My tutor is Ex-ganster
Chapter 1
Tamad
nagumising si Bianca sa kanyang kama at nagtungo sa banyo upang mag-shower.
Late na ito nakatulog kagabi dahil sa paglalaro nang-ML. Paglabas nito sa banyo
ay tiningnan nito kung anong oras na. Napasigaw ito dahil malapit na siyang
ma-late sa kanyang klase, first day of school pa naman niya.
Si Bianca
Nasya Min o mas kilala sa pangalang Bianca Min, isang famous model sa kanyang
henerasyon. Anak siya ni Misty Cheon, an academy award winning actress, at ni
Brax Min, a script supervisor originally from Maroochydore, Quennslands,
Australia who also directed a film. May dalawa siyang kuya sina Braxton and
Matteo, nagtrabaho din sa entertainment industry. Kaya sanay na si Bianca sa
spotlight dahil ito ang kanyang kinalakihan at dito umiikot ang buhay ng
kanyang pamilya. Mahigit dalawang taon din naging model sa London si Bianca at
umuwi ito sa Pilipinas upang mag-focus sa kanyang pag-aaral.
"Bianca,
kumain ka na," ani ng kanilang kasambahay ng makababa na siya.
"Manang
Rosie, sa school na lang ako kakain. Late na kasi ako baka mapagalitan pa ako
ng teacher namin," sabi ni Bianca at nagmamadaling itong nagtungo sa
kanyang sasakyan.
Ilang
minuto rin bago ito nakarating sa Alexander Hamilton High School, kung saan
siya nag-aaral. Kilala itong paaralan dahil na rin sa bihira lang ang makapasok
dito dahil sa mahal ang tuition fee. Tanging mga anak lang ng mayayaman ang
nakapag-aral dito. Kadalasan ay nasa entertainment industry ang mga mag-aaral
dahil ligtas sila dito sa mga issue at reporter.
Paglabas
ni Bianca sa kanyang kotse ay nagmamadali itong nagtungo sa kanyang room dahil
late na ito sa kanyang first subject. "I'm sorry ma'am, I'm late."
Paghingi nito nang paumanhin sa kanyang guro.
"It's
okay, tama pa 'yong dating mo. Hindi ka pa naman huli," sagot ng kanyang
guro. Nagpasalamat si Bianca saka tuluyan ng pumasok. Naghanap ito ng bakanteng
upuan hanggang sa makita niya ang kanyang bestfriend na si Misha at wala pang
naka-upo sa tabi nito. Lumapit ito at doon natumabi.
"Simula
pa lang ng pasukan late ka na agad, Bianx," sabi ni Misha habang
nakatingin sa pisara.
"Late
na kasi ako nakatulog kagabi, kaya natangalan ako nang gising," paliwanag
nito sa kaibigan.
"Di
ba sinahihan na kitang itigil mo na 'yang paglalaro mo nang-ML," ani nito.
"Ms.Min
at Ms. Shin pwede naman sigurong mamaya na kayo magkwentuhan. Baka gusto n'yo
mo nang sagutin ang nakasulat sa pisara o siguro gusto n'yong lumabas upang
tapusin n'yo'yang ginagawa n'yo," mataray nasabi ng kanilang guro habang
nakataas ang kilay.
"Sorry
po ma'am," sabay nasabi nila.
"Okay,
sagutin n'yo mo na ito," sabi nito. Napakunot naman ang noo ni Bianca sa
kanyang nabasa. Hindi niya naintindihan ang mga tanong sa pisara. Napakamot ito
sa kanyang ulo, kahit anong isip niya ay hindi talaga niya makuha ang sagot.
"What
is the measure of angle B in the following figure if angle A measures
135"?" Basa ni Bianca sa tanong na nakasulat sa pisara. Parang bata
ito na panay ang kamot sa kanyang ulo, hindi niya
naiintindihan
ang tanong.
"The
area of a triangle may be found by using the formula, A=1/2bh, where
brepresents the base and represents the height. Thus, the area may be written
as A-1/2(11)(6), or A= 33. The area of the triangle is 33 cm," agad
nasagot ni Misha.
"Good,
itong pangalawa Bianca," sabi ng kanyang guro. Napayuko na lang si Bianca
habang ang kanyang mga kaklase ay nakatuon sa kanya, naghihintay sa kanyang
sagot. "Ano na Bianca?" dagdag ng kanyang guro.
"I'm
sorry ma'am, I don't know the answer," nahihiyang sabi nito sabay yuko.
Mahina talaga sa Math si Bianca. Kaya nahirapan talaga ito sa mga tanong,
kumpara sa bestfriend nitong si Misha na matalino
"Iyan
na ba sinasabi ko. Kasi kayo, hindi naman kayo marunong pero ang lakas n'yong
hindi makinig sa discussion ko," inis nasambit ng kanyang guro. Umupo na
lang si Bianca habang nakayuko pa rin ito. Nanahimik na lang ito dahil tama
naman ang kanyang guro. Hindi nabago sa kanya ito, nakakapasa lang siya pero
pasang-awa naman ang kanyang grade.
"Okay
lang 'yan bes," mahinang sabi nito, pilit pinapalakas ang loob ng
kaibigan. Nginitian na lang niya ito upang hindi mag-alala at nakinig na lang
sa kanyang guro habang nagpapaliwanag ito. Hanggang sa natapos ang kanilang
klase. Sabay na nagtungo si Misha at Bianca sa canteen upang kumain. Lalo't
kanina pa nakaramdam ng gutom si Bianca dahil hindi ito nag-almusal sa
pagmamadali na hindi ma-late.
Papasok
na sila sa canteen ng biglang may bumonggo kay Bianca. Tiningnan niya ito kung
sino at napataas ang kanyang kilay ng makita kung sino ito.
"Harang-harang
kasi sa dinadaanan," mataray nasabi ng nakabunggo sa kanya.
"Aba't
kasalanan pa ng kaibigan ko?" inis sambit ni Misha.
"Hayaan
mo na, Mish," awat ni Bianca sa kaibigan.
"Shut
up, Misha, hindi naman ikaw ang binunggo ko kung makatahol ka," mataray
nasabi nito.
"Tahol?
Ano ako aso? Aba Rachel kung titingnan sa ating dalawa mas mukha ka pang
aso." Ayaw paawat ni Misha, hindi ito nagpapatalo.
"Tama
na 'yan, Mish, umalis ka na Rachel," mahinahon nasabi ni Bianca. Baka
matawag pa sila sa guardian office dahil dito, first day of school pa naman.
"Halika
na, Rachel, huwag mo ng kausapin 'yang mga loser na 'yan," sabi ng kasama
ni Rachel sabay hila nito.
"Yeah
right,Casey, hindi natin sila ka-level," maarte nasabi nito sabay talikod
at naunang pumasok sa canteen.
"Pigilan
mo ako, Bianx, baka masakal ko 'yang bruha na 'yan. Kung makasabing
loser," nagpupuyos sa galit nasabi ni Misha.
Tinapik
ni Bianca ang balikat ng kanyang kaibigan. "Hayaan mo na 'yon,"
nakangiting sabi sa kaibigan. Pumasok na sila at kumuha ng pagkain. Naghanap
sila ng bakanteng upuan at doon na-upo. Habang
masayang
nag-uusap sila ay napasigaw na lang si Bianca ng may bumuhos na malamig
na-juice sa kanya.
"Sorry,"
sarcastic nasabi ni Rachel.
"Aba't
namumuro ka na," tumayo si Misha upang sugurin si Rachel.
Hindi na
makatiis si Misha sa ugali nito, maliit lang ang pasensya nito hindi tulad ng
kanyang kaibigan.
"Mish,
wag na," awat nito sa kaibigan.
"Oh,
bagay pala sayo Bianca, mas nagmukha ka lalong
loser,
nakangiting sabi ni Rachel habang 'yong mga kasama niya sa likuran ay
nagtatawanan.
Hinawakan
ni Bianca si Misha upang pakalmahin, kilala nito ang kaibigan. Hindi talaga ito
nagpapaapi nang kahit sino, mahilig ito sa away." Alam mo Rachel kung
tutuusin mas loser ka sa akin!" Kitang- kita sa mga mata ni Rachel ang
gulat sa narinig nasinabi ni Bianca. "Alam ko naman galit ka sa akin dahil
feeling mo inaagaw ko 'yong mga endorsement mo. Kasalanan ko ba na mas maganda
ako? Kasalanan ko ba na ayaw nila sayo. Dapat kasi mas galingan mo,"
dagdag nasabi ni Bianca na mas kinainis ni Rachel.
"How
dare you?" Sasampalin sana ni Rachel si Bianca pero nahawakan ni Misha ang
kamay nito."Oops, ang pikon talo, huwag ka rin magkakamali nasaktan 'yang
bestfriend ko baka masapak kita at masira 'yang retokada mong ilong, baka
mapagastos ka pa." Binaba nito ang kamay ni Rachel at hinila si Bianca
upang lumabas sa canteen.
"Thanks,
Mish" Pasalamat nito sa kaibigan sabay yakap.
"Always
welcome, Bianx. Paano ka na n'yan. Sobrang basa muna," nag- alalang sabi
nito sa kaibigan.
"May
damit naman ako sa kotse magpapalit na lang ako," sabi nito sabay ngiti.
Mabuti at may lagi itong dalang extra nadamit. Sinamahan naman ni Misha ang
kaibigan napumunta sa parking lot upang kunin ang damit. Pagkatapos magbihis ay
nagtungo na ito sa kanilang classroom para sa next subject nila. Hanggang sa
matapos ang kanilang klase sa araw na ito.
Antok na
antok pa si Bianca pero kailangan niya pang sagutan ang kanyang homework.
Kanina pa niya ito binabasa pero hindi talaga niya naiintindihan. Nakinig naman
siyang mabuti kanina sa klase pero wala talagang pumasok sa kanyang utak.
"Ano
ba laman nang-utak mo, Bianca," inis nasabi nito sa sarili sabay pitik ng
mahina sa kanyang noo. Nag-alala ito kung ano ang kanyang ipapasa bukas,
siguradong mapapahiya na naman siya. Napatingin siya sa kanyang cellphone at
nainisip natawagan si Misha. Pero nakatatlong ring na at hindi pa rin nito
sinagot. Naisip na lang niya na baka nakatulog na ito.
Kaya
kinuha niya ang kanyang laptop at naghanap siya ng sagot sa tulong ni google.
Ilang oras pa lumipas ay natapos na rin sa wakas si Bianca pero hindi ito
sigurado natama ba ang kanyang mga sagot. Naghilamos lang ito mukha at ginawa
ang kanyang night routine saka natulog.
Kinabukasan,
maaga itong nagising kahit kaunti lang ang kanyang tulog. Nagtungo ito agad sa
banyo upang maligo at nag-ayos na upang makababa para kumain.
"Good
morning, princess," bati ng kanyang ama. Napatakbo ito patungo
sa
kanyang ama at niyakap ito. Bihira lang silang magkita dahil busy ito sa
trabaho. Kaya minsan lang ito umuuwi sa kanila. "I miss you, dad,"
malambing nasabi nito sa ama.
"I
miss you too, princess. Kumain ka muna upang mahatid nakita sa school mo,"
sabi nito at tinawag ang kanilang kasambahay upang ihanda ang pagkain.
"Dad,
magpahinga ka na lang. Malaki na ako kaya hindi mo na ako kailangan ihatid
pa," nakangiting sabi nito at nagsimula ng kumain. Nagpumilit pa ang
kanyang ama na-ihatid siya pero tinangihan talaga niya ito. Kaya wala nang
nagawa ang kanyang ama.
Pagdating
ni Bianca sa room ay umupo ito agad sa kanya upuan habang hinihintay ang
kanilang guro. Naririnig nito ang ingay ng kanyang mga kaklase, na may
kanya-kanya itong ginawa."Tumawag ka kagabi," bungad ni Misha sa
kanya, binaba ang bag nadala at umupo ito sa kanyang tabi.
"Magtatanong
sana ako about sa homework natin, "sagot nito.
"Nakatulog
ako pagkatapos sagutin 'yong homework natin. Okay na ba sayo? Ito oh!"
Inabot nito 'yong notebook niya. Tiningnan naman ni Bianca ang sagot ni Misha
at napakamot na lang ito ng makita na-iba ang kanyang mga sagot.
"Ano
ba 'to," mahinang reklamo ni Bianca. Napatingin naman agad si Misha sa
kanya at napataas ang kilay ng makitang nakabusangot ito. Kaya kinuha niya agad
ang notebook ni Bianca upang tingnan ang sagot. Napapikit na lang ito sa
kanyang nakita, lahat ng kanyang sagot ay mali at hindi niya alam kung anong
solution ang ginawa ng kanyang kaibigan para maging ganito. "Ang hirap
naman kasi, hindi ko
maintindihan
kung paano sagutan 'yan," dagdag ni Bianca.
"Copy
mo na lang yan, explain ko sa iyo mamaya," sabi ni Misha sa kaibigan. Kaya
nagmamadali inulit ni Bianca ang kanyang homework, sakto naman pagdating ng
kanilang guro ay natapos na ito. Pagkatapos nilang ipasa ang homework ay
pinakita nito sa kanila kung paano kunin ang tamang sagot. Napatingin naman
siya kay Misha dahil tama ang lahat ng sagot nito.
"Alam
ko 'yang tingin na 'yan, your welcome Biarx, ako lang "to," mahinang
sabi nito sabay kindat. Kaya napailing nalang ito at tumingin nasa pisara upang
makinig. Pero tulad pa rin ng dati ay walang pumasok sa kanyang utak.
Natapos
ang kanilang klase nawala man lang pumapasok sa utak niya. Kinakabahan natuloy
ito dahil bukas ay magkakaroon sila ng pasulit. Nasa rooftop sila ni Misha
habang kumakain nang nabili nilang pagkain. Dito sila mahilig magtambay kapag
wala ng klase.
"Ilang
years na lang ay magtatapos na tayo," excited nasabi ni Misha. "Ano
ba kukunin mo pag-college Biarx?" tanong nito sa kaibigan.
"Ako?
hindi ko alam, alam muna gulong-gulo na-isip ko. Kung ano ba talaga kukunin ko
kapag nag-college na ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko," malungkot
nasabi nito at ininom ang juice nahawak. Sa tuwing naiisip niya kung ano ba ang
gusto niya gawin para sa future niya ay hindi niya malaman ang sagot. Minsan
nakaramdam siya ng inggit sa kapatid. Maganda ang buhay nito ngayon at masaya
ito sa buhay.
"H'wag
kang mag-alala, malalaman mo din 'yan. Mataas pa naman ang panahon,
makapag-isip ka pa." Nagkatingin sila saka biglang
nagtawanan.
Mabuti na lang talaga may kaibigan si Bianca na tulad ni
Misha. Sa
tuwing kailangan niya ito ay lagi itong nandiyan para sa kanya. Hindi siya nito
iniiwan at lagi itong nasa tabi niya upang tulungan siya.
"Ano
ba kukunin mo na kurso, Mish?" tanong nito.
"Gusto
ko kumuha ng medisina, matagal ko na talaga itong pangarap. Sinabihan ko naman
si mommy at daddy tungkol dito, masaya ako at pumayag sila," wika nito.
Masaya si Bianca para sa kaibigan dahil alam talaga nito kung ano ang gusto na
makuha sa buhay. Siguro kapag hindi pa rin talaga niya malaman ang gusto ay
kukuha na lang siya ng business at ipagpatuloy ang pagiging model. Hindi naman
talaga niya gusto maging model pero 'yon ang gusto ng kanyang ina kaya wala na
siyang nagawa at sinunod ang gusto nang-ina.
Nang
makita nilang medyo madilim na ang paligid ay nagpasya silang umuwi na, agad
naman nagpahinga si Bianca. Kinabukasan, pagkatapos ng kanilang exam ay
sinabihan si Bianca na huwag muna lumabas dahil kakausapin ito ng teacher niya.
"Bianca,
may problema ba?" tanong nito sa kanya. "Gusto lang kita sabihan na
ikaw ang nakakuha ng pinakababang marka ngayon. Mag- aral kang mabuti dahil
next year ay nasa 4th year ka na," dagdag nito.
"Yes
ma'am." Iyon lang ang nasabi ni Bianca, may sinabi pa ang kanyang guro
bago ito tuluyan na umalis. Lumabas si Bianca sa kanilang classroom nawala sa
sarili kaya nabangga niya bigla si Rachel.
"Ano
bang problema mo?" Malakas na tinulak siya nito kaya napa-upo ito sa
sahig. "Akala mo siguro nakalimutan ko 'yong sinabi mo no'ng isang araw.
Ang kapal mo naman nasabihan akung loser, eh bobo ka naman. Ganda lang ambag
mo," inis nasabi nito saka agad na nilagpasan siya nito. Napatayo na lang
si Bianca, kahit medyo nakaramdam ito ng sakit. Tinawagan na lang niya si Misha
at tinanong kung nasaan ito. Pagkatapos malaman ay agad nitong pinuntahan
"May
problema ba?" lyon agad ang tanong nito sa kanya. Nginitian n'ya lang ito
at sinabi nawala, hindi n'ya sinabi ang totoo baka kasi mag- alala pa ito.
Nagyaya si Misha nakumain sila sa labas kasi na-miss na nitong gumala rin.
Upang malimutan ang problema, agad naman itong pumayag. Nagsuot lang ito
nang-mask upang iwas na rin sa gulo, baka kasi matulad ng dati na makilala ng
kanyang mga tagahanga kaya dinumog ng kanyang mga fans.
Chapter 2
Ilang
buwan na rin ang nakalipas, hindi pa rin nagbabago ang
performance
ni Bianca sa school. Ilang beses na siyang pinatawag ng kanyang mga teacher
tungkol dito. Hindi naman alam nito kung ano ang kanyang gagawin. Minsan
nagpapaturo siya kay Mish pero agad naman niyang nakakalimutan, nahihiya na din
siya ditong magtanong ulit dito.
Nasa mall
sila ngayon, nagyaya kasi si Misha nagumala sila dahil bored ito sa bahay.
Pumayag din siya kasi wala naman siyang gagawin sa kanila. Umalis din kasi
'yong daddy niya dahil may aasikasuhin naman. Masaya silang nag-shopping
magkaibigan. Hindi nila namalayan ang oras hanggang sa makaramdam sila ng gutom
at agad itong nagpasya nakumain. Habang kumakain tumawag ang manager ni Bianca
dahil may photoshoot raw ito, alas tres ng hapon para sa new brand. Kaya
sinabihan nito ang kaibigan na kailangan nila umalis mga 2pm para sa kanyang
photoshoot.
Matapos
kumain ay lumabas na ang magkaibigan ng biglang may lumapit sa kanila.
"Bianca, pwede ba pa picture?" Nagulat si Bianca sa sinabi ng babae
at doon niya napansin na nakalimutan pala niyang suotin ulit ang mask niya.
Pumayag naman si Bianca baka masabihan pa siya na suplada. Nang matapos nito
magpa-picture ay dumadami ang mga tao na nag-request sa kanya. Kaya humarang na
si Misha dito
at hinila
siya.
Nagkahiwalay
sila ni Misha ng tumakbo sila para takasan 'yong mga fans niya. Napatingin siya
sa kanyang cellphone ng tumunog ito at may- message si Misha sa kanya at sinabi
na doon sila magkikita sa parking lot. Sinuot naman ni Bianca ang mask at
nagtungo doon. Nakita niya ang sasakyan ni Misha at agad napumasok doon. Pero
nagulat siya ng may makitang lalaki na nakasakay doon. Hindi niya ito kilala.
"Sino ka?" tanong nito sa lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa
kanya at
napakunot
ang noo.
"Who
are you?" Balik tanong nito sa kanya kaya napataas ang kilay ni Bianca.
Siya ang unang nagtanong tapos binalik lang sa kanya. Sinuri niya ang lalaki,
hindi naman ito mukhang magnanakaw pero ano ang ginagawa nito sa sasakyan ng
kaibigan niya. "Ako unang nagtanong, bakit ka pa nandito sa sasakyan ng
kaibigan ko," wika ni Bianca dito. Nagulat naman ang lalaki sa sinabi nito
at napakunot ang kanyang noo. "Are you crazy? This is my car? Who the hell
are you? I don't even know you." He said it sarcastically. Naguguluhan
naman si Bianca sa sinabi ng lalaki. Paano naging sa kanya ang kotse ng kanyang
kaibigan. "Modus mo "to no? Magnanakaw ka ba? lyan kasi ang uso
ngayon. May pa who are you ka pa nalalaman," malakas nasabi nito.
"Miss,
get out of my car or else I will call the police." He warned her and then
gave her a cold stare. Sasagot pa sana si Bianca ng tumunog ang kanyang
cellphone. Nakita niya natumatawag si Misha sa kanya kaya agad naman niya itong
sinagot. "Saan ka na? Okay ka lang ba?" bungad nito sa kanya.
"Nasa
kotse mo?" sagot nito habang ang lalaki ay nakatingin lang sa kanya.
"Saan?
Nandito na ako. Jusmeyo, naging invisible ka na ba?" naguguluhan nasabi
nito. "Bianx, kanina pa ako dito hindi man lang kita nakita. Asan ka na
ba?" Nagulat si Bianca sa kanyang narinig at agad napatingin sa lalaki.
Seryoso itong nakatingin sa kanya, nakaramdam naman nanghiya siya dahil sa
pangyayari. Nagkamali pala siya ng kotse
napinasukan.
Narinig pa niya natinatawag siya ni Misha sa kabilang linya pero hindi na niya
ito nasagot. Iniisip niya ngayon kung paano hihingi ng paumanhin sa istorbo
naginawa niya
"Don't
stare at me, it annoys me," he said seriously.
"Sorry
nagkamali lang ng pasok," sabi nito at agad nalumabas. Napatigil din ito
ng may makitang tatlong lalaki at mukhang nagulat din sa paglabas niya. Nang
mahimasmasan siya ay nagmamadali itong tumakbo at hinanap ang sasakyan ni
Misha.
Habang
ang mga kaibigan ni Lance ay agad naman pumasok sa kotse. "Sino 'yon?
Don't tell me Nathan na gumagawa ka ng milagro sa sasakyan habang wala
kami," wika ni Blue sa kanya.
"Gago,
hindi ako ganyan tulad mo," sabay bato nito ng hoodie sa kaibigan.
"Bro,
nanakit ka na," pagdadrama nito sabay hawak sa kanyang dibdib.
"Tama
na 'yan, lets go to The Junk. We need to chill and relax, stress ako sa exam
natin," sabi ni Ash sa kanila. Kaya nagtungo ang magkaibigan sa The Junk
isa sa class at expensive na bar sa lugar nila.
Habang si
Bianca ay tulala buong biyahe nila ni Misha.Hinatid siya ni Misha sa venue kung
saan ang kanyang photoshoot. "Ano ba nangyari sa iyo?" Nag-alalang
tanong nito sa kaibigan. Simula kasi ng bumalik ito ay parang malalim na ang
iniisip. Nakatulala lang ito.
"Mish,
nakakahiya 'yong nangyari kanina." Kinuwento ni Bianca lahat sa kaibigan
kung ano ang nangyari sa kanya kanina. Napatawa naman si Misha ng marinig niya
ito. Hindi niya akalain na iyon pala ang naganap sa kaibigan niya kanina nang
maghiwalay sila. Hindi niya maisip kung anong katangahan ang nagawa ng
kaibigan. Kahit siguro kung siya ang nasa sitwasyon nun ay mapatulala na lang o
gustuhin na lang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.
"Please,
Mish, hiyang-hiya na ako. Huwag ka namang tumawa." Parang sinukluban ng
lupa ang mukha ni Bianca at hindi maalis sa kanyang isipan ang nangyari kanina.
"I'm
sorry, Bianx. Hindi ko lang mapigilan," paghingi nito ng tawad.
"Mabuti
nalang naka-mask ako kaya hindi niya ako makilala. Grabe 'yong hiya ko kanina
noong tumawag ka at sinabihan akong nasa kotse ka na. Alam mo 'yong feeling na
gusto ko na talaga lamunin ng lupa." Napatakip ito sa kanyang mukha ng
maisip niya ulit 'yon.
"Wag
ng mag-overthink Bianx, hindi na kayo ulit magkikita no'n kaya kalimutan mo na
lang iyon. Smile kana kasi may photoshoot ka pa ngayon at kailangan
maganda." Nginitian ni Misha ang kaibigan.
Nang
mahatid na siya ni Misha sa studio ay umalis nadin ito agad. Pupuntahan pa raw
nito 'yong mommy n'ya kasi sabay raw silang mag- dinner. Minsan nakaramdam
nang-ingngit si Bianca sa pamilya ng kaibigan hindi ito sobrang yaman tulad
nila pero masaya at kontento ito sa kanyang pamilya. Habang siya minsan lang
sila magkasama na buo. Laging busy ang parents niya sa mga career nito kasama
na din ang dalawa niyang kapatid. Noon bata siya halos manglimos siya ng
pagmamahal at atensyon sa magulang hanggang sa magsawa na lang siya.
Minsan
hinihiling ni Bianca na hindi na lang sila mayaman para
makaramdam
din siya ng pag-aalaga ng isang ina na minsan hindi niya naranasan. Simula bata
ay kanyang yaya na ang kanyang nakakasama
sa
kanilang bahay. Tuwing birthday niya ay tanging kasambahay lang ang kasama niya
or kanyang daddy. Kung magkasama naman sila ay hindi naman niya naiintindihan
ang mga pinag-usapan nito.
Pagpasok
ni Bianca sa studio ay sinalubong siya ng kanyang manager. Dali-dali naman
siyang inayusan ng kanyang team. Ilang oras lang sila sa kanyang pictorial at
natapos rin ito agad. Nagyaya ang kanilang manager nakumain sila sa labas at
sagot nito. Masaya naman ang buong team niya. Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay
agad na nag- shower si Bianca. Pagkatapos patuyuin ang buhok ay nahiga na ito
upang matulog.
Kinabukasan,
maagang pumasok si Bianca sa school. Habang papunta sa kanyang classroom ay
nagbabasa ito ng note ni Misha sa Math. Nakalimutan kasi nitong mag-aral kagabi
dahil nakatulog siya ng maaga dahil sa pagod. Sinabihan pa naman sila na may
long quiz sila ngayon. "Nakikita n'yo ba ang nakikita ko," boses iyon
ni Rachel. Pero hindi na lang niya ito pinansin dahil kilala na niya ito at
sanay na siya sa ugali nito."May naiintindihan kaya 'yan,” dagdag pa nito.
Pero nilampasan lang ito ni Bianca, wala siyang oras para sa gulo. Kailangan
n'ya pa mag- aral. Pagdating niya sa kanyang classroom ay nakita niya ang
kanyang mga kaklase na abala din sa pag-aaral. Umupo ito at napatingin siya sa
kanyang relo. Nagtaka kung bakit wala pa 'yong bestfriend niya, hindi naman ito
na-late sa klase.
Maya-maya
ay pumasok na ang kanilang guro at nagbigay ito ng instructions para sa
kanilang long quiz. "I'm sorry ma'am, I'm late." Hinihingal nasabi ni
Misha, halata nagaling lang ito sa kakatakbo.
"Five
minutes late, Misha, take your set at magsisimula na tayo." Nagpasalamat
naman si Misha at agad na umupo.
"Bakit
ka late?" mahinang sabi ni Bianca.
"Long
story, bes," sagot nito. Napatigil sila sa pag-uusap ng magsimula ulit
magsalita 'yong guro nila. Muling pinaalala sa kanila na kapag nahuli na
nag-cheat ay automatic zero ang score. Binigay na sa kanila ang test paper,
pagtingin ni Bianca ay para itong pinagsukluban ng langit. Hindi nito alam kung
paano ito sagutan. Sumakit ang kanyang ulo sa kakatingin sa mga numbers.
Napatingin
ito sa kanyang mga kaklase at seryoso ito sa pagsagot. Kaya sinubukan na lang
niya nasagutin ito, sa isip niya bahala na kung anong maging resulta. Ilang
minuto ang lumipas at pinapasa na ang mga sagot nila. Pagkatapos ay tuluyan na
umalis 'yong guro nila.
"Ang
sakit ng leeg ko." Narinig ni Bianca na reklamo ng kanyang
kaklase.
Niligpit na nito ang kanyang gamit pero napatigil ito ng makita ang kaibigan na
malungkot.
"May
problema ba?" Nag-alalang tanong nito sa kaibigan. Minsan lang niya ito
makita na ganyan kalungkot.
"We
broke up. It so hurt that he cheated on me," maiyak-iyak nasabi nito.
Hindi alam ni Bianca kung paano patahanin ito lalo't alam niya kung sino ang
dahilan ng pag-iyak ng kaibigan. Kahit siya ay naguguluhan kung nagawa ba
talaga ng kanyang kuya na mag-cheat sa kaibigan.
"Sigurado
ka ba?" lyan lang ang tanging lumabas sa kanyang bibig, ayaw niya maisip
ng kaibigan na kinakampihan niya ang kanyang kuya.
"I
called him last night. Tapos babae 'yong sumagot. Tapos 'yong babae
pa
nagalit kasi tumawag raw ako sa boyfriend niya." Niyakap na lang nito ang
kaibigan. Hindi niya akalain na magagawa ng kanyang kuya ito. Noong una tutol
ito sa relasyon ng kapatid at ng kaibigan dahil malaki ang agwat nito sa edad.
Pero wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ito dahil nagmamahalan ang dalawa.
Ayaw naman niya maging kontrabida sa dalawa kaya sinuportaan na lang niya ito.
"Kakausapin
ko kapatid ko," sabi nito sa kaibigan pero hindi ito pumayag at sinabihan
siyang hayaan na lamang ito. Buong umaga ay parang wala sa sarili itong si
Misha. Minsan hindi na alam kung paano kausapin dahil lutang ito lagi. Kaya
labis ang inis na naramdaman ni Bianca sa kapatid.
Nang
maghapon ay naglaro sila ng volleyball para sa kanilang PE. Hinati sila nito sa
dalawang group. Lahat ay magagaling sa laro, walang gusto magpatalo. Naririnig
ni Bianca ang sigawan at cheers ng mga nanood sa kanila. Sobrang lapit lang ng
kanilang mga score, pero biglang na aksidente ang kasama nila. Hindi na ito
makapaglaro. Binigyan sila ng ilang minuto na break, pawis na pawis na si
Bianca kaya pinatuyo niya sa dalang towel.
"Si
Misha," sabi ng kaklase nila. Hindi naman pumayag si Bianca dahil alam
niya na wala sa sarili si Misha. Hindi inaasahan ni Bianca napumayag si Misha
at naglakad ito patungo sa kanila. Tinanong pa niya ito kung okay lang pero
tanging ngiti lang ang sagot nito.
Nagsimula
silang maglaro, ilang oras din lumipas at natapos din sila. Nanalo ang team ni
Bianca kaya masaya sila dahil nakakuha sila ng malaking points. Nagpasya na
silang magpalit ng damit dahil nangangamoy pawis na sila. Pagkatapos noon ay
umuwi na si Bianca. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nagulat siya ng makita
ang kapatid na nanonood ng TV.
"Kuya?"
Nagtatakang tawag nito, napalingon naman ang kanyang kuya at napangiti ng
makita siya. Tumayo ito at niyakap siya ng
mahigpit."Hello,
princess," sabi ng kanyang kapatid at binitawan ito sa pagkakayakap.
"Kailan
ka pa umuwi?" nakangiting tanong nito sa kapatid. Matagal na niya itong
hindi nakikita dahil busy ito sa trabaho.
"Kanina
lang, may kailangan ayusin," sagot nito sabay kamot sa kanyang batok. Doon
lang naalala nito ang nangyari sa kanyang kaibigan. Kaya tinanong niya agad ang
kapatid. Tumanggi naman ito saka pinaliwanag ang lahat, nanghingi rin ito ng
tulong upang makausap ang nobya.
Napangiti
na lang si Bianca ng makita kung gaano kamahal ng kanyang kapatid 'yong
kaibigan niya. Umuwi pa talaga ito ng Pilipinas upang magpaliwanag lang dito.
Alam nito kung gaano ka-busy ang kapatid sa trabaho, bihira nga niya itong
nakikita. Kaya agad ito nag-isip ng paraan si Bianca kung ano dapat gawin upang
magkaayos na ang dalawa.
Napalingon
naman silang dalawa ng marinig ang boses ng ama. Nagulat din ang kanyang ama ng
makita ang pangalawang anak nito. Sinabi din ng ama ni Bianca na kailangan
nilang mag-usap. Kaya pagkatapos nila kumain ay nag-usap si Bianca at kanyang
ama.
"Bukas
Bianca ay makilala mo na ang tutor mo," kalmadong sabi ng ama nito.
"Dad,"
tawag nito sa ama, hindi niya naiintindihan ito.
"Tinawagan
ako ng guro mo at sinabi na ang liliit ng marka mo. Nag- alala ako anak tapos
nalaman pa ng mommy mo. Kaya pinahanapan ka ng tutor. Mabuti na lang at pumayag
ang anak ng kaibigan ko," paliwanag ng kanyang ama. Walang nasabi si
Bianca lalo't ang ina nito ang dapat masusunod. Tama naman din ang kanyang ama
na marami itong mababa na score sa klase. Kaya maganda na pagkakataon ito sa
kanya.
Naisip
din Bianca na baka kailangan na talaga niya ng tulong para dito, lalo't mahina
talaga siyang matuto. Siguro matulungan na siya nitong makakuha ng pasado na
grades. Kaya hahayaan na lang niya ang desisyon ng ama at ina.
Pagkatapos
ng mag-ama na mag-usap ay nagpaalam na si Bianca napumunta sa kanyang silid
upang makapagpahinga narin siya. Napagod din kasi siya sa laro nila kanina,
kaya kailangan niya ng mataas na pahinga. Nagbihis lang ng damit pambahay bago
tuluyan ng natulog.
Chapter 3
Ngayon
makilala ni Bianca ang kanyang tutor, sabi ng kanyang ama napupunta iyong tutor
niya alas singko ng hapon sa kanila dahil may pasok pa ito. Kaya napaisip tuloy
si Bianca. Hindi niya akalain nag-aaral pa 'yong tutor n'ya. Naisip din niya
ang hitsura ng kanyang tutor, iniisip nito na mukhang nerd ito na may suot na
malaking eyeglasses at old fashion kung manamit. lyon kasi ang kanyang nakikita
kadalasan sa Tv or nababasa sa libro.
Kaya
pag-uwi nito galing sa school ay agad itong nagtungo sa kanyang kwarto saka
nahiga. Hindi na ito nag-abala pang magbihis. Tinatamad ito lalo't pagod na
pagod ito sa school, madami kasi silang ginawa ngayon araw na ito. Hanggang sa
hindi niya namalayan nakatulog pala ito. Nagising na lang ito dahil sa ingay ng
katok sa pintuan, tinatawag siya kanilang kasambahay.
Nakapikit
pa itong bumangon, magulo pa ang buhok nito. Hindi na kasi ito nag-abala na
mag-ayos "Manang, bakit?" bungad nito ng mabuksan ang pinto.
Unti-unti dinilat ni Bianca ang kanyang mata pero napatalon ito sa kanyang
nakita. Sobra itong nagulat ng makitang may kasama ang kanyang yaya at familiar
sa kanya ang pagmumukha nito. Dali-dali niyang sinara ang pinto, nakaramdam
siya nanghiya sa kanyang hitsura.
"Bianca,
nandito na tutor mo. Ano ba nangyari sayo?" Narinig niyang sabi ng kanyang
yaya.
"Yaya,
give me five minutes. Samahan n'yo po siya sa study room. Doon ko lang po siya
pupuntahan," taranta nasabi nito. Narinig niya na kinakausap ng kanyang
yaya 'yong tutor niya at nakarinig siya ng mga yapak napalayo.
Agad
siyang nagtungo sa banyo, napahampas na lang siya ng makita ang kanyang
hitsura. Magulo ang kanyang buhok, para itong pugad nang-ibon. Dali-dali itong
naghilamos at nagbihis ng pambahay. Nakasuot pa kasi siya ng school uniform
kanina, inayos niya ang kanyang buhok bago kinuha ang kanyang gamit at nagtungo
sa study room.
Pagpasok
niya ay nakita ang lalaking nakatalikod at abala sa katitingin nanglibro.
Halatang mahilig itong magbasa. Nang maramdaman nito na may tao ay agad itong
lumingon."Five minutes ha," sarcastic na sabi nito ng tumingin ito sa
kanyang rolex na relo. Makikita mo na mayaman ito dahil sa kanyang mga suot.
Ang pinagtataka ni Bianca kung bakit ito pumayag na mag-tutor kung marami naman
pera. "Don't stare at me." Napatalon si Bianca ng marinig niya ito.
"Hindi
no," tanggi nito. Iniisip din ni Bianca kung saan niya ito nakita,
napaka-familiar kasi ng mukha. "Nagkita na ba tayo?"
"I
don't know. Let's start. I don't want you to waste my time." Inilabas nito
ang kanyang mga gamit.
"Ngayon
na?"
"Yes,
I don't waste my time. Sit down so we can start," seryosong sabi nito at
nilabas din 'yong laptop niya.
Walang
nagawa si Bianca kung hindi ang sundin ito. Kaya umupo ito sa bakanteng upuan,
nakaharap na siya sa kanyang tutor.
"Answer
this." Inabot nito ang kanyang laptop. Kaya tiningnan ito ni Bianca.
"Di
ba tuturuan mo ko? Eh.. Bakit pasasagutin mo ako nito?" Turo nito sa
laptop, naguguluhan din kasi ito.
"Gusto
ko lang malaman kung saan aabot ang kaalaman mo?" Hindi
man lang
siya nito sinulyapan. Iba din 'yong style niya, 'yan na lang ang naisip ni
Bianca.
"Ehh...
Paano kung tama 'yong lahat kung sagot?" Curious natanong niya dito kahit
alam nito sa sarili na hindi mangyayari iyon.
