WALANG-‐‑HANGGANG PAGMAMAHAL
CHAPTER ONE
GUSTUNG-‐‑GUSTO nang umiyak ni Moira habang pinagmamasdan ang amang nakaupo sa silyang de-‐‑gulong. Si Don Miguel San Diego-‐‑matatag, malakas at pinangingilagang may-‐‑ari ng Hacienda San Diego at San Diego Holdings, at kung anu-‐‑ano pang mga negosyo sa Sta. Barbara—ay isa na ngayong gulay. At ang mas lalo
pang nakakaiyak, wala siyang magawa upang ibsan ang paghihirap nito. Napalunok siya nang maalala ang sinabi ng abogado at kanang-‐‑kamay ng papa niya na si Atty. Robleza. Ayon dito, bago atakihin sa puso si Don Miguel ay kakakuha pa lang nito ng malaking loan sa bangko para i-‐‑finance ang panibagong business venture nitong pag-‐‑e-‐‑export ng mga exotic fishes at aquatic plants sa ibang bansa. Subalit bago pa man makaungos ang bagong tatag na negosyo’y naratay nga sa karamdaman ang don. “Why a loan? Kaya naman niyang i-‐‑finance sa sariling pera ang business venture na iyon, a,” bulalas niya nang malaman iyon. Ilang sandaling hindi nakaimik si Atty. Robleza. “Well?” Nagpapahayag ng pagkainip ang tinig ni Moira. Nagtanggal muna ng bara sa lalamunan ang abogado bago nagsalita. “Lingid sa iyong kaalaman, hija, your father’s businesses are not doing so well. Lubos na naapektuhan ang mga ito ng paghihirap ng ekonomiya. Mas lalo pang nagkaproblema sa cash flow si Don Miguel nang magkaroon ng alitan ang Pilipinas at Taiwan tungkol sa flights ng mga eroplano. Nagkansela ng orders ng mga prutas ang kliyente niya roon. He also made several unwise investment speculations that sucked up quite a lot of money. At alam mo na rin na ang steel mill ay natigil ang operasyon dahil idineklara itong hindi kumukomporme sa environmental standards. Malaking pera ang gugugulin para maglagay ng angkop na anti-‐‑ pollution devices.” “Bakit hindi ipinaalam sa akin na nagagahol sa pera ang papa?” yamot na tanong ni Moira. Hayun siya’t nagbubuhay-‐‑mayaman sa Maynila, iyon pala’y naghihingalo na ang kabuhayan nila. Napapalatak si Atty. Robleza. “Parang hindi mo kilala ang ama mo, hija. He doesn’t want to worry you, his one and only princess. Isa pa, pakiramdam niya’y temporary setback lang ang lahat at ‘di maglalao’y malalagpasan din niya ito. Ayaw na niyang mag-‐‑ alala ka pa,” paliwanag nito. Si Moira naman ang hindi makaimik. At ang sobrang stress na dulot ng mga problema marahil ang naging dahilan para atakihin siya sa puso. “Damn!” Nakapagmura na siya nang wala sa panahon sabay suntok sa narra’ng mesa ng abogado. “Alin na lang sa mga propyedad namin ang natitira?” tanong niya. “Tanging. . tanging ang hacienda na lang,” sagot ni Atty. Robleza sa mahinang tinig. Tanging ang hacienda na lang? Hindi yata siya makapaniwala. Sa nilawak-‐‑lawak ng lupain nila sa iba pang bayan, sa samut-‐‑saring uri ng negosyong sumasailalim sa San Diego Holdings, ang hacienda na lang ang natitira sa kanila? Kung susumahin lahat ng pagkakautang nila, kahit yata ipagbili niya ang hacienda’y hindi pa matutumbasan niyon ang halaga ng mga utang nila. “I’m so sorry, hija,” mahinang saad ni Atty. Robleza. “Don’t be. Kaya ko ‘to,” pakli niya, saka tinalikdan ang abogado’t iniwan na ito. Iyon na ang simula ng kanyang bangungot. Sa pagbabayad pa lang ng interes sa pagkakautang ng ama niya’y masisimot na ang perang nasa bangko. At siya na lumaki sa kariwasaan ay nahaharap na sa matinding kagipitang hindi niya alam kung paano babakahin. Ngunit ang mas lalong nagpapahirap ng kalooban niya’y ang masaksihan ang sinapit ng kanyang ama. Hindi na makapagsalita si Don Miguel. Hindi makalakad. Hindi makakilos mag-‐‑isa. Sa kasalukuyan ay may ilang mga katulong pa sa hacienda at ang mga ito ang umaalalay sa kanya sa pag-‐‑aalaga sa kanyang ama. Subalit gaano na lang ang itatagal ng pera nila gayong kinakailangan ng mga mamahaling gamot, pati na rehabilitation therapy ni Don Miguel? Idagdag pa roon ang mga nakapilang kakilala nila na naghihintay na mabayaran ng utang. Nabaling ang pansin niya sa labas nang maulinigan ang ugong ng parating na sasakyan. Mula sa bukas na bintana’y natanaw niya ang Range Rover na pumarada sa driveway. Napakunot-‐‑noo siya nang mamataan ang lalaking bumaba buhat doon. Pagkuwa’y bugnot na lumabas siya ng silid ng ama para harapin ito. “Ikaw na naman?” Naudlot ang akmang pag-‐‑upo ng lalaki sa sofa nang marinig siyang magsalita. “Akala ko’y nagkaintindihan na tayo. Wala akong balak ibenta ang haciendang ito,” galit niyang saad habang malalakas ang mga yabag na bumababa ng hagdan. Minsan nang nagtungo roon ang lalaking nagpakilalang si Mr. Moreno. Inaalok siyang ibenta ang Hacienda San Diego sa halagang maituturing na lagpas pa sa aktuwal na presyo niyon sa mercado. Mahigpit niyang tinanggihan ang alok nito nang mga panahong hindi pa niya magawang ipagbili ang natitira nilang pag-‐‑aari. At ang akala niya’y nagkaintindihan na sila. Ano’t nandoon na naman ito? “Good morning, Miss San Diego,” bati ng lalaki na animo’y walang narinig sa sinabi niya. “Hindi maganda ang umaga ko, Mr. Moreno, lalo’t sinisira mo ito,” pakli niya. “Wala na tayong dapat pag-‐‑usapan pa kaya hindi na ‘ko mag-‐‑aabalang imbitahan kang maupo.” Isang mapaklang ngiti ang naging katugunan nito sa sinabi niya. “I’m afraid I can’t go. At least hangga’t hindi ko nasasabi sa iyong dinadagdagan ko ang offer ko ng tatlong milyon pa. That’s almost five million more than the actual market value of your property.” “Sinabi ko nang—” “On top of that, sasagutin ko ang rehabilitation therapy ni Don Miguel for as long as it’s necessary.” Doon siya napatda. Malaking gastos ang makakaltas sa kanya kung sakali. Tinukoy ng doktor na may pag-‐‑asa pang makakilos muli si Don Miguel kung sasailalim ito sa masusing physical therapy. Subalit malaking pera ang gugugulin at mahigpit ang pangangailangang isagawa ang therapy sa lalong madaling panahon. Habang ipinagpapaliban iyon, mas lalong lumiliit ang tsansang makakilos muli nang normal ang don. Napasulyap siya sa malaking painting na nakasabit sa isang dako ng maluwag na sala. Larawan iyon ng papa niya. Ipininta iyon ng kilalang pintor noong nasa rurok ng kalusugan si Don Miguel. I want to bring him back to that, naisaloob niya. Kasabay niyo’y mabilisan niyang nirepaso sa isipan ang suma total ng perang nasa pangalan niya nang mga sandaling iyon. Plano niya’y gamitin iyon sa pagsisimula ng bagong negosyo subalit matatagalan bago sila makabangon. At malamang ay huli na iyon para sa rehabilitasyon ng papa niya. Kung kani-‐‑kanino na rin siya lumapit na kakilala ngunit sa malaking pagkahumindig niya, natuklasan niyang may utang din sa mga ito ang papa niya. Sa ngalan na nga lang ng pagkakaibigan kung kaya’t hindi na muna naniningil ang mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. “Ba’t masyado yata kayong obsessed na mapasakamay n’yo ang haciendang ito?” nagugu-‐‑ lumihanan niyang usisa. “Sabihin na nating noon ko pa nais magkaroon ng haciendang ganito kalawak at umookupa ng primero-‐‑klaseng lupain.” “Pero ba’t ang Hacienda San Diego?” “To be brutally honest, ito lang ang ganitong uri ng hacienda ang may pagkakataon akong mabili.” Alam na niya ang ipinahihiwatig nito. Ang iba marahil na hacienda na kasintulad ng sa kanila’y pag-‐‑aari ng mayayama’t makapangyarihang mga pamilya na hindi mag-‐‑iisip na ibenta iyon. Dati, ganoon din kami. Mayaman. Maka-‐‑ pangyarihan. But not anymore. Nakagat niya ang labi upang huwag maiyak. “Bueno, ano ang pasya mo?” Binasag ang pagdidili-‐‑dili niya ng tinig ni Mr. Moreno. “A-‐‑add two million more and I’ll think about it,” may bikig sa lalamunang hayag niya. “On top of that, mangako kang bibigyan kami ng sapat na panahon para makahanap ng malilipatang akma sa kalagayan ng papa.” “I’ll add two million more and don’t think about it. Just say we’ll have a deal,” giit ni Mr. Moreno. Natahimik na naman siya. Am I doing the right thing? “Paano ang tungkol sa pagbibigay mo ng palugit sa ‘min?” Saglit lang ang pag-‐‑aatubili ni Mr. Moreno. “Wala akong problema roon.” “Then we have a deal.” Natagpuan na lang niyang sinasabi iyon. “I’ll have the papers ready,” dagdag pa niya. “Ihahanda ko naman ang perang ibabayad sa iyo. I’ll say you drive a really hard bargain,” ani Mr. Moreno. “Tawag lang ng pangangailangan,” mapakla ang ngiting saad niya. SAMANTALA, sa silid na nagsisilbing opisina ni Anton ay matagal siyang nakatitig sa pahayagan. Heiress turns 18. Iyon ang titulo ng artikulong pinagbubuhusan niya ng atensiyon. Kalakip niyon ang larawan ng dalagang tagapagmana na kasayaw ang isang lalaking malapit sa puso nito. May maigsi ring balita tungkol sa inihayag na engagement ng dalawa. Gusto niyang kuyumusin ang pahayagan. Iyon ang reaksiyon ni Anton, kagaya ng madalas mangyari. Para bang kapag ginawa niya iyo’y mabubura ang masasagwang pangitaing madalas maglaro sa kanyang isipan. Subalit nagtimpi siya. Sanhi ng poot na binubuhay ng naturang artikulo kaya niya narating ang kinaroroonan. Napasulyap siya sa petsa ng pahayagan. April 12, 1988. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Lagpas isang dekada na pala ang nakalilipas mula nang mangyari ang lahat. Mahigit isang dekada na niyang iniingatan ang poot sa kanyang puso. At dumating na ang panahon para siya’y maningil. Naudlot ang pagbabalik-‐‑tanaw niya sa nakaraan nang may kumatok sa pinto. “Tuloy,” sabi niya. Bumukas ang pinto at pumasok ang panauhin. Isang folder ang iniabot nito sa kanya. “It’s done?” may antisipasyon sa tinig na tanong niya. Tumango ang nagdala ng folder. “Nariyan lahat ng hinihingi mo,” anito. “That fast, huh?” “Ganyan ang nagagawa ng pera.” “Well done. Maraming salamat. At huwag kang mag-‐‑alala, may akmang kapalit ang pabor na hiningi ko,” pangako niya. “Natutuwa akong nakatulong sa ‘yo.” Pagkasabi niyo’y umalis na ang panauhin. ILANG araw matapos magkapirmahan sina Mr. Moreno at Moira ay nakatanggap ng tawag ang dalaga. “The money’s in the bank, tama ba ‘ko?” paniniguro ni Mr. Moreno. “Ganoon na nga,” kumpirma ni Moira. Noong makatlo pa niya inihulog sa account niya ang ibinayad ng lalaki sa hacienda at sa mga panahong iyon ay cleared na ang tseke. “That’s good. So, it’s official. Sa akin na ang hacienda n’yo, right?” “T-‐‑that’s right.” “Expect a visit from the owner this afternoon, okay?” Napalunok siya. Hindi niya inaasahan ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib bunga ng sinabi ng lalaki. Parang hindi niya matanggap na hindi na sila ang may-‐‑ari ng hacienda. “Are you there?” Tinig ni Mr. Moreno ang nag-‐‑ udyok sa kanyang ipagpaliban ang paghihinagpis. “Y-‐‑yes, I’m here. I’ll expect you this afternoon,” malumanay niyang sagot sa kabila ng pagnanais na magsisigaw dahil sa sama ng loob. Dahil sa tawag ni Mr. Moreno, hindi na siya nagulat nang pagsapit ng alas-‐‑kuwatro’y puntahan siya ng katulong sa silid niya’t ihayag na may naghahanap sa kanya. “Si Mr. Moreno ba?” tanong niya. “Hindi po. Ibang lalaki.” “Sino?” Napakunot-‐‑noo siya. Ang inaasahan niya’y si Mr. Moreno ang darating. “Ayaw pong sabihin. Gusto raw kayong sorpresahin.” “Nasaan siya? Hindi mo dapat pinapasok,” nababa-‐‑halang wika niya na nagmadali sa paglabas ng silid. “Hindi nga, Senyorita. Nasa labas pa siya,” anang katulong na patakbong sumusunod sa kanya. Pagbukas niya ng front door ay isang lalaki ang natagpuan niyang nakaupo sa isa sa mga silyang nasa patio. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya agad makita ang mukha nito. “May I help you?” pukaw niya rito. Dahan-‐‑dahang tumayo ang lalaki saka bumaling sa kanya. At nang matunghayan niya ang mukha nito’y isang malakas na pagsinghap ang napawalan niya. Hindi siya maaaring magkamali. Oo’t malaki na ang ipinagbago ng pisikal na kaanyuan ng lalaki subalit walang dudang ang nakatayo sa harap niya’y walang iba kundi si Anton Alvarez. “I can see you still remember me.” May taglay na pait ang ngiting sumilay sa mga labi nito. Hindi naman siya makahuma. Sa isang iglap ay para siyang ibinalik sa isang yugto ng nakaraan. Yugtong matagal na niyang inaasam na sana’y hindi na nangyari. .CHAPTER TWO
BATA pa siya’y
namamasukan na ang pamilya Alvarez sa Hacienda San Diego. Ang ama ni Anton na
si Mang Nardo’y tagapangasiwa ng mga bukirin nila samantalang ang ina nitong si
Aling Candida’y pumupunta-‐‑punta sa mansiyon para tumulong sa
tuwing may gaganaping pagtitipon doon. Maliit pa si Anton ay isinasama-‐‑sama na ito ng mga magulang sa hacienda at nang maging
binatilyo ay tinanggap ng kanyang ama bilang isa sa mga tauhan nila. Apat na
taon na marahil itong nagtatrabaho sa hacienda nang magsimula ang lahat. “Moira, sino ba ‘yong isang ‘yon?” sundot ni Cathy sa kanya. Bakasyon noon at inimbitahan niya ang
kaibigang taga-‐‑Maynila na mamalagi muna sa
hacienda. Kasalukuyan silang nangangabayo nang mamataan nito si Anton na abala
sa pagtulong sa ama na lagyan ng tanda ang mga bakang kabibili lang ni Don
Miguel. “Ba’t gusto mong malaman?” napapakunot ang noong tanong niya. “He’s
cute,” parang kinikiliting sagot nito. “Cute? You call that cute? Kita mo nga’t
amus-‐‑ amusan siya.” “You’re so maarte. Paano naman kayang hindi siya magmumukhang madungis, eh,
nagtatrabaho nga siya? But there’s something about him. . type ko siya,” pahagikhik na hayag nito. “If I’m maarte, you’re a flirt. Isumbong kaya kita sa
daddy mo?” iritadong pakli niya. “At ano namang masama? I’m seventeen, I’m young and I’m carefee.” “You sound
like a commercial for panty shields.” “Ba’t ang sungit mo? Hmm, am I impinging
on your territory? May gusto ka sa kanya, ‘no?” tudyo nito. “Of course not!
Hindi ganoon ang mga tipo kong lalaki. Madungis na, mukha pang tikling,” mainit
na tanggi niya. Subalit kahit sinasabi iyon ay palihim niyang sinulyapan si
Anton. Totoo namang hindi ganoon ang mga lalaking hinahangaan niya. Mas gusto
niya iyong mga clean-‐‑cut. Iyong tipong parang parating
mabango. Ngunit dahil sa interes ng kaibigan sa naturang lalaki’y napukaw rin
ang kuryusidad niya. “Puwede mo ba ‘kong ipakilala sa kanya?” sabi ni Cathy.
“Hindi. Baka ako pa ang sisihin ng daddy mo kapag may nangyari. .” “Ano ba
naman ang mangyayari? My goodness! Ako, may gagawing kalokohan? What do you
think of me?” “Isang lukaret, ano pa? And I don’t trust you. Sagutin kita sa
daddy mo, eh. Tayo na nga.” Sinikaran niya ang kabayo niya para patakbuhin na
iyon. Walang nagawa si Cathy kundi sumunod na lang sa kanya. Sa buong linggong
pagbabakasyon ng kaibigan sa hacienda’y hindi niya ito binigyan ng pagkakataon
na makalapit man lang kay Anton. Katulad niya’y isang batang may laruang hindi
pinapansin ngunit nang pag-‐‑interesan ng iba’y nagustuhan na rin niya. Matagal
nang nakaalis si Cathy ay naroon pa rin ang interes na iyon. Madalas, kapag
nangangabayo siya’y dumadaan siya
sa gawi ng hacienda na batid niyang kinaroroonan ni Anton. At kapag nakikita
niya ito’y may kakaibang saya siyang nadarama.
Hanggang doon na lang dapat siya. Patingin-‐‑ tingin. At wala naman siyang balak
lumagpas sa pamantayang iyon. Ngunit may dumating na pagkakataong hindi niya
mapalagpas. WALA noon si Don Miguel. Nagpunta ito sa Maynila para
makipagpirmahan ng kontrata sa bagong kliyente. Sa kanyang silid ay abala sa
pagbibihis si Moira. Naimbitahan siya sa isang salu-‐‑salo at ang ka-‐‑date niya’y isa sa mga lalaking pinag-‐‑iisipan niyang sagutin pagdating ng tamang panahon. Halos
tapos na siya nang tumunog ang telepono. “Hello, Moira, si Dave ito. I’m sorry but something came up,” humahangos na sabi ng nasa kabilang
linya. “What came up?” “Basta, something important. Saka ko na ipapaliwanag.
But the point is, hindi na ‘ko makakapunta sa party. I hope it’s okay.” “Eh,
may magagawa pa ba ‘ko?” yamot na turan niya. “Ba’t naman kasi ngayon mo lang
sinabi? Sana kanina pa para nakahanap ako ng ibang kasama.” “Sorry, pero
biglaan kasi, eh.” “Maybe I’ll just go alone.” “Ikaw ang bahala. Basta gusto ko
lang ipaalam sa iyo na hindi na ‘ko makakasama. O, sige, I have to go. Bye.”
Gusto niyang ibalibag ang telepono. The nerve. Siya ‘yong nag-‐‑imbi-‐‑imbita, ‘tapos, siya pa ‘yong biglang uurong at the last
minute. Tse! `Tsura mo lang, pag-‐‑aalboroto niya. Hmph! Hindi kita
kailangan. I can go on my own. “Nana Merced,
pakisabi kay Mang Doro na ilabas ‘yong kotse,” sabi niya nang
pagbaba’y masumpungan ang mayordoma nila. “Ay, naku, Senyorita, wala si Doro.
Nagpaalam siya kanina pang umaga sa papa ninyo na uuwi sa kanila’t may sakit ang asawa niya.” “Si Rico na lang.” “Kuwan, ‘di po ba’t isinama siya ni Don Miguel sa
Maynila?” “Oo nga pala. Damn! Wala ba tayong tauhan diyan na marunong
magmaneho?” “W-‐‑wala ‘ata. Hindi naman puwedeng basta humugot ng kung sino diyan at magagalit
tiyak si Don Miguel kapag nalaman niya.” Mahigpit sa ganoong mga bagay ang don. Ayaw nitong sumasama ang anak
kung kanino lang. Ang tagahatid-‐‑sundo ni Moira’y tanging mga pinagtitiwalaan lang
nito. “Eh, paano na ‘yan? May pupuntahan akong party, wala
namang maghahatid sa ‘kin.” Nagsimula nang mag-‐‑init ang ulo niya. Gusto pa naman niyang pamukhaan si Dave.
May sasabihin sana si Nana Merced ngunit naudlot iyon nang sabay nilang marinig
ang pagtawag mula sa labas. “O, bakit?” usisa ng mayordoma nang matuklasang si
Anton ang tumatawag. “Ipapaalam ko lang ho sana sa inyo na baka hindi
makarating si Inay bukas. Mataas kasi ang lagnat ni Alicia,” anito na ang
tinutukoy ay ang nakababatang kapatid. “Ganoon ba? O, sige, si Corazon na lang
ang ipapatawag ko. Walang problema doon,” ani Nana Merced. “Maraming salamat
ho. Magpapaalam na ‘ko.” “Sige, hijo.” “Nana Merced, baka puwede siya.” Naudlot
ang akmang pagtalikod ni Anton nang magsalita si Moira. “P-‐‑puwede ho saan, Nana?” nagugulumihanan nitong tanong. “Kuu, eh, kailangan kasi nitong si Senyorita ng magmamaneho para sa kanya.
