I Will Always Love
Chapter One
NAGULAT SI LESLIE nang may bumagsak na libro sa paanan niya. May hinahanap siya noon sa mini-‐‑library ng silid niya kung saan iba’t ibang uri ng libro ang nakalagay. Maging ang mga aklat niya mula noong nag-‐‑umpisa pa lang siyang nag-‐‑aral ay buong ingat niyang itinago. Noong una ay hindi niya pinansin ang bagay na
bumagsak sa kanyang paanan. Nang makita ang librong hinahanap ay saka siya yumuko upang kunin at ibalik sana ang nahulog na aklat kung hindi lang niya nakita na parang may maliit na notebook na nakaipit sa malaking libro. Nang kunin niya iyon ay bahagya siyang natulala. Ang kanyang diary! Ang diary niya noong siya ay labinlimang taong gulang pa lang at mahilig pa sa ganoong mga bagay. Wala sa sariling binitiwan ni Leslie ang librong hawak at kinuha ang diary. Umupo siya sa ibabaw ng kama; saglit na nagtalo ang isip niya kung bubuksan ang diary at babasahin. Mayamaya, nanginginig ang mga kamay na binuklat-‐‑buklat niya ang ilang pahina niyon na manilaw-‐‑nilaw na sa katandaan. Taong 1985 noon. Dear Diary, Nagsimula ang lahat sa birthday party ng best friend kong si Aila. Doon ko unang nakita si Ariel. Unang kita ko pa lang sa kanya ay may nadama na akong kakaiba. . At kusang bumalik sa isip ng dalaga ang mga pangyayari, labing-‐‑isang taon na ang nakakaraan.. . “SINO BA ANG TINITIGAN MO, si Kuya o si Ariel?” tanong ni Aila na hindi namalayan ni Leslie na nasa likuran na pala niya. “You don’t need to answer that dahil I’m sure na hindi si Kuya ang pinagmamasdan mo kanina pa. Ang guwapo-‐‑guwapo ni Ariel, ’no? Just stay here at lalapitan ko lang sila.” Fifteenth birthday party noon ni Aila, best friend niya at ginanap ang kasayahan sa bakuran ng bahay ng mga ito. Matanda ito ng apat na buwan sa kanya subalit kung ugali ang pag-‐‑uusapan ay para siyang ate nito; panay ang saway at pagbibigay-‐‑payo niya rito dahil sa ugali ito, pananalita at pagdadamit. Masyado kasi itong modernang mag-‐‑ayos at mahilig sa maiiksing damit. Siya naman ay mahilig sa simpleng mga bagay. Palagi rin siyang nakakulong sa bahay nila kapag walang pasok samantalang si Aila na katulad ng tipikal na teen-‐‑ager ay mahilig maglakwatsa. Si Aila nga ang gumawa ng paraan para magkakilala kami ni Ariel. Pinilit niya itong pumasok sa bahay at ipinakilala kami sa isa’t isa. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nadama ko nang nagkaharap kaming dalawa. Lalo na nang magkamay kami. . “Leslie, I want you to meet Ariel, barkada ng kuya ko. Ariel, si Leslie Sarmiento, best friend ko,” pagpapakilala sa kanila ni Aila. “Hi!” bati sa kanya ng binata na nakangiti at in-‐‑ extend ang isang kamay. Kinakabahan na inabot niya iyon. “Hey, relax. I won’t eat you,” pagbibiro nito upang gumaan ang loob niya. Bahagya siyang ngumiti. “Pasensya ka na diyan sa best friend ko, Ariel. Talagang napakamahiyain,” ani Aila. Palihim niya itong pinandilatan. “Sige, maiwan ko na muna kayo sandali at ikukuha kita ng pagkain sa loob. Mag-‐‑usap muna kayo ni Leslie,” sabi nito. Nang wala na ang kaibigan ay saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng binata. Makalipas ang ilang minuto ay tumikhim ito. “Matagal na kayong magkaibigan ni Aila?” pagsisimula nito ng usapan. “S-‐‑since grade school pa.” “Ilang taon ka na?” “Fifteen.” “Ah, matanda pala ako ng anim na taon sa iyo. I’m twenty-‐‑one.” Noon naman ay bumalik na si Aila na may dalang pagkain. Iniabot nito iyon sa binata. “Sige, maiwan ko na ulit kayo’t titingnan ko lang ang iba ko pang mga bisita.” Hindi na niya ito napigilan. Pagtingin niya kay Ariel ay nakatitig ito sa kanya. Naiilang na nagbaba siya ng paningin. Nang biglang umihip ang hangin ay napuwing siya. “Bakit?” tanong nito nang makitang naluluha siya. “Napuwing ako, eh,” sagot niya. “Let me see,” sabi nito na iniangat ang mukha niya at hinipan ang kanyang mata. “Feeling better?” tanong nito. Maingat pa rin nitong hawak ang baba niya kaya magkaharap ang mga mukha nila na isang dangkal na lang ang layo sa isa’t isa. Tumango lang siya, hindi makapagsalita dahil sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Lalo siyang nagulat nang haplusin nito ang pisngi niya. “You’re very pretty,” pabulong na sabi nito pero malinaw at malakas niyang narinig. Pakiramdam niya ay nasa ulap siya nang mga sandaling iyon at gusto pa sana niyang magtagal sa posisyong iyon subalit ito na rin ang unang kumalas na parang natauhan. “Mabuti pa’y ubusin ko na itong pagkain. Kailangan ko nang umuwi dahil marami pa akong gagawin,” anito at sumubo. Mabilis at malalaki ang ginawa nitong pagsubo subalit lalo lamang itong naging cute sa paningin niya. “Baka naman mabulunan ka niyan,” biro niya. Napatingin ito sa kanya. At sabay silang nagkatawanan pagkatapos ay napayuko siya. Sinamantala naman iyon ni Ariel upang pagmasdan ang kabuuan niya. Naka-‐‑floral na bestida siya noon na kulay pink at simple lang ang pagkakatabas. Ang mahaba niyang buhok ay nakatirintas sa dalawa. Pagkatapos noon ay katakut-‐‑takot na tukso ang inabot ko kay Aila. For the first time kasi ay nagka-‐‑crush na ako, at sa isang matanda pa sa akin ng six years! Paano naman kasi ay talagang napakaguwapo ni Ariel. Siya ang tipo ng taong magiging matagumpay sa hinaharap; napakalakas ng personalidad niya sa kabila ng murang edad. At sa pakiramdam ko, hindi dito lang matatapos ang pagkikita namin. Ayaw kong dito lang matapos. Gusto ko pa siyang makilala nang lubusan. At alam ko na ang best friend kong si Aila ang tutulong sa akin. “MARAMI AKONG ALAM SA KANYA,” sabi ni Aila nang usisain ito ni Leslie. “Barkada kasi siya ng kuya ko. At tiyak, sa sasabihin ko sa iyo ay lalo kang magkaka-‐‑crush sa kanya.” “Talaga?” excited na tanong niya. “Ulilang lubos na si Ariel,” simula nitong kuwento. “Sabay na namatay sa plane crash ang mga magulang niya na parehong professor sa kolehiyo. He was only sixteen then at graduating sa high school. Only child siya, katulad mo; kaya nang mamatay ang mga magulang niya ay naiwan na lang siyang mag-‐‑isa. At kaya ngayon pa lang siya graduating sa college ay dahil pansamantala siyang huminto nang masawi ang parents niya. “Sa ngayon ay nakatira siya sa isang unit ng three-‐‑door apartment na siyang naiwan ng mga magulang niya; doon siya kumukuha ng income. Scholar siya sa university na pinapasukan niya. At sabi ng kuya ko, malamang raw ay siya ang maging summa cum laude sa pagtatapos niya. That means, hindi lang sa kaguwapuhan may ibubuga ang crush mo, pati na rin sa utak!” mahabang kuwento ni Aila. Sandaling hindi nakakibo si Leslie. Hindi niya alam na ganoon pala kahusay ang binata. Pakiramdam tuloy niya ay nadoble nang sampung beses ang paghanga niya rito. Pero naisip niya na hindi naman siya alangan dito kung sakali. Kahit hindi siya kasing-‐‑galing nito ay hindi naman siya nawawala sa honors’ list mula pa sa pagkabata. “Nagulat ka, ano? Ngayong nasabi ko na iyon, may iba naman akong sasabihin sa iyo.” “Ano?” “Sa mga katangian ni Ariel, siguro naman naisip mo na imposibleng ikaw lang ang magkagusto sa kanya. Ayon sa kuya ko, maraming babae sa university ang patay na patay sa kaibigan niya. At maging dito sa subdivision namin, maraming babae ang panay ang pa-‐‑charming sa kanya.” “Obvious naman iyon, eh. Kaya nga medyo nalulungkot ako. Siyempre, that means, malabo na mapansin niya ako dahil maraming mga dalaga diyan ang puwede niyang ligawan.” “At give up ka naman agad? Aba’y sayang lang ang beauty and brains mo kung wala kang self-‐‑ confidence. Ikaw nga ang nagsabi sa akin na sinabi niyang pretty ka, di ba?” “Oo nga. Kaya nga naisip ko na imposibleng magustuhan niya ako dahil imbis na beautiful ay iyon ang sinabi niya sa akin. That only means na nene pa talaga ang tingin niya sa akin.” “Because that’s the truth. Pero may magagawa pa naman tayo, eh. All you have to do is change your image. Magdamit at mag-‐‑ayos ka na parang sa isang dalagang-‐‑dalaga na para mapansin ka niya.” “Kailangan pa ba iyon?” “Siyempre! Para hindi maramdaman noong tao na cradle snatcher siya o D.O.M. kaya. Dahil sigurado ko na kung may isang bagay na ikinati-‐‑ turn off noon sa iyo ay ang age gap ninyo. Kaya dapat gumawa tayo ng paraan para hindi niya maisip iyon.” “Okay. Let’s presume na nagbago na ako ng image ko, paano kami magkakalapit at made-‐‑ develop sa isa’t isa eventually kung hindi kami madalas na magkikita? Mabuti sana kung magkapitbahay kami.” “Ano’ng problema doon? Kapitbahay ko siya kaya ako’ng bahala. Ako ang mag-‐‑iisip ng ideya kung paano kayo madalas na magkikita. At least, ito na ang chance ko para makabawi sa lahat ng pangongopya ko sa iyo. Kaya don’t worry, my best friend. Leave it to me at ako’ng bahala,” kindat nito. Gaya ng sinabi ni Aila, siya ang nag-‐‑isip at gumawa ng paraan para madalas kaming magkita ni Ariel. Nariyan iyong tuwing hapon ay tatambay kami sa basketball court sa kanila para panoorin ang kuya niya at si Ariel na madalas na maglaro. Nang lumaon ay nagpapaturo na kami kunwari kay Ariel kung paano mag-‐‑basketball kahit na pareho kaming walang hilig sa sport na iyon. Pero natutuwa ako dahil at least ay madalas kaming magkita ni Ariel. At nagsisimula na rin kaming maging close sa isa’t isa. Every weekend ay kina Aila ako nakatambay maghapon, inaabangan si Ariel. Hindi ko alam na napapansin pala ni Daddy na palagi akong wala sa bahay.. . “LESLIE, mukhang madalas ka yatang nagpupunta kina Aila. Baka napapabayaan mo na ang pag-‐‑aaral mo niyan, ha?” sita ni Mr. Sarmiento isang umaga habang nag-‐‑aalmusal sila. Isang bank manager ang ama ni Leslie na apat na taon nang biyudo. Saglit siyang hindi nakakibo. “Kaya ko lang hindi napapansin noong una ay dahil sa paggo-‐‑golf ko. Pero ang yaya mo na rin ang nagsabi sa akin na mag-‐‑iisang buwan ka nang madalas na wala dito sa bahay.” “Kasi’y naiinip ako dito kaya naisip kong doon na lang muna ako kina Aila,” pagkakaila niya. “Paano naman kasi, nag-‐‑iisa lang ako dito kaya doon na muna ako sa kaibigan ko para malibang ako. Pero wala naman ho kaming ginagawang masama at hindi ko po napapabayaan ang studies ko kaya huwag kayong mag-‐‑alala.” “Mabuti naman kung gan’on. At pasensya ka na rin kung parang napapabayaan na kita, Anak. Don’t worry, mula ngayon ay babawasan ko na ang pag-‐‑alis ko tuwing weekends para magkasama tayo.” “Hindi naman ako nagtatampo sa inyo, eh. In fact, natutuwa nga ako dahil kahit paano’y nakakapaglibang rin kayo. Alam kong mula nang namatay si Mommy ay panay trabaho na lang ang inaasikaso ninyo.” Ngumiti ang daddy niya at hinaplos siya sa pisngi. “Napakasuwerte namin ng mommy mo sa pagkakaroon ng isang anak na tulad mo. Mabuti na lang at napakamaunawain mo bukod sa napakaganda pa. Sayang nga lang at maagang namatay ang mommy mo kaya hindi niya nakita ang paglaki ng maganda niyang anak.” “Tama na iyan, Daddy, ha. Baka magkaiyakan pa tayo,” pagbibiro niya na ikinatawa rin ng ama. Lihim na nakonsyensya si Leslie matapos ng pag-‐‑ uusap nila. Noon lang siya nagsinungaling sa ama. Hindi kasi niya alam kung papayag ba ito na ligawan siya at her young age. Hindi naman niya inaasahan na maagang titibok ang kanyang puso. Kahit nakokonsyensya ako tungkol sa pagsisinungaling ko kay Daddy ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. O mas tama sigurong sabihin na hindi ko napigilan ang puso ko na nangangarap pa ring mapansin ni Ariel. Ipinapanalangin ko na lang na sana ay huwag magalit sa akin ang daddy ko. Hindi ko rin nakakalimutang isama sa panalangin ko na sana ay magustuhan rin ako ni Ariel. Nahalata ko, pati na rin ni Aila, na kahit paano ay attracted rin sa akin si Ariel. Pero parang parati na lang niyang ipinapaalala sa sarili na malaki ang age gap namin. Nahahalata ko rin na parang iniiwasan na niya ako. . “IYAN NGA, di ba, ang sinasabi ko sa iyo? Na kung may isang bagay na nagsisilbing hadlang para magustuhan ka ni Ariel, iyon ang age gap ninyo,” paalala ni Aila nang sabihin ni Leslie rito ang bagay na iyon. “Eh, kaya nga ako nag-‐‑aayos na parang dalaga para makalimutan niya na iyon, di ba?” “Oo nga. Pero siyempre, hindi gan’on kadali iyon. Huwag ka lang mainip, darating rin ang time na hindi na mapipigil ni Ariel ang sarili niya na ligawan ka,” pagbibigay-‐‑pag-‐‑asa nito. Tama si Aila sa sinabi niya. Isang araw nga ay hindi na napigil ni Ariel ang sarili. Nagtapat na siya sa akin. At iyon ay nangyari sa bahay niya mismo. Birthday niya noon at naisip namin ni Aila na sorpresahin siya. Nag-‐‑bake ako ng chocolate cake na nalaman kong paborito niya at dinala namin sa kanila. Dahil birthday niya noon ay nais kong ma-‐‑impress siya sa akin. Kaya nagpaganda rin ako nang husto at nagpilit na mag-‐‑mukhang dalaga. Not knowing na nagmumukha pala akong trying-‐‑hard.. . “MY GOD, LESLIE! Bakit ganyan ang hitsura mo?” gulat na tanong ni Aila nang makita siya. Nagpunta siya sa bahay nito dala ang cake at ice cream na ibibigay niya kay Ariel. Pinagmasdan niya ang sarili. Naka-‐‑miniskirt at hanging blouse siya na medyo mababa ang neckline. Nakaayos paitaas ang buhok niya at nakasuot din siya ng high-‐‑heels. At higit sa lahat ay ang kapal-‐‑kapal ng make-‐‑up niya. Hindi niya alam na mukha siyang clown sa kanyang hitsura. “Bakit? Ano’ng masama sa hitsura ko?” pagkuwa’y takang tanong niya. “Hindi mo alam? Nanalamin ka ba bago umalis sa inyo, ha?” natatawang tanong ni Aila. “Oo naman! Ikaw talaga, hindi kita maintindihan. Sabi mo sa akin ay mag-‐‑ayos ako nang espesyal ngayong araw na ito para mapansin ako ni Ariel; iyong ayos dalaga. Ngayon heto na ako, natatawa ka naman diyan.” “Tama, sabi ko mukhang dalaga, hindi mukhang matrona na nagpipilit magdalaga!” “Hay naku! Bahala ka sa buhay mo. Basta, hindi na ako uuwi para magpalit pa ng damit at ayos. Kaya mabuti pa’y pumunta na lang tayo kina Ariel at baka sakaling ma-‐‑appreciate pa niya ang pagpapaganda ko.” “Pero, Leslie—” “Halika na!” agaw niya sa sasabihin ng kaibigan. Paalis na lang sila ng tawagin si Aila ng mama nito. “Aila, sandali. Hindi ba kina Ariel ang punta ninyo para dalhin ang salad na iyan? Pakibigay na rin ito kina Mrs. Castro. Tutal ay malapit na iyon kina Ariel,” sabi ng ina nito. Tumango sila. Nang pagbuksan sila ni Ariel ng pinto ay halatang kagagaling lang nito sa banyo. Naka-‐‑shorts at sando lang ito nang humarap sa kanila at pinupunasan pa ng tuwalya ang buhok.Chapter Two
“SURPRISE!” bati ng magkaibigan. “Alam namin na birthday mo ngayon kaya dinalhan ka namin ni
Leslie ng ice cream, salad na gawa ng Mama at ng special chocolate cake na
paborito mo na pinagpuyatan pa ng kaibigan ko,” sabi ni Aila. Napailing-‐‑iling si Ariel. “Siguro’y sinabi
sa iyo ng kuya mo kaya ninyo nalaman. Pero sana’y hindi na kayo nag-‐‑abala. Nakakahiya tuloy sa inyo.” “Wala iyon, ikaw naman,” tumatawang sabi ni Leslie. Nang muli
siyang sulyapan ng binata ay parang noon lang siya nito napansin. Bahagya pang
kumunot ang noo nito at pinigil ang pagngiti. “Pasok kayo,” anito. Tumuloy ang
dalawa. Sila na ang nag-‐‑prepare ng mga dala nila. “Tiyak na magugustuhan mo itong cake
na sadyang ginawa para sa iyo ng kaibigan ko, Ariel,” sabi ni Aila. “Mukha nga. Sa tingin pa lang ay
masarap na. Hindi ko alam na marunong ka palang mag-‐‑bake, Leslie,” sabi nito na sa kanya nakatingin. “Naku, matagal na! At masarap talagang
mag-‐‑ bake at magluto iyang kaibigan kong
iyan!” kaagad na sagot ng kaibigan niya. “Talaga? Ang suwerte pala ng
mapapangasawa mo, Leslie.” Ngumiti siya. “Hindi naman,” aniya. “Anong hindi naman?
