ANG RICHKID KONG KATULONG

Welcome Novel Stories today

Discover captivating love stories through our novel collection. Immerse yourself in the world of romance with our novel books. Fall in love with story.

ANG RICHKID KONG KATULONG

 

ANG RICHKID KONG KATULONG

Bahay? Sasakyan? Alahas? Sapatos? Mga damit? Karangyaan sa buhay? Lahat na yata ay mayroon siya, lahat ng bagay na inaasam ng iba Ngunit paano kung bigla itong mag laho? Dahil lamang sa isang kasunduan ng kanilang ama Ang dating buhay prinsesa ngayon ay kailangang pang mag trabaho upang makuha lamang ang mga bagay na gusto niya Ang dating tinuturing na prinsesa ngayon ay isa na lamang KATULONG?! At ang prinsesa na iyon ay ANG RICH KID KONG KATULONG "Pero daddy ayaw kong mag pakasal at ayaw kong makasal kung kanino man!" pag mamakaawa ko kay daddy Mag papakasal lang naman ako sa lalaki na halos hindi ko pa nakita sa buong buhay ko! "Wala nang pero-pero Andrea kailangan mo siyang pakasalan" hindi! "Daddy pls kahit ano gagawin ko wag mo lang akong ipakasal kung sino mang kurimaw na iyon" muli akong tumingin rito ngunit parang wala pa ring epekto hanggang bumuntong hininga siya. "Realy princess?" agad akong tumango "Kahit paalisin kita sa mansyon na ito at mamuhay na mag isa na wala man lang kahit anong tulong na matatanggap mula sa amin?" napa nga-nga agad ako sa sinabi na ni Daddy, ano nang mangyayari sa akin nito kung aalis ako sa mansyon na to "But dad" bulaslas ko Omygod! "Ngayon Andrea mamili ka papakasalan mo siya o aalis ka?" wala naman na akong ibang pagpipilian kesa naman ipakasal nila ako sa hindi ko kilalang lalaki "Good. Your yaya Ebeth pack your things already goodluck princess" lumabas ako sa office ni dad at agad akong lumabas ng mansyon Pumunta ako sa bangko ng walang palitpalit ng damit, malinis naman to at hindi mabaho kaya no problem! Nag withdraw agad ako ng malaki-laking pera para sa pwedeng mangyari Hindi naman ako bobo para hindi malaman na pwedeng ipa-close ni Daddybang mga accounts ko "Thanks" saad ko ng pag buksan ako ng pinto ng driver ko, im just 17 years old kaya naman hindi pa ako pwede mag drive By the ways my name is Andrea Nicole Alonzo,im 17 years old and the one and only princess of 'ALONZO FAMILY' Napa buntong hininga nalang ako ng marealize ko kung anong nangyayari sakin First, ikakasal nila ako sa taong hindi ko kilala. second gusto nila akong umalis sa mansyon and until now hindi ko alam kung saan ako mag sstay Agad kong tinawagan ang number ni Tina agad naman niyang sinagot ito "Yes?" she answer "Mag kita tayo sa Black bar" siguro ay nalasing nanaman to kagabi at ngayon lang nagising maswerte siya dahil wala pa si tita s bahay nila kundi she will be grounded again in one month "Fine what time?" "9 pm ok see yah!" nang patayin na niya ang tawag ay sinalpak ko na agad ang aking headphone para makalimutan ang problema Makakayanan ko kaya ito nabuhay ako sa marangyang buhay na walang pino-problema sa pera except sa palusot ko kela mom and dad spcially to my brothers haist! Nandito ako ngayon sa kwarto ko at tinignan ang ceiling baka sakaling may gumawa ng milagro at mag bago ang lahat "Anak" umupo agad ako sa pag kakahiga ng tawagin ako ni Mommy, mukha siyang nag aalala sa akin? "Anak kaya mo talaga? baka hindi mo kayanin anak alam kong hindi ka sanay sa ibang gawain dahil all this time pinalaki ka naman sa saganang buhay" hinaplos haplos naman nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo Minsan lang kami mag usap ni mommy dahil lagi itong wala dito sa mansyon at laging kasama sa business trip ni daddy ang mga kapatid ko naman ay may kanya kanya ng buhay "I dont know mom, kakayanin ko wag lang ako ipakasal sa hindi ko kilala na tao" I hug my mom and start to cry, i miss my mom a lot "Sigurado ka princess? Ka-kausapin ko ang daddy mo tungkol dito" "No mom kaya ko ito para na rin maranasan ko ang buhay ng mga salat ang buhay ng mga batang kailangan pa mag trabaho bago makapag aral" "Dalaga ka na talaga princess alam mo na kung ano ang mga disisyon sa buhay, wala na kaming baby dito sa bahay " naiiyak na sabi ni mommy kaya humiwalay na ako nng yakap "Ano ka ba naman mommy ako pa rin naman ang baby niyo hindi naman mag babago yun" "Baby? May boyfriend ka na nga yata " sumimangot ako agad ako kay mommy "Mommy naman wala no!" tumawa naman ito ng mahina "Basta baby kung may boyfriend ka na pakilala mo samin ng daddy at mga kuya mo para masuri namin" sabay kindat sakin ni mommy mas lalo naman ako napasimangot Boyfriend?! Wala nga nag tatangka na manligaw sakin dahil sa higpit ng mga kuya ko tsk. " MOM!" sigaw ko, "Hahaha oo na sige na anak, lalabas na ako baka hinahanap na ako ng daddy mo " tumango naman ako, Nang lumabas si mommy ay napagpasyahan ko na rin tumayo sa aking higaan, mag kikita pa kami ni Tina Nagbihis na ako at nag ayos ng sarili ****** Pumasok na ako sa bar na tagpuan namin ni Tina , tumango at ngumiti sakin ang bouncer na nag babantay sa labas obvious naman diba? Suki kami dito ni Tina Pag kapasok na pag kapasok ko ay bumungad agad sakin ang malakas na tugtog at mga sari-saring amoy may mga nag hahalikan at nag lalandian sa bawat sulok ng kwartong ito Tumungo ako sa lugar kung saan kami laging tumatambay ni Tina . "Your 2 minutes late ms. Andrea Nicole Alonzo " nakasimangot nitong saad , inirapan ko naman siya at tumabi sa tabi niya "Ano nanaman bang problema mo at nag-aya kang mag bar? " tanong niya "May kasunduan kami ni daddy hindi ko alam kung makakayanan ko yun e" sabi ko sabay lagok ng alak sa baso ko "Deal? Mukhang exciting " kwinento ko naman sa kanya lahat lahat na ng yari at pinag usapan namin nila daddy at mommy Siya nga pala siya si Cristina Jane Marquez , ang Bff ko simula nang bata pa ako halos kami ang mag kasama sa buong buhay namin at parehas na halang ang sikmura "Madali lang naman pala ang problema mo gusto mo tulungan kita?" "Mukhang masama yan ah? Yang ngiti na yan Tina di nakakapag katiwalaan" "Ikaw bahala ka, maganda pa naman ang offer ko sayo " "Ano ba yun?" "Nag hahanap ng babysit ang tita ko na galing sa ibang bansa at kailanga-----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, ba-bysit? E halos nga mag hugas ng plato hindi ko magawa ng maayos baby pa kaya ang aalagaan ko baka mamaya makulong ako sa wala sa oras kung mag kataon "Hindi ako marunong mag alaga ng bata Tina alam mo yun, pinggan nga nababasag sakin baby pa kaya ?!" Nakasimangot kong sabi sa kanya napatawa naman siya sa sinabi ko -,- Baliw na ata tong babaeng to "Hindi naman kasi baby ang aalagaan mo e, kundi isang lalaking kasing idad lang natin" Napangiti ako, mukhang mapapadali ang trabaho ko ---- Nicole Point of View "Anak are you sure about this?" ilang beses na ba itong tinanong ni Mommy, 9? 10? "Mommy im already sure. My Decision is final im going to leave this mansion " Pero sa loob-looban ko gustong-gusto ko na mag wala, sino ba naman ang may gusto na umalis sa mansyon na to at mag hanap nang trabaho, masaklap pa ay ang pag babysit! "Mom I need to go" sabi ko at hinalikan si mommy sa pisngi Yes, i have a car my dad agreed na dalhin ko ang baby ko dahil alam naman nila na hindi ako marunong mag commute or whatsoever Dumiretso na ako sa bahay nila Tina at ang loka ay tulog na tulog pa rin kahit alas diyes na ng umaga "Nicole anak ikaw na gumising kay Cristina sa kwarto niya" i nod to tita at pumunta na sa kwarto ng loka-loka kong kaibigan I open the door of her room at ang bumungad sa akin ay ang sobrang kalat niyang silid Maraming nakakalat na dress sa sofa at ang mga sapatos niya na nag kakalat, tinignan ko naman agad ang may ari ng kwarto Ayun siya nakahiga yakap yakap ang hotdog niya na unan, gulo gulo ang buhok at tulo laway May naisip tuloy akong kalokohan "Gising na ba si Cristina,anak?" tanong ni Tita "Hindi pa po tita --- tita may takip ko ba kayo ng kaldero" tanong ko Nag tataka na tumingin sa akin si Tita at binigay ang hinihingi ko "Ano bang gagawin mo iha?" ngumisi lang ako kay Tita at umakyat na sa kwarto niya Wala pa ring pinag bago ang pwesto niya, nag ipon ako ng mariming hangin sa katawan bago sumigaw at hinampas ng takong ng kanyang sapatos ang Takip ng kasirola " MAAAYY SSSUNNNNOOOGGGGGG" *BOSSSSSHH* "Nasan?! Nasan aang sunod?! Omy ang mga gamit ko " natataranta siyang pumunta sa mga nakakalat niya na damit sa kwarto Nadadaanan niya na ako pero di niya pa rin ako napapansin "Ah-eh" nang mapansin niya na ako ay nakatitig lang ito sa akin at -------- " ANDREA NICOLE ALONZO " sigaw niya tumakbo na ako papunta sa kusina dahil panigurado ay hahabulin niya ako Binigay ko naman kay Tita ang takip at umupo sa lamesa, "Gutom ka na ba kumain muna kayo ni Cristina bago umalis" "Sige po Tita salamat" *** "Sigurado ka bang gusto mo maging personal maid ng anak ko ija?" naniniguradong tanong sakin ni Mr. Sanchez "Yes sir, sigurado na po ako ito lang po ang trabaho na pwede akong gawing scholar sa school, kailangan na kailangan ko lang po talaga" paano ba naman pati pag aaral ko ako ang mag lalakad mag isa hindi daw nila ako tutulungan Edi sana sinabi nila na ayaw nila akong paaralin -, "Kahit napaka loko-loko ang aalagaan mo? " tumango tango na lamang ako, aba kahit lokoloko yun ay kailangan ko ng pag tiisan kesa naman matulog ako sa kalsada Sabi ni Tina sobrang pasaway daw yun lahat daw ng kalokohan ay nasa katawan niya na uubra kaya ako dun? "Ok mag simula ka na mamayang hapon, 15-30 ang sahod na nag kakahalagang 10k, sa bahay ka na rin maninirahan para mas madali mo siyang masubaybayan " tango lang ako ng tango sa sinasabi niya nang matapos na ay nag paalam na akong lalabas at nakita ko ang magaling kong bestfriend na bored na bored sa kakahintay "Akala ko dun ka na titira Forever " inis niyang sabi inirapan pa ko "Walang forever" sabi ko "Bitter!" "Tara samahan mo ako mag mall " umaliwalas naman agad ang mukha niya ng sinabi kong mag ma-mall kami at ang loka mas excited pa sakin Hinila ako papuntang Elevator at sadyang lapitin ako ng kamalasan mas nabangga akong ----- O-M-G "Sorry!" sabi ko rito nakita ko ang pamumula ng tenga niya,hala galit ba to? "O-ok lang" ngumiti ito at nakita ko ang kanyang pantay pantay at malaperlas sa puti na ngipin "Sorry talaga! " tumakbo ako papalapit kay Tina at binatukan, loka to iwan daw ba ako " So anong uunahin natin?" tanong niya habang nakatingin sa kabuohan ng mall "sa EO muna tayo bibili ako ng salamin " Nakasimangot itong tumingin sa akin " may contact lens ka naman diba bat ka pa mag sasalamin?" "Ikaw na mismo nag sabi sakin Tina na ang pinsan mo ay may malaking pag nanasa sa kagandahan ko baka mamaya reypin ako nun" sabi ko, nang nakaraang araw nalaman ko na ang aalagan kong damulag ay may pag nanasa sa akin , gusto ko mag quit pero ito lang ang trabahong pwedeng pwede kong pasukan na mabilis ang kita "Ayaw mo nun, malalahian ka ng gwapo" tinignan ko siya ng pamatay na tingin ngunit ngumiti lang ito at nag peace sign loka Ilang oras lang kaming namili at hinatid na niya ako sa bahay ng pinsan niyang loko loko "Goodluck Nicole" tumango tango naman ako at pumasok na ng bahay ng mga Sanchez Malaki rin naman ang bahay nila, pero mas malaki ang amin . Napatingin ako sa garage nila at ang pangarap ng Ferarri nandun naka park balak ko na sanang lapitan ng biglang "Balak mo talagang hawakan ang sasakyan ko gamit ang marurumi mong kamay? " lumingon ako kung saan nang galing ang boses at nakita ko ang lalaking nakabangga ko kanina Buti na lamang at naka manang look ako ngayon kundi nalaman niya na ako ang naka bangga sa kanya kanina "Pumasok ka na nga at kumuha ka ng meryenda " Pumasok agad ako sa bahay nila at bumungad sa akin ang mga aligagang mga katulong sa pag aayos ng bahay nito Duniretso naman ako sa kusina at nakita ko ang babaeng kasing edad-an ko lang "ikaw ba ang bagong personal made ni sir andrew? " tumango tango ako ito "Goodluck sana mag tagal ka " ngumiti lang ako at kumuha na ng Slice ng Cake para sa Master kong hambog Andrew mag katunog nang pangalan ko Pumunta ako sa sala dala dala ang cake na kinuha ko sa kusina "Sir ito na po ang meryenda niyo" pero parang wala siyang narinig at patuloy pa rin sa pag iipad niya Aalis na sana ako ng biglang may mag text sa akin From Tina Bestfriend mo si Nicole Ano daw? Anong pinag sasabi nitong babaeng to? "Hoy panget! Kaano ano mo si Andrea Nicole Alonzo?" "Ah-eh sir bestfriend po " "Imposible, sa panget mong yan papansinin ka niya " "Edi huwag po kayong maniwala" "Fine. Lets make a deal panget"-- "So deal?" I just stare at him bago nilipat ang tingin sa hawak ko na papel kung saan nakalagay ang mga kasunduan namin dalawa, pwede naman ito kaso paano ko hahatiin ang katawan ko sa dalawa at paano kung mag da-date sila ni Andrea Nicole which is me then what if he need me there? Haist! Bahala na, ang hirap naman nitong sitwasyon na ito kung hindi naman ako sumang-ayon sa Deal na to panigurado ay papahirapan niya ako "Deal" pag payagan ko, nakakaisip ako ng paraan pag nasa araw na ng emergency kaya yan kesa araw araw niya akong pahirapan "Sign this contract Nicole pag hindi mo sinunod ang nakalagay dyan sisiguraduhin ko na mahihirapan ka habang nakatira ka sa pamamahay ko" Pamamahay 'MO' ang kapal nga naman talaga ng mukha nitong lalaki na 'to As i know kay Mr. and Mrs. Sanchez ang bahay at hindi niya pag mamay-ari may masabi lang -, "Pag ako gumanda who you ka!" padabog ko na pinirmahan ang kontrata na nasa table at binato ang ballpen na ginamit ko sa mukha niya Sapol! "Ouch! Asa ka naman na gaganda ka magiging puti ang lahat ng uwak bago mangyari yun " pinirmahan niya na din ang kontrata naming dalawa at pina zerox para may tag iisa kaming kopya Palibhasa di niya alam na ako ang babaeng kinakahumalingan niya humanda ka sakin pag mag umpisa na ang Kontrata at pag nasa anyo na ako ni Andrea Nicole "Oh yan ang kopya mo siguraduhin mo lang na aayusin mo!" pasigaw bago niya hinagis ang papel papunta sa akin. Bastos. Dinampot ko naman ang papel na nahulog at tinupi bago sinuksok sa bulsa "Ayaw ni Andrea Nicole ng HAMBOG" yan na lamang ang sinabi ko sakanya bago lumabas ng kwarto niya, sinadya ko talagang lakasan ang Word na 'HAMBOG' para naman malaman niya na siya talaga ang pinapatamaan ko sa sinabi ko. Pag labas na pag labas ko ng kwarto ni Andrew ay nakita ko ang iba sa mga katulong na may makahulugang tingin sakin, inirapan ko nalang sila at pumasok sa kwarto ko. May sarili akong kwarto dito sa pamamahay ng mga Sanchez, hindi naman talaga to akin kay Tina to sinabihan niya lang ang Tito at Tita niya na dito ako patulugin, buti pumayag dahil kung doon ako makikisama sa ibang mga katulong ay baka mapaalis agad ako sa bahay na to . Kinuha ko ang Kontrata namin dalawa ni Andrew Flashbacks "Hoy anong gagawin natin dito?!" sigaw ko sakanya ipasok daw ba ako sa kwarto niya yung mga katulong pa nila kung makatingin wagas sarap dukutin ng mga mata! "Wag kang feelingera, wala akong balak na may gawin sayo hindi kita type" Epal talag tong kumag na to, kung hindi ko lang talaga to amo kanina ko pa nasapak wagas kung makalait, kala mo sobrang pogi niya "Umpisahan natin ang Kontrata, oh!" nilapag niya ang isang bondpaper at isang ballpen sa harap ko "Ano to?" tanong ko "Baka Cake yan obvious namang papel at ballpen diba?!" ang highblood nanaman niya -,- ano naman kasing klase na tanong ang tinanong ko alam ko naman na ballpen at papel to "Oh, anong gagawin dito?" sabay taas ng papel "Try mong kainin baka masarap" abat! Loko talaga to ah, kanina pa yan namimilosopo isa pa masasapak ko na to Umupo siya sa harap ko at may ballpen at bondpaper din siyang hawak "isulat mo kung anong gusto mo para patay tayo tig-lilima lang ang bawat isa satin" Tumango tango naman ako at sinulat ang pumasok sa isip ko 1. Hindi ako papahirapan 2. Walang paki-alaman sa buhay 3. Walang makaka-alam sa school sa pagiging Maid-Master namin 4. Wag kokontra sa mga Themes or design ohsowhatever pag nag Umpisa o time na ng date niyo ni Andrea Nicole 5. Dont fall inlove "Tapos ka na?" tanong niya Tumango naman ako sakanya "Akin na papel mo!" kukunin niya na sana pero nilayo ko sakanya "Akin na sabi e! " inaabot niya parin sakin pero nila lalayo ko "Ano ka sinuswerte ha! Sabay tayo" sigaw ko sa kanya "Fine!" Nakapwesto ang papel niya sa kaliwa samantala ang akin ay nasa kanan sabay namin kinuha iyon ng binuklat ko at binasa "WHAT THE HELL !" sabay namin sigaw "Anong sinulat mo dito?! Asa ka naman maiinlove ako sayo!" hindi ba to marunong pahinaan ang boses niya?! Inirapan ko naman siya at hindi na sinagot "Fine Isulat na lang natin to" Kumuha siya ng isa pang pirasong bond paper at nag sulat Contract Contract between Nicole and Andrew Make a way to get Andrea Nicole's Heart And Rules Nicole's Rule 1. Hindi ako papahirapan "Anong hindi papahirapan?! Ano pa't naging katulong ka diba?! " side comment niya "May nirereklamo ka?!" tumahimik naman siya sa sinabi 2. Walang paki-alaman sa buhay "Sino ka ba para paki-alaman ko ang buhay di ka naman importante!" sinamaan ko nalang siya ng tingin 3. Walang makaka-alam sa school sa pagiging Maid-Master namin "Ayoko rin naman may makaalam na may Personal maid akong panget!" 