My possessive billionaire husband Book 1
Prologue
Si Ashley delos Santos, lumaki sa kahirapan ng buhay at
nagpasyang lumuwas ng Maynila paramaghanap ng pansamantalang trabaho pagkatapos
makagraduate ng High School sa edad na daisy-otso.
Gusto niyang makaipon ng pera para muling ituloy ang
pag-aaral ng college kaya nagpasya siyang sumama sa kanilang kapitbahay para
maghanap ng trabaho sa Maynila.
Hindi niya akalain na ibang klaseng offer ang kanyang
matatanggap mula sa isang mayamang abwela ng isang Bilyonaryong tinakasan ng
kanyang bride at sumama sa kanyang Bestfriend sa araw mismo ng kanilang kasal.
READ
Tatanggpin kaya ni Ashley ang offer sa kanya ni Donya Agatha
na ten Million pesos kapalit ng pagiging substitute bride ng mismong araw na
iyun? O papakawalan niya ang isang malqking oportunidad para maiahon sa
kahirapan ang kanyang pamlya na naghihintay sa kanyang muling pagbabalik ng
probensiya?
Chapter 1
Ashley delos Santos POV
Nanlalagkit na ang buo kong katawan habang palinga-linga ako
sa naglalakihang mga bahay na aking nadaanan dito sa loob ng isang eksclusibong
subdivision na matatagpuan sa Makati. Mabuti na lang at pinapasok ako ng
gwardiya na nagbabantay kanina sa gate kapalit ng iniwan kong ID.
Mag-aapply ako bilang kasambahay sa isa sa mga bahay na
nakatayo dito sa loob ng subdivision. Dahil bawal pumasok ang tricycle dito są
loob ng subdivision wala akong choicè kundi maglakad mula gate habang hinahánap
ang address na nakalagay sa hawalk kong diyaro.
Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako ng makita ko ang mga
nagagandahan at naglalakihang bahay. Kitang kita kong gaano kayamana ang mga
nakatira sa lugar na ito kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan.
Kung kaya lang sana akong paaralin ng mga magulang ko
hanggang college wala sa bokabularyo ko ang lumuwas dito ng Maynila. Kaya
lang ipinanganak akong mahirap kaya wala akong choice kundi magtiis
at dumiskarte para kumita.
Buti na lang at isinama ako nila Gigi papunta dito kaya
naman kahit papaano hindi ako nahihirapan sa titirhang bahay habang naghahanap
ng mapapasukang trabaho.Iyun nga lang hindi ako pwedeng magtagal sa kanila
dahil para kamingmga sardimas na nagsisiksikan sa maliit nilang bạrong-barong.
Ayaw ko din magtagal sa lúgar na iyun dahil pakiramdam ko
minamanyak ako ng ka-live in partner nito.
"Ate, pwede po magtanong? Alam niyo po ba ang address
na nakasulat dito sa diyaryo?" nagmamadali kong lapit sa isang babaeng
nagtatapon ng basura.Tinitigan muna ako nito bago kinuha ang hawak kong
diyaryo.
"Anong kailangan mo doon? Mag-aapply kang
kasambahay?"" agad na tanong nito. agad naman akong tumango.
"Malapit na lang ito Miss. Diretso ka lang tapos may
makikita kang magandang bahay sa bandang dulo.
Sila ang pinakamayaman sa lugar na ito kaya doble ang laki
ng bahay nila kumpara sa ibamg nakatira dito." nakangiti nitong sagot sa
akin. Agad naman akong nagpasalamat at nagmamadali ng naglakad.
Pagdating sa sinasabing bahay ng napagtanungan ko ay agad
kong sinipat ang nakasulat sa gate para kumpimahin kung pareho bang sa
nakasulat sa news papaer. Napaigtad pa ako ng bigla akong lapitan ng gwardya
galing sa loob ng malaking bahay.
"Anong kailangan mo Miss? Hindi mo ba alam na mahigpit
na ipinagbabawal ang solicitation sa lugar na ito?" agad na wika nito ng
makalapit sa akin.
Agad naman nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Ano
ang palagay niya sa akin? Pulubi? Sabagay ganoon na din siguro kasi nasa isang
daan na lang anglaman ng wallet ko. Kapag hindi ako matangap dito tiyak sa
kalsada ang bagsak ko nito. Nakakatakot pa naman dito sa Maynila.
"Mag-aappy po ako bilang kasambahay Manong. Nakita ko
kasi sa newspaper na naghahanap sila. Baka palarin ako at makapasok sa loob.
Kailangang-kailangan ko po kasi.ng trabaho eh. Galing pa po
ako ng probensya." sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako mula ulo
hanggang paa. Bigla naman kumulo ang dugo ko pero pinipigilan kong tarayan baka
masayang ang oras ko sa pagpunta dito kapag makita niyang masama ang ugali ko.
"Naku! Bad timing naman ang pagpunta mo dito Miss. Alam
mo bang nagkakagulo sa loob ngayun?" sagot nito.
Naguguluhan naman akong tumitig dito. Hindi ko gets ang ibig
nitong sabihin.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi pwedeng hindi kO
makausap ang may-ari ng bahay ngayun. Ang layo kaya ng nilakad ko at wala na
akong pera para bumalik dito." prangka kong sagot kay Manong Guard.
Natigilan naman ito at muli akong tinitigan.
"Hindi ko alam kung iinterviewhin ka ngayun ni Madam.
Mainit kasi ang ulo noon at lahat ng tao sa loob sinisigawan." sagot nito.
Agad naman akong kinabahan pero lalo akong kinabahan ng maisip ko na isang daan
na lang ang laman ng wallet ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ni Gigi na
walang nangyayari sa lakad kong ito.
"'Subukan niyo lang Manong. Maawa ka naman sa akin.
Sabi kasi dito sa nakasulat sa newspaper pwedeng pumunta dito anytime ang
applicant." nagmamakaawa kong sagot dito. Narinig ko ang marahan nitong
pagbuntong hininga bago tumango.
"'Sige na nga. Sa Mayordoma na lang kita
dadalhin." wika nito at agad akong niyayang pumasok sa loob. Agad na
sumalubong sa paningin ko ang marangyang tanawin sa loob ng bakuran. May mga
nakikita akong magandang decorations sa loob at parang may gaganaping party.
"Kasal kasi ngayun ng kaisa-iang apo ni Madam Agatha na
si Sir Ryder James Sebastian, Kaya lang tumakas ang bride kaya nagkakagulo ang
mga tao sa loob.
" Bulong sa aking ni Manong Guard. Napataas naman ang
aking kilay dahil sa narinig. Napaigtad pa ako ng may sumigaw sa loob ng bahay
kasabay ng pagkabasag ng kung ano.
"Diyos ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko!. Baka pati
ako maputukan ng galit ni Madam. Halika Ineng.hanapin natin ang Mayordoma at
siya na ang bahala sa iyo." tarantang wika nito at mabilis na naglakad.
Akamang susunod ako dito ng may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Who are you?" tanong nito. Natigilan ako at dahan
dahan na lumingon. Tumampad sa akin ang seryosorng mukha ng medyo may edad ng
babae.
Nakataas ang kilay at handang mukhang handa ng manlapa ng
tao. Tadtad ng alahas ang buo nitong katawan habang may isang naka-uniform na
babae sa likod nito. Napalunok ako bago sumagot.
"Mag-aapply po sana ako bilang kasambahay Mam."
kinakabahan kong sagot. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito bago ako
pinasadahan ng tỉngin mula ulo hangang baba. Para naman akong maiihi dahil sa
nerbiyos.
"'Perfect! Why not!" Kapagkwan ay wika nito sa
malakas na boses. Muli akong pinasadahan ng tingin habang may naglalarong ngiti
sa labi.
* Napalunok ulit ako ng makailang beses habang hindi ko na
maiwasan pang panginigan ng tuhod.
"Sumunod ka sa akin. Gusto kitang makausap sa
loob." wika nito at agad na naglakad papasok sa loob ng bahay. Binalingan
ko muna si Manong Guard pero sininyasan niya ako na sundan ang matandang babae.
Ilang beses pa akong napabuntong-hininga để nagpasayang sundan ang matandang
babae. Hindi naman siguro ito bampira para s******n ang dugo ko sa loob.
Hindi kO maiwasan na mamangha ng makita ko ang nagagandahang
nakadisplay dito sa loob ng bahay ng pagkapasok ako. Napatingala pa ako sa
isang malaking nakasabit na chandelier. Nagkikintaban ang parang diyamante na
nakasabit dito. Diyos ko.
sana matangap ako sa trabahong ito dahil mukhang mayamam ang
magiging amo ko.. Maranasan ko man lang sana akong tumira sa ganito kagandang
bahay kahit na pagiging katulong lang ang magiging papel ko.
Napansin kong umupo sa isang mahabang mesa ang matandang
babae at sininyasan akong lumapit. Kimi naman akong lumapit dito habang
nakayuko.
"Ten Million Pesos...kapalit ng pagpapakasal mo sa apo
ko! Narining kong wika dito. hindi ako umimik dahil mukhang hindi naman ako ang
kanyang kausap. May ibang mga tao pa dito sa kinaroroonan namin kaya patuloy
lang akong nakayuko habang tahimik na nakikiramdam
"What is your name?"" napaigtad pa ako sa
malakas na boses nito kaya naman pautal-utal akong napasagot dahil sa nerbiyos.
"Ashely po! Ashley delos Santos." bakas ang
nerbiyos sa boses kong sagot.
"Ashley..narinig mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina?
Sabi ko Ten Million kapalit ng pagpapakasal mo sa apo ko!" wika nito.
Nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig, Hindi ako makapaniwa.
"Eeerrr Mam, katulong po ang ina-aplayan ko. Hindi po
para maging asawa." nanginginig kong sagot.
Natigilan ito at seryoso akonğ tinitigan. Pagkatapos ay
gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi nito.
"Naghahanap ka ng pera diba?
Bibigyan kita ng Ten Million pesos ngayun din pakasalan mo
ang apo ko!" ulit nito. Napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Parang
gusto kong kurutin ang sarili ko para masigurado kong nanananginip ba ako
"Lorna, kunin mo ang tseke sa kwarto! " narinig
kong utos nito sa babaeng nasa likod nito. Agad naman itong tumalina. Naiwan
kaming dalawa ni Madam habang hindi inaalis ang titig Sa akin.
"Tumakas ang bride ng apo ko. Naka-set na ang kasal
mamayang alas tres ng hapon sa garden. Napansin mo naman siguro ang mga
decoration sa labas diba? Hindi ko maatim na mapapahiya ang apo ko sa madla
dahil sa kagagawan ng malading si Ingrid.
Kaya pumayag ka na, after ng kasal malaya ka ng bumalik sa
pinggalingan mo dala ang pera na ibabayad ko sa iyo,!" mahabang wika nito.
Halos hindi naman ako makapaniwala sa offer na binibigay
nito sa akin. Kung sakaling papapayag ako ng maikasal sa apo nito tiyak na
maggiging instant millionaire kami sa probensiya. Mabibili namin ang isang
lupain na binibenta ng aming kapitbahay. Hindi na din kailangan pang mamasukan
akong katulong dito sa Maynila at maipagpapatuloy ko na ang aking pag-aaral.
"Ehhhh Mam, baka naman po scam ito ha?" wala sa
sarili kong sagot. Huli na ng maisip ko ang bagay na iyun kaya naman agad akong
napakagat ng aking labi. Minsan talaga ang bunganga ko hindi mapigilan.
"Dont worry...this is not scam Ashley. Ihahanda ko na
ang tseke ngayun din at isuot mo na ang damit pangkasal na para sa lintik ng
Ingrid na iykn. Wala ng panahon pa para sa mahabang pag-uusap na ito. Sabihin
mo sa akin kung pumapayag ka at susulatan ko na ang tseke na ito kapalit ng
pagpayag mong maikasal sa apo ko. Sa nasabi ko na, after the wedding, malaya
kanang makaalis sa lugar na ito na parang walang nangyari dala ang ibinayad ko
sa iyo." nakangiti nitong sagot.
Halatang magaling mangumbinsi si Madam. Kanina lang ay halos
gusto na nitong kumain ng tao at bumuga ng apoy dahil sa galit ngayun naman
parang ang bait--bait nito. Wala sa sariling napatango ako.
Choosy pa ba ako? Pera na ito! Matutupad lahat ang pangarap
ko kung sakali. Magiging proxy lang naman ako sa kasal na ito at tsaraan
instant milyones na! Para akong nakajackpot sa lotto kung sakali.
"Great! Since nagkasundo na tayo, ibibigay ko na sa iyo
ang kabayaran.Baka maging busy ako mamaya at makalimutan kong ibigay sa iyo
ito.Gusto ko lang din ipakita sa iyo na may isang salita ako Ashley!" Wika
nito at agad na sinulatan ang tseke na ibinigay kanina ng kanyang kasambahay.
Napalunok ako ng makailang beses ng makita ko mabilis nitong
pagsulat at pagpirma.
This is it pancit! After ng kasal, mayaman na kami! Uuwi
agad ako ng probensiya pag-alis ko dito. Itetext ko na lang si Gigi na hindi na
ako makakauwi sa kanila dahil baka matuluyan akong magahasa ng asawa niyang
addict.
"Here! take this! Ten Million Pesos no more, no
less!" Nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng tseke.
Nanginginig naman ang aking kamay na inabot ito at agad na
ipinasok sa dala kong bag.
"Well done! Sumama ka sa akin. Kailangan mo ng maayusan
dahil wala na tayong time. Ano mang sandaļi ay darating na ang mga bisita at
ang pari na magkakasal sa inyo. Uumpisahan na agad ang kasalan kaya kailangan
mo ng maayusan." wika nito pagkatapos ay sinipat ang suot na relo. Muli
akong napalunok at habang nakasunod sa kanyang likod. Pakiramdam ko nakalutang
ako sa alapaap.
"Ayusan niyo siya! Papalitan niya si Ingrid kaya
ipasuot niyo sa kanya ang damit pangkasal na iyan." agad na utos ni Madam
sa tatlong bading na naabutan namin dito sa isang kwarto.
Agad na tumampad sa mga mata kO ng isang napakagandang
wedding gown na sa tanang buhay ko ngayun ko pa lang nakita. Katulad ng
chandelier sa labas puno ng nagkikislapang dyamante ang kabuuan ng gown.
"I think kailangan mo munang maligo Miss bago ka namin
ayusan para naman presko ka bago mo-isuot ang gown na iyan.'" napukaw ako
sa sinabi ng binabae sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong
nakatulala dahil ng iikot ko ang paningin sa buong paligid wala na si
Madam.
"Baka po mapasma ako...galing po ako sa initan
kanina." wala sa sarili kong sagot. Nakita ko naman na pigil na matawa ang
mga kaharap ko.
Napakagat ako sa aking labi dahil sa pagkapahiya. Pagkatapos
ay tumango at inilapag sa isang sulok ang hawak kong bag.
"Sa- saan po ang banyo:" tanong ko. Tipid naman na
ngumiti ang kaharap ko at itinuro nito ang nakasarang pintuan. Bantulot pa
akong pumasok sa loob at dahil kita kong naiinip na ang mga kaharap ko
dali-dali ko ng sinara ang pintuan ng CR at agad na naligo.
"Bahala ng mapasma basta may Ten Million pesos
ako." Bulong ko sa aking sarili habang inililbot ang tingn sa loob ng
banyo. Grabe pwede na matulog dito sa loob dabhil sa sobrang linis. Imported
ang mga shampo0 at sabon at pakiramam ko napakaswerte ko ngayung araw dahil
minsang natikman ng katawang lupa ko ang ganitongklaseng bagay.
Gustuhin ko man tagalan ang paliligo ay hindi pwede.
Naririnig ko na kasi ang pagkatok sa pintuan ng mga mag-aayos sa akin. Hindi
bale, bibili ako ng ganitong brand ng shampoo kapag maipalit ko na ang tseke sa
pera na ibinigay sa akin ni Madam kanina.
Chapter 2
Ashley POV
Patapos na akong maligo ng muli kong narinig ko ang marahang
katok sa pintuan ng banyo. Agad kong hinablot ang tuwalya sa isang cabinet at
itinapis sa hubad kong katawan.
Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha
ng isa sa nga make up artist. Halata na sa mukha nito ang pagkainip at ng
mapansin nito na tapos na akong maligo ay agad na ipinasuot sa akin ang isang
parang roba.
Nagiging abala ang mga sumunod na oras sa buhay ko.
Kanya-kanya kasi sila ng toka sa gagawin sa akin. May nag-aayos ng buhok ko,
may naglilinis ng kukO at may nag- aayos ng mukha ko. Diyos ko, ganito pala ang
mga mayayaman. Kaya pala ang ganda-ganda nila kapag lumalabas Marami pala ang
nag- aayos sa kanila.
"Ayan, parang sinukat sa katawan mo ang wedding gown na
ito! wala ng dapat pang iadjust at perfect na perfect sa iyo!" nakangiting
wika ng bading na nag-ayos sa akin ng sa wakas ay naisuot ko na ang damit
pangkasal.
Tulala naman akong tinitigan ang sarili kO sa salamin.
Parang hindi ako ang nakikita ko. Parang nagiging mukha akong mamahalin?"
'Ate, ako po ba ito?" wala sa sarili kong tanong.
Nangingiti naman itong tumango. Pagkatapos ay nakita kong pumasok si Madam sa
loob.
Nakapustura na ito at halatang ready na sa party. Dumako ang
tingin nito sa akin at agad itong pumalakpak.
"Perfect...Perfect! dahil diyan may. bonus kayo sa
akin!" Nakangiti nitong wika sabay lapit sa akin.
"Sinasabi ko na ngang bagay kang maging bride ng apo ko
eh. niligtas mo sa kahihiyan ang pamilyang ito kaya naman tatanawin kong
malaking utang na loob ito sa iyo Ashley."! nakangiti nitong sambit at
sininyasan ang mga make up artist na lumabas.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang bumait si Madam.
Nawala ang katarayan ng mukha nito na siyang una kong napansin kanina lang.
"Madam, hindi po ba kasalanan ito? Irerehistro po ba
ang kasal? Ngayun ko lang po kasi naisip na matatali na pala ako sa anak niyo.
Hindi na ako pwedeng magpakasal sa iba." wika ko. Natigilan ito pagkatapos
ay ngaumiti.
"Dont worry Ashley. After Two years ipapawalang bisa
din natin ang kasalan na ito. Siguro naman hindi ka pa mag-aasawa ng mga
panahon na iyun diba? sagot nito sa akin. Napatango naman ako.
"Bweno, maghanda ka na. Ilang minuto na lang at
uumpisahan na ang serimonya. Sundin mo na ang instruction sa iyo ng wedding
organiser. Lalabas na ako dahil hinihintay na akO ng aking mga amega sa
garden.!" wika nito at nagmamadali ng lumabas. Naiwan naman akong hindi
makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko ngayun.
Kung ganoon, totoong kasalan ang magaganap sa akin. Hindi
ito fake at talagang irerehistro ito? Akala ko ba proxy lang ako. Napailing ako
at hindi ko mapigilan na kabahan.
Nasa ganoong pag-iisip ako ng may isang sexing babae ang
pumasok sa loob. Sinabi nitong uumpisahan na daw ang kasalan. Inalalayan niya
ako palabas ng bahay habang sinasabi ang kailangan kong gawin Pagdating ng
garden ay agad na tumampad sa aking panigin ang mga mayayamang mukha ng tao.
Lahat ay nakatitig sa akin kaya parang gusto ko ng panawan ng ulirat. Napalunok
ako ng makailang beses bago dumako ang tingin ko sa lalaking hindi kalayuan sa
akin. Matangkad ito at nakatitig sa gawi ko.
"'Siya ba ang groom?" pabul ong kong wika sa aking
sarili habang mahigpit na hawak ang wedding bouquet.
Narinig kong nag-umpisa ng tumugtog ang wedding march at
sininyasan na ako ng wedding coordinator na pwede na daw akong maglakad.
Napalunok ako ng makailang beses bago dahan-dahan na naglakad papunta sa
lalaking nakasuot ng suit sa kalagitnaan ng isle.
Pagkatapat ko sa kanya ay matiim akong tinitigan sa mukha
bago inabot ang kamay ko. Hinalikan niya pa ito na siyang nagbigay sa akin ng
kakaibang kilabot.
Pakiramdam ko maiihi ako sa matinding nerbiyos. May ganoon
ba talaga ang mga mayayaman?Kailangan talaga halikan muna ang kamay ng isang
babae bagohawakan?
Ayyy ewan...pero grabe ang pogi nya. At ang amoy...super
yummyyy!
Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng pari. Pakiramdam
ko may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Hindi ko maiintindihan
ang sarili ko. Ang gwapo naman pala ng groom. Talo pa ang mga artista dito sa
Pilipinas. Ang lambot ng palad at hiyang-hiya ako dahil alam ko kung gaano
kakapal ng kalyo sa palad ko dahil sumasama ako minsan kay Tatay kapag
manggapas kami ng palay noon sa bukid.
"Saan ka napulot ni Lola?" napaigtad pa ako ng
bumulong ito sa akin. Hindi ako nakasagot at diritso lang ang tingin ko.
Pakialam niya ba? Bayad na ako noh at wala namang sinabi si Madam na kailangan
kong sagutin ang tanong ng kanyang apo.
Pagkadating sa harap ng altar ay agad na inumpisahan na ang
serenonya. Syempre wala akong naintindihan dahil lutang ang isip ko, Basta na
lang ako sumagot ng "I do" at sumabay Sa agos ng pangyayari. Nagiging
aware lang ako ng isinuot na sa palasingsingan ko ang wedding ring ganoon din
ako sa kanya.
Pagkatapos ng ilang sandali ay inanunsyo na ng pare na tapos
na ang kasal at you may kiss the bride na? Agad- agad? Napalunok ako ng
maraming beses ng dahan-dahan na iniingat ng groom ang Vail na nakatakip sa
aking mukha.
Kitang kita ko sa mukha nito ang pagiging seryuso at ang
nakakatunaw nitong titig. Agad na tumibok ang puso ko ng mapansin kong dahan-
dahan na bumaba ang labi nito sa labi ko...
Oh My Goodness! Ito ang first kiss ko! Akmang iiwas ako ng
bigla nitong hawakan ulo ko at agad na siniil ng halik. Agad na nanlaki ang mga
mata ko sa matinding pagkagulat habang nararamdaman ko kung paano nito s******n
ang bibig ko. Pati yata laway ko nasama nya ng s******n. At teka lang kanina pa
nakalapat ang labi nya sa labi ko pero wala yata siyang balak tanggalin. Diyos
ko..gwapO naman sana kaya lang may pagkamanyakis!
Naghahabol ako ng hininga ng sa wakas pakawalan nya ang labi
ko. Narinig ko pa ang malakas na palakapakan ng mga bisita kaya naman
nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya.
"Sweet!" bulong niya sa akin pagkatapos nya akong
pakawalan. Hindi ko naman alam kung iiyak ba ako O ano pa ba? Wala ito sa
kontrata eh! sabi ni Madam kasal lang pero bakit may halik pa? First kiss ko
iyun at kinuha lang ng lalaking ito na mukhang fuckboy? Mukhang mahilig ito sa
tahong kaya dapat hindi ako.magpakakampanti.
Kailangan kong makaalis sa lugar na ito pagkatapos nito
dahil hangang doon làng naman ang usapan namin ni Madam. Nanigas ang katawan ko
ng hapitin pa ako nito para makihalubilo sa mga bumabating bisita,
Kabi-kabilaang congratulations ang naririnig ko pero para akong tanga na
tanging pagngiti lang angnaisagot. Tumingin ako sa gawi ni Madam at nakita kong
nakatitig ito sa amin.
May naglalarong ngiti sa labi nito kaya naman nagmamakaawa
akong tumitig dito. Pero hindi niya yata gets kasi agad niyang binawa ang
tingin sabay talikod.
"Pu-pwede bang bitawan mo muna ako? Gusto ko kasing mag
cr eh."nakikiusap kong wika kay Ryder James Sebastian. Ang aking groom.
Siyempre kabisado ko ang kanyang pangalan dahil ilang beses itong binanggit ng
pari kanina.
Kailangan kong magdahilan dito dahil para itong ahas kong
makalingkis sa akin ngayun. Ayaw kong màwasak ang tahong ko dito noh? Hindi ko
siya type at wala akong balak na magpabutas sa lalaking mukhang bad boy. Para
lang sa magiging asawa kong tunay ang aking virginity..hehehehe
"Alam mo na ba kung nasaan ang cr?" tanong nito sa
akin at mukhang sasamahan pa ako kaya agad akong tumango. Mabuti na lang at may
isa pang lalaki na lumapit sa gawi namin at naagaw nito ang attetion ni Ryder
kaya naman patalilis na akong umalis.
Kailangarn ko ng bilisan ang aking kilos dahil oras ang
kalabaan ko. Mabuti na lang at nakasalubong ko ang nagngangalang Lorna na
katulong ni Madam kaya agad akong nagtanong dito.
"Ate, saan po ang labasan dito?" tanong ko.
Natigilan ito tsaka tumitig Sa akin.
"Na--narinig niyo nanan po siguro ang sinabi ni Madam.
Pagkatapos ng kasal pwede na akong umiskapo!" hilaw ang pagkakangiti kong
wika. Napatango naman ito.
"Magbihis ka muna at sasamahan kita sa likod. Doon ka
na lang dumaan para hindi ka makita ng mga bisita." sagot nito. Para naman
may pakpak ang aking mga paa at agad na pumasok sa kwarto kung saan ako
binihisan. Agad kong hinubad ang gown at agad na ipinalit ang damit na suot ko
kanina.
Pagkatapos kinuha ko ang aking bag na maayos na nakapatong
sa isang upuan at nagmamadali ng lumabas ng kwarto.
* Agad din akong napabalik sa loob ng tinangka kong hubarin
ang suot kong wedding ring. Halos maiyak ako dahil hindi na ito mahubad sa
aking daliri. " Paano kaya ito? Baka dahil pa sa singsing na ito mahuli pa
ako ng fuckboy na iyun?" bulong ko sa aking sarili.
Napailing na lang ako at nagpasya ng lumabas ng silid.
Bahala na! Basta ayaw kong pahuli sa fuckboy na iyun. Ipapadala ko na lang sa
LBC itong singsing kapag mahubad na. Sa ngayun kailangan ko munang makatakas
dahil baka madali pa ang tahong ko ngayung araw. Diyos ko..hindi ko matangap na
isang manyakis na lalaki ang kukuha ng iniingatan kong virginity.
Nakahinga ako ng maluwang ng nakita ko si Lorna na
matiyagang naghihintay sa akin. Agad ako nitong sinamahan sa likod bahay at
sinabing pwede na daw akong umalis.
Teka lang Lorna..nakakahiya man pero pwede bang umutang sa
iyo? tseke kasi ang binigay sa akin kanina ni Madam tapos wala akong
pamasahe...
bigay mo sa akin ang gcash mo at i- sesend ko sa iyo ang
bayad with interest kapag mapapalitan ko na ang pera ko." Makapal ang
mukha kong wika. Natigilan ito at tinitigan mun ako bago ako inabutan ng isang
libo.
Parang gusto ko naman magtatalon sa tuwa. 'Bayaran mo na
lang iyan sa akin kapag nagkita tayo ulit! Sige na umalis ka na at baka makita
ka pa ng mga bisita.'" wika nito. Agad naman akong tumakbo palayo. Mabuti
na lang at pagliko ng kanto may nakita akong taxi. Wala ng patumpik-tumpik pa.
agad akong nagpahatid sa labasan at sumakay ng bus papuntang terminal..Uuwi na
ako ng probensiya dahil may ten million pesos na ako...
RYDER JAMES SEBASTIAN POV
'Where is my bride?" agad na tanong ko kay Lola ng muli
akong makapasok ng mansion. Mabuti na lang at natakasan ko ang mga tanong mg
mga kaibigan ko tungkol sa mabilis kong pag-moved on dahil agad alkong nakakita
ng kapalit ni Ingrid. Ang girlfriend ko ng limang taon na ipinagpalit ako sa
bestfriend kong si Lorenz0 at kaninang umaga ko lang nalaman.
Mabuti na lang at alerto si Lola at agad.na sinabi sa akin
na may nakita na siyang pwedeng maging proxy ni Ingrid para hindi ako mapahiya
sa mga bisita. Kaya kahit durog an durog ang Duso ko sa kataksilan ng dalawang
tao na malapit sa puso ko ay agad akong sumang-ayon sa kagustuhan ni Lola.
Ayaw ko din naman na maging katawa-tawa sa harap ng mga
bisita. May magandang reputasyon akong iniingatan sa mataaas na lipunan at
malaking iskandalo kapag malaman ng lahat na ipinagpalit ako ng girlfriend ko
sa aking best friend sa mismong araw ng kasal pa namin.
Pero hindi ko inaasahan na isa palang diyosa ang nakita ni
Lola na kapalit ni Ingrid ngayung araw. Biglang nagreact ang junior ko ng
nahawakan ang kamay nito kanina.Kung sa ganda ang pag-uusapan....sobrang ganda.
Biglang nawaglit sa isip ko ang problema kay Ingrid ng mahawakan ko ang kamay
nito at mahalikan sa labi. So Sweet and So Innocent.
Parang gusto ko siyang itago sa mga lalaking bisita na
kanina. Kitang kita ko ang paghanga sa kanilang mga mata habang nakatitig sa
bride ko. Ewan ko lang ha pero pakiramdam ko nagseselos ako. Ako lang ang may
karapatan na tumitig sa bride ko ng ganoon.
"Nakaalis na. Pagiging proxy lang ng malditang si
Ingrid ang papel niya at hindi panghabang-buhay mong laruan Ryder."
kampanteng sagot ni Lola.
Hindi ko naman maiwasan na magsalubong ang aking kilay lalo
na ng maalala ko ang hitsura ng bride ko kanina.
"La, bakit niyo naman pinaalis? Asawa.ko iyun at hindi
pwede na lang syang maglaho na parang bula.. " sagot ko naman.
Pinandilatan naman ako nito bago sumagot.
"Aba Ryder! alam na alam ko kung, anong tumatakbo diyan
sa utak mo. Tumigil ka na ha at baka makutusan kita diyan..Kawawa naman ang
batang iyun kung paglaruan mo lang. Ayusin mo ang buhay mo at kalimutan mo na
ang lecheng Ingrid na iyun!" Sagot ni Lola. Napakamot naman ako ng ulo ko.
"Lola naman! Akala ko pa naman nag- aalala kayo dahil
malungkot ako ngayun? Bakit parang wala naman kayong pakialam sa akin?"
kunwari ay nagtatampo kong tanong.
"Pwede mong ibaling sa iba ang kalungkutan na
nararamdaman mo ngayun Ryder! Pero huwag kay Ashley. Masyado pa siyang bata at
puno ng pangarap. Ayaw kong masira ang lahat ng iyun dahil lang sa iyo!"
seryosong sagot ni Lola. Napabuntong hininga naman ako sabay iling.
"Paano kong gusto ko siyang makasama bilang asawa ko
mây magagawa po ba kayo? Pwede ko siyang ipahanap ngayun mismo Lola!"sagot
kO naman.
"'Subukan mo lang na kantiin kahit dulo ng daliri ng
batang iyun mananagot ka sa akin Ryder! Matuto kang sumunod sa kagustuhan ko
kung hindi, hindi ako mangingimi na tanggalan ka ng mana!" galit na sagot
ni Lola.
Natigilan naman ako at pilit na ngumiti. Ano pa nga ba ang
magagawa ko kundi sundin ang gusto nito. Alam kong mahirap pero balang araw
magkikita din kami ng babaeng iyun at kapag mangyari iyun hindi na siya
makakawala sa mga kamay ko!
Sisiguraduhin ko na nai-rehistro ang kasal na ito para wala
na siyang takas.Sa akin.
Sa ngayun, wala akong ibang choice kundi magtiis at ibaling
ang attention sa ibang babae. Marami naman sila diya eh! Pwede kong ibaling sa
iba ang init ng katawan na mararamàman ko ngayun. Mukhang bata pa nga kanina
ang bride ko at walang pang karanasan kahit sa anong bagay dahil kitang kita ko
sa mga mata niya kanina ang takot ng halikan ko ito sa labi.
Chapter 3
FIVE YEARS LATER
ASHLEY POV
Agad kong pinara ang taxi na dumaan sa harap ko. First day
of work ko at kailangan kong magpakitang-gilas sa aking mga magiging kasamahan
sa pamamagitan ng pagpasok ng maaga.Isa pa naka-office attire ako ngayun at *
ayaw kong makipagsiksikan sa jeep.
Pagdating sa harap ng RJ Sebastian Logistics Incorporated ay
agad akong dumiritso sa accounting department.
Yes, graduate ako ng BS Accountancy sa aming probensya at
swerte naman na natangap ako sa kompanya na ito. Balita ko mataas ang kanilang
standard pagdating sa mga empleyado na hina hire. Para sa akin isang malaking
opportunity ito sa aking buhay.
"Good Morning po!" Agad kong bati sa naabutang
staff dito sa office. Agad itong lumingon sa akin at ngumiti.
"HI! ikaw ba si Ashley Delos Santos? Ang bagong
hire?" magiliw nitong tanong. Agad naman akong tumango
"Ako nga pala si Samantha Salvador..Ako ang nakatokang
mag-training sa iyo. Halika! Dito ang magiging table mo." nakangiti nitong
wika sa akin. Agad naman akong tumalima pagkatapos magpasalamat.
"Fresh graduate ka ba tanong nito. "Opo...ito ang
first job ko." sagot ko naman
"Dont worry, ako ang bahala sa iyo..Madali lang naman
ang trabaho dito at isa pa tatlo tayong magtutulong-tulungan. Malaking kompanya
ang RJ Sebastian Logistics at swertehan ang nakakapasok dito para magtrabahą
kaya galingan mo ha?" sagot nito sakin. Agad naman akong tumango.
Inuumpisahan na akong turuan ni Ate Sam ng dumating nman ang
isa pa naming kasama. Nagpakilala ito bilang si Cecil Ramirez at katulad ni Ate
Samantha mabait din naman ito. Halos limang taon na sila dito sa kompanya at
alam na nila ang pasikot-sikot sa trabaho.
"Sam diba kailangan ng mnapirmahan ni Mr. Sebastian ang
mga bonuses ng mga empleyado? Nakaready na ang mga dokumento at pirma na lang
ang kulang." narinig kong wika ni Ate Cecil kay Ate Sam. Tahimik lang
naman akong nakafocus sa pinapagawa nila sa akin. Nageencode ako ng mga
tseke.for filing at kailangan ko ng matinding konsentrasyon para hindi
magkamali sa pag-enter ng mga figures.
"Ikaw na lang ang bahalang.magpapirma kay Mr.
Sebastian. Noong nakaraan ako ang gumawa kaya toka mo na ngayun." SAgot ni
Ate Samantha.
"Hayy ito ang pinakaayaw ko sa trabaho natin. Ang
makausap ang Boss natin. Hindi ba pwedeng ikaw na lang ulit at mukhang magaan
naman ang loob noon sa iyo?" sagot ni Ate Ceciil.
"Hindi pwede! Marami pa akong gagawin. Si Ashley na
lang ang utusan mo." sagot ni Ate Sam. Natigilan naman si Ate Cecil at
agad akong nilingon. Nakangiti naman akong tumingin sa kanila at kusa ng
tumayo.
"I know na first day mo ngayun Ashley. Pero need na
kasi pirmahan ito eh. Tiyak na magwawala ang mga empleyado kapag ma-delay ang
sahod at bonus nila." Nakikiusap na wika ni Ate Cecil. Agad akong tumango
at kinuha ang hawak nitong mga papel.
"Ako na ang bahala. Saan bà ang office nya?"
tanong ko.
"Naku! Thank you ha? Mula dito sakay ka ng elevator.
Nasa top floor ang office nì Mr Sebastian at hindi ka maliligaw kasi nag-iisa
lang naman iyun. Pwede ka naman din magtanong sa Secretary niya. Nasa table
niya lagi iyun paglabas pa lang ng elevator.
Tsaka, gamitin mo ang card na ito...piling department lang
kasi ang pwede pumunta sa office ni Boss eh."mahabang paliwanag ni Ate
Cecil. Agad naman akong tumango at diretso ng naglakad palabas ng accounting
office.
Agad akong sumakay ng elevator at sinunod ko ang instruction
nito. Itinapat ko sa parang isang scanner ang hawak kong card bago ito umandar
pataas. Pagkahinto ng elevator ay nagmamadali akong lumabas. Agad kong hinanap
ang sinasabing pwesto ng secretary ni Mr. Sebastian at nagtaka ako dahil wala
ito. Sinipat ko ang suot kong relo at napailing ako.Alas nwebe na ng umaga at
wala ita sa kanyang pwesto.
Napapailing na lang ako at marahan na kumatok sa kaisa-isang
pintuan na nakita ko. May nakasulat itong RJ Sebastian Logistics Incorporated
kaya nasisiguro ko na ito ang opisina ng CEO.
Nakailang katok na ako pero walang sumasagot. Kunot noo kong
dahan- dahan na itinulak ang pinto ng office at napangiti ako ng hindi ito
nakalock.
Agad akong pumasok sa loob att nagpalinga linga. Akmang
tatawagin ko na si Mr. Sebastian ng may narinig akong ungol sa gawi na hindi ko
alam.
Agad na nanindig ang balahibo ko sa aking katawan ng maisip
na nag-iisa lang ako dito sa floor na ito. Baka minumulto ako kaya naman
naisipan kung lumabas na lang mụna ng marinig kong may nagsasalita. Actually
parang hindi nagsasalita! Pardag umiiyak na babae.
Agad kong hinanap kong saan ito banda at nagitla ako ng
dumako ang mga mata ko sa isang nakabukas na kwarto.hindi..hindi pala kwarto...
banyo? May babaeng nakatuwad na walang habas na sumisigaw
habang may kumakadyot na lalaki sa likod nito? Naitakip ko ang aking mga kamay
sa aking bibig sa matinding pagkagulat. Para akong tood na nakatitig sa
kanilang dalawa na abala sa kanilang mga ginagawa.
'Faster Ryder! Fuck me hard! ohhhh i love it! Your so
big!!!" hiyaw ng babae. Bigla naman akong pinagpawisan ng malamig. First
time kung may nakitang nagkakabayuhan. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ang
babaeng katalik nito dahil para itong umiiyak sa paraan ng kanyang
pagsasalita.Humihiyaw din ito sa bawat pag-atras abante ng lalaki sa kanya.
"Im cumming...Im cumıning! Faster!.Fasterrrrr! "
iskandalusang sigaw ng gaga. Hindi ko naman kaya pa ang narinig ang aking mga
nakikita kaya napaatras ako. Parang gustong humiwalay ang kaluluwa ko sa
katawang lupa ko ng biglang tumingin sa gawi ko ang lalaking may malakabayong
ari? Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito habang walang humpay sa kakaulos sa
kanyang kapareha at titig na titig sa akin. HIndi ko naman alam kong ano ang
gagawin kaya naman agad akong tumalikod.
Diyos ko! Nakakahiya! Baka mamaya iisipin nilang nambubuso
ako. Malay ko bang may ginagawa pala silang milagro? Hindi ko naman siguro
kasalanan ito.
"Stop right there! Malapit na kaming matapos!"
Sigaw nito ng aktong lalabas na ako sa loob ng opisina.
Natigilan naman ako at hindi ko alam kung sasagot ba ako o
hindi. Pero kalaunan mas pinili ko na lang na lumabas ng opisina. Hindi ko
kayang panoorin sila hangang sa matapos ang kanilang ginagawa. Nakakapangilabot
ang bawat hiyaw ng babae.
Hindi ako nagpatinag at patakbo akong pumunta sa pintuan ng
opisina at lumabas. Direcho ako sa elvator at muling bumaba papunta sa
Acounting department. Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay hingal na hingal
akong napaup0 sa aking pwesto habang sapo ko ang aking dibdib na hangang ngayun
ang lakas pa rin ng tibok. Agad naman akong nilapitan ng dalawa kong kasama at
nagtanong.
"Kumusta? Anong nangyari? Bakit para kang hinabol ng
sampung kabayo? May hindi ba magandang nangyari?" tanong ni Ate Samantha.
Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alan kung ano ang sasabihin sa kanila
"Nasigawan ka ba ng Boss? Năku pasensiya ka na Ashley
ha? Dapat talaga hindi na lang ikaw ang inutusan namin.
First day mo pa naman ngayun Dero hindi na agad maganda ang
naging experience mo sa amo natin. !" sagot naman ni Ate Cecil. Agad naman
akong napailing at isa-isa silang tinitigan
"Ga-ganoon ba talaga iyung Boss natin?" wala sa
sarili kong tanong. Agad na napakunot ang kanilang mga noo na napatitig sa
akin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni
Ate Cecil.
"Ano kasi eh..nag---nag.. hindi ko na natuloy pa ang
aking sasabihin ng biglang tumunog ang telepone ng opisina. Agad naman itong
sinagot ni Ate Cecil.
"Hello!- --Good Morning Sir Ryder!.......s.n o
po?.....ah opo, new hire po sya Sir...Ashley delos Santos po!" narinig
kong sagot ni Ate Cecil. Agad akong napatingin sa kảnya habang seryosong
nakikipag-usap sa telepono habang hindi inaalis ang pagkakatigtig sa
akin. Lalo kong kinabahan. Mukhang first day kO pa lang sesante na agad ako.
Kung tutuusin hindi ko naman kasalanan. Malay ko bang nasa kasarapan siya ng
pakikipagtalik?
"'Ashley, tawag ka ni Sir Ryder! Ano ba kasi ang
nangyari?Bakit mukhang mainit ang ulo?" tanong nito sa akin. Napayuko ako.
"Naku. mali kasi eh. Hindi na lang sana natin siya
inutusan. Iyan tuloy, first day pa lang ni Ashley, makakatikim na agad ng
boldyak kay Sir." sabat naman ni Ate Samantha.Pabuntong hininga naman
akong tumayo.
"Balik ka ulit sa office. Dalhin mo pa rin ang
Documents baka sakaling pirmahan niya na.!" wikani Ate Cecil. Agad akong
tumango at muling naglakad sa palabas ng Accounting Department.
Kinakabahan akong muling pinindot ang elevator para bumakas.
Pagpasok sa loob ay itinapat ko ang hawak kong card para dalhin ako sa opisina
ng CEO.
Hindi pa rin maalis-alis ang matinding.kaba sa dibdib ko
lalo na ng maalala ko ang mga eksena kanina na nakita ko sa loob ng banyo ng
opisina ni Boss.
Pagkalabas ko pa lang ng elevator ay nakita ko na ang
babaeng katalik ng CEO na nakaupO na sa harap ng computer. Hindi ako maaring
magkamali. Mukhang ito ang Secretary nya? Diyos Mio.kinilabutan ako sa isiping
nagsesex sila bago mag-umpisa ng trabaho? Ganoon na ba ang papel ng isang
Secretary ngayun? Kung ganoon man lang mas gustuhin ko na lang umuwi ng
probensya at tumulong sa mga ka-baryo ko na magtanim ng kamote.
Agad akong naglakad palapit dito. Naramdaman niya naman ang
aking presensya kaya magtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin.
"What do you want?" mataray nitong tanong. Pigil
naman ako na mairapan ito. Huwag nya akong taray-tarayan..
alam ko na ang sekreto nila ng CEO "Im from accouting
department. Dala ko ang mga documents na dapat pirmahan ng CEO." sagot ko
dito.
Nakatitig ito sa akin ng sabay na napabaling ang tingin
namin ng biglang tumunog ang telepono sa gilid ng kanyang computer. Agad nya
itong sinagot bago muling tumitig sa akin.
"0--ok Sir.copy!"" narinig kong wika nito
bago tuluyan ng ibinaba ang tawag. Muli ako nitong hinarap at seryosong
nagsalita.
"Pwede ka na daw pumasok sa loob".maiksi nitong
wika at halata sa bóses ang pagpipigil ng inis. Agad naman akong tumalima at
naglakad patungo sa pintuan ng opisina. Kumatok pa ako ng tatlong beses bago
narinig na may nagsalita sa loob na pinapapasok na ako.
Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan pabukas at agad na
pumasok. Bumalik na naman ang kaba na nararamdaman ko kani-kanina lang.
Pakiramdam ko nakakatakot ang Boss namin na ito.
"Go...Good Morning Si--sir!" ninirebiyos kong wika
ng makapasok na. Nakaupo ito sa swivel chair at nakatalikod sa gawi ko.
"Good Morming Mrs. Sebastian." sagot nito at agad
na tumayo sa swivel chair at humarap sa akin. Nagulat man ako sa itinawag
nitong pangalan sa akin pero mas lalo akong nagulat ng mamukhaan ko
ito...kanina kasi hindi ko sya masyadong mamukhaan dahil medyo malayo mula sa
aking kinatatayuan ang CR.
Kung kanina hind ko halos maaninag ang mukha nito sa loob ng
banyo, ngayun kitang kita ko na ng malapitan. Hindi ako maaring magkamali. Ito
yung lalaking pinakasalan ko five years ago. Si Ryder James Sebastian.
Parang biglang nanginig ang tuhod ko ng dahan-dahan itong
lumapit sa akin na may nakaguhit na ngiti sa labi. Napalunok ako ng maraming
beses ng tumigil ito sa harap ko at tintigan ang mukha ko
"'Sa wakas, nagkita din tayo muli wife. sagot nito.
Agad na nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko kayang iproseso ng utak kO ang
sinasabi nito sa akin ngayun.
"A-ano ba ang sinasabi mo Sir? Hi-hindi po kita
maintindihan:.at isa pa po..hindi po Mrs. Sebastian ang pangalan ko. Ako po si
Ashley..Ashley delos Santos." pagkakaila ko at umatras ng ilang hakbang
dito.
Kunting kunti na lang kasi at magkakaamuyan na kami ng
hininga dahil sa sobrang lapit nito sa akin ngayun.
Agad na napataas ang kilay nito sa.sagot ko. Pagkatapos ay
muling naupo.sa kanyang swivel chair at mataman akong tinitigan habang may
naglalarong ngiti sa labi.
"Dont tell me na nakalimutan mo agad ang nangyari five
years ago? Ang pagpayag na pagpapakasal mo sa akin kapalit ng ten million pesos
na inoffer sa iyo ng Lola ko." seyoso nitong wika.
Napaiwas ako ng tingin sabay kagat ng labi ko. Wala na.
Sukol na ako. Wala na akong matakbuhan pa kaya naman kinakabahan akong
napangiti dito.
"Ah iyun po ba? Pa-pasensya na po nakalimutan ko kasi.
'" palusot kong sagot dito Hindi naman ito sumagot bagkos tumaas ang sulok
ng labi nito habang titig na titig sa akin. pagkatapos ay muli itong tumayo at
lumapit sa akin.
"i dont think na nakalimutan mo ang lahat. Hindi ko
alam na may pagkasinungaling ka pala Mrs. Sebastian..." wika nito sa akin
sabay hawak ng kamay ko na may suot ng singsing Napalunok ako ng maraming beses
ng titigan nito ang palasingsingan ko na hangang ngayun nakasuot pa rin ang
wedding ring na hindi ko mahubad- hubad sa loob ng limang taon.
Lahat yata ng paraan ginawa kO na para matangal ito pero
walang epekto. Napakagat ako ng labi at hindi makatingin ng diretso dito.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya naman binawi ko ang kamay ko na hawak
nito.
Chapter 4
ASHLEY POV
"Hangang ngayun pa ba naman magpapalusot ka pa rin sa
akin? Imposible na makalimutan mo ang taong nag-ahon sa inyo sa hirap. Ten
million is ten Million Ashley.'" wika nito sa akin. Napayuko naman ako.
Bakit ba kasi hindi muna ako nagresearch bago nag- apply sa kompanya na ito. HR
lang kasi ang nakaharap ko at wala sa hinagap ko na magiging amo ko ang
lalaking pinakasalan ko five years ago kapalit ng ten million pesos.
"Pa-pasensya na po! Sabi kasi ng Lola niyo ipapawalang
bisa naman daw ang kasal natin after two years. Eh five years na po ang
nakalipas baka wala ng bisa ang kasal natin." sagot ko dito Alam kong
katangahan lang ang sagot na iyun at hindi makatotohanan.
Napaismid ito sa sagot ko at tinitigan ako
"sa palagay mo ba may annulment dito sa Pilipinas?
Nanaginip ka yata ng gising Ashley." sagot nito sa akin.
Napalunok naman ako. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng tao na
ito. Win- win naman ang nangyari sa amin no ah? Kailangan nya ng proxy bride ng
araw na iyun at kailangan ko ng pera.
Pero bakit parang lumalabas na ako yata ang masama? Ano ba
ang gusto ng taong ito?
"A-ano po ba ang gusto niyo mangyari? Gu-gusto niyo po
bang magpakasal sa iba: Ayos lang naman po sa akin..kung- --kung walang
annulment dito sa Pilipinas..willing po ako pumirma ng kasunduan na hindi ako
maghahabol. " sagot ko dito.
Humalakhak naman ito na syang ikinagulat ko. May saltik ba
ang lalaking ito? Kaunti na lang at papatulan Kona ito eh!..
Wife....wife.....wife! Mukhang hindi ka nag-matured ah?
Mukhang ikaw pa din ang dating Ashley na eighteen years old na basta na lang
pumayag na magpakasal sa akin." wika nito. Hindi ako nakaimik.
"Ehhh ano po ba ang gusto niyong mangyari? Sabi ni
Madan, proxy lang naman ako sa kasalan na iyun. Hindi po toto0 ang nangyaring
kasal dahil hindi naman kita boyfriend. First time lang kitang nakita at wala
akong balak na maging asawa mo. Tsaka naniwala ako sa sinabi ni Madam na
ipapawalang bisa niya daw ang kasal after two years." wika ko habang
iniisip ang eksaktong pinag-usapan namin ng abwela nito. Ngumisi naman ito sa
akin.
"Iyan ba ang akala mo? Alam mo bang galit na galit ako
sa iyo dahN basta mo na lang akong tinakasan? Hindi mo man lang ginampanan ang
tungkulin mo bilang asawa ko. Bigla ka na lang naglaho na parang bula."
Nakangisi nitong wika. Nanlaki naman ang aking mga mata. Buti na lang talaga at
nakatakas ako dito noon kung hindi baka gutay-gutay na ang tahong ko dito.
Diyos ko! Parang hindi ko maatim na gawin niya sa akin ang ginawa niya sa
secretary niya kanina.
"Sorry po! Ka-kausapin niyo na lang po ulit si Madam.
Hangang pagpapakasal lang po talaga sa iyo ang napag-usapan namin noon.'"
sagot ko dito dahil wala na akong maisip pa kong ano ang isasagot. Tumawa ito.
Pagkatapos ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng
pagkailang kaya napaatras ako.
"Kung..kung wala na po kayong sasabihin babalik na po
ako ng trabaho. Babalikan ko na lang po ang mga documents na dapat mong
piynahan." wika ko dito at agad na tinalikuran ito.
Nagmamadali akong lumabas ng kanyang opisina at nagpasalamat
ako dahil hindi nya na ako tinawag pa. Tulala akong naglakad pabalik ng aking
department.
"oh kumusta? Sinigawan ka ba niya ulit?" agad na
salubong sa akin nila Ate Cecil. Agad naman akong umiling.
"Hayyy naku...ngayun pa lang sanayin mo na ang sarili
mo sa mga bulyaw ng boss natin. Masama talaga ang ugali niyan at umiiyak ang
araw kapag walang napapagalitan na empleyado." wika ni Ate Samantha.
"Ate...Ganoon po ba talaga siya? I mean...normal na
lang po ba sa kanya na nakikipagsex sa loob ng opisina?" hindi ko
mapigilan na tanong dito. Huli na ng maisip ko ang nasabi ko dahi} narinig na
nilang dalawa. Sabay na nanlaki ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa
akin
"You mean...nakita mo si Boss na may katalik na babae
sa office kanina? Kaya ba tulala kang bumaba kanina?" tanong ng mga ito.
Tumango ako. Pagkatapos ay seryoso nila akong tinitigan.
"ito ang gusto naming sabihin sa iyo Ashley. Mag-ingat
ka sa Boss natin. Maliban sa pagiging palasigaw mahilig sa mga magagandang
babae iyan.
Karamihan sa mga nabibiktima nya mga secretary nya. Kaya nga
parang damit lang kung magpalit ng secretary si Boss." wika ni Ate Cecil.
Agad na nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat.
"Ganoon ba? Nakakatakot naman po pala siya." sagot
ko. Agad silang nagsipagtanguan.
"Actually hindi mo naman masisisi si Boss. Mga
mahaharot din kasi kadalasan ang mga nabibiktimna nya.
Mga babae na din kasi ang nagbibigay ng motibo... since
sobrang actiive yata ng Boss natin sa sex agad nya nàmang pinapatulan."
sabat naman ni Ate Sam.
"'Buti wala siyang nabubuntis?" sagot ko. Agad
silang umiling. sagot
"Maingat daw iyan! Lagi may baong
condom. Kahit fuck boy malakas pa rin
ang konrol sa sarili. Ayaw daw
makipagsex kapag walang condom na
nakabalot sa kanyang ari." bulgar na
sagot ni Ate Cecil. Napalunok naman
ako ng ilang beses ng muling sumagi sa
isip ko ang mga nakita kanina sa
opisina.
"Kaya mag-ingat ka Ashley. Umiwas
ka sa Boss natin kung ayaw mong
masira ang buhay mo. Bata ka pa at
marami pang darating sa iyo na
magandang opportunity." pagbibigay
payo sa akin ni Ate Cecil. Agad akong
tumango dahil wala naman akong
balak na pumatol sa Boss namin. Ayaw
ko ng lalaking fuckboy.
Aaminin ko na super gwapo naman
talaga ni Boss Ryder. Siguro hindi
nakakapagpigil ang mga nagdaan
nitong secretary at kusang naghuhubad
sa harap nito. Pero kahit na..kung
matino siyang amo hindi siya dapat
pumapatol sa kanyang mga empleyado.
"Mabuti na lang at nanahimik na sila
Ate Samantha at Ate Cecil. Naging
abala na din sila sa kanilang trabaho
kay muli kong itinoon ang aking sarili
Sa pag- eencode ng mga tseka. Gusto
kong ipakita sa mga kasamahan ko na
masipag ako at maasahan pagdating sa
kahit na anong bagay.
Abala ako sa aking trabaho ng kalabitin
ako ni Ate Cecil. Gulat naman akong
napatitig dito.
"Lunch time na. Sabay ka na lang sa
amin sa Cafeteria para naman may
makakausap ka habang kumakain." pag
-aaya nito sa akin. Agad naman akong
napatingin sa wall clock at nagulat ako
dahil pasado alas dose na ngtanghali.
Agad akong tumango at iniligpit ang
kalat na nasa aking table.
"Grabe..ang bilis ng oras." wika ko
sabay tayo. Napangiti naman silang
dalawa.
"Ganiyan talaga kapag busy. Hindi
namamalayan ang oras. Hayaan mo
masanay ka din sa mga trabaho dito sa
loob ng office." Sagot ni Ate Sam at
naglakad na palabas ng opisina. Agad
naman akong sumunod dito at
Sumunod naman si Ate Cecil
"Bagong empleyado?" natatanaw ko na
ang cafeteria ng may biglang nagsalita
mula sa aming likuran. Napahinto
naman sa paglalakad sila Ate Cecil at
Ate Samn kaya ganoon na din ang
ginawa ko. Agad naman na lumapit sa
amin ang lalaking nagtatanong
patungkol sa akin.
"Yes..first day nya ngayun. Siya ang
pumalit kay Gemma." sagot ni Ate
Cecil. Tumango ito tsaka ako initigan.
"Ipakilala mo naman ako sa kanya. !"
banat ng lalaking kaharap namin.
Tumawa naman si Ate Cecil bago ako
hinarap.
"Ashley..siya si Rustom sa marketing
department siya... at Rustom si
Ashely...ang ganda nya diba?"
pagpapakilala ni Ate Cecil sa aming
dalawa. Agad naman na inilahad ni
Rustom ang kanyang palad para
makipagkamay sa akin. Tinaggap ko
naman ito dahil mukha naman siyang
mabait.
"Sa cafeteria ba kayo kakain? Sabay ma
ako sa inyo." wika ni Rustom. Agad
naman tumango sila Ate Cecil at Ate
Sam.
"Pagdating ng cafeteria ay kanya-
kanya kami order ng pagkain. Gusto pa
nga akong librihin ni Rustom kaya lang
tumanggi ako. May budget naman ako
sa pagkain kaya walang dahilan para
magpalibre kahit kanino.
"Fresh graduate ka pala? Swerte mo
naman dahil nakapasok ka kaagad dito
sa RJ. Hindi sila masyadong naghahire
ng mga fresh graduates.'" wika ni
Rustom. Napangiti naman ako.
"Sa online lang ako nag-apply. Swerte
naman at tinawagan nila ako for
interview. Swertehan lang din talaga
siguro. Kaya nga pinipilit kong
matutunan agad lahat ng trabaho para
naman hindi nakakahiya sa mga
kasama ko." sagot ko. Nagtawanan
naman sila Ate Cecil at Ate Sam.
Mukhang maswerte nga ako dahil
mababait ang mga naabutan kong
kasamahan sa opisina.
"of course...magkakasana tayo sa
iisang department kaya dapat lang
support tayo sa isat isa para gumaan
ang trabaho natin." sagot ni Ate Cecil.
Ngumiti naman ako dito bilang tanda
ng pagsang-ayon.
"kaya ikaw Rustom, huwag kmunang
mangulit kay Ashley ha? Alam nanin
na siya ang pakay mo kaya ka
nakipaglapit. Hintayin mo muna na
matutunan niya lahat ng trabaho sa
department namin bago mo siya
ligawan." prankang wika ni Ate Sam.
Sinabayan naman ng pagtawa ni Ate
Cecil kaya kitang kita ko ang
pamumula ng mukha ni Rustom.
Nahihiya pa itong tumingin sa akin.
"Grabe naman kayo. Napaka-advance
niyo naman mag-isip." sagot nito.
Muling natawa sila Ate Cecil at Ate
Sam. Napakamot naman ng ulo niya si
Rustomn habang hindi makatingin ng
diretso sa akin.
'Wala din naman akong balak na
magpaligaw pa. Kakaumpisa ko pa nga
lang sa trabaho at balak kong i-focus
muna ang buong time ko dito. Tsaka na
ang boyfriend-boyfriend na iyan."
sagot ko naman sabay inom ng juice.
Agad naman napangiti si Atè Cecil bago
sumagot.
"oh narinig mo iyun Rustom?
Mukhang hangang friends lang ang mai-offer
sa iyo ni Ashley.'" kantiyaw ni
Ate Cecil. Muling natawa si Ate
Samantha.
Hindi matapos-tapos ang kulitan sa
aming apat habang kumakain. Kahit
papaano lalong naging panatag ang
aking kalooban dahil mas lalo kong
napatunayan na mababait ang mga
kasama ko. Napaka-vocal nila
pagdating sa lahat ng bagay. Hindi ko
din akalain na ganito sila kakalog.
Akmang susubo ulit ako ng pagkain ng
may lalaking biglang lumapit sa amir
Isang lalaki at masa 40s na ang edad at
kita ang pagiging seryoso habang isa-
isa kaming tinitingnan. Akala namin
makikishare lang ng table pero seryoso
itong humarap sa akin.
"Ms. Ashley? Ashley Sebastian?"!
tanong nito. Natigilan naman ko
sabay titig dito. Hindi ko alam kong
nagbibiro ba ito o hindi dahil hindi
naman Sebastian ang apelyedo ko.
delos_Santos ako kaya mukhang
nagkamali ito ng nilapitan. SA dami ba
naman ng mga empleyado dito hindi
malabong may kapangalan ako.
'No po. Ashely delos Santos po ang
name ko.' " sagot ko sabay baling ng
tingin sa mga kasamahan ko. Kitang
kita ang pagtataka sa mga mata ng
mga ito habang nagpapalipat-lipat ng
tingin sa akin at sa taong bagong
dating.
"New employee ka diba? Accounting
departmnent?" tanong ito. Napatingin
ako kina Ate Sam at Ate Cecil bago
sumagot.
"opo.pero hind po Sebastian ang
apelyedo ko. delos Santos po.'"
pagtatama ko. Tinitigan muna ako nito
bago tumango tsaka nagpaalam.
Naiwan naman akong naguguluhan.
"Ang weird niya! Ang alam ko mataas
na ang posisyong ng taong iyun pero
parang tanga kong makipag- usap. Ano
kaya ang kailangan niya kay Ashley
Sebastian? Kaapelyedo pa talaga ng
CEO," wika ni Rustom. Bigla akong
kinabahan ng muling sumagi sa isip ko
si Ryder. Diyos ko! Tinawag nya ako
kaninang Mrs. Sebastian.
""Ganiyan talaga minsan ang mga
matatalinong tao. Sa sobrang dami ng
mga iniisip hindi nila namamalayan na
naging weirdo na pala sila." sagot ni
Ate Cecil sa pamamagitan ng pagsubo
ng kanyang kinakain. Hindi nà din ako
umimikat itinoon na din ang aking
attention sa pagkain.
Patapos na ako sa aking kinakain ng
tulala na napatitig sa likuran ko sila
Ate Cecil at Ate Sam. VWala sa sariling
napalingon ako at nanlaki ang aking
mga mata ng makita ko si Sir Ryder na
seryosong naglalakad papunta sa
kinaroroonan namin. Nakasunod dito
ang lalaking lumapit sa amin at
tinawag akong Ashley Sebastian. Bigla
akong kinabahan ng mapansin ko na
direktang nakatitig sa akin si Ryder at
mukhang galit.
"Oh my God! Nandito si Boss! First
time in the history ito na ang mismong
may ari ng RJ SEBASTIAN LOGISTIC
INC.ay aapak sa cafeteria!"" narinig
kong bulong ni Ate Sam. Napaayos ako
ng upo at muling itinoon ang attention
sa kinakain. Gusto ko ng tawagin lahat
ng santo na kilala ko para ipagdasal na
sana hindi ako ang pakay ni Ryder dito
sa cafeteria.
Chapter 5
ASHLEY POV
Halos gustong manginig ang buo kong
laman ng mapansin kong tumigil sa
gilid ng table namin ni Si Sir Ryder.
Hindi pa rin maalis-alis ang
pagkakatitig sa akin kaya naman
parang gusto ko na lang na lamunin ng
lupa para makatakas sa masakit nitong
tingin.
"Ashley!" tawag nito sa pangalan ko.
Lalo naman akong napayuko. Kulang
na lang isubsob ko ang mukha ko sa
pinggan para lang maipakita dito
naiilang ako sa kanyang presensya.
Naramdaman ko na kinalabit ako ni
Ate Sam kaya naman napaangat ako ng
aking tingin. Inginuso nito si Sir Ryder
na salubong na ang mga kilay na
nakatitig sa akin. Kapansin-pansin din
na masama ang tingin na ipinupukol
nito kay Rustom. Lalo akong
nakaramdam ng pagkailang ng
mapansin ko na sa amin nakatoon ang
attention halos lahat ng tao dito sa
cafeteria.
"Ashley , huwag mo ng hintayin pa na
buhatin kita dyan sa kinauupuan mo.
Bilisan mo na dahil gutom na ako."
wika nito. Parang gusto kong màwalan
ng ulirat ng banggitin nito ang
pangalan ko. Nagtataka naman na
napatitig sa akin sila Ate Sam at Ate
Cecil.
"ehhhh Sir...may...may kailangan po ba
kayo? Tapos nyo na po ba pirmahan
iyung dala kong documents kanina?
Pupuntahan ko na lang po mamaya.'
wika ko dito kasabay ng
pagpapakawala ng hilaw na ngiti.
Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa
isang iglap lang ay hawak na ako ng
mahigpit sa aking braso. Pilit akong
pinapatayo kaya wala na akong nagawa
kundi ang tumingin sa mga kasamahan
ko na takang taka habang nagpapalipat
-lipat ang tingin sa aming dalawa ni
Sir Ryder.
"Lets go!" malamig nitong wika sabay
hila ng aking kamay. Wala na akong
nagawa pa kundi ang sumama na dito.
Nahihiya na din ako dahil
pinagtitinginan na kami ng ibang
empleyado at ayaw kong pag-
tsismisan nila ko lalo na at ka-bago-
bago ko lang sa sa trabaho.
Kamalas-malasan naman kasi. Sa dami
ng kumpanya na inapplayan ko dito pa
talaga ako natapat sa taong ni sa
panaginip hindi ko na gustuhin pang
makita. Ewan ko ba lumalakas talaga
ang kabog ng dibdib ko tuwing nakikita
ko ito. Pakiramdam ko hindi ako safe
sa taong ito eh. Although ikinasal kami
noon pero hindi ibig sabihin asawa
niya ako.
"Eh Sir, pwede po bang bitayan niyo
na ako? Sasama na po ako sa inyo."
wika ko dito sabay hila ng kamay kona
hawak nito. Masama lang ako nitong
tinitigan at mabilis ang hakbang na
naglakad papuntang elevator. Wala na
akong nagawa pa kundi ang binilisan
na lang din ang hakbang dahil hawak-
hawak niya pa rin ako sa aking kamay.
Isa pa nakasunod ang tingin sa amin
ng ibang empleyado. Kitang kita ang
pagtataka sa kanilang mukha habang
nagbubulungan
Pagpasok sa loob ng elevator ay sa
wakas binitawan din ako ng gago.
Hindi kO alam kung ano ang nakain
nito. Hindi ko din alam kung ano ang
kailangan nito. May thirty minutes pa
ako bago bumalik ng trabaho at
imposible naman na hindi niya alam
ang oras.
Sir dapat pinatawag nyo na lang ako
after breaktime.!" wika ko dito sa
kawalan ng sasabihin. Tahimik kasi
itong nakatitig sa akin kaya naiilang
ako.
Who's that guy? Nanliligaw ba siyà sa
iyo?" tanong nito. Hindi ko naman
makuha ang ibig nitong sabihin kaya
sandali akong nag-isip. Biglang
sumagi sa isip ko si Rustom.
"Ah si Rostum po? Nakasabay lang po
namin siya kanina papuntang cafeteria.
Ngayun ko lang din po sya nakilala
dahil first day ko lang din ngayun sa
trabaho." sagot ko dito. Saglit itong nag
-isip habang hindi inaalis ang
pagkakatitig sa akin.
"Ayaw ko ng makita ulit na lalapit-
lapit sa iyo ang lalaking iyun. Iwasan
mo siya." diretsahan nitong wika.
Natigilan naman ako. Ano na naman
kaya ang drama ng kumag na ito. Bakit
bawal na akong lapitan ng kahit sino?
Kasama ba ito sa rules and regulations
dito sa company? Matanong ko nga
mamaya sila Ate Samantha at Ate Cecil.
"Bakit po? I mean...nakipagkkala lang
naman po sya. Mas mabuti nga po na
marami akong kakilala dito sa opisina.
Para marami po akong friends." hindi
ko magiwAsan na sagot. Masama naman
ako nitong tinitigan. Napa-peace sign
tuloy ako ng wala sa oras. Letse talaga!
Bakit ganito ang may ari ng RJ? Bakit
mukhang may topak? Isa pa ano kaya
nag kailangan nito sa akin. Naku!
Kailangan kong maging alerto. BAka
mamaya gagawin niya sa akin ang
ginawa niya sa Secretary niya kanina.
Ayaw kong makuha ng kahit na sino
ang virginity ko noh? Para lang iyun
magiging asawa ko...Well hindi sa
kanya pero sa totoo kong maging
asawa.
Pagkalabas namnin ng elevator ay
naabutan pa namin ang secretarty nito
na katalik kanina. Nakaupo sa kanyang
pwesto at nakabusangot. Hindi ko
naman maiwasan na mapataas ang
aking kilay lalo na ng mapansin ko
nakatitig ito sa akin.
"'Baka nagsesel os. " hindi ko maiwásan
na bulong sa aking sarili. Sumunod
naman ako kay Sir Ryder hangang sa
makapasok kami sa loob ng opisina.
Nagulat pa ako ng makita ko na
maraming pagkain na nakalagay sa
lamesa nito. Nagtataka akong
napatingin dito at katulad kanina
seryoso pa rin. Hindi ko alam kung
masama ba ang araW nito o talagang
normal na sa kanya ang palaging
nakasimangot.
Sit! Sabagayan mo akong kumnain."
wika nito sa akin at itinuro ang isang
upuan. Gulat akong napatitig dito bago
sumagot.
"Pinatawag niyo lang po ako para
sabayan kayong kumain? Pwede niyo
naman po yayain ang girl friend niyo
ah?" hindi ko maiwasan na sagot dito.
Minsan gusto ko na din kutusan ang
sarili ko. Hindi ko talaga mapigilan ang
bunganga ko. Pwede naman aləng
manahimik na lang muna at tumanggi.
Masasarap ang pagkain na nakah:
pero busog na ako.
"Sit down at lets eat!" ulit nito sa
seryosong boses. Hindi naman ako
natinag at tumitig dito.
'Busog na po ako. Kumain na ako
kanina sa cafeteria. Dapat kanina pa
lang sinabi niyo na sa akin na balak
niyo akong librihin ngayun. Nakatipid
sana ako ng isang meal ngayung araw.'"
sagot ko. Natigilan ito at biglang
lumapit sa akin. Naalarma naman ako
kaya bigla akong napaupo.
"Kapag sinabi kong kakain ka....kakain
ka. From now on, bawal ka ng pumunta
o kumain ng cafeteria. Bawal ka din
makipag-usap kahit kaninong lalaki
diyan. Ako lang ang kakausapin mo at
ang dalawa mong ka- trabaho!" wika
nito. HIndi ko naman alam kung
seryoso ba siya o nagbibiro lang. Pero
mukhang seryoso dahil hindi o
ngumingiti. Katunayan nga
nakakapaso ang karnyang mga tingin na
pinapakawalan sa akin.
"Nagbibiro po kayo diba? Imposible
naman po na hindi ako makipag-usap
sa iba. Gusto ko po magkaroon ng
madaming kakilala dahil gusto ko po
magkaroon ng maraming friends.'"
sagot ko. Hindi ito umimik bagkos
nilagyarn nito ng pagkain ang pinggan
na nasa harap ko.
"Sundin mo na lang ang gusto ko kung
ayaw mong isesante ko lahat ng
lalaking lalapit sa iyo.'" wika nito. Gulat
naman akong napatitig dito.
Hinahanap ko sa kanyang hitsura kung
nagbibiro ba ito pero walang kabakas-
bakas. Hindi ko talaga ma-gets kung
bakit ganito ito. Kung ganito ba siya sa
lahat ng kanyang mga bagong
empleyado.
"Bakit po? I mean, bakit po kayo
ganiyan? Hindi nyo po ako wedeng
diktahan dahil hindi ko po kayo tatay.!"
sagot ko. Naihampas naman nito ang
kanyang kamay sa lamesa. Buti na lang
at hindi naglalaglagan ang mga
pagkain na nasa lamesa. Mukhang may
sapak nga ang amo ko. Kaunting
katwiran nagagalit agad. Ano ang gusto
niya...0o lang akO ng oo sa lahat ng
sasabihin niya? Sino ba siya para
diktahan ako?
Mukhang may sayad nga sya. Mukhang
totoo ang sinabi sa akin kanina nila Ate
Samantha at Ate Cecil. Nakakatakot
ang CEO!
"Kumain ka na. Starting tomorrow,
dito ka na sa office ko kakain." wika
nito at nag-umpisa ng sumubo ng
pagkain. Wala naman akong nagawa
kundi kunin ang kutsara at tinidor at
pinilit ang sarili na kumain na din
kahit busog pa ako.
In fairness masarap ang pagkain. Iba
talaga ang mayayaman. Nthough
nakatangap ako ng ten nillion noon
kapalit ng pagpapakasal dito pero
ginamit ko iyun para makabili kami ng
lupain sa probensiya. Ang ibang bahagi
naman ng pera ay ipinatayo namin ng
bahay at ginamit sa pag-aaral naming
tatlong magkapatid.
Halos paubos na ang pera kaya
kailangan ko pa din kumayod para
mabili ang mga gusto ko. Wala kasi
akong balak na mag-stay ng matagal
sa probensiya. Mas marami kasing
opportunity na dadating sa akin dito sa
Manila lalo na at nakapagtapos na ako.
Gusto kong umasenso gamit ang
natapos kong kurso.
Pagkatapos namin kumain ay tinawag
nito ang Secretary at inutusan na
ligpitin ang aming pinagkainan. Of
course busangot to the highest level pa
din ang hitsura ng lola mo. Hindi ko
alam kung ano ba talaga ang papel nito
sa buhay ng CEO namin. Kung secretary
ba ito, Girl friendo parausart,
Mukhang "Yuck" ang pinaka-last na
choices na naisip ko.
"Hmmm Sir, balik na po ako sa aking
department. Baka hinahanap na ako ng
mga kasamahan ko." paalam ko kay
Ryder. Baka mabugahan pa ako ng apoy
ng kanyang secretary dahil mukhang
nagmamaktol ito habang nililinis ang
aming pinagkainan. Wala akong balak
na tulungan ito dahil kailangan ko ng
makabalik sa aking department. Baka
kung ano na ang iniisip nila Ate Sam at
Ate Cecil sa akin. Mahirap na.
"Ipadala ko na kay Anthon ang mga
documents kapag tapos ko ng
pirmahan. Huwag mong kalimutan ang
sinabi ko sa iyo kanina. Sundin no
lahat ng ipinagbabawal ko." seryoso
nitong wika tsaka umupo na sa
kanyang swivel chair. Hindi ako
umimik dahil wala naman akong balak
ang sundin ang gusto nito. Malay ba
nya kung sino ang magiging kaibigan
ko dito sa kompanya. Hindi naman
siguro ako nito susundan sa kahit saan
ko gustong puntahan.
Pagdating ng accouting office ay agad
akong pinutakte ng tanong nila Ate
Sam at Ate Cecil.
"Ano ang nangyari? Bakit bigla ka na
lang pinatawag ng CEO? Pinagalitan ka
ba nya sa pambubuso na ginawa m
kaninang umaga?" agad na tanong ni
Ate Cecil sa akin. Muling sumagi sa isip
ko ang nakita ko kaninang umaga kaya
napailing ako.
" Gusto lang niyang sabayan ko siya sa
t pagkain. Nalulungkot yata syang
kumain mag-isa sa loob ng opisina."
sagot ko. Napanganga naman ang
dalawa dahil sa pagkagulat. Hindi
marahil inaasahan ng mga ito na
yayayain akong kumain ng Boss namin.
Talaga? Huwag mong sabihin ikaw na
naman ang prospect niya? Gusto ka
daw ba nyang ligawan o gusto ka din
nyang ikama?"" tanong ni Ate San.
"Naku Ate, hindi ko siya type noh
Wala akong balak na magpabiktima sa
isang lalaking kagaya nya. Ayaw ko sa
mga fuckboy." agad na sagot ko. Muli
silang nagkatinginan.
"Aasahan namin iyang sinasabi mo
Ashley ha? Bata ka pa kaya huwag na
huwag kang pabibiktima sa Boss nati.
Baka mamaya matulad ka din sa ibang
mga nagdaan na empleyado dito na
pagkatapos niyang ikama basta nya na
lang itinapon na parang basahan.'"
bakas ng pag-aalala sa boses ni Ate
Cecil na sagot nito.
"huwag kayong mag-alala Ate. Iba ako
sa kanilang lahat. Kahit gaano pa ka-
pogi ang Boss natin wala akong balak
na patulan siya. Para lang sa magiging
asawa kO ang beautiful body ko.'"
pabiro kong sagot sa kanila. Tanging
tawa na lang din ang kanilang ginawa
at itinoon na namin ang buong
attention sa trabaho.
Abala kaming lahat ng marinig namin
na may kumakatok sa pintuan ng
office. Sabay kaming napalinga at
narinig ko pa ang pagsinghap ni Ate
Sam ng makita nito ang isang
matangkad na lalaki na nakatayo sa
pinto.Agad na tumayo si Ate Cecil para
pagbuksan ito.
"Hello Sir Anthon. Its our pleasure na
napadalaw ka sa aming humble office. "
agad na wika ni Ate Cecil ng
makaharap na nito ang nagngangalan
na Anthon. Tahimik naman akong
nakamasid sa kanila.
"Dinala ko lang itong pinirmahan na
documents ng CEO." wika nito sabay
abot ng hawak nitong papeles. Napa-
WOW maman sila Ate Cecil at Ate Sam.
"Ano ang nakain ng CEO at ikaw pa ang
inutusan na magdala nito sa amin.
Pwede mo naman kaming tawagan
para kami na lang ang kumuha nito.
Nakakahiya tuloy sa iyo sir Anthon. "
Pabebe na sagot ni Ate Sam. Hindi ko
naman mapigilan ang matawa.
"No choice. Alam mo naman ang amo
natin. Once na iniutos kailangan
sundin." sagot nito tsaka sumulyap sa
gawi ko.
Chapter 6
Ashley POV
Narinig ko ang impit na tili ni Ate Sam
ng makaalis na si Anthon. Halatang
may gusto si Ate Sam dito kaya ganoon
na lang ang kanyang reaksiyon kanina.
"Alam mo bang executive secretary
iyun ni Sir Ryder? Ang gwapo nya diba?
kinikilig na wika ni Ate Samantha.
Talaga? Eh ano nya ang babae doon sa
office. Yung ka anuhan niya kaninang
umaga?" curious kong tanong. Ilan ba
ang secretary ng CE0? Isa pa hindi ko
nakita kanina yung Anthon sa office ni
Sir Ryder.
"Bale dalawa ang Secretary ni Sir
Ryder. Si Sir Anthon ang executive
secretary nya. Siya ang palaging
kasama ni Sir sa mga out of town tsaka
mga meetings sa labas ng opisina.
Yung isa naman, siya ang palaging
nagchecheck ng mga emails at
sumasagot ng mga phone calls kaya
Pero ang alam ko mas malaki ang sahod ni Anthon my
love." kinkilig na sagot ni Ate
Samantha. Nagkatawanan naman kami.
"Hayy naku, kung kiligin ka naman
dyan to the highest level talaga.
Hanggang pangarap ka lang naman kay
Sir Anthon dahil hindi ka naman
pinapansin noong tao." pang-aasar na
sagot ni Ate Cecil. Agad naman
napasinmangot si Ate Samantha.
Padabog itong muling naupo sa
kanyang pwesto. Nagkatinginan
naman kami ni Ate Cecil. Pagkatap os
ay kinindatan ako at sininyasan na
huwag na lang pansinin.
Tumango lang ako at mnuling itinoon
ang attention sa trabaho. Eksakto alas-
sinko ng hapon na kuhain ang
attention ko ni Ate Sam. Uwian na daw
at ligpitin ko na ang mga gamit ko.
Painat-inat naman akong tumayo.
mula sa aking upuan tsaka hinagilap
ang aking bag para mag-ayos ng sarili.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako at
gusto kO ng umuwi sa apartment na
inuupahan ko. Gusto ko ng matulog.
Saktong palabas na kami ng building
ng biglang bumuhos ang malakas na
ulan. Parang gusto ko naman
magpapadyak sa sobrang inis.
Kailangan pa kasing maglakad ng ilang
metro para mag-abang ng
masasakyang jeep. Ayaw ko na din
magtaxi dahil mapapamahal ako. Kung
pwede naman jeepP para makatipid why
not diba?
"'naku, paano ba ito. Bigla naman
buhos ang ulan! May bagyo ba?"
narinig kong tanong ni Ate Samantha
kay Ate Cecil. Umiling si Ate Cecil tsaka
naghalungkat sa kanyang bag.
" Saan ka ba sasakay Ashley? Tatawid
pa kami ni Samantha sa kabilang
kalsada. Doon ang sakayan papunța sa
tinitirhan namin." wika nito sabay
labas ng payong sa loob ng kanyang
bag. Nalungkot naman ako dahil
magkaiba ng way ang aming uuwian.
Mukhang mag-isa talaga ako nitong
maglalakad papuntang sakayan ng jeep.
Ayos lang Ate. Patitilahin ko na lang
ang ulan bago ako maglakad
papuntang sakayan. Pwede na kayong
mauna total may dala pala kayong
payong." sagot ko na lang.
Nagkatinginan naman ang dalawa
pagkatapos ay iniabot sa akin ni Ate
Samantha ang hawak nitong payong.
"Here...gamitin mo muna ito.
Makikisukob na lang ako kay Cecil total
pareho naman kami ng way na
pupuntabhan." wika nito. Umiling
naman ako dahil nahihiya ako sa kanya.
"Naku, ayos lang ako Ate Sam. Titila na
din siguro maya-maya ng kaunti ang
ulan." wika ko. Nakakahiya nanan kasi
kung hindi ako tatanggi. Siya pa tuloy
ang mawalan ng payong, Magdadala na
lang din siguro ako bukas ng payo
dahil mukhang unpredictable ang
weather dito sa Manila.
"Sigurado ka ba? Baka gabihin ka na
niyan?" tanong ni Ate Sam. Tumango
naman ako. Tumingin pa ako sa labas
at ambon na lang naman. Hindi ako
masyadong mababasa kapag bibilisan
ko ang paglalakad papuntang sakayan
ng jeep.
"'Ayos lang Ate. Titila na din ang ulan
kaya pwede na din ako maglakad
papuntang sakayan." sagot ko.
Tumango naman silang dalawa tsaka
nagpaalam na. Naiwan naman akong
pinagmamasdan ang labas. Marami
din akong nakitang mga empleyado na
naglalakad papuntang labasan kaya
nakikisabay na ako. Yung iba tulad ko
walang mga payong kaya naman hindi
na ako nagpatumpik-tumpik pa. Bukas
na bukas hindi ko talaga kakalmutan
ang payong na iyan.
Pagdating ng sakayan ng jeep ay
biglang buhos ang malakas na ulan.
Agad akong napatakbo papuntang
waiting shed para hindi mabasa.
Punuan na din ang mga sakay ng jeep
kaya mukhang gagabihin ako nito.
Yung ibang mga pasahero walang
pakialam kung mabasa man sila o
hindi basta makasakay lang sila ng jeep.
Halos dalawang oras na ang lumipas
pero hindi pa rin ako nakasakay ng
jeep. Dagsaan pa rin ang mga pasahero
at malakas ang ulan. Bigla akong
nakaramdam ng kaba ng inilibot ko
ang paningin sa paligid. Gabi na at
nandito pa din ako sa kalsada. Ayaw ko
din naman makipagsisikan sa mga
nagmamadaling pasahero. Isa pa basa
na din ako at nakakaramdam na ako ng
ginaw. Sana lang hindi akO magkasakit
nito. Hindi ako pwedeng magkasakit
dahil ka bago-bago ko pa langsa
trabaho tapos aabsent agad ako?
"Miss empleyado ka din ng RJ logistics
diba?" nagulat pa ako ng may biglang
nagtanong na lalaki sa aking tabi. Agad
ko naman itong nilingon at tumampad
sa paningin ko ang uniform nito na
may tatak ng RJ logistics. Siguro nga
kapareho ko ito ng kumpanyang
pinapasukan pero magkaiba kami ng
department. Tatango sana ako pero
nakarinig ako ng sunod-sunod na
busina. Agad naman napukaw ang
aking attention ng may humintong
isang mamahaling sasakyan sa tabi ng
isang jeep na abala sa pagpapasakay ng
pasahero.
Nagulat pa ako ng nakita kong bumaba
si Sir Ryder mula sa loob ng sasakyan.
Inilibot nito ang paningin sa paligid
habang nakakunot ang noo. Bigla
akong nakaramdam ng kaba ng
huminto ang titig nito sa akin at agad
na lumnapit
"Bakti hindi mo ako pinuntahans
opisina kung nahirapan kang
sumakay? Pwede naman kita ihatid ah?
" wika nito sa galit na boses. Agad
naman kaming nakapukaw ng
attention ng mga ibang pasahero.
Napalunok pa ako ng maraming beses
bago sumagot.
"Ehhhh hindi ko naman po kasi alam
na uulan ng ganito. Tsaka mahirap pala
sumakay." sagot ko sa kawalan ng
masasabi. Isa pa nilalamig na talaga
ako. Dagdagan pa na pagod na ako at
gusto ko ng matulog. Ayaw ko ng
makipagtalo pa sa kanya tungkol sa
mga ganitong bagay.
Nagulat pa ako ng bigla akong
hawakan sa braso. Pagkatapos ay
hinatak niya ako kaya naman agad
akong napapiksi.
"Teka lang. Saan mo ako dadalhin?!
tanong ko. Lalong nagsalubong ang
kilay nito.
"obvious ba? Sumakay ka na ng kotse
dahil ibhahatid na kita.'" sagot nito.
Tatanggi sana ulit ako kaya lang
hinatak nyang muli ako. Napatingin
ako sa paligid at kitang kita ko ang
maraming paris ng mga mata na
nakatingin sa amin.
"Fuck! Basang basa ka na! Bakit ba ang
tigas ng ulo mo!" Wika nito at agad
akong pinagbuksarn ng pintuan ng
kotse. Tahimik naman akong sumakay.
Agad na sumalubong sa pang-amoy ko
ang halimuyak na amoy na galing sa
loob ng kotse at ang malanbot nitong
upuan.
Pagkasakay ko ay agad din itong
sumakay at napapitlag pa ako ng
tumabi ito sa akin. Agad naman akong
nagbigay ng distansya at sumiksik sa
kabilang gilid ng sasakyan.
Tsk! Tsk! Tsk!" bulong pa nito sabay
hubad ng kanyang suot na coat. As
usual salubong pa rin ang kilay at
mukhang normal na lang itoSa kanya.
"Wear this! Basang basa ka at alam
kong nilalamig ka na." wika nito sabay
abot ng kanyang nahubad na coat. Agad
naman akong umiling. Malakas itong
napabuntong hininga at umusog
papunta sa akin. Nagulat pa ako dahil
ito na mismo ang nagsuot ng jacket sa
aking katawan.
"Ayos lang po ako Sir. kaya ko pa
naman po.!" wika ko dahil nahihiya
ako sa kanya. Hinubad nya pa talaga
ang kanyang suot na coat para
ipagamit sa akin. Mukhang may
ginintuang puso naman pala ang
aming CEO.
Hindi niya ako pinakinggan at lalo
nitong isiniksik ang sarili sa akin. Wala
na akong nagawa pa kundi hayaan siya
sa ginawa nyang pagsusuot ng coat
niya sa akin. Parang gusto ko naman
pumikit dahil agad na sumalubong sa
akin ang mabangong amoy ng coat
nito. Hindi ko alam kung amoy ba ito
ng pabango o amoy ni Sir Ryder.
Lalaking lalaki ang amoy at ang sarap
sa ilong Muling namayani ang katahimikan sa
loob ng kotse pagkatapos nitong
ipasuot sa akin ang kanyang coat.
Ipinikit ko na din ang aking mga mata
dahil parang ang sarap talaga matulog.
Dagdagan pa ng malakas na ulan sa
labas kaya lalo akong nakaramdam ng
antok.
"Saan tayo Boss? narinig ko pang
tanong ng driver. Hindi ko na
pinagtuunan pa ng pansin ang tungkol
sa bagay na iyun dahil agad na akong
hinila ng antok. Wala na akong naging
pakialam sa paligid at hindi ko na
naisip pa na kasama ko pala sa loob ng
kotse ang babaero kong Boss.
Napabalikwas ako ng bangon ng
magising ako ng mataas na ang sikat
ng araw. Pupungas-pungas pa akong
bumangon sa hindi familiar na higaan.
Hindi ko alam kung nasaan ako pero
napapikit ako ng maalala ko na kasama
ko si Sir Ryder kagabi sa kotse. Parang
gusto ko naman iuntog ang sarili ko sa
pader ng maisip ko na nakatulog ako sa
kalagitnaan ng byahe.
Napahawak pa akO sa aking bibig para
pigilan kO ang aking pagtili ng
mapansin ko na ibang damit na ang
aking suot. Parang gusto kong maiyak
sa isipin na baka pinagsamantalahan
ako kagabi ni Sir Ryder habang tulog
ako.
"shit! Paano ito?" hindi ko mapigilan
na bulong sa aking sarili.
Pinakiramdaman ko pa ang aking
katawan kung may nabago ba pero
wala naman akong naramdanan na
kakaiba.
"Sabi ng mga classmates ko noong
college, masakit daw kapag na-
devirginized. So ibig sabihin kirgin pa
ako dahil wala naman akong
nararamdaman na sakit sa aking
perlas?" hindi ko mapigilan na bulong
sa aking sarili. Pagkatapos ay iginala.
ko ang aking paningin sa paligid ng
kwarto. Walang bakas ni kahit anino ni
Sir Ryder kaya nagpasya akong
lumabas ng silid.
"Mabuti naman at gising ka na.
Kailangan mo ng kumain at maligo
dahil hinihintay na tayo sa opisina.'"
bahagya pa akong napapitlag ng
biglang nagsalita si Sir Ryder. Nakita
ko na prente itong nakaupo sa sofa
habang nakatutok ang paningin sa
telebisyon. Naka suot na ito ng damit
pang-opisina.
"Sir...nasaan po tayo?" tanong ko.
Natigilan ito tsaka tumingin sa akin.
"Nandito ka sa penthouse ko.
Nakatulog ka na kagabi kaya dito na
kita dinala." sagot nito. Napalunok
naman ako ng makailang ulkhabang
pinag-iisipan kung itatanong ko ba,
dito kung sino ang nagpalit sa akin ng
damit kagabi.
"May pagkain na sa table. Kumain ka
na dahil aalis na tayo!" muling wika
nito na bakas ang pagkayamot sa boses.
Napaigtad ako at agad na naglakad
papuntang table na maraning
nakahain na pagkain. Nilinga ko pa ito
at nakita kong titig na titig ito sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkailang kaya
agad akong nagsalin ng juice sa baso at
ininom.
Nang muli ko itong balingan ay nakita
ko na itong naglakad papuntang
kabilang kwarto. Nakahinga ako ng
maluwag at inumpisahan ng kumain.
Hindi na ako dapat umangal pa. Gutom
ako at kailangan na namin makaalis
para pumasok ng trabaho. Tiyak na
magtataka sila Ate Samantha at Ate
Cecil. Second day of work pagkatapos
late ako.
"'Kakatapos ko lang kumain ng marinig
ko na may nag-doorbell. Akmang
pupunta ako ng pintuan ng nakita ko
na lumabas ng kwarto si Sir Ryder.
Seryoso ang mukha nito at diretsong
naglakad papuntang pintuan. Hindi ko
na lang pinansin at pumunta na ako ng
lababo para hugasan ang pinakainan ko.
Pagkatapos kong magligpit ay muli
akong bumalik ng sala. Napansin ko na
nakaupo muli si Sir Ryder sa sofa at
may hawak itong isang malaking paper
bag.
"Take this. Mamili ka ng damit na
isusuot mo para makaalis na tayo.'"
wika nito sa akin at iniabot ang paper
bag na hawak nito. Natigilan naman
ako.
"Ibabalik ko na lang po ng suot ang
nahubad kong damit kagabi Sir.
Nakakahiya naman po. Pinatulog niyo
na nga alko dito tapos papahịramin
niyo pa ko ng damit." sagot koalito
sabay pakawala ng alanganin na ngiti.
Tumitig ito sa akin at tumayc mula sa
pagkakaupo sa sofa. Pagkatapos ay
nilapitan ako nito at tinitigan sa mga
mata.
"Dont call me Sir! Asawa kita kaya
dapat lang tawagin mo ako sa pangalan
ko." seryosong wika nito. Agad na
nanlaki ang aking mga mata ng
maramdaman ko ang kamay nito sa
pisngi k0.
Chapter 7
ASHLEY POV
Napaatras ako ng maramdaman ko ang
kamay nito na humahaplos sa aking
pisngi. Napansin ko pa ang paglunok
ng makailang ulit nito bago bahagyang
lumayo sa akin. Agad ko naman kinuha
dito ang iniabot niya kaninang paper
bag.
"Do you hear me? Call me Ryder
because I am your husband!" ulit nito.
Napatanga naman ako bago pilit na
ngumiti.
"Ebhh hindi naman po totoong asawa
kita. Nagpakasal lang po ako sa inyo
dahil sa offer ni Madam. Sorry po....
hindi ko po magagawa ang gusto niyo...
" sagot ko. Natigilan ito at matiim
akong tinitigan. Pagkatapos ay ngumisi
ito.
"Hindi ko alam kung nagpapa-hard to
get ka ba o ano...Pero ito lang ang
masasabi ko sa iyo. Kung hindi mo ako
type lalong hindi kita type," wika nito
at muling naupo sa sofa.
"Hmmmp hindi daw type pero kung
makatitig sa akin akala mo kakainin
ako ng buo.'" hindi ko maiwasan na
bulong sa aking sarili habang nakatitig
sa galit nitong mukha.
"Sir..mag-aayoS na po ako para
makaalis na tayo." wika ko dito sabay
talikod. Nagpasalamat ako dahil hindi
na ito muling nagsalita pa. Pagkapasok
ko ay agad kong inilock ang pinto at
wala sa sariling napahawak ako sa
aking dibdib. Kumakabog iyun at
parang nahihirapan akong humiga.
Mukhang simula ngayung araw
kailangan ko ng iwasan ang amo ko.
Ayaw kong magising isang umaga na
pag-aari na akO nito.
Kung bakit naman kasi napaka-gwapo
ni Sir Ryder. Kung hindi lang sana ito
babaero baka hahanga pa ako dito eh.
Kaya lang tirador ito ng mga
empleyado. Lalong lalo na ng mga
secretary. Ipinilig ko ang aking ulo
para pigilan ang aking sarili na mag-
isip ng kung ano pa man.
Inisa-isa kong tingnan ang laman ng
paper bag. Puro mga damit pambabae
kaya agad akong namili ng isusuot ko.
Halatang hindi pa naisusuot ang mga
damit na ito at hindi ko alam kung
bakit kailangan pa nitong mag-abala
na bumili. Kung tutuusin wala naman
na dapat siyang pakialam sa akin dahil
empleyado lang naman akO ng kanyang
kumpanya.
Oo, ikinasal nga kami noon pero hindi
ibig sabihin asawa niya ako. Sa papel
lang iyun at iniligtas ko lang siya sa
kahihiyan kapalit ng ten million. Wala
naman siguro akong utang na loob sa
kanya diba? Oo nakapagtapos nga ako
gamit ang perang iyun pero nakaligtas
naman siya sa kahihiyan. Isa parang
lola nito ang nag-alok sa akin tungkol
Sa bagay na iyun.
Pinilit kong iwaksi sa isip ko ang lahat.
Agad akong pumasok ng banyo at
naligo. Kung saan-saan lumilipad ang
isip ko at muntik ko ng makalimutan
na naghihintay pala sa akin ang
masungit kong amo.
"Parang isinukat sa katawan ko ang
mga damit na ibinigay sa akin kanina
ni Sir Ryder. Buti na lang hindi
required sa department amin ang
magsuot ng uniform kaya walang
problema. Lahat ng damit ay sukat ko
na siyang ipinagpasalamat ko. At least
hindi ko na kailangan pang
mamroblema.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad
akong lumabas ng kwarto. Agad na
tumayo si Sir Ryder ng makita ako.
Tinitigan pa ako nito bago naglakad
patungo ng pinto. Agad akong
napasunod sa kanya at tahimik kaming
naglakad patungong elevator.
Tahimik lang naman kami buong
byahe. Hindi na ito nagsasalita kaya
inabala ko na lang ang aking sarili sa
kakatingin sa labas ng sasakayan.
Halos ten minutes lang naman ang
itinagal namin sa kalsada at napansin
ko na pumasok na kami sa compound
ng RJ logistics. Tahimik pa rin si Sir
Ryder at mukhang malalim ang
kanyang iniisip.
"Baka namimiss niya ang kanyang
secretary." hindi ko maiwasan na
bulong sa aking sarili. Halos alas
nwebe na ng umaga at tanggap ko na
late na ako. Kung bakit naman kasi late
na ako nagising. Hindi din naman ako
ginising ni Sir Ryder.
Pagkababa ng kotse ay napapaisip pa
ako kung sasabay ba ako kay Sir Ryder
pagpasok sa loob ng building, Baka
pagtitinginan na naman kani ng ibang
empleyado at kung ano pa ang isipin.
What are you doing? Wala ka bang
balak na pumasok ngayun ng trabaho.
Masama ba ang pakiramdam mo?!"
tanong nito sa akin. Natigilan naman
ako at hilaw na napangiti.
"Pwede po bang mauna na kayo? Baka
po kasi matsismis ako eh.'" wika ko
dito. Lalong kumunot ang noo nito
habang nakatitig sa akin.
"Anong matsismis? Bakit?" nagtataka
nitong tanong. Hindi ko naman
mapigilan na makagat ang aking labi
habang nag-iisip. Obvious ba? Baka
isipin ng mga tao na babae na din ako
nito. Na baka isa na din ako sa kanyang
mga sexmate......Hindi ko matangap
iyun dahil nakataya ang dignidad ko
doon. Isa pa virgin pa ako noh?
"Fuck! dont bite your lips... " narinig
kong wika nito. Nagtataka naman
akong napatingin dito at nagulat ako
ng titig na titig ito sa akin habang
kapansin-pansin ang kakaibaag kislap
ng mga mata.
Shit! Anong nangyari? Bakit mukhang
pinagnanasahan ako ng CEO namin.
Kitang kita ko kasi ang makailang ulit
na paglunok nito at ang kakaiba nitong
titig. Agad ko itong tinalikuran at
nagpatiuna ng naglakad papasok ng
building. Naramdaman ko naman ang
pagsunod nito sa akin.
Katulad ng inaasahan, para kaming
celebrity ng makapasok sa loob ng
building. Lahat ng mga empleyado ay
nakatingin sa amin habang sunod-
sunod ang kanilang pagbati kay Sir
Ryder. Kitang-kita ko ang inggit sa
mata ng kababaihan at pagtataka
habang pasulyap sulyap sa akin.
"Good Morning Sir" Sunod sunod na
bati ng mga ito. Wala naman reaksiyon
si Sir Ryder at diretso lang itong
naglakad papunta sa elevator na
nakalaan lang para sa kanya. Yes,
exclusive for him lang dahil ng
pindutin nya ito ay agad na bumukas.
Samantalang ako naman ay diretso sa
elevator para sa mga empleyado.
Pero mukhang pinaglalaruan akO ng
Boss ko. Hindi ito pumasok sa loob ng
elevator at mabilis ang hakbang na
naglakad papunta sa akin. Kita ko ang
pagkagulat sa lahat ng bigla ako nitong
hawakan sa kamay at hinila papunta sa
vip elevator na nakabukas na.
Magpaprotesta sana ako kaya lang
napansin ko na magkadikit na naman
ang kilay nito kaya naman nagpatianod
na lang ako. Hindi ko maintindihan.
Talo pa ng nagme- menopause ang
amo namin.
"Sir dapat hinayaan mo na lang ako
sumabay sa ibang empleyado. Baka
laman na ako ng usapan ng lahat. Kahit
Manila ito marami pa rin sigurong
marites dito.'" wika ko. Kunot noo
naman ako nitong tinitigan.
"What did you say? Marites? tanong
nito. Hindi ko mapigilan ang màtawa.
"Marites hindi niya alam? Sabagay,
wala sigurong marites sa lugar na
tinitirhan ni Sir kasi puro mayayaman
ang mga nakatira doon. Hayysst paano
ko kaya ito iiwasan? Bakit ba dikit ito
ng dikit sa akin?
"Sir sa third floor lang po ang office
namin. Hihinto po ba ito doon: Super
duper late na po ako at baka magalit na
sa akin ang mga kasama ko." muli
kong wika dito. HIndi ito umimik at
nakatitig lang sa akin.
"Sir? Hello?" ulit ko at itinaas baba ko
pa ang aking kamay sa harap nito. Para
kasing naging tood na ito at walang
kakurap-kurap na nakatitig sa akin.
Naiilang tuloy ako.
"Alam mo bang gusto kitang halikan
ngayun?" wika nito gamit sa garalgal
na boses. Agad na nanlaki ang aking
mga mata ng unti-unting bụmaba ang
mukha nito sa mukha ko. Mli kong
naalala ang ginawa nito sa akin ngong
kasal namin five years ago. Ilang araw
din namaga ang labi ko noon dahil sa
ginawa nitong pagsipsip. Ayaw ko ng
maulit iyun kaya agad akong umiwas at
tumalikod dito.
Bahala siya sa buhay niya. Wala akong
balak na muling magpasipsip dito noh?
Kaya nga hindi ako tumatanggap ng
manliligaw dahil na-trauma ako doon.
May mga napapanood akong kissing
scene sa mga teledrama noon kaya lang
lang parang hindi ko keri na gawin sa
akin ang bagay na iyun. Sa nasabi ko na
na-trauma ako dahil talagang s******p
nya ang labi ko five years ago.
Narinig ko ang marahan nitong
pagbuntong hiniga sa likuran ko. Hindi
na ko na ito nilingon pa hangang sa
napansin ko na bumukas na ang
elevator. Nandito na kami sa top
floo.... Sa kanyang opisina. At
malamang hindi ako pwedeng bumaba
gamit ang elevator na ito dahil wala
akong hawak na card. Yawa talaga!
"Eeeer Sir, Paano po ako bababa?"
wika ko dito. Hindi ako pinansin at
naglakad ito papunta sa kanyang office.
Nadaanan pa namin ang kanyang
secretary x sexmate na nakatingin sa
amin. Narinig ko pang binati nito si Sir
Ryder pero mukhang napilitan.. Labas
sa ilong. Sinulyapan pa ako nito ng
makailang beses.
"Tawagan mo si Anthon! Sabihin mo sa
kanya na kailangan ko siya ngayun dito
sa office.'" wika nito sa kanyang
secretary habang diretso lang ang titig.
Agad naman tumango ang bruha at
masama akong tinitigan pagkatapos ay
inirapan ako. Tinaasan ko lang ito ng
kilay at sumunod na pagpasok kay Sir
Ryder papuntang opisina. Tatanungin
ko pa ito kung paano ako makababa.
Pwede naman sigurò mag-hagdan
kaya lang hindi ko alam kung saan
iyun. Isa pa bakit ako maghagdan kung
may elevator naman?
"Maupo ka diyan! Malapit na mag
lunch at samahan mo akong kumain."
wika nito. Agad na nanlaki ang aking
mga mata? Tama ba iyung narinig ko?
"Po? Sir matagal pa po ang lunch time.
Alas diyes pa lang po ng umaga. Late na
po ako at kailangan ko ng bumaba sa
aking department. Baka iisipin ng mga
kasamahan ko absent akO ngayun. Baka
isumbong nila ako sa HR." wika ko na
hindi ko na maiwasan pa ang pagkainis
sa boses ko. Tinitigan ako nito tsaka
umiling.
"Hindi ka pwedeng bumaba. Dito ka
lang sa loob ng office ko hanggat gusto
ko. Isa pa ilang beses ko bang sinabi sa
iyo na huwag mo akong tawagin na Sir.
Asawa mo ako kaya dapat lang na
tawagin mo ako sa una kong pangalan.
" seryoso nitong sagot. Wala sa sariling
nagulo ko ang aking buhok dahil sa
pagkayamot. Piste talaga! Bakit ang
lakas ng saltik ng amo ko. Magresign
na lang kaya ako?
"Eh Sir.."' pag- aapila ko ulit pero
pinukol ako ng masamang tingin.
Natameme naman ako
"Isa pang Sir at gagahasain na kita!"
yamot nitong wika. Agad na umurong
ang aking dila at nanlalaki ang mga
matang napatitig dito. Napayakap pa
ako sa aking sarili dahil nakaramdam
ako ng takot.
"Naku...huwag po! Hi-hindi na po kita
tatawaging Sir...Pero...pero ikaw ang
bahala magpaliwanag sa mga
nakakarinig ha? Baka kasi isipin ng iba
'ano' mo ako." sagot ko.
"Anong "ANO"? tanong nito. Wala ng
marami pang paliwanag. Manahimik
ka muna dyan dahil magtatrabaho ako.
Pwede kang magtempla ng kape kung
gusto mo." wika nito at itinoon na ang
attention sa computer.
Tumingin naman ako sa labas ug
opisina nito. Salamin ang buong
paligid kaya kitang kita kung nagpi-
piteks ba ang kanyang secretary sa
labas. Seksi naman ang malandi pero
mukhang sexmate lang talaga ito ng
CEO. 'Sir' din kasi ang tawag niya
kanina kay Ryder eh.
And speaking sa pagtawag ng 'Sir
dito....No big deal sa akin iyun. Mabilis
lang naman bigkasin ang first name
nito kaya pagbigyan ko na. Kaysa
naman magahasa ako diba? Mukhang '
dako' pa naman ito.
"Sir...I mean Ryder gusto mo ng kape?
* Ipagtempla na din kita!" basag ko sa
katahimikan dito sa loob ng opisina..
Iniangat naman nito ang paningin
patungo sa akin at agad kong napansin
ang tipid na ngiti sa labi nito....
Wait lang ngiti ba iyun? Aba for the
first time..ngumiti ang kumag.
Mukhang sinapian ito ng kanyang
guardian angel...kung mern man siya
noon.
"Yes please..." sagot nito at kumindat
pa. Wala tuloy sa sariling napatayo ako
at diretsong lumabas ng opisina.
Tatanungin ko na lang ang sexmate x
secretary nito kung nasaan ang coffee
area dito. Ayaw ko ng magtagal pa at
baka ma- fall ako kay Ryder. Shocks!
Ang cute nya kaya lalo na ng
kinindatan ako. Parang gustong
magwala ang puso ko.
Pagkalabas ko ng opisina ni Ryder ay
agad kong nilapitan ang kanyang
secreatry. HIndi ko alam ang kanyang
pangalan pero mukhang masama ang
tingin sa akin ng bruha. One hundred
percent, nagseselos talaga ito eh!
Chapter 8
ASHLEY POV
"Hi! Im Ashley...saan po dito ang mini
kitchen or cafeteria ng CEO? Inutusan
niya kasi ako na ipagtimpla siya ng
kape eh.'" friendly kong tanong sa
Secretary nito kahit na nanlilisik ang
mga matang nakatitig sa akin.
"Doon!" walang gana nitong sagot
sabay turo sa isang nakasaradong
pintuan. Hindi na ako nagpatumpik-
tumpik pa at agad akong naglakad
papunta doon.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay para
akong nasa kusina ng isang bahay.
Kompleto kasi sa mga gamit at may ref
pa. Parang nasa bahay lang talaga at
wala sa opisina dahil kumpleto ito sa
gamit mula kaldero hangang
microwave at mga pinggan. Huwag
nyang sabihin na dito din tumitira
minsan ang CEO? Saan kaya dito.ang
kwarto nya?!"
Agad akong lumapit sa coffee machine,
Hindi naman ako tanga para hindi
malaman kung paano i-operate ito
pero dahil mas gusto ko na akO mismo
ang magtimpla ng kape ko nagpainit
na lang ako ng tubig. Pagkatapos ay
kumuha ako ng disposable cup...Yes
disposable lang sya pero pwedeng
gawing collection. Sosyalin kasi.
Parang disposable cup ng isang sikat
ng coffee shop.
Hinihintay kong mainit ang tubig na
nakasalang ng bumukas ang pintuan
ng kusina. Yes kusina na lang kasi
parang kusina naman talaga eh. Pwede
din siguro magluto dito.
"Kaano-ano ka ni Sir Ryder? New girl
friend ka ba nya?"" agad na tanong ng
babaeng hitad. Ang secretary ni Ryder
a hindi ko alam kung ano ang
ipinaglalaban. Laging nakabuşangot at
halatang malaki ang insecurities sa
sarili.
"Hindi ko din alam. Supposed to be
nasa accounting department ako
ngayun kasi doon ako naka- assign
kaya lang ayaw niya yata akong
mawala sa paningin nya." pang-aasar
na sagot ko dito. Nakita ko ang galit sa
kanyangmga mata. Sure ball
nagseselos nga talaga ang bruha. Hindi
ko alam kung bakit. Siguro dahil mas
maganda ako sa kanya. Charrr!
"'Nagsex na ba kayo?" diretsahan
nitong tanong. Saglit naman akong
natulala dahil hindi ko inaasahan na
lalabas sa mismong bibig nya ang
katagang iyun. Ka babaeng tao at
mukhang edukada pero ang sagwa ng
salita na biglang lumalabas sa bibig
nito.
"Excuse me! Hindi ah! Hindi akO
katulad ng iba diyan na bumubukaka
agad-agad." sagot ko dito. Lalong
nanlisik ang kanyang mga lnatà at
tinitigan ako mula ulo hangat paa. Abat
naghahanap yata ng away ang babaeng
ito.
"May nangyari na ng maraming beses
sa amin. Ako ang girl friend nya dito sa
opisina kaya iwasan mo na sya."
diretsahan nitong sagot. Parang gusto
ko nanman matawa sa sinabinito.
Anong palagay niya sa akin? Kasing
landi nya? Patol ng patol sa isang lalaki
na obvious naman na katawan niya
lang ang habol. Sabagay, sa hitsura at
pananarmit pa lang ng babaeng ito,
hindi malabong hindi tigasan si Ryder.
Halos kita na kasi ang kaluluwa sa
sobrang iksi ng palda at labas ang
cleavage. Wala bang dress code ang
kompanya na ito? Kulang na lang sa
cabaret papasok ang babaeng ito.
"Excuse me noh? Wala sa bokabularyo
ko na patulan ang amo natin. Iba ka at
iba ako! Kung type mo talaga si Ryder
then go! Walang pipigil sa iyo. Pero ang
tanong...mahal ka ba nya?" prangka
kong tanong dito. Natigilan ito. Hindi
na nakapagsalita at nakatitig lang sa
akin habang naglalagay na ako ng
kape, creamer at asukal sa disposable
cup. Nagulat na lang ako ng may
biglang malamig na bagay na bumuhos
sa ulo ko. Paglingon ko ay agad na
tumampad sa akin ang nakangising
mukha nito habang may hawak na baso
na wala ng laman.
"ano ba ang problema mo?" galit na
sigaw ko dito. Nakita ko ang pagngisi
nito at galit akong tinitigan.
" Gusto ko lang ipaalala sa iyo na wala
kang karapatan na akitin ang lalaking
naging akin. Binuhusan kita ng tubig
para mahimasmasan ka sa iyung
pangarap na akitin si Sir Ryder! Alam
ko na ang diskarte niyong taga ibang
department. Kunyari magpapapirma
kayo ng mga documents para
mapansin niya. Hindi bat iyàn ang
ginawa mno kahapon?" Nakangisi
nitong wika. Hindi naman ako
nakapagpigil at agad ko itong
Hinawakan sa buhok.
"Letse ka talagang babae ka! Ang lamig
ng ibinuhos mong tubig sa akin! Akala
mo ba magpapa-bully ako sa iyo?"
galit kong wika at hinila ang buhok
nito. Gumanti naman ito at agad din
nitong hinawakan ang buhok ko.
Magaling yata ito sa wrestling dahil
pareho kaming natumba at nasa
ibabaw ko siya. Agad akong sinampal
ng bruha gamit ang kanyang isang
kamay.
"oh shit! Laura ano iyan! Bitawan mo
si Ashley!" narinig ko pang sigaw ng
isang alaki. Agad kong naramdaman
ang pag alis nito sa ibabaw ko.
Humihingal akong muling napaupo at
tiningnan ko kung sino ang umawat sa
amin...si Sir Anthon
"Ano bang ginawa mo? Bakit mo
sinasaktan si Ashley?" narinigko pang
sigaw ni Anthon dito. Laura pala ang
pangalan ng bruha at sa sobrang lakas
niya dehado ako sa laban namin.
"Nauna siya! Hinila niya ako sa buhok
kaya gumanti ako!" sagot nito habang
nakayuko. Napataas naman ako ng
aking kilay. Parang isang maamong
tupa ang gaga! Akala mo ang bait-bait
at walang nagawang kasalanan.
"Anong ako ang nauna? Binuhusan mo
lang naman ako ng malamig na tubig
kaya hinila kita sa buhok mong bruha
ka! Ano bang problema mo? Kung
nagseselos ka dahil kasama ako ni
Ryder na dumating dito sa opisina
pwes siya ang kausapin mo! Huwag ako
ang pag-initan mo!" Galit kong wika at
agad na tumayo. Letse talaga!
Pakiramdam ko ang dungis-dungis ko
na. Basang basa ang buhok ko pati na
din ang suot kong damit.
"What happened?" sabay kaming
napalingon sa pintuan ng biglug
nagsalita si Ryder. Nakakunot ang noo
nito habang nakatitig sa akin.
"Ashley! Anong nangyari sa iyo? Bakit
ganyan ang hitsura mo? Sinabi kong
magtempla ka ng kape tapos ganyan na
ang hitsura mo? Anong nangyari?"
tanong nito habang salubong ang kilay.
Galit ko naman tinitigan si Laura na
noon ay kita na ang kaba sa mukha.
"Tanungin mo siya! hindi ko alam
kung ano ang problema ng babaeng
iyan. Bigla na lang akong binuhusan ng
malamig na tubig!" asar kong sagot
dito. Pagkatapos ay padabog akong
naglakad palabas ng mini kitchen.
Hayyyyst kung mamalasin ka nga
naman! Galing na nga kay Ryder ang
damit na ito binasa pa ng bruha.
"Your fired! hindi pa ako tuluyang
nakakalayo ng marinig ko ang sigaw ni
Ryder. Natigilan naman ako at muling
bumalik ng mini kitchen. Kitang kita
ko ang umiiyak na si Laura habang
nakaluhod sa harap ni Ryder.
"Sir, sorry po! Akala ko po kasi inaakit
niya kayo eh! Mahal na po kita kaya
nagseselos ako dahil kasama mo siya
kanina ng dumating dito sa opisina.'"
umiiyak na sagot nito.
"Kung ganoon, wala ng dahilan pa para
manatili ka sa kompanya ko! Hindi ko
tinu-tolerate ang ganitong klaseng
bagay. Isa pa...alam mo kung an0 ang
rules ko Laura. Purely seX lang ang
nangyari sa atin at wala ng iba." yamot
na sagot ni Ryder. Natutop ko naman
ang aking bibig sa matinding gulat.
Totoo nga ang sinasabi nila Ate Cecil at
Ate Samantha. Parang basahan lang
kung magtapon ng babae niya si Ryder.
"Hihingi po ako ng sorry sa kanya.
Maawa po kayo Sir Ryder. Huwag nyo
po akong sesantihin!" umiiyak na wika
nito sabay tingin sa gawi ko. Napaatras
naman ako at tuluyan ng naglakad
pabalik ng opisina ni Ryder.
"Anthon, ayusin mo ang nga papeles
niya. Maghanap ka ng kapalit niya
ngayun din!" huli kong narinig bago ko
binuksan ang pintuan ng opisina ni
Ryder at tuluyang pumasok. Pagod
naman akong napaupo s sofa habang
hawak ang aking pisngi.
Mahapdi at mukhang may sugat ako.
Agad kong hinagilap ang maliit kong
salamin sa bag at itinapat ko ito sa
aking mukha. Hindi nga ako
nagkamali, may kalmot nga ako sa
pisngi at may kaunting dugo na
lumalabas.
Hayy àno bang kamalasan ito Basang
basa na nga ako pagkatapos may
kalmot pa ako galing sa babaeng iyun.
Mukhang absent talaga ako nito
ngayung araw. Kailangan kong umuwi
para magpalit ng damit.
Nasa ganoong ayos ako ng nakita ko ng
muling pumasok ng loob ng opisina si
Ryder. Bakas sa mukha nito ng galit
habang naglalakad palapit sa akin.
"Hindi bat sinabi ko sa iyo na
magtempla ka langng kape? Bakit
nakipag- away ka kay Laura? Tingnan
mo ang hitsura mo ngayun?" wika nito.
Natigilan naman ko tsaka galit din na
tumitig dito
"'Ewan ko sa kanya! siya itong bigla na
lang akong binuhusan ng malamig na
tubig. Natural gumanti ako kaya lang
sadyang malakas lang talaga siya
kompara sa akin! Kasalanan mo ito!
Kung hindi mo ako dinala dito sa
opisina mo, hindi sana sya magseselos
ng todo!" mahaba kong sagot sa galit
na boses. Natigilan ito at tinitigan ako
sa mukha. Pagkatapos ay biglang
nawala ang galit sa mukha nito at
napalitan ng pag-aalala.
"Masakit ba?" tanong nito habang
nakatitig sa galos ko. Naiinis akong
umiling,
"Hindi! Masarap!" yamot kog sagot!
Umalis ito sa harap ko at naglakad
patungong swivel chair niya Kinuha
nito ang kanyang coat at muling
bumalik sa gawi ko sabay ibinalabal sa
katawan ko ang hawak nitong coat.
Hayy, nakakadalawang coat na ako sa
dalawang araw kong pagpasok sa
opisina na ito.
"Ito muna ang gamitin mo habang
hindi pa dumadating ang inutusan ko
na bumili ng damit mo." wika nito.
Natigilan ako at gulat na napatitig dito.
Bibilhan na naman niya ako ng damit?
Kung alam ko lang na bubuhusan ako
ng malamig na tubig ng Laura na iyun
dinala ko sana nag isang pares ng
damit na nadoon sa penthouse ni Ryder.
"Pasensya ka na kay Laura.
Pinatanggal ko na sya. NagpapahanaP
na ulit ako ng ibang secretary." wika
nito. Napataas naman ang aking kilay.
"New secretary...new sex mąte na
naman." bulong ko na hindi rakaligtas
sa kanyang pandinig. liling iling itong
umupo sa tabi ko. Agad naman akong
umusog dahil ayaw kong madikit ang
katawan ko dito. Mahirap na!
Tsk! Tsk! Wala akong gagawing
masama sa iyo. Gagamutin ko lang
1yang sugat mo." wika nito sabay
itinaas ang hawak nitong pamunas.
Umiling lang ako.
'Ayos lang ako. Maliit lang naman na
galos ito." sagot ko. Natigilan ito at
malakas na napabuntong hininga.
"Pasensya ka na sa nangyari kanina.
Hayaan mo, hindi na mauulit iyun.'
wika nito sa malumanay na boses.
Hindi ko ito sinagot at sabay kaming
napalingon sa pintuan ng may biglang
kumatok.
"come in!" sagot nito. Agad naman
bumukas ang pintuan at iniluwa si Ate
Samantha. Napansin ko pa ang
pagkagulat nito ng dumako ang tingin
sa akin. Lalo na ng maparnsin niyang
katabi ko si Sir Ryder dito sa sofa.
"Ahmnm Sir, ito na po ang financial
report na hinihingi niyo." wika nito
sabay lapag ng sangkatutak ng papeles
sa mesa ni Ryder. Agad naman akong
tumayo ng akmang lalabas na ng
pintuan si Ate Samantha.
"Ryder...sasabay na ako kay Ate Sam
pababa.'" paalam ko dito. Agad naman
nagsalubong ang kilay nito at hinarap
si Ate SAmantha.
"You can go now. Magpapahanap na
lang ulit ako ng makakasama niyo sa
department niyo.'" wika nito. Agad
akon natigilan. Sisante din ba ako?
"Teka lang Ryder...wala namang
ganyanan. Kasalan mo kung bakit hindi
ako nakapasok ngayun. Kung hindi mo
sana ako dinala dito sa opisina hindi
sana akO mapapaaway." inis kong wika
dito.
"Ikaw ang ipapalit ko kay Laura! Dahil
sa iyo kaya natanggal siya kaya dapat
lang na palitan mo siya." wika nito.
Agad kaming nagkatinginan ni Ate
Samantha.
'Ayaw ko nga! Wala akong alam sa
trabaho ng isang secretary. Accounting
graduate ako, hindi secretarial
graduate!" Sagot ko at agad na kinuha
ang bag. Pagkatapos ay hinawakan ko
si Ate Sam at hinila na palabas ng
opisina.
"tsssk! Stop! Ashley!!! Ang hilig mo
talagang sumuway sa gusto ko!" galit
na wika nito. Hindi ko na pinansin at
tuluyan ko ng isinara ang pintuan ng
opisina pagkalabas namin. HInila ko
kaagad si Ate Sam papuntang elevator.
"Anong nangyari sa iyo? Akala namin
absent ka ngayun. Bakit nasa office ka
ni Sir Ryder...tsaka bakit ganiyan ang
suot mo?" tanong agad ni Ate Sam ng
makapasok kami sa loob ng elevator.
Malakas akong napabuntonghininga
dahil hindi ko alam kung paano
uumpisahan ang pagsagot sa lahat ng
tanong nito.
"Mahabang kwento Ate. Basta isa lang
ang sure ako...sisante na ang malandi
niyang secretary dahil nag-away kami.
sagot kO dito. Tulala naman na
napatitig sa akin si Ate Samantha.
Chapter 9
ASHELY POV
Tell mne.bakit nandoon ka sa office ng
CEO. Tsaka bakit suot mo ang kanyang
coat?" agad na tanong sa akin ni Ate
Samantha pagkapasok pa lang namin
ng accounting office. Agad akong
naupo sa aking pwesto at inilapag ang
bag sa table.
"Mahabang kwento po. Pinagselosan
ako ng kanyang secretary at nag-away
kami sa mini-kitchen.'" sagot ko.
Natigilan ito.
"Kaya ba ganyan ang hitsura mo?
Diyos ko basang basa ka oh? May dala
ka bang damit?" muling tanong nito.
Umiling ako
"Paano ngayun iyan...naku, problema
ito. Natipuhan ka yata ni Sir kaya ikaw
naman ngayun ang nilalaamak niya ng
oras." wika nito at bakas sa mukhą àng
pag-alala.
"Hindi naman siguro....Baka naman
Ganiyan lang siya sa mga bagong
empleyado niya." sagot ko. Tinitigan
ako nito tsaka umiling.
"Pero alam mo...may mapapansin ako
sa inyong dalawa...bakit pareho kayo
ng suot ng singsing? Nagkataon lang
ba iyan?" muling tanong nito.
Natigilan ako at tiningnan ko ang daliri
na may suot na wedding ring. Hindi ko
mapigilan ang mapangiwi pagkatapos
ay tumitig kay Ate Samantha at Ate
Cecil na noon ay tahimik lang na
nakikinig sa aming pag-uusap.
"Ano kasi eh...Ano.....I--ikinasal kasi
ako sa kanya five years ago." mahina
kong sagot. Sapat lang para marinig
nilang dalawa. Pareho pang napatayo
ang mga ito at napalapit sa akin.
"I-ibig mong sabihn...asawa ka ng CEO?
"tanong ni Ate Cecil na bakas sa boses
ang hindi makapaniwala. Alanganin
akong tumango.
"Not a normal marriage. Pumayag ako
dahil may kapalit na pera iyun. Isa pa
ang Lola niya ang nag-alok sa akin at
sabi naman ipapawalang bisa agad ang
kasal namin after two years." sagot ko.
Hindi naman makapaniwala na
napatitig sa akin ang dalawa.
"Anong not normal marriage. Kahit
anong sabihin mo asawa ka na niya at
may karapatan sya na huwag kang
pagtrabahuin. Kaya pala nandoon ka
kanina sa opisina niya...kaya pala
kakaiba ang trato niya sa iyo kahapon
pa....at kaya pala sinundo ka pa nya
kahapon sa cafeteria. Alam mo bang
ikaw ang laman ng usapan dito sa
buong building? Kesyo ikaw daw ang
bagong apple of the eye ng CEO.'"
Mahabang wika ni Ate Sam. Agad
naman akong nakaramndam ng kaba sa
hindi malamang dahilan.
"'Sinasabi niyo po ba na kailangan kong
gampanan ang pagiging asawa ko sa
kanya? Pero hindi ko pa siya
masyadong kilala. After ng kasal namin
noon, umeskapo na ako sa pag-
aakalang hindi naman seryoso lahat ng
iyun. Although alam kung ipinarehistro
ang kasal na iyun pero hindi ibig
sabihin asawa nya na ako dahil wala
namang LOVE kaming nararamdaman
sa isat isa. First time ko lang siyang
nakita noong humarap kami sa pari."
kinakabahan kong sagot. Hindi ko
lubos maisip na mukhang
poproblemahin ko ang ganitong bagay.
* Ang akala ko talaga wala lang iyun.
Pareho silang napailing. Sabay pa
kaming napalingon sa pintuan ng
opisina ng may biglang kumatok.
Agad namin nakita si Sir Anthon sa
labas. Pinagbuksan naman agad ito ni
Ate Cecil at tinanong kong ano ang
kailangan.
"Mam Ashley.kailangan niyo na pong
bumalik ng office. Kailangan niyO na
daw pong magpalit ng damit dahil K
baka magkasakit kayo. Huwag po
kayong mag-alala...wala na po si Laura
ngayun sa office," wika ni Anthon.
Bakas ang pagalang sa boses nito
habang sinasabi ang katagang iyun.
"Dapat po dinala nyo na lang ang
damit Sir Anthon. Haysst ayaw ko na
munang umakyat doon." sagot ko.
"Pasensya na po Mam. Pero gusto po ni
Sir Ryder na doon kayo magbihis sa
opisina.'" Sagot nito. Umiling naman
ako.
"Pakisabi po sa kanya salamat na lang.
Uuwi na lang ako sa apartment ko at
doon magbihis. Bahala na....absent
kung absent muna ako ngayung araw.
Kasalanan nya naman eh." sagot ko.
Tahimik lang sila Ate Cecil at Ate
Samantha na nakikinig sa usaparn
namin ni Anthon.
Nagulat pa ako ng tuluyan nà itong
pumasok sa loob ng aming opisina at
agad na iniangat ang telepono sa table
ni Ate Samantha. Tahimik naman
kaming nanonood sa kanyang
ginagawa.
Nagdial ito at ilang sandali lang ay
napansin ko na may kausap na ito sa
kabilang linya.
"Sir...ayaw po ni Mam eh..opo.......
uuwi na lang daw siya sa apartment
para magbihis...."'wika nito. Nanlaki
ang aking mga mata ng ma-realized ko
na si Ryder ang kausap nito.
Kinakabahan naman akong napatingin
t kina Ate Cecil at Ate Samantha na
sinisinyasan ako na sumama na daw
ako kay Anthon pabalik ng opisina.
Tanging iling lang naman ang naging
sagot ko sa simple nilang senyas.
"Yes Sir......copy Sir... " narinig kong
wika ni Anthon bago tuluyang ibinaba
ang tawag. Pagkatapos ay hinarap ako
nito.
"Hintayin niyo na lang po si Sir.
Bababa daw po sya para sunduin kayo.'"
wika nito sa akin. Bigla naman akong
napatayo dahil sa pagkagulat. Seryoso?.
Baliw na ba si Ryder? Parang tanga
lang ang lalaking iyun. Hindi ba siya
nakakaintindi na ayaw ko munang
bumalik doon?
"Ha? May saltik ba ang amo mo?
hindi ko mapigilang tanong. Narinig ko
pa ang pagsinghap ng dalawa kong
kasama dito sa opisina. Napansin ko
naman na pinipigilan na matawa ni
Anthon.
"hayyy kainis!" bulong ko. Bigla
naman nanahimik ang lahat sa hindi
ko malamang dahilan
Wala pang halos dalawang minuto
nakita ko na ang paparating na si
Ryder. Talagang pinuntahan ako dito
sa opisina. Mabibilis ang hakbang nito
na naglakad papunta dito sa
accounting office. Direchong pumasok
ang kumag at agad tumingin sa
kinaroroonan ko.
"Sir, pasensya na po. Ayaw na kasi ni
Mam umakyat ng office." agad na wika
ni Anthon. Sumimangot naman ako at
itinoon ko ang aking attention sa
computer. Pinindot ko pa ang 'on'
botton para ipakita dito na busy ako.
Pagkatapos ay muli akong naupo.
Naramdaman ko na naglakad ito
palapit sa akin. Pero hindi ko ito
pinansin. Tahimik naman na nanonood
lang sila Ate Cecil at Ate Samantha.
Walang sino man sa amin ang gustong
magsalita.
"Lets go Ashley! Kanina ka pa basang
basa at kailangan mo ng magbihis."
wika nito sa seryosong boses.
Sumimangot lang ako at hindi ito
pinansin. Nagulat na lang ako ng
maramdaman kO ang kanyang kamay
sa aking baiwang at pilit akong
pinapatayo. Kakaibang kiliti ang
naramdaman ko ng sumayad ang
malambot nitong kamay sa balat ko.
"Ano ba Ryder! Ayaw ko sabi eh." angal
ko. Hindi ako nito pinansin bagkos
naramdaman ko na lang ang pag-angat kO.
"Kung ayaw mong maglakad pabalik
ng opisina ko mas magandang buhatin
na lang kita!" gigil nitong wika habarng
mabilis ang mga hakbang na lumabas
ng opisina karga-karga ako.
Nagpupumiglas naman ako dito.
"Ibaba mo ako! Ano ba nakakahiya!"
Hiyaw ko dito. Napansin ko kasi na
naglabasan sa kani-kanilang
department ang mga empleyado at
tulalang napatitig sa gawi namin ni
Ryder. Kita ko ang pamimilog ng
kanilang mga mata sa pagkagulat
habang buhat-buhat ako ng kanilang
CEO.
"Yawa! Ryder ano ba! Ibaba mo sabi
ako eh!"' galit kong hiyaw. Wala na
akong pakialam pa kong ano g
iisipin ng mga tao dito. Basta bukas na
bukas din magreresign na talaga ako!
Babalik na lang ako ng probensya kaysa
aman,ganitong pakiramdam ko.
hinaharass ako ng boss ko.
"Ashley stop it!" galit na bulyaw nito
sa akin sabay palo ng puwit ko gamit
ang kanyang isang kamay. Natigilan
naman ako dahil sa ginawa niyang
iyun. Never in my entire life na
mangyayari sa akin ang ganitong bagay.
"Kulang ka lang pala sa palo sa puwit
para manahimik eh. Tsk! Tsk! tsk!!
wika nito. Hindi naman ako
nakapagsalita. Pakiramdam ko hiyang
hiya akO sa mga nangyayari. Ang dami
kayang nakakakita. Ano na lang ang
isipin ng ibang empleyado sa amin.
Pagdating ng elevator ay ibinaba din
naman ako nito. Parang biglang nawala
ang tapang ko kani-kanina lang at
nakayuko akong tumalikod dito.
Narinig ko pa ang mahina nitong
pagbuntong hininga.
"Look...im sorry sa nangyari kanina.
Matagal kong hinintay ang muli nating
pagkikita kaya sana naman makisama
ka.'" mahinahon nitong wika sa akin.
HIndi ko ito sinagot. Hindi ko din
maintindihan kung anong klaseng
pakikisama ang gusto nitong
mangyari. Ang gusto ko lang naman ay
tahimik na environment. Bakit ba
sunod ng sunod sa akin ang kumag na
ito.
Tahimik lang ako hangang sa
nakabalik kami ng opisina nito. Wala
na ang malditang si Laura sa pwesto
nya kaya naman para akongnabunutan
ng tinik sa lalamunan.
Pagkapasok namin sa loob ng opisina,
nagulat pa ako ng diretso itong
naglakad sa isang nakasarang pintuan.
HIndi ito masyadong pansinin dahil
natatakpan ito ng ilang ga files pero
ng iurong niya iyun ay agad kong
napansin na isa palang secret door
iyun. Itinulak niya ito at tumampad sa
mga mata ko ang isa pang kwarto.
"Pwede kang magbihis at magpahinga
sa loob. May pupuntahan lang akong
meeting at babalik agad ako." wika nito
sa akin. Kaswal lang naman ang boses
nito kaya wala sa sariling napatango
ako.
"Dont worry. Hindi ka makakarinig ng
masasamang salita mula sa empleyado.
Asawa kita kaya dapat lang na igalang
ka nila katulad ng pagalang nila sa
akin. May darating mamaya na
substitute secretary. Pwede mo siyang
utusan kapag may kailangan ka.
Babalik ako before lunch kaya aasahan
kong nandito ka sa kwarto na it
pagbalik ko." wika nito at agad na
lumabas ng opisina. Nasundan ko pa
ito ng tingin hangang sa nakasakay ito
ng elevator kasunod ng kanyang
executive secretary na si Anthọn.
Napabuntong hininga naman ako at
agad na pumasok sa loob ng kwarto.
Yes..may sariling kwarto si Ryder dito
sa loob ng opisina. Kung ganoon tama
nga ang inisip ko kanina. Na natutulog
ito dito sa opisina dahil kumpleto ang
gamit nito dito sa loob.
Malaki ang kabuuan ng kwarto.
Kompleto sa gamit at halatang alaga sa
linis. binuksan ko ang isang pintuan at
nagulat ako dahil may banyo din pala
dito sa loob. Sa kabilang pinto naman
ay ang walk in closet. Masasabi mo
ngang parang bahay nya an ang lugar
na ito dahil may nakita in akong mini
ref sa sulok. Nang buksan ko ay puro
tubig at ilang juice lang naman ang
laman.
"Tinitigan ko ang kama. Puting puti
ang bedsheet at mukhang hindi pa
nagagamit. Tuwid na tuwid kasi ang
pagkakalapat sa kama at parang
nakakahiyang gamitin at baka
malukot. IIling iling akong kinuha an
nakapatong na paper bag sa ibabaw
nito.
Tiningnan ko ang laman at nagulat ko
dahi mga damit ang laman nito. Kaya
lang puro dress at ilang pirasong
underwear. Namili ako ng isa at
pumasok sa loob ng banyo.
Kailangan kong maligo bago magpalit
ng damit. Pakiramdam ko ang lagkit-
lagkit kO na. Kainis talaga ang Laura na
iyun. Kung hindi sana ako inaway, wala
sana ako sa ganitong sitwasyon.
Pagkatapos kong naligo ay agad akong
nagbihis. Hindi ko mapigilan ang ma-
amaze habang iniliilbot ang aking
tingin sa loob ng banyo. Kompleto sa
gamit at may bath tub pa. Iba na talaga
kapag mayaman. Pwedeng pagsamahin
ang opisina at kwarto.
Pagkatapos kong ayusin angaking
sarili ay muli akong lumabas ng
kwarto. Wala pa din si Ryder at
napansin kong may nakaupo na sa
dating pwesto ni Laura. Siguro ito ang
bagong secretary na tinutukoy ni Ryder
kanina.
Bahagya pang napataas ang aking kilay
dahil napansin ko na medyo mataba
ang bagong Secretary. Medyo may edad
na din at hindi ito ang aking inaásahan.
Ang sabi kasi sa akin nila Ate Samantha
mahilig daw sa mga bata at seksing
secretary si Ryder. Parang nagbago
yata ang ihip ng hangin ngayun.
Dahil wala akong magawa ay naglakad
ako papuntang swivel chair at naupo.
Siguro masarap sa pakiramdam ang
maging CE0? Wala sa sariling
napailing ako.
Gustuhin ko man bumalik ng
accounting office pero hindi pwede.
Alam kong marami na ang
nakakakilala sa akin at hindi ko kayang
maglakad na may mararming mga
matang nakasunod sa akin. Hindi ko
din alan kung anong kinabukasan ang
naghihintay sa akin sa pagiging asawa
ko ng kanilang CEO. Mukhang gusto
kasi panindigan ni Ryder ang pagiging
asawa ko sa kanya. Sa isiping iyun ay
hindi kO maiwasan na makaramdam
ng kaba.
Dahil sa walang magawa hindi ko
maiwasan na pindutin ang 'on' botton
ng computer ni Ryder. Although my
password ng bunukas ang monitor
pero hindi maiwasan na manlaki ang
aking mga mata dahil sa gamit nitong
wall paper ng bigla na lang nag-flash.
"shit! picture ng kasal namin five
years ago? Mga picture na hindi kO
nakita sa tanang buhay ko dahil agad
akong umiskapo pagkatapos ng kasal
namin?"
Wala sa sariling tinitigan ito. Pareho
kaming nakangitini Ryder at hindi ko
maalala kung paano kami nakühaan ng
ganitong klaseng picture.
Wala sa sariling napatayo ako at
tumingin sa kawalan. Ngayun ko lang
narealized kung gaano ka-seryoso ang
pinasok ko. Hindi biro ang magpakasal
sa isang Ryder James Sebastian at
ngayun pa lang parang gusto ko ng
mamroblema.
Chapter 10
ASHLEY POV
Agad akong napatayo ng mapansin ko
ang parating na si Ryder. Eksakto alas
dose ng tanghali at nakasunod dito ang
kanyang executive secretary na
maraming bitbit.
Agad akong naglakad papuntang sofa
at agad na naupo. Saktong pagkaupo ko
ng bumukas ang pintuan ng opisina at
iniluwa ito. Agad na naglanding sa
gawi ko ang kanyang tingin at kunyari
ay sinimangutan ko ito.
"Mabuti naman at sinunod mo ang
gusto kO na hintayin mo ako dito sa
opisina. Akala ko talaga paiiralin mo na
naman ang katigasan ng ulo mo.'" wika
nito na may ngiti sa labi. Inirapan ko
lang ito.
By the way sa restaurant na tao
kakain. Alanganin na kung
magpapadeliver pa tayo ng food dito.'"
wika nito habang naglalakad papunta
sa kanyang swivel chair. Tiningnan
nito ang computer at hindi ko
mapigilan na mapakagat ng aking labi
ng maalala ko na hindi ko pala na off
ito. Napansin kong muli itong
napatingin sa akin sabay iling.