"Then
you don't need me."
Na-shock
ito sa sagot nito, kaya tiningnan na niya 'yon. At napakamot ito sa kanyang
nakita. Hindi niya naiintindihan kung ano ang mga nakalagay doon, wala siyang
alam kung paano ito sagutin.
"Wala
bang mas madaling sagutin dito?" Tiningnan nito ang kanyang tutor.
Nahihirapan talaga siya dito.
"I
will give you one hour." Napataas ang kilay nito sa narinig. Sinong tao
ang kayang sagutan ang ganito ka hirap natanong sa loob ng isang oras. 'Yan ang
nasa isip ni Bianca. Hindi na man siya matalino.
Gusto ni
Bianca magreklamo pero alam n'yang sinasayang lang nito ang oras na binigay sa
kanya napalugit. Kaya pinili na lang niya na manahimik. Sinimulan na niya itong
sagutan, napamura na lang siya sa kanyang isipan dahil sobra itong hirap. Wala
siyang naintindihan dito.
Napatingin
si Bianca sa oras, pinagpawisan na siya. Hindi niya alam kong tama ba ng
kanyang mga sagot na nilagay.
"Stop,"
seryosong sabi nito nakinagulat ni Bianca. Hindi natapos ni Bianca sagutan
lahat. Nagdalawang isip tuloy siya na ipakita ito. Humingi pa ito ng palugit
pero hindi ito nadaan sa kanyang pagpa-cute. Kinuha ng kanyang tutor ito at
tiningnan.
Doon
natitigan ni Bianca ang mukha ng kanyang tutor, abala ito sa pagtingin ng
kanyang sagot. Napatakip ito sa kanyang bibig ng maalala kung saan niya ito
nakita. Biglang nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari sa mall. Napaisip
tuloy ito kung namumukhaan ba siya nito. Pero Malabo mangyari iyon dahil
naka-mask siya, Nahihiya siya ng maalala ang nangyari nun. Akala kasi niya na
hindi na sila magkikita pa muli. Pero grabe naman talaga maglaro si tadhana, sa
dami ng pwede niya maging tutor ito pa talaga.
"25/80,
Failed!" Mas lalong nahiya si Bianca sa kanyang narinig. Hindi niya
akalain na ito lang ang tama niya. Hindi tuloy siya makatingin dito dahil sa
sobrang dami ng mali niya.
"Ang
hirap naman kasi kahit siguro sino ay babagsak d'yan," lakas loob nasabi
ni Bianca. Alam naman din kasi nito na hindi ito matalino. Sa school nga hirap
na hirap na siya, paano pa kaya sa mga tanong na 'yan. Pasalamat na din siya at
may kaunting tama nasagot ito mas nakakahiya kung bokya ito.
"All
third year students in Hamilton Academy passed and only two student got a lower
score of 50 points," paliwanag nito sa kanya. Kaya namangha na lang si
Bianca sa kanyang narinig. Sana ganyan siya katalino. Hindi kasi siya pinagpala
sa talino, ganda lang ambag niya sa mundo na ito.
"Matalino
naman siguro sila. Kahit siguro ikaw sumagot d'yan mahihirapan ka."
"I
already answered this. Unfortunately, I got 79 points." Hindi alam ni
Bianca kung ano ang kanyang sasabihin. Sobra itong namangha sa kanyang narinig.
Nahiya tuloy si Bianca sa kanyang score. Napahanga na lang si Bianca dito dahil
gwapo at matalino ito.
"Ikaw
na 'yong matalino." Hindi napigilin niya ang sarili nasabihin ito. Ngumiti
lang ito sa kanya, kaya napatitig si Bianca dito. Hindi maipagkakaila na ang
gwapo talaga nito kahit laging naka-poker face lagi ito, umiling siya at pilit
inaalis sa kanyang isipan.
"Stop
that!" Pigil nito kay Bianca ng mapansin nito na nakatitig lang ito sa
kanya.
Namula sa
kahihiyan si Bianca, hindi niya maisip na lagi itong nahuhuli na nakatingin
dito. Pero parang wala lang naman sa kanyang tutor ito. Siguro sanay na ito.
"Ano
name mo?"
"Nathaniel
Lance," maikling sagot nito.
"Nice
name." Hindi siya nito sinagot at may nilabas itong mga papel. At
sinimulan na nito ipaliwanag ang mga sagot kanina at paano kunin ang tamang
sagot..
Namangha
si Bianca dito, napakagaling nitong mag-explain.
Maiintindahan
mo talaga dahil napakalinis nito magturo.
Pagkatapos
siyang turuan nito ay umalis na ito dahil may gagawin pa. Bukas na naman
babalik ito. Natawa na lang si Bianca sa kanyang sarili ng maisip 'yong
imagination niya sa hitsura ng kanyang tutor. Hindi pala iyon kundi napakagwapo
na nilalang, para itong goddess sa taglay na aura at kagwapohan. Sigurado siya
na madaming babae ang
nahuhumaling
dito.
Bumalik
na si Bianca sa kanyang kwarto. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakita
niya ang tawag ng kanyang kaibigan. May text din ito kaya binuksan niya ito.
Napailing na lang ito sa kanyang nabasa. Nainis ito kung bakit hindi sinabi ni
Bianca na umuwi ang kanyang kuya. Nabigla kasi ito ng dalawin siya sa kanyang
bahay.
Hindi na
lang niya ito pinansin, sigurado siya bukas na-uulanin siya ng mga tanong non.
Nagpasya itong bumaba upang kumain dahil kanina pa ito nakaramdam ng gutom lalo
na sa ginawa niya kanina. Naubos lahat ng lakas at naubos 'yong laman ng
kanyang utak sa mga tanong nito kanina. Pero hindi man lang nakapasa 'yong
score na nakuha niya dito. Pagkatapos niya kumain ay agad ito umakyat upang
matulog.
Maaga
gumising si Bianca dahil may quiz sila sa kanyang first subject. Nagtaka din
ito dahil nagpumilit ang kanyang kuya na ihatid ito sa school. Hindi sana siya
pumayag pero wala siyang nagawa. Ang kanyang kuya ang nasunod sa huli dahil sa
pangungulit.
Habang sa
kanilang biyahe ay nabanggit ng kanyang kapatid na nagpunta ito sa bahay ng
kanyang kaibigan. Hindi na nagulat si Bianca dahil kahapon nakatanggap ito ng
text galing sa kaibigan. Alam din nito kung ano dahilan kung bakit napauwi
bigla ang kapatid. Gusto lang naman ayusin ang relasyon nito sa kanyang
kaibigan.
"Sorry,"
agad na sabi ni Bianca ng may mabunggo ito. Hindi kasi niya ito nakita.
Nagmamadali kasi ito, dahil ang kanyang magaling na kuya ay nagyaya pa na
pumunta muna sa Starbucks dahil gusto uminom ng kape. Hindi nila namalayan ang
oras at ilang minuto na lang late na siya sa kanyang first subject. Useless
lang ang kanyang paggising ng umaga dahil sa kagagawan ng kanyang kuya.
"Sorry?
Ano magagawa n'yan? Nadumihan na 'yong damit ko," mataray
na sabi
nito. Naisip tuloy ni Bianca na grabe 'yong reaksyon nito. Alam naman ni Bianca
na may kasalanan siya. Natapon kasi 'yong juice nadala ng babae sa kanyang
damit.
"Sorry,
babayaran ko na lang 'yang damit mo," sabi ni Bianca. Nakita kasi ni
Bianca na limited edition 'yong damit nito at halata na bago pa.
"Like
duh..! Alis," sabi nito sabay tulak kay Bianca na naging dahilan upang
mapaupo ito sa may damuhan. Napahawak si Bianca sa kanyang balakang dahil sa
sobrang sakit. Hindi maganda ang kanyang bagsak. "Harang-harang kasi,”
dagdag nito sabay alis.
Pinagtitinginan
si Bianca ng mga estudyante nadumadaan dito. Kaya pilit siyang tumayo kahit
masakit pa balakang niya dahil nahihiya na ito. Dahan-dahan siyang naglakad
patungo sa kanyang classroom.
"Hey,
ano nangyari sayo?" Nag-alalang tanong ni Misha sa kaibigan ng makita ito.
Umupo
muna ito sa tabi ni Misha at sinabi lahat ang nangyari kanina, walang labis at
walang kulang. Hindi pa kasi dumating 'yong guro nila, mabuti na lang at hindi
pa siya na-late.
"Ang
sarap naman sapakin ng babae na 'yon. Kilala mo 'yon, hintayin natin sa may
gate mamaya para masapak." Natawa na lang si Bianca sa sinabi ng kaibigan.
Ang hilig talaga nito maghanap ng gulo, kaya walang nagbalak na i-bully ito.
"Hayaan
mo na 'yon. Kasalanan ko rin naman. Ang mahal kaya ng damit niya." Sabay
tapik sa balikat ng kaibigan upang pakalmahin.
"Kahit
na, nanghingi ka na ng sorry tapos inalok mo pa nababayaran mo. Eh.. Ba't may
pa tulak-tulak pa siya," inis nasabi nito.
"Hayaan
mo na, hindi na rin kami magkikita non. Parang bago 'yon sa school natin. Sa
laki ng school natin hindi ko na 'yon makikita pa."
"Sana
nga bes, baka masapak ko iyon." Natawa na lang si Bianca sa
sinabi
nito.
"Napaka-protective
talaga ng sister-in law ko," pagbibiro ni Bianca sa kaibigan.
"Manahimik
ka, may kasalanan ka pa sa akin," sabay kurot nito sa tagiliran ni Bianca.
Natigil lang ito ng pumasok 'yong guro nila
"Good
morning." bungad nito sa kanila. Tumayo silang lahat upang batiin din ito.
"Sit
down," utos nito sa kanila. "You have a new classmate. Get inside,
Ms. Vasquez.
Nagulat
si Bianca sa kanyang nakita, ito 'yong babae kanina. Sa dami- dami ng pwede
nila maging bago nakaklase ay ito pa.
"Hi,
I'm Fiona Vasquez" Maarte napakilala nito sa amin. Sinabihan na siya ng
guro na umupo at sa dami pwede maupuan ay sa may likod pa ni Bianca ang napili
nito. Bago ito umupo ay tinaasan pa ng kilay si Bianca ng makita nito. Iba
nadamit na 'yong suot nito, nakapagpalit ns
ito.
Naisip
tuloy ni Bianca na nadagdagan na naman 'yong mga haters niya. Sumali na rin
kasi yata itong si Fiona sa listahan dahil hindi maganda 'yong nga tingin.
Nagkaroon
lang sila ng short quiz tapos nag-discuss na 'yong guro nila sa panibagong
lesson. Pagkatapos ay nag-iwan ito ng activity. Kung minamalas nga naman si
Bianca, si Fiona pa ang naging partner niya dito. Nalungkot tuloy ito dahil
alam naman niya na mainit na ang dugo nito sa kanya.
"Hati
tayo dito sa tanong, tapos ibigay mo na lang bukas ang sagot mo sa akin."
Tuluyan na itong umalis. Nang tingnan ni Bianca 'yong binigay nito ay
napahampas ito sa kanyang upuan. Lahat ng mahirap ay nasa kanya habang kay
Fiona ay madadali lang. Naiinis siya dahil hindi man lang nito hinati ng maayos
"Nasaan
ang partner mo?" Tanong ni Misha ng makabalik na ito. Galing ito kasi sa
kanyang partner, nag-discuss muna sila bago naghatian.
"Ayon
umalis na. Binigyan lang ako nito," sabay taas ng papel na kailangan niya
sagutan. Kinuha naman ito ni Misha at tiningnan.
"Ano
to? Bakit nasayo ang mahihirap? Hindi ba ninyo hinating maayos?"
"Hayaan
muna, malaki yata galit non sa akin," sabi nito sabay kuha ulit ng papel.
"Bakit
naman? Magkakilala ba kayo non?" Kinuha ni Misha ang mga gamit upang
ligpitin ito.
"Siya
kasi 'yon nabangga ko kanina." Nagsimula nang ligpitin ni Bianca ang
kanyang gamit.
"Ano?"
Sigaw nasabi ni Misha kaya napatingin tuloy lahat ng kanilang kaklase na naiwan
sa room. "Sorry..." Nag-peace sign ito at bumalik ang tingin sa
kaibigan. "Totoo?" pagsisigurado sa narinig nito.
"Oo,"
tipid na sagot nito.
"May
balat ka pa sa pwet Bianca? Ang malas mo yata, naging kaklase pa natin. Ano
gusto mo sapakin ko na 'yon."
"Hayaan
na lang natin. Hindi naman ako sinaktan ng tao, maldita lang sa akin"
"Gusto
mo tulungan kita sa pagsagot niyan?" Nag-alalang tanong nito. "Huwag
na, magpapaturo na lang ako dito sa tutor ko," sabi nito sabay tayo.
"Ano?"
Sigaw ulit nito kaya hinampas ito ni Bianca ng bag.
"Mahilig
ka ba magkape, madali ka yata magulat ngayon."
"Sino
naman hindi magugulat, hindi ko 'yan alam." Hinila ni Bianca ang kaibigan
palabas dahil ang ingay nito at naiinis na 'yong iba nila na kaklase.
Habang
nasa canteen sila ay kinuwento ni Bianca ang tungkol sa paghanap ng kanyang ama
ng tutor upang matulungan siya sa kanyang academic. Sinabi din niya dito na
'yong una na pagkikita nila sa
canteen.
Lumipas
ang oras at natapos din ang kanilang klase. Sinundo siya ng kanyang kuya, ayaw
din sana ni Misha sumama sa kanila at magpahatid dito pero napilit siya ni
Bianca. Unang hinatid si Bianca ng kanyang kapatid. Hinayaan na lang din ito ni
Bianca, nagbabasakali na mag-ayos na ang dalawa.
"Yaya,
tawagin mo ako kapag nandito na 'yong tutor ko," sabi nito bago umakyat sa
taas. Nag-shower muna ito dahil amoy araw na ito. Pagkatapos ay hinanda na niya
ang kanyang mga gamit saka naglaro ng games sa kanyang cellphone.
Maya-maya
ay tinawag na ito ng kanyang yaya upang sabihin na nandito na ang kanyang
tutor.
"Nasaan
ang notes mo?" bungad agad ng kanyang tutor. Para tuloy
itong
bata na inabot ang kanyang notebook. Umupo ito sa harapan ng kanyang tutor.
Nahihiya din ito dahil hindi maganda ang kanyang hand writing
Tinuruan
siya nito at pinaliwanag ng mabuti sa kanya ang mga dapat gawin. Natigil lang
ito ng kumatok ang kanyang yaya at pumasok na may dalang snack. Nagpasalamat
lang si Lance dito.
"Pwede
ba magpaturo sayo nito." Pinakita ni Bianca ang kanyang activity. Ininom
muna nito ang juice bago kinuha at tiningnan ang kanyang activity.
"Madali
lang ito." Pinaliwanag nito ang mga dapat gawin.
"Pwede
ba paulit?" Nahihiyang sabi ni Bianca, hindi kasi pa rin niya
naiintindihan. Kaya nag-explain ito sa kanya ulit. Nakadalawang ulit ito ng
pagpaliwanag sa kanya bago ito tuluyan naiintindihan ni Bianca.
Pinakita
nito ang kanyang sagot agad kay Lance. Tiningnan naman ito agad ni Lance at
sinabi na okay na.
"Thanks."
Sa
natirang oras nila ay tinuruan pa siya nito sa kanyang ibang subject kung saan
siya nahihirapan saka ito tuluyan umalis. Niligpit na lang ni Bianca ang
kanyang gamit bago tuluyan bumalik sa kanyang kwarto.
Chapter 4
Nagising
si Bianca dahil sa lakas ng music galing sa kabilang kwarto. Napakamot ito sa
kanyang ulo at hinanap ang kanyang cellphone. Tinawagan nito ang kanyang
kapatid dahil alam nito na lagi nito hawak ang
cellphone.
"Kuyaaa,"
sigaw nito ng sagutin ng kanyang kapatid.
"Yes
princess, ano kailangan mo?" sagot nito.
"Patayin
mo 'yang music mo kung ayaw mo ikaw ang mapatay ko," galit nasabi ni
Bianca. Kaunti lang ang tulog niya kagabi dahil nanood ito ng c-drama. Hindi
kasi ito natulog hanggang sa hindi niya ito natapos.
"Relax,
PMS lang 'yan," natatawang sabi nito saka pinatay na ang music. "Sana
hindi kayo magkabalikan." Agad nitong pinatay ang tawag. Alam na nito kung
ano naging itsura ng kanyang kuya.
Tumayo na
ito at nagtungo sa banyo upang mag-shower. Nawala din kasi 'yong antok niya
dahil sa kanyang magaling na kapatid.
Pagkatapos
ay nagmamadali itong umalis, gusto niya kumain na lang sa Mcdo. Ayaw niya
magpahatid sa kanyang kapatid, na-miss na kasi niya ang kanyang sasakyan.
Nag-order
lang ito ng pancakes at coffee. Pagkatapos kumain ay agad itong nagmaneho
patungo sa kanyang school. Madali lang siya nakarating dahil wala namang
traffic.
Pagpasok
niya nagulat siya ng magkagulo 'yong mga babae sa school. Nagtaka ito kung
anong meron at bakit nagkakaganito ang mga babae sa school niya.
"Oh
my gwapo nila!" sabi ng isang sophomore student.
"yeah
nakakalaglag panty," pagsang-ayon naman ng kasama nito kaya napailing na
lang si Bianca. Mukhang may bago na naman sila nakita. "swerte naman ng
mga kakalse nila."
Iyan ang
mga naririnig ni Bianca nasinabi ng mga babae kaya mas na- curious tuloy siya
kung anong meron kaya lumapit ito kung saan maraming babae. Marites din kasi
ito minsan, hindi papahuli sa chismis.
"Excuse
me," sabi nito upang makita iyong pinagkaguluhan nila at napaatras ito ng
makita kung sino ito. Tiningnan pa niya ulit ito upang masigurado kung tama ang
kanyang nakita. "Ano ginagawa nya rito?" Tanong ni Bianca sa kanyang
isipin. Agad natumalikod si Bianca upang makaalis, natatakot ito na baka makita
siya.
"Hey,
babaeng may curly hair." Narinig niya na tawag ni Lance. Pero hindi niya
ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Narinig pa niya ang mga
bulong-bulungan kung sino 'yong tinawag. Napaisip naman si Bianca na madami
naman ang curly ang buhok sa school kaya hindi pwedeng hindi siya ang tinawag
nito.
"Bianca!"
Napatigil ito ng marinig na tinawag ang kanyang pangalan. Nakatingin natuloy sa
kanya 'yong mga ibang estudyante. Huminga ng malalim si Bianca bago ito
lumingon.
"Bakit?"
Lumapit ito sa kanya at may nakasunod na lalaki.
"Can
you help us find this room? Wala naman kaming maayos nasagot nakuha sa ibang
babae. Number pa nila binigay sa amin." Tiningnan ni Bianca ang hawak
nito, nakalagay doon ang room nila. Hindi na ito
nagulat
nasa 3A pala ang mga ito, kung saan ang lahat nang matalino doon nakalagay.
"Okay,
sundan n'yo ako." Doon napagtanto ni Bianca nabagong student pala ang mga
ito kaya wala silang alam sa pasikot-sikot ng school. Lalo tuloy naiingit 'yong
mga babae kay Bianca.
"Hi
Bianca," bati sa kanya noong mukhang chickboy.
"Close
tayo?" Mataray nasabi nito kaya natawa 'yong ibang kasama nito.
"Ayy,
bet ko 'yan. Iñigo pala." Inilahad nito ang kanyang kamay.
Nilagpasan
lang ito ni Bianca kaya napakamot na lang sa ulo ang lalaki.
"Pare,
suplada naman 'tong chicks nakilala mo." Narinig ni Bianca ang sinabi ng
lalaki kaya napataas na lang ang kanyang kilay dahil dito. Binilisan niya ang
kanyang lakad upang dumating agad doon, gusto na niya makaalis agad.
"Nandito
natayo." Napatingin si Bianca sa room dito. Bihira lang kasi siya
makapunta rito. Isa ito sa kanyang pangarap na section pero hindi kaya ng
kanyang utak. "Alis na ako." Nagmamadali itong umalis, hindi na niya
hinintay na makapagsalita sila. Pagdating niya sa classroom ay sinalubong siya
ni Misha ng hampas sa notebook.
"Aray
ko." Hinarang nito ang kanyang kamay.
"Kaibigan
ba talaga kita, bakit hinayaan mo ako kahapon sa kapatid mo." Inis nasabi
nito sabay hampas ulit kaya umilag si Bianca.
"Para
magbati na kayo."
"Tandaan
mo Bianca, kaibigan mo ako, kuya mo lang 'yon." Pagbabanta nito kaya
napangiti na lang ito. Napailing na lang ito, sa tuwing nag- aaway ito ng
kanyang kapatid ay nadadamay talaga siya.
"Okay,
hindi na mauulit." Tinaas nito ang kamay upang ipakita ang pagsuko.
"Bianca,
kilala mo ba 'yong gwapo na lalaki," sabi ni Ellen nakapapasok pa lang.
"Ayy..
hindi masyado. Nakilala ko lang one time sa may event."
Pagsisinungaling
nito sa kaklase, wala itong balak na sabihin kung bakit niya talaga kilala ito.
"Close
ba kayo? Ipakilala mo naman ako," nakangiting sabi nito.
"Hindi
eh." At umupo na ito sa kanyang upuan. Habang si Misha ay panay ang tanong
kung sino 'yong tinutukoy ni Ellen.
"Asan
na 'yong sagot mo?" Tanong agad ni Fiona ng makarating kaya natigil si
Misha sa kakakulit at tiningnan si Fiona. Kinuha ko naman sa bag ko at binigay
sa kanya. Kinuha niya ito at agad na tiningnan. "Make sure tama ito,"
mataray na sabi nito saka umalis at umupo sa may likuran. Napalingon ako ng may
sumipa sa upuan ko. "Ikaw ba sumagot nito?" Nainis si Bianca sa
inasal nito pero tinaasan pa niya ang kanyang pasensya. Ayaw niya ng gulo.
"Oo,
gusto mo explain ko pa sayo?" sagot nito. Hindi naman siya natakot kasi
siya naman talaga ang sumagot nito pero tinuruan lang siya ni Lance kung paano
at tiningnan din kung tama ba nilagay niya.
"Liar,"
medyo napalakas ang sabi nito kaya napatingin 'yong mga kaklase namin.
"Bahala
ka kung ayaw mo maniwala. Hindi kita pipilitin. Magsasalita pa sana ito pero
dumating na 'yong guro nila kaya tumahimik na si Fiona.
Nagkaroon
lang sila ng discussion at sa sumunod na subject ay hindi pumasok 'yong teacher
nila. Kaya nagyaya naman agad si Misha na pumunta sa canteen dahil nagugutom na
ito. Hindi kasi ito kumain ng umagahan.
Pagpasok
nila sa canteen ay napaatras si Bianca dahil nakita niya ang kaibigan ni Lance.
Kaya naisip niya na nandito din si Lance. Dali-dali itong tumalikod para umalis
pero nabonggo ito bigla sa malapad na dibdib. Tiningnan niya ito kung sino pero
napaatras siya sa gulat ng makita na si Lance.
"Para
ka yatang nakakita ng multo," naka-smirk na sabi nito.
"Hindi
no," tanggi nito, pero hindi siya nito pinansin at nilagpasan siya nito.
Hinawakan ni Bianca ang kaibigan upang hilahin paalis, natulala kasi ito ng
makita ang grupo ni Lance.
"Aray
ko, bakit ba tayo aalis," sabi nito ng bumalik na sa katinuan.
"Nagugutom ako bes," dagdag nito. Kaya walang nagawa si Bianca at
sinamahan ang kaibigan. Pumila sila upang kumuha ng pagkain saka naghanap ng
table.
"Kilala
mo ba 'yon?" Tanong ni Misha sa kaibigan saka sumubo ng pagkain.
"Oo,
siya 'yong tutor ko."
"W-what?"
Gulat na sabi nito, muntik pa nga mabuga 'yong kinain niya.
"Gulat
na gulat?"
"Ang
gwapo naman kasi," Nakangiting sabi nito sabay subo ulit. "Isumbong
kita kay kuya," pagbabanta nito sa kaibigan.
"Break
na kami, kaya pwede na ako lumandi."
"Sigurado
ka? Ayaw mo na talagang balikan?"
"Joke
lang, nagpa-hard to get lang ako. Bihira lang umuwi 'yong lalaki na 'yon.
Kailangan ko rin ng effort niya," sagot nito. Napailing na lang si Bianca
at kinain na lang ni Bianca ang kanyang pagkain. Minsan napatingin sa table
nina Lance. Nakikita rin niya na maraming lumapit na babae dito nagbibigay ng
pagkain or tubig. Para tuloy silang artista, bago pa lang sila dito at iba na
ang trato ng mga estudyante sa kanila. Sinasamba sila ng mga kababaihan. Kahit
sino naman kasi, ang gagawapo nila.
Pagkatapos
ng klase nila ay nagpasya sila magkaibigan n pumunta muna sa mall. Tulad ng
dati ay nakasuot ito ng mask upang hindi makilala.
Bigla
tumunog ang kanyang cellphone at nakita natumawag ang kanyang kapatid. Sinabi
sa kanya na kanina pa nandoon ang kanyang tutor kaya napatingin ito sa oras.
Napamura ito ng makita ang oras, hindi niya ito namalayan. Dali-dali siyang
umuwi.
Pagpasok
niya sa study room ay nagkasalubong na ang kilay ng kanyang tutor.
"Fifteen minutes late," sarcastic nasabi nito. Kaya agad umupo si
Bianca at nanghingi nang sorry. Pero hindi siya pinansin nito.
Pagkatapos
siya turuan ay gusto sana niya magtanong kung bakit lumipat ito pero ayaw naman
isipin ni Bianca na interesado siya sa buhay nito. Bago ito umalis sinabihan
siya na every Monday at Friday na
lang ito
magtuturo dahil magiging busy siya.
Isang
linggo na din tinuturuan ni Lance si Bianca. Makikita na rin ang kaunting
improvement nito, madami natutunan si Bianca dahil
magaling
magturo si Lance. Alam nito kung paano ipaliwanag kay Bianca upang madali
nitong maiintindahan ang mga bagay na mahirap unawain.
Pero
hanggang ngayon hindi pa rin sila magkasundo dahil na rin sa ugali ni Lance na
sobrang cold at masungit. Kapag nagtagpo naman ang kanilang landas sa school ay
hindi sila nagpapansinan. Iniiwasan din ito ni Bianca lalo't alam niya na sikat
si Lance sa school. Ayaw na ni Bianca na madagdagan ang kanyang mga haters.
Malapit
na rin gaganapin ang kanilang school foundation. Kaya lahat ng mga estudyante
ay abala lalo na 'yong mga may sinalihan na activity. Kaya itong si Bianca
laging pinipilit ng kaibigan na sumali sa mga activity para naman may
pagkaabalahan. Pero wala talagang hilig si Bianca sa mga ganyan.
"Hello
pretty, are you alone?" Biglang sabi ng isang lalaki at agad tumabi
nang-upo kay Bianca. Napataas naman ang kilay ni Bianca dahil sa inasal nito.
Tiningnan niya ang lalaki, hindi maitanggi na may hitsura ito pero halata sa
pagmumukha na playboy ito. Nasa likod kasi ng school si Bianca gusto niya dito
magtambay dahil sa sariwa na hangin at tahimik.
"May
nakita ka bang kasama ko? Siguro naman wala, di ba?" Mataray nasabi nito,
nakaramdam ito ng inis dahil sinira nito ang kanyang moment na mag-isa.
"Hey,
chill ka lang. Huwag ka naman magtaray," sabi nito sabay taas ng kamay.
"Umalis
ka kung ayaw mo matarayan."
"Sungit
mo talaga, Bianca, papangit ka niyan." Agad naman napatingin si Bianca
dito ng marinig ang kanyang pangalan. Nagtataka ito kung bakit siya kilala.
"Stalker
ba kita?" Tiningnan ito ni Bianca. Pero tumawa lang ng malakas ang lalaki
kaya mas lalong naiinis si Bianca. "May nakakatawa ba?"
"Sa
gwapo ko na ito? Pagkakamalan mo na stalker. Nakakasakit ka naman ng feelings.
Sino ba naman ang hindi nakakilala sa iyo. Ang laki ng billboard mo sa
Edsa," paliwanag nito ng matapos na tumawa.
Napatahimik
naman si Bianca sa kanyang narinig. Pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil
hindi niya ito naisip na posibleng may nakakilala sa kanya dahil kahit saan
nakikita ang pagmumukha niya.
"By
the way, I'm Inigo. We can be friends." Nakangiting sabi nito pero hindi
ito pinansin ni Bianca. Wala siya sa mood makipagkaibigan. "Kilala mo ba
si Nathan?" Tanong nito kaya nagtaka naman si Bianca kung sino ito.
Nag-isip ito kung may partner ba siya sa photoshoot na ang pangalan Nathan.
"Hindi
ko kilala 'yang sinasabi mo."
"Uyy,
ayaw ipaalam," pang-aasar nito. "Sige na, sabihin mo na sa akin.
Sure
naman ako na magkilala kayo. Hindi naman iyon hihingi ng tulong sa iyo kung
hindi ka kilala."
"Sino
ba kasi iyan," inis na sabi ni Bianca.
"""Yong
kaibigan ko, ikaw kaya hiningan niya ng tulong para hanapin 'yong classroom
namin." Bigla naman naalala ni Bianca iyon at naiisip na ang tinutukoy
pala nitong si Nathan ay ang kanyang tutor. Ito lang naman ang humingi ng
tulong sa kanya."Hindi ko siya totally nakilala. Nagtagpo lang ang landas
namin somewhere. At galing na din mismo sa bibig mo di ba na kilala ako kahit
nino." Tumayo na si Bianca dahil mas lalo lang siya naiinis sa kakulitan
nito. Naglakad na ito at hindi na nagpaalam, nang bigla tumunog ang cellphone
ni Bianca kaya binuksan niya ang kanyang bag para kuhanin ang
cellphone."FUCK-"Napatingin si Bianca, hindi kasi niya namalayan na
may tao pala sa harapan niya dahil abala ito sa pagkuha ng kanyang cellphone.
"Sorry," tarantang sabi nito ng makita kung ano ang nangyari. Natapon
sa damit nito ang pintura na hawak."Tumabi ka nga," galit nasabi
nito."Teka lang," pigil ni Bianca. "Sorry, babayaran ko na lang
'yang damit mo." Nag-alalang sabi ni Bianca. Halata kasi sa suot nito na
mamahalin dahil kailangan pa pumunta sa abroad para makabili ng ganyang brand.
Nainis ito sa kanyang sarili dahil nagging suki na siya sa banggaan."Hindi
ko kailangan 'yan. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo. Huwag kang
tanga," inis nasabi nito at tuluyan ng umalis. Naiwan si Bianca sa gitna
ng hallway habang ang mga estudyante sa paligid ay nagbulong-bulongan dahil na
rin sa kanilang nasaksihan.Labis nahiya si Bianca sa nangyari kaya lumakad ito
ng nakayuko. Sa dami-dami niya pwede matapunan si Lance pa talaga. Kilala nito
ang masungit na ugali pero hindi nagalit si Bianca dito sa nangyari kanina
dahil siya naman talaga ang may kasalanan. Kahit sino ganoon ang magiging
reaksyon."Bes, anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" Napatingin
si Bianca sa nagsasalita at nakita niya ang kanyang kaibigan sna sobrang pawis
na pawis. Halata nagaling ito sa practice kaya ganyan ang hitsura. Kaya umupo
sila sa may bench at sinabi lahat ni Bianca kung ano ang nangyari."Naku!
Alam mo gwapo na sana 'yang tutor mo kaya lang minsan 'yong ugali nakakinis.
Hayaan mo na lang 'yon," wika ni Misha sa kaibigan kaya natawa na lang si
Bianca dito. "Bes, kailangan ko na bumalik sa practice. Break lang kasi
namin kaya nagpahangin ako. Sumali ka na kasi para naman may pagkaabalahan
ka.""Sige umalis ka na. Huwag muna ako alalahanin." Nakangiting
sabi nito sa kaibigan."Mauna ka ng umuwi, hanggang 10 pm ang practice kasi
namin." At tumakbo na ito ng alis. Nagpasya si Bianca na pumunta sa
kanilang library upang magbasa.Pagdating niya doon ay walang gaanong tao, dahil
na rin abala ito sa mga activity para sa darating na foundation day nila sa
school. Pagkatapos kumuha ng aklat ay pumunta si Bianca sa pinakasulok. Nagbasa
lang siya ng ilang pahina at hindi namalayan na nakaidlip siya ng kaunti. Paggising
niya ay wala ng tao sa loob kaya nagmamadali siyang lumabas. Papunta na siya sa
parking area ng bigla bumuhos ang malakas na ulan. Kaya tinakbo na lang ni
Bianca ang papunta sa parking area.
Pagdating
niya doon ay basang-basa na siya dahil sa ulan. Nakaramdam na siya ng lamig
dahil dito. Pumasok agad ito sa sasakyan at pinaandar ito para makauwi. Pero
hindi ito gumagana, sinubukan niya ulit niya i- start pero wala pa rin.
Napahampas na lang ito sa kanyang manubela.Kinuha ang kanyang cellphone sa bag
upang matawagan ang kapatid pero hindi niya ito makontak. Sinubukan naman nito
ang kanyang ama, pero hindi ito sinasagot. Walang choice si Bianca kung hindi
sumakay ng taxi. Lumabas ito sa kanyang kotse at ni-lock ito bago tumakbo sa
may sakayan. Basang-basa na si Bianca ng sumilong sa may waiting shed.Lahat ng
kanyang nakikitang taxi ay may sakay kaya naghintay pa ng ilang minuto si
Bianca. Nagbabakasali na makakasakay rin dahil nilalamig na talaga siya.Bigla
may huminto na kulay pula na sasakyan at bumukas ang bintana ng sasakyan.
"Hey.. sumakay ka na. Wala talagang taxi na hindi puno ngayon lalo't sa
oras na ito," sabi ng lalaki. Kilala niya ito dahil ito ang nangugulit sa
kanya kanina sa likod ng school. Pero hindi niya matandaan ang pangalan nito.
Nagdadalawang isip pa si Bianca kung sasakay ba ito.Nilalamig na siya dahil sa
kanyang basa nadamit kaya pumayag na lang ito kahit nahihiya dahil tinarayan
niya ito kanina."Suotin mo iyan para hindi ka lamigin." Inabot ni
Iñigo ang kanyang jacket kay Bianca ng makapasok na ito sa
kotse"Salamat." sabi nito sabay suot dahil nilalamig na
talaga."Saan bahay ninyo?" Tanong nito.Kaya sinabi ni Bianca ang
kanilang address at pinaandar na ni Iñigo ang kanyang sasakyan. Buong biyahe ay
tahimik lang sila. Medyo natagalan sila sa kanilang biyahe dahil sa traffic
lalo't maulan pa. Pagdating nila sa bahay ni Bianca ay hinubad nito ang suot na
jacket at binalik kay Iñigo. Nagpasalamat ito dahil hinatid siya nito. Kung
hindi siya tinulungan siguro hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nag-aabang
ng taxi. Pumasok na si Bianca sa kanilang bahay. Nagulat naman ang kanilang
kasambahay na makita siyang basang-basa. Nagmamadali itong umakyat sa kanyang
kwarto at pumasok sa kanyang banyo upang makapag-hot shower dahil nabasa siya
ng ulan at nilalamig siya.Pagkatapos ay pinatuyo niya ang kanyang buhok saka
nahiga sa kama. Nagpadala lang ito ng pagkain sa kanyang kwarto dahil wala siya
sa mood na bumaba para kumain. Matapos kumain ay agad ito nagpasya na matulog
dahil napagod talaga ito.