Pupunta daw sa party, kaso walang maghahatid sa kanya.” “Ho? K-‐‑kuwan.. ” Napakamot ito sa ulo. “Bakit, may problema ba? Kailangan ka
ba ng inay mo ngayong gabi?” tanong ni Nana
Merced. “H-‐‑hindi ho sa ganoon. May.. may kausap
kasi ako, eh.. Pupunta sana kami sa sayawan sa bayan.” “Aha! May date ka ba?”
napapatawang hula ni Nana Merced. “Aba’y oo nga pala, ano. Nakabihis ka nga.
Sino ang masuwerteng dalaga? Si Mina na anak ni Aling Tacing?” Dagling umangat
ang presyon niya sa narinig. Kanina pa niya napansing nakaporma ang lalaki.
Naguwapuhan pa nga siya rito. At nakakapagngitngit isiping para iyon sa ibang
babae. “O, siya, may date pala, Nana Merced. Huwag na lang,” napapaingos niyang
saad. Nakakailang na katahimikan ang naghari. “H-‐‑hindi,
ihahatid ko na lang k-‐‑kayo, Senyorita,” mayamaya’y pasya ni Anton. “Talaga?” Pakiramdam niya’y napakalaking
tagumpay ang nakamit niya. `Tsura mo lang, Mina. “Opo.” “Sus, ‘wag ka ngang mangupo sa ‘kin at mas matanda ka pa. Tara na.” Hinagip niya ang kamay ng lalaki’t hinila ito papunta sa garahe.
Naiilang na kumawala si Anton. “Teka, S-‐‑Senyorita, k-‐‑kukunin ko ang.. ang susi,” nagkakabuhul-‐‑buhol ang dilang wika nito. Susme, torpe pa pala ‘to, napapatawang naisaloob niya
habang tinatanaw itong halos magkandapatid-‐‑patid sa sariling mga paa sa
pagmamadaling makalayo sa kanya. “PASASAAN ba tayo, Senyorita?” tanong ni Anton nang nasa loob na sila ng kotse. “Kina Mrs. Morante. Alam mo ba ‘yon?” “Opo, este, oo.” Pagkatapos niyon ay hindi na sila
nagkibuan. Halatang ilang na ilang si Anton. Sa kabila ng lamig na ibinubuga ng
aircon ay nakailang punas ito ng pawis. Tensiyonado rin si Moira. Gusto niyang
magkaroon ito ng magandang impresyon sa kanya. Ibig niyang mapuna nitong isa
siyang dalaga, subalit tila malabong mangyari iyon. “Sino ba sana ang ka-‐‑date mo?” tanong niya
nang hindi na makatiis. “I-‐‑isang kaibigan, Senyorita,” sagot nito na hindi man lang sumulyap sa kanya. Nanatiling sa daan
nakatuon ang paningin nito. “Kaibigan lang?” “Kaibigan lang.” “Hindi kaya siya magalit sa hindi mo
pagsipot?” “Maiintindihan naman siguro niya. Mabait si Mina.” Nagputok na naman ang butse niya. “Kailangan mo pa bang ipamukha sa ‘kin na hindi ako mabait?” singhal niya. “H-‐‑hindi ko ibig sabihin ang ganoon,” protesta ni Anton. “Eh, ano pala?” “W-‐‑wala, Senyorita. Wala akong ipinahihiwatig.” Nagpupuyos ang kalooban ni Moira
habang binabaybay nila ang madilim na daan. Naglalaro sa imahinasyon niya ang
itsura ni Mina. Mahinhin, simple at pa-‐‑sweet. “Hihintayin ko ba kayo dito sa
sasakyan o babalikan na lang?” Napukaw ang
pagmamarakulyo niya nang magsalita ang kasama. Noon niya lang napunang
nakahimpil na sila. “Sasama ka sa
loob.” “A-‐‑ano?” “Sabi ko, sasamahan mo ‘ko.” “Pero.. ” “Pero ano? Ikinahihiya mo bang kasama
ako?” “H-‐‑hindi, Senyorita. Kabaligtaran nga, eh. Baka kayo ang
mapahiya.” “You’re talking nonsense.” “Hindi maaari ang ibig ninyong mangyari,
Senyorita. Gawin n’yo na ang gusto n’yo. Pagalitan n’yo ‘ko, suntukin,
sampalin, pero hindi ako sasama sa loob,” pagmamatigas ni Anton. “Susuwayin mo
ang utos ko?” “Para sa kabutihan n’yo rin. Tiyak na ‘di maiibigan ni Don Miguel
kapag nalaman niyang isinama n’yo ang isang tauhan sa salu-‐‑salong laan sa mga kauri ninyo.” “Ang dami mong arte. Pwes, maiwan ka riyan.” Padabog na siyang lumabas. Hindi na niya hinintay na mapagbuksan siya
nito ng sasakyan. Pagkuwa’y tuluy-‐‑tuloy na siyang pumasok sa bahay na
pinagdarausan ng kasayahan. IILING-‐‑ILING na sumandal sa kinauupuan si
Anton. Hindi talaga niya maintindihan ang anak ni Don Miguel. At naaliw rin
siya sa ikinikilos nito. Nagpipilit umastang dalagang-‐‑dalaga na subalit lumalabas pa rin naman ang kamusmusan ng
isip. Pero maganda siya, sa loob-‐‑loob niya. Kundi nga lang malayo ang
agwat ng kabuhayan namin, liligawan ko ‘yon, eh. Napangiti siya nang maalala ang mga palihim na pagsulyap sa
kanya ni Moira. Hindi lang siya nagpapahalata pero napapansin niya ang mga
panakaw na tingin nito. Naaaliw siyang isipin na kahit paano’y naging bahagi
siya ng pantasya nito. Hindi naglaon ay naidlip siya’t nagulantang na lang sa
malakas na tinig ng dalaga. “ANO BA, Benjo, sabi nang may sundo ako, eh. Will
you let me go?” galit na anas ni Moira. Nagpilit itong ihatid siya. Hawak siya
nito sa isang kamay at ayaw siyang pakawalan. “I can take you home. Pauwiin mo
na lang ang tsimoy mo,” giit ni Benjo. “Ayokong sumama sa ‘yo, okay?” tahasang
hayag niya. “Now, please let me go. Lasing ka na ‘ata, eh.” “Hindi ako lasing,”
tanggi nito. “You’re acting like one. Goodbye.” Ipinagpag niya ang brasong
tangan ng lalaki, saka siya umakmang lalayo na. Subalit mabilis na muli siyang
napigilan nito. Sinaklit ulit nito ang braso niya. Mas mahigpit na hinawakan
iyon. “Lagot ka sa papa kapag nalaman niya ‘to,” banta niya. “Hindi ako
natatakot sa kanya,” pagmamalaki ni Benjo. “Magkasosyo sila ng papa and the
worst he could do is make me marry you. At hindi ko ‘yon tatanggihan. Alam mo
na siguro, matagal na kitang type.” Hinila siya nito palapit at sinubukang
hagkan sa pisngi. “Yuck! Ang baho mo. Bitawan mo nga ako.” Tinangkang itulak ni
Moira ang lalaki subalit ni katiting ay hindi ito natinag. Sa halip, mas lalo
pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Pare, mabuti pa siguro’y bitawan mo na
siya.” Isang tinig ang pumigil sa balak nito. “Well, well, well, what do we
have here? Sino ba ang asungot na ‘to, Moira? Your date?” nakakalokong tanong
ni Benjo. “S-‐‑siya ang nag-‐‑drive sa ‘kin papunta
rito.” “Aba, eh, atribido pala ‘tong tsuper mo,” iritadong pakli ni Benjo. “Ano ba’ng ipinagmamalaki mo, ha? May ibubuga ka ba?” Binalingan nito si Anton at
itinulak-‐‑tulak sa balikat. “Tama na,” sabad ni Moira. Nangangamba siya
para sa binata. Di-‐‑hamak na mas malaki rito si Benjo at
tiyak na wala itong ibubuga sa bugbugan. “Halika na.” Hinawakan niya
ito sa kamay at tinangkang hilahin palayo. “Huwag kang makialam, Moira. Mukhang
gustong mabangasan nitong tsuper mo,” tigib ng panlalait na turan ni Benjo.
“Huwag kang makinig diyan,” sabi niya kay Anton. Ilang sandaling tinitigan ni
Anton si Benjo. “Come on, come on.” Animo’y boksingero namang pumorma’t
sumayaw-‐‑sayaw ang huli. “Hindi ako pumapatol sa lasing,” may panlalait sa tinig na sabi ni Anton, saka tumalikod. Isang malakas
na bigwas ang dumapo sa ulo ng binata at nang harapin nito ang lalaking
patraidor na sumuntok dito ay sa panga naman ito tinira. Sinundan iyon ng isa
pang tama sa ulo. Putok ang labi at kilay ni Anton. “Tama na ‘yan, ano ba?!
Saklolo!” sigaw ni Moira. Mukhang wala nang naririnig ang dalawang
nagtutunggali. Muling sumugod si Benjo ngunit sa pagkakataong iyon ay nakailag
si Anton. Kasunod niyon ay hinagip nito ang braso ng kalaban at marahas na
ipinilipit iyon sa likod nito. “Sabihin mo lang at ‘di ako mangingiming baliin
ito,” mahina ngunit marahas na turan ni Anton, kasabay ang pagdiin sa
pagkakapilipit sa braso. “Ano, laban pa?” Napangiwi sa sakit si Benjo. “A-‐‑ayoko na,” usal nito.
Pabalyang binitawan ni Anton ang braso nito. “Tayo na, Moira,” anito at
iginiya papunta sa nakaparadang sasakyan ang dalaga. Sa kalituhan, sa unahan
umupo si Moira. Sa puntong iyon ay napalabas na ang ilang mga bisitang
nakarinig ng komosyon. Nagpalakpakan ang ibang kadalagahan sa kakisigang
ipinamalas ni Anton. Kantiyaw naman ang inabot ni Benjo buhat sa mga
kalalakihan. “M-‐‑MABUTI na lang at ikaw ang kasama
ko,” ani Moira nang umaandar na ang
sasakyan. “Uli-‐‑uli, pipiliin n’yo kasi ang mga kinakaibigan n’yo,” napapatiim-‐‑bagang na turan ni Anton. “Malay ko bang siraulo ang Benjo na ‘yon kapag nakakainom? He was a
perfect gentleman nang ‘di pa siya
lango,” katwiran niya. “Teka, may sugat ka.” Hinawakan niya ang labi nito na
tinatagasan pa ng dugo. Napapangiwing iniiwas nito ang mukha. “Wala ‘to.” “Ano bang wala, eh, hayan at napapangiwi ka sa sakit?” “Basta, wala ‘to,” giit ni Anton. Hindi na siya kumibo
subalit nang humimpil sila sa loob ng bakuran at makababa sila’y hindi niya
hinayaang makalayo ito. “Halika sa loob. Kailangang gamutin ‘yan,” sabi niya.
“Huwag na, Senyorita. Mukhang tulog na ang lahat,” tanggi nito. “Eh, ano kung
tulog na sila? Gagamutin ko lang naman ‘yang sugat mo, a. Halika na.” Halos
kaladkarin na niya ito papasok. Sa pagnanais na huwag makalikha ng ingay na
pupukaw sa mga natutulog na, nagpatianod na lang si Anton sa mga pangyayari.
Hindi na ito nagprotesta kahit na sa silid ito niya dinala. May personal ref
siya sa kuwarto at buhat doon ay kumuha siya ng yelo. Ibinalot niya iyon sa
bimpo saka idinikit iyon sa kilay ng lalaki. “Aray! Huwag masyadong madiin.”
Sinapo nito ang kamay niya para pigilan. Napalunok siya nang mapatingin dito.
Masyado siyang malapit dito at nang mapunang kakaunti lang ang distansiyang
pumapagitan sa kanila’y agad bumilis ang tahip ng dibdib niya. Di-‐‑hamak na mas matindi ang kilig na nadarama niya nang mga
sandaling iyon kaysa kapag lihim lang niya itong sinusulyapan. Para namang may
bagang dumantay sa kamay niya nang hawakan nito iyon. Hindi rin maipaliwanag ni
Anton ang nararamdaman. Para itong hinihila ng napakalakas na puwersa palapit
kay Moira. Hindi nito iyon magawang pigilan. Hanggang sa magdaiti ang mga labi
nila. Sabay silang napaurong matapos malasap ang panandaliang tamis. “P-‐‑pasensiya na, Senyorita. Hindi ko sinasadya. Hindi talaga.” Hindi magkandatuto sa paghingi ng
paumanhin si Anton. Malilintikan ito sa ama nito at kay Don Miguel kapag
nagkataon. “H-‐‑huwag kang mag-‐‑alala. Hindi ito makakarating kahit kanino,” sabi ni Moira
na nahulaan ang ikinatatakot ng lalaki. “Salamat, Senyorita. S-‐‑sige, aalis nàko.” Natatarantang lumabas ng silid si
Anton. Ilang sandali namang nanatiling nakamaang si Moira sa saradong pinto.
Hindi niya mailarawan ang kiliting bumaybay sa buong katawan niya nang madama
ang halik ng lalaki. Wari’y nananaginip
siya nang gising. Napaupo siya sa gilid ng kama’t sinalat ng daliri ang mga labing hinagkan ni Anton. Ang una kong halik,
kinikilig niyang naisaloob. Pakiwari niya, mas lalong umigting ang lihim niyang
pagtingin dito. MULA noon ay mas lalong dumalas ang pagpunta-‐‑punta ni Moira sa mga parte ng haciendang batid nitong
kinaroroonan ng lalaki. At halatang pinananabikan na rin ni Anton ang mga
pagkakataong iyon. Mga pasimpleng sulyap at palihim na mga ngiti ang tanging
komunikasyon nila subalit kapwa sila masaya na pagkatapos niyon. “Hoy, Antonio, mano’ng lubayan mo na ‘yan,” saway ni Mang Nardo, sabay kutos sa anak minsang masaksihan nito ang
pakikipagtitigan niya kay Moira habang inihahanda ang kabayong sasakyan. “Aray!
Ang alin, ‘Tay?” nagpoprotestang bulalas niya. “Ano’t nakikipagngitian ka sa
anak ni Don Miguel?” “Hindi naman ho.” “Ano’ng palagay mo sa ‘kin, bulag?
Kitang-‐‑ kita ko po ang pagniningning ng mga mata ninyo habang
nakatingin ka sa kanya. Huwag kang hangal, Antonio. Masamang maging kaaway si
Don Miguel,” babala nito. “Wala ho akong masamang hangarin kay
Moira,” katwiran niya. “Pero nagkakagusto ka sa kanya?” “G-‐‑ganoon nga po,” amin niya matapos ang mahabang sandali. “Pwes, para kay Don Miguel,
masamang hangaring maituturing iyon.” “Bakit naman ho?” “Batang ‘to, itinanong
mo pa. Dahil ibang uri ng lalaki ang napipisil niya para sa kanyang anak, ano
pa? Hindi iyong kagaya natin.” Napayuko siya at itinuon ang pansin sa
pagbubunton ng mga dayami. Mayamaya, isang kamay ang dumantay sa balikat niya.
“Ganyan talaga ang buhay, anak,” sabi ni Mang Nardo. “Natural lang na isang
angat din ang kabuhayan ang nanaisin ni Don Miguel na mapangasawa ni Moira.
Iyong kaparehas nila. Ikaw naman, marami ka ring mapagpipilian sa mga
kadalagahan dito, ‘di ba? Aba’y bali-‐‑balitang nagkakagusto sa ‘yo si Mina, si Marjorie, si Neneng.” Hindi siya makasagot. Paano
maihahambing ang mga dalagang kakilala niya kay Moira? Hindi lang dahil
maganda, makinis, mayaman at may pinag-‐‑aralan ito, kundi dahil ito ang
mahal niya. “Tratuhin mo na lang na isang
magandang panaginip ang yugtong ito ng buhay mo, anak,” patuloy ni Mang Nardo. “G-‐‑ganoon na nga ho siguro,” malamlam na saad niya. NATAPOS ang
tag-‐‑araw. Magsisimula na ang pasukan kaya lungkot na lungkot si
Anton habang nakahiga sa papag sa bukid at nagpapahinga. Batid niya, aalis na
si Moira para ituloy ang pag-‐‑aaral sa Maynila. Hindi niya ito
makikita nang matagal. Bumangon siya’t tumayo sa bukas na bintana. Sa kabila ng nakasisilaw na liwanag ng araw
ay tinanaw niya ang gawi ng mansiyon. May nadama siyang gaan ng kalooban nang
maisip na naroon ang mahal niya. Pagkuwa’y napakurap siya. Namamalikmata lang ako, nasabi niya sa sarili nang
mamataan ang palapit na babae. Iyon lang ang tanging eksplanasyon kung bakit
wari niya’y si Moira ang parating. “Anton. .” Napakislot siya nang nakatayo na
ito sa tapat mismo ng bintana. “M-‐‑Moira? A-‐‑ano’ng ginagawa mo
rito?” “K-‐‑kanina. . kanina pa kita sinusundan.” “Bakit? M-‐‑may kailangan ka sa ‘kin?” “Gusto lang. . gusto sana kitang
makausap. Puwede bang pumasok?” “Oo, ba.” Lumigid ito at inakyat ang dalawang baitang na papasok sa kubong
pahingahan. “Maupo kayo, Senyorita.” Pagpasok nito’y iniabot agad ni
Anton ang nag-‐‑iisang bangko sa kubo. “Salamat.” “A-‐‑ano’ng kailangan n’yo sa.. sa akin?” lakas-‐‑ loob
na tanong niya nang hindi agad ito umimik. “A-‐‑aalis na ‘ko bukas,” tahimik na hayag nito. “Alam ko.” Hindi na naman makapagsalita si
Moira. Alumpihit na kinukusut-‐‑kusot nito ang mga daliring
nakapatong sa kandungan. “A-‐‑Anton, alam mo. . alam mo.. g-‐‑gusto
kita. .” Halos hindi narinig ni Anton ang mga
sinabi nito. Parang ayaw nga niyang maniwalang naroon ang dalaga’t nagtatapat sa kanya. “Oy, narinig
mo ba ‘ko? A-‐‑ang sabi ko, gusto kita,” ulit nito nang hindi siya nag-‐‑react. Totoo nga! sa loob-‐‑loob
niya. “Naku, Senyorita, hindi magandang biro
‘yan,” bulalas niya. “Sino ba’ng nagbibiro?” napapatawang wika ni Moira. “Eh. . eh. . k-‐‑kuwan.. ” Alumpihit na
napatayo siya at parang hilong-‐‑talilong na nagpalakad-‐‑ lakad sa maliit na kubo. “Nakakahilo ka naman,” sita ni Moira
sa kanya. Sapat na iyon para bigla siyang umupo. “Hindi ko kasi. . hindi ko alam ang isasagot ko,” pag-‐‑ amin niya. Namula ang mukha ni Moira. Hindi ito tanga upang
hindi maintindihan ang ipinahihiwatig ng reaksiyon niya. Kagyat itong tumayo. “Pasensiya na sa pag-‐‑istorbo ko sa ‘yo,” gumagaralgal ang tinig na sabi nito.
“Aalis na ‘ko at sana.. sana’y kalimutan mo na lang ang sinabi ko,” anito saka umaktong lalabas na. “Teka!” Sa pagnanais na pigilan ito, ‘di sinasadyang nasaklit ni Anton ang isang kamay ng dalaga. Para siyang
napaso ngunit hindi pa rin iyon binitawan. “May nasabi ba ‘kong ‘di maganda?” Banaag ang matinding
pagkabalisa sa tinig niya. “Wala,” sagot nito. “Ba’t ka umiiyak?” “Hindi ako
umiiyak,” tanggi nito. “Ano ‘to?” Sinaluysoy ng isang daliri niya ang luhang
umagos sa pisngi nito. “Wala ‘yan. Huwag mong alalahanin. Bitawan mo ‘ko’t
aalis na ‘ko.” “Senyorita, h-‐‑hindi ko alam ang sasabihin ko
dahil. . dahil pareho tayo ng nararamdaman. Kaya lang, parang ‘di dapat.” NAGNINGNING ang mga mata ni Moira sa
narinig. “T-‐‑totoo ba ‘yan o sinasabi mo lang para paluwagin
ang kalooban ko?” “Totoo,” mahinang turan ni Anton. At
kasunod niyo’y isinakatuparan nito ang eksenang madalas nitong laruin sa
imahinasyon. Ginawaran nito ng halik sa mga labi ang dalaga. Hindi alam ni
Moira ang gagawin. Noong unang magdaiti ang mga labi nila ni Anton ay saglit na
saglit lang iyon. Ngunit sa mga sandaling iyon ay tila ayaw nitong pakawalan
ang mga labi niya. May taglay ring kakaibang alab ang paghalik nito sa kanya.
Isa iyong bagay na hindi pa niya nararanasan. Kara-‐‑karaka’y napaurong ito.
“Pasensiya na. Hindi ko alam.. ”
natutuliro nitong sabi. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Huwag mo ‘yong
alalahanin,” sabi niya. “A-‐‑aalis ka na bukas,” may pangingilag na hayag nito. “P-‐‑paano na. .?” “Hintayin mo ‘ko. Ipangako
mong hihintayin mo ang pagbabalik ko.” Inalihan siya ng pangamba sa ideyang baka habang wala siya’y may iba itong mapusuan. “Pero ang papa mo.. ” “Hindi niya kailangang malaman. Saka na lang.” “Hihintayin kita. Pangako.” “Paalam, Anton,” sabi niya saka patalilis na umalis.
CHAPTER THREE
ILANG linggo nang
nagsimula ang pasukan. Kasalukuyang naghihintay ng sundo sina Moira at Cathy sa
unibersidad na pinapasukan nila nang mamataan niya ang isang bagong modelong
Mercedes-‐‑Benz na pumarada sa parking lot.
Mula roo’y bumaba ang isang lalaki. Luminga-‐‑linga ito at nang mamataan sila’y nagsimula itong maglakad papunta sa
kinauupuan nilang kiosk. “Guy alert.
