Ikaw Ang Mahal Ko
“MAMA, TAYO NA HONG UMUWI. Papagabi
na at tayo na lang ang natitira dito,” sabi ni Joyce. Bumaling sa kanya ang
umiiyak na ina. “Hindi ba puwedeng manatili pa tayo ng kahit na sandali pa,
Anak? Gusto ko pang makasama ang papa mo.” Napabuntunghininga siya. “Alam ko
ang nadarama ninyo. Pero wala na tayong magagawa kundi tanggapin na wala na si
Papa. Alalahanin ninyo na kagagaling lang ninyo mula sa pagkakasakit. I’m sure
hindi magugustuhan ni Papa ang ginagawa ninyo kung nakikita niya tayo ngayon,”
paliwanag niya rito. Napabuntunghininga rin ito, mayamaya ay tumango na.
Tinungo nila ang kinapaparadahan ng kotse. Ang sasakyan na iyon ay regalo sa
kanya ng ama sa birthday niya nang nakaraang taon. Nasa loob ng kotse ang
kanyang dalawang kapatid. Tahimik silang sumakay roon. Bago paandarin ang kotse
ay sumulyap muna si Joyce sa mga kapatid. Mugto rin ang mga mata ng mga ito.
Napailing siya at napabuntunghininga. Kinakabahan siya sa bukas na darating sa
pamilya nila. Pagkauwi nila sa kanilang bahay sa Cavite ay kaagad niyang
hinarap ang ina. “Mama, I suggest na umidlip muna kayo kahit na sandali.
Ipapagising ko na lang ho kayo kapag magdi-‐‑ dinner na tayo.” “Siya, susundin na nga kita, Hija. Ayaw ko nang makadagdag pa sa mga
iniisip mo. Pero mas mabuti rin siguro kung pati ikaw ay nagpapahinga rin.” “Don’t worry. Hindi ninyo na kailangang
ipaalala sa akin iyan,” sagot niya at
bahagyang ngumiti. “Sandali, naalala
ko nga pala. Bakit wala sa libing si Delfin? At natatandaan kong isa o dalawang
beses lang yata siyang dumalo sa isang linggong lamay ng papa mo. May problema
ba kayo, Hija?” Umilap ang mga mata ng dalaga. “Wala ho, Mama. Nagpaalam naman
siya sa akin; hindi ko nga lang ho nasabi sa inyo. Very apologetic pa nga si
Delfin dahil very busy ho siya at natapat pa na may importanteng seminar siyang
dadaluhan. Ayaw na nga sana niyang um-‐‑attend noong una, kaso ako na rin ho
ang nag-‐‑insist dahil nga sa alam kong importante iyon para sa
trabaho niya,” pagsisinungaling niya. “Gan’on ba? Sige, pupunta na ako sa
kuwarto,” paalam nito. “Sige ho. Sisilipin ko lang ho muna ang mga kapatid ko.”
“Yes, please do that for me, Hija.” Tinungo niya ang silid ng mga kapatid.
Inuna muna niya ang kuwarto ni Ernan, ang eleven years old na sumunod sa kanya.
Nagulat siya nang makita roon ang bunsong kapatid na si Jenny, eight years old.
“O, bakit nandito ka, Jen?” takang tanong niya at lumapit dito. “Kanina pa nga
iyan, Ate, eh. Ayaw umalis,” sumbong ni Ernan. “Bakit naman?” tanong niya sa
bunso nila. “Kasi I’m afraid, Ate, eh. Si Kuya kasi, nagkuwento sa akin ng
tungkol sa mga ghost. Natakot akong mag-‐‑isa sa silid ko,” katuwiran ng bata. Napangiti siya at
tumabi sa mga ito. “Jen, don’t be afraid of ghosts. Wala ka namang
masamang ginagawa kaya kahit na totoong may ghosts, they won’t hurt you. At kung ang kinatatakutan
mo’y baka magparamdam sa iyo si Papa,
don’t be afraid. He was our father. Ayaw
mo ba, mararamdaman mo pa rin ang presence niya na parang kasama pa rin natin
siya, binabantayan at inaalagaan tayo?” “Totoo, Ate?” “Totoo. Always remember
na kahit na.. wala na si Papa, he’s watching over us. At hindi niya tayo
kailanman pababayaan. Kaya dapat na mag-‐‑pray kayo parati para hindi niya
tayo pabayaan. And always be good, okay?” “Okay, Ate. Good boy at good girl
naman kami ni Jen, di ba?” sabad na sagot
ni Ernan. GABI. Nasa may veranda si Joyce at nakasuot na ng robang pantulog.
Past nine na noon at nagpapahinga na ang mama at mga kapatid niya. Dapat sa
oras na iyon ay mahimbing na rin ang tulog niya dahil sa nakaraang mga araw ay
sunud-‐‑sunod ang kanyang puyat at pagod. Pero hindi siya dalawin ng
antok sa dami ng gumugulo sa kanyang isip. Napabuntunghininga siya nang maalala
ang ama. Isa itong magaling na arkitekto, mabait na ama at asawa. Larawan sila
ng isang masayang pamilya noon—noong bago
nagkasakit nang malubha ang kanyang mama na siyang naging dahilan upang
maospital ito ng anim na buwan. Nagkagastos sila nang malaki at naubos ang
lahat ng savings ng mga magulang niya. Akala niya, noong gumaling na ang
kanyang mama ay tapos na ang problema ng pamilya nila, pero wala pang isang
buwan nang masawi ang papa niya sa isang car accident. Ipinaalala ni Joyce sa
sarili na dapat siyang maging matatag. Siya ang panganay kaya dapat na maging
malakas siya para sa ina at mga kapatid. Kaya nga kahit na may ibang bagay pang
bumabagabag sa kanya ay hindi niya iyon ipinahahalata. Iyon ay tungkol sa nobyo
niyang si Delfin. Ang plano nila noon ay magpapakasal sila sa pagtatapos niya
ng kolehiyo pero dahil nga may-‐‑ sakit ang kanyang mama ay ipinasya
niyang ipagpaliban na muna iyon. At doon nga niya napansin ang pagbabago sa mga
ikinikilos ng nobyo. Madalang na kung dalawin at tawagan siya nito. Ang
palaging ikinakatuwiran ng lalaki ay busy nito. Maging noong namatay ang
kanyang papa ay dalawang beses lamang itong naglamay at ni hindi nga dumalo ng
libing na natural na ikinasama ng loob niya. Inaasahan niya na dadamayan siya
nito pero hindi nito iyon naipadama sa kanya. Napabuntunghininga siya nang
malalim. KINABUKASAN ay nagpunta sa kanila si Atty. Arcadio Diaz, ang abogado
ng pamilya nila. Nasa study room sila noon—si Joyce, ang kanyang mama at ang
abogado. Hindi na nila isinama pa ang kanyang mga kapatid dahil sa mga bata pa
naman ang mga ito. Nang ipahayag sa kanila ni Atty. Diaz na bagsak na halos ang
kabuhayan ng pamilya nila ay hindi na iyon ikinagulat ng dalaga. Alam naman
niya na malaki ang nagastos nila sa pagpapagamot sa kanilang mama na kung ilang
ulit na rin nilang dinala sa ibang bansa. Subalit mayroon pa pala siyang hindi
nalalaman. “Nakasanla ang bahay at lupa namin sa bangko?” gulat na bulalas
niya. “Yes. Hindi mo ba alam?” takang tugon ng abogado. Nanlulumo siyang
napailing. “Isinanla ito sa bangko ng inyong ama anim na buwan na ang
nakakaraan. Hindi lang iyon, pati na rin ang beach house ninyo sa Batangas at
pinapaupahan na apartments sa San Juan ay naibenta na rin. Ang natitira na lang
sa inyo ay ang inyong three-‐‑door apartment dito rin sa Cavite.”
Nanlumo siya. Napaiyak naman si Mrs. Miranda. Inalo niya ito. “Mama, don’t
worry. Siguro naman ay makakagawa pa tayo ng paraan para ma-‐‑solve ang mga problema natin,” sabi niya habang hinahagod ang likod nito. Muli siyang bumaling sa
abogado. “Attorney, may tatlo pang sasakyan na
puwede naming ibenta. My car, iyong kay Papa at pati na rin iyong van. Siguro
naman iyong mapagbebentahan namin ng mga iyon ay puwede na naming ibayad sa
bangko para hindi mailit itong bahay namin,” aniya. “I’m afraid kulang ang perang pagbebentahan ng mga sasakyan para maalis sa
pagkakasanla itong bahay ninyo. Isa pa, tiyak na mauuwi lang iyon sa ibang mga
utang ng iyong papa,” malungkot na tugon ng abogado. Natapik niya ang noo. “I
can’t believe na hindi nasabi ito sa akin ni Papa, Attorney.” “Akala siguro ng
ama mo’y mababayaran at mapapalitan rin niya ang mga nawala sa inyo.
Unfortunately, he died. Kaya naiwan ang mga kompromiso niya.” “Paano ang
mangyayari sa atin ngayon, Anak? Ako ang dahilan ng lahat ng ito,” umiiyak na
sabi ng ina. “Mama, it’s not your fault, okay? At huwag kayong mawalan kaagad
ng pag-‐‑asa,” sabi niya kahit
na siya mismo ay gusto nang panghinaan ng loob. “I’m sorry to say this,” sabad ng abogado, “but I think na ang pinakamabuting
magagawa ninyo ay ibenta itong bahay para maibayad ninyo rin sa iba pang
pagkakautang ng papa mo. Mahihirapan kang makahanap ng pantubos sa loob ng
dalawang buwan na siyang ibinigay na lang sa inyong palugit ng bangko.” “Ibenta itong bahay?” luhaang sabi ni
Mrs. Miranda. “Ang bahay na sa simula’t simula pa lang ay kasama na namin ng
asawa ko? Hindi. Hindi yata ako makakapayag na mawala sa akin ang bahay na ito.
Dito ko ibig mamatay.” “Pero maiilit lang ho ito.” “Mama, mabuti pa’y
magpahinga na ho kayo,” singit ni Joyce. “Hija, huwag kang pumayag na mawala
itong bahay sa atin. Narito lahat ng masasayang alaala natin, di ba?” “Natural,
Mama. Pero kailangan rin natin itong pag-‐‑isipang mabuti,” hirap na sagot niya at bumaling sa
abogado. “Ihahatid ko muna sa silid niya si
Mama. Hintayin ninyo na lang ho ako dito’t may sasabihin pa ako sa inyo.” “O
sige, Hija,” tugon ni Atty. Diaz. “Hija, huwag kang pumayag. Huwag mong hayaang
mawala sa atin ang bahay na ito,” pagpupumilit ng kanyang ina nang ihatid niya
ito sa silid. “I’ll do my best para hindi mangyari iyon. Now, I want you to
rest.” “Pero, Hija—” “Mama, saka na lang nating pag-‐‑usapan ito nang mabuti. Babalikan ko pa si Attorney,” putol niya sa sinasabi nito. Humalik
siya sa pisngi nito bago ito iniwan. Kinabukasan ay inasikaso ni Joyce lahat ng
kailangan niyang gawin. Una silang nagpunta ng abogado sa bangko upang makiusap
na ipagpaliban ng isa pang buwan ang pag-‐‑ilit sa bahay at lupa nila. Hindi
muna niya iyon ipinaalam sa ina. Sa halip ay inasikaso niya ang pagbebenta ng
mga sasakyan nila bukod pa sa ibang mga bagay na maaari niyang ibenta. Subalit
maliit lamang ang halagang naipon niya. Eksakto lamang upang mabayaran ang mga
iba pang utang ng ama. Inisip niya na kahit na magtrabaho pa siya ay hindi rin
niya makakayang tubusin ang bahay at lupa nila. Wala naman siyang mautangang
mga kakilala at kaibigan. Noon niya napatunayan sa sarili na nawawala ang mga
kaibigan kapag naghihirap na ang isang tao. Ang nobyo naman niyang si Delfin ay
hindi pa rin nagpapakita sa kanya. Paano pa niya ito aasahan? MAAGA PA LAMANG
ay nakatanggap na ng telegrama si Joyce mula sa nobyo. Akala niya ay may
masamang nangyari rito kaya mahigit dalawang linggo itong hindi nagpapakita sa
kanya. Dali-‐‑dali niya iyong binasa upang
pagkatapos ay manlumo lamang at magalit. Nakikipaghiwalay sa kanya si Delfin at
humihingi ng tawad. Pinakasalan daw nito ang nabuntis na anak ng amo ng
kompanyang pinapasukan nito. Nasaktan siya at gustong umiyak pero walang lumabas
na luha sa kanyang mga mata. Parang namanhid na ang puso niya sa sunud-‐‑sunod na trahedya. “Joyce, Hija,” tawag ng ina
habang papalapit sa kanya. Natauhan ang dalaga na kaagad tumalikod at ibinulsa
ang telegrama. “Good morning,
Mama,” sabi niya nang humarap at humalik
dito. “Anong oras ka na ba dumating kagabi,
ha?” tanong nito na wala naman nahalatang anuman. “Gabi na ho, Mama. Gusto ko
nga sana kayong kausapin pero tulog na ho kayo kaya hindi ko na kayo
inistorbo.” “Tungkol saan ba iyon?” tanong nito at umupo sa sofa. Tumabi siya
rito. “Tungkol dito sa bahay, Mama. G-‐‑gusto ko na sana itong ibenta,” alanganing sagot niya.
Chapter Two
GULAT NA NAPATINGIN si Mrs. Miranda
sa anak. Napabuntunghininga si Joyce. “Mama, I know magiging masakit sa inyo ang pagbebenta natin nito; ganoon
din naman sa akin pero wala tayong magagawa. Kaysa naman mailit ito ng bangko
at wala man lang matira sa atin, mas mabuti pang ibenta na natin.” “Hindi ko
yata kaya, Anak. Masyadong mahalaga sa akin ang bahay na ito,” lumuluhang sagot
nito. “I know. But in our situation, hindi natin puwedeng pairalin ang pagiging
sentimental.Marami pa tayong dapat na isipin, kagaya ng perang kakailanganin
natin sa pag-‐‑ aaral ng mga kapatid ko. Kaya
kailangan nating magdesisyon, Mama,” paliwanag niya. “Pero may iba pa
naman sigurong paraan. Subukan mong lumapit sa mga kakilala natin at kaibigan.
Baka matulungan nila tayo.” “I already did that, Mama. Pero ang mga kakilala
natin at inakalang mga kaibigan ay mga huwad pala. Hindi na nila tayo
kinikilala,” mapait na sabi niya. “Eh, si Delfin? Tama! Si Delfin! Tiyak na
matutulungan niya tayo kahit na paano. Hindi ba malaki na naman ang kita niya?
Tiyak na tutulungan niya tayo.” Napatiim-‐‑bagang siya. “Walang maitutulong sa atin si Delfin,
Mama.” “Hija, kahit na nagkatampuhan kayo’y sigurado ako na hindi ka pababayaan ng nobyo mo. Lapitan mo siya,
Anak.” “No! Kailanman ay hindi ako lalapit sa taksil at walang kuwentang
lalaking iyon!” matigas na pahayag niya. Gulat namang napatingin sa kanya ang
ina. “Mama, I’m sorry,” bawi niya. “Pero noon pa man ay nagkakalabuan na kami
ni Delfin. Pero ngayon, opisyal na kaming walang relasyon pa sa isa’t isa.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?” Dinukot niya sa bulsa ang telegrama. “Heto, Mama,
basahin ninyo. Ngayon ko lang natanggap iyan.” “Nag-‐‑asawa na siya sa iba?” di-‐‑makapaniwalang sabi nito matapos na
mabasa iyon. “Marahil ay naisip niyang wala siya
mahihita kung ako pa rin ang pakakasalan niya gayong naghihirap na tayo. Kilala
ko si Delfin; ambisyoso siya. At dahil hindi naman mayaman ang pamilya nila ay
sabik siya sa mga luho at karangyaan.” Napatingin sa kanya ang ina. “I’m so sorry, Anak. Hindi ko—” “Wala iyon, Mama. I admit, nasaktan ako. Pero mas may importante akong
dapat na pag-‐‑ukulan ng pansin. Siguro’y talagang hindi kami para sa isa’t isa.” Hindi ito nakasagot at niyakap lang siya. “Don’t worry about me. I’ll be
fine. Ang gusto ko’y pag-‐‑isipan ninyo nang mabuti iyong
naunang sinabi ko sa inyo kanina,” sabi niya at kumawala sa pagkakayakap nito. “Pupunta muna ako sa silid ko. May
aayusin lang ako at may pupuntahan din ako mamaya,” paalam niya. “Are you sure you’ll be okay?” nababahalang paniniyak nito. Tango
lang ang itinugon niya at umalis na. “MAMA, sabi sa akin ng katulong na pinasasabi ninyo raw ho na pagdating ko’y agad ko kayong puntahan,” ani Joyce sa ina nang sadyain niya
ito sa silid. Kauuwi lang niya buhat sa pag-‐‑aasikaso ng kabuhayan nila. “Oo, Hija. Dahil gusto kong malaman mo
na.. payag na akong ibenta natin itong bahay.” Nakita niya ang paghihirap ng kalooban nito. “I’m sorry. But I’ve already done
my best kaya lang—” “No. Ako nga ang dapat na mag-‐‑sorry, Anak, dahil ako naman ang dahilan kung bakit nangyari
sa atin ito. Kung hindi ako nagkasakit nang ma—” “Please, Mama,” putol niya. “Stop blaming yourself. Hindi ninyo
kasalanan kung nagkasakit man kayo. At kahit na maibabalik ang panahon ay
gugustuhin pa rin naming ubusin ang lahat ng kayamanan natin para sa recovery
ninyo. Kayo ang mas importante sa amin.” Pinisil nito ang kamay niya. “Saan
naman tayo lilipat kapag naibenta na itong bahay?” pagkuwa’y tanong nito. “Doon
ho sa isang unit sa three-‐‑door apartment natin. Iyong iba pang
units ay pauupahan pa rin natin para makadagdag sa income.” “Ikaw ang bahala, Hija. Gusto ko nga rin sanang magtrabaho pero—” “Hindi naman kailangan. Ako ang bahala sa atin. Siguro nama’y mabubuhay
tayo nang maayos kahit na simple lang,” agaw niya sa sinasabi nito. MAKARAAN
ANG DALAWANG LINGGO ay naibenta na ni Joyce ang bahay at lupa nila. Ibinayad
niya sa bangko ang perang galing doon at ang natira ay itinabi nila. “Ate, dito
tayo titira? Ang liit-‐‑liit naman nito. Kasing-‐‑laki lang ito ng kuwarto ko,” reklamo ni Jenny nang makalipat na sila sa apartment. “Siyempre, maliit lang ito dahil
apartment lang ito. Iyong bahay naman natin ay mansyon kaya natural lang na mas
malaki iyon,” sabi naman ni Ernan. Nagkatinginan silang mag-‐‑ina. Nilapitan ni Joyce ang mga kapatid. “Bakit, ayaw ninyo ba dito? Maganda
naman, ah.” “Oo nga, Ate, pero ang liit-‐‑liit at saka wala pang garden at
swimming pool,” sagot ni Jenny. “Bakit ba kasi umalis pa tayo doon sa
malaki nating bahay.” “Ang kulit talaga nitong si Jenny,
Ate,” baling ni Ernan sa kanya bago muling
hinarap ang bunso nila. “Di ba sabi naman
ni Ate na babalik rin tayo doon kapag nakaipon na siya at mabibili na niya ulit
iyon?” “Totoo ba iyon, Ate?” paniniyak ni Jenny. Pilit siyang ngumiti at
tumango. “Oo. Pero pansamantala ay dito na muna tayo. At saka di ba, Jen, ang
mas importante ay iyong magkakasama pa rin tayo nina Mama kahit na maliit lang
ang bahay natin?” “Oo, Ate,” sagot nito. “Good. Ngayon, sisimulan na natin ang
paglilinis at pag-‐‑aayos nito. Kaya pumunta na kayo sa
silid ninyo at ayusin na ang mga gamit ninyo.” “Share kami ni Jenny sa room, Ate?” tanong ni Ernan. “Oo. Tatlo lang kasi ang kuwarto nito.