Chapter 5
Paggising
ni Bianca ay masama ang kanyang pakiramdam. Hinila niya ang kanyang kumot upang
balutin nito ang kanyang katawan dahil sa sobrang lamig naramdaman. Hinang-hina
ang kanyang katawan at masakit ang ibang parte ng kanyang katawan. Wala siyang
lakas upang tumayo para kumuha ng gamot."Bianca," boses ng kanyang
kuya."Bakit?" mahinang sabi ni Bianca. Hindi niya alam kung naririnig
ba siya nito."Hindi ka ba papasok?" Tanong nito."Mamaya
na," sagot niya at narinig niya na may kausap ang kanyang kapatid, unti-unti
nawala ang boses ng kanyang kuya kaya naisip niyang nakaalis na ito. Kaya
pinikit na lang ni Bianca ang kanyang mga mata upang makapagpahinga at makabawi
ng lakas.Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin bumaba si Bianca at
nagtataka na si Manang Rosie dito. Kaya nagpasya siyang umakyat sa taas upang
tingnan ito. Nakailang tawag na siya dito pero hindi pa rin sumasagot, kanina
pa siya kumakatok sa pintuan nito. Kinakabahan na siya dahil kilala niya si
Bianca, agad itong sumasagot. Nagmamadali nitong kinuha ang susi ng kwarto nito
sa baba upang matingnan niya ito.Nang mabuksan niya ang kwarto nito ay nakita
niya si Bianca na sobrang nakabalot ng kumot ang buong katawan. Nilapitan niya
ito upang masuri. "Bianca, hindi ka ba papasok?" Tanong nito at
dahan- dahan natinanggal ang kumot nakatakip dito. Nagulat ito sa kanyang
nakita dahil nilalamig ito. Kaya nilagay nito ang kanyang palad sa noo nito
pero agad din niya binawi dahil sobrang init. "Naku! Ang taas ng lagnat
mo. Bakit hindi ka man lang nagsabi namasama na pala pakiramdam mo ikaw
talagang bata ka. Mabuti na lang at tiningnan kita." Nag-alalang sabi nito
at agad natumayo upang kumuha ng gamot.Pagbalik nito ay may dala na itong isang
basong tubig at gamot para sa lagnat. "Inumin mo ito para bumaba iyang
lagnat mo." Ibinigay ang gamot nahawak, tinulungan niya ito makaupo sa
higaan.Ininum naman agad ni Bianca ang gamot at nahiga na-ulit. Kumuha si
Manang Rosie ng maliit na-towel at binasa ito para ipunas sa katawan ni Bianca
upang bumaba naman ng kaunti ang lagnat nito. Pagkatapos ay bumaba siya upang
magluto ng sopas para magkaroon ng laman ang tiyan ni Bianca. Matapos maluto
ang sopas ay bumalik ito sa kwarto ni Bianca upang pakainin ito."Mamaya na
ako, manang, hindi pa naman ako nagugutom," tanggi nito dahil gusto lang
nito magpahinga. Wala siyang lakas dahil labis itong nanghihina. Wala rin itong
ganang kumain."Kumain ka muna kahit kaunti lang. Para naman may laman
'yang tiyan mo." Pinilit nito si Bianca upang makakain lang kahit ilang
subo, nag- alala ito sa kanyang kalagayan.Hindi nagtagal ay napapayag nito
itong kumain. Kaunti lang ang nakain ni Bianca, hindi man lang niya naubos ang
dala nitong pagkain. Wala itong gana nakumai kaya hinayaan na lang ito ni
manang dahil ang importante ay nakakain ito kahit kaunti."Magpapahinga
lang muna ako," mahinang sabi nito at nahiga na ulit.Umalis na rin si
Manang Rosie dahil may kailangan pa siyang trabahuin sa baba. Nang mag-tanghali
na ay binalikan nito si Bianca upang matingnan ang kalagayan at pinakain na din
niya ito saka pinainom ng gamot. Nag-alala talaga siya dito.
Simula
pagkabata ay siya na ang nag-aalaga kay Bianca dahil laging wala ang mga
magulang nito sa bahay. Tinuring na din niya ito na parang tunay na anak.
Minsan naawa siya dito dahil busy ang mga magulang nito at wala itong panahon
para dito. Nakita ni Manang Rosie kung gaano ka-uhaw si Bianca sa pagmamahal sa
magulang lalo nasa ina nito.Alas singko na ng hapon, nagulat si Rosie ng makita
ang tutor ni Bianca. "Naku! Hijo, hindi yata makapag-aral si Bianca
ngayon, masama kasi'yong pakiramdam niya," paliwanag ni Rosie kay
Lance."Ganoon po ba, aalis na lang po ako.""Iho, nakakahiya man
pero pwede ba na makisuyo sa iyo?""Ano po ito," magalang nasabi
ni Lance."Pwede ba na mamaya ka na umuwi. Kailangan ko lang bumili ng
gamot at mga sangkap para sa lulutuin ko. Hindi ko kasi maiwan si Bianca,
nakikiusap sana ako nabantayan muna siya. Pangako madali lang ako, babalik din
ako agad." Walang choice si Rosie kung hindi makiusap dito dahil wala pa
ang lalaking amo nito dahil nasa trabaho pa. Natuwa naman ito ng pumayag si
Lance. Dali-dali naman umalis si Rosie habang si Lance ay umupo na lang sa
sofa."Manang," tawag ni bianca. Narinig ni Lance ang pagtawag nito
kaya naisipan na lang niya na umakyat, baka may kailangan ito."Ano
kailangan mo?" Tanong ni Lance ng makapasok siya. Nakita niya si Bianca
sobrang balot ng kumot tanging ulo lang nakalabas nito, para itong isang
pagong."Nasaan si Manang? Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong nito
ng makita ang lalaki."May binili lang siya kaya binilin ka niya sa
akin," walang buhay nasagotnito."Umalis ka na, okay lang ako. Wala
rin ako kailangan," taboy ni Bianca dito."May sakit ka lang,
lumalabas na 'yong tunay mo na-ugali. Kung hindi lang nakiusap sa akin si
Manang." Sumandal ito sa may pader at nilagay ang kamay sa
bulsa."Paki mo ba? Umalis ka na nga," mahinang sabi nito. Hindi na
lang nagsalita si Lance at hinayaan na lang ito. Inintindi niya ito dahil alam
nito na may sakit ito."Bakit nandyan ka pa rin?""Binilin ka sa
akin. Hindi naman ako ganoon kasama may konsensya din ako kapag may nangyari sa
iyo. Ako pa masisi.""Kaya ko naman sarili ko. Hindi na ako bata na
kailangan mong bantayan." Pilit itong bumangon sa kama. May sasabihin sana
ito pero hindi naituloy dahil bigla na lang siya natumba. Mabuti na lang at mabilis
ang mga kamay ni Lance kaya nasalo niya ito kung hindi sa sahig ito
babagsak."Ang tigas kasi nang-ulo," sabi ni Lance dito."Bitawan
mo nga ako." Sinubukan naman bitawan ni Lance ito pero alam niya na mahina
pa katawan nito kaya agad naman niyahinawakan."Huwag na matigas ang
ulo," banta nito. Napatingin si Bianca dito at napakaseryoso ng mukha
nito. Hindi na lang sumagot si Bianca at hinayaan si Lance na alalayan siyang
maupo sa kama. Pagkatapos ay umupo si Lance sa bakanteng upuan sa study table
nito."Magpagaling ka na agad. Kumain ka kasi ng gulay upang hindi
kamadaling magkasakit." Tumaas naman ang kilay ni Bianca sa kanyang
narinig."Magaling na ako. Isa pa healthy foods lahat kinakain ko. Wala
naman tao gusto magkasakit.""Dapat lang, hindi ko nagawa trabaho ko
ngayon dahil pumunta ako dito. Bukas na lang kita turuan. Saka kung healthy
foods kinkain mo dapat malakas resistensya mo at hindi ka madaling
magkasakit," sabi nito."Kahit huwag na, hindi ko na kailangan
naturuan mo. Huwag ka rin makiala sa akin," mataray nasabi nito sabay irap
kay Lance."Hindi rin naman kita gusto turuan, kung hindi lang ako pinilit
ng magulang ko. Hindi ko naman gagawin 'to, wala naman kasi akong pak kung
bumagsak ka." Napaisip naman si Bianca sa sinabi nito. May point naman
kasi ito, sa kanila dalawa siya ang mas nakinabang."Magpasalamat ka na
lang sa ama mo dahil concem siya sayo kaya nakiusap naturuan kita," dagdag
nito."Oo na, tama ka na," nakasimangot na sabi nito. Alam naman nito
na hindi siya mananalo."Hmm..I want to say sorry." Nagulat naman si
Bianca sa kanyang narinig at nagtataka ito kung bakit ito nag-sorry sa
kanya."Para saan?""Tsk.. Hina mo talaga, about what happened
yesterday." Naalala naman ni Bianca agad kung ano nangyari kahapon at kung
bakit ito naghingi ng sorry. "Tsk, sana hindi ko na lang 'yon
sinabi." Mahinang sabi ni Lance at napakamot ito ng ulo pero sapat na
marinig ito ni Bianca. Napakunot naman ang noo nito, naisip niya na nahihiya
ito."Teka nga, seryoso ka ba?""Mukha ba ako nagbibiro?""Chill
lang, normal lang nareaksyon ito. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Kasi
naman hindi naman halata sa mukha mo na mag- sorry kapag nakagawa ng
kasalanan." Tiningnan ito ng masama ni Lance kaya napa-peace sign agad si
Bianca dito."Bahala ka nga," sabi nito at tumayo ito saka lumabas sa
kwarto. Naiwan naman mag-isa siya kaya nahiga na lang siya ulit sa kanyang kama
upang magpahinga. Ilang minuto na ang nakalipas ng lumabas si Lance, gumaan na
rin ang pakiramdam ni Bianca. Kaya naisipan niya na bumaba muna kasi nauuhaw
siya. Bumangon siya saka lumabas sa kanyang kwarto. Nasa may hagdanan pa siya
nang marinig ang ingay sa kanilang TV. Naisip ni Bianca na nakauwi na ang
kanyang kuya."Kuya naman, ang lakas naman ng sounds ng TV. Tinutupak ka na
naman ba?" Inis nasabi nito ng makalapit siya pero nagulat ito ng makita
na hindi ang kanyang kuya kung hindi si Lance. Buong akala niya ay umuwi na
ito."Nandito ka pa?""Wala pa si Manang," sagot nito pero
hindi man lang siya tiningnan, nasa pinanood ang atensyon nito.
"So?""Paulit-ulit?
Sirang plaka lang? Marunong ako sumunod."Inirapan ito ni Bianca, hinayaan
na lang ito ni Bianca at pumunta sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator
upang uminom ng tubig saka kinuha ang paborito nitong cheesecake. Bumalik siya
kung nasaan si Lance upang manood na lang din. Umupo ito saka inabot ang remote
ng TV upang ilipat ang channel. Wala siyang pake kung magalit sa kanya si Lance
pero hindi niya gusto ang pinanood nito na basketball. Wala naman kasi ito
alam, isa pa bahay niya ito."Bakit mo nilipat?" May inis nasabi
nito."Pake mo? Ako may-ari nito.""Kahit na, nakita mo naman
sigurong nanonood ako." Halata nito napinipigilan lang nito ang kanyang
inis."Hindi ko naman kasi naiintindihan 'yong pinanood mo."Inabot ni
Lance ang remote nang hindi napansin ni Bianca saka madaling nilipat ito.
Napatingin naman agad si Bianca dito habang nakataas ang kilay. "Kainis ka
naman eh, hindi ko nga 'yan gusto."" Kukunin na sana niya ang remote
pero mabilis natinaas ni Lance 'yong kamay n'ya. Dahil mataas si Lance hindi
ito maabot ni Bianca."Bahala ka nga," inis nasabi nito, sumasakit ulo
niya dito. Mamaya na lang naisipan ni Bianca nakunin ito kapag hindi nakatingin
si Lance. Pilit na lang niya ito pinanood kahit hindi niya gusto. Tumayo muna
ito upang kumuha ng tubig. Pagbalik niya ay bigla na lang uminit ang ulo niya
ng makitang kinain ni Lance ang cheesecake niya."Bakit mo
kinain?""Ang alin?""Iyang cheesecake ko." Tumaas ang
kikay nito habang nakaturo sa cheesecake nakinakain ni Lance."Nagutom ako
eh," walang gana nasagot nito."Hindi naman 'yan sa iyo eh."
Gusto ni Bianca magpapadyak sa inis, ito pa naman ang last cheesecake."I
thinkt it's for me, so I eat it.""Kainis ka talaga." Pinalo nito
sa braso si Lance. "Wala naman akong sinabi para sayo
yon.""Nanakit ka dahil sa cheesecake?" Hinarang naman nito ang
kanyang kamay upang hindi siya matamaan."Oh! Ano nangyari dito?"
Gulat natanong ni Manang nang makapasok at makita sila. Marami itong dala kaya
nagmamadali naman lumapit si Lance dito upang tumulong. Nagpasalamat naman ang
matanda. Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Lance na umalis. Pinigilan pa ito ni
Manang dahil doon na lang sana kumain pero tumanggi na ito. Habang si Bianca ay
bumalik na sa kanyang kwarto upang magpahinga. Itutulog na lang niya ang inis
dahil sa cheesecake.Maaga naman pumasok si Bianca, bumawi ito dahil absent siya
kahapon. Mabuti na lang talaga at gumaling na siya." Absent ka
kahapon?" tanong ni Misha, bigla na lang ito sumulpot parang kabute.
"Nagkasakit ako.""Ano? Bakit di mo sinabi? Di mo ko tinext o
tumawag man lang?" sigaw nito kaya 'yong iba napapalingon sa kanila.
"Hey
relax..."yong puso mo." Tinapik ko ito sa balikat."H'wag mo
akong marelax-relax d'yan. Nagtatampo ako, hindi mo man ako
sinabihan.""Jusmeyo naman, Misha. Paano pa kita masabihan nakahiga
ako buong araw.""Oh sige okay na... pero next time sabihin
muna..." Inakbayan ako nito. "Sige praktis muna kami, kita tayo
mamaya."Paalam nito sabay takbo kaya naiwan na naman akong
mag-isa."An gaga naman, nakabusangot 'yang mukha mo." Familiar kay Bianca
ang boses kaya nilingon niya ito at nakita niya si Lance. Inirapan lang niya
ito. "Sungit naman. Meron ba?""Iwan ko sayo." Nagsimula na
itong maglakad ayaw niya makita ang pagmumukha nito. Hindi pa niya nakalimutan
ang ginawa nito sa pagkain sa kanyang paborito na cake."Ms. Sungit.."
Nauna pa itong naglakad kay Bianca. Kaya binilisan niya ang lakad at nagtungo
sa classroom. Pero nagtaka ito dahil sobrang tahimik ng lahat. Nagtataka ito
kung ano ang meron."Oh! Bakit ang tahimik n'yo?" Tanong nito sa
kanyang katabi."Ehh kasi nakakainis. Dapat kasi may sasalihan tayo na activity
this coming event." Nagulat naman si Bianca sa kanyang narinig."Sure
na 'yan?""Oo, "yong hindi pa nakasali ay dapat sumali na ngayon
kaya 'yan sila nag-iisip kung saan sasali." Napasimangot naman si Bianca,
napaisip na rin ito kung saan siya sasali."Uyy, Bianca, walang klase tayo
two weeks dahil busy lahat sapaghahanda at praktis para sa even," Sabin g
kanilang class president na si Jin. Tumango lang si Bianca at napasandal sa
upuan. Sumasakit ang kanyang ulo sa kaiisip. Lumabas na lang ito upang makapag-isip
kung saan siya sasali. Nagpunta siya sa bulletin board upang tingnan kung saan
mabuti sumali."Dance contest, Solo voice, Acoustic Band." Napakamot
ito sa kanyang ulo, wala naman kasi itong talent para sa ganyan. Hindi naman
ito magaling sumayaw o kumanta, ganda lang talaga ambag niya sa mundo na ito.
"Ms. And Mrs. Intrams." Naisip ni Bianca napwede siya dito kaya lang
baka may Q and A at doon pa siya sumabit. Nakakahiya naman para sa kanya,
madami pa naman tao. "Theater.." Madami pa siyang binasa pero wala
talaga siyang mapili. Naglibot-libot na lang ito at napahinto siya ng makakita
ng nagsasayawan parang nasa disney sila."Wow, ang ganda" sabi nito,
nagulat ito ng tumigil ito at tumingin sa kanya."Ohh my!! Si Bianca
girl.." May lumapit kay Bianca at inakbayan ito. "May nasalihan ka na
ba?" Umiling lang si Bianca. "Perfect.." Pumalakpak ito.
"Dito ka na lang sa amin, sigurado ako bagay ka sa role na
ito."Mabilis na-umiling si Bianca. "Pasensya na, pero hindi yata ako
para d'yan. Mapapahiya ko lang kayo.""No..no..bawal tumanggi. Saka
your so perfect para sa role. Hindi munakailangan mag-audition dahil pasok ka
agad.""Teacher," sigaw ng isang babae palapit sa kanila.
"Bakit
Kate? Ang ingay mo." Napatingin naman si Bianca sa babae, hinihingal ito
dahil sa kakatakbo."May nahanap na akong prinsipe," masayang sabi
nito. Nagtaka naman si Bianca kung ano ibig sabihin nito."Sure? Sigurado
ka prinsipe mukha niyan. Baka naman...""Vaness, dalhin mo na si kuya
rito.." sigaw ng babae at napatingin siladito, hinihintay iyong tinawag ng
babae. Gusto na sana tumakas ni Bianca pero dahil minsan may lahing chismosa
ito kaya nakikinig ito sa usapan."Kuya naman... ehh h'wag papilit."
Boses ng babae, pero nagulat ako kung sino kausap at hatak-hatak nito. Gusto
matawa ni Bianca dahil sa pagmumukha ni Lance. Hindi ito maipinta at salubong
ang kilay nito. Abot tenga naman ang ngiti ng guro nila ng makita si Lance.
Para itong nanalo sa lotto. "Whoah! tamang-tama naman 'yang nakuha mo
n'yo. Masyadong perfect at pang prince charming talaga," tuwang-tuwanasabi
nito."I'm sorry, sir, I'm not interested, Please excuse me." Aalis
sana ito pero mabilis napigilan."I'm sorry pero bawal tumanggi dito. Saka
may napili na akong partner sayo. At sure ako na perfect kayo sa
isa't-isa."Ayaw ko talaga.""Wait.. ayaw mo ba maka-partner ang
dyosa na ito," sabay hila sa akin. Nagulat naman ako dahil sa ginawa nito.
Napatulala ako habang nakatingin kay Lance.
Chapter 6
Hindi
naman mapasok sa isip ni Bianca ang pinagsasabi nito,
naguguluhan
siya sa sinabi ng guro na siya ang maging partner ni
Lance.
Kaya nakatulala lang siya nakatingin kay Lance habang ang guro ay patuloy sa
pamimilit kay Lance.
"Basta
final na ito, kayo ang gaganap na prinsesa at prinsipe."
"Ayaw
ko.." Nagkatinginan naman si Bianca at Lance dahil sabay silang nagsabi.
Pero ayaw paawat si Mr. Araneta.
"Oppps,
ang rule ko dito ay bawal tumanggi. Please lang, huwag n'yo na akong i-stress
lalo akong magiging chaka nito. Hays..pasok na kayo para sa praktis," sabi
nito at naglakad napapasok. Nagtaka naman si Bianca paglingon niya ay hindi
niya nakita si Lance.
"Ate,
pasok ka na," tawag ni Kate dito.
"Ha?"
Sa isip ni Bianca kailangan niya makaalis sa medaling panahon.
"Nandoon
na si kuya sa loob, kaya pasok na kayo. Tinawag na kayo ni sir."
Hindi
naman makapaniwala siya sa kanyang narinig dahil ang kanina na ayaw sumali ay
nauna pa sa loob. Parang wala sa sarili siya pumasok kahit naguguluhan pa siya.
Napatanong siya sa sarili kung tama ba itong pinasok niya.
"Bianca
girl, bilis na... Wait! Ano name mo?" sabay tingin nit okay Lance.
"Nathan,"
walang gana nasagot nito.
"Okay,
lumapit ka." Sinunod naman ni Lance ang sinabi nito. "Dapat
magkaharap kayo," sabi nito sabay hawak kay Bianca at pinaharap kay Lance.
Nakaramdam naman nang-ilang si Bianca dahil dito. "Hawakan mo ang kamay ni
Bianca." Nagulat naman si Bianca sa sinabi nito, gusto niya manapak pero
baka siya pa mapunta sa guidance kapag ginawa niya ito. Napapigil naman sa
paghinga si Bianca ng hawakan ni Lance ang kanyang kamay.
"Breathe.."
mahinang sabi ni Lance.
"Ha?"
"Huminga
ka, baka mahimatay ka dito. Bakit ka ba kinakabahan?" Napakunot naman ang
noo ni Bianca dahil sa sinabi nito.
"Excuse
me. Ako? Kinakabahan? In your wildest dream, bakit naman ako kakabahan?"
Lakas loob nasabi ni Bianca.
"Kung
hindi ka kinakabahan, bakit ang lamig ng kamay mo?" Mabilis naman binawi
ni Bianca ang kanyang kamay at tiningnan ng masama si Lance.
"Serious
guys." Napatingin naman si Bianca sa guro. "Hawakan mo ulit si
Bianca." Utos nito kaya walang nagawa si Bianca. "Ito sayawin n'yo.
Dapat ang paa n'yo ganito." Turo nito pero hindi ito makuha ni Bianca.
"FUCK!"
Mahinang sabi ni Lance ng maapakan siya ni Bianca at tiningnan niya ito ng
masama. Hindi lang ito ang unang beses na matapakan siya nito, ikatatlong beses
na siyang naapakan ni Bianca.
"Sorry.."
Nahihiyang sabi ni Bianca.
"Be
serious."
"Tsk,
ang hirap kaya," reklamo nito.
"Makinig
kasi, kanina pa masakit paa ko." Napabusangot na lang ang mukha ni Bianca.
Ayaw na niya makipagtalo kasi siya naman ang mali.
Inulit
naman nila at normal na yata sa routine ni Bianca ang apakan ang paa ni Lance
kaya hindi na maipinta ang mukha nito. Iyong gagawin kasi nila ay yayain ni
Lance si Bianca sa pagsayaw at magsayawan sila.
"Bianca,
concentrate.Ikaw kaya maapakan," pasigaw nasabi ni Lance.
"Sinusubukan
ko naman."
"Bianca,
magpahinga ka muna at mamaya na natin ituloy ito."
Nakahinga
ng maayos si Bianca dahil sa narinig. Kanina pa siya napagod sa kanila
ginagawa. Pero wala pa rin ito makuha sa steps.
"Sa
wakas makapagpahinga na rin 'yong paa ko," sarkatiskong sabi nito sabay
tingin kay Bianca. Nahihiya man siya sa pag-apak niya sa paa nito pero wala
siyang magawa dahil wala talaga siyang talent dito. Ilang oras lang ang
kanilang pahinga ay tinawag na-ulit sila upang mag-practice ulit.
"Bianca,
hindi ganyan. Dapat 'yong paa mo ay di maapakan 'yong kay lance." lyan
lagi 'yong sigaw ni Mr. Araneta. Lagi nito napapansin ang mali ni Bianca. Gusto
na talaga ni Bianca mag-walk out, naiinis na siya. Pero baka sabihan pa siya na
hindi maganda ang ugali.Napasubo na siya kaya sisikapin niya matuto. Naging
masaya lang si Bianca ng pina- uwi na sila. Agad ito nakatulog pag-uwi sa bahay
dahil sa sobrang pagod nito.
Dalawang
linggo ng nag-iinsayo sila para sa kanilang sayaw at medyo nakuha na ito ni
Bianca. Pero paminsan-minsan nagkakamali siya, lalo tuloy siyang kinabahan
dahil tatlong araw na lang ay gaganapin na ang event sa school at i-perform na
nila ito.
Napatingin
naman si Bianca sa kanyang cellphone ng tumunog ito at ng makita niya ay si
Lance ang tumatawag. Hindi na siya magtaka kung bakit may number ito sa kanya,
sigurado nakuha niya it okay Mr.
Araneta.
"Ano
kailangan mo?" sabi niya dito ng sagutin niya.
"I
p.m. practice, bawal ma-late," sabi nito at agad nabinaba. Gusto ibato ni
Bianca ang kanyang cellphone dahil sa inis. Pero pinakalma na lang niya ang
kanyang sarili. Nagbabasa na lang ito ng Twilight: Breaking dawn, hindi ito
nagsasawa nabasahin ito. Kahit paulit-ulit na ay kinikilig pa rin siya sa
lovestory ni Bella at Edward.
"Bianca,"
tawag ni Manang Rosie dito
"Pasok
po," sabi nito, hindi naman kasi naka-lock ang pinto.
"Ma'am,
may bisita po kayo," wika nito ng makapasok. Nagtaka naman si Bianca kung
sino ang kanyang bisita. Alam nito na hindi iyon si Misha dahil busy din ito sa
practice.
"Sino
manang?"
"It's
me," masayang sabi nito sabay pasok sa kanyang kwarto. Nagulat naman si
Bianca sa kanyang nakita. Napatalon ito sa at medaling lumapit sa kanyang
bisita.
"Joe,
kailan ka naka-uwi?" Hindi maipaliwanag ni Bianca ang kanyang saya
naramdaman. Isa ito sa kanyang matalik na kaibigan, nag-aaral ito sa ibang
bansa.
"Miss
me?"
"Super!"
Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap.
Natawa
naman si Joe dahil dito. "Hey! chill lang sis hindi ako
makahinga."
"Sorry,
na-miss lang talaga kita. Sobrang tagal na natin hindi nagkikita,"
paliwanag nito. "Wait? Bakit umuwi ka? May problema ba?"
"Actually,
dito na ako mag-aaral..Pinayagan na ako ni daddy," masayang sabi nito kaya
nagtatalon sila sa tuwa. Pagkatapos ng ilang taon ay magkakasama na sila.
"My
gosh, sobrang saya ko, Joe. Teka, alam nab a ito ni Misha?"
"Hindi
pa, ikaw una kung pinuntahan. Hindi ko kasi makontak ito."
"Busy
sa practice kasi iyon."
"Kaya
pala. Marami kayong dapat ikwento sa akin. Ang tagal ko kaya nawala."
"Ikaw
rin naman, sa baba muna tayo. Magmeryenda sabayan nang kwentuhan."
Inakbayan ni Bianca ang kaibigan at bumaba sila. Naghanda naman si Manang Rosie
nang-snack para sa dalawa.
"Alam
mo ba nun nasa Korea ako, muntik na ako madisgrasya." Muntik na maibuga ni
Bianca ang ininum dahil sa sinabi nito pero nagtataka siya na ito lang ang
muntik mamatay pero masaya.
"Gaga
ka ba? Muntik ka na mapahamak pero nakangiti ka. Naalog ba iyang utak mo?"
"Ayy,
sis, alam ko na 'yang iniisip mo..Masaya ako kasi may nagligtas sakin at super
gwapo sis..Tapos na love at first sight yata ako non_" Kinikilig nasabi
nito.
"Jowa
mo na ba 'yon?"
"I
hope so, kaya lang hindi ko nalaman pangalan. Umalis agad matapos ako
tulungan," malungkot nasabi nito.
"Ano
sabi nun? Hindi ba nagpakilala?"
"Sinabi
lang niya na h'wag raw akong tatanga-tanga." Hindi mapigilan ni Bianca ang
mapatawa dahil sa sinabi ng kaibigan. Napahawak ito sa kanyang tiyan dahil
sumasakit na ito sa kakatawa. Naisip ni Bianca kung siya ang nasa sitwasyon ni
Joe ay maiinis siya nito dahil wala naman gusto madisgrasya.
"Ang
bad mo," sabay hampas sa braso ng kaibigan.
"Kasi
naman, sis. Ma-love at first ka pa sa ganoon na ugali pa."
"Sis,
kahit suplado 'yon. Bet na bet ko kagwapohan nun tapos ang bait pa niya."
Hindi na lang umangal si Bianca sa kaibigan. Nirerespeto naman nito ang gusto
ng kaibigan. "Sana bigyan kami ng pagkakataon na magkita."
"Kung
para talaga kayo sa isa't-isa, magkikita kayo," sabi nito sa kaibigan.
Napahaba pa ang kanilang pagkwe-kwentuhan. Natigil ito ng tumunog ang cellphone
kaya binasa niya at nataranta siya ng mabasa ang message ni Lance. Inis na inis
ito dahil kanina pa sila naghihintay, nakalimutan niya ang kanilang practice
dahil napasarap ang kanilang kwentuhan.
"Joe,
kailangan ko na-umalis. May practice kasi kami."
"It's
okay, baka magalit na 'yong mga kasama mo."
"Sobra
lalo na 'yong isa don. Magkasalubong na naman iyong kilay non." Nagpaalam
na si Joe at nagmamadali naman nag-ayos si Bianca. Ilang minute na siyang late,
hindi pa naman mahilig maghintay iyong
partner
niya. Kahit anon a lang sinuot ni Bianca, iyong una niya nakuha sa kanyang
closet. Nagpahatid na lang si Bianca upang mapadali siya.
Pagdating
niya sa lugar kung saan sila magpa-practice ay agad niya nakita ang nakakunot
na noo ni Lance. Halatang inip na inip na ito. Napangiti naman si Mr. Araneta
ng makita siya. "Kanina ka pa naming hinihintay, traffic ba?"
"Sigurado
ako nakalimutan 'yan, hindi traffic."
Tiningnan
ni Bianca si Lance sabay taas ng isang kilay. "I'm sorry, sir."
Paghingi ng tawad.
"It's
okay, start natayo sa practice," sabi nito kaya nagtayuan na iyong ibang
kasama nila.
Hinawakan
ni Lance ang kamay ni Bianca upang magkasimula na. "Sinabihan nakita sa
oras pero nagpaka-VIP ka naman."
"Alam
mo ang kontrabida mo talaga, malaki ang galit mo sa akin."
"Nagsasabi
lang ng totoo. Hindi mo pa nga kabisado tapos ikaw pa-late sa practice."
Nagsimula na silang sumayaw. "Baka naman sinadya mo kasi natakot ka na
talaga, baka magkamali ka." Inapakan ni Bianca ang paa nito. "Fuck,
nanadya ka ba?" Inis nasabi nito at nagkaslubong ang kilay nito.
"Sorry,
nagkamali lang." Paghingi ng tawad nito pero lihim itong natutuwa dahil
sinadya talaga niya tapakan ito.
"Tsk..halata
naman nas sinadya," bulong nito kaya napataas ang kilay ni
Bianca.
"Problema
mo?" Hindi ito sinagot ni Lance at napasigaw si Bianca ng bigla siya
nitong inikot. "Gago ka ba? Balak mo ba ako patayin? Paano kung natapilok
ako?" Inis nasabi nito.
"Nasa
step 'yon, tandaan kasi." Gusto pa sana sumagot ni Bianca pero tinawag
sila dahil nahuhuli na sila sa iba. "Umayos ka," saad nito at
hinawakan ulit si Bianca.
Hindi
alam ni Bianca kung bakit hindi talaga sila magkasundo, ang init ng kanilang
dugo para sa isa't-isa. Buong praktis ay nakasimangot si Bianca habang salubong
naman ang kilay ni Lance.
"Bianca,
titigan mo si Lance. Dapat may emosyon," sabi ni Mr. Araneta. "Hindi
ganyan. Ano ba kayo! Para naman sumasayaw kayo sa lamay. Dapat with feelings,
makikita ng manonood na inlove na inlove kayo sa isa't-isa. 'Yan ang concept
natin," stress nasabi nito.
Napahinga
naman ng malalim si Bianca, paano niya masusunod ang gusto ng guro kung naiinis
siya kapag nakikita ang pagmumukha ni Lance. Kaya panay ang reklamo ni Mr.
Araneta sa kanilang dalawa.
"Umayos
naman kayo, guys. Ilang araw na lang. Please cooperate." Nakaramdam naman
nang-awa si Bianca sa guro at mukhang pagod na ito. Kanina pa ito talak ng
talak dahil sa kanilang performance. Kaya huminga siya ng malalim at ngumiti
ito. "Kalimutan muna natin an gating alitan. Naawa na ako ni Mr.
Araneta," pakumbaba ni Bianca.
"Sure,"
maikli nasagot nito at mas lumapit pa kay Bianca kaya napasinghap si Bianca at
napatulala. Kaunti na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi maiwasan
ni Bianca natitigan si Lance at doon niya napansin ang napakaganda na mata nito.
"Perfect..dapat
ganyan," masayang sigaw ni Mr. Araneta. "Ipagpatuloy
lang
ninyo iyan at sigurado ako natayo ang mananalo."
"Contest
p "to," gulat natanong ni Bianca dahil sa kanyang narinig.
"Pumayag
ka dito pero hindi mo alam ang sinalihan mo," mahinang sabi ni Lance.
Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Hanggang ngayon ay gulat pa rin
ito, buong akala niya ay presentation lang ito.
"Ouch.."
Napahawak ito sa kanyang noong pitikin ito ni Lance.
"Tulala
ka."
"Nag-isip
lang, makapitik naman 'to." Napasimangot si Bianca pero ngumiti lang si
Lance dahil sa reaksyon nito. "Halaka! Marunong ka pala ngumiti?"
Gulat natanong nito ng makita si Lance. "Dapat nakangiti ka lagi para
naman hindi ka pinaglihi sa sama ng loob," dagdag nito pero hindi ito
pinansin ni Lance.
Bumalik
sila sa pag-practice, medyo kabisado ni Bianca lahat. Pero hindi pa rin nito
mapigilan matapakan si Lance kapag nagkakamali. Hindi na lang nagreklamo si
Lance dahil nasanay na siya sa dalaga. Nagpahinga lang sila saglit at bumalik
naman sa pag-practice dahil ilang araw na lang. Pawis na pawis si Bianca
matapos ang kanilang practice.
Napatingin
ito kay Lance naka-upo sa may-bench nahinihimas ang paa nito. Lumapit siya dito
at nakita niyang namumula ang paa nito. Nakonsensya naman si Bianca sa kanyang
nakita, alam nito na siya ang may kasalanan nito.
"Sorry,"
nahihiyang sabi nito sabay yuko.
"It's
okay, mawawala din ito." Inabutan siya nito ng panyo. "Punasan mo
pawis mo," sabi nito sabay alis. Naiwan naman si Bianca nakatulala habang
hawak ang panyo nabinigay nito. Paglingon niya ay wala na si Lance, nakaalis na
ito. Wala siyang nagawa kung hindi ginagamit ang binigay nito dahil nakalimutan
niya magdala dahil sa kamamadali
kanina.
"Ang
bago naman nito," mahinang sabi ni Bianca. Napailing na lang ito at kinuha
ang bag saka lumabas upang umuwi na. Gusto na nitong magpahinga dahil sobrang
pagod ito sa practice. Kailangan niya bumawi ng energy.
Madaling
lumipas ang araw at nagsimula na ang kanilang event. Hindi naman maiwasan ni
Bianca na makaramdam ng labis na kaba dahil sa gagawin nila mamaya. Natakot ito
na magkamali at baka ito pa maging dahilan ng pagkatalo ng kanyang grupo.
Nababahala ito nab aka
makalimutan
niya ang steps.
"Saan
ka na umabot? Sa Mars na ba?" Napatingin naman ito sa kanyang kaibigan.
"Ang lalim kasi nang-inisip mo. Kanina pa ako panay ang salita pero hangin
lang pala kausap ko."
"Sorry,
kinakabahan lang kasi ako. Hindi ko maiwasan mag-overthink," malungkot
nasabi nito sa kaibigan.
"Hey,
huwag ka maging nega. Kaya mo iya, ako number one taga-cheer sa'yo."
Napangiti naman si Bianca dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan, pinapalakas nito
ang kanyang loob. "Sayang wala si Joe, may lakad kasi. Hindi ka niya
makikita."
"Mabuti
na din 'yon, baka pagtawanan pa ako. Mabuti na iyong ikaw lang ang
tumawa."
"Judger
'yan? Pero seryoso, i-enjoy mo lang ang performance n'yo.
Magkamali
ka man, okay lang 'yan. Wala naman perfect sa mundo na ito." Niyakap ni
Bianca ang kaibigan pero agad naman ito bumitaw.
"Restroom
muna ako, ikaw ang magbantay nito." Tumango lang si Misha. Kami kasi ang
nagbabantay sa aming booth. Nagbebenta kami ng cupcakes dahil ito ang naisip ng
section naming. Habang iyong iba na-section ay marriage booth, horror booth,
movie booth at marami pa. May mga rides din na pwede sakyan, sobrang
napaka-bongga talaga. Pinaghandaan talaga ng paaralan naming.
Pagbalik
ko nakita ko si Misha naka-usap ang isang customer namin. "Ate, bigyan
n'yo naman ako nang-discount," paki-usap nito.
"Okay
fine, ang kulit mo. Ibibigay ko na lang 450 pesos, last na 'yan. Wala ng
tawad." Natawa naman si Bianca sa pagmumukha ng kaibigan.
"Thank
you, ate," tuwang-tuwa nasabi nito sabay abot sa bayad. Nilagay naman ni
Misha sa box ang cupcakes sabay abot sa bumili at
nagmamadaling
umalis ang lalaki.
"Pasalamat
talaga siya mabait ako, ayaw kasi ako tigilan. Kanina pa iyon tumawad."
Nagpatuloy lang sila sa pagbabantay sa kanilang tinitinda. Hanggang sa
makatanggap siya ngang-text galling sa kay Mr. Araneta. Pinaalala nito na
maagang pumunta para mamaya. Sinabihan lang niya ito na okay. Wala naman siyang
balak na hindi sumipot. Kahapon pa nakahanda ang kanyang damit nasusuotin.
Napakaganda ng kanyang damit para ito isang prinsesa sa Disney.
Nang
hapon na ay nagpaalam na si Bianca na-umuwi upang kunin ang kanyang susuotin.
Kailangan din niya maligo dahil ang lagkit na niya dahil sa pawis at amoy araw
na ito. Pagdating niya sa bahay ay agad ito nag-shower at inihanda ang kanyang
gamit na kailangan sa presentation.
Nagpahatid
si Bianca sa school saka nagtungo ito sa dressing room kung saan sila aayusan
at magbibihis ng damit. Pinabihis agad si Bianca ni Mr. Araneta saka agad
nilagyan ng make-up.
Habang
inaayusan si Bianca ay sobrang lamig ng kanyang kamay dahil sa labis na kaba.
Nagtaka naman ito dahil kanina pa siya nandoon pero hinya niya napansin si
Lance.
"Guys,
maghanda na, kayo na susunod," sigaw ni Mr. Araneta.
Napahawak
si Bianca sa kanyang dibdib at sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.
"Sir,
hindi ko yata napansin si-"
"Lance
ba? Naki! Kanina pa 'yon, nasa labas lang." Napatango naman si Bianca sa
kanyang narinig.
Tinawag
na sila upang lumabas at maghanda dahil patapos ang presentation ng ibang
grupo. Nakita naman ni Bianca agad si Lance. Hindi naman mapigilan nito
nahumanga dahil sobrang gwapo nito at bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot.
Para itong isang tunay na prinsepe.
"Fantastic
performance. Let's move on to the next participants. Give a round of applause,
pepz," sabi ng MC. Napahinto naman si Bianca dahil sa labis na kaba.
"Let's
go." Napatingin naman si Bianca ng marinig ang malamig na boses ni Lance.
"Nauna na sila." Napatingin naman si Bianca sa kanilang kasamahan.
Nagmamadali siyang sumunod dito.