Tingnan mo sa gawing kaliwa,” bulong niya sa
kaibigan. “Cute, ‘di ba?” anito nang mapiho ang tinutukoy
niya. “He’s Renz.” “Kilala mo?” Nagulat siya. “Of course. Boyfriend ko siya, eh.”
“Boyfriend? Paano nangyari iyon?” “Paano nga ba nangyayari ang ganoon? Eh, di
niligawan niya ako’t sinagot ko siya.” “Saan mo napulot ‘yan?” “We met in
Boracay. Nagbabakasyon sila ng pamilya niya’t kasama ko naman si Mommy. We
chatted, got to know each other and before I knew it, on na kami. I bet you
didn’t expect it, right?” Bago makasagot si Moira’y nasa harap na nila ang
lalaki. “Moira, si Renz. Renz, my friend, Moira,” pagpapakilala ni Cathy.
“Pleased to meet you,” sabay nilang sabi ng lalaki. “Dadaan lang ako sa
registrar, pagkatapos ay babalikan kita, okay, babe?” sabi ni Renz. “Sure,”
nakangiting sang-‐‑ayon ni Cathy. “Ang bilis mo naman. Ilang linggo lang
tayong ‘di nagkita, may boyfriend ka na,” ani Moira nang makalayo na ang
lalaki. “Of course. It’s about time, don’t you think? Napag-‐‑iwanan ka na, ha? Alam mo bang kahit si Lindsay, eh, may
boyfriend na rin?” “Si Lindsay? Talaga?” “Yup. Nakilala ko noong isang linggo pa. He’s cute, too. So, ikaw na lang sa barkada ang walang boyfriend ngayon.”
“Eh. . h-‐‑hindi mo naitatanong.. ” “Don’t tell me.. ” namimilog ang mga matang bulalas ni
Cathy. “Sino ang nabulag mo?” Saglit siyang nag-‐‑atubili. “Since may
boyfriend ka na, I guess it won’t hurt you
anymore. Tanda mo iyong guy na nakita mo sa hacienda?” pagkuwa’y pasakalye niya. “Iyong amus-‐‑amusang trabahador n’yo? Huwag mong sabihing siya ang. .” Mas lalong lumaki ang mga mata ni Cathy bago ito humagalpak ng tawa. “Are you kidding?” “Bakit ba?” yamot na sambit
niya. “You could do better than that.” “You
liked him.” “For amusement. He’s definitely not boyfriend material. My
goodness, alam ba ‘to ni Tito Miguel?” “Of course not!” “I thought so. He’d
have a fit. Ano ba’ng nangyari sa ‘yo, Moira? Weren’t you thinking? O baka
ginayuma ka n’on? Wala ba sa lahi nila ang may sa mangkukulam?” “Ano ba’ng
problema kay Anton?” “You have to ask? Hindi natin siya ka-‐‑level. Imagine na lang, paano mo siya ipapakilala sa mga
friends natin? Sa mga relatives ninyo? Tell you what, Renz has a friend.
Sasabihin kong ipakilala sa ‘yo. Si Dondi, iyon ang boyfriend material. Aside
from being a hunk, ang dad niya’y CEO ng isang malaking kompanya.” “I don’t
need a boyfriend. I already have one,” mainit na tanggi ni Moira. “Oh, right,
you do,” sarkastikong wika ni Cathy saka muling humagikhik. “Just meet him,
okay?” giit nito. Sa labis na galit niya, ipinagkalat pa ni Cathy sa mga kabarkada
nila ang pagkakaroon nila ng ugnayan ni Anton. Gaya ng inaasahan, panay
kantiyaw ang inabot niya. “Wow, hanep! Ang sex appeal ni Moira, pantrabahador
pala,” pang-‐‑aalaska ni Lindsay. “Wala ka na bang ibang mabighani’t pati trabahador n’yo’y pinatos mo? Does he get paid overtime when he’s with you?” salo ni Daria. Wala siyang maisagot.
Alam naman niyang kahit ano’ng sabihin niya’y may ipambabara ang mga alaskador na
kabarkada. “Bukas, eh, isasama ni Renz iyong best
friend niya. Baka kilala n’yo ‘yon. Si Dondi Mijares.” “Dondi Mijares? Are you kidding? Anak iyon ni Alfonso Mijares, ‘di ba? Iyong head ng Good Food
Incorporation?” sabi ni Daria. “Iyon na nga,” kompirma ni Cathy. “He’s a hunk.
Sana’y sa ‘kin mo na lang ipakilala,” ani Daria. “Sorry, pero emergency
situation na ‘to, eh. Dapat nang magka-‐‑boyfriend ‘tong si Moira at baka kung ano pa ang
maisipan.” “Hindi ka ba nakakaintindi? May boyfriend na sabi ako,” giit niya. Malulutong na halakhak
ang isinagot ng mga kaibigan niya sa pahayag niyang iyon. “MOIRA, this is my friend, Dondi.
Dondi, si Moira, friend ni Cathy,” sabi ni Renz nang sunduin ulit nito ang nobya. “Hi!” bati ni Dondi. “I’m
glad someone finally introduced me to you. Noon pa kita gustong makilala.”
“Noon pa?” ani Moira. “Yup. Classmates tayo sa Natural Science 1. And I’m
crushed that you don’t even remember my face.” “No, actually, parang. . parang
natatandaan ko nga. Nakaupo ka parati sa second row, right?” “Whew! Salamat na
lang at naalala mo.” Eksaheradong nagpakawala ng pinipigilan kunong hininga si
Dondi. Napatawa naman siya. Nagkatinginan sina Cathy at Renz. Palihim na
nagbigayan ng thumbs-‐‑up sign. “Manonood sana kami ng
sine,” hayag ni Renz. “Care to join us?” “O, s-‐‑sige,” bantulot na sang-‐‑ayon ni Moira. “Then let’s go,” ani Cathy. Magka-‐‑holding hands ito at ang nobyo,
naglakad na sila patungo sa parking lot. “I have my own car,” sabi ni Dondi
nang makarating sila sa paradahan at puntahan nito ang dark blue BMW. Napilitan
si Moira na doon sumakay. Iyon ang simula ng madalas na paglabas-‐‑labas nila ni Dondi. Binabagabag siya ng konsiyensiya, lalo
na kapag nakakatanggap ng mga sulat mula kay Anton, ngunit hindi rin niya
mapigilan ang sarili. Dondi is amusing, witty, handsome at mataas ang pinag-‐‑aralan. He’s clean-‐‑cut at sanay makihalubilo sa mga taga-‐‑alta-‐‑sosyedad. Baka nga tama si Cathy.
Maybe I made the wrong choice. Pero bakit kapag iniisip kong makikipag-‐‑split kay Anton ay parang nasasaktan ako? Madalas niyang
pagnilayin ang ideyang iyon. Well, I guess time will tell. Matagal pa ang
bakasyon and I won’t have to face
Anton till then. SAMANTALA, sa Sta. Barbara, marami nang pangarap na nabuo si
Anton. Mag-‐‑aaral siya ng kolehiyo sa bayan,
naipasya niya. Nakaipon naman siya kahit paano. Kung noon ay nag-‐‑aalinlangan siyang gamitin iyon sa kanyang edukasyon,
determinado na siyang iyon ang unang-‐‑una niyang aasikasuhin. Dapat ay
hindi siya mahuli sa karunungan. Mas lalo siyang magiging alangan kay Moira
kapag nakatapos na ito ng kolehiyo at siya’y mananatiling second year college lang ang naabot. “Inspirado ka ‘ata,” puna tuloy ng kapatid niyang si Alicia. “Sino ba ang pinagmumulan ng inspirasyon mo?” nanunudyo nitong usisa.
“Secret.” “Huh, secret pa raw. Alam ko na.” “Sino, aber?” “Eh, di si Mina.”
“Hah! Mali.” “Si Marjorie? Si Neneng?” “Mali pa rin.” “Eh, sino na nga?” “Bata
ka pa. Huwag kang makulit.” “Sino na nga?” “Ang kulit naman. Bata ka pa sabi.”
“Itong si Alicia, oo, lubayan mo nga ang kuya mo,” saway ng ina nilang si Aling
Candida. “Eh, kayo ba, Inay, alam n’yo ba kung sino ang inspirasyon ni Kuya?”
baling ni Alicia sa ina. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni
Aling Candida. “Ay, si Inay, madaya. Alam ninyo, eh. Sabihin n’yo sa ‘kin. Sige
na,” ingit ni Alicia. “Sinabi sa inyo ni Itay?” nanunumbat na tanong ni Anton.
“Hindi po. Nahulaan ko sa sarili ko.” “Inay, sino na?” pangungulit ni Alicia.
“Sino pa ba kundi ang unica hija ni Don Miguel?” saad ni Aling Candida. “Si
Moira? Ang taas naman ng pangarap mo, Kuya,” nang-‐‑aalaskang bulalas ni Alicia. “A, basta! Magsisikap ako para hindi maging alangan sa kanya,” matiim na hayag ni Anton. Mas lalo
siyang nagpursigi sa pagtatrabaho. At bawat sentimong maipon niya’y inilalaan
sa plano niyang pag-‐‑aaral sa ikalawang semestre. MABILIS
na lumakad ang mga araw subalit pakiramdam ni Anton ay kay kupad ng pag-‐‑usad niyon. Sabik na sabik na siyang makita ang dalagang
itinuturing na niyang katipan. Sa buong panahong nasa Maynila si Moira,
nabubuhay na lang siya sa mga sulat na ipinapadala nito sa kanya. Laking
pasasalamat niya nang malapit na ang semestral break. Karaniwang umuuwi sa
hacienda si Moira sa panahong iyon at halos hindi na siya makapaghintay na
magkita silang muli. Nasa bukirin siya nang mamataan ang pagdaan ng sasakyang
sumundo kay Moira sa Maynila. Gayon na lang ang pagtitimpi niya upang huwag itong
habulin sa pagnanais na matanaw man lang sa bintana ang babaeng minamahal.
Buong bakasyon, hinintay niyang makipagkita sa kanya ang dalaga. Hindi naman
siya makagawa ng unang hakbang para katagpuin ito dahil nangingimi siya sa
magiging reaksiyon ni Don Miguel kapag natuklasan nitong may ugnayan sila ng
anak nito. Ngunit hindi siya kinatagpo ni Moira. Nakikita niya itong
nangangabayo at namamasyal sa hacienda. Subalit kahit minsan ay hindi nito
sinalubong ang kanyang tingin. Nang hindi na siya makatiis ay palihim niya
itong sinubaybayan habang ito’y nangangabayo at matapos tiyaking walang ibang
tao sa paligid ay inudyukan niya ang sinasakyang kabayo palapit dito. “HOLY
shit!” gulat na bulalas ni Moira nang matuklasang nasa tabi na niya si Anton.
Nagitla rin ang kabayo niya. Bigla itong humalinghing saka dumamba. Maagap na
hinawakan ni Anton ang renda nito upang mapigilan ang pagwawala nito. “Gusto mo
ba ‘kong patayin?” yamot na pakli ni Moira nang manahimik na ang kabayo niya.
“Wala akong ganoong intensiyon. Gusto ko lang malaman kung bakit. . ang ibig
kong sabihin, a-‐‑ano na tayo?” Para siyang napipi. Noong bago siya
umuwi sa hacienda’y buo na ang
pasya niyang kausapin ang lalaki. Lilinawin ditong wala silang maaaring maging
ugnayan. Pero bakit parang kakaiba na naman ang itinitibok ng kanyang puso? “N-‐‑naiintindihan mo na dapat na. . na
‘di puwedeng basta ipaalam sa papa ko ang tungkol sa ‘tin. I mean, h-‐‑hindi ko matantiya how. . how he’d react,” paliwanag niya. “Naiintindihan ko nga pero.. bakit
hindi ka man lang nakikipagkita sa ‘kin?” may himig-‐‑ paghihinampong tanong ni Anton. “Hindi ako makakuha ng tiyempo, eh,” katwiran niya. Pagkuwa’y bumaba siya ng kabayo. “Halika, maglakad tayo,” yaya niya. DAGLING tumalima si
Anton. Bumaba rin siya’t hinayaang
manginain ng damo ang kabayo niya. Sa tabing-‐‑ilog
sila humantong. Langit na niyang maituturing na habang naglalakad sila’y
magkahawak-‐‑kamay sila ng dalaga, at nang maupo
sila sa lilim ng puno’y hinayaan siya
nitong umakbay. Inihilig pa nga nito ang ulo sa balikat niya. “Mag-‐‑aaral
ako sa darating na semestre.” “That’s good,” nakangiting sabi nito saka nag-‐‑ angat ng ulo. Hindi talaga nito mawari ang nararamdaman.
Parang gusto na naman nito si Anton. Higit pa nga yata kay Dondi. Pero bakit
parang naiilang din ako? Hindi kaya naaapektuhan ako ng pangangantiyaw at
pananaw ng mga kaibigan ko? “Napakarami kong pangarap para sa ‘tin,” hayag ni
Anton. “Sana. . sana’y magkaroon ng katuparan ang mga iyon.” “Magpursigi ka
lang. Mangyayari iyon.” Inabot niya ang isa pang kamay nito at hinila ito
palapit. Sabik na sabik na siyang mahagkan ito ngunit bago maglapat ang mga
labi nila’y bigla itong umurong. “May. . may dumarating.” Narinig din niya ang
dagundong ng tumatakbong kabayo sa malayo. “Malayo naman, eh. At mukhang ‘di
rito papunta. Sige na, isa lang. Matagal ko nang inaasam-‐‑asam na mahalikan ulit kita, eh,” may pilyong ngiti sa mga labing sabi
niya. “No. I have to go.” Kagyat na tumayo si Moira’t nagtatakbo papunta sa kabayo nito.
Lumulan ito’t mabilis na nakalayo. Napakamot na
lang ng ulo si Anton habang tinatanaw ang dalaga. Hindi na sila nagkaroon ng
pagkakataong magkasarilinan ni Moira mula noon. Ilang araw pa ang lumipas at
umalis na ulit ito. Naging abala na rin siya sa pagkakataong iyon. Nag-‐‑enroll siya sa eskuwelahan sa bayan at sinikap maging
matataas ang kanyang mga marka. “Para sa ‘yo lahat ito.” Bago matulog ay
sinasabi niya iyon sa larawan ng dalaga. Hindi ito umuwi nang Pasko. Si Don
Miguel ang lumuwas sa Maynila at ayon sa balitang nasagap niya, umano’y
naanyayahan ito’t si Moira sa bahay ng isa sa mga kaibigan ng mga ito.
Nalungkot siya. Pinag-‐‑ipunan pa naman niya ang regalo
ritong gintong kuwintas na may hugis-‐‑ pusong pendant. Hindi naglaon ay
malapit na naman ang summer vacation. At sa pagkakataong iyon ay may magandang
ibabalita si Anton sa dalaga. Isang may-‐‑kayang tiyahin ang nakakita ng mga
marka niya’t nag-‐‑alok
na sasagutin ang kanyang tuition para makapag-‐‑aral
sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila. Ito na rin daw ang bahala sa
titirhan niya habang nag-‐‑aaral siya sa siyudad. MAY
PINAGHAHANDAAN ding malaking selebrasyon sa hacienda—ang ikalabingwalong kaarawan ni
Moira. Nasa kalagitnaan ng pagpaplano si Don Miguel nang bigla itong mahilo’t mawalan ng malay. Natagpuan na lang
ito ng sekretarya nito sa opisina ng San Diego Holdings sa bayan. Walang malay
na nakayupyop sa mesa. Dagli itong isinugod sa ospital. Hustong nakatapos na ng
final exams si Moira nang matanggap ang balita. Dali-‐‑dali siyang umuwi. Mild heart attack. Iyon ang diagnosis ng
doktor. Kailangan lang ng medikasyon, pahinga at pag-‐‑iwas sa stress. “HUWAG na nating ituloy ang debut party, `Pa,” mungkahi ni Moira. “Isang simpleng salu-‐‑salo na lang ang gawin natin.” “But that’s absurd. Minsan lang magde-‐‑debut ang aking prinsesa, simple pa,” tutol ni Don Miguel. “But the preparations. .”
“Everything’s in order. Hindi nga lang makakasama sa cotillion ang mga kaibigan
mo sa Maynila dahil kulang na ang oras para ma-‐‑
practice sila. Pero mga kaibigan mo rin naman ang mga dalagang napiling
magsayaw. Nandiyan na rin ang damit na isusuot mo. It’s a gown your mother ordered when you
were still a little girl. I told her it was silly. Baka ‘ikako mag-‐‑iba na ang uso sa panahon ng debut mo. But she insisted.
Parang.. parang nararamdaman niyang konting panahon na lang ang natitira sa
kanya.” Bahagyang nabasag ang tinig ni Don Miguel sa isinasalaysay. Matagal
nang yumao ang mama niya. Magpipitong taong gulang pa lang siya nang dapuan ito
ng cancer sa buto at bago siya magsiyam na taon ay pumanaw na ito. Ngunit
halatang naaalala pa rin ito ng kanyang papa. “Don’t worry about a thing, hija.
All you have to do is look your best on that special day,” sabi ni Don Miguel.
“By the way, may espesyal na bang binatang papareha sa iyo? You’ve been away so
long, hindi ko na mawari kung may nobyo ka na.” Natameme siya. Hindi yata iyon
ang panahon para ipaalam dito ang tungkol sa kanila ni Anton, lalo pa’t mas
lumaki ang duda niya sa patutunguhan ng relasyon nila ng lalaki. “I. . I think
I’ll surprise you,” nakangiti niyang sabi. ARAW ng debut ni Moira. Maaga pa’y
sinimulan na ang preparasyon. Nagtungo sa mansiyon si Aling Candida, pati na si
Alicia, para tumulong. Dumating din agad ang mga mamamahala sa pagkain, sa
inumin, sa musika at kung anu-‐‑ano pang bagay na bumubuo sa isang
espesyal na pagdiriwang. “Bad trip naman at ‘di kami kasali sa cotillion,”
reklamo ni Cathy. Kasama sina Daria at Marjorie, dumating ang mga ito sa
hacienda noong makalawa pa. “Wala nang time, eh. Anyway, join na lang kayo sa
yugyugan mamaya. It’s gonna be a blast. Mahusay ang bandang inimbitahan ni
Papa,” ani Moira na noon ay nagpapahinga bago simulan ang pag-‐‑aayos ng buhok at make-‐‑up niya. “Ba’t nga pala hindi mo isinama si Renz?” “A. . eh. . wala naman.” Ngumiti si Cathy at palihim na
sinulyapan ang iba pang mga kabarkadang nakahilata sa kama. “O, sige, get your
beauty rest para fresh na fresh ka mamaya.” Tumayo na ito at kasama ang dalawa
pang kabarkada’y nagsilabas na ng silid. Nagpapahinga na si Moira nang
makarinig ng sutsot. Nagmumula iyon sa labas ng balkon. Nagtataka kung sino
iyon, bumangon siya’t binuksan ang French windows. Si Anton. Nakatayo ito sa
ibaba ng balkonaheng nasa tapat ng silid niya. Hindi siya nag-‐‑aksaya ng panahon. Dali-‐‑dali siyang bumaba. Delikadong may
makakita sa lalaki. “Happy birthday,” bati nito nang mapuntahan niya ang
kinaroroonan nito. “Salamat. Pero hindi mo dapat ginawa ‘to. Baka. . baka may
makakita.” “Alam ko at pasensiya ka na. Hindi ako makatiis na ‘di ka batiin sa
kaarawan mo. Oo nga pala, para sa iyo.” Iniabot nito ang isang maliit na kahong
nababalutan ng makislap na papel. “Thank you. Hindi ka na dapat nag-‐‑abala,” aniya. “Para sa mahal ko, kahit ano,” sabi nito. Nakaramdam na naman siya
ng agam-‐‑agam. “Hindi mo ‘ko kailangang regaluhan.” “Kaya ko naman, eh. Inipon ko ‘yong suweldo ko para mabili ‘yan. Hindi ako nangutang. Sige na, buksan
mo.” Nanginginig ang mga kamay na binuksan ni Moira ang regalo. Isang velvet na
kahita ang tumambad sa paningin niya at nang buksan iyon ay napabulalas siya.
Simpleng-‐‑simple ang kuwintas na laman niyon.
Ano ba iyon kung ikokompara sa mamahaling alahas na nasa jewelry box niya?
Ngunit ang nagdulot ng mas malaking halaga roon ay ang ideyang pinag-‐‑ ipunan ito ni Anton. Nagsakripisyo ito para mabili iyon
para sa kanya. “Salamat,” usal niya. Kinuha nito ang kuwintas
at isinuot sa kanya. “Alam ko, hindi ako maaaring dumalo sa kaarawan mo. Kaya
nga nauna na ‘kong bumati sa iyo,” anito. “Pero ‘wag kang mag-‐‑alala, nagsusumikap ako para dumating ang panahong ‘di na ‘ko magiging alangan sa iyo.” Noon naipasya ni Anton na saka na nito ibabalita ang tungkol sa pag-‐‑aaral nito sa Maynila, kapag siguradung-‐‑sigurado nang matutuloy. “O, sige, pumasok ka na’t baka nga may
makakita pa sa ‘tin.” Isang banayad na halik ang iginawad
nito sa pisngi niya, pagkuwa’y umalis na ito. Gustong umiyak ni Moira nang wala
na ang lalaki. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Bakit ba naman kasi
siya nag-‐‑aalangan pang aminin sa buong mundo
ang ugnayan nila? Isang buntong-‐‑hininga ang pinawalan niya bago siya
muling bumalik sa kanyang silid. GABI ng debut party. Kakatapos lang ng
cotillion at nagsasayaw naman sina Moira at Don Miguel. Panay ang kislap ng
flash ng kung ilang camera. Maraming miyembro ng lokal na press ang imbitado.