Pagkatapos ay nilapitan ako nito at
inilahad ang palad.
"So lets go? Alam kong gutom ka na.
Kung anu-ano na pala ang kinakalikot
mo dito sa opisina habang wala ako.'"
wika nito na may halong panunudyo
ang boses. Sinimangutan ko ito.
Narinig ko pa ang pagpalatak nito at
seryoso akong tinitigan.
Tigilan mo ang kakasimangot mo
Ashley dahil lalo kang gumaganda sa
paningin ko kapag ginagawa mo ang
bagay na iyan. Kapag hindi ako
makapagpigil baka s******n ko iyang
labi mo." wika nito na may halong
pananakot sa boses. Agad na namilog
ang aking mga mata na napatitig dito.
Tumavwa naman ito at agad na
hinawakan ang aking kamay at pilit na
pinapatayo.
"Lets go! Gutom na ako!" wika nito
sabay hila sa akin. Wala na akong
nagawa kundi ang magpatianod na
lang. Wala ng panahon para mag-
inarte. Gutom na din ako.
Tahimik lang kaming naglalakad
habang hawak niya ang kamay ko.
Naiilang man sa sitwasyon ko ngayun
lalo na at nakatingin na naman sa amin
lahat ng nadadaanan namin pero wala
na akong magawa pa. Mahigpit ang
pagkakahawak ni Ryder sa kamay ko at
alam kong wala itong balak na bitawan
ako.
"Saan mo gustong kumain? tanong
nito. Hindi ko ito sinagot. Sa totoo lang
din kasi wala akong alam sa mga
kainan dito sa Maynila. Ni hindi pa nga
ako nakakaikot sa lugar na ito. Kung
hindi nga lang akO natangap sa
kompanya nito baka hindi ako
pinayagan nila Nanay at Tatay na
lumuwas ng maynila
Paglabas namin ng building ay
naghahantay na sa amin ang sasakyan.
May driver si Ryder kaya tabi ulit kami
sa likuran. Hinila ko pa ang kamay ko
ng makasakay na kami pero tinitigan
lang akO nito at itinpat sa dibdib niya
ang kamay ko habang hawak nya. Agad
naman akong nakaramdam ng
pagkaasiwa.
Tell me...anong ginawa mo sa loob ng
limang taon? Wala ka talagang balak
na magpakita sa akin ano?" putol nito
sa katahimikan sa pagitan naming
dalawa.
"Wala naman kasing dahilan para
magpakita ulit ako. Isa pa mukhang nag
-eenjoy ka naman sa ibat ibang babae
na dumadaan sa buhay mo." prangka
kong sagot. Natigilan ito. Hindi na muli
itong nagsalita hangang sa makarating
na kami ng restaurant.
Mabilis lang naman lumipas ang oras.
Pagkatapos namin kumain ay balik
kami ng opisina. Naabutan namin ang
kanyang bagong secretary at agad kami
nitong binati ng mapansin ang
pagdating namin.
"'Si Mrs. Garcia. Siya ang bago kong
secretary. Matagal na siya dito sa
kompanya at dati siyang naging
secretary ni Lola..Mrs. Garcia..si
Ahsley, asawa ko." pagpapakilala pa
nito sa aming dalawa. Agad naman ako
nakaramdam ng kakaiba sa paraan ng
pagpapakilala ni Ryder sa aming
dalawa. Anong sinasabi nito na asawa
niya ako? Talaga bang paninindigan
niya ang pagiging asawa niya sa akin?
Talaga bang ituturing niya akong
asawa?
"Hello po Mam. Nice to meet you po!"
wika nito. Tanging pagngiti na lang
ang naging sagot ko dito.
Agad na akong sumunod kay Ryder sa
loob ng opisina. Ngayun pa lang,
kailangan na namin magkaliwanagan.
Hindi ko alam kung ano ang magiging
papel ko sa buhay nito.
"Ano ito Ryder? Ano ba ang
pinagsasabi mo? Lumuwas ako ng
manila para magtrabaho. Hindi para
maging asawa mo!" agad na wika ko
dito ng pareho na kaming makapasok
sa loob ng opisina. Kita ko ang
pagkagulat sa mukha nito ng sinabi ko
ang katagang iyun.
"Ano ba ang tama sa iyo Ashley?
Talaga namang asawa kita ah? Hindi
mo ba naiintindihan na walang divorce
dito sa Pilipinas? Dapat noon pa man
alam mo na ang pinasok mo! Hindi ka
dapat nagdesisyon na magpakasal sa
akin kung ganiyan ang magiging trato
mo sa alkin." galit na sagot nito. Kitang
kita ko ang pagdilim ng awra nito
habang nakatitig sa akin.
"Pero substitute bride lang ako. Ako
ang kinuha ng Lola mo para hindi ka
mapahiya ng araw na iyun." sagot ko.
Agad na lumapit ito sa akin at
hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Talaga lang ha? Kung sakaling
oofferan kita ng another ten million
ngayun, papayag ka bang maging
asawa ko? Gagampanan mo ba ang
pagiging asawa sa akin Ashley? Total
naman, nang dahil sa ten million na
offer sa iyo ni Lola,
walang pagdadalawang isip na nagpakasal ka
akin..ngayun sabihin mo..bibigyan
kita ng ten million o dudublihin ko pa
gampanan mo ang pagiging asawa ko!"
nanlilisik ang mga matang wika nito sa
akin. Parang bigla naman akong
sinampal sa sinabi nito.
Pakiramdam ko ipinamukha sa akin ni
Ryder na isa akong bayarang babae.
Hindi ko mapigilan ang maluha dahil
nakaramdam ako ng insulto. Oo nga
naman...ipinagpalit ko sa ten milli on
ang kalayaan ko. Tinanggap ko ang
pera para maiahon sa hirap ang
pamilya ko. Nakapagtapos ako dahil sa
perang iyun.Pero dapat ba talagang
marinig ko sa kanya ang katagang
iyun? Nakinabang din naman siya ah?
Nakaligtas siya sa malaking iskandalo
dahil sa pagpayag ko.
"Hindi ko na kailangan ang pera
Kaya kong pagtrabahuan ang lahat
ngayun." sagot ko sabay pahid ng luha
sa aking mga mata. Tinitigan ako nito.
"May money involved o wala man.
kailangan mong gampanan ang
pagiging asawa mo Ashley. Matagal ko
ng gusto magkaroon ng sariling
pamilya. Hindi ko magawa dahil
nakatali ako sa kasal natin. Totoo ang
kasal na iyun at pareho tayong
nanumpa sa harap ng altar na
magsasama tayo sa hirap at
ginhawa.Hindi ka na pwedeng umatras
ngayun...imang taon kitang
pinagbigyan para i-enjoy ang buhay
mo na wala ako sa tabi mo. Sa palagay
ko, sapat na ang taong iyun para ako
naman ang pagsilbihan mo!" seryoso
nitong wika habang nakatitig sa mga
mata ko.
Hindi naman ako nakaimik. Kung
ganoon hindi ako makakatakas sa kasal
na iyun. Kailangan ko ba talagang
maging asawa sa kanya?
"Hinahanapan na ako ni Lola ng apo
nya sa tuhod. Wala akong balak na
magproduce ng lahi sa ibang babae.
Wala akong balak magkaanak sa hindi
ko asawa." pagpapatuloy na wika nito.
Parang gusto ko naman takpan ang
tainga ko sa mga narinig dito.
"Hindi ba pwedeng magpakasal ka na
lang sa iba? Hindi naman ako
maghahabol eh. Sorry pero hindi pa
ako ready na magpatali Ryder. Gusto ko
pang i-enjoy ang pagiging single ko."
sagot ko dito. Nakita ko ang pagbalatay
ng lungkot sa mata nito ng sinabi ko
ang katagang iyun. Nakaramdam
naman ako ng pitik ng konsensiya.
"No..wala akong balak na maghanap
ng ibang babae Ashley. Sa ayaw at
gusto mo..bibigyan mo ako ng anak."
sagot nito. Agad na nanlaki ang aking
mga mata lalo na ng biglang bumaba
ang mukha nito sa mukha ko Agad
niyang pinaglapat ang aming labi kaya
naman nagpupumiglas akong
makawala dito..
"Ano ba bit...."' hindi ko na natuloy pa
ang aking sasabihin. Bigla kasi nitong
ipinasok ang dila niya sa bibig ko.
Hindi kO malaman kong paano
magrereact lalo ng maramdaman ko
ang pagsisipsip nito sa dila ko.
Hindi ko na namalayan pa ang mga
sandali. Nakita ko na lang ang aking
sarili na nag-eenjoy sa halik na
iginagawad sa akin ni Ryder. Parang
bigla akong nawalan ng lakas at
hinayaan siya sa ginagawa niyang
pagalugad sa labi ko.
Hindi ko alam pero bigla akong
nakaramdam ng init. Malakas ang buga
ng aircon pero pakiramdam ko bigla
akong pinagpawisan. Pakiramdam ko
nakaka-addict ang ginagawang
paghaliknito sa akin at hindi ko
maiwasan na gayahin ang galaw ng
labi nito sa labi ko. HIndi ko na
namalayan kong ilang minuto ng
magkalapat ang aming labi pero
naramdaman ko na lang ang pagsakop
ng kamay nito sa kabila kong bundok.
Mahina pa akong napaungol ng
maramdaman ko ang pagpisil nito sa
bahaging iyun.
Habol ang hininga ng maghiwalay ang
aming labi. May ngiti sa mga mata ni
Ryder ng titigan ako nito.
"Ang pinakamasarap na labi na
natikman ko sa tanang buhay ko!"
wika nito. Pakiramdam ko biglang nag-
init ang aking mukha lalo na ng
dumako ang tingin nito sa aking
dibdib. Bahagyang nakababa ang
neckline ng aking suto na dress kaya
agad ko itong inayos. Napansin ko ang
makahulugang ngiti sa labi nito tsaka
ito lumayo sa akin.
"Hintayin mong natapos ang trabaho
ko dito sa office. Uuwi tayo sa bahay
dahil naghihintay si Lola sa atin." wika
nito. Hindi naman ako nakaimik.
Pakiramdam ko sobrang lakas ng tibok
ng puso ko dahil sa mga nangyari sa
amin. Hindi ako makapaniwala na
mabilis akong nadarang sa mga halik
ni Ryder.
Pasado alas tres ng hapon ng pareho
kaming umalis ni Ryder ng opisina.
Hawak nya ako sa kamay ng sabay
namin tinungo ang sasakyan. Hindi ko
alam pero pagkatapos ng halik na
pinagsaluhan namin, pakiramdam ko
wala na akong lakas pa para tumutol sa
mga gusto nitong gawin.
Namalayan ko na lang na huminto na
ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
Ang lugar kung saan kami ikinasal ni
Ryder.
Agad ako nitong inalalayan n
makababa ng kotse, Nagiging sunod
sunuran ako sa lahat ng gusto nitong
gawin.
"Ryder apo!' Narinig kong sigaw ng
isang may edad na babae. Sabay
kaming napalingon at muli kong
nasilayan ang sopistikadang mukha ni
Madam Agatha. Ang Lola ni Ryder na
siyang nag-alok sa akin ng kasal noon.
Ang supladang Madam na nagbigay sa
aking ng ten million.
"Mabuti naman at dumating na kayo!
Excited na akong makita ulit si Ashley!
" nakangiti nitong wika sabay lapit sa
akin. Niyakap ako nito at hinalikan sa
pisngi. Gulat na gulat naman ako sa
ginawa nito. Hindi ko akalain na
makakatikim ako ng mainit na
pagtangap mula sa mataray na:
Madam Agatha.
"Welcome back Iha. Mabuti naman
nagkita na kayo ng apo ko, Sa wakas,
mabibigyan na ng katuparan ang lahat
ng gusto ng apo ko." nakangiti nitong
wika. Napasulyap naman ako kay Ryder
na noon ay todo ngiti sa kanyang Lola.
"Kumusta po kayo? Pasensya na po
kung ngayun lang ako nakabalik.!"
mahina kong wika dito. Tumawa lang
ito at hinawakan ako sa kamay.
Pagkatapos ay hinila ako nito papasok
sa loob ng bahay.
Muling bumungad sa paningin ko ang
eleganteng ayos ng bahay. Parang wala
namang ipinagbago sa nakalipas na
panahon. Maganda pa rin at kitang kita
ang karangyaan sa buong paligid.
Umapak lang ako sa bahay na ito noon
para magpakasal kay Ryder. Ang akala
kong matatangap akong kasambahay
sa lugar na ito ay magiging bride pala
ako ng kaisa-isa nitong apo. Hindi ko
akalain na babalik ako sa lugar na ito
para tuluyang gampanan ang pagiging
asawa ko sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano ba ako ka-
ready para mabuhay kasama siya.
Totally stranger sya sa paningin ko at
hindi ko alam kung magiging masaya
ba ako dito.
Agad na ipinaghila ni Ryder ng upuan
ang kanyang Lola pagdating namin ng
dining room. Maraming nakahandang
pagkain sa lamesa at aakalain mong
may party gayung kaming tatlo lang
naman ang nandito at ilang mga
kasambahay na nakaantabay sa amin.
Ipinaghila din ako ng upuan ni Ryder at
hinawakan sa kamay para makaupo na.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko
napaka-special ko ng araW na ito.
Ibang Ryder ang nakikita ko ngayun.
Isang Ryder na matino sa harap
naming dalawa ng kanyang Lola. Isang
Ryder na mukhang hindi babaero.
Chapter 11
ASHLEY POV
Pagkatapos kumain ay nagulat pa ako
ng bigla akong yayain ni Madam
Agatha sa garden. Dahil wala naman
akong pagpipilian nagpatianod na lang
ako samantalang si Ryder naman ay
nagpaalam na aakyat muna ng kwarto.
"First of all, masaya ako dahil muli
kang nagpakita sa amin after five years
Ashley. Alam mo bang naniniwala ako
sa destiny?" nakangiti nitong paunang
wika sa akin. Hindi ako nakasagot dahil
hindi ko alam kung ano ang ibig nitong
sabihin. Nakikita ko ang ningning sa
mga mata nito at mukhang masaya sa
muli naming pagkikita.
"Alam mo bang gusto kang hanapin ni
Ryder ng bigla ka na lang mawala
pagkatapos ng inyong kasal? siguro
nga masyado ka pang bata noon at
nabigla ka sa offer ko." pagpapatuloy
nitong wika. Hindi na ako nakatiis at
sinagot ko ito
"Pero pumayag lang naman po ako sa
pag-aakalang ipapawalang bisa din
ang kasal namin. Broken hearted si
Ryder noon at alam kung hindi ako nag
-eexist sa paningin niya. Alam nya
naman po ang tungkol sa kasunduan
natin diba? Bakit po hinahabol niya
ako?" tanong ko. Napangiti naman ito
a "'Siguro dahil nagandahan sya sa iyo?
Ashley..Iha.....lam kong mabait kang
bata. Unang kita ko pa lang sa iyo noon,
gusto na kita para kay Ryder. Alam
kong nalkakatawa pero unang kita ko pa
lang sa iyo noon, alam kong
mapagkakatiwalaan kita. Kaya nga sa
iyo ko inalok ang proposal na iyun.
Kung tutuusin marami namang ibang
babae dyan na willing maging asawa si
Ryder...pero iba ka sa kanilang lahat..
nakikita ko sa mga mata mo na
magigingmabuti kang asawa para sa
aking apo.." mahabang wika nito.
Hindi naman akO nakasagot.
"Iha...alam kong mahirap para sa iyo
ang hihilingin kong ito. Sana, subukan
niyongi-work out ang kasal niyo ni
Ryder..kung tutuusin mag-asawa na
kayo sa mata ng Diyos at tao. Alam
kong darating ang araW na matutunan
mo din siyang mahalin.'" pagpapatuloy
na wika nito. Gulat naman akong
napatitig sa seryosong mukha ni
Madam Agatha.
"'Naniniwala ako sa destiny iha. Muli
kayong pinagtagpo ng apo ko at siguro
para magampanan niyo ang pagiging
asawa sa isat isa." pagpapatuloy na
wika nito. Hindi ko naman
maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"Pero, imposible po. Isang istranghero
ang tingin ko kay Ryder....ganoon din
sya sa akin. Ikinasal kami ng walang
pagmanmahal na involve. Nagpakasal
ako sa kanya dahil sa ten million.
Nahihiya po ako Madam...alam kong sa
paningin ninyo mukhang pera ako kaya
naman hindi ako karapat dapat sa apo
niyo." sagot ko. Napangiti naman ito.
"Bakit may minamahal ka na bang iba?
May boyfriend ka ba Iha? Pwede niyong
kilalanin ang isat isa. Bigyan m0 ng
pagkakataon ang sarili mno na kilalanin
ang apo ko. Ganoon din si Ryder sa iyo.
Hindi ka mahirap mahalin Ashley.
Nakikita ko sa mga mata ni Ryder na
tinamaan siya sa iyo...na gustong guso
ka niya. Kitang kita ko kung paano ka
niya titigan. Kaya alam kong magiging
successful ang pagsasama niyo." wika
nito. Natigilan akong muli.
"Alam kong may puwang ka na sa puso
ng apo ko. Noon pa man, gusto ka na
nyang hanapin. Asawa na tuing niya
sa iyo Iha. Ito na lang sana ang last na
hiling ko Ashley. Manatili ka dito sa
bahay...sa tabi ng apo ko," wika nito.
Lalo naman akong naguluhan.
"huwag kang mag-alala. Magiging
kakampi mo ako sa lahat ng oras.
Subukan mo lang iha."
pangungumbinsi nito sa akin. Hindi ko
naman mapigilan ang mapalunok.
Inilibot ko ang aking mga paningin sa
paligid.
"Magiging sa iyo ang bahay na ito
Ashley. Sisiguraduhin ko na
magkakaroon ka ng karapatan sa lahat
ng kayamanan na meron ako.
Maraming naging babae ang apo ko at
lahat sila hindi ko gusto. Naiiba ka sa
kanilang lahat kaya butong buto ako sa
iyo. Ashley Iha..please...huwag mo
naman sana akong biguin," Mas lalong
kumabog ang puso ko ng mạrinig ko
ang sinserong pakiusap ni Madam
Agatha.
"Sorry po..hindi po ako interesado sa
kayamanan. Gusto ko lang pong
mamuhay ng tahimik..Ayaw ko po ng
magulong buhay." wika ko. Pagkatapos
ay nat0on ko ang aking attention sa
parating na si Ryder. Nakapambahay
na ito at hindi ko mapigilan na titigan
ito mula ulo hanggang paa. May ngiti
na nakapaskil sa labi nito habang hindi
inaalis ang titig sa akin kaya naman
lalong magreregudon ang puso ko.
"Mukhàng seryoso ang pinag-uusapan
iyo ah? Pwede bang sumali?" nakangiti
nitong wika. Napayuko naman ako.
"Ryder..ngayung nandito na ang asawa
mo. Pwede bang umiwas ka na sa mga
babae? Dapat sa kanya mo na lang
itoon ang buong attention mo para
naman magiging masaya ang
pagsasama niyo.' narinig kong wika ni
Madam Agatha kay Ryder.
"of course Lola. Sabi ko naman sa inyo
noon pa na hanapin na natin si Ashley.
May apo na sana kayo sa amin ngayun
kung pumayag kayo..." sagot nito sa
kanyang Lola. Lalo akong napayuko
dahil nakaramdam ako ng hiya. Hindi
ko din maintindihan ang sarili ko.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Bata pa si Ashley noong mga panahon
na iyun.Ayaw kong nakawin mo sa
kanya ang kabataan niya. Gusto kong i-
enjoy nya muna ang buhay dalaga."
sagot naman ni Madam Agatha.
Lumunok naman ako ng makailang
beses bago sumagot.
"Madam baka po.... "Hindi ko na natuloy
ang aking sasabihin ng " Muli itong
nagsalita.
"Ashley, Iha....huwag mo na akong
tawagin na Madam. From now on.you
can call me Lola. Bahagi ka ng pamilya
na ito kaya ngayun pa lang sanayin mo
na ang sarili mo na tawagin akong Lola.
" nakangiti nitong wika. Nakita ko
naman ang pagtango ni Ryder at
tinitigan ako.
"Uyyy nagba-blush ang asawa ko ah?
Tingnan mo La, pulang-pula na ang
pisngi niya oh?" panunudyo ni Ryder.
hindi kO naman mapigilan na
hampasin ito sa kanyang braso. Huli na
ng marealized ko na nasa alanganin
pala akong sitwasyon. Nakita ko ang
tuwa sa mga mata ni Madam Agatha
habang palipat-lipat ang tingin nito sa
aming dalawa ni Ryder.
"Ryder.I think kailangan mo munang
mag-leave sa trabaho.Kahit one week
lang. Ipasyal mo si Ashley para
makilala nyo ang isat isa. Ito na din
ang honeymoon niyo kung sakali."
nagulat pa ako sa suggestion niy
Madam Agatha. Agad akong napatińgin
kay Ryder na masayang tumatango.
"Why not! I think kailangan ko na nga
ng bakasyon La. Sa tagal kong
hinawakan ang kompanya natin hindi
mo man lang naisip na bigyan ako ng
bakasyon." sagot nito sa kanyang Lola.
Lalo naman akong kinabahan. Ibig
sabihin lang nito wala na akong kawala
pa. Nakatali na ako sa kasal namin ni
Ryder at hindi ako pwedeng umayaw
dahil kahit anom pa ang mangyari may
karapatan na ito sa akin noon pa man.
'What do you think Ash? Saan mo
gustong magbakasyon? Gusto mo bang
lumabas tayo ng bansa?' nakangiti
nitong baling sa akin. Agad naman
akong umniling.
"Naku! Hindi pwede sa ibang bansa.
Wala akong passport!" Agad kong
sagot. Huli na ng bawiin ko asg sinabi
ko. Lumnalabas kasi na parang atat ako
sa bakasyon na iyun which is totoo
naman. Ito din kasi ang pangarap ko
noon pa. Gusto kong malibot ang
Pilipinas kaya nga nagpasya akong
magtrabaho dito sa Manila.
"'suguro Pilipinas muna ang ikutin
natin sakay ng yate. Ipapaasikaso ko
din ang passport mno para kapag maisip
natin na lumabas ng bansa ready ka na.
" nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi
ko naman malaman kong ano ang
magiging reaksiyon ko. Walang
pagtutol akong nararamndaman sa
kaloob-looban ng puso ko. Hindi ko
alam pero pakiramdam ko biglang
naging palagay ang loob ko sa kanila.
Kay Lola Agatha at kay Ryder.
"Hala sige...ang kailangan niyo siguro
magpahinga muna kayo. bukas na
bukas din pwede niyo ng umpisahan
magtravel. Pwede kayong pumunta sa
mga lugar kung saan niyo gusto."
nakangiting sagot ni Lola Agatha. Muli
ako nitong hinalikan sa pisngi at
nagpaalam ng aakyat ng kwarto.
Naiwan naman kaming dalawa ni
Ryder sa garden. Hindi ko alam kung
paano ito pakikiharapan ngayun.
Naiilang ako sa mga titig nya.
"I think kailangan no din magpahinga.
Ipapahanda ko ang yate sa mga tauhan
ko. Parang gusto ko din kasi maglayag
sa karagatan kasama ka." nakangiti
nitong wika sa akin. Napatitig naman
ako sa gwapo nitong mukha. Hindi ko
alam pero bigla akong nakradamdam
ng kakaiba sa sarili ko. Pakiramdam ko
nahuhulog na ang loob ko kay Ryder.
Simula ng dumating kami dito sa
kanilang bahay, ibang iba ang
pakikitungo nito sa akin.
Hindi maikakaila na close ito sa
kanyang Lola na siyang lalo kong
hinangaan dito.
"'Sa-saan ba ako magpapahinga?"
tanong ko. Napangiti ito.
"of course...sa kwarto ko." sagot nito.
Natigilan ako. Hindi ako nakasagot.
"Huwag kang matakot. Hindi kita
gagawan ng masama. Hindi ako
ganoon kasama para pilitin ka sa mga
bagay na ayaw mo Ashley. Sa ngayun,
gusto lang kitang nmakasama at
makilala pa. Mag-asawa na tayo pero
iilang bagay pa lang ang alam ko sa iyo.
Siguro ang bakasyon na ito ay malaki
ang maitutulong sa atin para makilala
natin ang isat isa." nakangiti nitong
saad. Napatango naman ako
"'So lets go? Huwag kang mag-alala.
Malaki ang kama ko kaya hindi tayo
magkakadikit doon kahit na magkatabi
tayong matulog. Gusto ko din kasi
ipakita kay Lola na nagkasundo na
tayo. Alam kong ito din ang gusto ni
Lola at kitang kita ko na botong-boto
siya sa iyo." pagpapatuloy nitong wika.
Hindi ako nakaimik. Naramdaman ko
na lang na hinawakan ako nito sa
kamay at iginiya papasok sa loob ng
bahay.
"Agad kaming umakyat ng hagdan.
Wala ng pagdadalawang isip..sumama
ako sa kwarto ni Ryder.
Katulad ng sinabi nito kanina malawak
ang kama nito. Siguro kasya ang kahit
lima katao. Kitang kita arng karangyaan
sa buong paligid. Hindi ko
maintindihan na sa dami ng babaeng
dumaan sa buhay nito ako pa talaga
ang napili nitong gustong makasama.
Gusto pa talaga nitong tutuhanin
namin ang pagiging mag -asawa.
Siguro wala akong choice. Well,
tingnan namin. Wala namang masama
kung susubukan namin diba? Tana si
Lola Agatha...subukan naninat kapag
hindi magwork out malaya kaming,
makapagdesisyon para sa aming
sarili...kung ano ba talaga ang gusto
namin mangyari sa aming buhay. Kahit
anong nangyari kasal kami. Asawa ako
ng isang Ryder James Sebastian. Isa sa
pinakamayamang tao sa Pilipinas.
Pwede mong i-check ang laman ng
mga paper bags na iyun. Inorderan na
kita ng mga damit at ilagay mo na sa
mga bags na iyun ang gusto mong
dalhin. Balak kong makaalis agad tayo
bukas ng umaga kaya magready ka na."
napapitlag pa ako ng bigla itong
nagsalita sa tagiliran ko. Sa totoo lang
nakaramdam ako ng pagkailang lalo na
dalawa na lang kami dito sa kwarto.
Wala sa sariling napatingin ako sa mga
paper bags na nakalagay sa isang sulok
ng kwarto. Nahuhulaan ko na mga
gamit ko ang mga nakalagay doon.
Katulad kasi ang tatak na nakalagay sa
paper bags na ibinigay niya kagabi sa
akin sa penthouse at sa opisina.
Sabagay, walang imposible sa mga
mayayaman na mga tao na bumili ng
mga ganitong bagay na hindi na
kailangan pang pumunta sa mga shop.
Agad kong nilapitan ang mga paper
bags. TIningnan ko ang mga laman at
katulad ng inaasahan, kasukat ko lahat
ng nakalagay dito. Para sa akin nga ang
mga gamit na ito kaya agad kong
kinuha ang traveling bag at naglagay
ng ilang pirasong damit.
Abala ako sa aking ginagawa ng
biglang nagsalita si Ryder.
"Huwag kang mag-alala...pagkabalik
natin galing bakasyon, pwede kang
magshopping ngmga gamit mo.
Ipapakuha ko na din ang mga gamit
mo sa apartment mo.'" wika nito
habang nagpupunas ng buhok.
Mukhang nakaligo na ito at
naghahanda na para matulog
"Hindi ba masyadong maaga pa para
dito ako titira sa inyo. I mean, naiilang
kasi ako eh. Hanggang ngayun hindi pa
rin ako makapaniwala.'" sagot ko dito.
"Dont worry Ashley. Walang pilitan na
mangyayari sa ating dalawa. Isa pa
gusto ko din ihanda mo ang iyung
sarili. Alam ng halos lahat na ikinasal
ako five years ago at ito na siguro ang
pagkakataon para makilala ka ng lahat.
Ng aking mga business partners. Kung
anu-ano na lang kasi ang idinadahilan
ko sa kanila tuwing tinatanong nila ako
kung masaan ang asawa ko." mahaba
nitong wika. Hindi ako nakasagot.
Hindi ko akalain na may mga gamoong
scenario pala. Siguro isa ito sa mga
dahilan kung bakit gusto ni Ryder na
magsama kami bilang isang tunay na
mag-asawa. May mga bágay na dapat
namin harapin at panindigan lalo na at
kilala ito sa lipunan.
Siguro, sasabay na lang ako sa agos ng
buhay sa mga sandaling ito. Hindi
naman siguro ako dehado dito dahil
sila naman ang nag-imsist parà sa
ganitong bagay. Sa ngayun, isa lang
ang pinangangambahan ko. Ang
tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya.
Sana lang hindi ako ang magiging
dehado bandang huli. Hindi ko pa
naranasan magmahal pero alam kong
masakit iyun kapag mabigo at ayaw
kong mangyari iyun sa akin. Hindi ko
alam kung paano haharapin ang
kabiguan, Sa ngayun nararamdaman
ko na unti-unti ng nahuhulog ang loob
ko kay Ryder.
Chapter 12
ASHLEY POV
Pagkatapos kong ilagay sa bag ang mga
damit na dadalhin namin bukas ay
nagpasya na akong maligo. Sinulyapan
ko pa si Ryder na noon ay nakahiga sa
kama at napansin kong natutulog na.
Nakahinga ako ng maluwag. Mukha
naman pala itong harmless. Hindi
katulad sa nauna kong impressions sa
kanya.
Mabuti na lang at hindi na ako
nahirapan pang mag-adjust dito sa
kanyang kwarto. Nakahanda na lahat
ng mga kailangan ko na siyang labis
kong ipinagtaka. Mukhang inaasahan
na ako sa bahay na ito.
Nagshower lang ako at agad na
nagbihis ng pantulog. Inaantok na din
ako at kailangan ko ng magpahinga,
para may lakas ako bukas. Kahit paano
gusto ko din i-enjoy ang travel na ito.
Nabanggit ni Ryder kanina na sasakay
kami ng yate at maglalayag kami. Kahit
papaano nakaramdam ako ng
matinding excitement. Pagkakataon ko
na ito na makapunta sa ibang lugar ng
libre.
"Pagkatapos kong maligo ay agad
akong lumabas ng banyo. Mukhang
tulog na tulog na si Ryder kaya naman
dahan-dahan akong pumwesto sa
kabilang bahagi ng kama. Tinitigan ko
pa ang mukha nito na habang
nakapikit. Mukha naman siyang
mabait. Hindi ko lang maintindihan
kung bakit palaging nakakunot ang noo
nito kapag nasa opisina kami. Siguro
nga babaero ito pero mukhang iba
naman ang pagtrato niya sa akin. Kahit
papaano naramdaman ko na
iginagalang nya ako.
Tag isa kami ng comforter na siyang
labis na ikina-kampante ko. Siguro
wala nga itong balak na gawan ako ng
masama. Hindi naman siguro ito rapist
at malabo naman sigurong pilitin ako
nitong makipag sex sa kanya kapag
ayaw kO.
"Hayyy ano ba itong naiisip ko! Sex
agad? Bakit ba naisip ko ang bagay na
iyun? Self naman, baka naman ikaw
ang may nararamdaman na pagnanasa
sa kanya!" hindi ko mapigilan na
bulong sa aking sarili. Natampal ko pa
ang aking noo tsaka nahiga na.
Tinakpan ko ng comforter ang buo
kong katawan dahil medyo malamig
ang buga ng aircon. Pagkatapos ay
tumalikod na ako sa gawi ni Ryder.
Nagdududa na ako sa aking sarili. Baka
hindi ako makatulog at magdamag ko
lang titigan ang gwapo nitong mukha.
Nakakatakot lang dahil pakigamdam
ko unti-unti na akong nakakaramdam
ng kakaiba sa kanya.
Pinilit kong makatulog pero gising pa
rin ang diwa ko. Hindi kO alam kung
namamahay ba ako o ano pa man pero
hindi ko maintindihan ang aking sarili.
Para akong tanga na nakadilat sa
kawalan habang hindi maalis sa isip ko
ang lalaking katabi ko.
Muli akong humarap sa gawi ni Ryder.
Malamlam na liwanag na lang ang
tumatanglaw sa amin mula sa
lampshade pero hindi hadlang iyun
para hindi ko masilayan ang kanyang
mukha. Napakabait niyang tingnan.
Ibang iba talaga ang ugali niya kapag
gising siya.
Hindi ko alam kung anong oras na
akong nakatulog. Nagising na lang ako
sa isang banayad na tapik sa aking
mukha. Naririnig ko pa na tinatawag
ang aking pangalan pero hinihila
talaga ako ng antok.
"hmmm sandali lang. Matutulog pa
ako eh.'" wika ko pa habang nakapikit.
Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa
unan.
"Ashley.gising na...aalis na tayo!"
narinig kO pang bulong ng isang boses
lalaki. Agad kong naidilat ang aking
mga mata sa isiping bakit may katabi
akong lalaki. Agad na sumalubong sa
paningin ko ang mukha ni Ryder na
nakangiting nakatitig sa akin. Nanlaki
ang aking mga mata at napabangon
ako.
"A-anong ginawa mo? Bakit yakap mo
ako?" tanong ko dito. Bumangon na
din ako tsaka ako tinitigan.
"Hindi ako ang yumakap sa iyo Ashley.
Tkaw ang pumunta sa pwesto ko."
sagot nito sa akin na may hałong
panunudyo ang tono. Natigilan ako at
inilibot ang tingin sa paligid. Natutop
ko ang aking bibig na wala na pala ako
sa pwesto ko kagabi. Nandito ako sa
pwesto ni Ryder at mukhang ako nga
ang naligaw papunta sa kanyang
kinahihigaan.
"Sorry!"" hindi kO napigilan na sambit
ko. Mahinang tawa lang ang naging
sagot nito tsaka naglakad na papasok
ng banyo. Naiwan naman akong hiyang
hiya. Parang gusto kong kutusan ang
sarili ko. Ano ba itong nagawa kong
katangahan?Ako itong isip ng isip ng
masama tapos ako naman pala ang
lumagpas sa boundary naming dalawa.
"Nakakahiya ka Ashley! Ano na lang
ang iisipin sa akinni Ryder.'" bulong ko
sa aking sarili habang hindi ko
mapigilan ang mapakamot sa aking
ulo. Parang gusto kong lamunin nalang
ng lupa dahil sa naramdaman na
matinding kahihiyan. Ngayun ko
din napatunayan na gentleman naman
pala si Ryder. Hindi ito nagti- take
advantage sa mga babaeng katulad ko
na nalliligaw ng teritoryo. Kung sa
ibang lalaki siguro iyun baka ginawan
na ako ng masama.
"Pwede ka ng mag-ayos ng iyong
sarili. Ipapakuha ko na lang sa mga
kasambahay ang bag mo para ilagay sa
kotse. Mauna na akong bababa dahil
magkakape pa ako. Sumunod ka na
lang kapag tapos ka na." wika ni Ryder
pagkalabas nito ng CR. Naglakad ito sa
isang pintuan na sa tingin ko ay ang
kanyang walk in closet. Hindi ko na ito
sinagot at agad akong pumasok ng CR.
Hiyang hiya pa rin ako sa mga
nangyari at pakiramdam ko wala
akong nukha na maihaharap sa kanya.
" Sandali lang akong naligo at agad na
lumabas ng banyo habang tuwalya lang
ang nakatakip sa aking katawan.
Panatag naman ang aking kalooban
dahil mukhang wala na si Ryder dito sa
kwarto. Agad akong nagbihis at nag-
ayos ng sarili. Akmang lalabas na ng
kwarto ng narinig ko na nay kumatok.
Nang pagbuksan ko ito ay tumampad
sa paningin ko ang isang naka-uniform
na kasambahay.
"Good Morning Mam. Kukunin ko lang
po ang gamit niyo na dadalhin.
Ipinapalagay na kasi ni Sir sa kotse
dahil aalis na daw kayo.'" wika nito sa
akin. Tumango ako at itinuro ko ang
isang bag na naglalaman ngmga damit
ko. Agad naman itong tumalima at
binitbit iyun at agad na naglakad paalis.
Agad naman akong sumunod dito.
Pagkababa pa lang ng hagdan ay agad
akong sinalubongni Lola Agatha.
Maaga din pala ito nagigising kaya
agad ko itong binati.
"Good Morning po!" bati ko dito. Agad
itong ngumiti at tinitigan ako.
"Good Morning iha! Kumusta ang
unang gabi mo dito sa bahay? Sana
nakatulog ka ng maayos." nakangiti
nitong sagot. Tumango ako at lumapit
dito. Nagulat pa ako at hinalikan ako
nito sa pisngi. Hindi ko akalain na may
itinatago din palang ka-sweetan . Ang
akala ko talaga nataray ito.
Nakakatakot kaya makipag-usap dito
noon.
"Nagmamadali na si Ryder. Dinala na
niya sa kotse ang kape niya. Mag-ingat
kayo palagi Ashley. I-enjoy nyo ang
bakasyon niyo ha?" Nakangiti nitong
wika. Tumango naman ako at agad na
nagpasalamat.
"Salamat po Lola. First time ko po
sumakay ng yate at tiyak na mag-
eenjoy po ako." nakangiti kong sagot.
Tumango ito kaya naman yunnkod ako
at tuluyan ng umalis.
"Pagkalabas ko ay naghihintay na sa
kotse si Ryder. Katulad noong una may
driver ito kaya tahimik akong tumabi
dito. Naamoy ko pa ang aroma ng kape
na iniinom nito. Bigla tumuloy
kumalam ang sikmura ko. Parang ang
sarap din humigop ng mainit na kape.
"Gusto mo?" alok nito sa akin. Agad
akong umiling. Hindi ko kayang
makishare sa baso nya. Nakakahiya!
"May mga pagkain naman sa yate kaya
doon na lang tayo kakain ng breakfast.
Gusto ko kasing makaalis tayo ng
maaga para masulit natin ang
bakasyon na ito. Isa pa gusto ko din
maabutan ang sunrise sa laot." wika
nito. Tumango ako at inilibot ang
tingin sa paligid. Halos alas kwatro pa
lang nag umaga at wala pa akong
masyadong nakikitang sasakyan sa
kalsada. Mabilis lang ang naging
biyahe namin at agad kaming
nakarating sa isang lugar na puro yate
lang aking nakikita.
Hindi ko alam kong ano ang tawag sa
lugar na ito pero nakaka-amaze na
may ganitong lugar pala dito sa
Pilipinas at hindi ko akalain na ano
mang sandali ay makakasakay na ako
sa ganito kamahal na sasakyang
pandagat.
Agad akong hinawakan sa kamay ni
Ryder at tinungo namin ang isang yate.
May mga nakita akong mga crew na
naghihintay sa amin at isa isa nila
kaming binati. Tanging ngiti lang din
naman ang naging sagot ko.
Samantalang tunango lang si Ryder sa
mga ito.
Agad akong namangha ng makapasok
na ako sa loob ng yate. Hindi ko akalain
na ganito pala ka-bongga angkoob.
Parang nasa loob lang ako ng bahay.
"Wala tayong gagawin kundi ang mag-
enjoy. May mga kasama tayong crew at
alam na nila ang gagawin nila para safe
tayong makapaglayag." nakangiti
nitong wika sa akin.
"Sa roof deck tayo para ma- appreciate
mo ang tanawin." nakangiti nitong
wika sa akin at hinila ako paakyat ng
hagdan. Halos malula ako sa mga
nakikita ko sa paligid. Hindi ko akalain
na nag-eexist pala ang ganitong
klaseng sasakyang pandagat. Parang
bahay na talaga at pakiramdam ko
hindi ako magsasawang sumakay sa
ganitong klaseng sasakyang pandagat.
Pagdating ng roof deck ay lalo akong
namangha sa aking nasilayan. Halos
nanlaki ang aking mga mata ng mnakita
ko na kahit pala sa yate ay mayroong
swimming pool. Ang swerte talaga ng
mga mayayaman.
"Wow! Grabe...ni sa hinagap hindi ko
akalain na ganito pala kaganda sa yate?
Ryder pwede ba akong magswimming
dyan?" excited kong tanong dito.
Nakangiti itong tumitig sa akin.
"of course. Pwede mongi-enjoy lahat
ng features dito sa yate. Huwag kang
mag-alala, malaya mong magagawa
lahat ng gusto mo dito. May mga
kasama man tayong crew pero limited
lang ang magiging access nila. Wala
kang iisipin na may mga matang
nakatingin sa sa iyo kaya pwede mong
gawin lahat ng gusto mo." nakangiti
nitong sagot sa akin. Lalo naman akong
nakaramdam ng excitement. Kung
ganoon malayo pala ako sa mga mata
ng mga Marites.
"Nagugutom ka na ba? Ipapaserve ko
na ang breakfast natin." nakaligiti
nitong tanong. Tumango ako at inikot
ko ang buong roofdeck. Naramdaman ko
din na gumagalaw na ang yate kaya
lalo akong na-excite. Lalong naging
palagay ang loob ko kay Ryder dahil sa
excitement na nararamdaman. Itinoon
ko ang paningin ko sa asul na
karagatan. Grabe..ang swerte ko
talaga! Mararanasan ko kung paano
magtravel ang mga mayayaman sakay
ang isang yate.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko
ng mapansin kO na may pumasok na
dalawang babaeng crew. May bitbit
itong pagkain kaya napalapit ako
habang tinitingnan kung ano ang dala
nilang pagkain. Tamang-tama, kanina
pa talaga ako nagugutom kaya agad
akong umupo sa tapat ni Ryder habang
inilalapag ng crew ang mga pagkain sa
mesa.
"sir, may kailangan pa po ba kayo?"
magalang na tanong ng isa sa kanila
kay Ryder.
"Tatawag na lang ako kapag may
kailangan pa kami." sagot ni Ryder.
Yumukod naman ang mga ito bago
umalis. Agad naman akong napangiti
at itinoon ang attention sa pagkain.
"Wow..buti na lang may sinangag!"
hindi ko mapigilang bigkas. Pilipinong-
pilipino ang breakfast namin. May
sinangag, longanisa, hotdog at danggit.
May bread at mga palaman din pati
coffee. May ilang prutas din at yogurt
akong nakikita. Ang daming choices.
'Pwede mo ng umpisahan ang kumain.'
Nakangiti nitong wika sa akin. Agad
naman akong tumalima at agad na
kumuha ng sinangag at tocino pati na
din danggit.
"Hindi ka ba kakain?" hindi ko
mapigilan na tanong kay Ryder.
Napansin ko kasi na hindi ito
kumikilos at nakatitig lang sa bawat
subo ko. Nakaramdam tuloy ako ng
pagkailang. Baka isipin nito patay
gutom ako sa gana kong kumain.
"Kakain...kaya lang nakakatuwa ka
kasing tngnan. Parang ilang araw
kang pimagutuman ah:" sagot nito.
Nabitawan ko tuloy ang hawak kong
kutsara at tinidor. Natawa maman ito.
"Joke lang! Ituloy mo na ang pagkain
mo.'" wika nito sabay kuha din ng
pagkain. Napangiti ako ng napansin ko
na itinoon na nito ang attention sa
pagkain. Bigla tuloy bumalik ang gana
ko.
Pagkatapos kumain ay may pinindot
lang si Ryder at muling bumalik ang
mga crew para ligpitin angmga
pinakainan namin. Bigla tuloy akong
pinukaw ng curiosity.
"Malaki ba ang sahod ng mga iyun?
Parang ang sarap ng trabaho nila.
Patravel-travel lang." agad na tanong
ko kay Ryder ng makaalis na ang crew.
Natatawang tinitigan ako ni Ryder.
"Bakit gusto mo din mag-apply?
Accountant ka diba? Dapat sa office ka
lang at hindi ka bagay sa mga ganitong
trabaho." sagot nito. Natigilan ako.
Pagkatapos matamis akong ngumiti.
"Pwede naman akong mag-aral ulit
para makapasok sa ganitong trabaho.
Paranggusto kO na baguhin ang takbo
ng career ko. Parang gusto ko na din
maging crew sa mga ganitong
sasakyang pandagat." sagot ko.
Napahalakhak ito kaya hindi ko
napigilan na sumimangot.
"Hindi mo na kailangan pang ma8-
ambisyon ng mga ganiyan. Sariling
yate natin ito at pwede kang magtravel
sakay nito hanggang gusto ne," sagot
nito. Natigilan naman ako. Hindi ako
makapaniwala sa ginamit nitong salita.
Natin? ibig sabihin may karapatan na
din ako sa yate na ito dahil kasal kami?
"Naku...wala akong karapatan sa yate
na ito. Sa iyo lang ito at masaya na ako
kung sakaling tanggapin mo ako para
maging crew din dito." sagot ko. Lalo
naman itong tumawa at matiim akong
tinitigan.
"'Siguro kailangan nating i-extend ng
One month ang bakasyon na ito para
magsawa ka sa kakasakay sa yate.!"
sagot nito. Parang gusto naman
tumalon ang puso ko sa sobrang saya.
Mukhang mai-enjoy ko talaga ang
bakasyon na namin. Hindi ko akalain
na ganito lang pala kabilis kausapin
ang isang Ryder James Sebastian.
Chapter 13
ASHLEY POV
"Cheers!" nakangiting wika ni Ryder
habang itinataas ang baso na may lamang
alak. Napangiti naman ako at itnaas ko
din ang wine na hawak ko. First time kong
uminom ngayun at wala naman sigurong
masama diba? Dalawa lang naman kami
ni Ryder dito sa roof deck at gabi na.
Cheers!" nakangiti kong wika. Kanina pa
ako gigil na gigil maligo sa pool kaya lang
nahihiya akong magsabi kay Ryder. Isa pa
nalibang kami sa aming kwentuhan at
hindi namin namalayan ang oras. Isa pa
sobrang ganda naman kasi din ng paligid.
Puro asul na karagatan na lang ang aking
nakikita sa buong paligid at mukhang
malayo na kami sa kalupaan.
Napansin ko na tinungga na nito ang
hawak niyang alak kaya wala na din
akong magawa kundi tikman ang wine na
hawak ko din. Parang may kaunting
lasang pait pero tolerable naman. Mas
nanaig ang tamis na lasa na siyang
nagustuhan ko kaya tuloy-tuloy ko itong
ininom. Bottoms up. Wala akong itinira
kahit isang patak na alak sa baso ko.
Feeling ko umiinom lang ako ngjuice.
May naglalarong ngiti naman sa labi ni
Ryder ng tinitigan ako nito. Muli nitong
sinalinan ng wine ang aking baso
"Dahan-dahan lang sa pag-inom. Baka
malasing ka kaagad!" wika nito sa akin
habang matiim akong
tinitigan.Nakaramdam ako ng pagkailang
kaya iniwas ko ang tingin dito. Katulad ko
sinalinan na din nito ng alak sa kanyang
baso.
"Nakakalasing ba iyan? Hindi naman yata
wine ang ibinigay mo sa akin eh. Parang
juice lang." sagot ko. mahina itong
tumawa at ibinaling ang tingin sa
madilim na karagatan.
"'Huwag kang magtiwala sa kakayahan ng
wine Ashley. Mabilis iyan makaasing lalo
na kapag hindi ka sanay uminom." sagot
nito. Tinaasan ko lnag ito ng kilay at muli
kong ininom ang laman ng baso. Another
bottoms up at pakiramdam ko biglang nag
- init ang pakiramdam. Parang biglang
nangapal ang mukha ko.
"Alam mo. .kanina ko pa gustong maligo
sa pool na iyan. Pwede na ba akong
magtampisaw ngayun?" tanong ko kay
Ryder. Tinitigan ako nito bago tumango
"'Sure...pero maliligo ka ba na ganyan ang
suot mo?" tanong nito. Natigilan ako
tsaka ko ito nginisihan.
"Eh di huhubarin ko itong suot ko na
damit. Mukha ka namang harmless eh.
Hindi mo naman siguro ako bubusuhan
diba?" tanong ko dito. Hindi ko alam kung
saan ako kumuha ng lakas ng loob na
sumagot ng ganito kay Ryder.
Siguro nga tama ito...nakakalasing ang
wine na iyun. Bigla kasing nawala ang
inhibisyon ko sa katawan. Nawala na din
ang pagkailang ko sa kanya.
Agad akong tumayo at hinubàd ang suot
kong damit. Isinunod ko ang aking
pantalon. Wala na akong pakialam sa
presensiya ni Ryder. Ang gusto ko lang ay
maglublob sa pool na iyan dahil kanina ko
pa talaga gustong maligo.
Hindi naman ito umiimik kaya
pagkatapos kong hubarin ang aking
kasuotan at taning bra at panty na lang
ang natira sa akin ay agad na akong
lumusong. Agad na sumalubong sa
katawan ko ang katamtamang
temperature ng tubig. Agad kong nilingon
si Ryder at napansin kong nakasunod ang
tingin nito sa akin. Tahimik ito habang
sumisimsim ng alak.
"'AyaW mo bang maligo? Hindi ka din yata
naligo kaninang umaga eh." malakas na
wika ko dito. Umiling ito at muling
tumungga ng alak. Hindi ko na lang ito
pinanasin at at inilubog ko na ang ulo ko
sa tubig.
Hindi ko alam kung ilang minuto na
akong nakalubog sa tubig. Nagfloating pa
ako at tiningnan ang ilang bituin na nasa
kalangitan. This is life! Pakikamdam ko
nasa isang paraiso ako. Parang ayaw ko
ng umalis sa lugar na ito.
Napadilat ako ng maramdamam ko na
may braso na pumulupot sa bawang ko.
Agad akong nawala sa focus at
naramdaman kong lulubog ako sa tubig
kung hindi lang may matigas na braso
ang nakapulupot sa baywang ako. Agad
akong napadilat at sumalubong sa
paningin ko ang seryosong mukha ni
Ryder. Matiim itong nakatitig sa aking
mukha. Hindi ko mawari ang nakaguhit
na emosyon sa mukha nito na siyang
nagpakabog sa dibdib ko.
Parang may kung anong pwersa ang
humihila sa akin para titigan ito sa mga
mata.
"God! You're so beautiful Ashley.."
mahinang bulong nito at namalayan ko
na lang na sinakop na nito ang aking labi.
Hindi ko naman mapigilan na mapapikit.
Biglang nag-init ang aking pakiramdam
at sa hindi malamang dahilan agad kong
tinugon ang halik ni Ryder. Nanguyapit pa
ako sa batok nito dahil pakiramdam ko
bigla akong nawalan ng lakas.
"ahmmm!" mahina kong ungol ng
maramdaman ko na nakasapo sa dibdib
ko ang isang palad nito. Hinimas niya
iyun at kahit may suot akong bra ay hindi
nakaligtas sa aking pandama ang kiliting
naramdaman. Binitiwan nito ang labi ko
at mariin akong tinitigan. Pagkatapos ay
naramdaman kO ang kamay nito sa likod
ko na marahang humahaplos at ilang
sandali lang ay naramdaman ko ng
humiwalay sa katawan ko ang suot kong
bra.
Agad na nanlaki ang aking mga mata ng
kasabay sa pagkatanggal ng saplot sa
dibdib ko ay ang pagsakop ng labi ni
Ryder sa isang kong nipple. Parang gusto
kong magkakawag sa kakaibang
damdamin na lumukob sa buo kong
pagkatao. Parang may kung anong
kuryente na dumaloy sa buo kong
katawan ng maramdaman ko ang
pagsipsip nito sa nipple ko.
"Agad niya akong iginiya papuntang gilid
ng pool habang hindi nito inihihiwalay
ang kanyang bibig sa nipple ka. Salitan
niya itong s********p na parang isang
uhaw na sanggol. Halos mamilipit naman
pati daliri sa paa ko dahil sa matinding
sarap na nararamdaman.
First time ko itong naranasan at hindi ko
akalain na ganito pala karasap sa
pakiramdam. Pakiradamdam ko
nakalublob kami sa mainit na tubig dahil
sa sobrang init na nararadaman ko sa
lahat ng bahagi ng aking katawan.
"'Kailangan na nating umahon dito sa
pool Ashley. I want to feel your body...
gusto kitang angkinin ngayun..
nakakabaliw ka!" anas nito sa akin at
nauna ng umahon. Sumunod naman ako
d dito at sa gilid mismo ng pool ay muli
nitong inangkin ang aking labi.
"aghhh Ryder! shit! Ang sarap!" hindi ko
mapigilan sambit ng maramdaman ko
ang isang palad nito na humahaplos sa
ibabang bahaging parte ng aking
katawan. Para akong mababaliw sa hindi
malamang dahilan.
'Yes...Moan my name Ashley...
Sisiguraduhin kong hindi mo
makakalimutan ang gabing ito." wika nito
at unti-unting bumaba ang halik nito
patungo sa leeg ko. S***k**p pa nito ang
balat ko doon na siyang nagbigay sa akin
ng kaunting hapdi at kiliti.
Pagakapos niyang kinagat-kagat at s* ***
**n ang balat ko sa leeg ay bumaba ang
halik nito patungo sa aking dibdib. Saglit
pa siyang huminto doon at tinitigan niya
ang dalawa kong matayog na bundok.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang
paghanga kaya naman kinabig ko ito
payakap at ilang saglit lang ay
naramdaman ko ng muli nitong sinakop
ang isa kung nipple samantalang pinisil-
à pisil naman ng kabila niyang palad ang
isa ko pang bundok. Halos mabaliw ako sa
kakaibang sensasyon na nararamdaman.
Hindi ko malaman kong saan ko ibabaling
ang mukha ko dahil sa kakaibang
luwalhati na nararamdaman.
Pinagsawa ni Ryder ang mga labi niya sa
bahaging iyun ng aking katawan at muli
kong naramdaman na naglakbay ang labi
nito patungo sa aking pusod...bawat balat
na madaanan ng labi nito pakirndam ko
ay binabasa niya ng kanyang laway.
Dinidilaan na siyang lalong nagpainit sa
aking pakiramdam.
Mas lalo akong nadarang sa init na aking
naramdamdaman ng bigla nitong
hawakan ang garter ng panty ko at
ibinaba. Hindi ako nakahuma at
nakahawakan ko ang kamay nito at bigla
akong napaupo.
"No please! wika ko. Nangungusap ang
mga mata nitong tumitig sa akin.
"Im sorry...hindi ko napigilan ang sarili
ko. Gusto kitang angkinin ngayun Ashley.
seryoso nitong wika. Napalunok ako ng
mapansin ko ang hitsura nito. HIndi kO
mabasa kung ang pinaghalong emosyon
na nakabalatay sa mga mata nito.
"Kung ano man arng mangyari sa atin
ngayun. Handang handa kong panindigan
lahat ng iyun Ashley. Mag-asawa na tayo
at normal lang sa isang mag-asawa na
gawin ang bagay na ito." wika nito sa
tonong parang nahihirapari ang boses
nito. Napalun ok ako ng maraning beses
bago napatango.
Handa na nga ba akong ipagkaloob sa
kanya ang pagkababae ko? Ito ang
pangatlong araW na nakita ko siya sa
tanang buhay ko. Aaminin ko na nadala
na din ako sa init na ginagawa nito sa
katawan ko. Hindi ko alam pero nang
muli kong titigan ang hitsura ni Ryder
biglang lumambot ang puso ko. Ako na
mo ang nuling humalik sa labi nito na
naging hudyat sa kanya para ituloy ang
aming nasimulan.
Muli kaming naging mapusok sa isat isa.
Hanggang sa namalayan ko na lang na
pareho na kaming hubot hubad. Sa
mismonggilid ng pool at tanglaw ng nga
bituin sa langit pilit na pinag-isa ni Ryder
ang aming mga katawan.
Napaigik pa ako sa unang pagpasok nito
sa akin. Pakiramdam ko hihiwalay ang
balakang ko sa katawan ko dahil sa
sobrang sakit. Hindi ko mapigilan ang
pagtulo ng luha sa aking mga ma
pigil ko ang aking sarili sa paghikbi.
"Im sorry. Ganito talaga saipisa..
masakit pero maya-maya lang mawawala
din iyan at pareho na natin itong mai-
enjoy." masuyo nitong wika habang
pakatitig sa aking mukha. Huminto ito sa
pagalaw sa itaas ko kaya naman may
pagkakataon akong sanayin ang aking
sarili habang nasa loob ng pagkababae ko
ang ari nito.
Pinaghahalikan pa ako nito sa buong
mukha at labi. Nang maramdaman ko na
bahagyang nawala ang sakit ay ang
balakang ko na mismo ang unang
gumalaw. Naging hudyat iyun kay Ryder
para ituloy ang kanyang naumpisahan na
Pareho kaming napaungol na bumilis ng
bumilis ang galaw ni Ryder sa ibabaw ko.
Wala na ang sakit. Hindi mipaliwanag na
Sarap ang akingnararamdaman sa
pagkakataon na ito.
"Ashley.... shit! Fuck! Nakakabaliw kah!!!"
bulong nito sa akin habang patuloy ang
mabilis na pag-ulos sa ibabaw ko. Hindi
ko naman malaman kung saan kO
ihahawalk ang aking mga karmay, Nakagat
ko na din ang aking pang- ibabang labi
para pigilan ang malakas na pag-ungol.
Saksi ang mga bituin sa langit sa ilang
beses na pag-angkin sa akin ni Ryder.
Saksi ang mga bituin sa langit sa ilang
beses na pag-angkin sa akin ni Ryder.
Wala itong kapaguran sa pagalugad sa
buo kong katawan. Ipokrita ako kung
sasabihin ko na hindi ako nag-enjoy.
Naramdaman ko ang pagiging tunay na
babae sa piling nito. Hindi ko alam kung
paano nagsimula, pero isa lang ang
masasabi ko. Tuluyan ng nahulog ang
loob ko sa kanya. Mahal ko na siya kaya
nagawa kong ipagkaloob dito ang
iniingatan kong dangal.
Kinaumagahan.....
Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata
ang naramdaman kong sakit sa buo kong
katawan. Para akong binugbog sa sobrang
ngalay na aking nararamdaman lalo na sa
ibabang pate ng katawan ko. Uhaw:
uhaw din ako kaya kahit na masakit ang
pagitan ng hita ko ay dahan-dahan akong
bumangon.
Muling sumariwa sa akinngalaala ang
mga nangyari sa amin ni Ryder kagabi.
Hindi ko alam kung matutuwa o
malulungkot ba ako. Pero hindi
maikakaila na sa kailaliman ng puso ko
may saya akong nararamdaman. Hindi
ako nagsisisi na ipinagkaloob ko sa knaya
ang pinakaiingatan kong virginity na
balak kong ibigay sa lalaking
makakasama ko habang buhay.
Sabagay...si Ryder na nga iyun. Five years
na kaming mag-asawa at may tungkulin
akong ibigay sa kanya ang lahat ng nais
niya pati na din ang katawan ko. Ngayung
may nangyari na sa aming dalawa...
sigurado na ako sa aking sarili. Siya lang
ang lalaking gusto kong makasama
habang buhay.
Hindi man niya direktang sinabi sa akin
ang nararamdaman niya pero alam kong
may puwang na din ako sa puso nya.
Nararamdaman ko iyun sa bawat halik at
haplos na ginawa niya kagabi sa katawan
ko. Wala sa sariling napangiti ako habang
nililibot ko ang tingin sa paligid. Nandito
na ako sa isang kwarto. Kung ganoon
binuhat ako kagabi ni Ryder pagkatapos
kong makatulog dahil sa sobrang pagod
na nararamdaman.
Mabuti naman at gising ka na." agad na
napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng
biglang nagsalita si Ryder. May dala itong
tray ng pagkain at agad na lumnapit sa
akin.
"Kanina pa kita gustong gisingin...kaya
lang nakita kong tulog mantika ka . Here
dinalharn kita ng pagkain dahil alam kung
mas gugustuhin mo pang manatili dito sa
kwarto kaysa lumabas." wika nito na may
halong lambing ang boses. Hindi ko
naman maiwasan na mamula dahil sa
naramdaman hiya.
"Ashley..hindi ka na dapat na mahiya sa
akin. Mag-asawa na tayo at normal lang
sa mag-asawa ang mga nangyari kagabi."
nakangiti nitong wika at kinintalan pa
ako ng halik sa labi. Hindi ko naman
maiwasan na mapangiti.
Chapter 14
ASHLEY POV
HIndi maipaliwanag na saya ang aking
nararamdaman sa buong panahon ng
paglalayag namin ni Ryder. Pakiramdam ko ako
ang pinakamasayang tao sa mundo. Puro ngiti
ang nakaukit sa labi ko tuwing kasama siya.
Wala kaming ginawa kundi ang i-enjoy ang isat
isa sa buong byahe namin sa karagatan.
Pero ang pamamasyal ay kailangan tapusin.
Kailangan namin harapin ang realidad ng
buhay. Kailangan din namin bumalik ng Manila
para harapin ang aming mga tungkulin. Pero
gayun pa man alam kung tuluyan ng nabihag ni
Ryder ang puso ko. Alam kong hindi ko na
kayang maging masaya kung wala siya.
"Sigurado ka ba Ash? Hindi mo na kailangan
magtrabaho pa. Kaya kung ibigay lahat ng
gusto mo at hindi mo na kailangan pang
pahirapan ang iyung sarili." wika ni Ryder sa
akin. Sakay kami ng kotse at pareho na kaming
papasok sa opisina.
Ito ang isa sa hiniling ko sa kanya. Kahit na mag
-asawa na kami, gusto ko pa rin magtrabaho.
Ayaw kong buruhin ang sarili ko sa loob lang ng
bahay at walang ginagawa.
"Ryder, pag-uusapan na naman ba natin ito?
Ilang taon kong pinaghirapan ang kurso ko
tapos hindi ko magagamit? Dito ako masaya
kaya please...huwag ka ng tumutol."
malambing kong sagot dito sabay kapit sa
kanyang balikat. Napansin ko ang paguhit ng
ngiti sa labi nito tsaka tumango.
"Well, may magagawa pa ba ako? Pero kaya
naman kitang bigyan ng mataas na posisyon sa
kompanya. Gusto mo bang bumalik sa
accounting office? Baka mahirapan ka sa
trabaho doon." wika nito. Napangiti na lang
ako.
"Wala namang madali na trabaho. Isa pa ayaw
kong samantalahin ang pagkakataon. Hindi
porket asawa ako ng CEO pwede na akong
humawak ng mataas na posisyon. Ibigay mo na
lang sa deserve na tao ang posisyon na iyun
Ryder. Ayaw kong maging unfair sa kanila."
sagot ko dito. Nakangiti itonh tinitigan ako
tsaka ako hinalikan sa no0. Kinilig naman ako.
"OK...fine...may magagawa pa ba ako? Iyan ang
gusto ng Mrs. ko kaya wala akong magawa
kundi sumang-ayon na lang." Natatawa nitong
sagot. Agad ko namang inihilig ang ulo ko sa
balikat nito. Pagkatapos ay pumikit ako.
Pagkadating ng opisina ay nagulat pa sila Ate
Cecil at Ate Samantha ng bigla akong pumasok
sa loob ng accounting office.
"Ashley..namiss ka namin. Kumusta ka na?
Naku, lalo kang gumanda ah?" agad na bati sa
akin ni Ate Samantha. Nakangiti naman akong
naupo sa pwesto ko.
"Namiss ko din kayo! Pasensya na kung isang
buwan akong nawala ha? Dont worry babawi
ako sa inyo ngayun." sagot ko naman.
Nagkatinginan naman silang dalawa bago
sumagot.
"Buti pinayagan ka na ni Sir Ryder
magtrabaho pa." alanganing wika ni Ate Cecil.
Nakangiti ko naman itong hinarap.
"Mahabang pakiusapan nga ang nangyari Ate.
Pero happy ako kasi pumayag din sya. Isa pa
ayaw kong mag- stay ng bahay na walang
ginagawa kaya wala kayong choice kundi
turuan niyo pa rin ako sa mga dapat kong gawin
dito sa opisina." nakangiti kong sagot.
Nagsipagtanguan naman silang dalawa.
Mas lalong naging makulay ang araw ko sa
paglipas ng halos tatlong buwan. Masaya ako
kasi palagi kaming magkasama ni Ryder. Halos
hindi kami naghihiwalay dahil kahit nasa
accounting departrment ako, umaakyat ako sa
office nito kapag lunch time. Sabay kaming
kumain at minsan natutulog kami sa secret
room niya sa office, Halos wala na akong
mahihiling pa sa Diyos. Pakiramdam ko nasa
akin na ang lahat pero unti-unting nabago ang
lahat ng minsan ay hindi ko naabutan sa
opisina niya si Ryder.
"A-anong oras po siya umalis?" tanong ko kay
Mrs. Garcia. Ang secretary ni Ryder. Nandito
ako sa opisina at supposed to be lunch time na
kaya lang hindi ko naabutan si Ryder na siyang
ipinagtaka ko. Sa tuwing may meeting ito sa
labas ng opisina ay lagi itong dumadaan sa
accunting office para magpalaam sa akin. Pero
mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ngayun.
"Kaninang umaga pa po Mamn. Hindi po ba siya
tumawag sa inyo? Siguro baka nakalimutan
lang po kasi nagmamadali siya eh." sagot nito.
Hindi naman ako nakaimik at kinuha ko ang
aking cellphone. Idinial ko ang number ni Ryder
pero hindi ito sumasagot.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo na
lang sa office nito. Pero laking pagkadismaya
ko dahil hindi na ito bumalik pa ng office
hangang sa natapos na lang ang lunch break.
Lulugo-lugo akong bumalik ng accounting
office.
"Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo? Huwag
mong sabihin nag-away kayo ni Sir?" agad na
puna sa akin ni Ate SAmantha. Laking
pasasalamat ko dahil kahit alam nilang asawa
ako ng CEO hindi nagbago ang pakikisama nila
sa akin. Pinakikisamahan nila ako katulad ng
mga unang araw ko sa opisina na siyang labis
kong ikinatuwa.
"Wala si Ryder sa office," matamlay kong sagot.
Agad naman napakunot ang noo ni Ate Cecil
tsaka tumitig sa akin.
"'ha? Paanong wala? Hindi bat kapag umaalis
siya kasama niya ang kanyang executive
Secretary? Nakita ko pa lang si Anthon sa
cafeteria.'" sagot ni Ate Samantha. Naguguluhan
naman akong tumitig sa kanilang dalawa.
Natigilan ako. Sa hindi malamang dahilan agad
akong nakaramdan ng takot.
"Naku! baka naman may urgent meeting lang
na pinuntahan." sabat naman ni Ate Cecil.
Pagkatapos ay pinandilatan nito si Ate
Samantha. Agad naman nanahimik ang huli
pero kita ko ang nag-aalalang sulyap nila sa
akin.
Natapos ang buong araw pero walang Ryder na
nagpakita sa akin. Bagkos si Anthon ang
lumapit sa akin at sinabi na hinihintay daw ako
ng driver sa ibaba para ihatid sa bahay. Agad
akong nakaramdam ng matinding kalungkutan
sa isiping parang may hindi tamang
nangyayari. Alam kong alam ni Anthon kung
nasaan ang amo nito kaya lang umiiwas ito sa
tuwing tinatanong ko.
"Pagdating ng bahay ay nagulat ako dahil
naabutan ko si Ryder. Nasa garden ito kasama si
Lola at isang babae. Biglang tumambol sa kaba
ang puso ko lalo ng ng masilayan ko ang mukha
ng babae. Agad naman akong nakita ni Lola
Agatha at kinawayan ako.
Ayaw ko mang lumapit sa kanila pero wala na
akong nagawa pa. Ayaw kong maging bastos sa
harap ni Lola Agatha. Pilit ang ngiti na
naglakad ako papunta sa kanila.
"Mabuti naman at nakauwi ka na iha. Sabi kasi
ni Ryder, ayaw mo daw iiwan ang opisina dahil
marami daw kayong dapat tapusin." agad na
wika ni Lola Agatha sa akin pagkatapos ko
itong halikan sa pisngi bilang tanda ng
pagalang.
Nagulat naman ako sa sinabi nito at agad akong
tumitig kay Ryder. Maghapon ko itong hindi
nakita sa opisina pagkatapos sasabihin niya sa
Lola niya na busy ako kaya hindi ako nakasabay
pag-uwi? May ginagawa ba itong kabulastugan?
Lalo akong nagtaka dahil umiwas lang ito ng
tingin sa akin. Pagkatapos ay binalingan ko ang
babaeng nasa tabi nito at kitang kita ko na
tinitigan ako nito mula ulo hangang paa.
"'By the way Iha...Siguro ngayun mo pa lang sya
makilala. Meet Ingrid. Nabanggit ko na siya
noon diba?" wika ni Lola. Para naman akong
nabingi ng marinig ang pangalan nito. Hindi ko
akalain na makakaharap ko ngayung araw ang
babaeng pakakasalan dapat ni Ryder noon.
" hello Ashley! Nabanggit ka na sa akin ni Ryder
kanina!" wika ni Ingrid sa akin at tumayo pa ito
para makipagbeso sa akin. Wala naman akong
nagawa kundi pinilit na ngumiti dito.
"Hello Ingrid! Nice to meet you!" wika ko.
Pagkatapos ay binalingan ko si Lola at Ryder
para magpaalam.
"Aakyat po muna ako ng kwarto. Masyadong
maraming ginawa kanina sa opisina at
sumasakit po ang ulo ko." paalam ko sa kanila.
Tanging tango lang ang naging tugonni Ryder
at ngiti naman kay Lola Agatha. Napansin ko
din ang nang-uuyam na titig sa akin ni Ingrid
ng sulyapan ko ito.
Agad akong tumalikod at pinakawalan ang luha
na kanina pa nagbabantang malaglag sa aking
mga mata. Hindi ko alam pero nakaramdam
ako ng matinding takot sa isiping bumalik na
ang babaeng dating nagmamay- ari kay Ryder.
Ang babaeng nagiging dahilan para maging
substitute bride ako ni Ryder.
Pagdating ng kwarto ay pagod kong inihiga ang
aking katawan sa kama. Patuloy ang pagtulo ng
luha sa aking mga mata habang nakatitig sa
kawalan. Aaminin ko man o hindi pero
nasasaktan ako. Hindi man lang ako nagawang
halikan kanina ni Ryder pagdating ko. Ibang
iba siya kanina at pakiramdam ko isa akong
istranghero sa kanyang paningin.
Hindi ko na mapigilan pa ang mapahagulhol ng
iyak ng maisip ko na si Ingrid ang dahilan kaya
maagang umalis ng opisina ni Ryder. Masakit
isipin na malaking bahagi pa rin ng puso ni
Ryder ang pag-aari ni Ingrid.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig
sa kawalan. Namalayan ko na lang na bumakas
ang pintuan ng kwarto at bumungad ang
seryosong mukha ni Ryder. Agad akong
bumangon at hinarap ito.
"Kaya pala maaga kang umalis ng opisina
kanina. Siya ba ang kasama mo maghapon?"
nang-uusig kong tanong dito. Umiwas ito ng
tingin sa akin kaya hindi ko na mapigilan pang
muli ang pag-uunahan sa pagpatak ng luha
aking mga mata.
Im sorry Ashley! Kahit ako naguguluhan
nararamdaman ko ngayun. Gusto kong maging
honest sa iyo. Masaya ako sa muling pagkikita
naming dalawa." wika nito sa akin. Parang
bomba naman ito na sumabog sa pandinig ko.
Hindi ako makapaniwalang napatitig dito.
"Kung ganoon mahal mo pa rin siya? Mahal mo
pa rin ang babaeng minsan kang niluko? Mahal
mo din ang babaeng minsan kang iniwan
kapalit ng bestfriend mo?" galit kong sigaw.
Hindi ko naman inaasahan ang sumunod nitong
ginawa sa akin. Agad na lumapat ang palad nito
sa pisngi ko na siyang ikinagulat ko. Nakita ko
ang galit sa kanyang mga mata ng titigan ako
nito.
"Wala kang karapatan na pagasalitaan ng
ganiyan si Ingrid! Siguro nagkamali siya noon
pero wala ka na doon Ashley! Mukhang
nakalimutan mo na bayad ka na kaya
nagpakasal sa akin!" galit na sagot nito sa akin.
Nahawakan ko naman ang pisngi ko na
sinampal nito. Hindi ako makapaniwalang
tinitigan si Ryder. Sa kauna-unahang
pagkakataon, nagawa ako nitong saktan
physically at emotionally. Sa kauna-unahang
pagkakataon nakaramdam ako ng panliliit sa
aking sarili. Oo nga naman, binayaran ako para
magpakasal dito. Masyado lang akong naging
ambisyosa para umasa na mahalin din nito.
"Ganoon na lang ba sa iyo kadali na talikuran
ang lahat sa atin? Akala ko nakalimutan mo na
ang babaeng iyun! Ryder...mahal na kita!" sagot
ko habang patuloy sa pagtulo ang luha sa aking
mga mata. Gulat itong napatitig sa akin.
Pagkatapos ay tinalikuran ako nito.
"Ihahatid ko si Ingrid sa condo. Simula ngayung
araw, kalimutan mo na ang pagmamahal na
iyan Ashley. Kakausapin ko si Lola na
ipapawalang bisa ang kasal nating dalawa."
wika nito sabay labas ng kwarto. Nanghihina
naman akong napaupo sa sahig dahil sa
sobarang sakit ng kalooban na nararamdaman.
Hindi ko alam pero para akong pinagsakluban
ng langit at lupa. Pakiramdam ko aping api ako
at wala akong kakampi.
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak.
Pero sa buong gabi walang Ryder ang umuwi ng
bahay. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa
mismong sahig ng kwarto. Pagkagising ko
kinabukasan ay agad akong napatakbo sa loob
ng banyo dahil pakiramdam ko hinahalukay
ang aking sikmura. Sumuka ako ng sumuka
habang umiyak.
May idea na ako kung bakit ganito ang
nararamdaman ko. Alam ko sa aking sarili na
buntis ako dahil dalawang buwan ng delayed
ang mensturation ko. Ang kailangan ko na lang
ay makasiguro at magpatingin sa Doctor. Balak
ko naman sanang sabihin kay Ryder ang hinala
ko pero ito pa ang nangyari.
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Nang
maramdaman ko na medyo maayos na ang
kalagayan ko ay agad akong naligo at nagbihis.
Kung talagang buntis ako, balak ko itong
gamitin bilang alas kay Ryder. Alam kong
matagal nya ng gus tong magkaanak at alam
kong matut uwa siya kapag malaman niyang
nagdadalang tao ako.
Nagpasalamat ako dahil pagkalabas
kwarto wala si Lola Agatha. Ang sabi ng
kasambahay ay nasa library daw ito at kausap
ang abogado. Diretso na akong lumabas ng
bahay at agad na nag-abang ng taxi. Agad
akong nagpahatid sa pinakamalapit na hospital
para masigurado kung nagdadalang tao ba
talaga ako.
Chapter 15
ASHLEY POV
"Congratulations Mrs. Sebastian. You're two
months pregnant!" agad na wika ng doctor na
tumingin sa akin. Agad na gumuhit ang
masayang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang
katagang iyun. Walang pagsidlan ang tuwa na
aking nararamdaman at agad na napahawak sa
impis kong tiyan.
Sa ngayun kailangan mong sundin lahat ng
sasabihin ko para maiwasan mo ang ano mang
problema sa pagdadalang tao. Reresitahan kita
ng mga vitamins para lalong kumapit ang baby
sa iyung sinapupunan." nakangiti nitong wika
sa akin. Agad akong tumango.
"Salamat po Doctora Cheska! Simula ngayung
araw dito na po ako palaging magpapacheck up
sa iyo." sagot kO naman. Masaya naman itong
tumango tsaka ako tinitigan.
"Asawa ka ni Ryder Sebastian diba?" hindi ko
inaasahan na tanong nito sa akin. Agad naman
akong tumitig dito at nag-alangan na tumango
"hindi ko lang alam kung papayag siya na dito
ka palaging magpa-check up. Magkakilala kami
noon pa at hindi in good terms ang pamilya
namin. Pero gayun pa man Congratulations
Ashley. Kapag may iba ka pang kailangan,
huwag kang magdalawang isip na lumapit sa
akin." nakangiti nitong wika sa akin at agad na
nagsulat ng mga vitamis na dapat kong bilihin
sa Botika. Naguguluhan naman akong napatitig
dito.
Kung tutuusin bata pa si Doctora Cheska. Wala
pa yata ito sa 30s at kapansin-pansin ang ganda
nito. Hindi ko lang maintindihan ang ibig
nitong sabihin at siguro wala ako sa lugar para
magtanong. Gayunpaman, nararamdaman
kong mabait ito.
"Here! Huwag mong i-skip ang pag-inom ng
vitamins ha? Medyo mahina ang kapit ni baby
at since first baby mo ito kailangan mo ng
ibayong pag-iingat. Iwasan ang stress at pagod.
Kailangan mo din ng healthy diet." nakangiti
nitong wika kaya agad akong nagpasalamat.
Pagkatapos ay agad akong nagpalaam dito.
Wala sa sariling naglakad ako sa hallway ng
hospital. sari-saring emotion ang kaing
nararadaman. Hindi ko maiwasan ang pagtulo
ng luha sa aking mga mata ng muli kong
naalala ang mga nangyari kagabi. Umaasa ako
na magbabago ang pananawni Ryder kapag
malaman nito na buntis ako.
Nagulat pa ako ng may biglan bumagga sa
kabilang balikat ko. Nabitawan ko pa ang
hawak kong papel. Agad ko namang narinig ang
boses ng nakabangga sa akin.
"Ayyyy Sorry Miss. Nagmamadali kasi ako dahil
may pasyente na naghihintay sa akin sa ER."
wika nito at agad na pinulot ang papel na nasa
sahig. Pagkatapos ay iniabot nito sa akin.
Isang matangkad na lalaki at nakasuot ito ng
doctor coat. Kung hindi ako nagkakamali isa ito
sa mga Doctor dito sa hospital dahil sa nakikita
kong logo na nakatatak sa uniform nito.
"Ok lang po." mahina kong sagot dito at agad
na pinunasan ang luha sa aking mga mata.
Sandali ako nitong tintitigan at nagmamadali
itong tumalikod. Napansin ko pa ang paglingon
nito sa gawi ko bago tuluyang pumasok sa loob
ng isang kwarto. Ipinagpatuloy ko nmaman ang
aking paglalakad palabas ng hospital.
Agad kong binili ang mga vitamins na
kailangan ko. Pagakatapos ay agad na din
akong umuwi ng bahay. Nagulat pa ako ng
pagpasok ko ng kwarto ay naabutan ko si Ryder
na nakaupo ng kama at halatang hinihintay ako.
"'Saan ka galing?" agad na taong nito sa akin.
Tinitigan pa ako nito mula ulo hangang paa
kaya naman agad kong iniabot dito ang hawak
kong papel. Umaasa ako ng isang masayang
reaction mula dito pero nabigo ako ng blanko
ako nitong titigan.
"You're pregnant?" malamig ang boses na
tanong nito. Hindi ko maiwasan makaramdam
ng kaba tsaka tumango.
"'Shit! bakit sumabay pa?" narinig kong bulong
nito. Pagkatapos ay tumayo ito at naglakad
papunta sa may bintana.
"Look...alam kong matalino ka Ashley. Alam
kong alam mo na si Ingrid pa rin ang gusto ko.
Akala ko nakalimutan ko na siya pero
nagkamali ako. Mahal ko siya at ngayung
nandito na siya hindi ko na hahayaan pa na
maghiwalay pa kami." diretso nitong wika sa
akin. Walang kasing sakit ang katagang iyun
kaya agad na tumnulo ang luha sa aking mga
mata.
"Paanong? Ryder! Naririnig mo ba ang sarili
mo? Buntis ako..magkakaanak na tayo! Hindi
mo naman siguro gugustuhin na lumaki ang
batang ito na walang kikilalaning ama diba?"
sagot ko dito sa kabila ng pag-iyak. Umaasa
ako na sana, sa pamamagitan ng pagbubuntis
kong ito manatili ito sa tabi ko. Natigilan ito
tska matiim na tinitigan.
"Abort it! I Changed my mind. Nandito na si
Ingrid. Bumalik na siya at hindi ko hahayaan na
ang batang iyan ang sisira sa mga plano namin.
" malamig nitong wika. Agad na nanlaki ang
aking mga mata sa pagkagulat. Hindi ko
inaasahan na ito ang isasagot niya sa akin.
"I already talked to Lola regarding this matter.
Alam kong noon pa ayaw niya kay Ingrid. Isa
siya sa dahilan kaya hindi natuloy ang kasal
namin. Ngayung nagbalik na siya hindi ko na
hahayaan pang magkawalay pa kaming muli.
Im sorry Ashley...a kala ko tuluyan ng nahulog
ang loob ko sa iyo, pero nagbago ang lahat ng
iyun ng bumalik ang childhood sweetheart ko."
mahaba nitong wika. Parang biglang sumakit
ang ulo ko sa sinabi nito. Hindi ako
makapaniwala na maririnig ko ang katagang
iyun sa mismong bibig nya.
Wala sa sarili na muli akong napaupo sa kama.
Pakiramdam ko hinang hina ako. Tuloy- tuloy
ang pagbuhos ng masaganang luha sa aking
mga mata.
"Right! I got it! Siguro nga hindi ka para sa
akin. Ayaw ko ng ipilit pa ang sarili ko sa iyo
Ryder. Mahal kita..mahal na mahal! At kung
saan ka man mas liligaya hahayaan kita.' sagot
ko at pilit na ngumiti. Natigilan ito pagkatapos
ay matiim akong tinitigan. May kung anong
kakaibang emosyon akong nababasa sa mga
mata nito pero hindi ko pinanasin pa.
"Dont worryi Susundin ko ang gusto mo! Siguro
nga hindi para sa atin ang batang ito. I mean.
hiindi pa naman talaga siya bata diba? Dugo pa
lang siya...Ayaw ko din magkaroon pa ng
kaugnayan sa iyo. Gusto kong mabuhay ng
tahimik ng walang obligasyon na iisipin...na
malayo sa iyo...Na malayo sa nakaraan natin."
wika ko. Hindi ito nakaimik at tinitigan ako.
"Ako na ang bahala sa lahat. Ako na mismo ang
gagawa ng paraan para matangal ang batang
ito sa sinapupunan ko!" seryoso kong wika at
agad na kinuha ang bag ko na nakalapag lang sa
sahig. Para itong tood na tinitigan lang ako.
Mapakla akong ngumiti pagkatapos ay
naglakad na patungo sa pintuan ng kwarto. Isa
pang sulyap sa kanya at tuluyan ko na itong
iniwan.
Parang gusto kong sumigaw sa sama ng loob
habang naglalakad ako pababa ng hagdan.
Hindi ko akalain na isang iglap bigla na lang
nawala ang masaya namning pagsasama ni
Ryder. Ganoon lang kabilis. Hindi man lang
pinaabot ng isang taon ang masaya naming
pagsasama. Ang bilis niyang bawiin sa akin ng
babaeng nagmamay- ari sa kanya.
"Iha!" narinig ko pang tawag sa akin ni Lola
Agatha habang naglalakad ako palabas ng gate.
Nilingon ko ito at kita ko ang lungkot sa
kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
Malungkot ko itong nginitian.
"Saan ka pupunta? Hapon na." wika nito sa
akin. Hindi ako nakaimik bagkos nilapitan ko
ito. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata
habang pinagmamasdan ako.
"Im sorry Ashley. Hindi ko mapigilan si Ryder
sa gusto niya. Kasalanan ko ang lahat kaya
nasasaktan ka ngayun. Patawarin mo ako
Ashley...kung may magagawa lang sana ako
para mapawi ang sakit na nararamdaman mo
ngayun." malungkot nitong wika. Hindi ko
naman mapigilan ang malakas na mapaiyak at
yumakap dito.
"Lola...ang sakit! Hindi ko akalain na sa
maikling panahon na pagsasama namin ganito
ang kakahinatnan ng lahat! La..hindi ko alam
kung paano mabuhay ng wala siya.'" sagot ko
dito. Hindi ito nakamimik at hinayaan lang
akong umiyak ng umiyak habang nakayakap
dito
Alam kong kasalanan ko din ang lahat. Ang bilis
kong nagtiwala sa kanya. Hindi ko man lang
naisip na posibleng dumating ang ganitong
bagay sa aming buhay. Pakiramdam ko
mababaliw ako dahil sa sama ng loob.
Ibinuhos ko ang sakit na aking naramdaman sa
pamanagitan ng pag-iyak at ng
mahimasmasan ay kumalas na ako dito.
Pagkatapos ay tumitig ako kay Lola Agatha at
pilit na ngumiti.
"Magpapahangin lang po ako sa labas. Babalik
din po ako kaagad." wika ko dito. Hindi ko na
hinintay pa ang pagsagot nito at tuluyan ko na
itong tinalikuran.
Agad akong sumakay sa dumaan ng taxi. Wala
sa sariling nagpahatid ako sa hospital kung
saan ako nagpacheck up kanina. Maraming
pasyente si Doc. Cheska kaya matiyaga akong
naghintay. Isa pa hindi ko alam kung saan ako
pupunta. Wala akong mapuntahan at
pakiramdam ko hinang-hina na ako para mag-
isip pa ng mga bagay. Basta ang alam ko,
masakit na masalkit ang kalooban ko.
"Hi! Ikaw iyung nakabanggaan ko kanina diba?
nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa
harapan ko.Nakaupo ako dito sa waiting area
kaya unti-unting tumingala ako. Una kong
napansin ang suot nitong uniform. Hindi ako
makapaniwalang tumitig dito. Ito yung Doctor
na nakabanggan ko kanina.
Agad kong napansin ang pagkunot ng noo nito
habang nakatitig sa akin. Pinilit ko naman ang
sarili ko na huwag umiyak sabay yuko.
Naramdaman ko na lang na umupo ito sa tabi ko
"Tell me...may problema ba? Hindi ka mawala
sa isip ko kasi kanina ng makabanggaan kita,
kitang kita ko ang lungkot sa mga matang iyan.
Tapos ngayun namnan parang galing ka sa
mahabang pag-iyak...By the way...I am Doctor
Lorenzo Jimenez!" nakangiti nitong wika sa
akin sabay lahad ng kamay. Tinitigan ko lang
ang kamay nito at ibinaling ang tingin sa
kawalan.
"Hindi ko alam na may pagkasuplada ka pala.
May kailangan ka ba kay Doc. Cheska? Sasabhin
ko sa kanya na unahin ka muna para hindi mo
na kailangan pang maghintay." muling wika
nito. Napatitig ulit ako dito. Mukha naman
siyang mabait kaya pinilit kong ngumiti. Isa pa
halos kasing edaran lang din ito ni Ryder.
"Huwag na. Hihintayin ko na lang na matapos
lahat ng pasyente niya. Gusto ko kasing
makausap ng masinsinan si Doctora kaya
sinadya ko na din na ihuli ako sa listahan."
sagot ko dito. Tinitigan ako nito at ngumiti.
"Matagal pa siguro iyan. Baka abutin ka ng
ilang oras kung ang lahat ng pasyente na
dumadating ay pauunahin mo. Any concern ba?
Tell me...doctor din ako at baka matulungan
kita." Nakangiti nitong sagot. Umiling ako.
"What is your name nga pala. Nabanggit ko na
ang pangalan ko pero hindi ka man lang
nagpakilala sa akin. Unfair naman yata iyun."
muling wika nito na bakas ang pagbibiro sa
boses. Kung sa ibang pagkakataon natawa
siguro ako. Mukhang makulit si Doc. Sinapo ko
muna ang ulo ko dahil naramdaman ko na
biglang may purnitik bago ito tinitigan.
"Ashley....Ash ley Sebastian... " malungkot kong
sagot. Hindi ko na pinansin ang reaksiyon nito
pagakatapos kong magpakilala. Kasabay ng
pagsakit ng ulo ko ang panlalabo ng aking mga
mata.
"Are you ok Ashley? I think ako na lang siguro
muna ang titingin sa iyo..Look Doctor din ako
at wala naman akong pasyente kaya sumama ka
na sa opisina ko." wika nitong muli at
hinawakan pa ako sa kamay. Wala na akong
magawa pa kundi ang magpatianod na lang.
Masakit ang ulo ko at nanlalabo din ang aking
paningin. Siguro epekto ito sa kakulangan ko ng
tulog kagabi.
Pagdating sa office ay agad ako nitong pinaupo.
Pagkatapos ay kinuhaan akO ng blood pressure
at tiningnan ang temperature ng katawan ko.
"'Masyadong mataas ang dugo mo Ashley. Hindi
ito makakabuti sa isang buntis na katulad mo."
wika nito. Ipinikit ko naman ang aking mga
mata para mabawasan ang pagkahilo na aking
naramdamdan.
"Doc, gusto ko pong ipatanggal ang baby na
nasa sinapupunan ko." mahina kong wika dito
habang nakapikit. Naramdaman ko naman na
agad itong natigilan. Hindi ko na alam pa ang
sumunod na nangyari. Nawalan na ako ng
malay.
Chapter 16
RYDER SEBASTIAN POV
Nakatanaw ako sa kawalan habang hinihintay ang
pag-uwi ni Ashley. Alam kong masyado itong
nasaktan sa sinabi ko dito kanina. Hindi ko pa
napigilan ang aking sarili at nasampal ko ito.
Ano nga ba ang dapat kong gawin? Hindi ko akalain
na babalik si Ingrid sa buhay ko. Teenager pa lang
kami nakatatak na sa isip ko na siya na ang babaeng
gusto kong makasama habang buhay.
Muli kong sinulyapan ang suot kong relo. Napatiim
bagang ako dahil malapit ng maghating-gabi pero
walang bakas na uuwi pa si Ashley. Hindi ko
mapigilan na mapahilamos ng aking mukha ng
maalala ko ang aming pinag -usapan kanina. Buntis
ito at tiyak na gumagawa na ito ng paraan para
maalis ang fetus sa kanyang sinapupunan.
HIndi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng
ganito. Nasasaktan ako sa isiping maaring
naisakatuparan na ang ginawang abortion dito
ngayun pa lang. Katunayan lang nito kaya hindi pa
siya nakauwi ngayun. Gusto ko mang bawiin ang
nasabi ko dito kanina kaya lang umalis na ito. Gusto
ko sanang mag-sorry sa pagsampal ko dito kanina
kaya lang tinalikuran nya agad ako. Hinabol ko pa
siya kaya lang nakita ko na kung paano ito umiyak
habang nakayakap kay Lola. Kitang kita ko kung
paano ito nasaktan. Pakiramdam ko parang
tinutusok din ng karayom ang puso ko habang
pinapanood ko kung paano ito umiyak
Siguro nga sobrang sama ang ginawa ko kanina.
Sana pinigilan ko na lang ito sa pagtangkang pag-
alis. Sana hindi ko muna siya kinausap ng ganoon-
ganoon na lang. Masyado akong naging malupit sa
kanya at hindi ko man lang naisa-alang-alang ang
nararamdaman niya. Ngayun ko lang narealized ang
kahalagahan ng pagbubuntis nito. Anak ko din ang
nasa kanyang sinapupunan at ngayun ko lang
narealized na nakapasama ko para sabihin kay
Ashley na ipaabbort ang bata.
Pero nangyari na ang mga hindi dapat mangyari.
Wala na akong magagawa pa kundi ang mag-moved
on at itinoon ang buong attention ko kay Ingrid.
Noon pa man ito na ang inaasam ko. Ang bumalik
ito sa piling ko. Kaya nga nagiging mapaglaro ako sa
mga babae dahil kay Ingrid. Hinanap ko sa kanila
ang presensya ng babaeng minahal ko.
Napapitlag pa ako ng biglang tumunog ang
cellphone ko. Nagdadalawang isip pa akong sagutin
ito ng mapansin ko na unregistered number ang
nakalagay. Pero dahil bored ako, wala na akong
nagawa pa kundi sagutin na lang. Baka isa lang ito
sa mga kaibigan ko at umaasa din ako na sana si
Ashley ang tumatawag.
"Hello!" sagot ko pagkatapos ko itong itapat sa
aking tainga. Narinig ko pa ang mahaba nitong
pagbuntong-hininga bago sumagot.
"Bestfriend.." wika nito. Agad na nagsalubong ang
aking kilay ng mabosesan ko ito. Naikuyom ko din
ang aking kamao
"Lorenzo?" tanong ko. Mahina itong tumawa.
"Hindi ko akalain na kilala no pa pala ako sa kabila
ng ilang taon na hindi tayo nagkita." sagot nito na
may halong pang-uuyam ang boses. Hindi ko
naman mapigilan ang pagtaasan ito ng boses.
"Anong kailangan mo? Bakit ka tumawag traydor
kong kaibigan?" galit kong wika. Narinig ko ulit ang
pagtawa nito bago sumagot.
"Bigla kasi kitang namimiss. Balita ko nagkabalikan
na kayo ni Ingrid. Good for you! Ang babaeng
limang taon kong pinagsawaan handa mo pa rin
palang saluhin!" nang-iinsulto nitong wika.
Pakiramdam ko biglang umakyat ang dugo ko sa
ulo. Hindi ko nakaimik ng ilang sigundo.
"hindi ko akalain na bumaba na pala ang standard
mo sa babae Ryder. Balita ko pa naman hindi hamak
na mas maganda ang babaeng ginawa mong
substitute bride five years ago. Pero mukhang kaya
mo siyang baliwalain sa ngalan ng pagmamahal mo
kay Ingrid!" pagpapatuloy nitong wika.
"Kung tumawag ka para lecturan mo lang ako
nagsasayang ka ng oras Lorenzo!. Wala akong
panahon makipag-usap sa isang katulad mong
traydor." nanggigil kong sagot dito. Muli itong
tumawa.
"Ouch!! Well, nandito kasi ako ngayun sa hospital.
Alam mo naman siguro na isa akong Doctor diba?
Walang pasyente at naghahanap ako ng
makakausap. Kung ayaw mo akong nakausap, ibaba
ko na ang tawag na ito. Pero ito lang ang masasabi
ko sa iyo Ryder...sayang ang asawa mo!" tumatawa
nitong wika sa akin pagkatapos ay bigla na itong
nawala sa kabilang linya. Galit ko namarng naihagis
ang hawak kong cellphone. Alam na alam talaga ni
Lorenzo kong paano ako galitin.
Mula pagkabata kaibigan ko na si Lorenzo at Ingrid.
Kami talagang tatlo ang mag-closed friend.
Tinulungan pa ako nito para ligawan si Ingrid.
Isa lang ang hindi ko maintindihan sa kanya. Sa
araw pa mismo ng kasal namin itinanan nito si
Ingrid. Never nitong nabanggit sa akin na may
gusto din ito sa fiancee ko. Hindi ko maintindihan
kong bakit nagawa ako nitong traydurin.
Huminga ako ng malalim upang pahupain ang init
ng ulo na nararamdaman ko. Pagkatapos ay muli
kong sinulyapan ang suot kong relo. Wala pa din si
Ashley at nakakaramdam na ako ng kaba sa isiping
baka napahamak ito. Paano kung sinunod nga nito
ang sinabi ko kanina na ipaabbort ang baby? Paano
kong napahamak ito.
May usapan kami ni Ingrid na sa condo niya ako
matutulog ngayung gabi. Pero dahil sa pag-aalala
ko kay Ashley hindi ko na magawang umalis ng
bahay. Hindi na din ako kinakausap ni Lola at
ramdam ko ang galit nito kanina ng nasa hapag
kainan kami. Nagiging malamig ang pakikitungo
nito sa akin at ramdam ko ang kanyang tampo.
Hindi na ako nakatiis pa. Agad kong kinuha ang susi
ng kotse ko. Pakiramdam ko mababaliw ako sa
kakaisip kung kumusta na ang asawa ko? Walang
ibang pwedeng sisihin kapag may mangyaring
masama dito kundi ako lang.
Kailangan kong makahanap ng matinong kausap
ngayung gabi. Agad kong pinaarangkada ang aking
sasakyan at diretso kong tinahak ang daan papunta
sa isang bar. Ang bar ng isa ko pang kaibigan na si
Lance. Nagbabakasakali ako na kahit papaano
mabawasan ng kahit kunti ang bumabagabag na
konsensya sa akin ngayun.
"Oh Pare..long time no see ah? Akala ko
nakalimutan mo na ang lugar na ito ah? Ang tagal
mo din hindi nagpakita!" Agad na wika ni Lance ng
sabihin ko sa isang staff nito na hinihanap ko ito.
Tipid na ngiti lang ang naging tugon ko at iginala
ang paningin sa paligid. Katulad noon busy
masayado ang bar ni Lance at ito ang aming
tambayan noong mga panahon na maayos pa ang
pagkakaibigan namin ni Lorenzo.
Tamang tama ang dating mo! Nasa VIP room si
Atty Miguel." wika nito sa akin. Hindi ko naman
maiwasan na mapangiti. Masasabi kong lahat
kaming magkakaibigan ay naging successful sa
tinahak naming career. Lahat kami ay galing sa
mayayamang pamilya. Galing sa pamilya ng mga
Doctor si Lorenzo, Sa mga abogado naman si
Miguel at parehong galing naman kami sa pamilya
ng pagnenegosyo ni Lance. Apat kaning
magkakaibigan pero si Lorenzo talaga ang
matatawag kong best friend. Nasira lang iyun ng
itinanan nito si Ingrid sa misnong araw ng aming
kasal.
Pagdating namin sa VIP Room ay isang nakangiting
si mukha ni Miguel ang aming naabutan. Halatang
may kausap ito sa cellphone pero agad niya itong
tinapos ng mapansin ang pagdating namin ni Lance.
"Long time no see Pare! Himala, nagpakita ka yata
ngayun. Matagal na panahon mo din kaming
pinagtataguan."nakangiti nitong wika at nakipag
high five pa ito sa akin. Pagkatapos ay sabay sabay
na kaming umupo.
"So what happened? akala namin masyado ka ng
nag-enjoy sa pagiging buhay may asawa ah? Grabe
ka, hindi mo man lang siya pinakilala sa amin."
agad pagpapatuoy na wika ni Miguel. Hindi ko
mapigilan ang sumeryoso sa sinabi nito. Muli kong
naisip si Ashley. Nasaan na kaya ito ngayung gabi.
"Pasensya na kayo mga Pare. Nagiging busy lang sa
negosyo. Isa pa hindi na siguro kailangan na
makilala niyo siya. Maghihiwalay na din naman
siguro kami." direkta kong sagot. Pagkatapos ay
sinalinan ko ng alak ang basong nasa harap ko.
Agad na nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan.
Pagkatapos ay seryoso akong hinarap ni Lance
"Why? Ang balita namin mas boto sa kanya ang
Lola Agatha mo. Hindi bat sya pa mismo ang pumili
para maging bride mo ng araw na iyun? Siya ang
nagligtas sa iyo sa nagbabantang malaking
iskandalo five years ago." sagot ni Lance. Muli
akong natigilan at malalim na nag-isip. Pagkatapos
ay isa-isa ko silang tinitigan.
"Alam nyo naman siguro na bumalik na si Ingrid
diba? Hiwalay na sila ni Lorenzo," sagot ko. Muling
natigilan ang dalawa kong kaibigan. Tahimik silang
pinagmasdan ako hangang sa muling nagsalita si
Miguel.
"'So ganoon na lang ba sa iyo kadali para iwan siya?
Porket bumalik na si Ingrid hihiwalayan mo na
siya? Nakalimutan mo yata na minsan ka ng niloko
ni Ingrid. Basta na lang siyang sumama kay Lorenzo
na walang pasabi." seryosong sagot ni Miguel. Sa
aming apat na magkakaibigan ito ang pinaka-
seryoso. Ito din ang family oriented. In short siya
ang pinaka-matino sa amin,
"Naguguluhan ako. She's pregnant at inutusan ko
siyang ipalaglag iyun. Hindi ko alam pero masyado
akong nalunod at nagulat sa pagbabalik ni Ingrid, "
Diretsa kong sagot. Nakita ko ang biglang
pagseryoso ni Miguel. Kita ko ang inis sa mga mata
nito ng muling tumitig sa akin.
"Alam mo Pare..gago ka! Sarili mong anak gusto
mong ipapatay? Nababaliw ka na ba?" wika nito sa
mataas na tono ng boses. Sa hindi malamang
dahilan agad naman nagpanting ang aking tainga.
Para akong biglang nawala sa alking sarili at
masama itong tinitigan.
"Ano bang pinagsasabi mo? Nandito ako para may
mapagsabihan ng problema ko. Hindi para
pagtaasan m akO ng boses Miguel!" sagot ko dito.
Nakita ko ang pagngisi nito.
"Hindi ko alam kung bakit natagalan kong maging
kaibigan ang isang kriminal na katulad mo!
Imagine, gusto mong ipapatay ang sarili mong anak
dahil lang nagbalik na ang babaeng hindi pa kayo
kasal iniputan ka na sa ulo. Nice one Ryder!
Nakakabilib ang ganyang mindset! Sa katunayan
nga idol na kita eh!" panunyang wika nito sabay
tayo. Agad naman akong tumayo at mabilis itong
sinapak. Sumadsad pa ito sa upuan at susugurin ko
pa sana ng awatin ako ni Lance.
"Ryder stop! Ano ba ang problema Pare! Bakit ba
napakainit mo!" wika nito at pilit akong inilalayo
kay Miguel. Nakita ko naman ang diretsong pagtayo
ni Miguel at galit akong tinitigan.
"Idiot! Pumunta ka dito para maglabas ng sama ng
loob! Iniexpect mo ba na kakampi kami sa
kabulastugan na ginawa mo?" wika nito at mabilis
na naglakad papuntang pintuan ng vip room. Bago
ito tuluyang lumabas ay lumingon muna ito sa akin.
"Kung ano man ang ginagawa mong desisyon
ngayun araw, sana hindi mno pagsisisihan.Marami
kang lawyer diba? Payong kaibigan...huwag kang
maging unfair sa asawa mo. Kung ayaw mo na sa
kanya, dumaan ka sa tamang proseso." wika nito at
tuluyan ng lumabas ng vip room. Naikiuyom ko
naman ang aking kamao dahil sa matinding
panggigil.
"Relax ka lang Pare! Parang hindi ka naman
nasanay kay Miguel. Alam mo naman na sa ating
apat siya ang pinaka-matino!" wika nito at muli
akong pinaupo. Napahilamos naman ako sa aking
mukha dahil sa matínding inis sa sarili.
Kung tutuusin tama naman si Miguel. Masyado
akong naging makasarili. Naging unfair ako kay
Ashley. Kung tutuusin sinira ko ang buhay nito.
Dapat pala hindi ko na lang ito pinakialaman at
dumistansya na lang dito.
"I think kailangan mo itong ayusin Pare. Kung si
Ingrid talaga ang gusto mo.wala namang
magagawa si Ashely. Pero sana mag-usap kayo ng
masinsinan. Kahit ako naawa sa kanya. Hindi man
tayo nagkakausap nitong mga huling araw alam
namin na nagsasama na kayo na parang tunay mag-
asawa which dapat lang naman dahil kasal kayo."
wika nito.
"Ano ang gagawin ko Lance? Hirap na hirap akong
magdesisyon. Gulong gulo ang isip ko. Oo, masaya
ako sa muling pagkikita namin ni Ingrid pero nag-
aalala ako kay Ashley. Lalo na ngayun, hindi pa sya
umuuwi ng bahay at alam kong sinunod niya ang
sinabi ko na ipalaglag niya ang magiging anak
namin." wika ko. Napailing naman si Lance
pagkatapos ay tumayo ito.
"Ikaw lang ang makaka-solve sa problema mong
iyan Ryder. Pinasok mo iyan kaya dapat alam mo
kung paano lusutan. Ikaw lang ang
makakapagdesisyon para sa sarili mo. Pero sana
huwag puro sarili ang isipin mo. Isaalang- alang mo
din ang kapakanan ng mga taong nasa paligid mo."
wika nito sa akin. Hindi naman ako nakaimik.
"Tandaan mo, mahirap gamutin ang pusong labis
na nasaktan. Hindi porket bumalik si Ingrid agad
mo siyang pagkatiwalaan. Tama si Miguel..huwag
kang maging unfair kay Ashley. Hindi man namin
siya nakakausap alam nanin na matinong babae
ang asawa mo Pare." dagdag nito.
CHAPTER 17
LORENZO POV
Nakatitig ako sa walang malay na si Ashley.
Nagdesisyon ako na tuluyan ng i-confine dito sa
hospital ang babae dahil sa kanyang kondisyon
kanina. Buntis ito at sa sobrang taas ng blood
pressure nito kanina baka malagay sa alangin ang
buhay nito pati na din ng sanggol na nasa kanyang
SInapapupunan. Hindi kO akalain na masusundan
agad ang pagkikita namin.
Pagkatapos ko itong mabangga sa hallway, agad
akong dumiretso sa pinsan kong si Cheska. May
mga bagay akong gustong itanong dito. Nakatakda
din kasi akong magtraining para tuluyan ng
pamahalaan ang pamamalakad ng hospital na ito.
Yes...mga magulang ko ang may -ari ng hospital at
ako ang nag-iisang tagapagmana.
Muli kong tinitigan ang napakaganda nitong
mukha. Kakaiba ang kanyang taglay na karisma at
kahit sino sigurong lalaki mapapalingon dito lalo na
kung maayusan ito. Napaka -simple niyang tingnan
gayunpaman hindi maikakakaila ang taglay nitong
ganda at nag-uumapaw na sex appeal. Mahaba ang
buhok at heart shape ang mukha. Katamdaman ang
tangos ng ilorg at natural na mapupula ang labi.
Hindi ko akalain na sa isang iglap agad na masisira
ni Ingrid ang pagsasama ng dalawa. As usual
biglang nawala sa huwisyo ang kaibigan ko at muli
itong naging sunod-sunuran kay Ingrid. Well, iyun
naman din kasi ang forte ni Ingrid diba? Kahit siya
napasunod din nito sa loob ng limang taon.
Naitakwil pa ako ng sarili kong pamilya dahil doon.
"Hayy kawawa naman siya. Maayos naman ang
kalagayan nya kaninang umaga. May nagtrigger
lang talaga siguro kaya biglang tumaas ang blood
pressure niya." narinig ko pang wika ni Cheska
habang nakaupo sa gilid ng kama ni Ashley. Pinsang
buo ko ito at kita ko sa kanyang mga mata na
nakikisimpatiya ito sa pinagdadaanan ni Ashley.
"Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa kanya? I
think wala ng pakialam sa kanya ang gago niyang
asawa kaya wala tayong choice kundi tulungan siya
hangang sa makarecover." sagot ko. Agad naman
tumango si Cheska.
"Kailangan niya ng masusing pag-ingat Inzo.
Masyadong mahina ang kapit ng bata at sa mga
pinagdadaanan niya ngayun masyado siyang fragile.
sagot nito.
"I know! And I think kailangan ng matinding
intervention sa kanya. Nabanggit niya kanina sa
akin bago nawalan ng malay na gusto daw niyang
ipalaglag ang sanggol. Maybe dahil sa sama ng loob
kaya nasabi niya ang bagay na iyun." sagot ko.
Tumayo naman si Cheska at hinarap ako.
"Gago din ang Ryder na iyun! Wala man lang care sa
asawa niya! Alam naman siguro niyang buntis at
basta na lang hinahayaan na umalis mag isa ng
bahay. Hinayaan niya din magpacheck up na mag
isa lang.'" sagot nito
"Na-excite siguro sa muling pagbabalik ng dati
niyang kas intah an. " sagot ko. Hindi ko maiwasan
na muling iwasan na suluyapan ang tulog pa rin na
si Ashley.
"Mataas ang kanyang blood pressure. Hindi din sya
pwedeng basta-basta na lang uminom ng gamot.
Kumbinsihin mo siya na kapag magising siya mag-
stay muna ng hospital. Lagi mo din siya
paantabayan sa mga nurse." wiko ko dito.
"Paano kung iinsist niya pa rin ang tungkol sa
abortion?' tanong ni Cheska. Natigilan ako.
"Baka naman masyado lang siyang nabulag sa sakit
ng kalooban na kanyang nararamdaman.
Magbabago din ang isip niyan kapag kumalma na."
sagot ko. Napatango naman si Cheska.
"Masaya ako dahil kahit papaano naka-moved on
ka na sa paghihiwalay niyong dalawa ni Ingrid.
Mabuti na din at nagkabati na kayo nila Tita at Tito.
Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit galit
na galit sila sa iyo noon diba?Noon pa man ayaw na
nila kay Ingrid tapos itinanan mo pa." mahaba
nitong wika. Natawa naman ako.
"Hindi ko din akalain na magagawa ko ang bagay na
iyun. Siguro nabulag din ako sa matinding
pagkakagusto ko sa kanya noon kaya hindi na ako
nakakapag-isip ng tama at isa pa hindi pa ready na
magpakasal si Ingrid noon at sinabi nito na hindi na
daw sya sure sa nararamdanan nya kay Ryder at
may gusto daw siya sa akin...eh ako naman itong si
gago, akala mo nakajackpot! Agad kong niyaya si
Ingrid na takasan ang kanilang kasal." mahaba
kong kwento kay Cheska. Napailing naman ito.
"Mabuti na din at habang maaga pa nakilala mo na
ang ugali ng babaeng iyun. Kahit ako, hindi ko sya
gusto para sa iyo. Parang hindi kasi gagawa ng
matinong bagay. Masyadong maarte at laging
pasosyal." sagot naman ni Cheska. Hindi ko naman
mapigilan ang mapangiti.
"At least nagising na ako sa katotohanan na hindi
sya ang babaeng para sa akin." sagot ko naman.
Tanging tango lang ang naging tugon ni Cheska at
muli nitong tinitigan ang natutulog na si Ashley.
"Ang ganda nya ano? Sayang nga lang at kay Ryder
pa sya na-inlove!"" wika nito. Tumango naman ako.
"yah...she's really beautiful. She's perfect!"
sagot ko
naman habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay
Ashley. Hindi ko na din napansin ang bahagyang
pagtaas ng kilay ni Cheska at ang pagngiti habang
nakatitig sa akin.
"I think kailangan ko ng makauwi. Mukhang
masarap naman ang tulog niya. Papasok na lang ako
ng maaga bukas at uunahin ko siyang tingnan.
Kailangan niya ng close monitoring dahil hindi din
ganoon kalakas ang kapit ng baby sa kanyang
sinapupunan. Knowing sa kanyang kondisyon, tiyak
na magiging prone for miscarriage siya. Kaya
kailangan talaga ang ibayong pag-iingat." sagot
ulit ni Cheska. Tumango ako.
"Dadaan ako sa nurse station. Pwede ka na din
siguro umuwi para makapagpahinga ka din." wika
nito at tuluyan ng lunabas. Hindi na ako sumagot
bagkos muli kong tinitigan si Ashley. Ngumti ako at
nilapitan ito.
"Dont worry...kung ayaw na sa iyo ng asawa mo,
nandito ako para protektahan ka." bulong ko dito.
Hindi ko mapigilan na haplusin ang noo nito. May
kakaibang damdamin na biglang lumukob sa
pagkatao ko ng ginawa ko iyun. Wala sa sariling
napaatras ako malakas na napabuntong hininga.
"Doc Lorenzo, pwede na daw po kayong umuwi sabi
ni Doctora Cheska. Ako na po ang bahalang
magbabantay sa pasyente." nagulat pa ako ng may
biglang nagsalita sa aking likuran. Agad kong
binawi ang tingin kay Ashley at nilingon ito. Siguro
sobrang lalim ng iniisip ko at hindi ko man lang
namalayan ang nurse na pumasok dito sa loob ng
kwarto.
"Siguraduhin mo na mabantayan mo siya ng
maayos. Huwag din kayong magpapapasok ng kung
sinu-sino sa kwarto na ito. Kung may magtangka
mang bumisita sa kanya ngayung gabi ipaalam mo
sa akin agad." seryoso kong sagot. Tumango naman
ito.
Huling sulyap at agad na akong lumabas ng kwarto
ni Ashley. Diresto ako sa parking area. Halos alas
dos na ng madaling araw at masyado ng tahimik
ang gabi.
May condo ako malapit sa hospital na ito at balak
kong doon na muna matulog. Pagkagising ko
mamaya ay balak ko din na bumalik agad ng
hospital. Balak kong ako mismo ang mag- aalaga
kay Ashley.
Pagkadating ko ng condo ay nagulat pa ako ng
makita ko si Ingrid sa labas ng unit ko. Mukhang
kanina pa ito naghihintay sa akin base sa kanyang
hitsura. HIndi naman ako makapaniwalang tumitig
dito.
"May kailangan ka ba?" tanong ko kaagad na
makalapit ako dito. Nakita ko ang seryoso nitong
mukha na tumitig sa akin.
"Mabuti naman at natiyempuhan kita. Nagpalit ka
na pala ng number..hindi kasi kita matawagan eh."
agad na sagot nito at tumitig sa akin.
"Wala ng dahilan pa para mag-usap tayo diba?
Tinapos mo na ang relasyon natin. Bakit nandito ka
pa?" Kung hindi naman importante ang kailangan
mo, umalis ka na. Wala akong time na makipag-
usap sa iyo Ingrid." seryoso kong sagot. Gulat
naman itong napatitig sa akin.
"Ang bilis mo naman maka-moved on. Hindi
naman ganyan ang ton0 ng boses mo ng malaman
mo na hihiwalayan kita ah? Mukhang naka-moved
on ka nga sa akin." nakangisi nitong sagot.
Tinawanan ko lang ito.
"Hindi habang buhay sasambahin kita Ingrid.
Sabihin na natin na narealized ko na hindi ka pala
karapat-dapat na mahalin." sagot ko naman. Nakita
ko ang biglang pamumula ng mukha nito. Hindi ko
naman mapigilan ang muling ngumisi.
"Now tell me. What do you want? Pagod ako at
gusto ko ng matulog." muli kong tanong dito.
Nakita ko pa ang pag- aalangan sa nukha nito bago
sumagot.
sumagot.
"Ayaw kong makipaglapit ka pa kay Ryder.
Nagkakamabutihan na kaming dalawa at balak na
naming ituloy ang sumpaan namin." agad na wika
nito. Napataas naman ako ng aking kilay.
"Bilib din naman ako sa iyo Ingrid. Ilang buwan ka
lang na hindi nakatikim ng sex sa akin bumalik ka
na kaagad sa kanya. Na-satisfied ka ba niya kaagad?
well knowing Ryder, alam kung magaling sa kama
iyun. Bagay nga kayong dalawa." nang-iinsulto
kong sagot. Muli itong natigilan. Pagkatapos ay
mangiyak-iyak itong tumitig sa akin.
Yes.sex ang dahilan kaya iniwan ako ni Ingrid.
Naaksidente ako sa Amerika at napinsala ang aking
pagkalalaki. Naging impotent ako at wala na akong
kakayahan pa na paligayahin ito sa kama. Ito ang
naging dahilan kaya tumabang ang pakikitungo
nito sa akin hangang sa nagdesisyon ito na
maghiwalay kami.
Although alam ko naman na hindi pang habang
buhay ang sakit kong ito. May pag asa pa akong
gumaling at kailangan ko lang imentain ang healthy
lifestyle ko. Gayun paman dahil sa sakit kong ito
napatunayan ko na hindi pala talaga sa akin si
Ingrid. Sayang lang ang ibinigay kong panahon
dito. Sayang lang na ipinaglaban ko ito noon.
"Hindi mo ako masisisi Lorenzo. Gusto ko ng
normal na buhay. May mga pangangailangan ako at
hindi mo na kayang ibigay iyun. Kaya kung pwede
lang, huwag mo ng tangkain pang lumapit kay
Ryder. Tama ng sinaktan natin siya noon." seryoso
nitong wika. Ngumisi ako tsaka tintigan ito.
"Dont worry Ingrid! Tapos na ako sa iyo. Wala na
akong balak pang habulin ang isang katulad mo.
Well, Good luck na lang sa pag-iibigan niyo ni
Ryder. Sana magtagumpay kang maagaw sya sa
asawa niya." nakangisi kong wika. Natigilan ito
tsaka seryoso akong tinitigan.
"walang pagmamahal sa kanya si Ryder. Hangang
ngayun ako pa rin ang mahal niya kaya madali lang
sa akin na patalsikin siya sa buhay ni Ryder. Parang
hindi mo naman yata ako kilala...ahat ng gusto ko
makukuha ko sa isang pitik lang." mayabang nitong
sagot. Humalakhak naman ako.
"Well, lets see kung hangang saan makakarating
ang pagmamahalan niyo. Dont worry Ingrid. Burado
na sa listahan ko ang pangalan niyong dalawa ni
Ryder. Kung sakaling magkakasalubong man ang
landas natin muli..isipin niyong dalawa na hindi
tayo magkakakilala. Wala na akong balak pang
habulin ka. Sa nasabi ko na, tapos na alko sa iyo.
Hindi ko kailangan ang isang babaeng kagaya mno."
seryoso kong sagot at binuksan na ang pintuan ng
aking unit.
"Pwede ka ng umalis. Hindi ko akalain na pag-
aakasayahan mo pa ng oras ang pagpunta mo dito.
Ayaw na kitang makita habang buhay." muli kong
wika sabay pasok sa loob ng unit ko. Malakas ko
pang isinara ang pintuan at dumiritso ng kusina
para uminom ng tubig.
Muli kong naalala si Ashley. Kawawang babae.
Mukhang siya ang mas apektado sa laban na ito.
Siya na nga itong nagamit siya pa ngayun ang
magiging miserable.
Chapter 18
RYDER POV
Umuwi na ba si Ashley?" agad na wika
ko sa Security guard na nagbabantay sa
gate. Halos pangalawang araw ng hindi
umuuwi si Ashley at lalong inaatake
ako ng matinding pag-aalala.
"Hindi pa po Sir. Iyan din po ang
palaging tinatanong ni Madam Agatha.
Pero hind pa po talaga nakakabalik si
Mam Ashley.'" sagot nito. Napatiim
bagang ako at mabilis na naglakad
papasok ng loob ng bahay. Agad naman
sumalubong sa akin ang nakangiting si
Ingrid. Hindi ako makapaniwalang
napatitig dito. Kailan pa ito pinayagan
Lola na makapasok ng bahay? Ang
alam ko hindi ito nakakapasok dito sa
loob kung hindi din lang ako ang nag-
insist.
"Mukhang mabait na sa akin ang Lola
mo Ryder. Hinayaan niya akong
hintayin kita dito sa living room."
nakangiti nitong wika sabay lapit sa
akin at kinintalan ako ng halik sa labi.
"Napadalaw ka yata." wika ko at agad
na lumayo dito. Sandali itong natigilan
pagkatapos ay muling sumilay ang
matamis na ngiti sa labi nito.
"Bigla kasi kitang namiss eh. Wala ka
sa opisina mo kaya naisip kong
puntahan na lang kita dito sa bahay."
sagot nito. Agad naman akong
tumango.
Tatawagan nalang kita. Nakakapagod
ang araw na ito at gusto ko ng
magpahinga." sagot ko. Hindi naman
makapaniwalang muli itong napatitig
sa akin. Kahit alko hindi ko din
maintindihan ang sarili ko. Supposed
to be masaya ako dahil nandito sya.
Pero iba ang pakiramdam ko ngayun.
Masyadong ukupado ni Ashley ang isip
ko.
"Gusto mong imassage kita?
Marunong ako at tiyak na
magiginhawaan ka." sagot nito na
halata ang lambing sa boses. Umiling
ako at naglakad na papuntang hagdan.
"Umalis ka na muna Ingrid. Hayaan
mo muna akong makapaghinnga."
sagot ko dito at tuluyan na itong
tinalikuran.
ASHLEY POV
Pagmulat ko ng aking mga mata ay
agad na sumalubong sa aking paningin
t ang puting kulay ng kwarto. Hindi ko
maiwasan na mag-isip kong nasaan
ako. Pakiramdam ko sobrang gaan ng
pakiramdam ko kaya naman dahan-
dahan akong bumangon.
"Buti naman at nagising na ang
sleeping beauty.'" agad pa akong
napalingon ng may biglang nagsalita
sa tagiliran ko. Agad kong nakita ang
lalaking nakasuot ng kulay pugj. Ito ang
Doctor na nakabangaan ko. Gwàpo ito
at nakangiti habang nakatitig sa akin
ang magaganda nitong mga mata. Agad
itong lumapit sa akin.
"Dahan-dahan lang. Grabe..halos
dalawang araw kang tulog. Ganoon ka
ba kapuyat at sinulit mo ang lahat para
makapagpahinga dito sa hospital?"
nakangiti nitong tanong. Pagkatapos
ay hinawakan nito ang aking kamay at
dahan-dahan na tinanggal ang
karayom na nakakabit sa akin.
Nakadextrose pala ako. Nagtatanong
ang mga matang tumitig ako dito.
"Wala si Doc Cheska kaya ako muna
ang nag-aalaga sa iyo. Tell me,
kumusta ang pakiramdanm mo?
Nahihilo ka pa ba?" muling tanong
nito. Wala sa sariling nahawakan ko
ang aking tiyan. Dinadama ko ang unti-
unting nabuong fetus sa aking
sinapupunan.
"Huwag kang mag-alala. Pareho
kayong safe ng baby mo. Pero
kailangan mo pa rin mag ingat Ashley.
Huwag kang mag-alala nandito lang
kami para alalayan ka sa pagbubuntis
mo.:" muli nitong wika. Hindi ko
naman mapigilan na maluha ng
muling sumagi sa isip ko ang lahat.
Ang pagbabalik ng dating fiancee ni
Ryder. Ang pakikipaghiwalay nito sa
akin.
""pwede kang umiyak kung gusto m
Pero huwag mong gawing hobby iyan
dahil si baby ang unang maapektuhan.
Kung ano ang nararamdaman ng
Nanay, nararamdaman din ng anak.
Kahit sabihing dugo pa lang iyan still
nagkakaroon na tayo ng koneksyon sa
isat isa. May gusto ka bang kainin?
Pwede kitang padalhan ng pagkain dito.
muling wika nito. Umiling naman
ako at tumitig dito.
'Pwede na ba akong umuwi Doc?
tanong ko. Agad na rumishistro ang
pagkagulat sa mga mata nito at pilit na
ngumiti.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?
Isasuggest ko sana sa iyo na mag-stay
ka pa ng ilang araw dito sa hospital
para matutukan ka namin." sagot nito.
Agad akong umiling at dahan-dahan
na bumaba ng hospital bed.
"Ayos na ako Doc. Hayaan mo babalik
po ako dito kapag may kakaiba akong
nararamdaman sa sarili ko." sagot ko
dito at tinitigan ito. Kahit papaano
nagpapasalamat ako dito. Mukha
naman itong mabait. Isa pa
magandang lalaki si Doc at kita ko sa
kanyang mga mnata ang pagtutol sa
gusto kong mangyari.
"Well, wala akong magagawa kung
ang gusto mo. Nandoon ang mga damit
mo? Pwede mo ng palitan ang hospital
gown na suot mo pạra komportable ka.
wika nito at tumalikod na.
"Magbihis ka na muna. Babalik ako
dala ng mga gamot na dapat mong
inumin. Kailangan mo iyun para Sa
safety mo at kay baby mo.'" wika nitò at
agad na lumabas ng kwarto. Naiwan
Naman_ ako at agad na hinagilap ang.
aking damit. Pumasok ako ng banyo at
agad na nagpalit.
Pagkalabas ko ng banyo ay nagulat pa
ako ng makita ko ang isang nurse.
Nakangiti ito habang nakatitig sa akin.
"May biglaang surgery si Doc Lorenzo.
Ipinabibigay niya sa akin itong mga
gamot na iinumin mo Mam. Huwag
niyo na daw po isipin ang tungkol sa
hospital bill. Na-settled na po iyun."
wika nito sabay abot sa akin ang isang
paper bag. Nakangiti ko naman itong
kinuha sa kanya at nagpasalamat.
"Pakisabi na lang po sa kanya na
SAlamat. Babalik na lang po ulit ako
dito para personal na magpasalamat sa
kanya. Sa ngayun kailangan ko na po
munang makauwi sa anmin." wika ko
dito. Agad naman itong tumahgo kaya
lumabas na ako ng kwarto
Dahan-dahan akong naglakad sa
hallway. Kahit papaano magaan na ang
pakiramdam ko. Dumircho ako sa labas
ng hospital at agad na nag-abang ng
taxi. Sinipat ko ang suot kong relo at
napansin ko na halos alas dos na ng
hapon. Tiyak na nag-aalala na si Lola
Agatha sa akin. Dalawang araw na
tulog daw ako ayun kay Doc. Lorenzo.
Agad akong nakasakay ng taxi. Agad
kong sinabi sa driver kung saan ang
destinasyon ko. Habang bumibyahe
hindi ko mapigilan ang mapaluha ng
muli kong maisip ang mga napag-
usapan namin ni Ryder. Ang tungkol sa
sinabi nitong pagpapalaglag sa aming
baby.
Siguro kailangan ko ng umuwi ng
probensiya. Hindi ko na kayang
magtagal pa dito sa Manila sa ganitong
klaseng kondisyon ko. Magpapaalam
lang ako kay Lola Agatha at đalis na din
agad ako. Muli kong hinawan ang aking
tiyan at malungkot na napangiti.
"Hindi ko na siya ipapalaglag.
Bubuhayin ko ang batang ito sa abot ng
aking makakaya. HIndi ko hahayaan na
ito ang magdusa sa mga nangyari sa
amin ni Ryder. Sisiguraduhin ko na ito
na ang last na pag-apak ko sa bahay
nila.
Pagdating ng bahay at agad kong
inabutan ng pera ang driver. Hindi ko
na hinintay ang sukli at agad akong
bumaba. Pinagbuksan namnan ako
kaagad ng gwardiya ng mapansin ang
pagdating ko
"Good afternoon Mam." bati pa nito sa
akin. Tanging tipid na ngiti lang ang
naging sagot ko at diretso na akong
naglakad papasok ng bahay. Akmang
aakyat na ako ng hagdan ng
mapatingala ako. Narinig ko kasi na
parang may nagtatalo.
Agad akong napasigaw ng napansin ko
ang pagkahulog ni Lola Agatha. Tulala
akong napatitig sa katawan nito na
saktong bumagsak sa aking paanan.
Wala sa sariling napaupo ako at
tinitigan ito. May dugo na lumalabas sa
ulo nito kaya taranta kong tinawag ang
pangalan nito.
"Lola? Lola?" wika ko sabay marahan
na pagyugyog. Hindi ko mapigilan ang
pagtulo ng luha sa aking mga mata
dahil sa matinding pag-aalala.
Akmang tatayo ako para humingi ng
tulong ng biglang narinig ko ang boses
ni Ryder.
"What have you done?" galit na sigaw
nito. Patakbo itong bumaba ng hagdan
kasunod ni Ingrid. Bigla ang ragasa ng
sakit na nararamdaman ko dahil sa
selos.
"Ryder...na---nahulog si Lola. Dalhin
natin siya sa hospital.'" umiiyak na
wika ko. Galit ako nitong tịnitigan at
akmang magsasalita ng biglartg
sumingit si Ingrid.
"Hindi siya nahulog. Kitang kita ng
dalawa kong mata na itinulak mo siva!
Ryder, gusto niyang patayin si Lola!"
galit na wika ni Ingrid tsaka dinuro
ako. Agad na nanlaki ang aking mga
mata sabay iling.
"Hindi...kakarating ko lang...paakayat
ako ng hagdan ng..
"hindi ko na naituloy pa ang sasabihin kO ng
lumapat sa pisngi ko ang palad ni
Ryder. Sa ikalawang pagkakataon
sinampal niya ako.
'Enough! Tama na Ashley! Kung
nagbalik ka dito para guluhin ang
pámilyàng ito, nagkakamali ka! Ayaw
ko ng marinig pa ang mga paliwanag
mo!" Galit na sigaw nito sa akin. Tulala
naman akong napatitig dito habang
hawak ang nasaktan kong pisngi at nag
-uunahan sa pagpatak ang luha sa
aking mga mata.
'Ryder...tama na muna iyan. Railangan
na nating madala si Lola sa hospital. "
narinig ko pang wika ní Ingrid. Agad
naman binuhat ni Ryder si Lola Agatha
at patakbong lumabas ng bahay. Bago
tumalikod si Ingrid, tinapunan pa ako
nito ng nang-uuyam na tingin.
Hinang hina naman akong napaupo.
Napahagulhol ako ng iyak dahil sa
magkahalong pag-aalala at sakit na
nararamdaman. Hindi ko akalain na ito
ang sasalubong sa akin sa pag-uwi ko.
Gusto ko lang naman magpaalam sa
kanya pero bakit ako pa ang
napagbintangan niya na tumulak kay
Lola sa hagdan.
Yakap ang sarili ko, hindi ko na
nagawa pang umakyat ng silid. Hindi
na din ako nakagalaw. Sobrang sakit sa
pakiramdam na sa kabila ng
pagmamahal na ibinigay ko sa
pamilyang ito, ganito pa ang naging
sukli sa akin. Sobrang sakit isipin na
nagsasama na si Ingrid at Ryder at
katunayan lang nito na sabay silang
bumaba kanina ng hagdan.
Mukhang ako nga ang luhaan sa huli.
Sana hindi na lang ako pumayag na
totohanin ang pagiging asawa sa
kanya. Sana hindi na lang ako lumuwas
dito sa Manila. Masaya pa sana ako
ngayun kasama ang aking pamilya. Si
Nanay, Si Tatay, pati na din ang mga
kapatid ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong
nakatalungko dito sa may hagdan.
Pakiradam ko napaidlip ako at nagulat
na lang ako ng may mga kalalakihang
pumasok sa loob ng bahay. Agad kong
nakita si Ryder sa karamihan sa kanila
kaya wala sa sariling napatayo ako.
"Ryder, anong ibig sabihin nito? Sino
sila?" tanong ko sa mahinang boses.
May galit sa mga matang tinitigan ko.
"'Kriminal ang babaeng iyan. Tinangka
niyang patayin ang Lolá ko. Hulihin
niyo sya at ikulong..." wika nito sa
seryosong boses. Agad naman
nagsinuran ang mga naka-uniform na
mga pulis. Pinusasan ako.
"Hindi ko siya itinulak. Kakarating ko
lang Ryder...hindi ko alam kung ano
ang nangyari kay Lola. Maawa ka sa
akin..huwag mo naman itong gawin..
kahit papaano asawa mo pa rin ako..
maawa ka! Ayaw kong makulong.'"
umiiyak na wika ko dito. Punong-puno
ng pagmamakaawa ang mga titig ko
dito pero tanging matalim lang na titig
ang isinukli nito sa akin. Wala na
akong nagawa pa kundi ang
mapahagulhol na lang ng iyak. Lalo na
ng basahan ako ng Miranda rights.
"Mrs. Ashley Sebastian...ikaw ay
inaaresto sa salang tangkang pagpatay
kay Mrs. Agatha Sebastian. Ikaw ay
may karapatang manahimik o
magsawalang kibo. Anuman ang iyong
sasabihin ay maaring gamitin paboro
laban sa iyo sa anumang hukuman.
Ikaw ay mayroon ding karapatang
kumuha ng sariling abogado na iyong
pinili at kung wala kang kakayahan, ito
ay ipagkakaloob sa iyo....Naiintindihan
mo ba?" Kasabay ng salitang iyun ay
halos hindi ako malkahinga sa
kakaiyak. Napayuko ako at kusa kong
inihakbang ang aking mga paa para
sumama sa mga pulis. Muli kong
sinulyapan si Ryder sa kahuli-hulihang
pagkakataon.
Wala ng sasakit pa sa lahat ng mga
nangyari sa akin. Para akong basahan
na basta na lang itinapon ng sarili kong
asawa.... napagbintangan pa ako sa
isang bagay na hindi ko naman ginawa.
Pakiradam ko biglang nawala ang lahat
sa akin. Pakiramdam ko wala na akong
karapatan pa para mabuhay sa mundo.
Kung pwede nga lang na ipikit ko na
lang ang aking mga mata at takasan
ang lahat ng mga nangyayari ngayun,
gagawin ko. Ayaw ko ng mabuhay
pa........
Chapter 19
RYDER JAMES SEBASTIAN POV POV
Napaupo ako sa sofa ng tuluyan ng
nakaalis ang mga pulis kasama si
Ashley. Hindi ko akalain na dito
matatapos ang lahat sa amin. Hindi ko
akalain na magawa nitong saktan si
Lola.
Mukhang wala na ang aming baby.
Nagawa na nitong ipalaglag base sa
hitsura nito. Maputla si Ashley at alam
kong isa iyun sa mga palatandaan na
wala na ang baby namin. Hindi man
lang ito nagdalawarng isip na kitlin ang
buhay ng aming anak.
Aminado ako na kasalanan ko din. Ako
ang nagtulak sa kanya sa bagay na iyun
pero ang ikinagagalit ko lang hindi
man lang ito nagdalawang isina
sundin ang gusto ko. Isa pa nagawa pa
talaga nitong saktan si Lola. Ang
pinakamamahal kong abwela. Ang kaisa
isang tao na meron ako.
Hindi kO namalayan ang pagpatak ng
aking luha. Tumayo ako ng muli kong
naalala si Lola. Under observation ito
at natatakot akong tuluyan siyang
mawala sa akin. Hinding hindi ko
mapapatawad si Ashley kapag may
masamang mangyari kay Lola.
Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa
kulungan.
"Sir...kawawa naman po si Manm. Hindi
po ako maniniwala na tinulak niya si
Madam Agatha. Kakarating lang po
kasi niya kanina." pasakay ako ng
kotse ng bigla akong lapitan ni Manong
guard. Seryoso ang mukha nito habang
nakatitig sa akin.
Bigla akong nag-alangan..
nakaramdam ako ng matinding agam-
agam. Magagawa ba talaga m Ashley
ang bagay na iyun? Paano kung
nagkamali ako sa pagbintang sa kanya.
Paano kung nagsinungaling si Ingrid sa
sinabi nito na nakita niya kung paano
itulak ni Ashley si Lola?
Saksi ako sa magandang samahan ni
Lola at Ashley. Ni sa hinagap, hindi ko
din akalain na mnagagawang saktan ni
Ashley si Lola ng ganoon-ganoon na
lang. Naikuyom ko ang aking kamao at
tulalang napatitig sa kawalan. Aminin
ko man o hindi nakaramdam ako ng
matinding takot kung sakaling
nagkamali ako sa pagbintang kay
Ashley. Basta ko na lang ba
papaniwalaan ang statement ni Ingrid?
"Malalaman din natin ang totoo kapag
magiging maayos na si Lola." maiksi
kong sagot at agad na sumakay na ng
kotse. Babalik ako ng hospital. Ayaw ko
munang mag-isip ng ano pa man. Ang
gusto ko sa ngayun ay màsiguro na
nasa maayos na kalagayan siLola.
Agad akong nakarating sa Amadeo
Medical Center. Mabilis kong ipinark
ang aking kotse at agad na bumaba.
Papasok na ako ng hospital building ng
makita ko ang familiar na mukha. Si
Lorenzo. Ang taksil kong kaibigan.
Seryoso itong nakatitig sa akin kaya
agad ko itong nilapitan. Hindi ko
napigilan at agad ko itong sinuntok sa
panga. Halos matumba ito kaya naman
agad na nagsilapitan ang mga guard ng
hospital
"Hindi ka pa rin nagbabago Ryder.
Masyado ka pa ring mainit!" wika nito
habang hinihimas ang nasaktang
panga.
"Walang hiya ka! May gana ka pang
magpakita sa akin sa kabila ng ginawa
mong mga kasalanan?" galit kong
sigaw dito. Ngumisi ito at sininyasan
ang mga gwardiya na dumistansya na
muna. Nang-uuyam ang mga tingìn na
ipinukol nito sa akin.
"Kung ayaw mo akong makita,
iniwasan mo sana ang teritoryo ko...
Alam mo naman siguro kung kaninong
hospital ito diba? Alam mo naman
siguro na pag-aari ko ang lupa na
inaapakan mo ngayun!" galit na sagot
nito. Natigilan ako at muli kong
naikuyom ang aking kamao
"Sa susunod, matuto kang lumugar.
Huwag kang mag-amok sa hindi mo
teritoryo. Pwede kitang ipapatay kung
gustuhin ko." Muling wika nito.
"Hayop ka!" gigil na wika ko dito.
Tumawa ito at seryoso akong tinitigan.
"Mas hayop ka Ryder! Hinayaan mo
ang asawa mo na magdesisyon para
ipapatay ang inyong anak. Basta mo na
lang sya iniwan ngayung nagbalikna si
Ingrid...si Ingrid na limang taon ko ng
pinagsawaan." sagot nito. Parang
nabingi naman ako sa sinabi nito at
agad na tumitig sa kanya. Takang taka
ako kung paano niya nalamankng
tungkol sa pagdadalang tao ni Ashley.
Isa pa talagang naisingit pa nito ang
tungkol kay Ingrid.
"Ako ang nakausap ng asawa mo
kahapon. Sa akin niya mismo sinabi na
gusto niyang ipaabbort ang bata.
Dalawang araw siyang nag- stay dito sa
hospital at mapapatunayan iyan sa
kanyang mga medical records.hayop
ka! Kung maitimn ang budhi ko, mas
maitim ang sa iyo." nakangisi nitong
wika. Akmang tatalikuran ako nito ng
muling nmagsalita.
"Balita ko, ang asawa mo ang
pinagbirntangan mo sa pagkakahulog sa
hagdan'ng Lola mo. Dont worry,
maayos na ang kanyang kalagayan..
