I Didn’t Mean To Love You

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

I Didn’t Mean To Love You

I Didn’t Mean To Love You

 

Chapter One 

DALAWANG PABILOG na lamesa ang pinagtabi ng waiter sa isang medyo madilim-‑dilim na sulok sa bar na nasa ibabang palapag ng tinutuluyang lodging house ni Paula at ng mga kasama niya. Nasa kadulu-‑duluhang parte sila ng Batangas. Ang lodging house ay sikat at talagang tinutuluyan ng mga turista at divers dahil sa ganda ng lugar, at sa

malinis at napakalinaw na tubig-‑dagat. Masaya at nag-‑e-‑enjoy ang lahat, lalo nga at madalas mapagkamalan si Paula. “Paula, nakikita mo ba ang nakikita ko?” bulong ni Andy, isa sa mga kasama ng dalaga. “Ano?” “Hindi ano, sino. ’Yung babaeng nakadilaw na shorts, panay ang tingin dito.” “So?” “So, ang ibig sabihin, may na-‑fake na naman ang kaguwapuhan mo. Paano mo nasigurong ako ang tinitingnan niyan? tanong niya habang lihim na sinisipat ang pinag-‑uusapan nilang babae. Sino pa ba? Ikaw ang pinakapogi sa ating lahat, tugon ni Andy, sabay tawa. Natawa na rin si Paula, pati na sina Charlie, Ronnie at Joe na nakakarinig sa pag-‑uusap ng dalawa. Hindi na nga kakaiba para sa kanila ang ganoong sitwasyon pero madalas pa rin nila iyong mapagkatuwaan. Nag-‑iisang babae si Paula sa kanilang grupo. Paula Talisay ang tunay at buo niyang pangalan. Five feet ang taas ng dalaga, matangos ang ilong, maputi at mapupungay ang mata. Sa ayos at kilos ay para siyang lalaki dala na rin ng propesyon na kinahiligang pasukan. Isa siyang cameraman, or to be politically correct, camera person. Ilang buwan at taon din niyang pinagsumikapan at pinaghirapan na matanggap siya, hindi lamang ng mga taong hindi sanay sa isang babaeng nasa propesyon na kalimitan ay lalaki lamang ang gumagawa kundi maging ng mga kasamahan sa trabaho na nado-‑dominate ng kalalakihan. Mahigit nang dalawang taon na nakakasama ni Paula sina Andy, Charlie at Ronnie bilang cameramen; si Joe naman ay isa sa pinakamahusay na lighting technicians na naging parang ama-‑amahan na ng grupo nila tuwing may location shooting. At sa loob ng dalawang taon na iyon, unti-‑unti man ay matagumpay nang nakuha ni Paula ang respeto ng mga kasamahan niya, ganoon din ang pagtanggap ng mga ito sa kanya bilang kapantay nila sa kakayahan at expertise pagdating sa trabaho. Dahil sa nalilibang ang lahat ay sinamantala ni Ronnie, na nakaupo sa gawing kaliwa at katabi ni Paula, ang pagkakataon. Inakbayan siya nito na kaunting-‑kaunti na lamang ay aabot na at magla-‑ landing sa kanyang dibdib. Alam mo, Ronnie, sa oras na kumilos pa nang kaunti iyang kamay mo pababa, makakatikim ka ng siko sa lalamunan mo,” pasimpleng babala ni Paula na kaswal man ay alam niyang seryosong nakarating at naunawaan ng pinagsabihan dahil inalis nito ang nakaakbay na kamay sa kanya. Nag-‑iisang binata si Ronnie sa grupo. Guwapo ito at may pagkapalikero. Halos wala itong pinapalampas na babaeng hindi nililigawan o nakikipag-‑flirt man lang kaya sanay na ang grupo rito. O, ano, nasemplang ka na naman? tukso ni Andy sa kasama. Okay lang. Hindi naman katalo si Paula, eh,” tugon nito. “Hindi pala katalo, eh, bakit ayaw mong tigilan?” dagdag pa ni Charlie. “Baka lang naman biglang magbago ang ihip ng hangin, malay ninyo,” saad nito. “Bilib din kami sa fighting spirit mo, Ronnie. Ang lakas!” panunuya ni Andy. “Pagbigyan na ninyo iyan sa ilusyon niya. Pagdating dito ni Amor de Villa, tatahimik din iyan,” sabad ni Joe. “Oo nga, patay na patay si Ronnie doon,” ani Paula. “Paano ka ba naman hindi hahanga kay Amor de Villa, ubod na ng seksi’y napaka-‑seductive pa, turan ng lalaki. “Okay lang kaya kung humingi ako ng autograph sa kanya para sa anak kong binata?” tanong ni Joe. “Iyan ang huwag mong gagawin, Joe. Hintayin mo munang matapos ang special na ito,” babala ni Andy. “Oo nga pala. Nakatrabaho mo na si Amor de Villa, di ba?” tanong niya. “Oo. At kapag wala iyon sa mood o di kaya ay nagalit, parang prima donna. Reynang-‑reyna ang dating, sagot ni Andy. Ow! hindi makapaniwalang sambit ni Ronnie. Maniwala kayo, kapag sinumpong, walang abog-‑abog kung mag-‑walk out, pangungumbinsi ni Andy sa mga kasama. “Sikat kasi,” sabad ng isa sa mga crew. “Tama pero kayang-‑kaya siyang i-‑handle ni Dave, pakli pa ng isa. Napasimangot si Paula. Si Dave Razon? Ang akala ko bay si Lawrence de Castro ang direktor natin? Hindi, assistant lang siya ni Dave, sagot ni Joe. Bakit nagkaganoon? Mahusay din si Lawrence, ah, aniya. Oo nga pero pinakamahusay si Dave. Isa pa, iyon ang kondisyon ni Amor de Villa, paliwanag ni Joe. At siyempre, pumayag si Dave kahit matagal na siyang hindi nagdi-‑direct, sabi ni Ronnie. Natural, siya yata ang producer ng special na ito, sagot muli ni Joe. Teka! sabat niya. Hindi ba si Ernest Paez ang producer? Paula, ano ba ang nangyayari sa iyo? Line producer lang si Ernest. Si Dave ang talagang producer, pakli ni Charlie. Napakamot siya ng ulo. Ang galing naman; wala akong kaalam-‑alam na napasubo pala ako. Ano ang diprensya kung si Dave Razon ang direktor at producer natin? tanong ni Andy. Malaki. Sanay tinanggihan ko ang offer sa akin para sa project na ito.” “Bakit?” halos sabay-‑sabay na tanong ng mga kasama. Hindi ba ninyo alam? May history sina Dave at Paula, pahayag ni Charlie. Kayo ni Dave? Paula, ang ibig mong sabihin. . Hoy, Andy, tumigil ka! saway niya. Hindi ganoong klaseng history ang ibig sabihin ni Charlie, natatawang pagtatama niya. Ano? sabay-‑sabay na namang tanong ng mga lalaki na naging dahilan para magtawanan sila nang malakas. Natatandaan ba ninyo yung special last year na si Dave din ang nag-‑produce? tanong ni Charlie. “Oo, talk of the town iyon. Pinatalsik daw ni Dave ’yung direktor, at halos lahat ng in-‑charge, sabi ni Ronnie. Tama. Pulos kasi kapalpakan ang nangyari. Isa ako at si Paula sa camera operators doon, kuwento pa ni Charlie. Siyanga pala, ngayoy natatandaan ko na! Yun yung bigla na lang daw nag-‑take over si Dave sa show, pakli ni Joe. Oo. At makinig kayo, mahabang istorya ito, pagpapatuloy ni Charlie. Nung araw na iyon, lahat kamiy talagang nasorpresa. Biglang dumating si Dave, mainit ang ulo.” “Pare, nakita ko nang magalit si Dave; lalaki ako pero talagang dinaga ako. Talo pa ang tigre sa tapang,” pakli ni Andy. “Talaga naman. Kung anong inamu-‑amo at bait, siya namang terror kapag nagalit, dagdag pa ng isa sa grupo. Anyway, wala palang nakapagsabi kay Dave na may babaeng kasama sa camera crew, pagpapatuloy ni Charlie. Eh, ang una niyang nakita pagpasok niya sa studio ay si Paula. Nagalit ba naman at kung anu-‑ano na ang pinagsasabi sa akin. Pinagtabuyan pa ako! inis na sabad niya. “Teka muna, Paula. Bago iyon, ito muna,” pagpigil ni Charlie sa dalaga. “Noon kasi, babaeng-‑babae pa ang ayos ni Paula. Naka-‑shorts na white at sexy na red hanging blouse. Wow! Parang nai-‑imagine ko na; ala-‑Amor de Villa ba? tanong ni Ronnie. Not quite, pero talagang sexy noon si Paula, sagot ni Charlie. Bakit? Ngayon bay hindi na? tanong niya, nagkunwaring nainsulto. Sexy pa rin pero tagong-‑tago, eh, biro nito. Nagtawanan na naman ang mga kasamahan, at pati siya ay nakisali rin. “O, teka, napalayo na ang usapan. Ano ang sumunod na nangyari?” tanong ni Joe. “Iyon na nga, nagalit sa akin si Dave,” sagot niya. “Hindi ko ba raw alam na ang hawak ko’t kinakalikot na camera ay ubod ng mahal? Pinagalitan ako sa harap ng mga tao doon.” “Wala man lang bang nagpaliwanag sa kanya na kasama ka sa crew?” tanong muli ni Joe. “Wala nga dahil lahat sila’y takot ding mabulyawan.” “Mayroon, Paula. May isang nagkalakas ng loob, walang takot at buong tapang na sinigawan din si Dave na magtigil,” sabi ni Charlie. “Ows? Sino?” tanong ni Andy. “Sino pa, eh, di si Paula. Hay naku! Hindi lang si Dave ang nabigla, lahat kami’y parang pinutulan ng dila noon.” Natawa siya. “Alam ninyo, talagang biglang tumahimik noon. Ultimo paglakad ng langgam ay maririnig mo.” “At alam ba ninyo ang sumunod na nangyari?” tanong ni Charlie. Walang sumagot pero halatang lahat ay interesadong malaman ang kasunod na ikukuwento nito. “Parang uzi si Paula,” pagpapatuloy nito. “Dere-‑deretso ang bunganga; lahat ng credentials niya at achievements, sinabing lahat.” Natawa sila at hindi makapaniwala, lalo na iyong mga nakakakilala nang lubos sa pagiging matapang at istrikto ni Dave Razon. “At kung hindi ako nagkakamali, ito ang eksaktong sinabi pa ni Paula kay Dave noon,” dagdag pa ni Charlie at saglit na nag-‑isip, saka muling nagsalita. “‘I know exactly what Im doing! Its idiots like you who cause all the problems around here!’” Itinaas ni Paula ang kanyang kamay bilang pansamantalang pagpigil kay Charlie. At sinabi ko din sa kanyang ‘Take a long hike, Mister!’ Natatandaan mo?” pagmamayabang pa niya. Muli, isang malakas na tawanan ang katumbas ng sinabi niya. “Oo nga pala, nakalimutan ko ’yung famous line na iyon,” ani Charlie na halos maluha na sa pagtawa. “Ano ang naging reaction ni Dave?” natatawang tanong ni Andy. “Ang sabi niya, either I change out of the shorts and blouse o kunin ko na ang suweldo ko’t umalis,” sagot niya. “Ano ang ginawa mo?” tanong ni Ronnie. “Nagpalit ng suot, ano pa?” natatawang tugon niya. “N’ung isang taon pa pala naman nangyari iyon,” turan ni Joe, nagpapahid ng luha na panay pa rin ang tawa. “Huwag mong sabihin na galit ka pa rin doon sa tao.” Sanay na si Paula sa mga taong prejudiced sa kanyang propesyon pero hindi niya iyon binibigyan-‑pansin. Pero ang ginawa sa kanya ni Dave noon ay isang bagay na hinding-‑hindi niya makakalimutan o mapapatawad. Napawi ang ngiti sa labi niya. Si Dave Razon ang lalaking pinaka-‑autocratic, overbearing brute na nakilala ko kaya hindi ko siya kahit kailan mapapatawad,” turan niya. “Paula!” saway ni Charlie sa kanya. “Sasabihin ko lahat ang gusto ko. I don’t like Dave Razon, and I will never ever like him. At sasabihin ko iyan sa pagmumukha niya kung nandito siya.” “Then maybe you should turn around,” udyok ng isang napakalamig na tinig sa gawing likuran niya. Parang binuhusan ng isang timbang tubig na puno ng yelo ang dalaga nang lumingon siya at nakita si Dave Razon. Nakapamaywang ito at naghihintay ng sasabihin niya. Sa mga tingin lamang ni Dave sa kanya ay sapat na para mangilag siya pero dahil na rin sa pride at personal na galit dito, hindi siya nagpadaig sa takot. “Alam ba ninyo, Mr. Razon, ang kasabihang eavesdroppers never hear anything good about themselves?” panunuya niya. Walang kumikibo sa mga kasamahan ng dalaga. Ni huminga ay parang mortal na kasalanan habang nagtatagisan ng tingin sina Dave at Paula. At nang hindi na makatiis, isa sa grupo ang naglakas ng loob na kunwari ay nasamid. Sinamantala na iyon ni Andy. “Halikayo, Direk, saluhan ninyo kami sa pag-‑ inom. Sandalit magsisingit pa ako ng isang upuan. Huwag na, Andy, salamat. Puwede namang ibigay ni Paula ang upuan niya sa akin. Sigurado akong pagod na siyat gusto na niyang magpahinga. Sorry to disappoint you, Direk, hindi pa ako pagod. Uubusin ko pa itong beer ko, sagot niya. Kinuha nito ang bote ng beer na hawak niya. Ito ba? tanong nito. Bago pa siya nakapag-‑react ay ininom na nito ang laman. Hayan, ubos na, anito pagkababa ng bote. Ang mabuti pay dito na lang kayo maupo sa upuan ko, Direk,” alok at sabad ni Charlie bago pa man nakapagsalita at nakapagreklamo si Paula. “Salamat pero nagpunta lang ako dito para sabihin sa inyo na oras na para magpahinga kayong lahat. Maaga ang trabaho natin bukas.” “Okay, Boss.” “Sure, Boss.” Sabay-‑sabay ang sagot ng mga lalaki, at halos sabay-‑sabay rin na nilagok ang natitirang laman ng kani-‑kanyang hawak na mga bote, saka nagtayuan. Walang sinuman ang kumontra sa kagustuhan ni Dave kaya napilitan ding tumayo si Paula at sumama sa grupong paalis. “Pakiramdam ko, nasa high school ulit ako, complete with curfew,” saad niya habang papanhik sila sa lodging house na tinutuluyan. “Maaga naman kasi talaga ang shooting natin bukas; kailangan na nating magpahinga,” pampalubag-‑loob na sabi ni Joe. Baka gusto pa niyang mag-‑bed check para masiguro lang na nagpapahinga na tayo, patuyang biro niya. Puwede rin. Kung gusto mo, Ill tuck you in bed na parang baby, sabi ng isang tinig. Nasorpresa na naman siya! Hindi niya alam at inakalang kasunod pala nila si Dave at dinig na dinig nito ang kanyang pagbibiro. “Hindi na ako bata para i-‑tuck in pa sa pagtulog, pairap na turan niya habang patuloy sa pag-‑akyat. Nagpatiuna ito sa pag-‑akyat at pagdating sa tabi niya ay sinabi, Iyan nga din ang nasa isip ko, dahil kung bata ka pa, wala ka ngayon dito at hindi namin kasama. At matapos siyang titigan nang makahulugan ay saka lamang siya nilampasan. Careful, Paula. Hindi kasing-‑tolerant at pasensyoso si Dave gaya ng inaakala mo, bulong ni Joe. Kasalanan ko ba kung ayaw niya ng mga naririnig niya? Mahilig kasi siyang manubok,” tugon niya na sinadyang iparinig sa direktor ang sinabi. Saglit na napatigil ito sa pag-‑akyat pero nagpatuloy na rin at tumigil sa palapag kung saan naroroon ang registration counter. Samantala, ang grupo ni Paula ay nagpatuloy sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Pagdating sa dulo ay lumiko sa kaliwa ang dalaga. Paula, saan ka pupunta? tanong ni Ronnie. Dito ang kuwarto ko sa kabilang wing, bakit? Hiwalay ka sa amin? di-‑makapaniwalang tanong nito dahil usually ay sama-‑sama sa isang wing ang camera team. Oo nga, eh. Hindi ko alam kung bakit pero siguro, dahil single room ang kuwarto ko, saad niya. Wala kang kasama sa kuwarto? Sa pangalawang pagkakataon, parang hindi makapaniwala si Ronnie. Natawa siya. Maraming bagay sa kanyang propesyon ang gusto niyang kapantay ang trato sa kanya, ngunit hindi isa roon ang pakikipag-‑ share ng iisang kuwarto sa sinuman sa mga lalaking katrabaho. Dati naman akong nagso-‑solo sa kuwarto, ah. Babae pa rin ako, remember?” aniya. Napakamot ito sa ulo. “Oo nga pala, nakalimutan ko.” “Sige. Good night, Boys!” pamamaalam niya. Pagdating sa loob ng kuwarto, ibinagsak na lamang niya ang bag at susi sa ibabaw ng kama, hinubad ang rubber shoes at saka na humiga. Maliit lang ang single room na iyon na may isang kama, upuan na kahoy at built-‑in dresser na may kasama nang salamin. Maliban sa isang 14-‑inch black and white TV at maliit na bathroom na magagamit niya nang solo, wala nang pinagkaiba iyon sa kuwarto ng mga kasamahang lalaki na napasok na at nakita ni Paula.