Tiyak na laman ng society page ang pagdiriwang na iyon kinabukasan. Sa kubling
bahagi ng maluwang na bakuran, sa lilim ng mayayabong na punong nagdudulot ng
madilim na aninong maaaring pagkublihan, ay nakatayo si Anton. Pinapanood ang
mga pangyayari. Ang ganda ng mahal ko, naisaloob niya nang unang masilayan si
Moira. Isang off-‐‑shoulder gown na may patak-‐‑patak na mumunting perlas ang suot nito at tingin niya ay
mas lalong pinatingkad ng kulay-‐‑murang rosas na kasuotan ang
kagandahan ng dalaga. Kung sana’y maaaring ako
ang maging kasayaw mo sa espesyal na bilang, lihim niyang pag-‐‑asam. Patapos na ang tugtog na sinasayawan ng waltz nina Don
Miguel at Moira nang lumapit ang isang lalaki. May dala itong isang pulang
rosas at iniabot iyon sa dalaga. LIHIM na napasinghap si Moira nang makita kung
sino ang nag-‐‑abot sa kanya ng bulaklak. Si Dondi.
Hinagilap ng mga mata niya si Cathy at nang magtama ang paningin nila’y natuklasan niyang kasama na nito si
Renz. Isang thumbs-‐‑up sign ang pasimpleng ipinahayag ng
kaibigan niya. Sa mata nito at ng iba pa nilang kaibigan ay nabasa niya ang
katotohanang pinagkasunduan ng mga ito na sorpresahin siya. Nakatuon ang
paningin ng madla sa kanya’t hindi siya puwedeng magkalat. Isang matamis na
ngiti ang sapilitan niyang pinasilay sa mga labi bago inabot ang rosas at
pumaloob sa mga bisig ni Dondi para ito naman ang makasayaw. Ngiting-‐‑ngiti naman si Don Miguel habang pinanonood ang anak. Lingid
kay Moira, nakausap na ng ama niya si Dondi noong isang araw. Kasabay itong
dumating nina Cathy ngunit sa ibang bahay nanuluyan. Tiyempong kilala pala ng
kanyang papa ang ama nito na naging kaeskuwela noon sa Unibersidad ng
Pilipinas. “Everybody, I have an announcement to make,” anunsiyo ng don nang
matapos ang tugtog. Tumahimik ang banda’t lahat ng nag-‐‑uusap ay itinikom ang bibig, hinintay na magsalita si Don
Miguel. Isang mikropono ang iniabot dito ng namamahala sa sound system. “I am pleased to announce that my
daughter Moira is engaged to Dondi Mijares. There’s no definite date set yet for a wedding but I’d just like you to share in their
happiness.” SA KINATATAYUAN niya’y parang natilihan si Anton. Si Moira, may
ibang nobyo? Hindi puwede. Ako ang mahal niya. Gusto niya iyong ipagsigawan.
Humakbang na nga siya para sumugod sa kasayahan. Ngunit bigla rin siyang
natauhan. Naalala ang mga pagkakataong tila alumpihit ang dalagang makipagtagpo
sa kanya. ‘Di kaya pinaglaruan lang siya nito? ‘Di kaya isa iyong gimmick ng
mga kaibigan? Kung hindi’y paanong nagkaroon ng ibang nobyo si Moira? “Dondi is
the son of a friend, Mr. George Mijares. George is the head of Good Foods
Incorporated. .” naulinigan niyang sinasabi ni Don Miguel. Tinitigan niya
lalaking katabi ni Moira. Ano’ng panama niya rito? Larawan ito ng isang
miyembro ng pamilyang mataas ang katayuan sa lipunan. Simple ngunit halatang
mamahalin ang kasuotan, puno ng kompiyansa kung magdala ng sarili, matatas at
kulturado ang pananalita. Napukaw ang atensiyon niya nang umugong ang bulung-‐‑bulungan. Noon niya napunang may iniabot palang kahita si
Dondi kay Moira at kasakuluyang isinusuot nito ang laman ng naturang kahita sa
dalaga. Isang diamond-‐‑ studded choker ang regalo nito kay
Moira. Pakiramdam ni Anton ay tinutuya siya ng mga diyamanteng iyon na
nagkikislapan sa tama ng liwanag. Wala sa kalingkingan ang payak na kuwintas na
ibinigay niya sa dalaga. Malamang nga’y nanrimarim pa roon si Moira. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga
sandaling iyon. Magagalit ba siya? Mahihiya? Malulungkot? “K-‐‑Kuya. .” Napaigtad siya nang may tumapik sa
kanyang balikat. “Ano’ng ginagawa mo rito?” yamot niyang
tanong nang mabalingan si Alicia. “Dapat ay pumunta ka na roon. Tayong mga
Alvarez ay ipinanganak para pagsilbihan ang angkan ng mga San Diego,” may pait
sa tinig niyang dagdag. Pagkasabi niyo’y malalaki ang mga hakbang na nilisan na
niya ang bakuran ng mga San Diego. .
CHAPTER FOUR
“I SEE you remember me,”
sabi ni Anton. Nakangiti ito ngunit hindi umaabot sa mga mata nitong halos
magbaga na sa galit. “Mabuti naman. It will make what I’m going to do more
satisfying.” “A-‐‑ano’ng pinagsasasabi mo?” nalilitong tanong ni Moira sa kabila ng kabang
umahon sa dibdib niya. Mula nang mag-‐‑debut siya’y hindi na niya nakita si Anton. Ayon
kay Aling Candida, nagpunta sa Maynila ang lalaki upang doon na mag-‐‑aral. Isang liham na kababanaagan ng pinaghalong galit at
paghihinampo ang tanging iniwan nito. Doon ay nakasaad na magkalimutan na lang
sila. Hula niya, nabalitaan nito ang tungkol kay Dondi, pati na sa naging
pahayag ni Don Miguel na engaged na sila ng lalaki. “You have twenty-‐‑four hours to get out of my property,” matigas na hayag ni
Anton. “Your property?” “Ang haciendang ito ay pag-‐‑aari ko na.” “Nasisiraan ka ba? Si Mr. Moreno ang
bumili ng hacienda.” “At ibinenta naman niya ito sa akin.” “Ano?” Halos mawalan siya ng ulirat nang
marinig iyon. “Heto ang patunay.” Isinalaksak nito sa kamay niya ang
isang folder at nang buklatin niya iyo’y natuklasan niyang mga papeles ang laman niyon. “D-‐‑deed of sale?” nagugulumihanang usal niya. “Bakit? Hindi ka ba makapaniwalang ang
isang hampaslupang kagaya ko’y makakabili ng haciendang nagkakahalaga ng
tatlumpung milyong piso?” Napatitig sa lalaki si Moira. Parang noon lang
napunang kay laki na ng ipinagbago ng itsura nito mula nang sila’y maghiwalay.
At pati pananalita’t punto nito’y iba na rin. “A decade is a long time. At sa
loob ng mahigit sampung taon, sino’ng makapagsasabi kung anong suwerte ang
maaaring dumating sa buhay ng isang tao? By the same token, hindi rin masasabi
kung anong kamalasan ang puwedeng dumapo sa iba.” “H-‐‑hindi ko maintindihan.. ” “It’s simple, my dear. Matapos
mong durugin ang puso ko’y nagpunta ako sa Maynila para mag-‐‑aral sa kagandahang-‐‑loob ng isang kamag-‐‑ anak. Hep!” Itinaas nito
ang isang kamay bilang pahiwatig na huwag siyang sumabat. “Pinagbuti ko iyon kaya ako’y nagtapos na magna cum laude. Dahil
dito’y nakapagtrabaho agad ako sa isang
kompanyang bagama’t ‘di pa ganoon kakilala’y malaki ang potensyal na lumago. I
was instrumental in making it grow. Walang anak ang may-‐‑ari ng WRS Company. At ganoon na lang ang pagkamangha ko
nang matuklasan, upon her death a few years ago, na sa ‘kin niya iniwan ang
kompanya. At iyon ang tinutukoy kong suwerteng inabot ko. “I worked my butt off
para lalo pa itong palakihin hanggang marating ang kinaroroonan nito ngayon.
Ikaw naman ang itinuturing kong inabot ng malas. O siguro’y binalikan ka na ng
karma mo. Ibinenta mo ang Hacienda San Diego kay Mr. Rodel Moreno who, in turn,
sold it to me. Nasa pangalan mo na ang perang ibinayad niya’t nagkapirmahan na
kayo, so he’s the official owner of the property. Puwede niyang gawin dito ang
anumang gusto niya.” “Pero.. pero paano ang. . ang mga kasunduan namin. Ang
rehabilitation therapy ng papa ko. . ang palugit sa ‘min sa paglipat. .” “Ang
therapy ni Don Miguel ay sasagutin ko.” Nakahinga siya nang maluwag. “Pero
beinte-‐‑kuwatro oras lang ang ibinibigay kong palugit para lisanin
ang haciendang ito,” marahas na
hayag ni Anton. “That’s not fair. Nasa kasunduan namin ni
Mr. Morales na...” “I choose not to honor that. Maghabol
ka sa korte kung gusto mo. But that will take time. Sa ngayon, meron kang
beinte-‐‑kuwatro oras para lisanin ang bahay na ‘to.” “But that’s impossible. Saan kami makakakita ng
lilipatan sa loob lang ng—” “Problema mo na ‘yon. Not unless. .” Sadyang ibinitin nito ang sinasabi. “Not unless what?” naniningkit ang mga matang tanong ni
Moira. “Not unless you agree to my condition.” “At anong kondisyon ‘yon?” “Pakakasal ka sa ‘kin.” “What?” Hula niya ay nariringgan lang siya.
Imposibleng tama ang dinig niya sa sinabi ng lalaki. “You heard it right. Kung
papayag kang magpakasal sa ‘kin, you can stay here as long as you want. Ganoon
din ang papa mo.” “At bakit ko naman gugustuhing magpakasal sa ‘yo?” naibulalas
niya bago napigilan ang bibig. “Bakit nga naman ang isang herederang katulad
mo’y magpapakasal sa isang hamak na tauhang kagaya ko?” Sarkastiko ang himig
nito. “That’s not what I meant!” protesta niya. “What do you mean then?” Pinagsalikop
nito ang mga braso’t tumitig sa kanya. “Isa lang dapat ang dahilan kung bakit
nagpapakasal ang dalawang tao, ‘di ba?” “Oh, you mean love?” Isang mapaklang
ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Anton. “I stopped believing in that a long
time ago. At napakaipokrita mo kung kaya mong sabihin ‘yan. Ikaw na kayang
magpanggap na mahal ang isang tao gayong. .” Hindi na nito tinapos ang
sinasabi. “Kung ang tinutukoy mo’y ang nangyari noon, gusto kong linawin na. .”
Tinangka niyang magpaliwanag. “Save it! Hindi na ‘ko mag-‐‑aaksaya ng panahong makinig sa ‘yo,” sabad nito. “Pero dapat mong
malaman na—” “Please, spare me. Ayoko nang makinig sa mga kasinungalingan.” “Sa
maniwala ka’t sa hindi, ‘di ko sinadyang lokohin ka. At tungkol doon sa biglang
pagdating ni Dondi—” “Biglang pagdating? That’s a nice one. Basta lang siya sumulpot
sa kaarawan mo nang hindi mo nalalaman? Para maihayag ng papa mo sa madla na
may ugnayan kayo ng isang lalaking galing sa pamilyang pinagpipitagan ng
lipunan?” “Ganoon na nga ang—” “Sorry, Moira, hindi na ‘ko kasintanga ng dati.
Dati siguro’y maniniwala ako sa ‘yo. Pero ngayon, kahit yata sabihin mong sa
umaga’y sumisikat ang araw ay hindi kita paniniwalaan.” “Kung ganyan ang tingin
mo sa ‘kin, ba’t mo pa gustong pakasalan ako?” palabang tanong ni Moira.
“Simple. Gusto kong matupad ang pangarap kong mapangasawa ka, that’s all. It’s
a dream I once cherished. Kung alam mo lang kung gaano ko kadalas laruin noon
sa aking imahinasyon kung ano ang pakiramdam na maging asawa ka. Sayang naman
kundi iyon magkakaroon ng katuparan. But don’t ever think that I love you.
Huwag mo rin sanang asahang panghabambuhay ang arrangement natin.” “You want to
make me suffer, is that it?” “Siguro.” “You’re a bastard.” “Ikaw ang mas
naunang manggago.” “You can take your offer and stick it up your— ” “Mag-‐‑isip kang maigi bago ako bastusin. Malaking halaga ang
ibinayad ko sa haciendang ito. Walang taong nasa katinuan ang utak na bibili
nito sa ganoong presyo so you owe me. At isipin mo rin, kapag naging asawa kita’y magiging maalwan ang pamumuhay mo
dahil lahat ng gastusin ay akin. Mananatili ka sa haciendang ito na dapat
sana’y lilisanin mo na, mabubuhay sa istilong nakagawian mo. Wala kang magiging
problema sa pagdudulot ng pinakamahusay na health care sa iyong papa. Kung
tutuusin, ako nga ang lugi, eh.” “Which brings me back to my original question.
Ba’t mo pa nanaising magpakasal sa ‘kin?” “It’s a small price to pay para sa
isang pangarap. Matagal akong nabuhay nang salat sa pera at ngayon, I want to
have everything that money can buy. Isa ka na roon. Nandiyan ang offer ko. Take
it or leave it. You have fifteen seconds to make up your mind. Pagkatapos ng
labinlimang segundo, I’m taking it off the table at hindi na kailanman iaalok
ito. Fifteen.. fourteen... thirteen. . twelve. .” Nataranta si Moira. Paano ba
siya makakapag-‐‑ isip kung gayong binibilangan siya
nito? Hindi ako hangal para pumayag sa gusto niya. Pero paano si Papa? litong
naisaisip niya. Kaya ko siyang suportahan— Binibiro mo ang sarili mo, mariing protesta ng kabilang bahagi ng isip
niya. “Nine.. eight. . seven. .” Patuloy sa pagbilang ng mga segundo
si Anton. “K-‐‑kasama ba sa kasal natin ang.. .
What I mean is, anong a-‐‑aspeto ng kasal ang. . ang sasakupin
ng ating relasyon?” nagkakandabulol
na tanong niya. “Every aspect of
married life, of course.” “Paano kung magkaanak tayo? Hindi
dapat madamay ang inosenteng bata sa—” “We’ll take the necessary precautions.” Mas lalong hindi siya makapagpasya. Kaya ba niyang ipagkaloob ang sarili
sa isang taong hindi nagpapahalaga sa kanya? “Six.. five.. four. . Don’t think na hindi
ko tototohanin ang sinabi ko. Kapag natapos ang oras, the offer’s off. And it’s
off forever,” babala nito. “Three. . two. . one. Time’s up.” “I accept!”
bulalas niya. God help me, lihim na lang niyang usal. Naniningkit ang mga
matang tumitig sa kanya si Anton. Pagkuwa’y isang ngiting kababanaagan ng
kalupitan ang bumakat sa mga labi nito. “I want a simple wedding,” sabi nito.
“Ayokong ipangalandakan pa sa madla ang isang palalong pagsasama.” “W-‐‑walang problema. Ganoon din ang ibig ko,” sang-‐‑ayon
niya. SA MAYNILA ginanap ang kasal. Mangilan-‐‑
ngilan lang ang bisita’t wala sa mga
malalapit sa kanila ang inimbitahan. Sina Mang Nardo at Aling Candida ay
magkasunod na sumakabilang-‐‑ buhay ilang taon na ang nakararaan
samantalang si Alicia’y nasa Europa
raw at hindi na pinauwi ni Anton. Si Don Miguel naman ay hindi na pinapunta ni
Moira. “Labis siyang mapapagod sa biyahe,” katwiran niya. Ngunit ang totoong
dahilan ay hindi na niya gustong maging bahagi ang ama niya sa isang moro-‐‑moro. “Kayo ay mag-‐‑asawa na. You may kiss the bride,” hayag ng hukom na kilala
ni Anton. Sinadya niya na gawing manhid ang sarili nang iharap siya ng lalaki’t
gawaran ng halik sa mga labi. Marahil ay iisipin ng mga saksi na nahihiya lang
siya kaya hindi niya matugunan nang maayos ang halik ng asawa. Inaasahan niya’y
lalayo na agad ito ngunit hindi iyon ang nangyari. Sa halip, sinaklit nito ang
batok niya’t pinalalim ang paghalik sa kanya. Maagap din nitong napigilan ang
akma niyang pagpalag nang saklitin nito ang baywang niya’t sapilitan siyang
isiksik sa katawan nito. Mas lalo nitong pinag-‐‑ibayo
ang pananalakay sa kanyang bibig. Hindi siya nilubayan nito hanggang sa tila
may apoy na magsindi sa kanyang pagkatao. Labag man sa kalooban ay nagawa
niyang tugunin ng katumbas na alab ang pagsimsim nito sa kanyang mga labi.
Umaatikabong kantiyaw ang nagmula sa mga bisita. Namumula ang mukha niya ng
bigla siyang pakawalan ng asawa. “You’re a real bastard and I hate you,” paanas niyang bulong ngunit isang
nangungutyang ngiti lang ang naging katugunan nito. ANIMO’Y isang masamang
panaginip ang lahat. Ang ipinagpapasalamat na lang ni Moira’y parang wala siya
sa sarili habang ginaganap ang salu-‐‑salong kasunod ng seremonyas.
Matapos ang kainan sa hotel ay pinauna na siya ni Anton na umakyat sa penthouse
suite. Nang makapasok doon at matunghayan ang malaking kama’y saka siya muling inalihan ng
pangamba. Ano ang magaganap sa gabing iyon? Gusto niyang tumakbo ngunit hindi
maaari. Sa ayaw niya’t sa gusto’y asawa na siya ni Anton at dapat
niyang gampanan ang responsibilidad na kaakibat ng papel na iyon. No! sigaw ng
kanyang isipan. Natataranta niyang hinalughog ang suite. Malaki iyon at may isa
pang kanugnog na kuwarto ang malaking silid na kinaroroonan ng mga gamit nila.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at dinala iyon sa kabilang kuwarto.
Pagkuwa’y ini-‐‑ lock niya ang pinto. I won’t give in without a fight,
determinado niyang naisaloob. Inaasahan niyang ilang minuto lang ay susunod na
sa kanya ang asawa ngunit matagal na siyang nagpipigil ng hininga’y wala pa ito. Nang mainip,
naghalughog siya ng bibihisan at naligo na muna. Tensiyonadung-‐‑tensiyonado na siya subalit hindi pa rin umaakyat si Anton.
Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina. Madilim na sa labas. Nakaramdam
din siya ng pagkalam ng sikmura. Halos hindi siya nakakain sa reception sa
sobrang kaba. Pero hindi rin naman niya magawang kumain. Sa kalaunan, nahiga
siya sa kama at nakatulog na. Malakas na pagkatok sa pinto ang gumulantang sa
kanya. “Open the door,” marahas na utos ni Anton.
Napabalikwas siya ng bangon, saka napasiksik sa nakasalansang mga unan. Gayon
na lang ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya nang mapiho kung ano ang
nangyayari. “I said open this damn door. Kung hindi’y wawasakin ko ‘to.” Nanginginig
ang buong katawan nang bumangon siya at pinihit ang seradura. Pabalyang bumukas
ang pinto. Itinulak iyon ni Anton. “What’s the big idea, locking me out of your
room?” Para itong mabangis na hayop kung umangil. “At bakit dito ka natulog?”
Pasimple siyang humugot ng hininga upang mag-‐‑ipon
ng lakas ng loob. “May isa pa namang kuwarto, a,” pagkuwa’y tila walang anumang
sagot niya. “It’s not the room I need but this. .” Bigla siya nitong sinaklit
sa baywang at sapilitang inilapit. “Alam mo ang responsibilidad mo bago ka pa
pumasok sa kasunduang ito.” At kasunod niyo’y marahas nitong sinakop ang mga
labi niya. Wala siyang balak na basta na lang magpaubaya. Nang madamang dumaiti
ang mga labi nito sa bibig niya’y bigla niya iyong kinagat. Isang maanghang na
kataga ang napawalan nito. “Do that again and I guarantee you, you’ll be
sorry,” paangil nitong babala saka muling ginagap ang panga niya’t inulaol siya
ng halik. Galit na galit siya. Natatakot nga lang siya rito kaya hindi niya
magawang kagatin ulit ito. Sa halip, sinubukan niyang iwasan ang paninibasib
nito. Habang pumapalag siya, mas lalong dumidiin ang paghalik nito sa kanya
hanggang sa mapilitan siyang manahimik na lang. The sooner this is over, the
better, aniya sa kanyang isipan. Ngunit tila wala itong balak na madaliin ang
lahat. Nang madamang hindi na siya nagkukumawala’y unti-‐‑unting nagbago ang istilo ng paghalik nito. Sa halip na
marahas ang pagsakop sa kanyang bibig ay naging mapanghimok. Humihikayat ng
akmang katugunan. Sa kabila naman ng nadaramang galit, hindi maikakaila ni
Moira ang kakaibang init na dumaloy sa kanyang mga kalamnan. Naalala niya noong
unang magtagpo ang mga labi nila. Diyata’t may kakayahan pa rin itong pag-‐‑alabin ang kanyang kalooban. Pero
iba noon. Noon, mahal niya ako, protesta ng kanyang isipan. “Tama na, Anton,” saway niya saka
pinag-‐‑ ibayo ang pagpalag. “Will you stop it? You have no choice on the matter,” ganti nito. “I can’t believe na ganoon ka kabarbaro. Gagamit ka ng dahas makuha lang ang
gusto mo?” “I can and I will.” Dapat ay handa
na siya sa pangyayari subalit sa kabila niyon, matinding kaba ang bumalot sa
kanya.