Malalaman mo din kung itinulak ba
siya ni Ashley o aksidente lang ang
lahat...."' muling wika nito. Hindi
naman ako makapaniwalang napatitig
dito. Paano niya nalaman ang tungkol
sa bagay na ito?
"Huwag ka ng magulat best friend...
walang sekreto sa akin..alam mo
naman siguro kung gaano ako katalino
diba? Sa ating lahat na magbabarkada
ako ang pinaka- genius. Kaya nga
naging Doctor ako diba? Isa pa may
mga mata ako sa bahay niyo at sila
mismo ang nagbabalita sa akin."
tatawa-tawa nitong wika at tuluyan na
akong tinalikuran. Naikuyom ko
naman ang aking kamao dahil sa
matinding inis.
Huminga ako ng malalim at aktong
babalik na ng emergency room ng
salubungin ako ng isang nurse. Agad
ako nitong kinausap.
"Mr. Sebastian, nailipat na po ang Lola
niyo ng private room. Pinapasabi ni
Doctor Lorenzo, hayaan niyo po
munang magpahinga ang pasyente."
agad na wika nito sa akin. Muling
napakunot ang noo ko ng banggitin
nito ang pangalan ni Lorenzo. Kung
ganoon sya din pala ang gumamot kay
Lola. Mukhang nakakarami na siK
Lorenz0 ngayung araw. Gayunpaman
hindi maikakaila na dapat kung
ipagpsalamat dito ang pagkakaligtas sa
buhay ni Lola.
"' Salamat.'" maikli kong wika.
Tumango ito at ibinigay sa akin ang
room number ni Lola. Agad akong
naglakad patungo doon at nagulat pa
ako pagkapasok ng kwarto may isang
nurse na nagbabantay dito kasama ni
Ingrid.
"Ryder...ayos na daw si Lola. Masaya
ako dahil hindi siya napuruhan." agad
na wika ni Ingrid ng makapas ok ako.
Tumango ako at nilapitan ang walang
malay na si Lola Agataha. May benda
ito sa ulo at kaliwang binti. Naikuyom
ko ang aking kamao.
"Bakit nasa bahay ka pa kanina? Hindi
bat sinabi ko sa iyo na pwede ka n8
umuwi?" pagkatapos kung tingnan si
Lola ay binalingan ko si ingrH Nakita
ko ang pamumutla nito at napalųnok
ng makailang ulit. Nagdududang
tumitig ako dito.
"ehhhh....ahmmm gusto sana kitang
puntahan sa kwarto mo kanina...sakto
naman na....na pagkaakyat ko nakita
ko na nagtatalo si Ashley at Lola
Agatha...pagkatapos...pagkatapos..
nakita ko na lang na bigla niyang
itinulak kaya nahulog si Lola.'" wika
nito ng hindi makatingin ng diretso sa
akin. Natigilan ako. Hindi ko mapigilan
na mapataas ang aking kilay dahil ayun
sa guard kakarating lang ni Ashley ng
oras na iyun.
"Sige..pwede ka ng umuwi. Masyado
na kitang naabala.'maiksi kong wika
dito. Natigilan ito at dahan-dahan na
lumapit sa akin. Hinawakan pa ako nito
sa kamay.
"Sasamahan na kitang bantayan si
Lola. Wala naman akong gagawin sa
bahay kaya ayos lang kung dko muna
ako." sagot nito. Agad akong umiling at
seryoso itong tinitigan.
Salamat nalang Ingrid. Pero umalis ka
na muna. Tatawagan na lang kita
kapag may kailangan ako sa iyo.'
seryoso kong sagot. Pagkatapos inalis
ko ang kamay nito na nakahawak sa
akin. Wala na itong nagawa pa kundi
ang maglakad palabas ng kwarto.
Malungkot akong napatitig sa kawalan
habang iniisip ko kung tama ba ang
ginawa ko kay Ashley.
LORENZO POV
Nandito ako sa labas ng present0.
Hinihintay ko ang pagdating ni Miguel.
Buti na lang at tinawagan ako ni
Manong guard kanina. Siya ang
nagbalita sa akin na ipinahuli daw ni
Ryder si Ashley dahil ito ang suspect
kung bakit nahulog sa hagdaa si Lola
Agatha.
Hindi ako papayag na basta na lang
nilang ipakulong si Ashley. Gagawin ko
ang lahat mailabas lamang ito dahil
alam kong delikado ang kalagayan nito
kapag magtatagal pa sa kulungan.
Agad akong bumaba ng kotse ng
makita ko ang pagdating ni Miguel.
Nakipagkamay muna ako dito tsaka ito
seryosong tinitigan.
"Nasa loob si Ashley. Ipimakulong siya
ng gago mong kaibigan. Hindi ako
naniniwalang magawang itulak ni
Ashley ang Lola ni Ryder. Gawin mo
ang lahat mailabas siya sa kulungan na
iyan." walang paligoy-ligoy kong wika
kay Miguel. Saglit itong natigilan at
tinitigan ako.
"Bakit mo ito ginagawa? Bakit ka
nakikialam sa problema ng mag-
asawa? Sa problema ni Ryder?" sagot
nito. Natigilan ako. Bakit nga ba?Hindi
ko alam, basta ang alam ko naaawa ako
kay Ashley. Hindi niya dapat
maranasan ang ganitong bagay.
"Pasyente ko siya. Buntis siya at hindi
siya dapat magtagal sa ganiyang
klaseng environment. She's fragile at
ano mang oras pwede siyang makuna
dahil sa stress.' seryoso kong sagot.
"Iyun lang ba ang dahilan mo? Ganiyan
ka ba sa lahat ng pasyente mo:
Tinutulungan mo sa kahit personal
nilang problem a ?" muling tanong ni
Miguel.
"Wala akong time na magpaliwanag sa
iyo Miguel. Kung ayaw mong tulungan
na mapalabas sa kulungan na iyan si
Ashley, maghahanap ako ng ibang
abogado. Maraming abogado ang
pamilya namin at pwede ko silang
tawagan ngayun kung naduduwag kang
tumulong sa isang kaawa- awang
buntis na babae." seryoso kong sagot.
Muli itong tumitig sa akin at Hupailing.
"You're impossible Lorenzo. Alam mo
naman na mainit na sa iyo si Ryder.
Tapos pati asawa niya papakialaman
mo pa?" sagot nito.Ngumisi ako.
"As far as I know..hindi na asawa ang
turing ng gagong Ryder na iyun kay
Ashley. Itinapon niya na ito na parang
isang basahan... isang napakagandang
basahan.. kaya tulungan natin siya
Miguel.Hindi ako aalis sa lugar na ito
hangat hindi ko mailabas si Ashley sa
kulungan na iyan." sagot ko.
Napatango ito at nagpatiuna ng
naglakad papasok ng presento. Agad
naman akong napasunod.
Pagpasok ng presento ay hinayaan ko
na si Miguel na makipag-usap sa mga
authority. Agad akong nagrequest na
kung pwedeng makita si Ashley. Agad
naman akong pinagbigyan lalo na ng
malaman nila na may kasama akong
abogado.
Naikuyom ko ang aking kamaong
makita ko si Ashley sa isang sulok.
Tulala itong nakatitig sa kawalan
habang patuloy sa pagtulo ang luha sa
mga mata. Sa hitsura nito mukhang
matinding trauma ang inabot nito.
"Ilabas mo siya!" aad na wika ko sa
pulis na kaharap ko.
"Eh Sir...hindi po pwede..suspect po
sya sa tangkang pagpatay." sagot
nito.Mapakla akong ngumiti at
binalingan si Miguel. Lumapit ako
habang seryosong nakikipag-usap sa
police officer.
"Kung hindi nila agad-agad ilabas si
Ashley, sisiguraduhin ko na may
paglalagyan kayong lahat. Atty...check
mo lahat ang legalities ng pagkakahuli
kay Ashley. Alamin mo kung dumaan
ba ito sa due process." galit kong wika.
"Lorenzo, ginagawa kO na ang paraan
para mailabas natin si Ashley.
Huminahon ka!" sagot namangi
Miguel.
"Sabihin mo sa akin. May kaso na ba
siya at pwede ng ikulong?" tanong ko
Sa officer.
"I think wala pa..right???" tanong ko.
"Sir...I think may karapatan na
magdemand ang client ko. Kung wala
pang naisampang kaso kay Ashley
pwede sigurong ilabas muna siya. Wala
dito ang complainant at unfair naman
sa client namin na basta na lang
ikulong. Isa pa nagdadalang tao sya at
may possible na makunan siya kapag
magtagal pa siya dito. Hawak kO ang
kanyang medical records at hindi
maayos ang kanyang kalagayan.
Katunayan nyan, kakalabas niya lang
ng hospital kanina." mahabang wika ni
Miguel. Malalim na nag-isip ang
officer at napabuntong hininga.
"Im sorry Sir..balak naman po talaga
namin siyang pakawala kapag hindi
makapunta ang complainantAayusin
lang po namin ang kanyang mga
papeles tapos i-re- release din namin
siya kaagad." sagot nito.
Chapter 20
LORENZO POV
Hindi ko mapigilan na yakapin ang
noong tulala na si Ashley ng alalayan
ito ng mga pulis palabas ng kulungan.
Tama ang nakikita ko dito kanina pa.
Nakatulala lang ito at parang wala sa
sarili.
"Ashley..heyyyyyy..Relax lang. Ligtas
ka na! Nandito na ako. Hindi kita
pababayaan." masuyo kong wika dito
habang nakatitig sa kanyang
magandang mukha. Wala pa rin itong
reaksiyon at diretso lang ang tingin.
Parang wala itong nakikita.
"What happened to her?"" narinig kong
tanong ni Miguel. Kumalas akO sa
pagkakayakap ko kay Ashley at
inalalayan itong maglakad palabas ng
presento. Agad naman sununod sa
amin si Miguel.
"'stress..Anxiety.pain! Sa pinagsama-
samang pakiramndam na iyun, She tried
to create her own world out of fear!
Nangyayari iyan sa mga taong
pakiramdam niya hindi na sya tangap
sa lipunang kanyang ginagalawan. '"
seryoso kong sagot.
"God! Ganiyan kalaki ang naging
epekto sa kanya dahil sa ginawa ni
Ryder?" sagot nito. Hindi ako umimik
hangang sa nakarating kanmi ng kotse.
"Ikaw na ang bahala sa kaso niya. Paki-
prepare na din ng kanyang mga
documents...specially passport. Balak
ko siyang dalhin sa lugar kong saan
malayo sya sa gulong ito." seryosong
wika ko kay Miguel. Natigilan ito.
"Ilalayo mo siya sa asawa niya:
Nababaliw ka na ba Lorenzo? Gagawin
mo na naman ang ginawa mO noon kay
Ingrid? Gusto mo na ba talagang
magpatayan kayong dalawa nRyder?"
tanong nito. Malakas akong
napabuntong hininga bago sumagot.
"Asawa? Hindi naging matinong asawa
sa kanya si Ryder. Look at her? Kung
matinong asawa si Ryder, hindi
magkakaganyan si Ashley. Anong gusto
mo, hihintayin pa ba natin na tuluyan
siyang mawala sa katinuan bago
tulungan?" seryoso kong sagot kay
Miguel. Natigilan ito at tumitig sa noon
ay tulala pa rin na si Ashley.
"Doctor ako. Alam ko kung ano ang
pinagdadaanan nya. Hinding hindi ko
siya pababayaan. Tutulungan ko siyang
ma-overcome lahat mg takot na
nararamdaman niya ngayun. Kaya
please Miguel...tulungan mo akong
iprovide ang mga papeles na kailangan
niya. Ayaw ko ng iasa ang bagay na
iyun sa ibang abogado. Hangat maaari
gusto kong i-sekreto lahat ng
nangyayari ngayun kay Ashley.!"
mahaba kong wika dito.
"Paano kung hanapin siya ni Ryder?"
tanong nito.
"I dont care! Wala na akong pakialam
sa kanya. Nandyan si Ingrid. Mas
matutuwa siya kapag tuluyang mawala
sa landas nila si Ashley...at kung
sakaling hanapin niya si Ashley,
walang sino man sa ating dalawa ang
magsabi kung nasaan siya." seryoso
kong sagot. Pagkatapos ay ikinabit ko
ang set belt kay Ashley. Muli kong
sinulyapan si Miguel at tuluyan na ding
sumakay sa driver set.
"Aasahan ko ang kooperasyon m0.
Siguro naman naawa ka sa kàlagayan
niya ngayun diba? Tawagan mo ako
kapag tapos mo ng gawin ang
ipinapagawa ko sa iyo."wika ko dito at
pinaandar na ang kotse. Pinasibad ko
ito at diretsong nagdrive sa isa sa mga
bahay ko sa Mandaluyong. Bagong bili
ko ang bahay na iyun at walang sino
man amg nakakaalam na kahit sino
malibang sa pamilya ko. Mas gafe kung
doon muna mamalagi si Ashley habang
ginagamot ko siya at inaayos ang
kanyang mga papeles..
Agad akong sinalubong ni Yaya Saling.
Ito ang nagpalaki sa akin simula baby
pa ako. Parang Ina na din ang turing ko
dito dahil ramdam ko ang pagmamahal
nito simula bata pa ako. Busy ang tunay
kong mga magulang noon dahil pareho
silang Doctor. Simula ng maging ganap
na Doctor na ako naiintindihan ko na
kung bakit. Mahirap ang propesyon na
ito dahil kailangan kong mailigtas ang
buhay ng tao sa bingit ng kamatayan.
"Enzo, tumawag si Mommy mo.
Dinaanan ka daw ng hospital kanina
pero wala ka daw. Tinatawagan ka din
daw nila pero hindi ka sumasagot."
agad na balita nito sa akin. Hindi ko na
ito sinagot at binuksan ko ang pintuan
sa gawi ni Ashley. Kita kO ang
pagkagulat sa mukha ni Yaya Saling ng
makita nito ang tulalang si Ashley:
"Diyos ko! Sino siya Enzo? Kagandang
bata!" bulalas nito, Hindi ko naman
maiwasan ang mapangiti.
"Dito po muna siya. Kailanganan ko po
ng katuwang para mag-alaga sa kanya.
" sagot ko. Muli nitong tinitigan si
Ashley.
"Anong nangyari sa kanya? Pipi ba
siya?" tanong muli nito.
'May problema po siya Nay. Tulungan
mo akong alagaan siya para tuluyan na
siyang gumaling. Ikikwento ko po sa
inyo ang mga nangyari sa kanya sa
mga susunod na araw. Sa ngayun
kailangan ko ng mapagkakatiwalaang
tao para maalagaan siya ng maayos."
sagot ko. Pagkatapos ay hinawakan ko
si Ashley sa kamay at inalalayan na
makababa ng kotse. Wala naman itong
reaksyon at diretso lang ang tingin sa
kawalan. Marahan akong napabuntong
hininga.
"Ash...dito ka muna ha? Huwağ ka ng
matakot. Walang sino man ang
pwedeng manakit sa iyo. Ni kahit dulo
ng buhok mo hindi na nila
mahahawakan. Magpakatatag ka. Lalo
na kay baby!" marahan kong wika dito
at diretsong tinitigan sa kanyang mnga
mata. Wala pa rin itong reaksyon kaya
hindi kO maiwasan na mapailing.
'Yaya....sabihin mo sa ibang mga
kasambahay na kakausapin ko sila. Sa
ngayun tulungan mo akong dalhin si
Ashley sa isa sa mga guest room.
Kailagang may magbantay sa kanya 24|7
dahil sa sitwasyon nya. Gustuhin ko
man siyang alagaan hindi pwede dahil
kailangan ako sa hospital." wika ko
dito. Agad tumango si Yaya Saling.
"Walang problema Enzo. Maganda nga
ito para naman may pagkakaabalahan
ako. Huwag kang mag-alala...ako ang
bahala sa batang iyan." sagot nito.
Tumango ako at inakay ko na si Ashley
papunta sa pansamantala niyang
magiging kwarto.
**** * * *** ****k * * ** * ***** *** ****
** ** ***** **** ***** ** * k *** * ****
* * * ** ** **** * ** * * *** * ***k ******
THE NEXT DAY
RYDER JAMES SEBASTIAN POV
La, kumusta ang pakiramdam mo?
May masakit po ba sa iyo? Tatawagin
ko po ang Doctor," nag-aalala kong
wika kay Lola ng mapansin kong
dumilat ito. Tumnitig ito sa akin at
nagpakawala ng malungkot ng ngiti.
"Nasaan ako?" tanong nito.
Hinawakan ko ito sa kamay at
hinalikan.
"Nandito ka sa hospital La. Nahulog ka
sa hagdan. Itinulak ka daw ni Ashley?"
sagot ko dito. Agad kong napansin ang
gulat sa mga mata ni Lola pagkatapos
kong bigkasin ang katagang iyun.
"'Si Ashley? Itinulak ako? Kailan? Hindi
bat naglayas siya?" naguguluhan
nitong tanong. Natigilan ako
"La, Si Ashley ang tumulak sa iyo sa
hagdan kaya ka nahulog. Kaya ka
nandito sa hospital." sagot ko
"'Sinong may sabi sa iyo?" galit na wika
ni Lola Agatha. Tulala akong napatitig
dito kasabay ng pagragasa ng kaba sa
dibdib ko. Gulat na gulat ako sa
reaksyon ni Lola Agatha.
"Si Ingrid! Nagtalo daw kayo kahapon
ni Ashley at naitulak ka niya. Dont
worry La, pagbabayaran ni Ashley ang
ginawa niya sa iyo. Muntik ka ng
mapahamak dahil sa kanya.'" wika ko
dito. Agad na nanlaki ang mga mata
nito at pailing-iling na tumitig sa akin.
"Hangang ngayun pa rin pala, handa
ka pa rin na paikutin ng babaeng iyun.
Kawawang Ashley, pati siyà gadamay
sa gulo ng pamilyang ito." sagot nito
kasabay na pag- agos ng luha sa mga
mata. Hindi naman ako makapaniwala
aking narinig.
"Kung ganoon, paano po kayo nahulog
sa hagdan. Si Ashley ang nakita kong
kasama mo habang wala kang malay.
Kaya inisip ko na siya ang dahilan kaya
ka nahulog at iyun din ang sinabi ni
Ingrid sa mga pulis." sagot ko dito.
Nagulat ako ng bigiang tumitig sa akin
si Lola. Galit at kasabay ng pagtulo ng
luha sa mga mata
"Pinahuli mo siya? Pinakulong mo ang
babaeng walang ginawa kundi
pumayag sa mga pabor na hiniling ko?
pasigaw nitong tanong. Napaatras
ako.
"Hindi si Ashley ang dahilan kaya ako
nahulog sa hagdan. Dalawang araw na
siyang hindi umuuwi diba at hindi ko
siya nakita ng araw na iyun kaya
imposible na magkakausap kami o
magtalo kami. Kahit kailan hindi
marunong sumagot-sagot sa akin àng
asawa mo Ryder! Kahit kailan hindi ko
nakita kung paano magalit ang asawa
mo! Siya ang pinaka-marespetong
babae na nakikilala ko kaya siya ang
gusto kong makasama mo habang
buhay! Pero nabigo ako sa pagkakataon
na ito! Isa ako sa sumira ng buhay niya!
" hiyaw nito kasabay ng malakas na pag
-iyak. Tulala akong napatitig kay Lola.
Napansin ko na lang na sinapo nito ang
dibdib kasabay ang paghahabol ng
hininga.
"La! Lola!" agad na wika ko dito at
hinawakan ito. Tinabig ako nito at galit
na tinitigan ako.
"Lumayo ka--- sa akin! Hayaan mo-
akong mamatay! Kasalanan ko ang
lahat! Dapat pala hindi ko na
pinakialaman kung sino ang gusto
mong babae!" sigaw nito habang
patuloy ang paghahabol ng hininga.
"Mam, relax lang po muna kao.
Parating na po si Doc," agad naman
kaming dinaluhan ng nurse. Wala sa
sariling napaatras ako habang hindi
inaalis.ang pagkakatitig kay Lola.
Awang awa ako dito. Patuloy ang
paghahabol ng hininga habang may
luha na lumalabas sa mga mata.
"Anong nangyari sa pasyente?
nagulat pa ako ng marinig ko ang boses
ni Lorenzo. Seryoso ang mukha nito at
diretsong naglakad sa kinaroroonan ni
Lola. Ni hindi ako nito tinapunan ng
tingin.
Laglag ang mga balikat na naglakad
ako palabas ng kwarto. Para akong
pinagsakluban ng langit at lupa sa mga
nangyayari. Dobleng bigat ang
nararamndaman ng puso ko dahil sa
nangyari kay Lola at sa mga nalaman
ko mula dito.
Kung ganoon nagkamali ako. Walang
kasalanan si Ashley. Naipikit ko ang
aking mga mata habang tulala
tumitig sa kawalan. Agad na sumagi sa
isip ko ang hitsura ni Ashley noong
pinagbintangan ko ito na siya ang
tumulak kay Lola kaya nahulog ito sa
hagdan. Muling bumalik sa balintataw
ko kung paano ito nagmakaawa sa akin
habang hawak ng mga pulis. Ang
pagsuot ng posas dito na parang isang
kriminal. Kung ganoon,
nagsinungaling sa akin si Ingrid.
""Fuck! Fuck! Ang tanga mo Ryder!
Galit na sigaw ko sabay suntok sa
pader. Pakatapos ay padausdos akong
naupo sa sahig. Hindi ko namalayan
ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Ako ang sumira sa lahat. Sa isang iglap,
nasira ang masayang pagsasama ng
pamilya namin. Ako ang dahilan kaya
nagdurusa ngayun ang mga mahal ko
sa buhay...Si Lola! Ang taong no0n pa
man hindi na ako sinukuan. Ang taong
nagpalaki sa akin at nagbigay ng lahat
ng gusto ko. Si Ashley...ang kaqwa-
awang si Ashley! Basta ko na lang
siyang pinagbintangan sa kasalanąng
hindi niya nagawa. At ang masaklap
pinakulong ko pa ito.
"Maayos na ang kalagayan ng Lola mno!
Ingatan mo siya. Ilayo mo siya sa
stress. Mahina na ang kanyang puso
dahil sa kanyang edad kaya kailangan
ngibayong pag-ingat." nagulat pa ako
ng biglang magsalita si Lorenzo.
Tinitigan ko ito. Tumayo ako at
hinarap ito.
"Masaya ka na ba sa nga nangyari sa
buhay ko ngayun? Siguro nadiriwang
ang kalooban mo sa nakikita mo kung
gaano ako ka-miserable ngayun."
seryoso kong wika. Wala itong
ipinakita na kahit na anong reaksiyon
at seryoso akong tinitigan.
"Wala sa forte ko ang matuwa sa
pagdurusa ng ibang tao. Ayusin mo ang
buhay no Ryder! Simula gayun, ibang
Doctor na ang titingin sa Lola mo..
Magiging abala na ako sa mgdsusunod
na araw. Kung ayaw mong muling
magkrus ang landas natin, iwasan
ang lugar na ito" wika nito at tuluyan
ng tumalikod.
Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Hindi ko akalain nang dahil sa isang
babae, tuluyang nasira ang
pagkakaibigan naming dalawa.
Agad naman akong bumalik sa kwarto
ni Lola. Halos madurog angpuso ko ng
mapansin ko na may nakakabit na
OXygen dito.
"Sorry La. Pangako aayusin ko ang
lahat. Maging matatag ka at huwag mo
akong ijwan." bulong ko dito sabay
halik sa kanyang noo. Agad kong
pinalis ang luha sa aking mga mata at
binalingan ang nurse na nakatokang
magbantay kay Lola.
Aalis muna ako. Ikaw na muna ang
bahala sa kanya.'" wika ko dito.
Nakangiti naman itong tumango kaya
muli akong lumabas ng silid ni Lola.
"Pagkalabas ng hospital ay agad na
sumalubong sa akin ang nakakasilaw
na sinag ng araw. Mabigat ang aking
mga hakbang na naglakad patungong
parking area. Hindi ko maintindihan
ang aking sarili. Pakiramdam ko
sobrang bigat ng nakapasan na
problema sa balikat ko. Hindi ko alam
kung paano itama lahat ng
pagkakamali ko.
Agad akong nagdrive patungong police
station. Ito ang pinakamainam na
gagawin ko ngayun. Ang palabasin si
Ashley. Wala siyang kasalanan kaya
hindi siya dapat magdusa ng ganito sa
mga kamay ko.
Chapter 21
RYDER POV
Hindi ko mapigilan na ihampas ang aking kamay sa manibela ng
sasakyan. Kakatapos ko lang makipag-usap sa officer na may hawak ng kaso ni
Ashley. May naglabas daw dito kahapon at dahil wala pa namang naihain na kaso
kay Ashley pinayagan na umano itong makalabas.
Muling nanariwa sa isip ko ang napag- usapan namin ng
imbestigador kanina.
"Sorry Sir...kahapon pa po namin kayo hinihintay para
masampahan na kaagad ng kaso ang suspect. Hinihintay din namin ang ilang
ibidensiya na isusumite niyo. Kaya lang hindi po kayo dumating. Wala pang
limang oras na naka-detain si Mam may dumating pong Abogado kahapon at isang
lalaki. "imporma nito. Gulat akong napatitig dito.
"Sino sila? Kilala ba sila ng asawa ko?" seryoso
kong tanong. Ang alam ko, wala masyadong kakilala si Ashley dito sa Manila.
Naghalungkat ito sa mga papeles na nasa harap niya at muling tumitig sa akin.
"Doctor Lorenzo Jimenez po. Halos magwala pa siya dito
kahapon lalo na ng makita nya ang sitwasyon ni Mam. Inilaban nya ang kaso ni
Mrs. Ashley at hinalungkat lahat ng legalities na pagkakahuli nito kasama ng
kanyang abogado." pagbabalita nito. Pigil ang emosyon na nagpaalam na ako
dito. Agad akong bumalik ng kotse habang nakakuyom ang kamao.
"Lorenzo.. Lorenzo....ikaw na naman!" bulong ko at
agad na pinaarangkada ang kotse. Agad akong bumalik ng hospital upang
makompronta ang taksil kong kaibigan. Huwag nyang sabihin si Ashley na naman
ang kanyang gustong kunin sa akin? Hindi ako papayag.
"Dumiritso na ako sa opisina ni Lorenzo. Since isa
syang Doctor at tagapagmana ng hospital kilala siya ng lahat. Hindi na ako
kumatok pa ng matagpuan ko ang opisina nito. Agad kong binuksan at diretsong
pumasok sa loob. Naabutan ko pa itong prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair
habang may kung anong bagay na pinapanood sa kanyang monitor.
Hindi man lang ito nagulat ng dumating ako. Kalmado itong
tumitig sa akin at pinatay ang kung kanyang pinapanood.
"Napasugod ka yata? Kung hindi importante ang kailangan
mo, mabuti pang umalis ka na. Kay Doctor Santos ka pumunta kung may mga gusto
kang itanong tungkol sa kalagayan ng Lola mo." kalmado nitong wika.
Naikuyom ko ang aking kamao at galit itong tinitigan.
"Saan mo dinala ang asawa ko? Nasaan si Ashley?"
bakas ang galit sa boses ko na tanong dito. Natigilan ito pagkatapos ay seryoso
akong tinitigan.
"Ashley? Iyan ba iyung legal wife mo? Bakit sa akin mo
hanapin? Hanapan ba ako ng nawawalang asawa?" nakangiti nitong tanong.
Gayunpaman hindi maikakaila ang nang-uuyam nitong tono. Agad na nagpanting ang
aking tainga at pigil ko ang aking sarili na sugurin ito.
"Ikaw ang kumuha sa kanya kahapon sa presento. Ikaw ang
gumawa ng paraan para mailabas siya...Ngayun, saan mo siya dinala? Bakit ka
nakikialam sa relasyon naming dalawa? "galit kong sigaw dito. Nagulat pa
ako ng bigla itong tumawa.
"Hahaha! Alam mo nakakatawa ka Best friend! Well,
mukhang galing ka na Gala sa presento.....Mabuti na lang at naunahan kitang
mailabas si Ashley...at least sigurado ako na hindi na manganganib ang buhay
niya sa mga kamay mo." nakangisi nitong sagot. Agad na nanlaki ang aking
mga mata sa sinabi nito.
"Nasaan siya? Saan mo siya dinala? Tell me...nasaan ang
asawa ko?" seryoso kong tanong.
"I dont know! Tinulungan ko lang siya sa kaso niya at
pagkalabas nya ng kulungan tuluyan na siyang nagpaalam. Baka umuwi na sa
kanila. Baka bumalik na sa pinanggalingan niya." kaswal na sagot nito.
Gayunpaman hindi ako naniniwala. Matiim ko itong tinitigan sa kanyang mga mata
at kitang kita ang pagsisinungaling nito. Napatiim bagang ako. Mukhang
pinaglalaruan niya ako.
"Ano ang sadya mo sa kanya? Bakit kailangan mo syang
tulungan. Ilalabas ko din naman siya doon kapag mapatunayan ko na wala siyang
kasalanan. Bakit ka nakikialam sa kung anong meron kami ng asawa ko?"
tanong ko dito. Tumawa ito.
"Simple...pasyente ko siya. Ako ang nag alaga sa loob
ng dalawang araw na wala siyang malay. Sa akin niya hiniling na tanggalin ang
fetus sa kanyang sinapupunan... Hindi siya pwedeng magtagal sa kulungan
Ryder.... mahina si Ashley at pwede siyang magka-komplikasyon dahil sa ginawa
mo! Pwede syang mamatay sa loob ng kulungan dahil unpredictable ang biglaang
pagtaas ng presyon nya!"
Natigilan ako. Biglang bumaha ng hindi maipaliwanag na kaba
ang puso ko. Hindi ko akalain na may ganoong konsdisyon ang asawa ko. Healthy
siya at sa loob ng ilang buwan naming pagsasama ni hindi man lang ito
nagkasakit o kahit nagkatrangkaso.
"Sinungaling ka! Hindi ko alam kung ano ang gusto mong
palabasin. Asawa ko ang pinag-uusapan dito Lorenzo at wala akong balak na
pahirapan sya sa kulungan. Ngayung alam ko na ang totoo sa mga nangyari kay
Lola, ilalabas ko naman siya kaagad!" seryoso kong sagot dito. Agad itong
nagtaas ng kilay.
"Ganoon lang ba kadali sa iyo magpakulong ng isang
inosenteng tao? Lalo na ng sarili mong asawa? HIndi ka ba nahihiya sa sarili mo
Ryder?Isa lang ang ibig sabihin nito, wala kang tiwala sa kanya. Makasarili ka
at sarado ang utak mo sa lahat ng gusto niya!!" balik na sigaw nito.
Nakita ko kung paano manlisik ang kanyang mga mata habang sinasabi ang katagang
iyun.
"Bakit? Ano ang palagay mo sa asawa mo? Isang laruan na
kapag sawa ka na basta mo na lang itapon? Ganoon lang ba sa iyo kabilis
magpakulong ng isang kawawang babae na walang laban?" muling sigaw nito.
"Wala kang kwentang asawa! Kung may natitira ka pang
awa sa kanya, hindi mo na dapat siyang hanapin. Uuwi siya kapag gusto
niya...since hindi siya nagpapakita sa iyo, ibig lang sabihin noon sinukuan ka
na nya....."
"Isa pa hindi bat gusto mo na siyang itapon dahil
bumalik na sa iyo si Ingrid? Dapat magpasalamat ka pa nga sa akin ngayun...ako
na mismo ang naglayo sa iyo kay Ashley...Ito ang pambawi ko sa lahat ng
kasalanan na nagawa ko sa iyo...sa inyo ni Ingrid! Ako na mismo ang maglalayo
sa taong magiging hadlang sa inyong pag- iibigan...."
"Or gusto mo bang ako din ang gagastos sa annulment
niyo? Para happy together na kayong dalawa ng salot na Ingrid na iyun? Gusto mo
ba?" galit na sigaw nito. Hindi na ako nakapagpigil sinugod at sinapak ko
na ito. Kung galit ito, mas galit ako sa mga nangyari. Gusto kong ilabas lahat
ng sakit at poot na nararamdaman ko. Gumanti naman ito at pareho kaming
nagpambuno sa loob ng opisina nito. Walang gustong magpatalo sa aming dalawa.
"Awatin mo sila! Bilisan niyo!" narinig ko pa ang
sigaw na iyun bago may humawak sa akin. Gayun din kay Lorenzo. Pilit kaming
pinaghihiwalay dahil walang sino man ang gustong magpatalo sa amin.
"Ano ba ang nangyayari sa inyo? Ano ang palagay niyo,
mga teenager na basta na lang magsuntukan kung saan saan? Lorenzo, Akala mo ba
matutuwa sila Tita at Tito kapag malaman nilang ginawa mong boxing ground ang
opisina mo? Nakalimutan mo ba na isa kang Doctor at nakakahiya kapag malaman
ito ng mga staff dito sa hospital!" gigil na sigaw ni Cheska sa aming
dalawa. Kilala ko ito dahil pinsang buo ito ni Lorenzo at halos kasing edad
namin. Sa iisang university din kami pumapasok noong nag-aaral pa kami.
"Ryder! Pwede bang tumigil ka na! Kung ano man ang
problema mo, huwag mo ng idamay pa si Lorenzo. Alam mong mainit ang dugo niyo
sa isat isa pero nandito ka pa din! Umalis ka na! Ano pa ba ang gusto mong
patunayan!" gigil na wika din nito sa akin. Tinapunan ko pa ng masakit na
tingin si Lorenzo bago binalingan si Cheska.
"Sabihin mo sa pinsan mo na huwag niyang pakialaman
kung ano ang akin. Huwag siyang mapapel at mag feeling na alam niya
lahat." sagot ko dito. Napakunot ang noo nito at tinapunan ng tingin ang
pinsan.
"Kapag malaman ko na itinago mo lang si Ashley sa
akin...baka isa na sa atin ang mamaalam sa mundo sa susunod natin na
pagkikita!" gigil na wika ko kay Lorenzo.
"Wala akong pakialam Ryder! Hindi mo ako madidiktahan
sa kung ano man ang gusto kong gawin. Huwag kang mag-alala, kung sakaling nasa
mga kamay ko man ang hinahanap mo, sisiguraduhin kong hindi ko gagawin ang mga
kasamaang nagawa mo sa kanya! Hindi ko siya sasaktan at ibibigay ko sa kanya
kung ano ang makakapagpaligaya sa kanya." seryoso nitong sagot. Muli akong
natigilan.
Sa mga sinasabi nito alam kung may alam ito kung nasaan si
Ashley. Kailangan ko lang magpa-imbestiga para malaman kung saan niya ito
dinala.
"May pera ka diba? Pwede mong gamitin iyun para mahanap
mo kaagad siya! Iyun kung may concern ka pa sa kanya! Hindi na tayo
magkaibigan! Matagal ko ng pinutol ang ugnayan natin. Kaya sana ito na ang
huling pagkikita nating dalawa." muling wika nito. Hindi ko na ito sinagot
at laglag ang balikat na naglakad ako palabas ng kanyang opisina.
"Yes...I have money. Pwede kong gamitin iyun para
pa-imbestigahan ka Lorenzo. Huwag mo lang tangkain na tuluyang agawin sya sa
akin. Sisiguraduhin ko na may paglalagyan ka kapag malaman ko na muli mong
kukunin ang minsan ng naging akin." naglalaro sa aking isipan habang
naglakad palayo sa opisina nito.
Bumalik ako sa room ni Lola. Naabutan ko na sinusuri na ng
isang Doctor si Lola. Siguro ito si Doctor Santos na nabanggit ni Lorenzo
kanina. Tahimik akong naupo sa sofa habang hinihintay na matapos nito ang
ginagawang pagsusuri.
Muling lumipad ang isip ko kay Ashley. Alam kong wala akong
matinong sagot na makukuha kay Lorenzo, pero gagawin ko ang lahat para muli
siyang matagpuan. Hihingi ako ng tawad sa kanya. Aaminin ko man o hindi,
pinagsisihan ko ang mga nagawa kong kasalanan dito. Gusto kong makabawi sa
lahat ng pagkakamali na nagawa ko. Ngayun ko lang narealized na napakalaki ko
palang Gago. Nagpadalos -dalos ako ng desisyon at naging bulag ako at manhid sa
posible niyang maramdaman kapag makita niyang magkasama kami ni Ingrid.
Ah...si Ingrid...kasalanan niyang lahat ito. Kung hindi sana
siya nagbalik, masaya pa sana kaming nagsasama ni Ashley. Hindi sana mangyayari
ang ganito kalaking gulo.
"Sir, maayos na po ang kalagayan ng Lola mo. Hihintayin
lang natin na maghilom ng kaunti ang kanyang sugat sa ulo at pwede na po siyang
lumabas ng hospital." naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig kong
nagsalita ang Doctor na tumitingin kay Lola. Tulala akong tumitig dito sabay
tango.
"Gagamutin ko na din po ang sugat sa noo mo Sir. Baka
maimpeksyon iyan kung hindi malagyan ng benda."
muling wika nito. Agad kong kinapa ang noo ko. Hindi ko man
lang namalayan na napuruhan pala ako ni Lorenzo sa bahaging iyun. Wala din
akong nararamdamang sakit. Tumango na lang ako at hinayaan na ang Doctor na
gawin ang kanyang trabaho.
Pagkatapos lagyan ng benda ang noo ko at gamutin ang ilang
galos na natamo ko mula sa pakikipambuno kay Lorenzo ay agad ng nagpaalam ang
Doctor. Sumabay na din nito ang nurse na nagbabantay kay Lola kaya naiwan akong
malungkot na nakatingin sa kawalan.
"Kumusta na kaya siya? Nasaan ka na Ashley?" hindi
ko maiwasang bulong. Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang
masasaya naming pagsasama.
"LORENZO POV
'Ano naman itong ginawa mo? Bakit mo pa kasi pinatulan si
Ryder. Pwede ka naman tumawag kaagad ng security para makaiwas ka sa
kanya." bakas ang inis sa boses ni Cheska habang sinasabi ang katagang
iyun. May hawak itong ice pack at idinidiin sa nasaktan kong nanga. Napuruha
ako sa bahaging iyun at buti na lang hindi ako nalagasan ng ngipin. Kung hindi
isusumpa ko talaga ang Ryder na iyun.
"Ayaw kong masabihinan akong duwag. Kaya sa kung ano
mang pagkakataon, hindi ko aatrasan ang gagong iyun. Nasapak niya na ako
kaninang umaga at namimihasa na ang gagong iyun!' inis na sagot ko.
"Regarding kay Ashley, sabihin mo nga sa akin ang
totoo? Nasaan siya?" seryoso nitong tanong. Natigilan ako pagkatapos
tumitig dito
"Nasa bahay. Kakausapin sana kita ngayun regarding sa
kanya. Hindi ko siya pwedeng alagaan dahil sa sitwasyon ko ngayun. Alam kong
hindi titigil si Ryder at pasusundan niya ako para lang matagpuan si Ashley.
Alam kong nagdududa siya na may alam ako kung nasaan ang asawa niya. Hindi
maganda ang lagay ni Ashley at kailangan niya ng Doctor na tututok sa
kanya...makikiusap sana ako sa iyo Cheska....pwede bang ikaw na muna ang bahala
sa kanya? " mahaba kong wika dito. Natigilan ito.
"Bakit hindi mo na lang siya ibalik sa asawa niya?
Mukhang natuto na ng leksyon ang Ryder na iyun. Kahit anong mangyari, walang
may ibang karapatan kay Ashley kundi ang asawa niya lang..." sagot nito.
Natitigilan ako.
"No! mas lalong masasaktan si Ashley kapag hayaan natin
siyang bumalik kay Ryder... Walang ibang tutulong sa kanya kundi tayo
lang...Puntahan mo siya sa bahay... Tingnan mo ang sitwasyon nya pagkatapos
sabihin mo sa akin kung mali ba ang desisyon ko na tuluyan na siyang ilayo sa
gagong Ryder na iyun." seryoso kong sagot dito.
Chapter 22
RYDER JAMES SEBASTIAN POV
Halos tatlong araw pa kaming nagtagal sa hospital ng
magpasya si Doctor Santos na i-discharge na si Lola. Pwede na daw itong umuwi
at sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling at pag- inom ng gamot nito. Agad
naman akong pumayag dahil sa tatlong araw na iyun hindi ako umaalis sa tabi
nito. Personal kong inaalagaan si Lola sa hospital at hindi na din muna ako
pumapasok ng opisina.
Kapag may mga importanteng papeles akong pipirmahan,
dinadala ito ni Anthon sa hospital. Hangat maari ayaw kong mawalay sa paningin
ko si Lola. Malaki ang kasalanan ko dito at gusto kong makabawi.
Sa tatlong araw na iyun hindi na din nagpakita pa si Ingrid
sa akin. Hindi man diretsang sinasabi ni Lola alam kung may kinalaman ito sa
pagkakalaglag ni Lola sa hagdan. Si Ingrid ang naabutan ko sa taas ng hagdan
pagkalabas ko ng kwarto. Pagkatapos agad nitong sinabi sa akin na si Ashley ang
may kagagawan kaya nahulog si Lola.
Si Ashely...kumusta na kaya siya. May mga inutusan na akong
mga tao na hanapin ito. Pero wala silang makuhang maayos na lead na magtuturo
sa kinaroroonan ni Ashley. Pati si Lorenzo pinasubaybayan ko na din. Wala
namang kahina-hinala sa kilos nito. Condo-hospital lang daw ang ginagawa nito.
Pinatingnan ko na din ang condo nito pero nag-iisa lang ito
doon. Walang kahit ni isang bakas ni Ashley.
Mukhang totoo ang sinabi ni Lorenzo na pagkatapos nitong
palabasin ng kulungan si Ashley, hinayaan niya na itong lumayo.
Mukhang pati ang probensiyang pinanggalingan ni Ashley ay
kailangan ko ng ipasilip. Baka sakaling umuwi ito doon.
"Pagaling ko, pwede mo na akong ipaubaya sa home for
the aged." Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Lola. Simula ng nalaman
nito na ipinahuli ko sa mga pulis si Ashley ay hindi na ako nito kinakausap.
Masama ang loob nito sa akin.
"La, huwag kayong magsalita ng ganyan. Aalagaan ko po
kayo." sagot ko dito. Malungkot itong tumanaw sa kawalan.
"Kung may balak kang makasama si Ingrid sa iisang
bubong, hindi matatahimik ang lahat. Ayaw ko sa babaeng iyun at mas gustuhin ko
pang mamuhay ng mag-isa kaysa kasama kita Ryder." Malungkot na sagot nito.
Napansin ko din ang pamamasa ng gilid ng mga mata nito dahil sa pagpipigil na
maiyak. Parang kinurot ang puso ko sa nakikitang paghihirap ng kalooban ni
Lola. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
"Hindi mangyayari iyun La. Hayaan mo gagawin ko ang
lahat para muling bumalik si Ashley sa bahay."
malumanay kong sagot. Hindi na nito napigilan pa ang pagtulo
ng luha sa mga mata.
"Huwag mo ng pilitin pa ang sarili mo na sundin ang
gusto ko apo. Malaya ka ng makapagdesisyon sa gusto mong mangyari sa buhay mo.
Kung si Ingrid talaga ang gusto mo, hindi na kita pipigilan. Pero huwag mong
asahan na makakasama mo pa ako. Mas gustuhin ko pang tumira sa home for the
aged kaysa makasama ko sa iisang bubong ang babeng iyun. Malaki ang kasalanan
niya sa akin at dahil gusto mo siya, palilipasin ko ang ginawa niyang
kasalanan. Iisipin ko na lang na aksidente ang pagkakalaglag ko sa hagdan."
seryoso nitong sagot. Naitigilan ako. Alam kong may laman ang sinabing iyun ni
Lola. Wala ngang kasalanan si Ashley sa mga nangyari. Nakaramdam ako ng
matinding guilt.
Pareho kaming tahimik habang binabaybay namin ang hallway ng
hospital. Diretso kami sa parking at agad kaming sinalubong ng driver. Si
Manong Rado. Kasama nito si Manang Lorna...ang matagal na naming kasambahay.
Agad silang tumulong para maisakay namin sa sasakyan si Lola.
Tahimik kaming lahat habang tinatahak namin pauwi ng bahay.
Walang sino man ang gustong magsalita. Lahat nakikiramdam. Ipinikit ko ang
aking mga mata. Parang ngayun pa lang naramdaman ng katawan ko ang matinding
pagod. Ilang araw na akong walang matinong tulog at pakiramdam ko nanghihina
ako. Mukhang kailangan ko ang mahabang pahinga para makabawi ng lakas.
Pagadating ng bahay ay agad na nagrequest si Lola na
iderecho na siya ng kwarto. Agad naman namin sinunod ang hiling nito. Hinalikan
ko muna ito sa noo bago ko tuluyan itong iniwan sa pangangalaga ni Manang
Lorna. Gusto kong matulog muna. Tsaka ko na lang ulit kakausapin si Lola.
Pagkatadating ko sa pintuan ng kwarto ay nagulat pa ako ng
may nakita akong isang paper bag sa gilid nito. Nagtataka kong pinulot ito at
tiningnan kong ano ang laman sa loob. Nagulat pa ako ng agad kong mapansin ang
isang bag. Kilala ko kung kanino ito at walang iba kundi kay Ashley. Agad na
bumaha ang hindi maipaliwanag na damdamin sa puso ko ng titigan ko ang paborito
nitong bag.
"Naiwan po iyan ni Mam Ashley. Nakita ko lang po iyan
sa ibaba ng hagdan kaya inilagay ko po diyan para makita niyo kaagad."
wika ni Manang Lorna. Tumitig ako dito tsaka tumango. Pagkatapos malungkot kong
binuksan ang pintuan ng kwarto.
Agad na tumampad sa mga mata ko ang tahimik na kabuuan ng
kwarto. Malungkot akong napangiti pagkatapos dahan-dahan akong naupo sa kama.
Inilabas ko ang laman ng paper bag at nagulat pa ako sa mga nakita.
Mga gamot ang laman. May ilang gatas din para sa
pagbubuntis. Napakunot ang aking noo dahil sa mga nakita. Isang hinala ang
nabuo sa aking isipan lalo na ng basahin ko ang nakasulat na discription sa
kahon ng gamot. Mga vitamins ito para sa pagbubuntis. Kung ganoon posibleng
hindi pinalaglag ni Ashley ang bata sa kanyang sinapupunan. Hangang ngayun
dinadala pa rin nya ang aming baby?
Hindi ko maiwasan na sumilay ang malungkot na ngiti sa labi
ko. Para akong nauupos na kandila.. Hindi ko maiwasan na tumulo ang aking luha.
Kung hindi sana ako nagpapadalos- dalos ng desisyon, nandito sana si Ashley sa
tabi ko ngayun.
Kung kailan naman malapit na kaming magkaanak, nangyari
naman ang bagay na ito. Hindi ko akalain na sa isang iglap bigla itong maglaho
na parang bula. Hindi ko akalain na masasaktan ako ng ganito sa mga nangyari sa
amin. Aaminin ko man o hindi, pero malaking bahagi ng pagkatao ko ang
pakiramdam ko biglang nawala sa akin. Kasabay ng pagkawala ni Ashley ang hindi
maipaliwanag na kalungkutan na sa kauna-unahang pagkakataon bigla kong
naramdaman. Pakiramdam ko nawalan ng saysay ang lahat sa akin.
Unang beses kong naranasan ang ganitong klaseng pakiramdam.
Hindi ko ito naranasan ng takasan ni Ingrid ang kasal namin. Oo, nasaktan ako
noong mga panahon na iyun pero bakit mas masakit ang pakiramdam ko ngayun.
Dahil ba natatakot ako na tuluyan na itong mawala sa akin? O natatakot ako sa
kaalaman na magkakaanak na kami at posibleng habang buhay niya akong kamuhian?
Naikuyom ko ang aking mga kamao. Sa totoo lang, hindi ko
alam kung paano mag-umpisa ulit sa buhay. Kung hindi lang siguro dahil kay Lola
mas gusto ko na munang magmukmok at hayaan na lumipas na muna ang mga araw.
Gusto kong itoon ang buong attention sa paghahanap kay Ashley. Gusto kong
personal itong hanapin at humingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan ko.
Pero mukhang wala na itong balak pang bumalik. Mukhang
pinagtataguan niya na ako. Masakit....sobrang sakit. Kung ito man ang karma na
tinatawag nila, mahirap harapin. HIndi ko alam kung paano malalagpasan ito.
THIRD PERSON POV
"Ashley, kumusta ka?" tanong ni Doc. Cheska habang
hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanyang inaalagaang pasyente. Ang bilis
lumipas ng mga buwan. Malaki na ang tiyan nito at katulad noong mga nakalipas
na araw hindi pa din ito nagsasalita.
"Magpakatatag ka. Malapit mo ng makita ang baby mo at
hindi pwedeng ganiyan ka." muling wika nito. Hinawakan niya pa sa mukha si
Ashley at tinitigan sa mga mata.
"Kausapin mo naman ko. Isa akong kaibigan at hindi kita
sasaktan. Balita ko pinapahanap ka pa din daw ni Ryder. "muling wika nito.
Nagulat pa siya ng mapansin niyang biglang kumurap si Ashley pagkatapos tumitig
sa kanya. Agad na nabuhayan ng loob si Doc Cheska. Masaya itong napangiti lalo
na ng mapansin niyang nag-uunahan sa pagtulo ang luha sa mga mata nito.
"No...ayaw ko! Sasaktan niya ako...ang baby
namin." wika nito. Sa kauna- unahang pagkakataon bigla itong nagsalita.
Walang pagsidlan ng tuwa naman ang nararamdaman ng mabait na Doctora
"Huwag kang mag-alala. HIndi ka na nya mahananap pa.
Gagawin namin ang lahat para maportektahan ka."
sagot nito. Agad naman pinunasan ni Ashley ang kanyang luha
at tinitigan si Doc Cheska.
"Sigurado ka? Baka ibalik nya ako sa kulungan. Baka
saktan niya ako pati na din ang baby namin. Ayaw ko na sa kanya. Masama siyang
tao." muling wika ni Ashley na halata sa boses nito ang takot. Agad naman
itong hinawakan ni Doc. Cheska sa dalawang kamay at tinitigan.
"Hindi mangyayari iyun. Ipinapangako ko, gagawin namin
ni Doc. Lorenzo ang lahat maprotektahan ka lang...kayo ng baby mo. Kaya ngayun
pa lang magpalakas ka. Dapat ready ka sa nalalapit mong panganganak."
sagot nito. HIndi naman maiwasan ni Ashley na kapain nito ang malaking umbok ng
kanyang tiyan.
*
Pakiramdam ko galing ako sa mahimbing na pagtulog. Mas gusto
ko ang nararamdamang kapayapaan ngayun. Malayo sa sakit at sama ng loob.
Tinitigan ko ang kaharap ko. Hindi ko maiwasan na magtaka
dahil si Doc Cheska ang kaharap ko. Ang huli kong natatandaan nasa loob ako ng
presento.
Ipinakulong ako ni Ryder sa kasalanang hindi ko ginawa.
Muling nanariwa sa isip ko ang lahat. Halos gumuho ang lahat
sa akin lalo na ng mapansin ko na mukhang tuluyan na silang nagsama ni Ingrid.
Parang gusto ko na lang mamatay ng mga sandaling iyun.
Halos hindi maubos ang luha ko sa aking mga mata ng tuluyan
na akong ipasok sa loob ng selda. Hindi man lang naisip ni Ryder na dinadala ko
ang baby namin sa sinapupunan ko. Kung alam ko lang na mangyayari sa akin ang
bagay na iyun hindi na lang sana ako muling nagpakita pa sa kanya. Sana tuluyan
na akong lumayo sa kanya at hayaan na lang silang magsama ni Ingrid.
Hindi ko maiwasan na muling maisip si Lola Agatha. Kumusta
na kaya siya? Sana ayos lang siya. Muling akong napukaw sa malalim na pag-iisip
ng muling magsalita si Doc Cheska.
"Nandito ka sa bahay ni Lorenzo sa Mandaluyong. Ngayung
maayos ka na hintayin na lang natin na makapanganak ka dahil dadalhin ka namin
sa Japan. Doon ka muna hangang tuluyan kang gumaling mentally at
emotionally." agad na naputol ang iniiisip ko ng muling nagsalita si Doc
Cheska. Iginala ko ang paningin sa paligid. Nasa isang maluwang na silid ako.
Malayo sa huling lugar na kinasadlakan ko. Kinapa ko ang aking tiyan at nagulat
pa ako dahil malaki na ito. Nakatulog ba ako ng ilang buwan?
"BA-bakit biglang lumaki ang tiyan ko?
"hindi ko maiwasan na tanong kay Doc Cheska. Muli itong
napangiti.
"Ilang buwan kang wala sa sarili mo Ash. Simula ng
inilabas ka sa kulungan ng pinsan ko hindi ka na nagsasalita. Nakatulala ka
lang. Siguro masyado kang natrauma sa mga nangyari sa iyo. " sagot nito.
Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito. Wala akong matandaan sa lahat ng
sinabi nito. Parang galing lang ako sa mahimbing na pagtulog.
Malungkot akong tumitig sa kawalan at hindi ko maiwasan na
mapangiti habang hinihimas ko ang aking tiyan. Kung ganoon malaki ang utang na
loob ko sa kanila. Sila ang tumulong sa akin noong mga panahon na pakiramdam ko
katapusan na ng mundo.
Chapter 23
SEVEN YEARS LATER
RYDER POV
Tahimik akong nakatitig sa kawalan. Seven years ang mabilis
na lumipas pero hindi man lang nabawasan ang sakit ng kalooban na nararamdaman
ko ngayun. Hindi ko akalain na kinaya kong harapin ang buhay na wala si Ashley.
Tinanggap ko na sa sarili ko. Huli na ng narealized ko kung
gaano pala ito kahalaga sa akin. Kung kailan inamin ko na sa sarili ko na mahal
na mahal ko na sya tsaka naman siya naglaho na parang bula. Wala man lang
siyang iniwan na kahit kaunting bakas.
Personal ko na din pinuntahan ang probensiyang pinaggalingan
niya. Pero ayun sa mga napagtanungan ko hindi nagagawi sa lugar nila si Ashley.
Lumuwas daw ito ng Maynila pagkatapos makagraduate sa kursong Accountancy at
hindi pa umuuwi.
Mahirap nga hanapin ang isang taong ayaw magpahanap. Araw
araw akong nagdurusa sa ginawa ko dito. Kung alam ko lang na mangyayari ito
hindi sana ako nagpadalos-dalos ng desisyon noon.
Aminado akong kasalanan ko ang lahat. Walang ibang dapat
sisihin sa mga nangyayari sa akin ngayun kundi sarili ko lang. Ipinagdarasal ko
na lang na sana muling magkrus ang landas namin balang araw. Sa ngayun wala
akong choice kundi ipagpatuloy ang buhay dahil nandyan pa si Lola na umaasa sa
akin.
Wala na akong balak pang tumingin sa ibang babae. Umaasa ako
na magkikita pa din kami ni Ashley at maipagpatuloy ang naumpisahan na naming
pagsasama. Wala kong pakialam kung gaano katagal iyun pero handa akong
maghintay.
*
*
ASHLEY POV
"Mama! Mama!" napalingon ako sa sigaw na iyun.
Nandito ako sa likod ng bahay at abala ako sa pagtipa sa aking laptop. Agad
akong napalingon at unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi ng masilayan ko
ang tumatakbo kong anak na si Charles Allen. Hindi ko naman maiwasan ang agad
na mapatayo at salubungin ito. Umupo ako at inuunat ko ang dalawa kong kamay
para yakain ito.
"Baby!" wika ko at agad itong niyakap. Pinupog ko
pa ng halik ang pisngi nito tsaka tinitigan ang kanyang mukha.
"How is your School baby? Nakinig ka ba ng maayos kay
teacher?" nakangiti kong tanong dito. Agad itong tumango.
"Yes Mama. Teacher said, very good daw ako!"
nakangiti nitong sagot.
"Mabuti naman kong ganoon anak. Basta mag-aral ng
mabuti ha?" sagot ko naman. Nakangiti itong tumango at hinawakan ako sa
kamay.
"Papa Lorenzo said na magbabakasyon daw tayo sa
Pilipinas after school year. Excited na ako Ma. May mga Filipino classmates ako
ang they said maganda daw sa Pinas." wika nito. Napangiti naman ako at
muli itong tinitigan.
"yes...pero ilang month lang tayo doon. Babalik din
kaagad tayo dito sa Japan dahil nandito ang work ni Mama."
nakangiti kong sagot dito. Agad itong tumango. Pagkatapos ay
tumitingala ito sa akin at matamis akong nginitian. Agad naman akong yumuko at
pinanggigilan ang mukha nito.
Ano nga ba ang nangyari bago ako napunta dito sa Japan?
Well, after kong naipanganak si Charles Allen agad na inayos ni Lorenzo at
Cheska lahat ng mga travel documents ko. Hindi naman sila nahirapan dahil
maraming koneksyon ang kanilang pamilya. Noong mga unang taon namin ni Baby
Charles ay kasama ko pa si Cheska dito. Pero nang mapansin nito na maayos na
ako ay nagpasya itong muling bumalik ng Pilipinas para bumalik sa pagiging
Doctor doon. Maraming umaasang pasyente dito at hindi ito pwedeng magtagal dito
sa Japan para samahan ako.
Three years old si Charles ng sinubukan kong mag- apply ng
trabaho. Sakto naman ng nakapasok ako sa isang kilalang shipping company dito
sa Japan. Malaki ang offer na sahod at sobra-sobra ito sa lahat ng
pangangailangan namin ng anak ko. Wala namang problema dahil kasama ko naman si
Yaya Saling. Siya ang nag-aalaga kay Charles kapag nasa trabaho ako.
Malaki ang pasasalamat ko kay Lorenzo dahil hindi ako nito
pinabayaan. Kahit abala ito sa Pilipinas hindi nito nakakalimutan na kumustahin
kami dito sa Japan. Minsan ko na din nakilala ang mga magulang nito at katulad
ni Lorenzo maayos ang pakikitungo nila sa akin. Akala pa nga nila anak si
Lorenzo si Charles. Pero nang ipinaliwanag naman sa kanila ang sitwasyon ko
naintindihan naman nila ang lahat.
Gayunpaman hindi pa rin maiwasan na naging malapit ang loob
nila sa anak kong si Charles.
Hangat maaari wala na sana akong plano pang bumalik ng
Pilipinas. Pero muli kong naisip sila Nanay at Tatay.
Matagal na panahon na din na hindi na ako nakauwi sa amin.
Naputol na din ang communication ko sa kanila. Miss na miss ko na sila at isa
ito sa mga dahilan kaya pumayag akong bumalik ng Pilipinas. Kahit saglit lang.
"Mama, I said I am hungry na!"
naputol ang pagmumuni-muni ko ng muli kong narinig ang boses
ni Charles. Nakatitig ito sa akin. Hindi ko maiwasan na mapailing dahil habang
lumalaki nakukuha nito ang hitsura ng kanyang ama. Si Ryder James Sebastian.
Ang lalaking halos sumira ng buhay ko.
"Ok...nagluto kami kanina ni Nanay Saling ng favorite
mo.' nakangiti kong wika dito. Agad na nanlaki ang mga mata nito dahil sa tuwa.
"Spaghetti and Fried chicken?" excited na tanong
nito. Natawa ako at hinila na ito papasok sa loob ng bahay. Direcho kami ng
kitchen at kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata ng tumampad sa harap nito
paborito nitong pagkain.
"Wow! I love it!" bulalas pa nito. Natawa na lang
ako. Pagkatpos ay sinalinan ko na ng pagkain ang kanyang pinggan
"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya baby?" tanong
ko dito habang pinagmamasdan itong kumakain.
"Saan tayo pupunta?" inosenteng tanong nito.
Sandali akong nag-isip.
"Bibili ng pasalubong kina Lola at Lola mo. Pati na din
kina Tita at Tito mo." sagot ko dito. Sandali itong nag-isip tsaka tumitig
sa akin.
"Lola Arnulfo and Lola Susan?" tukoy nito sa mga
magulang ni Lorenzo. Agad akong umiling.
"No! Sa Nanay at Tatay ko. Makikilala mo na sila
pag-uwi natin ng Pilipinas.
" sagot ko dito ng hindi mapigilan ang mapaluha. Kung
alam lang nito na ilang taon kong tiniis ang pagnanais na muli silang makita at
makasama. Napansin ko naman ang pagtitig ng anak ko kaya agad kong pinunasan
ang luha sa aking mga mata.
"Sure Mommy. Sasama po ako."
nakangiti nitong sagot. Pero napansin ko ang pagtataka sa
hitsura nito. Nagulat marahil ito sa pagluha ko. Gayunpaman hindi na ito
nagtanong sa akin. Alam kong matalino ang anak ko at sa edad nyang ito ay
advance na itong mag-isip. Isa pa nasanay na din siguro ito na nakikita akong
palaging umiiyak. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga maiwasan na mapaluha.
Lalo na kapag maalala ko ang masalimoot kong mga pinagdaanan. Gayunpaman
pinipilit kong maging matatag. Hindi ra sa sarili ko. Kundi para sa anak ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Namalayan ko na lang na lulan na kami ng eroplano pauwi ng
Pilipinas. Wala namang problema dahil nangako si Lorenzo na susunduin niya kami
sa airport.
Pagkalabas pa lang namin ng airport ay agad kong nakita ang
nakangiting si Lorenzo. Nagulat pa ako ng biglang tumakbo dito si Charles
habang sumisigaw ng "Papa".
"Papa Lorenzo, I miss you so much!" wika pa nito
sabay yakap dito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa inasal
ng anak ko.
"I miss you too baby Charles..Kumusta ang Japan?"
nakangiti nitong sagot at agad na kinarga ang anak ko.
"Hayy naku, ibaba mo siya. Mabigat na ang batang iyan
at ang hilig pa rin magpakarga." wika ko ng makalapit ako sa kanila.
Nakasunod naman sa akin ang nakangiting si Yaya Saling.
Ngayung nandito kami sa Pilipinas, pansamantala muna itong
uuwi sa bahay ni Lorenzo sa Mandaluyong.
"Kumusta ka na? Mukhang hiyang ka talaga sa Japan ah?
Ang laki ng ipinagbago mo." nakangiti nitong wika sa akin. HIndi ko naman
maiwasan na muling matawa.
"Hmmmpp para namang ngayun lang tayo ulit nagkita.
Halos taon-taon kang nagbabakasyon doon at kung makapagsabi naman na malaki ang
ipinagbago ko parang ngayun mo lang ako nakita sa loob ng pitong taon."
reklamo ko dito. Napahalakhak naman ito sabay titig sa mukha ko
"Hindi ko lang akalain na muli ka pa lang aapak ng
Pilipinas Ash. Noon kasi halos isumpa mo ang bansang ito."
sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Depress pa ako noon noh? Puno pa ng sakit ang puso ko
kaya nasabi ko ang bagay na iyun." sagot ko naman. Napailing na lang ito
at sinenyasan nito ang kasamang lalaki na kunin ang mga bagahe namin.
Pagkatapos sumunod na kami dito at isa-isang ikinarga na ang aming mga dala sa
kotse.
"Gusto sana nila Mommy na sa bahay ka na muna
dumirecho. Miss na miss na daw nila si Baby Charles...alam mo naman ang mga
magulang ko, parang apo na ang turing nila sa anak mo." nakangiting wika
ni Lorenzo. Hindi ko naman maiwasan na mapaisip. Pagkatapos ay agad akong
umiling.
"Sa pagbalik na lang namin ng probensya kami dadalaw sa
kanila Enzo." maikli kong sagot dito. Baka kasi ma-delay pa ang uwi namin
ng probensya kung sa bahay pa nila kami didirecho. Nakita ko kung gaano nila
kagustong makasama si Charles.
Palibhasa wala pa silang apo kaya halos ituring nilang
kadugo ang anak ko.
"Ok... sa condo muna tayo. Bukas na lang kayo babyahe
pauwing probensya. Mas maiging magpahinga muna kayong dalawa ni Charles dahil
alam kong pagod kayo sa byahe." wika nito. Agad naman akong tumango. Isa
pa nag -iipon pa din ako ng lakas sa muling paghaharap namin ng mga magulang
ko. Kumusta na kaya sila? Galit kaya sila sa akin?
"Hindi mo na kailangang samahan kami sa probensya Enzo.
Kaya na namin mag-ina bumyahe papunta doon." wika ko pagkadating namin ng
condo. Napansin ko kasi ang mga traveling bag sa sulok at mukhang ready ng
samahan kami sa aming byahe bukas.
"Nakapangako na ako sa iyo noon pa Ash. Sasamahan kita
kahit saan ka magpunta kapag nandito ka na sa Pilipinas. Ito na din ang
magiging bakasyon ko pagkatapos ng ilang taon na na pagtatrabaho sa hospital.
Nakapagpaalam na ako kina Mommy at Daddy at pumayag naman sila basta umattend
daw kayo sa kanilang wedding anniversary." nakangiti nitong wika. Wala na
akong nagawa pa kundi tumango na lang. Alam kong hindi na magbabago pa ang isip
ni Lorenzo.
Hindi nagbago ang pagtrato nito sa paglipas ng taon. Hindi
ako sinukuan at sinigurado nitong maayos ang kalagayan namin sa Japan. Hindi
man ito ang personal na nag-alaga sa akin pero ramdam ko ang kanyang
pakikisimpatiya sa mga nangyari sa akin. Sinigurado din nito na maayos na ang
aking kalusugan bago pinauwi ng Pilipinas si Doc. Cheska. Malaki ang
pasasalamat ko sa kanila dahil hangang ngayun nandyan pa rin sila at lagi akong
isinisingit sa kanilang schedule.
Nagkaroon din ng father figure si Charles dahil kay Lorenzo.
Mas higit pa sa isang anak ang turing nito sa anak ko na siyang labis kong
ipinagpasalamat. Hindi ko maiwasang malungkot ng sumagi sa isip ko si Ryder.
Kumusta na kaya siya? Siguro may mga anak na din sila ni Ingrid ngayun. Simula
ng pinakulong ako nito noon hindi na ako nagtangka pang makibalita tungkol sa
kanila. Gusto ko ng magmoved on at ayaw ko ng dagdagan ang sakit ng kalooban na
nararanasan ko noon.
Mabilis na lumipas ang oras. Namalayan ko na lang na sakay
na kami ng sasakyan ni Lorenzo at tinatahak na namin ang daan pauwi ng
probensya. Halos limang oras din ang aming byahe kaya hindi ko maiwasan na
makaramdam ng pagod. Gayunpaman excited ako sa muling paghaharap namin ng
pamilya ko.
Nang makapasok kami sa Barangay namin hindi ko maiwasan na
mamangha sa aking nakikita ko. Malaki na ang ipinagbago at sumabay din ang
lugar namin sa pagbabago ng panahon. Halos wala na ang payak na pamumuhay ng
Sta. Ines. May mga nakikita na akong malalaking istraktura.
"Saan dito ang bahay niyo Ash?" pukaw sa akin ni
Lorenzo. Agad kong iginala ang tingin sa paligid. Sa laki ng ipinagbago ng
lugar namin halos hindi ko na maalala ang daan papunta sa amin.
"Ihinto mo muna ang sasakyan sa tabi Manong." agad
na wika ko sa driver ni Lorenzo. Agad naman itong tumalima at kaagad akong
bumaba ng makita ko ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalasada. Agad kong
tinawag ang pangalan nito.
"Natalia?" tawag ko. Agad itong lumingo sa akin at
kita ko ang pagkagulat sa mukha nito ng titigan ako.
"Ate Ashley?" tanong nito. Agad akong lumapit dito
at niyakap ito.
"Ate...ikaw nga?" wika nito kasabay ng pag-iyak.
Hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak habagn mahigpit ko itong niyakap.
"Bakit ngayun ka lang umuwi? Saan ka ba galing?"
wika nito ng mahimasmasan ito. Kumalas pa ito sa akin at tinitigan ako sa
mukha.
"Im sorry. mahabang kwento." maluha -luha kong
sagot ko kay Natalia. Ang bunso kong kapatid.
"Kumusta na? Si Nanay at Tatay? Miss na miss ko na
sila..miss na miss ko na kayo." wika ko habang humihikbi.
"Sa bahay na lang tayo mag-usap Ate. Kahit asensado na
ang lugar natin marami pa ring tsismoso at tsimosa dito." sagot nito.
hindi ko naman maiwasan ang matawa. Pagkatapos ay niyaya ko na ito sa sasakyan
para makilala din nito si Lorenzo pati na din ang kanyang pamangkin na si
Charles,
Chapter 24
ASHLEY POV
"Diyos ko! Ashley anak, ikaw na ba iyan! Salamat sa
Diyos at nagbalik ka na!" Narinig kong sigaw ni Nanay Luz habang papasok
kami ng bakuran. Hawak ko sa kanang kamay si Charles at agad ko itong nabitawan
ng makita ko na nagmamadaling naglakad pasalubong sa amin si Nanay Luz habang
nakasunod naman dito si Tatay Boyet.
"Nay.." umiiyak kong wika at agad na yumakap ng
makalapit na ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pag- uunahan sa pagpatak ang
luha sa aking mga mata. Sobra ko silang namiss.
"Anak...salamat sa Diyos at nandito ka na! Salamat at
muli kang nagpakita sa amin." wika naman ni Nanay habang umiiyak at
naramdaman ko pa ang paghaplos nito sa likod ko.
"Sorry po...sorry!" wika ko dito. Naramdaman ko
naman ang paglapit ni Tatay kaya kumalas na muna ako dito at hinarap si Tatay.
Nakita ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hindi
ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko ito. Ilang ulit akong bumulong na
taos pusong kapatawaran sa kanya.
"Anak, wala kang kasalanan. Ang importante nandito ka
na! Nagbalik ka na panganay ko!" Wika nito at ramdam ko ang pagpipigil
nito ng emosyon. Ilang minuto din akong umiyak sa balikat nito habang
paulit-ulit na sinasambit ang katagang 'sorry'.
Nang mahimasmasan ay kusa na akong kumalas dito. Pagkatapos
ay binalingan ko ang aking anak na si Charles pati na din si Lorenzo na tahimik
lang na nakamasid sa amin. Napabaling naman ang attention nila Nanay at Tatay
sa dalawa kong kasama kaya nilapitan ko ang aking anak.
"Nay, Tay...gusto ko pong makilala niyo siya. Ang apo
niyo...si Charles Allen!" wika ko sa kabila ng paghikbi. Nakita ko pa ang
pinaghalong pagkagulat at tuwa sa mga mata nila Nanay at Tatay at agad nilang
nilapitan ang kanilang apo. Tumingin pa sa akin ang anak ko tsaka ako tumango.
Agad naman itong lumapit kila Nanay at Tatay at nagmano. Nakita ko ang pagtulo
ng luha sa mga mata ni Tatay habang nakatitig kay Charles.
"May apo na kami? Diyos ko! Ang gwapo ng apo ko!"
Sambit ni Tatay at agad na kinarga si Charles. Lalo naman akong naluha sa
ginawa ng ama ko. Naramdaman ko pa ang pag-akbay sa akin ni Lorenzo kaya
nakangiti ko itong binalingan. Malaki ang utang na loob ko dito. Kung hindi sa
kanya, hindi ko sana masisilayan ang masayang tagpo na ito. Tinulungan niya
akong makabangon noon mula sa pagkakalugmok. Kaya habang buhay ko itong
ipagpapasalamat sa kanya.
"Siya ba ang asawa mo anak?" napukaw ako sa
pag-iisip ng muli kong narinig ang boses ni Nanay. Tumingin ako dito tsaka
umiling.
"Si Lorenzo Nay. Isang mabait na kaibigan. Sya ang
gumagabay palagi sa amin ni Charles. Nandyan siya kapag kailangan namin
siya....Lornezo, si Nanay at Tatay...sila ang isa sa mga dahilan kung bakit
pinili kong bumalik ng Pilipinas." pagpapakilala ko sa kanila. Napansin ko
ang pagtataka sa mukha ni Nanay habang nakatitig kay Lorenzo.
"Hi-hindi siya ang Tatay ng apo namin?" narinig
kong tanong ni Tatay Boyet. Nakangiti akong umiling.
"Ninong po sya ni Charles Tay. Isang kaibigan na
handang protektahan kami kahit kanino." sagot ko naman.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala Tay, Nay. Ako po
ang Doctor at kaibigan ni Ashley." nakangiti nitong wika. Nanlaki ang mga
mata ni Nanay at muling bumaling sa akin.
"Doctor? Bakit may sakit ba ang anak ko?" tanong
ni Nanay. Agad naman kaming umiling.
"Wala po Nay. Ang ibig pong sabihin ni Lorenzo, Doctor
po siya at magkaibigan kami." sagot ko. Agad naman itong napatango at
binalingan ulit ang apo nito. Samantalang tahimik lang na nakamasid sa amin si
Natalia.
"Ate...marami kang dapat na ipaliwanag sa amin. SAan ka
ba nagpunta? Alam mo bang sobrang nag- alala kami sa iyo?" wika nito.
Nakangiti ko naman itong binalingan.
"Mahabang story Natalia. Pero hayaan mo kapag may time
ako ikikikwento ko sa inyo ang lahat. Siya nga pala... nasaan si Andrew?"
tukoy ko sa isa ko pang kapatid.
"Nasa Dubai siya Ate. Doon na sila nakatira kasama ng
kanyan asawa at anak." sagot ni Natalia. Nagulat naman ako.
"Kung ganoon kayong tatlo na lang ang nakatira dito sa
bahay?" tanong ko at tiningnan ang two story house namin. Katas ito sa ten
million na ibinayad sa akin noon ni Madam Agatha. Agad na tumango si Natalia.
"Oo Ate. Tiyak na matutuwa iyun kapag malaman niyang
umuwi ka na." sagot nito. Pagkatapos ay napansin ko ang pagtitig nito kay
Lorenzo.
"Ate..alam mo bang may mga kalalakihan na naghahanap sa
iyo dito noon? Kaya nga sobrang nag-alala kami sa kalagayan mo. Akala talaga
namin napahamak ka na." nagulat pa ako sa sinabing iyun ni Natalia.
Napasulyap ako kay Lorenzo. Agad kong nakita ang pagseryoso ng mukha nito at
tumitig kay Natalia
"Bakit daw nila hinahanap si Ashley? At kailan
iyun?" tanong nito. Sandaling nag-isip si Natalia bago sumagot.
"Actually matagal na iyun. Mga six or seven years na
ang nakalipas. Kaya nga halos hindi kami makatulog ng mangyari iyun. Sinubukan
din namin na lumuwas ng Manila para hanapin siya pero bigo kami. Ano ba ang
nangyari? Bakit parang may sekreto kang tinatago sa amin Ate?" tanong ng
nagtatakang si Natalia. Hindi ako nakaimik.
"Hayy naku, tama na nga muna iyan. Pumasok na muna tayo
sa loob para makakain na muna sila. Isa pa alam kong pagod sila sa byahe kaya
tama na muna ang tanong na iyan Natalia." sabat naman ni Nanay. Napansin
marahil nito ang pag-aalangan sa mukha ko. Pagkatapos ay sinulyapan ko ang
aking anak na tahimik lang habang nakahawak sa kamay ni TAtay
Agad naman kaming pumasok sa loob ng bahay. Wala pa ring
pinagbago sa loob nito. Kung ano ang iniwanan ko noon ganoon pa rin hangang
ngayun,
"Uutusan ko ang caretaker natin sa nabili nating maliit
na lupa sa bukid na magpadala ng mga native na manok dito sa bahay anak. para
naman may maiulam kayo mamaya. Sa ngayun pagpasensyahan niyo na muna kung anong
meron dito sa ref." wika ni Nanay habang binubuksan ang ref. Naglabas ito
ng sofdrinks at kakanin. Agad naman akong ngumiti.
"huwag mo kaming alalahanin Nay. Kumain na kami bago
dumiritso dito sa lugar natin." sagot ko naman at nagsalin ng tubig sa
baso. Inabutan ko ng tubig si Lorenzo na agad naman nitong tinaggap.
Nagiging maayos naman ang aming pagbabakasyon sa probensya.
Unti- unti kong ipinaliwanag kina Nanay ang mga nangyari sa akin. Wala akong
pinalagpas na kahit na isang detalye. Nakita ko pa kung paano sila
nakikisimpatiya sa naging kalagayan ko sa Manila. Sa mga kamay ni Ryder.
Alam kong nagalit sila ng husto doon sa puntong ikinuwento
ko sa kanila na minsan na akong ipinakulong ng lalaking pinakasalan ko noon.
Gayunpaman sinabi ko sa kanila na kalimutan na ang lahat. Matagal ng nangyari
iyun at ayaw ko ng magkimkim ng poot sa puso ko. Baka nga nakalimutan na din
ako ni Ryder kaya dapat lang na ibaon na sa limot ang lahat. Ang importante
masaya kami ngayun ng anak ko. Nakabalik na ako sa aking pamilya at ayos na
iyun.
"Ang pogi niya Te noh?" hindi ko maiwasan na
mapangiti ng marinig ko ang pabulong na wika ni Natalia. Nandito kami sa tabing
dagat habang pinapanood namin ang naliligong si Charles at Lorenzo.
"Crush mo?" tanong ko. Agad kong napansin ang
pamumula ng pisngi nito. Pagkatapos ay umiling.
"hmmmm...huwag ka ng magdeny. Alam kong unang kita mo
pa lang kay Lorenzo crush mo na sya." sagot ko naman sabay tawa.
"hanggang doon lang naman Te. Alam kong may gusto siya
sa iyo dahil kitang kita ko sa mga mata niya kapag tinitigan ka nya."
sagot nito. Natigilan naman ako.
"Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Isang
mabuting kaibigan. Sa dinami-dami ng pinagdaanan ko, nandyan siya palagi sa
tabi ko. Hindi niya ako iniiwan." sagot ko. Pagkatapos ay tumitig ako sa
malayo.
"Mahal mo pa rin ba siya?" tanong nito. Agad naman
napabaling ang tingin ko dito. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin.
"Sino?" tanong ko.
"Siya...ang ama ni Charles." seryoso nitong
tanong. Hindi ako nakaimik.
"Gwapo si Lorenzo...sa ilang araw na pananatili niyo
dito sa probensya, napansin ko kung paano kayo alagaan ni Charles..kung hindi
mo siya natutunang mahalin sa haba ng panahon na magkakakilala kayo, ibig lang
sabihin noon na mahal mo pa rin ang ama ni Charles. Hangang ngayun siya pa rin
ang nagmamay-ari sa puso mo kaya walang sino man ang pwedeng pumasok
dyan." mahaba nitong wika. Hindi ko naman mapigilan na mapakurap. Naitapat
ko pa ang kanang kamay ko sa dibdib ko.
"Hanggang doon na lang kami Natalia. Kung may
nararamdaman man ako sa kanya hangang ngayun siguro hindi na maalis iyan.
Malaking bahagi ng pagkatao ko ang ninakaw niya. Ama siya ni Charles kaya kahit
anong gawin ko hindi siya maalis-alis sa isip ko." malungkot kong sagot.
Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga.
"Sayang...sana kasama mo ako noong mga panahon na
nagdusa ka sa kamay niya. SAna nadamayan man lang kita." malungkot nitong
sagot. Agad ko naman itong hinawakan sa kamay.
"Sarili kong laban iyun Natalia. Nagpakasal ako sa
kanya dahil sa ten million. Kaya sakto lang din siguro na kabayaran iyun sa mga
paghihirap ko sa kamay nya. At least ngayun, wala na tayong utang na loob sa
kanya. Iniahon tayo ng perang iyun sa kahirapan. Ayaw ko ng magdamdam pa. Gusto
ko ng kalimutan ang lahat." malungkot kong sagot.
"Grabe ang naging kapalit ng perang iyun Ate. Halos
sirain niya buo mong pagkatao. Kaya malaki ang paghanga ko kay Lorenzo. Kung
sakaling muling buksan mo man ang puso mo...sana siya na lang. Si Lorenzo na
lang sana Te. " sagot nito. Natigilan ako. Pagkatapos ilang beses akong
umiling.
"Natalia, hindi ako bagay kay Lorenzo. Mabuti siyang
tao at may mas karapat- dapat na babae ang darating para sa kanya." sagot
ko. Hindi ito nakaimik. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito
"Ano ngayun ang plano niyo? Babalik na kayo ng Manila
bukas? Kailan ulit kayo bibisita dito sa atin?" tanong nito.
Hinarap ko ito at tinitigan.
"Nasa Japan ang trabaho ko Natalia. Kailangan kong
kumayod para sa kinabukasan ni Charles. Huwag kang mag-alala..pipilitin kong
makauwi dito sa atin taon-taon. Mamimiss ko kayo." wika ko. Agad itong
ngumiti at niyakap ako.
"Thank you Ate. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo
mo sa amin. Isa kami sa dahilan ng pagdurusa mo. Salamat kasi nandyan
ka..salamat dahil muli kang bumalik at sana mag-ingat ka palagi." wika
nito. Nakangiti ko naman hinaplos ang likod nito tsaka ibinaling ang tingin
kina Lorenzo at Charles na noon ay paahon na sa dagat.
Agad ko silang nilapitan at iniabot kay Lorenzo ang tuwalya.
Samantalang pinunasan ko si Charles at ibinalot ang tuwalya sa maliit na
katawan nito. Sabay na kaming naglakad pauwi ng bahay.
Kinabukasan, maaga kaming bumyahe paluwas ng Maynila.
Mabigat man sa kalooban na muli kong liwan ang mga magulang ko at kapatid ko
pero kailangan kong gawin inyun. Hindi pwedeng titigil ako doon. May anak ako
at kailangan kong kumayod para sa kanya.
"Ashley, ayos lang ba na dadaan muna tayo ng hopital
bago dumiricho ng condo?" basag ni Lorenzo sa katahimikan sa loob ng
sasakyan. Tulog si Charles at pikit dilat naman ang ginawa ko. Kumikirot na
naman kasi ang ulo ko. Inaatake na naman ako ng migraine.
"Sure! Walang problema Enzo. Gusto ko din sorpresahin
si Doc. Cheska." Nakangiti kong sagot.
Agad kaming nakarating sa Amadeo Medical Center. Ang
hospital na pag- aari ng pamilya ni Lorenzo at ang hospital na unang naging
saksi sa paghihirap ko. Ang hospital din na ito ang naging daan para makilala
ko ang mga tunay kong kaibigan. Si Lorenzo at Doc. Cheska.
"Mama...magpapacheck up po ba tayo? "agad na
tanong ni Charles habang nakatingala sa mataas na gusali ng hospital.
"No Charles..may dadaanan lang si Papa Lorenzo mo tapos
didirecho na tayo sa condo. Pagod ka na ba.?"
Masuyo kong tanong. Naglalakad na kami sa papasok ng
hospital habang nakasunod naman sa amin si Lorenzo.
"Not yet Mama. Ito po ba ang workplace ni Papa?"
tanong nito. Agad akong tumango habang inililibot ang tingin sa paligid. Parang
mas lalong lumuwag ang hospital na ito. Hindi kasi ganito ang set up nito noon.
Naglalakad kami papunta sa elevator ng marinig kong may
tumawag sa pangalan ko. Wala sa sariling napalingon ako at agad na kumabog ang
dibdib ko sa aking nakita. Kung bakit naman sa dinadami-dami ng taong pwede
kong makita ngayun..... bakit siya pa? Ang taong habang buhay na gustong ko ng
iwasan bakit siya pa ang nandito.............Si Ryder mabilis na naglakad
papunta sa amin habang tulak nito ang wheelchair kung saan nakaupo si Lola
Agatha.
Chapter 25
RYDER JAMES SEBASTIAN POV
Araw ng check up ni Lola. Kahit na hindi maayos ang relasyon
ko sa may ari ng Amadeo Medical Center doon ko pa din dinadala si Lola Agatha.
Mas komportable kasi siya sa hospital na ito. Isa pa kasundo nito ang kanyang
Doctor kaya kahit gusto ko itong dalhin sa ibang hospital ayaw nito. Mas
panatag na daw kasi ang kanyang kalooban sa hospital na iyun.
Mabuti na lang at bumalik sa dati ang trato sa akin ni Lola
Agatha. Napatunayan ko din kung gaano ako kahalaga dito kaya kahit na dumating
ako sa punto na wala na akong gana pang mabuhay pinilit kong magiging matatag.
Gusto kong makabawi sa lahat ng sakripisyo na ibinigay nito sa akin.
"Hindi mo na ako kailangan pang isakay sa wheelchair na
iyan Ryder. Kaya ko ng maglakad at isa pa hindi mo na kailangan pang lumiban sa
opisina para dalhin ako dito. May driver naman ako at nandyan naman si Lorna
para samahan ako dito." wika ni Lola Agatha ng buhatin ko ito palabas ng
sasakyan at pinaupo sa kanyang wheelchair.
Oo, kaya pa nitong maglakad. Pero mahina na ito dahil
nagrereklamo na lagi daw sumasakit ang kanyang tuhod. Ayaw ko naman itong
mahirapan kaya hangat maari mas gusto kong umupo na lang ito ng wheelchair lalo
na kapag nasa labas kami ng bahay.
"La, delikado para sa iyo ang maglakad. Baka mamaya
bumagsak ka pa eh. Mas malaking problema kapag mangyari iyun " sagot ko
dito habang dahan-dahan ko ng itinutulak ang wheelchair nito. Agad naman
sumunod sa amin si Lorna. Lagi ko itong isinasama kahit saan magpunta si Lola.
Mula noon hanggang ngayun, ito ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa pag-aalaga
kay Lola.
"Kung nandito lang sana si Ashley....hindi mo na sana
dapat gawin ang bagay na ito. May isa pa sanang tao na mag-aalalga sa akin na
malapit sa puso ko." mahina nitong wika. Hindi ako nakaimik. Hindi talaga
maiwasan ni Lola na banggitin ang pangalan ni Ashley sa lahat ng oras.
"Wala pa din bang balita sa kanya Ryder? "muling
tanong nito. Sandali akong hindi nakaimik. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni
Lola habang binabanggit ang katagang iyun.
"Hayaan niyo po La, ipapahanap ko ulit siya."
sagot ko dito. Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa mga naglalakad sa unahan
namin. Agad na napakunot ang noo ko ng makita ko ang pigura ni Lorenzo. Nasa
unahan nito ang isang batang at isang babae. Kumabog ang dibdib ko ng mapansin
ko ang pigura ng babae. Pati na din ang lakad nito. Kahit na nakatalikod ito sa
amin ay hindi ako maaring magkamali. Si Ashley ang nasa aming harapan.
"Ashley?" hindi ko maiwasang tawag dito. Napansin
ko pa ang pagtigil nito at lumingon sa kinaroroonan ko. Nanlaki ang aking mga
mata ng makita ko ang hitsura niya. Sa wakas...nandito na siya... nandito na
ang babaeng matagal ko ng hinahanap.
Napansin ko ang pagkagulat sa hitsura nito ng makita ako.
Sandali itong tumitig sa akin at kay Lola Agatha. Dali-dali ko namang itinulak
ang wheel chair ni Lola patungo sa kinatatayuan nito. Pero nagulat ako ng
biglang humarang si Lorenzo.
"Good Afternoon po. Nasa kabila ang opisina ni Doctor
Santos." wika nito. Agad kong binitiwan ang wheel chair ni Lola at hindi
pinansin si Lorenzo. Direcho akong naglakad sa kinaroroonan ni Ashley na noon
ay nag-uumpisa ng humakbang palayo sa amin
"Ashley...wait!" tawag ko dito. Hinawakan ko pa
ito sa braso para lang harapin ako.
"Hi-hindi kita kilala Mr. Bitawan mo ako!
"Sagot nito sa malamig na boses. Natigilan naman ako at
tinitigan ito sa mga mata.
"Ashley...paanong hindi kilala? Imposible! "sagot
ko dito. Pagkatapos ay unti- unting natoon ang attention ko sa batang nasa tabi
nito. Akmang hahawakan ko ang batang iyun ng muling nagsalita si Ashley.
"Lets go Charles!" wika nito sa batang kasama at
agad akong tinalikuran. Naiwan naman akong parang isang tood habang nakatitig
sa paglayo sa akin. Napansin ko pang agad silang sumakay ng elevator.
"Ang lakas talaga ng pang-amoy mo best friend."
narinig ko pang wika ni Lorenzo mula sa likuran ko. Halata ang pang- uuyam sa
boses nito kaya naman agad ko itong nilingon.
"May kinalaman ka ba dito?" seryoso kong tanong.
Nakita ko pa ang pagngiti nito bago sinulyapan si Lola.
"Its not appropriate kung mag-aaway tayo sa harap ng
Lola mo?' sagot nito. Pagkatapos ay tinalikuran ako.
"Iho sundan mo si Ashley...ibalik mo siya sa
bahav." agad na wika ni Lola. Bakas sa boses nito ang panic. Hindi ko
naman alam kung sino sa dalawa ang susundan ko. Si Ashley na tuluyan ng
nakasakay sa elevator o si Lorenzo na pupunta sa kabilang dako. Sinenyasan ko
si Lorna na siya na muna ang bahala kay Lola. Pagkatapos ay agad kong sinundan
si Lorenzo.
"Lorenzo, kailangan nating mag-usap! Ano ang ginawa mo?
Ikaw ba ang naglayo kay Ashley sa akin? May kinalaman ka ba dito?" tanong
kong muli. Imposibleng wala itong kinalaman. Halatang magkasama sila ni Ashley.
Isa pa sino ang batang iyun? Siya na ba ang anak namin ni Ashley? Biglang
kumabog ng husto ang puso ko. Tumigil naman ito sa paglalakad sa sinipat ako ng
tingin.
"Wala akong panahon para makipag- usap sa iyo Ryder.
Matagal na tayong walang kaugnayan sa isat isa. Hindi ko responsibilidad na
sagutin ang tanong mo. " sagot nito sa seryosong boses. Agad kong naikuyom
ang aking kamao.
"Anak ko ba ang batang iyun?" seryoso kong tanog.
Nakita ko ang pagngisi nito.
"Ryder....kailan ka pa nagkaroon ng interes para
magkaanak. Ang naalala ko gusto mong ipalaglag ang anak ipinagbubuntis noon ni
Ashley. Bakit parang nagbago yata ang isip mo ngayun?
" tanong nito na bakas ang pang-iinsulto sa boses.
Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao. Gustong gusto ko na itong
sapakin pero nag- aalangan ako. Hindi makukuha ang lahat sa dahas. Kailangan
kong makitapag- usap ng matino dito kung gusto kong makakuha ng maayos na
impormasyon.
"Wala ka na doon Lorenzo. Ang tanong ko ang sagutin mo.
Anak ba namin ni Ashley ang batang iyun? May kinalaman ka ba kaya hindi ko
matagpuan si Ashley kahit anong gawin ko?" muli kong tanong. Parang gusto
kong magwala! Sa ikalawang pagkakataon, gusto na naman nitong agawin ang
babaeng mahal ko.
"Kung sasabihin kong 'Oo' ang sagot sa lahat ng tanong
mo, may magagawa ka ba?" Kaya mo bang ibalik ang mga panahon na nakagawa
ka ng kasalanan sa kanya? Sinira mo ang buhay nya! Hindi ka ba nahihiyang
lumapit ulit sa babaeng minsan mo ng pinakulong?" tanong nito sa akin.
Natigilan ako. Hindi ako nakaimik.
"Matagal na kayong wala ni Ashley. Hindi mo na siya
mababawi sa akin." wika nito sa seryosong boses. Pagkatapos ay agad itong
naglakad palayo sa akin. Muli ko itong sinundan.
"Asawa at anak ko ang pinag-uusapan natin dito Lorenzo!
Hindi mo sila maaagaw sa akin. Muli kong babawiin sa iyo si Ashley kasama na
ang anak namin! Ako lang ang may karapatan sa kanila!" wika ko dito.
Huminto ito sa paglalakad at muling bumaling sa akin.
"Nagawa ko na Ryder. Matagal ko na silang nakuha sa iyo
at hindi ganoon kadali para mabawi mo siya sa akin! Ako ang karamay ni Ashley
noong mga panahon na lugmok siya! Ako ang naging sandalan niya noong mga
panahon na pakiramdam niya nag-iisa na lang siya! Kaya kung ako sa iyo, hayaan
mo na sila! Masaya na sila sa piling ko!" sagot nito. Para naman akong
sinapak ng makailang ulit sa sinabi nito. HIndi kayang tanggapin ng buong
sistema ko ang sinabi nito sa akin ngayun lang. Sa totoo lang, gustong-gusto
kong pagpipira- pirasuhin ito ng makailang ulit sa sobrang galit ng
nararamdaman ko ngayun. Hindi ko matatangap na mapunta sa ibang lalaki ang
asawa ko. Lalo na ngayung nakita ko na ang anak namin! Ang anak namin na siyang
naging bunga sa masaya naming pagsasama noon.
"Pwes! Huwag kang magpapakampanti. Babalik siya sa akin
sa ayaw at gusto mo! Akin lang si Ashley! Tandaan mo iyan!" seryoso kong
sagot dito. Pagkatapos ay agad ko na itong tinalikuran.
Mabilis akong naglakad sa kinaroroonan nila Lola. Hindi ko
na sila nakita sa pinag- iwanan ko sa kanila kanina. Agad na akong dumirecho sa
clinic ni Doctor Santos. Nadatnan kong inuumpisahan na nitong suriin si Lola.
Pakiramdam ko nanginginig ang buo kong katawan dahil sa
matinding galit. Ngayung nakita ko na ulit ang asawa ko.. hindi na ako papayag
na malayo ito ulit sa akin. Mahal ko siya at hindi ako papayag na tuluyan syang
maagaw sa akin ni Lorenzo.
"Iho, nahabol mo ba siya? Suyuin mo siya...Ibalik mo sa
bahay natin si Ashley." hindi ko na namalayan pa na tapos na palang
tingnan ng doctor si Lola. Nakatayo ito sa harap ko habang titig na titig sa
akin.
"Hayaan mo La. Gagawin ko ang lahat para maiuwi agad
siya sa bahay natin. Ngayun, kailangan nyo munang umuwi para makapagpahinga.
Nandito lang sa hopital si Ashley at aabangan ko siya dito.? " seryoso
kong sagot. Agad naman itong tumango. Pagkatapos ay binalingan ko si Lorna.
"Ikaw na muna ang bahala kay Lola." bilin ko dito.
Napatango naman agad ito.
Pagkaalis nila Lola at matiyaga akong naghintay sa parking.
Hinanap ko pa ang sasakyan ni Lorenzo. Alam kong lalabas din sila sa hospital
na iyan. Dito ko sila aabangan sa labas.
Wala pang halos dalawang oras akong naghantay sa labas ng
hospital ng mamataan ko ang paglabas ni Ashley at ng batang kasama nito.
Naikuyom ko ang aking kamao ng mapansin ko na nakasunod dito si Lorenzo. Hindi
ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng mapagmasdan ko ang
hitsura ng batang lalaki na kasama nito. Walang duda, anak ko nga siya.
Nararamdaman ng puso ko na anak ko siya!
Agad akong bumaba ng kotse at sinalubong sila. Nakita ko ang
pagkagulat sa mukha ni Ashley ng makita ko.
"Ano na naman Ryder?" agad na wika ni Lorenzo.
Hindi ko ito pinansin at hinawakan sa kamay niya si Ashley. Agad kong
naramdaman ang pagpiglas nito pero hindi ko ito binitiwan.
"Bitawan mo siya Ryder! Huwag kang bastos!" gigil
na wika ni Lorenzo sa akin. Hindi ko ito pinansin bagkos tinitigan ko sa mukha
niya sa Ashley. Malamig ang titig na ipinukol nito sa akin.
"Bitawan mo ako! Wala na tayong dapat pang pag-usapan.
Matagal ng tapos ang kung ano mang namamagitan sa ating dalawa noon." wika
nito. Hinila pa nito ang kamay niyang hawak ko pero hindi ko ito binitawan.
"Kausapin mo ako! Hayaan mo akong magpaliwanag
Ashley." sagot ko dito. Agad itong umiling.
"You're bad! bitawan mo si Mama!" natigilan ako ng
marinig ko na nagsalita ang batang hawak ni Ashley. Agad na natoon ang
attention ko dito. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko na ngayun ang anak ko.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Unti- unting lumuwang
ang pagkakahawak ko kay Ashley kaya nakawala ito sa akin.
Chapter 26
ASHLEY POV
Hindi ko akalain na sa maikling panahon na pananatili namin
dito sa Pilipinas ay agad na magkrus ang landas namin ni Ryder. Kung alam ko
lang sa hospital din pala na ito nagpapacheck-up si Lola Agatha hindi na sana
ako nagtangka pang umapak dito. Ininsist ko na lang sana kay Lorenzo kanina na
sa condo na lang kami didirecho. Kahit magtaxi na lang kami ayos lang sana.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kita ko
ang lungkot sa mga mata ni Ryder habang nakatitig sa aming dalawa ni Charles.
Kapansin-pansin ang malaki nitong ipinagbago. Wala na ang dati nitong makinis
na mukha at kapansin -pansin ang napabayaang tumubong balbas sa mukha nito.
Mukhang ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Pumayat din ito at ibang-iba na
sa dating Ryder na nakilala ko noon.
Halos dalawang oras din kaming nag- stay sa clinic ni
Doc.Cheska. Gusto kong makasiguro na wala na si Ryder sa hospital na ito bago
lumabas. Natatakot akong isipin na baka abangan kami nito. Hanggang ngayun
hindi pa rin maikakaila ang malaking takot na naiwan sa puso ko. Malaking
trauma ang ginawa nito sa buhay ko noon. Hanggang ngayun hindi ko lubos maisip
na magagawa niya sa akin ang bagay na iyun. Hanggang ngayun natatakot ako sa
isiping - baka kung ano na naman ang gawin nito sa akin. SA amin ng anak ko.
Marahan akong napabuntong hininga ng maalala ko si Lola
Agatha. Napansin ko ang tuwa na nakarehistro sa mukha nito ng sulyapan ko ito
kanina. Gustuhin ko man itong lapitan para kumustahin kaya lang hindi maaari.
Baka hindi ko na naman mahindian ito kapag may hilingin ito sa akin. Maayos ang
trato nito sa akin noon at mahirap itong hindian sa kung ano man ang hilingin
niya. Isa pa nasa tabi nito si Ryder at natatakot ako sa kanyang presensya.
Ayaw ko ng magkaroon pa ito ng pagkakataon na makalapit sa amin ng anak ko.
"Sigurado ka bang wala na si Ryder sa ibaba?" agad
na tanong ko kay Lorenzo habang nasa elevator kami. Pauwi na kami ng condo at
sinigurado nito na nakaalis na daw sila Ryder kanina pa. Tapos na umano ang
check-up ni Lola Agatha.
"Dont Worry..kahit na nasa ibaba pa si Ryder, huwag
kang matakot. Nandito ako. Poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya."
nakangiti nitong sagot. Agad naman akong napatango. Hindi pa rin ako mapalagay.
Nakahinga ako ng maluwang ng pagkalabas namin ng hospital
walang ni kahit anino ni Ryder ang aking nakita.
Pero ang tuwang iyun ay agad na napalitan ng takot na nakita
ko na bigla itong lumabas sa isang sasakyan. Nagmamadaling naglakad palapit sa
amin at agad akong hinawakan sa braso. Nagulat ako sa ginawa nito lalo na at
kitang kita ko sa mga mata nito ang pakiusap. Ang pagsusumamo.
"Bitawan mo si Mama... Bad ka!' napakislot pa ako ng
biglang nagsalita si Charles. Agad akong pumiksi kay Ryder ng matoon ang
attention nito kay Charles. Pagkatapos ay mahigpit kong hinawakan ang aking
anak at naglakad palayo dito.
"I love you Ashley! Sorry sa lahat ng mga kasalanan
ko!" wika nito. Hindi ko inaasahan iyun. Hindi ko mapigilan na mapahinto
sa paglalakad. Pigil ko ang aking sarili na huwag umiyak. Hindi pwede. Kasama
ko ang anak ko. Tiyak na magtatanong ito sa akin tungkol sa kanyang mga
nakikita at naririnig.
"Ano na naman Ryder? Bakit ba ayaw mo pang
tumigil?" narinig ko pang sigaw ni
Lorenzo. Napatigil ako sa paghakbang at nilingon ang mga
ito. Agad kong napansin ang galit na awra ni Lorenzo habang itinutulak si
Ryder. Napansin ko naman ang galit sa mukha ni Ryder at agad na inundayan ng
suntok si Lorenzo. Agad kong nabitawan si Charles at binalikan sila.
"Ano ba tama na! Ano ba ang problema mo?" galit
kong tanong dito. Agad kong dinaluhan ang natumbang si Lorenzo. Inalalayan ko
pa itong makatayo.
"I love you! Narinig mo ba iyun? Iyan ang problema ko
Ash! Simula ng mawala ka sa piling ko mahal na kita!" wika nito sa
seryosong boses. Hindi ako nakahuma. Biglang kumabog ang puso ko sa narinig
dito. Hindi ako makapaniwala.
"Sumakay na kayo sa kotse Ash. Ako na ang kakausap sa
kanya." seryosong wika ni Lorenzo. Parang bigla akong nawalan ng lakas.
Napatulala ako habang patuloy na umaalingawngaw sa pandinig ko ang katagang
binitawan ni Ryder. Mga katagang matagal ko ng gustong marinig dito.
Ilang pagniniig ang nangyari sa amin noon pero hindi niya
man lang nabanggit sa akin ang salitang iyun. Parang may kung anong mainit na
bagay na humaplos sa puso ko at nilingon si Lorenzo.
"Pwede bang mauna na kayo sa kotse ni Charles?
Kakausapin ko lang siya." wika ko kay Lorenzo. Agad kong napasin ang
nakaguhit na pagtutol sa mukha nito.
"Huwag kang magtiwala sa kanya Ash! Alam mo kung gaano
kasama ang taong iyan. Huwag mong kalimutan kung paano ka niya sinaktan
noon." sersyosong sagot ni Lorenzo.
"Please...hayaan mo munang kausapin ko siya! Kahit
ngayun lang!" nakikiusap kong wika. Narinig ko pa ang malakas na
pagbuntong hininga nito bago sumagot.
"Fine...sumunod ka kaagad sa amin sa kotse." sagot
nito sa malamig na boses. Tinapunan niya pa ng matalim ng titig si
Ryder bago tuluyang tumalikod. Hinawakan nito ang
nakikiramdam na si Charles at hinila papasok sa loob ng sasakayan.
Wala naman akong nagawa kundi harapin si Ryder. Pilit kong
pinapatatag ang aking kalooban. Hindi ako dapat magpadala sa takot. Hindi ako
pwedeng magpadala sa nararamdaman ko dito. Alam kong magpasa-hanggang ngayun
ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko. Once ang for all gusto ko ng palayain
ang sarili ko mula sa anino nito. Siguro ito na ang pagkakataon ko para
mangyari iyun. Gusto kong mamuhay ng malaya at malayo sa takot.
"May sasabihin ka ba? Bilisan mo lang dahil may
pupuntahan pa kami." wika ko dito sa pinaka-kaswal kong boses. Nakita ko
ang pagtitig sa akin ni Ryder tsaka napailing.
"Bakit kasama mo siya? Bakit ang tagal mong hindi
nagpakita sa akin Ashley? Alam mo bang ilang beses kitang pinahanap? Alam mo
bang halos mabaliw ako sa kakahanap sa iyo?" wika nito sa seryosong boses.
"Para ano pa? Para saktan? Para tuluyang sirain ang
buhay ko? Ryder...isang masamang bangungot ang nangyari sa atin. Wala akong
pangarap noon kundi marinig ko ang katagang binanggit mo kanina. Sobrang sakit
ng ginawa mo sa akin! Alam mo bang gusto ko ng sumuko sa lahat ng sakit na
ipinadama mo sa akin noon?" naiiyak na sagot ko dito.
"Kung hindi lang dahil sa anak ko baka tuluyan na akong
nalugmok!" pagpapatuloy kong wika dito.
"Sorry! Im sorry Ashley....Inaamin ko! Naging gago ako!
Naging masama ako sa iyo! Sa anak natin...right! Sa anak natin...
Please...gusto kong makilala ang anak natin Ash!" puno ang pagusumamo sa
boses nito habang binabanggit ang katagang iyun. Napakurap ako sabay iling.
"Hayaan mo na kaming mabuhay na wala ka! Masaya na ang
anak ko sa piling ko. Sa piling ni Lorenzo.' sagot ko. Agad na gumuhit ang pait
sa mukha nito pagkatapos kong banggitin ang katagang iyun.
"Siya na ba? Siya na ba ang ipinalit mo sa akin?"
tanong nito. Natigilan ako. HIndi ako makaimik.
"Come on! Sagutin mo ako! Siya na ba ang nagmamay-ari
ng puso mo? Tuluyan mo na ba akong kinalimutan? Ang lahat ng pinagsamahan
natin?" muling tanong nito. Agad na tumulo ang aking luha. Kung alam lang
nito na kanina ko pa siya gustong yakapin. Kung alam lang nito na kahit saglit
lang hindi ito nawala sa puso ko. Kaya lang hindi pwede! Ayaw ko ng sumugal pa.
Ayaw ko ng masaktan muli.
"Wala ka na doon. Siya ang karamay ko noong mga panahon
na pakiradam ko na nag-iisa na lang ako. Hindi niya ako sinukuan. May
kanya-kanya na tayong buhay. Palayain na natin ang isat-isa." sagot ko at
agad na pinunasan ang luha sa aking mga mata. Agad kong napansin ang mapakla
nitong pagngiti.
"Paano ako? Gusto ko din makilala ang anak ko! Dugo at
laman ko din siya at sana huwag mong kalimutan iyun Ashley...Paano si Lola
Agatha? Alam mo bang matagal na siyang umaasa na muli ka nyang makaharap?"
tanong nito. Napakurap ako sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng guilt. Nang awa
para kay Lola Agatha. Lalo na ng nakita kong nakaupo na lang ito sa wheel
chair.
Puro kabutihan ang ipinapakita sa akin ni Lola Agatha.
Minahal niya ako na parang isang tunay na apo. Naging pantay ang pagtrato nito
sa akin at kay Ryder. Masakit para sa akin na nakikita itong nahihirapan habang
nakaupo sa wheel chair.
"Dadalawin ko siya! Hindi man ngayun pero baka sa mga
susunod na araw. Ikumusta mo na lang ako sa kanya." sagot ko sa malungkot
na boses.
"Nakita ka nya kanina! Gusto ka nyang habulin.Pero sa
sitwasyon nyang iyun, maaatim mo bang pahintayin pa sya ng matagal? Alam mo
kung gaano ka kahalaga sa kanya diba? Please Ashley.. kahit para kay Lola na
lang. Bisitahin mo naman sana siya. Magpakita ka naman sana ng kahit na
kaunting pag-aalala sa kanya." nakikusap nitong wika.
"Hindi pa ako ready sa ngayun. Hayaan mo muna akong
makapag-isip." sagot ko. Hindi ito nakaimik. Namayani ang katahimikan sa
pagitan naming dalawa. Nakakailang ang titig na ibinibigay nito sa akin. Parang
binabasa nito pati na ang kaluluwa ko.
"Ang laki na ng ipinagbago mo! Siguro siya na ang mahal
mo. Tuluyan mo na siguro akong kinalimutan! Ash..please, bumalik ka sa
akin..muli nating buuhin ang lahat. Magsama tayo katulad ng dati."
nakikiusap nitong wika. Agad akong umiling.
"Marami ng nabago sa loob ng ilang taon na lumayo kami
sa iyo. Pakiusap lang... Huwag mo na kaming guluhin pa."
seryoso kong sagot. Hindi ito nakaimik. Umiling ito ng
makailang ulit.
"Paano ako? Paano ang anak natin? Gusto kong makilala
niya ako bilang ama niya. Gusto kong makabawi sa ilang taon na hindi ko siya
nakasama. Gusto kong makabawi sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sa
kanya!" nagsusumamo nitong wika. Sandali akong nag-isip bago ito hinarap.
"Bigyan mo muna ako ng time para masabi ko sa kanya
kung ano ang totoo. Sa ngayun, si Lorenzo ang tinatawag niyang 'Papa'. Ayaw
kong guluhin ang isip ng anak ko Ryder." sagot ko dito. Agad na gumuhit
ang sakit sa mga mata nito kasabay ng pagkuyom ng kamao. Hindi ko naman
maiwasan na makaramdam ng guilt.
"Huwag mo sanang kalimutan na kahit anong mangyari,
kasal ka pa rin sa akin Ash. Legal iyun at sana pag-isipan mo ang lahat ng
desisyon mo. Alam kong malaki ang pagkakamali ko pero taos puso akong humihingi
ng kapatawaran sa iyo. Hindi na importante sa akin kung mapapatawad mo ba ako
pero sana lang huwag mong ipagkait sa akin ang anak ko. "sagot nito. Hindi
ako nakaimik. Pagktapos mabigat ang loob ko na tuluyan ko na itong tinalikuran.
Chapter 27
ASHLEY POV
Tulala akong muling sumakay ng sasakyan, Nagpasalamat ako
dahil hindi na ako hinabol ni Ryder. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kung
magtagal pa ang pag-uusap namin.
"Lets go?" tanong ni Lorenzo sa akin ng makaupo na
ako. Sinulyapan ko pa ang aking anak na tahimik na naglalaro ng games sa
cellphone. Agad akong tumango.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mag- umpisa ng umusad ang
sasakyan.
Hanggang ngayun umaalingawngaw pa din sa pandinig ko ang
pinag-usapan naming dalawa ni Ryder. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang
mga iba nitong sinasabi. Ang paghingi ng tawad nito sa kanyang mga kasalanang
nagawa.
Aaminin kong mahal ko pa rin ito. Pero may takot na akong
nararamdaman para dito. Hindi ganoon kadali kalimutan ang lahat ng kasalanan na
nagawa niya. Gusto ko na lang itong iwasan habang buhay at itoon ang buong
attention ko sa anak ko....... Kay Charles.
Mas maigi na din na sa Japan na kami tuluyang manirahan. Mas
maganda doon. At least malayo kami sa lahat. Malayo kami sa gulo. Malayo kami
kay Ryder na hindi ko alam kung kaya ko pa ba itong baliwalain sa paglipas ng
mga araw. Natatakot akong baka ipagkanulo ako ng puso ko. Ilang beses ko na
itong sinubukan na burahin sa puso ko pero hindi ko magawa.
"Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ni Lorenzo.
Agad akong dumilat at tinitigan ito. Alanganin akong tumango.
"Im fine!" sagot ko. Agad kong napansin ang
lungkot sa mga mata nito ng habang tinititigan ko ito. Hindi ko lubos maisip na
hindi ako nito sinukuan. Kapag nalulungkot ako, kita ko din ang lungkot sa mga
mata nito. Dinadamayan ako nito sa lahat ng oras. Parang connected na sa akin
ang puso nito. Nararamdaman ko ang presensya nito sa lahat ng oras. Sa mga
panahon na kailangan ko ng karamay.
"Sigurado ka? Huwag mo na lang isipin ang mga nangyari
kanina. Walang magandang maidulot sa iyo ang lahat ng iyun." wika nito.
Hindi ko na ito sinagot pa. Bagkos itinoon ko ang attention ko sa labas ng
sasakyan. Mataman akong nag- isip.
Hindi ko na namalayan pa ang pagdating namin ng condo. Agad
akong pumasok sa loob ng kwarto para magbihis. Hinayaan ko munang mag-usap si
Lorenzo at Charels sa sala. Alam ko kung gaano sila ka-close sa isat isa at
nakaramdam ako ng guilt kahit papaano ng muling sumagi sa isip ko si Ryder.
Kahit siguro gaano pa kasama ang ginawa niya noon hindi ko dapat ipagkait sa
kanya ang anak namin.
Unfair sa kanya kung hindi man lang siya makilala ni Charles
bilang isang ama.
Paglabas ko ng kwarto ay sakto naman na may kumatok sa
pintuan ng unit namin. Agad kong napansin ang pagtayo ni Lorenzo at pinagbuksan
ito. Food delivery. Mabuti na din iyun dahil wala akong ganang maghanda ng
pagkain. Nakakaramdam na din ng pagod ang katawan ko. Physically at
emotionally.
"Kumain na muna tayo bago magpahinga. " wika ni
Lorenzo sabay lapag ng mga pagkain sa lamesa. Isa-isa niyang inilabas ang mga
pagkain galing sa loob ng plastic pagkatapos maayos niya itong inilatag sa
lamesa. Tahimik ko lang pinagmamasdan ito sa kanyang ginagawa. Hindi ko
maiwasan na mapabuntong hininga.
Napaka-perfect ni Lorenzo kung tutuusin. Swerte ang babaeng
mapapangasawa nito kung sakali.
Nagi-guilty na ako sa ginagagawa nito sa amin. Pakiramdam ko
sa amin na umiikot ang buhay ni Lorenzo. Halos hindi na nito maasikaso ang
sarling love life dahil sa amin. Kung tutuusin sa edad nyang ito dapat mayroon
na syang sarliing pamilya. Pero heto sya ngayun, inaabala ang sarili sa
pag-aasikaso sa aming mag-ina.
Agad ko itong nilapitan at tinulungan sa kanyang ginagawa.
Ilang saglit lang ay nakaupo na kaming tatlo sa hapag kainan. Kung may ibang
tao sigurong makakita sa amin baka isipin nilang isa kaming masayang pamilya.
Pero hindi pwede. Hindi ako dapat mag-isip ng ganoon dahil hindi mangyayari
iyun.
Pagkatapos namin kumain ay agad kung napansin ang paghikab
ni Charles. Mukhang inaantok na ito kaya agad ko itong inasikaso. Nilinisan ko
ito at pinasuot na sa kanya ang kanyang pantulog. Ilang saglit lang ay napansin
kong mahimbing na ang tulog nito. Agad akong lumabas ng kwarto at napansin kong
nakaupo pa rin sa Sofa si Lorenzo. Nakatutok ang mga mata nito sa telebisyon.
Agad akong lumapit dito at umupo sa kabilang bahagi ng sofa.
Nang mapansin ako nito ay pinatay nito ang telebesyon.
Seryoso akong tinitigan. Mukhang may gusto itong sabihin sa akin kaya naman
agad ko itong tinanong.
"Wala ka bang balak na umuwi muna? Alam kong pagod ka
at kailangan mo din magpahinga.' mahinahon kong wika. Hindi ito pwedeng
manatili dito sa condo. Iisa lang ang kwarto dito sa unit na ito at wala akong
balak na patulugin ito dito sa sofa.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito sa
seryosong boses. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na ng mapagmasdan
ko kung gaano ito kaseryoso ngayun.
"Sure! Tungkol saan?" tanong ko dito.
Mataman ako nitong tinitigan bago sumagot.
"Nga--ngayung nagkita na kayo ulit ni Ryder..ano ang
nararamdaman mo?" tanong nito. Bigla akong napaisip. Hindi ko alam kung
ano ang ibig sabihin nito. Hindi ko alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig.
'A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Narinig ko ang
mahina nitong pagbuntong hininga bago sumagot.
'Gusto ko lang malaman. Para alam ko kung saan ako
lulugar." sagot nito. Bakas ang lungkot sa boses nito habang sinasabi ang
katagang iyun. Hindi ako nakaimik. Pagkatapos napansin ko ang makahulugang
pagtitig sa akin ni Lorenzo. Titig na ngayun ko lang nakita sa mga mata niya.
"Mahal kita Ashley! Hindi ka ba nagtataka kung bakit
hangang ngayun pinili kong huwag mawalay sa iyo? Hindi mo ba nararamdaman iyan
sa pag-aalagang ginawa ko sa iyo?" tanong nito. Agad na nanlaki ang aking
mga mata sa sinabi nito. Napatayo ako sabay iling.
"Anong sabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
Ipinagdarasal ko na sana mali ang nadinig ko dito. Hindi kayang tanggapin ng
damdamin ko ang binigkas nitong kataga ngayun lang.
"I said mahal kita! Mahal na mahal kita! Sa unang
pagkikita pa lang natin agad na nahulog ang loob ko sa iyo!" seryoso
nitong sagot. Ilang sandali akong natigilan. Hindi ako makapaniwala sa mga
narinig ko ngayun sa kanya. Parang gustong manginig buong laman ko dahil sa
sinabi nito.
"hindi! Hindi totoo iyan! Sabihin mo sa akin! Nagbibiro
ka lang diba? Hindi mo ako pwedeng mahalin Enzo!" sagot ko dito. Napaatras
ako ng makailang ulit. Napansin ko ang pagtayo nito at paglapit sa akin.
"Bakit hindi? Isa kang pambihirang babae Ash! Kung
hindi ka kayang pahalagahan ni Ryder, nandito ako. Matagal ko ng kinimkim sa
sarili ko ang nararamdaman ko sa iyo!" sagot nito. Napakurap ako ng
makailang beses bago umiling.
"Lorenzo, mabait kang lalaki. Hindi ka dapat makaramdam
ng ganiyan sa akin. Marami pang mga babae diyan na mas karapat-dapat sa
pagmamahal na nararamdaman mo ngayun." sagot ko. Maang itong napatitig sa
akin. Agad kong napansin ang sakit na agad bumalatay sa mga mata nito.
"Wala ka bang kahit na kaunting pagmamahal na
nararamdaman sa akin Ash? Sa ilang taon na magkakakilala tayo kahit kaunti
hindi man lang nahulog ang loob mo sa akin?" Tanong nito na bakas ang
hinanakit sa boses. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Basta ang
alam ko, wala akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya. Bilang isang
kaibigan lang ang nararamdaman ko dito. Hindi pwedeng maging kami dahil ibang
lalaki ang nagmamay-ari sa puso ko....Si Ryder lang at malabo ng mapalitan iyun.
"Sorry! Ayaw kong masaktan ka Enzo. Please, umuwi ka na
muna! Gusto ko ng makapagpahinga!" malungkot kong sagot. Pakiramdam ko
simula ngayun ibang Lorenzo na ang kaharap ko. Akala ko walang ibig sabihin ang
pagtulong nito sa akin noon. Na walang maging kapalit... hindi....na walang
pusong involve. Pero nagkamali ako. Mukhang simula sa araw na ito may isang tao
na naman akong dapat iwasan. Isang tao na akala ko itinuring akong kapamilya.
Na nandyan siya bilang isang kaibigan...
"Im sorry Ash! Ayaw kong guluhin ang isip mo. Matagal
na panahon kong itinago ang nararamdaman kong ito sa iyo. Ngayun lang ako
nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat sa iyo dahil natakot ako baka muli kang
bumalik kay Ryder. Hindi ko kayang mawala ka!" wika nito sa nagsusumamong
boses. Hindi ako nakaimik.
Laglag ang balikat nitong humakbang papuntang pintuan ng
unit. Napansin ko pa ang luha na lumitaw sa mata nito bago ito tuluyang
lumabas. Nanghihina naman akong muling napaupo sa sofa.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naawa ako kay
Lorenzo. Pero kahit katiting hindi ko ma- imagine na maging bahagi siya ng
buhay ko. Na maging kami....Tanging pagtingin bilang isang kapatid o kaibigan
lang ang nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Pagkatapos ng kaligayahan na naramdaman ko sa muling pagkikita namin ng pamilya
ko agad naman pumalit ang lungkot. Agad naman pumalit ang ganitong klaseng
pakiramdam. Mabuti pa sigurong hindi na kami umuwi muna dito sa Pilipinas.
Hindi ko kayang tanggapin na mawawalan ako ng isang mabait na kaibigan. Pero
ano ang magagawa ko! Ayaw kong mahirapan si Lorenzo. Gusto kong makalimutan
niya ako sa lalong madaling panahon.
RYDER POV
Tumutulo ang luha ko habang umiinom ng alak. Hindi maalis sa
isip ko ang mukha ni Ashley. Hindi ko akalain na dobleng sakit ang mararamdaman
ko sa kaalamang palagi nitong kasama si Lorenzo.
Si Lorenzo ang karamay niya sa mahabang panahon. Masakit
isipin na tuluyan niya na akong kinalimutan. Na ipinagpalit nya ako sa dati
kong matalik na kaibigan.
Napapikit ako habang pilit na inaalala ang mukha ng aming
anak. Mapakla akong napangiti. Siguro si Lorenzo din ang kinikilala nitong ama.
Nakita ko kung paano sya kalapit kanina kay Lorenzo. Kung alam nya
lang....Gustong gusto ko silang yakapin. Gusto kong ipadama sa kanila kung
gaano ko sila kamahal. Kung gaano sila kahalaga sa buhay ko.
Grabe magparusa ang Diyos! Sa isang pagkakamali ko noon ito
ang naging parusa Niya sa akin. Ang tuluyang mawala sa akin ang mag-ina ko.
"Ryder apo!" natigilan ako ng marinig ko ang boses
ni Lola Agatha. Hindi ko alam kung gaano na sya katagal na nakatayo habang
pinapanood ako. Hindi ko na mapigilan pa ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa
aking mga mata habang nakatitig kay Lola.
"La, ang sakit! Hindi ko alam kung paano harapin ang
buhay sa kaalamang inagaw na naman ng dati kong kaibigan ang babaeng mahal
ko." parang batang sumbong ko dito. Agad na bumalatay ang lungkot sa mga
mata nito habang nakatitig sa akin.
Naramdaman ko na lang ang paglapit nito at ang pagtapik sa
aking balikat. Agad kong tinungga ang baso na may lamang alak. Muling gumuhit
ang pait sa aking lalamunan. Napapikit ako.
"Pwede kang umiyak apo para naman mabawasan ang sama ng
loob mo! Tandaan mo, hindi lahat ng gusto natin pwede nating kunin. May mga
pagkakataon na kahit gusto natin ang bagay na iyun, kung hindi para sa atin
huwag na nating ipilit....pwede din naman natin ipaglaban pero kung alam natin
na wala ng pag-asa pwede na nating bitawan at magpatuoy sa buhay."
mahabang wika nito.
"La, hindi ko kaya...hindi ko kayang tuluyan siyang
mawala sa akin. Saksi kayo sa ilang taon na paghahanap ko sa kanya. Alam niyo
po kung paano ko pinagsisihan ang lahat!" sagot ko dito sa kabila ng pag-
iyak. Hindi na ako nahihiya dito na sabihin kung ano ang nararamdaman ko. Hindi
na ako nahihiyang umiyak sa harap nito. Basta ang importante maibuhos ko ang
sama ng loob ko. Pakiramdam ko puputok ang puso ko sa sobrang sakit na
nararamdaman. Sa sobrang selos habang iniisip ko na magkasama sila. Hindi ko
kayang iparaya si Ashley sa ibang lalaki. Mababaliw ako!
Chapter 28
ASHLEY POV
Nagising ako kinaumagahan na masama ang pakiramdam ko.
Mabigat ang ulo ko at parang mabibiyak dahil sa sakit. Mukhang magkakaroon din
ako ng trangkaso. Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging sakitin ako nitong
mga nakaraang araw. Hindi naman ako ganito dati. Kung sumakit man ang ulo ko
hindi ganito kalala.
"Mama, are you ok?" narinig ko pang tanong sa akin
ni Charles. Nakatunghay ito sa akin habang nakatitig sa mukha ko.
"Im fine anak! Napagod lang siguro si Mama at kailangan
ng more rest." sagot ko sabay pakawala ng pilit na ngiti.
"Gusto niyo po bang tawagan ko si Papa Enzo? Sasabihin
ko po sa kanya na sick kayo." malambing na sagot nito. Agad akong umiling.
Pagkatapos ay hinaplos ko ang mukha nito.
"Im fine anak. Mawawala din ito.
Nakakahiya na kay Papa Enzo. Marami siyang trabaho sa
hospital at baka maisturbo pa natin siya." sagot ko sabay pakawala ng
pilit na ngiti. Tinitigan muna ako nito bago tumango.
"Oorder na lang ako ng foods sa labas para may makain
tayo. Pasensya na baby ha? Hindi pa kaya ni Mommy ang magluto at kailangan din
nating lumabas para mamili ng pagkain. Hintayin na lang natin na maging ok ako
tsaka tayo ma- grocery." mahaba kong paliwanag. Pagkatapos ay sininyasan
ko itong iabot ang cellphone sa akin.
Agad akong umorder ng pagkain online. Wala eh. Pakiramdam ko
mabubuwal ako kapag pilitin ko pang bumangon. Sobra kasi talaga ang panghihina
na nararamdaman ng katawan ko. Nilalamig din ako.
Agad naman dumating ang pagkain na inorder ko. Buti na lang
at sanay na si Charles na kumain mag isa. Hinayaan ko na lang ito at bumalik na
sa pagtulog bago ito binilinan na huwag na huwag siyang magtangkang tumawag kay
Papa Lorenzo nya. Hindi ko kasi alam kung paano ito muling pakikiharapan
pagkatapos ng pag -uusap namin kagabi. Naawa ako dito pero ano ang magagawa ko?
Malabong mangyari na matugunan ko ang pagmamahal na inialay nito sa akin. Mula
noon, hanggang ngayun, iisang lalaki lang ang tinitibok ng puso ko. Walang iba
kundi si Ryder.
Tanghali na ng muli akong magising. Kahit papaano maayos na
ang pakiramdam ko kaya agad akong bumangon. Lumabas ako ng kwarto at naabutan
kong nakatutok ang mga mata ni Charles sa telebisyon. Agad ko itong nilapitan
at napansin kong ang paboritong mga cartoons character ang pinapanood nito.
"Mommy, are you ok na po?" tanong nito sabay titig
sa akin. Dinama pa ng maliliit na kamay nito ang noo ko. Nakangiti akong
tumango
"Yup...kumain ka na ba?" malambing kong tanong.
Agad itong tumango.
"Yup! I felt bored Mom." wika nito. Tinitigan ko
ito tsaka tumango.
"Ok. Mag-aayos lang ako tapos lalabas tayo."
nakangiti kong sagot. Agad na kumislap ang tuwa sa mga mata nito at agad na
ini- off ang telebisyon. Excited itong tumayo at nagtata-talon.
"Talaga po? YES!" sagot nito sa excited na boses.
Hinalikan ko muna ito sa noo bago bumalik ng kwarto. Inayos ko muna ang kama
bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng banyo para magtotoothbrush at
maghilamos. Magpupunas na lang muna ako at mamaya na maligo pag-uwi namin.
Papakiramdaman ko muna ang sarili ko.
Pagkatapos kong nag-toothbrush at naghilamos ay agad kong
hinubad ang suot kong pangtulog. Kinuha ko pa ang bempo at akmang magpupunas
ako ng mapakunot ang noo ko. Hindi ko maiwasang magtaka ng mapansin kong may
mga pasa ako sa katawan. Particular sa aking braso at legs. Sinipat ko pa ito
at hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita. Paano ako nagkaroon ng ganitong
pasa gayung wala akong maalalang may nanakit sa akin physically? Hindi din
naman ako nasagi sa bahaging iyun.
Napailing na lang ako at itinoon ko ang attention ko sa
pagpupunas ng aking katawan. Baka nagkataon lang. Isa pa naghihintay na sa akin
sa labas si Charles. Baka mainip ang anak ko at alam kong excited na ito sa
gagawin naming pamamasyal.
"Agad akong nagbihis. Pinili kong magsuot ng pants at
maluwang na t-shirt at pinarisan ko ng rubber shoes. Gusto kong maging
komportable sa lakad namin. Pagkalabas ko ng kwarto ay napansin kong nakabihis
na din si Charles na syang ipinagpasalamat ko. Kahit papaano hindi na alagain
ang anak ko. Lumalaki na nga siya.
"Lets go?" tanong ko dito bago muling bumalik ng
kwarto para kunin ang aking bag. Agad kaming lumabas ng condo at nilakad ang
pinakamalapit na mall. Mabuti na lang at nandito na sa paligid ang lahat. Hindi
na namin kailangan pang bumyahe para lang makapamasyal.
Parang gusto ko ng tapusin ang bakasyon namin na ito. Mas
komportable ako sa Japan kaya pag-iisipan ko ng maigi kung i rebook na lang ba
namin ang ticket para makabalik agad. Wala ng dahilan pa para manatili kami ng
matagal dito. Lalong naging komplikado ang lahat. Dumagdag pa sa alalahanin ko
si Lorenzo. Kung pwede nga lang takasan ko na ang lahat gagawin ko.
"Ashley?" nagtaka pa ako ng may tumawag sa aking
pangalan. Nandito na kami sa loob ng mall at balak namin dumirecho muna ng
restaurant. Alam kong nagugutom na si Charles dahil kanina pa ang huling kain
nito bago ako nakatulog ulit.
"Lola Agatha?" hindi ako makapaniwalang sambit ng
mapansin kong dahan-dahan itong naglalakad palapit sa amin. May tungkod na ito
habang nakasunod dito si Manang Lorna at isa pang lalaki. Hindi naman ako
nakagalaw hanggang sa nakalapit ito sa akin.
"Ikaw nga! Kumusta ka na Iha?" kita ang tuwa sa
mukha nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na
mapangiti habang nakatitig kay Lola Agatha. Inabot ko ang isang kamay nito at
nagmano.
"Ayos lang po. Kayo po kumusta?" Nakangiti kong
tanong. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan nito bago itinoon ang paningin
kay Charles. Agad ko namang hinawakan ang anak ko. Wala akong choice kundi
ipakilala sila sa isat isa.
"Lola, si Charles po anak ko...Baby, siya si Lola
Agatha....
"Hello po!" agad na wika ni Charles. Ginaya nito
ang ginawa ko kanina at nagmano din ito ito kay Lola Agathan. Kita ko ang
tumulong luha sa mga mata nito habang nakatitig sa anak ko. Agad niyang
hinawakan sa mukha si Charles at pinakatitigan.
"Sorry po!" wika ko sa mahinang boses. Alam kong
may ideya na si Lola Agatha tungkol sa pagkatao ni Charles. Alam kong alam na
nito na anak namin ni Ryder ang batang nasa harap nya.
"Wala kang dapat ihingi ng sorry Iha. Wala kang
kasalanan." sagot nito sabay punas ng luha sa mga mata. Awang-awa naman
ako dito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa nakikita ko ngayun.
"Ma, hindi po ba sya yung bad guy yesterday?"
nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Charles. Agad kong tiningnan ang itinuro
nitong direksyon at bigla akong kinabahan ng makita ko si Ryder. Seryoso ang
mukha nito habang naglalakad palapit sa amin.
"Hi-hindi siya bad guy apo!" sagot naman ni Lola
Agatha. Agad naman napayuko si Charles kaya kinausap ko ito.
"Mabait siya anak. Nagkataon lang na meron kaming hindi
napagkasunduan kahapon." nakangiti kong sagot dito. Tinitigan ako nito
bago sumagot.
"Mas mabait kaysa kay Papa Lorenzo?" tanong nito.
Muli akong napasulyap kay Lola Agatha. Kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata
nito bago ko muling hinarap si Charles.
"Yes...Mas mabait siya kaysa kay Papa Lorenzo."
sagot ko at sinulyapan an nakalapit ng si Ryder. Hindi ako makatingin ng
diretso dito. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Charles.
"But he looks like me" narinig ko pang sambit ni
Charles habang nakatitig kay Ryder. Biglang kumabog ang dibdib ko.
"Of course...because I am your father." diretsong
sagot ni Ryder. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Hindi ko
inaasahan na sasabihin niya ito ngayun sa anak namin. Diretsahan talaga. Ni
hindi man lang kumunsulta sa akin? Gayunpaman wala na akong magawa pa. Nasabi
niya na eh..alangan namang babawiin ko pa. Ako pa tuloy ang lalabas ng
kontrabida kung ganoon.
Agad kong napansin ang pagkagulat sa mukha ni Charles habang
titig na titig sa ama.
"I--ikaw ang tunay na Papa ko?" sc nito habang
unti-unting nangilid ang luha sa mga mata. Agad naman akong umupo para pumantay
sa taas ng anak ko. Tinitigan ko ito at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
"Ma, Sya ang papa ko?" tanong nito. Wala na akong
magawa pa. Dahan-dahan akong tumango. Lalong umiyak si Charles at yumakap sa
akin.
"Bakit hindi natin siya kasama? Bakit si Papa Lorenzo
ang pumupunta sa atin?" inosente nitong tanong. Hindi ako nakaimik at
napatingin kay Ryder.
"Im sorry. Naging busy si Papa kaya nangyari
lyun." sagot ni Ryder at hinawakan sa balikat si Charles. Tuminngala naman
ang anak ko habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata.
"Hindi niyo na po ba kami iiwan ni Mama? " umiiyak
na tanong nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Hindi
ko inaasahan na iyun kaagad ang itatanong nito kay Ryder. Agad na nagkaroon ng
pag-aalinlangan ang puso ko.
"Kung papayag si Mama mo...why not! Matagal ko ng
gustong makasama kayo!" sagot nito. Agad na kumalas si Charles sa
pagkakayakap at yumakap kay Ryder. Nagulat ako sa ginawa nito pero wala na
akong nagawa pa kundi panoorin na lang silang dalawa. Alam kong walang ibang
mas maging masaya sa tagpong ito kundi si Charles. Karapatan niyang makilala
ang tunay niyang ama kaya dapat maging masaya na lang ako. Hinid ko dapat
ipagkait sa kanya ang ganito kaimportanteng bagay. Lumalaki na siya at alam kung
darating at darating ang panahon na magtatanong siya sa akin tungkol dito.
"I miss you Papa! I love you!" narinig ko pang
wika ni Charles. Agad na yumuko si Ryder at binuhat ito.
"I missed you to Son! Kung alam mo lang...kahapon ko pa
gustong gawin ito. Kahapon ko pa gustong yakapin ka!" madamdamin nitong
sagot. Hindi ko mapigilan ang patuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata at
ibinaling ang tingin kay Lola Agatha.
"Thank you Iha. Sa kabila ng mga nangyari hindi ka pa
rin nagbabago. Ikaw pa rin ang dating Ashley na nakilala ko noon."
nakangiti nitong wika sabay abot sa aking kamay. Wala na akong nagawa pa kundi
yakapin ito.
"Pasensya na po kung medyo natagalan bago niyo nakilala
si Charles. Hindi ko po maiwasan na mag-alangan dahil sa mga nangyari
noon." wika ko. Agad ko naman naramdaman nag paghagod nito sa likod ko.
"Huwag kang mag-alala. Hinding hindi ako magdadamdam sa
iyo Ashley. Sa nasabi ko na, wala kang kasalanan. Naging biktima ka lang sa mga
maling nangyari noon. Gayunpaman, nandito ka pa rin sa harap namin. Muli mong
binigyan ng saya ang puso ko Iha. Salamat dahil sa kabila ng mga nangyari
nanatili kang matatag." mahabang wika nito. Agad ko naman pinunasan ang
luha sa aking mga mata. Kahit papaano nakaramdam ako ng kahit na kaunting
kapayapaan.
Muli kong itinoon ang aking attention sa mag-ama ko. Karga
pa rin ni Ryder si Charles at mukhang wala na itong balak na ibaba pa.
Chapter 29
ASHLEY POV
Tahimik kong pinagmamasdan ang mag- ama ko na naghaharutan
dito sa garden. Hindi na kami natuloy sa pamamasyal sa mall. Dito na kami
dumirecho sa bahay pagkatapos naming mag-usap kanina. Biglang nagyaya si Lola
Agatha na siyang hindi ko mahindian. Mahirap tanggihan ang isang nakikiusap na
tao na walang ipanakita sa akin noon kundi puro kabutihan.
"Pwede bang dumito na lang kayo Iha? Masyadong
malungkot ang bahay simula ng mawala ka dito." napabaling ang tingin ko
kay Lola Agatha ng magsalita ito. Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot
dito.
"La, sa Japan na po ako naka-base. Doon din nag-aaral
si Charles." sagot ko. Agad kong napansin ang paguhit ng lungkot sa mga
mata nito bago pilit na ngumiti.
"Kayang bigyan ng magandang kinabukasan ni Ryder ang
anak niyo Ashley. Hindi mo na kailangan pang magpakahirap sa trabaho. May
sariling kompanya ang pamilya at pwedeng kang manatili dito sa Pilipinas
hanggat gusto mo." sagot nito.
"La...hi-hindi ko po alam. Mahirap naman po kung iaasa
ko ang lahat kay Ryder. May sarili akong buhay na dapat pagtoonan ko ng pansin.
May maganda pong trabaho na naghihintay sa akin sa bansang iyun at
nakakapanghinayang po kung basta ko na lang iiwan." nahihiya kong sagot.
Hindi ito sumagot at tinitigan ako. Hindi ko naman maiwasan na mapayuko dahil
sa guilt na aking nararamdaman.
"Alam kong hindi ganoon kadaling kalimutan ang nagawang
kasalanan ng apo ko sa iyo Ashley. Hindi kita masisisi tungkol sa bagay na
iyun. Kaya lang gusto din namin na makasama ang apo namin." wika ni Lola.
Hindi man nito direktang sabihin nararamdaman ko ang kagustuhan nitong makasama
si Charles.
"Hayaan niyo po La. Pag-iisipan ko po muna ang
lahat." sagot ko at sabay pagpakawala ng pilit na ngiti. Agad ko naman
napansin ang tuwa na rumihestro sa mga mata nito.