Talagang suwerte ang mapapangasawa ng kaibigan ko. Masyado lang kasi iyang
humble, eh,” sabi muli ni Aila na ikinapangiti ni Ariel. “Ay! Sandali,
nakalimutan ko! Ipinabibigay nga pala sa akin ni Mama itong salad kina Mrs.
Castro. Mabuti pa’y mauna na kayong kumain at ihahatid ko lang ito.” “Sasamahan
na kita, Aila,” alok niya. “Huwag na. Sandali lang naman ako, eh. Samahan mo na
lang dito si Ariel. Sige!” sabi nito na mabilis nang tinungo ang pinto at
isinara iyon. Nailang si Leslie nang maiwan sila ng binata. Lalo pa at titig na
titig ito sa kanya. Ang ginawa niya ay humiwa na lang siya ng cake at ibinigay
iyon dito. “O, tikman mo,” sabi niya at iniabot dito ang platito. “Salamat,”
sagot nito. Nakangiti pa rin ito na parang amused na amused sa kanya. “Bakit
kanina ko pa napapansin na parang natatawa ka yata sa akin. Nakakatawa ba’ng
ayos ko?” nakahalatang tanong niya. “Yes. . I mean, no. Kaya lang bakit ba kasi
ganyan ang hitsura mo?” Ngayon ay talagang nakangiti na ito. Napahiya siya at
nainis. “Bakit? Ano’ng nakakatawa sa ayos ko? Gusto ko lang naman ang
magmukhang dalaga sa paningin mo kaya ako nag-‐‑aayos nang ganito, ah!” sa sama ng loob ay naibulalas niya.
Parang hindi naman nito ikinagulat iyon. Lumapit pa ito sa kanya matapos
maibaba sa mesa ang hawak na platito. “Alam ko. Alam ko na kaya ka nag-‐‑aayos nang ganyan ay para maging dalaga sa paningin
ko, para mapansin kita at magustuhan. Alam kong may crush ka sa akin,” sabi nito. Namula siya sa
pagkapahiya. Tatalikod na sana siya at aalis subalit mabilis siya nitong
pinigil sa braso. “I want you to know na hindi mo na kailangang mag-‐‑ayos nang ganyan para lang magustuhan kita. To tell
you the truth, noong una pa lang kitang nakita’y nagustuhan na kita. Hindi ko nga
lang ipinahalata dahil naisip ko na masyado kang bata para sa akin. At iyon nga
rin ang pilit kong isinasaksak sa isip ko para pigilin ang sarili ko na mahalin
ka. But I failed, dahil kahit na ano’ng isipin ko’y hindi ko pa rin mapigil ang puso kong mahalin ka,”
seryosong sabi ni Ariel. “You mean....” di-‐‑makapaniwalang sabi niya. “Yes, my lovely witch, I’ve been under your spell since I
first saw you. I love you,” pagtatapat nito. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Pakiramdam
niya ay may mga anghel na nag-‐‑aawitan sa kanyang paligid. Sa tuwa
ay mahigpit niyang niyakap ang binata na tinugon nito. “Oh, Ariel! Hindi mo lang alam kung
gaano ko katagal hinintay at pinangarap na sabihin mo sa akin iyan!” tuwang-‐‑tuwa na sabi niya. “At ngayong nasabi ko na, hindi ba
dapat ay ikaw naman ang magsabi niyon sa akin? Do you love me, too?” Kumalas
siya sa pagkakayakap dito. “Bakit sa palagay mo’y gagawin ko ang lahat ng ito
pati na rin itong pag-‐‑aayos ko kung hindi kita mahal,
aber?” “Sigurado ka ba naman na pagmamahal
nga iyan? Baka crush lang o attraction?” “No. I’m very sure na pag-‐‑ibig nga ito. Ngayon ko nga lang nadama ito sa buong
buhay ko, eh. Oh, Ariel, I love you!” Ngumiti ang binata bago siya hinalikan sa labi. Yumakap siya
rito. “Hay naku! Pasensya na kayo kung
natagalan ako. Kasi naman si—” Natigilan si Aila nang makita ang ayos nila.
Nahihiyang kumalas si Leslie mula sa pagkakayakap kay Ariel subalit ang binata
ay parang walang anuman na inakbayan pa siya at nakangiting hinarap si Aila.
“Sana, nagtagal ka pa nang kaunti. We were just starting, you know,” biro nito.
After that ay naging napakasaya ko. Maligayang-‐‑ maligaya ako sa piling ni Ariel na napakaromantiko
at thoughtful na nobyo. Madalas kaming lumabas, kasama si Aila. Pero minsan ay
si Aila na rin mismo ang umaayaw dahil nakakaistorbo lang daw siya at
maghahanap rin siya ng sariling boyfriend dahil naiinggit siya sa amin ni
Ariel. Kahit nga ako’y hindi maka-‐‑ paniwala na ganoon palang
kaligayahan ang mararanasan ko. Para akong nasa ulap kapag kasama ko si Ariel.
Mahal na mahal ko siya. At alam ko at nadarama kong mahal rin niya ako. Kaya
lang ay may problema. Hindi alam ng Daddy na may nobyo na ako. Si Ariel ay
gusto nang magpunta sa amin para siya raw mismo ang kakausap sa daddy ko at
magtatapat tungkol sa relasyon namin. . “MAS MABUTI NA iyong doon ako pormal na
pumupunta sa inyo para at least ay mapatunayan ko sa daddy mo na seryoso ako sa
iyo,” sabi ni Ariel minsang nasa park sila ni Leslie at namamasyal. “Natatakot
nga kasi ako sa reaction ng Daddy kapag nalaman niyang may relasyon tayo. Baka
magalit siya.” “Kaya nga dapat na tayong magtapat sa kanya. Kaysa naman sa
ibang tao pa niya malaman; lalo pa siyang magagalit niyon. Kakausapin ko siya—
man to man. Siguro’y hindi na siya magagalit kapag napatunayan niyang tapat ako
sa iyo, na talagang mahal kita.” “Huwag muna ngayon, Love. Tutal mag-‐‑iisang buwan pa lang naman tayo, eh. Ihahanda ko muna
si Daddy para huwag siyang mabigla.” “Kailan pa
iyon? Ayoko nang palaging ganito na parang patago tayo kung magkita. Gusto ko
iyong napupuntahan kita sa bahay ninyo.” “Pagbigyan
mo na muna ako, Love, o. Promise, kapag nakakita ako ng magandang tiyempo’y ako na mismo ang magtatapat kay
Daddy, ha?” “Ikaw na nga ang bahala,” napabuntunghiningang sabi ni Ariel.
“Ikaw rin kasi ang inaalala ko.” “Alam ko. Gusto ko na rin na maipakilala ka sa
daddy ko, eh, pero at the right time. Pagbigyan mo na muna ako this time, Love,
ha?” Tumango ito. “Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako tatanggihan, eh. I love
you!” ani Leslie bago ito mabilis na hinalikan sa pisngi. Ang sandaling panahon
na ipinangako ko kay Ariel ay umabot ng tatlong buwan. Subalit hindi ko pa rin
nasasabi sa daddy ko ang tungkol sa amin. Natatakot pa rin kasi ako sa magiging
reaction ni Daddy kapag nalaman niya. Kaya si Ariel na lang ang gumawa ng
paraan. Isang gabi ay nagpunta siya ng bahay para dumalaw nang hindi ako
sinasabihan.. . NASA SILID SI LESLIE at naglalaro ng computer nang ipatawag
siya ng daddy niya. Pagbaba niya ay nagulat siya nang makita si Ariel na kausap
ng ama. May dalang bulaklak at tsokolate ang binata. “A-‐‑Ariel? Ano’ng ginagawa mo dito?” kina-‐‑ kabahang tanong niya. “So, kilala mo talaga ang lalaking
ito, Hija?” tanong
ni Mr. Sarmiento. Kahit kinakabahan ay nagawa niyang tumango. “Ipinagtapat ko
na sa kanya ang tungkol sa atin, Leslie,” sabi ni Ariel. “At totoo ba iyon,
Anak?” pagkumpirma ng matanda. “I’m sorry, Daddy. Alam kong magagalit kayo pero
mahal ko ho talaga si Ariel,” pag-‐‑amin niya. Napabuntunghininga ang
daddy niya. “Kung ako
nga sana ang masusunod ay ayaw ko pang magkanobyo ka, Anak. You’re too young to have a boyfriend.
Pero hindi ko hawak ang puso’t isip mo. At isa pa, sa konting napag-‐‑usapan namin ni Ariel ay nahalata kong tapat ang
hangarin niya sa iyo at mapagkakatiwalaan siya. Nagpapasalamat pa nga ako sa
kanya at humahanga dahil nagtapat siya sa akin. Samantalang ikaw na anak ko’y
nagawa akong paglihiman,” nagtatampong sabi nito. Yumakap siya rito. “I’m
sorry, Daddy. Natakot kasi ako; akala ko kasi’y hindi ninyo ako maiintindihan,”
lumuluhang sabi niya. “You’re forgiven, Baby. Nauunawaan ko kaya lang
nalulungkot ako dahil hindi na lang ako ngayon ang lalaki sa buhay mo,” anito.
“But my love for you will never change. For me, you’re still the best father in
the whole world,” sabi niya. “Take good care of my daughter, Ariel,” baling
nito sa nobyo niya. “She’s too young to handle a relationship kaya ikaw na
sana’ng bahalang umunawa sa kanya. She’s very precious to me.” “Don’t worry,
Sir, I will take good care of her,” tapat na sagot ni Ariel. Napaluha si Leslie
sa kagalakan. Hindi ko inaasahan na matatanggap kaagad ni Daddy ang relasyon
namin ni Ariel. Pero kagaya ko, sa una pa lang ay napapahanga na ng nobyo ko
ang Daddy. Intelihente at tapat daw si Ariel. Napakasaya ko. Wala na akong
kinatatakutan. Malaya nang nakakapunta sa amin si Ariel at sa pagdaan ng mga
araw ay lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa dumating na
nga ang time na pati ang sarili ko’y handa ko na sanang ipagkaloob sa kanya
kung pumayag lang siya. . “HAPPY GRADUATION, LOVE,” sabi ni Leslie sa nobyo.
“Pasensya ka na kung wala man lang akong gift sa iyo. Naging very busy rin kasi
ako sa school kaya hindi ako nakabili. Saka, ang akala ko kasi’y ngayon na ang
balik ni Daddy mula sa conference niya sa Maynila. Nagpabili kasi ako sa kanya
ng maireregalo sa iyo.” Nandoon sila sa bahay ni Ariel at magkatabi sila sa
sofa. Nakayakap siya rito. “Wala iyon. Basta kasama kita at katabi, masaya na
ako,” sagot nito at hinalikan siya sa labi. Yumakap siya nang mahigpit sa batok
nito at tinugon ang halik nito nang buong init. Naramdaman iyon ng binata at
bahagya itong nagtaka dahil noon lang siya humalik nang ganoon ka-‐‑passionate. Lalayo na sana ito subalit mas lalo pa
niyang hinigpitan ang pagyakap dito. Iniyakap din niya ang mga kamay nito sa
kanyang likod. Sandali lang natigilan si Ariel, mayamaya ay nagiging agresibo
na rin ito. Dahan-‐‑dahan siya nitong inihiga sa sofa
habang hinahalikan pa rin siya sa labi. Naglilikot ang mga kamay nito sa buong
katawan niya. Nakalilis na ang suot niyang palda at alam ni Leslie na bukas na
rin ang mga butones ng blouse niya subalit nanatili siyang nagpapaubaya;
nakayakap pa rin siya sa nobyo habang nakapikit nang mariin. Nang dumako ang
labi nito sa leeg niya ay bahagya siyang napasinghap. “Ariel, I love you,” sabi
niya na nakapikit at nakahanda na sa susunod pang mangyayari. Nanginginig ang
katawan niya sa magkahalong kaba at pananabik. Akala niya ay aangkinin na siya
ng katipan kaya nagulat siya nang bigla itong umupo. “B-‐‑bakit?” Ano’ng
problema?” tanong
niya na nagtataka. Umupo rin siya habang hawak ng kamay ang harapan ng blouse
niya. “Mahal na mahal kita, Leslie,” sabi ni Ariel. “Alam ko. At mahal na mahal rin kita
kaya nga handa kong ibigay ang sarili ko sa iyo,” sabi niya. “Pero hindi
maaari! Ayusin mo na ang sarili mo’t ihahatid na kita sa inyo,” utos nito.
“Pero—” “Just do as I told you!” sigaw nito. Napaluha siya at inayos ang
sarili. Inakbayan siya nito. “Huwag kang magtampo. Mahal kita kaya iginagalang
kita. This is not the right time para gawin natin ito although kung puso ko ang
susundin ay gustong-‐‑ gusto na kitang maangkin. Pero
kailangan kong pigilan ang sarili ko,” paliwanag nito. “Bakit? Gusto ko rin naman, ah. Willing akong ibigay ang
sarili ko sa iyo dahil mahal kita,” umiiyak pa ring sabi niya. “Alam ko. At
dahil nga sa talagang mahal kita’y kailangan ko munang tumanggi. Para na rin sa
atin, para na rin sa iyo. Napakabata mo pa, Leslie. At ako, gusto ko munang
mapatunayan ko sa daddy mo na karapat-‐‑dapat
ako sa iyo. May gusto pa akong patunayan sa sarili ko. At isa pa, may pangako
akong binitiwan sa daddy mo at pangangatawanan ko iyon. Ayaw niyang masira ang
kinabukasan mo. Ganoon rin ako.” “Hindi mo
lang yata ako talagang mahal kaya ayaw mong magkaroon ng pananagutan sa akin!”
“Tingnan mo iyan, umandar na naman ang pagka-‐‑childish mo. Kung hindi kita mahal ay kanina pa sana
kita ginalaw. Leslie, masyado ka pang bata. Marami pang magagandang bagay ang
puwedeng mangyari sa iyo. Pero palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” “Talaga?” paniniyak niya. “Oo. Wala akong ibang babaeng
mamahalin kundi ikaw.” “Pangako iyan?” “Pangako,” sagot nito bago siya mabilis na
hinalikan sa labi. “Halika
na. Ihahatid na kita sa inyo,” dugtong nito pagkatapos. Aaminin ko, nasaktan rin ako kahit
papaano sa pagtanggi sa akin ni Ariel. Kasi gusto ko talaga na maangkin na niya
ako para mapatunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko siya; para hindi na kami
magkahiwalay; para hindi na niya ako ipagpalit sa ibang babae. Kahit na nga
bata pa ako’y gusto ko na ring mabuntis. Dahil sa gan’ong paraan ko masisiguro
na mapapasaakin na nang tuluyan si Ariel. Hindi ko na iniisip na bata pa ako,
na marami pang magagandang bagay na puwedeng mangyari sa buhay ko, na may
pangarap pa ako na gustong-‐‑gusto kong matupad. Sa ngayon kasi
ay si Ariel lang ang sentro ng buhay ko. Siya na lang ang pangarap ko, ang
pinakamagandang bagay na naiisip kong puwedeng mangyari sa akin. Dahil mula
nang makilala ko siya’y siya na
lang ang iniikutan ng buhay ko. Parang hindi ko na kayang mabuhay nang wala
siya; gan’on ko
siya kamahal—pagmamahal
na hindi ko makayang itago o iwasang ipahalata sa ibang tao. Hanggang sa pati
na ang daddy ko’y
nakahalata na rin sa akin.. . “HI, DAD! Kanina pa ba kayo?” bati ni Leslie sa ama.”Galing
kasi ako kina Ariel dahil two days na siyang hindi nagpupunta dito. Kaso wala
rin siya sa kanila.” “Bakit? Nasaan raw ba siya?” tanong ni Mr. Sarmiento.
“Inaasikaso raw iyong mga kakailanganin niya sa pag-‐‑apply sa trabaho, at saka magma-‐‑masters yata siya,” medyo yamot na tugon niya. “O, iyon naman pala. Saka, Hija, two
days pa lang naman siyang hindi nakakapunta dito, ah.” “Iyon na nga, eh, two days na. ’Tapos once lang siyang tumawag.” “Dahil nga busy siya,” pagtatanggol ng ama niya. “Kahit na.
Dapat ay mas inuuna niya ako kaysa doon. Dahil ako ang nobya niya. Saka isa pa,
Daddy, gusto niyang sa Maynila mag-‐‑masters dahil mas maganda raw doon.” “Mas maganda nga iyon para sa kanya
kung—” “Ayoko, Daddy! Ayokong magpunta siya
ng Maynila! Ayokong magkalayo kami!” kaagad na sabad niya, tumaas ang boses. “Hija?” gulat na sabi nito.
Napabuntunghininga siya. “Puwede naman siyang mag-‐‑aral
dito sa Bacolod,” mababa
ang tonong sabi niya. Seryoso siyang pinagmasdan ng ama. “Mahal mo ba talaga siya?” tanong
nito. “Of course, Daddy! Siya ang first boyfriend ko.” “But you’re still young,
Hija. Hindi pa mapang-‐‑ hahawakan iyang sinasabi mo kaya
sana’y huwag kang masyadong magpapadala sa
damdamin mo. Marami ka pang makikilalang lalaki; malay mo, magbago pa ang
nadarama mo kay Ariel. Baka puppy love lang ’yan.” “No, Daddy. Kahit na bata pa ako’y alam ko at sigurado ko na mahal na
mahal ko si Ariel.” Ilang
sandali pa siyang pinagmasdan ng ama, pagkatapos ay napabuntunghininga ito.
Chapter Three
HINDI ALAM NI LESLIE na masyadong nabagabag si
Mr. Sarmiento sa pag-‐‑uusap nila. Wala siyang kaalam-‐‑alam na palihim na kinausap ng ama si Ariel nang
dumalaw ang nobyo niya sa kanila at nagkataong wala pa siya. “Alam kong mahal mo ang anak ko,
Ariel,” simula ni Mr. Sarmiento. “Nadarama ko iyon at nakikita sa iyo.