CHAPTER FIVE
“NO!” UBOS-‐‑LAKAS niya itong itinulak saka siya
umakmang tatakbo. Isang hakbang lang ang nagawa niya bago nasaklit ni Anton ang
kanyang braso. Marahas siyang hinila palapit at itinulak pahiga sa kama.
Tinangka niyang bumangon subalit muli siya nitong isinalya, saka dinaganan.
“You’re a beast!” nasusuklam na sigaw niya. “Yes, I am,” napapangiting sang-‐‑ayon nito. “Pero dapat mo
rin akong intindihin. I’ve been wanting
to do this for a long, long time.” Lumapat ang mga labi nito sa leeg niya, sa balikat, pababa sa kanyang
dibdib. Yamot na hiniklas nito pabukas ang pang-‐‑itaas
ng pajama’ng suot niya’t hinarot ng bibig ang sensitibong
tugatog ng kayamanang tumambad sa paningin nito. Napapikit siya. Sapilitang
sinikil ang ungol na muntik mamutawi sa kanyang mga labi. Ang panimulang ningas
na nagsindi sa pagkatao niya’y naging naglalagablab na siga na may kakayahang
tumupok sa kanyang katinuan. “Enough. . please.. ” Habol-‐‑hininga siyang nakiusap. Pakiramdam niya, tuluyan na siyang
mawawalan ng dignidad sa sandaling magtagumpay ang asawa na angkinin ang
katawan niya nang may buong-‐‑puso niyang pagpapaubaya. Naging
bingi ito sa kanyang pakiusap. Sa halip, mas naging masigasig ang pagpapaningas
nito ng kalooban niya. Kasabay ng paglilimayon ng bibig sa kanyang dibdib ay
naglakbay ang kamay nito sa iba pang sensitibong bahagi ng kanyang katawan. Mas
lalong dumiin ang pagkakapikit niya sa kama. Sa pagitan ng mga talukap ay
gumiti ang luhang nagpapahiwatig ng matinding galit, hindi sa lalaki kundi sa
sariling kahinaan. “Nooo.. ” Hindi mawari kung pagtutol o kasiyahan ang
ipinahihiwatig ng kanyang di-‐‑ sinasadyang pag-‐‑ungol. Sa ginagawa nito, wari niya’y inihulog siya sa rumaragasang ilog
ng apoy at tinatangay siya patungo sa isang lugar na hindi pa niya nararating
kahit minsan. Mabilis namang nakapag-‐‑alis ng saplot si Anton. Handa na
ito para tuluyang gawing isa ang kanilang katawan nang mapatingin ito sa mukha
niya. “A, hell!” bulalas nito sabay alis sa
pagkakadagan sa kanya. Nanibago siya nang biglang matigil ang nakakatulirong
sensasyong nag-‐‑aalimpuyo sa kanyang katawan matapos
siyang layuan nito. Nakabangon na ito nang muli niyang idilat ang mga mata. “I have never taken a woman by force
and I don’t intend to start now,” paanas nitong wika. Pagkuwa’y tumalikod ito
at iniwan na siya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Dapat ay magdiwang
siya. Buo pa rin ang kanyang pagkababae. Hindi nadungisan ng sapilitang pag-‐‑angkin ng kanyang asawa. Ngunit ano’t tila may matinding pangangailangang
naghuhumiyaw sa kanyang katawan at naghahanap ng katugunan? ISANG araw lang
silang naglagi sa hotel. Kinabukasan ay lumipad na sila patungong Palawan.
Umano’y para sa kanilang honeymoon. “Why a honeymoon? Kailangan pa ba
‘yon?” may pang-‐‑uuyam sa tinig na saad ni Moira. “This is not a real marriage after
all.” “Magtataka ang lahat kung hindi tayo magha-‐‑
honeymoon,” makulimlim ang mukhang turan ni
Anton. “We should present a semblance of
wedded bliss to the world.” Sayang ang
ganda ng lugar na ito, naisaloob niya nang dumating na sila sa islang kunwa’y pagdarausan ng kanilang pulot-‐‑gata. Kilala ang Palawan na sagana sa biyaya ng kalikasan at
isa ang Lagen Island sa nagtamasa ng naturang kasaganaan. Kaya nga gayon na
lang ang panghihinayang niya at hindi sila tunay na nagmamahalan ni Anton.
Kundi sana’y para nang paraiso ang kinaroroonan nila. Pagdating sa cottage na
titirhan nila’y tumuloy agad ito sa isa sa mga silid at isinara ang pinto.
Isang piping pahiwatig na hindi sila magsasalo sa isang kuwarto. Taimtim na
dalangin ng pasasalamat ang nausal niya. Wala siyang balak hintayin pa ang
asawa bago siya mamasyal. Nagpalit lang siya ng damit, pagkatapos ay tumuloy na
siya sa dalampasigan. Isang note lang ang iniwan niya sa ibabaw ng mesita
bilang paliwanag kung nasaan siya. Aliw na aliw siya sa pagtatampisaw sa
malinaw na tubig nang masulyapan ang magkaparehang naglalaro sa dalampasigan.
Halatang masayang-‐‑masaya ang mga ito habang
naghahabulan at nagkikilitian sa buhanginan. Hindi niya inaasahan ang matinding
kalungkutang dumapo sa puso niya habang pinanonood ang dalawa. Ganoon dapat
kami ni Anton, naisaloob niya. Napakislot siya nang dalawang kamay ang humapit
sa kanyang balikat. “You’re looking dejected. Miss me?” may
pang-‐‑aasar sa tinig na tanong ni Anton. “Ba’t ko naman mararamdaman ‘yon?” ganti niya. “They’re certainly having fun,” anito na
nakatingin sa magkaparehang pinanonood niya. “Siguro’y dahil mahal nila ang isa’t isa at ‘di napipilitan lang na—” “Keep talking like that and you won’t like the consequences,” nagbabala ang
tinig na sabad nito. “Can’t handle the truth?” Ewan naman niya kung bakit tila may
nag-‐‑uudyok sa kanyang kalabanin ang lalaki nang mga sandaling
iyon. “Oh, I can handle anything,” sabi
nito. “Kasama na roon ang pagkukunwari mong nanririmarim sa ‘kin.”
“Pagkukunwari? Oh, I assure you, dear husband, walang pagkukunwari sa namamalas
mong panririmarim.” “Really? Then how do you explain this?” Mabilis siya nitong
nasaklit sa baywang at natagpuan na lang niyang bihag na nito ang kanyang mga
labi. Itinuon niya ang dalawang kamay sa dibdib nito para itulak subalit para
na rin siyang tumulak sa pader. Sinubukan niyang kumawala ngunit tila bakal ang
mga kamay na nakasaklit sa baywang at likod niya. Sa pagkakataong iyon ay
walang bahid ng dahas ang halik na iginawad sa kanya ng asawa. Sa halip,
kalkulado iyon para magpaalab ng kalooban. Mamamatay na muna siya bago pumayag
na tablan ng pangahas na halik nito. Iyon ang nasa isip niya. Subalit tila ayaw
makinig ng katawan niya sa kanyang isipan. Ilang sandali pa lang ang lumipas ay
natagpuan niyang unti-‐‑unti’y tinatalo ng hindi mailarawang kiliti ang paninindigan niyang
magmistulang tuod habang hinahagkan ng asawa. Hindi niya tahasang aaminin
ngunit hindi maikakailang bumukal na naman ang masidhing kilig sa kaibuturan ng
kanyang pagkatao. “Wow! You’ll set the whole island in flames,” anang isang
tinig na siyang pumukaw sa nag-‐‑ aalimpuyo nilang kalooban. “Jeanette!” pakli ni Anton nang makita kung sino
ang nagsalita. “What on earth
are you doing here?” “Nagbabakasyon, what else? Ako, hindi
ko na itatanong kung ano’ng ginagawa mo
rito. I heard you got married. Nasa Kuala Lumpur ako noon for some shows so I
wasn’t able to come. I assume you’re on
your honeymoon,” anang babae. “I am. By the way, this is my wife, Moira. Moira,
Jeanette, a good friend,” sabi ni Anton. “It’s a pleasure,” nakangiting wika ni
Jeanette saka kinamayan si Moira. “Same here,” sagot niya ngunit malayo sa
sinabi ang tunay na nararamdaman. Ewan ba niya ngunit hindi siya nasisiyahang
matuklasan na isang ganoon kagandang babae ang itinuturing na kaibigan ng
asawa. Kaibigan nga lang kaya niya ito? Don’t be silly. Ipapakilala ka ba
niyang asawa kung may relasyon sila? Sa panahong ‘to, who knows? “Are you here
alone?” narinig niyang tanong ni Anton. “Yup. Just me. . the sand and the sea.
After two straight months of posing before the cameras, I deserve it. Well, I
ought to leave you two alone,” sabi ni Jeanette. “Nagulat lang ako nang makita
ka. I didn’t expect to see you here. Ciao!” Umakmang lalayo na ito. “Wait!
We’re about to have lunch. Why don’t you join us?” yaya ni Anton. “Ano ka ba
naman? You’re on your honeymoon, remember?” sita ni Jeanette. “So? It doesn’t
mean I can’t invite a beautiful woman to join me and my wife? Moira won’t mind,
will you, sweetheart?” baling ni Anton sa kanya. “Why should I?” Mas plastic pa
sa Tupperware ang ngiting pinasungaw niya sa mga labi niya. “Well, if you insist,”
ani Jeanette saka sumabay sa kanila sa paglakad patungo sa kainan. NATURINGAN
silang bagong-‐‑kasal ngunit si Jeanette ang mas
pinag-‐‑ukulan ng pansin ni Anton. Habang naglalakad, habang
kumakain, ay ito ang mas kinakausap. Tagatango at tagangiti lang ang naging
papel ni Moira. Wala dapat iyong kaso sa kanya. Ano ba’ng pakialam niya kahit
makipagbolahan sa isang milyong babae ang asawa niya? Ngunit hindi niya
maiwasan ang mairita. “I’m tired. Pupunta na muna ‘ko sa cottage para
magpahinga. If you’ll excuse me,” pasintabi niya nang hindi na makatiis. “Yes,
do that. It seems the sun is getting to you,” sabi ni Anton. “Maybe you should
join her,” mungkahi ni Jeanette. “I will. Later. You should go, sweetheart,”
susog sa kanya ni Anton. Tumayo na siya at nagtungo sa cottage nila. Bago siya
tuluyang makalayo’y sinulyapan niya ang dalawa. Hawak ni Anton ang kamay ni
Jeanette na tila may marubdob na inihahayag dito. Damn you, Anton! Nagulat siya
sa biglang pagpupuyos ng kalooban. Wala dapat epekto sa kanya ang nakita
subalit hindi maikakailang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na galit sa
babae. Sabi niya’y magpapahinga siya ngunit ni katiting na pahinga’y hindi niya
nakamtan. Ni hindi nga niya magawang humiga nang matagal. Para siyang
sinisilihan na hindi maintindihan. Ayaw niyang aminin ngunit pigil-‐‑hininga niyang hinihintay ang pagbabalik ng asawa. Sumapit
ang hapon ay wala pa rin si Anton. Hindi siya makapaniwala. Ganoon ba ito
kagarapal upang kahit honeymoon dapat nila’y ibang babae ang piniling makasama? Eh, ano ba’ng ipinagpuputok ng butse mo? You
should be thankful at ‘di mo na siya
poproblemahin, giit niya sa sarili. Masyado niyang ipinangangalandakan ang
kawalan niya ng respeto sa ‘kin, pagbibigay-‐‑dahilan niya sa poot na naghuhumulagpos sa kanyang puso.
MADILIM na nang maulinigan niya ang pagbukas ng pinto, kasunod ang mga yabag sa
labas ng silid. Dali-‐‑dali siyang nag-‐‑dive sa kama’t nagkunwang
tulog. “Moira.. ” Tinig ni Anton, kasabay ang mahinang
pagkatok sa silid. Hindi siya tuminag. Mayamaya’y bumukas ang pinto. “Wake up, sleepy
head.” Lumundo ang gilid ng kama sa pag-‐‑upo nito. Pagkuwa’y isang halik ang naramdaman niya na dumantay sa balikat niya. “Ano ba?” Yamot siyang bumalikwas. “So you’re awake. Ba’t hindi ka sumasagot?” May bahid ng pagkainis ang
pagtatanong nito. “I just don’t feel like it.” “Well, I hope you feel like
having dinner.” “Busog ako.” Nagmatigas siya, saka inihanda ang sarili para
makipagtunggali sa lalaki. Sa halip na pilitin siya, simpleng pagkikibit-‐‑ balikat ang naging katugunan nito. “Suit yourself,” anito saka tumayo na. “But I’m gonna eat. With or without you.” Iyon lang at lumabas na ulit ito ng silid. I bet alam ko na kung sino
ang kasama mo, pagngingitngit niya. TATLONG araw silang naglagi sa isla ngunit
sa loob ng panahong iyon, pakiramdam ni Moira ay wala siyang kasama. Paano ba
naman ay parating si Jeanette ang kasama ng asawa? Pati nga sa pagbabalik sa
Maynila ay kasabay nila ito. “I’m glad we’re taking the same flight home. Hindi
ako mabo-‐‑bore,” masayang wika ni Jeanette nang lulan na sila ng eroplano. Pagdating sa
domestic airport ay nagboluntaryo pa si Anton na ihahatid nila ito. “As you can see, our ride’s here,” anito na ang tinutukoy ay ang Ford Expedition na minamaneho ng tsuper ng
lalaki para sunduin sila sa paliparan. Bago pa sila umalis ng Palawan ay
tinawagan na ito ni Anton para sabihing pauwi na sila. “Oh, you’ve done so much
already. I’ll just call a cab,” tanggi ni Jeanette. “No, you should let us take
you home,” sabad ni Moira. Napatitig sa kanya si Anton, tila nagulumihanan sa
mga emosyong nabasa sa mukha niya. “Well, if you insist,” ani Jeanette. MATAPOS
idaan sa condo unit ang babae ay saka pa lang sila tumuloy sa bahay ni Anton.
Iyon ang kauna-‐‑unahang pagkakataon ni Moira na
makita iyon. Bago sila ikasal ay sa hotel siya tumuloy. Pagpasok pa lang sa
driveway ay namangha na siya. Malaki ang bahay na may patio’ng yari sa marmol.
Pati ang mga columns na nagpapaalala sa kanya sa naging pagbisita niya noong
bata pa siya sa Parthenon sa Greece ay marmol din ang ginamit. Magaling ang
arkitektong nagdisenyo ng bahay, naisaloob niya nang makapasok na. Maaliwalas
ang pakiramdam at maliwanag ang kabahayan. Lihim siyang napasulyap sa lalaki.
Hinding-‐‑ hindi niya maiisip na ang Anton na kilala niya noon ay
magmay-‐‑ari ng ganoong klaseng bahay. “Doesn’t fit my image,
sweetheart?” patuyang tanong nito na animo’y nabasa ang kanyang isipan. “What
the devil are you talking about?” patay-‐‑ malisyang ganti niya. “Ay, Ma’am, nandito na pala kayo. Good afternoon, Ma’am,” bati ni Maring, isa sa mga katulong ni Anton, nang makita siya. “Dadalhin ko na po ba sa kuwarto n’yo ang mga gamit n’yo?” “Sige,” anang lalaki. Nagsimula na naman siyang kabahan. Tila noon lang niya
napiho kung nasaan siya’t kung ano ang
implikasyon nito. “Are we sharing
the same bedroom?” palaban niyang tanong nang nasa itaas na sila. “Don’t
trouble your head about that tiny detail,” anito saka tumuloy sa isa pang
pintong nasa silid. “These are adjoining bedrooms, as you can see.” Hinayaan
siya nitong masilip ang kabilang silid bago isinara ang pinto. “Aalis ako,”
hayag nito nang muling lumabas. “Don’t wait up. Oh, by the way, inutusan ko na
si Minyong na ihatid ka bukas sa Sta. Barbara.” Napamaang siya. Bigla-‐‑bigla yata ang pasya nito. At bakit parang nagmamadali ito?
“I’m sure you’d like to see your father,” patuloy ni Anton. “At komo hindi kita
masasamahan because of business, you’ll have to go alone. You can also stay
there if you like. Just make sure you come when I ask you to.” Iyon lang at
iniwan na siya nito.
CHAPTER SIX
DAPAT ay masayang-‐‑masaya si Moira sa mga pangyayari. Naisalba niya ang
kabuhayan nila nang hindi naisasakripisyo ang kalusugan ng kanyang ama. Hindi
rin mahihirapan si Don Miguel na mag-‐‑adjust sa pagbabagong mangyayari
sana sa nakagawian na nitong istilo ng pamumuhay dahil mananatili ito sa
hacienda. Lahat ng iyon at hindi pa niya kailangang makisama kay Anton. Dapat
nga’y ituring niyang siya ang mas nakalamang subalit hindi niya masawata ang
diskontentong nananahan sa kanyang puso. Magdadalawang linggo na mula nang
pauwiin siya ni Anton sa hacienda. Ngunit sa loob ng panahong iyon, ni minsan
ay hindi siya tinawagan nito maski para man lang alamin kung buhay pa siya.
Pakiramdam tuloy niya’y isa siyang unwanted baggage na basta na lang itinapon.
May kinalaman kaya si Jeanette sa naging pasya ng asawa? Hindi niya mapigilan
ang magtaka. Halatang ibig ding mag-‐‑usisa ni Don Miguel pero komo hindi
ito makapagsalita’y hindi iyon
magawa ng ama niya na labis namang ipinapasalamat niya. Mahihirapan yata siyang
ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanila ni Anton. Isang umaga, inaatupag
niya ang mga alagang orchids sa hardin nang matanaw ang parating na Ford
Expedition. Parang may kung anong kumislot sa dibdib niya nang huminto iyon at
bumaba si Anton. Pinaghalong kaba’t pananabik ang kanyang naramdaman.
Napasiksik siya sa mga halaman para magtago at mag-‐‑ipon ng lakas ng loob bago harapin ito. “Magandang umaga ho,” bati nito kay Don Miguel na nakaupo
sa silyang de-‐‑gulong at pinapaarawan ng nurse sa
hardin. Isang ungol ng pagbati ang itinugon ng don. “Si Moira?” tanong nito sa nurse. Hindi na niya
hinintay na puntahan nito ang pinagkukublihan niya. Humugot lang siya ng
malalim na paghinga bago lumabas sa pinagkukublihan. “Hi, sweetheart. I missed you,” bati
nito sabay hablot sa kanya at hinagkan siya sa pisngi. “Huwag kang pumalag. May
nanonood,” paanas nitong bulong nang umakma siyang magkukumawala. Noon lang
niya naalala na naroon nga pala ang ama niya, pati na ang nurse. “I. . m-‐‑missed you, too,” nauutal niyang tugon. Noon lang siya nito pinawalan. “`Pa,” baling nito kay Don Miguel. “Habang nasa Maynila ako’y may ipinaalam
na therapy sa akin ang isa sa mga espesyalistang kakilala ko. It’s rather new and still experimental
but so far, maganda ang magiging resulta.” “Therapy?” sambot niya. “Anong
klase? At ano ang ipinagkaiba sa ginagawa sa kanya?” “It’s more intensive.
Halos lahat ng waking hours niya’y sasakupin nito.” “Ibig sabihin, titira dito
ang therapist?” Umiling ito. “Kakailanganing tumira ni Papa sa center kung saan
isinasagawa ang makabagong therapy.” “What? At sino’ng makakasama niya roon?
Can I stay with him?” tanong niya. “You can visit, pero hindi ka maaaring
tumira din doon. It’s specifically for patients only. At tungkol sa
magbabantay, may mga nurses at therapists doon round the clock,” paliwanag
nito. “No,” pasya niya. “Gaya ng sabi mo, experimental pa lang ang therapy.