"Salamat Ashley. Alam kong hindi mo ako bibiguin sa
hiling kong ito. Salamat!" wika nito
Halos ayaw ng maghiwalay ni Charles at ni Ryder. Pero hindi
pwedeng dito kami matulog sa bahay na ito. Isa pa bukas gaganapin ang party sa
pamilya ni Enzo. Alam kong iniexpect kami ng mga magulang nito kaya kahit na
hindi maayos ang huling pag-uusap naming dalawa ni Lorenzo kailangan pa din
namin umattend. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang pamilya at hindi
pwedeng basta ko na lang kalimutan iyon.
"Maraming room dito sa bahay Ash. Pwede kayong
magpalipas ng gabi dito." agad na wika ni Ryder ng sinabi ko na kailangan
na naming umuwi ng condo. Nang tingnan ko din ang aking anak ay napansin ko na
hindi ito sang-ayon sa desisyon ko.
"Ryder...pwede naman bumalik dito si Charles kapag
kailangan. Gabi na at kailangan na naming magpahinga." sagot ko dito
pagakatapos tinitigan ko ang mukha ng anak ko. Bakas dito ang hindi maisatinig
na pagtutol. Pero hindi pwedeng mangyari ang gusto nito.
Ayaw ko din sabihin dito na aattend kami bukas ng wedding
anniversary ng mga magulang ni Lorenzo. Ayaw ko ng mag- isip ito ng kung ano pa
man. Basta ang kailangan ko ay makauwi kami ng condo ngayun din.
"Kung ganoon ihahatid ko na kayo," sagot nito.
Hindi na ako umimik pa at nagpaalam na kay Lola Agatha. Bakas ang hindi
maitagong lungkot sa mga mata nito hanggang tuluyan na kaming nakasakay sa
kotse ni Ryder..
Tahimik ang buong byahe namin. Mukhang napagod din si
Charles sa ginawang pakikipaglaro sa kanyang ama kanina. Tahimik lang din akong
nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse.
"Susunduin ko ulit kayo bukas?" pinutol ang
katahimikang iyun ng biglang nagsalita si Ryder. Tinitigan ko muna ito bago
sumagot
"May pupuntahan kami bukas. Sa susunod na araw siguro
pwede mong sunduin si Charles sa condo." sagot ko. Hindi ito nakaimik.
"Dahil ba kay Lorenzo? May lakad kayo?" tanong
nito. Bakas sa boses nito ang hindi maisatinig na galit.
"Wala ka na siguro doon. Buhay ko ito at malaya akong
sumama sa kung kanino ko gusto.'" sagot ko.
"Pero asawa pa rin kita Ash. Mag-asawa pa rin
tayo." sagot nito.
"Sana inisip mo iyan bago ka muling pumatol kay
Ingrid!" hindi ko mapigilang sagot. Nagulat pa ako ng agad nitong inihinto
ang sasakya sa gilid ng kalsada. Agad kong tiningnan si Charles at nagpasalamat
ako dahil tulog na ito.
"Wala na kami. Matagal ng hindi siya nag -eexist sa
buhay ko!" sagot nito. Hindi k maiwasan na taasan ito ng kilay. Sino ang
maniniwala?
"Hindi na ako interesado pang malaman ang tungkol sa
bagay na iyun. Bibigyan kita ng karapatan kay Charles. Malaya mo siyang makita
at makasama kapag gusto mo." wika ko dito. Hindi ito nakaimik at 4
nag-umpisa na ulit magmaneho. Muli kong ibinaling ang tingin sa labas ng
bintana. Nagpakawala ako ng malungkot na ngiti at ipinikit ko ang aking mga
mata.
Nararamdaman ko sa aking sarili na tama lang ang ginawa kong
desisyon ngayun. Ayaw kong ipagkait sa anak ko ang pagkakakilanlan ng kanyang
ama. Sana pagkatapos ng lahat ng ito magkakaroon na kami ng katahimikan.
Muli akong nagmulat ng aking mga mata ng mapansin ko na
nakarating na kami sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang aming condo.
Nakapag-park na din pala si Ryder ng hindi ko namamalayan. Akmang gigisingin ko
na si Charles pero pinigilan nya ako.
"Bubuhatin ko na sya hanggang sa loob." wika nito.
Hindi na ako sumagot at tuluyan ng bumaba ng kotse. Agad nitong kinarga si
Charles at sumunod sa akin pagpasok sa loob ng elevator.
Pagkabukas ng elevator sa floor kung saan ang unit namin ay
agad akong lumabas. Nagulat ako ng mapansin ko ang bulto ni Lorenzo na nasa
labas ng unit. Direkta itong nakatitig sa aming pagdating.
"Enzo, kanina ka pa ba? Pesensya na." Agad na wika
ko dito ng makalapit ako. Hindi ako nito pinansin at lumagpas ang titig nito
kay Ryder na nasa likuran ko lang.
"Saan kayo galing? Bakit kasama mo sya?
" tanong nito. Saglit akong natigilan at binalingan ng
tingin si Ryder na karga pa rin ang natutulog na si Charles. Nakatiim bagang
ito habang nakatitig kay Lorenzo. Agad kong hinagilap ang susi sa loob ng bag
at binuksan ang unit.
"Ipasok mo muna si Charles sa loob. Masyado na siyang
mabigat para karagahin mo pa siya ng ganyan katagal." baling ko kay Ryder.
Laking pasasalamat ko dahil agad itong tumalima. Pagkatapos ay hinarap ko si
Lorenzo at inayayahan na pumasok sa loob.
Pagkapasok sa loob ng unit ay agad kong isinara ang pintuan.
Mukhang idinerecho na ni Ryder si Charles sa loob ng kwarto.
"Bakit kasama mo siya? Nagkakamabutihan na ba kayo?
Bumalik ka na ba sa kanya?" agad na wika ni Lorenzo sa akin. Bakas sa mga
mata nito ang pinaghalong galit at lungkot.
"Enzo, please, karapatan ni Ryder na makilala niya ang
anak namin. Si Charles...alam kong hindi lang nagsasalita ang bata pero alam
kong hinahanap nya na din ang kanyang ama." sagot ko. Napansin ko ang
pagkuyom ng kamao nito kaya agad akong kinabahan.
"Pero paano ako? Mahal na mahal kita! Alam mo iyun
diba? Ginawa ko ang lahat para kahit papaano maramdaman ni Charles na hindi
siya iba sa akin. Maramdaman niya ang pagiging ama ko kahit hindi siya galing
sa akin." sagot nito. Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi nito. Alam ko
naman ang ibig sabihin nito. Kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano nya
kami alagaan ni Charles. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko kontrolado ang
lahat. Hindi habang buhay pwede kong itago si Charles sa kanyang ama.
"Patawarin mo ako Enzo! Hindi pa rin naman mababago ang
lahat diba? Ikaw pa din ang Papa Enzo na nakilala ni Charles. Malaking bahagi
ng pagkatao niya na palagi ka kanyang tabi. Kahit anong mangyari hindi mababago
iyun. Malaki ang utang na loob namin sa iyo kaya naman habang buhay ko iyung
ipagpapasalamat." sagot ko.
"Utang na loob? Hindi mo kailangan pagbayaran ang lahat
ng iyun Ash. Nagiging masaya ako sa mga panahon na pinagsisilbihan kita! Ang
gusto ko lang
ikaw! Ang puso mo! Ang pagmamahal mo! "wika nito
kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata.
"Hindi ka pa rin nagbabago Enzo. Mang- aagaw ka pa
rin." sabay pa kaming napatingin sa pintuan ng kwarto ng biglang nagsalita
si Ryder. Naglakad pa ito palapit sa amin habang galit na nakatitig kay Lorenzo
"Itinapon mo na sya! Bakit gusto mo pang bumalik sa
buhay nya!" galit na sigaw nito kay Ryder. Hlindi ko naman maiwasan na
manginig dahil sa takot.
"Natural, asawa ko sya at kahit ano pang gawin mo hindi
mababago iyun!' galit din na sigaw ni Ryder dito.
"Sa palagay mo ganoon lang kadali sa akin ang lahat ng
isuko siya? Hindi ako papayag na muli mong saktan si Ash. Mahal ko siya tandaan
mo iyan!" sagot naman ni Lorenzo.
Napasigaw ako ng biglang sinapak ni Ryder si Enzo. Hindi ko
akalain na gagawin niya ang bagay na iyun. Akmang gaganti si Lorenzo ng
pumagitna ako sa kanilang dalawa.
"Tama na! Ano baka kayo? Daig niyo pa ang mga
bata!" galit na sigaw ko. Hindi ko na napigilan pa ang pag-uunahan sa
pagpatak ang luha sa aking mga mata. Pareho silang hindi nakaimik pero masakit
pa rin ang tingin sa isat isa. Binalingan ko na si Ryder at buong lakas na
itinulak.
"Umalis ka na! Kung hindi mo kayang makipag-usap ng
mahinahon mabuti pang iwan mo na muna kami ni Lorenzo dito." galit na wika
ko dito kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Maang itong napatitig sa
akin. Bakas sa mga mata nito ang pait na nararamdaman. Pero wala na. Kapag
ipagpapatuloy pa nila ang paghaharap baka lalo lang silang magkasakitan.
Tinitigan muna ako ni Ryder at laglag ang mga balikat na
naglakad patungo sa elevator. Hinintay ko munang makasakay ito bago ko isinara
ang pintuan ng unit. Naabutan kong nakaupo na si Lorenzo sa sofa habang hindi
inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Im sorry." sambit nito habang bakas sa mga mata
ang lungkot.
"Enzo, mabait kang tao. Patawarin mo ako kung
nasasaktan ka man ngayun dahil sa akin. Pero sana, kung ano man ang
nararamdaman mo ngayun sa akin. Pilitin mong burahin yan dahil hindi ako ang
babaeng karapat-dapat sa iyo. Pakiusap.....ibaling mo na lang sa iba ang
pamamahal na iyan!" sagot ko dito. Napansin ko ang pagtayo nito at
paglapit sa akin.
Hindi ko na inasahan pa ang susunod niyang ginawa. Agad ako
nitong niyakap habang nararamdaman ko ang pag-iyak nito.
"Hindi ko kaya Ash. Sa ilang taon na inalagaan kita,
tuluyan ng nahulog ang loob ko sa iyo! Mahal na mahal kita at mawawalan ng
halaga ang buhay ko kung babaliwalain mo ang nararamdaman kong ito sa
iyo." pabulong na wika nito. Hindi ko naman maiwasan na maramdam ng
matinding kaba dahil sa binigkas nitong salita.
Chapter 30
ASHLEY
"Hayaan mong mahalin kita! Hayaan mong manatili ako sa
tabi mo. Basta mangako ka...huwag na huwag ka ng bumalik sa kanya. Hindi ko
kayang tanggapin ang bagay na iyun Ash!"
pagpapatuloy na wika ni Enzo habang patuloy ang pagyugyog ng
balikat nito. Palatandaan ng matindi nitong pag-iyak.
Hindi ko naman alam kong paano ang gagawin ko. Ako ang mas
nahihirapan sa sitwasyon ngayun. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat.
Para tuloy akong napagitnaan ng nag-uumpugang malalaking bato. Hindi ko alam
kung paano lusutan ang napakalaking problemang ito.
"Enzo, walang magaganap na balikan sa aming dalawa.
Magkasama kami ni Ryder dahil kay Charles. Siya ang ama ng bata kaya karapatan
nila parehong makilala ang isat isa." sagot ko dito at pilit na kumawala
sa pagkakayap nito. Naiilang na ako sa kanya. Ibang iba na siya sa Lorenzo na
nakilala ko noon. Masyado na itong nagiging vocal sa nararamdaman niya sa akin
na syang labis kong ikinatatakot.
"Kailangan mo ng umuwi. Magpahinga na tayo. Bukas ang
party sa inyo diba at ayaw kong umattend ng puyat." wika ko dito na may
halong biro. Gusto kong mapagaan ang tensyon na namagitan kani -kanina lang.
Hindi naman ako nabigo dahil agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito
"Aattend kayo diba?" tanong nito. Agad akong
tumango
"Of course. Hindi namin matitiis ang mga magulang
mo." sagot ko.
"Kung ganoon, magkikita tayo ulit bukas. Susunduin ko
kayo ni Charles dito." sagot nito at bakas na ang saya sa mukha. Agad
akong tumango at naglakad patungong pintuan ng condo. Binuksan ko iyun at
binalingan si Lorenzo.
"Well, mukhang pinapaalis mo na nga ako. Good night
Ash." nakangiti nitong wika at mabilis akong hinalikan sa aking pisngi.
Nagulat man pero hindi na ako nagreklamo pa. Pagod na ako at ayaw ko ng
pahabain pa ang pag-uusap naming dalawa. Isa pa kakabalik lang ng magandang
mood ni Lorenzo at baka lalo itong magtampo sa akin kapag makarinig ito ng mga
bagay na hindi nito magustuhan.
Agad akong naglinis ng katawan para makatulog na. Sa
dinami-daming nangyari ngayung araw pakiramdam ko wala na akong energy pa para
isipin ang lahat ng bagay na iyun. Mas gusto ko pang mahiga sa kama katabi ng
anak ko dahil tiyak bukas panibagong pagsubok na naman ang haharapin ko.
Hindi ko akalain na ito ang sasalubong sa akin dito sa
Pilipinas. Ang akala ko mag- eenjoy ako sa bakasyon na ito pero nagkakamali
ako. Ngayun palang nahahati na ang isip ko sa pagitan nilang dalawa ni Lorenzo
at Ryder.
Pagkatapos kong gawin ang aking evening routine ay agad na
akong tumabi sa anak ko. Mabuti na lang at tulog na tulog na ito at hindi na
nito nasaksihan ang sagupaan nilang dalawa ni Ryder at Lorenzo. Tiyak na ito
mas maapektuhan dahil alam ko kung gaano kahalaga dito ang dalawang lalaking
iyun. Wish ko lang na sana hindi na magsakitan ang dalawa. Magkabati na lang
sana sila dahil wala naman talaga akong balak na patulan ang isa sa kanilang
dalawa.
Mas maganda na ang ganito. Mag focus na lang ako sa
pagpapalaki kay Charles. Ayaw ko ng pumasok pa sa panibagong gulo ng buhay.
Hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala ako. Nagising
ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Charles. Hindi pa sana ako babangon sa
higaan pero ng tingnan ko ang orasan ay alas otso na pala ng umaga. Kailangan
ko pang maghanda ng pagkain naming mag-iina.
Dahan-dahan akong bumangon kahit na pakiramdam ko umiikot
ang paligid ko. Hindi ko alam kung bakit kulang na kulang ako sa energy ngayun.
Masarap naman ang tulog ko pero hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito
ako ngayun.
Agad na akong dumirecho ng banyo para maligo. Baka kulang
lang ako sa ligo kaya ganito ang pakiramdam ko. Pagkahubad ko ng aking damit ay
napakunot pa ang noo ko ng mapansin ko na marami na naman akong pasa sa balat.
Hindi ko talaga maisip kong saan ko ba nakuha ang bagay na iyun. Mukhang
kailangan ko na sigurong magpatingin sa Doctor.
Pagkaligo ko ay agad akong nagbihis ng damit pambahay.
Mukhang magpapadeliver na naman kami ng pagkain namin. Hindi ako nakapamili
kahapon dahil hindi na kami natuloy sa supermarket. Agad akong lumabas ng
kwarto at nagulat pa ako sa aking naabutan.
Nandito si Lorenzo at magkaharap silang nakaupo ni Charles
sa hapag kainan kung saan may mga pagkain ng nakahain.
"Good Morning!" napakurap pa ako ng batiin ako
nito. Tipid akong ngumiti at sinagot ang pagbati nito.
"Good Morning! Ang aga mo yata ngayun ah?" sagot
ko dito. Agad akong lumapit sa anak ko at hinalikan sa pisngi. Agad ko naman
napansin ang masayang ngiti na gumuhit sa labi nito. Nakangiting tumayo naman
si Lorenzo at ipinaghila ako ng upuan.
"Maupo ka na muna. Sumalo ka na sa amin.' wika nito.
Nag-aalangan man pero wala na akong nagawa pa kundi umupo na din. Tiningnan ko
pa ang mga nakahain sa lamesa at natuwa naman ako sa aking mga nakita.
Pritong longanisa at tocino. May hard boil egg sinangag at
danggit din. May mga ilang prutas na din akong nakikita na maayos na
nakasalansan. Kung titingnan mukhang hindi naman galing sa restaurant ang mga
nakahain na pagkain sa lamesa.
"Galing pa sa bahay iyan. Pinaluto ko sa cook namin
dahil alam kong wala kayong pagkain dito sa condo. Hindi healthy kung puro
pagkain sa restaurant ang kinakain niyong mag-ina." wika ni Lorenzo.
Mukhang nabasa nito ang iniisip ko. Tipid akong napangiti at sumandok na din ng
sinangag.
"Thank you Enzo. Nag-abala ka pa talaga. Nahihiya na
ako sa mga ginagawa mo sa amin." wika ko dito at habang hinahalo ang
pagkain sa harap ko. Naglagay ako ng pagkain sa kutsara at sumubo na din.
"Walang problema Ash. Basta para sa inyong dalawa ni
Charles, gagawin ko ang lahat para mapasaya ko kayo. At isa pa dinala ko na din
ang isusuot niyong damit para sa party mamaya. Kahapon ko pa binili ang mga
iyun at nakalimutan kong bitbitin paakyat dito sa condo." nakangiti nitong
sagot sabay titig sa akin.
"Naku, salamat Enzo. Formal event pala ang party nila
Tita at Tito. Hindi pala ako nakabili ng damit na isusuot ko para mamaya."
sagot ko naman. Ngumiti ito at itinoon na din ang pansin sa pagkain.
"No Worries. Nandito ako. Hindi ko hahayaan na
poproblemahin niyo pang mag-ina ang isusuot niyong damit mamaya."
Nakangiti nitong wika. Hindi na ako sumagot pa at itinoon ko na ang attention
ko sa pagkain. Mabuti na din at nanahimik na si Lorenzo. Si Charles naman ay
agad na nagpaalam pagkatapos nitong ubusin ang pagkain sa kanyang pinggan. 1
RYDER POV
Nandito ako sa tapat ng condo kung saan nakatira sila
Ashley. Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatitig sa sasakyan ni Lorenzo na
nasa tabi lang din kung saan ako nakaparada.
"Hindi ba sya umuwi kagabi?" naibulong ko sa aking
sarili. Gaano ba sila ka-closed dalawa ni Ashley? Agad na gumuhit ang galit sa
puso ko habang naiisip na baka may relasyon na silang dalawa. Na si Lorenzo na
ang mahal ni Ashley.
Nauna akong umalis kagabi dahil na din sa mga nangyari. Wala
naman sana akong balak na iiwan ang mag-ina ko sa condo na ito pero dahil sa
sobrang sama ng loob ko at sa selos na nararamdaman wala akong pagpipilian
kundi agad na pinaarangkada ang sasakyan pagkapasok ko pa lang sa loob ng
kotse. Pakiramdam ko mas pinapanigan pa ni Ashley si Lorenzo kaysa sa akin.
Pakiramdam ko ako ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.
Pero sa nakikita ko ngayun...isang malaking posibilidad na
tuluyan na syang naagaw sa akin ng best friend ko. Ang sakit! Pero hindi ako
papayag. Ilalaban ko kung ano ang sa akin. Akin lang si Ashley. Walang ibang
pwedeng kikilalaning ama ang anak namin kundi ako lang. Hindi sila dapat
mapunta sa taong minsan na akong inagawan. Hindi ako papayag na sa pangalawang
pagkakataon muling aagawin ni Lorenzo ang babaeng mahal ko.
"Pagbibigyan kita ngayun. Ito na ang last na makakasama
mo ang mag-ina ko. Sisiguraduhin ko na sa akin pa rin ang huling bagsak
nila." bulong ko at agad na pinasibad ang kotse. Kailangan kong maghanda.
Hindi ko na bibigyan pa ng pagkakataon na makalapit pa ulit ang Lorenzo na iyun
sa mag-ina ko.
"Ryder...akala ko ba isasama mo dito ang mag-ina mo?
Nasaan sila?" tanong ni Lola Agatha pagkauwi ko ng bahay. Pilit akong
ngumiti dito.
"May lakad sila ngayun La. "Matamlay kong sagot.
Tinitigan naman ako ni Lola tsaka napapailing.
"Mas maigi siguro na dumito na ang mag- ina mo. Ang
alam ko balak pang bumalik ni Ashley ng Japan. Mas mahihirapan tayo kapag
mangyari iyun. Ilang taon na naman kaya ang bibilangin natin bago muling
makasama natin ang anak mo. Pati na din si Ashley." sagot ni Lola. Hindi
ko mapigilan na mag-alala sa sinabing iyun ni Lola. Tama ito mas mahihirapan
kami kung tuluyan na silang makalabas ng Pilipinas kaya kailangan ko ng bilisan
ang lahat para maisakatuparan ko na ang plano ko.
"Hayaan mo La. Ako ang bahala tungkol sa bagay na iyan.
Mananatili sa atin si Charles pati na din ang asawa ko." sagot ko dito.
Nakangiti namang tumango si Lola at hinawakan pa ako sa kamay.
"Aasahan ko iyan iho. Walang kapantay ang nararamdaman
kong tuwa kahapon dahil sa presensya ni Ashley at ng anak nyo." sagot nito
na agad ko namang sinang-ayunan.
Chapter 31
Ashley POV
"I am so happy dahil nagawa niyong makarating
iha!" nakangiting wika sa akin ni Mrs. Susan Jimenez. Ang ina ni Enzo.
Makailang ulit pa nitong hinalikan si Charles bago ako muling binalingan.
"Pasensya na po kayo Tita. Medyo na late po yata kami
ng dating." sagot ko naman. Medyo sumama na naman ang pakiradam ko kanina
kaya naman hindi kaagad kami nakapag-ayos ni Charles. Mabuti na lang din at
matiyaga kaming hinintay ni Lorenzo kanina dahil kung hindi mukhang hindi
talaga kami makaka- attend sa party na ito.
"Ayos lang iha. Ang importante dumating kayo. Naku! ang
cute talaga ni Charles. Ang bilis nyang lumaki." nakangiti nitong wika.
Nagulat pa ako ng bigla akong hawakan ni Lorenzo sa kamay.
"Mom, hihiramin ko muna si Ashley. Ipapakilala ko siya
sa ilan kong mga kaibigan." nakangiting wika ni Enzo sa kanyang Ina.
"Ok tho, Dont worry, ako na muna ang titingin kay
Charles. Mukhang nag- eenjoy din siya dito. Ipapakilala ko siya sa ibang mga
batang nandito." nakangiting sagot ni Tita Susan. Agad naman akong
nagpatianod ng hilain ako ni Lorenzo sa ilang umpukan ng mga bisita.
"Wow Enzo! Kailan ang kasal?" salubong na tanong
sa amin ng isa sa mga bisita. Natigilan naman ako. Hindi ko maiwasan na
makaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng tanong na ibinato nito sa amin
ngayun.
"Ang lakas talaga ng pang-amoy mo Mark tungkol sa bagay
na iyan. Hindi ko pa nga ipinakilala sa inyo ang fiancee ko pero kasal na agad
ang itinatanong niyo sa akin.' nakangiting sagot nito. Agad naman nagtawanan
ang lahat.
"By the way Ash, sila ang mga kaibigan ko, hindi kami
masyadong close pero nagkakausap din naman..... and mga Bro's si Ashley nga
pala, fiancee ko."
Pagpapakilala sa amin ni Lorenzo. Hindi ko naman maiwasan na
magulat sa sinabi nito. Ano ang sinasabi nitong fiancee nya ako? Kailan pa
dahil kahit na anong gawin kong pagpiga ko sa utak ko wala akong naalala na
nagpropose ito sa akin. At wala akong balak na gawing kasintahan si Lorenzo.
Hindi magbabago ang lahat. Tangin pagiging isang mabuting
kaibigan lang ang aking mai-offer dito. Wala ng iba. Pero ayaw ko naman itong
ipahiya sa kanyang mga kausap kaya nanahimik na lang ako. Mamaya ko na lang sya
kakausapin tungkol sa bagay na ito.
Naging mainit naman ang pagtanggap sa akin ng mga kaibigan
ni Lorenzo. Sinasagot ko kung ano man ang kanilang mga katanungan. Laking
pasalamat ko dahil kahit papaano nag-enjoy naman ako sa party kahit na naiilang
ako sa kakaibang ka-sweetan na ipinapakita sa akin ni Enzo. Hinayaan ko na lang
total kokomprontahin ko naman sya pagkatapos na party. Hindi pwedeng ganito.
Hanggat maaari ayaw ko siyang bigyan ng pag-asa na magiging kami balang araw
dahil hindi mangyayari iyun
Mabilis na lumipas ang mga oras. Sa wakas natapos din ang
party. Agad akong nagpaalam sa mga magulang nito na babalik na kami ng condo.
Ayaw pa nga sana nilang pumayag at inanyayahan kaming mag-ina na pwede naman
kaming matulog sa isa sa mga guest room nila. Pero nanindigan ako sa kagustuhan
na makauwi ng condo. Hindi kasi ako komportable sa bahay nila. Lalo na habang
tumatagal lalong nagiging kakaiba ang kinikilos ni Lorenzo. Hindi ako sanay na
ganito sya kaalaga sa akin. Naiilang ako. Kung anu-anong dahilan na ang sinabi
ko para lang makaalis na.
"Ash, alam mo ang saya ko ngayung gabi. Pakiramdam ko
naging kompleto ang pagkatao ko dahil kasama ko kayong mag -ina." wika
nito habang nagmamaneho.
"Enzo, bakit fiancee ang pagpapakilala mo sa akin sa
mga kaibigan mo?" hindi ko mapigilang tanong dito. Sandali itong hindi
nakasagot habang nakatitig ang tingin sa kalsada na aming dadaaanan. Pagkatapos
narinig ko ang marahan na pagbuntong hininga.
"Bakit ayaw mo ba? Galit ka ba dahil doon?" tanong
nito. Sandali akong hindi nakaimik. Hanggat maari ayaw kong sirain ang masayang
gabi nito. Kaya lang hindi naman pwedeng bigyan ko siya ng false hope diba?
"HIndi naman sa ganoon. Baka kasi mag- expect
sila." sagot ko naman. Agad kong napansin ang lungkot na bumalatay sa mga
mata nito. Ito ang iniiwasan kong mangyari pero ano nga ba ang tama?
Naging tahimik na ito hanggang sa makarating kami ng condo.
Hindi na din ito umakyat pa ng unit. Nagi-guilty man pero wala akong choice.
Alam kong hindi din naman kami nito matitiis. Sa ngayun kailangan nyang malaman
na wala talagang pag-asa para maging kami. Hindi pwedeng paasahin ko ito.
"Mama, bakit parang galit si Papa Enzo?"
nagtatakang tanong ni Charles. Nakangiti ko naman itong tinititigan.
"Hindi naman baby. Napagod lang siguro siya. Magiging
ok din ang lahat bukas." sagot ko naman at pinindot na ang button ng
elevator paakyat ng unit namin. Hindi na ito sumagot pa hanggang bumukas ang
elevator sa kung saang floor matatagpuan ang unit namin.
"Papa!" nagtaka pa ako sa sigaw na yun ni Charles.
Agad akong napatingin sa pintuan ng unit namin at nagulat ako dahil nakita kong
nakatayo doon si Ryder. Tahimik itong nakatitig sa pagdating namin ni Charles.
Bakas ang pagkainip sa mukha nito.
"Hello baby! akala ko hindi na kayo uuwi dito sa condo
eh. Kanina pa ako naghihintay dito." wika nito kay Charles na halatang
gustong iparinig sa akin ang sinasabi nito dahil sa lakas ng kanyang boses.
Hindi na lang ako umimik bagkos binuksan ko ang bag para hanapin ang susi ng
unit namin.
"Hindi mo na kailangan pang buksan ang pintuan na iyan.
Sasama kayo sa akin." wika ni Ryder sa akin sa seryosong boses. Agad naman
akong napatitig dito. Gusto kong masiguro kung gaano ito ka-seryoso ngayun.
"Ryder please, pagod na kami. Hayaan mong
makapagpahinga muna kami ni Charles ngayung gabi." sagot ko naman
"Pwede kayong magpahinga sa bahay. Lets go
Charles!" seryosong wika nito at agad na hinawakan sa kamay ang anak
namin. Lumingon pa sa akin si Charles kasabay ng pagtalikod nilang dalawa sa
akin..Naiinis man pero wala na akong nagawa kundi sundan na din sila. Hindi ako
papayag na basta na lang isama nito ang anak namin kung kailan nya gustuhin.
Hindi ako sanay na mawalay ito sa akin kahit saglit lang.
Hindi man direktang ipinapakita alam kong galit si Ryder.
Ayaw nya lang sigurong ipakita ito sa anak namin. Tahimik na din akong sumakay
ng kotse pagkadating namin ng parking.
"So, kumusta ang party." tanong pa nito ng
mag-umpisa na kaming umusad. Hindi ko lang alam kung para kanino ang tanong na
iyun. Pero agad naman sumagot dito si Charles.
"Super happy Papa. Nagkaroon ako ng maraming friends.
Pagkatapos ang daming bisita. Sabi nga sa akin nila Lola at Lola sana sa kanila
na daw kami titira ni Mama." madaldal na sagot ni Charles. Hindi ko naman
maiwasang mailang lalo na ng titigan ako ni Ryder.
"Sinong Lola at Lola?" nagtatakang tanong nito sa
amin. Pasulyap sulyap pa din ito sa akin.
"Yung mga parents po ni Papa Enzo. Lolo at Lola ko na
din po sila." sagot naman nito. Agad kong napansin ang pagtiim bagang ni
Ryder at tinapunan pa ako ng matalim na titig na siyang nagpakaba sa akin.
"'Papa' din pala ang tawag mo sa kanya?"
mahinahong tanong nito sa anak namin. Agad naman tumango si Charles.
"Yes po. Kasi palagi syang may gift sa akin noong baby
pa ako. Tsaka lagi niya kaming pinapasyal noon ni Mama." inosenteng sagot
naman ni Charles. Agad na gumuhit ang pait sa mga mata ni Ryder. Alam kong
mayado itong naninibugho sa mga nalaman nito sa anak namin. Hindi ko na lang
pinansin pa ang kanilang pinag-uusapan bagkos ipinikit ko na lang ang aking mga
mata.
Agad naman kaming nakarating sa bahay nila. Tahimik na ang
buong paligid at nagpapahinga na ang lahat. Agad akong bumaba ng kotse at
hinarap si Ryder.
"Saan kami matutulog ni Charles?" seryoso kong
tanong. Pagod na ako at ayaw ko na sana pang pahabain ang pag- uusap namin.
Tinitigan ako nito tsaka kaswal na sumagot.
"Saan ba dapat? Eh di sa kwarto natin." sagot
nito. Agad na pinanlakihan ko ito ng mata. Pagkatapos ay binalingan ko si
Charles na noon ay abala sa kakaikot sa paligid. Mabuti na lang at maliwanag
ang bakuran ng bahay nila. Medyo malayo din sa kinaroroonan namin ang anak
namin dahil pinagmamasdan nito ang tubig sa fountain
"Anong kwarto natin? Nakalimutan mo na ba na matagal na
tayong hiwalay? Kung wala kang balak na patulugin kami sa isa sa mga guest room
dito sa bahay mas mabuti pang bumalik na lang kami ng condo." inis kong
sagot dito. Nakita ko ang galit sa mga mata nito bago sumagot.
"Para ano? Para malaya kang mabisita ng gagong Lorenzo
na iyun? Hindi ako papayag Ashley. Akala mo ba hindi ko alam ang mga
pinanggagawa niyo kanina sa party na iyun? Akala mo ba hindi ko alam ang mga
nangyayari doon?" galit na tanong nito. Natigilan naman ako. Tinitigan ko
ito sa mga mata bago sumagot.
"Wala ka na doon Ryder. Matagal na tayong hiwalay at
malaya na akong gawin lahat ng gusto ko!" gigil kong sagot. Ngumisi lang
ito sa akin
"HIndi pa tayo hiwalay Ash. Kasal pa rin tayo at sa
batas dito sa Pilipinas mag- asawa pa rin tayo!" sagot nito. Agad akong
napailing.
"Pwes ako mismo ang magpa-file ng divorce kung wala
kang balak na gawin iyun. Hindi na tayo pwedeng magsama tulad ng dati Ryder.
May sarili na akong buhay." seryoso kong sagot. Nakita kong muli ang galit
sa mga mata nito pero hindi ko na lang pinagtoonan pa ng pansin.
"Bakit ang laki ng ipinagbago mo? Hanggang ngayun hindi
mo pa rin ba ako pinapatawad sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sa iyo?
Ganoon na lang ba kalaki ang galit mo sa akin para tuluyan mo ng tapusin ang
kasal natin?" tanong nito. Ilang sandali akong natigilan bago ito sinagot.
"Kinalimutan ko na ang mga nangyari noon. Kaya nga
malaya ka ng makita ang anak natin diba? Pero hindi ibig sabihin noon na
babalik tayo sa dati. Binibigyan lang kita ng karapatan kay Charles. Iyun lang
at wala ng iba." sagot ko. Sandali itong natameme. Muli itong napatiim
bagang.
"Dahil ba kay Lorenzo? Siya na ba ang mahal mo ngayun?
Tuluyan mo na ba akong ipinagpalit sa gagong iyun?" galit na sagot nito.
"Wala ka na doon Ryder. Noon pa man ibinigay ko na sa
iyo ang kalayaan na gusto mo. Ngayun naman, kung gusto mong palaging makikita
ang anak natin, huwag mo ng ipilit ang kasal nating dalawa dahil hindi na
maibabalik ang dati. Tuluyan ng nasira ang kung anong meron sa atin noon kaya
huwag mo ng pakialaman pa ang kung anong meron man sa buhay ko ngayun!"
seryoso kong sagot. Wala na akong pakialam pa kung masasaktan man ito sa aking
sinabi. Katulad ni Lorenzo, ayaw ko na din na umasa pa ito. Masaya na ako kung
anong meron man ako ngayun.
Chapter 32
ASHLEY POV
"Mama, Papa, nag-aaway po ba kayo?" sabay kaming
napalingon ni Ryder sa likuran ng marinig naming nagsalita si Charles. Hindi ko
alam kung narinig ba nito ang pag-uusap naming dalawa ni Ryder. Napansin ko
kasi ang butil ng luha na pumatak sa mga mata nito kaya agad ko itong
nilapitan.
"No baby. Nag-uusap lang kami ni Daddy. Meron lang
kaming kaunting hindi napagkasunduan pero hindi ibig sabihin galit kami sa isat
isa." nakangiti ko namang wika at binalingan si Ryder na noon seryoso ang
mukha na nakatingin sa aming dalawa ni Charles. 1
"I am sleepy na po Mama. Gusto ko na po matulog."
sagot nito. Nginitian ko muna ito at binalingan ko si Ryder.
"Sa guest room kami." wika ko at hinila na ang
kamay ni Charles para pumasok sa loob ng bahay. Kahit papaano kabisado ko ang
bahay na ito at alam ko kung nasaan ang guest room. Tahimik naman na sumunod sa
amin si Ryder na siyang ipagsawalang-bahala ko na lang.
Hindi naman siguro ito gagawa ng mga bagay na hindi ko
magugustuhan lalo na at kasama ko ang anak ko. Alam kong ipipilit nito ang
gusto pero hindi ako papayag. Ipagpipilitan ko ang karapatan ko at ayaw kong
kuntrolin niya ako porket nandito kami sa pamamahay nila.
"Pagdating sa isa sa mga guest room ay agad kong
binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Alam kong regular na nililinis lahat
ng mga guest room dito sa bahay na ito kaya wala akong dapat na alalahanin.
Magiging safe kami ni Charles dito.
"Sigurado ba kayo na dito kayo matutulog. Charles,
pwede kayo sa kwarto ni Daddy. Malaki iyun at mas magiging komportable
kayo." wika ni Ryder habang nakatayo sa pintuan. Hindi ko namalayan na
sumunod pa rin pala ito sa amin hanggang dito. Ang akala ko dumerecho na ito sa
sarili nyang kwarto.
"No Dad. Maybe next time na lang!" sagot naman ni
Charles at naghikab pa. Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Ryder.
"Kailangan maglinis ng katawan ni Charles. May damit ba
na pwedeng isuot na kasya sa kanya?" tanong ko sa seryosong boses.
Tinitigan muna ako ni Ryder bago sumagot.
"Nasa kwarto. Sandali lang at kukuha ako. " sagot
nito. Hindi ko ito pinansin pa bagkos inakay ko na si Charles patungong banyo
para tulungang maglinis ng katawan. Hindi na din naman ito nagreklamo pa at
kita sa kanyang mga mata na antok na antok na talaga ito.
Mabilis ko itong pinunasan at binalot ang kanyang katawan sa
bathrobe para hindi lamigin. Nakakaramdam na ako ng inis dahil hindi pa din
bumabalik si Ryder. Kung ganitong puro kunsumisyon lang din ang aabutin ko
mabuti pang hindi na lang kami sumama sa kanya. Tulog na sana kaming mag-ina sa
mga oras na ito.
Akmang muling babalik na ulit ako ng banyo para gawin na din
ang aking evening routine ng marinig kong may kumatok sa pintuan. Agad akong
naglakad at binuksan ito. Bumungad sa akin ang mukha ng isang kasambahay. May
hawak itong paper bag at agad na inabot sa akin pagkatapos akong batiin.
"Good Evening po Mam. Pinapabigay ni SIr Ryder."
wika nito. Agad ko itong nginitian at kinuha dito ang paper bag. Nagpasalamat
ako at agad naman itong nagpaalam kaya naman muli kong isinara ang pintuan ng
kwarto.
Hinalungat ko pa kung ano ang laman ng bag at natuwa naman
ako dahil mga damit pantulog naming mag-ina. Agad kong kinuha ang para kay
Charles at agad itong binihisan. Pagkatapos ay agad na itong nahiga ng kama
kaya kinumutan ko na ito para makatulog na.
Itinuloy ko na din ang pagpasok sa loob ng banyo para
maglinis ng katawan.
Pagkatapos kong gawin lahat ng evening routine ko ay tumabi
na ako kay Charles at payapa kaming natulog.
Kinaumagahan, nagising ako sa isang mainit na hininga na
dumadampi sa aking leeg. Agad na napakunot ang aking noo dahil imposible namang
galing kay Charles iyun kaya napabalikwas ako ng bangon at nilingon ko kung
sino ang katabi ko.
Nagulat pa ako ng masilayan ko ang mukha ni Ryder.
Pupungas-pungas din itong bumangon at halatang nadisturbo ko ang tulog nito.
"Ano ba? Bakit ka nandito?" agad kong tanong
habang pinipiglan ko ang galit. Inilibot ko pa ang tingin sa paligid upang
hanapin kung nasaan si Charles
"Ash, ang aga pa! Matulog pa tayo!" wika nito at
hinawakan pa ako braso para mahiga muli pero pumiksi ako.
"Ryder, hindi nakakatuwa! Bakit nandito ka? Nasaan si
Charles?" Inis kong tanong.
Pagkatapos ay bumaba ng ako ng kama upang silipin ang banyo
at nagbabakasakaling nandoon si Charles.
"Nasa kwarto sya ni Lola!" baliwala nitong sagot
habang titig na titig sa akin. Agad nanlaki ang aking mga mata at dumako ang
paningin ko sa relo na nakapatong sa bedside table. Alas sinko pa lang ng umaga
at ang aga naman nagising ni Charles.
"Kung ganoon ano ang ginagawa mo sa kwarto na ito? Sino
ang nagsabi sa iyo na pwede kang tumabi sa akin?" inis kong sagot. Tumayo
pa ito ng kama at akmang lalapitan ako pero umiwas ako. Agad ko din iniiwas ang
tingin ko dito. Nakasuot lang ito ng boxer shorts at walang damit pang-itaas.
Tipical na suot niya kapag natutulog kami noon.
"Ayaw niyong matulog sa kwarto natin kaya dito tayo
matutulog. Kagabi pa ako dito at tulog na tulog kayong dalawa ni Charles kaya
tumabi na ako." wika ni sa tonong naiinis na din. Agad ko naman itong
pinandilatan.
"Sino naman ang nagsabi sa iyo na pwede kang tumabi sa
amin. Ryder, pumayag na akong dito kami matutulog ni Charles kagabi pero hindi
ibig sabihin na malaya mo ng gawin lahat ng naisin mo!" halos pasinghal ko
iyung sinabi sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay nito.
"Ashley, asawa pa rin kita! BAka nakakalimutan mo na
ang tungkol sa bagay na iyun!" inis din nitong sagot.
"Noon iyun Ryder! Pwede mo akong ituring bilang isang
asawa. Pero iba na ngayun! Ayaw ko na!" galit ko ding sagot.
"Bakit? Dahil ba sa kanya? Tuluyan na bang inagaw ni
Lorenzo sa akin ang puso mo?" galit din na sagot nito. Hindi ko naman
maiwasan na mapahilot sa sentido ko dahil sa mga kaganapan ngayun. Maling-mali
talaga na sumama pa kaming mag-ina dito. Ang agang nasira ng araw ko dahil sa
kakulitan ni Ryder. Gaano ba kahirap intindihin ang mga gusto ko? Bakit ayaw
niya pa akong tigilan total naman kilala na siya ni Charles.
"Huwag na nating idamay pa ang wala dito Ryder. Labas
si Lorenzo sa pag-uusap natin." sagot ko. Ngumisi ito.
"Siya ang dahilan kung bakit hindi kita mahanap-hanap!
Kung hindi sa pagiging mapapel nya hindi sana tayo hahantong sa ganito! Matagal
na sanang muling nabuo ang pamilya natin Ashley!" Galit na sagot nito.
Galit ko naman itong tinitigan.
"Mabuo? HIndi na mabubuo pa ang pamilyang ito Ryder!
Matagal ng sira dahil ikaw mismo ang sumira nito!" hindi ko mapigilang
sigaw kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Natigilan ito. Bakas ang
guilt sa mukha nito habang titig na titig sa akin. Wala na din naman akong
pakialam pa sa nararamdaman nito dahil totoo naman ang aking sinasabi. Kung
hindi sana nya ako binaliwala noon at sinaktan hindi sana kami hahantong sa
ganitong bagay.
Nagkatrauma na ako sa kanya. Paano kung mauulit ang mga
nangyari noon? Siguro hindi ko na kakayanin pa!
"Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang tungkol sa
bagay na iyan Ash! Inaamin ko, nagkamali ako sa relasyon nating dalawa noon.
Patawarin mo ako Ash!" sagot nito. Agad akong umiling.
"Pinapatawad na kita. Gusto ko ng kalimutan ang lahat!
Kaya please, huwag mo ng ipilit pa na muli tayong bumalik sa dati. Ayaw ko na
Ryder. Palayain na natin ang isat-isa. Para na lang kay Charles kaya
nagkakaroon tayo ngayun ng ugnayan." sagot ko. Agad na gumuhit ang sakit
sa mga mata nito dahil sa sinabi kong iyun. Para namang hinihiwa ang puso ko.
Pero alam kung ito ang tama. Ayaw ko ng sumugal pa ulit. Takot na akong muling
masaktan.
"Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" seryoso
nitong tanong at dahan- dahan na naglakad palapit sa akin. Agad naman akong
napaatras.
"A-anong ginagawa mo? Bakit ka lumalapit sa akin!"
nahintakutan kong wika habang umaatras. Hindi ito sumagot at patuloy ang
kanyang paghakbang palapit sa akin hanggang sa naramdaman ko na pader na ang
nasa likuran ko. Kaya naman wala na akong nagawa pa kundi hintayin ang mga
susunod nitong gawin.
"Alam mo bang hindi ako papayag na may ibang lalaki na
aagaw sa iyo? Tandaan mo Ash! Oo, amindado ako na malaki ang kasalanan ko sa
iyo noon. Pero mahal kita! Mahal na mahal kita at willing kong gawin ang lahat
makabawi lang ako sa iyo! Kaya please...bigyan mo naman ako ng chance para
patunayan ko sa iyo ang lahat! Bumalik ka na sa akin!"
nagsusumamo nitong wika. Agad akong umiling kasabay ng
muling pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"No! Sorry..pero----" Hindi ko na natuloy pa ang
aking sasabihin ng mabilis na bumaba ang mukha nito sa mukha ko at lumapat ang
labi niya sa labi ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa nito.
Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ito sa akin sa kabila ng pagtutol ko na
muli kaming magkabalikan.
Nagiging mapusok sa pag-angkin ng labi ko si Ryder. Para
itong isang gutom ng Leon na sinibasib ang aking labi at hindi na ako binigyan
ng pagkakataon na makapagsalita.
Nagiging malikot na din ang mga palad nito na humahaplos sa
likod ko. Hindi ko naman malaman kong paano magre- react dahil ang totoo ay
tuluyan na din akong nahuhulog dito. Tuluyan na din akong natangay sa init ng
labi nito at hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili na kumuyapit sa leeg
nito upang tugunin ang mapusok nitong halik.
Chapter 33
ASHLEY POV
Hindi ko namalayan ang muling pagbalik namin ng kama. Pareho
na kaming hubot hubad at abala sa pagdama ng init ng katawan ng bawat isa.
Bawat haplos na pinapakawalan sa katawan ko ni Ryder ay nagbibigay sa akin ng
kakaibang kiliti sa buong pagkatao ko.
Ramdam sa bawat galaw namin ang pananabik sa isat-isa. Hindi
ko namalayan na napapaungol ako habang malaya nitong dinadama ang magkabilaan
kong bundok. Nakakabaliw ang ginagawa nitong pagsamba sa katawan ko. Pakiramdam
ko may gustong abutin ang katawan ko na tanging si Ryder lamang ang makakagawa
noon.
Malaki pa rin ang epekto nya sa akin at hindi pwedeng ikaila
iyun ng sarili kong katawan. Mahal na mahal ko siya at gustuhin ko man na mabuo
kaming muli pero tumutol na ang isipan ko sa ideyang iyun. Takot na din ang
puso kong sumugal.
"I love You Ashley! Magsimula tayo ulit!" bulong
nito sa punong tainga ko. Muling bumalik ang halik nito sa labi ko patungo sa
punong tainga ko. Napakurap ang aking mga mata at muling nanumbalik sa isipan
ko ang mga nangyari sa amin noon. Ang masakit na pinagdaanan ko sa mga kamay
nito kaya wala sa sariling naitulak ko ito na siyang dahilan ng pagkakaalis
niya sa pagkadagan sa akin.
Agad kong hinablot ang kumot at tinakpan ang kahubaran ko
pagkatapos ay agad na sumalubong sa paningin ko ang naiinis na mukha ni Ryder.
"Ashley, come on! May balak ka bang pasakitin ang puson
ko?' wika nito sa galit na boses. Halata sa expression ng mukha nito na nabitin
talaga. Pero wala na akong pakialam pa doon. Hindi tama ang ginagawa namin.
Hindi pwede!
"Sorry, isang malaking pagkakamali ang ginagawa natin
Ryder. Matagal na tayong wala at hindi pwedeng mangyari sa atin ang ganitong
bagay." sagot ko sabay sabunot sa buhok ko. Iniwas ko pa ang paningin ko
sa hubad nitong katawan. Malakas itong napabuntong hininga at akmang muling
lalapit sa akin at hahawakan ako pero tinabig ko ang kanyang kamay.
"kung gusto mong makasama ng matagal ang anak natin,
huwag mo ng ipilit pa ang gusto mo Ryder. Nandito ako sa bahay na ito dahil kay
Charles." wika ko sa seryosong boses. Pero sa kaloob-looban ng puso ko
dinadaga ako ng kaba. Kaunti na lang talaga at tuluyan na naman akong mahulog
sa mga kamay ni Ryder.
"Ash, mag-asawa pa rin tayo. Bakit ba napakahirap sa
iyo ang kalimutan lahat ng mga kasalanan ko?"wika ni Ryder habang
nakakuyom ang kamao. Bakas sa mukha nito ang hindi mailabas na inis. Napayuko
ako.
"Iwan mo na ako dito sa kwarto Ryder. Gusto kong
mapag-isa." sagot ko dito sa malamig na boses. Tinitigan ako nito bago
hinagilap ang mga damit nya na nagkalat sa bawat sulok ng kwarto. Hindi ko na
ito tiningnan pang muli hanggang sa makalabas na ng kwarto.
Agad na nag-unahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.
Aaminin ko, gusto ng katawan ko ang mga nangyari sa amin kanina. Hinahanap ng
katawan ko ang init ng halik nito. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga
kawalang- hiyaan na nagawa niya sa akin noon hindi ko maiwasan na makaramdam ng
matinding takot.
Paano kung magkamali ulit ako? Paano kung muli akong
magtiwala sa kanya at muli din masaktan? Hanggat maari ayaw ko ng sumugal pa.
Mas gusto ko ang ganitong buhay, masaya kasama si Charles. Alam kong kapag muli
akong makisama kay Ryder, may tendency na muli akong masasaktan.
Walang kasiguraduhan kung magbabago ba talaga siya. Hindi
din ako sigurado kung magiging masaya ba kami.
Hanggang may takot sa puso ko alam kung hindi mapapanatag
ang pagsasama namin. Mahirap ng ibalik ang tiwala na tuluyan ng nasira. Lilipas
din ang lahat at matatanggap din namin pareho na hindi na kami para sa isat
isa.
Siguro nga, itutuloy ko na lang ang pagbalik namin ng Japan.
Sa lugar na iyun, magiging malaya ako. Hindi lang sa anino ni Ryder, kundi pati
na din kay Lorenzo.
Oo tama...pati kay Lorenzo. Hindi ko maatim na makita siyang
nasasaktan dahil sa akin. Napakabuti nyang tao at wala akong karapatan para
saktan ang damdamin nya. Hanggat may panahon pa, tuluyan ko na din siyang
lalayuan.
Mahirap man talikuran ang pagkakaibigan namin wala na akong
magagawa pa. Ayaw ko na ng sakit ng ulo. Ayaw ko ng muling umiyak.
Isa pa napakabait ni Lorenzo sa amin at tiyak na siya ang
unang masasaktan kapag malaman nyang nakipagbalikan ako kay Ryder. Kaya tama
lang ang gagawin kong pag-iwas sa kanya. Hindi man siya maalis sa puso ko,
pipilitin ko siyang iwasan sa abot ng aking makakaya.
Dahan-dahan akong bumangon ng kama habang nakabalot pa rin
sa katawan ko ang kumot na nagtatakip sa aking kahubdan. Pagkatapos ay naglakad
ako patungong pintuan at agad itong inilock. Baka bumalik pa si Ryder at
tuluyan na akong mahulog sa kanya. Simula ngayun, iiwasan ko ng magsolo kaming
dalawa.
Baka sa susunod hindi ko kaya pang pigilan ang aking sarili.
Baka tuluyan na akong ipagkanulo ng sarili kong katawan at pagsisisihan ko lang
ang lahat. Tama na ang isang beses na naranasan ko ang impyerno sa mga kamay
nito. Tama na ang minsan ko syang iniyakan. Tama na ang nag-iisang si Charles
sa buhay ko.
Agad akong naglakad patungong CR para maglinis ng katawan.
Tinanggal ko ang nakabalabal na kumot na tumatakip sa kahubdan ko at
pinagmasdan ang aking sarili sa tapat ng salamin.
"May mga naiwan na kiss mark sa balat ko si Ryder.
Malungkot akong napangiti habang hinahaplos iyun. Ipinapangako ko sa akin
sarili, ito na ang last na sasayad ang labi niya sa balat ko. Hindi na mauulit
pa ang lahat. Kailangan kong manindigan sa ngayun para sa katahimikan naming
lahat.
'Agad kong binuksan ang shower para maligo. Umaasa akong sa
pamamagitan nito matutulungan ng tubig mula sa shower na mawala ang init ng
katawan ko na sumiklab sa piling ni Ryder. Gusto kong makalimutan kung paano
nya sambahin ang katawan ko kanina. Pakiramdam ko nanlalagkit ang balat ko
dahil sa mga naiwan na laway ni Ryder. Pipilitin kong kalimutan ang mga
nangyari ngayun. lisipin ko na lang na isang magandang panaginip ang lahat.
RYDER POV
Nanlilisik ang aking mga mata habang naglalakad pabalik ng
kwarto ko. Hindi ko akalain na tatanggihan ako ni Ashley. Kung alam nya lang
kung gaano ko siya gustong angkinin.
Kung gaanong gusto kong madama ang katawan nya! Pero bakit
patuloy nya pa rin akong tinatanggihan? Wala na ba talaga akong halaga sa
kanya? Tuluyan na bang inagaw ni Lorenzo ang puso nya sa akin?
Agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto at mabilis na
pumasok. Pabalibag ko itong isinara at pinaghahagis lahat ng mahawakan ko dito
sa loob ng kwarto dahil sa sobrang galit na nararamdaman.
Walang sino man ang makakarinig kung magwala man ako ngayun
dito dahil sound proof ang kwartong ito.
Nagwala ako ng nagwala para maibsan lahat ng galit na
nararamdaman ko. Hindi ko kayang nakikita na tuluyan ng lumalayo sa akin si
Ashley. Lalong hindi ako makakapayag kung sakaling si Lorenzo na ang
nagmamay-ari ng puso nito. Akin lang siya! Akin lang dapat ang asawa ko!
Nang mapagod sa pagwawala ay para akong hapong-hapo na umupo
ng kama. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit na nararamdaman. Pero
kailangan kong itago ang galit ko kay Lola dahil alam kong mag-aalala siya sa
akin. Isa pa ayaw kong makita ako ng anak ko sa ganitong sitwasyon. Ayaw kong
pati ito ay katakutan ako.
Wala naman akong ibang hangad sa ngayun kundi muling mabuo
kami. Ang pamilya namin ni Ashley. Pero bakit napakatigas nya! Hindi pa ba
sapat ang ilang beses na pagbanggit ng katagang pagmamahal dito para maalis ang
sakit na nararamdaman ng puso nya? Ano ba talaga ang dapat kong gawin para muli
siyang maging akin?
Nakakapagod ang ganitong klaseng buhay. Walang kasiguraduhan
kong magiging masaya ba ako. Aminado naman akong kasalanan ko ang lahat at
handa akong magbago para lang sa kanila.
Wala na akong balak pang tumingin sa ibang babae. Gusto kong
ibuhos lahat ng oras ko sa kanilang dalawa ni Charles. Ano ba ang dapat gawin
para muling bumalik ang tiwala nya?
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa aking mga mata.
Oo, lalaki ako at kahit kailan wala pa akong iniyakang babae maliban kay
Ashley. Ang babaeng ang akala ko noon ay katawan nya lang ang habol ko. Pero
bakit ang sakit ng nararamdaman ko sa isiping tuluyan ng naagaw ng iba ang buo
nyang pagkatao?
Natigilan ako sa pagmmuni-muni ng marinig kong may kumakatok
sa pintuan ng kwarto. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata ng marinig
ko ang boses ni Lola Agatha. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng kwarto
at nagkalat ang mga gamit. Alam kong mag-aalala si Lola kapag makita nya ang
sitwasyon ko.
Pero hindi naman pwedeng hindi ko sya pagbuksan ng pintuan.
Baka kung ano ang isipin nito at mag-alala sa akin.
Kaya kahit nais kong mapag-isa muna wala na akong nagawa pa
kundi ihakbang ang aking mga paa patungong pintuan. Dahan-dahan ko itong
binuksan at agad na tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Lola
Agatha.
Mukhang masaya ito sa presensya ni Charles at Ashley. Agad
na nabura ang masayang ngiti sa labi nito ng matitigan ako
"May problema ka ba Iho?" nag-aalala nitong taong.
Tipid akong ngumiti.
"Ayos lang La. Masakit lang po ang ulo ko.
"matamlay kong sagot at pilit akong nagpakawala ng ngiti. Pero alam kong
hindi ito naniniwala sa klase ng pagkakatitig nya. Kilalang kilala ako ni Lola
Agatha mula ulo hanggang paa. Siya ang nagpalaki sa akin kaya alam kong
nararmadman nito ang nararamdaman ko ngayun.
Chapter 34
ASHLEY POV
Tanging masayang boses ni Lola Agatha ang nangingibabaw
habang kumakain kami ng breakfast dito sa dining area.
Pareho kaming tahimik ni Ryder habang pinapakiramdaman ang
isat isa. Nararamdaman ko ang galit sa mga mata nito sa tuwing tumitingin sa
akin. Hindi ko na lang pinapansin bagkos tahimik lang akong nakikinig sa kwento
ni Lola Agatha.
"Alam niyo bang masayang masaya ako sa inyong
pagbabalik dito Ashley? Sana dumito na lang kayo para naman magkaroon uli ng
kulay ang bahay na ito. "Narinig kong wika ni Lola Agatha. Pilit akong
nagpakawala ng ngiti habang umiinom ng kape. Wala akong ganang kumain pero
kailangan ko pa rin sumabay sa kanila bilang pagbibigay ng respeto. Isa
kailangan ko din asikasuhin si Charles.
"Pasensya na po kayo Lola Agatha. Pero kailangan po
naming bumalik ng Japan."
sagot ko. Buo na ang desisyon ko sa ganitong bagay. Sa
dinami-dami ng nangyari sa maikling panahon na pananatili namin dito sa
Pilipinas, wala na akong balak pang magtagal dito. Hinahanap ng isipan ko ang
tahimik na pamumuhay namin sa Japan
Agad kong napansin ang pagtigil ni Lola Agatha sa pagkain.
Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor tsaka ako tinitigan.
"Hindi ka na ba talaga papigil pa Ash? Baka naman pwede
pang magbago ang isip mo. "sagot nito. Napayuko ako. Nakaramdam ako ng
guilt ng muling titigan ang malungkot na mukha ni Lola Agatha. Pero wala na
akong magagawa pa.
Pakiramdam ko kapag magtagal pa kami dito sa Pilipinas,
lalong magiging magulo ang lahat. Ang gusto ko lang naman mamuhay ng tahimik at
payapa at sa Japan ko lang iyun matatagpuan. May stable job ako doon at kayang
kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan ni Charles.
"Sorry po! Pero buo na ang desiyon ko." mahina
kong wika. Agad kong napansin ang pagtitig sa akin ni Ryder. Bakas dito ang
hindi maisatinig na galit at kitang kita ko ang paghigpit ng paghawak nito sa
kanyang kutsara. Hindi ko ito pinansin at itinoon ang aking tingin sa sa tasa
na may lamang kape.
"Dont worry La.... Pwede pa naman siguro magbago ang
isip ni Ashley. Hindi pa namin napag-uusapan ng maayos ang tungkol sa bagay na
ito." mahinanahong wika ni Ryder. Malungkot na tumango si Lola Agatha
habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ryder. Hindi na din ako
kumibo pa hanggang natapos ang agahan na iyun.
"Pwede ko bang makasama pa ng matagal ang apo ko
ngayung umaga? Tiyak na mamimiss ko siya!" kapagkuwan ay wika ni Lola
Agatha. Balak ko na sanang magpaalam na at babalik na kami ng condo pero dahil
napansin ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito pumayag na din ako. Pwede na
siguro ang dalawang oras na paghihintay.
Agad na hinawakan ni Lola Agatha si Charles sa kamay at
niyaya patungong garden. Naiwan naman kaming dalawa ni Ryder at hindi ko alam
kung paano aasta sa harap nito. Bakas pa rin sa mga mata nito ang galit kaya
hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga.
"huwag mo ng bigyan ng false hope si Lola Agatha.
Walang makakapigi sa aming pagbabalik ng Japan." basag ko sa katahimikan
na namagitan sa aming dalawa. Napansin ko pa ang pagkuyom ng kamao nito kaya
hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.
"Bakit pa? Kung tutuusin kaya kong ibigay lahat ng
pangangailangan niyong mag-ina Ash. Ano pa ba ang kulang para lang manatili ka
dito sa bahay! Ano pa ang dapat kong gawin para makalimutan mo ang sakit na
ibinigay ko sa iyo noon!"
bakas ang pangigil sa boses ni Ryder na wika nito.
"Hindi ko kailangan ang pera mo para muling magpaalipin
sa iyo Ryder. Kaya kong magtrabaho para kumita at buhayin ang anak
natin..............
"Actually, wala ka namang dapat gawin eh. Wala kang
dapat patunayan sa akin dahil noon pa man alam ko na ang kakayahan mo. Pero
kung gusto mo talagang tuluyan akong makalimot hayaan mo muna ako ngayun!
Hayaan mo na ang panahon ang magdesisyon kung para ba talaga tayo sa isat
isa." seryoso kong sagot.
"Thats bullshit Ash! Matagal na panahon na pinagkait mo
sa akin ang tungkol kay Charles. Sa palagay mo ba kaya kong tanggapin lahat ng
sinasabi mo ngayun? No! Ayaw kong muli kayong lumayo sa akin! Hindi ko na
kayang maghintay pa ng another years para muli ko kayong makita!" wika
nito. Natigilan ako. Kitang kita ko ang pinaghalong galit at pagsusumamo sa mga
mata ni Ryder kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa dito.
"Aminado ako sa mga pagkakasalang nagawa ko sa iyo Ash!
Pero hindi pa ba sapat ang paulit-ulit na paghingi ko ng tawad sa iyo? Bakit
ang hirap ang tigas ng puso mo!" himutok na wika nito.
"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin Ryder!
Pero buo na ang desisyon ko at hindi ako mapipigilan ng kahit sino! Babalik
kami ng Japan sa ayaw at gusto niyo!" inis kong sagot dito. Padabog akong
tumayo at naglakad palabas ng dining room para sundan sila Charles at Lola
Agatha.
"Ngayun ko lang napatunayan na tuluyan ng nawala ang
pagtingin mo sa akin Ash! Ang bilis mo naman akong palitan sa puso mo! Tuluyan
ka na ngang naagaw sa akin ng gago kong kaibigan!" Wika nito na halata ang
paghihinagpis sa boses. Isinali na naman niya sa usapan si Lorenzo. Hindi ko
ito pinansin bagkos tuluyan na akong naglakad palayo dito. Agad kong hinanap si
Charles sa garden at ng mapansin ko na nasa gilid ng pool ito kasama si Lola
Agatha agad ko silang nilapitan.
"Charles! Lets go!" wika ko. SAbay pa silang
lumingon ni Lola Agatha sa akin. Agad kong napansin ang pagtutol sa mga mata ni
Lola Agatha pero hindi ko iyun pinansin. Bagkos pilit akong nagpakawala ng
ngiti.
"Sorry po La! Bibisita na lang ulit kami kapag may
time. May pupuntahan pa kasi kami ni Charles." nagpapakumbaba kong imporma
dito. Alanganin itong napatango habang napapansin ko ang bahagyang pagtulo ng
luha sa mga mata.
"Hindi ka na nga talaga papipigil pa Ash! Kung ganoon
wala na akong magagawa pa kundi hayaan ka! Hihintayin ko ang muli niyong
pagbabalik!" malungkot nitong wika habang may luha na tumutulo sa mga mata
nito.
"Sorry po La." wika ko dito at hindi ko na
mapigilan pa ang aking sarili na yakapin ito. Agad na yumugyog ang balikat nito
palatandaan ng pag-iyak kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha na din.
"Sorry La....Sorry po!" pabulong kong wika dito.
Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa likod ko kaya napahagulhol ako.
"Naiintindihan ko Iha! Lagi mong tandaan, wala akong
kahit na galit na nararamdaman sa iyo sa kung ano mang desisyon ang gusto mong
gawin ngayun. Magkikita pa naman tayo diba?" wika nito. Agad akong
tumango.
"Syempre naman po! Lagi po namin kayong dadalawin!
Salamat po sa lahat ng kabutihan La." Wika ko kasabay ng pagkalas dito.
Tipid itong ngumiti at hinalikan pa ako sa pisngi. Pagkatapos binalingan pa
nito si Charles at h******n din sa mukha
"Magpakabait ka apo! Lagi kang sumunod sa utos ng Mama
mo!" bilin pa nito kay Charles na siyang nagpaiyak lalo sa akin. Agad kong
pinunasan ang luha sa aking mukha ng mapansin kong nakatingin sa gawi namin si
Ryder. Nakatayo ito sa harap ng pintuan ng bahay at kitang kita ko kung gaano
ito kalungkot.
"Syempre naman po La. Basta magkikita pa tayo! Babalik
kami ni Mommy dito!" sagot naman ni Charles sa kanyang Lola. Pagkatapos ay
humawak na ito sa aking kamay at sabay na kaming humakbang papuntang gate.
Hindi ko na nilingon pa si Lola Agatha dahil sa tuwing nakikita ko itong
umiiyak lalo akong inuusig ng konsensya.
Pagkalabas ng gate sakto naman na may dumaang taxi kaya agad
ko iyung pinara at sumakay kaming mag-ina. Agad kaming nakarating ng condo.
Nagpasalamat ako dahil tahimik lang si Charles sa buong
byahe namin. Hindi ito kumikibo at nagiging abala sya sa kanyang hawak na
gadget.
Agad ko naman hinagilap ang sarili kong cellphone.
Pagkatapos ay agad kong tinawagan ang airline company kung saan kami naka-book
ng ticket sa aming pagbabalik ng Japan. Gusto kong i-rebook iyun at kumuha ng
mas maagang flight para makaalis na at makaaiwas sa lahat ng problema. Ayaw ko
na dito sa Pilipinas.
Chapter 35
RYDER POV
Ilang araw din akong walang ganang magtrabaho. Wala akong
choice kundi ang pumasok ngayun kahit mabigat ang kalooban ko sa nagiging takbo
ng relasyon namin ni Ashley. Mahirap man tanggapin ang lahat pero wala akong
magagawa kundi ituloy ang buhay at asikasuhin ang opisina dahil walang sino man
ang pwede gumawa nito kundi ako lang. Maraming nakabinbin na trabaho at
kabi-kabilaan din ang mga meetings ko kaya naman kahit na gusto kong pagtuunan
ng pansin si Ashely at ang anak namin kailangan kong hatiin ang oras sa pagitan
nilang dalawa.
Natigil ako sa ginagawa ko sa harap ng computer ng marinig
ko ang mahinang katok sa pintuan. Iniangat ko ang aking mga mata at napansin ko
ang pagpasok ng Secretary ko.
"Sir, pasensya na po sa abala. May gusto po kasing
kumausap sa inyo ngayun. Urgent daw po at ilang araw na sayang pabalik-balik
dito sa opisina." wika ni Mrs. Andres. Halos isang taon pa lang ito sa
akin pero maayos naman magtarabaho.
Napabuntong hininga ako bago ko ito sinagot. Sa dami ng
trabaho na nakatambak sa harap ko wala akong time na humarap sa mga bisi-bisita
na iyan. Gayunpaman wala na akong choice pa kundi pagbigyan ang kung sino man
ang naghihintay sa akin sa labas.
"Sige, papasukin mo siya. Pero next time kapag wala sa
appointment list ko huwag na huwag kayong mag-entertain ng bisita. " sagot
ko.
"Pa-pasensya na po Sir. Masyado po kasing makulit at
ilang araw na din siyang nakikiusap. Magkakilala naman daw po kayo kaya lang
nakalimutan nya daw kung saan kayo ngayun nakatira." sagot nito. Hindi ko
naman mapigilan na kumunot ang noo ko. Dating kakilala ang naghahanap sa akin?
Sino?
"okay!" sagot ko na hindi maiwasan ang magtaka.
Tumango naman si Mrs. Andres at agad na lumabas ng opisina. Wala pang dalawang
minuto pumasok ito at nakasunod na dito ang taong kilalang kilala ko. Hindi ko
akalain na may gana pa itong magpakita sa akin sa kabila ng mga kasalanan na
nagawa niya.
"Ryder, Kumusta ka?" nakangiti nitong wika. Bakas
sa mukha nito ang kaba. Agad akong napatayo ng masilayan ko si Ingrid. Hindi ko
akalain na pagkatapos ng ilang taon na pagtakas nito dahil sa kasalanan na
nagawa nya noon kay Lola Agatha may gana itong magpakita sa akin ngayun.
Ipinahanap ko ito noon ng malaman ko na siya nag may
kasalanan. Pero mabilis itong nakatakas at balita ko nangibang bansa na. Simula
noon hindi na ito nagpakita pa sa akin.
"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong dito.
Nakangiti itong lumapit sa akin at aktong hahawakan ako ng tinabig ko ang kamay
nito. Nahintakutan itong napaatras.
"I just want to say sorry sa mga nangyari noon! Ryder,
maniwala ka sa akin, pinagsisisihan ko ang lahat!" naiiyak na sagot nito.
Napailing ako.
"Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ang iniwan mo sa
buhay ko Ingrid? Bakit ka pa nagpakita? Ano ang kailangan mo?" asik ko
dito. Napakurap ito pagkatapos ay agad tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko Ryder. Kaya nga
pansamantala akong lumayo dahil hiyang hiya ako sa sarili ko sa mga nagawa kong
kasalanan sa iyo noon. Patawarin mo ako kung ngayun lang ulit ako nagpakita.
Gusto ko din kasi makapag-isip at pagsisihan ang mga kasalanan ko! Pero
maniwala ka sa akin, hindi ko sinasadya ang pagkahulog ni Lola noon sa hagdan.
Masyado lang masakit sa akin isipin na wala na akong halaga sa iyo!"
umiiyak na wika nito. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Bumalik ako para pagbayaran lahat ng mga kasalanan ko.
Nagtago ako.....Oo... dahil sa takot! Pero Ryder, nagawa ko lang naman iyun
dahil sa matinding pagmamahal ko sa iyo. Alam natin pareho na noon pa man ayaw
na sa akin ni Lola Agatha. Im sorry! Im sorryyyyy...hindi ko sinasadya ang
lahat!" wika nito at saba hawak sa mga kamay ko. Hindi ko naman alam kong
ano ang mararamdaman ko ngayun.
"Umalis ka na!" sagot ko dito. Pumiksi pa ako para
mabitawan nito ang kamay ko na hawak nito. Lalo naman itong napahagulhol ng
iyak.
"Ryder, please pakinggan mo ako. Kung kinakailangan na
lumuhod ako ngayun sa harap mo para mapatawad ang mga kasalanan kong nagawa
gagawin ko. Masyado na akong pinapahirapan ng sarili kong konsensya. Hindi ko
na kaya pang magtago!' Wika nito. Masama ko itong tinitigan.
"Walang kapatawaran ang pagsira mo sa pamilya ko
Ingrid! Get out!" malakas ang boses ko na sagot dito.
"Alam kong mahirap kalimutan ang mga nagawa kong
kasalanan. Pero maniwala ka man o hindi, mula noon hanggang ngayun, hindi ka
nawala sa puso ko Ryder. Nagpasya akong bumalik dito sa Pilipinas dahil umaasa
ako na madudugtungan pa ang pagmamahalan natin noon." sagot nito.
Hindi ko maiwasan na mapangisi. Talaga naman..... ang lakas
pa rin ng loob nitong sabihin sa akin ang katagang iyun. Anong palagay nya sa
akin...basta-basta na lang kalimutan ang lahat? Na parang wala lang at muling
ibalik ang kung anong meron kami dati?
"Hindi na kita mahal! Akala ko noong mga panahon na mas
pinili mo ako kumpara kay Lorenzo mahal pa kita. Pero nagkamali ako. Si Ashley
na ang gusto kong makasama habang buhay. Sana hindi ka na lang bumalik Ingrid
para tuluyan ko ng makalimutan ang ginawa mong mga kasalanan mo sa kin....kay
Ashley!" seryoso kong sagot. Gulat naman itong napatitig sa akin
"Hindi...Hindi totoo iyan. Mga bata pa lang tayo
magkakakilala na tayo. Nagsumpaan tayo noon na magsasama habang buhay. Bumalik
ako dahil sa iyo. Alam kong galit ka lang kaya mo nasasabi sa akin ang bagay na
iyan!" umiiyak na sagot nito. Agad akong umiling.
"Umalis ka na! Nonsense na ang pinag- uusapan natin.
Matagal ko ng kinalimutan lahat ng kasalanan na nagawa mo kay Lola. Pero
gayunpaman hinding hindi ko makalimutan na ikaw ang dahilan kaya nasira ang
pagsasama namin ni Ashley. Ikaw ang dahilan kaya hindi mabuo-buo ang
pinapangarap kong pamilya." seryoso kong sagot.
"Mahal mo na ba talaga siya? Ganoon lang ba kadali sa
iyo baliwalain ang ilang taon nating paggiging magkasintahan?" tanong
nito.
"Ikaw ang unang sumira noon Ingrid. kung hindi ka sana
tumalikod sa kasal natin at sumama kay Lorenzo baka hindi ko makilala si
Ashley. Hindi sana sya nagdusa sa mga kamay ko! Pero tapos na iyun. Kalimutan
na natin ang lahat at magsimula. May anak na kami at patuloy ko pa rin syang
sinusuyo para bumalik sa akin. Kaya please lang ito na sana ang huli mong
pagpunta dito sa opisina. Kalimutan mo na magkakilala tayo at maghanap ka na ng
taong pwede mong makasama habang buhay." sagot ko dito. Narinig ko naman
ang paghikbi nito pero wala na akong pakialam. Itinuro ko pa ang pintuan upang
palabasin ito.
"Get out!" seryoso kong wika. Napailing ito.
"Ryder, please, bigyan mo naman ako ng time na i-prove
ko sa iyo na mahal na mahal kita. Pinagsisisihan ko ang lahat ng mga
pagkakamali ko! Wala akong ibang hangad kundi ikaw lang. We're not getting
younger. Gusto ko ng bumuo ng pamilya at wala akong ibang gustong makasama
habang buhay kundi ikaw lang. " mahaba nitong wika. Umiling ako.
'Wala ng pag-asa pa Ingrid. Matagal ka ng kinalimutan ng
puso ko." sagot ko..
"Bakit hindi natin subukan? Paano kung hindi ka nya
mapatawad? Paano kung ayaw nya na talaga sa iyo? Ryder, nandito ako! Handa
kitang pagsilbihan habang buhay!" umiiyak nitong wika. Umiling lang ako
dahil ni katiting wala na akong nararamdaman pa na kahit ano sa kanya. Matagal
na siyang burado sa puso ko.
"Out! Get out!" sigaw ko dito. Wala na akong time
pa para makinig sa mga lumalabas sa bibig nito. Lalo itong napaiyak at mabilis
na naglakad palabas ng opisina. Nanghihina naman akong napaupo.
Rindi ko akalain na sa ilang taon na pananahimik ni Ingrid
may gana pa itong bamalik na parang walang nangyari. Kang noon pa siguro ito
nagpakita sa akin baka naipakulong ko na ito dahil sa ginawa niya kay Lola.
Malaki ang kasalanan na nagawa nya lalong lalo na kay
Ashley. Si Ashley ang napagbintangan ko noon sa pagkakalaglag ni Lola sa hagdan
na siyang dahilan na pagkakulong nito at hanggang ngayun alam kong iyun ang
dahilan kaya hindi na bumalik pa ang tiwala ni Ashley sa akin.
Ako din naman, gusto ko ng tahimik na buhay. Pero hindi ko
alam kung paano paamuhin ang isang taong gusto ng lumayo sa akin. Hindi ko alam
kung magiging masaya pa ba ako at mabubuo pa ang pamilyang inaasam kong buuhin
na minsan ko ng sinira dahil sa katangahan ko noon.
Pinindot ko ang telepono sa harap ko at nagsalita ng sumagot
sa kabilng linya ang aking secretary.
"Pumasok ka dito sa opisina ko." seryoso kong utos
dito. Pagkatapos ay agad kong pinatay ang tawag. Wala pang ilang minuto ay
narinig ko na ang mahina nitong pagkatok kaya agad ko itong unutusan na
pumasok.
"Next time, ayaw ko ng papasukin mo pa sa opisina ko
ang babaeng kakalabas lang kanina. HIndi ko siya kilala at sayang lang ang oras
sa kanya." seryoso kong wika.
"Pasensya na po Sir. Hindi na po mauulit. " sagot
nito habang nakayuko. Hindi ko na ito pinansin pa at inutusan na itong lumabas
ng opisina ko.
Chapter 36
ASHLEY POV
Kahit papaano nakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban sa
halos dalawang araw na hindi pagpapakita sa akin nila Ryder at Lorenzo. Kahit
papaano nagkaroon ako ng katahimikan at wala kaming ginawa ni Charles kundi ang
mamasyal at sulitin ang mga araw ng pananatili namin dito sa Pilipinas.
Sa susunod na linggo na ang balik namin patungong Japan at
excited na ako. Alam kong hindi ako masusundan ni Ryder doon. Isa pa balak ko
din lumipat ng tirahan para makaiwas na din kay Lorenzo. Ito lang ang naisip
kong paraan kung gusto ko talaga ng tahimik na buhay at malayo sa gulo
"Mama, hindi po ba tayo dadalaw kay Lola Agatha?"
nandito kami sa isang kilalang past food chain ng magsalita si Charles.
Napatitig ako dito at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang cute talaga ng anak
ko.
"Bakit namimiss mo na ba siya?" tanong ko.
"Hmmm opo. Nagpromise po kasi ako sa kanya na babalik
tayo eh. Baka magtampo sya sa atin" sagot nito.
"Dont worry baby, babalik tayo before ang alis natin
papuntang Japan." nakangiti kong sagot tsaka pinunasan ang gravy na
kumalat sa bibig nito. Ilang saglit din itong hindi sumagot dahil nagiging
abala na sa kanyang kinakain.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung kailan
ulit kami makakabalik ng Pilipinas. Pero isa lang ang nasisiguro ko ngayun,
wala muna akong balak na bumalik dito para maiwasan ang muling magkrus ng
landas namin ni Ryder. Itotoon ko ang buong attention ko sa trabaho at kay
Charles. Wala na akong balak pa na pumasok sa panibagong relasyon dahil alam
kong kahit ano pa ang gawin ko, hindi mawala-wala sa sistema ko si Ryder.
"So ikaw nga! Hindi ako maaaring nagkamali."
napalingon pa ako sa aking likuran ng may biglang nagsalita. Kunot noo ko itong
tinitigan sa mukha at hindi ko maiwasan na mapasimangot ng maalala kung sino
ito....Si Ingrid.
"Ako ba ang kinakausap mo?" nakataas ang kilay na
tanong ko. Nakatayo ito kaya tumayo na din ako.
"May iba pa bang tao na nakaupo malapit dito sa
atin?" nakataas din ang kilay na sagot nito. Pagkatapos ay dumako ang
tingin ni kay Charles na noon ay abala pa rin sa kinakain.
"So, malaki na pala ang anak nyo. Sayang nga lang at
mukhang habang buhay ng hindi nya matitikman ang isang buong pamilya."
nakangisi nitong wika. Hindi ko maiwasan na maikuyom ang kamao ko.
"Kung wala kang magandang sasabihin pwede bang lumayas
ka sa harap namin?" inis kong sagot.
"Ooooops, ang alam ko public area ang lugar na ito at
kahit sino pwede pumunta.
Alam mo, hindi ko akalain na magkukrus ang landas natin
ngayun. Sayang nga lang at hindi ka nabulok sa kulungan noon!" nakangisi
nitong wika. Halata dito na inaasar ako. Pagak akong tumawa.
"Hindi mangyayari iyun. Sa ating dalawa alam mo kung
sino ang muntik ng maging kriminal! At isa pa, bakit mo ako kinakausap, ang
pakakaalala ko ko hindi tayo ganoon ka-closed!" sagot ko. Biglang nanlisik
ang mga mata nito kaya natawa ako. Pagkatapos ay sinulyapan ko si Charles
"Alam mo, hindi magandang magparinigan tayo sa harap ng
anak ko kaya mukhang kami ng lang ang mag- adjust at umalis sa lugar na
ito." wika ko dito at akmang yayain ko na si Charles na umalis ng muling
magsalita si Ingrid.
"Balita ko, inaamo ka pa rin ni Ryder para bumalik sa
kanya...Alam mo bang pinuntahan ko siya sa opisina nya kanina? Matagal din
kaming hindi nagkita at kita ko ang tuwa sa mga mata niya ng muli nyang
masilayan ang maganda kong mukha." sagot nito. Natigilan ako. Agad na
kinain ng matinding selos ang sistema ko dahil sa narinig ko sa kanya.
"Good for you! Dont worry, kahit ako pa rin ang legal
wife, wala akong plano na guluhin kayong dalawa. And besides, pakisabi kay
Ryder na huwag na syang hahabol-habol sa amin dahil kaya kong buhayin ang anak
ko sa paraan na alam ko!" sagot ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang
pagsilay ng masayang ngiti sa labi nito kaya hindi ko maiwasan na muling taasan
ito ng kilay.
"Well, mabuti naman kung ganoon. Hindi ko akalain na
ganito ka pala kabilis kausap. Huwag kang mag-alala. Agad kong ipapaasikaso kay
Ryder ang divorce nyo para naman pwede ka ng maghanap ng lalaking karapat-dapat
sa iyo!"
nakangisi nitong sagot. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang
aking kamao. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Gusto kong ipakita dito na
tapos na ako kay Ryder at wala na akong balak pang maghabol.
"Pakisabi sa kanya na pakibilisan niya dahil mainipin
ako. Siguro naman hindi ka din papayag na habang buhay na tawaging kabit
diba?" nakangisi kong sagot. Agad na nanlisik ang mga mata nito.
"Hanggat hindi ma-annuled ang kasal namin, mananatili
kang kabit kaya kung ako sa iyo, sabihin mo kay Ryder na pakibilis-bilisan ang
pagpafile ng divorce namin. Nakakaawa ka naman kapag malaman ng ibang tao na
nakikipagrelasyon ka sa lalaking may asawa na! Nakakababa ng dignidad
iyun!" patuloy na pang-aasar ko. Pagkatapos ay hinawakan ko sa kamay si
Charles at inalalayan na tumayo.
Hindi nakaimik si Ingrid. Mukhang tinamaan ito sa huli kong
sinabi kaya naman iyun ang ginawa kong chance para makalayo dito. Hindi ko alam
kung hanggang kailan ko mapipigilan ang emotion ko. Hindi ko kayang makita ang
babaeng naging dahilan sa pagkasira ng masayang pagsasama namin noon ni Ryder.
"Ma, Bad girl po ba iyung kausap nyo kanina? Ang tapang
kasi ng face nya eh. I dont like her!" wika ni Charles sa akin ng makalayo
na kami kay Ingrid. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.
"May gusto ka pa bang kainin or uuwi na muna tayo ng
condo? Pasensya ka na baby ha? Parang bigla akong napagod eh." wika ko kay
Charles. Agad naman itong tumango.
"Sure Mama! Manonood na lang ako ng favorite cartoon
character ko sa tv." sagot ni Charles. Pinisil ko muna ang pisngi nito
tsaka ito hinila palabas ng mall. Nagtaxi na kami para mabilis makauwi. Kakaiba
kasi ang nararamdaman ko ngayun sa katawan ko. Nanghihina ako at pakiramdam ko
bigla akong nawalan ng lakas. Gusto ko munang mahiga sa kama.
Pagdating ng condo ay agad kong binuksan ang television para
kahit papaano malibang si Charles bago ako nagpasyang mahiga sa kama. Kailangan
ko na sigurong magpatingin sa doctor. Habang tumatagal, pahina na pahina ang
katawan ko. Baka kulang lang ako sa vitamins kaya kinakapos ako pagdating sa
energy. Malapit na kaming babalik ng Japan at hindi pwedeng ganito ako palagi.
Siguro susubukan kong magpacheck up bukas. Bahala na. Hindi
ako pwedeng magkasakit dahil ako lang ang inaasahan ni Charles.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ako na
nangangatog na ako sa lamig. Mukhang natuluyan nga ako na magkatrangkaso. Agad
kong hinanap sa loob ng kwarto si Charles pero wala siya kaya kahit nanghihina
tinawag ko ang pangalan nito.
"Charles...baby!" tawag ko sa nanghihina kong
boses. Pinipilit kong bumangon pero parang wala akong lakas. Nanlalabo na din
ang paningin ko dahil umiikot ang buo kong paligid.
"Mama, are you ok po?" laking pasalamat ko ng
biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at narinig ko ang boses ni Charles. Pilit
ang ngiting pinakawalan ko sabay tango. Hanggat maari ayaw kong mag- alala ito
lalo na at kaming dalawa Ing ang nandito sa condo.
"Yes...pwede bang abutan mo ako ng water anak? Na-uuhaw
si Mama." malambing kong utos dito. HIndi ito nagsalita bagkos may isang
malapad na kamay ang humawak sa akin.
"Ok ka lang ba Ash? Kailan ka pa may nararamdamang
kakaiba sa katawan mo? "nagulat pa ako ng mabosesan ko si Lorenzo. Halos
hindi ko na kasi maidilat ang mga mata ko kaya hindi ko napansin ang presensya
nito.
"Enzo, sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam
kung bakit palagi akong nagkakaganito. Siguro kailangan ko na ngang magpacheck
up." nanghihina kong sagot. Hindi ito umiimik bagkos naramdaman ok na lang
ang pag-angat ko.
"Dadalhin kita sa hospital Ash. Bakit hindi mo ako
tinawagan gayung masama na pala ang lagay mo?" wika nito. Hindi na ako
sumagot pa. Wala na akong lakas para sa ganitong bagay. Hinang-hina ako na
kahit na magsalita hindi ko na kaya.
Chapter 37
ASHLEY POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang
aking tingin sa paligid. Purong puti ang aking nakikita at hindi ko alam kung
nasaan ako.
"Mabuti naman at gising ka na Ash? Kumusta ka na?"
narinig ko pang wika ng isang baritonong boses sa gilid ko. Agad kong tiningnan
kung sino ang nagsasalita at sumalubong sa paningin ko ang seryosong mukha ni
Lorenzo.
"Anong nangyari? Bakit hinang-hina pa rin ako..Isa pa,
nauuhaw ako." nanghihina kong sagot at muling ipinikit ang aking mga mata.
Naguguluhan na ako sa sarili ko. Alam kong may kakaibang nangyari sa akin.
"Nandito ka sa hospital. Ilang araw ka ng inoobserbahan
dahil sa pabalik-balik mong lagnat." sagot nito. Halata ang sobrang
lungkot sa kanyang boses kaya hindi ko maiwasan na magtaka. Napatitig din ako
sa namumula nitong mga mata na halatang galing sa matinding pag-iyak.
"Nasaan si Charles?" tanong ko ng maisip ko ang
aking anak. Hinawakan ako nito sa kamay kung saan nakakabit ang dextrose ko.
Pagkatapos naramdaman ko pa ang masuyo nitong paghalik doon kaya hindi ko
maiwasan na magtaka dito. Ibang Lorenzo ang nakikita ko ngayun.
"Nasa bahay siya. Huwag kang mag- alala, maayos ang
kanyang kalagayan.
Inaalagaan siya nila Mommy at Daddy. Magfocus ka muna para
gumaling agad." sagot nito. Napakurap ako. Hindi ko tanga para hindi
maramdaman na may abnormality na nangyayari sa akin.
"Ikaw ba ang Doctor na nag-aasikaso sa akin? Ano ang
dahilan? Ano ang naging findings? Bakit ako tinamaan ng matinding sakit at
hanggang ngayun bakit parang wala akong kalakas-lakas." sagot ko.
"You're perfectly healthy Ash. Overfatigue ka lang kaya
ka nakakaramdam ng panghihina at matinding pagkahilo."
sagot nito habang umiiwas na tumitig sa akin. Sa ilang taon
na magkakakilala kami ni Lorenzo alam ko kung kailan ito nagsisinungaling.
Nararamdaman ko kong may itinatago ito sa akin.
"Enzo, may problema ba? Bakit parang kakaiba ka
ngayun?" tanong ko. Agad itong umiling at napansin ko ang pagpatak ng luha
sa mga mata nito. Nagtataka akong napatitig dito. Hindi ko maiwasan na kabahan
gayunpaman pinilit ko na lang na ngumiti.
"Nagtatampo ka ba sa akin? Nabanggit ba sa iyo ni
Charles na babalik na kami ng Japan next week?" tanong ko. Agad itonh
umiling.
"Ayos lang sa akin Ash! Ayos lang sa akin na bumalik ka
ng Japan as long as in good health ka." sagot nito kasabay ng pagtulo ng
luha sa mga mata. Pagkatapos ay tumalikod ito at agad kong napansin ang
pagyugyog ng kanyang balikat. Lalo akong nagtaka.
"Sorry ha? Kailangan kong gawin ito. Sa totoo lang,
naguguluhan ako. Ayaw kong isa sa inyo ni Ryder ang masaktan kaya pinili ko na
lang na bumalik muna ng Japan. Enzo, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na
ibinibigay mo sa akin... ayaw kong maging unfair sa iyo! Kaya please, pilitin
mong kalimutan ako! Gusto kong itoon mo sa ibang bagay ang lahat! Marami pang
babae diyan na mas karapat -dapat sa pamamahal mo. " sagot ko dito sabay
pikit ng aking mga mata. Pakiramdam ko bigla ulit akong inantok. Hindi ko din
maiwasan na makaramdam ng pagkahingal dahil sa haba ng sinabi ko.
"Huwag mo munang isipin ang tungkol sa bagay na iyan
Ash. Hindi na importante ang bagay na iyan ngayun! Ang importante, ang
kalusugan mo at gumaling ka!" narinig ko pang wika nito. Naramdaman ko pa
ang paghaplos nito sa aking noo kaya hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa
akin mga mata. Naramdaman ko din na may kung may kung anong likido ang
lumalabas sa ilong ko.
"Inaantok ako. Ano ba yan, gusto mo pa yatang paiyakin
ako eh. Pwede bang pakiaabot ng tissue. May lumalabas yatang sipon sa ilong
ko." sagot ko sa mahinang boses bago ako kainin ng kadiliman.
THIRD PARTY POV
Sa muling pagpikit ng mga mata ni Ashley ay hindi nya nakita
pa ang mabilis na pagkilos ng mga tao na nasa paligid nya. Hindi nya na din
napansin ang tuloy- tuloy na pag-iyak ni Lorenzo na akala mo isang bata na
inagawan ng candy.
"Doc. Lorenzo matagal ng binabaliwala ng pasyente nag
mga sintomas na nararamdaman para sa sakit nya kaya naging mabilis ang
panghihina ng katawan nya." wika nito habang pinapanood nila ang palilinis
ng nurse sa tumulong dugo sa ilong ni Ashley.
Sobrang putla na din ito gayung halos isang linggo pa lang
naman itong naka- confine sa hospital. Nagigising ito paminsan-minsan pero
kaagad din nakakatulog dahil sa mga gamot na itinuturok dito.
"May pag-asa pa syang gumaling diba?" tanong ni
Lorenzo. Tinititigan naman siya ng kasamang Doctor na si Doctor Fernando, isang
Hematologist- Oncologist, specialista sa blood cancer or leukemia.
"Doctor din po kayo Doc. Lorenzo, at alam nyo kung
gaano ka-risky ang sakit nya. Kung nalaman agad sana natin ang sakit niya
malaking porsyento na maisasalba pa natin ang buhay nya." sagot nito.
Naikuyom ni Lorenzo ang kanyang kamao.
Yes...hindi siya tanga para hindi alam iyun. Pero hindi siya
papayag na basta na lang mawala ang babaeng matagal nya ng iniingatan. Hindi
nya kayang nakikita itong unti-unting pinapatay ng sakit nya. Hindi nya kaya!
Alam nyang wala pang idea si Ashley sa sakit nya. Pero
sooner or later malalaman niya ito at hindi nya kayang makita kung paano nya
tanggapin ang lahat. Hindi nya kayang mawala ang babaeng gumamot sa sugatan
nyang puso noon. Hindi nya kayang mawala ang babaeng nagiging inspirasyon nya
ng ilang taon.
"Doc Fernando, magtulungan tayo. Gawin natin ang lahat
para mailigtas siya. Hindi ko kayang nakikita syang nagkakaganyan. Hindi ko
kayang mawala sya sa akin!" humahagulhol nyang pakiusap sa kasamang
Doctor. Napailing ito at tinapik siya sa balikat
"Huwag kang mag-alalala. Gagawin ko ang lahat ng aking
makakaya para mapahaba pa ang buhay nya. Pero gusto na kitang tapatin ngayun,
sobrang baba ng porsyento na makaligtas sya. Kumalat ng ang cancer blood sa buo
nyang katawan. Masyadong mataas na din ang kanyang white blood cells. Susubukan
ko lahat ng treatment na nalalaman ko. Tututukan ko sya. Pero kung ano at ano
man ang mangyayari, pilitin mong tanggapin ang lahat Doc Lorenzo." sagot
ng kasamahan nyang Doctor.
Pagkatapos muli nitong sinipat si Ashley.
Na-icheck na din nito ang lahat ng Vital signs ng pasyente.
Kinausap ang nurse na nakaantabay dito tsaka lumabas ng kwarto.
Naiwan si Lorenzo na hindi malaman ang gagawin. Simula ng
lumabas ang result sa totoong sakit ni Ashley ay hindi na sya tumigil sa
kakaiyak at hindi nya alam kung paano makabangon sa dagok na nangyari sa buhay
nya ngayun. Hindi nya din alam kung paano sabihin kay Ashley ang lahat lalo na
sa anak nitong si Charles. Hindi din alam ni Ryder ang tungkol dito gayundin
ang buong pamilya ni Ashley. Gusto nyang ibigay dito ang desisyon kong sakaling
umayos-ayos ang kalagayan nito. Ayaw nya itong pangunahan.
Sinisisi niya ang kanyang sarili. Palagi nyang kasama si
Ashley pero hindi nya man lang napapasnin na may dinadamdam ito sa katawan.
Hindi nya man lang napansin na may malubha na pala itong sakit na iniinda.
"Ayos lang naman sa akin kung hindi mo ako mahal Ash!
Ayos lang naman sa akin na tingnan kita sa malayo! Basta huwag ka lang tuluyang
mawala sa paningin ayos lang sa akin iyun....pero ang malaman na may malubha
kang sakit ngayun, iyun ang hindi ko kayang tanggapin! Magpagaling ka! Pease!
Pakiramdam ko mauuna akong mamatay sa mga nangyayari sa iyo ngayun...isipin mo
si Charles...napakabata nya pa para mawalan ng isang Ina." humahagulhol
nitong iyak habang hawak ulit ang kamay ng walang malay na si Ashley.
"Handa akong magparaya! Pwede kang bumalik kay Ryder
kung gusto mo! Pwede kang bumalik ng Japan kung gusto mo! Pwede mo akong iwasan
kung gusto mo! Pwede mong gawin lahat ng gusto mo! I love you Ash! Mahal na
mahal kita! Lumaban ka!" impit pa rin nitong wika.
Hindi nya napansin pa ang pagtulo ng luha sa mga mata ni
Ashley dahil sa matinding pighati na nararamdaman nya. Hindi nya alam kung
ilang oras nyang kinakausap ang walang malay na pasyente. Basta naramdaman nya
na lang ang tapik ng pinsan nya na noon ay seryosong nakatitig sa kanya.
Chapter 38
LORENZO POV
"What is it?" tanong ko kay Cheska. Seryoso ang
mukha nito at mukhang may importanteng sasabihin.
"Kahapon pa pabalik-balik si Ryder dito. Hinahanap ka.
Gusto daw nyang personalna itanong sa iyo kung nasaan sila Ashley at
Charles." sagot nito. Hindi ko maiwasan na maikuyom ang aking kamao. Kung
hindi sana ito umeksena, hindi sana ganito kagulo ang sitwasyon.
"Nasaan siya?" tanong ko. Tinitigan muna ako ni
Cheska bago sumagot.
"I think this is not the right time para mag -usap
kayo. Enzo, galit si Ryder at nasasaktan ka sa mga nangyari ngayun kay Ash.
Baka magkagulo na naman kayo. Palipasin mo muna ang lahat at itoon ang
attention sa kalagayan ni Ashley. Hindi magandang magharap kayo ngayun."
wika nito. Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinapakalma
ang sarili ko.
"Walang dahilan para hindi ko siya harapin. Once and
for all dapat magkaliwanagan kaming dalawa." sagot ko at muling sinulyapan
ang nakapikit na si Ashley. Pagkatapos ay agad akong naglakad palabas ng
private room nito. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Cheska para muli akong
pigilan pero hindi ko ito pinansin. Bagkos dire-diretso lang ako at agad na
pinuntahan ang kinaroroonan ni Ryder.
"Malayo pa lang ako ay nakatitig na ito sa akin.
Napansin ko ang galit sa mga mata nito pero hindi ko na inisip pa iyun. Ang
importante sa akin ngayun ay ang magkausap kami.
"Naligaw ka yata? May kailangan ka ba?" tanong ko.
Tinitigan muna ako nito sa mga mata. Magkahalong galit at pagtataka ang
pinupukol nitong tingin sa akin. Napansin marahil ang pamumula at pamamaga ng
mga mata ko dahil sa ilang araw nang hindi mapigilang pag-iyak dahil sa
kalagayan ni Ashley.
"Nasaan si Ashley? Nasaan ang anak ko?"
seryoso nitong tanong habang nakakuyom ang kamao.
"Bakit sa akin mo hinahanap ang mag- ina mo? Hanapan na
ba ako ngayun ng nawawalang asawa at anak?" seryoso kong tanong.
"Lorenzo, sagutin mo ang tanong ko! Nasaan sila? Bakit
halos isang linggo na akong walang balita sa kanila. Isang linggo ko na silang
hinahanap pero bakit hindi ko sila matagpuan?" muling tanong nito.
"Sa ating dalawa, ikaw ang mas dapat nakakaalam tungkol
sa bagay na iyan... Kung talagang isa kang mabuting asawa at ama, dapat alam mo
kung ano ang nangyayari sa pamilya mo." sagot ko. GUsto kong sagarin ang
pasensya nito. Kung tutuusin mabilis lang sagutin ang tanong nito. Pero hanggat
maaari ayaw kong pangunahan si Ashley. Ayaw kong pangunahan kung ano ang gusto
nito.
"Ikaw ang may kakayahan na magtago sa mga taong
mahalaga sa akin. Alam kong alam mo kung nasaan si Ashley ngayun. Hindi pa sila
bumabalik ng Japan dahil nagpa-imbestiga na ako tungkol sa bagay na iyan.
Uulitin ko, nasaan sila?" muling tanong nito.
"kung sasabihin ko may magagawa ka ba sa problemang
kinakaharap nya ngayun? May magagawa ka ba para bumalik ang lahat sa
dati?" tanong ko. Agad na napakunot ang noo nito. Napansin ko din ang
pagkuyom ng kanyang kamao.
"So, itinatago mo nga sila sa akin. Gusto mo na naman
agawin ang taong mahalaga sa akin Enzo!" galit na sagot nito.
"Ilang beses kong sinabi sa iyo na hindi ko siya inagaw
sa iyo Ryder. Ikaw ang unang bumitaw. Pinabayaan mo siyang magdusa!" sagot
ko. Hindi ko na inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Sinapak ako at dahil sa
lakas niyon agad akong napasadsad sa sahig. Agad kong nalasahan ang dugo na
mula sa bibig ko. Napangisi ako habang dahan-dahan na bumangon at muli itong
hinarap.
"Hanggang ngayun hindi ka pa rin pala nagbabago.
Masyado pa ring magaan ang mga kamay mo at agad na nananakit kapag hindi makuha
ang gusto!" wika ko. lalong naningkit ang mata nito sa galit at akmang
susugurin ulit ako ng dumating si Cheska kasama ang ilang security guard ng
hospital.
"Ano ba! Hindi ba kayo titigil? Hindi ito ang oras para
magsakitan!" galit na sigaw nito.
"Kung hindi sana tinago ng magaling mong pinsan ang
asawa at anak ko hindi sana tayo magkakagulo ng ganito!" sagot naman ni
Ryder. Agad itong tiningnan ng masama ni Cheska!
"Baliw ka ba? Sa palagay mo, sasagutin ka ng matino ni
Enzo kung idadaan mo sa dahas ang lahat? Mag isip ka nga Ryder! Hindi mo
kailangang idaan sa pananakit ang lahat dahil pwede naman itong pag- usapan ng
maayos. Si Ashley ang mas masasaktan kapag nakikita nyang nag- aaway kayo dahil
sa walang kwentang bagay!" singhal ni Cheska dito.
Hindi ko maiwasan na mapangisi habang tinitigan si Ryder.
Ano kaya ang mararamdaman nito kapag malaman niya na ang pinag-aagawan naming
babae ay may sakit na leukemia at walang kasiguraduhan kung gagaling pa ba.
liyak din ba siya katulad ko? Mararamdaman din ba nya ang sakit ng kalooban na
nararamdaman ko ngayun?
"Cheska...hihinahon ako kapag sabihin niyo sa akin kung
nasaan sila! Utang na loob, hirap na hirap na ang kalooban ko. Ayaw ko ng
maghintay ng another years para makita siyang muli." sagot ni Ryder.
Nilingon muna ako ni Cheska bago muling sumagot. Wari ay
hinihintay nito ang go signal ko para sabihin kay Ryder kung ano ba talaga ang
tunay na kondisyon ni Ashley. Dahan-dahan akong tumango at naglakad ng palayo
sa kanila.
Pabulyaw na tinawag pa ako ni Ryder. Pero hindi ko na siya
pinansin pa.
Masyado ng mabigat sa kalooban ko ang lahat. Mas maigi na
din sigurong malaman ni Ryder ang kundisyon ni Ashley. Para naman maramdaman
niya ang sakit na nararamdaman ko ngayun.
"Enzo, ikaw ang mas higit na nakaalam sa kondisyon nya
diba? Bakit hindi ikaw ang magsabi? Basta ka na lang ba tatalikod pagkatapos
makatikim ng sapak sa kanya? Unfair naman yata iyun!" narinig ko pang wika
ni Cheska. Napahinto ako sa akmang pag-alis ko. Napailing ako at muling bumalik
sa harap ni Ryder.
"Well, mas mabuti sigurong ako na ang magsabi para
naman masaksihan ko ang reaksyon mo! Ilang sapak na ang natikman ko sa iyo
Ryder at minsan lang ako nakaganti." sagot ko. Agad na naningkit ang mga
mata nito kaya pilit akong tumawa.
"Sakto na dito sa hospital ka nagpunta para hanapin
sya. Hindi na natin kailangan pang bumyahe ng malayo para matagpuan siya."
pasaring kong wika. Gusto ko mabitin siya. Agad na nagsalubong ang kilay nito
pero walang kahit na anong kataga ang lumabas sa bibig nito.
"Naka-confine siya dito. Halos isang linggo na!"
wika ko at hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ng dati kong kaibigan. Agad
na gumuhit ang pagkalito sa mukha nito dahil sa sinabi ko. Hindi ito umimik at
halatang hinihintay pa ang susunod ko pang sasabihin.
"May leukemia siya!" halos pabulong kong wika.
Pakiramdam ko biglang nanikip ang dibdib ko habang sinasabi ang katagang iyun.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na hawak-hawak na ako ni Ryder sa kuwelyo
ko. Walang hiya talaga! Nag-uumpisa pa lang akong magkwento tungkol kay AShley
mukhang mabubukulan na naman ako.
Narinig ko naman ang agad na pagsigaw ni Cheska para pigilan
si Ryder. Itinulak ko din ito sabay layo sa kanya.
"Yes may sakit sya! Hindi basta-bastang sakit! At kung
patuloy kayong mag-away ng ganyan baka lalo lang siyang lumala kaya pwede ba
tigilan nyo na ang bangayan. Imbes na mag-isip kayo ng paraan kung paano
magamot si Ash puro sakitan ang laman ng inyong isip. Para kayong mga
bata!" bulyaw ni Cheska sa amin. Nagmukha na tuloy itong referee sa
pagitan naming dalawa.
Parang nauupos na kandila na biglang napaupo si Ryder.
Marahil nag-sink in na sa utak nya ang kondisyon ni Ashley. Tumitig ito sa akin
na may takot sa mga mata. Sa loob ng mahabang taon na bangayan namin, ngayun ko
lang ito nakitang kumalma kapag magkaharap kami.
"Kailan pa? Kailan nangyari ito? Bakit hindi nyo agad
sinabi sa akin?" tanong nito.
"Kahapon lang lumabas ang result sa lahat ng mga test
nya pero halos isang linggo na siyang naka-confine dito sa hospital. Actually,
hindi nya pa alam ang tunay na sitwasyon ng kalusugan nya at hindi namin alam
kung paano sasabihin. Hindi din alam ng anak nyo ang tungkol dito."
malungkot na sagot ni Cheska.
Napapailing naman si Ryder habang sunod-sunod ang pagpatak
ng luha sa mga mata. Katulad ng inaasahan agad na gumuhit ang pag-aalala sa
sistema nito.
"Wala pa kaming ibang pinagsabihan. HInihintay namin na
medyo bumuti-buti ang kanyang kalagayan para hayaan syang magpasya kung
ipapaalam ba namin sa iyo. Sa pamilya nya! Sa mga taong nagmamahal sa
kanya."
papgpapatuloy na wika ni Cheska habang pasimple na
pinupunasan ang luha sa mga mata. Hindi na din napigilan ang pagtulo ng
sariling luha habang palipatlipat ang tingin sa pagitan naming dalawa ni Ryder.
"Kumusta sya? Kumusta ang kalagayan nya?" tanong
nito. Dahan-dahan na umiling si Cheska.
Chapter 39
RYDER POV
Ilang araw ko ng hinahanap ang mag-ina ko. Ilang beses na
din akong nagpapabalik -balik sa condo kung saan sila nakatira pero bigo ako.
Imposible naman na bumalik na sila ng Japan dahil pinatingnan ko na din ang
records nila sa immigration at walang nakitang muli silang lumabas ng bansa.
Sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan nila. Hindi naman
pwedeng bigla na lang silang naglaho. Walang dahilan para gawin ni Ashley ang
tungkol sa bagay na iyun lalo na at kilala na namin ang isat isa ng anak ko.
Wala na akong nagawa pa kundi sugurin si Lorenzo sa
hospital. Nagbabakasakali ako na baka alam nito kung nasaan ang kinaroroonan ni
Ashley. Hindi ako
mapalagay. Maayos ang usapan namin at imposibleng bigla na
lang itong maglaho na parang bula.
Ilang beses din akong nagpabali-balik ng hospital pero bigo
akong makaharap ang dati kong kaibigan. Mukhang pinagtataguan ako nito na
siyang nagpalakas sa paniniwala ko na alam nito kung nasaan sila Ashley at
Charles
Mabuti na lang at natiyempuhan ko si Cheska ng minsan
naglalakad ako sa lobby ng hospital. Agad ko itong kinausap at tinanong dito
kung nasaan si Lorenzo. Noong una ayaw pa ako nitong pagbigyan pero hindi
nagtagal napapayag ko din naman ito na tawagin muna si Lorenzo at harapin ako.
Inaamin ko, galit na galit ako dito ng magkaharap kami kaya
sinapak ko ito. Pero hindi ko akalain na isang masamang balita ang hatid nito
sa akin pagkatapos akong awatin ni Cheska sa tangka kong muli itong bugbugin.
Halos manghina ang buo kong katawan sa balitang iyun. Hindi
matangap ng sistema ko na nasa malubhang kalagayan si Ashley. Kaya pala hindi
na ito umuuwi ng condo dahil naka-confine ito sa hospital.
Akala ko pinagtataguan ako nito at tuluyan ng hindi
magpakita sa akin. Pero nagkamali ako. Hindi ko man lang ito nadamayan sa mga
panahong kailangang -kailangan nya ako. Hindi ko alam kung matatangap ko ba ang
lahat sa isipin na baka tuluyan na syang mawala sa akin. Napakahirap tanggpin
ang isang masamang balita ni sa hinagap hindi ko inaasahan na mangyayari..
Hindi ko kayang mawala siya sa akin.
"Gusto ko siyang makita!" pabulong kong wika
habang nakaupo ako sa sahig. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas. Ang
galit na nararamdaman ko kanina sa dati kong kaibigan ay biglang napalitan ng
pag-aalala para kay Ashley. Muling pumasok sa isipan ko ang mga nagawa ko sa
kanya noon. Siguro kung hindi dahil sa mga nagawa kong maling desisyon noon,
baka hindi nangyayari ito ngayun. Hindi sana magkakasakit ng ganito sa Ashley.
Dapat pinanindigan ko na lang sya noon at inalagaan. Binaliwala ko na lang sana
si Ingrid ng tangka itong makipagbalikan sa akin.
Pero nangyari na ang mga hindi dapat mangyari. Maraming
beses man akong magsisisi hindi na maibbalik ang lahat na minsan kong sinaktan
ang babaeng pinakamamahal ko. Sana lang maghimala ang langit at huwag Nyang
kunin ng tuluyan sa akin ang asawa ko. Hindi ko kayang tanggapin. Baka ito pa
ang magiging dahilan ng tuluyan kong pagbagsak.
"Nasa private room siya. Hindi nya pa alam ang tunay na
sitwasyon ng kalusugan nya. Ang akala nya normal lang na trangkaso ang lahat at
gagaling din siya kaagad." sagot ni Lorenzo. Halata sa boses nito ang
lungkot. Kaya pala agad kong napansin kong gaano ito kalungkot kanina masyado
na pala itong nahihirapan sa kalagayan ni Ashley.
Tinitigan pa ako nito at dahan-dahan na naglakad. Agad naman
akong tumayo at sinundan ito. Tahimik naman na nakasunod sa amin si Cheska kaya
alam kong sa private room kami ni Ashley didirecho.
Pagdating sa isnag pintuan ay nilingon pa ako ni Lorenzo
bago dahan-dahan na binuksan. Pumasok ito sa loob at agad akong sumunod.
Dumadagundong sa kaba ang puso ko ng masilayan ko ang isang babaeng nakahiga sa
kama. Nakapikit ito at bakas sa mukha ang paghihirap.
"Ash!" bulong ko habang hindi ko na mapigilan pa
ang pag-uunahan sa pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad ko itong nilapitan
at hindi ko alam kung hahawakan ko ba sya o ano pa man. Bigla akong nakaramdam
ng takot.
"Ash, bakit? Bakit hindi mo iningatan ang sarili
mo." pabulong kong wika dito sabay upo sa silyang nasa gilid ng kama.
Parang kailan lang ang huli naming pagkikita. Ang bilis ng pagbagsak ng katawan
nito. Ibang iba na sya sa dating Ashley na nakita ko noon. Bakit nangyari ito?
"Sorry....sorry kong naging gago ako! Sorry sa mga
padalos-dalos na desisyon na nagawa ko! Pero Ash, maniwala ka!
Pinagsisisihan ko ang lahat ng iyun. Handa kong gawin ang
lahat para sa iyo gumaling ka lang! Huwag mo akong iiwan. Hindi pa ako
nakakabawi sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sa iyo." wika ko dito
habang dahan-dahan na hinawakan ang kanyang kamay. Dinala ko ito sa aking labi
at h******n.
"Mahal na mahal kita! Sana hindi pa huli ang lahat.
Gusto kong ipakita sa iyo na ikaw lang ang mahalaga sa akin." muling
bulong ko dito habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Im sorry! Im sorry kung wala ako sa mga panahon na
kailangan mo ako! Ash, sana labanan mo kung ano man ang nararamdaman mo ngayun.
Hindi ko kayang mawala ka! Ayaw kong nakikita kang ganito! Hindi ako
sanay!" tumutulo ang luha na wika ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong
nakatunghay sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagtapik sa balikat ko ni
Lorenzo kaya binalingan ko ito.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Huwag kang
mag-alala. Nasa mabuting kalagayan si Charles. Iniiwasan lang namin na makita
nya ang totoong kalagayan ng kanyang ina. Pero kung gusto mo, ipapahatid ko sya
sa bahay nyo ngayun din." Mahinahong wika ni Enzo. Napakurap ako. Maraming
katanungan na naglalaro sa aking isipan na gusto kong masagot agad ni Lorenzo.
"Hindi mo man lang ba napansin ang mga sentomas ng
sakit nya? Bakit kung kailan halos malala na tsaka mo lang nalaman ito? Doctor
ka diba? Akala ko ba mahal mo siya...bakit mo siya pinabayaan? "hindi ko
mapigilang tanong nito.
"Hindi kami palaging nagkakasama Ryder. Nasa Japan siya
at nandito ako sa Pilipinas. Minsan ko lang din sya nabibisita doon dahil sa
pagiging abala ko dito sa hospital." sagot nito. Nagulat naman ako. Hindi
ko man lang nalaman ang tungkol dito.
"Anong dahilan mo? Bakit mo sya inilabas sa kulungan
noon?" muling tanong ko. Tinitigan muna ako nito bago tumalikod.
"Simple lang. Pasyente ko sya noon. Nagkakilala kami
noong mga panahon na nagkakalabuan kayong dalawa dahil nakipagbalikan ka kay
Ingrid. Masyado akong naawa sa sitwasyon nya lalo na ng malaman ko na asawa mo
siya. Buntis siya at gusto nyang ipalaglag ang bata..... Akala ko awa lang ang
nararamdaman ko kaya ko siya niligtas...pero hindi ko akalain na unti-unting
nahulog ang loob ko sa kanya." sagot nito. Hindi ako nakaimik. Gusto ko
pang marining ang mga sasabihin nito. Mukhang maami akong dapat malaman.
"Hindi ko itinanan si Ingrid. Kusa syang sumama sa akin
noong nagpasya akong pumunta ng Amerika para bisitahin si Lolo. Noon pa man
nabanggit nya na sa akin na wala ng spark ang relasyon ninyo. Hindi siya
sigurado kung handa na ba talaga siyang magpakasal sa iyo...."
"Hindi ko inagaw sa iyo si Ingrid. Sa tagal na
magkasama kami sa Amerika hindi ko namalayan na unti-unti nya na palang nakuha
ang tiwala ko. Nagkaroon kami ng relasyon lalo na ng malaman ko kina Miguel na
nagpakasal ka na daw sa iba. Naisip ko na mukhang nagkakalabuan na nga kayo
noon pa at wala na kayong pag- asa pang magkabalikan. Kaya naman naging hudyat
iyun para official na magkaroon kami ng relasyon.
Pero umpisa ng naaksidente ako at naapektuhan ang
pagkalalaki ko agad siyang lumayo sa akin. Hindi daw nya kayang mabuhay ng
walang sex kaya muli siyang bumalik sa iyo!"pagpapatuloy na wika nito.
Gulat na gulat ako sa sinabi nito.
"Aaminin kong nasaktan ako sa ginawa nya. Nahulog na
ang loob ko sa kanya. Naka fix na sa isip ko na sya na ang destiny ko. Pero
nagkamali ako. Hindi nya pala kayang makisama sa akin habag buhay sa kondisyon
ko. May assurance ang Doctor ko sa US na posibleng gumaling ako sa kalagayna
ko. Kaya lang hindi nya kayang hintayin iyun. Ayaw niyang sumugal......"
"Gusto ko syang gantihan noon. Kaya lang nagbago ang
lahat ng makilala ko si Ashley...ang asawa mo na mas hamak na maganda at may
class kaysa kay Ingrid." bakas ang lungkot sa mga mata nito habang
sinasabi ang katagang iyun. 1
"She's precious! Wala siyang katulad kaya mabilis kong
nakalimutan si Ingrid at nabaling sa kanya ang attention ko. Gustuhin ko man na
ipaglaban sya sa iyo, sinabi nya na sa akin na hindi nya ako kayang mahalin. Na
may iba ng nagmamay-ari ng puso nya. Ang sakit! Sobrang Sakit! Sa ikalawang
pagkakataon, nabigo na naman ako!"
malungkot na pagpapatuloy na wika nito. Hindi ko naman
mapigilan na tapikin ito a balikat.
"Sorry Bro! Hindi ko alam!" wika ko. Malungkot
itong ngumiti at tinitigan si Ashley.
"Dont worry, starting today, hindi na ako liksena sa
relasyon nyo! Tuluyan ko na syang ipaubaya sa iyo Bro!" sagot nito.
Chaper 40
ASHLEY POV
Hindi ko alam kung ilang oras na ulit akong nakatulog pero
ng muli kong idilat ang aking mga mata tanging liwanag lang mula sa ilaw ang
aking nasilayan. Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko na nandito pa
rin ako sa hospital. Mag-isa lang ako kaya pinilit kong bumangon para pumunta
ng banyo.
Nanghihina pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari
sa akin ito. Basta ang huli kong natandaan ay nasa condo ako at inaapoy ng
lagnat.
"Ate Ash? Mabuti naman at gising ka na."
napakunot pa ang noo ko ng mapansin ko ang papalapit kong
kapatid na si Natalia. Nagtataka akong napatitig sa kanya at hindi makapaniwa?
Kailan pa siya lumuwas dito ng Manila? Bakit wala akong maalala?
"Ate, kumusta ang pakiramdam mo? Saglit tatawagin ko
ang Doctor! Sasabihin ko na gising ka na." wika nito at halos mataranta na
naglakad papuntang pintuan ng kwarto.
"Natalia? Anong nangyari? Bakit nandito ka?" hindi
ko maiwasang tanong dito, Natigilan ito sa kamang paglabas pagkatapos ay
lumapit sa akin.
"Wa-wala ka bang natatandaan?" tanong ito. HIndi
ko maiwasang magtaka ng mapansin ko na namumugto ang mga mata nito. Parang
galing ito sa mahabang pag-iyak kaya naman bigla akong kinabahan.
"Ma, may problema ba? Si Charles? Nasaan ang anak
ko?" Nag-aalangan kong tanong.
"Ha? Ah nasa bahay...Te-teka, tatawagin ko lang ang
Doctor mo, huwag ka munang gumalaw. Hintayin mo ako." wika nito at
nagmamadali ng lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong takang-taka habang
inililibot ang tingin sa buong paligid.
May mga ilang machine medical akong nakikita sa gilid ng
higaan ko. Мау nakasabit pang dextrose sa kamay ko na siyang labis kong
ipinagtaka. May mga oxygene tank din akong napapansin kaya naman hindi ko
maiwasan na kabahan.
"Malubha ba ang sitwasyon ko? Bakit nandito si Natalia?
Bakit parang galing ako sa mahabang pagtulog?' hindi ko maiwasang bulong sa
aking sarili. Hindi naman nagtagal ay napansin ko ang muling pagbukas ng
pintuan ng kwarto at iniluwa ang isang medyo may edad ng lalaking nakasuot ng
doctor suit kasunod nito ang dalawang babaeng Nurse. Nasa likod nila si Natalia
na noon ay napansin kong may nakaguhit na lungkot sa mukha.
"Salamat naman at nagising ka din Mrs. Sebastian. Ako
nga pala si Doctor Fernando. Ako ang personal Doctor mo." sagot nito. Lalo
akong nagtaka.
"Doc, Ilang araw na po ako dito sa hospital? Pwede na
po ba akong lumabas? Kailangan pa po namin magready dahil babalik kami ng
Japan." sagot ko. Natigilan naman si Doc Fernando at lumingon kay Ate
Natalia.
"A-ate, hi-hindi na ka na po pwedeng bumalik ng
Japan." sagot ni Ate sa mahinang boses. Nagtaka naman ako.
"BAkit? Nakapag-pa-rebook na ako ng ticket at next week
ang flight namin." sagot ko na hindi maiwasan ang pagngiti.
"A-ate, halos dalawalang linggo ka ng gising at tulog
dito sa hospital." sagot ni Natalia. Pakiramdam ko biglang lumaki ang ulo
ko dahil sa sinabi nito.
Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa pagitan nilang dalawa ni
Natalia at ang Doctor.
"A-anong sabi mo? Two weeks? Hindi ...
Imposible...Nagising pa ako kanina.. Paanong?" sagot ko. Hindi ko
maintindihan ang aking sarili at sinipat ko ang kamay ko na may nakakbit ng
dextrose. Hindi pa ako nakontento at tiningnan ko pa ang braso ko ng mapansin
kong halos wala na akong dugo dahil sa putla.
"Pe-pero ngayung gising ka na, babalik din sa dati ang
lahat. Hindi po ba Doc Fernando?" muling wika ni Natalia na halata sa
boses nito ang nerbiyos. Hindi na ako umimik pa bagkos hinayaan ko na lang ang
Doctor na examinin ako. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko pero
hindi ko alam kung paano umpisahan.
May mga sinasabi si Doc Fernando sa kasamahan nitong
dalawang nurse ng muling bumukas nag pintuan ng kwarto. Iniluwa dito ang
humahangos na si Ryder at agad na tumingin sa gawi ko.
"Ash! Thanks God...gising ka na!" Wika nito sabay
yakap sa akin. Gulat na gulat naman ako sa ginawa nito.
"Teka lang..bakit nandito ka? Isa pa, may mga dapat ba
akong malaman?" pabulong kong tanong kay Ryder. Kumalas ito sa
pagkakayakap at mataman akong tinitigan sa mukha. Pagkatapos ay naramdaman ko
ang paghalik nito sa noo ko at namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha sa
aking mga mata.
"Hindi na mahalaga iyan. Ang importante, nagising ka
na! Im sorry Ash! Im Sorry!" wika nito at hinawakan pa ako sa mukha.
Naramdaman ko ang pagpunas nito sa luha ko. Hinayaan ko na lang dahil
komportable naman akong gawin nya sa akin ang bagay na iyun.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ryder sabhin mo nga sa akin
ang totoo. Malala ba ang sakit ko? Bakit two weeks daw akong tulog?"
seryoso kong tanong. Tumingin muna ito kay Doctor Fernando bago nagsalita.
"Gagaling ka Ash! Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat
gumaling ka lang." sagot nito. Naguguluhan naman akong tumitig dito. Weird
talaga siya. Tumingin ako kay Doctor Fernando at nagtanong.
"Doc, sabihin nyo nga po sa akin.... malubha po ba
ako?" tanong ko. Napansin ko ang pag-iling ng Doctor at tumingin kay
Ryder.
"Alam kong may mali sa akin. Dalawang linggo akong
nakahiga sa hospital bed na ito kaya alam kong may malubha akong karamdaman.
Sabihin niyo sa akin...ano ito? Bakit ramdam na ramdam ko pa din ang panghihina
ng katawan ko?" tanong ko at hindi maiwasan ang mapaiyak. Agad naman
lumapit si Natalia sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"A-ate...sorry..nag-aalala kami sa magiging reaction mo
kaya ganoon. Pero sana kung sakaling malaman mo man ang tungkol sa sakit mo,
sana tanggapin mo at tulungan ang sariling gumaling." sagot ni NAtalia..
"Natalia, magkapatid tayo. Kilala mo ako noon pa. Alam
mo kung gaano katibay ang loob ko. Sabihin mo sa akin para aware ako. Katawan
ko ito at karapatan kong malaman kung ano ang karamdaman ko ngayun......malapit
na ba akong mamatay?" walang pakundangan kong tanong. Agad na nanlaki ang
mga mata nito sabay iling.
"No...hindi...hindi ka pa mamamatay Ate... malakas ka
at imposible ang sinasabi mong iyan ngayun." sagot nito.
"Kung ganoon, sabihin mo sa akin. Ano ang sakit ko?
Bakit nandito ako sa hospital na ito sa loob ng dalawang linggo?" tanong
ko.
"Ate may......may...." hindi na natuloy ang
sasabihin ni Natalia ng umiling si Ryder. Mariin kong hinawakan sa kamay si
Natalia at tinanong.
"May ano? Sabihin mo? Huwag mo na akong bitinin pa.
Karapatan kong malaman." may halong inis sa boses ko na wika dito.
"May Leukemia ka Ate......" wika nito. Agad na
nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng
langit at lupa sa aking nalaman. Hindi ko akalain na maririnig sa mismong bibig
ni Natalia ang katagang iyun. Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata at
naramdaman ko naman ang muling pagyakap sa akin ni Ryder.
"Mama--mamamatay na ba ako?" hindi ko maiwasang
bulong. Sapat lang na marinig ni Ryder ang bagay na iyun."
"No, hindi ko hahayaan. Hindi ko mapapayagan ang bagay
na iyun Ash. Gagaling ka pa. Magitwala ka! Gagaling ka!" sagot nito. Isang
impit na pag-iyak na lang ang tanging naging sagot ko. Pagkatapos ay pilit
akong kumalas sa pagkakayakap kay Ryder at binalingan ang dextrose na nakakabit
sa akin.
Sa sobrang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ay hinablot
ko ang karayom kaya naman sabay na napasinghap ang lahat sa aking ginawa..
Lahat sila ay nagulat sa pagtanggal ko sa dextrose na
nakakabit sa akin.
"Kung ganoon hindi ko kailangan ang mga ito. Hayaan nyo
na akong mamatay!" halos pasigaw kong wika. Napansin ko naman ang pag iyak
ni Natalia at pilit akong pinapakalma. Hindi ko ito pinansin. Pakiramdam ko
bigla akong nawalan ng saysay.
Bakit kailangan pang lumaban gayung alam ko namang wala na
akong pag-asa pang mabuhay ng matagal. Leukemia is a serious disease at alam
kong malabo na akong gagaling. Mamamatay na ako kahit na ayaw ko pa sana. Gusto
ko pang mabuhay ng matagal para makasama ang anak ko. Sila Nanay at Tatay at
lahat ng mga taong mahalaga sa akin.
Kahit na nakaramdam ng panghihina itinulak ko si Ryder at
pilit na umaalis ng higaan Pakiramdam ko biglang nawala sa akin ang lahat.
Pakiramdam ko biglang nawalan na saysay ang pakikipaglaban ko sa buhay.
Hindi pa ba sapat ang mga paghihirap na naranasan ko para
ibigay sa akin ang ganito kalubhang sakit? Paano na si Charles? Paano na ang
anak ko?
"Ash, huminahon ka. Bawal kang magkikilos. Magiging
maayos din ang lahat. Mabubuhay ka pa ng matagal." wika ni Ryder haba kita
ko sa mga mata nito kung gaano din ito nasasaktan sa sitwasyon ko ngayun.
"Wala na Ryder. Huwag mong sabihin sa akin ang bagay na
iyan dahil pareho nating alam na wala na akong pag-asa Mamamatay na ako!"
hindi ko mapigilang sigaw. Sobrang sakit. Ganito pala ang pakiramdam kapag
malaman mong may taning na ang buhay mo. Parang gusto kong ngayun na bawiin ang
buhay ko para hindi ko na maramdaman pa ang paghihirap ng kalooban ko.
"Ash, huwag mong sabihin ang bagay na iyan. Ipapagamot
kita. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka! Kung kinakailangan na dalhin ko sa
harap mo ang pinakamagaling na Doctor gagawin ko. Magtiwala ka lang. Lumaban
ka!" wika ni Ryder at habang pilit akong pinapakalma.
"Hindi ako tanga para hindi malaman kung gaano
ka-traydor ang sakit na ito Ryder. Alam kong sa hukay din ang hantong ko kaya
huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin." sagot ko sa kabila ng
pagluha. Hinawakan ako ni Ryder sa mukha at tinitigan sa mga mata.
"Paano ang anak natin kung ngayun pa lang
pinanghihinaan ka na ng loob. Halos dalawang linggo ka ng hinahanap ni Charles
at hindi nya pa alam ang tungkol dito. Ash, walang masama kung subukan natin.
Sana makipag-cooperate ka para gumaling ka." sagot nito. Lalo naman akong
napaiyak. Hindi ko alam kung kaya ko bang labanan ang sakit na ito.
Kaya pala ilang buwan na akong may nararamdamang kakaiba sa
sarili ko. May malubhang sakit na palang nabubuo sa sa sistema ko na hindi ko
man lang binigyan Ng pansin.
Chapter 41
RYDER POV
Halos madurog ang puso ko habang pinagmamasdan kung paano
nasaktan si Ashley sa mga nalaman. Hanggat maari ayaw ko sanang malaman nya ang
tungkol dito pero wala akong pagpipilian. Imposibleng hindi sya magtatanong
kung ano ang karamdaman nya. Imposibleng hindi nya malaman lalo na kapag mag-
uumpisa na siyang uminom ng mga gamot para sa sakit nya.
Kung pwede nga lang akuin ko lahat ng paghihirap nito
gagawin ko. Kung pwede nga lang na ilipat sa katawan ko ang sakit nya gagawin
ko. Kaya lang malabong mangyari iyun.
"Ryder, hindi ko kaya. Hindi ko matatanggap. Bakit
nangyari sa akin ito? Masyado ba akong makasalanang tao para maranasan ko ang
ganitong klaseng pagsubok? Hindi ako masamang tao para maranasan lahat
ito." wika ni Ashley habang patuloy sa pagtangis. Nakahiga na ulit ito sa
kama habang naikabit na ulit ang dextrose niya. Nakaantabay naman ang dalawang
nurse sa gilid samantalang si Natasia ay nakaupo sa sofa at walang tigil sa
pag-iyak.
"Mabuting tao ka Ash. Nahihiya nga ako sa iyo eh. Sa
daming paghihirap na naranasan mo sa mga kamay ko nagawa mo pa talagang bigyan
ka ng ganitong uri ng sakit ng kapalaran. Ash, Sorry ha? Pangako, ako ang
bahala sa iyo. Ilalaban kita! Ilalaban ko ang buhay mo." wika ko dito
habang walang tigil ang paghaplos sa kamay nito. Mabuti na lang at medyo
kumalma na siya.
Hindi na sya nagwawala pero patuloy pa rin ang pag-iyak
nito. Alam kong makakasama sa kanya ang matinding pag -iyak pero kahit na anong
gawin ko hindi ko talaga siya mapapatahan.
"Si Charles...kung sakaling mawala ko... ikaw na ang
bahala sa kanya. Huwag mo siyang pabayaan." narinig kong wika dito sa
kabila ng kanyang paghikbi.
"Ako ang bahala sa kanya. Hanggat nagpapagaling ka, ako
muna ang bahala sa kanya." sagot ko sabay punas ng luha sa kanyang mga
mata.
"Hindi na ako gagaling Ryder. Nararamdaman ng katawan
ko ang bagsik ng sakit ko. Malabo ng makaligtas ako." sagot nito.
"No, huwag mong sabihin iyan. Gagaling ka Ash. Ipangako
mo...lalaban ka.." sagot ko. Umiling ito.
"Kung sakaling makatagpo ka ng iba. Siguraduhin mong
matatangap niya pati si Charles. Mahal na mahal ko ang anak natin at ayaw kong
saktan siya ng iba." muli nitong wika.
"Hindi na ako maghahanap ng iba Ash. Ikaw lang ay sapat
na. Hinding hindi kita bibitawan. HIndi ako papayag na kunin ka ni kamatayan sa
akin." sagot ko. Malungkot itong napangiti. Pagkatapos ay nakita ko ang
pagpikit nito.
"Grabe, ngayun ko lang naramdaman ang pagod sa
pagwawala ko kanina. Ang bilis pala maubos ng energy ko." mahina nitong
wika. Hindi ko napigilan ang muling pagtulo ng luha sa mga mata ko. Kung alam
lang siguro nito kung gaano ako nasasaktan sa mga nakikita ko baka lalo itong
ma-stress. Gusto kong ipakita dito na may pag-asa pa syang gumaling.
"Matulog ka. Dont worry, babantayan kita. " sagot
ko sabay hawi ng ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang noo. Muli itong
nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.
"Kailan ako pwedeng lumabas ng hospital? Ayaw kong dito
malagutan ng hininga Ryder." sagot nito. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom
ng palad ko.
"Hindi mangyayaring malagutan ka ng hininga Ash. Hindi
ako papayag." sagot ko. Kaunti na lang talaga at bibigay na ako. HIndi na
ito sumagot at napansin kong mukhang muli itong nakatulog. Malungkot akong
nagpakawala ng ngiti sa labi at inayos ang kumot nito. Pagkatapos ay dumukwang
ako para halikan ito sa поо.
"Mabuti naman at nakatulog siya ulit." narinig ko
pang wika ni Natalia. Hindi ko napansin ang paglapit nito.
Mabuti na lang at naisip ni Lorenzo na ipasundo ito at para
na din malaman nila ang tunay na sitwasyon ni Ashley. Alam kong mahirap din
para sa kanila na malaman na ang pinakamamahal nilang kapamilya ay tinamaan ng
malubhang sakit pero wala kaming magagawa kundi ang magtulungan at mag-isip ng
paraan para gumaling si Ashley. Iyun lang at wala ng iba.
"Ako na muna ang bahala sa kanya. Pwede ka ng umuwi
muna ng condo para makapagpahinga ka din." wika ko.
"Ryder, nakausap ko kanina si Doc Fernando. May mga
gamot siyang binigay kanina na kailangang inumin ni Ate. Kaya lang natatakot
ako sa reaction nya kanina. Paano kung ayawan niya ang mga gamot nya? Kilala ko
siya, may katigasan ang ulo niya at kapag sinabi nya ang isang bagay ginagawa
nya." narinig kong wika ni Natalia. Saglit akong nag-isip at hinarap ito.
"Hayaan mo. Ako ang bahala tungkol sa bagay na iyan.
Mabait si Ashley at alam kong hindi nya tayo bibiguin. Sa ngayun kailangan
natin ng mahabang pasensya at intindihin sa lahat ng tantrums nya." sagot
ko.
"Malaki ang tiwala ko sa iyo Ryder. Salamat dahil
nandyan ka. Sobrang nag- aalala sila Nanay at TAtay sa sitwasyon ni Ate.
Natatakot ako sa mga posibleng mangyari." sagot nito. Muli kong ibinaling
ang tingin kay Ashley bago nagsalita.
"Gagaling sya. Alam kong gagaling siya at makakasama pa
natin siya ng matagal." sagot ko. Hindi na ito umimik pa kaya muli akong
nagsalita.
"Ihahatid ka ng driver sa condo. Doon ka muna. Pwede ka
din magpasundo sa kanya kapag gusto mo ng bumalik dito ng hospital. Balak kong
bantayan si Ashley dito sa hospital buong araw." wika ko dito.
"Salamat. Sige aalis na ako." sagot nito. Tanging
tango lang ang naging sagot ko pagkatapos naramdaman ko ang paglabas nito sa
kwarto. Muli akong naupo sa upuan na nasa gilid ng kama habang hindi inaalis
ang pagkakatigtig sa mukha ni Ashley.
May mga ilang Doctor na kaming nakakausap ni Lorenzo na
experto pagdatiing sa kondisyon ni Ashley. Pwede ko siyang dalhin sa ibang
bansa para doon magpagaling. Pero alam kong tututol ito sa bagay na iyun kaya
ang mga Doctor na mismo ang kusa kong palalapitin sa kanya. Isa pa maayos ang
hospital na ito. Kompleto sa mga kagamitan na kailangan ni Ashley. Panatag din
ang kalooban ko dahil nandito si Lorenzo at Cheska na parehong Doctor. Alam
kong hindi nila hahayaan na mapahamak ang asawa ko.
Masasabi kong muling bumalik sa dati ang pagkakaibigan namin
ni Lorenzo simula ng nagkasakit si Ashley. Napansin ko din kung paano ito
nag-aalala sa kalagayan ni Ashley at wala na akong panahon pa para magselos.
Alam kong iisa lang ang gusto namin ni Lorenzo sa ngayun ang gumaling ang asawa
ko sa kahit na anong paraan.
"Naputol ang pagmumuni-muni ko ng muling bumukas ang
pintuan ng kwarto. Iniluwa dito sila Lorenzo at Cheska. Agad akong tumayo mula
sa pagkakaupo at sinalubong sila.
"Balita ko nagwala kanina si Ashley?" agad na wika
ni Lorenzo sa akin. Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Umiyak siya ng umiyak ng malaman niya ang tungkol sa
sakit nya. Kung ako nga lang ayaw ko na sanang ipaalam sa kanya eh. Pero iyun
ang suggestion ni Doc Fernando kaya dapat sundin." sagot ko. Napailing si
Enzo.
"Iyun naman talaga ang tama para maging aware ang
pasyente sa mga kaganapan na nangyayari sa katawan nya. Hayaan mo kakauspin
namin mamaya si
Ashley pagkagising niya. Huwag ka din masyadong
magpaka-stress baka pati ikaw mai-confine dito hospital. Ikaw din, wala ng
tututok kay Ash kapag mangyari iyun.
"Kailangan pang magkasakit ni Ashley para magkasundo
kayo eh." sabat naman ni Cheska at naglakad na ito papunta kay Ashley.
"Haaysst ang putla nya na. Kapag magising sya pwede na
natin siyang pakainin ng light foods. Ilang araw ng puro dextrose na lang ang
nagiging pagkain nya. Manghihina siya lalo kapag walang solid foods na
pumapasok sa katawan nya.' muling wika ni Cheska.
"Bibili ako mamaya ng mga fruits nya. Ryder, huwag mo
siyang iiwan.
Magigising din ulit iyan mamaya at mas magandang ikaw ang
una nyang makikita pagdilat ng mga mata nya.''" sagot ni Lorenzo na may
pilit na ngiti na pinapakawalan sa labi.
"Sure ka ba? I mean pwede akong mag- utos para bilihin
lahat ng pangangailangan ni Ash.' Sagot ko. Agad naman akong tinapik nito sa
balikat.
"Hayaan mo na lang na ito ang maging ambag ko ngayun.
HIndi mo naman ako hahayaang bantayan siya diba?" sagot nito. Hindi ko
naman maiwasan na mapangiti.
"Maraming pwedeng magbantay sa kanya Enzo. Isa pa
nandyan si Natalia na nagiging kapalitan ko. Nandyan din si Cheska
paminsan-minsan." sagot ko. Napaangat naman ang kilay ni Lorenzo sa sinabi
kong iyun.
"Oo nga! Alam ko naman ang tungkol sa bagay na iyun.
HIndi pa direktang sinabi na bawal akong magbantay dahil nagseselos ka
eh." sagot nito. Hindi ko mapigilan ang matawa.
