya ang sariling ngumiti.
Dinala siya ng lalaki sa dining room. Well furnished na rin iyon at kompleto na
sa appliances. “Okay na ba sa iyo ito?” “Puwede na. Kaya lang, mas maganda sana
kung laging may fresh flowers sa dining table. At `yang refrigerator, huwag
mong itabi sa gas range.” “Ideya ni Antonette, pero hayaan mo’t babaguhin ko,”
patiayon ni Brent. “Tara sa itaas. Tingnan mo na rin ang mga bedroom.” “Pero—”
“Huwag kang matakot,” putol nito sa sinasabi niya. “Trust me, please?” Napilitan
siyang pagbigyan ang binata. Gaga ka talaga, Lorna! Nasasaktan ka na nga, hindi
mo pa rin matanggihan ang lalaking iyan! Pigil niya ang emosyon nang buksan ni
Brent ang pinto ng master’s bedroom. Buong pagmamalaking ipinakita nito sa
kanya ang loob niyon. Nagsikip ang dibdib niya pagkakita sa matrimonial bed na
nasa gitna. Handang-‐‑handa na talaga siyang mag-‐‑asawa.. Pagkatapos na maipakita ni Brent sa kanya ang lahat
ng sulok ng bahay ay nagtungo sila sa dining room kung saan ay nakahain ang
fried chicken, pancit canton, at toasted bread. Gayon din ang dalawang canned
soft drinks. “Ano ang masasabi mo sa house
arrangements? Sa furniture? Sa home decors?” “O-‐‑okay
naman. Maganda. Puwede na,” aniya sa
kawalan ng masasabi. “May gusto ka
bang baguhin?” “Mas mabuti siguro kung si Antonette na lang ang tanungin mo.” “Ikaw ang tinatanong ko, bakit si Antonette ang itinuturo mo?” Hindi siya sumagot. Pinilit niyang
ikubli ang nararamdamang kirot sa dibdib. “Let’s eat. This is the first time na
kakain ako ng dinner sa bahay kong ito. I’m glad na ikaw ang kasalo ko ngayon.” Pinapanood niya si Brent nang ipaglagay siya ng pagkain sa plato.
Napakasadista mo, Brent! pigil ang luhang wika niya sa sarili.
CHAPTER EIGHT
“HAYAAN mo at kami na ang kokontak
kay Ninong para sabihing ibinibenta mo na ang unit mo. Pero huling tanong,
desidido ka na ba?” paniniyak ni Karina sa kanya. Tumango siya. “Kung puwede
sana, huwag mo na lang ipapaalam kahit na kanino na ipinabebenta ko ang aking
bahay, Karina.” “Nanghihinayang naman ako.” “I have to do it.” “Pero bakit? May
dissatisfaction ka ba? May complain? Tell us, para magawan natin ng paraan,”
sabad ni Lloyd. “I have nothing against the place, Lloyd. In fact, I love it.
Kaya lang, may mabigat na dahilan ako kung bakit ipinabebenta ko na ang aking
unit.” “I’m sure na hindi tatanggihan ni Ninong ang unit mo once na ialok namin
‘yan sa kanya. But think it over bago ka magbigay ng final decision.” “Buo na
ang pasya ko, Lloyd, Karina.” Nagkatinginan ang mag-‐‑asawa. “Kung iyan na ang
final decision mo ay wala na kaming magagawa. Ikaw ang bahala,” sabi na lamang ni Karina. Nang
makaalis si Lorna ay nangingiting binalingan ni Lloyd ang asawa. “May duda
akong pareho kayo ng naging problema ng babaeng `yon. May iniiwasan rin siguro
‘yan na kagaya mo noon at ang naisip na pamamaraan ay ibenta ang kanyang
tinitirhan para makaiwas sa katotohanan.” “Sino kaya ang iniiwasan?” “Posibleng
si Dr. Salgado,” panghuhula ni Lloyd. “Baka nga. Guwapo ang doktor na ‘yon,
ah.” “Mas guwapo naman ako roon.” “Siyempre naman. For me, ikaw ang
pinakaguwapong nilalang sa balat ng lupa.” “BAKIT ka aalis? May nagawa ba
kaming hindi mo nagustuhan? May reklamo ka ba sa compensation mo? Sa rules and
regulations? Just tell me, Hija. O baka naman may problema ka kay Brent, gusto
mo’y kausapin ko siya?” very eager na tanong ni Dr. Meneses nang magpaalam si
Lorna sa matanda. Nag-‐‑submit siya rito ng kanyang
resignation letter. “Anòng problema, Hija?” Umiling siya. “I have nothing against this company.
Ang tagal ko na rito, Dr. Meneses, at wala akong masasabi sa inyo ni Viola
bilang boss ko. Personal po ang dahilan ko kung bakit kailangan kong umalis. I
hope naiintindihan ho ninyo ako.” “Of course, I do. Nanghihinayang lang ako sa
iyo. Ayokong mawala ka rito, being one of the best doctors sa ospital na ito.”
“Maraming salamat ho, Dr. Meneses. At utang kong lahat ‘yan sa pagtitiwala
ninyo sa akin.” Napabuntong-‐‑hininga ang matanda. “But promise, dadalo ka muna sa
foundation day celebration natin?” “Naririto pa naman ako sa araw na
iyon.” “Good.” “Siyanga pala, Sir, may ipapakiusap sana ako sa inyo.” “Ano iyon, Hija?” “Kung puwede ho sana ay ilihim ninyo
muna ang resignation kina Viola at Dr. Salgado.” Nag-‐‑isip ito, pagkuwa’y sumang-‐‑ayon na rin. “Ikaw ang bahala, Hija.” BRENT was sweet and thoughful nitong
mga nakaraang araw at hindi magawang pagsungitan ni Lorna ang binata. Lagi
niyang naaalala ang mga payo sa kanya ni Mrs. Santos. At dahil nagpapakita ng
kabaitan sa kanya si Brent, kaya civil na rin ang pakikitungo niya rito. Ngunit
tinitiyak niyang hindi na sila magkaroon pa ng close encounter ni Brent. Lagi
siyang nagmamadali sa pag-‐‑uwi sa bahay para maiwasan ito.
