IF I LET YOU GO

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

IF I LET YOU GO

IF I LET YOU GO

CHAPTER ONE

MAANG na napatingin si Evan sa ina matapos isa-‑isahin ang librong nakahimlay sa backseat ng kanyang kotse. `Ma, your new business partner is a teenager? nakakunot-‑noong tanong niya. Napakunot-‑noo rin si Mrs. Agapita Catral. Who gave you that funny idea? Muli niyang binalingan ang kung ano-‑anong bagay na nasa likuran niya. Humagip siya ng ilang paperbacks at binasa ang mga titulo niyon. Sabrina, the Teenage Witch, The Wind in the Willows... and—what are these?” ani Evan na iniabot ang ilang piraso ng compact discs na nasa upuan din. “Ah, naiwan pala ni Prima ang mgàyan dito sa kotse mo,” sabi ng singkuwenta y singko anyos na ginang. Nang nakaraang hapon kasi, bago siya dumating mula sa tatlong linggong pagbabakasyon sa Nashville, Tennessee, sa kinaroroonan ng Amerikano niyang ama, hiniram ni Prima ang sasakyan niya. Madalas ikuwento kay Evan ni Mrs. Catral ang tungkol kay Prima Donna C. Velaez mula nang magtungo siya sa Nashville. Pagkaalis niya ng bansa, dumating daw ito sa bahay ng abuelo nitong si Juanito. Si Lolo Juanito ay kapitbahay nila sa Lipa City. At sa maikling panahon lamang ay naging close si Prima sa kanyang ina. Hindi naglaon ay nagsosyo ang dalawa sa isang dress shop business sa downtown Lipa. Fashion Designing kasi ang kursong tinapos ni Prima mula sa isang sikat na fashion school sa Maynila; si Mrs. Catral naman ay likas na mahilig sa mga damit. La Belle Dress Shop, has just existed for only more than a week, ngunit naka-‑attract na iyon ng considerable na bilang ng mga parokyano. At sa araw na iyon ay nakatakdang mamili ang dalawang mag-‑business partners ng mga materyales na gagamitin para sa shop. Sa Divisoria sila dumayo ng pamimili upang makatipid. Nagpresinta si Evan na ipagmaneho ang mga ito kahit halos may jetlag pa siya. Iisang araw pa lang kasi siyang nakakabalik mula sa pagbabakasyon sa States. Paano kasi, ang Prima na iyon daw ang magmamaneho ng pinakamamahal niyang Chevrolet. At nai-‑tip sa kanya ng family friend nilang si Cathy— na siya ring shop assistant sa La Belle— na kaskasera ang business partner na iyon ng kanyang mama. So far wala namang damage, ni daplis ng gasgas sa kanyang luxury car mula nang gamitin iyon ni Prima, subalit mahirap na. Evan simply didn’t want to take chances with Prima. No, no. Not his Chevy. Napailing-‑iling si Evan. Ang bawat libro at CD case na nahawakan niya ay may pangalan ni Prima. Siguroy sadyang iniwan, narinig niyang turan ng kanyang ina. Paanoy dapat ngang siya ang magmamaneho ngayong araw. Parang nabanggit niya sa akin kahapon na idadaan ang mga librong iyan sa pinsan niya sa Maypajo.” “M2M? Westlife?” Napapalatak si Evan habang binabasa ang cover ng hawak na mga compact discs. “Ma, ilang taon na ba ang Prima nàto?” “Twenty-‑two, bakit? Twenty-‑two! ulit niya pagkatapos ay napailing. Groupie pala ang business partner mo, `Ma. Look at her stuff. Carefree lang talaga siya, hijo. Masayahin. Very youthful and vibrant. . but shes actually independent and responsible. Minsan nga lang ay may pagka-‑bratty, but shes an all-‑grown woman all throughout. Shes very smart and clever. Im sure youll like her. Nakahalata si Evan sa himig ng kanyang ina. Ibini-‑build up nito sa kanya ang Prima na iyon, gaya ng palaging ginagawa nito sa bawat babaeng matipuhan nito para sa kanya. Sa edad na treinta y uno, ang turing kay Evan ng kanyang ina ay isa nang matandang binata. I dont know, pagkibit-‑balikat niya. Sa taste pa lang niya sa music, Im sure I won’t like her much.” Muli niyang tinapunan ng sulyap ang mga CDs. “Backstreet Boys? Yuck!” Nai-‑imagine na niya ang hitsura ni Prima. Naka-‑baggy pants ito at makapal na clogs, pormang hindi nalalayo sa trendy British pop group na Spice Girlsnot counting the different one. Iyong tinatawag nilang Posh Spice. Ang gusto ni Evan sa isang babae ay iyong every inch a woman. Mahinhin at pino kung kumilos at magsalita, classy ang taste sa music at pananamit. Definitely not some hippie high school girl in baggy pants and titanic shoes. Nang makalabas ng gate ang kotse, bumusina siya sa katapat na Spanish-‑style na bahay. Iyon ang tahanan ni Lolo Juanito. Sa pagkakaalam ni Evan, maliit pa lang siya ay namumuhay na nang solo ang matandang lalaki sa bahay na iyon. Nang magkaroon ito ng mild stroke twelve years ago, napilitan itong tanggapin ang ipinadalang private nurse at dalawang kasamahan sa bahay ng unica hija nito na nasa Maynila. Hanggang ngayon ay kapisan pa rin ni Lolo Juanito ang mag-‑asawang kawaksi. Ang private nurse naman nito ay ilang beses nang napalitan, until his only granddaughter came. Ayon kay Mrs. Catral, nais ni Prima na personal nang alagaan ang lolo nito. DALAWANG busina pa lamang ay patiyad nang lumabas ng malaking bahay na bato si Prima. Nagmamadali niyang tinungo ang itim na kotse sa labas ng kanilang bakuran. “Hi, Tita Pits!” masiglang bati niya sa ginang na nasa passenger’s seat. Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi gaya ng nakagawian na niya. “`Buti na lang tinawagan mòko sa phone. Kung hindi, baka nagtuloy-‑tuloy ang tulog ko. Ang sarap pa namang matulog ngayonang lamig sa gabi! Mag-‑aalas-‑kuwatro pa lang ng madaling-‑araw nang mga sandaling iyon. Bakit, napuyat ka na naman sa panonood ng tapes sa VCD? nakangiting wika ni Mrs. Catral. Obviously, hindi agad nito naisipang ipakilala ang anak nito sa kanya. Dahil madilim, hindi nakita ni Prima ang mukha ng lalaking nasa drivers seat. And she was not interested anymore. Nakita na niya ang hitsura nito sa mga larawan sa bahay ng mga ito, and she did not find him attractive. He was handsome, all right, pero wala itong appeal sa kanya. Masyado kasing mestiso. Mas maganda pa sa kanya. Sa katawan lang nito siya bumangga. Halatang alagang-‑alaga nito ang sarili sa tamang diet at exercise. Sa taas nitong mahigit sa anim na talampakan, natitiyak ni Prima na ilalampaso ni Evan ang ex-‑crush niyang Calvin Klein model pagdating sa ganda ng tindig. Prima silently wondered why he chose to become a mechanical engineer instead of a model. He would have given Fabio a run for his money. Lihim siyang natawa sa huling naisip. Hindi yata’t somehow ay type niya ang kaha ng Evan na ito. Marami-‑rami na rin siyang alam na impormasyon tungkol sa pagkatao ni Evan. Anak ito sa pagkadalaga ni Agapita sa isang GI na nakilala nito sa Angeles City. Nagtapos ito bilang magna cum laude sa De La Salle University. Kahit nag-‑asawa na ang mama nito at nagkaroon ng dalawang anak, hindi nabawasan ang closeness nito sa ina. And Evan adored his two little sisters. Ang beinte-‑uno anyos na si Gertine ay maagang nag-‑asawa at sa kasalukuyan ay sa Cavite naninirahan, sa pamilya ng asawa nito. Si Yasmin naman ay high school intern sa St. Brigits College sa Batangas City. Ang ama ng magkapatid na ito ay namatay sa atake sa puso apat na taon na ang nakalilipas. Since then, si Evan na ang naging padre de pamilya. Nginitian ni Prima si Tita Pits. Yes, Tita. Dumating kasi si Elliot, tukoy niya sa binatang kapitbahay na isang accountant sa Makati. Nagpapalipad-‑hangin ito sa kanya subalit hindi pa man, natitiyak na niyang basted ito sa kanya. Naiinis siya sa mga lalaking too eager to please her. “As usual, may dala na namang VCDs.” Naisip niya, Elliot was even than a doormat. Wala siyang maisip na object para gawing metaphor. “Anong movies naman at nang makahiram `pag nagustuhan ko?” “No, no. Not movies. Documentary ng paborito kong boy band, `yong ikinukuwento ko palagi sàyo.” “Westlife,” bigkas ng ginang. May amused na ngiti sa mga labi nito, natutuwa sa sarili sa pagkakaalala sa pangalan ng naturang grupo. “Yeah. The tape is called Westlife Story,” saad ni Prima. Hindi niya naiwasang mapangiti. “Ilang beses kong inulit-‑ulit `yon kaya napuyat na naman ako. Napangiting muli si Mrs. Catral. At saka lang naalala ang presensya ng anak. Ay, ano bàyan, sambit nito. Kamuntik ko nang kalimutan. Prima, this is my son, Evan.. hijo, this is Prima. Tinanguan lamang niya nang bahagya si Evan nang ipinakilala ito sa kanya. Hindi man lamang ito ngumiti sa kanya kahit pabalat-‑bunga. Suplado, sa loob-‑loob ni Prima. Mula sa kanyang knitted na body bag, inilabas niya ang kanyang Discman. Isinalang niya ang CD ng paborito niyang kanta. Mayamaya lamang ay inaawit na niya ang isa sa mga chart toppers na awit ng British boy band na Westlife. Day after day, time pass away, and I just cant get you off my mind.. Nobody knows, I hide it inside. . I keep on searching but I cant find. . the courage to show to letting you know Ìve never felt so much love before. . Napasulyap sa kanya si Evan sa rearview mirror. Saglit na nagtama ang kanilang mga paningin sa salamin, ngunit dagli naman itong nagbawi. Suplado talaga, sa isip-‑isip ni Prima. But boy, has he got such pretty eyes! Napangiti siya sa huling ideya. Evan sure had really beautiful eyes, but still she hardly found him attractive. Maybe it was something about his aura. Masyado itong reserved at pormal, something she did not find very likeable in a person. Ang tipo niya ay iyong magulo, maingay, kengkoy. Iyon ang masarap kasama. Hindi dull na katulad ng Evan na ito. Nang muling magtama ang kanilang mga paningin sa rearview mirror, Prima saw to it na siya naman ang unang magbawi ng tingin. Kung suplado ka, suplada rin ako! Ipinagpatuloy ni Prima ang pagsabay sa awiting tumutugtog sa kanyang Discman. Eh, ano ba kung ma-‑turn-‑off sa boses niya ang supladitong Evan na ito? Hindi naman niya ito crush. At imposibleng magka-‑crush siya rito. He simply was not her type. Nakita niyang may sinabi ito kay Mrs. Catral. Hindi niya iyon narinig dahil may earphone na nakasaksak sa mga tainga niya, but she was sure it was not a compliment on her voice—or the singing prowess she did not obviously possess— base sa kulimlim ng facial expression nito.

 

CHAPTER TWO

“`MA, COULD you turn on the news?” sabi ni Evan sa ina. Naiinis siya kay Prima na nasa backseat. Ang lakas-‑lakas nitong kumanta. Mabuti sana kung may boses na maipagmamalaki. Shès distracting me. Natawa si Mrs. Catral. No, I like to listen to her voice. Sintunado siyang kumanta but her voice is very sweet to my ears. Parang lullaby to my ears.” “But a thunder blast to mine,” pakli ni Evan. Siya na ang kusang nagbuhay ng car stereo at inilagay sa AM dial at hinanap ang paboritong istasyon. Huminga siya nang malalim matapos matagpuan ang DZMM. “What a relief. .” Natatawang umiling na lamang si Mrs. Catral. Usually ay pasensiyoso si Evan, ngunit nang mga sandaling iyon ay tila threadlike lamang ang isa sa mga itinuturing ng inang virtue ng anak—ang pasensiya. He was not normally irritable so it bothered his mother now. Mayamaya lamang ay mas nilakasan pa ni Evan ang volume ng radyo. Hindi talaga niya gustong marinig ang tinig ni Prima. It was. . it was distracting. And he sure did not welcome any distraction habang nagmamaneho siya. It could be risky. Nakasimangot na muli niyang tinapunan ng sulyap sa rearview mirror si Prima. And the next thing he saw, may tricycle na mabagal na umaandar sa unahan ng Chevy niya. Nakapihit pa si Evan ng manibela upang iwasan ang tricycle subalit narinig pa rin niya ang malakas na lagabog at ingay ng nagbanggaang bakal. Nahagip ng bumper ng kanyang Chevrolet ang likuran ng tricycle. Wala na siyang nagawa kundi pumikit nang mariin at saka inihimlay ang kanyang noo sa manibela. Kakatwang ang mukha ni Prima ang nakita niya sa kanyang pagkakapikit. “W-‑WHAT happened? usisa ni Prima sa tinig na medyo panicky. Nakatutok ang paningin niya sa unahan ng sasakyan. Oh, God. . dinig niyang usal ni Evan sa pagkakasubsob nito sa manibela. Huminga ito nang malalim bago kampanteng umibis ng kotse. Si Prima naman at ang ina ni Evan ay kapwa nakamaang habang sinusundan ito ng tingin. Hindi kakikitaan ng agitation ang mukha nito habang nilalapitan nito ang tricycle driver. Nakita nila ang eksena sa unahan ng kotse. Tumilapon ang mga nakakargang prutas sa tricycle. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makasigurong walang taong nasaktan sa naturang aksidente. Walang pasahero ang tricycle. Ang driver naman ay hindi nagalusan. Ang nagalusan ay ang mamahaling sasakyan ni Evan. May bahaging nayupi sa bumper niyon. Ang tricycle ay may kaunti ring damage. Maliit lang compared to the bruised Chevrolet . Hindi naman major ang damage ng naturang luxury car, ngunit nakatitiyak na malaking gastos din ang pagpapakumpuni niyon. Nakita ni Prima na may dinukot si Evan sa bulsa. Wallet, apparently. Mula roon ay dumukot ito ng ilang lilibuhin at saka iniabot iyon sa may edad nang tricycle driver. Areglado na, naisip niya. Tumitig siya sa tall frame ni Evan habang madilim pa rin ang mukha nitong humahakbang papalapit sa kotse. Hmp, buti nga sàyo, sa loob-‑loob niya. Kaskasero ka kasi, eh. Pabagsak ang puwit nang muling naupo sa harap ng manibela si Evan. Bago ito nagsalita ay tumingin muna ito nang masama sa kanya. Nakaka-‑distract kasi ang ibang tao diyan, eh, yamot na parinig nito. Napamulagat si Prima. Hoy, kasalanan ko bang magandàko? Na distracting ang beauty ko? irap niya. Apektado ka pala kasi, kunwari at pasupla-‑suplado effect ka pa! mangani-‑ngani na niyang idagdag. Tila tuluyan nang mauubusan ng pasensiya si Evan, pinili na lamang nitong i-‑start muli ang makina ng kotse. `Ma, hindi na tayo puwedeng tumuloy. Napipi ang bumper ng kotse ko. Napapalatak ito. Kung bakit kasi ito pang kotse ko ang nadala, oo. Pupunta lang naman sa Divisoria. Naisip din ni Prima iyon. Oo nga. Bakit kasi naka-‑Chevrolet pa sila gayong Divisoria lang naman ang lakad nila? Isa lang ang sagot: dahil wala silang ibang sasakyang madadala. Ang pickup truck na ginagamit ni Evan sa jeepney motors nito ay kabebenta lang noong nakaraang buwan. Ang mga jeep naman sa shop nito ay pawang hindi pa kompletong yari. Bago pa lang kasi ang negosyong iyon. Isang dahilan kung bakit dumadalaw ito sa ama nito ay upang humiram ng mas malaking kapital. Gusto nitong palawigin ang negosyong iyon sa buong Batangas. “But, hijo—” tutol sana si Mrs. Catral. Nang makita nito ang grim expression sa mukha ng anak ay tumahimik na lamang ito. “Aba, hindi naman yata puwedeng ipagpaliban namin ni Tita Pits ang pamimili,” mabilis na saklolo ni Prima sa ginang. “Mawawalan kami ng materials sa shop. Masisira kami sa mga clients namin, eh, kabago-‑bago pa lang ng shop nàyon. Tiningnan siya ni Evan nang matalim. Halos lamunin siya ng animo nagbabagang uling sa mga mata nito. Mas mahal pa ang gagastusin ko sa pagpapaayos ng kotseng ito kaysa sa kikitain ninyo from a dozen of customers, angil nito. Bukod sa abala pa sa mga tauhan ko sa shop. Damn! Kung hindi ka parang palaka riyan sa kakaatungal, hindi mangyayari ang aksidenteng ito. Hindi agad nakapagsalita si Prima sa kabiglaanan. Iyon ang kauna-‑unahang pagkakataon sa buhay niya na may nagtaray sa kanya nang ganoonat lalaki pa! Binalingan ni Evan ang ina nito. `Ma, ang masama pa nito, baka hindi ito makumpuni ng mga tauhan ko. Goodness, this is a luxury car! Kahit personal ko sigurong pangasiwaan ang pagre-‑repair nito, hindi ko maaayos nang pulidong-‑pulido. Nginitian ni Mrs. Catral ang anak. I trusted your ability, son. We have to go back. This blasted car needs to be fixed immediately. May lakad ako tomorrow night,” napu-‑frustrate na saad ni Evan. Lakad? anang ginang. Huminga muna nang malalim si Evan. This was supposed to be a surprise, but since some jinx has just ruined everything, I might as well tell this now. Darating si Sharmaine tomorrow. Nagliwanag bigla ang mukha ni Mrs. Catral. Si Sharmaine? Shès coming? Tumango si Evan. Si Prima naman ang biglang napakunot-‑noo, sa isip ay nagtatanong: Sino si Sharmaine? Abày bakit kailangan mo pang gawin iyong surprise? Hindi bat mas maigi kung malalaman ko na agad at nang makapaghanda naman ako para sa homecoming niya kahit papaano? That means, mas dapat tayong tumuloy na sa Divisoria. Kung darating si Sharmaine, tiyak na mawawalan na ako ng panahong mamili.” Saglit na nag-‑isip si Evan, pagkatapos ay napailing na lamang ito at pinaandar na ang sasakyan. Wala na itong nagawa kundi tumuloy ng Maynila kahit medyo yupi ang unahan ng magara nitong kotse. NANG nasa Divisoria na sila, lalo pang naging mainit ang mga sulyap na itinatapon nina Prima at Evan sa isa’t isa. Minsan, sa pag-‑irap ni Prima sa binata, di sinasadyang nabangga siya sa laylayan ng nakabiting tolda sa isang puwesto ng mga damit. Huwag kang maglakad na parang tsungingi, yamot na sabi ni Evan. Nakakahiya kang kasama. Nanlaki ang kanyang mga mata, pagkatapos ay naningkit. Hoy, hindi ako tsungingi. Laking Tondo ako, `no! Ikaw nga itong promdi, eh. Hindi pinansin ni Evan ang sinabi niya. Kung aanga-‑anga ka, puwede bang dumistansiya ka nang kaunti sa amin ni Mama? Baka pati kami mapagkamalang engot.” “Abàt. .” Hindi pa tapos ni Prima ang dapat sabihin ay natalisod na siya sa kung anong bagay sa nilalakaran. “Aray!” mahinang bulong nito, nang-‑aasar. Pigil nito ang paghalakhak. You moron! sikmat niya. Hoy, hoy, sa wakas ay hindi na nakatiis na singit ni Mrs. Catral. Maanong magtigil na kayong dalawa, para kayong mga asot pusa. Pigil ang pagtawa ng ginang. Magsasalita pa sana itong muli nang ito naman ang mapabangga sa malapad na katawan ng kasalubong na kargador. To the rescue naman agad si Evan sa ina. Mabilis nitong inilayo sa maskuladong lalaki ang maliit na katawan ng ginang at saka niyakap. Pagkatapos ay tiningnan nito nang masama si Prima. “Sabi ko na kasing dumistansiya nang kaunti, eh. Hindi mo ba alam, contagious ang katangahan. `Buti na lang, immune ako sa mga ganyan.” Hinampas ng natatawang ginang sa dibdib ang anak at saka nito pinakawalan ang pinipigil na pagtawa. Inis na rin si Prima. Napahalukipkip siya at saka matalim na umirap. “Idiot,” gigil na bulong niya na nagpatiuna na sa paglalakad. Bandang alas-‑diyes ay dumaing ng pagod si Mrs. Catral. Inihatid ito ni Evan sa kotseng naka-‑ park sa VIP parking space ng isang bangko roon; na close friend nito ang may-‑ari. Nang maihatid nito roon ang ina, binalikan ni Evan si Prima sa kinaroroonang shop ng dressmaking accessories. Napakunot-‑noo ito nang makitang abala pa rin siya sa pamimili ng mga butones. Bakit ba galit na galit sila sa isat isa gayong noon pa lamang sila nito nagkakilala? At open pa sa mama nito kung sila ay magbangayan. Odd, naisip ni Prima habang kunwari ay nagbubusisi ng mga butones na may iba’t ibang kulay, shapes, sizes, at designs. Odd, odd, odd. Dahil ayaw niyang magpatalo sa inis na nagsisimula na namang magbangon sa kanyang isip, pinilit niya ang kanyang sariling mag-‑ concentrate sa kanyang ginagawa. Kabuti-‑buti at nasa kanya ang momentum nang mga sandaling iyon. At ayaw niyang maagaw iyon sa kanya ng bruhong si Evan na nakikita niya sa gilid ng kanyang mata na nagpupuyos na sa inip. Nang siya na rin ang magsawa at matalo ng inip sa pang-‑aasar na ginagawa niya, pinili niyang magseryoso nang tuluyan sa mga butones na dapat bilhin. But that was not the final straw. Ang ginawa ni Prima na pagbabayad ay tila slow motion pa tulad ng sa mga pelikula. Pagkatapos ay para siyang modelong mabagal na nag-‑catwalk palabas ng shop. Hey, ano ka ba? nang hindi na makatiis ay bulyaw ni Evan mula sa kanyang likuran. You seem to be moving underwater. Elegante pa rin ang bawat kilos ni Prima nang nilingon niya ito, patuloy pa rin siya sa pang-‑ aasar. Nakita niyang pawisan na ito sa pagbibitbit ng mga pinamili niyang gamit sa pananahi. Hoy, huwag mòkong puwersahing maglakad nang mabilis, puwede? Taliwas sa eleganteng lakad at kilos niya ang kanyang boses. Para na rin siyang palengkera sa lugar na iyon. Ang bilang kòy tatlo na ang blisters ko sa sakong, patuloy niya. Buti ka, naka-‑rubber shoes.. at saka talagang makapal ang paa mo, `no! Prima doubted what she said. Sa kinis ng kutis ni Evan, imposibleng magkaroon ito ng sakong na makapal. “Kung bakit naman kasi sa Divisoria lang ang punta, naka-‑stilettos pa. pumalatak ito. Para po bumagay sa magarang Chevrolet mo, inis na sagot ni Prima. Itinaas niya nang bahagya ang kanyang kaliwang paa. Aba, at hindi naman stilettos `to, ano! Yamot na tiningnan niya ito, deretso sa mga mata. Huwag mòkong matawag-‑tawag na tangengot, banta niya. At bakit hindi? hamon ni Evan. Hoy! Kung may IQ kayo, humanap kayo ng mas malawak na lugar, huwag dito! Istorbo kayo sa daan!” masungit na bulyaw ng isang may-‑ katabaang babaeng hindi makadaan sa pagitan nila. Papatanghali na at lalo pang dumarami ang mga parokyano sa lugar na iyon. Hindi pinansin ni Prima ang babae. Bagkus ay pinamaywangan pa niya ang kabangayang si Evan at pinandilatan. Tinawag mòkong tangengot kanina. Correction, pang-‑iinis nito. Tsungingi, hindi tangengot. Ganoon na rin `yon, troglodyte, ingos ni Prima na nagsimula nang maglakad muli. At saka ang sabi ko, patuloy ni Evan, nakasunod sa kanya, “huwag kang maglakad na parang tsungingi. Don’t walk like an imbecile. I didn’t say tsungingi ka. . although I have a strong suspicion na tsungingi ka nga.” Eksaktong pagkasabi nito sa mga salitang iyon ay bumangga siya sa kasalubong. “See what I mean?” nakakaloko pang sabi nito. Sa yamot ay awtomatiko siyang napapihit, sabay hampas dito ng hawak na body bag. “Pa’no kasi, like you said, nakakahawa ang katangahan. Moron.” “What if I leave you in the middle of Divisoria?” irap ni Evan. Natawa siya, nakakaloko. “As if I’d ever get scared. Baka ikaw diyan, `pag iniwan kita sa gitna ng Divisoria, mag-‑hysteria ka. Natawa na lamang ito at saka inunahan na siya sa paglalakad. Nanggigigil na sumunod na lamang siya rito. Abat. . tingnan mo ang bastos na to!