"Sorry ka! Asawa ko ang pinagpapantasyahan mo. "
sagot ko. Umismid naman ito at kaibigan. naglakad na patungong pintuan ng
kwarto.
"Alam ko iyun at tanggap ko na isa akong talunan."
sagot nito.
"Hayaan mo, marami pang babae ang magkakagusto sa
iyo." sagot ko naman. Tinaas lang nito ang kanang kamay at tuluyan ng
lumabas ng kwarto. Naiwan naman si Cheska na noon ay tinitingnan ang nakakabit
na records ni Ashley. Pagkatapos ay binalingan ako ng tingin.
"Bago pala naisugod dito sa hospital si Ashley, nagkita
pala silang dalawa ni Ingrid sa isang fast food chain." wika nito. Agad na
napakunot ang noo ko sa sinabi nito
"Kanino mo nalaman?" tanong ko.
"Kay Charles. Iyun ang sabi nya sa akin. Umiiyak ang
anak mo noong isinugod dito sa hospital si Ash. Kaya daw nagkasakit si Mama nya
kasi inaway daw ng witch sa mall. Noong una nagtaka ako at iniisip kong sino
iyun hanggang sa naiisp ko si Ingrid kaya ipinakita ko kay Charles ang picture
at kinompirma nya nga na iyun daw ang kasagutan ni Ashley sa isang fast food
chain habang kumakain sila." mahabang wika nito. Saglit akong nahulog sa
malalim na pag-iisip bago sumagot.
"Hayaan mo, tatanungin ko si Charles tungkol dito kapag
makauwi ako ng bahay. "sagot ko. Tumango si Cheska.
"IIwas mo muna si Ash sa mga taong nagbibigay sa kanya
ng stress. Masyado syang vulnerable at mabilis panghinaan ng loob dahil sa
sitwasyon nya ngayun." sagot nito. Tumango ako at nagpasalamat kay Cheska.
Chapter 42
ASHLEY POV
Muli akong nagising na masama ang pakiramdam ko. Nahihilo
ako. Naramdaman ko din na may kung anong likido na lumalabas sa ilong ko. Wala
sa sariling pinunasan ko ito gamit ng sarili kong kamay at biglang nanlaki ang
ulo ko ng mapansin ko na isa itong pulang likido. Hindi ako makapaniwala at
bigla akong nakaramdam ng panghihina.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa mga mata sa
isiping posibleng kaunting panahon na lang ang itatagal ko dito sa mundo.
Natatakot akong isipin na hindi ko na maalagaan pa ang anak ko at mababaliwala
lahat ng paghihirap ko.
"Ate? Sandali pupunasan kita." Agad akong
napalingon sa pintuan ng kwarto ng makita ko ang kakarating na si Natalia. May
mga bitbit itong kung anu-ano at inilapag sa lamesa. Agad itong kumuha ng isang
malinis na tela at lumapit sa akin.
"Dumudugo na naman ang ilong mo Ate." wika nito
sabay punas sa ilong ko. Hindi ko mapigilan ang patuloy na pagtulo ng luha sa
aking mga mata. Hindi ko akalain na hahantong ako sa gantiong sitwasyon.
"Natalia....nakausap mo ba ang Doctor? Sabihin mo sa
akin, tapatin mo ako... hanggang kailan na lang ang itatagal ko?" halos
pabulong kong wika. Natigilan ito at mataman akong tinitigan sa mga mata.
"Bakit? Gusto mo na bang sumuko? Basta -basta mo na
lang ba isuko ang buhay mo sa walang kwentang sakit na iyan?" tanong nito.
Bakas ang pagdaramdam sa tono ng boses nya. Napakurap ako sabay iling.
"May magagawa pa ba ako? Alam kong hindi na ako
gagaling." sagot ko. Agad itong umiling.
"Ate, hindi ko inaasahan na magkakaganito ka! Ano ba
ang nangyayari sa iyo? Bakit ka biglang pinanghihinaan ng loob? Akala ko ba
matapang ka? Akala ko ba kaya mo ang lahat?" sagot nito. Lalo akong
napaiyak. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Ina-Idolized pa kita dahil ang akala ko malakas ang
loob mo. Ipinakita mo sa amin na kaya mo lahat. Iniahon mo sa hirap ang pamilya
natin gamit ang sarili mong pagsisikap. Pagkatapos, dahil lang sa lintik na
sakit na iyan basta mo na lang isusuko ang buhay mo? Hindi ikaw iyan Ate!Hindi
ka ganyan!" halos pasigaw na wika nito habang patuloy na tumutulo ang luha
sa mga mata.
"Ano ang gagawin ko! Natatakot ako!
Natatakot akong umasa at mabigo. Paano kung hindi ako
gagaling? Paano ang lahat ng mga mahal ko sa buhay? Paano si Charles? Ang anak
ko...ayaw ko pa siyang iiwan. Gustong gusto ko pang mabuhay! Alam mo ba iyun?
Gustong gusto ko pang madugtungan ang buhay ko!" Halos naghihistirikal
kong wika. Lalo kong naramdaman nag pagdaloy ng dugo sa ilong ko. Magkahalong
takot at sama ng loob ang nararamdaman ko ngayun.
Natigilan si Natalia at agad akong dinaluhan. Pinunasan nito
ang dugo sa ilong ko pagkatapos mahigpit akong yumakap.
"Tama na! Kung natatakot ka man ngayun, nandito ako.
Dadamayan kita. Simula ngayun, ako ang magiging lakas mo! Aalagaan kita at
tutulungan hanggang sa iyong pagaling." wika nito sabay haplos sa likod
ko. Hindi ako nakasagot. Lalo akong napaiyak.
Sobrang sikip ng dibdib ko at gusto kong mailabas iyun.
"Gagaling ka pa! Ipinapangako ko, gagaling ka Ate!
Hindi ako papayag na kunin ka sa amin ni Kamatayan. Hindi ko pa nasuklian lahat
ng kabutihan na ginawa mo sa pamilya natin. Ate, mangako ka...huwag mo akong
biguin.... samahan mo muna ako sa pagkamit ng aking mga pangarap. Hayaan mong
iparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal." mahabang wika nito na may
halong pag-iyak. Lalo naman akong napahagulhol
Kung pwede nga lang takasan ko ang suliranin kong ito
gagawin ko. Pero paano? Anong laban ba ang pwede kong gawin para malabanan ang
sakit na ito. Ano ang dapat kung gawin? Paano kung masayang lang lahat ng hirap
namin. Hindi biro ang sakit ko.... alam ko iyun.
Halos ilang minuto din nakayakap sa akin si Natalia at ng
maramdaman namin pareho na kumalma na kami ay kusa na itong bumitaw sa akin.
Tinitigan ako nito sa mga mata at pinunasan ang natuyong
luha ko sa mukha. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Bakit ka nandito? Paano mo nalaman ang tungkol
dito?" tanong ko. Agad itong napangiti.
"Pinasundo ako nila Kuya Lorenzo at Kuya Ryder. Sila na
din ang nagpaliwanag kina Nanay at Tatay tungkol sa nangyari sa iyo. Of course,
masakit sa ating mga magulang na nakikita ang anak nila na may malubhang sakit.
Pero umaasa kami sa siyensa at himala Ate. Alam kong ggaling ka. Ginagawa lahat
ni Kuya Ryder para magamot ka kaya sana huwag kang panghinaan ng loob. Kung
anut-ano man ang mangyari ipakita mo sa aming lahat na lumalaban ka. Na malakas
ka. Gustong gusto ko ulit makita ang dating Ashley na matapang. "mahabang
wika nito. Napakurap naman ako. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng lahat ng
pinagdaanan ko marami pa rin pa lang nagmamahal sa akin.
"Si Charles? Kumusta ang anak ko?" tanong ko. Agad
naman itong ngumiti.
"Ayos lang naman sya. Si Lola Agatha ang nag-aalaga sa
kanya ngayun. Hinahanap ka nya pero sinabi namin na nagpapagaling ka pa at
magkikita din kayo soon. Kaya Ate, pilitin mong maging malakas. Ayun sa Doctor
mo, pwede ka naman daw makalabas ng hospial kapag makikitaan nila ng paglakas
ng immune system mo. Malaki ang tsansa kang gumaling Ate. Basta tulungan mo
lang ang sarili mo." sagot nito. Napatango ako. Kahit papaano nakaramdam
ako ng kapanatagan ng kalooban.
"Siya nga pala. May dala akong lugaw dito. Kumain ka.
Sabi ng Doctor mo, pwede ka ng kumain ng mga light foods at uminom ng mga gamot
na niresta sa iyo." Muling wika nito. Agad akong tumango. Nakangiti naman
na naglakad si Natalia sa lamesa. May kinuha ito sa isang plastic bag at muling
lumapit sa akin. Inaayos nito ang higaan ko upang makasandal ako at makakain ng
maayos.
"Susubuan na kita. Masyado ka pang mahina at baka
matapon lang ang pagkain. Mahal pa naman ito." wika nito na may halong
biro sa boses. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng maalala ko na ganito
palagi ang linyahan ni Natalia noong naghihirap pa kami sa probensya. Noon, ito
ang sinusubuan ko, ngayun naman ako na ang sinusubuan nya.
"Masarap diba?" tanong pa nito pagkatapos akong
subuan. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Walang lasa." pabiro kong sagot. Malakas itong
napatawa. Pagkatapos muling naglagay ng lugaw sa kutsara at muling isinubo sa
akin.
"Dont worry, kapag malakas ka na beef steak at wagyu na
ang ipapakain ko sa iyo para siguradong may lasa. Sa ngayun tiis-tiis muna sa
lugaw dahil nasa krisis na panahon pa tayo."
muling pabiro nitong wika. Muli akong natawa. Bumalik na
naman ang pagiging kalog ng kapatid ko. Hindi ko na namalayan pa na naubos ko
na pala ang sinusubo nitong lugaw sa akin. Said iyun at hindi naman halatang
gutom ako.
Nadala ako sa kadaldalan ng kapatid ko. Sa bawat sambit ng
mga pabirong salita mula sa bibig nito ay ang pagsubo nito sa akin. Dapat
talaga naging Doctor na din itong si Natalia eh. Kaya lang mas gusto pala
nitong maging teacher kaya wala kaming magagawa.
"Inumin mo ang mga gamot na ito para naman pwede ka ng
tanggalan ng dextrose. Kawawa na ang kamay mo dahil ilang araw ng may nakatusok
na karayom dyan.' wika nito sabay abot sa akin ng mga gamot na iinumin ko at
tubig. Tumango naman ako at agad na ininom lahat ng iyun..
Tama si Natalia. Walang masama kung lalaban ako. Kahit hindi
na lang sa sarili ko kundi para sa anak kong si Charles at sa mga mahal ko sa
buhay. Isa pa gusto ko na din makalabas ng hospital na ito. Nakakapagod na ang
palaging nakahiga.
Chapter 43
ASHLEY POV
Biglang nagkaroon ng tawanan ang loob ng private room dahil
sa kakalugan ni Natalia. Lahat ng biro lumabas sa bibig nito at kung anu-ano
ang kinikwento nito. Kung sinu-sino na din ang aming napag-uusapan.
"Totoo ba iyan? Baka naman ginu- goodtime mo lang ako
ha?" sagot ko.
"Oo nga, inggit na inggit ang anak ni Aling Marites sa
iyo ng malaman nilang nakapag-asawa ka ng mayaman. Take note! Matandang
mayaman. Ang akala siguro nila wala kang mararating dahil isa ka daw dakilang
protitute dito sa Manila kaya ang dami mong dalang pera noong umuwi ka. Hindi
ko nga alam kung saan nila nakuha ang kwentong iyan. Noong una galit na galit
sila Nanay at
Tatay pero noong nabuntisan ang anak ni aling Marites ng
tambay sa kanto, nawala din ang yabang nya at pagiging tsismosa. "
tumatawa nitong wika. Lalo akong napahalakhak. Hindi ko kasi alam ang tungkol
dito. Sabagay, nagiging mas abala ako ng mga panahon na iyun sa pag-aaral at ng
makagraduate ako muli akong bumalik ng Manila para magtrabaho.
"Inggitira at inggitero ang mga kapitbahay natin Ate.
Pinapakisamahan lang sila ng maayos nila Nanay at Tatay. Pero alam mo bang inis
na inis din si Kuya sa kanila." Pagpapatuloy na kwento nito.
Nasa ganoong pag-uusap kami ni Natalia ng hindi ko namalayan
ang pagbukas ng pintuan ng kwarto at ang pagpasok ni Ryder. Takang taka ito sa
naabutan. Huling-huli kasi nya ang malakas naming tawanan ni Natalia. Agad
itong lumapit sa higaan ko at tinitigan ako.
"May nangyari ba habang wala ako? Kumusta ang
pakiramdam mo? Maayos ka na ba?" tanong nito na bakas ang excitement sa
boses. Napatingin ako kay Nasalia at sumenyas ito sa akin na lalabas muna.
Tumango naman ako.
"Magaling na ako. Hindi ba halata?
Tinanggal na din nila ang dextrose ko." sagot ko. Agad
ako nitong niyakap. Nagulat ako sa kanyang ginawa at naramdaman ko pa ang
pagyugyog ng kanyang balikat tanda ng kanyang pag- iyak.
Teka, tama ba itong nakikita ko? Umiiyak ang isang Ryder
James Sebastian? Pero bakit?
Pilit akong pumiglas para kumalas ito sa akin at masilayan
ang kanyang mukha. Tama nga ang nararamdaman ko. Pagkalayo sa akin ay agad
itong tumalikod at pasimpleng pinunasan ang luha sa mga mata at muling humarap
sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng titigan ko ang gwapo nitong mukha.
Namumula ang kanyang mga mata.
"Umiiyak ka?" hindi ko mapigilang tanong.
Nagpakawala ito ng ngiti sa labi pagkatapos ay dumukhang ito at masuyo akong
hinalikan sa labi. Hindi ako makapalag sa ginawa nya. Gulat na gulat ako.
Pakiramdam ko biglang naglaho ang lahat ng mga alalahanin ko. Kusa kong tumugon
sa halik na iginagawad nito sa akin.
"Fuck Ryder! Nasa hospital ka!" Agad akong
napakalas sa pagkakayakap kay Ryder ng may biglang nagsalita. Gulat akong
napatingin sa pintuan ng kwarto at napansin ko ang nakatayong si Lorenzo. Naka
Doctor's uniform at nakangiting nakatingin sa amin.
"Pwede naman kumatok bago pumasok diba?" may inis
sa boses ni Ryder ng sabihin ang katagang iyun. Natawa si Lorenzo at diretso ng
pumasok sa loob at isinara ang pintuan. Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam
ng pagkailang.
Tama ba ang nakikita ko ngayun? Magkasundo na sila? Hindi na
sila nag- aaway? Kailan pa?
"Dati naman hindi ako kumakatok kapag pumupunta dito.
Ngayun ka lang nagrereklamo Bro." wika nito at tiningnan ako ni Lorenzo.
Nahihiya akong napayuko. Hindi ko akalain na aabutan kami nito sa ganoong
eksena at parang wala lang naman sa kanya iyun.
"Enzo, kumusta? Pasensya ka na....." hindi ko
mapigilan na wika. Tumawa ito.
"Wala kang dapat ihingi ng pasensya.
Ayos lang Ash. Masaya ako dahil nakikitaan na kita ng
improvement ngayun. Nabanggit sa akin ni Natalia na kumain ka na daw at uminom
ng gamot." sagot nito. Tumango ako.
"Goods iyan. Magpalakas ka muna at kakausapin namin ang
Doctor mo kung pwede ka mg idischarge pansamantala. Huwag kang mag-alalala. Sa
nakikita ko naman sa iyo ngayun, kayang kaya mong labanan ang sakit mo."
muling wika nito. Lalo akong nabuhayan ng pag -asa. Hindi ko mapigilan ang
mapangiti na syang hindi nakaligtas sa paningin nilang dalawa ni Ryder.
"Salamat Bro." sagot naman ni Ryder sabay lahad ng
kamay nito kay Enzo. Masayang nakipagkamay ni Lorenzo at nagpaalam na itong
lumabas.
"Nex time matuto kang mag-lock ng kwarto Bro. Baka
mamaya kung saan- saan pa mapunta ang halikan na iyan at baka hindi niyo
namalayan may nanunuod na pala sa inyo." wika nito at tuluyan ng lumabas
ng kwarto at isinara iyun. Naiwan naman ako na hindi maiwasan ang makaramdam ng
hiya. Huling huli talaga kami ni Enzo pero hindi ko man lang ito nakikitaan ng
galit at sama ng loob. Mukhang tanggap nya lahat ng kanyang nasaksihan
kani-kanina lang.
"Narinig mo ang sinabi nya?" narinig kong wika ni
Ryder. Gulat naman akong napatingin dito. Hindi ko gets ang ibig nyang sabihin.
"Ang alin?" tanong ko. Tumawa ito at muli akong
tinunghayan.
"Ang tungkol sa malapit mo ng paglabas dito sa
hospital. Huwag daw matigas ang ulo mo at inumin mo ang mga gamot mo para
gumaling ka kaagad." sagot nito.
"Kailan pa kayo muling nagkasundo?" hindi ko
maiwasang tanong. Agad kong napansin ang pagngiti ni Ryder bago sumagot.
"Noong sinabi nyang titigilan ka na nya. Na tuluyan ka
na nyang ipaubaya sa akin." sagot nito. Napalabi naman ako. Pagkatapos
tinitigan ko ito.
"Paano si Ingrid?" hindi ko mapigilang tanong.
Mabuti na yung nagkakalinawan kami. Hanggat maari ayaw ko ng asungot sa buhay.
Lalo na ng maalala ko ang huli naming pagkikita ng babaeng iyun.
"Matagal na kaming wala. Matagal na siyang burado sa
buhay ko. Kung naghahabol siya sa akin ngayun, I think hindi ko na problema
iyun. Problema nya na iyun. Karma na sa kanya ang lahat ng nangyari sa buhay
nya. Tinuhog ba naman kaming dalawa ni Enzo eh." sagot nito. Hindi ko
mapigilan ang paguhit ng ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ko.
"Gusto ko ng makita si Charles. Miss na miss ko na
siya." muli kong wika. Nakangiti itong naupo sa gilid ng kama ko.
Tinitigan ako sa mga mata at hinaplos ang mukha ko.
"Soon Ash. Malapit ng mangyari iyun. Sa ngayun titigan
mo muna ako para hindi mo ma-miss ang anak natin." wika nito at naramdaman
ko ang paghalik nito sa noo ko. Agad akong napapikit at naiyapos ko ang braso
ko sa leeg nito.
Hindi ko alam, pero pakiramdam ko lalo akong nagkaroon ng
dahilan para lumaban sa buhay sa pamamagitan ng halik na iyun ni Ryder. Tama si
Natalia. Lakas lang ng loob ang puhunan ko para malagpasan ang sakit na ito.
Hindi ko pa kayang iiwan ang mga mahal ko sa buhay. Makakasama ko pa sila ng
matagal at mag-iipon pa ako ng mga masasayang memories kasama sila.
Chapter 44
ASHLEY POV
Halos maluha-luha ako habang yakap ko ang aking anak na si
Charles. Sa wakas nakalabas din ako ng hospital at nakauwi ng bahay. Tama nga
ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin, kailangan kong maging matapang
na harapin ang sakit ko. Hindi ko kailangang magmukmok at umiyak. May tsansa pa
na gumaling ako at iyun ang iwork-out ko ngayun. Sa tulong ng mga mahal ko sa
buhay gagaling ako. Hindi ako pababayaan ng Diyos.
"Mama, magaling na po ba kayo? Huwag na po kayong
magkasakit ha? Natatakot po ako...ayaw ko pong mawala kayo sa akin."
umiiyak na wika ni Charles habang mahigpit na nakayakap sa akin. Lumuluha naman
akong tumango at kumalas sa pagkakayakap dito. Pagkatapos tinitigan ko ito sa
mukha.
"Of course! Hinding hindi na ako magkakasakit! Kaya
tahan na baby! Nandito lang si Mama. Pangako, hinding hindi kita iiwan."
sagot ko naman sabay punas ng luha nito sa mga mata. Agad naman gumuhit ang
matamis na ngiti sa labi ni Charles.
'Thank you Mama! Alam kong love nyo po ako at ayaw nyo pong
nalulungkot ako. I love you too Mama!" sagot nito. Agad naman akong naluha
at muling napayakap sa anak ko.
"I love you too Baby! Huwag ka ng umiyak ha? Lagi mong
tandaan, mahal na mahal kita anak!" sagot ko.
Dalangin ko sana na malabanan ko ang sakit kong ito. Deep
inside, natatakot ako na baka hindi ko matupad ang pangako kay Charles na
mananatili sa tabi nya. Pero ayaw kong maging nega. Malakas ang paniniwala ko
na gagaling ako.
"Ash, tha, salamat naman at nakauwi ka na dito sa
bahay. Sa wakas magiging masaya na ulit ang atmospera sa bahay na ito dahil
nandito ka na." narinig kong wika ni Lola Agatha. Nakangiti itong naglakad
palapit sa akin. Lumayo naman ng kaunti si Charles sa akin at lumapit sa
kanyang ama para siguro bigyan kami ng chance ni Lola Agatha na makapag-usap.
"Lola, salamat po. Pipilitin kong maging malakas at
labanan ang sakit na ito." sagot ko naman at yumakap na dito.
"Dapat lang iha. Alam kong kaya mong labanan ang sakit
na iyan. Nandito lang kami. Tutulungan ka namin na gumaling iha."sagot
nito. Lalong tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi nito.
"Salamat po. Salamat!" sagot ko. Kumalas ito sa
pagkakayakap sa akin at sumulyap sa kapatid kong si Natalia.
Oo, nagpasya kami ni Ryder na imbes sa condo tumira isama na
lang si Natalia dito sa bahay. Maraming bakanting kwarto dito sa bahay at pwede
nyang okupahin ang isa sa mga iyun hanggat gusto nya. Nakausap ko na din sila
Nanay at Tatay sa probensya at masaya sila sa paglabas ko ng hospital. Sila na
din ang nagsuggest na dumito muna si Natalia sa tabi ko para naman may
mag-aalalaga sa akin. Lalo na ngayung kailangan ng pumasok ng opisina ni Ryder
araw-araw.
Mas maigi na din iyun para may nakakausap ko. Kalog si
Natalia at lagi ako nitong pinapatawa na syang nagpapagaan sa aking kalooban.
"Sya na ba ang kapatid mo? Abay, halos kamukha mo naman
pala iha." wika ni Lola. Agad akong tumango at inakbayan ang kapatid ko.
"Oo La, siya ang bunso namin. Iyun isa ko pang kapatid
na lalaki nasa Dubai. Doon na sya naka-base ngayun." sagot ko.
"Hello po! Ikinagagalak ko po na makilala kayo Lola
Agatha."
nahihiyang wika pa ng kapatid ko kay Lola. Agad naman
napangiti si Lola Agatha at hinawakan sa kamay si Natalia.
"Feel at home iha. Huwag kang mahiya. Ituring mo na din
na parang bahay mo ang lugar na ito" wika ni Lola Agatha kay Natalia. Agad
naman gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng kapatid ko at nagpasalamat.
"I think kailangan muna umakyat ng kwarto ni Ash La
para makapagpahinga." narinig kong wika ni Ryder sabay akbay sa akin.
Masaya naman na tumango si Lola Agatha.
"Mabuti pa nga siguro. Mamaya na ulit tayo mag-usap.
Ako na ang bahala kay Natalia. Ituturo ko sa kanya ang kwarto na pwede nyang
gamitin dito sa bahay. " sagot ni Lola. Agad naman kaming tumango ni Ryder
at inalalayan akong pumasok sa loob ng bahay. Nakangiti ko pang sinulyapan ang
kapatid ko at kitang kita ko ang masaya nitong ngiti habang kausap na nito ang
pamangkin na si Charles.
"Ryder, salamat ha? Sana tuloy-tuloy na ang pagaling ko
para maalagaan ko na kayo ni charles." wika ko dito.
"Dont worry Ash, gagaling ka. Ipinapangako ko na
gagaling ka." sagot nito at naramdaman ko pa ang paghalik nito sa noo ko.
Paakyat na kami ng hagdan ng bigla itong huminto sa
paglalakad.
Nagtataka ko naman itong tinitigan.
"Bubuhatin na kita Ash. Hindi ka pwedeng mapagod."
wika nito. Agad akong umiling bilang pagtutol.
"Naku Ryder, kaya ko ang sarili ko. Sisiw lang sa akin
ang hagdan na iyan." sagot ko naman. Agad itong umiling at hindi ko
maiwasan na mapatili ng buhatin na ako nito. Tanging tawa lang ang naging tugon
ni Ryder at hinalikan pa ako sa labi bago ito nag-umpisang humakbang sa mga
baitang ng hagdan.
"Huwag kang malikot asawa ko baka mahulog tayo."
wika pa nito sa akin.
"Bakit mo pa kasi ako binuhat. Mabigat ako at baka ikaw
naman ang hihingalin. " sagot ko naman.
"Walang mabigat sa akin basta ikaw Ash. Handang handa
akong pagsilbihan ka sa abot ng aking makakaya." sagot nito. Hindi ko
mapigilang maluha.
Pasimple ko itong pinunasan dahil ayaw kong nakikita nito na
umiiyak ako.
Pinanindigan nya na talaga ang pagbuhat sa akin. Sa kwarto
nya na ako ibinaba. Inayos nya pa ang unan sa kama para komportable akong
makahiga na siyang labis na nagbigay sa akin ng matinding kaligayahan. Ang
sarap lang sa pakiramdam na inaalagaan ka ng asawa mo. Hindi ko akalain na
mararanasan ko pa ang ganitong bagay sa piling ni Ryder.
Naging maayos naman ang kalagayan ko sa paglipas ng mga
araw. Malaki ang naging tulong ng mga iniinom kong gamot. Pinag-aaralan na din
ng mga doctor ko kung kailangan kong mag-undergo ng chemotherapy. May ibang
klaseng treatment pang isina- suggest ng mga Doctors pero kailangan pa ng
masusing pag-aaral.
Sa lahat ng laban ko hindi umaalis sa tabi ko si Ryder. Lagi
itong nakaalalay sa akin sa lahat ng oras. Minsan nakakaramdam na din ako ng
guilt. Hindi ko kasi maibigay sa kanya ang obligasyon ko bilang asawa. Kapag
napag-uusapan naman namin ang tungkol sa bagay na iyun, lagi nitong sinasabi na
huwag akong mag-isip ng ano pa man. Kailangan ko munang magpagaling.
Lagi din nakaantabay sa lahat ng pangangailangan ko si
Natalia. Nagpasalamat ako dahil nasa tabi ko siya palagi. Hindi nagigng boring
ang mga araw ko sa bahay dahil sa kanya. Napapansin ko din na palagay na ang
loob nya kay Lola Agatha. Lalo na din kay Charles.
"Alam mo Ate...sana kapag mag-asawa ako kasing bait ni
Lola Agatha ang magiging in-laws ko. Saksi ako sa pag- aalaga na ginawa nya sa
iyo." biglang wika ni Natalia sa akin.
Nagpapahangin kami dito sa garden. Hindi ko naman mapigilan
ang mapangiti dahil sa sinabi nito.
"Natalia, mabait ka. For sure kung sino man ang
maswerteng lalaki na mapupusuan mo ay mamahalin ka nya ng tapat ganoon din ng
kanyang pamilya." sagot ko naman. Narinig ko pa ang malakas nitong
pagbuntong hininga kaya kunot noo ko naman itong tinitigan. Hindi ko maiwasan
na magtaka sa naging reaction nito.
"Bakit may problema ba? Teka lang, hindi mo man lang
nababanggit sa akin, may naging nobyo ka na ba?"
tanong ko. Agad itong tumitig sa akin. Pagkatapos umiling.
"Wala pa Ate. Nakafocus kasi ako sa pag -aaral noon.
Wala akong panahon sa boyfriend-boyfriend na iyan." sagot nito. Nginisihan
ko ito.
"Pero may napupusuan ka na?
Imposible kung wala. Sa edad mong iyan dapat may crush ka
na." wika ko ulit. Napayuko ito kaya hindi ko mapigilan ang matawa.
"Sino? Isa ba sa mga Doctor or nurse sa hospital? Ikaw
ha baka may tinatago ka ng sekreto sa akin. Ate mo ako at pwede mong ikwento sa
akin lahat ng kaganapan sa buhay mo." Sagot ko. Hindi ito nakaimik. Bagkos
tinitigan ako nito. May kung anong nababasa ako sa mga mata nito na hindi ko
mawari.
"Uyyy mukhang inlove ka na nga ah? Sino ang maswerteng
lalaki?'
pangungulit ko dito. Lalong namula ang mukha nito kaya hindi
ko maiwasan ang muling matawa. Hayyy naku, napaka-naive talaga ng kapatid ko.
Dalagang probensyana.
"Ate pwede bang huwag na natin pag usapan ang tungkol
sa bagay na iyan?
Naiilang ako eh sagot nito at pulang pula na ang mukha.
Hindi ko naman maiwasan na taasan ito ng kilay.
"Hmmmp sige na nga. Marunong ka ng magtago ng sekreto
ngayun ha?" sagot ko naman sa kunwaring nagtatampo na boses. Umilap ang
mga mata nito kaya naman napailing ako. Hindi ko maintindihan. Ngayun lang
nagkakaganito ang kapatid ko. Mukhang in-love na nga siguro.
Chapter 45
ASHLEY POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Patuloy pa rin ang
monitoring ng mga doctor sa sakit ko. Dahan-dahan pa rin na bumabagsak ang
katawan ko. Ngunit dahi sa ipinapakitang pag- aalaga sa akin ng mga taong
nakapaligid sa akin patuloy akong lumalaban at pilit na nilalakasan ang loob
ko.
"Ate, kumusta ka? Mainit na ang sikat ng araw. Gusto mo
bang pumasok na muna ng kwarto para makapagpahinga?." Narinig kong wika ni
Natalia. Iniwan nya ako mag-isa dito sa labas ng bakuran habang nagpapaaraw
dahil inaasikaso nito si Charles. tumitig muna ako sa maganda nitong mukha bago
sumagot.
"Kumusta si Charles? Kumain na ba siya?" tanong
ko. Nakangiti itong tumango.
"Sinabayan ko na siya Ate. Hindi pa rin lumalabas si
Lola Agatha sa kwarto nya. Sumasakit daw ang tuhod at dinalhan na lang ni Lorna
ng pagkain sa kwarto nya." Tukoy nito sa isa sa mga kasambahay. Agad akong
tumango at tumitig sa kawalan.
"hindi ko namalayan ang pag-alis kanina ni Ryder.
Napahimbing ang tulog ko. Natalia, sa palagay mo kaya, masyado na akong naging
unfair sa kanya? I mean, hindi ko na siya naaasikaso. Ni hindi na kami
masyadong nag-uusap dahil tuwing dumadating sya tulog na ako."
malungkot kong sagot dito. Naramdaman ko ang pagdantay ng
kamay nito sa balikat ko at marahan akong pinisil.
"Ate, Huwag kang mag-isip ng ganyan.
Ginagawa ni Kuya Ryder ang lahat ng paraan para gumaling ka.
Laban lang Ate. Nandito kami para alagaan ka!" sagot nito. Sandali akong
natahimik bago sumagot.
"Hindi ko alam Natalia. Pakiramdam ko unti-unti ng
nawawalan ng amor sa akin si Ryder. Alam kong nahihirapan na din sya sa
sitwasyon ko. Pinipilit kong lumaban pero pakiramdam ko habang tumatagal lalo
akong nanghihina. Oo, sa mga unang linggo ng medications ko may improvement
akong nararamdman sa katawan ko, pero habang tumatagal, para akong nauupos na
kandila." Malungkot kong sagot habang hindi ko mapigilan ang pagtulo ng
luha sa aking mga mata.
"Ate, diba next week na ang schedule ng first chemo mo?
Baka iyun lang ang paraan para gumaling ka. Walang masama kong susubukan natin
lahat diba?" sagot nito.
"Iyun din ang ipinagtataka ko. Kung talagang may
pag-asa pa akong gumaling, bakit kailangan ko pang dumaan sa chemotherapy?
Akala ko ba ang pag-inom ng gamot ay sapat na para gumaling ako." sagot
ko. Sandali nanahimik si Natalia bago muli itong nagsalita.
"Hayaan mo Ate. Tatanungin ko ulit ang Doctor mo
tungkol dito. Huwag kang mag-alala. Malalagpasan mo din ang lahat ng ito!"
sagot nito at itinulak na ang wheelchair papasok ng bahay.
Dahil hirap na ako na makaakayat ng hagdan isa sa mga guest
room dito sa baba ng bahay ang aking inuukupa.Sinasamahan naman ako ni Ryder
tuwing gabi. May sarili itong higaan katabi ng kama ko para imonitor ang
kondisyon ko. May mga pagkakataon na nahihirapan na din ako sa paghinga kaya
laging nakaready ang oxygen tank para sa akin.
"Pagdating ng kwarto ay agad akong inalalayan ni
Natalia na mahiga ng kama. Pagkatapos ay inabutan ako nito ng gamot na dapat ko
ng inumin. Hindi na ako nagtanong pa at agad kong isinubo ang tableta at
nilunok.
Sa totoo lang. Pagod na pagod na akong uminom ng mga gamot.
Hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos ang paghihirap ko.
Papikit-pikit na ako ng marinig ko ang masayang boses ni
Charles. Muli akong napadilat at nakita ko ang nakangiting mukha ng anak ko na
nakatunghay sa akin.
"Mama, kumusta po kayo? Alam nyo po tinuruan ako kanina
ni Tita Natalia sa mga lessons ko!" pagbabalita nito sa akin. Agad akong
napatingin kay Natalia na noon ay ngiting ngiti. Hindi ko alam pero bigla akong
nakaramdam ng panibugho. Alam kong mali iyun pero simula ng nagkasakit ako ito
na ang nag-aalaga kay Charles. Katabi nya pa minsan matulog ang anak ko na
syang hindi ko na nagawa pa simula ng na- diagnosed ako sa sakit kong ito.
"Ta-talaga? Mabuti naman kung ganoon. Isa pa huwag mong
kalimutan mag-thank you kay Tita mo ha? Pasensya ka na anak, hindi na natin
nagagawa pa ang mga ginagawa natin noon. May sakit pa kasi ako eh."
malungkot kong sagot sa anak ko. Hinaplos naman nito ang aking mukha kaya pilit
akong napangiti.
"Dont worry Ma. Hindi po ako pinapabayaan ni Tita
Natalia. Mabait po sya at mahal na mahal nya ako."
sagot nito. Pilit ang sarili ko na huwag tumulo ang luha sa
aking mga mata.
"Sige na Charles. Punta ka na muna sa labas. Susunod
agad ako sa iyo pagkatapos kong asikasuhin si Mama mo." narinig kong wika
ni Natalia sa anak ko. Agad naman tumango si Charles at hinalikan pa ako sa
pisngi bago tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto.
"Sige na Natalia, pwede mo na akong iiwan. Matutulog na
din naman ako.' Mahina kong wika sabay pikit ng aking mga mata. Naramdaman ko
pa ang pagkumot nito at ang pagbukas-sara ng pintuan bago ako kinain ng
kadiliman.
Muli akong nagising sa pakiramdam na tuyot na tuyot ang
lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong oras na at kung ilang oras akong
nakatulog. Pero nagising ako na may nakakabit na namang dextrose sa akin at
oxygen. Siguro may hindi na naman magandang nangyari sa katawan ko habang tulog
ako.
Dahan-dahan kong tinanggal ang oxygen na nakakabit sa akin
at pinakiramdaman ang aking sarili.
Tumingin pa ako sa labas ng bintana at napansin ko ang mga
nakabukas na ilaw sa poste. Akmang babangon ako ng biglang bumukas ang pintuan
ng kwarto at pumasok si Ryder.
"Oh Ash, kumusta ang pakiramdam mo? Mabuti naman at
nagising ka na." agad na wika nito ng makalapit sa akin. Tinitigan pa ako
nito sa mukha sabay ngiti.
"Anong nangyari? Ang natatandaan ko natulog lang ako
kanina pero nagising ako na may oxygen at dextrose na naman?" nanghihina
kong sagot. Saglit itong nag-isip bago muling nagsalita.
"Halos dalawang araw kang tulog Ash. Halos magdeliryo
ka sa taas ng lagnat mo. Mabuti na lang at dinalaw ka ni Lorenzo at agad na
napansin ang sitwasyon mo kaya agad kang nabigyan ng first aide. Ano ba ang
nangyari? Hindi bat sinabi ko sa iyo na kapag masama ang pakiramdam mo, huwag
mong kalimutan na pindutin ang botton sa gilid ng kama mo?" mahaba nitong
wika. Agad naman akong napayuko.
"Sorry, maayos naman ang kalagayan ko bago ako
nakatulog. Hindi ko akalain na nilalagnat na pala ako habang tulog ako."
sagot ko. Malakas itong napabuntong hininga at naglakad patungo sa kanyang
higaan.
"Gusto mo bang magbanyo? Gutom ka ba?" tanong
nito. Bigla naman ako nakaramam ng hiya ng tumingin ako sa orasan. Halos alas
dose na pala ng gabi at heto gising pa rin si Ryder para asikasuhin ako.
"Ayos lang ako Ryder. May suot naman akong diaper at
hindi naman ako nagugutom. Sige na, matulog ka na din. " sagot ko. Hindi
na ito sumagot pa at nahiga na sa kanyang higaan. Pasimple ko naman pinunasan
ang luha sa aking mga mata.
Pakiramdam ko may malaking nagbago sa kay Ryder. Hindi ko
alam pero habang tumatagal nararamdaman ko ang panlalamig ng pakikitungo nito
sa akin. Hindi na sya katulad noon na sinusuyo ako. Ibang iba na sya. Siguro
nagsasawa na siya sa pag-intindi sa akin.
Halos mag-umaga na ng muli akong nakatulog. Nagising ako na
mataas na ang sikat ng araw at agad kong napansin ang nurse na si Rona na
laging nakaduty lalo na kapag ganitong may ibang sakit akong nararamdaman sa
katawan. Mabait ito at halos kasing edad ko lang.
"Hello Mam Ashley. Good Morning po! "masigla
nitong wika sa akin sabay lapit sa aking higaan. Nag check ito ng temperature
sa katawan ko bago nagsalita.
"Alright! Tuluyan ng bumaba ang lagnat mo." wika
nito. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.
"Thank you Rona ha?' sagot ko.
"No problem Mam Ash! Teka lang, kumain ka muna ng lugaw
para may laman ang tiyan mo bago uminom ng gamot." sagot nito sabay kuha
ng isang bowl sa lamesa. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Kagabi pa ako
nakaramdam ng gutom at kahit isang bowl lang ng gulaw excited kong kainin.
"Susubuan na kita Mam Ash ha?" wika ni Rona. Agad
naman akong tumango.
Naubos ko ang laman ng bowl na siyang ikinatuwa ni Rona.
Hindi naman daw halata na gutom ako.
"Inumin mo ito Mam Ash! Bagong vitamins para lalong
lumakas ang resistensya mo." wika nito sabay pakita sa akin ng tableta.
"Rona, hindi ba nakakaantok iyan?" tanong ko.
Pagod na akong matulog at pakiramdam ko tuwing umiinom ako ng gamot lagi akong
nauuwi sa mahabang tulog.
"Hindi ito nakakaantok Mam Ash. Katunayan nga
pagkatapos mong uminom ng gamot lilinisan kita at dadalhin sa labas." Agad
akong napatango at ininom na ang mga gamot na bigay nito.
Katulad ng sinabi nito ay tinulungan akong maglinis ng
katawan bago pinaupo sa wheelchair. Excited na din akong makalabas at
magpaaraw.
Pagdating sa labas ng bahay ay agad na sumalubong sa akin
ang maaliwalas na kapaligiran. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at sinabi kay
Rona na dalhin nya ako sa gilid ng swimming pool.. Mas gusto ko ang bahaging
iyun ng bahay dahil gusto kong makita ang malinaw na tubig doon.
Malapit na kami sa pool ng marinig ko ang masayang tawanan.
Sinenyasan ko si Rona na ihinto ang pagtutulak sa wheelchair na syang agad
naman niyang sinunod. Pagkatapos ay naglakad ito papunta sa harap ko at pilit
na ngumiti.
"Sa garden na lang tayo Mam Ash! Mukhang may gumagamit
ng pool." marahan nitong wika. Dinig na dinig ko ang masayang halakhakan
na nagmumula sa pool. Pilit akong tumayo mula sa wheelchair upang masilip at
kumpiramahin ng sarili kong mga mata kung sino ang naliligo.
Nakaalalay naman sa akin si Rona kaya walang kahirap-hirap
na mula sa kinaroroonan ko tanaw na tanaw ko sila Ryder, Natalia at Charles na
masayang nagsi-swimming.
Pakiramdam ko biglang sumikip ang dibdib ko sa aking
nasaksihan. Alam kong mali, pero bigla akong kinain ng matinding selos.
Ano ang nangyari sa buhay ko? Bakit pakiramdam ko biglang
nawala sa akin ang lahat? Feeling ko isa akong tao na walang kwenta at hindi na
nag-eexist sa mundong ginagalawan ko ngayun. Agad na tumulo ang masaganang luha
sa aking mga mata. Agad naman akong dinaluhan ni Rona at pilit na pinapaupo
ulit sa wheelchair.
"kailan pa sila ganyan ka-close?" hindi ko
mapigilang tanong. wala akong pakialam kong sasagutin ako ni Rona o hind.
Naramdaman ko pa ang paghagod nito sa likod ko at ang mabagal na pag-usad ng
aking wheelchair. Dinala nya ako sa tagong bahagi ng garden at tinitigan sa
mukha.
"Wala akong karapatan para ikwento sa iyo ang mga
nangyayari sa paligid mo Mam Ash. Pero kung ano man ang nakikita at naririnig
mo ngayun, pilitin mo munang baliwalain. Magfocus ka sa pagpapagaling dahil
malaki pa ang chance mo para mabuhay ng matagal." sagot nito. Lalo akong
napaiyak. Naramdaman ko naman ang pagyakap nito at paghagod sa likod ko. Pilit
akong pinapatahan.
Chapter 46
ASHLEY POV
"Kailan pa? Kailan pa sila ganyan kasaya habang
nahihirapan ako?
Habang lumalaban ako sa buhay?"
pabulong kong wika. Haplos naman ni Rona ang likod ko. Pilit
akong pinapakalma. Mabuti na lang at nandito kami sa medyo tagong bahagi ng
garden at walang sino man ang nakakakita sa amin. Malaya kong mailabas ang sama
ng loob ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang hindi maalis sa isipan
ko ang masayang tawanan ng mga mahal sa buhay ko sa pool. Pakiramdam ko,
unti-unting nalipat kay Natalia ang obligasyon na dapat ako ang gumawa.
Hindi ko alam pero nasasaktan akong makita kung gaano siya
ka-closed ngayun sa mag-ama ko.
"Im Sorry Mam Ashley. Alam kong sooner or later
malalaman mo din ang tungkol dito."marahang wika sa akin ni Rona.
Napatitig ako dito.
"Kailan pa? Matagal mo na ba itong alam?" tanong
ko. Malungkot itong tumango.
"Yes...ilang beses ko ng napapansin kung gaano
ka-closed si Ryder at ang kapatid mo. Ang akala ko noong una normal lang iyun
sa magbayaw. Masyado lang silang malambing sa isat isa dahil sa iyo. Pero noong
nahuli ko silang naghahalikan sa loob ng kwarto habang wala kang malay doon na
nabuo sa isip ko na may relasyon sila." wika nito at bakas sa mga mata ang
habag habang nakatitig sa akin. Parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang
rebelasyon na iyun. Hindi kayang tanggapin ng isipan ko ang lahat. Napahagulhol
ako ng iyak. Ang akala ko pa naman gusto nilang madugtungan ang buhay ko. Pero
ano ito?
"Hindi....Hindi totoo iyan. Sabihin mo sa
akin...nagbibiro ka lang diba?
tsismis lang ito?" sagot ko kahit na alam ko sa
kaloob-looban ng puso ko may posibilidad na totoo ang sinabi ni Rona. Hindi
lang kayang tanggapin ng kalooban ko ang lahat. Hindi lang kayang tanggapin ng
puso ko ang sakit na nararamdaman ko ngayun.
"Im sorry Mam Ash! Im sorry kung nasasaktan ka man
ngayun. Pero sana, pilitin mong gumaling kung gusto mong muling maagaw ang
mag-ama mo sa traydor mong kapatid." sagot nito. Lalong nag-uunahan sa
pagpatak ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito sa
akin ng sarili kong kapatid. Bakit kay Ryder pa? Bakit nya nagawa sa akin ito?
May nagbago ba sa ugali ng sarili kong kapatid sa tagal ng panahon na hindi
kami nagkita at nagkasama? Hindi ko na ba siya lubusang kilala? Isa ba siyang
traydor sa buhay ko na siyang sisira sa pamilya ko na pilit kong binubuo ulit?
Kaya ba nagigising ako paminsan- minsan na wala sa higaan
nya si Ryder? May milagro na bang nangyayari sa kanilang dalawa ng kapatid ko?
Ang sakit! Ang sakit sakit! Hindi ko akalain na nagawa akong lokohin ng taong
pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Nang taong kadugo at akala ko labis na
nag-aalala sa kalagayan ko.
"May sasabihin din ako sa iyo Mam. Sana huwag kang
mabibigla....may... may nakitang kakaibang lason sa dugo mo noong huling
laboratory na ginawa ng mga doctor mo sa iyo." wika nito. Napatitig ako
kay Rona.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"May ilang gamot ka na naiinom na hindi kasali sa
reseta ng mga doctor mo sa iyo. Kaya ka dinalaw ni Doctor Lorenzo kahapon dahil
kumuha sya ng mga sample na gamot na iniinom mo. Gusto nilang masiguro na
walang pagkakamali na nangyari tungkol sa iyong mga reseta," sagot nito.
Hindi ko alam ang tungkol dito. Pero ang totoo, sa paglipas ng mga araw, lalo
akong nanghihina.
Posible bang may mga anomalya na nangyayari sa paligid ko?
Wala na bang kwenta ang pakikipaglaban ko sa sakit na itom at mismong mga tao
sa paligid ko ang gusto ng mapaiksi ang buhay ko? Para ano...para tuluyan na
silang maging masaya? Para wala ng hahadlang sa mga kababuyan na ginawa nila
habang wala akong malay?
"Bumalik na po kayo sa kwarto nyo at magpahinga. Huwag
kayong mag- alala. Hindi kita iiwan simula ngayun. Sisiguraduhin ko na nasa
tamang oras ang pag-inom mo ng mga gamot at legit lahat ng gamot na iniinom mo
Mam Ash." Muling wika nito.
"Anong gamot ang pinainom mo sa akin kanina? Bakit
tuwing si Natalia ang nagpapainom sa akin agad akong nakakaramdam ng
antok?" sagot ko. Natigilan si Rona bago sumagot.
"Mga gamot na reseta ni Doctor Fernando. Bakit may iba
pa bang klase ng gamot na pinapainom sa iyo? Natatandaan mo ba?" tanong
nito. Agad akong umiling.
"Hindi ko na masyadong pinapansin. Sa laki ng tiwala ko
sa kanya lahat ng binibigay nyang medications sa akin agad kong iniinom.
Sabihin mo sa akin...unti-unti ba akong pinapatay ng sarili kong kapatid?"
tanong ko. Sandaling natigilan si Rona at mataman na nag-isip.
"HIndi ka dapat antukin sa mga gamot na iniinom mo Mam
Ash! Dapat nga matutulungan ka pa noon para lumakas eh. Kaya ka ba nanghihina
dahil may mga ibang gamot kang naiinom na wala sa prescription ng doctor
mo?" tanong nito. Hindi naman ako nakaimik. Patuloy lang ako sa pagluha.
"Kailangan mo ng bumalik ng kwarto at magpahinga. Tama
na muna ang pag -iyak Mam Ash. Huwag kang mag- alala...babanggitin ko kay Doc
Lorenzo ang tungkol dito. Siya lang ang nag- iisang tao na posibleng tumulong
sa iyo sa kondisyon mo ngayun." sagot nito at muli ng itinulak ang wheel
chair patungo sa loob ng bahay.
Dumirecho na kami sa kwarto ko at agad nya akong pinahiga sa
higaan ko.
"Magpahinga ka muna. Buong araw kitang aalagaan. Ako na
din ang bahalang magpakain sa iyo mamayang lunch." wika nito at pinunasan
pa ng malinis na tissue ang aking mukha. Muli naman akong naluha sa simpleng
ginagawa nito. Mabuti pa si Rona, ramdam na ramdam ko ang pag- aalaga na
ginagawa nito sa akin.
Muli akong nakatulog at nagising kinatanghalian. Tinupad ni
Rona ang pangako nito sa akin na sya ang magpapakain sa akin ngayung
tanghalian. Magana akong kumain dahil kailangan kong maging malakas para sa
balak kong pagkumpronta kay Ryder at sa sarili kong kapatid. Hindi pwedeng
basta na lang akong mananahimik. Mag-iipon lang ako ng lakas bago sila kausapin
sa mga nalalaman ko tungkol sa kanilang dalawa.
"Umalis sila Sir Ryder at Natalia. Ipapasyal daw nila
si Charles." imporma sa akin ni Rona pagkatapos. kong kumain.
"Pumunta ba sila dito sa kwarto habang tulog ako?"
tanong ko. Malungkot na umiling si Rona.
"Pagkatapos nilang magswimming agad silang nagayak para
umalis. Hindi na nila nagawang sumilip sa iyo Mam Ash." wika nito.
Malungkot akong napatingin sa kawalan.
"Pwede bang tulungan mo akong makatayo Rona? Hindi
naman ako ganoon ka-baldado diba? Gusto kong lumabas sa garden. Mukhang
makulimlim sa labas at hindi masyadong mainit ang panahon. Gusto kong
makalanghap ng sariwang hangin. " sagot ko dito. Sandali itong natigilan
bago naglakad papunta sa kinalalagyan ng wheel chair ko. Muli ko itong tinawag.
"hindi na kailangan iyan. Pagod na ako sa kakaupo at
kakahiga. Gusto kong maglakad kahit pakunti-kunti lang." wika ko
"Pero Mam Ash baka matumba ka. Hindi na ganoon kalakas
ang...." hindi na natuloy ang sasabihin nito ng muli akong nagsalita.
"Hindi mo naman ako pababayaan diba? Hindi mo ako
hahayaan na masaktan o matumba?" sagot ko. Sandali itong nag-isip bago
dahan- dahan na tumango.
"Sigurado ka ba na kaya mong maglakad?" tanong
nito. Agad akong tumango.
Kung tutuusin kaya ko pang maglakad.
Sinanay lang nila akong maupo sa wheel chair kapag lumalabas
ako ng kwarto. Ayaw daw kasi nilang mahirapan ako dahil agad akong hinihingal.
Katulad ng gusto kong mangyari inalalayan ako ni Rona na
maglakad papuntang garden. Natuwa pa ito ng safe namin na narating ang garden
na hindi ako natutumba. Sinabi pa nito na kaya ko naman daw maglakad at dapat
ito ang lagi kong gawin tuwing umaga para kahit papaano ma- exercise ang mga
muscles ko.
"Ayaw nila Rona. Gusto nilang itali ako sa pagkakaupo
sa wheel chair na iyun. Kaya pala...may kababalaghan na pala na nangyari sa
paligid ko." malungkot kong sagot.
"Huwag mo ng isipin pa ang tungkol sa bagay na iyan Mam
Ash. Ang importante magpagaling ka." sagot nito. Malungkot akong tumitig
sa kawalan bago nagpakawala ng malakas na buntong hiniga bago nagsalita.
"Sabihin mo sa akin...ganoon na ba ako ka-pangit para
hindi man lang nagawang silipin ni Ryder kanina bago sya umalis? Ganoon na ba
ako kawalang -kwenta?" tanong ko. Agad na umiling si Rona.
"No Mam Ashely...may sakit lang po kayo. Pero hindi
nawawala ang ganda mo. Oo, pumayat ka...maputla ka..pero ikaw pa rin ang dating
Ashley na may busilak na puso. Ang dating Ashley na pinahahalagahan ni Doc
Lorenzo." sagot nito. Agad akong naluha. Mabuti pa siguro hindi na lang
ako muling nagtiwala pa kay Ryder. Mabuti pa siguro hindi na ako naniwala sa
mga pangako nito sa akin. Hindi sana ako masaskatan ng ganito.
Siguro mahirap mamatay ng malungkot. Baka nga siguro hindi
ako makaakyat ng langit dahil may mga unfinished business pa akong hindi
natatapos sa lupa. Blessings in disguise ba ang sakit ko na ito para
mapatunayan kung gaano kalalim ang pagpapahalaga sa akin ng sarili kong asawa?
Hindi nya ako kayang alagaan at pahalagahan ngayung may
sakit ako. Binaliwala na nila ako at nagpakasarap sila sa piling sa isat isa ng
kapatid ko.
"Nabanggit ba ni Lorenzo na dadalaw sya ulit sa akin?
Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita." wika ko
"Lagi siyang dumadalaw sa iyo Mam Ash. Kaya lang lagi
ka naman kasing tulog at ayaw ka na nyang isturbuhin pa." sagot nito.
Mapakla akong napangiti.
"Talaga? Mabuti pa siya...hindi nagbabago ang
pag-aalaga na ginagawa nya sa akin. Mula noon, hanggang ngayun, nandyan sya at
handang umalalay sa akin. "Malungkot kong sagot.
Halos dalawang oras din kaming tumambay sa garden ni Rona
bago nagpasyang muling bumalik ng kwarto, Gustuhin ko man na hintayin ang
pag-uwi nila Ryder pero hindi na ako pinayagan pa ni Rona na maghintay pa ng
matagal sa labas. Makakasama daw ito sa akin.
Pagdating ng kwarto ay muli akong nahiga sa higaan ko.
Pinilit ko ang sarili ko na muling makatulog para matigil na ang pag-iisip sa
mga nangyayari sa buhay ko.
Gabi na ng muli akong nagising. Tahimik na ang buong paligid
at ng ilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto wala na si Rona. Wala din si
Ryder sa kanyang higaan.
Dahan-dahan akong bumangon. Napansin ko pa ang isang gatas
na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong nilapitan at hinawakan. Kakatempla lang
ng gatas dahil mainit-init pa. Nakalagay sa gilid nito ang mga gamot na dapat
kong inumin.
Kumakalam na ang sikmura ko. Alas diyes na ng gabi at sakto
lang dahil oras na din ng pag-inom ng mga gamot ko. Agad kong tinungga ang
gatas at nagsalin ng tubig sa baso at isa -isang ininom ang mga gamot.
Pagkatapos dahan-dahan akong naglakad patungong banyo.
Umihi ako at pagkatapos naghugas ako ng kamay sa harap ng
lababo. Pagkatapos noon ay tinitigan ko ang reflexion ko sa salamin. Humpak na
ang pisngi ko at namumutla na din ako. Gayunpaman halata sa mga mata ko na
galing ako sa matinding pag-iyak. Namamaga at namumula.
Nagpasya na din akong magtooth brush. Balak kong puntahan
ang anak ko sa kwarto niya. Magaan ang pakiramdam ko ngayun dahil na rin siguro
sa ginawang pag-aalaga sa akin ni Rona. Ibang iba noong mga panahon na si
Natalia ang naka-focus sa pag- aalaga sa akin. Ayaw ko mang isipin pero
pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay ng sarili kong kapatid.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong
humakbang paakyat ng hagdan. Masyado ng tahimik ang buong paligid at pakiramdam
ko tulog na lahat ng tao. Ako na lang yata ang gising.
Pagkarating ko ng second floor ay didirecho na sana ako sa
kwarto ni Charles ng mapansin ko na bahagyang nakaawang ang pintuan ng kwarto
namin ni Ryder. Dahan-dahan akong naglakad papunta doon at sumilip at nanlaki
ang mga mata ko sa nasaksihan.
Kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata ay ang mga
ungol na naririnig ko sa dalawang taong abala sa makamundo nilang ginagawa.
Ilang sandali din akong na-istatwa bago ko naramdaman ang paghawak ng kung sino
sa balikat ko. Napatili ako ng malakas na siyang naging dahilan ng sabay ng
paglingon ng dalawang taong iyun sa direksiyon ko.
Chapter 47
ASHLEY POV
"Mga hayop kayo!" Hindi ko mapigilang sigaw.
Tuluyan ko ng niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan at mabilis na pumasok.
Tanging lamp shade lang ang nakabukas na ilaw at hindi pwedeng itago sa
malamlam ng liwanag nito ang dalawang taong hindi malaman kung ano nag unang
gagawin para matakpan ang kanilang kahubdan.
"Kailan pa? Kailan nyo- pa ako niluluko?" mahina
kong tanong kasabay ng paghikbi. Habol ko ang aking hininga dahil sa sobrang
sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko sa isang kisap
mata lang. Hindi kayang tanggapin ng kalooban ko ang mga nasasaksihan
kani-kanina lang.
"Ash...please...listen...Im----" Hindi na natuloy
pa ang sasabihin ni Ryder ng malakas akong sumigaw. Gusto kong mailabas ang
lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayun.
"Ahhhhhhhhh! Hayop! Mga walang hiya kayo!!!"sigaw
ko sabay lapit sa kama kung saan nakaupo si Natalia. Agad kong hinatak ang
buhok ng nakatulala ko pa ring kapatid na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa
kumot upang matakpan ang hubad na katawan. Napaaray pa ito sa ginawa ko. Pilit
na kumakawala sa mahigpit kong pagkapit sa kanyang buhok at wala akong pakialam
kung nasasaktan man ito. Ang gusto ko lang ay mailabas ang sakit ng kalooban na
nararamdaman ko ngayun.
"A-ate...I am sorry...Hindi ko sinasadya!" umiiyak
na wika nito. Tumayo ito ng kama at pilit na umiiwas sa akin. Dahil mahina ako
agad kong nabitawan ang buhok nito. Si Ryder naman ang pinagbalingan ko na noon
ay abala sa pagsusuot ng kanyang mga nahubad na saplot sa katawan.
"Masaya ka ba sa ginawa mo sa akin? Kailan pa? Bakit?
Ano ang kasalanan na nagawa ko? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito at
ipinagpalit sa sarili ko pang kapatid." umiiyak kong wika. Hindi ito
nakaimik.
"Bakit nagawa mo sa akin ito? Dahil ba may sakit ako at
hindi ko kayang ibigay lahat ng ---pangangailangan mo kaya pati kapatid ko
pinatos mo?" umiiyak na tanong ko. Agad kong napansin ang guilt sa mukha
ni Ryder at sandali itong hindi nakaimik. Mapakla akong tumawa.
"Hindi nyo man lang hinintay na matabunan ako ng lupa
at pag- piyestahan ng uod ang katawan ko bago kayo nagpakasarap sa isat
isa." wika ko. Muling napatitig sa akin si Ryder. Lumapit pa ito sa akin
at akmang hahawakan ako ng tabigin ko ang kanyang kamay.
"Dont touch me! Ayaw kong mahawa sa mga kababuyan na
ginawa nyo! Maraming mikrobyo ang mga kamay na iyan at baka mas lalong mapadali
ang buhay ko kung dumapo iyan sa balat ko!" umiiyak kong wika. Pilit kong
pinapapatatag ang sarili ko at huwag mag breakdown. Pakiramdam ko sagad na
sagad na ako. Pakiramdam ko bibigay na pati ang katinuan ng isip ko sa sobrang
hirap na nararamaman ngayun.
Ini-expect ko na mangyayari ito. Alam kong darating kami sa
ganitong klaseng komprontasyon. Masakit isipin na nangyari na ang lahat. Pilit
kong nilalabanan ang karamdaman ko para lang muli kaming mabuo kahit hirap na
hirap na ako! Dahan-dahan akong tumalikod at akmang lalabas ng kwarto ng
magasalita si Natalia.
"A-ate..sorry...Hindi ko din alam kung bakit humantong
kami sa ganito ni Ryder...naramdaman ko na lang na nahuhulog na ako sa
kanya..." mahina nitong wika. Muli ko itong nilingon.
"Hindi na nga kita kilala. Hindi ikaw ang Natalia na
kilala ko noon. Ang laki na ng ipinagbago mo. Nagawa mo akong saktan ng ganito
porket wala na akong lakas pa para lumaban. Ibang iba ka na ngayun!" sagot
ko. Agad na tumulo ang luha sa mga mata nito.
"Ate....mahal na mahal kita...maniwala ka!" sagot
nito.
"No...hindi totoo iyan. Hindi mo ako mahal...gusto mo
akong mawala para masulo mo na ang pamilya ko. Si Ryder..si Charles" sagot
ko. Hindi ito nakaimik. Sinulyapan ko si Ryder bago muling nagsalita.
"Sana maging masaya kayo sa ginawa nyo sa akin.
Ibibigay ko sa inyo ang kalayaan na gusto nyo. Pwede na kayong magsama bilang
isang tunay na pamilya total naman, malapit na akong mamatay. Ilang araw,
linggo o buwan na lang ba ang bibilangin ko? Ang sakit...sana man lang hinintay
nyo muna na mangyari iyun. Sana man lang hinintay nyong ipikit ko muna ang mga
mata ko ng tuluyan bago nyo ginawa ang mga kababuyan na ito..." wika ko at
agad na lumabas ng kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng isa sa kanila.
Naabutan ko na nakatayo si Rona sa labas at halatang
hinihintay ako. Nakikita ko sa mga mata nito ang sobrang awa. Sa hindi kalayuan
ay nakita ko din ang nakatayong si Lola Agatha. Umiiyak ito habang nakatitig sa
akin. Malungkot akong napangiti at napansin ko ang dahan-dahan nitong paglapit
sa akin at agad akong niyakap.
"Im sorry Ashley...hindi ko sila nakontrol."
pabulong na wika nito. Muling bumaha ang luha sa aking mga mata lalo na ng
marinig ko ang mahina nitong pag-iyak.
"Lola...sorry kung hindi natupad ang gusto mo na kaming
dalawa pa rin ni Ryder hanggang sa huli. Siguro hanggang dito na lang kami.
HIndi kami para sa isat isa. May ibang babae na nakatakda para sa kanya."
sagot ko habang humihikbi. Lalo kong naramdaman ang mahigpit na pagyakap nito.
"Hiyang hiya ako sa mga nangyari Ash. Alam mo ba iyun?
Isa ako sa mga taong nagpapahirap sa iyo ngayun. Umpisa pa lang sana pala hindi
na kita inalok pa ng proposal na iyun. Hindi ka sana nasasaktan ngayun."
wika nito. Hinagod ko muna ang likod nito bago kumalas sa pagkakayakap sa
kanya. Pilit akong ngumiti.
"La...wala po kayong kasalanan. Nagkataon lang na may
mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Hindi po ako galit sa inyo. Wala po
akong naramdaman na kahit kaunting tampo sa iyo.....
"Malapit ng matapos ang oras ko dito sa mundo. Kaunting
panahon na lang ang itatagal ko. Mabuti po kayong Lola...sana po hindi nyo
pababayaan si Charles." umiiyak kong wika. Lalo na ng maisip ko ang anak
ko. Hanggang dito na lang magtatapos ang malungkot na kabanata ng buhay ko.
Wala ng natira pa sa akin.
Niluko ako ng sarili kong asawa at kapatid. May malubha pa
akong sakit. Lahat yata ng kamalasan at sumpa ng mundo ay sinalo ko na.
Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad pababa ng hagdan.
Pilit akong inalalayan ni Rona pero pumiksi ako. Malungkot ko itong nilingon at
inipon ang buo kong lakas para mapabilis ang aking paglalakad.
Agad akong nakalabas ng gate ng bahay. Tahimik lang na
nakatingin sa akin ang mga gwardya. Hindi na nila ako tinangka pang pigilan.
Siguro alam na nila na isa akong walang kwentang nilalang dito sa bahay.
Hindi na ako lumingon pa. Tahimik akong naglakad habang
walang tigil sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Saksi ang mga bituin sa
kalangitan sa pighati na nararamdaman ng puso ko. Pakiramdam ko nag-iisa na
lang ako. Walang karamay...Walang nagmamahal!
Naramdaman ko pa ang paghawak ng kung sino sa balikat ko.
Dahan-dahan akong lumingon at agad kong napansin ang malungkot na mukha ni
Rona.
Mabuti pa siya. Nakikidalamhati sa nararamdaman ko ngayun.
Sana siya na lang ang naging kadugo ko.
"Hayaan mo na ako. Pagkalabas ko sa bahay na iyan tapos
na din ang obligasyon mo sa akin." malungkot kong wika.
"Saan po kayo pupunta? Hindi pwedeng pabayaan ko kayo
lalo na sa kondisyon nyong iyan Mam Ashley." Sagot nito. Malungkot akong
napangiti.
"Bumalik ka na ng bahay. Naiwan mo pa yata ang iba mong
mga gamit doon. " sagot ko dito at pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi.
Saglit itong nag-isip.
"Hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang ang bag ko. Wala
pala tayong pamasahe. Dadalhin kita sa hospital." sagot nito. Atubili
naman akong tumango.
tinitigan pa ako sa mga mata bago nagpasyang tumalikod.
Sinundan ko pa ito ng tingin bago malungkot na ibinaling ang aking paningin sa
kalsada
Wala ng kwenta ang lahat. Wala ng dahilan pa para lumaban.
Wala ng dahilan pa para pahirapan ko pa ang sarili ko at labanan ang sakit.
Kailangan ko na sigurong tapusin ang lahat ng paghihirap ko.
Pagod na ako..pagod na pagod na! Wala na akong lakas pa para
muling harapin ang bukas.
Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Madilim! Tanging
liwanag lang na mula sa mga poste ng ilaw ang nakatanglaw sa kinaroroonan ko.
Pwede akong umiyak hanggang gusto ko. Pero pagod na din akong umiyak pa. Ayaw
ko na! Kung bakit naman kasi hindi maubos-ubos ang luha sa aking mga mata.
Pero ano pa nga ba ang saysay ng pag- iyak kong hindi man
lang mabawas- bawasan ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun?
Sabi nila, nakakatulong ang pag-iyak para mabawasan ang
sakit na nararamdaman ng isang tao. Pero bakit parang lalong nadadagdagan.
Niluluko yata ako ng taong nagpauso ng salitang iyun eh.
Mapakla akong napangiti. Dahan- dahan akong naglakad patawid
ng kalsada. Hilam ang luha sa aking mga mata ng marinig ko na may tumawag sa
akin. Agad ko iyung nilingon at napansin ko ang paparating na si Ryder.
Tinatawag nito ang pangalan ko pero huli na ang lahat.
Nasa gitna na ako ng kalsada at may nakakasilaw na liwanag
na humahagibis parating sa kinatatayuan ko. Huli na para humakbang pa ang pagod
ko ng mga paa. Agad kong naramdaman ang malakas na pagtama ng metal sa katawan
ko at ang paglipad ng nanghihina kong katawan sa kung saan kasabay ang
pagbagsak ko sa lupa.
Tanging malakas na busina ng sasakyan ang aking naririnig.
Mga malakas na sigawan bago ko ipinikit ang aking mga mata. Nagpakawala pa
akong ng malungkot na ngiti bago ako kainin ng kadiliman.
Chapter 48
'THIRD PERSON POV'
Tulala si Ryder habang nakatitig sa nakahandusay na katawan
ni Ashley sa kalsada. Naliligo sa sariling dugo at hindi na gumagalaw. Nasa
likuran nito ang umiiyak na si Natalia habang patakbo na lumalapit sa kanila
ang umiiyak na si Charles.
Direcho ito sa nakahandusay na katawan ng ina habang umiiyak
"Ma! Mama!" halos pasigaw na iyak nito. Pulang
pula ang mukha at patuloy ang pag-agos ang luha sa mga mata.
Parang bigla naman nagising sa pagkatulala si Ryder ng
marinig ang pagpalahaw na iyak ng anak. Dali-dali nya itong nilapitan habang
hindi inaalis ang tingin sa katawan ng kanyang asawa. Akmang hahawakan nya ang
kanyang anak para tulungan na makatayo ng bigla itong pumiksi.. Nilingon siya
nito at umiiyak na nagsalita.
"Kasalanan mo ito Papa. Kasalanan mo! "wika nito.
Parang bigla naman nabingi si Ryder sa sinabi ng kanyang anak. Ito ang
kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ng ganito si Charles. Sa murang edad
nito sya agad ang sinisisi sa mga nangyari.
Agad na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Awang awa siya
sa hitsura ng asawa nya.. Yes...kasalanan nyang lahat ito. Hindi hahantong sa
ganito ang lahat kung hindi nya kami nahuli na magkaniig ni Natalia.
Agad na dumating si Rona. Ang personal nurse ni Ashley.
Dali-dali nitong sinuri ang pulso ni Ashley. Malungkot itong tumitig kay Ryder
pagkatapos binalingan si Charles. Pilit na pinapakalma ang bata bago muling
itinoon ang attention kay Ashley.
"Mam Ashley...hindi ba sinabi ko sa iyo na hintayin mo
ako...Hold on...huwag kang bumitaw, parating na ang ambulansya." wika
nito. Muling napakurap ng makailang beses si Ryder at nanghihina na napatayo.
Wala pa rin siya sa wisyo. Hindi nya alam kung paano tanggapin ang lahat ng mga
nangyari ngayun.
Wala pang limang minuto agad na dumating ang ambulansya.
Tahimik lang nyang pinapanood ang ginagawang pagkuha ng mga ito sa katawan ng
kanyang asawa. Bigla naman nagwala si Charles at gustong sumakay ng ambulansya
para sumama pero pinigilan ito ni Nurse Rona.
"Mr. Sebastian, asikasuhin mo muna si Charles. Hindi
pwede ang bata sa loob. Baka lalo siyang magka-trauma kapag patuloy nyang
nakikita ang sitwasyon ng kanyang ina." wika ni Nurse Rona. Wala sa
sariling nilapitan ni Ryder ang kanyang anak at pabuhat na inilayo sa
ambulansya.
Muli nyang sinulyapan ang nakahigang katawan ng asawa sa
strecher. Gusto nya itong lapitan at hawakan pero natatakot siya. Hindi kayang
tanggapin ng kanyang isipan na baka tuluyan itong mawala sa kanyang piling.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa katawan nito na syang lalong
nagpabigat ng kanyang damdamin.
Muli siyang naluha. Bigla nyang narealised lahat ng mga
pagkakamali na nagawa nya sa buhay nito. Hindi nya akalain na dito hahantong
ang lahat.
Dumating na ang mga alagad ng batas para mag-imbestiga sa
nangyaring aksidente. Wala sa huwesyo si Ryder para sagutin ang mga katanungan.
Dagdagan pa ang pumapalahaw na iyak ni Charles. Sinabi nya lang sa mga pulis na
siya ang asawa. Wala na siyang ibang binaggit na kahit ano pa man.
"I hate you Papa! Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari
kay Mama iyun! Ayaw ko na sa iyo! Galit ako sa iyo!" sigaw sa kanya ni
Charles at agad na nagpumiglas. Nabitiwan nya ito at patakbong pumasok sa loob
ng gate. Nilapitan naman siya ni Natalia at akmang hahawakan sya nito sa kamay
ng tabigin niya ito.
"Dont touch me! Kasalanan mo kung bakit nangyari ito
kay Ashley. Kapag may masamang mangyari sa kanya, habang buhay kang magdusa sa
mga kamay ko!" seryoso niyang wika dito at agad na pumasok sa loob ng
gate. Gusto nyang sundan si Charles at kausapin. Masyado pa itong bata para sa
mga ganitong pangyayari.
Akmang papasok na siya sa loob ng bahay ng mapansin nya ang
nakatayong si Lola Agatha sa medyo hindi kalayuan sa pintuan. Hilam ng luha ang
mga mata nito at kitang kita ko ang sama ng loob na nararamdaman nito dahil sa
mga nangyari.
"Sundan mo sya sa hospital. Siguraduhin mong ligtas
siya." mahina nitong wika. Hindi nakaimik si Ryder.
"Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may
masamang mangyari sa kanya. Hindi nya deserved na maranasan ang ganito kasaklap
na pangyayari sa kanyang buhay." muli nitong wika at dahan-dahan ng
pumasok sa loob ng bahay. Naiwan naman si Ryder na hindi namalayan ang pagtulo
ng luha sa kanyang mga mata.
Agad itong naglakad patungo sa kinapaparadahan ng kanyang
kotse. Sumakay at agad na pinaandar. Napalingon pa siya ng biglang bumukas ang
passenger set. Pumasok ang umiiyak na si Natalia at naupo.
"Sasama ako. Gusto kong masigurado na ligtas si
Ate." wika nito. Matalim itong tinitigan ni Ryder bago pinaharurot ang
sasakyan.
"Alam nya na kung saan dinala ang katawan ni Ashley. Sa
hospital na pag- aari ng pamilya ni Lorenzo.
Pagdating ng hospital ay agad syang nagtanong sa nurse
station upang malaman kung saan dinala ang katawan ni Ashley. Kilala na si
Ashley sa hospital na ito kaya walang kahirap- hirap na kaagad niya itong
nahanap. Nasa emergency room at pilit na nire- revived.
Pagdating sa emergency room ay agad nyang napasin ang
paglabas ni Doc Lorenzo doon. Agad nya itong nilapitan upang tanungin kung
kumusta na ang kalagayan ni Ashley.
"Enzo...kumusta sya?" agad na tanong dito ng
makalapit. Blanko ang expression ng mukha nito. Agad siyang kinabahan sa klase
ng mga titig ni Doc.
"Bakit mo sya pinabayaan? Bakit?" agad na tanong
ni Doc Enzo sa kanya. Hindi sya nakaimik.
"Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako
nagparaya pa. Ipinaglaban ko sana sya sa iyo! Sayang... sayang ang buhay na
nawala dahil sa kagagawan mo!" galit na wika ni Doc Lorenzo. Agad na
nanlaki ang mga mata ni Ryder at nagtanong. Hindi siya ganoon ka-tanga para
hindi alam ang ibig sabihin nito.
"A-anong ibig mong sabihin....Hindi!
Imposible...matapang siya..matapang si Ashley!' wika niya. Umiling si Doc
Lorenzo.
"Iyun ang akala natin pareho. Pero huli na ang lahat.
Wala na siya!" sagot nito at muling pumasok sa loob ng emergency room.
Agad syang napasunod at naabutan nya ang ilang medical team na unti-unting
tinatakpan ng puting kumot ang buong katawan ni Ashley.
Pakiramdam nya biglang lumaki ang ulo sa kanyang nakita.
Kumabog ng husto ang dibdib habang tinitigan ang maputla at wala ng buhay na
katawan ng kanyang asawa.
"Hindi! Hindi ito totoo! Sabihin mo sa akin...hindi
totoo ito Enzo!' sigaw nya at hinarap si Doc Lorenzo. Hinawakan nya sa kwelyo
ang Doctor at niyugyog.
"Buhayin mo sya! Buhayin mo ang asawa ko! Magaling kang
Doctor diba? Huwag kang pumayag na mamatay siya!" sigaw nya dito. agad
naman siyang itinulak ni Doc Lorenzo.
"Umalis ka na! Wala kang karapatan na makita o
mahawakan ang katawan nya. Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinanggagawa mo?
Ninyo ng babaeng iyan?" wika ni Doc Lorenzo sabay sulyap sa nakatangang si
Natalia. Titig na titig sa katawan ng kanyang kapatid habang patuloy sa
pag-iyak.
"Ako na ang bahala sa kanya. Hindi mo sya dapat
ipagluksa dahi hindi mo na siya pinahalagahan. Sana ipinaubaya mo na lang siya
sa akin...buhay pa sana siya ngayun...."
"Ikaw ang dahilan kaya agad na nagwakas ang buhay nya
kaya magkaroon ka naman sana ng kahit kaunting respeto sa kanya." wika ni
Lorenzo sa nanlilisik na mga mata at itinulak ang kaibigan palabas ng emergency
room. Agad naman napasunod si Natalia dito.
"Simula ngayun, kalimutan mo na ang pagkakaibigan
natin. Pinuputol ko na lahat ng ugnayan na meron tayo." galit na wika ni
Lorenzo at agad na isinara ang pintuan ng emergency room
Laglag ang balikat na naglakad si Ryder palabas ng hospital.
Hindi nya na napansin pa ang aligaga na pagkilos ng mga medical staff sa loob
ng emrgency room
Agad na kinabitan ng oxygen si Ashley. Tiningnan lahat ng
vital signs at inihanda ang dugo na pwedeng isalin sa kanya. Lahat ay abala.
Lahat may partisipasyon. Hinahabol ang oras upang maisalba ang isang
nanghihingalong si Ashley.
"Doc Enzo...maswerte pa rin dahil hindi sya naubusan ng
dugo. Iyun nga lang may ilang malalang bale ang kanyang katawan. Pero hindi
naman masyadong napuruhan ang kanyang ulo kaya makaka-survive sya." wika
ni Doctor Aurello. Isa sa mga magaling na Doctor dito sa hospital.
"Magtulungan tayo. Gawin natin ang lahat mailigtas
siya!" seryusong sagot ni Doc Lorenzo. Agad naman sumang- ayon ang lahat.
Kailangan nyang palabasin sa lahat na patay na si Ashley.
Hindi nya na kaya pang nakikita na nahihirapan ito. Hindi na sya dapat
magtiwala pa kahit kanino. Kahit pa sarili nitong kadugo.
Marami siyang napansin na mali sa mga iniinom nitong
medications.
Kagagawan man ito ng sariling kapatid o asawa wala na syang
pakialam doon. Ang importante sa kanya, mailigtas si Ashley para muling
lumalaban sa buhay. Balak nya itong tuluyang ilayo sa mga taong nanakit dito.
*
*
RYDER POV
Hindi ko kayang makita ang katawan ni Ashley. Alam kong mali
na iiwan ko ang wala nyang buhay na katawan sa hospital...pero hindi matangap
na isip ko na wala na ang babaeng pinakamamahal ko.
Oo, kasalanan ko ang lahat! Naging marupok ako. Hindi ko
nilabanan ang init ng katawan. Nagpadala ako sa pang -aakit ni Natalia. Nang
mismong sariling kapatid ng asawa ko.
Pero maniwala man ang lahat o hindi. Mahal na mahal ko si
Ashley. Mahal na mahal ko ang asawa ko! Ngayung wala na sya, hindi ko na alam
kung paano pa ipagpatuloy ang buhay ko.
Pagkapasok sa loob ng living room ay agad akong sinalubong
ni Lola Agatha. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakaupo. Sa isang
sulok naman ay tahimik na umiiyak si Charles. Kapansin pansin ang galit sa mga
mata nito habang pasulyap-sulyap sa kinaroroonan namin ni Natalia. 1
"Charles...tama na ang pag iyak...baka kung mapaano ka
p a! ^ prime prime agad na wika naman ni Natalia sabay lapit sa pamangkin.
Akmang hahawakan nito ang pamangkin ng tabigin ni Charles ang kamay nito.
"Bad ka! Kasalanan mo! Kasalanan nyo kung bakit
nasagasaan si Mama!" sigaw nito.. Gulat naman akong napatitig sa anak ko.
Ilang oras lang nangyari ang aksidente pero ang laki na ng ipinagbago nito.
Ibang iba na ang ugali nya.
"Charles! Hindi ko naalala na pinalaki ka ng Mama mo
para maging bastos." agad na sigaw ko dito. Lalo itong umiyak at padabog
na muling naupo. Hinarap naman ako ni Lola Agatha.
"Kumusta si Ashley? Ayos na ba siya? Balak kong isama
mamaya si Charles sa hospital para tumigil na siya sa kakaiyak." wika ni
Lola Agatha.
Malungkot ko itong tinitigan sabay iling.
"La...patawad..pero wala na sya!"
malungkot na sagot ko. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag
umiyak. Agad nanlaki ang mga mata ni Lola Agatha. Nanghihinang napaupo sa sofa
habang sapo ang dibdib.
"Hi-hind-di totoo iyan! Impo-sible.." wika nito sa
mahinang boses. nahihirapan itong huminga kaya agad kong inutusan ang
nakaantabay na kasmabahay na kumuha ng tubig.
Natataranta naman nitong sinunod ang utos ko. ilang saglit
lang ay may dala-dala na itong tubig at pinagtulungan namin na painumin si Lola
Agatha. Patuloy pa rin ito sa pag- iyak. Samantalang napansin ko naman ang anak
ko na agad tumayo at nagtatakbo na lumabas ng living room. Susundan ko sana ito
ng pigilan ako ni Natalia.
"Asikasuhin mo muna si Lola. Ako na ang bahala kay
Charles." wika nito at agad na tumalikod. Naiwan naman akong lalong
nahihirapan ang kalooban. Walang dapat sisihin sa mga nangyari ngayun kundi ako
lang.
Chapter 49
RYDER POV
Sa sobrang sakit ng kalooban ko nagpasya akong bumalik ng
hospital kasama si Lola Agatha. Gusto nyang makita ang katawan ni Ashley sa
huling sandali. Hindi na namin isinama si Charles dahil nakatulog ito dahil sa
matinding pag-iyak.
Sa kotse pa lang ay ramdam na ang tention sa pagitan ni Lola
Agatha at Natalia. Hindi ko na din pinansin pa iyun dahil nakatoon ang aking
isipan kay Ashley.
Muling lumitaw sa alaala ko ang umiiyak na mukha nito
kagabi. Alam kong masyado itong nasaktan sa kanyang nasaksihan sa pagitan namin
ni Natalia. Aaminin ko, nagkamali ako sa pagkakataon na iyun pero hindi ibig
sabihin noon hindi ko na sya mahal.
Kaya ko lang naman napatulan si Natalia dahil masyado na
akong malungkot. Ako ang mas nahihirapan tuwing nakikita ko itong nakahiga na
lang ng higaan at wala ng lakas na d***
****g sa sakit nya. Hirap na hirap akong nakikita siyang
sinusumpong ng sakit nya. Wala man lang akong nagawang tulong para maibsan ang
pagdurusa nya.
Miss na miss ko na ang dating Ashley. Ilang beses akong
nangarap na sana bumalik na sa dati ang lahat. Pero kahit anong pagpapakatatag
ang gawin ko, unti-unti akong natatalo ng takot ng damdamin. Maraming 'what if'
ang pumapasok sa utak ko.
What if kung hindi na kaya ng katawan nya ang sakit nya.
What if kung bigla na lang siyang mawala sa akin...what if kung hindi ko kayang
tanggapin ang pagkawala sya. Oo, aminado ako.. masyado akong natakot. Gusto ko
ng mapagbalingan ng attention at nagkataon na si Natalia ang lagi kong
nakikita. Lagi ko itong nakakasama sa kwarto sa tuwing binabantayan namin si
Ashley na natutulog.
"Lagi kaming nakakapag-usap. Nagiging lakas namin ang
isa isa at namalayan ko na lang na naging marupok na ako at ilang beses na
namin pinagsaluhan ang bawal na relasyon.
Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ng may nangyari sa
amin. alam kong naging unfair ako kay Ashley. Huli na para magsisi ako. Wala na
siya. Wala na ang pinakamamahal kong babae.
"Kung pwede nga lang makausap si Kamatayan para ibalik
nya ang buhay ni Ashley gagawin ko. Kasihuda na na isuko ko ang buhay ko para
lang muli siyang buhayin. Matanda na ako at sana ako na lang ang namatay."
narinig kong wika ni Lola Agatha. Napabaling ang attention
naming dalawa ni Natalia dito. Umiiyak ito habang malungkot na nakatanaw sa
labas ng bintana ng kotse.
Akmang hahawakan ito ni Natalia ng mabilis itong pumiksi.
Matalim nitong tinitigan ang babae kaya naman wala ng magawa pa si Natalia
kundi ang mapayuko nalang.
"Nag-alaga pala ako ng ahas sa bahay. Ang laki ng
kaibahan mo sa kapatid mo. Walang wala ka sa kalingkingan nya." muling
wika ni Lola Agatha. Lalong napayuko si Natalia dahil sa hiya. Tumulo ang luha
sa mga mata nito.
"Sorry po! Hindi ko po akalain na buhay ng kapatid ko
ang kapalit ng lahat. Masakit din po sa akin ang mga nangyari."
mapagpakumbaba nitong sagot. Mapaklang tumawa si Lola Agatha.
"Kung talagang mahalaga sa iyo ang kapatid mo. Inisip
mo sana ang mga maging consequences ng lahat bago ka bumukaka kay Ryder. Pero
wala....tapos na ang lahat. Dalangin ko na lang na sana parusahan ka ng langit
sa ginawa mong ito." seryosong sagot ni Lola. Tumulo pa ang luha sa mga
mata nito habang sinasabi ang katagang iyun. Lalo naman nadurog ang puso ko sa
mga nasaksihan na paghihirap nito.
Mula kay Charles..kay Lola.. kay Lorenzo, o baka pati sa mga
magulang ni Ashley. I dont know. Sobrang sama ng naging kapalit sa panluluko na
ginawa ko.
Wala na akong magawa pa kundi tahimik na umiyak na lang.
Tapos na ang lahat. Hindi na maibabalik ang buhay nya. Ang buhay ng babaeng
pinangakuan ko ng langit sa piling ko.
Tama si Lorenzo. Dapat ipinaubaya ko na lang si Ashley sa
kanya. Siguro hanggang ngayun buhay pa siya. Siguro naalagaan sya ng maayos ni
Enzo. Hindi katulad ko. Ako mismo ang nagtulak sa kanya sa hukay.
Hindi ko namalayan pa na nakarating na pala kami ng
hospital. Lalong dumuble ang lungkot na nararamdaman ko. Hanggat maaari ayaw ko
na sanang makita pa ang wala ng buhay na katawan ni Ashley. Pero hindi
pwede...kahit man lang sana sa huling sandali nya sa mundo mabigyan ko sya ng
maayos na libing.
Sana hangang sa kabilang buhay mapatawad nya ako. Sana
makalimutan nya ang pait na naranasan nya sa kamay ko. Sising sisi ako sa mga
nangyari. Ngayung wala na sya....hindi ko alam kung paano pa harapin ang bukas.
Habang buhay akong uusigin ng aking konsensya. Habang buhay
kong hindi mapapatawad ang sarili ko sa mga nangyari.
"Sorry po Mam, pero wala na dito ang bangkay ni Ms.
Ashley." naputol ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang katagang iyun
mula sa isang staff. Wala ako sa sarili ko habang naglalakad kami at hindi ko
man lang namalayan na nasa harap na pala kami ng infomation booth para tanungin
ang whereabouts ng katawan ni Ash.
"A-anong ibig mong sabihin? Paanong wala na dito ang
katawan nya?" agad na tanong ni Lola. Bakas ang kaba sa mukha nito.
"Kanina pa po dinala ang katawan nya sa cremation house
para maipa- cremate. Masyadong nagluksa si Doc Lorenzo sa pagkawala nya. Ayaw
nya ng idaan sa morgue ang katawan ni Ms. Ashley at ipa-embalsamo kaya
nagdesisyon siyang dalhin na lang agad sa cremation house para mai- cremate
kaagad." sagot ng staff. Agad kong naikuyom ang aking kamao. Sinulyapan ko
ang suot kong relo. Alas tres na ng hapon at kagabi pa naideklarang patay si
Ashley.
"Sino ang nagbigay sa kanya ng approval para gawin ito
sa katawan ng asawa ko? Bakit hindi namin ito alam? 11 galit na sagot ko.
Sandaling natameme ang staff. Tanging ang malakas na pag-iyak naman ang nagawa
ni Lola.
Agad kong kinuha ang cellphone ko.
Mabilis kong tinawagan ang number ni Lorenzo. Sumagot din
naman kaagad ito kaya pabulayaw ko itong kinausap
"Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na gawin ito sa
katawan ng asawa ko? Bakit ka nagdedesisyon gayung kung tutuusin wala kang
karapatan na magdesisyon para kay Ashley." pasigaw kong wika. Kung nasa
harap ko lang ito baka sinapak ko na ang pakialamerong ito. Sa kahuli- hulihang
pagkakataon pa ba naman dito sa mundo ni Ashley makikialam pa rin ba sya?
"Dadlahin ko ang Urn ni Ashley sa San Bernando Chapel.
Nasa inyo na lang kung puntahan nyo siya." Sagot nito at agad na pinatay
ang tawag. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman.
Agad naman akong nilapitan ni Natalia at hinawakan sa kamay
"Anong sabi? Saan nila dinala ang katawan ni Ate?"
tanong nito. Masama ko itong tinitigan at malakas na itinulak. Napaigik naman
si Natalia ng bumagsak ang katawan nito sa sahig. Malakas na napaiyak pero
tinitigan ko ito ng masama at aktong sisipain ng pigilan ako ni Lola.
"Tama na iyan. Hindi ito ang tamang oras para
magsakitan at magsisihan kayong dalawa. Bigyan naman natin ng kahit na kaunting
respeto si Ashley." wika nito. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha
sa aking mga mata.
Pakiramdam ko isa akong talunan. Sa kahuli-hulihang
pagkakataon ni AShley dito sa mundo hindi ko man lang ito napagsilbihan. ibang
tao na naman ang nagdesisyon kung ano ang gagawin sa katawan nito.
Isa akong walang kwentang asawa. Sana ako na lang ang
namatay. Ang hirap. Wala pang 24 hours ang nakalipas pero tuluyan ko ng hindi
masisilayan ang katawan ng asawa ko.
Mabilis akong naglakad paputang parking. Ilang beses akong
tinawag ni Lola Agatha pero hindi ko pinansin. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong
umiyak at pagsisihan lahat ng mga kasalanan na nagawa ko.
Ang hirap. Wala na. Tuluyan ko ng hindi makikita ang asawa
ko. Tuluyan na syang naglaho dito sa mundo. Kahit ang katawan nito hinding
hindi ko na masisilayan pa kahit kailan.
Agad kong hinanap si Manong driver sa parking. Agad naman
itong sumalubong sa akin kaya agad kong hiningi ang susi dito. Nagtataka naman
itong iniabot sa akin nag susi ng kotse pero hindi ko pinansin pa. Nagmamadali
akong sumakay ng sasakyan at pinaandar iyun.
"Sir, paano ang Lola mo? Saan kayo pupunta?"
tanong nito. Malamig ko itong tinitigan.
"Magtaxi na lang kayo. Nasa San Bernando Chapel ang Urn
ni Ashley. Mauna na kayo doon." sagot ko at agad na pinaharurot ang
sasakyan. Dumirecho ako sa tabing dagat. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng
katahimikan. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko.
Lalaki ako pero sa pagkakataon na ito hindi na ako nahiya
pang umiyak. Pinagtitinginan ako ng ibang tao dito sa tabing dagat pero wala
akong pakialam.
"Ryder?" Nagpupunas ako ng luha sa aking mga mata
ng marinig ko ang tawag na iyun. Agad akong napalingon. Nakita ang papalapit na
si Ingrid.
Napatitig ako sa kanya. May ibunulong ito sa kasamang lalaki
bago mag-isang lumapit sa akin.
"Hindi ko akalain na magkikita tayo dito. Nabalitaan ko
ang mga nangyari. Nakikiramay ako sa pagkawala nya." mahinang wika nito.
hindi ako nakaimik.
"Nang malaman ko ang sakit nya, nagpasya na akong
sumuko sa kakahabol sa iyo. Alam kong naging unfair ako sa iyo at sa kanya kaya
nahihiya ako. Hinihintay ko lang na gumaling siya para makahingi ng tawad sa
kanya.....pero hindi ko akalain na hindi na pala kami bibigyan ng pagkakataon
ni Lord na magkita. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad." wika nito
kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata.
Magpakatatag ka. Kailangan ka ng anak mo. Ito na din siguro
ang panahon para itama mo ang lahat ng pagkakamali na nagawa mo Ryder. Kahit
ano pa ang mangyari...hangad ko ang iyong kaligayahan." wika nito at
tinapik pa ako sa balikat bago ako iniwan at pinuntahan ang lalaking kasama
nito. Mapakla akong napangiti.
Hindi ako sigurado kung magiging masaya pa ba ako. Ako mismo
ang sumira ng lahat, Kasalanan ko ang lahat at walang dapat sisihin sa mga
nangyari sa buhay ko kundi ako lang.....
Chapter 50
RYDER POV
Pagkatapos ng ilang oras na pagmumuni-muni nagpasya na akong
pumunta sa San Bernando Chapel. Ayaw ko ng dagdagan pa ang nararamdaman na sama
ng loob ni Lola Agatha. Ni Charles at lahat ng nagmamahal kay Ashley.
Masakit man tangapin ang lahat pero wala na akong magagawa
pa. Hindi ako wala na akong magagawa pa. Hindi ako pwedeng sumuko dahil
kasalanan ko ang lahat. Isa pa may anak kami ni Ashley na dapat pagtuunan ng
pansin.
Pagkadating ng chapel ay malalim akong napabuntong hininga.
Muli akong nakaramdam ng panghihina ng kalooban. Ang bilis ng mga pangyayari.
Hiindi ko alam kung kaya ko bang makita si Ashley na nasa loob na ng isang jar.
Hindi ko man lang muling nakita ang katawan nito sa huling
sandali. Hindi ko man lang ito nayakap.
Laglag ang balikat na naglakad ako papasok ng chapel.
Tanging malungkot na kanta ang aking naririnig sa loob na syang lalong
nagpabigat sa sakit na nararamdaman ng kalooban ko.
Agad na dumako ang paningin ko sa altar. Agad kong napansin
ang isang kulay gintong Urn Jar katabi ng picture frame ni Ashley. Hindi ko
maiwasan na muling maluha habang dahan-dahan na lumalapit doon.
Akala ko ubos na luha ko. Pero nagkamali ako. Naikuyom ko
ang aking kamao habang tinitigan ang nakangiting larawan nito. Hindi ko akalain
na sa isang iglap mawawala na siya.
Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ko ang jar. Biglang
naninkip ang dibdib ko sa isiping hindi na talaga maibabalik ang mga nangyari.
Ilang milyon ko mang pagsisisihan ang lahat wala na. Nagkasala na ako sa asawa
ko at habang buhay ko itong dadalhin sa aking konsensya.
"Dumating na ang mga magulang ni Ashey kanina lang.
Balak nilang dalhin ang abo nya pauwi ng probensya."
Narinig kong wika ni Lola Agatha. Agad na tumutol ang
kalooban ko. Iginala ko ang tingin sa paligid at agad kong napansin ang
dalawang may edad na tao sa isang sulok. Parehong umiiyak at kita sa mga mata
ang matinding pagdaramdam.
Agad akong lumapit sa kanila para sana magmano. Pero
tinitigan lang nila ako ng masama.
"Pasensya na po kayo sa mga nangyari. "tanging
wika ko. Hiyang hiya ako sa kanila. Namatay na lang si Ashley na hindi man lang
pala nila ako nakilala bilang asawa ng kanilang anak.
"Nay, Tay...Sorry po..hindi ko siya naalagaan."
Narinig kong iyak ni Natalia. May pasa ito sa mukha at namamaga ang mga mata.
"Hindi bat sinabi ko na sa iyo na huwag mo na kaming
matawag-tawag na Nanay at Tatay? Naikwento na sa amin ni Lorenzo ang lahat.
Kung paanong nasagasaan ang kapatid mo! Kung anong kababuyan ang ginagawa nyo
ng lalaking iyan!!! Umalis ka sa harap namin Natalia....Kasabay ng pagkamatay
ng kapatid mo ang pagtanggal namin sa karapatan mo na kasama sa miyembro ng
pamilya!"
mahabang wika ng ama ni Ashley. Napahagulhol ng iyak si
Natalia at akmang hahawak sa ina ng pumiksi ito.
"Kung alam ko lang na magiging anay ka sa pamilya ng
kapatid mo, hindi na sana kita hinayaan pa na pumunta dito sa Manila. Kalimutan
mo na kami. Magpakasaya ka sa landas na pinili mong tahakin." sagot ng ina
nito at agad na naglakad patungo sa altar. Narinig ko pa ang malakas na iyak
nito habang sinasambit ang pangalan ni Ashley.
Hindi ko na kayang makita pa ang lahat. Laglag ang balikat
na lumabas ako ng chapel. Agad naman napasunod sa akin si Natalia.
"Kahit wala na si Ate...siya pa rin ang priority nila.
Bakit hindi nila ako maintindihan. Ryder, mahal kita kaya ko nagawang pumatol
sa iyo." umiiyak na wika nito ng makaupo na ako sa isang upuan dito sa
labas ng chapel.
"Mahal? I dont think so Natalia! Magkaroon ka naman
sana ng kahit kaunting delicadeza sa sarili mo. Hindi matatakpan ng pagmamahal
na iyan ang kasalanan na nagawa natin sa kapatid mo. Umalis ka na. Ayaw kong
makita ka!" sagot ko. Lalo naman itong napaiyak.
"Wala na akong pamilya. Narinig mo naman siguro ang
sinabi nila Nanay at TAtay diba? Itinakwil na nila ako. Ikaw na lang ang natira
sa akin Ryder... please...huwag mo naman sanang dagdagan pa ang sama ng loob na
nararamdaman ko ngayun." wika nito. Napailing ako.
Nagpasya akong muling pumasok sa loob ng chapel. Hangat
maari ayaw ko ng marinig pa ang mga dahilan ni Natalia. Tapos na kami. Ayaw ko
ng dagdagan pa ang mga kasalanan na nagawa ko kay Ashley. Naabutan ko pa si
Lorenzo na nasa harap ng altar. Nakatunghay sa larawan ni Ashley kaya agad ko
itong nilapitan at walang sabi-sabi na biglang sinapak. Sumadsad pa ito sa
sahig dahil sa lakas niyon.
Agad naman napasigaw ang halos lahat ng nakasaksi. Wala kang
pakialam pa bagkos hinawakan ko ito sa kwelyo at niyugyog. Dumudugo ang ilong
nito dahil siguro sa lakas na pagkakasuntok ko dito.
"Ano ang ginawa mo? Bakit hindi man lang ipinaalam sa
amin na balak mo palang ipacremate agad ang katawan ni Ashley!" Sigaw ko.
Wala na akong pakialam pa sa mga tanong nanonood sa amin. Ang gusto ko lang
mailabas ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun.
"Bakit? Naging mabuti ka bang asawa sa kanya? Mabubuhay
ba siya ulit kung hinayaan ko ang katawan nya na basta na lang dapuan ng
uod?" Sabihin mo sa akin Ryder...sino ang may kasalanan ng maaga nyang
pagkawala? Hindi ba ikaw???" galit na sigaw nito. Tinabig pa nito ang
kamay ko na nakahwak sa kwelyo niya at agad na tumayo.
"Alam mo ba kung ano ang natuklasan ko? Nasagasaan man
si Ashley o hindi mamatay pa rin siya dahil sa mga pinapainom nyong gamot sa
kanya." Sagot nito. Agad na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
Hindi ko siya maintindihan.
"Gusto mo bang malaman kung ano ang ibig kong sabihin?
Kung ganoon sumunod ka sa akin." sagot nit at agad na naglakad palabas ng
chapel. Susundan ko na sana ito ng pigilan ako ni Lola. Natatakot ito na baka
lalo kaming magkasakitan ni Lorenzo. Pero wala na akong pakialam doon. Mas
naging interesado ako sa mga susunod na rebelasyon na sasabihin ng dating
matalik kong kaibigan.
"Naabutan ko itong nakatayo sa labas ng chapel. May
hawak na sigarilyo habang nakatitig sa kawalan.
"Ano ang sinabi mo kanina? May dapat ba akong
malaman?" agad na tanong ko dito ng makalapit. Nagtataka naman akong
napatitig sa hawak nitong sigarilyo. Never na naninigarilyo si Lorenzo pero
siguro, dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ngayun wala itong choice
kundi kumapit sa usok ng sigarilyo.
"Sino ang nagpapainom ng ganitong klaseng gamot kay
Ashley? May alam ka ba tungkol dito?" agad na tanong nito at iniabot sa
akin ang isang plastic.
"Alam mo bang bawal sa kanya iyan? Lalong lalasunin ang
dugo nya sa mga gamot na iyan. Wala ni isang Doctor ni Ashley ang nagreseta ng
gamot na iyan pero bakit nakita ko ito sa medicine cabinet nya ng minsan akong
dumalaw sa kanya?" wika nito. Napatiim ang bagang ko ng maalala ko na si
Natalia ang nakatoka na laging nagpapainom ng gamot kay Ashley. Hindi ko
maiwasan na makaramdam ng galit sa puso ko.
"Hindi ko kayang tanggapin ang pagkawala nya. Masakit
sa akin ang lahat. Pero sana, kung talagang mahal mo siya...gumawa ka ng paraan
para makamit nya ang hustisya. Alam kong alam mo kung sino ang unti-unting
lumalason sa kanya." sagot nito at agad na naglakad paalis. Naiwan naman
akong nagngingit sa galit.
Muli akong pumasok sa loob ng chapel. Naabutan ko si Lola na
kausap ang mga magulang ni Ashley.
"Hindi ako papayag na iuwi nyo ang abo nya sa probensya
nyo. Humihingi ako ng tawad sa mga nangyari. Pero asawa ko si Ashley at
bibigyan ko sya ng maayos na libing. Alam kong walang kapatawaran ang lahat ng
nagawa kong pagkakamali pero hayaan nyong makabawi ako sa kanya kahit sa
ganitong paraan man lang. Hayaan nyong ako ang maghahatid sa kanya sa huling
hantungan." wika ko at muling naglakad palapit ng altar. Masuyo kong
tinitigan ang picture frame nito. Pati na din ang kanyang nakangiting larawan.
....
EIGHT YEARS LATER
"Anong sabi mo? Wala pa si Charles?" agad na sigaw
ko kay Natalia. Alas diyes na ng gabi at agad akong dumerecho sa kwarto ni
Charles pero wala ito doon. Wala din palatandaan na umuwi ito ngayung araw
galing sa School.
"Mahirap syang kontrolin. HIndi siya nakikinig sa akin.
Galit siya at- "Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Natalia ng hawakan ko
ito sa buhok at kinaladkad palabas ng bahay. Agad itong napasigaw dahil sa
sakit pero wala akong pakialam. Pagdating sa labas ng bahay ay itinulak ko ito
kaya agad itong napaupo sa damuhan. Umiiyak na ito at nagmamakaawa sa akin.
Kitang kita ko din ang panginginig ng buo nitong katawan dahil sa takot.
"Ryder...ginawa ko ang lahat para pagsabihan ang anak
mo. Pero sadyang matigas ang ulo nya at hanggang ngayun tayo pa rin ang
sinisisi nya sa pagkawala ni Ate." sagot nito. Nilapitan ko ito at
binigyan ng mag- asawang sampal. Napahiga na ito sa damuhan dahil sa ginawa ko.
"Wala akong pakialam. Hindi bat sinabi ko sa iyo na
bantayan mo si Charles? Para ano at naging tiyahin ka nya kung hindi mo naman
pala kayang kontrolin ang anak ko! Para ano at pinayagan kitang manatili sa
bahay na ito gayung wala ka naman palang silbi" sigaw ko dito. Lalong
napaiyak si Natalia.
"Hindi ko sya kaya! Malaki na ang anak mo para
pagsabihan. Ilang beses ko na syang pinangaralan pero matigas ang ulo
nya..." sagot nito. Lalo naman naningkit sa galit ang mga mata ko dahil sa
sinabi nito.
Yes...simula ng mamatay si Ashley nagbago na din ang lahat.
Lalo na ang ugali ni Charles. Biglang nawala ang isang malambing na bata bagkos
napalitan ito ng isang matigas na ulong anak. Kahit ako, hindi ko alam kung
paano kontrolin ang sarili kong anak. Lahat ng attention binibigay ko na sa
kanya pero lalo itong lumalayo sa akin.
Hindi man direkta sinasabi, pero alam kong hanggang ngayun
ako ang sinisisi ni Charles sa pagkamatay ng kanyang Ina. Wala ng katahimikan
ang bahay na ito simula ng mawala si Ashley. Puro galit ang nararamdaman ko sa
paligid at hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito.
Pagod na din ako sa ganitong klaseng buhay. Matagal ng patay
ang asawa ko pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Patuloy
pa rin akong inuusig ng sarili kong konsensya..gustong gusto ko ng sundan sa
hukay si Ashley pero natatakot akong iiwan ang anak namin. Baka lalo siyang
mapariwara.
My possessive billionaire husband
📌Cathy
Chapter 51
ASHLEY POV
Nagising ako ng may mga malilit na
kamay na biglang yumakap sa akin.
Agad kong naidilat ang aking mga
mata at sumalubong sa panigin ko ang
isang cute at nakangiting bata. Hindi
ko man lang namalayan ang pagpasok
nito sa kwarto ko. Hindi ko din alam
kung magdamag ba itong nakatabi sa
akin sa pagtulog.
"'Mikaela!" sambit ko sa pangalan nito.
Agad itong napangiti at tumango.
"Good Morning Mama Ashley. How's
your sleep po?" malambing nitong
tanong at hinalikan pa ako sa tuktok ng
ilong kO. Hindi ko naman maiwWasan na
mapangiti dahil sa kanyang ginawa.
Walong taon ang mabilis na lumipas
pero heto ako ngayun nag-uunpisa pa
lang maka-recover ang katawan ko sa
sakit kong leukemia. Maraming
nangyari sa mahabang panahon na
lumipas pero isa lang ang nasisiguro
ko. Nagtagumpay akong labanan ang
sakit ko at pwede ko na ulit makita pa
ang anak ko...Si Charles.
'Mika, dito ka ba nakatulog sa kwarto
ko?" tanong ko dito sa nakangiting
anim na taong gulang na si Mikaela.
Agad itong tumango.
Yes...ayaw nga sana akong payagan
nila Mommy at Daddy eh. Sabi nila
nagpapahinga ka na daw..pero hindi ko
sila pinakinggan.gusto ko ako ang
magbabantay sa iyo Mama Ashley...ako
ang mag- aalaga sa iyo." nakangiti
nitong sagot. Hindi ko maiwasan na
matawa habang bumabangon.
Pagkatapos hinarap ko ito at marahan
na pinanggigilan ang namumula
nitong pisngi.
"Ikaw talaga! HIndi bat sinabi ko sa iyo
na lagi kang makinig sa mga sinasàbi
nila Mommy at Daddy no?" sagot ko.
Sumimangot ito.
"Eh gusto kong katabi kita sa pagtulog
Mama. Isa pa ayaw kong matulog mag-
isa sa room ko. Malungkot at mas gusto
kong nakayakap sa iyo." sagot nito.
Muli akong napangiti. Napaka-sweet
talaga ng batang ito.
Ang daming nangyari. Hindi ko akalin
na si Rona din pala ang makakatuluyan
ni Lorenzo. Hindi ako sigurado kung
kailan mag -umpisa ang love story nila
basta nagising ako na may anak na sila.
Si Mikaela nga at walang ginawa kundi
ang dumikit ng dumikit sa akin.
"Halos tatlong taon akong comatose.
Akala daw nila hindi na ako
mabubuhay pa. Pero dinala nila ako
dito sa Germany habang wala akong
malay. Lahat daw ng paraaginawa
nila mabuhay lang ako. Hindi naman
sila nabigo, dahil heto ako ngayun,
healthy at malapit ng maka-graduate
sa sakit ko.
Dahan-dahan akong bumangon.
Sinenyasan ko si Mika na bumaba na
ng kama dahil aaysuin ko pa ang aming
higaan. Yes...aming higaan dahil lagi ko
itong katabi sa pagtulog. Ilang beses ng
pinagbawalan ng mga magulang na
pumasok-pasok dito sa kwarto ko pero
ayaw mnakinig. Mas closed pa yata sa
akin ang batang ito kaysa sa mga
magulang nya.
Sabagay, hindi din naman kasi ito
masyadong napatutuunan ng pansin
nila Enzo at Rona. May kambal sila at
buntis ulit ngayun si Rona. Kaya siguro
sa mga bisig ko nakahanap ng comfort
zone ang panganay nilang anak. Iyun
nga lamg, nasobrahan naman ngayun
dahil ayaw na talaga nitong ymalis sa
tabi ko.
Tinulungan naman ako nitong ligpitin
ang higaan ko. Ito ang gusto ko sa
batang ito. May kusa at marunong ng
tumulong tulong sa akin.
Pagkatapos namin magligpit ay sabay
na kaming pumasok ng banyo para
maligo. yes...kahit sa paliligo
sumasabay pa rin sa akin. May mga
damit na din ito dito sa kwarto ko na
syang labis na tinutulan ng mga
magulang nito. Nawawalan na daw ako
ng privacy dahil sa ginagawa ng anak
nila. Ayos lang naman sa akin iyun...
maliit na bagay kumpara sa mga
sakripisyo at tulong na ibinibigay nila
sa akin.
Pagkatapos namin maligo at gawin ang
aming morning routine ay sabay na
kaming lumabas ng kwarto. Pareho pa
kami ng kulay ng suot na blouse at
pajama. OH diba para talaga kaming
mag-ina. Mabuti na lang at ayes lang
kina Rona ang mga nangyayari ngayun
sa anak nito.
Naabutan namin ang mag-asawa
harap ng hapag kainan. Malaki na ang
tiyan ni Rona habang inaasikaso nito
ang kambal. Naglalagay naman ng
pagkain sa pinggan niya si Lorenzo
"Good Morning!" Masigla kong bati.
Agad naman naagaw ang attention nila
at nakangiti na bumati pabalik
"Guten Morgen!" pabirong sabat
naman ni Lorenzo na ang ibig sabihin
na Good Morning. Tinitigan pa nito ang
panganay na anakat napailing.
"Sa kwarto mo na naman natulog ang
batang iyan?" tanong nito. Agad akong
tumango. Hinila ko ang isang upuan at
pinaupo si Mikaela doon para na din
makakain na. Naupo din ako sa tabi
nito.
"Pasensya ka na sa batang iyan Ashha?
Hindi ko talaga alam kung bakit laging
nakabuntot sa iyo ang batang iyan.
Ilang beses na namin pagbawalan pero
hindi talaga nakikinig." sagot naman
ni Rona na may ngiting nakaguhit sa
labi.
"Hayaan nyo na. Ako kasi ang palaging
kasama ng anak nyo noong baby pa
siya eh. Kaya siguro ganito siya ka-
closed Sa akin ngayun." sagot kO
naman.
"Sya nga pala Ash...congratulations!
Nakausap ko kahapon ang mga Doctors
mo. Graduate ka na nga sa sakit mo.
Normal lahat ang lumabas sa
laboratory mo." sagot nito. Agad na
bumaha ang tuwa sa puso ko dahil sa
balitang iyun ni Enzo. Although ini-
expect ko na ang ganitong klaseng
balita pero hindi ko pa rinmaiwasan
na makaramdam ng matinding tuwa.
"Magaling na ako? Babalik na sa
normal ang buhay ko?" tanong ko.
Agad na tumango si Lorenzo. Agad
akong napatayo at lumapit sa
kinauupuan nya at yumakap sa kanya.
"Salamat! Hindi ko alam kung paano
mababayaran lahat ng tulong na
ibinigay niyo sa akin Enzo, Rona.'"
Umiiyak kong wika at kumalas sa
pagkakayakap kay Enzo. Nilapitan ko si
Rona. Sinalubong naman ako nito ng
yakap.
'Congratulations Ash! Hindi nasayang
ang mga panahon na pakikpaglaban
mo sa sakit mo." sagot nito. Lalo akong
naluha. Walang kapantay na
kaligayahan ang nararmdaman ko
ngayun.
"Kung ganoon malaya ng makauwi ulit
ako ng Pilipinas? Makikita ko na ulit si
Charles? Ang anak ko?" naluiha kong
sagot. Agad na nagkatinginan si Bnzo
at Rona. Bakas sa mga mata ng mga ito
ang hindi maisatinig na pagtutol.
"Kaya mo na ba? Kaya mo na bang
muling harapin ang mga taong
nanluko sa iyo?" tanong ni Enzo.
Natigilan ako. Muling sumagi sa isip ko
ang mga nangyari noon. Ang dahilan
kung bakit naaksidente ako sa muntik
na akongmamatay. Hindi din lingid sa
kaalaman ko na unti-unting pinapatay
ako ni Natalia sa pamamgitan ng
pagpapainom ng nakalalason na gamot.
Kaya ko na bang harapin lahat ng mga
taong nanakit sa akin? Handa ko na
bang muling harapin ang mga pasakit
na ibinigay nila sa akin? Hindi ko alam.
Sa ngayun, ang gusto ko lang malkita si
Charles. Ang nag-iisa kong anak na si
Charles.
"Hi-hindi ko alam. pero miss na miss
ko na ang anak ko. Siguro màlaki na
sya ngayun.'" sagot ko. Nakangiting
tinapik ako sa balikat ni Rona.
Tinitigan ako sa mga mata bago
nagsalita.
"Naiintindihan kita. Alam ko kung ano
ang nararamdaman mo ngayun. Pero
huwag nong kalimutan Ash..ang alam
ng lahat patay ka na." sagot nito. Dahan
-dahan akong napatango. Alam ko ang
tungkol sa bagay na iyun
Para sa kanila patay na ako at alam
kong magkasama si Ryder at Natalia sa
iisang bubong. Ang mga taksil, tuluyan
na ngang nagsama parang isang tunay
na mag-asawa. HInintay lang talaga
nila akong mamatay bago nila
ipagsigawan sa buong mundo na silang
dalawa ang para sa isat isa. Siguro
happy family na sila ngayun. Malayo
na sa aking anino
Hindi ko mapigilan na maluba ng
maalala ko kung gaano na ka-elosed sa
kanila si Charles noon. Kay Natalia
Hindi ko alam pero bigla akong
nakaramdam ng takot.
Paano kung tuluyan na akong
nakalimutan ng nag-iisa kong anak.
Paano kung tuluyan ng inagaw ni
Natalia pati pagmamahal ng sarili
kong anak sa akin? Kaya ko bang
panoorin siya na masaya sa piling ng
kinikilala nyang Ina? Nang kanyang
madrasta na si Natalia. Magpaparaya
na lang ba ako at tuluyan ng lumayo sa
kanila at mamauhay dito sa Germany?
Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
"Tatanggapin niyo pa namarn ako kung
sakalingmabigo ako diba? Kung
sakaling wala na akong babalikan pa sa
Pilipinas?" mahina kong tanong sabay
punas ng luha ko. Agad na napangiti si
Enzo.
"of course..nandito lang kami palagi sa
tabi mo Ash. Isang kapatid na ng
turing ko sa iyo. Mahalaga ka sa
pamilya namin. Ikaw ang dahilan kàya
kami nagkakilala ni Rona. Kung hindi
dahil sa iyo, wala sana ako ngayung
mabait na asawa at mga anak." sagot
ni Enzo. Pabiro naman na nakurot ni
Rona ang kanyarng asawa. Hindi ko
naman mapigilan ang matawa.
"Magpalakas ka muna. Siguro after a
month pwede ka ng umuwi ng
Pilipinas. Sa ngayun kailangan natini-
celebrate ang pagaling mo."
nakangiting muling wika ni Lorenzo.
Agad naman akong sumang-ayon.
Sa loob ng walong taon, ito ang kauna-
unahang araw na nagkaroon ulit ako
ng pag asa. Malaya na ako sa sakit na
leukemia at pwede ko ng gawin lahat
nggusto ko.
SEBASTIAN RESIDENCE
"Anong oras ka umuwi kagabi?" agad
na tanong ni Ryder sa kanyang anak ng
mapansin nito ang pagpasok sa dịning
area. Parang walang narinig si Charles
at tahimik na naupo sa kanyang pwesto.
"Charles! Tinatanong kita!
Nakatulugan ko na lang ang
paghihintay sa iyo kagabi! Tumawag sa
akin kahapon ang Adviser mo. Hindi ka
na naman daw pumasok sa School.
Tinakasan mo din ang driver at mga
bodyguards mo!." muling tanong ni
Ryder sa anak. Natigil sa tangkang
pagsalin ng malamig na tubig sa baso
si Charles at hinarap ang ama.
"Ayaw ko ng pumasok sa School. Gusto
ko ng magdrop-out. " seryoso nitong
"sagot. Agad naman nabitiwan ni Ryder
ang hawak nitong kutsara. Seryosong
hinarap ang anak.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo?
SAbihin mo sa akin...ano ang pwede
kong gawin para mawala ang galit sa
puso mo?" seryosong tanong ni Ryder
sa anak. Agad naman na bumaling ang
tingin ni Charles sa kanyang Lola na
noon ay tahimik lang na nakamasid sa
kanilang mag- ama. Malungkot itong
tumitig sa kanyang Lola bago muling
binalingan ang ama.
"Wala! Wala kang magagawa! Kahit
ano pa ang gawin mo hindi mo kayang
ibigay ang gusto ko!" sagot nya sa
kanyang ama. Natigilan si Ryder.
Mataman na tinitigan ang anak
"hindi pwedeng huminto ka sa pag-
aaral. Kakausapin ko ang School mo na
tanggapin ka pa rin kahit marami kang
absent.'" sagot nito. Agad na umilng si
Charles. Tumayo at akmang lalabas na
ng dining area ng muling magsalita
ang amma.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos
mag-usap?" maawtoridad na wika ni
Ryder sa anak. Hindi nito pinansin ang
ama at direcho itong naglakad palabas
ng dining area paputa sa labas ng
bahay. Agad naman itong sinundan ni
Ryder. Hinawakan ang balikat ng anak
at pilit na kinumpronta.
"GAnito na lang ba? Gusto mo bang
ipakita sa akin kung paano mo unti-
unting sinisira ang buhay mo? Sa
palagay mo ba ito ang gusto ng Mama
mo sa iyo?" agad na tanong ni Ryder sa
anak. Namumula na ang kanyang mga
mata dahil sa pinipigil na pag-iyak.
Hanggat maari, gusto nyang iwasan na
banggitin sa bahay na ito ang tungkol
kay Ashley. Ayaw nya ng mapag-
uusapan pa ang namayapa nyang
asawa dahil lalong dumudoble ang
sakit na nararamdaman nya.
"Patay na si Mama! Hindi nya na
makikita pa ang paghihirap ko ngayun!
HIndi nya na maramdaman pą ang
pangungulila ko sa kanya! Hindi nya na
nakikita pa kung paano ako nagdušą sa
loob ng ilang taon na kasama ang kabit
mo! Hindi na maibabalik pa ang mga
panahon na sinira nyo ng Natalia na
iyan. Hayaan mo na lang ako Mr.
Sebastian!" seryosong sagot ni Charles.
Para namang tinadyakan ng makailang
ulit si Ryder ng tawagin siya ng sarili
nyang anak na Mr. Sebastian.
Sabagay, Kailan nya ba huling narinig
tinawag siya ng anak nyang 'Papa'.
Ahhh matagal na...sobrang tagal na.
Nanghihina siyang napaatras habang
titig na titig sa galit na mukha ng
kanyang anak. Sobrang layo na talaga
ng ipinagbago ng ugali ni Charles. Wala
na ang dating mabait at malambing
nyang anak.
Marahan siyang napailing. Si Charles
na lang ang tanging alaala na naiwan
ni Ashley sa kanya.. Pero habang
tumatagal, lalong lumalayo ang loob
nito sa kanya. Galit sa mga mata ang
kanyang nakikita tuwing titigan niya
ito.
Chapter 52
RYDER POV
"YOU'RE FIRED!" Sigaw ko sa isa sa
aking mga empleyado. Ilang araw na
itong absent at idinadahilan na bagong
kasal daw. Hindi oobra sa akin ang
ganoong excuses. Kung ayaw nila ng
trabaho malaya silang magresign at
maghahanap ako ng mga empleyado na
willing sumunod sa mga patakaran kO.
Wala naman silang magagawa kapag
ginusto ko. Sa umpisa pa lang alam na
nila kung anong klaseng employer ako
at hindi na mababago iyun kahit kailan.
Ganito palagi ang eksena sa opisina ko.
Sanay na ang iba. Ang iba naman ay
halos hindi makapaniwala sa
pagbabago ng ugali ko. Kung mahigpit
ako noon bago namatay si Aslely, mas
mahigpit ako ngayun. Ika nga wala
akong awa sa mga trabahador na
nangangailangan ng pera. I dont care!
Marami na akong inisip para
intindihin pa sila.
Kung gusto nilang magtagal sa
kompanya ko sumunod sila sa lahat ng
patakaran ko dahil maayos akong
magpasweldo sa kanila. Iyun nga lang
lagi akong nakasigaw at umiiyak ang
linggo na wala akong nasesesante.
Kung hindi lang siguro maayos ang
pagpapasweldo na ginawa ko sa kanila
baka matagal na nila akong nilayasan.
Kakalabas ng taong nasesante ko ng
muli akong nakarinig ng mahinang
katok. Kasabay ay ang dahan-dahan na
pagbukas ng pintuan.
"Good Morning Si--sir, ito na po ang
financial report na hinihingi nyo. At-at
ang mga dapat nyo pong pirnahan
para mai-release na ang christmas
bonus ng mga empleyado:"
kinakabahan na wika ng taga
Accounting department...Si
Samantha.
Sinenyasan ko ito na ilapag sa table
ang mga papeles na dala nya.
Pagkalapag ng mga papeles ay wala sa
sariling napatanong ako.
"Hindi mo ba namimiss ang dati nyong
kasamahan? Si Ashley?" wala sa sarili
kong tanong. Napansin ko ang
pagkatigagal ni Samantha bago
sumagot.
"Eeer si Ash po? Binisita po namin siya
sa mausoleum noong November 1 Sir.
Hi-hindi nga lang kami nakapasok
dahil naka-lock ang pintuan." sagot
nito na halata ang kaba sa boses.
Malungkot akong napangiti.
"Dalas-dalasan nyo ang pagbisita sa
kanya. Malulungkot iyun dahil iilan
lang kayo ang naging kaibigan nya
noong nabubuhay pa -siya. '" sagot ko.
Hindi ko alam. Inatake na naman ako
ng anxiety at biglang pumasok sa isip
ko si Ashley. Mamatay na siguro akong
malungkot. Pati mga empleyado ko
nadadamay sa pagiging miserable ko.
"Si--sige po Sir. Hayaan nyo po bago
mag-christmas dadalaw po ulit kami
ni Cecil sa kanya." agad naman na
sagot ni Samantha. Malungkot akong
napatango.
Mabilis naman itong nagpaalam at
lumabas ng opisina. Naiwan naman
akong hindi na mapigilan ang pagtulo
ng luha s aking mga mata. Hindi ko
alam pero pakiramdam ko hindi ko na
kaya parng tagalan ang kalungkutan na
nararamdaman ng puso ko.
Pilit kong pinagtuunan ng pansin ang
mga trabahong nakalatag sa aling
table. Kahit malungkot ako, hindi
pwedeng pabayaan ko ang negosyo.
Gusto kong magbenifit si Charles sa
lahat ng pinaghirapan ko ngayun.
Walang ibang pwedeng magmamana sa
mga kayamanan na iiwan ko balang
araw kundi ang anak ko lang. Kahit
man lang sa ganitong bagay,
maipadama ko sa kanya kung gaano ko
siya kamahal. Makabawi man lang ako
Sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa
Mama nya.
Nang matapos kong pirmahan lahat ng
mga papeles ay nagpasya na akong
lumabas ng opisina. Dadaaan pa ako sa
himlayan ni Ashley. Baka lalong
magtampo sa akin ang asawa ko kung
hindi ko siya madaanan. Kahit wala na
siya gusto kong ipakita sa kanya na
lubos kong pinagsisihan ang lahat ng
pagkakamali ko. Hinding hindi ko siya
makakalimutan.
Pagkalabas ko ng building
nakaabang na sa akin ang driver at
mga bodyguards ko. Hindi na
nagtangka pang magtanong ang driver
kung saan kami pupunta. Alam na nito
ang routine ko.
"Pagdating ng sementeryo ay
dumirecho na ako sa mausoieum ni
Ashley. Napakunot pa ang noo ko ng
mapansin ko na may babaeng nakatayo
sa harapan niyon. Mabilis akong
lumapit at agad na nagsalubong ang
kilay ko kung mapagsino iyun..walang
iba kundi si Natalia.
"Ano ang ginagawa mo dito? Sino ang
nagbigay sa iyo ng permiso na pwede
kang dumalaw sa kanya?" galit kong
tanong. Nagulat naman itong
napalingon sa akin. Agad na bumuhos
ang masaganang luha sa mga mata
kaya galit ko itong nilapitan at itinulak.
Gusto kong umalis siya sa lugar na ito.
Wala syang karapatan na ipagtirik ng
kandila ang mahal ko dahil alam kung
hindi naman talaga siya nagluksa sa
pagkamatay ni Ash.
"'Ryder...kapatid ko ang nakahimlay sa
lugar na ito. Please, bigyan mo naman
ako ng chance na masilayan siya."
sagot nito sa kabila ng pag-iyak.
Pinanlisikan ko ito ng mga mata.
"Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na
bawal kang pumunta sa lugar na ito!
Bakit ba napakatigas ng ulo mo
Natalia?"Galit na sigaw ko dito.
Sinenyasan ko ang mga bodyguards
kong kasama na lumapit.
" Bakit mo ba ako pinapahirapan ng
ganito. Walong taon na ang nakalipas
pero bakit hindi mo pa rin
makalimutan ang lahat! Wala na sya!
Patay na siya! Bakit hindi mo ako
kayang mahalin katulad pagmamahal
na ibinigay mo sa kanya!" unhiiyak na
wika ni Natalia. Agad ko itong nilapitan
at hinawakan sa baba. Pinisil ko iyun
kaya napaigik ito sa sakit
" Alam mo ba kung bakit hinayaan
kitang manatili sa tabi ko? May idea ka
ba? Kahit kailan hindi kita gusto! Wala
akong ni kahit katiting na pagmamahal
na nararamdaman sa iyo! Gusto kong
nakikita kang nahihirapan sa mga
kamay ko. Kulang pa ang buhay mo na
maging kabayaran sa tangka mong
pagpatay sa kanya noon!" nanlilisik
ang mga matang wika ko dito.
Aminado ako.. Kasalanan ko ang lahat
dahil pinatulan ko ito. Pero kahit
kailan hindi ko pinangarap na mawala
sa akin si Ashley ng tuluyan. Maayos
ang usapan namin noon ni Natalia.
Kusa itong lalayo sa akin kapag
gumaling na ang kapatid nya. Pero
hindi ko akalain na pagtatangkaan nya
ang buhay ni Ashley sa pamamagitan
ng pagpapainom ng maling gamot.
"Bakit mo sa akin sinisisi ang lahat?
Pareho tayong nagkasala sa kanya.
Pero balkit kailangan mo akong
parusahan ng ganito? Hindi pa ba sapat
ang walong taon na pagpapahirap mo
sa akin? Hindi mo ba ako kayang
mahalin?" umiiyak na sagot nito.
Tinitigan ko ito at nginisihan.
"Alam mo naman siguro sa umpisa pa
lang wala na akong pagtingin sa iyo!
Ikaw ang unang lumapit sa akin diba?
Lasing ako noong unang may nangyari
sa atin. Malungkot ako ng pinatulan
kita...kaya huwag kang mag-ambisyon
na mamahalin kita!" sagot ko. Lalo
itong napaiyak. Muli kong binalingan
ang mga guard ko at inutusan.
"Ilayo nyo sa akin ang babaeng ito.
Ibalik nyo sya sa bahay at bilinan ang
mga gwardya na huwag syang hayaan
na lumabas.'" seryoso kong wika. Agad
na rumihestro ang takot sa mga mata
ni Natalia ng sabihin ko ang katagang
iyun. Wala na akong pakialam pa.
Matakot sya hanggat gusto nya...wala
akong pakialam
Gusto kong pagdusahan nya ang
ginawa nya kay Ashley noon.
Pinagtangkaan nya ang buhayni
Ashley sa pamamagitan ng
pagpapainom ng maling gamot kaya
dapat lang na magdusa sya sa mga
kamay ko. Kaya hindi ko siya
ipinakulong noon dahil gusto ko ako
mismo ang magpapahirap sa kanya.
Kahit man lang sana sa pamagitan
niyon naibsan man lang ang sakit at
pighati na nararamdaman ko ngayun.
"Ryder...maawa ka sa akin..matagal ko
ng pinagbabayaran lahat ng kasalanan
ko! Hindi pwedeng habang buhay mo
akong parusahan..Ma-matagal ng
patay si Ate at----" hindi na matuloy
pa ang sasabihin nito ng sumigaw ako.
"Shut up! Wala kang kwentang babae!
Tigilan mo na ang kakadaldal bago ko
pa maisipan na paputulan ka ng dila!"
Sigaw ko. Nahintakutan naman na
naitikun ang bibig nito. Sinenyasan ko
ang mga bodyguards na may hawak
kay Natalia na ilayo ito sa akin na
syang agad naman nilang ginawa.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko
bago nagpasyang buksan ang
t mausoleum at pumasok.
Agad na tumampad sa paningin ko nag
mga larawan ni Ashley. Maraming
larawan sa bawat sulok at mga
sariwang bulakl ak. Nilapitan ko ang isa
sa mga frame na at marahang hinaplos
ang mukha nito.
Ang lupit ng tadhana sa aming dalawa.
Hindi pa nga ako nakakabawi sa lahat
ng pagkakamali ko, kinuha din naman
kaagad siya sa akin. Hindi ko pa'nga
lubusan na naiparadam sa kanya ang
pagmamahal ko nawala din kaagad
siya.
Muling pumatak ang luha sa aking mga
mata. Kung gaano ako katapang kanina
sa labas ng mausoleum ganito naman
ako kahina ngayun dito sa loob habang
titig na titig sa larawan ni Ashely.
Halos araw-araw ganito ang ginagawa
ko. Walang mintes. Kung pwede nga
lang na dito na ako tumira gagawin ko.
Basta palagi ko siyang masilayan.
* ******** ***** *****k ***********
*****k ****** ***********k * * *****k * * ****k
****k ********k ***k ***k *******k**
****k *
ASHLEY POV
"No!!!! Gusto kong sumama kay Mama
Ashley!" Agad na sigaw ni Mikaela ng
mapansin nito na hila-hila ko na ang
aking luggage. Umiiyak ito at pilit.na
kumakawala sa pagkakahawak ng
kanyang ama. Napapailing naman si
Lorenzo habang pilit na pinapakalma
ang anak.
"Hindi ka pwedeng sumama! Dont
worry, babalik agad si Mama Ashley,
may dadalawin lang siya sa Pilipinas. '"
sagot ni Enzo dito. Lalong nagwala si
Mikaela. Nagsisigaw na ito at kita sa
mukha nito na nahihirapan na itong
makahinga.
Hidi na ako nakatiis pa. Nilapitan ko
ito at agad naman itong yumakap sa
akin.
"Mika..sandali lang naman akong
mawawala eh. Ilang tulog lang nandito
na ulit ako." sagot ko. Agad itong
umiling
"No!!!! Sasama ako sa iyo Màpa! Ayaw
kong magpaiwan...Sama ako!"
humihikbi nitong sagot. Napalingon
ako sa mga magulang nito. Pailing-
iling si Enzo habang bakas naman ang
lungkot sa mga mata ni Rona. Mahirap
talagang kontrolin si Mika. Lahat ng
gusto nito dapat sundin kung hindi
mahirap itong patahanin.
"Paano ba ito? Baka naman mapaano
na si Mika! Isama ko na lang kaya sya!
Total naman sa inyo ako didirecho
Enzo. For sure matutuwa sila Tita at
Tito kapag malaman nilang kasama ko
si Mika pag-uwi ng Pilipinas.'" hindi ko
mapigilang wika.. Awang awa na ako sa
kondisiyon ni Mika at mas mahirap
kung nasa Pilipinas na akO at patuloy
pa rin ang tantrums nito. Sa nasabi ko
na mahirap patahanin ang batang ito
at lahat ng gusto ay dapat ibigay.
"Kung pwede nga lang Ash. Kaya lang
mahihirapan kang kumilos kapag
palagi mo syang kasama. Bubuntot
buntot yan sa iyo at lalong hindi sya
kayang kontrolin nila Mommy at
Daddy." sagot ni Enzo. Saglit akong nag
-isip. Sabagay, mas nakikinig pa yata
ang batang ito kumpara sa tunay nyang
mga kadugo. Hindi ko talaga
maintindihan kung bakit ganito kalapit
si Mika sa akin.
"Hindi naman ako ganoon ka-busy
pagdating ng Pinas. Wala naman akong
work at baka puro lakwatsa ang
gagawin ko doon." pagbibiro ko.
Nagkatinginan ang mag-asawa at
sabay na napabuntong hininga.
"Paano ba ito? Baka makasama kay
Mika ang labis na pag-iyak. Hon, hindi
pwede ang ganito!' narinig kong wika
ni Rona kay Enzo. Halatang nai-stress
na ito sa malakas na pag-iyak ng anak.
Napapailng na lang din si Enzo.
"Paano ba iyan Ash!" Wala pang ticket
si Mika. Aayusin pa natin ang mga
papeles nya. Ayos lang ba na i-rebook
na lang muna natin ang ticket mo?
may bakas na hiya sa boses ni Enzo ng
sabihin ang katagang iyun. Hindi ko
naman maiwasan na mapangiti.
"Sure..ngayun pa ba ako mag-inarte?
Ilang araw lang naman ang hihintayin
ko. Dont worry Enzo, ako ang bahala
kay Mika habang nasa Pilipinas kami.'"
nakangiti kong sagot.
Chapter 53
ASHLEY POV
Hindi ko maiwasan na mapangiti ng
maramdaman ko ng mainit na klima ng
Pilipinas. After eight years hindi ko akalain na
makakaapak pa ba ako sa bansang ito.
Magkahalong saya at lungkot ang
nararamdaman ng puso ko habang inililibot ang tingin sa
paligid.
"Mama, so hot naman here. I hate this place.
Bakit po ba kasi gusto nyo dito?" narinig kong
tanong ni Mika. Nasa tabi ko ito at ng tingnan
ko ito ay pawisan na. Bakas sa mga mata nito ang disgusto sa
mga nakikita.
Simula ng ipinanganak ito dalawang beses na yata itong
naisana ni Enzo na makabakasyon dito sa Pilipinas. Sa batang isip nito alam
kong may idea na ito kung anong klaseng klima mero
ang bansang ito.
"Nandito kasi ang baby ko Mika. Gusto ko
siyang makita." nakangiti kong sagot. Agad na sumeryoso
ang mukha nito tsaka tumitig sa akin.
"Talaga po?" Namimilog ang mga matang
sagot nito. Agad akong tumango. Muli kong
nilibot ang tingin sa paligid at pilit na
hinahanap ang sundo namin.
Driver ng pamilya ni Enzo ang susundo sa amin. Doon din kami
dederecho ni Mika at
pansamantalang titira sa bahay nila hanggat
hindi ko alam kung anong hakbang ang una
kong gagawin ngayung nandito na ako sa bansa.
Aminado ako..natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Sa
magiging reaction ng pamilya ko.
Ang alam nila matagal na akong namayapa.
Hindi ko tuloy malaman ngayun kung paano ba ako magpapakita
sa kanila. Lalong lalo na kay Charles.
"OH MY GOD.
ASHLEY?' naputol ang pagmumuni -muni ko ng may biglang
tumawag sa akin. Wala sa sariling napalingon ako at agad
na nanlaki ang aking mga mata ng makita ko
ang babaeng tulalang nakatitig sa akin. Sa klase ng tingin
nito sa akin, para itong nakakita ng multo.
"Ingrid?" sagot ko sabay ngiti. Para naman
itong aatikihin sa puso habang walang kakurap-kurap na
nakatitig sa akin. Napansin ko pa ang pagkalabit dito ng kanyang kasamang
lalaki para muling makuha ang kanyang attention.
Para kasing bigla itong nanuno eh.
"Te-teka! Ikaw ba talaga iyan? Ash? Nandito
ka? Bu-buhay ka?' wika nito sabay lapit. Sinipat ako nito ng
tingin at kinalabit pa ako sa braso.
Hindi ko mapigilang matawa.
Hindi ko akalain na may paka-weird din pala
grid. Ang last ng pagkikita namin ay
iyung halos mag-away kami sa isang fast food chain.
Ipinaglalaban pa nito dati, ang
pagmamahal kay Ryder pero mukhang asawa
na nya ang kasama ngayun.
"Darilng,.ano ba iyan..nakakahiya ang
pinagagawa mo! Miss pasensya ka na ha?
Lumuwag na naman yata ang turnilyo ng asawa ko!"
hinging paumanhin sa akin ng kasama nito.
"Ayos lang, medyo matagal din kaming hindi
nagkita ni Ingrid kaya siguro sya nagulat ng
ganyan." sagot ko
"A--Aashleyyyy I--ikaw ba talaga iyan? Bu--
-bu--buhay ka?" pautal-utal nitong tanong.
Agad naman akong tumango
"God, ilang beses din kitang ipinagtirik ng
kandela!" bulong pa nito habang titig na titig sa akin.
Hindi ko naman maiwasan na kilabutan. Walang hiya, ilang kandela kaya ang
inubos ng pamilya ko sa akin? Lalo na sila Nanay at Tatay.
Mali talaga na pinalabas ni Enzo sa lahat na
patay na ako eh. Nakakakilabot din pala kapag malaman mo na
ipinagtirik ka na pala ng kandila ng taong kaharap mno ngayun.
Yes...Siya sí Mama Ash! Why po?" narinig kong sabat ni
Mikaela. Nawiwirduhan din siguro ito kay Ingrid.