Pero hindi rin kaila sa iyo na napakabata pa niya kaya hindi pa siya marunong
mag-‐‑handle ng emotions. Ikaw ang first
boyfriend niya. Para sa kanya, sa iyo na lang umiikot ang buhay niya. Ang akala
niya’y tunay at hindi na magbabago kailanman ang nadarama niya sa ngayon.”
“Iyon naman ho ang ipinananalangin ko, na sana’y huwag nang magbago kailanman
ang damdamin niya sa akin,” tugon ni Ariel. “Iyon nga rin ho kasi ang
ikinatatakot ko, dahil nga alam kong bata pa siya. Mahal na mahal ko ho ang
anak ninyo.” “Alam ko kaya nga kita kinakausap. Bata pa si Leslie at marami
pang magagandang bagay ang puwedeng mangyari sa kanya. Kung magpapadala siya sa
emosyon niya sa iyo ay malamang na manghinayang siya pagdating ng araw. At iyon
ang ayokong mangyari. Naiintindihan mo ba ako, Ariel?” Sandaling hindi
nakasagot ang binata. “Oho. Noon ko pa ho naisip iyan. Kaya nga nagsisikap ako
nang husto para mabigyan siya ng magandang buhay, para hindi niya pagsisihan na
minahal niya ako.” “Alam ko. Unang kita ko pa lang sa iyo ay alam ko nang isa
kang responsableng lalaki. At kung mayroon man akong gustong mapangasawa ng
anak ko, iyon ay walang iba kundi ikaw. Pero sana’y maunawaan mo ako.”
“Nauunawaan ko ho kayo. At ipinapangako ko na kapag may napatunayan na ako,
kapag nasa tamang edad na si Leslie, babalikan ko siya. Aalis ako at
pansamantala ko siyang iiwan pero ipinapangako kong babalikan ko siya,”
seryosong pahayag nito. “At ito rin ang pangako ko sa iyo, Ariel, na kapag
dumating ang panahong iyon ay maaasahan mo ako. At pipilitin ko rin na mahintay
ka ni Leslie. Pero may pakiusap ako sa iyo. Gusto ko sana’y malihim itong pag-‐‑uusap natin sa anak ko.” “Makakaasa ho kayo,” sagot niya. At mahigpit na nagkamay
ang dalawang lalaking malapit sa puso ni Leslie. “PALAGI MONG TATANDAAN IYAN,
Leslie, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habambuhay.
Kahit na magkalayo pa tayo nang matagal, mananatiling ikaw ang mamahalin ko,”
tapat na sabi ni Ariel habang magkatabi silang nakaupo sa garden nang gabing
iyon. Iyon ay ilang oras lang makaraan ang pag-‐‑ uusap ng binata at ng daddy ni Leslie. “Kung magsalita ka naman, parang
magkaka-‐‑ hiwalay tayo,” sabi niya. “Mahal na mahal rin kita, Ariel. Iyon
nga lang isang araw na hindi kita makita o makausap ay napakalungkot ko na.
Palagi nga kitang naiisip.” “Halimbawa na magkahiwalay tayo sandali, mahihintay
mo ba ako?” tanong nito. “Oo naman. Pero ayoko nga na magkahiwalay tayo.”
“Halimbawa nga lang. Talaga bang hihintayin mo ako?” “Oo, siyempre. Kahit na
gaano pa katagal, basta alam ko at sigurado akong babalikan mo ako’y hihintayin
kita.” “Kung halimbawang magkahiwalay tayo, lagi mong isipin na babalikan kita.
Kahit malayo ako, laging ikaw ang nasa puso ko, ang babaeng tangi kong mahal.”
“Tama na nga iyang tungkol sa hiwalayan na iyan. Basta hindi tayo
magkakahiwalay, period,” mariing sabi ni Leslie bago humilig sa dibdib ng
nobyo. Mabini siyang hinalikan ni Ariel sa buhok. Sana ay maghintay ka sa akin,
mahal ko. Para rin sa iyo ang gagawin ko, sa loob-‐‑loob nito. Hindi ko alam na kaya pala iyon sinasabi
sa akin ni Ariel noong gabing iyon ay dahil talagang magkakahiwalay kami, na
iyon na ang paalam niya sa akin. At nasaktan ako—walang kasing-‐‑ sakit—na para bang gusto ko nang mamatay.. . “BAKIT NIYA NAGAWA SA
AKIN ITO, Aila? Wala naman akong alam na kasalanan o pagkukulang sa kanya.
Bakit niya ako iniwan?” umiiyak na sabi ni Leslie. Isang linggo na ang
lumilipas noon simula nang umalis si Ariel. “Leslie, wala na tayong magagawa,”
sabi ng kaibigan niya. “Wala na siya; kailangan mong tanggapin iyon. Siguro’y
may mabigat siyang dahilan kaya niya nagawa ito.” “Anong mabigat na dahilan?
Wala akong alam na dahilan para ganituhin niya ako. Siya ang lahat para sa
akin, alam mo iyan, di ba?” “Oo pero hindi lang siya ang lalaki. Marami pang
iba na maaari mong—” “Wala akong pakialam sa ibang lalaki! Si Ariel ang gusto
ko! Siya ang kailangan ko!” “Pero wala na nga siya. Hindi naman siguro iyon ang
katapusan ng buhay para sa iyo. There’s life after Ariel. Marami pang
nagmamahal sa iyo,” paliwanag nito. “Para namang hindi mo alam na si Ariel na
ang ginawa kong sentro ng buhay ko. Sa kanya na umiikot ang mundo ko. Paano ako
ngayon makakakilos katulad ng dati? Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Mas
gugustuhin ko pang mamatay, Aila!” Sa loob ng mahigit isang buwan ay palagi
akong umiiyak at nakakulong sa loob ng silid ko— nagmumukmok, hindi kumakain,
hindi makausap, palaging itinatanong sa sarili kung bakit ako nagawang iwan ni
Ariel. Hanggang sa dumating ang sandaling gusto ko nang mamatay. Nag-‐‑overdose ako ng sleeping pills para hindi ko na
maramdaman ang sakit. Fortunately, nakita ako kaagad ng yaya ko. Isinugod ako
sa hospital. And I survived. . “ANAK, bakit mo ba naisip gawin iyon?” tanong ni Mr. Sarmiento
nang magkamalay na si Leslie sa hospital. Hindi siya kumikibo pero umaagos ang
kanyang mga luha. “Hindi mo ba ako iniisip, Anak? Hindi na ba ako mahalaga sa
iyo?” umiiyak na tanong ng ama niya. Nabagabag ang damdamin ni Leslie. “I’m
sorry, Daddy, nakalimutan ko kayo. Masyado lang kasi akong nasaktan kaya hindi
na ako makapag-‐‑isip. But don’t worry, Daddy, dahil sa paglabas ko
dito’y hindi ninyo na ako makikitang
ganito. Magiging malakas ako para sa inyo. Pipilitin kong kalimutan ang mga
nangyari,” sabi niya. “Sana nga, Hija, pero huwag ka pa ring mawalan ng pag-‐‑asa. Malay mo, may dahilan si Ariel kaya niya ginawa
ito. Baka babalikan ka rin niya—” “Daddy,
please!” sabad niya. “Kung gusto ninyong mapabilis ang
paggaling ko’y huwag
na ho natin siyang pag-‐‑usapan.” “Pero, Anak—” “Please, Daddy,” pakiusap niya. Tumango na lang ang
kanyang ama. Makaraan ng isang linggo ay nakalabas na rin ako sa hospital. Gaya
ng sinabi ko kay Daddy, pinilit kong maging masayang muli. Kapag nasa harap ako
ng ibang tao ay nakatawa ako. Pilit ko silang pinapaniwala na wala na sa akin
ang nangyari. Pero ang lahat ay palabas lang dahil kapag nasa silid ako at nag-‐‑iisa ay patuloy pa rin ako sa pag-‐‑ iyak, parang hibang pa ring umaasa na isang araw ay
babalik si Ariel at ipapaliwanag sa akin kung bakit siya umalis, na sa
pagbabalik niya ay hihingi siya ng tawad sa akin at mangangako na kailanman ay
hindi na niya ako iiwan. Halos isang taon akong lihim na umasa. Hanggang sa
napagod rin ako sa kahihintay. Tuluyan na akong sumuko na babalik pa siya. At
ang pumalit sa pag-‐‑ibig ko para sa kanya ay pagkasuklam
dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin. Pinilit kong kalimutan ang lahat ng
nangyari sa amin. Isinubsob ko na lang sa pag-‐‑aaral ang atensyon ko at hindi naman ako nabigo. Nag-‐‑ graduate ako bilang salutatorian sa batch ko.
Hanggang sa lumipat kami ni Daddy sa Maynila. .
Chapter Four
HINDI NAMALAYAN NI LESLIE na umaagos na pala ang
kanyang mga luha matapos mabasa ang huling pahina ng kanyang diary. Itiniklop
niya iyon at inilagay sa ilalim ng kama, pagkuwa’y pinunasan niya ang mga luha.
You’re not worth my tears, Ariel. Marami na akong iniluha para sa iyo at hindi
ko na dadagdagan pa iyon. Pero humanda ka, dahil kapag muli tayong nagkita’y
sisiguraduhin kong hindi na ako ang iiyak! Labing-‐‑isang taon na ang nakakaraan. Marami na ang nagbago
sa buhay ni Leslie. Mula sa pagiging mahiyain at simple ay isa na siyang
sopistikada at modernang babae na sa kasalukuyan ay manager ng isang papasikat
na advertising agency na pagmamay-‐‑ari niya. Ang daddy niya ay biyudo
pa rin at retirado na. Ang paggo-‐‑golf na lang at iba pang sports ang
siyang pinagkakaabalahan nito. Sa Maynila na rin sila naka-‐‑base. Ang bahay nila sa Bacolod ay pinauupahan na
lang nila. Mayroon na siyang sariling townhouse at kotse pero sa bahay pa rin
ng ama siya umuuwi. Bahagyang nagulat si Leslie nang makarinig ng sunud-‐‑sunod na katok sa labas ng silid niya. Inayos muna
niya ang sarili bago binuksan ang pinto. “Ate, may naghahanap ho sa inyong lalaki sa ibaba. Randy raw
ho ang pangalan,” anang maid. “Oh, nakalimutan kong darating nga pala siya!
Sige, susunod na ako,” tugon niya. Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na
siya ng bisita. “I’m sorry, Randy. Nakalimutan kong may date tayo ngayon,”
nakangiting sabi niya sa lalaki. “Wala iyon. Thankful pa nga ako’t napagbigyan
mo ako sa imbitasyon ko,” sagot nito. “Okay lang iyon. Wait for me at
maghahanda lang ako, okay?” “Sure, take your time.” BIHIS NA at naglalagay pa
lang ng makeup si Leslie nang pumasok sa silid niya ang bagong dating na ama.
Humalik siya sa pisngi nito. “Narito ka na pala, Daddy. How was your day?”
tanong niya. “Sinong lalaki ang nasa ibaba?” kaagad na tanong nito, hindi
pinansin ang bati niya. “Ah, si Randy, isang stockbroker. May date kasi kami,
eh. Don’t worry dahil pagbaba natin ay ipakikilala kita,” kaswal na sagot niya.
“Randy? Lalabas ka na naman? Noong isang gabi lang ay lumabas ka at nakipag-‐‑dinner sa isang lalaki na Alvin ang pangalan. Noong
nakaraang gabi ay sa ibang lalaki naman. Ano ka ba, Leslie? Baka mapahamak ka
niyan sa ginagawa mo.” “Daddy, relax! I can look after myself. I’m already
twenty-‐‑six at hindi na ako katulad ng dati
na mahiyain at timid.” “Alam ko at hindi ako natutuwa sa
ipinagbago mo. Masama na ang reputasyon mo. You’re branded as a socialite playgirl
dahil sa kung sino-‐‑ sinong lalaking nakikita na ka-‐‑date mo. Hindi ka naman dating ganyan, Anak.” “Dad, ang lahat ay nagbabago. Times
change, people change,”
katuwiran niya. “At kung
anuman ang kinalabasan ko ngayon ay sarili ko itong desisyon. So what kung
isang playgirl ang tingin nila sa akin? I don’t care! At least ay alam nila na
kailanman ay hindi na ako masasaktan muli ng lalaki. Sila ang masasaktan sa
akin,” mapait na sabi niya. “Hanggang ngayon ay bitter ka pa rin sa nangyari sa
inyo ni Ariel.” “Of course not! Actually, nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil
kung hindi dahil sa ginawa niya ay marahil na katulad pa rin ako ng dati.
Kinalimutan ko na siya. At nagpapasalamat rin ako dahil hindi kami ang
nagkatuluyan. Hindi ko sana narating ang anumang narating ko ngayon kung
nangyari iyon.” “Sinasabi mo lang iyan. Pero alam kong mahal mo pa rin siya
at—” “Mahal? I don’t know what love means now! Bato na ang puso ko, Dad, naging
manhid na dahil sa ginawa niya. Masama ba kung protektahan ko ang sarili ko
para huwag masaktang muli?” “Nalulungkot ako para sa iyo, Hija. I know I’m
partly to blame kung anuman ang—” “No, Daddy. You’re not the one to blame. It’s
all Ariel’s fault. Pero siguro’y iyon talaga ang tadhana ko. At tanggap ko na
iyon.” “Hija, makinig ka sa akin—” “Daddy! May date pa ako, remember? Baka
naiinip na si Randy sa ibaba. I’d better get going. Don’t wait up for me. ’Bye,
Dad. I love you!” Mabilis siyang humalik sa pisngi nito bago hinalbot ang purse
niya at lumabas na sa silid. Naiwang naiiling at napapabuntunghininga ang ama
niya. LUMABAS NGA SILA NI RANDY, nag-‐‑dinner at namasyal sa isang park.
Nanliligaw ang lalaki kay Leslie pero sinasakyan lang niya ang pambobola nito.
Wala siyang balak na sagutin ito. Katulad ng ibang lalaking naka-‐‑date niya, ang tanging habol lang niya ay ang maaliw.
Sumagi sa isip niya si Ariel. Sa loob ng maraming taon ay wala na silang alam
dito maliban sa balita na sa ibang bansa ito nag-‐‑masters. Duda niya ay may pamilya na ito. “Leslie.. ? Nakikinig ka ba?” tanong ng katabi niyang lalaki.
Nagulat siya. “Pasensya
ka na sa akin, Randy. May naalala lang kasi ako. Anyway, ano nga ba iyong
sinasabi mo?” “Sabi ko, sana’y maulit pa itong paglabas natin.”
“Siguro naman, Randy,” sabi niyang nakangiti. Past midnight na nang makauwi
sila. Inihatid siya nito. Pagpasok sa bahay ay nagulat si Leslie nang makitang
gising pa at naghihintay sa sala ang ama niya. “Daddy, bakit gising pa kayo?”
tanong niya at humalik sa pisngi nito. “Hinihintay kita. Alam mo namang hindi
ako sanay na gabing-‐‑gabi na’y wala ka pa dito sa bahay. Isa pa,
hindi ko kilala ang kasama mo. Baka may masamang mangyari sa iyo.” “Si Daddy talaga. Kung kailan nasa
ganitong edad na ako’y saka pa kayo naging overprotective,” tukso niya. “Dahil
ngayon ka lang naman nagkaganyan kaya nag-‐‑alala
ako sa iyo.” “At nakalimutan ninyo na nag-‐‑aral ako ng self-‐‑ defense.” “Kahit na.
Babae ka pa rin at wala kang magagawa kung talagang pagbalakan ka nila ng
masama.” “Si Daddy talaga. Minaliit ninyo ang
kakayahan ng inyong lovely daughter. Maaaring hindi ako kasing-‐‑lakas gaya ng ibang lalaki diyan pero mas mautak ako
sa kanila. But anyway, so much for that. Inaantok na ako, Dad, kaya mabuti pa’y matulog na tayo.” “Ganyan ka naman
talaga, kapag napagsasabihan ay umiiwas.” “Good night, Daddy.” “Good morning
na, Hija,” pagtutuwid nito. Ngumiti lang siya at kumindat. Nailing na natawa
ang daddy niya.
Chapter Five
“IT’S OUR PLEASURE and honor na mapili ninyo ang
agency namin para i-‐‑handle ang advertising campaign ng
inyong produkto. Kailan tayo puwedeng mag-‐‑meet
para mapag-‐‑usapan ang mga detalye?” tanong ni Leslie sa kausap sa
telepono. Hindi maikakaila sa mukha niya ang tuwa. “What?” pagkuwa’y gulat na tanong niya. “Ang
presidente mismo ng kompanya ang makikipag-‐‑ usap sa akin? Why? May mga tauhan naman siya para. .
Oh, I see. . I understand. So, siya talaga ang nagsabi. Okay. Well, sino ba ako
para tumanggi? I’m very
honored na makausap ang presidente ng JMC Corporation, isa sa mga
pinakamalaking manufacturer ng beauty care products ng bansa.” Pagkababa ng telepono ay nagulat
siya nang mapagsino ang nakatayo sa kanyang harapan. “Aila!” tuwang-‐‑tuwa na sigaw niya, sabay tayo upang mayakap ang
kaibigan. Niyakap din siya nito. “Kailan ka pa dito?” excited na tanong niya.
“Kanina lang kami dumating ni Rico,” tukoy nito sa asawa. “Isang buwan nga
kaming mananatili dito sa Manila dahil may negosyo siyang balak na pag-‐‑aralan. Agad nga akong nagpunta dito para makita ka.
Mukhang excited ka sa kausap mo, ah.” “Talaga!
Paano, interesado ang JMC Corporation sa serbisyo namin. Sino ba naman ang
hindi matutuwa? Isa sila sa pinakamalaking korporasyon sa bansa. At tiyak na
malaki ang kikitain ng kompanya kung matutuloy ang deal namin sa kanila.