Dalawang gabi na niyang naririnig ang pagkatok nito sa kanyang pinto. Ngunit
inignora niya iyon. Mabuti na lang at wala pang linya ng telepono sa
subdibisyon. Ang cellphone naman niya ay sinasadya niyang i-‐‑off pagdating ng bahay. Kapag Sunday naman ay nagbababad
siya sa mall pagkatapos niyang magsimba. Gabing-‐‑gabi
na siya kung umuwi. Walang nakakaalam sa mga kaibigan niya na nakapag-‐‑apply na siya sa isang malaking ospital sa Quezon City.
Kaagad naman siyang natanggap doon. GANOON na lang ang katuwaan ni Lorna nang
mabalitaan mula sa mag-‐‑asawa na pumayag na si Mr. Dueñas na bilhin ang kanyang unit. Nang
araw na iyon ay nag-‐‑usap sila ni Mr. Dueñas at nagkasarahan ng kontrata.
Kasama sa bilihan ang mga gamit sa loob ng kanyang bahay. Hindi naman siya
minadali ni Mr. Dueñas na makalipat
ng bahay. “Marami hong salamat,” natutuwa niyang sabi rito. Hindi
niya inaasahan na mababayaran siya agad nito. “Walang anuman, Hija. Kung sakaling kailanganin mo ang tulong ko in the
future, tawagan mo lang ako. Nasàyo naman ang calling card ko.” “Opo. Marami
pong salamat.” Napakabait niya, naisaloob niya nang maghiwalay sila ni Mr.
Dueñas. Masakit sa loob ni Lorna na iwanan ang bahay sa Preciousland Palace
lalo pa nga at ito ang kauna-‐‑unahang pundar niya. Ngunit
kailangan niyang gawin iyon, for the simple reason na kailangan niyang umiwas
sa tiyak na kapahamakan at kabiguan. Hindi na niya kakayanin na makitang
masayang nagsasama sina Brent at Antonette. NANG mga sumunod na araw ay abalang-‐‑abala ang lahat bilang paghahanda sa nalalapit na foundation
day ng ospital. Habang nagsasaya ang lahat ng staffs, si Lorna naman ay umiiwas
at nalulungkot. Lagi siyang nagmamadali at iniiwasang may makausap sa mga
malalapit na kasamahan niya sa ospital. Maging si Mrs. Santos ay iniiwasan niya
dahil hindi niya masabi-‐‑sabi rito ang kanyang mga balak.
Naglihim din siya maging sa mga kaibigang doktor, maging kay Gino. Lalong
bumibigat ang dibdib niya habang lumilipas ang mga araw. For sure, mami-‐‑miss niya ang mga kasamahan niya sa ospital na nakatrabaho
niya for almost four years now. The day before the foundation day ay kabilang
siya sa mga tumulong sa preparasyon. Gaganapin ang okasyon sa rooftop ng
ospital na iyon kaya hindi niya nagawang umuwi nang maaga dahil siya ang
naatasan na maging head ng committee on physical arrangement. Hindi niya
inaasahan na makiki-‐‑join sa kanila si Brent. Nang makita
siya nito ay kaagad na lumapit. “At last, I found you. Hindi kita matiyempuhan nitong mga huling araw.
Masyado rin kasing hectic ang schedule.” “Bakit mo naman ako hinahanap?” “May
gusto sana akong sabihin sa iyo. Mahalagang bagay.” Baka binabalak pa niyang
kunin akong abay sa kasal nila ni Antonette. “A-‐‑anong
mahalagang bagay ang sasabihin mo?” “Can we talk somewhere else na may
privacy?” Napalingon siya. “Hindi ko puwedeng iwanan ang staff
ko.” “We need to talk. Magbilin ka na lang ng instruction sa isang staff.” Namataan ni Brent si Mrs. Santos at
nagbilin ang binata sa babae. “May pag-‐‑uusapan lang kaming importante ni Dr. Madriaga, Mrs. Santos.
Can you take over the supervision?” “Sure, Dr. Salgado.” “Okay, Lorna. Give her
the instructions.” Walang nagawa si Lorna kundi sundin ang utos ni Brent. Heto
na naman siya. Nakagawa na siya ng mga mabibigat na desisyon just to get rid of
him. Subalit kapag kaharap na niya ang binata ay nababale-‐‑wala ang pagpipigil niya sa sarili. Ni hindi siya nakatutol
nang hawakan nito ang kamay niya. Nagpunta sila sa service room na nasa rooftop
at isinara nito ang pinto. “Bakit kailangang
isara mo pàyan?” sita niya. “Ayokong may makarinig ng pag-‐‑uusapan natin. At ayoko ng istorbo.” “Ano ba’ng pag-‐‑uusapan
natin?” Tumiim ang anyo ni Brent. “Bakit hindi mo sinasabing nag-‐‑resign ka na pala?” “A-‐‑alam mo?” aniyang lalong lumakas ang kaba sa
kanyang dibdib. “Ipinagtapat sa
akin ni Dr. Meneses.” “Pero—” “Hindi magagawang maglihim ni Dr.
Meneses sa akin,” putol nito sa
sinasabi niya. “Kung gayon ay
wala na palang dapat ilihim. Yes, I’m resigning.” “Bakit?” “Bakit gusto mong malaman?” “Dahil pipigilan kita. Hindi ako papayag na umalis ka at iwanan ako.” Talo
pa niya ang nakarinig ng magandang balita. Napalunok siya nang ilang beses bago
nagkaroon ng boses ang kanyang lalamunan. “B-‐‑bakit.
