My Chinito
Chapter 1
Unang araw ni Lyra sa kolehiyo. Mapalad siya at nabigyan siya ng
scholarship mula sa isa sa pinakasikat na unibersidad, kung hindi ay mapipilitan siyang maghinto. Mahirap lamang sila at sapat lamang ang kinikita ng kanyang ina sa pagtatahi ng basahan upang tustusan ang kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan. Ang ama niya naman ay pumanaw na noong nakaraang taon dahil sa isang aksidente sa pabrika. Hangang ngayon naman ay hindi pa binibigay ng pabrika ang compensation para sa pagkamatay ng kanyang ama.
Panganay si Lyra sa dalawang supling. Ang kanyang nakababatang kapatid na lalake ay nasa Elementarya pa lamang. Pinangako niya sa kanyang sarili na makapagtatapos ang kanyang nakababatang kapatid sa pag-aaral, at ito ang unang hakbang patungo sa pangarap nila. Kinakabahan na nananabik si Lyra. Excited na siyang makita ang paaralan na pinangarap lamang niya noong una. Sinuklay niya ng dahan-dahan ang kanyang buhok na kahit hindi naka Rejoice ay straight na straight at kulay itim, tipong nakapangasawa ng mayaman. Nakagawian niya nang itali iyon at iipit ng clipper para magmukhang maikli, sagabal daw kasi ang mahabang buhok.
Kinuha niya ang kanyang bag at sinilip ang bulsa nito. Laking pasalamat niya at may barya pang kasya sa kanyang pamasahe patungong unibersidad. Kung hindi ay mapipilitan na naman siyang manghingi sa kanyang ina na alam naman niyang kinakapos din. Nagpaalam na siya sa kanyang nakababatang kapatid at sa kanyang ina. Pinaalalahanan niya itong huwag masyadong magpagod at baka mahilo na naman ito. Sinabi niya rin ditong uuwi agad siya matapos ang kanyang schedule para makatulong naman sa ina.
Para na po." sabi ni lyra, sabay kalambay ng bubong ng dyip. Kung hindi mo kasi kakalampagin ang dyip ay lalampas ito sa babaan mo at kakailanganin mo pang maglakad.
Alam niyang pinagtitinginan siya ng mga nakasakay doon nang pinara niya ang dyip sa gate 4 ng kanyang eskwelahan. Tila nagtataka pa ang mga pasahero at dito siya bababa sa harap ng prestihiyosong unibersidad. Pagbababang pagbaba niya sa dyip ay tinangal niya ang ipit ng kanyang buhok hinawi niya ang kanyang buhok na nililipad ng hangin, tipong may slow motion effect ang sandaling iyon. Ngunit naputol ang pelikula sa utak ni Lyra ng may sabihin ang isa sa mga pasahero ng dyip na kanyang binabaan.
"Ulikba" sigaw ng isa sa mga pasahero sa loob ng dyip bago tuluyang umandar muli ito.
"Hoy! Hindi ako ulikba ano, morena ang tawag dito, kulay Pilipina, gandang Pilipina" pagmamalaking sinabi niya habang binabalik ang clipper sa buhok. Pilipinang pilipina ang ganda ni Lyra, medyo nasobrahan nga lang sa pagkakayumangi ang kanyang balat ngunit bumagay ito sa kanyang bilugang mata at matangos na ilong. Ang kanyang taas na 5'8" ay tamang tama sa kanya, 'yun nga lang nagiging magaspang ang kanyang ugali kapag inaalipusta na ang pagkatao niya. Hindi siya pumapayag na api apihin na lamang siya ng kahit na sino lalo na at nasa katwiran siya. Mahihiya si Tandang Sora sa tapang niya kapag nagkataon.
Mula sa Gate 4 ay malayo layo ang lalakarin upang makarating sa mga building. Buti na lamang at nagdesisyon siyang maagang umalis sa kanilang bahay, kung hindi ay siguradong late siya. Bilang na bilang mo ang mga naglalakad sa daan, kadalasan mong makikita ay mga magagarang kotse na nata-trapik pa sa loob ng unibesidad dahil sa dami. Ipinagkibit balikat na lamang niya ang tanawin na iyon.
"Pasasaan ba't magkakaroon din kami niyan, maisasakay ko rin si Inay sa isa sa mga magagarang sasakyan" saad niya habang naglalakad.
Matagal tagal din ang nilakad niya at hindi gaya ng inaasahan niya, nahirapan siyang hanapin ang kanyang building. Mukha siyang tao sa mula na papasok sa isang building at lalabas matapos mapag-alamang hindi iyon ang building niya.
"Bakit ba kasi ganito ang nakasulat sa schedule ko puro acronym lang ng building at room number?" reklamo niya.
Sa paligid ay mapapansin na pawang branded at mamahalin ang suot ng mga estudyante sa paligid. Nais sana niyang magtanong sa mga ito ngunit pinangungunahan siya ng hiya. Ang mga pabangong naiiwan sa hangin ay nakakaubo na sa sobrang tapang ngunit mukhang siya lamang ang nakaka- amoy noon, hindi lang siguro siya sanay. Kanina pa siya naglalakad ngunit tila walang nakakapansin sa kanya na naliligaw siya kaya minarapat na niyang magtanong. Lumapit siya sa isang grupo ng mga babae na nagkukumpulan sa isang bench.
"Excuse me, pwedeng magtanong?" alanganin niyang sabi sa isang grupo ng mga kababaihan na mukhang mababait naman.
"Of course!" magiliw na sagot naman ng isa sa mga babae doon.
"Ah kase naliligaw yata ako. Freshman ako kaya hindi ko pa alam ang mga pangalan ng buildings. Saan kaya ang building ng Engineering?" tanong niya sa grupo ng mga babae.
"Oh! You are so matalino. You are an engineering student, you must be a genius in Math." sagot naman ng isa sa kanila na nakaupo doon.
"Nakita mo 'yung tall building na 'yun? That's College of Science and Engineering." Nakangiting sagot ng babae.
"Salamat, pasensya na naistorbo ko pa kayo" paumanhin ni Lyra.
"Ok lang, naging freshmen din kami." masayang bati sa kanya ng babae, sabay kumaway ito kay Lyra habang papaalis na siya.
Nakahinga siya ng maluwag, hindi naman pala tulad sa mga teleserye ang buhay sa isang sikat na university na ibu-bully ka dahil mahirap ka lang.
Malayong malayo pala talaga sa gabi-gabing pinapanood ng kanyang ina ang mga mayayaman.
Ilang sandali pa ay narating na niya ang COSE building. Buti na lamang at agad niyang nahanap ang room niya para sa kanyang first period. Dumiretso siya sa loob ng classroom, sa loob ay tila magkakakilala na ang ilan sa kanila. Halata mong iisa ang pinangalingang eskwelahan noong high school. Siya naman ay walang kakilala. Nagdesisyon siyang umupo sa bandang likuran ng kwarto. Patingin tingin lamang siya sa loob ng silid at nakikiramdam sa mga estudyanteng nasa loob na parang hindi siya napapansin. Nagbibitak na yata ang kanyang mga labi sa katahimikan. Pinupunasan na rin niya ng panyo ang gilid ng kanyang labi, pakiramdam niya ay natutuyo na ang kanyang mga laway.
Mayamaya pa ay dumating na ang kanilang prof. Isa-isang tinawag ang kanilang pangalan. Napansin niyang karamihan sa kanila ay mga lalake. Ano bang inaasahan niya? Na maraming babase sa course na BSEE eh, panglalaking course naman talaga iyon. Habang nagpapalakpakan ang iba niyang blockmate kapag tinatawag ang iba, kapansin pansin namang napakatahimik nang ang pangalan na niya ang tinawag. Ni wala yatang nakapansin na tinawag ang pangalan niya. Sa loob-loob niya ay hindi naman siya ganoong kaitim para hindi siya makita.
Natapos ang kanyang unang 3 period sa school, hindi gaya ng inaasahan niya na sandali lamang siya sa unibersidad dahil first day pa lamang, tila aabutin siya ng hapon. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom. Hindi naman siya makapunta sa mga food stall at tinitipid niya ang kanyang pera. Isa pa tipong mahal ang bilihin doon kaya nagdesisyon siyang huwag na lamang bumili.
Umupo siya sa bench at hindi sinasadyang narinig niya ang mga babaeng nag uusap.
"Hey, wanna hear the latest news? Wika ng isang babae sa kanyang mga kaibigan.
"If it's about the grandson of Mr. Hwan, don't bother. Alam na namin" sagot naman ng isa sa kanila.
Tahimik na nakikinig si Lyra at mukhang interesante ang usapan nila nang biglang may magsalita.
"Excuse me, that spot seems to be reserved for me and my friends" nagulat si Lyra nang may nagsalita sa kanyang harapan. Hindi niya napansin ang pagdating ng mga ito dahil sa pakikinig.
"Ay, pasensya na." paumanhin ni Lyra sa dalaga.
*Ano ba naman 'tong university na ito, naku-culture shock ako. Lahat na lamang dito ay bago* bulong ni Lyra sa sarili.
Matapos iyon ay bumalik na siya upang hanapin ang susunod na room at doon na lang siya maghihintay. Ibang-iba talaga siya kumpara sa mga nandito. Wala na bang ibang katulad niya dito o hindi lamang din sila napapansin?
"Sana matapos na ang araw na ito, nakakapagod" sabay buntong hininga ni Lyra. Bukod kasi sa wala ng laman ang tiyan niya ay nakakapagod manatili sa isang lugar na tingin mo ay hindi ka nag-eexist.
*Siguro kaya marami sa mayayaman ang nami-misunderstood. Hindi kasi nila napapansin ang mga bagay na hindi interesante para sa kanila.* wika niya sa sarili.
Natapos ang unang araw ng kanyang klase, uuwi na sana agad siya ngunit napagdesisyunan niyang maghanap ng bench at doon na lang muna gumawa ng kanyang mga assignment.Iba talaga kapag Engineering ang course mo, first day pa lang paduguan na. Kanina pa siya naghahanap ng lugar pero halos lahat ay may mga estudyante ng umookupa. Nais sana niyang sa library gumawa ng assignment, ngunit pagod na pagod na siyang maghanap ng direksyon magmula kaninang umaga at isa pa wala pa siyang library card. Hangang makarating siya sa likod ng building. Nakatambak doon ang mga lumang upuan at desk. Mukhang maayos pa naman ang mga iyon at higit sa lahat walang mga estudyante doon. Inayos na muna niya ang kanyang pagpupuwestuhan at nilinis ng kaunti ang lugar para naman magmukhang kaaya-aya. Ganun na siya kahit sa bahay, hindi bale ng mahirap wag lang marumi, hindi bale ng luma malinis naman.
Umupo siya at sinimulan nang gawin ang kanyang mga assignments. Nawiwili na siyang gumawa ng assignments ng may narinig siya sa kanyang likuran.
"Who gave you the right to occupy this place?"
Lumingon siya at nakita ang isang chinitong lalake, manipis ang labi niya at matangos ang ilong, mukha siyang koreano at mukha din siyang masungit. Nagpanting ang tainga ni Lyra ng makitang lalaki pa ang kumukuwetiyon sa kaniya.
"Sorry, but I never thought that you have to ask for someone's permission in order to occupy a spot in this school." Matatas na Ingles niya, kahit hindi naman siya mayaman ay fluent siya sa lenguwaheng iyon, at hinding hindi siya patatalo sa kaharap niya ng mga oras na iyon. Lalong lalo na at mukhang
banyaga ang kaharap at siya ay isang Pilipino, nasa Pilipinas yata siya.
Tila tagumpay siya sa pagsindak sa binata dahil mukhang nagulat ang kausap, medyo matagal bago nakasagot iyon. Habang nagdideskusyon sila ay lumapit ang isang tao sa kausap niyang lalaki.
"Sir, your Angkong requires your presence" wika ng isang unipormadong lalake sa kausap niyang binata.
"I'll be there in a jiffy" sagot naman ng lalaki.
"Hep hep, hindi pa kami tapos mag-usap." pigil naman ni Lyra dahil alam niyang nananalo siya sa kanyang argumento. Gusto niyang ipakita sa mayabang na lalaking ito na hindi siya basta basta.
"We are done! It is not my habit to step down on low blows and banters" Sagot ng mayabang ng lalaki sabay talikod nito.
"Mang Ano!" tawag ni Lyra sa unipormadong lalaki dahil hindi niya naman alam ang pangalan nito. "Next time pag sabihan niyo yang kasama niyo na 'wag masyadong mayabang, kung umasta siya akala mo pag-aari niya ang university na 'to."madiin ang mga salita ni Lyrang iyon para ipatungkol sa papaalis ng binata.
"Pagpasensyahan niyo na ho. Sige po sasabihin ko po. Hindi naman talaga tamang umastang siya ang may-ari ng school na ito dahil sa Lolo niya ito" sabi ng unipormadong lalake.
Tila isang malakas na kuryente ang tumama sa katawan ni Lyra. Sa dinami- dami ng makakapansin at makaka-alitan niya ay 'yung apo pa ng may-ari ng school na 'yon. Eh isang hamak na scholar lamang pala siya ng mga ito. Ano nang gagawin niya kung bawian siya ng scholarship ng mga ito dahil sa
inasal niya? Agad-agad niyang isinilid sa bag ang mga gamit at dali daling umuwi.
Mabilis na tinungo ni Richard ang opisina ng Presidente. Hindi na siya kumatok at nagdire-diretso nang pumasok sa loob, alam naman niyang wala ng meeting ang kanyang Ang kong. Pagpasok na pagpasok niya ay agad siyang sinita ng kanyang Ang kong.
"Richard, nandoon ka na naman daw nakita sa likod ng building na iyon" Wika ng isang matandang lalaki.
"That place is special to me, nadoon ang mga memories namin ni Papa tuwing bibisita kami sa school na 'to" sagot naman ni Richard sa kanyang lolo na nag-aalala para sa kanya.
"At nakipagtalo ka pa raw sa isang estudyante dahil nandoon siya sa lugar na 'yon" usisa naman ng matanda.
"Si Emil na naman ang nagkwento?" wika ni Richard na pinapatungkulan ang lalaking tumawag sa kanya kanina. "No naman Angkong, siya ang nang-away sa akin, I was merely asking a question at inaway na niya ako" paliwanag ni Richard sa kanyang Lolo.
"That's not what I heard. And this girl.... maganda ba siya?"Nakangiting tanong ng kanyang Lolo.
"Maganda? Magandang I-tape ang bibig." inis na wika ni Richard.
Natawa ang kanyang Lolo, mula kasi ng mamatay ang mga magulang ni Richard ay hindi na ito nagpapakita ng emosyon. Pero tila may kakaiba sa
apo niya ngayon. Na curious tuloy siya kung sino ba ang babaeng ito at nais niyang makilala.
#
"ANAK!!" sigaw ng ina ni Lyra na nasa kanyang harapan na pala. "Ano bang nangyayari sa'yo kanina ka pa nakatulala. Sigaw ako ng sigaw pero hindi mo ako marinig. Ano bang nagyari sa school?" tanong ng kanyang ina.
"Nay! Inaway ko po ang apo ng may-ari ng school." pag-amin niya sa kanyang ina, wala naman talaga silang inililihim sa isa't isa.
"Ay! Por diyos por santo kang bata kay bago-bago mo sa school at sa dinami- dami nang aawayin mo ay 'yung apo pa ng may-ari ng school. Ang galing mo namang pumili ng aawayin." pag-aalala ng kaniyang ina.
"Naku kung alam ko lang na apo siya ng may-ari eh di pinalampas ko na lang, umarte sana akong santa sa harapan niya at baka magustuhan pa ako." biro ni Lyra dahil ayaw niyang nag-aalala ang kanyang ina.
"Oh e anong plano mo ngayon?" tanong muli ng kanyang ina. Ngunit walang maisagot si Lyra dahil hindi niya naman talaga alam kung ano ang gagawin niya. "Naku anak, kung ako sa'yo ay hihingi ako ng tawad sa tao. Sayang naman ang scholarship mo kung babawiin nila" payo ng kanyang Ina sa kanya.
Napaisip ng mabuti si Lyra, bukas na bukas din ay sasadya siya sa opisina ng President ng University at hihingi siya ng tawad sa inasal niya. Lulunukin na lamang niya ang pride niya kaysa naman maglahong parang bula ang mga pangarap niya.
Kinabukasan ay late na nagising si Lyra. Dahil siguro sa kaiisip niya sa nangyari sa kanila ng apo ng Presidente ay hindi ito gaanong nakatulog. Gusto sana niyang agad na pumunta sa opisina ng President ngunit mahuhuli na siya kaya nagdesisyon siya mamaya na lamang pumunta. Mukhang wala namang masamang mangyayari sa kaniya noong araw na 'yon, wala pa rin namang nakakapansin sa kanya. Na-late na nga siya at lahat sa kanyang unang period pero wala pa ring pumansin sa kanya.
Habang nasa gitna ng discussion ang klase ay may pumasok na representative ng President sa loob ng kanilang room na may dalang sulat. "Lyra Sohano?" wika ng kanyang prof. Tumayo agad si Lyra dahil sa pagkagulat. "Pinatatawag ka ng Presidente ng school" dugtong ng kanyang prof. Nang mga oras na iyon ay nakita niyang pinagtitinginan siya ng kanyang mga blockmate. Naku! napapansin na siya sa wakas, pero sa hindi magandang paraan. Mukhang trending topic siya sa loob ng classroom nila maya-maya. At inaasahan na rin niya ang mga interview mula sa mga ito. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at sumunod sa may dala ng sulat.
lyon na yata ang pinakamatagal na paglalakad na ginawa niya sa buong buhay niya. Ang bibigat ng mga lakad niya na para bang bumabaon sa putikan ang bawat hakbang niya. Iniisip na rin niya ang mga gagawin at sasabihin sa Presidente sa oras na magkaharap sila. Siguradong pinatawag siya ng Presidente dahil sa nangyaring alitan sa pagitan nila ng apo nito. Mukha yatang magiging best actress siya sa mga oras na yon.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ng opisina ay agad agad siyang yumuko sa harap ng Presidente. "Naku hindi ko po sinasadya, hindi ko po alam na apo niyo siya. Mahirap lamang po ang pamilya namin, maawa po kayo sa amin"
pagmamakaawa ni Lyra.
"Hija, ano bang sinasabi mo?" tanong ni President Hwan sa kanya. Lumingon siya at napansing hindi siya ang nag-iisang estudyante sa room na yon. "Isa itong courtesy call para sa mga scholars ng school"dagdag ni Mr. Hwan.
Dinig na dinig niya ang ipit na tawa ng isang lalaki sa isang sulok. Sinilip niya iyon at nakita ang naka-alitan niyang lalaki na tawang-tawa sa kanya. Galit na galit siya sa nakitang reaksyon ng lalaki, ngunit pinigil niya ito dahil rin sa ayaw niya ng gulo, lalong lalo na sa harap ng Presidente.
Bago matapos ang mga bilin sa kanila ng Presidente ay lumabas na si Richard ng opisina. Nilingon pa siya nito na tila tinutuya siya. Pinalabas na rin sila pagkatapos at pina-alalahanang mag-aral ng mabuti. Dali-daling hinabol ni Lyra ang lalaki. Naabutan niya ito sa labas na ng building.
"Ikaw! Hoy ikaw na mukhang Koreano!" tawag ni Lyra sa lalaki. Lumingon ito ng napagtantong siya ang kinakausap ng dalaga.
"Oh my, that is plain rude. May name ako and I'm not a Korean" sagot nito.
"Wala akong paki, at wala akong intensyon na malaman pa ang pangalan mo" putol ni Lyra sa mga salita Ni Richard. "Gusto ko lang humingi ng pasensya sa inasal ko kahapon. Huwag kang mag-alala hindi na ako babalik doon." Galit na sabi ni Lyra sa kausap. Tila nainis naman si Richard sa
winikang iyon ni Lyra.
"I don't really give a damn kung nandoon ka but if you really want me to accept your apology, pumunta ka doon after ng last period mo". Nagulat naman si Lyra sa tinuran ng binata, ngunit mas nagulat siya nang napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao doon habang nagbubulungan. Hindi
na siya ang invisible girl. Hiniling niya naman talagang mapansin sa school
na iyon, hindi nga lang sa ganitong paraan.
Bago marating ang gitnang daan kung saan puwede siyang makapara ng dyip na masasakyan ay kailangan muna niyang makipagsapalaran sa isang masikip na eskinita na tila gubat sa dami ng damit na nakasampay. Kitang kita mo ang hirap sa kanilang lugar. Hindi naman sa nagiging ambisyosa siya pero gusto niya talagang mai-alis ang kanyang pamilya sa ganitong hirap ng buhay. Buti na nga lang kung ang mga sinampay lamang ang nandoon, dadaanan mo rin ang sari saring sigawan at ingay, may isang pamilya pa na pinag-aalmusal ng tungayaw ang kanilang mga anak. May mga magkapitbahay naman na ang aga-aga eh awayan ng awayan.
Makakaalis din kami inay dito.. bulong ni Myra sa sarili.
Chapter 2 D.A. Girl (Great Sacrifice)
Gaya nga ng napag-usapan nila ng binata ay pumunta siya sa likod ng building na 'yon. Wala pa ang mukhang koreanong hilaw kaya't
nagdesisyon siyang gawin muna ang kanyang mga assignment. Maya- maya pa ay nagulat na lang siya ng biglang may bumagsak na journal sa kanyang harapan.
"Ay! koreanong hilaw." gulat na sabi ni Lyra.
"Ano?" umarteng hindi narinig ni Richard ang sinabi ni Lyra.
"Ay wala po. Nagulat lang po ako" sabi ni Lyra habang pinipilit pekein ang kanyang ngiti.
"Do my homework." utos ng binata kay Lyra.
Hindi naman agad naka-react si Lyra. Sa loob-loob lang ni Lyra, anong tingin nito sa kanya tiga-gawa ng assignment? Talaga naman palang sukdulan ang kahambugan ng lalaking ito at hindi lang iyon may katamaran pa. Gustong-gusto niyang hiwain ng blade ang maliliit na talukap ng mata para naman lumaki-laki ang mga mata nito.
"You are an Engineering student and a scholar of this school, siguro naman a simple algebra equation won't be that hirap to you" dugtong na wika ni Richard.
"Pero mukhang mas maganda kung tuturuan na lang kita at ikaw ang gagawa, di ba sir?" Para siyang nakikipag-usap sa bata na kailangan pang utuin para lang mapapayag.
"Hindi na. Matutulog ako and gisingin mo ako after you finish it" patuloy pa niya.
Inis na inis si Lyra sa inasal ni Richard. Kulang na lang ay idukdok niya ang binata sa isa sa mga desk na naroon pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw na niyang lumaki pa ang gulo. Pero may naisip siyang paraan kung paano makakaganti sa binata.
*Ang akala niya yata ay maiisahan niya ako* sabi ni Lyra sa sarili.
Saktong hihiga pa lamang si Richard sa mga hanay ng upuan nang biglang tinawag ulit siya ni Lyra. "Umm medyo hindi ko maintindihan ang sulat mo. Ano ba 'to, ang pangit. Ikaw ba talaga ang may sulat nito?" reklamo ni Lyra.
"My handwriting skill is the least of your concern. Gawin mo na lang" pagpupumilit na sabi ni Richard.
"Ok sir sabi mo eh"nagpatuloy sa pagsagot si Lyra ng homework ni Richard sa Algebra. *Tingnan na lang natin kung hindi ka makakuha ng itlog bukas* nakangiting sabi ni Lyra sa kanyang sarili.
Sinagutan ni Lyra nang mabilis ang mga tanong, sinigurado niyang mali-mali ang isasagot niya. Siguro naman kung mali ang mga
isasagot niya ay titigil na itong magpagawa sa kanya ng assignment.
"Tapos na!" paid lip pa lang si Richard nang biglang tumawag si Lyra. "That was fast. Are you sure tama ito?" tanong ni Richard sa dalaga.
"Oo naman Sir, ako pa e magaling ako dyan" Pagmamalaki ni Lyra.
"Richard..."
"Sir?" gulat na tanong ni Lyra.
"Stop calling me sir, Richard is my name. Mark Richardson Hwan." Madiin na sabi ni Richard
Habang nag-uusap sila ay dumating ang lalaking naka-uniporme. "Sir heto na po 'yung pinabili niyong giant burger and milk tea"
"Thanks Emil." "Yun lang at muling umalis si Emil matapos ma-iabot ang pinabili ng kanyang amo.
Binuksan niya ang box ng giant burger at inabot iyon kay Lyra. "Kain muna tayo. I'm just returning the favor sa paggawa mo ng assignment ko." Sabi ni Richard na tipong nag-aalok ng peace offering.
Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya makakatikim ng giant burger, nakakailang pang kainin yun. Hindi dahil sa hindi siya sanay kumain ng ganoong pagkain, kung hindi dahil nasa harapan niya ang binata at kumakain din. Tinamaan yata siya ng hiya sa presensya ng binata.
Nahalata yata ni Richard na naiilang siya, kinuha ng binata ang milk tea at kapirasong burger at saka lumayo sa kanya. Saktong pagtalikod ni Richard ay nakakain si Lyra. Kanina pa siya gutom na gutom, isang pirasong tinapay lamang mula sa isang bakeshop ang kinain niya sa tanghalian kaya nagpakabusog na siya.
Ilang sandali pa ay hindi na namalayan ni Lyra na naubos na niya ang laman ng box.
"Whoa!!!" manghang mangha si Richard ng nakitang ubos na ang laman ng box. "Saan napunta ang giant burger? Naubos mo? You can give me all day but it would be impossible for me to finish it".
"Ay hindi, may dumaang pusa binigyan ko." patay malisyang sabi ni Lyra.
"Oh! Pet lover." Napangiti si Richard.
Tila may naramdaman si Lyrang kakaiba sa mga ngiting iyon, ang mga mata niya kapag nakangiti ay tila iginuhit ng lapis. Nawawala ang mga iyon sa oras na ilalabas nito ang kanyang mga ngiti.
"This place is like my sanctuary, there are so many good memories in here that calm my soul, but if you like it in here, puwede naman. You just have to abide on my rules and conditions." Sabi ni Richard.
"Ay naku Sir wag na, uuwi na lang ako ng maaga." sagot ni Lyra sa tinuran ni Richard.
"Richard! Ano ba?" galit na sabi ni Richard. Kanina pa niya sinabi na h'wag siyang tawagin na Sir pero inulit muli iyon ni Lyra. "Kung ayaw mo e di wag, I was just being nice." Dugtong pa ni Richard.