Magiging sikat pa kami. Imagine, bago pa lang ang agency na ’to pero
pinagkatiwalaan na nila. At ito pa talaga ang nakakagulat sa lahat. Ang mismong
presidente pa ng kompanya ang gustong makipag-‐‑meet sa akin.” “Aba,
talagang nakakagulat! Well, siguro’y nabalitaan ng presidente ng kompanya na iyon kung gaano
kaganda ang manager at may-‐‑ari ng ad agency na ito kaya siya
mismo ang makikipag-‐‑ usap sa iyo.” “Hindi ka pa rin nagbabago. Mahilig ka
pa ring magsabi ng totoo,” nakatawang sabi niya. “Oh, hindi ko alam na ang best friend
ko pala’y conceited na,” birong sagot ni Aila. “Halika, kumain tayo sa labas.
Treat ko. Tutal ay matagal na rin tayong hindi nagkikita. Kumusta na nga pala
ang inaanak ko?” “Napakalikot na. Sabi ko nga’y sisingilin kita sa lahat ng
pagkakautang mo sa kanya.” “Don’t worry. Bago kayo bumalik ni Rico sa Bacolod
ay ipapadala ko ang mga regalo ko sa kanya. Halika na,” yaya niya sa kaibigan.
KINAGABIHAN ay ibinalita ni Leslie sa daddy niya ang tungkol sa pagdalaw ni
Aila, pati na rin ang tungkol sa pakikipag-‐‑deal niya sa presidente ng JMC Corporation. “Malaking karangalan na kayo ang
napili ng kompanya nila na gumawa ng mga bagong advertisement ng product lines
nila,” sabi ni Mr. Sarmiento. “Bukod sa malaki na ang kikitain ng
agency mo, madaragdagan pa tiyak ang mga kliyente mo kapag nalaman nila na
nagtiwala sa inyo ang JMC Corporation. Kaya dapat na matuloy ang pakikipag-‐‑deal mo sa kanila.” “Don’t worry, Daddy. Hindi ko palalampasin
ang opportunity na ito. Actually ay bukas na nga ng gabi ang meeting ko sa
presidente ng kompanya nila. Seven o’clock sa Garden Cafe.” “Good luck, Hija,”
nakangiting sabi nito. Ngumiti siya nang matamis. “Ah, Daddy, bago ko
makalimutan, inimbita ko sina Aila at Rico na dito na muna tumira sa atin
habang may inaasikaso sila.” “Walang problema, Hija. Kasundo ko naman ang mag-‐‑asawa. Kailan sila lilipat dito?” “Tomorrow,” sagot niya bago uminom ng juice.
SINIGURO NI LESLIE na sexy pero kagalang-‐‑
galang pa rin ang hitsura niya nang gabing iyon. Alas siete ang appointment
niya sa presidente ng JMC Corporation. Alam niya ang nagagawa ng personality
para makapagsarado ng isang deal, lalo na at lalaki ang kanyang makakausap.
Nagpa-‐‑parlor pa siya at bumili ng bagong
damit. Inilalagay na lang niya ang hikaw sa isang tainga nang pumasok sa silid
si Aila. “Hanep,
ah! Humahalimuyak ang buong kuwarto sa pabango mo. At napakaelegante mo ngayong
gabi, ha! Akala mo’y
makikipagkita ka sa isang Richard Gomez gayong malamang ay matanda na ang
kliyente mo,” tukso nito. “I don’t care kahit na ba lolo na siya. Basta, ang
importante’y matuloy ang negosasyon namin,” sagot niya na sa salamin pa rin
nakatingin. Napailing-‐‑iling ang kaibigan niya. “Look at you, ang laki na talaga ng
ipinagbago mo. Napakamoderna mo na at sanay na sanay na makihalubilo sa
maraming tao. Samantalang noon ay. . ” “Noon ay
tanga pa ako, Aila, pero hindi na ngayon. Sa mga pinagdaanan ko, siguro naman
ay dapat lang akong matuto ng leksyon.” “Kumusta
na kaya si Ariel ngayon, ano?” biglang sabi nito. “Wala na akong balita sa
kanya.” “At kahit mayroo’y hindi na ako interesadong malaman pa. For me, he’s
dead.” “Sobra ka naman! Kahit na—” “Naku, Aila! Wala akong panahon para pag-‐‑ usapan ang mga bagay na iyan; baka masira lang ang
gabi ko. At isa pa, may appointment ako kaya ayokong ma-‐‑late dahil lang sa pakikipagtalo sa iyo tungkol sa
walang kuwentang bagay. So, puwede ba? Samahan mo na lang ako sa ibaba’t aalis na ako. And wish me luck.” FIFTEEN MINUTES BEFORE SEVEN ay nasa
meeting place na si Leslie. Natiyak niya na wala pa ang taong imi-‐‑meet niya kaya pumili na muna siya ng isang bakanteng
table kung saan makikita niya ang lahat ng papasok na customers. Um-‐‑ order siya ng isang ladies’ drink. May hinahanap siya sa kanyang
bag kaya hindi niya nakita ang isang lalaki na lumapit sa kanya. “Miss Leslie Sarmiento?” tanong nito sa baritonong boses. “Yes?” sagot niya, sabay angat ng ulo upang
mapagsino ang kaharap. Nagulat siya nang makita ito—ang pinakahuling tao sa mundo na nais
niyang makita. “I-‐‑ikaw? Ano’ng ginagawa mo dito?” matigas na tanong niya, bakas ang
galit sa mukha. Bago sumagot si Ariel ay umupo muna ito sa silyang kaharap
niya. “Huwag kang umupo diyan! May kausap
akong hinihintay!” mahina
subalit mariing sabi niya. “Sino?”
nakangiting tanong nito. “It’s none of
your business! Umalis ka na diyan, puwede ba?” “Ang presidente ba ng JMC Corporation
ang hinihintay mo?” anito na
hindi pinansin ang sinabi niya. “Paano mo nalaman?” gulat na tanong niya. “Ang laki na ng ipinagbago mo, Leslie. Mas lalong tumingkad
ang ganda mo sa paglipas ng panahon. Naging sopistikada ang simpleng babae na
minahal ko noon at—” “Cut the hypocrisy!” gigil na sabi niya. “Ang lakas ng
loob mong magpakita pa sa akin sa kabila ng ginawa mo. Ngayon, kung ayaw mong
sagutin ang tanong ko’y umalis ka na diyan at tiyak na darating na ang kausap
ko.” Muling ngumiti ang binata. “Alam mong palagi akong nauuna kapag may
appointment ako. Ayokong pinaghihintay ang kausap ko, lalong-‐‑ lalo na kung ikaw.” “What do you mean?” kinakabahang
tanong niya. “You’re a very intelligent woman, Leslie. Alam kong alam mo na ang
tinutukoy ko.” “No! This can’t be true! Ikaw ang presidente ng JMC Corporation?
Paano nangyari iyon?” takang tanong niya. “It’s a long story. Anyway, ngayong
alam mo na, siguro naman ay hindi mo na ako tatarayan. After all, isa akong
kliyente.” “I don’t care kahit na ikaw pa ang presidente ng Pilipinas! How dare
you na lokohin ako ulit. Damn you, Ariel Montoya!” “Hindi ko alam na matalas na
pala ang dila mo ngayon. Pero siguro naman ay hindi mo ihahalo ang personal sa
negosyo. Face it, milyones ang kikitain mo kapag naging kliyente mo ako. At
determinado akong kuhanin ang serbisyo ninyo. . although there are some
conditions.” “Hindi ko kailangang malaman ang mga kondisyones mo dahil ngayon
pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na hindi na ako interesado na maging kliyente
kayo,” matigas na pahayag niya. “Huwag mong hayaang ang personal mong emosyon
ang makahadlang sa pagtatagumpay mo sa negosyo. Huwag kang magsalita ng tapos.
Mind you, hindi pipitsugin ang kompanya namin. Marami kang benefits na makukuha
kapag naging kliyente mo kami at nakakahinayang kung tatanggihan mo, di ba?”
hindi natigatig na sagot ni Ariel. “I don’t care! Hindi na magbabago ang pasya
ko. Goodbye, Mr. Montoya,” sabi niya bago tumayo. Subalit mabilis siya nitong
hinawakan sa braso. “Don’t touch me!” asik niya. Nang makitang napapatingin sa
kanila ang ilang costumers ay napilitan siyang umupo ulit. “Why, my love? I
remember na gustong-‐‑gusto mo noon na hinahawakan kita.
Why the change?” “Damn you! May lakas ka pa ng loob na magtanong sa akin after
what you’ve done. I hate you! At hindi ako makikipag-‐‑deal sa iyo!” “Bakit?
Dahil may feelings ka pa rin sa akin hanggang ngayon? I heard na dalaga ka pa
raw. And for your information, binata pa rin ako. But anyway, kung iyan ang
pasya mo’y wala
akong magagawa pero pag-‐‑isipan mo pa ring mabuti. After
three days ay muli akong tatawag sa iyo para malaman ang decision mo,” hindi naapektuhang sabi nito. “My
decision is final kaya—” “Don’t say that. Naniniwala pa rin ako na magbabago
ang pasya mo. After all, babae ka. Isa iyan sa mga pribelihiyo ninyo.” Hindi
nakasagot na tinitigan lang niya ito nang matalim bago muling tumayo at mabilis
na umalis. Naiwan na napailing ang binata. Galit na sumakay ng kotse niya si
Leslie at mabilis na pinatakbo iyon. “Shit! Bakit sa dinami-‐‑dami ng taong puwedeng maging presidente ng JMC
Corporation ay ang walanghiyang lalaking iyon pa!” gigil na sabi niya habang
nagmamaneho. Maging nang makauwi siya ay mainit pa rin ang ulo niya. Malakas
ang pagkakabagsak niya ng front door ng bahay nila. “HAY NAKU! Akala ko kung
ano na, ikaw lang pala iyan,” sabi ni Aila na nasa living room at nakatulugan
na ang binabasang pocketbook. “Bakit ang aga mo? Past eight pa lang, ah.
Kumusta na ang pakikipag-‐‑deal mo sa presidente ng JMC?
Nagkasundo na kayo?” tanong
nito habang naghihikab pa. Hindi sumagot si Leslie. Panay pa rin ang
buntunghininga. “O, bakit
ka walang kibo diyan? Saka, bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang papatay ng
tao, ah. Ano ba’ng nangyari?” “Kung hindi nga lang ba talaga kasalanan ay gusto
kong pumatay ng tao, Aila! Isang napakawalanghiyang tao!” sagot niya. “Ano ba
iyang pinagsasabi mo? Ano ba talaga ang nangyari?” “Alam mo ba kung sino ang
nakita ko?” “Leslie, alam mong hindi ako magaling sa guessing game.” “Si Ariel.
Ang walanghiyang si Ariel!” sabi niya. “Ha? Talaga?” gulat na bulalas nito na
lumapit pa sa kanya. “Saan kayo nagkita?” “Sa Garden Cafe. At ito pa ang
pinakamalas sa lahat. Alam mo ba na siya pala ang presidente ng JMC
Corporation?” Nanlaki ang mga mata ng kaibigan. “Now I know kung bakit
kailangan pang ang presidente ang kumausap sa akin. Ang walanghiya, ang kapal
ng mukha na magpakita pa sa akin!” halos naiiyak na sa galit na sabi niya.
“Wow! Bigatin na si Ariel. Multimillionaire na pala ang dating boy—”
Pinandilatan niya ito. “— Ang dating kakilala natin,” bawi nito. “Kumusta na
siya? Mas lalo bang gumuwapo after eleven years?” “Hindi ko alam, Aila. Hindi
ko pinag-‐‑aralan ang kabuuan niya at isa pa,
wala akong pakialam sa anumang ipinagbago niya,” sagot niya subalit sa isip ay alam
niyang tama ang kaibigan. Sa paglipas ng panahon ay lalong tumingkad ang
personalidad ng dating nobyo. “So, nagkausap kayo? Ano’ng nangyari? Nagkasundo ba kayo?” usisa nito. “Do you think na makakasundo ko ang
lalaking iyon? Walang nangyari. Nang malaman ko na siya ang presidente ng JMC
ay hindi ako nagdalawang-‐‑isip na tanggihan siya. Alam ko’t nadama ko na may balak siyang hindi
maganda kaya ang ad agency ko ang napili niya. Pero hindi siya magtatagumpay.
Hindi ako papayag!” matigas niyang pahayag. “Tinanggihan mo ang offer niya?
Naloloka ka na ba? Malaki ang mawawalang pera sa iyo.” “So what? Kung sa kanya
rin lang manggagaling, huwag na lang.” “Wait, hindi kaya masyado ka lang
nagiging emosyonal? C’mon, Leslie, negosyo ito. Hindi dapat isinasali sa
negosyo ang emosyon. Malaking kawalan sa iyo kung tatanggihan mo ang offer
niya.” “Kahit na. Ayoko pa rin.” “Leslie, face it. JMC is JMC. Isang malaking
pagkakataon para sa agency mo na maging kliyente mo sila. ” Saglit siyang hindi
nakakibo, naisip na may punto ang kaibigan. “At ’eto pa, kung tatanggihan mo
ang offer ni Ariel dahil lang sa mga nangyari sa inyo noon, malamang na isipin
niya na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa iyo ang nangyari at may feelings
ka pa rin para sa kanya.” “That’s not true!” “Pero iyon ang iisipin niya. Kaya
kung ako sa iyo, tatawagan ko agad siya at sabihin ko na nagbago na ang pasya
ko.” “Hindi na kailangan. Binigyan niya ako ng three days para i-‐‑reconsider nga ang offer nila. Pero pag-‐‑iisipan ko pa ring mabuti,” sabi niya. “At kung talagang hindi mo na siya
mahal ay tatanggapin mo ang offer niya. Be professional,” huling payo nito. Hindi siya
sumagot. Tinungo na lang niya ang hagdanan at umakyat. KINABUKASAN, maging sa
harap ng agahan ay iyon pa rin ang topic nila. “Naikuwento sa akin ni Aila ang
tungkol sa nangyari sa lakad mo kagabi,” simula ni Mr. Sarmiento. “At kung tatanungin mo ako, I agree
with Aila. Isang pambihirang oportunidad ang dumating sa iyo and you’d be a
fool not to grab it.” “Hindi ko alam, Daddy. Para kasing ayokong makaharap ang
lalaking iyon. Hindi naman kaila sa inyo ang nangyari sa amin noon,” sabi ni
Leslie. “Oo nga pero iyon ay nakalipas na. At huwag mong hayaan na iyon ang
makahadlang sa pag-‐‑ asenso ng negosyo mo. Ikaw na rin
ang nagsabi sa akin na nakalimutan mo na at hindi ka na bitter sa mga nangyari,
di ba? Unless nagsisinungaling ka’t mahal mo pa rin si Ariel after all these years. At
natatakot ka na malaman niya iyon kaya mo siya iniiwasan at ayaw mong magkaroon
ng anumang kaugnayan sa kanya,” sabi ng ama. “Of course not, Daddy! Hindi ko na
mahal ang lalaking iyon. At para patunayan sa inyong lahat iyan ay tatanggapin
ko ang offer niya!” pahayag niya. Nagkatinginan ang mag-‐‑asawang Aila at Rico. Si Mr. Sarmiento naman ay lihim
na napangiti.
Chapter Six
“OKAY, I’ve changed my mind. Hindi nga siguro tamang ihalo ko ang
personal na emosyon pagdating sa negosyo. Tinatanggap ko na ang alok mo, Mr.
Montoya,” sabi ni Leslie sa telepono. Tinawagan niya si Ariel dalawang araw
matapos ng unang meeting nila. “I’m glad at na-‐‑realize mo iyan. But don’t forget na may mga kondisyon pa
akong gustong hingin bago tayo magkasaraduhan ng deal,” sabi nito. “Bakit kailangang may kondisyon pa?” yamot na sabi niya. “Hey, don’t get nervous. Hindi naman mahirap
ang mga kondisyong hihingin ko. As a matter of fact, iyon ay mga kaunting
kapritso lang na matatawag,” tumatawang sagot ni Ariel sa kabilang linya. “Ano ba ang mga
iyon?” “Hindi ko masasabi sa telepono. Magkita na lang tayo mamaya sa isang
restaurant at seven thirty tonight. Doon ko na sasabihin.” Binanggit din nito
ang restaurant na pagtatagpuan nila. “Bakit kailangang mamaya pa? Sabihin mo na
ngayon para malaman mo na agad ang sagot ko,” mataray na sabi niya. “What’s the
rush? I’ll see you later. ’Bye.” “Wait! Ngayon mo na—” Shit! sa isip-‐‑isip ng dalaga nang marinig na putol na ang linya.
KAHIT LABAG SA KALOOBAN ay pumunta si Leslie sa lugar na napagkasunduan nila ni
Ariel. Naroon na ang binata nang dumating siya. Lumapit siya sa mesa nito.
“You’re getting lovelier everyday,” puri nito nang makaupo siya. “By the way,
flowers for you,” anito, sabay abot ng bouquet ng roses sa kanya. “Narito ako
on business, Mr. Montoya. I’d like to remind you that,” pormal na sabi niya na
hindi inabot ang mga bulaklak. Napailing ito at ipinatong ang mga bulaklak sa
mesa. “Kapag nagtatampo ka sa akin noon ay dagli rin iyong nawawala kapag
binibigyan kita ng bulaklak at binubulungan ng sweet nothings and—” “That was a
long, long time ago. Isa pa akong tanga at inosente noon. Ang pag-‐‑aakala ko’y lahat ng mga sinasabi ng tao sa akin ay tunay at tapat. But
I already learned my lesson. And I learned it the hard way. Kaya huwag kang
magtaka kung hindi na ako madala sa roses and chocolates. Pati na rin sa mga
sweet nothings,”
sarkastikong sagot niya. “Iyong nangyari sa atin noon. . I want you to know, Leslie, na—” “Let bygones be bygones, Mr. Montoya.
And besides, hindi ako nagpunta dito para mag-‐‑ reminisce ng nakaraan ko, especially ang part na
ibinaon ko na sa limot. Now, pag-‐‑uusapan na ba natin ang tungkol sa
negosyo o aalis na lang ako?” Napabuntunghininga si Ariel bago tumango. “Sabihin mo na sa akin ang mga
kondisyones mo para mapabilis tayo,” sabi niya muli. “Okay. But first, tanggapin mo muna itong mga bulaklak na
bigay ko.” “And if I don’t?” naghahamong tanong niya. “What if I tell you na isa iyan sa mga
kondisyong hihilingin ko sa iyo?” ganti nito. “Napakadali naman yatang kondisyon niyan, Mr.