 

Chapter Two 

SAGLIT NA NAG-‑ISIP SI PAULA. Pagod na rin talaga siya kung tutuusin. Sa katunayan, kung hindi lang sana dumating si Dave, balak niya ay mag-‑e-‑excuse siya sa mga kasama para mauna nang magpahinga. At habang nagtatagal sa pagkakahiga, nararamdaman niya ang unti-‑unting pagbigat ng talukab ng mga mata. Inaantok na siya at tinatamad nang magpalit pa ng damit pero kailangan. Sa haba ng kanilang nilakbay at dami ng alikabok na nasagap sa daan, baka mangati siya. Pinilit niyang idinilat ang mga mata at pinuwersa ang katawan na bumangon, saka nag-‑umpisang maghubad. Bakit ba hindi ko na lang tinanggap ang offer ni Dave? Sanay nagpabihis na lang ako sa kanya, aniya, sabay tawa. Isang mahinang katok sa pinto ang biglang nagpahinto sa kanya sa pagtawa. Sino iyan? tanong niya. Si Dave Razon, sagot ng kumakatok. Oh, sure! mahinang bulalas niya. Hindi siya naniniwala. Isa lang iyon sa mga kasamahan niya na nagbibiro. Pero wala na siya sa mood na makipagbiruan. Pagod na siya at inaantok. Umulit ang pagkatok. “Inaantok na ako, umalis ka na!” utos siya. Pero muling kumatok ang taong nasa labas. Naiinis man, nagpasya na rin siyang makisakay sa kalokohan ng mga kasamahan. “Nandiyan na, sandali lang!” Kinuha niya ang pang-‑itaas ng baon na pajamas at isinuot iyon pero hinayaang bukas ang dalawang unang butones para seductive ang dating, saka dahan-‑dahang binuksan ang pintuan. Did you come to tuck me in, Dave? pabulong at pa-‑sexy na tanong niya habang dahan-‑dahang binubuksan ang pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata at siya ang nasorpresa dahil nandoon, nakatayo sa harap niyaang tunay na Dave Razon! Gulantang na ibinutones kaagad niya ang pang-‑ itaas. Im sorry. Ang akala koy si Ronnie ka o di kaya ay si Andy.. . Coming to tuck you in? sarkastikong turan nito pero malayo sa hitsura ng mukha na nagbibiro o na-‑amuse sa sitwasyon. Hindi. Ang akala ko lang ay—” Ritwal na ba ngayon sa mga naglo-‑location shooting na mga crew ang pagsi-‑share ng kuwarto sa gabi? Napakunot-‑noo siya. Nagpunta ka ba dito para insultuhin ako? galit na tanong niya. Gusto sana kitang kausapin. Puwede bang makatuloy? Puwedeng sabihin mo na ngayon dito ang gusto mong sabihin, pagtanggi niya. Puwede, kung gusto mong mang-‑istorbo ng mga nangungupahan dito. Nagtuluy-‑tuloy na si Dave sa loob ng silid bago pa man siya nakasagot kaya lalo siyang nairita. Ano bang pag-‑uusapan natin? inis na tanong niya. Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid na makalat. “Wala ka palang pinagkaiba sa mga lalaking kasamahan mo, hindi marunong magligpit ng gamit,” puna nito habang isa-‑isang dinadampot sa lapag ang mga kasuotang hinubad niya. Hinalbot niya ang mga iyon, inihagis sa dresser at kinuha ang kapares na pantalon ng pajamas para isinuot. Too late for modesty. Nakita ko na ang mapuputi at makinis mong binti, nakangising turan nito. Puwede ba, Mr. Razon, pagod na akot gusto ko nang matulog. Sabihin mo na ang gusto mo. Hindi yata iyan ang impression na nakuha ko kanina.” “Ang akala ko kasi’y si Ronnie ka o si Andy na naparito para biruin ako.” “Ow?” “Look, Mr. Razon, kung ayaw mong maniwala ay wala akong magagawa. Makakaalis ka na.” Tumalikod si Dave at naupo sa nag-‑iisang upuan. Naniniwala ako; wala naman sa tipo mo ang mapaglaro. Hindi niya malaman kung maituturing na isang compliment o pamimintas ang sinabi nito pero hindi iyon ang mahalaga. Mr. Razon—” Dave. Everyone in my crew calls me Dave or Direk,’” pagtatama nito. “Whatever. Nag-‑iisa lang ako sa silid na ito at pangit sa mata ng taong makakakita na nandito ka. Sino ang makakakita? Nakasara ang pinto. Iyon na nga. Kaninang pagpasok mo at mamayang paglabas mo, paano kung may nakakita sa iyo? So? Baka mag-‑isip sila ng kung ano. Naiisip mo rin pala at binibigyan ng halaga ang reputasyon mo. Natural lang iyon, di ba? Pero hindi mo naisip na pupuwede ka ring mapintasan sa pakikipag-‑inuman mo nang nag-‑ iisa ka lang na babae sa mga kasamahan mong pulos lalaki.” “Katrabaho ko ang mga lalaking sinasabi mo na pulos may mga asawa’t mga anak na. At si Joe nama’y parang tatay na ng grupo.” “And does that give you an excuse to be one of the boys?” “Ano ang gusto mong gawin ko, magsolo o magkulong dito sa kuwarto ko?” “Hindi pero I suggest na iwan mo na sa mga kalalakihan ang pakikipag-‑inuman. Bakit? Kayo lang bang mga lalaki ang puwedeng uminom ng alak o ng beer? Wala akong sinabing ganoon. Iyon naman pala, pabayaan mo ako. What I do with my spare time is my own concern.” “Not while you’re one of my crew and under my payroll.” “Ganoon? At siguro, ikaw din ang may kagagawan kung bakit ako nandito sa wing na ito samantalang lahat ng mga crew ay sama-‑sama sa kabila. Oo, ikaw at dalawang babae mula sa production staff na tulad moy nasa single room din. Gusto mo pa sigurong pasalamatan kita, ano? Alam mo ba kung gaano ko pinaghirapan ang maging kaisa ng mga kasamahan ko? Papayag ka kahit maki-‑share ka ng kuwarto sa isang lalaki? Hindi. Pero ang sinasabi mo ngayo’y huwag akong makihalubilo o makipag-‑socialize man lang sa kanila. Tumayo si Dave mula sa kinauupuan at lumapit sa kanyamalapit na malapit. Nakatiim-‑bagang ito na tila nawawalan na ng pasensya. Ang sinasabi ko lang, bigyan mo ng limitasyon ang pakikisama sa kanila. Lumagay ka sa tama, mahinahon nitong saad pero titig na titig sa kanya. Napaurong si Paula. Sa sobrang lapit nila sa isat isa ay parang hindi na siya makahinga, bukod pa sa naramdamang pagkailang dahil amoy na amoy niya ang cologne nito na napaka-‑manly ang aroma; tila may udyok sa damdamin niyang magpasakop sa mga bisig nito. At dahil sa bigla niyang pag-‑urong, napasadlak siya sa upuan na dagling nabuwal. Subalit naging mas mabilis ito sa paghatak sa kanya bago pa man siya natumba. Sa lakas ng hatak nito, buong puwersa siyang napasubsob dito kaya pareho silang natumba sa ibabaw ng kama. Nasa ibabaw siya ni Dave. Nakapako ang paningin niya rito at ganoon din naman ito sa kanya. Ang dalawang kamay na nakahawak sa baywang niya ay unti-‑unting gumapang paitaas, hanggang ang isa ay tumigil sa kanyang likuran samantalang ang isa ay nagpatuloy sa pagtaas hanggang sa batok niya. Unti-‑unti nitong kinabig papalapit ang kanyang ulo. Kaunti na lamang ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Walang lakas para tumutol si Paula. Para siyang mina-‑magnet ng mga labi ni Dave kaya pumikit na lamang siya at naghintay. Biglang tumunog ang telepono. Kaagad siyang napadilat at natauhan. Mabilis siyang kumawala sa yakap nito at tumayo. Pero bago pa man siya nakakilos ulit, nakatayo na ito at nasagot na ang tawag sa telepono. “Hello,” bati nito. “Akin na iyan!” bulalas niya, hinalbot ang telepono mula sa kamay nito. “Kuwarto ko ito kaya para sa akin ang tawag,” pahayag niya. Bumuntunghininga muna siya, saka inilagay sa tainga ang receiver. “Hello,” aniya. “Paula?” Isang nasorpresa at nalilitong Ronnie ang nasa kabilang linya. “Ano’ng ginagawa ni Dave diyan sa kuwarto mo?” Diyos ko! Natitiyak na niyang kinabuksan lang ay alam na ng grupo na nasa silid niya si Dave nang gabing iyon. “Sinesermunan, ano pa!” kaswal na tugon niya. “Bakit ka napatawag?” “Ah. . eh. . kasi, sasabihin ko lang sana na sabay na tayong mag-‑breakfast bukas. Bakit? Sina Charlie at Andy, hindi ba sila sasabay sa atin? Si Joe? Madaling-‑araw pa lang ay pinapupunta na sila sa location para mag-‑set up. Huli tayo. Ow? Bakit nagkaganoon? tanong niya, sabay sulyap nang makahulugan kay Dave na noon ay nakaupo sa gilid ng kama at naghihintay. Ewan ko, utos daw ni Direk. Itanong mo na lang sa kanya,” tugon ng kausap. “Sige, magkita na lang tayo bukas sa canteen.” Pagkababa ng telepono, hinarap niya kaagad ang lalaki at tinanong ito. “Kailangan ko bang magpaliwanag pa? Iyon ang instruction ko, iyon ang dapat masunod.” “At kasama din ba sa mga instruction mo ang pagmamando sa buhay ko?” “Lahat tayo dito, mula sa star hanggang sa pinakamababang posisyon ay responsibilidad ko.” “Kasama pati mga personal naming buhay?” “Parte noon, basta makakaapekto sa trabaho ninyo, oo.” Siya naman ang nawalan ng pasensya. Anuman ang kanyang ikatuwiran ay nakikita niyang walang kahihinatnan dahil ayaw siyang unawain nito. “Nasabi mo na bang lahat ang gusto mo? Puwede na ba akong matulog?” “Puwede na. Siguruhin mo lang na handa ka nang umalis by six bukas ng umaga.” “Bakit?” “Pakukunan ko sa iyo ang portion ng likuran ng lodging house na ito,” tugon ni Dave at umalis na nang walang pali-‑paliwanag. Inis na inis, nawala ang antok ni Paula. Binuksan niya ang TV pero walang programang magustuhan na makaalis ng init ng kanyang ulo. “Buwisit! Nagpunta-‑punta pa kasi dito, wala naman palang gagawin kundi pakialaman ang buhay ko, padabog na bulalas niya at nagpasyang buksan ang bintana upang tanawin ang dagat. Umuulan at malamig ang ihip ng hangin kaya medyo nakaramdam siya ng kapayapaan ng kalooban. Unti-‑unting nawala ang init ng ulo niya lalo na nga at napakasarap damhin ng malamig na hangin sa buo niyang katawan. Muli, nakadama siya ng antok kaya nagpasyang matulog na. Sasarhan na lang niya ang bintana nang mapansing may naglalakad na tao sa ibaba. Sa gitna ng mahinang ulan at tanging bahagyang liwanag mula sa nag-‑iisang poste, malinaw na natanaw niya na si Dave ang taong iyon dahil nakilala niya ang jacket na suot nito. Nag-‑iisa ito, tila malalim ang iniisip at hindi pansin ang mahina mang ulan ay nakakabasa pa rin. Ano kaya ang ginagawa ng lokong iyon? Hatinggabi nat umuulan pay saka pa naisipang mamasyal, naisip niya habang patuloy sa pagmamasid. Huminto sa dulong baitang ng batong hagdan si Dave, naupo, yumuko at hinimas ang ulo. Hindi niya alam pero parang katabi lamang niya ito at damang-‑dama niya ang paghihirap ng kalooban nito. Bakit kaya? sa isip-‑isip niya at nakitang may kinuha ito sa bulsa ng pantalon, pinagpunit-‑punit at inihagis sa ere. Parang papel. Ano kaya iyon? Bigla itong lumingon, tumingin mismo sa bintana kung saan siya nakadungaw. Hindi siya nagtago; hinayaan lamang niyang makita siya nito. Malayo man sa isat isa, alam niyang siya ang tinititigan nito. Walang katinag-‑tinag, nakipaglaban siya ng titigan ngunit hindi rin nakatagal. Isinara na niya ang bintana at nahiga sa kama. Hay naku, Dave Razon! Kilala na kita; alam ko na lahat-‑lahat tungkol sa iyo kaya hindi ka na misteryoso para sa akin, sabi ni Paula, at naalala ang mga kuwento sa kanya ni Charito noon. . SUPER ISTRIKTO AT MATAPANG SI DAVE, Paula, masyadong perfectionist pero deep inside, hes very kind and loving. Napangiti si Paula. Pinsang-‑buo niya si Charito. Dati itong kasintahan ni Dave at marami na itong naikuwento sa kanya tungkol sa ugali ng lalaki na karamihan ay magaganda at ideal. Kaya hindi pa nakikita at nakikilala sa personal si Dave ay hinangaan na niya ito. Sa kabila ng magaganda at positibong katangian ng lalaki ay nagawan pa rin ito ng malaking kasalanan at pagkakamali ni Charito. Umibig ito at sumamang magtanan sa ibang lalaki, kay Wilbert. “Pero nagkamali ako, Paula, at marahil ito na ang parusa sa akin ng langit sa ginawa kong kataksilan kay Dave,” malungkot na sabi ng pinsan. Huli na nang malaman ni Charito na dinadala nito sa sinapupunan ang bunga ng minsang pagkalimot nila ni Dave. Kinabukasan pa lamang matapos silang ikasal ni Wilbert ay sinamaan ito ng pakiramdam at nagpatingin sa doktor. Noon nila nalamang buntis ito. Hindi iyon natanggap ni Wilbert, at noon din ay iniwan nito si Charito. Dala ng malaking kahihiyan at pagkabigo, umuwi ang babae sa probinsya at kinupkop nina Paula hanggang sa makapagsilang ito roon. Tandang-‑tanda pa niya na ilang beses niyang kinumbinsi ang pinsan na ipagtapat kay Dave ang kalagayan nito ngunit ayaw ng babae. “Sobra-‑sobra na ang kasalanan ko sa kanya. Wala siyang kasalanan sa paghihirap ng kalooban ko at kahihiyang ito. Pero, Cha, karapatan niyang malaman na magiging ama na siya. Ayoko, Paula. Marumi ang isip ng tao, lalo na sa mundong ginagalawan ni Dave. Ayokong pag-‑ isipan nila ng kung anu-‑ano ang dating nobyo ko. Mahalaga pa ba iyon? Ang sabi moy minahal ka ni Dave. Sigurado akong mapapatawad ka niya. Hindi ko kayang pagsamantalahan ang kabaitan at pagmamahal niya sa akin.” “Ang sabihin mo, mahal mo pa rin si Wilbert.” “Oo, Paula, katangahan pero totoo; kaya tanggapin man ako ulit ni Dave, hindi ko magagawang bumalik sa kanya dahil iba ang mahal ko.” “Paano ang bata?” “Bubusugin ko siya ng pagmamahal para hindi siya maghanap ng pagtingin ng isang ama.” Subalit hindi natupad ni Charito ang balak. Dala ng sobrang pagkabigo at kalungkutan, ilang araw lamang matapos nitong isilang ang anak ay binawian na ito ng buhay.. . NAANTALA ANG PAGBABALIK-‑ALAALA ni Paula nang mag-‑ring ang telepono. Hello, sagot niya. Mommy, tulog ka na? tanong ng bata sa kabilang linya. Nabosesan niya kaagad ang tinig ng anak-‑anakan, si EJ. Hindi pa, Anak. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na, malambing na sabi niya. Miss kita, tugon nito. Napangiti siya. Ikaw din, miss ko na. Kaya lang kailangang magtrabaho ni Mommy dito. Kiss me good night, naglalambing na pakiusap ni EJ. Pinagbigyan niya ito at mula sa telepono ay ipinarinig dito ang marami at matutunog na halik. “I love you, Mommy. Good night.” “I love you, too. Huwag mong kalimutang magdasal, ha? Good night.” Nawala na sa linya sa EJ kaya ibinaba na rin niya ang telepono, saka muling tumayo at muling sumilip sa bintana. Wala na si Dave sa hagdang bato. Ano kaya ang gagawin ni Dave sakaling malaman niyang nasa akin ang anak niya? naisip niya at binura iyon kaagad sa utak. Patawarin mo ako, Dave, mahal na mahal ko si EJ at ayoko siyang mawalay sa akin, sa loob-‑loob niya bago muling nahiga sa kama at natulog na.

 