*Ano ba naman 'tong taong ito, daig pa ang babae kung magbago ng mood* sa loob-loob lamang ni Lyra.
"Umm uuwi na ako, hinahantay pa ako ni Nanay.!" paalam ni Lyra sa binata. Medyo matagal na silang nag-uusap at walang katulong sa gawaing bahay ang kanyang Nanay.
"Wait! Bakit ba hirap na hirap kang sabihin ang pangalan ko? Hindi kita pauuwiin kung hindi mo sasabihin ang pangalan ko."Giit ni Richard.
"Nandito po ako sa school ninyo para mag-aral at hindi para kilalanin ka, at isa pa nanghingi na ako ng tawad sa'yo. Kung ayaw mong tanggapin 'yon, hindi ko na problema 'yon" Sagot naman ni Lyra kay Richard na nagsisimula ng magalit.
Tumalikod na si Lyra at iniwan ang lugar na iyon. Habang nasa dyip siya
ay naisip niya ang binata. Hindi naman pala ito ganoong kasama ang ugali. May kabaitan din palang naitatago ang taong iyon. Napangiti siya nang naalala niya ang burger na binigay sa kanya nito. Ngunit nawala ang ngiti niya nang naalala niya ang pinagsasagot sa Assignment nito. *Naku bahala na. Wala na naman akong balak bumalik pa sa lugar na iyon. Sigurado rin naman akong hindi niya na ako pupuntahan para kulitin. After nung mga ginawa ko, I'm sure iiwasan na niya ako.* Wika niya sa kanyang sarili pero may bahagi ng kanyang pagkatao na nais muling makita ang lugar na iyon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya.
#
Kinabukasan nagsimula ang kanyang araw na normal. Invisible na naman siya sa paningin ng mga kaklase niya at mukhang mas magandang ganoon na nga lang ang kanyang estado, walang
nangungulit o walang istorbo. Okay na sana ang lahat nang biglang may pumasok sa kanilang classroom para magbigay ng liham galing muli kay President Hwan.
"Lyra Sohano? The President wants to see you during your vacant period" wika ng kanyang Sociology Prof.
Muli siyang pinagtinginan ng mga ka-blockmate niya. Napansin ng mga ito ang madalas na pagpapatawag sa kanya ng President. Na-curious pa lalo ang isa niyang classmate at hindi nakatiis na tanungin siya.
"Seems like the President has grown quite fond of you. Is this because of his apo?" wika ng kanyang blockmate.
"Naku hindi ano, baka nga sipain na ako dito anytime soon."nakangiting sabi ni Lyra
"Joker ka pala." aliw na wika ng kanyang katabi at hindi na napigilang matawa.
"Seryoso ako doon." sagot naman ni Lyra
Lalo namang lumakas ang tawa ng kanyang katabi na napansin naman ng kanyang prof.
"Mind sharing what's funny?"galit na wika ng kanilang Prof. Seryoso nitong tiningnan ang dalawa at hinihintay ang sagot nila.
Para sa kanilang ikabubuti ay tumahimik na lamang sila Lyra. Sa mga oras na iyon ay wala na doon ang isip ni Lyra. Naiisip niya ang dahilan kung bakit siya pinatawag ng Presidente. Malamang ay nagsumbong ang hambog na apo nito at pangangaralan siya. Mabuti na nga lang kung ganoon nga ang gagawin, paano pala kung sipain na siya ng unibersidad na ito.
#
Dumating ang kanyang vacant time. Nagdadalawang-isip siya kung pupunta sa opisina ng Presidente o kung magtatago na lamang at palalampasin ang memo na iyon. Pero saan naman siya magtatago eh kanila nga ang school na ito? Siguradong makikita at makikita pa rin siya kung nagkataon, kaya nagdesisyon na siyang pumunta sa office of the President.
Nadatnan niya doon na nag-iisa ang Presidente. Tahimik ito at tila may mga dokumentong inaayos. Kumpara sa kanyang apo ay talagang maaliwalas ang mukha ng Presidente. Pumasok siya sa loob ng opisina ngunit nagdesisyon siyang manatili sa sulok ng pintuan bago lumapit sa Presidente. Naisip niyang hihintayin na muna niyang bigyan siya ng pahintulot ng Presidente na lumapit dito, gawa na rin iyon ng mga pangaral sa kanila ng kanyang mga magulang. Mahirap lang nga sila pero busog sila sa aruga at pangaral.
"Ms. Sohano?" tanong ng Presidente
"Naku sir, Lyra na lang ho. Masyado po kayong pormal gayong pinapaaral niyo lang naman po ako." nahihiyang sabi ni Lyra
"Ang scholarship na 'yon ay binigay sa'yo dahil karapat-dapat ka doon."nakangiting wika ni President Hwan
Natuwa si Lyra sa Presidente bukod sa matatas itong magtagalog hindi tulad ng conyotic niyang apo eh magalang pa ito kahit sa mga nakababata sa kanya. Kagulat-gulat talaga na ang isang taong mataas ang posisyon ay nananatiling mapagkumbaba.
"Naikwento ng aking apo...nagsasalita si President Hwan ng nagdesisyon si Lyrang putulin ito.
"Pasensya na po kayo sa aking kawalang galang ngunit kung hindi niyo po mamasamain ay gusto ko po muna sanang magpaliwanag tungkol sa nangyari." pakiusap ni Lyra na medyo kinakabahan.
"Ang alin? Nasabi sa akin ng aking apo na gusto niya ng private tutor at ikaw ang napili niya dahil sa naperfect mo raw ang kanyang sssignment after niyang pinasagutan iyon sa iyo." pagtatakang sabi ni President Hwan.
*Ano bang pinagsasasabi ng koreanong hilaw na 'yun? Sigurado naman akong walang tama ni isa sa mga sinagot ko sa assignment niya. Bakit naperfect siya?* sabi sa sarili ni Lyra
Habang nag-uusap sila ng Presidente ay pumasok si Richard sa opisina. Halatang nang-aasar ang ngiti nito. Mukhang naisahan na naman nito si Lyra. Ngunit hindi rin patatalo si Lyra, hindi siya susunod sa mga balak nito. Alam niyang aalilain lamang siya ng hambog na koreanong hilaw na ito.
"Oh! You are Here. Id Like you to meet Lyra." Wika ng Presidente sa kanyang apo.
"Believe me Angkong, I know her very well." Nakangising saad ni Richard
*Naku! Ano ba 'tong gulong pinasok ko? Sigurado naman akong wala akong kalaban-laban sa koreanong-hilaw na ito, pinatulan ko pa. Sing- liit yata ng mata nito ang pang-unawa nito* Sabi ulit ni Lyra sa sarili.
"Ah, pasensya na po pero hindi ko yata matatanggap ang alok niyong maging Private tutor." paumanhin naman ni Lyra.
"Bakit naman? Freshman ka pa lang naman at flexible pa ang schedule mo at isa pa hindi naman libre ang pagtuturo mo sa apo ko. P10,000 per month plus meal allowance" pagpupumilit ng Presidente kay Lyra. Nagulat si Lyra sa halagang inaalok sa kanya ng Presidente. Malaking halaga 'yun para sa ilang oras lang ng pagtuturo. Naisip niyang malaki ang maitutulong ng perang iyon sa kanilang pamilya. Tinignan niya si Richard, inisip niya na kaya naman siguro niyang sikmurain ang makapal na mukha ng binatang iyon para sa kaniyang pamilya.
"Sige po, pumapayag na po ako" mabilis na tugon ni Lyra. Kitang-kita niya na sumilip ang ngiti sa mukha ng binata ng sumang-ayon siya sa alok ng Presidente.
Matapos ang kanilang usapan ay umalis na rin si Lyra. Sinundan siya ni Richard palabas ng opisina at sinabayan sa paglalakad. Binilisan niya ang paglakad para maiwan ang binata pero mukha hinahabol talaga siya nito.
"So what made you say yes? Is it because of the meal allowance? Remember it's bawal to eat plenty." sabay tawa ni Richard na parang lalong iniinis si Lyra.
"Huwag mo nga akong kausapin. Gagawin ko ang assignment mo mamaya tapos uuwi na ako." inis na sabi ni Lyra
"You really think It'd be that easy, eh? You are so naive." Lalo pang nang- asar si Richard. Tuwang-tuwa siya na nakikitang nagagalit ang dalaga.
Binilisan lalo ni Lyra ang lakad para maiwan si Richard ngunit hindi talaga patatalo ang binata sinundan siya nito ng sinundan.
"Retarded ka ba? Bakit ba tuwang-tuwa ka na inaasar ako?" malalim na ang hinga ni Lyra at tila galit na galit na talaga siya.
"And what do you expect? Na matuwa ako after mo akong ma-zero sa assignment? You must be joking. See you after your last period." may pagbabantang sabi ni Richard. Matapos iyon ay tumalikod si Richard at iniwanan na siya.
Mali yatang tinangap pa niya ang trabahong iyon sigurado naman
siyang gagawin ng binatang impyerno ang kanyang buhay sa school na iyon.
#
Lumipas ang kanyang araw sa school at tumungo siya sa likod ng building. Wala doon ang binata ngunit may kapirasong note na nakalagay sa upuan.
"I'll be late for a few minutes. Sorry"
*Marunong naman din palang mag-sorry ang walanghiyang taong 'yon. Okay lang naman na mahuli siya ng ilang minuto. Mas maganda nga na h'wag na siyang dumating.* Aniya sa sarili
Nagdesisyon siyang gawin na muna ang kanyang mga assignment habang wala pa ang binata. Mahaba pa naman ang mga assignment niya. Binuksan niya ang kanyang backpack na naglalaman ng mga gamit niya sa school. Karamihan sa mga kababaihan sa university ay naka shoulder bag, siya nga lang yata ang naka-backpack.
Mahaba-habang oras ang nakalipas at natapos na niya ang kanyang assignment at nakapag-review na rin siya pero sa kasawiang palad ay wala pa rin ang binata. Tinext niya ang kanyang ina upang hindi na ito mag-alala. Inisip niya na maghihintay pa siya ng ilang minuto pero kapag hindi dumating si Richard ay aalis na siya.
Mayamaya ay nakaramdam siya ng pagod. Saglit siyang pumikit at idinukdok ang ulo sa may upuan. Nakapikit na siya nang narinig niya ang boses ng binata.
"Miss, hindi ka binabayaran para matulog" wika ni Richard.
"Ay! koreanong hilaw." gulat na sabi ni Lyra
"For the last time, hindi ako Koreano. Chinese ako!" may panggigigil sa boses ni Richard.
"Siyempre naman, hindi naman ikaw ang koreanong hilaw na sinasabi ko. Assuming ka naman masyado" patay malisyang sabi ni Lyra. Inayos niya ang kanyang sarili at baka nagulo ang kanyang buhok. Kinuha niya
rin ang kanyang panyo para punasan ang kanyang labi. Ewan ba, kung bakit nakakaramdam siya ng pagka-conscious sa harap ng binata. "Sige magstart na tayo, akin na ang mga assigment mo at nang makauwi na ako." pagmamadaling sabi ni Lyra. Sigurado naman siya na nag-aalala pa rin ang kanyang ina kahit na sabihing nakapagtext na siya dito.
"Later, ibili mo muna ako ng snack, not in the Coop please, diyan na lang sa labas." Utos ni Richard kay Lyra.
Tila hindi makapaniwala si Lyra sa narinig sa bibig ng binata. May ideya ba ito kung gaano kalayo ang mga bilihin sa labas at doon pa siya pinapabili?
"Sa labas? Eh ang layo noon ah. Nasaan ba si Emil?" reklamo ni Lyra
"Day off." Maikli nitong sabi "Sige na, gutom na ako." sabay abot ng pera ni Richard.
Huminga ng malalim si Lyra at padabog na umalis. Makalipas ang halos 20 minuto ay nakabalik siya na may dalang Chinese food in a box.
"Ano ito? I don't eat that stuff." may pagkadismayang sabi ni Richard
"Chinese ka, Chinese food to. Kainin na lang ang dami pang arte" galit na sabi ni Lyra.
"Ibili mo na lang ako ng drinks. Yung milk tea ah ayoko ng soda."utos na muli ni Richard.
"Bibili na naman? Bakit hindi mo pa sinabi kanina? Just to refresh your memory Private tutor ako at hindi dakilang alalay" reklamong muli ni Lyra.
"Wala nga si Emil di ba?" seryosong sabi ni Richard
Gigil na gigil si Lyra sa inasal ng binata. Alam niyang sinasadya ito ni Richard para pahirapan siya. Pero wala siyang magawa. Inisip niya na lamang na kailangan niyang magtiis para sa kapakanan ng kanyang Ina at kapatid.
Umalis muli si Lyra para bumili ng maiinom. Makalipas muli ang mahabang oras ay bumalik ito at may hawak ng milk tea. Pero bago pa niya mai-abot ang milk tea kay Richard ay nakita nitong nag-aayos na ng kanyang gamit at parang aalis na.
"I'm going home. It's getting late" sabi ni Richard kay Lya na kinainis ng dalaga.
Sa sobrang inis ni Lyra ay binuksan niya ang milk tea at binuhos iyon sa ulo ng binata.
"What the hell are you doing? Have you gone mad?" gulat na sabi ni Richard.
"Tantanan mo ako sa pag-eenglish mo, at magpasalamat ka ganoon lang ang ginawa ko." Galit na rin si Lyra.
"Ganyan ka ba pinalaki ng parents mo? Kabastusan yan ah." sagot naman ni Richard.
Hindi na nakapagtimpi si Lyra. Isang malakas na sampal ang ginanti niya kay Richard. Mag-rereact pa sana ang binata ngunit nakita niya na umiiyak ang dalaga na ikinagulat niya. Hindi niya inakala na aabot sa ganitong punto ang pang-iinis niya kay Lyra.
"Tatangapin kong lahat ang pangmamaliit mo sa akin, pero huwag na huwag mong babastusin ang mga magulang ko lalong-lalo na sa harapan ko" "yun lang at kinuha ni Lyra ang bag niya at umalis.
Nadaanan pa niya si Emil na naghihintay sa may parking lot na lalong ikinagalit niya.
#
Kinabukasan ay maagang pumunta si Richard sa likod ng building na iyon. Alam niya na nasobrahan ang kanyang ginawa sa dalaga. Hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit ganon na lamang ang tuwang nararamdaman niya sa tuwing makikitang naasar ang dalaga. Kung hindi pa niya nakitang umiyak 'yon ay hindi siya matatauhan. Nais sana niyang puntahan sa COSE building ang dalaga ngunit pinangunahan siya ng pride niya. Ayaw niyang manghingi ng paumanhin sa harap ng maraming tao.
Naghintay siya hanggang maggagabi na ngunit walang Lyra na dumating. Kahit ang anino nito ay hindi niya nakita. Lalong hindi napakali si Richard. Gusto niyang makita ang dalaga ngayon para makahingi ng tawad.
"Emil, do you know where she lives?" tanong ni Richard sa kaniyang driver
"Sino po?" patay malisyang tanong ni Emil.
"Siya, alam mo na kung sino 'yon." nahihiyang sabi ni Richard
"Si Ms. Mataray?" paninigurado naman ni Emil
Nangiti lang si Richard ng tumugma ang sagot ni Emil.
"Kayo kasi sir, hindi naman kasi ganoon ang panliligaw sa Pilipina." panunukso ni Emil
"Nanliligaw? No way. Baka masuntok pa ako noon. Gusto ko lang namang mag-sorry" wika ni Richard sa kasama.
"Sabi niyo eh. Sigurado may record siya sa school, bakit hindi mo itanong kay President?" suhestiyon ni Emil
"Brilliant idea."
Tinawagan nga ni Richard ang kanyang Lolo para hingin ang address ni Lyra. Hindi rin nagtagal at nakita ng kanyang Lolo ang record ng dalaga. Nagtabi na kasi sila ng kopya ng dokumento ni Lyra dahil na rin sa Private tutor siya ng apo nito.
Naramdaman yata ni President Hwan na pupuntahan ni Richard si Lyra sa lugar niya kaya pinaalalahanan siya ng kanyang lolo na hindi magandang magpunta sa ganoong lugar lalo na at mag-gagabi na. Pero buo na ang isip ni Richard, pupunta siya doon at magso-sorry sa dalaga.
Makalipas ang ilang oras ay natunton nila ang lugar ni Lyra. Hindi na makakapasok ang sasakyan nila dahil na rin sa makitid na daan. Nagdesisyon si Richard na bababa na lamang at maiiwan si Emil sa sasakyan. Sinigurado naman ni Richard kay Emil na magiging ayos lamang siya. Inabot ni Emil ang ilang pirasong bulaklak kay Richard na binili niya habang natrapik sila.
"Sir ibigay niyo 'yan para patawarin agad kayo" panunukso ni Emil
Nangiti na lamang si Richard at hindi sumagot. Kinuha niya ang bulaklak at tumalikod na. Sa bawat lugar na dadaanan ni Richard at pagtatanungan ay natatahimik ang mga ito. Tila nawawala ang ingay na kadalasan ng nandoon. Nagtataka kung bakit ang isang tulad niya ay maliligaw doon sa lugar nila.
Di nagtagal at nakarating rin siya sa bahay ni Lyra. Nagulat ito sa kalagayan ng bahay nila. Hindi na iyon ligtas para tirhan ng isang pamilya. Napaisip na rin siya na marahil iyon ang dahilan kung bakit nagsusumikap ang dalaga.
"Tao po! Tao po!" tawag ni Richard sa bahay.
Narinig ni Richard na may nagsalitang matanda sa loob ng bahay. "Lyra makitingnan mo nga kung sino yung nagpapatao po"
Agad namang sumunod si Lyra sa utos ng kanyang Ina. Laking gulat ni Lyra ng buksan ang pinto. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahang pupunta sa kanilang bahay ang hambog at walang modong binatang ito.
"Anak sino yan?" tanong ng ina ni Lyra na nasa loob ng bahay.
"Ahh... wala napagkamalan lang tong bahay natin" pakunwaring sagot naman ni Lyra sa Ina.
Mabilis na sinara ni Lyra ang pinto para hindi na lumabas ang ina. Sigurado kasi siya na papapasukin pa ng ina ang binata sa kanilang bahay kapag nakita ito. Ayaw na niyang magtagal pa si Richard sa bahay nila matapos niyang makasagutan ito kahapon.
"Ano bang ginagawa mo dito? Wala ako sa mood para makipag-away" Inis na sabi ni Lyra
Nahihiya namang inabot ni Richard ang bulaklak kay Lyra. Hindi ito makatingin ng diretso sa dalaga.
"Peace offering? Ano... Wala ka kasi kanina ano.... doon sa likod ng building."paputol-putol na sabi ni Richard na tila kinakabahan.
Alanganin namang kinuha ni Lyra ang bulaklak. "Baka may higad 'to ha at magkapantal-pantal ako!" wika niya na duda talaga sa intensyon ng binata.
Ilang sandali pa ay tila nagtaka na ang ina ni Lyra kung bakit ito matagal sa labas. Sinundan na niya ang kanyang anak at nagulat na may binata sa labas.
Agad namang bumati si Richard nang makita ang ina ni Lyra.
"Good evening po, ako po si Mark Richardson Hwan" pakilala ni Richard sa ina nito.
"Nay! Siya yung apo ni President Hwan. Ano... may sinabi lang tungkol dun sa trabaho ko, uuwi na rin siya" Pagmamadaling sabi ni Lyra
"Ay dyaskeng bata ire, hindi mo pinapasok. Nakakahiya kay Sir Richard. Pasok po muna kayo" pagpupumilit ng Nanay ni Lyra.
"Uuwi na nga siya Inay" halos ipagtulakan ni Lyra si Richard habang hinahatak naman siya papasok ng kanyang ina.
Dahil na rin sa gusto pang magtagal ni Richard sa lugar na iyon, ay walang nagawa si Lyra. Nagpahatak si Richard ng tuluyang sa Nanay ni Lyra at nakapasok sa loob.
"Pasensya na po kayo sa anak ko. Padalos-dalos pong mag-isip 'yan minsan" paumanhin naman ng kanyang Ina dahil alam nitong nakaalitan ni Lyra ang binata
"Inay h'wag nyo nga siyang pinopopo, matanda pa kayo diyan." Inis na sabi ni Lyra na tila iniwan siya sa ere ng ina.
"Tumahimik ka! Buti pa bumili ka ng mamemeryenda ni Sir Richard d'yan sa tindahan." bulong ng kanyang ina sa kanya.
Umalis nga si Lyra at nagtungo sa tindahan. Nagkaroon naman ng oras para makapag-usap ang kanyang Ina at si Richard. Naroon din ang nakababatang kapatid ni Lyra na si Botchok at nagulat sa bisita nila. Tiningnan siya ni Botchok nang malapitan na parang sinusuri.
"Hindi pa nga po pala kami nakakakapagpasalamat sa scholarship na binigay niyo sa anak ko. Kung wala iyon ay hindi ko maigagapang ang pag-aaral niya." Nakangiting sabi ng Ina ni Lyra
"Ang board po ang may desisyon noon at si Lolo. I'm sure may dahilan din sila kung bakit napili si Lyra, matalino naman po ang anak niyo" papuri ni Richard.
"Ay! opo, magmula po kasi nung namatay ang kanyang ama noong nakaraang taon ay siya na ang tumayong ama ng pamilyang ito. Mataas po ang pangarap niya sa buhay." Sang-ayon naman ng kanyang Ina.
Napahiya si Richard nang malaman na wala na pala ang kanyang ama, kaya pala nagalit ito sa nasabi ng binata. Katulad niya pala ay nawalan ito ng mahal sa buhay. Ngunit hindi tulad niya na nagmukmok at nanisi ng iba, si Lyra ay tumayo para sa pamilya niya.
Sakto namang dumating si Lyra at inabot nang padabog ang meryenda kay Richard. Napansin ng kanyang ina ang astang iyon ni Lyra at
pinagsabihan ito.
"Umayos ka nga, para kang lalaking magkikilos sa harap ng bisita mo. Asikasuhin mo siya." Saway nito sa anak
"Sir Richard maiwan po muna namin kayo at nang magkausap kayo" paalam ng kanyang Ina. Sabay tinawag nito ang bunsong anak at pinapasok sa kwarto.
"Wala man lang bang chocolate?" tanong ni Botchok sa ina bago tuluyang pumasok sa kwarto.
Nang silang dalawa na lamang ang magkasama ay nangibabaw ang katahimikan. Wala sa kanilang gustong magsalita. Sa huli ay hindi na nakapagpigil si Richard at nagsalita na rin.
"Sorry" matipid na sabi ni Richard.
"Tapos na 'yon. May pagkakamali din naman ako. Mali din namang tinaggap ko pa 'yung trabaho kahit alam kong hindi naman tayo magkakasundo." wika ni Lyra sa kausap.
"Hope we can start anew." Naiilang na sabi ni Richard.
"Bakit hindi ka pa kuntento sa isang sampal" nagbibirong sabi ni Lyra.
"Haha Promise last na 'yon Ms. Tough nut'o crack." natatawang sabi ni Richard. "So Friends?" dugtong ni Richard
"Hmm... We'll see" Nag-aalangang sagot ni Lyra.
Matapos iyon at nagpaalam na rin si Richard. Magalang niyang nilisan
ang bahay ni Lyra at nagtungo sa lugar na pinagparkingan ng kanilang sasakyan.
Agad napansin ni Emil ang ngiting iyon ng kanyang amo. Matagal-tagal
na rin bago niya nakitang ganoong kasaya si Richard.
"Napasagot niyo na ba Sir?" panunukso ni Emil
"Shut up." Nakangiting sabi ni Richard.
Chapter 3: Si IMBA Girl
Kinabukasan, katulad ng ilang araw na niyang ginagawa, nilakad niya ang Gate 4 papuntang COSE Building. Nagulat siya nang sa kanyang paglalakad ay may bumusina sa kanyang sasakyan. Bumaba ang side windshield glass at nakita nya si Richard na lulan ng sasakyan. Nakangiti ito sa kanya at sinabing sumabay na siya sa sasakyan.
"Hop in!" paanyaya ni Richard kay Lyra.
Nginitian ni Lyra pabalik si Richard. Ewan ba, parang iba talaga ang nararamdaman niya kapag ngumingiti si Richard. Parang awtomatikong bumibilis ang pintig ng kanyang puso sa tuwing ngingiti ang binata. Ganito rin ang naramdaman niya noong araw na gawin niya ang assignment ni Richard.
"Hindi na lalakarin ko na lang, sanay na akong maglakad exercise din ito. At isa pa, mukhang mas mabilis pang lakarin kaysa ma-trapik ka sa dami ng sasakyan na yan" giit ni Lyra. Sabay turo sa mga sasakyan sa loob.
Bumaba si Richard sa sasakyan at sumabay lumakad kay Lyra.
Napatingin naman si Lyra kay Richard na parang nagtatanong ang mga mata nito kung bakit kailangan pa niyang bumaba.
"Walking is good for your health." Paliwanag ni Richard kahit hindi naman siya tinatanong ni Lyra."Can I have your number?" tanong pa ni Richard.
"Para saan?" pagtatakang sabi ni Lyra.
"Para you'll no longer wait for me if ever na hindi ako available for tutoring or in case I have a question about today's lesson" Sagot ni Richard.
"Kailangan pa ba yon? Di ba nga hindi na ako ang tutor mo?"wika ni Lyra sa binatang kasama.
"I have yet to receive a letter of resignation from you so technically, private tutor pa rin kita" Pilit ni Richard.
"Ok, sige. Private tutor mo pa rin ako pero may kondisyon. Una, ikaw ang gagawa ng assignment mo at tuturuan lang kita. Ikalawa, Private tutor mo lang ako at hindi personal alalay at pangatlo, on time ka dapat palagi kasi kailangan ko pang umuwi para makatulong kila Nanay" saad ni Lyra.
"Ok, sounds fair." Pagsang-ayon ni Richard.
Hindi namalayan ng dalawa na nakarating na sila sa harap ng College of Business. Business Management ang kinukuha ni Richard, para na rin
siguro pagdating ng panahon ay matulungan niya ang kanyang Angkong sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila at pati na rin
mahawakan ang mga negosyong naiwan ng kanyang mga magulang. Nagpaalam na rin si Lyra sa kanya at dumiretso na sa COSE building.