Montoya,” sarkastikong tugon niya. “I told you na matatawag iyong mga munting
kapritso lang rather than conditions.” “Okay, fine. I accept the flowers. So,
iyon lang ba?” “No. Gusto kong pumayag kang makipag-‐‑date sa akin nang mga fifteen times. But don’t worry dahil hindi naman iyon
consecutive. Iyon ay sa mga oras na magustuhan ko lang na makasama ka.” “What!” bulalas niya. “Anong klaseng kondisyon iyan? I mean,
bakit ganyan? Makipag-‐‑date ako sa iyo nang fifteen times?”
“Bakit? Masama bang gustuhin kong makasama ang minamahal ko—” “Correction,
hindi mo ako minahal kailanman. Pinaglaruan—iyon ang tamang term.” “Kailanman
ay hindi kita pinaglaruan. Minahal kita at—” “Tell that to the marines! Hindi
na ako ang dating Leslie na agad na naniniwala sa bawat sinasabi mo!” “Maybe.
Pero alam kong alam mo na totoo ang sinasabi ko. At naniniwala ako na kahit na
malaki ang ipinagbago mo, ang nadama mo para sa akin noon ay nadarama mo pa rin
hanggang ngayon.” Napailing siya, pinilit na tumawa. “Gan’on ba talaga kalaki
ang bilib mo sa sarili mo para isipin na hindi kita makakalimutan? Hindi mo ba
alam na nakakailang boyfriends na ako? Hindi ko na mabilang! At kung mayroon ka
mang dapat na panghinayangan, iyon ay ang hindi pag-‐‑angkin sa akin noon. Sayang, ikaw pa naman sana ang
una,” pang-‐‑uuyam niya. Ngumiti rin ito. “I don’t give a damn kahit na hindi ako ang
una. Basta sigurado ako na ako na ang magiging huli sa buhay mo,” anito. “Don’t fool yourself! Hindi ako basta-‐‑basta pumapatol sa kahit na sino. You’re not bad for a bedmate, but
honestly, you’re not my
type. Kaya huwag mong asahan na makakarating tayo sa kama.” “Hindi mo masasabi iyan. But as of now
ay hindi iyan ang iniisip ko. I’m taking this one step at a time. So, ano’ng masasabi mo sa kondisyong sinabi
ko?” “Paano kung sabihin kong ayoko?” “Talaga bang ganyan ka na?
Nanghahamon? Bakit mo tatanggihan ang mga kondisyon ko? Ano ba ang mga iyon
kung ikukumpara sa kikitain ng agency mo? Unless natatakot ka na baka mahalata
ko na hanggang ngayon ay nariyan pa rin ako sa puso mo.” Sandaling hindi nakakibo
si Leslie. “Siguro’y natatakot kang baka kapag madalas tayong magkita’y hindi
mo mapigilang aminin na sa kabila ng lahat ay mahal mo pa rin ako.” “Hindi iyan
totoo. Kinalimutan na kita. At kung may nadarama ako para sa iyo, iyon ay
pagkasuklam, naiintindihan mo?” “Kaya? Galit nga kaya iyan o pagmamahal pa rin?
At ano ba iyong sabi nila? Oh, yes. . ang pagitan raw ng pag-‐‑ibig at galit ay gahibla lamang.” “Hindi na kita mahal,” pagdidiin niya.
“At never na akong magmamahal muli sa iyo. At para patunayan sa iyo iyan, sige,
pumapayag na ako sa mga kondisyon mo. Pero huwag mong asahan na mangyayari ang
sinasabi mo. At isang word of advice, ikaw ang dapat na mag-‐‑ingat na hindi maakit sa akin. Dahil baka gawin ko
rin sa iyo ang ginawa mo sa akin noon.” “I think
it’s too late for that. Dahil simula
nang magkita tayo, maski noon pa’y naakit na ako sa iyo.” “Ngayon mo
mapapatunayan na malaki na talaga ang ipinagbago ko. Kung noon, kapag
sinasabihan mo ako ng ganyan ay nasisiyahan ako, ngayon ay hindi na. Anyway,
hindi na bago sa akin iyan. You know, marami nang lalaki ang nagsabi sa akin
niyan kaya bale-‐‑wala na sa akin, lalo pa at
kilalang-‐‑kilala ko ang lalaking nagsasabi
niyon,” tuya niya. “No. Hindi mo ako kilala, Leslie.
Dahil kung talagang kilala mo ako’y hindi mo iisipin na magagawa ko sa iyo ang ibinintang mo sa
akin.” “I know you well enough, Mr. Montoya.
At ngayong settled na ang usapan natin, puwede na siguro akong umalis.” “Hindi
pa nga tayo nakakapagsimulang kumain, Miss Sarmiento.” “Thanks, but no thanks.
Hindi naman iyon ang ipinunta ko dito kaya—” “Akala ko ba’y wala kang
kinatatakutan? Bakit maski ang pagsabay sa aking kumain ay hindi mo magawa?”
“Dahil I’m sure na hindi ako gaganahang kumain kapag kaharap ka. Good night,”
sabi niya at mabilis na umalis. Nakangiting sinundan siya ng tingin ng binata.
NATULOY RIN ANG DEAL nina Leslie at Ariel. Pagkalipas ng ilang linggo ay
inuumpisahan na ang shooting para sa soap at shampoo commercial na siyang unang
gagawin nila. Mga dalawang beses na rin silang lumabas puwera iyong previous na
pagkikita nila. At sa bawat paglabas nilang iyon ay walang ginawa si Ariel
kundi ipaalala sa kanya ang kanilang nakaraan— nakaraan na akala niya ay
tuluyan na niyang nakalimutan pero unti-‐‑unting
bumabalik sa kanyang isip dahil sa muling pagbabalik nito. Nagulat si Leslie
nang isang hapon sa pag-‐‑uwi niya ay naabutan na masayang
nagkukuwentuhan si Aila, ang daddy niya at si Ariel. Galit siyang lumapit sa
mga ito. “What the hell are you doing here?” sita niya sa dating nobyo. Kibit-‐‑balikat ang itinugon nito. “Leslie, huwag ka namang magtaas ng
boses,” ani Aila. “Pamamahay namin ito, Aila, kaya
pagtataasan ko ng boses ang sinumang gusto ko, lalo na at hindi ko gusto ang
taong narito!” “Leslie, tumigil ka!” matigas na sabad ng daddy niya. “Para kang hindi isang edukada. Taong
nagpunta dito si Ariel kaya tao namin siyang tinanggap. Ngayon, kung ayaw mo
siyang makita ay pumasok ka na lang sa silid mo.” “Daddy, nakalimutan ninyo na
ba kung sino ang lalaking ito? Kung ano ang ginawa niya—” “Bisita ko siya,
Leslie. Matuto kang magpakita ng respeto,” agaw nito. Hindi makapaniwalang
mabilis siyang tumalikod at iniwanan ang mga ito. Nagkulong siya sa loob ng
kuwarto at hindi lumabas hanggang sa puntahan siya ni Aila. “Ipinapatawag ka ng
daddy mo. Maghahapunan na,” anito. “Pakisabi na wala akong gana,” matamlay na
tugon niya. “Nagagalit ka ba sa akin?” tanong nito. “Hindi, nagtatampo lang
ako’t nagtataka. Para namang hindi ninyo alam ang ginawa sa akin ng lalaking
iyon. ’Tapos parang siya pa ang mas kinakampihan ninyo kaysa sa akin.” “Hindi
sa gan’on. Kagaya ng sinabi ng daddy mo, tao siyang pumunta dito. Isa pa, kung
ang daddy mo’y pinakitunguhan siya nang maganda, ako pa kaya? Fine, galit ako
sa kanya dahil sa iniwan ka niya noon pero wala akong karapatan para bastusin
siya. Isa pa, sa tingin ko kasi’y hindi siya guilty.” “Dahil wala siyang
konsyensya. Blackmailer ang lalaking iyon. At hindi ko alam kung ano ang
ipinakain niya sa inyo at magaan pa rin ang loob ninyo sa kanya.” “Listen—”
“Hindi ako galit sa iyo, Aila. I just want to be alone. Busog ako. Please,
leave me alone.” Napabuntunghininga ito. “Kung iyan ang gusto mo,” anito.
Makalipas ang ilang minuto ay ang daddy naman niya ang pumunta sa kanyang
silid. “Ayaw mo raw kumain?” tanong nito. “Busog ako, Daddy,” sabi niya. “Alam
ko na nagtatampo ka sa akin sa pagtanggap ko kay Ariel. Pero noon pa ma’y alam
mo nang malapit ang loob ko sa kanya.” “Dad, nakalimutan ninyo na ba na muntik
na akong mamatay nang dahil sa kanya? Bakit ngayon ay mabuti pa rin ang
pakikitungo ninyo sa lalaking iyon?” “Hindi mo siya dapat na husgahan agad,
Anak. Kung anuman ang nagawa niya sa iyo, dapat siguro’y tanungin mo siya para
magkaliwanagan kayo. Hindi pa huli ang lahat para magkaayos kayo.” “Ayokong
magkaayos kami, Daddy. Never ko siyang mapapatawad sa ginawa niya sa akin.”
“Pero kung nagawa mong pumayag na sumama sa kanya sa labas.. .” “Iyon ay dahil
sa professional ako. At ayokong masabi niya na hanggang ngayon ay naapektuhan
pa rin niya ako. Isa pa, napilitan nga rin lang ako na tanggapin ang offer niya
dahil na rin sa pagkumbinsi ninyo sa akin.” “Matanda na ako, Anak. Marami na
akong napagdaanan sa buhay. At sa edad kong ito’y masasabi ko na kung sino sa
mga kakilala ko ang matino, ang mapagkakatiwalaan. At isa si Ariel doon. Gusto
ko nga na kayo ang magkatuluyan tutal ay pareho pa kayong walang asawa.” “Hindi
mangyayari iyon, Daddy. Never!” matigas na sabi niya. “Kahit na ayaw mong
aminin, alam kong malaki ang kinalaman ni Ariel kung bakit hanggang ngayon ay
hindi ka pa nag-‐‑aasawa.” “Siguro nga, Dad, malaki ang kinalaman
niya pero hindi gaya ng iniisip ninyo. Dahil sa ginawa niya sa akin, nagkaroon
ng malaking galit sa puso ko. Hindi na ako makapagtiwala sa ibang lalaki. Kung
sakali mang makapag-‐‑asawa ako’y hindi rin ako liligaya dahil sa
Ariel na iyon.” “Dahil siya pa rin ang mahal mo kaya
hindi ka matutong umibig sa iba.” “No. Hindi
ko siya mahal. Hindi ninyo ba ako naiintindihan?” “Gusto ko lang na lumigaya
ka, Anak, kaya—” “Dad, pagod na ako. Kahit na ano sigurong paliwanag ang gawin
ko sa inyo’y hindi ninyo pa rin ako maintindihan. So, mas mabuti siguro kung
matutulog na lang tayo pareho.” “Anak. . ” “Please, Daddy.” Walang nagawa ang
ama kundi umalis ng kuwarto niya. TINANGHALI NG GISING si Leslie kinabukasan
kaya naisip niya na mag-‐‑half day na lang sa office. Wala ang
daddy niya nang magising siya. “Mahaba ang naging pagkukuwentuhan namin nina Ariel at daddy
mo kahapon,” balita ni Aila habang nag-‐‑aalmusal
siya. “Huwag mo nang ikuwento dahil hindi
ako interesadong malaman,” bale-‐‑walang sabi niya. “Ayaw mo bang malaman kung bakit siya
ngayon ang presidente ng JMC?” Napukaw ang atensyon niya. “Paano nga ba?” tanong niya pagkuwan. “Well, umpisahan natin sa simula.
Noong umalis sa atin si Ariel ay naisip niyang sa ibang bansa mag-‐‑masters. At dahil nga matalino ay naging scholar siya
sa isang prestigious na eskuwelahan sa ibang bansa. Nag-‐‑ipon na rin siya ng pera habang nag-‐‑aaral doon,” simulang kuwento nito. “Nang makaipon ng sapat na salapi upang ipuhunan sa negosyo ay
bumalik siya dito. Masuwerte naman na may kakilala siya na isang stockholder
noon ng JMC. Eh, noong mga time na iyon, ang JMC Corporation ay palugi na.
Binili niya ang shares ng kakilala niya at ng iba pang stockholders. Hanggang
sa mapunta na sa kanya ang eighty percent ng shares ng kompanya. At siya na nga
ang nag-‐‑manage bilang presidente. And after
five years of blood, sweat and tears, JMC now is one of the prestigious
companies in the country; bilyon ang annual sales. Kaya sa edad na thirty-‐‑two ay presidente na at C.O.B. pa si Ariel. Imagine,
ang laki ng inasenso niya.” Hindi siya kumibo. “Kaya alam mo naisip ko kung minsan, mabait ang Diyos kay
Ariel. Kung nakagawa siya ng kasalanan, siguro’y hindi niya tatamasahin ang
suwerteng tinatamasa niya ngayon.” “Paano
kang nakasiguro na sa Diyos nga galing ang suwerte niya? Paano kung sa demonyo
pala?” “Leslie!” gulat na sabi ni Aila. “You can’t
blame me kung nakapagsalita man ako nang ganito. Muntik na akong mamatay dahil
sa sakit na dinulot niya.” “Pero nakalipas na iyon. Puwede kayong mag-‐‑ simula muli.” “Pareho
kayo ni Daddy. Hindi ko alam kung ano’ng mayroon si Ariel at nagawa niyang makuhang muli ang loob
ninyo. Pero hindi ako. Kaya huwag na kayong umasa pa.” “Gusto namin ng daddy mo na lumigaya
ka.” “Pero ako pa rin ang nakakaalam ng
ikaliligaya ko kaya huwag ninyo sana akong pakialaman,” sabi niya bago tumayo. Napailing si
Aila. NANG TANGHALING IYON ay nagulat si Leslie nang makitang nasa loob ng
private office niya si Ariel. Kampante itong nakaupo sa sofa. “Ano’ng ginagawa
mo dito?” taas ang kilay na tanong niya. “At sino’ng nagpapasok sa iyo?”
“Pinapasok ako ng sekretarya mo. Well, I must admit, gumamit ako ng konting
impluwensya. Makakatanggi ba siya sa presidente ng JMC?” kaswal na sagot nito.
“I should have known. Ganyan ka naman talaga, ginagamit ang impluwensya para
makuha ang gusto mo. Katulad ng ginawa mo sa akin, napapayag mo ako kahit na
labag sa loob ko.” “Know what? Nasasanay na rin ako sa pagtataray mo. Mas lalo
ka kasing gumaganda kapag galit. Pero nami-‐‑miss ko pa rin ang dating ikaw, laging malambing
everytime na makikita mo ako.” “Really?
Puwes, kabaligtaran na iyon ngayon. Dahil kapag nakikita kita’y parang babaligtad ang sikmura ko.” “Masyado naman yatang insulto iyon.
Ang pagkakaalam ko’y guwapo
ako’t malakas ang karisma. Kaya nga
maraming babae ang gustong ma-‐‑trap ako sa kasal.” “Dahil mayaman ka.” “Maybe. Pero bonus na lang para sa
kanila iyon. But there’s no way in hell na mata-‐‑trap ako ng ibang babae para magpakasal sa kanya.” “Really? Then maybe you should start
avoiding me like the plague. Dahil baka ako pa ang maka-‐‑ trap sa iyo para magpakasal.” “How I wish na gawin mo iyan. I’ll be more willing na magpakasal sa
iyo.” Gulat siyang napailing. “You’re crazy!” “Hindi ka ba naniniwala na sooner or
later ay sa kasalan tayo mauuwi?”
Chapter Seven
“HUWAG MO NANG PANGARAPIN IYAN, Mr. Montoya. Magiging
impiyerno lang ang buhay mo at tinitiyak ko iyon sa iyo,” mariing sabi ni
Leslie. “Really? Paano kung sabihin ko sa iyo na wala akong pakialam kahit na
gan’on nga ang mangyari?” ani Ariel. Napabuntunghininga siya. “Kung anuman ang
kailangan mo sa akin ay mabuti pang sabihin mo na. Marami pa akong kailangang
gawin. At kahit na wala ay hindi pa rin ako makikipag-‐‑usap sa iyo nang matagal katulad ni Aila at ni Daddy.” “I want you to know na hindi ko
nagustuhan ang ginawa mo noong nakita mo ako sa inyo. Lumalabas na wala kang
respeto sa daddy mo.” “How dare you say that! Ikaw ang may kasalanan kung
lumabas man na gan’on iyon. Bilib din ako sa kapal ng mukha mo. Ang lakas ng
loob mo na magpunta sa amin!” insulto niya. “Bakit kaya sa tingin mo’y maganda
ang pakitungo sa akin ng daddy mo?” “How would I know? Pero kung anuman iyon ay
wala na akong pakialam! Huwag ka na muling pupunta pa sa pamamahay namin.” “Sa
iyo ba ang bahay na iyon? Ang pagkakaalam ko’y sa daddy mo. That means, may
karapatan siya na tanggapin doon ang sinumang gustuhin niya.” “Bakit ka ba
muling nagpakita pa sa akin, Ariel? Itinuring na kitang patay. At sana’y
nanatili ka na lang gan’on,” mariing sabi niya. “Hindi maaari. May binitiwan
akong pangako. At ito na ang tamang pagkakataon para tuparin iyon. Maraming
taon na akong nagtiis kaya ito na ang panahon para lumigaya naman ako.” “Hindi
kita maintindihan.” “Dahil maraming bagay ang hindi mo alam. Akala mo ba’y ikaw
lang ang nasaktan sa nangyari sa atin?” Tumalikod siya. “Nagpunta ka ba dito
para ungkatin ang nakaraan?” “Hindi sa habang-‐‑panahon ay maiiwasan mo ako, Leslie. Isang araw ay
titiyakin ko na magkakaliwanagan tayo,” pangako nito. “Ngayon, tungkol sa ipinunta ko dito.. . Gusto kong malaman mo
na sasama ka sa akin sa anniversary party ng kompanya namin. Gusto ko na naroon
ka’t kasama ko.” “Isa ba ito sa pamba-‐‑blackmail mo sa akin?” “No. Isa ito sa mga kondisyong
napagkasunduan natin. You gave me your word,” paalala nito. “Ang party ay isang linggo mula
ngayon. Isang formal party iyon. At kaya ko sinasabi sa iyo ay para
makapaghanda ka nang maaga at maayos mo ang mga schedule mo.” “Paano kung
sabihin ko na may date ako nang araw na iyon kaya hindi ako puwede?” “Ganyan ka
ba talaga? Matapos kang magbigay ng assurance at pangako ay babawiin mo?” sabi
nito, nakangiti nang painsulto. “Take my advice, hindi ka magtatagumpay kung
wala kang word of honor.” “Sorry to disappoint you pero hindi ako katulad mo,
mangangako at paasahin ang isang tao ’tapos ay bigla na lang iiwanan nang
walang dahilan.” “Akala ko ba’y ayaw mong ungkatin ang nakaraan?” “Hindi kasi
maiwasan pero huwag kang mag-‐‑ alala. May binitiwan akong salita
sa iyo kaya kahit labag sa loob ko’y papayag ako.” “Good.