Hindi mapapatunayang—” “It’s been proven to work. Itinuturing lang na
experimental dahil sa kakulangan pa ng ilang datos sa clinical trials.” “At
gagawing guinea pig ang papa ko, gano’n?” “Not necessarily. Can we talk in
private?” nagtatagis ang bagang na saad nito. “Excuse us,” pasintabi nito sa
mga kaharap, pagkuwa’y halos kaladkarin na siya palayo. “I came all the way
here para kumbinsihin ang papa mong sumailalim sa therapy dahil naniniwala
akong makakatulong iyon nang malaki sa kanya. Hindi ko inaasahan na ikaw pa
mismong anak niya ang hahadlang dito.” May babala ng tinitimping galit ang
tinig nito nang muling magsalita. “Because I feel it won’t help him,” mainit na
katwiran niya. “Oh, sorry. Hindi ko nabalitaan na habang wala ako’y nag-‐‑aral ka pala ng Medisina. Na ikaw pala’y eksperto na sa pangangalaga ng mga
pasyenteng nabalda ng heart attack,” sarkastikong wika nito. “And pardon me for knowing that you’ve read all
the facts about this new therapy that’s currently being hailed as a
breakthrough in medicine.” Natameme siya. May punto ito. Mukhang mas emosyon
niya ang pinairal kaysa ang isip sa pagdedesisyon. “I know you’ll probably miss
your father, pero gaya ng sinabi ko kanina, puwede mo siyang dalawin. And this
is for his own good. Gusto mo bang habambuhay ay manatili na lang siyang
ganoon?” “S-‐‑saan ba ang center na sinasabi mo?” tanong niya matapos ang mahabang
sandali. “Sa Maynila. Limitado ang bilang ng mga pasyenteng tinatanggap nila
kaya ako nagmamadaling pumarito. I wanted to tell him in person para mas
makumbinsi siya sa urgency nito. Kapag napuno na ang slots ay hindi na
makakapasok sa programa ang papa mo.” “Gaano siya katagal sa center?” “Depende
sa progreso niya.” “M-‐‑magkano ang gagastusin?” “I’ll take care of that.” “Dahil kasama iyon sa deal natin, right? Still, I’d like to know. Gusto kong malaman
kung ano ang binabayaran ko ng aking buhay.” Napatiim ang bagang ni Anton sa tinuran niya. “More or less. One
million. It could be more pero dahil may funding ang programa’y halos ganoon
lang ang halagang gugugulin.” “Okay.” “Okay what?” “Okay. I’ll tell him. Kailan
siya kailangang dalhin doon?” “Bukas kung maaari.” “Ako na’ng bahalang
kumumbinsi sa kanya. And thanks. .” naalala niyang sabihin bago pa ito tuluyang
makatalikod. MULA sa Sta. Barbara’y dinala na nila sa center sa Maynila si Don
Miguel. Sandali rin lang at na-‐‑ admit ito. Pinayuhan sila ng
administrator na hayaan na nilang magpahinga ang pasyente. Lumulan sila sa
sasakyan at ilang sandali pa’y kasama na sila sa traffic ng EDSA. Masyadong
abala si Moira sa pag-‐‑iisip kaya nagulat pa siya nang
makitang papasok na sila sa gate ng subdibisyong kinaroroonan ng bahay nito. “Bakit nandito tayo?” tanong niya. “Saan pa ba tayo dapat pumunta?” may amusement sa tinig na tanong
nito. “You mean, diyan mo ‘ko patitirahin habang. .” “Praktikal lang, `di ba? Alangan namang magpabalik-‐‑balik ka rito at sa Sta. Barbara. At ano’ng problema kung sa
bahay ko ikaw tumira? For all intents and purposes, bahay mo na rin ‘to komo
mag-‐‑asawa na tayo.” “I’d. . I’d rather stay somewhere else.” “Sorry, but you’re staying with
me,” matiim na hayag nito. Isang tingin
lang sa mukha nito’y napiho ni
Moira na walang silbing makipagtalo pa siya. Inihatid lang siya ni Anton sa
bahay, pagkuwa’y umalis ulit ito. KASALUKUYANG
isinasaayos ni Moira ang mga gamit niya nang may kumatok sa pinto ng kanyang
silid. Gulat siyang napamaang nang mapagbuksan ito. “I’m Jeanette, remember?”
anang nakangiting babae. “Y-‐‑yes. I remember.” Puwede ba naman niyang makalimutan
ito? Ang tanong, bakit naroon ito sa pamamahay ni Anton? Isang maitim na
pagdududa ang pumasok sa isipan niya. “You’ve been staying here, right?” lakas-‐‑loob
niyang wika. “Yes. And I’m glad it’s okay with you. Anton insisted.
Dumating kasi bigla iyong may-‐‑ari ng condo unit na tinutuluyan ko
over a week ago at kinailangan kong humanap ng matutuluyan. Iyong bahay na
iniwan sa akin ng parents ko ay nasa Quezon pa. I ought to sell it and buy one
of my own in the city since I’m always going here and there. Usually ay
nangungupahan na lang ako kapag nandito sa Maynila. It has been working out in
the past. But this time, nagkaroon ng konting problema. But Anton came to the
rescue and kindly offered the hospitality of his house. I’m leaving tomorrow
para sa series of engagements sa States kaya gusto kitang pasalamatan na rin.”
“Don’t mention it,” pakli niya. “Sige, aalis muna ako. I have a million things
to attend to before I leave tomorrow,” ani Jeanette saka ito tumayo at lumabas
na. Nagpupuyos ang kalooban ni Moira nang mag-‐‑ isa
na lang siya. Kaya ba malakas na ang loob ng asawang patirahin siya sa bahay
nito’y dahil paalis na ang maganda nitong
house guest? Sobra na ‘to. Ni hindi
niya ‘ko binigyan ng dignidad. Kimkim niya
ang galit na iyon buong maghapon at nang matanaw niya sa balkon ang pagdating
ng asawa’y tila mas lalong nag-‐‑apoy ang galit niya. Nagmamadali siyang bumaba. “Ang kapal
ng mukha mo!” nanlilisik ang mga mata niyang salubong dito. “Good evening to
you, too,” sarkastikong ganti ni Anton. “Hindi ko ginustong maging asawa mo.
Ikaw ang namilit. Pero ano’t inaalisan mo ako ng dignidad?” Patuloy sa
pagmamarakulyo si Moira. Babala na dapat sa kanya ang biglang pagkulimlim ng
mukha nito ngunit sa sobrang galit ay hindi na niya iyon napansin. “I want to
get out of this house. Hindi ko gustong binababoy ako!” nagwawala niyang sigaw.
“Not here,” mahina ngunit paasik na sabi nito. “Sa kuwarto tayo mag-‐‑usap.” Hinablot nito
ang braso niya’t pakaladkad siyang iginiya sa itaas.
Pagdating sa kuwarto’y saka siya
pasalyang binitawan. “Ngayon mo
sabihin sa akin kung ano’ng ipinagpuputok
ng butse mo,” angil nito. “You’re a certified bastard! Iyon ang ipinagpuputok ng butse ko. You. . you
forced me to marry you, pero may ibang babae ka namang kinakalantari. You
should’ve married her, not me!” naghihisterikal na sumbat niya. “Si Jeanette ba ang tinutukoy mo?” “Nandito siya sa pamamahay mo and according to her, you graciously offered
your home. Samantalang ako na sarili mong asawa’y ipinagtabuyan mo sa Sta.
Barbara. But then, maybe that’s the reason. Gusto mong wala ako rito para mas
ma-‐‑entertain mo ang babae mo. What gets to me is the fact that
you had the nerve to make me marry you against my will—para lang pagtaksilan pagkatapos.” “You’re lovely when you’re angry,” anito sa halip na patulan ang
pagtatalak niya. “Hindi ako
nakikipagbolahan sa iyo!” sigaw niya. “Kung ‘di mo ‘ko kayang bigyan ng kahit konting
dignidad, then let me do. I want out of this marriage.” “No! You’re mine now
and what is mine I intend to keep.” “You’re a selfish brute, you know that.
Gusto mo lang ako to take vengeance. Pwes, nanalo ka na. You have humiliated me
enough nang pilitin mo ‘kong pakasal sa iyo laban sa aking kagustuhan. Now, let
me go.” “It’s not as easy as that.” “Oh, come on. Madaling mapapawalang-‐‑bisa ang kasal natin. Nothing has happened between us yet,
so. .” “You’re right. I haven’t exercised my duties as a husband
yet. Well, Madali iyong remedyuhan.” Isang mapanganib na ngiti ang bumakat sa
mukha nito, saka ito humakbang palapit sa kanya. “Don’t you dare!” babala niya
ngunit para na rin siyang nagbabala sa hangin. Hinapit nito ang magkabilang
balikat niya saka siya sapilitang isiniksik sa katawan nito. “You feel that?”
anito na ang tinutukoy ay ang bahaging nagpapahiwatig ng napukaw nitong
pangangailangan. “That’s how much I want you. Why I didn’t make you mine
sooner, I don’t know.” Napapikit siya. Hindi siya ganoon kainosente upang hindi
mawari kung ano ang tinutukoy ng asawa. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay
kung bakit tila may nabubuhay ring damdamin sa kanya sanhi ng kaalamang
nagnanasa rin ito sa kanya. “Bastos! Pakawalan mo nga ako,” nagtatagis ang mga
ngipin niyang utos. “Not on your life, baby. Ikaw ang nagpaalala sa akin ng
aking pagkukulang, so pay the price.” Kasunod ay marahas na pinagtagpo nito ang
mga labi nila. Base sa nakaraang karanasan, batid niya na walang silbing
pumalag siya. Parang bakal ang mga kamay nito, lalo’t kapag ganoong galit ito.
Subalit hindi naman niya maatim na magpatalo na lang basta. Isang malakas na
sipa ang pinatama niya sa tuhod nito. Hindi nakapag-‐‑adya si Anton kaya nasapol niya ito. Nabitawan siya nito,
kasabay ang pagpawala ng maanghang na kataga. Sinamantala ni Moira ang
pagkakataon. Mabilis siyang tumakbo palayo. Nagawa niyang buksan ang pinto
ngunit muli rin iyong sumara nang tukuran ni Anton. “A-‐‑Anton. I didn’t mean to—” Hindi siya nito binigyan ng
pagkakataon na tapusin pa ang sinasabi. Muli’y sinakmal nito ang mga labi
niya’t walang awang sinimsim. Pakiwari ni Moira ay namamaga na ang mga labi
niya. Subalit sa kabila ng barbarong paghalik ng asawa’y may katugunan itong
nahihimok sa kanya. Ang katugunang iyon ay tuluyang nagsindi’t nagningas nang
naramdaman niyang naglilimayon ang kamay nito sa kanyang dibdib. Hindi maaari!
hiyaw ng kanyang isipan at muli’y nagpipiglas siya. “It’s useless to struggle,”
anas ni Anton, saka hinagilap ang sugpungan ng kanyang blusa. Isang malakas na
hiklas at naglaglagan ang mga butones sa sahig. Nagbabadya ng pagkainip ang
marahas na pag-‐‑alis nito sa bra niya upang masapo
nang walang tabing ang kanyang dibdib. “Akala ko ba’y. . akala ko’y hindi mo gawi ang mamuwersa ng
babae,” nanunumbat na paalala niya sa sinabi
nito noong gabi ng kanilang pulot-‐‑ gata. “I changed my mind,” pakli nito, saka sinaluysoy ng
hintuturo ang sensitibong ubod ng kanyang dibdib. Wari niya ay naging goma ang
kanyang binti nang manalaytay ang nagbabagang sensasyon sa kanyang mga
kalamnan. Wala nang kakayahan ang mga iyong suportahan ang bigat niya’t tanging
ang maagap na pagsapo ni Anton sa kanyang baywang ang pumigil sa pagdausdos
niya sa sahig. “Don’t do this,” usal niya. “You want it, too,” anito, saka siya
binuhat at dinala sa kama. Paglapag sa kanya sa kutson ay saka siya parang
natauhan. Muling umahon ang kaba sa puso niya’t natataranta niyang tinangkang
tumayo. Ang bigat ni Anton ang bumihag sa kanya. Dinaganan siya nito’t maalab
na siniil ng halik sa mga labi. Habang ginagawa iyo’y marahang gumapang ang
isang kamay nito sa hugpungan ng pantalon niya. Halos mapahiyaw siya nang
matumbok nito ang pakay. Hindi niya maintindihan ang sagad-‐‑ butong pangangailangang nadama sanhi ng paglulumikot ng
asawa. Kung paano siya tuluyang nahubaran ni Anton ay hindi na niya alam. Basta
natagpuan na lang niyang wala ni isang saplot sa katawan niya’t ang asawa’y ganoon din. Huwag! sigaw ng kanyang
isipan subalit ipinagkanulo na siya ng kanyang katawan na nanatiling pipi at ni
hindi nagpumiglas nang tuluyang gawing ganap ni Anton ang kanilang pagiging
mag-‐‑asawa. Sa simula lang ang sakit. Natuklasan niyang ilang
sandali pa’y para na siyang tinangay sa nag-‐‑ aalimpuyong sentro ng malakas na bagyo. Nagsalimbayan ang
magkakahalong sensasyon sa kanyang katawan. Halos mawalan siya ng ulirat sa
tining ng bawat isa sa mga iyon. Hanggang sa sapitin niya ang pinakaituktok na
bahagi ng makulay na bahaghari. Wala silang imikan habang sabay na nagbabawi ng
hihinga. Mayamaya’y bumaling sa kanya ang asawa. “Ngayon ay mas mahihirapan ka
nang hingin ang iyong kalayaan. This marriage is perfectly consummated,” sabi
nito. “Dagdag na kaparusahan para sa akin,” may pait sa tinig na tugon niya.
“Hindi ko layon na parusahan ka. In fact. .” Natahimik si Anton. “What?”
Tiningnan niya ito at sa mga mata nito’y may nabasa siyang malalim na emosyon.
Isang emosyong wari niya’y sumasalamin sa kanyang nararamdaman. Hindi siya
makahinga. Ewan niya kung imahinasyon niya o sadyang may kakaibang mahikang
pumapailanlang sa hangin. Pigil ang hihingang hinintay niya ang susunod na
mangyayari. “Moira, I. .” simula nito. “Anton. . Anton. .” Ang tinig ni
Jeanette ang pumukaw sa mahikang bumabalot sa mga sandaling iyon. “I better see
what she wants,” ani Anton, saka ito nagmamadaling bumangon. Nang wala na ang
asawa’y ibinaon ni Moira ang mukha sa unan. Talagang nalilito siya sa mga
emosyong naghahalu-‐‑halo sa kanyang kalooban. Sa rurok
ng pagniniig nila ay may damdaming humuhulagpos sa kanyang puso. Masyado siyang
abala sa mga sensasyong pumapaimbulog sa katawan niya para pag-‐‑ukulan iyon ng pansin. Ngunit tila lumilinaw na sa kanya
kung ano iyon. Mahal pa niya si Anton at mukhang hindi siya tumigil sa
pagmamahal dito. Bunsod lang ng musmos na kapalaluan kung bakit inakala niya
noon na si Dondi ang mas nakaangat sa pagtingin niya. Heaven help me! nausal
niya sa isipan. Kung mahal niya ito ay tunay nang magiging impiyerno sa lupa
ang makisama rito kung ganoong paghihiganti lang ang pakay nito sa pagpapakasal
sa kanya.
CHAPTER SEVEN
NAGPUMILIT pa si Anton
na ipagamit kay Jeanette ang isa sa mga sasakyan nito sa pagpunta sa airport
kinabukasan. Hustong nakalabas na ang Toyota Prado at isinasara na ng katulong
ang pintuang bakal nang isang taxi naman ang humimpil sa labas ng gate. Isang
babae ang bumaba at tuluy-‐‑tuloy na pumasok. “Hello, dear, I missed you.” Mula sa komedor kung saan siya nag-‐‑aalmusal ay naulinigan ni Moira ang panibagong tinig.
Napapakunot-‐‑noo siyang tumayo upang mag-‐‑ usisa kung sino na namang babae ang tumatawag sa asawa niya
ng “dear”. Mukhang kailangan ko nang gumawa ng files to keep track of his many
women. Isang sopistikadang babae ang nadatnan niyang mahigpit na nakayakap kay
Anton. Eksenang dagling nagpataas ng presyon niya. “Ehem!” Isang eksaheradong
pagtikhim ang kanyang pinawalan. “O, Alicia, hindi mo pa nakikilala ang iyong
sister-‐‑in-‐‑law,” ani Anton. Isang mapanuring tingin ang ibinaling sa kanya ng babae. “Hi,” pagkuwa’y malamig ang tinig na bati. “Hi din,” ganti niya. So this is Alicia now. Napakalayo na nito sa mabait at
inosenteng dalagitang kilala niya noon. “Sino ‘yong umalis kanina na sakay ng
Prado?” baling ulit ni Alicia sa kapatid. “Si Jeanette. She’s leaving for the
States.” “Si Jeanette? Oh, sayang hindi kami nagtagpo. It’s been quite a while
since I saw her. She’s a real good friend of mine,” himig-‐‑nagpapasaring na sabi nito. “Anyway, I hope she’s coming back
soon. Dito ba ulit siya tumira?” Tumango si
Anton. Ulit. Napatiim ang bagang ni Moira sa katagang iyon. Ibig sabihin, gawi
nang mamalagi ni Jeanette sa bahay ng lalaki. Mas lalo tuloy umigting ang
pagdududa niyang may ugnayan ito at ang kanyang asawa. “Come join us. We’re
having breakfast,” yaya ni Anton sa kapatid. “Sure. Maring, pakidala na sa room
ang mga gamit ko,” utos nito sa katulong. “And how long are you staying this
time?” tanong ni Anton. “Bakit? Hindi na ba ‘ko welcome dito ngayong may asawa
ka na?” Minasama ni Alicia ang isang simpleng katanungan. “Sobra ka. I’m just
asking, that’s all.” “To be honest, I don’t know yet. Depende sa mood ko, I
guess.” “BIGLANG-‐‑BIGLA ang pag-‐‑aasawa mo, brother dear. May mabigat bang dahilan?” nanunuri’t nagpapasaring na usisa ni Alicia
nang kumakain na sila. “None in
particular.” “But this is a business arrangement, right?” “Alicia.. ” May babala sa himig ni Anton. “Yes, it is.” Si Moira ang sumagot. Hindi na siya
makatiis na manatiling tahimik. “I thought so. Know what? Mukhang busog pa ‘ko so I’ll just go up to my room. Excuse me,” pasintabi ni Alicia, saka nito
nilisan ang hapag-‐‑ kainan. “Sana naman ay hindi mo na
ipinangalandakan sa buong mundo na isang business arrangement lang ang
pagpapakasal natin,” yamot na turan
niya nang wala na si Alicia. “For your
information, hindi ko iyon ipinangalandakan. Only my sister knows. Although ano
ba naman sa ‘yo kahit malaman ng mga tao na hindi
pagmamahal ang nagbunsod sa ‘tin para
magpakasal?” iritadong ganti ni Anton. Hindi siya
nakaimik. Mamamatay muna siguro siya bago ipaalam sa lalaki ang nadiskubre sa
sarili nang gabing matapos silang magniig. . Na mahal pa niya ito. “I have to
go. Marami akong aasikasuhin sa opisina.” Iyon lang at tumayo na ito.
NAGHAHANDA si Moira para umalis at dalawin ang papa niya nang kumatok sa silid
niya si Alicia. “Aalis ka?” tanong nito, pagkuwa’y tuluy-‐‑tuloy na pumasok. Tumango siya. “Saan ka pupunta?” Hindi siya kumibo. Hindi niya
naiibigan ang himig nito. “Let me guess.
You’re meeting someone, right?” Ito ang bumuo ng sariling
konklusyon. “Tama ka.” “Alam ba ito ni Kuya Anton?” “Wala ka na roon.” “Look, minsan mo nang
sinaktan ang kapatid ko at ayoko nang maulit iyon. You don’t know how much you
hurt him before,” paasik na sumbat ni Alicia. “Hindi ko iyon ginustong
mangyari. .” “Serves you right kung bakit nagkaganyan ang buhay n’yo. Inapi mo
ang kapatid ko. Ipinamukha mo sa kanyang ‘di siya karapat-‐‑dapat sa isang katulad mong nahihiga sa salapi. Ano’ng pakiramdam mo ngayong nagkapalit
na kayo ng kapalaran? Hindi ko maintindihan kung bakit ka niya pinakasalan,
pero ano kaya’t ikaw naman ang ibasura niya for
someone more suitable?” Sa kaibuturan ng isipan ni Moira ay nanahan din ang
pangambang iyon, subalit iba pala ang epekto kapag naisatinig iyon ng iba. Mas
lalong naging totoo ang kanyang pinangangambahan. Mas nagmistulang posible nga
iyong mangyari. “Bahala siya.” Pinilit niyang magwalang-‐‑ bahala. “You’re despicable, alam mo ba ‘yon? Ewan ko ba sa kapatid ko kung
bakit ikaw pa ang pinakasalan gayong ang daming babaeng mas nararapat sa kanya.” “Gaya ni Jeanette?” Lumiit ang mga
mata ni Alicia. Animo’y tinatantiya kung isang trick question ang itinanong
niya. “Yeah, like Jeanette,” anito matapos ang mahabang sandali. “Maybe it’s
because I have something they don’t have. Now, if you’ll excuse me, I’ll be
late.” Iniwan na niya ang tokador at matapos kunin ang bag buhat sa kama’y
naglakad na siya papunta sa pinto. “Makakarating ‘to kay Anton,” babala ni
Alicia. “Suit yourself.” At isinara na niya ang pinto. Sandali lang niya
maaaring makapiling ang ama ngunit ayaw pa niyang umuwi kaya naglagi na lang
muna siya sa mall. Dalawang sine ang pinanood niya para magpalipas ng oras.
Gabi na nang mapilitan siyang bumalik sa bahay. “WHERE have you been?” Pagpasok
niya sa kuwarto’y biglang bumukas ang pinto ng kanugnog na silid. Iniluwa niyon
si Anton na animo’y dragon na bubuga ng apoy. “Sa tabi-‐‑tabi.” “I don’t like to play games. Saan ka sabi nagpunta?” Lumapit si Anton at iniharap siya
nito. “Bakit ba?” Marahas na pinalis ni Moira ang
kamay na nakahapit sa balikat niya. “Huwag na huwag mong iisiping lokohin ako.” “Oh, mukhang nakapagsumbong na
sa ‘yo ang magaling mong kapatid. She turned out to be such a darling, you
know,” pakutyang saad niya. “Alicia can be a pest sometimes but she’s a good
kid. Pero ‘wag siya ang pag-‐‑usapan natin. Where the hell have
you been?” “It’s none of your business.” Ewan niya ngunit parang may nag-‐‑uudyok sa kanyang magmatigas. “I’m warning you, Moira. I don’t take lightly to being fooled. You’re married to me and that means no
other man is—” “Talk about double standards. Ikaw, okay lang kahit ilang babae ang
patulan mo. Pero ako, hindi. That’s not fair.” “I don’t care. Basta ‘wag mo
‘kong lolokohin.” Sa anyo nito ay parang makakapatay ito ng tao sa ideyang may
ibang lalaking kasama si Moira. “You have no right to dictate to me what I can
and cannot do.” “Really? Baka nakakalimutan mo, asawa kita.” “Masarap nga
sanang kalimutan iyon.” “Pwes, dapat ko sigurong mas itimo pa sa alaala mo na
akin ka.” Malakas na dumantay ang mga palad ni Anton sa balakang niya’t hinila
siya nito. “Puwede ba, bitawan mo ‘ko? You make me sick,” saway niya. “Do I?
Hindi ganoon ang naging reaksiyon mo kagabi,” napapangiting wika nito.