"Nice to see you again Ingrid. Hindi ko akalain
na sa pagbabalik ko ng Pilipinas, ikaw kaagad ang
makasalubong ko. Kumusta?" nakangití kong wika. Napakurap muna ito ng
makailang ulit bago pilit na ngumiti.
"I-ikaw nga. Pati boses mo..Hi-hindi ka pa-
patay?" tanong nito. Mukhang hindi pa rin
bumabalik sa hwesyo. Muli itong kinalabft ng
asawa.
"Hindi pa siguro ako patay! . Nakikita mo pa
ako eh." nagbibiro kong sagot. Pagkatapos ay agad na
dumako ang tingin ko sa dalawang may edad na tao na kumakaway sa amin. Ang
aming sundo. Mga magulang ni Enzo. Muli kong binalingan si Ingrid at nagpaalam.
Tulala pa rin at hindi pa bumabalik sa normal ang takbo ng utak.
Tulala pa rin na nakatitig sa akin. Mahirap
pala itong magulat. Loadingpa rin ang utak eh.
"Mauna na kami. Nandiyan na ang sundo
namin." nakangiti kong paalam. Agad kong
hinawakan si Mika at sinenyasan ang porter
may dala ng gamit namin na sumunod sa amin.
"Kumusta ang byahe nyo? Diyos ko! Ito na ba
ang apo namin?" nakangiting wika ng Mommy ni Enzo na si
Tita Susan ng makalapit kami kanila. Pagkatapos yakapin si Mika ay nakangiting
hinarap ako. Nagmano naman ako dito at masaya din akong niyakap
"Opo. Ayaw magpaiwan eh." sagot ko. Agad na
napatango si Tita at binalingan ang asawa na noon ay pinanggigilan na ang apo.
"I think kailangan na nating umalis dito.
bahay na lang natin ituloy ang kamustahan."
sagot ni Tita Susan. Agad naman akong sumang-ayon. Pawis na
pawis na si Mika at baka magkasakit pa ito kapag matuyuan ng pawis. Isa pa
hindi ako komportable sa titig ni lngrid.
Hanggang ngayun gulat na gulat pa rin ito
habang nakatanaw sa akin. Ilang beses na itong kinalabit ng
asawa pero nakatingin pa rin sa direksyon ko.
Pagdating sa bahay ay nagtaka pa ako dahil
maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa.
Mukhang pinaghandaan talaga nila ang
pagdating namin ni Mika na siyang labis kong
ikinatuwa.
At least naramdaman ko na hindi na ako iba sa kanilang
pamilya. Noong naka-confine pa ako sa hospital ng Germany, palagi akong
dinadalaw ni Tita Susan doon at binabantayan.
Ilang beses din kasi silang nagpapabalik-balik sa bansang
iyun dahil hindi masyadong
nakakauwi ng Pilipinas si Enzo dahil may
itinatayo itong bagong hospital doon.
Nagdesisyon kasi silang dalawa ni Rona na
doon muna manirahan habang maliliit pa ang
kanilang anak. Ang hospital naman nila dito sa Pilipinas ay
ang pinsan na munang si Doc
Cheska ang pansamantalang humahawak.
"Open ang bahay na ito hanggat gusto mo Ash. Alam mo
naman siguro na parang anak na ang turing namin sa iyo diba? Masaya kami sa
desisyon mo na bumalik dito sa Pilipinas." Nakangiting wika ni Tita Susan.
"Salamat po Tita. Kahit hindi naging kami ni
Lorenzo mabait pa rin ang pakikitungo niyo sa akin. Pasensya
na po sa abala." nakangiti kong sagot.
Huwag mnong sabihin sa akin iyan Ashley.
Masaya lkaming makakasama ka dito. Alam mo naman na parang
anak na ang turing namin sa iyo diba? Natupad din ang pangarap ko noon pa nag
magkaroon ng anak na babae dahil sa iyo," nakangiti nitong sagot.
Biglang binaha ng tuwa ang puso ko dahil sa
sinabi nito. Napaka- swerte ko pa rin talaga.
Hindi man naging maayos ang buhay ko noon sa kamay ng taong
mahal ko napalitan naman ng kalinga mula sa ibang tao. Mga taong hindi ko
akalain na pahahalagahan ako ng ganito. Na.pilit akong ipinaglaban para
madugtungan ang buhay ko.
"Ashley, hindi man ikaw ang naging asawa ng
anak mo, palagi nnong tandaan na itinuring na kitang parang
galing sa akin. Magaan ang loob ko sa iyo at palagi mong tandaan na nadito lang
kami para damayan ka. Ano man ang plano mo sa muling pagbabalik ng bansa,
palagi mong tandaan na nandito lang kami palagi sa likod mo. Aalalayan ka namin
sa lahat ng oras." mahabang wika ni Tita Susan. Hindi ko naman mapigilan
ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Ang totoo, hindi ko alam kung paano mag-umpisa ulit. Hindi
ko alam kung ano ang unang hakbang ang gagawin ko para makita ang anak ko. Sa
ngayun iyun lang ang importante. Ang gusto ko ay muling mayakap si Charles.
Tita... salamat po. Ang totoo po hindi ko alam
kung ano ang unang hakbang ang gagawin ko. Natatakot akong
magpakita sa kanila. Ang alam nila matagal na akong patay. Baka hindi na ako
kilala ni Charles." malungkot kong sagot. Saglit na nag-isip si Tita.
Pagkatapos ay agad itong napangiti.
"Gusto mo bang magpakita agad sa kanila?
Kung ganoon hayaan mong kami ang gagawa ng hakbang."
nakangiti nitong wika. Nagtataka naman akong napatitig dito. Hindi ko alam kung
ano ang ibig niyang sabihin.
"Kailangan namin ng bagong model para sa
mga bagong ilalabas na beauty product. Alam mo naman na
maliban sa hospital, may ibat ibang negosyo pa kami dito sa bansa. Pwede kitang
kunin bilang model at ipapakalat natin ang mga posters mo sa buong bansa,"
nakangiting wika ni Tita sabay titig.
"Naku Tita.hindi po yata ako pwede diyan. Para lang po
ang bagay na iyan sa mga
magagandang models" sagot ko. Imagine
magiging endorser ako ng isang beauty
products? Mukhang hindi ko linya ang bagay na iyun
"Ashley, nakalimutan mo yata kung gaano ka
kaganda. Hindi ka ba tumitingin sa salamin?
Kaya nga minsan ng na -inlove sa iyo ang anak namin dahil sa
taglay mong kagandahan.
Perfect sa iyo ang mga products na iyun. Isa pa, hindi biro
ang halaga na ibababayad ng
kumpanya sa iyo. Kaysa naman kukuha pa kami ng ibang models,
bakit hindi na lang ikaw?! mahabang paliwanag ni Tita Susan. Agad naman akong
napaisip.
Kung tutuusin, isa sa mga plano ko ngayun ay maghanap ng
trabaho dito sa Pilipinas. HIndi pwedeng iasa ko ang lahat sa kanila. Masyado
na silang maraming gastos sa akin at ngayun ko.higit kailangan ng pera.
"Pero, baka hindi tangkilikin ng mga tao kapag ako
gawin niyong model Tita. Isa pa wala akong expereience sa mga ganitong
bagay." nahihiya kong sagot.
Dyan ka nagkakamali Ashley. Kailangan
talaga namin ang fresh na mukha at pefect ka sa bagay na
iyan. Palagi mong tandaan, maganda ka at ako ang bahala sa iyo."
nakangiting sagot ni Tita.
SEBASTIAN RESIDENCE
RYDER POV
"Sir, umalis na naman po si Sir Charles.
Itinakas nya ang kotse. Hindi na naman sya
napigilan ng mga bantay nya." Agad na balita
sa akin ng personal driver ni Charles na si Mang Rado. Isa
sya sa pinakamatagal na driver ng aming pamilya kaya sa kanya ko ipinagkatiwala
si Charles. Pero sa sobrang pagiging rebelde ng anak ko pati ito ay
nangungunsumi na din.
"Gaano ba ka-inutil ang mga tao dito at hindi
nyo man lang siya napigilan? Alam nyo bang
minor pa lang si Charles at pwede siyang
mapahamak sa labas?' galit na bulyaw ko. Agad naman silang
nagsipagyukuan. Sinipat ko ng tingin ang dalawang bodyguard na noon ay tahimik
lang sa likuran ni MAng Rado
"Ano pa ang hinihintay niyo? Hanapin niyo
siya? Puntahan niyo ang mga lugar na palagi
niyang tinatambayan!" inis kong sigaw sa mga ito. Agad
naman silang tumalima.
Naiwan naman akong nagngingitngit sa galit.
Hindi ko na talaga alam kung paano patitinuin si Charles.
Habang tumatagal, lalong naging matigas ang ulo nito. Wala na itong
pinapakinggan dito sa bahay.
"Natalia!" galit na sigaw ko habang pumapasok sa
loob ng bahay. Diretso akong naglakad papuntang living room at bahagya akong
kumalma ng maabutan ko si Lola.
Nakaupo sa kanyang wheel chair at malungkot na nakatanaw sa
kawalan.
Agad ko itong nilapitan at hinalikan sa pisngi.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot
ng mapansin ko ang humpak na pisngi ni Lola.
Simula ng mawala si Ashley, nagiging
malungkutin na din ito. Sinisisi ang sarili dahil
kung hindi dahil sa kanya hindi daw nagiging
miserble ang buhay ni Ash sa mga kamay ko.
"La, ininom mo na ba ang mga gamot mo? Bakit nandito
ka? Nasaan si Lorna?" agad na tanong ko. Malungkot itong tumitig sa akin.
"Hindi ko na kailangan pa ang mga gamot na
iyan Ryder. Wala ng dahilan pa para maging
malakas." sagot nito. Napailing naman ko.
Umupo ako at tinitigan sa mga mata si Lola.
" Galit ka pa rin ba sa akin? Hanggang ngayun
hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" tanong ko.
Malamlam ang mga matang tumitig ito sa kawalan.
"Apo kita. Mahal na mahal kita! Pero hindi ko
alam kung bakit nagkaganito ang buhay natin.
Hindi ko alam kung bakit nababalutan ng
lungkot ang buong paligid." malungkot nitong
sagot. Napansin ko pa ang ilang butil ng luha na biglang
tumulo sa mga mata nito. Hindi ko naman maiwasan na maikuyom ang aking
kamao.
"Im sorry La kung dito humantong ang lahat.
Sobrang pinagsisisihan ko ang lahat. Parang
gusto ko na din sumuko sa mga nangyayari sa buhay natin.
Parang gusto ko na din sundan si Ashley sa kabilang buhay." wika ko at
agad na lumuhod sa harap ni Lola. Nakayuko ako at hindi ko mapigilan ang
pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang
mahina nitong paghaplos sa buhok ko.
"'Ryder...alam kong mas nahihirapan ka sa mga nangyari.
Ito ang isa sa mga dahilan ng araw-araw kong pagdurusa. Lalo akong nalulungkot
kapag nakikita ka kung gaano ka -miserable...
Si Charles ang anak mo..alam kong naliligaw
na din sya ng landas. Kung gusto mo talagang makabawi kay
Ashley, iligtas mo si Charles sa kapahamakan. Pilitin mong maging maayos ang
buhay nya." sagot nito pagkatapos ay may kung anong bagay na dinukot sa
bulsa ng suot nitong duster.
"Nakita ito ng tagalinis sa kwarto nya. Ryder.
nag-uumpisa ng tumikim ng ipinagbabawal na gamot ang anak
mo!" malungkot na wika ni Lola sabay abot sa akin ng isang maliit na
plastic na may kulay puting bagay na laman.
Biglang nanlaki ang aking mga mata sa
pagkagulat. Hindi ko akalain na hahantong si
Charles sa ganitong gawain.
Chapter 54
ASHLEY POV
"'Saan po tayo pupunta Mam?" agad na
tanong sa akin ni Mang Andoy. Ang
family driver nila Tita Susan at Tito
Arnulfo.
Nabanggit ko kagabi kay Tita Susan na
balak kong pumunta sa bahay nila
Ryder. Wala akong balak na magpakita
sa kanila. Gusto ko lang silang
panoorin sa malayo at
magbabakasakali ako ng baka makita
ko si Charles.
"Sa bahay po nila Ryder James
Sebastian. Gu-gusto ko pong makita
ang anak ko." sagot ko. Agad naman
tumango ang driver at pinagbuksan
ako ng pintuan.
Masyado pang maaga kung tutuusin.
Alas sais pa lang ng umaga atulog pa
si Mika na siyang lubos kong
ipinagpasalamat. Ayaw ko siyang
isama ngayun dahil baka ma- board
lang ito sa kotse.
Malapit na kami sa bahay nila Ryder ng
utusan ko si Manong na iparada ang
sasakyan malapit sa gate ng mga ito.
Gusto kong makita ang mga kaganapan
sa loob ng bahay nila. Para tuloy akong
detective sa mga pinanggagawa ko.
Basta ang gusto ko lang naman sa
ngayun ay masilayan si Charles kahit
nasa malayo ako.
Hindi naman nagtagal ang aming
paghihintay. Agad kong napansin ang
isang parating na sasakyan. Napakunot
naman ang noo ko ng mapansin ko na
basta nya na lang iyun ipinarada sa
labas ng gate. Pagkatapos ay bumukas
ang pintuan ng kotse at hindi ko
maiwasan na makaramdam ng tuwa ng
masilayan ko si Charles.
Ang laki na nya. Binatang bina na
pala siya. Malayong malayo na ang
hitsura nya sa pictures na ibinigay sa
akin ni Enzo two years ago.
Sumulyap pa ito banda sa amin bago
tuluyan pumasok sa loob ng gate. Agad
na tumulo ang luha sa aking mga mata.
Gustong gusto ko ng yakapin ang anak
ko. Kaya lang natatakot ako na baka
hindi nya na ako kilala. Baka
ipagtabuyan nya ako. Hindi pa ako
handa na dagdagan ang sakit ng
kalooban na nararamdaman ko ngayun.
Nagulat pa ako ng marinig ko na may
kumatok sa salamin ng kotse. Agad
akong napaayos ng upo ng mapansin
ko ang guard nila Ryder ang
kumakatok. Agad naman ibinaba ni
Mang Andoy ang bintanang salamin ng
sasakyan.
"Boss, bawal kayo dito. Mahigpit na
ipinagbabawal ni Sir Ryder ang
pagparada ng ibang sasakyan sa
bahaging ito. For security reason lang
po." Narinig kong wika nito kay Mang
Andoy. Agad naman akong nilingon ni
Mang Andoy at nagsalita.
"Paano ba iyan Mam. Hindi daw tayo
pwede dito." imporma nito. Agad kong
pinunasan ang lubha sa aking mga mata
bago nagsalita.
"sige po. Sa hospital na lang tayo
pupunta." sagot ko.
"Teka lang po. Pwede po bang
magtanong? Bisita po ba kayo sa lugar
na ito? Kilala nyo ba ang mga
Sebanstian?" tanong ng guard. Agad
naman sumagot si Mang Andoy.
"Ahhh o0. Kilala ng---" hindi na
naituloy pa ang susunod pang
sasabihin ni Mang Andoy ng kinalabit
ko ito. Napabaling tuloy ang attention
sa akin ng guard at sinilip ako. Wala na
akong nagawa pa kundi sumabat na din
sa kanilang usapan. Mukhang bago ang
guard kaya kampante ako na kindi ako
nito kilala.
"Pasensya na po Manong. Nagkamali
kami ng street na napuntahan. Salamat
na lang po." Sagot ko at sinenyasan na
si Manong na magdrive na. Agad
naman ako nitong sinunod. Nakahinga
ako ng maluwag ng mag-umpisa na
kaming umusad palayo sa nakasunod
pa rin ang tingin sa amin ng guard.
Malapit na kami sa hospital ng biglang
nag-ring ang aking cellphone. Agad ko
1yung sinagot ng mapansin ko na si
Tita Susan ang tumatawag.
"Hello Ash!" Pasensya ka na kung
napatawag ako. Nagising si Mika at
hinahanap ka!" agad nitong wika.
Narinig ko pa ang boses ni Mika sa
background. Mag-uumpisa na naman
yatang umiyak.
"Pauwi na po ako Tita. Pakisabi kay
Mika na malapit na ako." sagot ko
naman.
"Pasensya ka na talaga Ash ha? Hindi
namin akalain na ganito pala kalapit sa
iyo ang apo namnin. Totoo nga pala ang
sinabi sa akin ni Enzo na parang tukO
ang batang ito kung makadikit sa iyo."
wika nito sa kabilang linya. Hindi ko
naman maiwasan na matawa. Agad ko
naman sinabi kay Mang Andoy na uuwi
na kami ng bahay. Tsaka na lang ako
dadalaw kay Doc Cheska. Kailangan
kong ipriority si Mika. Ayaw kong
isipin nila Lorenzo at Rona na
pinapabayaan ko ang anak nila.
SEBASTIAN RESIDENCE
* RYDER POV
Sunod-sunod ang tungga ko sa basong
may lamang alak habang nakatitig sa
kawalan. Nakasanayan kO ng uminom
ng alak bago matulog. Kailangan ko
ang ispiritu nito para sandaling
makalimot.
Hindi ko alam kung kaya ko bang
ayusin ang nasirang pamilya namin.
Kasalanan ko ang lahat at walang ibang
sisihin kundi ako lang.
Muli kong sinalinan ng alak ang baso
ko. Ito lang ang karamay ko ngayung
nalulungkot ko. Pesteng buhay ito.
Kailan ba matatapos lahat ng
paghihirap ng kalooban ko?
Muling sumagi sa isip ko ang mukha ni
Ashley. Kung nakikita nya man sana
ako ngayun, sana mapansin nya ang
paghihirap ko. Sana hindi sya kaagad
sumuko. Buhay pa sana sya ngayun
kung hindi ako nakagawa ng malaking
pagkakasala sa kanya.
"Ryder...tama na iyan. Hindi bat
sinabihan ka ng Doctor mo na huwag
ka munang uminom ng alak?" HIndi
ko maiwasan na maikuyom ang aking
kamao ng marinig ko ang boses na
iyun. Si Natalia..hindi ko man lang
namalayan ang paglapit nito sa akin.
Sinenyasan ko itong maupo na syang
agad nyang ginawa. Agad kong
napansin an seksi nitong pananamit.
Labas ang kanyang hita pati na din ang
kanyang cleavage. Halos maghubad na
ito sa harap ko.
Gayunpaman wala ng epekto sa akin
iyun. Lalo lang akong nakakaramdam
ng inis sa isiping inaakit na naman ako
nito. sorry na lang siya dahil wala na
akong balak pang patulan ito. Simula
ng mamatay si Ashley nawalan na din
ako ng ganang makipagniig kahit
kanino.
Kasabay ng pagkawala ni Ashley ang
pagkawala ng interes ko sa kahit
kaninong babae. Pati sex life ko tuluyan
ng nawala sa akin. Naiinis ako kapag
may nakikita akong babae na pilit
akong inaakit. Katulad ng ginagawa
ngayun ni Natalia.
Bilib din naman ako sa tiyaga nya.
Hindi ko akalain na ganito ito ka-
despirado mapansin ko lang,Agad
akong kumuha ng isa pang baso.
Sinalinan ko ng alak at pinuno iyun
"Inumin mo!" utos ko. Agad itong
napailing. Halata ang pagkadismaya sa
mukha nito.
"Ryder...a- alam mo naman na mahina
ako sa alak. Hi-hindi ko kayang
makipagsabayan ng inuman sa iyo."
reklamo nito. Pagak akong tumawa.
"Hindi ito isang pakiusap. Inuutusan
kita Natalia. Inumin ang alak na nasa
baso. Gusto ko ubusin mo ng isang
lagok lang. Ayaw mo bang sundin ang
gusto ko? Alam mo naman siguro na sa
lahat ng ayaw ko iyung hindi
sumusunod sa gusto ko!" mabagsik
kong wika. Agad kong napansin ang
takot sa mga mata nito. Lihim naman
akong nagdiwang. Alam naman nito na
mainit ang dugo ko sa kanya may gana
pa itong lumapit sa akin at tangkang
muling akitin.
Ganyan nga Natalia. Magdusa ka sa
mga kamay ko! Magiging tao-tauhan
kita hangat ikaW na mismo ang
lumayas sa bahay na ito!
"Ano pa ang hinihintay mo? Bingi ka
ba? Sinabi ko inumin mo na ang alak
na iyan!" muli ay wika ko. Mataas na
ang tono ng boses ko kaya naman agad
nitong hinawakan ang baso na punong
puno ng alak. Napangisi ako ng
mapansin ko na dahan-dahan nya na
iyung tinungga.
"Susunod ka din pala kailangan mo
pang sigawan!" inis kong wika at
tumayo na. Akmang aalis na sana ako
ng bigla akong hawakan sa kamay.
Agad akong pumiksi para mabitawan
nya ako.
"Ryder..ano ba talaga ang gusto mong
gawin ko para matutunan m0o akong
mahalin? Hirap na hirap na ako sa
kalagayan ko. Para akong isang pulubi
na nagmamakaawa na bigyan m0 ng
kahit kaunting pagpapahalaga!"
umiiyak na wika nito. Mukhàng
tinamaan na agad ng alak. Nang
tingnan ko ang baso nito ay ubo's na
ang laman niyon. Kaya siguro malakas
ang loob na hawakan ako nito ngayun.
"Tama lang iyan Natalia. Kulang pa na
maging kabayaran ang pagdurusa mo
ngayun. Kung hindi mo na kaya ang
naranasan mong pagdurusa sa bahay
na ito...malaya kang umalis. Walang
maghahabol sa iyo at walang pipigil."
nang-uuyam kong sagot. Napahikbi
ito. Akmang tatayo pero mukhang
nanlalambot na ang tuhod dahil sa
tama ng alak na ininom nito.
"Hindi ko kaya. Gustuhin ko man
lumayo sa iyo para matapos na ang
paghihirap ko pero ayaw kong
mawalay sa iyo Ryder. Mahal na mahal
kita at handa akong maghintay kung
kailan mo ako matutunan na mahalin."
sagot nito.
"Kung ganoon, mamatay kang
maghintay dahil kahit anong
mangyari, hinding-hindi kita
matutunan na mahalin. Tanging kay
Ashley lang ang puso ko. Wala ng iba!"
seryoso kong sagot bago ito iniwan.
Direcho akong naglakad papunta sa
kwarto ko.
Kinaumagahan...
Madilim pa ng nagising ako. Agad
akong nag-ayos at lumabas ng kwarto.
Kagabi pa hindi umnuuwi si Charles.
Hindi din ito mahanap ng mga bantay
nya.
Agad akong lumabas ng bahay ng
marinig ko na may humintong
sasakyan sa labas ng gate. Agad kong
nakita ang papasok na si Charles.
Pasuray-suray ito at halatang lasing.
"Charles!" agad kong tawag dito.
Parang walang nakita at tuloy- tuloy
lang itong pumasok sa loob ng bahay.
Agad ko itong sinundan.
"Inumaga ka na naman atlasing pa?
Charles, ano ba ang nangyayati sa iyo?
Kailan mo ba aayusin ang buhay ro?"
agad na wika ko habang nakasunod sa
kanya. Agad naman itong huminto sa
paglalakad at sumagot.
"Mr. Sebastian, bakit ka ba
nakikialam? Hindi nga kita
pinapakialaman eh! Hayaan mo na kasi
ako! Total naman matagal ng sira ang
buhay ko. Sinira niyong dalawa ng
Natalia na iyan!" sagot nito. Agad kong
naikuyom ang aking amao. Ilang
beses ko na bang narinig ang katagang
iyun sa mismong bibig ng anak ko?
Ahhh maraming beses na. Hindi ko na
mabilang at tuwing binabanggit nya
ang katagang iyun walang kapantay na
sakit ng kalooban ang aking
nararamdaman.
Hindi ko na sinundan pa si Charles ng
mapansin ko na paakyat na ito ng
hagdan. Ayaw ko muna siyang
kumprontahin. Baka lalong
magrebelde kung lalo ko pang
pagalitan. Umaasa na lang ako na sana
dumating ang araw na magbabago din
ito.
Agad akong lumabas ng bahay. Maaga
akong papasok ng opisina ngayun.
Marami akong aasikasuhin na papeles
dahil may business trip ako sa
hongkong next week. Kailangan kong
tapusin lahat ng mga nakabinbin na
mga papeles na dapat pirmahan bago
ako aalis.
Papunta na ako sa gagamitin kong
sasakyan ng agad akong salubungin ni
Mang Rado. Mukhang may importante
na naman itong ibabalita.
"Sir, nasa labas po ang sasakyan na
ginamit ni Charles. Malaki ang gasgas
at kailangan dalhin sa casa para
ipagawa." imporma nito. Malakas
akong napabuntong hininga at agad na
naglakad palabas ng gate. Agad kong
tinitigan ang damage ng sasakyan ni
Charles at napailing ako. Mabuti na
lang at mukhang hindi tão ang
nabangga nito. Kailangan talaga
Pabantayan ko na ito sa kanyang mga
bodyguards. Baka sa susunod tao na
ang madisgrasya nito.
"Sige Manong. Dalhin mo na sa casa
iyan." wika ko at muling pumasok sa
loob. Hindi ko maiwasan na
mapakunot ang noo ko ng mapansin ko
na seryOsong nag-uusap ang dalawang
gwardya habang humihigop ng kape.
"Oo nga! Pamilyar sa akin ang mukha
ng babaeng sakay kanina ng kotse na
pumarada dyan sa may tapat. Hindi
talaga ako pwedeng magkamali..siya
iyung babae na kasama ni Sir Ryder na
nasa malaking picture frame na
nakasabit sa living room. Yung dating
asawa ni Sir Ryder?" wika ng isa sa
kanila. Hindi ko naman maiwasan na
magtaka. Biglang napukaw ang
kuryusidad ko at lumapit pa sa kanila.
"Talaga? Pero matagal ng patay si
Mam Ashley! Imposible naman ang
sinasabi mo Gorio. Baka kamukha lang
ni Mam iyun?" sagot naman ni
Manong Lauro. Isa sa pinakamatagal
naming guard dito sa bahay. Naabutan
pa nito si Ashley noon.
"Hindi! Malinaw ang nakikita ko.
Napansin ko pa nga ang lungkot sa
mga mata nya habang kinakausap ako
eh. Isa pa halatang nagsisinungaling
siya sa dahilan nyang naligaw lang sila
noong sitahin ko sila. Namumula ang
mga mata nya kanina at halatang
galing sa pag-iyak." sagot ulit ni Guard
Gorio. Hindi ko naman maiwasan na
mapailing. Imposible naman kasi ang
sinasabi nito.
"Mga anong oras nangyari ito? Abot ba
ng cctv?" hindi ko maiwasang
sumabat. Agad kong napansin ang
pamumutla ng dalawa habang
napalingon sa akin. Hindi ko na lang
pinansin at seryoso silang tinitigan.
"Ibigay nyo sa akin ang kopya ng gctv.
Pati na din ang plate number ng
sasakyan." wika ko at agad na
tumalikod. Pa-iimnbestigahan ko ang
taong tinutukoy nila na pumarada dito
sa tapat ng bahay..Ayaw kong magpaka
-kampante..baka minamanmanan na
kami ng mga masasamang loob.
Chapter 55
ASHLEY POV
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Gustuhin ko man magpakita sa anak ko
pero hindi ko alam kung paano
uumpisahan. Ini- stalk ko na din ito sa
pinapasukang School sa kagustuhan
kong palagi itong nakikita.
"Mama, excited na akong makita si
Tita Cheska!" naglalakad kami palabas
ng bahay ng biglang nagsalita si Mika.
Ilang araw na kami dito sa Pilipinas at
mukhang ngayun lang matutuloy ang
plano namin na dalawin ito sa hospital.
Ini-expect na din kaming dalawa nito
ni Mika ngayung araw.
"Mag-ingat kayo. Huwag kayong
magtagal doon Ashley dahil mag-
uumpisa na ang photo shoot mo bukas.
" bilin sa amin ni Tita Susän
pagkasakay namin ng kotse.
"Opo Tita. Nagtatampo na po kasi si
Doc Cheska dahil ilang araw na kami
dito sa Pinas hindi pa kami
nakakadalaw sa kanya." sagot ko
naman
"'Ewan ko ba sa batang iyun. Pwede
nya naman kayong puntahan dito sa
bahay. Hindi nya naman kailangang
magpaka-busy sa hospital." sagot nito.
"Hayaan nyo na po Tita. Mahirap din
kasi ang kalagayan nya. May dalawa
siyang anak na inaalagaan at siguro
mas gustuhin nya dumerecho na lang
ng uwi sa bahay nila kaysa dumaan pa
dito sa atin." sagot ko naman. Agad
naman itong napatango.
Ilang saglit lang ay namalayan ko na
lang na nasa abalang kalsada na kami
ng Metro Manila.
"Mukhang may aksidente sa harap
Mam. Hindi na tayo umuusadeh.'" wika
ni Mang Andoy. Hindi ko naman
maiwasan na mapasilip,Siksikan na sa
kalsada at hindi na umuusad ang lahat.
"'Naku, mukhang tatanghaliin na tayo
Manong. Mukhang maiipit tayo nito sa
traffic." sagot ko naman.
"Ganito talaga dito sa Pinas Mam.
Habang tumatagal, lalong sumisikip
ang mga kalsada dahil sa dami ng
sasakyan. Wala tayong choice kundi
maghintay. May mga nagsidatingan na
din naman na mga ambulance kaya
matatarnggal na din siguro ang mga
nakaharang sa daan. Kaaga-aga may
aksidente kaagad." Mahabang wika ni
Mang Andoy. Hindi ko na lang ito
sinagot bagkos itinoon ko na lang ang
tingin sa labas.
Halos isang oras din kaming naipit sa
traffic bago muling umusad ang
sinasakyan namin na kotse. Nadaanan
pa namin ang nakabalandrang
nagbanggaan na sasakyan. Hindi ko
maiwasan na makaramdam ng kaba ng
mapansin ko ang isa sa mga kotse na
nasangkot sa aksidente. Biglang
sumagi sa isip ko si Charles.
Hindi..imposible...Baka naman
kamukha lang. Malabong masangkot si
Charles sa ganitong aksidente dahil sa
mga oras na ito nasa iskwelahan na
sya. Marami namang
magkakaparehong sasakyan dito sa
Pilipinas.
Mabilis kaming nakarating ng hospital.
Agad kaming bumaba ni Mikaela at
derechong naglakad papasok sa loob.
Naabutan ko pa ang mga abalang staff
kaya hindi ko maiwasan na magtaka.
"Dumerecho kamni sa opisina ni
Cheska. Sakto naman na naabutan
namin ito palabas na ng kanyang
opisina. Nang mapansin nya ako ay
agad nya akong niyakap.
"Ashley! God...Thank you a natuloy
din ang pagdalaw nyo sa akin!"
nakangiti nitong wika. Agad akong"
nakipagbeso -beso dito. Pagkatapos ay
binalingan nito ang nakatingin sa amin
na si Mikaela. Mahigpit nya din itong
niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Grabe..ang laki na pala ng panganay
nila Lorenzo at Rona. Ang bilis ng
panahon. Siya nga pala...mabuti at
naabutan mo ako dito. May meeting
kami mamaya ng mga board of
directors. Pwede nyo akong hinatayin
at sabay na tayong maglunch mamaya
para makapagkwentuhan naman tayo.
Pasensya ka na ha? Masyado akong
abala ngayun." nakangiti nitong wika.
Agad naman akong tumango. Wala
naman kaming gagawin ni Mikaela
ngayung araw. Willing kaming
maghintay.
"oh, siya pasok muna kayo sa office ko.
Hintayin niyo ako ha?" wika pa nito at
mabilis na tumalikod. Akmang
hahawakan ko na ang door knọb ng
magsalita si Mika.
"Mama, gusto ko po ikutin ang buong
hospital. "wika nito sa akin. Agad
naman akong napatango. Mabuti pa
nga siguro. Mukhang ang laki na ng
ipinagbago ng lugar na ito. Halos
naging suki na ako ng lugar na ito
noong nandito pa ako sa Pilipinas. Ang
alam ko din nandito pa ang ibang mga
Doctor na nag-alaga sa akin noon.
Parang gusto ko tuloy sila puntahan sa
kani-kanilang mga clinic at
kumustahin.
"'Sure..ikot muna tayo pagkatapos
balik na lang tayo dito sa office." sagot
ko naman.
Halos takbuhin ni Mika ang hallway sa
sobrang excitement. Nakasunod lang
ako dito ng mapansin ko na nakarating
na kami ng emergency room. Nagtaka
pa ako dahil biglang pumasok si Mika
sa loob. Tinatawag ko ito pero hindi ito
nakinig sa akin. Wala na akong nagawa
pa kundi sundan na lang ito.
"Mam, bawal po kayo dito." agadna
wika sa akin ng guard. Sumilip pa ako
sa loob at pilit na hinahanap si Mikaela.
"'May napansin po ba kayong bata na
pumasok dito sa loob Manong?
Pasensya na po pero kailangan ko po
siyang mahanap." sagot ko.
"Wala po akong napansin Mam. Naku
yari na. Mas lalong bawal ang bata sa
loob. May pasyente pa naman na
ginagamot ngayun." sagot ng guard at
agad na pumasok sa loob ng emergency
room. Agad naman akong napasunod
dito.
Totoo nga ang sinabi ng guard dahil
agad na dumako ang tingin ko sa mga
abalang medical staff. May ginagamot
nga silang pasyente. Muli kong inilbot
ng tingin sa buong paligid at
nakahinga ako ng maluwag ng
mapansin kong nakatayo și Mika sa
isang sulok. Tahimik nitong
pinapanood ang ginagawa ng mga
medical staff. Akmang pupuntahan ko
na ito ng marinig ko ng biglang
nagsalita.
"'Ma...nandito ka? Sinusundo mo na ba
ako?" agad na wika nito. Natigilan ako.
Agad na dumako ang tingin ko sa
nakahigang pasyente na noon ay
nilalapatan ng lunas ng Doctor. Agad
na nanlaki ang mga mata ko ng
matitigan ang mukha nito.
"Charles?'" hindi ko mapigilang
bulong. Agad naman na napatingin sa
gawi ko ang isang nurse.
"Kilala nyo po ang pasyente Mam ? Sa
labas na lang po muna kayo maghintay.
BAwal po kayo dito." wika ng Nurse sa
akin. Para naman akong tinulos sa
kinatatayuan habang titig na titig sa
mukha ni Charles. Nakatitig din ito sa
akin at agad kong napansin ang
paglandas ng luha sa mga mata nito.
"A-anong nangyari?" hindi ko
mapigilang tanong Agad akong
lumapit sa higaan ni Charles at hindi
ko mapigilan na haplusin ito sa noo.
"Isa po siya sa nasangkot sa aksidente
Mam kani-kanina lang. Huwag po
kayong mag- alala. Hindi naman po
malubha ang kalagayan nya. Kaunting
galos lang naman at ilang bukol." sagot
ng doctor na gumagamot dito. Agad
naman akong nakahinga ng maluwag.
"Ma...nandito - - - ka? Hindi mo-- na
ba --ako iiwan?"" wika ni Charles.
Halos madurog naman ang puso ko ng
muli kong narinig ang pagtawag nya
ng "'Mama"' sa akin. Agad akong
tumang0.
"'No..imn sorry Baby! sorry dahil
ngayun lang nagpakita si Mama.!"
Hindi ko mapigilang sagot ko habang
hinahaplos ang noo nito.
"Mam, sa labas na muna kayo.
Gagamutin po muna namin àng
pasyente at pagkatapos nito pwede na
sya ilipat ng kwarto para,
makapagpahinga." muling wika ng
nurse. Agad kong naramdaman ang
mahigpit na paghawak ni Charles sa
kamay ko.
"No...dito ka lang Ma. Huwag mo na
ulit akong iiwan.'" wika nito na lalong
nagpaiyak sa akin.
Hindi ko namalayarn ang mabilis na
paglipas ng oras. Agad na nagamot si
Charles. Mabuti na lang at hindi malala
ang tinamo nitong injury dulot ng
aksidente. Gayunpaman nabanggit sa
akin kanina na nakainom daw si
Charles at binangga nito ang nasa
harap nyang sasakyan dahil sa bilis ng
kanyang pagpapatakbo na siyang
lalong nagpabigat sa aking kalooban.
May mga dapat ba akong malaman
tungkol sa sitwasyon ni Charles habang
wala ako? Ang akala ko maayos lang
ang lahat at masaya na itosa piling nila
Ryder at Natalia. Kailan pa itokatutong
uminom? Fifteen years old pa lang sya
at nasasangkot na sya sa ganitong
klaseng aksidente? Isa pa dapat nasa
School na siya ng mga ganitong oras.
"Mama, bakit hindi nyo po siya
kamukha?!"!
naputol ang malalim na iniisip ko ng
magsalita si Mikaela. Titig na titig ito
sa mukha ni Charles habang sinasabi
ang katagang iyun. Hindi ko mapigilan
ang mapangiti.
"'Because..kamukha sya ng Papa nya."
sagot ko. Napanguso ito bago tumingin
sa akin.
"Bakit po? Supposed to be kamukha
mo siya. Like me...kamukha ako nila
Mommy at Daddy!" sagot nito. HIndi
ko mapigilan na pisilin ang mamula-
mula nitong pisngi. Ang batang ito
talaga, saksakan na nga ng daldal ang
kulit pa! Mauubusan ako ng isasagot sa
kanya eh.
Sasagutin ko pa sana si Mikaela ng
mapansin ko na biglang bumukas ang
pintuan ng private room. Agad na
iniluwa si Cheska.
"'May mga pulis sa labas. Hinahanap
ang guardian ni Charles..sinabi ko na
hindi pa dumadating. Hindi kasi ako
sure kung willing kang magpakilala na
ikaw ang Ina ni Charles...Ashley...ano
mang sandali dadating na si Ryder...
Ready ka na bang makaharap siya ulit?
" agad na wika nito. Sandali akong nag-
isip sabay iling. Gustuhin ko man na
harapin siya pero hindi pa talaga ako
ready. Natatakot ako. Para sa kanila
matagal na akong patay.
"Kung ganoon kailangan ko ng
makaalis. Hindi pa ako ready na muli
siyang makaharap." malungkot kong
sagot. Saglit na natigilan si Cheska.
Tinitigan ako nito.
"Ayaw mo pa bang magpakita sa
kanya...sa kanila? Paano si Charles...I
think kailangan ka nya Ash" sagot nito.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng
luha sa aking mga mata habang
nakatitig sa mukha ng natutulog na si
Charles. Gutong gusto ko na din itong
makasana. Pero wala pa akong lakas
ng loob na tuluyang magpakita sa
kanila para sabihin na hindi pa naman
talaga ako patay. Na nakaligtas ako sa
aksidenteng iyun at tuluyan gumaling
sa sakit na leukemia.
hangat maaari ayaw ko na sanang
guluhin ang buhay nila. Pero hindi ko
kayang nakikita ang anak ko na ganito.
Lasing siya kanina kaya sya
naaksidente. Ibig lang sabihin nito,
may hindi magandang nangyayari sa
buhay nya na dapat kung alamin.
Buong pagmamahal na hinaplos ko ang
buhok ni Charles. Hinalikan ko pa ito
sa pisngi bago ako tumayo. Malungkot
akong tumitig sa nahihimbing kong
anak bago bumulong.
"Kaunting tiis na lang anak. Mag-iipon
lang ako ng tapang at magkakasama
din tayo ulit. Magpakabait ka.'"' wika ko
kasabay ng pagtulo ng luha sa aking
mga mata.Hinawakan ko sa kamay si
Mikaela at hinila na ito palabas ng
kwarto. Direcho kaming naglakad
patungo sa office ni Doc. Cheska.
"RYDER POV
Halos paliparin ko ang sasakayan ng
malaman ko na nasangkot sa aksidente
si Charles. Dumating na ang
kinatatakutan ko. HIndi na naman ito
napigilan ng mga bantay nya kagabi.
Tumakas na naman at hindi namin
malaman kung saan nagpunta.
Hindi kO na talaga malaman pa kung
ano ang gagawin sa kanya.
Pakiramdam ko habang tumatagal
lalong napapahamak si Charles sa
ginagawa nito sa sarili. Hindi ko alam
kung hanggang kailan nya ako
titikisiin ng ganito.
"Nasaan si Charles? Kumusta sya?"
agad na tanong ko sa nurse station ng
makarating ako. Mabuti na lang at dito
dinala si Charles sa mismong hospital
ng pag-aari ng pamilya ng dati kong
kaibigan. ..si Lorenzo.
"si Charles Sebastian po ba?
Natransfer na po sya sa private r0om
Sir. Room 201." sagot ng Nurse. Hindi
na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad
akong naglakad at hinanap ang kwarto
na tinutukoy ng nurse.
Nadatnan ko pa na may mga pulis na
naghihintay sa may pintuan ng kwarto
ng anak ko. Akmang tatanungin pa ako
ng isa sa kanila pero hindi ko na ito
pinansin. Kailangan kong tumawag ng
abogado. Mukhang seryoso ang
kinasangkutang aksidente ngayun ni
Charles dahil sa presensya ng mga
pulis dito sa hospital.
Pagkapasok ko sa private room ni
Charles ay agad ko itong nilapitan sa
higaan. Laking pasalamat kồna lang
dahil hindi ito napuruhan, Hinding
hindi ko mapapawad ang sarili ko kùng
may nangyaring masama dito.
Ilang minuto ko munang pinagmasdan
ang nakapikit na si Charles bago ko
tinawagan si Anthon. Ang executive
secretary ko. Mag-uutos na lang ako ng
mga abogado para kumausap sa mga
pulis. Hindi ako papayag na
mapapahamak si Charles sa
kinasangkutan nyang aksidente.
Saktong pagkatapos kong kausapin si
Anthon ng mapansin ko ang dahan-
dahan na pagmulat ng mga mata ni
Charles. Agad kong napansin ang
pagtulo ng luha sa mga mata nito at
nagulat pa ako sa unang salita na
lumabas sa bibig nito.
"Ma? Mama?!" halos pasigaw na wika
nito. Agad ko naman itong dinaluhan.
"Charles? Kumusta ang pakiramdam
mo?May masakit ba sa iyo"
agad na tanong ko. Ilang saglit itong tumitig sa akin bago
nagsalita.
"Nasaan si Mama? Iniwan nya na
naman ba ako? Nandito sya kanina eh!
" wika nito habang patuloy ang pagtulo
ng luha sa kanyang mga mata.
Nagtataka naman akong napatitig dito.
Hindi ko alam kung seryoso ba ito o
nagbibiro lang...
Chapter 56
RYDER POV
Halos madurog ang puso ko sa mga
salitang lumalabas sa bibig ni Charles.
Agad kong naramdaman ang labis na
pangungulila nito sa Ina. Hinawakan
ko pa ito sa kamay at pilit na
pinapakalma
"Charles, Calm down. Imposible ang
sinasabi mo. Wala na si Mama mo.
Matagal na siyang patay!" sagot ko na
bakas ang lungkot sa boses. Agad itong
napailing.
"No...buhay siya. Nandito siya kanina.
Kitang kita ko na nandito si Mama. !"
sagot nito at pilit na bumangon mula
sa higaan. Napansin ko pa ang
pagkalukot ng mukha nito dahil sa
sakit na nararamdaman dulot ng
aksidente.
"Hindi ako pwedeng magkamali. May
malay ako noong nakikita ko si Mama.
Naramdaman ko pa ang halik niya at
ang pag-iyak nya. Kung talagang
mahal mo si Mama, hanapin mo sya.
Nasa paligid lang siya." muling wika ni
Charles. Hindi kO maiwasan na
mapailing. Naputol lang ang pag-
uusap namin ng pumasok ang isang
nurse. Mabuti naman at sandaling
nanahimik si Charles.
Hinayaan na namin ang nurse na
gawin ang kanyang trabaho. Sinuri nito
si Charles pati na din ang dextrose na
nakakabit dito. Halos limang minuto
lang naman at natapos din ang
kanyang ginagawa at akmang lalabas
na ng muling nagsalita si Charles.
"Nasaan iyung babaeng bantay ko
kanina? Babalik ba siya?' tanong nito.
Saglit na natigilan ang nurse at nag8-
isip.
"Ahh iyung babae po ba na may
kasamang bata? Nakaalis na po. Ilang
oras din kayong binantayan Sir. Hindi
lang ako sure kung babalik pa siya.
Bakit po?" sagot ng nurse. Hindi ko
naman maiwasan na makaramdam ng
matinding pagtataka. Sinong babae ang
pinag-uusapan nila?
"Sinong babae?' seryoso kong tanong.
"Si Ms. Delos Santos po Sir." sagot ng
nurse. Hindi naman ako makapaniwala
sa narinig. Delos Santos? Apelyedo nila
Ashley at Natalia iyun ah? Nauna na
bang dumalaw si Natalia dito sa
hospital? Pero imposible...hindi pa nila
alam na nasangkot sa aksidente si
Charles. Ayaw kong ipaalam sa kahit
kanino sa bahay dahil ayaw kong mag-
alala si Lola. Masyado na siyang
nasasaktan sa mga nangyari at ayaw ko
ng dagdagan iyun.
"Magpahinga ka muna Charles. Huwag
kang mag-alala, ligtas ka ną,"' sagot ko.
"Ayaw mnong maniwala na buhày pa si
Mama diba? Kung ayaw mong
maniwala sa akin, ako mismo ang
gagawa ng paraan para mahanap siya.
Miss na miss ko na sya. Kaya siguro
ayaw nyang umuwi ng bahay dahil
hindi mo pa rin pinapalayas ang
Natalia na iyun sa bahay natin.."
seryosong sagot ni Charles. Natitigilan
ako. Malaki na nga ang anak ko.
Mukhang matured na sya mag-isip
kaya hindi ko maiwasan na mahulog sa
malalimn na pag-iisip.
"Gusto mo bang paalisin na natin
siya? Gusto mo bang basta na lang
natin pakawalan ang taong may
kasalanan sa pagkamatay ng Mama
mo? Alam mo ba ang iilan sa mga
dahilan kung bakit hinayaan ko siyang
manatili sa bahay natin? Hindi ka ba
talaga aware Charles?" tanong ko.
Napansin ko ang pagkurap ng mga
mata nito. Saglit na natigilan at
blankong tumitig sa akin
"Mahal na mahal ko ang Mana mo.
Siguro ito na ang pagkakataon para
mapag-usapan natin ang tungkol sa
bagay na ito. Aminado ako, nagkasala
ako sa kanya at hanggang ngayun,
hindi ako pinapatulog ng konsensya ko.
Pinagsisisihan ko ang lahat ngmga
kasalanan ko. Ilang beses kong sinisi
ang sarili ko sa mga nangyari....
"Pero anak, maniwala ka man o hindi,
kung hindi lang dahil sa iyo,, matagal
na din sana akong sumuko.'"
malungkot kong sagot. Pinilit kong
huwag tumulo ang luha sa aking mga
mata. Muling napatitig sa akinsi
Charles. Agad kong napansin ang
pagbalatay ng lungkot sa buong mukha
nito.
"Pero buhay si Mama. Hindi ako
maaring magkamali. Nandito siya
kanina. Nararamdaman ko ang
kanyang presensya." sagot nito. Saglit
akong nag-isip tsaka tumango.
"Well, kung talagang buhay sya..
huwag kang mag- alala, gagawin ko
ang lahat para muli siyáng bumalik sa
atin..." sagot ko habang pilit na
nagpakawala ng ngiti. Ayaw ko ng
kontrahin pa ang sinasabi ng anak ko.
Kung iyun ang paniniwala nya...sino ba
naman ako para kontrahin iyun diba?
Kung ang paniniwalang iyun ang
magbibigay sa kanya ng pag-asa para
magpakatino, pwes panghahawakan ko
ang bagay na iyun. Ang maliit na
tsansang iyun.
"Thank you!" sagot ni Charles at
ipinikit na ang kanyang mga mata.
Malungkot ko itong tinitigan. Sa kauna
-unahang pagkakataon nag thank you
ito sa akin. Siguro nagdedeliryo lang
ito kanina kaya kung sinu -sino na nag
kanyang nakikita. Siguro nananaginip
lang ito kaya nasabi nya na buhay pa
ang Marma nya.
Malungkot akong nakatitig kay Charles
ng marinig ko ang pagtunogg
cellphone ko. Agad ko iyung sinagot ng
mapansin ko na si Anthon ang
tumatawag.
"Anong balita?" Agad na tanong ko.
"Sir, nakaalis na po ang mga pulis na
nag-iimbestiga dyan sa hospital.
Pinapunta ko na din ang dalawang
abogado sa presento para asikasuhin
ang nagrereklamong nakabanggaan ni
Charles kanina." pagbabalita nito.
"Good! Bilinan mo ang mga lawyers na
gawin ang lahat para hindi na
makaladkad ang pangalan ni Charles sa
kahit na anong gulo. Iwasan mo din na
lumabas ito sa medya. Handa akong
magbayad ng malaking halaga
matapos lang ang problemang ito.'"
sagot ko.
"Noted Boss. Huwag po kayong mag-
alala. Mukhang pumayag ang mga
complainant sa inilatag na segtlement
ng mga lawyers." sagot ni Anthon.
Bahagya naman akong nabunutan ng
tinik. Ayaw kong masangkot sa kahit
na anong gulo ang kaisa-isa kong anak.
Kasalanan nya man o hindi ang
nangyaring aksidente, handa ko itong
portektahan sa abot ng aking
makakaya.
ASHLEY POV
Bahagaya akong nakahinga ng
maluwag ng ibalita sa akin ni Cheska
na ayos naman na daw si Charles.
Dumating na din si Ryder at umalis na
din ang mga pulis na nag-iimbestiga
dahil sa aksidente. Sorang nag- aalala
ako kanina sa isiping baka damputin
nila ang anak ko. Mabuti na lang at
hindi nangyari. Mukhang kaya naman
protektahan ni Ryder ang anak namin
sa mga ganitong sitwasyon.
Ang gumugulo sa isip ko ngayun ay
kung paano ako muling magpakita kay
Charles. Nasa hwesyo kaya siya kanina
ng tawagin akong Mama? Hahanap
nya kaya ako ngayun?
Gustong gusto ko itong balikan ng
hospital at alagaan. Kaya lang
natatakot ako sa presensya ni Ryder.
Naduduwag talaga ako na muli siyang
makaharap. Isa pa wala akong
maipagmamalaki sa kanya. Mukhang
tuluyan na din silang nagsama ni
Natalia na siyang lalong nagpabigat sa
nararamdaman ko ngayun.
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Nabalitaan ko na nakalabas na daw ng
hospital si Charles. Natapos din ang
photo shoot ko at tama nga si Tita. Ang
ganda-ganda ko sa mga picture. Hindi
ko nga halos makilala ang sarili ko sa
mga lumalabas ng mga posters.
Ipapublish daw nila ang mga larawan
ko sa mnga magazine kasama ang mga
beauty products na ini-endorse ko.
Nakatakda din na ilabas ang mga iyun
sa telebisyon na siyang labis kong
ikinabahala. Paano kung makita ang
mga larawan ko nila Ryder.
Mamumukhaan kaya nila ako gayung
kung tutuusin matagal na akong patay
para sa kanila?
Hindi ko alam. Kahit na ang ganda-
ganda ko sa mga pictures hindi pa rin
maikakaila na ako pa rin iyun. Na
mukha ko pa rin iyun. May kaunting
pagbabago pero ako pa rin iyun eh at
tiyak na makikilala ako ng mga taong
malapit sa akin.
"Iha, ready ka na ba? Bukas na bukas
kakalat na ang mukha mo sa buong
bansa. Bukas nakatakda na ireleased
ang mga magazine kung saan naka-
publish ang mga produkto kasama ang
mga mukha mo kaya tiyak na
magugulat ang lahat lalo na ang
pamilya Sebastian sa muli mong
pagbabalik." nakangiting wika ni Tita
Susan. Pilit naman akong napangiti.
"Tita..baka kamuhian nila ako kapag
malaman nilang buhay pa ako." Hindi
ko mapigilang sagot. Kinakabắnan
talaga ako sa mga posibleng mangyari.
Tinitigan ako sa mga mata ni Tita bàgo
sumagot.
"Bakit ka nila kamumuhian? Ikaw ang
dapat magalit sa kanila Ash. Niluko ka
nila diba? Dapat lang sila ang matakot
sa iyo." sagot ni tita.
"Pero pinaniwala ko silang matagal na
akong patay. Baka magalit sa akin ang
anak ko at habang buhay nya na akong
hindi kikibuin." sagot ko. Nakangiting
hinawakan ako sa mga kamay ni Tita
bago nagsalita.
"Huwag mong pangunahan ang lahat
Ashley. Kahit na anong mangyari ikaw
ang Ina ni Charles. Pareho lang kayong
biktima ng anak mo ng pagkakataon
kaya huwag kang matakot. Ang
kailangan mong gawin, turuan mo ang
sarili mo para lumaban. Tandaan mo,
lalong inaapi ang mga mahihina."
sagot ni Tita. Natigilan ako.
Kung tutuusin, tama ang sinabi hito.
Hindi ako pwedeng maging mahina.
Dapat matuto na ako sa buhay. Hindi
pwedeng api- apihin nila ulit ako.
Dapat matuto akong ipaglaban ang
sarili ko. Kaya nga ako muling bumalik
ng bansa para kahit papaano
makaganti sa ginawa nila sa akin noon.
Hindi pwedeng habang buhay ko silang
pagtataguan.
"Siya nga pala...nagyaya si Tito Arnulfo
mo na kumain sa paborito nyang
restaurant. Maghanda kayo ni Mikaela,
sa labas tayo kakain ng dinner.'"
nakangiti nitong wika sabay abot sa
akin ng isang paper bag. Nagtataka
naman akong napatitig kay Tita Susan.
"ikaw ang bagongmukha ng mga
produkto namin. Suutin mo iyan.
Simula bukas, marami na ang
makakakilala sa iyo. Gusto ko
magandang-maganda ka sa mata ng
lahat." nakangiting wika ni Tita.
Alanganin naman akong napatango.
Nagpasya akong maligo bago ko
isinuot ang damit na bigay ni tita
Susan. Kung tutuusin, desente naman
pala. Walang dapat ikahiya kahit na
may kaunting balat na na-expose sa
akin. Crop top at mini skirt na lagpas
lang ng kaunti sa tuhod ko. Kaya lang
may maliit na slit kaya kita pa rin ang
hita ko tuwing humahakbang ako. Ayos
lang naman sa akin iyun at gandang
ganda nga ako sa sarili ko. Tinalian ko
din ang mahaba kong buhok kaya na-
exposed lalo ang makinis kong balikat
hanggang likod.
Walang dapat ipag- alala. Sanay ako sa
lamig ng klima sa Germany kaya hindi
ako lalamigin sa suot kong ito. Isa pa
magdadala ng lang ako ng jacket para
sigurado.
Binihisan ko na din si Mika. Panay
papuri nito sa suot ko at gusto nyang
ibili ko daw sya ng katulad sa suot ko
ngayun para pareho kami. Tamango na
lang ako para matapos na ang usapan.
Alam kong kukulitin ako nito kápag
hindi ako sasang- ayon.
Agad kaming nakarating sa restaurant
na tinutukoy nila Tita at Tito. Mukhang
mga mayayaman lang ang kayang maka
-afford sa presyo ng mga pagkain kaya
iilan lang na mga customers ang
nakikita ko. Agad kaming inassist ng
waiter sa isang bakanteng lamesa.
"Tita...CR lang po muna ako" paalam
ko kay Tita habang hinihintay namin
ang order. Agad naman itong tumango.
Sinabihan ko pa si Mika na huwag ng
sumama. Ibinigay ko pa sa kanya ang
cellphone ko para may
pagkakaalabalahan sya at para huwag
ng mangulit.
Nagmamadali akong naglakad
papuntang CR. Ihing-ihi na talaga ako.
Akmang liliko na ako ng may bigla
akong nay nakabanggan. Mabuti na
lang at naging maagap ito at &
nahawakan ako sa baiwang kung hindi
tumilapon sana ako.
Saglit din akong natulala dahil sa mga
nangyari. Biglang nag- freeze ang utak
ko lalo na ng maamoy ko ang familiar
na amoy na iyun. Dahan-dahan akong
tumingin sa kanyang mukha at hindi
ko maiwasan na manlaki ang aking
mga mata ng masilayan ko ang mukha
ng taong nakabanggaan ko.
Lord, sa dami ng taong pwede kong
makasalubong ngayun...bakit siya pa?
Bakit si Ryder pa?
"Ashley?" narinig kong bulong nito.
Agad naman akong napalayo dito.
Mukhang dumating na ang
kinatatakutan ko. Ang muling
pagkikita namin ng dati kong asawa.
"Pardon? Magkakilala ba tayo?"
Pagmamaang-maangan ko. Saglit
itong natigilan. Agad na naglakbay ang
mga mata nito. Mula sa ukha ko
hangang sa buo kong katawanPabalik-
balik kaya napayakap ako sa sarili ko at
agad na tumalikod.
"Ashley, wait...bu-buhay ka? Nagbalik
ka?" wika nito at agad akong
hinawalkan sa braso. Agad naman
akong napapiksi para mabitawan nya.
Hindi ko gusto ang biglang pagtulay ng
kung anong kuryente sa katawan ko
dahil sa pagkakahawak nito sa akin.
"Im sorry Mister! Hindi kita kilala'"
sagot ko at nagmamadaling naglakad
papuntang banyo. Agad akong
pumasok at inilock ang pintuan.
Sobrang lakas ng kabog na dibdib ko.
Kung bakit naman kasi sa dinami-
daming tao na pwede kong
makasalubong ngayung gabi bakit si
Ryder pa? Hindi pa ako ready sa muli
naming pagkikita.
Chapter 57
RYDER JAMES SEBASTIAN POV
Wala akong balak na sumipot sa dinner
meeting na ito dahil nagpromise ako
kay Lola na sa bahay kakain ng dinner.
Isa pa alam kong hinihintay din ako ni
Charles. Kaya lang tumawag ang
secretary ni Mr. Tan at gusto daw ng
matandang negosyante na makausap
ako ngayun dahil babyahe papuntang
hongkong kinabukasan para
magpagamot. Kaya no choice,
kailangan kong sumipot dahil ilang
linggo na din akong kinakulit ng
Secretary nito.
Katulad ng inaasahan, tungkol lang din
naman sa negosyo ang napag-Usapan.
Nagkatawaran at nagkasundo kaya
kaagad natapos ang meeting.
Pagkatapos ng meeting ay dumaan pa
ako ng banyo para umihi. Baka abutin
kami ng traffic sa daan kaya
magandang nakahanda na ako.
Paliko ako sa isang pasilyo ng may
nakabanggaan ako. Mabuti na lang at
mabilis ako at agad kong nahawakan sa
baywang ang nakabangaan ko na isa
palang babae. Susungitan ko na sana
ito ng makita ko ang kanyang mukha.
Pakiramdam ko biglang nanlaki ang
ulo ko ng matitigan ko ang familiar
nitong mukha. Hindi ako
makapaniwala at ng tumitig din ito sa
akin ay napansin ko din ang pagkagulat
sa mga mata nito. Agad itong lumayo
at akmang tatalikod na ng sambitin ko
ang pangalan nya.
"Ashley?" tawag ko. Nakita ko ang
paglikot ng mga mata nito sabay iling.
"Pardon! Magkakilala ba tayo?"
tanong pa nito. Agad na naningkit ang
aking nga mata at hindi ko maiwasan
na titigan ito sa mukha....Actually hindi
lang mukha kundi mula ulo IFanggang
paa. Napansin ko pa ang paka-
consious nito at napayakap sa sarili.
Hindi ko naman maiwasan na lalong
magtaka lalo na ng mapansin ko na
pati boses nito ay kahawig din ng
namayapa ko ng asawa.
Oo, ibang iba ang awra nito ngayun.
Malaki ang kanyang ipinagbago kaysa
sa dating Ashley na kilala ko. May
nakalagay na make up sa mukha na
lalong nagpa-enhance sa ganda niya
which is hindi ginagawa dati ni Ashley.
Seksi ang pananamit kaya lang hindi
pa rin maikakaila na siya ang asawa
ko....ang asawa kong sa pag-aakala ko
matagal ng namayapa.
Pero hindi nya ako pwedeng lukuhin ng
ganito. Walang duda! Siya si Ashley at
buhay siya! Kung ganoon kaninong abo
ang iniiyakan ko sa loob ng walong
taon? Niluluko ba ako ni Lorenzo?
Pinaniwala nya ba ako sa isang
kasinungalingan?
Kahit na mag deny pa itog kaharąp ko
ngayun, malaking porsyento na sya
talaga ang asawa ko. Siya si Ashley,
buhay, healthy at nandito sa harap ko!
Kung ganoon, nalagpasan nya ang
sakit nyo noon. Magaling na siya!
Hindi ko na ito napigilan pa ng
nagmamadali na syang pumasok sa
loob ng banyo. Nasundan ko na lang
siya ng tingin sabay sapo ko sa aking
dibdib dahil sa lakas ng kaba. Hindi ako
pwedeng magkamali, nakaharap ko
ang asawa ko at alam kong marami
itong dapat na ipaliwanag sa akin.
"Excuse me! Nakita mo ba ang Mama
ko?" naputol ako sa malalim na pag-
iisip ng may maliit na kamay na
kumalabit sa akin. Agad akong
napayuko at napansin ko ang isang
batang babae. May hawak na cellphone
at may kung anong itinatanong sa akin.
"Who?" seryoso kong tanong ko. Wala
pa rin ako sa sarili ko.
"'si Mama? Napansin nyo po ba sìya?
Maganda siya at sexy." sagot nito
habang hindi inaalis ang pagkakatitig
sa akin. Sandali akong natigilan. Lalo
akong kinabahan.
"Anong name ng Mama mo?" tanong
ko para nakasiguro.
"Ashley.. Basta maganda siya! Tapos
sexy!" pagmamalaki nitong sagot.
Mukhang proud pa ito dahil dalawang
beses nya ng binanggit ang katagang
maganda at sexy. Agad na nanlaki ang
mga mata ko sa pagkagulat. Tinitigan
ang bata na nasa harap ko bago itinuro
ang pintuan ng CR. Agad naman itong
naglakad paputa doon at kinatok ang
pintuan ng CR.
"Mama, tumawag pala si Daddy.
Kinukumusta po tayo!" sigaw nito.
Parang kinurot ang puso ko sa mga
narinig. May ibang asawa na si Ashley?
May anak na sya sa ibang lalaki?
Kanino? Kay Lorenzo ba?
Agad kong napansin ang pagbukas.ng
pintuan. Agad na tumitig sa gawi ko si
Ashley at agad kong napansin ang
muling pagkagulat sa mga mata nito.
Inaasahan marahil nito na nakaalis na
ako. Hinawakan ang kamay ng bata at
nagmamadaling naglakad paalis. Wala
sa sariling nasundan ko ito.
Muli kong naikuyom ang aking kamao
ng mapansin na dumirecho sila sa
isang lamesa kung saan nakaupo ang
mga magulang ni Enzo. Kung ganoon,
niluluko nila ako? Niluko ako ng sarili
kong kaibigan? Inilayo nya sa akin si
Ashley at pinalabas na patay na para
tuluyan nya ng maangkin? Para hindi
na ako maghabol?
Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ako
papayag na may ibang magmamay- ari
sa asawa ko! Walong taon nila akong
pinahirapan at hindi ako papayag na
basta ko na lang itong palalagpasin.
Wala na akong pakialam pa sapaligid.
Tiningnan ko muna ang apat kong
kasamang bodyguard pati si Anthon sa
labas tsaka ako nakagawa ng pasya.
Hinding hindi ko na palalagpasin pa
ang pagkakataon na muling makasama
ang asawa ko. Tama na ang walong
taon na paghihirap. Ipaglalaban ko siya
hanggang sa huli kong hininga!
Naglakad na ako sa kinaroroonan nila
Ashley. Napansin ko ang pagkagulat sa
mga mata nila Tita Susan at Tito
Arnulfo ng makita ako. Pati sila
nakikiayon din sa kalukuhan na ginawa
ng anak nila? FUck! Mahirap na talaga
ang magtiwala sa panahon ngayun....
ang mga taong itinuring mong hindi na
iba sa iyo, sila pa itong may ganang
manloko.
Hindi man lang sila naawa sa akin na
halos mamatay na sa ginawa kong
pagluluksa sa asawa ko.
Pinananindigan talaga nilang
paniwalain akong patay na sį Ashley...
Walang sabi-sabi na hinawakan ko sa
kamay ang asawa ko kayà mabilis itong
napatayo.
Ito na ang hinihintay kong sandali.
Mabilis ko itong hinawakan sa
baywang at binuhat. Narinig ko ang
pagtili nito at pagkakawag at agad na
napagtayo sila Tita at Tito para pigilan
ako.
"Ryder..bitiwan mo si Ashley!" utos ni
Tita. Hindi ko ito pinakinggan. Wala
silang karapatan na pigilan alko sa
gusot ko. Kasabwat sila sa panloloko na
ginawa sa akin ng anak nila kaya
walang dahilan na pakinggan ko sila
ngayun.
"Asawa ko ang binabawi ko Tita.
Pakisabi kay Enzo, magtotoos kami!"
Galit kong sagot. Agad na
nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi
sila nakasagot. Samantalang malakas
na nagpupumiglas sa akin i Ashley
kaya mas mahigpit ko itong
hinawakan. HIndi na ako papayag pa
na muli itong makalayo sa akin. Tama
na ang ilang taon na pagdurusa ko at
pagpapaniwala sa akin na mat agal na
siyang patay.
"Bitawan mo si Mama! Bad ka!"
narinig kong sigaw ng batang kasama
nila. Tinitigan ko ito. Biglang kinurot
ang puso sa isiping tuluyan na ngang
naagaw ni Enzo ang asawa at
nagkaanak pa sila? Pinaikot nila ako?
"Ryder, ano ba! Bitiwan mo ako! Hindi
ka na nakakatuwa!" galit na sigaw ni
Ashley at binuhos yata nito ang buong
lakas para makawala sa akin.
Pinagsusuntok nya pa ako sa likod ko
pero hindi ko na pinanasin iyun. Kaya
kong tiisin ang sakit physically, pero
ang nararamdamang sakit ng puso ko
hindi ko alam kung paano pahilumin
iyun.
Isa pa..mukhang kilala na yatako nito
ngayun. Kanina kasi ikanakaila nya eh.
Ito lang pala ang paraarn para maalala
nya ako.
"Sasama ka sa akin! Mag- uusap tayo!"
galit kong wika at inihakbang na ang
mga paa. Agad na hinawakan ng mga
magulang ni Enzo ang bata ng akmang
susunod ito sa amin. Pinagtitinginan
na din kami ng ibang mga customer
kaya galit akong nagsalita
"Walang makikiaalam! Asawa ko siya
at may karapatan akong iuwi siya sa
lugar kung saan ko gusto!" galit kong
wika at agad na lumabas ng restuarant.
Narinig ko pa ang malakas na sigaW ng
bata pero hindi ko na pinansin iyun.
Walang mahalaga sa akin ngayun
kundi si Ashley lang. Wala ng iba.
Pagkalabas ko ay agad akong
sinalubong ng mga bodyguards ko at ni
Anthon.
Tawagan mo ang driver. Papuntahin
mo agad siya sa exit area!" utos ko.
Agad naman itong tumalima.
"Ano ba Ryder..bitawan mo ako! wala
kang karapatan na gawin ito sa akin."
galit na muling sigaw ni Ashley. Hindi
ko na ito pinakinggan pa. Mamaya na
kami mag- usap. Pinagtitinginan na
din kami ng mga taong nadadaanan
namin pero wala akong pakialam. Ang
gusto ko mailayo sa lugar na ito sa
Ashley at makausap ng masinsinan.
Sa sobrang inis ko pinalo ko ito sa pwet
gamit ang palad ko. Nagulat marahil sa
aking ginawa kaya tumigil na din ito sa
kakakawag at kakasigaw.
"Hindi bat sinabi mo sa akin kanina na
hindi mno ako kilala? Pwes sa
pupuntahan natin, makikilala mo ako.
Maaalala mo na may asawa kang
tinakasan Ashley!" yamot kong wika.
"No! Hindi ako papayag! natagal na
tayong hiwalay. May kanya-kanyang
buhay na tayo kaya pakawalšn mo na
ako!" galit na sagot nito. Hindi ko na
ito sinagot pa hanggang sa makalabas
kami ng mall. Mabuti na lang at
Pagkalabas namin ay nakaantabay na
ang sasakyan. Agad na binuksan ni
Anthon ang pintuan ng kotse at mabilis
kong ipinasok si Ashley. Sumakay na
din ako ng mapansin ko na agad na
umusog ito sa kabilang bahagi at pilit
na binubuksan ang pintuan. Talagang
determinado itong makatakas sa akin.
Wala sa sariling tinitigan ko ito.
Hangang ngayun hindi ako
makapaniwala na sa nakalipas ng
walong taon muli ko itong makikita.
Buhay at may kasamang bata.
"Bakit mo ako niluko Bakit nyo ako
niluko? Alam nyo bang sa loob ng
walong taon walang araW na hindi ko
sinisisi ang sarili ko dahil sa mga
nagawa kong kasalanan? Bakit Ash?!
seryoso kong wika kasabay ng pagtulo
ng luha sa aking mga mata. Wala na
akong pakialan kung makikita ıya
man akong umiiyak ngayun. Ang
impoortante mararamdaman nya ang
sakit na nararamdaman ko ngayun.
"Ako pa ngayun ang nanluko? Baliw ka
ba o sadyang gusto mo lang
magmalinis sa harap ko ngayun?"
sagot nito. Kita ko ang galit sa kanyang
mga mata habang sinasabi ang
katagang iyun. Pagak akong tumawa.
"Oo, aminado ako na nagkasala ako sa
iyo. Naging marupok ako at pumatol sa
iba. PerO pinagsisisihan ko na ang
lahat. Pero ikaw.ano ito bakit ka
tuluyan sumama sa Lorenzo na iyun at
talagang nagkaanak pa kayo!" galit na
sagot ko. Hindi nakaligtas sa mga mata
ko ang reaksiyon nito. Gulat na gulat sa
sinabi ko.
"Ano ba ang pinagsasabi mo! Nababliw
ka na nga! Ihinto mo ang sasakyan at
bababa na ako!" galit na sagot nito.
Hindi ko ito pinansin bagkos inutusan
ko ang driver na mas bilisan nya pa ang
pagpapatakbo ng sasakyan.
Ngayung nandito na sa mga kamay ko
si Ashley, hindi ako papayag na muli
itong maagaw ni Lorenzo sa akin.
Dadaan muna sila sa ibabaw ng
bangkay ko bago mangyari iyun.
Chapter 58
ASHLEY POV
Inis na inis akong napatingin sa labas
ng binatana ng sasakyan. Wala ng
saysay para makiusap sa kanya. Sarado
na ang isip ni Ryder at alam kong kahit
na ano pa ang pakiusap na gagawin ko
hindi ito makikinig sa akin. Gagawin
nito ang kung ano man ang kanyang
naisin.
"Alam mo bang labis na nasaktan si
Charles sa pagkawala mo? Iniisip
namin na wala ka na. Bakit nagawa
mong pagtaguan kami Ash? Bakit
nagawa mong papaniwalain kaming
matagal ka ng patay?" wika nito.
Malakas akong napabuntong hininga.
Ang akala ko mananahimik na ito. Pero
may sasabihin pa rin pala.
Kung tutuusin wala naman akpng
kinalaman tungkol sa bagay nà iyun.
Ilang taon akong comatose at ng
nagising ako tsaka unti-unting
pinaliwanag sa akin ni Lorenzo ang
sitwasyon ko...ang tungkol sa pagdala
nila sa akin sa Germany para magamot.
Ang nangyaring aksidente na syang
naging dahilan para mapaniwala nya si
Ryder na matagal na akong patay.
Naniniwala si Lorenzo na alam ni
Ryder ang tungkol sa pagpapainom ng
maling gamot sa akin ni Natalia. Baka
lalo akong mapahamak kapag manatili
ako sa kalinga nila.
"Alam mo na siguro ang sagot sa
tanong mo Ryder. Kung nanatili ba ako
sa piling mo, sa palagay mno gagaling
ba ako sa sakit ko? Makakaligtas ba
ako? Imposibleng hindi mo alam ang
pinanggagawa ni Natalia sa akin. Pilit
akong nakikipaglaban sa sakit ko pero
unti-unti nya pala akong pinapatay,"
sagot ko dito. Gusto kong maiyak sa
harap nya ngayun habang naaalala ang
nakaraan. Kaya lang gusto kongipakita
sa kanya na wala na ang dating Ashley
na kilala nya. Hindi nya na ako
mabibilog pa.
"Im sorry kung hindi kita naalagaan.
Kung hindi kita naprotektahan noon.
Maniwala ka man sa akin o hindi, labis
kong pinagsisihan ang lahat. Sana
bumalik ka na sa akin Ash...sana
mapatawad mo ako." sagot nito.
Tinitigan ko ito sabay iling.
"Para sa inyo, matagal na akong patay
diba? Sana mag-stick na lang kayo
doon. Si Charles ang dahilan kaya
nandito ako. Wala na akong balak pang
makipagbalikan sa iyo Ryder..
Magsama kayo ni Natalia! "" sagot ko.
Agad kong napansin ang pait sa mga
mata nito habang nakatitig sa akin.
Pero hindi na ako maniniwala pa sa
mga ipinakita nito sa akin. Masakit
tanggapin na ipinagpalit nya ako sa
mismong kapatid ko. Isang kapatid na
pinagtangkaan ang buhay ko.Hindi ko
sila kakampi...Tanging și Lorenzo at
ang pamilya lang nya ang may
pagpapahalaga sa akin..
"Ash please...hayaan mong itama ko
lahat ng pagkakamali kong nagawa.
Please...Mahal na mahal kita...ngayung
nandito ka gusto kong patunmayan sa iyo
na mahalaga ka sa akin..na labis kong
pinagsisisihan lahat ng pagkakamali
na nagawa ko." sagot nito. Muli akong
umiling
"HIndi na kailangan. Matagal ko ng
tỉnapos ang kung anong meron man sa
atin noon. Dalawang beses mo ng
ginawa sa akin ito Ryder...Tama na!
Palayain mo na ako!" sagot ko.
Napansin ko ang agad na pagrehistro
ng galit sa mga mata nito habang
nakatitig sa akin pagkatapos kong
sabihin ang katagang iyun. Pero hindi
ako dapat matakot...sila ang may
malaking kasalanan sa akin..hindi na
ako magpapauto pa sa kanya.
"Dahil ba kay Lorenzo?Masaya ka ba
sa kanya? Siya na ba ang mahal mo?"
tanong nito. Nagtataka akong napatitig
dito..hindi nya ba alam na may asawa
na si Lorenzo? Wala na ba itong balita
pa sa matalik nyang kaibigan?
Hindi ko alam. Sabagay, simula ng
muli akong nagkamalay never na
namin napag-usapan pa ang tungkol
kay Ryder...basta ang alam ko sa bahay
pa rin nila nakatira ang traydor kong
kapatid. Hanggang doon lang ang
nalalaman ko at wala ng iba. Iniiwasan
na din namin na maging topic pa ang
tungkol kay Ryder. Paulit-ulit akong
nasasaktan kung patuloy namin silang
pag-uusapan. Hanggat maaari ayaw ko
ng maalala pa ang mga kahayupan na
ginawa nila sa akin. Ang pagtatasil
nilang dalawa ni Natalia habang
nakaratay ako sa higaan.
"Labas siya sa usapang ito. Huwag
mong isisisi sa kanya ang mga
nanagyari sa atin ngayun dahil wala
siyang ibang ginawa kundi protektahan
ako. Siya ang naging dahilan kung
bakit buhay pa rin ako ngayun." sagot ko.
"Traydor sya..inilayo ka nya sa akin
Ash. Sabihin mo sa kanya na huwag
syang magpakita sa akin kundi
papatayin ko siya!" sagot nito.
Napatitig ako sa seryoso niyang
mukha. Sa hindi malamang dahilan
bigla akong kinabahan. Hindi ako
papayag nà gagawan nya ng masama si
Lorenzo. Hindi na siya iba sa akin...
maraming beses nya akong iniligtas sa
kamay ng lalaking ito. Hindi kayang
bayaran ng simpleng "thank you' lahat
ng kabutihan na ginawa nya sa akin.
"'Baliw ka na nga...pati ang taong
walang ibang ginawa kundi ang
protektabhan ako, naisipan mong
gawan ng masama." sagot ko.
Napatiim bagang ito at matalim na
tumitig sa akin. Nakipagtitigąn naman
ako sa kanya.
"Wala na akong pakialam sa iyo Ryder..
Hindi mo pwedeng saktan ang kahit sa
sino sa pamilya ni Lorenzo...hindi ako
papayga!.Kung nabilog mo man ang ulo
ko noon, iba na ngayun...natuto na ako
at para sa akin isa kang salot na sumira
sa buhay ko...kayong dalawa ni Natalia!
" diretsahan kong wika. Wala na akong
pakialam pa sa naramdaman nya.
Ibinaling ko ang pasin sa dinadaanan
namin. ayaw ko na siyang tingnan pa.
Ayaw kO ng makita pa ang reaction ng
kanyangmukha.
Nakahinga ako ng maluwang ng
mapansin ko na ang daan patungo sa
kanilang bahay ang aming tinatahak.
Kahit papaano biglang gumaan ang
aking kalooban. Alam kong hindi ako
magagawan ng masama ni Ryder kung
sa mismong bahay nila ako dadalhin..
nandoon si Lola Agatha at Charles.
Alam kong hindi nila ako pababayaan.
Mabilis kaming nakarating sa kanilang
bahay. Pagpasok ng sasakyan sa loob
ng gate ay parang ayaw ko ng bumaba.
Natatakot ako sa magiging reaction ni
Charles kapag makita ako. Alam kong
malaki ang pagkukulang ko sa kanya
bilang ina nya. Sana hindi siya galit sa
akin...sana ang maging reaction niya ay
katulad noong nagkita kami sa
hospital. Ang gusto ko ngayun ay
mayakap sya at mahagkan. Bawiin ang
mga taon na matagal akong nawalay sa
kanya.
Walong taon din kaming hindi nagkita.
Alam kong marami akong dapat
malaman sa kanya. Alam kong
maraming nangyari sa buhay nya na
dapat kong alamin. Pangako, babawi
ako sa kanya sa kahit na anong paraan.
"Bumaba ka na. Alam kong gusto ka ng
makita nila Lola at Charles.'" wika nito.
Nakabukas na ang pintuan ng kotse sa
gawi ko. Blangko ang expressipn sa
mukha nito kaya hindi kO maiwasan na
makaramdam ng aba.
"Salamat.'" maisi kong sagot at agad ng
bumaba ng kotse. Akamang hahawakan
ako nito para alalayan pero pumiksi
ako. Narinig ko na lang ang marahan
nitong pagbuntong hininga.
Wala na akong pakialam pa sa
nararamdaman niya. Nandito ako sa
bahay na ito para kay Charles at kay
Lola Agatha.
Gusto kong makita si Charles...Nasa
kwarto ba siya?" tanong ko. Ilang saglit
na tumitig sa akin at dahan-dahan na
tumango.
"Sasamahan kita sa kanya." sagot nito.
Saglit akong nag-isip tsaka umiling.
"huwag kang mag-alala. Aalis agad
ako pagkatapos kong makausap si
Charles. Wala akong balak magtagal sa
bahay na ito." wika ko at inilibot ang
tingin sa paligid. Malungkot akong
napangiti. Ang bahay na ito ang naging
saksi ng paghihirap ko. Dito ko rin
naranasan ang lumigaya. Maraming
alaala akong naiwan na masakit na
alaala sa bahay na ito na ayaw ko ng
balikan pa kahit kailan
Hindi ko na narinig pa ang pagsagot ni
Ryder. Bagkos nagpatiuna na itong
naglakad papasok sa loob ng bahay.
Tahimik naman akong napasunod dito
habang iginagala ang tingin sa paligid.
Kahit gabi na maliwanag pa rin ang
buong paligid dahil sa nagkalat ng mga
ilaw.
Pakiramdam ko biglang nanikip ang
dibdib ko sa mga nakita. Akala ko noon
ito na ang magiging tahanan ko sa
mahabang panahon. Pero nagkamali
ako. Isang malaking pagkakamali ang
lahat na dapat huwag ng balikan pa
kahit kailan.
Paakyat na kami ng hagdan ng
mapansin ko ang pababa nasi Natalia.
Napansin ko ang panlalaki ng rmata
nito habag direkta na nakatitig sa akin.
Masamang tingin ang pinukol ko dito.
Tama nga ang narinig ko...dito pa rin
siya nakatira. Tuluyan na nga siyang
binahay ni Ryder.
"A--- ate?" narinig kong sambit nito.
Bakas ang pagkagulat sa tono ng boses
nito.
"Tumabi ka! Padaanin mo si Ashley."
narinig kong angil ni Ryder dito.
Napataas ang aking kilay sa narinig.
Palabas lang ba ang lahat? Ang galit sa
tinig na boses ni Ryder habang sinasabi
ang katagang iyun kay Natalia.
"Ate..ika nga! buhay ka!" muling wika
ni Natalia. Hindi ko ito pinansin at
patuloy lang ang paghakbang kO
hanggang sa mapatapat na ako sa
kanya. Tinitigan ko ito sa mukha at
agad kong napansin na nag-iba na ang
hitsura nito. Nagmatured ito at parang
tumanda...Sabagay, normal lang siguro
iyun dahil walong taon kanfmg hindi
nagkita. Nagbabago ang hitsura ng tao
sa paglipas ng taon.
"Niluko mo kami? Hindi ka pa patay?"
wika nito ng makalagpas ako sa kanya.
Natigiilan ako...Kung alam nya lang
kanina ko pa siya gustong saktan.
Makabawi man lang sa lahat ng mga
kasalanan na nagawa nya sa akin.
Walang hiya siya! siya ang itinuring
kong pinakamalapit na tao na
poprotekta sa akin noon pero nagawa
nya akong lokohin. Inahas nya ang
asawa ko at pinagtangkaan nya pa
akong patayin.
Namalayan ko na lang na nandito na
kami sa tapat ng kwarto ni Charles at
napansin ko na dahan-dahan ng
kinakatokni Ryder ang pintuan ng
kwarto nito. Ilang saglit lang ay
bumukas na iyun at iniluwa ang
mukhang kakagising lang na si
Charles. Agad itong tumitig sa akin
kasabay ng pagtulo ng luha sanga
mata.
"Mama? Sabi ko na nga ba buhay kayo
eh! Hindi panaginip ang lahat...nasa
tabi ko kayo noong nasa hospital ako!"
wika nito sabay yakap sa akin. Hindi ko
naman mapigilan ang umiyak..
"Im sorry anak! Im sorry kung bakit
ngayun lang ako nakabalik!" wika ko
dito. Tanging hagulhol lang ang naging
sagot nito habang mahigpit na
nakakapit sa akin
"'Patawad kong natagalan bago ako
gumaling Charles...Sorry sa mga taon
na dapat magkasama tayo.pero
maniwala ka sa akin.ikaw ang ginawa
kong inspiration para malagpasan ko
ang lahat... Sorry kong nasaktan kita at
pati ikaw ay napaniwala na matagal na
akong patay." wika ko habang patuloy
ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Ma...Mama...nahal na mahal kita!
Hindi na mahalaga sa akin ang lahat..
Ang importante, nandito kaNoon pa
man, hindi ako naniniwala na patay ka
na!" sagot nito. Lalo naman akong
napahagulhol ng iyak.
Ang bait talaga ng anak ko! Isa sa mga
dahilan kaya nag-aalangan akong
tuluyan na magpakita dito dahil baka
sumbatan nya ako.pero hindi,
nagkamali ako. Siya pa rin ang dating
Charles na kilala ko. Ang baby Charles
ko!
Chapter 59
ASHLEY POV
"Ma, mangako po kayo sa akin, huwag
nyo na po akong iwan ulit.'" nandito na
kami sa loob ng kanyang kwarto at
bakas ang pakikiusap sa boses ni
Charels habang sinasabi ang katagang
iyun. Para namang biglang tinusok ng
karayom ang puso ko ng marainig ko
ang katagang iyun. Walong taon na
nagtiis ang anak ko na wala ako sa tabi
nya. Hindi ko man lang ito naalagaan.
Binatang binata na sya. Wala ng bakas
ng dating Charles. Napatunayan ko ito
sa ayos ng kanyang kwarto. Isa pa mas
matangkad na sya sa akin ngayun. Ang
bilis talaga lumipas ng panahon. Hindi
ko man lang ito naalagaan noong mga
panahon na kailangan nya ako.
Pakiramdam ko isa akong walang
kwentang ina dahil matagal na
panahon akong hindi nagpakita sa
kanya.
"Promise, ngayung nandito na ako,
hindi ko na hahayaan pa na muli kang
mawalay sa akin anak. Pupunan ko ang
mga panahon na nawala ako sat tabi
mo." sagot ko kasabay ang pagtulo ng
luha sa aking mga mata. Agad kong
napansin ang paguhit ng masayang
ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay
lumapit sa akin at muli akong niyakap.
Thank you Ma. Thank you dahil
binalikan nyo ako. Huwag po kayong
mag-alalala. Ngayung malaki na ako,
kaya ko na kayong ipagtanggol kahit
kanino. Thank you dahil dininig lahat
ang panalangin ko. Noon pa man hindi
po ako naniniwala na patay ka na. Alam
kong muli kayong babalik para
makasama ako.!" wika nito. Ramdam
ko ang pagyugyog ng kanyang balikat
dahil sa impit nitong pag-iyak.. Lalo
naman akong napaiyak dahil doon.
"Pasensya ka na anak ha? Pasensya na
kung natagalan ang muli kong
pagbalik. Medyo matagal din akong
nakipaglaban sa sakit kong leukemia.
.Hindi ako pwedeng umuwi ng Pilipinas
hanggat hindi idiniklara ng Doctor na
totally healed na ako." sagot ko. Agad
naman itong tumango.
"Wala na akong pakialam sa mga
panahon na wala kavo sa tabi ko Ma.
Ang importante ay ang ngayun
magkasama na tayo ulit at hindi mo na
ako iiwan pa kahit kailan." sagot nito.
Agad akong napangiti pagkatapos ay
kumalas na ako sa pagkakayakap dito.
Mataman ko itong tinitigan sa mukha.
"of course, ngayung nandito na ako
hindi ko na hahayaan pa na
magkahiwalay ulit tayo anak. Teka,
kumusta ka nga pala dito? Inaalagaan
ka ba nila ng maayos?" tanong ko.
Agad kong napansin ang pagseryoso ng
mukha nito bago naglakad ng ilang
hakbang palayo sa akin.
"Ayos naman Ma. Binibigay naman
nila lahat ng kailangan ko. Kaya lang
hanggang ngayun, hindi kO pa rin
matangap na nakikita ang Natalia na
iyan dito sa bahay. Ayaw ko sa kanya.
siya ang dahilan kung bakit nagkagulo
ang pamilya natin." seryoso nitong
sagot. Agad akong natigilan. Muling
bumalik ang sakit ng kalooban ko dahil
sa sinabing iyun ni Charles. Muling
sumagi sa isip ko ang lahat ng mga
nangyari bago ako naaskidente.
"'Ba-bakit naman? Inaalagaan ka
naman ni Tita Natalia mo diba?" sagot
ko. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko
kahit na sa kaloob-looban ng puso ko
nasasaktan ako. Lalong sumeryoso ang
mukha nito at humarap sa akin. Kita ko
ang galit sa kanyang mga mata bago
nagsalita.
"Ma, bata pa po ako noon at hindi pa
masyadong alam ang mga nangyayari
sa paligid ko...ang tungkol sa pagka-
aksidente mo...ang... tungkol sa sakit
mo. Pero habang lumalaki ako nagiging
aware na ako sa lahat. Ang tungkol sa
pagkakaroon ni Papa ng relasyon kay
Natalia. Hindi din nakaligtas sa
pandinig ko kapag napag-uusapan ng
lahat dito sa loob ng bahay ang mnga
nangyari noon..kaya nga nagrebelde
ako..hindi ko matangap na hindi man
lang kita natulungan noon. Hindi man
lang kita naipagtanggol." mahabang
wika ni Charles habang bakas ang
lungkot sa boses nito.
"Im sorry!" sagot ko at hindi ko na
napigilan pa ang muling pagtulo ng
luha sa aking mga mata. Agad na
umiling si Charles.
"NO..not your fault Ma. Wala kang
kasalanan. Hindi mawala sa isip ko
kung paano ka umiyak ng gabing iyun
bago ka naaksidente. Ikaw ang biktima
dito. Ikaw ang niluko nila. Siguro, kung
malaki na ako ng mangyari ang lahat
ng iyun, baka naipagtanggol pa kita
laban sa kanila. Kaya lang hindi eh..
masydo pa akong bata noon. Wala
akong magawa kundi umniyak." sagot
nito. Lalo naman akong napaiyak.
Ramdam ko ang pagmamahal sa akin
ni charles. Hindi man lang nito
nagawang magalit sa akin sa kabila ng
mga nangyari.
"Akala ko normal lang na palaging
magkadikit noon sila Tita Natalia at
Papa. Hindi ko akalain na may relasyon
na pala sila. Sorry Ma kung wala man
lang akong nagawa para ipagtanggol ka
noon." wika nito kasabay ng pagtulo ng
luha sa kanyang mga mata. Agad ko
itong nilapitan at hinawakan sa kamay.
"Wala kang kasalanan Charles. Sarili
kong laban ito. Huwag mong pag
aksayahan ng panahon ang mga
nangyari na. Tapos na ang mga iyun at
nalagpasan ko na." sagot ko at pilit na
ngumiti. Matagal akong tinitigan ni
Charles bago tumingin sa malayo.
Dapat pala kay Papa Lorenzo ká na
lang. Siguro hindi mo napagdaanan
ang lahat ng iyun kung si Papa Lorenzo
ang naging asawa mo Ma. Naalala ko
pa kun8 paano ka nya alagaan noon.
Siguro hindi mo napagdaanan lahat ng
sakit kong siya ang naging asawa mo."
Malungkot nitong sagot. Agad naman
akong napailing.
"No! Please Charles, dont say like that!
Isang mabait na Kuya lang ang tingin
ko kay LorenZO noon pa. Isa pa, kahit
na hindi naging kami, hindi siya
nagsawa sa pag-aalaga sa akin. Hindi
nya ako pinabayaan hanggang sa
gumaling ako. Siya at ng kanyang
asawa." sagot kO.
Agad kong napansin ang pagkagulat sa
mga mata nito dahil sa sinabi kong
iyun.
"asawa? Nag-asawa na si Papa
Lorenzo?" tanong ito. Agad akong
tumango.
"Yes...naalala mo ba si Nurse Rona?
Siya ang asawa ni Papa Lorenzo mo
ngayun. Sila ang nag-alaga sa akin
hanggang sa gumaling ako'" sagot ko.
Agad kong napansin ang pagsilay ng
masayang ngiti sa labi nito.
I"Naalala ko na Ma. Mabait si Nurse
Rona...lagi nya akong dinadalhan ng
pasalubong noon tuwing pumupunta
siya dito sa bahay para alagaan ka."
sagot nito. Agad akong tumango.
"At siya din ang nag-alaga sa akin
hanggang sa gumaling ako. Silang
dalawa ni papa Lorenzo mno. hindi nila
ako sinukuan kaya malaki ang utang na
loob ko sa kanila. Napakabait nila anak.
sagot ko.
"Gusto kong magpasalamat ng
personal sa kanila Ma. Pwede ba natin
silang puntahan? Saan sila nakatira
ngayun?" excited na sagot ni Charles.
Bakas ang excitement sa bokes nito.
Hindi kO mapigilan ang matawa.
Biglang naglaho ang lungkot sa
pagitang naming dalawa ng napag-
Usapan namin ang tungkol Kay Lorenzo.
"Wala sila dito sa Pilipinas anak.
Actually, after ng aksidente na
nangyari sa akin eight years ago,
dinala nila ako sa Germany. Kakauwi
ko lang din dito sa Pilipinas ng ideklara
ng Doctor ko na magaling na ako sa
sakit ko." sagot ko.
"Talaga po? Kung ganoon dapat nga po
pala akO magpasalamat sa kanila dahil
sa ginawa nila sa iyo Ma. Grabe ang
sakripisyo at tulong na ibinigay nila sa
iyo gumaling ka lang which is dapat si
Papa Ryder ang gumawa noon sa iyo."
sagot nito. Muli akong nakaramdam ng
lungkot. tama si Charles, dapat si
Ryder ang mag- alaga sa akin pero
pakiramdam ko lalo nila akong
pinapatay ni Natalia noon para tuluyan
na silang maging malaya
"Hayaan mo anak, kapag makauwi sila
ng Pilipinas, makikipagkita tayo sa
kanila. Sa ngayun sulitin muna natin
ang mga panahon na magkasama tayo.
Gusto kong mapunan lahat ng
pagkukulang ko sa iyo anak. Gusto
kong makabawi." nakangiti kong sagot.
Agad naman itong tumango.
Hindi na namin namalayan pa ang
paglipas ng oras. Sabay pa kaming
natawang mag-ina ng mapansin
namin na halos alas tres na pala ng
madaling araw. Sa dami ng napag-
usapan namin ngayun hindi man lang
namin namalayan ang oras. Halatang
miss na miss namin ang isat isa.
"May mga damit akong hindi pa
nagagamit dito Ma. Pwede mong
gamitin bilang pamalit ng damit na
suot mo." wikani Charles sa akin.
Naghahanda na ito sa pagtulog.
"Salamat anak. Sige na matulog ka na.
Promise nandito pa rin ako Fanggang
sa pagising mo mamaya." nakangiti
kong sagot. Agad naman itong
tumango. Naglakad ako papunta sa
kanyang walk in closet para maghanap
ng pwede kong maisuot.
Malaking bulas si Charles kaya naman
halos umabot sa tuhod ko ang t-shirt
nito na napili kong isuot. Pagkatapos
kong gawin ang evening routine ko ay
agad na akong tumabi sa higaan nito.
Nakakaramdamn na din ako ng antok at
alam kong marami pa akong
pagdadaanan pagkagising ko.
Sa ngayun kailngan ko mumang
magpahinga. Alam kong marami pa
kaming pag-uusapan ni Ryder. Pati na
din ng traydor kong kapatid na si
Natalia. Sisiguraduhin ko na
makakaganti ako sa kanya sa lahat ng
ginawa nya sa akin noon. Sa ginawa
nilang pagtataksil.
Hindi pwedeng basta ko na lang
kalimutan ang lahat. Sila ang nag-
umpisa ng gulong ito kaya natgan
tatapusin ko sa paraang alam ko.
Chapter 60
RYDER POV
Kanina pa ako nakatayo dito sa gilid ng
pool habang nakatanaw sa kawalan.
Natutuwa ako sa isiping nandito ulit si
Ashley, buhay siya at malakas pero
hindi ko maiwasan na makaramdam
ng lungkot sa isiping pinaniwala nila
ako sa isang kasinungalingan.
Matagal akong nagluksa sa pagkawala
nya. Siguro tawang-tawa ang gagong
Lorenzo na iyun tuwing nakikita ako na
iyak ng iyak doon sa mausoleum. Wala
naman palang dapat iyakan dahil
buhay na buhay pa ang asawa ko.
Ganoon na ba talaga ako kasama para
paikutin nila? Ganoon na ba talaga ako
kawalang kwentang asawa para
tanggalan ng karapatan na malagaaan
siya noong mga panahon na may sakit
siya?
Si Lorenzo, siya na naman! Bakit ba
ang hirap kumawala sa anino nya?
Bakit ba palagi nya na lang akong
nalalamangan? Dahil ba mas mabuti
siyang tao kumpara sa akin?
Fuck! hindi ako papayag na hindi
muling bumalik sa akin si Ashley.
Nagkawalay man kami ng walong taon
pero handa ko pa rin siyang ipaglaban.
Hindi ako papayag. Handa ko pa rin
syang ipaglaban kahit na may anak na
silang dalawa ni Lorenzo. Asawa ko pa
rin si Ashley kahit na anong mangyari!
"Totoo ba? Buhay siya? Nandito sa Ate
Ash? Kailan mo pa ito alam? Bakit
hindi mo man lang nabanggit sa akin
na buhay pa pala siya!" Hindi ko
mapigilan na mapatiim bagang ng
muli kong narinig ang boses na iyurn...
Si Natalia. Bakas ang pagkagulat sa
mukha nito ng titigan ko siya.
"Kailangan mo pa bang malaman?
Alam mo sa sarili mo kung ano ang
kasalanan na nagawa mo sa kanya
noon. Huwag ka ng magtangka pang
lumapit sa kanya." seryoso kong sagot.
'Babalikan mo na ba siya? Basta-basta
mo na lang ba akong itatapon ngayun
na parang isang basahan?" tanong nito.
Hindi ko naman maiwasan na
mapangisi sa sinabi nito ngayun lang.
Hanggang ngayun pa ba umaasa pa rin
siya na matutunan ko siyang mahalin?
Kailan ba siya magigising sa
katotohanan na kaya ko lang siya
pinayagan na tumira dito sa bahay sa
loob ng walong taon para
mapagdusahan nya ang lahat ng
kasalanan na nagawa nya. Ngayung
nandito na si Ashley, ito na din ang
pagkakataon na palayasin ko ito dito sa
bahay na ito.
"Iwan mo muna ako dito. Baka makita
tayo ni Ashley at kung ano pa ang
isipin nya..." malamig kong sagot dito.
Agad na tumulo ang luha sa kanyang
mga mata.
"Tama nga ang hinala ko,.siya pa rin
pala. Kahit ano pa ang gawin ko,
hinding hindi mo pa rin siya kayang
kalimutan." Umiiyak na sagot nito.
"yes...siya pa rin at ihanda mo na ang
sarili mo. Gusto kong umalis ka na sa
bahay na ito bukas na bukas din."
malamig kong sagot at agad itong
tinalikuran. Hindi ko na hinintay pa
ang sagot nito. Akmang hahabol pa ito
sa akin pero tinitigan ko na ng
masama. Ayaw ko ng makinig pa sa
mga pakiusap nito. Ngayung nandito
na si Ashley, wala ng lugar sa bahay na
ito si Natalia.
Mabilis akong umakyat ng hagdan.
Pupuntahan ko ang mag-ina ko sa
kwarto ni Charles. Akamng kakatok ako
ng matigilan ako. Madaling araw na at
baka tulog na silang dalawa.
Dahan-dahan kong binuksan ang
pintuan ng kwarto. Agad na
sumalubong sa akin ang malamlam
liwanag ng kwarto ni Charles. Agad na
mga mata ko sa kama at nakita ko na payapa ng natutulog ang
mag-ina ko.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng
luha sa aking mga mata. Kung alam
lang ni Ashley kung gaano ko siya na-
miss. Kung gaano ako kasaya sa
kaalamang buhay pa siya.
Pakirandam ko agad na napawi ang
sama ng loob na nararamdaman ko sa
loob ng walong taon ng makita ko siya
kanina. Bigla akong nagkaroon ng pag-
asa sa buhay. Sana lang mapatawad
nya ako sa lalong madaling panahon.
Hindi ko na kaya pang mawalay siya ng
matagal sa akin. Susuyuin ko siya at
gagawin ko ang lahat bumalik lang siya
ulit sa akin. Pipilitin kong muling
ibalik namin ang kung anong meron
kami noong mga panahon na wala pa
kaming anak.
"Mahal na mahal kita! Pangako,
iingatan kita sa abot ng aking
makakaya Ash!" mahina kong wika.
Hindi ko na napigilan pa na damhin
ang pisngi nito. Kinabahan pa ako dahil
saglit itong gumalaw at bumalik din sa
mahimbing nyang pagtulog
Sa totoo lang..gustong gusto ko siyang
halikan ngayun. Gusto ko siyang
maangkin muli. Gusto kong
maramdaman ang init ng kanyang
katawan.
Pero hindi, hindi ako dapat
magmadali. Darating din ang time na
iyun sa aming dalawa. Mapapatawad
nya din ako pagdating ng araw.
Tuluyan man siyang naagaw sa akin ni
Lorenzo noon pero hindi pa huli ang
lahat. Ako ang asawa kaya nasa akin
ang lahat ng karapatan. Hihintayin ko
kung kailan muli magpapakita si
Lorenzo at magtotoos kani.
Muli kong tinitigan ang magandang
mukha ni Ashley. Napakaswerte ko sa
kanya. Kaya lang sinayang ko ang
lahat.i. Kung maibabalik ko lang sana
ang panahon. Umiwas sana ako sa
tukso. Hindi sana nasayang ang ilang
taon na nawalay sya sa akin.
"I am sorry Ash! Sana pumayag ka na
kahit mayakap man lang kita." mahina
kong bulong dito. Pinalis ko ang luha
sa aking mga mata at naglakad.
Laglag ang balikat na lumabas ako ng
kwarto ni Charles. Napakalapit ni
Ashley sa akin pero ang hirap nitong
abutin.
Kinaumagahan...
Nagising ako sa malakas na sigaw na
nagmula sa labas ng kwarto ko. Agad
akong napabangon at lumabas ng
kwarto para lang tumampad sa mga
mata ko ang umiiyak na si Natalia.
Nakasalampak ito sa sahig habang
umiiyak samatalang nakatayo si Ashley
sa harap nya na kita ang galit sa mga
mata.
"Ryder..sinaktan nya ako! Nagsorry
lang naman ako sa kanya eh! Gusto ko
ng maayos pa anglahat ng kung anong
gulo na nangyari noon pero ang hirap
nyang kausapin." agad na sumbong sa
akin ni Natalia. Agad naman akong
napatitig kay Ashley na noon ay galit
ng nakatinign sa akin.
"Sige...huwag ka ng mahiya pa.
Ipagtanggol mo ang traydor kong
kapatid Ryder. Ipagtanggol mo ang
kabit mo! Total naman pinagkaisahan
nyo ako noon diba?" galit na wika nito.
Agad kong naikuyom ang aking kamao.
"Natalia..go back to your room. Sino ba
ang nagbigay sa iyo ng permiso na
lumapit kay Ashley? Hindi bat
pinagsabihan na kita kagabi?" seryoso
kong wika kay Natalia. Agad itang
natigilan. Seryosong tumitig sa akin
kasabay ng pagtulo ng luha sa mga
mata.
"Ryder...Wala ka man Ing bang
naramdaman na kahit kaunting galit sa
kanya? Niluko nya tayo! Pinaniwala
nya ang lahat sa isang malaking
kasinungalingan! Buhay siya!
Hanggang ngaun pa din ba siya pa rin
ang kakampiha mo?" agad na sagot ni
Natalia. Natigilan ako. Agad kong
napansin ang pagngisi ni Ashley.
"Bakit? Kung sakali bang natuluyan
ako magiging masaya ka? Hindi pa ba
sapat ang ginawa mong pagtraydor sa
akin noon para magpakita ka sa akin
na parang wala kang ginagawang
kasalanan? Ang kapal ng mukha mo!
Para salbihin ko sa iyo, hindi ako
nagbalik para sa inyo! Malaya kayong
magsama hanggat gusto nyo. Nandito
ako dahil kay Charles at wala ng iba
pa...
Kaya huwag na huwag kang lalapit-
lapit sa akin na parang wala kang
malaking kasalanan na ginawa sa akin
Naiintindihan nyo ba iyun?" malakas
na wika ni Ashley at mabillis na
naglakad pabalik ng kwarto ni Charles.
Naiwan naman kaming dalawa ni
Natalia.
Matalim ko itong tinitigan. Kung hindi
sana ito umeksena ngayung umaga
hindi sana magkakaroon ng maagang
kaguluhan dito sa bahay. Tiyak na mas
lalo lang akong mahihirapan na
kausapin si Ashley.
"Magabalot ka na. Umalis ka na sa
bahay na ito.'seryoso kong wika.
Natigilan ito.Hilam ng luha ang
kanyang mga mata.
" Ryder, mahal kita! Tiniis ko ang lahat
ng pagpapahirap mo sa akin sa pag-
aakala ko na matutunan mo rin akong
mahalin. Ako ang nasa tabi mo habang
wala si Ate. Bakit ba napakatigaś ng
puso mo?" umiiyak na wika ni Natalia.
"Pwes hindi kita mahal.. At kahit
kailan hindi kita kayang mahalin!"
galit na sagot ko. Agad kong napansin
ang biglang panlilisik ng kanyang mga
mata. Tumayo ito at galit akong
tinitigan.
"Hindi mo ako pwedeng
ipagtabuhayan. Ipaglalaban ko ang
karapatan ko. Maraming taon ang
nasayang dahil sa pag-aakala ko na
matatangap mo din ako!" umiiyak na
wika nito sabay hawak sa aking kamay.
Kaagad ko itong tinabig.
"Umalis ka na. Ayaw ko ng makita pa
ang pagmumukha mo Natalia." galit
kong sagot. Kaagad itong umiling.
"Ryder...alam mong matagal na akong
itinakwil ng pamilya ko. Wala na akong
mapuntahan pa. Maawa ka sa akin..
huwag mo naman itong gawin. Ikaw na
lang ang meron ako. Hindi na iayo
okay ni Ate Ashley at hanggang langit
ang pagkamuhi nya sa atin. Tayong
dalawa lang ang nagkakampi dito kaya
maawa ka. Huwag m0 namn sana
itong gawin sa akin." nakikiusap
nitong wika. Napailing ako at agad na
itong tinalikuran.
Pababa na ako ng hagdan ng napansin
ko na bumukas ang pintuan ng kwarto
ni Lola Agatha. Napabaling ang tingin
ko at agad kong nakita na dahan-
dahan itong lumabas doon. Bakas nag
labis na pagtataka sa mukha nito.
"Ano bang kaguluhan ito? Bakit ang aga
-aga nag-iingat na kayo?" agad na
tanong nito. Sabagay, hindi pa pala
nito alam na nandito sa bahay na ito sa
Ashley. Tulog na ito ng dumating kami
kagabi.
"La...gusto ni Ryder na paalisin ako
dito sa bahay. Hindi po pwede...wala na
akong ibang mapuntahan pa. Maawa
kayo La..huwag po kayong pumayag."
nagmamakaawa na wika ni Natəlia.
Halatang naghahanap ito ng kakampi.
Agad naman tumitig sa akin si Lola
Agatha. Nagtatanong ang mga mata
nito.
"Nandito na si Ashley La." mahinahon
kong sagot. Agad kong napansin ang
pagkagulat sa mga mata nito dahil sa
sinabi ko.
Chapter 61
ASHLEY POVE
Hanggang ngayun nanginginig pa rin ang laman ko sa sobrang
galit kay Natalia. Ang kapatid kong hindi ko akalain na magagawa akong
traydurin at pagtangkaan ang buhay ko noon para lang tuluyan nitong maagaw ang
lalaking akala ko hindi nya na ako sasaktan pang muli.
Pero sa pangalawang pagkakataon nabigo ako. Muling natukso
sa ibang babae si Ryder at worst sa kapatid ko pa talaga. Sa kapatid kong akala
ko isang santa at kakampi ko habang buhay.
Ang lakas ng loob ng Natalia na iyun na kausapin ako ngayun.
Ano ang palagay nya sa akin basta ko na lang kakalimutan ang lahat ng mga
kasalanan na nagawa nya?
Ganoon na lang ba kadali sa kanya na kausapin ako na parang
walang nangyari at kwestiyunin kung bakit pa ako bumalik?
Naipikit ko ang aking mga mata at muling naalala ang
napag-usapan namin kanina ni Natalia E
'Nagising ako na wala na sa tabi ko si Charles. Siguro
lumabas ito ng kwarto dahil ng tingnan ko ang banyo ay wala ito. Wala akong
choice kundi mag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto.
Balak kong puntahan si Lola Agatha sa kwarto nya dahil wala
akong balak magtagal dito sa bahay na ito. Aalis na din ako kaagad dahil alam
kong hinahanap na ako ni Mikaela. Ilang misscalls na kasi ang nakita ko sa
cellphone ko na galing kina Tita Susan at Tito Arnulfo. May mga messages na din
sila sa akin na nagwawala na daw si Mikaela na siyang labis kong ikinabahala.
"Wala akong choice kundi muling isuot ang damit na
hinubad ko kagabi. HIndi ako sigurado kung may mga damit pa ako sa kwarto namin
ni Ryder noon at wala na din akong balak na alamin pa. Wala na din akong balak
pang suutin ang mga iyun. Malay ko naman, baka ginagamit na ang mga iyun ni
Natalia. Ayaw kong mahawa sa kakatihan nya. Kahit kapatid ko siya, hinding
hindi ko mapapatawad ang ginawa nya sa akin noon.
Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko akalain na ang mukha ni
Natalia ang una kong masilayan. Halatang hinihintay talaga nito ang paglabas ko
kaya naman hindi ko maiwasan na mapataas ang aking kilay.
"May kailangan ka?" seryoso kong tanong.
"Totoo nga...buhay ka!" sagot nito. Kita ko ang
pagiging seryoso nito. Matiim ko itong tinitigan at hindi ko maiwasan na
makaramdam ng lungkot at galit.
Lungkot, dahil wala na ang dating Natalia. Ang malambing at
mabait kong kapatid. Parang ibang tao na sya ngayun at mukhang hindi ko na siya
kilala.
"Ano ngayun kung buhay ako? Natatakot ka ba na baka
palayasin ka dito sa bahay? Na baka iiwan ka ulit ni Ryder?" nakangisi
kong tanong dito. Agad kong nakita ang galit sa kanyang mga mata
bago sumagot.
"Bakit ka pa nagbalik? Ano ang dahilan mo? Bakit hindi
ka pa natuluyan? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa akin habang wala ka?
Itinakwil ako ng pamilya natin. Sobrang sama ng tingin nila sa akin! At dahil
sa iyo iyun!" galit na sagot nito. Agad akong napangiti.
"Eh di kinarma ka kaagad! Sino ba naman ang magtatangka
na kakampi sa isang katulad mong ahas. Kahit kapatid kita ikinakahiya ko ang
ginawa mo! Imagine, habang nakikipaglaban pala ako sa sakit ko noon unti-unti
mo akong pinapatay at inaahas ang asawa ko!" sagot ko. Lalong namula ito
sa galit. Agad naman nagdiwang ang kalooban ko. X
"Ako na ang mahal ni Ryder. Wala ka ng lugar sa bahay
na ito kaya umalis ka na!" sagot nito. Napahalakhak ako
"Owsss talaga? Parang iba yata ang sinasabi ni Ryder sa
akin kagabi? Hmmm sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo little Sissy?" tanong
ko sabay titig sa kanyang mga mata. Agad kong napansin ang pag- iwas ng tingin
nito sa akin bago sumagot.
"Papayagan nya ba akong tumira dito sa bahay na ito
kung hindi ako mahalaga sa kanya? Ako na ang mahal ni Ryder at wala ka ng
magagawa pa para maagaw mo sya sa akin." sagot nito.
"Disperadang kabit!" nang-uuyam kong sagot. Agad
itong lumapit sa akin at akmang sasampalin ako nito ng hawakan ko ang kanyang
braso. Galit ko itong tinitigan sa mga mata at gamit ang kabila kong kamay agad
ko itong sinampal. Ano siya...ako na nga itong niluko nila ako pa ngayun ang
sasaktan nya? Masyado na siyang abusada.
Halos tumabingi ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal ko
sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Hindi marahil nya
inaasahan ang gagawin ko
Sabagay, nakilala ako nito na isang mabait na Ate. Kahit
isang kurot wala itong natikman sa akin noon. Kasama siya sa nakinabang sa
perang ibinayad noon sa akin ni Lola Agatha kapalit ng pagpapakasal ko kay
Ryder. Siguro, kung hindi dahil sa perang iyun na siyang naging kapalit ng
sakit na naranasan ko ay baka wala ito ngayun sa kanyang kinatatayuan. Kaya
wala siyang karapatan na saktan ako dahil ako ang gumawa ng paraan para mabuhay
ito ng masagana noon sa probensya namin.
Iyun nga lang, wala itong utang na loob. Nagawa nitong
traydurin ako at sirain ang pamilya ko. Pero ayos lang...nakikita ko naman na
kinakarma na ito ngayun. Katunayan lang dito na mukhang mas matanda pa itong
tingnan ng di hamak kaysa sa akin ngayun.
"Walang hiya ka! Wala kang karapatan na sampalin ako!
Nakalimutan mo na ba na ako na ang reyna sa bahay na ito? Pwede kitang
palayasin sa pamamahay na ito kung gusto ko!" galit na sigaw nito. Muli
akong tumawa. Seryosong tinitigan.
"Oh eh di gawin mo! Palayasin mo ako ngayun din!
Ipakaladkad mo ako sa mga gwardya kung gusto mo! Gusto ko din masaksihan kung
talagang iginagalang ka sa bahay na ito. Gusto kong makita ang pagiging
superior mo Natalia!" nang- uuyam kong sagot. Agad itong namutla. Lalong
nagdiwang ang kalooban ko.
"hindi mo kaya hindi ba? Dahil isa kang tau-tauhan sa
bahay na ito...wala kang boses dahil isa kang kabit!" natatawa kong wika.
Akmang susugurin ulit ako nito ng agad ko itong itinulak. Bumagksak ito sa
sahig at kita ko na nasaktan ito.
Sakto naman na pareho naming napansin ang paglabas ni Ryder
sa kwarto nito. Agad na nagngangawa ang bruha at ako pa ang itinuturo nito na
masama. Sabagay, inaasahan ko na ang tungkol sa bagay na iyun at handa na akong
tanggapin ang lahat kung ito man ang kakampihan ni Ryder. Hindi ko na
pinakinggan pa ang ibang mga mga kadramahan nito at agad na akong nag walk out
at bumalik sa kwarto ni Charles.
Siguro dito ko na lang hihintayin ang anak ko para magpaalam
na uuwi muna ako sa bahay nila Lorenzo. At least sa bahay na iyun, mahahanap ko
ang tunay na katahimikan. Hindi katulad dito na alam kong kahit kailan hindi
ako magkakaroon ng peace of mind.
Halos limang minuto din akong nakatunganga at walang ibang
ginagawa sa kwarto ni Charles nang marinig ko ang marahan na pagkatok sa
pintuan. Noong una nag-aalangan pa akong pagbuksan ito pero ng marinig ko ang
boses ni Lola Agatha ay agad akong napatayo.
Aaminin ko na na-miss ko ito ng todo. Kahit na gaano pa
kasama ang naranasan ko dito sa bahay na ito hindi maikakaila na tanging si
Lola Agatha lang ang naging kakampi ko at naging totoo sa akin.
Nagmamdali ko itong pinagbuksan ng pintuan. Agad na tumampad
sa paningin ko ang mangiyak-iyak nitong hitsura. Agad naman akong naluha at
napayakap dito.
"Ashley, ikaw nga! Salamat sa Diyos at nandito
ka!" agad na wika nito. Halatang umiiyak dahil sa kanyang boses. Lalo
akong naluha.
"La, Sorry po!" agad kong sagot. Naramdaman ko
naman ang paghagod nito sa likod ko. Pagkatapos kumalas ito sa pagkakayakap sa
akin at mataman akong tinitigan.
"Its okay iha! Wala kang kasalanan!" sagot nito
pagkatapos pinunasan nito ang luha sa aking mga mata. Lalo naman akong
napaiyak."Salamat po dahil mula noon hanggang ngayun, sobrang bait nyo pa
rin sa akin... Patawad po kung ngayun lang ulit ako nagpakita." umiiyak
kong wika. Agad na gumuhit ang malamlam ng ngiti sa labi nito. Tinitigan ako sa
mga mata bago sumagot.
"Ayos lang...naiintindihan kita! Patawad sa mga
nangyari noon Ash. Dahil sa kagustuhan kong muling maging kayo ni Ryder, ikaw
ang nagdusa." sagot nito. Agad akong umiling
"Hindi po! Wala kayong kasalanan. Kagustuhan ko din ang
lahat. Kahit na hindi niyo ako pilitin noon, babalik at babalik pa din naman
ako kay Ryder noon dahil kay Charles. Gusto kong mabigyan ng buong pamilya ang
anak ko. Pero muli akong nabigo.....hindi pala talaga kami para sa isat isa ng
apo mo La." sagot ko kasabay ng muling pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Lalo ko namang napansin ang paglamlam ng mga mata nito. Alam
kong labis din itong nasaktan sa mga nangyari. Pero wala eh...mahirap ng
makalimutan ang lahat. Masyado na akong nasaktan. Hindi ko na kaya
mag tiwala muli.
Chapter 62
ASHLEY POVE
Parehong hilam ng luha ang aming mga mata ng humiwalay ako
sa pagkakayakap kay Lola Agatha. Hindi naman masyadong halata na sobrang
na-miss namin ang isat isa.
"Masaya ako dahil ligtas ka Iha. Akala ko talaga,
nawala ka na sa amin ng tuluyan. Pakisabi kay Lorenzo maraming salamat. Walang
katumbas na halaga ng pera ang pwedeng ibayad sa lahat ng kabutihan na ginawa
nya sa iyo. Sa pagligtas nya sa buhay mo." wika ni Lola Agatha sa akin.
Agad naman akong napangiti.
"Hayaan mo La....sasabihin ko kay Lorenzo ang lahat ng
iyan." sagot ko.
"Teka, halika na...anong oras na hindi ka pa pala
kumakain. Tiyak na nakahanda na ang dining area for breakfast kaya sumama ka na
sa akin sa ibaba."
pagyayaya nito. Agad akong tumango.. Inalalayan ko itong
makatayo at sabay na kaming lumabas ng kwarto ni Charles.
Hindi ko maiwasan na mkaramdam ng matinding lungkot habang
inililibot ang tingin sa mga dinadaanan namin. Malaking parte ng pagkatao ko
ang naiwan sa bahay na ito at nakakalungkot isipin dahil tuluyan ko ng
tatalikuran ang lahat. Magiging isang masaya at malungkot na lang na alaala ang
lahat.
Pagdating namin ng dining area ay nadatnan namin si Ryder at
Charles na nakaupo sa kani-kanilang pwesto. Mukhang may seryosong
pinagdiskusyunan ang mag-ama bago kami dumating. Nagkibit
balikat na lang ako at inalalayan si Lola na makaupo muna bago ako naupo sa
tabi ni Charles.
May mga pagkain ng nakahanda. Nagulat pa ako ng si Charles
mismo ang naglagay ng pagkain sa aking pinggan. Hindi ko akalain na may
itinatago na palang ka- sweetan ang anak ko. Malayo na nga talaga siya sa
dating batang si Charles na ako mismo ang nag-aasikaso sa pagkain nito noon.
"Damihan mo ang pagkain Ma. Ang payat niyo na po at
mukhang hindi kayo masyadong inaalagaan sa pagkain."
sambit nito na may halong pagkastigo sa tinig ng kanyang
boses. Hindi ko
maiwasan na mapangiti.
"Anak, hindi ako payat. Slim lang at kailangan ko ito
sa trabaho ko ngayun." sagot ko. Agad kong napansin ang matiim na pagtitig
sa akin ni Ryder. Nagtatanong ang mga titig nito sa akin pero hindi ko na
pinansin pa. Itinoon ko na lang ang attention ko sa pagkain.
"Nasaan nga pala si Natalia? Bakit wala pa siya? Hindi
nya ba alam na bawal paghintayin ang grasya?" agad na singit naman ni Lola
Agatha. Agad kong napansin ang pagkunot ng noo ni Charles bago sumagot.
"Nandito na si Mama. Wala siyang karapatan na sumabay
dito sa hapag." seryoso nitong wika. Agad akong napatitig kay Charles
tsaka umiling.
"Charles, please nandito tayo sa hapag. Lahat pwedeng
sumabay sa pagkain. Huwag mo akong alalahanin after this aalis na din kaagad
ako. Baka hinihintay na din ako ni Mika." mahinahon kong sagot dito.
Muling napasulyap sa akin si Ryder. Sa pagkakataon na ito nakakunot na ang
kanyang noo at mukhang hindi nito nagustuhan ang sinasabi ko ngayun lang.
"Aalis ka? Nandito ang pamilya mo Ash baka nakalimutan
mo." agad na sagot nito. Saglit akong natigilan at mahinang nagpakawala ng
malalim na buntong hininga. Nandito na naman kami sa issue na ito. Kailan ba
matatapos ang pagpapaliwagan na ito.
"Hindi na bagay sa akin ang manirahan sa lugar na ito.
May sarili na akong buhay at masaya na ako doon." seryoso kong sagot.
Lalong nagdilim ang mukha Ryder. Halatang hindi nito nagustuhan ang gusto kong
mangyari. Pero gusto kong ipamukha sa kanya na wala na siyang pakialam. Walang
sino man ang pwedeng pumigil sa gusto kong mangyari. Matagal na kaming tapos at
ayaw ko ng muli pang magpatali sa kanya.
"Si Lorenzo ba? Mas pipiliin mo siya kumpara sa anak
mo?" muling tanong nito. Talagang gusto nya pang gamitin si Charles sa
issue naming dalawa. Napasulyap muna ako kay Charles bago sumagot. "Kung
iyan ang paniniwala mo wala na akong magagawa pa. Basta aalis ako pagkatapos
nito. Hindi mo ako pwedeng pigilan tungkol sa bagay na iyun Ryder. Alam na ni
Charles ang tungkol dito at naiintindihan nya ang lahat ng iyun." final
kong sagot. Hindi na ito sumagot pa bagkos matalim akong tinitigan. Hindi ko na
lang ulit pinansin at muling itinoon
ang buong attention ko sa pagkain.
"Mam, may naghahanap po sa inyo sa labas. Mrs. Jimenez
daw po." agad na pagbabalita ng kasambahay sa akin. Agad naman akong
napatayo at tumingin kay Charles. Napansin ko din ang hindi maisatinig na
pagtutol sa mga mata nito pero alam kong maiintindihan nya ako. Kaunting
paliwanag pa kung sakali at maaayos din ang lahat.
"Charles, kagabi pa ako hindi nakikita ni Mika. Hindi
bat nabanggit ko na sa iyo kagabi ang tungkol sa kanya? Kung gaano siya
ka-closed sa akin?" mahinahon kong wika. Saglit na nag-isip si Charles
bago sumagot.""Of course...dont worry anak, ngayung may source of
income na ako, maghahanap ako ng ibang matutuluyan. Kung saan pwede ka din
mag-stay hangat gusto mo. Pero sa ngayun kailangan ko munang umalis. Pwede mo
naman ako tawagan anytime. Huwag kang mag-alala, palagi lang akong nandito sa
tuwing kailangan mo ako.
Hinding hindi na ako mawawala pa anak. " sagot ko.
Atubili naman itong tumango pagkatapos tumayo na din.
"Sige Ma. Naiintindihan ko po." sagot nito. Agad
naman akong napangiti. Pagkatapos ay binalingan ko si Lola Agatha para
magpaalam na din sa kanya.
"La, pasensya na po pero kailangan ko ng umalis.
Nandyan na ang sundo ko. Huwag po kayong mag-alala. Dadalaw po ulit ako sa
inyo." mahinanon kong wika. Agad na bumalatay ang lungkot sa mga mata nito
pero wala na akong magagawa pa. Hindi para sa akin ang lugar na ito. Lalo lang
kaming magkakagulo kapag manatili pa ako ng matagal.
"Kung ayaw mo talagang papigil, sino ba naman ako para
pigilan ka. Basta mag-ingat ka palagi. Banggitin mo kay Enzo ang labis kong
pasasalamat." sagot nito. Agad akong tumango. Hindi ko na tiningnan pa si
Ryder at tumalikod na ako.
Mabilis na akong naglakad palabas ng bahay. Agad kong
natanaw ang sasakyan nila Tita Susan na naghihintay sa labas ng gate ng bahay.
Hindi pa man ako nakakalapit agad ng bumaba si Mika at nagmamadaling sumalubong
at yumapakap sa akin
"Mama!" agad nitong sambit habang yakap-yakap ako.
Wala naman akong nagawa pa kundi yakapin na din ito at bigyan ng halik sa
kanyang noot
"Hindi ka ba nagpapasaway habang wala ako?" agad
kong tanong. Alanganin itong tumango kaya naman natawa ako.
"hayy naku, kung alam mo lang hindi kami pinatulog
kagabi ng batang iyan. Iyak ng iyak at hinahanap ka." sabat naman ni Tita
Susan. Nasa loob ito ng kotse at nakadungaw sa bintawa.
"Pasensya ka na Tita ha? Pati tuloy kayo naperwisyo sa
biglang pag-alis ko sa restaurant kagabi." hinging paumanhin ko. Agad
naman itong umiling.
"Huwag mong alalahanin ang tungkol sa bagay na iyan
Ashley. Mas maganda na din ang mga nangyari dahil nagkita na din kayong
mag-ina. Isa pa nagpapasalamat kami dahil nagawa mong pagtiisan ang ugali ng
apo namin. Kagabi lang namin narealized na totoo pala ang sinabi ni Enzo. Na
halos dumakit na si Mika sa iyo." sagot nito. Agad naman akong napangiti.
"Ma, ito po ba ang bahay ng baby nyo?" sabat naman
ni Mika kasabay ng pagkalas ng mahigpit na pagkakayakap sa akin. Inilibot pa
nito ang tingin sa paligid.
"Yup!" sagot ko at agad kong napansin ang palapit
na si Charles. Sa hindi kalayuan ay nakatayo naman si Ryder habang nakatanaw sa
gawi namin.
Pagkalapit ay agad itong nagmano kay Tita Susan. Tuwang tuwa
naman si Tita at sinabi nito na binatang binata na daw si Charles. Parang
kailan lang isa sila sa natutuwa kay Charles noon.
"Who is she Ma?" agad na tanong ni Charles ng
ibinaling ang tingin sa aming dalawa ni Mika. Pinakilala ko naman sila sa isat
isa.
"Siya ang panganay na anak ng Papa Lorenzo mo. Si
Makaela....and baby Mikaela, meet Kuya Charles, sya ang palagi kong kinikwento
ko sa iyo before." pagpapakilala ko sa dalawa. Agad naman sumilay ang
masayang ngiti sa labi ni Mika kasabay ng paglahad ng kamay para makipagshake
hands kay Charles. OH diba, napakamura pa ng kanyang edad pero aware na sya sa
mga ganitong bagay. Ito kasi ang palagi nyang nakikita kay Lorenzo noong nasa
Germany pa kami.
Hindi naman ito inabot ni Charles kaya nakabusangot itong
agad na binawi ang kamay. Pagkatapos masamang tinitigan si Charles. Marahil
napahiya ito.
"Hindi ka na pala baby eh. So hindi mo na kailangan si
Mama Ashley." prangkang muling wika ni Mika. Agad naman napataas ang kilay
ni Charles dahil sa sinabing iyun ni Mika kaya agad akong namagitan na. Baka
mamaya magkaselosan pa ang dalawang ito eh."Charles, magpakabait ka dito
anak ha? Pasensya ka na kung bakit kailangan kong umalis. Alam mo naman siguro
na hindi na ako komportable dito. Hindi na kami okay ng Papa mo."
mahinahon kong paliwanag. Umaasa na maiintindihan din ako ni Charles at hindi
sya magkikimkim ng sama ng loob sa akin.
"Ma, naiintindihan ko po. Ngayun pa ba ako magrereklamo
gayung alam ko na nasa mabuti kang kalagayan? Sana lang hindi mangulit sa iyo
ang bulilit na iyan para hindi po kayo ma-stress." wika ni Charles sabay
tingin kay Mika. Agad naman napasimangot si Mika at masamang tinitigan si
Charles.
"Ewan ko sa iyo..ako kaya ang stress reliever ni Mama
Ashley. Malaki ka na kaya hindi mo na kailangan si Mama kaya ibigay mo na siya
sa akin." seryosong wika ulit ni Mika. Muling napataas ng kilay si
Charles.
"Sige na anak, tatawag na lang ako sa iyo. Kailangan
naming umalis dahil may pupuntahan pa kami." paalam ko kay Charles at
hinalikan pa ito sa pisngi.Charles at hinalikan pa ito sa pisngi. Yumapakap
muna ito sa akin bago nakangiti na tumango.
"See you soon Ma. I love you!" wika nito.
"I love you too baby Charles. See you soon!" sagot
ko at sumakay na ng kotse. Napasulyap pa ako sa kinaroroonan ni Ryder at kita
ko ang pagtatagis ng bagang nito habang nakatitig sa akin. Malakas akong
napabuntong hininga at laking pasalamat ko dahil dahan-dahan ng umusad ang
sasakyan.
Chapter 63
RYDER POV
Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao habang
pinapanood ang pag-alis ni Ashley dito sa bahay. Talagang pinanindigan nito ang
pagtanggi sa muling pagtira dito sa bahay na ito.
Hindi ko naman kasi pwedeng kasabwatin si Charles tungkol
dito. Hanggang ngayun, alam kong malayo pa rin ang loob nya sa akin dahil sa
mga nangyari. Hindi din naman ito nagtangka na pigilan ang kanyang ina.
Parang wala lang dito ang muling pag- alis ni Ashley sa
bahay basta siguraduhin lang nito na palagi silang magkikita. Eh paano naman
ako. Kailangan ko siya. Kailangan ko ang asawa ko! Ngayung nandito na siya
hindi na ako makakapayag na muli itong lumayo sa akin. Nagmatured na nga siguro
si Charles. Naiintindihan na nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa
ngayun wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Kailangan kong
magtiwala sa sarili kong kakayahan kung hindi baka tuluyan ng hindi mapasa-akin
ulit ang asawa ko.
Wala na din akong aasahan pa kay Lola Agataha. Alam kong
hindi na ito mag- iinsist pa para muling magsama kaming dalawa ni Ash. Sumuko
na din si Lola dahil sa mga nangyari at hindi ko naman siya masisisi dahil
doon.
Talagang ako naman ang may kasalanan kaya nagkahiwalay kami
ni Ashley. Pero ngayun, sisiguraduhin ko na hindi na mangyayari ulit ang bagay
na iyun. Bigyan lang ako ng isa pang chance ni Ash at hindi na talaga ako
magluluko. Iiwas na talaga ako sa tukso.
"Umalis na siya? Nakita mo na...hindi
ka na mahalaga sa kanya. Hindi na kayo mahalaga ni Charles
kay Ate. May sarili na siyang buhay kaya pwede bang tumigil ka na Ryder. Ako
ang nandito... ako ang dapat mong mahalin." natigil ako sa pagmumuni-muni
ng marinig ko ang boses na iyun. Agad akong napalingon at matalim na tinitigan
si Natalia.
"Wala kang pakialam Natalia kaya itikum mo iyang bibig
mo bago pa ako mainis at tuluyan ng ipaputol iyang dila mo! Nakakarindi ka na!
Hindi kita binigyan ng karapatan para kausapin ako kaya lumayas ka sa harap
ko!"
galit kong sagot dito. Agad naman nagbago ang templa ng
mukha nito. Naging maamo na akala mo walang nagawang malaking pagkakamali sa
pagsasama naming dalawa ni Ashely. Hindi na din ito nakaimik pa. Natakot yata
sa banta ko.
"Nakapagligpit ka na ba? Pwede ka ng lumayas ngayun
din. "seryoso kong wika. Agad na nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat.
"A-ano? Ryder...Hindi...hindi mo ito magagawa sa akin.
Ako ang karamay nyo sa lahat ng oras pagkatapos basta mo na lang ako paalisin?
hindi maari!" agad na sagot nito habang bakas ang kaba sa kanyang mukha.
Napangisi ako.
"Ngayung nandito na si Ashley, abswelto ka na sa lahat
ng kasalanan mo sa akin....pinapalaya na kita." sagot ko. Agad na nangilid
ang luha sa mga mata nito bago nagsalita.
"Ryder, lahat ng pahirap mo sa akin tiniis ko. Ano pa
ba ang kulang? Ano pa ba ang dapat kong gawin para matutunan mo akong
mahalin." umiiyak na sagot nito.
"Walang kulang Natalia. Nagkataon lang na naging
kapatid ka ng babaeng mahal ko. Aminado akong malaki ang naging kasalanan ko
kay Ashley.Kasalanan ko dahil pinatulan kita noon. Pero alam mo sa sarili mo na
hanggang doon lang iyun....."
"Simula ng nawala sa akin si Ashley, hindi na kita
pinakialaman pa. Hindi na kita naikama. Pumayag lang akong manatili ka sa bahay
na ito dahil gusto kong makita kang nahihirapan. Gusto kong ako mismo ang
magparusa sa iyo...sa lahat ng mga kasalanan na nagawa mo. Sa tangka mong
pagpatay sa kanya noon.... Kaya tumigil ka na! Umalis ka na sa bahay na ito
ngayung araw." galit kong sagot at nagmamadali na itong tinalikuran.
Direcho akong naglakad papuntang gate kung saan makikita ang guard house.
"Siguraduhin nyong makaalis ngayung araw na ito si
Natalia at huwag na huwag nyo na siyang papasukin sa bahay na ito kahit
kailan." agad kong utos sa dalawang guard na nakaduty. Agad naman silang
sumagot. ?
"Yes Boss!" magkasabay na sagot nila. Muli kong
binalingan si Natalia na noon ay walang tigil sa pg-iyak. Hindi... kahit kailan
wala akong
nararamdaman na awa sa kanya dahil kung mabuti siyang
kapatid, hindi siya magtatangka na akitin ako noon. Hindi nya sisirain ang
masayang pagsasama naming dalawa noon ni Ashley.
Aminado ako....masyado pa akong mapusok ng mga panahon na
iyun. Masyado din akong malungkot dahil sa pagkakaroon ng sakit ni Ashley kaya
nagpadala ako sa tawag ng laman.. Pero kung hindi sana ako nalasing ng mga
pagkakataon na iyun, hindi ko naman sana papatulan si Natalia.
Huli na ng malaman ko na may inilalagay itong drugs sa
ininom kong alak noong unang gabi na may nangyari sa amin kaya hindi ko na
napigilan pa ang aking sarili.Makailang beses na may nangyari sa
amin tuwing nahihimbing sa pagtulog ang asawa ko. Alam kong
kasalanan pero nagpadala ako sa sinabi nito noon na kapag magaling na ang Ate
nya kusa na syang lalayo. Pero hindi ko alam na may iba pala siyang plano. Na
sinasabutahi nya na pala ang mga gamot na iniinom noon in Ash kaya tuluyan
itong nanghina.
Hindi ko alam na unti-unti na palang pinapatay ni Natalia si
Ashley noon. Wala akong alam doon. At aminado ako na kasalanan ko. Nagpabaya
ako at masyadong nagtiwala kay Natalia.
Balak ko na din naman talagang tumigil noon sa
pakikpagrelasyon kay Natalia. Kaya lang huli na ang lahat. Nahuli na kami ni
Ash at hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag ng gabing
iyun. Huli na ng marealized ko na nabundol ito dahil sa biglang paglabas ng
bahay. Ang akala ko tuluyan na itong binawian ng buhay at walang araw na hindi
ako nagdusa. Araw-araw ko siyang ipinagluksa hangggang sa aksidente ko siyang
nakita sa isang restaurant.
Buhay siya at pinaniwala ako ni
Lorenzo sa isang napakalaking
kasinungalingan. Kasalanan ko din
naman, masyado akong nalugmok sa
matinding kalungkutan at hindi na ako
nagpa-imbistiga pa. Hindi ko man
lang inalam kung talagang abo ba
talaga ni Ashley ang nakalagay sa URN Jar na iyun.
Humanda ang Lorenzo na iyun. Mapapatay ko sya kapag magkita
kami ulit. Itinago nya na nga sa akin si Ashley, inasawa nya pa talaga at
inanakan. Hinding hindi ko siya mapaptawad sa ginawa nyang iyun.
"Ryder..please, maawa ka naman sa akin. Huwag mo naman
sana itong gawin. Wala akong mapupuntahan. Wala akong kapera-pera. Please...
maging makatao ka naman." nagmamakaawa nitong sagot. Malakas akong
napabuntong hininga at dinukot ang wallet ko sa aking bulsa. Naglabas ako ng
iilang lilibuhin at inihagis sa kanya.
"Kasya na siguro iyan para makarating sa pupuntahan mo!
Huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin dahil baka hindi na ako
makapagtimpi pa at baka mapatay na kita!" galit kong sagot at mabilis na
naglakad paputang sasakyan. Agad naman akong pinagbuksan ng isa sa mga
bodyguards ko ng pintuan at nagmamadali na akong pumasok. HIndi na ako nag-
abala pang muling tingnan si Natalia.
Tapos na ako sa kanya. Ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha
niya kahit kailan! Mas mabuti na lumayas na sya para wala ng dahilan pa si
Ashley na iwasan ako. At least kapag malaman nito na tuluyan ko ng pinaalis si
Natalia sa buhay ko baka lumambot ang puso nito sa akin. "Sa opisina
tayo!" agad na utos ko sa driver ng makasakay na ako. Binabaybay na namin
ang kahabaan ng EDSA ng mapatingin ako sa isang billboard. Hindi ko maiwasan na
mapatiim bagang ng mapansin ko ang larawan ni Ashley doon. Yes, si Ashley at
mukhang kalalagay lang ng billboard na ito dahil wala pa ito kahapon ng dumaan
kami.
"Ihinto mo sa gilid ang sasakyan."
utos ko sa driver na agad naman tumalima. Sandali kong
pinagmasdan ang litrato at hindi ko mapigilan nag makaramdam ng inis. Sa
hitsura palang ng picture alam kong maraming lalaki ang mapapalingon doon.