Chapter Three 

KINABUKASAN, maagang nagising si Paula kaya mas nauna siyang nakababa ng canteen. Wala pa si Ronnie at habang hinihintay ito, nagpasya siyang mamasyal muna sa labas ng lodging house. Sa hagdan na kinaupuan ni Dave nang nakaraang gabi, doon din siya naupo dahil mula roon ay kitang-‑kita ang magandang view ng malawak na karagatan. Malamig pa rin ang ihip ng hangin at kay sarap langhapin ng sariwa at natural na simoy noon kaya nag-‑umpisang mag-‑inhale-‑exhale exercise si Paula. Noon niya nakita ang pira-‑pirasong kalat sa lupa. Naalala niya ang pinagpunit-‑punit na papel ni Dave. Pinagmasdan niyang mabuti ang mga pira-‑ pirasong kalat. Parang litrato, aniya habang panay ang pag-‑usisa sa kalat. Oo nga, litrato nga. Sino kaya ito? Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Gulat na napalingon siya at nakita si Ronnie. Wala! Mabuti naman at nagising ka na. Halika nat kumain na tayo, aya niya. Tapos na silang kumain nang dumating si Dave. Noon lamang naliwanagan lahat ni Paula kung bakit nauna sa location site sina Charlie at Andy, kasama si Joe. Gustong ma-‑capture ni Dave ang pagbubukang-‑liwayway sa tabing-‑dagat at sa gawing burol kung saan kitang-‑kita ang buong kapaligiran. Si Ronnie ang inutusan nitong kumuha ng video ng pagdating ng buong cast at siya ay kinunan ang likurang bahagi ng lodging house kung saan naroroon ang lumang bahay ng may-‑ari na gagamitin din na location site. Concentrate on the grounds, saka na yung sa loob pagdating ni Joe, bilin ni Dave sa kanya. Isang oras lang ay natapos na at nakunan na niyang lahat ang ipinapagawa nito sa kanya. Eksaktong alas siete ay nasa beach na siya at doon nag-‑assemble ng mga gamit. Talagang masusi ito sa lahat ng bagay. Ultimo pagtayo ng maliit na stage ay personal nitong sinubaybayan. Na-‑assign si Paula bilang camera two na kukuha sa center stage, si Andy bilang camera one sa kaliwa, si Charlie sa camera three sa kanan at si Ronnie bilang roving camera na pupuwedeng magpalipat-‑lipat kahit saang parte na iuutos ni Dave. Eksakto alas nueve, nakunan ang lahat ng anggulo na gusto ng direktor kaya nagligpit na sila para lumipat sa lumang bahay ng may-‑ari ng lodging house at doon naman mag-‑set up. Abala ang lahat, pati ang ilan sa production team na nagsidating na rindancers, makeup artists, at designers kaya nag-‑umpisa nang magkaingay. Sigawan ng mga utos, tawanan at kuwentuhan; halu-‑halo na ang lahat. Sa gitna ng ingay na iyon, nasa isang sulok lang si Paula at inaayos ang equipment na gagamitin. Sa liit at limited na lakas niya, mahirap at mabigat para sa kanya ang buhatin ang ganoong kabigat na equipment pero natutuhan na rin niya ang kaunting tricks para makaya ang anumang hirap at bigat nang hindi umaasa o humihingi man lang ng tulong kahit kanino. “Ano sa akala mo ang ginagawa mo?” Napalingon siya at nakita si Dave. Nakapamaywang ito na para siyang isang bata ang sinita at gustong kagalitan. “Ronnie! Halika dito at ikaw ang magtayo ng camera na ito,” utos nito. “Kaya ko ito!” protesta niya. “Hindi ako interesado sa kaya mo’t hindi,” saad nito, sabay talikod at lakad paalis. Sinundan niya ito. “Hindi lang iyon ang unang camera na nahawakan ko, marami na at nakaya ko.” Bigla itong bumaling at napatigil siya sa pagsunud-‑sunod dito. Puwede ba, sa ibang project ka na lang mag-‑ala-‑ Superwoman, huwag dito. Mabigat ang equipment, hindi mo kaya. Tapos! Hindi! Mabigat nga pero kaya ko! pagpupumilit niya. Paano kung hindi sinasadyang sa bigat ay mabitawan mot masira? Saan ako hahanap ng kapalit dito?” “Pero—” “Miss Paula Talisay, gusto mo bang magpalit na lang tayo ng posisyon?” “Ha? Hindi kaya lang—” “Wala akong panahon para ipamukha mo sa akin na ang lalaki at babae ay magkapantay sa lahat ng bagay.” “Wala akong—” “Tapos na ang usapang ito. Magbalik ka na sa trabaho.” Tinalikuran na siya ng kausap kaya inis na bumalik na lamang siya sa dating ginagawa, at sa pagkakataon na iyon, katulong na niya si Ronnie. BREAKTIME. Hindi pa rin nawawala ang pagkainis ng dalaga. “Hinay nang kaunti, Paula. Tama naman si Dave, masyadong mabigat para sa iyo ’yung equipment. Kailangan mo ng tulong,” pag-‑alo ni Joe. Dati kong ginagawa iyon at nakakaya nang hindi humihingi ng tulong kahit kanino, nagmamaktol na turan niya. Pinalalaki mong masyado ang issue. Isang team tayo; okay lang yung magtulungan, sabi ni Andy. Oo nga, nandoon na ako. Ang sa akin lang, masyado ipinamumukha sa akin ni Dave ang kahinaan ko bilang babae. Umakbay si Charlie sa kanya. Alam mo, Paula, lahat ng tao, lalaki man o babae ay may limitasyon kaya kailangan ng tulong.” “Ewan ko ba, palagi na lang kasi akong iniinis ni Dave. Palagi na lang siyang nakakontra sa akin,” pahayag niya. “Si Dave ba o ikaw ang palaging nakakontra?” tukso ni Andy. “Oo nga, Paula, hindi ka naman dating ganyan. Walang personalan, trabaho lang tayo,” pabirong sabad ni Ronnie. Nawalan siya ng kibo. Professional siya at mahusay na camera person kaya iyon ang inaasahan sa kanya ng mga kasamahan, at iyon din ang dapat niyang asahan sa sarili. Matapos makakuha ng kape at memeriendahin, naupo siya sa may balkonahe ng bahay kung saan mahangin at maaaring magpahinga. Sinundan siya roon ni Charlie, sumunod sina Joe at Ronnie pagkatapos ay si Andy, hanggang pati sa ilan sa mga crew ay doon na rin nagpuntahan at naupo. Sa gitna ng mga kuwentuhan at biruan, paminsan-‑minsan lang kung sumabat si Paula pero sanay na ang mga kasamahan niya dahil talaga namang hindi siya madaldal. Paula, may inuman sa beach mamaya. Sama ka ba? tanong ni Charlie. Tatanggi sana siya pero naalala ang pagbabawal sa kanya ni Dave na makihalubilo nang nag-‑iisa sa kalalakihan sa inuman. Sure! Sagot ko ang mani! tugon niya. Sige, magpapakatay ako ng kambing, singit ni Joe. Kung tapos na kayong i-‑meeting ng mahal na reyna, puwede na siguro tayong magbalik sa mga trabaho natin, ano? palapit sa grupo na saad ni Dave. At gaya ng dati, hindi nagdalawang-‑salita ang direktor. Nagtayuan ang mga lalaki at nag-‑ umpisang magbalikan sa kani-‑kanilang mga ginagawa. TANGING SI PAULA ang nananatiling nakaupo at hindi kumikilos. Gusto niyang komprontahin si Dave sa panunuya nito pero ipinangako na sa sarili na wala nang pupuwede pang sabihin ang lalaki na kokontrahin niya o ikaiinis man. “So, ipinasya mo rin palang huwag sundin ang sinabi ko sa iyo kagabi,” ani Dave. “Tungkol sa pakikipag-‑socialize sa mga boys? Wala akong makitang dahilan para sundin ka. Alam mo, kung hindi ka lang mahusay sa propesyon mo, hindi kita kukunin sa special na ito. Walang kinalaman ang propesyon ko sa ginagawa ko sa labas ng trabaho.” “Mayroon, Paula. Sabi mo nga, babae ka, and that makes a lot of difference.” “Gaya ng?” “Nasa malayo tayong lugar. Malayo sa mga asawa o girlfriends ng mga lalaking iyan.” “At ang ibig mo bang sabihin ay dahilan na iyon para mawalan sila ng respeto sa akin?” “Hindi lang sa iyo, kahit kaninong babaeng matitipuhan nilang pupuwedeng magpadala sa tukso.” “Napakababa pala ng tingin mo sa mga kauri mo.” “Sinasabi ko lang ang katotohanan na maaaring mangyari.” “Bakit, ganoon ka din ba?” “Kung ganoon ako, sa akala mo ba’y mapapalampas ko ang nangyari sa atin kagabi sa kuwarto mo?” Napataas ang kilay ni Paula. “Ano’ng nangyari? Wala naman, ah.” “Sa palagay mo ba, sapat na dahilan ang isang tawag sa telepono para mapigil ang kamuntik nang mangyari?” Nag-‑blush siya. Walang nangyari o kamuntik nang mangyari, tanggi niya. As I recall, mayroon. At aminin mo man o hindi, you were a willing participant. Bigla niya itong tinalikuran. Galit na siya at nangangati na ang palad niyang sampalin ito pero isinaalang-‑alang pa rin ang posisyon nito. Humakbang na siyang paalis pero pinigilan siya nito. Let this be a warning to you. Sa oras na may mag-‑away sa mga lalaki sa crew at ikaw ang dahilan, pinakamahusay ka man sa camera team, ikaw ang una kong tatanggalin at pababalikin ng Maynila. Hindi siya nakakibo, nakatitig lamang nang mabuti rito. Isa pa nga pala, nobody walks out on me. Ill do the walking out from now on, huling bigkas nito at sinabayan ng talikod, saka lumakad paalis. Halos mangilid ang luha ni Paula pero pigil-‑pigil pa rin niya ang emosyon. Tahimik siyang bumalik ng puwesto at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho. Hindi niya alam kung alam ng mga kasamahan na nagtalo na naman sila ni Dave pero halata niyang pare-‑parehong tahimik at masyadong subsob sa kani-‑kanilang mga ginagawa ang mga ito. Suot ang headset para makipag-‑communicate sa control booth na nasa isang semi-‑trailer truck, sinusuri niyang mabuti ang kanyang camera para masigurong mahusay at malinaw na nakakapag-‑ trasmit iyon sa monitors na nasa control booth. “Nandito na siya.” Boses iyon ni Ronnie na nadinig niya mula sa kanyang headset. “Wow! Talaga palang ubod siya ng sexy at mas maganda pa sa personal.” “Sino? Si Amor de Villa? Nasaan?” Boses naman ni Charlie ang nadinig niya. Pakiramdam ng dalaga, para siyang nakikinig sa usapan ng party line kaya napangiti na lamang siya. “Sa center aisle, nandoon na siya,” sagot ni Ronnie. Sinundan niya sa pamamagitan ng camera ang lugar na itinuro ng kasama. Maganda nga si Amor de Villa. Nakasuot ito ng short shorts na kulay lavender at ternong blouse na hapit na ay hanggang dibdib lamang kaya hindi na nasasaplutan pa ang katawan nito hanggang sa pusod. Mula pa rin sa camera, nakita niya na sinalubong ni Dave ang artista ng isang halik sa pisngi pero inulit iyon ng babae at mismong sa labi ng binatang direktor pinatama. “Wow!” bulalas ni Ronnie. “Ako na sana iyon. Ang suwerte naman ni Dave.” Napaka-‑showbiz ng dating ng babaeng ito! sa loob-‑loob niya. Nakita ba ninyo kung paano magtitigan yung dalawa? Ang lagkit, ano?” singit ni Andy. “Ako din sana ang titigan nang ganoon ni Amor,” pabuntunghiningang turan ni Ronnie. “Settle down, Boys. Back to work tayo,” pagbibigay-‑paalala niya. Sa buong umaga ay wala nang nadinig si Paula kundi mga papuri tungkol kay Amor de Villa. Kahit na sa tanghalian, habang nabi-‑break ang buong crew at cast, walang pinag-‑uusapan kundi ang actress-‑singer. Parang lahat na lang ng kasama niya ay may kuwento tungkol kay Amor o di kaya ay tsismis tungkol dito. Nabo-‑bore na at nagsasawa, nagpasya siyang magpahinga na lamang nang mag-‑isa sa isa sa mga kubol na itinayo sa bakuran ng lumang bahay. Habang papunta siya roon ay nalampasan niya ang kubol na kinaroroonan nina Dave, Amor at alalay nito. Totoo? Isang babaeng cameraman? Nadinig ni Paula na tinanong ni Amor pero kunwari ay hindi niya nadinig. Babae ba naman talaga iyan? Mas mukha ngang lalaki kung umasta at mag-‑ayos, natatawang turan ng alalay ng babae. Gustong balingan at harapin ni Paula ang mayabang na alalay ng actress-‑singer pero nagpasyang magpatuloy na lamang sa pupuntahang kubol. Kung bakit naman para pa siyang lalong tinutukso at iniinis, panay ang tawanan ni Amor at alalay nito na may kasabay pang sulyap sa kinaroroonan niya. Ako yatang pinagtatawanan ng dalawang bruhang ito, ah! Teka nga, aniya sa sarili. Kinuha niya ang bag na kinalalagyan ng mga gamit. Dahil walang katau-‑tao sa kinaroroonan at tanging sina Dave lamang na nasa di-‑kalayuang kubol ang nakakakita, walang pag-‑aatubiling hinubad niya ang polong suot, pati pantalon at rubber shoes. Sa loob ng mga hinubad na damit ay suot niya ang seksi at hapit na hapit na one-‑piece swimsuit na kanyang inihahanda saka-‑sakaling magkaroon ng kuhanan sa dagat. Natigil ang tawanan ni Amor at alalay nito. Kitang-‑kita nila ang magandang hubog na katawan at ubod ng kinis na legs ni Paula. Samantalang si Dave ay napatayo at halatang nabigla rin. Walang paalam na pinuntahan nito ang dalaga. Anong ginagawa mo? Balak mo bang mag-‑ swimming? tanong nito pero panay ang tingin sa magandang katawan ng kaharap. “Oo. Isang oras ang break namin, di ba?” “At saan ka magsi-‑swimming dito? Bulag ka ba? Ang laki nung pool sa likuran, hindi mo nakita? Lumingon ito at nakita ang itinuro niyang swimming pool na nang mga sandaling iyon ay pinapaliguan na rin ng ilan sa dancers. Baka masyado kang malibang, isang oras lang ang break ninyo, paalala nito. Buong lambing na hinimas niya ito sa mukha na sinadyang ipakita sa dalawang babaeng naroon sa di-‑kalayuan. “Huwag kang mag-‑alala, Direk. Hindi ako makakalimot, nanunuksong sabi niya. Napataas ang mga kilay nito sa di-‑inaasahang arte niya. Ngingiti-‑ngiting tinalikuran niya ito at hindi pinansin ang reaction nito. Pumunta siya ng pool, lumusong at tinanaw ang kinaroroonan ng actress-‑singer. Nakasimangot si Amor de Villa, tahimik ang alalay nitong mayabang samantalang si Dave ay nakatanaw sa pool. Natawa lamang siya sa reaction ng tatlo at masayang nag-‑enjoy sa paglangoy.

 