Isa kay Mama, isa sa akin at isa sa inyo. O kaya kung gusto mo, Jenny, tayo na
lang dalawa ang tabi at mag-‐‑isa na lang sa room niya si Ernan,” aniya. “Huwag na, Ate. Tabi na lang kami ni
Kuya. Ang daya naman niya kung mayroon siyang sariling room,” sagot ng bata. Napatawa siya. “O, siya, sige na. Pumunta na kayo sa
room ninyo at ayusin ang inyong mga gamit.” Lumapit sa kanya ang ina. “Sana’y madaling makapag-‐‑adjust ang mga kapatid mo sa bago nating pamumuhay at
kapaligiran.” “I’m sure they will, lalo na’t iyong occupants ng dalawang unit
natin ay parehong may mga anak na kasing-‐‑edad nila. I’m sure mag-‐‑e-‐‑enjoy sila rito dahil mayroon silang
magiging kalaro at kaibigan, unlike sa bahay natin kung saan lagi silang
nakakulong.” “Ano ngayon ang plano mo, Anak?” “Maghahanap ho ako ng trabaho; if
possible, dito na rin sa Cavite para malapit. At mag-‐‑iisip rin ako ng magandang itatayong negosyo dahil mayroon
pa naman tayong two hundred sixty thousand sa bangko.” “May maitutulong ba ako?” “Sapat na iyong sinusuportahan ninyo
ako, Mama. Dito na lang kayo sa bahay at bantayan ang mga kapatid ko. Kaya
ninyo naman kahit na mag-‐‑isa, eh.” “Don’t you think na magandang ideya kung
ililipat natin sa medyo murang school ang mga kapatid mo? Napakamahal kasi ng
tuition sa school na pinapasukan nila ngayon.” “No, Mama. Iyon na nga lang ang
maibibigay natin sa kanila sa ngayon—the best education available to them. And don’t worry dahil kaya pa naman natin
silang pag-‐‑aralin, lalo na kapag nakahanap na
ako ng trabaho.” “Ikaw ang bahala.” NAGULAT SI JOYCE
pag-‐‑uwi niya isang umaga nang makita na may kausap na isang
babae ang mama niya. Sa kilos at pananamit nito ay halatang sosyal at
nakakariwasa sa buhay. Subalit ang kilos naman nito ay parang isang palengkera
na nagsisigaw. Mabilis siyang lumapit sa dalawa. Galing siya sa school ng mga
kapatid upang ihatid ang mga ito at kausapin na rin ang service bus ng paaralan
na ihatid at sunduin na lang sila dahil nga wala na silang sasakyan. “Miss, kasi nga ho’y biglaan ang pagkamatay ng asawa ko
kaya—” narinig niyang sinasabi ng ina. “Ano ngayon ang pakialam ko? Ano’ng
gusto ninyong sabihin, iabuloy ko na lang ang pera ko sa namatay ninyong asawa,
gan’on ba?” sigaw ng babae na kumukumpas pa ng kamay. Nakatingin na ang
dalawang kapitbahay nina Joyce sa nangyayari. “Mama, bakit ho? Ano’ng
nangyayari dito?” tanong niya sa ina nang makalapit dito. “At sino ka naman?”
mataray na tanong sa kanya ng babae. “Siya ho ang panganay kong anak.”
Binalingan siya ng ina. “Siya si Sylvia Arriola, Hija, at naparito siya upang—”
“Upang singilin kayo!” agaw ng babae. “‘Singilin?’” gulat na tanong niya.
“Bakit, may utang ba kami sa iyo?” “Kayo, wala pero ang papa mo, mayroon at
dahil wala na siya ay kayo ang magbayad sa akin!” “Miss, puwede bang
pakiliwanag? Paano nagka-‐‑ utang sa iyo si Papa? At kung
maaari sana’y huwag kang sumigaw at gumawa ng
eskandalo dito,” matigas na sabi
niya. “At sino kang mag-‐‑uutos sa akin, ha? Gagawin ko anuman ang gusto ko! At para
sa kaalaman mo, kinontrata ko ang amo mong arkitekto para mag-‐‑ renovate ng aking opisina. At hindi niya ito natapos dahil
nga sa patay na pala siya!” tungayaw nito. “At alam mo ba kung magkano ang
pagkukulang pa niya? Three hundred thousand pesos! Fully paid na kami sa papa
mo pero hindi pa niya nagagawa ang usapan namin. Ano ngayon ang mangyayari sa
office ko? Hayaan ko na lang na maging gan’on ang hitsura niyon?” “Three hundred thousand pesos?” napalunok na ulit niya. “Oo. Kaya kailangan na ibalik ninyo sa
akin ang halagang iyon dahil kung di’y idedemanda ko kayo!” galit na pahayag nito. Napatingin siya sa ina.
“Kaya nga nakikiusap ako sa kanya, Anak, na baka puwedeng hulugan na lang natin
sa kanya ang utang ng iyong ama pero—” “Ano’ng palagay ninyo sa akin? Bombay?
Kailangan ko nang buo ang pera ko!” sabi ni Sylvia at dinuro pa sila. Napatiim-‐‑bagang si Joyce. “Pero ano’ng magagawa namin? Siguro naman ay
nakikita mo ang kalagayan namin ngayon. Hindi na kami mayaman na tulad ng dati
kaya hindi ka namin kayang bayaran nang buo.” “At ano’ng pakialam ko kung mahirap pa kayo kaysa sa daga? Ang ibig mo bang
sabihin ay kalimutan ko na lang ang utang ninyo sa akin? Aba! Ang kapal naman
ng mukha ninyo!” “Hindi naman sinabing kalimutan mo!” nagtitimping sabi niya.
“Pero sana’y pumayag kang hulugan ka na lang namin.” “Hindi! Kung hindi ninyo
rin lang ako mababayaran ay idedemanda ko na lang kayo para mabulok na lang
kayo sa bilangguan!” Napabuntunghininga siya. Nais na niyang patulan ang
kaharap pero nagtimpi pa rin siya. Sila ang mas kawawa kapag hindi niya pinigil
ang sarili. “Miss, baka naman puwede pa tayong magkasundo tungkol dito? Mayroon
pa naman kaming two hundred thousand pesos. Iyon muna ang maibibigay namin sa
iyo. The rest ay huhulugan na lang namin. O kaya ay puwede akong magtrabaho sa
iyo para makabayad. Say, kalahati ng suweldo ko’y kukunin mo bilang kabayaraan
hanggang sa makompleto ang aming utang sa iyo.” Napataas-‐‑kilay ang babae.
Chapter Three
“IKAW, MAGTATRABAHO SA AKIN? Bakit,
ano ba’ng alam mo?” mataray na tanong ni Sylvia. Sa
pakiramdam ni Joyce ay tinutuya siya nito pero nagtimpi pa rin siya.
“Accounting graduate ako at isang CPA. Siguro naman kahit paano ay
nangangailangan ka ng isang tulad ko.” “Anak, hindi mo alam ang—” “Mama, huwag
ninyo akong pakialaman. Alam ko ang ginagawa ko,” agaw niya sa sinasabi ng ina.
Ngumiti naman nang painsulto si Sylvia. “Really, ha? Well, siguro nga ay iyon
na lang ang pinakamabuting gawin ko pero hindi pa rin ako pinal na
magdedesisyon. Pag-‐‑aaralan ko na muna ito. After two
days ay tatawag ako sa iyo.” “Maghihintay ako,” sabi niya. “Hija, sigurado ka
ba diyan sa naisip mo?” tanong sa kanya ng mama niya nang wala na si Sylvia.
“Iyon na lang ang paraang naisip ko, Mama, kaysa naman sa idemanda pa tayo ng
babaeng iyon,” mapait na sabi niya. “Pero nakita mo naman ang ugali niya.
Matitiis mo ba na magtrabaho doon gayong napakasama ng ugali?” “Wala naman
akong choice. Isa pa, kahit na masama ang ugali niya, siguro naman ay hindi
niya ako pepersonalin. Saka kaya ko namang magtiis, Mama. Ang importante ay
huwag niya tayong idemanda.” “Pero—” “Mama, huwag ninyo akong alalahanin. Alam
ko ang ginagawa ko. Basta importante na mabayaran ang utang natin sa kanya.”
“Sa ibang kompanya ka na lang magtrabaho, Anak, ’tapos huhulugan natin siya.”
“Hindi nga siya papayag. Mas gusto niyang pagtrabahuhan ko sa kanya ang
ibabayad natin.” “Iyon na nga ang ikinatatakot ko, Anak. Nahalata ko rin iyon
sa kanya. Para bang gusto ka niyang maging mas mababa sa kanya, iyon bang
parang maging alipin niya kaya ayaw kong ituloy mo ang binabalak mo.” “Wala
tayo sa posisyon para mamili. Tayo ang nasa ilalim kaya wala tayong magagawa na
labanan ang panggigipit niya.” Napabuntunghininga na lang ang ang kanyang ina.
Makaraan nga ang dalawang araw ay alam na ni Joyce ang pasya ni Sylvia. Bukod
sa magtatrabaho siya rito ay nais pa nitong doon siya tumira sa bahay nito sa
Maynila. May kutob ang ina niya na gusto lang siyang alilain ng babae pero
pinalis niya ang pangamba nito, kahit na pareho lang sila ng hinala.
Kinalunesan ay nagsimula na siya ng trabaho sa opisina ni Sylvia. Nakalipat na
rin siya sa bahay nito. Nagsimula ang pang-‐‑aapi sa kanya nang patulugin siya sa
servant’s quarters. Nanahimik na lang siya.
Kaagad niyang nakahulihan ng loob si Celia, isa sa mga tatlong katulong doon.
SABADO NOON at dapat ay nakauwi na si Joyce sa Cavite pero hindi siya nakaalis
dahil inutusan pa siya ni Sylvia na samahan si Celia na mag-‐‑ grocery. Kahit na wala iyon sa usapan nila ng babae ay
sinunod na lang niya ito. Lagi siya nitong inuutusan na labas na sa trabaho
niya kahit na anong oras gustuhin nito pero hindi na lang siya umaangal. Hindi
niya napansin ang kasalubong na lalaki kaya nagkabungguan sila. Nagulat siya
nang makilala ito. “Joyce, ikaw nga!” gulat na sabi nito. Sandali siyang hindi
nakapagsalita bago mayamaya ay tumigas ang ekspresyon niya. “Ako nga, Delfin.
Don’t tell me na hindi mo na ako nakikilala?” matigas niyang pahayag. “Hindi ko
lang ini-‐‑expect na makikita kita dito.” “Small world, isn’t it? Kahit na
may isang tao kang iniiwasan at ayaw makita dahil may atraso ka dito ay
magkikita at magkikita pa rin kayo isang araw.” Natigilan ang lalaki. “I know
malaki ang kasalanan ko sa iyo, Joyce, but please, let me explain.” “I don’t
need your explanation. Alam ko na naman ang lahat ng dapat kong malaman, lalo
na ang pagkatao mo. Wala kang kuwentang lalaki!” Si Celia naman ay palipat-‐‑lipat ang tingin sa kanila, nagtataka. “Joyce, please, give me a—” “Wala akong panahon at wala rin akong balak na makinig sa anumang
sasabihin mo. Now, if you’ll excuse us,”
matigas na pahayag niya at tinabig ito. Nagmamadali siyang lumakad palayo.
Sumunod naman sa kanya ang nagtataka pa ring si Celia. Nang nasa taxi na sila
ay sinabi niya rito kung sino si Delfin sa buhay niya. NAGULAT SI JOYCE nang
isang araw na galing siya sa opisina ay maabutan niyang nasa bahay ni Sylvia si
Delfin. Sinabi sa kanya ni Celia matagal na raw itong naghihintay sa kanya.
“Sana’y hindi mo pinatuloy,” aniya. “Hindi naman ako ang nagpatuloy diyan, eh,
kundi si Aling Tarcing. Hindi ko na mapaalis,” sagot nito. “Sige, ako ang
bahala,” sabi na lang niya at lumapit sa lalaki. “Ano’ng ginagawa mo dito? At
paano mo nalamang narito ako?” “Sinundan ko iyong taxi na sinakyan mo noon.
Narito ako para makausap ka’t magpaliwanag sa iyo.” “Hindi ba’t sinabi ko na sa
iyo wala na tayong dapat na pag-‐‑usapan pa!” “Makinig ka naman sa akin, Joyce.” “Ayokong makinig sa isang sinungaling
na tulad mo. Hindi sa akin ang bahay na ito kaya hindi ka puwedeng magtagal.” “Pero kailangan nating mag—” “Umalis ka na, Delfin. O baka naman
ang gusto mo ay ipapulis pa kita para umalis lang.” “Hindi ako aalis hangga’t
hindi mo ako kina-‐‑ kausap,” pahayag ng lalaki. Hindi sumagot na
lumapit si Joyce sa kinalalagyan ng telepono. “Eh, Mister, hindi naman ho sa nakikialam ako pero mas mabuti pa ho yata’y umalis na kayo at baka kung ano
pang gulo ang mangyari dito’t mapagalitan pa
kami ng amo ko,” sabi ni Celia
sa lalaki. Napabuntunghininga si Delfin at saka na umalis. Tiyempo namang
nakita ni Sylvia ang papalabas na lalaki. “Sino ’yon?” tanong nito kay Celia na sumunod sa lalaki palabas. “Ho? Eh,
bisita ho ni Joyce,” sagot ng katulong. “At sino naman ang nagsabi sa babaeng
iyon na puwede siyang tumanggap ng bisita nang wala akong pahintulot? Nasaan ba
siya?” “Eh, nasa loob ho, Ma’am. Hindi naman ho inaasahan iyon ni Joyce, eh.
Dati niya hong nobyo iyon, si Delfin. Hindi ho niya alam na pupunta dito iyon.”
“Wala akong pakialam kung anuman ang relasyon niya sa lalaking iyon. Basta,
hindi siya dapat na nagpapapasok ng kung sinu-‐‑sino
sa pamamahay ko! Makikita ng babaeng iyan sa akin!” “Eh, Ma’am, hindi nga ho
alam ni Joyce na—” “Leche! Huwag mo nga akong pakialaman, ha! Baka pati ikaw ay
managot sa akin!” bulyaw rito ni Sylvia. Natameme naman ang katulong. “Hoy,
Joyce! Ikaw na babae ka, huwag kang magpapasok ng kahit na sino dito nang wala
akong pahintulot! Umaabuso ka, ha!” kaagad na sita ni Sylvia sa dalaga
pagkapasok nito. “Hindi ko naman siya inaasahang pupunta rito, Sylvia. Naabutan
ko na lang siya pag-‐‑uwi ko. Pero agad ko ring pinaalis
dahil alam ko naman na hindi mo iyon magugustuhan,” sagot niya na nagtitimpi.
“Aba’y dapat lang. Dapat mong ilagay ang sarili mo sa lugar. Hindi ka señorita
sa bahay na ito. Suwelduhan lang kita, empleyado ko kaya dapat ay susundin mo
lahat ng utos ko. At huwag na huwag mo akong kakalabanin dahil masama akong
kalaban.” “May sasabihin ka pa? Kung wala na’y magbibihis na ako.” “Mabuti na
iyong maaga pa lang ay nagkaka-‐‑ intindihan na tayo. Sige,
magpahinga ka na dahil mamayang alas ocho ay aalis tayo. May dadaluhan akong
party at gusto kong kasama ka bilang personal assistant ko. Maliwanag ba,
Joyce?” Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot, “Maliwanag, Sylvia.”
Chapter Four
HABANG NASA LIKURAN ng kotse patungo
sa party ay pinagmasdan ni Joyce ang suot ni Sylvia. Evening gown iyon na
strapless; fitted sa body at may mahabang slit sa gilid ng hita. Lalong lumitaw
ang kaputian nito sa suot. Ibinaba niya ang tingin sa suot na simpleng bestida
na bulaklakin at may katernong sandals. Sa isang exclusive subdivision sa
Greenhills sila humantong. Marami na ang nakaparadang sasakyan nang dumating
sila. “Sasama ba ako sa loob?” tanong niya. “Para ano pa at isinama kita kung
hindi? O baka naman gusto mong magpalit kayo ng puwesto ng driver. Ikaw ang
maiwan sa kotse at siya ang sumama sa akin sa loob?” sarkastikong tugon ni
Sylvia. “Gusto ko lang naman makatiyak kaya ako nagtatanong,” nagpapasensyang
sabi niya. “Sa susunod, paandarin mo na muna iyang utak mo bago ka magtanong!”