. bakit mo ako pipigilan? Dahil ba wala ka nang mapepeste?” “Nagkakamali ka,” anito sa
masuyong tinig. Nang-‐‑uuyam ang ngiti niya. “Dahil wala ka nang mapaglalaruan, ng
makakatuwaan—” Sa pagkabigla niya ay sinambilat
siya ni Brent sa magkabilang balikat. “Bakit ganyan ka? Bakit nagbubulag-‐‑bulagan ka? Hindi mo ba nakikita ang
totoo? Bakit kailangang ang sarili mo lang ang inuunawa mo? Lorna, hindi mo ba
alam na.. na.. ” Kumibut-‐‑kibot ang mga labi ng binata. Hindi
maituluy-‐‑tuloy ang gustong sabihin. “Na ikakasal ka na?” patuloy niya. “Well, congratulations sa inyong
dalawa ni Antonette. Kung iniisip mong dagdagan ang agony na gusto mong
ipalasap sa akin, I’m very sorry to
inform you na hindi mo na ako kayang saktan pang muli. Matigas na nga ako,
Brent. Kaya ko nang lumaban.” “But I swear, I never meant to hurt
you.” “Liar! Alam mo kung anu-‐‑ano ang sinasabi ko.” “I’m sorry. Inaamin kong sinadya kòyon. Kasi hindi ko alam kung paano
kita haharapin nang mga sandaling iyon, Lorna. Kung alam mo kung gaano ako ka-‐‑tense nang makita kitang muli. I have to do it para lang
hindi ako mahalata ng mga kasama natin. Ang totoo, gusto na kitang yakapin nang
mga sandaling iyon. Pero mas malamang na sampal ang aabutin ko sa iyo.” “You’re a great deceiver, Brent. Akala mo
ba ay maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo? Nakalimutan mo na ba ang pagiging
two-‐‑timer mo? Nobya mo na pala si Antonette ay niligawan mo pa
ako,” sumisigok na patuloy niya. Wala nang
makapigil sa kanya para ibulalas ang lahat ng sama ng loob. Nagsimulang
mangilid ang kanyang luha. Namula ang kanyang mga mata, gayon din ang ilong. “Ang hirap sa iyo, naniwala ka sa
sabi-‐‑sabi. Kailan ko ba sinabi sa iyo na girlfriend ko si
Antonette? Ikaw lang ang laging nagsasabi. Kahit minsan ay wala akong inamin sa
iyo na girlfriend ko nga siya.” “Anòng akala mo sa akin. . madaling bilugin ang ulo? Akala mo yata, bulag ako
at hindi ko nakikita ang paglalambingan n`yo.” “Iyon ba?” Tumawa pa ito. “Well,
siya lang itong lapit nang lapit sa akin. Besides, nasanay kasi sa akin ang
babaeng `yon, komo, ang papel ko sa kanya noon ay Big Brother. Kung gusto mo’y
iharap ko siya sàyo at—” “Hindi na kailangan. Wala naman akong pakialam sa
inyo.” “Well and good, nagseselos ka nga. Aminin mo man at sa hindi, alam ko pa
rin ang mahal mo, hindi ba?” “That’s not true!” Pinalis niya ang mga kamay ni
Brent na nakahawak sa kanyang mga braso. “Kung inaakala mong kaya kong
kalimutan ang mga atraso mo, nagkakamali ka.” “Do you love me?” “Hindi!” asik
niya at dumistansiya rito. “Do you really love me?” Palapit nang palapit ito sa
kanya. “Kaya kong kalimutan ang. .” Natigilan siya pagkuwa’y taas-‐‑noong sinalubong ang titig ng binata. “Lorna, please.. ” Naputol ang pag-‐‑uusap ng dalawa nang may kumatok. Napilitang buksan ni Brent
ang pinto at bumulaga sa kanila si Antonette. Nagdududang nagpalipat-‐‑lipat ang tingin nito sa dalawa. “Anòng ginagawa mo rito? Hindi ba may usapan tayo na susunduin mo ako sa
bahay namin?” sita ng babae kay Brent. Naningkit
ang mga mata ni Lorna. This is too much. Isa lang ang interes sa kanya ni
Brent, ang matikman siya. Ganoon naman talaga ang mga lalaki. Matalim ang
tinging ipinukol niya kay Brent bago nagmamadaling iniwanan niya ang dalawa. “KUNG puwede ho sana ay kayo na muna
ang bahala rito, Mrs. Santos. Uuwi na ho ako,” paalam ni Lorna sa ginang. “Ha? Teka, bakit?” “Bigla hong sumakit ang ulo ko.” “Sandali!” Pero
nagtuluy-‐‑tuloy na si Lorna sa elevator.
HINARAP naman ni Brent si Antonette. Nagitla ang babae nang makita ang galit sa
anyo ni Brent. “From now on,
ayoko nang aabalahin mo pa ako. Matagal kong pinagbigyan ang mga kapritso mo,
but you’re getting too far. Malaki ang utang-‐‑ na-‐‑loob ko sa iyong ama dahil
natulungan niya ako sa aking pag-‐‑aaral. Pero sumusobra ka na. Ayokong
bigyan ka ng false hope. Ayokong umasa ka na higit pa sa pagtinging-‐‑kapatid ang maibibigay ko sàyo.” “Anòng ibig mong sabihin?”
“May mahal akong iba, Antonette!” “No! Hindi ako papayag!” Parang batang
inagawan ng candy na nagmaktol si Antonette. Yumakap pa ito kay Brent. “I’m
sorry, Antonette. It`s about time na harapin ko naman ang aking sariling
buhay.” Kinalas ni Brent ang mga braso ng dalaga. Napatda si Antonette. At
parang mababaliw nang basta na lang iwanan ito ni Brent na nag-‐‑iisa sa kuwartong iyon. “NASAAN ho si Lorna, Mrs. Santos?” usisa ni Brent nang hindi na datnan ang dalaga sa labas. “Nagmamadaling
umalis. Hindi nga sinabi kung bakit.” Walang paalam na bumaba rin si Brent.