 

CHAPTER THREE

MAALIWALAS na mukha ni Lolo Juanito ang sumalubong kay Prima pag-‑uwi niya kinahapunan mula sa pamimili sa Divisoria. Niyakap niya ang abuwelong nagbukas sa kanya ng pinto. Hi, `Lo, patang bati niya, sabay halik sa baba ng matanda. Kahit medyo baluktot na ang likod ng nobenta y uno anyos na matanda, malaki pa rin ang agwat ng height nilang maglolo. “I’ve got something for you. Binili ko sa Tutuban.” “Siyanga?” nakangiting turan nito. Hinila ni Prima ang matanda patungo sa sofa at doon ay kampante silang naupo. Alas-‑sais pa lang ay tila nais na niyang matulog nang mahimbing. Ni hindi na yata niya kayang maglinis pa ng katawan at magpalit ng damit sa sobrang pagod.. na hinaluan pa ng labis na pagkayamot sa suplado at bruhitong anak ng kanyang business partner. Napasimangot siya pagkaalala kay Evan. Kung pumasok man lamang sa isip niya na boorish ang lalaking iyon, sana ay naihanda niya ang sarili sa pakikipagharap dito kahit paano. “Nagluluto na ba si Aling Bining, `Lo?” mayamaya ay tanong ni Prima sa pagitan ng paghuhubad ng suot na leather shoes. Hinagip niya ang katabing body bag at mula roon ay dinukot ang isang maliit na paper bag. “Here, Lolo. Ibinili kita ng mga bagong hankies. Napapansin ko kasing palaging ito na lang nang ito ang ginagamit mo.” Napangiti na lamang si Lolo Juanito habang hinahayaan siyang tanggalin ang pagkakabuhol ng panyo sa leeg nito. Nakagawian na nitong magtali ng malaking panyo sa leeg. Ipinalit niya ang bagong biling asul na hanky sa inalis na pulang panyo sa leeg nito. Pagkabuhol niyon nang maluwag, bahagya pa siyang lumayo rito upang tingnan itong maigi. Napangiti si Prima. “There. O, `di mas maganda? May tatlo pa rito, different colors that Ìm sure you’d love.” “Salamat, hija.” Nakangiting pinagmasdan siya ni Lolo Juanito pagkasabi niyon, ay dreamy expression sa kulubot nang mukha. Pagkatapos ay hinaplos nito nang marahan ang kanang pisngi niya. “Kay ganda-‑ganda talaga ng apo ko. Ganyang-‑ganyan ang lola mo noong kadalagahan niya. . at pati buhok ninyo ay magkapareho. Sinong mas maganda sa amin ni Mommy? may kislap sa mga matang tanong ni Prima, nasa himig ang pagbibiro. Pareho kayong maganda. Nakangiting nagkibit-‑balikat na lamang siya. Playing-‑safe ka, Lo, ha. Well, anyway, nagluluto na ba si Aling Bining?” Tumango si Lolo Juanito. Tumayo na siya, patungo sa kanyang silid sa ikalawang palapag ng mataas na Spanish-‑style house ng abuwelo. Balang-‑araw ay siya ang magiging may-‑ari ng bahay na iyon dahil siya lang naman ang tanging apo nito, at ang kanyang mommy ay nag-‑iisa nitong anak. God, Ìm so tired! Pakisabi na lang kay Aling Bining na katukin ako sa kuwarto ko at around eight, just before they sleep. Mamaya na lang ako kakain. Magpapahinga munàko. Sige. Pagod sa katawan, pati sa isip. . hay, naku. Nakakayamot pala ang tsonggong anak ni Tita Pits, `no, Lolo?” sabi niya na patuloy sa paghakbang sa hagdan. “Lakas ng pang-‑asar. Ngayon, medyo gusto ko nang ma-‑convince na nag-‑evolve nga ang mga tao mula sa unggoy. That Evan guy is a troglodyte, the paragon of human evolution! Magsasalita pa sana ang matandang lalaki ngunit pagtingala nito sa kanya ay wala na siya sa paningin nito. Nakapasok na siya sa kanyang silid. Nakamaang ito habang nakatingala, nakatingin sa dinaanan niya. Marahil nagtataka ito at na-‑ shock kung bakit niya tinawag na tsonggo si Evan. Evan was the most generous, gentlemanly guy the old man had ever met. ANG SILID na inookupa ni Prima ay ang dating silid ng kanyang mommy noong dalaga pa ito. Marami na siyang ipinabago kahit sa una ay labis ang pagtutol ni Lolo Juanito na galawin niya ang orihinal na ayos ng silid. Hindi kasi talaga sila magkapareho ng panlasa ng kanyang mommy. Sa halos lahat ng bagay, taliwas sila. Iyon ang madalas nilang pag-‑awayan; they had nothing in common. Mas kasundo pa nga niya ang kanyang daddy. Ang problema naman niya sa kanyang ama, masyado itong abala sa negosyo. Halos wala na itong oras sa kanilang mag-‑ina. Ibinagsak ni Prima ang pagod na katawan sa malambot na kama. Sandali niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang nag-‑iisip. Nagmulat lang siya nang tuksong lumitaw sa kanyang alaala ang larawan ng antipatikong lalaki, si Evan. At nakangisi na naman ito. Damn, Evan, leave me alone, inis na bulong niya sa sarili. Para maalis sa utak si Evan, tumitig si Prima sa kulay-‑lavender na kisame. Dati ay murang asul ang kulay ng pinta niyon. Iyon kasi ang paboritong kulay ni Arceli, ang kanyang mommy. Sa kisame ay may dalawang butiki, naglalambutsingan. Napangiti si Prima. Ang sweet naman ng mga butiki, sa loob-‑loob niya. Panay ang tuka ng nahihinuha niyang lalaki sa nguso ng partner nito. Na-‑engross na siya roon nang tuluyan hanggang sa mamalayan niyang nakapikit na pala siya nang mariin, may ngiti pa ring nakaplaster sa mga labi. Hindi na ang mga butiki ang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Iba na. There was her. . smooching with a guy who had coffee-‑colored hair. Napakunot-‑noo si Prima sa pagkakapikit. Hindi yata pamilyar sa kanya ang hitsura ng buhok na iyon. And then the guys face materialized in her vision. And she whispered his name. Evan. . Napabalikwas siya. Nananaginip siya. No, binabangungot. Napakamot siya sa ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Prima kept on thinking about Evan, at kahit sa subconscious mind niya ay panay ang singit nito sa eksena. Muli siyang nahiga. Nang mapatingin siya sa alarm clock na nasa nightstand, sandali na lang siyang pumikit at saka muling bumangon. Mag-‑ aalas-‑otso na. Bumangon na si Prima nang tuluyan at dumeretso sa banyo. Patang-‑pata pa rin ang pakiramdam niya subalit naghubad na siya ng damit at mabilis na binuksan ang shower. Lumabas siya ng silid na preskong-‑presko ang pakiramdam. Nakasalubong niya sa hagdan si Aling Bining na pupuntahan na sana siya at kakatukin sa kanyang silid. “May bisita ka, Prima,” salubong nito. Naglalaro sa mga labi nito ang isang pilyang ngiti. “Kuu, pagkaguwapo.” Napakunot-‑noo siya. Dati na siyang dinadalaw ni Elliot at ni minsan ay hindi niya kinakitaan ng kilig at kinang sa mga mata ang matandang katulong. Ngunit bakit may kakaiba na sa ngiti nito? Ah, baka sa kauna-‑unahang pagkakataon ay may bitbit na pasalubong si Elliot para kay Aling Bining. Nakahain na sa mesa, hija. Kung yayayain mong dito na maghapunan si Evan ay dadagdagan ko ang hain. Nang tanungin ko’y hindi pa nga raw siya naghahapunan. Si Lolo Juanito ay nakakain na at nagpapahinga na sa kanyang kuwarto.” Napamulagat si Prima. Si Evan ang panauhin niya? Napangiwi siya nang maka-‑recover siya sa shock. At bakit naman kaya siya dadalawin ng mokong na iyon? Hindi bat nang nagpunta sila ng Divisoria nang araw ring iyon hanggang sa pag-‑ibis nila ng na-‑damage nitong sasakyan ay panay ang irapan nila sa isat isa? O, siya, Prima, harapin mo na ang suitor mot baka mainip pa. Aba, mahirap na.” Natawa siya sa pagkabigkas ni Aling Bining sa salitang “suitor.” Sa halip na “su” ay ginawa nitong “suwi” ang first syllable ng salita. “Okay, Aling Bining,” tango niya. “Ako na’ng bahala sa hudyong `yon.” Napahagalpak si Aling Bining. “Pahapyaw nga ay naikuwento ng lolo mo sa amin ni Mang Kardo na tila hindi mo nga raw yata nagustuhan si Evan. Kaming tatlo’y nagtaka. Aba, eh, pagkabait-‑bait ng batang `yan, eh. Akala nyo lang hòyon, ismid niya na nagsimula nang humakbang pababa. Pagkabait-‑ bait? Pwe! Kung hindi ko pa alam, great-‑great-‑great-‑ grandson ka ni King Herod, Evan ka. Nang makarating si Prima sa sala, mabilis na tumayo si Evan. Bahagya pa itong yumukod sa pagbibigay-‑galang sa kanya. Totally baffled naman siya. Ano ang nakain ng ungas na ito at para yatang isang maamong tupa nang gabing iyon? Good evening, nakangiting bati ni Evan. Simangot ang itinugon ni Prima sa pagbati nito. Sabi ko, good evening. It sure was a good one.. and then you came along,” ismid niya. “Sit down.” “For you.” Kamuntik na siyang mapatalon sa kanyang kinauupuan. Red roses! Long-‑stemmed pa, at mukhang fresh na fresh. Napakunot-‑noo ito. Hindi mo man lang ba aabutin? Hindi pa rin iyon inabot ni Prima. Duda siya sa motibo nito. Saan galing `yan? Napakamot si Evan sa ulo. Sa flower shop, saan pa? Ngumiwi siya. Sa flower shop? ingos niya. Baka sa garden ni Aling Bekang mo ninenok `yan, ha? Natawa ito. Sa flower shop talaga galing `yan. Alam mo na. . sort of peace offering.” Lumabi siya. “Peace offering,” muli niyang ingos. “Pagdaan ko kasi kanina sa sentro para bumili ng manok sa Andok’s, natanaw ko ang flower shop nàyon. Eh, forty percent off pala sila kapag malapit nang mag-‑closing time. Naalala kita. . so I bought this. Iniabot ni Evan ang mga bulaklak sa kanya pero hindi pa rin niya hinawakan. Come on. . Saka pa lang iyon kinuha ni Prima mula rito. Sigurado kang hindi sa funeral parlor ito galing, ha? Inamoy niya iyon, pagkatapos ay pinaasim ang mukha. “Àyan, o.. amoy-‑punerarya. Anong amoy-‑punerar—” Ibinalik niya rito ang rosas. Pinamulahan ng mukha ang mestisong si Evan. Inilapit nito sa ilong ang bulaklak at sininghot ang amoy niyon. Ibig na niyang matawa. Ooh, she was enjoying this! Hindi naman, ah, sabi nito. Nagkibit-‑balikat siya. Baka may rhinitis ka. Ang hina ng pang-‑amoy mo, eh. Well, anitong inilagay na ang bulaklak sa tabi nito. Kung ayaw mo, eh, di huwag. Iuuwi ko na lang uli sa bahay. Kamuntik na niyang makagat ang ibaba niyang labi. Damn, she wanted that rose. Ang pamimintas niya roon ay para lamang asarin ang herodes na ito—at kumagat naman ang loko! Kunwa’y nagkibit-‑balikat na lamang si Prima. Binalot sila ng katahimikan. Nagkahiyaan na yata, makasabay pa silang napatikhim. Nagtama ang kanilang mga paningin, naghugpong nang ilang segundo. Si Prima ang unang nagbaba ng tingin. Nakakapaso ang titig ni Evan. Hi, sa kawalang masabi yata ay bigkas nito. Nakangiti ito nang tingnan ni Prima. H-‑hi. . Muli, namagitan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. Nang sa wakas ay hindi na makatiis, tumayo siya. “Ako, eh, kanina pa nagugutom. If you don`t mind, gusto ko nang mag-‑dinner. Hindi mo man lang bàko yayayain? Nakanguso, nilingon niya ito. At bakit naman kita yayayain? Inilibre kita ng lunch kanina. Umasim ang mukha niya. Iyon? Sa isang Chinese turo-‑turo? At tatlong pirasong siomai lang, ha. Naturingan ka pa namang de-‑ Chevrolet. Aba.. at walang utang-‑na-‑loob na ito, a, angil nito. Humalukipkip siya, naghintay sa susunod na sasabihin nito. “Hoy, hindi para que magpa-‑impress ako sàyo, `no! Pagkasabi niyon ay hindi nito naiwasan ang mapatawa. Umiling-‑iling pa ito. Alam mo, natatawa ako sa ating dalawa, eh. . Kung may nakakatawa man sa ating dalawa, ikaw `yon. Sige, layas nàt nang makakain nàko! Alukin mo naman ako, kahit pabalat-‑bunga lang. No. Magsasalita pa sana si Evan ngunit biglang sumulpot mula sa hagdan si Aling Bining. Sa likuran nito ay ang nakangising si Lolo Juanito. Ipaghahain ko na kayo,” mabilis na turan ng matandang babae. At nawala agad ito sa paningin nila. Tumikhim si Lolo Juanito. “Evan, hijo. .” “Lolo Johnny, good evening,” nakangiting bati ni Evan. Nagmano pa ito sa matanda. Na ikinataas ng isang kilay ni Prima. Hindi na lang siya nag-‑comment dahil ayaw niyang masaksihan ng kanyang lolo ang paggigirian nila ni Evan. Gusto rin niyang sitahin ang binata sa paraan ng pagtawag nito sa lolo niya pero nanahimik na lang siya. . kahit pa nga tila sintunado sa tainga niya ang mga katagang “Lolo Johnny”. “Sabay na kayong maghapunan nitong apo ko, Evan, hijo,” sabi ng matanda. “Salamat ho, Lolo. ‘Buti pa kayo nakaisip mag-‑ alok, samantalang itong apo ninyo.. Inirapan agad ito ni Prima. Hindi nakaligtas ang ginawa niyang pag-‑irap kay Evan mula sa matalas na pakiramdam ni Lolo Juanito. Sinupil ng matanda ang pagsulpot ng isang pinong ngiti sa mga labi nito. Nagpatiuna na si Prima sa kusina, medyo padabog. Ayaw niyang makasalo sa pagkain ang mokong na Evan na ito. Kahit ilang minuto na lamang ay manginginig na siya sa gutom, pakiramdam niya ay tatakasan siya ng kanyang appetite kapag nakaharap sa hapag ang nakakainis na pagmumukha nito. May ngiti sa guwapong mukha na sumunod si Evan sa kanya. Nasa dulo ng maikling parada si Lolo Juanito, tuluyan nang pinakawalan ang sinusupil na ngiti.