Napakagaan ng pakiramdam ni Lyra ngayon, para bang ngayon pa lamang ang 1st day niya sa school. Isang mabigat na pasanin ang nawala sa kanyang balikat matapos nilang magkaayos ng binata. May nararamdaman siyang pagkainip, kung maari nga sanang hatakin niya ang oras ay gagawin niya matapos lamang ang kanyang schedule noong araw na iyon. Hindi naman siya dating ganon, pero ewan ba kung anong nangyari at tila nasasabik siya sa muli nilang pagkikita ng binata. Siguro dahil gusto niyang bumawi kahit kaunti sa kagandahang loob na pinakita nito at ng kanyang Lolo.
Lunch break na naman. Sinilip niya ang bulsa sa kanyang bag at nakitang 40 pesos na lamang ang nandoon. Kailangan niyang mas magtipid para umabot hangang Biyernes ang pera niya, kahit pamasahe lang. Ang pang meal-allowance naman niya ay binibigay niya sa kanyang Ina para idagdag sa gastusin sa bahay. Nagdesisyon siyang maglakad-lakad na lamang at palipasin ang lunch break. Kasalukuyan siyang naglalakad nang biglang may humila sa kanyang mga kamay. "Ano ba! Bitawan mo ako." galit na sabi ni Lyra bago niya napagtantong si Richard pala ang may hawak sa kanyang mga kamay. Pero kahit na alam niyang si Richard 'yon ay hinatak niyang pabalik ang kanyang kamay. Alam niyang nakatingin ang mga tao sa kanila at hindi siya kumportable doon.
"Nakakagulat ka. Next time magsasalita ka, baka masampal na lang kita." pagbibirong sabi ni Lyra.
"Don't worry I'm used to it. Your sampal is definitely something that I can endure." sabay tawa ni Richard.
Ayun na naman ang kakaibang pakiramdam. Ang mga ngiti ng binata na halos magsara na ang kanyang mga mata. Dagdag pa doon ang pagsilip ng pantay na ngipin at malalim na dimples nito. Bakit ba sa tuwing gagawin iyon ng binata ay may iba siyang nararamdaman? Naiinis siya sa kanyang maramdaman na hindi niya maipaliwanag. Nagsimula siyang mailang sa presensya ng binata nang dahil doon.
"Sige babalik na ako sa mga classmates ko." pagpapaalam ni Lyra ngunit agad siyang pinigilan ni Richard.
"Wait, samahan mo ako mag lunch?" yaya ni Richard sa kanya.
Hindi makapaniwalang inaanyayahan siya ng apo ng Presidente para samahan ito sa tanghalian. Pero kailangan siyang tumanggi, batid niya ang mga matang nakatingin sa kanila. Ayaw niya namang mag-isip ang mga ito ng kung anong tungkol sa kanilang dalawa dahil tutor lang naman talaga siya nito.
"Kumain na ako eh" dahilan ni Lyra para tigilan siya ni Richard sa pagyaya.
"Huh? I never knew na may food stall sa loob ng COSE? Lyra kaka-
dismiss niyo pa lang and I know hindi ka pa nagla-lunch." pilit ni Richard kay Lyra "And besides malungkot mag-lunch when you're all alone." dugtong pa ni Richard na hindi talaga titigil hanga't hindi napapapayag si Lyra.
"Diet ako eh."dahilan muli ni Lyra. Parang kung anu-ano na lamang ang ginagawa niyang excuse, tigilan lang siya ng binata.
Hindi na muling nagsalita si Richard, hinatak na lang muli nito ang kamay ni Lyra at pinilit na isama.
"Wait, wait! Bitiwan mo ako. Sasama na ako." pagmamakaawa ni Lyra, naaasiwa siya na maraming mata ang nakatingin sa kanya. Alam niyang kilalang-kilala si Richard sa school na 'yon at ang isang hamak na scholar na gaya niya ay hindi bagay nakikitang kasama ng isang tulad niya.
Ang school nila ay may Coop building, binibigyan ng University ng pagkakataon na mag-start ng business ang mga estudyante na may maliit na kapital. Tipong training bago sumabak sa totoong mundo ng negosyo. Dumiretso sila sa isang food stall at inokupa ang isang mesa. "What do you wanna eat?" tanong ni Richard sa kanya.
"Kahit ano." Mahinang sagot ni Lyra na halatang hindi alam ang mga food na pwedeng ma-order sa food stall na iyon.
"They don't serve a "kahit ano" here." pagbibiro ni Richard.
"Richard, tigilan mo ako ah." inis na sabi ni Lyra.
"Finally, nasabi mo rin ang name ko. Tuna chicken lollipops?" alok ni Richard.
"Sige" maikling sagot ni Lyra, hindi ito makapaniwalang natawag niya ng diretso ang pangalan ng binata.
Habang kumakain sila ay lumapit naman ang babaeng ka-blockmate ni
Lyra na si Denisse. Malambot ang tabas ng mukha nito at tipong kayang mong takpan ng isang kamay lamang ang kanyang mukha sa sobrang liit. Halata mong nagpapapansin si Denisse kay Richard dahil hindi naman ito talagang malapit kay Lyra.
"Lyra, My BFF. Why didn't you tell us na dito ka rin pala eh di sana sabay- sabay na tayong kumain." magiliw na salita ni Denisse.
Nagulat naman si Lyra nang biglang bumeso ito sa kanya. Inabot din ni Denisse ang kanyang kamay kay Richard at tipong gustong magpakilala ngunit hindi iyon pinansin ni Richard. Tila hindi natinag ang dalaga sa pambabalewala sa kanya ng binata. Umupo pa 'to sa tabi ni Lyra at umarteng malapit na kaibigan ni Lyra.
"Lyra, care to introduce me to your friend?" nagpresinta na si Denisse, sigurado siyang hindi niya makikilala ang binata kung puro siya lang ang magsasalita.
"Ahh Richard si Denisse, Denisse si Richard" pakilala ni Lyra sa dalawa. Mukhang ikinainis 'yun ni Richard at biglang tumayo.
"I'm going. See you later."matipid na wika ng binata sabay umalis.
Matapos maka-alis si Richard ay naiwan si Lyra at Denisse na
magkasama. Hindi maganda ang mood ni Denisse dahil parang na-snob lamang siya ng binata.
"Sabi ko na nga ba, purely professional lang ang relationship niyo." sabi ni Denisse kay Lyra.
"Oo naman. Private tutor ako ng tao, pasuweldo lang nila." sagot ni Lyra.
"I swear, people in this university have gone mad, bumisita pa raw sa bahay niyo ang apo ng President, super exaggerated na talaga ang mga chismis dito." wika ni Denisse with matching hand gesture pa, sabay tumayo ito at umalis na.
*Yun lang naman talaga ako para sa kanya, Private tutor. Kung inanyayahan man niya ako mag lunch ay dahil sa awa. Nakakapanliit pero totoo* wika sa sarili ni Lyra.
#
Natapos ang last period ni Lyra at tumungong muli sa likod ng building na iyon. Nagulat siya ng nakita ang binata na maagang naroon akala pa naman niya ay muli itong mahuhuli at makakagawa siya ng assignment niya.
"Pasensya na, medyo OT yung prof namin. Akin na mga notes mo today at ng matingnan natin." Paumanhin ni Lyra sa kasama.
"Finished it! Ang tagal mo eh."" nakangiting sabi ni Richard. Ano ba't may saya talaga siyang nararamdaman tuwing makikita ang ngiti ng binata. "E di uuwi na ako" sagot naman ni Lyra.
"Later, Let's have a small chit chat, Puwede?" tanong ni Richard kay Lyra.
Mag-usap? Totoo ba ang narinig niya mula kay Richard? Kailan lamang ay puro bangayan silang dalawa pero ngayon ay parang napakalapit na nilang magkaibigan.
Umupo si Lyra sa isang upuan doon na medyo malayo sa binata.
Nanatili silang tahimik, tila nagpapakiramdaman sila kung sino ang mauunang magsalita. Saktong tatayo si Lyra para umalis ng nagsalita si Richard.
"How did you do it?". Hindi naman maintindihan ni Lyra kung ano ang gustong tanungin ni Richard sa kanya. "Your father passed away last year and yet you are standing tall." seryosong sabi ni Richard. "Been a year since my parents died due to a car accident. Pero I still have so many questions left unanswered." Patuloy ni Richard.
*Ganon pala, kaya pala biglang bumait sa akin ang taong ito. Siguro ay nasabi ni nanay kagabi ang pagkawala ni tatay. Parehas pala kami. Ang akala ko pa naman....* wika sa sarili ni Lyra.
"Sir, kasi nga kaming mahihirap kung magmumukmok at iiyak na lamang, wala kaming kakainin kinabukasan. Kayo kahit isang taon kayong magmukmok may kakainin kayo" paliwanag ni Lyra.
"Again with the Sir! Ano ka ba?" napansin ni Richard na tila nanlamig sa kanya ang dalaga. Naisip na lang ni Richard na marahil ay tungkol iyon sa kanyang ama.
"Nalulungkot pa rin naman ako. Sa totoo lang, madalas. Lalo na kapag nakikita kong malungkot si Nanay. Soulmate kaya sila" Napangiti si Lyra, ngunit hindi niya rin napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Sorry, I never should've asked."sabi ni Richard na pinutol naman agad ni Lyra
"Hindi ok lang. Nanghihinayang lang ako at hindi ako
nakapagpasalamat sa kanya bago man lang siya pumanaw. Sana nasabi ko kung gaano ako ka thankful. Masipag 'yun, gigising siya ng madaling araw para pumasok. Minsan ang baon niya lang isang pirasong
scrambled na itlog o kaya sardinas, minsan naman 2 pirasong biscuit pero hindi siya nagreklamo ni minsan. Napakasipag niya para sa amin." Sabay ngumiti ng pilit si Lyra.
Pinilit naman ibahin ni Richard ang usapan at idinako iyon sa nalalapit na Freshmen's Ball. Isa iyong okasyon para i-welcome ang mga bagong mag-aaral. Hindi nalalayo sa JSProm ng mga highschool student.
"Are you attending the Freshmen's Ball?" tanong ni Richard.
"Ano ka ba pormal na okasyon 'yun. Una wala akong maisusuot at pangalawa hindi bagay sa akin ang nandoon." Prangkang sagot ni Lyra.
Nagtaka si Richard sa sinagot ni Lyra, nakilala niya ang dalaga na matapang at hindi magpapatalo, nakikita niya ngayon ang ibang pagkatao nitong punong-puno ng insecurities.
"Sa'yo siguro marami nang lumapit para makadate sa gabing 'yon ano?" biro ni Lyra.
"Wala." maikli lang ang naisagot ni Richard sa kausap.
"Sus, wala daw. Eh lahat na yata ng girls sa University na ito ay nagpapacharming sa yo" Biro naman ni Lyra.
"Does that include you?" tanong naman ni Richard na tila seryoso ang boses nito ngunit bigla siyang tatawa ng napansing hindi makasagot si Lyra.
"Syempre hindi ano, akala mo ba nakalimutan ko na yung mga pinaggagawa mo sa akin? Marami ka pang atraso sa akin." dahilan naman ni Lyra.
"Pwede pa naman bumawi, di ba?" tanong niya sa dalaga.
"Babawi ka pa eh itong trabaho lang na binigay niyo sa akin sobra-sobra na." Sabay tawa ni Lyra
Bigla namang nagseryoso si Richard. "Lyra, anong tingin mo sa akin?"
Kumabog ang dibdib ni Lyra, hindi niya inaasahan na itatanong ni Richard sa kanya ang bagay na iyon. Ano bang maisasagot niya dito? Alangan namang purihin niya ang binata at baka isipin pa nitong may gusto siya dito.
*Wala nga ba talaga?* tanong ni Lyra sa kanyang sarili.
Napansin ni Richard ang sobrang tahimik na si Lyra na malayo yata ang nilalakbay ng diwa. "Hey! I'm waiting for your answer."
"Ikaw? Masama ugali, bossy, bully, mayabang." Sagot ni Lyra sa kanya
Tiningnan lang siya ng matagal ni Richard sa sagot niyang iyon na para bang hindi kumbinsido. Nagsimulang mailang si Lyra sa ginagawang iyon ng binata.
"Uuwi na ako, walang katulong si Nanay sa mga gawaing
bahay."pagpupumilit ni Lyra.
"Ihahatid na kita" alok ni Richard sa dalaga.
"Hindi na." sabay nagmadaling umalis si Lyra. Hindi na niya hinintay na makasagot ang binata dahil alam niyang mapilit ito. Pinagmasdan lang ni Richard ang pag-alis ni Lyra, lalo siyang nabilib sa dalaga. Napahiya siya na ang isang lalaking gaya pa niya ay nagmukmok lamang ng napakatagal na panahon.
#
Kinagabihan ay maagang nag-ayos si Lyra para maaga ring makatulog. Inilalatag pa lamang niya ang kanyang higaan nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang kanyang lumang China phone na may tali pa ng goma.
"One Message Received"
Nagtaka naman siya kung sino ang magte-text sa kanya gayung ang Nanay niya lang naman ang madalas magtext sa kanya. Number lang ang nakaregister doon. Agad niya naman binasa ang message, inakala niya noong una na baka nanloloko lang ang nagpadala 'yung mga madalas manghingi ng load.
"Richard here, how are you feeling? Sorry kanina."
Matipid siyang nagreply sa message na iyon. Ayaw niyang nagiging malapit lang pala ang binata ng dahil sa awa sa kanya. Ayaw na ayaw niya nang kinakaawan siya.
"Okay lang. Matutulog na. Bukas na lang" agad niyang tinapos ang usapan na yon. Mas maigi na yon, kaysa lalo pang lumiit ang tingin niya sa sarili niya. Nag reply pa ang binata sa kanyang message
"Usap muna?" pero nagdesisyon siyang huwag nang sagutin iyon.
#
Kinaumagahan, eksaktong pagkagising niya at paglabas niya ng kwarto ay sinalubong siya ng kanyang ina.
"Ay anak, dumating nga pala ang Ninang mo dito kahapon. Hindi ko na nasabi sa'yo at halata kong pagod ka pag-uwi mo at saka nawala na rin sa loob ko" wika ng kanyang Ina.
"Oh, bakit naligaw daw ho si Ninang?" tanong ni Lyra dito.
"Mangyari kasi, 'yung pamangkin niya sa eskwelahan niyo rin nag-aaral. Nagbabasketball daw doon. Nagulat nga ako nang sabihin na
nagbabasketball tapos nag-aaral" sabi naman ng Ina n'ya.
"Varsity member ho siguro. Oh eh ano daw ho?" tanong muli ni Lyra na tila pinaiikot-ikot siya ng kanyang ina.
"Ipinirisinta ka na ng Ninang mo na partner nung pamangkin niya dun sa party raw ata yun. Para sa mga bagong mag-aaral ng school
niyo."wika ng ina na tila excited para sa anak na magkakasocial life na ito.
Nagulat si Lyra sa sinabi ng ina na parang hindi nagustuhan ang ideyang iyon.
"Ho! Inay naman. Hindi puwede."mariing tanggi ni Lyra.
"Bakit ka date mo ba si Sir Richard?" tanong ng Ina na halatang gusto lamang makitsismis.
"Hindi ho. Private tutor lang ako ng tao, at saka medyo naawa lang sa akin yung tao kaya ganoon. Hindi siguro sanay makakita ng katulad nating mahihirap kaya 'yun naawa yata" sagot ni Lyra habang pilit na nakangiti.
"Ayun naman pala, e di puwede ka." Pilit ng Ina niya na nag-aalala na sa anak dahil nasa loob lang palagi ito ng bahay. Gusto rin naman ng Nanay niya na nagsasaya siya paminsan-minsan.
"Wala po akong damit at hindi bagay sa akin 'yan" dahilan pa rin niya ngunit mukhang wala siyang maipapanalong diskusyon sa ina.
"Bibigyan ka ng Ninang mo. Ang daming damit ng anak niyang graduate na ngayon. Siguradong naluluma lang sa cabinet nila ang mga damit na 'yon, saka paayusan ka niya. At isa pa nakompromiso na kita kaya bawal ka nang tumanggi. Malaki ang naitulong sa atin ng Ninang mo." wala nang magawa si Lyra sa sinabi ng Nanay niya. Hindi na hinantay ni Lyra ang susunod na sasabihin ng Ina niya at umalis na siya patungong paaralan.
Ang mga sumunod na araw niya sa eskwelahang iyon ay naging tulad ng dati. Sinusubukan n'ya na huwag masyadong maging malapit kay Richard. Tuturuan niya ito ng lesson sa hapon pagkatapos ay magmamadali siyang umalis. Ilang beses siyang hinabol ni Richard para ihatid pero tumanggi siya. Napansin niya rin noong minsan na may 2 ticket ito para sa Freshmen's ball at halatang aattend ang binata. Hindi
niya na rin inalam kung sino ang kasama nito. Alam niya namang wala siya sa kalingkingan ng babaeng iyon.
#
Dumating ang araw ng Freshmen's Ball. Hapon pa lamang ay abala na ang kanyang Ninang at Nanay na para bang sila ang aattend ng Ball. Si Lyra naman ay halatang walang bakas ng kahit anong pananabik. Habang inaayusan si Lyra ng isang kilalang make-up artist ay inilabas ng kanyang Ninang ang kanyang susuoting damit. Napakaganda ng damit na iyon. Halata mong mamahalin ang telang ginamit. Napakaganda ng bagsak ng damit at siguradong babagay kay Lyra.
Maggagabi na nang dumating ang sundo ni Lyra. Hindi niya kilala iyon pero namumukhaan niya naman. Imposible naman kasing hindi mo makilala ang mga members ng Basketball Team ng kanilang University. Halos ka-lebel ng isang artista ang mga varsity lalo na kung miyembro ka ng basketball team. Kahit na nga ba sabihin na Team B ka lamang.
Paglabas ni Lyra ay hindi napigilan ni Botchok na purihin ang kanyang
ate.
"Wow ate, nagmukha kang artista." sabi ng kanyang bunsong kapatid.
Lumapit naman ang kanyang partner sa kanyang Ninang at inakbayan ito.
"Tita, you're right. She's really a sight to behold" wika ng lalakeng makakasama niya. "I'm Luke by the way" pakilala pa nito.
"Hoy Luke! Paborito kong inaanak 'yan. luwi mo nang maayos 'yan" pagbabanta ng kanyang Ninang na ikinatuwa ng lahat. Matapos ang usapang iyon ay umalis na sila at dumiretso na sa venue ng Freshmen's Ball.
Pagbabang-pagbaba ng kanyang escort ay nakatingin na dito ang mga tao. Halatang kilala siya dahil nga sa member siya ng varsity team. Pinagbuksan nito si Lyra ng pintuan ng kotse at hinawakan sa kamay para alalayan sa pagbaba. Napakaganda ni Lyra ng gabing iyon. Nang mga oras na iyon, pinagtitinginan siya dahil sa kanya lang at hindi dahil kung sino ang kasama niya. Hindi gaya ng tuwing kasama niya si Richard.
Pagpasok nila sa venue ay eksaktong tinamaan ng ilaw si Lyra na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Karamihan doon ay makikita mong mamahalin ang mga suot. Natanaw naman niya si Richard sa di- kalayuan na may kasamang isang babae. Silang dalawa lamang ng
kalayuan na may kasamang isang babae. Silang dalawa lamang ng babaeng 'yon sa isang mesa at mukhang masaya ang babaeng kasama niya. Hindi na lang niya pinansin ang lugar na 'yon. Basta siya desidido na magsaya ngayong gabi.
Pumuwesto naman sila Lyra sa mesa ng mga varsity player.
"Wow! Pare ah may taste ka rin pala"Biro ng mga senior players sa kasama niya. Kahit na karamihan doon ay mga freshmen, ang mga member ng varsity at mga club ay inanyayahan din para maging kampante sa kanila ang mga bagong estudyante.
"Buti naman at sumama sa'yo 'yang girl na yan. Hindi mo ba yan kinidnap?" tukso ng isa sa mga senior. Pawang mga ngiti lang ang ginanti nila Luke at Lyra sa biro ng mga kasama nila.
Mayamaya pa ay nagsimula nang magpatugtog ng sweet love songs. Umalis na sa kani-kanilang mesa ang mga kasama nila ngunit tila nagkakahiyaan silang dalawa ni Luke. Hindi nagtagal at niyaya na rin siya nito. Sinubukan niyang hanapin si Richard sa mga nagsasayaw ngunit hindi niya ito makita. Marahil ay nandoon ito at natatakpan, o kaya ay nag-eenjoy kasama ang babaeng iyon. Maganda ang kasama niya, ang kutis noon ay mamula-mula. Hindi tulad niya morena.
*Morena? Baka Ulikba'sabi niya sa sarili.
Matapos ang ilang tugtog ay bumalik sila sa kanilang mesa para umupo at magpahinga. Inabutan siya ng fruit drink ni Luke. Tila alam nitong hindi ito umiinom ng ibang inumin na naroon sa party na 'yon.
Anupa't nakaramdam siya ng pagkainip. Nagpaalam siya sandali kay Luke na lalabas sandali. Hindi rin siya kumportable sa lugar na 'yon, bukod kasi sa wala siyang kilala ay puro basketball ang pinag-uusapan nila. Ang mga babae naman ay tungkol sa latest trend ng fashion, at sa paboritong destination nila tuwing bakasyon. Eh ano naman ngang isasagot ni Lyra sa kanila?
Lumabas siya at nagpahangin. Naglakad-lakad siya, meron din namang mga tao doon, hindi nga lang kasing dami ng nasa loob. Pero nakakarelax lumayo sa ingay sa loob ng venue. Pumikit siya para damhin ang malamig na hangin nang may narinig siyang boses.
"Akala ko ba hindi ka pupunta?" kilala niya ang boses na yon. Kilalang kilala niya.
"Richard! Pinilit lang ako ni Nanay at ni Ninang. Pamangkin ni Ninang 'yan." Dahilan ni Lyra. Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag kay Richard pero nais niyang magpaliwanag.
"Who can say no to a varsity player, di ba?"nakangising sabi ni Richard na tila may halong inis at pinagdiinan ang salitang "no". Hindi naman sumagot si Lyra, aktong aalis siya at babalik sa venue ng hawakan siya ni Richard. "Let's talk. Been ages since we last talk na hindi tungkol sa lessons." May katotohanan doon sa sinabi ng binata. Mukhang nahahalata na ng binata ang pag-iwas niya dito.
Hindi siya binitawan ni Richard. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang dito patungo sa isa sa malapit na upuan sa labas ng venue.
"Boyfriend mo?" tanong ni Richard na hindi makatingin kay Lyra.
"Boyfriend? Hindi pa ako magboboyfriend, kailangan ko pang yumaman para kila Nanay" Natawang sabi ni Lyra, pero seryoso siya doon. Pangarap niyang makitang maginhawa na ang kanyang Nanay.
"Magbo-boyfriend ka lang hindi ka mag-aasawa." Nakangiting sabi ni Richard na parang nag-iba na ang mood nito kumpara kanina.
"Ok sige bago ako magka-boyfriend kailangan matupad ang mga wish ko." Sabi naman ni Lyra na kahit wala naming wish may madahilan lang. "And your wishes?" tanong ni Richard sa kanya. Nag-isip ng masasagot si Lyra 'yung mga tipong imposibleng magawa at nakakatawa na lamang.
"Una, kailangan kong masabi sa tatay ko ang lahat ng pasasalamat ko." Panimula niya.
"He's dead Lyra." Sagot ni Richard sa kanya.
"Makialam ba. Pangalawa, gusto kong maka-catch ng falling star." Na napakimposible naman talagang mangyari kaya isang maikling "Goodluck " lamang ang naisagot ni Richard.
"Pangatlo, gusto kong makatikim ng snow sa Pilipinas." Patuloy ni Lyra sa kanyang mga imposible wish.
"Reality check, tropical country ang Pilipinas." Na nakahalata namang sobrang imposible na ng kanyang mga wish.
"Alam ko. Next, gusto kong maramdaman ang buhay ni Cinderella kahit isang gabi lang." ang bagay na iyon ay childhood wish niya talaga.
"That one is easy. Puwede kang pumasok na kasambahay sa amin anytime." Biro ni Richard na ikinatawa nilang dalawa.
Lalo naman silang nagtawanan ng sagutin iyon ni Lyra. "Puwede? Sige pag-iisipan ko. Last, gusto kong dumami ang buwan. Bakit kasi iisa lang siya sa gabi?" Talagang napunta na sa pagiging imposible ang mga wish
niya.
"Kasi ang pangit kapag maliwanag sa gabi at madaming buwan." Sagot naman ni Richard sa wish niyang iyon.
"Weh, maganda kaya." Pilit ni Lyra sa binata.
"Tara, let's celebrate." Aya sa kanya ng binata.
"Para saan?"pagtatakang sabi niya.
"Para sa pagiging old maid mo." Pangaasar ni Richard sa kanya sabay nagtawanan ulit sila.
Nagtawanan silang dalawa ng natigilan si Lyra. Eto na naman ang pakiramdam na binibigay sa kanya ng binata. Nasisiyahan siya na hindi niya maintindihan, pero alam niyang hindi dapat mangyari iyon. Agad niyang iniba ang kanilang usapan.
"Umm baka hinahanap ka na ng girlfriend mo."paalala ni Lyra sa kanyang kasama.
"Why? Selos ka?" seryosong sabi ni Richard kay Lyra.
"Sira! Alam mo retarded ka talaga." tawa nilang dalawa.
"She's not my GF. She's a family friend." paliwanag ni Richard sa kasama.
"Eh bakit kasi hindi ka pa mag-girlfriend" pilit ni Lyra sa kasama nito.
"Bakit gusto mo na bang maging girlfriend ko?"
*Sana hindi na lamang puro biro ang gabing ito* Sabi ni Lyra sa Sarili. Natahimik silang dalawa matapos ng biruang iyon. At naging seryoso ang usapan nila.
"Why are you avoiding me?" tanong ni Richard kay Lyra.
"Ha?" Umarte siyang hindi narinig ang tanong ng binata.
"Wala. Let's go back inside, that varsity player might be looking for you" tukso ni Richard sa kanya. Bago sila naghiwalay nung mga oras na iyon ay may pahabol pang sinabi si Richard.
"Lyra! You look breathtaking tonight" "Yun lang at tuluyan na silang naghiwalay.
Chapter 4: Ang pinakamanhid na babae sa balat ng lupa
Tanghali na nang nagising si Lyra marahil na rin ay dahil sa hatinggabi na rin natapos ang ball. Pumunta siya sa sala at nakita ang kapatid niyang si Botchok na nanonood ng TV. Umupo siya sa tabi nito at nagsimulang kulitin ang kapatid.