Nagsimula
ng sumayaw ang kanilang grupo habang naghihintay si Bianca at Lance sa kanilang
paglabas. Nauna sumunod si Lance sa kanilang kasamahan. Naiwan naman si Bianca
na hindi mapakali dahil sa labis na kaba. Maya-maya ay kailangan na nitong
lumabas.
Huminga
ng malalim si Bianca at lumabas na ito. Palakad-lakad ito hanggang sa lapitan
siya ni Lance nasumayaw. Nang tanggapin niya ang kamay ni Lance ay nagsigawan
ang mga tao. Kinalig ang mga naonood sa kanila. Nagsimula na silang sumayaw
pero wala pa rin tigil ang hiyawan ng mga nanonood.
Nagtitigan
sila ni Lance. Parang matutunaw si Bianca sa titig ni Lance. Nakalimutan nito
na marami ang nanonood sa kanila. Nadala ito sa kanilang titigan. Kinilig naman
ang mga nanonood dahil sa chemistry ng dalawa. Hindi maiwasan ni Bianca
matapakan si Lance pero hindi ito hadlang sa kanilang performance. Sa panghuli
ay napasinghap si Bianca dahil sobrang lapit nila sa isa't-isa. Kaunti na lang
ay mahahalikan na niya ito.
Nagpalakpakan
naman ang mga tao ng matapos sila at agad sila umalis sa stage. "Sobrang
galling n'yo. Lalo na kayo Bianca at Lance, hindi ako nagkamali sa aking
napili," masayang salubong ni Mr. Araneta. "Bianca, are you
okay?" Nilapitan nito si Bianca at nagulat ito ng hawakan niya at
maramdaman ang napakalamig na kamay nito. "Jusmeyo, ang lamig ng kamay
mo."
Nahihiyang
ngumiti si Bianca at dahan-dahan binawi ang kanyang kamay. "Kinakabahan
po," Pag-amin niya.
"Naku!
Ang galling n'yo nga. Para ka naman hindi sanay sa spotlight."
"Iba
po kasi iyong sayaw."
"Kung
sabagay, pero napakagaling n'yo."
Nang
mahimasmasan siya ay hinanap agad niya si Misha. Kanina pa natapos ang sayaw
din nito. Kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanyang kaibigan.
"Hello,"
sagot nito.
"Nasaan
ka?"
"Nasa
labas ako, bes," sagot nito. Binaba nito ang tawag at agad nalumabas upang
hanapin ang kaibigan. Nakita naman nito agad kasama ang kanyang kapatid.
"Hi,
sis!" bati nito. Inirapan lang niya ang kanyang kapatid.
"Hindi
mo ako pinanood no? Kasi kasama mo ito?" Turo ko sa aking kapatid.
"Bes,
sorry. Kasi ito nagpasundo pa." Lumapit ito upang yakapin ako pero
napasimangot lang ako.
"Bakit
ka ba nandito?" Mataray natanong nito sa kanyang kapatid.
"Chill,
alam mo naman malapit na akong bumalik. Sinulit ko lang kasama girlfriend
ko," sabay akbay nit okay Misha. Hindi mapigilan ni Misha na mang-blush.
"Eh
di kayo na," saad nito sabay irap saka tumalikod.
"Hoy
saan ka pupunta?" Narinig niya ang tanong ni Misha.
"Bibigyan
ko kayo nang-time. Baka naman ma-istorbo ko kayo," sagot nito at tuluyan
nabumalik sa loob. Nanood na lang ito ng ibang presentation hanggang sa matapos
at sinabi na kung sino ang nanalo.
Nagulat
si Bianca dahil nakuha nila ang 2nd place. Hindi siya
makapaniwala
at nakita niya ang kanyang mga kasamahan nagtatalon sa tuwa.
Nauna
umuwi si Misha at kanyang kapatid kaya naghanap na lang ito na pwedeng
masakyan. Sobrang lalim na ng gabi at kung minamalas naman si Bianca ay wala pa
rin ito mahanap nasasakyan. Napatingin ito ng biglang may huminto na sasakyan.
Nakita nito kung sino nagmamaneho.
"Sumakay
ka na," sabi ni Lance. Umiling lang si Bianca, hindi naman makapal ang
kanyang mukha. "Gabi na baka mapaano ka." Napatingin naman si Bianca
dito, hindi niya akalain na may mabuting puso. Nahihiya man pero sumakay na
lang ako.
"Thank
you," sabi nito ng makarating sa kanila sabay labas sa sasakyan. Umalis
naman agad si Lance kaya pumasok niya sa loob ng bahay.
Chapter 7
Napasipa
na lang si Bianca sa kanyang sasakyan dahil sa sobrang inis. Kung kagabi wala
siyang masakyan, ngayon naman ay bigla tumirik ang kanyang sasakyan. Mabuti na
lang at wala silang pasok ngayon dahil abala sa celebration sa school. Isang
lingo ang kanilang event kaya pwede siya late na pumasok.
Kinuha ni
Bianca ang kanyang cellphone sa bag upang tawagan ang kapatid para magpatulong.
"Kung minamalas ka naman," inis nasabi nitong makita ang cellphone
na-lowbat. Itinapon niya ito sa loob ng sasakyan dahil sa inis. Hindi pala niya
ito na-charge kagabi dahil nakatulog siya agad dahil sa pagod.
"Problema,
miss?" Napalingon naman si Bianca sa kinaroroonan ng boses. Nakita niya
ang isang lalaki nakasakay sa motor. "Nasiraan ka ba? Sabay ka na lang sa
akin," dagdag nito. Umiling lang si Bianca, hindi niya ito kilala. Baka
mapaano pa ito kung sasama siya, mas mabuting maghanap na lang siya ng taxi at
iiwan na lang niya ang kanyang sasakyan. "Alam ko iyang iniisip mo, hindi
ako masamang tao. Same school lang tayo."
Nagulat
naman si Bianca sa sinabi ng lalaki. Pero ayaw pa rin nito maniwala kaya bumaba
ang lalaki sa motor at may kinuha siya sa kanyang bag sabay pakita kay Bianca.
"Cirus Jan Monterel," basa nito sa
ID.
"Siguro
hindi mo ako nakikita kasi malaki ang school, pero kilala kita dahil sikat ka
na-model. Kaya huwag ka mag-alala, hindi ako masamang tao." Nakikita naman
ni Bianca na mabuting tao ito. Kaya pumayag na lang siya pero bago iyon
kinapalan muna niya ang kanyang mukha manghiram ng cellphone upang tawagan ang
kanyang kapatid upang puntahan ang kanyang sasakyan.
"Salamat,"
sabay abot sa cellphone. "Wait, safe ba 'yan?" Tanong nito, first
time niya sumakay ng motor at natatakot siya dito.
Napatawa
naman ang lalaki dahil sa tanong ni Bianca. "Oo naman, ilang taon ko na
itong gamit. Suotin mo ito." Sabay abot ng helmet kay Bianca. Kinuha naman
ito ni Bianca at sinuot bago sumakay. Noong una ay napakapit ito sa leather
jacket ni Cirus dahil sa takot. Pero nasanay ito habang tumatagal.
Mabilis
lang sila nakarating sa school dahil medaling nakakasingit ang motor sa ibang
sasakyan. Bumaba na si Bianca at hinubad ang suot na- helmet saka ibinalik kay
Cirus. "Salamat pala, pasensya na kung kanina inisipan kitang masama na
gusto mo lang naman tumulong."
"No
problems," saad nito. Nagpaalam na si Bianca at pumasok na ito sa loob ng
school. Madaming tao ang sa kanilang school, may taga ibang paaralan din
pumasok. Naka-uniform pa ito, ganito talaga tuwing may event ang kanilang
school. Dinadayo ito ng ibang estudyante pero may mga patakaran ang school bago
sila makapasok.
Hinanap
agad ni Bianca ang mga kaibigan. Hindi naman niya ito matawagan dahil lowbat
siya pero kanina ay nabasa niya ang text ng kaibigan na nauna ito sa school.
Naisip ni Bianca na pumunta sa booth nila baka nandoon si Misha. Kasama nito
kaibigan nila na si Joe. Napangiti naman ito ng makita ang kaibigan, nagliwanag
naman ang mukha nito ng makita siya.
"Bianca!"
Tumayo ito at sinalubong si Bianca ng yakap. "Ang pretty mo talaga, as
always."
"I
know right," sabi nito.
"Ang
hangin, signal number 2," natatawang sabi ni Misha. "Pero huwag ka
mabahala Joe, mas maganda tayo kasi endanger species tayo. Iniingitan."
Hinampas naman ni Joe ang balikat ni Misha habang panay ang tawa ni Misha.
"Maka-endanger
ka d'yan."
"True
naman, endanger beauty natin dahil nanganganib maubos." Napailing na lang
si Bianca sa kaibigan.
"Hali
na kayo, may basketball games kasi ngayon. Naririnig ko nasabi ng mga
estudyante," sabi nito sabay hila sa mga kaibigan.
"Naku,
Joe, kilala kita. Mga yummy na papa lang hanap mo doon," sabi ni Misha sa
kaibigan, ngumiti lang si Joe at patuloy sa paghila sa mga kaibigan.
Pagkarating nila doon ay narinig nila ang sigawan ng mga estudyante sa
naglalaro.
"Ayy,
mga bata pa ang naglaro, hindi pa ang senior," disappointed nasabi nito.
"Ayaw ko sa bata." Nagyaya ito agad nalumabas kaya panay ang tukso ni
Misha dito. Umikot na lang sila sa buong campus at minsan pumapasok sa mga
booth.
Habang
kumakain ay nagpaalam muna si Bianca sa mga kaibigan upang pumunta sa booth
kung saan nagbebenta ng K-pop nagamit. Mahilig kasi ito mag-collect. Kahapon pa
niya gusto bilhin iyon pero nakalimutan niya ang kanyang wallet. Nagdarasal si
Bianca na sana wala pang bumili nito.
Lumapit
agad si Bianca ng makarating dito at hinanap ang nagustuhan niya kahapon pero
hindi niya ito makita.
"Miss,
nasaan iyong hawak ko kahapon." Hindi makatiis si Bianca na magtanong.
"Ikaw
pala, ate, pasensya na talaga naunahan na po kayo. May nakabili na
kanina." Nalungkot naman si Bianca sa kanyang nalaman.
"Bakit
mo binenta? 'Di ba sabi ko babalikan ko iyon."
"Triple
po kasi binayad niya kaya hindi na po kami nakatanggi," paliwanag nito.
"Baka
may iba pa kayo na ganoon?"
Umiling
lang ito." Last na po 'yon, ate," malungkot nasabi nito. "Ate,
iyon pala si kuya." Napalingon naman si Bianca sa tinuro nito.
"Pakiusapan
n'yo na lang si, kuya, baka pumayag po."
Nagmadali
naman nilapitan ni Bianca ang nakatalikod na lalaki. Kinalabit niya ito pero
nagulat ito ng makita kung sino ito.
"What?"
Naka-poker face ito. Nahihiya si Bianca na humingi ng pabor dito. "May
kailangan ka?"
"Kasi..."
Napakamot ito sa kanyang ulo. "Ikaw ba nakabili si BTS doon?"
Nahihiyang sabi sabay turo sa booth.
"Ito
ba?" Pinakita nito, tumango lang si Bianca. Nagdarasal ito nasana pumayag
ito nabilhin niya ito.
"Pwede
ko ba iyang bilhin?" Pa-cute nasabi nito. Pero napasimangot ito ng umiling
si Lance at tinalikuran siya nito sabay lakad. Pero sinundan ito ni Bianca,
wala itong balak nasumuko. "Please naman ohhh.." Para itong buntot na
panay ang sunod.
"Ayaw
nga kasi," inis nasabi nito. Pero hindi pa rin nakinig si Bianca at
kinulit pa rin niya ito. Ayaw niya ito tantanan kaya panay ang sunod niya
sa
binata. "Pwede ba, huwag ka sumunod. Para kang aso."
"Sige
na, may lalakihan ko ang bayad."
"Naku
naapakan n'yo ang bilog," sabi ng freshmen na bata. Naguluhan
naman si
Bianca sa sinabi nito habang si Lance ay wala pa rin reaksyon ang mukha nito.
"Wait,"
angal ni Lance ng pinusasan siya nito. "Ano 'to?"
"Rule
kasi kuya kapag naapakan n'yo bilog ay sasama po kayo sa akin,"
nakangiting sabi nito. Nagulat din si Bianca ng may humawak sa kanya saka
pinalapit kay Lance at nilagyan ng isang posas ang kamay.
"Peace
na po tayo. Huwag na kayo magalit. Kailangan n'yo lang sumama sa amin."
Nalukot naman ang mukha ni Bianca, gusto lang naman niya makuha iyong BTS pero
nangyari pa ito sa kanya.
"Dahan-dahan
naman, madadapa ako," reklamo nito. Ang bilis kasi maglakad ni Lance kaya
napapasunod si Bianca dahil iisang posas lang gamit nila. Pero parang wala
itong narinig. Inalayan naman sila ng kasamahan ng babae at nakasunod sila
dito. Ang lalaki ng hakbang ni Bianca dahil mabilis maglakad si Lance.
"Teka,
ikukulong n'yo kami d'yan?" Tanong ni Bianca.
"Oo,
ate, pero ten minutes lang tapos makakalabas na kayo." Tinanggal nito ang
posas at pinasok sila sa loob. Napasimangot na lang si Bianca, sobrang malas
niya ngayong araw na ito. Una nasiraan ng sasakyan tapos hindi niya nabili
iyong gusto niya saka nakulong pa siya.
"Kasalanan
mo 'to," sisi nit okay Lance.
"Keep
quit, sakit mo sa tenga." Umupo ito sa may gilid sabay sandal sa may
dingding at pinikit ang mata.
"Bakit
ka ganyan. Nakakainis ka talaga." Nagpapadyak ito sa inis. Gusto ni Bianca
pabilisin ang oras, sigurado siya na magtataka na iyong mga kaibigan niya dahil
hindi pa ito nakabalik. Mas lalo itong naiinis dahil iyong kasama niya ay
parang wala lang nangyari at may gana pa itong matulog.
Palakad-lakad
si Bianca at hindi ito mapakali, sobrang bored na siya. Panay tingin nito sa
kanyang relo upang matingnan ang oras. Lumipas ang mga oras at nakita ni Bianca
ang babae kanina. "Ate, kuya,
makakalabas
na kayo."
Tuwang-tuwa
naman si Bianca dahil sa wakas ay makakaalis na ito. Nilingon niya si Lance
pero napaatras ito ng makita niyang nasa likuran na ito, mukhang bored ito.
Lumapit si Lance kaya panay ang atras ni Bianca hanggang sa wala naitong
maatrasan. Pigil nito ang kanyang hininga dahil sobrang lapit ni Lance.
Napasinghap
ito ng kunin nito ang kanyang kamay. May nilagay ito sa kanyang kamay at bigla
na lang umalis. Nakatulala lang si Bianca, hanggang ngayon ay ramdam pa rin
niya ang mainit na kamay ni Lance. Napatingin ito sa binigay nito at
nagmamadali itong lumabas ng makita kung ano ito. Gusto nitong magpasalamat
dahil dito pero hindi niya ito nakita. Panay ang lingon ni Bianca pero hindi
niya ito makita.
"Hoy,
bruha! Kanina ka pa naming hinanap." Nagulat naman si Bianca ng makita ang
mga kaibigan.
"Naubos
na lang naming iyong pagkain pero hindi ka pa rin nakabalik. Ano
nangyari?"
"Pasensya
na, nahuli kasi ako," sagot nito.
"Talaga?
Sino partner mo?" sabay akbay nit okay Bianca at panay ang
tukso.
"Hindi
ko kilala," pagsisinungaling nito. Baka mas lalo pa itong tuksuin ni Misha
kapag nalaman.
"Pero
pogi ba?"
"Medyo,
tala na madami pa tayong hindi napuntahan." Pag-iiba nito sa usapan,
mabuti na lang at effective ito. Naisipan ni Bianca nasa
susunod
na lang ito magpapasalamat kapag nagkita sila. Masaya na ito dahil nakuha ang
gusto niya.
"Hey,
Bianca." Napatingin naman ito sa tumawag sa kanya.
"Cirus,"
sambit nito.
"Oh,
nagkrus na talaga landas natin," nakangiting sabi nito. "Hi,
Misha.." Napatingin naman si Bianca sa kaibigan. "Kilala mo?"
tanong nito.
"Naku,
Bianca, sino naman hindi makakilala sa captain ng basketball team. MVP tayo
last year dahil sa kanya." Nagulat naman si Bianca sa kanyang narinig.
"Ikaw
talaga, Mish, dahil sa team naming iyon."
"Sus,
napaka-humble mo pa." Napakamot naman si Cirus sa kanyang ulo. "Teka,
ito pala kaibigan ko si Joe. Made in U.S.A yan." Binatukan naman ni Joe si
Misha.
"Hello,
Cirus pala." Inilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap
naman ni
Joe. "Gusto ko muna kayo maka-bonding kaya lang kailangan ako ng team
ko." Pag-amin nito saka nagpaalam sa amin.
"Hindi
mo bet 'yon, Joe? Ilalakad kita." Tanong ni Misha.
"Kay
Bianca na lang 'yon."
"Bakit
ako?"
"Single
ka pa kasi hanggang ngayon."
Tiningnan
ko ito ng masama."Paalala lang, single ka rin kaya huwag mo ipasa sa
akin."
"Hindi
ko bet kasi kaya pass na lang." Pinitik ito ni Misha sanoo kaya napahawak
ito sabay hampas sa balikat ni Misha.
"Choosy
mo kasi, bahala kayo. Magaling pa naman iyon sa basketball." Umiling na
lang ako at hinayaan si Misha na magsalita at naunang maglakad. Sinundan naman
ako agad ng dalawa. Inikot naming ang buong campus, panay ang tawa namin.
Patingin-tingin din ako sa paligid pero hindi ko nakita si Lance.
"May
hinahanap ka ba?" Mabilis akong umiling. "Guilty yan? Sino ba
hinahanap mo?"
"Naghahanap
ako ng pwede kainan kasi nagugutom na ako sa kalalakad natin," palusot
nito.
"May
alam ako, doon sa booth ng senior," sabi ni Misha sabay hila sa mga
kaibigan. Pagdating nila doon ay may ibat-ibang klase ng streetfoods. Tinuro
naman ni Misha ang kanyang lulutuin habang si Joe ay gumaya lang sa kanya at si
Bianca ay softdrinks lang. Hindi kasi ito masyado kumakain ng ganito dahil
pinagbawalanito ng ina. Huli kain niya dito iyong kasama niya si Misha
natumakas sa klase tapos pagkagabi ay dinala siya sa hospital dahil hindi
natunawan.
"Bakit
hindi ka kumain, Bianca? Ikaw pa naman nagyaya kumain tayo?" tanong ni
Joe.
"Busog
pala ako, nauuhaw lang," pagsisinungaling niya. Ayaw naman isipin niya sa
makarinig na maarte siya.
Pagkatapos
nila kumain ay binayaran na nila saka nagpasya na umuwi dahil hapon na. Hinatid
naman ni Misha si Bianca dahil wala itong masakyan. Pagdating sa bahay ay agad
niya nilagay ang binigay ni Lance sa kanyang collections. Napangiti naman si
Bianca habang nakatingin sa kanyang collections. Malaki na rin nagastos niya
dito pero hindi siya nasasayangan.
Kinabukasan
naisipan niya na hapon napumunta sa school, wala
naman
siyang gagawin doon. Wala naman siyang sport kaya mabuti na lang magpahinga
siya. Natulog siya pagkatapos ay nag-work out. Nagpaluto din siya ng paborito
niyang pagkain kay manang.
"Hindi
ka pumasok?" Tanong ng kanyang kuya.
"Mamaya
pa, wala naman kaming klase. Saka attendance lang 'yon," sagot nito.
"Tamad
mo," saad nito sabay pitik sa ilong kanyang kapatid.
"Kuya!"
Inis nasabi nito sabay himas ng kanyang ilong. "Ang sama mo! Mabaog ka
sana."
"Uyy,
wag ganyan."
"Bahala
ka," sabi nito sabay walk-out. Narinig pa niyang tinatawag siya ng kanyang
kapatid. Pero hindi siya nakinig at patuloy lang sa pag-akyat
sa taas.
Nahiga
ito sa kama at inabot ang cellphone saka nahiga sa kama. Naisipan niyang
maglaro na lang nang-ML. Hanggang sa hindi niya namalayan ang oras at naisipan
na lang huwag napumasok.
Chapter 8
Buong
araw nakatambay lang siya sa kwarto, wala naman pasok at wala rin siyang
photoshoot kaya buong araw ako nakahiga sa kwarto at naglalaro nang-ML. Nang
makaramdam ito ng sakit sa mata ay tinigil muna niya at bumaba. Doon niya
nakita ang ama at kapatid na nag- uusap. Napalingon naman ito sa kanya ng
maramdaman ang kanyang presensya.
"Nandito
nap ala ang prinsesa natin." Tumayo ang kanyang ama at lumapit dito sabay
akbay.
"Mabuti
lumabas ka, akala ko kasi doon kana hanggang bukas," sabi ng kanyang
kapatid. Kaya lumapit si Bianca dito upang kurutin.
"Dad,
ohh.. mapanakit," sumbong nito sa kanyang ama.
"Hayaan
muna ang kapatid mo, Matt, nanlalambing lang 'yan!" Napakamot na lang si
Matteo sa kanyang ulo. Alam naman nito na wala itong laban sa kapatid.
Natigil
sila ng tawagin na sila ni manang upang kumain. Habang kumakain napapatingin si
Bianca sa ama at kapatid, naiisip nito sana nandoon ang kanyang ina at isa pang
kapatid para masaya at kumpleto sila nagsalo-salo. Pero alam ni Bianca sa
sarili na malabo itong mangyari dahil alam niya na mas importante sa kanyang
ina ang trabaho kesa pamilya nito.
Pagkatapos
nila kumain ay niligpit ni manang ang kinainan nila at si Bianca ay bumalik sa
kanyang kwarto. Pagkatapos mag-shower at matuyo na ang buhok ay natulog na ito.
Kinabukasan
naging abala ito sa school lalo't malapit na ang kanilang monthly exam. Kaya
abala sila mag-aral para sa nalalapit na exam. Umuwi si Bianca sa sobrang pagod
at parang naubos ang laman ng kanyang utak dahil sa mga lesson nila ngayon.
Nahiga ito sa kama ng ilang minute at ng may energy na siya ay nagpalit ito sa
kama at pumunta sa study room upang hintayin ang kanyang tutor.
Hindi
alam ni Bianca kung pupunta ba ang tutor nito dahil wala din ito noong
nakaraan. Pero napagpasyahan niya maghintay muna ng ilang minute bago bumalik
sa kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang maglaro ng 4pics.
"Season."
Napalingon naman agad si Bianca ng marinig ang boses ni
Lance.
"Ha?"
Naguguluhan nasabi ni Bianca dito.
"Tsk..season
ang sagot d'yan." Inilagay nito ang gamit sa table. Tumatango-tango naman
ako at nilagay ang sinabi niya. Sa wakas nasagutan na rin ito, kanina pa
sumasakit ang utak ko sa kaiisip. "Stop doing that! We need to
start." Napabuntong hininga na lang si Bianca at pinatay ang phone saka
humarap kay Lance. "Wait! Ano nangyari sa labi mo?" Curious natanong
ni Bianca ng mapansin niya na may maliit nasugat ito. "Uyy.. nabingi ka
na?"
"Mind
your own business. We must get started. Wala lang ito." Pero hindi nakinig
si Bianca at tumayo ito saka naglakad. Tinawag pa ito ni Lance pero hindi ito
lumingon, patuloy lang ito hanggang sa huminto ito sa may first aid kit. Kinuha
niya ito at saka bumalik sa kinaroronan ni Lance. "What's that?"
"Syempre
gamot, ano tingin mo pagkain." Pilosopo nasagot nito kaya napailing na
lang si Lance. "Kailangan malinis at magamot iyan baka ma-infection
pa."
"Balak
mo ba mag-nurse?"
"Ewan..siguro..
baka.. hindi ko alam. Ang gulo mo naman. Gagamutin
ka lang
gusto ko na agad mag-nurse. Halaka!" Binuksan ito ni Bianca at kinuha ang
mga kailangan.
"Stop
that one. We need to start. I'm okay."
"Alam
mo..huwag ka na lang umangal d'yan. Pasalamat ka gagamiton ko iyan. Kaya
manahimik ka." Tumayo si Bianca at lumapit kay Lance. Nilinis nito ang
sugat nito saka nilagyan nang-ointment. "Finish!" Tuwang-tuwa nasabi
ko.
"Good..
so we can start our discussion?" Niligpit muna nito iyong mga ginamit saka
binalik sa nilagyan nito. Bumalik ito sa pagkaka-upo saka nagsimula si Lance sa
pagtuturo. Nakinig si Bianca mabuti sa tinuro niya. Natigil lang ito ng biglang
tumunog ang kanyang cellphone ni Lance. "Excuse me." Sinagot nito ang
cellphone saka medyo lumayo.
"Girlfriend
mo?" Tanong ni Bianca ng bumalik siya. Napatingin naman si Lance kaya
napayuko na lang si Bianca. Nahiya si Bianca dahil sa tanong nito, pinagalitan
ang sarili kung bakit nagtanong pa. Baka ano isipin nito.
"Friend,"
mailking sagot. "Let's continue," dagdag nito. Nagpatuloy sila
hanggang sa matapos. Niligpit ni Lance ang mga gamit habang nakatingin lang si
Bianca. "May lakad ka Sunday?"
"Ha?
Bakit? Wala naman siguro."
"Be
my date.." Natulala naman si Bianca sa sinabi nito, hindi ito mapasok sa
kanyang utak. "Hey!" Napakurap naman si Bianca.
"Wait!
Tama ba rinig ko? Date?" Tumango lang si Lance. "Bakit? Type mo ako?
o crush?" Napataas naman ang kilay ni Bianca nang humalakhak si Lance ng
tawa. Tiningna ito ni Bianca ng masama.
"You're
not my type." Napahawak ito sa kanyang t'yan dahil sa kakatawa.
"Hindi
mo ako type? Pero niyaya mo ako nang-date, napaka-indenial mo naman," sabi
nito sabay irap.
"Wala
akong ibang maisip na pwede ko isama. So baka free ka. It's my friend
birthday." Paliwanag nito. "But if you don't want to go, it's okay. I
understand."
"Okay.."
"Okay?
Do you mean you will go with me?" Tumango lang si Bianca, napangiti naman
si Lance dahil dito. "Are you sure?"
"Duh...oo
nga, paulit-ulit ka naman. Unli bes?"
"Thanks.."
"Uyy..huwag
ka mag-isip ng ano. Ayaw ko lang may utang na loob ako. Pumayag lang ako dahil
doon sa binigay mo sa akin na gusto ko, pandagdag ko kasi iyon sa
collection." Paliwanag nito baka ano pa isipin
ni Lance.
"Okay,
I will pick you up here," sabi nito saka umalis. Naiwan naman si Bianca
nakatunganga at napaisip kung tama ba pumayag siya nasumama kay Lance.
Napabuntong hininga na lang ito saka pumunta nasa kanyang kwarto. Naglaro lang
ito nang-ML saka ng makaramdam ng antok ay natulog na ito.
Pagod man
si Bianca dahil kagagaling lang niya sa photoshoot pero kailangan niya mag-ayos
dahil maya-maya ay dadating na si Lance. Kinuha niya ang kanyang damit
nasusuotin at mga kailangan. Hindi naman niya kailangan mag-gown dahil sa beach
gaganapin ang party. Kaya nagdala lang ito ng damit na pangligo at pamalit saka
nagsuot siya nang-dress na pang-beach.Mabuti na lang talaga at pinayagan ito
nang-ama ng magpaalam siya. Kahit pagod si Bianca ay nakaramdan siya ng
kaunting excitement dahil matagal na rin ito hindi nakapunta sa beach. Na-miss
din niya ito, pero naisip din niya na hindi naman siya siguro mag-enjoy dahil
wala ang mga kaibigan nito at hindi niya kilala ang mga tao doon."Nandito
nasundo n'yo, ma'am," sabi ng kanilang katulong."Coming." Kinuha
nito ang gamit saka nagmamadaling bumaba. Paglabas nito nakita niya agad si
Lance nakasandal sa sasakyan nito. Lumapit si Bianca dito at pumasok nasa
sasakyan.Sobrang tahimik nila sa kanilang biyahe kaya nababagot si Bianca. Kaya
may hinanap ito sa kanyang bag at ng makita niya ay nilagay niya sa kanyang
tenga ang headseat saka naghanap ng maganda na-music. Hanggang sa hindi nito
nalaman nakatulog ito."Hey..wake up. We've already arrived."
Unti-unti naman minulat ni Bianca ang mata at napasinghap ito dahil sobrang
lapit ni Lance. "Stop dreaming, labas na," sabi nito saka lumayo at
lumabas sa sasakyan. Inayos muna ni Bianca ang sarili baka nagkagulo ang buhok
nito saka lumabas sa sasakyan.Kinuha naman ni Lance ang mga gamit nila. Ito na nagdala
habang si Bianca ay inikot ang paningin sa plaigid. Hindi nito maiwasan na
mamangha dahil sa napakaganda na paligid."Walk faster." Napatingin
naman si Bianca dahil malayo-layo na si Lance sa kanya. Hindi niya ito
namalayan dahil sa pagkamangha sa paligid. Tumakbo siya papunta kay Lance saka
nag-peace sign ng makarating dito."Hey bro, musta?" May lumapit sa
kanila na lalaki, mukhang kilala ito ni Lance."Fine.." Napatingin
naman si Bianca dahil sa sagot nito. Parang buntot ni Lance si Bianca, sunod
lang ito ng sunod. Nagsisi natuloy si Bianca nasumama, muka siyang PA na
sumusunod sa boss nito. Dahil nagsawa na si Bianca sa kasusunod ni Lance ay
naglakad ito sa ibang direksyon. Hanggang sa makarating ito sa may malaki na
bato. Umupo si Bianca at pinagmasdan ang dagat."Hi Miss! Nag-iisa
ka?" Napalingon naman siya at nakita ang parang may lahi na
lalaki."May kasama ako, nandoon." Turo nito kung saan ang direksyon
ni Lance."Kasama ka pala sa birthday party ni Candice? Ngayon lang kita
napansin? Kaibigan ka ba ni Candice?" Umiling lang si Bianca dahil hindi
naman nito kilala ang tinutukoy ng lalaki. "Sino ba kasama
mo?""Kilala mo si Lance Hernandez? Siya kasama ko," sagot ko
dito."Ganoon ba, Miss. Sige mauna na ako." Paalam nito ng marinig ang
pangalan ni Lance. Nagtaka tuloy si Bianca sa kinilos nito. Pero hindi pa rin
nawala ang inis ni Bianca dahil pinabayaan lang siya ni Lance na mag-isa.
"Miss,
baka pwede mahingi number mo?" Napakunot naman si Bianca dahil sa inis.
"Mag-isa ka yata, Miss. Gusto mo samahan kita?""May kasama
ako," mataray nasagot nito. "Nakikita mo don." Turo nito.
"Nand'yan ang kasama ko. Kilala mo ba si Lance?""Mauna na pala
ako, Miss." Nangmamadali itong umalis, napailing na lang si
Bianca."Bianca? Ikaw nga.""Kilala ba kita?""I'm Ace,
kaibigan ni Lance.""Hindi ako nagtanong," sabi nito sabay irap
kaya napatawa itong si Ace."Bakit ka nag-iisa?""Tanong mo kaya
sa magaling mo na kaibigan." Mas nainis si Bianca ng marinig natumawa lang
ito. "May nakakatawa ba?""Wala, nakakatawa lang hitsura mo.
Halatang inis ka kay Nathan.""Umalis ka nga. Sinira mo moment
ko." Taboy nito at hindi na ito pinansin. Binalik niya ang kanyang tingin
sa dagat."Kanina pa kita hinanap." Napalingon naman ito ng makilala
ang boses."Hinanap talaga?" Nakataas ang isang kilay nito."Amoy
LQ yata dito." Napakamot ng ulo si Ace. Tiningnan naman ito ng masama ni
Bianca. "Alis na ako, baka madamay pa ako." Tinapik nito ang balikat
ni Lance saka naglakad palayo."Let's go to the party.""Ayaw ko,
OP lang ako doon. Dito na lang ako.""Fine, we will stay here."
Tiningnan ko ito ng may pagtataka."Sino nagsabi na kasama ka? Bakit naupo
ka?" Tanong nito ng tumabi ito."You don't own this place. So I can
stay here as long as I want.""Ako naka-una kaya maghanap ka
nang-""Nathan..." Hindi natapos ni Bianca ang sasabihin ng
marinig ang sigaw ng babae. Napatingin naman si Bianca sa babae at hindi niya
maiwasan mapansin ang pananamit nito na halos kinapos na yata sa tela.
"Akala ko hindi ka makakarating." Napatingin naman ito kay Bianca.
"Sino 'to?" Turo niya kay Bianca. "You look so familiar? Saan ba
kita nakikita?" Nag-isip ito."Kilala mo?" Tanong ni
Bianca."Former classmate" maikling sagot nito."Grabe ka naman
Nathan, para naman wala tayong pinagsamahan." Malandi nasabi nito kaya
napailing na lang si Bianca."I'm just telling the truth, Candice. You're
my former classmate, right?""Nakakatampo ka na." Napasimangot
naman si Candice."Happy birthday, Candice. Please excuse us."
Hinawakan ni Lance ang palapulsohan ni Bianca at hinila ito. Hindi alam ni
Bianca kung saan sila pupunta. Nagpadala lang ito kay Lance. Napahinto sila sa
may parang kweba."Teka lang.. Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong
ni Bianca. Pero hindi ito sinagot ni Lance. "Wait..pinagtataguan mo ba
iyong babae na 'yon? Umalis natayo dito. Hindi ba party 'to kaya halika kumain
tayo.""Tataba ka lang n'yan. Model ka pa naman.""May diet
naman. Saka hindi ako madaling tumaba. Kaya bumalik natayo
doon.""Mamaya na..""Alam mo, natatakot ka sa babae na 'yon.
Ex mo 'yon no? Sabi n'ya may pinagsamahan kayo. Kaya mo ba ako dinala dito kasi
balak mopagselosin iyon? Naku! Lumang style na 'yan." Hinampas ito ni
Bianca sa braso nang tawanan lang ako nito."Hindi ko ex 'yon. Balik natayo
doon, baka ano pa maisip mo dahil sa gutom." Nilagay nito ang kamay sa
bulsa at nauna itong naglakad. Pagdating nila doon ay pina-upo lang si Bianca
dahil si Lance na ang kumuha ng pagkain.Nagulat naman si Bianca ng umupo ang
babae kanina. Tiningnan siya nito. "Candice." Inilahad nito ang kamay
at ngumiti pero halatang napipilitan lang ito."Bianca..""So
girlfriend ka? Nauto ka rin ba?" Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil
sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. "Oh! Isa ka
sa lumandi sa kanya." Tiningnan nito si Bianca ng may
panghuhusga."Teka lang.. hindi na yata maganda ang sinasabi
mo.""As far as I know. I didn't invite you. So for sure sinama ka.
Hindi ka naman kaladkarin na babae siguro kaya napasama ka lang dito. So may
relasyon kayo. Isa lang din nasa isip ko. Si Nathan nang-uto sa iyo or ikaw ang
lumandi sa kanya." Pinipigilan ni Bianca ang sarili. Ayaw niya nanggulo
baka kumalat pa ito sa media. Hindi ito school niya na matatakpan ang
nangyayari. "So tama ako?""I'm sorry pero mali iyang iniisip
mo." Mahinahon na sabi nito at ngumiti."Stop smilling. Alam ko naman
na-fake lang 'yan.""Candice...""Oh! Nathan...bumalik ka naman.
Nag-uusap pa kami.""Stop that..""Ang ano?""I know
you, Candice. Hayaan mo si Bianca.""Protecting her? Alam na ba niya
ang pagkatao mo?" Tiningnan nito si Lance at nilipat ang tingin kay
Bianca. "Oh!" sabi nito sabay takip ng bibig. "So hindi ka niya
alam.""Excuse us." Hinila nito si Bianca paalis hanggang sa
dumating sila sa sasakyan. Tiningnan lang ni Bianca si Lance. Tahimik nila sa
loob ng sasakyan nito."Aalis na ba tayo?" Nagtatakang tanong nito ng
pinaandar ang sasakyan. Naguguluhan si Bianca sa nangyayari. Hindi niya akalain
na ito ang mangyayari sa pupuntahan nila. Hindi man lang siya nakaligo o
nakakain. Biglaan na lang sila umalis. "I'm sorry, kakain na lang tayo sa
labas," sabi nito habang nagmaneho. Kaya hinayaan na lang ito ni Bianca.
Huminto sila sa may restaurant at pumasok sila. Nagulat naman si Bianca sa
order ni Lance dahil sobrang dami nito, para itong nagpapiyesta."Bakit
ganoon na lang iwas mo sa babae na iyon?" Tanong nito habang hinihintay
ang pagkain. "Uyy, sumagot naman kayo.""Alam ko naman na ayaw
ako nitong makita. Masisira lang araw niya.""Pero bakit ka pumunta
doon?""Dahil sabi niya, hindi naman ako makatanggi. Malaki ang
kasalanan ko sa kanya. Dahil sa kanya nawala ang taong mahal
niya.""Wait ang gulo.""Huwag mo na lang intindihin iyon.
Kalimutan mo na lang.""Kainis ka naman, tapusin muna. Bakit galit
sa'yo 'yon? Inagaw mo jowa nun. Oh my Gee... beke ka?"Tiningnan ito ni
Lance. "If I kiss you to prove that I'm not gay," he saidin a serious
tone. Mabilis naman tinakpan ni Bianca ang bibig dahil satakot. Nanahimik na
lang ito hanggang sa dumating ang pagkain.