Susunduin kita sa inyo.” “No need. Kaya kong pumuntang mag-‐‑isa doon.” “Fine.
Okay, aalis na ako..” “Goodbye, Mr. Montoya,” sabi niya na nakaharap na rito. “THANK YOU SA PAGHAHATID MO sa akin,
Cris. Pasok ka muna para makapagkape man lang,” yaya ni Leslie sa manliligaw na
commercial director. “Okay lang
ba?” tanong nito. “Oo naman. Halika na,” nakangiting
sabi niya. Pagpasok sa loob ay nakita niyang gising pa at naghihintay sa kanya
si Mr. Sarmiento. “Daddy, nariyan pala kayo. Siya po si Cris. Galing kami sa
bar kaya medyo ginabi kami. Cris, ang daddy ko,” pagpapakilala niya sa dalawa.
“Kanina pa ako nag-‐‑aalala sa iyo. Iyon pala ay lumabas
ka lang kasama ng kung sinong lalaki,” sabi ng ama. “Daddy!” hindi
makapaniwalang bulalas niya. “Mas mabuti yata kung umuwi na ako, Leslie. Magkita na lang
tayo bukas,” sabi ni
Cris. Tumango siya at inihatid ito sa labas. “Pasensya ka na sa daddy ko, Cris.
Mainit lang siguro ang ulo niya,” paghingi niya ng dispensa. “Huwag mo akong
alalahanin. Good night.” “Good night. Take care.” Pagpasok niya sa sala ay
nakita niyang naghihintay pa rin sa kanya ang ama. “I suggest, Daddy, na bukas
na lang tayo mag-‐‑usap. Mainit yata ang ulo ninyo.
Good night.” “Hindi. Kailangan nating mag-‐‑usap ngayon!” matigas na pahayag ni Mr. Sarmiento. “About what? Iyong panghihiya ninyo sa
bisita ko?”
napapailing na sabi niya. “Tungkol sa ginagawa mo sa buhay mo!” “Daddy, don’t
you think you’re being unfair? Kay Ariel ay ang ganda ng pakitungo ninyo pero
sa mga ibang lalaki na bumibisita sa akin dito’y kabaligtaran naman.” “Dahil
hindi ko sila kilala. Concerned lang ako sa safety mo.” “The problem with you,
Daddy, hindi mo nga sila kilala pero masama na ang hinala mo sa kanila.
Samantalang iyong walanghiyang lalaking iyon na naging dahilan ng muntik ko
nang pagkamatay ay tinatrato pa ninyo nang maganda!” “Kilala ko si Ariel.
Mayroon siyang dahilan kaya ka niya nagawang iwan noon.” “Ah, talaga? Ano,
Daddy, masasabi ninyo ba sa akin, ha?” naluluha niyang tanong. “Ewan ko. Hindi
ko alam,” kaila nito. “Puwes, alam ko, Daddy. Isa lang ang dahilan niyon—panloloko.
Sinamantala niya ang kahibangan ko sa kanya,” sabi niya bago mabilis na
tumalikod at umakyat ng hagdan. KINABUKASAN ay maagang pumasok sa opisina si
Leslie. Ayaw niyang madatnan ng ama para lamang makipagtalo ulit dito. May
pinipirmahan siyang mga papeles nang tumunog ang telephone. “Hello?” sagot niya
na ang mga mata ay nasa mga papeles pa rin. “Good morning, Beautiful. Ang aga
mo namang pumasok ngayon,” anang sa kabilang linya. Napabuntunghininga si
Leslie. Kahit na hindi niya itanong ay alam na niya kung sino ang caller. “Ang
aga mo rin namang mambuwisit,” sarkastikong sabi niya. “Hey, did you wake up on
the wrong side of the bed?” natatawang tanong ni Ariel. “Bakit kaya may mga
taong makita o marinig mo lang ang boses ay nasisira na ang araw mo?” “Are you
referring to me?” “And who else do you think?” “Everyday ay lalo yatang
tumatalas ang dila mo pagdating sa akin,” hindi naapektuhang sabi ng binata.
“Ano na naman ang kailangan mo at napatawag ka? For your information, I’m busy
and I don’t have time to chat.” “Nothing important. I just want to remind you
about our date. Baka kasi nakalimutan mo.” “Thanks for reminding me. Good day,”
inis na sabi niya bago ibinaba ang telepono. Lalo siyang nabuwisit matapos ang
tawag ni Ariel. Naisip niyang hindi puwedeng palagi na lang siyang sumusunod
dito. Kung kaya siya nitong inisin ay kaya rin niya itong pikunin. Napangiti si
Leslie nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya. NANG SUMAPIT ANG ARAW ng
anniversary ng kompanya ni Ariel ay nagpaganda nang husto si Leslie. Isinuot
niya ang pinaka-‐‑revealing na evening gown na mayroon
siya. Titiyakin niya na siya ang pinakamagandang babaeng dadalo sa pagtitipong
iyon. Palabas na siya ng silid niya nang makasalubong si Aila. “Nariyan na sa ibaba ang sundo mo,” anito na nakasimangot. “Alam ko kung bakit ganyan ang mukha
mo, Aila. Pero desisyon ko ito at mas makabubuti kung huwag ka na lang
makialam.” “Kaya nga hindi na lang ako umiimik. Pero huwag mong asahan na
ganyan rin ang magiging reaksyon ng daddy mo na paakyat na rin.” Pagkasabi
niyon ay siyang pasok ni Mr. Sarmiento sa silid ng anak. “Lalabas muna ako,”
sabi ng kaibigan bago tumalikod at umalis na. “Sino iyong lalaking naghihintay
sa iyo sa ibaba? Huwag mong sabihin na isasama mo siya sa pagtitipong dadaluhan
mo?” mahina subalit matigas na tanong ng ama niya. “Ah, si Carlo. Isa siyang
businessman, Daddy. Invited rin siya sa party kaya naisip kong isama siya as my
escort,” kaswal na sagot niya. “Hindi ba si Ariel ang kasama mo?” “Siya lang
naman ang nag-‐‑presume niyon. Basta ako, pumayag
lang na dumalo ng pagtitipon na iyon pero hindi ko sinabing siya ang escort ko.” “Pambabastos iyang gagawin mo kay
Ariel!” “Mamili siya,” taas-‐‑noo niyang sabi. “Dadalo ako sa pagtitipong iyon na si
Carlo ang kasama ko o aalis na lang kami ng escort ko? Ano sa tingin mo ang
pipiliin niya, Daddy?” “Hindi na kita maintindihan, bata ka.” “Kayo ang hindi
ko maintindihan. But this is not the right time para magtalo na naman tayo
tungkol diyan. Unless gusto ninyong masira ang gabi ko’t hindi na talaga ako
dumalo sa party.” Nang hindi kumibo ang ama ay lumapit siya rito at hinalikan
ito sa pisngi. SIYANG-‐‑SIYA SI LESLIE nang makarating na
sila ni Carlo sa pagtitipon at makitang hindi maipinta ang mukha ni Ariel
pagkakita sa kanila. Nakakapit pa siya sa braso ng kasama. “Hi!” bati niya kay
Ariel nang makalapit ito sa kanila. “Ano’ng ibig sabihin nito?” mahinang usisa
nito. “Ibig sabihin ng ano?” patay-‐‑malisya niyang tanong. Binalingan ng
binata ang lalaking kasama niya. “Excuse me, mag-‐‑uusap lang kami sandali,” anito. “Don’t worry, Carlo, we won’t take a minute. Mayroon lang kaming
kailangang liwanagin ni Mr. Montoya sa isa’t isa,” dugtong
niya. “Sure,” sagot ng lalaki na hindi nakahalata.
“Ano’ng ibig sabihin nito? Bakit may
kasama kang lalaki?” galit na
tanong ni Ariel. “Imbitado rin si Carlo, ah. Kaya naisip ko na sabay na lang
kaming magpunta para may escort ako.” “Talaga bang nanadya ka?” “Ano ba’ng
ikinagagalit mo?” “May usapan tayo. Nangako ka.” “That’s why I’m here. Iyon
lang ang ipinangako ko, di ba? Ang dumalo ako sa pagtitipong ito.” “Fine. Gusto
mo ng laban? Pagbibigyan kita. But make sure na kaya mo akong labanan.” “Don’t
worry, Mr. Montoya. Kung napag-‐‑ tagumpayan kong limutin ka, I’m sure kaya rin kitang labanan at
matalo ngayon. Just make sure na lalaban ka nang patas,” mariing sabi niya bago
ito iniwan. Halos buong gabi ay si Carlo ang kasama niya. Magkapareha sila sa
pagsasayaw ng mga nauso noong late sixties at early seventies kagaya ng cha-‐‑cha, tango at boogie. Hindi niya nakikita si Ariel
pero alam niyang pinagmamasdan siya nito kaya bigay-‐‑todo siya sa pagsasayaw sa bawat kapareha. Halos
lahat ng lalaki sa pagtitipong iyon ay nakipagsayaw sa kanya. Nang mapagod ay
umupo muna sila ni Carlo. Nang pumailanlang ang isang sweet music ay tumayo
sila para muling sumayaw subalit nagulat sila nang bigla na lang sumulpot sa
harap nila si Ariel. “My turn,” sabi nito sa mariing tono. Tumango si Carlo at
bago pa nakatutol si Leslie ay kaagad na siyang nahapit ni Ariel sa baywang.
Ito na mismo ang nagpatong ng mga kamay niya sa batok nito. “I don’t want to
dance with you!” singhal niya, hindi ipinahalata ang pagkailang sa pagkakalapat
ng mga katawan nila. “Why not? Halos lahat ng lalaki dito ay pinayagan mong
maisayaw ka ’tapos ako’y hindi?” galit na tugon ng binata. “And what makes you
think na bibigyan kita ng chance para tumanggi?” “Oh, I’m sorry. Nakalimutan
kong ikaw nga pala ang taong hindi tumatanggap ng pagtanggi,” tuya niya. Hindi
nito pinansin iyon. “Alam mo bang parang gusto kong sakalin ang bawat lalaking
nakikita kong nakikipagsayaw at nagkakainteres sa iyo? At ang kaalamang wala
kang pakialam sa bagay na iyon ay nakapagdagdag sa inis ko. But I can’t blame
them. You look very beautiful and alluring tonight, my dear. No wonder, you
attracted men like bees to honey.” “I know that. I’m not the naïve girl I used
to be,” inis na sagot niya. “Maybe, pero hindi pa rin nagbabago ang isang bagay
sa iyo. At iyon ay ang pagkailang sa tuwing tinitigan kita. . gaya ngayon.
Bakit? Dahil ba may inililihim ka kaya hindi ka makatingin sa akin nang
deretso?” “Kung hindi man kita matingnan nang deretso, iyon ay dahil nasusuklam
ako nang labis sa iyo!” “Really?” hindi naniniwalang sabi nito. “Iyon ba ang
rason o dahil alam mo na you have very expressive eyes? At malamang ay ayaw
mong malaman ko ang tunay na niloloob mo.” “Sinabi ko na sa iyo noong una pa
man kung ano ang damdamin ko sa iyo. I hate you. Hindi ko na kailangang
tumingin pa nang deretso sa iyo para lang ipaalam iyon.” “Hindi iyon ang
nakikita ko sa mga mata mo.” “Ah, talaga? At ano naman ang nakikita mo, aber?”
nakikipaglarong tanong niya. “Nariyan pa rin ako sa puso mo,” seryosong sagot
nito. Pinilit niyang tumawa. “Ako na ang pinakatangang babae sa buong mundo
kung totoo ang sinabi mo! Masyado yatang pumasok ang tagumpay sa ulo mo, Mr.
Montoya, kaya hindi mo matanggap ang katotohanan.” “Don’t you think na ikaw ang
hindi makatanggap ng katotohanan? You cannot accept the fact na mahal mo pa rin
ako,” hamon ni Ariel. “Dahil hindi iyon totoo! Hindi ako tanga na magmamahal pa
rin sa iyo matapos ang ginawa mo sa akin. Minsan mo na akong sinaktan, at hindi
kita bibigyan muli ng pagkakataon para gawin pa iyon,” matigas na pahayag niya.
“At sa akala mo ba’y ikaw lang ang nasaktan?” mapait na tanong nito. “You’d
like me to believe na nasaktan ka rin? Baloney!” tuya niya. “Hindi pa rin
nagbabago ang tingin mo sa akin, ano? Iniisip mo na ako pa rin iyong dating
Leslie mo na madadala sa iyong mga salita at—” “Yeah, you’re right. Hindi pa
rin nagbabago ang tingin ko sa iyo. Ikaw pa rin ang dating Leslie, ang babaeng minahal
ko. You’re mine, Leslie, you’re still mine. At gagawin ko ang lahat para
mapatunayan iyon sa iyo.” Isang nang-‐‑iinsultong tawa ang itinugon niya
rito.
Chapter Eight
PAST TWELVE NA ay nasa loob pa rin ng opisina
si Leslie at nagtatrabaho. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at
pumasok si Ariel. Napatayo siya. “Don’t you know how to knock?” galit na
singhal niya. “Bastos ka talaga!” dugtong pa niya. “Relax. I just wanted to
surprise you. Aren’t you happy to see me?” nakangiting tugon ng binata at
umupo. “‘Happy?’” nanlalaki ang mga matang tanong niya. “You flatter yourself!”
Bumuntunghininga siya bago nagpatuloy. “Ano ba ang kailangan mo? Hindi mo ba alam
na office hours pa ngayon?” “Office hours? Have you checked your watch? It’s
almost one o’clock. You’ve been working like a dog.” “So what? It’s none of
your business.” “I’m making it my business.” Hindi siya kaagad nakakibo.You’re
a fool, Leslie! Maniniwala ka ba sa walanghiyang lalaking iyan gayong siya ang
taong nanakit sa iyo nang husto? sabi ng isang bahagi ng isip niya. At sa
isiping iyon ay tumigas ang kanyang anyo. “Kung wala kang importanteng
sasabihin, umalis ka na.” “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto
ko.” “Okay. What is it you want this time, you arrogant bastard!” “Careful. I
don’t like it when you call me names,” mariing tugon ni Ariel bago tumayo at
lumapit sa kanya. Bigla siyang nag-‐‑panic. “A-‐‑ano’ng gagawin mo? B-‐‑bakit ka lumalapit?” nara-‐‑rattle na tanong niya habang umaatras. “Stop right there or I swear I’ll scream!” banta niya. Kibit-‐‑balikat lang ang itinugon nito. Patuloy pa rin ito sa
paglapit habang patuloy siya sa pag-‐‑ atras. Hanggang sa naramdaman na
lang niya na nakadikit na ang kanyang likod sa dingding. “I’m warning you, Mr.
Montoya!” kinakabahan nang sabi niya. Subalit lalo pa itong lumapit hanggang sa
tuluyan na siyang ma-‐‑corner. Itinukod nito ang dalawang
kamay sa dingding habang nakangiting nakatingin sa kanya. “Alam mo bang ito ang gustong-‐‑gusto kong gawin mula nang magkita ulit tayo?” anito habang pababa ang labi sa
kanya. “Don’t you dare—” Hindi na niya natapos ang sinasabi
dahil mabilis na natakpan ng labi nito ang labi niya. Pilit na isinasara ni
Leslie ang bibig subalit determinado si Ariel hanggang sa magtagumpay itong
mabuksan ang mga labi niya habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Pinilit
niyang lumaban. Pinag-‐‑susuntok niya ito sa likod at
sinabunutan subalit hindi man lang ito tuminag. Sa halip ay lalo pa nitong
idiniin ang paghalik sa kanya—halik na naghahatid ng kaiga-‐‑igayang sensasyon sa kanyang buong katawan. Pilit
niya iyong pinaglabanan subalit sumuko ang kanyang katawan. Natagpuan na lang
ng dalaga ang sarili na mahigpit na ring nakayakap sa dating nobyo, at mainit
na tinutugon ang mga halik nito. Tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa
sarili. Nang maramdaman nito ang pagtugon niya ay medyo niluwagan nito ang
paghawak sa kanya. Naramdaman na lang niyang humihimas na sa dibdib at mga hita
niya ang mga kamay nito habang patuloy pa rin sa paghalik sa kanya. Bumaba ang
mga labi nito sa leeg niya. Hindi niya namamalayan na binubuksan na nito ang
mga butones ng kanyang blouse. “Alam mo bang ganitong eksena ang pinapangarap
ko gabi-‐‑gabi simula nang magkahiwalay tayo?
Hindi ko alam kung paano ko natiis ang mapalayo sa iyo nang matagal,” bulong
nito sa pagitan ng paghalik sa tainga niya. Nang marinig iyon ay bigla siyang
natigilan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hell, bakit niya ito
pinapayagan na muli siyang paikutin nito? This has to stop! Buong lakas niyang
itinulak ang nagulat pang binata. “Why?” takang tanong nito na nasa mga mata pa
rin ang pagnanasa. “How dare you!” gigil na sabi niya. “Puwede kitang idemanda
sa ginawa mong ito sa akin!” dugtong niya matapos maiayos ang damit. “Why? Ano
ba’ng ginawa ko?” kaswal na tanong nito. “Y-‐‑you tried to.. rape me!” “Rape you?” natatawang ulit nito. “Gan’on na pala ang reaksyon ng mga
babaeng supposed to be ay nire-‐‑rape—mahigpit na nakayakap at mainit rin
kung tumugon ng halik,”
nanunuksong dugtong nito. Hindi siya nakakibo, namumula sa pagkapahiya. Noon
naman pumasok ang sekretarya niya. “Ma’am. . ” simula nito at nagulat nang makitang
nandoon si Ariel. “I’m sorry. Nasa labas ho kasi si Mr.