Chapter Four 

NASISIGURO NA NI PAULA na pulos tungkol kay Amor ang magiging topic ng kuwentuhan kaya nagdahilan na lamang siya sa mga kasamahan para hindi na sumama pa sa inuman. Nagbigay siya ng pera para ipambili ng mani na ipupulutan na dapat ay share niya. Papasok na siya ng silid niya nang lumabas sa katapat na kuwarto si Dave. “Diyan ang kuwarto mo?” nabiglang tanong niya. “Oo.” “Ang akala ko ba’y ako lang at dalawang babae sa production staff ang nasa wing na ito?” “Oo nga at ako din,” kaswal na tugon nito. “Mag-‑ iinuman kayo sa beach ngayong gabi, di ba?” “Oo pero sila na lang; pagod na pagod na ako’t masakit pa ang ulo ko.” “May gamot akong dala; bibigyan kita,” alok nito. “Huwag na, salamat. May dala din ako. Good night.” “Paula, gusto ko sanang mag-‑apologize sa mga sinabi ko sa iyo kaninang umaga. Bakit? Dahil I was out of line. Pero yung tungkol sa pagbibigay mo ng limitasyon sa pakikisama mo sa mga lalaking crew, sincere ako doon. Alam ko. Iniingatan mo lang ang reputasyon ko, di ba? may pagkasarkastikong tugon niya. “Oo, sa maniwala ka’t hindi, iyon ang tanging dahilan.” Napangiti lang siya pero biglang napasimangot dahil ang ginawang excuse na sakit ng ulo ay biglang nagkatotoo. “Bakit?” tanong ni Dave. “Wala, masakit na talaga ang ulo ko. Papasok na ako.” At dahil nahihirapang ipasok ang susi sa pintuan, nag-‑offer ang lalaki. Here, let me help you, anito. Salamat, sabi niya habang hawak ang noo. Palagay koy mas mabisa ang gamot na dala ko. Pumasok ka nat kukunin ko lang sa kuwarto ko yung gamot. Nakuha na nito ang sinasabing gamot at nakapasok na sa silid niya bago pa man siya nakatanggi. “Halika, mahiga ka’t papahiran kita nito sa noo,” saad nito na hawak ang maliit na botelya. “Ano iyan?” “Mabisa ito, herbal lang pero mas mabisa kesa sa mga aspirin at pain reliever na iniinom.” “Ako na lang ang magpapahid sa sarili ko; may pupuntahan ka pa yata,” nahihiyang sabi niya. “Kailangan ng kaunting masahe. Halika na, huwag ka nang mahiya.” “Hindi ako nahihiya,” tanggi niya. “Natatakot o nag-‑aalala kung ganoon. Ipinapangako ko, wala akong gagawin na hindi mo gusto. I’ll be a perfect gentleman.” “Hindi naman sa ganoon kaya lang—” “Don’t you want to be relieved of that pain?” tanong ni Dave. “Gusto pero may lakad ka, di ba?” “Honestly, wala. Panonoorin ko lang sana ’yung inuman ninyo.” “Panonoorin o babantayan?” “Pareho na rin siguro. Ayokong sumobra kayo sa Page 11 7 of 335 katuwaan at hindi pakinabangan bukas.” Hindi na matiis pa ni Paula ang sakit ng ulo. Nahiga na siya sa kama at ipinaubaya rito ang pagpahid ng gamot at pagmasahe sa ulo niya. Marahan at magaan ang bawat himas nito sa kanyang noo at unti-‑unti siyang nakakadama ng ginhawa. Ipinikit niya ang mga mata. Nang muling magdilat ay nag-‑iisa na lamang siya sa silid. Wala na si Dave at wala na rin ang sakit ng ulo niya. Tumingin siya sa orasan. Aba, dalawang oras din pala akong nakatulog! sa isip-‑isip niya at napansin ang nakalagay na note sa dresser. I hope your headaches gone. Call me anytime if you need anything. Sleep tight. Dave May pagka-‑sweet din naman pala ang loko,” napapangiting sabi ni Paula. Nakalagay rin sa note ang extension number ng silid nito. Inabot niya ang telepono para tawagan ang lalaki upang magpasalamat pero nagdalawang-‑isip siya at nagpasyang huwag na lang. Tumayo siya at nagbihis bago ipinagpatuloy ang pagtulog. KINABUKASAN, SA BEACH, naka-‑position na ang dancers kasama si Amor na nakasuot na naman ng ubod ng sexy na shorts at hanging blouse. Rehearsal muna bago ang actual taping. Lahat ng camera ay handa na rin. Nasa control booth si Dave para makita ang actual na takbo ng mga camera sa monitors. “Camera Two, sa iyo ang opening number. I-‑ close-‑up mo si Amor habang palapit sa center stage, utos nito mula sa headset na suot ni Paula. Susunod ka, Camera Three, kaya be ready, dagdag pa nito. Nakadama ng kaunting tension ang dalaga nang marinig ang boses ni Dave. Ni-‑recheck niya ang focus ng kanyang camera. Sa pagkakataong iyon, tanging boses at instruction lamang nito ang mahalaga. Wala siyang pakialam sa dancers, kay Amor o kahit saan. Kay Dave at sa iuutos nito lamang siya naka-‑concentrate, pati ang kasamahang cameramen. Alam na nilang lahat ang procedure. Ite-‑tape ang rehearsal at pagkatapos ay ire-‑review sa gabi para sa mga pagbabagong dapat gawin sa mga anggulo, sa lightings at positioning. Sa susunod na araw naman, ite-‑tape muli ang dress rehearsal at pagkatapos ay ire-‑review ulit sa gabi, saka pa lamang gagawin at ite-‑tape sa huling pagkakataon ang final concert show kinabukasan na one-‑time performance na lang. Samantala, buong cast pati si Amor ay nakatuon ang pansin sa floor director na magbibigay ng cue sa kanila. “Okay, Everybody, tape rolling!” pahayag ni Dave. Nag-‑umpisang kumilos ang dancers pati si Amor nang tumugtog ang musika at sa cue na rin ng floor director. Camera Two, widen the shot slowly, mahinahon na utos ni Dave kaya nawala nang kaunti ang tensyon niya. Huwag kang bibitaw sa focus mo, Paula. Camera Three, get ready. Were coming to you. . now! Nakahinga nang maluwag ang dalaga pero hindi pa tapos, nadinig niya ulit sa headset ang tinig ng lalaki. “Hold the shot, Three. Two, we’re on you. Sa oras na lumipat siya sa kaliwa ng stage, go with her.” Sinunod iyon ni Paula pero hindi niya nagawa nang maayos. “Two, nasaan ka na? You’re letting her get behind the dancer. Three, take it on the turn. . now!” ani Dave. Napangiwi siya, hindi satisfied sa nangyari. Hindi niya kasalanan kung nawalan siya ng focus. Isa sa dancers ang nagkamali sa positioning pero hindi na iyon ang mahalaga. Kailangan niyang maging handa para sa susunod niyang shot. “Great shot, One. Be ready at gagawin mo ulit iyon,” ani Dave. “Two, you’re off-‑center. Inayos niya ang focus ng camera at nadinig ulit ang boses nito. Okay, youve got it. Now, stay with her. Hindi na niya binago ang posisyon, ibinuhos niyang lahat ang concentration sa ginagawa at hindi hiniwalayan ang actress-‑singer kaya nagawa niya nang walang pagkakamali ang sumunod na instructions ng direktor. Pero ni isa ay hindi nakatanggap ng papuri mula rito. “Okay, hold it, Everybody. Hold your position... stop tape!” Palakpakan ang buong cast. Mahusay at magaling si Amor. Lahat ng papuri ay ibinato sa tuwang-‑ tuwang babae. Mula sa ikinabit na public address system sa stage at control van, mula sa booth ay nadinig ng cast ang tinig ng kanilang direktor. Good job, Everybody, good number. But youre exceptional, Amor. . sensational and really sexy, anito. Kumislap ang mga mata ni Amor sa labis na katuwaan at binigyan ng isang flying kiss si Dave mula sa camera mismo ni Paula na naka-‑on pa. Nagsisi siya na hindi niya kaagad nasarhan ang camera na hawak. Damn! Nakita ba ninyo, Guys, yung strutting number niya? Umakyat yatang lahat ang dugo ko sa ulo! bulalas ni Ronnie sa headset, na may kasunod pang mga pagmumura at mga salitang panlalaki lamang. Clean up the language! sikmat ni Dave. Baka nakakalimutan ninyong may babaeng nakakarinig sa inyo. Babae, Boss? Si Paula? Okay lang sa kanya iyon; sanay na siya, pangangatuwiran ni Ronnie. Wala akong pakialam! Magtigil ka na!” saway nito. Ang totoo, talagang sanay na si Paula sa ganoong salita at usapan ng mga lalaki sa grupo lalo na nga at nasa mga location shooting sila. Nagbibingi-‑ bingihan siya o kaya ay hindi na lamang pinapansin para hindi mangilag sa kanya ang mga kasama. Subalit ganoon pa man, sa loob-‑loob niya ay bahagya pa rin siyang nahahalayan kahit papaano, at iyon ang ayaw niyang ipahalata sa mga ito kaya hindi nakatulong para sa kanya ang pagsaway ni Dave kay Ronnie. Okay lang, Guys. Mayroon akong special earphones para hindi ko marinig ang mga censored ninyong usapan,” sabi niya sa pamamagitan ng microphone ng headset niya. “Miss Paula Talisay, ako ang nagbibigay ng mga orders dito. Na-‑offend ka man o hindi, ayoko ng malalaswang kuwentuhan o salita sa harapan ng isang babae, maliwanag? turan ni Dave. Yes, Boss! tugon niya. Ngayong nagkakaintindihan na tayo, puwede na siguro tayong bumalik sa pagtatrabaho. Floor director! Ready for the second number! sigaw ng lalaki. Sa susunod na number, solo lamang ni Amor kaya ito lamang ang nasa stage. “Camera Two, kayang-‑kaya mo ang number na ito. I want your best shot of Amor, bilin ni Dave. Pero parang wala nang nangyaring tama pagkatapos ng number na iyon. Kung hindi isa sa mga dancer ang nakaka-‑miss ng cue, si Amor ang nagkakamali. Dahilan para madalas mawala sa focus ang camera na madalas din ay kay Paula natatapat kaya palaging siya ang napapagsabihan ni Dave. Break! Take fifteen tayo! sigaw ng floor director na ikinatuwa ng lahat, lalo na siya dahil pakiramdam niya ay kaunting-‑kaunti na lang ay sasabog na ang kanyang dibdib sa inis. Walang kibo, lumakad siyang palayo sa karamihan. At samantalang nagkakagulo ang lahat sa pagkuha ng pananghalian, nag-‑iisa lamang siya sa ilalim ng malaking puno, at doon nagpapalipas ng init ng ulo at pagkadismaya. Talagang frustrated siya sa sarili dahil hindi niya magawa nang mahusay ang trabaho at mas lalo pang nakadagdag dito ang palaging pagpapamukha sa kanya ni Dave ng mga pagkakamali niya. Gaya ng inaasahan, dumating ang mga kasamahan sa kinaroroonan ng dalaga. Una sina Andy at Joe, dala ang share ng pagkain niya, sumunod sina Charlie at Ronnie na may dalang inumin para sa kanya. “Salamat. Feeling señorita ako, ah,” biro niya. “Okay lang, paminsan-‑minsan lang naman, sabi ni Joe. Mabuti na lang at nag-‑suggest ng fifteen minutes break, kung hindi, nakita siguro natin yung sinasabi ni Andy na isang temperamental na Amor de Villa, ani Ronnie. Oo nga. Nadinig ba ninyo yung sinabi niyang masasakit na salita doon sa kawawang dancer na nagkamali?” saad ni Charlie. “Nadinig ko iyon. Kung inakala ni Dave na malalaswa ’yung mga sinabi ko kanina na nadinig ni Paula, mas grabe ’yung kay Amor,” sabi ni Ronnie. Napasimangot siya. Ayaw na sana niyang maalala iyon, at nahalata siya ng kasama. “Paula, sorry kanina, ha? Minsan kasi, nakakalimutan kong babae ka nga pala,” paumanhin nito. “Wala iyon, Ronnie. Nakalimutan ko na nga, eh. Si Dave lang naman ang nagpalaki ng issue,” aniya. “Alam ninyo, sang-‑ayon ako sa sinabi sa atin ni Dave kanina. Kalimitan ngay nawawalan na tayo ng respeto sa pagiging babae ni Paula, sabad ni Charlie. Puwede ba, tigilan na ninyo iyan? Hindi ako humihingi ng special treatment dahil lang babae ako. Sino ba ang nagsabi sa iyo na bibigyan ka namin noon? natatawang biro ni Ronnie para mag-‑ lighten up ang mood niya. Ang sabi namin, respeto lang, hindi special treatment. Natawa ang mga kasama at napangiti na rin siya. Sorry, may pagka-‑touchy lang ako ngayon. Wala na kasi akong nagawang tama sa mata ni Dave.” “Baka you’re trying too hard,” udyok ni Charlie. “Malay mo naman, baka nagkataon lang. N’ung pangalawang number nga, wala siyang reklamo,” sabi ni Andy. “’Yun na nga, eh, pero may sinabi ba siyang nagustuhan niya?” nagmamaktol na turan niya. “Okay lang sa akin ’yung mga pintas niya pero gusto ko ding mapuri paminsan-‑minsan. Inakbayan siya ni Joe tulad ng isang ama sa anak. Dont let Dave get to you, Kid. Mahusay ka kaya nga nandito kat pinili niya. Iyon ang ilagay mo sa utak mo.” Kahit papaano ay naibsan ang bigat na dinadala niya sa dibdib sa sinabi ni Joe kaya nagluwag na rin ang kalooban niya. Subalit nang mag-‑umpisa na muli ang taping, walang nagbago sa takbo ng mga pangyayari. Bago natapos ang araw na iyon ay punung-‑puno na ng tension si Paula. Nang magbalik siya sa lodging house, wala siyang gustong kausapin sinuman sa mga kasamahan dahil talagang gusto muna niyang mapag-‑isa.

 

Chapter Five 

HAPUNAN. Sinadya ni Paula na mag-‑order na lamang ng sandwich at inumin para i-‑deliver o dalhin sa kanyang silid. Kumakain na siya habang nanonood ng TV nang may kumatok sa kanyang pintuan. Sandali! sagot niya, hininaan ang volume ng TV bago binuksan ang pintuan. Si Dave ang napagbuksan niya. Bihis na bihis ito at tila may pupuntahan na naman. Ikaw pala. Anong kailangan mo? malamig niyang tanong. Puwede bang pumasok? Tumabi siya at pumasok ito sa silid. Isinara niya ang pintuan pero nang bumaling ay nakitang titig na titig ito sa kanya. Bakit? nagtatakang tanong niya. “Talaga bang ganyan ang ayos mo kung tumatanggap ka ng bisita?” Napatingin siya sa sarili. Oo nga pala. Nakalimutan niyang nakasuot lang siya ng maiksing shorts at naka-‑sando pa na wala man lang suot na bra sa loob. Kaagad niyang kinuha ang polo na nasa ibabaw ng upuan na naisuot na nang araw na iyon at ipinatong sa suot na sando. Nagpasya siyang huwag nang magpantalon dahil mahaba naman ang polo. Matutulog na kasi ako kaya ganito ang ayos ko, napapahiyang tugon niya. Sexy ka pala kung matulog, babaeng-‑babae, turan nito. Im sure hindi ka nagpunta dito para pag-‑usapan natin kung anong ayos ko sa pagtulog, sarkastikong sabi niya. Pangatlong beses ko nang makita ang ganyang ayos mo, nakalugay ang mahabat makintab mong buhok, saad nito na palapit. At habang palapit ito nang palapit sa kanya ay paurong naman siya nang paurong. Magandang hubog ng katawan, binti at magandang mukha. Napaka-‑attractive mo bilang babae, Paula, alam mo ba iyon? pagpapatuloy nito. Dahil sa kauurong, napasandal na siya sa dingding. Idinantay nito ang dalawang braso sa magkabilang side ng balikat niya at inilapat ang dalawang kamay sa dingding kaya na-‑trap siya sa gitna. Pinilit niyang tumawa kahit kinakabahan. Ako? Attractive? Maganda? aniya. Hindi ako si Amor de Villa. Hindi nga pero iba ang kaseksihan mot kagandahan sa kanya, pormal na sabi nito na titig na titig sa kanya. Ang akala mo bay hindi ko alam iyon? Lahat nga kayong mga lalaki ditoy siya ang pinapangarap. Bakit, nagseselos ka? You don’t like playing second fiddle, is that it?” “Walang babaeng pumapayag na maging pangalawa lang siya sa attention at pagtingin ng lalaking mahal niya.” “Mahal mo ako?” Nanlaki ang mga mata ni Paula. “Aba, wala akong sinabing ganoon!” Pilit siyang tumakas sa pagkaka-‑trap ng mga braso nito at lumayo. Natawa ito pero hindi na siya tinukso pa. Anyway, nagpunta ako dito dahil hindi kita nakitang naghapunan sa ibaba. Nag-‑order na lang akot nagpa-‑deliver dito. Baka ika ko kasi, masakit na naman ang ulo mo.” “Hindi pero gusto kong mapag-‑isa. Dont tell me na nagbago ka ng isip at gusto mo nang sundin ang utos ko na lagyan ng limit—” Hindi pa, kaagad niyang sabat. Gusto ko lang mapag-‑isa ngayon para makapag-‑isip kung anong ginagawa kong mali sa trabaho ko. Totoo? Oo! Para kasing wala na akong ginawang tama para sa iyo. Palagi mo na lang akong binubulyawan, buong kaprangkahan at katapatan na pahayag niya. Talaga bang gusto mo akong ma-‑please? nanunukso na namang tanong nito. Gusto na niyang matunaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa titig nito. Napakaguwapo talaga nito, mabango at talagang nakaka-‑turn-‑on! Pero hindi sapat na dahilan iyon para magpatangay siya sa kanyang emosyon kaya tinalikuran niya ito upang hindi matukso. Puwede ba, umalis ka nat iwan mo na ako? May pupuntahan ka pa yata. Actually, pupuntahan ko si Amor. Napalingon siya rito. Sa kuwarto niya? Oo. Bakit? Nabigla siya sa pagtatanong at pagkuway napahiya. Im sorry, wala akong pakialam sa personal mong buhay.” “Wala nga,” sang-‑ayon nito na napangiti lang at hindi naman nagalit. Matapos naming i-‑review yung taping kanina, may mga ilang bagay akong gustong palitan sa number ni Amor. Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Baka lang ika ko interesado kang malaman kung anong gagawin namin ni Amor. Napakunot-‑noo siya. Hindi ako interesado. Natawa itong muli, nilapitan siya at humalik sa kanyang pisngi. Interesado ka, because you care about me. Mahal mo ako, di ba? Hindi! tanggi kaagad niya. Muli, inilapit nito ang mukha sa kanya ngunit sa pagkakataon na iyon, ang labi niya ang hinalikan nito. “Maniwala ka, Paula Talisay, mahal mo ako,” malambing na bulong nito, saka lamang umalis at iniwan siyang nakatulala. Hinimas-‑himas niya ang pisngi pagkatapos ay ang mga labing hinalikan ng lalaki, saka napangiti. KINABUKASAN, nagtaka si Paula nang tanging sina Joe at Andy lamang ang dinatnan niya sa canteen na kumakain ng agahan. Anong nangyayari? Nasaan ang mga tao dito? tanong niya. Postponed ang taping. Pumunta dito at inimbitahan ng mayor sina Dave at Amor. Fiesta pala ngayon sa bayan na ito,” sagot ni Andy. “Nasaan ang buong cast at crew?” “Nasa beach ’yung iba, ’yung iba nama’y nagsipamasyal at naki-‑fiesta din kina Mayor, sagot ni Joe. Anong gagawin natin ngayon? Hinihintay lang namin sina Charlie at Ronnie, nanghiram ng pamingwit, tugon pa rin nito. Youll go fishing? Oo, sa kabilang isla. Marami daw mabibingwit doon. O, ano, Paula, sasama ka ba sa amin? tanong ni Andy. Wala naman akong gagawin, natural sasama ako sa inyo. Pero ayokong mag-‑fishing, puwede kayang mag-‑swimming doon? Oo naman, doon ka sa pampang, suhestyon ni Andy. O sige, hintayin ninyo akot kukuha lang ako ng gamit. HABANG NASA DI-‑KALAYUAN ang mga kasamahang lalaki at nagsisipangisda, tahimik naman at nag-‑e-‑enjoy si Paula sa pagsi-‑ swimming. Sana nandito si Dave. Napakaganda ng lugar na ito. Kaming dalawa sana ang magkasama ngayon, sa isip-‑isip niya. Paula! May tanghalian na tayo, tingnan mo ito!” sigaw ni Ronnie. Hawak nito ang kauna-‑unahang huli nila. Malaking isda iyon kaya tuwang-‑tuwa silang lahat. Sumenyas siya ng okay rito at nagpasya na silang umahon sa pampang para iluto ang nahuling isda. Paula! Kami na ang magluluto, mag-‑enjoy ka pa sa swimming mo! sigaw ni Andy. Pero huwag kang masyadong lalayo, ha! Mag-‑ ingat ka! maalalahaning sigaw ni Joe. Sumenyas siya ng oo at nagpasyang lumangoy paligid-‑ligid sa bangka na inupahan nila. Ganoon pa man, paminsan-‑minsan ay tinatanaw-‑tanaw pa rin siya ng grupo upang masigurong ligtas siya at nasa paligid lamang. Alam mo, Joe, sana pag laki ng anak kong babae, makatulad siya ni Paula na walang kaarte-‑arte sa katawan, ani Charlie. Ako din kaya lang pulos lalaki ang anak ko, eh, sabi ni Andy. Natawa ang magkakasama, sabay lingon sa kinaroroonan ng dalaga. Iba talaga si Paula, mabait na bata at talagang mahusay magtrabaho, ani Joe. Kaya nga minsan, hindi ko maintindihan si Dave. Palagi na lang kasi niyang napag-‑iinitan si Paula,” sabad ni Ronnie. “Hindi naman sa napapag-‑initan siya ni Dave kaya lang alam kasi niya na may ibubuga pa si Paula kesa sa ibinibigay nito, pagtatanggol ni Andy sa kanilang producer-‑director. Oo nga. Kilala naman nating lahat si Paula. Mas lalong gumagaling kapag pine-‑pressure, sabi ni Joe. Siguro nga pero hindi ba ninyo nahahalata? Masyado siyang overprotective kay Paula, ani Ronnie. Tayo din naman ganoon kaya lang ayaw nating ipahalata, dahil alam nating maiilang si Paula sa atin, saad ni Charlie. “Hindi. Iba ang napapansin ko sa pagiging overprotective ni Dave kay Paula,” diin ni Ronnie. “Huwag mong sabihing may gusto siya kay Paula?” ani Andy. “Impossible ba?” “Common knowledge na sa buong industriya na magmula nang iwan si Dave n’ung girlfriend niya para sumama sa ibang lalaki’y nawalan na siya ng interest sa ibang babae,” sabi ni Charlie. “Puwede ba iyon? Lalaki si Dave. At malay ninyo kung si Paula ang muling magpaibig doon sa tao. Malaking possibility iyon, di ba?” giit ni Ronnie. Nagkatinginan na lamang ang mga kasamahan at pare-‑parehong nagkibit-‑balikat. Isang oras ang lumipas, nailuto na at naihanda na rin ang pananghalian ng grupo. Alam mo, Paula, kung tutuusin ay mas seksi ka at maganda kaysa kay Amor de Villa, sabi ni Charlie. Kaaahon pa lang noon ng dalaga mula sa tubig at hindi nila maiwasang humanga sa magandang hubog ng katawan niya nang walang halong malisya. Oo nga, Paula. Kulang ka lang sa height pero talo mo nga si Amor, pagsang-‑ayon ni Ronnie. Aba! Si Amor de Villa, kailangan pang um-‑ attend ng aerobics o di kayay magpakahirap para lang maging seksi, buong pagmamayabang na sabi ni Paula. At ikaw? napapangiting tanong ni Andy. Ako, hindi ko na kailangan iyon. Araw-‑araw ay parang tatlong mabibigat na barbell ang binubuhat ko, di ba? sagot niya, sabay tawa. Natawa rin at sumang-‑ayon ang mga kasamahang lalaki sa tinuran niya. Natigil lamang ang biruan at tawanan nila nang mapansin at matanaw si Ronnie ang dumarating na bangka at papalapit sa islang kinaroroonan nila. “Hindi ba sina Dave iyon?” anito. Nagtinginan ang mga kasamahan. “Oo nga, kasama si Amor at ’yung dakila niyang alalay,” ani Andy. Sinalubong ng grupo ang mga bagong dating. “Tamang-‑tama ang dating ninyo, nakahuli si Ronnie ng malakit matabang isda. Tena, nakahanda na ang pananghalian, ani Joe kay Dave. Siyanga ba? Nagdala nga ako ng mga makakakain at kaunting beer para sa inyo, sabi nito. Napakagandang lugar nito, Dave. Mukhang masarap mag-‑overnight; romantic! bulalas ni Amor na nakayakap sa baywang ng lalaki. Inis at nalalaswaan si Paula habang pinagmamasdan ang actress-‑singer. Parang linta kung mangunyapit, sa loob-‑loob niya. Dapat palay nadala ko yung camera ko para nakunan ko si Paula, nakangiting sabi ni Dave at tiningnan siya. Nag-‑transform ka na naman pala from a hunk to a very beautiful and sexy woman. Hindi nakaila sa lahat ang biglang pagpormal ng mukha ni Amor. Really, Sweetheart? Wait till you see me in my bikini, anito. Nagulantang ang lahat maliban kay Paula nang doon mismo sa harapan nila ay naghubad si Amor na suot na pala ang bikini na sinasabi. Napakamot sa ulo si Dave na para bang nahihiya sa hitsura ng artista. Samantala, lalo lamang naiinis ang dalaga. Walang originality, ginaya pa ang style ko. Bulgar nga lang! “Ano, Sweetheart? Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?” malambing na tanong ni Amor. “Wala akong nakikita na bago sa paningin ko,” kaswal na tugon ni Dave. “Why, you wicked brute!” natatawang bulalas ni Amor na animo’y kiliting-‑kiliti sa isinagot ng lalaki. “You’re so vulgar!” dagdag pa nito. Maliwanag sa implication ng actress-‑singer at sa mga nakakadinig, lalo na kay Paula, na may namagitan o namamagitan pa sa dalawa. Hindi na nakatiis pa, tinalikuran niya ang mga kasama at lumakad palayo. Paula, sandali! Saan ka pupunta? tanong ni Dave na sumunod sa kanya. Ewan ko sa inyo pero nagugutom na ako, inis na sagot niya na patuloy sa paglalakad. Alam mo bang obvious na obvious ka? Napalingon siya rito. Anong obvious? tanong niya habang pabilis nang pabilis ang paglalakad. Panay pa rin ang sunod nito. “Nagseselos ka kay Amor,” pahayag nito. Natawa siya. “Ako? Baka siya ’ika mo ang nagseselos sa akin. Bumalik ka nga doon at baka lalo lang magalit iyon.” “Kapag nagbalik ako’y di ikaw naman ang nagselos; dito na lang ako,” natatawang turan nito. Bigla siyang huminto sa paglalakad at bumaling dito. Huli na nang makahinto ito kaya nabunggo siya nito at natumba siya patihaya. “I’m sorry. Bigla ka kasing huminto,” natatawang paumanhin nito at inalalayan siya. “Nasaktan ka ba?” Pinalis niya ang mga kamay nito, galit na bumangon mag-‑isa at sinabayan ng malakas na suntok sa tiyan nito. Alumpihit sa sakit si Dave. Hindi nito akalain na ganoon kalakas ang dalaga. Maliit lamang siya pero para na ring kamao ng lalaki ang tumama sa tiyan nito.