 

CHAPTER FOUR

PAGKATAPOS kumain, inatake agad ng antok si Prima. Ang appetite na inakala niyang iiwan siya oras na makaharap sa hapag si Evan ay naging faithful sa kanya all through the meal. Nagkakatinginan nga sina Lolo Juanito at Evan habang maganda siyang kumakain. Nahawa ang kanyang abuwelo sa gana niya sa pagkain, nakiupo na rin ito at nakidampot ng ginataang hipon. Na-‑dominate nito at ni Evan ang usapan habang kumakain, which was to her benefit dahil wala siya sa mood na makipag-‑usap dahil busy siya sa pagnguya. Mauna nàko, `Lo, paalam niya sa abuwelo. Akmang aakyat na siya sa hagdan para magtungo sa kanyang silid, napilitan siyang balingan din si Evan, for civilitys sake. Evan.. Napamaang si Lolo Juanito. “Aba, eh, mag-‑a-‑ alas-‑nuwebe pa lang, ah? At saka nandito pa si Evan. Hindi mo man lang ba siya huhuntahin? Pagod nàko, Lolo. Maghapon akong bugbog sa Divisoria. Helpless na napabaling si Lolo Juanito kay Evan. Nakakaunawang tumango si Evan. Hayaan na ho nating makapagpahinga siya, Lolo Johnny. Mukha ngang napagod sa. . sa kaka-‑backseat drive. Nang mangyari kasi ang aksidente habang patungo sila sa Maynila, naging alerto na si Prima sa pagmamaneho ni Evan. Naging cautious siya masyado, to the point na noong pabalik na sila ay panay ang dikta niya rito habang nagda-‑drive ito. Pinalampas niya ang sinabi ng binata. Patience, Prima, patience. O, sige.. good night, hija. `Night, `Lo, Sinadya ni Prima na hindi batiin ng good night si Evan. Dumeretso na siya ng akyat. Naiwan ang dalawang lalaki. Nagkuwentuhan pa ang mga ito kasama sina Aling Bining at Mang Kardo hanggang sa magpaalam na si Evan. Mag-‑ aalas-‑dose na nang makauwi ito. BANDANG alas-‑dos, bumangon si Evan upang manubig. Nang mapadaan siya sa sala, napuna niyang bukas pa ang ilaw sa isang silid sa katapat na bahay. Napalapit tuloy siya sa bintana at nagsimulang magbilang ng silid kina Lolo Juanito. Ang silid sa gawing kanan ng bahay ay ang kay Lolo Juanito. Ang nasa dulong kaliwa naman ay ang sa mag-‑asawang Bining at Kardo. Ang mga silid na iyon ay patay na ang mga ilaw. It could only mean two things: Gising pa si Prima, o hindi ito sanay matulog na patay ang ilaw. Lihim na nag-‑asam si Evan na sana ay ang first possibility ang tumpak. Ilang saglit pa siyang tumitig mula sa bintana ng kanilang living room bago dumeretso sa kusina. Manunubig siya sa comfort room na malapit doon at tuloy ay iinom ng tubig. Pagkatapos gawin ang mga iyon, bumalik na si Evan sa kanyang silid. Papahiga na siya nang biglang may ideyang nag-‑spark sa utak niya. Bumangon siya at magagaan ang mga paang nilapitan ang drawer sa malaki niyang cabinet. Mula roon, inilabas niya ang isang laruang helicopter, pati ang remote control niyon. Nakangisi pa siya nang sulyapan ang long-‑ stemmed red rose na iniuwi niya, iyong tinanggihan ni Prima. Mabuti at naisipan niyang ilagay iyon sa vase na may tubig. Sa pamamagitan ng isang dangkal na ribbon na kinalas niya mula sa letter envelope na pinaglagyan ng sulat ni Yasmin para sa kanya, naikabit ni Evan ang rosas sa katawan ng laruang helicopter. Nagsingit siya ng isang note doon: Hi, are you still awake? Ipinuwesto niya ang laruan sa pasimano ng kanyang bintana. Inihanda niya ang remote control. Pagkatapos ay maluwang ang ngiting sinundan ni Evan ng tingin ang papatawid sa kabilang bahay na munting helicopter, dala ang kanyang mensahe para kay Prima. Nagpaikot-‑ikot ang helicopter sa tapat ng bintana ng silid na maliwanag, pagkatapos ay bumunggo iyon sa glass window. Nang makitang bumukas ang bintana, pinaderetso ni Evan ang laruan papasok sa silid. Binitiwan na niya ang remote control at nagsimulang maghintay sa susunod na mangyayari. Hindi pa siya halos nakakakurap ay iniluwa na ng bintana ang busangot na mukha ng inaabangang si Prima. Magulo ang buhok nito, halatang bagong gising. So, she sleeps with the lights on, konklusyon ni Evan. Nakita niyang inilibot ni Prima ang matatalim na mata sa kabuuan ng katapat na bahay. Hinahanap ng mga mata nito ang posibleng silid na kinaroroonan ng target. Nang hindi ito makapagdesisyon kung alin ang posibleng silid ni Evan, padabog na ibinagsak nito pasara ang bintana sa silid nito. Pinatay nito ang ilaw pagkatapos. Napatawa si Evan. “Sarap asarin ng babaeng ito,” amused na bulong niya sa sarili. Natutuwa siya at may mapaglilibangan siyang alaskahin habang pressured pa sa pag-‑a-‑adjust sa bagong tayo niyang negosyo, ang El Capitan Motors. MASAMA ang timpla ni Prima nang magtungo sa dress shop kinabukasan. May dark circles na naman siya sa palibot ng kanyang mga mata. O, na-‑late ka yata, puna sa kanya ni Tita Pits. Nakapuwesto na ito sa desk nito, nag-‑o-‑organize ng kung ano sa daily planner nito. Nangingitim na naman `yang mga mata mo. Nagpakapuyat ka na naman, ano?” Hindi nagbago ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha nang makaupo siya sa kanyang puwesto. “Hindi ako nagpakapuyat, Tita,” sabi niya habang binubuklat ang kanyang record notebook. Kukunin niya ang lista ng mga kinakailangang tabasin at tahiin para sa araw na iyon. “Pinuyat ako.” Natawa si Mrs. Catral. “Pinuyat ka? Sino naman this time, ni Tom Cruise? Pahiramin mo nga ako ng tape mo ng MI:2, hindi ko pa napapanood `yon, eh.” Umiling si Prima. “No, Tita. Tsonggo ang pumuyat sa akin.” Natawa ito. Naalala naman niyang bigla na anak nga pala nito ang pinatutungkulan niya ng panlalait na iyon. Nanahimik na lamang siya at nagsimulang magsulat. Pagkatapos ay tumayo siya at ibinigay kay Cathy ang mga designs na tatabasin ng kanilang mga modista. “Matiyaga talaga si Elliot, ha?” sabi ni Tita Pits. Hindi nag-‑react si Prima sa sinabi nito. Nakahalata naman ito na ayaw niyang pag-‑ usapan ang tungkol sa topic na inaakala nito, binago nito ang usapan. Natanaw mo ba si Evan sa bahay bago ka umalis? Daig pa niya ang nakanguya ng buto ng lansones pagkarinig sa pangalang iyon. “Pupunta kasìyon ng airport today, eh. Susunduin si Sharmaine, ‘yung anak ng ninang niya na magbabalikbayan from Ottawa.” Nakuha niyon ang atensyon niya. Sharmaine? “Ex-‑girlfriend niya iyon, Prima. Ewan ko lang kung hanggang ngayon ay nagkakaigihan pa rin sila, pero ang pagkakaalam kòy tuluyan na silang nag-‑break four years ago. Eh, ang kaso, on and off talaga ang dalawang iyan. Kaya ngayon hindi ko alam ang tunay na status ng relasyon nila. Baka MU pa rin.” Natawa ito sa huling tinuran. Prima did not find that funny. Nanatili siyang pormal. “Ewan ko ba sa anak kong `yon. Thirty-‑one na siya. Gusto ko sanang mag-‑asawa na siya, ang kasoy parang wala yatang kabalak-‑balak. Pumalatak pa ito. Marami namang babaeng naghahabol. . hindi ko alam kung ano ang gusto non sa babae. I mean, iyong tipo talaga niya. Dadalawa pa lang naman kasi ang naging nobya niyansa pagkakaalam ko, ha. Si Sharmaine lang, at sakàyong pamangkin ng dating governor dito.” Nagkunwari si Prima na hindi masyadong nakikinig. Kunwari ay abala siya sa pagguhit ng mga disenyo sa kanyang notebook. “Pero kung ako lang ang masusunod, ang gusto ko sanang maging manugang sa kanya ay `yong. . `yon bang carefree at walang kiyeme. `Yong tipong makakasundo ng dalawa kong anak na babae. `Yon bang katulad mo.” Natigilan siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa ginang. “That’s impossible, Tita,” aniyang pinilit na ngumiti. “Para kaming aso’t pusa. . tubig at langis. Hindi puwedeng pagsamahin. Nakita mo naman kahapon, `di ba?” Natawa ang ginang. “Hija, hindi ko naman sinabi na gusto ko na kayong dalawa ang magkatuluyan. Ang sabi kòy `yong tipo ko lang.” Napahiya si Prima. Bagsak ang balikat na ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa ginagawa kunwari. Napadiin ang hawak niya sa lapis. “O, baka mabutas patìyang mesa mo,” natatawang puna ni Mrs. Catral. Nginitian niya ito, pilit. Nang muli niyang iguhit ang hawak na lapis, naputol ang charcoal tip niyon.

 

CHAPTER FIVE

NAKAABANG si Prima sa sasakyang hihinto sa tapat ng gate ng katapat na bahay. Ang Chevrolet ni Evan ay nasa shop pa rin nito. Ayon kay Tita Pits, dadalhin iyon ni Evan sa isang espesyalista ng mga luxury cars sa susunod na araw. Ayaw nitong ipagkatiwala sa mga kamay ng mga tauhan sa El Capitan Motors ang pagre-‑repair niyon. Asul na Rav-‑4 ang dalang sasakyan ni Evan sa pagsundo kay Sharmaine sa NAIA. Hiniram lang nito iyon sa tiyahin habang hindi pa naaayos ang Chevrolet nito. Nang makarinig si Prima ng tunog ng sasakyan, para siyang tutang nagsipag-‑angatan ang mga tainga. Inilapit niya ang kanyang mukha sa salamin ng kanyang bintana. Patay ang ilaw sa kanyang silid kaya hindi siya nangangambang matanaw siya ni Evan na umuusyoso. Nakita niyang unang umibis ng sasakyan si Evan. Lumigid ito sa kabilang pinto at binuksan iyon. Lumabas ng sasakyan ang isang matangkad at slim na babae. Maiksi ang buhok nito, fit ang suot na blouse at leggings. Unti-‑unting kumunot ang noo ni Prima sa pagmamasid. Pumulupot ang isang braso ng babaeng sopistikada ang dating sa baywang ni Evan. At ang huli naman ay umakbay rito. Nang papasok na sa bahay ang dalawa, nagtatawanan ang mga ito. Biglang bumukas ang ilaw sa sala. Natanaw niya si Mrs. Catral, yumakap sa bagong dating na babae. Nagbeso-‑beso pa ang dalawa. Mula sa puwesto niya ay tanaw rin niya si Evan habang nakamasid ito sa dalawa. Bukas ang malaking sliding glass sa bahay ng mga ito, nakatali ang mga kurtina kaya kitang-‑kita niya ang loob ng sala. Matapos makipag-‑beso-‑beso ni Sharmaine sa ginang, muling bumalik sa baywang ni Evan ang isang braso nito. At nang siilin nito ng halik sa bibig si Evan, right before his mother’s smiling figure, napapikit si Prima nang mariin. Pagkatapos ay nanlulumong bumalik siya sa kanyang kama. Mag-‑aalas-‑dose na ng hatinggabi. Kailangan na niyang matulog kung ayaw niyang talunin ng gravity ang kanyang nagsisimula na namang mangitim na eye bags. KAYO muna ni Cathy ang bahala sa shop, Prima. Nandito na kasi si Sharmaine, eh. Susunduin namin mamayang hapon sa Batangas si Yasmin. Dito siya the whole weekend para may makahuntahan namang teenager si Sharmaine. Ang tagal din nilang hindi nagkita, almost three years. .” “N-‑no problem, Tita, mahinang tugon niya sa kausap sa kabilang linya. O, sige.. May naulinigan si Prima na usapan sa background sa kabilang linya. Bumalik sa telepono si Tita Pits. O, hija. . tamang-‑tama pala. Pa-‑centro rin si Evan, may bibilhin yata. Ipapahatid na kita sa kanya hanggang sa shop. Bumuka ang bibig niya para tumanggi, ngunit walang katagang lumabas mula roon. “Labas ka na ng gate kung bihis ka na.” Bakit ba parang may nalulon siyang bulalo nang mga sandaling iyon? Na-‑paralyze yata pati dila niya. Hello, Prima.. ? Are you still there? Y-‑yes, Tita. . Ill be—Ìll get out in a flash. S-‑sige, bye. . Mabibigat ang mga hakbang niya nang lumabas ng bahay. Sa bench sa garden, nilapitan niya ang kanyang lolo na nakagawian nang doon magkape habang nagbabasa ng diyaryo sa umaga. Aalis nàko, Lolo, paalam niya, sabay halik sa noo nito. “Kung pupunta ka sa bukid, magpasama ka kay Mang Kardo. Huwag na kayong makapunta-‑punta ulit doon nang nag-‑iisa. Paano kung may mangyari sa inyo habang-‑daan? Nang nakaraang Lunes kasi ay nagtungo sa maliit na farm nito ang kanyang lolo na walang paalam sa kanilang tatlo nina Mang Kardo at Aling Bining. Gaya ng laging paalala sa kanya ng kanyang mommy bago siya nagtungo sa Lipa, matigas ang ulo ni Lolo Juanito. Nang maisip niyang magiging abala na siyang masyado sa business nila ni Tita Pits, ikino-‑consider niya ang pagkuha ng private nurse para sa abuwelo. Kahit kasi hindi demanding masyado sa oras ang kanilang shop, gusto pa rin niyang may twenty-‑ four-‑hour attention mula sa kanya ang matanda. Tumango si Lolo Juanito. Huwag kang mag-‑ alala sàkin, apo. Malakas pa ako sa kalabaw. Hindi na nag-‑react si Prima dahil natanaw na niya si Evan sa kabilang bahay, nakatanaw rin sa kanila. Tuluyan na siyang nagpaalam sa kanyang lolo. Hi, good morning! masiglang bati ni Evan nang makalapit siya. Binuksan nito ang pintuan ng passenger’s seat ng Rav-‑4 para sa kanya. Thanks, bahagya na niyang bigkas. Mabilis na sumakay sa driver seat si Evan at binuhay na ang makina ng sasakyan. Nang umaandar na ang kotse ay muli itong nagsalita. Are you free tonight? Napatingin si Prima rito. Bakit? I-‑invite sana kita. Nasa bahay ang kinakapatid ko. Magkakaroon kami ng maliit na welcome party, simple lang. Naimbitahan ko na sina Lolo Johnny at Aling Bining, pahayag nito. Kaswal ang ekspresyon sa mukha nito, ang mga mata ay nakatutok sa daan. “Kung wala kayong lakad ni Elliot, baka naman makatawid ka sa bahay namin para makisalo.” Napasulyap-‑sulyap siya rito. Walang anumang emosyong mababakas sa tinig nito. Tumingin si Evan sa kanya. Ano, available ka ba? Saglit siyang nag-‑isip. Sige na. Darating kasi ang bunso namin, eh, si Yasmin. Para naman huwag siyang ma-‑out of place sa magiging conversation mamayang gabi. You know. . baka ma-‑bore sa amin `yon. Kayo kasing dalawa ang magka-‑level, eh.” Tumingin muli si Prima sa mukha nito, pilit binabasa ang emosyon doon. Mukha namang hindi ito nang-‑aasar, pero just the same, nainsulto pa rin siya. Sila pala ni Yasmin, ang katorse anyos na dalagita, ang magka-‑level, ha. Ibig ba nitong sabihin, ang level niya ay pam-‑fourteen years old? Makikita mong ungas ka. Mamayang gabi. Sa halip na ipakitang nainsulto siya, nginitian pa ni Prima nang matamis si Evan. Well, Im free tonight. Sure, Ill come. Hindi niya alam kung na-‑imagine lang niya, pero nakita niya ang pagguhit ng relief sa guwapong mukha nito. Na-‑relax ang facial muscles nito. The rest of the drive, abala ang isip ni Prima sa pagki-‑create ng outfit na magpapaluwa sa kulay-‑ kapeng mga mata nito. May ngiti sa labi niya nang maibaba siya nito sa shop. Nang biglang pumasok sa isip niya ang hitsura ni Sharmaine, nilipad ng hangin ang spirit niya. Napatitig tuloy siya sa kanyang reflection sa full-‑ sized mirror sa loob ng shop. Sa height niyang five feet and three inches, magiging duwende siya sa tabi ng dalagang balikbayan. Sa tingin niya ay nasa five feet and eight inches ang taas nito. Ah, magha-‑high heels ako, resolusyon ni Prima. Three inches. Nanlumo naman siya pagkatapos. Na-‑realize niya na hindi nga pala siya nagha-‑high heels. Baka pagtakhan siya ng abuwelo, magduda pa tuloy ito. Magka-‑clogs na lang ulit siya. Mala-‑Spice girls, isang dangkal ang kapal ng suwelas. Panibagong isip na naman tuloy siya ng disenyong ipapa-‑rush sa pinakamagaling na modista sa La Belle. Buong maghapon siyang nag-‑design nang nag-‑ design. At sa wakas, nag-‑settle sa dress na single-‑ strapped at above-‑the knee ang haba. Para maisuot na niya ang out of caprice na binili niyang scarlet clogs nang dalawin niya ang mga magulang sa Maynila two weeks ago, pinili niya ang scarlet ding tela sa stock nila sa shop. Mabilis niyang tinabas iyon at ipinasa kay Vivian, ang pinakamahusay na mananahi roon. Rush lang `to, Viv. Isusuot ko mamayang gabi sa dinner kina Tita Pits. May balikbayan silang bisita, eh.” “Oo, bah. Basta ikaw, Prima, no sweat.” “Thanks. Idadaan ko na lang mamaya sa Froilan`s Laundry. Ipapa-‑dry clean ko. DAHIL nainip na sa paghihintay sina Lolo Juanito, Aling Bining at Mang Kardo kay Prima, nauna ang mga ito sa pagpunta sa katapat na bahay. Naiwan si Prima na paikot-‑ikot pa rin sa harap ng malaking salamin sa loob ng kanyang silid. Naupo siya sa harap ng dresser. Matapos niyang mapagmasdan ang mukha sa harap ng salamin, hinagip niya ang container ng cotton balls at naglagay roon ng facial cleanser. Masyado yatang makapal ang make-‑up niya, nangangati tuloy ang mukha niya. Sensitive kasi sa cosmetics ang kutis niya. Nang matanggal ang makeup, namumula na ang mukha ni Prima. Sa huli, face powder na lang ang ini-‑apply niya roon at saka nag-‑lipstick nang manipis. Pagkatapos ay ang buhok naman niya ang kanyang binusisi. Hindi siya nasiyahan sa French braid, inilugay niya iyon. Nang makita naman niyang medyo nakulot ang kanyang buhok, ibinalik niya iyon sa pagkaka-‑French braid. Nag-‑spray siya ng pabango. Lalabas na siya ng silid nang mag-‑ring ang telepono. Kinuha niya mula sa ibabaw ng tokador ang wireless phone. Ang pamilyar na tinig ng kanyang daddy ang bumawi sa kanya. Mukhang malungkot ang tinig nito ngunit dahil nagmamadali siya, hindi na niya natanong man lang ito kung may problema ba o ano. Ill call you later. May dadaluhan akong dinner party, Dad. Nauna na nga sina Lolo, eh. W-‑well. . you enjoy yourself, sweetheart, sabi na lamang ni Mr. Carlito Velaez. Good night.” “ABA’T marunong ka palang mag-‑dress, salubong agad na puna ni Evan kay Prima. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. Come in, come in. . Thanks. Sina Lolo? Nasa den. Dinner will be held there, trip lang naming tatlo nina Sharmaine at Yasmin. Inalalayan siya nito patungo sa den. Nang dumaiti ang mga daliri nito sa kanyang siko, may kung anong koryenteng gumapang sa braso niyana naglakbay sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Napatingin siya rito, at ito man ay tumingin din sa mukha niya. Nang maghinang ang kanilang mga paningin, kapwa sila napahinto sa paglalakad. May kung anong magnetong humatak sa kanila papalapit sa mukha ng isa’t isa. Hanggang sa gahibla na lang ng sinulid ang pagitan ng kanilang mga mukha. Saka pa lang siya nagbaba ng tingin. “Prima.. ” usal ni Evan. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Nalilito sa sariling damdamin, tila nahi-‑ hypnotize na sinalubong niya ang nagbabagang titig nito. Primas arms were already around his neck even before he kissed her on the lips. Napapikit siya, ninamnam ang tamis ng una niyang halik. Sa edad niyang beinte-‑dos ay wala pa ni isa mang nakakalapit sa kanya nang gaya ng posisyon nila ni Evan nang mga sandaling iyon. No one had ever kissed her before. At ganoon pala ang feeling niyon. Para siyang ipinaghehele sa alapaap. When Evans tongue made his way to her mouth, may narinig siyang ungol. Kung sa kaulayaw iyon o sa kanya, hindi niya masabi. All she knew was that she didnt want that magical moment to end.