Chapter 9
"Uuwi
na ba tayo?" Tanong ni Bianca nang palabas na sila sa restaurant.
"Babalik
tayo sa resort."
"Halaka!
May topak ka ba?" Nakakunot ang noo nito. "Umalis ka
doon
tapos babalik ka! Ano 'yon? Joke? Pumunta tayo sa birthday tapos kumain sa
labas tapos babalik. Iba na yan. Magpa-check up ka na," dagdag nito.
"Ingay
mo. Let's go na." Nauna itong naglakad kung saan naka-park ang sasakyan
nito. Nakasimangot na sumunod si Bianca dito. Tahimik ang biyahe pabalik sa
resort. Hindi naman malayo ang restaurant na kinainan nila kaya nakabalik sila
agad sa resort.
Nilapitan
naman sila ng mga kaibigan ni Lance. Pero nagpaalam lang si Lance dito at
hinatid si Bianca sa kanyang room saka iniwan siya ito. Hindi man lang sinabi
kung saan ito pupunta. Kaya nagpalit na lang si Bianca ng panligo. Hindi niya
kailangan si Lance upang ma- enjoy ang resort. Kaya naman niyang mag-isa.
Lumabas
na siya sa kanyang room at agad nagtungo sa may dagat upang maligo. Naghanap
siya ng tahimik na lugar kung saan walang tao. Doon siya lumangoy nang lumangoy
hanggang sa mapagod. Umahon na ito upang bumalik sa kanyang room dahil napagod
at nilalamig na ito. Pero napahinto siya ng makitang may babaeng umiyak.
Lumapit siya dito ng kaunti at doon niya nakita si Candice.
Nagtaka
naman ito kung bakit ito umiiyak. Nakaramdam ng awa si Bianca kaya nilapitan
niya ito. "Okay ka lang?" tanong nito.
Tiningnan
naman ito ni Candice at mabilis napinunasan ang kanyang luha saka tiningnan ng
masama si Bianca. "Bakit ka nandito?"
"Nakita
kasi kitang umiiyak kaya nilapitan kita. Ano ba prob."
"Hindi
ako umiiyak." Putol nito sa sinabi ni Bianca. "Umalis ka na
dito."
Alam ni
Bianca nagsisinungaling ito, halata sa kanyang mga mata na kagagaling lang nito
sa iyak. Kahit anong tago nito ay nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hindi naman masamang aminin na umiyak ka. Kahit sino naman ay umiiyak
lalo na kapag hindi na kaya.
Hindi
ibig sabihin na umiyak ka ay mahina ka na."
"Pakialam
mo ba? Close ba tayo?" inis na sabi nit okay Bianca. "Umalis ka na.
Hindi kita kailangan dito!"
"Sorry,
kung pakiramdam mo nangingialam ako. Galit ka ba sa akin?
May
nagawa ba akong mali? Tungkol ba ito kay Lance?" Hindi
mapigilan
natanong ni Bianca.
"Lance.."
Mapait na sambit nito.
"Oo,
para kasing nag-iiwasan kayo."
"You
mean Nathan. Gaano mo kakilala si Nathan?" Nagulat naman si Bianca sa
tanong nito. Hindi siya makasagot dahil hindi naman sila close ni Lance.
Nagtaka nga ito kung bakit siya sinama nito. "Bakit hindi ka
nagsasalita?"
"Naku!
Kung may relasyon kayo ni Lance. Huwag ka magselos sa akin. Hindi-"
Napatigil si Bianca dahil bigla itong tumawa.
"So
wala ka talagang alam? Halata naman hindi mo masagot ang tanong ko. Nagtaka ako
kung bakit ka niya dinala dito kung hindi naman kayo gaano ka close. Bakit
naman ako magseselos? Alam mo sa tuwing nakikita ko siya ay galit ang aking
nararamdaman," diin nasabi nito. Na-curious tuloy si Bianca kung bakit
galit it okay Lance. "Niloko ka ba niya?"
"Sana
ganoon lang, pero dahil sa kanya nawala ang pinaka-
importante
sa buhay. Siya ang dahilan kaya naging walang kwenta ang buhay ko," galit
nasabi nito sabay walk out kaya naiwan si Bianca nakatulala.
"Hindi
mo yata kasama si Nathan?" Napatingin si Bianca sa kanyang likuran at
nakita niya ang kaibigan ni Lance, hindi niya matandaan ang pangalan nito.
Nakasandal ito sa may puno at isang kamay nito ay nasa may bulsa habang ang
isang kamay ay may hawak na yosi. "Blue pala, kasing blue ng buhok
ko." Pakilala nito at lumapit sa kanya.
"Weird.."
mahinang sabi ni Bianca.
"Nasaan
ba si Nathan?" Tanong nito.
"Hindi
ko alam. Hindi naman ako tanungan ng nawawala." Mataray nasagot nito.
Tumaas ang kilay ni Bianca ng tawanan lang siya nito. "Close ba kayo ni
Candice? Nakita kung nag-uusap kayo?"
Naupo si
Bianca sa may damuhan, ngayon lang siya nakakita ng lalaki na tsismoso.
"Hindi kami close. Kaano-ano ba iyon ni Lance? Bakit ang laki yata ng
galit ng babae na 'yon?"
"Teka,
binanggit mo Lance kay Candice?" Tumango lang si Bianca.
Nagtaka
naman ito ng biglang batukan ni Blue ang sarili at parang
malaki
ang problema nito. Nakasanayan kasi ni Bianca na Lance ang itawag dito.
"Bad words 'yan kay Candice."
"Bakit?"
Naguguluhang tanong ni Bianca.
"Iyon
kasi tawag ni Candice sa boyfriend niya noon."
"Wait
ang gulo mo.lbig mo sabihin ay ex ni Lance 'yon?"
"Wala
ka talagang alam? Hindi ba sinabi ni Nathan sa iyo?"
"Magtatanong
ba ako kung alam ko?" Inis na wika nito. Gusto na nitong batukan si Blue.
"Kaya
galit si Candice kay Nathan dahil sinisi niya ito sa pagkawala ng kakambal
nito." Litong-lito naman si Bianca sa kanyang narinig.
"May
kakambal si Lance?"
Hindi
nakasagot si Blue dahil biglang nakita si Lance napapalapit. Nagmamadali itong
nagpaalam kay Bianca. Kaya napapadyak na lang si Bianca sa inis, may gusto pa
itong malaman pero iniwan na siya ng mokong. Kaya naisipan na lang niya
nabumalik sa kanyang room upang magpalit. Nakita pa nito si Lance pero inirapan
lang niya ito at nilagpasan saka nagmamadaling pumunta sa kanyang room.
Agad
itong nag-shower saka mabilis nagbihis. Nagpasya itong suotin ang oversized
shirt at saka short. Pinatuyo muna nito ang buhok saka lumabas upang
magpahangin. Madilim na ang kalangitan kaya naisipan niyang maglakad-lakad
hanggang sa nakita niyang si Lance at Candice nag-uusap. Para itong nagtatalo
kaya biglang pumasok sa isipan ni Bianca ang sinabi ni Blue kanina.
Gusto
sana nitong lumapit pa upang marinig niya ang pinag-usapan ng dalawa pero takot
itong mahuli. Nakita niyang umalis si Candice, hindi alam ni Bianca kung ano
pumasok sa kanyang utak at sinundan niya ito. Nakita niya si Candice na
umiiyak. Naririnig nito ang mga hikbi nito. Nakaramdam si Bianca nang awa kaya
nilapitan niya ito at hinimas ang likuran nito. Napatitig naman si Candice
dito. "liyak mo lang iyan hanggang sa mawala ang sakit."
"Sana
ganoon lang kadali," umiiyak nasabi nito. "Dalawang taon na pero
hanggang ngayon ay nandito pa rin iyong sakit." Turo nito sa kanyang
dibdib. "Ang sakit isipin kung bakit siya pa ang nawala. Ang dami naming
plano gawin pero bigla na lang naglaho." Hindi alam ni Bianca kung ano ang
kanyang sasabihin. Ang ginawa na lang niya ay niyakap niya ito, mas lumakas pa
ang iyak ni Candice.
Nang
mapagod na ito sa kaiiyak ay humiwalay ito sa pagkakayakap ni Bianca. "I'm
sorry, tinarayan pa kita noong una. Napakabuti mo pala na tao, nadamay kita sa
galit ko kay Nathan."
"It's
okay.." Nginitian ito ni Bianca.
"Hindi
naman ako ganito noon. Siguro nasaktan lang ako. hanggang ngayon kasi hindi ko
tanggap nawala na siya. Hindi na naming matutupad ang lahat ng pangarap namin
na magkasama. Parang kahapon lang nasa tabi ko siya habang pinag-usapan namin
ang gusto naming gawin pagkatapos mag-aral. Pero-" Hindi na naman nito
mapigilan na maluha. "Lagi kung sinasabi kung bakit siya pa ang nawala.
Bakit siya pa ang namatay?" Namamaos na ito sa kakaiyak.
"Hindi
natin hawak ang buhay ng tao. Alam kung mahirap tanggapin pero alam mo ba kung
nakikita ka niya ngayon at ganyan ang nangyayari sa iyo, sigurado ako na
malulungkot siya." Pinunasan ni Bianca ang luha nito. "Magpatuloy ka,
tuparin n'yo pangarap ninyo. Huwag mo hayaan na makulong sa nakaraan."
"Pero
hindi ganoon kadali."
"Alam
ko, kaya simulan mo alisin ang galit at poot d'yan sa puso mo. Upang
makapagsimula ka ulit. Sigurado ako matutuwa siya habang nakatingin sa langit.
"Thank
you.." Niyakap siya ni Candice.Pinunasan nito ang luha saka ngumiti.
"Friends." Inilahad nito ang kanyang kamay.
"Friends."
Tinanggap ito ni Bianca. Nanatili pa sila doon hanggang sa magpasyahan
napumunta sa kani-kanilang room. Nagtatawanan pa sila habang lumalakad.
Napahinto sila ng makita si Lance habang papalit-palit ang tingin ni Lance sa
dalawa.
"Maiwan
ko muna kayo.." Paalam nito at pumunta nasa kanyang kwarto upang
makapagpahinga. Hinayaan na lang niya ang dalawa na mag-usap. Kailangan nila
ito. Kahit si Bianca ay nagulat sa kanyang nawalan. Marami siyang tanong kung
bakit sinisi nito si Lance sa pagkawala ng kambal. Pero wala naman siyang
karapatan makisali kaya pinilit na lang niya ang sarili na makatulog.
Kinabukasan
maaga nagising si Bianca kaya nag-ayos na ito ng kanyang gamit para sa pag-alis
nila. Nagligo na rin ito saka nag-ayos sa kanyang sarili. Paglabas nito ay
nakita niya ag siad Lance kalalabas lang sa kanyang kwarto, nakaayos na rin
ito.
"Let's
go," sabi nito. Nagulat si Bianca nang kunin nito ang kanyang bag nahawak
at ito na nagdala. Palabas na sila ng result ng makita
nila si
Candice.
"Mag-iingat
kayo," nakangiting sabi nito at tinapik si Lance saka niyakap si Bianca.
Nagulat naman si Bianca sa kinikilos nito.
"Thank
you," sabi ni Lance.
"Ako
magpasalamat sa inyo. Huwag n'yo kalimutan tumawag sa akin. Lumabas din tayo
minsan kapag hindi na-busy," saad nito.
Nagpaalam
na sila at nagpunta sa kotse ni Lance. Tahimik sila buong biyahe, dumaan muna
sila sa drive thru upang bumili ng pagkain at doon na nila kinain sa sasakyan.
Ilang oras din ang kanilang biyahe bago sila nakarating.
"Bianca,"
tawag ni Lance kaya napatingin si Bianca dito. "Thank you.."
"For
what?" nagtatakang tanong nito. Wala naman itong matandaan na ginawa upang
magpasalamat ito.
"Ewan
ko kung ano napag-usapan n'yo ni Candice but I'm happy that we were okay. Thank
you dahil sabi ni Candice hindi siya magigising kung hindi dahil sa iyo."
Hindi naman alam ni Bianca ang kanyang sasabihin. "Can we go out next
weekend, pasasalamat. I don't accept no."
"Halaka!
Wala naman akong ginawa. Hindi ka dapat magpasalamat sa akin."
"Basta
labas tayo this weekend." Nagulat si Bianca nang makita niyang ngumiti si
Lance. Bihira lang talaga ito. "Hey.."
"A-Ah..
labas na ako," nauutal nasabi ni Bianca. Namumula ang pisngi nito dahil
nahihiya siyang nakatulala nakatingin kay Lance. Mabilis pa sa kidlat ito
lumabas at pumasok sa bahay. Kaya hawak nito ang dibdib at habol ang hininga ng
makarating sa loob ng bahay. Pinagalitan naman nito ang kanyang sarili dahil sa
kahihiyan kanina.
"Anong
nangyari sa mukha mo, princess? Nasunog sa araw?" Nagtatakang tanong ng
kanyang ama.
"Daddy,"
gulat nasabi nito ng makita ang ama.
"Bakit
namumula iyan?"
"Wala
ito, daddy, akyat na ako." Paalam nito at nagmamadaling umakyat sa taas
saka nagtungo sa kanyang kwarto. Mabilis ito tumalon sa kanyang kama at nahiga.
Tinakpan niya ang kanyang mukha ng unan at nagpagulong-gulong sa kama hanggang
sa mahulog. "Ouch, ang sakit," maiiyak nasabi nito habang hawak ang
sa may
pwetan.
"Kasalanan
mo ito, Lance," inis nasabi nito sabay bato sa unan. Para itong bata na
inagawan ng lollipop. Bumalik ito sa kanyang kama at bigla na naman naisip ang
ngiti ni Lance kanina. Binatukan nito ang kanyang sarili. Pinikit nito ang
kanyang mata pero ang ngiti ni Lance ang kanyang nakikita. "Ano ba
nangyayari sa akin?" Tanong nito sa kanyang sarili. Inabot nito ang
kanyang cellphone upang maglaro nang-ML upang mawala sa kanyang isip si Lance.
Sobrang
lapad ng ngiti nito matapos ang game dahil nanalo ito. Naisipan niya buksan ang
kanyang instagram. Pero nabitawan nito ang kanyang cellphone kaya nag-landing
ito sa kanyang mukha. Hinihimas-himas nito ang natamaan ng cellphone at muling
tiningnan kung hindi ba siya nagmamalikmata. "Nag-follow siya talaga siya
sa akin." Napa-upo si Bianca sa kanyang kama at tiningnan kung totoong
account ba ito ni Lance.
Wala
itong gaanong post ng kanyang sarili. Kung meron may ay naka- mask kung hindi
nakatalikod. Pero kahit ganoon ay madami pa rin itong followers. Nagtaka naman
si Bianca kung bakit ito nag-follow sa kanya. Nagdalawang isip si Bianca kung
i-follow back niya ito. Pero napasigaw ito ng hindi inaasahan napindot niya at
na-follow back niya ito. Napatayo ito sa kama at nagpalakad-lakad sa kanyang
kwarto dahil sa nagawa.
Napatingin
ito bigla sa kanyang cellphone nang umilaw ito at nag- pop na may message si
Lance. Nagtalo pa ang kanyang isipan kung titingnan ba niya. Huminga siya ng
malalim saka kinuha ang cellphone at binasa ang message nito.
_lancenandez:
may naiwan ka sa sasakyan ko.
Napakunot
naman ang kanyang noo at iniisip kung ano naiwan niya. Hanggang sa may pinadala
itong picture. Napatakip siya sa kanyang bibig ng makita ang sunglasses na
binili pa niya sa New York noong may-shoot siya.
its.bianca:
Kukunin ko na lang 'yan kapag nagkita tayo. Itago mo 'yan, mahal yan.
_lancenandez:
noted ma'am
Napailing
na lang si Bianca ng mabasa ang message nito. Nilagay niya sa kanyang drawer
ang cellphone saka nahiga sa kama hanggang sa makatulog ito. Nagising ito hapon
na kaya bumaba siya upang kumain dahil nakaramdam ng gutom. Agad naman siya
pinaghanda
ni Manang ng pagkain.
"Si
daddy?"
"Umalis
ma'am." Tumango lang ito at kumain ulit. Matapos kumain ay niligpit ni
Manang ang kinainan nito. Nanood muna ito ng show sa Netflix hanggang sa
magsawa at bumalik sa kanyang kwarto. Nahiga ito at nakatulala nakatingin sa
kisama. Bumangon ito at kinuha ang cellphone sa drawer. Nagulat ito ng makita
ang umuulan na-message ni Lance.
_lancenandez:
busy ka?
_lancenandez:
labas tayo..
_lancenandez:
ibalik ko lang 'to baka masira at makabayad pa ako.
_lancenandez:
psst..
_lancenandez:
galit ka?
_lancenandez:
nadistorbo yata kita. I'm sorry..
Ilan lang
'yan sa message ni Lance. Nagulat naman si Bianca kung ano nakain nito.
Nag-reply siya dito at sinabing nakatulog siya. Naghintay siya ng ilang minute
sa reply nito pero wala pa rin kaya ibinalik na lang niya ito sa drawer. Kinuha
niya ang kanyang laptop at doon nanood ng C-drama.
Chapter 10
Naging
busy si Bianca sa school dahil sa mga kailangan niyang mapasa na activity.
Kakatapos lang din ng kanilang exam kaya
sobrang
stress ng kanyang utak sa pag-aaral. Hindi naman nasayang ang pagpupuyat nito
dahil naipasa niya ang exam. Natutuwa din ang ilan sa mga guro niya dahil sa
malaking improvements nito.
Nagpasalamat
talaga si Bianca kay Lance dahil mahaba ang pasensya nito upang turuan siya.
Kinuha
niya ang kanyang susuotin para sa lakad nila ni Lance. Hindi nito alam kung
saan siya nito dadalhin. Kinukulit niya itong paaminin sa instagram dahil doon
sila nag-uusap pero ayaw talaga nitong sabihin. Naisipan niyang suotin ay
ripped jeans saka white tops. Inihanda nito ang kanyang mask at cap para
mamaya. Kailangan niya ito para iwas sa gulo. Nag-spray lang siya nang perfume
bago
nagmamadaling
bumaba.
"Saan
tayo pupunta?" tanong nito nang makapasok sa sasakyan. Nginitian lang ito
ni Lance kaya hinampas niya ito sa balikat. "Uyy, sabihin muna sa
akin." Pangungulit nito.
"Makikita
mo mamaya pagdating natin doon," sabi nito habang seryosong nakatingin sa
daan. Hindi na lang niya ito kinulit, hinayaan na lang niya dahil hindi talaga
niya mapaamin. Ilang oras din ang kanilang biyahe hanggang sa huminto ang
sasakyan. Napatingin si Bianca sa paligid, hindi pa siya nakapunta sa lugar na
ito. Sinuot muna niya ang kanyang mask at cap bago lumabas sa kotse.
"Saan
ba tayo?" sabi nito nang makalapit kay Lance. Pumunta muna sila sa
kabilang kanto. "Purple 7 café," basa ni Bianca sa shop bago
itopumasok. Napatakip na lang siya sa kanyang bibig ng makita kung anong
klaseng café ito. Hindi niya alam kung saan siya unang pupunta.
"Uhh..ano
nangyari sa'yo?" Napatingin si Bianca kay Laurent nang magsalita ito.
Dahil sa labis natuwa ay bigla niya itong niyakap.
"Sorry,"
sabi nito nang ma-realize nito ang kanyang ginawa. Nadala lang siya dahil sa
labis natuwa. Kahit sinong army fans dalhin sa lugar na ito ay magwawala. Sa
bawat sulok ay makikita ni Bianca ang mga hinahangaan niya na BTS. "Ang
gwapo talaga ng mga asawa ko," saad nito sabay haplos sa larawan nito.
"You
are acting like a child." Tiningnan nito nang masama si Lance. Hindi kasi
nito alam ang nararamdaman ni Bianca, hindi niya akalain na may ganito palang
lugar. Sana madalas na siyang nakatambay dito. "You want me to take you a
picture?"
"Talaga?
Okay lang sa iyo na maging photographer ko for today?" Tumango lang ito
kaya mabilis inabot ni Bianca ang kanyang cellphone upang makunan siya nang
picture.
"Kunin
mo 'yang mask mo." Umiling naman si Bianca baka may makakilala sa kanya.
"Don't worry wala naman ibang tao dito maliban sa crew ng café," sabi
nito.
"Sigurado
ka? Baka may papasok."
"Sigurado
ako, we have three hours to enjoy this place," sabi nito. Kaya inalis ni
Bianca ang suot na-mask at cap. Ngumiti siya ng napakatamis at kinunan siya ni
Lance nang picture sa bawat sulok. Napailing na lang si Lance dahil sa
kinikilos nito, para itong bata lalo na noong nakita niya ang mga BTS dolls.
"Let's eat," yaya nito matapos ang mahabang oras na pagkuha ng
larawan.
"Vanilla
Latte sa akin saka Blueberry Cheeseceke," masayang sabi ni Bianca.
Ibibigay sana niya ang kanyang bayad dito pero tumanggi si Lance kaya na-upo na
lang ito at hinintay si Lance na makabalik. "Thank you pala dito,"
nakangiting sabi nito nang makabalik si Lance.
"I
hope you like it."
"Super,
grabe hindi ko maipaliwanag iyong saya nararamdaman ko. Gusto ko i-uwi lahat
ngang picture nila. Napatingin naman si Bianca kay Lance nang marinig ang tawa
nito. Kay sarap nito pakinggan parang isang musika. Bumalik lang sa sarili si
Bianca ng marinig ang boses ng isang crew at binigay ang kanilang order.
"Enjoy,
ma'am and sir," sabi nito sabay alis.
"Oh
My Gee! Ang cute nang lalagyan nila ng drinks. Sobrang cute ng chibi na
mukha." Tuwang-tuwa na sabi ni Bianca. Kinuha niya ang kanyang cellphone
upang kunan ito ng larawan.
"Give
me that," wika ni Lance sabay turo sa cellphone nito. Binigay naman ito
agad ni Bianca. "Smile," sabi nito sabay click.
"Wait
lang..hindi pa ako ready!" Napangiti naman si Lance sa sinabi nito. Kumuha
pa ito ng ilang larawan bago sila kumain. Habang kumakain panay naman ang
kwento ni Bianca dito, kung paano siya kabaliw sa BTS. Kinuwento pa nito kung
paano ito tumakas upang pumunta sa concert nito. Kung paano ito nabaliw sa
kabibili ng mga merch. Nakatingin lang si Lance dito at nakikinig sa bawat
sinasabi ni Bianca.
Matapos
nila kumain ay namili muna si Bianca kung ano bibilhin niya na mga merch. Sa
dami nito ay naguguluhan siya kung ano kukunin nito. Ilang oras din ito
tumitingin habang nakatingin lang si Lance dito at hinihintay na makapili siya.
Paglabas nila sa shop ay si Lance ang may dala sa mga pinamili nito. Hindi pa
rin maalis ang ngiti sa labi ni Bianca.
Nagpunta
rin sila sa mall at parang yaya lang ni Bianca si Lance dahil ito ang nagdadala
sa mga pinamili ni Bianca. Sa bawat sulok ng store ay laging nakikita ni Bianca
ang kanyang mukha kaya mas tinakpan talaga nito ang kanyang mukha dahil sa
takot na may makakilala sa kanya.
"May
gagawin ka ba?" Tanong ni Laurent habang naglalakad sila papunta sa
parking area.
"Wala
naman. Bakit?"
"May
pupuntahan sana ako, if okay lang sa iyo na sumama." "Sure.."
"Talaga?"
Ngumiti lang si Bianca sabay tango nito. Sumakay na sila sa sasakyan. Hindi
alam ni Bianca kung saan sila pupunta. Nakita lang nito nahuminto si Lance sa
isang flower shop. Bumaba ito at pagbalik nito ay may dala ng bulaklak. Tahimik
ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa sementeryo.
Nauna
bumaba si Lance at nagmamadali naman sumunod si Bianca. Matatakutin ito kaya
napahawak ito sa may damit ni Lance. Hindi naman siya sinita nito at hinayaan
lang. Napatingin si Bianca sa puntod ng huminto sila. "Ethan Lance
Hernandez," basa nito sabay tingin kay Lance. Naisip ni Bianca na ito ang
pumanaw na kakambal ni Lance.
Nilinis
muna ni Lance ang puntod saka nilagay ang dalang bulaklak nito. Naupo ito sa
may damuhan. Nakamasid lang si Bianca sa bawat kilos ni Lance. "Kumusta,
bro! Pasensya na kung hindi nakita nadadalaw. Sobrang busy ko sa school, alam
muna kailangan ko maging Top 1 tulad mo para hindi magalit si mommy."
Nagulat
naman si Bianca sa kanyang narinig. "Teka bro, may kasama pala ako. Si
Bianca." Nabigla naman si Bianca sa sinabi nito, hindi nito alam kung ano
ang gagawin. Kakausapin ba niya ito tulad ni Lance. "She helps me a lot,
bro para maging okay kami ni Candice. Nagka-usap na kami ni Candice. Matagal
din may galit sa akin iyong nobya mo. Kahit sino naman talaga magagalit kaya
hindi ko siya
masisisi."
"Pasensya
ka na, bro. Dahil sa akin nawala ka, hindi muna tuloy natupad ang pangarap mo
maging isang magaling at kilalang doctor. Patawarin mo ako, bro." Naawa si
Bianca sa kanyang nakikita. Hindi niya ito masisisi kung bakit malamig at
masungit ito. Sa kabila pala ng lahat ay may dinadala itong sakit.
"I
wish you were here, bro. At ako na lang ang nawala. I'm so tired and scared of
making a mistake that mom will get mad. I'm not like you, bro, na sobrang
bait." Alam ni Bianca napinipigilan lang nito ang sarili na maiyak. Naawa
siya kay Lance, para itong nabubuhay sa hindi niya katauhan. Pilit niya
ginagawa kung ano ang buhay at ugali ng kanyang yumaong kapatid.
"Lance..."
tawag ni Bianca, napatingin naman si Lance dito. "Huwag mo sisihin ang
sarili mo." Hindi mapigilan na sabihin ni Bianca dito. Tiningnan lang siya
ni Lance hindi ito nagsalita.
"Alis
na kami, bro. Sa susunod ulit." Tumayo ito at nagpagpag saka naunang
maglakad. Sinundan naman ito ni Bianca hanggang sa makabalik sila sa sasakyan.
Sobrang tahimik nila, walang nagsalita sa kanilang dalawa.
"Don't
blame yourself, Lance," basag ni Bianca sa katahimikan.
"You
don't know the whole story," malamig nasabi nito.
"Pero
mali iyang ginagawa mo. Hindi iyan magugustuhan ng kakambal mo. Hindi ka Diyos
nahawak mo ang buhay ng tao. Para alam mo kung kailan ito mawawala."
"Madali
mo 'yang sabihin kasi hindi mo alam ang totoo. Ako ang dahilan kung bakit
nawala ang kakambal ko, dapat ako ang mamatay." Mapait na sabi nito at
napapikit na lang si Lance.
"Hindi
naman tama na isisi mo lahat sa sarili mo. Wala naman gusto mangyari iyon. Kaya
pakawalan mo na iyan," giit ni Bianca. Hindi na nagsalita si Lance at
pinaandar nito ang sasakyan. Nanahimik na lang si Bianca, alam nito na mahirap
pa kay Lance tanggapin lahat. Kailangan pa nito ng mahabang panahon.
Pagdating
niya sa bahay ay agad ito bumaba. Nagpasalamat siya kay Lance bago ito pumasok
sa loob ng bahay. Sinalubong naman siya ni Manang upang tulungan nadalhin ang
kanyang mga pinamili. Nag- shower siya agad dahil sobrang lagkit na niya.
Matapos patuyuin ang buhok ay natulog na ito.
Kinabukasan
maaga naman itong pumasok. Sinalubong siya agad ng
kanyang
kaibigan. Habang papunta sa kanilang room ay panay ang kwento nito tungkol sa
ginawa nila noong weekend.
"Excuse
me." Napatingin naman si Bianca kung sino bumonggo sa kanya. Nakita nito
si Rachel na nakangiti. "Paharang-harang kasi sa daan," sabi nito
sabay irap.
"Aba!
gusto yata nito nang-away." Susugurin na sana ito ni Misha, mabuti na lang
at mabilis napigilan ni Joe.
"Kumalma
ka!"
"Misha
naman, masyado ka namang warfreak. Hindi naman kita ina- ano, pero para kang
aso tumatahol na." Nagtawanan naman ang mga kasama ni Rachel.
"Sumusobra
ka, sino sa atin manghihiram ng mukha sa aso kung masapak kita." Inis na
sabi ni Misha at tinaas ang kamay nito, pero hinawakan ito ni Joe.
"Misha,
tama na 'yan." Awat ni Bianca dito. Lumapit siya kay Rachel at kinuha ang
kamay saka iniligay ang pera. "Ito bente pesos, maghanap ka nang kausap.
Huwag mo kami abalahin. Mahal ang oras namin." Inirapan ito ni Bianca
sabay lakad.
Naiwan
naman si Rachel na parang gulat sa ginawa ni Bianca. Habang panay naman ang
tawa ni Misha at Joe bago ito sumunod sa kaibigan.
"Hoy,
bes kung alam mo lang ang mukha ni Rachel. Sobrang nakakatawa," sabi ni
Misha sabay hampas sa aking balikat habang naglalakad sila papunta sa room.
"Sayang
naman iyong bente, bes," singit ni Joe.
"Tama
si Joe, saying 'yong bente. Akin na lang sana iyon," sabi nito sabay tawa.
"Pamasko
ko na lang iyon."
"Ayy,
bongga! Advance pamasko si mayor." Napailing na lang si Bianca sabay pasok
sa room nila.
Maingay
ang buong klase dahil wala pa ang kanilang guro, natahimik lang ito ng pumasok
ang Math teacher nila. "Ms. Min, solve this one." Napatayo naman si
Bianca ng marinig ang kanyang apelyido habang ang kanyang mga kaklase ay
nagsimula ng magbulungan. Lumapit si Bianca sa pisara at sinagutan ito.
"Good
job, you improved so much." Puri nit okay Bianca. Napangiti
naman si
Bianca sa kanyang narinig. Malaki talaga ang natulong ni Lance. Hindi kasi ito
tumigil sa pagtuturo sa kanya hanggang sa hindi niya ito makuha.
"Ang
galling ng bessy ko." Nakangiting sabi ni Misha. "Pakilala mo kami sa
tutor mo para naman makapagpasalamat kami," dagdag nito.
"Oo
nga," pagsang-ayon ni Joe.
"Soon
kapag hindi 'yon busy. Sabihan ko muna," sabi nito at bumalik nasa
pakikinig. Matapos ang kanilang klase sa subject na Math ay pumunta sila sa
cafeteria upang kumain. Napatingin naman si Bianca sa paligid. Hindi niya
nakita si Lance.
"May
hinahanap?" tanong ni Misha sa kaibigan. Umiling naman si Bianca dito.
"Amini, halata mo kaya."
"Wala
nga kasi." Nauna na itong pumila sa dalawa, panay naman ang pangungulit ni
Misha at Joe kay Bianca. Hindi na lang niya ito
pinansin.
Matapos
nila kumain ay bumalik na sila sa kanilang room. Hinihintay nila ang kanilang
guro sa susunod na-subject. Kinuha naman ni Bianca ang cellphone at saka
binuksan ang instagram. Abala ito sa katitingin sa picture ng biglang may
message si Lance.
_lancenandez:
no class?
its.bianca:
Hinihintay pa namin 'yong teacher.
_lancenandez:
labas tayo
Hindi
naman alam ni Bianca kung ano ang kanyang i-reply. Tama ban a mag-cutting siya.
Pero naiisip niya na hindi niya maiintindihan ang discussion nito dahil wala
siya mood kasi inaantok na ito. Bored na rin ito.
its.bianca:
Gee
Matapos
niya mag-reply ay tumayo ito. Alam niya na masama ang mag-cutting pero wala
talaga siya sa mood making sa kanyang teacher. "Saan ka pupunta?"
Nagtatakang tanong ni Misha, napatingin naman si Joe sa kanya.
"Clinic,
masama pakiramdam ko." Pagsisinungaling niya sa kanyang kaibigan, ayaw
naman niya aminin na mag-cutting siya baka sumama pa at mahuli sila.
"Samahan
ka naming." Mabilis naman umiling si Bianca, mabuti at
napapayag
niya itong huwag siya samahan. Paglabas niya ay
nakasalubong
pa niya ang kanyang guro, sinabi nito napupunta ito sa clinic dahil masama ang
pakiramdam. Mabuti na lang at napaniwala niya ito.
Mabilis
siyang nag-message kay Lance kung saan sila magkikita. Sinabi nito hihintayin
siya nito sa labas. Mabuti na lang at nadaan sa kanyang acting skills ang guard
at sinabi na pinauwi siya dahil masama ang pakiramdam. Hinanap niya agad si
Lance at nakita niyang nakasandal ito sa poste habang ang isang kamay ay
nakalagay sa bulsa at ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang bag. Nilapitan
ito agad ni Bianca.
"Saan
tayo pupunta?" Excited natanong nito.
"D'yan
lang." Naglakad na si Lance kaya sinundan ito ni Bianca. Hindi niya alam
kung saan siya dadalhin ni Lance. May pinasukan lang itong mga eksena na hindi
pamilyar kay Bianca. Ngayon lang siya nakapunta dito dahil kapag nagka-cutting
sila ni Misha ay sa mallito pumupunta. Mabuti na lang at nakasuot ito ng mask,
marami pa naman tao ang kanilang dinaanan. Labas na ito ng school kaya hindi
na-safe para sa kanya.
"Bakit
dito?" Nagtatakang tanong ni Bianca nang huminto sila sa may internet
café.
"Maglalaro
ako.." Napasimagot naman si Bianca sa sagot nito. Sana pala ay hindi na
siya sumama dahil hindi naman siya mag-enjoy sa lugar na ito.
"Kainis
ka naman. Bahala ka d'yan." Nag-walk out ito at naglakad pabalik.
Nagdarasal n asana hindi siya maligaw dahil hindi niya kabisado ang bawat sulok
nito. Napasinghap ito ng biglang may humawak sa kanya, nakahinga lang ito nang
maluwag ng makita kung sino ito. "Ginugulat mo naman ako. Bakit ka
nandito? Akala ko ba maglalaro ka?"
"Baka
ano mangyari sa iyo dito. Bumalik natayo doon. Delikado ang lugar na ito lalo
nasa tulad mo." Nakaramdam naman nangtakot si Bianca. Napatingin siya sa
paligid, medyo creepy din at tago ito. Kaya napipilitan nasumama ito pabalik.
Pumasok
na sila sa loob ng internet café, nakasimagot si Bianca pero hindi naman ito
nakikita ni Lance dahil natatakpan ito nang-mask. Naiinis si Bianca pero wala
siyang magawa, takot naman ito mapahamak. Nagsimula nang maglaro si Lance,
nakatingin lang si Bianca dito. Minsan nagugulat siya ng may sumisigaw, hindi
siya sanay dito lalo na kung bigla na lang nagmura."Ano ba makukuha mo sa
laro na 'yan?""Happiness," sagot nito habang seryoso itong
nakatingin sa nilalaronito."Papiliin ka, 'yang laro o girlfriend
mo.""I will always choose my girl." Hindi naman mapigilan
humanga sa sagot nito."Bakit?""Why not? I will not let my girl
be exchanged in this game. It's just a game. It's okay if I don't play, as long
as my girl will not feel neglected." Naisip ni Bianca naswerte ang maging
girlfriend nito."Wow, pang-miss universe naman. Sino ba jowa mo
ngayon?" "May nakikita ka ba?""Ang sama mo, sige na sagutin
muna." Pamimilit nito, gusto din kasi nito malaman kung anong klase ang
jowa nito. Sigurado siyang mahilig din ito sa matalino tulad niya."Wala
nga..""Ehh, KJ mo naman. Sige na hindi ko ipagkakalat."
Nakangiting sabi nito sabay taas ng kamay."Manahimik ka na lang. Matatalo
ako sa iyo, eh." Napasimagot naman ito, kinalabit niya ito pero hindi siya
nito pinapansin. Abala na ito sa laro."Bahala ka d'yan," sabi nito at
tumayo saka lumabas sa internet café. May nakita siyang bakanteng upuan sa
labas ng internet café kaya naisipan niyang doon na lang hintayin si Lance.
Hindi naman niya gusto sa loob sobrang ingay."Hi ganda!" Napatingin
naman si Bianca ng biglang may nagsalita. Napakunot ang kanyang noo sa kanyang
nakita. Natakot siya dahil dito dahil para itong naghahanap ng away, hindi na
lang niya ito pinansin. "Whoah! Masungit naman, bet ko 'yan. Mag-isa ka lang.
May kasama ka ba?""Ako!" Kilala ni Bianca ang boses nito.
Paglingon niya ay nakita niya si Lance, nasa bulsa nito ang mga
kamay."Nathan..ikaw pala." Gulat nasabi ng lalaki. "Sige, pasok
na ako," nagmamadali itong umalis na parang takot na takot."Bakit ka
lumabas?" tanong nito, gusto ito sapakin ni Bianca dahil hindi nito makuha
na ayaw niya sa loob."Tapos ka na?""Iniwan ko, nawala ka
kasi." Nagulat si Bianca sa sagot nito, siguradong natalo na 'yon dahil
iniwan niya. "Kain tayo," yaya nito. Natuwa naman si Bianca kaya
tumayo ito agad. Sabay silang naglakad ni Lance, takot lang nito mawala.