4. Wag ko-kontra sa mga Themes or design pag nag Umpisa o time na ng date niyo ni Andrea Nicole "Sa lahat ng sinulat mo iyan lang ata ang matino" 5. Dont fall inlove "ASA KA NAMAN NA MAI-INLOVE AKO SAYONG PANGET KA ASSUMERA!" sigaw niya sa akin , nakaka puno na "NANINIGURADO LANG AKO, TUMAHIMIK KA NALANG PWEDE AT ISULAT NA RIN ANG SA IYO" Tumahimik naman siya sa sinabi ko at sinulat na ang susunod Andrews Rules 1. Bawal pumasok sa kwarto ko "as if naman gugustuhin kong pumasok sa kwarto mo" bulong ko napatingin siya sakin at masamang tumingin inirapan ko naman siya 2. Wag maingay " Ok" bulong ko 3. Sabihin kung anong gusto ni Andrea Nicole 4. Ikaw ang bahala sa lahat 5. Tulungan kay nicole "Buti naman at wala kang angal sa mga gusto ko " "Di naman akong katulad mo na maraming daldal at reklamo " "Now the Contract napagkasunduan na natin yun gagawin ko ang rules mo kapalit ng pag tulong mong mapalapit si Andrea Nicole sakin" Sinulat niya ang sinabi niya ang contract ay para lang sakanya pero okay na rin at least yung lang ang gagawin ko wala na akong ibang gagawin End of Flashback Contract Contract between Panget na Nicole at Poging Andrew Make a way to get Andrea Nicole's Heart And Rules 1. Hindi ako papahirapan 2. Walang paki-alaman sa buhay 3. Walang makaka-alam sa school sa pagiging Maid-Master namin 4. Wag kokontra sa mga Themes or design ohsowhatever pag nag Umpisa o time na ng date niyo ni Andrea Nicole 5. Dont fall inlove Andrew Rules 1. Bawal pumasok sa kwarto ko 2 . Wag maingay 3. Sabihin kung anong gusto ni Andrea Nicole 4. Ikaw ang bahala sa lahat pag date 5. Tulungan kay nicole Contract Tutulungan ni Nicole mapalapit si Andrew Sanchez kay Andrea Nicole Alonzo kapalit nang hindi pag papahirap ni Andrew kay Nicole sa pagiging katulong Sign By: Andrew Sanchez ______________ Nicole Tan _______________ Humiga ako sa higaan ko gabi na kailangan ko ng mag pahinga dahil simula bukas uumpisahan ko na maging dalawang katayuan. Maaga akong bumangon upang mag luto ng kakainin ng hambog kong amo bwisit! Pati pag tulog ko sinusundan niya "Goodmorning manang, ano pong pagkain dyan?" tanong ko rito, ngumiti ito bago sumagot "Hotdog,bacon at friedrice anak ---- ikaw ang bagong babysitter ni Andrew?" tanong niya "Ah- Opo ako nga po,sige po manang aayusin ko lang ang kakainin ng hambog ko na amo baka mag wala at tuluyan ng maging demonyo " natawa naman siya sa sinabi ko ng maakalis na si manang ay agad ko ng hinanda ang pagkainan niya sa lamesa Siya lang kasi mag isa ang nakatira sa bahay nila ngayon ang balita ko ang parents niya ay nasa state para sa isang Business trip Pagkatapos na pag katapos kong ihanda ang pagkain niya ay pumasok na ako sa kwarto ko para mag linis ng katawan Isang oras lang akong nag linis at pagkababa ko ay nakita ko na siyang kinakain ang hinanda ko sa lamesa "Goodmorning" bati ko rito at as always para nanaman wala siyang narinig na sinabi ko Di ko nalang pinansin at umupo na ako sa lamesang kaharap niya, kumuha ng fried rice , hotdog at bacon sa lamesa "Anong ginagawa mo?" nakasimangot nanaman niyang tanong, lagi siyang naka simangot sana mahipan ng hangin para ganun na talaga siya forever and ever! "Baka mag susulat ako Master" sarcastic kong sagot ko sakanya, mas lalo naman sumimangot ang panget niyang mukha. Inirapan ko nalang siya at kumain na "Kailan mo balak umpisahan ang sa amin ni Andrea Nicole?" out of nowere niyang tanong sa gitna ng pag kain namin "Kailan mo ba gusto?" gusto ko na matapos itong kalokohan ng lalaking to para kung maging sila na ni Andrea Nicole ay matahimik na ako "Ok, ibibigay ko muna ang number niya sayo" nag pakuha siya agad sa isang maid na nakatunganga sa gilid niya ng ballpen at papel kaya natarantang umalis ang babae para sundin ang inutos niya Ilang sandali pa ay bumalik agad ang katulong bitbit ang isang bondpaper at ballpen sa kamay niya Agad ko itong kinuha at sinulat ang isa kong number which is Number ko pag si Andrea Nicole Nang binigay ko sakanya tinignan naman nito ang papel bago ay tinago niya ito sa short niyang maraming bulsa "Mabuti naman at madali kang kausap" hindi na ako sumabat sa sinabi niya, pag katapos namin kumain ay agad kong niligpit ang pinag kainan namin at nakisuyo kay manang na siya nalang mag hugas ng mga ito Hindi ako marunong mag hugas ng plato, dating nag hugas ako ng plato ay halos lahat ng platong mahawakan ko ay nahulog at nabasag kaya simula nun di na ako pinahugas nila kuya at baka masugatan pa ako Pag akyat na pag akyat ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang Iphone ko at tama nga ang hinala ko tumatawag siya Sinagot ko naman ito ng makitang tumatawag ito "Hello?" tanong ko rito "Ah-eh si Andrea Nicole ba ito?" siya "Yes its me, who's this?" ilang minuto siyang hindi nag salita papatayin ko na sana ng bigla "Andrew Sanchez" "Ikaw ba ang bagong amo ni Nicole?" "Yes ako nga yun, buti naman at nakwento niya ako sayo" hindi ka niya nakwento , dahil akong lagi mong sinasabihan mo ng panget ang babaeng kinahuhumalingan mo nang matagal "Oo nakwento ka nga niya, totoo ba yung sinabi mong ano-- hmm ano Date?" narinig ko naman ang pagkabigla nito sa sinabi ko at ilang minuto na di nag salita "Hey are you there?" with accent ko pang tanong sakanya "Yeah im still there, ahm sinabi niya talaga yun?" "Yeah, hindi ba totoo?" tanong ko rito "T-totoo yun, k-kala ko d-di niya sasabihin payag ka ba?" matagal ako bago sumagot sa tanong niya "Yup!sige bye na ha?" hindi ko na ito hinintay sumagot at pinatay na Maya maya ay narinig kong yabag ng mga paang tumatakbo at maya maya'y biglang bumukas ito at niluwa nito si Andrew na sobrang lapad ng nginiti sa mukha "Pumayag siya,pumayag siya!" niyakap niya ako habbang tumatalon talon Nailang tuloy ako, walang yumayakap na lalaki sakin maliban kay dad sa mga kuya at cousins ko "Ah-eh yung yakap mo" agad niyang kinalas ang pag kakayakap sa akin ng sinabi ko iyon "Anong pumayag?" tanong ko rito; bigla nanaman tuloy lumaki ang ngiti niya sa kanyang mukha "Diba sinabi mo sakanya na inaaya kong makipag date, pumayag siya!" halata naman na masaya siya diba -,- "Ok" yan nalang ang sinabi ko dahil baka mamaya madulas pa ako at kung ano-ano ang masabi ko "Ganyan lang reaction mo?!" di niya makapaniwalang tanong, tinitigan ko lang ito at tumango "Ano pa nga ba ang aasahan ko sayong panget ka? Kailan mo ba sinabi na kung pwede ko siyang i-date?" tanong nitong halatang excited "Kagabi pagkatapos ng pirmahan sa kontrata natin" maigsi kong sagot "Magaling! Dadagdagan ko ang sahod mo dahil diyan" biglang nag pinting ang dalawa kong tenga sa sinabi niya dagdag na sahod? Ayos! "Edi ayos! Sa linggo pala ang date niyong dalawa at sinabi kong magkikita nalang kayo sa mall" tumango tango naman ito at lumabas na ng kwarto ko Andrew Point of View Im Andrew Sanchez, 19 years old the Only Son of Sanchez family Tinanghali na ako ng gising kanina at ang panget kong katulong ay feel at home na feel at home sa pamamahay ko , sumabay pa ng pagkain sakin kanina gusto ko na sana mag walk out kanina pero na open ang topic tungkol sa 'Love ko ay hindi muna ako umalis At kung sinuswerte ka nga naman ang panget kong katulong ay may malaking silbi rin sa buhay ko paniguradong mag kakasundo kaming dalawa Una dahil parang di siya nagwagwapuhan sa akin, nakaka apak ng ego yun pero go lang atleast hindi niya parang asong ulol na habol ng habol sakin tulad ng ibang naging Maid ko dati Agad agad akong pumasok ng kwarto ko pagkatapos na pagkatapos kong kumain at nilabas ang papel na sinulatan niya ng number ni Andrea Nicole Agad kong sinave sa cp ko ang number at tinawagan ito,mga ilang beses akong tumawag sakanya pero walang ssumasagot mukhang naloko ako ng panget na yun Pag ito hindi pa sinagot malilintikan sakin yang panget na yan "Hello?" sagot ng kabilang linya gusto kong lumundag sa tuwa ng marinig ko ang boses "Ah-eh si Andrea Nicole ba ito?" baka mamaya ay hindi ito si Andrea pero alam kong si Andrea ito alam na alam ko boses niya "Yes its me, who's this?" sasabihin ko ba? Ilang minuto ako na hindi nag salita pero baka patayin niya kaya sumagot na ako "Andrew Sanchez" pakilala ko rito "Ikaw ba ang bagong amo ni Nicole?" kilala niya ako? Hindi ko na mapigilan ang ngiti sa aking labi "Yes ako nga yun, buti naman at nakwento niya ako sayo" ayos to, madali palang kausap si Panget at ginagawa na ang trabaho niya "Oo nakwento ka nga niya, totoo ba yung sinabi mong ano-- hmm ano Date?" date?! Pero wala akong sinasabing date! Siguradong di to papayag "Hey are you there?" hindi ko napansin na ilang kinuto na pala akong hindi nag salita kaya agad agad akong sumagot "Yeah im still there, ahm sinabi niya talaga yun?" "Yeah hindi ba totoo?" oo hindi totoo , pero chance na ito para mapalapit sakanya ang childhood Crush ko "T-totoo yun, k-kala ko d-di niya sasabihin payag ka ba?" nag aalanganin kong tanong paano kung hindi siya pumayag? Edi busted agad? "Yup! Sige bye na ha?" sasagot pa sana ako pero bigla niyang pinatay , ilang minuto akong natulala sa nangyayari May date ako kasama si Andrea Nicole ---- MAY DATE AKO KASAMA SI ANDREA NICOLE !! Agad agad akong tumakbo sa kwarto ni Panget at binuksan ang pinto ; nakita ko naman siyang nakatulala aasarin ko sana kaso masyado akong masaya sa ginawa niya at baka bawiin niya pa "Pumayag siya,pumayag siya!" sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya ang saya saya ko "Ah-eh yung yakap mo" agad naman akong bumitiw sa pag kakayakap sakanya baka mamaya sabihin pa nito na may pag nanasa ako sa kanya Assumera pa naman tong panget na to "Anong pumayag?" tanong nito "Diba sinabi mo sakanya na inaaya kong makipag date, pumayag siya!" naala ko nanaman halos mapunit na ang mukha ko sa sobrang laki ng ngiti ko sa mukha "Ok" WTF?! Yan lang reaction niya? "Ganyan lang reaction mo?!" "Ano pa nga ba ang aasahan ko sayong panget ka? Kailan mo ba sinabi na kung pwede ko siyang i-date?" alam ko naman inggit to e, ayaw pang aminin "Kagabi pagkatapos ng pirmahan sa kontrata natin" kagabi pa pala niya sinabi?! Tsaka kanina ang number -,- Ok di ba halata "Edi ayos! Sa linggo pala ang date niyong dalawa at sinabi kong magkikita nalang kayo sa mall" bigla akong kinabahan sa linggo agad? May pasok na bukas lapitan ko kaya siya? Wag nakakahiya . Lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta sa sarili kong kwarto nag iisip iisip kong ano ang pwedeng mangyari sa first date namin-- Nicole Point of View "Grabe namang kalokohan ang ginawa mo sis! Di ko kerri" sabi ni Tina habang ina ayos ang buhok ko, umalis ako ng pamamahay ng hambog kong Amo at ang pinaalam ay gagala tutal may date naman siya di na niya ako kailangan . Wala na siyang magawa dahil isa yun sa mga kasunduan namin ang walang paki-alaman kaya kahit di niya ako payagan na umalis ay aalis at aalis pa rin ako "Yan lang ang naisip kong paraan para hindi niya ako pahirapan no! Kung ikaw ang nasa katayuan ko ay malamang ganyan din ang gagawin mo iba?" "kung sabagay buti nalang pala naumpisahan ko ang kalokohan ko Hahaha " inayusan niya lang ako ng kaunti at pinahiram ng damit niya . Tumayo ako sa harap ng salamin at tinitigan ko ang sarili ko "Ang ganda ko talaga" nakangiti kong sabi sa sarili ko; nakasuot ako ngayon ng Dress simpleng simple lang na dress pero lalabas ang kagandahan ko . Hinatid ako ni Tina papunta sa Mall kung saan kami mag kitang dalawa Ngayon ako muna si Andrea Nicole Alonzo Taas noo akong pumasok sa mall at ramdam ko ang mga nakakatunaw na titig ng mga taong nadadaanan ko mapa babae man o mapalalaki ay napapalingon, tsk ngayon lang ba sila nakakita ng maganda O-K nagiging hambog nanaman ako -,- Pumunta ako sa Foodcourt at nakita ko na siyang nakaupo dun nag hihintay habang may kinakalikot sa phone niya Agad ko itong nilapitan "Hi! Ikaw ba si Andrew Sanchez?" agad itong tumingin saakin at sandaling natulala sa harap ko. Gusto ko na siyang taasan ng kilay pero alang alang sa buhay ko kapag nasa bahay nila ako hindi ko ginawa "y-yeah" tumayo ito "Andrew Sanchez" inabot nito ang kamay niya, kinuha ko naman ito at ngumiti "Andrea Nicole Alonzo" "so san tayo pupunta?" ngumiti naman ito ng malaki "halika kain muna tayo " nag lakad na kami akala ko sa jollibee lang kami kakain pero nag kamali ako dahil sa isang Restuarant niya ako dinala Wow! Rich kid tong lalaking to ah? Nang makapasok na kami ay may nag asisst na samin papunta sa table kung saan siya nag pareserved Nandito kami ngayon sa isang VIP nang restuarant , ang restuarant na ito ay pag mamay-ari ng pamilya ko pero ang kuya ko ang humahawak nito " Maam,sir may i take your Order?" lumapit na ang Babaeng waiter at nanlaki ang mata niya ng makita ako Nang makapili na ako ay umalis naman ito agad "Ahm Andrea buti at pumayag ka sa alok ko" napakamot siya sa ulo niya halatang nahihiya pa sakin Akalain mo si Hambog kong amo ay nahihiya sa harap ng isang Andrea Nicole "wala yun;tsaka pinakiusap talaga ni Nicole na pumayag ako hindi ko naman siya matangihan dahil Bff ko siya maliban kay tina" sabi ko "Bff? Bakit di siya mag trabaho sa inyo tutal mayaman ka naman at kaibigan kayong dalawa" nag kibit balikat muna ako bago sumagot sa sinabi niya "Ayaw niya kasi,ewan ko ba dun sa babaeng yun. Basta Andrew ha wag mo siyang papahirapan" tumango tango ito sa sinabi ko , "Hindi ko siya pinapahirapan,mabait naman siya" wow talaga? Mabait e halos nga nakasimangot ka pag nakikita mo ako -,- "Mabait talaga yun" natagil ang pag uusap namin ng dumating na ang order namin Walang nag salita sa aming dalawa at ang tangin maririnig mo lang ay ang pag tama ng mga kutsara sa plato Natapos na kaming kumain at nag aya siyang mag quantum , nakaramdam naman ako ng Excitement ng sinabi niya iyon . Ilang araw na ba ako di nakakapag Quantum dahil sa kasunduan namin ng parents ko -,- Nang makapasok na kami ay nag papalit siya ng nga tokens na nag kakahalagang 300 pesos mukhang mag kukulang ito ah? Una naming pinuntahan