Nangingiti sa sarili na naiwanan si Mrs. Santos. Hay, bagay na bagay sila. Sana
naman ay magkabalikan na sila.
CHAPTER NINE
NAKAUWI na si Lorna at kasalukuyang
nagpapahinga na sa kanyang silid. Nakakadama siya ng panghihinayang sa iiwanang
bahay. Nagkabayaran na sila ni Mr. Dueñas at may dalawang linggo na lamang
siyang titigil sa bahay. Nakakita na siya ng isang studio type na apartment na
matitirhan sa Quezon City malapit sa ospital na lilipatan niya. Kung hindi kami
nagkita ni Brent ay tiyak na tahimik na ako ngayon. Ang lalaking iyon ang
gumulo sa buhay ko. PAMPALAKAS ng loob ang nag-‐‑udyok
kay Brent para uminom ng beer sa isang videoke bar na nadaanan. Dalawang bote
ng beer ang naubos ng binata bago umuwi. Naalimpungatan si Lorna sa malakas na
katok na halos yumanig sa pinto. May naririnig siyang nagsisigaw sa labas.
Isang kapitbahay siguro na walang magawa. “Lorna! Buksan mo ang pinto! Kung hindi ay gigibain ko ito!” Aba, pangalan
ko yata ang tinatawag, ah! Napakunot ang noo niya at nagmamadaling pumanaog.
Mukhang wawasakin pa yata ang pinto ko! Mabilis na binuksan niya ang pinto at
nagulat nang makita si Brent. “Ikaw?” Hindi na niya hinintay na makasagot pa si
Brent at pabalibag na isinara uli ang pinto. Subalit naging maagap ang lalaki.
“Lorna, ano ka ba? Talaga bang hindi ka makikipag-‐‑usap sa akin?” Malakas na kinabog ni Brent ang pinto. “Mahiya ka! Nakakabulahaw ka ng mga kapitbahay!” sigaw niya rito. “Pakialam ko sa
kanila! Alam ba nila ang problema ko!” At sunud-‐‑sunod
na kinalabog ng binata ang pinto. Halos mabinging nagtakip ng tainga si Lorna.
Napilitan siyang buksan uli ang pinto. “Ano bàng problema mo? Hindi ka na nahiya sa
ginagawa mo,” pabulyaw na usisa niya. “Ikaw, sino pa?” Nakatitig sa kanya si Brent habang
naka-‐‑frame sa pinto. Napansin niya ang pagbubukas ng ilaw ng mga
kapitbahay. Nabulahaw yata at balak mag-‐‑ usyoso. “Pumasok ka nga rito sa loob bago pa
mag-‐‑isip ng masama ang mga tao!” paanas, subalit gigil na gigil
na wika niya. Tumalima si Brent. Tahimik itong naupo sa sofa. Ini-‐‑lock niya ang pinto. “Now, tell me. Bakit mo ako ginugulo?” “I’m sorry, Lorna. Pero kailangang magkausap tayo.” “Para ano pa, Brent? Wala na naman tayong dapat na pag-‐‑usapan pa? It`s all over. Tapos na ang lahat.” “Kung sa iyo tapos na, sa akin hindi!” Tiim ang anyong tumayo si Brent. Kinabahan siya nang bigla siyang
hawakan ng binata sa magkabilang braso. “Akala mo ba, naging madali para sa akin na tanggapin ang pakikipag-‐‑break mo sa akin? Nasaktan ako, Lorna. Kasi mahal kitang
talaga! Mahal na mahal kita! Alam mo ba ‘yon?” Napatda ang dalaga. Hindi siya
makapagsalita. Naparalisa siya nang bigla siyang sambilatin ni Brent at maalab
na inangkin ang kanyang mga labi. Nalasahan niya ang alak sa bibig ng lalaki
subalit nadaig iyon ng tamis na dulot ng halik nito. Saglit lang siyang
natangay ng halik na iyon. Ubod lakas na itinulak niya si Brent. “Kung ano man ang pakay mo sa akin ay
hindi ka magtatagumpay, Brent.” “At ano sa akala mo ang pakay ko sa iyo?” “Ano
nga ba? Rape? Over my dead body bago mo magawa iyon!” “Kaya?” Humakbang ito
palapit sa kanya. Labag man sa loob ay napilitan na siyang idepensa sa masamang
binabalak sa kanya ni Brent. “Huwag na huwag kang magkakamaling lumapit. Huwag
mo akong subukan!” “Kaya mong gawin sa akin ‘yan? At inaakala mo bang magagawa
ko sa iyo ang iniisip mo? Ganyan na ba talaga kaliit ang tingin mo sa akin, Lorna?”
“Wala na akong tiwala sa iyo ni katiting.” Mapaklang ngumiti ang binata. “Hindi
na pala ako dapat na nagsayang ng panahon ko na itago ang nararamdaman ko para
sa iyo. Kahit na ano pala ang gawin ko ay hinding-‐‑hindi mo pa rin ako magagawang bigyan ng pagkakataon na
patunayan ang katapatan ng layunin ko sa iyo. You’re being unfair, Lorna. Okay, kung talagang ayaw mo akong pakinggan, wala
akong magagawa.” Umaalon ang
dibdib sa galit na tinalikuran siya ni Brent. Binuksan nito ang pinto at nang
makalabas ay pabalibag na isinara iyon. “Brent. .” marahang tawag niya rito. Ngayon
siya parang natauhan. Nasaktan niya nang husto ang damdamin ni Brent. Inisip
niyang sundan ang binata subalit naunahan na siya ng hiya. Nang nakahiga na
siya ay parang gusto niyang ma-‐‑guilty. ARAW ng foundation day
subalit walang ipinag-‐‑ iba iyon sa mga araw nila sa
ospital maliban sa nag-‐‑render sila ng free check up for the
first one hundred patients at namudmod pa ng mga libreng gamot. Umaga pa lang
ay abala na si Lorna. Nang sumapit ang alas-‐‑diyes ay nasa operating room siya
para sa isang operasyon na tumagal nang limang oras. It‘s a good thing na
naging busy siya nang umagang iyon at hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na
magkita ni Brent. Matapos ang nangyari kagabi, lalo siyang natakot na humarap
pa sa binata. KAPUNA-‐‑PUNA ang pagiging tahimik ni Brent
nang umagang iyon habang binibisita isa-‐‑isa ang mga departamento ng ospital.