 

CHAPTER SIX

NAPASINGHAP pa si Prima nang sa wakas ay magkahiwalay ang mga bibig nila ni Evan mula sa pagkakahinang. It was as though she was asking for more. Sinalubong niya ang tingin ng binata, napakunot-‑noo. Salubong ang mga kilay nito, may kulimlim sa ekspresyon ng mukha at bahagyang nakatiim-‑bagang. Noon lang tuluyang natauhan si Prima. Disenchanted, itinulak niya ang katawan nito palayo sa kanya. Hindi naman ito nagprotesta. Para pa ngang iyon ang ine-‑expect nitong gawin niya earlier. Pero ang titig nito ay hindi naalis sa mga mata niya. Nasa ganoon silang posisyon, nagtititigan, nagbabasahan ng damdamin sa mukha ng bawat isa nang bumukas ang pinto sa den. “Hey, àndito na pala si Kuya, eh!” sambit ng matinis na tinig na iyon. Prima guessed it to be Yasmin’s voice. Pumormal si Evan, pagkatapos ay pasimple nitong nilapitan ang kapatid. “Yasmin, sweetheart, siya si Prima,” animo ay walang anumang nangyaring turan nito, sabay akbay sa kapatid. Hinila nito ang dalagita palapit sa kanya na medyo natutulala pa rin. “Prima, this is my sister, Yasmin. Super sa kulit.” Nang marinig niya ang tinig nito, ang casualness ng himig nito, lihim na nasaktan ang puso niya. Prima mastered all her efforts upang huwag nito iyong mahalata. Pinilit niyang ngumiti sa ipinakilalang dalagita. “Hi, Yasmin.” “Hi!” To Prima’s surprise, yumakap sa kanya ang dalagita. “I’ve been dying to meet you. Palagi kang ikinukuwento sa akin ni Mama sa e-‑mail. Ka-‑Westlife pala kita! anitong bumungisngis pa. Whòs your favorite one? Napangiti siya, agad na naaliw sa dalagita. “Hmm. . I like all of them, but I think. . hmm. . I’ll go back for Mark.” Nakangiti pa ring tumango ang dalagita. “Hmm. . yeah, he is supercute. Pero si Bryan ang crush ko.” Sinundan uli nito ng girlish grin ang tinuran, saka hinawakan siya sa braso at iginiya palapit sa pintuan ng den. “Let’s go. Dinner is waiting for us.” Hindi na tiningnan ni Prima si Evan hanggang sa makapasok sila sa den. Malawak ang silid. May billiard table sa center, dalawang malalaking aquarium sa gilid, at exercise gadgets sa isang sulok. Ang rectangular table ay ipinuwesto malapit sa dalawang aquarium. Nang mahagip ni Prima ng tingin ang mag-‑ asawang katulong, nahalata agad niya ang pagiging uneasy ng mga ito. Pilit na ngumiti si Aling Bining sa kanya, at ginantihan naman niya ito ng pilit ding ngiti. After what happened a few minutes ago sa pagitan nila ni Evan, hindi niya maiwasang makadama ng labis na pagkaasiwa. Lalo pat dama niyang sinusundan siya ng tingin ni Evan, inoobserbahan ang kanyang kilos. Pagkatapos ng introduction sa pagitan nila ni Sharmaine, nagsimula na ang hapunan. Apat silang walang imik sa harap ng hapag; ang mag-‑ asawang Bining at Kardo na ill at ease sa presence ng amo at mga kaibigan nito, siya na halos matunaw sa titig ni Evan, na wala nang ginawa kundi tumitig sa kanya. Hey. .? untag ni Sharmaine kay Evan pagkuwan. Youre strangely quiet. Pinilit ni Evan na ngumiti. Medyo maasim yata ang sikmura ko tonight, pagdadahilan nito. Tumingin sa plato nito ang balikbayan. Hmm. . mukha nga. Halos wala kang kinain, a.” Tumikhim si Evan, handa nang mag-‑takeover sa usapan. Agad nitong napuna ang katapat na si Prima. Marunong ka rin palang mag-‑dress, Prima. It suits you. Thanks, tanging nasambit niya bilang tugon. Ayaw niyang makipag-‑usap hanggang maaari. Red is your color. Natawa si Yasmin. Thats scarlet, Kuya. Scarlet. Pula na rin `yon, `di ba? Pagkatapos na pagkatapos ng hapunan, mabilis na nagpaalam sina Mang Kardo at Aling Bining. Ngalingali nang sumama si Prima sa pag-‑uwi, kaya lang ay mukhang ayaw pang magpaalam ng kanyang lolo. Tipong wala itong balak na matulog nang maaga sa gabing iyon. Nang mag-‑alas-‑diyes y medya, hindi na siya nakatiis at niyaya na niya ang abuwelo. Tutol pa sana sina Mrs. Catral at Yasmin, pero hindi na siya nagpapigil. Tatawag pa siya sa kanyang mga magulang sa Maynila gaya ng ipinangako niya sa kanyang daddy, katwiran niya. Sina Sharmaine at Evan ay hindi nagkokomento o nagre-‑react man lamang. Pero nang papalabas na sila ng bahay, nag-‑good night naman si Evan sa kanya. Bahagya na niya itong nginitian bilang tugon. At tuloy-‑tuloy na siyang umuwi. Nakausap ni Prima sa telepono ang mga magulang nang gabing iyon. At pagkatapos niyon ay nahiga na siya para matulog. Ngunit tuksong pabalik-‑balik sa kamalayan niya ang tagpo sa pagitan nila ni Evan earlier that evening. Kung ilang ulit niyang binalikan sa alaala at ninamnam sa kanyang imahinasyon ang tamis ng halik na iyon. SABADO, kinabukasan. Bago mag-‑lunch break sa La Belle ay may dumating na panauhin doon. Nagulat pa si Prima nang bigla na lamang sumulpot sa maliit na opisina nila ni Tita Pits ang dalagitang si Yasmin. “Hello, Ate Prima!” Ibig niyang matawa pagkakita sa outfit nito. Naka-‑tank top ito na tulad niya, magkaiba nga lamang ang kulay. Ang suot nilang bell-‑bottom jeans ay halos identical, if not for the tiny floral designs sa bulsa ng sa kanya. Ultimong jade bracelet niya ay kamukha ng kay Yasmin. Now Im convinced, biro niya. We were twins separated at birth. Humagikhik si Yasmin. “Pareho tayong beauty,” anitong iniangkla ang braso sa kanya. “Let’s go. Kain tayo sa labas. Kuya is with Ate Sharmaine and Mama.” Pagkarinig ni Prima sa pangalan ni Sharmaine, ibig niyang mawala sa mood. Ayaw niyang makasalo na naman sa pagkain ang sopistikadang dalagang ito na kung makapulupot kay Evan ay daig pa ang sawa. Tatanggi sana siya ngunit narinig na niya ang tinig ni Evan. Biglang tinambol ang dibdib niya. Excitement engulfed her. “Come on, Ate Prima,” hila ni Yasmin sa kanya. Nang sumulpot si Evan, kasunod si Sharmaine— na agad pumulupot dito nang tuluyang makapasok sa cubicle niya, tuluyang naglaho ang cheery mood niya nang araw na iyon. “Prima.. ?” pukaw ni Evan sa kanya. Kay Yasmin siya tumingin. “I. . I can’t go with you. M-‑may lakad kasi ako this afternoon, pagdadahilan niya. Awtomatikong pumasok sa isip niya si Elliot. Matagal nang humihiling ng date sa kanya ang masugid niyang manliligaw na ito. Actually, dapat ko na siyang tawagan so he can pick me up now. Walang mababanaag na reaksyon sa guwapong mukha ni Evan. Si Yasmin ang labis na nanlumo. “Who’ll pick you up, Pri?” tanong ng bagong dating na si Tita Pits. “S-‑si Elliot, Tita. Ngumiti nang maluwag ang ginang. Finally, a date, huh? Gumanti ng ngiti si Prima. Ang kulit, eh. That`s progress. Yeah. So, paano? Mauuna na kami sàyo? Si Cathy na munang bahala dito while wère both out. Tumango siya. Pagkaalis ng apat, dagling tinawagan ni Prima si Aling Bining. Favor, Aling Bining, please. Kung puwede, magpasama kayo kay Elliot papunta rito. May sasakyan naman siya, eh. Kunwari, emergency. Sabihin n’yo, may ipinadala ako sa inyo dito sa shop. .” Nag-‑explain pa siya nang mas mahaba bago nag-‑hang-‑up ang matandang katulong. Kailangang makita ng mga mananahi at ng shop assistant na si Cathy na dumating ang kotse ni Elliot sa shopat sasakay siya sa kotseng iyon. Siyempre, para isipin ng mga ito na sinundo siya. NANG dumating ang pulang Toyota Corolla, halos liparin ni Prima ang distansiya upang makasakay agad doon. Mahirap na, baka biglang mag-‑roll down ng car window si Aling Bining, magtaka pa ang mga tauhan sa La Belle kung bakit ang matandang babae ang chaperon niya. Although alam naman ni Prima na nagiging sobrang cautious siya, mabuti na rin ang sigurado. Kahit medyo unlikely, may posibilidad pa ring mag-‑usisa si Tita Pits sa mga tauhan sa shop. Sa bahay, quick! sambit niya nang makaupo sa passengers seat ng kotse ni Elliot. Mabuti na lamang at wala itong pasok sa trabaho kapag ganoong Sabado. Bukod pala sa pagpo-‑provide ng VCDs, may iba pa pala itong silbi. Napangiti siya sa kanyang sarili dahil sa kanyang kalokohan. Babawi na lang ako sàyo in some other way, Elliot, tahimik na usal ni Prima habang inaayos ang pagkakaupo. Whats up? tanong ni Elliot. Isa rin itong accountant. Napakunot-‑noo ito, nagtataka sa kilos niya. Nothing, mabilis niyang sagot. Sa bahay, please. . pakibilisan lang! Para hindi maging mukhang sobrang salbahe niya sa pag-‑uutos nang ganoon dito, nginitian niya itona nauwi sa pagbungisngis. Nag-‑lunch din naman sila ni Elliot together iyon nga lang, sa bahay nila and not in some posh restaurant na tulad ng in-‑insinuate niya kina Tita Pits.

 