Hindi na siya kumibo pa. “Sylvia, Darling!” bati ng isa ring magandang babae
kay Sylvia. Nakipagbesu-‐‑beso ito, maging ang iba pa nitong
kasama. “Sabi ko na nga’t darating ka!” “But of course! Palalampasin ko ba naman ang okasyong ito gayong—” “—gayong alam mo na ang inaanak nina Mr. at Mrs. Crisostomo na si Bobby ay
naririto na muli sa bansa?” agaw ng isa
pang babae sa sinasabi nito. “At nasisigurado
mo na hindi maaaring hindi ito dumating!” “Exactly! And this time ay
sisiguraduhin ko na mahuhulog na siya sa mga kamay ko!” mayabang na sagot ng babae. At
nagkatawanan nang malakas ang mga kaibigan nito. “Who’s she?” tanong ng isang
babae na siyang nakapansin kay Joyce. “Ah, wala. Isinama ko lang para may
alalay ako.” “Talagang napakasosyal mo, Sylvia. Sukat ba namang pati dito sa
party ay nagsama ka pa ng alalay.” “Well, para kapag may kailangan ako ay
mayroon akong mauutusan. Gaya ngayon, naalala ko na nakalimutan ko nga pala ang
sigarilyo ko sa kotse.” At binalingan siya nito. “Kuhanin mo iyong cigarette
case ko sa kotse at isunod mo sa akin. Hanapin mo na lang ako sa loob.” Tumango
si Joyce at tumalikod na. Tinungo niya ang kinapaparadahan ng kotse at kinuha
roon ang kailangan. Nasa harap na siya ng gate nang maalala na nakalimutan pala
niya ang lighter. Bigla siyang pumihit upang mabangga lamang sa matipunong
pangangatawan ng isang lalaki. “Ay!” tili niya na napatumba na sana kung hindi
lang sa maagap na pagsalo sa kanya ng lalaking nakabungguan niya. Pakiramdam
niya ay saglit siyang nakalimot sa kapaligiran nang mga sandaling iyon. Paano
ba naman ay halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ng
lalaking nakasalo sa kanya. Deretsong nakatingin sa kanya ang maiitim nitong
mata; matangos ang ilong nito at natural na mapula-‐‑pula ang labi. Pakiramdam ni Joyce ay maglalapat na yata ang
mga labi nila at hindi niya maipaliwanag kung bakit sa halip na umiwas at
itulak ito palayo ay napapikit pa siya at bahagyang naiawang ang mga labi.
Hinintay niya ang pagdikit ng mga labi ng lalaki sa kanya, sa halip ay
naramdaman na lang niya na marahan siyang itinatayo nito. Nang magmulat siya ng
mga mata ay nakatayo na siya sa harap ng lalaki. Sumungaw ang isang pilyong
ngiti sa mga labi nito. Namula siya sa pagkapahiya. Ang ginawa niya ay tumakbo
siya palayo rito at mabilis na pumasok sa gate. “Wait!” pigil ng binata na
kaagad sanang susunod sa kanya subalit naabala nang may isang lalaking bumati
rito. “ITO NA ANG PINAKUKUHA MO,” sabi ni Joyce kay Sylvia nang makalapit dito.
“Bakit ngayon ka lang? Aba’y pinabalik lang kita sandali para kunin ang
sigarilyo ay inabot ka na yata ng mahigit na isang oras!” sita nito. “Pasensya
na kayo,” sagot naman niya. “Sige, diyan ka muna sa tabi-‐‑tabi. Huwag kang lalayo para kapag hinanap kita’y agad kitang makikita.” Tumango siya. Pinili niyang mag-‐‑stay sa garden. Tahimik doon at natatanaw niya ang amo.
Dati, noong nabubuhay pa ang papa niya ay mahilig siya sa ganoong mga sosyalan.
Pero mula noong namatay ito ay nawalan na rin siya ng ganang dumalo sa mga
pagtitipon na karamihan kung hindi man lahat ng dumadalo ay nais lang
makipagplastikan. Napatunayan niya iyon noong naghirap sila at wala ni isa man
sa naging kaibigan niya ang tumulong sa kanila. Muling sumagi sa isip niya ang
nakabungguang lalaki. Hindi niya alam kung sino ito subalit natitiyak niya na
may-‐‑sinasabi ito sa buhay gaya ng karamihang naroon sa
pagtitipon. Nahihiya siya sa sarili sa inasal. Nahiling niya na sana ay huwag
silang magkita ulit ng lalaki dahil hindi niya kayang harapin ang pilyo nitong
tingin. Subalit hindi niya maipaliwanag kung bakit sa kaibuturan ng kanyang
puso ay gusto pa niyang mapagmasdan muli ang lalaking nagpabilis ng tibok ng
kanyang puso at naging dahilan upang saglit siyang mawala sa sarili.
Pinagmamasdan ni Joyce ang amo niya na masayang nakikipagkuwentuhan nang biglang
manlaki ang kanyang mga mata. Ang lalaking nakabungguan niya ay palinga-‐‑linga sa bawat mesa na madaanan! At lalo siya napamulagat
nang biglang tumayo si Sylvia at lumapit sa lalaki! “Bobby!” halos tili ni Sylvia na kaagad yumakap sa lalaki at mabilis itong
hinalikan sa labi. “Sylvia, ikaw pala.” “Kumusta ka na? I’m very glad na
nagkita tayo ngayong gabi. You just don’t know how much I missed you!” Isang
maikling tawa lang ang itinugon ni Bobby. “C’mon, join us. O kung gusto mo’y
lumipat na lang tayo sa mas may privacy,” malambing na sabi ng babae. “Later na
lang. Hindi ko pa kasi nababati sina Ninong.” “Okay. Pero isama mo ako. I’m
sure they won’t mind.” Napabuntunghininga si Bobby. “Okay. How can I refuse a
very beautiful woman like you?” pagkuwa’y sagot nito. Matamis na ngumiti si
Sylvia nang marinig iyon. “Sige, Girls, iwanan na muna namin kayo,” mayabang na
sabi nito sa mga kaibigan bago kumindat. Nagtawanan naman ang mga ito. Habang
naglalakad ay mahigpit na nakakapit si Sylvia sa braso ni Bobby; ngiting-‐‑ngiti ito. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Joyce. Bigla
tuloy siyang na-‐‑curious kung magkaanu-‐‑ano ang dalawa. Nagtaka siya nang makadama ng panghihinayang
at kalungkutan sa huling naisip. Bumalik na lang siya sa kotse. Mukhang nag-‐‑e-‐‑ enjoy si Sylvia at parang nawala na
siya sa isip nito. “ALAM MO BA,
Bobby, malaki ang tampo ko sa iyo,” ani Sylvia habang hinihimas pa ang batok ng kasayaw na lalaki. “And may I ask why?” tanong ni Bobby na gumagala pa rin
ang mga mata. “Dahil hindi mo ako inimbita sa grand
opening ng iyong bagong tayo na Famous Sports Plaza.” Napangiti at napailing siya. “I’m sorry, Sylvia. Masyado lang kasing occupied ang isip ko at that time.” “And all the while I thought that I was important you,” nagtatampong sabi nito. “Of course,
importante ka sa akin. You’re my friend.” Napangiwi ito. “You know I want to be
more than that to you, Bobby,” prangkang sabi nito. “C’mon, Sylvia. Hanggang
ngayon ba naman?” napapailing na sabi niya. “But it’s true. Alam mo namang noon
pa ako attracted sa iyo. And don’t tell me na na-‐‑shock
ka sa sinabi ko dahil I’m quite sure na
this is not the first time na pinagtapatan ka ng isang babae.” “Pero ang gusto ko’y ako pa rin ang
nanliligaw.” “No problem. Eh, di ligawan mo ako’t sasagutin agad kita.” Napatawa siya nang malakas. “You’re kidding.”
“No, I’m not. I really like you. Marami naman ang nagkakandarapa sa akin pero
ikaw ang gusto ko.” “We’re better off as friends, Sylvia.” “Why? Don’t you find
me beautiful and sexy?” tanong nito na idinikit ang katawan sa binata. Inilayo
niya ang sarili rito bago muling iginala ang paningin sa mga tao sa party.
“Kanina ko pa napapansin na kung saan-‐‑saan ka tumitingin. May hinahanap ka
ba?” yamot na tanong ng babae. “Yes, I’m looking for someone.” “A woman?”
Halata ang pagseselos sa tono nito. Tumango si Bobby. “Actually, hindi ko siya
kilala. Ngayon ko lang siya nakita at gusto ko sanang kausapin kaso bigla na
lang siyang tumakbo papasok dito at bigla ring nawala.” “Baka naman may asawa
na ang babaeng iyon.” “I don’t think so. Wala naman sa porma niya ang may asawa
na.” “Napakaganda ba talaga ng babaeng iyon para magkaganyan ka?” mataas ang
boses na tanong nito. “No. Simple lang siya. Hindi siya katulad mo o ng mga
kaibigan mo.” “Siguro’y isa lang siyang gatecrasher.” “I don’t care. I still
want to meet her.” “Kaharap mo ako ngayon pero ibang babae ang nasa isip mo?”
“We’re only friends, aren’t we?” “Pero sinabi ko na sa iyo na I want us to be
more than friends,” sagot nito na inilapit ang mukha sa kanya. Umiwas siya. “We
can only be friends, Sylvia,” prangkang sabi niya. “That’s that.” “Pero bakit?
Bagay tayo. Hindi mo ba naisip na lalo tayong yayaman kung tayong dalawa ang
mag-‐‑kakatuluyan?” “Hindi ako mukhang pera para maghangad
pa ng mas marami.” “Hindi rin ako
mukhang pera, Bobby. I’m just a very practical person,” depensa nito. “Huwag
mong sabihin sa akin na hindi ka man lang na-‐‑
attract sa akin.” “You’re beautiful, Sylvia. Pero wala akong nadaramang anuman para sa iyo
maliban sa isang kaibigan.” “Are you saying na hindi mo ako mahal?” “Honestly, hindi.” Sandaling
natigilan ang babae. Mayamaya ay bumalik ang composure nito. “Okay, maybe hindi mo nga ako mahal
pero matutunan mo rin iyon. Just give yourself a chance.” “I don’t think so, Sylvia.” “How dare you say that! Masyado ka
namang mayabang para insultuhin ako por que alam mong malaki ang pagkakagusto
ko sa iyo!” “I was not insulting you. I was just telling the truth. And please,
huwag kang sumigaw at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao dito,” galit na
sabi ni Bobby, sabay bitaw rito. “Shit!” gigil na bulong ni Sylvia. Galit itong
humakbang palayo sa binata, ipinasya nang umuwi na.
Chapter Five
“SA MAY ORTIGAS TAYO,” utos ni Sylvia
sa driver. “Sa Famous Sports Plaza,” dugtong pa nito. Kahit nagtataka ay hindi
na kumibo si Joyce. Iyon unang pagkakataon na pupunta sila roon at hindi niya
maipaliwanag kung bakit parang kinakabahan siya. Pagdating doon ay kaagad
silang sinalubong ng receptionist ng sports plaza. “Nandito ba ang may-‐‑ari?” tanong ni
Sylvia. “Yes, Ma’am. Nasa loob ho ng office niya,” sagot ng receptionist. “Tell him na
narito si Sylvia, Sylvia Arriola, his special friend.” “Yes, Ma’am. Sandali lang ho.” “Wait! Nasaan ba ang ladies’ room ninyo?” “Sa pinakadulo ho,” turo ng receptionist. “Okay. Thank
you,” sabi ni Sylvia bago binalingan si Joyce. “Wait for me here.” Tumango siya
bago umupo sa isang malapit na upuan. Ang kanyang paningin ay nasa dakong pag-‐‑mumulan ng amo kaya hindi niya napansin ang paglapit ng
isang lalaki sa kanya. “It’s you!” bulalas nito pagkakita sa dalaga. “I-‐‑ikaw?” gulat na bigkas
niya. “I’m glad at na-‐‑recognize mo ako.” Hindi maitago ang katuwaan sa mukha
ni Bobby. “Ano’ng ginagawa mo dito?” “Don’t you think I’m the one who is
supposed to ask that? Don’t you know that
I’m the owner of this place?” “Ikaw?” lalong nagulat na sabi niya. “Yes. Bakit
mukhang gulat na gulat ka? At ngayong alam mo na, ang dapat mong sunod na
malaman ay kung sino ako. I’m Bobby Morales. Now, it’s your turn para
magpakilala at para magpaliwanag kung bakit bigla ka na lang nawala doon sa
party.” “Ako si Joyce, Joyce Miranda at—” “Bobby, Darling!” Sabay silang
napalingon sa pinagmulan ng boses. “Sylvia!” gulat na sabi ni Bobby.
“’Surprised?” Kaagad itong humalik sa pisngi ng lalaki. “What are you doing
here?” “Don’t tell me na ayaw mo akong papuntahin dito? Ganyan ba dapat ang
pagtrato mo sa isang customer especially kung isang magandang tulad ko?” “I’m
sorry. Nagulat lang talaga ako. Ang akala ko kasi’y nagtampo ka sa akin the last
time na nagkita tayo.” “Nagtampo talaga ako sa iyo but I came to realize na mas
dapat kong i-‐‑prove sa iyo na mali ka’t tama ako. Kaya lahat ay gagawin ko
para lang matutunan mo akong mahalin,” deretsong sagot ni Sylvia. Hindi naman mapakali si Joyce. Hindi niya
alam kung mananatili siya roon o aalis na. Naasiwa siyang marinig ang pinag-‐‑uusapan ng dalawa. “Ah, excuse me. Doon na lang muna ako sa kotse,” sabad niya. “Kilala mo siya? Magkakilala kayo?” gulat na sabi ni Bobby kay Sylvia. “But of course! Natural lang naman na
makilala ko ang mga taong sinusuwelduhan ko, di ba? Alalay ko siya,” tugon ng babae. “What!” di-‐‑makapaniwalang bulalas ng binata. “You heard me right. She’s my alalay,” sagot nitong muli at binalingan
siya. “Sige, doon ka na muna sa kotse!” utos
nito. Tumango si Joyce. Napahiya siya sa pagsigaw ni Sylvia sa kanya subalit
hindi na lang niya pinansin iyon. Hindi na rin niya ipinaalam kay Bobby na
hindi naman talaga siya alalay ni Sylvia. Naisip niyang wala ring halaga kahit
na malaman nito. “Hindi ba niya sinabi sa iyo kung ano ko siya, Bobby?” baling
ni Sylvia sa binata nang wala na si Joyce. “Hindi siya nagkaroon ng
pagkakataong sabihin iyon,” tugon niya. “But why do you treat her like that?”
“Like what?” “You know what I mean. Hindi mo siya kailangang ipahiya at sigawan
sa harap ko,” naiinis na sabi niya. “Bakit ka ba concerned sa babaeng iyon?
Wala kang pakialam kung sigawan ko man siya dahil ako ang nagpapasuweldo sa
kanya.” “At iyon ang nagbigay sa iyo ng karapatan para tratuhin siya nang
ganoon? Hindi ko akalain na gan’on ka palang klaseng tao, Sylvia,” nanunuyang
pahayag niya. Tinablan naman ang babae. Lumambot ang mukha nito. “Hindi naman
ako ganoon, Bobby. Kaya lang ay medyo uminit ang ulo ko nang makita ko kayong
nag-‐‑uusap. Nagselos ako.” “At bakit ka namang magseselos gayong
wala naman tayong relasyon?” “You know I like you. Pero ngayon ay hindi na ako
nagseselos. Kasi alam mo na kung sino siya at kung ano lang siya.” “Hindi ako
nanunuri ng tao base sa kanyang katayuan sa buhay.” “Maybe. Pero at least
ngayon ay alam mo nang hindi natin siya ka-‐‑level kaya maiisip mo na hindi siya
bagay sa iyo. Ako ang bagay sa iyo, Bobby.” “Sinabi ko na sa iyong magkaibigan
lang tayo,” giit niya. “Pero hindi ako makokontento sa gan’on lang.” “Well, I’m sorry. Dahil ngayon pa lang ay tinitiyak ko na sa iyong
hanggang dito na lang tayo.” “Huwag kang magsalita ng tapos. Baka mapahiya ka
lang. Lalo akong nagiging determinado na patunayan sa iyong mali ka kung
inaakala mong mare-‐‑resist mo ako. “And about that woman,” patuloy ng babae na ang tinutukoy ay
si Joyce, “she’s a nobody, Bobby. Maaari ngang maganda siya pero hindi ko siya ka-‐‑level. Mababa siya kaysa sa atin kaya hindi mo siya
magugustuhan.” “I don’t care kung ano pa ang kalagayan ng
isang tao basta gusto ko.” “You’re kidding! Hindi naman siguro gan’on kababaw
ang taste mo. Pagtatawanan kita.” “I don’t give a damn, Sylvia, kahit na
pagtawanan ako ng ibang tao, lalo pa at alam kong makikitid ang utak ng mga
taong iyon.” “Stop it, Bobby! Hindi ako nagpunta dito para insultuhin mo at
makipagtalo tungkol sa babaeng iyon. I came here because I want to have fun, to
relax. At hindi naman siguro deserve ng isang customer ang ganyang treatment,
lalo pa at ang may-‐‑ari ang kanyang kaharap, di ba?” Napabuntunghininga siya. “I guess
you’re right, Sylvia. Hindi nga dapat ganito ang treatment sa isang kliyente.
I’m sorry.” “Pinapatawad na kita.. kung tuturuan akong mag-‐‑swimming. Medyo hindi pa kasi ako gaanong marunong lumangoy.” “Pero bakit ako pa? Magagaling at very competent ang swimming instructors
ko. Baka mainsulto naman sila kung ako pa ang magtuturo sa iyo.” “Unless sasabihin mo sa kanila na special naman ako sa iyo. I’m sure they’ll understand. And don’t worry dahil hindi ka malulugi sa
akin. I’ll be wearing my sexiest two-‐‑piece swimsuit.” Napatango na lang si Bobby. SAMANTALA, nasa parking lot si Joyce at
nababahala. Nakita niya sa mukha ni Sylvia ang pagkainis nang makita silang
nag-‐‑uusap ni Bobby. Narinig din niya ang pagtatalo ng mga ito
tungkol sa kanya. Nag-‐‑aalala tuloy siya na mapapagalitan
na naman siya ng amo dahil doon. Baka isipin nito na sinadya niya ang pag-‐‑uusap nila ng binata. Ang kabang iyon ay nasa dibdib pa rin
ni Joyce hanggang sa makabalik na at makasakay ng kotse ang amo niya.