Calderon at gusto kayong makausap. May appointment ho siya sa inyo,”
napapahiyang sabi ng babae. “It’s all right. Pakisabi kay Mr. Calderon na
sandali lang,” sagot niya. Tumalima ang sekretarya. “As you heard, may taong
naghihintay sa akin. Siguro naman ay puwede ka nang umalis,” baling niya kay
Ariel pagkuwan. Ang pagkapahiya ay tinakpan niya ng galit. “I thought
idedemanda mo ako ng rape?” tudyo nito. “Go to hell, Mr. Montoya!” inis na sabi
niya. “Sure. As long as you come with me.” “Get out!” gigil na sabi niya.
“Okay. I’ll let you win this time but you owe me for this,” anito bago
kumindat. Nang wala na ito ay napahawak siya sa ulo. Ano ba’ng nagawa ko? sa
loob-‐‑loob niya. GABI NA at umuulan pa.
Dapat sa ganoong kalagayan ng panahon ay mahimbing nang natutulog si Leslie
subalit ay gising na gising pa rin siya, nag-‐‑iisip habang nakahiga sa kama. Ayaw siyang
patahimikin ng nangyari sa kanila ni Ariel sa opisina. Parang may muling
nabuhay na sensasyon sa kanyang katawan sa halik nito. Napabuntunghininga siya.
Ilang beses na niyang sinubok na matulog subalit kahit na anong pikit ang gawin
niya ay nanatili pa ring gising ang kanyang diwa. Sa loob halos ng labing-‐‑isang taon ay inakala niyang nakalimutan na niya ang
mga alaala ng dating nobyo. Ni hindi na ito sumagi sa isipan niya maliban na
lamang noong natagpuan niya ang kanyang lumang diary. Subalit nang hapong iyon.
. sa bawat haplos nito, bawat bulong, bawat halik ay unti-‐‑unting bumalik sa alaala niya ang lahat. Kung paano
siya halos mabaliw noon kapag nagdidikit ang mga katawan nila. At sa nangyari
sa opisina, nadismaya siya nang malamang hanggang sa kasalukuyan ay iyon pa rin
ang nararamdaman niya. No! kaagad na tanggi niya sa isip. Hindi ko siya
maaaring mahalin ulit! Ilang ulit niyang ipinilig ang ulo. Hindi siya isang
gaga para umibig muli sa lalaking nanloko sa kanya. Iyon ang pilit na inisip ni
Leslie bago siya nakatulog.
Chapter Nine
“NAKU, AILA! Kahit kailan talaga hindi ka pa rin
nagbabago. Basta’t namili ka’y kulang sa iyo ang isang araw,” ani Leslie sa
kaibigan habang papasok sila sa isang restaurant. Galing sila sa mall at namili
ng mga ipapasalubong dahil sa makalawa na ang uwi nito pabalik sa Bacolod.
“Ikaw naman, hindi ka na nasanay sa akin. Saka isa pa, kaila—” Saglit itong
natigilan nang may mahagip ang mga mata. “Teka, Leslie, di ba si Ariel iyon?”
“Ha?” gulat na sabi niya at sinundan ng tingin ang sinasabi ng kaibigan. Tama
si Aila, si Ariel nga ang lalaking nasa dulo na mesa at nakatagilid ito sa
kanila kaya hindi sila nakikita. May katabi at kausap itong magandang babae. Sa
pagkakadikit ng mga ito ay hindi magdududa ang sinumang makakakita na may
relasyon ang dalawa. “Sino kaya iyong babaeng kasama niya? Napaka-‐‑ intimate naman nilang tingnan, ah,” puna ni Aila. “Kung sinuman siya ay hindi ako
interesado. Mabuti pa’y lumipat
na lang tayo ng ibang restaurant. I’m sure na hindi ako gaganahan dito,” sabi niya. “Ha? Dito na lang tayo kumain. O kaya
kung ayaw mo, eh, di sige. Pero daanan muna natin sa mesa niya si Ariel para
mabati natin.” “Aila, ano ka ba! Hindi natin siya
pupuntahan at hindi rin tayo dito kakain. Kaya halika na dahil kung hindi ay
iiwanan kita dito!” banta niya. “Oo na!” sagot nito na sumunod na rin nang
mauna na siyang humakbang palabas. Kinakatkat ng panibugho ang dibdib niya pero
mamamatay na muna siya bago iyon aminin kaninuman. KINABUKASAN, muling nagpunta
sa opisina ni Leslie si Ariel. “Nandito ka na naman? Ano’ng kailangan mo?”
angil niya. “Para sabihin sa iyong mag-‐‑dinner
tayo mamayang gabi. Susunduin kita sa inyo,” sagot ng binata. “Hindi ako puwede’t may lakad ako.”
“You know na hindi ka puwedeng tumanggi. May kasunduan tayo.” “Bakit kailangang
pilitin mo ako? Maraming babae diyan ang puwede mong isama katulad na lang ng
babaeng kasama mong nagla-‐‑lunch kahapon,” tuluy-‐‑tuloy ang bibig na sabi niya. Napangiti ito sa
narinig. “So, tama
pala ang ibinalita sa akin ni Aila,” anito. “What?” gulat na
tanong niya. “You see,
galing ako sa inyo kanina at nakausap ko si Aila. At naikuwento nga niya sa
akin na nakita ninyo ako kahapon sa restaurant kasama si Marie. At sinabi niya
na nagselos ka raw nang makita mo kami.” Napabuntunghininga siya. How dare you,
Aila! I’ll you get you for this! sa isip-‐‑isip
niya. “Look, Leslie. Marie is just a friend.
Anak siya ng isa sa pinakamalaki kong kliyente. And I admit na may gusto siya
sa akin pero hindi ko—” “You don’t need to explain anything to me!” putol niya. “Besides, I don’t care kung anuman ang relasyon ninyo
ng babaeng iyon.” “Really? Bakit mukhang nagseselos ka?” “Hindi ako nagseselos!” “You’re lying. Hindi mo ba alam na napaka-‐‑ transparent mo? Kahit na anong kaila ang gawin mo’y ipinagkakanulo ka ng mga kilos mo.
Why don’t you just admit na mahal mo pa rin
ako para matapos na ang paghihirap natin pareho? Nasa iyo lang ang susi para
maging maligaya tayo.” “Huwag kang umasa na mangyayari iyan.
You mean nothing to me, Ariel. At huwag mong isipin na ikaw ang kaligayahan ko
dahil nagkakamali ka. You’re my worst nightmare!” “I hope
you don’t mean that, Leslie, because I want
you to know that you’re the
best thing that ever happened to me,” seryosong sabi nito. “Oh, yeah? Kaya pala
bigla mo na lang akong iniwan at nawala kang parang bula.” “I had my reasons.”
“Kung anuman iyon ay hindi na ako interesadong malaman. Nabuhay ako ng halos
labing-‐‑isang taon nang wala ka. Bakit kita
kakailanganin ngayon?” “Nabuhay rin ako sa loob ng mga taong
iyon pero buhay na hungkag. Hindi mo lang alam kung gaano ko tiniis ang
mapalayo sa iyo pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa iyo.” “Talaga? Well, salamat kung gayon,”
sarkastikong sabi ni Leslie bago lumakad patungo sa pinto at binuksan iyon.
“Siguro naman ay aalis ka na ngayon, Mr. Montoya.” “Okay. Hindi kita pipilitin
ngayon pero gusto kong isipin mo ang isang bagay—hindi kita iniwan kung alam
kong hindi kabutihan ang idudulot niyon sa iyo.” “Stop it! Just get out, okay?”
inis na sabi niya. Lumakad ito palabas ng silid. Nang wala na ito ay ilang ulit
siyang napabuntunghininga. Hindi niya namamalayan na lumuluha na pala siya.
“LESLIE, why are you staring at me like that?” tanong ni Roger nang mapansing
wala man lang kurap ang pagtingin ng dalaga rito. Nasa isang bar sila nang
gabing iyon. Si Roger na hiwalay sa asawa at may isang anak ay matagal nang
nanliligaw sa kanya. Madalas siya nitong yayain sa labas subalit minsan lang
kung pagbigyan niya ito. Halos kaaalis lang ni Ariel sa opisina nang tumawag
ang lalaki at inimbitahan siyang mag-‐‑date. Pumayag siya. “Roger, gaano na kayo katagal hiwalay
ng ex-‐‑wife mo?” biglang tanong niya. “Mahigit one year na, Leslie. Nag-‐‑file na nga ako ng annulment. Mabuti na lang at sa
ibang bansa kami ikinasal. Makakatulong iyon nang malaki para mapabilis ang
annulment namin.” “Bakit kayo nagkahiwalay? I hope you
don’t mind my asking.” “No, it’s okay. Madalas na kasi kaming nag-‐‑ aaway so we decided na mas mabuti pang maghiwalay na
lang kami kaysa araw-‐‑araw kaming nag-‐‑aaway na nakikita pa ng anak namin.” “Hindi ka naman kaya niya guguluhin
kapag nalaman niyang may karelasyon ka nang iba?” “No, isa iyon sa mga napagkasunduan
namin. Basta, hindi ko kinakalimutan na may obligasyon pa rin ako sa aking
anak.” “Good. Dahil ayokong basta na lang sugurin ng isang babae at sabihan
akong mang-‐‑aagaw ng asawa.” “Does that mean, Leslie, na.. .” “Yes, sinasagot na kita, Roger. Bakit,
ayaw mo ba?” “Of course not! Nagulat lang ako dahil
unexpected ito. I’m so
happy, Leslie. Thank you!” tuwang-‐‑tuwa nitong sabi. Ngumiti lang siya.
Alam niyang hindi tamang gawing panakip-‐‑butas
ang lalaki subalit kailangan niyang gumawa ng paraan para pigilin ang nadarama
kay Ariel. Hinawakan ni Roger ang isang kamay niya. Kahit na gusto niya iyong
bawiin ay pinigil niya ang sarili. “I’m so happy, Leslie. I promise you, hindi
ka magsisisi,” sabi nito. Simula noon ay palagi na silang lumalabas ng bagong
nobyo. MINSAN AY DUMALAW SA KANILA si Roger. Katulad ng dati ay hindi maganda
ang pakikitungo ng ama ni Leslie rito. At lalong ikinagalit ni Mr. Sarmiento
nang malamang nobyo na niya ang lalaki. Kinompronta siya ng ama nang wala na si
Roger. “Talaga bang sira na ang ulo mo, Leslie? O talagang wala ka nang moral
pang natitira? May asawang tao ang pinatulan mo!” galit na sabi nito.
“Correction, dati siyang may asawa, Daddy. Pero hindi na ngayon; hiwalay na
sila.” “Kahit na! Wala akong pakialam kahit na hiwalay na sila. Nanatili pa rin
at hindi magbabago ang katotohanang may asawa siyang tao!” “Dad, kahit wala
pang divorce dito sa Pilipinas ay puwede nang ipa-‐‑annul ang marriage kung gusto ng tao.” “Wala akong pakialam, Leslie! Ang
ikinasal ng Diyos ay hindi maaaring papaghiwalayin ng tao. Kaya kahit na ilang
libong beses pang ipa-‐‑annul ng lalaking iyon ang kasal
niya ay wala ring kuwenta sa akin! Hiwalayan mo ang lalaking iyon!” utos nito. “That’s unfair, Daddy! I’m already twenty-‐‑six and I have the right to make my own decisions!” “At susuwayin mo ang gusto ko? Talaga
bang naghahamon ka? Hindi ko maintindihan sa iyo kung bakit kailangang pumatol
ka sa isang may-‐‑ asawa gayong marami namang binata
diyan na— ” “Si Ariel ba ang gusto ninyong
tukuyin?” “Yes. Si Ariel, binata siya. Kayo ang
bagay at hindi ang Roger na iyon. Bakit ba kasi hindi mo bigyan ng chance iyong
tao para—” “Para saktan na naman ako? No way, Daddy! Ako ang pipili ng sinumang
gugustuhin ko. At si Roger ang pinili ko.” “Talaga bang sinusuway mo ako,
Leslie?” “Wala akong magagawa, Daddy. Personal choice ko na ang pinag-‐‑usapan natin dito.” “Hindi ako naniniwalang mahal mo ang
nobyo mo. Alam kong katigasan lamang ng ulo iyang pinaiiral mo. Ako pa rin ang
ama sa pamamahay na ito, Leslie, kaya kailangan mong sumunod sa akin,” galit na
sabi nito bago siya tinalikuran. Naiwan siyang lumuluha. She hates it kapag
nag-‐‑ aaway sila ng ama. Mahal na mahal
niya ito. Subalit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung
ipagtanggol nito ang lalaking nanloko sa kanya na dapat sana ay kinamumuhian
din nito. Matapos ang pagtatalo nila ng ama ay naisip niyang lumipat muna sa
condominium unit niya. NAGULAT SI LESLIE nang isang umaga ay mabungaran niya si
Ariel sa labas ng kanyang condo unit. Papasok na sana siya sa opisina noon.
“Ano’ng ginagawa mo dito? Paano mo nalamang narito ako?” gulat na tanong niya.
Bago sumagot ay dumeretso muna sa loob ang binata. “Hoy, Lalaki! Ang kapal
naman ng mukha mong tumuloy! Pinapasok ba kita, ha?” “Hindi nga. At alam kong
hindi mo iyon gagawin kaya ako na mismo ang nagbigay ng karapatan sa sarili ko
para pumasok,” kampanteng tugon nito. Napailing siya. “Wala talaga akong masabi
sa kapal ng mukha mo,” tuya niya. “Bakit ba narito ka?” “Bakit hindi ka umuuwi
sa inyo? Alam mo bang nahihirapan ang daddy mo sa mga kalokohang ginagawa mo?
Kasama na iyang pagpatol mo lalaking may-‐‑asawa!” “My life is none of your business!” Napapalatak ito. “Habang tumatagal ay lalo kang
nagiging immature at stubborn, Leslie. Pati ang sarili mong ama’y tinitikis mo na ngayon.” “It’s your fault! Kung hindi ka muling
bumalik sa buhay namin ay hindi sana nangyayari ang lahat ng ganito. Ginulo mo
ang buhay ko!” “Kaya nga ako nagbalik ay para muling
iayos ang buhay mo.. ang buhay nating dalawa,” sabi nito. “Alam kong nasaktan ka sa
paglayo ko pero ginawa ko iyon para na rin sa iyo. Maaaring hindi mo ako
naiintindihan ngayon pero—” “Kailanman ay hindi kita maiintindihan,” mariing
agaw niya. Napabuntunghininga ito. “Talagang hindi mo ako maiintindihan kung
pananatilihin mong sarado ang isip mo. Hiwalayan mo ang nobyong sinasabi ng
daddy mo. May-‐‑asawa iyong tao at—” “Wala kang karapatan para utusan ako!” “Huwag mong pairalin iyang tigas ng
ulo mo, Leslie! Alam kong hindi mo siya mahal at ang tanging dahilan kung bakit
mo siya pinatulan ay para pasakitan ako.” Tumawa siya nang painsulto. “Masyado
kang nagiging mayabang, Mr. Montoya. Wala akong pakialam sa iyo. Sinagot ko si
Roger dahil mahal ko siya.” “Alam mo at alam kong hindi iyan totoo.” Nagkibit-‐‑balikat siya. “Bahala ka kung ayaw mong paniwalaan iyan pero iyon ang totoo.” Nakita niya ang pagtatagis ng mga
bagang nito at nakadama siya ng kasiyahan. “Fine. May paraan para mapatunayan ko
kung nagsasabi ka nga ng totoo.” “Anong
paraan ang si—”
Sinamantala nito ang pagbukas ng bibig niya. Dagli siya nitong hinalikan at
hinapit.
Chapter Ten
KAHIT NAGULAT ay awtomatikong napayakap si Leslie
sa batok ng binata. At muli ay natangay na siya ng sensasyong dulot ng halik
nito. Nasiyahan si Ariel sa reaksyon niya. Lalo pa nitong hinapit ang katawan
niya at diniinan ang paghalik sa kanyang bibig. At siya naman ay parang baliw
na tinutugon ang maiinit na halik nito. Ang malakas na pagtunog ng telepono ang
siyang nagpabalik sa kamalayan niya. Nang matauhan ay ubod-‐‑lakas niyang itinulak palayo ang binata. Sinampal
niya ito. “Get out of my sight! Get out of my life!” sigaw niya, sabay turo sa
pinto. “Pilit mong tinatakpan ng galit ang pagkapahiya mo dahil napatunayan
kong tama ako. Hindi mo mahal ang lalaking iyon dahil hindi ka sana tumugon
katulad ng ginawa mo kanina kung may mahal kang iba.” “Sigurado ka?” pilit ang
ngiting sagot niya. “Paano kung talagang ganoong klase na pala akong babae
ngayon? Pumapatol kahit kanino? Liberated na ako, nakalimutan mo na ba?” “No,
hindi ako naniniwala. Alam kong hindi ka ganoong klaseng babae.” “Labing-‐‑isang taon tayong hindi nagkita at sa loob ng
panahong iyon ay marami na ang nagbago sa akin. Nagbilang na rin ako ng
boyfriends. At lahat sila ay pawang nakahalik na sa akin; karamihan ay higit pa
doon.” “Wala akong pakialam pero isang bagay
lang ang natitiyak ko. Sigurado ako na ako lang ang tanging lalaking
nagpapawala sa iyong sarili kapag hinahalikan kita. At ipinapangako ko rin na
ako lang ang tanging lalaking mag-‐‑aangkin sa iyo habambuhay.” Umiling
siya nang sunud-‐‑sunod. “Hindi mangyayari iyan, Mr. Montoya.
Tinitiyak ko sa iyo.” “Hindi pa ako nangangako sa sarili ko
na hindi ko natutupad, Leslie.” “Puwes,
mabibigo ka ngayon. Baka nakakalimutan mong it takes two to tango. At kailanman
ay hindi ako papayag na maging pag-‐‑ aari mo.” “We’ll see, Leslie. We’ll see,” sabi ni Ariel bago umalis. Nang wala
na ito ay hinang-‐‑hina siyang napaupo sa sofa. “NAKAUSAP KO ang abogado ko. Sabi niya’y malapit nang ibaba ang desisyon ng
korte tungkol sa annulment ko. Kapag nangyari iyon ay puwede na tayong
magpakasal,” balita ni Roger. Nasa isang sikat na restaurant sila noon at
nagdi-‐‑ dinner. Hindi narinig ni Leslie ang
sinabi ng kaharap. Ang isip niya ay okupado pa rin ni Ariel. Patuloy pa rin
siya sa paglalaro sa yelo na nasa juice niya. “Leslie, you’re not listening,” anang lalaki nang makita siyang
nakatulala. “Leslie.