Nagtaka si Bianca nang huminto sila sa may maliit na kainan. Hindi pa nakakain
sa Bianca sa ganitong lugar. "Malinis dito saka masarap." Para naman
nabasa ni Lance ang iniisip nito."Nathan, ikaw pala," nakangiting
sabi ng tinder. Nagtaka naman si Bianca dahil halatang close sila ng may-ari ng
karendirya. Si Lance na ang pumili ng makakain nila. Naghanap si Bianca ng
mauupuan. Napili niya ang pinakasulok para hindi siya makita ng mga tao.
Napatingin naman siya ng biglang may pagkain sa mesa. Nakita niya si Lance
nabitbit ito. Matapos mailgay lahat ng pagkain ay ibinalik niya ang tray saka
umupo."Bakit pala Nathan tawag nila sayo?" Nagtatakang tanong ni
Bianca at sumubo na ito ng pagkain. Napatingin naman siya sa pagkain dahil
sobrang sarap nito."Nathan naman talaga tawag nila, ikaw lang naman
tumatawag sa akin ng Lance," sagot nito."Sigurado ka?""Oo
naman, kahit parents ko Nathan tawag sa akin.""Halaka, dapat pala
Nathan na-itawag ko sa'yo.""I prefer you call me Lance,' sabi
nito."Okay, teka kumakain ka pala ng ganito?" nagtatakang tanong
nito. Halata naman na mayaman ito dahil sa sasakyanat pananamit nito ay
halatang pangmayaman."Masarap naman dito bakit hindi." Tama naman
ito, naiisp ni Bianca mabuti hindi ito maarte tulad ng iba.Matapos nila kumain
ay binayaran ni Lance ang kanilang kinain saka naglakad na sila ulit. Hindi
alam ni Bianca kung saan na naman sila pupunta."Kuya Nathan!"
Napatingin ako sa bata natumatakbo papunta sa kinaroroonan nila. Tuwang tuwa
ito ng makita si Lance. "Laro tayo," sabi nito sabay hawak sa kamay
nito."Sure." Pumalakpak naman ang bata dahil sa sagot ni Lance. Kaya
umupo na lang si Bianca sa may damuhan habang nakatingin kay Lance at iyong
bata naglalaro. Napangiti si Bianca habang nakatungin nito, nakikita niya ang
isang ugali nito maliban sa pagiging cold at suplado. Hindi mo akalain na
mabait at masayahin ito kapag mga bata na ang kaharap."Ate, Sali ka sa
amin." Nakangiting sabi ng bata nang lumapit it okay Bianca.
Tumatalon-talon naman ito sa tuwa nang tumayo si Bianca. Naghabulan sila,
minsan si Lance ang taya, minsan naman si Bianca o ang bata. Sobra silang
nag-enjoy, natigil lang ito nang mapagod sila sa kakatakbo. Nahiga sila sa may
damuhan."Ang ganda ng kalangitan," mahinang sabi ni Bianca."Ate,
parang aso 'yon." Turo ng bata sa ulap."Oo, iyon din tingnan
mo," masayang sabi nito."Kuya Nathan, girlfriend n'yo si ate?"
Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng bata. Napatingin ito kay Lance kung ano
reaksyon nito.
Chapter 11
Pagkatapos
sabihin ni Lance na hindi niya nobya si Bianca ay tumayo ito saka nagpaalam
upang bumili ng pagkain. Kaya tanging si Bianca at ang bata lang naiwan.
Nga-usap lang sila at sinabi nito kung paano nakilala si Lance. Hindi naman
makapaniwala si Bianca sa bawat sinabi ng bata. Iba-iba ito sa kanyang
nakilala, gusto tuloy niya makilala ang ganoon na-side ni Lance.Napatingin
naman siya sa oras, nagtataka ito kung bakit hindi pa rin nakabalik si Lance.
Kanina pa kasi iyon umalis. Pinanuod na lang ni Bianca ang bata nanghuhuli ng
salagubang. Pero nabigla si Bianca ng biglang may humawak sa kanya, hindi niya
kilala ito. "Sumama ka sa amin," matigas na sabi nito sabay hila kay
Bianca. Hindi naman maipaliwanag ni Bianca ang kanyang kaba, hindi niya ito
kilala at nagtataka ito kung ano ang pakay nito sa kanya."Bitiwan mo ako o
sisigaw ako," lakas loob nabanta nito at pilit inaalis ang mga kamay
nakahawaknito sa kanya."Huwag ka na-umangal pa, kung ayaw mo
masaktan." Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak kay Bianca kaya
namimilipit si Bianca sa sakit."Bitawan mo ang ate ko," sigaw ng bata
ng makita nito si Bianca napinipilit."Bwiset may asungot pa. Bilisan mo
d'yan." Utos ng lalaki sa kanyang kasama. Bigla naman tinakpan nito ang
ilong ni Bianca ng panyo. Unti-unti nakaramdam nanghilo si Bianca hanggang sa
nawalan siya ng malay.Nagising si Bianca dahil sa ingay, unti-unti niyang
minulat angkanyang mata at nilibot ang paningin nito. Hindi siya pamilyar dito,
hindi niya alam kung nasaan siya. Huli niyang natandaan bago siya nawalan ng
malay ay narinig niya ang sigaw ng bata. Ginalaw nito ang kanyang kamay pero
nakatali ito."Gising ka na pala." Napatingin si Bianca sa lalaki nasa
harapan niya. Ito iyong lalaki sa internet cafe."Bakit ako nandito?" tanong
nito pero ngumisi lang ang lalaki. "Wala naman akong kasalanan sa inyo.
Please, pakawalan n'yo na ako." Pagmamakaawa nito, kinakabahan na si
Bianca. Hindi niya ito kilala, natakot ito baka may gawin itong masama sa
kanya."Relax lang, mamaya na kapag dumating si Nathan," sabi ng
lalaki. Nagtaka naman ito kung ano ba nagawa ni Lance sa kanila. Nagalit ba ito
dahil sa laro nito nainiwan sa internet cafe.
"Pwede
kayo makulong sa ginawa n'yo. Kaya pakawalan n'yo na ako," sigaw nito pero
tinawanan lang siya ng lalaki."Manahimik ka kung ayaw mo takapan 'yang
bunganga mo." Banta nito kaya napatigil si Bianca. "Masunurin ka
pala."Pinili na lang ni Bianca manahimik dahil hindi naman niya kilala ito
baka ano pa gawin nito sa kanya. Napatingin naman si Bianca ng biglang may
lumapit na lalaki, nakakatakot ang hitsura nito. May malaking peklat ito sa
mukha."Sigurado ba kayo napupunta si Nathan? Mahalaga ba ito sa kanya."
Tinuro nito si Bianca."Oo boss, nakita ko silang magkasama. Sinundan din
namin sila," sagot ng lalaki na kausap ni Bianca kanina."Siguraduhin
n'yo kung ayaw n'yo malintikan sa akin.""Chill lang boss, sigurado
kami. Makakaganti rin tayo sa Nathan na 'yon."Hindi maisip ni Bianca kung
ano kasalanan nagawa ni Lance dito. Natatakot siya sa kanyang sarili, hindi
mapagkatiwalaan ang mga mukha nito. Halatang mahilig ito sa away."Boss
nasa labas na ang Phantom Knight," sabi ng lalaki na hinihingal, halatang
kagagaling lang sa takbo. Nagtaka naman si Bianca kung sino ang Phantom Knight
na sinasabi nito."Humanda kayo," sigaw ng lalaki na may peklat sa
mukha. Nagsihanda naman ang mga tauhan nito akala mo susugod sag
era."Hindi pa rin nagbabago itong mabantot muna ugali. Nandamay ka
pa." Napatingin naman si Bianca dahil kilala niya ang boses na iyon.
Unti-unti niyang nakikita ito ng makalapit nasa kanilang kinaroroonan. Nakita
niya si Lance na magkasalubong ang kilay at nasa bulsa nito ang isang kamay.
May mga kasama itong apat na lalaki, isa lang kilala nito si Ace."Kumusta!
Matagal na hindi tayo nagkita," nakangising sabi ng lalaki."Ito
nanahimik na sana kung hindi ka lang malaking gago nanggulo ka ba
talaga.""Totoo pala ang balita natumigil na kayo at watak na ang
Phantom Knight. Pero bakit parang buo pa yata kayo napumunta nito."
Nakangising sabi nito at nilalaro ang baseball bat nahwak. "Mahalaga ba
talaga itong babae na ito," dagdag nito sabay tingin kay Bianca.
"Kung
sabagay, maganda at makinis. Mukhang masarap." Nanindig naman ang balahibo
ni Bianca sa kanyang narinig."Wala naman akong pake d'yan." Nagulat
naman si Bianca sa sinabi ni Lance. Gusto niya itong murahin."Sigurado ka?
Bakit ka nandito. Ayaw mo pa talaga aminin.""Totoo naman kasi, hindi
ko naman 'yan kamag-anak. Pakawalan muna 'yan," mariing sabi ni
Lance.Malakas natumawa ang lalaki. "Paano kung ayaw ko?" nakangising
sabi nito at parang iniinis nito si Lance."Naghahanap ka bang sakit sa
katawan?" sarkastiskong tanong niAce."Hindi pa rin nawala 'yang
yabang mo Ace," sabi ng payat na lalaki."Pwede ba ninyo pakawalan
muna ako, mamaya na 'yang reunion n'yo?" Hindi matiis ni Bianca hindi
magsalita. Napatawa naman ang isang kasamahan ni Lance kaya tiningnan ito ng
masama ni Bianca. "Pakawalan ko na ba, boss?" Tumango lang ang lalaki
kaya may lumapit kay Bianca at tinanggal ang tali nito. Napatingin naman si
Bianca sa kanyang kamay namumula. Gusto niyang sapakin ang lalaki pero
nangunguna ang takot nito. Nagulat naman si Bianca ng bigla siya nitong tinulak
sa kinaroroonan ni Lance. Mabuti na lang at nahawakan ito agad ni Lance kung
hindi nasubsob na ito sa sahig."Dalhin mo siya sa labas," utos ni
Lance at hinawakan si Bianca ng kasama ni Lance at dinadala nito palabas.
Napalingon naman si Bianca kay Lance hanggang sa hindi niya ito makita dahil
nakalabas na sila."Huwag ka mag-alala. Kaya na nila 'yon," sabi ng
lalaki. Hindi naman makapaniwala si Bianca dahil mukhang wala lang sa kanya.
Nag- alala naman si Bianca dahil tatlo lang sina Lance habang napakarami iyong
nasa loob.Napatingin naman si Bianca sa lalaking nagdala sa kanya sa labas.
Sumandal ito sa may pader saka doon nagyoyosi. Ilang oras nalumipas,
pabalik-balik lang ng lakad si Bianca. Hindi ito mapakali. Gusto na nitong
tumawag ng police. Pero napatingin ito ng may palabas. Nakita niya si Lance at
mga kasamahan nito. May kaunting galos ang mukha nila at madumi ang mga suot
nito."Ano nangyari?" salubong ng lalaki sa kanila sabay patay sa yosi
nito. "Ayun, tulog lahat," mayabang na sabi ni Ace.
"Nakaka-miss
din ito, matagal rin hindi nagamit ito." Pinakita ng lalaki na-blonde ang
buhok ang kanyang kamao."Maraming salamat," sabi ni Lance sa mga
kasamahan sabay tapik nito."Ano ka ba! Kahit wala na iyong grupo natin.
Matatag pa rin ang samahan at saka handa kami tumulong sa iyo.""Sa
susunod ulit, bro." Nagpaalam na ang mga kaibigan ni Lance. Sinundan naman
ni Bianca si Lance na naglalakad. Gusto niya magtanong pero baka magalit ito.
Kating-kati na siyang malaman ang totoo. Bakit galit sa kanya ang lalaki
nadumukot sa kanya.Napahinto sila isang itim na motor. Sumakay dito si Lance at
inabot kay Bianca ang isang helmet. Naguguluhan man ay tinanggap ito ni Bianca.
"Sakay.." Nagmamadaling sinuot ni Bianca ang helmet at hindi ito
maayos kaya hinawakan siya ni Lance upang mapalapit dito. Ito na ang nag-ayos
sa pagsuot ng helmet. Inalayan din siya nitong sumakay sa motor. Napakapit
naman nang mahigpit si Bianca kay Lance ng pinaandar nito ang motor.Nakasandal
sa may likuran ni Lance si Bianca habang nakapikit ang mga mata. Nang huminto
ang sasakyan ay unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Hindi alam ni
Bianca kung nasaan siya. Bumaba lang siya at tinanggal ang suot na helmet.
Sinundan niyang naglakad si Lance hanggang sa makarating sila sa may-ilog. May
mga bulaklak rin sa paligid kaya namangha si Bianca sa ganda ng lugar.
Napatingin siya kay Lance nahumiga sa damuhan sabay pikit ang mga mata.
Unti-unti na rin lumubog ang araw kaya.Napatingin siya sa kalangitan, sa
paglubog ng araw ay natapos na naman. Sa pagsikat nito ay panibagong yugto na
naman. Napatingin si Bianca kay Lance, hindi nito alam kung natutulog ba ito.
Lumapit ito sabay upo sa tabi nito. "Lance..." Nagbabasakali itong
sumagot. Narinig ni Bianca ang malakas na buntong hininga nito kaya alam nito
na hindi ito tulog. "Okay ka lang?""I failed him again."
Hindi maintindihan ni Bianca kung ano ibig nitong sabihin. "Akala ko
nakatakas na ako, patuloy pa rin pala ako hinahabol ng nakaraan,"
malungkot na sabi nito."Dahil ba ito kanina?"Bumangon si Lance sabay
upo sa tabi nito. Kumuha ito ng maliliit na bato saka niya tinatapon sa ilog.
"Isa sa grupo ni Greg ang nakaaway ko noon. Hindi ko akalain na hanggang
ngayon abot pala langit ang galit nito sa akin. Akala ko tapos na, matagal na
rin ako tumigil." Hindi nagsalita si Bianca nakikinig lang siya
dito."When Ethan died, tinigil ko na ang pagpasok sa gulo dahil ito ang
pangako ko sa kanya.""Sorry," mahinang sabi ni Bianca.
Nakokonsensya siya dahilpakiramdam niya ay kasalanan niya. Kung hindi siya nakuha
nun ay hindi sana siya ginamit para mapapunta sila Lance."It's not your
fault. Kasalanan ko lahat. Kahit anong takas ko ay hindi ko pa rin matatakasan
ang buhay ko noon," malungkot na sabi nito. "Ako dapat ang nawala,
hindi ang kapatid ko. Pero siya ang kinuha ng mga nakaaway ko, akala kasi nila
na ako iyon. Hindi marunong lumaban si Ethan kaya nabugbog at nasasak
ito." Hindi alam ni Bianca kung ano ang kanyang sasabihin. Ngayon
naiintindihan niya kung bakit masama ang loob ni Candice dito at kung bakit sinisisi
nito ang kanyang sarili sa pagkawala ng kapatid. Hinayaan lang ito ni Bianca na
ilabas lahat ng sakit."Nadala ko pa sa hospital si Ethan pero hindi kinaya
ng kanyang katawan dahil sa maraming dugo nawala. Hanggang ngayon dala ko pa
rin ang pagsisisi. Kung sana nakinig lang ako." Naalala ni Lance ang bawat
sandal, noong nasa hospital siya kung saan naliligo siya sa dugo ng kanyang
kapatid. Nagmakaawa siya sa doctor na gawin ang lahat upang mabuhay ang
kapatid.Pero nawala pa rin ito, sinalo lahat ni Lance ang galit at poot ng
kanyang mga magulang dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid. Siya ang sinisi sa
pagkawala ng kanyang kapatid. Kahit magkatulad sila ng mukha ni Ethan ay
magkaiba naman sila sa ugali. Mahilig sa away si Lance habang si Ethan ay nasa
bahay lang abala sa pagbabasa at pag-aaral.Nagsimula sa isang grupo nakaaway ni
Lance hanggang sa dumami ang kanilang nakakabangga. Malakas din ang grupo ni
Lance kaya kinatatakutan ito ng lahat. Pero madami naman ang may galit ang
gusto silang pabagsakin. Araw-araw ay lagi itong napapaaway, lagi naman itong
pinagsasabihan ng kakambal natumigil na. Kung nakinig sana siya hanggang ngayon
buhay pa ang kakambal niya."Lance.." Hinawakan ni Bianca ang kamay
nito. "Pakawalan mo ang nand'yan." Turo nito sa dibdib niya.
"Hindi matutuwa ang kakambal mo. Masakit man dahil nawala siya pero lagi
mong isipin nawala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan. Ang dapat sisihin ay
iyong sumaksak sa kapatid mo. Hindi ikaw..." Nakatigtig si Bianca dito.
Hindi
alam ni Bianca kung ano ang nagtulak sa kanya kung bakit bigla na lang niya
niyakap si Lance.Ilang minuto din silang magkayakap bago bumitiw si Bianca.
Medyo madilim na ang kalangitan kaya tumayo na si Lance. Inabot niya ang
kanyang kamay upang alalayan si Bianca makatayo. Tahimik silang bumalik kung
nasaan ang motor nito. Hindi din alam ni Bianca ang kanyang sasabihin kahit
siya ay nagulat dahil bigla niyang niyakap si Lance. Maraming tumatakbo sa
kanyang isipan.Tahimik sila buong biyahe hanggang sa makarating sila sa bahay
ni Bianca. "Salamat sa paghatid," sabi nito sabay abot sa suot niya
na- helmet. Kinuha naman ni Lance ang helmet."Thank you for making me feel
better," sabi nito sabay paandar sa motor. Nakatingin lang si Bianca sa
palayong motor hanggang sa hindi na niya ito matanaw.
Chapter 12
Napabangon
si Bianca sa kanyang kama dahil sa ingay ng kanyangcellphone. Inaantok pa siya
dahil ilang oras lang ang kanyang tulog dahil sa kaiisip kay Lance. Gusto na
niyang batukan ang sarili.Dinampot niya ang kanyang cellphone at agad nasinagot
na hindi tinitingnan."Lumabas ka dahil nasa labas kami." Napatingin
agad siya sa kanyang cellphone upang makita kung sino ang
timawag."Joe?" medyo gulat na sabi niya."Yes, it's me.
Nananaginip ka ba bes?" Narinig niya na may tumatawa sa kabilang linya.
Sigurado itong si Misha iyon. "Bumalik ka nasa earth, Bianca. Lumabas ka
na," dagdag nito. Kaya nagmamadali itong bumaba, narinig pa niyang
tinatawag siya ni Manang pero patuloy lang siya lumabas at nagpunta sa
gate."Bakit hindi na lang kayo pumasok. Pwede naman sa loob n'yo na ako
hintayin," reklamo nito nang mabuksan ang gate. Tinawanan lang siya ng
kanyang mga kaibigan."Look at your face, para kang inaway ng sampung tao.
Saka maganda kasi kung ikaw ang mag-welcome sa mga bisita mo," nakangising
sabi ni Joe. Nauna pumasok ang dalawa kaya napakamot na lang si Bianca sa
kanyang ulo sabay sunod sa dalawang kaibigan."Mukhang wala ka naman sakit?
Okay ka na ba?" tanong ni Misha sabay upo sa may sofa."Sinong
maysakit?" gulat na tanong ni Manang sabay lagay ng juice at cookies sa
mesa."Si Bianca po, umuwi po siya kahapon ng maaga. Pinuntahan ka naming
sa clinic pero wala ka na. Baka nakauwi ka, kaya dinalaw ka naming
ngayon," salaysay ni Misha."Pero madilim umuwi si Bianca
kahapon," nagtatakang saad ni Manang. Napatingin naman si Misha at Joe sa
kanyang kaibigan. 'punta muna ako sa kusina,' paalam ni Manang."Ano
'yon?" Nakataas ang isang kilay ni Misha habang tinatanong ito."Wala,
baka nalimutan lang iyon ni Manang," sabi nito. Ayaw naman nito sabihin
kung ano talaga ang totoo. Hindi pa siya ready."Sigurado ka?"
Paniniguro ni Misha."Ano ka ba, Misha! Balak mo yata maging imbestigador.
Manood na lang tayo nang-movie sa kwarto mo," masayang sabi ni Joe.
Pumayag naman si Bianca sa sinabi ng kaibigan. Nauna pa itong pumunta sa kanyang
kwarto habang nakasunod lang siya dito. Naghanap muna sila ng magandang
panuorin sa Netflix. Nagtalo pa si Misha at Joe kung ano ang panunoorin.Tahimik
silang nanonood, paminsan-minsan nagsasalita si Misha. Nagrereklmo ito kung
bakit ganoon ang nangyari. Natapos nila ang kanilang pinanood na sobrang maga
ng kanilang mata dahil sa kaiiyak."Kainis ka naman! Bakit kasi iyon napili
n'yo," reklamo ni Misha. "Pinapaiyak n'yo ako, nakakainis ang
ending."Hinampas naman ito ni Joe sa balikat. "Hindi lang naman ikaw
umiyak." Pinunasan nito ang luha. Kumuha din ng tissue si Bianca saka
pinunasan ang mga luha. Sobra silang naiyak sa kanilang pinanood. Hindi kasi
nagkatuluyan ang bida dahil namatay ang babae dahil sa sakit. Hindi na rin
nagmahal ang lalaki. Naging malungkot ang lalaki na bida at nanirahan itong
mag-isa hanggang sa bawian ito ng buhay."That is what the film teaches us,
hindi lahat happy ending. Pero mawala man ang tao na mahal natin ay mananatili
pa rin dito," sabay turo sa dibdib nito. "Lumipas man ang ilang taon,
nandyan pa rin ang pagmamahal natin doon. That was what we called
"greatest love". We will never forget the person and our feelings
will never fade.""Wow, nagsalita ang single!" singit ni Misha
kaya hinampas ito ni Joe ng unan. Pumagitna naman si Bianca sa dalawa upang
awatin ito. Nagtinginan silang tatlo saka nagtawanan."Bianca, naalala mo
ba noon kung paano nagpapansin itong si Misha sa kuya mo noon," panunukso
ni Joe dito. Natawa naman si Bianca kapag naalala ang pinaggagawa ng kaibigan
sa kuya niya."Worth it naman, ilang years na kaya kami. Alam mo salita na
pang- forever na talaga," nakangiting sabi ni Misha sabay yakap sa unan.
Napasimangot ito ng batukan ni Joe. "Janisha Loesie, mapanakit ka na!
Bitter mo kasi!""Hindi naman, I love myself." Sabay pa-cute
nito. "I don't need a man to be happy," sabay kindat nito. Napailing
na lang si Bianca at niyaya ang kanyang mga kaibigan na kumain. Sobrang ingay
nila kumakain habang pinag-uusapan ang nakaraan. Panay tawa nila habang naalala
ang mga kagaguhan naginawa nila.Pagkatapos kumain ay bumalik ito sa kwarto at
nanood ulit ng palabas sa Netflix. Pinili nila panuorin ay comedy kaya panay
ang tawa at hampasan nila. Hindi nila namalayan ang oras hanggang sa gumabi na.
Ilang palabas na rin ang kanilang natapos. Napagpasyahan ni Joe at Misha nadoon
matulog kay Bianca. Sobrang saya naman ni Bianca dahil matagal na rin nagsama
sila.Kinabukasan sabay pumasok silang tatlo, habang papunta sa kanilang room
nagpaalam muna si Joe napumunta sa restroom kaya silang Bianca at Misha na lang
ang naiwan."Hi Bianca!" Napalingon naman si Bianca kung sino tumawag
sa kanya nakita niya si Ace ang kaibigan ni Lance. Nasa may gilid din si Lance
kasama ng ilang kaibigan nito at parang hindi siya nitonakikita. Ngumiti lang
si Bianca kay Ace saka hinatak si Misha maglakad."Ang gwapo naman
nun," bulong ni Misha.Kinurot ni Bianca ang tagiliran ng kaibigan.
"Sumbong kita kay kuya," banta nito pero tinawan lang ito ni
Misha."Wala naman magagawa 'yon.""Misha...""Joke lang,"
sabi nito sabay peace sign. "Mas gwapo pa kuya mo doon saka mahal
ko," bawi nito. Kaya umiling na lang si Bianca at pumasok sa kanilang room
dahil nakarating na ito.Pagkatapos ng kanilang klase ay nagpaalam muna si
Bianca pumunta sa library sandal may kailangan lang siyang isauli. Nakasalubong
niya si Lance pero parang hangin lang siya dito. Hindi siya nito pinansin.
Napasimangot naman ito, nasanay naman itong hindi pinapansin noon. Pero akala
kasi nito magkaibigan na sila simula noong lumabas sila."Para ka naman
natalo sa lotto. Anong mukha iyan?" Natawang sabi ni Misha nang umupo si
Bianca sa harap nito. Matapos nito magpunta sa library ay pumunta ito agad sa
cafeteria dahil nandoon si Misha at Joe."Wala naiinis lang," sabi
nito sabay agaw sa juice ni Misha. Tiningnan naman ito ni Misha ng masama dahil
sa ginawa nito. Pero hindi ito pinansin ni Bianca dahil naiinis pa rin siya kay
Lance."Cutting tayo," nakangiting sabi ni Misha. Umiling naman si
Bianca dahil nag-cutting na siya. Ayaw naman niyang mapapadalas ang cutting
niya."KJ mo naman," nakasimangot na sabi nito.
"Sa
susunod na lang, Misha.""Okay, ang pangit naman kung ako lang
mag-cutting. Mas masaya kung tayong tatlo." Nginitian lang ito ni Bianca.
Matapos nila kumain ay nag-ikot ikot muna sila sa school. Minsan lang nila ito
ginagawa dahil sobrang laki ng school. Hindi kaya nitong ikutin isang araw kaya
kung saan lang kaya nila ay doon lang hanggang sa naupo sila sa may damuhan.
Nasa likod sila nang-gym.Nakatingin lang sila sa mga ulap, naalala ni Bianca
noongmagkasama sila ni Lance. Nakatingin din siya sa kalangitan noon. Napangiti
siya kapag naalala ito. Iniling naman niya ang kanyang ulo at napasimangot kung
paano parang hangin lang siya nito.Ilang oras sila nanatili magkaibigan doon
hanggang sa bumalik na sila sa kanilang room para sa kanilang klase. Mabili lang
naman lumipas ang oras hanggang sa matapos ang kanilang klase at nagsiuwian na
mga estudyante. Pag-uwi naman ni Bianca ay agad siyang nilapitan
nang-ama."Princess.." tawag nito sa kanya. "May ginawa ka bas a
tutor mo?" Nagtaka naman si Bianca sa sinabi ng ama."Hindi kita
naintindihan, dad," gulong-gulo na sagot nito sa ama. Narinig pa nito ang
pagbuntong hininga ng ama."He called me and told me that he would stop
teaching you," her dad answered in frustration. Nagulat naman si Bianca sa
sinabi ng ama. Nagtaka ito at naisip niya kaya ba ito umiiwas kanina na parang
hindi siya nag-exist. Nagalit ba ito sa kanya dahil sa pakikialam niya sa
kakambal nito. Gustong sabunutan ni Bianca ang kanyang sarli dahil sa inis pero
ayaw naman niya ito ipakita sa ama kaya ngumiti siya dito."Baka busy siya,
dad," sabi nito saka nagpaalam nasa ama upang pumunta sa kanyang kwarto.
Agad naman siya nahiga sa kama at tinakpan ang mukha ng unan sabay sigaw.
Naiinis siya kay Lance gusto niya itong maka-usap kung ano problema nito.Hindi
namalayan ni Bianca nakatulog nap ala ito. Kaya ng magising siya ay suot pa
nito ang damit nasuot kahapon sa school. Napatingin siya sa oras at napabangon
ito dahil malapit na siya ma-late.Sa pagmamadali niyang pumasok sa school sa
takot na ma-late ay bigla itong may nakabunggoan. Nagulat ito nang makita kung
sino ito. Pero napakunot ang noo nito ng hindi man lang siya tulungan pulutin
ang libro nahulog at bigla na lang siya iniwan. Inis niyang kiniha ang libro
saka naglakad papunta sa kanyang room."Kung hindi niya ako papansinin,
bahala siya. Hindi ko rin siya papansinin. Gago," sabi nito. Buong klase
wala siya sa sarili nakatulala lang ito. Kahit saan na-umabot ang kanyang isip.
Hanggang matapos ang klase at para itong zombie naglakad papunta sa canteen.
Bumalik lang ito sa sarili ng may nabunggo ito."Bianca!" Tuwang-tuwa
na sabi nito ng makilala siya."Cirus..." sambit niya"Kumusta na?
Sa canteen ba kayo pupunta? Sabay natayo," nakangiting sabi nito.Tiningnan
naman ni Bianca ang mga kaibigan. "Sure," sang-ayon nito sabay ngiti.
Madali naman nagong close si Cirus sa mga kaibigan nito. Kaya tuwang-tuwa sila
nagkwe-kwentuhan habang kumain.Matapos nila kumain ay nagpaalam na si Cirus
sabay pasalamat sa kanila. Pagbalik nila sa kanilang room ay hinintay nila ang
kanilang subject teacher. Napasimangot naman sila lahat nang sinabi nito na may
quiz sila. Nagpasalamat naman siya dahil iyong tinuro ni Lance ang lumabas sa
quiz. Pero matapos ang test ay hindi niya mapigilan na maisip si Lance. Malaki
din kasi ang tinulong nito sa kanya."Problema mo?" Nagtatakang tanong
ni Misha sa kaibigan nang makita itong binagok ang ulo sa may desk."Wala
sa quiz lang," palusot nito. Dahil pwede nalumabas ang tapos sa quiz ay
nagpaalam muna si Bianca sa mga kaibigan. Gusto niya mapag-isa dahil lagi na
lang niya iniisip si Lance. Gusto na nito batukan ang sarili. Nagpunta ito sa
may likod nang-gym upang doon magpalipas hanggang pwede nalumabas sa school.
Naupo siya sa may damuhan at pinagmasdan ang bulaklak kung saan may dumapo na
paro-paro."Being alone?" Napalingon naman agad si Bianca."Cirus!
Ikaw pala. Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong nito. Umupo ito sa may
tabi niya."Gusto ko magbasa nito." Pinakita ang libro nahawak.
Inabutan din ito nang chips ni Cirus kaya nagpasalamat siya at kumuha dito.
Nagpasalamat naman siya dito."Tungkol saan ba 'yang libro na 'yan?"
"It's
about crime," sagot nito. Tumango lang si Bianca, hindi naman siya mahilig
sa ganyan na book, binabasa niya ay pocketbook or wattpad lang kapag free time
niya. Tiningnan ito ni Bianca na seryoso sa pagbabasa. Naalala na naman niya si
Lance kung gaano ito ka seryoso sa mga binabasa. Napailing na lang si Bianca
dahil naalala na naman niya ito.Nanatili sila doon ng ilang oras hanggang
nagsi-uwian na ang mga estudyante. Tumayo si Bianca saka sumunod naman si
Cirus. Nagpagpag muna sila bago naglakad paalis. Pero nagulat na lang si Bianca
ng makasalubong niya si Lance. Parang kanina lang iniisip niya ito ngayon nasa
harap na niya. Nginitian siya ni Ace pero parang wala naman nakita si Lance.
Nilagpasan na lang niya ito."May problema ba?" Nag-alalang sabi ni
Cirus, umiling lang si Bianca sabay ngiti. Naghiwalay lang sila ni Cirus nang
sumakay na ito sa kanyang sasakyan. Pag-uwi naman niya sa kanila ay
pagulong-gulong ito sa kama. Lagi kasi niya naiisip si Lance. Gusto mainis ni
Bianca sa sarili dahil bakit laging naiisip si Lance.Inabot nito ang kanyang
cellphone sabay tingin sa instagram ni Lance. Wala itong bagong post kaya
nag-scroll na lang ito sa mga dating post hanggang mapagod. Tumayo ito saka
nag-shower at nagpalit ng pantulog. Baka malimutan na naman kasi niya magpalit
ng damit. Kaunti lang din ang kinain nito dahil wala naman itong gana. Ginawa
lang nito ang kanyang activity at assignment bago ito nahiga sa kama.Hindi
naman ito makatulog kaya lumabas muna ito upang magtimpla ng gatas. Nagbasakali
na makatulog kapag nakainom nito. Pero hindi pa rin ito dalawin ng antok nang
makabalik ito sa kanyang kwarto. Naglaro na lang ito nang-ML pero nakailang
game na siya pero hindi pa rin sumusuko ang kanyang mga mata. Hindi parin ito
inaantok."Kasalanan mo ito, Lance," inis na sabi nito sabay tapon ng
unan.
Chapter 13
Apat na
araw na rin parang hindi magkakilala si Lance at Bianca sa tuwing nagku-krus
ang kanilang landas. Wala naman lakas na loob si Bianca kausapin ito. Kaya
paminsan-minsan ay tinitingnan na lang niya ito kapag nasa iisang lugar sila.
Maraming gusting itanong si Bianca kung bakit bigla na lang ito nagbago pero
hinayaan na lang niya ito. Baka ano pa kasi ang isipin nito.
Sa apat
na araw marami naman nangyari, naging abala ito sa paggawa ng kanilang project.
Mabuti na lang at tinutulungan siya ni Cirus. Naging malapit na rin it okay
Cirus, magaan ang loob nito. Ito ang kasama niya palagi sa cafeteria lalo na
kapag wala si Misha at Joe dahil may ginawa.
Nasa
isang Japanese restaurant siya ngayon kasama ang kaibigan nito, gusto kasi
ipakilala ni Joe ang kanyang crush na kaibigan niya raw. Noong isang araw
malakas itong tumili dahil sa sobrang kilig. Sinabi nito na nakita niya ang
taong matagal niyang gusto makita. Hindi niya akalain nasa Pilipinas lang pala
magtatagpo landas nila.
Araw-araw
ito nakangiti at nasa cellphone lang ang atensyon dahil ka-text nito iyong
crush niya. Pinilit pa nito si Bianca at Misha nasumama para naman makilala
nila. Wala naman nagawa ang dalawa dahil wala naman pasok kaya sumama na lang
sila. Gusto din kasi nila makilala kung sino at anong ugali nito.
"Gwapo
ba 'yan, Joe?" tanong ni Misha sa kaibigan, ngumiti lang si Joe na parang
kinikilig.
"Sobra.."
abot tenga ang ngiti nito.
"Ano
ba 'yan, late naman," reklamo ni Bianca.
"May
may ginawa o na-traffic lang," tanggol ni Joe dito. Ininom na lang ni
Bianca ang juice nito. "Nandito na siya," nakangiting sabi ni Joe
sabay tayo at kumaway. Dahan-dahan naman lumingon si Bianca at Misha upang
makita iyong sinasabi ni Joe.
Napatulala
si Bianca nang makilala ang taong palapit sa kanila. Pumikit pa ito bago ulit
tumingin para makasigurado baka guni-guni lang kasi nakita niya pero hindi pa
rin nagbago. Nakasuot ito ng light blue jeans saka plain white shirt, simple
lang suot niya pero ibang aura ang binibigay nito sa kanya. Mas lalong naman
nagpapalakas ng kanyang appeal. Hindi akalain ni Bianca makikita niya si Lance,
pero
ang
nakakagulat ay ang kanyang dating tutor at crush ng kaibigan ay
iisa.
"Mabuti
nakarating ka," masayang salubong ni Joe dito. "Ito pala
mga
kaibigan ko si Bianca at Misha," pakilala nit okay Lance. Tahimik lang si
Bianca at Misha, hindi nila alam kung anong sasabihin. "Hoy, magsalita
naman kayo," sabi ni Joe.
"Ayy,
pasensya sabog lang. Maupo ka muna," sabi ni Misha nakangiti sabay siko
kay Bianca. Hindi naman makapagsalita si Bianca dahil hindi nito alam kung ano
ang kanyang sasabihin. Hindi komportabli si Bianca dahil magkaharap sila ni
Lance, naiilang ito.
"Order
muna tayo," mungkahi nito. Tumango lang si Lance. Kinuha ni Bianca ang
menu upang matakpan na rin iyong mukha niya.
"Bianca!"
Siniko naman ito ni Misha. Tiningnan niya nang masama si Misha dahil sa ginawa
nito. "Baliktan iyang pagkakahawak mo," mahinang sabi nito. Nakarinig
naman siya ng mahinang tawa. Agad na tiningnan ni Bianca at tama ang kaibigan
nito. Baliktad ang hawak nito sa menu. Nag-init naman ang mukha ni Bianca dahil
sa hiya. Gusto nito lamunin ng lupa dahil sa labis nakahihiyan.
Pagkatapos
sabihin ang kanilang order ay abala sila sa pag-uusap habang hinihintay ang
order. Minsan sumasali si Bianca para hindi naman siya masabihan na KJ. Pero
madalas tahimik lang ito at nakikinig sa usapan.
"Okay
ka lang, Bianca? Ang tahimik mo yata ngayon." Nag-alalang tanong ni Joe.
Ngumiti
lang si Bianca dito. "Oo naman, medyo sumakit lang ulo ko,"
pagsisinungaling nito.
"Iyan
kasi lagi ka nakababad sa cellphone mo," sabi ni Misha at nag- wink kay
Bianca. Alam nito kung bakit tahimik ang kaibigan,na- ikwento ni Bianca dito.
"You
should use anti-radiation," singit ni Lance pero hindi sumagot si Bianca
dito.
Nagpasalamat
na lang si Bianca dahil dumating na iyong order nila. Tahimik silang kumakain,
minsan nagsasalita si Joe. Hindi naman maiwasan ni Bianca matingnan si Lance at
kung paano ito abutan ng pagkain ni Joe. Nakaramdam naman ng kirot si Bianca sa
bawat nakikita niya, kung gaano ka-close ang dalawa.
Matapos
kumain ay binayaran ni Lance ang kanilang kinain. Nagyaya si Joe namamasyal
muna sila dahil maaga pa. Mabilis naman tumanggi si Bianca at sinabing hindi
ito sasama dahil mas sumasakit ang kanyang ulo. Mabuti na lang at napaniwala
niya ito. Sinuot muna niya ang kanyang mask bago ito naglakad para sumakay
nang-taxi. Sinundo lang kasi siya ni Joe kaya hindi nito dala ang sasakyan.