Aware ang binata na nasa operating room si Lorna at nagsasagawa ng isang
operasyon. Hopeless na siyang makipagkasundo pa sa dalaga. “Mukhang wala ka yata sa mood,” puna
ng ginang. “Kayo pala, Mrs. Santos.” “Kumusta na kayo ni Lorna? Nagkaintindihan
ba kayo kagabi?” “Mukhang malabo na yata kaming magkabalikan.” “Sumuko ka na
kaagad.” “Wala na siyang tiwala sa akin, Mrs. Santos.” “Dahil nasaktan siya
nang labis dahil inisip niyang niloko mo lang siya noon.” “Ang laki ng
pinsalang ginawa ni Antonette sa aming dalawa.” “Diyan ka nagkamali. Hinayaan
mong sirain ng babaeng iyon ang pag-‐‑iibigan ninyo ni Lorna.” “Ang laki kasi ng utang-‐‑na-‐‑loob
ko sa kanyang ama.” “Hindi pa naman huli para ayusin ang lahat, Brent. Babae si
Lorna. Nasaktan. Kailangan ang ibayo pang pagsuyo para mapatawad ka niya.”
“Mapatawad pa kaya niya ako?” “Just try and try until you succeed.” “But she is
leaving.” “Ha?” “Lilipat na siya ng ibang ospital, Mrs. Santos.” Nabigla ito sa
nalaman, pero saglit lang. “Problema ba ‘yon?” Hinawakan ng matandang babae si
Brent sa isang balikat. “Ang liit-‐‑liit nitong Pilipinas para hindi mo
siya masundan kahit na saang lupalop pa siya magpunta.” SAMANTALA, dumating si
Antonette sa ospital at hinahanap si Brent. May nakapagturo rito kung nasaan
ang binata. Hangos na pinuntahan iyon ng babae. Nag-‐‑uusap pa rin sina Brent at Mrs. Santos nang biglang sumulpot
si Antonette. “Brent!” Nanlaki ang mga mata ni Brent. Nakita niya ang hawak ni Antonette.
Nakaumang sa kanya ang maliit na baril. “Antonette.. ” Subalit parang
walang narinig ang babae. Kinalabit nito ang gatilyo at umalingawngaw ang isang
putok. MATAPOS ang mahabang oras ay nakatapos rin si Lorna sa operasyong
isinagawa. Paglabas niya ay sinalubong siya ng kakaibang katahimikan. Mukhang
nag-‐‑rest nang lahat ang mga doktor at nurses, ah. Wala akong
makita kahit na isa. Dumiretso siya sa kanyang quarter para magpahinga sandali.
Wala siyang kamalay-‐‑malay na nasa kabilang operating
room at kasalukuyang inooperahan si Brent. PARANG tinatamad si Lorna na dumalo
sa foundation day kundi nga lang ba siya nahihiya kina Dr. Meneses at Viola.
Gayon pa man, pinaghandaan din niya ang nasabing okasyon. Wearing one of her
finest dresses ay naghanda na siya para sa selebrasyon. Mayamaya ay kinatok na
siya ni Mrs. Santos. Kapansin-‐‑pansin ang kawalan ng sigla ng
mabait na ginang. “Malungkot ho
yata kayo,” sita niya. “Oo. At may mabigat na dahilan kung
bakit.” “Ano ho’ng dahilan?” Napatitig sa kanya si Mrs. Santos.
Bumuka ang bibig nito, pero hindi nasabi ang nais na sabihin. “Forget it. Halika na sa itaas at
nagsisimula na ang party.” Sa pag-‐‑akyat nila sa rooftop ay hindi maiiwasang madaanan ang
opisina ni Brent. Ewan ni Lorna kung bakit parang kay bigat ng kanyang dibdib
nang mapatapat sa pintuan ng private office ng binata. Nasa itaas na siguro ang
lalaking iyon. Marami nang mga empleyado ang dinatnan nila sa itaas at halos
lahat ay napalingon nang dumating sila. Naroroon na rin sina Dr. Meneses at
Viola. Kapansin-‐‑pansin ang lungkot sa mga anyo ng
mga ito. Naghahanap ang mga mata niya, subalit hindi niya nakita ni anino ni
Brent. Bakit ba puro mukhang namatayan ang mga tao rito? Dapat nga’y masaya sila.. Si Gino Alejar at iba
pang mga kasamahang doktor ay nakaipon sa isang table at kumaway lang sa kanya.