"Aba himala, wala ka sa laruan ngayon ah." habang ginugulo nito ang buhok ng kapatid.
"Naku ate, tigilan mo ako isusumbong kita kay Nanay." inis na sabi ng kapatid.
"Oh edi isumbong mo." pagmamalaki naman nito
"Kay Kuya Richard na lang kita isusumbong."gumanti na rin ng asaran ang kanyang kapatid.
"Feeling close!" sabay tawa ni Lyra.
"Aba oo naman." Tawa rin ng kanyang kapatid.
Sandaling natigilan ang kapatid at nag-isip ng malalim. Parang matanda talaga ang kapatid niyang si Botchok kapag nag-iisip.
"Ate, sinong gusto mo si kuya Luke o si kuya Richard?" tanong ng kapatid nito.
"Hoy! bata ka pa ha, kung anu-anong sinasabi mo. Saka naman kahit may magustuhan ako sa kanila himala na lang na magkakagusto sila sa akin." biro pa rin ni Lyra.
"Seryoso ate, si kuya Richard o si kuya Luke? Pili ka na lang ng isa. Yung mas lamang" pagpupumilit ng kapatid niya sa kanya.
"Si Luke, kagabi ko lang nakilala 'yon at saka pamangkin lang 'yun ni Ninang." paliwanag niya.
"E si Kuya Richard?" Nakangiting tanong ni Botchok.
"Si Richard? Maalaga siya, masarap kausap, tipong hindi mo napapansin ang oras kapag kausap....." Napansin niyang sa iba nakatingin ang kapatid lumingon ito at nakita si Richard.
"Don't stop now. Keep digging." biro ni Richard.
"Kanina ka pa? Sandali punta lang akong kusina" Nataranta si Lyra at aktong pupuntang kusina ng hawakan siya sa braso ni Richard.
"Dito ka lang." Pigil ni Richard sa kanya.
Sumunod na naman ang isang nakabibinging katahimikan. Hindi pa mababasag iyon kung hindi magsasalita si Botchok.
"Gusto mo ba ang ate ko?" tanong ni Botchok. Hindi nakasagot si
Richard sa pagkaprangka ng batang kapatid ni Lyra. "Ano? Oo o Hindi lang ang hirap pang sumagot. Ang weird niyo talagang matatanda." dugtong pa nito.
Lalong tumahimik ang dalawa. Tanging ang tunog na lang ng telebisyon ang naririnig ng mga ito. Napansin naman ni Lyra na may kinuha sa bulsa ng short ang kanyang kapatid at kinain.
"Hoy! Ano yang nasa bulsa mo?" Wika ni Lyra sa kapatid.
"Chocolates, galing kay Kuya Richard. Bigay niya kaninang dumating siya. Meron ka rin. Nilagay ko sa kwarto mo kanina. Ang lakas mo pa ngang humilik kanina."natutunaw sa kahihiyan si Lyra sa pagkaprangka ng kapatid.
"Kanina ka pa?" tanong naman ni Lyra sa binata.
"No, ngayon lang." Patay malisyang sagot ng binata.
Tila hindi naman nagustuhan ni Botchok ang sagot na iyon ni Richard at nakisali na naman siya sa usapan.
"Anong ngayon lang? Dito ka nga nag-agahan. Tingnan mo ate ang tiyaga ni Kuya Richard, kung ibang tao 'yan kanina pa umalis at sa lakas ng hilik mo kanina dapat sana tumakbo na 'yan pauwi" seryosong sabi ng kapatid
Bumaling naman ang kapatid nito kay Richard. Mukhang walang balak tumigil si Botchok sa pangungulit sa dalawa.
"May date ba kayo ngayon?" Tila masyado ng nagiging matanong ang kapatid nito. kaya't sinaway na siya ni Lyra.
"Hoy, pumasok ka nga muna sa kwarto." saway niya sa kapatid niya.
"Bakit magki-kiss kayo? Hindi ako titingin." Umarteng tinakpan nito ang kanyang mata ngunit nakikita pa rin nito ang dalawa sa pagitan ng mga daliri nito. "Kiss na, ang tagal."
Nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang dumating ang kanilang Ina galing sa palengke.
"Nay!"gulat na sabi ni Lyra.
"Magki-kiss sila. Wrong timing ka naman Nay.!" galit na sabi ni Botchok.
Nagulat naman ang kanilang Nanay sa sinabing iyon ni Botchok. "Girlfriend mo ba ang anak ko?" tanong naman ng Ina nito kay Richard.
"Naku naman Inay, nakakahiya sa tao. Hindi ho."Nais nang lumubog ni Lyra sa kinauupuan nito sa sobrang kahihiyan.
Hindi pa rin nagpapigil si Botchok at nagkwento pa rin sa kanyang Ina. "Pero may date sila ngayon." sinundan pa rin iyon ni Botchok kahit halata niyang naiinis na ang ate niya.
"Ah, nanliligaw pa lang si Richard. Eh hindi mo naman kasi nililinaw. Malay ko ba." Mukhang kumbinsido na ang kanyang Ina na may namamagitan nga sa kanila ng binata. Bumaling siya sa binata para hilinging tulungan siyang magpaliwanag.
"Ano ba? Magsalita ka nga diyan." galit na sabi nito kay Richard. Pero pawang mga ngiti lamang ang sinasagot ni Richard.
"Hoy, Lyra umayos ka nga nakakahiya sa tao." saway ng Ina niya sa kanyang anak. "Hindi mo naman kailangang mahiya na sa akin. Ganyan din kami noong kabataan ko. Ang hiling ko lang sana magtapos muna kayo ng pag-aaral. "Yang boyfriend-girlfriend na 'yan ayos lang sa akin 'yan. Pero wala munang magpapakasal ha. Ok lang ba yon, Richard." Paalala ng kanyang Ina.
Tumango lang ang binata sa sinabi ng Ina ni Lyra. Tumahimik na rin si Lyra, ayaw na niyang humaba ang usapan na iyon. Mula kasi sa simpleng pagbisita lang ni Richard ay napunta na ang topic nila sa kasalan at kung hindi pa siya tatahimik ay baka umabot pa 'yon sa pagkakaroon niya ng apo.
Makalipas ang maliit na sermon na iyon ay iniwan na sila ng kanyang Ina para makapag-usap. Si botchok naman ay nanatili sa upuan at nanonood ng telebisyon.
"Bakit ka nga ba nandito?" pagtatakang sabi ni Lyra "Wala namang lesson kahapon kasi nga Freshmen's ball at ang aga mong nagising. Umalis ako kahapon magkasama pa kayo ng date mo" patuloy ni Lyra.
"I knew it. Tinitignan mo ako kagabi." biro ni Richard. Tila napahiya naman si Lyra sa sinabing iyon ni Richard. Totoo naman kasing nandoon nakabaling ang kanyang paningin.
"Bakit, bawal ba? Sige next time hindi na kita titignan."sabi ni Lyra.
Nakitang muli ni Richard na nilalamon si Lyra ng insecurities nito.
"Ikaw rin, tinitignan ko kagabi. I wanted to ask you for a dance, but I'm afraid that basketball jerk won't allow you." paliwanag ni richard.
"Ayiee, naintindihan ko 'yon.""tukso ni Botchok sa kanilang dalawa.
"Nay, papasukin niyo nga sa kwarto si Botchok. Kanina pa 'to, ginugulo si Richard." pakiusap nito sa kanyang ina. Hindi na hinantay ni Botchok ang utos ng Ina. Pumasok na agad ito sa kwarto.
"Magki-kiss lang kase ayaw pang umamin." habang nagdadabog siya papasok ng kwarto.
Nang wala na si Botchok ay nagkaroon sila ng pagkakataong makapag- usap at sinabi na rin ni Richard ang kanyang tunay na pakay.
"Angkong will be celebrating his 78th birthday next week. Sana makapunta ka." paanyaya ni Richard sa kanya.
"Heto na naman tayo. First of all, family gathering yan. I'm sure Chinese lang ang pwedeng magpunta d'yan. Susunod wala nga akong damit" dahilan niya.
"Here we go again, that's the same reason you said to me about freshmen's ball, but when that guy asked you to be his date you immediately found a way to make it last night. Lyra this is not a formal occasion. Angkong plans to invite a few people, I asked him if I can invite you and he gave me his approval without any hesitation." Halatang may pagkairita sa salita ng binata.
"Bakit hindi mo na lang i-invite yung ka-date mo kagabi?" tanong ni Lyra.
"Gotcha! Nagseselos ka nga." biro ng binata. "Crush mo ako ano?" nakangiting patuloy ng binata.
"Suggestion lang, nagseselos na agad. May pagka-OA lang? At bakit naman magseselos, may date din ako kagabi. Feeling mo naman ikaw lang."
Para namang nainis si Richard sa sinabi ng dalaga.
"So ano nga. Sasama ka ba o hindi?" galit na si Richard ilang beses na niyang nahahalatang pinagtutulakan siya ni Lyra.
"Sige pag-iisipan ko." naramdaman niyang may galit na sa tono ng pananalita ni Richard. Kaya iba na ang sinagot niya.
Pero hindi kuntento si Richard sa sagot ni Lyra na iyon. Tumayo siya at nagpaalam na kay Lyra at sa Ina nito. Wala pang ilang minuto bago siya nakakaalis ay hinabol siya ni Botchok. Nadatnan niya ito na malapit ng umalis. Inabot niya ang isang kapirasong papel na nakatiklop.
"Ang papel baka makalimutan mo. Sayang ang pagod ng pagpunta mo."wika ni Botchok
Inapiran nito si Botchok at mukhang tuwang-tuwa.
#
Ang susunod na pagkikita nila ay nangyari na sa loob ng University.
Inabot ni Richard ang invitation ng kanyang Angkong kay Lyra.
"Bakit may invitation pa? Akala ko ba pili lang ang pupunta?" tanong ni Lyra na halatang nag-aalala kung sino sino ang darating sa birthday party na yon.
"I just made that up since you won't say yes to a personal invitation sol decided to make it formal." giit ni Richard.
"Naku Richard, hindi nga ako sigurado. Marami akong gagawin." Dahilan na naman nito kahit wala naman talagang gagawin.
Hindi na pinilit ni Richard ang gusto niya.
"Do you have other things to do after your last period?" tanong ni Richard sa kanya.
"May tutoring session tayo mamaya." Sagot ni Lyra sa kanya.
"No, I mean after the lesson." paglinaw ni Richard.
"Uuwi,"
"So, you are free after the session?"klaro ni Richard.
Mukhang may balak ito at tinatanong si Lyra kung may lakad ba pagkatapos nito. Tanging tango lang ang naisagot ni Lyra sa kanya.
"Ihahatid kita ha? You can't say no!"sinigurado na niyang hindi makakahindi sa kanya si Lyra.
"Ano to sapilitan? Sige na nga" pagsangayon niya dito. Ang gusto naman palagi nito ang nasusunod. Pumapayag na lamang siya para wala nang maging diskusyon sa pagitan nilang dalawa.
#
Natapos ang last period at ang tutoring session nila. Halatang may kakaiba kay Richard pero hindi niya malaman kung ano bang bago sa binata at iba ang saya nito.
"Let's go?" anyaya ni Richard.
"Saan?"gulat na tanong ni Lyra.
"Di ba, I told you na ihahatid kita?" Paalala ni Richard sa dalaga.
Naglakad sila patungong parking area. Kahit na palagi n'ya namang nadadaanan ang lugar na iyon tuwing uuwi siya ay ngayon lang talaga siya namalagi doon. Nadatnan nila doon si Emil na halatang kanina pa naghihintay.
"Sakay na po, Ma'am" magalang na sabi ni Emil.
"Ma'am ka diyan. Gusto mong masipa?" pagbibiro naman ni Lyra. "Sir ano ba tong girlfriend niyo? May pagka-Amazona talaga" nakipagbiruan na rin si Emil.
Nailang naman si Lyra sa sinabi ni Emil, tiningnan niya ang paligid at puno iyon ng estudyante.
"Huy! Marinig ka ng iba, maniwala pa mga 'yan." saway ni Lyra kay Emil.
"Who cares? Let them hear it. As if they can do something about it." mayabang na tugon ni Richard na halatang pinaparingan ang mga tao sa paligid.
Namula si Lyra, naramdaman niyang handa siyang ipagtanggol ng binata. Matagal-tagal din bago niya naramdaman ang bagay na iyon. Ang pakiramdam na ligtas ka, na kahit anong gawin mo ay alam mong ayos lang dahil may nagbabantay sa'yo. Inalalayan pa s'ya nito pagpasok sa sasakyan. Ramdam na ramdam niya ang maiinit na kamay ng binata.
Habang nasa biyahe sila ay naipit sila sa isang mahabang trapik. Hindi naman din talaga doon ang kadalasang dinadaanan ng sasakyan nila. Pero dahil sabi ni Emil na mas mabilis doon ay sumang-ayon na rin s'ya. "You wanna grab something to eat?" alok ni Richard sa dalaga. Medyo matagal na kasi sila sa trapik at baka nagugutom na ang kasama.
"Hindi na. Gastos lang yan" tanggi nito.
Sumabad naman ang driver sa kanilang usapan. Tila makwento talaga ang driver na ito at komportable agad kausapin si Lyra.
"Naku Ma'am Lyra. Ganyan talaga si Sir, maalalahanin" malinaw na binibida niya ang kanyang amo sa dalaga.
"Eh bakit ikaw puwede mo siyang tawagin na sir? Ako kapag tinatawag ko siyang ganoon, kulang na lang lamunin ako." pansin ni Lyra sa bagay na yon.
"Kasi nga Ma'am iba ang gusto niyang itawag niyo sa kanya." sagot naman ng drayber.
"Ano naman, Senorito?"biro ni Lyra.
"Hindi po, mas maganda raw kung beh!" sabay tawa ni Emil.
Natawa din si Richard sa sinabi ni Emil. "Don't mind him, he's just joking!" sabi niya kay Lyra habang nakangiti.
"Alam ko naman yon, hindi ako uto-uto." may emosyon na nakasama sa
salitang iyon ni Lyra.
"You're right, but I'm sure iba ang magiging reaction mo kung tungkol 'to sa varsity player na 'yon"
Katahimikan lamang ang naisukli ni Lyra sa sinabing iyon ni Richard. Ayaw na niyang sagutin iyon. Nasasaktan siya kapag tatawa lang ang binata sa mga biro sa kanila. Ano pa nga bang inaasahan niya? Na seseryosohin ng binata ang mga birong iyon eh biro nga lang iyon.
"Lyra, do you like him?" seryosong tanong ni Richard. Mababa ang boses nito at halata mo sa mga mata niyang naghihintay ito ng kasagutan.
"Bakit mo ba tinatanong? Wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko." Inis na sabi ni Lyra.
"You're right. I have no right to meddle with your life. But I wanna know." nagpumilit pa rin si Richard kahit na alam niyang naiinis na si Lyra.
"Wala nga di ba? Ilang beses ba kailangan ulitin?" Kitang kita mong nagbago ang mood ni Richard sa sagot na iyon ang seryoso niyang boses ay nawala na.
"Eh ako? Do you like me?" pahabol na tanong nito sa dalaga.
"Hindi pa ba tayo tapos sa biruan na yan? Hindi na ako sasabay ulit sa inyo." may pagbabantang sabi ni Lyra.
Umiwas sila ng tingin sa isa't isa. Tumingin siya sa side wind shield at pinanood na lang ang dinadaanang tanawin.
*Sana, kahit kaunti maging totoo ang biruan. Sabi ni Lyra sa sarili."SANDALI!!! Malayo na ito sa amin! Saan tayo pupunta?" nagulat si Lyra ng mapansin ang daan ay papunta ng ibang lugar.
Malayo na ito sa Novaliches na inuuwian niya. Lumiko ang sasakyan patungo sa isang exclusive village. Hinarang pa sila ng gwardiya bago papasukin,
"Manong, tulungan niyo ako kinidnap nila ako." pakiusap ni Lyra sa mga guard. Takang-taka naman ang mga gwardya sa sinabi ni Lyra.
"Ito? Kikidnapin ka? Ano ka ba naman Miss! Sige pasok na." sagot ng gwardiya sa kanya.
Patuloy na nagpupumiglas si Lyra. Hindi siya papayag na may mangyari sa kanyang masama ngayong gabing ito.
"Anong gagawin mo sa akin ha? luwi mo ako sa amin, walanghiya ka!"
nagwawala na si Lyra sa loob ng sasakyan ng binata.
"Sir pakalmahin niyo nga yang girlfriend mo." pakiusap ni Emil at nagugulo na ang kanyang pagmamaneho dahil sa gulo ni Lyra. Nainis lalo si Lyra sa sinabi ni Emil kaya sinuntok niya ito sa mukha.
"Hindi niya ako girlfriend, Ibaba niyo ako dito!" nagwawala pa rin si Lyra at hindi maawat ni Richard.
"Calm down! We're just going to have a dinner with Angkong" Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Lyra at natigilan siya sa pagwawala. Ano nga bang iniisip niya,may masamang balak sa kanya ang dalawang ito gayung nasa exclusive village siya?
"O, e hindi mo kasi nililinaw."
Parang nasaktan naman si Emil sa ginawang pagsuntok sa kanya ni Lyra. Hawak-hawak pa nito ang panga na tinaman kanina.
"Ano ba yan sir? Kakaiba talaga mga taste mo, ang lakas manuntok. Sigurado ka na ba dyan?" reklamo ng driver nito. Si Richard naman ay tatawa-tawa.
Ilang bahay din ang nalampasan nila bago nila narating ang bahay ni President Hwan. De-gwardya pa ang kanilang bahay. Pagpasok nila ng gate ng bahay ay tumambad kay Lyra ang isang napakagarbong bahay. Madetalye ang pagkakagawa ng bahay, Mediterranean ang style ng bahay na 'yon na pati ang pagkakalandscape ng paligid ay detalyado. Lalo siyang nanliit, mas lalong luminaw ang agwat sa pagitan nila ni Richard. Naisip niya tuloy kung ano bang ginagawa niya sa lugar na yon. Pagbaba nila sa sasakyan ay agad na nag-sorry si Richard sa kanya."Sorry, but ito lang naisip ko para sumama ka. Naging habit mo na rin kasi to say No to me. Why do you keep on pushing me away?"
"Richard, hindi mo kasi katulad, kaming mahihirap marami kaming dapat asikasuhin."
Isang malalim na buntong hininga lang ang sinagot ni Richard. Dumiretso sila sa dining table at nakita na naghihintay na roon ang Presidente.
"Magandang gabi ho, Mr. President." nahihiyang bati ni Lyra "At happy advanced birthday po." dugtong niya. Nangiti ang lolo ni Richard ng makita si Lyra na para bang matagal na niyang kilala ito.
"It is always a joy to see you Lyra, I'm glad you can join us." magiliw na bati ng matanda. "And thank you for being nice to my apo." patuloy pa
nito.
"Angkong, I'm starving. Let's have our meal first." pakiusap nito sa kanyang Lolo.
"Very well then, have a seat" anyaya ng Presidente sa kanila.
Kasalukuyan silang kumakain nang hindi mapigilang magtanong ng Presidente kay Lyra. "Lyra, kamusta ang tutoring niyo ni Richard?"
"Ok naman ho. Mabilis naman hong makaintindi si Richard." pagbibida ni Lyra kay Richard.
"Kamusta naman kayo?" tanong muli ng Presidente.
"Maayos naman ho ang pamilya ko..." dudugtungan pa sana ni Lyra ang sagot niya nang malaman niya na mali pala ang pagkakaintindi niya.
"No I mean kamusta kayo ng apo ko?" paliwanag ng matanda sa tanong
nito.
"Ho? Ok naman ho?" maikli niyang sagot
"Sinagot mo na ba?" usisa niya kay Lyra
"Angkong, you're asking way too many questions, let her eat." Si
Richard na ang sumagot sa tanong ng kanyang lolo.
"Magkaibigan lang po kami. Siguro ho kaya ganyan ang apo niyo sa akin kasi nakatuwaan niya lang ako." Paliwanag ni Lyra.
"I doubt that. Nag-organize pa nga siya ng special dinner, ayaw mo nga raw kasing umattend sa birthday ko." Sabi ng matanda habang nakatingin sa apo niya.
"Hindi naman ho sa ganoon. Mukhang hindi lang po bagay sa akin na nadoon" paliwanag ni Lyra
"That's the result when you watch too much teleserye." ani richard
#
Madali namang nakapalagayan ng loob ni Lyra ang Presidente. Nakita niyang normal na tao rin pala ito lalo na sa loob ng kaniyang bahay.
"Noong nabubuhay pa ang aking asawa ay mas simple ang selebrasyon namin ng birthday ko. Kuntento na akong nasasayaw ko siya sa gabi ng birthday ko. Napakasaya ng mga araw na iyon"
Nang biglang nagpatugtog ng kantang "Am I Blue" Ang kanyang Angkong na kinanta ni Billie Holiday. Nagulat si Lyra nang lumapit sa kanya si Richard at inalok siya ng sayaw. "Shall I have the honor of dancing this set with you?"
Inabot niya ang kamay ni Richard at tumayo. Pakiramdam ni Lyra ay bumagal ang takbo ng oras. Walang ibang nakikita, ni ang tugtog ng musika ay hindi na niya halos marinig.
*Sana humaba pa ang tugtog.* Wika niya sa sarili
Matagal din silang nagsayaw. Wala sa kanilang dalawa ang nakapansing tapos na ang kanta pero hindi pa sila nagbibitiw. Hindi pa sila maghihiwalay kung hindi magsasalita ang matanda. "Oras na para magpalipad ng lobo" wika ng matanda sa dalawa.
"Bakit magpapalipad ng lobo" pagtataka ni Lyra.
"It's a family tradition. We believe na pag ipinadala mo sa langit ang wishes, mas madali siyang magka-totoo." paliwanag ni Richard na nakangiti.
Lumabas sila patungo sa may garden ng bahay nila. "O picture muna!" Wika ng kanyang lolo
"One! Two! Three! Lipad!" Sabay-sabay nila yung binangit.
Pinagmasdan nila kung paano liparin ng hangin ang mga hiling nila para sa matanda. Nagtawanan sila. Nakita ni Richard na masaya noong gabing iyon si Lyra.
"Lyra! You are more special than you think you are. Stop feeding your insecurities. Nothing bad will happen to you as long as I'm here. I promise." Wika ni Richard kay Lyra.
Tila bumilis ang tibok ng puso ni Lyra sa sinabing iyon ng binata.
*Maari kayang mahal niya rin ako?* tanong ni Lyra sa kanyang sarili.
Chapter 5 Haba ng Hair
Nakauwi na sa bahay si Lyra pero nasa isip pa rin niya ang sinabing iyon ni Richard. Humiga s'ya at sinubukan niyang matulog pero kung anu- anong ini-imagine niya na pwedeng mangyari. Para bang may sarili siyang pelikula sa kanyang isipan. Naroon ang magkasintahan sila ni Richard at nagseselos ito, meron pang isa na nanliligaw ito.
*Naku ano, ba tong nasa isip ko. * inis na sabi ni Lyra sa kanyang sarili Tumungo siya sa harap ng salamin at tiningnan mabuti ang sarili.
*Hindi naman ako pangit. Siguro naman may pagkakataon na may naramdaman din siya sa akin, higit kaya yon sa pagiging magkaibigan lang? Pwede kayang mangyari na mahalin niya rin ako. * Kinakausap niya ang sarili niya ng pumasok sa kwarto ang kapatid niya.
"Ate nandito kanina si Kuya Luke. May dalang flowers, manliligaw yata. Kaya lang hindi tulad ni Kuya Richard walang dalang chocolates, aanhin naman natin ang flowers."
"Nanggaling kasi ako kila Richard. Nag-celebrate kami ng birthday ng Lolo niya, kaya medyo ginabi ako." paliwanag niya sa kapatid.
"Birthday? Maraming pagkain?" sabik na tanong nito.
"Marami, pero hindi gaya natin, karamihan sa pagkain eh panghapunan." Kwento pa nito sa kapatid.
"Gusto mo ba siya?" tanong na naman niya sa ate niya. "Kasi kung gusto mo siya sasabihin ko kay Kuya Luke h'wag nang umasa kasi may boyfriend ka na." dugtong pa nito. Walang preno ang bibig ng kapatid niya sa tuwing mag-uusap sila.
Nginitian nito ang kapatid pero pinili niyang huwag na lang sumagot. Tumabi ito sa harap ng salamin sa ate niya. "Ano bang tinitignan mo diyan ate? Hindi ka naman madalas nagsasalamin" pagtataka ng kapatid niya.
"Maganda naman ang ate, di ba?" tanong niya sa kapatid niya.
"Oo naman, wala namang pangit sa atin." sagot niya.
"Hindi, Isipin mo kung hindi tayo magkapatid, sa tingin mo maganda ba ako?" muli niyang tinanong ito.
"Trick question ba 'yan?" Natawa siya sa sagot na iyon ng kapatid niya.
Mayamaya pa ay pumasok ng kwarto ang kanilang ina. Nakita silang dalawang magkapatid na nakaharap sa salamin at sinamahan din sila. "Bakit kayo nandito?" tanong niya sa mga anak nito.
"Si Ate nagtatanong ng kung anu-ano." kwento ng kapatid niya sa nanay nila.
"Inay, sa tingin niyo kaya may magkakamaling umibig sa akin?" biro niya sa ina, pero seryoso ang tanong na iyon sa kalooban niya.
"Tungkol ba to kay Sir Richard?" tanong ng kanyang ina. Tumango na lamang siya sa tanong na iyon. "Anak, maganda ka. Maraming pwedeng magkamali sayo. Sabihin na natin na pwede namang mahalin ka ni Sir Richard. Kaya lang nag-alala ako na baka hindi iyon magtagal at masaktan ka lang. Bata pa kasi kayo." Paalala niya sa kanyang Anak. "Nay, hindi naman ho siguro masamang umasa. Malay nyo naman."
"Ah siya siya, baka gusto niyo nang maghilamos na magkapatid at ng matulog na" utos nito sa kaniyang dalawang anak gumagabi na rin kasi.
"Ate ang weird mo."" wika ni botchok sa kanyang ate habang nakatulala ito sa kawalan.
"Nga pala! Ang Ninang mo ay may bagong bukas na fastfood restaurant malapit sa University. Naghahanap siya ng mapagkakatiwalaan niya. Baka naman puwede ka?" Tanong pa ng kanyang ina.