CHAPTER SEVEN

LINGGO ng hapon. Prima, apo.. ano ba? Hindi ka pa ba tapos diyan? Pinunasan ni Prima ang suwelas ng suot niyang leather sandals. Pula iyon na ang strap ay nakapulupot sa ibaba ng binti. It was one of her favorite footwears. Sa araw na iyon, ladylike siya. Inilalaan niya ang Linggo sa kanyang lolo, at sa kanilang pagsimba sa Cathedral de San Sebastian. Dapat lang ay dalagang-‑dalaga ang dating niya. Request iyon ng matanda. Hindi kasi ito gaanong kombinsido that she was wearing and acting her age. Para kang bagong nagdadalaga, puna nito. Hindi nalalayo ang hitsura mo at pananamit sa mga estudyanteng nakikita ko sa bayan. `Lo, trendy lang ho ako, katwiran ni Prima. And besides, dito ako mas at ease. Mas malaya akong kumilos. Minsan pa niyang tiningnan ang sariling repleksiyon sa full-‑sized mirror sa kanyang silid. From head to foot, foot to head. Pagkatapos ay nasisiyahang ngumiti si Prima. Sa suot niyang pulang spaghetti-‑strapped blouse na tinernuhan ng pula ring A-‑line skirt na may black design, walang lalaking malinaw ang paningin at pag-‑uutak ang hindi magbibigay ng second look sa kanya. Napasulyap siya sa labas ng bintana. Nakita niya ang number one target niya sa ginawang pagpapa-‑beauty. Abalang-‑abala ang lalaking itinuturing niyang the paragon of human evolution sa pakikipaghuntahan kay Sharmaine sa swing sa hardin. Nalukot tuloy ang mukha ni Prima. Aminado na siyang cute si Evan. “Cute lang,” agad naman niyang bawi sa sarili. “Not deadly gorgeous or fatally attractive.” Meaning, harmless ang nadarama niyang kung ano rito. “Prima.. ” muling tawag ni Lolo Juanito mula sa ibaba ng hagdanan. “Aba, eh, mag-‑aalas-‑ kuwatro na. Baka komunyon na lang ang abutan natin sa simbahan niyan. Im coming, Im coming, nagmamadali niyang sabi. Lumabas na nga si Prima ng silid at nagmamadaling bumaba ng hagdan. “Dahan-‑dahan naman, susmaryosep na bata ka, napapalatak na turan ng matandang lalaki. Para kang paslit. .! Kay hirap mong sawayin. Bungisngis ang itinugon niya roon. Magkaabrisete pa silang maglolo nang lumabas ng bahay. Uy, Lolo Johnny. . Prima, bati ni Evan na sa kasalukuyan ay hindi na kausap ang dalagang balikbayan. Wala na rin sa swing si Sharmaine. Marahil ay pumasok na sa loob ng bahay. Magsisimba ho kayo? Tumango si Lolo Juanito. Aba, eh, sumabay na ho kayo sa amin, mabilis na alok ni Evan. “Sisimba rin kami nina Mama sa San Sebastian.” Tumingin sa kanya si Lolo Juanito, humihingi ng approval. “`Lo, affair nating dalawa ito. Kakain tayo pagkagaling sa cathedral, `di ba?” mahinang bigkas niya. Napakamot sa ulo ang matanda. “Eh, Evan—” “Kuu, Lolo Johnny, nakontra na naman kayo ng apo n’yo,” natatawa at napapailing na putol ni Evan sa sasabihin ng lolo niya. “Mahirap ang sasakyan mamaya paglabas ng simbahan, kayo rin.” “Thanks, but we can manage by ourselves,” mataray na singit niya. Hinawakan niya sa braso ang abuwelo. “Come on, Lolo. Tara na, mali-‑late na tayo sa mass. Naiiling na hinabol na lang ni Evan ng tanaw ang maglolo habang naglalakad ang dalawa papalabas ng subdivision, kung saan may mga nakaparadang tricycle na maghahatid sa mga ito sa Cathedral de San Sebastian. HABANG nakasakay sa tricycle, hindi maiwasan ni Prima ang manlumo. Hindi bat ang anyayahan ni Evan na sumakay sa mga ito ang nais niya talaga? Pero when the invitation came, para siyang sisiw na natakot sa kalabaw. Natakot kasi siyang bigla. Baka sa pagbibigay niya ng kapritso sa sarili na maging close kay Evan ay mabisto siya na may katiting siyang crush dito. Katiting, pagbibigay-‑diin niya sa salita. Nahalikan lang siya nito nang isang beses, itinibok na ito ng kanyang puso. What Prima should feel was. . rage. She should be mad. She should have been mad in the first place, when he kissed her. But damn, may partisipasyon siya sa maalab na halik na iyon. Hindi nga bat mukhang siya pa ang mas eager na maganap iyon? Nakapulupot na ang mga braso niya sa leeg nito, as if she was scared he would let go, bago pa man maganap iyon. Hanggang sa matapos ang misa, lipad ang isip ni Prima. “Saan mo gustong kumain, hija?” Sandali siyang napatingin sa mukha ng kanyang lolo. Prima’s face was blank, sandaling hindi naunawaan ang tinuran ng matanda. “Ahh. .” sabi niya nang matauhan. “W-‑well, hayan na ang KFC, o. And I feel like eating chicken. Magkahawak-‑kamay silang tumawid ng kalsada. Ang nakakainis dito sa Lipa, sa loob-‑loob ng dalaga, hindi naman kalakihang bayan, eh, ang dami-‑ dami nang sasakyan. Parang ang liliit ng mga daan kaya ang bigat ng build-‑up ng mga sasakyan. Mula sa kinauupuang silya sa loob ng fast-‑food restaurant na iyon, nakatanaw si Prima sa malawak na carpark ng cathedral. Pandalas ang pasimpleng tanaw niya roon, pero wala ang luxury sports car ni Evan. Na-‑repair na iyon at madalas na muling gamitin. Baka sa Redemptorist o sa Mt. Carmel nagsimba, konklusyon ni Prima sa isip. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa pagkain. Lingid kay Prima, hindi pa man sila nakakaalis ng bahay ay inoobserbahan na siya ni Lolo Juanito. At habang nakikita nitong may lungkot sa kanyang mga mata, nalulumbay rin ito. At may nabuong plano sa isip nito. MAG-‑AALAS-‑SAIS na nang makarating ang mag-‑ lolo sa bahay. Sandali lang silang kumain. Maagap na nagyaya pauwi si Lolo Juanito. Bandang six-‑thirty, kumatok si Yasmin sa kanilang pinto. Yasmin, napasyal ka, salubong ni Prima sa dalagita. Ate Prima, sumama ka naman sa amin, o,” walang paligoy-‑ligoy na sabi nito. Hinawakan siya nito kaagad sa kamay. Saan ka pupunta? nagtatakang-‑tanong niya. Sa Batangas. Ihahatid na ako nina Mama at Kuya sa boarding school na pinapasukan ko, walang siglang saad nito. Sumama ka naman, please. . Sandali lang siyang nag-‑isip. Pagtingin niya kay Lolo Juanito na nakaupo sa sofa, tumango ito. Napabuntong-‑hininga si Prima. O, sige. . maghintay ka rito at magbibihis lang ako saglit, paalam niya kay Yasmin. Nag-‑beam ang magandang mukha nito. Nang iwan niya ang panauhin at ang kanyang abuwelo sa sala, masayang nagkuwentuhan ang mga ito. Minadali ni Prima ang pagbibihis. Isang murang asul na blouse at printed na baggy jeans ang isinuot niya. Tinernuhan niya iyon ng sneakers na asul. Kaswal na kaswal ang porma niya. She no longer had any intention of catching Evan‘s attention. Wala rin namang mangyayari. At walang dapat mangyari, giit niya sa isip. MAY SORPRESANG gumuhit sa guwapong mukha ni Evan nang makita siyang kasama ni Yasmin. “Uy, himala,” komento nito, “kasama siya.” Hindi tumugon si Prima. Sa loob ng bahay ay gumagala nang palihim ang paningin niya. Ang mag-‑inang Yasmin at Agapita ay abala sa pag-‑ aayos ng mga gamit na dadalhin ng dalagita. Hey. . untag sa kanya ng matikas na tinig na iyon. Looking for something? Napatingala siya sa mukha ni Evan, saka nauutal na sumagot. H-‑hindi. . k-‑kuwan, nagagandahan lang ako sa mga painting na iyon. Itinuro ni Prima ang mga painting na nakasabit sa dingding malapit sa hagdanan. Larawan ang mga iyon ng iba’t ibang klase ng lumang sasakyan. Nagulat siya nang maramdaman niya ang paghawak ni Evan sa kanyang braso. Itinayo siya nito mula sa kinauupuang sofa. “Come. . take a closer look para mas ma-‑ appreciate mo, nakangiting anyaya ni Evan. Nanibago si Prima. Evan is in friendly mood tonight, naisip niya. Nagpagiya nga siya rito palapit sa mga painting na iyon. Lihim na naghahanap pa rin ang mga mata niya. Nasaan si Sharmaine? This is the first Ford ever, sabi ni Evan habang nakaturo ito sa isang frame. Ngumisi ito sa pagkakatingin sa kanya. “Can you read the artist’s signature?” Pilit na inaninag ni Prima ang maliit na pirma sa ibabang sulok ng kuwadro. Umiling siya nang hindi mabasa ang pirma. “C’mon. . closer,” mahinang siko nito sa kanya. Nag-‑squint siya, nag-‑exert ng mas matinding effort upang mabasa ang pirmang iyon. Hmm. . CumCuming. . ham? Cunningham, pagtatama nito. Cunningham, bigkas niya. E. Cunningham. Thats right. Sinòyon? Humarap ito sa kanya, blocking the frame from her eyes. “‘E’ stands for ‘Evan’ at your service.” Pagkasabi niyon ay tumukod pa ito sa harap niya at saka ngumisi. Parang inihele ang puso ni Prima. Ten pogi points for Evan. Nagulat siya sa kaalamang iyon. “Y-‑you.. paint? Yup. Hobby lang. Saglit itong nag-‑isip, pagkatapos ay masiglang pumitik sa hangin. I got an idea. Ano kaya kung.. kung i-‑paint kita? Ngumiwi siya. Hmm.. no thanks. Come on. Umiling siya. Hindi naman nude, eh, biro nito. Patuloy siyang umiling. Gustuhin man ni Prima na maging modelo nito, hindi niya kaya. Iguguhit nito ang larawan niya? Four hours magtititigan silang dalawa? Alone? No way. Ipagkakanulo siya ng kanyang damdamin. Which called to mind, hindi pa rin sumusulpot si Sharmaine. Hindi ba ito kasama sa paghahatid kay Yasmin sa boarding school? “Okay, no problem,” pagkatapos ay kibit-‑ balikat ni Evan. Itinuloy nito ang pagbibigay sa kanya ng lecture tungkol sa mga sasakyang ipininta nito. Atentibo naman siya rito. I got this talent from my dad, pagkukuwento nito. “By the way, may two other sisters pa rin ako aside from Gertine and Yasmin. They’re Giselle and Aqua, eighteen and twelve. They live in Nashville with our dad and their mother.” Nginitian niya ito. Patuloy naman itong nagkuwento hanggang sa kunin ng mag-‑inang Yasmin at Agapita ang kanilang pansin. Come on, guys, sabi ng ginang. Time to go. Inalalayan siya ni Evan sa paglabas ng bahay. And Primas heart swooned.

 

CHAPTER EIGHT

MAY-‑KALALIMAN na ang gabi nang makabalik silang tatlo sa Lipa. Patuloy pa rin sa pagwa-‑ wonder si Prima kung nasaan si Sharmaine, pero nahihiya naman siyang magtanong since hindi naman ini-‑open ng mag-‑ina ang usapan tungkol sa dalagang balikbayan. Idineretso ni Evan ang sasakyan sa garahe ng mga ito. Nang pababa na siya, giniyahan siya nito. `Ma, ihahatid ko lang si Prima sa kanila, paalam nito sa ina. Nakahawak na ito sa siko niya. Come on, lets go. Nagpagiya naman siya hanggang sa makapasok sa loob ng kanilang bakuran. Samut saring sensasyon ang dulot sa katauhan niya ng simpleng gesture nito— ang pag-‑alalay nito sa kanya habang naglalakad. Nang akmang isasara na ni Prima ang hindi kataasang bakod, hinawakan siya nito sa kamay. N-‑no. . wait, mahinang pigil nito. There was a sound of plea in his voice. Wont you invite me in? Napatitig si Prima sa mukha nito, sandaling animoy na-‑hypnotize. Pagkatapos ay napapahiya siyang tumungo. W-‑well. . sure, aniyang niluwagan ang pagkakabukas ng bakod. Pasok ka. Nang papasok na sila sa kabahayan, nanatili itong nakaalalay sa kanya. Nang tuluyan silang makapasok sa sala, nagulat pa ang dalawa nang madatnan doon si Lolo Juanito. Nakangiti itong sumalubong sa kanila. Nagmano si Evan sa matanda, samantalang si Prima ay humalik sa pisngi nito. “`Lo, gising ka pa,” sabi niya, sabay sulyap sa wall clock. “Aba, magtu-‑twelve na, ah. Nakapagkape kasi ako kaninang meryenda, tugon-‑paliwanag nito. Nang magpaalam siya saglit upang magbihis ng damit-‑pambahay, naiwang nag-‑uusap ang dalawang lalaki. Worried siya dahil baka mapuyat ang kanyang abuwelo pero hindi naman niya ito mapagtangkaang puknatin sa pakikipagkuwentuhan kay Evan. Mukhang seryoso ang usapan ng dalawa, at panay ang sulyap sa kanya habang abala siyang nagtitimpla ng orange juice para sa kanilang tatlo. Tuluyan na siyang napakunot-‑noo nang biglang pumormal at natuwid ang pagkakaupo ng dalawa sa sofa nang papalapit na siya, dala ang tray ng midnight snack. Hmm.. something fishy is going on, pagdududa niya. Malisyosa at suspetyosa ang mga tingin ni Prima the rest of the evening. Naging casual ang usapan nina Lolo Juanito at Evan, pero from time to time ay napupuna niya ang mga makahulugang sulyapan ng dalawa, pagkatapos ay titingin sa kanya si Evan nang makahulugan. Naiintriga na talaga siya. Nang magpaalam si Evan, nagprisinta siyang ihatid ito sa tarangkahan. Nakatunog naman ito na uusisain niya ito kaya bumira ito ng pang-‑asar. No, no. Hindi naman ako mare-‑rape sa pagtawid ko ng kalsada, sweetie pie. Huwag kang masyadong mag-‑worry sàkin.” “Hindi ako nagwo-‑worry sàyo. Nagwo-‑worry ako dahil baka makalimutan mong isara ang gate at mapasok kami ni Lolo ng mga bandidong kamukha mo, ganti ni Prima. Aba, eh, di ang guguwapong bandido naman ng mga iyon. Umirap siya at itinulak na niya ito sa paglabas ng pinto. Now, anong pinag-‑usapan ninyo ni Lolo? mabilis na usisa niya nang makalabas sila ng bahay. Kanina pa ako nangangating magtanong. Panay ang tingin ninyo sa akin ha. Panay ang sulyapan. Now, tell me about it. I deserve to know dahil mukhang may kinalaman ako dun.” Napakamot sa ulo si Evan. “Ang bilis naman ng bibig mo. Well, wala kaming napag-‑usapang.. I mean, man-‑to-‑man talk `yon, kaya secret na namin `yon ni Lolo Johnny. No, no. Hindi kita paaalisin hanggat hindi mo sinasabi sa akin. Prima, look. . Ako nàng magsasabi sàyo, hija.. sabi ng matandang tinig na iyon. Magkasabay silang napatingin sa may pintuan. Seryosong nakatayo roon si Lolo Juanito. Halikayo rito. Mag-‑usap tayong tatlo, turan ng lolo niya na hindi na sila hinintay na makasagot. Nagpatiuna na ito sa pagpasok muli sa sala. Kampante na itong nakaupo roon nang pumasok silang dalawa ni Evan. Iminuwestra ng matanda ang sofa sa harap ng inuupuan nito. Pinaglipat-‑lipat niya ang tingin sa dalawang lalaki. Relaxed si Lolo Juanito, pero si Evan ay halatang nati-‑tense. Kung hindi siya dinadaya ng kanyang paningin, napuna pa niya ang butil-‑butil na pawis sa sentido nito. Lalo tuloy siyang naintriga. Whats going on? tanong niya sa abuwelo. Sa mabagal at kalmadong tinig ay nagsalita ang matanda. “WHAT. .?” hindi makapaniwalang bulalas ni Prima. Maaskad ang mukhang pinagpalipat-‑lipat niya ang paningin sa dalawang lalaki. Napako ang tingin niya sa matanda. Lolo, youve gotta be kidding. Umiling si Lolo Juanito. Seryoso ako, Prima Donna. Tinawag siya ng lolo niya sa kanyang buong pangalan. He must indeed be serious, sa loob-‑loob ni Prima. Napalunok tuloy siya nang sunod-‑sunod, pagkatapos ay umiling. I dont believe it. Ten years after you.. oh, no.” Nag-‑angat ng kilay si Lolo Juanito. Anong ibig mong sabihin diyan? Mabilis ang ginawa niyang pag-‑iling. No, Lolo, bawi niya. Thats not what I meant. Nahihirapang napakamot siya sa ulo. I-‑its just that.. Are you sure about this? Seryosong-‑seryoso. Sampung pagkamatay ko, saka mo pa lang makukuha ang mana mo. . unless magpakasal kayo ni Evan nang mas maaga kaysa roon. Thats preposterous! Seryoso pa ring nagpatuloy si Lolo Juanito. Naipabago ko na kay Attorney Rivas ang testamento ko. Nagpirmahan na kami kaninang nasa Batangas City kayo, kaya wala ka nang magagawa pa. Para kasing hindi ako patutulugin ng isiping iyon hangga’t hindi ko naisasaayos nang pinal. At nakita mo naman.. hindi nga ako pinatulog gayong dalawang lagok lang naman ng kapeng barako ang hinigop ko kanina.” Napatingin si Prima kay Evan. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. “Malaki ang tiwala ko kay Evan. . sobrang laki, na hanggang sa puntong pati kinabukasan mo ay ipagkakatiwala ko sa kanya—at sigurado akong hindi ako mabibigo.” Napalunok siya. “Si Evan ang napili ko bilang legal na tagapamahala ng aking mga properties dito sa Lipa. Siyempre, awtomatikong mapupunta sa iyo ang bahay na ito pagkamatay ko, pero hindi ang ibang pribadong pag-‑aari ko. Bibigyan ko rin si Evan ng salapi upang mapalaki niya ang kanyang negosyo. May tiwala ako sa kanya. Tumingin ang matanda kay Evan, ngumiti nang may kompiyansa. Kahit anong akin ay kaya kong ipagkatiwala sa kanya. . maging ang kinabukasan mo. Napailing si Prima. Ulyanin na yata ang lolo niya, naisip ni Prima. Wait till Mommy hears about this. She’ll probably be on a rampage. “May reklamo ba, hija?” Ayaw man niya ay napilitan siyang umiling. “P-‑pero si Mommy.. Hay, matanda na ang ina mo. Kaya na niyang buhayin ang sarili niya nang hindi umaasa sa akin, sabi ni Lolo Juanito, medyo nakangiti na. Nagawa na niya. Mukha namang maayos ang negosyo ng mga magulang mo. Pagkabanggit sa salitang magulang ay naalala ni Prima na kailangan nga pala niyang tawagan ang kanyang mommy’t daddy. Noong huli silang magkausap ng ama, may kung anong lungkot siyang napuna sa tinig nito. KINABUKASAN, napag-‑alaman ni Prima na teenager pa lamang si Evan ay ito na ang kasa-‑ kasama ni Lolo Juanito sa bukid. Marami siyang nakuhang impormasyon mula kay Aling Bining. Ang El Capitan Motors pala ay ipinangalan ni Evan kay Lolo Juanito. Matagal kasing nagsilbi bilang kapitan ng barangay ang matanda. At ang kalahati ng ipinuhunan nito roon ay paluwal ni Lolo Juanito, pero agad naman iyong nabayaran— in cold cash—nang makuha ni Evan ang pera nito na naka-‑time deposit. In short, best of friends pala sina Lolo Juanito at Evan. Ang hindi maunawaan ni Prima ay kung bakit kailangang after ten years pa pagkamatay ng kanyang lolo saka niya makukuha nang buo ang kanyang mana. Knowing Lolo Juanito, may iba itong plano, mas malalim na agenda. Naintriga si Prima kung ano iyon. PINILI ni Prima na huwag munang ipaalam sa kanyang ina ang tungkol sa desisyon ng kanyang abuwelo. Kating-‑kati man ang bibig niya na isiwalat ang tungkol doon, nagpigil siya nang makausap niya sa telepono ang kanyang ina. “There is some.. problem, anak,” seryosong bigkas ni Mrs. Arceli Velaez sa kabilang linya. Narinig niya ang pagbuntong-‑hininga ng kanyang ina. What is it, Mommy? nag-‑aalalang tanong niya. Ang unang pumasok sa isip ni Prima ay ang kanyang ama. Baka lumala ang anemia nito. H-‑hindi ko ito puwedeng i-‑discuss basta sa phone lang, Prima. I-‑I need to talk to you in person.. Tuluyan na siyang kinabahan. Mommy, anòyon? Please tell me now para mai-‑prepare ko na ang sarili ko to face it. No, no, anak. . if youre worried about your dad`s health, hes fine, although.. Although.. ? Muli ay bumuntong-‑hininga si Mrs. Velaez sa kabilang linya. Im gonna need Papas help, nasisiphayong pahayag nito. Im coming there tomorrow. . Mommy, tell me now. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman, pangungulit niya. Tomorrow, Ill tell you in person. Hanggang sa maibaba ni Prima ang telepono ay salubong ang kanyang kilay. Naiintriga siya, kinakabahan, sa posibleng problemang binanggit ng kanyang ina. True enough, maaga pa kinabukasan ay dumating si Arceli sa place of birth nito. . sa tahanang kay tagal nitong hindi dinalaw. And now she needed help from her estranged father. . through her daughter.