May ilang pamilyar na bisita na nakilala niya sa kasal nina Lloyd at Karina,
kabilang na ang mga bagong kasal. Binati niya si Karina. “Paalis ka na pala sa
ospital na ito?” usisa nito. “Oo.” “Bakit?” “For a change,” pagsisinungaling
niya. Nagsimulang magsalita si Dr. Meneses at napilitan siyang magpaalam kina
Lloyd at Karina. Naupo siya sa table na kinaroroonan ni Mrs. Santos. “Ladies and
gentlemen, before we start ay puwede bang mag-‐‑ukol
muna tayo ng isang panalangin para sa ganap na kaligtasan ng isa sa ating mga
kasamahan na nabaril kanina at ngayon ay kasalukuyang nakaratay sa kanyang
suite at hindi makakadalo sa ating pagdiriwang ngayong gabi. I am referring to
our consultant Dr. Brent Salgado.” Nanlaki ang mga mata ni Lorna sa narinig at nagtatanong ang mga matang
napatingin siya kay Mrs. Santos. Habang nagli-‐‑lead
ng prayer si Dr. Meneses ay magulo ang isip ni Lorna. Paanong nangyari iyon? “TOTOO ho bang lahat ang mga sinabi
ninyo tungkol kay Brent?” “Maniwala ka sa akin, Lorna. Mahal na mahal ka ni
Brent. At iyon ang matinding dahilan kung bakit nawala sa sarili niya si
Antonette. Hindi niya matanggap nang talampakin siya ni Brent na wala siyang
pagmamahal sa babae.” “Bakit hindi ninyo sinabi kaagad sa akin ang nangyari sa
kanya?” “Kabilin-‐‑bilinan ni Brent na huwag sasabihin
sa iyo ang nangyari sa kanya dahil wala na raw naman siyang maaasahang
pagtingin mula sa iyo. Baka nga raw ikatuwa mo pa kung malalaman mong nabaril
siya.” “Mrs. Santos, hindi totoo ang iniisip niya.” “Kung gayon ay sagutin mo
ako nang mula sa iyong puso. Mahal mo pa ba si Brent?” “Magiging sinungaling ho
ako kung sasabihin kong hindi,” sumisinghot na sagot niya. “Dala lang ho ng
matinding selos at pag-‐‑aakalang nilinlang lang niya ako
kaya ako nakipag-‐‑break sa kanya. Pero hanggang ngayon
ho ay mahal na mahal ko pa rin siya.” “Mas maganda siguro na gawin mo ay
puntahan mo si Brent sa suite na kinaroroonan niya at ipagtapat sa kanya ang
tunay mong nararamdaman para sa kanya.” “Anong oras kaya matatapos ang party
natin?” “At bakit mo pa hihintaying matapos ang party? Kung ako sa iyo, ngayon
din ay puntahan mo na si Brent.” “Pero ang dami hong tao. Nakakahiyang tumayo
at baka mahalata nila ako kapag umalis akong bigla.” “Hindi dapat na ikahiya
ang pagmamahal, Lorna. At tiyak kong maging sina Dr. Meneses at Viola ay
matutuwa sa pagbabago mo ng isip.” “Bakit ho?” “Nagtapat na si Brent sa kanila
ng buong katotohanan. At botong-‐‑boto sila na kayo ni Brent ang
magkatuluyan.” “Hindi ko alam. Wala talaga akong alam,” lumuluhang reaksyon
niya. “Puwes, ngayong alam mo na, ano pa ang hinihintay mo?” Dahan-‐‑dahang nilinga niya ang mga tao. Pawang nasa nagsasalita sa
harap ang atensiyon ng mga ito. “Saang suite ho siya naroroon, Mrs. Santos?” “Suite 315.” Tumikhim siya at saka biglang
tumayo. Wala siyang pakialam na binagtas ang hagdanan pababa para puntahan ang
kinaroroonan ni Brent. GROGE pa si Brent sanhi ng anesthesia na isinaksak sa
kanya. Hinihila pa rin siya ng matinding antok, subalit pinilit niyang idilat
ang mga mata. Bahagyang kirot sa gawing dibdib ang nararamdaman niya. Ano’t sa
nanlalabo pa niyang paningin ay unti-‐‑ unting nagkakahugis ang isang bulto
ng babae na pakiwari niya ay nakaupo sa tagiliran niya. Unti-‐‑unti ay nagkahugis ang imahe at nang luminaw ang anyo nito
ay tuluyan na siyang napadilat. “Lorna.. ?” “Brent, ako nga. Kumusta ka na?” Kaagad niyang ginagap ang kamay nito
Saglit lang ang tuwang mababakas sa mukha ng binata. Pagkuwa‘y nagpormal ito.
“Galit ka ba sa akin?” napapahiyang tanong ng dalaga. “Alam mong hindi ako
puwedeng magalit sa iyo.” “Kung gayon ay bakit ayaw mo akong tingnan?” “Anòng
dahilan at naririto ka? Hindi ba’t nasusuklam ka sa akin?” “Brent, alam ko na
ang lahat. Nagtapat sa akin si Mrs. Santos.” “Mabuti pa ang ibang tao,
pinaniwalaan mo. Samantalang ako, hindi mo man lang binigyan ng pagkakataong
patunayan sa iyo ang katotohanan ng aking layunin.” “I’m very sorry, Brent.”
Napaiyak na siya nang tuluyan. “A-‐‑akala ko kasi, niloko mo lang ako.
Akala ko, hindi mo ako tunay na mahal.” “Kung namatay kaya ako, anòng gagawin mo? Matutuwa ka pa siguro.” “Brent, hindi. Mamamatay ako sa kaiiyak.” Dahan-‐‑dahang humarap sa kanya ang binata. “At bakit ka naman iiyak?” pormal ang anyong tanong nito. “Kasi. . kasi. . mahal kita. Mahal na
mahal kita, Brent.” Walang naging
reaksiyon si Brent. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Parang napapasong
sinalubong ni Lorna ang tingin ng binata. Nanlumo siya sa nabasang ekspresyon
sa mga mata nito. Pakiwari niya’y tila sinasabi ni Brent na isa siyang
sinungaling at hindi dapat paniwalaan lalo na at damdamin ang pinag-‐‑uusapan. Tuluyan na siyang napaiyak. “I’m sorry. I’m very very
sorry.” Nanatiling nakatingin lang sa kanya
si Brent. Pakiramdam niya ay nagsasalita siya sa isang bato. Na nagsasayang
lang siya ng mga luha dahil hindi naman siya iniintindi ng binata. Ano pa ba
ang gustong patunay ng lalaking ito? Nagpakababa na nga siya. Nag-‐‑sorry na nga siya. Nagtapat na siya ng tunay niyang
nararamdaman. Tapos, parang ang tigas pa rin ng kalooban nito. Kung kailan
nakahanda na ako sa reconciliation ay saka naman nagpapakipot ang lalaking ito.