"Sige ho Nay, pag-iisipan ko." Naisip niya na baka iyon na ang solusyon para malayo ang loob niya sa binata.
#
Nang mga sumunod na araw ay pilit na itinago ni Lyra ang kanyang nararamdaman sa binata. Mas pinili niyang mag-focus na lamang sa nalalapit na midterm exam. Humahanap siya ng tiyempo para magsabi sa President na magre-resign na siya bilang private tutor ni Richard. Pero nagi-guilty siya, walang silang ipinakita dito kundi kabaitan. Para namang lumalabas siyang walang utang na loob kung bigla na lang siyang aalis.
Isang hapon ay nagpahaging siya kay Richard sa kanyang desisyon.
"Mukhang okay ka na naman sa mga lessons mo, parang hindi mo na kailangan ng tutor." pahaging niyang sinabi sa binata. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa sagot nito. Kahit ano naman yata ay mukhang hindi pabor sa kanya.
"What made you say that?" tanong nito sa dalaga habang nakakunot ang noo.
"Maayos naman ang grades mo. Mataas naman. Kaya mo namang sagutan ang mga assignments mo kahit hindi ko na ipaliwanag sa'yo. So
ano pang gagawin ko?" paliwanag nito kay Richard.
Lumapit si Richard sa kanya. Tinignan siya nito sa mga mata. Iniwas ni Lyra ang kanyang mga mata, takot na mahalata na may nararamdaman na siya para sa binata.
"I still need you, believe me I need you." mahinang salita nito sa harap ng dalaga.
"Pero kasi, mas kailangan ako ni Ninang."dahilan pa niya. Lumayo siya sa binata. Ayaw niyang nalalapit dito lalo na kapag nag-uusap sila.
"Kailangan ka or that's your excuse to stay away from me? Ano bang kasalanan ko sa iyo? And I thought tapos na tayo sa mga differences natin" giit ni Richard
"Oo naman, hindi na nga kita inaaway di ba? Pero kasi....?" habang nagsasalita siya ay biglang sumulpot si Luke sa kanilang kinaroroonan ni Richard
"There you are. Sabi ng blockmate mo, dito raw kita makikita." nakangiting sabi ni Luke
"Buddy, you are not welcome here." Pormal na sabi ni Richard sa bagong dating na binata
"Don't worry, hindi ikaw ang pinunta ko dito kundi si Lyra." maangas na sagot ni Luke.
Lumapit ng husto si Richard kay Luke. "As you can see, we are still in the middle of something. Would you be so kind enough to leave?" sagot ni Richard na halatang irita na sa nangyayari.
"And as you can see, private tutoring is limited to an hour, Alam ko yon dahil may tutor ang lahat ng athlete dito. Ano to Overtime?" galit na sabi ni Luke. Hindi siya aatras dito kahit na sabihin pa niyang apo siya ng may-ari ng school.
"Tama na!" binaling nilang dalawa ang kanilang mga mata sa kinaroroonan ni Lyra at nakitang lumuluha na ang dalaga. Magulo na ang isip niya at dinagdagan pa iyon ng pagtatalo ng dalawa. Isinilid ni Lyra ang kanyang mga gamit sa bag at iniwan ang lugar na yon.
"Lyra, wait!" Sinubukan siyang pigilan ni Richard pero sa oras na yon hindi siya nagpapigil, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Naiipit siya sa sitwasyon.
Sa bahay nila ay nahalata ng kapatid niyang malalim ang kanyang iniisip. Kanina pa ito nasa sala ngunit nakatulala lamang siya.
"Ate may sakit ka?" pag-aalala niya sa nakatatandang kapatid.
"Wala naman. May iniisip lang ang ate" sabay tipid siyang ngumiti sa kapatid.
"Gusto mo si Kuya Richard ano?" tanong ni Botchok sa kanyang ate. Tinanguan niya ang kapatid sabay ngumiti ulit ito.
"Kapag gusto mo isang bagay kunin mo, kapag ayaw e di huwag." paliwanag ng kapatid, napaka-simple pa talaga ng tingin nito sa buhay. Bagay na kinaiingitan minsan ni Lyra, walang gaanong komplikasyon o kahit anupaman. Gagawin lang ang mga bagay na gusto.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pintuan nila.
"Tao po!" Boses pa lamang ay alam na ni Lyra na si Richard iyon.
"Ayan na ate, sabi sa'yo 'wag mong isipin eh." wika ng kanyang kapatid na tuwang-tuwa. Binuksan ni Lyra ang pinto at nakita roon ang binata. Inanyayahan niya ito sa loob ngunit nakiusap si Richard na kung maari ay sa labas na lamang sila mag-usap.
"Bahala ka malamok diyan.!" sabi niya sa binata.
"Peace offering ulit." Sabay hagis ng binata sa regalo niya sa dalaga. Nabigla si Lyra sa hinagis ng binata ngunit nasapo pa rin naman niya iyon.
"Ano to bato?" pagtataka ni Lyra sa hinagis ng binata.
"Kasing tigas ng ulo mo!" biro ng binata. Binawi niya ang bato sa kamay nito at ibinigay ang isang white gold na bracelet sa dalaga. "I'm sorry" maikling sabi ng binata habang isinusuot nito ang bracelet sa dalaga.
"Mahal to, ano ka ba. Hindi pwede." Akmang tatanggalin ni Lyra ang bracelet na iyon pero hindi pumayag ang binata. Niyaya niyang umupo ang dalaga sa isang bangko at doon sila nag-usap.
"That's a Thank You gift."
"Para saan? May bayad kaya yung tutoring ko sa'yo. Hindi libre 'yun ano." biro naman ng dalaga.
"You save me Lyra. Just when I thought that this world has nothing good to offer to me, dumating ka. And now you're telling me na iiwan mo ako. Ano ka ba!" seryoso niyang pagkakasabi dito.
"Drama ha. Tumigil ka nga."wika ni Lyra, na sinusubukang pagaanin ang kanilang usapan.
"No. Ikaw ang tumigil. I felt the weight of the whole world when my
parents died last year. I questioned God, uttered blasphemous oaths and thought that life is a piece of shit. But then you came, ikaw, nawalan ka rin. But instead of giving up, lumaban ka pa. And I said to myself na I have to do the same thing." Paliwanag niya sa dalaga.
"Eh kasi naman...." Sasagot sana ang dalaga ngunit pinutol siya ni Richard
"Don't leave me! I'm begging you don't leave me. I am not sure kung kailan ako makakatayo sa sarili ko, pero h'wag mo muna akong iwanan. Please?"
Nakita ni Lyra ang takot ni Richard sa mga mata nito. Hindi niya alam na ganito pala kalakas ang impluwensiya niya rito. Nagpasya siyang hindi muna iiwan ang binata hangat hindi nito natatanggap ang pagkawala ng magulang niya. Alam niya ang takot na yon, naramdaman din niya iyon noong namatay ang kanyang ama. Pero hindi niya tulad, naroon ang kanyang ina at kapatid para umalalay sa kanya samantalang si Richard wala. Tumango ang dalaga, tanda ng pagsang-ayon niya na hindi niya muna iiwan ang binata.
Inakbayan siya ni Richard. "Picture muna. Para maalala mo kapag nagdesisyon kang iiwan mo ako"
Tiyempo namang dumating ang kaniyang ina, at nakita si Richard at Lyra sa labas. "O e bakit nandiyan kayo sa labas? Hala pumasok sa loob at makahain na. Dito ka na rin maghapunan Richard." alok ng kanyang ina sa binata.
"Ano bang ulam, Nay? Baka naman hindi kinakain ni Richard yan?" tanong niya sa kanyang Ina na may halong pag-aalala na baka hindi magustuhan ng kanilang bisista ang ihahain nila.
"Contrary to what most people believe, mas marami ang
mapangmatang-mayaman kaysa sa matapobre. Ano naman tingin mo sa amin, magrereklamo pa after alukin ng meal?" Paliwanag niya kay Lyra.
Napahiya si Lyra sa sinabing iyon ng binata. Totoo naman ang sinasabi niya, madalas niyang ikumpara ang buhay nilang mahihirap sa mayayaman. Madalas niyang tingnan na iba sila kaysa sa kanya, gayong mukhang wala namang pakialam si Richard kung anong estado nila sa buhay.
"Kanina ka pa hinahantay ng ate! Ang tagal mo." Sabay tayo ni Botchok sa kanyang kinauupuan at napansin ang bagong bracelet ng ate. "Huwaaaw! Ate ang ganda naman niyang bracelet mo, bigay ni Kuya
Richard? Malakas na pagkakasabi ng bata na narinig ng kanyang Ina. "Tingnan ko nga?" Nagulat ang ina sa suot ng anak niya, alam niyang mamahalin iyon. "Baka naman kung ano-anong pinapabili mo kay Richard, mahiya ka namang bata ka" galit na sabi ng kanyang ina.
"Hindi po, gift ko po sa kanya 'yan. Pa-thank you na rin po." Mabilis na sagot ni Richard na nag-aalalang baka mapagalitan pa si Lyra ng dahil sa kanya.
"Sa akin wala kang pa-thank you?" sabay tawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Botchok.
"Hala sige, upo na sa mesa at kakain na"
#
Kinabukasan sa loob ng campus aligaga ang mga estudyante at parang may darating na isang kilalang tao sa University. Kahit sa loob ng classroom nila Lyra ay umabot na ang balitang iyon.
"I heard darating daw ang childhood sweetheart ng apo ni President Hwan." wika ng ka-blockmate ni Lyra na hindi maiwasang marinig niya. Lumapit si Denisse sa kanya at tinanong siya nito tungkol sa kumakalat na balita.
"I'm sure may alam ka. Share naman some info." pag-uusisa nito sa kanya.
"Wala akong alam. Hindi ko na trabahong tanungin siya sa mga pribadong bagay." Sagot niya kay Denisse. Pero nais niya ring malaman ang tungkol doon. Matapos ang sagot niyang iyon ay umalis na si Denisse. Nang makita niyang wala ng nakatingin sa kanya ay agad niyang hinubad ang bigay na bracelet ni Richard at itinago iyon sa kanyang bag. Mayamaya pa ay dumating na ang prof at nagsimula na ang klase.
Lunchbreak na nang nakalabas ng COSE building si Lyra. Nandoon si Luke at naghihintay sa labas. Nilapitan siya nito nang walang pag- aalinlangan.
"Lyra! Invite sana kita na manood ng basketball match." Walang kagatol-gatol na sabi nito.
"Ha? Sayang ang pambili ng ticket, ano ka ba?" dahilan ni Lyra kay Luke.
"Hindi naman kita bebentahan ng ticket, may extra ticket ako. Nood ka lang. Pasok kami sa final four." pilit nito kay lyra. "Weekend naman siya. And besides alam ko naman na required sa mga freshmen na manood ng basketball match." dugtong pa niya, para hindi na makahindi pa si
Lyra. "Gusto ko lang nasa lugar ka na makikita kita" sabay abot ni Luke ng ticket kay Lyra.
Kinuha ni Lyra ang ticket at nagpasalamat na rin kay Luke. Umupo sila sa isang bench na malapit sa kanila. Iba ang pakiramdam niya tuwing kasama niya si Luke. Kalmado ang pakiramdam niya, hindi tulad ni Richard na naiilang siya na baka kung anong sabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Pero si Luke ay isa lamang kaibigan at sigurado siyang hindi na hihigit pa doon ang tingin niya dito.
"I like you Lyra. I don't know kung napapansin mo pero gusto kita." pagtatapat ni Luke kay Lyra. Tahimik lamang si Lyra, hindi niya alam kung anong isasagot dito dahil na rin siguro sa respeto niya sa kanyang Ninang. "Say something Lyra, may pag-asa ba ako?" nakangiting sabi ni Luke ngunit halatang kinakabahan.
"Hindi ko alam kung anong isasagot sa iyo, Luke" wika ni Lyra.
"Dump him!" Nagulat si Lyra sa nagsalita sa kanilang likuran. Kanina pa pala naroon si Richard at nakikinig sa usapan nila.
"Pare, wag kang makialam dito." inis na sabi ni Luke.
"Lalayasan ko ulit kayo." Pagbabanta ni Lyra sa dalawa. Biglang natigil ang dalawa sa salitang iyon ni Lyra. Umupo silang tatlo sa bench at nagpasyang pag-usapan iyon ng mahinahon.
"You told me bawal ka pang mag-boyfriend, remember?" paalala ni Richard sa kanya.
"Then I'll wait. Sabihin mo lang kung may pag-asa ako." Sagot ni Luke sa sinabing iyon ni Richard. Hindi naman makasagot si Lyra sa usapan ng dalawa. Tila naiipit siya sa dalawang ito.
Nang biglang may dumating na isang lalaki at kinausap si Luke
"Luke, pinapatawag ni Coach lahat ng members ng basketball team." wika kay Luke ng isang matangkad na lalaki. Mukhang miyembro rin ito ng basketball team dahil sa pangangatawan nito. "Later na lang Lyra, kapag wala ng istorbo. Sana may sagot ka na" sabay alis ni Luke sa lugar na iyon.
Nang maka-alis si Luke ay nakapag-usap si Lyra at Richard. Hindi pa rin naalis ang inis na nararamdaman nito kay Luke.
"Why didn't you dump him?" mukhang galit si Richard na hindi nakasagot si Lyra sa tanong na iyon ni Luke. "And nasaan ang bracelet that I gave you. Why aren't you wearing it?" puna ni Richard kay Lyra.
"Sandali nga, naguguluhan ako. Pamangkin siya ni Ninang. Hindi
ganoong kadali 'yon, malaki ang utang na loob namin kay Ninang. At yung bracelet na iyon tinabi ko." paliwanag niya sa binata. Pero bakit nga ba siya nagpapaliwanag sa binatang nasa harap niya ngayon, kailan pa ba ito nagkaroon ng karapatang pangunahan siya? Pero hindi na siya nakipagtalo pa rito, bakas mo sa mukha ni Richard ang pagkainis, siguro na rin ay dahil sa hindi maganda ang naging una nilang pagkakakilala ni Luke.
Sinubukan na lamang ibahin ni Lyra ang usapan, para man lang umaliwalas ang mukha ng binata. "Darating daw ang childhood sweetheart mo? Pinag-uusapan sa buong university ha." Pinilit ngumiti ni Lyra habang itinatanong ang bagay na iyon.
"Don't you dare change the subject. Sino ba siya sa iyo?" tuloy pa rin sa pagatatanong si Richard sa nangyari kanina.
"Ang sungit mo ba? Kinakabahan ka siguro kasi darating yung girlfriend mo? Sabi mo sa akin wala ka pang girlfriend." Mukhang walang mararating ang usapan nila. Tinatanong siya ni Richard kung anong plano niya tungkol kay Luke. Tinatanong naman Ni Lyra si Richard tungkol sa paparating na kababata nito.
"She's not my girlfriend. Eh si Luke?" maikling sagot ni Richard. Hindi niya alam ngunit parang natuwa siya sa sagot na iyon ni Richard.
"Sus hindi raw Girlfriend, baka liligawan mo pa lang?" nagmumukha na siyang tsismosa sa mga pinagtatatanong niyang iyon kay Richard.
"Bahala ka nga!" nagalit nang patuluyan si Richard at iniwan siya sa lugar na iyon. Umakyat na rin siya ng building at pumunta sa next period niya. Habang nakaupo siya sa loob ng room ay nag vibrate ang cellphone niya. All Caps ang message na iyon na galing kay Richard "WALK YOUR TALK! SABI MO BAWAL KA PANG MAGBOYFRIEND!"
#
Natapos ang maghapon ni Lyra. Papalabas siya ng building ng salubungin siya ni Richard.
"Sa bahay tayo magtututor." Sabi ni Richard sa kanya.
"Ang layo ng bahay niyo ha. Dito na lang sandali lang naman eh." pilit nito sa binata.
"Okay then, sa bahay niyo." hindi na siya makatanggi, kinuha na ni Richard ang gamit niya at isinakay sa sasakyan na naghihintay na sa harap ng COSE building. Para siyang kinikidnap ng binatang ito.
Nanatiling tahimik ang dalawa sa biyaheng iyon.
"Nangangamoy LQ." wika ni Emil.
"Ano bang naisip ng amo mo at bigla-biglaan na lang kung magdesisyon" naiiritang sabi ni Lyra.
"I wanna see your brother. Mas masaya sa bahay niyo" dahilan ni Richard sa kanya.
"Kung tungkol "to kay Luke, sige matigil ka lang, kakausapin ko na yung
tao na huwag ng umasa. Palagi namang ikaw ang nasusunod di ba? Utusan lang naman kasi ang tingin mo sa akin." galit na sabi niya sa binata.
"I never looked at you that way, Lyra. Eto na naman tayo sa self-pity at insecurities mo." Hindi na sumagot si Lyra matapos ang sinabing iyon ni Richard. Pagdating nila sa lugar nila Lyra ay agad bumaba si Lyra. Nauna siya sa paglalakad sa eskenita, wala siyang pakialam kung sumusunod pa ba ang binata sa kanya. Direderetso siya hanggang sa makarating sa kanilang bahay. Tinungo niya ang kwarto at agad sinara iyon. Wala pa roon ang nanay ni Lyra, tanging si Botchok pa lamang na gaya ng nakagawian ay nanonood ng TV.
Umupo si Richard sa tabi ni Botchok. Hindi na niya muna kinatok ang dalaga at alam niyang galit ito.
"Nag-away na naman kayo?" tanong ni Botchok sa Kuya Richard niya.
"No, may hindi lang maintindihan ang ate mo."sagot niya sa bata.
"Paano yan? E di hindi ka na n'ya love?" usisa pa ni Botchok kay Richard.
"Hindi ako love ng ate mo. Tuwang-tuwa nga yan kapag nagagalit ako eh" sagot ni Richard.
"Love ka kaya niya kahapon." Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto nila Lyra.
"Hoy Botchok ha! gugupitin ko ang dila mo. Pasok sa kwarto!"sermon nito sa kapatid nito.
"Hindi pa tapos ang pinapanood ko. Mamaya na!" inis na sabi ng bata. Lumabas na lamang si Lyra sa kwarto, nag-aalala siyang baka kung ano pang maikwento ng bata.
"Love mo raw ako kahapon?" tanong ni Richard sa dalaga habang nakangiti. Hindi alam ni Lyra kung ano ang idadahilan sa binata.
"Nagpapaniwala ka naman sa batang yan. Chocolate mo lang ang gusto niyan."dahilan niya dito. Pero muling sumagot si Botchok dahil hindi
nagustuhan ang sinabi ng kanyang ate.
"Ay hindi ako sinungaling ah!" galit na sabi ng bata sa kanyang ate. Hiyang-hiya si Lyra sa pinagsasasabi ng kanyang kapatid. Hindi na dapat siya nagsabi dito dahil alam niyang walang preno ang bibig nito.
"So, love mo nga ako kahapon?" pagpupumilit pa rin ni Richard sa dalaga.
Pinilit ibahin ni Lyra ang usapan. "Nasaan ba ang mga notebook mo nang makauwi ka na?" ramdam na ramdam ni Lyra ang init sa kanyang mukha. Mukha yatang umakyat na ang lahat ng dugo sa kanyang mukha.
"You're blushing." Nakangiting sabi ni Richard sa kanya.
"Natural yan. Nasan na nga ang assignment mo?" pagpupumilit ni Lyra sa kanya.
"Tapos na ang assignment ko." sagot ni Richard sa kanya.
"O E di umuwi ka na."utos ni Lyra dito
"Na-miss ko ang kapatid mo, mag-uusap pa kami." pilyong sagot nito kay Lyra.
"Umuwi ka na!" halos ipagtabuyan ni Lyra si Richard.
"Where's your Mom? She wouldn't like it if nalaman niyang you treat your visitors like this." pang-aasar niya dito.
"Wala ang Nanay dito, mamaya pa ang uwi. So umuwi ka na." wika niya habang hinahatak ang kamay nito.
Habang nagtatalo sila ay hindi na nakapagpigil si Botchok sa ingay ng dalawa.
"Ang ingay naman!" asar na sabi ni Botchok sa dalawa na ikinatahimik ng mga ito. Para silang napahiya sa sinabi ng bata. Tiningnan ni Richard si Lyra ng matagal.
"Ngayon ba love mo pa rin ako?" Seryosong tanong ni Richard kay Lyra. Wala ng halong biro ang boses niya ng mga oras na iyon. Naghihintay na ito ng seryosong sagot mula kay Lyra.
Chapter 6 His Childhood Sweetheart
Hindi nakasagot si Lyra sa tanong na iyon. Para bang nagdikit ang kanyang mga panga at hindi niya maigalaw iyon. Kahit ang buong katawan niya ay walang kagalaw-galaw.
"Ano na? Silence means YES," dagdag pa ni Richard.
Dinig na dinig ni Lyra ang tunog ng dibdib niya sa sobrang kaba. Mukhang hindi titigil ang binatang ito hangga't hindi siya nakakasagot.
"Basta ako, mahal kita." Biglang sagot ni Richard kay Lyra. Hindi maipaliwanag ni Lyra ang nararamdaman. Hindi niya na rin alam kung ano ang isasagot. Ang dami nang tumatakbo sa isipan niya pero wala siyang masabi. "But I am well aware na ayaw mo pa magboyfriend, So I am willing to wait." Nakangiti pa niyang sabi niya sa dalaga.
"Ayie. Pakipot pa si ate." Tukso ni Botchok na kanina pa pala nakikinig sa kanila.
"Pero naka-reserved ka na sa akin ah! Bawal ka na sa iba." Dugtong pa ni Richard.
"Sabi ko sayo eh, mahal ka ni Ate." Panunukso ulit ni Botchok. Si Lyra naman ay napapikit na lamang.
"Sige na, umuwi ka na. Wala ka na palang kailangan sakin eh." Pilit na itinutulak ni Lyra si Richard palabas ng kanilang bahay. Nang makarating sila sa labas ng bahay ay hinawakan niya sa kamay si Lyra,
"I'll pick you up tomorrow." Sabi nito at tuluyan na ngang umalis. Napailing na lamang si Lyra at pumasok na sa bahay.
"Anak, gising na." Ginigising na siya ng kaniyang Ina.
"Mamaya na po. Maaga pa eh." Saad naman ni Lyra pero hindi siya tinantanan nito.
"Nandyan na ang sundo mo sa baba. Mahiya ka naman." Doon dali- daling napabangon si Lyra, napasapo siya sa noo.
*Si Richard? Tinotoo niya ang sinabi niya?* Sabi nito sa sarili at iniwan na ang higaan. Nagmadali siyang maligo at magsipilyo. Nagbihis na rin siya ng kanyang uniporme at bumaba na.
"Good morning." Bati ni Richard sa kanya pagkababa nito.
"Ah, good morning. Kumain ka na? Bakit mo pa kasi ako sinundo eh." Sabi naman ni Lyra at naghanda ng almusal.
"Yes, kumain na ako. Hintayin na lang kita." Sabi naman nito.
"Ay hindi Sir Richard, kumain ka na dito. Pamilyar naman sa iyo 'yung almusal namin ngayon." Sabat ng kanyang Ina. Natawa si Lyra sa sinabi ng kanyang Ina, 'pamilyar' talaga ang sinabi. Sa huli ay kumain na rin si Richard. Hindi pa naman talaga siya nag-almusal dahil nais niyang maagang sunduin si Lyra ngayon.
"Ate, ang ganda mo ngayon ah." Bati ni Botchok sa kanya pagkababa niya sa kwarto. Sinuri-suri pa nito ang mukha ni Lyra, "Himala. Wala kang muta o panis na laway." Dinuduro-duro pa ni Botchok ang mukha niya,
"Botchok! Nasa harap ng hapag-kainan." Pagsasaway ng kanilang Ina. Nilingon naman ni Botchok ang katabi ni Lyra,
"Kaya pala. Nandito pala ang mahal mo. Kaya ka pala nagpaganda." Sabi niya at kinurot siya ni Lyra sa tagiliran. Ngumisi na lamang si Richard at nag-apir sila ni Botchok.
"Hey, I brought some chocolates." Sabi ni Richard at dali-daling kumuha sa bag nito. Iniabot ito kay Botchok.
"Ate kasi sagutin mo na si Kuya Richard." Pang-aasar pa nito. Napapailing na lamang si Lyra at minadali ang pagkain. Pagkatapos kumain ay lumabas na siya ng bahay,
"Nay, mauna na ho ako." Paalam nito.
"Hoy Lyra! Hintayin mo naman si Sir Richard." Dali-dali namang hinabol ni Richard si Lyra.
"Where are you going? Let's get in the car." Sabi ni Richard habang hawak ang kamay ni Lyra. Magsasalita pa lamang siya pero nakaladkad na siya ni Richard sa loob ng kotse nito.
"Goodmorning." Bati sa kanya ni Emil.
"Good morning din." Ngumiti si Lyra kay Emil.
Makaraan ang maikling biyahe, nakarating naman sila sa eskwelahan nang tahimik dahil na rin siguro sa busog sila. Pagdating doon ay agad na bumaba si Richard sa kotse.
"Wait. Let me open it for you." Pagpigil ni Richard kay Lyra sa pagbukas ng pinto ng kotse nito. Lumabas siya at siya nga ang nagbukas ng pinto para kay Lyra. Nag-init ang mukha ni Lyra sa ginawang iyon ni Richard pero hindi niya ito ipinahalata.
"Salamat." Sabi niya rito at nauna na sa paglalakad.
"Wait. Sabay tayo." At saka siya inakbayan ni Richard hanggang sa makapasok sila sa gate. Naririnig ni Lyra ang mga bulungan sa paligid.
"Bakit nakaakbay si Richard sa kanya?" "Magkasama sila? OMG." "Pigilan niyo ko! Sumosobra na yang babaeng yan!" Napayuko na lamang si Lyra at inialis ang kamay ni Richard sa balikat nito. Nagulat si Richard sa ginawa ni Lyra,
"Why?" Nakakunot pa ang noo nito. Ayaw niyang titigan ang mga mata nito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili.
"Hindi kasi pwede." Maikling sagot ni Lyra sa binata. Tumingin-tingin si Richard sa paligid at mukhang nahulaan ang dahilan ni Lyra. Hinigit niya ito palapit sa kanya at inakbayang muli,
"I told you, don't feel small. I'm just here." Parang natunaw ang puso ni Lyra sa sinabi ni Richard. Maya-maya ay narinig niyang nagtilian ang mga estudyante,
"Ang ganda niya!" "Siya na ba yun?!" Awtomatikong napalingon sila sa likuran nila. Lumapit sa kanila ang isang napakagandang dilag. May pagka chinky-eyed ito at makinis ang kutis. Maputi at may magandang ngiti. Habang tinitingnan ni Lyra ito ay nanliit siyang muli sa sarili.