 

CHAPTER NINE

IT HAD been five years mula nang huling magkita ang mag-‑amang Arceli at Juanito. Nang sumamang makipagtanan kay Carlito Velaez ang unica hija ni Lolo Juanito, itinakwil niya ito dahil hindi niya matanggap na ang lalaking sinamahan ng kanyang anak ay isang sugarol, iresponsable at—nang mga panahong iyon—humihithit ng marijuana. Nagmula sa mahirap na pamilya si Carlito, kaya hindi ito nakapagtapos ng pag-‑aaral. Si Arceli naman noon ay nag-‑aaral ng kursong Nursing sa Centro Escolar University. Hindi na rin ito nakatapos dahil sumama nga ito sa nobyo. Unti-‑unti, natuto na rin si Carlito sa pagkilos at pananalita ni Arceli. Nawala ang pagkamaton at natutong magnegosyo, lalo na nang isilang si Prima. Alahas ang negosyo ng mag-‑asawa, na nang lumaon ay nadagdagan ng bakery chains sa Kabikulan. Kahit maunlad na ang mga iyon, hindi na natutuhan ni Lolo Juanito ang pagtanggap sa kanyang manugang. Nawala na ang kanyang amor. Pero iba siyempre ang apo. Mula nang isilang si Prima, naging regular ang komunikasyon niya kay Arceli. Ayos na sana ang relasyon nilang mag-‑ama sa pagsulpot ni Prima sa mundo, ngunit may nangyaring aberya sa pagitan ni Lolo Juanito at ni Carlito. Mag-‑aapat na taong gulang si Prima nang nagpaluwal si Lolo Juanito ng puhunan sa mag-‑ asawa para sa pagbibigas ng mga ito. Ngunit ang mahigit sa kalahati ng perang inilaan niya roon ay itinaya ng kanyang manugang sa sabong. Minalas na natalo ang manok na pinustahan nito. Wala namang balak si Carlito na hindi ituloy ang negosyong inialok ni Lolo Juanito. Ngunit hindi pa man nito naibabalik ang puhunang ibinigay niya rito ay napag-‑alaman niya ang pagkakatalo nito sa sabong. Nag-‑demand siya na ilabas ng manugang ang lahat ng perang nakalaan sa negosyo ng mga ito. And as expected, wala na ang cash na ibinigay niya. Mula noon ay naging sour uli ang relasyon ng mag-‑asawang Carlito at Arceli kay Lolo Juanito. At sa pagkakataong iyon, kailangan ni Arceli ang tulong pinansiyal mula sa amaat makakamit lamang nito iyon sa pamamagitan ni Prima. NANG marinig ni Prima ang pagtatapat ng ina tungkol sa estado ng mga negosyo ng ama, hindi siya makapaniwala. Y-‑you mean to tell me. . b-‑bankrupt na si Daddy? Tayo? Malungkot na tumango si Arceli. That’s why I need your help. Ikaw lang ang makakalapit sa lolo mo. .” Hindi pinansin ni Prima ang tinuran ng kanyang ina. Interesado siyang malaman kung paano na-‑bankrupt ang mga negosyong itinayo ng daddy niya. Baka bumalik sa dating bisyo ang ama, iyon ang nasa isip niya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa hidwaan ng kanyang abuwelo at mga magulang. Alam niyang dati ay sugarol ang kanyang ama. Tell me the truth, Mommy. Nagsusugal ba si Daddy? Napayuko si Arceli, tanda ng pag-‑amin. Damn! pagngingitngit niya. “You have to help me, hija.. help us. Your father is remorseful, he understands the effects his irresponsibility has caused us. Bigyan natin siya ng pagkakataon.” Hindi nakapagsalita si Prima. Hindi siya lumaking sunod sa lahat ng layaw dahil hindi naman sila ganoon kayaman, pero shocked pa rin siya at the thought na mahirap na sila. “N-‑natatakot akong muling maghirap.. sa piling ng daddy mo. Ive had enough of that noong hindi ka pa ipinapanganak and your early days. Hija, you have to help me and your daddy. Humiram ka ng kapital sa lolo mo. Mag-‑business tayo. K-‑kailangan nating matubos ang pagkakasanla ng bahay at lupa natin sa Gagalangin. . Sukat sa kanyang narinig ay napahumindig si Prima. Mommy.. ! Sa nakita nitong ekspresyon niya, napakagat-‑ labi ito. Pagkatapos ay nahihiya itong nagkumpisal. I-‑I dont know how it could happen like this. I lived like a queen, hoping our businesses would grow and grow. . I didnt realize na lulong na pala sa sugal ang ama mo. A-‑ at ako nama’y aminado na nagpakasaya akong masyado sa pagta-‑travel ko, sa signature clothes.. Mommy. . Napabuntong-‑hininga siya. Umiyak si Arceli sa harap niya. Walang nagawa si Prima kundi yakapin ang kanyang ina at i-‑assure dito na tutulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. Si Lolo Juanito lang ang susi ng kalutasan ng suliranin nilang mag-‑ anak. No, si Evan na nga pala. WALANG sigla si Prima nang pumasok sa La Belle nang umagang iyon. Hey. . untag ni Agapita. Matamlay ka, ah. Are you feeling sick today?” Matamlay siyang umiling. “I’m fine, Tita. Para lang akong lalagnatin. Baka masyado akong nabilad sa araw kahapon.” Sumama si Prima sa ina na mag-‑swimming sa dagat hindi kalayuan sa subdivision nila. Napapailing siya kapag naaalala ang kanyang ina. Kahit gulo ang isip sa patong-‑patong na suliranin, hindi makakalimutan ni Arceli ang paggu-‑good time. Well, in a way, na-‑relax din naman silang mag-‑ ina sa paglangoy sa dagat. Nagkaroon pa ng pagkakataon ang ginang na makapiling si Lolo Juanito, bagay na bibihirang mangyari. Gusto ngang sikuhin ni Prima ang kanyang ina sa pagpapakita nito ng sobrang eagerness na makipag-‑reconcile nang tuluyan sa ama. Napapailing na lang siya sa pagiging childish ng kanyang mommy. Minsan ay mas nagiging mature pa ang outlook niya sa buhay kaysa kay Arceli. Hindi man lang kami nagkita ng mommy mo, sabi ni Agapita. Hindi man lang kami nagkakuwentuhan. Naku, alam n`yo naman, Tita Pits, ang ugali ni Mommy. Ayaw nong matali sa isang lugar. Nang mapuna ni Agapita na tila lalagnatin na nga siya, ipinasya nito na pauwiin na lamang siya sa bahay para makapagpahinga. “Ipasusundo kita kay Evan—at wala nang angal.” Hindi na nga nakaangal si Prima. Sa nadaramang bigat ng ulo at buong katawan, kahit siguro mamatay si Evan sa pang-‑aasar sa kanya ay hindi niya mapapansin. Ilang minuto lamang ay dumating na si Evan sa shop. Anòng nangyari sàyo? worried na usisa nito nang makalapit kay Prima. Agad nitong sinalat ang noo niya. Yoùre hot. Iuwi mo siya, hijo, bilin ni Mrs. Catral. “Ako nàng bahala rito sa shop. Ang mahalagày makapagpahinga siya.” Iginiya ni Evan si Prima sa paglabas ng shop, nakaalalay ito hanggang sa pagsakay sa kotse. Kung hindi lang masama ang pakiramdam ni Prima ay bibigyang-‑pansin niya ang mga kiliting dulot ng bawat pagdadaiti ng kanilang katawan. Nang makasakay sila sa kotse, naramdaman na lang niya na inihilig nito ang kanyang ulo sa balikat nito. Nakayapos ang isa nitong braso sa maliit niyang katawan habang ang kabila ay abala sa pagmamaneho. If Prima wasn’t feeling so dizzy, baka kinilig na siya sa ipinakikitang concern nito sa kanya. Nakatulog siya sa mga bisig ni Evan. HINDI pamilyar kay Prima ang kuwartong sumalubong sa kanyang pagmulat. Kahit medyo mabigat pa rin ang kanyang ulo, pinilit niyang bumangon. “Hey, hey. .! Dahan-‑dahan, agad na asiste sa kanya ni Evan. Nasapo niya ang noo nang kumirot iyon. Napahiga siyang muli. Here.. may niluto akong soup. Higupin mo, sabi nito. Ilang oras kang nakatulog kaya hindi ka pa nanananghalian. Baka malipasan ka ng gutom.” Napatingin si Prima sa mukha ng kanyang guwapong nurse. Nakangiti ito habang isinusubo sa bibig niya ang kutsarang may corn soup. “Doon sana kita dadalhin sa bahay ninyo pero walang tao kanina,” paliwanag nito. “Siguro’y nasa bukid ang lolo mo. Ang mag-‑asawang Bining at Kardo naman ay nasa piggery. Tinanggap niya ang mga sumunod pang subo ng soup, all the while ay walang puknat na nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Pero ngayon ay may tao na sa inyo. Nakausap ko na si Lolo Johnny. Ihahatid na kita sa inyo mamaya nang kaunti.” Napakunot-‑noo si Prima. Alam na pala ng lolo niya na nasa bahay siya ni Evan, at may sakit pa, pero hindi siya nito pinupuntahan. Nagtataka man siya ay hindi na siya nagsalita. Parang igalaw lang niya ang kanyang bibig sa pagsubo ay sasabog ang utak niya sa kirot, kaya hindi na siya nagtangka pang magsalita. Lumamlam ang titig sa kanya ni Evan. Pagkuway hindi nito napigil ang sarili, hinaplos siya nito sa pisngi. Napapikit si Prima. Evans caress felt so. . familiar. As if she had known it all her life. Sa kanyang pagkakapikit, hindi niya namalayan na unti-‑unting inilalapit nito ang mukha nito sa kanya. Nang idilat niya ang kanyang mga mata, nakahugpong na ang mga labi nito sa bibig niya. Suddenly, the headache was gone. Naipulupot ni Prima ang kanyang mga braso sa batok nito, as if never wanting to let him go. Ayaw rin niyang muling imulat ang mga mata mula sa mariing pagkakapikit sa takot na baka sa kanyang pagdilat ay bigla siyang magisingonly to realize that the kiss was just a dream. . that it did not happen at all. Naging malikot, malalim.. maapoy ang bawat halik nito. Pati mga kamay ni Evan ay naging mapusok na gaya ng dila nito. Ginalugad ng mga iyon ang bawat kiliti ni Prima. With suave expertise, walang kahirap-‑hirap na nabuksan nito ang harap ng suot niyang blouse. Gayundin ang suot niyang bra. Na-‑unhook iyon nito nang hindi niya namalayan. And then he was caressing her breasts, fondling the very much aroused tips. Naghiwalay ang kanilang mga labi upang maghabol ng hininga—at upang impit na humiyaw siya sa sensasyong dulot ng ekspertong mga kamay nito. Mabibilis na hingal at ungol ang itinugon nito roon. “You drive me crazy, Prima.. ” marahas na bulong ni Evan sa paos na boses. “Evan. .” Sandali itong natigilan. Iniangat nito ang ulo mula sa kanyang dibdib at tumitig sa kanyang mukha. “Prima. .” Sa nakita niyang pagkalito sa mukha ni Evan, na-‑confuse na rin siya. Tama ba ang ginagawa ang gagawinnila? Isang patak ng luha ang sumagot sa kanyang tanong. “Aw, shit!” biglang sambulat nito, sabay balikwas nito mula sa pagkakadagan sa kanya. Tumalikod siya rito. Ayaw niyang makita ang ano mang ekspresyon sa mukha nito. Evan did not love her— at hindi nito kayang gawin iyon sa kanya. Nanatili siyang nakatalikod. Ayaw niyang makita nito ang kanyang pagluha. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso. Inalis niya iyon. “Okay,” sabi nito. “We’ll talk later. Magpahinga ka muna.” At naramdaman niya ang marahan nitong paglabas ng silid. Sa kakaiyak niya ay nakatulog siyang muli. MAGAAN pa sa hakbang ng mga pusa ang ginawa ni Evan habang papasok sa silid ni Yasmin, na siyang kinaroroonan ni Prima. Maingat niyang hinawakan ang seradura at dahan-‑dahang pinihit iyon. Sa kanyang ginawang pagsilip, nakasiguro siyang nahihimbing nga ito. Kalkulado ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng silid. Huminga muna siya nang malalim bago niya tuluyang nilapitan ang nahihimbing na si Prima. Naupo siya sa silyang katabi ng hinihigaan nitong kama, at mula roon ay tahimik niya itong pinagmasdan. Tila ipinaghehele ito ng mga anghel sa pagkakahimbing ng tulog nito. So peaceful, so beautiful. . bulong ni Evan sa sarili. Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang makinis nitong pisngi. . ang itim na buhok. . ang mapupulang labi. . Matutukso na sana siyang halikan itong muli subalit gumalaw ito, pagkatapos ay bahagyang umungol. Tinapik-‑tapik niya ang balikat nito na animoy nagpapatulog siya ng isang sanggol. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtitig sa maamo nitong mukha. Nang hindi makatiis, hinalikan niya ang tungki ng ilong nito. Nagulat siya nang maramdaman ang mainit na likidong iyon na bumaba sa kanyang mga labi.

 