Wala nang dahilan para magtagal pa siya sa silid nito. “Lorna.. ” Napatigil
siya sa paghakbang at hilam sa luhang nilingon si Brent. “Halika nga rito at
nang magkaintindihan tayo.” Atubiling lumapit siya. “Bakit ang layo-‐‑layo mo? Natatakot ka pa ba sa akin? Hindi ako puwedeng
lumapit sa iyo at may sugat ako.” Inabot ni Brent ang kamay niya at hinagkan iyon. “Brent. .” “Lorna.. ”
Page 32 0 of 346 Napilitan na siyang maupo sa gilid ng kama ng binata. Dinama
nito ang kamay niya at idinaiti sa pisngi nito. “I-‐‑I’m sorry,” ulit niya. “Naniniwala ka na ba na mahal na mahal
kita?” Sunud-‐‑sunod
na tumango siya. “Matapos kong
marinig kay Mrs. Santos ang katotohanan, nagpunta ako rito para makita ka.” “Hindi kita niloko kailanman. Mahal na mahal kita, Lorna. Kay tagal kong
naghintay ng tamang pagkakataon para muli kang mabalik sa akin. Kaya nga natuwa
ako nang kontakin ako ni Viola para maging consultant ng ospital na ito.”
“Huwag ka nang magsalita. Baka makasama pa sa iyo. Ireserba mo nang lahat ng
mga sasabihin mo kapag magaling ka na.” “Pero may gusto akong matiyak bago ako
tumigil magsalita.” “Ano ‘yon?” “Will you marry me paggaling ko?” “Nagpo-‐‑propose ka na ba?” “Yes. And it is very urgent.” Napangiti siya habang panay ang
patak ng mga luha niya sa tindi ng kaligayahan. Marahan siyang tumango bilang
tugon sa tanong nito. “Yes, Brent.
Nakahanda akong magpakasal sa iyo.” Rumehistro ang katuwaan sa mukha ng binata.
Umangat ang isang kamay ng lalaki at humaplos sa kanyang pisngi. “I promise to
make you happy. Hindi ka magsisisi sa pagpayag mong pakasal sa akin.” “Puwede
ba, huwag ka munang magsalita? Ako ang natatakot na magdugo ang sugat mo.” “Out
of danger na naman ako, Sweetheart.” Sweetheart? ulit niya sa isip. Pagkasarap-‐‑sarap sa tainga ang narinig niyang iyon buhat sa bibig ni
Brent. Hinagkan niya ang kamay ng binata. “Huwag ang kamay ko,” pilyong sabi nito. “Bakit?” “Gusto ko sa mga labi mo
ako halikan.” “Ha?” Namula ang pisngi niya. “Sige na naman. Wala namang tao
rito kundi tayong dalawa.” “Nakakahiya, Brent.” “Kanino ka nahihiya?” “Sa iyo.”
“Sige ka. Kapag hindi ka kumilos diyan, ako ang babangon para halikan ka.”
“Naku, huwag! Baka kung mapaano ka Hindi ka na ba makapaghihintay?” “I’m
waiting,” nanunuksong wika ni Brent at saka pumikit. Atubili pa siyang dampian
ito ng halik at nang malapit na sa bibig nito saka naman bumukas ang pinto.
Masiglang nagsipasok sa loob sina Dr. Meneses, Viola, at iba pang mga tauhan ng
ospital. “Kumusta ka na, Brent?” tanong ni Mrs. Santos habang bitbit ang
dalawang paper plate na puno ng pagkain. “Dinalhan ko kayo ni Lorna ng
pagkain.” “Wrong timing,” bulong sa kanya ni Brent. PRECIOUSLAND Chapel. Sabado
iyon ng umaga. Nagmistulang isang ospital ang chapel sa dami ng mga doktor at
mga nurses na dumalo sa kasal nina Brent at Lorna. Akalain ba ni Lorna na siya
ang susunod na bride gayong nang masalo niya ang bouquet ni Karina ay loveless
naman siya? Mukha nga yatang totoo ang paniwala ng karamihan na kung sino ang
makakasalo ng bouquet ng isang bride ay siyang susunod na ikakasal. Maaaring
pagkakataon lang pero hindi nagkabula ang paniwalang iyon sa kaso ni Lorna.
Naririto at napabilang na siya sa mga masasayang bride na nagpakasal sa
kanilang groom. Akalain ba niyang ang kanyang first love na nanakit ng kanyang
damdamin at kinalasan niya noon ay siya rin pala niyang mapapangasawa? Siguro,
kapag itinakda ng Diyos ang isang tao para maging asawa mo, hindi mahahadlangan
iyon. At sa kaso nila ni Brent, si Brent ang kanyang destiny. Si Brent ang
nakatakdang pagsukuan niya ng lahat lahat sa buhay niya, puso, at kaluluwa. No
wonder na mapaibig siya nang lubusan sa kanyang groom. He was a dashing young
doctor na malakas ang karisma sa mga tao. Wala na siyang mahihiling pa.