"Tiffany?" Pagtatanong ni Richard sa kaharap nilang babae.
"Yes. It's me. It's been a while Richard. How's life?" Pangangamusta naman ni Tiffany.
"Life is fine. What brought you here?" Sabi naman nito. Papalayo na sana si Lyra sa kanila, "Ah, she's Lyra. My special friend. Lyra, si Tiffany. Kababata ko." Pagpapakilala ni Richard sa isa't isa. Nagkamayan naman ang dalawa,
"Nice to meet you." Bati nila sa isa't-isa. Napayuko na lamang si Lyra. Iniisip nito na mas bagay talaga silang dalawa ni Richard. Mabait din naman pala ito.
"Hey, where's your Angkong? I want to see him." Saad ni Tiffany. Malapit na kaibigan ng pamilay ni Tiffany ang pamilay Hwan kaya't hindi katakataka na ganoon na lamang ito ka-kaswal na kausap si Richard. Nagmadali silang puntahan ang opisina ni President Hwan. Habang papunta sila ay pansin mo ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa.
Sa loob ng opisina ay parang nailang si Lyra, pakiramdam niya ay hindi siya bagay sa usapan ng dalawa. Matagal na hindi nagkita ang dalawa at dapat lamang siguro na magkaroon sila ng oras na silang dalawa lamang.
"Richard, mauuna na ako. May klase pa ako eh." Sabi ni Lyra at papaalis
na.
"No, stay here. Don't leave please." Nakatingin sa kanya si Richard na parang sinasabi talaga nito na h'wag siyang umalis. Tumango na lamang siya at nanatili sa tabi ni Richard. Umupo silang dalawa sa sofa ng opisina habang hinihintay si Tiffany. Sandali kasing pumasok sa loob ng opisina si Tiffany upang kausapin si President Hwan.
"Maganda siya." Biglang sabat ni Lyra.
"Huh?" Tanong naman ni Richard.
"Bakit hindi mo siya ligawan? Mabait siya, parang magaan din naman kasama."patuloy pa ni Lyra
"But I only like her as a friend" Pagtatapos ni Richard. Mababakas mo ang inis sa paraan ng pagkakasabi niya. Nagbuntong-hininga na lamang si Lyra.
Nabalot sila ng katahimikan, ni isa sa kanila ay ayaw ng magsalita. Nakatingin na lamang si Lyra kay Richard, pasalamat siya at nakayuko ito. Nagsisimula na naman siyang makaramdam ng kakaiba. Ganito naman palagi kapag kasama niya ang binata.
"Hey, let's go outside." Napabaling agad ang tingin niya nang nagsalita na si Tiffany.
"Pero, class hours na kasi. Kanina pa ako late." Sabi ni Lyra na siya lang ang nakarinig. Pero narinig pala siya ni Richard,
"Uh, can we just go after class?" Tanong ni Richard kay Tiffany.
"Nah-uh. Angkong said yes already. And I want to go, as in now. Don't worry, Angkong said that he will handle the consequences. So, let's go?" Nagkatinginan si Lyra at Richard,
"It's okay. Ako na ang bahala. Come with us." Nakangiti na ito sa kanya. Masaya rin si Richard sa sinabi ni Tiffany na lalabas sila ng school, nasa isip niya kasi na mas mahaba na ang oras na makakasama niya si Lyra. Napadpad sila sa milk tea shop hindi kalayuan sa school nila. Umorder na din silang tatlo ng milk teas nila. Si Richard at Tiffany, caramel milk tea ang inorder samantalang inorder ni Lyra ay 'yung Milk Tea with Herbal Jelly.
Nag-uusap si Tiffany at Richard habang nakatingin lamang si Lyra sa kanila pero ibinaling niya ang atensiyon sa milk tea, ngayon lamang siya makakatikim nito, pangalan pa lang kasi, pangmayaman na.
"Bakit ganito? Lasang lupa?" Sabi ni Lyra nang matikman niya yung milk
tea.
"Gusto mo yan eh." Malamig na sagot sa kanya ni Richard. Natahimik siya at pinagmasdan na lang ang dalawa habang pilit na iniinom ang milk tea.
Naisip niya na dapat hindi na rin siya nagreklamo tutal libre lang naman ito sa kanya. Napansin ni Lyra na masaya silang nag-uusap. Pinagkukuwentuhan nilang dalawa yung nakaraan nila. Kung kamusta na ang Guangxi, ang pamilya ni Tiffany at nagkwento naman ito. Laking Hong Kong si Tiffany ngunit kailangan nilang lumipat sa Guangxi upang ipagpatuloy ng kanyang ama ang business ng kanilang pamilya. Yun na rin ang dahilan kung bakit bigla silang nagkalayo ni Richard. Una silang nagkatagpo ni Richard sa Pilipinas during their early primary education. Mahaba-haba na rin ang naging daloy ng usapan, umabot na rin sila sa punto na kailangan nilang gamitin ang sarili nilang lengguwahe. Ni wala nang maintindihan si Lyra. Kahit ang nararamdaman niya ng oras na iyon ay hindi na niya maipaliwanag. Para siyang kinakain ng lupa habang nakamasid sa kanilang dalawa. Makita pa lang niya si Richard na ganoon kasaya kausap si Tiffany na parang diwata, sobrang nanliit siya. Hindi niya makita na ganoong kasaya ang binata kapag kasama niya ito. Naalala niya ang mga bulung-bulungan kanina sa school nila pagkakakita sa kanila ni Richard at pati ang mga papuri ng mga tao kay Tiffany. Nagseselos siya kahit alam niyang hindi dapat at hindi niya rin alam kung bakit. Marahil ay dahil mahal na nga niya si Richard.
Mayamaya pa ay tumugtog ang kantang "Jie Kou ni Jay Chou" na nagpangiti sa dalawa.
"Remember this song?"Masayang tanong ni Richard kay Tiffany.
"Of course, that song was playing when I was about to leave Hong Kong and move to Guangxi" sagot ni Tifa sa kanya.
Masyado ng na-out of place si Lyra, gumawa siya ng dahilan para makaalis na lamang sa dalawa.
"I have to go." Nagpaalam si Lyra upang tumungo sa kaniyang second period. Ayaw na niya talagang ma-miss iyon.
"Huh? Why are you leaving?" pagtatakang tanong ni Richard sa kanya. "Yeah, you have to stay here with us." Pagsang-ayon ni Tiffany.
"Pero strict ang prof ko ng second period. Scholar lang din naman ako nila Richard, ayoko naman bigyan sila ng dahilan para tanggalin sa akin
'yun." Magalang niyang pagtanggi sa imbitasyon ng dalawa.
"Well, if you insist." masayang tugon ni Tiffany habang hawak hawak ang kanyang milk tea.
"Tara samahan na kita." wika ni Richard sa dalaga.
"No. Ngayon lang kayo ulit nagkita. Ok lang ako. Siguro mas maganda na mag-usap muna kayo." Tanggi ni Lyra sabay talikod nito.
"Yeah, she's right. She can probably find her own way." Sagot naman ni Tiffany. Paglabas niya ng tea shop ay nilingon niya ang binata. Hindi iyon nakatingin sa kanya, hindi gaya ng dati na alam niyang nakatingin ito sa kanya habang papalayo siya kahit nakatalikod siya. Tiningnan niya rin ang kaibigan nito, talagang napakaganda niya. Naglakad siya papalayo sa shop. Papasok sa kanilang campus. Ngunit hindi gaya ng sinabi niya kila Richard na pupunta siya sa second period ay dumiretso siya sa lady's room. Pumasok siya sa isa sa mga cubicle at sinara ito. Gusto niya sanang sumigaw ng may narinig siyang pumasok sa loob ng powder room.
"She's really something, bagay na bagay sila ni Richard." ayaw sanang makinig ni Lyra sa usapan na iyon, pero ano namang magagawa niya.
"Yeah, unlike that dark-skinned girl na buntot ng buntot sa kanya, nagmumukha na siyang pathetic, wala ba siyang pakiramdam?" Sabi pa ng isang boses ng babae.
"Mataas yata ang pangarap sa buhay. Hindi naman sa minamaliit ko ang mahihirap, pero sana alam niya ang lugar niya. Siguro naman naturuan siya ng kanyang Mom ano."
Tumulo na ang luha ni Lyra sa narinig. Pero nagdesisyon siyang huwag lumabas. Lalo lamang siyang mamaliitin ng mga ito. Kakayanin niya kung ano man ang sasabihin sa kanya, pero hindi ang hamakin ang kanyang Ina. Tinakpan niya ang kanyang bibig habang umiiyak, ayaw niyang marinig siya ng mga ito.
"Alam mo bang na-feature si Tiffany sa isang European magazine, dahil sa galing niya sa pagtugtog sa violin ng contemporary classical music? heard nagperform pa siya in one of the most prestigious gathering of musicians. Ang galing-galing niya talaga." Pagkamanghang sabi pa ng isang babae.
"I'm sure kung wala yung jologs na girl na 'yun. Sila na ni Richard ngayon. I mean hello? The dark skinned jologs girl compared to a goddess" Sabay tawanan nila.
"Huy let's go na" nagmamadaling sabi ng isa, eventually ay lumisan din sila sa powder room.
Lumabas si Lyra sa cubicle at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi niya pa rin mapigilan ang pag-iyak. Habang tuloy lang ang pag-agos ng mga luha niya ay biglang may pumasok na mga babae sa lady's room. Mukhang nagulat pa ang mga ito sa pagkakita kay Lyra na umiiyak.
"Naiwan ko ang powder ko" wika ng isang babae na hindi naman kagandahan at ang kapal ng make-up. Dali-dali rin itong lumabas. Narinig pa ni Lyra ang usapan nila sa labas.
"Nandyan pala yung girl sa loob, narinig yata tayo." wika ng isa sa kanila.
"Who cares? Totoo naman ang sinabi ko and I'm sure alam na rin niya 'yon sa sarili niya." Sagot naman ng isa.
Buong hapon na hinanap ni Richard at Tiffany si Lyra. Hindi niya ito makita. Hindi naman din daw ito pumasok buong araw na lalong ipinagtaka niya. Alalang-alala na ang binata kay Lyra. Pumunta siya sa likod ng building kung saan madalas silang magkita ngunit wala pa rin ito doon. Napaupo siya sa pagod sa bench na nasa ilalim ng puno nang mapansin nilang dalawa ni Tifa si Lyra, naglalakad at mukhang pauwi na ito. Hinabol ni Richard si Lyra at sumunod naman si Tiffany.
"Where have you been?" tanong ni Richard sa dalaga ngunit hindi ito sumagot. "Do you have any idea kung gaano ako nag-alala?" may pagkainis na saad ni Richard sa dalaga. "Tinanong ko ang mga blockmate mo pero hindi ka naman daw pumasok buong araw. What is wrong with you?"
Hindi na napigilan ni Lyra ang sarili at napasigaw na lamang siya,
"Ayoko na!" wika ni Lyra. Napatingin sa kanya ang mga tao doon pati na rin sila Tiffany at Richard.
"Okay, I'll stop asking questions na, ihahatid na rin kita." Sabi sa kanya ni Richard.
"No, you don't understand. Ayoko na. Gusto ko nang bumalik sa dati 'yung buhay ko, walang inaalala kung sino ang nakatingin sa akin." Naluluhang paliwanag pa niya. Nagulat si Richard sa sinabi niyang iyon.
"What do you mean?" pagtatakang tanong ni Richard habang naginginig pa ang boses niya.
"You know what I mean. Wag ka nang magkunwaring wala kang lam. Hindi tayo puwede. Mas bagay kayo ni Tiffany." Patuloy ni Lyra.
"I get it, you're jealous. You don't need to be jealous..." Pero hindi na naituloy ni Richard ang gusto niyang sabihin, pinutol agad iyon ni Lyra.
"Hindi ito tungkol sa selos, tungkol ito sa akin. Habang kasama mo siya, nakita ko kung gaano tayo kalayo sa isa't-isa. Naiintindihan ka niya, samantalang ako hindi ko maintindihan ang kagaya mo. Namulat ako sa ganitong buhay, simple lang." Paliwang niya sa binata.
"Stop! Eto na naman tayo sa comparison mo ng mayaman at mahirap." Seryosong sabi ni Richard.
"Pero totoo yon!" Sagot niya sa binata.
"And, I don't give a damn." Galit na si Richard.
Mataas na ang tono ng boses niya. Hindi niya alam kung dahil sa paniniwala ng dalaga o sa takot niya na baka mawala ito sa kanya. Hindi na napigilan ni Lyra ang luha niya. Sinubukan siyang pakalmahin ni Richard ngumit lumayo ang dalaga,
"Ayoko na! Kinakain ako ng insecurities ko habang kasama ka. Lalayo na ako sa iyo at sana hayaan mo na ako." Pakiusap ni Lyra habang lumuluha ito.
"But you can't, you promised me that you're not gonna leave me. Don't do this to me Lyra." Tumulo na rin ang luha ni Richard. Alam niyang desidido ang dalaga sa sinasabi nito.
"Pagod na ako Richard. Kapag kasama kita, parang buong mundo nakatingin sa akin. Huhusgahan ako sa lahat ng kilos ko. Lahat dapat perpekto." Pakiusap ni Lyra kay Richard. Alam niyang nasasaktan ito sa mga sinasabi niya ngunit hindi na niya kinaya na paliit nang paliit ang tingin niya sa sarili niya.
"But, I don't want you to be perfect. I appreciate you just the way you are." Pagpupumilit pa rin ni Richard.
"Ako! Gusto kong maging perpekto para sayo. Ako ang may problema. Tama na! Ayoko na!" Tumakbo siyang palayo pero hinabol siya ni Richard.
Naiwan doon si Tiffany at ang mga usyusero na narinig ang lahat. "The show's done! Okay?" Sabi nito sa mga tao sa paligid at umalis na rin. Naabutan ni Richard si Lyra sa gate ng school nila,
"Hey, don't do this to me. Let's talk." Sabi nito sa dalaga pero hindi siya pinansin nito. Nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo papalayo sa binata.
"Lyra!" Sigaw ni Luke pagkakita nito kay Lyra na tumatakbo habang umiiyak,
"Anong nagyari?! Lyra!" Pero tulad ni Richard, ay hindi niya rin ito
pinansin. Nasalubong ni Luke si Richard na tumatakbo rin, pinigilan na niya ito,
"Hindi mo dapat pinaiyak si Lyra," nakita na lamang niyang hinabol na ni Luke si Lyra. Wala na siyang nagawa pa.
Chapter 7 Widening The gap
Inabutan ni Luke si Lyra sa labas na ng campus. Hinawakan niya ito
nang mahigpit. Nadurog ang puso niya nang makitang namumugto ang mata ng dalaga.
"Bakit kasi, hindi na lang ako?" tanong ni Luke sa dalaga. Hindi
nakasagot si Lyra, napayakap siya kay Luke at umiyak siya ng husto.
Niyakap siya ng mahigpit ni Luke. "Hindi kita sasaktan, bigyan mo lang ako ng chance."
Ngunit walang maisagot si Lyra, tuloy-tuloy lang ang pag-iyak niya.
"Let's go Lyra, ihahatid na kita." anyaya ni Luke sa kanya.
Halos hirap na hirap siyang maglakad kulang na lamang ay ilakad pa rin siya ni Luke. Bakit nga ba hindi na lamang ang lalaking ito ang mahalin niya, kung mapipilit nga lang naman ang sarili na mahalin ang isang tao ay mas pipiliin niya si Luke. Matiyaga itong naghihintay sa kanyang mga desisyon at hindi yung sunod sunuran lamang siya.
#
Makalipas ang ilang sandali ay narating na nila Luke at Lyra ang bahay nito. Sa buong biyahe ay walang ginawa ang dalaga kundi ang magbuntong hininga at ang umiyak.
"Luke, pasok ka muna sa bahay. Kape nga lang ang mai-offer ko sa yo" Nangiting sabi niya.
"Huwag ka na lang iiyak, ok na sa akin." biro ni Luke.
"Wala 'yon, naawa lang talaga ako sa sarili ko. Medyo may pagkatanga lang kasi" sagot ni Lyra sa kanya. Bumaba si Luke sa sasakyan at umupo sila sa upuan sa labas ng bahay nila.
"Masyado mo kasing inuubos ang oras mo sa mga taong hindi ka naman handang ipagtanggol." Pag-aalinlangang sabi ni Luke.
"Pero kasi, sabi niya mahal niya ako." muling nanginig ang boses niya pagkasabi noo.
"O iiyak ka na naman. Sinasayang mo ang luha mo sa kanya. May pakialam kaya siya? Paano ka niya mamahalin ng lubusan kung
hinahanap pa niya ang sarili niya. Alam sa buong school ang pagkamatay ng parents niya. Sa tingin mo sa pinagdadaanan niya sa pagkawala ng magulang niya, may oras pa siyang isipin ka?" paunawa ni Luke sa kanya. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang dalaga, nasasaktan siya sa tuwing makikitang malungkot ito. Naiinis siya na ang babaeng handa niyang mahalin nang lubusan at ibigay ang lahat-lahat ng kanya ay pinaiiyak lamang ng iba. Pakiramdam ni Luke ay walang
karapatan ang kahit na sinong paluhain ang babaeng mahal niya. "May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Luke sa kanya.
"Wala naman, magpapahinga. Parang napagod ako ng buong araw." Sagot naman ni Lyra sa kanya.
"Napagod? Weh. Sinilip kita sa COSE building kanina at tinanong kita sa blockmate mo. Hindi ka naman daw pumasok. Ikaw ha nag-cutting ka pa." Biro sa kanya ni Luke. Natawa naman si Lyra. "Sama ka sa akin."aya sa kanya ni Luke.
"Saan naman?"
"Basta."
Mula sa likod ay dumating ang kapatid niyang si Botchok. "Saan kayo pupunta? Sasama ako." Sabi ni Botchok sa dalawa.
"Ikaw pasulpot-sulpot ka lagi para kang laman lupa." Gulat na sabi ng ate niya.
"Ok, bud. Sama ka, para hindi na makahindi ang ate mo." Sabay hatak ni Luke sa kamay ng dalaga. Sumunod na rin si Botchok matapos ikandado ang pinto ng bahay nila. Para puntahan ang nakaparadang kotse sa may labasan.
#
Matagal-tagal din ang biyahe nila dahil sa trapik. Nainip na nga si Botchok na paminsan-minsan ay hinihinto ni Luke ang sasakyan upang maibili ng makakain ang dalawa, kahit pampalipas oras lang. Maggagabi na nang makarating sila sa Manila Bay.
"Na late na tayo. Anyway hindi naman iyon ang pinunta natin dito. Sandali lang" muling pinaandar ni Luke ang sasakyan. Nilagay niya iyon sa lugar na walang gaanong tao.
"Ano namang gagawin natin dito?" tanong ni Lyra kay Luke.
"Kakain tayo, tapos papalipas ng sama ng loob."
Bumaba na sila sa sasakyan. Pumunta sila sa lugar na walang tao. Pinagmasdan nila ang malulam na gabi at ang ingay ng dagat.
"Alam mo, kapag may sama ako ng loob pumupunta ako sa lugar na ito, walang gaanong tao. Nakakapag-isip ako nang maayos. Tapos isisigaw ko yung mga bagay na gusto kong sabihin. Wala namang gaanong makakaalam. Wala namang nakakakilala sa akin dito." Wika ni Luke.
"GUSTO KO NG ISANG BAG NA CHOCOLATE" sigaw ni Botchok. Nagulat
silang dalawa sa ginawang iyon ng kapatid sabay nagtawanan sila. Habang tumatawa si Lyra ay napatingin si Luke sa kanya, bigla siyang sumeryoso at sumigaw siya
"MAHALIN DIN SANA AKO NI LYRA!"natigilan si Lyra sa sinigaw na iyon ni
Luke. Para namang nahiya si Luke sa ginawa niya, pero hindi niya pinagsisisihan iyon, ang mahalaga ay narinig ni Lyra ang gusto niyang sabihin.
"GUSTO KO NG MARAMING PAGKAIN" direderetso pa rin sa pagsigaw si Botchok.
"O ikaw naman! Isigaw mo lang Lyra." Pilit sa kanya ni Luke.
"PAGOD NA PAGOD NA AKONG MASAKTAN!!!" "GUSTO KO NG MAGING NORMAL ULIT ANG BUHAY KO!!!" "GUSTO KO ULIT MAGING INVISIBLE" Nag crack ang boses ni Lyra sa huli niyang sigaw na iyon. Hindi niya napigil ang sarilli. Si Luke naman ay iniwas ang mata sa dalaga at hindi napigilan ang tumulo ang luha. Nasasaktan din siya. Mahal talaga niya ang dalaga. Napa-upo si Lyra sa isang bato, lumapit ang kapatid niya at niyakap siya nito.
"Ate, kung masasaktan ka lang kay kuya Richard, iwasan mo na lang siya. Mas nahihirapan kami kapag nasasaktan ka. At saka kumain na tayo. Nakakapagod sumigaw."
Natawa si Luke sa sinabi ni Botchok, tuwing bibisita kasi siya kay Lyra ay lagi siya nitong hinahanapan ng chocolate at ngayon ay puro pagkain pa rin.
"Paanong hindi ka magugutom puro pagkain lang ang nasa isip mo." Natawa na rin si Lyra.
Kailan ba naging kumplikado ang buhay niya at iba na ang inisip niya. Dati naman ay pagkain lang din ang nasa isip niya. Kumain na sila sa isa sa mga stall na malapit sa Bay Park. Masaya sila habang
pinagmamasdan ang makukulay na liwanag. Sa mga oras na iyon pansamantalang nalimutan ni Lyra ang sakit na nadarama.
"Pagkatapos nito, kailangan umuwi na tayo." Paalala ni Luke sa kanila.
"Bakit?" tanong ni Botchok na mukhang nag eenjoy sa ginagawa nila.
"Kasi may laro pa bukas si Kuya Luke at si Ate Lyra naman manonood ng laro ni Kuya Luke bukas" paliwanag ni Luke sa kanya.
"Ah okay."sagot ni Botchok sa kanila.
Nang gabing iyon naghiwalay sila na masaya si Lyra. Gumaan ang loob niya sa ginawa ng binata. Wala sana siyang balak panoorin ang laro nito bukas pero nagdesisyon siyang suportahan ito matapos siyang madamayan nito.
Maagang dumating si Lyra sa venue ng game nila. Nag-iisa lamang si Lyra sa labas at walang kasama habang hinihintay na magpapasok sa loob ng stadium. Maya-maya ay biglang nagsigawan ang mga fans nang may bumabang tatlong lalaki sa kotse. Si Luke iyon kasama ang 2 seniors niya. Ang dami palang fans ni Luke, sa totoo lang ay wala naman talagang hilig si Lyra sa basketball kaya hindi niya alam na ganito pala kasikat si Luke. Tuluyan nang pinagkaguluhan si Luke ng mga babae roon habang kumukuha ng selfie kasama siya. Napansin siya ni Luke na nasa malayo at nag-iisa.
"Lyra! What are you doing there? Dito ka!" tawag sa kanya ni Luke.
Nag-alangan siyang lumapit at baka masampal lang siya ng mga fans nito. Sa huli ay lumapit na rin siya, ayaw naman niyang isipin na pa- importante pa siya at si Luke pa ang lalapit sa kanya.
"Wala kang kasama?" tanong ni Luke sa kanya.
"Wala eh. Ok lang naman ako." mabilis niyang sagot kay Luke.
"Ano bang ok lang, may ok lang ba na nag-iisa?" biro sa kanya ni Luke.
"Sama ka na lang sa mga supporters ng team. Mababait yan. Hindi nangangagat" sabay tawanan ang mga taong nandoon.
"Tara sama ka na lang sa amin, malungkot mag-isa ah." pilit sa kanya ng isa sa mga babaeng nandoon, na nakasuot pa ng tshirt na may
nakasulat na "SUPER ROOKIE LUKE".
"Oy, alagaan niyo yan ha, special sa akin yan." paalala ni Luke sa mga supporters ng team sabay tinukso silang dalawa ng mga fans ng team.
Parang bumilis ang tibok ng puso ni Lyra sa ginawang iyon ni Luke. Hindi kasi tulad ni Richard na hahayaan lamang ang mga taong pinagtitinginan sila, si Luke ay tinulungan siyang i-welcome at hindi kainisan ng mga taong gusto siya.
#
Nagsimula ang laro at maganda ang pinapakita ng bawat koponan. Maganda rin ang pinapakita ni Luke. Madalas niya ring naririnig ang pangalan ni Luke na sinisigaw ng mga tao doon. Kahit hindi siya fan ng larong basketball ay kinakabahan din siya, dahil na rin siguro sa dala nila Luke ang pangalan ng school nila. Nang dumating ang halftime ay nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-usap ng mga supporters ng
team.
"If I'm not mistaken, ikaw 'yung palaging kasama ng apo ng President di ba?" tanong ng isa sa kanila.
"Boyfriend mo ba siya?" tanong pa ng isa sa kanila. Hindi niya naman
alam ang isasagot sa sunod-sunod na tanong sa kanya.
"Hindi ko siya boyfriend, private tutor niya ako. Pandagdag gastos din kasi 'yun sa bahay, kailangan namin 'yon." Sagot na lamang niya.
"Ah, kaya pala. So, si Luke ang boyfriend mo? Haba ng hair mo ha puro campus crush ang nali-link sa'yo" biro ng isa.
"Hindi rin, pamangkin siya ni Ninang." Paliwanag muli ni Lyra.
"Denial Queen ka ha. Ok lang naman sa'min iyon. Kung gusto ka ni Luke, happy kami para sa inyo." Sagot ng isa pa "Saka nakita ko kayo noon sa Freshmen's Ball, kayo ang magkadate." dugtong pa nito.
Mayamaya pa'y nagsimula na ang second half at nagsimula na ring lumaki ang agwat ng team ng school nila sa team ng kalabang school. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao doon. May pagkakataong kinakabahan si Lyra dahil na rin sa gaspang ng laro. Minsan ay nagkakaroon pa ng sikuhan at ilang beses ding natumba si Luke. Hindi pa kasi ganoong ka develop ang kanyang mga muscles compared sa mge seniors ng kalaban. Pero matatag si Luke at nagpatuloy lamang sa laro, halatang masaya siya o inspired sa larong ito. Higit 20 points na ang nagagawa niya sa larong ito.