ay ang Basketball tawa lang kaming tawang dalawa Ng nanawa na kami sa pag lalaro ay napagpasyahan ko ng mag paalam at uuwi nag prisinta pa itong ihatid ako sa bahay pero ang ssabi ko nalamang ay na kala Tina ako ibaba "Salamat sa araw na to ah?" nakangiti kong sabi habbang hawak hawak ang teddy bear na binigay niya sa akin kanina "Wala yun, sige hanggang sa susunod" nang umalis na siya ay saka lang ako pumasok sa bahay nila tina , walang tao ngayon rito kundi si Tina lang dahil sila tita ay nag Out of town "Anak Andrea kain muna kayo bago umalis" alok sakin ni Nanay Betty siya ang yaya ni Tina simula pagkabata at dahil magkababata kaming dalawa ay napalapit na rin sakin si nanay "Hindi na po nay, dun nalang po ako sa amin kakain tsaka busog pa po ako" lumapit naman siya sa akin "Boyfriend mo ba anak ang nag hatid sayo rito?" usisa ni nanay , napatawa ako sa sinabi niya Kung alam lang ni nanay na ang nag hatid sakin kanina ay ang nag iisa kong amo na hambog na walang ginawa sa buhay kundi ang sumimangot ng sumimangot "Naku nay hindi po; kaibigan ko lang po iyon" pag tangi ko , ngumiti naman si nanay na parang di naniniwala ah bahala na! "Sige nay; uwi na po ako papahatid nalang ako kay manong Sid" hinatid naman ako nito papunta sa garahe at pinahatid kay manong sid ng nasa harap na kami ng subdivision ay bumaba na ako baka mamaya malaman pa niya na nag tratrabaho ako sa pinsan ni Tina bilang katulong Pumasok na ako sa loob at nag umpisa ng mag lakad nakabihis na ako bilang Nicole, kayat di niya malalaman. Habbang nag lalakad ako ay biglang umambon kaya tumakbo na ako, Kung minamalas ka nga naman talaga biglang lumakas ang ulan Sumilong muna ako sa isang parang kubo dito sa gilid at hinintay na tumigil ang ulan pero kabaliktaran ang nangyari dahil imbis na tumigil ang ulan ay mas lalo pa itong lumakas "Miss sabay ka na!" tumingin ako kung saan galing ang sigaw at nakita ko ang lalaking medyo malayo sa akin na may hawak na payong "Ah nakakahiya naman " saad ko pero ngumiti lang siya ang ganda ng ngipin nakaka inggit! "Wag ka nang mahiya,san ba ang bahay niyo?" tinuro ko naman kung saan at katulad ng sabi niya ay hinatid niya ako , mag kaharapan lang pala kami ng bahay kaya di na siya nahirapan pauwi Pagkabukas na pagkabukas ko nang bahay ay nakita kong naka upo sa sala si Andrew nakapatong pa ang paa nito sa Center Table "Bat ngayon ka lang?" tanong nito sa akin "Kala Tina. Geh" sabi ko at umakyat na sa Kwarto ko, napatingin ako sa bahay ng lalaking tumulong sa akin. Ang Gwapo niya talaga First day of school biglang isang Nicole Tan ay sobrang hirap -, "Look may panget nanamang nakapasok sa school natin " rinig kong sabi ni Pia, ang so we called Queen Bee ng school na to ang nag pupumilit sakin na sumali sa groupo nila sa katayuan ni Andrea Nicole Hindi ko lang sila pinansin at nag patuloy sa paglalakad bigla namang may humawak sa buhok ko na dahilan upang mapa angal ako "A-aray" nakita ko nalamang na hawak hawak pala ng impokrita niyang alalay ang napaka ganda kong buhok "OMG nandyan na daw ang poging new student!" sigaw ng isang bakla sa di kalayuan, napatigil ang lahat at pumunta sa parking lot kung saan papasok ang isang magandang sasakyan Binitawan naman nitong babae ang buhok ko at sumama na rin sa mga babaeng gusto makita ang new student daw kuno Inayos ko na ang sarili ko bago nag patuloy sa paglalakad , baka ma late pa ako sa first subject ko Nandito na ako sa room at heto wala pa masyadong tao kundi ang mga Nerdies lang na nag babasa ng libro sa sulok ng Classroom Yuyuko na sana ako ng makarinig ng mga sigawan galing sa labas ng room namin, tilian ng mga malalanding babae na wala ng ginawa kundi ang sundan ng sundan ang mga lalaking makikita nilang may itsura Hindi ko nalang ito pinansin at yumuko naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko, hindi ko pa rin pinansin baka mamaya isa lang itong nerd "Sino yung babaeng tinabihan niya?" "Ang swerte namam nung girl" Kung kanina puro tilian ngayon naman ay puro bulungan Lalabas nalang muna ako tutal maaga pa tatayo na sana ako ng makita ko ang mga babaeng nasa harap ko , babaeng nag simulang mag taasan ng kilay ng makita ako tumingin ako sa tumabi sa akin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko siya yung lalaking Yung lalaking tumulong sakin kagabi "I-ikaw" ngumiti naman ito nang matamis ng makita ako, nakita ko nanaman ang mga ngipin niyang mala perlas sa puti "Hi?" tumungo nalang ako, nahihiya ako kinakausap ako ng gwapong nilalang Uy, hindi naman sa walang lumalapit na lalaking gwapo sa akin. Iba lang kasi talaga ang appeal ng isang ito "Im Alex Sanchez" nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito "Nicole Tan" narinig ko naman ang pag singhap ng nga babaeng nanunuod sa amin "Nicole? Nice name" nag silabasan na ang mga estudyanteng kanina na nandirito kanina sa classroom ng makita nilang papasok na ang teacher ang iba nga bago lumabas ay pinaulanan ako ng masasamang tingin na kulang ba lang ay patayin nila ako sa isip nila . *** Mabilis lumipas ang oras at nandito ako ngayon hinihintay ang hambog kong amo na may ipapabili daw "Bilhin mo to" may nag lapag ng isang bondpaper sa harap ko at ang naglapag ay walang iba kundi ang Hambog kong amo, Kinuha ko ito at tinignan, normal naman lahat mga notebooks lang at mga kailanga nga sa school "Akin na" sabay lahad ng kamay ko sakanya, nag tataka siyang nakasimangot na tumingin sakin parang tinatanong kong anong hinihingi ko Kinuha niya ang wallet niya at binigay ang black card niya Wow ah! May black card na siya? Samantala ako ay ATM at credit cards lang RK talaga tong lalaking to Tumayo na ako at nilagpasan siya wala akong balak mag tagal nang kasama siya baka mamaya ay may makakita sa amin malaman pa nila Sumakay ako ng taxi papunta sa mall , naka Civilian kami ngayon tutal firstday palang kaya pinayagan kami ng principal "Ano ba to akala ko kunti lang" bulong ko sa sarili ko ng makitang ang dami palang nakalagay Paano ko daw to bubuhatin pauwi; kumuha nalang ako ng basket at kinuha lahat ng nakasulat sa papel "Glue .. Colored paper .. Pencil .. Yan tapos na" binuhat ko na ang dalawang basket na pinamili ko at pumunta sa counter medyo maraming bumibili kaya sobrang haba ng pila Mga kalahating oras ng mabayadan ko na ang lahat ng pinamili ko, ang problema ko ngayon ay kung paano ko to bibitbitin apat na plastik ang hawak ko Binuhat ko ang mga plastik at parang gusto ng humiwalay ng kamay ko sa katawan sa sobrang bigat . Dapat pala di na muna ako bumili ng mga gamit ko dumoble tuloy ang bubuhatin ko Patigil tigil ako kung maglakad dahil sa bigat hanggang makapunta ako sa jollibee kakain muna ako "Nicole?" naagaw ang atensyon ko sa tumawag sa akin at nakita ko si Alex nakangiting papalapit sa akin "Uy anong ginagawa mo dito ?" tanong ko rito "Bakit masama na bang pumunta ngayon dito?" umiling iling ako, "Ahm ano may pupuntahan ka ba pagkatapos nito?" kakapalan ko na ang mukha ko; kakapalan ko nalang talaga "Wala naman na kakain lang ako at bibili ng gamit" sagot niya , ok ito na kakapal ko na mukha ko "Pwedeng pasabay umuwi? Ang bigat kasi ng dala ko" ngumiti naman ito Enebeyen bakit ba kasi ang hilig niyang ngumiti? "Sure. Basta libre mo ako" "Sige ba!" um-order na kami at ako na ang nag bayad kahit sinasabi niyang siya na pero di ako pumayag makikisabay na nga ako pauwi magpapalibre pa ako "Ikaw pala ang bagong personal maid ni Andrew" "*Cough cough cough*" What the hell paano niya nalaman! "H-hahaha ano bang s-sinasabi m-mo" naiilang kong tanong at pilit na inaayos ang pananalita "Alam kong ikaw yun, wala naman akong nabalitaan na may pinasok ulit silang maid kundi ang P.A lang ni Andrew" Bumuntong hininga ako bago mag salita " Oo ako nga ngayon ang personal maid ni Andrew paano mo nalaman?" tanong ko rito "Sabi ng mommy niya at di mo ba nahahalata na parehas kami ng lastname" "Alex Sanchez -- Sanchez. Oo nga no?" Ngumiti naman ito; yan nanaman ang ngiti niyang pamatay *-* "So ngayon mo nga lang talaga nahalata?" tumango tango naman ako, siya naman ay tumatawa lang "Mag ka-ano ano ba kayo?" tanong ko "Mag pinsan" maigsi niyang sagot ahh mag Pinsan lang pala sila , bat di ko nahalata na mag pinsan lang sil-- "WHAT?!" Nakahiga na ako sa kwarto ko at hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman kong mag pinsan ang dalawa ang isang Anghel na hinulog ng langit at ang taong pinadala ni santanas, hindi kapanipaniwala Pinikit ko na ang aking mga mata nang makaramdam na ako ng antok na kanina pa ako kinakatok. Andrew P.O.V "Oh ayan na ang inuutos mo" sabay lapag niya ng mga pinabili ko sa harap ko, apat na plastik ang dala niya at tatlo ang binigay niya sa akin "Para san yang isa" sabay nguso ko sa hawak niya, "Diba Obvious na akin to" sabay irap niya, oo nga naman anong klaseng katangahan na tanong Tumalikod na siya at hindi na ako hinintay na mag salita Kinuha ko ang pinabili ko sakanya at inayos nakita ko naman ang isang libro "Vimpire Diaries?" saad ko na lamang at itinabi ang libro niya sa sulok ** Nandirito na ako ngayon sa Paaralang pinapasukan namin ni pangit at swerte ko ata dahil hindi kami mag kaklase baka mamaya daldalan lang ako nung bungangera na yun "Akala mo naman maganda ang pangit pangit naman look ang damit niya so eww" maarteng sabi ng babae sa di kalayuan at may tinuro sa kalayuan na dalawang nag lalakad habang nag tatawan Anong ginagawa niyang pangit na yan at kasama ang pinsan ko? Lalapit na sana ako sakanila ng biglang may humarang sa daraanan ko "ang gwapo gwapo mo talaga Andrew!" sabay yakap nito sa akin, natawa nalang ako sa inasta nitong babaeng to Ganyan na yata talaga ang nagagawa ng kagwapuhan ko sa mga kababaihan Hiniwalay niya na ang yakap sabay takbo napailing na lang ako, tumingin ako kung nasaan ang pinsan at ang pangit kong maid ayun nawala na sila "Psh" nag lakad nalang ako papunta sa classroom ko. "May ano ba sa kanilang dalawa?" Tanong ng classmate ko sa kaibigan niya "Ewan. Pero ang sweet nila" "Ang pangit naman nung girl" comment ng isa at alam ko na kung sinong pinag uusapan nila Tumayo ako at lumbas at nakita ko ang dalawa na papasok palang sa klase nila Tumakbo ako papalapit sa kanila at masamang tumingin sa kanilang dalawa "Hoy pangit bilhin mo nga to!" Sabay abot ko sakanya ng papel sa kanya kung saan nakasulat ang nakalimutan kong ipabili sa kanya "Diba kakapabili mo palang kagabi ng gamit mo?" Tanong niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tumalikod sakanya "Whats that?" Tanong ng bait baitan kong pinsan "May pinapabili nanaman siya" sabi ni pangit" samahan nalang kita" presinta ng pinsan ko. Nag patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa classroom ko NICOLE POINT OF VIEW Ano nanaman kaya ang nangyari sa hambog ko na amo at mukhang tinotopak nanaman? "Samahan nalang kita mamaya" presinta naman ni Alex Ngumiti naman ako rito at tumango, ayos rin pala ang tyempo ng pagkakaroon ng topak ng hambog kong amo may instant date pa kami ni Alex "Ok magkakaroon tayo ng groupings 4 na student per group. So 24 lang naman kayo kaya we have a 6 group " pinaliwanag ni ma'am kung anong gagawin At kung sinuswerte ka nga naman mag kagroupo kami ni Alex at may Isang babaeng nerd kaming ka group at isang lalaking mukhang loko loko "Medyo mahirap ang gagawin natin " sabi ko habang binabasa ang naiatas na gawain samin "at masyado pang marami" dugtong ni Alex Napag usapan nalang namin na doon kami sa bahay nila Mark mag overnight para tapusin ang pinapagawa samin "Halika ka na" aya ni Alex sa akin, uwian na at ito babalik nanaman sa bookstore para sa pinapabili ng Hambog kong amo na walang ginawa kundi sumimangot "Wait lang" sabi ko rito, tumango tango naman Ito. Inayos ko lang ang mga gamit ko nag kalat kanina di ko mahanap phone ko na tunog ng tunog muntik na tuloy along mapalabas ng room "Ayan ayos na" sabi ko bago tumayo, nag lakad na kami palabas ng classroom at kakaunti nalang ang Istudyante at ang iba at napapatingin sa amin "Bakit ka ba nag apply bilang P.A ni Andrew? Buti di ka niya pinapahirapan tulad ng iba" natawa nalang ako. Try niyang pahirapan ako at hindi niya na makikita si Andrea Nicole na pinag papantasyahan niya ng matagal na panahon "Kailangan ko buhayin at makapagtapos ng sarili ko, wala na akong maasahan sa buhay at hindi naman ako pinapahirapan ni Andrew sadyang hambog lang ang isang yun na walang ibang ginawa kundi ang sumimangot at mag mayabang" "Thanks' sabi ko ng ping buksan niya ako ng pinto ng kotse niya bago umikot papuntang driver seat "Mabuti naman " tumahimik kaming dalawa nakaidlip naman ako sa Traffic "COLE gising na" sabi ng yumuyugyog sa akin Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang gwapong mukha ni Alex na nakangiti sa akin "Where here" tumango tango naman ako at inayos ang sarili ko bago bumaba ng kotse "Ano ba yang pinapabili niya?" Inabot ko ang papel na binigay ni Andrew kanina "Halika kunti lang naman pala to" hinila niya na ako papunta sa loob ng bookstore at hinanap kung san nakalagay ang mga pinapabili ng magaling kong Amo "Ayan na lahat" sabi ni alex, bimayaran ko naman agad ito at si Alex na ang nag bitbit "Lets go kain muna tayo" pumunta kami sa Jollibee at umorder siya samantala ako ay nag hanap ng pwedeng mapag pwestuhan "Ang dami naman niyan" sabi ko ng makita ang pinamili niya. May hawak hawak siyang tray at may mga Crew pa na nakasunod sa kanya "Paano kung di natin to naubos? Sayang lang" "Edi kung hindi natin maubos bigay natin sa mga street children na makakasalubong natin" napangiti naman ako sa sinabi niya ang bait bait talaga aniya ang gwapo pa "Try mong tanggalin ang salamin mo" sabi niya umiling iling ako sa sinabi niya "Malabo mata ko" "Pwede ka naman mag contact lens" "Ayoko di ako sanay" Marami pa kaming pinag usapan hanggang tumawag na ang amo ko Kaya hinatid niya na ako sa bahay at pinatake out ang natirang pagkain sa mga maids niya nalang daw ibibigay. Pumasok sa loob at nilapag lang ang pinamili ko at umakyat na sa kwarto ko- *Kinabukasan "Hoy pangit anong balak mo kay Andrea Nicole?" aga aga pangit agad ang tawag niya diba muna siya pwedeng mag sabi ng 'goodmorning' ? "Diba kakadate niyo palang nung nakaraan? masyado ka namang abuso!" umupo na ako sa harap niya at kumuha ng pag kain nakahain sa hapag "Ikaw ang abuso panget ka, wala ka ng ginawa kundi ang makipag landian baka nakakalimutan mong katulong ka lang! " binagsak ko ang kutsara at tinidor na hawak hawak ko,masamang tumitig sakanya "Una sa lahat Andrew nasa kasunduan natin yan, pangalawa wala kang karaptang sabihan akong malandi dahil di mo ako kilala " pagkatapos kong sabibin iyon ay tumayo na ako , hindi ko na inubos ang pag kain kong kinuha bigla akong nawalan ng gana kahit gutom ako. Pumasok ako sa kwarto ko at nag toothbrush bago kinuha ang bag, di na ako tumingin sa salamin at bumaba na Hindi ko na siya nakita kaya lumabas na ako , malayo pa ang lalakarin ko. bakit kasi walang dumadaan na sasakyan dito nauso pa ang Trcycle kung di rin naman pala magagamit. Padabog akong nag lalakad hanggang makalabas na ako ng subdivision "Brrrrr" rinig kong reklamo ng tyan ko, hindi ko nalang pinansin mamaya nalang ako kakain sa school Sumakay na ako ng Taxi buti nalang at lagi akong may extrang pera "Goodmorning ang aga mo ata?" tanong ni Bea sakin, si Bea yung ka groupo kong nerd "Ayoko lang mag stay sa bahay, may impakto dun e" inis kong sabi natawa nalang siya at hindi na muling nag salita Nandito na pala kami sa classroom apat palang kami at ang tatlong nerd ang