 

Chapter Six 

DALA NG PAGKABIGLA sa nagawang pananakit, nalito si Paula kung tutulungan si Dave o hindi. Pero dahil nakitang tumatakbong palapit sa kanila ang mga kasamahan, pati na si Amor, nagpasya siyang tumakbo palayo at iwan ang lalaki na nakaluhod sa buhanginan. Hindi niya kayang magpaliwanag, at ayaw rin niyang gawin iyon dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Oo, nagseselos nga siya kay Amor, iyon ang inamin niya sa sarili. Tumakbo siya sa burol na nakita nila ni Andy nang umagang iyon, at doon siya umiyak. Tama si Dave. Mahal nga niya ito, hindi lamang ngayon kundi noon pa. Pilit niyang iniiwasan at itinatanggi pero habang lumalaon, habang unti-‑ unti niyang nakikilala ang pagkatao nito ay mas lalo lamang lumalago at lumalalim ang lihim niyang paghanga rito. Sa katunayan, ang nangyaring insidente nang nakaraang taon na ikinuwento ni Charlie ay ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Dave. Excited na excited pa siya noon dahil matagal na niyang pinangarap na makilala at makatrabaho ito. Lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang lalaki ay taglay na nito. Matalino ito, guwapo, ngunit higit sa lahat, kahit na kilala ito sa pagiging istrikto ay alam lahat ng mga nakasama at nakatrabaho kung gaano ito kabait. Mababa ang loob ito, matulungin at maalalahanin lalo na sa mga maliliit, at iyon ang minahal niya rito. Kaya lubhang naging napakasakit at nag-‑iwan ng malalim na sugat sa kanya ang nangyari noon sa kanila. Nilait-‑lait siya nito, minaliit at tinrato parang isang kaladkarin na babae dahil lamang sa kasuotan niya nang araw na iyon. Gumuho lahat ang pangarap niya at nagpasyang kalimutan ang kahibangan kay Dave. Paula.. . Nilingon ng dalaga ang tumawag sa kanya, si Joe. Pinahiran niya ang mga luha sa mukha. “Okay ka na?” tanong nito. Tumango siya. “Si Dave?” Lumapit ito, ibinigay sa kanya ang beach towel na dala na ibinalabal niya sa katawan. “Okay naman siya, medyo nasaktan pero no serious harm done,” tugon nito na paupo sa tabi niya. “Nasaan na siya?” “Wala na sila, umalis na. Sinumpong si Amor de Villa, eh.” “Galit ba sila sa akin?’ nag-‑aalalang tanong niya. Actually, si Dave, ewan ko. Pero si Amor, galit na galit. Napabuntunghininga siya. Naloko na. Tiyak kong patatalsikin ako ni Dave sa trabaho.” “Gusto mo bang ikuwento sa akin ang nangyari?” “Huwag na muna, Joe, puwede?” “Oo naman pero isa lang ang masasabi ko sa iyo.” “Ano?” naluluha na namang tanong niya. “Talaga palang ang tapang mo. Ikaw lang ang nakita kong sumagupa kay Dave nang ganoon,” ani Joe, sabay tawa. Natawa na rin siya at gaya ng isang anak na naghahanap ng lambing, humilig siya at yumakap sa tatay-‑tatayan. O, tama na ang pag-‑iyak. Tenat lumalamig ang pagkain, anito na akbay-‑akbay siya at pinahiran ang mga luhang panay pa rin ang patak sa mukha niya. “Nahihiya ako. Ano’ng sasabihin ko kina Andy?” “Wala. Alam nila kung kailan tatahimik at magtatanong. Ngayon, tahimik lang ang mga iyon.” “Salamat, Joe. Kapag kaya ko nang pagtawanan ang lahat ng ito, ikukuwento ko sa inyo ang tunay na nangyari.” Tumango ito at inalalayan siya patayo. Pagbalik nila sa mga kasamahan, wala ngang sinuman ang nagtanong sa kanya. PAGKABALIK NILA NG LODGING HOUSE, nanumbalik ang kaba sa dibdib ni Paula. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari pero inihanda na rin niya ang kalooban. Pagdating sa kuwarto, iniligpit at inimpake na niyang lahat ang mga gamit niya. Nang matapos, naupo siya sa gilid ng kama, nag-‑isip at naghintay. Sigurado siyang pupuntahan siya ni Dave sa silid. Parang nakikini-‑kinita na niya, galit na galit ito, ipagtatabuyan siya katulad ng nangyari dati. Bigla siyang napaigtad sa kinauupuan nang may kumatok sa pintuan ng silid. Si Dave, bulong niya. Bantulot at natatakot siya pero walang nagawa. Kailangan niyang harapin ang anumang kabayaran ng nagawa niyang pagkakamali. Muli niyang narinig ang mga katok. Nagbuntunghininga muna, nag-‑ipon siya ng sapat na lakas ng loob bago lumakad palapit ng pintuan at binuksan iyon. Hindi si Dave ang bisita kundi isa sa mga utility man. Paula, pinatatawag ka ni Direk. Nandoon sila sa lumang bahay. Sinong sila? tanong niya. Lahat ng crew. Mas lalo lamang siyang kinabahan. Baka sa harapan pa ng mga kasamahan siya ipahiya at patalsikin ni Dave. Dalian mo raw at ikaw na lang ang hinihintay doon.” “Oo, salamat.” Bantulot naman, nagmadali siyang pumunta sa lumang bahay. Gaya ng sinabi sa kanya ng utility man, nandoon nang lahat ang mga kasamahan at sa gitna nila ay nakatayo si Dave, na nakita ang pagdating at pagpasok niya. “Good, kompleto na tayong lahat,” sabi nito. “May minor changes akong ipapahayag sa inyo kaya makinig kayong mabuti,” dagdag pa nito. Palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ni Paula. Naupo siya sa tabi ni Joe at inumpisahan nang ipaliwanag ni Dave ang mga pagbabagong sinasabi. Nag-‑offer ang mayor ng lugar na iyon na gawin sa bahay nitona naging part pala ng history ng bayan na iyonang last few numbers ng show, na matapos pag-‑isipan ay tinanggap naman ni Dave. Isa lang ang ibig sabihin noonpanibagong script, panibagong pagse-‑set up at iba pang detalye na dati nang napag-‑usapan at napaghandaang gawin. Ipinaliwanag nito ang mga pagbabago na hindi naman gaanong malaki kaya walang kahit sino ang nagreklamo. Paula! tawag ni Dave. Heto na po kami, sa loob-‑loob niya na kinabahan na naman ulit. “Sumama kayo ni Andy sa pagre-‑review namin sa kukunang dress rehearsal bukas ng gabi. I want to get your opinion, anito. Yes, Boss, sagot niya na nakahinga nang maluwag dahil ang ibig sabihin noon ay hindi siya patatalsikin sa trabaho. Matapos ang ilan pang kaunting instructions, natapos din ang meeting. Nakaalis na ang lahat ng crew, samantalang kinakausap pa ni Dave ang assistant director nang mapansin nitong nakaupo pa rin si Paula at naghihintay. Bakit? May kailangan ka ba sa akin?” tanong nito. Tumayo siya at lumapit sa dalawang nag-‑uusap. Gusto sana kitang kausapin, Direk, kung maaari, aniya. Sige, Dave, mauna na ako, anang assistant director. Hinintay muna niyang makaalis at tuluyang makalayo ang kausap ni Dave bago nagsalita. Gusto ko sanang mag-‑apologize tungkol sa nangyari kanina sa isla. I didnt deserve that, you know, anito. I know, kaya nga humihingi ako sa iyo ng tawad. Alam mo, normally, kapag napapahiya akoy gumaganti ako just to save my pride.” “Nakahanda ako sa ano mang parusa na ibibigay mo. Handa na ngang lahat ang gamit ko para umalis at bumalik ng Maynila.” “I never let personal differences interfere with my profession.” “Salamat naman kung ganoon.” “Pero hindi ibig sabihin noon na palalampasin ko ang ginawa mong pananakit sa akin kanina.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Ito,” tugon ni Dave, sabay kabig sa kanya at halik sa labi niya. Nabigla si Paula at nagpumiglas pero nang lumaon, habang tumatagal, habang nararamdaman ang mainit na halik nito ay nawalan na siya ng lakas na lumaban. Matagal at parang sinusulit nito ang bawat paglipas ng mga segundo. Yakap-‑yakap siya nito habang malamyos na dinadama ang malalambot na labi niya na habang tumatagal ay parang opium na pasarap nang pasarap. Nang maramdaman nitong ipinulupot niya ang mga braso at kamay rito ay mas lalo lamang kumawala ang nag-‑iinit na pagnanasa nitong damhin ang lahat ng itinutugong matatamis na halik ni Paula. Oops! Im sorry, nakaistorbo pala ako. Bigla siyang kumawala kay Dave nang madinig ang boses ni Amor na kapwa nila hindi namalayang dumating. “Ano’ng kailangan mo, Amor?” tanong ng lalaki na kaswal na kaswal lamang ang tinig. “Naiinip na kasi ako sa paghihintay ko sa iyo sa kuwarto ko. Ang sabi mo sa aki’y sandali ka lang,” tugon ng babae pero sa kanya nakatitig. “Katatapos lang ng meeting namin,” sagot nito. “At ngayon nama’y nakikipag. . personal meeting ka sa camera person mo,” nanunuyang saad nito. “Amor, please.. .” “Wala kang dapat ipag-‑alala, Dave, sanay na ako. Anyway, she’s just one of the many flings you’ve had before, pero ako pa rin ang hinahabul-‑habol mo. Masakit para kay Paula ang nadinig kaya patakbo siyang umalis nang walang lingon-‑likod. PAULA, BUKSAN MO ANG PINTO. Alam kong nandiyan ka sa loob, magkasabay na katok at pakiusap ni Dave sa pintuan ng silid ng dalaga na sinundan nito. Umalis ka na. Nakaganti ka na, di ba? umiiyak na pagtataboy niya rito. Paula, magpapaliwanag ako. Buksan mo ito para makapag-‑usap tayo nang mahusay, mahinang pakiusap nito na halatang umiiwas sa eskandalo. “Ako ang nakikiusap sa iyo, Dave, ayoko na. Umalis ka na, iwan mo na ako!” Tumahimik sa labas, samantalang si Paula ay tahimik na umiiyak pero nakikiramdam. Wala na si Dave; umalis na ito. Noon lamang niya idinapa ang katawan sa kama at isinubsob ang ulo sa unan, saka umiyak nang umiyak. Sa pangalawang pagkakataon, sinaktan siya ni Dave. Ngunit sa pagkakataon na iyon, mas doble ang sakit na nadarama dahil ipinadama niya nang gabing iyon ang tunay na damdamin dito, na matagal na sana niyang kinalimutan ngunit muling nabuhay at nag-‑alab sa puso. KINABUKASAN, nagpapasalamat si Paula na matindi ang sikat ng araw kaya magsuot man siya ng sunglasses ay walang magtataka. Ngunit ang totoo ay itinatago lamang niya ang namumugtong mga mata dahil sa sobrang kaiiyak na nakatulugan na. Nagkataon na paglabas niya ng silid ay palabas din ng silid nito si Dave. Nilapitan siya kaagad nito. Ronnie! tawag niya sa kasamahan na namataan. Sandali! Sabay na tayo! aniya at walang paalam na iniwan si Dave. Handa na ang lahat para sa actual taping ng dress rehearsal. Lahat ng dancers ay nasa stage na para sa opening number, maliban kay Amor. Ngunit nang dumating ito, nakadinig ng kung anu-‑anong ingay mula sa kanyang headset si Paula galing sa mga kasamahang lalaki. Ubod na ng iksi, hapit na hapit at see-‑through pa ang suot na damit ni Amor na tanging ang tatlong maseselang parte lamang ng katawan ang hindi nakikita. Papasa ba iyan sa Board of Censors? tanong ni Andy. Ewan ko pero sa akin, pasadong-‑pasado iyan! kinikilig na sabi ni Ronnie. Natawa si Paula. Calm down, Boys. Lakasan lang ng loob iyan. Tama na ang tsismisan! sikmat ni Dave. Joe, Im getting a hot spot. Anong mali? Pero hindi pa rin natigil ang side comments mula sa kalalakihan kahit na nasita na ng lalaki ang mga ito. Isang bloke nga ng yelo diyan, kumukulo na ang dugo ko, sabi ni Charlie. Bigyan din ninyo ako dito at kanina pa ako nag-‑ iinit, saad ni Andy. Ano ba iyan! Sa dami ng maiinit na hingal na nadidinig ko, malapit nang matunaw ang headset ko,” biro ni Paula. “Sinabi ko nang tama na ang tsismisan! Paula! Ano ba?” paninita ni Dave sa kanya. “Bakit ako ang pinag-‑iinitan mo? Ako nga lang ang hindi lumuluwa ang mga mata sa star mo, inis na sagot niya. Iyon na nga. Yung mga lalaking yan, hindi makakapagpigil pero ikaw, bale-‑wala sa iyo, so straighten up! Nagsawalang-‑kibo na lang siya. Wala ngang nagbago sa kanila ni Dave. Tumigil na rin ang mga kasamahan niyang lalaki sa pagko-‑comment ng kung anu-‑ano. Lumipas ang mga oras. Kakaunti man ang mga pagkakamali nang pagkakataon na iyon, na kalimitan ay nanggagaling kay Amor, hindi pa rin nakakaligtas ang crew sa matalas na pagtatama ni Dave, lalo na si Paula. Ngunit sa huling number, nasa kalagitnaan na ng taping, nang biglang himatayin si Amor. Stop tape! sigaw ni Dave. Ilang segundo lamang ay nasa stage na ito at pinangko ang nahimatay na actress-‑singer. Natigil ang taping; dinala si Amor sa lodging house upang doon himasmasan. Nang magbalik ang floor director, nakibalita sina Paula rito. “Okay na si Amor, thirty minutes break daw, sabi ni Dave. Pero huwag kayong lalayo’t uumpisahan ulit ang taping pag kaya na ni Amor,” pahayag nito. Dahil pawis na pawis na, nagpasyang bumalik si Paula sa kuwarto niya sa lodging house para magpalit ng sando. Sa lobby ay nadatnan niyang nakayakap si Amor kay Dave habang panay ang pagpaypay ng alalay nito. “Puwede naman nating i-‑pack up ang taping ngayong umaga, magpahinga ka na lang, ani Dave habang panay ang himas sa likod ng babae. “Ayoko. Magpapahinga lang ako sandali’t makakaya ko na,” malambing na sabi ni Amor. “Sigurado ka?” Tumango ito at mas lalo pang yumakap kay Dave. Samantala, pinapanood lang niya ang mga ito. Nang tumingin ang lalaki sa kanya, lumakad na siyang paalis na parang bale-‑wala sa kanya ang napanood na eksena.