Di nagtagal ay tumunog na ang buzzer, hudyat na tapos na ang laro. Panalo ang team nila, at idineklarang best player si Luke. Isang maikling interview ang ginawa ng court side reporter sa kanya.
"A lot of them noticed, that you are in great shape today, ano ang iba sa iyo ngayon?" tanong ng courtside reporter ka Luke.
"Siguro kase nasa final four na nga kami, kailangan mas galingan pa namin, no room for mistakes. Saka may inivite akong manood, ayaw ko namang mapahiya." Sagot niya sa tanong nito.
"Anong ma-i-expect namin sayo sa mga next matches pa?" tanong pa ng reporter.
"Ano lang mas gagawin ko 'yung best ko para maka-contribute sa team." Sagot muli nito.
Malinaw namang napanood nila Lyra at kasama nito ang interview ni Luke sa giant screen.
"O, deny ka pa ng deny. Super concern si Luke sa'yo." wika ng isa. "So kung hindi pa kayo, nanliligaw siya sa'yo. Sagutin mo na kaya." Sinegundahan pa iyon ng isa.
Hindi naman makasagot si Lyra at nag-isip ng paraan kung paano maliligaw ang mga isip ng mga kasama sa bagay na iyon.
"Ah...tapos na yung match, mag-uwian na tayo. Yehey! Tapos na. Winner tayo." sinubukan niyang ibahin ang usap.
"Anong uuwi? Hintayin natin sila Luke, papapicture tayo"!
Matiyaga nga silang naghintay sa labas. Maya-maya pa'y dumating na ang mga players lumapit ang mga supporters at kinongratulate nila ang mga players pati na si coach.
"Luke!" Tawag ng coach niya sa kanya, "Sino ba sa mga girls na 'to ang in-invite mo?" dugtong pa ng coach niya sa tanong.
"Coach ayun 'yung nasa malayo" sagot ng isa sa mga seniors. Nasa medyo kalayuan kasi si Lyra, hindi na siya lumapit dahil sa dami ng tao, alam naman niyang pagod ang mga players.
"Anong name?" Muling tinanong si Luke ng coach nila.
"Lyra po coach!" magalang na tugon ni Luke.
"Lyra! Iha!" tawag ng coach niya
"Coach, baka takutin niyo, hindi na bumalik 'yan." Nag-aalalang sabi ni Luke.
"May sasabihin lang ako, napaka-paranoid mo." Wika ng coach niya.
Nagulat naman si Lyra sa tawag ng coach ng team.
"Ako po?" tanong ni Lyra, na tila hindi makapaniwala.
"Yes, Iha ikaw." Sagot nito.
"Bakit po?" Lumapit si Lyra sa Coach na nagtataka. Nang nasa malapit na siya ay tiningnan siyang mabuti ng coach na parang sinusuri.
"Aba't may taste pala ang abnormal kong rookie ah. Maganda siya at simple Pilipinang-Pilipina! Ganyan ang tunay na ganda hindi kailangan ng kahit anong kolorete sa katawan."puri ng coach niya.
"Coach naman! Wag niyo nga akong tawaging abnormal."pakiusap ni Luke sa Coach nito na mukhang nahihiya.
"Lyra, sana palagi kang manonood ng match namin. Iba ang energy ni Luke kapag nandyan ka eh."" Wika ng coach nila
"Oo nga naman, hyper si Luke kapag nandyan ka." sabi pa ng isang senior na pamilyar ang mukha. Hindi alam ni Lyra kung anong isasagot doon.
"Uwian na!" biglang salita ni Luke, para lamang maiba ang ihip ng hangin. Napansin niya kasi na naiilang si Lyra sa usapang iyon.
"Hindi ka ba sasama sa amin magcelebrate?" tanong ng coach nila.
"Hindi na! Ihahatid ko muna si Lyra." sabay tukso sa kanya ng mga teammates niya.
"Ayiieee" ang lakas ng pagkakasabi ng team pati ng fans,sabay tawanan ang mga ito.
"Kaya ko namang umuwing mag-isa, sumama ka na lang sa kanila" wika ni Lyra.
"Hindi na, hindi na siya sasama sa amin. Ihatid mo siya Luke, hindi magandang umuuwi ng mag-isa lalo na't kasing ganda mo" biro ng Coach nila.
Matapos ang biruan na iyon ay humiwalay na sila Lyra at Luke sa team. "Nakisakay lang ako kila Kuya Ali kanina, ok lang mag-commute?" tanong ni Luke sa dalaga. Natawa naman si Lyra sa sinabi ng binata. "Araw-araw akong nagco-commute bakit hindi magiging ok?" sabay natawa silang pareho. Huminto nang pagtawa ni Luke at pinagmasdan ang tawa ni Lyra.
"Buti naman at nakakatawa ka na." Masayang sabi ni Luke.
"Tara na nga umuwi na tayo" natigil sa tawa ni Lyra at nagyaya ng
umuwi.
"Mamaya na, kain muna tayo. Gutom na ako" pakiusap ni Luke kay Lyra.
"Ok, pero wala akong dalang pera ha, pamasahe lang ito." nagpauna na si Lyra dahil hindi naman talaga siya nagdala ng excess na pera.
"Para namang pagbabayarin kita." natatawang sabi ni Luke.
Dumiretso nga sila sa isang fast food restaurant at kumain.
"Thanks ah!" sabi ni Luke.
"Para saan? Eh ikaw nga ang nanlibre sa akin." Tanong ni Lyra sa kanya. "Yung mere presence mo sa game kaya ginanahan ako sa laro." Wika ni Luke sa kasama. "Umm..." May gusto sanang sabihin si Luke pero nag- aalinlangan siya.
"Bakit?" taka naman ni Lyra.
"Ano.... kasi..." paputol putol na salita ni Luke
"Sabihin mo na! Medyo maarte lang ha" tukso ni Lyra kay Luke.
"Hindi ka ba nag-alala sa akin kanina nung nasisiko ako?" tanong ni Luke. Walang maisagot si Lyra sa kanya, gusto niyang sumagot ngunit baka hindi naman magustuhan ng binata ang isasagot niya. Ayaw niya rin itong saktan matapos itong magmalasakit sa kanya. "Di bale na
h'wag mo na lang sagutin" alam rin ni Luke na hindi pa handang sagutin iyon ni Lyra. Nagbakasakali lang sya na baka may konting puwang siya sa puso ng dalaga.
Matapos noon ay inihatid na niya ang dalaga sa bahay nila.
#
Dumating muli ang araw ng Lunes. Mabigat ang katawan ni Lyra dahil papasok na naman siya sa school na 'yon. Kailan lamang ay sobrang excited siya sa pagpasok doon pero eto ngayon at medyo natatakot na siya. Pero wala siyang choice kundi mag-ayos at pumasok sa school. May mataas siyang pangarap at hindi makakatulong ang lovelife niya doon.
Mayamaya pa ay dumating na si Lyra sa school, nag-aalinlangan pa siyang pumasok ng makita si Luke na matiyagang naghihintay sa labas ng gate para sumabay sa kanya sa pagpasok.
"Anong ginagawa mo dito bakit hindi ka pa pumasok?" tanong ni Lyra kahit medyo alam naman niyang nandoon ito upang alalayan siya. "Hinihintay ka. Tara sabay na tayo pumasok."yaya sa kanya ni Luke. Nakahinga nang maluwag si Lyra, hindi na siya nag-iisang papasok. "Teka. Naalala ko lang." biglang sabi ni Lyra habang naglalakad sila. "Ano yon?" tanong ni Luke sa kanya.
"Abnormal na rookie ba talaga ang tawag ng coach mo sa iyo" sabay natawa si Lyra sa kanyang tinanong. Natawa na rin si Luke, kahit gusto niyang sabihin na expression lang ng coach niya 'yun, hinayaan niya na lang kasi napapatawa noon si Lyra.
"What do we have here?" nagulat sila ng may magsalita sa kanilang harapan. Si Richard 'yon na pinapanood sila kanina pa. "Ayos ka rin ano varsity boy, ang galing ng timing mo! At talagang ngayon pa na may problema kami ni Lyra." galit na galit na sabi ni Richard.
"What are you saying? Una sa lahat ikaw ang nagpaiyak kay Lyra at 'yung mga taong kagaya mo hindi deserving para sa kanya.", galit rin si Luke, matagal na niyang kinikimkim ang galit na iyon.
"Huwag dito ang daming nakatingin. Please huwag kayo magtalo dito.", takot na takot na sabi ni Lyra.
"You're right Lyra. Let's go." Hinawakan ni Luke ang kamay ni Lyra at niyaya ng umalis.
"GET YOUR FILTHY HANDS OFF HER!", sigaw ni Richard kay Luke. Hinawakan ni Richard ang kabilang kamay ni Lyra.
"Lyra, let's go. We need to talk." Sabi sa kanya ni Richard.
"Ano bang problema mo? Ayaw ka nga niyang kausap, di ba? Ayaw na niya, sinabi niya na 'yon sa yo. Mahirap bang intindihin 'yon?", sabay tinabig ni Luke ang kamay ni Richard at nawala yon sa pagkakahawak niya kay Lyra.
Hindi na nakapagpigil si Richard at sinuntok si Luke. Gumanti naman ng suntok si Luke at nagsimula silang magpambuno. Nagulat si Lyra sa nakita, hindi niya na magawang awatin ang dalawa. Napaupo na
lamang siya sa stone bench at doon umiyak. Natigil ang dalawang nag- aaway ng awatin sila ng mga school guard at ng makita nilang umiiyak si Lyra. Lumapit silang pareho kay Lyra.
"Sana naman hindi dito." Naluluhang sabi ni Lyra.
"I'm sorry.""wika ni Richard
"Yeah we're sorry." Dugtong pa ni Luke. Matagal din silang natahimik hangang magsalita si Lyra.
"Aalis na ako" wika niya sa mga ito.
"Let's go," sabay na wika ng dalawang binata habang parehong nakalahad ang palad nila. Hindi makapagdesisyon si Lyra kung kaninong kamay ang kukunin sa taong mahal niya ngunit nasasaktan siya o sa taong mahal siya at umalalay sa kanya.
Chapter 8: Tiffany Resolve
"Itabi niyo ang mga kamay niyong 'yan. Oras ng klase ngayon at nandito ako sa school na ito para mag-aral at hindi atupagin ang walang
kwentang lovelife na yan. Tatapusin ko ang klase ko ngayon at mamaya ay mag-uusap tayo." galit na sambit ni Lyra.
Parang napahiya silang dalawa sa sinabing iyon ni Lyra. Tama naman siya sa mga sinabi niya. Nang ang dalawang binata na lamang ang magkasama, umupo sila at nagsimulang mag-usap.
"Hindi naman magkakagulo rito kung inaalagaan mo siya ng maayos. Kung paiiyakin mo lang siya, layuan mo na lang siya. Akin na lang siya." Wika ni Luke.
"We are not fighting over a toy, this is Lyra. I love her bud. I love her so much. I don't know kung bakit siya naiilang sa akin. Ang manhid niya lang. I don't know how much will it take just to prove na mahal ko siya." Sagot ni Richard sa kanya.
"Mahal? For goodness sake, hindi mo pa nga naayos ang sarili mo. As long as may mga bagay kang pinagdadaanan, hindi mo mamahalin si Lyra." Wika ni Luke.
"You don't get it, do you? Lyra is giving me strength to deal with the loss of my parents. She's filling up that void that my parents left when they passed away."paliwanag ni Richard, hindi niya rin alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa lalaking ito. Siguro ay naghahanap lang siya ng mahihingahan ng sama ng loob.
"Ano 'to? Ginagamit mo lang si Lyra para makalimot diyan sa problema mo?" tanong ni Luke na parang nag-aakusa sa kausap.
"No. Hindi ginagamit. Never kong nakalimutan ang pagkamatay ng parents ko. Pero si Lyra, pinaunawa niya sa akin na kailangang ituloy ang buhay, na your honoring their memories by going on with your life. Mahal ko siya ng higit pa doon." Muling paliwanag ni Richard.
Determinado siya ipaliwanag kay Luke ang lahat.
"So why do you keep on hurting her?" muling tanong ni Luke sa binatang kaharap. Nararamdaman niya ang bawat salita nito, naiintindihan niya rin ito dahil parehas lamang sila ng minamahal.
Mayamaya pa ay biglang dumating si Tiffany. Nabalitaan niya ang pakikiag-away ni Richard at dali-daling pumunta roon.
"What happened here?" tanong ni Tiffany sa dalawa.
"We had a short boxing match." Sabay tawa ni Richard matapos noon ay muli siyang sumeryoso. "Ang hirap bud. Ang hirap na palagi niyang akong tinutulak palayo." Kinuyos ni Richard ang palad niya na parang nanggigigil sa sarili.
"Alam niyo kasing dalawa, may sakit si Lyra na hindi magagamot ng pagpapacharming niyo." Sambit ni Tiffany.
"Alam ko naman na medyo mababa ang self esteem ni Lyra. Napapansin ko 'yon tuwing kasama niya ako. Kulang na lang sipain niya ako palayo sa kanya." Sagot ni Richard.
"And you didn't do something about it?" tanong ni Tiffany sa kaniya.
"What am I supposed to do? Sinabi ko na sa kanya na I will protect her so she doesn't need to feel small." Gulong-gulo ang isipan ni Richard ng mga oras na iyon.
"Hay! Clearly wala kang alam sa aming mga babae. This looks like a job for Tiffany"sabay talikod ni Tiffany at iniwan silang dalawa.
"Sino siya?" tanong ni Luke kay Richard.
"Oh! Nakalimutan kitang ipakilala, how rude of me." Sagot ni Richard sa kanya.
#
Dumiretso si Tiffany sa COSE building dahil hindi niya alam ang eksaktong lokasyon ng room ni Lyra. Pumunta siya sa Faculty room at doon nagtanong. Naabutan niya ang ilang professor na nandoon pa at tila walang klase ng mga ganoong oras. Lumapit siya sa pinakamalapit na prof at nagtanong.
"Umm Excuse me Sir. Do you happen to know an engineering student named, Lyra? Tanong ni Tiffany sa prof na tila nagtataka.
"Lyra? Hmmm." Matagal na nag-isip ang prof pero wala talaga siyang matandaang estudyante na may pangalang ganoon. "Ano bang course niya?" tanong ng prof.
"Gee. The only information I got is that she's an Engineering student." Paliwanag ni Tiffany sa prof.
Nagtanong na rin ang prof sa iba pang teacher na nadoon sa loob ng faculty.
"May kilala raw ba kayong Lyra?" Lumapit ang isa sa mga co-teachers sa kanila
"Are you perhaps referring to Lyra Sohano, the tutor of Mr. Hwan?" tanong nito sa kanya.
"Yes, that's right, I have some urgent things to say to her. So it is imperative for me to talk to her this instance." Pilit niya sa prof.
"Teka let me check the schedule of their block." Umalis sandali ang prof upang i-tsek ang ledger na naglalaman ng schedule ng block section
nila Lyra.
"Nasa 2nd floor siya, room 209. Philosophy". Mabilis na sagot ng prof. Nagpasalamat si Tiffany at umalis din kaagad.
Mayamaya pa ay narating na rin niya ang room 209. Nagsisimula na ang klase nila pero determinado siyang kausapin si Lyra. Hindi rin naman major subject ang Philosophy at sigurado siyang puwede niyang mai- excuse si Lyra. Nagbigay respeto muna si Tiffany sa prof at humingi ng permiso upang makapasok at makausap ang prof. "Yes, please come in" anyaya ng prof sa loob ng room.
"Good day, Sir. Would it be possible to talk to Lyra now? It is a matter of life and death." Sabi niya na tila exagerated naman ang
pagpapaliwanag niya.
"Life and death situation? How interesting. Would you like to divulge some information, I'd be glad to offer my assistance." Biro ng prof na tila tinutuya si Tiffany at hindi naniwala sa kanya.
"I don't know, perhaps you would like to have a small chit chat with the President if something goes wrong. After all apo lang naman niya ang involved dito." matapang na sagot ni Tiffany. Makaraang marinig ang dahilan ni Tiffany ay agad nitong pinayagan si Lyra.
"Lyra Sohano! You're excuse for the rest of this period"
Mukhang nag-alala naman si Lyra kung ano ang sitwasyon at kailangan pa siyang i-excuse ni Tiffany sa oras ng klase niya. Akala niya ay tungkol na iyon kina Luke at Richard na nag-away kanina.
"May masama bang nangyari?" pag-aalala niya.
"Wala naman, maglalakad-lakad lang tayo at mag-uusap." nakangiting sabi ni Tiffany. Muli niyang nakita ang maamong mukha ni Tiffany, talagang napakaganda ng dalaga. "Actually, I wanted to say, Thank you!" Panimula ni Tiffany.
"Para saan?" nagtatakang tanong ni Lyra.
"Para kay Richard, we attended the wake of his parents last year, at talagang ang laki ng pinagbago niya ngayon kumpara noon. Nakita ko siyang magalit at matuwa. Napansin din iyon ni President and that's all thanks to you." Hinawakan ni Tiffany ang kamay ni Lyra at umupo sila sa isa sa mga bench.
"Medyo, nakatuwaan yata ako ng friend mo." Masayang sabi ni Lyra na tila naliligayahan naman at malaki pala ang naging impluwensiya niya kay Richard.
"Exactly, friends lang kami. I don't know kung bakit pinagtutulakan mo siya sa akin. Richard also told me that this is not the first time na pinapamigay mo siya. Meron doon sa blockmate mo, yung ka-date niya daw sa freshmen's ball. Don't you like him?" paliwanag ni Tiffany sa kanya.
"Ikaw ba gusto mo siya?" sinuklian ng tanong ni Lyra ang tanong ni Tiffany.
"Si Richard? Eeww. Mas like ko pa yung naka-away niya kanina" Sabay tawa ni Tiffany at Lyra.
"Tingin ko kasi hindi siya bagay sa akin, parang deserve niya 'yung mas higit pa, 'yung maganda, mayaman, talented at may napatunayan na sa buhay. Parang ikaw. At 'yun din ang tingin ng mga tao dito sa university."
Tumayo si Tiffany at niyaya si Lyra na magpatuloy na maglakad.
"You know, this is the first time that I saw Richard going gaga over a lady. And when I saw you, may reason naman pala. Maganda? Maganda ka. Sino bang nagsabi na pangit ka? Kailangan mo pa bang marinig sa iba na maganda ka bago ka maniwala?" tanong ni Tiffany dito.
"Pero kasi kakaiba ako dito. Para ngang nag-iisa lang ang gaya ko dito" sagot naman ni Lyra kay Tiffany.
"Tama! Nag-iisa lang ang gaya mo dito. Wala ng makikita si Richard na kagaya mo. Sa tingin mo makikipag-away siya doon sa lalaking iyon kung maraming kagaya mo ang puwede niya namang ligawan dito? Alam mo kung anong kulang sa'yo?" wika ni Tiffany kay Lyra.
Tila nasabik na malaman ni Lyra ang kulang sa kanya. Kung ano man 'yon ay susubukan niyang makuha.
"Self-esteem at konting pakiramdam. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Makiramdam ka sa mga taong nasa paligid mo, especially 'yung malalapit sa iyo. Bakit mo papakinggan ang sasabihin ng iba? Sila yung mga taong walang nangyayari sa buhay nila kaya ang hilig makialam sa buhay ng iba."
Napadaan sila sa grupo ng mga babae na nag-uusap. Hindi nila maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila. "Social climber jologs na girl. Ngayon naman si Tiffany ang dinidikitan." Namukhaan iyon ni Lyra sila din ang grupo ng babae na nakita niya sa ladies' room at pinag- uusapan siya.
Nagulat si Lyra sa sumunod na ginawa ni Tiffany. Lumapit siya sa babae at hinatak ang kamay nito. Malakas ang pagkakahatak niya at may pwersa kaya napatayo ito.
"Lyra, slap her." mariing wika ni Tiffany kay Lyra. Gusto naman talagang gumanti ni Lyra sa mga pinagsasabi nito sa kanya.
"Hmm I don't know Tiffany. Para kasing masasaktan ang palad ko sa kapal at tigas ng mukha ng babaing 'yan." panunuya ni Lyra sa kaharap. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya ng mga oras na iyon, basta sumabay na lamang siya sa ginagawa ni Tiffany.
"Do you want me to slap her for you?" Sabay tawa ni Tiffany. Hindi naman makapagsalita ang babae sa takot.
"Let her go na lang, she's not worth my time." Sabay tawa nilang dalawa.
Nilisan nila ang lugar na iyon habang tumatawa. "That's what I'm talking about. Trust me, hindi ka na niya guguluhin. Magaling lang ang mga iyon sa mga hindi lumalaban sa kanila, pero in reality takot ang mga iyan. Mga walang sumeseryosong guy sa mga yan kaya inggit lang sila sa beauty natin." at muli silang nagtawanan.
Muli silang umupo sa ilalim ng isang puno at nagpatuloy mag-usap. "Ano, kakausapin mo na ba boyfriend mo?" tanong ni Tiffany sa kanya.
"Hindi ko boyfriend 'yun ano." Mabilis na sagot ni Lyra sa kanya.
"Pero mahal mo siya, ganun na din 'yon. Alam naman ni Richard na mahal mo siya, hindi niya nga lang alam kung bakit ayaw mong umamin." Nagulat si Lyra sa sinabing iyon ni Tiffany.
"Alam niya?"
"Oo naman, hindi naman manhid iyong taong iyon, hindi katulad mo."prangkang sagot ni Tiffany. Tiningnan ni Lyra ang oras at nakita niyang malapit nang magsimula ang second period niya.
"Tiffany, mag start na second period ko. Bawal akong ma-late dun kase absent na ako dun last Friday." Paalam niya sa dalaga.
"Oh! Okay. Sige pasok ka na." Bago pa tuluyang maka-alis si Lyra ay nagbilin si Tiffany sa kanya.
"Lyra, ikaw lang naman ang may kayang mag-ayos talaga nito. Lahat kami dito sa campus isang malaking extra lang sa lovelife niyo." Sabay ngiti ni Tiffany kay Lyra. Ngumiti rin si Lyra, senyales na naiintindihan niya ang nais ipahiwatig ni Tiffany.
#
Natapos ang klase ni Lyra sa buong araw pero alam niyang hindi pa tapos ang araw niya. Marami siyang dapat ayusin ngayong araw na ito. Kung ano man ang magiging kahihinatnan ng mga desisyon niya sa mga oras na iyon ay siya lang ang nakaka-alam. Una niyang tinungo ang gym
kung saan nagpa-practice ang basketball team. Matiyaga siyang naghintay hanggang matapos ang practice ni Luke.
"Pasensya na ha kung medyo matagal, mahigpit si coach ngayon sa training." Paumanhin ni Luke sa kanya.
"Ok lang naman. Para sa school naman din 'yan." Tugon ni Lyra sa binata.
"Himala yata, napuntahan mo ko dito?" tanong ni Luke sa kanya. Nag- aalangan namang sumagot si Lyra, alam niya rin naman na hindi magugustuhan ni Luke ang sasabihin niya. "Busted na ba ako?" tanong ni Luke na nakangiti pero parang nahulaan na ang mangyayari. May kumurot sa puso ni Lyra, ayaw niya rin namang masaktan ang binata pero kung hindi niya naman sasabihin kay Luke ang bagay na iyon ay para niya na lang niloloko si Luke pati na rin ang kanyang sarili.
"Alam mo Luke, hindi ako nagkaroon ng kuya. Dati naiingit akong makita yung mga kalaro ko na may nagtatangol sa kanilang kuya. Hindi ko naman inakala na ngayon pang kolehiyo na ako doon pa ako makakakita ng kuya-kuyahan." wika ni Lyra na maingat sa mga salitang binibitawan niya.
"Somehow alam ko sa sarili ko na hindi na hihigit doon ang tingin mo sa akin, makulit lang talaga ako at pinagpipilitan ko pa ang sarili ko.
Nahirapan ka pa tuloy." sambit naman ni Luke.
"Grateful ako sa lahat ng pinakita mo sa akin, sa pag-alalay mo sa akin kapag kailangan ko ng kasama. Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan. Susuportahan kita sa mga laro mo. Promise itong mga remaining games niyo, present palagi ako." tinaas pa ni Lyra ang kanyang kanang kamay, tanda na nagangako siya sa binata.
Malalim na buntong hininga ang sinukli ng binata sa dalaga. Hangang dito na lang ang pwedeng marating ng paghanga niya sa dalaga. Kumbaga sa taxi, kailangan ng pumara, kung hindi ka pa bababa ay lalagpas ka na sa totoong destinasyon mo at sisingilin ka pa ng mas mahal.
"Promise? Present ka?" iyon na lang ang naisagot niya habang nangingilid ang luha niya.
"Promise" Naiyak si Lyra, humanga siya sa pag-unawang binigay sa kanya ng binata. Hindi man lamang ito nagpakita ng kahit anong galit sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakakatawa na silang dalawa, nagpaalam na rin siya sa binata. May isa pa siyang kailangang puntahan. Sigurado siyang kanina pa yon naghihintay sa likod ng
building, private tutor pa rin siya ni Richard kahit anong mangyari.
#
Mayamaya pa ay dumating nga siya sa likod ng building na 'yon.
"You're late." Nakakunot ang noo ni Richard na tila nainip sa paghihintay.
"Kailangan nating mag-usap." Wika ni Lyra kay Richard.
Parang may kabang naramdaman si Richard. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya sa tono ng boses ni Lyra. Seryoso iyon na parang buo na ang desisyon.
Chapter 9 last Flicker of Hope
Ngumiti si Lyra kay Richard. Niyaya niya itong umupo muna sa dating puwesto nila. Tumingin tingin si Lyra sa paligid ng likod ng building na iyon. Napangiti siya, sa ikli ng panahon na namalagi siya sa unibersidad na iyon ay tila iyon lamang ang lugar na maituturing niya na sa kanya. "Ang lugar na ito, hindi siya ang pinakamagandang lugar sa campus na ito pero ito ang pinakagusto ko. Noong dumating ako dito, walang lugar para sa akin. Lahat na lamang ng puntahan ko may nagmamay-ari na. Pakiramdam ko noon wala akong lugar sa campus na ito. Hindi ko alam kung anong nangyari at nadala ako ng mga paa ko dito. Tapos nakilala kita. Ang laki ng dala mong pagbabago sa buhay ko. "Yung problema namin sa pera, natutustusan na ng kinikita ko sa pag-tutor." Pagkatapos noon ay tumingin si Lyra kay Richard na nakatingin din sa kanya.