kasama ko Ayos na rin to kesa makasama ko pa at makita ang pagmumukha ng hambog kong amo "Brrrrrr" tunog nanaman ng tyan ko at this time ay nakakahiya na , nakatingin sakin si Bea at halatang pinipigilan ang tawa "What?!" tanong ko rito sabay irap, may kinuha sa bag niya "Here" sabay abot ng lunchox na pink sa akin "Salamat!" agad kong kinuha ang lunchbox niya at binuksan tumambad sa akin ang kakaunting kanin at pritong manok "Eh?" ngiwi ko "pasensya na kung kunti lang di naman ako malakas kumain" sabi niya habang kinakamot ang batok "No its ok" kinuha ko namana ang kutsara na inabot niya , sinimulan ng kainin ang pagkain na binigay niya "Thank you Bea, sabay ka nalang sakin mamaya libre kita" sabi ko tumango tango nalang ito , nag patuloy nalang siya sa pag babasa niya ng Isang makapal na libro ako naman ay kinuha ang Iphone ko , nag text ang loko e From Andrew Loko hi Andrea, free ka ba ngayong linggo? aayain sana kita sa isang date to: Andrew Loko sorry Andrew, im busy next time nalang sorry talaga Huh! akala mo ha malandi pala sino kaya ang habol ng habol sa isang babae? -, "Wow ang ganda naman ng phone mo" agad kong naitago ang phone ko ng biglang mag salita si Alex sa tabi ko "Ah-eh a-ano pinahiram lang ni Tina " umayos na ako ng upo, "May pagkain ka ba?" pag iiba ko ng topic, di pa rin ako nabusog sa pagkaing binigay ni Bea "Meron kaso Biscuit lang to" sabay abot niya ng Bingo, kinuha ko naman agad at binuksan fave ko to e! dagdagan pa ng gutom ko "Hindi ka ba kumain kanina?" tanong ni Alex, umiling iling na lang ako ayaw ko ng alahahanin ang mga kung ano anong sinasabi ni Andrew "Thank you dito ha? at oo nga pala sasama mamaya si Bea sa Breaktime kinain ko kasi a ang baon niya ililibre ko lang" bulong ko , tumawa naman siya "Takaw. e'ako hindi mo ililibre?" naka pout niyang tanong. kinurot ko naman ang pisngi niya at tumawa "Ang cute cute naman " sabi ko "Di ako cute , sa gwapo kong to" sabay pogi sign niya , medyo marami na kami dito sa classroom, 6:40 na at malapit na mag umpisa ang klase "*Bosssssh-*" biglang bumukas ang pinto na halos masira at niluwa dun ang Demonyo kong amo lumapit ito sa pwesto namin --no, sa akin pala "Bakit ka andito?" tanong ko na nakasimangot ang mga classmate ko naman ay inaabangan ang mga mang yayari "Oh pagkain mo" sabay lapag niya ng Lunhbox na color Green , mag sasalita pa sana ako ng tumalikod na siya at nag umpisa ng mag lakad palabas Binuksan ko ang binigay niya at nakita ko ang pagkain kanina na hindi ko inubos "Ano ba talaga ang nangyari kanina? " nag kibit balikat nalang ako at kinain na ang dinala ni Andrew ANDREW point of view "Oh anak anong nangyari kay Nicole at hindi inubos ang pagkain niya?" tanong ni manang ng makita niyang umalis si Pangit sa hapag kainan "Ah ano kasi ya" "May sinabi ka nanaman ba? naku anak pansin ko lang ha ang lapit nila ng pinsan mong si Alex" napasimangot naman ako sa sinabi ni yaya, "At parang maagaw nanaman ng pinsan mo si Nicole naku" pang asar na tinig ni Yaya, inis akong tumayo "Palagay po sa Isang lunchbox ang pag kain ni pangit" tumango naman si yaya , ako naman ay pumunta na sa sala baka di pa naka alis yung panget na yun "Pangit buksan mo nga tong pinto!" sigaw ko habbang kinakatok ang pintuan ng kwarto niya "Sir umalis na po si Nicole kani-kanina lang" sabi ng isang katulong , di ko na siya pinansin at pumunta na sa kwarto ko para mag toothbursh "Ito na iho hala umalis ka na " sabay tulak sakin ni Yaya, si Yaya mendeng ang yaya ko simula nung bata palang ako kaya close kaming dalawa "opo opo" nakarating na ako sa school at Dumiretso sa classroom ni pangit at malakas na Binuksan ang pinto na dahilan upang makuha ko ang atensyon ng ibang nasa loob ng classroom "Bakit ka andito?" tanong niya at parang ayaw niya akong makita "Oh pagkain mo" sabay lapag ko ng pagkain na hindi niya inubos kanina sa bahay , hindi ko na siya hinintay na mag salita pa at baka tumagal nanaman dahil sa madaldal niyang bibig Pag kalabas na pag kalabas ko nang classroom nila ay napabuntong hininga ako ng malalim. "Pare ano tong nabalitaan namin na hinatidan mo daw ang Nicole na yun ng pag kain?" Osyoso ni Jiro, ang bilis nga naman ng balita di pa nga ako nakaka balik ng room namin mas nauna pa ang balita -_ "Oh ano ngayon?" masungit kong sabi, ngumiti naman sila ng parang tanga yung ngiting may binabalak "Inlove ka ba sa panget na yun? akala ko ba loyal ka kay Andrea Nicole" "Loyal ako kay Andrea no! At asa ka namang maiinlove ako sa pangit na iyon e' walang ginawa yun kundi ang dumaldal ng dumaldal" nakasimangot sabi "Oww easy lang bro nag tatanong lang kami" sabi ni Jiro , tumawa naman sila Jerwin "Bahala nga kayo dyan!" sigaw ko mag kakacutting nalang ako ako, "Teka hoy mag uumpisa na ang klase san ka pupunta?!" sigaw ni Jerwin "Mag cucutting!" lumabas na ako ng classroom at pumunta sa likod ng school . dito ang tambayan ko pag nacucutting dahil walang nag babalak na pumunta dito dahil sa kwento kwento na may nag papakita daw pero sa tagal kong nakatambay dito ay wala naman akong nakikita na kakaiba kundi ang mga puno lang na sumasabay sa hangin. "badtrip naman kasi yung matandang pangit na yun!" rinig kong reklamo ng isang babae sa di kalayuan, sinilip ko kung sino yun at nakita ko si pangit na papunta rin dito . "bat ngayon ko pa kasi nakalimutan " inis niyang sabi nang mag isa, ano nanaman kaya ang problema nitong madaldal na to? nang malapit na siya sa akin ay tumayo na ako at hinawakan ang balikat niya , naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya at ang pag tigil nito sa pag daldal unti unti niyang nilingon ang kanyang ulo "AAAAAHHHHHHHHHHHH" sigaw nya samantala ako ay nakatitig pa rin sa mukha niyang gulat na gulat at halatang takot sa nangyari "HAHAHAHA KUNG NAKITA MO LANG ANG MUKHA MO PANGET ! ISA LANG ANG MASASABI MAS LALO KA PANG PUMANGET" tawa ako ng tawa habbang nakaturo sakanya ang isang kamay naman ay nakahawak sa tiyan ko na sobrang sakit na dahil sa kakatawa "hindi ka ba tapos?" mataray niyang tanong "HAHAHA HAHAHA H-HINDI PA W-WAIT LANG HAHAHAHAA " sabi ko na pilit na pinipigilan ang mga tawa ko ilang minuto lang rin ay nahimasmasan na ako "ano bang ginagawa mo dito panget? siguro sinusundan mo ako no" tanong ko ng may pang aasar "asa ka namang hambog ka!" sigaw niya , ang pikon talaga ng isang to kaya masarap asarin. "Nicole!" nakarinig kami ng sigaw, sigaw na galing sa magaling kong pinsan na hinahanap nanaman tong pangit na to. "halika" hinila ko siya patayo sa kinakatayuan niya at tumakbo papunta sa isang gate ng school na ito kung saan walang nag babantay na guard "h-hoy teka lang si Alex hinahanap pa ako!" "paki alam ko? sino ba ang amo saming dalawa ako diba? " hidi na siya nag salita at sumunod nalang sa akin kung saan ko siya dadalhin , nang makalabas na kami ng school ay pumara na ako ng Taxi at isinakay siya dun "sa Elite Subdivi. po manong" sabi ko sa driver "hoy bat tayo uuwi!" sigaw niya habbag hinahampas hampas ako ng bag niya " sa gusto ko bakit may reklamo ka?" umiling iling naman siya, good mabuti nalang at hindi na nag salita pa ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay "ijo,ija ang aga niyo?" tanong ni yaya "umuwi po kami masakit daw po ang ulo ni Nicole" palusot ko, kinurot niya naman ako sa tagiliran "ow" angal ko. masakit mangurot tong babaeng to ah! hinila ko na siya paakyat ng kwarto niya "magbihis ka,aalis tayo" sabi ko , umalis na. pumunta na ako sa kwarto ko at naligo , napag pasyahan kong mag suot ng Pink na tshirt kung saan ang print ay si Patrick star , nag pantalon na lang ako at nag sapatos . nang matapos na ako ay bumaba na para hintayin ang pangit na yun bat ba ang mga babae ang daming arte? kung ano ano pang nilalagay sa mga mukha wala namang mag babago kahit anong gawin nila . ang bagal bagal pang kumilos katulad ngayon ng pangit na yun mag sasampong minuto na ako nag hihintay hanggang ngayon di pa rin tapos, kung ano ano pang ginagawa wala rin naman mangyayari sa panget niyang mukha. "ang tagal mo naman !" reklamo ko ng makababa na siya "san ba kasi tayo pupunta at kailangan pang mag bihis?" tanong niya halatang naiirita na "Basta!" hinila ko na siya papunta sa kotse ko kung saan naka park, wala naman siyang angal ng sumakay siya, ano kaya ang nakain nitong babae na to at ang tahimik ngayon? o well pasalamat na rin mukhang di matutulili ang tenga ko sa buong byahe ilang minuto lang ay bumaba kami sa isang mall para kumain, magiging mahabang araw to para samin to dapat si Andrea Nicole talaga ang yayain ko sa linggo pero ang sabi niya kanina busy daw siya sayang pero nandirito naman si pangit kaya siya nalang ang daldalhin ko "ako na oorder , hanap ka nalang ng upuan" tumango naman siya at pumasok na sa loob samantala ako ay pumila sa Counter para bumili ng Kakainin namin "here kain muna tayo" nilapag ko ang Dalawang Chicken , large Fries at Burger sa harap niya "san ba kasi tayo pupunta? nakakainis ah! kanina ko pa iniisip at tinatanong di mo naman sinasagot -,- " at ngayon halatang inis na inis na siya, ang kilay niyang matataas ay nagkasalubong na at ang mga labi niya ay naka pout . ang itsura niya ngayon? ayun pangit pa rin! ano sa tingin niyo mababago pa yun? "manahimik ka nalang at kumain, makikita at malalaman mo rin naman mamaya kung saan tayo pupunta , ngangakngak ka pa dyan" sabi ko at sinimulan n kumain , kumain na rin naman siya at di na nag salita hanggang matapos na namin ang kinakain namin ay hindi pa rin siya nag sasalita , good marunong naman pala sumunod tong babaeng to. lumabas na kami ng mall at sumakay sa kotse "siguraduhin mo lang na hindi to kalokohan ha!" sigaw niya agad ko namang pinatugtog ang Radio na nasa sasakyan ko isat kalahating oras na byahe at sa wakas ay nakarating na kami "hoy panget gumising ka nga! kadiri ka tumutulo pa laway mo" sabi ko habang ni yuyogyog unti unti niyang minulat ang mata niya at inayos ang mukha na akala mo naman may maayos pa , bumaba ito at tila natigilan sa nakita "BAKIT TAYO NANDITO?!" di makapaniwala niyang tanong. Nicole Point of View "BAKIT TAYO NANDITO?!" sigaw ko sa kanya , hindi niya ako sinagot at heto siya nakatitig sa buong lugar na parang ngayon lang nakapunta dito. "ano ba kasing ginagawa natin dito?" mahinahon kong tanong, ayaw ko muna makipag talo sa kanya ngayon masakit puson ko at feeling ko baka sa susunod na araw ay mag kakaroon na ako mag rered tide nanaman , hirap talaga maging babae buti pa ang mga lalaki isang beses lang pag ka-tapos na, Buong buhay na silang magpapakasarap samantala kaming mga babae buwan buwan nag hihirap at nasasaktan tsaka yung mga lalaki sasaktan din kami o diba? sarap nilang patayin! "halika pasok na tayo" nag lakad na siya papalayo hinabol ko, kainis tong lalaking to may balak pang iwan ako rito bilis mag lakad! "bat ba kasi tayo nandirito?" tanong ko uli sa kanya pero this time humarap na siya, halata sa mga mata niya ang Lungkot at saya? "si Andrea Nicole talaga ang isasama ko sana rito, alam mo bang dito kami unang nagkita? bata palang kami ng magkakilala pero nakalimutan niya na yata ako" sabi niya, pero alam ko alam ko hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito simula nung bata pa ako, dahil ayaw nila mommy at daddy "itong araw na to, itong araw na ring ito una kaming nag kita nang mga bata pa kami at mismong sa lugar na to " sabi niya bago umupo sa isang Bleachers tumabi ako sa kanya "e bakit parang di ka niya kilala?" tanong ko "nakalimutan niya na ata, hindi naman ako importante sa kanya e. Alam mo bang bata palang kami minahal ko na siya? hanggang matapos ang araw na yun, di na muli kami nag kita pero hinanap ko siya. pinahanap ko siya kala mommy at daddy . hanggang nalaman ko na wala na sila sa bansa" huminto siya sa pag sasalita at tila nag iipon ng lakas ng loob "nalaman kong doon na sila titira pero di pa rin ako nawalan ng tiwala, lagi akong pumupunta sa Facebook niya laging nag uupdate , hanggang nag karoon ako ng lakas ng loob na I-chat siya pero F*ck! sineen niya lang ako Badtrip!" gusto kong matawa sa sinabi niya na Sineen lang halatang naiinis siya , hindi ko matandaan sa daming nag Chachat sakin malamang di ko na siya matandaan "Hanggang malaman ko na bumalik na siya sa pilipinas at nag aral siya sa Cresent Academy , sobrang saya ko nun dahil makikita ko siya araw araw at ang tanga tanga kong pinsan na si Kristina bwiset na babaeng yun Bestfriend pala niya si Andrea" pigil na pigil na ang tawa ko sa mukha niya, naiinis na siya halatang pikon na pikon sa nangyari sakanya dati, hindi rin siguro sila close ni Tina kaya di niya alam na bestfriend ako ni Tina " lumipas ang ilang taon at sinubaybayan ko siya para akong gagong Stalker na kung saan siya pupunta , pupunta din ako --- hanggang dumating ka at nangyari ang first date kung alam mo lang ang feeling ko. sobrang saya ko nung araw na yun dahil alam ko nung araw na yun ang ngiti niya sa labi ay ako ang nakakagawa" ngayon nakita ko na ang saya niya ang nakangiti niyang mga labi "pero kanina niyaya ko siyang umalis sa linggo dahil yung day na yun ay ang nag kita kami sa isang park at dun naging Officially na mag kaibigan pero mukhang ayaw niya ---- " tumayo ako bago niya matapos ang sasabihin niya "halika na nga! kunwari ako si Andrea Nicole na mahal mo bilis pasok na tayo" hinila ko na siya patayo at tumakbo papunta sa Roller Coaster "Bakit dito agad, dun muna tayo sa Horror house!" reklamo niya "dito ang maganda e, bakit takot ka sa hights?" mapangasar na tanong ko habbang may nakasalpak na ngiting nakakaloko sa labi "WHAT? HINDI NO" sigaw niya , nakaagaw tuloy kami ng atensyon ng ibang dumadaan "hindi ka naman pala takot halina sakay na tayo , tayo na ang next o!" sabay hila sa kanya pasakay ng Roller Coaster , inayos ko na ko ang sarili ko samantala siya ay namumutla na ang mukha "humanda ka talagang panget ka pag ako mamatay nang maaga" banta niya, tumawa nalang ako samantala siya todo kapit "WAAAAAAAAAHHHHHHHH!!' "HAHAHAHAHAHAHAHA" Buong oras na nasa ere kami tawa lang ako ng tawa samantala siya ay parang baklang tumitili "ANONG TINATAWA TAWA MO?!" sigaw niya sa akin samantala ako ay patuloy naman sa pag tawa "ako naman ang pipili! " ngayon siya naman ang humila sa akin papunta sa horror house "A-ahm cr lang ako" aalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin sa tabi niya "Nah-ah!" sabi niya halata ang mapang asar niyang ngiti na kinaiinisan ko dahil alam kong may masama siyang binabalak "tigilan m-mo akong hambog ka ha!" nag hihilahan kaming dalawa at dahil malakas siya ayun siya ang nasunod . pumasok kaming dalawa ng sabay, nakakapit lang ako sa laylayan ng damit niya "BOO!" "Waaaaaahhh!" tili ko , gusto ko nang umiiyak ang dami kong nakikita kahit madilim may mga white lady na nag lalakad may mga bangkay na bumabangon sa kabaong nila at marami pang iba .. ilang saglit lang ay nakalabas na kaming dalawa, gusto kong umiiyak dahil sa nangyari pero umurong lahat ng luha ko na gustong bumagsak kanina ang gulo ng damit niya, pati ang buhok niyang kaninang sobrang ayos ngayon mukha na siyang narape ng napaka raming babae "tumigil ka nga dyan!" inis niyang sabi bago inayos ang damit at buhok niya . "tara dun naman tayo sa iba!" aya ko sa kanya, di naman na siya nag react sa sinabi ko at sumunod nalang . Ride all you can ang binili niyang Ticket para saaming dalawa kung saan saan kami sumasakay hanggang Gutumin na kami "anong gusto mo?" tanong niya nandito kami sa isang stall siya na ang bibili ng pagkain tutal siya naman ang nag aya ngayon "Hotdog,juice then