Hinihintay niya ang pagsigaw nito at pagtatanong sa kanya subalit hanggang sa
makaalis na sila ay hindi ito kumikibo. Siya ang hindi nakatiis. “Iyon hong
tungkol kanina na—” “Kung ang tinutukoy mo’y iyong pag-‐‑uusap ninyo ni Bobby ay kalimutan mo iyon, Joyce.” “Baka ho kasi nagalit kayo sa akin dahil doon.” “Bakit ako magagalit? Wala namang dahilan, di ba? Kaya lang ay alamin mo
ang lugar na kinatatayuan mo. At huwag mo nang babanggitin pa muli ang tungkol
doon.” “Oho,” sagot niya na nakahinga nang
maluwag. Palihim naman na inirapan ni Sylvia ang alalay. Bruha! Talagang
naimbiyerna ako sa iyo, lalo na at mukhang nagustuhan ka ng tangang Bobby na
iyon. Pero bakit ko iyon sasabihin sa iyo? Hindi ako bababa sa level mo! Never!
sa loob-‐‑loob nito. Si Joyce naman ay ipinangako sa sarili na iiwasan
niya ang binata kapag muli silang nagkita. ANG IPINANGAKO NI JOYCE sa sarili ay
nakatakda palang mapako dahil kinabukasan lang ay kausap na niya sa telepono si
Bobby. “Paano mo nalaman ang number namin?” tanong niya matapos magpakilala ng
kausap. “Matagal nang ibinigay sa akin ni Sylvia ang number niya sa office,
pati na rin sa bahay niya.” “Sige, sasabihin ko na nasa linya ka. Just—” “Wait,
no!” agaw nito. “Ano ho iyon. . Sir?” pormal na tanong niya. “Bakit naman bigla
kang naging pormal? Kanina lang ay—” “Dahil iyon ho ang dapat. Sandali lang ho
at iko-‐‑ connect ko na kayo kay—” “No!” matigas na putol nito. “Tumawag ako
diyan dahil ikaw ang gusto kong makausap at hindi si Sylvia.” “A-‐‑ako? Bakit mo naman ako gustong kausapin?” takang tanong
niya. “Dahil gusto kong marinig ang boses mo. Nami-‐‑ miss na kita, Joyce.” Napailing-‐‑iling siya. Mayamaya ay tumigas ang
kanyang tinig. “Hindi ako
nakikipaglokohan sa inyo, Sir. Kung ayaw ninyong makausap ang amo ko’y ibababa ko na ang telepono at
masyado akong abala para makipag-‐‑lokohan lang sa inyo,” inis na sabi niya. “Hindi ako nagloloko. Ganito na lang,
susunduin kita diyan after office hours at kakain tayo sa labas.” Sa tono nito ay hindi ito
nagpapaalam kundi nag-‐‑uutos. “Hindi ho ako sasama sa inyo,
Sir,” tanggi niya. “I won’t take no for an answer. At kung tatanggihan mo ako
dito sa phone ay wala akong ibang choice kundi pumunta diyan para personal kang
kumbinsihin. Iyon ba ang gusto mo?” “Huwag!” kaagad na sabi niya. Ayaw niyang
maulit ang nangyari sa sports plaza. “So, pumapayag ka na?” “Bakit mo ba
ginagawa ito?” gigil na tanong niya. “Ang alin?” natatawang tugon nito. “Ang
pamba-‐‑blackmail sa akin! Nagmamaang-‐‑
maangan ka pa!” galit niyang saad. “Hindi ko alam kung ano’ng gusto mong
palabasin. Pero gusto kong ipaintindi sa iyo na ang pagpayag ko’y pilit lang.
At mamaya’y makikipagtuos ako’t makikipaglinawan sa iyo!” “Fine with me. So,
susunduin kita diyan?” “No. Huwag mong gagawin iyan.” “Bakit ba ayaw mo akong
pumunta diyan?” “Dahil ayokong mapagalitan ng amo ko. At alam kong alam mo
iyan!” “Bakit ka naman pagagalitan ni Sylvia gayong wala ka namang gagawing
masama? Anyway, I think it will be better kung mamaya na natin pag-‐‑ uusapan ang bagay na ito. Now, dahil ayaw mong sunduin
kita, saan tayo magkikita?” Sandaling nag-‐‑isip ang dalaga. Mayamaya ay sinabi
niya sa kausap ang meeting place nila. “GUSTO KO LANG SABIHIN sa iyo na hindi ako magtatagal. Kaya kung anuman
ang sasabihin mo, mabuti pa’y umpisahan mo
na,” ani Joyce habang nagdi-‐‑dinner na sila ni Bobby sa isang restaurant. “Bakit ka ba nagmamadali?” “Bakit mo ba ako inimbitang lumabas?” “Masama ba? I want to get to know you
better at isa ito sa mga paraan para makilala kita nang husto.” “At bakit kailangang makilala mo ako?” “Dahil mula noong una pa lang
tayong nagkita ay hindi ka na naalis sa isip ko. I like you, Joyce. Attracted
ako sa iyo, at gusto kong malaman kung made-‐‑develop pa ito. Kaya hindi kita
pakakawalan nang basta gan’on na lang.
Ngayon ko lang kasi nadama ito sa isang babae.” Nagulat siya sa narinig. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Napangiti
naman ito. “Hey, what’s wrong? Cat got your tongue?” biro nito. “Kung isa itong biro, I’m sorry to tell you pero hindi ako
natatawa,” galit na pahayag niya. “And what
made you think na nagbibiro ako? I’m serious.” “And you expect me to believe
you? Hindi naman ako tanga. Alam ko naman ang mga bagay na dapat kong
paniwalaan at hindi.” “If you really do, dapat ay maniwala ka sa akin. Dahil
sincere ako sa mga sinabi ko sa iyo.” “Iyon lang ho ba ang sasabihin ninyo sa
akin? Kung wala nang iba pa’y puwede na siguro akong umalis.” “Okay. Hindi ko
muna ipipilit sa iyo na paniwalaan ang sinasabi ko sa ngayon. Mabuti pa’y
ibahin na lang muna natin ang pinag-‐‑ uusapan natin. Paano ka ba napasok
kay Sylvia? Sa tingin ko naman sa iyo ay may pinag-‐‑aralan ka. Bakit ka pumasok bilang personal assistant?” Natigilan siya, hindi alam kung
magtatapat dito. “C’mon, Joyce. Don’t tell me na mukha akong hindi
mapagkakatiwalaan para hindi mo sabihin sa akin ang tunay na dahilan?” “Hindi naman importante na malaman mo pa,” sabi niya habang hinihiwa ang steak sa plato. “Importante. Hindi ba sinabi ko na sa
iyo na I want to get to know you better? Paano mangyayari iyon kung hindi ka
man lang magkukuwento sa akin?” “Bakit ba kailangan pang makilala mo ako nang
husto?” “Because I like you. Bakit ba ayaw mong paniwalaan iyon?” “Dahil
imposible ang sinasabi ninyo. Huwag ninyong isipin na paglalaruan ninyo ako.”
“Ang sama naman ng iniisip mo.” “Ano pa ba’ng iisipin ko maliban doon? Maaari
bang basta na lang magkagusto ang isang lalaki sa isang babae gayong isang
beses pa lang sila nagkita? Lalo pa at nalaman ng lalaki na hindi sila bagay
dahil magkaiba sila ng estado sa buhay? I’m sorry, pero hindi naman ako tanga;
realistic ako.” “Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Kaya nga may tinatawag
na love at first sight, hindi ba?” “Hindi ako naniniwala sa bagay na iyon.”
“Hindi rin ako naniniwala noon. . pero nang nakita kita, nag-‐‑iba ang pananaw ko. Dahil kung hindi, ano pa ang maaaring
itawag sa nadarama ko para sa iyo?” “Ewan ko. Pero para sa akin ay
kalokohan iyang mga sinasabi ninyo.” “Really?” sabi ni Bobby. “You want to tell
me na hindi ka nakaramdam ng gan’on nang una tayong magkita? Pero sa pagkakatanda ko’y inakala mo pa ngang
hahalikan kita noon. Pumikit ka pa’t bahagyang naiawang ang mga labi,”
panunukso nito. Namula si Joyce sa pagkapahiya. Hindi niya alam kung ano ang
ikakatuwiran. “See, nagba-‐‑blush ka. That means totoo. Pero
huwag kang mahiya. As I’ve said, pareho
tayo ng nadama. Marahil, kung walang maraming tao’y hinalikan na kita noon. Kaya nga lang ay maraming taong nakatingin at
hindi pa kita kilala. Malay ko kung may kasama kang asawa o nobyo.” Hindi siya nakakibo, nahihiya pa rin
dito.
Chapter Six
SA PAGDAAN NG MGA ARAW ay napatunayan
ni Joyce na hindi madaling mag-‐‑give up si Bobby. Araw-‐‑araw ay palagi itong tumatawag sa kanya at madalas din
siyang yayain sa labas. Hindi naman niya magawang tumanggi dahil palagi itong
nagbabanta na pupuntahan siya nang personal, bukod pa sa katotohanang gusto rin
niya itong makasama. Isang araw ay nagulat siya nang i-‐‑deliver ang isang dosenang rosas sa opisina nila. Noong una
ay inakala niyang para kay Sylvia iyon hanggang sa mabasa niya ang card at
malamang para iyon sa kanya, galing kay Bobby Morales. Napailing-‐‑ iling siya. Ipinagpasalamat niyang nasa conference room
noon ang amo at may meeting ito. Makalipas ang isang saglit ay tumawag sa kanya
si Bobby. “Natanggap mo na ba ang mga bulaklak?” tanong nito. “Oo. Nagtataka lang ako kung bakit
nag-‐‑abala ka pa gayong wala naman akong sakit,” malamig ang boses na sabi niya. “Silly! Pinadalhan kita niyon para
malaman mo na ngayong araw na ito ang simula ng opisyal na panliligaw ko sa
iyo.” “What!” di-‐‑makapaniwalang bulalas niya. “You heard me right. Liligawan kita.
Sa loob ng maiksing panahon ay napatunayan ko na hindi lang pala attraction ang
nadarama ko para sa iyo. Mahal na pala kita.” “Baka naman nagdedeliryo kayo, Mr.
Morales. Mabuti pa’y magpatingin
kayo sa doktor bago pa lumala iyan,” kunwa’y insulto niya subalit ang totoo ay
kinikilig siya. “Nagdedeliryo nga
ako, Joyce, nagdedeliryo ang puso ko na lubos na nagmamahal sa iyo. At hindi
doktor ang gamot dito kundi ang pag-‐‑ibig mo, ang matamis mong ‘oo’ na
siyang inaasam ng puso ko.” “Dapat pala’y hindi ka naging businessman kundi
isang makata,” sabi niya na pinipigil ang pagtawa. “Hindi mo ba alam na lahat
ng umiibig ay nagiging makata? Muli kitang iniimbita mamaya sa labas para naman
personal kong masabi sa iyo ang nadarama ko.” “I’m sorry, pero hindi ako
puwede. Maaga nga akong aalis sa office dahil uuwi ako sa amin sa Cavite.
Friday ngayon, remember?” “Oo nga pala. Ang bagay na iyan ang ilan sa mga
kakaunting impormasyon na sinabi mo sa akin.” “Pasalamat ka nga’t sinabi ko pa
sa iyo,” nagtatawang sabi niya. “Sige, anong oras ka ba aalis mamaya?” “Bakit
gusto mong malaman?” “Dahil baka ’ika ko puwede pa nating isingit ang pagkain
natin sa labas bago ka umuwi.” “Sorry, pero alas ocho pa lang ay aalis na ako
dito.” “Okay, pero sabihin mo naman sa akin ang phone number ninyo sa Cavite.”
“I’m really sorry, pero hindi ko sasabihin sa iyo. Iyon na nga ang pagkakataon
ko para makaligtas sa pangungulit mo ’tapos sasabihin ko pa,” birong dugtong
niya. “Siya, ikaw na nga ang bahala. Alam ko namang hindi kita mapipilit.”
“Talagang hindi. Goodbye, Mr. Morales,” paalam niya bago ibinaba ang phone.
Inilapit niya sa dibdib ang mga bulaklak habang napapangiti. Hindi niya
maikakaila na may pagtingin din siya sa binata. Nagulat siya nang sa paglabas
niya sa office ay makita si Bobby na nakatayo sa tabi ng kotse nito. Guwapung-‐‑guwapo ito sa suot na polo shirt na puti at pantalong maong.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na tanong
niya habang panay ang lingon sa opisinang pinanggalingan. Kinakabahan siya na
baka mamaya ay biglang lumabas si Sylvia at maabutan sila. “Ako ang maghahatid
sa iyo sa Cavite,” kaswal na sagot nito. “At sino’ng nagsabi sa iyo na papayag
ako?” inis na sabi niya. “Kung ayaw mo’y sasabihin ko na lang kay Sylvia. Para
at least, siya ang magsabi sa iyo na mas makagiginhawa ang pagbibiyahe kung
magpapahatid ka sa akin.” “At bina-‐‑blackmail mo na naman ako. Puwes,
sorry ka na lang dahil wala dito si Sylvia kaya hindi uubra ngayon iyang
pananakot mo.” “Really? Sino pala iyong nakausap ko sa cellular phone kanina?
Baka naman impostor lang iyon ni Sylvia,” natatawang sabi nito. “Nakausap mo
siya?” “Yes. Tinawagan ko siya at sinabi niya sa akin na nandiyan nga raw siya
ngayon sa office.” “Ibang klase ka rin talaga, ano!” inis na sabi niya.
“Sabihin na lang natin na kapag determinado akong gawin ang isang bagay ay
ginagawa ko lahat ng paraan para magtagumpay. Ngayon, sasakay ka na ba at aalis
na tayo o tatawagan ko muna si Sylvia para lumabas na dito?” tanong nito na
nakangiti. Inis na binuksan ni Joyce ang pinto ng kotse at sumakay bago
pabalibag na isinara iyon. “Hey, hindi lalaban sa iyo ang kotse ko!” tukso ni
Bobby na sinagot niya ng irap. “Alam mo, hindi ko malaman kung bakit gusto mong
ihatid pa ako pauwi sa amin,” inis na saad niya habang nagbibiyahe sila. “Una,
para hindi ka mahirapan sa pagbiyahe. Pangalawa, gusto kong makilala ang ina mo
at mga kapatid. At least, sa kanila ay malalaman ko ang iba pang impormasyon
tungkol sa iyo. Ang tipid mo kasing magkuwento.” “Hindi naman kasi ako si Lola
Basyang para magkuwento nang magkuwento,” pairap na tugon niya. Natawa ito.
“Gusto kong ma-‐‑meet ang mother mo para personal at
pormal na magpaalam sa kanya tungkol sa panliligaw ko sa iyo at saka para rin
makilala nila ako. At para malaman mo na seryoso ako sa ’yo.” “Kung sakaling totoo man ang sinasabi
mo, ito naman ang masasabi ko—isa kang tanga
para magustuhan ako.” “At kailan pa naging katangahan ang
umibig?” “Kung ang iniibig niya ay alam naman niyang hindi bagay sa kanya.” “Bakit
ba ayaw mong ibigin kita? Mayroon bang matinding dahilan para pagbawalan mo
ako?” “Mayroon! Siguro nama’y hindi ka manhid para malaman na may gusto sa iyo
ang amo ko.” “So?” “So? What I mean is, siya at hindi ako ang dapat na ligawan
mo. Kayo ang bagay.” “Ikaw ang gusto ko, Joyce. At huwag mong ikatuwiran sa
akin ang katayuan mo sa buhay. All is fair in love and war. Siguro naman ay
alam mo iyan.” “Ah, bahala ka! Pero sinasabi ko sa iyo na si Sylvia na lang ang
ligawan mo dahil kayo ang bagay,” sabi niya, sabay irap sa katabi. Natawa naman
ito. Nang malapit na sila sa kanila ay huminto muna si Bobby sa palengkeng
nadaanan nila. “Bakit tayo huminto?” takang tanong niya. “Stay here. Bibili na
muna ako ng maaari nating ipasalubong sa mother mo at mga kapatid. Nakakahiya
naman kung wala man lang tayong dala para sa kanila,” sagot nito habang inaalis
ang suot na seatbelt. “Huwag na at—” “Just stay here,” putol nito sa sinasabi
niya bago bumaba sa kotse. Napabuntunghininga na lang siya. Makalipas ang ilang
minuto ay bumalik na ito, bitbit ang mga pinamili. Inilagay nito iyon sa
likuran ng kotse. “Ano iyong mga dala mo?” tanong niya nang makasakay na ito.
“Wala. Mga prutas lang, cake at ice cream para sa mga kapatid mo.” “Hindi ka na
sana bumili. Nagastusan ka pa tuloy.” “Konti lang iyon. Nakakahiya naman kasi
sa mother mo.” “Bakit ka mahihiya? Ikaw na nga itong naghatid sa akin, eh.
Kahit na ba sapilitan lang iyon.” Tumawa ito. “Alam mo, ikaw talaga, minsan
para kang bata kung magsalita.” “Kasi naman ay saksakan ng kulit ang lalaking
kausap ko. Mahilig na mamilit kahit na ayaw ng tao,” nakasimangot na sagot
niya. Lalong napatawa ang binata. NAGULAT ANG INA NI JOYCE nang makitang umuwi
ang anak na may kasamang lalaki. “Nobyo mo ba siya, Anak?” tanong nito. Namula
siya sa pagkapahiya. “Of course not!” mabilis niyang tanggi. “Si Mama talaga.”
“Hindi ho niya ako nobyo, magiging nobyo pa lang,” singit ng binata na
natatawa. “Ako po si Bobby Morales,” pagpapakilala nito sa sarili. “Ah, gan’on
ba? Aba’y pasensya ka na, Hijo. Ngayon ko lang kasi ulit nakitang may kasamang
lalaki ang anak ko buhat nang magkahiwalay sila ni—” “Mama!” saway niya.
“Mabuti pa’y tawagin ninyo na lang ho ang mga kapatid ko para makilala rin sila
ni. . nitong lalaking ito.” “Siya, sige. Nandiyan sila sa kabila at naglalaro
kasama ng anak ng kapitbahay natin,” sabi ng mama niya bago umalis. “Upo ka
muna,” alok niya sa bisita nang maiwan sila sa sala. “Thank you.” Noon naman
dumating ang mga kapatid niya na nagtakbuhan palapit sa kanya. “Ate! Pasalubong
namin?” tanong ng mga ito. Bago pa siya nakasagot ay naunahan na siyang
magsalita ni Bobby. “Heto, para ito sa inyo. Mga prutas iyan; may cake at ice
cream rin,” anito. “Talaga? Yeheey! Thank you ho!” Pormal naman niyang
ipinakilala ang lalaki sa mga kapatid at ina. “Ah, sandali, maiwan ko na muna
kayo, Anak. Aasikasuhin ko lang ang mga kapatid mo,” sabi ng matanda. “Maganda
itong apartment ninyo, ah,” sabi ni Bobby nang sila na lang dalawa ang naiwan.
Hindi siya kumibo. Hindi niya sinabi na sila ang may-‐‑ari niyon at ang kanyang papa ang gumawa. Hindi pa rin niya
nasasabi rito na ang trabaho talaga niya kay Sylvia ay biglang accountant at
hindi isang personal assistant. Gusto kasi niya itong papaniwalaan na malayo
ang agwat nila sa buhay. “Hindi ka pa ba
uuwi?” tanong niya. “Itinataboy mo na ba ako?” balik-‐‑tanong
nitong nakangiti. “Hindi naman.