Pinamulahan siya ng mukha nang maalala ang ikinilos niya nang angkinin siya ng
asawa. “Lets see if I will make you sick this time.” “No.” Walang epekto rito
ang katagang binitawan niya kahit halos isigaw na niya iyon. Kagyat nitong
nasakop ang bibig niya. Galit na galit siya, lalo’t naggugumiit sa isip niya
ang anyo ni Jeanette. Ngunit sa kabila niyon, hindi maitatanggi ang
kapangyarihan ni Anton sa kanyang katawan. Animo’y may sariling pag-‐‑ iisip iyon at naipasyang tumugon sa mga haplos nito. Ilang
sandali pa’y napapahabol-‐‑hininga na siya sa tindi ng pananabik na marating muli ang
pambihirang lugar na pinagdalhan sa kanya ng asawa nang nagdaang gabi. Mas
naging maigting ngayon ang mga sensasyon. Sa bawat hagod ng kamay nito sa
kanyang balat ay para siyang ginagapangan ng sumasagitsit na elektrisidad.
Naglalandas iyon sa kanyang mga kalamnan at tumutuloy sa kanyang kaibuturang
sabik nang madama ang muling pag-‐‑ angkin ng asawa. “I. . I can’t wait any longer.” Pakiwari ni niya ay hindi siya ang
babaeng umuusal ng mga salitang nag-‐‑uudyok sa asawang pawiin na nito ang
kanilang pagkauhaw. Napangiti si Anton bago pinagbigyan ang nais niya. Isang
impit na daing ang kumawala sa bibig niya. Sa bawat indayog ng asawa’y umaakyat ng ilang antas ang
nagbabagang apoy na bumabalot sa kanya. Halos hindi na niya makayanan ang init.
Ilang saglit pa’y nagsiklab nang
tuluyan ang ningas. Hindi lang sila miminsang nagsabay ni Anton na pumaimbulog
sa laot ng hindi mailarawang kasiyahan. Tumutulo ang luha niya nang bumalik sa
normal ang pag-‐‑iisip niya. Ganoon ang epekto ng
masidhing pag-‐‑iisang-‐‑katawan nila ng asawa. Para siyang mamamatay sa lungkot.
Marahil ay dahil sa kaalamang pisikal na pagnanasa lang ang nag-‐‑uudyok dito na angkinin siya. Samantalang siya’y may kaakibat na malalim na emosyon
ang pagkakaloob niya ng katawan dito. Hindi naman nagsalita si Anton. Basta’t iniharap siya nito’t ibinilanggo sa
mga bisig. Matinding kapayapaan ang kanyang nadama. Sa yakap ng asawa’y
nakahanap siya ng tahimik na kanlungan. Hindi marahil iyon pangmatagalan ngunit
kontento na rin naman siya. I love him. I really love him, hiyaw ng kanyang
puso. At sa mga pagkakataong kagaya niyon, parang puwede siyang magkunwaring
mahal din siya ng lalaki. “A-‐‑Anton, tungkol sa nangyari noon. .
tungkol kay Dondi. .” Inalihan siya
ng pagnanais na liwanagin ang lahat. Ngunit matapos bitawan ang mga katagang
iyon ay agad din siyang nagsisi nang maramdaman ang biglang panlalamig ulit ng
asawa. “Ayoko nang pag-‐‑usapan iyon. At kung sasabihin mong
si Dondi ang kinatagpo mo kanina’y—” “Si Papa ang pinuntahan ko,” sabad niya. “Ang papa mo?” Tumango siya. “Pero sabi ni Alicia’y. . oh, never mind.” Nakangiti na ito nang humarap sa
kanya. Akmang hahalikan ulit siya nang gambalain sila ng katok sa pinto. “Sir, Ma’am, tawag po. Importante raw,” sabi ng isang katulong sa likod ng nakapinid na pinto. Iniangat ni Anton
ang extension na nasa side table. “What?” Napabangon ito matapos sandaling
makinig. “Okay, saan siya dinala? We’ll be there right away.” “Sino ‘yon?”
nababahalang tanong ni Moira. “Si Doctora Rosales, ang administrator ng
center.” “Bakit?” Napabangon na rin siya. “Ang. . ang papa mo. He suffered
another heart attack.” “A-‐‑ano raw ang lagay niya?” Sa halip na sumagot ay niyakap siya
nang mahigpit ni Anton. Natumbok naman niya agad ang ibig sabihin niyon. “No. Hindi puwedeng mangyari. . Nooo!” nagdadalamhati niyang sigaw. “I’m
sorry. I’m so sorry,” paulit-‐‑ulit na usal ni Anton, kasabay ang
nang-‐‑aalong haplos sa kanyang buhok at balikat. “HOW DID this happen? Akala ko ba’y first-‐‑rate ang center ninyo?” sumbat ni Moira sa center administrator na dinatnan nilang nasa ospital
pa na pinagdalhan sa don. “Nangyayari ang
ganyan lalo sa klase ng heart condition na meron ang iyong ama. Most likely,
unti-‐‑unti nang nagde-‐‑degenerate o nanghihina ang heart
muscles niya sa unang atake pa lang niya. I’m sorry. I’m very, very sorry,” wika ni Dra. Rosales. “Magdedemanda ako.
Hindi dapat nangyari ‘to. My father was doing fine before he came to your
center and now he’s dead. You killed him!” pahisteryang sigaw niya. “Calm
down.” Niyakap siya ni Anton. “Excuse us, please,” sabi nito sa manggagamot.
Naintindihan naman iyon ni Dra. Rosales. Tahimik itong lumabas ng silid at
iniwan sila. “Isa ka pa!” Itinulak niya ang asawa at nagbabaga ang mga matang
itinuon dito. “Kundi ka nagpumilit na dalhin siya sa center, malamang ay buhay
pa siya!” angil niya. Masyadong matindi ang kanyang dalamhati. Kailangan niya
ng mapagbubuntunan ng sisi. “No one wanted this to happen. Pare-‐‑pareho tayong kapakanan ng papa mo ang iniisip,” kalmanteng paliwanag ni Anton. “No! You wanted to hurt him. Maybe
this is your ultimate revenge against me. .” “Stop it!” Hinawakan siya nito sa balikat at
niyugyog iyon. Natahimik siya saka napasubsob sa dibdib nito. At humagulhol
doon. “Sige, ilabas mo lang,” nang-‐‑aalong
wika nito habang hinahagod ang likod niya. “I’m sorry, sweetheart. I didn’t
think it will turn out like this.” Sa kabila ng matinding pighati, nakuhang
rumehistro sa isipan ni Moira ang pagtawag nito sa kanya ng “sweetheart” sa
tinig na hindi kababanaagan ng pagkutya kundi ng pagtatangi. At hindi niya
mapigilan ang pagsibol ng kasiyahan sa puso. ILANG araw pa ay nailibing na si
Don Miguel. Si Anton lahat ang nag-‐‑asikaso. Sa hacienda ito ibinurol at
sa mausoleo ng mga San Diego inilibing. “Maiiwan na ‘ko rito,” sabi ni Moira nang wala na ang mga
nakiramay at sila na lang mag-‐‑asawa ang nasa mansiyon. “I don’t think that’s a good idea.
Hindi ka dapat mag-‐‑isa, lalo na ngayon,” tutol ni Anton. “Pero.. ” “You’re coming home with me tomorrow. Later, when you’ve sorted things out, saka ka na
magpasya ng susunod na gagawin. Right now, you’re in no position to think clearly,” giit ng asawa. “Halika’t magpahinga ka muna,” yaya nito sa kanya. Masyadong malabo
pa ang isipan niya para magprotesta pa. At hindi na rin siya nagprotesta kahit
kaakbay niya ito hanggang sa pagpanhik sa hagdan. Sa silid niya sila humantong.
Inihatid pa siya ni Anton sa kama. Tinanggal nito ang kanyang sapatos,
kinumutan siya, saka hinagkan sa pisngi. “Now, rest,” anito saka umakmang
tatayo na. “H-‐‑huwag mo ‘kong iwan,” sabi niya. Parang ayaw niyang mag-‐‑isa nang mga sandaling iyon. “Sure, if that’s what you want.
Dito lang ako,” sang-‐‑ayon
ni Anton. “P-‐‑please hold me.” Parang kailangang-‐‑ kailangan niyang madama ang yakap nito. Umusod ito palapit
sa kanya, saka siya ipinaloob sa mga bisig nito. Hinawakan nito ang ulo niya’t
idinantay iyon sa balikat. Gaya noong una siyang yakapin ng asawa, inalihan
siya ng kapayapaan sanhi ng mga brasong nakapulupot sa kanya. Mahirap mang
paniwalaan—at intindihin—subalit sa kanlungan ni Anton ay nakakatagpo siya ng
kaligtasan, ng kasiguruhan. “Anton, I. .” Nag-‐‑angat
siya ng ulo. Balak niya ay magpapasalamat. Subalit nang magtama ang mga mata
nila’y tila namatay ang mga katagang balak
niyang bitawan. Naudlot ng masidhing elektrisidad na animo’y nanulay sa
kanilang mga katawan. Isang iglap lang at bihag na rin nito ang mga labi niya.
At sa pagkakataong iyon ay walang pangingiming sinalubong niya ang mainit na
halik nito. Katulad niya’y isang bulaklak na namukadkad sa araw. Bawat
pagkilos, bawat pagsimsim, bawat pananaliksik ng asawa’y sabik niyang
ginagantihan. Wala namang bahid ni katiting na karahasan ang paglalakbay ng mga
kamay nito sa kanyang katawan. Sa pagkakataong iyon, layon nito’y maarok ang
mga sensasyong mas magbibigay-‐‑ kulay sa eksenang pinagsasaluhan
nila. Pakay nito ay ultimong kasiyahan ang maidulot sa kanya. At iyon nga ang
nadama niya. Nang pag-‐‑isahin nito ang katawan nila’y waring mawawalan na siya ng ulirat
sa masidhing init na gumuhit sa kanyang pagkatao. At nang simulan nito ang
pagkilos ay kulang na lang mapugto ang kanyang hininga sa mga sensasyong
binuhay at pinaigting nito, at sa bawat sandali’y mas pinaiigting pa. Sabay nilang inakyat ang hagdang patungo sa walang-‐‑hanggan at sabay din nilang narating ang tugatog niyon. .
ILANG sandali pa’y banayad na ang paghinga ni Moira. Hudyat na nakatulog na.
Matagal na pinagmasdan ni Anton ang payapang mukha ng asawa. Wala na si Don
Miguel at kasabay niyo’y wala na rin ang sandata ko upang mapilit siyang
mapanatili sa piling ko. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang mag-‐‑panic nang mga sandaling iyon. ILANG linggo na mula nang
mailibing si Don Miguel ngunit nananatili pa ring parang zombie si Moira.
Pakiwari niya, isang napakalaking kahungkagan ang nanahan sa kanyang puso’t
nauubos ang kanyang enerhiya sa pagpilit lang sa sariling bumangon sa umaga.
Kung noong una’y nais niyang maiwan na sa hacienda, ngunit bakit parang hindi
niya matiis na bumalik. Kay raming masasayang alaala roon na hindi pa niya
kayang harapin. Sa loob ng panahong namalagi siya sa bahay ni Anton ay naging
tahimik ang kanilang pagsasama. Malapit-‐‑lapit na nga iyon sa normal na buhay
ng mag-‐‑asawa. Maski si Alicia’y hindi naging sagabal, lalo’t madalas itong wala sa bahay. Ang tanging kaibhan nila sa totoong mag-‐‑ asawa’y ang tahimik
nilang kasunduan na hindi sila nagmamahalan. Kaya nang tanggapin niya ang
gayong sitwasyon, this is better than nothing, madalas niyang maisaisip.
Kakatwang nang maging malaya na siya, at wala nang mahigpit na dahilan para
mapigilan ang pag-‐‑alis niya’y saka siya bantulot na abutin ang
naturang kalayaan. Ngunit isang umagang magising siya’t dumungaw sa bintana’y natanaw niya ang pagbaba mula sa
taxi ng babaeng tila kumakatawan sa pinakamasama niyang panaginip. Si Jeanette.
At may bitbit na naman itong maleta. Nagmamadali siyang naligo. Pamamahay ko na
rin ‘to at may karapatan naman siguro akong tumangging patirahin ang ayaw ko,
paghihimagsik ng kalooban niya habang nakasahod ang katawan sa dutsa. Mabilis
din siyang nagbihis saka lumabas ng silid. “Of course you can stay. You know
you’re always welcome here.” Sa puno ng hagdan ay naulinigan niyang sinasabi
iyon ni Anton. “Won’t your w-‐‑wife mind? Alam mo, Anton, I.. I don’t feel very comfortable about this.
Pakiramdam ko, I’m a fraud. Ang hirap magpanggap.” Naudlot ang pasugod na
pagbaba niya nang marinig si Jeanette na tinuran iyon. “Sabi mo’y naiintindihan
mo. Naipaliwanag ko na sa ‘yo ang sitwasyon, ‘di ba? This started out as
revenge on my part, but now. .” Natahimik sandali si Anton. “Her father just
died and I’m sure you’ll understand that she’ll have to stay for a few days. .”
Hindi na hinintay ni Moira na marinig ang susunod na sasabihin ng lalaki.
Naroon na ang patunay niya na meron ngang ugnayan sina Anton at Jeanette. At
nanggaling na rin mismo sa bibig ng asawa na nagpapalipas lang ito ng oras bago
siya sipain paalis ng bahay na iyon. I won’t wait for that to happen, matiim
niyang pasya. Bumalikwas siya para pumasok sa silid ngunit bago pa maabot ang
seradura ng pinto’y nagdilim ang kanyang paningin. Kung hindi siya napasandal
sa dingding ay malamang na bumagsak siya sa sahig. Ilang sandali siyang
nanatiling hindi kumikilos. Pinalilipas ang nadaramang matinding pagkaliyo.
Nang mawala iyon, pakiramdam naman niya’y biglang may humalukay sa sikmura
niya. Nagtatakbo siya sa banyo at doon nagduduwal nang nagduduwal. Hapung-‐‑hapo siya nang matapos. Ano ba’ng nangyayari sa kanya’t napakasama ng
kanyang pakiramdam? Naghihilamos siya ng malamig na tubig nang biglang gumiit
sa isipan ang isang posibleng dahilan. No, I can’t be pregnant. Not now! Kahit napakasama ng pakiramdam ay pinilit niyang
magbihis. Laking pasasalamat niya nang paglabas ng kuwarto’y wala siyang nakasalubong.
Nagmamadali siyang umalis para magpunta sa botika. Kailangang matiyak niya ang
kalagayan. Pagbalik niya’y nagkulong ulit siya sa banyo. Hindi siya halos
humihinga habang hinihintay na lumabas ang resulta ng test. Para siyang pinagsakbluban
ng langit at lupa nang patunayan ng test kit ang kutob niya. Buntis nga siya.
Sandali siyang natulala bago naisubsob ang ulo sa marmol na lababo’t nag-‐‑iiyak doon. Dumausdos mula sa palad niya ang test kit at
napasiksik sa ilalim ng lababo.
CHAPTER EIGHT
WILL I leave or will I
stay? Ipapaalam ko ba kay Anton ang tungkol sa nasa sinapupunan ko o ililihim
ito? Ang mga katanungang iyon ang nagpapagulo sa isip ni Moira sa sumunod na
mga araw. At habang nalilito siya’y kinakabahan din. Inaasahan niya, anumang
araw ay baka sabihin ng asawa na puwede na siyang umalis. I should leave now.
Dapat ay huwag ko nang hintaying palayasin niya ‘ko. That would be more
humiliating, kung minsan ay naipapasya niya. But what about the baby? ‘Di ba’t
karapatan niyang kilalanin siya ng kanyang ama? agam-‐‑agam naman niya. Litung-‐‑lito siya at parati pang masama ang
pakiramdam niya. Madalas tuloy ay sa silid na lang siya naglalagi. “HEY, DEAR
brother, I just got an invitation for this weekend,” hayag ni Alicia isang
umagang nag-‐‑aagahan sila. “What kind of invitation?” usisa ni Jeanette. “Remember Dan? Iyong kaibigan ko?
Well, he wants me to go to his family’s beach house to meet his parents sa selebrasyon ng anibersaryo nila. Sa
Iloilo iyon and it’s on an island.” “I’m sure you said no,” pakli ni Anton. “I did not,” maanghang na tanggi ni Alicia.
“First, I want to see the place. Ayon sa bali-‐‑balita,
it’s like a paradise sa ganda.
Pangalawa, I want to be with him. At pangatlo, in case you haven’t noticed, nasa hustong gulang na ‘ko para magdesisyon.” “Well, you better change your answer. Wala akong pakialam kahit
singkuwenta anyos ka na. Hindi pa rin magandang tingnan na basta ka na lang
nagsasasama sa lalaking iyon sa mga liblib na lugar.” “Oh, for heaven’s sake!
Nakapunta na nga ako sa Europe na mag-‐‑isa, eh.” “Nagpunta ka sa Europe na mag-‐‑isa. That’s the big difference. This time you
won’t be going alone. May kasama kang
lalaki. Did you ever stop to think kung ano na lang ang iisipin ng mga magulang
ni Dan? Times have changed, I agree, pero marami pa rin ang naniniwala sa
lumang kaugalian and it doesn’t hurt kung
pinuhan mo ang kilos mo.” “Well, you could come with me.” Matamis pa sa asukal ang tinig ni
Alicia nang bigkasin ang mungkahing iyon. “Ba’t ko naman gagawin iyon?” ani Anton. “Dahil nakikiusap ako. Please, Kuya.
Gusto ko ring ma-‐‑meet ang parents ni Dan. That means
he’s serious with me, right? Serious
enough para ipakilala sa mga magulang niya. Sige na naman, o. You can even
bring Moira along.” “Naku, hindi,” agad na tanggi ni Moira. Hindi niya
kakayanin ang biyahe. Mapaeroplano man o mapa-‐‑barko,
tiyak na masusuka’t mahihilo siya.
“Why not?” baling sa kanya ni Anton. “Basta, ayoko.” “Si Jeanette na lang,” mungkahi ni
Alicia. “Oh, no, not me,” tutol ni Jeanette. “You’d love the place. It’s way up there
in terms of scenery. Para nga raw paraiso. Oh, please, I really wanna go,”
pagsusumamo ni Alicia. Sumulyap si Jeanette kay Anton. “Oh, all right. If it’s
okay with Anton,” anito. “Of course it’s okay with me,” sang-‐‑ayon ni Anton. “When do we leave?” “Saturday morning.” “O, sige, sige, payag na ‘ko,” walang nagawang pagsang-‐‑ayon ng lalaki. Parang biglang nagbara ang lalamunan ni
Moira sa narinig. Imahinasyon lang ba niya o mas madaling napilit ang asawa
niya nang malamang kasama si Jeanette? Halos mahibang siya sa matinding selos
na nadama. SABADO ng umaga. Magdamag halos na nanatiling dilat si Moira at nag-‐‑iisip kaya hindi kataka-‐‑takang maliwanag na ang sikat ng
araw nang magising siya. Agad siyang napabalikwas. Pinakiramdaman niya ang
kabilang silid. Wala siyang marinig na kaluskos buhat doon. Palatandaang
nakaalis na sina Anton. Pabuntong-‐‑hininga siyang sumandal sa
pinagsalansang mga unan. Bigla’y parang
napakatahimik ng bahay. Parang walang buhay. At iyon ay dahil wala roon si
Anton, batid niya. Nami-‐‑miss na agad niya ang asawa. At
parang maloloka na yata siya sa mga naglalaro sa imahinasyon na mga tagpong
tinatampukan nito at ni Jeanette sa islang animo’y paraiso. Napakislot siya sa
pagkatok sa pinto. “Moira, are you awake?” Napakunot-‐‑noo siya nang mabosesan si Alicia. Dali-‐‑dali siyang bumangon at pinagbuksan ito. “Hindi pa pala kayo nakakaalis,” sabi niya. “Actually, ako lang ang hindi umalis.” Tumuloy ito sa silid at umupo sa
kama. “Tumawag kagabi si Dan. Nagbago raw
ang isip ng mga magulang niya’t hindi na sa
isla nila gagawin ang anniversary celebration. Dito na. Sa Mandarin Hotel.”
“Pero sina Anton. .” “Oh, them, well, Dan’s invitation to use his beach house
still stands. Sila na lang ang tumuloy. Sayang naman, ‘di ba? Everything’s
ready,” sabi ni Alicia, saka minasdan ang magiging reaksiyon niya. Napalunok
siya. Kahit ano’ng mangyari, hindi ako iiyak sa harap ng malditang ‘to, matiim
niyang pasya. “I see. Well, good for them,” pakibit-‐‑balikat niyang tugon. “I’m sure na alam mo na. Si Anton at si
Jeanette ay—” “Yeah, I know,” sabad niya. “And I really don’t care. Kung plano
ng kapatid mong pasakitan ako sa pamamagitan ng babaeng iyon, he’s making the
wrong move because he doesn’t mean a thing to me and he can have any woman he
wants. Hindi lang naman ako ang madudungisan kapag nalaman ng madla na may
ibang babae siyang ipinangangalandakan. Siya rin. That will just show the world
he’s a man of loose morals. Now, if you’ll excuse me, gusto ko nang magbihis.”
“Jeanette is more suitable as a wife for Anton,” ani Alicia na para bang walang
narinig. “Dapat nga’y noon pa sila nagpakasal. But my silly friend wanted to
have a career first. Before we knew it, nag-‐‑asawa bigla si Anton. But it’s not a real marriage, is it?” “Alam mo, whatever he does, wala akong paki, okay? Now, please leave,” matigas na saad ni Moira. Ilang
saglit siyang minasdan ni Alicia bago ito tumayo’t lumabas na ng silid. Hindi ako iiyak. It doesn’t matter if it hurts like hell. Hindi
ko iiyakan si Anton. He doesn’t deserve it,
giit niya sa sarili upang sikilin ang luhang nagtatangka nang humulagpos mula
sa mga mata. Noon nagsimulang luminaw sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng
magandang pakikitungo sa kanya ng asawa. Iyo’y kalkuladong paraan upang mahulog
muli ang loob niya rito.. upang siya naman ang maitapon nitong parang basura!