Sandwhich" sabi ko, di muna ako kakain nang marami dahil baka mamaya mag suka ako dahil sasakyan pa daw namin ang lahat ng rides. "Here" nilapag niya ang pagkain ko at umupo sa harap ko "Thanks pala" sabi niya "para saan?" tanong ko sakanya "ngayong araw na to, dahil pumayag kang kasama ko kahit lagi tayong nag tatalo. sorry na rin" ngumiti nalang ako sakanya at tumango wala na akong masabi e. baka kung mag salita pa ako masira lang ang moment at mag away nanaman kami mga alasingko ng hapon ng mapagpasyahan nanaming umuwi. habbang nasa byahe ay natulog nalang ako napagid ako ngayong araw na to nang makarating na kami sa bahay ay di na ako nag salita at pumunta sa kwarto bago binagsak ang sarili sa kama Nicole point of view "bakit di ka na bumalik kahapon?" bungad na tanong sakin ni Alex, nakaupo na siya ngayon sa upuan niya samantala si Bea ay may sariling mundo kasama ang makapal niyang libro sa gilid "ah yun ba umuwi ako kahapon,sumakit puson ko" sabi ko bago umupo sa tabi niya. tumingin siya sakin na may pag aalala sa mukha "ok ka na ba ngayon?" tumango tango naman ako, ayaw ko muna mag salita ng mag salita baka mamaya siya ang pag initan ko pa siya bwiset kasi yung amo ko akala ko ayos na kami, hindi pa rin pala! grabe sobrang topakin sarap itapon sa ilog Flasback bumaba na ako para kumain at nakita kong nag aayos palang si manang ng makakain kaya tumulong na ako, nasabihan pa akong Maid kung nag bubuhay prinsesa rin ako dito sa pamamahay ng mga sanchez at di niyo ba napapansin simula nung pumasok ako as personal maid ng hambog kong amo ay hindi pa ako gumagawa ng gawaing bahay, well may rason naman ako dahil may kasunduan kami tsaka wala naman siyang pangangailangan halos lahat ng gusto niya nasa bahay na nila . inayos ko na ang hapag kainan at ako na ang sumandok ng kanin namin at nilagay sa malaking plate "Goodmorning" bati ko sakanya ng napansin kong nasa kusina na pala siya, gulo gulo ang kanyang buhok at halatang bagong ligo palang ito, hindi niya ako sinagot at tuloy tuloy umupo sa pwesto niya ok ano pa bang aasahan sa katulad niya? umupo na rin ako sa harap niya at sumandok ng kanin, hindi na kami nag salita habbang kumakain. "kung sa palagay mo mag kaayos na tayo dahil kahapon nag kakamali ka, baka mamaya nag aassume ka na may gusto ako sayo." sabi niya, what? asa naman siya at kahit kailan di ko papangarapin na magustuhan niya ako no! "asa ka naman wag ka ring assuming" sabi ko, hindi niya ako pinansin at tumayo nalang siya bigla dun ko lang napansin na ubos na pala ang pagkain niya tumingin siya sa relo niya bago tumingin sakin "pagkatapos mo mag hugas ka, aalis sila yaya day off nila ng dalawang linggo" sabi niya bago umalis dun nalang ako napatanga sa sinabi niya WHAT THE HELL hindi ako marunong mag hugas ng pinggan , pagkatapos kong kumain dun ko lang napansin na wala na palang tao ang mansyon kundi kami nalang dalawa , wala na ang mga maids na nag kakalat. pumunta ako sa sink at nilagay ang pinagkainan namin dun bago hinugasan at syempre! nasabi ko na bang hindi ako marunong mag hugas ng plate ako ayan "crusssssh" ayon nabasag ko ang isang plate huhuhu mabebeat ko na sana ang last na pag huhugas ko akala ko wala ng mababasag na plate sayang! "ANO YUN ?!" rinig kong sigaw galing sa hagdan at nakita ko ang amo ko, ready to go na "nabasag ko?" patanong kong sabi , sumingot naman siya at lumapit sa pwesto ko "ANO BA NAMAN YAN NICOLE PATI PAG HUHUGAS NG PLATO DI MO ALAM?! " sigaw niya sakin, take note tumalsik ang laway niya sa mukha ko "EDI IKAW NA ANG MAG HUGAS BWISET!" SABAY walkout ko , bahala siyang ayusin ang hugasin dun . umakyat na ako sa kwarto ko bago nag bihis , akala ko pa naman bati na kami! End of Flashback "Ms.Tan masyado bang mabigat ang pwet mo at hindi ka makatayo?" nabalik ako sa ulirat ko ng mabati ako ni maam at dun ko lang napansin ako nalang ang nakaupo sa buong classroom at lahat ng atensyon ay nasa akin na rin "sorry maam" hinging patawad ko, pinaupo na kaming lahat at heto ngayon di ko maintindihan ang lesson at wala akong balak intindihin , find X ? nandyan naman si Y bakit kailangan pang hanapin ang EX niya. pati kaming studyante pinapahirapan niya pwede namang mag move on nalang siya "hoy nakalabas na si maam nakatulala ka pa rin dyan!" alog sakin ni Alex, tumingin naman ako sakanya bago nag iwas. Gwapo "Ahm Nicole,Alex mamaya na daw tayo gagawa ng project overnight kala Mark " sabi ni Bea na nakatayo na sa harap namin , tumango tango naman ako bilang pag sang-ayon "sige, sabay ka nalang kay mark uuwi pa kasi kami para kumuha ng damit" "sige" -Bea "bat ba parang kanina ka pa tulala dyan? kay Andrew ba" tanong niya tumango ako bago magsalita " nalaman ko kanina na day off pala nang mga maids kasama sila manang, kami lang ni Andrew ang nasa bahay" sabi ko sa kanya "yun lang ba problema mo? hindi ka naman papasukin ni Andrew sa kwarto mo halata naman di ka gusto nung pinsan ko" sabi niya habbang naka ngisi "Baliw! ang problema ko hindi ako marunong mag hugas ng pinggan, lagi akong may nababasag pa ako ang nasa kusina marunong naman ako mag luto ang kaso lang ang mga plates talaga di kami mag kasundo nun" inis kong sabi sa kanya, badtrip naman kasi. hinahawakan ko naman ng mahigpit ang plate para di mahulog pero nadudulas parin sa kamay ko, akala yata ng plate na nag papahulog ay may sasalo sa kanya di niya alam masisira lang siya. "naku naman Nicole, hawakan mo wag ka ng mag gloves kaya mo naman nang naka kamay yun tsaka dadalawang piraso lang namam ang plate niyo, o kaninang nabasag mo ang plate anong ginawa ni Andrew?" bakit ba habbang tumatagal nagiging madaldal at tsismoso tong si Alex? nung nakaraan naman ngingiti ngiti lang siya tsaka tatahimik na "edi ano pa nga ba, sinigawan ako tumalsik pa nga ang laway niya sa mukha ko kadiri! " " AHAHAHAHA " tawa naman siya ng tawa samantala ako ito nakatitig sakanya, sarap na sarap ng sapakin akala ko may matino akong makakausap ngayong araw na to wala pala! **** "san ka pupunta?" tanong ni Andrew ng napansin akong may dalang bag " mag ooverninght kala Mark may gagawin kaming Project" maigsing sabi ko "Sino ang kasama mo?" pati siya ba naman? "Bea,Mark,Alex at ako.. teka paki alam mo ba?" tanong ko sa kanya, bigla naman siyang tumayo "sasama ako , wait lang!" napanganga ako sa sinabi , sasama what the hell "pinsan anong ginagawa mo rito at bat may dala ka rin na bag?" hindi sinagot ni Andrew si Alex, sungit talaga nitong amo ko na to san kaya to pinaglihi ng mommy niya? " ahm alex sasama daw siya" sabi ko kay Alex, tumango tango naman ito at binuhat na ang bag niya. "akin na bag mo ako na mag bubuhat" alok ni Alex, kukunin na niya sana ang bag ko ng bigla mag salita ang masungit kong amo "hindi naman siya baldado at mas lalong di naman mabigat bag niya bakit mo pa bubuhatin" pambabara niya kay Alex. ang sama na ng tingin ko sa kanya ngayon at kung nakakapatay ang tingin kanina pa to patay "Ah ganon ba? Kumain ka na ba Nicole?" tanong nanaman ni Alex "Hin-----" agad na naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Andrew "hindi ko naman yan ginugutom sa bahay" singit niya nanaman sinamaan ko siya ng tingin tinaasan niya naman ako ng kilay "halina alis na tayo " nag paalam na kami kay tita at pumunta na sa Auto nila, nangunang sumakay si Andrew bastos talaga. pinauna ako sumakay ni Alex sa sasakyan kaya bale nasa gitna ako ng dalawa. "Alex may bingo ka ba dyan?" tanong ko, may kinuha naman siya sa bag niya sana merooon " yun! may isa " sabay abot niya ng Bingo "thank you" sabi ko, ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay nila Mark, "Buti nandito na kayo" bungad ni Bea samin "Pansensya na kung natagalan kami, tara pasok na tayo" sabi ko, tumango tango naman siya samantala si Mark ay nasa pinto kausap ang isang katulong "teka anong ginagawa niya dito?" sabay turo ni Bea kay Andrew "gusto niya daw sumama, baka umiyak kaya sinama ko na" pabiro kong sabi , naramdaman ko naman na may tumititig sa akin at nakita kong nakatitig nga si Andrew sakin, ang sama ng tingin niya. binelatan ko naman siya bago mag tuloy tuloy papasok ng bahay. "Kain muna tayo, halina kayo dun tayo sa Dinning area" sumunod nalang kami sa kanya, malaki ang bahay nila Mark halatang pinag gastusan ng malaking halaga. "Masyado ka namang manghang mangha sa bahay nila, mas maganda naman ng di hamak ang bahay ko" sabi niya at dun ko lang napansin na nahuhuli na pala kami. inirapan ko naman siya at di na mag salita , baka mamaya malaman pa nila Mark at Bea na Personal Maid niya ako. kumain lang kami at nang matapos na ay pumunta na kami sa sala kung saan wala kang makikita na kahit na anong kalat " pag hahati-hatian natin ang mga gagawin para di tayo masyadong mahirapan" sabi ni Bea siya ang ginawa namin leader dahil siya lang naman ang maraming alam sa nagintopic namin "sige, dapat matapos natin to ngayong gabi" sabi niya sabay pumwesto sa isang gilid ng sala nag labas na kami ng kanya kanyang loptop, ang loptop na gamit ko ay kay Andrew hiniram ko sa kanya total hindi niya na ginagamit dahil nabilhan na siya ng bago ng magulang niya "psh" naagaw ang atensyon ko ng biglang tumayo si Andrew at base sa dinaanan niya ay pumunta siya sa kusina. inumpisahan ko na ang binigay na gawain sakin ni Bea madali lang naman power point lang to pero sobrang haba ng ilalagay kaya nag hati hati kami . lumabas ng kusina si Andrew at may dala ng pagkain na nakalagay sa plate umupo siya sa sahig at pinatong ang Plate sa center table at nilabas din ang loptop niya. pinagpatuloy ko nalang ang gingawa kong pagtype sa loptop ko, tinignan ko ang lahat busying busy sa lahat ng ginagawa nila . "Were Home!" sigaw ng nasa pintuan, napatingin kaming lahat at halos manlaki ang mata ko sa nakita ko sila Tito Louis at tita Apple, bigla akong yumuko at para di nila ako makilala . "oppss.. sorry sige pag patuloy niyo lang ang ginagawa niyo" binati naman namin sila at nag patuloy na sa pag tytype mga Alas onse ay natapos na rin kami sa pag tytype ay kumain muna kami.. byernes na ngayon kaya pwedeng pwede na kaming mag puyat, wala naman kaming pasok bukas "movie marathon muna tayo guys!" aya ni mark, wala naman naging KJ at sumang ayon ang lahat sa alok niya. hindi pa ata inaantok tong mga to "yan nalang A walk to remember!" sabi ni Bea kay mark nasa harap sila ngayon ng DVD nag tatalo kung anong papanuorin namin "puro naman kadramahan yan! ito nalang mas maganda" sabay pakita niya ng isang Carnibal gusto kong masuka sa Picture palang pano kaya kung pinanuod na "kadiri naman yan, ito nalang kasi" pag pupumilit ni Bea tumayo naman ang nasa kanan ko na si Andrew may hawak siyang tape hindi ko napansin na may hawak pala siyang ganun "Hahaha mukhang masaya to" narinig kong bulong ni Alex "Ano?" tanong ko rito , umiling naman ito at nakita ko nalang ang dalawa na sila mark at Bea ay naka Upo na sa iisang upuan at may hawak hawak na throw pillow ng masalpak na ni Andrew ang DVD , Langya! horror ang sinalpak niya at ang Title ay I love you Ara huhuhu meron sa wattpad niyan at base sa naririnig ko ay sobrang nakakatakot daw, di ko pa nababasa yun at wala akong balak dahil hindi ako makakatulog pero mukhang mapapanuod ko na ngayon. kinapa ko ang throw pillow sa likod ko at agad agad na niyakap "walanghiya ka talaga Andrew bat yan ang pinlay mo" bulong ko sa kanya . tumawa lang naman siya at nag umpisa na ang palabas, puro ako sigaw at takip ng throw pillow sa mukha ko pero ang dalawang nasa gilid ko ay parang wala lang , titig na titig sila sa TV at ako rito halos mamatay na sa takot . si Mark at Bea naman ay nanahimik sa isang sofa habang yakap ang throw pillows nila "Patayin niyo na kaya yan!" medyo pasigaw kong sabi pero tintigan lang nila akong dalawa at binaling muli ang atensyon nila sa TV , mukhang di ako makakatulog ngayon peste! "anong nangyari sa mata mo nicole? mukha ka ng adik" humagalpak ng tawa si Andrew pagkatapos niyang sabihin iyon. ang kapal ng mukhang mang-asar eh siya ang may kasalanan kung bakit nag kaganito ang mata ko, tinignan ko siya ng masama bago inirapan, tumatawa pa rin siya kami palang ang gising dalawa nandito pa rin kami sa bahay nila Mark at mamaya na kami uuwi badtrip kagabi! pagkatapos namin mapanuod ang I love you, ara na yun ay binangungot ako kagabi hindi na ako makatulog ulit at kada may maririnig akong tunog ay kung ano ano nalang ang pumapasok sa utak ko "Goodmorning tita" bati niya sa mag asawa na nasa kusina. "Goodmorning tita tito" bati ko rin sakanila , tumitig naman sakin si tita yung titig na kinikilala niya kung sino ako, pag kalipas ng isang minuto ay bigla siyang ngumiti "Goodmorning ijo at sayo rin nicole, kayo palang ba ang gising?" bati rin ni tita habbang hinahanda ang hapag kainan "tulog pa po , tita tulungan ko nalang po kayo " sabi ko at lumapit sa tabi niya at tumulong sa pag aayos ng pagkain. "long time no see ija" bulong niya sakin, nag tindigan lahat ng balihibo ko sa binulong niya. "dont worry ija, di ko sasabihin kahit kanino" sabi niya ng nakangiti, napagbuntong hininga naman ako ng maluwag. "ah- okay lang naman po tita medyo naging busy lang po" sabi ko at inayos na ang mga plate na gagamitin. "ganun ba ija? ako na dyan gisingin mo nalang sila mark" utos ni tita, tumango nalang ako at pumunta sa kwarto ko "Bea gising na, " sabi ko habang niyuyogyog siya "hmmm,babangon na" sabay talukbong ng kumot niya. hinayaan ko nalang siya at lumabas ng kwarto sakto naman ang paglabas ni Alex sa kwarto nila ni Andrew "Goodmorning Nicole bat ganyan ang mata mo?" tanong niya at halatang nag pipigil ng tawa "mukha ka na tuloy panda" dugtong niya. sumimangot naman ako sa kanya "kasalanan niyo yan e, kung hindi yun ang pinanuod natin kagabi malamang wala yan sa ilalim ng mata ko!" bulyaw ko sakanya "hahahah Chillax "sabi niya habbang tumatawa "halina nga! ikaw na mag gising kay Mark aga aga binubwisit niyo akong mag pinsan!" sabay walk out ko, narinig ko naman ang malakas niyang pag tawa . Badtrip bumaba na ako at nakita ko sa sala ang hambog kong amo na Feel at Home na Feel at home na naka-upo sa sofa , nilagpasan ko lang siya at di niya yata ako napansin kaya di niya ako inasar mabuti na rin yun at baka makabasag pa ako dito at masugod pa sa hospital tong hambog na to "ija, halika rito tulungan mo akong mag sandok " sabi ni tita Apple kayat lumapit ako sa kanya ang dami namang ulam na niluto, parang may piesta lang . kami kami lang naman ang kakain sayang rin to kung mapapanis lang "Goodmorning" sabay kaming napatingin ni tita sa nag salita sa pinto ng kusina, si Alex lang pala lumapit ito sa amin "tulungan ko na po kayo mag ayos" magalang niyang sabi kay tita at kinuha ang hawak nito "sige kayo muna ang bahala ha? mag papalit lang ako ng damit" sabi nito bago umalis sa kusina "Ang bait ng Mama ni mark tsaka si Mark naman napaka playboy" umpisa niya. "Oo nga e, hayaan mo makakahanap din yan ng katapat niya mag hintay nalang tayo" sabi ko at nilapag na ang Ulam na nasa malaking mangkok "pero ang laki talaga ng eyebag mo, hahaha hayaan mo sa susunod di na ako papayag na manuod ulit tayo ng ganun baka mamaya mas lalo kang pumangit" sabi niya habbang natatawang nag sasandok ng Caldereta "so sinasabi mong pangit ako ganun?" tanong ko sa kanya habbang nakataas ang kilay "maganda ka, pangit ka lang ngayon dahil sa eyebags mong malaki" sabi niya bago umupo sa upuan last na ulam na pala yung sinandok niya kanina , umupo naman ako sa tabi niya "Pangit naman talaga ako haha kaya wag ka ngang plastik dyan!" sigaw ko sakanya. umakbay naman