CHAPTER TEN

“PRIMA. .?” Hindi gustong tumugon ni Prima ngunit napahikbi siya. Pero hindi pa rin siya nagdidilat ng mga mata. Ayaw niyang salubungin—hindi niya kaya—ang mga mata ni Evan. “Yoùre crying,” mahinang saad nito. Naramdaman niya ang masuyong pagdaiti ng mga daliri ni Evan sa kanyang pisngi. Pinahid nito ang kanyang luha. Tuluyan lamang siyang napahikbi sa gesture nito. Dammit, Evan, naisaloob niya, don’t make me a fool in love with you... Hinawakan siya nito sa baba. “Look at me, Prima,” mabining utos nito. “Look at me.. ” Umiling siya, patuloy pa rin sa pagluha. “Prima.. ” “Just leave me alone, please.. ” sabi niya. But definitely her heart was saying just the contrary: stay with me, please... and don’t ever let me go... “No.” Napamulat si Prima. Deretso siyang napatitig sa mga mata nito. Kinuyumos nito ng halik ang kanyang bibig, ang mga matitigas na braso nito ay nagkulong sa malambot niyang katawan. Dahil natatakot at naalarma siya sa posibleng hantungan ng pagkakalapit ng kanilang mga katawan, bahagya niya itong itinulak, but to no avail. Evan’s body was hard as steel, and he was not about to let her go. “Evan. .” “Dammit, Prima! Admit that you want this as much as I do.” There was savageness in his breath as he imprisoned her lips with his once more. Prima gathered all the self-‑control that she possessed upang labanan ang tukso. “Evan, please let me go.. ” pakiusap niya. Sa kanyang kabiglaanan, kumalas ito sa kanya, ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig sa kanya. “Tell me, my love. . is that what you really want me to do?” sabi nito sa mahinang boses. Bumuntong-‑hininga ito nang malalim pagkatapos. I-‑I cant let you go, anitong muling yumakap sa kanya. Napapikit si Prima, almost certain that he had just won her over. If I let you go, Ill never know what happiness feels like. . Handa na si Prima. Ibibigay niya ang sarili sa lalaking ito. Sa lalaking ito na mahal na pala niya. Mahal na mahal. NAKAKABULAHAW ang sunod-‑sunod na katok sa pinto sa living room. Nang una ay hindi intensiyon ni Evan na pansinin iyon, pero makulit ang kung sino mang kumakatok na iyon. Na-‑distract na si Prima. Pinigil niya ito sa ginagawa nito sa kanyang katawan. May tao.. bulong niya. Hayaan mo siya.. Napangiti na lamang siya at hinayaan itong muli sa ginagawa nito. They were almost close to uniting their bodies nang biglang pumailanlang sa ere ang boses ni Lolo Juanito. “Evan!” iritado nang tawag nito. “Evan!” Tarantang napabalikwas si Evan. “Damn!” Shocked naman si Prima, hindi malaman ang gagawin. Ngayon lang siya na-‑freeze sa sobrang panic sa tanang buhay niya. Here, honey, dinig niyang sabi ni Evan. Take your clothes onquick! Kinuha ni Prima ang iniaabot nitong mga damit niya pero hindi naman siya nakagalaw para magbihis. Mabilis na naisuot ni Evan ang mga damit nito. Nang mapunang natitigilan pa rin siya sa shock, ito na ang dali-‑daling nagsuot sa kanya ng kanyang damit. Mabilis din nitong nahagod ng mga daliri nito ang buhok niyang nagulo. There.. anito habang pinagmamasdan siya. Evan! Isang mabilis na halik ang ipinadapo nito sa ibabaw ng mga labi niya bago ito lumabas ng silid. Nandiyan na ho! dinig niyang sigaw nito nang makalabas na ng kuwarto. Saka pa lang tila nasaulian ng malay si Prima. Nanlalambot na napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin ng tokador. Shit, I look like disaster!” bulong niya na mabilis na nahagip ang suklay at nagsuklay dali-‑ dali. Pati ang pagkakabutones ng kanyang blouse ay inayos niya. Natanaw ni Prima ang kanyang bra sa ibabaw ng table lamp; doon pala iyon tumalsik nang alisin at ihagis ni Evan. Dali-‑dali niya iyong hinagip at itinago sa ilalim ng unan. Bago pa narinig ang pagkatok sa pinto ng silid, kunway payapa na siyang nakapikit. MARAHANG tinapik ni Lolo Juanito sa balikat ang apo. Prima, hija.. Matamang nakamasid lang si Evan sa maglolo, pigil ang pagtawa. Prima was feigning sleep pretty well. Tumingin sa kanya ang matanda. “Hindi pa ba siya nagigising simula kanina?” “Nagising na ho. Napahigop ko na nga ho ng corn soup, eh.” Nagdilat siya ng isang mata, kay Evan nakatingin. Napangiti na nang tuluyan si Evan. Napalingon tuloy si Lolo Juanito sa nakahigang apo. “O, gising ka na pala,” sabi nito na agad lumapit sa kama. “Hala, bangon. Ayusin mo’ng sarili mo’t sa atin ka na magpahinga. Iyan na nga bang sinasabi ko. Kanina ko pa napapansing namumula ang mga mata mo pero nagpumilit ka pa ring pumunta sa shop ninyo.” Nagtitigan lamang ang dalawa habang panay ang sermon ni Lolo Juanito. Ngumiti si Evan. Si Prima ay nanatiling nakatitig lamang sa mukha ng kanyang abuwelo. Nagpaalalay siya sa abuwelo nang ibangon siya nito at igiya sa paglabas ng silid. Nakaalalay rin naman si Evan sa kanyang likuran. Nakasunod ito hanggang sa makarating sa kabilang bahay. “Maupo ka muna riyan sa sofa habang kumukuha ako ng maiinom mong gatas sa ref,” sabi ng matanda matapos siyang maiupo sa sofa. “Evan, pakialalayan mo nga sandali’t baka lumungayngay na lang `yan basta. `Tigas kasi ng ulo. .” Hanggang sa makarating si Lolo Juanito sa kusina, naririnig pa rin nila ang pagsesermon nito. The moment na nawala sa paningin nila ang matanda, mabilis na lumapit sa tabi niya si Evan. Naging cautious naman agad si Prima. “Makita ka ni Lolo,” saway niya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at masuyong hinalikan ang mga iyon. “We need to talk. .” Yumuko lamang siya. Ano ang pag-‑uusapan nila? Nahihiya siyang tumingin man lang dito nang mga sandaling iyon. Naalala kasi niya kung paano siya nag-‑behave sa pagkakapreso ng kanyang katawan sa malalakas na bisig nito. Naalala rin niya si Sharmaine. Ano ba talaga ang relasyon nito kay Evan? At nasaan nga pala ito? Naisatinig niya nang hindi sinasadya ang huling naisip. S-‑si Sharmaine nga pala.. where is she? Tumitig muna si Evan sa kanyang mukha, pagkatapos ay marahan itong bumitiw sa pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Pumormal ito ng upo at saka tumikhim. Nakaramdam naman agad ng pagngingitngit si Prima. Pagkabanggit niya sa pangalan ni Sharmaine ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naging pormal. Nginatngat ng selos ang kanyang dibdib. “W-‑well. .? untag ni Prima kay Evan, kunwari ay kalmado siya. Nakuha pa nga niya itong tingnan nang deretso sa mga mata. Well, Sharmaines gone, tuwid na sagot nito, nakatitig din sa mga mata niya. Napaangat ang isa niyang kilay. Gone? Tumango si Evan, pagkatapos ay muling nagbago ang facial expression. Naging agitated. “Look, we have to talk. Magpahinga ka and Ìll visit you tonight.” Hindi niya pansin ang sinabi nito. “Bakit siya umalis?” Sumulyap muna ito sa pintuan ng kusina, tinatanaw si Lolo Juanito, bago nagmamadaling sumagot. “We had a fight. Dammit, we’ll talk tonight. I have so many things to tell you.” Pagkasabi niyon ay lumipat na ito sa dating puwesto nito. Paparating na si Lolo Juanito, at ayaw nitong maeskandalo ang matanda sa intimate na posisyon nila. Matapos painumin ng gamot ni Lolo Juanito si Prima, iginiya na siya nito patungo sa silid niya. At may ngiti siya sa kanyang mga labi nang mahiga siya sa kanyang kama. Dadalaw si Evan sa kanya mamayang gabi. Kung puwede nga lang sana niyang hilahin ang oras para gumabi na. PRIMA made sure na hindi baggy pants at loose shirt ang suot niya sa pagharap kay Evan kinagabihan. Sa halip ay sleeveless blouse na silk ang tela na tinernuhan niya ng slacks na puti at pulang sandals. Red was her color, sabi sa kanya ni Evan. Kinakabahan siya nang lumabas ng kanyang silid matapos abisuhan ni Aling Bining na may panauhin siya. Base sa makahulugang ngiti ng matanda, natitiyak na niyang si Evan at hindi si Elliot ang kanyang panauhin. Hindi discreet ang matandang babae sa pagpabor kay Evan. Sa sobrang kaba niya nang matanaw niya ang binata sa sala, nakalimutan niyang ngumiti nang harapin ito. Napakunot-‑noo naman si Evan, tila nag-‑isip kung ano ang posibleng ikasisira ng mood niya nang gabing iyon. Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak. Three long-‑stemmed red roses. May naalala tuloy si Prima. Nasa ilalim pa rin nga pala ng kanyang kama ang toy helicopter nito. Siguro ay natuyo na roon ang rosas, kung hindi man ay nawalis na at naitapon ni Aling Bining sa basurahan. Hey. . wherès the smile? pukaw ni Evan sa kanya. Napatingin si Prima sa guwapong mukha nito. Mapapangiti na sana siya ngunit naisipan pa niyang magpakuwela. Sa kaka-‑practice ko kanina sa harap ng salamin, naiwan ko siguro sa tokador. Napangiti ito nang maluwang. Hindi nito napigil ang urge na lapitan siya at siilin ng passionate na halik sa labi. Sa kabiglaanan ay naitulak niya ito. Nang mapaupo ito sa sofa, napakamot na lang ito sa ulo. “Ano ka ba?” namumula ang mga pisnging sabi ni Prima, sabay ikot ng paningin sa paligid. Nang makasiguro siyang wala namang nakakita sa ginawa nito, namaywang siya. “Para kang sira.” “Nasira na nga yata ako mula nang makilala ka.” Ingos ang itinugon niya roon, though deep within ay isang libo’t isang kilig ang inihatid niyon sa kanyang damdamin. Mayamaya ay sumeryoso si Evan. “Prima, about what happened this afternoon. .” “Nothing happened,” mabilis na putol niya. Naging extra cautious ulit ang kanyang mga mata. “Ano ka ba naman?” Napabungisngis ito, sabay pisil sa tungki ng ilong niya. “What I mean is. . what almost happened this afternoon.” Lalong naeskandalo si Prima. Binato niya ng throw pillow si Evan. Tawa naman ito nang tawa. “I guess, Sharmaine’s suspicions were right,” mayamaya ay seryoso nang saad nito. Napakunot-‑noo siya. Huminga muna ito nang malalim bago ito nagpaliwanag. “Well, she thinks I’m... I-‑I mean, she thinks that you and I. . Napataas ang isang kilay niya. You and I. . Alam mo na. Alam na niya. And how Prima wished it were true. She got jealous of me? tanong niya, pilit na pinakaswal ang tinig. Tumango si Evan, pagkatapos ay nagkibit-‑ balikat ito. Wala na kami, matagal na. Noon ko pa tinapos ang relasyon namin, but she was insistent. She wanted us to give it another try. Napayuko siya nang may maalala siyang eksena sa kanyang isip. Napakagat-‑labi siya. I.. I saw you kiss—” Nagliwanag ang mukha ni Evan sa narinig at nakitang ekspresyon ng mukha niya. Really? When? Hindi siya nagsalita. Well, she kissed me. Hindi ako ang humalik sa kanya. Saka pa lang siya nag-‑angat ng mukha. Its all right, Evan. You dont have to explain. But I want to. Pigil ang pagbungisngis ni Prima nang mahagip ng kanyang paningin si Aling Bining na tawa nang tawa sa may pintuan ng kusina. No need to, really. Nagngitian sila. Pagkatapos ay napayuko si Prima. Hindi niya kaya ang bigat ng mga titig nito sa kanya. Could it possibly be that. . that he’s also in love with me? wishful na tanong ng kanyang puso. Babasagin na sana ni Evan ang katahimikan sa pagitan nila ng may mag-‑doorbell. Biglang sumulpot mula sa kusina si Aling Bining upang pagbuksan ang kumakatok. Alanganin ang ngiti ng matandang babae nang bumalik ito sa sala. Kasunod nito si Elliot, na may dalang isang bungkos ng white roses at tatlong pulang-‑pulang lobo. Hindi rin ito magkandadala sa bitbit nitong chocolates.

 

CHAPTER ELEVEN

NA-‑FREEZE si Elliot sa paghakbang nang makita sina Prima at Evan. H-‑hi, Elliot. . asiwang bati ni Prima. Nilapitan niya ito. I thought you were in Baguio. . Nabanggit nito noong huli silang magkita na may dadaluhan itong business conference sa Baguio City nang linggong iyon. I-‑I just came home. Ahh, well, have a seat. Tila naaasiwang naupo sa kaharap na sofa si Elliot, pagkatapos ay kimi itong ngumiti kay Evan. Naubos ang unang tatlong minuto sa pagpapakiramdaman sa pagitan ng dalawang lalaki. Pagkatapos ay tila nagkaroon ng contest sa palakasan ng tikhim. Naubos na ang self-‑control ni Prima. Napahagikhik na siya, na sinabayan ng paghalakhak ni Aling Bining sa kusina. Mabilis itong napigil ni Mang Kardo. Ano ba, Bining? Makita ka ng dalawa, bahala ka. Sa huli ay si Elliot ang nagupo. Tumayo na ito at nagpaalam. Hed never come back, puno ng kompiyansang pahayag ni Evan nang tuluyang mawala sa paningin nila si Elliot. Siniko niya ito. “Ikaw kasi, eh. Ang tapang-‑ tapang ng apog mo. Hindi ka na nakaramdam na turn naman niya. Sinaklit nito ang kanyang baywang at doon yumakap. Anong turn niya? Hell! Never. Naging madamdamin ang ekspresyon ng mukha nito pagkatapos. Youre mine, Prima. Ìll never let you go. Lumabi siya. Sinagot na ba kita? Natawa ito. Kailangan pa bàyon? maharot na bulong nito sa kanyang tainga. After what almost happened. . Namumulang siniko niya itong muli, mas malakas kaysa una. Saka pa lang nila kapwa naalala na may ibang tao pala sa paligid. Sina Aling Bining at Mang Kardo ay nasa kusina lamang. Si Lolo Juanito naman ay nasa silid nito. At hindi sila nakatitiyak kung hindi ito nag-‑i-‑eavesdrop sa kanilang dalawa. Dahil may sinat pa rin si Prima, hindi na nagtagal si Evan sa pagdalaw sa kanya. At nagpaalam na ito nang maaga. Sleep tight, honey, masuyong bulong nito bago nito tuluyang pinakawalan ang kanyang mga kamay. At hinalikan pa siya nito nang banayad sa mga labi. Ill take you out for dinner tomorrow night kaya dapat magaling ka na sa paggising mo bukas.” Parang nasa langit si Prima nang matulog nang gabing iyon. “ANAK, ano.. nakausap mo na ba si Papa?” Napabuntong-‑hininga si Prima. Ni hindi man lang siya kumustahin muna ng ina bago ito dumeretso sa tunay na pakay ng pagtawag sa telepono. Hindi pa, Mommy. But tonight, Ill try. Three days pa lang ang nakalilipas mula nang magkita silang mag-‑ina. Aba, dalian mo naman, baby, ani Arceli na mas pinalambing pa ang boses. Namemeligro ang bahay at lupa natin. .” Kung magsalita ito ay tila siya ang may kasalanan kung bakit iyon nagkaganoon. Napabuntong-‑hininga na lang siyang muli. Mom, Ive got something to tell you. . Baby, your lolo. You have to take care of him always. He can be hardheaded at times, but he sure is charming if he wants to be. . Napailing si Prima, pero determinadong ipahayag dito ang tungkol sa kanila ni Evan. `My, listen to me, Im in love. Natigilan sa pagsasalita sa kabilang linya si Arceli. C-‑come again, baby?” Napapalatak siya. Naiinis siya sa arte ng kanyang ina. Hindi tuloy niya maiwasang ihambing ito sa character na ginagampanan ni Jacklyn Jose sa panggabing nobela sa TV. “You heard it right, Mommy. May boyfriend nàko. Sa wakas.” Nag-‑iba ang tono nito. Nawala ang lambing. At sinong hampaslupang probinsyano naman `yon? Mommy. .! Prima, youre still a baby—” Mom! Im twenty-‑two years old. Pakiramdam ni Prima, hihikain siya sa pakikipag-‑usap sa kanyang ina. Daig pa niya ang nakikipag-‑bargain sa isang batang paslit—na autistic pa. And her mother had the nerve to tell na baby pa rin siya para magkaroon ng kasintahan. “Yes, twenty-‑two. When I was your age. . Bigla itong natahimik sa kabilang linya. Nang muli itong magsalita, may amusement na sa tinig nito. Come to think of it. When I was your age, you were a month-‑old fetus. . Nagkatawanan sila sa sinabi nito. So, that means I have your blessings now, sabi niya nang makahuma mula sa matinding pagtawa. Yours and dads. Hay. Ano pa nga bang magagawa ko?” buntong-‑hininga nito. Whos the lucky guy? Sinabi niya iyon dito. Napasigaw ito. Ohmigod! Iyong guwaping na anak ni Agapita? Correct, proud na tugon niya. Okay, I think Im gonna faint, sabi nito. Bye, sweetie. Tawa pa rin nang tawa si Prima kahit naibaba na niya ang telepono. Kahit kailan, hindi siya nauubusan ng tawa sa kikay niyang ina. Sa tuwa tuloy niya, nakapagdesisyon siya na ilapit agad sa kanyang lolo ang kaso ng kanyang ina. PAGTAWAG uli ni Arceli, problemado si Prima kung paano sasabihin dito ang tungkol sa napag-‑ usapan nila ng kanyang abuwelo. Aba, kayong bahala ni Evan diyan, sabi sa kanya ni Lolo Juanito. Mula nang isalin ko sa kanya ang pamamahala ng aking mga kabuhayanmaliban sa farm at piggery na personal ko pang pinangangasiwaan dahil kaya ko pa namaneh, siya na ang legal na tresurero ko. Ngumiti siya nang matamis. How could this man trust Evan? Isa lang ang sagot: Because Evan is a trustworthy person. And Prima loved him even more for that. Taliwas sa kanyang inaasahan, wala siyang narinig na anuman mula sa bibig ng matanda nang maingat niyang i-‑explain dito ang plight ng kanyang mga magulang. Walang sermon. Walang paninisi. “Ìll tell Mom about it, sabi niya. Kaming makikipag-‑usap kay Evan. Nang nasa kabilang linya na si Arceli, hindi maintindihan ni Prima kung anong pagpapaliwanag ang gagawin dito upang hindi ito mabigla sa ipahahayag niya. Hindi nakakasiguro si Prima kung paano ang gagawing pagtanggap nito sa balita na si Evan ang ginawang legal custodian, so to speak, niya, until the eleventh year after Juanito Casumpang’s death. Weird man ang kanyang ina, batid niyang mas weird ang ginawang testamento ng kanyang abuwelo. Umaasa siya na hindi iyon ang last will ng kanyang lolo. Sana ay magbago ang isip nito tungkol sa bagay na iyon. Ano’t ano man, wala namang magagawa si Arceli dahil disinherited ito. Well, hindi naman masasabi totally na disinherited na ito. Dahil nang mag-‑asawa ito, ay kinuha nito ang share ng mama nito sa kayamanang pag-‑aari ng mga Casumpang sa Mindoro. At dahil ang lahat ng mapupunta sa ina eventually ay mapupunta rin sa anak. Prima saw no sense in arguing sa parte ng kanyang mommy. Ano mang kanya ay kay Arceli rin. “Ano’ng sabi ni Papa?” excited na bungad nito sa kabilang linya. Maingat na isinalaysay ni Prima sa kanyang ina ang lahat ng dapat nitong malaman tungkol sa kanyang mana mula kay Lolo Juanito. Hindi makapaniwala si Arceli sa narinig. “That’s it.” “No!” tili nito sa kabilang kawad. Natulig ang tainga ni Prima sa tinis ng boses ng kanyang ina. “I need to see that bozo!” malakas na pahayag nito. “We will fight tooth-‑and-‑eye, that dingbat! Paano na iyon? Dapat ay bigyan na ni Prima ng babala si Evan bago makipagtuos dito ang kanyang mommy. Isang bagay ang bumabagabag sa kanya maliban sa galit at maling akala ng kanyang ina rito. Iyon ay ang posibilidad na ma-‑turn off ito sa kanya kapag nabatid nitong daig pa ng kanyang mommy ang afflicted ng St. Vitus dance kapag nagalit. Baka isipin nitong luka-‑luka si Arceli.. and mental diseases were hereditary.

 