 

Chapter Seven 

MATAPOS ANG KALAHATING MINUTO, muling inumpisahan ang naantalang taping at natapos iyon nang walang kahirap-‑hirap. Hindi nga lang masiguro ni Paula kung iyon ay sa dahilang na-‑perfect na rin sa wakas ni Amor ang mga routine nito o dahil naghihinay-‑hinay lamang si Dave dahil nag-‑aalala sa kalusugan ng babae. Milagro ng mga santo at santa, hindi yata ako makapaniwalang natapos natin ang number na iyon nang walang reklamo si Dave, ani Charlie habang inililigpit nila ang mga equipment upang lumipat sa lumang bahay para sa susunod na numbers. Oo nga, at ni isay hindi ako ngayon nakatikim ng pamimintas niya. Nakakapanibago, saad ni Paula. Baka nag-‑aalala sa nangyari kanina n’ong biglang hinimatay si Amor,” sabi Andy. “Siguro nga,” malamig na sagot niya, hindi mapigilan ang magselos. “Paula, tawag ka ni Direk,” pagbibigay-‑alam ng lumapit na utility man. Bakit daw? tanong niya. Ewan ko, basta ipinatawag ka sa akin. Sige na, Paula, puntahan mo na si Dave. Kami na ang bahala dito, ani Andy. Nasaan ba siya? tanong niya sa utility man. Nandoon sa control booth. Pagdating sa van na kinaroroonan ng control booth, nag-‑iisa lamang sa loob si Dave nang pumasok siya. “Pinatatawag mo raw ako?” malamig na turan niya. “Oo, tungkol kagabi—” “Ayoko nang pag-‑usapan pa iyon. Nandito ako dahil ang akala koy tungkol sa trabaho ang sasabihin mo, sabad niya at akma nang lalabas ng control booth, ngunit pinigilan siya nito. Kasinungalingan lahat ang mga sinabi sa iyo ni Amor, hindi mo siya dapat paniwalaan. Bitiwan mo ako, Dave. Hindi ito ang tamang lugar at oras para pag-‑usapan natin ang mga personal na bagay na ito. Saan at kailan pa? Iniiwasan mo ako at ayaw kausapin.” Hindi siya sumagot. Muli siyang nagbalak lumabas ng van, ngunit mas mabilis si Dave sa pagkilos. Isinara nito ang pintuan ng van at humarang doon. “Hindi ka lalabas ng van na ito hangga’t hindi naliliwanagan ang pag-‑iisip mo. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pag-‑iisip ko. Pinaglalaruan mo lang ako. Hindi, Paula, maniwala ka. Kahit kailan, buong buhay ko, ni isay wala akong pinaglaruang babae. Ow? Mas convincing yata si Amor kaysa sa iyo, uyam niya. Wala ka bang pakiramdam? Kagabi nang halikan kita—” “Isang halik ng paghihiganti at pagpaparusa sa pagsuntok ko sa iyo.” “Hindi!” “Kung hindi, malinaw na paglalaro lamang. Tulad ng mga nakaraang fling mo, sabi nga ni Amor.” Hinimas nito ang makapal na buhok, nawawalan na ng pasensya. “Inuulit ko, Paula, hindi totoo iyon.” “At hindi din ba totoong may relasyon kayo ni Amor de Villa?” tanong niya na nagmistulang parang isang reporter na nag-‑i-‑interview. Inaamin ko, nagkarelasyon kami pero noon pa iyon, at sandali lang naman. Did you expect me to be a saint or a monk?” “Hindi pero obvious naman, Dave. Hindi pa tapos ang anumang namagitan sa inyo noon.” “Maaaring para sa kanya’y gan’on nga pero para sa aki’y tapos na.” “Tapos na rin ang usapang ito. Palabasan mo ako dito kung di’y pupuwede kitang kasuhan ng sexual harassment.” Nawalan ito ng kibo. Hindi ito makapaniwalang pag-‑iisipan ito nang ganoon ni Paula, subalit nagpasya na ring sundin ang kagustuhan niya. Buong puwersa nitong binuksan ang pintuan ng van. Ibintang mo na sa akin ang lahat ng kasalanan sa mundo, Paula, huwag lamang ang paglapastangan sa isang babaeng katulad mo,” matatag na sabi nito na halatang nasaktan. Siya naman ang nawalan ng kibo. Hindi niya gustong insultuhin ang pagkatao ni Dave pero sa reaksyon nito, iyon ang ginawa niya. “Ano pa ang hinihintay mo? Lumabas ka na.” Sumunod siya at umalis nang mabigat ang kalooban. KINAGABIHAN, kasama sila ni Andy sa pagre-‑ review ng kinunang dress rehearsal. Tanging si Paula lamang ang nakakadama at nakakapansin ng malamig ng trato sa kanya ni Dave pero pilit niyang binabale-‑wala iyon at itinutuon na lamang ang concentration sa trabaho. Diyan sa sequence na iyan, hindi ko alam pero parang may mali, sabi ni Dave. Talagang hindi ako ma-‑satisfy. Any suggestions? dagdag pa nito. Tanging siya ang nakakita at naka-‑realize ng sinasabi nitong mali. Mali ang elevation ng camera, aniya. Pina-‑rewind niya ang tape sa sequence na sinasabi. Dapat ay nasa itaas si Charlie at kumukuha paibaba. Tama si Paula, pagsang-‑ayon ni Andy. “Pahiran natin ng kaunting Vaseline ang paligid ng circumference ng lens para mas gumanda.” “Eto pa ang isa, dito sa sequence na ito,” pakli muli niya. “That half turn ni Amor sa kanan, dapat mag-‑half turn din si Charlie sa kaliwa. Oo nga, bakit ba hindi ko naisip iyon? pagsang-‑ ayon ni Dave. Pero kakailanganin natin ng parang hagdan o di kayay isang plataporma, dagdag pa niya. Tama, iyan nga ang solusyon sa problema. Kakausapin ko si Charlie, alam kong magagawan niya iyon ng paraan. Tatlong malalakas na katok sa pintuan ng silid ang nagpatayo kay Dave mula sa kinauupuan para buksan iyon. “Mama! Ano’ng ginagawa ninyo dito?” nasorpresang bulalas nito. Sabay-‑sabay na napalingon si Paula at ang mga kasamahan niya mula sa pinapanood na tape at nakita ang isang matandang babae na naka-‑ wheelchair. Sa likod nito ay mga babaeng pulos nakangiti. Ina at nakababatang mga kapatid ni Dave ang mga nagsidating. Sinorpresa at binisita ng mga ito ang lalaki. Ipinakilala isa-‑isa ni Dave ang mga ito sa mga kasamahan. “Sila ang tanging mga babae sa buhay ko. Ang dami, ano?” natatawang turan nito. Ipinakilala rin nito ang mga kasamahan na nasa silid na iyon sa ina at mga kapatid. “Ikaw si Paula Talisay?” nakangiting tanong ng ina nito sa kanya. Nagtaka siya dahil sa hitsura ng matandang babae ay mukhang kilala na siya nito kahit noon pa lamang sila nagkita at nagkakilala. “Ako nga po,” bantulot na sagot niya. “So, ikaw pala iyon,” anang matanda. “Matapang ka; pinahanga mo ako sa lakas ng loob mo.” Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito. Pinagmamasdan niyang mabuti ang mukha nito na kahit kulubot na ay bakas pa rin ang kagandahan at kakinisan ng balat. Hindi naman ito galit at sa katunayan, bakas ang sincerity sa sinabing paghanga. “Alam mo, bihira ang katulad mo na may lakas ng loob na tapatan ang init ng ulo ni Dave,” sabi pa nito. “Ma, tama na iyan. Baka mas lalo lang lumaki ang ulo ni Paula,” natatawa at malambing na biro ni Dave. “Alam mo bang pagkatapos ng engkuwentro ninyo n’ung isang taon ni Kuya, wala na siyang ikinukuwento sa amin kundi pulos ikaw?” sabat ng isang nakababatang kapatid ni Dave. “Oops! Napapagkaisahan na ako dito. Tulong!” nakangiting bulalas ni Dave. “Andy! Halika’t pakisamahan mo ang mga tsismosang ito sa canteen, hayaan mong bilhin lahat ng gusto nila.” “Charge sa iyo?” masayang tanong ng isang kapatid pa ni Dave. “Ano pa nga ba?” sagot nito, sabay baling sa ina. “Ma, ikaw, ano’ng gusto mo? Itatawag ko na lang sa canteen para dalhin dito.” “Wala, Anak. Ipagpatuloy na ninyo ang ginagawa ninyo.” “Are you all planning to stay here for the night?” “Hindi, Hijo, doon kami sa rancho. Nagdaan lang kami dito para sorpresahin ka.” Hinalikan ni Dave ang ina sa noo. Kitang-‑kita ni Paula ang lubos na pagmamahal nito sa ina, at sa sandaling oras na lumipas magmula noon, nakita rin niya ang pagmamahal ng direktor sa anim na kapatid na pawang malalapit din sa kanilang kaisa-‑isang kuya. Mataas at malaki ang pagpapahalaga nito sa pitong babae sa buhay, at hindi na kailangan pang hayagang sabihin iyon dahil nakikita na sa bawat kilos at mga salita ng buong mag-‑anak ang magandang relasyon nila sa isat isa. Malapit pala dito ang rancho ninyo, saad ni Paula kay Dave habang masayang nagkukuwentuhan ang mga kasamahan at silang dalawa ay nanonood at nakikinig lamang. Oo, mga fifteen to twenty minutes drive lang mula dito. Bakit hindi tayo doon nag-‑location shooting? Mahalaga sa akin ang privacy ko. Una ang mama kot mga kapatid, susunod ang reputasyon ko at huli iyon. Iniingatan ko silang mabuti.” May kung anong kumirot sa damdamin niya. “Malaki pala ang pamilya ninyo,” pag-‑iiba niya ng tema ng usapan. Oo, magulo at maingay pero masaya, napapatawang tugon nito. At dahil sa kanila kaya wala ka pang napiling mapangasawa? tanong niya na pinagsisihan pagkatapos. Tinitigan siya nito. Hindi. May napili na sana ako noon na minahal ko nang lubos pero may mas minahal siya kaysa sa akin. Natigilan siya. Hindi siya ang babaeng tinutukoy nito pero parang sa kanya tumama ang hinanakit na sa tono lamang ng pagkakasabi ay halatang kimkim pa rin nito. “At dahil na rin sa kanila kaya hindi ko magawang magsamantala sa kahit sinong babae,” dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang mga kapatid at ina. Napayuko siya, tinamaan sa sinabi nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Bawat salita, bawat desisyon, bago ko bitiwan, sinisiguro kong tama,” huling pahayag nito pero puno ng pagpapahiwatig. Tinapos muna nila ang naantalang pagre-‑review sa tape na hindi na gaanong nagtagal, at mismo si Dave ang naghatid sa ina at mga kapatid sa rancho. NATUTULOG NA SI PAULA nang magising sa dalawang katok sa pinto. Tiningnan niya ang orasan. Mag-‑a-‑ala-‑una na ng madaling-‑araw. Sino iyan? tanong niya. Si Dave, pabulong na sagot ng lalaki. Pupungas-‑pungas na bumangon siya at pinagbuksan ito. Ano iyan? tanong niya nang makitang may nakataling unan sa tiyan nito. Unan. Baka suntukin mo na naman ako; masakit pa ang tiyan ko. Hindi niya alam kung tatawa siya dahil sa hitsura nito o maiinis dahil sa ginising siya nito, at sa ganoong oras pa! Subalit naalala niya ang malaking kasalanan dito. “Dave, patawarin mo ako. Hindi ko—” “Puwede bang pumasok muna? Mukha akong tanga dito sa hallway na ganito ang ayos.” Tumabi siya at pinapasok ito. Inalis nito ang unan sa tiyan. “Galit ka pa ba sa akin?” tanong nito. “Ikaw, galit ka ba sa akin?” Lumapit ito, malapit na malapit, tulad nang dati. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya umurong. “Pupuwede ba naman akong magalit sa babaeng minamahal ko?” “Ano?” di-‑makapaniwalang tanong niya. “Bigla ka yatang nabingi. Ang sabi ko, mahal kita,” napapangiting ulit nito. “Nagbibiro ka ba?” “Mukha bang nagbibiro ako?” “Sinasabi mo lang iyan dahil alam mong mahal kita,” nahihiya pero matapat na pag-‑amin niya. Kumislap ang mga mata nito, halatang labis ang katuwaan na niyakap siya nang mahigpit na walang alinlangan niyang tinugon. Kasunod niyon ay siniil nito nang buong pagmamahal ang mga labi niya, saka siya muling niyakap. Alam mo bang noon pang unang gabi natin dito ay pinangarap ko na ang pagkakataong ito?” bulong nito habang yakap-‑yakap siya na parang bata dahil sa kaliitan niya. Mahal na mahal kita, Miss Paula Talisay. Mahal din kita, Dave. Hindi mo lang alam kung gaano, madamdaming bigkas niya. Patunayan mo. Nabigla siya. Ha? tanong niya, sabay tingin sa kama. Natawa ito. Hindi sa iniisip mong paraan. Paano? Hinalikan muna ulit siya nito pero smack lang. Inalalayan siya nito paupo sa kama, hinatak ang upuan na kahoy, iniharap sa kanya at doon naupo. I dont believe in long engagement. Will you marry me this year?” Mas lalo siyang nabigla sa tinuran nito. Oo nga at matagal na rin niyang pinangarap na mahalin siya nito pero kasal? “Ha? Aba’y hindi maaari,” sagot niya. “Bakit?” “Anong bakit? Hindi pa ako handa.” Iyon tanging naisip niyang dahilan. Biglang pumormal ang mukha nito. Kitang-‑kita niya ang pagkadismaya nito at nagdadalawang-‑ isip na gusto niyang bawiin ang pagtanggi. Pero hindi pa siya lubos na kilala nito at marami pa itong hindi alam sa pagkatao niya. Dave, unawain mo naman ako. Mahal kita pero hindi isang maliit at simpleng bagay ang pagpapakasal.” “May doubt ka pa rin sa pagkatao ko? Naniniwala ka pa ring isa akong mapaglarong lalaki?” “Hindi, wala nang lahat iyon sa isip ko.” “May doubt ka sa pagmamahal ko sa iyo?” “Hindi iyon ang question dito, marami pang dapat i-‑consider. Gaya ng? Saglit na nag-‑isip si Paula, walang maidahilan; nalilito siya. Mahal niya si Dave pero handa na ba talaga siyang magpakasal dito? Ito na ba ang tamang panahon para sa pagtatapat ng mga lihim na matagal nang itinatago? Tila naman nainip ito at mabilis na tumayo. “Magpahinga ka na, Paula, saka na lang natin ito pag-‑usapan. Dave.. . Saka na lang, Paula. Maaga pa ang shooting natin bukas. Nawalan na tayo ng isang araw sa schedule, malamig na turan nito. Hindi na niya ito pinigilan. Bagsak ang balikat at malungkot itong umalis. Muli, napalitan ng kalungkutan ang kaligayahan niya kaya hindi siya gaanong nakatulog sa buong magdamag. KINABUKASAN sa location site habang mini-‑ meeting ni Dave ang mga crew, hindi makapag-‑ concentrate mabuti si Paula. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang lalaki. Boyfriend na ba niya ito? Wala pa naman silang pormal na napagkasunduan. Paula, nakikinig ka ba? Alam mo na ba ang gusto kong mangyari? paninita ni Dave. Pakiulit nga, medyo na-‑distract kasi ako. Tulog ka pa yata. Uminom ka kaya muna ng kape sa canteen. Nagtawanan lahat ng mga kasamahan ng dalaga. Napahiya siya kaya nang inulit ng direktor ang instruction para sa kanya na pinakinggan na niyang mabuti. Maliban sa paminsan-‑minsang matitipid na ngiti at tango sa kanya, wala nang iba pang espesyal na trato ni Dave sa kanya. Hindi niya maunawaan ang personal nilang relasyon. Iyon ay kung mayroon nga silang relasyon. Matapos nitong ipagtapat na mahal siya nito at pagkatapos ay niyayang pakasal kaagad, pupuwede pa ba niyang kalimutan iyon? Ginawa nilang lahat ang mga napag-‑usapan at napagkasunduang mga pagbabago. Actual at final taping na. Sa pagkakataon na iyon, parang nag-‑ pay off na ang mga paghihirap nila sa nakaraang mga araw. Wala nang nagkakamali, mula sa actress-‑singer, dancers, hanggang sa crew. Tanghalian nang matapos ang taping sa beach. Ipinatawag ulit ni Dave sina Paula at Andy sa control booth upang doon mismo ay ipakita sa kanila ang resulta ng natapos na taping. Eksakto ang ginawa nating pagbabago. Good work, Guys! anito. Masaya si Paula. Sa kauna-‑unahang pagkakataon ay napuri nito ang trabaho niya. Thats it! Chowtime. Salamat sa inyong dalawa, Paula, Andy. Ngayon ay satisfied na ako,” saad nito. Tumango lamang ang dalawang pinasalamatan at pasunod na ang mga ito sa mga kasamahang nagsialis nang tawagin siya ni Dave pabalik. “Puwede bang mag-‑usap muna tayo? pakiusap nito. Page 24 5 of 335 Walang kibong pumasok ulit siya sa loob ng van. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at hinalikan ang mga iyon. Alam mo bang hindi mo ako pinatulog kagabi? malamyos na pahayag nito, puno ng paglalambing. Wala siyang maisagot. Sa set lang ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya pero heto ngayon at ubod naman ito ng lambing. “May balak ba kayong puntahan o gawin ng grupo mamaya pagkatapos ng taping?” tanong nito. “Wala pa.” “Sumama ka sa akin; mag-‑overnight tayo doon sa islang pinuntahan ninyo. Overnight? Oo. Bakit parang nagulat ka? Girlfriend kita, at natural lang na gusto kong makasama ka. Girlfriend mo ako? Napakunot-‑noo ito. Hindi pa ba? Kuwan kasi, ang akala koy. . Kanina sa set, parang hindi, parang walang nagbago. Napangiti ito. Ine-‑expect mo bang magbago ang trato ko sa iyo sa trabaho dahil girlfriend na kita?” “Hindi naman, okay lang sa akin. Mas gusto ko nga iyon para walang lumabas na usap-‑usapan. Anong usap-‑usapan? Na may favoritism ka. Favorite naman kita talaga. Oo nga, paboritong kagalitan. Dahil sa lahat, ikaw ang pinakamahusay kaya nga inilagay kita sa camera two, dahil you always give me the best shots. Napangiwi siya. Totoo ba iyon? Marahan siya nitong hinatak at kinalong. Ito ang tandaan mo, wala akong sinasabing hindi totoo at hindi ako sigurado.” Yumakap siya rito; labis-‑labis ang kanyang kaligayahan. Muli, hinagkan siya ng katipan nang buong lamyos at tamis. I-‑pack up ko na lang kaya ang taping sa buong araw na ito at pumunta na tayo sa isla? anito. Natawa siya. Hindi puwede. May time frame ka, remember? Who cares about that? As long as I am with you, to hell with the special! Ako, I care. Ayokong masira ang reputasyon mo nang dahil lang sa akin. Mas hindi mo naman siguro magugustuhang masira ang ulo ko nang dahil sa iyo.” Natawa ulit si Paula at saka na tumayo. “Halika na nga, lumabas na tayo dito at baka pareho na tayong masiraan ng ulo sa gutom,” pahatak na aya niya rito.