Ikaw rin ang inaalala ko. Baka kasi masyado kang gabihin sa pag-‐‑uwi.” “Concerned ka sa akin. So, ang ibig
mong sabihin ay may pagtingin ka rin sa akin?” “Ikaw talaga, ang bilis mong
gumawa ng konklusyon. Diyan ka na nga muna’t magbibihis lang ako.” “Gusto mong
samahan na kita?” biro nito. “Sira-‐‑ulo!” natatawang sagot niya at tinalikuran na ito. Nang lumabas si Joyce
matapos magbihis ay nakita niyang nag-‐‑uusap na ang mama niya at si Bobby.
Kaagad siyang lumapit sa mga ito. Ayaw niyang humaba pa ang usapan ng mga ito
at baka kung ano pa ang masabi ng kanyang ina. “O, nandito na pala ang anak ko,” anang matandang babae pagkakita sa kanya. “Ah, Joyce, nagpaalam na ako
sa mama mo. Tutuloy na kasi ako dahil baka nga gabihin ako.” “Sabi ko nga sa
kanya’y dito na siya maghapunan o matulog at bukas na lang siya umuwi,” sabi ng
mama niya. “Mama, masyadong busy si Bobby. Hindi siya puwedeng magtagal.”
“Hayaan ninyo ho. This won’t be the last time na pupunta ako dito,” sabi ng
binata. “Aasahan ko iyan, Hijo. Palagi kang welcome dito sa bahay. At salamat
din sa paghahatid mo sa anak ko.” “Wala ho iyon.” NAGULAT SI JOYCE nang
paggising niya kinabukasan ay makita niya si Bobby na masayang kausap ang
kanyang ina at mga kapatid. “O, nariyan ka na pala, Anak. Maaga pa lang ay
narito na si Bobby; ipapasyal raw niya kayo ng mga kapatid mo.” “Oo nga, Ate.
Hinihintay ka nga naming magising para makaalis na tayo, eh. Ngayong gising ka
na, magbibihis na kami ni Jenny,” sabi ni Ernan. Bago pa siya nakasagot ay
mabilis na nakatakbo ang dalawang bata patungo sa kuwarto ng mga ito. “Ah,
mabuti pa’y sundan ko na muna ang mga kapatid mo,” saad ng ina. “Ano’ng
ginagawa mo dito?” sita niya kay Bobby nang maiwan sila. “Gaya ng sinabi ng
mama mo, para ipasyal kayo ng mga kapatid mo. Balak ko ngang mag-‐‑beach tayo,” kampanteng
sagot nito. “Nang hindi man lang nagsasabi sa
akin?” “Tulog ka pa. And besides, nagsabi na ako sa mama mo at gustung-‐‑gusto naman ng mga kapatid mo. Bibiguin mo ba sila?” “Sa ngayon, hindi. Dahil nakita ko naman kung gaano sila ka-‐‑excited. I admit na matagal na rin silang hindi
nakakapamasyal. Pero sa susunod, huwag kang basta-‐‑basta gagawa ng plano nang hindi ko nalalaman.” “Sure,” sagot nito. “Magbihis ka na para makaalis na tayo
nang maaga.” “MARAMING NAIKUWENTO SA AKIN ang mama mo tungkol sa inyo, tungkol sa iyo,” sabi ni Bobby kay Joyce habang
nakasilong sila sa isang cottage. Pinagmamasdan nila ang kanyang mga kapatid na
masayang naglalaro sa buhanginan. “Ano’ng sabi niya?” tanong niyang hindi ipina-‐‑ hahalata ang kaba. “Na hindi naman pala personal assistant ang trabaho mo kay Sylvia. Isa ka
palang accountant. At hindi alam ng mama mo na itinuturing ka ni Sylvia na mas
mababa kaysa doon.” “Hindi ko iyon ipinaalam sa kanya. Ayokong mabahala pa
siya.” “Bakit ka pumapayag?” “Dahil wala rin naman akong magagawa. Malaki ang
utang namin kay Sylvia. May kontrata akong pinirmahan sa kanya.” “Pero hindi
dahilan iyon para pumayag ka sa ganoong trato niya.” “Hindi ko iniinda iyon,
eh. Kaya ko naman. Kaysa mademanda kami at lalong maghirap ang pamilya ko,
kailangan kong magtiis para sa kanila.” “Hindi ako nagkamali nang ibigin kita,
Joyce. At sa mga nalaman ko, lalo kang napamahal sa akin,” anito. “Sa mga
nalaman mo, dapat ay na-‐‑realize mo na si Sylvia talaga ang
dapat mong ligawan at hindi ako. Malaki ang pagkakagusto niya sa iyo at tiyak
na naiinsulto siya kung ako lang ang pipiliin mo kaysa sa kanya. Baka tuluyan
na niya akong idemanda. Alam mong ako lang ang inaasahan ng pamilya ko.” “Pero kaya ko at puwede kong bayaran ang utang ninyo sa kanya.” “No, don’t do that. Babayaran ko iyon sa
pamamagitan ng sarili kong pagsisikap.” “Lalo mo akong pinahahanga, mahal ko.
Kaya ngayon ay alam ko na kung bakit sa umpisa pa lang ay iba na agad ang
nadama ko para sa iyo,” matapat na pahayag ni Bobby. Hindi sumagot si Joyce.
Subalit sa kanyang puso ay batid niyang tapat nga sa sinasabi ang binata.
Chapter Seven
NAGING MAS MADALAS ang pagpapadala ni
Bobby ng mga bulaklak kay Joyce. Isang umaga na maagang nagising si Sylvia ay
nakita niya ang mga ipinadalang bulaklak para sa alalay. Inakala ng babae na
para sa kanya ang mga iyon. “Mukhang may bago na naman yata akong admirer, ah.
Akin na nga iyan, Celia,” sabi ni Sylvia sa katulong. “Eh, Ma’am, para ho kay
Joyce ang mga ito.” Nagulat ang babae pero mayamaya ay nagkibit-‐‑ balikat. “Siya, sige,
ibigay mo na iyan sa kanya,” sabi niya
subalit biglang nagbago ang isip. “Teka, sandali. Basahin mo na nga muna iyong card kung sino ang nagpadala.” Sumunod naman ang katulong. Nang
marinig kung kanino iyon galing ay nagsalubong ang mga kilay ni Sylvia. Muntik
na niyang mapunit ang card sa inis subalit naalala niya na kaharap ang katulong
kaya kahit nagngingitngit sa selos ay nagpigil siya. “Sige na, ibigay mo na ang
mga ito kay Joyce,” sabi niya bago tumalikod. That bitch! Mukhang interesado
nga yata si Bobby sa antipatikang babaeng iyon, ah! Shit! SAMANTALA ay nalaman
na ni Joyce na nakita ni Sylvia ang mga bulaklak na ipinadala sa kanya ni Bobby.
Kinakabahan tuloy siya dahil maghapon siyang hindi kinakausap ng amo. Lalo
siyang nag-‐‑worry dahil biglang sumulpot sa
opisina si Bobby nang malapit na siyang umuwi. “Bobby, bakit ka narito?” gulat
na tanong niya. “Para sunduin ka’t yayaing kumain sa labas.” “Sana’y tumawag ka
sa akin at doon na lang tayo sa labas magkita. Makikita pa tayo ni Sylvia dito,
eh.” “So what? Kaya nga ipinasya ko nang magpakita dito dahil nagsasawa na ako
na parang tayong mga kriminal na nagtatago sa kanya gayong wala naman tayong
ginagawang masama.” “Okay, sige. Doon mo na lang ako hintayin sa kotse mo’t
susunod na ako,” sabi niya. “No. Dito na ako maghihintay.” “Bobby, ano ka ba—”
Naputol ang sinasabi niya nang marinig ang pagbukas ng private office ni
Sylvia. Nang makita nito si Bobby ay kaagad na kumislap ang mga mata nito.
Mabilis itong lumapit sa binata. “Bobby! What a surprise! Mabuti naman at
naisipan mo akong pasyalan,” malambing na sabi nito. “Ah, Sylvia, I came here
to—” “—to see me, of course!” agaw nito. “Ano pa ba’ng maaaring maging ibang
dahilan?” “Nagpunta ako dito para sunduin si Joyce at yayaing kumain sa labas.”
Kitang-‐‑kita ni Joyce ang bumalatay na pagkapahiya at galit sa mukha
ng amo. “Oh, is that so?” anito. “Yes. Unfortunately, medyo hesitant pa siya sa
pagpayag dahil inaalala ka niya. Iyon ay sa kabila ng pagpapaliwanag ko na
you’re an intelligent woman at alam mong wala tayong relasyon kaya walang
dahilan para magalit ka sa kanya, right?” patuloy ng binata. Ilang sandaling
hindi nakapagsalita si Sylvia, wari ay nagulat sa narinig subalit kaagad din
itong nakabawi. Binalingan nito ang dalaga. “Tama si Bobby. Bakit naman ako
magagalit sa iyo kung sumama ka man sa kanya gayong. . wala naman kaming
relasyon.” “Akala ko kasi. . ” “Sumama ka na sa kanya, Joyce. Tutal ay alas
cinco na. Tapos na ang office hours natin. Ako naman ay kailangang mag-‐‑overtime kaya maiiwan na ako.” “Mag-‐‑o-‐‑overtime nga rin ho sana ako, eh.” “Huwag na. Hindi mo na kailangan ng extra money, di ba? And don’t worry about me. Hindi ako
magagalit,” pagkakaila ni Sylvia. “Siya, sige, maiwan ko na muna kayong
dalawa. Enjoy yourselves,” anito bago sila
tinalikuran. “See?” sabi ng binata nang sila na lang ni Joyce ang naiwan. “Parang hindi pa
rin ako makapaniwala na hindi man lang siya nagalit,” saad niya. “Dahil hindi
tama kung iyon ang magiging reaksyon niya. Dapat lang na ilagay niya sa lugar
ang sarili niya, di ba?” “Pero masakit pa rin at napahiya siya nang malaman
niya na ako at hindi siya ang sadya mo.” “Wala akong magagawa,” sabi nito bago
hinawakan ang kamay niya. ANG AKALA NI JOYCE ay iyon lang ang kayang gawin ni
Bobby subalit nagkamali siya. Martes ng gabi ay nagulat na lang siya nang
tawagin ni Celia at sabihing naroroon ang binata at hinihintay siya. Subalit
bago sila nagkita ay si Sylvia muna ang nakaharap nito. “Good evening, Sylvia,”
bati ni Bobby. “Huwag ka sanang magagalit pero gusto ko kasing umakyat ng pormal
na ligaw kay Joyce. Ayoko kasing sa labas na lang kami lagi nagkikita. At
since, dito siya nakatira during weekdays ay dito ko siya pupuntahan.” Parang
gustong sampalin ng babae ang kaharap. Ang laki mong tanga, Bobby! Narito ako,
inaalok ang sarili ko sa iyo. Ako ang mas bagay sa iyo pero isang pipitsugin
lang ang gusto mo! Stupid! Pero pinilit pa nitong umarte na walang anuman dito
ang ginawa ng binata. Pinilit nitong ngumiti. “Sure, Bobby. Maganda nga iyong
pormal kang umaakyat ng ligaw sa kanya. Sandali at ipapatawag ko lang siya,”
sagot nito. “Thank you. Talagang good sport ka.” Pilit na ngumiti at tumango
ang babae. Ulol! Tanga! Hudas! inis na sabi nito sa isip-‐‑isip habang paakyat ng kuwarto. Anong good sport? Kailanman
ay hindi ako magiging sport sa pagkatanggap ng pagkatalo. Lalo pa’t hindi ko
ka-‐‑ level ang tatalo sa akin! Pero hindi ko iyon ipahahalata sa
inyo. Ayokong isipin ng bruhang babaeng iyan na nagseselos ako sa kanya kahit
na nga ang totoo ay gusto ko siyang kalbuhin dahil sa sobrang insulto! Pailalim
ang gagawin kong paraan para hadlangan kayo! Nang makarating ng silid ay kaagad
na ini-‐‑lock ng babae ang pinto at pabagsak na humiga sa kama. Galit
nitong pinagsusuntok ang unan at doon ibinunton ang lahat ng galit. “NGAYON NAMAN SIGURO ay naniniwala ka
na sa akin na totoo ang nadarama ko para sa iyo. Pormal na kitang inaakyat ng
ligaw dito.” “Well, oo,” nakangiting tugon ni Joyce. “At alam mo, Bobby,
natutuwa nga ako’t nauunawaan tayo ni Sylvia kahit na alam kong nasasaktan
siya. Kaya hindi natin dapat abusuhin ang kabaitan niya. Hindi dapat lumagpas
sa isang oras ang dalaw mo sa akin.” “Okay lang iyon sa akin. Ang gusto kong
malaman ay kung may pitak na rin ako sa puso mo.” “Sabihin na lang natin na may
pagtingin rin ako sa iyo pero hindi ko pa nasisiguro sa sarili ko kung dapat na
nga ba kitang sagutin dahil nga sa magkaiba tayo ng kalagayan.” “’Ayan ka na
naman. Iyan na naman ba ang ikakatuwiran mo sa akin?” Ngumiti siya. “O, sige na
nga. Hindi ko na ikakatuwiran iyon. Pero mainipin ka ba’t minamadali mo ako?”
“Hindi naman. Matiyaga akong tao, Joyce. Kaya lang, baka naman puwedeng bilisan
na natin nang konti tutal ay doon na rin ang tuloy niyon.” Lalo siyang
napangiti. “Sige na nga. Bakit pahihirapan pa kita gayong napatunayan ko nang
sadya ngang mahal mo ako. Sinasagot na kita.” “Ng?” “Ng ‘oo,’ siyempre pa,”
natatawang sagot niya. “Talaga? Pero ang gusto ko sana’y sabihin mo sa akin na
mahal mo ako, Joyce.” “Oo na nga, di ba?” “Gusto kong marinig mula sa iyong
mahal mo ako,” ulit nito. “Sige na nga. Mahal na rin kita, Bobby,” tapat na
sabi niya. Hindi nakapagpigil na niyakap siya nito. “Bobby, ano ka ba?
Nakakahiya sa mga tao dito,” saway niya. Binitiwan siya nito at hinawakan na
lang ang mga kamay niya. “Pasensya ka na, mahal ko. Masyado lang akong
nasisiyahan kaya hindi ako nakapagpigil.” “Nakakahiya kasi kapag may nakakita
sa atin. Pero gan’on rin ang nadarama ko. Masayang-‐‑ masaya rin ako.” Mahigpit nitong pinisil ang mga kamay niya. Bago umuwi si Bobby ay
inihatid niya ito sa may labas ng gate. Hindi nakatanggi si Joyce nang umungot
ito ng halik. Akala niya ay sa pisngi lang siya hahalikan subalit sa labi niya
lumapat ang bibig nito. Awtomatikong naiyakap niya ang mga kamay sa batok ng
nobyo. Hindi nila alam na nang mga sandaling iyon ay nakamasid sa kanila si
Sylvia; lalo itong nagngitngit. Hindi maaari ito! Sigurado akong may relasyon
na sila. Kailangang makaisip na ako ng paraan para mailayo ko si Bobby sa
babaeng ito! MULA NANG MAGING OPISYAL ang relasyon nila ni Bobby ay lalong
naging masaya ang araw para kay Joyce. Pakiramdam niya ay parati siyang
naglalakad sa ulap; parang kulay rosas ang paligid. Madalas silang lumabas ng
nobyo. At alam na rin ng mama niya ang tungkol sa relasyon nila at wala itong
tutol. “Ano ito?” gulat na tanong ni Joyce sa katipan nang iabot nito sa kanya
ang isang maliit na kahita. Day-‐‑off niya noon at nasa bachelor’s pad sila nito. “Open it,” sagot ni Bobby. Dahan-‐‑dahan niyang binuksan ang kahita. At nanlaki ang mga mata
niya nang sumilaw at tumambad sa kanya ang isang singsing na may tampok na
brilyanteng kasing-‐‑laki ng butil ng mais. “Ang ganda-‐‑ganda naman nito! Para kanino ito?” Natatawang pinindot nito ang dulo ng
ilong niya. “Silly! Para kanino pa ba iyan kundi
sa iyo. Akin na’t isusuot ko sa
daliri mo,” anito na kinuha ang singsing at
isinuot sa kanya. “Para saan ito? Tiyak na napakamahal nito!” “You’re worth
more than a hundred diamond rings, Sweetheart. I want you to wear it as a
symbol of your commitment to me,” malambing na sabi ng nobyo. Yumakap siya nang
mahigpit dito. “Thank you so much, Bobby. Kaya lang nahihiya ako dahil wala man
lang akong maibigay sa iyo. You already have everything.” “Yes, I do have
everything now because I have you. I’m nothing without your love.” “Ikaw rin
ang lahat sa akin. Oh, Bobby, I love you so much! Thank you for coming into my
life,” sabi niya at kusang humalik dito. Tinugon iyon ni Bobby nang buong init.
Dahan-‐‑ dahan siyang inihiga sa sofa na kinauupuan nila. Naglilikot
na rin ang mga kamay nito sa loob ng suot niyang bestida. Nang maramdaman iyon
ni Joyce ay tinangka niya itong itulak subalit hindi ito natinag at nagpatuloy
pa rin sa ginagawa. Hanggang sa hindi na rin niya nakontrol ang nararamdaman.
Yumakap na lang siya nang mahigpit sa nobyo at tinugon ang ginagawa nito sa
kanya. Nang maramdaman ang kanyang pagtugon ay lalo itong naging mapusok. Nang
nahubaran na siya at naramdaman na tuluyan na siyang aangkinin nito ay bahagya
siyang dumilat. “I love you,” masuyong sabi niya sa katipan bago ito ginawaran
ng mabilis na halik sa labi. “I love you, too,” tugon nito bago siya muling
hinalikan. Nang maramdaman ni Joyce na hindi na siya birhen ay hindi niya naiwasan
ang pagpatak ng luha. Hindi iyon luha ng pagsisisi pagkat kasiyahan ang
nadarama niya dahil si Bobby ang unang lalaking nakaangkin sa kanya. Ito
lalaking napatunayan niyang mahal na mahal niya. At sa sarili ay sumumpa siya
na tanging ito lang ang makakaangkin sa kanya. “Paano iyan ngayon?” Nag-‐‑angat ng ulo si Joyce mula sa pagkakasandig sa matipunong
dibdib ng katipan. “Anong paano?” “Paano iyan, nagalaw na kita. Natural na kailangan na kitang panagutan.” “Sinabi ko bang panagutan mo ako?” “What do you mean? Don’t tell me na walang halaga sa iyo ang
bagay na ito?” “Of course not! Natural, mahalaga sa akin ang bagay na ito. Pero hindi ko
naman hinihiling na panagutan mo ako. But of course, natutuwa ako dahil
nakahanda ka pala talagang panagutan ako.” “Noon pa naman talaga kita niyayang
pakasal, di ba? Ikaw lang itong may ayaw.” “It’s too early pa kasi. Ni wala pa
nga tayong isang buwan na may relasyon. Pero di ba sabi ko naman sa iyo na
gusto ko munang makompleto ang isang taon kong pagtratrabaho kay Sylvia?”