ito sa akin at nilapit ang katawan niya ang pag kakaakbay niya naman ay parang yumayakap sa akin "hindi ka panget no, di ka lang nag aayos ng sarili mo kaya ganyan ang Itsura mo pero try mong mag ayos baka sakaling mas lalo akong mag ------- " sabi niya pero hindi ko na narinig ang last part nang sinabi niya "saka na yan, ayusin muna ang pag aaral" sabi ko, kunwari narinig ko ang last ng sinabi niya, mas lalo niya namang hinigpitan ang pag kaka-akbay sakin "ikaw talaga" sabay gulo niya ng buhok ko "yun oh! galawang Hokage Alex!" sigaw ni Mark kaya agad kong tinanggal ang pag kaka-akbay niya sakin pero hindi ko matanggal mas lalo niya pang hinigpitan "Bagay ba kami Mark?" tanong ni Alex na ikinapula ng buong mukha ko "Oo bagay na bagay kayo, kayo na ba?" sasagot palang sana ako ng sumingit si Bea "Masyado ka namang Showbiz" sabay bangga nito rito, minsan naiisip ko kung nerd ba talaga tong si Bea ang lakas niyang barahin si Mark, kung wala lang tong salamin malamang sa alamang ay mapagkakaman ko tong model may itsura naman si Bea , sa totoo niyan mukha siyang masungit pero mabait naman "Epal ka talagang nerd ka, nag papansin ka lang sakin. aminin mo na kasi na gusto mo ako" sabay kindat nito kay Bea, si Bea naman ay inirapan lang siya at umupo sa harap ng upuan ko inayos naman ni Alex ang upuan ko Wow ang bait niya talaga. "salamat" sabi ko rito, napatingin kami sa padabog na hinila ang upuan si Andrew Attention Seeker talaga palibhasa walang partner . buti nga sakanya "hoy ano bayan dahan dahan nga!" saway ko sakanya, pero tinaasan niya lang ako ng kilay bago inirapan "ayos na pala lahat, sige kain na tayo" sabi ni tita Apple at umupo na sa tabi ko, si tito naman ang nasa Center ng Table bale ang pwesto ay Tita,Ako,Alex,Andrew Tito Louis|Table | Mark, bea diba walang partner si Andrew Hahaha "Nicole, Boyfriend mo ba si Alex?" bigla akong nabilaukan sa sanabi ni tito WHAT THE HELL. "hoy bat ganyan ang mukha mo?" tanong ko rito kay Andrew kanina pa to na kasimangot, meron yata siya ngayon kaya moody nanaman siya "paki alam mo ba,dun ka na nga!" sigaw niya. nakaupo siya ngayon dito sa sala ng bahay NIYA daw, nanunuod ng Ghost Fighter tsaka ang mukha niya nakabusangot na parang ewan. umupo ako sakabilang sofa at inumpisahan kong kainan ang grapes na kinuha ko sa ref nila. Linggo ngayong araw at next next week pa darating ang mga maid at hanggang next next week ako ang gagawa ng gawaing bahay well except sa pag huhugas ng mga pinggan na gagamitin namin.. na pag kasunduan namin na ako ang mag aayos ng bahay, mag luluto pero siya ang mag huhugas ng pinggan at kaming dalawa ang mamimili ng kakainin namin dahil nang umalis sila manang nung nakaraang araw kunti nalang ang laman ref. "psh! nag tatanong lang sungit!" hindi na siya nag salita pa at nanuod nalang ng palabas . naalala ko nanaman ang nangyari kaninang umaga sa bahay nila Mark, pero bago ako mag flashback ay gusto kong linawin sa lahat na si Tita Apple pinsan ni mommy at Tito Louis ang asawa niya. bale mag pinsan kaming dalawa ni Mark , kaya ako kilala nila tita. ok ito na kwento ko na ang nakakakilig na nangyari kanina pagkasabi ni tito ng isang niyang tanong na ikinagulat ko, Boyfriend? sana. "hindi po tito mag kaibigan lang po kami ni Alex" pagtanggi ko, tahimik ang lahat at inaabangan ang sasabihin ni tito "edi si Andrew pala ang boyfriend mo?" tanong niya habbang nakatingin sa pwesto ni Andrew na napatigil sa pag kain " tito Louis hindi p---" pinutol naman agad ang sasabihin ko ng mag salita si Andrew "Hindi po at hinding hindi po ako mag kakagusto sakanya, sa pangit niyang yan." pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinag patuloy niya na ang pag kain, nakatingin lang kami sa kanyang lahat. "what?" tanong niya ng mapansing nakatitig kami sakanya . "ehem ehem , kung ganong insan ligawan ko na si Nicole ha? total wala ka namang gusto sa kanya at mukhang di ka mag kakagusto sakanya" nakangising sabi ni Alex na halatang may binabalak , alam ko na ang mga ngiti niyang iyan. sa tagal na naming mag kakilala yan pa. "edi ligawan mo, hindi naman ako ang tatay niyan at paki alam ko ba sa pangit na yan!" sabi niya at halatang wala na siya sa mood , nakasimangot na siya ngayon hindi katulad kanina na nang aasar pa " ok chillaxx lang kayo mga kiddos , kumain muna tayo tutal parang may nag seselos" sabi ni tito ,kayat pinag patuloy namin ang pag kain. tahimik na kami hanggang matapos ang pagkain namin , nag paalam na rin sila tito at tita na papasok na nang mga 11 na ay na pag pasyahan na naming umalis at umuwi na nang bahay end of flashback pag naaalala ko yun di ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis , kikiligin kasi liligawan daw ako ni Alex at mapipikon ba dahil sinabihan akong panget ni Andrew sa harap nila tito at tita ? hayy ewan! tumayo ako sa pag kakaupo ng maubos ko na ang pagkain ko, matutulog muna ako ang sakit ng mata ko nang makapasok na ako sa kwarto ko ay pumunta na ako sa banyo para magbihis na , napaharap ako sa salamin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko ang laki pala talaga ng Eyebags ko, kailangang mawala to. kasalanan to ni Andrew pasimuno talaga sa lahat ng kalokohan kagabi! sumampa na ako sa higaan ko bago pinikit ang mga mata Alex Point of View heto ako ngayon sa bahay nakahiga, wala namang magawa hindi ko naman maaya si Nicole na labas dahil alam kong babawi ng tulog yun ngayon , ang laki ba naman ng eyebag niya e. btw ako si Alex Sanchez ,19 years old. alam kong ang pag kakaalam niyo ay may gusto ako kay Nicole pwes dun kayo nag tama, yes gusto ko siya . simple lang siya kahit kakakilala palang namin ay alam kong tunay ang pinapakita niya sa bawat kilos na ginagawa niya , sa tipo ng pananamit niya na tagong tago lahat ng balat ay siya ring kinatuwa ko , hindi siya katulad nang mga ibang babae na halos ilantad na ang lahat ng katawan naupo ako sa hinihagaan ko, di talaga ako makatulog ngayon. kaya kinuha ko ang loptop ko at nag open ng Facebook at as always ang daming friend request galing kung kanikanino lang , inaccept ko lahat yun at ang sunod ko namang binuksan ang Notification kung saan halos sumabog na sa sobrang dami , may mga nakapost sa wall ko kung kani-kanino at puro likes , wala namang mahalaga kaya binuksan ko na ang Message nakita ko lang ang ibang mga message nang mga pinsan at kaibigan ko na nangangamusta. nang tinignan ko na ang lahat ay sinearch ko ang name ni Nicole at hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko ang facebook niya pero nang tignan ko iyon ay kakaunti lang ang post at halatang bagong gawa palang nang account niyang iyon. nag friendrequest ako at nag log out na. wala nanaman akong magawa kaya natulog na lang ako. Nicole Point of view nagising ako sa ring ng cellphone ko, kanina pa ito tumutunog na kaka peste. istorbo sa tulog ng tao , walang tingin tingin ay kung sino ang caller ay sinagot ko na "hello?" sabi ko , wala namang nag salita sa kabilang linya. papatayin ko na sana ng biglang "Hoy panget bumaba ka na nga dito nagugutom ako mag luto ka!" sigaw sa kabilang linya. agad kong namulat ang mata ko at tinignan ang caller at ang bwisit si Andrew! "Oo na oo na! " sabi ko sabay binaba ang Cellphone ko, walang bihis bihis ay bumaba ako ng kwarto ko, alam kong gulo gulo pa ang buhok ko pero wala akong paki alam wala naman siyang magagawa "ano bang gusto mo?!" sigaw ko rito naupo pa rin siya sa sofa at nanunuod hanggang ngayon. "wag nalang pala , hindi na ako nagugutom" sabi niya na hindi tinatanggal ang mata niya sa TV "AAAHHHH" tili ko at umakyat sa Kwarto. nakaka asar! Andrew Point of view umakyat na siya at halatang pikon na pikon na siya "HAHAHAHAHAHAHA" hindi ko na mapigilan ang tawa ko, dumadagundong ang boses ko sa buong bahay buti nalang at walang mga maids ngayon ng makarecover na ako sa kakatawa ay pinatay ko na ang TV at nag lakad papuntang kusina bago binuksan ang Ref langya yan! bat wala na tong laman kundi puro pang ulam kainis! umakyat ako sa taas at kinatok ang kwarto niya "hoy pangit! mag bihis ka aalis tayo" sigaw ko bago pumasok ng kwarto at nagbihis nang pang alis, total wala namang magawa ngayong araw na to ay mamimili na rin kami para di na sumabay kung kesa marami na kaming ginagawa . natapos na ako sa pag aayos ng sarili ko ay napag pasyahan ko ng bumaba sa sala at nakita ko na siya dun naka upo habbang inip na inip na hinihintay ako "ang bagal mong kumilos, dinaig mo pa ang babae!" sigaw niya at halatang pikon pa rin sa ginawa ko kanina ang sarap niya talagang asarin, ang bilis niyang mapikon pag inaasar ko siya , yung mukha niya pang pag naasar mas lalong pumapangit bumaba na ako at di masyadong lumapit sa kanya, baka mamaya ay bigla akong batukan nito ang bigat pa naman ng kamay nitong babaeng to "san ba tayo pupunta?" tanong niya habbang nakasunod sa akin, "Mamimili na tayo, wala pa naman akong ginagawa" presko kong sabi "at sinakto mo pang puyat ako no?! nakikita mong natutulog ako kesa mo lang naisipan yan!" sigaw niya, minsan naiinis ako sa bunganga nitong babaeng to! ang ingay ingay hindi makatahimik puro daldal at puro sigaw pa , napaka pikon! hindi ko na siya sinagot at pumasok na sa kotse na nakapark sa labas ng bahay, sumakay na rin naman siya, pero ngayon ay hawak hawak niya ang phone niyang luma pulubi, kahit cellphone di makabili . di ko na siya pinansin dahil nanahimik na rin siya sa pwesto niya, hanggang nakarating kami sa mall ay tahimik siya kakalikot ng cellphone niyang mana sakanyang panget "tama na yan, madapa ka masabihan pa akong may kasamang tanga" masungit kong sabi , tinago niya naman agad ang phone niya at tumingin sakin sabay inirapan. nauna na siyang maglakad papuntang Hypermarket at kumuha ng Cart "Ako na, san ba tayo unang pupunta?" kinuha ko sa kamay niya ang cart at ako na ang nag tulak , pumunta siya una sa Mga karne at maraming kinuha , sinunod namin ay ang mga pampalasa at etc. ngayon nandito na kami sa stall ng mga junkfood at nag kanya kanyang kuha ng mga pagkain , kumuha ako ng malalaking junkfoods at siya naman ay kumuha ng Marshmallows at Chocolates marami pa kaming pinangkukuha at ng mapagod na kami ay binayaran na namin sa counter , di nala naman agad namin ang pinamili sa Kotse ko. "uuwi na tayo?" tanong niya, "oo bakit ayaw mo pa? sabi ko na nga ba may gusto ka sakin pero sorry busted ka na agad pangit" sabi ko sakanya, nag dikit agad ang kanyang dalawang kilay "asa ka naman , umuwi ka na mag kikita pa kami ni Alex " agad naman na nag kunot ang noo ko sa sinabi niya, mag kikita pa sila ng magaling kong pinsan. "hindi pa pala tayo uuwi, kung makikita kayo ng pinsan ko sasama ako" sabi ko at nilock ang sasakyan ko wala naman siyang sinabi at tumalikod bago nag lakad palayo. pumunta kami ng foodcourt at umupo para hintayin ang pinsan ko, habang siya naman ay may kinakalikot sa Cellphone niya. "kawawa ka naman ang panget ng cellphone mana sa amo" sabi ko, di niya naman ako pinansin kaya hinila ko siya papunta sa mga Cellphone bibilhan ko nalang tao, nakakaawa. kung tutuusin yang cellphone niya ngayon ay wala nang nilalabas dahil nga wala nang tumatangkilik nito. "anong gusto mo? mamili ka lang" sabi ko sakanya, umiling iling naman siya "may cellphone ako Andrew, hindi ko na kailangan ng isa pa " sabi niya sabay taas cellphone niyang di na umiilaw kinuha ko naman ito bago kinalas, kinuha ang sim at hinagis sa lapag at inapak apakan ang ibang namimili ng cellphone at ang ibang nag lalakad ay napatingin sa ginawa samantala tong panget na to ay walang ekspresyon ang mukha "wala ka ng phone kaya naman, pumili ka na" inirapan niya naman ako at tinuro ang cellphone na di-kypad yung katulad ng phone niya pero iba ang Tatak nun "Give me Kata i3s " sabi ko dun sa saleslady ,nataranta naman itong kumuha ng cellphone . ilang saglit lang ay inilagay niya na sa harap ko , binayaran ko naman agad iyon at ibinigay kay panget na ngayon ay nakatingin lang "thanks babayaran nalang kita pag sahod ko na " sabi niya at kinuha ang phone at may kinalikot ulit dun, habbang papunta muli sa Foodcourt ay nakita ko si Alex nakangiting kumakaway sa amin , pumunta naman kami agad dun " pinsan akala ko ba uuwi ka na?" sabi ni Alex "nag bago bigla ang isip ko , kaya sasama na ako tutal wala rin namang ginagawa sa bahay" palusot ko rito "ganun ba? halika kayo punta muna tayo sa National bookstore" naunang nag lakad si panget saming dalawa. ilang minuto lang kami sa national at lumabas na rin agad may binili lang si Alex na libro. "kumain na tayo nagugutom na ako" reklamo ko, habbang papunta kami sa Jollibee ay nag uusap lang silang dalawa ng kung ano ano, samantala ako ay naunang nag lalakad sa kanilang dalawa "hanap ka na ng upuan Pangit, ako na ang oorder sayo" sabi ko sakanya. "hindi ako na ang Oorder sakanya, tutal ako ang nanliligaw hindi ikaw " sabi ni Alex, sarap sapakin nitong pinsan ko na to , lahat nalang ng gusto ko gusto niya ring makuha kaya simula nung bata pa kami di na talaga kami mag kasundo dalawa dahil bukod sa lagi kaming kinkumpara napaka gaya gaya pa . siya na ang umorder ng pagkain ni panget. psh ALEX Point of view nandito pa rin ako sa kwarto ko, nakahiga pa at naka tingin sa dingding. napatayo ako ng may marinig ako ng makita ng kotse sa harap ng bahay, agad akong bumangon at tinignan kong sila Andrew yun at tama nga ako , sila Andrew yun kasama si Nicole psh. dapat pala tinext o tinawagan ko nalang siya kanina edi sana kami ang mag kasama . bumangon ako ng hinihigaan ko at nag bihis, pupunta nalang ako ng mall baka malibang pa ako sa Quantum naligo na ako at nag bihis bago lumabas ng bahay ay nag paalam muna ako kay yaya baka mag alala yun pag umuwi ako ng gabihin ako ng uwi. nag drive na ako ng kotse ng bilang "Crrrrrssssshhhh" agad ako napa preno at tinignan ang tumawid na babae, nandun siya sa harap nakatayo at nakapikit ang kanyang mga mata na , gusto kong tumawa sa mukha niya ngayon pero baka nabangga ko siya. agad akong lumapit sa kanya at hinaeakan ang balikat "ok ka lang ba miss?" tanong ko, binuksan niya ang mata niya at nakita ko ang Color babyblue niyang mata. "MAG TATANONG KA KUNG OK LANG AKO PANO KUNG NASAGASAAN MO AKO EDI MAWAWALAN NANAMAN NG MAGANDANG NILALANG NA KATULAD KO SA MUNDONG IBABAW " sigaw niya , buti nalang at walang tao sa side ng subdivision na ito. "pwede ba miss hinahinaa mo ang boses mo at baka may makarinig sa atin sabihin pa kung anong ginagawa sayo" sabi ko sakanya, mas lalo namang naningkit ang dalawa niyang mata "MAY GINAWA KA NAMAN TALAGA DIBA?! MUNTIK MO NA AKONG SAGASAAN PALIBHASA DI MARUNONG MAG DRIVE! DYAN KA NA NGA " sigaw niya ulit at binanga ako bago umalis, tumingin naman ako sa nakatalikod niyang katawan. ibang klase, siya palang ang nanigaw sakin na babae , napailing nalang ako bago sumakay ng sasakyan ko. mabilis akong nakarating sa Mall buti nalang at walang gaanong traffic. "nasan ka?" text ko kay nicole , mabilis naman itong nag reply nasa mall din pala sila at namimili .. Fast forward na tayo.. Nicole Point of View "Beaaa!!" sigaw ko ng makita ko siya sa gilid ng classroom nag babasa nanaman ng libro, ano pa nga bang maiiba? "o bakit?" tanong niya ng di tinatangal ang mata sa libro, tinignan ko naman ang libro niya.. Vampire Diaries season 2. "ang ganda naman ng libro mo, pwede pahiram ako kung tapos ka na? season 1 lang kasi ang meron ako" paliwanag ko , tumango tango naman siya. buti di ako napagkakamalan baliw pag kasama ko tong babaeng to? pag kinakausap ko puro lang tango at iling , minsan lang nag sasalita, "hoy tulala