.?” Noon lang siya natauhan. Napahiya
siya nang makitang may pagtataka sa mga mata nito. “I’m sorry, Roger,” mahinang sabi niya. “It’s all right.
But tell me, what’s bothering you?” “Nothing. Naalala ko lang ang Daddy. Three
days na kaming hindi nagkikita. I’m sure masama ang loob niya sa ginawa ko.”
“I’m sorry kung ako ang naging dahilan kung bakit kayo nagkaganyang mag-‐‑ama.” “No, it’s not your fault.” “Don’t worry. Things will turn out fine.
Lalo na kapag dumating ang time na puwede na kitang pakasalan. I’m sure matutuwa na rin siya noon.” On the contrary, baka itakwil pa ako
ni Daddy kapag nangyari iyon, sa isip-‐‑isip
niya pero hindi na iyon isinatinig. Pinilit niyang ngumiti. “I promise I’ll
make you happy,” sabi muli nito bago hinawakan ang mga kamay niya. Hindi siya
kumibo. Pero nakakadama siya ng sundot ng konsyensya sa ginagawa niyang
panloloko rito. “After this, saan tayo pupunta?” tanong niya. “Hindi ba
manonood tayo ng sine?” Napabuntunghininga siya. “Would you mind kung umuwi na
lang tayo pagkatapos nito?” “Why?” “Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko, eh.
Para akong nanlalamig.” “Ha? Do you want me to take you to a doctor?” concerned
na tanong ng lalaki. “No, I’m fine. I just need some rest. Lately kasi ay panay
na ang puyat ko,” sabi niya. “Are you sure?” “Yes, I’ll be fine. Kapag nakauwi
na tayo’y iinom na lang ako ng gamot at magpapahinga. I’m sure mawawala rin
ito.” “Okay, kung iyan ang gusto mo. Next time na lang tayo manood ng sine.”
“Thanks,” nakangiting sabi niya. Pagkatapos nga nilang mag-‐‑dinner ay inihatid na siya ni Roger sa condo unit
niya. “Magpahinga ka na. Bukas ng umaga ay
agad akong tatawag para kumustahin ang kalagayan mo,” habilin nito. “Ikaw ang
bahala. Ingat sa pag-‐‑uwi, ha?” “Yeah. Good night,” sagot ng lalaki. Hinalikan siya nito
bago umalis. Nang wala na ito ay napabuntunghininga si Leslie. Hanggang kailan
niya lolokohin at paaasahin si Roger? Napapailing na naghubad siya ng damit at
nagtungo sa banyo upang maligo. Nakalimutan niya na hindi pala niya nai-‐‑lock ang pinto kaya wala siyang kaalam-‐‑alam na nakapasok na sa loob ng unit niya si Ariel na
sadya siyang sinundan. Paglabas niya ng banyo ay nakabalot na lang ng tuwalya
ang kanyang katawan. Nasa harap na siya ng standing mirror at nagsusuklay nang
makita ang reflection ng binata sa salamin. “HI!” BATI NI ARIEL na titig na
titig sa kanya. “What the hell are you doing here? Paano ka nakapasok?” gulat
na tanong ni Leslie habang ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa tuwalya.
“Blame your boyfriend and yourself. Hindi ninyo kasi tinitiyak kung nai-‐‑lock na ninyo ang pinto,” tugon nito na halata ang pagnanasa
sa mga mata. Ang gulat at kabang naramdaman niya ay nawala nang makita ang
kasabikan sa mga mata nito. Naisip niyang akitin ito at kapag natangay na ay
pahiyain sa bandang huli. Dahan-‐‑dahan siyang lumapit dito habang
hawak pa rin niya ang tuwalya. Nang nasa harap na siya nito ay ngumiti siya
nang matamis bago inilagay ang mga kamay sa batok nito. “Make love to me, Ariel,” nang-‐‑aakit na sabi niya na sadyang idinikit ang halos
hubad at basa pang katawan dito. Niyakap at hinapit siya nito habang nakatingin
pa rin sa mga mata niya. “My pleasure,” pagkuwa’y tugon nito bago bumaba ang mga labi
sa kanya. Ang plano niya, kapag tumugon ito at hinalikan siya ay kaagad niya
itong itutulak nang malakas, at pagkatapos ay pagtatawanan at iinsultuhin.
Subalit naglilikot na ang mga kamay nito sa buong katawan niya ay hindi pa rin
niya ito magawang itulak. Nagulat pa siya nang maramdaman ang pagsayad ng
kanyang likod sa kama. Patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya at nang
maramdaman niya na naalis na nito ang tuwalyang tumatakip sa kanyang katawan ay
ni hindi siya makatutol. Ilang sandali pa ay mahigpit na siyang nakayakap sa
hubad na katawan nitong nakapatong sa kanya habang mainit na tinutugon ang mga
halik nito. Noon niya na-‐‑realize kung gaano siya nangulila
rito; kung gaano pa kalalim ang puwang nito sa puso niya. Nang sinubukan ni
Ariel na angkinin siya ay rumehistro sa mukha nito ang pagtataka nang hindi
kaagad magtagumpay na gawin iyon. Bahagya itong napatigil at takang napatingin
sa kanya. Para itong nag-‐‑alanganin kung itutuloy o hindi ang
ginagawa. Hinalikan niya ito bilang pagbibigay assurance na ituloy nito ang
ginagawa. Parang iyon lang ang hinihintay nito upang ipagpatuloy ang pag-‐‑ angkin sa kanya. Hindi kaila sa kanya ang pag-‐‑ iingat na ginawa nito. Pagkatapos ng mainit na
sandaling iyon ay namagitan sa kanila ang katahimikan. “Why, Leslie?” pagkuwa’y tanong ni Ariel. Alam niya kung ano
ang tinutukoy nito. “All
right, hindi ko sinabi ang totoo dahil nahihiya ako’t birhen pa ako at my age.” “Stop lying! I know na kaya mo ginawa
iyon ay para papaniwalain akong hindi mo na ako mahal. Pero I’m glad at naamin
mo na rin iyon ngayon. You said na mahal mo ako many times while we were making
love.” “At masaya ka na? Puwede mo na akong pagtawanan dahil ang tanga ko para
mahalin ka pa sa kabila ng ginawa mo.” “Wala akong kasing-‐‑saya pero may dapat kang malaman. Iniwanan kita dahil
naisip ko na mas makabubuti iyon para sa iyo. Dahil—” “I don’t need to listen to your lies!” agaw niya na kaagad sanang babangon
subalit mabilis siya nitong dinaganan. “No! Listen to me first! Mayroon kang
hindi alam. Bago tayo magkalayo noon, kinausap ako ng daddy mo. Nahalata kasi
niya na masyadong hulog ang loob mo sa akin. At natatakot siya na baka makagawa
tayo noon ng isang bagay na pareho nating pagsisihan dahil hindi pa tayo handa.
“Naisip ko na tama siya dahil iyon din ang kinatatakutan ko. Baka sa paglipas
ng panahon ay lumipas rin ang pag-‐‑ibig mo sa akin. Batang-‐‑bata ka pa noon at natatakot ako na baka ang nadarama
mo sa akin ay dala lang ng kabataan mo,” pagtatapat ng binata. Nang makita
nitong nakikinig siya ay ipinagpatuloy nito ang sinasabi. “Kaya naisip ko na
lumayo muna. Para matiyak mo ang damdamin mo para sa akin, para magkaroon ka ng
magandang kinabukasan. Ayaw ko kasing dumating ang time na magsisi ka kung
bakit minahal mo ako o kung bakit nagpadala ka sa emosyon mo kaya marami kang
hindi nagawa sa buhay mo na nagawa ng ibang kaedad mo. I wanted you to experience
life to the fullest. Kaya kahit na masakit ay tiniis kong mapalayo sa iyo.
“Pero nag-‐‑iwan ako ng pangako sa ama mo at
siya rin sa akin—nangako
ako na babalikan kita pagdating ng tamang panahon. At ang daddy mo ay nangako
na tutulungan niya ako na mapasaakin kang muli.” Napailing-‐‑iling siya. “Hindi iyan totoo. Bakit hindi iyan ipinagtapat sa akin ni
Daddy noon?” “Dahil natatakot siyang mamuhi ka sa
kanya, lalo na nang mag-‐‑attempt kang mag-‐‑suicide. Ayaw niyang sumama ang loob mo sa kanya.
Kung nalaman ko lang noon na nag-‐‑attempt kang mag-‐‑ suicide ay natitiyak ko na agad rin akong babalik sa
piling mo. Pero wala na ako sa bansa noong mangyari iyon. Hindi pa ako
nakakasulat sa inyo kaya hindi nasabi sa ’kin ng daddy mo.” Natigilan siya,
hindi makapaniwala sa natuklasan. Nang makita iyon ni Ariel ay inabot nito ang
namataang wireless telephone na nasa side table at tinawagan ang daddy niya.
Makalipas ng ilang sandali ay, “Narito ang daddy mo. Puwede mong tanungin sa
kanya kung totoo ang mga sinabi ko,” anito at inabot sa kanya ang telepono. “Hello,
Daddy?” sabi ni Leslie matapos abutin ang phone. Umaagos ang luha niya habang
kausap sa telepono ang ama. Inamin nito sa kanya ang katotohanan at humingi ng
tawad sa kanya. Noon siya naliwanagan kung bakit maganda pa rin ang naging
pakikitungo ng kanyang ama sa dating kasintahan. “Now you know,” sabi ni Ariel
matapos na maibalik ang telepono sa cradle. “Bakit ka pumayag? Bakit mo ako
iniwanan noon?” lumuluhang tanong niya. “Because it was for your own good,”
sagot nito habang pinupunasan ang mga luhang umaagos sa magkabilang pisngi
niya. “Mahal na mahal kita, Leslie. I never stopped loving you,” seryosong
dugtong nito habang deretsong nakatingin sa kanya. Umaapaw sa kagalakan ang
puso niya sa narinig. Yumakap siya nang mahigpit dito. “Mahal na mahal rin
kita, Ariel. Noon at ngayon,” pag-‐‑amin niya. At muli nilang
pinagsaluhan ang kanilang pagmamahalan sa buong magdamag. NANG MALAMANG
NAGKAAYOS na sina Leslie at Ariel ay unang-‐‑unang natuwa sina Mr. Sarmiento at Aila, lalo na nang
ibalita ng magkasintahan na napagkasunduan nilang magpapakasal sa lalong
madaling panahon. Nagtapat na rin si Leslie kay Roger. “I’m sorry,” malungkot
na sabi niya matapos magpaliwanag dito. “No, don’t say that. Wala ka namang
kasalanan. Ginawa mo lang ang alam mong magpapasaya sa iyo. I understand,”
tugon nito na bagaman halata ang lungkot ay pilit na nakangiti. “Paano ka?”
“Don’t worry, I’ll be fine. You know what? Nagkita kami kagabi ng ex-‐‑wife ko. Sabi niya na palagi raw akong hinahanap ng
anak ko. Kinausap niya ako at sinabing baka raw puwede kaming magsama ulit,
give our relationship another chance para sa anak ko. Siguro’y papayag na ako. Hindi lang para sa
anak ko kundi para na rin sa aming dalawa.” Yumakap siya sa lalaki. “Thank you
for everything. And I wish you all the best in life.” “I wish the same for you,
Leslie.” Wala nang makitang problema ang dalaga tungkol sa relasyon nila ni
Ariel pagkatapos niyon. Kaya naman walang pagsidlan ang katuwaan niya.
Napatunayan niya na totoo ang kasabihan na ‘Love is lovelier the second time
around’ dahil mas maligaya pa siya sa kasalukuyan kaysa noon.
Chapter Eleven
NAISIP NI LESLIE na mamili, tutal ay wala
siyang gaanong ginagawa nang hapon na iyon. Sa department store, may nagustuhan
siyang polo shirt na panlalaki kaya binili niya iyon. Tiyak na babagay ito kay
Ariel, naisip niya habang papunta sa opisina ng binata. “Hi, Rita! Nandiyan ba
si Ariel?” nakangiting tanong niya sa sekretarya. Bago pa ito makasagot ay
kaagad na siyang nagtungo sa opisina ng nobyo.. . Upang magulat lamang at
masaktan sa makikita. Si Ariel—may kahalikang babae! Hindi siya nakita ng binata
dahil nakatalikod ito sa kanya. Ang babae lang na kahalikan nito ang nakakita
sa kanya; gumuhit ang matagumpay na ngiti sa mukha nito. Kaagad siyang
tumalikod habang lumuluha. “Ma’am, I’m sorry pero sigurado ho ako na walang
ka—” “It’s okay. Hindi ako galit sa iyo. Sige,” aniya sa sekretarya at mabilis
nang umalis. Walanghiya kang lalaki ka! galit na sabi ni Leslie sa isip habang
nag-‐‑iimpake ng mga damit niya. Wala ang
kanyang daddy nang umuwi siya sa bahay at ipinagpasalamat niya iyon. Tiyak
niyang pipigilan siya nito sa binabalak na pag-‐‑alis. Alam niyang ipagtatanggol na naman nito si
Ariel. Galit na galit siya sa nobyo. Hindi niya akalaing sa ikalawang
pagkakataon ay muli na naman siyang sasaktan nito! At isiping magpapakasal na
sila! Binilisan niya ang pag-‐‑iimpake. Nang matapos ay lumabas
siya ng bahay at sumakay ng kotse. NANG GABING IYON ay nagpunta sa tahanan ng
mga Sarmiento si Ariel. “Wala siya
dito. Sabi nga sa akin ng maid ay may dala raw na isang malaking bag kanina
bago umalis. At umiiyak pa nga raw ang anak ko. Ano ba’ng nangyari?
Nagkatampuhan ba kayo?” usisa ni Mr. Sarmiento. “Naipagkamali ho niya iyong
nakita niya sa opisina kanina. Inakala niya marahil ay nagtataksil ako sa
kanya.” “Ha? Ano ba’ng nangyari?” Ikinuwento rito ng binata ang pangyayari.
“Hindi niya alam na si Marie mismo ang kusang humalik at yumakap sa akin. At
kung nagtagal pa siya nang kaunti ay nakita sana niya kung paano ko pinaalis
ang babaeng iyon. Alam ninyo naman hong hindi ko magagawang magtaksil kay
Leslie.” “Alam ko. Marahil ay nabulagan lang ng selos ang anak ko.” “Pero saan
ho ba siya pupunta? Galing na ako sa unit niya pero walang tao doon.” Saglit na
nag-‐‑isip ang matanda. “Alam ko na! Sa Tagaytay, sigurado
akong naroon siya. May resthouse kami doon. Doon mo siya matatagpuan.” Walang inaksayang sandali si Ariel.
Kaagad din niyang sinundan si Leslie nang gabing iyon. “ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO para
sundan pa ako dito! Manloloko! Taksil!” galit na angil ni Leslie nang makita ang nobyo. “Makinig ka muna sa akin. Mali ang
nakita mo,” sabi ni Ariel na hinawakan siya sa magkabilang balikat. Pinalis
niya ang kamay nito. “Huwag mo akong gawing tanga at bulag. Alam ko kung ano
ang nakita ko!” “Pero iba ang pakahulugan mo sa nakita mo. Si Marie. . aaminin
ko na talagang inaakit niya ako pero kailanman ay hindi siya magtatagumpay.”
“Hindi na ako maniniwala sa iyo! Sinungaling!” “Talaga namang hindi ka
naniniwala sa akin noon pa,” pagtatampo nito. “Palagi mo na lang akong
hinuhusgahan; hindi mo na inisip na ako ang pinakahuling taong mananakit sa
iyo. At hindi mo ba naisip na ang laki ng hirap na tiniis ko nang magkalayo
tayo? At ngayong nagkaayos na tayo ay basta ko na lang ba hahayaang masira
iyon? Iyon ba ang gusto mo, ang magkalayo tayong muli?” Nakaramdam ng guilt si
Leslie. Napaluha siya. Naramdaman niyang totoo ang sinasabi ng binata.
“Pinagtataksilan mo ako!” kunwa’y sabi niyang humihikbi. Muli siya nitong
hinawakan sa magkabilang balikat. “Kailanman ay hindi ko iyan magagawa sa iyo.
Masyado kitang mahal para gawin iyon,” anito. Natuwa siya sa narinig pero
kunwa’y hindi pa rin siya naniniwala. “Maniwala ko sa iyo,” nakalabing sabi
niya. Napangiti ito sa inasal niya. “You haven’t changed. Katulad ka pa rin ng
dati; para ka pa ring bata kapag nagtatampo,” nakangiting saad nito. “Hmph!”
aniya at tumalikod dito. “Paano’y gurang ka na kasi, iyon ang sabihin mo,”
tukso niya. “Ah, gan’on, ha!” ani Ariel na kaagad siyang binuhat. “Hoy, ano ba!
Saan mo ako dadalhin?” natatawang tanong ni Leslie. “Sa kuwarto. Tuturuan ka ng
leksyon ng gurang na ito,” sagot nito habang paakyat ng hagdanan. Nang
makarating na sila sa isa sa mga kuwarto ay marahan siya nitong ibinaba sa
kama. “Parurusahan kita ngayon sa pagtawag mo ng gurang sa akin,” sabi nito
matapos siyang daganan. “Totoo naman iyon, eh,” aniyang natatawa. “But that’s
okay. I’m willing to take any punishment from you. Know what? Ngayon ko na-‐‑realize na hindi pa rin pala ako papayag na muli na
naman tayong magkalayo dahil kapag nangyari iyon ay sigurado kong hindi ko na
makakayanan.” “Me, too, my love. At alam mo kung
bakit? Iyon ay dahil sa mahal. .” Hinalikan siya nito sa noo. “.. na mahal. .”
Sumunod ay sa ilong naman siya nito hinalikan. “. . na mahal kita.” Bago dumako
ang labi nito sa naghihintay na mga labi niya ay pinigilan niya ito upang
bumulong. “I love you, too.” At ilang sandali pa ay wala nang iba pang
maririnig sa silid kundi mga ungol at daing na likha ng pag-‐‑ibig. . WAKAS