Nginitian niya ang binata at nagpatuloy siya sa kanyang gustong sabihin.
"Alam mo bang masaya ako na nakilala kita? Palagi kong sinasabi na sana may maliit na tsansa na baka mahalin mo rin ako. Tapos sinabi mo mahal mo ako, hindi ko alam kung biro lang iyon o totoo pero masaya ako. Kaya lang hindi pala ito tulad ng nababasa ko noon sa mga fairytale. May mga bagay pala na mahirap ipilit." Nanginginig ang boses ni Lyra habang nagsasalita. Hindi niya maiwasan ang hindi magdamdam sa mga nangyayari sa kanya. "Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ako nasasabik na pumunta dito sa likod ng building na ito para lang makita ka. Kaya lang parang ito na yung huling beses na makakapunta ako dito." Naiyak na si Lyra nang tuluyan. Mahal na mahal niya talaga ang binata, pero nagdesisyon na siyang pakawalan ito.
"Lyra, No." Niyakap ni Richard si Lyra. Ayaw niya itong pakawalan. Hindi niya alam kung makakaya pa ba niya na mawalan muli ng mahal sa buhay. Mahigpit na mahigpit ang pagyakap niya kay Lyra.
Ngunit tinanggal ni Lyra ang kanyang mga bisig. Hindi dahil sa ayaw niya, sa totoo lang gustong-gusto niyang maramdaman ang mainit na yakap ng binata, pero hindi sa panahong 'yon. "Richard, let me finish." Pakiusap niya sa binata. "Wala sa iyo ang problema, sa totoo lang napaka-perfect mo para sa akin. Mahal kita, pero mas mahal ko ang sarili ko. Sa ngayon hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin yung paliit na paliit na tingin ko sa sarili ko pero pinipilit ko namang tanggalin. 'Yun nga lang hanga't kinakain pa rin ako ng insecurities ko, hindi tayo pwede." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Medyo hirap na rin siya sa pagsasalita sa sama ng loob na nadarama.
"Then, let's fix it together. I'll help you. Stay with me, please." Bumagsak na ang luha ni Richard. Alam niyang papalayo na sa kanya ang babaing
mahal niya at wala siyang magawa.
"No, kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya ko. " wika ni Lyra.
"Ano bang kailangan kong gawin, para patunayan na special ka at hindi mo kailangang ma-insecure? Hindi ka ba naniniwala sa akin na mahal kita? Tanong ni Richard sa kanya. Pero hindi sumagot si Lyra sa tanong na iyon. Ayaw na niyang magtagal pa doon at baka mas mahirapan siya pakawalan ang binata.
"Richard, Bye bye na muna." Sabay umiyak silang dalawa. Hinawakan siya ni Richard sa kamay at hinalikan ito. Walang ma-isukling sagot si Richard sa sinabi ng dalaga. Napakabigat sa loob ng mga salitang binibitawan ng dalaga. "Dapat yata, humanap ka na muna ng iba mong tutor sa halip na nag-iiyakan tayo dito. Para lang tayong sira, wala naman tayong relasyon pero iyakan tayo ng iyakan." sinubukang pagaanin ni Lyra ang sitwasyon at nagbiro.
Pero hindi mawawala ang katotohanan na ito na ang mga huling sandali na makakusap niya ng ganitong katagal ang binata. Makikita niya ito sa loob ng campus, ngunit hindi na katulad ng mga nakaraang araw. Muling tinignan ni Lyra ang buong lugar, parang sinasaulo niya ang bawat sulok ng likod na building, ayaw niya itong makalimutan. Narito ang mga masasayang araw niya sa campus. Matapos ay tiningnan niya si Richard,
"Aalis na ako. Baka hinahanap na ako nila Nanay, kanina pa tapos ang klase ko" Nagpapa-alam si Lyra ngunit parang ayaw niya umalis. Kung puwede lang sanang pahabain pa ang oras na iyon.
Ayaw pa ring bitawan ni Richard ang mga kamay ni Lyra, "Sandali na lang, dito ka muna." Pakiusap ni Richard. Hinatak na ni Lyra ang kanyang mga kamay. Tumayo siya at iniwan na ang lugar, ayaw na niyang lingunin ang lugar na iyon. Habang naglalakad papalayo ay dinig na dinig pa rin niya ang iyak ng binata. Matapos makalayo ng husto sa binata ay nagpatuloy siya sa pag-iyak. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya habang naglalakad siya.
#
Mayamaya pa ay nakauwi na si Lyra sa bahay. Nadatnan niya ang kanyang ina at kapatid na nanonood sa kanilang sala. Alam ng kapatid at nanay niya na may pinagdadaanan siya. Yumakap siya sa kanyang nanay at umiyak. Wala ni isang salita ang lumabas sa kanyang mga labi pero naiintindihan na siya ng kanyang nanay. Umiyak lang siya ng umiyak habang nakayakap ang kanyang mahal na magulang.
Naramdaman ni Lyra ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Umaga na. Kung paano siya nakatulog ay hindi niya na malaman. Tumingin siya sa salamin at nakita ang namumugtong mga mata. Ayaw na niyang umiyak, naiyak na yata niyang lahat kahapon. Nag-ayos na siya at naghanda sa pagpasok. Hindi maghihintay ang University sa kanya. Naligo siya, nag-agahan, kinuha ang bag at pumasok. Bago na ang araw na ito para sa kanya.
Makaraan ang ilang oras ay narating niya ang campus. Naroon pa rin ang napakaraming kotse, pero hindi tulad ngayon, alam niyang walang bubusina sa kanya. Walang magyayaya sa kanyang sumakay sa kotse at walang mangungulit at sasabay sa kanyang lumakad. Sa pagdaan niya sa mga estudyanteng nakaupo sa bench, napansin niyang wala muling tumitingin sa kanya. Si Invisible girl na naman siya. Pero sa mga oras na ito, wala na siyang pakialam. Dumiretso siya sa COSE bulding at doon na lamang naghintay ng kanyang period.
Lingid naman sa kaalaman ni Lyra ay kanina pa nandoon si Richard. Nasa likod siya habang naglalakad si Lyra papasok sa campus. Umaasa siyang lilingon si Lyra ngunit hindi ito lumingon. Pero hindi tulad ni Lyra ay hindi siya dumiretso sa kanyang building, pumunta siya sa gym kung saan alam niyang nagppraktis ang member ng varsity team. Kasalukuyang naglilitanya ang coach ng marating niya ang lugar. Tiningnan siya ni Luke na parang alam na ang dahilan kung bakit siya naroon. Sandaling nagpasintabi si Luke sa Coach para makausap ang binata at pinayagan naman siya nito.
"Bud, what seems to be the problem?" tanong ni Luke kay Richard.
"I'm in desperate need of your help." Prangkang sagot ni Richard.
"Basta ba kaya ko. Sige." Panigurado ni Luke sa kanya.
"Maliit na bagay lang naman." Wika ni Richard.
Mahaba-haba din ang kanilang naging usapan. "Mahal mo talaga si Lyra, ano?" sambit ni Luke na may tono ng pagkabilib sa binata.
"I love her so much, bud." Sagot ni Richard
Makalipas ang usapan nila ay umalis nagpa-alam na si Richard. Tinawagan niya si Tiffany, kinakailangan niyang maka-usap ito.
"Tifa, where are you?" tanong ni Richard sa kanya.
"Nasa Hotel. Why?" sagot ni Tiffany.
"I need you to do something for me"
Muli ay sinabi niya kay Tiffany ang nais niyang gawin. Matapos noon ay nagkasundo sila at umalis na si Richard patungo sa bahay nila Lyra.
Papaalis na sana ang nanay ni Lyra ng makarating si Richard sa bahay nila.
"Sir Richard! Hindi naman kayo nagpapasabi na darating kayo. Pasok ho muna" anyaya ng Nanay ni Lyra. Pumasok si Richard sa loob at umupo na parang pagod na pagod. "Bakit ba ang hilig hilig niyong saktan ang sarili niyo? Sa tingin niyo ba isang malaking teleserye ang buhay? Ginagawa niyong komplikado ang buhay" sermon ng Nanay ni Lyra kay Richard.
"Hindi naman ho sa ganoon. Ang anak niyo ho kasi, masyadong
sinusukat ang tao base sa laman ng bulsa niya. Hindi ko alam kung bakit ang baba ng tingin niya sa sarili niya. Daig pa nga niya ako, siya kumikita na ng sarili niyang pera, ako hindi pa." Paliwanag ni Richard.
"Kasalanan narin namin siguro kung bakit ang baba ng bilib sa sarili ni Lyra. Mula kasi nung bata yan ay hindi na nagka-social life. Lalo na noong namaalam ang kanyang ama. Bahay at eskwelahan lang ang alam niyang puntahan, kaya ayun natakot sa mga tao." Wika ng Ina ni Lyra.
"Isa pa nga ho iyon, gusto niya palagi niyang gawing mag-isa ang lahat ng bagay. Para bang hindi siya naniniwala na capable ako na tulungan siya. Mahal na mahal ko ho ang anak niyo. Pero parang hindi niya iyon makita. Mukhang hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko sa kanya." Wika ni Richard
"O eh bakit nga pala kayo nasadya dito. Kung tungkol 'yun sa problema niyo sa anak ko, parang wala naman akong matutulong doon" wika ng Ina ni Lyra.
"Meron ho, Kung pwede po sanang matulungan niyo ako. Hihingin ko rin ho sana ang tulong ni Botchok. Kung okay lang po sa inyo." Pakiusap ni Richard sa nanay ni Lyra
"Aba eh kung makakatulong po sa inyo ni Lyra eh di sige" masayang wika ng Ina ni Lyra.
Mayamaya pa ay umalis na si Richard. Nagmamadali ito na tila may importanteng gagawin.
#
Natapos muli ang maghapon sa university. Tinanaw ni Lyra mula sa malayo ang daan patungo sa likod ng building. Gustong-gusto niyang pumunta doon, pero hindi na puwede. Ang mga susunod na panahon ay para naman sa kanya. Hindi niya magagawang malimutan ang binata kung babalik siya doon.
Dumiretso na sa pag-uwi sa bahay si Lyra. Noon lang siya uli umuwi ng ganoong kaaga sa bahay. Pero tila wala pa ang kanyang kapatid na pinagtaka niya. Kadalasan kasi ay mas nauuna ang tapos ng klase nito dahil nasa Elementarya pa lang naman ito.
Nagsimulang maglinis ng bahay si Lyra. Inayos niya ang kwarto nilang magkapatid na ilang buwan na yatang hindi nalilinis. Pinalitan din niya ang mga kurtina sa bahay. Matapos yon ay nagluto na rin siya ng hapunan nilang pamilya. Natapos na yata niyang gawin ang lahat ng magagawa sa loob ng bahay nila ay wala pa rin ang kanyang ina at kapatid. Nagsimula ng mag-alala si Lyra. Hindi naman kasi karaniwan sa kapatid ang abutin ng magdidilim sa daan.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang may kumatok sa pintuan. Nagmadali siyang tumakbo sa pintuan. "Botchok ha! Lagot ka kay Nanay, kailan ka pa natutong umuwi ng ganitong oras." Sabay binuksan ni Lyra ang pinto, pero sa gulat niya ay hindi si Botchok ang nakatapat sa kanilang pinto. "Tiffany!" Gulat ni Lyra. "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta sa bahay namin? May kasama ka ba?" Sunod sunod na tnaong ni Lyra kay Tiffany.
"Sandali nga lang, isa-isa lang ang tanong. Una, wala akong kasama. Paano ako nakapunta dito? May nagturo sa akin. Kung anong ginagawa ko dito. Malalaman mo rin." Masayang wika ni Tiffany na tila excited sa mangyayari.
"Alam mo Lyra, akala ko napa-intindi ko na sayo last time ang dapat mong gawin. May salamin ka ba?" tanong ni Tiffany.
"Salamin? Sa kwarto meron. Bakit?" nagtatakang wika ni Lyra.
"Ang dami mo talagang tanong, mula ngayon bawal ka munang magtanong ha. Sige pasok sa kwarto." Utos ni Tiffany kay Lyra.
Sumunod na lamang si Lyra kahit na hindi niya maintindihan kung anong nagyayari.
"Umupo ka sa harap ng salamin." Sabay inilabas ni Tiffany ang make-up kit niya.
"Anong gagawin mo?" tanong muli ni Lyra.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, bawal magtanong di ba?" sagot ni Tifanny dito.
Mayamaya pa ay may kumatok ulit sa pinto. "Baka sila inay na yan."pag- aalala ni Lyra.
"Wait, bawal kang gumalaw. Ako na lang." Sabay lumabas si Tiffany ng kwarto.
*Ang dami namang bawal gawin. Bakit ba nandito si Tiffany, hindi ba nasabi ni Richard sa kanya kung ano ang nangyari? Dapat ay hindi na siya pinag-aaksayahan ng oras nito.* Wika ni Lyra sa sarili
Makalipas ang ilang sandali ay muling pumasok si Tiffany sa kwarto.
"I knew it, dinala lang dito ang damit na ito" binuksan ni Tifanny ang kahon at isang napakagandang gown ang nakita nila.
"Ang ganda!" pati si Tiffany na sanay nang makakita ng magagarang damit ay humanga sa pagka-elegante ng damit.
"Bakit may ganyang damit?" natulalang sabi ni Lyra.
"Hay! Kasi nga may date ka mamayang gabi. Ngayon ako ang fairy
godmother mo at pagagandahin kita. Ok ba 'yon?" Kinikilig na sabi ni Tiffany.
Matagal-tagal din ang ginawang pag-ayos ni Tiffany kay Lyra. Napakaganda ni Lyra.
"I'm so proud of my creation" wika ni Tiffany. "Pero parang may kulang. Hmmm. Nasaan ba yung bracelet na bigay ni Richard sa iyo? Mas maganda kung isusuot mo yon."wika ni Tiffany
Gabi na nang natapos sila ni Tiffany. "Nasaan na ba sila Inay? Gabi na." May pag-aalalang sabi ni Lyra. "H'wag kang mag-alala." Matipid na sagot ni Tiffany sa kanya.
Maya-maya pa ay sinundo si Lyra at si Tiffany ng driver niya.
"Ma'am nandyan na raw ho." Wika nito.
"Thanks, punta na kami." wika ni Tiffany.
"Lalakad tayo sa labas ng ganito ang suot ko? Ano to santacruzan?" tangi ni Lyra.
"H'wag nang maarte tara na." Anyaya sa kanya ni Tiffany.
Tumayo na rin si Lyra at sumunod kay Tiffany. Habang naglalakad si Tiffany sa masikip na eskenita ay pinagtitinginan siya ng kanilang mga kapitbahay. Nang marating nila ang daan ay bumulaga sa kanila ang isang napakagandang karwahe. Hila iyon ng 6 na napakagandang kabayo. Naroon si Luke at Emil na nagpapatakbo ng karwahe. Bumukas ang pinto at nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Ang cute ng kapatid niya sa kanyang kasuotan na parang isang ring bearer sa kasal. "Pasok na po, at naghihintay na si Prince Charming" wika ni Botchok.
Chapter 10: A Night of Fairytale
Takang-taka si Lyra sa nakitang eksena. Alam naman niyang kasama si Richard sa pakanang ito, pero ang makita ang kanyang kapatid pati na rin si Luke ay kagulat-gulat talaga.
"Ano namang ginagawa mo dito?" tanong ni Lyra sa kanyang kapatid.
"Sakay na lang! Ang dami mo pang tanong, ang kati na nitong suot ko 'no. Hindi ako sanay na nagsusuot nito."Na inis na inis na sa suot niyang tipong pang ringbearer sa kasalan kasama pa ang plantsado nitong buhok. Tawang tawa talaga si Lyra sa itsura ng kapatid.
Sumakay na si Lyra sa magarang karwahe. Alam niya ang eksenang iyon, mula pagkabata pa ay eto na ang paborito niyang parte sa kuwento ni Cinderella. Napaisip siya, naalala nga pala niya ang sinabi niya kay Richard na paborito niya si Cinderella. Nakakatuwa talaga ang binata. Sa daan ay pinagtitinginan ng mga tao ang magarang karwahe. Napapahinto pa ang mga sasakyan upang masdan lamang sila.
Makaraan ang ilang sandali ay narating na nila ang lugar. Pinapasok na i Lyra ngunit nag-paiwan sila Luke sa labas.
"Ate! Huwag kang masyadong malakas kumain. Kakain pa ako baka maubos mo." reklamo ni Botchok na parang labag sa kalooban na maiwan sa labas ng venue.
Magara ang dekorasyon sa loob na punong-puno ng ilaw. Para bang maliliit na bituin na nakadikit sa mga puno ang mga ito. Malayo pa siya ay narinig niya ang tunog ng piano, hindi siya pamilyar sa kantang iyon, pero maganda ito. Nagmadali siya sa paglakad, sabik na niyang makita kung sino ang tumutugtog ng piano. Pero nadismaya siya ng makita na ibang tao ang nag-pipiano at hindi niya kilala. Luminga-linga siya, nagbabakasakali na baka makita niya si Richard.
Mula sa madilim na parte ay lumabas si Richard at lumapit sa kanya.
"May I have this dance?" tanong sa kanya ni Richard.
"Oo naman." Sagot naman ng dalaga. Masaya silang nagsayaw na tila ba walang nangyari kahapon. Nilapit ni Richard ang kanyang mukha sa dalaga. Sa sobrang lapit noon ay nararamdaman na ni Lyra ang paghinga ng binata.
"You look stunning tonight" wika ng binata. Niyakap siya ng binata habang nagsasayaw sila. Ramdam na ramdam ni Lyra ang mabilis na tibok ng puso ng binata, ganoon din naman ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
"Do you have any idea how special you are to me?" tanong ng binata. Ngunit hindi makasagot si Lyra, may pagkakataon na napapapikit lang
siya sa pagsayaw nilang iyon, tila ba napakasarap magmahal. Idinikit ng binata ang kanyang noo sa noo ng dalaga. "Do you know how much I
want to kiss you right now? But I must resist cause you are not my girlfriend, well at least not yet."
"Paano yan kapag dumating ang midnight, uuwi na ako" biro ni Lyra sa kanya.
"I want to give the ending a little twist." Seryosong sabi ng binata.
"Ang seryoso mo. Pati yung biro ko sa'yo na ma-experience yung life ni Cinderella kahit one night lang tinotoo mo." Wika ng dalaga na hindi maitago ang saya.
"Hindi lang naman iyon ang tinotoo ko, wait here." Umalis ang binata sandali at nagtungo sa LED screen na naroon sa loob.
Kinabahan si Lyra sa nakita ng nagsimulang umandar ang nais ipakita ng binata.
The tale of the Random Girl: (Habang tumutugtog ng instrumental ang kantang Tong Hua(fairytale) ni Michael Wong)
I was never excited about the first day of my College life.
The idea of seeing numbers of strange faces gives me the creeps.
But then she came......
(Biglang lumabas ang picture ni Lyra, naalala niya ito. Ito ang unang araw na nasa school siya, hinahanap niya noon ang COSE building)
Labas-pasok siya sa mga buildings, para siyang naliligaw na pusa. Cute na Pusa.
(Picture ulit ni Lyra na naglalakad sa campus at naghahanap ng bench)
I saw her again that late afternoon, searching for her own place.
She was just like me. Scared to be surrounded by these strange faces.
(Picture ni Lyra sa likod ng building na nakatalikod)
Then she went at the back of that building.
Destiny? I don't think so
I never believed in destiny
I promised Angkong that I will never go back to that place.
But for the first time in my life, I decided to break my promise. JUST TO SEE HER.
(Picture ni Lyra na nag-aaral sa Likod ng Building)
She never knew how she made my heart skip a beat.
Inaway ko siya para lang magpapansin.
Ang cute niyang magalit.
When she said that she will never return to that place again,
I was terrified.
Fortunately I was able to find a reason for her to visit that place...
(Picture ng assignment ni Richard na puro mali)
Ginawa niya ang assignment ko and guess what?
Puro mali iyon. I couldn't care less.
The only thing that matter that time, is that I am happy.
Handwritings niya iyon sa worksheet ko and I don't intend to alter her
answers.
(Picture ni Lyra na kumakain ng burger)
I watched her as she devour a whole giant burger
Nakakatuwa talaga siyang panoorin.
Then I asked her to be my private tutor Even though achiever ako sa Math
(picture ni Richard sa Math Olympiad)
I just want to see her, and probably to know few things about her...
(Picture ni Lyra sa malayo)
And, I was never late on our first day of tutoring.
I was watching her the whole time.
A wannabee stalker
(Picture ni Lyra na nakatalikod, nakapila sa isang Chinese food stall)
And when I asked her to buy me something to eat,
Emil and I would follow her secretly.
Then we'll go back as fast as we could, so she won't be able to notice.
These flowers...
(Picture ng flowers na unang binigay ni Richard kay Lyra)
I am hesitating to give her these flowers
After all...
This is the first flower that she's gonna receive from me.
The first of the many flowers.
Sa puntong iyon ay nagsimula ng tumulo ang luha ng dalaga. Hindi niya alam na napakatagal na siyang tinitingnan na espesyal na binata. Napagtanto niyang mas nauna pala siyang napansin ni Richard. Nagpatuloy pa rin ang slideshow.
Sinabayan ko siya sa paglalakad kinabukasan,
Those strange faces are looking at us.
And I am proud
I am with the most beautiful girl in the campus
And probably sa buong mundo.
(Picture ni Lyra habang papalabas ng COSE)
I waited for her noong lunchtime
I managed to hold her hands,
kinilig ako noon kahit sandali lang
Also on that day, I saw how vulnerable she is.
How she long for the love of her father.
From that day, I swear that I will protect her
A princess needs a knight to save her indeed.
(Photo ng journal ni Richard na may nakaipit na ticket)
Then I left my journal open.
Wishing that she'll see that pair of tickets for the Freshmen's ball
I am not good in socializing with other people
But I don't give a damn!
As long as she'll say yes
Naalala ni Lyra iyon. Nakita niya iyon noong binuksan niya ang notebook ni Richard. Para sa kanya pala sana ang ticket.
(picture ni Lyra sa ball)
I saw her that night at the ball as she enters the venue Time froze as she walks slowly
I felt like a groom waiting at the end of the aisle
But unfortunately, I am not his prince charming that night.
I almost yelled and demanded to stop the party.
Then I saw her went outside.
I quickly followed her,
Wishing that I'll have that one chance
Just one chance to dance with her
And ask her to be my girl
But hindi pa pala puwedeng magboyfriend si Random Girl
May Checklist pa siya bago magboyfriend
To thank her deceased father, to catch a falling star, to have a taste of snow in this tropical country, to experience the life of Cinderella, and to witness a night with more than one moon.
Grabe ang hirap.
But I will do anything just to make it happen.
(Picture noong gabi ng birthday ni President Hwan nang pinalipad nila ang lobo)
Tied on that balloon are the things that she wanted to say to her father.
Paano ko nalaman?
Pumunta ako ng maaga sa house nila after the Ball.
Then I asked her Mom and her cute brother.
I almost forgot that piece of paper, buti na lang hinabol ni Botchok.
Naalala ni Lyra ang araw na iyon, maagang dumating si Richard sa bahay nila.
Then to catch a falling star.
(Picture of a piece of stone)
I threw this piece of Meteorite to her that I borrowed from the school.
Fortunately, she was able to catch it.
How I giggle on the idea that I am slowly fulfilling her supposed checklist
Nakakakilig na malapit na siyang puwedeng mag boyfriend.
Nalaman niyang iyon ang araw na binigyan siya ni Richard ng bracelet.
(Picture ng milk tea.)
She never said that she wanted it to snow in the Philippines
She said she just wants to have a taste of snow.
I asked Tiffany to bring me a snow from Guangxi
She defrosted the snow, and then she placed it back in the freezer until it became an ice
She placed it in a container, then into the styro filled with dry ice and salt.
When Tifa arrived I had to use a cheese grater and mixed the snow to Lyra's milk tea
And Voila
Nakatikim na siya ng snow sa Pilipinas.
Naalala muli ni Lyra noong nagreklamo siya na lasang lupa ang iniinom
niyang milktea
Hindi mapigil ni Lyra ang pag-iyak. Luminga-linga siya para hanapin si Richard pero hindi niya ito makita. Gustong gusto na niyang yakapin ang binata at bawiin ang lahat ng sinabi niya kahapon.
Three down two to go
I had to ask for everyone's help to simulate the climax of the tale of Cinderella.
Horses, footman, coachman and the fairy godmother.
I even asked her Mom to leave the house dirty so she would have something to clean up
A perfect copy of the tale.
Then the last one...
Biglang lumabas si Richard hawak ang isang flare gun. Niyaya niya si Lyra na hindi mapigil ang iyak, ni hindi makalakad si Lyra sa tuwang nadarama. Lumabas sila upang makita ang buwan. Nalungkot si Lyra ng makita na madilim ang langit at walang makitang buwan. Tumingin siya sa binata na tila hinahanap niya ang kasagutan.
"Watch!" Pinaputok ni Richard ang flare gun sa langit. "Wait for it! Wait for it!" Maya-maya pa ay napakaraming lobo na may maliwanag na LED light sa loob ang nagliparan. Napakaganda ng gabing iyon. Para bang napakaraming buwan sa gabing napakadilim.
"You know at first I do not believe you na magandang maraming buwan sa gabi, pero maganda naman pala talaga" sabi ni Richard sa dalaga.
"Sabi sa 'yo eh." Sabay tapik kay Richard.
"Now Lyra, Kumpleto na ang checklist mo, Puwede ka nang mag- boyfriend di ba?" Tanong sa kanya ng binata. "Be my girlfriend Lyra, I may not have all the qualities that you are looking for, for a perfect boyfriend. But I will make you happy. I will stay right by your side as long as you want me. Please, be my Girlfriend." kinakabahang sabi ni Richard sa dalaga. Sasagot na sana si Lyra sa tanong ng binata ngunit natigilan siya ng may nagsalita.
"Sagot na, nang makakain na tayo, kanina pa ako nagugutom." wika ni
Botchok na kanina pa pala nanonood. Naroon din ang mga kasabwat ni Richard sa gabing iyon, pati na rin si President Hwan at ang nanay ni Lyra.
Yumakap si Lyra kay Richard at sinabing "First boyfriend kita. H'wag mo
akong papaiyakin". Sa sobrang saya ni Richard ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga at dinampian ng magaan na halik ang labi ng dalaga.