ka!" sita sakin ni Alex, napatingin naman ako sakanya pero tumingin ulit sa harap at natulala ulit. "anong nangyari dito?" rinig kong tanong ni Alex kay Bea, "ewan" sagot naman nito, nakatunganga lang ako hanggang dumating na ang teacher namin. " ok class , theres a new student. miss Jimenez pls come in" sabi ni maam at tumingin sa pinto , nakita ko ang isang magandang babae, matangkad , maputi . tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya, mukha siyang pamilyar sa akin e, nakita ko na to pero di ko alam kung saan haist! bahala na nga. "hi everyone. my name is Kimberly Jimenez , 17 years old" pakilala niya, nag sigawan naman ang mga lalaki, at ang mga babae naman ay tahimik lang sa kinauupuan nila. "ms. Jimenez pls take your seat beside Mr. Sanchez " napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Alex , wala nga palang naka upo dun. "psh" sabi nitong katabi ko habbang nakatitig sa bago naming classmate. "tadhana nga naman talaga, katabi ko pa ang isang panget na katulad mo" sabi ni Kimberly kay Alex "hi! ako nga pala si Kimberly and you are? " inabot niya ang kamay niya sakin ,kinuha ko naman ito at nakipag shake hands "Nicole Tan" sabi ko bago ngumiti , "mag alcohol ka baka mamaya mahawaan ka ng ka-artehan ng babaeng yan" singit ni Alex, teka bakit ba sobrang init ng ulo nito ni Alex kay kimberly? kanina pa to nambabara ah! nanahimik na kami at nakinig sa klase ni Maam "Krrriiiiiinnnngggggg" nag sitayuan na kaming lahat ng marinig namin ang bell na yun, lumapit ako kay Bea at sinukbit ang kamay ko. "sabay tayong mag breaktime" aya ko dito , tumango naman siya. "samahan mo muna ako sa locker iiwan ko muna tong mga libro ko" bea, sabay pakita ng mga libro niya na bitbit "sige ba!" sabi ko ng nakangiti, umalis na kami ng room at sabay na pumunta sa Locker room , "look ang nerd at ang panget nag sama AHAHAHA " sabi nung babaeng impakta , hinayaan nalang namin siya ni Bea at nag lakad papunta sa locker niya "OMG!" sabi ko nang may mag buhos nang malamig na tubig na kulay red. "Hahaha bagay yan sayo panget ang pag landi mo kay Alex at Andrew " sabay talikod niya sa akin , tatayo na sana ako para makaganti "What the! ---- BITCH" sigaw nung impakta na ngayon ay basang basa na at may spaghetti sa ulo niya, si Bea naman ay inaalalayan akong tumayo. "ayos ka lang ba?" tanong niya. "Oo, binuhusan lang naman ako ang kaso wala akong pampalit" sabi ko sabay tingin sa impakta na nag buhos ng kung ano man sakin "Bakit sa tingin mo mukha akong aso? wag mo nga akong gawing salamin" mataray na sabi ni Kimberly sa impokrita. "at sumasagot ka ha! ang pag kakaalam ko ay transferee ka lang na ito kung makapag siga ka, hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo" duro niya dito, nag takip naman ng bibig si Kimberly " oh? bat sino ka ba" sabi ni Kimberly , taray pala nitong babaeng to di natatakot na pag tripan sa school na to. tsk tsk "Ako lang naman si Sofia Alvarez , ang anak ng isa sa may mga shares dito sa school na tinatayuan mo ngayon bitch" taas kilay niyang pag yayabang , yun lang naman pala psh. kayang kaya ng pamilya ko na bilhin tong school na to " kailangan ko na bang matakot?" pa- inosenteng sabi ni kimberly. "OO! dahil kayang kaya kitang tanggalin sa school ko!" sabi nung Sofia , naalala ko tuloy yung Sofia the first na kabaliktaran ng ugali niya. "Ok sabi mo e, paki tandaan nalang ang apilyedong Jimenez " sabay kindat niya dito at lumapit sakin. "Ok ka lang ba?" tanong niya sakin. "ok lang ako kaso wala akong pampalit" maigsi kong sabi sakanya. "btw my name is Kimberly Jimenez" nag shake hands sila ni Bea . "halika kayo , may extra pa akong damit " sabi niya sabay hila sakin Nicole Point of view "buti nalang at mag kasing katawan lang tayo at kasya sayo yang damit ko" inayos ko muna ang Jogging pants ko at tiniklop iyon na hanggang tuhod. "Oo nga e, salamat pala kimberly ha? kung wala ka baka umuwi na ako samin " tumango tango naman ito bago ngumiti , si Bea ay hawak hawak lang ang libro niya at pinupunasan ang salamin niya , "wala yun ano ka ba, pero bilang kabayaran sabayan niyo ako kumain. wala pa akong kilala sa school na to kundi kayong dalawa lang" sabay hila niya kay Bea. "sige" sabi ni Bea sabay ayos ng salamin niya at inayos ang pag kakahawak ng libro niya. "Letss goo" pumunta na kami sa Canteen at di maiiwasan ang mga tingin ng studyante na naririto , hindi na namin ito pinansin at pumila na. "oww look whos here, the Nerd , the Ugly and the bitch!" sabi nung Sofia na ngayon ay nasa harap na namin , lahat naman ng nakapila kanina ay nawala na sa harap at ang paligid ay nag umpisa ng mag bulungan "ayan nanaman si sofia" "dapat lang yan sa tatlong yan" "psh" iilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko pumunta naman sa harap namin si Kimberly at nakataas na naman ang kilay. " ano nanamang kailangan mo? at ilang beses ko bang sasabihin na wag mo akong gawing salamin. " matapang na sabi ni kimberly na ikinasalubong ng kilay ni Sofia. "bat naman kita gagawing salamin kung marami naman sa bahay namin na ganun at pangalawa bat kita gagawing salamin kung malayo naman ang mukha mo sa mukha ko" nakangisi na ngayon si Sofia pag katapos niyang sabihin kay kimberly yun. kaming dalawa ni Bea? eto nandirito pa rin sa pwesto namin at nakatingin lang sakanilang dalawa " hahaha " mapang insultong tawa ni kimberly "talagang malayo ang mukaha natin dahik ako tao , ikaw coloring book" sabay irap nito , narinig ko naman ang pag tawa ng mga tao dito sa Canteen. kung sabay tama siya hahaha "Ang lakas talaga nang loob mong sagot sagutin ako ha!" susugod na sana si Sofia nang biglang may dalawang lalaking humarang sakanya. "sige, ituloy mo at di ka na makaka apak sa paaralang ito" mapag bantang sabi ni Andrew, ngayon ko lang ulit siya nakita tsk! "psh whatever" sabay walk out nung Sofia, "ayos lang ba kayo?" sabay nilang tanong, " Sinaktan ka ba niya Bea?! sabihin mo at reresbakan ko yung clown na yun!" pag wawala ni Mark na kakarating palang sa Canteen , napatingin sa kanya ang lahat pawis na pawis ito at naka jersey pa dun ko lang napansin na naka jersey pala silang tatlo. "Ok lang ako, wag ka ngang nega" maigsing sabi ni Bea at pumili na ulit ito para makabili na ng pag kain, "ano bang ginawa niyo at kayo ang napag isipang bullyin ni Sofia?" bat ba napaka seryoso niya ngayon? kanina ko pa to napapansin at bat naka jersey silang tatlo. malang may basketball sila katangahan lang nicole? ay naku nakaka bobo "ewan, basta kanina bigla nalang siyang sumulpot at binuhusan ako ng Kulay red na tubig" pag susumbong ko sakanya , wala namang reaksyon ang mukha niya ganon pa rin "Ang panget mo kasi" sabay talikod niya at umalis "uy nicole, sigurado ka bang yun lang ang ginawa niya sayo? gusto mo resbakan natin?" tinaas niya ang dalawa niyang kamay at pinakita ang mga muscles niya "hindi na, umalis na nga kayo" pantataboy ko sakanya "basta pag inaway pa kayo nun sabihin mo lang sakin ako na ang bahala " tumalikod na siya, pupunta na ata sa GYM para ipag patuloy ang naudlot nilang practice. "wag ka ngang OA dyan mark, nakakainis ka na" reklamo ni Bea kay Mark , hindi pa rin pala naalis si Mark ang OA pa -, "ikaw mark, umalis ka na rin. ikaw nalang ang nandito oh" napatingin siya sa paligid at tinignan kung nandun pa sila alex at Andrew "ow shit!" sabi niya sabay takbo. "don nalang tayo sa rooftop kumain , di kami sanay dito " kinuha naman namin ang mga pagkain at umakyat ng rooftop totoo di kami sanay ni Bea na kumain sa Canteen dahil bukod sa Maingay , pinagbubulungan din kami na para bang may ginawa kami na di katanggap tanggap ng lahat. "kim, bat ka lumipat ng school?" tanong ni Bea , habbang binubuksan ang pagkain na binili namin sa Cafeteria. "dito na kasi kami mag stastay sa pilipinas, alam niyo na palipat lipat kami dahil sa Business nila mommy at daddy" ang hirap pala ng kalagayan niya, wala siyang permanenteng tirahan. well alam ko naman na dahil sa business ang mga ganyan yung ibang pamilya na ayaw magkahiwahiwalay ang pamilya nila . ang mas mahirap dun ay wala kang permanenteng mga kaibigan buti nalang si Daddy ay hindi ganun. dahil kahit mag out of town sila may time pa rin sila sakin. namiss ko nanaman tuloy sila "uy nics natulala ka dyan" sabay hampas sakin ni Bea, si Kim naman ay nakatingin lang sa akin "h-ha? wala wala na alala ko lang ang parents ko" sabi ko at sumubo na ng pag kain , tumango tango naman silang dalawa at inumpisahan na rin ang pag kain nila. "kim, ang tapang mo hindi ka natatakot dun sa sofia na pwede kang matanggal sa school na ito" sabi ni Bea, Oo nga no? hindi siya natatakot na mapatalsik sa school na ito. Balita ko pa naman mahal ang tuition dito sa school na to at mahirap makapasok maliban nalang nang kung anak ka ng isa kang galing sa magandang pamilya at mayaman. "ah yun ba? wala di lang ako natatakot" sabi niya sabay kamot ng batok niya , parang may iba dito kay kim, alam ko nakita ko na to dati pero di ko lang matandaan e. "bilisan na natin, baka malate tayo next class " sabi ni Bea at inayos na ang pinag kainan namin. "sige, pahinga muna tayo kahit 5min lang, may 10min pa naman tayo e" sabi ni Kim sabay himas ng tyan niya, ang konti lang ng kinain niya pero parang busog na busog na siya from: Hambog kong Amo pumunta kayo sa Gym, pag uwian na ano nanaman kaya ang kailangan ng hambog kong amo ngayon? kita niyang busy busying na kami dahil malapit na ang First Periodical namin ,yeah mabilis lumipas ang oras at malapit na ang test namin , at sa ilang araw na yun ay maraming nangyari sa buhay namin naging close na kami ni Bea ,Kimberly , Mark and Alex yung amo ko naman ayun Amo ko pa rin , pero seryoso sumasama siya sa aming Lima pero tahimik lang siya lagi , pag mag sasalita ay babarahin lang ako o kung sino man sa aming lima , minsan naman ay pag tinotopak o walang tao sa mansyon ay nag oovernight kami o slumber party katulad ngayong nag aayaya nanaman siya sa gym, "sino nag text Nicole?" tanong ni Bea , hindi ko ba nasabi na naging madaldal tong babaeng to? sabi niya nung nakaraan kaya lang naman daw siya tahimik dahil baka nilalapitan lang namin siya dahil nga gusto naming maging mas mataas ang grade namin pero nilinaw agad namin sa kanya na hindi kami ganoon "Oo nga sino nag text sayo, baka mamaya may lovelife ka na di mo pa rin sinasabi" sabi ni Kimberly , wala namang nag bago kay kimberly . madaldal pero matapang pa rin siya lagi ang nag tatanggol samin ni Bea laban kay Sofia na walang ginawa na Bullyin kami. "wala, pinapapunta lang tayo nung hambog na yun na pumunta sa gym ---- teka bat wala pa sila alex at mark?" tanong ko sa kanila , tumingin naman sila sa paligid at wala pa nga ang dalawa . "Ewan ko dun" sabay nilang sabi nila. sa pag sasama naming anim ay isa lang ang masasabi ko, iba ibang ugali ang nakasalamuha ko. si Kimberly Jimenez na walang ginawa kundi ang dumaldal ng dumaldal , matapang at kikay . sobrang kikay nitong babaeng to , kung kami ay hindi na mimili (nag titipid ako) at si bea naman talaga na walang hilig siya naman gusto nang bilhin ang lahat ng damit na mahawakan niya Si Bea Rodrigo naman ay ayun medyo naging madaldal na pero di pa rin mababago ang pagiging book lover niya, lagi siyang may dalang libro kahit saan pumunta . si Mark Marquez naman ay sobrang OA mas lalo na kung kay Bea, ewan ko nga tong sa dalawang yun close sila pero ang hilig nilang mag bangayan dalawa. Si Alex Sanchez? ayun gwapo pa rin at caring . lagi niya akong inaasikaso ang kaso lagi silang nag babarahan ni Kimberly na minsan nakaka irita na , nalaman ko rin na kaya pala mainit ang ulo ni Kimberly sakanya ay muntik na palang mabanga ng sasakyan ni Alex nung time na namili kami dahil wala sila yaya dun. Yung amo ko? katulad ng sabi ko kanina Amo ko pa rin hehe joke, ayun nakikisama naman samin kaso moody lagi niya akong trip pag kami lang dalawa . "hoy tulala ka nanaman kanina ka pa namin kinakausap!" nabalik ako sa mundong lupa ng bigla akong hampasin ni Kimberly na kanina pa yata nag dadaldal "ha? ano bang sinasabi mo?" sabay kamot ko ng batok ko, "haay ang sabi pagkatapos ng Exam ay dun tayo sa bahay Swimming Party" sabi niya , wow! may swimming pool bahay nila, meron namang swimming pool ang bahay nila Andrew , kaso medyo maliit lang di katulad sa bahay namin namin na malawak. "wow may swimming pool din bahay niyo?" tumango tango naman siya. Oo nga pala , alam na nila na Personal Maid ako ni Andrew , nung malaman yun ni Kimberly at Bea ay gustong gusto na nila akong kunin dahil sasabihin daw nila sa Mommy nila na gawin akong scholar kapalit dun nalang ako titira sa bahay nila pero tumanggi ako dahil alam ko kung anong mangyayari sakin. "oo naman no!" sabi niya sabay hampas sa akin , hindi pa kasi kami nakakapunta sa bahay nila Kimberly , ewan ko ba dyan hindi niya kami pinapapunta sa bahay nila kasi daw bawal tsaka ngayon ay mag aaya siya " sige ba! sabihin nalang natin sa kanila " tumango tango siya , at may sinusulat sa notebook niya " bakit ngayon lang kayo?" napatingin agad ako kay Bea nang bigla itong mag salita sa gilid ko , lumipat lang siya pwesto dahil ang katabi talaga namin ni Kimberly ay si Alex. " ahh yun ba, galing kaming gym may practice kasi kami alam niyo naman na malapit na ang Intrams at isa kami sa mga basketball player" tumango tango kami , "Birthday na pala ni Andrew next week anong balak?" biglang singit ni Andrew, oo nga pala malapit na pala ang birthday nung hambog na yun "sa bahay nalang i-celebrate ang birthday niya dahil nextweek na rin ang exam natin dun tayo sa bahay Pool party , mag papaluto nalang ako kay manang . sino bibili ng cake?" tanong ni Kimberly "ako nalang ang mag babake ng cake" prisinta ko , nag tanguan naman ang lahat . pinag usapan lang namin ang mga gagawin sa birthday ng Amo ko. nag sibalikan naman na kami ng pumasok na ang teacher namin at nag umpisa na mag Review. *** "bakit mo kami pinapapunta dito?" tanong ni Kimberly , kami lang babae ang pumunta dahil ang dalawang lalaki ay nandirito na "sumabay kayo pauwi, hintayin niyo lang kami gusto daw kayo makilala ni Mommy" sabi niya at tumalikod na sa amin, oo nga pala. babalik na ang parents niya galing sa Canada , ilang buwan din silang nawala nung huli kong makita ang daddy ni Andrew ay nung nag aapply palang ako ng trabaho "hala? baka mamaya masungit ang mommy niya" negative na isip ni Kimberly , samantala si Bea ay nandun sa gilid niya nag babasa ng libro na makapal , ako naman ay nag lalaro ng cellphone , yung kata i3s na binigay sakin ni Andrew , pinadownloadan ko yun ng maraming laro kahit pala wala yung memory card marami ka nang mada- download . " nakikinig ba kayo?" tanong ni kimberly , iangat ko naman ang mukha ko at nag katinginan kami ni Bea at sabay na sinabing "Hindi" sabay balik namin sa kanya kanya naming ginagawa at si Kimberly naman ay nag cellphone nalang nag facebook ata? "baka mamaya masungit ang mga magulang mo Andrew" kinakabahang sabi ni Kimberly , binabagtas na namin ang daan papuntang bahay ngayon at nasa iisang sasakyan nalang kami ngayon di nag pasundo sila Bea at Kim para daw di hassle. "ang oa mo naman Kim para namang girlfriend ka ni Andrew at ipapakilala sa mga magulang kung makapag react e'no" nag uumpisa nanaman sila -, "paki alam mo ba!? pano kung masungit pala tsaka tatarayan kaming tatlong babae di ka rin nag iisip !" sigaw ni kim , nandito ako ngayon sa passenger seat ang nag dra-drive ay ang Amo ko, kahit ako ay kinakabahan din OA na kung OA pero baka mamaya kasing ugali lang ng mommy niya si Andrew? yung papa