Nagulat
ito ng may biglang huminto nasasakyan sa kanyang harap. Nakita niya si Misha
nakangiti. "Sakay na!" Sumakay naman agad si Bianca dito.
"Bakit
ka nandito?" Nagtatakang tanong nito sabay alis sa suot nitong mask.
"Wala
naman akong balak maging thirdwheel sa dalawa na 'yon. Iniwan mo ba naman
ako," sabi nito sabay paandar sa sasakyan.
"Masama
kasi pakiramdam ko," sabi nito sa kaibigan.
"Hoy,
kung si Joe uubra iyang drama na sakit mo. Pwes, sa akin hindi. Hindi ka
magaling na-artist, modelling ka lang talaga," saad nito sabay tawa. Kaya
inabot ni Bianca ang buhok nito sabay hila kaya napasigaw ako. "Kapag
nabangga tayo, lagot ka sa akin," banta nito sa kaibigan kaya natawa na
lang ito.
Hininto
ni Misha ang sasakyan sa lumang park kung saan sila
madalas
nandoon noong bata pa sila. Maganda pa rin ang paligid, may mga bulaklak sa
gilid at nandoon pa rin iyong ilang layuan pero kinakalawang na.
"Bakit
tayo nandito? May problema ka? Nag-away na naman kayo ni kuya?"
sunod-sunod natanong nito sa kaibigan.
"Wait
lang, kapeng mainit mahina ang kalaban," sabay taas ang kamay nito.
"Una nandito tayo para magmuni-muni saka wala akong problema at hindi kami
nag-away ng my loves ko. Ikaw ang may problema," sabi nito sabay turo kay
Bianca. Napataas naman ang kilay ni Bianca dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Upo muna tayo."
Nagpunta
ito sa may swing, pinunasan muna nila bago sila naupo. "Bianca,"
tawag ni Misha. Napatingin naman si Bianca dito. "Okay ka lang?"
"Oo
naman," mabilis na sagot nito.
"Talaga?
Hindi ka ba nasaktan sa nakita mo kanina?" Mabilis na
umiling
si Bianca. "Hindi ko rin akalain na iyong laging sinasabi ni Joe na gusto
niya makita ay 'yong tutor mo. Alam ko dinahilan mo lang iyang sakit ng ulo mo
upang makatakas."
"Misha..""
Hindi alam ni Bianca kung ano ang kanyang sasabihin.
"Alam
ko naman kasi na may feeling ka sa lalaki na iyon. Kay." "Hindi totoo
iyan,"mabilis na tanggi nito.
"Patapusin
muna ako. Huwag na tumanggi, nahuhuli kaya kita kanina panay ang sulyap mo sa
lalaki na 'yon. Nakakalungkot lang dahil iisang tao na naman ang gusto n'yo ni
Joe. Mauulit na naman ang dati."
"Mali
ka naman nang-iniisip, Misha," tanggi nito. Hindi naman niya gusto si
Lance, alam niya ito sa kanyang sarili.
"Don't
lie to me, Bianca. I know you. Even if you keep hiding your feelings, iba iyong
nakikita ko sa mga mata. Everytime you look at them, it's full of pain."
Umiling lang si Bianca, hindi siya naniniwala dito. Siguro marami siyang
gusting itanong kay Lance. Pero iyong may nararamdaman, hindi ito totoo.
"Huwag
muna ipilit, Mish. Hayaan na natin si Joe at Lance."
"Masaya
ka ba? Hindi ba masakit iyan," sabay turo sa may dibdib nito. Ngumiti lang
si Bianca saka umiling. "Sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mo saktan si
Joe. Indenial ka pa nawalang feelings. Halata naman. Ilang beses ka ba
magpaparaya, Bianca?" Hindi naman makasagot si Bianca, alam naman niya sa
sarili nawala siyang nararamdaman kay Lance. Isa pa ayaw nito masaktan ang
kaibigan, nakikita niyang masaya kanina si Joe.
Hinayaan
na lang ni Misha ang kaibigan, nanatili muna sila doon ng ilang oras doon bago
nagpasyang umuwi. Pagdating nito sa bahay ay agad ito nahiga sa kama. Kinuha
nito ang cellphone saka nakita ang picture na-send ni Joe sa GC nilang
magkakaibigan. Nakita nitong
nakangiti
si Joe habang si Lance naman ay naka-poker face lang. Kilig na kilig nasinabi
nito sa GC kung saan sila namasyal. Ini-off na lang ni Bianca ang kanyang
cellphone saka napatingin sa may kisame. Nakatulala ito habang iniisip iyong
sinabi ni Misha sa kanya kanina. Umiling ito saka tumayo at nagtungo sa banyo
saka nag- shower. Matapos patuyuin ang buhok ay nahiga ito sa kama saka pinikit
ang kanyang mata.
Pumasok
si Bianca sa school na sobrang laki ng eyebags, hindi kasi ito makatulog kagabi
kahit anong pilit ang kanyang gawin. Laging pumapasok sa kanyang isip si Lance.
"Okay
ka lang?" napatingin naman si Bianca sa kanyang likuran. Napangiti ito ng
makita si Cirus nakapapasok palang sa school.
"Oo
naman," sabi nito sabay ngiti.
"Sabay
tayo mag-lunch mamaya," wika nito kaya tumango si Bianca bilang
pagsang-ayon. Nagpaalam na sila sa isa't-isa at naglakad na si Bianca patungo
sa kanyang room. Pagpasok niya ay nakita niya si Misha at Joe kaya ngumiti ito.
Umupo na ito sa kanyang upuan at hinintay ang kanilang guro.
Pagkatapos
ng klase ay nagpunta na silang magkaibigan sa cafeteria. Nang makita ni Bianca
si Cirus ay kumaway ito, nakangiti naman lumapit si Cirus sa kanila.
"Ngayon pa kasi kami pinalabas," sabi nito sabay kamot.
"Okay
lang, kararating lang din namin," saad ni Bianca. Tumayo muna sila upang
kumuha ng pagkain bago bumalik sa kanilang inuupuan. Habang kumakain ay panay
ang kwento ni Cirus kung gaano ka stress ang school year niya ngayon.
"Ano
ba kukunin mo pag-college?" Tanong ni Misha dito.
"Hindi
ko pa alam, eh. Medyo magulo pa utak ko," nakangising sabi ni Cirus.
"Uyy..
Lance dito kayo may space pa naman," tawag ni Joe dito. Hindi naman
lumingon si Bianca, nagpatuloy lang itong kumain. Gusto niya matapos agad
kumain, sobrang ackward siya ngayon dahil nandoon si Lance.
"Ikaw
Bianca? Ano balak mo pag-college," tanong ni Cirus dito.
Napatingin
naman ito ni Cirus, pero nabigla siya ng hawakan ni Cirus ang kanyang mukha
sabay punas sa malapit sa kanyang bibig. "ang dungis mo kumain,"
natatawang sabi nito, napayuko naman si Bianca dahil dito. "May naisip ka
na ba?"
"Wala,
may panahon pa naman ako mag-isip," mahinang sagot nito.
"Kung
sabagay sa atin dalawa, ikaw ang may mahabang panahon pa."
"Ikaw
Lance, ano balak mo kunin pag-college?" Tanong ni Joe dito, napatingin
naman si Bianca dito pero agad din niya binawi at doon naka-focus sa kanyang
pagkain.
"BS
Biology," tipid na sagot ni Lance.
"Wow!"
nakangiting sabi ni Joe. "Chemical Engineering iyong balak ko, gusto ko pa
ipaalam sa parents ko. Kasi gusto nila Archi. Ayaw ko naman nun," dagdag
ni Joe. Naisip ni Bianca na mabuti pa iyong mga kaibigan niya alam na iyong gusto
nila habang siya naguguluhan pa kung ano ba talaga ang kunin niya pagtungtung
nang-college. Naguguluhan siya kung ano ba ang gusto niya. Hanggang ngayon wala
pa rin itong mahanap na sagot.
"Okay
ka lang?" mahinang sabi ni Cirus sa kanya. Nginitian lang ni Bianca si
Cirus sabay tango.
"Mauna
na kami," paalam ni Lance sa kanila at tumayo na ito sabay lakad paalis.
Hindi na rin pinakinggan ang sinabi ni Joe dito.
Wala na
rin gana kumain si Bianca kaya hindi na lang niya tinapos ito. Nag-usap na lang
sila ni Cirus. Niyaya siya nitong lumabas pero tumanngi ito, sinabihan niyang
marami pa siyang gagawin kahit wala naman talaga. Wala din itong photoshoot
pero wala talaga siya sa mood nalumabas.
Nagpaalam
na si Cirus sa kanila dahil kailangan na nitong bumalik sa kanyang klase.
Hinintay na lang ni Bianca at Joe na matapos si Misha bago ito bumalik sa
kanilang room. Pinilit ni Bianca ang sarili na makinig sa discussion, pilit
niya inaalis sa kanyang isipan si Lance. Kailangan niyang makinig at mag-aral
mabuti dahil wala na si Lance upang tulungan siya sa pag-aaral. Tanging sarili
na lang niya ang makakatulong sa kanya.
"Okay
ka lang?" mahinang sabi ni Misha, nag-thumbs up lang ito upang sabihin
dito na okay lang siya.
Nag-inat
inat si Bianca ng matapos ang kanilang klase. Naglakad na sila palabas sa room.
Nagpaalam muna si Misha napupunta sa library, sumama naman si Joe. Niyaya pa si
Bianca nasumama sa kanila pero umiling lang ito. Gusto na nitong maka-uwi saka
mahiga sa kanyang malambot na kama. Pagod na pagod na siya. Naglakad na siya
kung nasaan ang sasakyan nito.
"Ahhh.."
sigaw nito ng biglang may humila sa kanya. Napatingin siya kung sino ang taong
ito. Pero bigla siyang nanigas sa kanyang kinaroroonan at pigil ang hininga
nito ng makita si Lance. Seryoso itong nakatingin sa kanya at sobrang lapit
nila sa isat isa. Hindi maipaliwanag ni Bianca ang kanyang sarili, sobrang
bilis ng tibok ng kanyang puso.
"Let's
talk," malamig na sabi nito habang nakatingin at hawak nito ang
palapulsuan ni Bianca.
Chapter 14
"Bitawan
mo nga ako," sabi ni Bianca sabay tulak kay Lance. "Ano ba kailangan
mo sa akin?" Inis na tanong nito. Hindi maipaliwanag ni Bianca ang kanyang
sarili, noong hindi siya nito pinapansin gusto niya makausap pero nang lumapit
na ito sa kanya ay ayaw na naman niya makausap.
"I'm
sorry," mahinang sabi ni Lance, umiwas ito nang tingin kay Bianca.
"Sorry
saan? Sa pag-iwas mo sa akin na parang hindi tayo
magkakilala
o sa biglaan mo pagtigil sa pagtuturo sa akin?" Hindi na mapigilan ni
Bianca ang kanyang sarili.
"I
know you're wondering why I stopped to be your tutor and get away from you. But
it is good for you. Being close to me can cause you harm," he explained to
Bianca.. Hinawakan niya ang balikat ni Bianca at tinitigan ito. "I don't
want you to be hurt or put in danger," he added.
"Teka
nga, hindi kita naiintidihan." Napakunot ang noo nito. "May pa
danger, hurt at harm ka pa nalalaman. Ipaliwanag mo nga sa akin." "I
can cau-"
"Naku
Lance, wala tayo sa amerika kaya huwag mo akong ma-english d'yan. Ipaliwanag mo
nang maayos." Binitawan ni Lance si Bianca saka napahilamos ito sa kanyang
palad.
"Fuck!
Why did I try to explain it to you." Parang pasan nito ang buong mundo at
tinatanong ang sarili na tama ba ang ginawa niya. "I'm sorry for
disturbing you. I need to go." Aalis na sana ito pero bigla itong binato
ni Bianca ng notebook. "What the hell.." Nayayamot na sabi nito sabay
lingon kay Bianca.
"Huwag
mo akong murahin." Masama ang tingin nito kay Lance. "Aalis ka lang
agad? Pagkatapos mo akong guluhin dito. Bigla ka na lang aalis? Ganyan ka ba
talaga, Lance." Naiinis na sabi nito. Lumapit it okay Lance. "Umayos
ka naman." Pinulot nito ang notebook natinapon sabay hampas sa braso ni
Lance.
"Nanakit
ka na," reklamo ni Lance sabay himas sa braso niya.
"May
reklamo?" Nakataas ang kilay nito. Umiling lang si Lance. "Bilis
sabihin muna, mahal ang oras ko."
"I
can pay. How much is your time?" Tiningnan lang ito nang masama ni Bianca.
"Oo
na mayaman ka na. Huwag mayabang. Bilis magsalita ka na." Inirapan niya
ito. Hinawakan siya ni Lance sa may pulupulsuan. "Hoy, saan mo ko
dadalhin?"
"We
need to talk in some place, not there. They have a lot of students passing
by." Napaisip naman si Bianca sa sinabi nito kaya hinayaan na lang niya
ito kung saan siya dadalhin. Napahinto sila sa isang milk tea shop. Pumasok
sila doon saka pinili ang pinakadulo upang walang tao makakita sa kanila.
"What do you want?"
"Kahit
ano," mataray na sabi nito. Naiinis na rin si Bianca sa sarili dahil sa
ugali nito. Baka ano pa sabihin sa kanya ni Lance. Umalis muna si Lance at
pagbalik niya ay may dala na itong milk tea.
"Here
is your order, maam, kahit ano," pilosopo na sambit nito. Kaya tiningnan
ito nang masama ni Bianca sabay kuha sa milk tea. "I'm sorry sa pag-iwas
ko sa iyo. Alam kung mali ang ginawa ko, pero ayaw kung mapahamak ka
Bianca," mapait na sabi nito. Napatingin naman si Bianca dito. "Kahit
pala tumigil ako ay patuloy pa rin nila ako hahabulin. Ayaw kung madamay ka,
Bianca. Hindi ko mapapatawad sarili ko."
"Dahil
ba ito sa nangyari noong isang araw. Kaya biglaan kang lumayo?" Tumango
ito. "Hindi naman siguro.."
"Pwede
ka nilang gamitin tulad ng dati upang makaharap lang nila ako. Ayaw kung
madamay ka, baka matulad ka ng kakambal ko. Hindi ko mapapatawad aking sarili
kapag may nangyari sa iyo."
"Kahit
na kapakanan ko ang iniisip mo, naiinis pa rin ako sayo. Akala ko pa naman
nakukulitan ka sa akin. Alam mo iyong madami kang katanungan sa isip mo. Kaya
naiinis pa rin ako sayo," nakasimangot na sabi nito.
"I'm
sorry," malungkot na sabi nito.
"Basta
iyong inis ko sayo abot Jupiter," sabi ni Bianca sabay irap. Napataas ang
kilay nito nang marinig ang mahinang tawa ni Lance. "Ba't ka
tumatawa?"
"Nothing,
you're so cute when you get mad," he chuckled. Kaya
tumayo si
Bianca upang iwan n asana niya ito pero mabilis
nahawakan
ni Lance ang palapulsuan nito. "Sorry na," malambing na sabi nito.
Biglang
bumilis ang tibok ng puso ni Bianca. "O-Oo na, k-kaya
bitawan
mo ako," nauutal na wika nito at inalis ang kamay ni Lance.
Bumalik
ito nang-upo pero hindi makatingin kay Lance at nasa hawak lang nito na-milk
tea. "Pagkatapos ban g pag-uusap natin nito ay iiwasan mo ulit ako? Dahil
takot ka pa rin sa pwede mangyari?" Lakas loob natanong ni Bianca, para
naman maging handa ang kanyang sarili kung iiwasan pa siya ni Lance.
"I
don't know. Hindi ko alam ang sarili ko, gusto kita layuan pero hindi ko naman
kayang hindi ka pansinin. Ilang araw ko na din pinipigilan sarili ko na
kausapin ka."
"Bakit
natatakot ka sa akin lumapit? Hindi ka ba natatakot sa mga kaibigan na kasama
mo na pwede din sila gamitin?"
"They
can protect themselves, so hindi ko kailangan mag-alala." Medyo
naguguluhan naman si Bianca sa sagot nito kaya tiningnan niya si Lance na may
halong pagtataka. "Kasama sila sa grupo ko kaya kaya nila ipagtanggol ang
sarili nila," paliwanag nito
"Kaya
pala... Pwede mo naman hindi ako iwasan, siguro hindi naman iyon mauulit. We
can be friends," nakangiting sabi ni Bianca sabay abot ng kanyang kamay.
"If gusto mo lang naman," dagdag nito.
"We
can be friends or more friends," naka-smirk na sabi nito sabay kuha sa
kamay ni Bianca.
Hinugot
naman agad ni Bianca ang kamay. "Sira ulo, mauna na ako, kailangan ko na
umuwi."
"Ihahatid
na kita," sabi ni Lance.
"May
sasakyan ako," mataray niyang sagot sabay tayo.
"I
know, hindi ko naman sinabi na sa bahay n'yo. Sa parking area din, nandoon kasi
sasakyan ko."
"Bahala
ka d'yan," sabi ni Bianca sabay naunang maglakad upang matago ang hiya
dahil mali pala ang kanyang iniisip. Nakasunod lang sa kanya si Lance hanggang
sa makarating sila sa sasakyan nito. "Mauna na ako," sabi nito sabay
pasok sa kanyang sasakyan.
"Keep
safe," sabi nito sabay kaway, tumango lang si Bianca saka sinirado ang
pinto sa sasakyan. Piandar na nito ang sasakyan pero bago ito umalis ay
tiningnan muna niya sa salamin si Lance naiwan nakatayo, hinihintay siya
makaalis.
Kinabuksan
abala si Bianca sa mga gawain sa school, napatapos ang kanilang klase sobrang
pagod na pagod siya. Nagtungo sila sa canteen upang kumain, kaunti lang kinain
ni Bianca dahil wala siyang
gana
kumain. Gusto niya matulog buong araw.
"Hindi
ka ba natulog kagabi?" Nagtatakang tanong ni Misha dito.
"Baka
naglaro ka na naman," singit ni Joe. "Itigil muna iyang ML mo baka
mapaano ka ba dahil lagi kang late matulog," dagdag nito sabay inom ng
juice.
Napasandal
na lang si Bianca sa upuan at pinikit ang kanyang mga
mata.
Hindi naman dahil sa ML kaya madaling araw na siyang gumising kung hindi dahil
kay Lance. Hindi nila namalayan na medaling araw na pala. Para tuloy itong call
center inumaga dahil sa katawag. Kasalanan din naman niya dahil nag-enjoy ito
kausap si Lance. Kahit saan saan napupunta ang usapan nilang dalawa.
"Oh
ano nangyari dito?" Napamulat naman si Bianca nang maramdaman na may
tumabi sa kanya, nakita nito si Cirus na nakangiti. Pinitik nito ang kanyang
ulo kaya napasimangot ito. "Bakit ang laki ng eyebags mo?"
"Sa
kakalaro niya 'yan." Si Misha na ang sumagot.
"Naku,
itigil na kasi iyan," sabi nito sabay gulo ng kanyang buhok. Pilit naman
hinihuli ni Bianca ang kamay nito upang pigilan. Napatigil lang ito nang makita
si Lance na pumapasok sa cafeteria. "Natulala ka nab a sa kagwapuhan
ko?"
Hinampas
ni Bianca ito sa braso. "Kapal," sabi nito sabay kuha sa kanyang
juice sabay inom. Narinig naman nitong tumawa si Cirus. Tumayo si Bianca.
"Kuha muna ako ng tubig," paalam nito saka naglakad. Bubuksan na sana
niya ang fridge pero may naunang nagbukas nito. "What do you want?"
Hindi na kailangan lingunin ni Bianca kung sino ito dahil kilala na niya ang
boses nito.
"W-Water,"
nauutal na sabi nito. Kumuha si Lance ng tubig saka sinirado ang fridge.
Nilingon ito ni Bianca pero napasinghap ito dahil sobrang lapit ni Lance sa
kanya.
"Here
is your water, ma'am," he smiled, saka nilagay sa kamay nito ang bottle sa
tubig. Doon lang nagising si Bianca sa katinuan nang
maramdaman
ang malamig na tubig.
"Thank
you," sabi nito saka nagmamadaling umalis. Pinaypayan niya ang kanyang
sarili dahil sa sobrang init.
"Ba't
ang pula-pula ng mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Misha nang makabalik
siya.
"Wala,
mainit lang," palusot nito. Kinuha naman ni Cirus ang bottle water saka
binuksan saka inabot sa kanya. "Thank you," sabi niya dito sabay inom
nito. Napatingin naman siya kung saan nandoon si Lance kasama ang mga kaibigan.
Nagulat ito nang nakatingin ito sa kanyang kinaroroonan kaya nagkatinginan
sila. Umiwas naman agad si Bianca.
Pagkatapos
nila kumain ay bumalik na sila sa room nito upang sa susunod na subject.
Tiningnan nito ang kanyang phone ng tumunog
From:
LanceSungit
Labas
tayo after class.
Nag-reply
lang siya dito bago binalik ang kanyang cellphone sa bag. Nakinig lang siya
buong klase at hinihintay na matapos ang klase. Matapos ang klase ay nagpaalam
na ito sa kanyang mga kaibigan saka nagmamadaling pumunta sa labas. Nakasandal
lang ito sa kanyang kotse tapos panay ang tingin nito sa kanyang relo. Hindi pa
rin kasi dumating si Lance.
"Late
na ba ako?"
Tinaasan
ito ng kilay ni Bianca. "Five minutes late lang naman," sabay irap
nito at bukas sa kanyang sasakyan. "Mauna ka susunod ako," sabi niya
dito at ni-lock ang pinto. Pero kumatok si Lance sa may bintanan ng sasakyan
kaya binuksan niya ito. "Ano?"
"Hindi
ko dala sasakyan ko, pwede makisabay?" Nakangising tanong
nito.
"Kainis,
pumasok ka na," sabi niya dito. Nag-salute naman si Lance sabay ikot at
binuksan ang sasakyan nito.
"Let's
go.."
"Saan?
Hindi ko alam."
"Oo
nga pala no," sabi nito sabay kamot sa may batok nito. "Pwede ako
magmaneho?" Tiningnan ito ni Bianca nang masama. "Don't worry
magaling akong driver," sabi nito sabay kindat.
"Arrghh..kainis..."
Pigil ni Bianca ang sarili at lumabas ito para magpalit sila nang uwesto ni
Lance.
"Seatbelt,
ma'am," nakangising sabi nito. Nang makita ni Lance na maayos na ito ay
pinaandar na niya ang sasakyan. "Smile ka na, papangit ka n'yan. Matagal
kasi natapos klase naming kaya medyo late ako. Sorry.."Sabi nito habang
nakatingin sa daan.
"Okay
lang," mahinang sagot nito.
Sinandal
lang ni Bianca ang sarili sa upuan at pinikit ang mata. Balak sana niyang umuwi
ng maaga at matulog kaya lang hindi siya
nakatanggi
sa sinabi ni Lance. Medyo na-miss din niya kasing lumabas kasama si Lance,
madami kasi itong nasusubukan na bago. Iyong hindi niya nagagawa dahil
pinagbawal ng kanyang ina noong bata pa siya.
Huminto
si Lance sa isang pizza shop at nagmamadali itong lumabas sa kotse. Pagbalik
nito ay may dala na itong pagkain. Nginitian lang nito si Bianca at pinaandar
lang ang sasakyan. Napatingin si Bianca dahil pamilyar sa kanya ang dinadaanan
nila.
Tama
naman ang kanyang hinala kung saan siya dinala ni Lance doon sa huli nilang
pinuntahan nang makuha siya nito sa mga kalaban nito. Kahit si Bianca ay gusto
niya ang lugar na ito dahil tahimik at napakaganda ng paligid. Naunang bumaba
si Lance at kinuha nito ang dala na pagkain. Nakasunod lang si Bianca dito
hanggang sa makarating sila.
Hinubad
ni Lance ang suot na jacket at nilatag sa may damuhan. Nilagay niya ang pagkain
doon saka umupo. "Sit down, ma'am," nakangiting sabi nito sabay tapik
sa may tabi niyo. Umupo naman si Bianca doon. "Maganda dito lalo na kapag
palubog na ang araw," sabi nito sabay tingin sa kalangitan. Napatingin
naman si Bianca kay Lance, napangiti ito habang pinagmamasdan si Lance.
"Enjoying the view?"
Napaiwas
naman si Bianca nang tingin dito. "A-Ah..o-oo," nauutal na sabi nito,
narinig niya ang mahinang tawa ni Lance.
"Eat,"
sabay subo ng pizza kay Bianca. Namula naman si Bianca dahil sa ginawa nito.
"Masarap ang pizza nila, hindi ka magsisisi," sabay kindat nito sa
kanya.
"Huwag
muna ako subuan, kaya ko naman kumain." Kumuha ito ng pizza sa box.
Napalingon siya kay Lance nang humiga ito. Iyong isang kamay niya ay ginawa
niyang unan habang ang isa naman ay nakahawak sa pizza at kinakain ito.
"Masarap
pa ako titigan?"
"Ano?"
Malakas na sigaw ni Bianca.
"Just
kidding. I mean the pizza?" nakangising sabi nito.
"Oo,"
sabi nito sabay tingin sa kalangitan. Napaganda ng kalangitan,
at
sobrang sariwa din ng hangin dahil napapaligiran sila ng kahoy. Ito na yata ang
paboritong tambayan ni Bianca simula ngayon.
Nakakatulong
ito mag-relax dahil tanging ingay lang ng mga ibon ang maririnig mo.
"Sobrang
ganda," mahinang sabi nito pero sapat na upang marinig ni Bianca.
"Oo
napakaganda talaga ng kalangitan." Pagsang-ayon ni Bianca sabay ngiti.
"Yeah,
but you're the most beautiful." Napalingon naman si Bianca dito at doon
niya nakitang nakatitig pala sa kanya si Lance.
Chapter 15
Madalas
tumambay sina Lance at Bianca doon sa kanilang tambayan. Pagkatapos ng klase ay
doon agad sila pumupunta. Gusto-gusto
naman ni
Bianca doon dahil nakaka-relax ang lugar. Lalo na't naging busy na sila sa
school dahil malapit na ang break. Mabuti na lang ay tinutulungan siya ni Lance
sa pag-aaral at free pa ito.
"Okay
na ba 'to?" sabay pakita kay Lance iyong gawa niya.
"Mali
ang solusyon mo sa number five," sabi nito.
"Nakita
mo agad ang mali? Eh! Hindi mo nga tiningnan nang maayos," reklamo ni
Bianca dito. Saglit lang kasi nito tiningnan ang sagot nito.
"Obvious
naman kasi mali ang sagot mo sa number five. Mali ang formula na ginamit
mo," sabi nito habang abala ito sa paglalaro sa cellphone ni Bianca.
"Oh! Mataas na iyang rank mo." Sabay pakita kay Bianca.
"Wow
ang galing, akala ko hanggang legend lang ako. Mas naging mahirap kasi."
Tuwang-tuwa na sabi nito nang makita na-mythic na ang kanyang rank.
"Madali
lang naman," mayabang na sabi nito. "D'yan na tayo sa activity mo.
Hindi kasi tama iyang formula mo." Kinuha nito ang ballpen at notebook ni
Bianca saka sinulat ang tamang formula. Habang sinasagutan ay pinapaliwanag
nito kay Bianca kung paano i- solve.
"Ganyan
lang pala kaikli," nakasimangot na sabi nito, ang haba kasi nang solution
niya tapos mali pa ang kinalabasan.
"May
isang way pa d'yan." Sinagutan naman niya sa ibang paraan, hindi maiwasan
ni Bianca na mamangha habang nakatingin kay Lance. "lyan," sabi nito.
"Wow!
Pero mas madali iyong una," sabi ni Bianca at kinuha ang notebook.
Napatingin ito sa kanyang relo. "Naku, kailangan ko na umalis. May
pictorial pala ako ngayon." Nagmamadaling nilagay ni Bianca ang kanyang
mga gamit sa kanyang bag.
Tumayo na
rin si Lance at kinuha ang jacket sa may damuhan saka pinagpag ito. Kinuha nito
ang bag ni Bianca at siya na ang nagdala. Hindi na nagulat si Bianca dahil lagi
naman itong ginagawa ni Lance sa kanya. Pinagbuksan din nito ng sasakyan si
Bianca.
"Thank
you sa paghatid," nakangiting sabi ni Bianca nang makarating na sila.
"What
time ka matatapos?" Tanong nito kay Bianca."Hindi ko alam, text na
lang kita kapag naka-uwi na ako." Lumabas na ito sa kotse at nagmamadaling
pumasok sa building.Sinalubong naman agad si Bianca ng kanyang manager at
make-upartist. Inayusan agad si Bianca ng kanyang team. Matapos aynagsimula na
sila sa kanyang pictorial."Nice shot, Bianca!" Puri ng kanyang
manager. Napangiti na lang si Bianca sa sinabi nito. Nagpalit na ito ng damit
saka kinuha ang gamit nito."Aalis na ako," sabi nito bago lumabas.
Kinuha muna niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanilang driver upang
magpasundo. Pero nagulat siya nang makita ang sasakyan ni Lance. Lumapit siya
dito saka nagulat siya nang makita si Lance na mahimbing natutulog.Napangiti si
Bianca at kinunan niya ito nang-picture. Nilagay muna niya ang kanyang
cellphone sa kanyang bulsa saka kinalabit ito, mabuti na lang at bukas ang
bintana nito."Tapos ka na?" Napaupo ito nang maayos."Hindi ka
umuwi?" Umiling lang ito. "Bakit?""Wala kang dala na
sasakyan, delikado naman kung mag-commute ka pa," paliwanag nito. Umatras
si Bianca nang buksan nito ang sasakyan. Umikot ito saka binuksan ang sasakyan.
"Pasok ka na," sabi nito."Thank you," sabi ni Bianca saka
pumasok sa sasakyan. Umikot naman si Lance at saka pumasok nasa loob ng
sasakyan. Tinulungan nito si Bianca sa pag-ayos sa seatbelt."Kumain muna
tayo," sabi ni Lance, tumango lang si Bianca bilang pagsang-ayon.Nag-take
out lang sila ng pagkain sa drive thru at doon na nila kinain sa loob ng
sasakyan. Mas safe kasi ito para kay Bianca upang umiwas na rin sa mga fans
nito."Hindi ka ba nahihirapan? Pinagsabay ang modelling saka pag-aaral
mo?" Tanong ni Lance saka kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi
ni Bianca. "Para kang bata kumain," sabi nito.Napayuko naman si
Bianca dahil nahihiya siya dito. Kinuha niya ang kanyang drinks saka ininom.
"Nasanay na siguro ako, pero noong kanyang drinks saka ininom.
"Nasanay na siguro ako, pero noong una ang hirap talaga. Minsan kapag
maraming shoot ay late na ako nakakatulog tapos kinabukasan naman may pasok sa
school.""You can quit modelling and focus on your studies.""Ayaw
ko rin umasa sa parents ko. Nakaka-pressure kasi lalo't iyong mga kapatid ko
lahat ay successful. Napagsabay nila ang career at studies nila. Gusto ko rin
lahat ng gusto ko nabibili ko gamit ang sariling pera.""I'm proud of
you." Hindi maiwasan mapangiti si Bianca sa sinabi nito. Kahit minsan
hindi niya iyon naririnig sa kanyang sariling ina. Pero masaya para sa feeling
kung makakarinig ka ng ganyan na salita.Pagkatapos nila kumain ay inihatid ni
Lance si Bianca sa bahay nito. Nagpasalamat naman si Bianca bago ito pumasok sa
loob ng bahay. Napahinto si Bianca dahil sa kanyang nakita."Mom."
Hindi makapaniwala si Bianca na makita ang ina, paglingon din niya ay nakita
niya ang kanyang nakakatandang kapatid. "Kuya..""Ganitong oras
ka na ba umuuwi, Bianca?" Diritsong tanong ng kanyang ina."May shoot
kasi ako, mom." Paliwanag nito sa ina."Sana totoo iyan. I don't want
to hear na gumagala ka lang. Focus in your studies. Hindi ko gusto ang grade
mo." Napayuko na lang si Bianca habang nagsasalita ang ina. Gusto niya
makasama ang ina pero hindi sa ganitong paraan na panay ang mali lang nito ang
napapansin. Iba-iba ito sa kanyang ama na sinusopurtahan siya palagi."Mom,
tama na 'yan. Umakyat ka na, princess," sabi ng kanyang kuya. Nagpaalam
lang ito sa kanyang ina saka pumunta sa kanyangkwarto. Nagpalit ito ng damit
bago nahiga sa kanyang kama. Napayakap siya sa kanyang unan, iniisip kung bakit
biglaan ang pag- uwi ng ina at kapatid.Napatayo ito nang makarinig ng katok.
Pagbukas niya ay agad niya nakita ang ina. "Bumaba ka na, kakain na
tayo." Utos nito sa kanya. Kahit busog na si Bianca ay bumaba pa rin ito
upang kumain. Ayaw nitong tanungin pa siya kung sino kasama niya kumain.
Kumpleto
silang pamilya ngayon, kahit papaano ay napapangiti si Bianca. Kahit hindi ito
sanay sa presensya ng ina ay masaya ito dahil pagkatapos ng ilang taon ay
kumpleto na sila."Eat this." Nilagyan ng kanyang ina ng gulay. Gusto
sana umangal ni Bianca pero natatakot ito sa ina. Kumain na lang siya at
dahan-dahan tinabi ang gulay sa may gilid. "Bakit hindi mo kinakain. It's
good in your health, it have a lot of vitamins." Kalmado lang ang
pagkakasabi ng kanyang ina pero may diin ito."Mom, hindi ko po gusto ang
lasa niyan," pag-amin ni Bianca sa ina."When I said eat that one. You
must follow me, Bianca!""Pero-""Save it. I don't want to
hear anything. Kainina mo 'yan. Excuse me, nawalan ako nang gana." Tumayo
ang ina nito saka iniwan sila. Napailing na lang ang kanyang ama."Dapat
sinunod mo si mommy, princess." Pagkatapos sabihin iyon ng kanyang kapatid
ay umalis na din ito."Okay lang 'yan, princess. Masasanay ka din sa mommy
mo, nasanay na din ako sa ugali noon." Tumango lang si Bianca saka tinapos
ang kanyang pagkain at nagpaalam na ito sa kanyang ama. Pagbalik nito sa
kanyang kwarto ay nahiga ito habang hindi mapigilan na maiiyak.Pangarap din ni
Bianca makaramdam nang pagmamahal ng isang ina. Tulad nang nakikita niya sa ina
ng kaibigan na si Misha. Sobrang layo ng loob ng kanyang ina sa kanya. Hindi
namalayan ni Bianca nakatulog na siya.Kinabukasan maaga siyang ginising ng
kanyang ina. Ayaw nitong ma- late ito sa kanyang klase, nakahanda na rin ang
kanyang kakainin. Napanguso na lang ito nang makita ang pagkain nakahanda, mga
pagkain na ayaw niyang kainin."Maganda iyan sa katawan mo," sabi ng
kanyang ina nang makita siyang nakatingin sa pagkain. Ayaw na nitong mag-away
sila kaya pilit niya itong kinakain kahit medyo nasusuka ito. Pinahatid din
siya ng kanilang driver papunta sa school, hindi ito
hinayaanmagmaneho."Parang biyernes santos yata iyang mukha mo." Sabi
ni Misha, nasa may cafeteria sila kakatapos lang ng kanilang klase."Umuwi
na si mommy."
"Si
tita? Kaya pala," sabi ni Misha."Lance dito kayo." Napatingin
naman ako sa kinawayan ni Joe.Nakita ko si Lance kasama ng kanyang mga
kaibigan. Lumapit ito sa kanilang table at umupo ito sa tabi ni Bianca.
"Hindi ka na nag-text? Hindi na din kita nakikita dito sa
school.""Busy lang," sabi ni Lance at kinain na nito ang
pagkain. Kinuha ni Bianca ang can juice upang buksan. Pero nagulat ito nang
kuhanin ni Lance at ito ang nagbukas. "Here.""T-Thank you,"
nauutal ko na sabi. Medyo nagulat din si Joe sa ginawa ni Lance."Pakibukas
nito Lance," suyo ni Joe. Hindi na ito kinuha ni Lance at agad binuksan
gamit ang isang kamay. Nakangiti naman si Joe dahil sa ginawa nito, kilig na
kilig ito. Panay naman ang sulyap ni Joe kay Lance.Matapos nila kumain ay
naghiwalay na sila at pumunta sa kanilang klase. Habang hinihintay ang kanilang
guro ay nag-uusap muna sila sa kanilang plano this coming break."Bahay
lang siguro ako," sabi ni Misha."Ewan ko, hindi naman ako makalabas
agad dahil nandyan si mommy.""Siguro bibisita lang ako kay
lolo," sabi naman ni Joe.Nang dumating na ang kanilang guro ay natahimik
sila. Nakinig sila ng mabuti sa tinuturo nito. Mabuti na lang at nakakasabay na
si Bianca sa klase. Bago lumabas ang kanilang guro ay binigyan sila ng activity
na dapat ipasa sa susunod na klase."Labas naman tayo." Nakabusangot
na sabi ni Misha. "Gusto ko mag- enjoy.""Gee ako
d'yan.""Pass guys, may pupuntahan ako." Gusto man sumama ni
Bianca pero nakapangako na siya kay Lance. Nag-text ito sa kanya kanina at
niyaya siya na tumambay sa kanilang tambayan."Ayy..sayang
naman..""Next time na lang," nakangiting sabi ko."Wala na
kaming magawa."