“Sinabi ko naman kasi sa iyo na nakahanda akong bayaran iyon. Kahit na bukas,
kung gusto mo. Gusto ko na kasing magpakasal na tayo.” “Ako rin naman, eh. Pero
sandaling panahon na lang naman ang hihintayin natin. And besides, mas mabuti
iyon dahil kahit paano’y handa na tayong pasukin ang bagay na iyon. Remember, habambuhay
na commitment iyon.” “Kaya nga gusto kong magpakasal na tayo para habambuhay na
tayong committed sa isa’t isa. Saka paano kung magbuntis ka?” “Kapag nangyari
iyon then I’d have no choice kundi pikutin ka. Ayoko namang bigyan ng kahihiyan
ang pamilya ko, ano!” “Talaga, ha? Kung ganoon, mabuti pa’y paulit-‐‑ulit kitang angkinin para mas lumaki ang chance na mabuntis
kita’t mapilitan kang pakasal sa akin,” ani Bobby at saka siya sinibasib ng
halik. Nagtatawang umiilag si Joyce noong una subalit nang kalaunan ay muli
siyang natangay. Kung ilang ulit pa nilang pinagsaluhan ang kanilang
pagmamahalan bago siya inihatid ng nobyo pauwi. “Hindi ka na ba muna tutuloy?”
tanong niya. “Hindi na muna. I’m sure masyado kitang pinagod kaya kailangan
mong magpahinga,” pilyong sagot nito. “Loko mo!” nagtatawang sabi niya at kinurot
ito. Binuksan muna niya ang pinto ng kotse bago ito muling binalingan. “Sige,
papasok na ako. Ingat, ha?” “Natural. Ngayon pa ba ako hindi mag-‐‑iingat?” sagot nito bago
siya hinatak at muling hinalikan sa labi. “I love you,” anito matapos
ang mainit na halik. “I love you, too.
’Bye!” sagot niya bago bumaba at kumaway rito. Samantala nang mga sandaling
iyon ay nasa may veranda si Sylvia at sadyang inabangan ang pag-‐‑ uwi ni Joyce. Nakita nito ang paghahalikan ng dalawa.
Buwisit! Hindi puwedeng tumitingin lang ako habang patuloy akong iniinsulto ng
babaeng ito! nanggigigil na naisip nito. Kailangang makaisip na ako ng paraan
kung paano ko masisira ang relasyon nila. Kailangang makaganti ako!
Chapter Eight
ISANG HAPON ay masayang nakikipag-‐‑ kuwentuhan si Joyce sa mga katulong. Holiday nang araw na
iyon pero hindi siya nakauwi dahil may ipinaasikaso sa kanya si Sylvia kaninang
umaga. “Ang suwerte mo talaga, Joyce,” ani Celia. “’Sabagay, bagay talaga kayo ni Bobby.
Pareho kayong mabait. At tiyak na magiging maganda ang lahi ninyo.” “Oo nga,
eh. Napakabait ni Bobby at napaka-‐‑ mapagmahal,” sagot niya. “Kaya huwag mo nang pakawalan. Pumayag
ka nang magpakasal na kayo. Sige ka, ikaw rin. Baka maagaw pa sa iyo iyan ni Ma’am Sylvia.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Bakit? Huwag mong sabihin na hindi mo nahahalata na kunwari lang ang
ipinapakita niyang pagpayag sa relasyon ninyong dalawa ni Bobby? Malay mo, nag-‐‑iisip lang ng balak iyang babaeng iyan kung paano kayo
masisira. Kaya mag-‐‑ingat ka.” “Hindi naman siguro. Mukhang wala na siyang gusto kay Bobby, eh.” “Basta
mag-‐‑ingat ka pa rin. At saka, Joyce, kapag ikinasal kayo ni
Bobby ay huwag mo kaming kalimutang imbitahin, ha?” “Oo naman. Kayo pa?” sagot niyang
nakangiti. “Malay ninyo, doon pa sa pagtitipong
iyon ako makatagpo ng katulad ni Bobby na magmamahal rin sa akin nang lubos. O,
di pareho na kami ni Joyce,” sabi ni Celia
sa kusinera. “Kuu! Umasa ka pa, eh, tiyak na walang
mag-‐‑ kakagusto sa iyo lalo na kapag nakita kung gaano ka kalakas
kumain kaya ka ganyan kataba,” kantiyaw nito. Nagkatawanan sila. Napatigil sa
pagpasok sa kusina si Sylvia nang marinig ang ilan sa mga pinag-‐‑uusapan ng mga katulong. Bigla itong pumasok doon kaya
natigil ang pagtatawanan nina Joyce. “Wala na ba kayong ibang gagawin kaya nagtsitsismisan na lang kayo?” sita nito sa mga katulong.
Binalingan siya nito. “At ikaw naman,
Joyce, kung wala kang trabaho sa araw na ito’y mag-‐‑isip ka kung ano ang mas may
pakinabang gawin kaysa makipagtsismisan ka. Aba’y umaabuso ka na por que pinagbibigyan kita.” “Hindi naman ho,” sagot
niya na nahihiya. “Bago kayo magtsismisan ay siguraduhin ninyo muna na wala na
kayong gagawin. Hindi ko kayo binabayaran para maghapon lang
makipagkuwentuhan,” mataray na sabi nito bago umalis. Ang mga hampaslupa,
pinag-‐‑uusapan nila ako! ngitngit na sabi ni Sylvia sa isip.
Pinagtatawanan nila ako! Kailangang makaisip na ako ng paraan. Kailangang
kumilos na ako bago pa nila ako tuluyang pagtawanan. Mga walanghiya sila!
Magbabayad ka sa akin, malditang babae ka! Magbabayad ka sa napakalaking
insulto na ginawa mo sa akin! “Nakita mo na. Hindi pa rin nagbabago iyang amo
natin,” sabi ni Celia nang wala na ang babae. “Kaya maniwala ka sa akin, Joyce.
Huwag kang basta magtitiwala sa kanya dahil kilalang-‐‑kilala ko na iyang babae na iyan. Tatlong taon na akong
nagtrabaho dito. Kaya mag-‐‑iingat ka.” Hindi nakakibo ang dalaga. Iniisip
niya kung totoo ang sinasabi ng kausap. UMAGA NG DAY-‐‑OFF NI JOYCE nang makatanggap siya ng tawag mula kay Bobby.
May usapan sila na mamasyal nang araw na iyon kaya ang inaasahan niya ay ang
pagsundo at hindi ang pagtawag nito. “Nasaan ka ba?” usisa niya rito. “Kanina
pa ako naghihintay sa iyo, ah. May lakad tayo ngayon, di ba?” “Iyon nga ang
dahilan kaya ako tumawag. Para sabihin sa iyo na hindi kita masusundo dahil
medyo masama ang pakiramdam ko,” sagot nito. Napatigil ang pababa na sana ng
hagdan na si Sylvia nang makita na may kausap sa telepono ang dalaga. Malakas
ang kutob nito na si Bobby ang kausap niya kaya nagmamadali itong umakyat muli
upang makinig sa extension line. “Ha? May-‐‑sakit ka ba?” nag-‐‑aalalang
tanong ni Joyce sa nobyo. “Wala naman kaya
lang ay medyo masakit ang ulo ko. Kaya nga hindi na tayo matutuloy sa lakad
natin.” “Eh, di sige. Basta magpahinga ka na lang.” “Oo nga. Pero gusto ko na pumunta ka
rito sa pad ko para may mag-‐‑aasikaso sa akin. Para mabilis na
akong gumaling.” “Hmm. . May masama ka lang ’ika mong iniisip,” tukso niya. “Pero sige, ako na lang ang pupunta
diyan.” Dahan-‐‑dahang
ibinaba ni Sylvia ang telepono. Nakaisip na ito ng ideya. Paalis na sana talaga
si Joyce nang tawagin siya ng amo. “Ah, Joyce, may lakad ka ba?” tanong ng
babae na nasa may hagdanan. “Oho. May pupuntahan ho sana ako,” sagot niya.
“Bakit ho?” “Huwag na. May lakad ka pala, eh. May iuutos lang sana ako sa iyo.
Alam kong day-‐‑off mo kaya lang ay medyo masama ang
pakiramdam ko kaya hindi ko maasikaso. Importante pa naman sana,” pagsisinungaling nito. “Sige ho. Ako na lang ho ang gagawa;
importante naman ho pala, eh.” “Importante talaga kaya lang sigurado
ka bang okay lang? Nakakahiya naman sa iyo,” kunwa’y sabi nito. “Hindi ho. Ano
ho ba iyon?” tanong niya na naninibago sa amo. Ngumiti muna si Sylvia bago
sinabi ang nais ipagawa sa kanya. LAKING GULAT NI BOBBY nang pagbukas niya ng
pinto ng unit ay si Sylvia sa halip na ang katipan ang bumungad sa kanya.
“Sylvia! Ano’ng ginagawa mo dito?” takang tanong niya. “Hindi mo ba muna ako
papasukin?” nakangiting sagot ng babae. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng
pinto. Umupo si Sylvia sa sofa. Maiksi ang laylayan ng damit nito kaya sa pag-‐‑upo ay halos makikita na ang singit nito. At sinadya pa nito
huwag i-‐‑cross ang mga hita upang lalong maakit ang binata. “Ano ba’ng maipaglilingkod ko sa iyo, Sylvia?” tanong ni Bobby matapos ding umupo. “On the contrary, ako ang may maipaglilingkod sa iyo, Darling.” Napakunot-‐‑noo siya. “What do you
mean?” “I’m here para gisingin ka sa kahibangan
mo. Tutulungan kita.” “Deretsuhin mo na nga ako!” Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit
sa kanya. “Gigisingin kita sa katotohanan na
hindi kayo bagay ni Joyce. Can’t you see? She’s just using you. Gusto lang
niyang matikman muli ang pagiging isang mayaman kaya ginamit ka niya. Hindi
kayo bagay, Bobby. Tayo ang bagay. Dahil pareho tayo ng katayuan sa buhay,”
anito na sadyang inilapit ang mukha sa kanya upang halikan siya. Itinulak niya
ito. “Mahal ko si Joyce. At huwag mo siyang siraan dahil hindi ako maniniwala
sa iyo. Mahal ko siya at akala ko’y naiintindihan mo na iyan!” sabi niya, sabay
tayo at talikod dito. “Pero hindi kayo bagay! Tauhan ko lang siya! Siguro’y na-‐‑challenge ka lang sa kanya kaya ganyan ang nadarama mo pero
hindi mo siya mahal, Bobby! At kung sakali mang mahal mo siya ay narito ako
ngayon para tulungan kang kalimutan siya!” anitong nakayakap sa likod niya. “Stop this, Sylvia! Tanggapin mo na hindi kita mahal kundi si Joyce,” sagot niya na kumalas sa
pagkakayakap nito nang hindi lumilingon. “Kailanman ay hindi ko matatanggap iyon!” “Why can’t you understand na.. .” Hindi naituloy
ni Bobby ang sinasabi dahil sa pagharap niya sa kausap ay nakita niyang halos
nakahubad na ito. Nasa paanan nito ang suot. “My God, Sylvia! What are you
doing?” “Make love to me, Bobby. Mahal kita at ako ang dapat mong mahalin.
Kalimutan mo na ang hampaslupang babaeng iyon!” pahayag nito na mahigpit na
yumakap sa kanya. Kusa rin siya nitong hinalikan sa labi at iniyakap ang mga
kamay niya sa hubad nitong katawan. “Sisiguraduhin ko na pagkatapos nito’y
makakalimutan mo ang walanghiya at ambisyosong babaeng iyon,” bulong nito na
muli sana siyang hahalikan subalit kaagad niya itong itinulak nang malakas.
“Stop it, Sylvia! Ihinto mo na ito bago pa tuluyang mawala ang respeto ko sa
iyo!” “C’mon, Bobby. Tatanggihan mo ba naman ang kagandahang iaalok ko sa iyo
dahil lamang sa walang kuwentang babaeng iyon?” gulat na tanong nito. “Ikaw ang
walang kuwenta at hindi siya. Hindi siya katulad mo na walang pagpapahalaga sa
sarili!” “You bastard!” gigil na sagot nito at sinampal siya. Ikinapamula iyon
ni Bobby pero nagtimpi siya. “Magbihis ka na’t umalis, Sylvia. Huwag mo nang
hintayin na hindi ako makapagpigil at baka kung ano ang magawa ko sa iyo!”
“Pero mahal kita, Bobby! Huwag mo naman akong ipahiya at insultuhin nang
ganito!” “Ikaw ang gumagawa ng dahilan para mapahiya ka. Tanggapin mo na lang
kasi na nagmamahalan kami ni Joyce. At ikaw, maghanap ka na lang ng ibang
lalaking magmamahal sa iyo. Maganda ka, mayaman, matalino—” “Pero dinaig at
tinalo ng isang hamak kong empleyado! Sa tingin mo, basta ko na lang
matatanggap na ang walang kuwentang babae lang iyon ang ipinagpalit mo sa akin,
ha? Isa itong malaking insulto sa pagkatao ko!” galit na tugon nito. “Kung
lalawakan mo lang sana at bubuksan ang isip mo, Sylvia.” “Ikaw ang sarado ang
isip! Isa kang hangal para piliin ang pipitsuging babaeng iyon! Narito ako,
inaalok ang sarili ko sa iyo pero tinanggihan mo. Ano ka ba, duwag o bakla?”
hamon nito. “Do you think na mapo-‐‑provoke mo ako sa ganyang paraan? I
don’t have to prove anything to you. Now,
mabuti pa’y magbihis ka na’t umalis. Kakalimutan ko na lang ang
bagay na ito at ililihim kay Joyce.” “Wala akong pakialam kahit na sabihin mo
pa sa puñetang babaeng iyon!” sigaw nito. Napatiim-‐‑bagang siya. “Umalis ka na’t baka hindi ako
makapagpigil ay makaladkad kita nang hubad palabas dito!” banta niya. Natakot ang babae at
napilitang sumunod. “Napakalaki mong
tanga, Bobby! Pero huwag mong isipin na dito matatapos ang bagay na ito dahil
gaganti ako. Gagantihan ko kayo ng puñetang babeng iyon!” anito matapos
makapagbihis. “Huwag mo siyang idamay dito.” “Anong huwag idamay? Pareho kayo! Kasalanan ng walanghiyang babaeng iyon
kaya nainsulto ako at nagpakababa nang ganito! Kaya magbabayad siya!” “Sylvia,
hu—” Isang malakas na pagsara ng pinto ang pumutol sa sinasabi ni Bobby.
Napatiim-‐‑bagang siya. Nag-‐‑ alala siya para sa katipan kaya kaagad siyang tumawag sa
bahay ni Sylvia ngunit wala roon si Joyce. Hindi siya mapalagay nang ibaba ang
telepono. Alam niyang may binabalak na masama si Sylvia sa katipan dahil sa
ginawa niyang tahasang pagtanggi rito. PAGKAUWI NI SYLVIA sa bahay ay nagwala
ito. Lahat ng makitang mga gamit sa kuwarto ay pinag-‐‑babalibag nito habang nagsisisigaw. Minumura nito sina Joyce
at Bobby. “Ano’ng nangyayari? Bakit nagwawala siya?” takang tanong ni Joyce kay Celia pag-‐‑uwi niya at makita ang mga katulong
na nasa ibaba lang at nakikinig sa ingay na nanggaling sa silid ng amo. “Hindi nga namin alam, eh. Noong
puntahan namin ay binulyawan kami at pinaalis. Pagdating niya’y nagwawala at nagmumura na siya,” sagot ni Celia. “Mabuti pa’y tingnan ko at baka kung ano na ang
nangyayari doon.” “Pero tiyak na ikaw ang mapagbabalingan ng galit niyon,”
pigil ng katulong. “Titingnan lang naman at baka kung napaano na iyon,” sabi
niya bago umakyat. Nang makarating sa tapat ng kuwarto ng babae ay nakarinig
siya ng malakas na pagkabasag ng isang bagay. Atubili siyang kumatok sa pinto.
“Sino iyan? Hindi ba sinabi ko sa inyong huwag kayong pupunta dito!” tungayaw
nito. “Eh, si Joyce ho ito,” kinakabahang sagot niya. Nang marinig iyon ni
Sylvia ay biglang nanlisik ang mga mata nito at mabilis na binuksan ang pinto.
“Gusto ko lang hong—” Natulig si Joyce nang isang malakas na sampal ang pumutol
sa sinasabi niya. Gulat siyang napatingin sa amo. “Bakit ho?” takang tanong
niya na nangingilid ang luha. “Hindi mo alam, ha? Hindi mo alam! Ikaw ang may
kasalanan kaya ako nagkakaganito ngayon! Kung hindi ka dumating sa pamamahay ko
ay hindi sana ako magkaka-‐‑ganito!” pasigaw na tugon nito. “Ano ho’ng ibig ninyong sabihin? Hindi ko kayo maintindihan.” “Dahil tanga ka! Inagaw mo sa akin si Bobby! Inagaw mo siya!” Gulat siyang
napailing-‐‑iling. “Pero hindi ko ho kasalanan iyon.
Akala ko ho’y naiintindihan ninyo.” “Kasalanan mo! Kung hindi mo siya inakit ay hindi siya magkakagusto sa
iyo! At kung hindi dahil sa kalandian mo’y hindi ka niya pipiliin kaysa sa akin. Walanghiya! Ang kapal ng mukha
mo!” “Hindi ko naman ho kasalanan kung ako at hindi kayo ang nagustuhan ni
Bobby.” “Kasalanan mo! At ang bagay na iyon ang pinakamalaking pagkakamali mo sa
buhay dahil hindi ako papayag na matalo ng isang tulad mo!” Hinalbot siya ni
Sylvia, pinagsasabunutan at pinagsasampal. “Tama na ho, Ma’am Sylvia. Kawawa
naman ho si Joyce,” awat ni Celia sa amo. “Huwag kayong makialam, mga leche
kayo!” galit na baling dito ni Sylvia. Kinaladkad nito si Joyce sa buhok pababa
ng hagdanan. “Maawa kayo sa akin!” pakiusap niya. “Anong maawa? Iyan ang bagay
sa iyo, leche ka! Ipakukulong pa kitang babae ka!” Hindi naawat ng iba pang
kawaksi roon si Sylvia hanggang sa makarating sila sa may gate. Binuksan iyon
ng babae at itinulak siya palabas. “Lumayas ka dito, puñeta ka! Lumayas ka’t
huwag ka nang babalik ulit dito. Walanghiya!” galit na sigaw nito bago isinara
ang gate. Naiwan sa labas si Joyce na magulung-‐‑magulo
ang hitsura. Sabog ang kanyang buhok at naghalo na ang luha niya sa sipon.