 

Chapter Eight 

NAG-‑UMPISA NA MULI ANG TAPING, at sa pagkakataong iyon, sa lumang bahay gaganapin at ilan lamang sa huling numbers ang gagawin, pagkatapos ay lilipat na sila sa bahay ng mayor. Naging maganda ang disposisyon ni Paula matapos nilang mag-‑usap ni Dave. Nabubulyawan man siya ng katipan ay hindi na sumasama ang kanyang loob, dahil alam na niya at nauunawaan kung bakit malaki ang expectation nito sa kanya. Subalit kahit papaano, napansin niyang may bahagyang pag-‑iiba na rin sa pakikitungo nito sa kanya sa trabaho. Camera Two, anong ginagawa mo? Sundan mo si Amor! sigaw nito mula sa headset. Thats it, Two, good job! I knew you could do that, biglang bawi nito. Napangiti si Paula, pangatlong puri na iyon ni Dave sa nagawa niya. Paula, nadinig niyang tawag nito mula sa headset, natatandaan mo yung ginagawa mo sa opening number? Close-‑up frame kay Amor. Yes, Direk, sagot niya. Gawin mo iyon when I tell you. Do it right or Ill strangle you with my bare hands, bilin nito. Yes, Direk. Full concentration siya. Hold the frame, Camera Two, and. . now! utos nito. Nag-‑umpisa itong mag-‑count down na sinasabayan ng floor director at sa wakas, stop tape! Good job, Gang! Perfect shot, Camera Two. Twenty minutes break! saad nito. Masaya na ang lahat, lalung-‑lalo na si Paula kaya abot-‑tainga ang ngiti niya nang magkasama-‑sama sila ng grupo. Perfect shot, Camera Two! paggaya ni Andy sa sinabi ni Dave, halatang tinutukso siya. Natawa siya, pati ang iba pang mga kagrupo. Dumating si Dave at inakbayan siya. Direk, kumusta ang tiyan mo? biro ni Ronnie rito. Biglang natahimik sina Joe, Charlie at Andy. Pare-‑ parehong kinabahan sa pagpapaalala ni Ronnie sa nangyari sa isla. Okay na, natatawang sagot ng direktor, sabay abot sa kamay ni Paula. Pero pag-‑ingatan ninyo ang kamay na ito, masakit sumuntok. Natawa ang lahat, pati na rin ang tatlong lalaking biglang natahimik. Sa birong iyon ni Dave, nakita nilang bale-‑wala na rito ang insidente at hindi na kailangan pang magtanong kung ano ang naging resulta noon dahil nakikita na nila sa mga kilos nito at ngiti ng dalaga. Kape! Kape! sigaw ni Charlie. Magkape muna tayo. Nagtakbuhan ang kalalakihan sa tent na itinayo para sa merienda at kape. Susunod sana siya nang pinigilan ni Dave. Dito ka na lang, missed na kita. Natawa siya. Ang corny mo, ha! Pero alam mo, missed na rin kita.” Natawa rin ito at hinatak siyang paupo sa tabi nito. “Ano sa palagay mo, isipin kaya nilang paborito kita?” “Hayaan mo sila. Totoo naman, eh,” biro niya. “Kailangan pa ba nating sabihin sa kanila na tayo na?” “Hindi na kailangan, alam na nila iyon. Masyado ka kasing pa-‑obvious. How cozy! Ang direktor at kanyang camera person. May na-‑miss ba akong eksena? nanunuyang bungad ni Amor. Ibinaling ni Paula ang tingin sa malayo, pinilit na huwag sagutin ang panunuya ng babae. Ayoko nang mag-‑taping sa araw na ito, Dave, walang kaabug-‑abog na pahayag ni Amor. Ano? Bakit? bulalas ng lalaki. Pagod na ako, katuwiran nito at sinabayan na ng alis. Nagkatinginan sina Dave at Paula; nakaunawa naman siya. Sige, sundan mo na siya. Baka sinusumpong lang, aniya. Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago umalis at sinundan si Amor para makipagliwanagan. Noon naman nagsibalik ang mga kasamahan. Anong nangyari? tanong ni Joe. Sinumpong ang actress-‑singer natin; ayaw nang mag-‑taping ngayong araw na ito. Pagod na raw siya,” sagot niya. “Patay na! Nagmamadali pa naman tayo ngayon,” ani Andy. “Kuu! Ang sabihin ninyo, nagseselos lang iyon kay Paula,” sabad ni Charlie. “Oo nga, natalo mo kasi ang beauty niya, Paula. Patay na patay pa naman siya kay Direk,” sabi pa ng isa sa mga kasamahan nila. Napangiti lang siya at hindi na kumibo pa. Ilang minuto lang ang lumipas at hindi nila alam kung paano napaamo at nakumbinsi ni Dave ang actress-‑singer pero pumayag na rin itong ipagpatuloy ang taping sa bahay ng mayor. Nauunawaan ni Paula kung bakit sa sasakyan ni Charlie siya pinasakay ni Dave at hindi sa sasakyan nito papunta sa bahay ng mayor. Ayaw na rin niyang sumpungin pa si Amor na siyang isinakay ng lalaki sa sasakyan nito para sa katahimikan ng lahat. Pagdating sa location site, matapos maisaayos lahat-‑lahat ay handa nang mag-‑taping. Itinuon na ni Paula ang camera na nasa balikat niya, in-‑ adjust nang kaunti ang focus habang inalalayan ni Dave si Amor sa starting point. Ready, Paula?” pabaling na tanong ng direktor sa kanya. Tumango siya. “Ano’ng ginagawa niya dito?” galit na tanong ni Amor. “Siya ang nag-‑o-‑operate ng camera, ano pa? kalmanteng sagot ni Dave. Paano ako makakapag-‑project na sexy at seductive gaya ng gusto mo kung siya ang nakikita ko? pangangatuwiran ni Amor. Flirt with the lens and think of the male audience, suhestyon ng direktor. Pero mas lalo lamang nainis ang babae. Thats impossible! I want a man on that camera! pagde-‑ demand nito. Amor, please, don’t be unreasonable,” pakiusap nito. “Either she goes or I go. Mamili ka, Dave, isa lang ang piliin mo.” Natahimik ang buong paligid. Hindi lingid sa kanila na dalawa ang kahulugan ng sinabi ni Amor. Napakamot sa ulo si Dave, pagkuwa’y, “Okay, kung mas komportable kang lalaki ang nag-‑o-‑ operate sa camera, papalitan ko si Paula. Bumalik ang ngiti sa labi ni Amor, nanalo ito. Sweetheart, Im sorry. Ayokong maging sakit ng ulo mo pero nauunawaan mo naman ako, di ba? malambing na turan nito. Tumangu-‑tango lang ito at sinulyapan siya. Nanghihingi ito ng pang-‑unawa sa pamamagitan ng mga mata. At bilang pagsagot doon ay ibinaba niya ang camera na hawak. Ang mabuti pay mag-‑relax ka muna, sabi nito kay Amor. Ilang minuto din naman ang pagpapalit-‑palit ng equipment. Matapos mahubad lahat ng mga nakakabit sa katawan niyang mga gamit at naibigay iyon kay Charlie, pasimpleng lumayo si Paula sa location site. Masakit man sa ego at pride ang naging desisyon ni Dave, nauunawaan niya ito. Sa isang parte ng bakuran na walang katau-‑tao, sa lilim ng isang malaking puno, doon siya nagpasyang magpalipas ng oras. Alam mo, maganda ka pero wala kang laban kay Amor pagdating kay Dave. Narinig niya ang tinig ng dakilang alalay ni Amor na sinundan pala siya. Hindi ako nakikipagkompetensya sa idolo mo, sagot niya. The mere fact na pumayag kang makipagrelasyon kay Dave ay nangangahulugan ng ganoon. Tapos na ang relasyon nina Dave at Amor. Iyon ba ang sinabi sa iyo ni Dave? Paano kung sabihin ko sa iyong buntis si Amor ngayon at si Dave ang ama?” “At sa akala mo ba’y maniniwala ako sa iyo?” “Ikaw ang bahala,” sabi ng alalay at ibinigay sa kanya ang hawak na tabloid. “Basahin mo ang blind item. Ang sabi nga nila, walang usok kung walang apoy.” Pagkaalis ng alalay, binuksan ni Paula ang tabloid at binasa ang article na may bilog. Mula iyon sa isang inside source na kaagad niyang nahulaan kung sino. Confirmed na positive ang resulta ng frog test ng sikat at ubod na sexy na actress-‑ singer, na alam na rin niya kung sino. Buntis ito at ang ama ay isang dating batikan at mahusay na binatang director-‑turned-‑producer, na ngayon ay nasa Batangas at magkasamang gumagawa ng special na produced na ay idini-‑direct pa ng nasabing ama ng ipinagbubuntis ng actress-‑ singer. Nilamukos niya ang tabloid, hindi pa rin siya makapaniwala ngunit naapektuhan siya sa anumang kahihinatnan ng blind item, lalo na ang idudulot na resulta niyon kay Dave. Isang ibon ang lumipad mula sa isang sanga ng puno ang umabala sa pag-‑iisip ni Paula. Tumayo siya at pinagpag ang mga damong kumapit sa pantalon, at doon nakita ang papalapit na katipan. “Tapos na kayo?” tanong niya. “Oo,” sagot nito na parang nakikiramdam sa mood ng kasintahan. “Maganda dito sa napili mong lugar; tahimik.” Tumango siya. “Hinihintay na siguro ako ni Charlie.” “Nagliligpit pa sila ng gamit. Sinabi kong pupuntahan kita dito at magkita na lang kayo sa sasakyan niya.” “Tutulong ako sa kanila.” “Paula, I’m sorry, nawalan ako ng choice.” “Nauunawaan ko, Dave, huwag kang mag-‑alala. Ego ko lang ang nasaktan pero hindi ang damdamin ko. Lumapit ito at niyakap siya. I love you, Paula. I wouldnt do anything to intentionally hurt you. Alam kot naniniwala ako. Hinalikan muna siya nito nang marahan sa labi, saka binitiwan. Pagdating mo sa lodging house, magbihis kat pupunta tayo sa rancho, anito. Ang akala ko ba sa isla tayo pupunta? Doon tayo magha-‑honeymoon kapag pumayag ka nang pakasal sa akin. Sa ngayon, gusto kong makasama mo ang mamat mga kapatid ko. Natigilan siya, naalala ang pagmamadaling pakasal nito pero inalis niya kaagad sa isip ang pagdududa. “Bakit? Ayaw mo bang makasama ang pamilya ko?” tanong nito. “Aba, hindi! Mas gusto nga iyon.” “Ang ibig mong sabihin, ayaw mo akong makasamang mag-‑isa? biro nito. Natawa siya. Wala na akong naisagot na tama sa iyo. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin ko? Natawa rin ito. Sabihin mong mahal mo ako. Mahal na mahal kita. For better or for worse, mamahalin kita. Muli siya nitong niyakap at hinagkan bago niyaya nang pumunta sa sasakyan ni Charlie. Paalis na sila nang mapansin nito ang nilamukos niyang tabloid. “O, teka, baka makagalitan tayo ni Mayor at sabihing nagkalat tayo sa bakuran niya,” anito, sabay dampot sa tabloid. Gusto niyang halbutin ang diyaryo ngunit huli na dahil napansin na at nakita ni Dave ang nakabilog na article. Binasa nito iyon at saka napakunot-‑noo. Nabasa mo ba ito? tanong nito, sabay tingin sa kanya. What a stupid question! Of course, nabasa mo. Pero hindi ako naniniwala; alam ko namang tsismis lang iyan.” “Tena,” aya nito. “Saan tayo pupunta?” “Kay Amor.” “Bakit?” “Gusto kong sa harap mo mismo ay itanggi niya ang tsismis na ito.” “Hindi na kailangan, Dave. Naniniwala naman akong hindi totoo iyan. Gawa-‑gawa lang ng mga taong walang mabuting magawa. Mas mahalaga sa akin ang pagtitiwala mo, Paula. Hindi man matapos ang special na ito, wala akong pakialam. Maniwala ka, malaki ang tiwala ko sa iyo at sa pagmamahal mo sa akin. Nagsasabi ka ba ng katotohanan? Wala kang kahit katiting na pagdududa na kinikimkim?” Tumango siya. “Ikaw naman ang magtiwala sa akin.” Nagbuntunghininga ito at inakbayan siya. “Ito talagang mga taong ito, walang pakialam kahit na makasakit sila.” “Huwag mo nang pansinin iyan; lalabas din ang katotohanan,” udyok niya. “Mabuti na lang at maunawain na’y malawak pa ang pag-‑iisip ng mahal ko, nakangiting sabi nito. Si Paula Talisay? Oo naman, kaya mo nga minahal iyon, di ba? natatawa saad niya. Hindi lang iyon. Para sa akin, siya na ang pinaka-‑sexy na babae sa buong mundo. Lalo na kapag natutulog.” Natawa siya, naalala ang gabing minsang nadatnan siya nito na naka-‑shorts at sando lamang. Matapos siya nitong ihatid sa sasakyan ni Charlie na nandoon na at naghihintay, hinatid na lamang sila ng tanaw habang papaalis sila. Anong nangyayari dito? tanong ni Charlie nang pagdating nila sa lodging house ay nakitang puno ng sasakyan at reporters ang buong paligid.

 