Nagpaalam
na si Bianca sa kanyang mga kaibigan. Inayos na nito ang gamit bago
nagmamadaling lumabas. Nasa labas na siya ng kanilang school nang nilapitan
siya ni Rachel. Matagal na rin hindi siya hindi nito ginugulo. Napataas ang
kanyang kilay habang kaharap ito. Nagtataka kung ano ang kailangan nito sa
kanya."Miss me?" Nakangiting sabi nito na parang may binabalak
namasama."Nope..""Oh!" sabi nito sabay hawak sa kanyang
dibdib. "I saw you last time, with a guy. He is so familiar."
Napakunot naman ang noo ni Bianca sa kanyang narinig. "Oh! Nakita ko siya
kasama si Joe sa canteen last time. Did Joe know that?" Para naman
binuhasan nang malamig na tubig si Bianca sa kanyang narinig.
Chapter 16
"Hey!"
Napalingon si Bianca nang marinig ang boses ni Lance. Pagkatapos siya takutin
ni Rachel na sasabihin nit okay Joe ang kanyang nakita ay iniwan siya nito.
"Are you okay?" nag-alalang tanong ni Lance, inilagay nito ang
kanyang palad sa noo ni Bianca. "Hindi ka naman mainit.""I'm
okay." Umatras si Bianca, natatakot ito na baka nasa paligid lang si
Rachel nagmamasid."Are you sure? You don't look okay. Ihahatid na lang
kita sa inyo. So you can rest.""No, I'm okay." Ngumiti si
Bianca. "Let's go," yaya nito. Naunang naglakad si Lance habang
nakasunod lang si Bianca. Pero panay pa rin ang lingon nito. Napatingin ito kay
Lance nang makita na hindi sasakyan ang dala nito kung hindi motor."Oh!
Bakit ganyan mukha mo?""Nakakatakot kaya 'yan. Mukhang hindi
safe." Nakangusong reklamo nito, natawa naman si Lance dahil sa sinabi ni
Bianca."Don't worry, you're safe with me." Inabutan nito ng helmet si
Bianca."Pambabae yata 'to," sabi ni Bianca habang tinitingnan ang
helmet."I buy that one for you." Sumakay na ito sa motor saka sinuot
ang helmet nito. "Come here." Pinalapit nito si Bianca saka
tinulungan sa pagsuot nang helmet. Inalayan din niya itong sumakay.
"Kumapit ka."Mahigpit naman humawak si Bianca, mukha na itong
nakayakap kay Lance. Sobra naman nag-enjoy si Bianca habang tinitingnan ang
kanilang nadadaanan. Huminto si Lance sa isang kainan, nasanay naman si Bianca
sa hilig ni Lance. Mayaman ito pero gusto nito kumakain sa karinderya, hindi
naman umaangal si Bianca dito dahil masasarap naman ang pagkain at malinis ang
lugar."Girlfriend mo ba ito, Nathan?" Tanong ng isang babae habang
nag- serve sa kanilang order."Hindi pa po, Aling Berna," sagot ni
Lance."Sayang naman, bagay pa naman kayo," nakangiting sabi ng
babae.Napayuko naman si Bianca dahil ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mukha.
"Maiwan ko na kayo, tawagin n'yo lang kung may kailangan kayo," sabi
nito bago umalis.
"Kumain
na tayo," sabi ni Lance, tumango lang si Bianca habang nakayuko pa rin
ito. "Masarap ito, kainin mo 'to." Napangiti na lang si
Bianca."Kilala ka talaga dito?" Tanong ni Bianca dito, para naman
maymapag-usapan sila."Oo, dito kasi kami kumakain ng mga kaibigan
ko."""Talaga naman bilib ako sa inyo. Ang yayaman n'yo at
mamahalin ang mga gamit n'yo pero kumakain kayo sa ganito.""Mas
masarap kasi ito kesa sa mahal na restaurant. Lutong bahay talaga," saad
nito. Napatingin si Bianca sa cellphone ni Lance ng bigla itong tumunog.
Tiningnan naman ito ni Lance saka pinatay."Baka importante iyan."
Hindi mapigilan ni Bianca na sabihin ito."Nangungulit lang, balak ko na
mag-change ng number," sabi nito at nilagay ang cellphone sa bulsa."Sino
ba 'yan? Bakit ka kinukulit?""Kaibigan mo," diritsong sagot
nito."Si Joe?" Naalala na naman ni Bianca ang sinabi ni Rachel.
Natatakot ito kung baka ano sabihin nit okay Joe. Mas mabuti na siya ang
magsabi na kaibigan niya si Lance kesa si Rachel at gagawa nang
kwento."Oo. Kasalanan "to ni Blue, ibinigay ba naman ang number
ko." May kaunting inis ang himig ng kanyang boses. Napayuko na lang si
Bianca, kilala niya ang kaibigan makulit talaga ito. Hindi na ito magtataka
kung namimilit ito sa mga kaibigan ni Lance upang makuha ang number
nito."Ayaw mo ba sa kaibigan ko?" Lakas loob na tanong
nito.Napatingin naman si Lance sa kanya, uminom muna ito ng tubig. "Okay
lang naman maging kaibigan iyong kaibigan mo. Pero alam ko kasi hindi iyon ang
gusto niya sa akin. I can be her friend, but more than a friend, malabo,"
sagot nito."Bakit? Maganda naman si Joe.""May iba akong
gusto," diritsong sagot nito saka bumalik na sa pagkain. Habang si Bianca
ay nagulat naman sa sinabi nito. Medyo nasaktan siya nang malaman na may gusto
pala itong iba. Iniling na lang nito ang kanyang ulo sabay balik sa pagkain.
Pagkatapos
nila kumain ay nagpunta sila sa soccer field. Naupo sila sa may damuhan habang
nakatingin sa kalangitan. Napatingin si Bianca kay Lance nang tumayo ito at
lumapit sa mga bata na kakatapos pa lang maglaro. Bumalik ito sa kinaroronan ni
Bianca na may dalang bola."Maglalaro muna ako," nakangiting paalam
nito at pinahawak muna nito ang kanyang cellphone kay Bianca."Sure."
Tumakbo pabalik si Lance sa kinaroroonan ng bata.Hindi naman makapaniwala sa
nakita si Bianca. Sobrang galing ni Lance maglaro at sobrang bilis ng bawat
galaw nito. Napatingin si Bianca sa hawak niyang cellphone, nagulat ito nang
makita kung sino ang lockscreen ni Lance. "Bakit ako," mahinang sabi
ni Bianca habang nakatingin sa cellphone. Siya kasi ang lockscreen ni Lance,
nakangiti siya habang nakatingin siya sa may kalangitan."Hey!"
Tumakbo papunta sa kanya si Lance, sobrang pawis na pawis ito. Kaya mabilis
niya tinago ang cellphone nito.Kinuha naman ni Bianca ang kanyang panyo sa bag
sabay abot kay Lance. "Punasan mo pawis mo," sabi nito."Thanks,
ma'am," nakangiting sabi nito sabay upo sa kanyang tabi. "Akin na
'to," sabi nito sabay pakita sa panyo. Tumango lang si Bianca sabay
ngiti.Nagpasya na silang umuwi nang medyo madilim na ang kalangitan.
Nagpasalamat naman si Bianca dito bago pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok niya
ay napayuko ito nang makita ang galit na tingin ngina."Anong oras na,
Bianca? Kanina pa tapos ang klase mo." Lumapit sa kanya ang kanyang ina
saka tiningnan ito. "Saan ka galing? Alam mo bang ilang oras naghintay ang
driver natin sa school! Kung hindi pa nito nakita ang kaibigan mo, baka umabot
ng gabi 'yon! Saan ka galing!" ma-authoridad na sabi nito."Mom."
Kinakabahan si Bianca, hindi nito alam kung ano ang kanyang
sasabihin."Ano? Bakit lagi na lang sakit nang-ulo ang binibigay mo? Bakit
hindika gumaya sa mga kapatid mo?" Nanginginig na ang boses nito dahil
sagalit at pinipigilan na masaktan ang anak. 'Your a big disappointment. Alam
mo ba iyon?"
"I'm
sorry," mahinang sabi ni Bianca habang tumutulo ang luha nito. Nasaktan
ito dahil sa sinabi nang-ina."Sorry? For what? Dahil ganyan
ka!!""Nagsisisi po ba kayo na sinilang ninyo ako?" Kinakabahan
na tanong nito sa ina."Huwag na natin pag-usapan iyan. Umakyat ka sa taas
at mag-aral ka doon. Hindi ko gusto iyong mga grade mo, ibang-ibang sa kapatid
mo." Utos nito sa anak."Dahil hindi ako si Kuya Brax at Kuya Matt.
Bobo ako, mom. Hindi ako ang pangarap ninyo na anak." Pagkatapos sabihin
ito ni Bianca ay tumakbo ito paakyat. Narinig pa nito ang tawag ng kanyang ina
pero hindi nito pinansin at tuloy-tuloy ito sa pagtakbo.Pagdating niya sa
kanyang kwarto ay ni-lock niya agad at doon umiyak nang umiyak. Hindi ito ang
unang beses na lagi siyang sinasabihan nang-ina na isa siyang malaking failure,
disappointment at hindi siya tulad ng kanyang mga kuya. Kahit anong gawin niya
at palagi itong mali sa tingin ng kanyang ina. Lagi siyang kinokontrol nang-ina
kaya makakahinga lang siya nang maluwag kapag ang ina nito ay nasa ibang bansa
upang magtrabaho.Pumunta si Bianca sa kanyang kama saka niyakapa ang unan at
doon umiyak. Pinipigilan din ito na makagawa siya nang-ingay. Hanggang sa
makatulog ito.Kinabukasan ay sobrang maga ng mga mata nito nang gumising. Agad
ito naligo at nagbihis. Pagbaba niya ay tahimik lang siyang kumakain kasama ang
buong pamilya. Pagkatapos kumain ay tumayo na ito saka kinuha ang
gamit."Papasok na po ako." Paalam nito sa kanyang magulang at
kapatid."Umuwi ka nang maaga," bilin ng kanyang ina, tumango lang si
Bianca at lumabas na ng bahay. Hinatid siya ng kanilang family driver sa
kanyang school.Habang naglalakad papunta sa kanyang room ay wala ito sa sarili.
Ayaw sana nitong pumasok pero sigurado siyang magagalit ang ina nito. Ayaw ni
Bianca na mapagalitan ulit at makakarinig nang masasakit na salita."Hey,
okay ka lang?" Napatingin si Bianca kung sino biglang umakbay sa kanya.
"Misha!""Kanina
pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako pinapansin. Anong problema? Spill
the tea!""Wala.." mahinang sabi nito. Pero nagulat ito ng bigla
siyang hinila ni Misha at ibang direksyon tinatahak nila."Garden tayo,
pag-usapan natin 'yan. Absent muna tayo sa firstsubject." Nagulat naman si
Bianca sa sinabi nito. Gusto pa sananitong umangal dahil baka makarating ito sa
ina at mapapagalitan na naman siya. Pero mapilit si Misha."Spill the
coffee!" sabi nito sabay upo sa may damuhan. Pero hindi nagsalita si
Bianca nakatulala lang ito. "Let me guess. Hmm.. kay Lance ba 'yan?"
Napatingin naman si Bianca sa sinabi nito. "Or sa mommy
mo?""Pwede both..." Malakas itong napabuntong
hininga."Explain mo na. I hate thrill at pa suspense.""Nasaktan
lang ako sa sinabi ni mommy.""Ngayon pa? Sanay ka naman kay
tita." Alam kasi ni Misha na hindi talaga close ito sa ina at kapag
nandyan ang ina ay nangingialam ito. Palagi rin siya nito pinapagalitan."Siguro
kahit anong pilit ko sa aking sarili na okay lang ako at sanay na. Pero
nasasaktan pa rin pala ako." Nagulat si Bianca at niyakap siya ni
Misha."Nandito lang ako, willing ko ipahiram iyong mommy ko. Para hindi ka
na malungkot." Natawa na lang si Bianca sa sinabi nito. Noong bata pa sila
lagi itong sinasabi ni Misha na ipapahiram ang kanyang mommy dahil mabait ito.
Para hindi na din siya maghanap nang kalinga ng isang ina."Huwag mo ako
tawanan, sa iyo ko lang ipapahiram ang mommy ko. Para hindi ka na
malungkot." Nakasimangot na sabi nito."Hindi na tayo bata, Misha.
Tanggap ko na talaga na ganoon si mommy. Pero kahit ganoon mahal ko iyon."
Pinunasan naman agad ni Bianca ang kanyang mga luha. Niyakap naman siya nang
mahigpit ni Misha."Nandito lang ako.." Hinayaan nitong umiyak si
Bianca hanggang sa maging okay ito."Thank you.." Nginitian lang ito
ni Misha.
"Wait!
Kanina sabi mo both. So ano problema mo kay Lance?" nagtatakang tanong
nito sa kaibigan."Kinausap ako ni Rachel, tinatakot niya akong sasabihin
niya kay Joe ang kanyang nakita." Pag-kwento mito."Anong nakita
niya?" Naguguluhan naman ito sa sagot ng kaibigan."Nakita niyang
magkasama kami ni Lance. Alam kasi nito na-crush 'yon ni Joe.""Walang
hiya talagang babae na iyon. Dapat sabihin mo na kay Joe ito bago pa masabi ni
Rachel." Napatakip naman sa bibig si Misha ng may maalala. "My Gee
sissy, nakita kop ala kahapon si Rachel at Joe nag-uusap. Uwian na
iyon."Kinabahan naman si Bianca sa kanyang narinig."Pero
maiintindihan naman ni Joe kapag nagsama kayo kasi tutor mo
yon.""Paano kung magtampo siya. Hindi ko sinabi sa kanya na si Lance
at Nathan ay iisa. Baka ano isipin niya. Oh baka kahit anong sinasabi ni Rachel
sa kanya."Hinawakan ni Misha ang kamay ng kaibigan. "Positive vibes
lang tayo. Huwag na mag-isip ng kahit ano. Sasamahan kita kausapin si
Joe." Niyakap naman ni Bianca ang kaibigan dahil sa sinabi nito.Tumayo si
Misha at tumingin sa kanyang relo. "Time na para sa next class," sabi
ni Misha. Kaya tumayo si Bianca sabay kuha ng kanyang bag. Naglakad na sila
papunta sa kanilang room. Pagpasok nila doon ay tumingin sa kanila ang ilang
kaklse nila."Wala yata kayo kanina?" Tanong ni Acel sa
dalawa."Late na kami, katakot naman pumasok sa class ni Mr. Roxas kung
late ka." Si Misha na ang sumagot habang si Bianca ay agad na umupo.
Napatingin siya sa upuan ni Joe pero hindi niya ito nakita."Teka, hindi
n'yo ba kasama si Joe?" tanong ni Acel kay Misha."Wala rin
siya." Tumango lang si Acel kaya napatingin si Misha kay
Bianca."Tawagan mo kaya," sabi ni Bianca dito.Kinuha ni Misha ang
kanyang phone saka tinawagan si Joe. "Cannot be reach," sabi
nito."Bakit kaya absent siya." Nag-alalang ito para sa kaibigan.
"Puntahan
na lang natin after class," sabi ni Misha."Bawal ako, kailangan ko
umuwi nang maaga. Baka mas magalit sa akin si mommy," malungkot na wika
nito."Fine, ako na lang pupunta."Natahimik lang sila nang pumasok ang
kanilang guro. Nagkaroon sila sa quiz, nagpasalamat na lang si Bianca dahil
alam niya ang mga sagot.Matapos ang kanilang klase ay pumunta ito sa canteen.
Hindi rin nito nakita si Lance kase nag-text ito sa kanya kanina nasa library
muna ito para pag-aralan ang kanilang report.Pagbalik nila sa kanilang room ay
nagulat si Misha at Bianca nang makita si Joe. Tumingin lang ito sa kanila pero
agad din itong umiwas. Lalapitan sana ito ni Bianca pero pumasok na rin iyong
teacher nila. Naisip na lang ni Bianca na mamaya niya ito kakausapin.Gusto ni Bianca
mapadali ang oras upang maka-usap ang kaibigan. Nagtataka ito kung bakit hindi
man lang siya nito pansinin. Naisip agad ni Bianca ang sinabi ni Misha kanina,
nakita niya itong kausap si Rachel.Nang matapos ang klase ay nagmamadaling
niligpit ni Bianca ang kanyang gamit. Nakita niya si Joe na nagmamadaling
umalis. Halos takbuhin na ni Bianca at Misha palabas upang mahabol lang si Joe.
"Joe," hinihingal na sabi ni Bianca sabay hawak kay Joe.Napatingin
naman si Joe dito sabay alis sa kamay ni Bianca. "Bitawan mo ako. Huwag mo
akong sundan." Mariin na sabi nito. Pero hindi nakinig si Bianca at
sinundan pa rin niya ang kaibiga."Joe, anong problema mo?" Inis na
sabi ni Misha, napapagod na kasi ito sa kakasunod."Problema?"
Nakataas ang isang kilay nito nang humarap. "Tanungin mo kaya iyang ahas
nating kaibigan." Nanlilisik ang mata nito sagalit. "I trust you.
Sinasabi ko palagi sa inyo kung gaano ko ka gusto si Nathan." Napailing
ito sabay tawa. "Then lalandiin mo?""Landi?"
"Oh,
gulat ka yata, Bianca? Huwag ka nang magmaang-maangan, sinabi na sa akin lahat
ni Rachel. Nilandi mo si Nathan, inakit mo siya. Hindi ako makapaniwala sa
iyo." Umiiyak na si Joe, wala na itong pake kung may makakita sa kanya.
Nasaktan siya sa kanyang nalaman, para siyang sinaksak patalikod."Hindi ko
nilandi si Nathan." Depensa ni Bianca sa sarili."Liar! Hindi sana ako
maniniwala ni Rachel. Pero may pinakita siyang picture magkasama kayo ni
Nathan."""Joe, ganito mo na lang ba sisirain iyong friendship natin?
Naniniwala ka kay Rachel? Kilala mo si Bianca kesa kay Rachel. Bakit hindi mo
pakingnan ang kanyang paliwanag," singit ni Misha. Wala siyang
kinakampihan sa dalawa dahil pareho niya itong kaibigan. Nasasaktan siya sa
tuwing nag-aaway ito, matagal na silang magkaibigan."Para ano Misha!? Para
lokuhin ako ulit." Sigaw ni Joe at napahigpit ang hawak nito sa notebook.
"I trust you, Bianca." Patuloy pa rin tumutulo ang luha niya.
"Malandi ka! Mang-aagaw ka! Traydor ka! Nilandi mo si Nathan!" Sigaw
ni to kay Bianca."Hindi niya ako nilandi." Napalingon silang tatlo
dahil sa isangmalamig na boses. Nakita nila si Lance nakasandal sa puno habang
ang mga kamay nito ay nasa bulsa. Ilang hibla ng buhok nito ay inihangin.
Chapter 17
"She
never flirted with me." Naglakad palapit si Lance sa kanila habang ang mga
kamay ay nasa bulsa nito. Huminto ito sa harapan ni Joe habang nakatalikod ito
kay Bianca."'She didn't steal me from you either. You don't own me,"
seryosong sabi nito habang nakatingin kay Joe.Nagulat naman si Joe sa sinabi
nito, hindi niya ito inaasahan. "Pero mas una tayong nagkakilala. Inagaw
ka lang naman ni Bianca sa akin," paliwanag nito."I don't remember
where we first met. You're the only one who suddenly approached me at school
and kept pestering my friend." Walang ganang sabi nito, lumingon ito kay
Bianca. "Kung sa inyong dalawa mas una ko pa yatang nakilala si
Bianca," dagdag nito sabay turo kay Bianca."Of course not, una tayong
nagkita sa Korea noong tinulungan mo ako," saad ni Joe. "Hindi mo na
ba ako naalala?" Hinawakan ni Joe si Lance sa braso nito, nakataas naman
ang isang kilay ni Lance sa ginawa ni Joe."I'm sorry pero hindi ko
maalala. Madami na akong natulungan." Napasimangot naman si Joe sa kanyang
narinig, pinipigilan nito ang kanyang mga luha. "Don't let this ruin your
friendship. We didn't do anything wrong to you. We are close because I only
teach her in her lessons.""Joe.." Sabay na tawag ni Misha at
Bianca ng biglang tumakbo si Joe."Hayaan n'yo muna siya. Kailangan niyang
mapag-isa at makapag- isip." Pigil ni Lance sa kanila nang balak nilang
sundan si Joe."Tama si Mr. Tutor, Bianca. Kailangan muna natin hayaan si
Joe. May kailangan tayong puntahan." Hinila ni Misha si Bianca kaya hindi
na ito nakapagpaalam kay Nathan."Saan ba tayo?" Tanong nito sa
kaibigan ng kanina pa siya nito hinihila. Kanina pa sila na parang may
hinahanap."Baka nandito 'yon." Hinila na naman nito si Bianca papasok
sa cafeteria. Inikot ni Misha ang kanyang paningin na parang may hinahanap nang
makita ang hinanap ay hinila na naman nito si Bianca. Napahinto sila sa isang
table kung nasaan nandoon si Rachel at mga kaibigan nito."May kailangan
kayo?" Nagkasalubong ang kilay nito.
"Oo,
ikaw bruha ka." Sabay turo nito kay Rachel."Oh! Ano ginawa ko sayo,
Misha? Bakit galit na galit ka? Bago 'yan ha!" Pang-iinis ni Rachel
dito."Sa akin wala, pero sa mga kaibigan ko meron." Nagulat ang lahat
ng biglang itapon ni Misha ang juice sa mukha ni
Rachel."Fuck!""Alam mo hindi ko alam kung bakit laking galit mo
kay Bianca. Wala naman siyang ginawa sayo. Hindi niya kasalanan na maganda siya
kesa sayo.""How dare you!" Namumula na ito dahil sa galit.
Sasampalin sana nito si Misha pero nahawakan ni Bianca ang kamay
nito."Huwag na huwag mo sasaktan ang kaibigan ko," banta ni Bianca
dito."Oh! Parang alam ko na kung bakit kayo sumugod dito. Kulang kasi
kayo, dapat tatlo diba kayo?" Nakangising sabi nito at binawi ang kamay
nito. Kumuha ito nang tissue upang punasan ang mukha. "Nagalit na ba 'yong
bestie n'yo? Kahit ako naman, magagalit talaga lalo't aahasin ng kaibigan iyong
gusto ko. Right girls?" Tumingin ito sa kanyang mga kaibigan at mahinang
bumungisngis."Ano ba nagawa ko saiyo, Rachel? Bakit ang laki na lang nang
galit mo sa akin. Ano sinabi mo kay Joe?""Nakikita palang kita,
Bianca, kumukulo na iyong dugo ko." Inis na sabi nito sabay irap.
"Saka sinabi ko lang naman kay Joe iyong nakita ko. I just being honest,
naawa na kasi ako sa kanya," dagdag nito. "Sabihin mo lang naiinggit
ka kay Bianca," singit naman ni Misha.Hindi naman maipaliwanag ang
reaksyon ni Rachel sa sinabi ni Misha. Napataas ang kilay nito. "Excuse
me, bakit naman ako maiinggit? Kung sa aming dalawa mas may laman pa utak ko.
Grades n'ya nga laging pasang awa.""At least nakapasa. Alam mo itong
kaibigan ko may chance pa tumalino kapag nag-aral na. Ikaw kahit anong paretoke
o skin care gamitin mo. Hindi mo mapapantayan ang ganda ng aking kaibigan,.
Kaya galit na galit ka sa kanya dahil naiinggit ka!" Mataray na sabi ni
Misha. Nagulat naman iyong mga estudyante nakarinig sa cafeteria sabay
bulong-bulungan.
"Let's
go, Bianca. Hayaan natin itong mga ingitera na ito." Hinila nito si Bianca
paalis."Ang kapal ng mukha mo, Misha para laitin ako," sigaw ni
Rachel. "Bumalik ka dito!"Napahinto naman si Misha, sabay lingon kay
Rachel." Truth hurts, dear. I'm just telling you the truth. Ang bobo may
pag-asa pang tumalino. Ikaw kahit anong papaganda mo, hinding-hindi mo matatalo
ang natural na ganda ng kaibigan ko. Duhh!" Inirapan niya ito sabay hila
kay Bianca. Narinig pa nito ang sigaw ni Rachel pero hindi na ito pinansin at
tuluyan na silang lumabas sa canteen."Ayy, kaloka..nalimutan kung sampalin
'yong bruha. Nanggigil ako sa kanya." Inis na sabi ni Misha."Tama na
'yon, baka ma-guidance pa tayo.""Handa akong pasukin iyang guidance
office kapag kaibigan ko nausapan" Halata sa boses ni Misha ang inis.
Bigla naman itong niyakap ni Bianca dahil sa mga sinabi nito."Thank you,
Misha..""Para sa inyo ni Joe. Bukas kakausapin ko si Joe, siguro
malamig na yung ulo nun. Kung hindi tatawagan ko mamayang gabi. Ayaw kung
masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa
hindipagkakaintindihan."Napangiti si Bianca sa sinabi ni Misha. Kahit siya
hindi niya hahayaan masisira ang matagal na nilang pagkakaibigan. Nagpasya na
silang umuwi dahil wala na silang klase at panay ang reklamo ni Misha dahil
hindi ito nakasampal kay Rachel.Pagdating naman ni Bianca sa kanilang bahay ay
agad ito nagtungo sa kanyang kwarto upang magbihis. Bumaba lang ito nang
tawagin siya ng kanilang katulong dahil kakain na. Nakita niya agad ang kanyang
magulang at kuya nakaupo na. Umupo si Bianca sa kanyang pwesto. Doon lang sila
nagsimulang kumain, sobrang tahimik nila."Bianca, ayusin mo iyang grades
mo. Dapat this year malalaki iyang grades mo," sabi ng kanyang ina,
napatango lang si Bianca bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ina. Kahit alam
niyang mahihirapan siya sa gusto ng ina. "Gumaya ka sa mga kuya. Hindi ako
binibigyan ng sakit sa ulo," dagdag nito.
Napahigpit
na lang ang hawak ni Bianca sa kutsara dahil nasaktansiya sa sinabi ng ina.
Simula bata laging pinapamukha nito sa kanya na sakit lang siya sa ulo. Laging
bukang bibig ng ina na dapat gayahin niya ang kanyang mga kapatid na matalino
sa klase. Pinipigilan ni Bianca ang kanyang luha, nawalan na tuloy siya nang
ganang kumain."Gusto ko kapag college ka doon ka mag-aaral sa New York.
Kaya pagbutihan mo pag-aaral mo at dapat maipasa mo ang ang exam sa school sa
New Yok. Don't disappoint me like you always do," saad nito bago ito
tumayo."It's okay, princess. Huwag muna isipin iyong sinabi nang mommy mo.
She just wants what's best for you," sabi ng kanyang ama, pilit na ngumiti
lang si Bianca saka nagpaalam na ito.Pagpasok ni Bianca sa kanyang kwarto ay
doon na tumulo ang kanyang luha na kanina pa niya pinipigilan."Ano ba
itong grades mo!""Bagsak ka na naman sa Math. Ang dali lang
nito.""Bianca, bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo.""Lagi
na lang sakit sa ulo binibigay mo sa akin.""You dissappoint
me.""Again, low grade.. such a disappointment.""Anak ba
talaga kita..""Mapapahiya ako sa iyo nito."Napahikbi na lang si
Bianca nang maalala ang ilang paulit-ulit nasinabi ng kanyang ina noon sa
kanya. Kahit sinanay na niya ang kanyang sarili sa mga sinasabi ng ina ay
nasasaktan pa rin ito. Minsan naisip niya sana hindi na lang siya sinilang para
hindi niya araw-araw marinig sa bibig ng ina kung gaano ito nagsisisi na
pinanganak siya.Nagising si Bianca na sobrang mugto ng kanyang mga mata dahil
sa kakaiyak kagabi. Naligo na ito saka nagbihis na para pumasok. Naglagay na
lang siya ng concealer upang hindi mahalata ang mugto niyang mata. Nakahinga
ito nang maluwag ng hindi makita ang ina. Pumasok na ito agad at hindi na
kumain ng agahan."Bianca.." Napalingon naman si Bianca nang marinig
ang kilalang boses. Napangiti ito nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.
"Cirus!
Kumusta!""Ito gwapo pa rin, medyo busy dahil malapit na ang
break.""Kaya pala hindi kita gaano nakikita sa
campus.""Miss mo naman." Nakangising sabi nito sabay akbay kay
Bianca."In your wildest dream..""Bro, dumudugo ilong ko.
Translate mo sa tagalog, please.." Hinampas ito ni Bianca sa balikat kaya
bigla na lang tumawa si Cirus.Nang makita ni Bianca si Misha ay nagpaalam na
ito kay Cirus at tumakbo palapit kay Misha. Nagulat naman si Misha ng bigla
itong sumulpot sa kanyang likuran."Nakausap muna si Joe," hinihingal
nitong tanong."Tumakbo ka ba?" nagtatakang tanong ni Misha."Oo,
kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo yata ako narinig."Pinakita
niya ang airpods nito. "Malakas music ko, alam muna. Pasensya na talaga,"
paliwanang nito."Okay lang. Si Joe?" Balik ni Bianca sa kanyang
tanong."Tinawagan ko kagabi pero hindi sinagot. Huwag kang mag-alala
kakausapin ko siya ngayon." Tinapik nito si Bianca sa balikat saka
nginitian. Tumango na lang si Bianca, gusto na talaga nitong magkabati sila ni
Joe. Hindi siya sanay na may tampuhan sila.Pagpasok nila sa kanilang classroom
ay agad tumingin si Bianca sa upuan ni Joe. Nalungkot naman ito ng hindi makita
ang kaibigan. Umupo na ito sa kanyang upuan at panay ang tingin sa may pintuan,
nagbabasakaling makita ang kaibigan.Nagsimula na ang kanilang klase ay wala pa
rin si Joe. Kaya nag-alala si Bianca para sa kaibigan. Napansin naman ni Misha
ang pagkatulala ni Bianca kaya kinalabit niya ito."Baka late lang."
Nakangiting sabi nito sabay kindat.Natapos ang kanilang klase pero hindi nito
nakita si Joe hanggang sa sumunod na klase. Kaya wala sa sarili si Bianca buong
araw dahil sa kaiisip sa kaibigan. Sinisi nito ang sarili kaya nagalit sa kanya
si Joe. Kung hindi lang sana siya naglihim at noong nakita niya si Lance at Joe
magkasama ay sinabi niya agad ang totoo ay hindi sana sila nagkatampuhan.
Malakas napabuntong hininga si Bianca.
"Bes,
ang lalim nun. Baka malunod tayo," biro ni Misha. Napailing na lang si
Bianca, kanina pa ito nagbibiro upang mapatawa siya. Panay din pampalakas loob
nito na magkakayos sila at huwag na mag-alala.Papunta na sila sa parking area
nang makita nila si Lance at mga kaibigan nito. Kumaway naman si Lance sa
kanila at lumapit kasunod ang mga kaibigan nito."Uuwi na kayo?"
Tanong ni Lance nang makalapit ito."Oo," maikling sagot ni
Bianca."Master, invite muna lang sila sa birthday party ni Ace. Para
namanmarami tayo at happy vibes lang," singit ng lalaki na kulay red ang
buhok."Okay lang ba sa inyo?""Kailan ba yan?" Si Misha na
ang nagtanong."Now..""Mag-invite naman kayo agad-agad. Hindi ba
uso ang one week before sa inyo," wika ni Misha. "Isa pa, ganito ayos
namin." Tinuro ni Misha ang sarili nakasuot pa nang uniform."Sus! sa
iyo na babe na maganda.. hindi ka lang naman nag-iisa. Same pa nga tayo oh.
Importante masaya tayo saparty.Party!madlang people." Pasigaw na sabi nito
sabay taas ang kamay na parang may music kaya napatukan ito ng kanyang
kasama."Sa iyo lalaki na may saltik." Nakataas ang isang kilay ni
Misha habang tinuturo ang lalaking red ang buhok. Napatawa naman ang mga
kaibigan nito sa narinig maliban kay Lance na seryoso ang mukha. "Stop
calling me babe. Eww ka.. Saka matagal ko na alam na maganda ako," dagdag
nito sabay irap."Boom...""Double
kill..""Defeat.."Tukso ng mga kaibigan nito kaya napasimangot
naman ito. Natigil lang sila ng sumingit na si Lance.
"Sama
kayo?" Tumingin naman si Bianca sa kaibigan kung payag ba ito. Tumango si
Bianca ng mag-thumb ups si Misha. "Misha, doon ka kay Inigo sumakay,"
sabi ni Lance. Gusto pa sana umangal ni Misha pero naisip niya ayaw din niya
maging third-wheel kaya pumayag na lang ito.Nakasunod lang si Misha at Bianca
kay Lance at sa mga kaibigan nito hanggang sa huminto sila kung saan makikita
ang mga napakamahal at magarang sasakyan."Ferrari 458, Bugatti,
Royce?" Namamangha na sabi ni Misha nang makita ang mga sasakyan.
"Expensive huh?""Misha.."" Awat ni Bianca sa kaibigan,
kilala niya ito."Amoy expensive para sa isang high school student na may
ganitong sasakyan. Bigatin natin. Yayaman n'yo naman." Nakangising sabi
nito, napailing na lang si Bianca sa pinagsasabi ng kaibigan."Let's
go.." sabi ni Lance nawalang paki sa mga sinasabi ni Misha. Binuksan nito
ang sasakyan para kay Bianca. Inalayan pa niya itong sumakay."Ayy.. bongga
may pa ganun.""Inggit ka lang.." Narinig ni Bianca bago na-close
ang sasakyan. Kinausap muna ni Lance ang kanyang mga kaibigan bago ito pumasok
sa kotse. Tahimik sila buong biyahe, minsan tinitingnan ni Bianca si Lance kung
saan seryoso ito nakatingin sa daan."Bago ba itong sasakyan mo? Ngayon ko
lang ata ito nakita?" Basag ni Bianca sa katahimikan. Wala naman itong
alam at hilig sa mga sasakyan pero naghahanap lang talaga siya ng pwede maging
topic nila."Bigay ni daddy. Let me say na kabayaran ito sa na-close ko na
deal," sagot nito habang ang paningin sa daan."Deal saan?""To
our company, new investors.""Sa edad muna yan?""When Ethan
died, ako na pumalit sa kanyang trabaho. Bata pa lang kami ako na iyong
blacksheep sa pamilya. Siya naman sinanay ni daddy sa business, sinasama sa mga
meeting. Habang ako masaya kasama mga kaibigan ko. Hindi naman ako hinahanap sa
amin dahil na kay Ethan lahat ng kanilang atensyon."
Nakaramdam
nang-awa si Bianca dito, ramdam kasi nito ang sakit na dinadala nito."Pero
nagbago lahat ito nang mawala si Ethan. My family blames me for what happened.
Sino ba naman hindi magagalit sa akin kung ang paborito nilang anak ay nawala
dahil sa akin," mapait na sabi nito. "Hanggang ngayon patuloy pa rin
ako namumuhay sa anino ni Ethan. lyong kakambal ko na mabait, masunurin,
matalino, magaling at perpektong anak.""Lance..." Ito lang
tanging lumabas sa bibig ni Bianca. Hindi nito alam kung ano ang kanyang
sasabihin."It's okay, sanay na ako. Huwag mo ako kaawaan." Napatingin
si Bianca sa bintana nang huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Old
fashion ang design ng bahay pero hindi maipagkakaila ang ganda nito. Para itong
munting palasyo.Nauna lumabas si Lance saka pinagbuksan si Bianca ng sasakyan.
Nagpasalamat naman si Bianca dito at agad hinanap si Misha. Nakita niya ang
kaibigan kaya kinawayan niya ito. Lumapit sila sa kinaroroonan nito.Nakasulod
lang sila kay Lance nang pumasok sa bahay. Napatingin agad sila sa loob ng
bahay, sobrang mamahalin ang mga gamit. Nakita nila ang ibang estudyante sa
school nila habang iyong iba naman ay hindi familiar sa kanila."Late kayo
bro!" Salubong ni Ace sa mga kaibigan sabay tapik sa balikat sa bawat
isa."May kasama pala kami. Si Bianca at Misha," sabi ni Lance sa
kaibigan."Hello girls! May pagkain doon." Tinuro nito kung saan ang
pagkain. "Tapos nandoon naman ang mga alak, If you want," sabi nito
sabay kindat."They don't drink." Lance said in a serious tone."Baka
lang naman bro," nakangising sabi ni Ace.Pumunta muna sila kung saan ang
mga pagkain. Sinamahan naman sila ni Ace pero agad din nawala dahil inasikaso
ang bisita."Wala 'yong parents n'ya?" Tanong ni Bianca habang
kumakain sila.
"Singapore,
may business meeting," sagot nito. Tumango na lang si Bianca, kaya pala
nagagawa nito ang gusto sa birthday niya sa isip ni Bianca.Matapos kumain nila
ay nag-alisan na mga kaibigan ni Lance. Nakita ni Bianca na si Inigo may kausap
ng babae. Habang si Blue naman ay uminom na."Baka gusto mo sumama sa mga
kaibiga mo. Okay lang kami ni Misha," sabi ni Bianca. Hawak nito ang isang
baso na may juice habang ang kanilang paa ay nakababad sa tubig sa
pool."Dito lang ako. Don't worry.""Baka lang naman. Hindi muna
kailangan kami bantayan.""Dito lang ako," madiin na sabi nito.
Hindi na lang nagsalita si Bianca habang si Misha abala sa kanyang cellphone.
Alam ni Bianca na ka- text nito ang kanyang kapatid. Nang lumalim na ang gabi
ay inihatid ni Lance si Bianca habang si Misha ay si Inigo ang
naghatid."Hindi ito uwian ng isang estudyante." Narinig ni Bianca ang
malamig na boses ng ina nang makapasok ito. Na-estatuwa naman si Bianca sa
kanyang kinatatayuan.