CHAPTER TWELVE

“WELL, there’s only one thing we can do,” kalmadong pahayag ni Evan nang isalaysay rito ni Prima ang naging takbo ng usapan nila ng kanyang mommy, “and that is to face her.” Napalunok siya. Mas makabubuti siguro kung ibi-‑brief na niya ito kung paano maging hysterical ang kanyang ina. I should warn you at once na si Mommy, kapag nagagalit, eh, nagiging great-‑ granddaughter ni Cambyses, simula niya sa makabagbag-‑damdaming pagpapaliwanag. Napakunot-‑noo ito. Cambyses? Tumango siya. As in the sixth century B.C. King of Persia na basta na lang nagwawala. Its like nagiging infected si Mommy ng tarantism... Napahagalpak ng tawa si Evan. Sa sobrang amused nito sa kanya, walang sabi-‑sabing hinila siya nito at siniil ng makapugtong-‑hiningang halik sa labi. Kapwa sila naghahabol sa paghinga nang magkalas ang kanilang mga labi mula sa pagkakahinang. Maluwang ang ngiti nito habang nakatitig ito sa kanyang magandang mukha. Ngumiti rin siya. You mean, hindi ka na-‑turn off sàkin? inosenteng turan ni Prima. Kumunot ang noo nito. At bakit naman ako mate-‑turn off? Kasi. . may tililing ang mommy ko. Humalakhak ito, sabay kabig sa kanya upang ikulong siya sa matitipuno nitong bisig. Oh, sweetheart! You never cease to amuse me. Inihilig niya ang kanyang pisngi sa maskulado nitong dibdib. Talaga? aniya na biglang may naalala. Amused daw. Eh, bakit noong una tayong magkakilala, ang init-‑init na ng dugo mo sa akin? Nagkibit-‑balikat si Evan. “I don’t know. Maybe, partly because you were so radiant. . and snooty. I don’t recall that you ever glanced at me when we were first introduced.” Natawa siya. Oo nga naman. Ni hindi niya ito tinapunan ng sulyap nang ipakilala ito sa kanya ni Tita Pits. Pero may naalala pa siya. “Ang supla-‑ suplado mo. Lalo nong nasa Divisoria na tayo. Only because nauna kang mang-‑snub. Ingos ang itinugon niya sa katwiran nito. Anyway, nakaraan nàyon. . and here we are in the arms of one another. Lalong isiniksik ni Prima ang kanyang sarili sa dibdib nito. Nag-‑concentrate sila sa tibok ng puso ng bawat isa, at sa pagsasalpukan ng mga alon sa dalampasigan. I never thought watching the sunset could be this beautiful, mayamaya ay waring nangangarap na buntong-‑hininga niya. Tiningala niya ito, pagkatapos ay hinalikan ito sa baba. But I know its only because were holding each other like this. . Why dont we do this more often? suhestiyon ni Evan. `Pag sinundo kita sa shop, deretso tayo rito sa beach. What do you say?” “Paano si Tita Pits?” “She’ll understand. Magta-‑tricycle na lang siya pag-‑uwi. Sira. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Si Prima ang bumasag niyon. Naalala niya ang kanyang mommy, at ang banta nitong pagkompronta kay Evan. Pano si Mommy? Like I told you, Ìll face her. Hindi naman siguro siya kasing-‑deranged ni Cambyses para gawin akong target sa archery like what he did to his friend`s son. Hindi natawa si Prima sa pakuwela ng kanyang nobyo. Malalim siyang nag-‑isip. Napapitik siya sa hangin nang may maalala. “There’s another way— another solution to this problem, Evan.” “And what`s that?” “Hindi bàt in-‑stipulate ni Lolo sa diumanòy testamento niya na the only way I can claim inheritance other than the time he appointed is. . is to marry you? Hindi nagkomento si Evan, but there was confusion in his facial expression. Napapahiyang yumuko si Prima. Pakiramdam tuloy niya ay kumapal ang kanyang mukha. Siya itong babae at iilang araw pa lang silang nagkakaunawaan, pero siya pa ang nag-‑propose. But the heck, she was the one needing the money, and the only way she could get it from her inheritance was to marry him. And youre doing this for your parents, Prima, paalala niya sa sarili. W-‑well. .? Prima.. God knows I want to marry you, but don`t you think it`s little bit too early? I mean, baka nabibigla ka lang. Marriage is a life-‑long commitment. . Nginitian niya ito nang matamis. What is a lifetime with you, Evan? Is that so bad? Ngumiti na rin ito, pero ang pag-‑aalinlangan ay nakalarawan pa rin sa guwapo nitong mukha. “Let`s get a quick wedding sa city hall. I’m sure, Lolo will be ecstatic. I have realized na ginawa niya ang stupid testament na iyon with this idea in mind.” Tumitig kay Prima ang kasintahan, pagkatapos ay ngumiti ito. “Iyan din ang nasa isip ko. He was pairing us off. Gusto niya ako para sa precious granddaughter niya. . and it flattered me very much.” “So.. when am I getting to be Mrs. Cunningham? You know what, I kinda like the sound of that, Prima Donna Cunningham. Hmm. . foreign na foreign.” They kissed. But Prima could not help but feel a small world in her heart as their lips met passionately. He had never told her he loved her. Maybe someday. Maybe on their wedding day. NANG ipagtapat nila kay Lolo Juanito ang tungkol sa kanilang planong pagpapakasal kinabukasan, gaya ng inaasahan ay ecstatic nga ang matanda. “Aba, eh, kailangang magtungo na tayo sa city hall,” apuradong turan nito. “Tawagan mo na ang iyong mama, hijo. Baka maabutan tayo ni Arceli, masira pa ang napakagandang planong ito.” Umiling ito. “Alam mo naman iyang ina mo, Prima. Ang dapat dun ay nag-‑artista. Mabilis nga silang pumunta sa city hall the next day matapos asikasuhin ang requirements sa pagpapakasal. Sarado ang La Belle Dress Shop dahil dumalo ang mga modista roon, at si Cathy siyempre. Sa isang class na restaurant ginanap ang munting reception. For that special occasion, present si Yasmin na thrilled na thrilled sa naganap. Elliot was not invited dahil hindi pa ito nagpapakita o tumatawag man lang sa telepono pagkatapos ng gabing magtagpo ito at si Evan sa bahay nina Prima. Si Sharmaine naman ay nasa Palawan diumano at nagre-‑relax sa El Nido. Dumeretso sa isang sikat na beach resort sa Anilao ang newlyweds pagkatapos ng salo-‑salo. Siyempre, para sa kanilang honeymoon. Naghahapunan sila sa restaurant doon nang marinig ni Prima ang pamilyar na theatrical oratoryna hindi maipagkakamaling si Arceli Casumpang-‑Velaez ang nagpe-‑perform. Naitakip ni Prima ang dalawang kamay sa kanyang mukha. “Oh my God!” Napatingin din si Evan sa pinanggalingan ng matinis na tinig na iyon. “Oh, my God. .!” gagad nito sa tinuran niya. Nagtagpo ang paningin ng magbiyenan. Nanlisik ang mga mata ni Arceli. “Honey,” napu-‑frustrate na sabi ni Prima. Humawak siya nang mahigpit sa braso ng asawa. Did I remember to warn you that my mother is also afflicted with lycanthropy? When shes mad like that, she transform into a wolf.. and she bites. SA LOOB ng cottage na inarkila nina Prima at Evan nila dinala si Arceli nang magsimula itong mag-‑hysteria sa loob ng restaurant. Mommy. .! naiiyak nang protesta ni Prima habang patuloy sa pagngawa ang kanyang ina. You, Evan Cunningham, are a really cunning man, huh? dakdak ni Arceli. You really live up to your name, huh? Hah! Youre not so smart kung inisip mong basta ko na lang hahayaang mapasakamay mo ang unica hija koat ang mana niya mula kay Papa! Natigilan si Evan sa narinig. Hindi yatat pinararatangan siya ng bagong biyenan na isang oportunista? Mommy, please!” pagmamakaawa ni Prima. “Kung nagoyo mo ang ulyanin kong ama, pwes, nagkakamali ka kung inaakala mong makakalusot ka sa akin, you bozo!” Pagkatapos kay Evan, ang anak naman ang binuweltahan ng nagbubusang ginang. “And you, idiot! Nakita mo lang na guwapo, mestiso, naglaglagan na ang IQ points mo—pati panty mo!” “Mommy!” bulalas ni Prima, pulang-‑pula ang mukha sa pinaghalu-‑halong hiya, galit at sama ng loob. Mommy, this is enough! I want you out of this place. . now! Itinuro niya rito ang pintuan. “Bahala ka na sa buhay mo. Hahayaan kitang magutom, mawalan ng tirahan. Goodness, don’t you realize na ginawa ko ito just for you? Why would you think I married Evan in such a haste?” Natigilan si Evan sa narinig na ipinahayag ng asawa. Na-‑paralyze ito sa kinatatayuan, namanhid ang buong katawan. Kaya lang pala magpapakasal si Prima rito ay dahil sa mana. Iyon ang pagkakaintindi nito ayon sa narinig nito mula sa asawa. Nagtagis ang mga bagang nito. Natigilan din si Arceli. Hindi ito makapaniwalang pinagsasalitaan ito ng anak nang ganoon. “Prima. . my baby.. ” “Your baby, yourself!” singhal ni Prima rito. “Masyado kang selfish! Now, leave me and my husband alone. . Damn, we’re supposed to be on our honeymoon!” Hindi pa nakakakilos ang magbiyenan nang bumukas bigla ang pinto ng cottage. Iniluwa niyon ang kapwa agitated na mukha nina Lolo Juanito at ang manugang nitong si Carlito. Sa likuran ng dalawa, bumulaga ang tense na si Agapita. Naibaon na lamang ni Prima ang kanyang mukha sa nahagip niyang unan.

 

CHAPTER THIRTEEN

HILONG-‑HILO kapwa sina Evan at Prima sa bilis ng takbo ng mga pangyayari. Kailan lang sila nagkakilala, kailan lang sila nagkagustuhan at sila ay agad na nagpakasal. Two weeks had passed. Nag-‑aalala na si Prima. Mula nang sapilitan siyang iuwi ng kanyang hysterical na ina from her honeymoon with Evan, hindi pa nagpapakita o tumatawag man lang sa kanya ang kanyang asawa. Maybe we need a breather, natatandaan niyang sabi nito nang may pagmamakaawa sa mga matang yumakap siya rito as Arceli pulled her through the doorstep. “Sumama ka muna sa mommy mo. . mag-‑isip-‑isip ka, and I will do the same. Masyado lang yata tayong nabigla sa mga pangyayari. I-‑I mean, everything happened in a whirl. . Ipapa-‑annul ko ang kasal nyo! hysterical pa ring sambulat ni Arceli. My baby could not be married! Shes just a baby! Walang nagawa ang magbiyenang Carlito at Lolo Juanito upang pigilan ang nagwawalang ginang. Wèll talk, well talk, tanging nasabi na lang ni Prima kay Evan nang papalabas na sila ng cottage. Nang makalabas ng cottage, nagpumiglas si Prima sa pagkakahawak ng kanyang ina sa kanya at saka sumugod ng yakap sa asawa. Hahalikan niya ito sa mga labi ngunit pumiksi ito. “Go, Prima,” sabi nito. “Please.. ” At tulad ng mga araw na nagdaan, hanggang sa mga oras na iyon ay nakatitig lang sa telepono si Prima, still waiting for her husband’s call. Oo nga’t nasa Tondo siya sa kasalukuyan at hindi pa napupunta si Evan sa lugar na iyon, pero kung gugustuhin nito ay maaari naman silang magkaroon ng contact. Nadidismaya na si Prima, nawawalan na ng pag-‑asa. At biglang may nabuong hinala sa utak niya: hindi yatat may katotohanan ang mga paratang ng kanyang ina kay Evan. No! sigaw ng kanyang puso. Its unfair! Nagdurugo pa rin ang puso niya nang biglang mag-‑ring ang telepono. Natigilan siya, tulalang napatitig lang sa tumutunog na aparato. Sandaling nablangko ang kanyang isip bago nagawang kumilos ng kanyang kamay upang damputin ang handset. H-‑hello. .? sabi ni Prima sa nanghihina, nanginginig na tinig. Sandaling natahimik sa kabilang linya, nawala ang mabibigat na paghingang naririnig ni Prima. “Hello?” untag niya sa nasa kabilang linya. “H-‑hello. . Biglang bumagsak ang kanyang mga balikat. E-‑Elliot. . Wala siyang ganang makipag-‑usap hanggang sa tila nakahalata na ito. At alumpihit na nagpaalam na ito. Maikling kumustahan lang ang namagitan sa kanila at halos pabagsak niyang ibinaba ang telepono. Damn, she was hoping it would be Evan. Nagpakawala siya ng isang buntong-‑hininga bago minura sa isip ang asawa. Kung si Elliot ay nagawang kontakin siya, what was keeping Evan from calling her? Pagtayo ni Prima mula sa kinauupuang sofa, she already had her mind up. Magtutuos sila ni Evan, harangin man siya ng sibat! INILANG-‑HAKBANG ni Prima ang distansiya mula sa tarangkahan ng El Capitan Motors at ng pintuan ng pinakaopisina roon ng guwapong may-‑ari, si Evan Cunningham. Kilalang-‑kilala niya ang may-‑ari ng malapad na likod na iyon habang nagmamando sa isang mekanikong nasa ilalim ng isang sasakyan. Walang sabi-‑sabi, patalong yumakap siya sa likod na iyon. Nakapulupot ang kanyang mga braso sa baywang ni Evan ngunit nagawa nitong iharap siya rito. Sinamantala iyon ni Prima. The moment she came face to face with Evan, kinuyumos niya ito ng halik sa mga labi. Sandali itong naparalisa, hindi makapaniwala. Nadama niya ang pag-‑relax ng muscles ng asawa, hanggang sa dahan-‑dahan na ring yumakap ito sa maliit niyang baywang ang matitipuno nitong braso. Sinapo nito ang kanyang mga pisngi pagkatapos at saka siya tinulungan upang lalo pang palalimin ang halik na iyon. They were both gasping for breath nang sa wakas ay maputol ang emosyonal na paghihinang na iyon ng kanilang mga uhaw na labi. Nakangiti siya bagama’t may namumuong luha sa kanyang mga mata nang haplusin nang buong lambing ang pisngi ni Evan. Tinitigan siya nito, aninag sa mukha ang magkahalong lungkot at saya. “Akala mo siguro basta na lang kita pakakawalan,” nakalabing saad ni Prima rito. “Na hahayaan na lang kitang gawing miserable ang buhay ko nang ganoon na lang.” Pinitik niya ito sa ilong. “No, no, honey. You’re a big fool to think you can get away from me that easy.” Napakunot-‑noo si Evan, awang ang mga labi. P-‑pero nakuha mo na ang gusto mo. . Yeah! bulalas ni Prima. I did. . but why couldnt I have it all? I thought I had it. . then you left. Napahiwalay si Evan mula sa pagdadaiti ng kanilang mga katawan. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Prima pagkuwan, pagkatapos ay nanlulumong dumistansya. Lalapit pa sana rito ngunit pinigilan siya nito. “Don’t. . please.. ” “E-‑Evan.. ? There was pain written all over her face as she stared blankly at his ruddy face. Nang maging aware si Evan sa presence ng mga tauhan sa motors, hinawakan nito ang kamay ni Prima. Iginiya siya nito patungo sa mamahaling kotse nito. Para namang maamong kuting na nagpatianod na lamang si Prima rito sa nais mangyari nito. Isinakay siya nito sa passenger’s seat ng kotse. “W-‑where are we going? tanong niya nang umaandar na ang kotse. Sa bahay. We have to talk in private. Napalunok na lamang siya. Naguguluhan siya sa lalaking ito. She was the one who was supposed to be mad, ngunit bakit ito pa yata ang malamig ang pakikitungo sa kanya? Nagpuyos ang kalooban ni Prima; naghimagsik ang damdamin. Ikinuyom niya ang kanyang kamay, matalim niyang tiningnan ang mukha nito. Pull it up, Evan, matigas na utos niya. Napamaang muna ito bago matalim din ang tinging bumaling sa kanya. “You don’t order me around, Prima. Not anymore.” It was her turn para mapamaang. “Minsan na akong nagpa-‑manipulate sàyo. That was enough. What are you talking about? Prima demanded. Inihinto ni Evan sa gilid ng daan ang kotse. Maglolokohan pa ba tayo, Prima? Your mother is taking you to the States, maa-‑annul na ang kasal natin, and you got the moneyyour inheritance na siya namang ugat ng lahat ng kabaliwang ito What the hell are you talking about?” putol ni Prima sa sinasabi nito. “Anong my mother is taking me to the States? A-‑and. . annulment? Gumalaw ang muscles sa mukha ni Evan, tumigas ang mga panga. Huwag ka nang magmaang-‑maangan pa. Now Im enlightened: like mother, like daughter. Go to America. . you can even go to hell and I wouldnt give a shit! Nakausap ko na si Lolo Johnny. . Naipabago na niya ang testamentoand hes even giving all his properties to you now. At dahil hindi naman consummated ang kasal natin, Ìm sure it can get annulled easily. Siguro namày masaya ka na, Miss Velaez.” “Mrs. Cunningham,” pagtatama ni Prima. Matalim ang tingin niya kay Evan kahit ang buong katawan niya ay nais nang mapalugmok— preferably sa matitipunong bisig nito. “And you said Mommy’s taking me to America?” Gumuhit ang matinding confusion sa mukha nito. “But she told me. . damn!” Sa isang iglap ay humaharurot ang kotse nito, and the next moment ay nasa tapat na sila ng bahay ng mga ito. Walang sabi-‑sabi, binuhat siya nito papasok sa bahay.. papasok sa silid nito. Ibinaba siya nito sa kama. Nakadama ng takot si Prima, lalo na nang makita ang pagniningas ng mga mata nito. Ano na naman ba ang kanyang nagawa upang magalit ito? She was totally clueless. Nang biglang lumuhod sa harap niya si Evan at hawakan siya sa magkabilang braso, nagulat pa siya. Dahil walang dahas sa paraan ng paghawak nito sa kanya. “Tell me, Prima.. why did you marry me?” he pleaded. Sa isang kisap-‑mata ay umiyak siya. Definitely not because of that stupid inheritance! malakas na tugon niya. Tumingin siya nang mataman sa mga mata nito. “I-‑ikaw. . bakit mo ako pinakasalan? Is it because.. because of—” That stupid inheritance? Damn, no. But I wish it was. . para hindi ako nasasaktan nang ganito. Nabuhayan ng loob si Prima. Then. . what? Why did you marry me? Goodness, Prima, isnt it obvious? impatient na turan ni Evan. Mahal kita kaya kita pinakasalan. May iba bang dahilan why I would.. and why Im suffering this bad now? Sukat sa narinig ay niyakap niya nang mahigpit ang kanyang asawa. “Oh, I love you, too.” Hinalikan siya nito nang mariin sa labi. “We would have been spared of this pain—all this horrible pain—if you told me noon pa man that you loved me,” pagkuwan ay masuyo niyang bigkas. Hinaplos-‑haplos niya ang pisngi nito. Hindi pa ba halata? I. . I didnt know what to think. Siguroy masyadong clouded ng emotions ko para sàyo ang puso ko kaya.. kaya I did not notice. Well, Im never good at expressing myself through words. . kaya dinaan ko na lang sa aksyon.” Napanguso siya. “Kaya pala gano’n mo na lang ako asarin, unggoy ka,” ungos niya. “Because you are so cute when pissed off. . when you pout like that,” natatawang sabi nito. Magsasalita pa sana si Prima ngunit ikinulong na ni Evan ang kanyang bibig sa balikat nito. Lahat ng pagtutol, pag-‑aalinlangan ay sabay-‑ sabay na naglaho when he started to undress her. Napasimangot lang siya nang maramdamang labis itong nagmamadali sa ginagawa. He was not being romantic anymore. Ano ba? Para kang hinahabol ng sampung demonyo. Para kang mauubusan, ah,” reklamo niya sa asawang patuloy pa rin sa ginagawa sa kanya. What`s the hurry?” Sandaling tumigil sa ginagawa si Evan. Tumingin ito sa mukha niya, pagkatapos ay ngumisi. “Sorry, honey.. nagsisiguro lang ako.” “Nagsisiguro?” “Kailangang ma-‑consummate natin ang marriage natin bago dumating ang illegitimate daughter ni Hitler. Aba, mahirap na. Baka maging ground pa iyon ng annulment ng kasal natin kapag hindi pa natin ito na-‑consummate. . Napahagikhik si Prima, sabay pingot sa ilong ng asawa. “Sira. Kahit si Pope John Paul pa mismo ang dumating ngayon at mag-‑demand na paghiwalayin tayo, mauubusan siya ng dugo sa katawan pero magiging parang linta akong nakadikit sàyo! Nagliwanag ang mukha nito, at saka kinabig siya palapit sa malabalahibong dibdib nito. Talaga? Tinitigan ni Prima nang buong pagmamahal ang mukha ng asawa. I love you, Evan. . Nang makita nitong namumuo ang luha sa kanyang mga mata, naging panic-‑stricken ito. Oh, no! Lets make love first before I get carried away. . please.” Napangiti siya. Naputol ang ngiting iyon nang may marinig siyang matining na tinig na nagmumula sa labas ng bahay. Nagkatinginan silang mag-‑asawa. Si Mommy! bulalas ni Prima. Prima, baby! Come out here! Si Prima naman ang nagmamadaling hinubaran ang asawa at saka buong lakas na sumigaw. Later, Mommy! My husband and I are busy making your grandbaby! WAKAS


Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url