Chapter Nine
ILANG SANDALI nang nasa tapat ng gate
si Joyce at umiiyak nang masilaw siya sa headlights ng paparating na sasakyan.
Kaagad na umibis mula roon si Bobby at nilapitan siya. “Joyce, ano’ng nangyari sa iyo?” tanong nito. Nang makita niya ang
nobyo ay yumakap siya rito. “Bobby!” umiiyak na saad niya. Sinabi niya rito ang
nangyari sa kanya. “That bitch!” pagkatapos ay galit na sabi nito. “Sinasabi ko
na nga ba’t may masama siyang binabalak sa iyo dahil hindi siya nagtagumpay sa
ginawa niyang pang-‐‑aakit sa akin. Humanda siya; ako ang
makakaharap niya ngayon!” “Huwag na, Bobby. Umalis na lang tayo
dito.” “No. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang ito sa iyo. Hintayin mo na
lang ako sa loob ng kotse.” Walang nagawa
pa si Joyce kundi sundin ang katipan. “Sylvia! Sylvia, lumabas ka’t mag-‐‑usap tayo!” galit na tawag
ni Bobby habang kinakatok ang silid ng babae. “Oh! Ang knight in shining armor ng hampaslupang babae!” pang-‐‑iinsulto
ni Sylvia nang makita ang binata. “Nagpunta ka ba dito para pagalitan ako sa ginawa ko sa kanya?” “Napakasama mo talaga! Pati siya ay dinamay mo. Kung hindi ka lang babae’y baka kung ano na ang nagawa ko sa
iyo. Pero ito ang tatandaan mo, huwag mo na ulit kaming guguluhin ni Joyce
dahil talagang hindi na kita mapapatawad!” babala niya. “Sige, magsama kayong
dalawa! Tutal, isa kang malaking tanga at bagay kayo ng walanghiyang babaeng
iyon. Pero huwag mong isipin na basta na lang akong mananahimik sa ginawa ninyo
sa akin!” Hinawakan ni Bobby ang babae sa magkabilang balikat. “Sa oras na
gumawa ka ng masama laban sa amin ni Joyce, magsisisi ka,” mariing sabi niya.
“Bitiwan mo ako, nasasaktan ako!” sigaw nito na hindi nagpahalata na
naapektuhan sa sinabi niya. “Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo, Sylvia. At iyong
tungkol sa utang sa iyo ni Joyce, ako ang magbabayad niyon.” “Sige,
magpakatanga ka pa nang husto sa walang kuwentang babaeng iyon!” tungayaw nito
nang bitiwan na ni Bobby. “Sir, narito ho ang ilang mga gamit ni Joyce. Ako na
ho ang nag-‐‑ayos para madala ninyo,” sabi ni Celia sa binata nang
salubungin siya nito sa baba ng hagdanan. Nagpasalamat siya at kinuha ang mga
gamit ng nobya bago tuluyang umalis. DINALA NI BOBBY si Joyce sa pad nito. “Noon pa man ay talagang malakas na
ang kutob ko na may iniisip si Sylvia laban sa atin. Nahalata kong hindi tapat
sa loob niya ang ipinakita noon.” At ikinuwento pa nito sa nobya ang ginawang
pang-‐‑aakit dito ni Sylvia. “At naisip ko agad na dahil nga hindi siya nagtagumpay sa pang-‐‑aakit niya sa akin ay ikaw ang babalingan niya. Kaya nga
agad akong tumawag sa iyo pero wala ka doon.” “Ang laki nga ng gulat ko nang bigla
niya akong sampalin at saktan,” sabi niya. “Binalaan ko na siya na huwag na
tayong guluhin pa. At para na rin sa kabutihan niya’y makabubuti sa kanya ang sumunod.”
“Baka mahal ka niya talaga.” “No. Ikinagalit lang niya nang husto ang
katotohanan na ikaw at hindi siya ang pinili ko. Hindi iyon matanggap ng pride
niya.” “Tama rin pala si Celia. Hindi lang ako gaanong naniwala dahil akala
ko’y talagang natanggap na rin ni Sylvia ang relasyon natin.” “But it turned
out na nagkukunwari lang pala siya,” sabi ng binata. “So, ano ngayon ang plano
mo? Kung ako ang tatanungin mo, walang mas ibang mabuting gawin kundi
magpakasal na tayo.” “Paano si Sylvia?” tanong niya. “Anong paano siya?” “May
obligasyon pa kami sa kanya. At isa pa, may mga responsibilidad pa ako sa mga
kapatid ko.” “At ano’ng silbi ko kung hindi kita matutulungan? Ako’ng bahala
doon. Huwag mo na munang isipin ang mga iyon.” “O sige, papayag na akong
pakasal sa iyo pero huwag muna nating biglain sina Mama. Magpalipas tayo ng mga
dalawa o tatlong buwan bago natin sabihin. Pansamantala, palalabasin natin na
doon pa rin ako nagtatrabaho kay Sylvia.” “Kailangan pa bang gawin iyon?” “Oo.
Para maihanda ko ang loob ni Mama. Alam kong hindi siya tutol sa iyo pero gusto
ko na huwag siyang biglain.” “Ikaw na nga ang bahala. Pero magsasama na tayo.”
“Sa isang bahay? Ayoko nga. Hindi pa nga tayo kasal, eh. Kailangang magkabukod
tayo ng tirahan.” “Bakit pa? Gan’on na rin iyon. Pakakasal naman tayo. Basta,
dito na tayo titira sa pad ko. O kaya doon sa bahay namin.” “Pero—” “Wala nang
pero-‐‑pero. Basta magsasama na tayo, period. At tungkol naman sa
trabaho mo, ako na rin ang magbibigay sa iyo kung gusto mo. O kaya ay
irerekomenda kita sa mga kakilala ko. Pero iyon ay saka na pagbalik ko galing
Canada.” “Aalis ka?” gulat na tanong niya. “Yeah, siguro next week. May
kailangan kasi akong asikasuhin doon. Tamang-‐‑tama
para masabi ko na rin sa parents ko ang tungkol sa atin,” saad nito. “Mabuti pa’y isama na lang kita.” “Huwag na,” tanggi niya. “Nakakahiya naman sa parents mo kung
sasama na ako sa iyo gayong hindi pa tayo kasal. Baka kung ano pa ang isipin
nila. Pero gaano ka ba katagal doon?” “Mga two weeks.” “Sandali lang pala, eh. Maiwan na
lang ako.” “Are you sure? Mag-‐‑iisa ka lang.” “Hindi. Siguro uuwi rin ako sa amin ng mga one week. Magdadahilan na lang
ako. Iyong isang linggo ay dito ko na lang gugugulin. Magko-‐‑cross stitch na lang ako tutal ay mahilig naman ako doon,
eh.” “Are you sure?” “Yeah. I’ll be fine, don’t worry. Iyon
nga lang mami-‐‑miss kita pero palagi ka namang
tatawag, di ba?” “I’ll call you everyday, Sweetheart. Dahil hindi ko yata matitiis na hindi
marinig ang boses mo kahit isang araw lang.” “Bolero ka talaga,” aniya at
pinagkukurot ito sa tagiliran. Nang mga sandaling iyon ay nakalimutan na ni
Joyce ang sakit na nadama sa mga kamay ni Sylvia. “HINDI TALAGA AKO
makapaniwala sa nakita ko, Sylvia,” pagbabalita ni Andrea sa babae matapos
nitong makita sina Bobby at Joyce sa isang concert. Si Andrea ay isa sa mga
sosyal na kaibigan ni Sylvia na naroroon sa party kung saan unang nagkita ang
magkasintahan. “And all along ay inakala ko na ikaw ang kasama ni Bobby. Laking
gulat ko nang makilala ko ang babaeng iyon na kasama mo noon sa party bilang
iyong alalay. Siya pala ang girlfriend ni Bobby at pakakasalan pa raw niya!”
“Tanga kasi ang walanghiyang Bobby na iyan na mas pinili pa ang walang
kuwentang babaeng iyon kaysa sa akin!” tugon niya. “At basta ka na lang pumayag
na natalo ka?” “Of course not! Kaya nga pinalayas ko na ang bruhang babaeng
iyon, eh.” “Hahayaan mo na lang ba na ibandera pa ni Bobby ang babaeng iyon sa
mga kakilala ninyo? Lalong marami ang magtatawa sa iyo kapag nalaman nila na
dahil lang sa babaeng iyon ay tinanggihan ka ni Bobby,” panggagatong nito.
“Nag-‐‑iisip pa ako ng susunod kong hakbang. Kilala mo naman ako.
Hindi ako basta-‐‑basta nagpapatalo lalo na’t ang kaaway ko’y mas mababa kaysa sa akin.” “Dapat lang! Dahil isang malaking insulto iyon sa iyo at—” “Shut up, Andrea! Alam ko iyon! Kaya nga hindi ako papayag na maging
maligaya ang babaeng iyon. Bumubuwelo pa lang ako at nag-‐‑iisip kung paano ko masisira ang relasyon nila.” “Dapat lang, Sylvia. Dahil kung hindi ay tiyak na pagtatawanan ka ng mga
kakilala natin,” sulsol pa nito. “Humanda sa akin ang bruhang babaeng iyon.
Malapit nang matapos ang maliligayang araw niya,” matigas na pahayag niya. “At
para mapabilis ang pag-‐‑iisip mo ng ideya ay lumabas tayo
ngayong gabi. Mag-‐‑casino tayo para ma-‐‑relax ka’t makapag-‐‑function nang mabuti iyang utak mo.” “Sa tingin ko’y tama ka. Sige,
magka-‐‑casino tayo ngayon.” HINDI SANA MAPAPANSIN NI SYLVIA ang pag-‐‑uusap
ng dalawang lalaki na katabi niyang nakaupo sa bar kung di lang niya narinig
ang pangalang binanggit ng isa sa mga ito. “Kailangang magbayad ka ng utang mo
bago ka makautang na muli sa amin, Delfin Pineda. Umaabot na ng two hundred
thousand ang utang mo sa amin at kung hindi ka makakabayad sa loob ng isang
buwan ay ipakukulong ka namin.” Delfin Pineda. Hmm. . Sounds familiar. Saan ko
nga ba narinig ang pangalan na iyon? sa loob-‐‑loob
niya habang nakatingin sa nakayukong lalaki. Nang mag-‐‑angat ito ng ulo ay bigla niya itong naalala. Tama! Siya nga
iyong lalaking nakita kong nagpunta noon sa bahay ko na ayon kay Celia ay
dating nobyo ni Joyce. Tama, siya nga iyon! May ideya na biglang pumasok sa
utak ng babae. “Excuse me, Mister. . ” sabi niya sa lalaki nang makaalis na ang
kausap nito. “Yes?” sagot ni Delfin na tumingin sa kanya. “Maybe you don’t
remember me pero galing ka na sa bahay minsan. Di ba ikaw ang dating nobyo ni
Joyce?” “Oo. Bakit?” Bingo! sa loob-‐‑loob niya. “Wala naman. Gusto ko lang kasing
sabihin sa iyo na narinig ko kayo kanina ng kausap mong lalaki. At since,
kilala mo nga si Joyce na dati kong empleyado ay baka matulungan kita. Iyon ay
kung willing kang gawin ang gusto ko.” “Ano? Pakilinaw nga ang sinasabi mo.”
“What I mean is, bibigyan kita ng pera para mabayaran ang utang mo. Pero iyon
ay kung susundin mo ang ipapagawa ko sa iyo.” “Ano ba’ng ipapagawa mo?” “This
is not the right place to talk about it. Magkita tayo bukas sa isang restaurant
at doon ko sasabihin sa iyo kung paano ka magkakapera.” Kinabukasan nga,
pagdating ni Sylvia sa tagpuan nila ni Delfin ay nakita niyang naghihintay na
ito sa kanya. “Ang aga mo, Mr. Pineda,” sabi niya matapos na umupo. “Dapat lang
dahil matindi ang pangangailangan ko.” Napangiti siya. “Kung magkakasundo tayo,
malulutas ang problema mo.” “Paano nga?” Sinabi niya ang plano sa isip.
“Masyado namang mabigat iyang pinagagawa mo sa akin,” pagkuwa’y sabi nito.
“Gusto mong palabasin na nagtataksil si Joyce kay Bobby? Malaki na ang
kasalanan ko kay Joyce para gawin pa sa kanya ang bagay na iyan,” napailing-‐‑iling at gulat na sabi ni Delfin matapos marinig ang gustong
mangyari ng babae. “Iyon naman ay kung hindi mo siya makukumbinsing
makipagbalikan sa iyo. At dapat mong isipin na malaki rin ang pagkakautang mo
kaya mag-‐‑isip ka nang mabuti. Puwede kong
ipagawa sa ibang tao ang gusto ko kung ayaw mo pero tiyak ko na pagsisisihan mo
iyon dahil tiyak na makukulong ka kapag hindi mo nabayaran ang utang mo sa
casino.” Sandaling nag-‐‑isip ang lalaki. “Sige, payag na ako. Pero gawin mong kalahating milyon ang bayad sa akin.” “Kalahating milyon? Naloloko ka na ba?” gulat na sabi ni Sylvia.
“Masyadong maliit ang two hundred thousand. Ano na lang ang matitira sa akin
matapos kong magbayad ng utang? Wala.” “Masyadong malaking halaga iyon.”
“Masyado ring mabigat ang ipinagagawa mo. Di ba gusto mong mahuli kami ng Bobby
na iyon sa isang sitwasyon kung saan iisipin nitong nagtataksil sa kanya si
Joyce? Paano kung mapatay ako ng lalaking iyon? O kaya ay idemanda ako ng rape
ni Joyce? Paano naman ako?” Saglit siyang hindi nakakibo. “Tuso ka rin pala.
Pero sige, pumapayag na ako. Bibigyan kita ng kalahati ngayon bilang
downpayment. Ang kalahati’y makukuha mo kapag tapos na ang pinaggagawa ko,”
pagkuwa’y sabi niya. Napangiti si Delfin. “We have a deal,” tugon nito. NAGULAT
SI BOBBY nang isang araw ay sadyain siya ni Sylvia sa opisina. “Kung nagpunta
ka dito para akitin na naman ako ay huwag mo nang ituloy,” pauna niya.
“Mapapahiya ka lang. Kung tungkol sa utang sa iyo ni Joyce ay ikaw nga lang ang
hinihintay namin kung anong plano mo tungkol doon. Pero kahit ngayon ay puwede
kitang bigyan ng tseke bilang—” “Hindi iyan ang ipinunta ko rito,” putol ng
babae. Nagtatakang napatingin siya rito, lalo na nang makitang parang maiiyak
ito. “I came here to say sorry, Bobby. . sa iyo at pati na rin kay Joyce. Na-‐‑realize ko na mali talaga ang ginawa ko. Pero hindi mo ako
masisisi dahil masyado lang kitang minahal kaya ko nagawa iyon. Patawarin ninyo
sana ako,” lumuluhang sabi nito. Hindi siya
sumagot; pinag-‐‑aaralan sa mukha ng babae ang
katotohanan ng sinasabi nito. “Siguro’y hindi ka agad maniniwala sa akin,
iisipin mo na umaarte lang ako. Pero totoo, tanggap ko nang siya ang mahal mo
kaya hindi ko na kayo guguluhin. Gusto ko lang na patawarin ninyo ako.” Tumayo
siya at tinapik ito sa balikat. “Sige, Sylvia. Pinapatawad na kita. Mabuti at
naiintindihan mo kami.” “Salamat, Bobby. Inaamin ko na hanggang ngayon ay
masakit pa rin iyon sa akin pero ano pa ba ang magagawa ko kundi tanggapin
iyon? Pakisabi na lang kay Joyce na humihingi ako ng tawad. At tungkol doon sa
utang niya, puwede pa rin niya akong hulugan,” sabi nito. “Ikakasal na ba
kayo?” “Baka pagbalik ko galing sa Canada ay mapilit ko na siyang magpakasal na
kami. Tutal ay wala na pala siyang problema sa iyo.” “Aalis ka?” natigilang
tanong nito. “Oo, pupunta ako ng Canada. Two weeks lang naman.” “Kasama mo si
Joyce?” “No. Ayaw niya. She’ll be staying at my place.” Lihim na napangiti si
Sylvia. Kinakasihan ako ng pagkakataon, ah. Lalong mapapadali ang plano ko
laban sa babaeng iyon pag-‐‑alis ni Bobby. “Sige, tutuloy na
ako. Pakisabi na lang kay Joyce ang mga sinabi ko sa iyo. Saka ko na lang siya
kakausapin nang personal kapag nakabalik ka na.” “Sige, Sylvia. Makakarating.”
“Good luck na lang sa inyong dalawa,” anito bago tumayo at umalis na.
Chapter Ten
NAGULAT SI JOYCE nang isang araw ay
dalawin siya ni Delfin sa unit ni Bobby. Nakaalis na noon ang nobyo patungong
Canada. “Delfin, ano’ng ginagawa mo dito at paano mo nalamang narito ako?”
gulat na tanong niya. “Hindi mo man lang ba ako patutuluyin para makapag-‐‑usap tayo?” Napilitan
siyang papasukin ito. “Gusto kong
humingi ng tawad sa iyo, Joyce,” simula ng
lalaki. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sa
iyo. Naging ambisyoso ako, naakit sa materyal na bagay pero maniwala kang
hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal ko. Nasilaw lang ako sa pera ng
babaeng napangasawa ko kaya nagawa kong iwan ka. Pero na-‐‑karma ako. Ngayon ay nakabaon ako sa utang mula nang mamatay
ang asawa ko dahil nalulong ako sa sugal.” “Napatawad na rin kita, Delfin.