Tiyak na pagnanasahan siya ng lahat dahil kita na halos buong katawan nito.
"Shit! Bakit siya pumayag na kunan ng ganito kalaswang
litrato? Wala na ba siyang pagpapahalaga sa sarili nya? Hindi ba siya
binibigyan ni Lorenzo ng pera para magawa nya ito sa sarili nya?
"Ganda nya noh?" narinig ko pang wika ng umpukan
ng iilang tao malapit sa bus stop. Nakatingala din sila sa bagong billboard.
Lalong nagtagis ang bagang ko.
"Bibili ako ng produkto na iyan. Ganda ng model eh.
Sino kaya siya...mukhang hindi naman siya sikat pero ang ganda nya." sabat
naman ng isa pa.
"Si Ashley Delos Santos iyan. Interesting ang life
story ng babaeng iyan. Survivor ng sakit na leukemia at balita ko 50% ng
ibinayad sa kanya sa endorsement na iyan idinonate niya sa Cancer
hospital." sagot ng isa pa.
"Talaga? Pero ang ganda nya. Hindi ko maimagine na
minsan siyang dumaan sa malaking pagsubok na nabanggit mo." sagot naman ng
isa pa.
"Totoo iyang sinabi ko. Nabasa ko sa isang magazine ang
tungkol sa buhay nya. Siya kasi ang bagong mukha ng Wellness and Beauty kaya
may ilang article na lumabas tungkol sa kanya." sagot ng isa pa.
"Wow...may social media account ba siya para ma-stalk?
Fan nya na ako. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanya. Sa hitsura nya mukha
siyang galing sa isang may kayang pamilya." sagot ng isa pa. Napailing ako
at muling pumasok na sa loob ng kotse. Ayaw ko ng makinig pa ang mga komento ng
iba patungkol sa asawa ko.
Lalo ko lang kasing nararamdaman ang pagiging walang kwenta
kong asawa kay Ash.
Hindi ako papayag na gagamitin ng kahit sino ang asawa ko sa
kahit na anong endorsement or modeling. Kaya kong ibigay lahat ng
pangangailangan nya na hindi na kailangan pang gamitin ang ganda nito.
Gusto kong ipatanggal ang billboard na iyan at iba pang mga
article na ang asawa ko ang topic. Akin lang si Ashley at ayaw na ayaw kong may
iba pang magpapantasya dito. Shit! Ano ba kasi ang ginagawa ng Lorenzo na iyun.
Bakit siya pumayag na mag pose ng ganyan si Ashley. Pinapabayaan nya ba si
Ashley kaya nagawa nitong tumanggap ng ganyang klaseng trabaho?
Chapter 64
ASHLEY POV
"Yes Tita! Salamat po sa pagpapatira nyo sa akin dito
kaya lang po nakakahiya naman kung dumito ako sa inyo habang buhay. Hangat
maari gusto ko pong matuto mamuhay ng sarili ko lang dito sa Pilipinas."
sagot ko. Nagpapaalam na kasi ako sa kanila na aalis na ako ng bahay nila.
Balak kong kumuha ng hulugang condo at muling mamuhay kasama si Charles.
Hindi ko dapat iasa sa iba ang buhay ko. Magaling na ako at
nakakahiya kung nakadepende pa rin ako sa kanila.
Kailangan kong matutong mamuhay mag-isa. Isa pa balak ko din
dalawin sila Nanay at Tatay sa probensya. Alam kong masyado silang nasaktan sa
pagkawala ko at sana mapatawad nila ako kapag malaman nilang hindi naman talaga
ako namatay. Buhay ako at pansamantalang inilayo ng mga taong nagmamalasakit sa
akin noon para madugtungan ang buhay ko.
"Ayos lang naman sa amin ang plano mong iyan iha kaya
lang hindi ka pwedeng tumira sa kung saan-saan lang. Delikado na ang panahon
ngayun lalo na kapag maninirahan ka sa isang lugar na mag-isa ka lang."
sagot ni Tita.
"Kaya ko naman sigurong alagaan ang sarili ko Tita.
Nahihiya na po kasi ako na tumira dito." sagot ko naman. Agad naman
napatango si Tita Susan
"Bweno, kung hindi ka talaga papipigil doon ka na lang
ulit tumira sa condo na tinirhan mo eight years ago. Walang ibang umuukupa sa
unit na iyun hanggang ngayun at sayang naman kung mangungupahan ka pa. Isa pa
mukhang hindi din yata hihiwalay ang apo namin sa iyo na si Mika kaya pumayag
ka na.
Saglit akong natigilan sa suhestiyon ni Tita Susan. Muli
kong naalala ang condo na iyun. Binili sa amin ni Lorenzo ang unit na iyun at
doon kami tumira ni Charles noong bata pa siya. Agad akong napangiti. Kahit
papaano malaking bahagi ng buhay naming mag -ina ang naging bahagi ng unit na
iyun. Mag-iinarte pa ba ako?
Makaka-save ako kung sakaling doon ako titira. Hindi ko na
din poproblemahin ang monthly rent kung sakaling tatanggapin ko ang alok ni
Tita.
"Talaga po? Naku, salamat po! Hayaan nyo po kakausapin
ko sa Lorenzo na huhulug-hulugan ko na lang ang unit sa kanya." sagot ko
naman. Agad naman napailing si Tita.
"Huwag mo ng isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Ang
importante, masaya ka kung saan mo gustong tumira. Siya nga pala, kinausap ako
ng amega ko. Balak ka daw nyang kunin na model sa mga parating niyang New
collections Lingerie." muling wika nito. Agad naman akong nagulat. Hindi
ako makapaniwala
"Po?' Lingerie? Naku Tita bakit ako? Hindi na po ako
ganoon kabata para sa mga ganyang bagay. Nakakahiya po!" sagot ko. Agad na
natawa si Tita Susan.
"Iha. Masyadong na-amaze sa ganda mo ang may-ari ng
lingerie products na iyun. Malaki ang offer at pag-isipan mo ng maigi. Isa pa,
nightclothes yata ang imomodel mo." sagot nito. Muli akong natigilan.
Sa totoo lang, kailangang kailangan ko din talaga ngayun ng
income. Ayaw ko ng umasa sa iba at kapag tatanggapin ko ang offer nito tiyak
malaking pera ang papasok sa account ko. Maibibigay ko na din ang mga
pangangailangan ni Charles. Balak ko kasi itong yayain na tumira na kasama ko
kaya din ako nagpursige na umalis na dito sa bahay nila tita. Ang problema lang
alam kong
sasama sa akin si Mikaela.
"pag-isipan mo Iha. Kailangan ko ang sagot mo bago kami
bumyahe paputang Germany. Alam mo na manganganak na si Rona at gusto ng Tito
Arnulfo mo na nandoon kami." muling wika ni Tita. Wala sa sariling
napatango ako.
"Sige po Tita. Hayaan nyo po pag- iisipan ko po."
sagot ko. Agad naman napangiti si tita.
Agad akong lumipat ng condo kasama ni Mika. Ayaw talaga
nitong humiwalay sa akin kaya naman wala na akong magagawa kundi isama ito.
Isinama din namin ang isa sa mga kasambahay nila Tita Susan na si Aling Pasing
para naman may katulong ako sa pag-aalaga kay Mika. Isa pa kailangan din nito
ng tagahatid at tagasundo dahil balak namin na i- enroll ito sa isang
iskwlehan. Hindi ko kasi magagawa ang bagay na iyun lalo na kapag makahanap na
ako ng trabaho.
Kahit anong pilit ayaw talaga nitong magpaiwan sa bahay ng
Lola at Lola nya. Balak din sana nila itong isama pabalik ng Germany pero ayaw
talaga ni Mika kaya naman wala akong magawa kundi ang isama ito ng tuluyan sa
akin. Nahihiya na nga ako sa mga magulang ni Lorenzo dahil pakiramdam ko inagaw
ko sa kanila ang attention ng apo nila.
"Dito na po ba tayo titira Ma?" agad na tanong
nito pagkapasok namin ng condo. Tumango naman ako.
"Yes... Pero Mika, sigurado ka ba na hindi ka sasama
kila Lola at Lolo mo pabalik ng Germany? Baka mahirapan ka dito sa Pinas. Isa
pa tiyak na namimiss ka na nila Daddy at Mommy mo!" sagot ko. Agad itong
umiling. "Dito lang ako sa tabi mo Ma. Mag-isa lang po kayo samantalang
marami naman akong mga kapatid na kasama nila Mommy at Daddy. Kapag may kasama
na kayo dito babalik na ako kina Mommy at Daddy. Dadalaw na lang ako sa inyo
palagi." bibo nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
"Hmmmp, bahala ka na nga. Pero ayaw kong makarinig ng
reklamo mula sa iyo kung bakit mainit dito sa Pinas ha?" sagot ko. Agad
itong tumango.
"Yes Mama.'" Nakangiti nitong sagot.
Pinagtulungan na din namin ayusin ang mga gamit namin.
Samantalang si Aling Pasing naman ay abala sa paglilinis sa sala at kusina.
"Mam, may naghahanap po sa inyo." natigil ako sa
paglalagay ng mga damit ko sa cabinet ng biglang nagsalita si Manang Pasing.
Agad akong napatayo at hinarap ito. "Sino?" sagot ko.
"Charles po!" sagot nito. Agad akong napalabas ng
kwarto at nabungaran ko si Charles. Nakatayo ito habang kaharap nito si Mika.
"Anak, paano mo nalaman na nandito kami?" agad na
tanong ko dito sabay lapit at hinalikan ito sa pisngi.
"Galing po ako sa bahay nila Papa Enzo Ma. Sinabi ni
Tita Susan na dito na daw kayo titira sa condo kaya dumerecho na ako
dito." nakangiti nitong sagot. Agad naman akong tumango.
"Baka hanapin ka sa bahay ha? Nagpaalam ka ba sa
kanila? Isa pa, wala ka bang pasok ngayun sa School?
" tanong ko. Agad itong umiling.
"Tapos na ang klase ko Ma. Bigla po kasi kitang na-miss
kaya nagpasya akong puntahan ka doon sa tinutuluyan mo." sagot nito. Muli
akong napatango. "Sige..pasensya ka na anak ha? Busy pa kami ngayun.
Nag-aayos kami ng mga gamit." sagot ko.
"Ayos lang Ma. Sakto pala ang pagdating ko. Tutulong po
ako!" sagot nito. Agad akong napangiti.
"Huwag na. Ayos lang. Kaya na namin ito. Maupo ka na
lang muna dyan dahil patatapos na din kami." sagot ko. Tinitigan muna ko
ni Charles bago tumango.
"Kung ganoon, bibili na lang po pala ako ng makain
natin sa labas. Alam ko po na wala na kayong time na magluto niyan." sagot
nito. Hindi ko mapigilan na matawa.
Oo nga pala. Noong bata pa ito wala kaming ginawa kundi ang
umorder ng pagkain sa labas. Wala kasi akong time na magluto ng mga panahon na
iyun at nagiging sakitin ako. Siguro hindi din makalimutan ng anak ko ang bagay
na iyun kaya nagsuggest siya ng ganito."Ikaw ang bahala. Pero mag-ingat ka
ha? Huwag mong kalimutan na fifteen ka pa rin Charles." sagot ko. Agad
itong tumango.
"Dont worry Ma. Kaya ko na ang sarili ko. Malaki na ako
at kaya na kitang ipagtanggol kahit kanino." sagot nito. Hindi ko
mapigilan na makaramdam ng pagmamalaki sa puso ko. Ang bait talaga ni Charles.
Maswerte ako dahil hindi man lang ito nagkimkim ng sama ng loob sa ilang taon
namin na magkawalay.
"Gusto ko ng fried chicken ha?" agad naman na
sabat ni Mika. Napatitig dito si Charles at tinaasan ito ng kilay.
"Bakit ka nga pala nandito? Magiging alagain ka pa ni
Mama eh. Hindi ka naman anak ah?" taas ang kilay na wika ni Charles.
Napaismid naman kaagad si Mika.
"Pakialam mo ba? Sa gusto ko dito eh. Wala kang
magagawa dahil ako palaging kasama ni Mama Ashley noon pa!" malditang
sagot ni Mika. Natameme naman si Charles. Hindi
marahil nito inaasahan na makakatikim siya sa kasungitan ng
panganay na anak ng Papa Lorenzo nito.
"Oh tama na iyan. Kayo talaga, ang init ng dugo nyo sa
isat isa ha? Charles, huwag mo ng patulan si Mika at Mika be good to Kuya
Charles. Ituring mo siyang parang kapatid dahil noong baby pa siya si Daddy mo
ang nag- alaga sa kanya." mahaba kong paliwanag sa dalawa. Hanggat maari
ayaw kong magbangayan ang dalawang ito. Nakakahiya kay Lorenzo at Rona. Baka
isipin nila kinakawawa si Mika ng anak ko.
"Sorry Ma! Sige po alis na ako."
paalam ni Charles at humalik pa ito sa pisngi bago lumabas
ng unit. Nakangiting sinundan na lang ito ng tingin at ipinagpatuloy na ang
naudlot palaging kasama ni Mama Ashley noon pa!" malditang sagot ni Mika.
Natameme naman si Charles. Hindi
marahil nito inaasahan na makakatikim siya sa kasungitan ng
panganay na anak ng Papa Lorenzo nito.
"Oh tama na iyan. Kayo talaga, ang init ng dugo nyo sa
isat isa ha? Charles, huwag mo ng patulan si Mika at Mika be good to Kuya
Charles. Ituring mo siyang parang kapatid dahil noong baby pa siya si Daddy mo
ang nag- alaga sa kanya." mahaba kong paliwanag sa dalawa. Hanggat maari
ayaw kong magbangayan ang dalawang ito. Nakakahiya kay Lorenzo at Rona. Baka
isipin nila kinakawawa si Mika ng anak ko.
"Sorry Ma! Sige po alis na ako."
paalam ni Charles at humalik pa ito sa pisngi bago lumabas
ng unit. Nakangiting sinundan na lang ito ng tingin at ipinagpatuloy na ang
naudlot trabaho
Chapter 65
ASHLEY POV
Sa wakas natapos na din kami sa pag- aayos ng aming mga
gamit. Nakabalik na din si Charles na may mga dalang ibat ibang klaseng
pagkain. Halatang ayaw nitong magutom kami sa dami ng mga dala nito.
"Ma, siguro magpapaalam na ako kina Papa na dumito
muna. Para naman matutulungan ko kayo sa mga gawain dito." nasa
kalagitnaan kami ng pagkain ng marinig ko ang sinabi ni Charles. Ilang saglit
akong tumitig dito at hindi maiwasan na mapangiti.
Kung alam lang nito na siya ang isa sa mga dahilan kung
bakit ginusto kong umalis sa bahay nila Lorenzo. Gusto ko na din itong makasama
palagi kaya naman masaya ako dahil si Charles na mismo ang nag-open up nito sa
akin.
"Papayagan ka kaya nila anak?" nag-aalala kong
sagot. Biglang sumagi sa isip ko si Ryder. Alam kong mahabang diskusyon na
naman ang mangyayari sa aming pagitan tungkol kay Charles. Alam kong
ipaglalaban din nila ang kustudiya ng anak ko.
"Malaki na ako Ma. Wala na silang pakialam pa kung ano
man ang gusto ko. Hindi na nila pwedeng paghimasukan kung ano man ang gusto
kong gawin. Isa pa, pwede naman natin dalaw-dalawin si Lola Agatha kung may
free time tayo." excited na sagot nito.
"Ok...pag-uusapan namin iyan ng Papa mo. Mas maganda pa
rin na mapagkasunduan namin ang tungkol sa custody mo Charles.
"Of course, papayag man sila o hindi ipaglalaban kita.
Pero mas maganda pa rin na maigi naming pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito
para maiwasan ang samaan ng loob. Huwag mong kalimutan, kahit na anong
mangyari, ama mo pa rin si Ryder at Lola mo si Lola Agatha. Kailangan pa rin
natin silang bigyan ng pagalang." sagot ko. Agad naman napatango si
Charles.
"Kung ganoon, ako na ang kakausap kina Lola at Papa.
Hindi pwedeng hindi sila pumayag. May sarili na akong gusto at dapat lang na
igalang nila iyun." sagot nito. Agad naman akong tumango.
Pagkatapos kumain ay pinagtulungan na namin ang pagliligpit
ng aming mga pinagkainan. Mabuti na lang at may dalawang kwarto dito sa condo.
Pwede kong ipagamit ang isa kay Charles at ang isa naman ay sa aming dalawa ni
Mika. Ang problema nga lang ay ang kwarto ni Nanay Pasing.
Siguro kakausapin ko na lang ulit sila Tita Susan na pauwiin
muna nila si Nanay Pasing sa kanilang bahay hanggat hindi pa pumapasok ng
School si Mika. Isa pa balak kong kumbinsihin ang batang ito na sumama muna ng
Germany sa kanyang Lolo at Lola. Alam kong nalulunkot ang mga magulang nito sa
pagsama nito sa akin dito sa Pilipinas. Hindi nga lang talaga nila mapigilan si
Mika dahil nag-aalburuto ito kapag hindi makuha ang gusto. Siguro makukuha ko
ito sa pakiusapan lalo na kapag makita nya na dito na titira si Charles.
Nasa malalim akong pag-iisip ng tumunog ang doorbell ng
unit. Napatingin kaming lahat sa gawing iyun at ako na mismo ang nagpresenta na
magbukas.
Pagkabukas ko ng pintuan ay hindi ko mapigilang magulat ng
tumampad sa harap ko si Ryder. Seryoso ang kanyang mukha na nakatitig sa akin.
Mukhang ini-expect na din nito na makikita nya ako sa lugar na ito. "So,
tama nga ang narinig ko na muli kang lumipat sa lugar na ito? Much
better!" agad na wika nito. Hindi ko naman mapigilan na pagtaasan ito ng
kilay.
"May kailangan ka?" malamig kong tanong. Seryoso
ang mga titig na ipinupukol ko sa kanya.
"Yes...I am your husband at siguro naman may karapatan
akong dalawin ka kapag gusto ko!" sagot nito. Hilaw akong tumawa.
"Oh? Husband? Sorry, ang alam ko matagal ng hindi
nag-eexist ang bagay na iyan sa pagitan nating dalawa. Ipinagpalit mo na ako sa
sarili kong kapatid kaya naman tigilan mo ng ipamukha sa akin na nakatali pa
rin ako sa iyo." seryoso kong sagot dito. Agad kung napansin ang biglang
pagbabago ng expression ng mga mata nito. Nagliliyab na iyun sa galit.
"Hindi ko naalala na nagdevorce tayong dalawa Ashley.
Kahit na ano pa ang sabihin mo, mag-asawa pa rin tayo at hindi mababago iyun
kahit na anong mangyari." seryosong sagot nito. Agad ko itong pinagtaasan
ng kilay.
"NO! Matagal ko ng tinapos ang tungkol sa atin dalawa.
Simula ng pinatulan mo ang sarili kong kapatid pinutol ko na ang pagiging
mag-asawa natin kaya naman tumigil ka na Ryder. Papel na lang ang nag-uugnay sa
ating dalawa at gagawa ako ng paraan para maputol iyun." sagot ko. Agad
kong napansin ang pagkuyom ng kamao nito pero hindi ako nagpatinag. Hindi na
ako dapat pang matakot sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito kami
kaya naman wala akong dapat na ikabahala.
'Pinaalis ko na sa bahay si Natalia." wika nito. Hindi
ko naman maiwasan na magulat. Mukhang malas lang ni Natalia. Maaring nagsawa na
din sa kanya si Ryder. Pilit akong napangiti.
"Ah talaga? Bakit, nagsawa ka na ba sa kanya? Balak mo
na naman bang maghanap ng iba at dalhin sa bahay na iyun para gawing
asawa?" nang- uuyam kong sagot. Lalong umigting ang galit sa mukha nito.
Pulang pula na ito at ano mang sandali ay mukhang sasabog na.
"Ashley...ganoon na ba talaga kababa ang tingin mo sa
akin? Aminado akong nagkamali ako sa iyo noon, pero pinagsisisihan ko na lahat.
Ikaw lang ang mahal ko at hindi mababago iyun sa paglipas ng panahon."
sagot nito
"Mahal? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ako mahal Ryder.
Sarili mo lang ang mahal mo! Dahil kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako
lulukuhin ng paulit-ulit! Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan ng
ganito!" galit kong sagot. Agad itong napailing.
"Ano ba ang dapat kung gawin para mapatunayan sa iyo na
pinagsisisihan ko na ang lahat. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mabayaran
ko lahat ng pagkakamali ko? Ash, matagal na kaming wala ni Natalia. Simula ng
mangyari ang trahedyang iyun pinutol ko na din ang namagitan sa aming dalawa.
Bakit ba ayaw mong maniwala? "mahabang sagot nito
"Maniwala man ako o hindi sa mga sinabi mo, hindi na
mababago iyun. Pinutol ko na ang kung ano mang ugnayan sa pagitan nating
dalawa. Hinding hindi na maibabalik ang kung anong meron man tayo noon!
Isinusumpa ko, hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mong panluluko sa akin
noon Ryder!" sagot ko.
"Dahil ba kay Lorenzo? Siya na ba ang mahal mo?"
tanong nito. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Ano
na naman kaya ang tungkol kay Lorenzo?
Nananahimik na ang taong iyun pagkatapos isasama na naman
nya sa usapang ito?
"Wala ka na doon. At pwede ba, huwag mo ng isali ang
wala dito. Nananahimik na iyung tao at hindi nya deserved na isali siya sa
walang kwentang pag-uusap na ito." sagot ko.
"Hindi siya pwedeng mawala sa topic na ito dahil
tinraydor nya ako! Pinaniwala nyo ako sa isang kasinungalingan!" galit na
sagot nito.
"Tinarydor? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ryder?
Walang tumaraydor sa iyo! Kasalanan mo ang lahat kaya nagkaliste-litse ang
buhay natin. Umalis ka na! Ayaw kong makipag-usap sa iyo kung ganyan kainit ang
ulo mo!" sagot ko
"Where is he? Nasaan si Lorenzo? Bakit hinayaan nyang
ipost ang larawan mo sa EDSA kung saan pinagpapantasyahan ka ng
lahat?"muling tanong nito. Salit akong nagtaka sa sinabi nito hangat
naalala ko ang tungkol sa endorsement ko. Hindi ko maiwasan na mapaismid.
"Wala ka na doon. Wala kang pakialam
kung ano man ang gagawin ko. Katawan ko ito at hindi mo ako
mapipigilan sa mga gagawin ko pa!" sagot ko. Pagkatapos ay tinalikuran ko
ito. Hindi ko na din inabala pa na isara ang pintuan ng unit. Mas maganda na
pumasok siya dito sa loob para makita nya na may mga kasama ako at para makita
nya din si Charles
Gusto ko din ipamukha sa kanya na ako ang pinipili ng anak
namin na samahan. Isa pa ito na din siguro ang magandang pagkakataon para
mapag- usapan ang tungkol sa kustudiyan ni Charles.
Hindi ako papayag na hindi mapunta sa akin ang anak ko.
Walong taon akong nangulila sa kanya kaya naman ipaglalaban ko ang karapatan
ko.
"Dad!" narinig ko pang bati ni Charles sa kanyang
ama. katulad ng inaasahan, sumunod na ito dito sa loob ng condo.
"Kausapin mo ang ama mo. Sabihin mo sa kanya kung ano
ang gusto mo Charles. Sabihin mo sa kanya kung kanino ka ba talaga
sasama." wika ko dito at naupo sa sofa.
Madilim pa rin ang awra ni Ryder ng titigan ko ito.
Palipat-lipat ang tingin nito sa pagitang naming dalawa ni Charles na siyang
ipinagkibit-balikat ko na lang.
CHAPTER 66
RYDER POV
Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao. Nasasaktan
ako sa mga naririnig ko ngayun kay Ashely.
Ganoon na ba ako kasama sa paningin nya para masabi nya sa
akin ang lahat ng bagay na iyun.
Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang dating
Ashley. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para muling bumalik ang
tiwala nya sa akin.
"Who are you?" natigil ako ng marinig ko ang boses
na biglang nagsalita ng makapasok ako sa kanyang unit.
Mukhang pinapapasok nya naman talaga ako nito pagkatapos ng
mainit namin na pag-uusap dahil iniwan nyang bukas ang pintuan ng kanyang unit.
Agad akong napatitig sa nagsalitang
bata. Bigla akong nakaramdam ng panibugho ng makita ko ang
batang kasa-kasama nya noon sa restaurant.
Ang bata na kung hindi ako
nagkakamali anak nilang dalawa ni Lorenzo.
Pakiramdam ko, bigalng tinusok ng libo-libong karayom ang
puso ko. Ang sakit isipin na pag-aari na ng iba ang asawa ko.
"Mika...dont talk to him! Go back to our room!"
narinig ko pang utos ni Ashley dito. Nakaupo na ito sa sofa at galit na
nakatingin sa gawi namin ng anak nya.
Agad naman tumalima ang batang tinawag nitong Mika. Direcho
itong pumasok sa loob ng kwarto kaya naman agad akong naglakad palapit kay
Ashley. Umupo ako sa tapat nya.
"Talagang nagkaanak ka pa sa kanya!" wika ko na
hindi maitago ang pait sa boses. Muli itong natigilan at mataman akong
tinitigan. "Pagod na akong magpaliwanag sa iyo Ryder! Hayaan mo na ako!
Mas tahimik ang buhay ko kung wala ka." seryoso nitong sagot.
Pakiramdam ko biglang nanikip ang puso ko sa sinabi nito.
Ang sakit. Walang kapantay na sakit. Kung ito man ang tinatawag nilang karma,
ang hirap naman harapin. Pakiramdam ko unti-unti akong nauupos na kandila dahi
sa mga naririnig ko sa kanya.
"Iyan ba talaga ang gusto mo? Wala na
ba talaga Ash? Kahit na mangako ako
sa iyo na magbabago na ako hindi mo
ba mahanap sa puso mo ang
kapatawaran na hinihingi ko sa iyo?" tanong ko. Kulang
na lang ay umiyak ako sa harap niya.
"Hindi na! Matagal na tayong tapos Ryder. Itigil mo na
ito. Maging casual na lang tayo sa isat isa. May anak tayo... si Charles! Sa
kanya na lang natin dalawa." sagot nito. Hindi ako nakaimik. Seryoso ko
siyang tinitigan.
"Kung ganoon, wala akong magagawa kundi ibigay ang
gusto mo. Pero asahan mo Ash, hindi ako magsasawa na suyuin ka! Ipapakita ko sa
yo na karapat-dapat mo pa rin akong pagkatiwalaan." sagot ko at tumayo na.
Hindi ito nakasagot. Akmang aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni
Charles. Kakalabas lang nito ng kwarto at diretsong naglakad palapit sa akin.
"Pa!" tawag nito. Agad akong tumango.
"Nandito ka pala! Sumabay ka na sa akin pag-uwi."
seryoso kong wika. Agad naman umiling si Charles.
"Pwede bang dumito muna ako? Matagal kong hindi
nakasama si Mama at gusto kong sulitin ang mga panahon na nandito siya."
sagot nito. Muli akong natigilan. Mataman na tinitigan ang anak ko at hindi ko
mapigilan na mapaisip. Biglang nagbago si Charles simula ng ma-aksidente ito.
Siguro dahil na din sa presensya ni Ashley. Kaya lang naman ito nagrerebelde
noon dahil alam kong hindi nya matangap ang pagkawala ng kanyang Ina. Ngayun,
Ipagkakait ko pa ang gusto nya? I think NO! Bakit hindi ko gamitin si Charles para
muling bumalik sa akin si Ashley.
"As you wish Charles. Kung saan mo gustong tumira,
malaya kang mamili. Pero huwag mong kalimutan si Lola Agatha. Tiyak na
hahanapin ka noon." sagot ko.
Napansin ko ang pagrehistro ng tuwa sa mukha ni Charles
dahil sa sinabi kong iyun. HIndi ko naman maiwasan na makaramdam ng panibugho.
Walang duda, mas malapit ito sa kanyang Ina. Hindi ko naman masisisi ito dahil
masamang tao ang tingin nito sa akin simula ng malaman nito ang relasyon ko kay
Natalia. "Talaga Papa! Thank you!" tuwang tuwa nitong sagot. Pilit
naman akong ngumiti.
"I love you Son, at malaya kang gawin ang gusto mo.
Basta hindi lang makakasama sa kinabukasan mo why not!" nakangiti kong
sagot at sinulyapan si Ashley. Blanko na ang expression ng mukha nito kaya
mahina akong napabuntong hininga.
Inilibot ko pa ang tingin sa loob ng unit. Walang bakas ni
Enzo. Siguro kailangan kong magpa-imbistiga para malaman ang kinaroroonan ng
hayop na iyun. Bigla na lang din kasi itong naglaho noon.
"Ang I love you too Papa! Thank you sa pagpayag. Huwag
po kayong mag- alala, dadalawin ko po si Lola Agatha palagi." sagot nito.
Agad naman akong napatango at naglakad na palabas ng unit. Naramdaman ko naman
ang pagsunod sa akin ni Charles hangang sa makarating kami ng elevator.
Binalingan ko ito pagkatapos kong pindutin ang button.
"Nagkita na ba kayo ni Enzo?" tanong ko. Agad
itong umiling.
"Nasa Germany pa po si Papa Enzo. Si Mika lang ang
kasama ni Mama pauwi ng Pinas. Ayaw daw kasing humiwalay sa kanya ang panganay
na anak ni Papa Enzo." sagot nito. Hindi ko mapigilan na mapakunot ang noo
ko.
Bakit ilan ba ang anak nilang dalawa ni Ashley? May mga
dapat ba akong malaman sa walong taon na nawala ito? May itinatago bang sekreto
sa akin si Ashley?
"I-ilan daw ba ang anak ni Enzo?" tanong ko.
Saglit na nag-isip si Charles bago sumagot.
"I think, mag-aapat na yata! Buntis daw si Nurse Rona
ngayun eh kaya nga pupunta sila Lola Susan at Lolo Arulfo ng Germany. Isinasama
nga sana nila ang makulit na si Mika pero ayaw pumayag. Ayaw talaga nyang
humiwalay kay Mama. Feeling nya anak din sya ni Mama." sagot ni Charles.
Bakas sa boses nito ang pagka- disgutso sa batang iyun.
Siguro nagkakaselosan ang dalawa sa attention na ibinibigay ni Ashley. Lalo
akong natigilan. Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Charles. May idea na
biglang pumasok sa isip ko.
"Anong sabi mo? Hindi anak ni Mama mo ang batang
iyun?" tanong ko. Gusto kong makasiguro. Natigilan naman si Charles at
tumitig sa akin.
"NO! Papa, paano mo naman naisip ang tungkol sa bagay
na iyan. Kailan lang idiniklara ng mga Doctor sa Germany na totally healed na
si Mama sa sakit nyang leukemia at imposible iyang iniisip mo." sagot ni
Charles. Agad naman akong nakaramdam ng pagkapahiya. Kung anu-ano na ang
tumakbo sa isip ko. Hindi ko man inalam ang lahat bago ko pagbintangan si
Ashley. Ang tanga ko talaga!
Kung ganoon wala silang relasyon ni Enzo? May ibang asawa si
Enzo at anak nya sa ibang babae ang batang iyun? God! Ang hirap pala ng bigla
ka na lang manghusga.
Pakiradam ko bigla akong nabuhayan ng loob. Walang ibang
lalaki sa buhay nya si Ashley. Wala akong dapat na ikatakot dahil hindi siya
pag-aari ng iba. Pwede pang maging kami ulit!
Chapter 67
RYDER POV
"Boss saan po tayo?" malalim ang aking iniisip ng
marinig ko ang tanong na iyun ng aking driver. Mahina akong napabuntong hininga
bago sumagot.
"Sa bahay." Maikli kong sagot. Ipapadala ko sa
condo ni Ashley ang ilang gamit ni Charles. Gusto kong bumawi sa anak ko kaya
pagbibigyan ko ang kanyang gusto sa ngayun. Isa pa gusto ko din magpapansin kay
Ashley at iparamdam dito na talagang nagbago na ako. Gusto kong ipakita dito na
isa akong mabuting ama.
Magpupursige ako para muli itong bumalik sa aking piling.
Hinding hindi ako susuko at ipapakita ko sa kanya na dapat nya akong
pagkatiwalaan muli.
Masaya ako sa nalaman na hindi
naman pala inasawa ni Lorenzo si Ashley. May asawa na ito at
may sarili
nang pamilya sa Germany. Siguro mag
-iisip na lang ako ng paraan kung paano ito pasasalamatan.
Ngayun ko lang narealized na isa pala talaga itong mabuting kaibigan. Although,
niluko nya ako at pinaniwala sa isang kasinungalingan pero ayos lang. Ang
importante hindi ko siya maging karibal sa babaeng mahal ko. Masaya pa rin ako
dahil tinulungan nito si Ashley na gumaling. Malaki ang utang na loob ko sa
kanya at sisiguraduhin ko na makakabawi ako sa kanya sa kahit na anong paraan.
"Sir, nasa labas pa rin pala si Natalia." wika ng
driver. Malapit na kami sa bahay at agad kong natanaw si Natalia sa labas ng
gate. Nagkalat ang mga gamit nito at sumisigaw.
Agad akong nakaramdam ng galit sa nasaksihan ko. Hindi pa
rin pala ito umaalis. Ilang beses kong binilinan ang mga guard na ayaw ko ng
makita pa ang pagmumukha ng babaeng ito pero talagang matigas ang kanyang
mukha. Ipinagpilitan nya pa rin ang gusto niya.
Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng gate ay agad akong
bumaba. Direchong nilapitan si Natalia at hinablot sa balikat.
"Ano pa ba ang gusto mo? Bakit nandito ka pa?"
galit kong tanong. Umiiyak itong humarap sa akin.
"Ryder, please! Maawa ka! Handa
akong gawin ang lahat, huwag mo lang akong paalisin dito.
Maawa ka!" Nagsusumamo nitong wika. Hilam ng luha ang kanyang mga mata
kaya napailing ako.
"Moved on Natalia! Ano pa ba ang gusto mo? Ilang beses
kong sinabi sa iyo na wala akong ibang mahal kundi si Ashley lang!" sagot
ko.
"Alam ko! Alam kong hindi ko siya mapapalitan sa puso
mo! Pero mahal kita Ryder! Handa akong maging pangalawa mo, o di kaya katulad
noon, maging parausan mo kapag wala si Ate. Basta nasa tabi lang kita. Basta
nakikita lang kita araw-araw! Masaya na ako doon Ryder! Please, maawa ka!"
lumuluha na wika nito. Muli akong napailing.
"NO! Ayaw ko ng gumawa pa ng panibagong kasalanan sa
babaeng mahal ko. Umalis ka na at huwag na huwag ka ng magpakita sa akin kahit
kailan!" galit na sigaw ko dito. Itinulak ko pa siya para magising sa
isang katotohanan na hindi pwede ang gusto nya.
"Ang unfair mo! Lahat ng pagpapahirap mo tiniis ko
Ryder! Bakit ang sama mo! Ganyan ka na ba kawalang puso?" nangungunsensya
nitong wika. Agad akong napangisi. Alam na alam ko na ang linyahan na ito ni
Natalia."Ikaw ang walang puso Natalia. Ikaw ang dahilan kaya nagdusa si
Ashley noon. Tinangka mo siyang patayin diba? Gusto mong kitilin ang buhay ng
sarili mong kadugo para sa sarili mong kaligayahan! Ngayun, sabihin mo sa akin
Natalia, sino sa atin ang walang puso?" nang-uuyam kong sagot. Hindi ito
nakaimik.
"Lumayas ka na. Mahiya ka naman sa sarili mo! Huwag
mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa iyo! Isang malaking pagkakamali
ang nangyari sa atin noon at habang buhay ko iyung pagsisisihan." sagot ko
at agad na itong itinulak palayo. Sinenyasan ko ang tatlo kong bodyguard na
lumapit.
"Ilayo nyo sya sa lugar na ito at pagsabihan ang mga
guard sa main gate na huwag na huwag papasukin ang babaeng iyan!"
maawtoridad kong wika pagkatapos derecho na akong pumasok sa loob ng gate.
Hindi ko na pinakinggan pa ang patuloy na pagmamakaawa ni Natalia. Wala na
akong pakialam pa sa kanya. Kung nagdurusa man siya ngayun, mas doble ang
pagdurusa na nararamdaman ko. Nandiyan lang ang asawa ko sa paligid pero
napakahirap nyang lapitan.
"Ryder, Iho mabuti naman at dumating ka na! Nakakahiya
na sa mga kapitbahay ang mga pinanggagawa ng babaeng iyun!" agad na
salubong ni Lola Agatha.. Halatang kanina pa ito nanonood sa mga kaganapan sa
labas.
"Pasensya na po kayo La kung bakit ngayun lang ako.
Dinaanan ko pa ang mag-ina ko sa condo." sagot ko. Agad na natigilan si
Lola Agatha. Mataman akong tinitigan.
"Condo? Sino sila Ashley at Charles?" tanong nito.
Napatango ako.
'Gusto ni Charles na makasama ang Ina nya. Gustuhin ko man
na tumutol pero hindi maari La. Gusto kong gamitin si Charles para muling
bumalik sa akin si Ashley." sagot ko. Alam kong mas apektado ito sa mga
nangyayari ngayun pero wala akong magagawa. Kailangan namin magtiis para sa
katahimikan ng lahat.
"Kung iyan ang desisyon mo, sino ba
naman ako para manghimasok. Basta ipangako mo sa akin Ryder,
ayusin mo na ang pamilya mo. Sana bago ako mamatay, makita ko man lang kayong
buo at masaya." malungkot na sagot ni Lola. Agad naman akong napahawak sa
kamay nito
"La, magtatagal pa po kayo dito sa mundo. Dadagdagan ko
pa ang mga apo mo kaya huwag kang magsalita ng ganyan." sagot ko.
Malungkot itong napangiti.
"Ryder, matanda na ako. Alam kong hindi na ako
magtatagal pa dito sa mundo. Kung gusto mo talagang makita akong masaya sa
nalalabing buhay ko dito sa lupa, ayusin mo na kaagad ang lahat Iho dahil hindi
ko alam kung makakapaghintay pa ba ako sa pangako mong iyan." sagot nito.
Para namang kinurot ang puso ko sa mga sinabi ni Lola.
Hindi ko kayang mawala ito sa akin. Siya na ang nagpalaki sa
akin kaya naman ito ang kasa-kasama ko sa lahat ng kaligayahan at kalungkutan.
Nagsikap ito noon para mabigyan ako ng magandang buhay. Ipinamana nya sa akin
lahat ng kayamanan nya at hindi ko kayang biguin ito sa kanyang kahilingan.
Kailangan na talaga naming magkaayos ni ashley. Hindi lang
para sa sarili kong kaligayahan, kundi para na din kay Lola.
ASHLEY POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. SA wakas naging maayos na
din ang lahat. Tinanggap ko na din ang alok ni Tita Susan na maging model ng
isang nightclothes! Of course may pahintulot lahat ng iyun sa anak kong si
Charles. Mabuti naman at malawak ang pang-unawa nito at agad na pumayag.
Kasa-kasama ko pa siya sa picturial. Si Mika naman ay
napapayag na din namin na sumama muna sa kanyang Lolo at Lola pabalik ng
Germany. Parang aso at pusa ang turingan nilang dalawa ni Charles kaya isa iyun
sa dahilan kung bakit pumayag itong bumalik muna ng Germany. Nangako din ako
dito na palagi siyang tatawagan at mag-uusap kami through video call para hindi
namin masyadong mamiss ang isat isa.
Balak ko din kasing dalawin sila Nanay at Tatay sa
probensya. Kinakabahan man sa magiging reaction nila pero kailangan kong
magpakita sa kanila. Ayaw kong habang buhay nilang iisipin na patay na ako.
Gusto ko ng ibalik sa ayos ang lahat. Ang relasyon sa
pamilya ko maliban lang kay Ryder.
Agad akong napabangon ng kama ng marinig ko ang sunod-sunod
na pag- doorbell sa labas ng unit ko. Manipis na pantulog ang suot ko ngayun
kaya nagmamadali akong nagsuot ng roba.
Tanging ako lang ang nadito sa condo. May pasok sa School si
Charles at balak din nitong dalawin ang kanyang Lola Agatha pagkatapos ng
klase. Niyayaya nga ako nito pero sinabi kong pagod ako at sa susunod na araw
na lang sasama sa pagdalaw kay Lola Agatha na agad naman niyang naiintindihan.
Pagkarating ko ng pinto ay sumilip muna ako sa pinhole para
makita kong sino ang nasa labas. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko ng
mapansin kong si Ryder iyun. Seryoso ang mukha nito at hindi pa rin tinitigilan
ang kakapindot ng doorbell. Masakit na sa tainga kaya padabog kong binuksan ang
pintuan.
"Ano ba? Nakakabulabog ka na eh!" galit na wika
ko! Kulang na lang ay sumigaw na ako sa sobrang inis.
"Ano ito? Bakit kailangan mong mag pose ng
ganito?" agad na tanong nito at agad na ipinakita sa akin ang hawak nitong
magazine.
Mga larawan ko iyun na suot ang bagong iniindorso kong
sleepwear or nightclothes. May mga sexy design at meron din naman na normal
lang. Wala naman akong nakitang mali sa mga larawan na iyun at proud pa nga ako
dahil ang sexy kong tingnan sa mga kuha. Kitang kita ang magandang hubog ng
katawan ko.
"Ano ba ang pakialam mo? Ayos naman ah? Imomodel ko
lang ang mga damit na iyan at presto, magkakapera na kaagad ako." sagot ko
habang pinapandilatan ito. "Hindi mo ako naiintindihan Ashley. Masyadong
malaswa at hindi ko matangap na pagpipistahan ka ng mga kalalakihan. Halos wala
ka ng maitago pa sa mga pictures na iyan!" sagot nito.
"Bakit ba apektadong apektado ka? Nakalimutan mo na ba
na matagal na tayong hiwalay? Kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko
Ryder. Malaki ang offer at natural papatusin ko!" sagot ko
"May pakialam ako dahil asawa mo pa rin ako Ash. Hindi
ko kayang nakikita na pinagpapantasyahan ka ng iba. Ako ngang asawa mo, hindi
kita mahawakan eh. Ibang tao pa kaya na halos maglaway na sa mga kuhang
iyan?" galit na sagot nito.
"Pwes magfile ka ng devorce para hindi ka na mamroblema
pa! Ano ba?? Kung tutuusin wala ka ng pakialam Ryder! Ilang beses ko ng sinabi
sa iyo na matagal na tayong tapos. Hinding hindi na ako babalik pa sa
iyo!" galit na sigaw ko. Agad na naningkit ang mga mata nito at itinulak
ako papasok ng unit. Pumasok din naman agad ito at inilock ang pintuan.
Kinakabahan man sa ginawa nito pero pilit pa rin akong nagtapang-tapangan. Ayaw
kong nakikita nito na nasisindak sa kanyang presensiya.
"Umalis ka na Ryder. Hindi ka na nakakatuwa!"
galit ko pa ring wika. Nilapitan ko ito at itinulak.
"Pera ba ang dahilan kaya nagawa mong mag-pose ng
ganyan? Pwes, bibigyan kita! Marami ako noon at lahat kaya kong ibigay sa
iyo!" wika nito. Nagliliyab ang mga mata nito sa galit.
"Hindi ko kailangan ang perang iyan Ryder. Kaya kong
magbanat ng buto para lang kumita." singhal ko.
"Magbanat? Oh gusto mong gamitin ang katawan na iyan
para kumita? Magkano ba ang halaga mo Ashley? Ibibigay ko ang lahat manatili ka
lang sa tabi ko!" wika nito. Muli akong umiling
"Mangarap ka Ryder! Hinding hindi mangyayari iyang
gusto mo!" galit kong sagot. Napangisi ito.
"Hindi mo yata ako kilala Ash! Noon pa man, alam na
alam mong lahat ng gusto ko nakukuha ko sa kahit na ano mang paraan. Sawang
sawa na ako sa kakasuyo sa iyo! Kung hindi man kita makuha ulit sa maayos na
paraan, aangkinin kita muli sa paraan na alam ko!" wika nito at agad akong
hinawakan sa likod ng ulo ko. Hindi na ako nakakilos pa ng bumaba ang mukha
nito sa mukha ko at sinibasib ng halik ang labi ko.
Agad na nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito. Pinilit
kong kumawala sa kanya, pero mas malakas siya kaysa sa akin. Magpumiglas man
ako pero Walang saysay Ang lakad ko
Chapter 68
ASHLEY POV
Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganito. Hindi ako
makapaniwala na ganito kapusok si Ryder.
Mapang-angkin, mapag-parusa...iyan ang paraan ng paghalik
nito sa akin. Wala na akong magawa pa kundi hayaan na lang muna ito. Tama ito,
mag-asawa pa rin kahit na anong mangyari.
Naramdaman marahil nito na hindi na ako nagpumiglas pa kaya
naging banayad na ang paghalik nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan na
mapapikit upang namnamin ang halik na iyun. Aminado akong sobra ko siyang
namiss. Pero tuwing sumasagi sa isip ko ang ginawa nila ni Natalia habang
nakaratay ako noon parang tinutusok ng libo-libong karayum ang puso ko.
"Ngayun mo sabihin sa akin na hindi mo ako na-miss Ashley." wika nito
habang nakatitig sa mukha ko. Tapos na pala ang mapusok namin na halikan at
napahiya akong naitulak ito.
"Bastos ka!" galit na sigaw ko kasabay ng
pagsampal sa kanya. Wala lang, gusto ko lang takpan ang pagkapahiya ko. Kahit
na anong mangyari, hinding hindi ko aaminin sa kanya na nag- enjoy din ako sa
halik na pinagsaluhan namin. Hindi ko siya dapat bigyan ng pag-asa na magiging
kami ulit balang araw. HIndi kayang tanggapin ng kalooban ko na minsan nya
akong ipingpalit sa sarili kong kapatid.
""Bastos? Walang kabastusan ang ginawa ko sa iyo
Ash. Asawa pa rin kita kaya malaya kong gawin sa iyo ang lahat ng naisin ko.
Lalo na sa intimate na paraaan?" sagot nito. Parang wala lang dito ang
sampal na natangap mula sa akin. Akmang hahawakan ulit ako nito pero bigla
akong umiwas. Napapailing na lang itong nasundan ako ng tingin.
"Kung gusto mo akong saktan ngayun gawin mo na. Sa
ganoong paraan mabawasan man lang ang galit na nararamdaman mo sa akin Ash.
Sige... sampalin mo ako. Tadyakan mo ako! Ayos lang. Ilabas mo ang galit
mo!" seryoso nitong wika. Natigilan naman ako. HIindi ko mapigilan na
mapaiyak dahil sa naririnig kong katagang iyun sa bibig nya.
"Ano ba ang pwede kong gawin sa iyo para muli kang
magtiwala sa akin. Mahal na mahal kita Ash at sa tuwing iniiwasan mo ako,
dobleng sakit ng puso ko ang nararamdaman ko!" wika nito. Agad akong
umiling
"HIndi na kita mahal! Hindi ko na kaya pang mahalin ang
isang katulad mo!" sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Pasimple ko din
pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ayaw kong makita
nya sa mga mata ko na
nagsisinungaling ako dahil hindi totoo ang lumalabas sa
bibig ko ngayun.
Mahal ko pa rin siya. Hindi magbabago iyun. Pero kailangan
kong tikisin ang sarili ko para sa katahimikan ng kalooban ko. Niluko nya ako
ng makailang beses at maaring uulit- ulitin nya iyun. Ayaw ko ng masaktan pa.
Ayaw ko ng umiyak.
"Sinungaling!" narinig kong wika nito at mabilis
na lumapit sa akin. Hinawakan ako sa balikat at tinitigan sa mga mata.
"Hindi ako maniniwala sa lumalabas sa bibig mong iyan
Ashley. Alam kong mahal mo pa rin ako at ayaw mo lang aminin." sagot nito.
Lalo kong iniwas ko ang tingin ko sa kanya at malakas na nagpumiglas para
mabitawan nya ako. "Ano ba Ryder, bitiwan mo ako! Wala kang karapatan na
hawak-hawakan ako ng ganito!" galit galitan na sigaw ko.
"Not so fast mahal ko! May iba pang paraan akong alam
para mapatunayan ko kung talagang nagsasabi ka ng totoo ngayun." nakangisi
nitong wika at muli akong hinalikan sa labi. Muli akong nagulat. Itinutulak ko
siya pero walang saysay ang lakas ko. Unti-unti na din akong natatalo sa
nararamdaman ng puso ko para dito.
Hindi ko na namalayan pa na kusa na pala akong ipinagkanulo
ng sarili kong katawan. Tumutugon na ako sa halik nya.
Siguro kahit ngayun lang. Promise... kahit ngayun lang!
Gusto kong
maramdaman si Ryder! Gusto kong maramdaman ang presensya
nito sa buhay ko. Promise ngayun lang............Namalayan ko na lang na nasa
ibabaw
na kami ng kama. Wala na akong saplot sa katawan at walang
tigil sa kakahalik sa akin si Ryder sa buo kong katawan. Feeling ko tuloy ang
ganda- ganda ko at sinasamba ako ng lalaking mahal ko.
Wala naman sigurong masama kung muli akong magpaubaya
ngayun. Mag- asawa pa rin kami.
"I love you Ashley!" wika nito habang titig na
titig sa aking mga mata. Kita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata nito
habang dahan-dahan na pinaghihiwalay ang aking hita.
Kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata ay mabilis na
pinag-isa ni Ryder ang aming mga katawan.
Noong una ay may nararamdamam akong kaunting kirot.
Masyadong malaki ang kay Ryder kumapara sa akin na matagal ng panahon hindi
nakatikim ng sex. Pakiramdam ko para tuloy akong muling na- devirginized.
"God, you're so tight Ashley!" Wika ni Ryder na
habang buong ingat na nagtataas baba sa ibabaw ko. Wala naman akong nagawa pa
kundi napakapit sa kanya. Gusto kong i- enjoy ang sandaling ito. Gusto kong
maramdaman ang pagmamahal nya. Kahit ngayun lang.
Alam kong mali ito pero tao lang din ako. Kailangan ko siya.
Kailangan ko ang asawa ko. Pagkatapos nito, iiwasan ko na talaga siya. Hindi ko
na hahayaan pa na lalapit-lapitan nya muli ako
"Ugghhh Ryder!" hindi ko mapigilang ungol kasabay
ng pagsambit ng kanyang pangalan. Ang sarap ng gingagawa nya sa akin.
"Yes Ash....ganyan nga, moan my name asawa ko! Mahal na
mahal kita!' narinig kong bulong nito kasabay ng paghalik sa tuktok ng ilong
ko. Maraming beses na may nangyari sa aming dalawa ni Ryder. Mabuti na lang at
solo namin ang lugar na ito.
Masyado na din kaming naging wild sa isat isa.
Sabagay...gusto ko din sulitin ang pagkakataon na ito na kasama siya.
Tunay nga na talagang sobrang na- miss namin ang isat isa.
Sa sobrang pagod ko, hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa banayad na halik sa aking mukha. Unti-unti
akong napadilat at agad kong nabungaran ang nakangiting mukha ni Ryder. May
hawak itong red roses?
"Kailangan mo ng bumangon Mahal. Alam kong gutom ka na
at may naghanda na ako ng pagkain para sa ating dalawa." malambing na wika
nito. Agad na dumako ang mga mata ko sa orasan. Nagulat pa ako dahil nasa
alas-dos nakaturo ang orasan. Hindi ko lang alam kong alas dos ba ito ng hapon
o alas dos na ng madaling araw.
"Anong oras na?" Si Charles, dumating na ba
siya?" tanong ko habang dahan- dahan na bumabangon. Agad naman ako nitong
inalalayan. Inilapag nya pa ang hawak na bulaklak sa gilid ng kama.
"Nasa bahay siya. Naglambing si Lola Agatha na doon
muna siya matulog kaya naman pinabigyan niya na."
nakangiti nitong sagot. Agad naman akong napatitig kay
Ryder. Kita ko ang hindi maipaliwanag na saya sa mukha nito.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko. Agad kong
napansin ang pagseryoso ng mukha nito bago sumagot.
"Ash, please, kahit ngayun lang. Hayaan mo akong
pagsilbihan ka. Alam kong mahihirapan ka ngayun kumilos dahil sa mga nangyari.
Isa pa, hindi ko hahayaan na wala kang kasama dito." sagot nito. Hindi ko
naman maiwasan na makaramdam ng hiya. Alam kong aware ito sa lakas ng ungol na
pinapakawalan ko kanina habang nagtatalik kami.
Hayyy ang rupok ko talaga! Hindi aandar ang galit-galitan ko
ngayun kay Ryder. Tiyak na hindi ito maniniwala kaya naman palalagpasin ko muna
ang lahat. Isa pa gusto ko din itong makasama. Gusto kong maramdaman ang
pagiging asawa niya sa akin kahit ngayun lang.
Yes, kahit ngayun lang ba talaga? Hindi na din ako sigurado
pero bahala na.
"Magbabanyo muna ako."wika ko at agad na bumangon
ng kama. Pababa na ako ng kama ng bigla akong napangiwi.
Walang hiya, pakiramdam ko bugbog na bugbog ang katawan ko.
Masakit ang balakang ko lalo na ang aking na bugbog ang katawan ko. Masakit ang
balakang ko lalo na ang aking pagkababae. Ganoon ba kami kagigil kanina para
magkaganito ako?
Agad ko naman naramdaman ang paghawak nito sa baywang ko.
HInayaan ko na lang muna, total naman kasalanan nya ang lahat.
"Bubuhatin na kita mahal ko!" malambing nitong
wika at naramdaman ko na lang ang pag- angat ko sa ire. Hinayaan ko na lang.
Alam kong hindi ako mananalo sa gusto nya.
Chapter 69
ASHLEY POV
"Pwede ka ng umalis." seryoso kong wika dito
pagkatapos namin kumain. Agad kong napansin ang pagngiti nito
"Ganoon na lang ba kadali sa iyo na agad akong
paalisin? Ash naman, pagod din ako....after this gusto ko din matulog dahil may
pasok pa ako bukas sa opisina. " sagot nito.
Hindi ko naman malaman kung sisimangot ba ako o tatawa sa
sagot niya. siya ang nagtatrabaho sa aming dalawa. Ako ngang walang ginawa
kundi bumukaka lang sobrang napagod eh. pa nga ako. Samantalang si Ryder nagawa
nya pa talagang maghanda ng pagkain.
"Fine!" inis kong sagot. Agad kong napansin ang
paguhit ng ngiti sa labi nito kaya muli akong nagsalita.
"Pero sa sofa ka matutulog ha? Huwag sa kwarto!"
dagdag ko. Napalitan ng pagsimangot ang masayang ngiti sa labi nito. Hindi ko
naman mapigilan ang matawa.
Ako na nga siguro ang pinakatanga sa lahat pero bakit
ganito. Hindi ko talaga siya matiis. Mahal ko siya at ang hirap pigilan ang
damdamin. Gustuhin ko man na layuan ito at huwag magpadala sa tukso pero ano
ang magagawa ko?
Lapit ito ng lapit sa akin. Nilalandi nya Ano pa nga ba ang
magagawa ko kundi ang magpalandi din sa kanya. Marupok ako eh.
"Nope! Gusto ko katabi kita Mahal. Hindi ako magiging
komportable sa sofa. Baka sumakit ang katawan ko, ikaw din mapipilitan kang
alagaan ako." sagot nito. Napapailing na lang ako at pasalampak na naupo
ng sofa. Sabi ko na nga ba hindi talaga ako mananalo dito eh.
Agad kong ini-on ang television. Gusto kong ibaling sa iba
ang attention ko. Sobrang tesiyonado na ang puso ko.
Hahayaan ko na lang si Ryder kung ano ang gusto nya.
"Tea?" nagulat pa ako ng bigla itong nagsalita.
Agad na napabaling ang attention ko sa kanya at kita kong may hawak itong isang
tasa ng tea na umuusok pa. Hindi ko naman mapigilan na mapatango.
"Kailangan ko ngang uminom ng tea dahil sa sobrang
busog ko. Siguro dahil sa sobrang gutom kaya napadami ang kain ko kanina. O
baka naman masyadong masarap lang ang luto nito at sabay pa kaming kumain.
"Madaling araw na. Wala ka ng makikitang magandang
panoorin ng ganitong oras." wika nito sabay upo sa tabi ko. Talagang
idinikit nya pa ang katawan niya sa katawan ko kaya napausog ako. IIling iling
naman itong umusog ulit palapit sa akin at talagang iniangkla nya pa ang
kanyang braso sa balikat ko.
"Porn movie na lang kaya ang panoorin natin
Mahal!" narinig kong wika nito. Hindi ko naman mapigilan na kurutin ito sa
kanyang tagiliran.
Ano ba? Nag-uumpisa na naman ito eh. Alam kong alam na nito
kung gaano ako karupok. Alam nya din siguro na nag- enjoy talaga ako sa ginawa
namin kanina Kainis naman kasi itong bibig ko, ang lakas kung makaungol.
"Ryder! Kung wala kang magandang sasabhin pwede bang
tumahimik ka muna. Bastos ng bunganga nito." kunwari ay inis kong sagot.
"Anong mali sa sinabi ko? Nagsuggest lang naman ako ng
mga bagay na pwede nating panoorin eh." nakalabi nitong sagot. Hindi ko
alam kung seryoso ba ito o hindi. Inihilig pa nga ang ulo nya sa balikat ko at
talaga naman feeling komportable ako sa posisyon naming dalawa.
"Kahit na! Palibhasa kasi puro kalibugan iyang
tumatakbo sa utak mo eh." sagot ko. Napansin ko ang pagyugyog ng balikat
nito at ang mahina nitong pagtawa.
"Sige, kung ayaw mong pumayag na manood ng porn movie,
tayo na lang ang gagawa."sagot nito at malagkit akong tinitigan. Agad
naman akong napalayo sa kanya. Grabe siya...akala ko ba pagod siya? Bakit
kakaiba na naman ang tumatakbo sa utak nya?
"Ryder! Tumigil ka na nga!" inis kong sagot sa
kawalan ko ng masasabi sa kanya. Napahalakhak ito.
"Patayin mo na kasi ang tv na iyan. Ako ang pagtoonan
mo ng pansin Mahal." paglalambing na wika nito at kinuha pa sa kamay ko
ang remote control ng television at ito na mismo ang nagpatay. Napapailing
naman ako sa kakulitan nito.
"Ano ba kasing klaseng attention ang gusto mo?"
sagot ko habang nakatitig sa kanya. Kinuha ko pa ang tasa ng tea sa center
table at inamoy ang aroma nito. Tinantiva ko pa kung kava ko na ba ang init
para inumin.
"Ang paglalambing mo! Ash naman, kauting lambing at
pagngiti sa akin, masaya na ako." sagot nito.
"Hey! tumigil ka na nga! Sumusubra ka na talaga eh!
Hindi ka na bata para magkaganyan!" saway ko. Muli itong tumawa. Ingot
lang! Mukhang naging masayahin ang loko ngayung gabi at mukhang walang
iniindang problema.
"Isip bata lang? Alam ko naman iyun Mahal! Ubusin mo na
nga ang tea mo at matutulog na tayo. Inaantok na ako." wika nito at
naghikab pa. Namumungay na din ang mga mata nito ng titigan ko sya.
"Mauna ka na kung gusto mo ng matulog Ryder. Malaya
kang gamitin ang kama kung gusto mo." sagot ko. Agad itong umiling.
"Nope! Gusto ko sabay tayong mahiga doon. Ayaw kong
matulog ng hindi ka kasama Mahal!" sagot nito. Parang gusto naman manlaki
pati butas ng ilong ko. Mukhang may iba na naman siyang binabalak.
Hindi pa nakakarecover ang perlas ko. Mahapdi pa at ayaw ko
na! Baka tuluyan akong malumpo nito kung ipagpipilitan pa ni Ryder ang gusto
nya.
"Mauna ka na sabi eh. Masakit pa ang buo kong katawan
dahil sa mga pinanggagawa mo!" inis kong sagot. Agad naman naningkit ang
mga mata nito na sa akin. Pagkatapos pilyo itong ngumiti.
"Kung ganoon, kulang pa pala ang ginawa natin kanina
Mahal ko. Dagdagan natin para bumalik sa dati ang pakiramdam mo. Para mawala
ang sakit ng katawan mo." nakangiti nitong wika at tumayo sa harap ko.
Sa sobrang gulat ko gumiling pa talaga siya na parang isang
macho dancer. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Talaga bang si
Ryder itong kaharap ko? Bakit ang layo nya na sa dating Ryder na kilala ko?
Bakit parang nagkaroon na ito ng sapak sa utak?
"Ang laswa mo talaga!" Inis kong wika sabay tayo.
Sa gulat ko ay hinawakan ako nito sa baywang sabay giling. Pakiramdam ko
biglang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Lalo na ng maramdaman ko ang
nangangalit nitong sandata na idinidiiin nya sa katawan ko.
"Ryder ano ba? Hindi ka nakakatuwa ha? "muli kong
wika at nanlalaki ang mga matang tinitigan ito. Wala na ba talaga siyang
kahihiyan? Bakit biglang naging ganito ang isang Ryder James Sebastian?
Malayong malayo sa Ryder na kilala ko.
"I know that you will like it Mahal!" sagot nito
at talagang pinag-igihan pa ang pagiling. Hindi ko na mapigilan pa ang matawa
dahil sa mga pinanggagawa nito ngayun. Natigil naman ito sa pagiling at
tinitigan ako sa mukha.
"Ito lang pala ang makapagpatawa sa iyo Mahal eh.
Pinahirapan mo pa akong mag- isip." reklamo nito.
"Ang sagwa kasi. Mabuti naman at itinigil mo na. Kung
ako siguro ang may ari ng bar, tapos mag-aaplay ka hinding hindi kita
tatanggapin. Malas ka sa negosyo eh!" natatawa kong wika. Talagang tuluyan
ng naputol ang harang na pilit kong ipinansalag sa pagitan naming dalawa ni
Ryder. Nakuha na naman niya ang loob ko sa kabila ng lahat ng kasalanan na
nagawa nya. Siguro aasa na lang ulit ako na hindi na nya uulitin pa ang lahat
ng kasalanan na nagawa nya sa akin.
"Ang sakit mo naman magsalita Mahal. Halika sa kama,
mas magaling akong gumiling kapag nakapatong sa iyo." nang -aakit nitong
wika sabay hila sa akin.
Chapter 70
ASHLEY POV
Kinaumagahan............
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Ryder. Nang tingnan ko
ang orasan sa bedside table ay alas otso na pala ng umaga. Pakiramdam ko kulang
na kulang pa rin ako sa tulog. Anong oras na nga ba pala kami nakatulog kagabi?
Ah hindi ko na napansin. Basta ang naalala ko hindi ako tinantanan ni Ryder
hangat hindi nito nakita na lupaypay na akong nakatulog sa kama.
Nagmamadali na akong bumangon ng kama. Gusto ko din icheck
kung umuwi na ba si Charles. Baka wala na si Ryder at pumasok na ito sa work.
Ewan, bahala na sya. Susunod na lang siguro ako sa agos ng buhay. Wala na akong
kawala sa kanya. Mahal ko pa din naman siya at siguro ihahanda ko na lang ang
sarili ko sa mga posibleng pagsubok na dumating.
Pagkatapos kong maligo ay nakaramdam ako ng kahit kaunting
ginhawa sa buo kong katawan. Nagbihis lang ako ng damit pambahay at nagpasya ng
lumabas ng kwarto.
Nagtaka pa ako dahil nakakaamoy ako ng masarap na aroma ng
pagkain na nagmula sa kusina. Dali-dali akong naglakad papunta doon at agad na
sumalubong sa paningin ko si Ryder.
Abalang abala ito sa paghahalo ng pagkain. Nakashort at
sando at may suot na apron. Ang hot nyang tingnan at hindi ko mapigilan na
mapatitig ng matagal dito.
"Good Morning Ma!" napapitlag pa ako ng marinig ko
ang boses na iyun. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala nakatitig sa
akin si Charles na nakaupo sa may mesa at abala sa kakahiwa ng kung anu-anong
gulay.
"Go-good morning!" naiilang kong bati. Napasulyap
pa ako kay Ryder na noon ay ngingiti-ngiti na nakatitig sa akin.
"Good Morning Mahal!" wika nito sabay lapit sa
akin. Niyakap at hinalikan ako sa pisngi.
"Ba-bakit nandito ka pa? Wala ka bang pasok sa
opisina?" naiilang kong tanong. Mukhang naubos na yata ang tapang ko.
Hindi na ako makapagtaray eh.
"Nope. gusto kong ibuhos buong oras ko sa inyong dalawa
ni Charles ngayung araw. Ito na ang chance para magkaroon tayo ng family
bonding." sagot ni Ryder sabay kindat kay Charles na noon ay kitang kita
ang tuwa sa mukha.
"And excited na ako Pa. First time nati gawin ito. Saan
nga pala tayo mamaya pupunta? Tagaytay? baguio?" masiglang sagot naman ni
Charles. Napatitig naman ako kay Ryder.
"Kahit saan. Basta siguraduhin nyo lang na mag-eenjoy
kayong dalawa ni Mama mo." sagot nito at kumalas na sa pagkakayakap sa
akin. Binalikan nito ang nakasalang na pagkain.
"Ako okay lang kahit saan. Pwede nga kahit sa tagaytay
na lang. At least malapit lang." sagot naman ni Charles.. Mukhang
nagkakasundo na ang mag-ama. Parang normal na lang sa kanila ang mag-usap ng
ganito. Hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng tuwa.
Gusto ko din naman maging masaya si Charles. Noon pa man
pangarap ko ng mabigyan ito ng kumpletong pamilya. Dumating lang talaga ang
trahedyang iyun kaya naman naudlot ang pangarap ko para dito. Sana lang,
magtuloy-tuloy na ang lahat. Sapat na siguro ang isa pang pagkakataon para kay
Ryder. Gusto ko din naman magkaroon ng kumpleton pamilya. Baka magiging
succesful na sa pagkakataon na ito.
"Kayo ang bahala kung saan nyo gusto. Walang problema
sa akin." sagot ko sabay lapit sa may dining table. Hinila ko ang isang
upuan at naupo na.
Nagtaka pa ako dahil may iilang pagkain na nakahain sa
lamesa. Pagkatapos may pinagkakaabalahan pang lutuin si Ryder.
Sa totoo lang hindi ko alam na marunong pala itong magluto.
First time ko itong nakita na humawak ng sandok at kaldero. Siguro nga, may mga
bagay pa akong hindi alam tungkol dito.
"Nagugutom na ako. Matagal pa ba iyan? "kunwari ay
rekamo ko. Natigil naman si sa paghahalo ng niluluto niya at napalingon sa
akin.
"Malapit na ito Mahal. Kaunting tiis na lang. Ang tagal
kasi maghiwa ng gulay nitong anak mo eh." sagot ni Ryder. Agad naman
napasimangot si Charles. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng ama.
"Pa naman! Huwag mo naman akong ipahiya kay Mama."
reklamo nito. Agad naman tinawanan ni Ryder ang anak. Hindi ko naman mapigilan
mapangiti pinagmamasdan ko ang mag- ama ko.
Kung ganito lang siguro palagi, wala na akong mahihiling pa.
Pero alam kong may mga bagay pa akong dapat harapin.
May mga bagay pa akong dapat ang pagtoonan ng pansin.
Masaya kaming kumain ng agahan. Kung titingnan ng maigi si
Charles ang pinakamasaya sa lahat. Hindi lang marahil nito mabanggit noon pero
nangangarap din ito ng buo at masayang pamilya na syang susubukan ko ulit
ibigay sa kanya ngayun.
Siguro kailangan sumubok ulit. Kung hindi magwork-out marami
pa naman siguro akong luha sa mga mata na pwedeng ilabas. Para kay Charles,
aasa ulit ako na maging maayos ulit ang aming pagsasama ni Ryder.
"Mahal, kumain ka ng marami. Ang payat mo na oh?"
narinig kong wika ni Ryder at nilagyan pa ng pagkain ang aking pinggan.
"Ryder, ayos na. Pakunti-kunti lang naman ang nakakain
ko lalo na kapag mga ganitong oras. Mamaya pa babalik ang gana ko sa
pagkain." sagot ko. Agad itong umiling
"Hindi uubra ang ganyang klaseng palusot mahal. Kaya
ang payat mo dahil napapabayaan ka sa oras ng pagkain eh." sagot nito.
Napapailing naman ako.
"Hindi ako payat ok:? Slim lang ako at ko ang katawan
na ito dahil may ini-endorse akong produkto." sagot ko. Saglit na
natigilan si Ryder at seryosong tumitig sa akin.
"Ash, alam kong masyado pang maaga para panghimasukan
ko ang gusto mo. Pero pwede bang last na iyun? I mean, hindi ko kayang
pagpistahan ng iba ang kahit larawan mo. Alam mong seloso akong tao diba?"
sagot nito. Natigilan ako. Napasulyap pa ako kay Charles na seryosong kumakain.
"Pwede bang mamaya na natin ito pag- usapan Ryder?
Please?" sagot ko at agad na sumubo ng pagkain. Saglit pa ako nitong
tinitigan tsaka tumango.
"Fine...kung iyan ang gusto mo" sagot nito.
Pagkatapos kumain ay agad na kaming nag-ayos para
makapamasyal na.
Nagsuot lang ako ng fitted jeans at blouse na pinarisan ko
na din ng white rubber shoes. Nagdala na din ako ng sunglass. Gusto kong maging
kumportable kung saan man kami magpunta.
Sakay ng sasakyan ni Ryder agad kaming bumyahe. May driver
naman pala at ilang bodyguards na nakasunod sa amin. Hindi ko na kung gaano na
kayaman si Ryder. Siguro sobrang yaman na nito dahil hindi
lingid sa kaalaman ko na kasama ito sa 'Most Richest Man in the country.'
Tahimik lang ako habang tumatakbo ang sasakyan. Nakatanaw
lang ako sa labas ng bintana samantalang masayang nag- uusap sila Charles at
Ryder. Puro tungkol sa pag-aaral ni Charles ang kanilang pinag-uusapan. Tahimik
lang akong nakikinig at nakikitawa.
"Ito ba iyun way papuntang tagaytay?" Hindi ko
maiwasan na maisatinig ng mapansin ko na pumasok kami sa isang kilala at sikat
na village dito sa Alabang. Agad na nagkatinginan ang mag ama kaya hindi ko
maiwasan na pagtaasan sila ng kilay.
Mukhang may balak ang mga ito na hindi ko alam. Humulakipkip
pa ako para malaman nila na hinihintay ko ang kanilang sagot.
"Easy ka lang mahal. May dadaanan lang tayo."
nakangiting sagot ni Ryder. Mataman ko muna itong tinitigan bago ko muling
itinoon ang attention sa labas ng bintana.
Puro malalaki at magagandang bahay ang aming nadadaanan.
Pakiramdam ko wala ako sa Pilipinas. Hindi na pala matatawag na bahay ang mga
nakikita ko. Mga mansion na ito at sa lawak nito ay masasabi kong maswerte ang
mga pami-pamilya na nakatira sa lugar na ito.
Saglit na natigil ang pagmumuni-muni ko ng pumasok ang kotse
sa isang nakabukas na mataas ng gate. Pumasok sa malawak na bakuran at mula sa
kinaroroonan kita ko ang isang napakalaking bahay. Napinpinturahan ito ng
pinaghalong kulay puti at gold.
"Welcome Home Mahal!" nagulat pa ako ng biglang
nagsalita si Ryder. Nakababa na pala ito at nakalahad ang kanyang kamay. Tulala
naman akong napatitig sa kanya. Si Charles naman ay nakalabas na pala ng kotse
at tuwang tuwa na naglalakd papuntang fountain.
"A-anong ibig sabihin nito?" hindi ko mapigilang
tanong kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Simula ngaun, sana pumayag kang dito na tumira Mahal.
Binili ko ang lugar na ito para sa iyo. Actually, medyo matagal ko ng
pinapatayo ang bahay na ito. Patapos na ang bahay na ito bago ka pa nagkasakit.
Sosorpresahin sana kita kaya lang biglang dumating ang trahedya na iyun. Mahal,
I am sorry! From the buttom of my heart, pinagsisisihan ko ang lahat lahat!
Magpakasal ulit tayo! Sa pagkakataon na ito, gusto kong walang halong kahit na
ano pa man. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal.
My possessive billionaire husband
Chapter 71-chapter 79
Chapter 71
ASHLEY POV
Hindi ko na mapigilan pang maluha ng
marinig ko ang mga katagang iyun sa
mismong bibig ng lalaking nagbigay sa
akin ng hindi masukat na sama ng loob
dahil sa pagtataksil nya noon.
Talaga bang mahal ako nito? Talaga
bang nagsisisi na sya at hindi na
uulitin lahat ng nagawa nyang
kasalanan? ahhh, hindi ko alam, pero
ang alam ko, masaya ako sa mga
naririnig ko mula sa kanya. Masaya ako
tuwing binabanggit niya ang katagang
pagmamahal sa akin.
"Ryder, hindi ko alam. Natatakot ako.'
sagot ko habang patuloy sa pagluha.
Agad itong umling at hinawakan ako sa
dalawang kamay.
"Ash, please, magtiwala ka! Pangako,
hinding hindi mo na mnararansań pa
ang mga naranasan mo noon sa mga
kamay ko. Mamahalin kita ng buong
puso. Poprotektahan kita sa abot ng
aking makakaya." sagot nito. HIndi ko
na mapigilan pa ang mapayakap sa
kanya.
"HIndi ko alam. Mahal pa rin kita. Sa
kabila ng mga kasalanan na nagawa
mo sa akin, hinding hindi pa rin kita
makalimutan. Pinilit ko ang sarili kong
makalimutan ka pero hindi ko
magawa. Ikaw pa rin Ryder, ikaw pa rin
ang sinisigaw ng puso ko." sagot ko.
Hindi pa rin maampat-ampat an8
pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Luha ng kaligayahan. Masayang
masaya ako. Pakiramdam ko bigla
akong nagkaroon ng lakas para muling
harapin lahat ng pasubok na posibleng
dumating sa aming buhay.
"Mahal na mahal din kita Ash. Alam
kong mahirap paniwalaan, pero iyan
ang nararadamanm ko. Masyado lang
talaga akong marupok noon. Mabilis
akong nagpadala sa tukso. Pero
pangako..last na iyun. Hindi ko na
uulitin Mahal. Hinding hindi ko kayang
mawala ka ulit sa akin.'" sagot nito
kasabay ng paghalik sa labi ko.
Malugod ko naman itong tinugon.
"Papa, akala ko ba itotour mo kami ni
Mama sa loob?" sabay pa kaming
natigilan ng biglang magsalita si
Charles sa tabi namin. Hindi man lang
namin napansin ang muling paglapit
nito.
"Anak naman, alamn mong nag-uusap
pa kamni ng Mama mo eh.'" sagot
naman ni Ryder at kinunutan pa ng
noo ang anak. Natawa naman si
Charles. Halata naman na inaasar lang
nito ang ama. Umawat na ako baka lalo
lang mapikon si Ryder sa anak.
"Tama na nga iyan. Para kayong hindi
mag-ama kung umasta sa įsat isa eh.
Itour mo na nga pala kami. Titingnan
ko muna ang loob ng bahay na iyan
bago ako magdecide kung titira ba
talaga kami dito o hindi." Pagbibiro
kong sagot. Natigilan naman si Ryder.
Seryoso akong tinitigan.
"Hindi mo gusto?" tanong nito. Bakas
ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Wala pa akong sinabi na hindi ko
gusto. Sabi ko iche-check ko muna
kung pasado sa panlasa ko." sagot ko
"So, hindi mo nga gusto?" muling
tanong nito. ayyy ang kulit ng asawa
ko. Ibang iba na nga talaga ngayun si
Ryder. Ang laki na ng ipinagbago nito.
"Syempre, gusto. Ang laki kaya ng
lugar. Ang lakas maka-felling
mayaman." pagbibiro ko ulit na sagot.
Agad ko naman narinig ang malakas na
pagtawa ni Charles.
"Papa naman, masyadong seryoso eh.
Sige na itour mo na kani. Gusto ko ng
makita ang magiging kwarto kò" sagot
ni Charles at nauna na itong naglakad
papasok sa loob ng bahay.
Hawak kamay naman kaming
napasunod ni Ryder dito. Binatang-
binata na si Charles tingnan. Halos
kasing tangkad na nito ang kanyang
ama. Mukhang magiging
kasingkatawan din nito si Ryder kapag
umabot na ito sa tamang edad.
Pagpasok pa lang ay agad na
bumungad sa akin ang isang
napakalawan na living area.
Napakalawak ng lugar. Feeling ko mas
malaki pa ang bahay na ito kompara sa
bahay nila dati. Hindi lang ako sure
pero napakaaliwalas ng paligid. Siguro
dahil sa kulay at maraming ilaw.
Dagdagan pa ang nagkalat na mga
magagandang naka- display sa paligid.
"Tsaka na kita itour sa kitchen at sa
ibang parte ng bahay. Direcho na tayo
sa kwarto.'" pagyaya ni Ryder sabay
hila sa akin.
"Nasaan nga pala si Charles" tanong
ko. Bigla na lang kasi itong nawala
pagkapasok namin. Sa lawak ng bahay
baka nga hindi kami magkakandakita
kaagad.
"Hayaan mo siya. Malaki na ang anak
mo para hanapin. Nasa paligid lang
iyun." sagot nito at agad akong hinila
paakyat ng hagdan. Hagdan pa lang
mukhang milyones na ang ginastos ni
Ryder dito.
"Saglit lang, bakit sa kwarto kaagad?
Pwede naman sa garden muna at sa
paligid ng bahay." sagot ko. Natawa ito.
"Eh, mas maganda doon sa kwarto
Pagkatapos natin doon tsaka natin
ikutin ang buong bahay." pilyong ngiti
nito. Iiling-iling naman akong
napatitig sa kanya. Ang weird na talaga
nya.
"No! Gusto kong makita muna ang
buong kabahayan bago ang Ivarto na
iyan!" sagot ko. Kakamot-kanmot
naman ng ulo ito na akala mo natalQ sa
sabong.
Hindi man nya masabi pero alam
alam ko ang tumatakbo sa isip nito. Si
Ryder pa ba naman.
Katulad ng inaasahan ang laki din ng
kusina. Pang world class ang datingan.
Hindi ko lang maimagine kung ilang
milyon ang ginagastos ni Ryder sa
pagpapatayo ng bahay na ito. Napansin
kong kompleto na sa mga gamit at
talgang titirhan na lang.
Iyun nga lang, duda pa rin ako kung
may nadala na itong babae sa lugar na
ito. Sa pagiging babaero ba naman nito
baka isa itong bahay na ito ang
ginagawa nyang motel. Ayaw ko talaga
kung ganoon. Mas gustuhin ko pang
tumira ng condo. At least doon walang
ibang nakakaapak kundi kami-kami
lang.
Hindi ko maiwasang mamangha
habang nakatanaw sa malinis na tubig
ng swimming pool. Ito yata ang pinaka
gusto kong spot sa bahay na ito.
"'So, nagustuhan mo ba? May mga
gusto ka bang ipabago?" tanong nito
habang nakayakap sa akin.
"Ang ganda! Sana lang wala kang ibang
babae na dinala sa bahay na ito." sagot
ko. Napalis ang masayang ngiti sa labi
nitol. Bigla itong naging seryoso
"Ash, babaero lang ako, pero hindi ako
sinungaling." seryoso nitong sagot.
Bakas din ang lungkot sa boses nito
kaya hindi ko maiwasan na
makaramdam ng konsensya
"'Sorry...naninigurado lang ako." sagot
ko naman. Marahan itong
napabuntong hininga at tinitigan ako.
"Walang ibang babae ang nakapunta sa
lugar na ito kundi ikaw lang. Pinatayo
ko ang bahay na ito para sa iyo, Ayaw
ko na din na muli kang ibalik sa dating
bahay natin. Maraming mga mapąpait
na alaala ang nakaukit sa lugar na iyun
at ayaw ko ng balikan pa. Hanggat
maari gusto kong makalimutan mo
lahat ng mga masasakit na nangyari sa
atin lalong lalo na ang pagtataksil ko sa
iyo Ash....
"Gusto kong dito tayo tumira.
Magsisimula ulit tayo. Pupunuin natin
ng masasayang alaala ang lugar na ito.
Puro masasaya lang. Pangako...hindi na
mangyayari ulit ang mga nangyari na
noon. Hinding hindi na kita sasaktan
pa ulit Ash! Magtiwala ka sana sa akin
ulit.'" puno ng pakikusap ang boses na
wika nito. Muli akong naluha. Ramdam
ko ang sinseridad sa boses nito.
"Ryder, thank you! Aminado akong
hindi ganoon kabilis makalimot. Lalo
na at kapatid ko ang involve. Pero tao
lang din ako...ayaw kong habang buhay
na may mararamdaman na poot sa
puso ko. Gusto ko din ipadaramdam
kay Charles na mayroon siyang asaya
at kumpletong pamilya.'" sagot ko.
"I know! At huwag kang mag-alala,
handa kong harapin lahat ng
kaparusahan sa lahat ng mga
kasalanan na nagawa k0. Ang tungkol
naman kay Natalia, simula ng nawala
ka, itinigil ko na din ang lahat sa amin.
Hinayaan ko lang siyang tumira sa
bahay noon dahil gusto kong
pagdusahan nya ang lahat ng mga
nagawa nyang kasalanan. Kapatid mo
nga siya pero tinangka ka nyang
patayin Ash. Gusto kong magdusa sya
sa mga kamay ko kaya hinayaan ko
siyang tumira sa bahay. Pero ngayung
nagbalik ka na...pinalayas ko na sya.
mahaba nitong wika. HIndi ko na
maiwasan na magulat sa sinabi nito.
Wala na si Natalia? Kung ganoon
nasaan na siya ngayun?
"Huwag ka sanang magalit sa ginawa
ko. Alam kong kapatid mo pa rin siya at
hindi mo pa rin maiwasan na kaag
alala sa kanya sa kabila ng ginàgawa
nyang kasalanan sa iyo...ligtas siyang
naihatid ng mga tauhan ko sa pamilya
mo Ash!" uling wika nito, Kahit
papaano nakahinga naman ako ng
maluwang. Oo, kapatid ko pa rin si
Natalia, at sa kabila ng nagawa nitong
kasalanan sa akin, hindi pa rin
maiwasan na makarandam ako ng awa
sa kanya. Kadugo ko pa rin siya at hindi
magbabago iyun kahit na anong
mangyari.
Chapter 72
VERONICA POV
Katulad ng inaasahan, talagang
nagustuhan ko ang kabuuan ng bahay.
Sino ba naman ako para mag inarte
diba? So sobrang daming pera yata ang
ibinuhos ni Ryder para maipatayo ang
bahay na ito talagang hindi ko
maiwasang mamamangha sa bawat
detalve at desinyo.
Ito iyung kwarto natin?" gulat kong
tanong kay Ryder. Sa sobrang laki ng
kwarto pwede na kaming maglaro ng
hide ang seek. Mas malaki pa yata ang
kwartong ito kaysa sa bahay namin sa
probensya eh.
'Yup! Mas maganda ng malaki ang
kwarto para naman komportable tayo.
" pagmamalaki nitong sagot at
binuksan ang isa pang nakasarang
pintuan. Agad na dumako ang tingin
ko ng mapansin kong maraming gamit
sa loob.
"Ito iyung walk in close natin Mahal.
Pasensya ka na kung may mga ilang
gamit na dito Sa loob. Namili na kasi
ako ng mga kailangan mo. Pero kung
may kulang pa, pwede kitang samahan
para bilhin ang mga iyun." wika nito
at agad akong napasunod sa kanya.
Sabay kaming pumasok sa loob at agad
na nanlaki ang aking mga mata.
Sa sobrang lawak ng paligid akalain
mong nasa loob ako ng isang boutique.
Ito ba iyung sinasabi nya na binili nya
ako ng ilang gamit? Parang tindahan
na ito sa isang mall sa sobrang dami
eh. Yes, punong-puno ng mga gamit
ang loob nito. Ibat iba...nga bags,
sapatos at mga damit at kung anu-ano
pa.
Nang isa-isahin kong tingnan ang nga
ito ay hindi basta - bastang collection.
May mga tag price pa at halatang hindi
pa nagagamit. Nagtatakang napabalik
sa loob.ang tingin ko kay Ryder.
"A-ano ang ibig nitong sabihin?"
tanong ko. Agad itong napangiti.
"Hope nasurprise kita Mahal,
Inihanda ko talaga ang mga iyan para
sa iyo. Sana mnagustuhan mo at sana
lang kasya sa iyo lahat.'" nakangiti
nitong sagot. Hindi ko mapigilan na
maluha.
"Binili mo lahat ng ito sa akin?" sagot
ko? Agad itong tumango.
"Yup! Gusto kong ibigay sa iyo lahat-
lahat Ash. Alam kong hindi ka
maluhong tao pero masaya akong
ibigay sa iyo ang lahat. " wika nito at
naglakad sa pinakaloob ng walk in
closet. HInila nito ang isang drawer
kaya agad naman akong napasunod.
Agad na tumampad sa mnga mata ko
ang ibat ibang klaseng mamahaling
alahas. Kumuha ito ng isang kwent
at isinuot sa akin. Lalong tumulo ang
luha sa aking mga mata dahil
dinampian nya pa ng halik ang leeg ko
pagkatapos nyang maisuot iyun.
"Perfect!" malambing nitong wika.
HInd naman ako nakasagot.
Pakiramdam ko sobrang sikip ng
dibidib ko dahil sa hindi
makapaniwalang supresa nito.
"Narealized ko na noong magkasama
pa tayo hindi man lang kita nabilhan
ng mga ganitong nga bagay Ash
gayung kaya ko naman sanang
iprovide lahat. Bumabawi na ako
ngyaun, ano man ang mga bagay na
nandito sa lugar na ito ay para sa iyo.
Binili para sa iyo." wika nito
"Pero Ryder, ang dami nito. Hi-hindi
ko kailangan ang mga iyan! Hindi ka
dapat gumastos ng ganito kalaki para
sa sa mga gamit na iyan.'" sagot ko.
"I knovw! Pero isa ito sa paraan ko para
kahit papaano gumaan ang dibdib ko
Ash. Kahit man lang sa ganitong
paraan makabawi man lang ako sa
lahat ng pagkukulang ko." sagot nito.
Lalo tuloy akong napaiyak.
"Ryder...Hindi ko alam kong ano pa
ang masasabi ko sa lahat ng ito.
Patawad sa mga taon na hindi tayo
magkasama. Kasalanan ko din siguro
ang lahat. Kung hindi ako nagkasakit
hindi sana nangyari ang lahat ng gulo
na ito sa buhay natin." sagot ko
kasabay ng pag-iyak.
"No! Wala kang kasalanan Ash.
Biktima ka lang din sa pagiging
marupok ko pagdating sa mga babae.
Nakalimutan kO ang mararamdaman
mo kapag magkabukingan na. Kaya
please, huwag na huwag mong sisihin
ang sarili mo. Wala kang kasalanan.
kahit kailan, hindi mo kasalanan ang
lahat...hindi mo kasalanan kong bakit
ka dinapuan ng malubhang salkit."
sagot nito kasabay ng mahigpit na
pagyakap sa akin. Lalo naman akong
napahagulhol ng iyak.
"Its okay! Its okay! Simula ngayun
itutuwid ko na lahat ng mga
pagkakamali ko. Huwag ka lang
muling mawala sa akin." wika nito
Ryder, pangako, nandito lang ako sa
tabi mo. Pipilitin kong kalimutan ang
lahat ng mga mnasasalimoot na
nangyari sa atin noon. Magsimula tayo
ulit. Kasama si Charles." sagot kO
kasabay ng pagtulo ng luha sa mga
mata. Luha ng kaligayahan.
"Salamat...salamat Mahal ko" sagot
nito at agad akong hinalikan sa labi.
Malugod ko namang tinugon iyun. Mag
-uumpisa na naman sana itong
maging mapusok ng pigilan ko ito.
Marami pa kaming gagawin ngayung
araw. Hindi pwede ang iniisip nito.
Hindi pwedeng kalimutan na
naghihintay sa amin si Charles.
"Ryder, teka lang..." wika ko sabay
kalas sa kanya.
"Why?" tanong nito.Kitang kita ko ang
pagnanasa sa mukha nito. Mukhang
tama ang inisip ko. Gusto na naman
ako nitong angkinin.
"Hindi pwede iyang tumatakbo sa utak
mo. Hindi bat mamamasyal pa tayo sa
tagaytay? Naghihintay sa atin si
Charles kaya hindi tayo pwedeng
magatagal dito sa kwarto.'" sagot ko.
Agad kong napansin ang paglungko t
ng awra nito. Para itong batang
inagawan ng candy. HIndi ko tuloy
maiwasan na matawa.
"Nakahiya sa anak mo! Ito ang unang
pagkakataon na magbonding tayo
bilang isang buong pamilya kaya
umayos ka!" muli kong wika at
naglakad palabas ng walk in closet.
Agad naman itong napasunod sa akin.
"Ash, bilisan lang natin. Siguro abala
pa si Charles sa kakaikot sa paligid."
giit nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay.
"Hindi nga pwede! Hindi pa
nakakabawi ang katawan ko sa mga
pinanggagawa mo kagabi!"
pagdadahilan ko. Pwede ko naman
talaga itong pagbigyan, pero knowing
Ryder, baka tuluyang hindi kami
makapamasyal kapag magpadala ako
sa nararamdaman nito. Nakakahiya
naman kay Charles. Excited pa naman
ang bata.
"Okay, pero dito tayo tutuloy mamaya
pagkatapos mamasyal ha? Simula
ngayun dito na kayo titira." sagot nito.
Natigilan ako.
"Eh paano ang mga gamit namin?"
tanong ko. Saglit itong nag- isip at
muling nagsalita.
"Akin na ang susi ng unit. Ipapahakot
ko na lang sa mga tauhan ko." sagot
nito. Agad akong umiling, Gusto kong
ako misIno ang magligpit ng mga
gamit ko.
"Nope! Gusto ko ako mismo ang
magligpit ng mga iyun. Marami akong
mga importanteng gamit at baka
masira ang iba kapag ipaubay ko sa iba
ang pag- aayos ng mga iyon." sagot ko.
Muli itong napabuntong hininga bago
sumagot.
"Okay! Kung ano ang gusto ng Mahal
ko walang problema." sagot nito at
inakbayan pa ako. Sabay na kaming
bumaba ng hagdan pagkatapos
lumabas ng mansion...Yes, mansion
ang lugar na ito dahil sa sobrang lawak
ng paligid. HIndi ko pa nga naiikot ang
bawat sulok nito eh.
"Ang laki talaga ng lugar na ito Ryder...
teka lang, dito na din ba titira si Lalo
Agataha?" tanong ko ng biglang
sumagi sa isip ko si Lola.
"I dont know..kahit siya hindi alam
ang tungkol sa lugar na ito. Lets see!
Siguro papayag iyun kung ikaw mismo
ang magyaya sa kanya.'" nakangiti
nitong sagot.
"Pero sa bahay na iyun siya tumanda.
Baka hindi siya papayag." malungkot
kong sagot. KUng tutuusin ayos lang
naman sa akin ang bahay na iyun..Kaya
lang sa dami ng mga pahirap na
naranasan ko Sa bahay na iyun baka
hindi din kami maging masaya. Baka
palagi ko lang maalala ang lahat ng
mga kataksilan na ginawa nito sa akin
noon.
"Tingnan na lang natin Mahal. Malay
mo naman diba?" sagot nito. Hindi na
ako nakaimik pa.
"Nasaan nga pala si Charles?" tanong
ko habang inililibot ang tingin sa
paligid. Baka nasa kwarto. Iyun nga
lang sa dami ng kwarto ng mansion na
ito hindi ko pala alam kung alin sa
mga iyun ang napili nito.
Sabay pa kaming napalingon ni Ryder
ng may narinig kaming talsikan ng
tubig mula sa pool. Agad kaming
naglakad papunta doon at tumampad
sa paningin namin ang nag-eenjoy na
si Charles. Mukhang hindi na nito
napigilan ang sarili na magtampisaw
sa malinaw na tubig ng pool.,
"Charles!" sigaw ko. Agad itong
napalingon sa amin na may masayang
ngiti sa labi.
"Ang tagal niyo po kasi. Tutuloy pa po
ba tayo ng tagaytay?" tanong nito.
Agad naman kaming nagkatinginan ni
Ryder. Kitang kita ko ang naglalarong
ngiti sa labi nito.
Chapter 73
ASHLEY POV
Katulad ng inaasahan, hindi nga kami
natuloy sa pamanasyal sa Tagaytay.
Nagdecide na lang kaming mag stay ng
mansion dahil nukhang nag-eenjoy
naman si Charles sa kakaswimming.
Nagpasya na lang akong ipagluto ng
miryenda ang mag-ama ko dahil may
mga stocks ng pagkain na din naman
ang kusina.
Mukhang pinaghandaan na ni Ryder
ang lahat. Mabuti na din kung ganoon
para less hustle na sa aming lahat.
"Sigurado ka na ba Mahal?" tanongni
Ryder. Magkaharap kami dito sa
garden habang kinakain ang
mireyenda na niluto ko kanina.
Pancake with fresh juice.
"Oo eh. Bigla ko na lang kasiAg naisip
sila Nanay at Tatay. Ang alam nila
patay na ako at nagi guilty ako.
Actually, pakana naman talaga lahat
ito ni Lorenzo dahil wala naman akong
malay ng mga sandaling iyun.
Gayunpaman ipinagpasalamat ko ang
lahat ng kanyang ginawa dahil
nakaligtas ako sa kapahamakan.
Nailigtas nya ako sa mga kamay ni
Natalia." mahaba kong wika na hindi
maiwasan na makaramdam ng lungkot
ng muling maalala ko ang mga
nangyari noon.
"Kung ganoon sasamahan kita. Hindi
ako papayag na mag-isa kang pumunta
doon Mahal. Nandoon si Natalia at
baka kung anong gawin nya sa iyo"
sagot nito. Saglit akong natigilan. Oo
nga pala, nasa probensya na si Natalia.
Maaring sa mga sandaling ito alam na
nila Nanay at Tatay ang tungkol sa akin.
"Wala akong choice kundi harapin siya
Ryder. Gusto ko ng matap0s ang lahat
ng ito. Pagod na din ako at gusto ko ng
katahimikan." sagot ko. Sandali itong
natigilan tsaka tumango.
Kailan mo gusto dumalaw sa kanila?!
sagot nito. Saglit akong nag-isip bago
sumagot."Sa makalawa sana!" sagot ko.
"Okay. Kung ganoon ipapa- cancel ko
lahat ng mga appointment ko para
masamahan ka." sagot nito. Agad
akong umiling
"Ryder, kaya ko naman eh. Hayaan mo
na. Maayos na ang kalagayan ko. Siguro
naman hindi ako sasaktan ng mga
magulang ko." sagot ko. Agad itong
umiling.
"No Ash! Gusto ko rin makausap ang
mga magulang mo. Gusto kong
humingi ng tawad sa mga nangyari.
Ako ang dahilan ng gulong ito kaya
naman dapat lang na harapir ko."
sagot nito.
"sige, kung gusto mo talaga wala na
akong magagawa pa. For the meantime
gusto kong dalawin muna si Lola
Agatha." sagot ko.
"Sure..tiyak na matutuwa si Lola kapag
malaman niyang nagkabalikan na tayo.
sagot nito. Pagkatapos sininyasan
nito si Charles. Pinapaahon na nito sa
pool.
"Ngayun na ba agad tayo pupunta sa
bahay nyo?" tanong ko. Agad itong
tumango.
"Maaga pa naman. Isa pa much better
kung doon na tayo kakain ng dinner.
Wala pa tayong mga kasambahay dito
para mag-asikaso sa lahat ng
kailangan natin." Napapakamot sa ulo
nitong wika. Hindi ko naman
mapigilan ang matawa.
Oo nga pala. Wala kaming inabutan na
kahit isang tao sa bahay na ite, Walang
pwedeng utusan at sa laki ng bahay
kailangan talaga namin ang mga
kasambahay para makatulong sa pagme
-maintain ng kaayusan ng mansion.
Pagkatapos makapagbanlaw ni Charles
ay agad kaming bumyahe pauwi ng
bahay. Katulad ng inaasahan, tuwang
tuwa si Lola Agatha sa pagsulubong sa
amin. Ilang beses nitong pinuri si
Ryder dahil daw hindi ako tinantanan
hangat hindi ako muling bumalik dito
sa bahay.
"Magpapaluto ako ng mga paborito
mong pagkain Ashley. Mabuti naman
at ayos na kayo. Hayaan mo iha, kapag
maglukO pa ulit ang apo ko, ako na
mismo ang magpaparusa sa kanya."
nakangiting wika ni Lola Agatha.
Hawak pa ako nito sa kamay habang
malapad ang ngiti sa labi. Hinayaan
naman kami ni Ryder na
magkumustuhan ni Lola Agatha.
Papanhik daw muna ng kwarto para
makapagplit ng damit.
"Nangako na po si Ryder na hindi nya
na uulitin La." sagot ko.
"Ilang beses nya ng nabanggit sa akin
ang bagay na iyan. Kung alam mo lang
Ash, kung gaano siya nagluksa noon.
Akala talaga naming lahat patay ka na.
Araw-araw pa siyang dumadalaw doon
sa mausoleum kung saan nakahimlay
iyung Jar na inabot ni Enzo noon.'"'wika
nito. Hindi ko naman mapigilan na
makaramdam ng kilabot. Lalo na ng
naisip ko na palagi ako nitong
ipinagtirik ng kandila.
"Ga-ganoon po ba? Naku, si Enzo
talaga! Kaninong abo kaya ang nilagay
nya sa jar na iyun? Baka naman walang
laman iyun La at props lang." sagot ko.
"Ewan ko ba Iha. Si Enzo lang ang
makakasagot kong may laman ba ang
Urn Jar na iyun o wala. Siya ang nag-
abot kay Ryder eh." sagot ni Lola. Hindi
ko naman mapigilan ang mapailing.
Imagine, talagang pinagawan pa ako
ng mausoleum? Habang
nakikipagpalaban ako kay kamatayan,
ipinagtitirik na pala ako ng kandila ng
mga mahal ko sa buhay. Baka nga
pinadalasan pa ako nila Nanay sa
probensya eh. Haayyy ngayun ko lang
naisip ang mga nakakakilabot na ritwal
na ginawa nila sa pag-aakalang patay
na talaga ako.
Naging maayos naman ang mga
sumunod na araw. Tuluyan na kaming
nakalipat sa bagong tirahan namin
kasama si Lola Agatha. Nakapaghire na
din kami ng ilang asambahay.
Pumayag tumira ng mansion si Lola
Agatha basta palagi lang daw namin
bibisitahin ang dating tirahan nila.
Agad naman kamning sumang- ayonni
Ryder.
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Lulan ng sasakyan, magkatąbi kami ni
Ryder na bumiyahe pauwi ng
probensya. Kahit na anong pigil ko,dito
na huwag na akong samahan mapilit
ito. Baka daw apihin ako ni Natalia at
walang magtatanggol sa akin. Mas
maigi na kasama ko daw siya para
makahingi din siya ng tawad kila
Nanay at Tatay.
Si Charles naman hindi na sumama.
HIndi ito pwedeng lumiban sa School
dahil sa mga paparating na exam.
Malapit na din kasi matapos ang klase.
"Ayos ka lang ba Mahal?" tanong ni
Ryder. Napansin marahil nito na hindi
ako mapakali buong byahe.
"sa palagay mo, galit kaya sila Nanay
at Tatay sa akin?" tanong ko.
"Malalaman natin mamaya. Relax lang
Mahal, kahit na anong mangyari
nandito lang ako sa tabi mo. Handa
kitang ipagtanggol kahit kanino" sagot
nito sabay yakap sa akin. May kasama
kaming driver kaya katabi ko itong
naupo dito sa likurang bahagi ng
sasakyan. May isa pang sasakyan na
nakabuntot sa amin kung saan lulan
ang ilang mga personal bodyguard ni
Ryder.
Mabilis ang naging byahe namin.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na
kami ng aming bahay. Nakasilip lang
ako sa bintana ng kotse at hindi
malaman ang gagawin.
Mukhang malaki na din ang
ipinagbago ng baryo namin. Napansin
ko sa mga nadadaanan namin kanina
na nadagdagan ang mga kabahayan at
may ilang mga sikat na fast foods
chain na din akong mga namataan.
Hindi lang pala ang Maynila ang
umuunlad. Pati na din ang probensya
namin.
"Nandito na tayo Mahal. Mukhang may
tao naman sa loob ng bahay niyo.
Bukas ang mga bintana oh?" wika ni
Ryder at tinapik pa ako. Muli akong
tumitig sa loob ng bakuran g bahay.
Malalim akong napabuntong hinjnga
bago nagpasya na bumaba ng
sasakayan.
Naglakad na ako papuntang gate
habang malakas ang kabog ng dibdib
ko. Tahimik naman na nakasunod sa
akin si Ryder.
Mabuti naman at may doorbell na sa
may gate. Agad ko itong pinindot at
ilang saglit lang ay bumukas ng ang
main door ng bahay. Agad na iniluwa si
Nanay.
Agad kong napansin ang bahagyang
pagkagulat sa mukha nito ng makita
ako. Nabanggit na nga siguro ni Natalia
sa kanila na buhay ako. Liban sa
pagkagulat hindi ko man lang
nababakasan ng excitement ang mukha
ni Nanay.,
"Ashley?" mahinang wika ni Nanay.
Hindi ko naman alam konggno an8
mararamdaman ko. Sa boses at
reaction nito mukhang hindi ito
natuwa na makita ulit ako.
"Nay? Ku-kumusta po kayo?" sagot ko.
Sabik akong mayakap ito. Sobrang
namiss ko sila! HIndi pa rin kasi kami
pinagbuks an ng pintuan. Saglit itong
tumitig kay Ryder bago ibinaling ang
tingin sa akin.
"Matagal na naming tanggap na patay
ka na. Sana hindi ka na lang bumalik!"
wika nito na may halong diin sa boses.
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa
pagkagulat. HIndi ko na din napigilan
ang pag-uunahan sa pagpatak ng luha
sa aking mga mata.
Hindi ito ang inaasahan ko mula sa
kanya. Ang inaasahan ko ay ang mainit
nitong pagtangap at yakap mula sa
akin. Pero bakit ibang kataga ang
lumabas sa bibig nito? Masakit na
salita na kahit sinong anak hindi
matatangap.
Chapter 74
ASHLEY POV
"Ma, sorry po!" sagot ko habang
patuloy sa pagtulo ang luha sa aking
mga mata. Hindi ko inaasahan na
ganito ang magiging reaction nito sa
muling pagkikita namin. Mas gustuhin
pa nilang namatay na lang ako ng
tuluyan? Ang sakit noon.
"Natanggap na namin na wala ka na.
Bakit ka pa bumalik! Bakit kailangan
pang saktan mo ng ganito ang kapatid
mo Ashley!" muling wika nito
"Ma, hindi kita maintindihan. Bakit
ganito ang mga pinagsasabi mo? Hindi
po ba kayo masaya na nagbalik ako? Na
buhay ako?" sagot ko habang patuloy
sa pagluha. Gusto kong magpaliwanag
sa kanila kung bakit kailangan akong
itago noon ni Enzo. Pero mukhang
sarado na ang isip nito.
Mukhang wala na silang time pa para
pakinggan ako. Mukhang mas nag-
aalala pa sila kay Natalia? Wala na ba
akong puwang sa kanila? Wala na ba
akong puwang sa pamilya ko na ginawa
ko ang lahat para makaahon kami sa
hirap?
"HIndi ko alam. Pero ang alam ko lang
nagdurusa ngayun ang kapatid mo
dahil sa iyo. Dahil sa lalaking iyan!"
sagot nito sabay masamang tinitigan si
Ryder. Palkiramdam ko lalong nadurog
ang puso ko sa mga pinagsasabi ni
Nanay. Hindi ko akalain na mas
kakampihan pa nya si Natalia kaysa sa
akin.
"At ikaw naman lalaki? Ano na, porket
bumalik na ang una mong asawa basta
mo na lang itinapon na parang basura
si Natalia? Nasaan ang konsensya mo?
" galit na wika ni Nanay kay Ryder. Ito
naman ang kanyang pinagdiskitahan.
"Nay, ano po ba ang gusto nyo? Gusto
nyo bang dalawa kami ni Natalia sa
buhay ng asawa ko? Iyun po ba ang
gusto nyo?" umiiyak na sagot ko. Hindi
ko na kaya pang kimkimin ang sama ng
loob na nararamdaman ko ngayun.
Hindi kayang tanggapin ng kalooban
ko na sa kabila ng mga kasalanan na
nagawa ni Natalia sa akin noon, siya pa
ang kakampihan nila.
"Hindi kita pinalaki para sumagot-
sagot sa akin ng ganyan Ashley! Hindi
porket ikaw ang nag-aakyat ng pera sa
* pamamahay na ito may gana ka ng
sagot-sagutin mo ako ng ganyan!"
galit na wika ni Nanay. Naramdaman
ko na lang na agad sumayad ang palad
nito sa pisngi ko.
Sandali akong natulala habang hawak
ang nasaktan kong pisngi. Patuloy sa
pag-uunahan sa pagtulo ang luha sa
aking mga mata. Hindi ako
makapaniwala na ganito ang
mangyayari. Mainit na yakap ang ini-
expect ko mula sa kanila pero iba'ang
ibinigay nya sa akin. Sampal? Ang
sakit! Parang gusto ko na lang umalis
sa lugar na ito at magpakalayo-layo na
lang. Hindi ko na kayang pakinggan pa
ang mga salitang lmalabas sa bibig ni
Nanay.
Naramdaman ko na lang ang paghawak
ni Rafael sa akin. Kinabig ako nito.
Pagkatapos seryosong hinarap nito sa
Nanay.
"Huwag nyo naman po sanang saktan
ng ganito ang anaknyo. Kakagaling
nya lang sa sakit at hindi ako papayag
na kahit kayo pa ang mga pamilya nya
sasaktan nyo siya..."
"Pinagsisisihan ko na lahat ang mga
nagawa kong pagkakamali. Hindi na
maibabalik pa ang ang mga nangyarı
na. Si Ashley ang mas nagdusa sa lahat
ng mga kasalanan namin noon ni
Natalia!. !."
Kung hindi nyo kayang tanggapin si
Ashley sa pamilya nyo, ipaubaya niyo
na lang siya sa akin. Ako na ang bahal
sa kanya. Huwag nyo na lang po siyang
saktan dahil hindi ko matatangap ang
bagay na iyun. Huwag na din kayong
gumawa pa ng mga bagay na
makakalimutan ko na Ina po pala kayo
ng babaeng pinakamamahal ko..."
" Alam na alam ni Natalia kung bakit
nangyari ang lahat ng iyun. Aminado
ako na isang pagkakamali ang lahat.
Kaya nga inaayos ko na ngayun eh.
Binubuo ko na ulit ang pamilya ko na
nasira dahil sa mga kasalanan na
nagawa namin ni Natalia noon. "
mahabang wika ni Ryder. Galit naman
ang nakikita ko sa mukha ni Nanay.
Lalo akong naluha.
"Hindi! Hindi ko matatanggap na basta
mo na lang tinuhog ang magkapatid
lalaki ka! Ashley, mamili ka ngayun,
kung gusto mong bumalik sa pamilya
na ito hiwalayan mo ang lalaķing iyan!
Mas lalong masasaktan ang kapatid mo
kapag mnakita kayong magkasarha!"
sagot ni Mama. Hindi naman ako
makapaniwala.
Sa totoo lang hindi ko magagawa iyun.
Nag-uumpisa na kaming dalawa ni
Ryder na buuhin ang pamilya namin.
Bakit kailangan hadlangan ni Natalia
iyun? Sino ba siya? Dahil ba naging
babae siya ng asawa ko
"Nay, maawa ka naman, may anak
kami ni Ryder. Kailangan ng apo nyo
ang ang isang kompletong pamilya."
sagot ko.
"Magagawa ni Natalia iyan. Pwede
siyang maging ina ng anak mo! Kung
hindi ka sana bumalik hindi masadlak
sa kalungkutan ang kapatid mo! Bakit
ba kasi hindi ka pa natuluyan? Sayang
lang ang luha na iniyak ko sa iyo
gayung buhay ka pa pala!" galit na
wika ni Nanay. Sa pagkakataon na ito
halos sumigaw na ito. Kita ko na din
ang galit sa kanyang mga matna
syang first time kong makita sa kanya.
Sa loob ng walong taon, ang dami na
palang nagbago. Pati ugali ng Ina ko
nagbago na din. Hindi siya masaya sa
muling pagbabal ik ko. Nakatoon ang
kanyang attention kay Natalia. Si
Natalia na minsan nang pinagtangkaan
din ang buhay ko noon.
Mas gustuhin pa pala nilang namatay
na lang ako ng tuluyan. Kung ganoon
wala na nga talaga akong puwang sa
pamilyang ito!
Wala na akong pamilyang babalikan pa.
t Tuluyan na nila akong nakalimutan.
Para sa kanila, isang malaking gulo
ang muli kong pagbabalik. Sasanayin
ko na lang ba ang sarili ko na
mamuhay ng walang kikilalanin na
mga magulang at kapatid? Ito ba ang
magiging apalaran ko sa pangalawang
buhay na ibinigay sa akin ng Diyos?
Ahhhh, ang sakit! Mahirap tanggapin
ang lahat. Sa kabila ng mga sukirpisyo
na ginawa ko noon sa panıilya ko
tuluyan na pala nila akong itinuring na
patay.
"Luz! Ang lakas ng boses mo! Hindi ka
na nahiya sa mga kapitbahay!" galit
naman na sigaw ni Tatay. Galing ito sa
likod ng bahay at kita ko ang
pagkagulat sa mga mata niya ng
dumako ang tingin sa akin.
"Ashley?" wika nito at halos patakbong
lumapit sa amin. Agad na binuksan ang
gate at niyakap ako. Kusa namang
binitiwan ako ni Ryder para mayakap
ko din si Tatay.
Tay! Sorry!" wika ko habang walang
tigil sa pag-iyak. Agad kong
naramdaman ang paghagod nito sa
likod ko.
Totoo nga na buhay ka anak! Kumusta
ka na? Maayos ka na ba? Magaling ka
na ba sa sakit mo?" tanong nito. Agad
naman akong tumango.
"Malamang magaling na iyan. Tingnarn
mo nga ang hitsura, mukhang masaya
sa buhay samantalang ang isa mo pang
anak nagdurusa." sabat naman ni
Nanay. Agad naman napabitaw si Tatay
sa akin at hinarap si Nanay.
"Luz, ano ba iyan mga pinagsasabi
mo? Hindi ka ba masaya na nagbalik na
ang anak mo? nandito siya! Ano bang
kRaseng pag-uugali iyan!" sagot ni
Tatay. Sandaling natigilan si Nanay at
matalim akong tinitigan.
"Matagal na siyang patay sa pamilya
natin. Bakit ba parang wala lang sa iyo
na minsan tayong niluko ng babaeng
iyan! Wala na si Ashley. Si Natalia ang
nandito! Mas kailangan tayo ni Natalia
ngayun!" galit na sagot ni Nanay.
Hindi naman nakaimik si Tatay. Lalo
naman akong napaiyak.
Sa bawat salita na lumalabaş sa bibigni
Nanay at parang libo- libong'karayom
na tumutusok sa puso ko. Tuluyan na
nga akong itinakwil ng sarili kong ma.
Ang taong nagluwal sa akin dito sa
mundo. Si Natalia na lang ang
mahalaga sa kanya.
"Hindi ko kasalanan kung bakit
nagdurusa ngayun si Natalia Nay.
Kasalanan niya dahil pumatol siya sa
asawa ko!" sagot ko. Lalong nanlisik
ang mga mata ni Nanay na tumitig sa
akin
"Ang sabihin mo, bedridden ka na
noon Ashley. Wala ka ng kwenta kaya
ka pinagpalit ng asawa mo sa mas bata
sa iyo! Hindi ba Ryder?"" wika ni Nanay.
Agad kong napansin ang pagkuyom ng
kamao ni Ryder kaya hinawakan ko ito.
Agad naman itong kumalma
"Si Natalia ang unang gumawa ng
hakbang. Tanungin nyo po siya kung
paanong may nangyari sa amin noon.
Tanungin niyo po siya kung anong
kabulastugan ang kanyang ginawa
habang nakaratay si Ashley sa higaan."
sagot ni Ryder na may halong
pagtitimping galit sa boses.
"Kung matino kang lalaki hindi mo
siya papatulan diba? Hinintay mo pa
ang walong taon bago mo pakawalan
ang anak ko! Porket nagbalik na ang
babaeng iyan basta mo na lang itapon
si Natalia!" galit na wika ni Nanay.
"No, simula ng nawala si Ashley, wala
na kaming naging kaugnayan ni
Natalia. Pinayagan ko lang siyang
tumira ng bahay dahil itinakwil nyo na
po siya noon. Wala na daw siyang ibang
mapuntahan! Iyan ang paulit-ulit
nyang sinasabi tuwing pinapaalis na
siya ni Lola Agatha. Tuwing
pinapalayas na siya ni Charles."
seryosong sagot ni Ryder. Agad naman
napailing si Nanay. Ayaw nya talagang
maniwala. Feeling nya aping api si
Natalia sa mga nangyari.
"Tama na muna iyan. Pinagpipistahan
na tayo ng mga kapitbahay. Pumasok
na muna kayo sa loob ng bahay Ashley.
awat ni Tatay. Agad naman sumabat
si Nanay.
"Hindi, walang papasok sa kanila.
Hanggat hindi ipangako ni Ashley na
hihiwalayan nya ang lalaking iyan
hindi siya pwedeng tumuntong sa
pamamahay natin." sagot ni Nanay.
Kita ko naman ang pagkagulat sa
mukha ni Tatay. Halatang tumututol
ito sa desisyon ni Nanay.
"Para ano? Para ipaubaya ko na kay
Natalia si Ryder? Iyun po ba ang gusto
niyong mangyari Nay? Masaya ba
kayong makita na tuluyan ng nawasak
ang pamilya ko dahil sa paborito nyong
anak?" sagot ko habang hindi pa rin
mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking
mga mata.
Chapter 75
ASHLEY POV
"Bakit hindi? Kung ang kapalit naman
noon ay ang kaligayahan ng kapatid mo
Ashley! Nabuhay ka sa loob ng walong
taon na hindi kasama ang lalaking iyan!
Bakit hindi mo na lang ituloy- tuloy iyun!
Para sa katahimikan ng lahat pagbigyan
mo ang kapatid mo sa gusto nya!." sagot
ni Nanay. Napailing naman ako.
Hindi ko akalain na ganito siya ka-unfair
sa akin. Pakiramdam ko bigla akong
nawalan ng isang Ina. Ibang Nanay Luz na
ang kaharap ko ngayun. Naglaho na ang
pagmamahal nito sa akin bilang isa sa
mga anak niya. Isang anak na walang
ibang hangad noon kundi ang tumulong
para maiahon sa hirap ang pamiyang ito.
Mahirap tanggapin! Napakasakit nito
para sa akin. Ang sikip sa dibdib ko at
para akong kakapusin sa paghinga.
Mabuti na lang at naramdaman ko ang
paghawak ni Ryder sa kanay ko. Kahit
papaano naramdaman ko na may
kakampi ako. Hindi...hindi ko isusuko
ang lalaking ito kahit kanino. Handa ko
siyang ipaglaban mabuo lang ang
pamilyang pinapangarap ko. Ayaw ko ng
magsawalang kibo. Ipaglalaban ko kung
ano ang akin.
Wala sa sariling tinitigan ko ito sa mukha.
Kita ko ang pagpipigil ng galit nito.
Namumula na siya at ano man sandali
sasabog na din. Alam kong pipigilan ni
Ryder ang ano mang galit na
nararadaman nya ngayun dahil kahit ano
ang mangyari, Nanay ko pa rin ang
kaharap namin.
"Sorry po! Si Ashley lang ang mahal ko.
Hindi ko po maintindihan kung bakit
kailangan nyo siyang saktan ng ganito.
Hindi man lang kayo masaya sa
pagbabalik nya." wika ni Ryder.
"Matagal ko ng ipinagluksa ang
pagkawala nya. Sanay na kaming wala
siya sa talbi namin. Sige...ayos lang
naman kung ayaw nya akong stigdin,
pero kalimutan nya na kaming lahat.
Hindi na siya welcome sa pamiyang ito.
Wala kaming anakna matigas ang ulo.
sagot ni Nanay. Hindi ko naman
maiwasan na mapahigpit ng kapit kay
Ryder. Sa kanya na lang talaga ako
kumukuha ng lakas ngayun. Nanginginig
na ang buo kong kalamnan dahil sa sama
ng loob na nararamdaman.
" Iginagalang ko po kayo dahil mga
magulang kayo ni Ash! Pero kung ganito
niyo man lang siya itrato,sige po ako na
ang bahala sa kanya. Pipilitin kong
maging masaya siya sa piling ko na
malayo sa anino nyo." seryosong sagot ni
Ryder. Lalong humigpit din ang paghak
nito sa mnga baywang ko at iginiya ako
pabalik ng kotse.
Walang patid sa pagtulo ang luha sa aking
mga mata. Sana, sa pamamagitan ng mga
luhang ito, mabawasan man lang ang
sama ng loob na nararamdaman ko
ngayun.
"Hindi din kayo magiging nasaya!
Isinusumpa ko!" sigaw ni Nanay. Agad
naman itong inawat ni Tatay.
"Luz tama na! Hindi ka mản lang ba
naawa sa anak mo? Maging masaya ka na
lang sana sa desisyon nya.
Makakalimutan din ni Natalia ang asawa
ni Ashley." awat ni Tatay. Mataas na ang
tono ng boses nito at halatang napipikon
na kay Nanay. Pero knowing them, alam
kong takot si Tatay kay Nanay. Sa
pamilyang ito, si Nanay ang laging
nasusunod.
"Sige, kampihan mo! Napansin mo
naman siguro na ilang beses ng
nagtangkang magpakamatay si Natalia
diba? Pagkatapos ang malditang iyan pa
L ang kakampihan mo?" sagot naman ni
Nanay.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng
galit dahil sa narinig. Napalingon akO sa
bahay at kitang kita ko si Natalia na
nakasilip sa binatana. Nakangisi ito.
Mukhang kanina pa nito pinapanood ang
mga kaganapan dito sa labas. Mukhang
proud pa ito dahil siya ang kinampihan ni
Nanay. Agad kong naikuyom ang aking
mga kamao.
Sa hitsura nito mukhang hindi naman
dumaan sa pagiging miserable. Nang-
aasar pang kinawayan ako kaya agad na
kumulo ang dugo ko. Malabo ang sinasabi
ni Nanay na may suicide attempt si
Natalia. Hindi halata sa hitsura nito
Agad akong bumitiw sa pagkakahawak ni
Ryder. Naglakad ako pabalik ng bahay at
direchong pumasok sa loob.
Hindi ko na pinansin pa ang pagbubunga
ni Nanay. Direcho akong pumasok sa loob
ng bahay. Bakit ba, anak alko at kung
totoosin pag-aari ko ang bahay na ito.
Pera galing sa pagpayag ko sa
pagpapakasal kay Ryder noon ang
ginamit sa pagpapatayo ng bahay na ito.
Tama nga ang hinala ko. Naabutan ko si
Natalia sa sala at prenteng nakaupo sa
sofa. Mukhang inaasahan nito ang
pagpasok ko dito sa loob ng bahay.
Nakangisi habang nakatitig sa akin.
"Hello loser! Masakit ba na itinatakwil ka
na ngayun ng sarili mong mga magulang?
I" Natatawa nitong wika. Kita ang pang-
uyam sa hitsura nito, Hindi na ako
nakapagpigil pa at agad itong nilapitan.
Sa sobrang galit na nararamdaman ko
agad ko itong binigyan ng mag- asawang
sampal. Napansin ko ang pagkagulat sa
mukha nito dahil sa ginawa ko. Hindi
marahil nito inaasahan na magagawa ko
sa kanya ang bagay na ito
Nakilala ako nito bilang isang mabait na
Ate. Ni kurot, wala itong natikman sa akin
noon. Never ko din itong inaway. Sabi nga
nito noon, ako daw ang pinakamabait na
Ate sa balat ng lupa.
Pero nagbago na ngayun. People change
ika nga! At isa na ako doon. Kailangan ko
ng baguhin ang sarili ko kung gusto kong
maka-survive. Kung gusto kong
magkaroon ng buong pamilya. Kailangan
kong ipaglaban ang lalaking
pinakamamahal ko kahit kanino. Kahit pa
sa sarili kong pamilya.
"Kulangpa iyan sa lahat ng mga
kawalang hiyaan na ginawa mo sa akin
Natalia. Sa tangka mong pagpatay sa akin
noon at sa balakmong pag-agaw sa binuo
kong pamilya!" galit kong.wika. Agad na
nanlisik ang mga mata nito
"Wala kang katibayan sa ginawa ko noon
Ashley!" galit na sagot nito. Hindi ko
maiwasan na mapangisi. Ashley na lang
ang tawag nito sa akin. Kinalimutan na
nga nito na magkadugo kami. Na Ate nya
ako.
"Wala? Kung walang katibayan, paano
nalaman ng mga Doctor ko na mali ang
pinapainom mong mga gamot sa akin?"
sagot ko. Agad itong namutla.
"Hindi totoo iyan. Gawa-gawa mo lang
iyan. DAhil kung totoong pinapainom kita
ng maling gamot noon eh di sana
ipinakulong na ako ni Ryder. Pero hindi
eh. ibinahay nya ako sa loob ng walong
taon. Naging masaya kami habang wala
ka!" sagot nito. Sinungaling talaga! Iba
ang lumalabas sa bibig nito at iba din ang
mga nasasagap kong kwento. Ayaw ko ng
paniwalaan pa ang mga sinasabi nya.
Alam kong gusto nitong sirain ang kung
anong meron man kami ngayun ni Ryder.
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa
kwento mong iyan Natalia? Kahit na abala
ako sa pakikipaglaban ko sa sakit ko sa
loob ng mga taon na iyan, alam na alam
ko ang mga kaganapan sa iyo. Alam ko
kung paano ka naghirap sa kamay ng
asawa ko!" nang-iinsulto kong wika.
"Walang hiya ka! Dapat talaga tinuluyan
na kita noon pa! Dapat pala nilason ko na
din ang anak mo at ang matandang iyun
para ma-solo ko na si Ryder!" galit na
sagot nito. Sa wakas, lumabas na din ang
totoong kulay nito. Kailangan pa palang
galitin para lang aminin lahat ng
kabulastugan na ginawa nya. Hindi ko
maiwasan na makaramdam ng lungkot.
Hindi kO akalain na aabot kami sa
ganitong sitwasyon. Na pag-aagawan
namin ang iisang lalaki. Napailing ako.
"'Pinatay ko na lang sana kayong lahat
para wala ng hadlang sa tuluyang pag-
angkin ko kay Ryder! Kaunting-kaunti na
lang mahuhulog na siya sa akin! Pero
bumalik ka pa! Sana natuluyan ka na lang!
" galit na sigaw nito. Nanlilisik ang mga
matang nakatitig sa akin at halo, lumabas
na ang ugat sa leeg dahil sa matinding
galit.
MULI ko naman itong sinampal kaya
lalong nagliyab sa galit ang kanyang mga
mata.
Akmanggaganti ito pero nahawakan ko
ang kanyang pulsuhan. Nginisihan ko ito
sabay itinulak.
"Mas matanda pa rin ako kompara sa iyo
little sissy. Isa ka lang sa nakinabang sa
perang iniuwi ko sa pamilyang ito kaya
wala kang karapatan na sampalin ako.
Tama nâ ang minsang pinagtangkaan mo
ang buhay ko! Hinding hindi na ulit
mangyayari ang bagay na iyun Natalia!
Kung ayaw nyo sa akin, mas ayaw ko din
sa inyo! Mukhang tama ng si Nanay,
magkalimutan na tayo!" wika ko sabay
talikod sa kanya.
Huli na ng mapansin ko sila Nanay at
Tatay sa pintuan. Hindi ko alam kung
narinig ba nila ang pinag-usapan naming
dalawa ni Natalia. Pero hindi ko pwedeng
bawiin pa ang nasabi ko na. Total,
matagal na akong patay para sakanila.
Mukhang paninindigan ko na lang bagay
na iyun. Mabubuhay akong malayo sa
kanila para sa katahimikan ng pamilya
namin.
Iyun ang gusto nila at dahil noon pa
masunurin na akong anak, ibibigay ko
iyun. Lalayo na ako sa kanila at kalimutan
na minsan akong naging bahagi ng buhay
nila.
Hindi ko deserve na masaktan ng ganito
ngayun. Pinagkalooban ako ng
pangalawang buhay ng Diyos hindi para
balikan ang lahat ng mga pasakit sa
buhay ko. Ayaw ko nang muling balikan
ang pagdurusa ko. Gusto kong sulitin ang
pangalawang buhay na binigay ng Diyos
sa akin. Gusto kong maging masaya
habang kasama ang pinakamamahal kong
lalaki at anak ko.
Hindi ko na tinitigan pa ang mga reaction
nila. Nilagpasan ko sila at diretso ng
lumabas ng bahay. Pilit kong
pinapakalma ang sarili ko at hindi na
lumingon pa. Nakakapagod na din pala
ang umiyak.
"Ayos ka lang ba?" agad na salubong ni
Ryder sa akin. Bakas sa mukha nito ang
matinding pag-aalala. Pilit akong
nagpakawala ng ngiti sa labi bago
tumango.
Agad naman akong inakay nito
papuntang kotse. Binuksan ang pintuan
at pinasakay ako.
Bago akO sumakay ay inilibot ko pa ang
tingin sa paligid. Mukhang nabulabog ang
mga kabitbah ay namin. Halos ang mga
mata nila ay nakatoon sa aming bahay.
Ang iba pa nga ay nakatingin sa gawi ko.
Mapait akong napangiti.
Napapailing na lang ako at tuluyan ng
sumakay sa loob ng kotse. Agad naman
tumabi sa akin si Ryder at inutusan ang
driver na magmaneho na. Aalis na kami
sa lugar na ito at marahil hindi na ako
babalik kahit kailan.
Chapter 76
ASHLEY POV
Marahan naming binaybay ang makipot
na daan palayo sa bahay namin ng
mapansin ko ang paghabol ni Tatay. Nasa
likod ito ng kotse habang tumatakbo.
Agad naman sininyasan ni Ryder ang
driver na huminto muna.
Binuksan ko ang salamin na bintana ng
kotse sa gawi ko. Mukhang may
importante pang sasabihin si Tatay.
t Sabagay, nakatangap ako ng mainit na
yakap mula dito kanina. Hindi ito katulad
ni Nanay na imbes matuwa sa muling
pagbalik ko kung anu-anong masasakit
pang salita ang narinig ko mula sa kanya.
"Tay, hindi na po kayo dapat humabol. '
wika ko sa malungkot na boses. Nang
titigan ko ang kanyang mga mata ay
kapansin-pansin ang lungkot doon. Hindi
ko maiwasan na makaramdam ng awa
para dito.
"Mag-ingat ka palagi anak! Pasensya ka
na sa Nanay mo ha? Sana huwag kang
magtanim ng sama ng loob sa kanya.
wika nito at pilit na nagpakawala ng ngiti
sa labi. Mga ngiti na hindi man lang
umabot sa mga mata nito.
Kung alam niya lang, gustong gusto ko
din silang makasama. Sobrang namiss ko
sila. Pero hindi na siguro pwede. HIndi na
buo ang pamilya namin. Galit si Nanay sa
akin. Mas pinapaburan nito si Natalia.
"Salamat Tay! Mag ingat din po kayo
palagi. Pasensya na po kayo sa mga
nangyari. Palagi nyo pong tandaan mahal
na mahal ko po kayo!" sagot ko kasabay
ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Kinuha ko ang isang puting sobre sa bag
at iniabot dito. Agad naman itong nagulat.
"Para sa inyo po talaga iyan. Hindi po ba
c marunong kayong magdrive ng
sasakyan Tay? Bumili kayo ng kotse
bilang regalo ko sa inyo!" wika ko. Agad
naman umiling si Tatay. May iilang butil
ng luha ang biglang pumatak sa mga
mata nito.
"Napakabuti mo talagang anak Ashley.
Ipinagmamalaki kita kahit kanino. Inako
mo ang responsibilidad na dapat ako ang
may pasan. Pinatikim mo sa amin ang
isang masaganang buhay.... Patawad kong
hindi man lang kita maipagtanggol sa
Nanay mo! Patawad anak!" wika ni Tatay
habang hindi na mapigilan ang pag-iyak.
Agad naman akong umiling. Hinawakan
ko ang kanyang kamay at pilit na iniabot
sa kanya ang hawak kong sobre.,
Tay, huwag nyo pong sabihin iyan.
Masaya ako na naibigay sa pamiya natin
ang lahat ng kasaganaan. Siguro ito talaga
ang kapalaran ko. Siguro, kailangan ko
munang lumayo para maghilom ang
sugat sa mga puso natin. Pero palagi nyo
pong tandaan, nandito lang po ako.
Handa ko po kayong gabayan sa lahat ng
oras." sagot ko habang hindi na
mapigilan pa ang paghagulhol ng iyak.
Agad ko naman naramdaman ang
paghagod ni Ryder sa likod ko.
"Itago mo na lang iyan Anak! Sobra-
sobra na ang mga sakripisyo ing ibinigay
no sa pamliya natin. Ipangako mo sa akin
na maging masaya ka na anak. Mahál na
mahal ka ni Tatay.'" wika nito na syang
lalong nagpahirap sa nararamdaman ko
ngayun. Kung pwede nga lang matapos na
ang problemang ito. Kung pwede nga lang
makasanma ko sila kahit saglit lang.
Pero hindi pwede. Tama si Tatay sarili ko
na naman ang iisipin ko ngayun.
Kailangan kong ipaglaban ang sarili kong
pamilya. Ang anak ko at ang asawa ko.
Hindi ako papayag na maagaw ng iba ang
lalaking mahal ko. Kahit kapatid kO pa
ang maging karibal ko sa kanya hindi ko
ito isusuko.
"Mas lalo po akong malulungkot kapag
hindi nyo ito tatanggapin. Iisipin ko
pati kayo galit sa akin. Kaya sige na Tay!
Kunin nyo na po!" sagot ko at inabot pa
ang kanyang kanang kamay at inilagay sa
palad nya ang puting sobre. Tatanggi pa
sana ito kaya lang nakikiusap ko itong
tinitigan sa mga mata. Dahan-dahan
itong napatango at hinalikan ako sa
pisngi.
"Salamat anak! Hanggang sa muli nating
pagkikita! Mag-iingat ka
palagi...
Ryder, ingatan mo ang anak ko. Ikaw na
ang bahala sa kanya." Huling wika ni
Tatay bago ito dumistansya. Agad kong
pinahid ang luha sa akin mga mata at pilit
itong nginitian.
"Paalam Tay! Mahal na mahal ko po kayo!
Sana sa susunod nating pagkikita,
magiging masaya na tayong lahat." wika
ko at at isinara na ang salamin na bintana
ng kotse. . Agad naman umusad ang
sasakyan. Nilingon ko pa si Tatay na
nakatayo sa gilid ng kalsada habang
nakasunod ang tingin sa amin. Kita ko
ang lungkot sa kanyang mga mata.
Naramdaman ko na lang na kinabig ako ni
Ryder. Niyakap ako ng mahigpit kaya lalo
akong napaiyak. Akala ko ubos na ang
luha ko sa mga mata pero nagkakamali
ako. Siguro, hangat may pait akong
naramdaman sa puso ko hindi din
mauubos ang luha sa aking mga mata.
"shhhh Sige lang...Umiyak ka lang na
umiyak habang lumuwang ang
pakiramdam ko.'" wika ni Ryder at
naramdaman ko pa ang paghalik nito sa
tuktok ng ulo ko.
"Ang sakit! Bakit nangyari sa akin ito?
Bakit nagkaganito ang pamilya ko?" sagot
ko kay Ryder. Marahan itong
napabuntong hininga at naramdaman ko
ang paghagod nito sa likod ko.
"I am sorry Ash. Kasalanan ko ang lahat.
Kung hindi sana ako nagpadala sa tukso
hindi sana mangyayari ito. Patawad
mahal ko!" wika ni Ryder. Agad naman
akong umiling. Haggat maaari ayaw ko ng
pag-usapan pa ang nakaraan. Ayaw ko ng
pakinggan pa ng paulit-ulit ang mga
malulungkot ng nangyari sa buhay ko.
Gusto ko ng matapos ang hirap na
nararamaman ng puso ko dahil sawang
sawa na ako sa kaiiyak. Gusto ko ng
kalimutan ang lahat ng pighati na
nararamdaman ng puso ko.
"No...please..pwede bang huwag na natin
pag-usapan pa ang mga nangyari na?
Please?" sagot ko. Hindi na itomimik pa.
Patuloy lang ito sa masuyong paghagod sa
likod ko. Agad kong naipikit ang aking
mga mata. Malaki ang tulong ng hagod at
yakap ni Ryder para kahit papaano
nakaramdam ako ng kaginhawaan. Kahit
papaano ramdam ng puso ko na mnay
nagmamahal pa rin sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng pagod.
Sabagay, ilang oras din ang byahe namin
galing Manila at imbes na mainit na
pagtanggap mula sa pamilya ko ang
makuha namin sama ng loob lang ang
napala ko.
"Pwede ba tayong magpahinga muna?
Pagod na pagod na ako." hindi ko
mapigilang wika. Gusto kong iunat ang
katawan ko. Gusto kong munang mahiga
sa malambot na kama. Isa pa parang ayaw
ko munang bumalik ng Maynila. Ayaw
kong makita ni Charles kung gaano ako
kalungkot ngayun.
"Sure...maghahanap tayo ng hotel para
makapagpahinga muna tayo. Mukhang
pagod na din ang lahat mga kasama natin.
sagot ni Ryder. Ang mga kasanņa na
tinutukoy nito ay ang kanyang mga
bodyguard at driver.
Agad naman kaming nakahanap ng hotel.
Kinuhaan na din ni Ryder ng kwarto ang
kanyang mga bodyguards at driver para
makapagpahinga na din sila. Bukas na
namin ipagpatuloy ang byahe pabalik ng
Manila.
Kahit papaano may concern din naman
pala ito sa kanyang empleyado. Mabait pa
rin naman talaga siya kung tutuusin.
Pagkapasok namin ng kwarto agad akong
nahiga sa kama. Pagod na pagod ang buo
kong katawan. Mabuti at huminto na din
sa pagtulo ang luha sa aking mga mata.
"Gusto mo bang kumain muna Mahalo
iidlip muna tayo?" masuyong tanong ni
Ryder sa akin habang nakahiga ako ng
kama. Nasa paanan ko ito at tinatanggal
ang suot kong sapatos. Hinayaan ko na
lang siya sa kanyang ginagawa.
Pakiramdam ko wala ni kahit kaunting
energy ang natỉra sa katawan ko. Kahit
ang pagtatanggal ng sapatos
kinatatamaran ko na.
"Gusto kong matulog muną. Ang haba
pala ng byenahi natin pagkatapos
pinaiyak lang ako sa pinuntahan natin."
sagot ko sabay pikit ng aking mga mata.
Hindi na din naman umimik pa si Ryder
bagkos naramdaman ko ang paglagay
nito ng kumot sa aking katawan.
"Ok...kung iyan ang gusto mo Mahal."
sagot nito at hinalikan pa ako sa noo.
Pagkatapos naramdaman ko ang pag-alis
nito sa tabi kaya muli kong naidilat ang
aking mga mata. Nakita ko siyang
nakatayo sa may bintana at nakatanaw sa
labas. Hinayaan ko na lang siya at muling
ipinikit ang aking mga mata hanggang sa
hindi ko namalayan na nakatulog na pala
ako.
Chapter 77
ASHLEY POV
Nagising ako na may mabigat na bagay
na nakadagan sa aking puson. Nang
lingunin ko iyun ay agad kong nakita
ang mahimbing na natutulog na si
Ryder. Nakayakap ito sa akin ng
mahigpit kaya nag- alangan akong
gumalaw. Ayaw kong ma-isturbo ang
tulog nito.
Muli kong naalala ang mga nangyari.
Hindi ko maiwasan na maluha ng
muling sumagi sa isip ko ang mga
sinabi sa akin ni Nanay. Nagpakawala
ako ng malungkot na ngiti sa labi bago
pinunasan ang namuong luha sa aking
mga mata.
Gising ka na?" narinig kong taong ni
Ryder. Nakadilat na ito at masuyong
nakatitig sa akin. Pilit akong nguniti
Kakagising ko lang. Teka, anong oras
na?" tanong ko. Sa totoo lang
nakakaramdam na ako ng gutom.
Naramdaman ko ang pagbangon ni
Ryder kaya bumangon na din ako.
Naglakad ako papuntang bintana at
mula sa kinatatayuan ko agad kong
nakita ang bilog na buwan.