Kompleto ang lahat ng mga kaibigan niya, ang kanyang mga magulang at kamag-‐‑anakan ay naroroon lahat. Isang enggrandeng kasalan ang
kasalukuyang ginaganap. Ang mga tumayong ninong ay ang mga taong naging malapit
sa kanila na kinabibilangan nina Mr. Villanueva—na hindi kinunsinti ang anak na
si Antonette at hinayaang pagdusahan ang kasalanan nito. Subalit naawa si Brent
sa dalaga kaya iniurong nito ang demanda laban kay Antonette. Ninong din sina
Mr. Damian Dueñas at Dr. Meneses. Kung mayroon mang pinakamasaya nang mga oras
iyon ay sila ni Brent iyon dahil sila pa rin ang itinakda ng Diyos sa isa’t
isa. Habang nagpi-‐‑picture taking, isang lalaki na
nakasuot ng jacket at dark glasses ang dumating at nakihalo sa mga
nagkakagulong bisita. Mula sa bulsa ng jacket ay may dinukot ito—larawan iyon
ni Mr. Damian Dueñas. Malilikot ang mga mata ng mahiwagang lalaki sa mga lalaking
naroroon. Walang nakakapansin sa lalaki dahil ang buong atensiyon ay nasa
bagong-‐‑kasal. Palihim na kinapa ng lalaki ang nakatago sa loob ng
jacket nito. Kasalukuyang nakatalikod ang bride at inaabangan ang hudyat sa
paghahagis ng bridal bouquet. “Teka muna, may
sasabihin ako,” sansala ni Mr. Dueñas. “Kung sino man ang makasalo ng bulaklak
sa pagkakataong ito at ikinasal, ako uli ang magiging ninong.” “Talaga? Pangako
ninyo ‘yan, Ninong? Kahit na sino,” paniniyak ni Karina. Mukhang ito pa ang na-‐‑excite sa sinabi ng lalaki. “Kapag nangako ako, tinutupad ko, Karina.” Nag-‐‑count down ang mga bisita bilang
babala sa paghahagis ng mga bulaklak. At the count of three, malakas na
inihagis ni Lorna ang wedding bouquet. Sa sobrang taas niyon ay lumagpas sa mga
nag-‐‑aabang na kadalagahan. Pahakbang namang papalapit ang
lalaking naka-‐‑jacket at sa halip na dukutin ang
baril sa kanyang jacket ay inilahad ang mga kamay para saluhin ang bulaklak
bago iyon lumagpak sa lupa at malagas. Napako ang tingin ng mga bisita sa
lalaki. Nanuyo ang lalamunan ng lalaki lalo na nang maglapitan ang mga bisita. “Hijo, puwede bang tanggalin mo ang
iyong salamin,” nakangiting wika ni Mr. Dueñas. “H-‐‑ho?” Napilitang
tanggalin ng lalaki ang dark glasses nito at nalantad ang guwapong mukha nito
sa lahat. Kinilig ang mga kadalagahan. “Sino bàyan? Ang cute ng bigote.” “Oo
nga. At guwapo.” Nagkatinginan ang mga bagong-‐‑kasal.
Pareho nilang hindi kilala ang lalaking nakasalo ng bouquet. “Hijo, narinig mo ba ang sinabi ko
kanina?” Biglang inakbayan ni Mr. Dueñas ang lalaki. “H-‐‑hindi po.” “Ikaw ba, e, binata pa?” “Opo.” “Puwes, nangako ako kanina. Ang sabi
ko, sino man ang makasalo ng bouquet at nag-‐‑asawa, ako ang isa sa magiging
ninong.” “Ho?” Dumukot ng isang calling card si Mr.
Dueñas sa bulsa. “Kahit hindi tayo
magkakilala, kapag ikinasal ka, ipakita mo lang sa akin ang calling card na
‘yan at alam ko na ako ay kinukuha mong ninong sa iyong kasal, okay?” “Opo.”
Nagsalita ang committee na namahala sa kasal na isusunod na ang reception sa
malaking clubhouse na matatagpuan din sa Preciousland. “Come with me, Hijo.
Sumabay ka na sa amin sa pagkain.” “Opo.” “Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Romano po. Romano Isidro.” “Nice meeting you, Romano.” Tinapik ni Mr. Dueñas
ang lalaki bago tinalikuran ito. Ang bait namang tao nito. Parang hindi ko yata
siya kayang patayin. Tinangka ng lalaking tumakas na, ngunit pinalibutan na ito
ng mga dalaga. “Come and join us. Sama ka na sa table namin,” wika ng isang
babae. Halatang nagpapapungay ng mga mata. “Ha, e.” “Halika na. Huwag ka nang
mahiya.” Kumapit sa bisig niya ang dalawang babae at wala itong nagawa kundi
ang sumama. WALA na ang mga bisita at ang tanging naiwan na lamang ay sina Dr.
Meneses at ang mag-‐‑ asawang Jig at Viola. “Paano ‘yan, director? One month kaming mawawala ni Lorna for our honeymoon sa
Europe.” “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” “Don’t worry, Brent. Tutulungan ko
ang Daddy. But be sure, babalik kayong dalawa. Kailangan kayo sa ospital.” “Of
course naman, Viola. Hinding-‐‑hindi namin makakalimutan ang
ospital na siyang pinagsimulan ng aming love story.” At masuyong tumingin si Brent sa
asawa. Namula naman si Lorna. Hiyang-‐‑hiya siya sa mga kaharap. “Masyadong mahiyain ang bride mo,
Brent. Be gentle to her,” biro ng
matanda. “Of course, Ninong.” At hinagkan nito
sa noo ang asawa. “Well, happy trip sa inyong dalawa.” Matapos humalik sa
kanilang ninong at kamayan sina Jig at Viola ay lumulan na ang bagong-‐‑kasal sa bridal car na siyang maghahatid sa kanila sa
airport. Nakatakda silang lumipad papuntang Europe nang gabi ring iyon upang
ganapin ang kanilang honeymoon. “Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?” usisa ni Lorna sa asawa. “I just want to be sure na hindi ka pala isang panaginip lang. Na totoo na
ang lahat na pag-‐‑aari ko na ang babaeng tangi kong
minahal na nawala sa akin noon at ngayon ay akin nang muli.” Humilig si Lorna
sa balikat ng kabiyak. “Kung ito ay isang panaginip lang, ayoko nang magising,
Brent.” Hinagkan siya ni Brent sa noo. Saglit nilang ipinikit ang mga mata
habang patungo sa airport. Looking forward to a brighter tomorrow and sweeter
moments na pagsasaluhan nila bilang mag-‐‑asawa.. nang habang buhay WAKAS