Chapter Nine 

NAKAPAGBIHIS AT NAKAPAG-‑AYOS NA si Paula ay wala pa rin sina Dave at Amor. Panay ang silip niya sa bintana kung saan niya nakikita ang reporters na nagsisipaghintay rin. Biglang pumasok sina Ronnie, Andy, at Charlie. Iniwan niyang bukas ang pintuan para sa pagdating ni Dave. “Ginulat naman ninyo ako. Ano’ng ginagawa ninyo dito?” tanong niya sa mga lalaki. “Alam mo ba kung bakit bigla tayong dinagsa ng reporters?” tanong ni Ronnie. Tumango siya, nagpasyang maging matapat sa mga kasamahan. “Alam mo ang tungkol sa blind item? Buntis si Amor de Villa?” tanong ni Andy. “Oo, nabasa ko sa tabloid kanina habang hinihintay kong matapos ang taping,” sagot niya. “Totoo ba iyon? Si Dave ba talaga ang ama?” pagsingit ni Charlie. “Hindi! Tsismis lang iyon. Baka gimmick lang dahil sa special na ito,” tugon niya. “Sino ang may idea noon, si Dave?” tanong ulit ni Ronnie. “Mas lalong hindi. Kilala natin si Dave, hindi siya gagawa ng ganoon,” pagtatanggol ni Andy sa kanilang director-‑producer. Hindi pa ba sila dumarating? Wala pa ba sa inyong nakakakita sa kanila? tanong niya. Halos sabay-‑sabay na nagsiiling at sumagot ang tatlong lalaki. Sabay-‑sabay rin silang sumilip sa bintana. Mayamaya ay humahangos na dumating si Joe. Paula, si Dave, pahayag nito, sabay abot ng cellular phone sa kanya. Dave? Nasaan kayo? tanong niya kaagad sa katipan. Nandito kami sa rancho. Ito lang ang pinaka-‑safe na lugar dahil walang nakakaalam nito na kahit isang reporter. Alam ninyo ang nangyayari dito? Hindi lang diyan, Paula. Sa bahay man ni Mayor, biglang nagdatingan ang reporters pagkaalis ninyo. Paano kayo nakaalis doon?” “Sa malaking tulong ni Mayor. Paula, kailangan kitang makausap.” “Oo. Sige, magsalita ka’t nakikinig ako.” “Hindi over the phone, ipapasundo kita diyan sa isa sa mga tauhan ko dito sa rancho.” “Sige, maghihintay ako.” “Paula, tandaan mong mahal kita, ikaw lamang.” Gusto niyang maiyak; nag-‑aalala siya para sa katipan pero nilakasan niya ang loob. Alam ko at mahal na mahal din kita. Nasa iyo ang pagtitiwala ko nang buong-‑buo. Narinig na lamang niyang nawala na sa linya si Dave. HINDI NAGTAGAL ay dumating ang sundo ni Paula. Pagdating nila sa rancho, sinalubong sila ni Dave na noon ay naghihintay na sa terasa ng malaking bahay. “Gusto muna kitang makausap bago tayo pumasok sa bahay,” saad nito. Tumango siya. Inakbayan siya nito at lumakad sila palayo sa bahay. Malawak ang paligid ng rancho. Maganda at malamig pagmasdan pero hindi niya iyon pansin dahil nakatuon ang lahat ng pag-‑iisip niya sa mga nangyayari. Nasaan si Amor? tanong niya. Nasa loob ng bahay. Hindi ko alam kung maiinis ako o maawa sa kanya.” “Bakit?’ Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. “First of all, gusto kong malaman mo na totoong nagkarelasyon kaming dalawa ni Amor pero we never went far from the usual necking and petting.” “At matagal nang natapos iyon, right?” Tumango ito. “But the press just wouldn’t let the issue go. Totoong buntis si Amor. Inamin niya sa akin iyon ngayon.” “Ha? Sino’ng ama?” “Hindi ako, sigurado ako doon. Pero ’yung mayabang niyang alalay, ’yun ang may kasalanan ng lahat ng gulong ito.” “Siya ang sinasabi sa blind item na inside source?” “Oo. Ang akala pala niya ay tuloy pa ang relasyon namin ni Amor dahil maganda ang pakikisama ko sa idolo niya.” “Ano ngayon ang gagawin nila?” “Ano pa, di haharap sa press at aaminin kung sino talaga ang tunay na ama ng bata.” “Gagawin iyon ni Amor?” “Alam kong she’s not your favorite person, pero kahit kaunti nama’y may magandang trait din ’yung tao.” “Well, inaamin ko, maliban sa talent at physical asset niya, wala na akong hinahangaan pa sa kanya.” “She’s just a very misunderstood and confused woman. Hindi na niya alam kung ano ang totoo at pantasya sa buhay niya.” “Kunsabagay, nakakaawa din siya kung tutuusin. Tao din siyang nagkakamali.” Muli, inakbayan siya ni Dave at nag-‑umpisang maglakad. May isa pa akong gustong sabihin sa iyo. Isang public knowledge na pero gusto kong sabihin pa rin sa iyo. Tungkol saan? Tungkol sa amin ni Charito. Yung girlfriend ko na sumamang magtanan sa ibang lalaki. Napahinto siya sa paglalakad. Dave, hindi na kailangan; kilala ko siya.” “Mula sa mga kuwentu-‑kuwento siguro. Siya ang unang babae maliban sa mama kot mga kapatid ang pinagbuhusan ko ng labis na pagmamahal. Dave—” Patapusin mo muna ako, please. I want everything in the open. Siya ang una kong naging karanasan at siya din ang una kong inalok ng kasal. Alam nang lahat iyon ni Paula, at gusto niya itong pigilan sa pagsasalita pero hindi pa rin ito nagpapigil. Nang iwan niya ako noon, nagalit ako. Sukdulang isinumpa ko pati buong angkan niya. Napakasakit at malalim ang sugat na iniwan niya sa puso ko.” “Dave—” pagsingit niya pero hindi pa rin nagawa. “Ikaw, Paula, ikaw ang bumuhay ulit at nagbigay kulay sa aking mundo. Inuulit ko, will you marry me this year?” “Dave, hindi mo pa ako lubusang kilala. Marami ka pang dapat malaman tungkol sa akin.” Ngumiti ito nang ubod-‑tamis. Ang akala mo bay nakukuha lamang sa isang upuan ang pagkilala sa isang tao? It takes a lifetime, Paula. Alam ko pero—” Nung una kitang nakilala, nung engkuwentro natin, hindi ko na nilubayan ang pagsubaybay sa iyo. Lahat ng project na nandoon ka, taping at shooting, nandoon ako nang hindi mo alam.” “Bakit?” “N’ung una, ang akala ko’y dahil talagang humahanga lang ako sa iyo professionally. Ang alam ko kasi’y mahal ko pa si Charito at siya lang ang kaya kong mahalin.” “Si Amor?” “Sinubukan ko, maganda siya at kaakit-‑akit pero hindi siya ang isinisigaw ng puso ko. Sino, si Charito pa rin? Napangiti ito. Nung unang gabi pagkagaling ko sa kuwarto mo, noon ko natiyak. Pinagpunit-‑ punit ko na ang larawan ni Charito na kay tagal ko ding iningatan.” Naalala niya ang gabing iyon at ang pira-‑pirasong litrato na nakita niya kinabukasan sa hagdang bato. Dave, mayroon akong ipagtatapat sa iyo—” Naantala ang sasabihin niya nang madinig ang malakas na tunog ng beeper nito. Si Joe, nagpapatawag sa lodging house; may emergency daw na message para sa iyo, balita nito pagkabasa sa nag-‑scroll na message. Kaagad na kinabahan si Paula. Pumasok sila ng bahay ni Dave upang tumawag sa lodging house. Putlang-‑putla siya matapos maipagbigay-‑alam ni Joe ang mensahe. Paula, bakit? Anong nangyari? nag-‑aalalang tanong ng kasintahan. Ang inay ko.. inatake sa puso.. . Iniwan na niya kami, parang nakatulalang sagot niya. Kinabig siya ng nobyo at niyakap. Saka lamang siya natauhan at noon na-‑realize ang malungkot na balitang natanggap. Umiyak siya. Hinayaan ni Dave na maibuhos niyang lahat ang sakit at paghihinagpis ng kalooban, saka lamang siya binitiwan. Noon din ay tinahak nila ang daan pabalik ng Maynila. “DAVE, may gusto akong ipagtapat sa iyo,” simula ni Paula habang papasok na sila ng boundary ng Makati. Iyon na ang tamang pagkakataon para ipagtapat niyang lahat-‑lahat sa katipan ang mga lihim niya. Inakbayan siya nito, kinabig at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Saka na, magpahinga ka na lang muna. Ngayon ka pa lang nakaka-‑recover sa shock. Kumawala siya sa bisig nito. Pero gusto kong malaman mo bago tayo dumating sa bahay namin ang tungkol kay EJ. Sinong EJ? Anak. . mo. Napatingin si Dave sa kanya. “Anong anak ko?” Dumeretso siya sa pagkakaupo. “Nang iwan ka noon ni Charito at nakipagtanan kay Wilbert, hindi niya alam na dala na niya sa sinapupunan niya si EJ.” Bigla nitong kinabig ang manibela at inihinto ang sasakyan sa tabi ng daan. “Paano.. ? Nahihibang ka ba, Paula? Alam mo ba ang mga sinasabi mo?” “Pinsan kong buo si Charito, Dave,” pagtatapat niya. “Matalik din kaming magkaibigan kaya alam kong lahat-‑lahat ang tungkol sa inyo. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at kawalan ng paniniwala. Dinukot niya sa bulsa ang wallet at ipinakita rito ang litrato kung saan magkasama sila ni Charito. “Hindi,” iling nito. “Nakilala kong lahat ang kamag-‑anak ni Charito. Nakilala mong lahat ang mga nandito sa Maynila pero hindi kaming nasa probinsya pa noon. Hinimas nito ang ulo, nalilito. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin na nagbunga ang aming pagmamahalan? Paano, Dave? Galit na galit ka sa kanya, maniniwala ka pa ba matapos niyang sumama sa ibang lalaki? Oo! God, Paula! Minahal ko siya, ilang ulit man niya siguro akong saktan, mamahalin ko pa rin ang lahat-‑lahat sa kanya. Gusto niyang manibugho pero hindi niya magawa. Lalo lamang lumalim at lumaki ang paghanga at pagmamahal niya rito dahil napatunayan niya kung gaano ito katindi magmahal. Lumuwas ako ng Maynila pagkamatay ni Charito, pagpapatuloy na paliwanag niya. Tanggapin mo man o hindi, karapatan mo pa ring malaman na anak mo si EJ. Pero wala ka na noon; nasa ibang bansa ka na pati buong pamilya mo. Pero nang magbalik ako, n’ung engkuwentro natin n’ung isang taon?” “Nawalan na ako ng lakas ng loob. Napamahal na sa akin nang lubos si EJ. Ako na ang kinikilala niyang ina, at nag-‑alala akong baka kunin mo siya sa akin. Buong lakas na hinampas ni Dave ang manibela sa galit na hindi mailabas nang lubos. Dave, patawarin mo ako. Hindi ko intensyon na saktan ka. Pareho kayo ni Charito. Makasarili kayo, tiim-‑ bagang nitong sabi. Dave.. . Nasaan ang anak ko? Nasa bahay; daratnan natin siya doon pagdating natin.” Walang kibong binuhay nitong muli ang makina ng sasakyan at pinaandar. Maliban sa pagtanong ng direksyon ay hindi na siya nito kinausap pa. Pagdating nila sa bahay nina Paula, isang tatlong taong gulang na batang lalaki ang sumalubong sa dalaga. “Mommy! Mommy!” Kinarga niya si EJ, samantalang nakatingin lamang sa kanila si Dave na magkakahalong emosyon ang nadarama nang mga sandaling iyon. Maraming tao, mga kapitbahay at mga kamag-‑ anak na nakilala na minsan at natatandaan pa ni Dave ang nasa bahay. Nandoon din ang mga magulang ni Charito. Sa gitna ng bahay ay naroroon ang kabaong ng labi ng ina ni Paula. Saglit na nakalimutan ng dalaga ang galit ni Dave at dahan-‑dahang ibinaba ang anak-‑anakan na kinuha naman ng lalaki. Lumapit siya sa labi ng ina at umiyak. Umiyak din si EJ na sa murang edad ay nadarama ang kalungkutan ng kinikilalang ina. Biglang tumigil sa paghagulhol si Paula nang marinig ang anak-‑anakan. Tulad ng damdamin at concern ng isang tunay na ina ay pilit niyang inilalayo sa takot o sakit ng kalooban ang bata. Kinuha niya si EJ mula kay Dave, niyakap habang karga-‑karga. Shh.. . Tama na, Anak. Okay na si Mommy, huwag ka nang umiyak, pag-‑aalo niya habang tahimik ang pagtulo ng mga luha. Habang pinagmamasdan sila ni Dave, hindi pa rin malaman nito ang dapat gawin. Tumalikod na lamang ito at iniwan ang mag-‑ina. Naupo ito sa isang upuan na kahoy na nasa labas at doon nag-‑ isip. Marami na siyang pinagdaanan na pagsubok sa buhay, sa loob-‑loob ni Dave, at ang akala niya, wala nang bibigat o hihigit pa roon nang iwan siya ni Charito. Halos masiraan siya ng bait, ng tiwala sa sarili at kung ilang beses na rin niyang inisip kitlin ang sariling buhay. Pero ngayon, nang makita niya si EJ, kamukhang-‑ kamukha niya ito. Hindi maipagkakailang mag-‑ ama sila pero sa tingin ng batang maliit, isa lamang siyang estranghero. Mayroon pa bang sasakit sa katotohanang pinagkaitan siya at pinagnakawan ng karapatan na maging ama? At ang babae pang binigyan ng karapatang magbukas muli ng puso niya para magmahal ay siya pang gumawa ng pagnanakaw na iyon. Lumipas ang ilang sandali, lumabas si Paula dala ang isang puswelo ng kape at ibinigay kay Dave. Naupo siya sa tabi nito. “Natutulog na si EJ, puwede mo siyang puntahan sa kuwarto kung gusto mo,” aniya. “Binibigyan mo ba ako ng pahintulot o karapatan?” malungkot na sabi nito, puno ng hinanakit ang tinig. Hindi siya nakasagot. Tumayo na ito. “Babalik na ako sa Batangas,” anito. Tumango siya, walang lakas ng loob na pigilan ito. “Patawad, Dave.” Hindi ito kumibo. Lumakad na ito palayo ngunit muling bumaling. “Patawarin mo rin ako, Paula,” anito at tuluyan nang umalis. Napaiyak na lamang siya. Maraming kahulugan ang huling sinabi nito pero natitiyak niyang dalawa sa mga kahulugan niyon ang nagpapahiwatig na tapos na sa kanila ang lahat, at kukunin na nito si EJ at ilalayo sa kanya.

 

Chapter Ten 

HULING GABI NG BUROL. Nagsidating ang mga kasamahan sa trabaho ni Paula mula sa Batangas. Tapos na ang taping ng special. Noon niyang minarapat na magtapat na rin sa mga kaibigan. “Kaya pala nagtataka kami, sa loob ng dalawang taon nating magkakasama, ni minsan ay hindi mo kami inaya dito sa inyo,” ani Ronnie. “Patawarin ninyo ako. Ayokong maglihim pero kailangan para maprotektahan ko ang tunay na pagkatao ni EJ,” sabi niya. “Nauunawaan ka namin, Paula,” sabi ni Andy. “Nakapag-‑usap na ba kayong muli ni Dave? tanong ni Charlie. Umiling siya. Hindi na nagbalik si Dave o nagtangkang makipag-‑communicate man lang sa kanya magmula nang ihatid siya nito at makita ang anak. Paula, tatagan mo pa ang kalooban mo. Alam mong hindi pa ito ang huling mabigat na pagsubok sa buhay mo,” alo ni Joe. Tumango siya. “Magsisinungaling ako sa inyo kung sasabihin kong I’ve heard the last of Dave Razon. Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan ko na ang muli naming pagtatagpo.” “Paula, siya ang tunay na ama ni EJ,” pagpapaalala ni Andy. “Alam ko pero ako na rin ang tumayong ina ni EJ magmula nang isilang siya.” “Lalaban ka ba sakaling gumawa ng legal action si Dave?” tanong ni Ronnie. “Karapatan niya iyon bilang ama ni EJ pero karapatan ko ding lumaban, di ba?” Inakbayan siya ni Joe. “Hindi sa pinapahina ko ang loob mo pero kailangan mong idilat sa katotohanan ang mga mata at isip mo.” “Mahirap, Joe. Hindi ko basta-‑basta matatanggap na wala na akong magagawa, lumuluhang sabi niya. Alalahanin mo din sana na hindi ninyo binigyan ni Charito si Dave ng patas na laban. Basta na lang ninyo inilihim sa kanya ang existence ng kanyang anak, pagpapaalala ni Joe. Alam ng Diyos na sinubukan ko nung una. Labag man iyon sa kalooban ni Charito pero talagang sinubukan kong maging patas kay Dave.” “Na kinalimutan mo na paglipas ng mga panahon dahil napamahal na sa iyo nang lubos si EJ,” katuwiran pa nito. “Tama si Joe, Paula,” sabad ni Charlie. “Hindi sa inaalisan ka namin ng pag-‑asa. Ang sinasabi lang namiy matanggap mo sana nang maluwag sa kalooban mo ang anumang kahihinatnan ng lahat ng ito. Oo nga, Paula. Si Andy ang sumingit sa usapan. Nandito kaming lahat para suportahan ka. Pare-‑pareho tayong manalangin na palambutin sana ng Diyos ang puso ni Dave at huwag ilayo sa iyo si EJ,” pakli ni Ronnie. ARAW NG LIBING NG INA NI PAULA, nagpakita si Dave sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkahapo at ilang gabi na hindi pagtulog. Naghahanda na ang lahat sa pag-‑alis. Kinuha ni Paula si EJ na karga ng lolo at nilapitan si Dave. EJ, siya ang daddy mo, bulong niya sa batang karga at ibinigay sa ama nito. Bahala ka na sa kanya, Dave. Tumalikod na siya at lumakad papunta sa tabi ng ama. At habang naglalakad sila nang dahan-‑ dahan kasunod ng karo, hindi malaman ng dalaga kung ano ang mas higit na masakit—ang pagkawala ng ina o ang pagkawala ng anak-‑ anakan na ipinaubaya na niya sa tunay na ama nito. Huwag mong masyadong ikalungkot ang pag-‑ alis ng inay at anak mo, Paula. Lahat ay may tamang panahon, at panahon na para magparaya kat bumitaw, mahinahon ngunit puno ng pagmamahal na saad ng ama niya. Yumakap siya rito habang patuloy sila sa paglalakad. Oo, Itay. Tatanggapin ko ang lahat ng ito nang bukal sa puso ko, dahil mahal na mahal ko silat hangad ko ang kanilang katahimikan at kaligayahan.” Niyakap din nito ang kaisa-‑isang anak at tinapik-‑ tapik. Alam nitong matatagalan bago maghilom ang sugat sa puso nila pero sa paglipas at paulit-‑ ulit na pagsikat ng araw, magigising na lang sila isang umaga na hindi na ganoon kasidhi ang sakit. Matapos ang libing, nagsiuwi nang lahat ang nakiramay; hindi inaasahan ni Paula na nandoon pa pala si Dave. Nakatayo ito sa lilim ng malaking puno at naghihintay. Lumapit siya rito. Tulog na tulog si EJ sa kotse. Palubog na ang araw; hindi pa ba kayo uuwi ng itay mo?” tanong nito. “Gustong siguruhin ni Itay na nasa ayos ang lahat bago kami umalis,” sagot niya. “Sige, hintayin na lang natin siya dito.” “Dave, hindi mo na kailangan pang maghintay. Pupuwede na kayong umuwi ni EJ,” aniya, saglit na tumahimik upang kumuha ng sapat na lakas ng loob. “Umuwi na kayo sa bahay ninyo,” dugtong niya. “Iyan na nga rin ang naisip kong ipinahiwatig mo kanina nang ibinigay mo sa akin si EJ.” “Tama ka, Dave, naging makasarili ako. Patawarin mo ako.” “Noon sa Batangas, kailan mo binalak o binalak mo bang ipagtapat sa akin ang tungkol kay EJ?” Buong katapatang umiling siya. “Hindi ko inaasahang muli akong iibig sa iyo.” “Kailan mo ako unang minahal?” “Habang nasa amin si Charito, n’ung buntis pa lamang siya’y panay na ang kuwento niya tungkol sa iyo. Noon pa lamang ay hinangaan na kita.” “Kahit hindi mo pa ako nakikita at nakikilala nang personal?” Napapahiyang tumango siya. “Patawarin ako ni Charito pero nainis ako sa kanya noon. Sa mga kuwento niya’y nadama ko kung gaano mo siya minahal pero nagawa ka pa rin niyang saktan.” “Sinunod lang niya ang tunay na damdamin niya.” “Oo, at nagkamali siya. Nang makita kita at makilala, hindi mo pa man ako nakikilala noon, minahal na kita nang lihim.” “N’ung inaya kitang pakasal, bakit mo tinanggihan ang alok ko?” “Dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo na pinsan ako ng babaeng halos isumpa mo, kasama ang buong angkan niya.” “At si EJ?” “Oo, pati si EJ. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin na nagawa kong ipagkait sa iyo ang anak mo.” “Samakatuwid, panahon lamang ang hinihintay mo para magtapat ka sa akin?” “Pagkakataon na lang, Dave. Sinubukan ko n’ung hingan mo ako ng dahilan kung bakit ayoko pang pakasal sa iyo.” “Pero dahil sa akala kong nag-‑iisip ka lamang ng alibi, umalis na ako. Napayuko siya at tumango. Nung nasa rancho ninyo tayo, ipinagtatapat mo ang tungkol sa inyo ni Charito, sinubukan ko din noon. Naaalala ko na panay ang pigil mo sa akin. Sinabi mo pa ngang kilala mo si Charito, di ba?” Sinalubong niya ang tingin nito. “Dave, tanging Diyos lamang ang makapagpapatunay kung gaano kita kamahal.” Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. “Ilang beses mo nang pinatunayan sa akin ang pagmamahal mo, Paula. Nagkulang lang ako ng pang-‑unawa. Niyakap niya ito nang mahigpit. Masaya na siya dahil naunawaan na rin sa wakas ni Dave na hindi niya ito kahit kailan ginustong saktan. Ngayon ay maluwag na talaga sa kanyang kalooban ang paghihiwalay nila, pati na ni EJ. Ngayon ay talagang hindi na tayo pupuwedeng pakasal,” anito. Bumitiw siya rito at ngumiti. “Hindi na nga pero pupuwede pa rin naman tayong maging mabuting magkaibigan, di ba?” Napakunot-‑noo ito. Ayaw mo pa ring pakasal sa akin? Bakit? Ano pa ang hadlang? May mga bagay pa ba akong hindi nalalaman? Magkakasunod ang tanong nito; nalilito siya. Teka! Anong. . Ikaw ang nagsabing hindi na tayo pakakasal. Oo, sa taon na ito dahil kailangan pa nating hintayin ang babang-‑luksa ng inay mo. Ha? Ang akala koy—” Hindi naituloy ni Paula ang sasabihin dahil kumakatok mula sa bintana ng kotse ni Dave si EJ. “Mommy! Daddy!” tawag ng bata. Binuksan kaagad ng lalaki ang pinto at kinarga ang anak. “Nadinig mo? Tayong dalawa ang tinatawag niya.” Niyakap nang mahigpit ni Paula si EJ, ngunit mas higit na mahigpit ang iginawad niyang yakap kay Dave. Kailangan pa bang sabihin na payag na siyang pakasal sa lalaking pinakamamahal? WAKAS

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url