"Halos alas diyes na ng gabi Mahal.
Gusto mo bang magpadeliver na lang
muna tayo ng pagkain, or gusto mong
lumabas at maghanap ng restaurant?"
tanong nito. Saglit akong nag-isip
bago sumagot.
"Gutonm na ako eh. Alin ba ang mas
mabilis?" tanong ko habang patuloy na
nakamasid sa labas.
"'Pa-deliver na lang tayo. Pagkatapos
mag-ikot-ikot tayo sa paligid
mamaya. Maghanap tayo ng pwedeng
ipasalubong kay Charles." sagot ni
Ryder. Kaagad naman akong sumang-
ayon.
Nang magsawa sa kakamasid sa labas
ay nagpasya na din akong maligo
muna. Hinayaan ko na si Ryder na
umorder ng makakain namin. Habang
nasa ilalim ako ng shower ay hindi ko
maiwasan na makaramdam ng lungkot
ng muling maalala ang mga nangyari.
Pero kaagad ko din iyung pinalis sa
aking isipan ng marealize ko na hindi
ako dapat maging unfair kay Ryder at
Charles. Hindi pwedeng ganito palagi.
Siguro kailangan ko magfocus sa
ngayun kay Ryder pati na din kay
Charles. Ayaw kong ang kalungkutan
pa na nararadaman ko ang maging
dahilan para hindi kami maging
masaya. Mahirap baliwalain ang mga
nangyari na pero kailangan kong
ipagpa-sa Diyos na lang muna ang
lahat. Darating din siguro ang mga
araw na matatanggap din ni Nanay
ang naging desisyon ko.
saktong pagkatapos kong maligo at
nakapagbihis ng dumating ang inorder
na pagkain ni Ryder. Agad kong
naamoy ang masarap ng aroma ng
pagkain kaya hindi ko maiwasan na
matakam. Ngayun ko lang naisip na
hindi pa pala kami nakakain ng lunch
hanggang hapunan. Siguro gutom na
din si Ryder.
Tahimik kaming kumain habang
pansin ko ang pasulyap-sulyap ni
Ryder sa akin. Mukhang may gusto
itong sabihin at tinatantiya pa nito ang
mood ko.
"May gusto ko bang sabihin? Huwag
kang mag-alala. Maayos na ako. Wala
naman akong magagaWa kundi ang
ipagpatuloy ang buhay diba?"
mahinahon kong wika sabay subo.
"Naisip ko lang..akit mas
pinapaburan nila si Natalia kaysa sa
iyo. Akala ko nga galit sila kay Natalia
dahil sa nangyari sa iyo noon. Harap-
harapan pa nilang itinakwil noon
pagkatapos napansin ko kanina na
mas mahalaga pa si Natalia sa kanila
gayung ang dami mong isinkripisyo sa
pamilya mo Ashley." wika nito. Saglit
akong natigilan at malungkot na
napabuntong hininga.
"Siguro dahil matagal din nila akong
hindi nakasama. Kaya siguro malayo
na ang loob nila sa akin at mas
isinpuso nila na patay na talaga ako."
sagot ko. Agad kong napansin ang
paglamlam ng mga mata ni Ryder
habang nakatitig sa akin. Halatang
naawa ito sa akin.
"'Sorry! Hayaan mo Ash, gagawa ako
ng paraan para maayos ang lahat ng
ito." sagot nito. Kaagad akong umiling.
Ayaw ko ng umasa pa. HIndi na ako
ready na muli silang makaharap.
Nakaka-trauma ang sakit ng kalooban
na nararanasan ko kanina. Ayaw ko ng
marinig ulit ang mga sinabi ni Nanay
kanina sa akin.
"Hayaan mo na Ryder. Ayos lang ako.
Matatangap ko din ang mga nangyari.
Masasanay din siguro ako pagdating
ng mga araw.'" sagot ko. Tumitig muna
sa akin ito tsaka tumango.
"I know! Alam kong matapang ka Ash!
Kaya mo iyan. Nandito lang ako...
hinding hindi kita pababayaan." sagot
nito. HIndi ko mapigilan na hawakan
ito sa kamay at masuyong tinitigan sa
mga mata.
ISalamat dahil nasa tabi kita ngayun.
Malaking tulong ang presensya mo
para malagpasan ko ang lahat ng ito.
Hayaan mo, itotoon ko muna ang buo
kong attention sa inyong dalawa ni
Charles.'" sagot ko. Agad kong
napansin ang paguhit ng masayang
ngiti sa labi nito. Iniangat nya ang
kamay ko at hinalikan iyun habang
titig na titig sa mga mata ko.
"Salamat Ash! Sa kabila ng lahat ng
mga nangyari sa atin nagawa mo pa
rin akong pagkatiwalaan. At hindi ko
sasayangin ang tiwalang iyun. Mas lalo
kitang pahahalagahan ngayun at
hinding hindi na kita sasaktan kahit
kailan." sagot nito at kita ko ang
sinsiridad sa kanyang mga mata.
Tumayo ito at inalalayan din ako nito
patayo at mahigpit akong niyakap.
Hindi kO maiwasan na mapangiti
habang naririnig ko ang paulit-ulit
nitong pagbulong.
"I love you Ash! Mahal na mahal kita!!"
malambing na wika nito. Ahhh ang
sarap pakinggan ng katagang iyun.
Parang idinuduyan ako sa alapaap.
"I love you too Ryder! Hindi na ako
papayag pa na nay magtangka pang
agawin ka ng iba sa akin. Hindi na ako
papayag pa na may manggugulo pa sa
pagsasama natin. Ipaglalaban kita
kahit kanino,!" sagot ko. Kaagad itong
kumalas sa pagkakayakap sa akin at
masuyo akong tinitigan. Kita ko ang
kislap ng tuwa sa mga mata nito.
Unti-unting naglapat ang aming mga
labi. Agad naman akong nanguyapit sa
kanya.
Masaya naming pinagsaluhan ang
halik na iyun. Ilang minuto din na
magkalapat ang aming labi bago
pareho kaming nakangiti na kumalas
sa isat isa. Hinaplos nito ang pisngi ko
at nakangiting nagwika.
"Tapos ka na bang kumain? Gabi na at
mukhang sarado na din ang mga
establishments sa labas. Dito na lang
muna siguro tayo sa kwarto at
magpahinga." wika nito na pilyong
ngiti na nakaguhit sa labi. Hindi ko
maiwasan na matawa ng mahulaan ko
kung ano ang ibig nito sabihin. Ilang
saglit lang ay napuno na ng ungol ang
buong kwarto. Masaya naming
pinagsaluhan ang init ng aming
pagmamahalan.
Kinaumagahan, nagising ako sa tunog
ng aking cellphone. Nang sipatin ko ito
nagtaka pa ako dahil unregistered
number ang tumatawag. Wala sa
sariling sinagot ko iyon dahil baka
importante ang kailangan ng
tumatawag.
"hello?" agad kong wika habang
napasulyap sa mahimbing na
natutulog na si Ryder. Walang
sumasagot sa kabilang linya kaya
hindi ko maiwasan na makaramdam
ng inis.
Gayun paman hindi na ako
nagkomento pa. Kaagad kong pinatay
ang tawag at inilagay sa silent mode
ang cellphone. Baka nang-titrip lang
ang tumatawag at walang magawa sa
buhay.
Muli akong nakatulog at nagising sa
mahinang tapik sa mukha ko.
Namulatan ko ang nakangiting mukha
ni Ryder at napansin kong nakabihis
na ito. Mukhang nakaready na ito sa
pag-alis namin.
"Anong oras na?" agad kong tanong
habang dahan-dahan na bumabangon.
"Alas otso na ng umaga asawa ko!
Kailangan na nating kumain ng
breakfast para makaalis na tayo."
sagot nito. Kaagad akong tumango at
nagpasya ng gawin ang morning
routine ko. Hindi na din ako maliligo.
Total naman nakaligo na ako kagabi.
Eksakto alas diyes ng umaga lulan na
kami ng sasakyang pabalik ng Maynila.
Malungkot ako pero ayaw ko ng
ipahalata iyun kay Ryder.
Chapter 78
ASHLEY POV
Naging maayos ang mga sumunod na buwan sa
pagitan naming dalawa ni Ryder. Hindi rin
nakaligtas sa mga mata ko ang pagiging
masayahin Charles. Nagiging seryoso ito sa
kanyang Pag- aaral na syang naging
kabaliktaran noong mga panahon na hindi pa
ako bumalik sa buhay nila.
Mabuti na lang at naagapan ito sa pagiging
bulakbol noon kung hindi baka mapariwara pa
ang buhay ng nag-iisa naming anak.
"Naglalakad ako sa hallway ng Sebastian
Logistic Inc. ng marinig ko na may tumatawag
sa pangalan ko. Balak kong dalawin si Ryder sa
kauna unahang pagkakataon.
Agad akong napalingon at hindi ko mapigilan
ang mapangiti ngmapansin ko ang familiar na
mga mukha. Sila Ate Samantha at Ate Cecil.
"Ashley?" patanong nilang wika. Parehong
gulat na gulat base na din sa kanilang mga
hitsura.
Kaagad ko silang nilapitan at isa isang niyakap,
Grabe, ang tagal din na hindi kami nagkita. Dito
pa rin pala sila nagtatrabaho sa Sebastian
Logistics. Sa maiksing panahon na magkasama
kami noon nagiging mabuti silang kaibigan sa
akin.
"'Ano ba kayo? Bakit para kayong nakakita ng
multo?" tanong ko pagkakalas ko mula sa
pagkakayakap sa kanilang dalawa.
"I-ikaw nga...to-totoo pala ang chismis na
nagbalik na daw ang asawa ni Sir Ryder."
sambit ni Ate Cecil. Kinalabit pa ako nito para
siguro masigurado na hindi ako multo.
Sabagay, simula ng nagkabalikan kami ni Ryder
ngayun lang ako nagtangka na bumisita dito sa
opisina. Bigla ko kasing na-miss ang asawa ko
kaya pagkatapos kong asikasuhin ang aking
garden sa mansion nagmamadali akong
nagbihis at nagpahatid sa driver papunta dito
sa opisina.
Marunong naman akong magdrive kaya lang
hindi ako pinapayagan ni Ryder na humawak ng
manibela. Delikado daw kasi ang daan lalo na sa
panahon ngayun. Maigi na ang palaging nag-
iingat.
"Lalo kang gumanda Ash!" wika ni Ate
Samantha sabay tutop sa kanyang bibig. Hindi
ko naman mapigilan ang matawa.
"Ano ka ba Ate..noon pa man maganda na ako.
Kaya nga patay na patay sa akin si Ryder eh."
sagot ko. Kaagad silang nagkatawanan.
Pagkatapos sinipat ako ng tingin mula ulo
hanggang paa. Hindi ko naman maiwasan na
mapakunot ang noo ko.
"Siya nga pala..nandyan ba ang Boss nyo?"n
tanong ko. Kaagad silang nagkatinginan bago
sumagot.
Totoo nga ang balita namin na nagkabalikan
na kayo ni Sir Ryder? Kaya pala biglang
nagbago ang ugali nya. Hindi na mainitin ang
ulo niya nitong mga nakaraang buwan at wala
na ring nasisisante." sagot ni Ate Cecil. Kaagad
naman itong kinalabit ni Ate Sam. Nagtataka
naman akong napatitig sa kanilang dalawa.
"'Naku, mukhang marami akong dapat
malaman sa mga pinanggagawa ni Ryder
habang wala ako ah. I think marami kayong
dapat na ichika sa akin." nakangiti kong sagot
sabay tingin sa aking relo. Nalibang na kami sa
pagkikwentuhan dito sa hallway at baka
mapagalitan na ang dalawang ito ng kanilang
superior.
"Pupuntahan ko muna si Ryder sa office nya
pagkatapos bibisitahin ko kayo sa pwesto nyo.!"
wika ko kasabay ng paglakad papuntang
elevator. Kaagad naman silang sumunod sa
akin.
"Alam mo Ash, hindi talaga kami
makapaniwala na buhay ka pa. Saan ka ba
nagpunta...nakakapgtampo ka naman eh..hindi
ka man lang nagpakita ulit sa amin. BAsta
nabalitaan na lang namin na tinamaan ka ng
malubhang sakit pagkatapos naaksidente ka."
wika ni Ate Samantha. Mahina akong
napabuntong hininga bago sumagot.
"Hayaan nyo. Kapag magkaroon tayo ng time,
ikikwento ko sa inyo ang lahat ng mga
nangyari. Sa ngayun kailangan ko munang
surpresahin si Ryder. Sana lang hindi siya busy.
"nakangiti kong sagot kasabay ng pagbukas ng
elevator pagkadating namin ng 3rd floor. Kung
nasaan ang kanilang opisina. Bumaba silang
dalawa at naiwan naman kong mag-isa
hanggang sa nakaakayat ako ng top floor. Kung
saan ang matatagpuan ang opisinani Ryder.
Pagkalabas ko ng Elevator ay napansin ko na
hindi man lang nabago ang set up ng opisina.
Nadagdagan lang ang mga empleyado. Kaagad
akong nagtungo sa isang lamesa at kaaagad
kong napansin ng isa sa mga empleyadong
nakaupo doon. Ito siguro ang isa sa mga
secretary ni Ryder. Sinipat ko muna ito ng
tangin bago tinanong.
"Nandyan ba si Ryder sa loob?" tanong ko.
Napansin ko pa ang pagtitig nito sa akin.
Sabagay, sa nasabi ko na ito ang kauna-
unahang pagkakataon na dumalaw ako sa
opisina ni Ryder at talagang hindi nila ako
kilala bilang asawa ng Boss nila.
"May appointment po ba kayo kay Sir
Sebastian? Kung wala pong appointment,
ipagpaumanhin niyo po, hindi siya basta-
bastang nakakausap nang kung sinu-sino lang.
may halong katarayan ang boses na sagot
nito. Hindi ko naman mapigilan ang pagtaasan
ito ng kilay.
"Kahit na ang asawa nya ang bumibisita sa
kanya?" tanong ko.
"Bakit asawa po ba kayo? Naku Miss, lumang
tugutugin na iyan. Dalang dala na kami sa nga
ganyang excuses. Maraming bumibisita dito na
nagpapakilalang girlfriend, asawa at kamag-
anak na ang ending nagsisinungaling lang pala
para masilo ang Boss namin. Umalis ka na lang
po dahil walang time ang Boss namin para
kausapin ka." mataray nitong sagot. Kaagad
naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito.
Tawagan mo na lang ang Boss mo Miss.
Pakisabi sa kanya nandito ang asawa nya at
gusto siyang mkita. Or kung ayaw mo naman
ako na mismo ang papasok sa opisina nya. Bakit
ba kailangan ko pang magpaalam sa iyo.." inis
kong wika at naglakad na papuntang pintuan
ng opisina ni Ryder. Kaagad naman itong
napatayo at sinundan ako.
"Miss, bawal po iyang gingawa mo! Magagalit
po si Sir kung basta-basata na lang kayong
papasok sa opisina niya." sagot nito at akmang
hahawakan ako sa kamay pero tinabig ko ito.
Napatingin na din sa gawi namin ang ibang
empleyado. Takang taka sila habang nakatitig
sa akin. Nasaan na ba ang mga dating mga empleyado
ni Ryder. Puro mga baguhan at hindi nila ako
kilala.
Hindi ako nagpatinag at kaagad kong binuksan
ang pintuan ng opisina. Nagulat pa ako dahil
hindi nag-iisa sa opisina si Ryder. May kasama
ito...isang sexing babae at mukhang seryoso
ang kanilang pinag-uusapan.
Kaagad itong nagulat pagkakita sa akin.
Napatayo sa kanyang swivel chair at kaagad
akong nilapitan.
"Mahal, napadaan ka." wika nito sabay yakap
sa akin at hinalikan sa labi. Agad kong napansin
ang pagkagulat sa mukha nito pati na din ng
babaeng kausap nya. Hindi ko naman maiwasan
na mapataas ang kilay ko.
"Kanina pa dapat ako. Kaya lang hinarang ako
ng empleyado mo sa labas." sagot ko sabay
sulyap sa babaeng hindi kaagad nagpapasok sa
akin. Pagkatapos napatitig ako sa kausap ni
Ryder na noon ay masamang nakatitig sa akin.
Inirapan ko ito.
Siya nga pala...may ka-meeting ako ngayun..si
Ms. Rosales. May mga business proposal
kaming pinaplantsa. And Ms. Rosales, Misis ko
nga pala.. A.shley...Ashley Sebastian."
pagpapakilala sa aming dalawa ni Ryder.
Pagkatapos sinulyapan nito ang kanyang
empleyado at matalim na tinitigan.
Hindi na din kami nagbatian pa ni Ms. Rosales.
Bakit ba? Hindi na kailangan dahil alam ko na
ang karakas ng ganitong babae. Hindi nya ako
titigan ng masama kanina kung wala siyang
masamang balak sa asawa ko.
"Sorry po. Hi-hindi ko po kasi nakilala si Mrs.
Sebastian. Hind na po mauulit ito Sir." sagot
nito. Marahan na napabuntong hininga si
Ryder at sininyasan na itong lumabas. Hinarap
naman ako ni Ryder at matamis na nginitian.
"Tatapusin lang namin ang aming discussion
pagktapos sabay na tayong maglunch mahal,"
wika nito. Kaagad naman akong tumango.
Naglakad ako papuntang sofa at naupo doon.
"Mr. Sebastian..I am sorry pe-pero hindi ako
kumportable na may ibang makakarinig sa
proposal ng kompanya namin sa kompanya nyo.
" Hindi ko maiwasan na mapataas ang kilay ko
ng marinig ko ang sinabing iyun ng malanding
babae na ito.
Hindi ako tanga para hindi maramdaman na
nilalandi ng babaeng ito ang asawa ko. May pa
business- business proposal pa silang
nalalaman ha?
"I am sorry Ms. Rosales..asawa ko ang
tinutukoy mo and she have the right na marinig
lahat ng mapag-usapan natin. Hindi siya
makikialam at long as tungkol sa business ang
topic natin." nakangiting sagot naman ni
Ryder. Pagkatapos napansin ko na kinuha nito
ang isang papel at binasa.
Hindi na din umimik pa si Ms. Rosales. Pero
napansin ko na balisa ito. Para itong natatae na
ewan. Ngayun ko lang din naisip na siguro dalas
-dalasan ko na ang pagdalaw dito sa opisina ng
asawa ko. Mukhang marami pa ring mga babae
ang hindi man halata pero nilalandi sya.
Malaki ang tiwala ko kay Ryder. Sinula ng
nagkabalikan kami wala na akong napapansin
na kakaiba sa mga kilos nito. Lalo nga itong
naging sweet sa akin at nasa oras palagi ang
uwi. Hindi din ito sumasama sa mga kaibigan
kapag niyaya siya na mag-inuman sa labas.
Palaging kaming dalawa ni Charles ang kasama
nito tuwing weekend kaya alam kong nagiging
loyal na ito sa akin Pero kahit na...naipangako ko na
sa sarili ko nahindi na ako papayag na may lalandi pa na
ibang babae sa kanya. Kung bakit naman kasi
may mga babaeng kahit alam nilang mnay asawa
na ang isang lalaki pilit pa rin nagsusumiksik.
Ang sarap kalbuhin ng ganoong klaseng babae.
"Mahal, matagal pa ba iyan? Gutom na ako!
Ipaiwan mo na lang sa kanya ang mga papeles
na iyan at mamaya mo na pag-aralan." kunwari
ay reklamo ko sabay tayo. Nagkunwari pa
akong naiinis na.
Demanding na kung demanding. Hindi ko na
matagalan pa ang presensya ng kaharap ng
asawa ko. Halata naman na nilalandi lang nito
si Rdyer kaya sya nandito sa opisina.
Chapter 79
ASHLEY PO
"Sige po Mr. Sebastian. Aasahan namin ang
magandang feedback mula sa inyo."
nakangiting paalam ni Ms. Rosales kay
Ryder. Hindi ko naman maiwasan na
mapaismnid ng mapansin ko na hindi man lang
ako nito tinapunan ng tingin at derecho na
itong naglakad palabas ng opisina. Naiinis na
nasundan ko na lang ito ng tingin.
"Relax!Parang kakatayin mo na iyung tao sa
sobrang talas ng tingin mo eh." natatawang
wika ni Ryder sabay lapit sa akin. Naiinis akong
tumitig dito.
"Bastos kasi. Napaka-unprofessional. Alaam ko
naman na hindi tungkol sa business ang pakay
nya sa iyo eh. Kitang kita ko iyun sa mga tingin
nya sa iyo Ryder. Matagal mo ng kakilala?"
seryosong tanong ko. Napaghahalataan tuloy
na nagseselos ako.
"Hmmm, nagseselos naman ang mahal ko eh.
Dont worry, i'll make sure na hindi na
makakapasok sa opisina na ito ang babaeng
iyun. And regarding sa kanilang proposal,
ibabasura ko iyun." nakangiti nitong wika at
niyakap pa ako.
Teka, hindi ba iyun makakaapekto sa negosyo.
I mean baka naman...... "hindi ko na natuloy
ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita.
Representative ng Wilcon Enterprise si Ms.
Rosales. Of course isa iyun sa idadahilan ko
kung balkit ko ibabasura ang proposal nila.
Hindi approved sa akin ang pag-uugali ng
kanilang empleyado kaya palitan nila. Kung
seryoso talaga sila, kukulitin ako ng mga iyun.
Pero siyempre, ibaban ko sila kung si Ms.
Rosales pa rin ang ipapadala nila dito. Ang
pinakaayaw ko sa lahat, ay iyung binabastos
ang Mrs. ko." sagot nito.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Parang may kung anong bgay ang biglang
dumaloy sa puso ko dahil sa sinabi nito. Wala sa
sariling nahaplos ko ang mukha nito dahil sa
tuwa.
"Nakaka-isturbo ba ako?" tanong ko para
maiba na ang aning usapan. Ayaw ko ng pag-
usapan pa ang tungkol kay Ms. Rosales. Baka
lalo lang masira ang araw ko. Kaagad itong
umiling.
"Nope....never asawa ko! Masaya ako dahil
nandito ka." malambing nitong wika at
hinalikan ako sa tuktok ng ilong ko.
"Parang gusto ko tuloy magtrabaho ulit dito.
Nakakamiss din pala maging empleyado ng
Sebastian Logistics." pagbibiro kong wika.
Kaagad na rumihistro ang pagtutol sa mukha
nito.
"Mahal naman...hindi na kailangan. Pwede mo
naman ako puntahan dito sa opisina hanggat
gusto mo. Para naman malkilala ka ng mga
empleyado natin." sagot nito. Napasimangot
ako ng muli kong maalala ang panghaharang
ng isang empleyado kanina sa labas
"Marami ba talagang dumadalaw na babae dito
sa opisina mo?" tanong ko. Natawa ito. Hinila
ako papuntang sofa at naupo ito. Nagulat pa ako
ng paupuin ako nito sa kanyang kandungan.
Hindi na ako nagreklamo pa at agad ng umupo
doon. Naramdaman ko pa ang mahigpit na
pagyapoS nito sa akin mula sa likuran ko.
"Kaya ka nga siguro tinarayan ng isa sa mga
secretary ko dahil hindi ka kilala. Akala nya isa
ka sa mga babaeng nagpapansin sa akin."'sagot
nito. Kaagad naman akong natauhan. Kung
ganoon hindi pala talaga dapat ako
magdamdam o magalit. Ginagawa nya lang ang
trabaho nya.
"Gusto mo bang sisantihin ko siya?" narinig
kong tanong ni Ryder. Kaagad naman akong
umiling.
"Nope! I think I like her na. Magaling
mangharang eh." natatawa kong sagot. Natawa
naman si Ryder. Ilang saglit lang may
kapilyahan akong naisip. Gumalaw-galaw ako
at ikinikiskis ko ang pang-upo ko sa kandungan
nya. Kaagad kong narinig ang mahina nitong
pag-ungol.
"ohh Ashley, what are you doing?" wika nito.
HIndi ko mapigilan ang matawa lalo na ng
maramdaman ko ang biglangpa-umbok ng
pagkalalaki nito. Ramdam na ramdam ko iyun
kahit na pareho kaming may suot na pang-
ibaba.
"Bakit ba? Wala naman akong ginagawa ah?"
sagot ko sa malanding boses. Naramdaman ko
na lang ang labi nito sa leeg ko kaya napaiktad
ako. Mukhang nadarang na si Ryder sa init na
ako mismo ang nag-umpisa.
Teka lang...nandito tayo sa opisina mo." wika
ko habang pilit na tumatayo mula sa
pagkakaupo sa kanyang kandungan. Mahirap
palang landiin ang asawa ko. Mabilis
magresponse ang kanyang katawan. Hindi ako
makawala dahil mahigpit ang pagkakayakap
nito sa akin.
"No problem Mahal. Walang magtatangkang
mang-iisturbo sa atin dito. Pwede natin gawin
lahat ng gusto natin dito sa loob ng opisina.'"
sagot nito sa halos paos ng boses. Tuluyan na
nga itong nadala sa apoy na ako ang nag-
umpisa. Naramdaman ko pa ang mga kamay
nito na nag-umpisa na naman maglumikot.
Napahagikhik ako ng s******n nito ang leeg
ko
"Ryder, huwag diyan. Baka mag- iwan ng marka
iyan." kunwari ay reklamo ko. Narinig ko pa
ang maralhan nitong pagbuntong hininga tsaka
dahan-dahan na tumayo. Sa wakas binitiwan na
din ako nito kaya kaagad akong lumayo dito.
Nakakahiya kong dito pa kami sa opisina
magtalik. Ang bilis pala mag-init ng asawa ko.
Kauting kuskos lang tinablan kaagad.
Napasunod ang tingin ko dito ng mapansin ko
na naglakad ito papuntang pintuan. Pagkatapos
bigla nyang inilock iyun. Nakarngising binalikan
ako habang unti-unting hinubad ang kanyang
kasuotan.
"Ngayun mo ako subukan pilya kong asawa ko.
" wika nito. Hindi naman ako makakilos sa
sobrang pagkagulat. Talagang seryoso ito?
Teka, Ryder naman eh...nagbibiro lang naman
ako." sagot ko pilit na ngumiti. Kaagad itong
umiling at nanlaki ang aking mga mata ng
mapansin ko na pati brief nito nahubad na.
Agad na kumawala ang nanggagalit nitong ari.
HInimas-himas nya pa iyun habang lumalapit s
akin.
"Huwag mo kasi akong subukan Mahal ko.
Tulungan mo akong palambutin ito dahil may
meeting pa ako mamayang alas tres." wika nito
at kaagad akong sinunggaban. Kinuyomos ako
ng halik sa labi kaya hindi na ko nakapalag pa.
Naglulumikot na din ang mga palad nito sa buo
kong katawan.
"Teka lang..dito ba talaga?" tanong ko ng
pakawalan nya ang labi ko. Tinitigan ako nito
sa mukha bago ako hinila sa papunta sa isa
pang pintuan. Binuksan nya iyun at kaagad
tumampad sa paningin ko ang secret room ni
Ryder. Alam ko ang kwarto na ito noon pa dahil
minsan na din kaming nagtalik dito noon.
Kaagad ako nitong inihiga sa kama. Isa-isang
tinanggal ang aking kasuotan kaya naman
hinayaan ko na lang siya. Kasalanan ko din
naman. Nilandi ko siya eh.
"hmmmmm!" hindi ko mapigilang ungol ng s*
*****n nito ang nipple ko. Napahaplos pa ako
sa buhoknya habang ginagawa nya iyun.
Nararadaman ko na din ang kanyang balak na
nasa bukana na ng aking pagkababae.
Humahaplos kaya lalo akong napapaigtad.
"'Palagi mo akong dalawin dito Mahal ha? Para
naman makapag recharge ako at lalong
gaganahan magtabaho" wika pa nito ng iiwan
nito ang nipple ko. Namumungay ang mga
matang tumitig sa akin. Kaagad naman akong
tumango
"hmmm talagang palagi akong dadalaw dito.
Magdadala ako n g matulis na gunting dahil
kakalbuhin ko lahat ng babaeng magtangkang
landiin ka." sagot ko. Agad kong napansin ang
paguhit ng masayang ngiti sa labi nito.
"Thats my Ashley! Ang ganda ng asawa ko!
Nakakagigil ka!" muling wika nito at muli
akong hinalikan sa labi. Mainit kong tinugon
iyun hanggang sa maramdaman ko ang isang
daliri nito na sinusundot na ang aking kuntil.
Grabe, kamay pa lang iyan pero ang sarap na.
Basang basa na din ako. Bakit ba tuwing
nagtatalik kami ni Ryder, ginagawa nyang
special palagi. Feeling ko tuloy-tuloy ang ganda
-ganda ko dahil pinapaliguan muna ako ng
halik nito sa buo kong katawan bago ako
angkinin.
"Ryder, hindi na kailangan." agad kong wika ng
umalis ito sa ibabaw ko at purmwesto sa paanan
ko. Alam ko na ang kasunod nitong gagawin.
Sisipsipin na naman nito ang kabebe ko
hanggang sa manginig ang tuhod ko sa sobrang
sarap.
"Gusto kong amuyin muna Mahal at inumin
ang juice mo." nakangisi nitong wika at kaagad
na sumubsob sa pagkababae ko. Napasigaw
nama ako dahil sa kanyang ginawa. Ang sarap
naman kasi. Halos tumirik ang mga mata kO sa
sobrang sarap
Hindi tinigilan ni Ryder ang kakasipsip sa
kabebe ko hanggang sa labasan ako. Habol ang
aking hiningan ng matapos sya. Muli itong
dumagan sa akin na may ngiti sa labi.
"Ngayun, ako nanan mahal. Kailangan na
natin palambutin ang alaga ko," wika nto
kasabay ng dahan-dahan na pag-ulos. Muli
akong napaungol.
"Uggghh Ryder!" wika ko habang titig na titig
sa namumula nitong mukha. Kitang kita ko ang
matinding pagnansa sa mga mata nito.
"Yes Mahal...I love you!" wika nito kasabay ng
paghalik sa labi ko.
"Ilove you too!" sagot ko at mahigpit na
kumapit sa kanya. Kaunti na lang at sabay na
namin maabot ang r***k ng kaligayahan.
Chapter 80
ASHLEY POV
"Bumangon ka na dyan Mahal. Lunch time na. Kailangan na
nating kumain." pag-aaya ni Ryder sa akin. Nakahilata pa rin ako sa kama
habang balot ang buo kong katawan ng kumot. Paano naman kasi, hindi ko pa
nagawang magsuot ng damit pagkatapos ng mainit na sandali sa aming dalawa
kanina. Napagod ako.
"Tinatamad ako Ryder. Pwede bang magpadeliver ka na
lang muna at dito na lang tayo kakain?" sagot ko. Narinig ko ang mahina
nitong pagtawa kaya pinandilatan ko ito.
"Bakit ka natatawa dyan?" tanong ko. Kaagad itong
lumapit sa akin at naupo sa tabi ko
"Wala lang. Ang lakas ng loob mo kanina, pagkatapos
ngayun tatamarin ka? Tutulungan na kitang magbihis Mahal. Mas maganda kong sa
restaurant tayo kakain para makapamili ka ng gusto mong kainin. Mamaya ka na
ulit magpahinga pagbalik natin dito." sagot nito sabay hawi ng aking
kumot. Napasigaw naman ako sa gulat. Tumampad sa mga mata nito ang hubot hubad
kong katawan.
Dali-dali kong kunuha ang mga damit ko na maayos na
nakalagay sa ibabaw ng kama at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo. Tawa
naman ng tawa si Ryder.
"Bastos ka talaga!" sigaw ko pa bago ko isinara
ang pintuan. Direcho akong naupo sa toilet bowl para umihi.
Nagpasya akong maglinis ng katawan bago ko isinuot ang mga
damit ko. Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko nagpasya na akong
lumabas. Hindi ko na naabutan si Ryder dito sa loob ng kwarto kaya kinuha ko
ang aking bag at lumabas n din. Naabutan ko ito na may pinipindot sa computer
at nang mapansin ang paglabas ko kaagad itong napangiti.
"Ready?" tanong nito at tumayo na. Kaagad naman
akong tumango.
"Hinawakan ako nito sa kamay at sabay na kaming lumabas
ng opisina. Naabutan pa namin ang mga empleyado na abala sa kani-kanilang mga
trabaho. Kaagad naman inagaw ni Ryder ang kanilang attention.
"Ladies and Gentlemen! I want you to meet my beautiful
wife Ashley Delos Santos Sebastian. " Pagpapakilala nito sa akin. Kaagad
naman silang nagsipatayo at nagbigay galang.
"Good Monring Mrs. Sebastian." magkasabay na bati
ng mga ito. Tumango naman ako sabay ngiti.
"Pasensya na po kayo kanina Mam. Hindi ko po kayo
nakilala." narinig kong wika ng babaeng humarang sa akin kanina. Matipid
ko lang itong nginitian sabay hawak sa braso ni Ryder. Sabay na kaming naglakad
papuntang elevator.
Sa pinakamalapit na restaurant kami dumirecho. Hinayaan ko
na si Ryder na mamili ng aming kakainin. Alam nito kung ano ang gusto ko.
Wala sa sariling inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang isang babae na nakaupo sa table malapit
sa amin. Nginitian ako nito tsaka kinawayan. Pagkatapos tumayo ito at lumapit
sa amin.
"Ryder....Ashley!" agad na bati nito. HIndi
katulad sa pagkikita namin noon sa airport mukhang tangap na nito na buhay nga
ako.
"Ingrid?" seryosong wika ni Ryder. Pagkatapos
sinulyapan ako nito. Nakita ko ang galit na biglang rumihistro sa mga mata
nito. Kaagad ko naman itong hinawakan sa kamay at masuyong tinitigan.
"Relax lang. Matagal ng nangyari ang lahat. Kinalimutan
ko na." wika ko sabay ngiti. Pinisil nito ang palad ko at hindi inaalis
ang pagkakatitig sa mukha ko hangang sa nakalapit sa amin si Ingrid.
"Small world. Dito pa talaga tayo nagkita ulit sa
restaurant. By the way kasama ko nga pala ang asawa ko at anak namin."
wika nito sabay turo sa table na pinanggalingan nito. Nakita ko doon ang
lalaking kung hindi ako nagkakamali kasama nya noon sa airport pati na din ang
isang batang babae. Kinawayan ang mga ito ni Ingrid kaya kaagad silang
nagsilapitan.
Pagkatapos ipakilala ni Ingrid sa isat sila Ryder at ang
asawa nito ay kaagad silang nagkamay. Humalik naman sa pisngi ko ang anak nila.
Naging kaswal naman ang pakikitungo ni Ryder kay Ingrid at
sa asawa nito. Iyun nga lang, hindi ito nagsasalita at hinayaan lang kaming
dalawa ni Ingrid ang mag-usap.
"Masaya ako at muli tayong nagkita Ash. Sana magkaroon
tayo ng chance na makapagbonding." muling wika ni Ingrid. Sa aming lahat
siya ang pinamadaldal. Muli akong napasulyap kay Ryder at kitang kita ko kung
gaano ito kaseryoso. Mukhang hindi talaga ito masaya sa presensya ni Ingrid
kaya nag-isip na ako ng paraan para umalis na ito. Bumalik na ang mag -ama nito
sa kanilang table at nagpaiwan naman itong si Ingrid.
"Sure! Magpalitan tayo ng contact number para
makapagbonding tayo minsan." nakangiti kong sagot. Ngiting alam ko na
hindi umabot sa mga mata ako. Pilit na ngiti.
Napansin ko naman na parang wala na kay Ingrid ang nakaraan.
Mukhang nakalimutan ng bruha ang mga atraso nito sa akin. Mukhang inlove din
ito sa kanyang asawa kaya naman naging palagay na din ang aking kalooban kahit
papaano. Pero symepre kailangan ko pa din magmatyag. Mahirap na. Siya ang
pinakamatindi kong karibal kay Ryder noon. Alam ko din kung gaano ito ka
m*****a noon. Nagiging ex din ito ni Enzo kaya medyo hindi maganda ang kanyang
reputasyon.
Pagkatapos magpalitan ng contact number bumalik din naman
kaagad ito sa kanilang table na siyang ipinagpasalamat ko. Manhid yata si
Ingrid, hindi nya ba nararamdaman ang malamig na pakikiharap ni Ryder sa kanya?
O talagang nagtatanga-tangahan lang ito? Sakto naman na dumating na ang inorder
na pagkain ni Ryder.
"Mukhang ang bait na ni Ingrid noh? Ibang iba ang ugali
niya kumpara noon." wika ko kay Ryder.
"Pansin ko din. Mabuti na din at nakatagpo na siya ng
lalaking para sa kanya at nagtino na. Actually, kababata namin ni Enzo si
Ingrid. Childhood sweetheart ko. Of course, nagbabago din ang feelings sa
paglipas ng panahon. Hindi ko akalain na ikaw pala ang aangkin sa puso
ko." nakangiti nitong sagot.
"Hmmmp, ako lang ba? Sure ka?" pabiro kong tanong
pero sa kaloob-looban ng puso ko masaya ako dahil nalampasan din namin ang mga
unos na dumating sa aming buhay. Although hindi ganoon ka perfect ang aming
pamilya pero masasabi kong masaya na din kami.
"Yup! Akala ko talaga noon siya na ang babaeng para sa
akin. Hindi ko namalayan na pagmamahal sa isang kaibigan lang pala ang
nararamdaman ko sa kanya noon at noong sumama siya kay Lorenzo naapakan talaga
ang ego ko." sagot nito sabay sandok ng pagkain at inilagay sa pingggan
ko. Hindi ako nakaimik. Gusto kong pakinggan ang mga kwento nya. Hindi na kasi
namin ito napag-uusapan simula ng nagkabalikan kami.
"Pero iba ang impact sa akin noong una tayong nagkita.
Noong araw ng kasal. Parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng
kabog. Ang ganda mo kasi sa suot mong wedding gown. Pagkatapos, napaka-inosente
ng mga mata mo. Iyun nga lang, kaagad kang pinatakas ni Lola pagkatapos ng
kasal natin. Gusto kitang hanapin kaya lang pinagbantaan ako ni Lola na
idodonate sa charity lahat ng naipundar nya kapag guguluhin kita. Hayaan daw
muna kitang i-enjoy ang iyong pagiging dalaga dahil kung tayo talaga, muling magkukrus
ang ating landas. "mahaba nitong wika. HIndi naman ako makapaniwalang
napatitig dito.
"Pero bakit mo ako iniwan noong bumalik si
Ingrid?" tanong ko at hindi ko mapigilan ang maluha ng maalala ko ang araw
na iyun.
"Gulong-gulo ako noon Ash. Ang galing ni Ingrid
magpaikot. Ang galing gumawa ng kwento. Masyado akong na-excite sa kanyang
presensya. Akala ko noon nalamangan ko na si Enzo. Na sa akin pa rin ang bagsak
ng kababata namin. Hindi ko akalain na pride na lang pala ang umiiral sa akin
noon. Gusto kong magyabang kay Enzo...."
"Aminado ako na napaikot ako ni Ingrid sa kanyang mga
palad. Napaniwala niya ako sa isang kasinungalingan, pero ang matindi, noong
nagkagulo na bigla na lang naglaho ang babaeng iyan. Ngayun lang ulit nagpakita
pagkatapos ng mga nangyari." wika nito sabay sulyap kay Ingrid.
"Alam kong malaki ang kasalanan na nagawa ko sa noon
Ash. Dahil sa kanya nakagawa ako ng pinakamaling desisyon sa buhay ko. Dahil sa
kanya muntik ka ng mawala ng tuluyan sa buhay ko. Kaya please kahit gaano pa
siya kabait ngayun, wala na akong tiwala sa kanya." muling wika nito.
Tumango ako at napasulyap ako sa kinaroroonan nila Ingrid. Masaya silang
kumakain mag-anak. Sana nga nagbago na ng tuluyan si Ingrid. Sana nga hindi na
sya manggugulo ulit dahil sa pagkakataon na ito, lalaban na ako. Ipaglalaban ko
kung ano ang akin.
Chapter 81
ASHLEY POV
Pagkatapos namin kumain kaagad kaming bumalik ng opisina.
Nagpasya akong hintayin na lang si Ryder at sabay na kaming uuwi ng mansion.
Matutulog na lang ako sa kanyang secret room dito sa loob ng opisina habang ito
ay nagtatrabaho.
Gusto ko sanang puntahan sila Ate Cecil at Ate Samantha sa
kanilang opisina pero bigla akong tinamad. Sa susunod ko na lang siguro sila
bibisitahin.
Nasa mahimbing na pagtulog na ako ng maalimpungatan ko ang
pagtunog ng aking cellphone. Naghihikab na bumangon ako at natatamad kong
inabot ang cellphone ko.
"Hello?" wika ko nang hindi man lang inabala ang
sarili na tingnan ang screen kung sino ang tumatawag. Inaantok ako at gusto ko
pang matulog.
"Ashley...anak?" sagot sa kabilang linya. Napaupo
ako ng maayos ng marinig ko ang familiar na boses na iyun....Si Tatay.
"Tay, napatawag po kayo?" sagot ko. Ilang saglit
din itong nanahimik bago muling nagsalita.
"Pwede bang umuwi ka muna dito sa atin?" wika nito
sa malungkot na boses. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.
"Tay, alam nyo naman po na ayaw na sa akin ni Nanay.
Baka kung ano pa ang mangyari kung ipagpilitan ko pa ang sarili ko."
malungkot kong sagot.
"Ashley, pwede bang huwag mo munang isipin iyan?
Kailangan ka dito sa probensya. Pwede bang pagbigyan mo kami?" bakas ang
pakikiusap sa boses na wika nito. Kaagad akong napailing.
"Bakit po? Ano po ang kailangan niyo sa akin? Pwede po
bang huwag muna ngayun? Masyado pa po kasing sariwa ang sugat na nakuha ko dyan
noong nakaraan kong pag- uwi eh." sagot ko. Hindi naman nakaimik si Tatay.
Narinig ko pa ang mahina nitong pagbuntong hininga.
"Pasensya ka na sa mga nangyari anak. Pero ngayun ka
higit na kailangan ni Natalia...." sagot nito. Kaagad na naningkit ang mga
mata ko ng marinig ko ang pangalan na iyun. Si Natalia na naman.
"Sorry Tay, kung tungkol sa kanya ang dahilan ng
pagtawag nyo sa akin puputulin ko na po ang tawag na ito. Pasensya na po!"
sagot ko at kaagad na pinindot ang ' end' botton. Naiinis akong inilapag ang
cellphone ko sa ibabaw ng bedside table.
Ilang saglit lang ay muling tumunog ang cellphone ko. Sa
pagkakataon na ito hindi ko na sinagot iyun. Hindi ko na din tinapunan ng
tingin bagkos muli akong nahiga ng kama at nagtalukbong ng kumot
Ayaw ko munang makarinig ng kahit na anong ka- negahan.
Hindi pa ako ready para muling harapin ang panibagong stress sa buhay ko.
Muli akong nakatulog. Nagising ako sa mahinang tapik sa
mukha ko. Dahan-dahan akong napadilat at kaagad na sumilay ang masayang ngiti
sa labi ko ng makita kong nakatunghay na si Ryder.
"Mukhang napasarap ang tulog ng mahal ko ah? Sa mansion
mo na lang ituloy iyan dahil kailangan na nating umuwi." wika nito sa
malambing na boses. Wala sa sariling sinipat ko ng tingin ang suot kong relo.
Nagulat pa ako dahil halos alas sinko na pala ng hapon.
"Sorry, napasarap pala ang tulog ko." sagot ko
sabay bangon. Itinupi ko ang kumot na ginamit ko at inayos ang higaan bago ito
muling hinarap.
"Halata nga na napasarap ang tulog mo. Kanina pa
tumutunog ang cellphone mo. Nang sagutin ko naman walang nagsasalita. Ibinababa
ang tawag." wika nito. Muli kong naalala si Tatay.
"Si Tatay ang tumatawag." sagot ko. Kaagad
rumihistro ang pagkagulat sa mga mata ni Ryder.
"Bakit daw? Nakausap mo ba?" tanong nito. Kaagad
akong tumango.
"Pinapauwi nila ako." sagot ko. Natigilan si
Ryder. Titig na titig sa akin. Nagkibit balikat ako at muling nagsalita. Ayaw
kong guluhin pati isipan nito.
"No....hayaan mo na. Lets go home na. Walang dahilan
para pagtuunan natin ng pansin ang tungkol sa bagay na iyan." malungkot
kong wika at at naglakad palabas ng kwarto. Agad naman sumunod sa akin si
Ryder.
"Mabilis kaming nakauwi ng mansion.Saktong pagbaba ko
ng kotse nang muling tumunog ang aking cellphone. Nang mapansin ko na kapareho
ng number na ginamit ni Tatay kanina ang nakarehistro ay matamlay ko itong
sinagot.
"Hello?" wika ko
"Ashley....anak?" sagot sa kabilang linya. Kaagad
na napakunot ang noo ko ng mabusisan kung sino ang sumagot. Boses babae at
walang iba kundi si Nanay.
"Nay..? pabulong kong wika.
"Ku--kumusta ka na anak?" tanong nito. Hindi ko
napigilan ang kaagad na pagtulo ng luha sa aking mga mata. Nag-aalalang
napatitig naman sa akin si Ryder.
"May...may kailangan po ba kayo?" tanong ko habang
pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hanggang ngayun masama pa rin ang loob ko
dito.
"Anak, Ashley..pwede bang umuwi ka muna?" wika
nito na puno ng pakikiusap ang boses.
"Kung tungkol na naman ito kay Natalia pwede bang tama
na Nay? Ayaw ko po..hindi ko susundin ang gusto nyo!" sagot ko. Sandaling
katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ito muling nagsalita.
"Anak....patawarin mo ako sa mga nangyari. Sa lahat ng
mga nasabi ko sa iyo noon. Gusto kang makita ni Natalia.. sa huling sandali...
Kahit ngayun lang....nasa hospital siya ngayun."' wika nito na hindi na
napigilan pa ang pag -iyak. Nagulat naman ako dahil sa narinig ko sa kanya.
"A--anong sabi niyo po?" tanong ko.
"Nasa hospital si Natalia. Malubha ang kalagayan nya
anak. Kaya nakikiusap ako, pwede bang umuwi ka muna. Kahit ngayun lang Ashley.
Hinihintay ka nya." wika nito.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko. Hindi ko
maiwasan na kabahan at makaramdam ng pag-aalala para kay Natalia. Kahit papaano
magkadugo pa rin kami at hindi ko pangarap ng may masamang mangyari sa kanya.
"Natagpuan siyang walang malay sa damuhan. Hinihinala
na ginahasa at pinahirapan muna siya bago basta na lang itinapon." umiiyak
na sagot ni Nanay. Hindi ko maiwasan na mapahigpit ang pagkakahawak ko sa aking
cellphone.
"Critical siya ngayun Ashley at pangalan mo ang palagi
niyang sinasambit." muling wika nito. Hindi ko na napaigilan pa ang
pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Natalia.
"Saang hospital siya ngayun?" tanong ko.
"Dito sa bayan. Karumal-dumal ang nangyari sa kanya
anak. Halos hindi na siya makilala at puro sugat ang buo nyang katawan."
umiiyak na wika ni Nanay.
"Paanong nangyari sa kanya iyun Nay?" naiiyak kong
sagot.
"Matigas ang ulo ng kapatid mo Ashley. Simula ng
bumalik siya dito sa probensya nalulong siya sa alak. Kung sinu-sino an ang
sinasamahan niya. Ayaw nyang papigil. Puro kahihiyan ang mga pinanggagawa nya.
Nakikipagrelasyon siya kung kani-kanino at nagagalit siya kapag pinagsasabihan
namin....Ashley anak, pwede bang dalawin mo siya? Maawa ka sa kapatid mo!"
wika ni Nanay sa kabila ng paghikbi. Ramdam ko ang sakit ng kalooban nito
ngayun. Lalong nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.
"Sige po..uuwi ako. Gusto kong makita si Natalia."
naluluha kong sagot.
"Salamat anak. Salamat...." umiiyak na sagot nito
bago pinatay ang tawag. Tulala na naibaba ko ang hawak kong cellphone.
"Anong nangyari?" tanong ni Ryder. Tumitig ako
dito bago sumagot.
"Kailangan kong makauwi sa amin Ryder. Si Natalia...
malubha ang kalagayan niya." sagot ko.
"Bakit? I mean...fine...sige..kung iyan ang gusto mo
uuwi tayo ngayun ng probensya." kaagad na sagot ni Ryder pagkatapos ito na
din ang nagpahid ng luha sa aking mga mata ng hindi ko man lang namalayan.
"Salamat!" malungkot kong sagot at kaagad na
naglakad paakyat ng kwarto. Tahimik na nakasunod lang sa akin si Ryder.
Pagdating ng kwarto kaagad kong hinagilap ang bago ko. Naglagay ako ng ilang
pirasong damit.
"Ako na ang bahalang maghanda sa mga dadalhain natin.
Mahiga ka na lang muna ng kama at magpahinga. Ako na din ang bahalang
magpapaalam kina Lola at Charles." masuyo nitong wika at inagaw ang hawak
kong damit.
"Ryder, masama ba akong kapatid para mangyari ito kay
Natalia? Nagrebelde siya dahil hindi nya nakuha ang gusto nya. Napahamak siya
dahil hindi nya matangap ang mga nangyari." mahina kong wika. Natigilan si
Ryder. Mataman akong tinitigan sa mga mata.
"Ash, wala kang kasalanan. Kung ano man ang
pinagdadaanan ngayun ng kapatid mo, choice nya iyun." sagot nito. Lalo
akong napaiyak kaya naman kaagad akong niyakap ni Ryder.
"Critical ang kalagayan nya ngayun. Kailangan ko siyang
makita....siguro naman--kahit gaano pa kasama ng ginawa nya sa akin noon hindi
nya deserve na may mangyaring masama sa kanya diba? Hindi ito ang inaasahan
ko!" humihikbi kong wika.
"Yes..pero wala na tayong magagawa pa Ash! Kailangan
natin tanggapin ang lahat kahit gaano pa kasakit ito." sagot nito.
Chapter 82
ASHLEY POV
Tahimik ako buong byahe. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng
matinding lungkot dahil sa nangyari kay Natalia. Maraming mga tanong ang
tumatakbo sa aking isipan. Dagdagan pa ng nararamdaman kong takot sa isipin na
paano kung hindi nito makayanan ang kanyang sitwasyon ngayun.
"Mahal, relax ka lang. Everything will be okay!"
Narinig kong bulong ni Ryder habang pinipisil ang palad ko. Malungkot akong
napatingin dito.
"Malubha ang kalagayan niya. Hindi ko alam kung bakit
nagkaganito ang relasyon naming magkapatid. Namimiss ko na ang dating
Natalia." naluluha kong sagot. Kaagad akong niyakap ni Ryder kaya lalo
akong napaiyak sa balikat nito.
"I am sorry sa mga nangyari Mahal. Hayaan mo, tutulong
ako para mahuli kaagad ang may gawa sa kanya nito. Sa ngayun kailangan mong
tibayan ang iyong kalooban. Hindi pwedeng magpadala ka sa matinding
kalungkutan." sagot nito.
"Ano ang gagawin ko? Natatakot akong tuluyan siyang
mawala sa amin." sagot ko. Hinaplos nito ang likod ko bago nagsalita.
"Kung ano man ang mangyari, wala tayong magagawa kundi
tanggapin iyun." sagot nito. Hindi ako nakaimik.
Mabilis ang naging byahe namin. Dumirecho na kami ng
hospital kung saan naka-confine si Natalia. Pagkahinto pa lang sa tapat ng
hospital kaagad na kaming bumaba ni Ryder. Bahala na ang driver maghanap ng
mapaparadahan.
Mabilis akong naglakad papasok ng hospital. Dumirecho ako sa
cutomer service para tanungin ang information tungkol kay Natalia. Kaagad naman
nilang nasagot ang katanungan ko at kaagad nilang sinabi na nasa ICU ito.
Patakbo kong tinungo ang ICU. Tahimik lang na nakasunod sa
akin si Ryder. Hindi pa ako nakarating ng ICU kaagad kong nakita sila Nanay at
Tatay. Nakaupo sila sa isang upuan habang bakas ang lungkot sa kanilang mga
mukha.
"Nay? Tay?" tawag ko sa kanila. Kaagad silang
tumayo at patakbong lumapit sa akin.
"Ashley...anak!" wika ni Nanay at kaagad akong
niyakap. Humagulhol ito ng iyak kaya naman lalo akong napaiyak.
"Ashley, si Natalia....ang kapatid mo." wika ni
Nanay.
"Bakit nangyari sa kanya ito Nay? Nahuli na ba ang
salarin?" tanong ko sabay kalas sa pagkakayakap kay nanay. Si Tatay naman
ang nilapitan ko at niyakap bago seryoso silang hinarap.
"May mga person of interest na. Pero naghahagilap pa ng
testigoat iba pang ibidensya ang mga kapulisan." Si Tatay na ang sumagot.
"Tinapat na kami ng Doctor. Mahihirapan na makarecover
si Natalia. Masyado siyang pinahirapan. Halos patayin siya ng mga may gawa sa
kanya." umiiyak na wika ni Nanay. Naglakad ako sa isang salamin na bintana
at sinilip ang pasyente sa loob.
"Pwede kang pumasok sa loob anak. Kanina ka pa
hinihintay ng kapatid mo." naiiyak na wika ni Nanay. Tumango ako. Kaagad
naman akong inasistihan ng nurse. Nag-sanitize ako at nagsuot na kulay blue na
visitor medical gown. Nang maayos na ang lahat ay kaagad na akong pinapasok sa
loob.
Halos madurog ang puso ko ng makita ko ang hitsura ni
Natalia. Tama ang sinabi ni Nanay. Halos hindi ito makilala sa kanyang hitsura.
May kung anu-anong tubo ang nakakabit sa katawan nito. Awang awa ako sa kanya
lalo na at sirang sira ang mukha nito. Halos lumubog na din ang kanyang ilong.
"Natalia?" sambit ko habang sunod-sunod sa
pagpatak ang luha sa aking mga mata. Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil
iyun.
"Natalia...Bakit mo hinayaan na mangyari sa iyo
ito?" wika ko at hindi ko na mapigilan pa ang paghagulhol. Hindi ko
akalain na ang susunod namin na pagkikita ay ganito ang kanyang sitwasyon. Sa
kabila ng mga nangyari sa amin umaasa pa rin ako na magbabago ito. Marealize
nya lahat ng mga pagkakamali na nagawa nya.
"A---Ate?" sambit nito habang habol ang hininga.
Napatitig ako sa mukha nito at kaagad kong napansin ang paguhit ng malungkot na
ngiti sa labi nito. Malamlam na nakatitig sa akin ang namamaga nitong mga mata.
"Sa--sal-sala--mat du-duma---tingg kha!" wika
nito. Kaagad akong naupo at tinitigan ito.
"Shhhh tama na! Huwag mong pilitin na magsalita kung
nahihirapan ka...Basta nandito lang ako...lumaban ka!" sagot ko habang
sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"A---A---Te! Aalam-kong--hi-hindi na --a- ako
mag-tatagal! So--rry! Pa-taw-warin mo a-ako. Si- nira ko ang pa-mil--ya
mo!" paputol-putol na wika nito.
"Natalia...tsaka na natin pag-uspan ang tungkol sa
bagay na iyan...kaya mo iyan...gagaling ka pa...lalaban ka diba?" sagot
ko. Kaagad kong napansin ang mariin na pagpikit ng mga mata nito. Ramdam ko ang
hirap nito sa paghinga.
"Ka-salanan ko kung bakit nangy-yari ito sa- akin!
Mas-sama a-kong kapatid! Mas-ya-do a akong naing-git sa iyo!" halos
pabulong nitong wika. Habol nito ang kanyang hininga pero pinipilit pa rin nito
ang sariling magalita. awang awa ako sa sitawasyon nya ngayun. Ang sakit sa
kalooban na nakikita mo ang mahal mo sa buhay na nahihirapan.
"Mahal na mahal kita kapatid ko! Magpagaling ka!
Please...kailangan ka nila Nanay at Tatay kaya lumaban ka!" wika ko.
Kaagad kong napansin ang pag-iling nito. May tumulong luha sa gilid ng kanyang
mga mata.
"Hi-hindi ko na ka--yaaa. Paki-sa-bi kay Ry-der So--
rry!" pabulong na wika nito habang habol na ang paghinga. Habang tumatagal
lalo itong nahihirapan magsalita. Lalo akong napiyak.
"Sa--la-mat! Mahla na mahal kita A-te Ashley....i---
kaw na ang ba--hala ki--na Nanay atatt--Tat-ay "wika nito kasabay ang
pagpikit. Kaagad kong napansin ang biglang pagluwang ng pagkakakapit nito sa
palad ko. Natigilan ako lalo na ng mapansin ko ang tuwid na guhit na
naka-indicate sa monitor. Katunayan lang na hindi na tumitibok ang puso ni
Natalia.
"Natalia...hindi! Nataliaa!!!" hindi ko mapigilang
sigaw. Tinapik tapik ko pa ang mukha nito. Umaasa ako na muli itong dumilat at
ngumiti. Pero hindi, wala na...hindi na siya humihinga. Wala na siya!
Ilang saglit lang naramdaman ko na nagsipasukan ang mga
medical staff dito sa loob ng ICU
Kaagad akong gumilid habang umiiyak. Pinapanood ko kungg
paano nila pilit na nirerevived si Natalia. Hindi maputol putol ang pagtulo ng
luha sa aking mga mata.
Lalo akong napaiyak ng makita ko na napapailing ang Docor.
Hindi ako makapaniwala na muling mapatingin sa mukha ng kapatid ko. Wala ng
inidkasyon ng buhay ang katawan nito.
"Natalia Delos Santos...Time of death 9:30 pm."
hindi ko na malaman ko kung sino ang nagsalita. Parang bomba na sumabog sa
pandinig ko ang katagang iyun. Iyun na siguro ang pinakamasakit na salita na
ayaw kong marinig sa tanang buhay ko. Ang confirmation na tuluyan ng binawian
ng buhay ang isa sa mga mahal mo sa buhay.
Wala sa sariling muli akong naglakad patungo sa tabi ng
higaan ni Natalia. Tinitigan ko ang wala ng buhay na katawan nito. Hindi pa rin
ako makapaniwala na sa ganitong paraan hahantong ang lahat. Na kaagad itong
mawala sa amin.
"Hindi! Hindi totoo iyan. Hindi siya pwedeng mamatay!
"sigaw ko. Hindi ko na napigilan pang yakapin ang wala ng buhay na katawan
ng kapatid ko. Wala na din akong pakialam pa sa paligid ko. Ang gusto ko lang
mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Nataliaaa! Bakit ka sumuko! Akala ko ba matapang
ka!" halos sumisigaw na ako ng sambitin ko ang katagang iyun. Kaagad ko
naman naramdaman ang paghawak ng kung sino sa akin. Pilit akong inilalayo sa
wala ng buhay na katawan ni Natalia.
"Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pwede!" sigaw
ko habang pilit na hinihila ni Ryder. Humarap ako dito at mahigpit akong
yumakap.
"Wala na siya. Patay na ang kapatid ko!" umiiyak
kong wika. Kaagad kong naramdaman ang paghaplos nito sa likod ko.
"Alam ko at sorry sa mga nangyari!" sagot ni
Ryder. Kaagad akong kumalas sa pagkakayakap dito at inilibot ang tingin sa
paligid. Hindi ko man lang namalayan na nailabas pala ako ni Ryder sa loob ng
ICU. Kaagad kong napansin ang umiiyak na si Nanay at Tatay sa isang tabi.
"Nay, Tay...wala na siya! Iniwan na tayo ni
Natalia." wika ko. Kaagad na tumayo si Nanay at niyakap ako.
"Ashley, Hindi ko alam kung saan kami nagkulang. Ilang
beses namin siyang pinaalalahanan noon. Kung sumunod lang sana siya sa amin
hindi sana mangyayari sa kanya ito. Patawad anak...hindi namin naalagaan ng
maayos ang kapatid mo." wika ni Nanay. Kaagad akong umiling.
"Nay..huwag nyo pong sisihin ang sarili niyo. Wala po
kayong kasalanan. Ang gusto ko lang ngayun mahuli ang salarin para mabigyan ng
hustisya ang pagkamatay nya. " umiiyak kong sagot. Kaagad naman kumalas sa
pagkakayakap sa akin si Nanay ng mapansin namin na inilalabas na sa loob ng ICU
ang katawan ni Natalia. Dadalhin na ito sa morgue.
Walang kapantay na sakit ang nararamdaman ko ngayun. Hindi
ko alam kung paano tanggapin ang lahat. Wala na siya....Kahit gaano pa kasakit
ang mga ginawa nya sa akin noon hindi ko pa rin kayang titigan ang walang buhay
na katawan nito. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na naghirap ito bago pinatay
ng kung sino man.
"Ashley, huminahon ka Mahal. Hindi pwedeng magpadala ka
sa nararamdaman mo!:" wika ni Ryder at muli akong niyakap. HIndi ko alam
kung paano mailabas ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun.
'Ryder, nakakaawa ang nangyari sa kanya. Tulungan mo kami na
mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya." halos pabulong kong wika kay
Ryder pagkatapos magdilim sa akin ang lahat. Hindi ko na namalayan pa ang mga
sumunod na nangyari. Narinig ko na lang nag- aalalang boses ni Ryder bago ako
kinain ng kadiliman.
Chapter 83
ASHLEY POV
Nagising ako na nakahiga na sa isa sa mga hospital bed.
Nakatunghay sa akin si Ryder at hindi ko maiwasan na mapatitig sa nag-aalala
nitong mukha.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Nawalan ka ng malay kanina Mahal. Siguro masyado kang
nagulat sa mga nangyari." sagot nito sabay pisil sa kamay ko na hawak nito
Muli akong naluha nang maalala ko ang mga nangyari. Ang
tungkol sa pagkawala ni Natalia.
"Ash, kailangan mong tatagan ang iyong kalooban. Hindi
pwedeng magpadala ka sa matinding kalungkutan. Isipin mo din sana ang sarili
mo. Lalo na ngayun na...............na nagdadalang tao ka." wika ni Ryder.
Kaagad naman akong napatitig sa kanya dahil sa sinabi nito. Hindi ako
makapaniwala.
"Anong sabi mo?" halos pabulong kong tanong.
"I said, buntis ka Ash. Magkakaanak na ulit tayo."
sagot nito. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nito. Ni sa
hinagap hindi ko inaasahan na muli akong mabubuntis at magkakaroon kami ng
pangalawang anak.
"Buntis ako? Totoo ba?" tanong ko kasabay ng
paghaplos sa impis ko pang tiyan. Kaagad itong tumango. Halos maluha kami
pareho dahil sa sobrang tuwa.
"Yes...may bagong miyembro ang parating sa pamilya
natin. Kaya tibayan mo ang kalooban mo Mahal. Hindi ka pwedeng magpadala sa
sobrang kalungkutan. Huwag mong kalimutan na may buhay sa loob ng iyong
sinapupunan na dapat nating alagaan." sagot nito. Hindi ko mapigilan na
maluha.
"Magkakababy ulit tayo? Totoo ba ito? HIndi ba ito
isang panaginip lang?" tanong ko. Kaagad itong tumango.
"Totoo ito Ash. Kaya pala napaka-antukin mo nitong mga
nakaraang araw. Kung hindi ka pa nawalan ng malay kanina hindi pa natin
malalaman na buntis ka na pala. " sagot nito. Hindi ako nakaimik.
Magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ng puso ko ngayun.
Masaya ako sa kaalamang buntis ako pero malungkot ako dahil
sa pagkawala ni Natalia. Pero tama si Ryder... hindi pwedeng magpadala ako sa
sobrang kalungkutan. Mas kailangan ako ng anak ko. Dobleng pag-iingat ang dapat
kong gawin ngayun pa lang.
"Salamat Ash. Alam mo bang masayang masaya ako ng
sabihin sa akin ng Doctor ang tungkol sa pagdadalang tao mo? Masaya ako dahil
sa wakas magkakaroon na ng kapatid si Charles. Muling nagbunga nag pagmamahalan
natin." wika nito kasabay ng paghalik sa labi ko. Kaagad naman akong
napayakap dito.
"Ryder..hindi ko din inaasahan ito. Salamat sa Diyos
dahil magkakaroon tayo ng pangalawang anak. Pangako, iingatan ko siya. Aalagaan
ko ang baby natin." sagot ko.
"Hindi ka nag-iisa Mahal. Dalawa tayo na mag-aalaga sa
kanya. Ipaparamdam natin sa kanya ang isang perfect na pamilya." sagot
nito. Kaaga akong tumango.
"Teka lang...ano ang sabi ng Doctor? Pwede na daw ba
akong lumbas dito?" tanong ko. Kaagad itong tumango
"Kung maayos naman daw ang pakiramdam mo pwede ka
kaagad idischarge. Pero sa ngayun kailangan mo munang magpahinga. Kailangan
mong makabawi ng lakas. Hindi ka din dapat ma-stress. Nirestahan ka na din ng
vitamins kanina at pinabili ko na iyun sa isa sa mga bodyguard natin."
sagot nito. Kaagad akong tumango.
"Kumusta nga pala sila Nanay at Tatay? Si
Natalia?" tanong ko. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot ng muling
maisip si Natalia. Pero gaya na nasabi ko na..... hindi pwedeng malulungkot
ako. Kailangan kong isipin ang baby na nasa aking sinapupunan.
"Inaayos na ang labi ni Natalia. Huwag mo ng isipin ang
tungkol sa bagay na iyan. May mga taong tumutulong kila Nanay at Tatay para
maayos ang katawan ni Natalia. Balak din nila Nanay at Tatay na sa bahay nyo na
iburol ang katawan nya." sagot ni Ryder. Kaagad akong napatango.
Ganoon naman talaga dito sa probensya. Kadalasan, kapag may
patay sa bahay talaga ang lamay.
"Teka...gusto mo bang kumain? Magpapabili ako para sa
iyo." muling wika nito. Kaagad akong umiling. Hindi pa naman ako
nakakaramdam ng gutom.
"Mamaya na lang siguro Ryder. Gusto kong magpahinga na
muna kahit saglit lang." sagot ko.
Dahil gabi na...pinili na lang namin ni Ryder na manatili na
lang muna sa hospital. Nasa private room naman ako kaya kahit papaano
makapagpahinga kami ng maayos.
Kinaumagahan, kaagad naman kami pinayagan ng Doctor na
lumabas na. Nasa maayos naman daw na kalagayan ang katawan ko at binilinan ako
nito na huwag masyadong magpaka-stress at magpuyat.
Tamang tama din dahil naiuwi na ang labi ni Natalia sa bahay
namin. Doon muna ito iburol hanggang sa mailibing ito.
Sobrang lungkot ng mga nangyari. Pero wala na kaming
magagawa pa kundi tanggapin lahat iyun. Siguro hanggang doon na lang ang
kanyang buhay. Kahit papaano nagkaroon pa rin ako ng kapanatagan ng kalooban
dahil nakausap ko ito bago bawian ng buhay.
Naging mabilis ang paglipas ng araw. Laging nakaalalay sa
akin si Ryder sa lahat ng oras. Pinaparamdam nito sa akin na nasa tabi ko ito
palagi at handa akong damayan sa lahat ng oras na siyang labis kong
ipinagpasalamat
Ayaw ko na syang sisihin pa sa nangyari kay Natalia. Gusto
ko ng mag moved on lalo na at nagdadalang tao ako.
"Hindi pa ba tayo uuwi? Malapit na magdilim at mukhang
kailangan ng magpahinga ni Nanay at Tatay." wika ni Ryder. Napasulyap ako
kina Nanay at Tatay. Kita ko ang lungkot sa kanilang mga mata habang nakatitig
sa puntokd ni Natalia.
Hindi nakauwi ang kapatid namin na lalaki na nasa Dubai. May
sarili na itong pamilya at hindi nya daw pwedeng iiwan ang asawa na malapit ng
manganak. Uuwi daw sila kapag maging maayos na ang lahat.
"Nay, Tay"....tawag ko sa mga magulang ko.
Napansin ko pa ang ilang butil ng luha na bilgang pumatak mula sa mga mata ni
Nanay.
"Kailangan na nating umuwi." pagyayaya ko sa
kanila. Kaagad naman silang tumango
"Mas mabuti pa nga siguro. Malapit ng dumilim at baka
mahamugan ka anak. Hindi pwedeng magtagal sa lugar na ito ang isang buntis na
katulad mo." sagot ni Nanay.
Sabay na kaming naglakad palayo sa puntod ni Natalia.
Dumirecho kami sa kotse at kaagad na sumakay at mabilis na nagdrive ang driver
ni Ryder palabas ng seminteryo.
Tahimik kami buong byahe. Bakas ang lungkot sa loob ng
sasakyan. Walang ni isa man sa amin ang nangahas na magsalita.
Kaagad kaming nakarating ng bahay. Ramdam ko ang ibang
klaseng kalungkutan sa buong kabahayan pagdating namin. Ilang araw din maraming
tao na naglalabas pasok sa loob ng bakuran dahil sa lamay kay Natalia. Kahit
papaano marami kaming kakilala sa lugar na ito. Maraming kaibigan si Tatay at
Nanay.
"Nagugutom na ba kayo anak? Maghahanda ako ng makakain
natin." wika ni Nanay pagkababa namin ng kotse. Kaagad naman sumagot si
Ryder.
"Huwag na po kayo mag-abala Nay. Mga tao ko na ang
bahalang bumili ng makakain natin. Kailangan nyo pong magpahinga dahil ilang
araw din po kayong puyat." Wika nito. Saglit na napatitig si Nanay kay
Ryder bago dahan dahan na napangiti.
"Pasensya ka na sa pinakita kong pag-uugali sa iyo
noon. Alam na namin ang totoo. Nabanggit na sa amin ni Natalia kung anong
nangyari sa pagitan ninyong dalawa." wika ni Nanay. Kaagad naman
nagpakawala pilit na ngiti si Ryder.
"Patawad po sa mga nangyari. Hndi po ako perpekto na
tao. Alam ko po sa sarili ko na malaki ang kasalanan ko sa mga nangyari.
Patawarin nyo po ako at habang buhay kong pagsisisihan ang lahat." sagot
naman ni Ryder. Kaagad naman napailing si Nanay.
"Sapat ng kabayaran na alagaan mo ng maayos si Ashley.
Marami na syang isinakripisyo sa pamilya namin at hindi mababayaran ang lahat
ng iyun sa simpleng pasasalamat lang. Mangako ka sa amin na aalagaan at
mamahalin mo siya habang buhay. Wala kaming ibang hangad kundi makita kayong
maging masaya." sagot naman ni Nanay. Kaagad naman napatango si Ryder.
"Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat maging
masaya lang siya sa piling ko. Maraming salamat po sa ibinigay ninyong tiwala
sa akin. Salamat po dahil sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko natanggap nyo pa
rin ako bilang asawa ng inyong anak." sagot ni Ryder.
"Kalimutan na natin ang lahat Ryder. Huwag na natin
pag-usapan pa ang nakaraan. Hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit
para sa amin ang pagkawala ni Natalia pero kailangan tanggapin. Masaya kami
dahil sa ilang araw na pananatili nyo dito nakita namin kung gaano mo kamahal
si Ashley." sagot naman ni Tatay. Kaagad naman lumapit si Ryder at
inilahad ang kanyang kanang kamay. Nakangiting inabot iyun ni Tatay.
"Salamat po Tay. Pangako...ipapakita ko sa lahat kung
gaano ko kamahal ang anak nyo." sagot ni Ryder. Kaagad na ngumiti si
Tatay. Ilang saglit lang ay nagpaalam na ang mga ito na magpahinga na muna.
"Ano nga pala ang gusto mong kainin Mahal?" tanong
nito sa akin. Nandito kami sa bakuran ng bahay at nakaupo sa kahoy na upuan.
Saglit akong nag-isip bago sumagot.
"Hindi ko din alam eh. Pero dagdagan mo na lang siguro
ang mga pagkain na oorderin sa labas dahil baka may dumating na bisita mamaya.
Uso pa rin kasi dito ang mga padasal kahit nailibing na ang patay." sagot
ko kay Ryder. Kaagad naman itong tumango. Nilapitan ang kanyang mga tauhan na
noon ay nakaupo sa shade house at inabutan ng pera para bumili ng pagkain.
Pagakaalis ng inutusan ni Ryder kaagad itong bumalik sa harap ko. Naupo sa tabi
ko at kaagad na hinawakan ang aking kamay. "Kung nasaan man ngayun si Natalia...sana
masaya na siya." Hindi ko maiwasan na sambit habang nakatitig sa papadilim
ng kalangitan.
Chapter 84
ASHLEY POV
Pagkatapos ng babang luksa muli kaming bumalik na Manila ni
Ryder. Mabuti na lang at kaagad na pumayag sila Nanay at Tatay. Alam din kasi
ng mga ito na kailangan magreport ni Ryder sa opisina. Hindi pwedeng basta na
lang niyang ipagkatiwala ang negosyo sa kanyang mga tauhan
Mabilis na lumipas ang mga buwan. Kahit papaano naging
masaya ang pagsasama namin ni Ryder. Lagi itong nakaalalay sa akin lalo na at
malapit na ang kabuwanan ko.
Excited na kaming lahat sa paglabas ng pangalawang baby
namin.
"Hi Ma....tumawag nga pala sa akin kanina si Papa
Enzo.. uuwi na daw sila dito sa Pinas." nasa hapag kainan kami ng ibalita
sa amin ni Charles ang tungkol sa bagay na iyun. Pareho naman kaming nagulat ni
Ryder.
Masyado kaming naging abala nitong mga nakalipas na buwan.
Dagdagan pa na medyo maselan ang pagbubuntis ko kaya hindi na ako nagkaroon pa
ng time para makibalita sa sitwasyon nila Enzo sa Germany.
"Talaga? Dito na sila titira?" tanong ko. Kaagad
na tumango si Charles.
"Magtatayo na lang yata ng panibagong hospital si Papa
Enzo. Medyo nahirapan na din kasi sila sa Germany lalo pa at kakapanganak lang
ni Tita Rona. May kambal pa at ayaw yata nila Lolo Arnulfo at Lola Susan na
magtagal doon. Winter na naman kasi at sumakit daw ang mga rayuma nila kapag
ganoon ang weather sa Germany." sagot ni Charles.
"Mabuti naman at nakakausap mo palagi si Papa Enzo mo
anak." sagot ko. Kaagad na tumango si Charles.
"Opo, tumawag siya sa akin kagabi. Gusto nga sana
kayong makausap ni Papa kaya lang tulog na kayo." sagot nito. Kaagad naman
akong napatingin kay Ryder.
"Tatawagan ko na lang mamaya si Enzo pagdating ng
opisina. Mas maganda nga na dito na sila manirahan sa Pinas para hindi sila
mahirapan sa pag-aalaga sa mga anak nila. masyadong mahal ang bayad sa mga
Yaya's sa Germany." sagot ni Ryder. Kaagad akong napatango.
Kahit papaano nakaramdam ako ng excitement. Napamahal na sa
akin ang mga anak nila at kapag dito na sila tuluyang manirahan sa Pilipinas
palagi ko na silang makikita. Lalo na ang malambing na si Mikaela.
"Susubukan ko din na kontakin sa messenger si Rona para
matanong sa plano nilang ito. Baka may pwede tayong maitulong Ryder."
sagot ko. Kaagad na tumango si Ryder.
"Yup! At least personal ko ng mapasalamatan si Enzo sa
lahat ng tulong na ibinigay nila sa pamilya natin Mahal." sagot ni Ryder
sabay inom ng kape. Sinipat ang suot na relo at tumayo.
"Sasabay ka ba ulit sa akin ngayun Charles?"
tanong nito sa anak namin. Kaagad naman tumango si Charles at tumayo na din.
"Yes Pa. Idaan niyo na lang po ako sa School."
sagot nito. Kaagad na tumango si Ryder at binalingan ako. Tinulungan akong
makatayo.
"Huwag mo na kaming ihatid sa labas Mahal. Parang ang
bigat na ng tiyan mo ah. Malapit na lalabas si baby!" wika nito sabay
himas sa aking tiyan. Yumuko pa ito para halikan.
"Papunta din ako sa garden. Tsaka nakalimutan mo na ba
ang bilin ni Doc na kailangan kong maglakad-lakad para hindi ako mahirapan
manganak?" sagot ko. Napangiti ako at inalalayan ako nito nang mag-umpisa
na kaming humakbang.
Nagpatiuna na si Charles kaya naman masaya pa kaming
nag-uusap ni Ryder hanggang sa makarating kami sa kotse nito. Hinalikan ako sa
labi bago ito sumakay. Kinawayan ko pa ito ng mag-umpisa ng umusad ang
sasakyan.
"Bye Ma." sigaw pa ni Charles. Nakangiting
nag-flying kiss pa ito sa akin.
Pagkaalis ni Ryder inabala ko ang sarili ko sa paglakad-
lakad sa paligid. Mabigat na ang tiyan ko at malapit na akong manganak.
"Ashley, iha.." awtomatikong napangiti ako ng
marinig ko ang tinig na iyun. Si Lola Agatha. May hawak itong tungkod habang
nalalakad palapit sa akin.
"Lola." sagot ko.
"Bakit nandito ka sa labas? Dapat nagpapahinga ka at
mukhang ang bigat na ng tiyan mo."sagot nito. Wala sa sariling nahimas ko
ang aking tiyan.
"Kailngan ko daw po kasing maglakad-lakad para hindi
ako mahirapan na manganak. Gusto ko kasing mailabas si Baby ng normal."
sagot ko.
"Ah ganoon ba? Basta mag-ingat ka lang. Siya nga pala,
kumain ka na ba? Halika sa garden, sabayan mo ako dahil inutusan ko si Lorna na
magdala ng breakfast sa garden. Masarap kumain lalo na kapag may mga halaman
kang nakikita." wika nito. Kaagad akong tumango at sabay na kaming
naglakad papuntang garden.
Naabutan nga namin si Lorna na abala sa paglalagay ng
pagkain sa lamesa. Kaagad nitong sinalubong si Lola Agatha at tinulungan na
makaupo. Pagkatapos pinaghila din ako nito ng upuan at inalalalyan din na maupo
"Sumabay na ako kanina sa mag-ama na kumain ng
breakfast La. Napadami ang kain ko kaya busog na busog ako." wika ko ng
mapansin ko na inuutusan nito si Lorna na kumuha pa ng isa pang pinggan.
Tumitig muna sa akin ito tsaka tumango.
"Alam mo bang ang saya-saya ko Iha. Kaya siguro habang
tumatagal lalo akong lumalakas. Kung dati, nakadepende na ako sa wheel chair
pero tingnan mo naman ako ngayun. Feeling ko kayang kaya ko pang alagaan ang
bunso niyo ni Ryder." nakangiti nitong wika. Iyun din ang napapansin ko
kay Lola Agatha. Simula ng nagkabalikan kami ni Ryder nagiging masayahin na
ito. Nakakalakad na din ito mag-isa. Parang bigla itong lumakas.
"Masaya din po ako dahil welcome na welcome pa rin po
ako sa pamilyang ito. Huwag po kayong mag-alala La... dalawa po tayong
mag-aalaga sa baby na ito." nakangiti kong sagot. Kaagad naman hinawakan
ni Lola Agatha ang kamay ko. Kita ko ang tuwa sa mga mata nito.
"Halos dalawang oras din kaming walang ibang ginawa
kundi ang magkwentuhan dito sa garden. Sabagay, kapag nasa trabaho si Ryder at
nasa School si Charles kaming dalawa ni Lola ang laging magka-bonding.
Palagi ko din kinukumusta sila Nanay at TAtay sa probensya.
Kahit papaano bumalik na sa dati ang pakikitungo sa akin ni Nanay. Ilang beses
din ito humingi ng tawad sa akin at ilang beses ko din sinabi sa kanila na
kalimutan na ang lahat.
Nakatakda din silang lumuwas dito sa Manila pagkapanganak
ko. Gusto daw ni Nanay na alalayan ako sa pag-aalaga kay Baby. Wala din akong
balak na kumuha ng Yaya at personal kung aalagaan ang bata.
Noong una tumututol si Ryder. Iba pa rin daw na may katuwang
kami sa pag-aalaga sa bata. Pero noong sinabi ko na luluwas naman sila Nanay at
tutulong sila pumayag na din si Ryder.
"Ryder..Ryder!" kalabit ko sa katabing si Ryder
habang mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Halos ala una pa lang ng madaling
araw at nakakaramadam ako ng paghilab ng aking tiyan. Nang kapain ko ang aking
pwerta kaagad akong kinabahan ng mapansin ko na may basang likido na tumutulo
doon.
"Ryder,...ano ba! Gumising ka!" halos pasigaw kong
wika habang habol ang hininga. Tinapik ko ito sa mukha at kaagad itong
napabalikwas ng bangon
"Mahal, bakit?" Nagugutom ka ba? May gusto ka bang
kainin?" tanong ito habang pigil na pigil ang paghikab. Gulong gulo ang
buhok nito at namumula ang mga mata na halatang na-isturbo ko ang kanyang
pagtulog,
"Manganganak na yata ako." sagot ko kasabay ng
pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bigla kasing sumakit ang tiyan ko. Parang
mabibiyak na din ang balakang ko.
"Ha? Manganganak? Hindi bat next week pa ang schedule
ng paglabas ni baby?" tanong ni Ryder na hindi malaman ang gagawin.
Napansin ko ang panginging ng kamay nito habang nakatingin sa bahagi ng aking
tiyan.
Ano bang ginagawa mo? Bilisan mo na, lalabas na si
baby!" sigaw ko ng mapansin ko na para itong isang tood na nakatayo sa
harap ko. Pilit akong bumabangon sa kama habang sapo ang aking malaking tiyan.
Wa?a ding humpay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata dahil sa sakit.
"Ha? Teka...Oo...sige Mahal...dadalhin kita sa
hospital." wika nito at kaagad akong kinarga. Mahigpit na kumapit ako sa
leeg nito habang buhat ako nito palabas ng kwarto. Hindi ko na din mapigilan na
mapasigaw dahil sa sobrang sakit.
"Papa, anong nangyari kay Mama?" narinig kong
tanong ni Charles. Nasa pintuan ito ng kanyang kwarto at halatang nagising sa
sigaw ko.
"Sa kotse...bilisan mo! Ihanda mo ang kotse!"
sigaw ni Ryder sa anak. Kaagad naman tumalima si Charles at patakbong binaba
ang hagdan.
"Hindi ko na kaya! Ang sakit!" sigaw ko. Parang
gusto ko ng umiri. Kaya lang wala pa kami sa hospital at baka mapaano ang baby
ko.
"Lintek na iyan...hindi bat sabi ng OB mo next week ka
pa manganganak?": wika ni Ryder habang ibinababa ako sa loob ng kotse.
Hindi ko na ito sinagot dahil abala na ako sa kakahimas sa tiyan ko. Lalabas na
talaga si Baby.
"Charles...ano pa ang hinihintay mo! Magdrive ka
na!" sigaw ni Ryder sa anak habang hindi malaman kong saan ako hahawakan.
Saglit na natulala si Charles habang nakatitig sa ama.
"Hindi po bat bawal pa akong magdrive Pa?" sagot
nito. Kaagad naman napahilamos sa mukha nya si Ryder at matalim na tinitigan
ang anak.
"SA palagay mo makakapagdrive ako sa kondisyon ng Mama
mo? Bilisan mo na!" angil ni Ryder sa anak. Ngingiti-ngiti naman na kaagad
pina-start ni Charles ang kotse.
Gusto ko sanang umalma sa pagpayag ni Ryder na magdrive si
Charles. Minor pa ito at wala din lisensya. Kaya lang sobrang sakit na talaga
ng tiyan ko at wala na akong lakas para manita.
"Ryder, ayan na! Lalabas na si Baby!" habol ang
aking hininga habang malakas na umire. Hindi ko na kaya
Lalong namutla si Ryder habang nanlalaki ang mga mata nito
na nakatitig sa akin. May naririnig kasi kaming iyak ng sanggol. Napaanak na
ako dito sa kotse.
"Oh God! Lumabas na si baby?": halos pasigaw na
wika ni Charles. Mabilis na din ang pagpapatakbo nito ng kotse. Halata din sa
mukha nito ang pagkataranta! Si Ryder naman ay halos magkulay papel na ang
mukha habang nakatitig sa akin.
Chapter 85
RYDER POV
"Pa, isuot nyo po muna ito." natigil ako sa
kakalakad paroon at parito ng biglang nagsalita si Charles. May hawak itong
pajama at t-shirt at iniaabot sa akin.
"Kumusta na kaya si Mama mo. Sana ayos lang sila ni
Baby!" wala sa sarili kong sagot.
"Ayos lang po sila Pa. Hindi mo ba narinig ang sinabi
ng Doctor kanina? May ilang check ups lang silang gagawin at ililipat na din
sila sa private room." sagot ni Charles. kahit papaano gumaaan ang
pakiramdam ko.
"Sige na po Pa. Isuot nyo na ito dahil kanina pa kayo
pinagtitinginan ng mga tao. Nakakahiya!" muling wika nito at itinaas pa
ang hawak niyang pajama at t-shirt. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Pa naman, nakarating tayo dito sa hospital na
nakaboxer shorts lang kayo. HIndi po ba kayo nilalamig? " muling wika ni
Charles. Wala sa sariling napatingin ako sa suot ko. Huli na ng marealize ko na
tama ito. Tanging boxer short lang ang suot ko at sa sobrang pagkataranta ko
kanina hindi man lang ako nakapagbihis.
"Fuck!" hindi ko maiwasang bulong at kaagad n
inabot ang mga damit na hawak ni Charles. Mabilis kong isinuot ang mga iyun
habang nariring ko pa ang mahina nitong pagtawa.
"Nakakatakot pala manganak si Mama. Grabe kong umiyak.
Kahit ako nataranta kanina eh. Buti na lang hindi ko ugali na matulog ng naka
boxer shorts lang. muling wika nito ng mapansin nya na naisuot ko ang ang damit
na bigay nito. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang mga ito at mabuti na lang
kasama ko siya dito sa hospital dahil wala akong kamalay-malay na kanina pa
pala ako pinagtitinginan ng mga tao.
"Mararamdaman mo din ang nararamdaman ko kapag
makapag-asawa ka na din Charles kaya huwag mo akong tawa-tawanan diyan!"
halos pasinghal kong wika dito. Napakamot naman ito ng ulo.
Naging mabilis ang paglipas ng oras. Sa wakas nailipat na
din ng private room si Ashley. Hindi ko mapigilan na puntahan sa nursery ang
anak namin. Gustong gusto ko na itong makita kaya ng mapansin kong mahimbing
pang natutulog si Ashley nagpaalam ako kay Charles na sasaglit muna sa nursery.
Pagdating ng nursery kaagad kong kinawayan ang isa sa mga
nurse na abala sa pag-aasiste sa mga sanggol. Sa sobrang pagkataranta ni
Charles sa ibang hospital kami napadpad. Ang pagkakaalam ko isa itong public
hospital.
Huli na ng mapansin ko na hindi ito ang hospital na pag-
aari ng pamilya ni Lorenzo kung saan nandoon lahat ng records at personal
Doctor ni Ashely. Well, wala na kaming magagawa pa. Napaanak na si Ashley sa
kotse pa lang.
Hindi ko maiwasan na maguluhan kung saan sa kanila ang baby
namin ni Ashley. Ang daming sanggol at halos magkakamukha sila. Pare-parehong
lampin lang ang mga suot nila.
"Mr. Sebastian?" tanong ng nurse pagkalapit sa
akin.. Kaagad akong tumango. Kaagad naman itong umalis sa harap ko at pagbalik
nya buhat-buhat na nito ang isang baby. Hindi ko maiwasan na mapngiti ng
makompirma ko na ito ang anak namin ni Ashley.
Masaya kong tinitigan ang mukha ng anak ko. Hindi ako
makapaniwala na nasa harap ko na siya ngayun. Sabagay halos panawan ako ng
ulirat ng lumabas ito kanina sa kotse. Madungis pa ang hitsura nito kaya ngayun
ko lang natitigan ng maayos ang mukha nito.
"Ihahatid po namin siya mamaya sa room ni Mam kapag
magising na po siya. Kailangan nya po kasing dumede sa Mama nya." wika ng
nurse. Kaagad akong tumango at nagpasyang magpaalam para puntahan si Ashley sa
private room. Tulog pa ito ng iiwan ko doon at gusto kong ako ang una nitong
masilayan pagising nito.
Pagdating ng kwarto ay kaagad kong nakita si Charles na
nakaupo sa sofa. Abala ito sa kanyang cellphone kaya direcho na akong naglakad
patungo sa higaan ni Ashely.
Hinalikan ko ito sa pisngi bago ako umupo sa gilid ng kama
nito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinaplos.
"Bibili lang po ako ng makakain natin Pa." paalam
sa akin ni Charles. Nilingon ko muna ito tsaka tumango.
"Bumili ka na din ng porridge at prutas para may makain
si Mama mo pagkagising nya." utos ko dito. Kaagad naman itong tumago at
nagmamadali ng lumabas ng kwarto.
'Ash!" bulong ko kay Ashely. Tulog na tulog pa rin ito
kaya wala akong nagawa kundi isubsob ang mukha ko sa gilid ng higaan nito.
Bigla din akong nakaramdam ng antok. Halos sang oras pa lang kasi akong tulog
kagabi ng gisingin nito. Ngayun ko lang naramdaman ang puyat.
"Nahihimbing na ako ng tulog ng maramdaman ko na may
humahaplos sa buhok ko. Unti-unti kong iniangat ang aking mukha at kaagad kong
napansin ang gising na si Ashley. May matamis na ngiti na nakaguhit sa labi
nito. "Nasaan si baby? Nakita mo na ba ang anak natin?" tanong nito.
Kaagad akong tumango.
Akmang magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pintuan
ng kwarto. Iniluwa ang isang nurse na may kargang sanggol at kasama nito ang
Doctor na umasiste kay Ashley kanina.
"Good Morning!" bati ng mga ito at kaagad na
lumapit sa higaan ni Ashley. Parang bigla naman napako ang mga mata ko sa baby
na hawak ng nurse.
"Ang baby ko!" narinig kong wika ni Ashley.
Ngumiti ang nurse at kaagad nitong inilapit ang sanggol kay Ashley. Hindi ko
naman mapigilan ang maluha.
"Susubukan po natin kung kaya nyo pong magproduce ng
gatas Mrs. Iyan kasi ang number one nutrition na kailangan ni baby!"
nakangiting wika ng nurse at kaagad na inilapag sa tabi ni Ashley ang baby.
Tahimik lang akong nanonood habang inilalabas ni Ashley ang kanyang dibdib para
subukan na mapadede ang anak namin
Ayos lang naman sa akin iyun. Puro mga babae ang mga medical
staff na nandito sa loob ng kwarto. Isa pa kailangan namin masiguro kung may
gatas bang mailabas si Ashley bilang pagkain ni Baby.
"Mr. Sebastian, pwede nyo ng iuwi si Mrs. Sebastian
mamaya. Normal delivery lang naman ang nangyari at ayos lang kung sa bahay na
siya magpagaling. Useually naman sa normal delivery walang komplikasyon sa
panganganak. Unlike sa CS na talagang kailangan manatili ng pasyente ng ilang
araw dito sa hospital." Paliwanag ni Doctora. Kaagad akong tumango.
"Much better nga po Doc kung sa bahay na lang siya. Mas
priority ko kung saan mas komportable ang asawa ko." sagot ko. Kaagad na
tumango ang Doctor at binalingan si Ashley. Sinuri nya ito at ilang saglit lang
ay kaagad itong napangiti.
"Wow! Swerte ni Baby. Maraming gatas ang
inilalabas ni Mrs. Sebastian." nakangiting wika nito. Natutuwa
naman akong muling napatingin kay Ashely. Titig na titig ito sa anak namin
habang nagpapadede.
"Bweno, lalabas na kami. At one more thing Mr.
Sebastian, pwede mo ng pakainin ang pasyente. Pero inirerekomenda ko ang mga
masusustansyang pagkain at may mga sabaw para lalong dumami ang ma-produce
nyang gatas." nakangiti nitong wika. Kaagad naman akong nagpasalamat sa
Doctor ng tuluyan na silang lumabas ng kwarto.
Dali-dali akong lumapit sa mag-ina ko at hindi ko mapigilan
na panoorin habang pinapadede nito ang anak namin.
"Ang ganda nya noh? Ang ganda ni Francine."
narinig kong wika ni Ashley. Kaagad naman akong tumango... Bagay dito ang
pangalan na Francine. Para itong isang anghel na dumating sa buhay namin para
lalong maging masaya ang pagsasama naming dalawa ni Ashley.
"Yah...super ganda! Mana sa iyo Ash. Look at her eyes
ang nose...diba ang ganda?" nakangiti kong sagot. Kaagad kong napansin ang
pagtulo ng luha sa mga mata nito kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pag-
alala.
"Bakit?" masuyo kong tanong. Kaagad itong umiling.
"Wala...masaya lang ako dahil nailabas ko ng maayos ang
anak natin." sagot nito. Pinahiran ko ang luha sa pisngi nito at masuyong
hinalikan sa noo.
"Mas lalo akong maging responsable sa pamilya natin
Ash. Lalo na ngayun na nandito na ang bunso natin." nakangiti kong wika.
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang bumukas ang pintuan
ng kwarto. Iniluwa si Charles na maraming bitbit. Nagmamadali itong pumasok at
inilapag sa maliit na mesa ang mga dala-dala.
"Nandito na si baby?" tanong nito sabay lapit.
Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito ng masilayan ang mukha ng
sanggol.
"Wow..ang ganda nya! Parang angel!" bulalas nito.
Akamang hahawak ito sa sanggol ng biglang lumayo. Umiling iling ito.
"Hindi pa pala ako nakapaghugas ng kamay. Pero excited
na akong hawakan siya. Sa wakas, nandito na ang kapatid ko!" nakangiti
nitong wika. Kaagad naman kaming nagkatawanan ni Ashley.
Alam namin pareho na mas excited si Charles sa paglabas ng
kanyang kapatid. Ngayung nandito na ang baby, alam namin na magiging
responsable itong Kuya sa kanyang kapatid.
Chapter 86
ASHLEY POV
Hindi ko maiwasan na maluha habang nakatitig sa natutulog
naming anak. Sa paglipas ng mga araw na nakauwi kami dito sa mansion pagkatapos
kong manganak hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Para akong nakakaramdam ng takot at agam-agam sa puso ko.
Hindi ko alam kung bakit nahahati ang nararamdaman ko sa tuwing tinititigan ko
si Baby Francine. Masaya ako na malungkot na ewan.
Iniisip ko na lang na siguro nasa proseso pa ako ng
pagtanggap. Na baka ito ang nararamdaman ng isang taong may postpartum.
Actually, nakakaramdam din ako ng postpartum noong time na ipinanganak ko si
Charles. Dahil sa sitwasyon namin noon ni Luther. Pero mas kakaiba ito.
Pinagdududahan ko si
Francine kung anak ko ba talaga siya?
Alam kong unfair ito para sa isang sanggol na walang
kamalay-malay. Pero iyun ang nararamdaman ko. Ibang bata ang sinisigaw ng puso
ko. Parang hindi ako masaya. Parang may kulang sa pagkatao ko.
"May masakit ba sa iyo Mahal?" narinig kong tanong
sa akin ni Ryder pagkapasok nito sa loob ng kwarto. Kaagad kasi nitong napansin
ang pagpupunas ko ng luha sa aking mga mata. Nagiging iyakin na yata ako
pagkatapos kong manganak.
"Hindi ko alam. Pakiramdam ko nalulungkot ako at may
hinahanap ang puso ko." sagot ko. Saglit na natigilan si Ryder. Matiim
akong tinitigan.
"Ano ang ibig mong sabihin? Gusto mo bang magpatingin
tayo sa Doctor?" tanong nito. Kaagad akong umiling.
"Hindi ko alam Ryder. Pakiramdam ko may kulang dito sa
bahay. Ibang iba ang nararamdaman ko simula noong umuwi tayo dito sa mansion.
Simula noong nakapanganak ako parang may biglang nawala sa atin. Parang may
kulang." sagot ko.
"Hindi kita maintindihan Ash.... I think kailangan na
natin ng professional help para ma-address kaagad ang nararamdaman mo. Akala mo
ba hindi ko nararadaman ang pagiging balisa mo nitong mga nakaraang araw? Tell
me, may dinaramdam ka ba?" Nag-aalala nitong tanong. Hindi ko mapigilan
ang lalong pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
Sumulyap ako sa natutulog na si Francine. Aaminin ko hindi
ako masaya. Hindi katulad ng saya ang nararamdaman ng puso ko noong ipinanganak
ko si Charles. Iba ang nararamaman ko kay Francine. Wala akong nararamdaman na
lukso ng dugo sa batang ito.
"Ryder...pwede bang magpa DNA kami ni Francine? "
mahina kong tanong. Kaagad na lumarawan ang pagkagulat sa mukha ni Ryder ng
marinig nya ang katagang iyun. Sandali itong tumitig sa akin at kay Baby.
"A-anong ibig mong sabihin? Nag-aalangan ka ba na hindi
natin anak ang sanggol na iyan?" tanong nito. Kaagad akong umiling. HIndi
ko din alam. Isa lang ang nasisiguro ko, gusto kong magkaroon ng peace of mind
kaya ko gagawin ang DNA.
Hindi lingid sa kaalaman ko na marami akong kasabay na
nanganak sa hospital na iyun. Although sa kotse pa lang napansin ko na ang
paglabas ni Baby. Pero hindi ko alam kung nagdedileryo lang ako noon. Iba ang
hitsura ng anak ko kumpara sa bata na naiuwi namin ni Ryder.
Noong nasa hospital pa ako hindi ko pa iyun napapansin.
Masaya ako noong inilapag ng nurse sa dibdib ko ang sanggol na ito. Pakiramdam
ko sulit lahat ng paghihirap ko sa pagbubuntis dahil sa wakas lumabas din siya
ng malusog. Pero simula ng nakauwi kami, hindi mawala sa isip ko ang hitsura ng
baby. Ang iyak ng baby pagkalabas nito noong nasa sasakyan pa kami. Ibang iba
sa iyak ng bata na nandito sa amin.
Nababaliw lang siguro ako. Maaring dala lang ng hirap ng
pagli-labar kaya ako nagkaganito. Pero gusto kong makasigurado. Baka mabaliw
ako sa kakaisip kaya gusto ko ng patunay mula sa siyensa. Gusto ko ng DNA test.
Alam kong unfair ito kay Baby Francine. Pero kung ito naman
ang paraan para magkaroon ako ng peace of mind....why not diba?
"Fine...kokontakin ko si Atty Cuevas tungkol dito.
Marani siyang kakilala na gumagawa ng DNA test." sagot ni Ryder. Pilit
naman akong napangiti. Sa hindi malaman na dahilan may nararamdaman akong
takot. Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung
bakit nagkakaganito ako.
"Salamat Ryder. Pasensya ka na kung ginagawa kong issue
ang tungkol dito. Marami kasing 'What If " na pumapasok sa isip ko. Mga
katanungan na tumatakbo sa isip ko at tanging DNA test lang ang solusyon."
sagot ko. Nakangiti naman na hinaplos ni Ryder ang pisngi ko.
"Basta para sa inyong dalawa ni Baby Francine walang
problema Ash. Kung saan ka masaya, doon tayo." sagot nito. Kaagad akong
napayakap dito.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Mabilis kaming nakahanap ng
clinic na gumagawa ng DNA test. Kahit si Charles nagtaka kung bakit humantong
sa pagpapa DNA ang lahat. Hindi daw ba kami sigurado na totoong kapatid nya ang
naiuwi namin?
Siyempre, sinabi na lang namin na para sa katahimikan ng
isip ko. Baka ito ang tanging sagot para mawala na ang depression na
nararamdaman ko.
"Hi Francine...I am your Kuya Charles....I love
you!" hindi ko maiwasan na mapangiti ng marinig ko ang katagang iyun sa
mismong bibig ni Charles. Kitang kita ko kung paano nito titigan si Francine
habang nakahiga sa kama. Humahagikhik ito tuwing hinaharot ni Charles.
"Look at her Ma! I think she likes me very much!"
nakangiting wiika ni Charles habang kinikiliti nito ang kapatid na wala namang
tigil sa kakatawa.
"Pansin ko nga din. Parang love na love ka din ng
kapatid mo anak." sagot ko.
"But she si very beautiful Ma. Siguro marami itong
maging admirer kapag lumaki na. Look at her eyes... napapansin nyo po ba Ma?
Parang blue eyes sya?" sagot ni Charles. Hindi ko naman maiwasan na
mapakunot ang aking noo. Kaagad akong lumapit sa kanila at tinitigan ang mga
mata ni Francine.
Biglang binundol ng kaba ang puso ko ng matitigan ko ang
mata ni Francine. Yes, tama si Charles...blue eyes siya. Ibang iba sa mga mata
naming tatlo.
Kakaiba siya sa lahat.
Oo, maputing bata si Francine...pero may pagka- singkit ang
mga mata nito. Siguro dahil baby pa siya. Matangos ang kanyang ilong katulad
namin ni Ryder pero blue eyes? I dont think so.
Sa isiping iyun parang lalo akong napraning. Lalong
nadagdagan ang takot na nararamdaman ng puso ko.
"Are you okay Ma?" tanong ni Charles. Alangan
akong tumango.
"Yah...biglang may naalala lang ako." pilit ang
ngiti na sagot ko. Napatango naman ito at muling ibinalik ang attention sa
kapatid.
"Bantayan mo muna si Baby ha? May kukunin lang ako
sandali sa kusina." wika ko kay Charles at nagmamadali ng lumabas ng
kwarto. Nagtataka naman na napasunod na lang ang tingin nito sa akin
Direcho akong naglakad patungong garden. Sobrang lakas ng
kabog ng puso ko. Mariin akong napapikit at muli kong narinig sa aking
balintataw ang iyak ng sanggol na iyun. Ang unang iyak ng baby namin pagkalabas
pa lang nito mula sa sinapupunan ko.
Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok dahil sa
matinding frustrations. Bakit ang iyak na iyun ang hinahanap ng puso ko?
Napaka-unfair kay Francine para pag-isipan ko na hindi ko siya anak.
Yes, pakiramdam ko hindi ko anak si Francine. Hindi siya
galing sa akin. Nababaliw na nga siguro ako dahil ibang bata ang hinahanap ko.
ibang iyak ang hinahanap ng puso ko.
Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Nasa piling ko si Baby
Francine pero parang may iba akong hinanap. May ibang kinasasabikan na makita
ang puso ko.
"Ashley?" natigil ako sa pagmumuni-muni ng
mapansin ko ang pagdating ni Ryder. Supposed to be nasa office ito pero hindi
ko alam kung bakit bigla itong umuwi. Nagtataka akong tumitig dito.
"Ryder...napaaga yata ang uwi mo?" tanong ko dito.
Seryoso akong tinitigan sa mga mata at hinila ako papuntang Gazebo. Kaagad
akong napasunod.
"Lumabas na ang DNA result." sagot nito sabay
pakita sa dalawang hawak nitong sobre. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata.
"Ta--talaga?" excited kong sagot. Kaaga niyang
inaabot sa akin ito. Tinitigan ko ang dalawang sobre at kaagad kong napansin na
bukas na ito. Siguro alam na ni Ryder ang result at base sa hitsura nito ngayun
bigla akong kinabahan. Kita ko ang pagiging seryoso nito.
"A-ano ang result? Pwede bang sabihin mo na lang sa
akin? Na-check mo na ito diba?" tanong ko. Parang nanghihina na napaupo sa
may upuan si Ryder. Lalo akong nakaramdam ng kaba.
"Basahin mo lang Ash. Baka nagkamali lang ako."
sagot nito. Napakunot ang noo ko tsaka dahan- dahan na binuksan ang sobre.
Binuklat ko ang nakatuping papel at kaagad na binasa ang resulta?
Kaagad na nanginig ang aking kamay dahil sa isang papel pa
lang hindi match ang DNA. 0% probability of paternity! Ito iyung result between
Ryder at Francine. Kaagad na tumulo ang luha sa aking mga mata para lang
madismaya sa pangalawang papel. DNA sa pagitang naming dalawa ni Francine at
ganoon din ang resulta. Hindi siya nanggaling sa akin. Hindi namin siya anak!
"Pa---paanong nangyari ito? Nasaan ang tunay
nating anak?" tanong ko kasabay ng sunod-sunod
na pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kaagad
naman akong dinaluhan ni Ryder at niyakap.
"Sorry....hindi ko akalain na mangyayari ito! Nagkamali
ang hospital. Naibigay nila sa iba ang anak natin." sagot ni Ryder. Kaagad
akong umatungal ng iyak.
Kung ganoon, totoo ang nararamdaman ko? Totoo ang
nararamdaman ng isang Ina? Kaya pala wala akong nararamdaman na lukso ng dugo
sa sanggol na naiuwi namain. Kaninong anak si Francine? Nasaan ang tunay naming
anak ni Ryder? Nasaan ang Baby ko na siyam na buwan kong iningatan sa aking
sinapupunan na basta na lang mawala sa aming piling dahil sa mga pabayang tao?
Ang hirap tanggapin. Pakiramdam ko biglang nadurog ang buo
kong pagkatao dahil sa katotohanan na ibinigay sa aming ng dalawang pirasong
papel na ito.
Paano kami mag-uumpisa? Paano namin hahanapin ang tunay
naming anak? Nasaan ang totoong Francine Sebastian?
Chapter 87
ASLHEY POV
"No! Hindi totoo ito! Nasaan ang anak natin? Nasaan
siya?" Halos maghistirikal ako dito sa Gazebo habang yakap-yakap ako ni
Ryder. Ngayun lang lumabas ang tunay na nararamdaman ng puso ko. Lalong sumidhi
ang pagkaasam ko na mahawakan ko ang tunay kong anak. Ang batang iningatan ko
sa loob ng siyam na buwan sa aking sinapupunan.
"Ash, please huminahon ka! Hahanapin natin siya!
Ipinapangako ko, hahanapin ko ang anak natin at mananagot ang mga may
kasalanan!" sagot ni Ryder na hindi nakaligtas sa pandinig ko ang galit sa
boses nito.
"Kaya pala hind ako masaya! Kaya pala pakiramdam ko may
kulang. Ryder please...gawin mo ang lahat... hanapin mo si Baby! Hanapin mo
siya!" sagot ko. Kaagad itong tumango.
"Promise...hindi ako titigil hanggat hindi natin siya
mahanap. Gagalugarin ko kahit ang kasulok- sulukan ng mundo mahanap lang siya.
Promise iyan Ash!" sagot nito. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak.
Hindi ko alam kung paano mailabas ang pighati na nararamdaman ng puso ko.
Sobrang sakit!
"Hindi ko alam kung paano matatangap ito Ryder. Kaya
pala palagi ko siyang napapanaginipan. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko
tuwing tinititigan ko ang sanggol na nasa atin. Hindi pala sya si Francine.
hindi natin siya anak." umiiyak kong sagot.
Hindi ko alam kung anong klaseng parusa ng langit ang ginawa
sa pamilya namin. Siyam na buwan kaming naghintay para masilayan ang anak
namin. Pero sa isang iglap bigla na lang siyang nawala at hindi namin alam kung
paano hahanapin. Wala man lang kaming kamalay-malay na hindi na pala namin siya
kasama.
"Ma, Pa, may problema po ba? Bakit po umiiyak si
Mama?" narinig kong tanong ni Charles. Hindi na ako nag-abala pa na
mag-angat ng tingin para tingnan ito. Sobrang sakit ng nararamdaman ng kalooban
ko at hangat maaari ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino.
"Kanina pa po umiiyak si Francine. Hinahanap nya siguro
si Mama. Baka nagugutom na po." narinig ko pang wika ni Charles. Lalo
akong napaghagulhol ng iyak lalo na ng maisip ko kung kumusta ang kalagayan ng
baby ko. Kung inaalagaan ba ito ng nakakuha sa kanya. Kung pinapadede ba ito ng
maayos? Kung naibibigay ba lahat ng pangangailangan niya?
Naramdaman ko na lang ang paghagod ni Ryder sa likod ko.
Inaangat nito ang mukha ko at masuyo akong tinitigan.
"Patawad Ash. Katulad ng nasabi ko na, hahanapin ko ang
anak natin. Sa ngayun kailangan mo munang huminahon at asikasuhin ang sanggol
na kasama natin dito sa mansion. Kailangan niya ang iyong kalinga.."
masuyo nitong wika. Mabilis akong umiling
"Ngayung alam ko na ang totoo, sa palagay mo ba kaya ko
pang kargahin ang batang iyan? Hindi siya ang anak natin Ryder. Hindi siya si
Francine. Hindi ko kayang mag-alaga ng ibang bata kung ang palaging tumatakbo
sa isip ko kung naalagaan ba ang anak natin ng pamilyang nakakuha sa kanya?
Naibibigay ba lahat ng pangangailangan nya!" umiiyak kong sagot.
"Pero Ash, kailangan ka din ng baby na iyun.
Responsibilidad na natin siya ngayun dahil nasa pangangalaga natin siya.. Hindi
pwedeng hindi natin siya alagaan. Hindi natin siya pwedeng pabayaan porket
hindi natin siya anak." sagot ni Ryder. Umiling ako.
"Mabubuhay siya dito sa mansion kahit hindi siya
makakatikim ng gatas ko. Maraming powder milk ang pwedeng mabili sa labas.
Ngayung alam ko na sa sarili ko na hindi ko siya anak, ayaw ko muna siyang
makita. Hindi ko kayang mag-alaga ng anak ng iba." seryoso kong sagot.
"Ibig nyo po bang sabihin Ma, nawawala ang tunay na
Francine? Nawawala ang tunay kong kapatid?" narinig ko pang tanong ni
Charles. Dinig na dinig pala nito ang pag-uusap naming dalawa ni Ryder.
"Hindi mo kapatid ang batang iyun Charles. Hindi ka
dapat matuwa sa kanya." sagot ko. Alam kong sa pagkakataon na ito nagiging
makasarili na ako. Pati batang walang muwang dinadamay ko sa frustrations na
nararamdaman ng puso ko. Pero ano ang magagawa ko, masyado akong nasasaktan
ngayun. Masyado akong nangungulila sa nawawala kong anak.
"Kung iyan ang gusto mo, wala akong magagawa. Tatawag
ako sa pedia ni Francine....magtatanong tayo ng gatas na pwede nyang
inumin." sagot ni Ryder. Bakas sa boses nito ang lungkot. Hindi ko na
pinansin pa iyun at patuloy lang ako sa pagluha.
***************************************************************************
Simula ng nalaman ko na hindi ko anak ang sanggol na
kasa-kasama namin dito sa mansion tuluyan na din akong nawalan ng amor sa
kanya.
Tuluyan ng kumuha si Ryder ng tagapag-alaga nito. Hindi ko
na din ito sinisilip sa nursery room. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng
pag-asa sa buhay. Pakiramdamdam ko wala akong kwentang Ina. Hindi ko man lang
namalayan na nailayo na pala siya ng ibang tao sa piling ko. Umpisa pa lang
hindi ko man lang napansin na hindi pala siya ang kasama namin sa pag-uwi dito
sa mansion.
Aaminin ko, sinisisi ko ang walang muwang na sanggol sa
pagkawala ng baby ko. Kung hindi sana siya dumating sa buhay namin, hindi sana
nawala ang tunay na anak namin ni Ryder.
Pero nangyari na ang lahat. Alam kong puspusan ang
paghahanap ni Ryder sa nawawala naming anak. Ginagamit na nito lahat ng
koneksyon nya para mapa-imbistigahan ang hospital. Lahat ng health workers na
sangkot sa insedente sinampahan na ng kaso.
Ang nakakalungkot lang, walang malinaw na impormasyon sa
kinaroroonan ng anak namin. Nakuha din namin lahat ng records ng kasabayan ko
na nanganak ng araw na iyun at pina-imbestigahan na silang lahat. Ang iba
natunton pa namin pero ang iba ay naglaho na din. May mga records din na mga
namatay na sanggol ng araw na iyun na siyang nagpadagdag ng lungkot na
nararamdaman ng puso ko.
Takot at pangamba ang nararamdaman ko sa paglipas ng araw.
Pakiramdam ko mawawala ako sa katinuan. Ang hirap tanggapin na sa paglipas ng
mga araw walang malinaw na impormasyon kung mahahanap pa ba namin si Baby.
"Anak, hindi porket dumaan ka sa ganitong pagsubok,
pababayaan mo na ang sarili mo. Hindi ka pwedeng magpadala sa lungkot. Isipin
mo din sana si Charles at ang asawa mo." nakatulala akong nakatitig sa
kawalan ng marinig ko ang sinabing iyun ni Nanay. Naupo ito sa harap ko at
seryoso akong tinitigan.
Kaagad silang lumuwas dito sa Manila noong nalaman nila ang
tungkol sa nangyari para damayan ako. Nalaman din kasi nila na halos hindi na
ako kumakain simula ng nangyari ang insedenteng iyun.
"Nay, ganoon na po ba ako ka-makasalanan para parusahan
ng ganito?" umiiyak kong sagot. kaagad na umiling si Nanay.
"Tandaan mo Ash, sa buhay natin hindi natin maiiwasan
na dumaan sa matinding pagsubok. Alam kong sobrang sakit ng mga nangyari...pero
wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin ang lahat. Huwag naman sana na ito
ang dahilan para tuluyang masira ang pamilyang pilit mong ipinaglaban
Ashley."wika ni Nanay. Kaagad naman akong natigilan dahil sa sinabi nito.
"Ina din ako Ash...at sasabihin ko sa iyo ang mga gusto
kong sabihin....alam kong masakit ang mga nangyari...pero huwag mo din
kalimutan na may asawa at anak ka na nangangailangan ng kalinga at attention
mo...hindi lang ikaw ang nasasaktan sa mga nangyari, Masakit din sa kanila
lahat ng ito.
Pero hindi pa katapusan ng mundo...darating at darating din
ang araw na matatapos din ang problemang ito...sa ngayun kailangan mo munang i-
focus ang attention mo sa kung anong meron ka... sila Charles at ang asawa
mo." mahabang wika ni Nanay.
"Kung hindi mo kayang alagaan ang batang napunta sa
inyo, hayaan mong kami ni Tatay mo ang mag-alaga sa kanya. Nakakaawa ang batang
iyun Ash...kakalabas pa lang nya dito sa mundo pero problema na kaagad ang
sumalubong sa kanya... kung tutuusin, biktima din ang sanggol na iyun sa mga
pangyayari....at sa anak nyong dalawa ni Ryder, ipagdasal natin na nasa mabuti
siyang kalagayan."
"Naniniwala pa rin ako na walang isang Ina na kayang
tiisin ang anak. Nararamdaman ko na nasa mabuti siyang kalagayan ngayun. Kaya
sana, huwag kang maging unfair kay Baby Francine...sana bigyan mo naman siya ng
kahit kaunting pagmamahal Ashley!" muling pagpapatuloy na wika ni Nanay.
Parang bigla naman akong nahimasmasan dahil sa mga sinabi nito.
Siguro nga nagiging unfair na ako sa lahat. Siguro nga
nagiging makasarili ako. Hindi ko iniisip ang mga nararamdaman ng taong
nakaapligid sa akin.
Bigla kong itinigil ang mundo ko dahil sa pagkawala ng baby
ko, at lumalabas na gusto kong idamay buo kong pamilya. Tama si Nanay, paano si
Charles, paano si Ryder... Kailangan din nila ako.
Ilang buwan na ba akong ganito? Ayaw ko ng bilangin. Alam
kong ginagawa ni Ryder lahat ng paraan para mahanap ang anak namin...pero wala
talaga...sensyales na ba ito para mag-moved on ako at ipagpatuloy ang buhay?
Pwede pa din naman siguro kaming maging masaya kahit na hindi namin kapiling
ang bunso naming anak.
"Nasaan si Francine?" tanong ko kay Nanay sabay
punas ng luha sa aking mga mata.
"Nasa Garden sila ng Tatay mo. Pinagpahinga muna namin
ang Yaya niya kaya naman kami na muna ni tatay mo ang bahalang mag-alaga sa
kanya. Si Lola Agatha mo naman nasa kwarto, sumasakit na naman daw ang
rayuma." sagot ni Nanay. Napatango ako sabay tayo. Naglakad palabas ng
mansion upang hanapin si Tatay. Kaagad ko naman naramdaman ang pagsunod ni
Nanay.
Chapter 88
ASHLEY POV
Akala ko hindi na ako makakabangon pa sa sakit ng damdamin
na aking naranasan sa pagkawala ng aking anak. Nagkakamali ako. Kailangan lang
pala harapin ang lahat at huwag mawalan ng tiwala sa maykapal. Kahit gaano pa
kasakit ang mga nangyari...malalagpasan at malalagpasan din sa tulong ng mga
mahal sa buhay
Oo, mahirap mawalan ng anak. Mahirap tanggapin. Pero hindi
pa katapusan ng mundo. Hindi dapat magmukmok at pabayaan ang mga mahal sa buhay
na nakapaligid sa iyo. Maraming dapat ipagsalamat dahil hindi naman sumusuko si
Ryder na mahanap ang anak namin. Kailangan ko lang maghintay... Umaasa ako na
darating at darating din ang araw na makakasama ko ulit ang nawawala naming
anak.
Alam kong may dahilan ang lahat
kung bakit nangyari ito. Siguro, hindi naman siya
pinapabayaan ng kinikilala nyang mga magulang ngayun. At kung sakaling dumating
man ang araw na magkrus ang landas namin, hindi ko na hahayaan pang mawalay
siya sa amin ulit.
Mabilis na lumipas ang maraming taon. May mga sugat na kahit
papaano hindi man tuluyan naghilom pero natatangap na din ang sakit ng
nakalipas.
Katulad ng payo ng lahat sa akin...itinoon ko ang attention
ko kay Francine. Masakit man tanggapin ang mga nangyari pero wala na akong
magagawa pa. Kailangan magpatuloy sa buhay at huwag magpalugmok sa matinding
kalungkutan.
Katulad ng inaasahan, lumaking maganda at malambing na bata
si Francine. Hindi man namin ito kadugo, hindi na din namin sinabi sa kanya ang
sekreto ng kanyang pagkatao. Tuluyan na namin siyang itinuring na parang isang
tunay na anak. Na kapatid ni Charles.
Hanggang ngayun, patuloy pa rin akong umaasa na sana magkrus
ang landas namin ng tunay kong anak. Alam kong kahit gaano pa katagal ng
panahon ang lumipas, makikilala at makikilala siya ng puso ko.
"Are you sure na ayaw mong magpaparty para sa sixteenth
birthday mo anak?" tanong ko kay Francine habang inaayos ko ang mahaba
nitong buhok. Naglalambing ito sa akin na itirintas ko daw muna bago kami
aalis.
Yes...sa paglipas ng maraming taon sa kanya ko itinoon ang
attention ko. Itinuring namin siya ni Ryder na kadugo namin siya. Siya ang
napunta sa amin at wala siyang kasalanan. Napakabait din nitong bata kaya dapat
lang na mahalin namin siya na parang isang tunay na anak dahil umaasa din kami
na kung nasaan man ngayun ang batang nawalay sa aming pamiya sana minahal din
siya ng tunay.
"Yes Mama. Ayaw ko po talaga ng party. Gusto ko po
kumain ng lang tayo sa favorite kong restaurant kasama si Kuya!" nakangiti
nitong sagot. Saglit naman akong napatulala habang nakatitig kay Francine...ang
ganda nito. Kulay mais ang kanyang mahabang buhok, matangos ang ilong at blue
eyes. Napakaganda din ng hugis puso nitong mukha.
Siguro, kung nabubuhay lang si Lola Agatha, matutuwa din ito
kay Francine. Kaya lang halos sampung taon na itong patay dahil sa kanyang
katandaan. Masakit, pero kailangan din namin tanggapin na hanggang doon na lang
din ang kanyang buhay. Alam kong naging masaya naman ito sa mga taon na kasama
namin siya. Inalagaan at minahal namin ito ni Ryder. Nakakalungkot nga lang
dahil namatay ito na hindi man lang nakikita ang bunso nitong apo.
Siguro nga foreigner ang mga magulang ni Francine. Of course
wala itong kamalay-malay sa mga nangyari noon. Hindi din ito aware na hindi
namin siya tunay na anak ni Ryder. Ang alam nya siya ang bunso namin at wala
kaming balak na ipaalam sa kanya iyun dahil tuluyan na din siyang napamahal sa
aming pamilya.
"As you wish Francine. Pero teka, may iba ka §â§Ñ bang
gusto? Gift or gusto mo bang magbakasyon tayo sa ibang lugar para naman
ma-enjoy mo ang sixteenth birthday mo." sagot ko. Kaagad itong ngumiti na
siyang nagpalabas ng biloy sa magkabilaan nitong mukha. Nangingislap din ang
mga mata nito.
"Nope..mas gusto ko dito sa mansion Mama. Kasama kayong
dalawa ni Papa at ng masungit na si Kuya Charles." sagot nito. Natigilan
ako. Oo nga pala, noon pa man palagi na itong sinusungitan ni Charles.
Nang malaman ni Charles noon na hindi nya naman pala talaga
kapatid si Francine lumayo na ang loob nito kay Francine. Parang biglang
nagkaroon ng malaking pader sa pagitan nilang dalawa.
Siguro dahil nasasaktan din si Charles sa pagkawala ng
kanyang kapatid. Pero ano pa nga ba ang magagawa namin. Nangyari na ang mga
hindi dapat mangyari.
"Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo anak ha? Ganoon
lang talaga iyun pero mabait naman siya diba?" wika ko. Kaaagad kong
napansin ang pagbalatay ng lungkot sa maganda nitong mukha.
"Bakit parang galit sa akin si Kuya Charles Ma? Ayaw
nya po ba sa akin? ilang birthday ko na din ang hindi siya nagreregalo. Buti pa
si Yaya at ang mga kasambahay natin dito nireregaluhan nila ako tuwing birthday
ko. Samantalang si Kuya Charles ni hindi man lang ako binabati." bakas ang
himutok sa boses na wika nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa kay
Francine. Mataman ko itong tinitigan at hinaplos ang maganda nitong
mukha.
"Siguro dahil malayo ang agwat ng edad nyo anak. Hayaan
mo na si Kuya Charles. May pagka- masungit talaga iyun." nakangiti kong
sagot. Kaagad naman itong napatango.
"Siguro tama ang sinasabi ng mga friend ko na
nagseselos si Kuya Charles. Kasi ako ang bunso at nasa akin ang buong attention
nyong dalawa ni Papa." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Ito ang pinaka-nagustuhan ko kay Francine. Napaka-positibo nito mag-isip.
"Parang ganoon na nga! Hayaan mo na, dahil sixteenth
birthday mo ibibigay namin lahat ng gusto mo." nakangiti kong sagot.
Kaagad naman lumawak ang ngiti sa labi nito. Pagkatapos kaagad kong naramdaman
ang pagyakap nito sa akin at paghalik sa pisngi ko.
"Wow! Thank you Mama! You're the best po talaga! sagot
nito.
"So lets go na! Hinihintay na tayo ni Papa sa ibaba!
" pagyayaya ko dito. Kaagad itong tumango at kaagad na itong humawak sa
braso ko habang palabas kami ng kwarto nito.
"Dadating po ba si Kuya Charles Ma?" tanong nito
habang pababa kami ng hagdan. Kaagad akong tumango
"Of course! Nagpromise siya na dadating siya."
sagot ko. Hindi na ito sumagot pa kaya nagmamadali na kaming naglakad palabas
ng mansion.
Paminsan-minsan na lang kung umuwi ng mansion si Charles.
Kadalasan nasa sariling penthouse ito tumutuloy. May mga sariling negosyo na
din kasi itong inaayos. Sa edad ng thirty two years old masasabi kong masyado
ng successful si Charles sa pinili nitong karera sa buhay.
Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Sa ngayun umaasa kami
na sana mabigyan na kami ng apo ni Charles. Nasa edad na sana ito para
mag-asawa kaya lang wala pa kaming nakikitang sensyales kung may siniseryoso na
ba itong itong babae.
Pagdating ng restaurant ay kaagad na din kaming umorder ng
pagkain. Si Francine naman saglit lang na nagpaalam para pumunta sa katapat na
boutique. May bibilhin daw ito. Hinayaan na namin ni Ryder total naman wala pa
ang aming order na mga pagkain at wala pa din si Charles.
************************************************************************************************************************
"Pa, Ma si Zenny nga pala, girl friend ko." kaagad
na wika ni Charles. Kakarating lang nito at may kasama itong babae. Kung hindi
ako nagkakamali ay matanda lang ng halos ilang taon si Charles sa babaeng ito.
Ewan, hindi din ako sure dahil hindi ko alam kung pang-ilang babae na ba itong
ipinakilala ni Charles sa amin. Mukhang wala pa talaga itong balak na
magseryoso sa isang relasyon.
"Nice to meet you po Tita, Tito!' nakangiting bati ni
Zenny sa amin at nakipagbeso-beso pa. Kaagad naman namin itong pinaunlakan.
Pagkatapos ng mabilisang batian, sabay na silang umupo sa tapat namin ni Ryder.
"Si Francine nga pala Ma?" kaagad na tanong ni
Charles ng mapansin nito na hindi namin kasama si Francine. Himala nagawa
nitong itanong kung nasaan si Francine. Ang pagkakaalam ko wala itong pakialam
kay Francine dahil palagi nitong binabanggit na hindi naman daw nya kapatid.
"Lumabas lang saglit... May bibilhin daw." sagot
ko sabay sulyap sa kasama nitong babae. Napansin kong mahilig si Charles sa mga
babaeng mistisa. Sabagay, iyan ang In ngayun. Sana nga lang dumating na ang
time na magseryoso na itong si Charles at magpakasal na.
Gusto na din namin magkaapo kahit papaano. Wala namang
problema sa amin ni Ryder kung sino ang babaeng gusto nitong iharap sa dambana.
As long as nagmamahalan sila sige lang. Susuporta kami bilang kanyang mga
magulang.
Chapter 89
ASHLEY POV
"Mama, Papa!" naputol ang pagmamasid ko sa babaeng
kasama ni Charles ng marinig ko ang boses na iyun. Palapit sa amin si Francine
habang hila- hila nito ang isang babaeng kasing tangkad lang nito. Sa hitsura
nito mukhang napilit lang ni Francine ito para sumama sa kanya.
"Francine.... Mikaela..." nakangiti kong wika
sabay tayo. Agad naman nakalapit ang dalawa sa amin. Nakipagbeso pa si Mikaela
sa akin at nagmano kay Ryder. Ito ang isa sa pinaka-nagustuhan ko kay Mikaela.
Sa kabila ng mga taon na nagdaan hindi nagbago ang pakikitungo nito sa amin.
Parang anak ko na din ito kung ituring.
"Kumusta ka na? Kumusta sila Mommy at Daddy mo?"
tanong ko kay Mika. Mukhang nagkita lang ang dalawang ito sa labas at napilit
ni Francine na pumasok dito sa restaurant.
"Ayos lang naman po Mama Ashley. Ayun nasa
Hongkong sila ngayun para magbakasyon." nakangiti
nitong sagot sabay sulyap kina Charles at Zenny.
"Wow, wala man lang nabanggit si Enzo na pupunta pala
sila ng hongkong. Hindi man lang kami niyaya. " pabirong sagot naman ni
Ryder. Kaagad na napangiti si Mika.
"Biglaan po kasi Tito. Alam nyo naman po si Daddy,
ura-urada kung mag-isip. Nag-aalburuto nga ang iba kong mga kapatid dahil gusto
nilang sumama. Kaya lang katwiran ni Daddy, gusto daw nyang masulo si Mommy. Oh
diba, parang bata kung mag- isip." sagot ni Mika. Natatawa na napapailing
na lang si Ryder.
"Mabuti na lang po nakasalubong ko siya sa labas Mama,
Papa. Ayaw pa nga sanang sumama eh pero napilit ko.. Sinabi ko na sixteenth
Birthday ko ngayun!" wika ni Francine at umupo na ito sa bakanteng upuan.
Naupo na din sa tabi nito si Mikaela.
"Iyun nga po ang nakakahiya. Hindi man lang ako
nakabili ng regalo para sa iyo Francine." nakangiting sagot ni Mika.
Simula ng bumalik ng Pinas ang Pamilya ni Enzo mas lalong naging closed ang
aming pamilya. Naging magkaibigan na din sila Mika at Francine kahit na medyo
malayo ang agwat ng kanilang edad.
"No need na Ate. Importante makakasama ka ngayun sa
dinner namin." sagot ni Francine at dumako ang tingin nito sa babaeng
kasama ni Charles. Kaagad kong napansin ang pagkunot ng noon ito sabay sulyap
sa kanyang Kuya patungo sa akin.
"New girl friend ni Kuya?" pabulong na tanong
nito. Alam kong hindi din naman iyun nakaligtas sa pandinig ni Charles kaya
hindi namin mapigilan matawa ni Ryder.
"Tingnan mo ang babaeng ito. Napakabata pa pero
tsismosa na!" sagot naman ni Charles. Bakas sa boses nito ang sobrang
inis. Kaagad kong napansin ang pagbalatay ng lungkot sa mukha ni Francine..
"Charles...nagtatanong lang ang kapatid mo. Pwede mo
naman sagutin ng maayos ang tanong na iyun. Curious lang dahil iba na naman ang
kasama mo ngayun." diretsahang wika ni Ryder sa anak.
Hayyy si Ryder talaga! Ibubuko pa sa babaeng kasama ngayun
ni Charles kung gaano ka-playboy ng anak nya. Alam nyang ibang babae ang kasama
ng anak nya wala man lang preno kung magsalita. Kaagad naman napabuntong
hininga si Charles bago sumagot. Kapag ganitong ang ama nya na ang sumaway sa
kanya alam na dapat nito ang kanyang gagawin.
"Sorry!" sagot nito sabay sulyap kay Francine.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag- irap ni Francine kay Charles.
Mabuti na lang at hindi iyun napansin ng kanyang Kuya kung hindi malaking issue
na naman sa pagitan ng dalawa. Ipagdidiinan na naman ni Charles na walang
galang si Francine. Na m*****a ito at spoiled.
"Hello! Mabuti naman at napakilala mo na si Zenny kina
Tita at Tito Charles." narinig kong wika ni Mikaela. Mukhang magkakakilala
ang dalawa. Kaagad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi ni Zenny.
"Actually, matagal na namin itong pinaplano ni Charles
kaya lang pareho kaming busy sa negosyo. Ngayun lang nagkaroon ng time."
sagot naman ni Zenny. Hinayaan ko na lang silang mag-usap. Alam kong katulad
lang din si Zenny sa mga babaeng dumaan sa buhay ni Charles. Bigla na lang
nawawala at papalitan na naman ng iba. Hindi na ako kumibo pa hanggang sa
dumating na ang aming order.
"By the way, hindi nabanggit ni Charles na birthday
pala ngayun ni Francine...sana man lang nakabili tayo ng regalo para sa kapatid
mo Hon!" paglalambing na wika ni Zenny habang abala ang lahat sa
paglalagay ng pagkin sa kaniya-kaniyang
pinggan.
"Its okay Ate Zenny. Binibigay naman nila Mama at Papa
lahat ng kailangan ko. Hindi na po kailangan ng gift." sagot ni Francine.
Naglalagay ito sa sariling pinggan ng gusto niyang kainin.
"Pero kahit na Francine...birthday mo ngayun at dapat
may gift kami sa iyo..." muling sagot ni Zenny. Nagkibit balikat lang si
Francine at nag- umpisa na itong kumain. Mukhang hindi ito interesado sa
presensya ni Zenny. Sabagay nagsawa na din siguro ito sa kung sinu-sino na lang
na babae ang pinapakilala ni Charles sa amin. Nagiging normal na lang sa mga
mata iyun ni Francine.
"Kung may mga gusto pa kayong kainin huwag kayong
mahiya na magsabi sa waiter. Ito kasi ang alam namin na gustong kainin ng
celebrant kaya ito ang inorder namin na pagkain." wika ni Ryder sa lahat.
"But Papa, kulang pa po ito ha? Wala pa po iyung
favorite kong cake and ice cream." kaagad namang sagot ni Francine. Magana
itong kumakain pero hindi pa rin pinalagpas na sabihin ang tungkol sa kanyang
paboritong dessert. Naorder na namin iyun pero mamaya pa i-seserve pagkatapon
namin kainin ang main course.
"Dont worry anak, iseserve na lang sa iyo ng waiter ang
mga iyun kapag mapansin nilang tapos ka ng kumain. Of course, hindi pwedeng
makalimutan ang dessert diba? Palagi kang suki sa restaurant na ito kaya alam
na nila iyun." natatawang sagot ni Ryder.
Ang labis kong ipinagpasalamat magkasundong- magkasundo ang
dalawa. Talagang anak na ang turing ni Ryder dito na siyang labis kong
ipinagpasalamat. Napupunan ni Francine ang kalungkutan na aming nararanasan sa
paglipas ng mga taon na hindi namin kapiling ang tunay naming anak.
"Ang siba talaga!" malakas na bulong ni Charles.
Dinig naming lahat iyun kaya napanguso kaagad si Francine.
"Charles...Hayaan mo na ang kapatid mo. Mabuti nga at
maganang kumain eh. Hayaan mong kainin nya lahat ng gusto nya." kaagad na
sagot ko bago pa muling mangatwiran si Francine. At least nararamdaman nito na
palagi namin siyang ipinagtatanggol laban sa kanyang Kuya.
"Naku Francine..dapat magdiet ka. Baka mamaya tataba ka
niyan. Sa panahon ngayun ang hirap pa naman magpapayat lalo na kapag nag-umpisa
ng dumagdag ang timbang." at ginatungan pa ng Zenny na ito. Pakialam ba
nila kung tumaba si Francine. As long as masaya siya sa mga kinakain nya walang
pakialaman dapat. Ngayun pa lang parang ayaw ko na sa babaeng ito. Tiyak na
hindi kami magkakasundo.
Hindi dapat pigilan ang cravings dahil lang takot tumaba.
Kung tabain kang tao, tataba at tataba ka! Pero sa hitsura ni Francine ngayun
mukhang isa ito sa mga taong pinagpapala dahil kahit anong kainin never
nadagdagan timbang nito. Sixteen years old pa lang ito pero ang katawan,
dalagang dalaga na tingnan. Kasing tangkad na din ito ni Mika na ang alam kong
hight ay nasa 5'7.
"Its Okay Ate Zenny. Palagi akong kumakain ng cakes and
ice cream pero hindi naman ako
tumataba. Mabilis po ang panunaw ko." nakangiting sagot
naman ni Francine. Kumuha pa ito ng isang malaking tipak ng karne at isinubo.
"Yup! For me ayos lang naman na tumaba. Basta makain
lahat ng cravings. But sa nakikita ko naman kay Francine, mukang hindi pa naman
sya mataba kaya ayos lang. Siguro dahil masyado namang active ang kanyang
lifestyle. Hindi bat kasali ka sa mga dance group sa School niyo France?"
sagot naman ni Mikaela.
"Oh my Gosh! Paano nyo nalaman Ate Mika. HIndi ko pa
nababanggit kila Mama iyan eh." sagot naman ni Francine sabay sulyap sa
akin. Sabay pa kami ni Mika na napangiti.
Noon pa man, alam kong mahilig ng sumayaw si Francine.
Palagi ko itong nahuhuli sa kanyang kwarto. Hindi ko akalain na sasali pala ito
sa kanyang School. Ayos lang naman sa akin iyun dahil talent din naman talaga
ang pagsasayaw.
"Dancer?" Nagpapatawa ka yata Mika!": sagot
naman ni Charles. Ito ang problema kay Charles, bihira na nga lang magsalita
pero palaging si Francine ang kinakastigo. Kaya lumalayo sa kanya ang loob ni
Francine eh. Mabuti ba lang at hindi na pinanasin ni Miakela ang pasaring ni
Charles at nag focus ito kay Francine.
"Oo nga. Ka-classmate mo ang bunso namin na si Dylan.
Nabanggit nya sa amin na kasali ka daw sa dance group sa inyong School kaya
gusto din niya sumali. Nakiusap siya kina Daddy na kung pwede mag-aral din siya
kung paano sumayaw. Ayun, nag enroll siya sa isang dance studio noong nakaraang
araw." nakangitinig sagot ni Mikaela. Kaagad naman napatakip sa bibig niya
si Francine.
"TAlaga po? Gusto din ni Dylan magjoin sa dance Group?
Ang daya nya ha? Wala siyang nababanggit sa akin Ate Mika!" sagot ni
Francine.
"Nahihiya nga kasi. Alam mo naman ang kapatid kong
iyun. Napakamahiyain!" sagot ni Mika. Kaagad naman napangiti si Francine.
"Well, ngayung alam ko na gusto din niyang maging
dancer ako na mismo ang magyayaya sa kanya. Ang gwapo kaya ni Dylan. Tiyak na
maraming maiinggit sa group namin kung sakaling kasali siya." Sagot ni
Francine. May masayang ngiti na naglalaro sa labi nito.
Hindi naman nalaligtas sa paningin ko ang biglang pagtalim
ng tingin ni Charles habang nakatitig kay Francine na siyang labis kong
ipinagtaka.