Maligaya na ako sa buhay ko ngayon,” sabi niya. “Balita ko nga. Masuwerte ka
dahil napakayaman ng nobyo mo.” “Mahal ko si Bobby hindi dahil sa kayamanan
niya. Alam mong hindi ako materyosang tao.” “I’m sorry, hindi naman iyon ang
ibig kong sabihin. Nagsisisi nga ako at pinakawalan pa kita. Sana’y bigyan mo
pa ako ng pagkakataon.” “Kontento na ako sa buhay ko, Delfin. Gaya ng nasabi
ko’y napatawad na kita at wala na akong galit sa iyo.” “Mabuti naman. Sana
kahit na paano’y ituring mo akong kaibigan.” “Bakit hindi? Kaibigan pa rin
kita, Delfin, sa kabila ng mga nangyari.” “Salamat, Joyce, salamat.” Ang
pagdalaw ni Delfin kay Joyce ay naulit pa nang maraming beses. Ayaw na sana ng
dalaga na pumunta pa roon ang dating katipan, lalo pa at wala si Bobby pero
hindi naman niya ito maitaboy. Hanggang sa natapos ang dalawang linggo at
nakabalik na sa bansa ang nobyo ay madalas pa ring nagpupunta si Delfin sa
tinitirhan niya. Isang araw ay umuwing masayang-‐‑masaya
si Joyce. Galing siya sa doktor at ikinonsulta ang madalas na pagkahilo,
pagsusuka at pananamlay na nararamdaman niya nang nakaraang mga araw. At
nalaman niyang buntis na pala siya ng dalawang buwan. Pag-‐‑uwi mamaya ni Bobby ay sosorpresahin ko siya, sabi niya sa
isip. Nagulat siya nang makita na nasa tapat ng unit si Delfin na matagal nang
nakatayo roon. Hindi niya alam na sadyang pinapunta ito ni Sylvia roon dahil sa
araw na iyon balak gawin ng babae ang plano nito. Nagpunta na ito sa opisina ni
Bobby. “BOBBY, ang gusto ko sana’y makausap ngayon si Joyce,” pakiusap ni Sylvia sa binata. “Aalis
kasi ako patungong ibang bansa at gusto kong personal na humingi ng tawad sa
kanya. Kaya lang ay gusto ko na samahan mo ako dahil sa nahihiya pa rin ako
dahil sa ginawa ko.” “Huwag kang mag-‐‑alala, Sylvia. Hindi na siya galit
sa iyo. Pero sige, mabuti pa’y samahan na nga
kita. Halika na.” Lihim na
napangiti si Sylvia habang papalabas sila ng opisina ng binata. “SINABI KO NA SA IYO, Delfin, na
iwasan mo na ang pagpunta dito,” simula ni
Joyce. Magkahiwalay silang nakaupo ng bisita sa pang-‐‑ isahang sofa. “Ayokong paghinalaan ng ibang tao, lalo na ni Bobby. Kaya nakikiusap ako
na ito na sana ang huling punta mo. Ayokong magkaroon kami ng di-‐‑pagkakaunawaan lalo na ngayong buntis ako.” “Hayaan mo, ito na ang huli kong punta dito.” “Salamat naman at naiintindihan mo
ako.. .” Nasapo niya ang ulo. “Bakit?” tanong ni Delfin. “N-‐‑nahihilo ako,” aniya. Tumabi ito sa kanya. Noon naman dumating sina Sylvia at Bobby. “Sana’y napatawad na nga ako ni Joyce, Bobby!” sabi ni Sylvia nang nasa tapat na sila ng pinto. Sinadya nitong lakasan
ang sinasabi. Narinig iyon ni Delfin kaya mabilis nitong kinabig si Joyce at
hinalikan. Nagulat siya at kaagad sanang itutulak ang lalaki ngunit nahihilo pa
rin siya kaya naunahan na siya ng pagbubukas ng pinto. Naabutan sila ni Bobby
sa ganoong ayos! “Mga walanghiya!” Galit nitong sinugod si Delfin at sinuntok.
Kaagad namang umawat si Sylvia. “Tama na, Bobby! Huwag mong dungisan ang mga
kamay mo para lang sa taksil na babaeng iyan!” anitong nakayakap sa binata.
Galit na tinitigan ni Bobby ang nobya. Biglang nawala ang pagkahilo ni Joyce sa
bilis ng mga pangyayari. “Bobby, makinig ka. Pakinggan mo muna ako, please,”
umiiyak na sabi niya na tinangkang lapitan ang binata subalit kaagad siyang
itinulak ni Sylvia. “At para ano pa? Huling-‐‑huli ka na sa akto ay balak mo pang
magsinungaling!” sabi sa kanya
ng babae. Hindi niya ito pinansin. “Bobby, please. . ” “Hindi ko akalaing magagawa mo sa akin
ito, Joyce. Inakala ko pa naman na mabuti kang babae. Hindi ka na nahiya, dito
pa sa pamamahay ko! Wala kang kuwentang babae!” galit na sabi nito. “Pakinggan
mo muna ako. Mali ang nakita mo. Hindi ako nagtataksil sa iyo. Mahal na mahal
kita!” “Sinungaling! Hindi na ako makikinig sa iyo! Lumayas ka na at ayoko nang
makita ang pagmumukha mo!” “Bobby, buntis ako!” pagtatapat niya. Saglit itong
natigilan nang marinig iyon, wari ay nalito. “Hmph! At sa palagay mo naman ay
tanga si Bobby para maniwala na sa kanya iyang batang iyan gayong nahuli ka
namin sa kataksilan mo!” singit ni Sylvia nang mapansin ang reaksyon ng binata.
Muling bumalik ang galit sa mukha ni Bobby. “Huwag mong isipin na aakuin ko ang
batang iyan, Joyce. Pagkatapos ng natuklasan ko, hindi ako nakakasiguro na akin
nga iyan.” “Bobby!” nasaktang sabi niya. “Sa iyo ito! Ikaw ang unang nakagalaw
sa akin. Alam mo iyan.” “Pero hindi ibig sabihin na ako lang ang nag-‐‑iisa sa buhay mo. Katunayan ang nakita ko ngayon.” Luhaan siyang napailing-‐‑iling. “Makinig ka muna
sa akin, Bobby, please.” “Hindi na kailangan. Maliwanag na sa
akin ang lahat. Basta ang gusto ko ay lumayas ka sa pamamahay ko, Joyce.
Magsama kayo ng lalaki mo. Kailangan kapag bumalik ako dito ay wala ka na at
baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo!” galit na sabi nito bago umalis. “Bobby,
sandali! Makinig ka muna sa akin!” umiyak na sigaw ni Joyce subalit hindi siya
pinansin ng nobyo. Bago umalis ay nag-‐‑iwan ng matamis na ngiti si Sylvia.
Nanghihinang napaupo muli siya sa sofa. “Joyce, hindi ko sinasadya na—” “Umalis ka na muna, Delfin. Gusto kong
mapag-‐‑ isa,” putol niya sa
sinasabi ng lalaki. “Joyce, hin—” “Please, Delfin. Iwanan mo na ako.” Wala na
itong nagawa kundi ang sumunod. Nang mapag-‐‑isa ay nag-‐‑iiiyak si Joyce. Masakit sa kanya ang paratangang taksil ni
Bobby subalit mas masakit sa kanya ang ginawang pagtanggi nito sa batang
dinadala niya. Ni hindi man lang siya binigyan ng chance nito para ipaliwanag
ang side niya. SAMANTALA ay naglalasing si Bobby nang umuwi ito sa bahay ng mga
magulang kasama si Sylvia. “Sabi ko na nga
ba’t masama ang babaeng iyon,”
panggagatong ng babae. “Ngayon ay nahuli pa natin siya. Talagang walanghiya!
Sinabi ko naman kasi sa iyo noon na ginagamit ka lang niya para muling
umasenso.” Hindi ito pinapansin ng umiinom pa ring binata. “Kalimutan mo na siya,
Bobby. Walang kuwentang babae iyon. Marami diyang iba na mas higit na bagay sa
iyo,” parinig nito. Hindi pa rin siya sumasagot. “Ano ka ba? Magpapakalunod ka
na lang ba diyan dahil sa walang kuwentang babaeng iyon?” inis na sabi nito.
“Umalis ka na lang, Sylvia. Iwanan mo na ako!” “Kalimutan mo na kasi siya.
Narito ako; ako na lang ang mahalin mo na mas higit na bagay sa iyo,” anito na
hinahalikan siya sa pisngi. Mabilis siyang umiwas. “Puwede ba, Sylvia, iwan mo
ako’t gusto kong mapag-‐‑isa. Akala ko ba’y naiintindihan mo na kahit kailan ay
hindi kita magugustuhan nang higit sa isang kaibigan!” “Ah, gan’on? Sige, magpakalunod ka sa alak at
magpakagago sa napakawalanghiyang babaeng iyon na nagtaksil sa iyo! Patuloy mo
siyang mahalin sa kabila ng pagwasak sa dangal mo bilang lalaki!” “Shut up,
Sylvia! Get out! Out!” galit na galit na sigaw ni Bobby. Nagngingitngit na
umalis ang babae. NANG GABING IYON ay nasa bahay ni Sylvia si Delfin upang
maningil. “O, ’ayan, buwisit ka!” galit na sabi ng babae. “Nag-‐‑aksaya lang ako ng pera sa iyo; wala rin naman pala akong
mapapala!” “Hindi ko na kasalanan iyon,” sagot nito. “Walanghiya ka
rin talaga, ano! Pareho lang talaga kayo ng bruhang babaeng iyon, mga mukhang
pera!” “At ginamit mo ang kahinaan ko para sa kasamaan mo, di ba? Well, hindi ko
na kasalanan kung malugi ka man sa sarili mong plano; basta ako’y nagawa ko na
ang parte ko. Diyan ka na!” “Walanghiya! Mukhang pera!” Tinawanan lamang ito ni
Delfin. Ang balak ng lalaki ay puntahan si Joyce. Nag-‐‑aalala ito sa kalagayan ng dating katipan at lihim din itong
nakakadama ng sundot ng konsyensya. MAKARAANG KUMATOK nang ilang beses at wala
pa ring sumasagot ay pinihit na ni Delfin ang doorknob; hindi naka-‐‑lock ang pinto. Tinawag niya ang pangalan ni Joyce pero
walang sumasagot. Narinig niya ang lagaslas ng shower sa banyo. Muli ay tinawag
niya ang pangalan nito bago nagpasyang buksan ang pinto ng banyo. Tumambad sa
kanya ang walang malay na katawan ni Joyce; basang-‐‑basa ito. Nakadamit pa ang dalaga at nasa tabi nito ang
sabon. Nahulaan ni Delfin na nadulas ito. Nataranta siya nang makitang may dugo
sa ulo nito at umaagos din ang dugo sa pagitan ng mga hita. Mabilis niya itong
kinarga upang dalhin sa hospital. Nanlumo at lalong inatake ng konsyensya si
Delfin nang malaman mula sa doktor na nalaglag ang ipinagbubuntis ni Joyce.
Sising-‐‑sisi siya. Naisip niyang puntahan si Bobby sa bahay ng mga
magulang nito upang makausap at makapagtapat dito. Nabanggit din sa kanya ni
Sylvia kung saan ang lugar na iyon. Habang nagmamaneho ay binabagabag siya ng
konsyensya dahil sa nangyari kay Joyce. Niloko at nasaktan na niya ito noon,
ngayon ay sinira naman niya ang buhay nito, pati ang dinadala nito na walang
kamalay-‐‑malay. Dahil sa iniisip ay hindi kaagad napansin ng lalaki
ang isang malaking truck na kasalubong niya. Hindi na niyang nagawang magpreno
kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan. MAKARAAN ANG DALAWANG ARAW ay
nagkamalay na rin si Joyce. Si Bobby ang unang nabungaran niya. “Bobby?”
paniniyak niya. “Ako nga, Sweetheart. Patawarin mo sana ko,” sagot nito na
hinawakan ang isang kamay niya. Kinapa niya ang tiyan; wala nang pintig ng
buhay roon. “Ang baby ko! Ano’ng nangyari sa baby ko?” umiiyak na tanong niya.
Nakagat nito ang labi. “I’m very sorry. Wala na siya, Joyce. Wala na ang baby
natin.” “No!” hysterical na sigaw niya. “Hindi totoo iyan! Hindi namatay ang
baby ko! Hindi!” Pinayapa at niyakap siya nito. “Tahan na. Wala na tayong
magagawa. Magpahinga ka na’t mamaya na tayo mag-‐‑usap
nang maayos.” Ayaw man sumunod ni Joyce ay hindi
niya nalabanan ang antok na gumupo sa kanya matapos siyang ma-‐‑inject ng pampatulog ng nurse. Kinabukasan na niya nalaman
ang lahat ng naganap, maging ang tungkol sa pagkamatay ni Delfin. Ipinagtapat
iyon lahat ni Bobby. “Patawarin mo
sana ako, mahal ko, kung agad kitang hinusgahan. Nawalan ako ng tiwala sa iyo.
Pero kasalanan ito lahat ni Sylvia kaya humanda siya. Mabuti na lamang at bago
namatay si Delfin ay naipagtapat na niya sa akin ang katotohanan na si Sylvia
ang may pakana ng lahat,” pahayag ni Bobby. “No. Sa akin may atraso si Sylvia
kaya sa akin siya mananagot,” matigas niyang sabi. “Ikaw ang bahala. Hindi ko
pa nasasabi sa mama at mga kapatid mo na narito ka sa hospital. Gusto kong ikaw
ang magpasya.” “Ayokong malaman pa ito ni Mama.” “Sana’y mapatawad mo ako,
Joyce.” “Saka na natin pag-‐‑usapan iyan. Gusto kong magpahinga.
Kailangan kong lumakas para makipagtuos kay Sylvia.” NANG MAKALABAS NG HOSPITAL si Joyce
matapos ang isang linggong confinement ay sinugod niya sa bahay si Sylvia.
“Ano’ng ginagawa mo ditong babae ka?” tungayaw nito. “Sino’ng nagbigay sa iyo
ng pahintulot na magpunta dito?” Sa halip na sumagot ay isang mag-‐‑asawang sampal ang ibinigay niya rito. “Walanghiya ka!” gigil na sabi nito nang makabawi sa
pagkagulat. “Kulang pa iyan dahil sa mga ginagawa
mo sa akin, Sylvia!” sabi niya. “Napakasama mo! Kinasangkapan mo pa si
Delfin para lang mapaghiwalay kami ni Bobby. Pinalabas mong taksil ako. At
dahil sa ginawa mo, pati ang anak ko’y nadamay. Pero titiyakin ko na iyon na ang huling panggugulo na magagawa
mo sa akin dahil sa susunod, patawarin ako ng Diyos sa maaari kong gawin sa
iyo!” Nagimbal ito subalit hindi nagpahalata. “At tinatakot mo pa akong walang
kuwentang babae ka! Baka nakakalimutan mo kung sino ka lang!” “Hindi ko
nakakalimutan iyon. Pero huwag mo ring kalimutan na hindi mo na ako tauhan
ngayon. At ikaw na ang may malaking utang sa akin. At oras na ginulo mo ulit
ang buhay ko, humanda ka dahil ako naman ang hindi magpapatahimik sa iyo. At
tungkol sa perang ibinayad mo kay Delfin, narito sa loob ng envelope na ito.
Isasauli ko ito nang buo bilang bayad sa utang ko sa iyo. Sa iyo na ang sobra
dahil alam kong mukha ka namang pera. Kaya mabuti pa’y kunin mo na ang
kontratang pinirmahan ko para maibigay ko na sa iyo ito, tutal, hindi na ito
kailangan ni Delfin. Nakakapanghinayang rin ito, di ba, Sylvia?” Sinunod siya
nito. Umakyat ito ng kuwarto at kinuha ang kontratang pinirmahan niya. Nang
iabot iyon sa kanya ay binasa niya iyon. “Talagang gahaman ka sa pera, Sylvia,”
sabi niya matapos na tingnan ang papeles. “Akin na ’yang pera ko!” sigaw nito.
Itinapon niya ang pera sa mukha nito. “’Ayan ang pera mo—ang perang
kinasangkapan mo para manggamit at manggulo ng buhay ng tao! Sana’y huwag na
ulit mag-‐‑krus ang landas natin dahil sa
tuwing makikita kita’y nasusuklam ako
sa pagmumukha mo!” taas-‐‑noo niyang sabi at iniwanan si Sylvia na natitigilan pa rin.
NAGBALIK SA PAD SI JOYCE matapos ang confrontation nila ni Sylvia. Nag-‐‑iimpake siya ng mga gamit niya nang dumating si Bobby mula
sa opisina. “Ano’ng gagawin mo?” tanong nito. “Uuwi na lang ako sa amin. Tutal,
patay na ang anak ko kaya wala ka nang dapat panagutan sa akin,” sagot niya na
tuloy pa rin sa ginagawa. “Nagsisisi na ako, Joyce. Hindi mo ba ako
mapapatawad?” “Nawalan ka ng tiwala sa akin, Bobby. Nawalan ka ng tiwala sa
pag-‐‑ibig ko. Agad mo akong hinusgahan nang hindi man lang ako
binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Pati ang walang malay kong anak ay
nadamay. Nadulas ako sa banyo dahil magulo ang isip ko’t wala sa loob ang
ginagawa ko dahil sa nangyari sa atin.” “Alam ko kaya nga nagsisisi na ako nang
husto. Hindi ko sinasadya.” Hindi niya ito pinansin. Nagulat siya nang bigla
itong lumuhod sa harapan niya. Namumula ang mga mata nito. “Joyce, bigyan mo
naman ako ng isa pang pagkakataon. Alam ko, malaking kasalanan ang nagawa ko sa
iyo at sa anak natin. Nasaktan lang ako nang labis. Hindi ko inaalis sa iyo na
sisihin ako pero patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita. At hindi ko kaya na
mawala ka sa akin,” pakiusap nito. Umiiyak na rin siya; naawa siya rito. Hindi
niya akalain na magagawa nitong lumuhod at magmakaawa sa kanya. Hinaplos niya
ang buhok ng nakayukong binata. Nanaig ang matinding pagmamahal niya para rito.
Umupo siya at inangat ang mukha nito. “Joyce, patawarin mo ako. Hin—”
“Pinapatawad na kita, Bobby. Mahal na mahal kita,” putol niya sa sinasabi nito
bago kusang yumakap at humalik dito. Niyakap din siya nang mahigpit nito.
Epilogue “LOVE, hindi pa ba natin kukunin si Anne kay Mama? Baka doon na iyon
makatulog,” ani Joyce sa asawa na nakayakap sa kanya. Dalawang taon na silang
kasal nito. “Talagang doon iyon matutulog,” bale-‐‑walang
sagot ni Bobby. “Pero alam mo
namang iiyak iyon kapag hindi natin katabi sa pagtulog.” “Sinabi ko na kay Mama na libangin na lang niya. Ikaw kasi, sinasanay mo
ang bata na dito matulog sa tabi natin kahit na may sariling silid siya.” “Eh, wala raw siyang katabi sa room niya.” Ngumiti ito bago siya dinaganan. “Kaya nga dapat doon na muna siya sa silid ni Mama. Para magkaroon tayo ng
privacy at makagawa ulit ng isa pang baby. Soon, may makakatabi na siya sa
pagtulog sa room niya, di ba?” sagot nito at hinalikan siya sa palibot ng leeg.
Nakikiliting itinulak niya ito. “Love, kakakain lang natin ng hapunan,”
natatawang sabi niya. “Mabuti nga iyon. Ito na ang pinaka-‐‑dessert natin.” “Luko-‐‑luko!” natatawang sabi niya at sinalubong
na ang halik ng asawa. WAKAS