He won’t get the chance. Tapos na ang pag-‐‑urung-‐‑sulong
niya. Tapos na ang pagdidili-‐‑dili. Nagawa na ang desisyon para sa
kanya. Dali-‐‑dali niyang binuksan ang cabinet.
Hinugot niya mula roon ang maleta niya’t inilatag iyon sa kama. Pagkuwa’y walang habas na pinagsasalaksak ang
mga gamit niya roon. Ni hindi na niya tinangkang ayusin pa ang mga iyon. Nang
matapos ay nagbihis siya’t bitbit ang maleta, lumabas siya ng bahay. “Ay,
Ma’am, aalis po kayo?” ani Maring na kasalukuyang nagdidilig sa hardin nang
madaanan niya. “Oo.” “Pasaan po kayo at ba’t hindi kayo magpahatid sa driver?”
“Huwag na.” “Ma’am, tutulungan ko na kayo. Gusto ninyong itawag ko kayo ng
taxi?” “Hindi na. Ako na lang.” Masyado siyang nagmamadali na makalabas ng
bahay na iyon. Parang masusuka na siya sa matinding sama ng loob. Parang
masasakal siya sa animosidad na nararamdaman niyang nagmumula roon. “Pero,
Ma’am. .” Atubili pa rin si Maring. “Sige na, Maring. Ituloy mo na ang ginagawa
mo,” utos niya. Walang nagawa ang katulong kundi tumalima. MULA naman sa
bintana ng kanyang silid ay natanaw ni Alicia ang pag-‐‑alis ni Moira. Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa mga
labi niya. Saksi siya nang matuklasan ni Anton na may ibang katipan si Moira
noong gabi ng debut nito. Kitang-‐‑kita niya ang pighati, kapaitan at
pagkatalo sa mukha ng kapatid. Siya ang nalungkot at nangulila para dito nang
ipasya nitong magpakalayu-‐‑layo’t huwag nang bumalik sa Sta. Barbara. Ang lahat ng iyon ay dahil lang sa
isang walang-‐‑ kuwentang babae na salapi lang ang
dini-‐‑diyos. Pwes, mabuti nga sa ‘yo ang nangyari, iniisip niya habang nakatunghay kay Moira na halos hindi
magkandaugaga sa dalang maleta. “SHE WHAT?” hindi
makapaniwalang bulalas ni Anton nang matuklasan ang mga pangyayari. “She left.
Apparently, matagal na niyang binabalak iyon at kumukuha lang ng tiyempo,” sabi
ni Alicia. “I tried to stop her pero wala akong nagawa.” Nasuntok ni Anton ang
dingding. Sa nakalipas na mga araw, pakiwari niya’y unti-‐‑unting nagkakalapit ang loob nila ng asawa. Iyon pala’y napakalayo niyon sa katotohanan.
All the while, she was planning to leave. Matindi ang hinanakit na dulot niyon.
Gaya noon, napaglalangan na naman siya ni Moira. Ganoon ba ito talaga kagaling
umarte o sobrang tanga lang niya para paulit-‐‑ulit
na mapapaniwala nito? “Sinabi ba niya
kung saan siya pupunta?” tanong niya. “She didn’t say anything. But take a wild
guess.” “Sa hacienda. Doon lang siya puwedeng tumakbo.” “Then drive her away from it,” sadistang mungkahi ni Alicia. Tumango si Anton subalit iniisip pa lang
niya iyo’y batid na niyang hindi niya iyon
magagawa. Mabulok siya roon, tiim-‐‑bagang niyang nawika sa sarili.
CHAPTER NINE
MASAYA si Alicia sa
naging takbo ng mga pangyayari. Sa wakas ay nakaganti na si Anton. Ang
ipinagtataka lang niya, parang hindi masaya ang kapatid. Malimit kasi niyang
mapunang nakatingin ito sa malayo. Halatang malalim ang iniisip. ‘Di kaya mahal
talaga niya si Moira? kung minsan ay pagdududa niya. A, kalokohan. He’s stupid
to love her matapos ang ginawa ni Moira sa kanya. Walang balak na ipaalam ni
Alicia ang naging papel niya sa pag-‐‑alis ni Moira at sa tuluyang
pagkawasak ng pagsasama ng dalawa. MALILIGO sana si Alicia sa banyong nasa loob
ng kanyang silid nang matuklasang ubos na ang stock ng sabong nakalagay sa
cabinet. “Maring! Sebyang!” tawag niya sa mga katulong para humingi ng sabon
ngunit walang tumugon sa mga ito. Ni wala siyang ideya kung saan inilalagay ang
stock ng mga toiletries kaya minabuti niyang ang banyong nasa master’s bedroom
na lang ang gamitin. Tutal ay wala na si Moira at si Anton naman ay alam niyang
nakaligo na. Pagdating doon ay binuksan niya ang cabinet na kinalalagyan ng mga
sabon. Inabot niya ang isa sa mga iyon. Mali marahil ang pagkakasalansan ng mga
iyon, ‘di kaya’y wala siyang ingat sa paghablot dahil biglang nangalaglag ang
mga kahon. “Oh, shit!” pakli niya saka awtomatikong napayuko para pulutin ang
mga iyon. “Hay, naku, hayaan na nga lang ang mga ‘yan diyan,” sabi na lang niya
at akmang didiretso na ulit ng tayo. Nang masulyapan niya ang maliit na bagay
na napasiksik sa sulok. Parang nahuhulaan na niya kung ano iyon. Naintriga siya
at pinulot iyon. Napakunot-‐‑noo siya nang matuklasang tama ang
kanyang hula, mas lalo pa nang mapiho kung ano ang ibig sabihin niyon. Dagli
niyang nakalimutan ang pakay sa banyo. Mabilis siyang lumabas para hanapin ang
kapatid. “LOOK at this,” ani Alicia nang matagpuan si Anton sa library. Sabay
abot ng pregnancy test kit sa kapatid. “Do you know what it is?” “Yes, but I
don’t know what it says,” ani Anton. “It means positive ang resulta ng test.”
“You’re pregnant? Sinong tarantadong lalaki ang—” “Not me. Hindi sa ‘kin ang
test kit na ‘yan.” “Eh, kanino pala?” nagugulumihanang tanong ni Anton. “H-‐‑hindi ba kay.. kay Jeanette?” bantulot na turan ni Alicia.
“I wouldn’t know. Saan mo ba natagpuan ‘to?” “Sa banyong kanugnog ng master’s
bedroom.” “Jeanette never uses that bathroom.” Napatiim ang bagang ni Anton.
“As far as I know, isang tao lang ang gumagamit niyon bukod sa ‘kin. Shit! Why
didn’t she tell me?” Iyon lang at nagmamadali siyang lumabas ng silid. “Kuya,
wait!” tawag ni Alicia ngunit ni hindi niya nilingon ang kapatid. SA HACIENDA
San Diego, unti-‐‑unti nang nasasanay si Moira. Para
ngang kay daling naibsan ang pasanin niya mula nang ipasya niyang doon na
mamalagi. Technically ay kay Anton na ang naturang propyedad, ngunit hindi niya
maiwasang ituring iyon na kanya. Ang konting halagang naiwan sa pinagbilhan ng
hacienda ay noon pa niya inilagak sa time deposit at ang iba’y sa kung anu-‐‑anong investments. Maituturing nga sigurong suwerte ang mga
babaeng nagbubuntis dahil natuklasan niyang malaki ang itinubo ng mga
investments na iyon. Puwede na siyang mabuhay—hindi nga lang kasinrangya ng kanyang nakagawian. Kung tutuusin, hindi na
niya kailangan si Anton. Kaya na niyang buhayin ang sarili’t ang kanilang anak.
Hindi naman magdarahop ang bata, tiyak niya. Mas marangya nga lang marahil ang
magiging buhay nito kung sa piling ng ama nito. No. Never! Hinding-‐‑hindi niya maaaring isuko ang anak. Iyon na lang ang tanging
alaala niya sa lalaking kanyang minahal. Gaya ng madalas mangyari, sa tuwing
sasagi sa alaala niya si Anton ay para siyang mamamatay sa kalungkutan. Noong
bagong dating nga siya sa hacienda ay kung ilang galong luha yata ang umagos sa
kanyang mga mata sa matinding pangungulila sa asawa. Well, face the music,
sweetheart. It’s over. Kung noon ay maaari siyang mag-‐‑ilusyon na may pagtingin din sa kanya si Anton, dapat niyang
tanggapin na hinding-‐‑hindi na matutupad ang bagay na
iyon. Mukha ngang masayang-‐‑masaya siya sa pag-‐‑alis ko. He didn’t have to go to the trouble of kicking me out. Inaamin niya, sa simula’y bahagya siyang umasa. Baka naman
susundan siya ni Anton. Ihahayag na ayaw nitong mawalay sa kanya. Subalit ang
mga araw ay naging linggo’t ni anino nito ay hindi niya nasilayan. Hanggang sa
matanggap na niyang mag-‐‑isa niyang palalakihin ang anak nila’t kung sakaling darating man si
Anton, marahil ay para kumbinsihin siyang ipawalang-‐‑bisa na ang kasal nila. He had his revenge. At napakatanga
mo para umasang ‘di iyon ang
motibo niya. Parang sinaksak ang dibdib niya sa ideyang iyon. UPANG pasayahin
ang sarili’y humuni-‐‑huni siya. Iyon pa rin ang ginagawa niya habang pababa ng
hagdan. “You seem happy. Mabuti ka pa.” Muntik
nang sumala sa baitang ang mga paa niya nang marinig ang tinig. “I-‐‑ikaw?” nausal niya
pagkakita kay Anton na nakatayo sa ibaba ng hagdan at nakatunghay sa kanya.
Parang isang taong natira sa disyerto’t gayon na lang ang pagkauhaw, sabik niyang pinasadahan ng tingin ang
lalaking kay tagal niyang pinangungulilahan. Walang halaga anuman ang naging
kasalanan nito sa kanya. Naroon pa rin ang katotohanang mahal niya ito. “Yes, it’s me.” “P-‐‑paano ka nakapasok?” “Baka nakakalimutan mo na, I own this
house.” “B-‐‑ba’t ka naparito?” “I believe you have something I need.” Kagyat umahon ang kaba sa dibdib
niya sa sinabi ng lalaki. Diyata’t dumating na ang pagkakataong kinatatakutan niya? Hihingin na ni Anton
ang kalayaan nito. “You. . you have
it,” aniya matapos humugot ng malalim na
hininga. Noon pa niya naipasyang hindi niya lalabanan ang nais nito. “I’ll sign anything, ipadala mo lang dito.” “Sign anything?” Napakunot-‐‑noo ito. “Yes. Gusto mo ng
legal document, I’m sure. I’ll give it to you,” hayag niya. “You mean you won’t
fight me?” gulat na paniniyak nito. “I won’t. Hindi naman kailangan, eh.”
Sinikap niyang panatilihing patag ang kanyang tinig gayong ganoon na lang ang
pagnanais niyang bumunghalit ng iyak. “I can’t believe na maski sa anak natin
ay ganyan lang ang tingin mo,” asik nito. “A-‐‑anak
natin?” “Oo. What did you think we’re talking
about?” “Akala ko’y. . akala ko’y. .” “You’re pregnant, aren’t you?” paniniyak nito. “Yes, but—” “You’re pregnant at ‘di mo man lang naisipang ipaalam sa
‘kin?” May panunumbat sa himig nito. “How long were you planning to keep it a
secret?” “As long as possible. Look, I know you’re happy now at hindi ako
hadlang sa kaligayahan mo.” Sa pagkahindik ni Moira, nagsimulang mabasag ang
tinig niya. “I am happy? Paano mo nalaman?” “Huwag ka nang magdrama, Anton.
Alam kong ako lang ang balakid sa inyo ni Jeanette. You can’t kick me out of
your house and out of your life dahil kakamatay pa lang ng papa. You said so
yourself.” “I did? Kailan?” Isang iritadong tingin ang itinapon niya sa asawa.
“Kailan?” giit nito. “Noong kakarating ni. . ng babae mo!” sigaw niya. “Wala
akong sinasabing—” “Oh, stop it! Huwag mo na ‘kong lokohin.” “What exactly did
you hear?” “You really wanna know? Okay, dumating si Jeanette and you
graciously invited her again to use your house. Ang sabi niya, ‘alam mo, Anton,
I don’t feel very comfortable about this. Pakiramdam ko, I’m a fraud. Ang hirap
magpanggap’. And you answered, sabi mo’y naiintindihan mo. ‘Naipaliwanag ko na
sa ‘yo ang sitwasyon, ‘di ba? This started out as revenge on my part but now..
her father just died and I’m sure you’ll understand that she’ll have to stay
for a few days here’. On top of that, garapalan ka kung ipangalandakan ang
relasyon ninyo. Hindi ko na masikmura.” “Kailan ko ipinangalandakan na may
ugnayan kami, aber?” “Tanga ka ba o talagang makapal lang ang mukha? Nagpunta
kayo sa liblib na isla na kayong dalawa lang—” “Kami ni Jeanette, nagpunta sa
isla? I know we planned to chaperone Alicia pero—” “Tama na, Anton. Ayoko nang
makinig,” sigaw ni Moira. “You’ll have to listen. And you’ll have to enlighten
me. Paano mo naisip na nagpunta kami ni Jeanette sa isla gayong hindi nga
natuloy ang— ” “Si Alicia’y hindi natuloy pero kayo, sumige pa rin.” “We never
did that.” “Huwag ka nang magkaila.” “Is that why you left?” “Yes. Ayoko na,
Anton. Sawa na ‘kong magmukhang kawawa.” “Well, you left for the wrong reason
dahil for the record, hindi kami nagpunta ni Jeanette sa isla. She went to Hong
Kong that day dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa agent niya. Kailangan
siya para sa isang show. As for me, I left for the office. Imagine my surprise
nang pagbalik ko’y ibalita sa ‘kin ni Alicia na lumayas ka.” “That little
witch!” bulalas ni Moira. “Siya ang nagpamukha sa ‘kin na may relasyon kayo ni
Jeanette. “What?” Parang mabibilaukan si Anton. “You heard right.” At
isinalaysay niya ang pinagsasabi sa kanya ni Alicia. “She’s my sister but right
now I could wring her neck dahil sa mga pinaggagawa niya,” bulalas ni Anton
nang matapos siya. “So you see? May dahilan ako para ilihim ang tungkol sa
kalagayan ko.” “No, wala kang dahilan at lalong wala kang karapatan. Anak ko
ang dinadala mo and I have every right to know I’m going to be a father.”
“Don’t tell me you’ll take him away from me.” “If I have to.” “Wala ka talagang
kaluluwa. And to think I loved you. .” Bigla niyang naitikom ang bibig nang
mawari kung ano ang lumabas doon. Pero huli na. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,”
naniningkit ang mga matang utos ni Anton. “Wala!” kaila niya. “You said you
loved me. Ang tinutukoy mo ba’y noong unang panahon pa o kailan lang?” Puwede
siyang magsinungaling. Pero hindi niya magawa, lalo’t mataman siyang
pinagmamasdan nito. “Kung. . kung minahal mo ‘ko, you shouldn’t have left.”
Bigla’y naging masuyo ang tinig ni Anton. “Bakit? Para mahirapan sa tuwing
makikita ka’t si Jeanette na—” “Jeanette and I, wala kaming ugnayan. Ilang ulit
ko bang sasabihin iyon?” “Lokohin mo ang lelong mo. Sabihin nang hindi nga kayo
magkasamang nagpunta sa isla. Pero alam ko pa rin ang narinig ko noong
maulinigan ko ang pag-‐‑uusap n’yo.” “Tama ang mga salita subalit mali ang
interpretasyon,” ani Anton. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “I admit, sinabi sa ‘kin noon pa ni Jeanette na... na may
pagtingin siya sa ‘kin. Iyon marahil ang tinutukoy niya noong sabihing she
feels like a fraud at pakiramdam niya’y niloloko ka niya. But I told her before
that she’s just like a sister to me. At iyon lang ang maaari kong maramdaman
para sa kanya.” “Pakiesplika mo ang isinagot mo sa kanya,” hamon ni Moira. “I
said, akala ko’y naiintindihan niya na hanggang pagiging kapatid lang ang
pagtingin ko sa kanya. At tungkol naman sa ‘yo, what started out as revenge has
turned into something else. Pero nangangamba rin ako na sa loob ng ilang araw
ay mare-‐‑realize mo na wala nang tanikalang bumibihag sa iyo’t ako’y iiwan mo na.” Biglang
tumalikod si Anton kasabay ng bahagyang paggaralgal ng tinig. Pagkuwa’y muli nitong hinarap si Moira. “Oh, hell, I better say it out loud.
Mahal kita, okay? Even when I wanted to hurt you for hurting me, I kept on
loving you. At para akong mababaliw nang bigla kang umalis.” “Pero ba’t. . ba’t hindi mo ‘ko sinundan? O
tinawagan man lang?” “And look like an ever greater fool?
No, thanks. Minsan na ‘kong nagmukhang tanga sa pagmamahal sa ‘yo,” may pait sa
tinig na saad nito. “Oh, Anton, kung puwede ko lang ibalik ang kamay ng orasan,
gagawin ko. I never meant to hurt you before. At hindi ko sinadyang ipamukha sa
iyo na pinalitan kita sa buhay ko. Sa katunayan, ‘di ko naman talaga katipan si
Dondi.” “It’s all in the past now. Huwag na nating pag-‐‑ usapan.. ” “Hindi. Kailangan nating malinawan ang
bagay na ito once and for all. Si Cathy ang nagsabi sa papa na nobyo ko si
Dondi at siya rin ang may pakana nang inihayag ni Papa na engaged na kami. Pero
sa totoo lang, isang masugid na manliligaw lang si Dondi. I was flattered by
his attention pero wala akong balak sagutin siya. Nang mga panahong iyon, nasa
proseso ako ng pagtantiya kung talaga bang mahal kita but I was so childish and
stupid para madala sa mga kantiyaw ng kabarkada ko. Then, you left and I couldn’t
find you anymore. Hanggang sa bigla mo na lang bilhin ang hacienda.” “I’m sorry
for what I did.” Mahigpit siyang niyakap ni Anton. “Umalis ako because I wanted
to be someone. Nagpursigi ako para makarating sa posisyong inaasam ko and when
I got there, alam ko na rin ang una kong gagawin—ang maghiganti sa iyo. Kaya
‘ko binili ang hacienda. But I was a fool not to see that it was love that was
urging me to do the things I did. Nang.. nang umalis ka ng bahay ko, akala ko’y
mababaliw na ‘ko sa kalungkutan. I tried to forget you but I can’t. Pagkatapos,
nang matuklasan kong buntis ka, I knew I had to bring you back and make you
fall in love with me. Not for the child’s sake kundi para sa ‘kin.” “H-‐‑hindi ako makapaniwala. Isa itong panaginip.” “Better believe it. I’m taking you
home dahil hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.” “P-‐‑paano si Alicia? Hindi niya ‘ko matatanggap.” “Alicia has my best interest at heart. Galit na galit ako sa kanya pero
naiintindihan ko rin siya. Nakikita niya, hindi ko kayang saktan ka, so she was
the one who made plans to do it. I’ll deal with her, don’t worry. At sana’y. . sana’y mapatawad mo siya.” “Kapatid mo siya, Anton, at mahal mo. Dahil doon, kaya ko rin siyang
mahalin.” Mahigpit siyang niyakap ni Anton. Marubdob na siniil ng halik sa mga
labi. “I never thought I could be this happy,” sabi niya nang saglit silang
maghiwalay para kumuha ng hangin. “This is just the beginning,” hayag nito saka
lalong umigting ang paghalik sa kanya. EPILOGUE KUNG nakailang ulit na humingi
ng patawad si Alicia, hindi na mabilang ni Moira. Basta’t ang mahalaga’y
nagkaintindihan na sila. Muli silang nagpakasal ni Anton. Sa simbahan naman
ngayon. At ilang buwan pa ang lumipas ay isinilang niya ang isang malusog na
sanggol. “Antonina Maria” ang ipinangalan nila rito. “I’m glad at babae ang
panganay natin. Ngayon ay may mapagpapasahan na ‘ko nito,” sabi niya nang nasa
bahay na sila. “A great heirloom, I presume,” ani Anton na noo’y nakatuon ang
pansin sa paglalaro sa anak nila. “Yes.” May kung ano sa tinig niya ang
nagpalingon sa lalaki. Laking gulat nito nang makitang ang tangan niya’y isang
simpleng kuwintas na may hugis-‐‑ pusong locket. Pagkuwa’y napakunot
ito. May naalala. “I-‐‑iyan ba ang kuwintas na iniregalo
ko?” mangha nitong tanong. “I kept it all these years. At ngayon
ay ipapasa ko ito sa anak natin when she turns eighteen.” “Naman, Moira. That’s a plain gold
necklace. Puwede natin siyang ibili ng higit diyan,” protesta ni Anton. “But it won’t be as valuable as this one,” hayag ni Moira. “Ito ang sumasagisag ng pagmamahalan
natin na muntik nang ‘di magkaroon ng
katuparan.” May kung anong umusbong sa puso nito
sa kanyang tinuran. Tanda nito kung ano ang naramdaman nito nang makita ang
bigay ni Dondi noon at kung paanong nanliit ito matapos maikompara ang payak
nitong regalo. “I love you. So much,” usal nito sabay yakap sa asawa. “And I
love you with all my heart,” ganti ni Moira. Nang magdait ang mga labi nila
para sa isang maigting na halik, pakiwari niya’y nagsimula na ang
pinakamasayang kabanata ng buhay niya. WAKAS