niya naman ay na meet ko na kaya di ako masyadong kinakabahan tsk. "ano ba mark!" napatigil ang lahat ng biglang sumigaw si Bea , first time niyang sumigaw na kasama kami. lagi yang kalmado pero ngayon "sorry na kasi!" pangungulit ni Mark sakanya , inirapan lang siya ni Bea at pinag patuloy ang pag babasa ng libro. ilang sandali lang ay nandirito na rin kami sa bahay "nandito na tayo, labas na" sabi ni Andrew sa apat , nag madali naman silang nag labas "Ano ba kami nga mauuna e!" reklamo ni Kim nag uunahan pa sila. at sa kinahaba haba ng bangayan nilang apat ay naka baba na rin sa wakas! "ano ba ang kailangan nila tito?" tanong ni Alex , "malay ko" sabay talikod ni Andrew kaya sumunod nalang ako , pag kapasok na pagkapasok namin sa bahay ay aligaga ang mga katulong sa pag lilinis ng buong mansyon mas lalo tuloy akong kinabahan "dito muna tayo sa sala mamaya maya pa sila darating hintayin nalang natin" sabi ni Andrew at pumunta nga sa sala , kami naman ay sunod lang ng sunod sakanya " yaya, pahanda naman po ng snacks tong mga kasama ko" sabi niya kay manang na kararating lang. " sila ba ang mga kaibigan mo iho?" tanong ni Manang , tumango tango naman si Andrew bilang pag sang ayon "ganun ba. sige lag hahanda ko kayo" sabi ni Manang bago umalis at pumuntang kusina. kinuha ko ang remote at binuksan ang TV at ang unang Pinalabas dun ay ang mukha ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko baka malaman nila. nilipat ko agad ng chanell papunta sa Fifty shades of Grey , the hell! "bat mo nilipat , ibalik mo dun!" reklamo ni Andrew, binalik ko naman agad sa Chanel na yun at buti nalang patapos na , prinopromote lang pala ang magazine na ako ang front cover " ang ganda talaga niya no?" biglang sabi ni kim , "bakit inggit ka nanaman? wag ka nang umasang magiging kasing ganda ka nun" sabi ni alex. ang bilis na ng tibok ng puso ko, baka mamaya makahalata sila. hindi ako ganun pero kakaunti lang ang pinatong ko sa mukha ko para mag iba ang ang pustura ko, "wait lang guys ha" sabi ko at pumunta na sa Kwarto ko at kinuha ang cellphone ko bilang andrea Nicole "hi" text ko kay andrew, hindi naman na siya nag reply kaya bumaba nalang ako baka mamaya ay biglang ma isip yun ng kung ano. "anong ginawa mo?" tanong ni Bea na ngayon ay titig na titig na sakin "a-ah nag CR lang" palusot ko, saka umupo ulit sa Sofa. "Sir, naka ready na po ang pag kain" sabi nung maid na kasing Edaran lang namin "Ok" maigsing sabi ni Andrew. "Sila na ba ang mga kaibigan mo anak?" napatingin kaming lahat sa nag salita , OMG ang mommy at Daddy ni Andrew nakatayo ngayon sa likod namin "yes mom, btw. Si Bea,Kimberly, Mark at ang Personal Maid ko si Nicole" sabi niya nag sitayuan naman kaming lahat "Goodevening po" sabay naming sabi , "O kaibigan mo na rin pala si Alex buti at mag kasundo na kayong dalawa " nakangiting sabi ni Tita "hindi po namin yan kaibigan nakisampid lang" pabulong pero rinig na rinig ng lahat , nag tawanan naman kaming lahat sa sinabi niya at si Alex ngayon ay nakabusangot "wag kang maniwala dyan tita, may gusto lang yan sakin kaya nag papansin ng ganyan" preskong sabi ni Alex. "hahaha ganun ba? bagay naman kayo" sa maigsing sinabi ni tita ay biglang namula ang dalawa , ewan ko ba imbis na mag selos ako kasi Crush ko tong si Alex iba ang nararamdaman ko. "btw. Ako si Ally Sanchez mommy ni Andrew at ito naman si Stephen ang asawa ko" pakilala ni tita. "hintayin niyo kami ha, mag bibihis lang. mag bihis na rin kayo may mga damit ba kayo dito?" tumango tango naman sila , sa lagi nilang pag tambay dito wala pa rin silang damit? imposible e si kimberly nga halos dito na tumira dahil sa daming damit niyang nakatambak kwarto ko. "ako mauuna sa Cr" sabi ni kimberly at nag mamadaling pumasok ng CR "aminin mo nga Nicole , ikaw si Andrea Nicole Alonzo" napatigil ako sa pag hahanap ng damit ng sabihin niya iyon, tumingin ako sa sakanya na pinipilit ngumit "ano ka ba naman Bea haha sa panget kong to magiging ako si Andrea Nicole? impossible yang sinasabi mo" pinilit kong tumawa para hindi nya mahalata na kinakabahan na ako. Gosh! sana maniwala siya , tinitigan niya ako ng mabuti bago iniwas ang tingin "siguro nga" sabi niya at nag halungkat na ng mga damit niya, buti naman at naniwala agad siya , kinakabahan ako dahil base sa Ugali ni Bea aalamin niya ang mga gusto niyang alamin. "Done! " sigaw ni Kim pagkalabas niya ng CR , tumayo naman agad ako at pasimpleng kinuha ang mga pang disguish ko , katulad nalamang ng Retainer, salamin at kung ano ano pa. Bea's Point of View hindi ako naniniwala na hindi siya si Andrea Nicole , dahil sa mga kilos niya nahahalata ko. ako lang yata ang nakaka halata sa nangyayari , na may nag papanggap pero hindi lang naman siya ang nag papanggap dito dalawa sila. at ngayon, si Nicole muna ang uunahin kong Imbistigahan dahil alam ko , kahit itanggi niya tama ang hinala ko . kailangan kong malaman ang rason niya kung bat niya to ginagawa. ANDREA POINT OF VIEW " iha, alam mo bang ikaw lang ang nag tagal na personal maid nitong anak ko na si Andrew" umpisa ni tita, nasa harap na kami ng hapag ngayon at sabay sabay kumain. magkatabi lang kami ni Andrew at ang apat naman ay mag kakatabi sa harap namin "hindi po tita, pero nasabi po sakin nang pinsan niyang si Tina na sobrang loko loko daw po nito" magalang kong saad, oo nga pala si Tina. nasan na kaya ang babaeng yun? balita ko pinatapon siya ng parents niya sa ibang bansa para dun mag aral. "Tina? si Cristina?" tumango naman ako bilang pag sang ayon. "tama siya, ikaw nga lang ang tumagal sa anak ko at buti nalang rin ay may kaibigan na siya" nakangiti si tita at halatang masayang masaya dahil may kaibigan na ang anak niya , bakit wala bang kaibigan tong si Andrew? kung sabagay di na ako mag tataka sa ugali palang nito sino ang gugustuhin maging kaibigan siya. "bakit po wala ba siyang kaibigan?" nag salita na si Kim at alam kong hahaba na ang usapang ito , si Bea naman ay napa iling nalang. " Oo. simula nung pumunta kami sa isang theme park. may nakilala siyang batang babae , ano ngang pangalan non Andrew?" lahat kami ay napatingin sa kanya at hinahanda ang sarili para sa sagot niya. matagal siyang sumagot at napatingin ito sa akin "si Anderea Nicole" kinabahan ako ng banggitin niya ang pangalan ko na titig na titig sa akin na para bang may alam na siya. "oo si Andrea Nicole nga , simula nang makilala niya yun ay pinahap niya sa amin pero nalaman namin na lumipat na sila sa ibang bansa " huminto ng pag sasalita si tita bago uminom ng tubig na nasa harap niya "at naging ganyan na nga ang ugali niya , buti na lamang ngayon ay may mga kaibigan na siyang kasama. kanina nga naisip ko na baka naman nakalimutan niya na si Andrea Nicole" uling huminto si tita sa pag sasalita at tumingin kay Andrew na para bang tinatanong kong tama ang sinabi niya "nag kakamali ka ma, dahil kahit kailan di ko makakalimutan si Andrea Nicole. sadyang siya lang ang nag turo sa akin ngayon kung paano makisama" kinilabutan ako sa sinabi niya , wala akong ginagawa na ganun bilang Andrea Nicole pero bilang Nicole Tan ay pinipilit ko siya na makisama sa aming lima. may alam nakaya siya? tumingin ako sakanya at nahuli ko rin siyang nakatingin sa akin, na titigan kami nang ilang sigundo at ako na ang unang nag iwas ng tingin "talaga nakita mo na siya?" - tita "Opo mom , nakita ko na siya at masaya ako dahil kahit ganito ang ugali ko ay napag tiisan niya" nakangiti na siya ngayon ang apat naman ay nakikinig lang sa amin si tito naman ay halatang masaya para sa anak. natapos na kaming kumain at wala nang nag tangka pang mag salita sa amin , nandito na kami ngayon sa sala nag aayos na sila dahil uuwi na , thursday palang ngayon kaya bawal silang mag overnight dito "tita , tito uwi na po ako, nandyan na po ang sundo ko" paalam ni Bea sa parents ni Andrew. "Ingat ka iha" sabi ng papa ni Andrew "sige po tito" humalik na ito sa pisngi namin kasama si Tita, ganyan talaga kami kahit pag nag kita kami ay nag bebeso beso nung una di sanay si Bea pero ngayon nakikita kong nadala na rin niya. "ako walang kiss?" biglang singit ni Mark , sinamaan lang siya ng tingin ni Bea bago inirapan . nag tawanan nalang kami ng mag pout si Mark "Ikaw! bat di ka pa umalis nasa harap lang ang bahay niyo layas ka na nga!" pag tataboy ni Kim kay alex , inakbayan naman ni Alex si Kim "Hindi na muna hihintayin na muna kitang maka alis baka mamaya ma-miss mo ako agad" sabay kindat niya rito na ikina lukot nanaman ng mukha ni Kim. "asa ka naman! che Feeler" sabay alis sa pag kakatangal nandyan na pala ang sundo niya, "sige po tita, tito alis na ako" bumeso rin ito at inirapan si Alex na nag pipigil ng tawa . sumakay na siya ng sundo niya at ang huling dumating ay ang sundo ni Mark , mga rich kid tong mga to . samantala ako walang mag susundo kung mag papasundo ako nag paalam na rin ito kala tita bago sumakay ngayon ang nandirito nalang ay si Alex, Andrew, Tita at tito. "una na kami sa loob, sumunod nalang kayong dalawa" sabi ni tita bago mag kaholding hands na pumasok sa loob "o ikaw ano pang ginagawa mo rito? uwi" sabi ni Andrew at yung kamay ay nakaduro pa kay Alex. "Oo na , oo na" sabi niya bago tumalikod at lumabas ng gate , sinundan lang namin siya ng tingin hangang makarating sa bahay nila. "At ikaw" humarap ako sa kanya at ngayoy nag tagpo na ang aming mga mata "bat ka nag sinungaling?" nanigas ako sa kinakatayuan ko , nakatitig pa rin siya sakin ngayon at ang mga titig na yun ay halatang galit at masaya? "ha? anong s-sinasabi mo" kinakabahan kong tanong sakanya "wag ka nang mag palusot pls lang" sabay pikit niya "Aminin mo na ang lahat Nicole , dahil alam ko na ang lahat lahat. nakita ko kanina sa Office ni Dad na pina imbistigahan ka niya kung saan ka galing na pamilya " ngayon nag umpisa nang mag situluan ang mga luha ko sa mata , dahil posibleng palayasin na ako rito at posibleng pag malamang ng mga kaibigan to namin ay maari silang magalit " Andrew, galit ka?" hindi siya sumagot , nakatitig lang siya sa akin "Andrew, alam kong galit ka sakin pero ngayon nag mamakaawa ako wag mo akong paalisin dahil Once na mawala tong trabaho ko wala na akong mapupuntahan , ayoko ko umuwi sa amin dahil pag umuwi ako talo ako. talo ako sa Deal namin ni Dad Andrew at ipapakasal niya ako" ng sabihin ko yun ay luluhod na sana ako sa harap niya pero pinigilan niya ako. "hindi kita papaalisin pero may isang kundisyon" napaka seryoso ng mukha niya ng sabihin niya iyon "Ano?" tanong ko rito "Be mine" nakatayo lang ako, hindi ko alam ang gagawin ko pero isa lang ang nasa isip ko ngayon ayaw ko mag pakasal tumango ako ng wala sa sarili , nasilayan ko nanaman ang maganda niyang ngiti "i love you Andrea nicole, simula pa bata. ngayong malapit ka na sakin gagawin ko ang lahat maging akin ka lang" at niyakap niya ako ng mahigpit Andrew Point of View ang saya, ang saya saya ko dahil ang babaeng simula pag kabata na minahal ko ay nandito lang pala sa bahay at nakasama ko nang matagal na panahon , nung unay gusto ko magalit dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin pero nung gabing umiyak siya , nag makaawang wag kong paalisin sa mansyon at nang malaman kong ipapakasal siya kung bakit niya ginawa iyon. nawala ang galit ko para sakanya ganon pala talaga ang pag mamahal kahit gaano ka kagalit sakanya makita mo lang siyang umiyak ay manlalambot ka na . nung gabing yun ay ang pinaka masayang araw sa buhay ko , wala naman talaga akong balak na paalisin siya sa bahay. una mahal ko siya bakit ko siya papaalisin sakin pa nga pabor yun at pangalawa hinding hindi ko siya papaalisin mas lalo na nang malaman kong wala na siyang mapupuntahan at posibleng ipakasal ito sa iba. nandito ako ngayon sa loob ng kwarto niya , may pasok pa kami at ito ang last periodical namin this second Quarter pero tulog na tulog pa rin siya. "Andrea gising na" ginalaw ko ang balikat niya pero parang wala pa rin sa kanya. tsk tulog mantika "Mahal ko, gising na. malalate ka na sa Klase" agad siyang namulat at ang singkit niyang mata ay biglang nanlaki "WHAt?! " sigaw niya "late ka na kaya bangon na at mag ayos ng sarili" sabi ko bago niyakap siya , ewan ko ba simula nung malaman ko na siya pala si Andrea ay gustong gusto ko na siya yakapin , nung nag papanggap na nicole siya inis na inis ako dahil lagi niya akong binubungangaan pero ngayon madalas nalang . "Goodmorning" bati niya , "goodmorning din, sige na bilis mag ayos ka na. doon muna ako sa baba , aayusin ang pag kain natin" nag hiwalay na kami na kami sa pag kakayakap at lumabas na ng pinto . "iho, ang ganda nang ngiti natin ah?" -manang "lagi naman pong maganda ang ngiti ko, ayos na po ba ang pag kain?" "inaayos ko palang anak, inlove na inlove ka kay Nicole ah? samantala dati halos palayasin mo na siya rito sa bahay" "Hahaha ano ka ba naman syempre, people change" sabi ko bago umupo sa Hapag, nakita ko namang papababa na si Andrea papunta rito "goodmorning wife" bati ko sakanya , namula naman ang dalawa niyang pisngi "wife ka dyan! goodmorning rin" sabi niya bago umupo sa harap ko at kumuha ng pag kain "bakit hindi ba? nakatira tayo sa iisang bubong " nangisi kong saad , siya naman ay patuloy lang sa pag kuha ng pag kain "psh bahala ka sa buhay mo" sabi niya bago kinain ang mga kinuha niya, "sabihin na kaya natin kala Bea?" tanong ko rito. napahinto naman siya sa pag kain bago umiling , " wag ngayon baka bukas" sabi niya. natapos na kaming kumain at pumunta na ng school , naka panget na mukha parin siya dahil daw baka pag kaguluhan siya ok na rin yun para walang lalaking umaligid sa kanya "Sure ba kayo na wala kayong relasyon?" salubong ni Kim sa amin , hinatid ko siya sa classroom nila at ramdam ko ang titig nang ilang kababaihan "meron. sino ba nag sabi na wala?" pambabara ko , "ouch" usal ko nang maramdaman ko ang kurot sa braso ko, "sabi ko na nga ba e, papasok ba naman ng mag kaholding hands, minsan naman ay mag ka akbay!" iritang sabi ni Kim "Bitter lang ang peg?" nahalata ko rin yan ,this past few days ang bitter niyan ano kayang nangyari? "psh!lumayas ka na nga dito Andrew!" sigaw niya at pilit tinatanggal ang kamay na mag kahawak namin ni Andrea , pero hinigpitan ko to. tumingin ako sa mahal ako at nakatingin din siya sakin kaya ngumiti ako. ganito pala ng feeling pag kasama mo ang taong mahal mo , yung nahahawakan mo siya. "punta ka na sa classroom niyo , malapit na mag time" bulong ni Andrea , bago hinalikan ako sa Pisngi. "sige, kita nalang tayo mamayang breaktime, --- ikaw Alex bantayan mo to" ngumiti naman ng nakakaloko ang magaling ko pinsan bago tumango. hinalikan ko naman si Andrea bago lumabas "buti naman at wala ng mag p-pda sa harap ko" rinig kong sabi ni kim , lumabas na ako at pumunta sa classroom namin , wala pang teacher. wala naman akong gana makipag usap sa mga to, yung mga babae malalandi maliban sa mga nerd dito "anong subject ang sunod?" tanong ko sa katabi kong nerd , Oo tama kayo nerd katabi ko at hindi ako nandidiri katulad ng iba na paramg may mga sakit ang mga ito. buti pa nga itong katabi , tahimik hindi feeling close, papahiramin ka pa ng libro "Math" sabi niya nang hindi manlang inaalis ang mukha sa libro , see? walang siyang paki alam sakin. *toot toot toot agad kong kinuha ang cellphone ko nang mag vibrate . From Love goodluck sa mga mag tetest mas lalo na sayo . 😘 napangiti ako sa text niya, simula nung nalaman kong nag papanggap lang siya ay nalaman ko rin na may crush siya sakin kaya tuwang tuwa ako, to: Love

Next Post Previous Post
No Comment
Add Comment
comment url